Prologue
KUYANG POGI! KUYANG POGI! MAY JOWA KA
NA BA?!", pagsisigaw ng aking anak habang nilalapitan ang isang binata.
Kakalabas lang nito sa mamahalin na kotse na animo'y mayaman ang tao.
"Michael, uuwi na tayo!", tawag ko sa bata. Makulit kasi siya, kaya
nababasa ko ang tumatakbo sa isipan nito. But I was too late dahil tuluyan na
s'yang nakahawak sa lalaki. Patay! Mukhang masamang tao yata ang napagtripan
niya. "Kuya, m-may girlprend ka na po ba?", lakas-loob na tanong muli
nito. Tangina! Nakakahiya! "Ang bata-bata mo pa, alam mo na agad ang
salitang 'yan?", natatawang turan ng binata. Medyo gumaan ang loob ko
dahil sa naging reaksyon niya. "Hindi na po ako bata. Big boy na ako sabi
ni mama.", "--Kaya nga tinatanong po kita, kung may jowa ka na
ba?", saad niya na tila mas matanda pa sa kausap. Napasapo na lamang ako
sa aking noo, dahil hindi ko alam kung paano ko siya pipigilan. "Bakit ba
gusto mong malaman?", curious na bigkas nito. "Dahil kung wala po
kayong girlfriend kuya, pwede niyo pong jowain si mama.", "--Para
magkaroon na ako ng papa.", diretsang sagot ni Michael. Narinig ko ulit
ang pagtawa ng lalaki, siguro nacucutan siya sa inaakto ng anak ko.
"-Single naman po si mama eh. Tsaka, mabait at masipag. 'Yon nga lang,
tamad po s'ya mag-ayos.", pagpapatuloy na wika niya. "Nasa'n ba ang
mama mo?", he asked, kaya agad akong umiwas at tumalikod. Pahamak din ang
anak ko eh! Baka isipin pa ng mokong na 'to, pinasunod ko
ang bata. "Ayon po siya! Ayon ang mama ko. Sexy po siyang babae, mabilbil
nga lang.", Ang daldal, potah! "Halika kuya, ipapakilala kita sa
kanya.", saad nito dahilan para kabahan ako. "Mama, eto na po si
kuyang pogi oh. Siya po ang gusto ko maging papa.", kalabit na sabi ni
Michael. Unti-unti akong napalingon at tinakpan ko pa ang aking mukha para
hindi ako makilala ng lalaki. Sobrang kahihiyan na kasi ang mga sinabi ng anak
ko sa kanya. Sa dulo ng aking mata, nakita ko na tiningnan niya ako mula ulo
hanggang paa at sabay tawa. "Pftt. Pasensya na bata, pero hindi ko type
ang mama mo.", sambit niya sa aking anak. "Huh? Bakit naman
po?", "Gaya ng sinabi mo kanina, hindi siya
nag-aayos.", "--Kaya hindi ko pinangarap na magkaroon ng girlfriend
na manang.", tanging turan nito at tinapik ang bata. "So pa'no, it
nice to meet you, bro. Ang gwapo mo, mabuti na lang, hindi ka nagmana sa mama
mo.", huling saad ng binata at muling naglakad palayo.
Teka? Manang? Manang? He called me
'Manang'?! "Hoy, hindi ako manang ha! At higit sa lahat, maganda
ako!", malakas kong bulyaw para marinig ito ng lalaki. "Mama, 'wag ka
ng sumigaw ohh. Tama naman si kuyang pogi eh, manang ka.", pagpapatigil ni
Michael. Shet! Anak ko ba talaga siya?
Chapter
1 Kate's POV:
"Ano ba kasi ang pumasok sa
kokote mo at nilapitan mo ang lalaking 'yon, anak?", "--Halos
ininsulto niya ang pagkatao ko!", "--Nakakabadtrip siya ha?! At
nakakabadtrip ka rin!", inis kong bigkas nang makauwi kami ng bahay. "Mama,
sorry na po. G-gusto ko lang magkaroon ng papa.", "-Naiinggit kasi
ako sa mga kaklase ko, lagi nila akong inaasar.", malungkot na turan ni
Michael. Actually, he's 7 years old at nasa grade 2 na siya. 16 years old ako
nung nabuntis ako, kaya gano'n na lamang ang panghuhusga sa akin ng mga
kapitbahay namin. Pero wala akong pinagsisihan sa ginawa ko, dahil alam kong
nagmahal lang ako. At yung pagmamahal ko, nagbunga ng isang makulit at madaldal
na Michael. "Baby, kahit wala kang papa. Nandito naman si mama diba? Pwede
mo ako maging mama at papa.", wika ko para alisin ang lungkot sa mukha ng
aking anak. "But I want papa. Bakit ba kasi, hindi ka nag-ayos kanina,
mama?", pagsisisi nito. "Anak naman, tuwing gabi lang ako nag-aayos.
At mabuti na rin 'yon noh, at least, nalaman ko na lahat ng lalaki, habol lang
ay maganda.", "--Tsk. Manang daw!", saad ko nang maalala ko ulit
ang walang modo na binata kanina. Naramdaman ko naman ang pagyakap ng baby boy
ko sa aking legs na tila naglalambing. "Sabagay mama, tama ka po. Medyo
bad nga si kuyang pogi. Pero bagay po kayo mama.", wika niya na tila may
panghihinayang sa boses. "--Alam mo Michael, wala ka pang alam sa love.
Kaya 'wag mong sabihin na bagay kami. Kinikilabutan ako.", nandidiri kong
bigkas. "Ano ba kasi ang gusto mo sa lalaki, mama?", pagtatanong
nito. "Mabait, marespeto at may mabuting kalooban. 'Yon ang gusto ko. Pero
sa ngayon, hindi ko muna 'yan kailangan. Dahil para sa akin, masaya na ako na
nandyan ka.", litanya ko at niyakap pabalik ang bata. Simple lang ang
buhay namin ng anak ko Hindi kami mayaman dahil nakatira lang kami sa maliit na
bahay. At matapos naming maglambingan, pinatulog ko na si Michael. Malapit na
kasing sumapit ang gabi kaya kailangan ko ng mag-ayos. Gabi-gabi kasi ang
trabaho ko sa sikat na club. Hindi ako pokpok, dahil waitress lang ako do'n.
And besides, kailangan ko lang magpaganda para magkaroon ako ng tip sa mga
lalaking makakausap ko. Nilagay ko ang contact lens at kinulot ko ang aking
buhok. Nag-apply na rin ako ng make-up. Kasabay no'n, sinuot ko na ang fit kong
damit at sandal. Bago ako umalis ng bahay, hinalikan ko muna sa noo si Michael.
Siya kasi ang nagpapalakas ng loob ko para gawin 'to. ___ Huminga ako ng
malalim bago tumungo sa club. This is it! Madami na agad na customer. Balita
ko, mga bigatin ang pupunta ngayong gabi. Kaya sana, swertehin naman ako dahil
masyado ng malaki ang utang ko. "Bilisan mo na ang kilos mo, Kate. Ikaw
ang naka-assign sa table ni Sir David.", "--Galingan mo ha? Dahil CEO
'yon ng company. So be friendly.", bigkas ni Celine sa akin. Katrabaho ko
sa club. "Sige. Akong bahala.", ngiti kong tugon. Tinuro niya ang
pwesto ng binatang tinutukoy niya kaya kaagad akong naglakad do'n. Nakatalikod
ang lalaki, at sa tingin ko, gwapo siya dahil likuran palang, matikas na ang
pangangatawan. "Good evening Sir. Eto yung wine na inorder niyo.",
malambing na sabi ko at inilapag ang inumin na hawak ko. Unti-unti namang
napalingon ang tao dahilan para manliit ang mata ko. Ta-ta-tangina! Yung
lalaking tumawag sa akin ng Manang, siya ang ite-table ko?! What the f?!
Chapter
2 Kate's POV:
Sa daming tao na pwede maging
customer dito sa club. Bakit siya pa? Hindi naman sa choosy ako, pero parang
gano'n na nga. Hindi ko lang gusto ang ugali ng lalaking 'to! At lalong hindi
ko nagustuhan ang tabas ng dila niya kanina. Ang kapal ng mukha para sabihan
akong Manang?! Pwess ngayon, maglaway ka! Grrrr. "You can sit beside me,
honey.", mapang-akit na turan niya sa akin na tila hindi ako nakilala. And
I just realized na ibang-iba pala ang awra ko ngayon dahil sa suot kong damit
at makapal na make-up na tumatakip sa inosente kong mukha. Then it's good to
know! At least, magagawa ko s'yang paglaruan para makaganti sa pagtawag n'yang
Manang. So 'yon, umupo ako sa tabi niya. Hindi ko inalis ang ngiti kong
nakakaakit. "First time kong pumunta sa ganitong lugar. Buti na lang,
hindi ako naturn-off sa mga babaeng nandito. And I'm glad to see you,
Miss.", panimula nitong wika. "Share mo lang?", "--I mean,
me too. Ikinagagalak kong makilala ka, Mr. David.", saad ko sa binata.
Napakagat ako ng aking labi at bahagya kong nilihis ang off-shoulder ko na suot
ko. Alam ko kasi na ito ang kahinaan ng mga lalaki. "Shit. You look so
perfect.", "--Anong pangalan mo?", he asked me na hindi pa rin
mawala ang titig niya sa collar bone ko. "I'm Kate.", simple kong
turan at mahina kong pinisil ang pisngi nito. "But you can call me,
whatever you want.", patuloy kong saad. Pero laking gulat ko naman nang
mabilis nitong kinabig ang likuran ko para mapalapit sa mukha niya. "Hindi
ko alam, pero gusto kitang makilala, Ms. Kate.", mahinang sambit niya
dahilan para maamoy ko ang hininga nito. Hininga na sobrang bango at nakakaadik
na amuyin. But NO. A big NO. Hindi dapat ako magpadala sa mga pakurap-kurap ng
mata niya. Dapat siya ang maakit sa akin at hindi ako. "Pwede mo naman
akong kilalanin eh.", "--I feel the same way also.", tugon ko
habang nakangisi ang labi. "Then, let's do one night stand.", agad na
saad ni David kaya awtomatikong napalayo ako sa kanya. "What? Do you have
a problem with that?", kunot-noong bigkas nito na tila nagtataka siya kung
bakit ganito ang naging reaksyon ko. "I'm sorry. Pero hindi ako sanay sa
ganyan.", diretsa kong sagot. Medyo natawa naman ito, kaya tinitigan ko na
rin siya. "I don't believe you.", "--Nagtatrabaho ka sa club, at
imposible na wala kang experience pagdating sa kama.", he said. Ewan ko
ba, pero unti-unti kumulo ang aking dugo. "Mr. David, ibahin mo ako sa mga
babaeng nandito.", "--Yes, I'm working here. But it doesn't mean na
makukuha mo agad ang gusto mo.", taas-kilay kong wika. Muli kong hinigit
ang kanyang polo palapit ulit sa mukha ko. Konting pagitan na lang, magdadampi
na ang labi namin. "And next time, kung aayain mo ako, make sure, na hindi
kaliitan ang dinadala mo, MANONG.", madiin kong bigkas saka tumayo at
iniwan siya. Naging easy-to-get na ako noon sa maling lalaki, kaya natuto na
ako. At hindi ko na 'yon uulitin pa. "Oh, anong itsura 'yan Kate? Ba't
parang hindi maipinta ang bibig mo?", saad ng aming manager dito sa club.
Inis akong pumasok sa private room kaya yung atensyon ng mga babaeng nag-aayos,
napunta sa akin. "Nakakabwisit kasi yung naka-table ko Ma'am. Ayain ba
naman ako na one night stand? Kaya ayon, iniwan ko.", asar kong tugon at
napasapo sa noo. "Kate naman, ang gwapo-gwapo ng ka-table
mo. At higit sa lahat, mayaman pa.", "--Tapos tinanggihan mo
lang?", "--Para mo na ring tinakwil ang grasya na lumapit
sayo.", wika nito na animo'y sinesermonan ako. "Ma'am, kailanman
hindi ko ipagpapalit ang dignidad ko dahil lang sa pera.", "--May
anak ako. At ayokong isipin ng anak ko na yung kinakain niya, galing sa maling
paraan.", magalang na saad ko sa Ginang. "Hay naku, bahala ka.
Sinasabihan lang kita, Kate.", "--Dahil sa panahon ngayon, mahirap na
makahanap ng pera. Pero kung 'yan ang desisyon mo, sige, hahayaan kita.",
tanging turan niya, kaya medyo gumaan ang loob ko. Bumalik na ako sa dati kong
trabaho, kung saan taga-serve lang ako ng inumin sa mga customer. Dito ko
binuhos ang oras ko, para sa gano'n, hindi na uminit ang ulo ko dahil sa mokong
na 'yon. Kaso mukhang minamalas ako sa gabing ito, dahil bigla akong nakaramdam
ng pagkahilo, dahilan para mahulog ko ang tray na aking dala. "Ahm,
s-sorry. H-hindi ko sinasadya.", kinakabahan na sambit ko sa grupo ng mga
lalaking nag-iinuman. Natapunan ko kasi ang isang kasamahan nila, na medyo
kakaiba ang datingan. And I think, badtrip yata ang taong ito dahil halata ko
sa kanyang reaksyon ang pagkagalit. "Hindi ako tumatanggap ng
sorry.", wika nito kaya napayuko na lamang ako. "Ah, a-ako na lang
ang sasagot sa alak niyo Sir, bilang k-kabayaran.", nauutal kong saad.
Pero yung ekspresyon ng mukha niya, walang pinagbago. "Dilaan mo.",
bigkas nito at tinitigan ako sa mata. "H-ho?", "Sabi ko, dilaan
mo. Hubarin mo ang polo ko, tapos dilaan mo ang dibdib ko hanggang sa mawala
ang lagkit.", pag-uulit na sabi ng lalaki. "P-pero--", "Mas
mahal pa sa buhay mo, ang halaga ng damit ko. Kaya kung ako sayo, dilaan mo na
lang para matapos na.", wika niya na animo'y nababasa ang nasa isip ko.
Napapikit ako ng mariin bago ako lumapit sa kanya. Akma ko
na sanang bubuksan ang butones nuto, kaso may biglang pumigil sa akin na gawin
'yon. "Wala kang karapatan na utusan ng ganyan ang babae, pare.",
"--Magkano ba ang polo mo ha?", saad nito na tila may panghahamon sa
boses. "Tsk. Sino ka ba?", turan ng binata at napatayo ito sa
pagkakaupo. "Hindi mo yata kilala ang binabangga mo. Kaya pag-isipan mo ng
mabuti ang sasabihin mo.", maangas na patuloy nito sa lalaking katabi ko.
Oo, ang lalaking katabi ko ngayon, ay si David! Kaya nagtataka ako, kung bakit
niya ako nagawang tulungan. "Alam mo, sa tingin ko, ikaw ang dapat na
mag-isip.", ngising tugon ng binata. This time, nagsitayuan na rin ang mga
kasama ng taong nabuhusan ko. Natatakot na ako dahil baka ang kasunod nito ay
gulo. Pero pang-iinsulto na tawa lamang ang ginawa ni David na tila hindi man
lang nasindak. "I guess, you need to talk to them, first.", saad nito
kasabay ng paglapit ng mga lalaking nasa bar. Halos malaglag ang panga ko nang
makita ko, kung gaano karami ang back-up ni David. Hindi na ako nakapagsalita
pa dahil hinigit niya ang aking kamay palabas ng club. "Anong bang
problema mo ha?", tanong ko sa binata. "Wala ba sa vocabulary mo ang
salitang 'thank you'?", bigkas niya na tila pinaparating sa akin na
magpasalamat ako. "Sa pagkakaalala ko, walang suntukan na naganap sa loob.
Kaya walang rason para pasalamatan ka.", mataray kong saad. "You're
really different.", "--Ikaw lang yata ang hindi kumagat sa karismang
dala ko.", "Karisma? Wow, saan banda ang karisma mo? Siguro nung
pinanganak ka, nabagok ang ulo mo sa inidoro.", labas sa ilong na turan ko
at tinarayan siya. Nakakawalang-gana kapag nakikita ko ang itsura niya!
Chapter
3 David's POV:
Abot-tingin ko na lamang ang dalaga
habang papalayo na ito sa gawi ko. Umalis na siya at tila wala na itong balak
na ipagpatuloy ang trabaho. Hindi ko man lang natanong ang buong pangalan niya
dahil sa pagiging masungit at mataray nito sa akin. I don't know why she's
acting like that. Siya na nga 'tong tinulungan, ang sama pa rin ng tingin niya.
Tsk. "Boss David, saan namin dadalhin ang mga 'to?", bigkas ng tauhan
ko habang kinakaladkad ang lalaking nambastos sa bababe. Bugbog ang mukha nito
na halatang pinagkaisahan ng mga tao sa loob. "Tapon niyo, o kaya idala
niyo sa presinto.", tanging turan ko. Yung mga nando'n sa club, karamihan
do'n, nagtatrabaho sa kompanya ko. At ang iba naman, kilala ako dahil sa yaman
ng aming pamilya. Kaya nga, hindi na ako nagtaka pa, kung bakit alam ng dalaga
ang pangalan ko. Humakbang muli ako sa papasok ng club para kausapin ang
manager ng babae. I need know some information about her. Ewan ko ba, at
nagkakaroon ako ng interes sa taong 'yon. She's damn hot and beautiful. Kaya hindi
ko sasayangin ang pagkakataon na mukuha ito. "Ikaw ang manager dito sa
club, tama?", agad na sambit ko sa Ginang habang binibigyan ng sweldo ang
mga babaeng sumayaw kanina. "Y-yes po Sir David. Bakit ho? M-may naging
problema ba sa ka-table mo? Sinabihan ka ba ni Kate Velasco ng masama?",
sunod-sunod na tugon niya. "Kate Velasco?", pag-uulit ko sa pangalan
na binanggit nito. "Opo Sir. Si Kate Velasco. Yung naka-table mo
kanina.", "Meron ka bang contact sa kanya?", "--I mean, may
cellphone number ka ba ni Kate?", pagtatanong ko muli. "Of course
Sir. Lahat ng mga empleyado ko rito, may contact ako.", "--Ahm here,
kay Kate na number 'yan.", "--Sabihin mo lang sa akin kung may ginawa
s'yang mali sayo.", agad na saad niya at ini-abot sa akin ang maliit na
card. "Thank you.", tipid na sambit ko nang kunin ko 'yon. Mabilis
akong pumunta ng men comfort room para tawagan si Kate. Dinial ko ang number
niya at ilang beses muna ito nag-ring bago may sumagot. "Hello honey, it's
me David. Magkita tayo bukas.", bigkas ko sa kabilang linya. Ganito talaga
ako sa mga babae. Straight to the point kung magsalita. "Honey? Tinatawag
mong honey si mama?", turan ng isang bata na animo'y pasigaw kung kausapin
ako. T-teka, bata? Bata ang sumagot ng tawag ko? "--Hoy lalaki, nanliligaw
ka ba kay mama ha?", muli nitong sambit. That voice was so familiar on my
ears. Parang narinig ko na ito, at hindi ko lang matandaan kung saan.
"Mama mo si Kate?", nalilitong saad ko. "Oo. Mama ko siya.
Bakit, may angal ka?", wika ng lalaking bata mula sa cellphone.
"W-wala. Wala akong angal boss.", tugon ko rito. anak ng putakte!
Kung makipag-usap ito sa akin, akala mo, siya yung maedad sa aming dalawa.
"Good. Mabuti ng malinaw.", "--Kaya kung manliligaw ka ni mama,
kailangan mo munang dumaan sa kamay ko.", "--Pumunta ka dito sa
bahay, bukas ng maaga. Sa baranggay Ligaya.", wika niya na may kaangasan
sa pananalita. Nagawa na nitong i-end ang tawag na sobrang ikinabigla ko. SHIT!
Talagang pupunta ako sa bahay nila, para masakal ko ang batang 'yon. Pakiramdam
ko kasi nagkita na kami. Kaya gusto kong masagot ang katanungan sa isipan ko.
Nang sa gano'n, malaman ko ang totoo. Pinaghandaan ko ng mabuti ang araw na
'to. Gumising ako ng 7:00 a. m, para hindi ako ma-late sa pupuntahan ko. Oo,
kikitain ko ang batang nakausap ko kagabi. Akala mo kung sinong matanda kung
makaasta sa akin. Kaya bibitayin ko siya patiwarik para matuto s'yang gumalang.
Siguro, hindi ito napalaki ng maayos ng nanay niya kaya gano'n ang naging
ugali. "Call the driver, aalis kami.", utos ko sa yaya habang
nagpapa-gwapo ako sa harap ng salamin. It's another day. Another day that I
will face that child. ___ Nang makita kong ayos na ang suot ko, lumabas na ako
ng kwarto at dumiretso sa may garahe kung saan nando'n ang driver na
naghihintay sa akin. Agad akong pumasok sa kotse at sinabi ko sa kanya na sa
Brgy. Ligaya ang punta namin. Hindi na nga ito nagpaligoy-ligoy pa at mabilis
na pinaandar ang sasakyan. "Sir David, sigurado po ba kayo na dito ang
punta natin?", "--Masyadong madumi ang lugar na 'yon. Baka hindi ka
sanay.", saad ni Manong na tila binibigyan ako ng pagkakataon para
umatras. "Just drive. I don't need your opinion.", "--Kailangan
nating magmadali dahil atat na akong makita ang bata.", bigkas ko rito.
"Bata?", "--M-may nabuntis ka po ba, Sir?", usisang tanong
niya. "Pwede ba, kinuha kitang driver para magdrive, hindi para maging
chismoso sa lahat ng bagay.", inis kong turan dahilan para matahimik siya.
Tumagal ng kalahating oras bago kami nakarating sa baranggay. Squater ang
lugar. Dikit-dikit kasi ang mga bahay, isama mo pa na maraming basura ang
naka-kalat sa paligid. Tinakpan ko ang aking ilong ng panyo at nagtanong-tanong
na rin ako, kung saan dito ang bahay ni Kate Velasco. Hindi
na kami nahirapan hanapin 'yon, dahil masyadong sikat pala ang babaeng 'to sa
lugar nila. "Bumalik ka na sa mancion, tatawagan na lang kita kapag uuwi
na ako.", saad ko sa driver na kaagad tumango at tinalikuran ako. Hinarap
ko naman ang maliit na barong-barong na may maliit na pinto. Kung titingnan,
mas matangkad pa yata ako sa pintuan nila kaya bahagyang napangiwi ang labi ko
sa aking naobserbahan. Ang tapang ng bata sa cellphone, heto lang pala ang
bahay nila. Tsk. Kumatok ako ng tatlong beses bago ito binuksan. And shit!
Halos matumba ako nang makilala ko ang taong bumukas ng pinto. "K-kuyang
pogi? A-anong ginagawa niyo rito?", tanong nito na hindi maguhit ang
mukha. "Ikaw? Ikaw ang batang sumagot ng tawag ko kay Kate?", balik
na bigkas ko. "At ikaw ang manliligaw ni mama?", pagpapatuloy niya sa
sinabi ko. Tangina! Hindi kami magkaintindihan dahil pareho kaming nagulat sa
isat-isa. At para hindi na ako maguluhan pa, marahan kong tinulak ang bata na
naka-abala sa gitna ng pinto. "Abah, hindi pa ako nagsabi na pumasok ka
ha?", "--Minus one, dahil wala kang respeto sa akin.", rinig
kong sambit nito na sumunod sa akin. Nanatili akong nakamasid sa bawat sulok
para tingnan ang mga pictures sa dingding. Nasilayan ko ang picture ni Manang na
katabi ang anak niya. At sa gilid nito, nando'n si Kate. Ang babaeng naka-table
ko sa bar. Napailing ako ng bahagya at pinipilit na panaginip lang ito.
"Ang ganda ni mama, noh?", "--Sa gabi lang s'ya nagpapaganda
kuyang pogi, pero sa umaga, daig niya pa ang isang pulubi kapag sumuot.",
ngiting wika ng batang lalaki. anak ng putakte! Yung Manang at si Kate ay
iisa?!
Chapter
4
Kate's
POV:
Hindi ko maintindihan ang anak ko,
kagabi pa s'ya sobrang excited na tila hindi mapakali sa kama. Tuwing pumapasok
ako ng club, iniiwan ko ang cellphone ko para incase na magising siya o may
mangyari na masama, macontact niya ako. Kaya ganon na lamang ang pagtataka ko,
nang hiramin niya ulit 'to sa akin dahil sabi niya, may bisita daw s'yang
darating. Nagawa niya na ring maglinis ng bahay kahit na sobrang tamad siya
pagdating sa ganito. At ang nakakaloka, inutusan ba naman ako na bumili sa
palengke para masarap ang uulamin namin. Hindi ko alam kung ano ang nakain ng
batang 'yon, pero dahil mahal ko siya, agad ko s'yang sinunod. At oo, nandito
pa rin ako ngayon sa katapat ng karne. Bumili ako ng isang kilo, baka sakaling
nagsasabi ng totoo ang anak ko. Malay natin diba? Baka kaklase niya ang pumunta
sa bahay. Ayaw ko naman mapahiya si Michael. Marami akong pagkukulang sa kanya,
kaya kung ano ang request nito, binibili ko. And here I am, malapit na akong
makabalik sa amin. Halos pawis na pawis ako dahil wala akong dalang payong.
Isama mo pa na hindi pa ako nakasuklay ng buhok. Yeah, parang boyish ako kapag
walang trabaho. Ewan ko ba, pero mas komportable ako kapag maluluwag ang suot
ko. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa bahay, nang marinig ko ang boses ng
aking anak na tila may kausap sa loob. "Bakit ganyan ang titig mo?",
"--Hindi ka pa rin ba naniniwala na mama ko si Kate?", bigkas nito na
hindi man lang ginalang ang kausap. Ang Michael na 'to, napapadalas yata ang
pagiging maangas niya sa iba. "I just can't imagine that a girl like your
mom, have a son like you.", "--Masyadong malayo at hindi ako
makapaniwala. Mangkukulam sa umaga ang itsura ng mama mo, pero sa gabi,
dyosa.", "--Yung totoo, ano bang lahi ang meron kayo?", wika ng
lalaki na tila pamilyar sa pandinig ko. "--Kung alam ko lang na si Manang
ang ka-table ko, edi sana, hindi na ako nag-aksaya ng oras na tawagan
siya.", pagpapatuloy ng binata. M-manang? From the word, Manang? Shit!
Mabilis akong kumaripas ng takbo para makapasok sa maliit naming bahay. At
halos mandilim ang paningin ko nang makompirma kong si David pala ang nandito!
And wait, close sila ng anak ko? Magkatabi kasi silang dalawa na daig pa ang
mag-ama. "Ayan na pala si mama eh.", "--Mama, nandito si kuyang
pogi, manliligaw mo.", ngiting wika ni Michael kasabay ng paglapit sa
akin. "Anong manliligaw ang--", "Mama, sabi ni kuyang pogi, ang
ganda mo raw.", he said again. "Ako? Maganda?", "--Mukhang
hindi naman yata 'yan ang narinig ko, baby.", giit kong turan. Pati anak
ko, nagawang magsinungaling para pagtakpan ang mokong na 'to. "Mama, 'wag
mo ng awayin si kuyang pogi.", pagpipigil nito nang akma kong susugurin
ang lalaki. Nakita ko naman ang ngiti nito na tila natatawa sa naging reaksyon
ko. "Umalis ka na. Habang natitimpi ko pa ang sarili ko.", pagbabanta
ko sa binata. Pero nanatili s'yang nakaupo na animo'y walang balak na sundin
ako. "Pamamahay ko 'to, kaya pwede kitang kasuhan ng trespassing sa ginawa
mo.", wika ko ulit habang nakatitig sa mata niya. "Mama naman eh.
Bisita ko siya.", "--Ako ang nagpapunta sa kanya rito.",
"--Kaya pwede po ba, pagbigyan niyo na ako.", turan nito. "B-but
Michael.", "--Kinausap ko na si kuyang pogi. At pumayag siya na kahit
ngayong araw, maging tatay ko siya.", "--Gusto ko ring maramdaman na
may tatay ako, mama.", malungkot na saad ng bata. Medyo lumambot tuloy ang
puso ko nang masilayan ko na muntik na siyang maluha. Kaya huminga ako ng
malalim at lumuhod para maging kapantay si Michael. "O-okay. Papayag na si
mama. Pero ngayon lang ha?", bigkas ko dahilan para matuwa ito at yakapin
ako. Bahala na, kung ano ang mangyari! Ang mahalaga, mapasaya ko ang anak ko.
Naging plastik ako sa oras na 'to at nag-aktong mabait sa lalaki. Alang-ala kay
Michael, I will do my best just to make him comfortable. Hindi ko naman siya
masisisi dahil simula sanggol, wala na ang papa niya. Iniwan ako ng pesteng
'yon, nung nalaman nitong buntis ako. Gano'n talaga, may mga lalaki na magaling
kumama, pero kapag naging ama, tatakbuhan ka na lang na parang bula. ___
"Mama, dalian mo na ang pagluluto ha? Gutom na yata si papa.", sigaw
ng bata sa akin. Nasa kusina ako ngayon at nagluluto ng adobo, habang sila ay
naglalaro sa sahig. Baril-barilan ang nilalaro nila, kaya masyadong nababalot
ng ingay at sigawan ang bahay. Napapailing na lamang ako sa tuwing nakikita ko,
kung paano umaksyon si David para lang pakisamahan ang anak ko. I know na
napipilitan lang siya, but infairness, napapasaya niya si Michael. Makikita ko
sa mata nito ang umaapaw na kaligayahan. "Kainan na! Time out na muna ang
laro!", bigkas ko habang kinakalampag ko ang takip ng kaldero at malaking
kutsara. Napatingin sila sa aking gawi, kasabay no'n, tumayo na ang dalawa.
"Come to daddy, son. Bubuhatin kita.", saad ni David na kaagad
sumakay sa likuran ng binata. They look cute together. Para silang mag-ama.
"H'wag mo ako masyadong titigan, baka mainlove ka, Manang.", bulong
ni David sa tenga ko nang ibaba niya ang bata. Gusto ko sanang sapakin ang
lalaki, kaso nandito si Michael. Kaya napatiim na lamang ako ng panga para pigilan
ang sarili. "Papa, dito ka po, umupo. Tabi kayo ni mama.", saad nito
at hinihigit ang damit ng binata. Nakakainis! Bakit ba kasi napunta ang taong
'to sa lugar namin? Tsk. "Honey, tatayo ka lang ba d'yan? Let's now
eat.", ngising baling ni David. Nakatayo pa rin kasi ako at tila walang
balak na sumabay sa kanila. "Oo nga mama, umupo ka na rin. Wag mong
pahintayin ang pagkain.", saad ni Michael dahilan para umupo na ako sa
aking pwesto. Nasilayan ko pa ang palihim na kindat ni David kaya awtomatikong
kinilabutan ako. "Alam mo mama, ang saya ko.", "--Ngayon ko lang
naranasan na magkaroon ng papa. Ang sarap pala kapag may papa, noh?",
"--Sana totoong papa ko na lang siya.", wika ng anak ko habang
nginunguya ang karne. "Baby, diba, bawal magsalita kapag may laman ang
bibig?", turan ko sa bata para patahimikin siya. Ayoko kasing malaman ni
David ang tungkol sa papa niya. Because I hate it. Naiinis ako kapag
kinakaawaan ang sitwasyon namin. Kaya ayon, tahimik kaming kumakain at halos
nasa kanin at ulam lamang ang atensyon naming tatlo. Kaso bigla akong natigilan
nang hawakan ni David ang kamay ko. Wala sa oras ay napaharap ako sa binata at
tiningnan siya. Kumabog tuloy ng mabilis ang puso ko nang unti-unti n'yang
nilapit ang mukha nito sa mukha ko. I don't know why, pero kusang pumikit ang
mata ko para hintayin ang labi niya na dumampi sa akin. But suddenly, I heard
him laugh. "Hindi kita hahalikan. Aalisin ko lang ang butil ng kanin sa
pisngi mo.", saad niya dahilan para mapahiya ako. "Pffft. Gusto yata
ni mama ng kiss mo papa.", sambit ni Michael na tila kinikilig. Grrr.
"O-of course not. H-hindi ko gusto na magpa-kiss sa kanya. 'Wag ka ngang
magsalita ng ganyan, bab---hmm.", He kissed me. Oo, hinalikan ako bigla ni
David. Smack lang 'yon, pero ramdam ko ang lambot ng labi niya. Like shit!
"Ayieeeh. Nagblush si mama.", rinig kong saad ng bata. Kaya ako na
mismo ang kusang tumakbo paalis ng hapag-kainan at pumunta kaagad ng CR.
Juskoo! Mukhang nasasaniban yata ang anak ko.
Chapter
5
David's
POV:
Isang malakas na apir ang ginawa
namin ni Michael nung magwalk-out si Kate pwesto niya. She's acting so cute. I
like the way, how she blushed because of the kiss I did. "Ayos ba?",
tanong ko sa bata. "Opo, papa. Ayos na ayos. Kinilig yata si mama.",
sambit nito na may okay-sign pa. Kahit na medyo Manang ang datingan ni Kate
ngayon, hindi na ako naturn-off. Bagkus, mas umapaw yata ang pagiging simple
niya. No make-up is better. Nagkamali lang ako sa panghuhusga sa kanya noon,
dahil hindi lang ako sanay na makakita ng babae na sobrang haba ang suot. At
yung halik? Ginusto ko 'yon. Ginawa ko 'yon, dahil gusto ko. Hindi para asarin
siya. "Nga pala Michael, nasa'n ba ang papa mo?", tanong ko sa anak
ni Kate. Siguro naman, ito ang pagkakataon para malaman ko ang dahilan kung
bakit wala s'yang ama. Kanina pa kasi, gumugulo sa isipan ko ang tungkol dito.
"Hindi ko po alam.", "--Kapag tinatanong ko po si mama, palagi
s'yang umiiwas.", mahinang saad niya habang nakanguso. "Hindi mo pa
siya nakita?", "Hindi pa po.", "--Bad yata ang totoo kong
papa.", turan niya ulit. "Bakit--", "Bakit ba ang dami mong
tanong?", bigkas ni Kate nang bumalik sa hapag-kainan. I was about to
asked again, kaya lang, sumingit na ito. Nawala na rin ang pamumula ng pisngi
nito, na animo'y, tapos ng kiligin. "I'm just curious.", simple kong
tugon. "Curious?", "--Tsk. Kalokohan!", pagtataray ng
babae. "Kate--", "Pwede ba David, wala kang karapatan para
magtanong-tanong ng ganyan.", "--Sino ka ba sa tingin mo?", she
said again. Pero sa puntong ito, medyo maldita na ang datingnan ng pananalita
ng dalaga. "Mama, inaaway niyo po ba si papa?", bigkas ni Michael.
May kalakasan kasi ang boses ni Kate na tila sinisigawan ako. "Hindi baby.
Nag-uusap lang kami.", kalmadong sagot nito. "--Mabuti pang ubusin mo
muna 'yang kinakain mo, at may kailangan lang kami pag-usapan ng papa
mo.", pagpapatuloy n'yang saad. Sinenyasan ako ni Kate na tumungo sa
maliit na sala nila para do'n mag-usap. So tumayo ako at sinundan siya.
"Ano ba ang pakay mo?", agad na tanong nito sa akin.
"What?", "Just answer my fucking question, will you?", asar
nitong bigkas. "Kate, can you please calm down. Baka marinig ka pa ng anak
natin, tapos tanungin ka niya kung ano ang ibig sabihin ng fucking.",
litanya ko na talagang dinaan ko pa sa biro. "Hindi ako nakikipagbiruan,
David. Bakit ka ba nandito ha? Ano ba ang pakay mo, sa akin at kay
Michael?", pag-uulit nitong tanong. "Hays. Fine.",
"--Nandito ako dahil pinapunta ako ng bata. Akala ko kasi ikaw ang sasagot
ng tawag, but I was wrong. Dahil yung anak mo ang nakasagot.", pagsasabi
ko ng katotohanan. "Pa'no mo nakuha ang number ko, aber?", taas-kilay
na sambit niya. "Sa manager mo.", "--Masyado kasi akong
na-attract sayo kagabi, kaya gumawa ako ng paraan para macontact ka.",
pag-aamin ko sa babae. Ayoko na ring magsinungaling pa, dahil alam kong hindi
siya maniniwala kapag hindi ko sinabi ang totoo. "Pakatapos mo akong
tawaging Manang, ngayon, maghahabol ka?", madiin nitong pahayag na
talagang pinaalala sa akin ang first meet naming dalawa. "Oh chill, hindi
ko gustong ma-offend ka. But I'm just saying the truth. Nung araw kasi na
nagkita tayo, hindi ko type ang pag-aayos mo.", wika ko rito. "Ang
sabihin mo, mahilig ka lang sa maganda.", inis n'yang tugon. "Yes,
aminado ako dyan.", "--Kaya nga natipuhan kita, dahil maganda ka. No,
I mean, hindi ka lang maganda. Sobra lang ako naakit sayo.", natatarantang
saad ko. Bullshit! I can't look to her eyes. "Gago. Hindi mo ako madadala
sa mga ganyang salita.", "---So please, tigilan mo na ako. At 'wag na
'wag ka ng babalik sa pamamahay ko.", wika ni Kate na animo'y binabantaan
ako gamit ang tingin niya. "Sino bang may sabi na babalik pa ako sa lugar
na 'to?", turan ko dahilan para matameme siya. "--Look, masyadong
mabaho at maliit ang bahay niyo. Do you think, babalik pa ako?", muli kong
sambit. "Ay wow! Ang kapal! Talagang nilait mo pa ang bahay namin!", "--Hoy Mr. David, alam kong mayaman kang
tao, pero wala kang karapatan na lait-laitin at tapak-tapakan kaming
mahihirap!", sigaw niya na may kasama pang duro sa daliri. Wala eh.
Na-eenjoy akong pikunin siya dahil lumalaki ang bunganga nito. "Hindi kita
tinatapakan, Kate.", "---Sinasabi ko lang kung ano ang naobeserbahan
ko. At teka nga lang, alam ba ni Michael na nagtatrabaho ka sa club?",
pag-iiba kong usapan. Tuluyan na s'yang natahimik at hindi agad makasagot sa
tanong ko. "I'm asking you.", "H-hindi. Hindi niya alam. Kaya
binabalaan kita, 'wag mo 'yong sasabihin sa anak ko.", utal n'yang sambit.
"Pa'no kung gusto ko?", "David!", bigkas nito sa aking
pangalan. "Syempre, joke lang.", ngiti kong saad. Nakahinga ito ng maluwag
kaya napatingin na ako sa kanya. I slowly hold her hand dahilan para makaramdam
ako ng kuryente sa pagitan naming dalawa. "Pero kung ako sa'yo, 'wag ka ng
magtrabaho sa club, Kate.", malumanay kong sambit. "Huh?",
"Hindi bagay sa'yo ang magtrabaho sa harapan ng maraming lalaki.",
seryoso kong wika. "Ano bang--", "Makinig kang maigi Kate, I
need a secretary. Handa kong ibigay ang posisyon na 'yon basta umalis ka lang
sa club.", muli kong sabi para maunawaan niya ang pinupunto ko. Tumayo na
ako at sa huling pagkakataon, may iniwan akong kataga. "Sana mapag-isipan
mo ng mabuti ang offer ko.",
Chapter
6
Kate's
POV:
Hindi maalis sa aking isipan ang
sinabing offer ni David. Matapos niya kasing sabihin 'yon, nagpaalam na siya
dahil may kailangan pa raw itong asikasuhin sa kompanya. Awtomatikong nalungkot
ang anak ko, kasi masyadong bitin daw ang pagkakaroon niya ng papa. Kaya heto,
ako muna ako ang nakipaglaro sa bata para hindi siya magtampo.
"Ratatatatatattt!", pagsisigaw ko at pakunwari ko s'yang binabaril
gamit ang hanger. "Mama naman eh, lagi na lang ako ang patay. Dapat ikaw
naman po.", pagsusumamo ng anak ko. Bahagya akong natawa at binigay sa
kanya ang hanger. "Oh sige, ikaw naman ang bumaril sa akin.", bigkas
ko dahilan para maganahan siya. Kaagad s'yang pumwesto at talagang tinutok sa
noo ko ang hanger. "Isang bala ka lang! Bang!", sigaw nito kaya
humiga ako at umaktong namatay. Sa kalagitnaan ng paglalaro namin, nabulabog
ako nang marinig ko ang sigawan ng mga tao. Galing ito sa labas na animo'y
pinagkakaguluhan ng lahat. "Baby, dito ka lang ha? May titingnan lang ako
sa labas. Time out muna tayo.", wika ko sa bata. Tumango naman ito kaya
agad akong lumapit sa pinto para buksan ito. At 'yon, nakita ko ang isang
malaking truck na sinisira ang maliit na bahay. Oh shit! Due date na pala namin
ngayon para sa lupa. Hindi pa kasi kami nakakabayad nung nakaraang buwan.
"Sir, maawa po kayo sa amin. Wala kaming matutuluyan.", naluluhang
saad ng matandang babae habang nagmamakaawa. "Kahit bigyan niyo pa kami ng
araw para makapag-ipon.", pagpapatuloy na sabi nito. "Misiss,
pasensya na ho pero kailangan na namin ang lupang ito. Magpapatayo kami ng
casino, kaya huli na 'tong pagkakataon.", mahinahon na sambit ng lalaki.
Awang-awa ako sa mga kapitbahay ko, dahil sa kalagayan nila. Alam ko, na pati
ang barong-barong namin na bahay ay sisirain nila. Pero saan? Saan naman ako
kukuha ng pera? Hindi ako pwedeng bumalik ng probinsya dahil galit sa akin ang
magulang ko. Oo, galit sila dahil sa pagbubuntis ko ng maaga. "Mama, ano
po ba ang nangyayari? Bakit ang ingay sa labas?", kalabit na bigkas ni
Michael sa aking likuran. Nilingon ko naman siya at marahan na pinisil ang
pisngi. "Baby, kailangan na nating mag-impake ngayon.", tanging turan
ko. "B-bakit po, mama?", "Kasi aalis na tayo sa lugar na 'to. At
lilipat na tayo sa iba.", ngiting wika ko. Ayokong ipaalam sa anak ko, ang
lahat dahil masyado pa s'yang bata para sa ganito. "Kay papa pogi po ba
tayo titira, mama?", masayang tanong niya na halos kuminang-kinang ang
mata. Do'n ko naman naalala ang pag-uusap namin ni David kanina. Tama! Siya ang
makakatulong sa amin para mapadali ang paghanap namin ng matitirahan.
"P-parang ganon na nga, anak.", "--Sandali lang at tatawagan ko
siya.", bigkas ko at naglakad palapit sa drawer kung saan nando'n ang
cellphone. Tumawag siya kagabi, kaya malamang alam ko na ang number niya. Hindi
na ako nagsayang ng oras at nag-call back agad ako sa binata. Nakakahiya mang
gawin pero para sa magandang kinabukasan ng anak ko, kakapalan ko na ang aking
mukha. "Shit! Kung sino ka man, mamaya ka na tumawag! I'm fucking
busy!", malutong na muro ng kabilang linya nang sagutin ang tawag ko.
Medyo nilayo ko ang cellphone sa tenga dahil ang lakas ng sigaw niya.
"Tangina! Ako 'to si Kate! Pumapayag na ako maging secretary mo,
potah!", pabalik kong mura sa binata. "K-kate? Oh damn it! I'm sorry.
H-hindi ko na kasi tiningnan ang tumawag kaya--", "Hindi ko kailangan
ng paliwanag mo.", diretsa kong wika na talagang tinapos ko ang
pagsasalita niya. "So, ano? Magsisimula ka na ba ngayon para maging
secretary ko?", saad nito na tila ganado ang pananalita. "Gago.
Syempre hindi.", "--Bukas na lang ako magsisimula. Pero--", "Pero?", he asked me na animo'y
hinihintay ang sunod kong sasabihin. "Pero sa isang kondisyon.",
"Anong kondisyon?", "Titira kami sa bahay mo. I mean, hanapan mo
kami ng matutuluyan ni Michael.", litanya ko at napakagat ako sa bandang
ibaba ng aking labi. "Is that so?", "--Then okay, just wait for
me. Susunduin ko agad kayo.", mabilis na tugon niya nang i-end ang call.
Bahala na! Wala naman sigurong mali kung humingi ako ng tulong sa iba. Gaya ng
sinabi ni David, naghintay kami ni Michael na sunduin niya. Nakapag-impake na
rin kami para sa gano'n, tuloy-tuloy ang pag-alis namin. I don't know why, but
my son look so excited. Halatang gusto n'yang makasama ang binata. Masyadong
malapit ang loob nila kahit na ilang oras palang sila nagbonding. "Papa!",
bigkas nito nang huminto ang kotse sa tapat namin mismo. Ang yama niya talaga!
Nung isang araw, hindi naman ganitong kotse ang ginamit niya. Pero ngayon,
ibang sasakyan naman. "Papa, totoo po ba na sa inyo na kami titira?",
tanong ni Michael nang bumaba ang lalaki. Naka-shade ito at nakabukas ang
butones ng polo niya. Kaya ayan, pinagtitinginan siya ng mga chismosa naming
kapitbahay. "Buti pa si Kate, nakabingwit ng malaking isda.", rinig
kong sabi ng babae. "Paanong hindi makakabingwit, nagtatrabaho 'yan sa
club.", pasegunda ng kausap. Mapait tuloy akong napangiti dahil sa
usap-usapan nila. Ganito talaga ang tingin ng karamihan sa akin, maruming tao.
"Let's go?", sambit ni David nang lumapit siya para kunin ang
bagaheng hawak ko. "David, k-kung pwede lang, sa ibang bahay mo na lang
kami dalhin. Bawasan mo na lang yung sweldo ko, basta 'wag lang sa bahay
mo.", turan ko sa kanya. "But you said--", "N-nagbago na ang isip ko. Ayoko namang
pagchismisan ako. Tsaka, nakakahiya sa kapamilya mo, kung doon ako titira,
diba?", balik na saad ko. "Kate, I have my own house. Kaya wala do'n
ang parents ko. Besides, my house is near to my company.", pahayag niya
para udyukin ako na pumayag. Napatingin ako sa mga babaeng nag-uusap sa gilid,
kung saan, matalim ang titig nila sa akin. "I got it. Iniisip mo ba ang
sinasabi nila?", he asked me. Nakatingin na rin pala siya sa mga peste.
Hindi ako sumagot, sa halip, naglakad na ako patungo sa kotse ng binata. Pero
bigla n'yang kinabig ang braso ko, dahilan para mahinto ako. "Ano ba sa
tingin mo, ang ginagawa mo?", kunot-noo kong sambit. Kaso mas hinigpitan
niya lalo ang pagkakahawak at bahagya s'yang tumabi sa akin. "Listen
everyone, nabalitaan ko ang tungkol sa pagpapalayas sa inyo ng may-ari ng
lupang ito.", panimula nitong sabi. Naguguluhan tuloy ako, kung bakit niya
'to nalaman. Sa pagkakaalam ko, hindi ko 'to na-ikwento sa kanya. "Handa akong
bilhin ang lupang ito at ibalik ang bahay niyo. Basta tigilan niyo na si Kate.
I don't want to hear a bad words about her. Dahil sa oras na makarating 'yon,
ako na mismo ang magpapalayas sa inyo.", he continue saying. Nagkaroon ng
tuwa at galak ang damdamin ng mga tao dahil sa good news na pinaabot ni David.
Kahit sino, maniniwala sa binata dahil postura palang, bilyonaryo na ang
datingan. "And one more thing, Kate is not the type of girl that you're
thinking. She's beautiful inside and out, that's why I like her.", wika
niya muli na ikinagulat ko. Teka? Is he serious? Ano bang kalokohan ang pumasok
sa utak niya at nasabi niya 'to? "David.", sambit ko sa pangalan nito
habang pinandidilatan ko siya ng mata. But he just winked at me. "Don't
worry, I will be your savior starting today, my wife.", mahinang saad
niya. Halos ma-tae naman ako sa 'di malamang dahilan. Shet, kinikilig ba ako?
Chapter
7 Kate's POV:
Nakatunganga ako ngayon sa loob ng
kotse habang katabi ang aking anak. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa
katawan ni David at talagang 'yon ang sinabi niya. But I know, ginogoodtime
niya lang ako. O 'di kaya'y ginawa niya 'yon para isipin ng mga tao na
nagmamahalan kaming dalawa. Pero teka? Bakit ko nga ba iniisip 'yon? Hays! Ang
gulo ko rin noh?! "Bakit ba kasi tinawag n'ya akong my wife? Nalilito
tuloy ako.", inis kong sambit dahilan para matawa ang binatang
nagmamaneho. "Hindi ko sinabing tumawa ka.", mataray kong turan. But
still, nanatili s'yang nakangiti. Kahit nasa likuran kami nakapwesto, nakikita
ko pa rin ang awra ng mukha niya dahil sa salamin. "H'wag ka ngingiti,
para kang asong ulol.", bigkas ko ulit nang masilayan ko ang pasulyap niya
sa akin. "Mama, bakit po kayo ganyan kay papa? Gwapo kaya si papa David.
Hindi ka ba na-inlove sa kanya?", sambit ni Michael na tila nahalata ang
kasungitan ko sa lalaki. Minsan, napapaisip ako, kung ilang taon na ang anak
ko? Like, hello? Ang mga salitang lumalabas sa bibig niya, hindi akma sa edad
nito. In short, ang dami n'yang alam pagdating sa pag-ibig. "Baby, pwede
bang tumigil ka sa kakatanong mo?", mahinahon na saad ko. "Sabi kasi
ni teacher, kaming mga bata, hindi nagsisinungaling. So ibig sabihin, pogi
talaga si Papa. Kaya nagtataka ako, kung bakit hindi mo makita ang kagwapuhan
niya.", muli nitong wika na hindi man lang nabulol. Napasapo na lamang ako
sa aking noo at piniling tumahimik. Kahit anong pakikipagtalo ang gawin ko, sa
huli, si Michael pa rin ang panalo. Masyado s'yang madaldal, kaya nga, pati si
David, ramdam ko na nasisiyahan siya sa bata. Kung sabagay, mas kampi ng anak
ko ang mokong na 'to Daig pa nila ang totoong mag-ama dahil sa closeness ng
dalawa. ___ Nahinto ang kotse ng binata sa isang malaking bahay. Halos mahilo
naman ako nang tingnan ko ang kataasan nito. Kahit sinong tao, mapapanganga ng
husto kapag nakakita ka ng ganito kalaking mancion. Oo,
mala-mancion na nga ang datingan ng bahay ng lalaki. "Grabe papa! Ang
yaman mo!", saad ni Michael na ngayon ay buhat na ni David. "Syempre,
ganito kayaman ang papa mo. At balang araw, dito mo na rin dadalhin ang babaeng
mamahalin mo.", wika nito sa bata. "Hoy, 'wag mo ngang turuan ng
ganyan ang anak ko. Kaya lumalaki siyang pasaway dahil sa mga naririnig niya sa
matanda.", tapik na turan ko sa binata. Hindi pa nga tuli ang baby ko,
pag-gigirlfriend na agad tinuturo niya. "Ano bang mali do'n? Sinasabi ko
lang ang magiging future niya para hindi na siya magtanong pa. And correction,
ANAK NATIN.", saad nito na madiing sinambit ang huling kataga. Nagsalubong
tuloy ang kilay ko dahil sa kakaibang trip niya. "H'wag mong seryosohin
ang laro, David. Tapos na 'yon. So don't you dare, call him as your son!",
turan ko rito. Nagtama ang paningin namin dahilan para ako mismo ang agad na
umiwas. "Pa'no kung sabihin ko na hindi na 'yon laro?", kalmado
n'yang tanong. And because of that, pumintig bigla ang puso ko. Pintig na
sobrang bilis na tila hinahabol ako ng kabayo. "Gusto ko maging ama ni
Michael. Gusto kong tawagin niya akong papa.", mabilis nitong wika.
"Anong kalokohan 'yan?", "--Nabibigla ka lang yata, David. Kaya
itigil mo na ang pinagsasabi mo.", saad ko sa binata na hindi siya
hinaharap. "I'm just being kind, Kate. Hindi ako madamot pagdating sa
ganito.", "--Halata naman sa anak mo, na gusto niya ako maging papa.
Bakit 'di mo na lang siya pagbigyan?", pahayag nito na lalong kinagulo ng
utak ko. "David, nag-iisip ka ba ng maayos?", sakrastikong tugon ko.
"--CEO ka ng kompanya. Binatang-binata sa paningin ng lahat. Tapos gusto
mong maging tatay ni Michael? For what?", I asked him. "Para mabuo
ang pamilya na pinangarap niya. As simple as that. Mahirap bang intindihin
'yon?", seryoso niyang sagot. Napapikit na lamang ako ng mata para
magproseso sa isipan ko ang sinasabi niya. Mukhang guguho yata ang mundo ko
dahil sa pagpayag ko sa offer niy. Nagiging mabilis ang pangyayari. "Mama,
tama po si kuyang pogi. Gusto ko siya maging papa.", bigkas ni Michael.
"Pero--", "You heard it, right? Sa kanya na mismo galing ang
pagpayag. So just respect your son's decision. Or should I say, our son's
decision.", huling sambit niya at tuluyang pumasok sa loob habang bitbit
ang bata. Naiwan ako na puno ng pagtataka dahil sa kinilos ng lalaki.
"Naka-drugs ba siya?", ang tanging nabigkas ko.
Chapter
8
Kate's
POV:
David is acting so weird right now.
Talagang tinotohanan niya ang pagiging ama ni Michael. Pati tuloy mga maids
niya rito, nagbubulung-bulungan tungkol sa bata. Akala tuloy nila nakabuntis
ang kanilang amo. Napapailing na lamang ako sa oras na 'to, habang tinitingnan
ang dalawa na nililibot ang malaking bahay. "Wow! May pool!",
manghang sambit ng anak ko. Wala kasi sa amin n'yan, kaya ganyan ang reaksyon
ng bata. Besides, once in a year lang kami naliligo sa swimming pool dahil
masyadong mahal ang entrance at kulang kami sa budget. "Papa, can you
teach me how to swim?", tanong nito sa binata. Abah, iba rin si Michael.
Naka-apak lang sa mancion, nag-eenglish na? "Sure. Bukas. Magsi-swim tayo,
kasama ang mama mo.", saad niya na binalingan ako ng tingin. Sinasama pa
talaga ako sa usapan? Tsk. "Yehey! Happy family na pala tayo.",
masayang turan ng bata at niyakap ang lalaki. Mukhang napapalapit na ang loob
nila. At makikita ko rin kay David ang sensiridad sa anak ko. Pero pa'no kung
dumating ang totoo n'yang ama? Ano na kayang mangyayari? Hays! Kung sabagay,
masyadong imposible na babalik siya? Iniwan niya nga ako, diba? Minsan talaga,
ang utak ko, kung ano-ano ang iniisip. "Yaya, kayo na ang bahala kay
Michael.", bilin na utos ng binata sa mga katulong. "Saan po namin
siya dadalhin, Sir?", "Kahit saan, kung saan ang gusto niya.",
muli nitong saad. Agad naman nila itong sinunod dahilan para sumama sa kanila
ang anak ko. Kaya ang kinalabasan, kami na lang ni David ang naiwan. "Join
me. Ito-tour kita sa taas.", tanging bigkas niya na halatang ako ang
kausap. "Wow, ano 'to roadtrip?", pamimilosopo ko. "Hindi. It's
a walktrip.", ngiting sambit ng binata. "Ay galing! Nagjoke si Mr.
David!", "--Kaya ano pa ang hinihintay natin, bigyan ng jacket
'yan!", malakas kong turan habang inaakto ko pa ang pagiging Vice Ganda na
may pagka-Willie. Oh diba, pak-ganern siss! "Tsk. Ang daldal mo, bakit 'di
ka na lang sumama. Oh baka naman, gusto mong buhatin pa kita, mahal na
reyna?", wika nito kaya awtomatikong napaatras ako. Palapit kasi siya ng
palapit sa pwesto ko habang nakangisi. At ngayon, tuluyan na akong nakasanday
sa dingding dahil wala na akong maatrasan. Kinulong niya ako sa mga braso niya,
kaya bumilis ulit ang tibok ng puso ko. Kahinaan ko pa naman ang ma-trap ng
ganito, dahil feeling ko, anytime, matutunaw ako sa titig niya. "Ito-tour
lang kita, Kate. Para sa gano'n, hindi ka manibago at masanay ka.", bulong
na wika niya sa tenga ko. His voice was so husky. Kaya pati kalamnan ko,
naiinitan dahil sa palad na dumampi sa malambot kong pisngi. "Hindi nga
ako nagkamali, you look so pretty. Ibang klase ang ganda mo lalo na sa
malapitan.", patuloy nitong sabi. "P-pwede bang umalis ka na? K-kapag
hindi ka pa umalis, mapipilitan akong ipasabog ang nasa gitna mo.",
pananakot ko sa binata. "Then go on. May proteksyon din naman 'yan,
honey.", sambit niya at bahagyang natawa. "A-ano ba kasi ang gusto
mo?", bigkas ko, simbolo na tuluyan na akong sumuko. "Sasamahan mo
lang ako sa taas. Tapos, ituturo ko sa'yo ang kwarto na gagamitin niyo ni Michael.",
saad nito sa akin. "--Yun lang pala eh. Edi t-tara na.", na-uutal
kong tugon. "No honey. Hindi lang 'yon ang gagawin natin.",
mapaglarong pahayag niya. "Huh?", "Binyagan na natin diretso ang
kama. Sayang naman kung hindi tayo maglalaro do'n.", wika nito dahilan
para lumaki ang mata ko. Jusmiyooo! Anong klaseng binyag baaaaaa?!
"David, ano bang ginagawa mo?! Ibaba mo nga ako! Hindi na 'to magandang
biro!", pagsisigaw ko nang bigla akong buhatin ng binata. After n'yang
sabihin ang salitang 'binyagan', agad niya akong binuhat dahilan para mapahiyaw
ako ng malakas. Wala na akong pake kung pagtinginan ako ng mga katulong niya.
Like gosh! It's a rape! "Bingi ka ba ha? I said, put me down!", muli
kong bulyaw. I also tried to punch his back, pero hindi man lang siya natinag.
Hanggang sa makarating kami sa taas at hindi pa rin niya ako binababa.
"Ano pa ba ang gusto mo, David? Ibaba mo na ako, please!", pilit na
pagmamakaawa ko sa binata. But he just laugh na tila nang-iinsulto. Kanina pa
ako naiirita sa kilos niya. I can't read his mind. Kaya wala akong magawa kundi
ang sumunod sa trip nito. "Aray! Tangina! Ba't mo ako binato ha?!",
malutong na mura ko nang mapahiga ako sa malambot na kama. Wala kasi s'yang
sinabi na babatuhin niya pala ako. "Binuo mo ang araw ko ngayon,
Kate.", "--Everytime I saw you, napapangiti ako ng wala sa oras.
Siguro, isa ka na sa happy pill ko.", wika niya nang lumapit sa akin.
"H-hindi mo ako madadala dyan ha? Alam ko na ang binabalak mo!",
impit na saad ko. "Then, it's good. There's nothing wrong it, right? I am
now the father of Michael. So in short, starting today, you're my wife.",
he said while smiling. Potah! Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o mandidiri
sa pesteng 'to! "Stop staring me like that! Nagmumukha kang
manyakis!", iritable kong turan. Ang titig niya. Nakakahina at nakaka-wet!
Ay shit! Pasmado! "Gwapong manyakis na handa kang gapangin, honey.
Raaawrr!", wild na bigkas ni David. Gago! May lahing tigre pala ang
lalaking 'to. Mabilis kasi s'yang pumatong sa akin dahilan
para maramdaman ko ang bigat niya. Nasa ilalim niya ako habang siya ay nasa
ibabaw. "I can't breathe. Umalis ka na nga.", wika ko sa binata. Kaso
kahit anong iwas ang gawin ng mukha ko, wala pa rin akong kawala. Our nose meet
each other. Mas matangos nga lang sa kanya, dahil ang ilong ko, medyo nakadapa.
"I like this position, Kate. It makes my junjun healthy and
stronger.", he smirk. Oo, stronger nga dahil hindi ako manhid para hindi
'yon ma-feel. Umiinit na tuloy ang pisngi ko sa kamanyakan ni David.
"K-kung iniisip mong makukuha mo ako, nagkakamali ka.", "--Hindi
na ako easy to get!", bulyaw ko sa mismo sa kanya. But I do the wrong
move. Yes, a wrong move, kasi biglang nagdampi ang labi namin. For the second
time, we kissed again. "Chinachansingan mo yata ako eh.", ngising
pahayag niya. "H-hindi kaya!", utal kong tugon. I don't know how to
explain, dahil yung kalamnan ko, ang ingay masyado. Natatae na naman ba ako? "Mama,
papa? Ano pong ginagawa niyo?", tanong ng isang bata mula sa pinto.
Nakalimutan itong sarhan ni David kaya siguro nakita kami ni Michael kasama ang
yaya. "We're just making another baby. Para naman may kapatid ka.",
sagot ng binata na hindi man lang nabulol. "Really? So pwede ko po bang
mapanood kung paano kayo gumawa ng baby, papa?", sambit nito dahilan para
kilabutan ako. "M-mmmiccchaaaeeeel!!!!", tanging sigaw ko na
ikinatawa ni David. Isang araw palang, pero mababaliw na akoooo! Pesteng yawa!
Chapter
9
Kate's
POV:
Sa pagsingit ni Michael, kahit
papano, nagkaroon ako ng tamang tiyempo para tulakin si David. Nahulog pa ito
sa kama dahilan para mapatakbo ang bata sa binata. Wow! Concern ang anak ko,
ha? "Ouch, it really hurts, honey. My back!", daing na bigkas nito
habang hinihilot ang likuran. "Mama, ba't mo po tinulak si papa? Pa'no
kung namatay ang papa ko?", pagalit na sigaw ni Michael. Teka, parang mali
na 'to. Bakit parang kasalanan ko pa? Bakit parang ako pa ang sinisisi niya?
"Anak lang kita, Michael. Kaya wala kang karapatan na sigawan ako.",
madiin kong sambit kasabay ng pagduro ko sa bata. "Mama, stop it. Para ka
pong tanga.", "--Kahit anong gawin mo, hindi mo po magagaya si Nora
Honor.", wika niya habang kinakamot ang batok. Oo nga noh? Hindi pala ako
artista. "Tsk. Alam ko. Pero hindi honor ang apelyido ni Nora. Aunor 'yon,
Michael.", pagkokorekta ko na lamang at tumayo na. Nabibwisit ako! Dahil
sa halip na ako ang ipagtanggol, halatang si David ang kinakampihan niya. "Honey,
sa'n ka pupunta?", pahabol na tawag ng binata sa akin. Hindi ko siya
nilingon, dahil tuloy-tuloy lang ako sa paglakad hanggang makalabas ng kwarto.
Bahala silang dalawa! Total, mas close pa yata sila. So heto, ako na lang ang
maglilibot ng bahay. Siguro naman, hindi ako malilito rito. Dahil bawat sulok,
may mga maids akong nakikita. Kaso sa bawat paglibot ko, nasisilayan ko ang mga
titig ng katulong sa gawi ko. Base sa kilos nila, halatang pinag-uusapan nila
ako. "Ahm, excuse me, may dumi ba sa mukha ko?", I asked them. Hindi
lang ako sanay na ginaganito ng mga hindi ko kakilala. "W-wala naman po
ma'am.", magalang na sagot ng isa. "Kung gano'n, bakit ganyan ang
titig niyo sa akin? May ginawa ba akong mali?", curious kong turan.
"Hindi naman po ma'am. Ang totoo kasi n'yan, kamukhang-kamukha mo po yung
ex-girlfriend ni Sir David na sobra n'yang minahal.", singit na tugon ng
babae. "Hoy, ano ba! Tumigil ka nga.", pagsisita ng katabi niya para
tumahimik ito. Hindi na ako nagtanong pa, dahil malinaw kong narinig sa aking
tenga ang sinabi nito. Napaiwang ang bibig ko na tila sumasagi sa isipan ko ang
mga ginawa ng binata sa amin. Kaya ba, mabilis para sa kanya na gumanap bilang
ama ni Michael, dahil kamukha ko ang babaeng minahal niya? So ano 'yon?
