Ang Mutya Ng Section E (PART ONE)

0
Ang Mutya Ng Section E (PART ONE)





Chapter 1

Transfer Sa isang highschool, laging merong transfer student na mula sa ibang lugar. Iba-iba ang dahilan ng paglipat nila. Ang pinaka-unang problema ng paglipat sa ibang paaralan ay ang salitang 'pakikisama'. Kailanga'ng makisama ng bagong lipat sa mga kaklase nya. At ganun ang problema ni Jasper Jean o mas kilala'ng Jay-jay sa bago nyang school. Kinakabahan, nae-excite at natatakot yan ang halo-halong nararamdaman nya. "Kaya ko to!" Sambit ni Jay-jay sa sarili nya habang naglalakad papunta sa magiging room nya. Kayanin nga kaya nya kapag nalaman nya na sya lang ang nag-iisang mutya ng Section'g mapapasukan nya.

 

 Jay-jay's POV

 

 

Ha!!!! Nakakaloka! Kinakabahan ako at the same time parang natatae rin. Hehe. Simula kasi sa araw na to dito na ko mag-aaral sa Higher Value International School. Taray ng pangalan! Malapit na ko sa room na itinuro sakin ng registrar office. According to my registration papers last section daw ang E ng 4th year highschool. Dito ko napunta kasi hindi naman daw ganun kaganda ang records ko. Hindi ko sila masisisi, pasaway din kasi ako sa dati kong school. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa room. Pagdating dun, nakita kong may nakatambay na mga lalaki sa tapat ng pinto. Lima silang lalaki at pare-parehong hindi maayos ang pagkakasuot ng uniform. Medyo nakakatakot sila pero sabi nga 'Don't judge the book by it's cover'. Lumapit ako sa kanila. Pare-pareho silang tumigil sa pagsasalita at hinarap ako. They all glared at me. Okay, medyo nakakatakot! "... M-mga Kuya, d-dito po ba y-yung section E?" Bakit ako nauutal? Anu ba yan nakakahiya! Nagtinginan muna sila bago ibalik ang tingin sakin. Para nila akong ini-scan mula ulo hangang paa. May mali ba sa itsura ko? "Hindi dito... Sa kabilang building yun." Sagot nung lalaking kulay brown ang buhok. "Ha? S-sabi nung registrar, dito----" "Nilipat na! Kaya umalis kana dito!" Sigaw nung lalaking may subong lollipop. Medyo natakot ako sa sigaw nila kaya mabilis akong tumakbo. Grabe naman! Kaylangan talaga sigawan ako?! Kundi lang ako bago dito.... yari ka sakin. Tumunog na yung bell, indication na start na ng class. Samantalang ako eto naglalakad parin papunta sa classroom ko. Kainis! Nilakihan ko na yung hakbang ko, medyo malayo pa yung kabilang building. Nakakapag-taka lang yung building na pinang-galingan ko nasa dulong part na ng school. Sementado na pero kupas na kupas ang pintura, puro vandalism at nagkalat na lumang silya o mga nasirang gamit. Dalawang floor din yun at merong apat or 6 na room sa kalahataan. Hindi nga lang ako sure kung ginagamit lahat. Hindi kagaya ng kaharap kong building ngayon. Bago'ng bago at maganda ang pintura. Nasa apat na floor at maraming kwarto. May aircon din sa ibang room. Yayamanin!! Agad akong pumasok sa building para hanapin ang room pero parang wala akong makita. Hindi ako bulag hindi ko lang talaga mahanap yung room. Hangang sa may nakita akong classroom na may pangalan sa tabing pinto. Section lang yung nakalagay pero may naiwang marka na obvious naman na letter E. Baka ito na yon!! Agad akong pumasok. Napahinto pa yung mga istudyante ng makita ako. Mga nasa 20 students din sila. Hinanap ko yung teacher pero wala sya. Kaya naman dumiretso na ko sa bakanteng upuan sa likod. Nakasunod pa rin sakin mga mata nila. "May transferee?" "Chicks pre!" "May bago pala tayo.." Bulungan nila. Sa totoo lang nahihiya ako o mas tamang sabihing naiirita. Ayoko ng pinag-uusapan ako at halatang ipaparinig sayo na ikaw ang topic nila. Napayuko nalang ako habang nakayakap sa bag ko. "Hi!" May lumapit at bumati sakin. Tinignan ko sya at isang babae ang bumungad sakin. Magandang nilalang... hehehe.. Anghel kaba?! Maganda kasi sya. Ang haba ng buhok nya at puti-puti nya. Matangkad din sya tignan, mukang mas matangkad pa sakin. "H-hello po..." bati ko. Nahihiya kasi ako. "Wag mo na ko i-po, malamang same age lang tayo.." "Ahh... S-sige" "Bago ka lang?" Tanung nya habang bumabatak ng bangko. Umupo sya sa tapat ko. "O-op--- Oo pala. Bago lang ako." "Anu name mo?" Magiliw na tanung nya sakin. "Jasper Jean Mariano... Jay-jay for short." Nakangiting sagot ko. Yan! Medyo kumportable na ko. "Ako si Rakki... Class President." Inabot nya sakin ang kamay nya at tinanggap ko naman. Ang astig ng pangalan nya! Parang sya... hehehe. "Jay, sure kaba sa section na pinasukan mo?" Biglang tanung nya. Taka kong syang tinignan pero tumango lang ako. "Ang alam ko kasi meron ngang transferee pero sa section E, hindi dito." Hindi dito. Anak ng.... Mukang mali ako ng napasukang section. Shete! "Uh... A-anung section ba to?" Pabulong na tanung ko kay Rakki. Nakatingin kasi samin ang buong klase. Nakakahiya kapag narinig nilang mali ako ng section napuntahan. Sobrang nakakahiya!! Lumapit sakin si Rakki at bumulong. "Section C." Shit!! Mali nga!! Pakshet!! Bullshit!! Lahat na ng Shit!! Dahan dahan akong tumayo at naglakad palapit sa pinto. Nakayuko lang ako. Wag nyo na ko tignan... please.. Malapit na ko sa pinto ng bigla akong harangin ni Rakki. "Saan ka pupunta? Malapit na dumating si Ma'am." Labag man sa kalooban ko. Buong lakas akong huminga ng malalim at tinignan sya sa mata. "Rakki..." panimula ko. "...M-mali ako ng s-section na napasukan." "Pffftt... Sabi na eh!!" Malakas na tawa ang sinagot sakin ni Rakki. Maging mga classmate nag-uumpisa na ring matawa. Jusme!! Lupa bumuka ka... at kainin mo sila!! Dahan dahan akong lumabas ng room at kahit medyo nakalayo na ko ay naririnig ko pa rin ang tawanan nila. Nakakahiya! Sobra! Nakakainis! Mabilis akong tumakbo pabalik sa building ng Section E---- yung tunay na Section E! Humanda sakin yung mga lalaking yun! Sila may kasalanan nito. Kundi nila ko tinuro sa building na yon hindi ako mapupunta sa maling section. Nakakainis! Habang buhay nila yung maaalala, yung buong Section C na yun! Nakarating ako sa room at salubong ang kilay kong pumasok sa loob. Yun nga lang... Wrong Move!! May teacher na nagtuturo, napahinto sya at napatingin sakin. Lagot! "Yes?" Tanung nya sakin. Inayos ako ang sarili ko. Kinuha ko agad yung registration papers ko at---- wait! Kailangang manigurado! "D-dito po ba ang section E?" Lakas loob kong tanung. Tumango ang teacher at tinignan ako. Agad kong inabot ang registration paper ko. "Ahh.. Ikaw yung transfer student, kanina pa kita hinihintay." Agad nya kong hinatak at pinwesto sa tabi nya sa harap. "..ako nga pala si Mister Alvin Siongco." Ngumiti ako sa kanya at sinenyasan nya kong magpakilala sa buong klase. Agad kong napansin yung mga lalaking nakausap ko kanina. Mga hudlong tong mga to! Grabe yung ginawa nila sakin. Tinignan ko sila ng masama yung mararamdaman nila ang sidhi ng galit ko. Kayalang ang mga luko nagha-gikgikan lang except dun sa lalaking naka lollilop kanina. "Class! Silents please..." Hinarap ako ulit ni Sir. "...Sige na, pakilala ka na." Huminga muna ko ng malalim. "My name is Jasper Jean Mariano you can call me Jay-Jay. I'm from Holy Saints highschool." Nakatingin lang sakin ang buong klase. Karamihan sa kanila boring na tingin lang ang binibigay sakin. Except ulit don sa naka-lollipop kanina, poker face ang luko. "Class president... wala kabang itatanung?" Tanung ni Sir Alvin. Walang sumasagot. Mukang wala yung class president nila. Anu yun? Napaka-huwaran naman.... hindi pumasok? "Class President..." medyo nag-iba ung tono ni Sir Alvin. Seryoso nya'ng tinignan yung grupo ng mga lalaki na nakausap ko kanina. "Tss.." sabi nung naka-lollilop kanina. Tumayo sya at bored na tumingin sakin. Wait! Sya yung class president?! Wag nga! "Question..." parang nag-uutos ang boses ni Sir Alvin. Nagbuntong hininga muna sya. "Are you still a virgin?" Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya samantalang nagtawanan naman ang buong klase. "Keifer!" Galit na sigaw ni Sir Alvin. Nag-smirk sya. "You said question.. That is a question." Walang galang! Pati teacher sinasagot nya! Yabang! Tinignan ko sya ng masama. "Sir Alvin is referring for a decent question." Ayan! napa-english na ko! Sana umabot ang baon ko. Agad na nag-'ooohhhhh' ang buong klase. Biglang nagsalubong ang kilay ng Class president nila na tinawag ni Sir na Keifer. "You want a decent question? Okay... Kelan ka aalis sa section namin?" Muling ng-'ooohhhhh' ang buong klase. Sa totoo lang naiinis ako sa ginagawa nila at mas naiinis ako sa Keifer na to! Saksakan kasi ng yabang! Ano na?! Porke may posisyon ma-angas na dapat? "Ikaw? Kelan ka mawawala sa mundo?" Mataray na sagot ko sa kanya habang naka-cross arm. Lalung lumakas ang 'ooohhhhh' ng klase. Kahit si Sir Alvin narinig kong nag react na rin. "Bakit hindi ka mauna?" Sagot nya sakin then he smirk. "Because i'm the one who'll make you disappear in this world." "Like you can..." "Yes i can..." i said in a matter-of-fact tone. "Okay... Okay.. Both of you need to stop. Keifer sit down and Miss Mariano you can choose any seat that you want." Si Alvin said. Grabe! Hindi pa ko tapos sa kanya. Masama ang tingin nya sakin pero binalik ko ang attention sa paghahanap ng upuan. Mamaya ka sakin! Hindi problema yun, dahil maraming bakante. Yung nga lang karamihan ng bakante nasa gitna. Kagaya sa Japan ang table and chair nila kahit mga luma. More than 20 pairs of tables and chairs ang meron dito. Pero karamihan ng students nasa likod na part at gilid. Muka silang letter U. Gitna lang ang walang masyadong naka-upo. Kaya dun nalang ako pumwesto. Muka tuloy akong loner sa naging pwesto ko. Ang nakakapag-taka pa sa klase na to bukod sa sitting arrangement nila. Nasa 15 or 16 students lang ang andito at ang isa pa... Wala pa kong nakikitang babae.

 

 

Chapter 2 Paper balls Jay-jay's POV

 