Ginagamit niya ako at ang anak ko? Bahagya akong napailing at mapait na
napangiti. I hate this kind of situation. Nasasaktan lang ako kapag ganito.
Feeling ko, mauulit muli ang nangyari. Ang nangyari sa amin nung ex-boyfriend
ko. "Mama, ayos ka lang po ba?", kalabit na tanong ni Michael. Sinundan
pala nila ako kasama ang lalaki. "Ah o-oo naman. Ayos lang ako,
baby.", pagsisinungaling ko. But David look at me so worried. Siguro
nagtataka rin siya sa pag-iba ng akto ko. "Kate, I know you're not okay.
So tell me the reason why.", wika ng binata. "Ayos lang ako diba?
Hindi ka ba marunong maka-intindi no'n?", masungit kong tugon.
"Pero--", "Magpapahinga muna ako. I'm tired.", huling
bigkas ko. Tinalikuran ko muli sila at bumalik sa kwarto. Nanghihina akong humiga
sa kama nang bumalik ako sa kwarto. Sinara ko na rin ang pinto para wala na munang
umistorbo sa akin. Hindi ko akalain na masasaktan ako ng husto, nung malaman ko
ang dahilan kung bakit ganito ang trato ni David sa amin. Kapareho niya ng
ugali ang ex-boyfriend ko. Binibigyan nila ako ng motibo, at alam ko na sa
huli, iiwan din nila ako. Nakakatawang isipin na hanggang ngayon, sariwa pa rin
ang sakit na dinulot ni Derick sa akin. Sakit na kailanman hindi na mabubura.
____ Flashback: "Ano pala ang sasabihin mo, Kate? Bakit parang atat na
atat kang makausap ako?", "--Ang dami ko pa naman na ginagawa sa
opisina.", sambit ng binata nang magkita kami sa restaurant. Talagang
kinulit ko pa siya na makipag-meet sa akin dahil gusto kong isurprise siya
tungkol sa magiging anak namin. "I'm pregnant, love. Three weeks
pregnant.", diretsa kong turan na walang paligoy-ligoy. My man is actually
handsome. Kaya masasabi ko talaga na ang saya ko dahil naging jowa ko siya.
"Wait, seryoso ka ba?", he replied. "Oo, nagpacheck-up ako
kanina. Isang buwan na kasi akong hindi dinatnan kaya inalam ko na agad. Alam
nating dalawa na may nangyari sa atin, diba?", nakangiti kong wika.
"But Kate, hindi pa ako handa. I mean, look, malapit na akong mapromote sa
opisinang pinagtatrabahuhan ko. Kaya kapag nalaman nila na magiging ama ako,
tiyak maapektuhan ang promotion ko.", tugon niya na ikinalungkot ko.
"P-pero, sabi nila, swerte raw ang mga buntis.", muli kong sambit.
But he just hold my hand at bahagya itong dinampian ng halik. "Love, I
hope you understand my situation. Mahal kita, pero mahal ko rin ang trabaho
ko.", seryosong sabi niya. "W-what do you mean, by that?",
nauutal kong tanong. "Gusto kong ilihim muna natin 'to. H'wag mong
ipagsabi sa mga kakilala ko na buntis ka at nabuntis kita.", litanya ng
binata. "Ginusto natin 'to, Derick. Kaya hindi ko mapagbibigyan ang gusto
mo.", madiin kong sambit. Pinaparating niya kasi sa akin, na itago namin
ang bata. At sa madaling salita, kinakahiya niya ito. "Hays. Hindi mo kasi ako maintindihan,
Kate. Malaking pera ang makukuha natin kapag na-promote ako. And once na maging
president ako, magiging maganda ang buhay nating dalawa. I'm not doing this
just for my own sake. But I'm doing this for our future.", wika niya para
malinawagan ang isip ko. Kung sabagay, he has a point. Kaya kahit mahirap,
pumayag ako sa gusto ni Derick. Nilihim namin ang tungkol sa pagbubuntis ko.
Naging okay naman ang relasyon naming dalawa. Nabibigay niya ang mga pagkain na
paborito ko. At isang buwan ang tinagal, ay tuluyan na siyang na-promote sa
trabaho. Akala ko, 'yon na ang huling beses na pagtitiis ko na tumago sa mga
pamilya at kaibigan niya. But I was wrong, dahil lalong naging malala ang
lahat. "Aalis ka?", naiiyak kong tanong. "Kailangan eh. Malaking
kliyente ang tatagpuin ko sa Canada. And I need to go there.", pagsasaad
nito. Nalulungkot ako, kasi mawawalay kami sa isat-isa. Masyadong malayo ang
Canada kaya sa tuwing iniisip ko 'to, ang daming negatibo ang pumapasok sa utak
ko. "Love, hindi ako magtatagal do'n. So please wait for me. Hayaan mo,
pag-uwi ko, magpapakasal tayong dalawa.", pagpapangako niya. 'Wait for
me.' Umasa ako sa katagang 'yon. Pero umabot ng ilang taon at hindi na siya
bumalik pa. Masyado s'yang sinungaling! Kahit pagpadala ng pera, wala akong
natanggap mula sa kanya. And I hate him. Kinamumuhian ko ang taong 'yon! END OF
FLASHBACK... ____ Naramdaman ko naman ang pagpatak ng aking luha, kaya marahan
ko itong pinunas. Kahit anong gawin ko, nasasaktan pa rin ako kapag naaalala ko
'yon. Kaya yung mga pinapakita ni David sa akin ngayon, alam kong hindi totoo
Dahil nakikita niya lang sa mukha ko ang dati n'yang minahal.
Chapter
10
David's
POV:
It's another day. Gaya ng pinangako
ko kay Michael, maliligo kami sa pool. Yung mga meeting schedule ko,
pina-cancel ko muna ngayon. At siguro, bukas na lang ako papasok kasama ang
panibago kong secretary na si Kate. Yes, I choose Kate, because I know she can
do it. Basta malaki ang tiwala ko sa kanya. Halos lahat kasi kaya n'yang
pasukan at gawin para lang sa bata. And I love it. I love the way she care to
her son. Gumagaan tuloy ang loob ko sa babae. ___ Napatingin ako ngayon sa wall
ng aking kwarto, kung saan nakasabit dito ang malaking picture ng dalagang
minahal ko. Yes, my ex-girlfriend, Katrina. Kamukhang-kamukha ni Kate ang ex
ko, sa tuwing nag-aayos at nagpapaganda siya. Kaya nga, nung naka-table ko siya
sa club, hindi ko na siya pinakawalan pa. Naakit niya ang mata ko, at kapag
nakikita ko siya, ang tibok ng puso ko, bumibilis. Siguro dahil hindi pa rin
ako makamove-on kay Katrina. My woman left me because of her career. She's in
California right now, at isa s'yang model do'n. Kung pag-uusapan ang ugali,
sobrang bait niya. To the point na, lahat ng sweldo nito, binibigay niya sa
charity dito sa Pilipinas. Mahilig siya sa mga bata at pareho sila ni Kate.
Kaya hindi ko maiwasan na ikumpara silang dalawa. "Papa! Bakit ang tagal
mo sa loob? Kanina pa po kami naghihintay ni mama.", sigaw ni Michael
habang kumakatok. Kinuha ko agad ang tuwalya at pinalibot ito sa aking bewang
para takpan ang hinaharap ko. "Oo na, palabas na ako.", tanging turan
ko at tinapunan ko muli ng tingin ang larawan ni Katrina. I'm still waiting and
hoping for her to comeback. Alam ko kasi na mahal niya pa rin ako. Kaya kahit
umabot ng ilang taon, handa akong hintayin siya. "Hay, salamat!",
bigkas ng bata nang lumabas na ako. "Tuwalya lang pala ang kukunin mo,
naabutan ka ng isang oras sa loob.", muli n'yang patuloy. Kung magsalita
talaga ito, akala mo, nasa 20+ na ang edad. "Nasa'n ang mama mo?",
tanong ko na lamang at minabuting 'wag na magpaliwanag. "Nando'n na po
siya sa pool.", sagot nito dahilan para tumungo na kami roon. Kaso pagkarating
namin sa swimming pool, nasilayan ko agad ang babae na may hawak na tabo.
Pinapaliguan niya ang sarili gamit ito, habang kumukuha ng tubig galing sa
pool. Hindi ko tuloy mapigilan ang tawa na kumawala sa bibig ko. "Baliw ba
ang mama mo, Michael?", I asked him again. "Matagal na po s'yang
baliw, papa. Tsaka ganyan talaga si mama, hindi marunong lumangoy.", tugon
nito sa akin. At ngayon, alam ko na kung bakit gumagamit siya ng tabo.
Parehong-pareho talaga sila ng ex ko. Halos lahat ng hindi kaya ni Katrina,
hindi rin niya kaya. "Oh, anong tinitingin-tingin mo dyan ha? Kung
naiinggit ka, gumaya ka.", mataray na sambit ng babae nang mahalata nitong
nakatingin ako sa kanya. "Hindi ka pala marunong lumangoy.", saad ko
nang lumapit ako sa pwesto ni Kate. "So what? Wala namang big deal kung
hindi ako marunong lumangoy, noh? Tsk.", inis n'yang wika. "Bakit ba
ang init ng ulo mo? Kagabi ka pa sa akin, ganyan? May ginawa ba akong
mali?", usisang tanong ko. Kakaiba kasi ang akto niya, simula pa kahapon.
Para s'yang sinapian ng masamang nilalang dahil sa katarayan niya. "Pake
mo ba kung ganito ako?! This is my life, my attitude and myself.",
taas-kilay n'yang tugon. Ewan ko ba, pero nakaisip ako ng kalokohan nang
sabihin niya 'yon. So I pushed her in the pool, dahilan para mahulog siya do'n.
"Tangina! Hmmm a-ano ba--hmm, bakit mo g-ginawa sa akin 'to?!",
sambit niya habang nakakainom siya ng tubig. "This is my life, my attitude
and myself.", ngisi kong turan at talagang ginaya ko pa ang sinabi niya.
"D-david naman! I can't swim! T-tulungan mo ako!", pagsisigaw nito.
And that was the last voice I heard from her dahil tuluyan na s'yang lumubog sa
pool. Actually, ang lalim ng swimming pool ko, kaya agad kong inalis ang
tuwalya sa aking bewang at wala pasakalyeng sumulong sa tubig para iligtas si
Kate. Hindi yata magandang biro ang ginawa ko dahil
nakita ko sa ilalim ang walang malay na babae. Nagsisi tuloy ako sa pagtulak ko
sa kanya. Sa pagsulong ko sa swimming pool, mapwersa kong ini-ahon si Kate para
iligtas siya. Kaso naalala kong wala na pala akong saplot ngayon dahilan para
lumaki ang mata ni Michael at mapasigaw ito. "Papa, yung bird niyo po,
baka lumipad!", sigaw nito at tinakpan ang mata gamit ang kanyang kamay.
But I don't care anymore, sila lang na dalawa ang makakakita nito, dahil
pinaalis ko ang mga maids. So ang ginawa ko, agad kong hinawakan ang mukha ni
Kate para i-mouth to mouth siya. Eto kasi ang tanging alam ko kapag nalunod ang
isang tao. "Papa, nakaka-ilang kiss ka na kay mama ha? Chinachansingan mo
na yata siya.", saad nito sa akin. Tangina! Akala ko ba, hindi na ito
nanood? Nakasilip pa rin pala ang isa nitong mata para panoorin ako.
"Michael, tumalikod ka nga. This is not suitable to your age.",
bigkas ko sa bata. Kaya agad n'yang sinunod ang bilin ko, at muli kong
hinalikan ang mama niya dahilan para mapa-ubo ito ng tubig. "Thanks God,
you're now safe!", sambit ko kasabay ng pagyakap ko sa kanya. "G-gago
ka! Papatayin mo talaga ako!", pagmumurang bigkas ni Kate. "Sorry na.
Akala ko kasi, nagbibiro ka lang nung una.", malambing na turan ko para
patawarin niya. Pero bahagya n'ya akong tinulak, kaya awtomatikong napa-upo ako
sa sahig. And because of it, buong-buo niya nasilayan ang pagkatao ko. I guess,
halos tatlong minuto s'yang nakatingin kay junjun habang ang bibig niya ay
nakanganga. "You like it?", mapang-asar na saad ko. "H-huh?",
tanging bigkas nito at napaiwas ng tingin. "H-hindi ah.", she
continue. "Then why are you blushing? Gano'n ba ako ka-hot, pagdating
sayo?", I asked her. Nanatiling nakangisi ako para tuksuin siya.
"Hindi ko alam, kung saan ka humuhugot ng yabang para sabihin 'yan?",
inis nitong wika. Tumayo siya at tumalikod na rin. But still, patuloy siya sa
pagsasalita. "Maliligo, tapos walang saplot o suot na brief man lang? What
the hell?! Kulang ka yata sa bakuna!", panenermon niya. Kaso sa halip na
magalit ako, I choose to laugh. Lagi n'ya akong napapasaya kahit na below to
the belt na ang mga sinasabi nito sa akin. "Magtuwalya ka na nga! Peste
ka! Ang kabastusan mo nakikita ng anak natin! Anong klase kang ama ha?!",
muli nitong sigaw. Wait, did she said the word, 'natin at ama?' "I mean,
m-magtuwalya ka. Potah!", saad ulit ni Kate na tila nabigla kanina. But
it's too late. Because I already heard it. "Eto na nga, susuotin ko na ang
tuwalya, honey. Dahil ayokong nagagalit ang ASAWA KO.", madiin na bigkas
ko para maramdaman niya ito. Kaya agad kong pinulot ang towel, at muli itong
pinulupot sa aking bewang. "I'm done, wifey. You can look at me,
now.", pagtuturan ko. "A-ayoko nga. Baka jinojoke mo lang ako
eh!", saad nito na animo'y hindi naniniwala. So I don't have choice kundi
ang yakapin siya mula sa likuran niya. "You feel it? May towel na ako,
Kate.", bulong ko sa tenga ng babae. "Edi ayos! Tangina ka
talaga!", bulyaw nito at binatukan pa ako. "Honey naman, hindi lang
ako sanay na sumuot ng brief kapag naliligo. Feeling ko kasi, hindi na-eenjoy
ni junjun ang paglangoy kapag nasa loob.", pagpapaliwanag ko para sa
gano'n malinawan siya. "Tsk. Alien ka yata! Ang lakas ng loob mong
mag-bold sa harapan ko!", pangbabatok niya ulit. "Mama, papa, tama na
po ang away. Kanina pa ako nangangalay sa kakatakip ng mata ko eh!", rinig
kong saad ni Michael. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya inaalis ang kamay sa
mata. And yeah, that's my son! He's a good boy! Masyadong masunurin. "Okay
na Michael. Pwede mo na kami tingnan.", turan ko sa bata. And this day, we
enjoy our swimming. Nagsuot na rin ako ng boxer para kahit papano, hindi maging
awkward ang moment naming tatlo. At sa oras na 'yon, narealize ko na mas
mabilis turuan ang bata na lumangoy kaysa sa babae na puro daldal. Hindi ko
sinasabi na si Kate 'yon ha? Pero parang gano'n na nga.
Chapter
11
Kate's
POV:
Maaga akong nagising ngayon. Dahil
kailangan kong ipakita kay David na kaya kong gampanan ang pagiging Secretary
niya sa kompanya. Ayoko naman na madisappoint siya lalo na malaki ang tiwala
nito sa akin. Yung tungkol pala sa ex-girlfriend niya na kamukha ko, pinilit
kong isantabi muna 'yon. It's not a big deal anymore. Kasi past na siya ng
binata. At naisip ko na wala namang namamagitan sa amin ni David, kaya wala
akong dapat na ipangamba o ikaselos. "Goodmorning son!", masiglang
bati ko nang bumaba ang aking anak. Halata mo sa mata nito na medyo antok pa
siya. "Oh dahan-dahan, baka mahulog ka.", pag-aalalay ko sa bata.
"Goodmorning po mama.", ngiting sambit niya at niyakap ako. Malambing
naman talaga si Michael, 'yon nga lang, kapag bagong gising siya. Kaya sa
tuwing ganito ang nangyayari, kahit papano buo na ang araw ko. "Ma'am,
nakahanda na po ang almusal. Tatawagin ko na si Sir para sabay-sabay na kayong
kumain.", saad ng yaya sa akin. "Ay ako na lang po siguro ang tatawag
sa kanya. Mabuti pa, mag-almusal na rin po kayo.", tanging sabi ko kay
Manang para pigilan siya. Alam ko na mahirap ang maging kasambahay, kaya gusto
ko, mabawasan ang gawain nila. "Pero po Ma'am, si Sir, mahirap po s'yang
gisingin kaya baka--", "Ayos lang po. I can do this.", muli kong
wika nang akma s'yang mag-aayaw. Kaya tumango na lamang ito, simbolo na ako na
ang papasok sa kwarto ni David. So agad akong tumungo roon at ilang katok din
ang ginawa ko, pero hindi pa rin niya binubuksan. "David, gising na. May
trabaho pa tayo, ohh.", pagsisigaw ko mula sa labas. But still, no
response. "Hoy Sir, first day ko ngayon sa pagiging secretary, kaya 'wag
mo ng hadlangan pa!", bigkas ko ulit. Pero wala pa ring nangyari.
"Maganda siguro po Ma'am, kung pasukin niyo na lang siya. Eto po ang susi.
Malapit na kasi mag-seven o'clock, baka ma-late siya sa kompanya.", sulpot
na sabi ng maid at dahan-dahan n'yang nilahad ang susi. Hindi na ako
nagpatumpik-tumpik pa at kinuha ko na 'yon, kasabay ng pagbukas ko nito.
"Salamat.", turan ko nang ibalik ko sa dalaga ang susi. And here I
am, pahakbang na ako patungo sa kama kung saan tulog mantika ang mokong.
Nakadapa ito, kaya makikita ko agad ang tangos ng ilong niya. "Sir David,
goodmorning! Time check, 6:46 a. m na po!", I said in a nice way. Malumbay
na boses ang ginamit ko para hindi naman siya magalit. Pero hindi ito nagising
at humihilik pa rin. Kaya inis na akong napa-upo sa tabi ng binata at kinuha
ang unan para ipukpok ito ulo niya. "Hindi ka pa talaga gigising
ha?", pagbabanta ko sa lalaki nang tingnan ko siya. "Isa.",
pagbibilang ko rito. "Hays. Ang gwapo sana, pero parang baboy kapag
natutulog.", muli kong saad. Natapos ang ilang minuto na hindi pa rin siya
bumabangon. So I don't have choice kundi ang gawin ang binabalak ko. Niready ko
na ang sarili at unan na hawak ko. Kasabay nito, mapwersa ko s'yang pinokpok
dahilan para magising ang diwa niya. But shit! Na-out balance ako dahil sa
ginawa niya. Natulak niya ako, kaya pareho kaming napahiga sa sahig. "Ano
ba David! Ang bigat mo!", pagtatapik ko sa binata. But instead na tumayo
siya, marahan nitong hinaplos ang mukha ko. "You're back Katrina.
Binalikan mo ako.", seryoso n'yang wika. Napakunot-noo na lamang ako dahil
sa pangalan na binigkas ni David. Katrina? Tinawag n'ya akong Katrina? "Matagal
na kitang hinihintay. Buti na lang, bumalik ka. Miss na miss na kita.",
saad nito ulit. Yung mata niya, puno ito ng pangungulila.
Siguro, akala ng binata ako ang ex-girlfriend niya. "Please, love me
again, sweetie.", pakikiusap ng lalaki. After he said those words,
hinalikan niya ako. Halik, na sobrang kakaiba kumpara sa mga ginawa niya noon
sa akin. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa bawat pag-galaw ng labi nito. Pero
mali eh. Maling-mali na pumatol ako sa halik ni David, dahil alam ko na si
Katrina ang nasa isip niya at hindi ako. Kaya nag-ipon ako ng lakas para
tulakin siya para makawala sa kanya. And then, I leave his room. I leave his
room without looking at him. Masakit din kasi eh. Feeling ko, ginagamit niya
lang ako para sa sarili n'yang kabutihan. Bumalik ako sa hapag-kainan na medyo
badtrip ang datingan. I can't believe this! Talagang pinakita pa ni David kung
gaano niya kamahal ang ex-girlfriend niya na si Katrina. Kinalimutan ko na sana
'yon eh. Kaso pinaalala niya pa. Kaya kung ganito ang mangyayari sa amin,
mabuti pang umalis na kami ng anak ko. My son don't deserve a father like him.
Kahit na sabihin pa natin na hindi talaga siya ang tunay na ama, hindi niya pa
rin magagampanan ang pagiging tatay. Ginagamit niya lang kami para punuin ang
pagkukulang ni Katrina. "Mama, bakit po ganyan ang itsura mo? Nag-away po
ba kayo ni papa?", pagtatanong ni Michael. Nakahawak na siya sa aking
kamay at ang tingin nito ay nasa mukha ko. "H-hindi. Hindi kami nag-away.
But we need to go home. I mean, maghanap tayo ng bagong bahay.", saad ko
sa bata. Kumunot naman ang kanyang noo na tila hindi maintindihan ang sinabi
ko. "Anak, hindi tayo pwede mag-stay sa bahay
na 'to.", yukong turan ko. "Bakit naman po? Pinapaalis ba tayo ni
papa? Ayaw niya na ba sa akin?", sunod-sunod na bigkas niya. Matalino si
Michael kaya ganito ang reaksyon niya kapag hindi niya nakukuha ang tamang
sagot galing mismo sa bibig ko. "Hindi niya tayo pinapaalis, baby. Tayo
ang dapat na umalis kasi hindi naman natin kaano-ano ang lalaking 'yon.",
wika ko muli. "Pero mama, sabi ni kuyang pogi, siya na raw ang papa ko.
Bakit ba ayaw mo?", ngusong saad niya. I was about to explain again, pero
bigla ng sumulpot si David. "Oo nga naman, bakit ba ayaw mo?", he
asked. Natigilan ako bigla at tila hindi ko kaya na lumingon sa binata. I hate
him! Mang-gagamit lang siya! "I'm sorry.", mahinang sambit niya nang
humakbang ito sa aking pwesto. "Sorry if I call you, Katrina. Kung dahil
ito sa pagtawag ko sa'yo at paghalik ko, pangako, hindi ko na uulitin
'yon.", he continue. "T-talagang hindi mo na mauulit dahil aalis na
kami. Salamat na lang sa isang gabi na pinatulog mo kami sa bahay mo.",
matapang na turan ko sa lalaki. Pero maya-maya ay binalingan niya ang bata.
"Michael, go back to your room. Mag-uusap lang kami ng mama mo.",
sambit nito na kaagad namang sinunod ng anak ko. "Ano pa ba ang gusto mong
pag-usapan?", mataray kong tanong nang harapin siya. "Kate, hindi mo
kailangan umalis ng bahay. Nangako na ako sa bata. At ayokong sumira ng
pangako.", pagwiwika niya sa akin. Kaya malalim akong napabuntong-hininga
at matalim siya na tinitigan. "Wala akong pakialam sa pangako mo, David.
Dahil alam nating dalawa na ginagamit mo lang kami. Kasi kamukha ko ang
ex-girlfriend mo, diba?", madiin kong saad. "I'm not using you, Kate.
I just find Michael interesting. Natutuwa ako sa kakulitan niya. At natutuwa
rin ako kapag nakikita ka, hindi dahil kamukha mo si Katrina. Because I'm happy
to see you, as Kate.", litanya ng lalaki. Eto na naman eh. Pinipilit ko na
pigilan ang pagiging marupok. Pero bakit umiiba yata ang ihip ng hangin kapag
si David na ang nagsalita. Hindi naman ako ganito nung naka-table ko siya. But
now, it looks like, I've changed because of him. "So please, stay. Stay on
my side, my wife.", pakiusap na sambit niya ulit dahilan para magbago ang
isip ko.
Chapter
12
Kate's
POV:
"This is your first day being my
secretary, Kate. So be confident. H'wag kang kabahan.", bulong ni David
nang makarating kami sa kompanya. Yes, pumayag ako na mag-stay sa tabi niya. At
matapos naming mag-usap at kumain ng almusal, dito agad kami tumungo. Tanging
si Michael at ang mga maids niya ang naiwan sa mancion. Sa tingin ko naman,
hindi maboboring ang anak ko dahil maraming laruan ang pinabili ng binata para
sa kanya. "S-sigurado ka bang ayos na ang suot ko? Baka, m-mukhang Manang
ako sa uniform na 'to.", bigkas ko rito. Pero bahagya s'yang tumawa at
hinalikan ako sa pisngi. "Hindi ka na Manang. Actually, that uniform
really fits on you. At ikaw ang pinaka-sexy sa mga babaeng nandito.", he
whispered again. That words, make me smile. Kahit simpleng komplimento, ang
sarap pakinggan. "Okay, thank you. Sabi mo eh.", tanging tugon ko at
taas-noo akong naglakad kasama siya. Pinagtitinginan kami ng mga tao sa loob ng
kompanya, lalo na yung mga kababaihan. Ramdam ko ang pagkadismaya sa mata nila
na tila ang iba ay na-iinggit pa sa akin. "Si Ms. Katrina ba 'yan?
Nagkabalikan na sila ni Sir?", rinig kong sambit ng dalaga sa dulo. Ang
taray ng tingin nito na animo'y gusto akong sabunutan. But wait, did mentioned
the name Katrina? "I don't know. Kamukha lang siguro. Tingnan mo naman ang
hairstyle ng buhok, hindi ganyan ang bet ni Ma'am.", pasegunda naman ng
isa. Hindi ko yata gusto ang bunganga ng dalawang chismosa dito sa kompanya ni
David. Kahit saan ako pumunta, lagi nila akong napagkakamalan na si Katrina. At
ang masaklap pa do'n, kinukumpara nila ang fashion ko sa ex-girlfriend ng
binata. Pero hindi ako magpapatalo noh? Kung galit sila, edi gagalitin ko pa
lalo. Mag-galitan kaming lahat para bongga. Kaya ayon, ako na mismo ang humawak
ng kamay ni David at talagang pinakita ko pa ito sa kanila. I also wear my
sweet smile para iparating na hindi ako apektado sa mga sinasabi nila tungkol
sa akin. ___ Dumiretso na kami ng lalaki sa opisina niya kung saan may isang
babae ang sumalubong sa amin. Nakangiti ito at bahagyang yumuko simbolo ng
pag-galang. "Goodmorning Sir, goodmorning Ma'am.", saad niya na hindi
pa rin mawala ang kasiyahan sa mukha. "Goodmorning din sayo--",
"You're fired. So go and pack your things now.", diretsang sambit ni David.
Maging ako ay nagulat sa tinuran niya. Balak ko pa sanang batiin ang babae, kaso
sumingit siya sa pagsasalita ko. "P-po Sir?", bigkas ng dalaga.
"Hindi mo ba narinig? Tanggal ka na sa trabaho.", pag-uulit niya at
tinagalog na nito ang sinabi para maintindihan ng kaharap namin. "P-pero
Sir, kakasimula ko palang, bakit parang ang bilis?", mangiyak-ngiyak na
tanong niya. "H'wag mong questionin ang desisyon ko, Miss. Dahil may
nahanap na akong kapalit sayo.", agad na tugon ni David.
"Sir--", "Umalis ka na. Ibibigay ko na lang sayo ang huli mong
sweldo.", tanging saad niya at hinila ako para sumunod sa kanya. Nakakaawa
tuloy ang sinapit ng tao. Ang bait pa naman. Tsk. "Bakit mo ba siya
tinanggalan ng trabaho?", inis kong bigkas nang umupo ang binata. Hindi ko
kasi mabasa ang trip niya sa buhay. "Don't worry about her. Dapat nga
maging masaya ka dahil yung pwesto niya, ay binigay ko sayo.", sagot niya
habang iniikot ang ballpen sa daliri. "My ghad David, you're so unfair!
Wala sa usapan natin ang tumanggal ka ng empleyado. And besides, sabi mo, wala
kang secretary kaya pumayag ako. Tapos ngayon, malalaman ko na secretary mo
pala 'yon? Hays!", turan ko muli at napahilot ako ng sintido. "Calm
down, Kate. Kung iniisip mo ang babaeng 'yon, then sige, hahanapan ko siya ng
ibang posisyon.", wika niya para hindi na ako makonsensya pa. Kaya dahil
dito, naging mapanatag ang loob ko. "Thank you.", tanging tugon ko sa
kanya. Maya-maya ay nagpaalam muna ako para pumunta ng comfort room. Medyo
naiihi na kasi ako dahil sa kabang naramdaman ko nung tumapak ako sa kompanya.
Kaso pagkarating ko sa C. R, tatlong babae ang naabutan ko na nagmemake-up
habang pinag-uusapan nila si David. "Did you see the girl? Yung kasama ni
Sir David? Balita ko, pokpok 'yon.", bigkas ng nakadilaw na damit. Kaya
pinili ko na 'wag munang tumuloy at tumago sa gilid para pakinggan sila.
"Pokpok? You mean, bayaran na babae?", muling sambit ng isa pa.
"Oo, ganon na nga. Nagtatrabaho 'yon sa club. And guess what, nakita ko na
talaga siya. Akalain mo, nabingwit niya si Sir.", she said again as she apply
the lipstick. "Grabe! Sobrang cheap naman ng taste ni Sir. Hindi man lang
siya naghanap ng virgin na tulad natin. Nakakadiri, baka magka-aids pa
siya.", wika ng katabi niya dahilan para umakyat ang dugo ko. Kaya ang
ginawa ko, pumasok na ako sa C. R at taas-kilay ko silang tiningnan. "Kung
pag-uusapan niyo ako, make sure na hindi ko maririnig ha?", turan ko sa
kanila. Humakbang ako para lapitan ang maarteng impakta, kasabay no'n,
dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya. "Alam mo, maganda ka sana. Pero mas
maganda kung ikikipot mo 'yang bunganga mo.", saad ko rito at binalingan
ko ng tingin ang kasama niya. "kayo. Para mabawasan naman ang mga
inggitera at laitera sa bansa.", mataray kong sabi. Well, hindi nila ako
basta matatapakan dahil hawak ko sa leeg si David. Isang request ko lang sa
binata, tiyak susundin niya agad ang gusto ko.
Chapter
13
Kate's
POV:
"Ganito ba ang mga tao dito sa
kompanya? Kung makatingin sa akin, akala mo may virus akong dala!", inis
kong turan nang ilapag ko ang kape sa mesa ni David. Utos niya kasi ito sa akin
dahil marami siyang papeles na inaasikaso. Okay na sana eh. Nakaya ko naman na
labanan yung mga babae sa C. R, pero yung mga tinginan nila sa akin, daig pa
nila ang killer. "What do you mean? May ginawa sila sayo?", he asked
me. "Pa'no kung sabihin kong oo? Ano ang gagawin mo?", balik na bigkas
ko sa binata. Hininto nito ang pagpipirma at tumayo para pantayan ako.
"Tinatanong pa ba 'yan? You're now my wife, remember? Kaya hindi ko
hahayaan na tumagal sila rito.", he said at naramdaman ko ang init ng
palad niya. "Wife? Wait, kailan mo pa ako naging asawa?", sambit ko
sa kanya na tila sinusuri ko kung seryoso ba siya. "Masyado kang slow,
Kate. Simula nung tanggapin ko kayo sa bahay ko at nung tanggapin ko na maging
papa ni Michael, ibig sabihin no'n, tinatanggap ko na maging asawa mo
ako.", nakangiting sabi ni David. Medyo nagulat ako ng konti dahil hindi
ko inaasahan na ganito na pala ang tingin niya sa akin. Pero hindi tama 'to.
Hindi tama na maniwala agad ako. Mahirap na, masakit pa namang umasa.
"Sir, hindi mo kailangan na ituring akong asawa. I'm just your secretary,
not your wife.", pagtuturan ko kasabay no'n ay inayos ko ang polo niya.
"So continue your work and just call my name if you need me, okay?",
taas-noo na patuloy ko. "Fine. Shit! Ikaw lang ang tumanggi sa karisma
ko.", inis nitong saad dahilan para matawa ako. Tinalikuran ko na siya at
muling bumalik sa aking pwesto. Sa totoo lang, wala akong idea kung ano ang
gawain ng pagiging secretary. So in short, tunganga lang ako. Boring tuloy ang
araw ko dahil hindi ako sanay na naka-steady lang. "Psst.", sitsit na
tawag ko kay David. Nilingon niya naman ako pero yung titig nito, masyadong
masama. "What?", "Pwede ba akong gumamit ng phone? Magpapamusic
lang sana.", pagpapaalam ko. "Go on. Pero music lang ha? At ayokong
makita na nakikipagtext ka.", he replied. "Yes boss!", tugon ko
with matching salute pa. Kaya heto, kinuha ko ang cellphone na nakatago sa
aking bra. Dito kasi ang secret pocket ko para hindi ito manakaw. Ang bongga
noh? Ganyan talaga kapag mautak ka at maalaga sa bagay. ___ At dahil nga
pumayag si Sir na magpamusic ako, mabilis kong plinay ang budots song. Hindi
ako nakapag-exercise kanina, and I think, pwede ko 'tong gawin dito. Tumayo ako
at inistretch ang aking mga braso, kasabay nito ay sinabayan ko na ang tugtog.
Pababa ng pababa ang sayaw ko na animo'y nakainom ako ng alak. "Tot tot
tot tooot tot tott tott!", pagkakanta ko na rin at hindi pa rin ako
humihinto sa pagsasayaw. Kaso nga lang, narinig ko ang pigil na tawa ni David
dahilan para magtaka ako. "Pinagtatawanan mo ba ako ha?", asar na
tanong ko na may panghahamon. "Of course not. I'm just enjoying watching
you. So go on, just dance.", kindat na bigkas niya. "H'wag na. Sinira
mo na ang mood ko! Peste ka!", pagtataray ko at bumalik sa aking upuan.
But still, rinig ko pa rin ang tawa ni David. Kaya tinapon ko na sa kanya ang
papel. "Gago! 'Wag ka ng tumawa! Para kang demonyo eh!", pagsisigaw
ko. I don't care if I act like this. And I don't care anymore kahit na boss ko
siya. "Hi Bro! Goodmorning!", bating saad ng isang lalaki mula sa pinto.
Kaya yung atensyon ko, napunta rito. "Hindi ba uso sayo ang kumatok bago
pumasok?", balik na turan ni David sa binata. Ang sungit niya ha? At ang
bilis magbago ng mood niya. "Bro, wala sa vocabulary ko 'yan. Besides,
kaibigan mo ako. At walang mali kung pumasok na ako.", wika nito at
napabaling ang tingin sa akin. "Oh, new secretary mo na naman?", he
asked. "Anong pake mo?", turan ulit ni David. Grabe! Napakasungit
niyaaa! "Oo, bago niya akong secretary. It nice to meet you.",
masayang saad ko. "Me too, Miss. By the way, I'm Edward.",
pagpapakilala nito kaya nakipagshake-hand naman ako. "Kate. I'm
Kate.", sambit ko sa lalaki. "Nice name. If you don't mind, pwede ba
kitang ayain maglunch?", pagtatanong niya. "No. Hindi siya sasama
sa'yo.", singit na sabi ni David at siya na mismo ang sumagot sa tanong ng
kaibigan niya. "Pero bakit bro? Kakain lang naman kami ng lunch.",
turan nito na tila inaalam ang rason. "Can you just stop asking?! At kung
pumunta ka dito para landiin siya, mas mabuti pang umalis ka na lang.",
pagalit na wika niya. "Bakit ba masyado kang pikon? Dahil ba, kamukha niya
sa Katrina kaya mo siya pinagdadamot?", pagsasaad muli ng binata. "I
said, stop asking and go out!", bulyaw nito. "Chill. Aalis na nga
ohh.", bigkas na lamang ni Edward. "--But I just want to remind you
na babalik pa si Katrina. Babalikan ka pa ng ex-girlfriend mo. So don't fall
inlove with that girl, dahil ikaw din ang mahihirapan.", huling sabi ng
binata bago tuluyang nilisan ang office ni David. Bahagya namang kumirot ang
puso ko nang marinig ko 'yon. Ang weird. Sobrang weird lang dahil medyo
nasasaktan ako kapag si Katrina ang binabanggit nila.
Chapter
14
David's
POV:
"Umiwas ka sa lalaking 'yon. He's not a
good person.", kalmado kong wika kay Kate nang umalis na si Edward. Alam
ko kasi na babalik at babalik ito sa kompanya para kulitin siya. I know him
very well. Base palang sa pagkakausap niya, halatang natitipuhan nito si Kate.
Si Edward, kilalang fuckboy siya. At kapag sumama ka sa kanya, tiyak pati
pagka-babae mo, kukunin nito. But at this point, tahimik na umupo si Kate at
tila ayaw akong pakinggan. Nawala yata ang mood niya dahil sa inasta ko,
kanina. Tsk. It's not a big deal anymore. I'm just doing that for her. Ayokong
mapabilang siya sa mga babaeng na-kama ng kaibigan ko. "Tayo na lang ang
kakain ng luch. Let's eat together, later.", pag-aaya ko rito. "H'wag
na. Hindi ko trip na kumain na kasabay ka.", she replied. "Why? Don't
tell me na mas trip mo na makasama si Edward kaysa sa akin?", inis na
turan ko. "Pa'no kung sabihin kong oo, may magagawa ka ba ha?", balik
na saad niya. Bigla tuloy uminit ang ulo ko dahilan para itapon ko ang papel na
aking hawak. Malakas ko itong tinapon sa sahig at wala pasakalyeng nilapitan
ang babae sa kanyang pwesto. "I already told you, that you're now my wife.
Mahirap bang intindihin 'yon? O baka naman, gusto mong siilin pa kita ng halik
para matauhan ka.", wika ko na may kadiinan sa pagsasalita. "Bakit ka
ba ganyan, David? Pinaparamdam mo sa akin na mahal mo ako at mahalaga ako sayo.
Pero alam natin pareho na ginagawa mo lang 'to, dahil kamukha ko ang
ex-girlfriend mo diba?! Tapos ano, kapag bumalik si Katrina, idedeadma mo na
lang ako? 'Yon ba ang gusto mong mangyari ha?", pagalit n'yang sigaw nang
tumayo na rin ito. Halos magkalapit na ang aming mukha, kaya lalo kong nakikita
ang matatalim nitong titig. Medyo natameme rin ako sa sinabi niya. Hindi ko
kasi alam kung ano ang dapat kong sabihin. I still love Katrina. Pero hindi ko
gusto na mapunta si Kate sa iba. I want her mine. Only mine! "Siguro nga,
dapat na nating itigil 'to. Ayoko na ng laro.", patuloy n'yang saad. She
was about to leave my office, pero marahas kong hinawakan ang braso nito.
Isinanday ko na rin siya sa dingding at inamoy ko ang kanyang leeg. Shit. I
can't control myself. Gusto ko s'ya lagyan ng marka para hindi na ito agawin pa
ng iba. "A-ano ba ang g-ginagawa mo?", tanong nito na rinig ko ang
paglunok niya ng laway. "Let's take it seriously, Kate. Be mine. Be my
woman. And be my wife. H'wag na natin 'tong haluan ng kasinungalingan.", I
whispered to her ears. Kaso mapwersa niya akong itinulak dahilan para magkalayo
kami sa isat-isa. "Nahihibang ka na yata!", bigkas nito na tila uusok
na ang ilong sa galit. "--Nasasabi mo lang 'yan dahil hindi pa dumarating
si Katrina. Kaya ako ang napagtitripan mo!", she said again while
shouting. Malalim akong napahinga at seryoso ko s'yang tiningnan. Maging ako ay
naguguluhan kung bakit ang hirap para sa kanya na paniwalaan ako. "Fine.
Hindi na kita pipilitin at kukulitin, kung 'yan ang hiling mo. But can I have
favor?", mahinang turan ko sa babaeng kaharap ko ngayon. "A-anong
favor ba?", tanong nito sa akin. "H'wag kang makikipag-usap sa ibang
lalaki, lalo na kay Edward. Ayokong mapalapit ka sa taong 'yon.", litanya
ko bilang sagot. "P-pero bakit? Wala naman akong nakikita na mali sa
binata.", saad niya na tila ayaw pa akong pagbigyan. "Basta, sundin
mo na lang. Para rin 'yan sa ikabubuti mo at sa ikabubuti ko.", tanging
sabi ko. "Pa'no kung ayaw ko?", sambit niya na animo'y hinahamon ako.
"Seriously Kate, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag sinusuway ang
gusto ko.", I just replied. "At ano naman ang gagawin mo kapag nakita
mo akong nakipag-usap sa kanya?", she asked me habang naka-angat ang
mukha. "Ginagahasa ko.", mabilis kong tugon sa babae. And that made
her mouth shut. Hindi ko maipinta ang reaksyon ni Kate habang nakatitig ito sa
akin. Halata kasi sa itsura niya ang pagkagulat na tila hindi siya makapaniwala
sa sinabi ko. Kaya malakas akong tumawa para iparating sa kanya na biro lang
'yon. Iniisip siguro nito na kaya kong gahasain siya. Well, to be honest, I
can't do it to her. Kung halik lang ang pag-uusapan, malamang gagawin at
gagawin ko talaga 'yan. "Crazy.", rinig kong sambit niya. "At
least, sayo lang naging baliw.", pagbabanat kong sabi. "Correction,
kay Katrina.", muli nitong bigkas dahilan para mapawi ang ngiti sa aking
labi. Gusto ko ng kalimutan si Katrina, pero bakit niya pa binabanggit ang
pangalan ng dalaga. Shit! I want to move-on. "Don't mention her name
again.", seryoso kong saad. "Why? Dahil ba affected ka pa rin?",
pagtuturan ni Kate. Hindi agad ako nakasagot dahil baka hindi niya magustuhan
ang lumabas sa bibig ko. "I know it. You're affected, because you still
love her.", huling sabi niya at tinalikuran na ako. Lumabas na rin siya ng
office kaya naiwan akong mag-isa. Aaminin ko, apektado pa rin ako. Minahal ko
ng husto si Katrina, at siya ang pinangarap kong makasama habang-buhay. Pero sa
tuwing nakikita at nakakasama ko si Kate, umiiba ang aking desisyon. Kakaibang saya kasi ang dinudulot ng mag-ina
sa akin, na halos hindi ko na naiisip pa ang ex-girlfriend ko. And I admit na
sa umpisa, ginagamit ko siya. Pero kaninang umaga, narealize ko na hindi ko
kayang mawala si Kate. She's now important to my life. So I don't want to lose
her. At sa tingin ko, panahon na para kalimutan ko si Katrina. Nang sa gano'n,
mabuksan ko na ulit ang puso ko para kay Kate. ___ Sa naisip kong ito ay
mabilis akong naglakad para sundan ang babae sa baba. Mahirap na, masyado pa
namang fit ang suot nitong uniform, kaya baka matipuhan siya ng mga lalaki. At
hindi nga ako nagkamali, dahil pagkarating ko sa canteen, may kasama agad si
Kate--at 'yon ay walang iba kundi si Edward. Napakuyom tuloy ako ng kamao nang
lapitan ko sila. Pero yung mata ko, umaapaw dito ang selos, dahil nakikita ko
mismo kung gaano kasaya ang babae na kausap ang binata. "Eating lunch
together, while smiling. Ang ganda yata ng pinag-uusapan niyo. Baka pwede
n'yong i-share?", saad ko rito na may kainisan sa boses. Napalingon silang
dalawa sa gawi ko na kung saan nakatayo ako sa mismong likuran ni Kate.
"Nabanggit niya kasi sa akin na single mom siya. Kaya biniro ko, na baka
pwede akong umapply bilang papa nung bata.", wika ni Edward na animo'y
proud na proud pa. "Hindi mo na kailangan na umapply, dahil meron ng papa
ang anak niya.", turan ko sa lalaki. "Gano'n ba? Sino ba ang taong
'yon? Napakaswerte naman.", ngiting sabi niya. "Kaya nga maswerte
ako. So back-off.", mabilis na tugon ko. "What?", tanong nito na
may pagtataka. "Bro, mayaman kang tao. Kaya bago ka lumandi ng babae,
bumili ka muna ng cotton buds.", saad ko sa kanya na dinaan ko pa sa
pamimikon. "Tsk. Iniwan ka lang ng kapatid ko, naging ganyan ka na. Pati
secretary mo, pinapatos mo.", balik na turan ni Edward. Yes, magkapatid
nga sila ni Katrina. And this is one of the reason, kung bakit pinapaiwas ko si
Kate sa binata. "Your sister is nothing to me, now.", saad ko muli
kasabay ng pagpatong ko ng kamay sa mesa. "--And Kate is not just my
secretary. But she's also my lover.", I said as I continue my words.
Chapter
15
DAVID's
POV:
"What the heck?! Mag-usap nga
ulit tayo.", mabilis na turan ni Kate nang tumayo ito at agad na hinawakan
ang kamay ko para kaladkarin ako papunta sa office. Nagawa n'yang iwan si
Edward, dahilan para mapangiti ako. Sigurado na ako sa nararamdaman ko sa
babae. Alam ko na masyadong mabilis, pero wala eh. Talagang tinamaan ako kay
Kate. Na-love at first sight yata ako sa kanya, hindi dahil sa kamukha niya si
Katrina, kundi sa ugali na taglay nito. Nagawa n'yang palakihin si Michael na
siya lang mag-isa. And I feel so proud of her. Totoo siya magmahal. "Akala
ko ba titigilan mo na ako ha? Malinaw na ang usapan natin kanina diba?",
inis nitong sabi nang bitawan niya ako. Nasa loob pa rin kami ng elavator at
hindi pa kami nakakarating sa taas. "Pero hindi mo rin sinunod ang pabor
ko, Kate. So it just a tie.", ngiti kong saad. "Hays! Ang yaman mong
tao, pero ang tigas ng ulo mo! Bakit ba ang hirap para sayo na intindihin ang
sitwasyon ko?! Ginugulo mo lang ang buhay ko!", wika niya na may kaasaran
sa boses. "Hindi ko ginugulo ang buhay mo, honey. Sadyang hindi mo lang
ako maintindihan dahil puro negatibo ang pumapasok sa isip mo.", mahina
kong litanya. "At ako pa talaga ang may kasalanan ha? Ang kapal din talaga
ng mukha mo.", muli nitong sigaw na halos mandilim ang paningin niya sa
akin. Kinulong ko naman siya gamit ang dalawa kong braso nang sumanday ang
likod niya sa elevator. I want to kiss her, right here, right now. At wala na
akong pakialam sa iisipin ng mga tao. Kasi ngayon, ang tanging gusto ko lang ay
ipakilala sa lahat, kung gaano ko siya kamahal. "Makapal na kung makapal,
Kate. Sabihan mo na ako ng kung ano-ano, tatanggapin ko 'yon. Pero sana,
tanggapin mo rin ang pagmamahal ko sayo.", seryoso kong turan. Puno ito ng
emosyon para kahit papano, tumagos sa puso niya na hindi na ito biro.
Napanganga na lamang ito at hinihintay pa ang sunod kong sasabihin. "Three
words, and eight letters, honey. And I will say it again, but this time, take
it seriously... I love you.", bulong ko sa tenga niya. Matapos
kong bigkasin ang katagang 'yon, dahan-dahan ko ng hinawakan ang mukha niya, at
siniil siya ng halik. Ramdam ko naman ang pag-galaw ng labi niya, na tila
tumutugon na rin sa halik ko. Kaya yung kamay ko, ipinulupot ko ito sa bewang
ng babae. Damn. I like the way how she kissed me. Nabuhayan tuloy ang junjun ko
na natutulog sa loob ng brief. *Ting!* Rinig kong tunog ng elevator, simbolo na
nagbukas na ang pintuan nito. Pero hindi pa rin kami bumitaw sa isat-isa at
pinagpapatuloy namin ang halikan. "Ahem.", pag-uubo ng tao mula sa
labas. At dahil dito, tinulak na ako ni Kate, kasabay ng pagtakbo niya sa
opisina. Nahiya na siguro ito dahil ang dami na palang
nanood sa amin. Pero ako, sa halip na mahiya, kinilig pa ako ng sobra. Tangina!
Ang weird pakinggan, pero nauutot ako kapag kinikilig. "Nakakainis! Bakit
ko ba siya hinalikan pabalik? Ano na lang ang iisipin niya? Na easy to get ako?
Tapos inlove na ako? My ghad! Hindi ko dapat ginawa 'yon!", rinig kong
kausap ni Kate sa sarili niya. Nasa pinto lang ako at pinapakinggan siya. And
she's really cute, kahit na nakatalikod ito. "Pero teka, inlove nga ba
ako?", muli nitong saad na animo'y naguguluhan siya. "Hindi. Hindi
tama ang nararamdaman ko! Binobola niya lang ako. Kaya hindi dapat ako mahulog
sa kanya! Nasaktan ka na Kate, remember? Nagawa ka na ngang iwan ng
ex-boyfriend mo, tapos ngayon, magpapa-uto ka ulit sa lalaki?", she said
again. Hindi ko na nakayanan at mabilis ko s'yang niyakap mula sa likod niya.
"Anong--", "Mahal kita, Kate. And I mean it. So please,
pagkatiwalaan mo naman ako. I know na masyado pang maaga. Hindi pa natin kilala
ng lubusan ang isat-isa, pero, mahal na kita, at ito ang alam ko.", wika
ko sa babae. "--Pero kung hindi ka pa handa, I can wait. Hihintayin kita
hanggang sa mahalin mo rin ako.", pagpapatuloy kong sabi.
Chapter
16
Kate's
POV:
I gave David a chance. Wala naman
sigurong mali kung hahayaan ko siya na ligawan ako. Pero syempre, sinabi ko sa
kanya na kailangan niya munang humingi ng permiso galing mismo kay Michael. It
is a sign of respect to my son. Kahit na sabihin pa nating boto ang anak ko sa
binata, maganda pa rin na malaman nito ang tungkol sa panliligaw niya. ____
Kaya matapos ang trabaho sa kompanya, we decided to go home. Hindi na rin ako
nagpa-apekto pa sa chismis, dahil kahit anong gawin nila, hindi nila ako
masisira. Tahimik na nagdadrive si David patungo sa kanyang mancion. Wala
s'yang imik, na tila malayo ang iniisip. Gustuhin ko mang kibuin siya, pero
pinili kong tumahimik na lamang. "Ano pala ang paborito mong ulam?",
bigkas nito dahilan para mabasag ang katahimikan sa loob ng kotse. For almost
30 minutes, ito lang pala ang iniisip niya. Hindi ko tuloy alam kung matatawa
ako sa tanong niya. "Bakit?", tugon ko habang nakataas ang ang aking
kilay. "Wala lang. Natanong ko lang.", pag-iiwas n'yang tingin. So
weird. But still, I choose to answer his question. "Okay. Ang paborito
kong ulam yung prinitong isda tapos syempre yung paksiw. Ang sarap-sarap kasi
no'n.", matakam[1]takam
na wika ko. Kumalam tuloy ang sikmura ko dahil sa pagpapaalala niya sa mga
favorite foods ko. "Easy.", ngiting turan ni David. "Easy ka
dyan? Bakit, marunong ka ba magluto? Paglulutuan mo ba ako ha?", saad ko
rito. "Of course, I can cook. Pero hindi kita paglulutuan.",
diretsang tugon niya. Awtomatikong napakagat ako ng dila, dahil sa pagiging
assumera ko "Ah sabi ko nga, hindi.", sambit ko na lamang at tinuon
ang pansin sa kalsadang tinatahak ng sasakyan. Bigla akong nakaramdam ng
lungkot, sa hindi malaman na dahilan. ____ Bumukas naman ang gate ng Mancion ni
David, hudyat na nakarating na kami sa mismong pamamahay niya. Kaya mabilis
akong bumaba ng kotse para yakapin si Michael na kanina pa pala nakatayo sa may
pinto. "Baby!", masayang bigkas ko. Tumakbo ito palapit sa akin at
mahigpit akong niyakap. "Namiss kita, mama. Hindi ako sanay na wala ka
kapag umaga.", malambing na turan ng anak ko. Pinupog ko naman siya ng
halik sa palibot n'yang mukha, kaya napatawa ito ng malakas. May kiliti kasi si
Michael kapag hinahalikan ko siya. "Mama naman. I'm big boy na po.",
hagikhik na sambit nito. "Big boy ka dyan? Hindi ka pa tuli kaya baby ka
pa rin sa paningin ko.", pagtutugon ko at patuloy siyang dinadampian ng
halik. Sa sobrang kaharutan namin ng bata, hindi ko namalayan na wala na pala
si David sa tabi ko. Siguro, nauna na itong pumasok sa loob, kaya
naman sabay na rin kaming naglakad ni Michael papasok doon. "Ahm, Manang,
si David po? Nakita niyo po ba siya?", pagtatanong ko sa isang maid.
Nilibot ko na kasi ang paningin ko, pero hindi ko siya nahagilap. Tinapunan ko
ng tingin ang kwarto niya, pero naka-lock ito, kaya imposibleng nando'n ang
binata. Hays. May lahing aswang yata ang mokong na 'yon. Hindi man lang ako
ininform kung saang sulok siya pupunta. "Ayieeh si mama, namiss agad si
papa.", pagsusundot na saad ni Michael sa tagiliran ko. "Hindi ahh.
Hindi ko siya namiss.", "Pero bakit mo siya hinahanap?", tanong
muli nito. "Dahil may kailangan siyang sabihin sayo.", bigkas ko
bilang sagot. "Eh ano po 'yon mama? Ano pong sasabihin niya?",
curious n'yang sambit. "Anak, mamaya malalaman mo rin.", tanging saad
ko at bahagya kong pinisil ang pisngi ng bata. "Okay po.",
"Sige, magbibihis muna si mama, tawagin mo na lang ako kapag kakain na.",
pagbibilin ko na kaagad n'yang tinanguan. Mabilis naman akong umakyat, patungo
sa aming kwarto. Nagpalit ako ng damit na talagang komportable sa aking
katawan. Inalis ko na rin ang sandal na suot ko, at medyo nagkaroon ito ng
sugat. Masyado kasing matangkad ang heels kaya panigurado bukas, pilay akong
maglalakad nito. Nagpahinga muna ako ng ilang minuto sa kwarto, at maya-maya'y
biglang sumigaw ang anak ko. "MAMA! KAKAIN NA PO!", pagkakatok ni
Michael. Halos mabingi naman ako sa sigaw niya na animo'y excited ang boses
nito. So I open the door at sumama na akong bumaba. At pagkarating ko sa
mismong hapag-kainan, nakita ko si David na nakasuot ng apron. Naka-smile
s'yang tumitig sa akin kasabay no'n ay nilapag niya ang mangkok na may laman
na---paksiw. "Pinaglutuan kita ng paborito mo, honey. Hindi ko na sinabay
pa yung pritong isda, dahil masyadong malansa at takot ako sa talsik ng
mantika.", pag-aamin nito. Pero sa halip na tawanan ko siya, palihim akong
kinilig dahil sa effort na ginawa niya. Todo deny pa siya kanina, tapos may
pa-ganito pala ang gusto n'yang mangyari. "Let's eat. Maupo ka na
dito.", sambit ng binata at inalalayan niya pa ako na umupo. "Wow!
Ang sarap, papa!", pagbibigkas ni Michael na ikinatawa naming dalawa ni
David. Sabay-sabay na kaming kumain na tila masaya kaming pamilya. Halata ko
rin sa mukha ng bata ang kasiyahan dahil ngayon niya lang naranasan ang
magkaroon ng papa. "Michael, gusto kong ligawan ang mama.", walang
paligoy-ligoy na wika ni David. Buong akala ko, magugulat ang anak ko sa sinabi
nito, pero hindi eh. Bagkus, ako pa 'tong nagulat sa tinuran niya. "Ligaw
lang papa? Ang hina mo naman. Kung ako sayo, gawa agad kayo ng baby.",
sambit niya dahilan para mapaubo ako ng husto. Potah, parang gusto kong
makausap ang teacher ni Michael. Baka kung ano-ano ang tinuturo nila sa batang
'to.
Chapter
17
Kate's
POV:
Sa kabila ng pagiging madaldal ni
Michael, tuwang-tuwa siya sa sinabi ni David. Hindi na nga sa akin bago ang
reaksyon niya, dahil gustong-gusto niya na magkaroon ng papa. Tawanan at biruan
tuloy ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Ang totoo n'yan, ang cute nilang
tingnan. Para silang mag-ama dahil sa pagiging close nila sa isat-isa.
"Mama, nood naman tayo ng cartoon.", pag-aayang bigkas ng bata.
Pumagitna pa ito sa amin ni David para lang kulitin ako. "Ano bang cartoon
ang gusto mo?", tanong ng binata sa kanya. "Tom and Jerry po,
papa.", mabilis na turan nito. "Oh sige, manonood tayo. Sasamahan ka
namin ng mama mo na manood ng paborito mong cartoon.", masayang sambit ni
David. Siya pa mismo ang lumipat ng channel para maumpisahan namin ang
panonood. Bawat minuto, rinig ko ang malakas na tawa ni Michael na animo'y
enjoy na enjoy siya. At kinalaunan, bigla itong natahimik, kaya napatingin ako
sa gawi niya na kung saan, nakatulog na pala ito sa balikat ng binata.
"Tulog na siya, honey. Baka pwede na tayo naman ang mag-enjoy.",
ngising sabi ni David na tila may pinaparating ito na kakaiba. "Tumigil ka
nga. Nanliligaw ka palang, tapos gusto mo agad akong tikman? Gago.",
mahinang saad ko at binatukan ko pa siya. Akma ko na sanang bubuhatin, ang anak
ko, pero pinigilan ako ni David. "Michael is now part of my
responsibility. Kaya hayaan mong tulungan kita sa pag-aalaga sa kanya.",
wika nito at marahan niyang binuhat ang bata. Bahagya akong napangiti habang
sinusundan siya paakyat ng kwarto. Nakikita ko tuloy kay David ang ideal type
ko sa isang tao. He's perfect! Gwapo at may mabuting kalooban.
"Salamat.", turan ko nang ihiga niya ang bata sa kama. "You
don't need to say thank you, Kate. Gaya ng sinabi ko, responsibilidad ko na rin
si Michael. Para ko na siyang anak. At kapag sinagot mo ako, handa akong
ampunin siya para tuluyan na ako maging papa.", seryosong pahayag nito.
"David, sobra-sobra na ang naitutulong mo. Pinatuloy mo na kami dito sa
bahay, tapos naging secretary mo pa ako sa kompanya, kaya nakakahiya naman
kung--", Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinarang niya ang
daliri sa aking labi. "Mahal kita, Kate. And I mean it. So just let me do
it.", pagsasambit niya para hindi na ako tumanggi pa. "By the way,
iwanan muna natin si Michael dito.", he said again. Kaya nagkaroon tuloy
ng pagtataka ang mata ko dahil masyadong gabi na. "Pero walang magbabantay
sa anak ko. Hindi siya sanay na mag-isa.", "Si yaya na ang bahala.
May kailangan akong ipakita sayo.", nakangiting sabi nito. Agad n'yang
hinawakan ang kamay ko at mabilis kaming lumabas ng kwarto. Sa kilos niya
palang, halata ko na medyo excited ito sa pupuntahan namin. "Saan mo ba
kasi ako dadalhin?", tanong ko na sa lalaki. Natatakot na ako sa kanya,
baka may binabalak itong masama sa katawan ko. "H'wag ka ng magtanong,
magugustuhan mo rin ang gagawin natin.", ngising tugon niya dahilan para
magkaroon ako ng clue. Oh my gosh! Mukhang alam ko na ang mangyayari. Kaya
marahas kong binawi ang kamay ko para makaalis sa kamay niya. "What?",
"H'wag mo akong mawhat-what dyan ha? I know you.", pagduduro ko kay
David. "Hays. Ang dumi yata ng iniisip mo.", bigkas nito sa akin.
"Talagang madumi. Kilala ko na ang mga galawan mo. Kanina nga sa elevator,
kung hindi pa bumukas ang pinto, siguro may nangyari na.", ngusong turan
ko. Pero ang mokong na 'to, tinawanan lang ako. "Hahaha. Na-tempt lang ako
sayo, Kate. But this time, wala akong gagawin. Pangako.", sambit ni David
at nag-promise sign pa. So at the end, sumama nga ako sa kanya. Sa roof top
niya ako dinala, na kung saan matatanaw ko ang bilog na buwan at maraming
bituin sa langit. Ramdam ko na rin ang malamig ng hangin na dumadaplis sa braso
ko. "Come here.", sitsit na saad niya. Naka-upo na siya sa mismong
tapat ng isang mala-microscope. Kaya dahan-dahan akong lumapit sa binata.
"I want you to see the stars and the moon, para makita mo kung gaano ito
kaganda kapag malapitan.", pagsasabi ni David. Walang paligoy-ligoy at
tiningnan ko nga 'yon gamit ang mala-microscope. "Ang ganda nga.", manghang sambit ko
habang tinititigan ang bituin sa langit. "Yeah, maganda talaga 'yan. Pero
mas maganda ka.", turan ng lalaki. Bahagya ko s'yang tinapunan ng tingin
na ngayon ay nakatingin pala sa akin. "Ahm, bakit mo pala ako pinunta
dito?", pagtatanong ko. "Well, it is one of my memorable place here
in my house. And to be honest, ikaw palang ang nadala ko sa lugar na
'to.", bigkas niya bilang sagot. "Ako palang?", sambit ko ulit.
Buong akala ko kasi, bukod sa akin, nadala niya na dito si Katrina. "Yeah,
ikaw palang. Dahil nung natapos ang bahay na 'to, nando'n na si Katrina sa
ibang bansa.", wika muli ni David. Binaling niya naman ang tingin sa suot
n'yang bracelet na kaagad nitong inalis at tinapon sa malayo. "Bakit mo
tinapon? Sayang ng bracelet.", inis kong saad sa lalaki. "Wala ng
rason para suotin ko pa 'yon.", kibit-balikat n'yang sabi. "Huh?
Anong ibig mong sabihin?", "That bracelet, is a birthday gift of
Katrina. Binigay n'ya yon sa akin, bago siya umalis.", pagpapaliwanag
niya. "Oh tapos? Bakit mo pa tinapon?", I asked him again.
"Dahil hindi ko na siya hihintayin pa. Hindi ko na kailangan na maghintay
sa kanya.", turan nito na tila walang alinlangan na sagutin ang tanong ko.
"I don't get your point, David.", naguguluhan na saad ko. Kaya
marahan n'yang hinawakan ang palad ko at tiningnan ako sa aking mata.
"Kate, mahalaga sa akin ang bracelet na 'yon. Dahil nagsisimbolo ito ng
pagkakabalikan namin. At kapag bumalik siya, gusto n'yang makita na suot ko
'yon. But now, I realized na hindi ko na siya kailangan. Because you're now
enough for me.", litanya nito na may kalambingan sa boses. And yes,
kinikilig ako sa simpleng banat niya.
Chapter
18
Kate's
POV:
ILANG araw na din simula nang tumira kami sa
bahay ni David. Siguro maghihigit isang linggo na rin kaming nandito ni
Michael. At isang linggo na rin akong Secretary ng binata. Wala namang nagbago
sa pakikitungo niya. Sa halip, mas naging sweet at maalaga ito sa amin ng anak
ko. Ideal man na nga siya kung tawagin. Kaya kahit anong pigil ng puso ko na
'wag mahulog sa kanya, hindi ko mapigilan. Bihira na lang kasi ang makatagpo ka
ng lalaki na tanggap ang pagkatao mo, at tanggap na may anak ka. At sa lagay ni
David, hindi niya ikinahiya si Michael. Proud na proud pa nga siya dahil naging
anak niya raw ang bata. "Mama, hindi po ako sanay sa bagong school na
sinasabi niyo ni papa. Pa'no kung awayin nila ako do'n?", nag-aalalang
tanong ni Michael habang nasa loob kami ng kotse. Balak kasi naming ilipat ang
bata sa private school dahil ito ang gusto ni David. Hindi naman ako tumanggi
dahil masyadong sa tinutuluyan namin ang dati nitong paaralan. Kaya
napagdesisyunan naming dalawa na ipunta si Michael sa lugar na madali kong
takbuhin kapag may emergency. I guess, five minutes lang ang tinagal bago kami
nakarating sa school ni Michael. Sa school na napili ni David para sa anak ko.
"Papa, ayoko po dyan. Baka wala ako na maging kaibigan eh.", bigkas
muli ng bata. Pero ginulo lang ng binata ang buhok nito at bahagyang tumawa.
"Magkakaroon ka ng maraming kaibigan dyan. Ikaw pa, manang-manang ka sa
akin.", sambit nito para hindi kabahan si Michael. Bumaba na kaming tatlo
sa kotse, pero hanggang gate lang kami ni David dahil mismong guard na ang
bahala para idala ang bata sa room. Kahit ako, kinakabahan rin ako dahil alam
kong hindi sanay ang aking anak sa ganito ka-sosyal na paaralan. "Don't
worry about him. Magiging masaya si Michael sa school na 'yan.", wika nito
at inakbayan ako. "Paano ka naman nakakasiguro?", tanong ko sa
lalaki. Hindi ko siya magawang tingnan dahil yung mata ko, nanatiling
naka-focus sa anak kong naglalakad kasama ang guard. Abot-tingin ko na lang
kasi siya, kaya hindi muna ako umaalis hangga't hindi siya nakakapasok sa
silid. "Dahil sa amin ang paaralan na 'to.", ngiting pahayag niya.
"Ano? S-sa inyo 'to?", saad ko na labis ang pagkagulat sa boses.
"Yeah. Hindi ba halata?", ngiting tugon niya sabay turo ng nasa
itaas. Nakalagay kasi do'n ang pangalan ng mismong paaralan. "Santiago
College Foundation School.", pagbabasa ko sa malaking letra na nakasulat
mismo. Napalunok naman ako ng laway dahil ngayon ko lang naalala na Santiago
pala ang last name niya. "Sa buong Manila, ito ang pinakamalaking school.
From elementary to college ang pinapapasok dito. And soon, kapag nagsawa na ako
sa kompanya, ako na rin ang mag-hahandle nito. But for now, yung pinsan ko muna
ang bahala.", mahabang litanya ni David para maging malinaw sa akin ang
lahat. "Ang yaman niyo talaga. Kasama ba kayo sa mayayaman na tao dito sa
Pilipinas?", pagtatanong ko ulit. "Hindi lang sa Pilipinas, Kate.
Maging sa buong mundo, kasama kami. That's why my parents are not here. Nando'n
sila sa ibang bansa para asikasuhin ang ibang company namin.", turan niya
muli. Namuo tuloy ang takot sa dibdib ko, dahil isang hamak na mahirap lamang
ako. Kaya hindi ko alam kung matatanggap ba ako ng magulang niya.
"Aray!", impit na bigkas ko. Bigla kasi akong binatukan ni David
dahilan para lingunin ko siya na may katarayan. "Bakit mo ba ako binatukan
ha? Peste ka!", asar kong sambit. "Ang drama mo kasi. Kahit hindi mo
sabihin, nahuhulaan ko ang tumatakbo sa isip mo. So just stop it. Wala kang
dapat na i-problema dahil nandito lang ako sa tabi mo. Hinding-hindi kita
iiwan, kahit anong mangyari.", wika ng binata, kaya gumaan ang pakiramdam
ko. Shit, I feel so special. DIRETSO kompanya kami ni David matapos naming
ihatid si Michael sa bago n'yang school. Bilang ina ng bata, may tiwala ako sa
kanya dahil matalino talaga ang anak ko. Actually, hindi na ako masyadong
nagpapa-apekto sa mga chismisan ng mga empleyado. Wala rin naman kasing
hahantungan kapag pinatulan ko pa sila. "Kate, paki-check nga kung anong
oras at ilan ang meeting ko sa araw na 'to.", saad ng binata habang
papalakad kami patungo sa office. Kaagad kong binuklat ang makapal na notebook
na hawak ko para tingnan ang ini-utos ng lalaki. "Ahm, meron ka pong
schedule kay Mr. Tan, mamayang 9:00 a. m. And kay Mr. Montenegro naman mamayang
hapon.", sagot ko at tuluyan na kaming nakapasok ng opisina niya. Kaso sa
pagpasok namin do'n, bigla n'ya akong isinanday sa dingding at mabilis nitong
hinagkan ang labi ko. "A goodmorning kiss, para ganahan ako.", kindat
na saad niya. "Dami mong alam. Gusto mo lang ako halikan.", iling na
sabi ko at marahan s'yang tinulak. "Parang gano'n na nga.", bigkas
nito at umupo malapit sa table niya. "Gusto mo ba ng kape? Pagtitimplahan
kita.", insist na bigkas ko. "Ayoko ng kape. Pwede bang ikaw na
lang?", pagtuturan nito. "Gago. Umiiral na naman ang pagiging manyak
mo, Mr. David.", "At least, sayo lang ako naging manyak.", he
replied. "Oo na lang.", natatawa kong tugon. At tsaka tumungo sa
upuan ko para umupo na rin. "Come here, Kate.", biglang sabi nito.
"Huh?", kunot-noong bigkas ko. "Sabi ko, halika dito.",
pag-uulit niya sa akin. "Ano na naman ba? Kita mong naka-upo na ako tapos
papapuntahin mo lang ako dyan.", asar kong wika. Tamad pa naman ako na
tumayo kapag naka-upo na ako sa aking pwesto. "Gusto ko lang makatabi
ka.", "Hello, ilang pagitan lang naman ang layo natin. H'wag kang O.
A.", saad ko para hindi na ito mangulit. "Kahit na. Basta gusto kong
makatabi ka. So please, come here.", sambit niya na may pakiusap.
"Ayoko nga. Manigas ka d'yan. Nakakatamad ng maglakad.", pagtataray
ko. "Isa.", bigkas nito, kaya matalim ko s'yang tiningnan.
"Dalawa?", pamimilosopo ko. "Hays. I will count up to five.
Kapag hindi ka pumunta dito, bubuhatin kita dyan kasama ang upuan.",
pananakot nito. "As if you can. Made in metal kaya 'to, kaya masyadong
mabigat.", turan ko bilang panghahamon. "One.", panimulang
bilang ni David. Hindi ko ito pinansin at nagsulat-sulat na lamang ako.
"Two.", he count again. "Three.", patuloy nito. But still,
I don't have care. "Four.", muli n'yang bigkas. Pero hindi ako
nangamba dahil alam ko na hanggang salita lang ito. "Five.", huling
bilang ng binata. Hindi ko maipaliwanag, pero sobrang bilis ng pangyayari dahil
nasa mismong tapat ko na siya. Kasabay no'n, ang pagbuhat nito sa akin, kasama
nga ng upuan. Tangina! Bigla n'ya akong binaba sa tabi mismo ng upuan niya.
"I told you. H'wag mo akong hahamunin.", bulong nito sa tenga ko.
"Bakit ba kasi? May sarili naman akong table ha? Hindi ko kailangan na
makipagshare sayo.", inis kong sabi sa kanya. "But I want you to sit
beside me, Kate. Para kahit pagod na ako, mayakap agad kita. Dahil ikaw ang
nagbibigay sa akin ng lakas. Corny mang sabihin, pero patay na patay na yata
ako sayo.", pag-aamin nito dahilan para mabigla ako. Gusto kong kiligin.
Pero laging sumasagi sa isip ko ang mukha ni Katrina na sobrang kamukha ko.
Kaya nagiging negatibo tuloy ang pumapasok sa utak ko, na pati emosyon ko,
nagagawa nitong pigilan.
Chapter
19
Kate's
POV:
Hindi yata pagiging Secretary ang
trabaho ko kay David, kundi ang humarot ng humarot sa binata habang busy siya
sa mga papeles. Wala eh, mas bet n'yang ganito lang ako para mabawasan daw ang
pagod niya. Ibang klase noh? Pero okay na rin siguro 'to, dahil mas ramdam ko
ang pagmamahal ng lalaki. Sa palagay ko, tuluyan na siyang nakalimot, sa dati
n'yang nobya. Halata ko na kasi ito sa bawat kilos niya. ____ Nakita ko naman
ang pag-galaw nito ng leeg na animo'y sumasakit na ito. Kaya tumayo ako at
pumwesto sa likod ng binata. "Anong ginagawa mo?", he asked me, na
talagang lumingon pa. "Hihilutin ka. Alam ko kasing nangangalay na ang
leeg at likod mo, so let me do this.", ngiting sagot ko at nilagay ko ang
kamay sa kanyang balikat. "Magaling ka ba humilot ng ulo?", bigkas
niya ulit sa akin. "Oo naman. Ako pa.", I replied. Proud na proud ko
'tong sinambit para ipagmalaki ang kakayahan ko. "Then pakihilot na rin ng
ulo ko sa baba.", ngising wika ni David. "Gago ka! Ang dumi talaga ng
isip mo.", madiin kong bigkas kasabay ng pagtapik ko sa noo niya.
"Aray! Hindi ka naman mabiro.", pagsasaad nito. "Tsk.",
tanging sambit ko at nagpatuloy sa paghihilot. Habang ginagawa ko 'yon, tumunog
naman ang cellphone niya, senyales na kailangan na nitong pumunta sa meeting.
"Hays. Ang bilis talaga ng oras. But see you later, honey. Dito ka lang
ha? H'wag na 'wag kang lalabas at makikipag-usap sa ibang lalaki.",
pahayag niya at marahan pang piningot ang ilong ko. "Let me remind you,
Mr. David, nanliligaw ka palang, hindi pa kita jowa.", bigkas ko na
kunwari ay may katarayan sa aking boses. "Pero Kate--", "Joke
lang! HAHAHA. Syempre, susundin kita, Boss. Ikaw pa. Malakas ka sa akin
eh.", malakas kong tawa. Hindi ko kasi mapigilan ang naging reaksyon niya,
na tila nawalan ito ng pera. "Tsk. Then, good. Aalis na ako.", he
said as he kissed me on my lips. Potah! 'Di ko na alam kung nakailang beses na
itong halik sa bibig ko. Naadik yata siya sa mamula-mula kong labi. But
infairness, umiiral ang pagiging marupok ko pagdating sa kanya. Kung si David
ba naman ang maging boyfriend ko, handa akong masaktan. ___ Napadako ang aking paningin sa bawat sulok ng
opisina. Pero may isang bagay ang kumuha ng atensyon ko, dahilan para lumapit
ako sa bandang kanan. "May 14? Birthday ni David?", pagbabasa ko
naman. Binilang ko pa sa daliri kung ilang days na lang bago ito mangyari.
"Shit. 4 days? Pero 'di bale, ako naman ang gagawa ng surprise para sa
kanya.", I smiled. Kaya heto, kung ano-anong imaginations ang umiikot sa
utak ko. What if, sagutin ko na siya sa araw na 'yon? O kaya naman, i-prank ko
siya? Yung tipong mapapaiyak ko siya sa umpisa, pero sa huli, matutuwa ang
binata. Tama! Gano'n siguro ang dapat kong gawin para more exciting----
"Ang lalim ng iniisip mo ha?", pagpupuna ng isang lalaki na biglang
pumasok sa office. Si Edward! "Kung hinahanap mo si David, wrong timing ka
dahil nasa meeting siya ngayon.", saad ko sa kanya. Direct to the point ko
na s'yang kinausap para hindi siya magtagal dito sa loob. "I know. Alam ko
naman lahat ng schedule niya.", "So bakit ka nandito?",
"Actually, I just want to talk to you. Ikaw ang pinunta ko.",
"Tungkol ba saan 'yan? Marami pa kasi akong gagawin, kaya kung ano man ang
sasabihin mo, sabihin mo agad.", wika ko sa binata. Kahit ang totoo, wala
akong magawa sa office. "Nabalitaan ko kasi na nililigawan ka ni David.
Tama ba ang chismis na 'yon?", "Oo. Eh ano naman kung nililigawan
niya ako?", "I'm just being concern.", "Concern kanino? Sa
akin o sa kapatid mo?", bigkas ko bilang tugon. Si Katrina ang tinutukoy
ko, dahil alam nating lahat na kapatid niya ang dalaga. "Sa inyong dalawa.
Nag-aalala ako dahil baka isa sainyo ang masaktan kapag bumalik siya.",
"Ginugulo mo yata ako.", "Kate, sinasabi ko lang 'to para aware
ka sa lahat. Hindi mo alam kung gaano nila kamahal ang isat-isa.",
"Mahal ang isat-isa? Nagbibiro ka ba?", "Iniwan ng kapatid ko si
David dahil gusto n'yang unahin ang career sa ibang bansa. Gusto n'yang sumikat
para matanggap siya ng mama ni David. Kaya kung ako sayo, umiwas ka na. Para
hindi ka gaanong masaktan.", "Pwede ba Edward, hindi ako yung tipo ng
babae na basta naniniwala sa mga sabi-sabi lang. So please, umalis ka
na.", "Nireremind lang kita, Kate. Dahil pareho nating alam, na wala
kang ipagmamalaki. Isa kang hamak na mahirap na walang ginawa kundi ang kumapit
sa patalim.", "Oo, mahirap ako. Pero hindi ako katulad mo na mayaman
nga, kulang naman sa pinag-aralan.",
Chapter
20
David's
POV:
MABILIS na natapos ang meeting, kaya
mabilis akong tumungo muli sa opisina. Atat na atat akong makita at mayakap si
Kate. Ganito na siguro ako ka-inlove sa kanya, dahil kahit isang oras palang
ang nakalipas, gusto ko na agad masilayan ang mukha nito. "Honey, I'm
back!", masiglang sambit ko pagkabukas ko ng pinto ng office. Pero yung
ngiti ko, biglang napawi nang hindi ko makita ang babae. Tahimik ang kalooban
at wala na rin ang gamit niya. "Hays. Sinabihan ko palang siya na 'wag
lumabas. Ang tigas din ng ulo ni Kate. Kurutin ko ang singit niya.", inis
kong saad sa aking isipan. Isinara ko ang pinto para pumunta sa first floor.
Nando'n kasi ang kainan kaya tiyak, baka nagutom siya. Kaya lang, ni isang
anino ni Kate, hindi ko man lang nasilayan. "Sir David, hinahanap mo po ba
ang Secretary mo?", tanong ng isang tao sa akin. Nagawa pa ako nitong
lapitan na animo'y alam ang tumatakbo sa utak ko. "Yeah, I'm looking for
her. Alam mo ba kung saan siya pumunta?", turan ko sa babae. "Yes po.
Kani-kanina lang, nagmamadali s'yang umalis.", pagsasagot niya. Akma na
sana akong lalabas ng kompanya, pero muling nagsalita ang babae. "By the
way Sir, si Sir Edward, pumunta din kanina. Sa mismong office mo siya tumungo,
kaso lumabas din agad.", Dahil sa sinabi nito, nagkaroon ng kutob ang
damdamin ko. Mukhang may nangyari nung wala ako. Kaya hindi ko na sinayang ang
oras at kumaripas ako ng takbo palabas. Nilinga-linga ko pa ang bawat paligid,
baka sakaling hindi pa nakakalayo si Kate. But shit! I didn't find her.
Nababahala tuloy ako, kung ano ang pinag-usapan nila ni Edward. ____ Tumawid na
rin ako ng kabilang kalsada, para lang hanapin ang babae. Ngayon lang ako
nagkaroon ng kaba dahil sa nagiging kaganapan sa mga oras na 'to. Paano na lang
kung umalis siya at hindi na nagpakita sa akin? Paano na lang kung iwan niya
ako? Dahil tuloy sa pagod, hingal akong napa-upo at nagawa ko na ring isuklay
ang aking buhok gamit ang kamay. "David?", tawag ng babae sa pangalan
ko. Sa boses niya palang, bigla akong ginanahan. "Ano bang ginagawa mo
dyan?", muli nitong saad at tuluyang lumapit sa pwesto ko. Ang itsura
niya, puno ng pagtataka. Pero sa halip na sagutin ko ang tanong niya, mahigpit
ko siyang niyakap. "David, ano bang nangyari sayo at pawis na pawis
ka?", she asked me again. "Pinag-alala mo ako, Kate.", malungkot
na tugon ko. "Huh? Bumili lang ako ng makakain natin. Ang sarap kasi ng
turon, kaya gusto kong matikman mo 'to.", wika nito at pinakita ang isang
supot na punong-puno ng turon. "Bakit ba kasi dala mo pa ang mga gamit?
Akala ko tuloy, iniwan mo na ako.", inis kong saad. "H'wag ka ngang
O. A, dinala ko lang ang gamit ko para feel na feel ko ang pagiging Secretary
ng isang sikat na kompanya. Ayaw mo no'n? Proud lang ako.", ngiting sabi
niya na animo'y walang pakialam sa naging reaksyon ko. Halos mabaliw na ako sa
kakahanap sa kanya, tapos nandito lang pala siya at bumili ng turon. Kaya
malakas kong pinitik ang noo ni Kate dahilan para matahimik ito sa kakadaldal.
Kasabay no'n, napatingin ito sa akin. "Aray ko ha! Masakit 'yon. Hindi ka
naman dyan inaano, tapos inaano mo ako? Masyado ka ng nakaka-ano!", bigkas
niya na parang bata. So I just kissed her lips to make her mouth shut.
"Sorry na. I love you.", tanging turan ko sa taong kaharap ko ngayon.
Dahil yata sa ginawa n'ya, hindi ko na kayang mawala si Kate sa buhay ko.
Patagal ng patagal, lumalalim ang nararamdaman ko sa babae. "ANONG
masasabi mo? Masarap yung turon diba?", bigkas ni Kate sa akin. Nandito na
ulit kami ngayon sa opisina at kasalukuyan na kumakain ng turon. Hindi ko na
mabilang kung ilang turon na ang naubos ko, basta ang alam ko, nasarapan ako sa
binili niya. Yung kaba ko kanina, napalitan ng saya dahil kasama ko na ulit
siya. "Yeah. Masarap nga. Pero mas masarap ka.", turan ko sa babae.
Nabilaukan tuloy si Kate dahilan para matawa ako. "Gago ka talaga!",
usal nito. "Gago na kung gago, pero mahal kita.", saad ko rito.
"Corny mo.", tanging sambit niya, at kumagat muli ng turon. Ang hirap
n'yang banatan. Hindi ko tuloy alam kung paano ko makuha ang kiliti ni Kate.
"Oh, anong titig 'yan?", tanong nito nang madakip n'ya ang tingin ko.
"Titig ng pagmamahal, honey.", ngiting sagot ko. "Dapat pala
hindi na ako bumili ng turon. Kakaiba pala ang epekto nito sayo.",
"Matamis kasi ang turon, kaya nagiging sweet ako sayo. Pero maiba tayo ng
usapan, kanina kasi may nagsabi sa akin na pumunta raw dito si Edward. May
sinabi ba s'ya?", tanong ko sa kanya. Natigil naman ito sa pag-nguya at
umiwas ng tingin sa mata ko. "Honey?", tawag ko rito.
"Huh?", "I'm asking you.", saad ko ulit. "Ahh, oo.
Nakausap ko nga siya. Pero 'wag mo ng isipin 'yon.", she answered. Pero
hindi ako mapalagay. Parang may mali. "Hindi makakampante ang
dibdib ko, kapag hindi mo kinwento sa akin ang nangyari kanina.",
pangungulit ko kay Kate. "David, 'wag mo ng alalahanin 'yon. Pumunta lang
naman si Edward dahil ako talaga ang gusto n'yang makausap. But don't worry,
ayos lang ako.", she said again. "Paanong ayos? Ni hindi mo nga ako
tinitingnan sa mata.", bigkas ko na medyo may kataasan na ang boses.
"Wala nga kasi.", turan nito. "Kate, ayokong nagsisinungaling
ka.", muli kong wika. I can read her mind. And I know, there's something
wrong happened. "F-fine. Pinapalayo niya ako sayo. Pero hindi naman ako
makikinig sa kanya. Because I trust you. Hindi mo naman ako iiwan, kapag
dumating si Katrina diba?", pagsasambit niya. Hindi agad ako makasagot
dahil sa naging tanong niya. Kaya pilit s'yang ngumiti at tumayo. "Sabi ko
nga. Hindi mo kailangan sagutin 'yan, dahil alam ko rin naman ang sagot.",
mapaklang saad nito. "Nga pala, anong oras ang uwian ni Michael? Kailangan
ko kasi s'yang sunduin, kahit ako na lang ang sumundo sa kanya.", She
changed the topic. Kaya bago pa ito, makalayo sa akin, agad kong hinawakan ang
palad n'ya at pinaupo ko siya sa binti ko. Yes, naka-kandong na si Kate,
dahilan para hindi na siya makawala pa. Pinulupot ko na rin ang braso ko sa kanyang
bewang at ipinatong ko ang ulo sa balikat ng babae. "David, a-ano bang
ginagawa mo?", inis n'yang bigkas. "Hindi mo man sabihin, alam kong
nangangamba ka, Kate. At yung tungkol sa tanong mo kanina, hindi kita iiwan
kahit na dumating si Katrina.", mahinang wika ko. Hinawi ko ang buhok na
nakalagay sa kanyang leeg, at hinagkan ko ito ng halik. "I love you,
honey. Kaya wala kang dapat na ikatakot. She's part of my past.", turan ko
ulit kasabay ng paghalik ko sa pisngi ni Kate. "--And you're now part of
my future. Ikaw na ang pangarap kong makasama habang-buhay. At tutuparin natin
'yon ng sabay.", I continue. But this time, hinarap ko na ang babae. I
also kissed her on her lips, para iparating ko sa kanya ang totoo kong
pagmamahal.
Chapter
21
Kate's
POV:
"KUMUSTA ka school, baby? May
umaway ba sayo?", tanong ko sa aking anak na si Michael. Kalagayan niya
agad ang inisip ko, matapos namin s'yang sunduin ni David. Dito kami pumunta,
matapos naming magharutan sa office. Nasabi kasi sa akin ng lalaki, na ganitong
oras ang uwian ng mga bata. Kaya mahigpit na yakap ang ginawa ko sa aking anak,
nang makita ko siya. Pero base sa reaksyon niya, mukhang masaya si Michael.
"Ayos lang po ako, mama. Ang dami ko agad na kaibigan nung sinabi ko na
papa ko siya.", pagtuturo nito kay David. Kung sabagay, pagmamay-ari pala
ni David ang school na 'to, kaya kahit sino kilala siya, lalo na sa apelyidong
dinadala niya. "Thank you papa David ha? Akala ko, magiging malungkot ako
dito, hindi pala.", saad ng bata nang yakapin nito ang lalaki. Bahagya
akong napangiti dahil masyado na silang close sa isat-isa. "Ako pa ba?
Hindi kita dadalhin sa lugar na ikakalungkot mo. Kaya pano, kain tayo sa
labas.", pag-aaya nito dahilan para tumalon si Michael sa tuwa. "Yehey!
Gusto ko po 'yan papa! Gusto kong kumain sa Jollibee.", pagtuturan niya.
And yeah, doon kami tumungo dahil ito ang naging request ng anak ko. Sarap na
sarap s'ya sa spaghetti at chicken joy at tila gutom na gutom si Michael.
Naka-tatlong order kasi kami dahil sa kanya. "Mama, papa, antok na ako.
Uwi na tayo.", bigkas nito habang hinahaplos ang tiyan. Natawa tuloy ako
dahil sa inakto niya. Ganito kasi ang anak ko kapag nasosobrahan sa kain.
Dumadating sa punto na inaantok siya. "Sige Michael, uuwi na tayo.",
saad ni David at nilapitan ang bata. Laking gulat ko nang buhatin niya ito,
para idala sa kotse. Lumalambot tuloy ang puso ko, kapag ganito ang ginagawa ni
David. Kaya buo na ang desisyon ko, sasagutin ko siya sa araw ng birthday niya.
At paghahandaan ko 'yon, para wala akong pagsisihan. Double celebration na rin
ang mangyayari kapag naging kami sa mismong kaarawan nito. "Ang ganda yata
ng iniisip mo ha? Napapangiti ka dyan na mag-isa.", sambit ni David nang
makita n'yang ngumingiti ako sa isang sulok. Pero syempre, nilihim ko ang
binabalak ko, dahil gusto ko s'yang i-surprise. Kaya kunwari, hindi ko alam ang
birthday niya. "Wala.", tanging tugon ko. "Anong wala? Baka
ibang lalaki ang iniisip mo, Kate. Umayos ka.", bigkas nito sa akin.
"Bukod sa inyo ni Michael, wala na akong ibang lalaki sa buhay ko. So
chill, wala kang dapat na ikaselos.", pagtuturan ko na lamang.
"Mabuti na yung sigurado, honey. Ayoko lang masira ang relasyon
natin.", he said while driving. "Relasyon ka dyan? Hindi pa kita
sinasagot, Mr. David.", baling na saad ko sa kanya. "Doon din
hahantong ang lahat. Ina-advance ko lang.", sambit niya na tila kampante
siya na magiging kami. Masyado yatang halata ang kilos ko, para masabi niya
ito. I admit that I like him. Kaya hindi maiwasan na tumugon ako sa halik ni
David, kapag ninanakawan niya ako ng kiss. "Natahimik ka yata? May nasabi
ba akong mali? Na-offend ka ba, honey?", tanong nito. "Hindi
naman.", tanging sagot ko. Siguro dapat maging malamig muna ako ang
pakitungo ko, para hindi niya maisip na gusto ko rin siya. Tama, ganito ang
gagawin ko bukas. Nang sa gano'n, maging exciting ang pagsagot ko kay David.
Minsan talaga, gumagana ang utak ko kapag ganitong sitwasyon. I love it!
"KATE, MAY PROBLEMA KA BA SA AKIN?", tanong nito nang makarating kami
sa mancion niya. Nagawa nitong hawakan ang braso ko, habang bitbit niya si
Michael gamit ang kanang kamay. Nilingon ko naman siya na may malamig na tingin
at inalis ang pagkakahawak nito. "Pagod na ako, David. I need to
rest.", matamlay na turan ko sa binata. Talagang pinaparamdam ko sa kanya
na wala na akong ganang kausapin siya. Para sa gano'n, maging malungkot ang
lalaki. Kaso nga lang, kunot-noo itong napatitig sa mata ko na tila hindi
makapaniwala. Kung sabagay, bukod sa yakap-yakapin ko siya sa office, wala na
akong ibang giawa. Kaya imposible na mapagod ako ng ganito. "I know there
something wrong that bothering on your mind, Kate. So please, tell it to
me.", pakiusap nitong sabi na talagang nagsusumamo sa akin. "Wala
nga.", tugon ko kay David at muling tumalikod. "Kung wala, bakit ka
ganyan? Kanina ka pa walng imik, simula nung nasa kotse tayo. At hindi ako
sanay na tahimik ka lagi.", inis na wika nito. Hindi ko siya pinansin, at
patuloy ako sa paglakad patungong itaas. Narinig ko pa na inutusan niya ang
isang yaya na kargahin si Michael, dahilan para masundan niya ako. "Kate,
nababaliw na ako sa kakaisip kung may nasabi ba akong mali? Kasi kung oo,
sabihin mo naman. Hindi yung huhulaan ko, kung ano ang nangyayari sayo.",
he said again. So this time, I looked at him directly on his eyes. Tingin na
walang emosyon. "Bakit ba ang kulit mo? Wala nga akong problema, diba?
Kailangan pa talagang ulit-ulitin ko ha?", usal ko sa binata. Laking
gulat ko naman nang suntukin niya ang pader sa gilid, pero hindi ko pinahalata
na natinag niya ako. I remain calm, as if nothing happened. " Kate! Ang
saya pa natin kanina. Tapos ngayon, ganito ka na?", sambit niya ulit.
"Matutulog na ako.", pagtutugon ko na lamang. Akma na sana akong
aalis, kaso mahigpit niyang hinawakan ang palad ko. "No. Hindi ka aalis,
hanggat hindi natin naaayos 'to.", muling sabi ni David. "Wala tayong
aayusin, dahil wala ngang problema! CEO ka pa naman ng kompanya, pero ang bobo
mong umintindi.", balik na saad ko. Alam kong below to the belt na ang
sinabi ko, kaya bahagya akong napakagat ng labi. "What's wrong with you? Hindi
ko na nagugustuhan ang lumalabas sa bibig mo.", diretsang bigkas niya
Umiwas na lamang ako ng tingin, dahil ayokong masira ang plano ko para sa
birthday niya. Kaso nagkaroon ng eksena sa pagitan namin, dahilan para mabaling
ang atensyon ni David sa cellphone ko. Oo, sa cellphone ko nga. Sa cellphone ko
na biglang tumunog, simbolo na may nagtext. And guess what, siya mismo ang
umagaw ng cellphone ko at siya na rin ang nagbasa kung sino yung nagtext.
"Tsk. Kaya pala biglang umiba ang akto mo, dahil sa pesteng Derick na 'to.
Bumalik na pala ang totoong ama ni Michael, tapos hindi mo sa akin sinabi. Wow!
Ang galing mo, Kate!", sakrastikong wika nito. Malakas n'yang ibinalik sa
akin ang cellphone, kasabay no'n ay tumungo na siya sa kanyang kwarto. Naguguluhan
ako. Hindi ko alam ang tinutukoy ni David. Kaya minabuti kong tingnan ang
message para malaman ko ang lahat. "I miss you, Kate. Nakabalik na ako sa
Pinas. Handa ko ng panagutan ang anak natin.", Shit! Mukhang masisira yata
ang plano ko.
Chapter
22
David's
POV:
MAAGA akong umalis sa bahay, matapos
ang nangyari kagabi. Simula nang malaman ko na dumating na si Derick, hindi ako
nakatulog ng maayos. Hindi ko na rin hinintay pa si Kate na magising, dahil
galit ako sa kanya. Ayoko munang makasabay siya sa kotse at makita. Because she
lied to me. At mas pinili n'yang itago ang tungkol sa papa ni Michael.
Karapatan ko din naman ang bata, kahit na hindi ako nito ang tunay na ama.
Napamahal at napalapit na rin ako sa anak niya, at hindi ko makakaya na kunin
sila ni Derick. I need to talk to him, para magkalinawan kami. Kaya heto,
papunta ako sa bahay ng lalaki. Hindi muna ako papasok ngayon sa kompanya dahil
gusto kong atupagin 'to. Tinawagan ko kasi ang private investigator ko na
hanapin ang address ng ex-boyfriend ni Kate. At hindi nga siya nahirapan dahil
magaling ang tauhan ko. ____ Napahinto naman ako sa tapat ng mismo ng bahay. Sa
labas no'n, nasilayan ko ang isang tao na animo'y may hinihintay na dumating.
Tsk. Hindi ako magkakamali na si Kate, ang hinihintay niya. Siguro nagkausap
sila sa tawag, at dito ang tagpuan nila. Ganito kasi ang hula ko, na tumatakbo
sa aking isipan. Lumabas na ako ng kotse para lapitan ang lalaki. Ayoko na
dumating si Kate at maunahan ako na kausapin ang gagong 'to. "Ikaw ba si
Derick?", pagtatanong ko agad sa kanya. Mabuti ng makasiguro, para hindi
ako magkamali. "Oo, bakit?", turan nito nang harapin ako at tingnan
sa mukha. "Tsk. Ikaw pala ang demonyong nang-iwan kay Kate.", sambit
ko naman dahilan para mapaiwang ang labi nito. "Kilala mo si Kate?",
bigkas niya na may pagtataka. "Yeah, I know her very well. Actually, she's
my girlfriend, and soon to be my wife.", pagsisinungaling ko, kahit ang
totoo, hindi pa ako sinasagot ng babae. "Pfft. Nagpapatawa ka ba? Anong
wife ang pinagsasabi mo?", wika ni Derick na tila iniinsulto ako. Siguro
nga, nahihibang na ako. Pero dahil ito kay Kate. Dahil sa kanya, nagagawa ko
ang mga bagay na ayokong gawin. "Pare, itigil mo na 'yang pag-iilusyon mo.
Kate is my wife. Baka hindi mo alam, may anak kami. At kaya ako nandito, para
magpropose sa kanya. Gusto kong magpakasal kami, as soon as possible.",
pahayag niya, kasabay ng pagdukot nito ng isang maliit na kahon, na lalagyan
mismo ng singsing. Napakuyom ako ng kamao dahil sa binabalak nito. "No.
Hindi pwedeng makasal kayo.", madiin kong saad. "Bakit pare? Ikaw ba
si Kate? Hahaha. Natatawa talaga ako sayo.", pamimikon nito. "Kung
natatawa ka sa akin, pwes, kanina pa ako nagtitimpi sayo.", turan ko sa
lalaki at malakas kong kinwelyuhan si Derick. "Ang tapang mo naman. Pero
maling tao ang binabangga mo. Para sabihin ko sayo, ako ang unang lalaki na
minahal ni Kate. Kaya nga, binigay niya ang pagkababae niya dahil sa pagmamahal
nito sa akin. Eh ikaw? Mahal ka ba ni Kate?", wika nito na animo'y
hinahamon talaga ako. Gusto ko na sanang sapakin at paduguin ang pagmumukha
niya, kaso naisip ko si Michael. Baka magkita sila at ako pa ang sisihin nito.
Kaya marahan kong binitawan ang kamay ko sa kanyang kwelyo, at matalim ko
s'yang tinitigan. "Pasalamat ka, hindi ako pumapatol sa mga hayop. Pero
eto ang tandaan mo, wala ka ng babalikan dahil akin na sila.", AKMA na
sana akong aalis sa harapan ng lalaki, dahil tapos ko na s'yang kausapin. Kaya
lang, biglang sumulpot si Kate sa likuran ko. I guess, hindi lang siya mag-isa
dahil narinig ko ang sigaw ni Michael. "Papa!", bigkas nito nang
yakapin ako ng mahigpit sa mismong binti. "Papa, bakit po hindi kayo
sumabay sa amin ni mama na mag-almusal? Hinanap po kita kanina.",
malungkot na sambit niya. "May kinausap lang si papa. Eh ikaw? Bakit kayo
nandito ng mama mo?", balik na tanong ko sa bata kasabay no'n tiningnan ko
ang babae. Napayuko ito at iniwasan ang titig ko. "Sabi po ni mama, may
kailagan daw ako makilala, papa.", mabilis na sagot niya. Shit. Palihim
akong nasasaktan ngayon. Pakiramdam ko, unti-unting dinudurog ang puso ko sa
pwedeng mangyari sa araw na 'to. "Bakit mo ba siya tinatawag na papa? Ako
ang tunay mong ama.", singit na saad ng lalaki. Hindi man lang ito
nagpaligoy-ligoy at kaagad na sinabi ang katotohanan. Susugurin ko na sana 'to,
kaya lang hinawakan ako ni Kate sa balikat para tumigil. Mukhang kinakampihan
niya pa yata ang ex-boyfriend niya. Tsk. "Please, ako ng bahala.",
pakiusap nito. Asar kong inalis ang kamay nito na nakahawak sa akin. At pumunta
na lamang sa loob ng kotse. Bakit ba kasi kailangan pa na magkita sila? Ano
'yon? Gusto n'yang makipagbalikan? Matapos s'yang gaguhin at iwan na buntis,
bibigyan niya pa ito ng pagkakataon na makausap? Masyado s'yang tanga! Hindi ko
tuloy mapigilan na lumabas ulit sa sasakyan para marinig ang usapan nila. Hindi
ako mapanatag, baka tanggapin ni Kate ang singsing na dala ni Derick para sa
kanya. To be honest, I don't want to loose her. Ang hirap pakawalan yung taong
minahal mo na. "Usapang mag-asawa 'to, pare. Kaya pwede ba, umalis ka
na.", pagtataboy ng lalaki. "No need, Derick. Hayaan mo s'yang
nandito.", turan ng babae rito. "Kate, hindi siya belong sa pamilya
natin. Mabuti pa doon na lang tayo sa loob mag-usap.", saad nito nang
hawakan ang palad ni Kate. "Teka lang po, si papa David ay papa ko po.
Siya po ang papa ko. Kaya bakit mo po sinasabi na papa din kita?", saad ni
Michael nang gumitna ito sa aming tatlo. Bigla akong nabuhayan dahil mismong
bata pa ang tumatanggol sa akin. "Hindi mo siya papa. Kahit tanungin mo pa
ang mama mo. Kaya 'wag na 'wag mong tatawagin s'yang papa. Naiintindihan
mo?", turan nito sa kanyang anak. Hindi pa nga nagsisimula, pinapakita na
agad nito ang tunay na pagkatao. "Derick, hindi mo dapat sinisigawan si
Michael.", usal ni Kate sa lalaki. "Nakakainis na kasi. Ako ang papa
niya, pero hindi niya ako magawang tawagin na ganon. Ang unfair lang.",
wika niya na tila galit na galit. "Ikaw ang unfair, Derick. Iniwan mo kami
diba? Wala ka sa tabi ni Michael nang lumaki siya, kaya wala kang karapatan na
sigawan ang anak ko. Ni isang butil ng kanin, wala kang binigay sa amin.",
litanya ni Kate sa ex-boyfriend niya. "Kaya nga bumalik ako diba? Dahil
gusto kong bumawi.", "Tapos na tayo. Nung tinalikuran mo kami,
tinalikuran ka na rin namin. At yung pagkukulang mo, si David ang pumupuno
no'n. At kaya ako pumayag na makipagkita sayo, para kahit papano, makita mo
yung sinayang mo. Makita mo kami ng anak mo. And this would be the last. 'Wag
mo na kaming guguluhin pa."
Chapter
23
David's
POV:
MAHIGPIT kong niyakap at pinupog ng halik si
Kate nang bumalik kami sa mancion. Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa
isipan ko ang katagang sinabi niya dahilan para mahalin ko siya lalo. Buong
akala ko kasi, iiwan niya ako at pipiliing sumama sa ex-boyfriend niya na ama
ni Michael, but I was wrong. Sa halip, pinagtanggol niya rin ako at pinamukha
sa lalaki na ako ang karapat-dapat para sa kanila. I know, marami pang darating
na problema sa amin, pero handa akong harapin 'to na kasama si Kate ang anak namin
na si Michael. "Papa, andito pa ako sa gitna niyo. Mahiya naman po kayo sa
akin.", bigkas ng bata kaya napahiwalay ako sa mukha ng babae. Narinig ko
naman ang tawa ni Kate at piningot ang anak niya. "Ikaw talaga, minsan
hadlang ka sa kaligayahan ng mama mo.", she said to her son. "Hindi
naman po mama, hindi lang po ako makahinga. Tsaka medyo mahabo ka po. Remember,
hindi tayo naligo at nagsipilyo nung umalis.", pagsasabi nito. "Kaya
pala medyo mabaho ang hininga mo, honey.", turan ko naman. "Hoy hindi
ahh! Hindi sa lahat ng oras, nagsasabi ng totoo ang mga bata.",
pagdedepensa ni Kate. "Pero yun ang naamoy ko eh.", pamimikon ko sa
kanya. "Gago! Hindi nga sabi! Kahit hindi ako maligo, mabango ako. At
kahit hindi ako magsipilyo ng ilang araw, mabango pa rin ang bibig ko.",
inis n'yang tugon. "Masyado ka namang pikunin, honey. Kahit isang taon ka
pa, hindi magsipilyo, handa akong halikan ka. Like this.", bigkas ko at
madiin siyang hinalikan sa labi. "Aray ko po! Naiipit niyo na naman po
ako!", impit na sigaw muli ni Michael. Hays. Dalawang beses n'ya na kaming
binitin. "Sorry po papa, pero pwede po ba? Do'n po kayo sa kwarto
mag-ganyan. Kasi ang sakit sa mata.", wika nito at tumakbo na sa taas.
Pero bago 'yon, may iniwan s'yang salita. "Sana all, hinahalikan.",
pahabol na bigkas niya. ABOT-tanaw na lang namin ang bata nang pumasok ito sa
kwarto. Halata kasi sa mata niya na medyo nabitin siya sa tulog. Dahil siguro,
ginising ni Kate ang anak niya. Pati tuloy si Michael, naguluhan sa nangyari
ngayon. But one thing, I'm sure right now, malaki ang pag-asa ko sa kanilang
dalawa. Kaya kapag sinagot ako ng babae, aasikasuhin ko na agad ang pagiging
ama. Yes, I want to adopt Michael, para maging legal na tatay na ako sa kanya.
"Thank you.", mahinang bigkas ni Kate sa tabi ko. Napalingon naman ako sa gawi nito, dahil dapat
ako ang magpasalamat, pero siya itong nagsabi no'n. "You complete us. Yung
dapat na ginagawa ng isang ama, ikaw ang nagparanas kay Michael. And you know
what, kahit ilang taon pa ang relasyon namin ni Derick, hindi ako
manghihinayang na palitan siya.", she said while smiling. Hindi ko tuloy
maiwasan na kiligin sa simpleng banat nito. Natural na rin siguro sa lalaki ang
maging masaya, dahil sa babaeng kasama niya. At eto ang pakiramdam ko ngayon.
Kate complete me also. Minahal ko siya, hindi dahil kamukha niya ang
ex-girlfriend ko. I just love her, because that was I feel. Mabuting tao ang
babae, at alam ko na hindi siya gagawa ng ikagagalit ko. "Damn honey, you
make me proud.", malambing na sambit ko nang yakapin muli siya.
"Proud?", she asked. "Yeah. Yung ginawa mo kanina. Hindi ko
inexpect na sasabihin mo 'yon.", turan ko kay Kate. Until now, I feel the
butterfly inside my stomach. "Bakit naman?", pagtatanong nito. "Akala
ko kasi, iiwan mo ako dahil bumalik na siya.", saad ko para sabihin ang
totoo. "Well, hindi ako ganyan na tao, David. May isang salita ako. Sana
gano'n ka na rin, kapag dumating na si Katrina.", pahayag ni Kate na tila
binalik sa akin ang salitang sinabi ko sa kanya. "What do you mean?",
kunot-noo na bigkas ko. Huminga siya ng malalim at tila hinimay-himay ang bawat
detalyeng pumasok sa isip niya. "Bumalik si Derick, para siraan tayo. Para
guluhin tayo. At alam kong gano'n ang gagawin ng ex mo sa atin. So I'm expecting
na ipagtanggol mo rin ako, kagaya ng ginawa ko.", wika nito dahilan para
makuha ko ang pinupunto niya. "Ssshh. Kahit hindi mo ipa-alala, of course
I will do it. You are now my life, honey. You're also my source of happiness.
Kaya, wala kang dapat na ipangamba. I'm here, always beside you.", tugon
ko na lamang kasabay ng paghalik ko sa noo ng babae. Siguro nga, tama siya.
Maraming darating para guluhin kami. Pero isa lang ang kinatatakutan ko na
dumating. At 'yon ay walang iba kundi si Mom.
Chapter
24
KATE's
POV:
SINAG ng araw ang nagpagising sa
akin, galing mismo sa bintana. Ito ang naging hudyat para sana bumangon ako.
Kaso nga lang, hindi ko magawa dahil sa brasong nakasanday sa aking tiyan. And
then I realized, katabi ko palang matulog si David sa kama. Wala naman na
nangyari sa amin noh. Tulog lang talaga. Promise, tulog lang. Oh sige na nga,
nagkiss din naman kami pero diretso tulog na kami ng binata. "Honey,
tatayo na ako.", mahinang saad ko. Pero mas lalo n'yang hinigpitan ang
pagkakahawak dahilan para hindi na ako makawala. "Ano bang trip mo sa
buhay?", I chuckled. "Just stay.", he whispered. Kaya ayon,
sinunod ko ang pakiusap niya. Hindi muna ako bumangon at pinili kong pagmasdan
ang mukha ng lalaki. "I love you.", sweet na bigkas ko habang
hinahaplos ko ang pisngi nito. Kaso muntik na ako mapahiyaw nang kapain nito
ang kabilang suso ko. "David naman eh. Ano bang ginagawa mo?", sambit
ko kasabay ng pagpalo ko sa kanya. But he just laugh and kiss me. At ganon na
lamang kabilis ang pangyayari nang makita kong nakapatong na siya sa akin. Pero
yung kamay niya, banayad na hinihimas ang malusog kong dibdib. Gusto ko s'yang
pigilan at awatin sa ginagawa, kaya lang sumasabay ang katawan ko sa bawat
halik ni David. Pababa ng pababa ang labi nito hanggang sa makapunta siya leeg
ko. Nakaramdam ako ng sakit dahil sinipsip niya ito na tila nilalagyan ako ng
marka. Kahit naman may anak na ako, hindi pa rin ako expert pagdating sa kama.
"It is a sign that you are now mine.", paliwanag ng binata bago ako
hinalikan sa labi. Buong akala ko may mangyayari ngayon, pero hindi pala. Sa
halip, umalis siya sa pagkakapatong at tumayo. "This is not the right time
para gawin ko 'yan sa'yo. I respect you, Honey. Na-out of control lang ako
dahil sa pagiging pasaway ni Junjun.", he said. Medyo natawa tuloy ako sa
sinabi niya. Hindi ko lubos-maisip na hihinto siya. Siya lang yata ang lalaki
na ganon. "Bumaba ka na do'n, susunod na lang ako.", muli nitong
litanya. "Ayoko. Gusto ko sabay tayong bumaba.", ngusong saad ko.
"Kate naman. I tried to control myself. Pero hindi sa lahat ng oras
makakaya ko 'yon, lalo pa't natetempt ako sayo. Kung alam mo lang, gabi-gabi
kitang ginagahasa sa isip ko.", wika ni David dahilan para mapalunok ako
ng laway. Binabawi ko na pala ang sinabi ko. He's also one of the boys.
"E-eto na nga oh, aalis na po.", utal na turan ko. "Good. Sige,
pupunta muna ako ng C. R para magritwal.", ngising tugon niya. Nagkaroon
tuloy ng katanungan ang utak ko sa salitang ritwal? Anong klaseng ritwal ba? BUMABA
na ako para tumungo sa mahabang mesa. I act as if nothing happened. Panandaliang init lamang ang nangyari sa amin
ni David sa kwarto. Pero mabilis ding nawala dahil nakontrol niya ang sarili.
Nakakataba ng puso dahil kahit hindi na ako virgin, may respeto pa rin ang
binata sa akin. "Goodmorning mama!", masiglang bati ni Michael na may
ngiti sa labi. Hindi pa man ako tuluyang nakakatapak sa pinakababa, siya agad
ang nasilayan ko. Michael and David always made my day. Sila na ang bumubuo ng
araw ko. "Ang sweet.", saad ko nang halikan ako ng bata. I hug him so
tight. At hindi ako magsasawa na gawin 'to para sa aking anak. Hindi ako
magtataka kung maghahabol pa rin si Derick para makuha si Michael. Alam kong
hindi pa 'yon ang huling araw na paghaharap namin. But for now, hindi ko muna
ito iisipin dahil kailangan kong ituloy ang surprise birthday ko kay David.
Kahit sumablay ng konti ang lahat, hindi pa rin ako titigil sa pagplano. Ang
kaso nga lang, hindi na pagsusungit ang gagawin ko. Dahil mismong si Michael
ang ihahain ko para masurprise ng husto ang binata. "Nak, may sasabihin si
mama ha? Pero magpromise ka sa akin na hindi mo sasabihin ito kay papa David
mo.", wika ko sa bata habang nakaluhod pa rin ako. "Ano po 'yon
mama?", tanong nito sa akin. "Malapit na ang birthday ni papa David
mo, at gusto ko 'wag mo siyang papansinin.", I said. "Pero bakit
po?", muli n'yang bigkas. Masyado pa yata siyang naguguluhan sa pinaplano
ko, kaya pinaliwanag ko ito ng mabuti. "Kasi gusto kong gulatin natin
siya. Surprise ang gagawin natin.", "Surprise po?", "Yes,
surprise. Yung ginagawa ko sayo, tuwing nagbibirthday ka. Naalala mo ba
'yon?", sambit ko dahilan para matuwa siya. "Opo mama. Naalala ko 'yon. Ang saya no'n
mama.", tumatalon na bigkas niya. "Oo, anak. Masaya talaga 'yon. Kaya
dapat galingan mo ang acting mo ha?", pagkokontrata ko sa bata. Tumango
naman ito at bahagyang napatingin sa mata ko. "Anong titig 'yan? Huwag
mong sabihin, umaatras ka agad.", turan ko kay Michael. "Hindi po
mama. Nag-iisip lang po ako kung ano ang ireregalo mo kay papa. Ano nga ba,
mama?", chismosang tanong niya. "Ewan ko. Pinag-iisipan ko pa.",
kibit-balikat na sagot ko. "Bakit mo pa pinag-iisipan mama? Kung ako ang
tatanungin, mas gusto ko na baby ang iregalo mo kay papa.", he said again.
Masyadong advance si Michael sa ganitong bagay. Saan niya ba ito natutunan?
"Baby, diba sabi ko sayo, 'wag kang magsasalita ng ganyan. Hindi madali
ang regalong sinasabi mo ha? Siyam na buwan ako magdadala ng bata sa tiyan
ko.", "Pero mama, wala po akong kalaro. Kung ayaw niyo ako bigyan. Si
papa na lang ang sabihan ko na maghanap siya ng babae para bigyan ako ng
kalaro.", ngusong sambit niya. Abah! Talagang irereto pa si David. Parang
gusto ko tuloy manakit ng bata. "Papa!", sigaw nito nang tumingin
siya sa taas. Nando'n nga ang binata pero naka-topless lang. "Diba sabi ko
sayo, 'wag mo siyang papansinin.", madiin pero mahinang turan ko kay
Michael. Kaso hindi niya sinunod ang plano namin. Sa halip, tumakbo siya pataas
at may binulong kay David. Hindi ko alam kung ano 'yon, pero bigla akong
kinabahan sa pag-ngisi ng lalaki. Mukhang bumaliktad yata ang lahat. Ako yata
ang masusurprise sa birthday niya.
Chapter
25
Kate's
POV:
NABABALIW ako sa kakaisip kung ano
ang pinag-usapan nila David at Michael. Sa tuwing tumitingin sila sa aking
gawi, sabay silang tumatawa na tila may mali sa mukha ko. I can't read their
eyes. Magaling sila magtago kung ano ang tumatakbo sa utak nila. Ako dapat ang
magpaplano eh! Pero sa pinapakita nila, halatang may pinaplano sila laban sa
akin. THE HECK! "Pwede ba, walang nakakatawa sa ginagawa ko.", asar
kong bigkas. Nagwawalis kasi ako ngayon ng sahig dahil naboboring na ako. Ayaw
kasi nila akong kausapin. Kaya minabuti kong tulungan ang mga yaya dito. At
dahil sa pagkainis ko, nawalan ako ng gana. Bumalik ako sa taas para matulog na
lang ulit. Kaso naririndi pa rin ako sa tawanan nila. Kung hindi ko lang inere
si Michael, iisipin ko talaga na si David ang totoo n'yang magulang. Nagseselos
na tuloy ako. Dumating lang si David sa buhay namin, nakalimutan na ako ng anak
ko. "Hays!", buntong-hininga na sambit ko sabay bato ng unan. Akma ko
na sanang ipipikit ang mata, pero naudlot 'yon dahil sa kakaibang usapan sa
ibaba. Yes, napalitan ng seryoso ang usapan ng dalawa na animo'y may kausap
sila na babae. Pa'no ba kasi, sa mga salita palang ni Michael, halatang may
ka-video call sila. "Papa, ang ganda niya po. Mas maganda pa po siya kaysa
kay mama.", saad ng bata. Talagang kinumpara pa ako ng magaling kong anak
sa ibang tao. "Hi, Venice. Sorry, kung ngayon ko lang nasagot ang tawag
mo. Sobrang busy ko kasi, lately.", wika ni David sa kausap niya Venice?
Venice ang pangalan no'n? "By the way, gusto kong ipakilala sayo si
Michael. My son.", muli nitong sabi. Medyo gumaan ang loob ko dahil tiyak
magtatanong ang babae kung sino ang nanay. "Wow! Kaya pala ang pogi eh.
Mana sa inyong dalawa ni Katrina.", komplimentong wika ng dalaga. What did
she say? Hindi naman yata ako bingi diba? Malakas ang pagkakasabi no'n dahil sa
speaker. Kaya hindi ako magkakamali na binanggit niya ang pangalan ni Katrina.
"Papa, sino si Katrina? Is she your girlfriend?", tanong ni Michael.
Englishero na ang anak ko ha? "Ex-girlfriend, Michael. Dati kong nobya
bago ko nakilala ang mama mo.", sagot ng lalaki. Tsk. Proud na proud pa
s'yang sinabi 'yon sa bata. "Ahm David, can I have a favor? Sunduin mo
naman ako dito. Na-flat kasi ang kotse ko kaya na-stock ako dito sa lugar na
malayo pa sa bahay namin.", turan ng babae. Ang kapal ng mukha ha? Ginawa
pang driver ang binata. Subukan lang ni David na mag-oo, malilintikan siya sa
akin. "Sure. No problem. Just text me the address. And I'll be
there.", tugon ng lalaki. Gosh! Pumayag nga! Hindi
man lang siya umayaw! "Thank you, David. Maaasahan ka talaga. Don't worry,
aalisin ko ang pagod mo mamaya.", Mas kumulo tuloy ang aking dugo! Parang
gusto kong makita ang babae na 'yan. Kaya heto, mabilis akong napabangon at
dali-daling bumaba. Marahas kong inagaw ang phone kay David at tiningnan ang
kausap para mapagsabihan ko. Kaso ang dila ko, biglang umurong dahil sa
nasilayan ko. Hindi siya babae. Hindi babae ang ka-video call niya. "S-sino
ka?", utal na tanong ko. "I'm Vincent. Pero Venice ang palayaw
ko.", malanding saad nito. Halos mamatay naman sa kakatawa si Michael at
David dahil sa kalokohan na ginawa nila. "Honey, it's a prank! HAHAHAHA.
Selos na selos ka ha?", bigkas ng binata. Grrrrr. Nangangati ang kamay ko.
At gusto ko yatang manampal. Pero naisip ko, anak ko pala ang isa. Mahal ko ang
anak ko. "Honey, it just a prank. Don't take it seriously. Si Michael
mismo ang nagpasimuno na gawin ko 'yon.", pagpapaliwanag ni David habang
sinusundan ako patungo sa kusina. Kung nagawa nila akong i-prank, pwes
mag-iinarte ako ngayon para makabawi. Akala nila, sila lang ang marunong
umacting. Well, 'wag ako. Because I can do better. "Kate, talk to me.
Hindi ako sanay na ganyan ka.", sambit muli ng binata. Hinarap niya ako at
tiningnan ng diretsa. Akma sana nitong hahawakan ang pisngi ko, kaso iniwas ko
'yon. "Hindi lahat ng ginagawa mo ay
nakakatawa. Minsan nakakainis na rin.", turan ko sa lalaki at tinarayan
siya. Kumuha ako ng juice sa ref at ininom ito para kunwari mainit ang ulo ko.
"Hays. Nagrequest lang sa akin ang bata. Kaya pinagbigyan ko ang ang trip
ng anak natin. So please, 'wag mo yun seryosohin. Alam mo naman na ikaw lang
ang mahal ko. Nakita mo naman siguro yung tumawag diba? Bakla siya,
Kate.", wika ulit ni David. Gusto ko ng matawa sa itsura niya, pero
pinigilan ko lang. I want to take a revenge sa ginawa nilang pagpapaselos.
"Mama, ba't ang drama mo? Ang panget mo kapag ganyan ka. Patawarin mo na
si papa, para gumanda ka.", turan ni Michael na talagang sumunod din sa
kusina. Kung alam ko lang na ganito ang bata, dapat sa pwet ko na siya nilabas.
Tsk. "Honey.", tawag nito at patuloy na hinahaplos ang braso ko.
"Pwede ba David, kung magpaprank ka, ipaalam mo naman.", inis kong
saad. "Kate, kapag sinabi kong prank ang gagawin namin, edi hndi na 'yon
prank.", kumakamot na tugon niya. Oo nga noh? Medyo bobo ako sa part na
'yan. "Kahit na. Hindi tayo vlogger para gawin ang mga bagay na ginagawa
nila.", pagpapalusot ko na lamang. Kagat-labi ako na tinalikuran siya at
bumalik sa sofa. But this time, kumandong ang anak ko kasabay ng pagpisil nito
ng aking ilong. "Mama, hindi po kita tinatraydor. Hindi ko sinabi kay papa
na isusurprise natin siya. Basta may plano din po ako, mama.", bulong niya
at kinindatan ako. Ano daw? Hindi ko ma-gets ang gusto niyang iparating. Sino
ba talaga ang kakampi niya? Ako o si David. "Mahal ko po kayo parehas
mama, kaya 'wag mong isipin na kinalimutan kita dahil kay papa.",
malambing na sabi ni Michael at niyakap ako ng mahigpit. Hays. Nakuha niya ang
kiliti ko do'n ha? Kaya yung galit ko, nawala bigla dahil sa anak ko. "I
love you too.", mahina kong sambit. Hinagkan ko siya ng halik sa labi para
ipahatid ang pagmamahal ko sa kanya.
Chapter
26
Kate's
POV;
BIRTHDAY NA NI DAVID! Gumising talaga ako ng
maaga para i-ready ang surprise ko sa kanya. Akalain niyo, sa loob ng dalawang
araw, nagplano ako ng maayos para kahit sa simpleng paraan mapasaya ko ang
binata. Hindi ko alam kung magugustuhan niya ito. Pero sabi ni Michael, the
best daw ang naisip ko. Siya kasi ang naging instrumento ko para malaman ko ang
mga paborito at kinatatakutan ng lalaki. And yes, natuloy ang binabalak namin
ng anak ko para sa kaarawan ng espesyal na tao sa buhay namin. Syempre sa una,
nagtampo ako sa bata. Pero nabanggit niya sa akin ang dahilan kung bakit
kinakampihan niya si David. At eto na nga 'yon. Ginagawa ko na ang utos ni
Michael. Bumili pa ako ng maraming ipis na laruan para ilagay sa kama ng
binata. Masyadong masarap ang tulog niya dahil nilagyan ko ng pampatulog ang
kinain nito kagabi. Kaya hindi niya maramdaman na pinaglalaruan na namin siya.
Iba talaga kapag matalino ang anak mo. Ang daming alam sa buhay. At si Michael
mismo ang pasimuno na takutin namin si David. "Mama, okay na po.",
mahinang bigkas nito matapos n'yang palibutan ng ipis sa bandang ulo ang
lalaki. Sinenyasan ko na siya na lumabas para masimulan na ang birthday
surprise. Pero bago 'yan, masaya kaming nag-apir sa isat-isa at tuluyan ng
bumaba. Nasisiguro ko na magiging matagumpay ito. "Gusto ko ng makita ang
reaksyon ni papa. Kaya magsalita ka na po, mama.", excited na sambit ng
katabi ko. Hawak ko kasi ang phone na naka-connect sa speaker na iniwan namin
sa kwarto ni David. "Wait lang, naghahanap pa ako perfect time.",
tugon ko sa kanya. "Pero eto na ang perfect time, mama. Gawin mo
na.", muli nitong wika. So I don't have choice kundi ang ilapit ang bibig
sa cellphone. Huminga muna ako ng malalim para maging kapani-paniwala ang
acting ko. "DAVIDDDDDDD! TULUNGAN MO AKO! WAAAAHHH!", malakas na
sigaw ko na kunwari ay takot na takot ang boses ko. Dahil sa kalakasan nito,
nakita namin sa cctv ang pagbangon ng binata. And guess what? Sobrang laki ng
mata niya dahil sa mga ipis na laruan. Halos umaykat pa ito sa mesa para lang
iwasan at takbuhan ang ipis. Tawa kami ng tawa ni Michael habang pinapanood
siya. Pero syempre, opening surprise palang 'yan. Patikim muna para sa bagong
umaga. "GOODMORNING DAVID! BUMABA KA NA DYAN!", saad ko ulit sa
speaker. Napakindat na lamang ako sa bata dahil naging successful ang una. So
we will now move on to the second round. "Shit Kate! Ano bang trip mo sa
buhay? Muntik ng mabagok ang ulo ko dahil sa pesteng laruan na 'yon! Baliw ka
na ba ha?!", inis na bigkas niya habang nasa taas pa rin. "Kung ako
sayo, bumaba ka na dyan. At please lang ha? Tumingin ka sa dinadaanan mo. Hindi
yung salita ka ng salita.", balik na tugon ko rito. "What?",
tanging sambit niya pero hindi na ako umimik pa. Binibigyan ko na siya ng clue
noh? Kaya bahala na siya kung madulas siya sa hagdan. It's not my fault
anymore. "Tsk. Kung hindi lang kita mahal, kanina pa kita pinalayas. Bakit
ba kasi ganyan kagago ang isip mo?!", saad muli nito na tila kinakausap
ang sarili. Nagpipigil na naman tuloy ng tawa si Michael dahil alam niya na ang
susunod na mangyayari. Kaya mahina akong nagbilang sa bawat hakbang na ginagawa
niya. At ilang segundo pa ay narinig ko ang kalampag pababa sa sahig. Nadulas
na si David! Nadulas siya dahil sa mantika na nilagay din namin kanina. Sabay
kaming lumapit ni Michael sa pwesto ng lalaki na ngayon ay nakahawak sa bewang.
"HAPPY BIRTHDAY PAPA! SANA NAGUSTUHAN MO ANG GINAWA NAMING
SURPRISE!", masayang saad ng anak ko. Yung reaksyon ni David halos
binagsakan ng lupa. Bakas din dito na medyo nasaktan siya. Nakakakonsenya
tuloy. "What the f! Anong klaseng surprise 'to? Papatayin niyo ba ako
ha?", asar na turan niya sa amin. "S-sorry naman. Ito lang kasi ang
naisip naming paraan para magulat ka.", pag-eexplain ko. "Anong
sorry? Walang sorry-sorry, luluhod ka sa harap ko mamayang gabi!", he
shouted. TULOY pa rin ang lahat sa kabila ng pagiging pikunin ni David. Daig
niya pa ang babae, dahil sa pagiging toyo niya. Pero sabagay, masakit nga naman
ang ginawa namin sa binata. Halatang hindi siya makalakad ng maayos, nang
mahulog sa hagdan. And to be honest, kinakabahan na din ako sa kanya. Parang
may binabalak din siya laban sa akin na ikakaguho ng mundo ko. The way he
smiled and smirked, tumataas agad ang aking balbon. "Maligayang kaarawan.
Maligaya, maligaya, maligayang kaarawan papa!", pagkakanta ni Michael
habang dala nito ang maliit na cake. Kami ang nag-bake n'yan. Kaya hindi
kalakihan ang nagawa namin. "Hoy, blow the candle na. Masyado kang
pabebe.", inis na bigkas ko sa lalaki. Hindi niya pa kasi iniihipan ang
kandila at nangangalay na ang bata sa kakahawak. "Oo na, iboblow ko na ang
candle. But later, ako naman ang iblow mo ha?", nakangising turan niya.
"Huh?", naguguluhan na sambit ko. Nagloloading pa kasi sa utak ko ang
sinasabi niya na luhod kanina. Tapos ngayon naman, salitang blow ang
binitawan niya. The heck! Nadudumihan ang laman ng isip ko. "Mama, come
here na. Kumain na po tayo. Nagugutom na ako eh.", pahayag ni Michael nang
kalabitin ako. Sinulyapan ko naman ng tingin si David at bigla itong
nagkagat-labi. Naglakad siya ng ilang hakbang patungo sa pwesto ko.
"Kumain ka na. Dahil ikaw ang susunod kong kakainin.", he whispered.
Tangina! Mukhang malinaw na sa akin ang mangyayari. Ano 'to? Pa-birthday gift
ko sa kanya? "Papa, mama, umupo na kayo. Ang tagal niyo naman.",
muling bigkas ng anak ko. Dali-dali naman akong umupo malayo kay David. Sobra
pa sa one meter ang agwat namin sa isat-isa na tila may virus siya sa katawan.
Pero 'di bale, hindi ko hahayaan na magtagumpay siya. Kailangan ko sigurong
umiwas at 'wag dumikit sa binata. Tinusok ko naman ang malaking hotdog sa plato
at dinilaan ito. Ninamnam kong mabuti ang kahabaan nito para lasapin ang sarap.
Kaso nga lang, narinig ko ang tawa ni David dahilan para mapatigil ako sa
ginagawa. "Practicing honey?", mapang-akit na wika niya.
"A-ano?", utal kong tugon. Pero ngumuso siya na animo'y, tinuturo ang
hawak ko. Shit! Nakakahiya! Iba yata ang tumatakbo sa isipa niya. "Hindi
ahh! Kumakain ako. At pwede ba, mind your own business. Kung naiinggit ka sa
ginagawa ko, edi dilaan mo din ang hotdog mo!", bulyaw ko sa lalaki.