 Dahil medyo late na ko dumating sa klase binigyan ako ng copy ni Sir ng mga naging lesson nila. Buti nalang at hindi pa ganun kalayo ang naging lecture nila. English Teacher si Sir Alvin at sya rin ang adviser ng Section E. Medyo naging panget ang start ko sa class section na to pero sa ngayon medyo tahimik na. *Tik *Tok *Toink Binabawi ko na! Hindi pa ko natatahimik! Multo lang? Kanina pa ko binabato ng papel dito sa pwesto ko. Maliit na binilog bilog na papel lang yun. Kapag naman nililingon ko kung saan galing patay malisya naman ang buong klase. Anu ba?! Inaano ko ba kayo?! Umabot kami sa sunod na subject at ganun pa rin ang eksena. Nagkalat na yung mga papel sa paligid ko. Kalma lang Jay, iniinis ka lang ng mga yan! Muli ako nag-focus sa lecture, kagaya ni Sir Alvin binigyan din ako ng sunod na teacher ng copy ng naunang lesson. Busy ako sa pagsusulat ng bigla kong naramdaman na may tumama sa buhok ko. Hinawakan ko yun at naramdaman ko agad ang.... basa? Basang papel ang binato nila sakin. Hindi na kailangang itanung kung saan galing ang tubig. Bibig lang ang fastest and easiest water source ng isang tao at ang dulas na medyo malagkit. Yack! Eeewwww! Agad akong kumuha ng tisyu at alcohol sa bag ko. Girl scout to boy! Natapos ang mga sunod nami'ng klase at ganun pa rin ang eksena. Punyeta! Paglabas ng teacher agad akong tumayo at humarap sa buong klase. Matalim ang naging titig ko sa kanila'ng lahat. "SINO BA YANG BATO NG BATO SAKIN?!" Galit na sigaw ko. Walang kumibo kaya magsasalita pa sana ko ulit ng bigla'ng itaas ng lahat ang kamay nila. Lahat yun may lamang lukot na binilog na papel. Paper balls ang tawag dun, yung bilog na bilog sa kakalukot at parang sing-laki ng mansanas. Lahat sila naka-amba na sakin. Patay! Nakita ko si Keifer na nag-smirk. Tumayo sya at pumorma na parang babato sa baseball game. Nanlaki yung mata ko sa itsura nya. Anung pinasok mo Jay-jay? Napalunok nalang ako at napapikit ng makita kong ibato nya yung paper ball sakin. Matapos tumama sa muka ko, sunod sunod na ang paper balls na naramdaman ko. "Aarrrggghhhh..." Sigaw. Hindi naman masakit pero hindi ako nakapalag at makagalaw sa sobrang dami. Kasabay ng pagbato nila ay mga tawanan. "Sige pa.. hahaha" "Marami pa dito.." "Hahaha..." Ang alam ko more than 15 lang sila pero bakit parang more than 100 yung bumabato sakin. "Aarrgghhhhh... Anu ba?!" sigaw ko sa kanila pero walang talab yun syempre. Wala akong nagawa kundi kuhanin ang bag ko at mabilis na tumakbo palabas ng room. Hangang pinto binabato pa nila ko pero tumigil din sila ng makalabas na ko ng tuluyan. Hindi rin ako tumigil sa pagtakbo hangang sa makalayo ako sa mismong building. Grabe sila sakin! Sana pala hindi ko na lang sinagot yung Keifer na yun. Lunch time naman na kaya naisipan kong dumiretso sa cafeteria para maglunch. Pumasok ako sa loob at pumila. Busy-busy ako sa pagtingin habang nakapila ng may marinig akong pamilyar na boses. "Nakakatawa talaga yun.. Hahaha.." si Rakki at mga classmate nya. Agad akong tumalikod sa kanila. Bakit ang haba ba nitong pila na to?! "Hey Rakki..." Dinig kong may tumawag sa kanya. Hindi naman sa tsismosa ako pero hindi ko maiwasan na hindi makinig. "Watsup Mykel?" Bati ni Rakki. "Balita ko nakaharap mo daw yung transferee.. Anu masasabi mo?" Ako yata yun? Pinag-uusapan nila ko. ".. She's pretty and a little noob." Matutuwa ba ko? Pinuri ako at the same time ininsulto. Anu kaya yun? Bakit ba ang slow nitong pila? "Hahaha.. What do you mean?" "Sa section namin sya pumasok instead na sa room ng Section E." Bigla nalang sila nagtawanan at pati mga classmate ni Rakki. Nakakahiya! "Nakakahiya ata yun.." Sinabi mo pa! Umusad na yung pila at nakarating na ko kay Ate'ng tindera. Dalawang meal yung binili ko at alam kong mapapalaban ako. Bumili na rin ako ng malaking Piattos, Nova at Cheappy. Pina-take out ko lang lahat dahil wala akong balak ipakita yung sarili ko sa Section C. Kakahiya kaya! Nakuha ko na yung binili ko at mabilis akong naglakad papuntang pinto ng cafeteria pero napatigil ako ng makasalubong ko si Aries. Pinsan ko. Agad na nagsalubong yung kilay nya ng makita ako. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Lagot na! "Hey Aries! Dito!" Sigaw ni Rakki. Pero hindi rin sya gumagalaw at kahit ako ganun rin. Naramdaman kong may lumapit samin hangang sa... "Jay-jay? Andito ka pala.." bati ni Rakki sakin. "...Guys andito yung transferee." Inakbayan ako ni Rakki at iniharap sa mga tao sa cafeteria. Huli na para pumalag ako. "She's Jay-jay... Yung sinasabi ko kanina." Pakilala ni Rakki. Napayuko nalang ako. Hindi ko alam kung kanino ako dapat mahiya. Sa mga tao dito o kay Aries. Lumayas kasi si Aries sa kanila ng malaman nyang sa kanila na ko titira. Hindi maganda ang relasyon namin dahil sa mga pinag-gagawa ko dati. "So Jay-jay... How's your experience with Section E?" Tanung nung isang lalaki. Sya ata yung Mykel. Hindi ako makasagot. Ayokong sabihin sa kanila na pinag-tripan na ako ng buong Section E. At baka isipin din ng section E na nagsusumbong ako. "A-ayos lang... M-mabait sila sakin." Sagot ko habang nakapilit ng ngiti. "I think that's a lie. Section E are all barbaric. They have records inside and outside of school." sabi ni Rakki. Nalukot ang noo ko sa narinig ko. Grabe naman sa Barbaric. Halimaw lang ang datingan. "No need to worry... Jay will fit well on that Section." Aries said. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung anung ibig nyang sabihin dun. Alam kong mapapahiya lang ako dito ng ilang beses pa. Inalis ko yung pagkaka-akbay ni Rakki sakin ng dahan-dahan. "R-rakki... Kailangan ko na kasing umalis. Pasensya na." Hindi ko na hinintay sagot nila. Agad akong umalis ng cafeteria. Ewan ko ba sobrang nakakailang yung atmosphere dun. Nahihiya din kasi ako kay Aries. Dati akong pala-away sa dati naming school. Broken family kasi kami kaya nag-rebelde ako. Kinuha kasi ako ni Lola para alagaan at pagbabaka-sakali na magiging maganda ang buhay ko sa kanya pero wala ring naging epekto yon. Hangang sa inatake si Lola sa puso ng dahil sa pakikipag-away ko. Nagalit yung mga tita ko sakin, except kay Tita Gema----Nanay ni Aries. Sya lang nagparamdam sakin na hindi ko kasalanan lahat. Dahil sa nahiya na ko kay lola, nagpaaalam na kong aalis na lang. Kinuha ako ni Tita Gema dahil wala naman daw silang anak na babae. Pumayag ako at nangako na rin kay Lola at sa iba pa na aayusin ko na yung buhay at sarili ko. Pagdating sa kanila akala ko magiging okay na rin ang lahat pero nagalit si Aries ng makita ako. Kung hindi daw ako aalis sya nalang daw. Wala namang ginawa si Tita kaya umalis si Aries at dito nalang kami nagkita. Sobrang hirap para kay Tita Gema yun. Ramdam ko at hindi nya kailangang sabihin. Kung alam lang ni Aries na nagbago na ko. Nakarating ako sa building ng Section E ng hindi ko namamalayan. Teka! Hindi pa ko pwedeng pumasok don. Sure akong pagtitripan nila ako at hindi ako makakain ng maayos. Tumingin ako sa paligid ko. Naisip kong kumuha ng table at bangko na medyo matino pa sa paningin ko at dun ako pumwesto para kumain. Binuksan ko yung unang meal na binili ko. Nilagyan ko na rin ng panyo yung blouse ko. Baka matalsikan ng ulam, mahirap na. Simpleng blouse na may black necktie at paldang two inch above the knee ang uniform namin. Sa necktie na ka indicate kung anung year na kami. Meron stripe na kulay white. Dahil fourth year na kami, apat na stripes. Naubos ko na yung unang meal at bubuksan ko na sana yung pangalawa ng may humablot dito. Mabilis, daig pa si Flash. "Akin na lang toh!" Sigaw nung umagaw ng meal ko. Sure akong classmate ko sya. Wala na kong nagawa. Naglapitan na rin yung ibang classmate namin sa kanya at parang mga patay gutom na nakipag-agawan. Nakita ko si Keifer na nakasandal sa pader. Nakatitig lang sya sa mga classmate naming nag-aagawan. "Mamigay ka!" "Pahingi kami!" "Akin to!" Mga patay gutom talaga. Hindi ba sila nagsipag-lunch? "Pagpasensyahan mo na, gutom lang ang mga yan." sabi ng kung sino. Napatingin ako sa nagsalita na ngayon ay katabi ko na. Kabuti? Pasulpot sulpot lang? Sya yung isa sa nakausap ko kanina. Yung kasama ni Keifer. Kulay brown ang buhok. "Ako nga pala si Felix..." pakilala nya at nilahad ang kamay. Pero hindi ko sya pinansin. Anu sya swerte? Matapos nila kong iligaw kanina. Manigas! Kinuha ko nalang yung malaking Piattos sa bag ko. Bubuksan ko pa lang yun ng bigla na namang hablutin ng kung sino. "Hoy Aba!" Sigaw ko. Nawala na ang kawatan. Natubunan na ng mga patay gutom naming classmate. Hanu ba yan? Anu ba tong mga classmate ko? Buwitre? Daig pa agila sa pagdagit ng pagkain. "Hahaha... Wag ka munang maglabas ng pagkain." Sabi nung Felix. Iritable ko syang tinignan. "Anu ba yang mga classmate mo? Patay guts lang?" Natawa sya sa sinabi ko. "Hahaha.. Medyo." Pakiramdam ko na-drian lahat pagkain ko sa inis sa mga classmate ko. Ikinalat lang nila sa lapag yung mga pinagka-inan at pinagbalatan. Gutom na gutom lang?

 

 

Chapter 3 Cleaners Jay-jay's POV

 

 Nagsipasok na sila sa loob matapos nilang ubusin ang pagkain ko DAPAT at kami nalang ni Felix ang nasa labas. Pati pala si Keifer kumag andito din pero nasa malayo sya. "Wala na sila... pwede ka ng maglabas ng chibog." Sabi nung Felix. Ginawa ko naman at kinuha ko yung Nova. Kayalang hindi ko pa nabubuksan ng hablutin naman ni Felix yun. Anu ba?! Snatcher lang? "Hoy! Aba naman!" "Sorry... Favorite ko to eh!" Sabi nung Felix at naglakad palayo habang kumakain. Nag-iisa nalang ako. Wala ng kukuha ng ilalabas kong pagkain. Hehe! Finally! Nilabas ko na yung cheappy. Kayalang ang lintik... hawak ko pa lang ang Tear Here may humablot na naman sa kamay ko. Aaarrrgggghhhhh.... Anu ba? Tinignan ko ng masama yung animal na nanguha ng pagkain ko. Si Keifer? "Anu ba?! Hindi ba uso dito manghingi?! Kung nagugutom pala kayo magsi-bili kayo!!" Tinignan din nya ko ng masama. "Hindi kami makakabili.." Halos pabulong nyang sabi. "Anu?!" Hindi nya ko pinansin. Pumasok lang sya sa room habang kinakain yung chutchirya ko. Kaasar naman! Binalik ko sa dati yung table at chair na kinuha ko. Inayos ko na rin ang sarili ko. Pagpasok sa loob parang bumaha ng paper balls. Sobrang puno'ng puno yung sahig at sa bawat hakbang ko hindi pwedeng walang masipa or tumalsik. Hindi man lang nila nilinis. Ibang klase! Naupo na ko sa pwesto ko. Kung saan ako ang tuldok sa gitna ng U. Gitnang gitna naman kasi ako. Masyadong tahimik ang paligid masama ang kutob ko kapag ganun. Lumingon ako sa likod para tignan sila. Sa awa ng langit wala namang milagro sa likod ko. Kumakain lang si Felix at Keifer ng chutchirya'ng binili KO! KAPAL! Paka-namnam pa nila yung bawat subo nila ng pagkain. Ang weird lang dito eh yung mga classmate kong takam na takam sa nakikita nila. Nakasunod ang mga mata nila sa kinakain nung dalawa. Hindi ba sila pinapakain? Pati ako napatitig sa pagkain nila. Nang-iinggit kasi yung hayop, with sarap na-sarap expression pa ang gunggong. Kapal muks!! Binalik ko ang tingin sa harap. Lalu lang ako naiimbyerna sa ginagawa nila. Akin yun eh! Akin dapat yun! Sa wakas tumunog ang bell at dumating ang teacher namin. Sa itsura ng room namin expected ko na magagalit sya pero parang wala lang sa kanya yung mga kalat na nasipa nya. "Ang room nyo bagay na bagay talaga sa inyo." Bored na sambit nung teacher. Mag-uumpisa na sana syang magturo ng makita nya ko. "Bakit may babae dito?" "T-transferee po.." sagot ko. "Ahh.. Yung Jasper Jean Mariano?" Nag-smile naman ako. "Opo." Binigyan nya ko ng ah reaction bago harapin ang libro nya. Kagaya ng mga naunang teacher binigyan din nya ko ng mga lesson na hindi ko naabutan. Habang nagsusulat ng lecture nilapitan ako ng teacher. Misis Zaragosa ang pangalan nya, nasa mid-50's na sya. Syempre may katandaan ang itsura pero hindi sya mukang istrikta. "Kung papipiliin ka, saang section mo gusto?" Tanung nya sakin. Taka ko syang tinignan. "Po?" "Hindi ka kasi pwede dito, nag-iisa kang babae." Waaahhhh... Kaya pala. Akala ko absent lang sila. "Seryoso po kayo? Ang sabi po kasi sakin sa registrar dahil daw po sa records ko kaya dito daw po ako napunta." Pakiramdam ko bigla nalang tumahimik. Para bang lahat ng tao sa room pinapakinggan yung usapan namin. "Wala'ng problema dun, pag-tutulungan namin ni Alvin ang pagpapalipat sayo. Yung nauna sayong babae nailipat na namin sa B." "Pag-iisipan ko po..." yung nalang ang isinagot ko. Sa totoo lang malaking bahagi ko ang tumatanggi sa magpalipat. Para kasing hindi ko naman deserving, pero ramdam ko yung pag-aalala nila. Iisa nga lang naman kasi ako eh. Nag-iisa akong magandang dilag dito. Natapos ang klase kay Misis Zaragosa at iba pang sumunod sa kanya. Nasa huling subject na kami para sa araw na ito. "Ayokong magturo!" Galit na sigaw ng teacher. Parang mga aso'ng ulol naman na nagwala yung mga classmate ko sa tuwa. Wow! Napayuko nalang ako dahil sa gulat sa kanila. "Maglinis kayo ng room nyo... A-attend muna ko ng meeting." Anu kaya yun? May meeting pala, kuwari pang ayaw magturo. Oh pwede ring may choice sya na wag na pumunta don pero tinatamad lang talaga sya mag turo dito kagaya ng sinabi nya. "Pagbalik ko dito at ganito pa rin ang classroom nyo... Magtu-turo ako! Walang tatakas sa inyo o tatadyakan ko kayo isa-isa!" Dagdag nya at umalis na. Ms. Cindy Smith ang pangalan nya. Nasa mid-20's na sya at ang astig nya tignan. Pag-labas nya, laking gulat ko ng biglang magtayuan yung buong klase. Akala ko maglilinis sila pero bigla silang lumabas. "Hoy! Aanu kayo?!" Sigaw ko. Sinubukan kong sumunod pero pagdating sa pinto bigla nalang nila sinara. Hala! Hala! "Buksan nyo to!" Sigaw ko habang kinakalampag yung pinto. Nakita kong sumilip ang Keifer sa bintana kaya agad akong lumapit dun. "Hoy! Anu na naman bang trip to?!" "Linisin mo yang room.." bored na sagot nya. Aba! "Ayoko nga! Bakit ko gagawin yun? Kayo kaya tong nagkalat dito!" "Tss. Ikaw ang dahilan kaya kami nagkalat. Now you clean it!" "Eh kung ayoko?!" "Then we will not open the door kahit dumating pa si Ma'am sexy." Narinig kong nagsalita yung mga classmate namin. "Linisin mo na!" "Dali na!" "Nakakangawit dito!" Aba! Ang kepal ng muke nenye! "Ang ka-kapal nyo! Matapos nyong lamunin yung binili ko! Uutusan nyo pa kong maglinis!" "Tss. Wag mo nga isumbat samin yan. Bakit nga ba nagdala ka ng pagkain?" Aba talagang!! "Mga punyeta kayo!!" Narinig ko silang nagtawanan. Talaga ginagalit ako ng mga hayop na to! "Just clean the room. Ikaw din, pagna-inip kami magsisi-uwi na kami. Baka wala ng abutan si Ma'am Sexy dito. Nasa amin din ang susi." Shutanginames!! "Hay!!! MGA PISTI!!" Sigaw ko. Buset yan! Ang kakapal ng mga muka. Mga Patay Guts na nga Kapal Muks pa! Anu pa nga bang gagawin ko? Edi linisin tong pesteng kwarto na to. Naka-cross arm akong nakatingin sa paligid. Karaniwang kwarto lang din kagaya sa iba. Except sa may mga tambak ng plywood, yero at karton sa likod na part. May kabinet din at mukang doon nakalagay yung mga walis. Lumapit ako dun at binuksan. Kayalang parang sampung taon ata'ng hindi nabuksan yung kabinet. Bumulaga sakin yung alikabok at halos hikain ako dahil dun. "Anu ba yan?!" Hinanap ko yung mga walis at dustpan na mukang pamana pa ng ninuno ng school na to dahil sa kalumaan. Maswerte ako at merong roll ng garbage bag. Sa totoo lang maagiw ang kisame at saksakan ng alikabok ang bintana. Pero ang kalat lang sa sahig ang balak kong galawin. Anu sila nakakuha ng katulong? Swerte naman nila. Pwede naman sila magpalinis sa school facilitator bakit ayaw nila ipalinis to. Mabilis kong winalisan ang sahig. Siniksik kong mabuti yung mga basura sa garbage bag. Habang nagwawalis aksidente kong nabunggo yung kumpol ng karton na nakatambak sa likod malapit sa upuan ni Keifer. Hala! Naglaglagan yung mga karton sa sahig. Lumipad sa ere ang makapal na alikabok at bumungad sakin ang.... rice cooker? Inalis ko yung mga karton para makita ng maayos. Nakakahon pa yung rice cooker at mukang bago pa. Dun ko lang napansin, nakapatong sya sa shoe shelves----parang locker pero walang sarahan. May pangalan ang bawat box or space. Nakita ko yung pangalan ni Keifer. "Mark Keifer Watson." Tinignan ko pa yung iba. Nakita ko din yung kay Felix. "John Felix Collins." Pero merong umagaw ng pansin ko higit sa lahat. Katabi ng pangalan ni Keifer. Merong puso na nakadikit sa divider ng space, at katabi ng space ni Keifer ay isa pang space na may pangalan ng babae. "Ella Dianne Hyun." Eto kaya yung sinasabi ni Ma'am kanina na nauna sakin at nailipat na nila sa kabilang section? Narinig kong nangangalampag na sila ng pinto at tinatanung kung tapos na ko. "Hindi pa!!" Sigaw ko sa kanila. Binalik ko yung mga patong at nakasandal na kahon. Naisipan ko ring silipin yung iba. Yung mga nadadaganan ng yero at plywood. Meron silang electric frying pan yung ginagamit sa korea. Meron din silang water dispenser. Meron din silang maliliit na kasirola. Kusina lang? Speaking of kusina meron silang maliit ng lababo. Meron pa nga'ng bote ng Joy na walang laman. Anu to? Nag-camping sila dito? Binalik ko din yung mga pinagbubuklat ko. Kakaiba tong section na to. Ang daming anik-anik. Kaya pala yung iba mukang gusgusin. Hehe. Natapos ang paglilinis ko at kinalampag ko ng malakas yung pinto. "Tapos na!!" Agad na bumukas ang pinto at nagpasukan ang mga walang hiya pero ang Keifer huminto sa harap ko. "Nasan ang nilinis mo?" "Edi yung mga kalat nyo nilinis ko!" Sabi ko sabay turo sa sahig. Bigla nyang inikot ang paningin nya at agad na kumunot ang noo. "Yaan pa kaya yung agiw!" "Anu? Anu ka nakakuha ng katulong? Ayoko nga linisin yan!" Nagsalubong sa inis ang kilay nya. "Wag mo nga ako sinisigawan!" "Gusto kitang sigawan!" "Isa pa! Bubusalan ko yang bunganga mo!" "Isa pa, bubusalan ko yang bunganga mo." Pang-gagaya ko sa kanya habang humahaba ang nguso at naniningkit ang mata. Nagulat ako ng may biglang tumawa. Pinapanuod pala kami ng buong klase. "Hahaha... You look like husband and wife." Sabi ni Felix at nagkaroon ng malakas na hiyawan. Tinignan ko si Keifer na may pandidiri. Ganun din ang naging reaksyon nya sakin. Mag-asawa talaga? Agad-agad? Hindi ko feel maging asawa tong si Keifer.