"Ayoko. Gusto ko, ikaw ang dumila nito.", he replied. What the f!
Parang gusto kong manakal ng tao sa sobrang gigil. "Easy, Kate. Mamaya na
tayo magrambulan sa kwarto.", sambit niya habang umiiling. Pinalampas ko
muna ang inis ko kay David dahil nasa hapag-kainan kami. Kaya natapos ang
pag-aalmusal na hindi ko na siya inimik pa. NAGING maayos naman ang celebration
ng birthday niya. Marami kasing pakulo si Michael at puro sayaw ang pinakita
nito sa lalaki. Samantalang ako, naghihintay ng tamang tyempo para sagutin
siya. Yes, sasagutin ko na si David. Gusto ko na siya maging boyfriend dahil
ito ang regalo ko sa kanya. But how can I say 'yes', kung iniinis niya ako?
"Hoy, usap tayo sa kwarto. Usap lang ha?!", sundot na turan ko sa
binata. Medyo maingay kasi sa baba, kaya mas mabuti kung sa taas ko ito
sabihin. "Usap lang ba? Baka may gapangan na mangyari.", saad niya sa
akin. "Tsk. Sumunod ka na lang, okay?",
mataray na bigkas kasabay ng pagtalikod. Umakyat na ako sa taas at alam kong
sumunod na rin si David. He locked the door nang matunton namin ang kwarto. And
you know what happened next? Bigla niya akong niyapos at hinalikan sa leeg.
Nakainom na kasi siya ng wine at maging ako ay tinatablan na rin ng init. Hindi
ko rin alam sa katawan ko, pero unti-unti na itong bumibigay sa halik niya.
Nakalimutan ko tuloy ang sinabi ko kanina. "I love the way I touch your
boobs.", pagbubulong ni David. Kinalap niya kasi ang kamay sa malusog kong
dibdib dahilan para mapa-ungol ako. Dahan-dahan akong pinahiga ng lalaki sa
kama na hindi naalis ang labi naming dalawa. He started to kiss my breast and
lick it na tila wala ng bukas. Ang halik niya, pababa ng pababa. Hanggang sa
napunta ito sa pagkababae ko. Kahit na may panty pang sagabal ay nagawa niya
itong amuyin at dilaan. "Ohhh shit.", malutong na ungol ko dahil sa
sarap. "Ughh, you're now wet, honey.", rinig kong sambit niya. Hindi
nagtagal, tuluyan niya ng tinanggal ang panty na suot ko at malaya niya itong
kinain. Nagkatotoo nga ang sinabi nito. Halos mabaliw ako sa ginagawa ni David,
pero ang lahat ng 'yon biglang naudlot dahil timigil siya. "It's your
turn, honey. Hindi lang ikaw ang dapat na sumasaya.", ngising wika ng
binata. "Huh? What do you mean?", "Remember, may atraso ka sa
akin. Kaya luhod. Lumuhod ka sa harapan ko.", he laughed. Tumayo ito sa
kama at binaba niya ang brief para ilabas ang alaga. Sa una, nahihiya pa ako.
But at the end, inilapit ko ang bibig rito. I'm doing my best kahit hindi ako
kagalingan. Ayokong madisappoint si David. NANGYARI na nga ang nangyari sa loob
ng kwarto. We did it. Nagawa namin ang sex sa mismong birthday niya. At sa
mismong gabi pa ito naganap. "I-I'm sorry.", bigkas niya na animo'y
nagising sa reyalidad ang taong mahal ko. "Hindi ko natupad ang salitang
respeto ngayon. I'm sorry.", pag-uulit pa nito. "It's okay. Ginusto
ko din naman. At wala akong pinagsisihan, David. I love you.", malambing
na sabi ko sa kanya. Niyakap ko siya habang nakahiga kami sa kama.
"Starting today, you're now my boyfriend. Dahil, sinasagot na kita.",
I continue saying. Labis na saya ang nasilayan ko sa mukha ni David. Sumigaw
din ito at tumalon-talon pa na parang bata. "Woaaahh! I love you so much,
Kateee!",
Chapter
27
Kate's
POV:
It's been a week since mangyari ang birthday
ni David. At isang linggo na rin kaming magkarelasyon. Walang nagbago sa kanya.
Kung ano ang pakitungo niya sa akin noon, gano'n pa rin ngayon. And I feel
comfortable everytime na magkasama kami. Feeling ko nga, malaki ang chance na
mabuntis ako dahil sa sex na ginawa namin. I don't know. Pero kutob ko lang
naman. But I'm hoping na magkaanak kami ni David. "Papa, saan po tayo
papasyal?", pagtatanong ni Michael. Oo nga pala, inaya kami ng binata,
kaya nandito kami sa kotse niya. "Beach. We're going to beach.",
tugon nito bilang sagot. Napalingon ako sa gawi ni David at pinalo siya sa may
binti. "Anong beach ka dyan? May trabaho pa tayo sa kompanya mo.",
bigkas ko naman. "Honey, wala kang dapat na alalahanin. That's my
company.", "Kahit na. Nakakahiya sa mga empleyado mo na hindi mo 'yon
inaasikaso.", muli kong saad. "Relax Kate. Hindi mo dapat 'yan
iniisip. Mag-eenjoy tayong tatlo ni Michael. Kaya isantabi na muna natin ang
trabaho.", pagpipisil nito sa kamay ko. Hindi na ako nakapalag pa dahil
sumang-ayon naman ang anak ko sa desisyon ni David. So at the end, natuloy ang
pagpunta namin ng Beach. Sa bawat lakad namin, nakikita ko ang mga babae na
halos malaglag na ang dede dahil sa suot nilang bra. Hindi ko tuloy maiwasan na
sulyapan ang reaksyon ng binatang kasama ko. And guess what, nakatingin din
siya sa mga dalagang nakasuot ng swimsuit. Ito yata ang dahilan kung bakit niya
kami pinasyal dito. Mga lalaki talaga, makakita lang na malaking suso, lumalaki
ang mata. "Ang tingin sa daan, hindi sa gilid ha?", pagkukurot ko sa
tagiliran ni David. Humiyaw naman ito at napabaling sa akin ang atensyon niya.
"Ang sakit, Kate.", sambit nito. "Masakit ha? Well, deserve mo
'yan! Peste ka!", asar kong turan at binigyan ko pa siya ng suntok sa
tiyan. Nabibwisit agad ako sa pinapakita niya! Akala ko pa naman, loyal siya.
Pero palihim na tumitingin sa iba. "Honey naman, mas maganda ka sa kanila.
Kaya wala kang dapat na ikaselos.", wika nito habang sinusundan ako. Hawak
ko pa rin ang kamay ni Michael at pati siya nadadamay sa pagkainis ko.
"Pwede ba, kahit anong paliwanag o pagsuyo ang gawin mo, bisto na kita!
Hindi mo ako madadaan sa ganyan.", mataray kong sigaw. Inirapan ko pa siya
at mahigpit na hinila si Michael para tumungo sa may kubo. "Mama, kung
galit po kayo kay papa dapat kay papa lang.", usal ng bata. "Edi
sorry. Hindi naman sinasadya ni mama. Ang mabuti pa, maligo ka na do'n. Pero sa
mababaw ka lang ha?", pahayag ko sa kanya. "Talaga mama? Pwede na
akong lumusong sa dagat?", masayang sambit nito. "Oo nga. Kaya
tumakbo ka na do'n, baka magbago pa ang isip ko.", tugon ko ulit kay
Michael. Mabilis pa sa kabayo ang pagtakbo niya at muntik pa itong madapa.
Samantalang ako, naiwan na kasama pa rin si David. "Oh? Bakit 'di ka
sumunod? Diba, kanina ka pa nakatingin sa mga babae? So join them.", saad
ko sa binata. "Ayoko.", pagtatanggi niya. "Kunwari ka pa.",
"Hays. Ayokong maligo na hindi ka kasama, Kate. Kaya please, 'wag ka ng
magtampo o magselos.", patuloy niyang sabi. Hindi ako umimik at
pinagmasdan na lamang si Michael na masayang naglalaro sa tubig. Narinig ko pa
ang malalim na buntong-hininga ng katabi ko. "Oh sige, pupunta muna ako sa
hotel. Pipili ako ng room natin doon para mamayang gabi. Sana pagbalik ko,
hindi ka na galit sa akin.", he said again. Bago pa man siya umalis,
inilahad nito ang cellphone sa palad ko. "Iiwan ko muna 'yan sayo para
mapanatag ang loob mo.", turan niya at dinampian ako ng halik sa pisngi.
Kaya heto, mag-isa na lamang ako sa kubo. Naisipan ko na ring kalikutin ang
cellphone ni David para tingnan ang messages. Buti na lang at wala akong nabasa
na kalandian niya. Naging mapanatag ang loob ko at nabawasan ang init ng aking
ulo. Kaso nga lang, biglang nagring ang phone na hawak ko. Walang
name at tanging number ang nakalagay. Ewan ko ba, bigla akong nacurious dahilan
para sagutin ko ito. "Hello David? It's me, Katrina. Nandito ako sa
airport, pwede bang sunduin mo ako? Kakarating ko lang kasi at hindi ko
macontact si kuya.", saad ng babae sa kabilang linya. Halos manghina ang
kamay ko sa pangalan na sinabi niya. Katrina? Si Katrina? Ang ex-girlfriend ni
David? Ang kamukha ko? Bumalik na siya! "David, I know may hindi tayo
pagkakaintindihan bago ako umalis. Pero pwede nating pag-usapan 'yan mamaya
diba? But for now, kailangan mo akong sunduin dito.", wika niya ulit. Tila
umakyat naman ang dugo ko sa aking utak at nagawa ko itong sungitan.
"Galing ka sa abroad, diba? So ibig sabihin, marami kang pera. Kaya
mag-taxi ka! Hindi mo kailangan magpasundo kay David! Hindi ka special
girl!", "W-wait, who are you?", "Huwag mo akong englishin!
Nasa Pilipinas ka na!", turan ko sa dalaga. "Kung sino ka man, ibigay
mo kay David ang phone. I need him. Magpapasundo ako sa kanya.", bigkas
nito. "Sundo? Gusto mong sunduin ka? Letse! Sunduin mo, mukha mo!",
sigaw ko kay Katrina. Inend ko na din ang tawag at blinock siya sa cellphone ni
David. She's getting into my nerves!
Chapter
28
Kate's
POV:
"ARE YOU OKAY?", tanong ni
David nang bumalik siya sa lugar kung saan niya ako iniwan. Hindi pa nga isang
buwan ang relasyon namin, may umeeksena agad. Kaya halos hindi maipinta ang
aking mukha na tila sumasabay ang kilay ko sa emosyon na nararamdaman ko
ngayon. Hindi ko maiwasan na mangamba dahil dumating na si Katrina. Minahal
'yon ni David eh. Halos siya ang naging buhay noon ng binata. At lahat ng mga
tao, kilala si Katrina bilang ex-girlfriend niya na hinabol mismo nito.
"Honey, hindi ako gagawa ng kalokohan dito. Ikaw palang, sobra na para sa
akin. Kaya walang rason para magkagusto ako sa ibang babae.", wika niya
nang umupo sa tabihan ko. Hindi naman 'yan ang iniisip ko. Hindi 'yan ang
dahilan kung bakit umiba ang mood ko. Yung kanina, medyo ayos pa. Pero nung
tumawag ang dalaga sa phone ni David, hindi na ayos. "Hays. May nangyari
ba na hindi ko alam?", he asked again. Umiling ako at pilit na ngumiti.
"H-hindi naman.", tanging tugon ko at nilihim ang kaganapan sa
pagitan namin ni Katrina. Ayokong ipaalam at sabihin ito sa lalaki dahil malaki
ang chance na puntahan ni David ang ex niya. "Ikaw talaga. Pinakaba mo
ako. Akala ko tuloy, may pinagseselosan ka sa cellphone ko. Kaya nga pinahawak
ko 'yan sayo para magkaroon ka ng tiwala sa boyfriend mo.", wika nito at
pinisil pa ang aking pisngi. Ito ang paborito niyang gawin kapag nang-gigigil
siya. "Let's go? Ready na ang room natin. May swimsuit din ako na binili
para sayo, incase na maligo ka.", saad ng aking nobyo. Biglang lumiwanag
ang mata ko dahil sa tinuran niya. Matagal na rin kasi simula nung sumuot ako
ng bikini. And I guess, this is the right place to wear that. Baka sakaling
hindi na tumingin si David sa mga babae dito. "I'm so excited, hon! Ano
pang hinihintay natin? Let's gooooo!", masiglang bigkas ko. Iniwan muna
namin si Michael at pinabantay sa kakilala ng binata. Tumungo kami sa hotel na
tinutukoy ng boyfriend ko. Nasa second floor na room ang napili ni David para
sa pagpapahinga namin. Pagkatungo ko do'n, nasilayan ko agad ang ibat-ibang
kulay ng swimsuit sa kama. Pero mas gusto ko ang kulay itim dahil kakaiba ang datingan
nito kapag sinusuot ko. "I want this.", kumikinang na saad ko at
tumakbo sa banyo para suotin 'to. Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ako.
Inakit ko si David sa paraan na makukuha ko ang kiliti niya. "You look
hot.", komplimento nito. "I know right.", kagat-labi na bigkas
ko. Akala niya siguro, ako lang ang magseselos. Syempre pati siya, paseselosin
ko kapag lumangoy ako sa beach. "Labas na ulit tayo, hon. Tinatawag na ako
ng dagat.", bigkas ko sa binata. "Anong lalabas ka dyan? Hindi na
tayo lalabas.", wika nito dahilan para maging matamlay ang katawan ko.
"Huh? Hindi tayo lalabas? You mean, hindi tayo lalangoy sa beach?",
tanong ko para malinawan. "Yeah. Hindi tayo lalabas.", he replied.
"David naman ehh! Ano pang saysay ng swimsuit na 'to kung hindi makikita
ng mga tao?", nakangusong turan ko. Para akong bata na kinakalabit siya.
"Kate, pinasuot ko 'yan sayo hindi para makita ng ibang tao ang katawan
mo.", bigkas nito sa akin. "Pero gusto kong lumangoy.",
"Huwag mo akong lokohin dyan, hindi ka marunong lumangoy.", sambit
nito at talagang pinitik pa ako sa noo. "Nakakainis ka naman! Anong
gagawin natin dito ha?", muli kong saad. "Maglalangoy... Maglanguyan
tayong dalawa.", mabilis na pahayag niya. Kinilabutan tuloy ako dahil
mukhang ma-sscam ulit ako ni David. "Tigil-tigilan mo ako, David ha? Alam
ko na ang kilakis mo! Wala ako sa mood makipaglanguyan sa'yo.", turan ko
rito habang nakapamewang. Nagawa ko na rin sumanday sa pader na may inis sa
mukha. Ang ganda nga ng outfit ko, pero malabo yata na malakabas ako. "I'm just kidding, honey. Syempre, hindi
ko na ulit gagawin sa'yo ang nangyari sa atin nung birthday ko.", wika
niya na talagang pinaalala pa nito ang kahinaan ko. Hindi ko tuloy alam ang
aking sasabihin. Ngayon ko lang kasi naramdaman ang kahihiyan, matapos ang
kaganapan na 'yon. "But I guess, enough na siguro yun para makabuo tayo ng
bata. What do you think, Kate? Tama ba ako?", he asked me. Kaya nilingon
ko siya na may panlilisik sa mata ko. "Tatamaan ka talaga sa akin, kapag
hindi mo pa kinipot ang bibig mo!", I shouted at him. Ganito ang ugali ko
kapag hindi nasusunod ang aking gusto. Mabilis akong mairita kahit sa simpleng
bagay. Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ng binata. Kasabay no'n,
malungkot siya na tumitig sa mukha ko. "Kate naman, masama bang masolo
kita sa araw na 'to? Hindi mo ba nahalata? Pinabantay ko si Michael, dahil
gusto ko makasama ka na tayong dalawa lang. I want to enjoy the rest of the
day, with you.", pahayag niya dahilan para lumambot ang puso ko. Oo nga
naman. Bakit hindi ko agad 'yon naisip? Sa tuwing kasama namin ang bata, laging
nasa kanya ang atensyon namin ni David. Minsan nga, bihira na lang kami
mag-usap dahil palagi s'yang nakikipaglaro sa anak ko. Ganyan ang ginawa niya
sa loob ng one week na magkarelasyon kami. "Sige na nga. Hindi na ako
lalabas. Dito lang ako.", pagpayag ko sa kagustuhan ng lalaki. Sumaya
bigla ang reaksyon niya at kaagad na humiga sa malambot na kama. "Come
here, honey. Join me.", husky na sambit nito. Yung daliri ni David,
gumagalaw na tila inaakit ako. Sinasabi ko na nga ba. Ini-scam niya ako! Sa
una, ang bait. Parang tuta kung magmakaawa para lang pumayag ako. And now that
I said yes, nagiging wild na naman ang datingan niya. "Yoko nga.",
tipid na tugon ko. "Huwag kang matakot, Kate. Hihiga lang
tayo, promise.", bigkas nito. "Mas lalong ayoko.", pag-iirap ko
sa binata. Mahirap na. Ang bilis gumapang ng kamay niya. "Tsaka, baka
nakakalimutan mo, sinabi ko dati na usap lang tayo, pero ibang usapan ang
ginawa mo.", muling saad ko. Tumawa lang ito na sobrang cute pakinggan sa
tenga. "Honey, nakainom ako ng alak no'n.", pagpapaliwanag nito.
"Sinisi mo pa talaga ang alak, noh? Bakit? Yung alaga mo ba ang nalasing
ha? Diba, hindi?", pilosopo kong turan. "Hindi nga. Pero nagustuhan
mo naman. Malinaw pa nga sa utak ko ang binigkas mo no'n. Like, David harder
please. Hahaha.", saad niya dahilan para lusubin ko siya. "Aaaahhhh!
I hate you! Lagi mo akong iniinis dyan!", pagsisigaw ko habang sinasakal
siya. Pero sa halip na masaktan ang binata, tila natutuwa pa ito. And that made
me realize na nakapatong pala ako sa kanya. Kaya agad akong umalis at
pinaiwanan ko pa siya ng suntok. "Ikaw ha? Hindi ka man lang nagsasabi na
gusto mong pumatong. Edi sana, nakapagready ako.", he chuckled.
"Bwisit!", "I love you.", tugon niya sa sigaw ko.
Maya-maya, biglang nagring ang cellphone niya. Nilapag ko pala ito sa side
table, bago ako bumihis. "Hello?", bigkas ni David nang sagutin ang
tawag. Hindi ko narinig ang sinasabi ng kausap niya. Pero sapat na siguro ang
reaksyon ng lalaki para kumabog ang dibdib ko. "Katrina is back.",
katagang sinambit nito. Kahit pala anong gawin ko na pagtatago, malalaman din
niya ang totoo. Pero paano na ako? Paano na kami ni Michael?
Chapter
29
David's
POV:
"TUMAWAG pala si Katrina, bakit
hindi mo sinabi sa akin?", Ito agad ang tanong na lumabas sa bibig ko
matapos akong tawagan ni Mom. Yes, siya ang kausap ko kanina. Siya rin ang
nagsabi na bumalik na ang ex-girlfriend ko. Ayokong magalit kay Kate. Pero mali
ang ginawa niya. Naglihim pa rin siya at nilihim niya ang tungkol kay Katrina.
"Eh ano naman ngayon? Ex mo na siya diba? Kaya dapat lang na kinakalimutan
mo na ang taong 'yon.", she replied. Napakamot ako sa bandang-kilay at
tumayo mula sa kama. "Masyado kang immature, Kate. Kahit papano, naging
parte ng buhay ko si Katrina.", muli kong saad. Hindi niya yata
naiintindihan ang pinupunto ko. "So kapag kay Katrina, okay lang? Pero sa
ex-boyfriend ko, bawal? You're so unfair, David!", bulyaw nito at
tinalikuran ako. Hindi ko alam kung paano ko kaklaruhin ang lahat sa kanya.
Kaya sa halip na magpaliwanag, kinalikot ko ang cellphone at tiningnan ang mga
contact numbers. Nakita ko dito ang phone number ni Katrina, na kasama sa
blacklist. Hays. Panigurado, kagagawan ito ng babae. Pero hindi na lang ako
nagsalita at inalis ko ito sa blacklist dahilan para makatanggap ako ng
maraming messages mula sa dalaga. "David, kanina pa ako nandito sa
airport.", "Sunduin mo ako David.", "Please, halos ilang
oras na ako dito.", "David, alam kong galit ka. Pero sa ngayon,
kailangan ko ang tulong mo. Ayokong sumakay ng taxi dahil hindi ako
sanay.", "David? Answer my call, please.", Iilan lamang 'yan sa
mga text ni Katrina, kaya medyo nakaramdam ako ng konsensya. For almost an
hour, nando'n pa rin siya at hindi umaalis? Hinihintay niya talaga ako na
dumating. Mabilis kong sinuot ang jacket at kinuha ang susi ng kotse. Dahil sa
tunog na nagawa ko, napaharap si Kate na may katanungan sa mukha. "S-saan
ka pupunta?", she asked me. "Sa airport. Susunduin ko si
Katrina.", diretsang sagot ko. "Ano?", "Hindi ka naman yata
bingi para hindi marinig ang sinabi ko.", turan ko na medyo seryoso ang
datingan. Ewan ko. Naguguluhan ako sa mga oras na 'to. But one thing I know,
Katrina needs me. "Susunduin ko muna siya.", patuloy kong wika. Akma
na sana akong lalabas ng room, pero may pinahabol si Kate. "Sabi mo,
nandito tayo para mag-enjoy. Pero paano tayo mag-eenjoy kung uunahin mo
siya?", pagsasaad nito. "Kate, mabilis lang ako. Hindi ako
magtatagal.", tugon ko para hindi siya magtampo. Gumuhit ang peke niyang
ngiti at marahan na tumango. "O-okay. Hihintayin kita. Pero isang oras
lang ang binibigay ko sayo.", sambit ng babae. Siya na mismo ang umalis sa
harapan ko at tuluyang lumabas ng room. Naiwan akong nakatunganga na tila
nahihirapan akong magdesisyon. Kung pipiliin ko si Kate, magiging kawawa si
Katrina. Hindi naman kaya ng konsensya ko na hayaan ang dalaga do'n. Baka kung
ano pang mangyari sa kanya, tapos ako pa ang sisihin ni Mom. Hays! Bahala na!
Siguro naman, maiintindihan ako ni Kate dahil babae rin siya. Alam niyang
delikado sa isang babae ang mag-isa. So at the end, tinuloy ko ang pagsundo kay
Katrina. Sumakay ako ng kotse at drinive ito papuntang airport. Nang makarating
ako do'n, nasilayan ko agad ang dalaga na tila nangangalay ang tuhod sa
kakatayo. Ang ganda niya pa rin. Walang kupas ang kagandahan ni Katrina. Isabay
mo pa na sobrang sexy niya sa suot nito. Kung sabagay, nagmomodel nga pala
siya. "David! You're here! OMG! Akala ko, hindi
mo na ako susulputin. By the way, I miss you so much.", malambing na
sambit nito at napayakap ng mahigpit sa akin. Tumugon na din ako sa yakap niya,
dahil aminado akong namiss ko rin ang babae. "I'm sorry, kung pinahintay
kita.", wika ko sa kanya. "It's okay. I know, it's not your fault.
But can I ask you? Sino ba ang may hawak ng phone mo kanina? May sumagot kasi
nung tumawag ako. And I don't like her. Masyado siyang ma-attitude.",
bigkas niya na may kainisan sa boses. Nakausap niya pala si Kate. Ano kayang
pinag-usapan nila? "David? Hey? Tinatanong kita. Girlfriend mo ba ang
babaeng sumagot ng tawag ko? Kasi kung oo, magagalit ako.", muli nitong
sabi. "Ahmm... S-she's not my girlfriend. K-kaibigan ko lang siya.",
tugon ko bilang sagot. I saw the happiness on her eyes na animo'y hindi siya
nabigo sa narinig niya mula sa bibig ko. "That's good to hear. At least,
ngayon pwede na nating ibalik ang dati diba? I mean, let's continue our relationship.",
she said while smiling. "Pagod ka lang Katrina. Kaya halika na, ihahatid
na kita sa bahay niyo.", tanging sambit ko at kinuha ang bagahe para
ipasok ito sa likod ng kotse. Pero sumunod ang dalaga sa akin at hinawakan ang
pisngi ko. Then she kissed me. Hindi ko alam, pero naalala ko ang dating kami.
Ang dati na sobra ko siyang minahal. Na ginawa ko siyang mundo. But shit, mali
'to. Maling-mali.
Chapter
30
David's
POV:
NASA loob kami ng kotse ngayon ni
Katrina, pero ang kamay niya nanatiling nakakapit sa braso ko. Halos matunaw na
rin ako sa bawat tingin nito habang nagmamaneho ako ng sasakyan. Tila gusto
kong bawiin ang sinabi ko kanina tungkol kay Kate, pero may bumubulong sa akin
na hayaan na lang 'yon. "David, ayokong umuwi sa bahay. Pwede bang sa
bahay mo na lang ako tumuloy? Sabi kasi ni tita, tapos na daw ang bahay na
pinagawa mo para sa ating dalawa. Can I see it, now?", hirit na saad ni
Katrina. Tumigil ako sa pagdrive at nilingon siya. "No.", madiin kong
sambit. "Pero bakit hindi? Diba nangako ka sa akin na dadalhin mo ako do'n
kapag bumalik ako? Then here I am, nandito na ako ohh.", turan niya na may
katamlayan sa boses. "B-basta. Hindi ito ang tamang oras para pumunta ka
do'n. Magpahinga ka na muna sa bahay niyo.", pagsasabi ko para lumihis ang
topic namin. "But I want to sleep with you. Gusto kong bumawi,
David.", she said again. Umiling ako at pinagpatuloy ang pagdrive.
Napadako na rin ang tingin ko sa relo na ilang minuto na lang ay matatapos na
ang isang oras na binigay sa akin ni Kate. Kailangan ko ng bilisan, baka umalis
ang girlfriend ko sa beach. Tiyak magkakaroon ng digmaan sa pagitan namin. Ang
hirap pa naman suyuin ni Kate kapag nagagalit. "Bakit parang ang layo ng
iniisip mo?", tanong nito, pero hindi ko siya sinagot. Nakatuon na kasi
ang atensyon ko sa kalsada kung saan minamadali ko ang pagmaneho. "Umuwi
ako dito para balikan ka. Para maayos ulit ang relasyon natin. Pero sa kinikilos
mo, halatang ayaw mo na. Bakit David, may iba na bang nagpapatibok ng puso
mo?", muli niyang saad na may kainisan. Sa pagkakataong ito, nahinto na
ang kotse ko sa harap ng gate nila. "Pwede ka ng bumaba.", sambit ko
na hindi siya tinitingnan sa mata. "Teka nga lang, ang okay pa natin
kanina ha? Tapos ngayon, halos hindi mo ako imikin. Ni hindi mo rin sinagot ang
tanong ko. Ano bang problema?", wika nito na medyo malakas na ang
pananalita. "Wala.", "I don't believe you. I know there's
something wrong na gumugulo sa utak mo. But I hope, hindi babae 'yan.",
pahayag niya dahilan para aminin ko na ang totoo. Hindi kaya ng konsensya ko na
itago si Kate at ang anak namin na si Michael. "I lied, Katrina.",
bigkas ko sabay titig sa kanya. "Huh? What do you mean?", "May girlfriend na ako. And actually,
siya yung nakausap mo kanina. Pasensya na kung nagsinungaling ako.",
paliwanag ko para hindi na ito mangulit pa. "Are y-you joking? Kasi kung
joke 'yan, hindi nakakatawa ang biro mo.", utal nitong sabi. "I'm
sorry.", Ito lang ang tanging lumabas sa labi ko. Pero kapalit no'n ang
biglaang pagpatak ng luha niya. Umiyak si Katrina sa harapan ko mismo, na
sobrang kinahihina ko. "A-ang daya mo David. Wala kang isang
salita.", naiiyak na turan niya. Gusto kong punasan ang luha ng dalaga,
kaso hindi ko magawa. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak habang binibitaw ang mga
salitang nagpapalungkot sa akin. "P-pumunta ako ng abroad para sa'yo,
p-para matanggap ako ng mommy mo. Inuna ko ang career ko dahil yun ang gusto ni
tita. Hiniwalayan kita David, para ayusin ang buhay ko. Pero ni minsan, hindi
ko naisip na ipagpalit ka sa iba. I focus on my career na future nating dalawa.
Samantalang ikaw, m-masaya ka sa panibago mong girlfriend?", wika nito na
tila sinusumbatan ako. "Ang unfair mo David! Sobrang unfair mo! K-kung
alam ko lang na wala na akong babalikan, s-sana hindi na lang ako umuwi ng
Pilipinas. Ang sakit.", Damn it! Nasaktan ko siya. Nasaktan ko siya sa
maling paraan. Hindi ko kasi inalam ang rason ng hiwalayan namin. Basta ang
tanging alam ko, iniwan niya ako. Pero si mom pala ang dahilan ng lahat.
"And d-do you remember this?", tanong niya nang ilabas ang singsing
na ginawa niyang kwintas. "B-bigay mo sa akin 'to. Ang sabi mo,
magpapakasal pa tayo. Ang sabi mo, ako pa rin ang m-mamahalin mo, kahit anong
mangyari. P-pero nasaan na ang pangako mong 'yon? Paano natin 'to matutupad
kung bumitaw ka na?", she asked again while crying. But this time, I wipe
her tears. Marahan ko na rin siyang niyakap para mapagaan ang loob niya.
"Tutuparin ko pa rin 'yon, Katrina. Kaso nga lang, hindi na sa'yo. Dahil
nangako na rin ako sa kanya. At may nangyari na sa aming dalawa.", saad ko
rito. Sinabi ko na ang totoo, nang sa gano'n hindi na siya umasa pa.
"H-hindi ko yata makakaya na makita 'yon, David. H-hindi ko kaya na
mapunta ka sa iba.", tugon niya na habang yakap[1]yakap ako. Hinaplos
ko ang likod niya at muling nagsalita. "I know Katrina. Alam kong mahirap
para sayo na makita 'yon. Pero mahal ko kasi ang girlfriend ko ngayon. At plano
ko na ring magpakasal kami.", pagsasambit ko. "K-kung 'yan ang desisyon
mo, h-handa akong tanggapin kahit masakit. But always remember, I'm here beside
you. P[1]pwede
mo akong lapitan kapag may kailangan ka.", pahayag nito. Hindi ako nagsisi
na minahal ko rin siya dati. Katrina is an ideal girl also. And she deserve
better. Alam kong mahahanap niya rin ang lalaking nakatadhana sa kanya.
Chapter
31
Kate's
POV:
BWISIT! Hanggang ngayon, hindi pa rin
bumabalik si David. Siguro nag-enjoy na siyang kasama si Katrina. Naiinis na
ako! Kanina pa ako nilalamon ng selos, pero pinipigilan ko lang. Ayoko kasing
makita ng mga tao na nababaliw ako dito. Mag-isa pa naman akong naka-upo sa
buhangin habang nakatingin kay Michael na lumalangoy sa mababaw. Mga negatibo
na rin ang tumatakbo sa isipan ko dahilan para mapagbuntungan ko ng galit ang
buhangin sa aking kamay. "Hayss! Talagang inaabuso mo ang kabaitan
ko!", sambit ko sa sarili. I always check the time on my cellphone, para
malaman ko kung ilang minuto na lang. And bullshit, five minutes left at
matatapos na ang binigay kong oras sa kanya. "Tsk. I hate you, David!
Paasa ka!", muli kong bigkas. Tumayo na ako at nilapitan si Michael para
patigilin na ito sa paglangoy. Hindi ko na kayang maghintay pa sa wala. Masyado
na siyang abusado! "Umahon ka na dyan, Michael! Uuwi na tayo!", sigaw
ko sa bata. "Ano po?!", balik na turan niya na tila hindi nito
naintindihan ang sinabi ko. "Uuwi na tayo!", pag-uulit kong sambit.
At sa pangalawang beses, narinig niya na ito. "Bakit po tayo uuwi, mama?
Nasa'n po si papa?", tanong nito sa akin. "Nando'n sa kabet niya.
Kaya umalis na tayo dito, dahil naiirita lang ako.", diretsang wika ko.
"Kabet? Sinong kabet mama?", he asked again. "Ang hirap
ipaliwanag, Michael. Ang mabuti pa, mamaya ka na magtanong ha?", turan ko
na lamang. I hold his hand and we walk together. Hindi pa man nakakalayo, may
humarang na lalaki sa amin. "Hi miss, can I get your number?", saad
nito na may ngiti sa labi. Gwapo siya, matipuno, at nakakaakit din ang dimples
niya. I was about to say 'yes', pero si Michael na mismo ang sumagot.
"Hindi pwede. Magagalit ang papa ko.", maangas na sambit ng bata.
"Ohh, anak mo pala? I thought, dalaga ka pa. Hindi kasi halata sa itsura
mo na may anak ka na.", wika ng binata dahilan para masiyahan ako.
Syempre, nakakataba ng puso na marinig 'yon mula sa bibig ng iba. Kahit papano,
may nakaappreciate din ng ganda ko. "Huwag mo ng bolahin ang mama ko.
Tsaka, yung tingin mo, dapat sa mukha lang, 'wag sa dede ng mama ko.
Naiintindihan mo ba 'yon ha?", pagduduro ni Michael. Daig niya pa ang
malaking tao dahil sa inaasta niya. "Anak, tumigil ka nga. Nakakahiya.
Hindi kita tinuruan ng ganyan.", pagsasaway ko. "Mama,
pinoprotektahan lang kita. At binilin sa akin ni papa David, na 'wag kong
hahayaan na may lumapit na ibang lalaki sayo.", tugon niya bilang
paliwanag. Napakamot na lamang ako ng batok at humingi ng pasensya sa kaharap
namin. "Sorry, we need to go.", sambit ko rito. Bago pa man kami
makaalis, muling nagsalita ang binata. "I hope to see you again. It nice
meeting you.", pakindat na sabi niya. Pero si Michael, dinilaan lang ito
at siya na mismo ang humila sa akin palayo sa lalaki. "Michael, mali ang
ginawa mo ha? Hindi ka dapat nagsasabi ng gano'n, lalo na sa mga may edad
sayo.", pangangaral ko sa bata. "Mama, hindi ko po gusto ang titig
niya sa'yo. Wala po akong tiwala sa taong 'yon.", muli nitong saad. Kahit
kailan talaga, hindi ko matalo-talo ang anak ko. "Nga pala mama, nasa'n
pala si papa? Paano tayo uuwi? Alam mo ba kung saan ang sakayan?",
pagtatanong niya. Napatigil kami sa paglalakad at nagkatinginan sa isat-isa.
"Yun lang. Wala akong alam dito eh.", matamlay na bigkas ko.
"Naku naman mama! Nagmamadali ka po, tapos hindi mo naman pala alam.
Naudlot tuloy yung paglangoy ko. Ang cute pa naman nung babaeng kasama ko
kanina.", turan nito na may paghihinayang sa boses. Marahan ko siyang
binatukan dahil ngayon ko lang nalaman na masyado siyang pabibo. Kaya pala,
hindi umaahon, dahil sa batang babae. "Mama naman.", ngusong sambit
niya. "Manang-mana ka talaga kay David, babaero.", inis kong saad. Tsk.
Naalala ko tuloy ang ex-girlfriend niya. Magkasama sila ngayon. "Ang David
na 'yon, nakakakulo ng dugo! Dumating lang si Katrina, ang bilis niya. Ni hindi
man lang naisip na bumalik. Iniwan talaga tayo dito! Kapag 'yan nakita ko,
hindi ko talaga siya kakausapin. Manigas siya!", pagalit kong sabi habang
nakapamewang. Nagsasalubong na ang kilay ko at konti na lang sasabog na talaga
ang aking mukha. "Galit ka na ba sa lagay mong 'yan?", wika ng nasa
likuran ko. "Oo, galit na galit ako.", I replied. Pero unti-unti kong
naramdaman ang braso nito na pumulupot bigla sa katawan ko. "Sorry na
honey. 10 minutes late lang naman ako.", he whispered. Teka, si David na
ba 'to? "Anong sorry ka dyan? Akala mo ba lahat ng sorry, maibabalik sa
dati ha?", bulyaw ko nang alisin ko ang yakap niya. "Nag-usap lang
kami ni Katrina, inayos ko ang tungkol sa amin. And I said, na meron na akong
girlfriend.", pahayag ni David. "I'm not asking.", pataray kong
tugon. "Ayokong mag-isip ka ng kung ano-ano, kaya sinabi ko na. So sorry.",
seryosong bigkas niya. "Hindi ako marupok ha? Pero sige na nga, bati na
tayo. Basta 'wag mo ng uulitin.", turan ko sa binata. Ngumiti ito at
dinampian ako ng halik sa labi. "Opo. Hindi na mauulit, kumander.",
"Okay na po ba? Ayos na kayo diba? Baka pwede na akong lumangoy ulit.
Naghihintay na ang girlprend ko.", pagsisingit na sambit ni Michael. Sabay
kaming tumawa ni David dahil sa kalokohan ng anak namin. "Go ahead.
Suportado kita dyan.", saad naman ng papa niya. Hindi man sila magkadugo,
pareho naman sila ng ugali.
Chapter
32
David's
POV:
OVERNIGHT. Ito agad ang desisyon na
binitawan ko kanina habang enjoy na enjoy si Michael sa beach. Sinabi ko sa
kanila na dito kami magpapalipas ng gabi, para sa gano'n maging sulit ang
pagpunta namin sa lugar na 'to. But the truth is, may pinaplano ako ngayong gabi.
Balak kong magpropose kay Kate. Balak kong hingin ang kamay niya para maging
asawa ko na siya. Hindi ko na kasi hahayaan na tumagal pa ang lahat. Alam kong
mabilis dahil hindi pa nag-iisang buwan ang relasyon namin, pero gusto kong
makasal kami. Napatitig ako ngayon sa maliit na box na hawak ko. Singsing ito
na binili ko kanina. Kaya nga ako natagalan sa pagbalik dahil dumaan pa ako sa
jewelry para bumili nito. And happy to say, napili ko ang maganda at mamahalin
na singsing. A diamond ring that cost million. Ganyan ko kamahal si Kate.
"Papa, ano po 'yang hawak mo?", sulpot na tanong ni Michael. Muntik
ko pang malaglag ang singsing dahil sa biglaang pagsulpot niya sa harapan ko.
"Nak naman, 'wag mo akong gulatin ng ganyan.", usal ko sa bata.
"Hindi po kita ginugulat papa, nagtatanong lang po ako ng maayos.",
he said. Pilosopo talaga 'to. "Hays. Nasa'n ba ang mama mo? Kasama mo
ba?", tanging sambit ko. "Nakikita mo po ba si mama sa tabi
ko?", balik na saad niya. "Hindi.", I replied. "Oh edi,
wala po siya dito papa. Hindi ko siya kasama.", muling turan niya.
Tangina! Naiisahan lagi ako ni Michael. "Akala ko ba, okay tayo? Bakit
parang binabara mo ako?", I asked him. "Kasi papa, hindi mo sinasagot
ang tanong ko.", "Ano ba kasing tanong mo?", "Kung ano po
'yang hawak mo? Kanina ka pa kasi tulala at nakangiting mag-isa.",.
"Ah eto ba? Para ito sa mama mo.", wika ko naman. Sa puntong ito,
lumuhod ako para maging kapantay ko si Michael. "Balak kong magpropose
ngayon sa mama mo. Para makasal agad kami.", pag-aamin ko. "Kasal?
Wow papa! Gusto ko 'yan!", bigkas niya na lumalaki ang mata sa saya.
"Oo. Gustong-gusto ko na rin mapangasawa ang mama mo. Gusto ko maging
legal ang pagsasama namin at maging legal kitang anak.", seryoso kong
sagot. Siguro kapag nangyari na 'yon, ako ang pinaka-swerteng lalaki sa buong
mundo. "Ang bait mo papa! Kaya gusto kita para kay mama! Basta 'wag mong
sasaktan ang mama ko ha? Kapag pinaiyak mo si mama, makakalaban mo ako.",
saad nito na may pagbabanta sa boses. Ginulo ko ang buhok niya at nangako.
"Hindi ko sasaktan ang mama mo. Wala sa isip ko na saktan siya.",
tugon ko at tumayo ulit. "So ano, tulungan mo ako ha? Hanapin mo ang mama
mo tapos papuntahin mo sa pinaka-last floor ng hotel.", pag[1]uutos
ko sa kanya. "Walang problema papa! Ako ang magiging tulay para sagutin ka
ni mama. Tsaka, sigurado naman ako na matutuwa 'yon sa gagawin mo.",
sambit nito at kumaripas ng takbo. Hindi na rin ako nagsayang pa ng minuto at
tumungo na ako sa itaas para tingnan kung handa na ang lahat. May
inutusan kasi ako para maayos ang set-up sa last floor. "Sir, okay na
po.", bungad na saad ng babae sa akin pagkapasok ko. Tiningnan ko ng
mabuti ang bawat sulok at makikita ko na pulido at maganda ang kinalabasan.
"Thank you.", tugon ko kasabay ng pag-abot ko ng bayad sa dalaga.
"Welcome Sir, I need to go na po.", pagpapaalam nito at tuluyang
lumabas. Parang nasa castle ang design at style ng room. Dito mo mararamdaman
na para kang hari dahil sa kagandahan ng loob. At ngayong gabi, magiging reyna
ko na si Kate. Siya na lang ang kulang sa buhay ko. "Bilis na po mama. Ang
bagal mo namang maglakad.", rinig kong boses mula sa labas. Boses 'yon ni
Michael na animo'y pinapabilis ang kilos ng mama niya. Ang batang 'to, daig pa
ang matanda kung umasta. But I love his personality. Masyado siyang bibo at
nakakatuwa siyang panoorin. Kahit hindi ko siya kadugo, para sa akin, anak ko
na si Michael. "Bakit ba kasi? Ang sakit na ng paa ko ha? Kanina mo pa ako
kinakaladkad. Hindi dito ang room natin, anak. Bumaba na tayo. Baka hinahanap
na tayo ng papa David mo.", wika ni Kate sa bata. Palihim akong tumatawa
dahil sa ka-cutan ng boses nilang mag-ina. I can't wait to be her husband.
Na-eexcite na ako na maging missis ko siya. "Buksan mo na mama,
dali.", bigkas ni Michael sa kanyang ina. "Alam mo anak, hindi kita
tinuruan ng maling asal ha? Makaalis na nga.", inis nitong saad.
"Mama, ang KJ mo. Hindi ka na bata para magpakipot. Bubuksan mo lang
naman.", usal nito sa magulang. "Hayss. Ang kulit mo! Ano ba kasing
meron sa pesteng room na 'yan? Kapag may multo akong nakita, talagang iiwan
kita dito.", pagalit niyang sabi. Unti-unti kong nasilayan ang marahan
nitong pagpihit ng pinto dahilan para mabuksan niya ang room. Pero buti na
lang, nasara ko agad ang ilaw kaya hindi niya agad ako nakita. When she was
about to press the switch on, hinanda ko na ang sarili. One. Two. Three.
Salitang 'WILL YOU MARRY ME?' ang gumuhit mismo sa ilaw. Iba't ibang ilaw ang
gamit kaya makulay ang datingan. "I love you Kate. I love you,
always.", malambing na sambit ko. Sinabayan ko ng music ang bawat paglapit
ko sa kanya. Hindi bongga ang proposal ko, pero pinaghandaan ko rin 'to.
"Ayoko ng mawala ka pa sa buhay ko, honey. Kaya habang maaga pa, gusto ko
ng hingin ang kamay mo at iharap ka sa altar. Alam kong pinangarap mo 'to sa
ibang lalaki noon, pero ako na ang tutupad no'n para sayo. Mahal na mahal kita
Kate, higit pa sa pagmamahal ko sa sarili.", pahayag ko at dahan-dahan
akong lumuhod sa harapan niya. "So, will you be my long-time partner? Will
you be my wife?", patuloy kong bigkas. Naiiyak itong tumango na bilang
sagot sa tanong ko. Kaya sinuot ko ang singsing sa daliri niya at hinalikan
siya ng mariin sa labi. This girl infront of me, is now my fiance.
Chapter
33
KATE's
POV:
ABOT LANGIT ang saya ko nang lumuhod sa
harapan ko si David. Isa ito sa kahilingan ko kay Lord na gusto kong maranasan.
Ang sarap lang sa pakiramdam dahil tinanggap ako ni David. Tinanggap at minahal
niya ako sa kabila ng pagiging single mom ko. Tama nga sila, sa mata ng
lalaking seryoso, perpekto ka sa paningin nila. At ganito nga ang pinaparamdam
ng binata sa akin. Hindi niya ako binigo kahit dumating si Katrina. Pinili niya
ako. Pinili niya kami ni Michael. Kaya kampante na ang kalooban ko na hindi
niya ako sasaktan. "N-naduduwal ako.", bigkas ko sa kanila. Nasa
hapag-kainan kami, at si David mismo ang nagluto ng ulam. Kaso nung hinain niya
ito at nilagay sa mesa, bigla akong nasusuka. Hindi ko nagustuhan ang amoy.
Parang panis na eh. Kaya mabilis akong lumayo sa mahabang mesa at tumakbo sa
may lababo. Nga pala, it's been two months since magpropose si David. At oo, sa
sunod na buwan, ikakasal na kami. Minamadali ng lalaki ang lahat para maging
legal na asawa ko siya. Ginagawa niya raw ito dahil ayaw niyang maagaw ako ng
iba, especially sa totoong ama ni Michael. Ewan ko ba sa kanya. But until now,
takot pa rin siya sa pwedeng gawin ng ex-boyfriend ko. Wala daw siyang tiwala
sa taong 'yon, kaya hindi ko naman siya masisisi. "Dinatnan ka na
ba?", tanong ni David sa likuran ko. "H-hindi ako dinatnan eh.",
tugon ko at napaayos ng tayo. Alam ko na yata ang nasa isip ng binata. Dahil
maging ako, gano'n rin ang tumatakbo sa isipan ko. Hindi ako dinalaw ng regla
at halos lahat ng paborito ko noon, inaayawan ko na. Hindi na sa akin bago ang
pagbubuntis dahil nga single mom ako nung nakilala ng lalaki. "Sasamahan
kitang magpacheck-up ngayon.", pagdedesisyon nito. "Huh? As in,
ngayon na talaga?", "Yes honey. Gusto kong makompirma ang hinala ko.
I can't wait to hear from the doctors na buntis ka.", masayang wika niya
na may excitement sa boses. Kaya agad kaming tumungo sa hospital. Hindi na
namin sinama si Michael dahil busy na ito sa pagkain. Nang makarating kami
do'n, agad akong chineck ng doctors. And after thirty minutes, nakangiti siyang
umupo at sinabi ang good news sa amin. "Congratulations. Buntis ang asawa
mo. Magkaka-anak na kayo.", sambit nito. Syempre natuwa ako sa nalaman ko.
Pero mas natuwa si David dahil nagawa nitong tumalon at sumigaw. Natatawa tuloy
ang doctor sa pinakita niya. "Sabi ko na! Makakabuo tayo! Wala kasi
akong sinayang na sperm.", proud na wika niya. Kinurot ko ito sa tagiliran
dahil nakakahiya sa doctor ang pinagsasabi nito. "Thank you po, Doc. Aalis
na po kami. Mahirap na, baka pati posisyon na ginawa namin, mabanggit
niya.", saad ko rito. Hinila ko na si David palabas nang makabayad kami.
Pero hanggang kalsada, patuloy siyang sumisigaw. Kaya yung atensyon ng mga tao,
napunta sa kanya. "MAGIGING TATAY NA AKO! WOAAAH!", malakas nitong
bigkas. "Hoyy, tumigil ka nga. Baka sabihin nila, baliw ka.", pahayag
ko para sitahin siya. "Honey, ang dami kong pinahid na sperm sa kumot
noon. Kaya hindi ko mapigilan ang emosyon ko nang malaman kong buntis
ka.", pagtuturan niya. "Hays.", tanging saad ko at pumasok na
lamang sa kotse. "Akalain mo 'yon, hindi lang ikaw ang ihaharap ko sa
altar. Pati yung baby natin ipapakilala ko sa harapan mismo ng Diyos. God is
good talaga.", wika nito bago pinaandar ang sasakyan. Ang totoo niyan,
masayang-masaya din ako. Pero syempre, hindi ko pa rin maiwasan na kabahan.
Medyo nega kasi ang utak ko sa ganitong pangyayari. "I love you, Kate.
Hindi ako magsasawang sabihin 'yan. Don't worry, aalagaan ko kayo ng magiging
anak natin.", muli niyang sabi. Ngumiti na lang ako at hinawakan ang tiyan.
Ang swerte ng baby namin. Ang swerte niya dahil si David ang magiging tatay
niya. NAKAUWI kaming safe sa bahay. Marahan kasi ang pagdadrive ng binata na
halatang nag-iingat siya. Kung noon, mabilis itong magpatakbo ng sasakyan,
ngayon halos pagong na kung kumilos. Siguro dahil buntis ako at umiiwas siya sa
aksidente. "May maganda kaming balita sa'yo Michael.", agad na
pahayag nito. "Ano po 'yon papa?", tugon ng bata habang kumakain ng
fried chicken. "Buntis ang mama mo kaya magkakaroon ka na ng
kalaro.", saad niya dahilan para mabitawan ni Michael ang kinakain.
"B-bu-b-buntis ka mama? Magkakababy ka ulit, mama?", bigkas nito sa
akin. Tumango ako bilang sagot. At nakita ko sa mukha niya ang kasiyahan. Pero
unti-unti, bigla siyang natahimik at napalitan ng lungkot ang reaksyon.
"Ohh? Anong itsura 'yan? Akala ko ba, gusto mo ng kalaro?", tanong ni
David. "Gusto nga po.", "Gusto naman pala. Pero bakit parang
malungkot ka?", "Wala po. Huwag niyo na po akong isipin.", tugon
niya sa lalaki. "Michael, may problema ka ba?", I asked him already.
"K-kasi mama, naisip ko, pa'no ako? Kasi diba, hindi naman ako totoong
anak ni papa David. Tapos yung baby sa tiyan mo, totoong anak siya. Ibig
sabihin ba, hindi niyo na ako mahal?", sambit niya habang nakanguso.
Nagkatinginan kami ni David, dahil alam namin ang pinupunto ng bata.
"Anak, makinig ka sa akin ha? Hindi mo dapat iniisip ang mga bagay na
'yan. Hindi man kita kadugo, pero mahal kita. Totoong anak ang turing ko sayo.
Kaya walang magbabago kahit manganak pa ang mama mo.", litanya nito.
Napawi naman ang lungkot sa mukha ni Michael kaya mahigpit kaming nagyakapan sa
isat-isa. Sana kung magkaroon man ng problema sa pamilya namin, sana walang
bumitaw. Sana hindi ako bitawan ni David.
Chapter
34
KATE's
POV:
Si DAVID, siya yung excited na
lumabas ang baby sa tiyan ko. Hindi pa nga lumulobo ito, panay isip na agad
siya ng pangalan. At oo, iniingatan niya ako ng husto. Masyado siyang
protective sa pagbubuntis ko. Ayaw niya akong gumalaw ng gumalaw para hindi maalog
at malaglag ang bata. Kaya lumipat na ako ng kwarto sa baba para hindi ako
mahirapan sa pag-akyat. Mahirap na, baka daw kasi madulas ako. Hindi lang sapat
si David sa akin, kundi sobrang blessing siya na binigay ni God. Ngayon lang
kasi ako nakatagpo ng lalaking ganito. Ang swerte ko dahil nasa tamang tao na
ako. Hindi man ako naging masaya sa una kong karelasyon. But this time, halos
minu-minuto akong nakangiti. "Sabay na tayong maligo, honey.", bigkas
nito habang naghahanap ako ng damit sa closet. Niyakap niya ako mula sa aking
likod at bahagyang kinagat ang leeg ko. "David, ang baho ko pa.",
pagsisita ko sa lalaki. "So what? Asawa na kita, Kate. At ang mag-asawa,
hindi dapat nandidiri sa isat-isa.", wika niya sa kabila ng paghalik nito.
"Pero uhmm, hindi ako mabango.", bigkas ko ulit na may kasama pang
ungol. Nahuhuli niya kasi ang kiliti ko kaya hindi ko mapigilan ang sarili.
"David, stop it. Sa honeymoon na lang tayo bumawi.", turan ko nang
hawakan ko ang kamay niya at alisin sa katawan ko. Hinarap ko siya at pinisil
ang ilong. "Maliligo na ako ha? Huwag kang susunod.", saad ko rito.
Pumasok na ako sa banyo at nilock ito para masiguro na hindi makakapasok si
David. Nahihiya pa kasi ako sa kanya. Hindi pa ako sanay kahit nakita na nito
ang katawan ko. Binilisan ko lang ang pagligo at matapos no'n, lumabas na ako.
Pero si David, nanatiling nasa kwarto. Nakahiga siya sa kama habang malalim ang
iniisip nito. And guess what, nagsasalita siyang mag-isa. "Kapag babae ang
anak namin, Divina. At kapag lalaki, Cardo para astig at hindi
namamatay.", saad nito na tila kinakausap ang sarili. Palihim akong
tumatawa habang pinagmamasdan ang lalaki. Sobrang cute niya tingnan at hindi
halata na CEO siya ng kompanya. Hindi muna ako lumapit sa kanya at nanatiling
nakasanday sa pader. "Hayss, mali! Dapat unique ang ipangalan ko sa anak
namin.", wika niya ulit. Tsaka lang siya natigilan nang kumatok ang yaya
namin sa pinto. "Sir! Sir David, may tumatawag po sa telepono. Galing sa
kompanya.", sambit nito kaya mabilis tumayo ang lalaki. "Panira naman
oh!", usal niya at dali-daling binuksan ang pinto. Pero bago siya
humakbang palabas, tinapunan niya ako ng tingin. "Honey, sasagutin ko lang
ang tawag ha? I'll be back, so be ready.", pahayag nito na may ngisi sa
labi. Tila alam ko ang pinaparating niya ha? Kinakabahan tuloy ako, baka maging
kambal ang batang dinadala ko sa tiyan. I apply lotion to my legs and arms. At
syempre, bestida ang sinuot kong damit para maging malaya ang pag-galaw ko. Sa
kalagitnaan ng aking pagsuklay, bumukas muli ang pinto at nasilayan ko ang
aking asawa. "I'm sorry Honey, hindi yata ako
makakauwi ngayong gabi. May kailangan akong puntahan. May meeting ako sa Cebu
together with Mr. Xiao.", pagsasaad niya. "Gano'n ba? So aalis ka
ngayon?", I asked him. Tumango naman siya bilang sagot. "Samahan na
kita.", turan ko ulit. "Huwag na honey, baka mapagod ka pa. Tsaka
isang araw lang ako mawawala.", wika niya kaya ngumiti na lang ako. Naisip
ko kasi na baka maging sagabal pa ako sa meeting niya. Siya kasi ang nagsabi na
'wag muna ako magtrabaho bilang secretary dahil ayaw niya akong ma-stress.
"Magbibihis na ako. Hinihintay na raw ako sa airport.", paalam nito
at hinalikan muna ako sa labi. "Sige, ingat. I love you.", malambing
na saad ko. Nakakalungkot man, pero ganito talaga kapag CEO. May responsibilidad
na dapat atupagin ang asawa ko sa kompanya. Sinamahan ko siya palabas ng bahay
at niyakap ng mahigpit. Alam ko kasi na mamimiss niya akong yakapin kahit isang
gabi siya sa Cebu. "Manang, ikaw na ang bahala kay Michael. At yaya, ikaw
na rin bahala kay Kate. Huwag niyo siyang papagurin at hayaan na
mag-isa.", bili nito sa mga katulong. "Opo Sir.", magalang na
tugon nila. Umalis na si David. Kaya naiwan kami ni Michael sa malaking bahay
niya. "Mama, matatagalan po ba si papa?", tanong nito. "Hindi
naman anak, isang gabi lang.", sagot ko sa bata. Pumasok na kami at
naisipan kong makipaglaro sa kanya. Yung laro na magiging exercise sa akin. Kaso
nga lang, hindi pa nag-iisang oras, may nagdoor-bell sa gate. May naiwan yata
si David na gamit kaya bumalik. "Manong, ako na ang magbubukas.",
turan ko sa aming guard. Kumakain sila ng snack kaya ako na mismo ang
nag-insist na buksan ito. Simpleng bagay lang kasi 'to, kaya hindi ko na
kailangan ang tulong nila. At higit sa lahat, hindi ako sanay na walang
ginagawa sa bahay. Humakbang na ako palapit sa may gate at dahan-dahan itong
binuksan para papasukin ang kotse. But wait, hindi ito kotse ni David ha?
Kaninong kotse ba 'yan? At sinong tao 'yan? "Ahm, saglit lang po Ma'am.
Maling bahay yata ang napasukan niyo.", magalang na sambit ko. Inalis niya
ang sunglass na suot at taas-kilay siya na tumingin sa akin. "And who the
hell are you?", bigkas niya na hindi ko nagustuhan ang unang salita na
binigkas nito. "Asawa ako ni David. Yung may-ari ng bahay na 'to.",
pakilala ko sa kanya. Bumaba siya ng kotse at tiningnan ulit ako mula paa
hanggang ulo. "Ang panget mo. Ang cheap mo masyado. Hindi ko rin bet ang kutis
mo. At yung labi mo, sobrang putla. Kamukha mo si Katrina, pero mas maganda pa
rin siya kaysa sayo.", pang-iinsulto niya sa pagkatao ko. Sino ba kasi ang
impakta na 'to? Talagang kinumpara pa ako sa ex-girlfriend ni David. "Opo,
hindi ako kasing-ganda ni Katrina. But who are you to judge me?", tanong
ko rito na may pagtatanggol sa sarili. "Asawa mo si David, pero hindi mo
ako kilala? The heck! Kaya pala hindi niya sinasagot ang mga tawag ko, dahil
may babae na siyang kinakasama. Sobrang pait ng taste niya ngayon ha? Hindi man
lang siya naghanap ng babae na pwedeng irampa at ipagmalaki.", mahabang
pahayag niya. Napakuyom ako ng kamao dahil medyo masakit na ang sinasabi nito.
"Pero sige, magpapakilala ako.", she continue. "I'm Eliza, the
mother of David. At ipaprangka na kita, I don't like you for my son."
Chapter
35
Kate's
POV:
ANG kausap at kaharap ko palang babae
ay magulang ni David. Hindi ko lubos-maisip na ganito ang itsura ng nanay niya.
Tila dalaga kasi ito kung titingnan kaya wala akong kaalam-alam. Syempre, medyo
nahiya ako dahil nawalan ako ng galang. So I was about to say sorry, kaso hindi
ko na nasabi dahil mas tinaas nito ang kilay niya nang lumabas si Michael.
"Mama, sino po siya?", pagtatanong nito. Yung reaksyon ng Ginang,
halos umapaw ang katarayan. "My ghad! May anak ka na? Ibig sabihin, disgrasyada
kang babae nung nakilala ka ni David? Shit! Siguro ginayuma mo siya,
ano?", mapanghusga na sambit niya. "Hindi ho. Hindi ako gano'n na tao
para gawin 'yan sa anak niyo. Kung ako sayo, tanungin mo na lang si David kung
paano kami nagkakilala.", wika ko naman. Ayoko sa lahat na binabastos ako
sa mismong harapan ng anak ko. At lalong ayoko sa lahat yung dinadamayan ang
bata sa away. "Wala kang ugali. Ako ang nanay ni David na kinakasama mo.
Kaya dapat matuto kang rumespeto sa akin.", saad niya "Ang respeto,
binibigay 'yan sa tamang tao. Pero pasensya na, dahil hindi ka tao sa paningin
ko.", pagtuturan ko. And because of what I've said, sinampal niya ako ng
malakas. Naramdaman ko ang hapdi, pero binalewala ko lang. "Huwag mo akong
gagalitin. Dahil iba ako sa iniisip mo.", madiin nitong sabi. "Opo.
Ibang-iba ka nga. Dahil yung iniisip ko noon, mabait ka. Pero ngayon, nakita ko
ang totoo mong kulay. Nagtataka tuloy ako, kung anak mo ba si David? Kasi kung
oo, ang malas niya dahil naging nanay niya ang tulad mo. So excuse us, papasok
na ako sa loob.", wika ko at hinila ko na si Michael. Buntis pa naman ako
kaya talagang mainit ang aking ulo. Mabilis akong mairita at mabilis kumulo ang
aking dugo. Nawalan ako ng galang ngayon. Pero okay lang, dahil hindi ko gusto
na tinatapakan ang pagkatao ko. Sinulyapan ko ng tingin ang Ginang na pumasok
na sa kanyang kotse. Umalis na ito kaya nakahinga ako ng maluwag. Matapang lang
ako kanina pero bigla akong nanghina dahil first time kong sumagot sa may edad
sa akin. "Mama, bakit po gano'n ang mama ni papa? Bakit ang taray
niya?", usisang bigkas ng bata. "Hayaan mo na 'yon, anak. Gano'n
talaga kapag may edad, umiiba ang ugali.", pagpapalusot ko. Wala kasi
akong maisip na sagot kasi hindi ko rin alam kung bakit 'yon masama. LUMIPAS
ang oras na wala akong ginawa kundi ang manood ng TV, magcellphone at
makipaglaro sa anak ko. Naglinis din ako pero hanggang walis lang ang ginawa
ko. Apat na oras palang ang tinagal, namimiss ko agad si David. Nasanay akong
kasama siya at niyayakap lagi ang katawan ko. Nakakamiss din pala ang mokong na
'yon. Napangiti tuloy ako nang maalala ko ang mga jokes at banat ng lalaki sa
akin. Wala eh, kahit corny, napapatawa niya ako. Tsaka lang ako natigilan, nung
tumunog ang messenger ko. Agad ko itong binuksan sa pag-aakala na si David ang
nagchat sa akin. Pero ang ngiti ko, biglang napawi nang makita ko ang pictures
ng aking asawa na kasama ang babaeng kamukha ko. Oo, may nagsend sa akin na
pictures at hindi ko alam kung sino ito. But one thing I know right now,
magkasama si David at Katrina sa Cebu. Kumirot tuloy ang puso ko dahil sa aking
nakita. I thought, he has a meeting. Pero bakit nito kasama ang ex-girlfriend
niya? HINDI ako mapakali ngayon. Buntis ako at dapat iwasan ko ang ma-stress.
Pero shit! Paano ko magagawa 'yon, kung magkasama silang dalawa? Ikakasal na
kami ni David at magkakaanak na rin. Kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit
ganito ako makapag-react. Mahal ko ang lalaki at nangangamba pa rin sa pwedeng
mangyari. "Sagutin mo naman ang tawag ko.", kausap ko sa sarili
habang tinatawagan ang cellphone ni David. Nagriring lang ito pero hindi niya
sinasagot ang aking tawag. Wala sa oras, napa-upo ako sa sofa at
napabuntong-hininga. "David naman! Please answer my
call.", bigkas ko ulit. I dialed his number again. And for the last time,
sumagot ito. "Sa wakas, sinagot mo rin David! Kumusta? I mean, sino ba
kasama mo sa Cebu?", tanong ko sa kanya. Gusto kong makasiguro. Gusto kong
marinig mula sa bibig niya ang totoo, kahit na alam kong kasama nito si
Katrina. "I'm sorry, nasa meeting si David eh. And this is Katrina. May
ipapasabi ka ba?", tugon nito dahilan para manigas ako sa pwesto. Hindi
agad ako nakapagsalita dahil hindi ko inaasahan na pati cellphone ni David,
hawak ng babae. Ano bang nangyayari? Ilang oras palang, pero mainit na
kaganapan na agad ang bumubungad sa akin. Tila nabaliktad tuloy ang lahat. Kung
dati, hawak ko ang phone ni David. Ngayon, siya naman ang may hawak. "Pakisabi
na lang sa kanya, tumawag ang ASAWA NIYA NA BUNTIS.", madiin na sambit ko.