 

 

Chapter 4 Hanamitchi Keifer's POV

 

 She look so beautiful! I still regret the day that i let her go. Sana hindi nalang ako pumayag na mapunta sya sa ibang section. Sana hangang ngayon kasama ko pa rin sya at akin pa rin sya. My fist clenched when i saw her with that man. The man that she choose to be with instead of me. Sobrang saya ng ngiti nya at ang sarap namang sapakin ng kasama nya. Everytime na makikita ko sila gusto kong suntukin si Aries. Inagaw nya sakin si Ella. Nilason ang isip at ipinamuka samin na patapon ang section namin. Kung alam mo lang kung sinong kinakalaban mo Michael Aries Fernandez. You'll regret the day that you enter this school. ++++++++++++++++++++++++++++ Jay-jay's POV

 

 Haaayyy!!! Eto na naman ako! Papasok na naman ako sa Section ng mga ulupong. Pagdating sa room, wala pa namang nagyayari. Wala pa din si Keifer, hindi ko parin sya nakikita. Okay lang, wala naman akong paki-alam sa kanya. Naging matiwasay naman ang mga naunang klase ko. Nakahabol na ko sa lesson. Wala pa rin yung hari ng ulupong. Dumating ang oras ng lunch. Alam kong aagawan na naman nila ko ng pagkain and ayoko ding magpunta sa cafeteria kaya naman nagbaon nalang ako ng kanin at kaunting chutchirya. Pero saan ako kakain? Naalala ko na meron nga palang second floor ang building na to pero nahaharangan ng mga gamit yung hagdan. Pero wala naman akong ibang pupuntahan. No choice! Lumabas ako ng room at lumakad papunta sa hagdan. Sobrang daming tambak na gamit pero kahit ganun meron pading daan para maka-akyat. Pinilit kong makadaan. Sa bawat hakbang ko naglalabasan yung mga lamok. Baka naman ma-dengue pa ko dito. Nakarating ako sa second floor. Sinilip-silip ko muna baka may tao'ng makakita sakin. Naupo ako sa hagdan, inilabas yung baon ko. Tahimik akong ngumunguya at ngmumuni-muni tungkol sa mga lesson at syempre kung bakit parang hindi ata pumasok yung Presidente nila. "Hoy!" "Pfffftttt.... Hayop!" Nabuga ko yung nginunguya ko sa gulat don sa sumigaw. Tinignan ko kung sino'ng animal yun. Si Keifer, yung presidente at hari ng mga ulupong. Kala ko hindi pumasok to! Mukang kanina pa sya nakatambay dito sa second floor. Tinignan ko sya ng masama. "Gago ka ay.." "Whatever.." bigla syang umupo sa tabi ko. Tinignan nya yung pagkain ko. "..Ano ulam mo?" "Paki mo?!" "Tss. I'm trying to be nice here!" Sigaw nya sakin. Medyo napahiya ako dun kaya napayuko ako. Bastos ko nga naman kasi! "Tss. Piniritong Asuhos." sagot ko. Hndi naman kasi ako nakapag-paluto, kinuha ko lang yung natira'ng ulam nung umaga o gabi pa yata to. Nagulat ako ng agawin nya yung baunan ko. "Kahit anu pa yan... Pahingi nalang ako." Sabi nya sumubo ng kanin at ulam. Napatanga nalang ako habang naka-nga-nga sa kanya. Para kasing ibang tao sya. Halatang gutom dahil sa bilis ng pag-nguya. Binalik nya sakin yung baunan matapos nyang sumubo ng isa or dalawang beses. "Baka sabihin mo patay gutom ako." Wala naman akong sinagot sa kanya. Sumubo nalang din ako ng ilang beses. Binalik ko sa kanya yung baunan. Nagulat pa sya nung una pero kinuha din nya. "Halata kasing gutom ka." Parang kaming naglalaro ng salitan sa pagkain. Pagkatapos nya ako naman. Medyo nakakadiri dahil share lang kami ng utensils pero ganun talaga eh. Mga gutuman kami, walang reklamo basta usapang pagkain. Sa totoo lang mukang anak mayaman si Keifer. Maputi kasi at makinis ang balat. Sobrang lakas din ng dating nya. Kita ko rin na matipuno ang katawan nya. Meron din pala syang earings sa kanang tenga. Sobrang liit lang nun kaya hindi agad kita. Yung totoo? Gwapo din pala itong ulupong na to! "Wag mo nga akong titigan!" Medyo nagulat ako sa sigaw nya kaya bumalik ako sa reyalidad. "T-tinitignan ba kita?" Patay malisya kong tanung. "Hindi... Ti-ni-ti-ti-gan!" Paglilinaw nya. Nakaramdam ako ng hiya sa ginawa ko. Ramdam ko din ang pag-init ng pisngi ko. Anu ba to? Bakit ako nahihiya sa kumag na to?! Umubo ako para iklaro ang lalamunan ko, pampatanggal na din ng kaba. "B bakit nga pala hindi ka pumasok kanina?" Pag-iiba ko sa usapan. "Wala lang... bakit? Na-miss mo ko?" Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. Anu daw? Kapal ah! "Ha?! ASA!" Bigla syang tumawa. Ewan ba, parang lalu syang gumwapo dahil sa tawa nya. "B-bakit nga pala hindi ka bumili sa cafeteria?" Muli kong pag-iiba sa usapan. "Bawal kami dun.." Huh? Pwede ba yun? "Bakit naman? Kelan pa naging bawal ang student sa cafeteria?" Bigla'ng naging seryoso yung itsura nya. "Matagal na... Basta bawal kami dun." Bigla syang tumayo at lumakad pababa ng hagdan. "Hoy! Teka!" Sigaw ko sa kanya. Yun nga lang nabingi na ata sya. Hindi na ko pinansin at gumurabels na ng tuluyan. Niligpit ko na yung pinagkainan namin at bumaba na rin ako. Anu kaya problema nun? Sinapian? Bipolar? Abnormal? Lakas ng saltik! Pagbalik ko sa room parang lantang gulay yung buong klase. Mga lanta'ng lanta, hatalang hindi nakakain ng pananghalian. Umupo na ko sa pwesto ko. Hindi ko nakita si Keifer, mukang tuluyan ng hindi pumasok. Habang naghihintay bigla kong naalala na meron pa nga pala akong chutchirya sa bag. Naglabas ako ng Loaded at laking gulat ko na parang mga aso'ng ulol na tumutulo ang laway ang nakita ko. Yung mga classmate ko may rabis? Sinubukan kong igalaw yung hawak kong Loaded, sumunod yung mga ulo nila. "Ayos to ah!" Kumuha akong panibagong Loaded sa bag ko at buong lakas kong binato sa kanila. Para silang mga Liyon na nagwawala sa pag-aagawan. Hahaha. Mukang tanga lang! Lumapit sakin si Felix. "Wala kaba nung malaki? Gutom na ko." Sabi nya habang naka-pout. Bahagya naman akong naawa kaya inabot ko sa kanya yung baon kong Nova. Buti nalang maluwag yung bag kong Jansport kaya marami akon nailalagay na pagkain sa loob. Hehehe. Muli akong nagbato ng chutchirya sa mga classmate namin pero napatigil ako ng may sumigaw. "WHAT THE HELL IS GOING ON HERE?!" Pare-pareho kaming tumingin sa pinto. Lalaking kasing laki ni Keifer at nakasalamin sa mata, red ang buhok at may dalang gym bag ang nakatayo sa pinto. "Ayan na si Sakuragi!" "Tanga! Hanamitchi!" "May dala kaya sya?" "May chibog yan!" Napatingin ako kay Felix na seryoso lang ang tingin sa lalaki sa pinto'ng tinawag nilang Hanamitchi or Sakugari. Diba anime yun? "Pre..." bati ni Felix pero titig lang ang binigay ng binati nya sa kanya. Inabot yung gym bag na dala nya sa isa sa mga classmate namin. Kinuha naman yun agad nung isa at pinagkaguluhan sa likod. Tinignan nya ko habang salubong na salubong yung kilay. Nakakatakot sya tumingin kahit nakasalamin sya, para syang si Keifer. Nagtago ako sa likod ni Felix. "Sino yan?" Tanong nya habang nakatingin sakin. "S-si Jay-jay... Transferee." Sagot ni Felix. Tumingin sya sa paligid na parang may hinahanap. "Nasan si Keifer? Alam ba nya to?" "O-oo eh..." napahimas si Felix sa batok nya. "Kahapon pa sya nandito." "Wala man lang ginawa si Keifer?!" May halong galit na yung tono nya. Big deal bang andito ko?! "Bale... Meron naman kayalang----" "Kayalang hindi pa rin sya umaalis!" Galit na talaga sya. Anong problema nya sakin? Ano bang masama kung andito ako? "Ikaw!" Tawag nya sakin. "...Why are you still here?" Hindi ako makasagot. Nakakatakot kasi sya. Yung awra ni Keifer kapareho'ng-kapareho sa kanya. Magka-ano-ano kaya sila? "And why are you treating my classmates like a dog?!" Uy! Hindi ah! Natuwa lang ako sa kanila. "H-hindi naman----" "Then anu yang ginagawa mo?!" "Binibigyan sila ng pagkain." Tumingin sya sa mga classmate nya. "Ilang araw ka kasing nawala... palagi kaming walang pananghalian" paliwanag nung isa sa kanila. "Walang ginawa si Keifer?" Tanung ni Red haired guy. Bakit puro si Keifer ang tinatanung nya? "Parang hindi mo kilala yun." Sagot ni Felix. "Tss." Yun na lang nasabi nya at umupo na sa likod. Agad kong hinarap si Felix. "Sino yun?" Pabulong na tanung ko. "Si Yuri Hanamitchi.. Classmate din namin---natin pala." "Bakit ngayon lang sya nagpakita?" "Suspended kasi... Nagpunta sya sa cafeteria, eh bawal kami dun." Oo nga pala. Muntik na mawala sa isip ko yun. "Panu bang bawal? Hindi ko maintindihan yan." Bahagya syang tumawa. "Sorry Jay, it's not my story to tell." Anu ba yan? Wala naman akong mapala dito kay Felix. Intriga'ng intriga na ko sa 'Bawal sa cafeteria' effect na yan. Dagdag pa yung eksena'ng gusto akong paalisin nung red haired guy na yun. Natural kaya yung kulay ng buhok nya? Gusto ko pa sanang magtanung kay Felix kayalang dumating na yung teacher namin. Kainis! Kati'ng kati na ko malaman yung story na yun eh. Nag-umpisa'ng magturo si Misis Zaragosa. Kagaya nung nakaraan nilapitan nya ulit ako para tanungin. "Jay, nakapili kana ba ng section?" Ramdam ko yung pagtahimik ng klase. Napalingon ako sa likod. Patay malisya lang naman sila'ng nakatingin sa harap. Binalik ko yung tingin ko kay Ma'am. "H-hindi pa po eh." "It's okay.. pero sana makapili ka bago mag-1st Grading. Mahihirapan kasi kaming ilipat ka kapag nakapag-test kana." "S-sige po." Eto pang isa. Bakit ba matay nila kong ilipat? Anu bang meron dito? Natapos ang klase ko para sa araw na to. Hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit matay nila kong palipatin ng section. Dahil ba sa ako lang yung babae? Eh bakit pati mga taga section E gusto rin akong paalisin? Dahil pa rin sa babae ako? Lintik na yan! Sana pala naging lalaki nalang ako!

 

 

Chapter 5 Dreams Yuri's POV

 

 Blurred ang paligid. Walang malinaw pero may nakikita kong gumagalaw. Lumapit ako dun at unti-unti'ng lumiwag at luminaw ang lahat. Si Ella, nagluluto sya at nakasuot ng apron. "Ella? A-anung ginagawa mo dito?" Tinignan nya ko at ngumiti. "Diba eto ang gusto mo? Ang makasama ako." Tama sya, yun ang gusto ko. Pero bakit hindi ako masaya. Dahil ba alam ko na hindi ako ang mahal nya. "You should leave." Tinignan nya ko na may pag-aalala. Umiwas lang ako ng tingin. Bigla nalang nya binato yung sandok na hawak nya at sinira ang apron suot nya. "Why you keep pushing people that love you, away from you?" Bigla nalang akong nagising na basa ng pawis. Ayoko ng panaginip na yun. Ayoko syang napapanaginipan. Matagal ko na syang kinalimutan.

 

 Jay-jay's POV

 