I'm considering myself as David's wife kahit hindi pa kami kasal. Alam ko naman
kasi na doon ang patutunguhan ng relasyon namin. "Sige. Ipaparating ko--",
turan nito at hindi ko na hinayaan na patapusin siya. Padabog kong nilapag ang
cellphone sa mesa at hinilot ang sintido. Gusto kong puntahan si David. Gusto
ko siyang sundan sa Cebu. But how can I do that if I don't even know kung saang
part siya ng Cebu? Siguro, hihintayin ko na lamang siya na bumalik. Sa tingin
ko naman, tatawag 'yon mamayang gabi. Alam ko kasi na hindi niya ako matitiis na
hindi makausap. Kaya kinalma ko ang sarili at piniling matulog. Kain, tulog ako
sa mga oras na 'to habang nasa Cebu ang asawa ko. Panay sulyap ako sa orasan
dahil hinihintay ko na gumabi. 6:00pm na, pero hindi pa rin siya tumawag.
7:00pm na, pero wala pa rin talaga. Sumakto na 8:00pm, pero ni isang tawag mula
sa kanya, wala akong natanggap. Dapat na ba akong kabahan? Dapat na ba akong
magduda? Ayoko sanang mag-isip ng mali, kaso nababaliw ako dahil hindi pa rin
tumatawag si David. So I decided na ako na mismo ang tumawag sa lalaki. Exactly
10:00pm nang maisipan ko ito. Kaakibat ng bawat tunog ng ringtone niya ay
bumibilis ang tibok ng puso ko. Sinagot niya nga ang tawag ko, kaso bigla itong
sumigaw na tila may kinakausap siyang babae. "Tabi na lang tayo sa kama,
Katrina. Dito ka na matulog.", rinig kong saad nito. Unti-unting dinudurog
ang puso ko habang sinasabi niya 'yon sa dalaga. Ang sakit, sobra. Wala ako sa
tabi niya. Pero hindi naman yata tama na iparinig niya pa ito sa akin. Tuluyan
ng bumagsak ang luha ko at hindi ko na siya kinausap pa. Nasira na ang araw ko.
Sirang-sira na dahil sa kanilang tatlo. Ang mama niya, si Katrina at siya!
Chapter
36
Kate's
POV:
HINDI umuwi si David. Hindi siya
umuwi at dalawang araw na rin simula nang tawagan ko siya. Ang sabi niya, isang
gabi lang siya doon sa Cebu. Pero hanggang ngayon, wala pa ang lalaki. Hindi
ako manhid. At lalong hindi ako tanga. Alam ko na meron silang usapan ni
Katrina. Usapan na magkita sila at magsama. Nandito kasi ako sa kompanya ni
David at tinanong ko ang mga empleyado doon. And they said, walang meeting na
naganap sa Cebu. So after hearing that words, nanghina ako bigla. Napaupo ako
habang hawak-hawak ko ang aking tiyan. Pinipilit ko na maging matatag para sa
anak namin dahil ayokong maapektuhan ang pagbubuntis ko. Pero si David,
gumagawa siya ng kamalian para saktan ako. At oo, tagos na tagos sa damdamin ko
ang sakit na dinulot niya. Hindi sila nagmeeting ni Mr. Xiao. Hindi sila
nagkita at nag-usap. Dahil ang totoong dahilan ng pag-alis niya ay si Katrina.
Umalis siya para puntahan at samahan ang babae. Ex-girlfriend niya 'yon.
Minahal niya 'yon ng buong-buo. Samantalang ako, kamukha lang ni Katrina. Kamukha
ng babaeng minahal niya. So what do I expect? Panakip-butas lang siguro ako.
Ginamit niya lang siguro ako habang hinihintay na bumalik ang dalaga. Akala ko
pa naman, okay na sila. Wala na akong dapat na ipangamba, pero bakit ang bilis
niyang magbago? Ang bilis magbago ng isip niya. To the point that he lied to
me. Nagsinungaling siya, para lang pumunta sa tagpuan nila. "Kate?",
bigkas ng binata sa tapat ko mismo. Agad kong pinunasan ang luha sa aking mata
at hinarap si Derick. Boses palang niya, kilala ko na kung sino siya.
"You're crying. Pinaiyak ka ba ng bago mong kinakasama?", mabilis na
tanong nito. Hindi ako sumagot, sa halip, kinuha ko ang bag para umalis. Ano
bang ginagawa niya sa kompanya ni David? Kung mag-aapply siya bilang empleyado,
hindi siya tatanggapin dito. Mainit ang dugo sa kanya ni David, kaya imposible
na makapasok siya. "Saglit lang, Kate. I'm just concern to your health.
Narinig ko kasi ang chismis sa baba, buntis ka raw.", wika muli ng lalaki.
"So what? Walang mali kung mabuntis ako ni David. Nakikita mo ba
'to?", pagpapatingin ko sa engagement ring na suot ko. "Ikakasal na
kami. Magiging mag-asawa na kaming dalawa. Kaya pwede ba, 'wag mo na akong
kausapin pa Derick. At kung binabalak mong mag-apply ng trabaho sa kompanya ni
David, pinapagod mo lang ang trabaho mo.", inis kong turan. "Hindi
ako mag-aapply, Kate. Nandito ako dahil kailangan kong kausapin ang kinakasama
mo.", he replied. "P-para saan?", curious kong bigkas.
"Umalis ako ng Pilipinas para tuparin ang pangarap ko, ang pangarap nating
dalawa kasama si Michael. Kaso yung pangarap ko lang ang natupad dahil sumama
ka agad sa iba. Sayang nga kasi inayos ko pa ang sarili ko para sainyo, dahil
gusto ko na bigyan ka ng magandang buhay, pero nauwi 'yon sa wala.",
malungkot na pahayag niya. I can see on his eyes na medyo nasaktan din siya sa
nangyari. But it's too late, dahil si David na ang mahal ko. "--I have my
own company here in the Philippines Kate. At kaya ako nandito dahil may
kailangan kaming pag-usapan ni David tungkol sa partnership. Nalulugi na ang
kompanya na 'to, so I'm willing to help.", he continue. Nalulugi? Hindi ko
yata nabalitaan 'to. Wala kasing binabanggit si David sa akin. Oo, alam ko na
merong problema sa kompanya, pero hindi raw ito malaking sagabal. But shit, I
don't have any idea na ganito pala ang kinakaharap ng kompanya ni David.
*Ting!* Tunog ulit ng messenger ko ang nagpamulat sa
akin. Mabilis ko itong kinuha sa bag at tiningnan ang nagchat. Hindi ko siya
kilala. Dummy account yata 'to dahil walang picture sa profile. At yung name
niya, hindi ko mabasa ng maayos. She/He send me a pictures. At ang pictures na
'yon ay si David at Katrina na magkatabi sa kama. Hubut-hubad sila na natutulog
habang binabalutan ng kumot ang parte ng katawan nila. Pero mahahalata mo
talaga na wala silang saplot na suot. Sa sobrang gulat, nabitawan ko ang cellphone.
Si Derick na mismo ang pumulot nito kaya nakita niya rin kung ano ito.
"TANGINA! Niloloko ka ni David?!", malutong na mura niya. "Ano
ba, akin na 'yan.", pag-aagaw ko sa binata. "ANG SABI MO, MAHAL KA
NIYA? MAHAL BA ANG TAWAG NITO, KATE HA?!", he shouted. I feel so shy,
right now. Hiyang-hiya ako dahil yung tao na pinagtatanggol ko, sinasaktan din
ako. Kaya marahas kong inagaw ang phone kay Derick at tuluyan ng lumabas ng
kompanya. Buo na ang desisyon ko, pupunta ako ng Cebu. Na-send kasi sa akin
yung hotel, kaya hindi ako mahihirapan na makita sila. Ilang oras lang yata ang
biyahe patungo doon. So I think, maaabutan ko pa si David. I need to see the
truth. Baka kasi gawa-gawa lang nila ito para sirain kami. Halos tumagal din
ang pagpila ko sa airport hanggang sa lumipad na ang eroplano patungong Cebu.
Nagtanong-tanong lang ako, kaya napabilis ang paghanap ko sa hotel. Habang
papasok ako, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Number
204. Ito ang room na ginagamit nila. Kaya malakas ang kutob ko na nandyan sila
sa loob. Nagdadalawang-isip pa ako, kung kakatok ba ako o hindi. Pero sa huli,
kumatok ako. "Sino ba kasi 'yan? Hindi pa ako nagpapadeliver ng food.
Kaya---", David cut his words nang masilayan ako. Siya ang bumukas ng
pinto. Binuksan niya ito habang tuwalya lang ang suot. Nakapulupot lang ito sa
kanyang bewang na tila bagong shower ang lalaki. "K-kate.", bigkas
nito sa pangalan ko. Ayokong umiyak. Ayokong umiyak sa harapan niya dahil
magmumukha akong kawawa. "David, ba't mo naman ako iniwan sa banyo?",
sunod na sambit ng babae nang lumabas ito mula mismo sa paliguan. That girl is
Katrina. Sobrang kamukha ko nga siya. Magkaiba lang ang kulay ng aming buhok at
mas maputi siya kumpara sa akin. "Kate, I w-want to explain--", saad
niya pero malakas ko siyang sinampal. Yung luha ko, tuloy-tuloy na bumuhos.
Nahihirapan na rin akong huminga dahil sa bigat na nararamdaman ko.
"Buntis ako, David. Binuntis mo ako. Pero bakit nagawa mong makipagtalik
sa ex-girlfriend mo? Ang daya mo naman. Ikakasal pa tayo, diba?", wika ko
sa kabila ng pag-iyak ko sa harapan niya. Binubuhos ko na ang sakit dahil hindi
ko na talaga kaya pa. Hindi ko na kaya ang nakikita ko. "Sana hindi mo na
lang ako ginalaw, kung babalik ka din sa kanya. Hindi ako parausan, David. At
lalong hindi ako laruan.", muli kong sabi. Pagalit kong inalis ang
singsing at tinapon ito kay Katrina. Matalim ko siyang tiningnan sa mata
kasabay no'n, nagbitaw ako ng salita. "Ang ganda mo sana, kaso ang hilig
mong mag-recycle ng basura. Tinapon mo, pinulot ko, tapos inagaw mo ulit. Ang
galing mo!",
Chapter
37
Kate's
POV:
NAKATULALA akong naglalakad ngayon sa
gilid ng kalsada. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Buong
akala ko kasi, hahabulin ako ni David at susundan para sabihin na hindi totoo
ang iniisip ko. Pero hindi eh. Hindi niya ako hinabol. Pinabayaan niya ako.
Hinayaan niya akong masaktan ng husto. Naiwan siya sa loob at pinili pa rin na
samahan si Katrina. Sa oras na 'to, lutang na lutang ang isip ko at tila
nawawala ako sa sarili. Medyo sumasakit na rin ang tiyan ko at nahihirapan ako
na huminga. Kaso hindi ko pinansin ang sakit at patuloy lang ako sa paglalakad.
"Ate, dinudugo ka.", wika ng babae nang hawakan nito ang braso ko
dahilan para matigilan ako. Talagang linapitan niya ako para ipaabot ang
nangyari sa akin. Kaya dahan-dahan akong napatingin sa bandang ibaba ko at
nasilayan doon ang dugo na umaagos sa mismong legs ko. "A-ang baby
ko.", utal na sambit ko na may takot sa dibdib. "T-tulungan mo ako,
ang baby ko.", baling ko sa dalaga. Humihingi ako ng tulong sa kanya dahil
hindi ko alam ang hospital dito sa Cebu. "Oo Missis, tutulungan kita.
Relax yourself po, baka kung mapano ka pa.", nag-aalala na wika nito. Yung
galit ko kay David, inalis ko muna 'yon sa isipan para atupagi ang bata sa
tiyan ko. Ayokong mamatay siya. Ayokong malaglag siya dahil hindi ko makakaya
na mawalan ako ng anak. Inalalayan ako ng babae na sumakay sa taxi. Sa sobrang
bait niya, siya pa mismo ang bumayad ng pamasahe. Nakarating kami sa hospital
at medyo hindi ko na kinakaya ang sakit. Ito ang naging hudyat para mawalan ako
ng malay. Sa pag-gising ko, nando'n pa rin ang babae na tumulong sa akin na
makapunta dito. "Kumusta ka ang pakiramdam mo? Buntis ka pala, kaya ka
dinudugo.", she said. Nang banggitin niya ito, naalala ko ang bata sa
aking tiyan. "Y-yung baby ko. Kamusta ang baby ko?", ito agad ang
tanong ko. Wala akong pakialam sa kalagayan ko. Dahil ang gusto kong malaman,
kung ano ang kalagayan ng anak ko. "Okay lang ba siya? Sinabi ba ng Doctor
sayo kung maayos pa rin ang baby ko?", turan ko ulit. Yumuko ito at bahagyang
tumango. "Oo, sinabi niya. P-pero wala na ang baby mo. Nalaglag ang baby
mo, Ate.", sagot nito na medyo tinagalan pa. "H-hindi, hindi totoo
'yan.", naiiyak na saad ko. "Sinungaling ka! Hindi totoo 'yan. Buhay
pa ang baby ko. Buhay pa siya dito. Diba, baby? Nandyan ka pa sa tiyan ni mama?
Hndi mo iiwan si mama, diba? Magkikita pa tayo tapos kakargahin pa kita.",
wika ko habang hinahaplos ko ang tiyan. Hindi na basta iyak ang ginawa ko,
napahagulhol na ako sa harapan ng maraming pasyente. Sa isang room kasi, marami
ang na-confine. Kaya maraming tao ang nakakita sa akin kung paano ako umiyak.
"Sorry, Ate. Alam kong mahirap. Pero sabi ng Doctor, dahil daw sa stress
at napabayaan mo ang batang dinadala mo sa tiyan. Pasensya na ate.", tugon
ng babae. Niyakap niya ako para patahanin at pagaanin ang loob ko. Ang bilis ng
pangyayari. Hindi pa nga siya tumatagal sa tiyan ko, kinuha na agad ito sa
akin. "D-david.", madiin na sambit ko sa pangalan ng lalaking
kinasusuklaman ko. Kung noon, mahal na mahal ko siya. Ngayon,
poot at galit ang nararamdaman ko sa lalaki. "At nga pala Ate, may masama
ulit akong balita na natanggap.", mahinang sabi nito nang kumawala sa
yakap. This time, kumabog ng mabilis ang puso ko. Hindi pa nga ako tapos umiyak
sa anak ko, meron agad na kasunod? "Habang wala kang malay, may tumawag sa
cellphone mo ate.", pahayag niya muli. "S-sino? At a-ano raw?",
tanong ko na may pangangamba. "Galing sa Manila ang tawag, ate. At galing
ito sa hospital ng Manila. Sabi ng babae sa tawag, nahospital daw po si---
Michael. Sinugod sa hospital ang anak niyo. Nag-aagaw-buhay siya, ate.",
wika ng dalaga. Yung katawan ko, halos sumuko na sa mga nabalitaan ko. Matapos
akong lokohin ni David, nalaglag ang bata sa tiyan ko. At ngayon, si Michael,
nasa hospital at nag-aagaw-buhay? TANGINA! BAKIT KAILANGAN KO PANG MARANASAN
KO? BAKIT AKO PA? Pero bakit nga ba? Bakit nangyari 'yon kay Michael? Sa
pagkakaalala ko, iniwan ko siya na magaling at masigla. Wala siyang sakit at
mabibo siyang bata. Kaya paano? Anong dahilan? "Ate, magpahinga muna
kayo.", "Bitiwan mo ako.", matigas na saad
ko. Akma kasi akong tatayo para umalis na dito sa hospital, kaso hinarang ako
ng babae. "Pero ate--", "ANG SABI KO, BITIWAN MO AKO! HAYAAN MO
AKO! HAYAAN MO NA AKO!", sigaw ko sa kanya at umagos muli ang luha ko.
Walang katapusan na luha. Walang katapusan na sakit. Ganito ang paulit-ulit
kong nararamdaman. "H-hindi ko po alam, kung paano ko mapapawi ang lungkot
at hapdi sa puso mo, ate. Pero kailangan mo munang magpalakas bago ka bumalik
sa Manila.", sambit niya sa akin. Pero hindi ko siya pinakinggan, sa
halip, tinulak ko siya ng malakas. "Ate.", tawag nito na may awa sa
boses. "N-nawalan na ako ng anak. Namatay palang ngayon ang anak ko sa
tiyan. At h-hindi ko na makakaya pa, kung pati yung panganay kong anak ay
mawala. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang mamatayan ulit.", saad ko
habang sinasabunutan ang buhok ko. Napaluhod ako sa sahig na parang baliw na
nagwawala sa hospital. "M-michael anak, lumaban ka. Lumaban ka
please.", pagwiwika ko. Tumaas ang tingin ko sa litrato ng Diyos, at
nakiusap sa kanya. "Lord, 'wag niyo munang kunin si Michael sa akin. Siya
na lang ang meron ako. Siya na lang ang lakas ko.", pakiusap ko rito. Para
akong aso na nagsusumamo sa Panginoon. Ikababaliw ko yata, kapag kinuha ulit si
Michael. Ikakabaliw ko 'to.
Chapter
38
KATE's
POV:
BALIK-MANILA ako. Bumalik agad ako ng
Manila kahit hindi pa ayos ang pakiramdam ko. Nakiusap ako sa babaeng tumulong
sa akin na samahan ako dahil hindi ko talaga kayang hintayin na mag-umaga.
Nanganganib ang buhay ni Michael. Nanganganib ang buhay nito kaya hindi ko
matiis na wala siyang kasama. Namatayan na ako ng anak sa tiyan, kaya sobrang
bigat sa dibdib ang mawalan. Hindi ko nagawang protektahan si baby dahil mas
inatupag ko si David. Kaya ayoko na itong ma-ulit pa. Michael is my life. Nung
hindi pa dumating si David sa buhay ko, si Michael na ang nagpapasaya sa akin.
So in short, I can't lose him. Hindi naman tumagal ang biyahe sa eroplano
dahilan para matunton ko ulit ang Manila. Agad naming tinungo ang hospital na
binanggit sa text. Halos hingal na hingal akong huminto sa room na sinabi ng
nurse sa amin. Pero hindi pa man ako nakakarating do'n, nasilayan ko agad yaya
namin sa mancion ni David. Siya yata ang dumala kay Michael dito sa hospital
kaya mabilis akong tumakbo palapit kay Manang. "S-si Michael,
nasa'n?", tanong ko rito. Kasunod ko pa rin sa aking likuran ang babae na
nakilala ko sa Cebu. Siya ang umaalalay ngayon para masiguro ang kaligtasan ko.
"Manang! Sumagot ka! Nasa'n ang anak ko?! Nasa'n si Michael?! Ano
ba?!", sigaw ko na rito. Madiin kong hinawakan ang balikat niya at
inaalog-alog ito para magsalita. But instead of answering, she cried. Yung iyak
niya, parang kakaiba ang pinaparating. "M-manang.", usal ko muli na
nanginginig ang boses. "M-ma'am, sorry. Sorry, Ma'am. H-hindi ko alam na malalason
ang anak niyo. S-sabi kasi nung nagdeliver ng food, g[1]galing daw kay David
yung pagkain k-kaya pinakain ko kay Michael. Ma'am, hindi ko po alam. Ang
tanga-tanga ko po. Hindi ko man lang tiningnan kung maayos ba ang pagkain.
Ma'am, h-hindi ko po sinasadya.", umiiyak na wika niya. Patuloy siyang
nakahawak sa kamay ko habang humihingi ng tawad. Lumuhod na rin siya sa aking
harapan dahilan para mapasapo ako sa ulo. Sa sobrang panghihina, napapaatras na
lang ako hanggang sa makasanday ako sa pader. "P-patay na po si Michael,
Ma'am. T-tuluyan ng kumalat ang lason sa k-katawan niya. At nando'n na po
s-siya sa loob.", turan nito habang tinuturo ang isang room ng mga taong
namatay na. Parang ayokong pumasok do'n. Kasi alam ko, hindi makakaya ng katawan
ko ang makita si Michael na wala ng buhay. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang
tanggapin na wala na ang anak ko. Wala na yung bata na laging pinipikon ako.
Wala na yung bata na laging sinasabi na mahal na mahal ako. Wala na yung anak
ko. Wala na siya. Iniwan niya rin ako tulad ng ginawa ng kapatid niya sa akin.
Iniwan nila ako. AT PUTA! SOBRANG SAKIT! ANG
SAKIT-SAKIT! "Ateeee.", bigkas ng katabi ko. Pasigaw ang iyak ko sa
mga oras na 'to. Sumisigaw ako habang sinusuntok ang tiles. "Tama na, ate.
Mas lalo mong sinasaktan ang sarili mo.", pagpipigil niya ulit. Napayakap
na lamang ako sa dalaga at patuloy na umiiyak. Kahit mabigat sa aking kalooban,
nilabanan ko ang takot. Pumasok pa rin ako sa room kung saan nando'n ang anak
ko, na nakahiga. Nakahiga siya habang binabalot ng puting kumot. Sa bawat
hakbang ko, mga ala-ala ni Michael ang sumasagi sa aking isipan. Yung kakulitan
niya, yung kasweetan niya at yung pagsasayaw niya. "Mama, ang panget mo
po. Mag-ayos ka naman po para magkaboyfriend ka na.", "Jowain niyo na
po ang mama ko, para may papa na ako.", "I love you mama. Ikaw ang
best mama sa akin.", "Mama ohh, ang pogi ko. Buti na lang hindi ako
nagmana sa'yo.", "Naghihintay na girlfriend ko sa dagat, mama.
Kailangan ko ng balikan siya.", Mga katagang, paulit-ulit kong naririnig
sa bibig niya nung hindi ko pa nakilala si David. Kaya ang hirap para sa akin
na kalimutan siya. Ang hirap mawalan ng anak. Hindi
lang isa ang kinuha, kundi dalawa. Dalawang anak ko ang namatay sa araw na 'to.
"M-michael, anak. Gising ka naman ohh. Nandito na si mama. Nandito na ako.
H-hindi na kita iiwan. Lagi na kitang isasama kahit saan ako pumunta. Kaya
bangon ka na dyan. Bumangon ka na!", turan ko sa bata na mahimbing na
natutulog. Yung tulog niya, wala ng gising na mangyayari. Tuluyan na siyang
sumama sa Panginoon. Iniwan niya agad ako na durog na durog ang puso. "Anak
kooo... Gising naaaaa! Gumising ka naman! Strong kid ka diba? Ikaw ang hero ni
mama? Ikaw nga lagi nagtatanggol kay mama kapag may umaaway sa akin noon diba?
So please, ipagtanggol mo naman ang sarili mo. Huwag mo akong iwan. Hindi ko
kaya, Michael. Hindi ko kaya 'to.", pakiusap ko, kahit alam ko na wala ng
kasiguraduhan na mabuhay siya. Ang lamig ng katawan ni Michael. Putlang-putla
ang labi niya, pero sa huling pagkakataon, hinalikan ko ang bata. Nung umulan
yata ng kamalasan, nasalo ko siguro lahat. Sa isang araw, madaming nangyari. At
lahat ng 'yon, halos masalimoot. "I l-love you, anak. Ikaw at ang kapatid
mo ang gagawin kong lakas para labanan sila. Lahat sila, g-gagantihan ko. Lahat
sila, ipaparanas ko ang sakit na dinadanas ko ngayon. Lahat sila, babalikan
ko.", madiin na bigkas ko. Binubulong ko ito sa tenga ni Michael bilang
pangako. Hahanapin ko ang hustiya para sa kanya. Hindi ako titigil hanggat
hindi sila nagdudusa. PAGOD NA AKO MAGING SI KATE. PAGOD NA AKONG UMIYAK.
Panahon na rin siguro para lumaban ako
Chapter
39
KATE's
POV:
LUTANG NA LUTANG AKO. Hindi ko alam
kung paano ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang sarili. Wala
na kasi yung taong nagpapalakas lagi ng loob ko. Wala na yung inspirasyon ko
para labanan lahat ng problemang dumating sa akin. INIWAN ko muli si Michael
dahil inaayusan pa siya para ilagay sa kabaong. Balak ko na kasing pumunta ng
Mancion at kunin ang mga gamit ko para umalis na sa demonyong lugar na 'yon.
Alam ko kasi na wala pa do'n si David. Ayoko muna siyang makaharap at makita
dahil tiyak mandidilim lang ang paningin ko sa lalaki. Pinapasok naman ako ng
guard sa loob. Pagkatunton ko roon, nakikita ko agad ang lungkot sa mukha nila.
Maging sila kasi, napamahal na rin kay Michael. Patuloy silang nagsosorry at
sinisisi ang kanilang sarili dahil hindi nila nagampanan ng mabuti ang trabaho.
Kaya ngumiti lang ako ng pilit kahit ang totoo, wasak na wasak na ang dibdib
ko. Ayoko rin naman magalit sa kanila dahil aminado akong may kasalanan din ako
kung bakit namatay si Michael. Kung hindi ko sana inatupag si David, siguro
buhay pa siya ngayon. Kung sana, sinama ko siya sa kompanya, siguro hanggang
ngayon, hawak ko pa rin ang kamay niya. Ang dami kong pagkukulang. Kaya
sobra-sobra tuloy ang pagsisisi ko sa nangyari. "Gusto kong makita ang
pagkain na pinadala dito. Ang pagkain na may lason.", bigkas ko na may
galit sa pananalita. I want to see the food that caused my son into death.
"Sige po Ma'am.", mabilis na tugon ng isa. Agad siyang pumunta ng
kusina para sundin ang utos ko. Pagkabalik niya, isang pizza ang pinakita nito.
Pizza na paborito ni Michael. Pizza na pinapangarap lagi ng anak ko na
matikman. Araw-araw din kasi bumibili si David ng ganito. Kapag nanonood kami,
pizza lagi ang kinakain namin. Pero imposible na si David ang may gawa nito.
Imposible naman kung patayin niya ang anak ko. "Namukhaan niyo ba ang
nagdeliver ng pagkain?", pag-uusal ko. "Hindi po Ma'am. Halos mata
lang kasi ang nakikita sa lalaki. Tsaka, tiwalang-tiwala po kami dahil yung
suot niya, halatang nagtatrabaho siya at taga-deliver talaga.", wika nito
bilang kasagutan. Hindi ko pa matukoy kung sino ang may pakana ng lahat. Pero
isa lang ang nasisiguro ko, babalikan ko sila. Hindi ko sila titigilan hanggat
hindi ko nakukuha ang hustisya para maging malaya ang anak ko. "ANO PA BA
ANG TINUTUNGANGA NIYO? DIBA, SINABI KO SA INYO NA ITAPON NIYO SA LABAS ANG MGA
GAMIT NI KATE?!", sigaw ng Ginang mula sa likuran ko. Sa tingin ko, galing
ito sa taas kaya hindi nito nahalata ang presensya ko nang pumasok. Lumingon
naman ako para harapin siya habang gigil na gigil ang aking kamao. Ang Ginang
na tinutukoy ko ay ang ina ni David. Hindi na ako magtataka kung bakit nalaman
niya agad ang pangalan ko. Makapangyarihan siya kaya kahit sino, pwede niyang
utusan para paimbestigahan ako. Sa naisip kong ito, marahil isa siya sa
hinihinala ko na suspect sa pagkamatay ni Michael. "AT ANONG GINAGAWA MO
DITO?!", muling bulyaw niya nang makilala ako. Umuusok ang ilong nito,
samantalang ako, kalmado lang. Humakbang ako ng humakbang para makarating sa
pwesto na kinatatayuan niya. "H'wag kang mag-alala, aalis naman talaga ako
sa mancion na 'to. Pero 'wag kang kampante, dahil hindi ko titigilan ang
pamilya mo.", nakangisi kong sabi. Gusto ko maging palaban kahit durog na
durog ang kalooban ko. "Binabantaan mo ba ako? Kasi kung oo, nakakatawa
ka. Tingnan mo ng mabuti ang sarili mo, halos asin lang yata ang kaya mong
ibiling ulam. Walang-wala ka sa yaman namin. Dahil sa paningin ko, isa kang
dukha na kumakapit sa mayaman para magkapera. So stupid.", pagmamaliit
nito sa akin. Hinahayaan ko lang na batuhin niya ako ng masakit na salita,
dahil dito ko kukunin ang pagiging pursigido ko na higantihan sila. "And
by the way, kung ako sayo, bumalik ka na sa dati mong trabaho. Ang pagiging
pokpok sa club. Alam ko kasi na miss mo ng gumiling at humubad sa harapan ng
maraming lalaki. Kaya gooo, umalis ka na. Hindi ko kailangan ng katulad mo dito
sa mancion ng anak ko. Masyadong bumabaho ang amoy kapag nandito ka.", she
said again. This time, huminga ako ng malalim at tumawa ng malakas. Mahabang
tawa ang ginawa ko dahilan para mainis ito. "Nababaliw ka na. Wala ka na
sa katinuan. Mabuti na lang talaga at natauhan si David. Pumatol na siya kay
Katrina. Nagkabalikan na sila. Kaya kasal na lang nila ang hinihintay ko. Kasal
at ang apo na alam kong mabubuo sa tiyan ng babaeng gusto ko para kay David.
Interesting, right? Yung pangako niya sa'yo, tinupad niya ulit kay
Katrina.", wika nito kaya natigilan ako. Mas lalo akong nagagalit kay
David. Mas binibigyan niya ako ng rason para kamuhian ko siya ng husto! Pero
hindi. Hindi ko hahayaan na matuloy ang kasal nila. Hindi ko hahayaan na sumaya
sila habang ako nagdudusa pa. "Ohh? Natahimik ka yata? Masakit ba, Kate?
Well, you deserve that pain. Gaya kasi ng sinabi ko, maling tao ang binabangga
mo.", she continue. Inangat ko ang ulo ko para ipahiwatig sa kanya na
hindi ako apektado tungkol kay David. "David is just a trash for me. Kaya
walang rason para masaktan ako sa kanya. At kung nasasaktan man ako ngayon, ang
mga anak ko ang dahilan. Pero hindi ako papayag na ako lang ang masaktan.
Because you also, deserve this!", sambit ko at malakas ko siyang sinampal.
I don't care kung sino siya. Ubos na ang pasensya ko. "Don't worry,
practice lang 'yan. Kaya kabahan ka na.", huling bigkas ko.
Chapter
40
KATE's
POV:
BINUROL na si Michael. Binural ko
siya sa mismong bahay na tinirhan namin dati. Yung bahay na sinalba ni David
kasama ang bahay ng mga taga-rito. Oo, hindi ito tuluyang sinira dahil nga
binayaran ng lalaki ang lupa para mapaalis ang mga tao. Noon, halos kabutihan
lang ang nakita ko sa kanya. Ito ang naging hudyat para mahalin ko siya. Pero
dahil sa nangyari sa mga anak ko, yung pagmamahal ko biglang nawala at
napalitan ng galit. Nakaupo lang ako malapit sa kabaong ng bata. Pinagmamasdan
ko ang nakangiti niyang litrato. Kahit anong pilit ko na maging matatag, kusang
pumapatak ang luha ko sa tuwing iniisip ko na hindi na babalik ang anak ko.
Hindi na babalik si Michael. Hindi ko na siya makakasama pa. Hindi ko na siya
makakausap pa. Hindi ko na siya mahahalikan pa. Hindi ko na maaamoy ang
kili-kili niya kapag napapawis ito. Yung mga dati kong nakasanayan, biglang
naglaho na parang bula. Tahimik na sana ang burol ni Michael. Tahimik na sana
ang paligid, kaso may dumating na mga armado. Nagsialisan ang mga tao nang
magwala ito. Yung upuan, sinisipa nila. Pati yung pagkain na dapat sana sa
lamay, tinapon nila. "ANO BA?! TUMIGIL KAYOOOO! TIGILAN NIYO NA
AKO!", malakas kong sigaw habang pinipigilan sila. Hanggang dito ba naman,
sisirain nila ang huling araw ng anak ko. Hanggang dito, patuloy nilang
sinisira ang buhay ko. "SABI NG TUMIGIL NA KAYO! KAHIT MAN LANG SA ANAK
KO, TIGILAN NIYO NA! HINDI BA KAYO NAAWA HA?", turan ko ulit.
"Pasensya na Missis, pero sinusunod lang namin kung ano ang utos sa
amin.", wika ng isa. "S-sinong nag-utos?", tanong ko sa kanila.
"Si Sir David ho. Siya mismo ang nagsabi na paalisin ang mga tao
dito.", sagot niya dahilan para mapaatras ako ng konti. Si David? Si David
ang nag-utos? Bakit niya ba ginagawa 'to sa amin? Akala ko ba mahal niya si
Michael? Akala ko ba mahal niya ako? PERO PUTANGINA! BAKIT?! "Hayop. HAYOP
KA DAVID! HAYOP KAAAAAAAA! HAYOPP KAYONG LAHAT! HAYOP! MGA HAYOP KAYO!",
bulyaw ko ba may malutong na mura. Ako na mismo ang kusang nagwala dahil
tuluyan ng sumiklab ang galit ko. Nababaliw na ako. Parang gusto kong pumatay
ng tao. "Saan niyo dadalhin ang anak ko ha? Bitiwan niyo siya!",
bigkas ko nung buhatin nila ang kabaong. Pero hindi nila ako pinakinggan dahil
tuloy-tuloy pa rin sila sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa gilid ng
kalsada. Ibinaba na nito ang kabaong at iniwan kami. Wala akong choice kundi
ang mapaluhod. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nila akong pinasakitan.
Lahat sila, walang awa! Lahat sila, walang puso! Kahit patay na ang anak ko,
hindi pa rin sila tumitigil. "Pangako anak, ibabalik ko sa kanila ang
ginawa nila sa atin. Luluhod sila sa harapan ko at ipapadila ko sa kanila ang
sapatos ko.", madiin kong sambit habang hinahaplos ang salamin ng kabaong.
Puno ng poot ang bawat bigkas ko nito. SUMABAY na rin ang buhos ng ulan sa
nararamdaman ko. Pati panahon, sinasabayan ako. Siguro siya ang nabibigatan sa
nangyayari sa akin. I was crying while the rain continue falling. Ganitong
sitwasyon ang makikita niyo kapag dumaan kayo sa kalsada. Kaya pati mga nasa
sasakyan, napapatingin sa gawi ko. Nakikita ko ang awa nila sa kanilang mata na
halos ang iba, napapatigil at bumababa sa kotse para bigyan ako ng pera. Pero
mariin ko itong tinanggihan dahil pinapakita lang nila na mahina ako.
"HINDI PERA ANG KAILANGAN KO! HUSTISYA PARA SA ANAK KO ANG GUSTO KONG
MAKUHA!", malakas na turan ko sa bawat taong lumalapit. "H-hustisya
ang kailangan ko. Hustisya!", naiiyak kong sambit. Sa
pang-anim na beses na huminto, may isang lalaki ang nagbigay sa akin ng panyo.
Hindi ko ito tinanggap, kaya siya mismo ang lumuhod para punasan ang mukha ko.
Hawak-hawak niya rin ang payong para hindi na ako maulanan. "Nandito na
ako, Kate. Hindi na kita iiwan ulit. Hahanapin natin ng sabay ang hustisya para
sa anak natin.", malungkot na saad ni Derick. Si Derick nga ang nasa
harapan ko. Base sa kanyang reaksyon, nasasaktan din ito sa sinapit ni Michael.
"Kahit pinagkait mo siya sa akin, hinding-hindi ako magtatanim ng galit
sayo. Because in the first place, ako ang nagkulang. Galit na galit din ako,
Kate nung sinabi ng tauhan ko na wala na si Michael. Kung alam mo lang, halos
mabaliw din ako sa bahay.", wika niya at napaluha na rin ito. Ewan ko ba,
pero nakonsensya ako sa ginawa ko kay Derick. Dahil sa pagmamahal ko kay David,
pati sariling anak ng lalaki, pinalayo ko sa kanya. And here we are, parehong
luhaan dahil nawalan kami ng anak. "I'm sorry. A-ang tanga ko.",
"Ssshh. It's not your fault, Kate. Alam kong masakit para sa atin ang
nangyari, but we need to be strong.", pahayag nito at isinanday ang ulo ko
sa dibdib niya. "Sumama ka na sa akin, Kate. Handa akong ibigay sayo ang
kompanya. Basta maging akin ka lang ulit. Ibalik natin yung dating tayo na
masaya pa. Kasi hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita. Hindi nagbago ang
pagmamahal ko sayo.", he continue. Ito na ba? Ito na ba ang sign para
mabago ang buhay ko? Ito na ba ang sign para umangat ako at higitan sila David?
Kung ito na 'yon, hindi ko na ito tatanggihan pa. "P-para kay Michael,
handa a-akong mahalin ka ulit Derick.", bigkas ko bilang pagpayag.
Babalikan ko sila. At ipapakita ko, kung sino ang winasak nila at tiniriis na
parang insekto.
Chapter
41
KATE's
POV:
"HANDA KA NA BA PARA SA PLASTIC
SURGERY MO, KATE?", tanong ni Derick mula sa likuran ko. Nakaharap ako sa
malaking salamin habang pinagmamasdan ko ang sarili. Kahit sa huling sandali,
gusto kong makita ang Kate na pinahirapan nila. Isang linggo na rin ang
nakalipas, matapos mamatay ang dalawa kong anak. Nailibing na rin namin si
Michael sa maayos at mamahalin na cementeryo. Gumaan ng konti ang pakiramdam
ko, pero hindi ibig sabihin ay okay na ako. Dahil ang totoo, sariwa pa rin sa
isipan ko ang nangyari. Habang naiisip ko si Michael, I can't control my
emotion. Bigla akong umiiyak at halos gabi-gabi akong lumuluha bago matulog.
Ina ako. Kaya sobrang sakit mawalan ng anak. Yung anak ko, halos siyam na buwan
ko siyang dinala. Pinaliguan, binihisan, pinakain, pinalaki at higit sa lahat
pinaaral ko siya. Tapos papatayin lang nila?! "Kate?", bigkas ulit ng
lalaki. Hinawakan nito ang balikat ko para humarap sa kanya. Pero nagmatigas
ako dahil patuloy akong tumingin sa mukha ko. "Naghihintay na ang Doctor
sa ibaba.", he continue. "Sige, susunod na lang ako.", tanging
bigkas ko kay Derick. Gusto ko munang pag-isipan ang pangalan na ipapalit ko,
kung sakali na maging successful ang operasyon na magaganap sa panibago kong
mukha. "Okay. Hihintayin na lang kita sa ibaba.", he replied. Bumaba
na si Derick at naiwan ako sa loob ng kwarto. Plastic Surgery ang naisip kong
paraan para hindi nila ako makilala. I take a deep breath, at nilakasan ko ang
aking loob. Mahirap din ang surgery. Hindi mo basta masasabi na magiging okay ang
lahat kapag natapos ang operasyon mo. Dahil madalas, nagkakaroon din ng
problema. "Goodbye Kate. And welcome to my new life, Sandra.", sambit
ko habang may ngisi sa labi. Sandra ang naisip kong pangalan. Dahil tunog
palang nito, halatang manunuklaw ng mga pesteng tao. Gaya ng sinabi ko, sumunod
na nga ako. Hindi na ako makapaghintay pa at gusto ko ng malaman kung ano ang
kalalabasan ng panibago kong itsura. "I'm ready, Doc. Please start the
operation, now.", wika ko sa Doctor. Ngumiti lang siya at inaya na akong
pumasok sa mismong room. Nandito na kasi ang mga gamit na kakailanganin niya
para sa aking surgery. Nagpa-inject na ako ng pampatulog para hindi ko
maramdaman ang sakit. And I don't know kung ilang oras bago natapos ang lahat.
Basta ang alam ko, medyo tumagal din ito at naabutan ng isang araw. "DO
you want to see your new face now, hija?", pagtatanong nito. Dahan-dahan
akong tumango bilang tugon. Unti-unti niyang inalis ang telang nakapalibot sa
aking mukha. Habang inaalis niya ito, nakatingin lang ako sa salamin. At nang
tuluyan niyang maalis ang lahat, doon ko nasilayan si SANDRA. Wala na si Kate.
Patay na yung Kate na kilala nila. "Wow!", rinig kong sambit ni
Derick. Maging siya ay namangha sa kinalabasan. Aminado kasi ako na sobrang
ganda at perfect ang surgery na ginawa sa mukha ko. "Hindi ka lang basta
maganda, Kate. You look like a Goddess.", komplimento nito. "I'm not
Kate anymore.", pagkokorekta ko sa binata. "What do you mean by
that?", "Kate is out, Sandra is in. At oo, ako na si Sandra. Kaya
'wag na 'wag mong babanggitin ang pangalan na Kate, dahil sinama ko na rin 'yon
sa libing ni Michael.", wika ko rito. "Ok. Madali akong kausap. By
the way, nice name.", he said. "Thank you.", tugon ko naman.
Tinapunan ko ng tingin si Doc at nagpasalamat din sa kanya. "Utang na loob
ko 'to. Kaya sa inyong dalawa, maraming salamat.", patuloy kong pahayag.
Umukit na ang demonyo kong ngiti kasabay no'n, tumawa ako ng malakas. Ilang
hakbang na lang, sisimulan ko na ang paghihiganti. PINAGMAMASDAN ko ang mukha
ni Sandra na halos hindi na nga makita pa ang itsura ni Kate. Tuluyan ng
natakpan ang Kate na kilala nila. Tuluyan na akong nagbago. "They messed
with the wrong person also. Sinayang mo ako, David. Sinayang mo ako.",
bigkas ko na may poot pa rin sa boses. "Ahem.", rinig kong ubo ni Derick
dahilan para mapalingon ako ng bahagya sa kanya. "May problema ba
tayo?", I asked him while raising my eyebrow. "W-wala naman.",
he replied. "Then good. Mabuti ng magkalinawan tayo. Pero sige, uulitin ko
Derick ang pinag-usapan natin ha? Pumayag ako maging tayo ulit. Pumayag ako
makipagbalikan sayo para maghiganti at makuha ang hustisya sa pagkamatay ng
anak natin. But it doesn't mean, na mamahalin kita.", wika ko para
ipaalala sa kanya ang sinabi ko noon. "I know Kate. I mean, Sandra.",
biglang saad nito. "Nice! So let's go? Gusto kong makita at mapuntahan ang
kompanya na binanggit mo.", bigkas ko sa lalaki. Tumayo na ako at ako na
mismo ang humawak sa braso ni Derick. Hindi ko dapat sinasayang ang oras dahil
para sa akin, bawat segundo ay mahalaga. "Sige. Tara na.", tugon niya
at sabay kaming naglakad palabas. Iniwan na namin ang Doctor habang kami ay
patungong kompanya. "Nagustuhan mo ba ang mukha mo ngayon, Sandra?",
pagtatanong ni Derick. "Yes, super! I really like it!", masiglang
turan ko. "Ako rin, nagustuhan ko ang mukha mo. But still, I like the Kate
that I met before.", sambit nito kaya tiningnan ko siya ng matalim.
"Stop mentioning that name! Naiinis ako!", I shouted. "I'm
sorry.", wika nito at itinuon muli ang atensyon sa pagda-drive. I guess,
twenty minutes din ang pagmamaneho ni Derick bago kami nakarating sa kompanya.
Pagkababa ko ng kotse, nasilayan ko do'n kung gaano kalaki ang kompanya ng
binata. Sa labas palang, sobrang ganda at nakakahilo agad dahil sa kataasan
nito. "Pumasok na tayo. Alam kong naghihintay na sila para makilala
ka.", bigkas ni Derick. Inilahad niya ang kamay na mabilis ko ring
hinawakan. "Sino ba ang naghihintay sa loob? Wala ka yatang sinabi sa
akin.", curious na sambit ko. "Sila David, nandito sila kasama si
Katrina.", sagot nito dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.
"What? Derick naman! Ang usapan natin, kailangan sila ang magulat. Pero
bakit ako ang ginulat mo?", asar kong pahayag. "Sandra, magrelax ka
lang. I'm always here on your side. Nandito sila, para makipagpartner sa
kompanya natin. At ikaw ang magiging CEO ng kompanya na 'to. In short, ikaw ang
magdedesisyon. Nasa palad mo, kung paano mo sila paglalaruan.", wika ng
binata. Medyo naganahan ako sa binalita nito at naalis ang kaba. "Good
idea!", ngising bigkas ko sabay lakad ulit. And here we are, nasa tapat na
mismo ng room kung saan nando'n si David. Binuksan ni Derick ang pinto, kaya
unti-unti kong nakita ang mga tao sa loob. Lahat sila, dahan-dahan na tumingin
sa gawi ko. Pero yung mata ko, agad na hinanap ang lalaking nagpahirap sa akin.
"Hi Sir Derick.", pagbabati nila.
"Hello din po Ma'am.", baling na saad nila nang masilayan ako. So I
just smiled at them. "Magandang araw sa inyong lahat. Mukhang kompleto na
yata ang nandito. Kaya simulan na natin.", agad na panimula ni Derick.
Siya mismo ang nag-assist ng upuan para makaupo ako. Pero sa gilid ng aking
mata, kitang-kita ko, kung paano makatingin si Katrina sa akin. Natatawa ako sa
kanya. Halatang insecure agad siya sa bago kong mukha. But sorry, dahil hindi
na ako si Kate. "By the way, I would like to introduce, my girlfriend.
She's Sandra. Nakilala ko sa New York. But she's also a Filipino.", wika
ni Derick habang pinapakilala ako. Nagkaroon tuloy ng ingay sa loob at halos
pagpupuri ang naririnig ko sa labi nila. Siguro, sina David at Katrina lang ang
hindi nagsasalita. "Congratulations, Derick. Sa wakas, nagka-girlfriend ka
na rin. Akala ko kasi, yung dati mong nobya ang hinihintay mo. ", saad ng
matanda. "Ano ka ba, Mr. Ong. Paano niya mahihintay 'yon? Diba patay na
yung babae? Kakabalita palang na matapos mamatay ang anak niya, nagpakamatay na
rin si Kate.", sambit ng isa. Natutuwa ako sa nangyayari ngayon. Ako kasi
ang pinag-uusapan nila. Kaso hindi nila ako makilala dahil sa bago kong itsura.
"Tama na 'yan. Ang panget pakinggan kapag binabanggit pa ang mga taong
patay na.", singit na sabi ni Katrina. "Anyway, pwede bang
pakibilisan ng meeting? Kanina pa kami dito naghihintay.", patuloy na
pahayag niya. "The door is open, Miss. You can leave if you want. Hindi
namin kailangan ang isang tulad mo na hindi marunong maghintay.", agad na
sambit ko. "Excuse me, girlfriend ka lang ni Derick. Hindi ikaw ang CEO ng
kompanya. Kaya wala kang karapatan pagsabihan ako ng ganyan.", turan nito
na may kamalditahan. "And correction, hindi na ako dalaga pa. Dahil kasal
na ako. Kasal na kami ng katabi ko.", she said again. Awtomatikong kumulo
ang aking dugo dahil sa nalaman ko. Kasal na sila? Wow! Kinakasal din pala ang
mga hayop. "Babe, hindi ko yata gusto ang sinasabi niya.
Nakakawalang-gana. Tapusin na natin ang meeting. And my answer is NO. Ayokong
makipagpartner sa kanila.", pagdedesisyon ko at tumayo. "Ang kapal
din ng mukha mo! Hindi ikaw ang may-ari ng kompanya!", sigaw ni Katrina.
Pero tumawa lang ako at nilapitan siya. "I'm Sandra Lopez. And this
company is MINE. Ako na ang bagong CEO ng kompanya na 'to. Kaya matuto kang
gumalang sa mas nakaka-angat sayo.", palaban kong sabi. Tiningnan ko pa
siya mula ulo hanggang paa bago lumabas ng room. Maling tao na ang binangga
nila.
Chapter
42
SANDRA's
POV:
BUMALIK muna ako sa bahay namin ni Derick.
Hindi ko gusto ang hangin sa kompanya. Ang daming bulok na basura. Next time na
pupunta ako roon, garbage truck na ang gagamitin ko para ipahakot sila. I can't
wait to make them suffer. Matitikman din nila kung gaano kasarap mamuhay sa
impyerno. Sinira nila ang buhay ko. Kaya sisirain ko rin ang buhay nila.
"Hindi na ako dalaga pa. Dahil kasal na ako.", rinig kong sabi ni
Katrina sa aking tenga. Paulit-ulit 'tong pumapasok sa isip ko dahilan para
madagdagan ang galit ko kay David. Kinasal na sila. Natuloy ang kasal nila.
Samantalang ako, hanggang ngayon nandito pa rin ang sakit at poot sa dibdib ko.
Ako ang pinangakuan nito na pakasalan, pero sa huli, si Katrina pa rin ang
pinili niya. Pero hindi dapat ako magpaapekto sa kanila. Ayokong ipamukha na
mahina ako dahil baka mahalata nila na ako si Kate. At oo, patay na si Kate.
Pinatay ko na si Kate. Pinalabas ko sa lahat ng tao na patay na ako. Kaya ang
buong akala nila, pinatay ko ang sarili dahil sa sobrang problema na dumating
sa buhay ko Dalawang kabaong ang nilibing sa lupa. Ang isa ay kay Michael. At
ang isa ay sa akin. Pero hindi ako ang laman ng kabaong na 'yon, dahil parte
lang ito ng plano namin ni Derick. "Kanina, hindi ko nagustuhan ang
pagtitig mo kay David.", saad ni Derick nang tumabi siya sa pwesto ko. May
dala siyang wine at inilapag ito sa mesa. "What did you say?",
pagtatanong ko. Gusto kong ulitin niya ang sinabi nito dahil hindi ko masyadong
narinig ang panghuli. "Halatang-halata ko, Sandra. Mahina ka pa rin
pagdating kay David.", he said. "Pwede ba, ayokong pag-usapan ang
taong 'yan.", taas-kilay kong turan. Ako na mismo ang kumuha ng wine at
nilagok ito. "Kung patuloy kang magpapaapekto sa kanya, hindi natin
makukuha ang hustisya. Tandaan mo, hindi ka na si Kate.", sambit niya
sabay agaw ng alak sa kamay ko. "How many times did I tell you, na 'wag
mong banggitin ang pangalan na 'yan dahil naiirita ako!", bigkas ko sa
binata. "Kung ayaw mong banggitin ko 'yan, then prove it, Sandra. Prove to
me that you don't love him anymore!", sigaw ni Derick na medyo may
kaasaran sa boses. Ngayon ko lang nakita ang pagkagalit sa mukha nito.
"H-hindi ko na siya mahal.", iwas na saad ko. "I hate him. I
really do hate him.", madiin kong patuloy. "Nasasabi mo lang 'yan,
dahil hindi mo siya kasama ngayon. Pero kapag nandyan na siya sa harap mo,
nanghihina ka.", wika nito at hinawakan ako sa kamay. This
time, hinayaan ko siya na pagsabihan ako. Wala eh. Naduduwag pa rin yata ako
kay David. "So please Sandra, I'm begging you. Help yourself. Okay lang sa
akin kung hindi mo na ako mahalin. Basta matuto kang lumaban para sa sarili mo.
Dahil kung tutuusin, hindi rin biro ang pinagdaanan ko sa abroad bago ako
naging mayaman. Nakulong ako dahil napagkamalan akong magnanakaw. That's one of
the reason kaya hindi ako nakatawag o chat man lang sa'yo. Sa una, nanghina rin
ako. But everytime na iniisip ko kayo ni Michael, lumalakas ang loob ko. Kaya
nagpursigi ulit ako magtrabaho, hanggang sa magkaroon ako ng kompanya.
Binalikan ko kayo. Kaso sa pagbalik ko, hawak ka na pala ng iba.", pahayag
niya at muling uminom ng wine. Nasasaktan pa rin siya tungkol sa nangyari sa
amin. Nasaktan ko pala siya. And it made me realized na hindi siya nagloko.
"I'm sorry. Akala ko kasi may babae ka na sa states. H-hindi ko
sadya.", nahihiyang saad ko. "Don't say sorry, Sandra. Gusto ko lang
matauhan ka dahil nasasaktan ako kapag nasasaktan ka pa rin.", pilit na
ngiting sabi niya. Ewan ko ba, pero muling bumalik sa isipan ko ang
pinagsamahan namin noon. Kung paano niya ako niligawan. Kung paano niya ako
sinuyo kapag nagtatampo ako. At kung paano niya ako alagaan dahilan para mahalin
ko siya. Kaya habang inaalala ko 'yon, may umuudyok sa akin para halikan si
Derick. At gano'n nga ang nangyari. Marahan kong hinawakan ang pisngi nito at
hinalikan ko siya sa labi. Ang halik na 'yon, tumagal ng ilang segundo. Pero
agad kaming napabitaw sa isat-isa nang sumulpot ang yaya namin sa bahay.
"Ma'am, Sir, pasensya na po pero may humahanap po sainyo. At nandito na po
siya.", bigkas nito kaya lumingon kami sa gawi niya. Laking-gulat ko nang makita ko si David na
nakatayo habang pinapanood kami ni Derick. "What are you doing
here?", tanong ng binatang katabi ko. "Ahm, kinapalan ko na ang mukha
ko para kausapin sana si Miss Sandra. Tungkol sana ito sa kompanya namin. And I
badly need your help to save my company.", magalang na wika nito. Kaya
napangisi ako dahil masyadong masarap sa tenga ang salitang 'help'. Hindi ko
lubos maisip na ganito pala siya kapag naghihirap na. "Well, busy ang
schedule ko. Marami akong meetings today.", I replied in a nice way.
"Miss Sandra, mabilis lang 'to. Hindi naman magtatagal ang pag-uusap
natin. Gusto ko lang---", "I said, I'm busy. Hindi mo ba 'yon
maintindihan?", sambit ko muli. Hindi ito nakasalita, bagkus, napatikom
siya ng bibig niya. "Hayyss. Akala ko, sa kalsada natatagpuan ang pulubi.
Pati pala dito, may pulubi na rin. Pero dahil mabait ako, here. Twenty
thousands, donation ko na 'yan para sayo.", turan ko nang kunin ang pera
sa pitaka. "Hindi ako pulubi, Miss Sandra. Hindi pa ako naghihirap.",
bigkas nito na tila na-insulto yata sa sinabi ko. "I'm just helping. But
if you don't want to accept it, then fine. You can leave now. Nangangamoy
sardinas ka kasi. And I'm allergic with that.", maarte kong saad sabay
takip ko sa ilong. Akma na sana ako aakyat, kaso may pinahabol siyang salita.
"Handa akong maghintay sa labas, Miss Sandra. Kahit abutin pa ako ng
madaling araw, hihintayin kita.", "Ikaw bahala. Ikaw din naman ang
mapapagod.", I smirked. Mukhang mag-uumpisa na ang totoong laban sa pagitan
namin ni David. At sa oras na 'to, nasisiguro ko, na wala na siyang puwang sa
puso ko.
Chapter
43
SANDRA's
POV:
TANAW na tanaw ko mula sa bintana si
David. Nasa labas siya at nakatayo habang patuloy na humihintay sa akin.
Talagang tinotohanan niya ang sinabi kanina. Akala siguro nito, pagbibigyan ko
siya. Of course not! I don't want to talk to him. Manigas siya at mangalay sa
kakahintay. "Hindi mo kakausapin?", tanong ni Derick. Madilim na rin
kasi dahil gabi na. At sa palagay ko, dalawang oras na siyang tumatayo. Wala
siyang kotse na dala at tanging motor lang na single ang ginamit niya papunta
rito. Halatang naghihirap na. Iba talaga kapag si Karma na ang gumagawa. Hindi
pa nga ako kumikilos, ganyan na agad ang estado ng buhay niya. "Why would
I? Nakaka-enjoy kayang panoorin siya.", sagot ko naman na may demonyong
ngiti sa labi. "Gusto ko 'yan. Hayaan mo siyang magdusa. Panigurado ako,
mamaya, aalis din siya.", turan nito habang hinahaplos ang braso ko.
"Pwede ba, ilayo mo ang kamay mo sa akin? And please, gusto kong
mapag-isa.", lingon na sabi ko sa lalaki. "Okay. Just call me, if you
need something.", sambit niya sabay hakbang palayo sa pwesto ko. Naiwan
akong mag-isa at patuloy na pinagmamasdan si David. Namulat na yata ako sa
katangahan. Dahil wala akong nararamdaman na awa sa binata. But instead, poot
at paghihiganti ang bumabalot sa dibdib ko. NAPAANGAT naman ang ulo nito
dahilan para matanaw niya ako. He smiled at me, like nothing happened. Ang
normal ng tingin niya, walang pinagbago. Pero dahil gusto ko siyang insultuhin,
pinatay ko na ang ilaw at sinara ang bintana. Buo na ang desisyon ko, hindi ko
siya kakausapin ngayong gabi. Dahil bukas na bukas, sisiguraduhin ko na
maghahabol siya sa akin na parang aso. Nahiga na ako sa malambot na kama para
matulog. Hindi bagay sa maganda kong mukha ang ma-stress. Kaya heto, pinili
kong ipikit ang mata hanggang sa magising ako dahil sa sinag ng araw. Nakabukas
na kasi ang bintana kaya medyo nasilaw ako nang imulat ko ang paningin.
"Goodmorning. The breakfast is ready, Sandra.", malambing na bati ni
Derick. Nakaupo pala siya sa may gilid ng kama ko na tila kanina pa nandito.
"Same to you. Maliligo muna ako. At pakisabi kay Manang, ihanda yung
isusuot ko. I want red dress. Yung kita ang likod at kita ang cleavage.",
utos ko sa lalaki. Agad akong bumangon at hindi siya binigyan ng goodmorning
kiss. Malabo na yatang ibalik talaga ang pagmamahal ko sa kanya. I can't love
him back anymore. But I know the time will come, I can teach my heart to love
Derick, again. Pumasok ako sa banyo at mabilis na sumulong sa bath tub. Nilasap
ko muna ang lamig ng tubig habang iniisip ang pwede kong gawin mamaya sa
kompanya. After one hour, lumabas ako. Pero nandito pa rin si Derick sa loob.
"Nakahanda na yung damit na gusto mo. But for now, kumain ka muna ng
breakfast. Dinala ko na dito sa taas dahil ayokong mapagod ka. Kainin mo na
'yan, lalabas na muna ako.", mahinahon na sabi nito. Iniwas niya ang
tingin sa aking katawan na animo'y nirerespeto ako. Alam niya kasi na magagalit
ako kapag ibang titig ang nakita ko. Konti lang ang kinain ko at nagtoothbrush
agad. Hindi na ako makapaghintay sa pwedeng maganap sa pagpasok ko muli. I wear
the dress that I want. Sobrang bagay ito sa katawan ko at halos kitang-kita ang
hinaharap ko. Ito ang gusto kong mangyari, ang akitin si
David para mamatay sa inggit si Katrina. Aakitin ko siya hanggang sa mahalin
niya ulit ako. At kapag minahal niya ako, doon ko siya dudurugin gaya ng ginawa
niya sa akin noon. Red lipstick ft. Red Dress. Super compatible to each other.
"I'm going Derick. And I know how to drive. Kaya hindi mo na ako kailangan
ihatid pa.", bigkas ko sa lalaki. Siya ang tumuro sa akin magmaneho
dahilan para matuto ako. Pinaalala ko lang sa kanya para hindi na ito mangulit
pa. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nito at agad akong sumakay sa pulang
kotse. Yes, my favorite color is RED. Sa kulay palang nito, halatang sasabak
lagi ako sa anumang giyera. Mabilis ako magmaneho kaya ilang minuto palang,
nando'n na ako sa kompanya. "Goodmorning!", bigkas ko sa kanila na
may katarayan sa boses. Nagyukuan naman ito dahil siguro pinaalam na ni Derick
ang tungkol sa akin. "Hi Ma'am Sandra, nasa opisina mo po pala si Sir
David. Ang aga nga pong dumating.", sambit ng babae nang lumapit siya.
"Si David lang ba?", tanong ko rito. She was about to answer, pero
biglang sumulpot ang ahas sa likuran ko. "Of course, the wife is also
here. Hindi ko naman hahayaan na pumunta ang asawa ko na siya lang
mag-isa.", wika ni Katrina na may kataasan sa pananalita. Na-eexcite ako
kapag ganitong eksena. Yung tipong kalmado lang ako, tapos siya, halos sampalin
na ako sa inggit. "Natatakot ka ba, Mrs. Katrina? As far as I know, hindi
ko pa gaanong kilala si David. So bakit ganyan ka makasalita? Tinataasan mo ng
boses ang CEO ng kompanyang hinahabol mo.", I said while raising my
eyebrow. "I'm sorry. I just want to protect my husband. Ayoko pa naman na
inaagaw siya.", mahinang bigkas niya na alam kong plastik ang pakikitungo.
"Hindi ko ugali ang mang-agaw. Depende na lang 'yan sa kanya.",
confident na saad ko habang pinapakita ang kaseksihan ng katawan ko. Katrina
is a model. And yes, I can't denied the fact na sexy din siya. Pero yung
kaseksihan niya, natapakan ko na ngayon. "Don't you dare touch my man.
Dahil hindi ko palalagpasin 'yon.", "Kung nangangamba ka sa asawa mo,
bakit hindi mo talian? Akala ko, ang tunog ng ahas 'ssssssss', pero bakit tahol
ka ng tahol? You look so stupid.", turan ko sa babae. Agad ko na siyang
tinalikuran at dumiretso sa office ko mismo. Nando'n nga si David at nakaupo.
Kaya nung tumingin siya sa bandang pinto, inilihis ko ang strap ng dress na
kunwari ay hindi ko sinasadya. Ganito mang-akit ng lalaki. Tamang kagat ng labi
na may kakaibang titig. "Hi Miss Sandra, pumasok na ako dito dahil gusto
ko talagang maabutan ka.", pagpapaliwanag nito. Pero si Katrina, mabilis na
tumabi sa asawa niya. "My schedule ako ng meeting ngayon. Kaya pwede bang
lumabas ka muna? I'm not available this day.", wika ko sa kanya.
"Pero--", "Narinig mo ang sinabi ko, diba? I'm not available. So
don't assume na kakausapin kita. Hindi ka V. I. P dito.", nakangising
pahayag ko. "Wow! Ang lakas ng loob mo para tanggihan kami! Hindi mo ba
alam--", I cut her words, dahil agad akong nagsalita. "Talagang hindi
ko alam, Katrina. At kung balak mo ako sagutin ng pabalang, much better to look
for another company. Hindi ko kayo kailangan.", diretsang sambit ko. Akma
sanang sasagot muli ang babae pero sa pangalawang pagkakataon, muli ko siyang
inunahan. "And by the way David, kung isasama mo ang asawa mo rito, pwede
bang dumaan muna kayo sa hospital. Kulang yata sa bakuna ang kasama mo.
Nakakaawang tingnan.", turan ko na may matalim na tingin kay Katrina.
Hindi pa nga ito todo, sumasabog na agad ang mukha nito sa galit. Pa'no pa kaya
kapag tinodo ko na, edi namatay na siya. Hayyyyyy.
Chapter
44
DAVID's
POV:
"BAKIT BA KASI ANG KULIT MO,
KATRINA?", malakas na sambit ko sa babae. Inis na inis akong lumabas ng
kompanya habang siya ay nakabuntot pa rin sa likod ko. "Ano bang problema
mo? Asawa mo na ako, David. Kaya kahit saan ka pumunta, dapat kasama
ako.", tugon nito na ikinainit lalo ng aking dugo. Bagsak na bagsak na ang
kompanya ko. Hindi ko na alam kung paano ko ipapalago ito gaya ng dati.
"IKAW ANG PROBLEMA!", pagduduro ko sa kanya. Pinipigilan ko na 'wag
siyang saktan dahil hindi ko hilig ang manakit ng babae. "Kasal lang tayo
sa papel, Katrina. At hindi na kita mahal. So don't take it seriously. Hindi
ako masaya na asawa kita.", muli kong saad. "A-anong sabi mo?",
tanong niya sa akin. "Hindi ko na uulitin pa. Siguro naman, ramdam mo na
'yon.", malamig na pahayag ko. Sumakay na ako sa aking motor at
pinaharurot na ito. Wala akong pakialam kay Katrina. I don't love her anymore.
Napilitan akong pakasalan siya dahil nilamon ako ng lungkot simula nung mamatay
si Kate. Namatay siya, kasama ang anak namin sa tiyan niya. At hindi lang 'yan,
maging si Michael, patay na rin. Hindi ko alam ang punot-dulo ng lahat.
Gulong-gulo ako. Hanggang ngayon, hinahanap ko pa rin ang kasagutan sa
nangyari. Hindi kasi ako naniniwala na pinatay ni Kate ang sarili nito dahil
lang sa namatay ang anak niya. At yung tungkol kay Michael, aksidente raw ang
dahilan kung bakit nawalan ito ng buhay. DAMN! KASALANAN KO ANG LAHAT NG 'TO!