 "Bastardo! Walang nagmamahal sayo!" Sigaw ng kapitbahay naming bata sakin. Wala akong nagawa kundi ang umuwi samin at magmukmok sa kwarto. Anong gagawin ko? ang bata ko pa, ang liit ko kumpara sa kanya. At isa pa, yung mga sinabi nya totoo. Walang nagmamahal sakin. Pinilit kong gisingin ang sarili ko sa panaginip na yun. Bangungot yun! Napahawak nalang ako sa mata ko. Basa yun ng luha. Umiiyak pa rin ako ng dahil sa parehong panaginip. Ayokong umiiyak ng dahil dun. Walang dahilan para iyakan ko yung panaginip na yun! Bumangon ako sa pagkakahiga at dumiretso sa banyo para maghilamos. Tumingin ako sandali sa wall clock sa kwarto ko, 5:30 pa lang ng umaga. Pagkatapos nun lumabas na ko at nagpunta sa kusina. Sa totoo lang wala ako'ng gana sa kahit na anung bagay pero kailangan kong maghanda ng almusal. Nahihiya kasi ako kila Tita Gema kaya ako na ang gumagawa kahit marami silang katulong. Yun nga lang mukang nahuli na ko. Nakahanda na ang almusal. Sayang yung bangon ko. Hanu ba yan? "Haba naman ng nguso mo?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Kuya Angelo! Lumapit sya sakin at ginulo yung buhok ko. "Mag-almusal kana." Kayalang hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Kinagalitan nya kasi ako bago sya umalis. Medyo takot din kasi ako sa kanya. May ginawa ba kong kalokohan nitong nakaraan? Kapatid sya ni Aries, panganay na anak ni Tita Gema. "Jay, anu pang tina-tanga mo dyan?" "K-kuya, kelan kapa nakabalik?" "Kaninang 3am, sa condo sana ko didiretso kayalang gusto ko muna sana'ng makita si Mama." Nag-nod lang ako. Galing kasi syang Singapore. Sya na kasi ang nag aasikaso ng mga business nila Tita don. Huli kaming nagkita nung nasa ospital si Lola. Tanda ko pa yung itsura nya nun kulang nalang ibaon nya ko ng buhay. Buti nalang mukang good mood sya ngayon. "Si Aries ba hindi pa rin umuuwi?" Tanung nya habang nagtitimpla ng kape. "Hindi pa eh. Pero nakita ko sya sa school." "Hm..." Humigop sya sandali ng kape. "...Kamusta ka pala sa school? Mama told me sa Section E ka daw napunta." Napahimas ako ng batok. "Oo eh." Galing nga din pala si Kuya Angelo sa HVIS(Higher Value International School). Hindi ko nga lang alam kung may alam sya tungkol sa kasalukuyang Section E. "Kuya..." Panimu. "...May alam kaba tungkol sa Section E?" Tinignan nya ko. "Yeah..." Lumapit ako sa kanya. "Mag-kwento ka naman." Kita ko yung pag-aalangan ni Kuya. Para bang may tinatago sya. Hindi maganda yung pakiramdam ko sa istura nya. Mukang may something! "Wala talagang Section E non, nagkakaroon lang kapag may mga students na nagkaroon ng kaso sa school---mga pasaway to be specific. Nung una nasa lima or anim na students lang ang nasa Section E hangang sa tumatagal dumadami na." "Once na nabuksan ang Section E na yun at dun na sila nailagay hindi na sila makaka-alis. For example 1st year ka pa lang at nailagay kana sa section na yun, hindi kana makaka-alis hangang sa maka-graduate ka." Ang haba ng explanation nya. Kaya pala sabi ni Aries bagay ako sa section na yun. Pasaway kasi ako! "Anu pa?" "... Hindi ko sure kung same ng batch namin yung batch nyo.... Kasi samin puro sanggano at hindi maawat ang napupunta sa section na yun. Hindi sila makasuhan ng expaltion dahil may mga backer sila." Ahh.. Ganun pala yun. "Eh bakit walang babae sa Section E?" "Hindi ako sigurado pero dati pang wala'ng babae sa Section E. Minsan may nasasalit kagaya mo pero inililipat din sila agad... Siguro dahil hindi naman ganun kabarumbado ang mga babae sa school." Nahiya naman ako sa barumbado. "Kaya kung magpapakatino ka baka ilipat ka din nila agad sa ibang section." "Hhm.. Okay naman ako sa Section na yun. Baka dun nalang ako." "Ikaw bahala..." Kasi kahit nakakatakot sila minsan muka naman silang mabait. Tsaka ayoko pang mang-husga ng dahil sa Section E sila. Marami pa kong gustong itanung kay Kuya kayalang nakalimutan ko na. Kakain muna ko at mamaya ko nalang iisipin ulit kung anu yun. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagkain ko ng magpaalam syang umalis. Babalik nalang daw ulit sya mamaya. Okay lang, baka maalala ko na yung itatanung ko. Pagkatapos kumain mabilis akong naligo at nag-ayos. Balak ko kasing maglakad papasok ng school. Titignan ko kung ganu kalayo yung school sa bahay. Pagbalik ko sa kusina para kumuha ng inumin nakita ko si Tita Gema. "GoodMorning po Tita.." bati ko sa kanya. Ngumiti naman sya sakin. "GoodMorning din.. Papasok kana?" "Opo.. Balak ko pong maglakad papunta sa school. Titignan ko po kung ganu kalayo." "45mins.." Taka ko syang tinignan. "Po?" "45mins bago makarating sa school kung maglalakad ka lang." Ganun pa rin yung tingin ko sa kanya. Panu naman nya kaya nalaman yun? "Naglalakad lang din ako nun para makapasok sa school. Dun din ako nag-aral eh." Napa-ahh nalang ako. Astig ni Tita, ginawang walking distance ang school sa bahay. "Marami akong alam na short cut... Gusto mo turo ko sayo?" Tanung nya sakin habang nakangiti. Nag-nod naman ako. Agad syang kumuha ng papel para ibigay sakin ang instruction. Napaka-rami'ng Streets. Meron pang Avenida St., Bonifacio St., Aquino St. Atbp. Pagkabigay sakin ni Tita nung papel agad akong umalis. Grabe! Daig ko pa si Dora sa pag-explore. Una kong sinubukan yung iskinita'ng pinaka-malapit sa bahay. Calla Street ang nakapangalan dun. Ayon sa instruction ni Tita pwede kong piliin yung sunod na street para makarating sa susunod pang street. Camella Street naman ang sunod then Aquino Street. Papasok na sana ko ng Aquino Street pero napahinto ako sa eksena. May nag-susuntukan. Isa'ng lalaki pinag-tutulungan yung tatlong lalaki. Huh?! Tama ba?! Oo! Bagsak na yung tatlong lalaki tapos sipa parin ng sipa yung lalaki'ng nakatayo. Pano kaya ako dadaan? Makipot kasi yung daanan. Nakaharang pa sila. Kung hihintayin ko naman sila'ng matapos baka abutin ako ng syam syam. Haaaaayyyyy!!! Wala akong choice! Lumapit ako sa kanya pero may distansya. Sakto lang para marinig ako nung lalaki. "... Excuse me! Makikiraan po----" "KUNG GUSTO MO PA MABUHAY UMALIS KA DITO!" Galit na sigaw nung lalaki. Nag-salubong ang kilay ko sa sinabi nya. Pwede naman nyang sabihin ng maayos. Nakatalikod sya sakin kaya hindi ko makita yung muka nya pero parang taga-HVIS din sya dahil sa uniform. "Aalis ako kung padadaanin mo ko!" Mataray na sagot ko sa kanya. Bigla syang huminto sa pag-sipa dun sa mga lalaki. Kita ko yung pag-kuyom ng kamao nya. Hala! Nagalit ata! Humarap sya sakin at tinignan ako ng masama. Nakakamatay yung tingin nya pero agad ding nawala yun ng makilala nya ko. Classmate ko to eh! Hindi ko lang maalala yung pangalan nya. Kasi hindi ko pa rin alam at inaalam. "Jay-jay?" Ngumiti sya sakin na parang walang nangyari. "..Classmate mo ko, remember?" Tumango lang ako at dire-diretsong naglakad. Nilagpasan ko lang yung mga lalaki'ng nakabulagta sa daan. May dugo na sa muka yung iba. "Teka! Papasok ka na?" Hinarap ko sya at tumango. "Sabay na tayo... Tapusin ko lang sandali to." Sabi nya sabay turo sa mga pinag-sisipa nya. "Tapusin? Bagsak na yang mga yan... Anu pang tatapusin mo?" "Hindi pa... Gusto ko dumudugo yung mga muka nila bago ko umalis." Ngumiti na naman sya. Ang brutal nito. Papatayin ata yung mga lalaki. "La! Bahala ka dyan. Aalis na ko!" Nagpatuloy na ko sa paglalakad kahit dinig kong tinatawag pa rin nya ko. Ang bata nya tignan para makipag-away. Malaki pa nga ako sa kanya eh. Medyo maluwag sa kanya yung uniform nya kaya lalo'ng syang lumiit. Black ang buhok at medyo singkit. Cute sya kapag ngumingiti. Dapat pala inalam ko muna mga pangalan ng classmate ko. Kahit lista ko muna sa papel. Si Felix, Keifer at Yuri pa lang yung kilala ko-- "Wait lang!" Dinig kong sigaw nya. Hindi na ko lumingon dahil sa sigaw pa lang nya obvious na tumatakbo sya. Hinawakan nya ko sa balikat ng maabutan nya ko. Naghahabol sya ng hangin at napahawak nalang sa tuhod bilang suporta. "S-sabi ko... Hintayin mo ko..." He said while catching breath. "Baka malate ako kapag hinintay kita..." Umayos sya ng tayo. "Hindi yan.. Maaga pa kaya." Hindi na ko nagsalita at bumalik nalang sa paglalakad. Sumunod naman sya sakin. "Ako nga pala si Ci-N..."

 

 

Chapter 6 Love Triangle Jay-jay's POV

 

 Niloloko ata akong nitong lalaki na to. Nakarating na kami sa school at hindi pa rin natatapos ang kwento nya kung bakit Ci-N ang pangalan nya. Hindi talaga ako nakikinig kaya wala akong naintindihan. Ang haba ng kwento nya. Bigyan ko kaya ng papel, ballpen at sobre to para ipadala nalang nya kay Ate Charo yung istorya nya. Hindi ko namalayan kung nasan na kami dahil sa haba ng kwento nya. Hindi ko nga sure kung may saysay pa yung mga detalye ng kwento nya. "Kaya ayun... Ci-N nalang daw." Pagtatapos nya. Sa wakas! "Wow... Ang galing naman ng kwento mo." Binigyan ko sya ng plastic na ngiti. Sana lang hindi nya maramdaman na sarcastic yung pagkaka-sabi ko nun. Pero mukang hindi naman, ngumiti na naman kasi sya. Para syang bata kapag ngumingiti. Madaldal din, para'ng hindi nauubusan ng kwento. "Pwede ba kong maghingi sayo ng favor?" Tinignan ko lang sya at hinintay yung sasabihin nya. "Pwede mo ba kong ibili ng pagkain sa cafeteria mamayang lunch?" Ayun! Naalala ko na yung gusto ko itanung kay Kuya Angelo kanina. Buti nalang pala nakasabay ko tong moko'ng na to, sa kanya ko na rin itatanung yun. "Bakit ba hindi kayo makapunta sa cafeteria?" Ngumiti na naman sya sakin. "Wala lang... Tinatamad lang kami." Saksakin ko kaya gilagid nito. Tignan ko kung makangiti pa sya. "Tsk! Bahala ka! Hindi kita ibibili mamaya!" Inis na sabi ko. Binilisan ko yung lakad ko para maiwan sya pero hinabol pa rin ako. "T-teka..." Tinignan ko sya. "...Kapag sinabi ko sayo, wag mo sabihin kila Keifer na sakin ng galing ah?" "Oo.. Promise, hope you die." Sabi ko habang nakataas ang kanang kamay. "Hope TO die yon eh.." paglilinaw nya kabang nagkakamot ng ulo. May kuto siguro to? "Oo! basta yun." "Hindi naman sa hindi kami makapunta... Pwede naman talaga kaming pumunta, pinagbawalan lang kami ng grupo ni Keifer at Yuri." Taka ko sya'ng tinignan. "Sabi sakin bawal daw kayo don.." "Bawal nga! Binawalan nga kami NILA..." Tinignan ko sya ng masama. Nakakainis din kausap to eh. "Oh bakit kayo binawalan nila Keifer at Yuri?" Tumingin muna sya sa paligid. Malapit na kami sa building namin kaya wala ng masyadong student. Section E lang ata kasi yung nagr-room sa area na to. Ng masiguro nyang wala ng istudyante sa malapit, dun lang sya nagsalita. "Dahil sa babae... May naging classmate din kasi kaming babae bago ikaw. Mas matagal sya sa Section namin kumpara sa mga nauna. Naging sila ni Keifer, ang tsismis ginamit lang nya si Keifer para makarating sa higher Section kahit lagpas na sya ng periodical exam." Parang lalo akong naguluhan. Ang dami nyang kwento ang layo naman sa tinatanung ko. Babae? Hindi kaya yung Ella Dianne yun? "Teka! Kala ko ba teacher ang tutulong sa paglipat sa student? Kaya nga pinapapili ako ni Ma'am Zaragosa ng Section eh." "Kasi... Dipende talaga sa average yun at kung may backer ka, sureball na!" Ahh.. Hindi maganda yung grades at record ko sa dati kong school. Ibig sabihin, backer ang dahilan kung bakit ako pinapalipat. Pero sino? "Tuloy ang kwento..." Utos ko sa kanya. "Sige... Yun na nga, sya yung reason. Nung nakarating na sya sa higher section, nagbago na ugali nya. Hindi na nya kami pinapansin, ikanahihiya din nya yung Section namin. Tapos one day, nakita ni Keifer na may kahalikan yung babae sa cafeteria. Nagwala na ang Mokong at muntik pa mapatay yung kahalikan ni Girl." Pffftttt... Girl?! Bading lang? "Tapos nasundan pa yon mga dalawa or tatlong beses pa. Nagalit ang principal ng school kaya i-expel na sana si Keifer pero malakas ang backer nya eh. Kaya ayun binawalan na sya pumunta ng cafeteria or lumapit dun sa babae at lalaki'ng binanatan nya." Ang haba ng explanation nya. Muntik na sumakit ang ulo ko. In the end napa away lang pala ang luko sa cafeteria. Pero meron pa kong pinag-tataka. Tsaka panu nagamit nung girl si Keifer para makarating sa higher section? Dahil kaya sa backer nya? Tsk! Si Yuri pa pala. "Eh anu yung kay Yuri? Bakit pati sya pinagbawalan kayo?" Hindi sya sumagot. Huminto ako sa paglalakad ng makita ko'ng malapit na kami sa room. Naglakad pa sya ng ilang hakbang palayo sakin bago huminto at harapin ako. Nakangiti lang sya. Nakangiti na naman?! "Yung tanung ko..." Sabi ko sa kanya. "Chicks din kasi ni Yuri yun... Inupakan din nya yung lalaki sa cafeteria din, maraming beses. Nagalit ang principal at tinangka din syang i-expel pero----" "May backer..." Pag-dugtong ko. Ngumiti na naman sya at nagpatuloy sa paglalakad. Napaka-tindi'ng revelation nito. Love triangle lang ang peg. Sino kaya yung girl at tsaka yung boy na inupakan ni Keifer at Yuri. Ang haba ng hair ni Girl, hindi ko kinaya. Ano kayang gamit nyang shampoo? Pero hindi ko na rin siguro bet na alamin pa. Parang ayaw ko syang makilala, wala naman kasing dahilan pa.

 

 Aries's POV

 

 Kanina pa tumatawag sakin si Kuya. Alam kong naka-uwi na sya ng bansa at alam ko na rin na may balak syang pabalikin ako sa bahay. Not gonna happen. "Hey Dude!" Bati sakin ni Kiko. "What's up Dude?!" Bati ko naman. Tumabi sya sakin sa pagkaka-upo sa bench. "I saw your cousin.." I look at Kiko. "..She's pretty, malayo sa sinasabi mo'ng takaw basag-ulo." I chuckled. "Bumabase ka lang ba sa itsura?" He also chuckled. "Minsan... Para sa pinsan mo? Siguro Oo." I laugh shortly while shaking my head. "Stop it Kiko. Baka mag-sisi ka kapag nalaman mo'ng muntik na sya makapatay." "You're kidding.. right?" I shook my head. He's now looking at me seriously. "H-how?" "Inatake ang Lola ko sa puso ng dahil sa kagagawan nya." Parang nakaginhawa si Kiko na hindi ko maintindihan. Type nya talaga si Jay-jay? No fvcking way! "Kala ko naman with her hand talaga..." He said and walk away. Hindi sa sinisiraan ko si Jay-jay pero yun naman talaga ang totoo. At hindi lang si Lola ang muntik ng mamatay ng dahil sa kanya. Napahawak ako sa ibabang parte ng dibdib ko. The pain, I still remember how it feels like. Ang pagiging bayolente niya ng araw na yon ang bumago ng lahat sa pagitan namin. Sa parehong araw din na yon nakitang ko syang lumaban sa mas malaki sa kanya. Wala syang takot at parang walang naririnig. Sobrang dami ng dugo sa kamay nya, wala ring buhay ang mga mata nya. Simula nun nag-iba na ang tingin ko sa kanya. At hangang ngayon ganun pa rin ang tingin ko sa kanya.

 

 Keifer's POV

 

 "Anu balak natin sa kanya?" Bulong sakin ni Felix habang nakatingin sa harap. "Bahala kayo... Wala akong maisip." I whispered back. Nakita kong lumingon si Jay-jay kay Ci-N. May nagsabi din sakin na sabay silang pumasok. Mukang naka-kuha na sya ng kaibigan. Friendly si Ci-N, pero isip bata. Masyado rin syang madaldal. Kahit ganun hindi naging problema yon sa pakikipag-away. Kaya nya labanan ang lima'ng tao kahit mag-isa lang sya. Hindi ko alam kung panu sila nagka-usap pero wala na kong paki-alam dun.

 

 Jay-jay's POV

 

 Buset! Sa kagustuhan kong makasagap ng kasagutan sa mga tanung ko pumayag akong magpa-uto sa lintik na Ci-N na yun. At ngayon eto ako papasok sa lungga ng mga pisti para lang bumili ng pagkain ng hayop na lalaki na yun. Nagbaon nga ako eh para hindi na pumunta dito. Hay! Eto na papasok na ko! Pagtungtong ng dalawang paa ko sa pinto agad akong tinignan ng lahat. Huminto sila para lang tignan ako at maya-maya lang nagbulungan na sila. Bulungan na malakas, may microphone ata sa lalamunan. "Sya yun?" "Sa Section E daw yan..." "Nag-iisa'ng babae dun." "Aalis din sya dun.." "Kelan pa?" Lumapit ako kay Ate'ng tindera. Wala kasing nakapila. Sinabi ko sa kanya yung mga bilin ni Ci-N. Inaasikaso na nya yung special order na halatang out of this world----may manga't bagoong kasi, merong puto at dinuguan. "Hi Jay-jay!" Tumabi sakin si Rakki at kumaway. Kumaway din ako pero binalik ko yung tingin ko sa Ate'ng tindera. Hindi ko feel makipag-kwentuhan sayo. Bahala ka dyan! "Kamusta ka pala sa Section E?" "Ayos lang..." Walang gana ko'ng sagot. Tinignan nya ko habang naka-pout. "Galit kaba sakin?" Hindi naman... Medyo lang. "Ha? Hindi naman..." "Ahh.. kala ko----" Hindi na nya natapos ang sasabihin nya. Meron kasing nagpasukan na grupo ng mga istudyante. Nagtatawanan sila at nagkakaingay. Pareho kaming lumingon ni Rakki sa pinto at nakita si Aries. Meron sya'ng kaakbay na babae. Ang ganda nung kasama nya. Mukang koreana, ang haba ng buhok at sobrang puti----gluta? Ang pula din ng labi nya samahan pa ng mahabang pilikmata. Artistahin lang ang peg. "Ayan na ang Section A." Bulong ni Rakki. Section A pala si Aries. Pati kaya yung kasama nyang babae, A din? Napansin kong didiretso sila sa pwesto namin kaya agad akong humarap ulit kay Ate'ng Tindera. Dinig kong papalakas yung mga boses nila. Palapit na sila. Bakit ba ang tagal ni Ate? "Hi Rakki..." May bumati'ng babae kay Rakki pero hindi ko tinignan. Hangang sa tuluyan na silang naglapitan at nabunggo pa ko nung isa. Hindi man lang nag-sorry! Ayos! "Hey Rakki Babe!" "Fvck off!" Inis na sagot ni Rakki dun sa tumawag sa kanya ng Babe. "Sungit mo tala---- wait! Is that the new girl?" Sambit nung lalaki. Pvtcha! Nananahimik na ko! Lumapit sakin yung lalaki at kinalabit ako. "Hi! Ako pala si Kiko, ikaw si Jay-jay tama?" Wow! Ang bilis ko nama'ng sumikat. Ayoko sana syang harapin kayala'ng nakakahiya. Nagpapakilala yung tao oh! Ang bastos ko naman kung hindi man lang sya babatiin kahit simpleng ngiti lang. Pwede na siguro yung pilit. Humarap ako sa kanya at tinignan sya. Ay! Putik! Kagwapo'ng nilalang nito! Bakit ang gwapo nito? Kaasar!

 

 

Chapter 7 Crush Jay-jay's POV

 

 Na-stroke ata ako! Muntik na ko'ng hindi makagalaw kanina. Buti nalang tinawag na ko ni Ate'ng tindera. Baka hindi na ko nakagalaw ng tuluyan sa harap nu'ng Kiko na yun. Bakit ba may mga ganun ka-gwapo'ng nilalang? OA man yung pagka-gwapo na sinasabi ko. Gwapo kasi talaga! Yung kulot na medyo mahaba nya'ng buhok, mahabang pilik-mata, kulay brown yung mata, jaw line that fits perfectly on his face, kissable lips and samahan pa ng tanned color nya. Ahh daba? Gwapo? Napapa-english pa ko sa pag-describe! Kasalukuyan akong nasa second floor ng building ng Section E. Sa dating pwesto ko. Kumakain ako mag-isa dito. Hindi ko alam kung saan pumwesto si Ci-N. Pagka-abot ko kasi sa kanya ng pagkain, mabilis pa syang tumakbo kay FLASH paalis. Kakaiba'ng bata! Tapos na kong kumain at nililigpit ko na yung baunan ko. Tutal maaga pa naman, naisip kong silipin yung mga kwarto dito sa second floor. Na-curious lang ako sa kung anong meron dito bukod sa basura. Apat yung mga kwarto dito na may tig-dadalawang pinto. Marumi na yung mga kwarto, basag-basag yung mga jalusy, sira-sira na rin yung mga lamesa at bangko. Pwede pa rin naman sanang pakinabangan kung aayusin lang at papalitan mga gamit. Pumasok ako sa isa sa mga room. Maraming nagkalat na papel sa sahig. Lalabas na din sana ako para silipin yung kabila ng may mapansin akong sobre na kulay Pink at may heart design sa sahig. Ang cute kasi ng pag-kaka ayos nya kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi paki-alaman. Pinulot ko yun at pinagpag. Makapal na kasi yung nakabalot na alikabok. Binuksan ko yung sobre at nakita kong may sulat pa sa loob. Hindi naman sa paki-alamera ako. Pero nangangati kasi yung utak ko na malaman yung laman. Tsaka isa pa wala namang may-ari nito. Kung meron bakit iniwan dito? Ibig sabihin ayaw na nya. O pwede ring hindi natanggap nung dapat makakatanggap. Hmpf! Bahala na nga! Buksan ko nalang! Stationary pa yung gamit nung nagsulat at halatang babae dahil sa ganda ng pagkaka-sulat. Dear Calix, HAPPY MONTHSARY!! I U Pasensya kana eto lang nakayanan ko para sa monthsary natin. Pinag iipunan ko na kasi yung gusto mong sapatos, at promise ko sayo na yun yung ibibigay ko sayong regalo sa birthday mo. Gusto ko sana'ng sabihin sayo to ng personal kayalang natatakot ako kasi lagi kang galit kaya idadaan ko nalang sa sulat. Calix, nagpapasalamat ako sayo kasi ako yung pinili mo sa dami ng naghahabol sayo at kahit sekreto to, masaya'ng masaya ako. Wag ka mag alala kasi hindi ako naniniwala sa sinasabi nila na iba talaga yung girlfriend mo at marami ka'ng babae. Mahal na mahal kita at malaki yung tiwala ko sayo. Sa totoo lang minsan naiinis na ko sayo kasi minsan na nga lang tayo magkita hindi mo pa ko pinapansin pero syempre hindi naman kita matitiis. Lagi mo tatandaan na kahit anung galit or inis ko sayo, isigaw mo lang na mahal na mahal mo ko mawawala lahat ng yun. Happy Monthsary ulit!! I You! Mica � � Bakit parang pamilyar tong Calix? Classmate ko ata to eh! Ewan! Hindi ko pa naman kasi sila ganun kilala. Kahit konti lang sila nakakatamad ding alamin pangalan nila ah. Malalaman ko din naman siguro yon sa mga susunod pang araw. Pumapag-ibig?! Feeling ko babaero tong Calix na to. Ewan lang, hindi dapat ako manghusga pero feeling ko talaga eh. Malakas na kutob at paniniwala base na rin sa sinabi nitong Mica sa kanya. Sino kaya tong Mica na to? Dati rin kaya syang Section E? o baka nag-room dito bago maging tambakan ang lugar na to. Binalik ko yung sulat sa loob ng sobre. Balak ko sanang ibalik sa sahig kayalang para'ng bigla ako'ng nagdalawang isip. Wala din namang may-ari nito kaya akin nalang. Kuwari may nag-bigay sakin, hehe. Kaya sinilid ko nalang sa bag. Lumabas na ko ng room at sinilip yung kabila dahil maaga pa naman. Kayalang sarado'ng sarado yung room pati mga bintana may pintura at sarado'ng sarado din. Anu kaya meron dito? Bakit kaya isinara? Tumunog na yung bell. Agad akong bumaba baka malate na ko sa sunod na subject. Buti nalang at malayo tong room namin sa civilization. Late na rin kasi nagsisidating mga teaher Nakita ko yung mga classmate kong mukang lantang gulay. Wala si Yuri kaya feeling ko hindi sila napakain. Si Yuri pala kasi nag-dadala ng pagkain para sa kanila dahil nga syempre sila din ang dahilan kaya hindi na sila maka punta sa cafeteria. Si Ci-N naman smiling face as usual. Si Keifer naman naka-poker face lang habang may subong lollipop. Nakita ko si Felix na naka-pout sakin at parang tuta'ng nanghihingi ng pagkain sa amo nya. Naawa naman ako kaya kahit iisa lang yung baon kong chutchirya binato ko na sa kanya. Bigla'ng nabuhayan yung mga classmate ko. Kayalang halatang wala'ng balak mamigay tong si Felix. Madamot din ang kumag! Nagsitingin sila sakin at mga naka-poppy eyes pa. Kayalang nag-sign lang ako ng wala sa kamay ko. Kaya mga nagsi-yuko nalang ang mga luko. Kulang nalang umiyak na sila dahil sa pag-mamaka-awa. Naupo na ko at naghintay ng klase. Habang naghihintay para'ng may naramdaman akong malamig sa upuan ko pero hindi ko na din pinansin kasi nawala din. Baka lumamig lang ang upuan ko dahil sa tagal kong nawala. Habang nagka-klase, alam mo yung pakiramdam na pinag-tatawanan ka? Kapag tinignan mo naman kung sino yung nagsisi-tawa, wala naman akong makita. Nababaliw na ata ako! Kahit sa mga sumunod naming klase ganun din ang eksena. Bakit ba kasi? Anu'ng meron? Nang-iinis na naman siguro to'ng mga to! Mga impakto! Natapos ang klase at naglalabasan na nga mga classmate ko. Nag-aayos pa ko ng gamit kaya medyo nahuhuli ako. Nung matapos na ko at akmang tatayo, may mali. May mali talaga! Sumasama yung upuan sakin. Tinignan ko yung puwetan ko at....Shit! Nakadikit yung palda ko sa bangko. Nakarinig ako ng nagtatawanan sa harap malapit sa pinto. Si Keifer naka smirk at sila Felix at mga kaklase nya nagtatawanan. Mga hayop! Nilagyan ng glue yung upuan ko! Animal! Kingina this!! Tinangka ko'ng alisin pero ayaw talaga. Naknang! Tinignan ko ng masama si Keifer. "Don't look at me like that... I don't know anything about it." Sabi nya at nag-smirk ulit. "Mga pisti kayo!" Bigla silang nagtawanan ng malakas dahil sa sinabi ko. Lumapit sakin si Ci-N. "Anyare sayo?" "Ci! Tulungan mo ko!" Sigaw ko habang tinatangka'ng humiwalay sa bangko. Tinangka nya kong hatakin. Ipinatong nya pa yung isang paa nya sa bangko at hinatak ako. "Ayaw eh!" Reklamo nya. "Ci-N! Hayaan mo na yan dyan! Umuwi na tayo!" Sigaw nung isa sa nakikitawa. Animal! Pvtang'na kasi! Tumingin sakin si Ci-N tapos ngumiti. "Uuwi na daw kami." Lintik na lalaki to! Nang-aasar ata! "Kingina! Iiwanan mo ko matapos ang lahat!" Biglang naghiyawan mga classmate namin. Putik! Binigyan ng ibang meaning yung sinabi ko! "Joke lang! Iiyak ka naman agad!" Sabi ni Ci-N habang natatawa. "Hayop! Kapag nalaman ko kung sinong may gawa nito! Babalatan ko sya ng buhay!" Galit na sigaw ko. Nagtawanan ulit sila ng malakas na kinainis ko ng husto. Mga hayop men! Pinilit ulit akong hatakin ni Ci-N pero pati sya halatang nahihirapan. Lalo lang lumalakas tawanan ng mga hayop! "Jay, panu ba yan? Ayaw talaga!" Aba! Gagalitin ako nito'ng Ci-N na to! Pinandilatan ko sya ng mata. "Seriously? Susukuan mo ko dito?!" "Eh kasi..." Bigla syang tumawa ng malakas. "...Wag mo ko pandilatan, ang pangit mo." Buset! Gagalitin talaga ako! "Ci-N!! Mapapatay kita!" "Kung makaka-alis ka dyan bago ako maka-uwi" Paghahamon nya. Tungunu!! Kumukulo yung dugo ko mga 45°C!! Tumingin ako sa grupo ng mga boys na nanunuod pa rin samin. Nagtatawanan pa rin sila at ang mga hayop... Naka-video na kami! Wala na kong pagpipilian. Aabutin kami ng gabi dito, unless kung... "Hubarin mo nalang kaya palda mo." Suggest ni Ci-N habang naka-ngiti ng nakaka-luko. Biglang nahiyawan ang lahat at may sumipol pa. Mga Animal! Nalukot na sa galit yung muka ko. "Pvtang'na! Seryoso ka dyan?!" Tumawa na naman sya ng malakas. "Joke lang!" Hayop to! Naiiyak na ata ako sa inis! Kabusit! Mauubusan ako ng dugo sa mga ito! Pero may point sya, pwede ko hubarin. Naka-sikeling na itim naman ako. Medyo maikli pero muka nama'ng shorts short. Sinubukan kong kapain yung zipper sa likod pero may problema, kalahati lang yung pwede buksan kasi kasamang naidikit yung kalahati. Shutanginames naman! Ugh! Wala na talaga! Mukang iuuwi ko tong bangko sa bahay namin. Nauubusan na ko ng paraan hangang sa mapatingin ako kay Felix. May utang na loob pa sakin tong hayop na to! Ilang beses ko sya binigyan ng Nova! "Hoy Felix!" Tawag ko. Tumingin naman sya samin. "?" Sagot nya sabay turo sa sarili. "Ay hindi, hindi naman ikaw si Felix diba?" Sarkastiko kong sabi. Pagtawa lang ang sinagot nya sakin. "Lumapit ka dito Felix!" Sigaw ko. Tinignan muna nya si Keifer bago lumapit samin. Anu yun? Nanghingi ng permiso? "Bakit?" Tanung nya paglapit samin. "Tulungan mo si Ci-N! Alisin nyo ko dito!" Utos ko. Bubuka palang sana ang bibig nya para pumalag pero inunahan ko na. "..May utang na loob ka sakin! Ilang beses kita binigyan ng pagkain!" Nag-isip naman sya sandali sa sinabi ko. "Okay... I'll help you!" Hinawakan nya ko sa braso, si Ci-N naman pumwesto sa likod para hawakan yung bangko. "Okay... On the count of three----" Putol ni Ci kay Felix. "Is it after three or on exactly three----" Sinigawan ko sya. "ON FVCKING THREE!" Nagnod naman sila pareho at pumwesto ulit. "One... Two... THREE!" Sabay-sabay naming sigaw. Yung feeling ng nakalaya ka. Masaya sana kayalang kasabay kasi ng paghatak nila, eh yung tunog ng napunit na damit. Punit eh! Punit talaga! Hindi ko na kailangang itanung kung anu yun. Hindi ko na rin kailangang lumingon para tignan ang reaksyon ni Ci-N. Ramdam kong maligaya sya sa nakikita. "Wow... Nice ass."

 

 

Chapter 8 Polo Jay-jay's POV

 