Wala ako sa tabi nila. At wala ako sa mga oras na 'yon. Mas inatupag ko ang
kompanya kaysa sa pamilya ko. Mas pinili kong ayusin ang problema sa kompanya
kaysa protektahan sila. TANGINA! ANG GAGO KO! DAPAT HINDI AKO PUMAYAG NA
PUMUNTA NG JAPAN SA ARAW NA 'YON! (FLASHBACK...) "I'm sorry Honey, hindi
yata ako makakauwi ngayong gabi. May kailangan akong puntahan. May meeting ako
sa Cebu together with Mr. Xiao.", pagsasaad ko kay Kate. Ito ang paalam ko
sa kanya. Buong akala ko kasi sa Cebu ang meeting namin. Kaso pagkarating ko
do'n, nagkita kami ni Katrina. May photoshoot daw siya sa lugar na 'yon kaya
nagtagpo ang landas namin. "Mukhang nagmamadali ka, saan ba ang lakad mo,
David?", tanong nito sa akin. "Meeting. Hinihintay ko si Mr. Xiao,
dito kasi ang usapan namin.", sagot ko naman habang tumitingin sa relo.
"Gano'n ba? Sige, goodluck.", ngiting turan niya. Hindi ko na siya
inimik pa no'n, kaso muli siyang nagsalita. "Ahm David? Can I have a
favor? Pwede ko bang hiramin ang cellphone mo? Nalowbat kasi yung akin. At
ilang oras na rin ako naghihintay sa manager ko. Naiinis na nga ako eh.",
bigkas niya kaya agad akong pumayag. Pinahiram ko ang cellphone ko sa kanya at
sakto naman na dumating ang Secretary ni Mr. Xiao. Sabi nito, dumiretso raw sa
japan ang Boss niya. At kailangan kong sumunod do'n dahil mahalagang meeting
ang pag[1]uusapan
namin. Ayoko sanang pumunta, kaso naisip ko na malaking kliyente ang matanda.
Nawala sa isip ko ang cellphone na hiniram ni Katrina. Naalala ko lang 'yon
nung nasa airport na ako. And that time, umuwi na rin si Deo. He's my
twin brother. Bukod sa magkamukha kami, pati katawan at boses namin
magkapareho. I don't consider him as my brother dahil hindi ko gusto ang ugali
niya. Mayabang siya at magaling umarte. Halos kinukumpara kami ni Mom sa
isat-isa. Magaling daw ito kumpara sa akin. That's the reason why I hate him.
"Hindi mo sinabi sa amin na pauwi ka na pala ng Pilipinas.", saad ko
sa binata. "Bakit ko naman sasabihin sayo? Bukod sa wala akong oras, I
love surprise.", ngising sagot niya at tinapik ang braso ko. "Eh ikaw?
Saan ka pupunta? Mukhang paalis ka ng bansa ha?", balik na saad nito.
"May mahalaga akong pupuntahan.", bigkas ko sa lalaki. Gustuhin ko
man na kausapin pa siya, hindi ko na natuloy pa dahil tinawag na ang mga
pasahero na papuntang Japan. Kaya tuluyan na akong sumama sa Secretary ni Mr.
Xiao. Habang si Deo, palabas na ng airport para umuwi yata sa bahay. Hindi ko
na ito inisip pa dahil alam kong hindi rin magtatagal ang binata. Ganyan ang
kapatid ko, madaling magsawa sa Pilipinas. Kaso pagkarating ko ng Japan, marami
akong inasikaso. Hindi ko magawang i-contact o tawagan si Kate dahil
minu-minuto ang meeting. Dapat sana kay Mr. Xiao lang ako, pero umabot ito sa
kahit sino. Halos limang araw ako na sobrang busy at hindi nagkaroon ng oras
para kausapin ang pamilya ko. Kaya bago ako umuwi ng Pilipinas, binilhan ko pa
si Kate ng mga dress na pwede niyang isuot paglumaki ang tiyan niya. Binilhan
ko rin si Michael na paborito niyang tsokolate. I was excited to see them that
time. Pero ang excitement na 'yon, biglang napalitan ng lungkot. Lungkot at
dismaya nang malaman kong wala na raw si Kate. I tried
to asked all of my maids and guards, pero ang sinabi nilang lahat, naaksidente
si Michael. At si Kate, nagpakamatay daw. I don't know the whole story. Walang
umaamin. Walang nagsasalita ng totoo. Sa mga araw na lumipas, halos nababaliw
ako. Nagsasalitang mag-isa at umiiyak na mag-isa sa kwarto namin ni Kate. Sa
isang iglap, nawala ang pamilya ko. Sa isang iglap, iniwan nila ako. AT SOBRANG
SAKIT NG SINAPIT KO! Natutunan ko na rin humithit ng droga para maalis ang
lungkot na bumabalot sa aking puso. Kaya sa puntong iyon, si Katrina ang
nakiramay sa akin. Dinamayan niya ako sa sakit. Siya rin ang panandaliang
kaligayahan ko. Sa isang araw, ilang beses ko siyang ginalaw. Hanggang sa
nagpakasal kaming dalawa. Kinasal ako, hindi dahil gusto ko. Sa halip, kinasal
ako dahil nagmakaawa ang kapatid niya. (END OF FLASHBACK) At ngayon, lugmok na
lugmok pa rin ang kompanya. Nabawi ko na sana ito nung pumunta ako ng Japan.
Kaso nung namatay si Kate at ang mga anak ko, bigla ko itong napabayaan. Kaya
heto, naghahabol sa ibang tao para masalba ang kompanya ko.
Chapter
45
SANDRA's
POV:
ISANG meeting lang naman ang ginawa
ko ngayong araw. Pasakalye ko lang 'yon para pahirapan si David. Gusto kong
maghabol siya hanggang sa mapagod at lumuhod sa harapan ko. Natutuwa kasi ako
kapag gano'n ang mangyari. And I can't wait to see him begging on me.
"Melanie, kapag dumating si Derick na wala pa ako, pakisabi sa kanya na
may pinuntahan lang ako na importante.", pagbibilin ko sa Secretary. Balak
ko kasing dumalaw sa puntod ni Michael. Gusto ko siyang makausap at sabihin na
inuumpisahan ko na ang paghihiganti. Ito kasi ang pangako na binigkas ko nung
mamatay siya. At ngayon, sinisimulan ko na ito kay David. Siya muna ang uunahin
ko. NAGDRIVE na ako patungo sa cementeryo kung saan nilibing ang anak ko.
Katabi no'n ang kabaong na akala nila ay ako. Pero hindi ako 'yon, dahil hindi
pa ako patay. Ibang tao ang nakalibing sa lupa. Kaya pagkarating ko do'n,
napatigil ako sa paglalakad dahil nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa may
damuhan. Likod palang nito, kilala ko na agad. Si David! Oo, si David nga!
Dumalaw siya sa puntod namin. Hindi ko makita ang reaksyon niya, pero sa
palagay ko, nilalamon na siya ng konsensya. Kung sabagay, siya ang pumatay sa
anak ko. Pinatay niya si Michael. At siya pa mismo ang nagpalayas sa amin
habang binuburol ko ang bata. Agad na umapaw sa aking dibdib ang galit.
Nagagalit ako sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang ginawa niya sa amin. Trinato
niya ako na parang basura. Samantalang si Michael, nagawa niyang lasunin. Para
ano? Para balikan si Katrina? Ibang klase! Ang hayop niya! HINDI ako
nagpahalata na apektado. Pinili ko maging kalmado habang lumalapit sa puntod ng
anak ko. Nang huminto ako sa likuran ni David, napalingon ito sa akin.
Nasilayan ko ang luha sa mata niya na mabilis niyang pinunasan. "Miss
Sandra? Anong ginagawa mo dito?", tanong nito na may pagtataka. Tumayo ito
kaya nagkaharap kaming dalawa. "Hindi ba obvious? May dadalawin
ako.", sagot ko na medyo may katarayan. "D-dinadalaw? Sino?",
bigkas muli ng lalaki. "Bakit ba ang dami mong tanong?", balik na
turan ko sa kanya. "W-wala naman. Akala ko kasi--", Bago pa man siya
makasalita, agad kong nilagay ang bulaklak na binili ko kanina. Inilagay ko ito
sa unahan ni Michael. Hindi ko kilala kung sino ang patay na 'yon, pero umakto
ako na kamag-anak ko ang tao. "She's my auntie. Nalason siya. NILASON
SIYA. Kaya namatay. Eh ikaw? Sino ba ang dinadalaw mo dito?", taas-kilay
na bigkas ko. Talagang diniinan ko ang salitang 'nilason'
para matamaan siya sa sinasabi ko. Pero yung mukha niya, hindi nagbago.
"Binisita ko ang mag-ina ko.", tugon nito sa mahinang boses.
Awtomatikong napalunok ako ng laway, at bahagyang napaatras sa lalaki.
"M-may asawa ka? Akala ko ba, si Katrina ang asawa mo? Babaero ka
pala.", I said. "Nagkakamali ka Miss Sandra. Hindi ako babaero. Si
Katrina, naging asawa ko palang ngayon dahil kinasal kami. Pero sila, naging
asawa't anak ko dahil mahal ko silang dalawa--tatlo pala.", pahayag niya
na tila nagkamali sa bilang. Siguro, sinabay niya ang bata sa tiyan ko na
nalaglag kaya naging tatlo kami. Pero bakit niya sinasabi 'to? Anong karapatan
niya para sabihin na mahal niya kami? Kung ginagawa niya 'to, para maawa ako.
Pwess, hindi! Dahil mas pinatunayan niya kung gaano siya kaplastik na tao. Pati
patay, dinadamay niya para lang makuha ang loob ko at pumayag na maging
kapartner sila sa kompanya. "Condolence. Wala kasi akong alam sa buhay
mo.", I replied in a plastic way also. Kung plastikan ang habol niya,
marunong din ako no'n. Akma na sana akong babalik sa kotse, kaso hinawakan nito
ang braso ko. Ngayon lang ulit dumapo ang kamay niya sa aking katawan. Pero
pakiramdam ko, napaso ako sa kanyang ginawa. Halatang demonyo siya dahil hindi
ko gusto ang pagkakahawak niya. "Next time, 'wag mo akong hahawakan.
Sensitive pa naman ang skin ko.", saad ko kay David. "I-I'm sorry, Miss Sandra. Gusto ko lang
kasi na kumbinsihin ka tungkol sa partnership. Kaya kung pwede lang, sana
pumayag ka na mag-usap tayo.", magalang na sabi niya na parang tuta dahil
sa maamong itsura. "Well, okay. Mag-uusap tayo. Papakinggan ko ang
sasabihin mo. Pero hindi sa ganitong lugar. Ayoko dito.", sambit ko ulit.
Napalitan ng saya ang awra ng mukha niya at umukit ang ngiti sa labi.
"Sige Miss Sandra, kung saan mo gusto, doon tayo mag-uusap. Ako ng bahala
sa gagastusin.", tugon niya sa akin. Gagastusin pala ha? Hmmm, meron akong
alam na restaurant dito na sobrang mamahalin. "Ok. Pero bukas na lang tayo
mag-usap. Nakalimutan ko, may gagawin pala ako ngayon. So here's my cellphone
number. Tawagan mo na lang ako.", wika ko sabay lahad ng card. Mabilis
niya itong kinuha na hindi pa rin mawala ang ngiti. "Maraming salamat,
Miss Sandra.", Hindi na ako nagsalita pa at tinalikuran na si David. Pero
hindi pa man ako nakakalayo, bigla akong natapilok dahil sa high heels na suot
ko. Akala ko, tuluyan akong mapapa-upo sa damuhan, kaso hindi 'yon nangyari.
Hindi 'yon nangyari dahil nasalo ako ni David. "Miss Sandra, are you
okay?", he asked me. "A-ayos lang. I need to go.", pagtutulak ko
rito nang makatayo ako. Medyo sumakit ang paa ko, pero tiniis ko dahil ayokong
magkaroon ng utang kay David. Alam ko kasi na yung pinapakita niya ngayon,
pawang kaplastikan lamang. "Yung mata mo, kaparehong-kapareho sa mata ng
babaeng mahal ko.", mahinang sabi niya. "You're crazy. Tsk.",
inis kong saad. Binilisan ko ang paglalakad at hindi na ako lumingon pa sa gawi
niya.
Chapter
46
SANDRA's
POV:
"AALIS KA ULIT?", tanong ni
Derick. Nakabihis na ako ngayon ng black tube at black pants. All black ang
suot ko sa mga oras na 'to. Bagong umaga, bagong paghaharap muli. Ganito
kabilis ang oras. Parang kahapon, nagkita kami ni David sa sementeryo kung saan
nakalibing si Michael. And today, we will meet again. Kahit papano, marunong
ako tumupad sa usapan. And I guess, this would be exciting. "Sandra,
ipaalam mo naman sa akin ang bawat kilos mo. May usapan tayo diba?",
paalala nito. "Derick, malaki na ako. Alam ko na ang gagawin ko. So don't
worry, I can do this alone.", turan ko sa binata. "Pero--",
Hinarangan ko ang kanyang bibig gamit ang daliri ko, para hindi na ito kumontra
pa. "Uuwi din ako. Hindi naman ako magtatagal. Paglalaruan ko lang si
David.", nakangising sabi ko. Kinuha ko na ang malaking wallet at phone ko
bago ako tuluyang lumabas. Tinatamad akong magdrive ngayon, kaya nagpahatid na
lang ako kay Manong driver. At nung nasa loob ako ng kotse, may tumawag sa
cellphone ko. Galing ito sa unknown number kaya agad ko itong sinagot.
"Hello?", turan ko sa kabilang linya. "Miss Sandra, si David
'to. Ahm, gusto ko sanang itanong kung nasaan ka na ba? Kanina pa kasi ako
naghihintay dito sa restaurant na sinabi mo.", wika nito na tila excited
siyang makita ako. "On the way. So chill. Dahil sisiputin kita.",
tugon ko sabay end ng tawag. Ibang klase talaga ang taong 'to. Bukod sa makapal
ang mukha, ang bilis niyang mainip. "Manong, pakihinto na lang dyan sa
gilid. At tatawag na lang ako sayo kapag pwede mo na akong sunduin.",
turan ko sa driver. Sinunod niya nga ang sinabi ko, kaya agad niyang hininto
ang kotse sa tinuro ko. Bumaba na ako at inayos ang sarili bago lumabas ng
sasakyan. Nasilayan ko si David na patingin-tingin sa kanyang relo na halatang
hinihintay ako. Kaya sexy akong lumakad papasok ng restaurant. Ang lakad na
'yon, nakagawa ng ingay dahil sa tunog ng sandal ko. Lahat tuloy ng tao sa
loob, napatingin sa akin. So I gave them a sweet smile while my eyes still
looking to David. "Goodmorning Miss Sandra.", bating saad niya.
"The time starts now.", tugon ko nang umupo. "Huh?",
"Business ang pag-uusapan natin diba? Kaya dapat hindi tayo magsayang ng
oras. Mahalaga ang bawat segundo at minuto para sa akin, David.", wika ko
sa lalaki habang nakatitig sa mata niya. "Ah oo nga, sabi ko nga. Pasensya
na Miss Sandra, medyo dinalaw ako ng kaba.", pag-aamin nito.
"Kinakabahan ka? My gosh! Akala ko ba handang-handa ka? Paano mo ako n'yan
makukumbinsi kung kinakabahan ka?", taas-kilay kong bigkas. "Mawawala
rin ang kaba ko, Ms. Sandra. Kaya sisimulan ko na.", sambit niya at umayos
ng pagkaka-upo. Nilabas niya ang maraming papeles at pinakita niya ito sa akin.
Magkalapit ang mukha namin sa isat-isa dahil ini-explain nito ang bawat papel
na binibigay niya. "Ayan ang kompanya ko, Miss Sandra. Dati,
sikat na sikat ang wine company namin. Pero ngayon, biglang lumubog. Napabayaan
ko kasi at nalulong ako sa droga.", wika niya dahilan para mapaangat ako
ng ulo. Sa maling posisyon, halos magdikit ang labi namin ni David. Hindi ko
kasi alam na nakatingin pala ito kaya maling kilos ang nagawa ko. "Konting
distansya naman, David. Hindi ko gusto ang amoy ng pabango mo. Ang sakit sa
ilong.", pahayag ko sa kanya. Pero sa halip na lumayo siya, ngumiti ito at
bahagyang tumawa. "Are you insulting me?", napipikon na saad ko.
"Hindi po, Miss Sandra. Sumagi lang sa isipan ko ang boses ni Kate.",
pagtutugon niya. "K-kate? Sinong Kate?", tanong ko at umakto na hindi
ko alam ang tinutukoy niya. "She's my wife. The girl that always here in
my heart. Siya yung babae na dinalaw ko kahapon sa sementeryo.", mahabang
wika nito. "Well, I don't care. Let just continue the meeting.",
tanging saad ko para maiba ang usapan. Kaso hindi siya nagpapigil, dahil
patuloy siya sa pagkwento tungkol sa taong pinatay ko na at inalis sa buhay ko.
I'm now Sandra, not KATE. Kaya para sa akin, patay na yung Kate na kilala niya.
"Alam mo bang kaboses mo rin siya? Sa tuwing tinataasan mo ako ng kilay,
nakikita ko si Kate sayo. At sa tuwing nagtatama ang mata natin, siya pa rin
ang nasisilayan ko. Kung hindi lang namatay si Kate, siguro iisipin ko na ikaw
ay ang asawa ko.", aniya ni David. Napatayo ako ng wala sa oras na tila
kumulo ang aking dugo. "Meeting ang pinunta ko dito. Kaya kung balak mong
magdrama, aalis na lang ako.", I said. "I'm sorry again, Miss Sandra.
hindi ko lang kasi--", "I think, you're not ready. Sinasayang mo lang
ang oras ko.", bigkas ko para hindi na siya magpaliwanag pa. Kanina pa ako
naririndi sa boses niya! Kate, kate, kate! Tanginang Kate 'yan! Patay
na siya! Pinatay ko na ang dating ako! Aalis na sana ako sa table namin, kaso
narinig ko ang pagsara ng restaurant. Hindi ko alam kung anong rason, dahil
masyado pang maaga para magsara sila. And besides, ang daming tao na kumakain
kaya paano nangyari na close na agad ang kainan? "Hello everyone! This
day, magkakaroon tayo ng Kissing Serye! Mga adults na kasi ang nandito. And I
guess, nagdedate kayong lahat dahil halos couples ang nakikita namin sa loob.
Kaya ngayon, bibigyan namin kayo ng pagkakataon para halikan ang taong
nagugustuhan niyo!", malakas na wika ng babae. Nakagamit siya ng
microphone kaya malinaw sa aking tenga ang sinasabi nito. Mukhang alam ko na
ang mangyayari kaya naglakad na ako palayo kay David. "Bibilang ako ng
tatlo ha? At kapag umabot na sa tatlo ang bilang ko, halikan niyo agad ang
babaeng napupusuan niyo!", sigaw nito dahilan para kumabog ang dibdib ko.
Hindi ko alam kung saang sulok ako pupunta para makaiwas sa lalaki.
"Isa!", "Dalawa!", "TATLO!", huling bilang niya.
Buong akala ko, nakaligtas na ako, pero hindi eh! Dahil may humigit sa aking
braso at kaagad akong pinaharap sa kanya. Walang paligoy-ligoy na hinalikan
nito ang labi ko. "I see Kate on you. So I'm sorry. I didn't mean it.
Namiss ko lang ang babaeng mahal ko.", saad ni David nang humiwalay ang
labi namin. H---he kissed me?!
Chapter
47
DEO's
POV: (Twin of David)
TANAW na tanaw ko mula sa labas ng
restaurant kung paano hinalikan ni David ang babae. Nandito kasi ako sa loob ng
kotse habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng kambal ko. Sa totoo lang,
nakakaawa siya. Pero dahil na-eenjoy ako sa mukha niya, tinutuloy ko ang
paglalaro sa kanila. I know everything about Sandra. Mahilig ako mag-imbestiga
at magaling ako mangilatis ng bawat kilos ng tao. Siya si Kate na minahal ng
kapatid ko. Siya si Kate na kinababaliwan ni David na halos kitilin ang buhay
nang malaman niyang namatay ang babae. At siya si Kate na ngayon ay ibang mukha
na ang gamit. Pero si David? Hindi niya alam kung sino at ano ang pagkatao ni
Sandra. Kung sabagay, ang bobo niya masyado. Hindi niya ginagamit ang utak kaya
mas nauunahan ko siya sa lahat. Nakakatawang isipin, napapaikot ko ang dalawa
sa kamay ko. Hawak ko sila sa leeg at kahit anong gawin ko, hindi nila ako
mahuhuli. Parang katulad ng ginawa ko sa buhay ni Kate. Ang buong akala niya si
David ang nagpahirap sa kanya. But she's wrong, dahil ako ang dahilan kung
bakit namatay ang bata. (FLASHBACK....) "I n-need you, Deo. H-hindi ko
kayang makita na ikakasal si David kay Kate. Kilala mo naman yung babae diba?
Hindi sila bagay. So please Deo, tulungan mo ako para hindi matuloy ang kasal
nila.", umiiyak na pakiusap ni Katrina. Nakipag-video call siya sa akin
habang nasa ibang bansa ako. And yes, kilala ko si Kate. Dahil may tauhan ako
sa Pinas para bantayan ang bawat galaw ni David. Sa madaling salita, kahit
malayo ako sa kanila, lahat alam ko. Hindi ko matanggihan si Katrina dahil may
lihim na pagtingin ako sa dalaga. At bukod do'n, pinapangarap ko talaga na
matikman ang katawan nito. She's a model. Pinapantasyahan siya ng mga lalaki.
Kaya nagtataka ako kung bakit pinakawalan ni David ang tulad niya. "Okay,
papayag ako Katrina. But in one condition.", nakangising bigkas ko.
"Kahit ano pang kondisyon ang sabihin mo, handa akong sundin at gawin
'yan.", turan nito na tila desperada. "Good.", bigkas ko naman.
"T-teka, ano bang gagawin natin? I mean, anong gagawin mo para masiguro na
hindi makakasal si David kay Kate?", pagtatanong ni Katrina. "It just
a simple problem. Kaya wala kang dapat na ipangamba. I can handle this.",
"Sa paanong paraan?", she asked again. "Set-up.", tipid
kong sagot. "Set-up?", "Yes, Katrina. Iseset-up natin ang kambal
ko. In short, I can act like him. Pwede akong magpanggap bilang siya. You know
me very well, right? Napaka-basic na 'yan para sa akin.", wika ko sa
dalaga. "How can you sure? Sa pagkakaalam ko---", "Ssshh. Akong
bahala. Basta hintayin mo na lang ako sa Cebu. Icocontact ko lahat ng mga
ka-meeting ni David sa kompanya. Kaya ikaw ang dapat na maghanda, Kat.", I
said while smirking. "A-ano bang ibig mong sabihin?" "Katrina,
tutulungan kita, pero kapalit no'n ay katawan mo. Alam mo na siguro ang
tinutukoy ko.", turan ko ulit. Medyo nagulat ang reaksyon niya, pero sa
huli, pumayag din ang dalaga. SET-UP ang nangyari. Na-contact ko si Mr. Xiao at
sinabi ko sa kanya na sa Japan na lang sila mag-usap. Si Mr. Xiao, malaking
kliyente. Pero dahil may alas akong hawak laban sa kanya, naging sunud-sunuran
ito sa akin. Hawak ko lang naman ang sex-video niya sa dalawang babae. That's
the reason kung bakit napa-oo ito nang sabihin ko na sa Japan sila mag-usap ni
David. Kaya nung araw na 'yon, umuwi ako sa Pilipinas. Mabuti na lang at ginawa
rin ni Katrina ang inutos ko na hiramin ang cellphone ni David. At mukhang
kinakampihan yata kami ng Tadhana dahil naiwan nito ang phone niya sa babae.
Marami tuloy na naganap ng magkita kami sa hotel. Umakto ako na si David.
Ginaya ko ang boses niya. Yung mga pictures na sinend namin kay Kate, ako ang
may pakana no'n. At nung pumunta si Kate sa hotel, nagkunwari ulit ako na si
David. Ang dami kong ginawa at lahat ng 'yon naging matagumpay. Kitang-kita ko
sa mukha ni Kate kung gaano siya nasaktan. Too bad for her, dahil ang bilis
niyang maloko. And yes, ako rin mismo ang nagpautos na lagyan ng lason ang
pagkain na ipapadeliver sa mancion ni David. Sinabi ko na galing 'yon mismo sa
kapatid ko. All of them, doesn't know about me. Hindi nila inisip na ako ang
may gawa. At para magalit lalo si Kate, pinalayas ko rin sila sa bahay kung
saan binuburol ang anak niya. For the third time, pangalan ulit ni David ang
ginamit ko. Ang galing ko diba? Sa sobrang galing ko,
halos naniwala ang babae. Nilamon na siya ng galit at napawi ang pagmamahal
niya kay David. Simula no'n, patuloy kong sinusundan si Kate. Hanggang sa
malaman ko na kinuha siya ni Derick. Kilala ko rin si Derick dahil nga
naimbestigahan ko ang nakaraan ni Kate. At isa siya sa naging karelasyon ng
babae na mismong tatay ni Michael. Sa kakasunod ko, maging pagkatao niya,
nalaman ko. Pinalabas nila na patay na ang babae para maniwala ang lahat. Pero
ako, hinding-hindi ako maniniwala. Kaya kahit nagbago man ang pangalan at mukha
ni Kate, hindi niya pa rin ako maloloko. Matalino ako at hindi agad nagpapahuli
sa mga balita. Hindi nila ako maiisahan. Dahil ako mismo ang makikipaglaro sa
kanila. Pwede ko rin i-kama si Kate kahit anong oras kapag wala si David sa
tabi niya. Ikakama ko siya, at magpapanggap ulit ako bilang si David para sa
gano'n, magalit lalo siya sa lalaki. (END OF FLASHBACK...) "Enjoy for
today. And cry again for the next day.", sambit ko sa sarili. Pinaandar ko
na ang kotse para umuwi na sa condo. And by the way, hindi ko pa sinasabi kay
Katrina na buhay si Kate. Dahil gusto ko, ako lang ang nakakaalam.
Chapter
48
SANDRA's
POV:
"Miss Sandra.", bigkas ni
David sa pangalan ko. After the kissing scene, agad akong lumayo sa kanya.
"OPEN THE DOOR!", sigaw ko sa lalaki na nakabantay sa may pinto.
Dahil sa lakas ng boses ko, mabilis niyang binuksan ito dahilan para makalabas
ako. Pero si David, nakabuntot pa rin sa aking likod. Hinahabol niya pa rin ako
na tila nagsisi siya sa ginawa. "Kung nabastusan ka sa akin, sampalin mo
ako Miss Sandra.", he said. Kaya lalo akong naiinis sa lalaki. Bakit ba
siya ganyan? Sa likod ng maamo niyang mukha, nagawa nitong pumatay ng bata. And
shit! Everytime I see him, si Michael ang bumabalik sa isip ko. He killed my
son! "Stop following me, David! Nababadtrip ako!", asar kong turan
habang patuloy sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan ako tutungo dahil hindi
pa dumarating ang driver ko. Tinawagan ko na kasi ito nung papalabas ako ng
restaurant. Pero ang tanging sabi niya, papunta na siya. "Miss Sandra,
hindi ko intensyon na--", "Shut up! Ayoko ng marinig ang boses
mo!", bulyaw ko nang lingunin ko si David. "I just want to explain,
dahil ayokong mag-isip ka ng masama sa akin.", mahinahon na wika nito.
"Sa ginawa mo kanina, do you think, mag-iisip pa ako ng mabuti sayo?
Nakakadiri ka! Kahit sinong babae na lang ang hinahalikan mo, una si Kate,
tapos sinunod mo si Katrina and now, ako?", sambit ko muli. Bago pa man
ito makasagot, dumating na ang kotse na hinihintay ko. Kaya sumakay na ako para
hindi na makahabol pa ang lalaki. Nang lumayo na ang sasakyan, napahawak ako sa
aking labi na hinalikan niya. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang malambot
niyang labi. Pero sa halip na kiligin ako, galit ang namuo sa dibdib ko. Bakit
ba patuloy niyang binabanggit ang pangalan na 'Kate'? Kung tutuusin, siya mismo
ang dahilan kung bakit ko pinatay ang dating ako. Kinuha niya ang lahat sa
akin. Matapos niya akong paibigin at i-kama, binasura niya ang pagkatao ko.
"Ma'am? Uuwi na po ba tayo?", pagtatanong ni Manong. Tsaka lang ako
natauhan at nabaling sa kanya ang mata ko. "What?", "Ahm,
tinatanong ko po Ma'am kung uuwi na ba tayo? Baka kasi may pupuntahan ka
pa.", magalang na saad niya. "Yeah. Meron pa nga. Pupunta ako ng
mall.", bigkas ko muli. Tumango naman ang driver at agad na lumiko patungo
sa mall na sinasabi ko. Ayokong umuwi na ganito ang itsura ng aking mukha dahil
tiyak magtatanong si Derick kung ano ang nangyari. "Hintayin mo na lang
ako, Manong ha? Hindi ako magtatagal, may bibilhin lang ako saglit.", wika
ko sa driver. "Pero kung mahaba ang pila sa loob, here, you can buy foods
to yourself.", patuloy kong sambit. I gave him a 1, 000 cash para may
makain siya if ever na magutom. Actually, nakasanayan ko na ang bumili ng
gamit kada araw. Lahat binago ko sa sarili. Hindi na ako yung Kate na Manang
kung sumuot. Hindi na ako yung Kate na sa gabi lang nagpapaganda at nag-aayos.
Dahil ang totoo niyan, mas minahal ko na si Sandra. Mas nagustuhan ko na ang
bagong buhay na binigay sa akin ni Derick. He saved me from the dark. Kaya
malaki ang utang na loob ko sa kanya. "Gusto kong suotin ito. Pwede bang
paki-assist ako?", bigkas ko sa saleslady. Yes, nandito na ako sa loob ng
mall. Hawak ko na ang isang damit na nagustuhan ko. "Sure Ma'am.",
ngiting tugon ng babae. Pumasok na ako sa dressing room para sukatin ang
natipuhan kong damit. Habang nasa labas naman ang saleslady at hinahawakan ang
phone at pitaka ko. Nang matapos, tiningnan ko ang katawan ko sa salamin para
makita kung bumagay ba ito. And all I can say, I'm fucking hot. Litaw na litaw
ang pusod ko at kitang-kita ang makinis kong legs. "You're so sexy,
Ma'am.", komplimento ng dalaga. "I know right. Thank you.",
tugon ko naman. Binili ko na ito at iniwan ang damit sa dressing room. Gano'n
ako eh, pakatapos kong gamitin, tatapunin ko na. Confident tuloy akong naglakad
patungong jewelry. Alahas naman ang bibilhin ko dahil medyo nagsasawa na rin
ako sa kwintas na sinuot ko kahapon. I want a diamond necklace. Kaso sa
kasamaang palad, may humarang sa akin na lalaki. Hindi ko sana ito papansinin
kaso nakilala ko kung sino siya. "D-david?", pagsasaad ko. "Hi
Miss Sandra, namiss agad kita.", ngising sambit nito. Ewan ko ba, pero kakaiba
ang datingan ng titig niya. "Wala akong panahon at oras para makipag-usap
sa tulad mo.", mataray na turan ko. "Miss Sandra naman, masyado ka
namang pikunin. Naghalikan palang tayo kanina, tapos biglang umiba ang mood
mo?", muli niyang pahayag. "Hanggang dito ba naman, sinundan mo ako?
Ang kapal talaga ng pagmumukha mo! Para sabihin ko sayo, may asawa ka
na!", I shouted. Yung suot niya at yung boses niya, gano'n na gano'n pa
rin sa David na nakausap ko sa mall. Pero yung mata niya, hindi ko gusto.
"Miss Sandra, mag-asawa lang kami sa papel. Hindi ko siya mahal. Dahil ang
boring niya sa kama. At sa palagay ko, mas masarap ka pa kay Katrina.",
"Tigilan mo na 'yang kalokohan mo.", madiin kong bigkas. I was about
to walk again pero hinawakan niya ang braso ko papunta sa aking bewang.
"Bastos!", pagsasampal ko sa binata. Talagang demonyo siya at
babaero! Walang pinagbago!
Chapter
49
DEO's
POV:
HINDI sakit ang naramdaman ko nung
dumampi ang palad ni Sandra sa aking pisngi. Bagkus, mas naudyok akong
paglaruan ang babae. Umalis na ito sa harapan ko, kaya abot-tingin na lamang
ako kay Sandra. But the way she looked at me, hindi pa ito kumbinsido sa inakto
ko kanina. Halata ko kasi sa mata niya ang pagtatanong na tila nagdududa ito sa
kilos ko. Siguro, hindi ko gaanong nagaya ang galawan ni David. Pero hindi na
'yon mahalaga dahil alam ko na si David pa rin ang akala niya. "Minsan
talaga, ang galing mo mag-timing Deo.", pagpupuri ko sa sarili. Pauwi na
sana ako ng Condo eh, kaso naalala ko na may nakalimutan akong bilhin sa mall,
kaya binalikan ko ito. At sa pagbalik ko, natyempuhan ko si Sandra na
naglalakad-lakad sa loob. Iba talaga kapag siniswertehan ka. Buti na lang,
lahat ng suot ni David, katulad ng suot ko. Kaya boses at galawan na lang ang
ginagaya ko sa kanya. Binili ko na ang mga gagamitin at kailangan sa condo,
kaya matapos kong magbayad sa cashier, lumabas na rin ako na may ngisi sa labi.
Sobrang ganda nga ni Sandra. Unti-unti tuloy akong natatakam na matikman siya.
Kailan ko kaya magagawa 'yon? Dapat masaktuhan ko na nag-iisa lagi ang babae.
Para sa gano'n, maging kapani-paniwala ang bawat pag-acting ko bilang si David.
Napadila tuloy ako habang ini-imagine ang pwedeng mangyari sa amin ni Sandra.
Tama nga ang kasabihan nila, 'It's more fun in the Philippines' at isa ako sa
nagpapatunay na masaya nga kapag nasa Pilipinas ka. Akma na sana akong papasok
sa aking kotse nang tawagin bigla ang pangalan ko. "Deo?", sambit ng
lalaki. Yeah, si David na kambal ko. "Akala ko ba, bumalik ka na sa
abroad.", he said. "Akala mo lang 'yon.", walang gana na turan
ko. Nasilayan ko ang pagtingin nito sa damit at sapatos na suot ko. And based
on his reaction, medyo napakunot ang noo nito. "Anong ginagawa mo dito?
Tsaka, parehong-pareho ang suot nating dalawa ha?", pagpupuna ni David.
"Malamang, kambal kita.", pabalang na saad ko. "Kailan ka pa
nagsuot ng ganyan? Diba, wala kang hilig sa ganyang pormahan?", wika nito
muli. "Ano bang pake mo? Ikaw lang ba ang may karapatan na sumuot ng
ganito?", "Hindi naman pero nagtataka lang ako sayo. Ilang araw na
pero nandito ka pa rin sa Pinas. Tapos pati suot ko, ginagaya mo.",
pahayag niya dahilan para matawa ako. "Kung naiinggit ka sa akin, David,
ipikit mo ang mata mo. Halata tuloy na ayaw mong malamangan. Kung sabagay,
parang tuta ka na nga sa paningin ko. Bagsak na bagsak na ang kompanya mo.
Nakakaawa ka, kapatid.", wika ko para insultuhin ang lalaki. Halos
umigting naman ang panga nito sa sobrang gigil, kaya tinapik ko ang balikat
niya. "Biro lang, bro. Ikaw naman, 'wag mong
seryosohin. Tatanda ka agad niyan.", I continue. May kinuha naman ako sa
pitaka at muli siyang tiningnan. "Pa'no, mauna na ako. At heto cheke, baka
kulangin ang pera mo pambili. Ayoko namang sabihin mo na wala akong kwentang
kapatid.", "NOON pa man, wala ka ng kwentang kapatid, Deo.",
pahabol na sabi ni David at pinunit ang cheke na binigay ko sa kanya.
"Hindi ko kailangan ang pera mo. Kaya salamat na lang. Dahil para sa akin,
basura 'yan.", maangas na saad nito. Sinara ko ulit ang pinto ng kotse at
muli siyang hinarap. Aalis na sana ako dahil hindi ko ugali ang makipag-usap sa
mga tulad niya. Pero dahil makulit ang kambal ko na 'to, sige at pagbibigyan ko
siya. "Hindi mo kailangan? Kaya pala naghahabol ka sa ibang kompanya para
masalba ang kompanya mo. Alam mo kapatid, nakakatawa ka talaga. Nabagok yata
ang utak mo. Kung hindi lang kita kambal, iisipin kong napulot ka lang nila mom
sa kanal.", turan ko sa kanya. "Mas gugustuhin ko pa nga 'yon, kaysa maging
pamilya ko kayo. Nakakasuka tuloy na kadugo ko ang mga hangal na tulad
niyo.", he said. Palakad na sana ito sa loob ng Mall, pero may binitawan
akong salita. Ito ang naging hudyat para matigil siya at tingnan ako ng masama.
Ayoko kasing isipin ni David na talunan ako kaya mas mabuti na mabaliw siya sa
kakaisip gamit ang salitang sinabi ko. "Wala ka talagang utak. Tuluyan ng
nasakop ang ulo mo ng droga. Kaya kung ako sayo, ituon mo na lang ang atensyon
mo kay Katrina. Kasi sa palagay ko, masaya na si Kate sa iba.", sambit ko
rito. "Anong ibig mong sabihin? May alam ka
tungkol kay Kate?", pagtatanong niya. "Ano sa tingin mo? Syempre joke
lang hahaha. Patay na yung babae, masyado ka talagang seryoso.", turan ko
na may ngisi. Hindi maipinta ang reaksyon na tila nagpipigil ng galit.
"Hindi pa siya patay. Alam kong buhay pa siya dahil ramdam ko na nandito
pa rin ang asawa ko.", wika nito na may kadiinan sa pananalita.
"Sinong asawa ba? Diba kasal ka na kay Katrina? May sayad ka na talaga,
kapatid. Malala na 'yan. Siguro panahon na para magpatingin ka sa
doctor.", tugon sabay pasok sa kotse. Bago ko paandarin ang sasakyan, I
waved my hands para mapikon lalo si David sa akin. Kapag si Kate talaga ang
binabanggit, nagiging aggresibo ang mukha niya. Mukhang makakapatay siya ng
wala sa oras. "Ang sarap nilang paglaruan. Para silang bata na walang
kaalam-alam.", bigkas ko sa sarili. Nagpatugtog na lamang ako sa kotse
para sabayan ang tagumpay na nakamit ko ngayon. Iba talaga si Deo. Kapag
kumilos, pulidong-pulido. Umuwi ako sa condo na may pasayaw-sayaw pa. Pero bago
ako pumalit ng damit, pumunta ako sa secret room kung saan nakadikit ang bawat
planong gagawin ko. Nandito rin ang picture ni Kate na naging Sandra at picture
ng kapatid ko. Sinama ko na rin si Katrina dahil nagsawa na agad ako sa kanya.
Masyado siyang uto-uto at kampante na hahabulin ko siya hanggang dulo.
"Ekis ka na sa akin, Kat. Natikman na kita. HAHAHA. Focus na muna ako kay
Sandra.", I laughed in a demon way.
Chapter
50
SANDRA's
POV:
MAINIT ang ulo ko na umuwi sa mansion
ni Derick. Pero nung nakita ko ang lalaki, I just act normal para hindi ito
magtanong. Ayoko kasi na pakialaman niya ang bawat kilos ko kaya ililihim ko
ang ginawa sa akin ni David. Hindi na 'yon importante pa dahil hindi na ako
magpapaapekto sa kanya. "Sandra, kumain ka na ba?", tanong ni Derick
nang madaanan ko siya sa table na kumakain. Nag-iisa ito na tila hinihintay
talaga ang pag-uwi ko. "Hindi pa.", I replied. Hindi naman talaga ako
kumakain pa dahil nga sa pesteng restaurant na pinuntahan namin. Ang daming
nalalaman, may pa kiss scene pa para bumenta ang kainan nila. Bwisit!
"Pinapagutom mo ang sarili mo, Sandra. Hays.", bigkas nito na tila
nadisappoint sa sinabi ko. "I'm not hungry.", pagsisinungaling ko.
Kaso biglang kumalam ang aking sikmura dahilan para mapatawa si Derick.
Ganitong-ganito siya nung kami pa. Mabait na tao ang lalaki at higit sa lahat
maalalahanin lalo na kapag may sakit ako. Ito ang ugali niya na nagustuhan ko
kaya minahal ko siya. "Come here, let's eat.", turan niya nang
i-assisst ako papunta sa mesa. Tiningnan ko naman ang ulam na nakahain at yung
mga ayoko pa talaga ang pinaluto niya. "Derick, alam mong hindi ako
kumakain niyan. I hate that.", mataray kong saad. "I know Sandra.
Pero katulad ng dati, magagalit ako kapag hindi ka kumain niyan.", he said
while pointing the vegetable. "Teka nga, bakit mo ba ginagawa 'to?",
I asked him. Feeling ko kasi binabalikan niya ang tungkol sa amin para mahalin
ko ulit siya. "Nagbabakasakali lang ako, Sandra na baka maalala mo yung
tayo. Kung paano tayo nagsimula at kung paano mo ako mahalin. Dahil gusto ko,
maging tayo ulit.", yukong sagot niya. "Derick naman, bakit ba ang
kulit mo? Hindi na nga pwede diba? Hindi na tayo pwede. Yung relasyon natin,
hanggang doon na lang. So please, 'wag mo ng ipagpilitan pa ang sarili mo sa
akin. I don't love you anymore.", pagpaprangka ko. Gumuhit ang malungkot
na ngiti niya at kinuha ang phone sa table. "Sorry, akala ko kasi, first
love never dies, kaya--", "Stop it. Tigilan mo na 'yang kahibangan
mo. Kaya ka nasasaktan dahil masyado kang nag-ooverthink.", muli kong
sambit. "Oo Sandra, overthink ako pagdating sayo. Pero sana 'yang sinasabi
mo, ma-apply mo sa sarili mo. Baka nga, malaman ko, bumalik ka na kay David.",
mapaklang saad niya. Binuksan nito ang phone at pinakita ang isang post ng
halikan. Posted na pala ito sa restaurant na pinasukan namin. "See? Kahit
hindi mo ako kasama, alam ko na siya pa rin ang mahal mo. Konting galawan lang
ni David, lumalambot ka agad. Paano mo makukuha ang hustisya ng anak natin kung
palaging puso ang papairalin mo?", wika niya na tila may panenermon na
kasama. F! "Hindi ko siya mahal. At 'yang halik na 'yon, wala ng malisya.
I don't love David!", pagsisigaw ko. Aalis na sana ako para tumungo sa
taas, kaso hinawakan nito ang aking braso. "Hanggang salita ka lang yata,
Sandra. Gawin mo naman ang dapat. Sayang ng bago mong anyo kung hindi mo ito
gagamitin.", wika niya bago pinakawalan ang braso ko. Hindi ko na siya
maintindihan. I know na concern siya sa akin pero hindi niya dapat sinasabi ang
mga bagay na ganyan. I can do whatever I want, may plano ako para kay David.
Kaya hindi niya dapat pinangungunahan ang gusto kong mangyari. Napasabunot
tuloy ako ng buhok nang pumasok sa aking kwarto. Bakit ba kasi pinagpipilitan
niya pa ang sarili sa akin? Oo, first love ko si Derick, pero malabo na ang
pinapangarap niya. Ang lahat sa amin, bangungot na ng nakaraan. At ako ang
nagpapatunay na yung first love, walang panama kapag ayaw mo na talaga. DIET
muna ako ngayong araw dahil ayoko munang makasama si Derick sa ibaba. Kaya
tanging cookies at juice lang ang kinain ko para sa gano'n hindi naman sumakit
ang tiyan ko sa gutom. I guess, kailangan kong umiwas ng konti sa binata dahil
nasasaktan ko lang siya sa kinikilos ko. Ang buong akala niya kasi may pag-asa
pa rin kami sa kabila ng pagtulong nito. Feeling ko tuloy, pilit na tulong ang
ginawa niya para makuha ang loob ko. Tsk. Bakit ba ganyan ang mga lalaki? Dapat
ba may kapalit ang bawat galaw nila? "Inaantok tuloy ako.", iling na
bigkas ko. Isinantabi ko ang cookies sa side table at humiga sa malambot na
kama. I stretched my arms para maalis ang pagod. Wala naman akong ginawa
ngayong araw, pero pakiramdam ko pagod na pagod ako. Napagod ako dahil dalawang
beses akong binastos ni David. Pero ang hindi ko malilimutan yung sinabi niya
sa akin sa mall. Masyadong demonyo ang pagkakabigkas ng lalaki na tila
binabalakan ako ng masama. Well, hindi ako magpapauto sa kanya. Minsan ng nauto
si Kate sa mga salitang binitawan niya kaya hindi ko na 'yon uulitin pa kay
Sandra. Kung wais siya, mas magiging wais pa ako sa inaakala nito. Ipipikit ko
na sana ang aking mata kaso biglang tumunog ang cellphone mula sa maliit kong
bag. Napaka-wrong timing! Inaantok na, tsaka naman may tumawag. Napabalikwas
ako ng bangon at inabot ang bag para kunin ang phone. Pero bumungad sa mata ko
ang pangalan ni David. Yes, siya ang tumatawag! Ang kapal ng mukha niya para
tumawag, matapos niya akong halikan at bastusin! Wala na
siya sa tamang pag-iisip! "Kung tumawag ka dito para magpaliwanag, hindi
ako maniniwala sayo. Kaya tigilan mo na ako. Dahil kahit anong sabihin mo, my
answer is NO! A big NO! Hindi na ako makikipagpartner pa sayo.", agad na
wika ko. Prinangka ko na siya para tuluyan na itong gumapang sa lupa. This is
what I want! Yung maghirap siya at makitang nagdudusa ang isang David.
"Miss Sandra, pakiusap, bigyan mo ako ng pagkakataon para--", Hindi ko
na siya hinayaan na mag-explain pa kaya nagsalita na agad ako. "Hindi kita
boyfriend para bigyan ng pagkakataon. Sapat na siguro ang mga sinabi mo kanina
para malaman ko ang totoo mong ugali. Bukod sa manyakis ka, halatang babaero
ka. Nakakadiri kang tao. May asawa na, nagagawa pa ring tumuka sa iba.", I
said in a loud voice. Kaso bigla ito naging kalmado na tila seryoso ang
datingan. "I mean it. Yung halik, sinadya ko 'yon. Kasi gusto ko. Dahil
ginusto ko.", diretsang saad niya. Napakagat-labi tuloy ako dahil
naguguluhan ako sa inaasta ni David. "Tumigil ka na dahil may boyfriend
ako.", madiin na bigkas ko. Kaso patuloy siya sa pagsasalita. Walang tigil
ang salita nito na parang ayaw magpapigil. Umiiba na rin ang boses ni David na
animo'y lasing na ito. Teka, mukhang umiinom yata siya ng alak dahil naririnig
ko ang paglagok niya. Ibang klase talaga ang taong 'to! "Alam mo, naisip
ko na sana ikaw na lang si Kate. Na sana ikaw na lang ang asawa ko.", wika
niya sa akin. Wala akong panahon para pakinggan ito kaya nilapag ko ang
cellphone sa kama at humiga na ulit. Salita siya ng salita habang ako,
sinusubukan ko na matulog. "Hindi pa kita gaanong kilala, pero malakas ang
impact mo sa akin Sandra. Kung ano ang naramdaman ko kay Kate noon, gano'n din
ang naramdaman ko nung makita ko ang tulad mo.", pahayag nito dahilan para
maantok ako. Ito ang huling salita na narinig ko, bago ako dinalaw ng antok.
Kung sabagay, kahit naman marinig ko 'yon, wala na akong pakialam.
Chapter
51
David's
POV:
UMIINOM ako ng alak nang tawagan ko
si Sandra. Ito ang naisip kong paraan para magkaroon ng lakas at kapal ng mukha
na humingi ng sorry sa kanya. Aaminin kong mali nga na hinalikan ko siya, pero
ginusto ko 'yon eh. Nakakatawa mang isipin pero yung mata niya, katulad na
katulad sa mata ni Kate. Hindi ko tuloy maiwasan na masaktan sa tuwing
pinipilit kong buhay pa ang asawa ko. Nababaliw na yata ako. Kaya heto, nagawa
kong ikumpara si Sandra sa babaeng minahal ko. "Alam mo, naisip ko na sana
ikaw na lang si Kate. Na sana ikaw na lang ang asawa ko.", saad ko rito.
Tumatalab na siguro sa akin ang epekto ng alak kaya ganito ang lumalabas sa
bibig ko. "Hindi pa kita gaanong kilala, pero malakas ang impact mo sa
akin Sandra. Kung ano ang naramdaman ko kay Kate noon, gano'n din ang
naramdaman ko nung makita ko ang tulad mo.", patuloy ko muli dahilan para
mapaluha ako. Bullshit! Nagiging mahina ako sa tuwing si Kate ang binabanggit
ko. Hindi ko pa talaga kaya eh. Hindi ko pa kayang tanggapin na wala na si
Kate. "Damn! Ang gago ko kasi! Napaka-gago ko, kaya nawala sa akin ang
mag-ina ko. Wala akong mapagsabihan ng sama ng loob kaya pwede ko bang ilabas
sayo ang nararamdaman ko, Sandra? Alam kong makulit akong tao, pero ang bigat
na kasi. Hindi ko na kaya.", turan ko kasabay ng pagpatak ng aking luha.
Tuluyan na itong umagos pababa sa aking pisngi. Hindi ko narinig na komontra si
Sandra kaya sa tingin ko, okay lang sa kanya na magsabi ako. Sana naman
mapakinggan niya ang nangyari sa buhay ko para sa gano'n alam niya na mabuti
akong tao. Gusto kong ipaalam sa dalaga na hindi ako masama. Kasi kahit hindi
niya sabihin, halata ko sa kinikilos at pananalita niya ang panghuhusga sa
pagkatao ko. "Namatay sila na wala akong nagawa. Namatay sila habang ako
nasa ibang bansa at inaatupag ang kompanya. Tangina! Excited na excited ako na
umuwi ng Pinas eh. Bumili pa nga ako ng pasalubong para sa anak ko at sa asawa
ko, pero pag-uwi ko, wala na sila. Wala na yung nagpapasaya at bumubuo ng araw
ko! Ikakasal na sana kami pero bumitaw siya, hindi man lang lumaban si Kate.
Yung anak namin, nadamay sa pagkamatay niya. Ni hindi ko man lang nasilayan ang
mukha ng bata! Putangina! Ang malas kong tao! Pinagkaitan ako na makita sila
kahit sa huling sandali!", malutong na mura ko. Nagawa kong basagin ang
bote ng alak na hawak ko kaya nakagawa ito ng ingay. I already ended the call
dahil nakakahiya naman kay Sandra na ganito ako umasta. Mukhang nasasayang ko
ang oras niya. At sa tingin ko naman, hindi siya nakikinig sa akin. Kaya kumuha
ulit ako ng alak sa ref at binuksan ito para inumin muli. Ang hirap pala kapag
pinipilit mo ang sarili na maging masaya kahit hindi naman talaga. Para kang
umaapak sa mga basag na bote dahil sa sakit na dulot nito. "What the f,
David?!", bigkas ni Katrina ng bumaba ito. Nakita niya ang mga bubog sa
sahig na tila hindi makapaniwala sa ginawa ko. Ganito
ako lagi tuwing gabi pero hindi pa rin siya nasasanay. "David naman,
hanggang kailan ka ba titigil sa pagiging ganyan?", kalmadong sabi niya.
Panenermon? Tsk. Hindi 'yan sa akin tatalab. "Huwag mo akong pakialaman,
Katrina. Asawa lang kita. Pero hindi mo kontrolado ang buhay ko.", madiin
na wika ko sa babae. "Sinasaktan mo ako, David. Akala ko ba, handa kang
kalimutan si Kate para sa future nating dalawa? David, wala na siya. At kahit
anong gawin mo, hindi na siya babalik pa! Yung katawan niya, inuuod na sa
sementeryo kasama ang anak niyo! Kaya gumising ka sa katotohanan na hindi na
kayo pwede!", sigaw ni Katrina. Lumapit pa talaga siya sa akin para alugin
ako at nang matauhan. Pero malakas ko siyang tinulak dahilan para matumba ito.
Naging hudyat 'yon para masugatan siya sa kamay dahil sa mga bubog.
"A-aray! D-david ang sakit.", impit na saad niya. Nanatiling malamig
ang ekspresyon ng mukha ko na wala akong balak na tulungan siya. Kung hindi
niya ako nilapitan, edi sana hindi ko 'yan magagawa. "Bakit ka ba ganito
sa akin, David? Bakit pakiramdam ko, tinutulak mo ako palayo? David, ako yung
nandyan nung mga araw na wala si Kate. Nung mga araw na malungkot ka. Ako yung
nandyan!", she cried. "Ano bang pinuputak ng bibig mo, Kat? Hindi
kita pinilit na tulungan ako. Kusa kang lumapit na parang concern ka! Kaya 'wag
mo akong sumbatan ng mga ginawa mo, dahil hindi ko 'yon hiniling sayo!",
pagalit kong bulyaw. Muli kong binasag ang bote sa pader. Ayokong mag-isip ng
masama kay Katrina, but I feel something wrong about her. Ayoko
sanang isipin na wala siyang kinalaman sa nangyari sa pamilya ko, pero tangina,
hindi ko maiwasan na mag-isip ng gano'n! Imposible naman na mamatay sila ng
sabay-sabay! "HAHAHAHA! Ginawa ko na lahat-lahat, pero hindi pa pala 'yon
sapat!", mapaklang tawa nito. Agad akong nabigla at natigilan sa sunod
nitong sinabi. "Pinatay na nga namin yung bata, hindi mo pa rin ako mahal?Anak
ng putakte!", aniya ni Katrina. "Anong sabi mo?", "W-wala.
Just continue drinking.", wika niya at pinahid ang luha sa pisngi. Ininda
nito ang sugat at tumayo para bumalik sa taas. Pero malinaw ang pagkakarinig ko
ng binitawan niya, kaya hindi ako magkakamali na may alam siya sa nangyari
tungkol sa mag-ina ko. "I heard that. Kahit lasing ako, nasa tamang
pag-iisip pa ako. Bullshit! Binigyan mo pa talaga ako ng rason para hindi ka
mahalin!", turan ko sa babae. "So what? Useless din naman. Nawala
yung pagmamahal mo sa akin dahil sa pesteng Michael at Kate na 'yan. Kaya dapat
lang na mamatay sila! At least, fair ang laban diba?", tugon niya at
tuluyan ng umakyat. WALA AKONG MASABI KUNDI PUTANGINA! Putangina dahil pumayag
pa akong pakasalan ang babaeng pumatay sa anak ko! Putangina talaga!
Chapter
52
SANDRA's
POV:
"GOODMORNING SELF!", masiglang bati
ko sa sarili. I stretched my arms at nag-exercise ng ilang minuto. Ang ganda ng
mood ko ngayon dahil siguro natulugan ko si David. Isa itong achievement sa
akin na magmukha siyang tanga sa kakahintay. Ano kaya ang naging reaksyon niya
nung nalaman nito na wala akong pakialam sa pagdadrama niya? Tsk. Para siyang
bakla. Acting like a victim pero ang totoo suspect siya sa pagpatay kay
Michael. Pinili niyang magpakasarap kasama si Katrina habang buntis ako. At
ngayon, umaarte siya na walang kasalanan? I'm sorry dahil hindi ako ganyan
katanga para maniwala sa mga sabi-sabi niya. "Hi Ma'am Sandra, nakaready
na po ang breakfast niyo sa baba.", saad ng maid nang pumasok sa kwarto ko
para tawagin ako. "Thank you. By the way, nando'n ba si Derick?",
tanong ko sa katulong. "Wala po Ma'am. Maaga po siyang umalis kanina. At
siya nga 'tong nagsabi na huwag ka ng gisingin para hindi raw mabitin ang tulog
mo.", magalang na turan nito. "Okay. Good.", I replied. Ayoko
din naman makasabay si Derick sa mesa dahil alam ko hindi rin kami
magkakaintindihan. As of now, I need to focus on my goal. And that goal is to
make David suffer. Syempre damay-damay na 'to kaya isasama ko na rin si Katrina
sa pagpapahirap. Total siya ang punot-dulo kung bakit nagloko si David.
Naglandian palang sila sa hotel at malinaw sa mata ko na may nangyari sa
kanilang dalawa. Hindi ko makakalimutan ang araw na pinatay nila ang mga anak
ko. Namatay yung isa dahil sa galit na umapaw sa damdamin ko, samantalang si
Michael, namatay siya dahil nagawa siyang lasunin ni David. Hayop siya! Ang
sahol ng ugali niya! Tinuring pa naman siya na ama ng anak ko, pero papatayin
niya lang? "Makukuha ko rin ang hustisya sayo, Michael. Hintayin mo lang
ang kilos ng mama mo.", bigkas ng aking utak. Bumaba na ako para kumain ng
almusal. Hindi ako pupunta ng kompanya ngayon dahil balak kong i-surprise si
David sa kanilang bahay. I want to see his reaction and his life bilang asawa
si Katrina. Ano kaya ang buhay nila? Maganda kaya ang pagsasama nila? My mind
is full of curiosity right now. Pero mamaya ko muna iisipin ang mga bagay na
'yan dahil nagugutom na ako. I eat my breakfast at bawat kagat ko sa pagkain,
nilalasap ko talaga ito ng sobra. Kaso biglang nagring ang telopono dahilan
para ako ang sumagot dito. Wala si Derick, so no choice kundi ang kausapin ang
nasa kabilang linya. "Sino 'to? Wala dito ang kasintahan ko kaya kung ano
man ang sasabihin mo, pwede mong sabihin sa akin.", diretsang wika ko.
Hindi ko na ugali ang magsayang ng oras sa mga tao na wala namang ambag sa
buhay ko. Pero sa puntong ito, nagkaroon ng sigla ang dibdib ko nang
magpakilala ang nasa telopono. "Ako ang mother ni David na pinapahirapan
niyong pumirma ng contrata about the partnership. Kaya bilang magulang, karapatan
ko na tanungin kung bakit pinapatagal niyo pa ang lahat?", sambit nito na
tila hindi makapaghintay. "Excuse me? Kung may problema ka sa akin at sa
kompanya ko, huwag mong idaan sa telepono ang galit mo. Harapin mo ako at
kausapin. And lastly, matuto kang rumespeto sa hindi mo kapantay.", turan
ko sa Ginang. Nasa death list ko rin pala ang taong 'to. Ano kaya kung unahin
ko na siya? Total, may edad na ang tulad niya. Kaya medyo nakakasalot na siya
sa lipunan. "OKAY, let's meet now sa coffee shop. I want to see you, Ms.
Sandra. Para naman, makilala ko kung sino ka ba talaga.", bigkas ng babae
sa akin. The way she deliver those words, ramdam ko na medyo kabado siya. Sa
palagay ko, iniisip niya siguro na ako talaga si Kate? Well, it's good to know
kung gano'n nga ang tumatakbo sa utak nito. At least, magkaroon siya ng takot
dahil muling bumalik ang babaeng tinapak-tapakan niya. "Sure. Just wait me
there. Bye.", I smirked as I end the call. I'm excited to see her also.
Gusto kong masilayan ang reaksyon niya, kung paano siya lumuhod sa harapan ko
mamaya. Yes, I will do that to her. Kahit naman
tumanggi siya, wala na siyang magagawa pa kundi ang sundin ang gusto ko. I am
now SANDRA. And I can do whatever I want. "Yaya, paki-ready naman ng
susuotin ko ha? At sabihan mo yung driver na may pupuntahan kami.",
pag-uutos ko sa taong nakatayo sa likuran ko. "Maghintay ka lang dyan
dahil magkukrus din ang landas nating dalawa.", saad ko at tumayo para
maligo. Nagpaganda ako at nag-ayos para maging palaban ang datingan ko. Halos
dalawang oras din ang tinagal ko bago ako matapos. At sa puntong ito, nakasakay
na ako sa kotse para puntahan ang coffee shop na binanggit ng mommy ni David.
Hayy, iba talaga kapag nakaka-angat ka na. Kahit anong oras, kaya mong
kontrolin ang mga tao. "Nandito na po tayo Ma'am.", wika ng driver
ko. Kung kahapon, anak niya ang nakausap ko sa restaurant, ngayon siya naman.
Naglakad na ako papasok para hanapin ang Ginang. Hindi ako gaanong napagod sa
paghahanap dahil nakita ko agad ang kulay blonde nitong buhok. Infairness,
improving na pala ang Demonyo. "Waiting for me?", taas-noo na bigkas
ko nang huminto ako sa harapan niya. Tumingin naman siya sa akin mula ulo
hanggang paa na tila sinusuri ang kasuotan ko. "Ang damit na suot ko, mas
mahal pa sa buhay mo. Now happy?", sambit ko rito. "I'm not
asking.", "Hindi ko rin sinabi na tinanong mo.", I replied.
Umupo na ako at kinuha ang menu para tingnan ang iba't-ibang kape. "Since
ikaw ang nagyaya, ikaw ang bumayad ng oorderin ko.", pagtuturan ko sa
kanya. "Akala ko ba mayaman ka? Bakit hindi ikaw ang bumayad ng
sayo?", tugon nito sa akin. "Actually, I can afford this. Baka nga
pati coffee shop, mabili ko. Pero dahil ikaw ang nag-aya, karapatan mong
bumayad. Unless, wala kang pera. Sabihin mo lang dahil mabait naman ako.",
wika ko sa Ginang. Medyo umiba ang timpla ng mata niya na tila nainis sa sinabi
ko. "Fine. Ako na ang babayad. Pasalamat ka, may kailangan ako
sayo.", saad niya ulit. "Ayan ang gusto ko, masunurin at
mapagbigay.", ngising pahayag ko. Umukit ang peke niyang ngiti at kinuha
ang wallet sa bag. "Umorder ka na. Para mabayaran ko agad.", she
said. "Okay. I want this.", turo ko sa mamahalin na kape. "Yan
lang ba?", "Bakit? Gusto mo dagdagan ko pa?", balik na turan ko.
"It's up to you.", kibit-balikat na sabi niya. "No thanks. One
is enough for me. Baka ikaw, kailangan mo ng maraming kape para naman kabahan
ka.", pabirong litanya ko. "You're so funny Ms. Sandra. Sigurado,
magkakasundo tayo.", wika niya sa akin. "Magkakasundo? Hmm, I don't
think so.", "Bakit naman? Pareho tayong mayaman at makapangyarihan.
So why not?", tugon nito na tila may katanungan. "Dahil hindi pa ako
pumapayag sa partnership. Hindi ako easy to get. Alam 'yan ni David.",
"Talaga ba? How can you say that? Kilala mo ba ang anak ko? Or should I
say, matagal na kayong magkakilala?", pahayag nito dahilan para mapatawa
ako. "Yes. Magkakilala na kami. At yung anak mo, panay habol sa akin.
Nakakaawa nga eh.", "Naawa ka na pala? Bakit hindi ka pa pumirma sa
kontrata?", she asked again. "Kasi ayoko pa. Like I've said, hindi
agad ako nagtitiwala. But I can give it right now. Kaya kong bigyan siya ng
pagkakataon na makipagpartner sa kompanya ko.", saad ko sa babae.
"Really? That's good to hear. Tamang-tama, dala ko ang kontrata.",
excited na tugon niya. "Hey, kalma. Hindi agad ako pipirma.",
"What?", she raised her eyebrow. "I have a condition.",
agad na bigkas ko. "And what condition?", "Simple lang...
LUMUHOD KA SA HARAP KO.", madiin na sambit ko sa kanya. "What?",
"Luluhod ka ba o hindi ko pipirmahan ang kontrata?", "Are you
serious?", usal niya na halos umusok ang ilong. "Do you think I'm
joking?", "Ms. Sandra, hindi mo basta--", "Ayaw mo? Mabilis
akong kausap.", I said and I was about to stand-up. "TSK.
Fine!", mabilis na tugon nito. Unti-unti siyang tumayo sa pagkaka-upo at
dahan-danan na lumuhod sa akin. Parang kailan lang, isa siyang tinik sa
lalamunan ko. Pero ngayon, ako ang naging tinik sa lalamunan niya.
Chapter
53
SANDRA's
POV:
"MASUNURIN ka naman pala.",
nakangiting wika ko sa Ginang. Marahan kong hinaplos ang buhok niya habang
nakaluhod ito sa akin. "Okay na ba? Baka pwede mo ng pirmahan ang
kontrata?", sakrastikong turan nito. "Sure. Dahil kagaya ng sinabi
ko, madali akong kausap. So give it to me now.", saad ko rito. Agad siyang
tumayo at kinuha sa bag ang kontrata. Binigay niya rin sa akin ang ballpen na
tila handang-handa ito. So I signed it now dahil para siyang aso na walang
makain. "Okay na ba? Baka pwede na akong umalis.", wika ko sa kanya.
"Aalis ka na? Hindi pa nga dumadating ang order natin. And besides, gusto
kong magbonding tayo.", masayang pahayag nito. Mapang-asar ako na tumawa
at muli siyang tinitigan. "Bonding? Sorry, baka kasi kulangin ang pera mo
kapag ako ang kasama mo. Nakakahiya naman sayo. Baka umutang ka bigla sa
bangko.", "Miss Sandra, I can afford the things that you want. Kaya
huwag mo akong yabangan ng pera. Kasi feeling ko, may galit ka sa akin.",
sambit ng Ginang. "Wala akong galit sayo. At higit sa lahat, hindi ako
mayabang. Hindi kasi ako katulad mo na yabang-yabangan kahit hindi naman
kaya.", pagsasagot ko rito. Talagang ginagalit niya ako. Dapat pala hindi
ko agad pinirmahan ang kontrata. "You know what, kung hindi lang patay ang
minahal ng anak ko, masasabi ko na ikaw si Kate.", wika niya habang may
ngisi sa labi. Yung pananalita nito, parang pinapahatid niya na may
panghihinala siya sa akin. "Kate? At sino ba ang Kate na 'yan?",
turan ko para i-deny ang pagkatao ko. "That girl is like a shit. Siya si
Kate na walang ginawa kundi ang perahan si David. Kaya naisip ko tuloy, baka
nabuhay siya at naging ikaw.", saad muli nito. Malakas akong tumawa
dahilan para magkunot-noo siya. "Mahilig ka pala magbiro. But eewww.
Kinukumpara mo ako kay Kate? Ni hindi ko kilala ang taong 'yan.", maarteng
sabi ko. "Anyway, kung sino man siya, bakit parang takot ka? Siguro may
kinalaman ka sa pagkamatay niya? Kasi nabanggit ni David ang tungkol sa mag-ina
niya. Nakakagulat nga dahil hindi ko inaasahan na may anak pala siya sa unang
asawa bago kinasal kay Katrina.", mahabang wika ko. Hindi ito naka-imik at
napalunok na lamang ng laway. "I don't know what happened to that woman.
Basta ang alam ko, namatay sila.", pag-iiwas niya. "Okay. May tiwala
naman ako sayo. Pasensya na kung tinatanong ko ha? Ayoko lang kasi na
magka-issue sa kompanya. Sige, I need to go. May ibang meeting pa ako.",
turan ko sa matandang babae. Kinuha ko na ang aking bag at naglakad, pero
huminto ako saglit dahil may nakalimutan akong sabihin. "Nga pala, yung
inorder kong kape, sayo na lang. Medyo cheap kasi ang prize. Hindi sanay ang
tiyan ko sa mga gano'n.", pahayag ko ulit. Lumabas na ako ng coffee shop
para sana magpahangin. Nagpadiretso ako sa tahimik na lugar dahil gusto ko
munang makalanghap ng sariwang hangin. Iisipin ko ang bawat kilos para sa
susunod, hindi ako paghinalaan ng babaeng 'yon. Muli kong binalikan ang
reaksyon niya kanina. May dapat yata akong malaman tungkol sa kanya. Malakas
kasi ang kutob ko na may alam siya sa pagkamatay ng anak ko. Hindi ako
manghuhula, but I know the feeling kapag may tinatago ang isang tao. At sa
lagay niya, meron siyang kinalaman sa lahat. Umupo muna ako sa isang bench at
pinagmasdan ang mga batang naglalaro. Kasama nila ang magulang at makikita ko
sa kanilang mata ang kasiyahan. Napadako naman ang tingin ko sa batang lalaki
na sobrang takaw kumain ng pizza. Hindi ako kalayuan sa gawi niya, kaya rinig
ko ang sinasabi nito sa Ale. "Mama, alam mo po ba, may cute do'n na babae.
Ang puti niya mama tapos ang ganda niya ngumiti.", wika nito habang may
pagkain pa sa bibig. "Oh, tapos? Ano naman do'n?", tanong ng nanay.
"Wala po mama. Gusto kong ligawan 'yon kapag malaki na ako.", turan
niya dahilan para maalala ko si Michael. Ang anak ko, katulad na katulad niya. Sobrang
daldal tapos girlfriend agad ang nasa isip. Miss na miss ko na si Michael. Miss
na miss ko na ang ngiti niya. Miss na miss ko na rin ang kakulitan niya. Kaso,
kahit anong gawin ko, hindi na siya babalik. Hindi ko na siya makikita pa. Wala
sa oras ay napaluha ako. Hindi ko tuloy namalayan, humihikbi na ako habang
pinapanood ang bata. Damn! Ang tapang ko kanina pero bigla akong tumiklop dahil
lang sa ala-ala ng anak ko. "I think, you need this.", sambit ng
binata sabay lahad sa akin ng panyo. Agad akong napasulyap sa lalaki at halos
mahulog ako sa inuupuan nang makilala ko siya. "I don't need that.",
bigkas ko at pinunasan ang luha gamit ang aking kamay. "Umiiyak ka. Hindi
ako sanay na makita ang Miss Sandra na lumuluha sa publiko.", saad ni
David. Yes, si David. Hanggang dito, pinagtagpo kami. Ang malas lang dahil sa
ganitong senaryo pa kami nagkita. "I'm not crying. Kaya pwede ba, lubayan
mo ako.", masungit na turan ko. "Hindi ako aalis hanggat hindi mo
tinatanggap ang panyo na nasa palad ko.", ngiting sabi niya. Kaya mabilis
ko itong kinuha para umalis na siya. "Tinanggap ko, so you can leave
now.", pagtataray ko. "You need me. You need someone to
talk.", tugon niya at umupo sa tabi ko. "Hindi ko kailangan ng
kausap.", "Sinungaling. Alam kong may problema ka.", bigkas ni
David. "Wala akong problema. At lalong hindi tayo close para kausapin
ka.", "Ganyan ang mga babae. They always denied what they really
feel, kaya hindi mo ako ma-uuto dyan.", pahayag ng binata. "Well,
kung ayaw mong umalis, ako na ang aalis.", madiin na sabi ko. Pero
hinawakan niya ang braso ko para hindi ako makatayo. "Don't leave, Miss
Sandra. I need you.", maamong wika niya. "What?", "Sobrang
laki ng problema ko ngayon. Pumasok ako sa isang relasyon na sumira ng buhay
ko.", aniya ni David. Nacurious tuloy ako sa sinasabi niya kaya minabuti
kong mag-stay. "I married the girl who killed my son.", he continue
saying. "Huh?", "Yung anak ko, si Michael, pinatay siya ni
Katrina. Pero tangina, pinakasalan ko ang babaeng 'yon!", galit na saad
niya. "P-pinatay ni Katrina si Michael?", na-uutal kong tanong.
Marahan siyang tumango at napakuyom ng kamao. Kung pinatay ni Katrina ang anak
ko, ibig sabihin, hindi talaga si David ang pumatay? So it means, naset-up ang
lalaki.
Chapter
54
Sandra's
POV:
"ANYWAY, bakit mo ba sinasabi
'yan sa akin? I don't care about your problem.", pakunwaring taray ko sa
lalaki. Ayokong ipakita sa kanya na interesado ako sa buhay nito dahil
kailangan kong itago ang pagkatao ko. But to be honest, gustong-gusto ko siya
tanungin dahil pakiramdam ko, malapit na ako sa katotohanan. Sumagi kasi sa
isip ko na baka set-up ang nangyari kay David. Pero hindi pa rin sapat 'yon
dahil malinaw sa mata ko ang ginawa niya. Malinaw pa rin sa tainga ko ang mga
sinabi ng tauhan niya. "Because I need you, Sandra. I need you today,
tomorrow and the following days.", saad nito sa mahinang boses.
"Kailangan mo ako? David, pinirmahan ko na ang kontrata mo. Magpartner na
tayo sa business. Kaya wala ng rason para habulin mo ako.", pagwiwika ko.
"Pinirmahan mo?", kunot-noong bigkas niya. "Yes. Nakausap ko ang
mother mo. Nakumbinsi niya ako. That's why I signed the contract.", turan
ko bilang sagot. "Si mama. Shit. Bakit ka agad pumayag do'n?", asar
na sambit niya. Napakamot ito sa kanyang batok na tila may galit. "Why
not? Mas magaling siya magsalestalk, kumpara sayo.", I said directly.
"Miss Sandra, hindi mo kilala si mama. Kailan man hindi siya naging ina sa
akin. Kaya ayokong magkaroon ng utang na loob sa kanya.", aniya ni David.
"Hindi ko na 'yan problema pa. Besides, hindi ko alam ang background ng
mama mo.", wika ko kay David. Tumayo na ako para umalis na. But for the
second time, pinigilan niya ulit ako dahil hinawak nito ang kamay ko. "Mr.
David, mainit ang ulo ko ngayon.", inis kong sabi. "Alam ko. Dahil
pareho lang tayo, Miss Sandra.", "Kung gano'n, you need to take a
rest.", muli kong pahayag. "Sa oras na 'to, hindi ko kailangan ng
pahinga.", he replied. "Okay. Buhay mo naman 'yan. Basta ako, uuwi
na.", madiin kong wika at mapwersa kong inalis ang kamay niya sa kamay ko.
Pero hinabol ako ni David at talagang hinarangan niya pa ang dadaanan ko.
"Can you please stay away from me!", bulyaw ko sa mismong pagmumukha
nito. "Kinakapalan ko na ang mukha ko, Miss Sandra dahil wala na akong
malapitan na iba.", wika nito sabay luhod sa harapan ko. "W-what are
you doing?", turan ko sa kanya. Nakakahiya! Ano 'to proposal? Tsk.
"Miss Sandra, wala akong pera. Ubos na ang pera ko. Naghihirap na ako.
Gustuhin ko man kumuha ng private investigator, hindi ko na makaya dahil wala
akong pang-bayad.", saad niya. "Ang dami mo pang sinabi. Isa lang naman
ang gusto mong iparating sa akin. YOU NEED MONEY. So okay, bibigyan kita.
Magkano ba ang gusto mo?", tanong ko rito. But he remained silent.
"Half million ba or one million?", I asked again. "Miss Sandra
kasi--", "I'm asking you. Hindi ako madamot sa pera. Kaya kapalan mo
pa lalo ang mukha mo.", sambit ko sa kanya. Dahan-dahan itong tumayo mula
sa pagkakaluhod, tsaka ako tiningnan muli. "Ang pera na hihingin ko sa'yo,
para 'yan sa pag-iimbestiga ko kay Katrina. She killed my son. Pero base sa
sinabi niya na "kami", ibig sabihin no'n, may kasabwat siya sa
pagpatay kay Michael. I need justice to my son and to my wife. Hindi ako
makakampante hangga't hindi ko nalalaman ang totoo.", aniya ni David. Base
sa pananalita niya, may hinanakit ito sa nangyari. Pero bakit ganyan siya
umarte? Diba ginusto niyang sumama kay Katrina? Nakipaglampungan siya sa
ex-girlfriend habang ako buntis at naghihintay sa bahay. Nagawa niya pang
magsinungalung sa akin at i-dahilan ang meeting niya sa ibang kliyente. "I
don't believe you. Siguro, pinabayaan mo ang mag-ina mo kaya ganyan ang
nangyari.", I said. "No Miss Sandra. Hindi ako naging pabaya
na ama at asawa sa kanila. To be honest, mahal na mahal ko 'yon eh. Mas mahal
ko pa sila sa buhay ko. Nagkataon na pag-uwi ko, galing Japan, wala na sila.
Wala na sila Kate. Damn! May mga regalo pa ako na bitbit no'n na dapat sana
ibibigay ko kay Michael.", pahayag nito na animo'y naiiyak habang
kinikwento ang lahat. Gulong-gulo ako. But today, I choose to open my ears.
Pinili kong pakinggan ang side niya, kahit ang akala nito, si Sandra ako.
"May meeting ako nung araw na iniwan ko si Kate sa bahay. Ayoko sanang
umalis dahil buntis siya, kaso malaking kliyente ang kakausapin ko. May
problema na talaga ang kompanya ko noon, kaya nagpursige ako na sumama sa
Japan. Kung alam ko lang na may masamang mangyayari sa mag-ina ko, hindi na
sana ako tumuloy. Naging success ang meeting ko at nakuha ko ang gusto ko. Pero
kapalit no'n, nawala sila Kate. Namatay sila. At alam mo ang masaklap, kahit sa
huling sandali, hindi ko sila nasilayan. Tangina!", he continue. This time,
tumulo na ang luha niya. He cried infront of me. Unti-unti tuloy na lumambot
ang puso ko, at nadadala ako sa iyak niya. I want to hug him. I want to say na
'buhay ako.' Pero masisira ang plano ko. Kapag nalaman ni Katrina ang pagkatao
ko, panigurado iiwasan niya ako. "Pasensya na, nagiging emosyonal lang ako
kapag binabanggit ko si Kate. I just really love her.", wika ni David.
"It's okay. You don't need to explain. Bukas na bukas, mag-uusap tayo.
Tatawagan kita. Dahil may kailangan kang malaman.", pagsasabi ko sa
lalaki.
Chapter
55
DAVID's
POV:
HINDI ako makatulog ngayon habang iniisip ang
sinabi ni Sandra. Ano ba ang dapat kong malaman sa kanya? Matapos niyang
bigkasin ang katagang 'yon, hindi na mapakali ang utak ko. "David.",
saad ni Katrina sa pangalan ko. Pumasok siya sa guest room namin at dito muna
ako natulog. Ayokong makatabi ang babae dahil mainit ang dugo ko rito.
"Ano bang ginagawa mo? I told you to stay away from me. Kaya nga lumipat
na ako ng kwarto diba? Because I don't want to see your face!", inis kong
wika. "Asawa mo ako, David. Kaya natural lang na tumabi tayo sa iisang
kama. That's why I'm here.", aniya ni Katrina. "Nagtitimpi lang ako
sayo, Kat. Kaya habang maaga pa, umalis ka na at huwag na huwag mo akong
kakausapin.", pagalit na pahayag ko. Hindi pa sana ito aalis, pero
binigyan ko siya ng nakakatakot na tingin dahilan para lumabas ito ng kwarto.
TANGINA! Kapag nakahiram ako ng pera kay Sandra, isasama ko sa pag-asikaso ang
annulment. Gusto ko ng makalaya sa kamay niya. Dahil hindi ko masisikmura na
makasama ang taong pumatay sa anak ko. Siya pala ang sumira ng pamilya namin.
At dapat kong alamin kung sino ang kasabwat niya. Idinaan ko na lang sa
pagpikit ng mata ang galit ko, kaya tuluyan na akong nakatulog. I guess, 7 a. m
in the morning nang magising ako. Tumawag kasi sa akin si Sandra at sinabi niya
na magkikita kami sa isang beach na hindi naman kalayuan. Hindi ko na tinanong
kung bakit doon kami magkikita dahil nagmamadali siya. Sa tingin ko, tatakas
'yon sa boyfriend niya dahil baka hindi siya payagan. Kung sabgay, kahit ako
naman, hindi ko papayagan si Kate na umalis at makipagkita sa ibang lalaki.
Shit! I mentioned her name again! Hindi ko talaga maalis sa isip ko ang asawa
ko. "Saan ka na naman pupunta? Nagluto ako ng almusal, David. Kaya pwede
bang kumain ka muna? Don't stress yourself. Nakuha na ni mommy ang kontrata mo
kay Sandra na 'yon.", wika ni Katriana nang bumaba ako. Nakabihis na ako
sa mga oras na 'to kaya nahalata niya na may pupuntahan ako. "Wala akong
gana.", tanging tugon ko. Sumakay na ako sa single na motor, at
pinaharurot ito. Sa bilis ng pagda-drive ko, nakarating agad ako sa beach.
Inilinga ko ang aking tingin sa bawat sulok dahil alam kong naghihintay sa akin
si Sandra. Pero laking gulat ko nang sundutin niya ako sa likod. "Kahit
saan ka lumilingon, nandito lang ako.", sambit nito na medyo natatawa.
Damn! She's like an angel. Ito rin ang unang beses na nakita ko siyang tumawa
na sobrang totoo sa sarili. "I'm sorry. Hindi ko kasi--",
"Matangkad ka lang David. Kaya kung sasabihin mo na pandak ako, better
shut your mouth.", pagsusungit niya na tila nagbago ang mood. Babae nga
naman. "Anyway, let's go. Doon tayo mag-usap. Gusto ko sa pinakadulo.
Tahimik do'n at walang tao.", saad niya sabay hawak sa kamay ko. To be
honest, naninibago ako sa kilos ni Sandra. Yung ugali ni Kate, nakikita ko sa
kanya ngayon. "Bakit pala gusto mo dito tayo mag-usap? Mahalaga ba ang
sasabihin mo?", I asked. "Huwag ka munang madaldal, naglalakad pa
tayo.", turan nito habang patuloy kaming humahakbang sa buhangin. Hindi
nagtagal, natunton namin ang tinutukoy niya. Bumitaw na siya sa palad ko at
nagsimulang magkwento. "Alam mo ba, may anak din ako.", pag-aamin
nito dahilan para mabigla ako. Gulat na gulat ako dahil buong akala ko, dalaga
pa si Sandra. "What? May anak ka? At sino ang ama? Yung boyfriend mo
ngayon?", sunod-sunod na saad ko. "Yeah. May anak kami ni Derick.
Actually, ang kulit ng anak namin eh. Oras-oras, lagi akong inaaway. Lagi
niyang sinasabi sa akin na ang panget ko tapos ang pogi ng papa niya.",
aniya ng babae. Napapatawa ito habang dinedescribe ang bata. Wala akong magawa
kundi ang titigan siya. Blangko ang isipan ko. Dahil buong akala ko, kay Kate
lang may anak si Derick. Hindi ko lubos maisip na pati pala kay Sandra, may
anak siya. Gago talaga ang lalaking 'yon! Matagal niya na
palang niloko si Kate. "Pero yung papa na tinutukoy niyang pogi, hindi si
Derick. Hindi niya pa kasi kilala ang totoong papa niya dahil nga nag[1]abroad
si Derick habang nasa tiyan ko pa siya.", she continue. Teka nga, bakit
parang pamilyar yata ang nangyari sa kanila ng asawa ko? Ibig sabihin ba nito,
pareho silang pinagsabay? "Are you listening? Kasi kung hindi ka
nakikinig, hindi ko na lang itutuloy ang kwento ko at umuwi na tayo.",
wika nito. Nakatulala kasi ako sa kawalan dahil masyado akong nalilito.
"Pasensya na, naalala ko kasi ang asawa ko sa kwento mo. Katulad na
katulad eh.", "Talaga ba? Paano mo nasabi?", she asked.
"Ayokong saktan ang damdamin mo, Sandra ha? But you need to know this. Ex-
boyfriend ng asawa ko si Kate. Nagkaanak din sila. At yun ay si Michael. Siya
yung kinikwento ko sayo na tinuring ko na anak.", mahinahon na litanya ko.
"Gano'n ba? Oo nga. Parehong-pareho. Nagkaiba lang dahil yung anak ko,
namatay siya. Namatay siya dahil sa lason.", bigkas ni Sandra.
"Lason? Nalason ang anak mo?", pagtatanong ko ulit para makasiguro.
Tumango naman siya kaya hindi ko maiwasan na malungkot sa kanya. "Kung
mamarapatin mo sana, pwede ko bang malaman ang pangalan ng anak mo?", usal
ko sa babae. "Of course.", ngiting tugon niya. "His name is.....
Michael. Siya yung anak natin, David.", sagot nito na halos ikalumpo ko.
Nanlambot kasi ang tuhod ko sa sinambit niya. "David, ako si Kate. Ako ang
asawa mo.",
Chapter
56
DAVID's
POV:
"David, ako si Kate. Ako ang asawa
mo.", "David, ako si Kate. Ako ang asawa mo.", "David, ako
si Kate. Ako ang asawa mo.", Ito ang patuloy na bumubulong sa aking tenga.
Wala akong masabi dahil pakiramdam ko, naubos ang lakas ko nang sabihin niya
'to. "Si Sandra at si Kate ay iisa.", she said again. This time,
tuluyan ko ng inangat ang tingin ko sa kanya. Hinihintay ko na bawiin niya 'to
dahil baka gino-goodtime lang ako ng babae. Pero walang biro at tawa ang
reaksyon nito, bagkus kitang-kita ko ang pagkaseryoso sa mukha niya.
"Hindi ako patay. Buhay ako, David. Buhay na buhay ako.", madiin
niyang wika. "A-are you joking? Kasi ang sakit na eh. Kaya kung binibiro
mo ako, pwede bang 'wag mong idamay ang pangalan ng asawa ko. She's dead.
Payapa na siya sa langit habang kasama ang anak namin.", litanya ko na
tila ayokong paniwalaan si Sandra. And I hate it. Pinaka-ayoko sa lahat yung
nadadamay si Kate. "Hindi ko pipilitin na maniwala ka. Dahil gano'n talaga
ang gusto kong mangyari. Ang paikutin ka sa kamay ko para pahirapan ka. You
killed my son, David. Ikaw mismo ang pumatay sa anak ko.", pahayag ni
Sandra na animo'y binalutan ng galit ang bawat salitang binibitawan niya.
"Pinatay ko? Wala akong pinatay. Kung meron mang namatay at nagdusa, ako
'yon.", tugon ko sa dalaga. "At teka nga, bakit mo ba pinagpipilitan
na ikaw si Kate? Yung mukha mo at mukha niya, masyadong malayo.", patuloy
kong sabi. "Dahil sinadya kong baguhin at palitan ang dating Kate na
tinapakan niyo! Ikaw, si Katrina at 'yang mama mo, ang rason kung bakit ako
bumalik! Mga hayop kayo!", "Bakit parang ako ang sinisisi mo? You
know everything, right? Nakwento ko na sayo ang nangyari sa akin.",
"Pero hindi pa lahat. Kasi ikaw ang dahilan kung bakit nalaglag ang anak
ko! Yung anak natin, namatay dahil sa galit ko sayo! Umiiyak ako nung mga araw
na 'yon, samantalang ikaw, masaya ka habang kasama si Katrina!", she
shouted. Nagawa nitong duruin ako na parang sasabog na siya sa galit.
"Kitang-kita ko pa David sa mga litrato niyo na may nangyari sa inyo! At alam
mo yung masakit, pinuntahan kita sa hotel para malaman ko ang totoo. Pero
pagkarating ko do'n, gulat na gulat ka dahil nahuli kita sa akto.",
pagwiwika niya ulit. I don't know what to say, kasi wala akong maalala na
kasama ko si Katrina si Hotel. One thing I know, nakita ko lang siya sa Cebu at
hiniram niya ang cellphone ko. "Oh ano? Natulala ka? Kasi totoo ang nakita
ko, diba? You cheated on me! Ang sabi mo, may ka-meeting ka lang. Ang sabi mo,
uuwi ka agad, hindi ka magtatagal. But you lied!", saad niya sabay patak
ng luha sa mata. Tinitigan ko ng mabuti ang mata ni Sandra. At dito ko
napagtanto na siya nga si Kate. Kapag mahal mo ang isang tao, bumibilis ang
pintig ng puso mo. And I feel it right now. Kaso umiiyak na siya dahil sa
sakit. At nasasaktan ito na halos sampalin ako. "Hindi kita sinaktan. At
lalong hindi kita niloko. Sandra--Kate, walang nangyari sa amin ni Katrina.
Yung hotel na tinutukoy mo, hindi ako pumunta do'n. Please believe me, naset-up
lang yata ako.", pakiusap ko saad sa babae. "Set-up? Malabong
mangyari 'yon, David. Kasi nakita at nakausap kita. Nando'n ako sa Cebu nung
araw na kasama mo si Katrina!", bulyaw nito. "Bakit ba pinagpipilitan
mo sa akin na ako 'yon? Kate, nasa Japan ako.", "Kung hindi ikaw,
sino? Sino yung lalaki na kasama ni Katrina? Sino yung lalaki na tumawag sa
akin at kinausap ako?", aniya ng dalaga. Hindi pa rin siya tumitigil sa
panunumbat sa akin na tila pinaparating niya na may kasalanan ako sa lahat.
Pero wala akong kasalanan dahil hindi ako 'yon. Nagkamali lang ako dahil mas
inuna kong asikasuhin ang kompanya. "David, naniwala na sana akong
naset-up ka nung nilason mo si Michael, nung pinalayas ako ng mga tauhan mo
habang binuburol ang anak ko! Pero yung itanggi mo na hindi ikaw 'yon? Ang bobo
mo!", pagsisigaw niya ulit. Akma sana nitong itatama ang kamay sa pisngi
ko, pero bigla niya itong pinigilan. "Sige lang Kate, ituloy mo. Sampalin mo
ako ng malakas. Tatanggapin ko 'yan, kung ito ang paraan maniwla ka. Ibuhos mo
ang galit mo ngayon. Kahit sipain mo ako tadyakan, maiintindihan ko. So slap me
now.", turan ko sa kanya. But instead na gawin niya ito, bigla siyang
napa-upo sa buhangin. Humahagulhol siya at natakpan ang pagiging matapang niya.
Hindi na si Sandra ang nakikita ko. Dahil umapaw sa babae ang dati niyang
pagkatao. Umapaw ang pagiging Kate niya sa araw na 'to. "I w-want to
believe you, but still, you broke my heart. Y-you hurt me. At wala ka sa tabi
ko nung wala ka. Hindi lang isang anak ang nawala sa akin, pati si Michael na
inalagaan at minahal ko ng higit pa sa buhay ko, pinatay nila!", pahayag
nito sabay angat ng mukha. Pulang-pula ang mata at ilong niya, buhat ng
pag-iyak. "David, h-hindi aksidente ang nangyari sa anak natin, dahil
sinadya nilang patayin ang bata.", litanya ni Kate. "A-and, I want
justice. I want the justice.", Sa sinabi niya, dahan-dahan akong lumuhod
at pinunasan ang luha sa pisngi ng babae. "Then let's help each other.
Magtulungan tayo. Pangako, hindi ko ibubunyag ang tunay mong pagkatao. Just
continue to pretend, being Sandra.", tugon ko rito at mahigpit ko siyang
niyakap.
Chapter
57
SANDRA's
POV:
INAMIN ko na kay David ang totoo.
Mulat na ako sa katotohanan. Set-up nga ang lahat. Pareho kaming napaikot ni
Katrina. At kung sino man ang kasama niya sa pagpatay sa anak namin, ipapatikim
ko sa kanila kung gaano kainit ang mapunta sa impyerno. Hindi ko na
papalagpasin ito, lalo pa't sabay na kaming lalaban ni David. "How about
Derick?", he asked me. May namumuong selos sa boses niya na hindi ko man
lang naisip ito. Hays! I'm too selfish kung iiwan ko si Derick dahil lang kay
David. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko. "Sabi ko nga,
maghihintay na lang ako hanggang sa maging okay ang lahat.", pilit na
turan niya. Siya pa mismo ang sumagot sa tanong. "I'm sorry. Hindi naman
agad maibabalik ang dating tayo dahil sa mga paliwanag mo. Remember, nandyan si
Derick sa tabi ko nung mga oras na kailangan kita. Nung mga oras na pinatay ako
ng kalungkutan. At ang unfair kung ipagpapalit ko siya dahil lang sayo.",
mahabang wika ko. Napatango na lamang ito na alam kong napipilitan. "Tama
ka, nandyan nga siya. Pasensya ka na ha? Pasensya na kung wala ako sa tabi mo
para damayan ka. Pero ayos lang kung hindi mo na ako mahal, Kate. Ang mahalaga,
nalaman kong buhay ka. At least nawalan ng isang tinik ang dibdib ko.",
aniya ni David. Mas mabuti na muna ang ganito. Yung walang closure para walang
makahalata. We're just partner in JUSTICE, but not in LOVE. "Nga pala,
kung ano ang dati kong trato sayo bilang Sandra, gano'n pa rin ang gagawin ko.
Tatarayan at susungitan kita sa harapan ng mga tao, lalo na kay Derick. Kasi ayokong
mag-isip 'yon ng kung ano.", turan ko sa kanya. "D-do you love
him?", bigkas nito na tila nagdadalawang-isip pa na itanong. "Hindi
ko kailangan sagutin 'yan. Our goal is the same. At yun lang ang aatupagin
natin. So let just focus on that.", tugon ko rito. Kaso biglang umamo ang
mukha ni David na parang may hinihintay pa ito. "Anong tingin 'yan?",
bigkas ko. "Wala. Ang daming nagbago sayo, Kate. I just can't imagine na
yung Kate na kasama ko lagi sa pagtawa, heto, ibang-iba na.", "People
changed because of the pain. Kaya huwag mong ke-questionin ang inaakto ko.
Hindi mo alam kung gaano kasakit ang pinagdaanan ko nung mga panahon na WALA
KA.", madiin na saad ko sa huling salita. "Akala ko ba okay na
tayo?", "Okay yung usapan natin, pero yung salitang TAYO, hindi pa
'yon okay.", paliwanag ko para maintindihan niya ito. "Gano'n ba?
Siguro nga, minahal mo na si Derick. Ano bang laban ko do'n? Siya yung una mong
minahal bago ako. Siya yung una mong pinangakuan bago ako. Pero Kate, ako naman
yung bumuo sayo nung durog ka.", "Pero dinurog mo rin ako, at siya
rin ang bumuo sa akin.", "I told you, hindi ko alam ang nangyari sa
inyo ni Michael at ng anak pa natin.", "Bakit hindi mo inalam? Kaya
nga inembento ang telepono para gamitin sa pagtawag. Kaya sana ginamit mo rin
'yang utak mo.", "Hindi ko ginusto na hindi ka tawagan. I tried to
call you, pero wala talagang oras eh. Kapag hawak ko na ang telopono, may
client meeting agad.", turan nito sa akin. "Meeting? Dyan ka magaling
David! Ang hilig mo sa ganyan!", malakas na sambit ko. Mapakla akong
napatawa dahil pinipilit kong patawarin siya kaso ang sakit pa rin eh.
"Yun lang ang pagkakamali ko, Kate. Kasi mas inuna ko ang meeting kaysa
protektahan kayo. Pero alam ng Diyos na wala akong alam sa mga nangyari sa
inyo. Uulitin ko, hindi ako ang nasa hotel na sinasabi mo.", pagtuturan
niya. "Shut up. Dahil ikaw lang naman ang David na kilala ko. Ikaw lang
naman ang may ganyan na mukha! Yung mata mo, yung ilong at yung labi at nung
tinawag ka pa ni Katrina na David, ikaw na ikaw 'yon. So stop being a liar!
Lalo akong naiinis!", tugon ko ulit. "Kamukha ko? Teka, bukod sa
akin, meron pa akong kamukha Kate.", wika niya dahilan para matigilan ako.
"What did you say?", I asked. "May kambal. At siya si Deo. Kaya
posibleng!", biglang mura nito. Napasipa siya ng bato dahil sa sumagi sa
kanyang isip. "Ano bang ibig mong sabihin?", "May galit sa akin
si Deo. At matagal na ring gusto ni Deo si Katrina. Hindi kaya, nagsabwatan
sila para sirain tayo? Kasi alam ko, tutulong 'yan si Deo kapag may kapalit.
And I think, binigay ni Katrina ang sarili niya para lang tulungan siya ng
kapatid ko.", pahayag ni David. Sa mga sinabi niya, hindi malayo na may
punto siya. So si Deo pala ang nakita ko sa Hotel? Pero sino yung humigit sa
akin sa Mall? "Nasa mall ka ba nung nakaraang araw?", "Oo, at
nakita ko do'n ang kambal ko. Bakit mo natanong? May ginawa ba siya
sayo?", sunod-sunod na sambit niya. "Wala naman. Pero akala ko ikaw
'yon. Dahil base sa mga titig at pananalita niya, gusto niyang angkinin ang
katawan ko.", pag-sasabi ko. "Tangina! Hindi ko na papalampasin 'to.
Kakausapin ko siya!", malutong na mura ulit ni David. Muntik ng umusok ang
ilong niya sa sobrang galit sa kapatid. All this time, napaikot kami!
Chapter
58
KATRINA's
POV:
TULUYAN ng naging cold si David sa
akin. Hindi niya na ako kinakausap at tinatabihan sa pagtulog. Simula nang
ipagtapat ko sa kanya na pinatay ko si Michael, halos hindi niya na ako kibuin.
Everytime na inaaya ko siyang kumain lagi na lang siya may lakad at walang
gana. Kaya nagtataka na ako sa kinikilos ng asawa ko. This past few days, he's
always busy. Siguro, oras na para humingi ako ng tulong ulit kay Deo. I smell
something fishy about Sandra. Sa palagay ko, may tinatago siya na kailangan ko
malaman. So here, patungo ako sa condo na tinutuluyan ni Deo. Sabi niya sa
akin, ano mang oras pwede ko siyang lapitan. Hindi naman ako inabutan ng isang
oras dahil walang traffic sa araw na 'to. Pagkarating ko do'n, bukas ang pinto.
And I guess, nasa banyo siya at naliligo. Kaya umupo ako sa kama at hinintay na
lumabas ang binata. I don't like Deo. I'm just using him to win back David.
Well, magkamukha sila, but I will never love him. "Ohh? What are you doing
here? Mukhang may problema ka yata ha?", bigkas nito na talagang kilala
niya ang pagkatao. Kung sabagay, lumalapit lang ako sa kanya kapag may
kailangan ako. "David na naman?", panghuhula niya. "Obvious
ba?", mataray na tugon ko. Si David lang naman ang rason kung bakit ko
siya kinakausap. "Kasal na kayo, diba? So hindi ka pa rin niya
mahal?", pang-iinsultong tawa ang ginawa nito na talagang natamaan ako.
"Si Sandra kasi.", pag-uusal ko na may galit sa babaeng 'yon. Tatlong
araw na ang nakalipas, pero si David, panay kompanya ang inaatupag. At alam
kong hindi lang kompanya ang pakay nito. "Sandra? At sino naman ang babae
'yan?", tanong niya na animoy hindi kilala yung tao. "You don't know
her? Siya lang naman ang boyfriend ni Mr. Derick na top 1 ang company nila sa
Pilipinas. And top 5 in Asia.", wika ko para ipaalam ang background ng
dalaga. But he just laugh. Halos hawakan nito ang tiyan para pigilan ang tawa.
"Walang nakakatawa, kaya pwede ba, tumigil ka na.", inis kong turan.
"Bakit parang kabado ka? Ano bang kinatatakutan mo sa babaeng 'yon, bukod
sa mas mayaman siya sayo?", tanong ni Deo. "Feeling ko kasi siya si
Kate. I mean, wala akong ebidensya laban sa kanya. Pero malakas ang kutob ko
eh.", saad ko muli. "So what do you want?", seryosong sambit
niya. "I want her to rest forever. Masyado siyang asungot sa buhay namin
ni David. Patay na nga si Kate, siya naman ang pumalit.", diretsang tugon
ko na hindi man lang nabulol. "Ayon lang pala, basic!", saad niya at
hinaplos ang braso ko. "Kapag nagawa ko ba 'yon, ano bang premyo ang
ibibigay mo?", he continue. "Ako ng bahala sa premyo. May isang
salita ako. If you want my body, then go on. Ibibigay ko ulit 'to sayo. Kaya
ayusin mo ang trabaho mo.", pahayag ko sa binata. "Hindi ko yata
gusto ang pagtrato mo sa akin, Katrina. Ikaw na ang nag-utos, masyado ka pang
bossing. Baka hindi mo alam, may alas ako na hindi niyo alam. Napapaikot ko ang
lahat, at kasama ka na do'n sa napaikot ko.", litanya ng lalaki. Nagkaroon tuloy ng pagtatanong ang isipan ko
dahil sa mga ngising nakita ko sa labi. "And happy to say, I enjoy every
single day, sa tuwing nakikipaglaro ako sayo, sa asawa mo at--", "At
kanino?", agad na bigkas ko. "Chill. Hindi ko muna sasabihin. Mas
maganda kapag ako lang ang nakakaalam.", turan niya at tumawa pa talaga.
"Can you please be honest to me. Ano bang alam mo na hindi namin alam
ha?", tanong ko muli. "Hindi tayo close, Katrina para magsabi ng
totoo sayo. Kasi parausan lang kita.", tugon nito na ikina-init ng ulo ko.
"How dare you!", "Same to you. Kaya huwag mo akong tataasan ng
boses dyan. Kung ayaw mong sabihin ko kay David na ikaw ang nagset-up sa kanya.
Ikaw lahat, Katrina. Gumawa ka ng kwento para magalit si Kate sa kapatid ko.
Ako pa ang ginamit mo para maging kapani-paniwala ang lahat. Hindi ka pa
nakontento at pinatay mo ang batang si Michael.", wika niya para ipaalala
sa akin ang mga kasalanan na ginawa ko. "Hindi lang ako ang pumatay kay
Michael. Ang mama mo ang nag-utos sa akin para patayin ang bata.", I said
as I defended myself. "Kahit na. Ikaw pa rin ang punot-dulo ng
lahat.", turan nito. "Mahal ko lang si David kaya ko nagawa 'yon.
Hindi mo alam kung ilang taon ang ginugol ko sa abroad para lang matanggap ng mama
mo. I love him to the point that I can kill! Handa akong patayin ang lahat,
basta maging akin siya. Akin si David!"
Chapter
59
SANDRA's
POV:
KUNG ano ang trato ko kay David
bilang Sandra, gano'n pa rin ang pinapakita ko sa kanya. Nag-iingat ako sa
bawat kilos dahil alam kong nasa paligid lang si Deo para pagmasdan ako. At sa
palagay ko, nakamasid lang ito sa akin para tingnan ang ginagalaw ko. Ayokong
malaman niya na ako si Kate, dahil masisira ang plano ko. Tiyak kapag nabisto
nito ang tunay kong pagkatao, makakarating kay Katrina ang lahat. Kung akala ni
Deo, maiisahan niya ako. Pwess, hindi na 'yon mangyayari pa! May alas na rin
ako laban kay sa binata kaya kapag nakaharap ko siya, sasabayan ko ang bawat
pagpapanggap niya. NAKITA ko namang naglalakad si David patungo sa pwesto ko.
Hingal na hingal ito na tila napagod siya kakatakbo. Usapan naming dalawa ang
kumuha ng private investigator para sundan lagi ang pupuntahan ni Katrina. Si
Katrina lang kasi ang makakaturo sa amin kung sino pa ang kasamahan niya sa
likod ng pagpatay sa anak ko. "Nasa'n ang asawa mo? Bakit hindi mo siya
kasama?", tanong ko kay David kahit na alam ko, kung saan siya pumunta.
Mataray ang pananalita ko dahil nasa kompanya kami. So I act normal, na parang
kapartner ko siya sa business. Actually, we're okay. Masasabi ko na hanggang
kaibigan muna kami. At yung tungkol sa pag-uusap namin, kami lang ang
nakakaalam. Hindi ko binanggit kay Derick ang tungkol dito dahil alam kong
kokontra siya sa desisyon ko. "Ahm, pasensya na Miss Sandra, tulog pa kasi
yung a-asawa ko, kaya hindi ko muna ginising.", pagsasagot niya na animo'y
nandidiri siyang banggitin ang salitang asawa. "It's okay. Paki-sabi na
lang sa kanya na siya ang magiging model para sa bikini show.", wika ko
habang nakangiti. "Bikini Show?", he asked. "Yes. Live show ng
mga naka-panty at bra. Happy?", turan ko dahil medyo nainis ako. Simpleng
salita, hindi pa maintindihan. Kailangan pa talaga na diretsuhin ko.
"Meron ba n'yan? I mean, akala ko, tungkol lang sa coffee ang kompanya na
'to.", pahayag ni David na tila naguguluhan. "Hindi lang sa kape ang
focus ng kompanya ko. Kaya nga ako naging successful, dahil ibat-ibang business
ang pinapasukan ko. Gosh!", maarte kong saad. "But---",
"Stop asking and just call your wife.", tanging sabi ko at hindi ko
na hinayaan pang mangatwiran ang lalaki. Pumasok na ako sa loob ng office ko,
kung saan nando'n si Derick habang nakaupo. "So what's your next
plan?", mabilis na sambit niya. "Chill ka lang, Derick. Dahil
nasisiguro ko, magiging exciting ang kaganapan sa live show.", masayang
sagot ko. "Masaya? How can you say that?", tanong ulit nito.
"Dahil planado na ang lahat.", bigkas ko at umupo. "I can't wait
na mangyari 'to.", natatawa kong saad na may tagumpay na agad sa ngiti.
Iniisip ko palang kasi, tumatalon na ang puso ko sa saya. Ipapahiya ko si
Katrina sa harapan ng mga tao. At magiging trending siya sa buong mundo. Interesting,
right? "Hays. Ikaw bahala. Basta ako, nandito lang kapag kailangan
mo.", rinig kong wika ni Derick. Kinuha niya ang coat sa may upuan at
akmang lalabas ng office. "Saan ka pala pupunta?", I asked. "May
kakausapin lang. Total, hindi kita makausap ng matino.", pagtuturan niya.
"Huh?", "Sandra, ayokong mag-overthink, pero sa tingin ko, may
nagbago sa'yo.", straight to the point na litanya nito. "Ako?
Nagbago? Come on, Derick, walang nagbago sa akin. Ako pa rin 'to.", aniya
ko sa binata. "Wala ba talaga?", sakrastikong tugon niya. "Well,
sana nga wala.", he said again. Lumabas na siya ng office habang ako ay
nakanganga dahil hindi ko siya maintindihan. "Ano bang problema
niya?", kausap ko sa sarili. Napailing tuloy ako at tinuloy ang pagbabasa
ng magazine. Sa bawat buklit ko ng page, nakarating ako sa mga swimsuit attire.
"Hmmm, siguro mas maganda itong color pink. Bagay na bagay sa akin.",
mahinang sabi ko. Natigilan naman ako dahil may isang tao ang sumagot.
"Mas bagay tayo dyan, Sandra.", wika niya na may kakaibang boses.
Bahagya kong ibinaba ang magazine at sinulyapan ko ang lalaki. At isa lang ang
sumagi sa utak ko, hindi siya si David! Yung mata niya ang palatandaan ko,
kakaibang titig ang pinapahatid niya sa akin. Kaya ngumiti ako at bahagya
siyang pinalo ng hawak ko. "Mapagbiro ka pala, David noh? Kung wala kang
magawa sa buhay, huwag mo akong istorbohin.", turan ko rito. "Bakit
hindi? Gusto kong magkaroon tayo ng oras, Miss Sandra. Lagi na lang tayo busy
sa kompanya. So naisipan kong i[1]treat
ka. Kain tayo sa labas para makapag-usap ng maayos.", mahabang pahayag
niya. "Can't you see? Marami pa tayong trabaho na dapat asikasuhin.
Besides, magagalit ang boyfriend ko.", pag-aarte ko na talagang
sinasabayan ko siya. "Hindi natin ipapaalam sa kanya. It just a friendly
lunch. Kumbaga, celebrating together dahil partner na kita sa business.",
pagpapaliwanag niya para lang pumayag ako. Matagal muna ako nag-isip bago
sumagot. "Then okay. Saang place ba? Gusto ko yung tayong dalawa lang ha?
And please, ayokong malaman 'to ng asawa mo at ng boyfriend ko.", tugon ko
sa binata. Gusto niya ng laro? Edi makikipaglaro ako. Kung ito lang ang paraan
para mahanap ko ang hustisya.
Chapter
60
DEO's
POV:
Ito na ang hinihintay ko. Ang kunin si Sandra
sa pamamagitan ng pagpanggap ko bilang David. Talagang mautak ako dahil nagawa
kong makapasok sa kompanya na hindi man lang nahalata ng mga tao. Kung sabagay,
ginaya ko ulit ang pormahan at suot ng kapatid ko. Nakakatawang isipin na
mabibilog ko sila ng gano'n kadali. "So ano? Pumayag siya?", tanong
ng isang lalaki nang lumabas ako sa office ni Sandra. Sinenyasan niya ako na
pumasok, sa mismong opisina niya para doon kami mag-usap. Kaya sabay kaming
naglakad patungo do'n at pina-upo niya ako. "Yung tanong ko kanina,
pumayag ba si Sandra na maka-date ka?", wika niya sa akin. "Oo naman.
Ako pa ba? Walang babae ang tumatanggi sa akin.", mayabang na sagot ko.
Tiningnan ko si Derick na inaayos ang kanyang necktie. Oo, siya ang kausap ko.
At alam niyang kambal ko si David. Makapangyarihan na tao si Derick dahil lahat
ng kompanya sa Pilipinas, hawak niya na. Kaya nga nagtataka ako, kung bakit
nilapitan niya ako para lang magpatulong sa akin. Hangarin ko lang naman ay tikman
si Kate. At paglaruan ang kapatid ko. Pero ngayon, nagbago na ang tinatahak ng
isip ko dahil sa perang binigay ni Derick. Nga pala, tinawagan niya ako para
pumunta dito. Sinabi niya pa talaga ang damit na suot ni David para lang magaya
ko ang lalaki. "Ipagpatuloy mo lang ang paninira sa kapatid mo. Dahil
gusto kong magalit lalo si Sandra sa taong 'yon para hindi na siya makaramdam
ng pagmamahal.", pahayag nito kaya tumango naman ako. "Ikaw talaga.
Mautak ka rin minsan. Kung ano ang takbo ng isip ko, gano'n din pala ang takbo
ng isip mo. Magkakasundo talaga tayo.", "Talagang magkakasundo tayo
dahil hawak na rin kita sa leeg. Kaya konting pagkakamali mo, malalaman ni
David ang ginagawa mo sa kanya.", "Kahit kailan, hindi pa ako nagkamali.
Malinis akong gumawa. Ikaw lang ang hindi.", aniya ko sa binata.
"Anong ibig mong sabihin?", pagtuturan nito. "Kasama mo na si
Sandra sa iisang bubong, pero hindi mo pa rin makuha ang loob niya? Ang hina
mo, pre. Mauunahan ka talaga ni David. Dahil sabi ni Katrina, hindi na raw siya
kinikibo ng asawa niya. At alam mo na kung sino ang dahilan.", ngising
pahayag ko. Nasilayan ko ang pag-igting ng panga ni Derick na talagang
nagseselos ito ng husto. "Kaya nga ayoko ng palapitin pa ang kambal mo,
dahil ano mang oras, pwede niyang makuha ulit ang babaeng mahal ko.", saad
nito at lumapit sa akin. "Inaasahan kita, Deo. Gawin mo ng mabuti ang
pinapagawa ko. Galitin mo lang si Sandra, pero huwag na huwag mong ituloy ang
pag-gahasa sa kanya.", pagpapaalala ng binata. "Oo naman. Makakaasa
ka. Hayaan mo, hindi matatapos ang araw na 'to, na hindi ko nasisira ang
pangalan ni David sa mata ni Sandra.", wika at pareho kaming napangisi.
Hindi ko susundin ang gusto ni Katrina dahil mas malaking pera ang inoffer ni
Derick sa akin. Yung katawan niya, nandyan lang. Pero yung pera, mahirap ng
hanapin pa. "Basta yung usapan natin, huwag mo ring kakalimutan.",
pagsasabi ko muli. "May isang salita ako. Kaya oo, kalahati ng share ng
kompanya, mapupunta sayo kapag bumalik na sa buhay ko si Sandra.", he said
again. Ayan ang gusto ko. "UMALIS ka na, baka makita ka pa ni
Adrian.", wika ni Derick sa akin na halos ipagtulakan na ako palabas ng
kompanya. Minsan talaga, may takot din pala ang taong 'to. Nanginginig na
parang bakla. "Relax ka lang, magaling ako tumago. Kaya huwag kang umihi
dyan sa kaba. I can handle this. Malinis na malinis, walang banayad na
ebidensya.", turan ko sabay tawa ng nakaka-insulto. Humakbang na ako sa
may pinto at pinihit ang door knob para lumabas na. Mamaya, magkikita kami ni
Sandra. What do you think will happen next? Excited na tuloy ako na siraan lalo
si David sa mata ng babae. Atat na atat na kasi ako magkaroon ng share sa
malaking kompanya na may-ari mismo ni Derick. Kaya pipigilan ko ang sarili na
huwag maakit kay Sandra kapag nakausap ko ito. Pangiti-ngiti akong naglakad at
halos lahat ng mga taong nakakakita sa akin, tinatawag akong Sir David. So bad,
they don't know who I am. But I enjoy every second, every minute and every
hours, sa tuwing nagpapaganggap ako. Binigay na rin ni Derick sa akin ang
number ni Sandra kaya pwede ko siyang matawagan para sa lunch namin together.
Hindi na sa akin bago ang maging ganito dahil nagawa ko ngang paikutin siya
nung nasa hotel ako na kasama si Katrina. Eto pa kayang kakain lang kami na may
kasamang kasinungalingan. "Deo?", sambit ng isang lalaki nung nasa
elevator na ako. Hays! Kung minamalas ka nga naman, nakasabay
ko pa talaga ang aking kambal sa loob ng elavator. "Bakit ganyan ang suot
mo? Idol mo yata ako sa mga suotan.", he said. The same suit, the same
shoes, the same necktie and the same hairstyle. "Ikaw talaga, minsan
mayabang din ang datingan mo. Hindi ba pwedeng nagkataon lang ulit?",
turan ko sa binata. "Imposible. Because as far as I remember, magkapareho
din ang suot natin nung nasa mall ako. Hindi kaya, ginagaya mo ang pagkatao ko,
Mr. Deo?", aniya ng kapatid ko na tila may pagdududa na sa mga kilos ko.
"Ako? Gagayahin ka? Come on, David. Hindi ko pinangarap maging tulad mo na
talunan. Look at yourself, gumagapang ka na sa putikan. Tamang dikit sa
girlfriend ng may-ari, para masalba ang kompanya.", pang-iinis ko rito.
"Ngayon lang ako gumapang sa putikan. Pero sa susunod, ikaw naman ang
gagapang do'n. At sisiguraduhin ko, na pati putik, kakainin mo.", wika
nito na tila may pagbabanta sa boses. "How can you do that? Diba mahirap
ka na? Kung ako sayo, mag-focus ka na lang sa asawa mong si Katrina.",
turan ko sa kanya. "Si Kate lang ang asawa ko. Kung gusto mo si Katrina,
edi kunin mo. Hindi ako manghihinayang sa babaeng 'yon. Kahit pagsawaan mo pa
siya, wala akong pakialam.", pahayag ni David at itinuon ang pansin sa
unahan. "Ibang klase ka rin talaga. Matapos mong pakasalan, itatapon mo
agad? Siguro, may hinihintay kang bumalik.", litanya ko para kompirmahin
kung may nalalaman na siya tungkol kay Sandra. Base kasi sa kinikilos niya, hindi
na siya apektado sa pagkamatay nito. Kaya sa tingin ko, meron na siyang alam.
"Kung meron man akong hihintayin, ayun ay ebidensya. So please be aware of
that. Alam mong masama ang ugali ko, kapag nakuha ko ang katotohanan.",
ngising pahayag niya sabay labas ng elevator. Bahagya akong napalunok ng laway
dahil kilala ko rin si David. Handa siyang makipagpatayan kapag napuno na ito
ng galit.
Chapter
61
SANDRA's
POV:
"NAGKITA KAMI NI DEO KANINA. And
guess what? Ninakaw niya ulit ang pagkatao mo. Hindi ko tuloy alam kung paano
siya nakapasok dito habang nandito ka sa kompanya.", pagtuturan ko kay
David. Pumasok siya sa opisina ko para i-abot ang papers na inassign ko sa
kanya. Mabilis kong makilatis kung si David o Deo na ang kaharap ko. Sa mata ko
tinitingnan at kinukumpara ang dalawa. "Yeah, I know. Nakasabay ko siya sa
elevator kanina. So are you okay? May ginawa ba siyang mali sayo? Binastos ka
ba niya? Sabihin mo agad sa akin, para mapatulan ko na ang hayop na
'yon.", malutong na saad nito. "Ayos lang ako. Hindi na sa akin bago
ang gano'n na sitwasyon, kaya wala kang dapat na ipag-alala. Besides, I can
protect myself.", tugon ko sa binata. "Kahit na. Babae ka pa rin
Sandra. Mas malakas at mapwersa pa rin ang lalaki kaysa sa mga babae.",
pagsasambit niya. "Hindi mo na ako kilala, David. Kaya huwag mo akong
ikumpara sa mga babaeng mahina.", pahayag ko na may kainisan sa boses.
Pakiramdam ko kasi, ang baba ng tingin niya sa akin. Hindi na ako talunan. At
higit sa lahat, kaya kong makipaglaro sa mga demonyo. HINUBAD ko naman ang
blazer na suot ko para bumungad ang malaki kong suso. And at this point,
tanging tube ang aking suot na bumabagay sa fit na pants. Kaya nasilayan ko ang
paglunok laway ng lalaki. "May problema ba, Mr. David?", mapang-akit
na tanong ko. Bahagya ko pang ipinakita ang collar bone dahilan para makuha ko
ang kiliti niya. Para kaming bumalik sa nakaraan. Sa nakaraan na una naming
pagkikita sa club na pinapasukan ko. Ganito kasi ang eksenang nangyari sa amin
kaya ko nakuha ang atensyon niya. "W-wala naman. Pero malakas ang aircon
kaya baka magkasakit ka.", "Well, hindi naman ako magtatagal dito. I
have a date.", bigkas ko sabay kuha ng lipstick para i-apply ito sa labi.
"D-date? Magdedate kayo ni Derick?", he asked me. "No. Hindi si
Derick ang ka-date. It's Deo.", agad na sagot ko at kinorekta ko pa talaga
ang maling hula niya. "Ano? Pero Sandra, delikado. Lalo na sa postura mong
'yan. Binibigyan mo siya ng dahilan para gumawa ng kasalanan.", litanya ni
David. "Matagal na siyang makasalanan. Ang akin lang, gusto ko pang
dagdagan.", ngising kong saad at patuloy na nilalagay ang lipstick.
"Sasama ako. Hindi ako mapapakali kapag--", "Concern ka? Too
late. Dahil pumayag na ako.", pagsasambit ko. Hindi ko na siya hinayaang
magsalita dahil alam ko rin naman ang tumatakbo sa utak niya. "Lunch date
lang naman ang gagawin namin. Mag-uusap at papakinggan ang kasinungalingan niya.",
wika ko sa binata. Nang matapos kong ayusin ang mukha ko, nilagay ko na sa bag
ang foundation at lipstick. "Gusto ko sanang pigilan ka, Sandra. But I
don't have the rights. Dahil kahit anong sabihin ko, hindi ka makikinig sa
akin. So I guess, I just need to follow you. Susundan pa rin kita, just to make
sure that you are really safe.", pahayag ng lalaki. "Ikaw bahala. But you know the reason,
why I'm doing this.", tugon ko muli. Kinuha ko na ang maliit na bag at
naglakad palabas. Acting again like we are stranger. Walang closeness ang
namamagitan sa amin ni David kapag nasa labas. Kung mag-uusap man kami, siguro
hanggang kompanya lang 'yon. Nauna si David na naglakad dahilan para makasakay
na ito ng elevator. Samantalang ako, naiwan dahil sa biglaang pagsulpot ni
Derick. "Aalis ka? Diba may meeting kayo ni Mr. Alejandro?", bigkas
nito nang madaanan ko ang office niya. Saktong lumabas ito at nakita ako. Sa
kakatakas ko sa binata, talagang pinagtagpo pa kami. "Ahm yeah. Kakain
lang ako ng lunch. But I'll be back kaya relax ka lang.", turan ko rito
sabay beso sa pisngi niya. "I need to go.", huling sambit ko bago
pumasok sa elevator. Kailangan kong magsinungaling kay Derick dahil ayokong
dumagdag pa siya sa iisipin ko. Nakarating na ako sa parking lot. And I was so
shocked nung may humaplos sa bewang ko. Hawak manyakis ang ginawa nito kaya
hindi na ako magtataka na si Deo na ang nasa tabihan ko. Grabe! Para siyang
kabute na sulpot ng sulpot kung kailan wala si David sa paningin ko. Pero teka,
nasaan nga ba si David? Ang buong akala ko, sumunod siya sa akin ha? "Sino
pa ba ang hinahanap mo? Nandito na ako, Ms. Sandra. So let's go? Baka makita ka
pa ni Derick at magselos pa 'yon.", pahayag ng lalaki. Pilit akong ngumiti
at tumango. "Sure, let's go inside my car.", turan ko at talagang
kotse ko pa ang gagamitin namin. "That's nice. Halatang gusto mo akong
makasama at makausap.", natatawang sambit niya. "Correction, a
friendly lunch date. Kaya huwag mong bigyan na malisya 'to.", usal ko kay
Deo. Sa kabilang banda, naganahan ang dibdib ko dahil nasilayan ko si David sa
isang sulok habang pinagmamasdan kami. At least now, I know I am safe.
Tapang-tapangan lang ako kanina. At masyadong mayabang kapag kausap si David.
Pero ang totoo, kailangan ko siya. I badly need him. Nagkataon lang na ayokong
ipakita sa kanya na mahal ko pa siya dahil kasal na ito sa iba. At ako? Magmumukhang
kabet kapag dumating ang araw na 'yon. Kaya mas mabuting ganito muna kami
habang hindi pa ayos ang lahat.
Chapter
62
SANDRA's
POV:
READY na ang lahat. Sa pagdating
namin sa restaurant, nakahain na ang pagkain sa mesa na may kasamang wine.
Ganitong set-up palang, kinutuban na ako sa pwedeng mangyari. So tinarget ko ng
titig ang baso na may alak. Palagay ko, may mali sa wine na 'yon. If I'm not
mistaken, may hinalo siyang gamot para ituloy ang plano laban sa akin. Kung ano
man 'yon, I'll make sure na hindi siya magtatagumpay. Pautakan ang laban namin
dito. Kaya kung sino ang matira sa amin, siya ang matibay. "Ano pa ba ang
hinihintay natin? Nagugutom na ako.", aniya ko sa binata. Hinaplos ko pa
ng marahan ang braso niya para painitin ang katawan nito. "Ako din naman,
nagugutom na.", baling nito na may pagnanasa sa mukha. "Kung gano'n,
kumain na tayo. Parang handa na kasi ang foods natin.", sambit ko at
itinuro ang table. Name kasi namin ang nakalagay kaya walang sino ang pwedeng
pumwesto do'n. "Yeah. Cinontact ko yung mga tao dito para gawin 'yan.
Ayoko namang mapahiya sayo, kaya pinaghandaan ko lahat.", nakangiting sabi
niya. "Thank you. May mabuting kalooban ka rin pala, Mr. David.",
bigkas ko sabay ngisi. Pangalan palang ang sinasambit ko, umiiba na agad ang
awra nito. What more, kung tawagin ko na siya sa pangalang Deo? KINABIG niya
ang bewang ko at sabay kaming naglakad do'n. Siya pa mismo ang nag-assist ng
upuan para ipahatid sa akin kung gaano siya ka-gentleman. "Salamat.",
turan ko at kinuha agad ang tissue. Umarte ako na parang umaatching para
iparating sa kanya na medyo allergic ako sa pabango nito. "What's wrong,
Sandra?", he asked me. "I'm sorry, kanina ko pa kasi ito
pinipigilan.", "Huh? What do you mean?", tanong niya muli.
"Sumasakit ang ilong ko.", bigkas ko sabay atching ulit. "Kanina
ko pa 'yan naaamoy nung nasa kotse tayo, David. And I don't like your perfume.
Masyadong---", Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil umatching ulit ako
para maging kapani-paniwala. "Gano'n ba? Sige, aalisin ko ang polo ko.
Doble naman itong suot ko.", aniya nito. Akma sana siyang huhubad sa harapan
ko, pero pinigilan ko ang binata. "Can you please give some respect? Ang
sagwa tingnan kung dito ka huhubad. Go to the rest room.", wika ko sa
lalaki. "Ahh, yeah. Pasensya na. I'll be back.", paalam nito kaya
tumango ako bilang sagot. Sa huling beses, nagpahabol akong atching bago ito nawala
sa paningin ko. So here I am, lumingon sa paligid dahil baka may spy siya sa
lugar na 'to. At nung nakita ko na walang nakatingin sa akin, agad kong pinalit
ang baso ko sa baso niya. And I guess, siya ang iinom ng maling wine. Grabe!
Ang talino ko talaga! BUMALIK na si David na naka-tshirt at umupo ulit sa
harapan ko. "Saan mo nilagay ang polo mo?", tanong ko rito. I act
like as if nothing happened. "Ayun, iniwan ko na do'n. Marami naman akong
gano'n.", he said. "Okay. So let's eat. Tumatahol na kasi ang mga
alaga ko sa tiyan.", pagbibiro ko pa. Kinuha ko ang tinidor at tinusok ang
meat. Mapang-akit ko itong kinain habang nakatuon sa akin ang mata niya.
"Why?", I raised my eyebrow. "You're so naughty. Kaya pala
nagustuhan ka ni Deo, dahil sa mata mo palang, nakakabighani na.",
komplimento nito. "Ang dami mong alam. Kung ako sayo, kumain ka na
lang.", I replied. "Eto na nga kakain na.", wika niya at kinain
na rin ang nasa plato. Maya-maya, bigla siyang napatitig sa wine ko. "By
the way, para saan ba 'to na wine? You know, hindi kasi ako sanay sa
alak.", pahayag ko sa binata. "Well, you must try this. I'm sure,
magugustuhan mo ang lasa nito. Ngayon lang nagkaroon ng ganito sa restaurant.
Sinabay pa talaga sa celebration natin as a partner. So cheers?", litanya
ni David. Tinaas niya ang baso at hinihintay ako na i-cheers ang baso ko sa
kanya. Kaya pasimple akong ngumiti at marahan itong pinahalik sa baso.
"Cheers! A big congratulations to us! Sana tuloy-tuloy na ang lahat para
makaahon din ang kompanya mo.", I said in a plastic way. Dahan-dahan kong
nilagok ang wine habang nakatingin sa lalaki na tinuloy talaga ang pag-inom.
"Masarap nga. Mapait na medyo matamis ang lasa.", pagtuturan ko.
Inilapag ko ang baso na wala ng laman sabay titig sa kanya. "Oh? Ba't
parang natahimik ka? May problema ba, Mr. David?", I asked him na kunwari
ay concern. "W-wala naman, I'm just--", "Just what?",
kunot-noong sambit ko. Pero bago pa man siya makasagot, tuluyan na itong
nawalan ng malay na tila nakatulog. Sinasabi ko na nga ba, may plano siyang
hinanda sa akin. "Ikaw talaga, Deo. Uutakan mo pa ang isang matsing.
Plinano mo at ako ang tumapos.", natatawang bigkas ko. Tumayo ako at
nilapitan pa ang binatang tulog. "Paano ba 'yan, sleep well.", muli
kong saad. Sinenyasan ko ang totoong David na nasa labas para bitbitin si Deo.
Kaya heto, hawak ko na rin sa leeg ang kambal ni David.
Chapter
63
SANDRA's
POV:
"SAAN natin dadalhin si
Deo?", tanong ni David habang nagmamaneho siya. Nagawa na rin namin na
igapos at lagyan ng tape ang bibig ng lalaki para hindi ito makawala at
makasigaw. This is my plan. Ang sulungin ang butas para makapasok sa katotohanan.
I know that there is a story behind this. May dahilan din ang lahat kung bakit
umaakto si Deo bilang David. At ito ang gusto kong malaman. "Ikaw ang
bahala kung saan. Basta walang tao.", aniya ko bilang sagot. "Okay.