 Ngayon ko ramdam yung kahihiyan na sinasabi nila. Although lagi na ko napapahiya dati pero iba to eh! Uuwi akong may nakabalot na polo sa pwetan ko. Buti nalang at naawa sakin si Ci-N at pinahiram sakin yung polo nya. Tinupi ko yun ng tatlo para kumapal at binalot ko sa pwetan ko. Ginamit ko yung manggas pang-tali. Salamat nalang at ang laki ng Polo nya. Para tuloy may design ang palda ko. Sobrang fitted tuloy sa may pwetan at hita ko. Ang hirap maglakad dahil pakiramdam ko matatanggal ang balot kapag nagkamali ako ng galaw. Pinagtitinginan ako ng mga istudyante tapos magbubulungan. Hindi ko naman sila masisi dahil sa itsura ko. Papalabas na ko ng school at kasunod ko yung mga hinayupak na may kagagawan ng kahihiyan ng buhay ko. "Ci-N! Sexy ba?" Tanung nung classmate naming hindi ko pa know ang name. "Oo.. kahit naka-sikeling kita ko yung kaseksihan." Sagot ni Ci-N. May pumito sa kanila at bigla silang nagtawanan. Mga hayop! Huminto ako sa paglalakad at tinignan sila ng masama. "Don't get mad! It's a compliment!" Sabi nung Keifer at ngumiti ng nakakaluko. "Fvck your compliment!" sigaw ko sa kanya. Bumalik na ko sa paglalakad pero bigla nalang ako napahinto ng makita ko si Aries na nakatingin sakin. Shete! Ang masama pa! Kasama nya yung mga classmate nya at si...Kiko!!!! Sobrang nakakahiya yung itsura ko! Pvtang'na naman kasi eh! "Hey Jay!" Bati sakin ni Kiko habang nakangiti. Pero nawala din yun ngiti na yun na makita nya yung nakabalot sakin. "What is that for?" "Ahh... Anu... Kasi----" "Tinagusan sya!" Sigaw ni Ci-N mula sa likod at bigla silang nagtawanan. Ay pvtang'na! Papatay na ko ng tao, malapit na! Ramdam ko yung pag-init ng pisngi ko. Nagtawanan na rin yung mga classmate ni Aries dahil sa sinabi ni Ci-N. Pero si Aries seryoso pa rin ang muka na nakatingin sakin----hindi, nakatingin sya sa likod ko. Bigla'ng naging seryoso yung muka ni Kiko. "Tell me Jay... Binu-bully kaba ng mga to?" Ramdam ko din yung bigla'ng pagseryoso ng mga tao sa likod ko. Naku! Baka mag-simula pa ng away dito tong mga to! "H-hindi... Ano kasi... T-totoo yung sinabi ni Ci-N... Woman thing lang to." Sana lumindol at bumuka ang lupa. Sobrang nakakahiya tong ginagawa ko! "Sure?" Tanong pa nya. Ngumiti naman ako at nag-nod. "Ahh... Sabihin mo lang kung may ginagawa silang hindi maganda sayo. Ako'ng bahala" Sabi nya pa na parand handa talaga akong ipagtanggol. Ahihihi! Pwede kiligin?! Kakakilig kasi tong crush ko na to! Tapos ngingiti pa. Feeling model ng toothpaste. Partida! Hindi pa kami close nyan ah! "Tss. Parang kaya mo kami." Parinig ni Keifer dahilan para lahat ng classmate nila Aries at Kiko maalarma. Busit toh! Naghahanap talaga ng gulo! "Of course kaya ko... Napabagsak ko nga si David kayo pa kaya." Hala! Basag ulo din pala ito'ng lalaki na to! Okay... Bawas pogi points. Napalingon ako sa grupo nila Keifer. Ayan na! Lahat sila seryoso na yung muka. Yung feeling ng mabigat na awra. "Naawa lang sayo si David kaya hinayaan ka nyang manalo." Sabi ni Felix. Sinong David? Sino na naman yun? "Really? Parang hindi kasi yun yung nangyari." Ngumiti naman sya ng nakaka-asar. "Okay...Obvious na obvious kung saan mapupunta to! Kaya bago pa kayo makarating don, magsi-uwi na kayo." Awat ko sa kanila. Tumingin naman sakin si Kiko at ngumiti. Sumunod ka! Kahit pogi ka, sumunod ka! "Mabuti pa nga... Wala din naman ako sa mood para makipag-away." Sagot nya sakin. Buti sumunod sya. Hehe! Goodboy! "Tss. Coward." parinig na naman ni Keifer at nagsimula na syang maglakad papunta sa ibang direksyon malayo samin. "Mabuti pa Jay, sumabay kana sakin. Ihahatid na kita." Offer ni Kiko. Enebe?! Mwuhehehe... "Hindi pwede.. kasi ihahatid ko na sya." Sabi ni Ci-N at nagsmile. Oo nga pala yung polo nya. Pwede ko namang ibigay to sa kanya bukas. Kayalang nahihiya din akong sumabay kay Kiko. Hanu ba yan?! "S-sorry Kiko... Ibabalik ko pa kasi sa kanya tong polo nya. Sa... Sa kanya nalang ako sasabay." Huhuhuhuhuhu! Sorry naman! "... But next time sakin kana sumabay ah?" Sabi nya habang nakangiti ng matamis. Nag-nod naman ako. Naglakad na kami paalis ni Ci-N. Nang masiguro kong malayo na kami agad ko syang hinead lock. "Kingina mo! Anu yung sinasabi mo kanina?!" "Aarrgghhh... Masakit Jay!" "Masasaktan ka talaga! Hinayupak ka!" Lalu kong hinigpitan yung pagkakasakal sa leeg nya. Hinampas-hampas ko rin sya sa ulo. "Jay! Masa.... Kit!" "Gago ka kasi!" Ramdam kong hirap na sya sa paghinga. Wala naman akong balak patayin sya kaya binitiwan ko na rin. "P-papatayin mo na talaga ako?!" Sabi nya habang umuubo. "Oo sana! Nahiya lang ako sa polo mo!" Sabay turo sa polo nya na nakabalot sakin. Tumuloy na ko sa paglalakad. Hindi muna ko gagamit ng short cut kasi nakalimutan ko na din ang daan. Sa tabing daan lang ako at nakasunod naman sakin si Ci-N. Hindi ko alam kung galit sya sakin o anu. Seryoso kasi nung muka nya. Panay din ang lingon sa paligid. Paranoid lang? Nakarating kami sa bahay. Totoo pala yung sabi nila na mas mabilis maglakad kapag uwian. Hehehe. Huminto ako sa gate ng bahay at hinarap si Ci-N. Ngumiti naman sya sakin. Smile lang.. Smile! "Hintayin mo ko dito... Magbibihis lang ako." "Hindi na.. hinatid lang talaga kita." "Panu tong polo mo?" "Hindi na... Marami ako nyan sa bahay." Wenks! "Kahit na... Tutal andito kana kunin mo na!" Hindi ko na sya hinintay makasagot. Agad akong pumasok sa loob. Nakita pa ko ni Tita pero agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko. Kumuha ko ng short at agad na tinanggal yung polo ni Ci-N. Hinubad ko na rin yung palda ko. Hay... Halos wala ng matira sa likod na part ng palda ko. Sayang naman to! Sinuot ko na yung short at pinagpag ko naman yung polo ni Ci-N para maunat kahit kaunti. Hindi muna ko ngpalit ng blouse. Baka kasi layasan na ko nung ulupong. Agad akong tumakbo palabas. Hindi pa ko nakakalapit kay Ci-N pero kita'ng kita ko na naka-smirk sya. Nakaharap sa ibang direksyon at parang may tinitignan. Lumabas naman ako at tinignan din yun pero wala naman. "Anung tinitignan mo?" Ngumiti sya sakin. "Wala.. Alis na ko." Sabi nya tapos kinuha yung polo nya sa kamay ko. Hindi man lang hinintay yung sasabihin ko at mabilis na syang nakalayo. Nagmamadali?! Ay teka.... "CI-N! THANK YOU!!" Sigaw ko. Hindi ko nga lang alam kung narinig nya. Hindi kasi sya lumingon o huminto man lang. Ganun? Papasok na sana ko sa loob ng bahay ng may mapansin akong grupo ng kalalakihan na sumunod kay Ci-N. Nakaramdam naman ako ng kaba. Baka mapa-away tong mokong na to.

 

 Ci-N's POV

 

 "Kala mo ba papalagpasin namin yung ginawa mo sa mga kasama namin kanina?" Sabi ng isa sa kanila habang pinapatunog ang buto sa kamao. Kaya ko din yan, lalo na sa buto sa paa. Ngumiti naman ako sa kanila. "Not really." Kanina ko pa sila hinihintay. Akala ko nga susugod sila sa harap ng bahay nila Jay-jay. Buti nalang at may takot din sila. Nakakahiya sa mga tao don pag-nagkataon. Pagkakaguluhan ang ka-cute-tan ko. "Wag ka ngang ngumiti!" Sigaw nung isa sa kanila. Pito sila'ng nakapalibot sakin. Kakayanin ko kaya? Bahala na. Lalu ako'ng napangiti dahil sa sinabi nya. Hindi ko mapigilan, nasasabik ako. "Tignan ko lang kung makangiti kapa pagkatapos ng gagawin namin sayo." "Bungi nga nakakangiti... Ako pa kaya'ng buo ang ngipin." Pati sila tumawa rin sa sinabi ko. Pero alam kong iba ang meaning ng pagtawa na yun. "Yung babae'ng kasama mo... Maganda sya. Pagkatapos namin sayo sya naman ang pupuntahan namin." Nawala ang ngiti sa muka ko. Mali pa yata na hinatid ko sya. Delikado, pati bagong classmate namin nadamay ko pa. Wala akong pagpipilian kundi ang siguraduhing wala silang gagawin kay Jay-jay. "Daldal nyo... Anu oras pa ba tayo magsisimula?" I said boredly. Bigla sumugod yung isa sa kanila. Malakas na suntok ang binigay nya pero syempre naka-ilag ako. Yun nga lang hindi ko naiwan ang suntok ng kasunod nya. Shit! Hindi ko nakita yun.

 

 Jay-jay's POV

 

 Ang sama ng loob ko. Syempre dahil pa rin dun sa palda ko. Pa-frame ko kaya ito para damang-dama. Buset kasi yung mga talipandas na yun! Sumpain sila! Magsara sana butas ng pwet nila! Kaasar!!!!! "Miss Jay... Kakain na daw po." Tawag sakin nung maid nila Tita. Bakit kaya may Miss pa? Dalaga'ng dalaga ang dating. Lumakad na ko palabas ng kwarto at dumiretso sa dining area nila Tita. Andun na si Tita at Kuya Angelo pati na rin si Aries. Aries? Andito sya? Umuwi na sya. "Upo kana Jay.." utos ni Tita. Umupo naman ako at sandaling sumulyap kay Aries. Nakatingin lang sya kila Tita at Kuya Angelo na katabi ko. "Simula bukas.. isabay mo na si Jay-jay sa kotse mo." Sabi ni Kuya Angelo. Napatingin ako kay Kuya at Aries na salubong ang kilay sa inis. "Kuya... Mas gusto kong maglakad." Sabi ko at halatang hindi nagustuhan ni Kuya yun. "No.. Sasabay kana kay Aries." Hala! Baka tuluyan ng maghurimintado tong si Aries kapag sumabay ako sa kanya. Nagtagpo ang tingin namin ni Aries. Ramdam kong gusto na nya kong ilibing ng buhay. Si Kuya naman kasi kung anu-anu yung pinagsasasabi. Sya rin siguro nagpa-uwi kay Aries dito sa bahay. Kahit sino kasi susunod dito kay Kuya. Nakakatakot kaya sya magalit. Sya rin lagi tinatawag nila Lola para kumausap sakin. Alam kasi nilang takot ako kay Kuya. Buti nalang behave na ko ngayon. Si Aries na yung mainit sa mata nya.

 

 

Chapter 9 Order Yuri's POV

 

 "Anung sabi ni Ci-N?" I ask. "Halata daw sugat nya sa muka... Hindi daw muna sya papasok." Keifer answer. Nakarating kasi samin na nakipag-away sya. Pito daw ang nakaharap nya. Knowing Ci-N, alam naming kaya nya yun pero nung sinabi nyang may natamo syang sugat at pasa, malakas ang kutob naming hindi basta-basta ang mga nakalaban nya. "Galing daw sya kila Jay-jay nung sinalubong sya ng mga luko." Dagdag ni Felix habang kumakain. Napataas ang isang kilay ko. Jayjay? "Anu namang ginawa nya dun?" Keifer ask. "Hinatid ata..." Sagot nya kasunod ng malakas na pagdighay. Arrghh! Kadiri! Tinignan ko sya ng masama. "Saan na naman ba galing yang kinakain mo?!" Galit na tanung ko sa kanya. "Kay Jay-jay.." Seriously? Nagsalubong ang tingin namin ni Keifer. "Akala ko ba, wala na dapat babae sa section na to? Bakit parang wala syang balak lumipat?" "Ayaw nya eh.. Anung gagawin ko?" Keifer answer boredly. "Baka kasi kulang pa yung ginawa nyo? Yung nauna sa kanya, isang beses nyo lang pinag-tripan." "Talagang papaalisin na natin si Jay-jay? Sayang naman..." Singit ni Felix. "Felix.. napag-usapan natin to dati diba?" "Yeah..." He answer shortly. Binalik ko yun tingin ko sa harap at inayos ang salamin ko. Hindi sa galit ako sa babae or something pero babae kasi ang naging dahilan ng kaguluhan namin. Ayoko ng maulit yun. Napapagod na nga ako sa mga nangyayari sa bahay pati ba naman dito.

 

 Jay-jay's POV

 

 Para akong tanga dito sa kotse ni Aries. Hindi kasi ako gumagalaw. Kung pwede ko nga lang pigilin yung paghinga ko, ginawa ko na kanina pa. Buti nalang hindi ako nauutot. ".. Aries." Panimula ko pero diretso pa rin ang tingin nya. "..Alam kong galit ka sakin, gusto ko sana'ng mag-sorry----" "Jay, your sorry won't change anything." Seryosong sagot nya. "I-i know... I just want to----" Bigla nyang hinampas yung manibela ng kotse. Medyo nagulat ako pero ganun pa rin yung itsura nya. Sayang yung english ko. Ayoko'ng dagdagan ang galit nya sakin. "Aries... Paki-hinto yung kotse. Dito nalang ako." Kayalang hindi nya ko pinansin at tuloy-tuloy pa rin ang kotse. Hangang sa makarating kami sa school at inihinto nya sa parking. Bababa na sana ko pero naka-lock pa rin yung pinto ng kotse. Tinignan ko sya pero tahimik lang sya. He release a heavy sigh. "Matagal bago mawala ang galit... Sundin mo nalang ang gusto ko at ni Kuya. Baka sakaling magbago yun." Inunlock nya yung pinto at lumabas. Lumabas na rin ako agad at naglakad palayo sa kanya. Baka sakaling magbago.. Binibigyan nya ko ng chance. Eto na yun, pwede na kaming magkasundo ni Aries. Papatunayan ko na nagbago na talaga ko. Yeah! I'm a good girl now. Nakangiti ako'ng pumasok sa room namin. Pero nawala din yun ng makita ko yung upuan ko. Andun kasi yung bahagi ng paldakong nadikit sa bangko. Tinignan ko ng masama yung grupo ni Keifer. Aba! Pumasok na si Yuri! Poker face lang ang luko pati si Keifer. Dahil para sakin parte ng masakit na nakaraan itong ritaso ng palda ko. Hindi ko na aalisin yan. Dyan na yan forever. Kuhanan ko picture mamaya. Kinapa ko muna yung upuan bago maupo. Mahirap na! Agad kong hinalungkat yung bag ko para kunin yung notebook at libro ko. Kayalang dahil sa dami ng chocolate sa bag ko nahirapan akong kunin yun. Bakit parang ang lalim ng bag ko? Napadami ata yung dala kong chocolate. Sila Ci-N at Felix lang naman yung bibigyan ko. Si Kuya Angelo kasi may kasalanan nito eh. Sobrang dami nyang pasalubong sakin. Meron pa ngang damit at handbag. Para namang gagamitin ko yun. Lumingon ako sa likod para tawagin si Felix. Halatang kakakain lang nya ng Nova. Dinidilaan pa nya yung daliri nya eh. Eewww! "Felix! Tara dito!" Tawag ko. Tatayo na sana sya para lumapit pero pinigilan sya nung Yuri. Problema nito? "Kung ikaw may kailangan bakit hindi ikaw ang lumapit." Sabi ni Yuri. Napa-kunot ang noo ko sa sinabi nya. Napaka-sungit pala nito! Inirapan ko naman sya. Kumuha nalang ako ng isang malaking Chocolate sa bag. "Felix!" Tawag ko at hinarap ang chocolate sa kanya. Parang aso'ng naglaway ang luko. Pati mga classmate namin napatingin na rin at mga kuminang ang mata sa hawak ko. Ngayon lang ba naka-kita ng chocolate tong mga to? Pati si Keifer tumingin din samin pero naka-poker face lang. Walang nagawa si Yuri ng tumakbo si Felix palapit sakin para kuhanin yung binibigay ko. "Akin talaga to?!" Tuwang tuwang tanung nya pagkakuha ng chocolate. Ngumiti naman ako sa kanya. "Oo.. Sayo yan." Parang bata'ng nagmamadali si Felix sa pagbukas ng kahon ng tsokolate. Dahil sa taranta hindi nya mabuksan ng maayos hangang sa agawin na ito sa kanya ni... Keifer? "Bagal mo!" Reklamo nya at sandaliang binuksan ang kahon. Kumuha sya ng kaputol at ibanalik yun kay Felix. Taka ko syang tinignan. Mahilig din pala sa chocolate to pero mukang ayaw nyang ipahalata. Tumaas ang isang kilay nya ng mapansing nakatingin ako sa kanya. Ay shit! Bakit nga ba ko nakatingin sa kanya? "Gusto mo talaga nag-dadala ng pagkain no?" Keifer suddenly ask. "Huh?!" "Then i have a task for you." He said and get back to his sit. Magtatanung pa sana ako kung anu ibig nyang sabihin pero biglang dumating si Sir Alvin. Anu kaya'ng task yung ibig nyang sabihin? Kinakabahan naman ako. Mamaya kalokohan na naman nila yun. Baka pagt-tripan na naman nila ko. Anu na namang kayang balak nitong mga to? Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa tinuturo ni Sir. Bakit nga pala wala pa rin si Ci-N? May nangyari na kaya sa kanya? Naisip ko tuloy yung mga lalaking sumusunod sa kanya. Natapos ang klase. Nag-ayos na ko ng gamit para maka-alis na ko dito at makapag-lunch sa hide-out ko. Hehehe gutom much! "Jay!" Tawag sakin ni Felix. Tinignan ko sya at napansin kong palapit silang lahat sakin. As in lahat! Buong klase pati si Keifer and Yuri. "Oh!" Sabi nitong Keifer habang may inaabot na papel. Kinuha ko yun at tinignan. Order #1 2 rice/ minudo/ 1 battled water. Order #2 2 1/2 rice / sinigang na hipon / orange juice Order #3 Lasagna / ice tea So on..... "Anu to?" Taka'ng tanung ko. "Order namin.. ikaw bumili sa cafeteria." Sabi ni Keifer. Bakit ako? Ayos to! Nakakuha ng katulong ang hayop! "Anu?! Andami nyan?----hello? Iisa lang kaya ako!" "Edi gawan mo ng paraan." Sagot ni Yuri. Woaahhh.... Kapang-init ng ulo to ah! Hinga ng malalim. "Bakit ba ako mga inuutusan nyo?" "Mahilig ka lang din nama'ng magdala ng pagkain, edi panindigan mo na. Ikaw magdala ng mga pagkain namin dito." Sabi ni Keifer habang nakapamulsa ang isang kamay. "What makes you think that i will follow you?!" Sabi ko ng may pagtataray. English yan para sulit sa katarayan. Akala nyo sakin? Basta-basta susunod? Hindi uy! Wais to men, wais! "Simple..." Panimula nya. Biglang nag-iba itsura nya. Naka-smirk at malalim ang tingin sakin at unti-unti'ng syang naglakad palapit sakin. Ewan ba... May kung ano sa tingin nya at napa-atras ako. Sa bawat hakbang nya ay bawat atras ko naman. Hangang sa napahinto ako dahil sa lamesa sa likod ko. Parang pati puso ko nataranta at tumibok nalang ng malakas at mabilis. Hoy puso! Bakit ka nagkaka-ganyan?! Sa magkabilang side ko, unti-unti pinadaan ni Keifer ang dalawang kamay nya hangang sa mailapag nya yun sa lamesa sa likod ko. Wala na talaga akong kawala. Corner na corner na ko! Sobrang lapit ng muka nya sakin kaya bahagya akong lumiyad para mapalayo. "Hindi mo gugustuhi'ng gutumin kami. Lalaki pa rin kami. Baka ikaw ang kainin namin pag nagutom kami." Then he wink. Okay... Alam kong ibig nyang sabihin. Jusme! Wag po Koya! Anung gagawin ko? Napalunok nalang ako. "O-okay... Ibibili ko na kayo." Malakas ang naging hiyawan ng mga kaklase namin. Umayos ng tayo si Keifer at inabutan ako ng pera. Nakahinga na ko ng maluwag, unti-unti ding bumalik sa normal ang tibok ng puso ko. Tumayo na din ako at tinanggap ang pera. "Ayos pre.." "Makaka-kain na rin tayo." "Oo nga.. nakakasawa na yung dala ni Yuri eh." Pwede bang tumawa? Natawa kasi ako sa huli kong narinig. Agad din kasi syang tinignan ng masama ni Yuri. Hahaha. Salbahe'ng bunganga. Tinignan ko ulit yung listahan na binigay nila sakin. Pvtcha! Dinaig pa yung listahan ng grocery. "May problema kaba sa listahan?" Tanung ni Keifer. Ay marami! Pakain ko sayo to eh! Syempre hindi ko sinabi yun. Ngumiti nalang ako, yung plastik na ngiti. Para mahalata nyang inis na inis ako sa kanya. "Wala... Ang ikli nga ng listahan nyo eh. Baka gusto nyo pang dagdagan." Sarkastikong sagot ko sa kanya. Ngumisi lang sya ng nakaka-asar. "Umalis kana.. nagugutom na kami." Maka-utos naman to! Wagas! Pero ginawa ko pa rin. Syempre mahirap na. Kuwari lang yang reklamo baka malintikan ako. Mabilis ako'ng naglakad papunta sa isinumpang cafeteria. Isinumpa yun, malas kasi. Pag-pasok ko, as usual tumahimik ang lahat at nasundan ng bulungan. Pero wala sa kanila ang atensyon ko. Sa pila! Ang haba ng pila, putik! Dinaig pa pila sa relief goods ng mga nasalanta ng bagyo. Nakipila na rin ako at baka madagdagan pa yung nakapila. Parang ang bagal umusad. Asar naman! Tinignan ko kung magkanu inabot sakin ni Keifer. Medyo makapal kasi yung pera. 1... 2... 3... 4... 5... 6... 7... Dami ata? 8... 9... 10... Ten lang pala. "Ten thousand?!" Napasigaw ako kaya agad na pinagtinginan. Hinigpitan ko yung hawak sa pera. Lintik na lalaki to. Napaka-raming pera! Kasya na to sa handaan ng pa-birthday. Umitin ko kaya? Umusad ang pila at nakalapit ako sa isa sa mga tindera. Inabot ko sa kanya yung listahan at taka akon tinignan. "Ineng, saan ko ipaglalagay to? Napaka-dami nito." Shete! Yun pa nga pala. Palagay ko nalang lahat sa isang kasirolang malaki. Para'ng kaning baboy. Kayalang baka magalit sakin si Keifer kumag. "Ate.. may box ba kayo? Dun nyo nalang lagay para mabibit ko lahat." "M-meron.. sige." Sagot ni Ate at agad inasikaso yung order ko----nila pala. Nagtawag pa sya ng kasama para matulungan sya. Dami kasi talaga. Sabagay mga patay gutom naman ang mga yun kaya hindi na dapat ako magulat. Habang naghihintay dun ko lang na-realize na pinag-uusapan pala ako ng mga tao dito. "Talaga? Swerte nya nakasama nya sila Keifer." "Pupusta ko papalipat din yan." "Nakita ko nga silang magkasama ni Ci-N. Malandi din pala." "Malay mo naman nagkita lang." "Cute kaya ni Ci-N." "Diba dun din si Calix yung ex ni Mica?" "Nakita ko si Yuri, pumasok na sya." "Nakita mo sila Edrix? Gwapo nya diba? Kasama nya si Felix kanina." Iba-iba yung nagsasalita, iba-iba rin ang sinasabi nila. Pero mero'ng naka agaw ng pandinig ko.