May alam akong lugar.", tugon niya at tinuon muli ang mata sa daan. Hindi
ko maiwasan na sulyapan ng tingin si David. Simula nung umamin ako sa kanya na
ako si Kate, bumalik ang sigla ng binata. Pero hindi maalis sa mata ni David na
medyo nasasaktan pa siya sa mga nangyayari. "Buti na lang matalino ka.
Kasi kung nagkataon na ikaw ang nakainom ng wine na hinain niya, baka kung
napano ka na.", wika ng lalaki bilang pagbubukas ng topic. "Ilang
beses ko ng sinabi sayo diba? I can handle myself. Kung pautakan ang
pag-uusapan, magtraining muna sila. Minsan na akong nadapa kaya hindi ko na
uulitin pa 'yon.", turan ko muli. "I'm so proud of you. Kahit may
nagbago man sa atin, nakakatuwang isipin na you can protect yourself
now.", pahayag niya sabay ngiti sa akin. Hays. Lumalambot ang puso ko kapag
ganito siya makatingin. Kaya iniwas ko ang mata kay David at tumingin na lamang
sa daan. After an hour, we reached the place that he's talking about. Medyo
liblib na nga ito at luma ang gusali. "Be careful, yung hindi siya
magising.", saad ko rito habang binubuhat ang kambal niya. Ang hirap ng
sitwasyon ko. Pero narealized ko na mas mahirap ang sitwasyon ni David.
Imagine, mismong kadugo niya ang kalaban niya. Kung meron ako na ganitong
kapatid at trinaydor ako, siguro mababaliw ako sa kakaisip. So I'm very
thankful dahil nag-iisa lang ako. Nabuhay akong mag-isa at walang kapatid. Kaya
ayon, wala akong pinoproblema. Pumasok ako kami sa ugali at muling ginapos ni
David si Deo. Nakaupo na ito at tulog na tulog pa rin. Masyadong matapang ang
gamot na nilagay nito sa alak dahil kahit anong alog ang gawin mo, hindi pa rin
nagigising ang tao. "What's the next?", tanong nito. "Just wait,
okay? Because I know, may tatawag din sa cellphone niya. In that case,
matetrace natin kung sino pa ba ang nasa likod ng lahat.", ngising turan
ko. "Grabe! Namamangha lagi ako sayo. It's a good idea, Sandra.",
komplimento niya. "Salamat.", tanging sambit ko. Kinuha ko ang
cellphone ni Deo at kinalikot ito ng mabuti. Finger
lang naman ang kailangan para mabuksan ang phone niya kaya hindi ako nahirapan.
So I look at the gallery, pero wala itong laman na pictures. I guess, para sa
contact niya lang ito. "Sa palagay mo, bukod kay Katrina, sino pa ang
kasama nila?", I asked David. I feel something wrong. Iba kasi ang pintig
ng puso ko ngayon. Feeling ko, may dapat pa akong malaman. "Hindi ko pa
masagot 'yan, Sandra. I don't have any evidence. Wala pang sinasabi sa akin ang
inutusan ko.", pagwiwika niya. "Bakit? May kutob ka pa ba kung
sino?", patuloy na tanong ng lalaki. "I don't know. It so weird. Pero
bahala na. Basta ang mahalaga, malaman ko ang katotohanan ngayon.",
tanging turan ko. Umupo muna ako saglit para ipahinga ang isipan ko. Kaso ilang
minuto ang lumipas, may biglang tumawag sa cellphone ni Deo. Tinitigan ko ng
mabuti ang unknown number dahil sobrang familiar ito sa mata at utak ko. Ewan
ko ba, lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib at nangangatog ako na sagutin
ang tawag. "Where the hell are you, Deo?! Kanina pa ako pabalik-balik sa
restaurant na kinainan niyo ni Sandra, pero wala kayo dito. So nasa'n ka ha?
Saan mo dinala ang babae? Diba sinabi ko sayo na wala kang gagawin na masama sa
kanya? Ang utos ko, takutin mo lang at magpanggap ka bilang David.",
mahabang wika niya na tila umaapaw ang kainisan. Si Derick?! Si Derick ang nasa
kabilang linya. Kasabwat niya si Deo sa pagpapaikot sa akin? The
heck! Bakit niya nagawa 'to sa akin? I trusted him. At tinulungan niya rin ako
para baguhin ang mukha ko. Then now, malalaman ko na may kinalaman din siya?
"Tangina Deo! Sumagot ka! Saan mo dinala si Sandra?! Don't you dare
to--", I end the call. Hindi ko na siya pinatapos pa. Malinaw na sa akin
ang lahat. Yung boses niya at yung mga sinabi niya ang naging rason para
kamuhian ko siya lalo. "Sandra, are you okay? Sino ang tumawag? Si Katrina
ba 'yon?", sunod-sunod na bigkas ni David. "H-hindi. It's Derick.
Siya ang tumawag. Magkakilala na sila ni Deo. N-niloko niya ako.", I said.
My tears fell down, because of the pain. Masakit din pala na lokohin ka ng
taong pinagkatiwalaan mo ng husto. Akala ko pa naman, nagbago na siya. Pero
hindi eh. Gumamit pa siya ng ibang tao para siraan ang si David. Damn it!
Chapter
64
SANDRA's
POV:
I already know the truth. Si Derick, pinaikot
niya ako. Nagkunwaring mabait sa akin para mahalin ko ulit siya. Masyado siyang
plastik sa mga ginawa niya. Pero mabuti na lang, hindi ko siya minahal. I'm
done with him. Kaya pala hindi ko agad mahanap ang hustisya dahil siya mismo,
alam ang totoong nangyari. Naging sangkot siya sa mga naranasan ko noon. How
can he do this to me? Pati sarili niyang anak, nagawa niyang patayin. Hindi ko
maiwasan na magalit sa kanya. Kahit hindi man nila sabihin ni Deo, malakas ang
hula ko na may kasalanan sila sa pagkamatay ni Michael. "Calm down. Walang
madudulot ang galit. Kaya i-relax mo ang sarili mo, Kate.", mahinang wika
ni David. Tinawag niya ako sa totoo kong pangalan. Kaya medyo lumambot ang puso
ko. "Wala akong nagawa noon sa inyo, kaya hayaan mong ako naman ang
kumilos ngayon. Ayoko ng mapahamak ka.", muli niyang saad. Bahagya kong
inangat ang mukha ko at napatitig ulit ako sa binata. Kaso sa hindi sinasadya,
napunta ang paningin ko sa labi ni David. Ang labi na matagal na rin simula
nung halikan ko siya. And you know what happened next? He kissed me. Ramdam ko
ang malambot niyang labi na dahan-dahan na gumalaw para hintayin na halikan ko
siya pabalik. So I kissed him back, kasi medyo nadala ako sa mainit na halik
nito. We are kissing infront of Deo. Kaso agad kaming napahiwalay nang
magsalita ang lalaki. Masyado talaga siyang mautak dahil naalis niya ang tape
sa bibig. "Wow! Kissing scene? So sweet! Nabisto na pala ako! Haha!",
natatawang turan nito. Kaya yung atensyon namin, nabaling sa kanya. "So
ano brother? Nautakan kita, noh?", nakangising saad nito habang nakatingin
sa kapatid. Masyadong mabilis ang pangyayari kasi nakita ko na lamang si David
na malakas na sinuntok si Deo. Naging hudyat ito para magkaroon ng dugo ang
bunganga ng binata. "Tangina mo Deo! Gusto kong marinig mula sa bibig mo
kung sino ang pumatay sa anak namin!", pagalit na bulyaw nito. "Kahit
bugbugin mo pa ako, hindi na maibabalik ang lahat. Patay na anak niyo. Pinatay
na! At tsaka, hindi mo naman anak si Michael ha? Ibang lalaki ang ama no'n.
Kaya bakit ba pinagpipilitan mo pa ang sarili mo sa isang babae na
disgrasyada?", wika niya kaya maging ako uminit ang dugo. Sinampal ko ito
para mabawasan ang dinidibdib ko. "I KNEW EVERTHING! KASABWAT MO SI
DERICK! MAGKASABWAT KAYO!", I shouted. Pero tumawa lang ito na talagang
demonyo na ang pag-iisip. "Buti naman nalaman mo agad. Pero kawawa ka,
kasi may hindi ka pa alam.", sambit niya ulit. "A-ano pa ba ang hindi
ko alam?", kinakabahan na bigkas ko. "Gusto mo bang sabihin ko na
sayo?", panghahamon nito. "Shit Deo! Sabihin mo na! Huwag mo ng
patagalin pa ang mga nalalaman mo dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin
ka dito.", pananakot ko. "Patayin? Miss Sandra naman, hindi mo kayang
pumatay. Kaya hindi mo ako masisindak sa ganyan. Kasi kahit magbago man ang
pangalan mo, ikaw pa rin si Kate na mahina.", turan nito at ngumiti sa
akin. "I can do whatever I want. Kaya huwag mo akong susubukan! Kung
nagawa niyong patayin ang anak ko, magagawa ko rin na patayin ka!", madiin
kong wika. "Talaga ba? Bakit? Sino bang may sabi na ako ang pumatay? Hindi
ko pinatay si Michael.", aniya ni Deo. "Sinungaling! Tumawag sa'yo si Derick!
May binabalak kayo laban sa amin ni David! Gusto niyong siraan ang lalaki sa
paningin ko para magalit ako lalo sa kanya! Kaya 'wag ka ng magdeny!",
muli kong bulyaw. "Sa tingin mo ba, magagawa ni Derick na patayin ang anak
niyo? Come on, Kate. Labas na kaming dalawa sa pagpatay kay Michael. Kasi yung
totoong pumatay ay walang iba kundi ang kapatid mo.", pahayag niya na
halos ikalambot ng tuhod ko. Anong kapatid ba ang sinasabi niya? "Kung
sabagay, wala kang alam sa lahat. Para kang bata na walang
kamuwang-muwang.", pagtatawa nito. "Wala akong kapatid. Kaya huwag
kang gumawa ng kwento, Deo.", inis na tugon ko. "Wala ba talaga? O
sadyang hindi sayo pinaalam ng nanay mo, kung saan napadpad ang kakambal
mo.", he said again. This time, nagkaroon ng pagtataka ang isipan ko.
Bakit ba ang dami niyang alam sa akin? At sa mismong pamilya ko? "Sino ba
ang tinutukoy? Sinong kapatid ba 'yan?!", pagsisigaw ko. "Hindi ba
halata? It's Katrina.", he answered. "Kapatid mo siya, Kate. Kapatid
mo si Katrina. Ang babaeng pumatay sa mismong anak niyo. How sweet sister,
right?", sakrastikong sambit ni Deo. Ayokong maniwala. Pero sa mukha
palang namin, hindi malayo na kapatid ko nga siya. Kaya ba magkamukha kami
dati, nung panahon na ako pa si Kate? Pero paano nangyari ang lahat ng 'to?
PAANO?
Chapter
65
SANDRA's
POV:
Hindi pwede! Hindi maaari! Niloloko
lang ako ni Deo para linlangin ang isipan ko! Hindi niya na ako mapapaikot pa
dahil kilala ko na ang ugali niya. Tama! Hindi ko dapat hayaan na magpadala sa
sinasabi ng lalaki. Magkamukha lang kami pero hindi kami magkadugo ng babaeng
'yon. NAPAILING ako ng mariin habang kinukumbinsi ko ang sarili na huwag
paniwalaan ang binata. Halos ilang minuto ko 'tong pinag-isipan at inisa-isa
ang bawat salitang binigkas ni Mama bago siya pumanaw. She told me that I don't
have a sibling. So in short, Ktrina is not my sister. And most of all, she's
not my twin. Kahit kailan, hindi ko pinangarap ang magkaroon ng kapatid na
katulad niya. Kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Deo. He's a liar!
"Ikulong mo ng mabuti 'yan, David. Hindi dapat makatakas ang demonyo na
'yan hangga't hindi pa tayo nakakakuha ng hustisya.", utos ko rito. Akma
na sana akong aalis ng building, pero may pahabol na tanong ang lalaki.
"Saan ka ba pupunta?", "I have something to do. Si Derick na
mismo ang haharapin ko. Hindi ko na papatagalin pa ang lahat.", tugon ko
sa kanya. "Ang gaga mo din talaga, Kate. Kaya ka naiisahan dahil ang bobo
mo mag-isip.", sambit ni Deo na talagang sumingit pa sa usapan. Salitang
bobo at gaga, dyan ako nagagalit at naiinis. "Wala kang karapatan para
sabihan akong bobo!", usal ko naman. "Bakit? Totoo naman ha? Kasi
kung matalino ka, uunahin mong atupagin si Katrina.", saad nito na
talagang nag-suggest pa. Ibang klase rin ang hayop na 'to. Matapos niyang
sirain ang buhay ko, may gana pang tumulong. "Patungo din naman kay
Katrina ang gagawin ko. Kaya 'wag mo akong pangunahan.", asar kong wika.
"Okay. Goodluck, Kate. Basta ako, sinasabi ko na sayo ang katotohanan.
Walang labis, walang kulang. Dahil ang hustisyang hinahanap mo ay nasa kamay
mismo ng kapatid mo. So don't stress yourself. I'm just concern.", aniya
ni Deo sabay ngiti pa. Hindi ko alam kung nang-iinsulto lang ito sa akin o
pinaglalaruan ako. "Paano kung tama siya, Kate.", bigkas ni David na
parang naniwala agad sa kakambal niya. "Come on, David. Demonyo ang
kapatid mo. May demonyo bang tumutulong? Tsk.", sakrastikong turan ko.
"Paano kung meron nga? Sometimes devil turns into an angel. May mga taong
masama sa una, pero sa huli, nagiging mabait na.", mahinang pahayag ulit
nito. "Tumigil ka na David. Siya ang dahilan kung bakit tayo nagkahiwalay.
So please take note of that.", mataray kong sambit at tinalikuran ko na
sila. Sa Kompanya ang tungo ko ngayon para kausapin si Derick. Hindi ko na
ipapabukas ang nalaman ko dahil ayoko ng magsayang pa ng oras. MABILIS kong
drinive ang kotse papunta roon habang mahigpit akong nakahawak sa manibela.
Konting tiyaga na lang, makukuha ko na rin ang hustisya para sa anak ko.
"Where's Derick?", pagtatanong ko sa secretary niya. "Naku Ms. Sandra, kakaalis niya palang
po. Nagmamadali 'yon kasi akala niya may nangyari sayong masama.", saad
nito kaya napakagat ako ng labi. "Call him now and tell him that I'm safe.
Sabihin mo na rin na bumalik siya dito. Bilis!", agad na utos ko.
"Okay Ms. Sandra, noted.", pagtutugon niya. Pumasok na ako sa office
ni Derick dahil dito ko na lang siya hihintayin. Hindi pa man kami nag-uusap,
mukhang sasabog na yata ang ulo ko sa galit. Galit ako sa sarili ko dahil akala
ko, mabuti siyang tao. Pero maling akala pala ang tingin ko sa kanya. Napagawi
ang mata ko sa dingding kung saan may picture kami pareho. That picture is the
Kate, before. Mahal niya nga ako. Pero dahil sa pagmamahal niya sa akin, gumawa
pa rin siya ng mali. Halos one hour din ang hinintay ko bago dumating si
Derick. Hingal na hingal siya na tila nagmamadali. "Thanks God, you're
safe! Kanina pa ako tumatawag sayo, pero hindi ka sumasagot.", aniya nito
at yayakapin sana ako. Pero isang malakas na sampal ang natamo niya sa akin
dahil para magulat siya. "What's wrong, Sandra?", gulat na tanong
nito. "Why don't you ask yourself, first?", bigkas ko sa lalaki.
"Sandra, ano bang problema?", "You're such a good actor!
Congratulations Derick dahil nabilog mo ang utak ko!", I shouted in a
sarcastic. "Anong--", "Isa pang sampal
para maalala mo kung paano mo ako napaikot.", turan ko rito. Tiningnan ko
siya ng matalim sabay tulak sa kanya. "Alam ko na, Derick. Ako yung
sumagot sa tawag mo kay Deo. Kaya hindi mo na ako mauuto pa.", muli kong
wika. "S-sandra.", "Oh ano? Nabigla ka ba? Matapos mo akong
tulungan, may gagawin ka rin pala na masama sa akin. Mas masahol ka pa sa
hayop. Paano mo nagawa na lokohin ako?", tanong ko na may namumuong luha
sa gilid ng aking mata. "I j-just love you, Kate.", "Mahal mo
ako? Talaga ba? Kasi kung mahal mo ako, hindi ka gagawa ng ikakapahamak ko. So
ano? Planado na pala ang lahat ha? Inutusan mo si Deo para sirain kami ni
David? All this time, ikaw ang punot-dulo ng lahat, kung bakit namatay ang anak
ko at ang anak natin!", I said again. "Kate hindi. Wala akong alam
dyan. Maniwala ka sa akin, ngayon lang ako nakipagsabwat kay Deo.",
paliwanag nito. "Matapos kong marinig ang boses mo sa cellphone, sa tingin
mo ba maniniwala pa ako sayo?", naiinis na sabi ko sa binata. "Mahal
kita, Kate. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagsumikap. At nung napunta ka kay
David, aaminin kong nagselos ako ng sobra sa kanya. Pero ni minsan, hindi ko
nagawang sirain ang pamilya mo, lalo na ang buhay ng anak natin. Kate, ako ang
ama ni Michael, at nasasaktan din ako na ibang tatay ang tinuring niya. But I
respect your decision. Hindi ko na kayo ginulo no'n. Pero nung nakita kong
umiiyak ka sa kalsada habang yakap-yakap mo ang kabaong ng anak natin, nadurog
ako sobra. Galit na galit din ako.", mahabang pahayag niya. "Ano bang
pinupunto mo ha? Na kasalanan ko ang lahat dahil hindi ako sumama sayo?",
"I never blame you, Kate. I'm just explaining my side. Dahil ayokong
nasasaktan ka. Nagawa ko lang 'to dahil gusto ko, ako na lang ulit ang mahalin
mo. Kasi handa akong gawin ang lahat at higitan si David para sayo.", wika
niya na may kalungkutan. "It's too late, Derick. Because I will never love
you. Yung relasyon natin, hindi na maibabalik sa dati.", sambit ko at
tinitigan muna siya bago humakbang papunta sa pinto. But before I leave his
office, may iniwan akong salita na dapat niyang tandaan. "Salamat na lang
sa tinulong mo. But I still love, David. Siya pa rin ang pipiliin at mamahalin
ko."
Chapter
66
SANDRA's
POV:
"I WANT DNA TEST.", madiin na turan
ko sa isang lalaki na kausap ko ngayon sa phone. Panibagong araw kaya
panibagong plano ang gagawin ko sa araw na 'to. Gusto kong matuklasan kung
totoo nga ba ang lahat tungkol sa amin ni Katrina. Wala naman sigurong mali
kung susubukan ko ang DNA diba? Kaya oo, ito ang ginawa ko. Kumuha ako ng isang
tao para magnakaw ng buhok o kahit anong gamit ni Katrina. "10, 000 pesos.
Siguro naman, sapat na 'yan para magawa mo ng tama ang ini-utos ko.",
turan ko sa binata sabay labas ko ng pera. "Opo Ma'am, akong bahala. Hindi
ko kayo bibiguin.", magalang na tugon niya at kinuha ang pera sa kamay ko.
Sinara ko na ang salamin ng kotse bago ko pinaandar ang sasakyan. Wala akong
tulog kagabi dahil sa mga kaguluhan sa isipan ko. Hindi rin muna ako umuwi sa
mansion ni Derick kasi ayoko na siyang makita at makausap pa. Umalis na rin ako
sa pagiging CEO ng kompanya dahil ayokong makipagplastikan sa kanya. For almost
one month, napamahal na rin ako ng konti sa mga tao do'n kahit na dakilang masungit
ako. Pero gano'n talaga. Sometimes we need to let go, lalo na kung alam mong
niloloko ka lang pala ng kapartner mo. I was very disappointed. Kasi siya yung
pinagkatiwalaan ko ng plano ko, pero siya rin pala ang sisira sa akin. Kaya
hindi niyo ako masisisi kung bakit nagalit ako kay Derick. He lied to me. And
he deserve to be hated. PUMUNTA na ako sa building kung saan iniwan ko si David
do'n para bantayan si Deo. Kaso sa pagbalik ko, wala ang dalawa. Wala sila sa
loob. Medyo kinabahan na ako dahil baka nakatakas na si Deo at napahamak ang
binatang minamahal ko. "David? David?!", pagtatawag ko sa pangalan
niya. Halos sinilip ko ang bawat sulok ng lumang gusali para lang hanapin siya.
Pero kahit anong hanap ang gawin ko, wala akong nasilayan. "Bullshit!
Where are you, David?", inis kong turan sa sarili. Wala akong choice kundi
ang tawagan siya baka sakaling sumagot ito. Ilang beses rin tumunog ang
cellphone niya, bago ito sinagot. "Nasa'n ka ba, David ha?",
pagtatanong ko agad sa kabilang linya. Iritado ang boses ko dahil hindi ko na
naman gusto ang ginagawa niya. Ang usapan namin, 'wag niyang hahayaan na
makatakas si Deo pero mukhang nalusutan siya ng demonyo. "Nandito kami sa
bahay ng parents namin.", kalmadong turan nito. "What? So kasama mo
si Deo?", muli kong saad. "Yeah. Kinausap ko siya. And he said, may
dapat pa daw akong malaman.", wika niya sa akin. Halos gigil kong
hinilamos ang kamay ko sa aking mukha dahio sa kabobohan ni David. "Are
you really out of your mind? Naniwala ka sa kapatid mo? Uto-uto ka talaga,
David! Binibigyan mo pa siya ng pagkakataon para takasan ang ginawa niya sa
atin, lalo na sayo!", paninigaw ko. "Kate, he's my brother. Alam kong
nagkamali siya. Alam kong siniraan niya ako. But I choose to trust him again,
this time. So please, hayaan mo muna kami. Nangako siya sa akin na tutulungan
niya ako.", mahinang sabi ng binata. "David naman! Hindi ko alam kung
anong pumasok sa kokote mo! Bakit ang dali para sayo na--", "I can
also handle this. Just trust me.", mabilis na sambit niya na hindi man
lang ako pinatapos magsalita. And yes, he ended the call. Hindi ko tuloy alam
kung ano ang pinag-usapan nila! Tangina! PABALIK-BALIK ako sa paglalakad
ngayon. Pakiramdam ko, lumilipad ang aking utak dahil sa ginawang desisyon ni
David. Ang tanga niya! Sa sobrang katangahan nito, hindi ko mapigilan ang
mang-gigil dahil sa binata. Konti na lang, sasabog na ako sa galit. Pero
buti na lang at hindi ito natuloy dahil sa tawag na natanggap ko mula sa tauhan
na inutusan ko kanina. "Ma'am, tapos na po. Nakuhanan ko ng buhok si Mrs.
Katrina. Pinasok ko ang bahay niya nung umalis siya. Kaya kinuha ko ang suklay
na ginamit niya.", pagbabalita niya. "Very good!", komplimento
ko rito. "Hintayin mo ako dyan sa tagpuan natin.", I continue. This
is the only way to know the truth. Kaya hindi ko na papalampasin pa ang bawat
segundo at minuto. Kung si David, nabibilog na agad ng kapatid niya. Pwess, ako
hindi. Dahil gagawa ako ng paraan para makuha pa rin ang hustisya ng anak ko.
Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko pabalik sa pinag-usapan namin.
"Nasa'n na?", I asked him. "MA'AM, eto na po.", magalang na
tugon nito. Kinuha ko na ang hawak niyang suklay na nakalagay sa maliit na
plastic. "Thank you.", aniya ko. After that, I drive again. But this
time, sa private doctor ako tutungo. Sa doctor na maaasahan ko. Malaking halaga
ang binigay ko sa kanya para lang dito sa DNA. Dinoble ko ang pera, nang sa
gano'n, malaman ko agad ang resulta. It takes more than 24 hours bago niya ako
kausapin. Kaya oo, isang araw din ang tinagal ng pag-DDNA. "Sigurado ka na
ba?", tanong nito na tila binibigyan pa ako ng pagkakataon para umatras. Bagong
araw, pero nandito ako sa clinic niya. Dito ko naisipan magpalipas ng gabi para
makita ko ang bawat kilos ng Doctor. "I paid you already, ngayon pa ba ako
aayaw?", inis kong sambit. "Naniniguro lang ako Ms. Sandra. Ayoko
lang kasi madisappoint ka.", wika ng doctor. "Bakit Doc?
Nagdadalawang-isip ka ba sa ginawa mo? Kasi kung oo, maghihintay ako ng tamang
araw.", pahayag ko naman. But deep inside, gusto ko na talagang marinig
ang katotohanan. "Ms. Sandra, hindi ko ugali ang magdalawang-isip. Yung
buhok ni Mrs. Katrina at buhok mo, ay tugmang-tugma.", he said.
"What?", "I told you. Ayokong madisappoint ka, pero dahil
mapilit ka, yes, confirmed! 99 percent, match kayong dalawa. So in short,
kapatid mo siya. Kapatid mo si Ms. Katrina.", paliwanag nito na halos
mangalay ang paa ko. I can't believe this. Etong doctor na kaharap ko ngayon,
kilala ako bilang CEO ng kompanya. Kasi nga naging tampok ang pangalan ko dito
sa Pilipinas. At malamang, kilala niya rin si Katrina dahil nga sikat na model
ito. "Are you kidding me, right? Tapos na ang buwan ng april. So stop
making april fools.", saad ko muli. "Magaling ako sa ganito. Kaya
'wag mo sana pagdudahan ang result ng DNA. Nandito ka habang ginagawa ko 'yon.
Nandito ka at naghihintay. So there's no reason para dayain kita. Besides, wala
akong pakialam sa family background niyo. Labas na ako do'n, Ms. Sandra.",
direktang turan niya. Kung sabagay, sino ba siya para mangialam sa buhay namin.
"I'm sorry.", pagpapaumanhin ko sabay tingin sa envelope. "Can I
see it?", turan ko ulit. "Of course. Sa'yo talaga 'yan.",
ngiting pahayag ng Doctor. Nanginginig ko pang ikinuha ang brown envelope.
Pinipigilan ko na huwag huminga habang dahan-dahan kong nilabas ang resulta.
"N-no. No. It can't be. Bakit siya pa?", iling na bigkas ko sa
sarili. Kapatid ko si Katrina. Kapatid ko ang babaeng sumira ng buhay ko. Ang
babaeng pumatay sa anak ko, na pamangkin niya.
Chapter
67
DAVID's
POV:
ALAM kong galit na galit kahapon si
Sandra dahil sa biglaang desisyon ko. I trust my brother again. And gave him
another chance, para patunayan sa akin na wala siyang kinalaman sa pagpatay kay
Michael. --FLASHBACK: "Sa tingin mo ba, kaya kong pumatay? Gago ako at
babaero, pero hindi ako pumapatay ng tao.", bigkas nito habang nakaupo ako
sa gilid. Tahimik kaming dalawa kanina. Walang sino man ang gustong magsalita,
pero sa huli, siya ang unang kumausap sa akin. Gabing-gabi na at pinapapak na
rin ako ng lamok. Tinitiis ko lang dahil gusto kong sundin ang utos ni Sandra.
I really feel the pain that she's suffering right now. Lalo pa't sinabi ni Deo
na kapatid ni Kate si Katrina. Maging ako, nagulat ng husto nang ibulgar niya
ito. I can't imagine na magkadugo silang dalawa. "Kung aalisin mo ang tali
sa kamay at paa ko, matutulungan kita na ituro sayo ang kasabwat ni
Katrina.", aniya ng kambal ko. Umiigting na ang aking panga dahil sa mga
sinasabi nito. "Shut the fuck up, Deo!", singhal na sigaw ko. Ayoko
ng pakinggan siya dahil baka nga pinapaikot niya lang ako. Minsan niya ng
sinira ang buhay at ang pangalan ko sa mismong mata ni Kate. Kaya sapat na
sigurong dahilan 'yon para hindi na ako magkaroon ng tiwala sa binata.
"Lahat ng tao, pwede magbago. David, kahit hindi tayo magkasundo, kapatid
pa rin kita. Pamilya tayong dalawa. So let me fix this problem. Ako ang
nagsimula, kaya ako ang tatapos.", wika niya na may pangungumbinsi. Para
siyang tuta dahil sa maamo nitong mukha. The way he said it, I feel the
sincerity. "Paano ako makakasiguro na gusto mo ng magbago?", I asked
him. "Gaya ng sinabi ko sayo, handa akong ituro ang kasama ni
Katrina.", litanya nito. "Bakit mo pa ituturo? Kung pwede mo namang
sabihin ngayon.", wika ko muli na may kainisan sa boses. "Kapatid,
ayokong mabigla ka. Dahil hindi mo magugustuhan kapag binanggit ko ang pangalan
niya.", turan niya sa akin. "Tangina Deo! Ginagawa mong komplikado
ang lahat! Sasabihin mo ba o hindi?!", I shouted. Napapakuyom na ako ng
kamao dahil sa umaapaw na gigil sa katawan ko ngayon. Wala pa kasi akong balita
na natanggap mula sa binayaran ko tungkol sa pag-iimbestiga. Kaya hindi ko
mapigilan ang emosyon ko sa tuwing binibigkas ni Deo ang tungkol dito.
"Ayoko sa lahat yung binibitin ako. So just tell me who's that fucking
person!", bulyaw ko ulit. Napatayo na ako sa pagkakaupo at tumayo sa
harapan ng kapatid ko. "Handa ka bang marinig kung sino siya,
kambal?", taas-kilay na tanong niya. "Sino ba kasi ang hayop na
tinutukoy mo! Diretsuhin mo na lang ako, Deo!", mariin na sambit ko sabay
higit ko sa kanyang t-shirt. "Kalma. Hindi ako ang kalaban mo.", he
said. Kaya inalis ko ang kamay ko sa lalaki at marahan na huminga para
pakalmahin ang sarili. "One last question, sino siya?", mahinahon na
tanong ko rito. He looked at me and then he smiled. "Si mom. Siya ang may
pakana ng lahat. She's also the one who told to Katrina to kill Michael.",
mahinang sagot niya. Nanliit naman ang aking mata at halos malunok ko ang buong
laway ko dahil dito. "Damn it! Paano magagawa ni Mom 'yon?", bigkas
ko naman. Alam kong ayaw niya kay Kate, pero yung
patayin niya ang bata para lang paghiwalayin kami ay sumusobra na. Hindi na ito
makatarungan pa. "Believe it or not, silang dalawa ang nagplano.
Tinulungan ko lang si Katrina dahil nga matagal ko na siyang gusto. Nasilaw ako
sa pagmamahal noon, pero ngayon, hindi na. Nagsisi na ako sa kasalanan ko.
Nilamon na rin ako ng konsensya ko, kaya sinasabi ko 'to.", mahabang
kwento nito. Sarili kong magulang, nagawa niyang guluhin ang pamilyang binubuo
ko.! It hurts! "Palayain mo lang ako, sasamahan kita sa bahay.", wika
niya muli. Pinag-isipan ko munang mabuti kung paniniwalaan ko siya o hindi. But
at the end, pinalaya ko pa rin siya. Wala naman sigurong mali kung magbago ang
isang tao na nagkasala. "I want justice to my son. Mabait na bata ang anak
namin ni Kate. Kahit hindi ko siya kadugo, tinuring ko siya na parang
akin.", pahayag ko nang pakawalan si Deo. "Huwag kang mag-alala,
babawi ako sayo. Babawi ako bilang kapatid mo. Yung gusot na pinasok ko, aayusin
ko para maging okay na tayo.", tugon niya at tinapik ang aking braso.
--END OF FLASHBACK-- Heto na kami ngayon, nasa bahay ng magulang ko. Katabi ko
si Deo habang hinihintay namin na lumabas si Mom mula sa kanyang kwarto. Hindi
na ako nagtaka pa nung tumawag si Kate sa akin. Hinahanap niya kami ng kambal
ko. At base sa pananalita nito, halos hindi niya makontrol ang inis at galit.
Pero hinayaan ko na lang dahil para din sa amin ang ginagawa ko. Sa madaling
salita, isinantabi ko muna ito. SABAY naman kaming napatayo ni Deo sa
kinauupuan, nang bumaba si Mom. Nakangiti siya at isa-isa kaming niyakap. "Nakakatuwa! Pareho kayong dumalaw para
kamustahin ako. Ang sweet niyong magkambal.", malambing na sabi nito.
Hindi ako umimik at pinagmasdan ko muna siya. Paano niya kaya nagawang patayin
ang kaligayahan ng mismong anak niya? "Teka nga, nagkabati na ba
kayo?", usisang tanong nito. "Oo. Nagkabati na kami. Maayos na kami
ni Deo. Ikaw ba? Kailan mo ba aayusin ang pagkakamali mo?", sakrastikong
saad ko. Hindi ko na napigilan ang bunganga ko at kusang bumuka ito. "What
are you talking about, David? Pumunta ka ba dito para lang inisin ako?",
she raised her left eyebrow. "I know everything. So don't act as if you're
inoccent.", diretsang turan ko sa magulang na kaharap ko. Nawala na rin
ang respeto ko sa kanya. And I don't care anymore about her feelings. She
doesn't deserve the word respect. "Deo, kausapin mo nga ang kapatid mo.
Dahil hindi ko gusto ang nilalabas ng bibig niya.", pagbabaling nito sa
lalaking nasa tabi ko. "Mom, I'm sorry. Let just accept the fact na may
mali ka.", tugon ng kambal ko. "What the hell, Deo?! Pati ba ikaw na
paborito ko, magagawa mong sabihin 'yan sa akin?", sambit niya na may
kalakasan ang boses. "Sinabi ko na kay David ang nalalaman ko. Katulad mo,
mautak akong tao. Kaya nagawa kong imbestigahan ka. At sinabi rin mismo ni
Katrina ang tungkol sa ginawa niyo. Inutusan mo siya na lasunin si Michael
diba? So she killed the child, para mapunta si David sa kamay niya.", wika
muli ni Deo. "Wala akong alam dyan. Kaya kung meron man na dapat sisihin,
baka si Katrina 'yon. Dinadawit niya lang ang pangalan ko para sa akin mabaling
ang galit ni David.", she said. "Stop that nonsense explanation. Wala
ng makikinig sayo. Tapos na ang kasinungalingan mo. At kahit nanay kita, handa
akong ipakulong ka.", madiin na turan ko kay Mom. "So mark my
words.", bigkas ko sa huling pagkakataon.
Chapter
68
SANDRA's
POV:
NANLULUMO pa rin ako sa katotohanan.
Pero walang patutunguhan ito kung hindi ako gumagalaw at naghahanap ng
ebidensiya. I need to do something to know the whole story. Litong-lito ako sa
mga nangyayari. Hindi ko na matanong pa si nanay dahil patay na ito. Yung papa
ko rin, matagal na akong tinalikuran. Hindi ko nga siya kilala dahil tinakbuhan
daw nito ang responsibilidad bilang ama sa akin. Kaya sa murang edad,
nagtrabaho na ako. At dahil do'n, nakilala si Derick na binigyan akong Michael
sa buhay ko. Kaso sa isang iglap, namatay ang anak ko. Namatay siya sa mismong
kamay ni Katrina. All this time, kapatid ko pala ang may kagagawan. "Shit!
Bakit ba ang bagal mong mag-isip ngayon, Kate?!", I said. I'm facing the
mirror while talking to myself. I don't know how to start my new plan. Plano ko
kasing kausapin si Katrina at magpapanggap ako bilang si Sandra. Total, Sandra
ang mukha na ginagamit ko ngayon dahil sa surgery. "Bahala na!",
sambit ko muli. Kinuha ko na ang wallet sa kama matapos kong mag-ayos. Umuwi
kasi ako sa bahay para maligo at magpalit ng damit dahil nga nag-stay ako
kagabi sa mismong clinic. Busy ako sa araw na 'to, so wala na akong oras para
intindihin si David. Hindi niya sinunod ang utos ko, kaya wala na akong
pakialam sa kanya. Magkanya-kanya na kaming kilos, total nagmamagaling masyado
ang binata. Tsk. Sumakay ulit ako sa kotse ko at drinive ito sa bahay na
tinutuluyan nila Katrina. Medyo nahihilo na ako dahil wala pa akong pahinga
simula pa kahapon. Pero gano'n talaga, kailangan kong magtiyaga para makuha ang
hustisya na inaasam-asam ko. Ang bahay na hinintuan ko, ay yung bahay mismo
kung saan, dito ako dinala ni David noon. Ito yung bahay na inenjoy namin noon
nung nabubuhay pa si Michael. Ang saya sana namin, kaso ang saklap ng kapalit.
BUMABA na ako sa aking sasakyan at lumapit sa doorbell para pindutin ito. Isang
katulong ang bumukas ng gate kaya nakapasok na ako sa loob. "Ma'am,
sandali lang po. Sino po kayo?", pagpipigil niya habang hinahabol ako.
Tuloy-tuloy naman ako sa paglalakad at nagbibingi-bingihan. "Teka lang po
Ma'am.", she said again. But she's too late kasi tuluyan na akong
nakatuntong sa mismong bahay. Binago na ang design ng bawat sulok. Kaya hindi
ko maramdaman ang totoong saya dito. Napadako naman ang tingin ko sa sala,
dahilan para mabigla ako sa aking nasilayan. Umiinom ng alak si Katrina na tila
lasing na lasing na ito. Tamang-tama pala ang dating ko. Sabi kasi ng
matatanda, nagsasabi raw ng totoo ang lasing. Nalalabas nila ang saloobin na
tinatago nila. Kaya humakbang agad ako patungo sa tapat ng babae.
"Kumusta?", tanong ko sa maayos na paraan. Bahagya itong napatingin
sa gawi ko, na medyo tiningala niya ang ulo para makita ako. "I'm just here to visit you. And aside
from that, we need a model in my company. So ikaw ang naisip ko, kasi marami ka
ng experience about modeling.", turan ko para lang makaisip ng sasabihin.
Yung pinaplano ko sa kanya noon na papahiyain, hindi na matutuloy dahil nga
umalis na ako sa pagiging CEO. Kaya nagsisinungaling ako kay Katrina, para
hindi ito magduda. "HAHAHAHAHAHAHAHA.", malakas na tawa ang
pinakawalan niya dahil sa sinabi ko. Tipsy na ang galawan nito. And the way she
laughed, halatang nilamon na ng kalasingan. "Tangina HAHAHAHA. Si David
ang inaasahan ko na pumunta, pero ikaw ang nagpakita? Isa pa nga, tangina mo,
Sandra! HAHAHAHA!", muli niyang saad na hindi mawala ang pagtawa.
"Excuse me?", taas-kilay kong bigkas. Ayoko pa naman sa lahat yung
minumura ako. "Oh bakit? Di ba tangina ka? May boyfriend ka na, tapos
nilalandi mo pa rin ang asawa ko! Hindi ka man lang nahiya!", usal na
sigaw ni Katrina. "Wala akong nilalandi.", kalmadong wika ko.
"Talaga ba? Anong tawag mo sa paglapit ng asawa ko sayo?",
mapanghamon na sambit niya. "Mrs. Katrina, si David ang may gustong
lumapit sa akin, hindi ako. So be careful with your words. Lasing ka na
talaga.", mataray kong turan. Hindi ganito ang gusto kong marinig sa
kanya, pero mukhang imposible yata na umamin ito. "Well, kagaya ng sinabi
ko, para sa kompanya ang pinunta ko. Kaya kung ayaw mo, aalis na lang ako. I
don't want to waste my saliva to the toxic people like you.", diretsang
litanya ko. I was about to turn my back pero may salita itong binitiwan.
"Ano ba kasing meron sayo, Sandra? Wala na nga si Kate sa pesteng mundo na
'to, tapos ikaw naman ang pumalit?! TANGINA LANG!", malutong mura ni Kat.
So I gave her a cold look, nang sa gano'n, hindi nito isipin na interesado ako
sa pinagsasabi niya. "You know what, I'm really tired! Mahal na mahal ko
si David. I can't lose him. I c-can't also live without him.", umiiyak na
turan ng babae. Para siyang bata na nagmamakaawa ngayon sa akin. Nakayakap kasi
ito sa aking tuhod na animo'y pinipilit ako na layuan ang lalaki. "Please,
'wag naman ang asawa ko. Kasal na kami. Huwag mo sanang agawin si David sa
buhay ko.", bigkas nito ulit. "Katrina, wala akong inaagaw.",
malamig na pahayag ko. "Sandra, alam kong mabait ka. Kaya sana
hayaan mo na kami ni David. Huwag mo ng sirain ang pamilya ko.",
"Hindi ko sinisira ang pamilya mo, Katrina. Dahil hindi ako gano'n na tao.
How about you? Tinanong mo na ba 'yan sa sarili mo?", balik na saad ko.
"Wala. Wala akong sinira. Patay na si Kate nung kinasal kami ni David. Si
Kate, inu-uod na siya. At masaya ako na gano'n ang nangyari sa kanya.",
wika nito na tila baliw na. Wala akong magawa kundi ang tingnan at pakinggan
siya. "At alam mo ang nakakatawa? Matagal ko ng alam na kapatid ko si
Kate, hahaha. Kasi sabi ni Daddy, nung pinanganak kaming dalawa, ako lang daw
ang nakuha niya hahahahaha.", natatawang kwento ni Katrina. "What?
K-kapatid mo si Kate na minahal ni David?", "Oo hahaha, kapatid ko
'yon. Kaso nga lang, hindi niya alam na kapatid niya ako. Pero okay na rin 'yon
kasi hindi ko naman tanggap na kadugo siya. Mabuti nga at nahiwalay ako sa
kanila. At sinama ako ni daddy sa kabit niya. Kaya ayon, maganda ang buhay
ko.", she said again. Gusto kong magsalita pero pinigilan ko ang aking
bunganga dahil si Sandra ako sa paningin niya. Lumagok ulit siya ng alak, sabay
tingin ulit sa akin. "Kaya wala akong sinira na pamilya. Hindi ko sinira
ang pamilya ni Kate dahil patay na siya. Patay na siya!", bulyaw nito.
Nagawa niyang ibato ang bote dahilan para mabasag ito. "Kaya kung hahayaan
mo kami at lalayuan mo ang asawa ko, magiging happy family kami nila David
at--- Michael.", turan niya na lalong ikinagulat ko. Did she mentioned my
son's name? "A-anong sabi mo?", I asked. Sa puntong ito, feeling ko,
tumigil ang tibok ng puso ko. "Hindi patay ang anak nila. Hindi patay si
Michael, hahahahaha. Pinalabas ko lang na patay para sa gano'n mamatay talaga
si Kate sa pagluluksa. Kaya ayon, nagtagumpay ako dahil namatay nga siya. Ang
galing ko diba? Masyado akong mautak. Hindi niya alam, ibang bata ang iniyakan
niya HAHAHAHA! Woaaahh!", paninigaw nito sabay palakpak.
"Katrina.", madiin na sambit ko sa pangalan ng babae. Imposible ang
sinasabi niya. Nakita ko ang mukha at labi mismo ng anak ko. Si Michael yung
iniyakan ko. Si Michael yung niyakap ko. Kaya paanong buhay ito? "Nasa'n
si Michael?", tanong ko rito. "Bakit ko naman sasabihin sayo? Hindi
tayo close, Sandra. Nye nye! HAHAHA tsupi!", wika nito na may pang-iinis.
Hindi na ito nakasalita pa dahil tuluyan na siyang nakatulog sa sobrang
kalasingan.
Chapter
69
DAVID's
POV:
"SO WHAT'S YOUR NEXT PLAN,
BRO?", tanong ni Deo sa akin. Nasa bar kami at kasalukuyan na umiinom ng
wine. Umalis na kami sa bahay at dito namin ninais na pumunta. "Kakasuhan
ko siya, kung ayon ang nararapat.", turan ko sabay lapag ng alak sa mesa.
"Tama 'yan. I'll support you. Handa ako maging testigo laban sa kanya. At
handa rin akong harapin ang mga kasalanan ko, kung sakali man na may nilabag
ako.", wika nito at pilit na ngumiti. Medyo kampante na ako ngayon dahil
tuluyan na ngang nagbago si Deo. Sa kabila ng ginawa niyang mali sa akin, handa
siyang linisin ito para lang mabalik sa maayos ang lahat. For the last time,
nilagok namin ang alak bago kami umuwi sa kanya-kanya naming bahay. Umuwi si
Deo sa condo. Samantalang ako, balak kong silipin si Katrina. Halos hindi ko na
kasi siya nakakausap pa, kaya titingnan ko kung okay lang ba ang kalagayan
nito. Hindi pa rin mapawi sa isip ko ang tungkol sa kanilang dalawa ni Kate.
Magkapatid sila at katulad namin ni Deo, kambal din sila Katrina. Kaso hindi ko
inaasahan na sa paghinto ko ng motor, si Sandra ang bumungad sa akin. Hindi
maipinta ang mukha niya na tila batang nakaupo sa may gate. Yakap-yakap niya
rin ang tuhod at bahagyang umiiling. "What's happening to her?",
mahinang tanong ko sabay alis ng helmet. I walk towards to her. Siguro
naramdaman niyang may tao, kaya napatingin sa gawi ko. "Ano bang nangyari?
Did she hurt you?", bigkas ko na may concern sa boses.
"D-david.", utal na sambit niya sa pangalan ko. Naluluha ito na may
halong pagkagulo sa reaksyon. "Si M-michael, b-buhay daw siya sabi ni
Katrina.", she continue. Napakunot ang aking noo dahil sa biglaang pagsabi
niya. "Kate, are you okay?", I asked her again. Talagang tinanong ko
siya kung ayos lang ba, dahil baka nilalamon lang ito ng pagka-ulila sa bata.
"I d-don't know. Hindi ko alam. Pero simula nang sabihin ni Katrina na
buhay si Michael, hindi na mapakali ang dibdib ko. She said, tinago niya daw
ang bata para lang maging pamilya kayo.", pahayag niya muli. Umupo naman ako
para maging kapantay siya. And at this point, inayos ko ang buhok niya na
tumatakip sa mata nito. "Ako ng bahala ang kumausap kay Katrina. At kung
totoo man ang sinabi niya, ibabalik ko siya sayo. Hahanapin ko si
Michael.", pagtuturan ko sa babae. Mahigpit niya akong niyakap at tuluyan
na itong napaiyak. "S-sana nga buhay ang anak ko, David. Sana buhay ang
anak natin. Kasi miss na miss ko na si Michael. Miss ko na siyang yakapin at
halikan. At miss ko na ang dating tayo na masaya.", wika niya habang
patuloy sa pagbuhos ang luha sa aking tshirt na suot. Marahan ko lang na
hinaplos ang likuran niya para mailabas nito ang lungkot. Maya-maya ay tumigil
na ito at napaalis ng yakap. "I also tried to have a DNA test. And s-she's
my sister. Magkapatid nga kami.", aniya nito na tila mabigat sa kalooban.
I know and I feel her situation. Ganito din kasi ang naramdaman ko nung nagalit
ako kay Deo. Pero darating ang panahon, huhupa rin ang galit niya kay Katrina.
"Wait for me here. Kakausapin ko siya.", tanging saad ko at tumayo
na. Akma na sana akong papasok sa gate pero natigilan ako dahil nakatayo na si
Katrina doon. Matalim ang titig niya na animo'y sinapian ng demonyo. Napatayo
na rin si Kate nang masilayan ang babae. "A-akala ko ba, tulog ka
na?", turan nito sa kapatid. "Bakit? Nagulat ba kita, KATE?",
tanong niya na may kadiinan sa pangalan na binigkas. "Sinasabi ko na nga
ba, buhay ka pa. Kaya pala ibang-iba ang dating ni David sayo, dahil humihinga
pa ang kambal ko!", wika niya na may poot sa pananalita. Base sa postura
niya, halatang lasing ito. Pero sa pagsasalita ni Katrina, parang nawala ang
kalasingan niya. "If you think na magiging happy ending ang love story
niyo, hindi ko hahayaan na mangyari 'yan. Hawak ko si Michael. Ano mang oras,
pwede ko siyang patayin. Isang tawag ko lang sa tauhan ko, tiyak, malalagutan
ng hininga ang bata.", pahayag nito na tila hindi na tao ang kaharap
namin. "Katrina, please. Stop this. Tigilan mo na 'yan. Si Michael,
pamangkin mo siya. Hindi mo dapat ginagawa 'yan.", "Oo, pamangkin ko
siya. Kaya nga, sinagip ko ang buhay niya nung sinabi ng mama mo na lasunin ko
ang bata. Pero kung hindi ka talaga mapupunta sa akin, I can kill a child,
kahit kadugo ko pa 'yan.", she said in a devil voice. "Why are you
doing this? Nakakaya ba ng sikmura mo na pahirapan ang mismong kapatid mo at
ang anak niya?", "Hindi ako ang nauna! Inagaw ka ni Kate sa buhay ko!
So I'm just paying back. Kinuha ko si Michael para maging buo tayo. Kasi alam
kong napamahal ka na sa bata.", wika nito na may halong pagpapaliwanag.
Humakbang ako ng ilang pulgada para pigilan siya sa kanyang binabalak. Hawak
kasi nito ang cellphone dahilan para tawagan ang tinutukoy niyang tauhan.
"David, matagal ng plinano ng mommy ang tungkol sa pagpatay sa bata. She
knows about Michael. At alam ko rin na kapatid ko si Kate. Kaya nung inutusan
niya akong lasunin ang bata, hindi ko ginawa. Pampatulog lang ang inihalo ko sa
pizza para sa gano'n sugurin si Michael sa hospital. Pero nung sinugod ang
bata, pinalabas kong nalason ito dahil binayaran ko ang Doctor. And you know
what, habang pinaplano ni mom 'yon? May binili na akong bata na patay. Yung
mukha ni Michael, pinagaya ko nang sa gano'n maging makatotohanan ang
lahat.", patuloy niyang kwento. Habang sinasabi niya ito, hindi maalis sa labi
ni Katrina ang ngisi. "I'm so intelligent!", proud na bigkas ng
babae. Wala na yata sa katinuan ang taong ito. Kaya huminga ako ng malalim,
bago ko hinawakan ang kamay ni Kat. Nasa mismong tapat niya na ako ngayon
dahilan para matitigan ko siya sa mata. "I'm begging you. Kung talagang
mahal mo ako, handa kang palayain ang bata.", pakiusap ko rito.
"Please Katrina. Pleaseee...", muli kong sambit. Naiiyak siyang
nakatingin sa akin at tila nagdadalawang-isip pa ito. "I l-love you David.
Alam ng Diyos kung gaano kita kamahal. Mahal na mahal kita.", "Yes, I
know. And same feelings, dahil minahal din kita. At mahal pa rin kita. Kaso
yung pagmamahal na 'yon, hanggang kaibigan o kapatid na lang siguro.",
wika ko sa kanya. "David, h-hindi ko kaya. Hindi ko pa matanggap. Asawa mo
ako eh. Kasal na tayo, diba?", naluluhang tanong ng babae. Pero sa halip
na sagutin ko siya, I just hugged her. "Gaya ng sinabi ko, minahal din
kita. But you don't deserve me. Kasi hindi ko kayang ibigay ng buo ang
pagmamahal ko sayo. Kaya sana, palayain mo na ako, Kat. Hayaan mo na kami ni
Kate. Huwag mong ipagkait sa bata ang maging masaya. So please, tell me, kung
nasaan si Michael.", mahinahon na saad ko. Matagal din ito bago sumagot. "K-kasama
siya ni kuya Edward. Hindi ko naman kaya na ipahamak siya at ipahawak sa maling
tao. Kaya kunin mo na siya.", turan nito sa akin. Habang binibitawan niya
ang salitang 'yon, ramdam ko na mahirap para kay Katrina na aminin ito. Kaya
kahit papano, natuwa ako sa naging desisyon niya.
Chapter
70
KATE's
POV:
SINABI na sa amin ni Katrina kung
saan na location nagtatago si Edward habang kasama si Michael. Edward is also
my brother. Pero hindi talaga kami magkadugo dahil anak ito ng asawa ni papa sa
ibang lalaki. In short, single mom na talaga yung pinalit ni papa sa mama ko.
Naging klarado na sa akin ang lahat dahil mismong si Katrina ang nagsabi nito.
She cleared everything to us. At humingi na rin ito ng tawad sa harapan namin
ni David. So at this point, patungo na kami sa hide out para kunin si Michael.
Gusto ko ng makita ang anak ko. Gusto ko na siyang pupugin ng halik gaya ng
ginagawa ko noon sa kanya. "Ikanan mo ang kotse.", pagtuturo ni Kat.
Sinama namin siya para hindi kami maligaw at hindi matagalan ang paghanap
namin. Sinunod naman ni David ang winika ng babae kaya agad niyang iniliko sa
kanan ang sasakyan. Medyo liblib nga ang lugar. Pero sobrang ganda at mahangin
sa kalooban dala ng mga puno. The car stopped in front of the gate. "Teka,
bakit bukas?", sambit ni Katrina na tila may pagtataka. Mabilis siyang
bumaba at naglakad papasok. Hindi na rin kami nag-aksaya pa ng oras ni David,
dahil sumabay na kami sa kapatid ko. Hindi ko pa tuluyang napapatawad si
Katrina dahil hindi naman gano'n kadali ang magpatawad. But I promised to
myself na kapag nakasama ko na si Michael, handa na akong patawarin siya.
"PAPA!", isang malakas na sigaw ang narinig ko sa bandang itaas. My
son crying while shouting. Michael is alive! Totoo ngang buhay ang anak ko.
Pero bakit? Bakit ganitong sitwasyon ang naabutan namin? Hindi si Edward ang
may hawak sa bata. Dahil hawak mismo ng matikas na lalaki ang aking anak. Sa
katabi nito, nando'n ang mommy ni David. "K-kuya?", utal na bigkas ni
Katrina nang lapitan si Edward na duguan at walang malay. Parang nawala ang
kalasingan nito at naging normal ang pagtakbo niya palapit sa binata. Pero
hindi ko muna itinuon kay Edward ang pansin ko dahil yung buhay din ng anak ko
ay nanganganib sa kamay ng iba. "Mom please. Ibigay mo na sa amin si
Michael. Maawa ka sa bata.", wika ni David at nagsimula siyang
makipag-usap sa ina. "HINDI AKO BOBO, DAVID! KAYA HINDI MO AKO MADADAAN SA
MGA GANYAN!", she shouted. "Bata 'yan, mom! Sana naman, ibigay mo sa
kanya ang karapatan para mabuhay.", he said again. Pero hindi ito nakinig
sa sinabi ng anak. So I don't have choice kundi ang aminin ang pagkatao ko.
"A-alam kong may galit kayo sa akin dahil pumasok ako sa buhay ng anak
niyo. H-hindi niyo ako g-gusto para sa kanya. P-pero sana, huwag niyong idamay
ang anak ko.", naluluha kong sambit. Kinakabahan kasi ako sa pwedeng
mangyari kay Michael lalo pa't nasa mataas na building siya. "Ohh, ikaw
pala si Kate? Grabe! Hindi ako nagkamali ng hula nung nasilayan ko ang mukha
mo.", ngising saad niya na hindi man lang nagulat sa pag-amin ko.
"Kung sabagay, kahit ilang beses mo pang palitan ang mukha mo, amoy ko pa
rin ang lansa mo!", patuloy nitong sabi. Kahit kailan talaga, matabas ang
dila niya. Mabuti na lang, hindi ako pumapatol sa mga hayop. I was about to say
something, pero mismong si Katrina ang sumingit. "PLEASE, HAYAAN NIYO NA
SILA! IBALIK NIYO NA SI MICHAEL SA KAPATID KO!", turan niya sa Ginang.
After hearing the words, "kapatid ko", my heart melt. Ramdam ko kasi
na tunay na ang pinapakita ni Katrina. "Hija, my dear, bakit parang lumiko ka ng
landas? Diba ito ang plano natin? Ang makuha ang anak ko?", wika niya para
ipaalala ito sa babae. "I changed my mind. And I learned to let go of your
son. Kaya sana gano'n ka rin.", mahinahon na tugon nito. "At sa
tingin mo ba, susundin ko ang sinasabi mo? Katrina, pareho tayong makukulong.
Sa bilangguan pa rin ang bagsak natin kahit na isauli ko si Michael.",
wika niya ulit. "Malamang may ginawa tayong mali. Kaya anong aasahan mo?
Special treatment?", sakrastikong saad ni Katrina na talagang dinaan pa sa
biro ang lahat. "Hindi kasi ako katulad mo, Katrina na nagpapauto! Kaya
kung ako sayo, 'wag kang maniniwala sa kanila. Dahil kapag nabuo sila, magiging
kawawa ka.", sulsol na turan nito. "A-ayoko na ho. Pagod na akong
habulin si David. Masakit din sa akin na pakawalan siya, pero mas masakit kung
pipilitin ko siya kahit na hindi ako ang mahal niya.", she replied. That
line, made me feel the love of the sister. "Kaya nakikiusap ako, pakawalan
mo na ang pamangkin ko. He doesn't deserve this. Hindi ko tuloy alam kung paano
mo nalaman ang lugar na 'to at kung paano mo nalaman na buhay siya.",
aniya ni Katrina. At bilang tugon, tumawa lang ang mommy ni David. Yung tawa na
may halong insulto. "Syempre, may mata at tenga ako sa pamamahay niyo.
Kaya nung sabihin mo ang lugar kung nasa'n si Michael, inunahan ko na agad
kayo.", ngising bigkas niya. Binalikan ko tuloy ang oras nung umamin si
Katrina sa amin, that time nakatayo at nakamasid lang ang isang katulong sa may
sulok. Kaya siguro, siya yung tinutukoy niyang mata at tenga doon. "How
dare you!", usal ni Kat sa babae. Hindi ko na kaya 'to. Sumusobra na siya!
Nasasaktan na ang anak ko sa mahigpit na hawak ng lalaki, kaya kailangan ko na
siyang kunin. AKMA na sana akong aakyat sa itaas pero pinigilan ako ni David.
"No, Kate. Dito ka lang. Ako ng bahala kay Michael.", seryosong wika
nito. Bahagya akong tumango para ipahatid sa kanya na mag-ingat siya. Kaya
heto, abot-tingin ko na lamang si David habang tumatakbo pataas. "BWISIT!
AKIN NA ANG BATA!", rinig kong sambit ng mommy ni David. Mas kumabog ng
husto ang dibdib ko, dahil wala na akong tiwala sa may hawak. Anytime, handa siyang hulugin ang anak ko.
"SIGE DAVID, SUBUKAN MONG LUMAPIT AT HINDI AKO MAGDADALAWANG-ISIP NA
ITAPON ANG BATA!", pagsisigaw niya. Nasa mismong taas na si David kaya
ganito na lamang ang galit na umaapaw sa Ginang. "Oh ikaw, ano pang
hinihintay mo! Bugbugin mo na 'yan! Wala na akong pakialam kung anong mangyari
sa kanya! Hindi ko na siya anak ngayon!", utos nito sa tauhan. Agad naman
itong sinunod ng malaking lalaki kaya sinugod niya si David. Natatakot ako.
Hindi ko alam kung paano nasisikmura ng nanay niya na ipabugbog siya.
"David.", tanging bigkas ko sa pangalan niya. Nasilayan ko na may
dugo na siya sa labi dala ng mga suntok. Pero sa huli nagawa niyang lumaban at
patumbahin ang malaking lalaki. Kaya sa puntong iyon, tanging mommy niya na
lang ang kalaban. "Don't you dare to walk towards to me, kung ayaw mong
makita na duguan si Michael.", madiin na sambit niya. "Mom, anak ko
rin siya. Hindi ko man kadugo ang bata, pero anak na siya sa paningin ko. So
please, ibigay mo naman sa akin ang kaligayahan na gusto ko. Kahit isang beses
lang, suportahan mo naman ako.", wika nito sa magulang. Rinig na rinig ko
ang usapan nila dahil sa echo. "Ano bang gusto mong gawin ko? Lumuhod ako
sa harapan niyo? Mom, I can do it. Handa akong lumuhod at halikan ang paa mo,
kung 'yan ang paraan para ibigay mo si Michael.", muli niyang sabi. Ilang
minuto ang tinagal bago magsalita ang Ginang. At tila natauhan ito sa kanyang
ginawa dahil binaba niya ang anak ko. She let go my son. Kaya gano'n na lamang
ang tuwa sa aking puso. "Papa!", pagsasambit ng bata. Tuluyan na
akong nakahinga ng malalim dahil sa wakas, sumuko na ang mommy ni David.
Epilogue
KATE's
POV:
TODAY is our wedding day. Annulled na
ang kasal nila David at Katrina, kaya tinuloy na ulit namin ang kasal na
pinangarap naming dalawa. Ang daming nangyari sa love story namin ng lalaki.
But still, kami pa rin hanggang dulo. Marami man ang sumira sa amin. Pero
kaakibat no'n, lahat sila nagbago. Si Derick, he contiue his passion. Pinalago
niya ang kompanya kahit siya lang mag-isa. Hindi ko naman pinagdamot sa kanya
si Michael dahil may karapatan siya sa bata. Si Edward naman, nagpapagaling pa
siya sa hospital. Nagpapasalamat din ako sa kanya dahil maayos ang trato niya
sa anak ko, nung wala ako sa tabi nito. May mabuting kalooban din pala ang
binata na ngayon ay kapatid na rin ang turing ko. So here I am, walking in the
red carpet patungo sa mismong altar. Suot ko ang mahabang gown habang hawak ko
ang bulaklak. Hindi ko mapigilan ang luha na pumapatak mula sa aking mata. This
is the tears of joy na sinasabi nila. At legit nga na ganito ang mararamdaman
mo kapag ikakasal ka. Napadako naman ang tingin ko sa kaliwang banda kung saan
nando'n sila Deo, Katrina at ang mommy ni Gino na magiging mama ko na rin. Yes,
invited silang lahat. Pinili nilang pumunta sa kasal ko kahit na may mga posas
sila. Kailangan kasi nilang pagbayaran ang kasalanan na 'yon dahil labag ito sa
batas. Hindi ko rin maiwasan na malungkot para sa kapatid ko. I saw on her eyes
the sadness and jealous na tila nasasaktan siya sa nakikita niya. Hindi ko
naman siya masisisi dahil minahal nito ng husto si David. Siya ang nauna, kaysa
sa akin. Pero gano'n talaga, kahit nauna ka pa sa buhay
niya, hindi ka pa rin sigurado na ikaw ang makakasama niya sa huli. She's the
first, but I'm the last. At sobrang sakit 'yon sa side niya na makita si David
na ikakasal sa akin. And all I can say, I'm really proud to her. Akalain niyo
'yon, nakaya niyang i-let go ang lalaki na ginawa niyang mundo. Huminto naman
ako sa tapat ni Katrina at marahan ko siyang nginitian. That smile, symbolizes
my love and forgiveness to her. Pinatawad ko na siya matapos namin makuha si
Michael. Kaya tinanggap ko na siya bilang kapatid. I continue walking again,
hanggang sa matunton ko na ang pwesto ni David. Next Page At sa pagkakataong
ito, nasa altar na kami at harapan ni Father. Yung wedding ceremony, tumagal ng
isang oras hanggang sa sinabi nito ang katagang, "you may now kiss the
bride". Kaya si David, marahan na ini-angat ang belo para halikan ako. Hindi
pa man siya humahalik, narinig ko agad ang hiyawan ng mga tao sa simbahan. So I
closed my eyes now at hinihintay na lamang na dumampi ang labi niya sa akin. Sa
palagay ko, ilang pagitan na lang, malapit ng magdikit ang labi namin sa
isat-isa dahil naamoy ko na ang hininga niya. Pero gano'n na lamang ang
pagkabigla ko nang may humawi sa bewang ko at pumagitna sa amin si Michael.
"Mama, papa, doon na lang kayo sa kwarto magkiss. Huwag po dito, maraming
tao. Mahiya naman po kayo sa mga walang jowa.", singit nitong sabi dahilan
para magtawanan ang lahat. BWISIT! Nabuhay nga ang anak ko, naging traydor ulit
siya sa buhay ko. Pero kahit gano'n, ako na mismo ang gumawa ng paraan. I
kissed David at wala ng nagawa si Michael. And I'm happy to say, that this man
beside me is now my husband. I'm a SINGLE MOM who fell in love with the HOT
CEO. ___ END OF THE STORY!