 

 

Chapter 10 Delivery Jay-jay's POV

 

 Diba dun din si Calix yung ex ni Mica? Naalala ko kasi bigla yung sulat. Yung nakuha ko sa isa sa mga room sa second floor ng building ng Section E. Kilala nila yung Mica. "Ineng!" Sigaw ni Ate'ng Tindera. Agad akong lumapit sa kanya. Katabi nya si Ate'ng kahera. "P1,445 lahat..." Sabi ni Ate'ng kahera. Agad akong kumuha ng 2,000 sa perang binigay nila sakin. At dahil hindi naman sa akin to... "Keep the change na Ate... Tip ko nalang dyan sa kasama mo'ng kumuha ng order ko." Sabi ko habang nakangiti. Halata'ng natuwa si Ate'ng tindera at agad na nag-thank you sakin. Inabot nila sakin yung kahon. Hindi naman ganun kalaki yung kahon. Kasing laki lang kahon ng chutchirya. Akala ko yun na lahat pero napansin kong iaabot pa nila sakin yung isa pang kahon. "Teka... Bakit ang dami'ng kahon?" "Ineng... Ang dami mo kayang order." Ay! Anu ba yan? Hindi ko kakayanin lahat to. Buset naman kasing Section E to! "Ate.. Babalikan ko nalang po yan. Hindi ko po kakayanin lahat." "S-sige.." sagot sakin ni Ate. Agad kong binuhat yung kahon. Hindi naman mabigat pero ramdam mong may alangani'ng laman (ulam) sa loob. "Dami nyang dala.." "Anung meron?" "Sa kanya lahat yan?" "Baka papaka-inin nya yung buong Section E." "Baka nga... Kaya siguro hindi sinasaktan kasi sinusuhulan nya." "Ganun pala yun." Anu daw? Anung suhol? Hindi no! Bakit ko gagawin yun? Kaya ko naman kaya sila. Kaya pala ako napasunod sa utos nila ng di-oras. Nakalabas na ko ng cafeteria. Lakad lang ako ng lakad kahit obvious naman na pinag-uusapan at pinag-titinginan ako ng mga students na maka-kita sakin. Sige lang.. push nyo yan! Bakit ba ang layo ng room namin? Nakakangawit ah! Hayop kang Keifer ka, ibabato ko sayo to! Nakarating na ko sa building namin. Nakita ko pa si Felix na naka-abang sa pinto at agad na pumasok ng makita nya ko. "Andyan na sya!" Sigaw nung isa sa kanila. Pagpasok ko sa halip na tulungan ako binuksan na nila agad yung box para kunin mga pagkain nila. Mga animal! Binaba ko yung box sa isa sa mga table. Nag-inat-inat na rin ako dahil nakaka-ngalay talaga. "Bakit wala yung akin?" Tanung nung isa. "Yung samin din." Dagdag pa nung isa. "Teka lang.. Meron pang isa, babalikan ko." Sabi ko at mabilis na tumakbo pabalik sa cafeteria. Nagugutom na ko! Kelan ba matatapos tong pahirap ng Section E na to? Pagbalik sa cafeteria, mahaba na naman ang pila. Wala akong balak maki-pila. Meron na kong order at bayad na yun. Agad akong tumakbo sa may cashier at siniksik si Kuya na naka-unahan ng pila. "Anu ba yan?!" Galit na sita ni Kuya pero hindi ko sya pinansin. "Ate yung box po!" Sabi ko at agad nyang kinuha yung box. "Hoy! Ate pumila ka!" "Kanina pa kami dito!" "Wag kang singit!" Aba! Mga pisting to! Tinignan ko sila ng masama. Yung tipong nakakamatay, yung tagos sa laman at buto. Kingina nyo! Makuha kayo sa tingin! Inabot na sakin ni Ate'ng Tindera ang dalawa pang kahon. Medyo maliit na yun ng kaunti sa nauna. Kinuha ko at sinimula'ng maglakad. Nasa kalagitnaan na ko ng cafeteria ng my biglang humarang sakin. Ngayon pa talaga?! "Excuse po!" Sabi ko at hindi pa rin sya gumagalaw. "..Makikiraan----" "What is that?" Tanung nung humarang. Shutanginames! Lagot na ko nito! Si Aries ang nasa harapan ko. "Anu... Kasi..." "Para sa Section E ba yan?" Hindi ako nakasagot. Nagsimula na ring magbulungan ang mga tao dito. "Pasensya na Aries... Kailangan ko ng umalis." Dumaan ako sa tabi nya at nabangga ko pa yung braso nya. Malapit na ko sa pinto ng bigla syang nagsalita. "Put that thing down." Taka ko syang tinignan. "Huh?!" "Put.That.Thing.Down." Mahinahon nyang sabi pero ma-otoridad. "Do what i said now." Aarrggghhh... Anu ba? Kailangan ko na talaga'ng umalis. Gusto ko man syang sundin, hindi ko magawa. "Sorry." Yun na lang ang sinabi ko at mabilis na lumakad paalis. Narinig ko pa syang tinatawag ang pangalan ko. Kingina kasi tong mga Section E na to! Pagbalik ko sa room nakaupo na yung mga nakakuha ng order nila. Nagaabang naman yung mga hindi pa. Nilapag ko ulit yung mga box sa table at hinayaan ko sila'ng magkagulo ulit. Bahala kayo! Binato ko kay Keifer ang sukli nya. Bahala sya mamulot. Pabagsak akong naupo sa upuan ko at halos humilata na. Makakain pa kaya ako nito? Sobrang pagod na ng katawan ko. Wala man lang tumulong sakin! Umayos ako ng upo para tignan ang ginagawa nila. Lahat sila kaharap na yung mga order nila pero... Bakit hindi pa rin sila nagsisikain? Niligin ko yung paningin ko at lahat sila ganun, except kay Yuri. Walang pagkain sa harap nya. Hala! Nakalimutan ko ata! Pero kung nakalimutan ko, magco-complain naman siguro sya. Diba? Bigla lumipat si Felix ng upuan malapit sakin. Ganun din ginawa ng iba sa kanila. "Sabay sabay tayong kakain." Sabi ni Felix habang nakangiti. Hinihintay ba nila ko kaya hindi pa sila nagsisikain? Wew! Touch ang tropa nyo! Nilabas ko na yung baon ko at inikot ang upuan para makaharap ako kila Felix at iba pa. "KAIN NA!" sabay sabay na sigaw nila. Medyo natawa pa ko ang cute kasi nila tignan. Nagsimula na kaming kumain at para sila'ng mga bata'ng tuwa'ng tuwa sa kinakain. Ppfffttt.. Mga isip bata! Wala pa ring pagkain si Yuri. Panu na kaya sya? Hindi naman sya binibigyan ng mga katabi nya. Bahagya akong nakaramdam ng awa sa kanya. Nagkasalubong kami ng tingin at halatang nairita sya. Sungit! Bigla syang tumayo at lumakad palapit samin... Ay hindi pala! Palabas pala sya at sa side lang namin sya dumaan. Sinubukan ko syang pigilan. Hinawakan ko yung pupulsuhan nya. "Uy.. Kain oh!" Alok ko sa kanya. Hindi sya nagsasalita. Nakatingin lang sya sa kamay kong nakahawak sa kanya. Ramdam kong naiinis sya sa ginawa ko kaya binitiwan ko agad. "Kain kana... Share nalang tayo." Sabi ko. Wala namang masama dun diba? Nagsalo din naman kami ni Keifer sa pagkain dati. Hindi pa rin nagsasalita ang Yuri at nakatingin pa rin sakin. Mukang ayaw nya ng ulam ko. Kumuha ako ng chocolate sa bag. "Eto nalang kung ayaw mo ng kanin." Alok ko sa kanya. "Kunin mo na Yuri... Kesa naman hindi ka kumain." Sabi ni Felix habang ngumunguya. Haist! Bata talaga! Hindi pa rin nagsasalita ang Yuri pero unti-unti nyang kinuha yung chocolate sa kamay ko. Wala'ng kahit na anong reaksyon at tumingin sya sakin. Nginitian ko naman at pinagpatuloy na ang pagkain. Umalis din sya agad kahit binigyan ko na sya ng maka-kain. Ayaw ata nya ng may kasalo? Natapos ang pagkain namin ng pananghalian. Kanya kanya ng linis ng pinagkainan ang mga luko. Akala ko itatapon nila sa maayos basurahan ang mga kalat pero binato lang nila sa labas sa tapat ng room namin. Hala! Kalat kalat na nga dun pa tinapon. Dahil meron ng tumpok ng mga lumang gamit sa labas nag-mukang basurahan ang harap ng room namin. Ayos tong mga to! "Dyan talaga tapunan?" Tanung ko sa kanila. "Hindi.. Dun pa, kayalang malayo kaya dyan nalang." Sagot ng isa sa kanila at umalis. Aba matinde! Gusgusin na nga yung building nila ginawa pang basurahan yung harapan. Tahimik akong naupo sa upuan ko. Napatingin ako sa kanang side ko. Talagang hindi na pumasok si Ci-N. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala. "Felix!" Tawag ko. "H?" Sagot nya. May laman na naman kasi yung bibig nya. Takaw! "May cellphone number ka ni Ci-N?" Kinuha nya yung cellphone sa bulsa nya. "Meron. Bakit?" Kinuha ko yung cellphone ko. "Kuhanin ko." sabi ko habang lumalapit sa kanya. Hinarap nya sakin screen ng cellphone nya at.. Wow! Latest model ng Samsung ang Cellphone nya. Nanliit yung cellphone ko'ng may keypad pa rin. Kinopya ko nalang yung number ni Ci-N. Baka kasi inupakan na pala sya ng mga nakita kong lalaki na sumunod sa kanya. Dapat yata sinundan ko din sila para naka-sigurado ako. Babalik na sana ko sa upuan pero pinigilan ako ni Felix. "Oh?" Tanung ko. "Yung cellphone number mo?" Tanung nya habang nilalahad ang phone sakin. Nahiya talaga ako sa phone nya. Nilagay ko nalang yung number ko sa phone nya. Bumalik na ko sa upuan at tinext ko na yung number ni Ci-N. Sana lang mag-reply. To: Ci-N Message: Jay-jay 2.. bkt hnd ka pumsok? Hinintay ko magreply yung tinext kong number pero wala. Baka nagpapahinga na. Tinabi ko nalang yung phone ko dumating na kasi yung teacher namin kasunod si Yuri. Anu ba yan? Hindi mawala sa isip ko si Ci-N. Baka kung anu na nangyari dun eh. Pati sa mga sumunod naming subject sya pa rin nasa isip ko. Wala akong gusto sa kanya ah! Nag-aalala lang ako. Ang bata nya pa kasi tapos baka napa-away sya nung hinatid nya ko. Asar naman! Nasa huling subject na kami kay Ms. Smith at si Ci-N pa rin ang iniisip ko. "Ms. Mariano?" Tawag sakin ni Ma'am. "Po?" "Anung middle name mo?" Tanung nya habang nakaharap sa class record nya. "Fernandez po." Biglang tumahimik ang buong klase. Para bang may nasabi ako'ng masama'ng salita. Bigla rin sila nagtinginan at tumingin sa likod. Kusa nalang akong nangilabot kahit wala namang malamig na hangin. Anung meron? Pati si Ma'am tumigil din sa ginagawa at tinignan ako. "Ka'ano-ano mo si Michael Aries Fernandez?" "P-pinsan ko po. Biglang bumigat yung awra sa room. Para bang may delubyo. Bakit?

 

 

Chapter 11 Past Jay-jay's POV

 

 Natapos ang klase namin kay Ms. Smith pero hindi pa rin nawala ang mabigat na awra sa room. Nag-aayos na ko ng gamit ng mapansin kong parang hindi ako tinitignan ng mga classmate ko. Dumadaan lang sila sa harap ko at ang malala pa lahat sila seryoso'ng seryoso yung muka. Weird. Anung meron ba kasi? Lumabas na ko ng room at naglakad kasabay ng iba pero... bakit parang nilalayuan nila ko? Inamoy ko yung sarili ko, hindi naman ako amoy putok. Bakit kaya? Nakita ko si Felix at naalala ko yung chocolate sa bag ko. Madami pa naman to at wala din si Ci-N. Sa kanya ko nalang siguro ibibigay. "Felix!" Tawag ko habang tumatakbo palapit sa kanya. Hindi sya lumilingon at tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad. "Felix!" Halos maubusan ako ng hininga sa paghabol lang sa kanya. Agad ko syang hinawakan sa braso ng maabutan ko sya. Nagulat ako ng bigla nya'ng tabigin ang kamay ko. Bakit? "Uy.. Gusto mo pa ba ng chocolate? Sayang kasi mga dala ko----" "Sorry Jay, kailangan ko na kasing umalis." Seryoso nya'ng sagot at mabilis na naglakad palayo sakin. Anu ba nangyayari? Tungkol ba to sa middle name ko o sa pagiging pinsan ni Aries? Anung na naman kasi? Napansin ko si Keifer sa kalayuan. Nakatingin---hindi! Nakatitig sya at nakamamatay. Problema nito? Nagtuloy na rin ako sa paglalakad pauwi. Mukang nauna na si Aries hindi ko na kasi nakita kotse nya sa parking. Mas okay naman yun. Sya naman ang malilintikan kay Kuya dahil sa hindi pagsabay sakin. Pagdating sa bahay, tama ako! Nauna na nga si Aries. Andito na sya sa bahay. Nakaupo sa sofa habang nakapatong ang paa sa center table at nanunuod sa TV. "Aries." Pagkuha ko sa atensyon nya. Tinignan naman nya ko pero binalik din agad sa TV ang tingin nya. "Bakit?" Bored nyang sagot. "May ginawa kaba sa Section E?" Biglang nag-iba itsura nya. Para bang seryoso pero andun pa rin yung galit. Binaba nya yung remote at hinarap ako. "Bakit mo tinatanung?" Bakit nga ba? Kasi hindi na nila ko kinakausap at parang iwas sila sakin ng malaman na pinsan kita... Yun lang naman. Syempre hindi ko sinabi yun. Hindi pa naman ako sure eh. "Wala naman... Natanung ko lang." Tumaas ang isang kilay ni Aries. Napaka-talino ng sagot mo Jay-jay. "Hindi ako tanga Jay." "K-kasi, parang nag-react sila nung nalaman nilang Fernandez ang middle name ko." Tanggapin mo ang explanation ko! Please! Please! Nagbuntong hininga sya. "Baka hindi ako yun.. baka si Kuya." Wew. Talaga lang ah! "Sige. Akyat na ko." Sabi ko at mabilis na umakyat papunta sa kwarto ko. Kaka-intriga naman tong si Aries. Anu na namang kinalaman ni Kuya Angelo dun? Anu ba yan? Dagdag isipin pa tong si Aries sakin. Hindi pa nga natatapos mga intriga sa room namin eh. Sasali pa sya! Speaking of isipin. Si Ci-N?! Hindi pa rin sya sumasagot sa text ko. Nag aalala kasi talaga ko sa bata na yun. Naisipan kong tawagan na sya. Worth it naman sa load. Para lang matahimik ang bulate sa utak ko. Medyo matagal ang ring bago sagutin. ["Hello?"] Sabi nung sumagot. "H-hello? Si Ci-N po ba to?" Tanung ko. ["Oo.. Sino to?"] "Hoy! Mokong ka! Bakit hindi ka pumasok?!" ["Jay-jay?"] "Oo! Ako to! Anu na?! Bakit hindi ka pumasok?!" ["Pwede naman kamo'ng hindi sumigaw. Masama pakiramdam ko. Bakit? Miss mo na ko?"] May halong pang-aasar sa boses nya. Luko to ah! "Gago! Hindi no!" ["Ay... Nalungkot naman ako dun. Baka next week pa ko makapasok."] "Ha?! Anu ba nangyari sayo?" Kung masama lang pakiramdam nya bakit next pa sya papasok? Anu yun? Dinaig pa dengue? ["Wala... Masama lang talaga pakiramdam ko"] "Anu ba definition mo ng masama pakiramdam? Bakit next week pa? Anu sakit mo?" ["Masakit ingrone ko. Hehehehe."] Aba! Best answer from Ci-N Peralta. "Ang sarap mo kausap no?" Dinig ko ang malakas na tawa nya sa kabilang linya. Hayop! Boys are boys. "Bwisit ka! Ci-N! Bwisit!" I shout and ended the call. Abnormal din tong bata na to. Tatanungin ko nalang sya pag-pasok nya. Sobrang napapagod ako dito sa Section na to. Muka namang walang masamang nangyari sa kanya. Akala ko naman kasi binanatan na sya ng mga sumusunod sa kanya kahapon.

 

 Keifer's POV

 

 "What now?" Yuri ask. "What do you mean 'what now'?" I ask back. "About that Jay-jay. Pinsan pala sya nya yung gago'ng Aries na yun." Yuri said while clenching his fist. As far as i remember ako dapat ang magalit dahil ako ang inagawan. Seeing Yuri's reaction now, makes me think na may feelings pa sya kay Ella. "She need to leave from our section as soon as possible. We don't know her agenda." "Keifer!" Edrix shout while running and waiving few papers from his hand. Edrix is one of our classmate, our computer expert. "What did you find out?" I ask. He catches his breath first. Inabot nya samin ang mga papel na hawak nya. It's Jay-jay's school records. "The first one is from our school principal records and the second one was from her previous school." Edrix explain. "...walang masyadong info sa records nya ngayon----syempre kakasimula pa lang nya. But if you check his previous school records. Damn!" I did what he said. I checked the second one and for Pete sake, dinaig pa nya record ko. "First offense... Stabbing classmate using a pen." I read. Seriously? "Second offense... Punching two of her boy classmates. Third offense... Punching a girl classmate which cause of bleeding. Fourth offense..." Almost of her offenses are fighting with classmate. She also have gambling issue and cutting classes. I skip few offenses until i reach the last one which make me read it twice before reading out loud. "42nd offense... Kicking and punching a boy that almost lead to... death." I almost whisper the last word. Edrix and Yuri look at me. "She did that?" Yuri ask. "Have you notice anything?" Edrix suddenly ask. We just look at him. "...There's no punishment included. Tumawag na rin ako sa school na yan pero ayaw nilang ibigay ang buong information ni Jay-jay." "Guys!" Rory shown up. Also one of our classmate, information seeker. "... I've found out that Jay-jay's mother is the half sister of Aries's mother." "What else?" I ask. "Broken family sila, hindi makita ang ama at ang nanay nya iba-iba ang nagiging asawa. She grew up with her grandma but last month kinuha na sya ng Mother ni Aries." Rory added. "Which means kelan lang sila nagkasama ni Aries. Hindi pa tayo sure kung pinababantayan nga tayo ni Aries sa kanya." Yuri said. "Aries has no reason to do that..." "We are still a threat to him... You are still a threat to him." Yuri said pointing his finger to me. Well he have a point. Ilang beses ko sya'ng binanatan sa loob at labas ng school hindi ko sya masisisi kung matatakot sya sakin. "Keifer..." Rory started while reading something on his phone. "...I think Jay don't have a good relationship with Aries." "What do you mean?" I ask and he handed his phone to me. This information that Rory gave to me makes me confuse about Aries. I know i can use this information against him but i need to know more to make a plan.

 

 Jay-jay's POV

 

 Nagising ako bigla. Hindi ko alam pero paki-ramdam ko nauuhaw ako. Bumangon at naglakad papunta sa kusina. Kumuha ako ng bottled water at dinala pabalik sa kwarto ko. Baka kasi magising ako ulit at mauhaw kaya dinala ko na. Malapit na ko sa kwarto ko ng mapansin kong bukas ang ilaw sa kwarto ni Aries at parang may kausap sya. Hindi sa gusto kong makinig o anu pero may narinig kasi akong pamilyar na pangalan. "Kausapin mo na sya... Tatay mo pa rin sya." Sabi nung kausap na mukang si Tita Gema. "No! He's not my Dad your husband is my Dad. Hindi ko sya kakausapin. Last time na nagkita kami anu'ng ginawa nya? Dinamay pa nya si Jay jay reason for us to----" Huminto sya sa pagsasalita. I know what he meant to say. Yung insidenteng nangyari 4 years ago. Ang totoo, hindi ko talag maintindihan ang pangyayaring yon. Wala akong masyadong maalala sa mga nangyari non. At kung titignang mabuti marami akong hindi maalala'ng pangyayari sa buhay ko. Bumalik na ko sa kwarto ko at nahiga. Nakatitig lang ako sa kisame. Iniisip ko yung nangyaring insidente sa pagitan namin ni Aries at ng Tatay nya. Birthday ni Aries non at naghahanda na kami para mag-celebrate pero dinukot sya ng totoong Tatay nya. Ako lang ang kasama nya that time kaya pati ako'ng tanging witness dinamay nila. Ilang gabi kaming sumisigaw nanghihingi ng tulong at nagbabakasakali na may makarinig samin. Wala naman syang ginagawa samin, pinapakain lang nya kami tuwing gabi tapos aalis na at hahayaan ulit kaming nakakulong. Hangang isang gabi nagising nalang ako na may sumisigaw, nakita ko si Aries na nagpupumiglas mula sa Tatay nya at humihingi ng tulong. Sinubukan ko syang tulungan pero masyado'ng malaki ang Tatay nya. Tinulak lang nya ko na parang laruan. Ilang beses kong sinubukan lumapit hangang sa huling pagtulak nya sakin tumama ang ulo ko. Puro dugo ako non, nataranta ako sa nagdilim nalang ang lahat. Nagising nalang ako sa ospital tapos hindi na ko kina-usap ni Aries. Kahit sila Tita Gema hindi din alam ang dahilan. May mga sugat ako sa ilang bahagi ng katawan na hindi ko naman maalala na nasugatan. Pero ang pangyayaring yon ang bumago sa pagitan namin ni Aries. Alam kong may naganap na hindi ko alam. Dahil ilang buwan lang ang nakakalipas ng maulit yon.

 

 

Chapter 12 Seenzoned Jay-jay's POV

 

 Yung feeling ng hindi ka nag-eexist? Alam ko na ngayon. Feel na feel ko pa nga eh. Hanep kasi yan. Hindi pa rin ako pinapansin ng mga ulupong. Ilang araw na to. Malapit na mag-one week. Seenzoned ako sa mga hinayupak na to. Hindi pa rin pumapasok ang Ci-N. Sinungaling yun! Kapag naman tinatawagan hindi sumasagot. "Class.. Tomorrow sa gymnasium tayo. Don't forget your P.E. uniform." Sabi ng P.E. Teacher naming kapangalan ng dating artista. "Yes Ma'am." Bored na sagot ng mga hayop kong classmate. Natapos kami kay Miss Asunta at sumunod kay Miss Smith. "Mag-linis nga kayo ng kwarto nyo!" Bungad nya samin. Agree! Muka na kasing basurahan ang room namin. Muka namang mga basurero mga tao dito. "Linisin nyo nalang ang kwarto nyo at bukas nalang ako mag-klase." Dagdag pa ni Ma'am dahilan para ganahan ang mga luko. "Nice.. Makaka-uwi tayo maaga." "Yes!" "Simulan na natin." Dyan sila magaling! Active na active pag-walang klase. Lumabas na si Ma'am at nagtayuan na sila. Akmang tatayo na rin ako ng iabot sakin ni Keifer ang walis st dustpan. "Dating gawi... Clean the room." sabi nya. Papalag palang sana ko pero napansin kong wala na ang mga classmate namin. Nakalabas na at si Keifer nalang at ako ang nasa loob. "Bakit ako na naman?" "Because you're annoying. Do what i said or hindi kana makaka-uwi." Sabi nya at naglakad na paalis. Paglabas nya ng room sinara na naman nya yung pinto. Anu yan? De javu? Nangyari na to ah. Kesa makulong ako dito, wala akong pagpipilian kundi linisin nalang. Makalat na naman yung sahig. Mga pinagkainan, papel at lupa-lupa. Makapal na rin ang agiw sa kisame pati alikabok sa paligid. Inumpisahan kong alisin ang agiw sa kisame. Halos mabulag ako dahil sa pagka-puwing. Pagkatapos ay kumuha ako ng basahan sa sina-unang cabinet nila. Dahil may maliit na lababo naman sila naisip kong dun nalang kumuha ng tubig. Tinanggal ko yung takip na plywood at binuksan ang gripo. May tubig pa, kayalang puro lumot. Hinayaan ko muna'ng nakabukas bago basain ang basaha'ng hawak ko. Habang naghihintay, inalis ko na rin yung mga plywood, yero at karto'ng nakatakip sa mga gamit sa likod. Tinabi ko muna sa sulok. Nung okay na yung tubig binasa ko na yung basahan at pinunasan ko na lahat ng dapat punasan. Pagdating sa bintana nakita ko pa sila'ng lahat sa labas na para'ng nagme-meeting. "Anu balak Keifer?" "Same... Paaalisin lang natin sya dito." "What if she don't want to?" "Edi mas lalo syang pahirapan." "Takutin nalang natin sya..." "We will do that but not now." Dinig kong pinag-uusap nila. Why do i have this feeling na ako yung pinag uusapan nila? Balak nila kong paalisin? Ahhhhhh... Now i know! Kaya pala nila ginagawa sakin to. Pinapahirapan nila ko para mapilitan akong umalis. HAHA! Sorry guys mali kayo ng taong binangga. Kala nyo kaya nyo ko? No! No! Magpatibayan tayo ng sikmura! Hindi ako aalis dito. Manigas muna kayo! Mabilis kong tinapos ang paglilinis. Nilagay ko lahat ng basura sa garbage bag at kinatok ko agad ang pinto. Si Keifer muna ang pumasok at lahat sila nasa pintuan. Agad na tinignan ni Keifer ang kisame at natigilan sya ng makita yung mga gamit sa likod. "What the..." Halos pabulong nyang sabi. "Tinanggal ko na yung mga nakatabing... Sagabal kasi at ang daming alikabok. Pagmulan din ng lam----" "Marumi pa din." Sabi nya ng may awtoridad. "Huh?! Malinis na kaya... Pintura nalang kulang para sa pader at----" "That's not what i mean." pumitik sya gamit ang dalawang daliri at inabot ni Felix sa kanya ang garbage bag. Tinignan ko si Felix pero hindi sya makatingin sakin. Nagulat ako ng bigla nalang isabog ni Keifer ang laman ng garbage bag. Umalingasaw ang mabahong amoy at lumipad sa ere ang mga basura. What the fvck?! "See? Marumi pa din." Sabi nya at ngumiti ng puno ng angas. Magkanu ba pakabit ng laser sa mata? Papakabit lang ako para matunaw na tong Keifer na to sa harapan ko. Animal sa lahat ng animal! Hayop pa sa hayop! "Sira-ulo ka ba?!" "Maybe..." Tinalukuran nya ko. "...Clean this mess!" Gago! "Hoy! Keifer!" sigaw ko. Huminto naman sya. Kinuha ko basura'ng inipon ko sa garbage bag at lumakad palapit sa kanya. "Tama ka..." Hinarap nya ko at pinagtaasan ng kilay. "Marumi pa nga!" Madiin kong sabi bago binuhos sa kanya ang laman ng garbage bag na hawak ko. Kasama ng papel, pinagbalatan ng kinain nila, mga lupa at alikabok na ngayon ay nasa ulo at balikat na ni Keifer. Tinignan nya ko ng masama kasabay nun ang bulungan ng mga Ulupong sa pinto. "Shit!" "Lagot na!" "Patay sya ngayon." "Tawagin nyo si Yuri!" Kung nakakapatay lang ang tingin... Putcha! Pang-40 days ko na ngayon. "You! Stupid! Woman!" Sigaw nya. Medyo napaatras pa ko sa pagkaka-sigaw nya pero nanindig ako. Taas noo kung taas noo. "Ano akala mo sakin?! Katulong nyo?!" "You----" "Keifer!" Sigaw ng kung sino. Pareho pa kaming napatingin sa pintuan. Si Yuri habang salubong ang kilay at puno ng pagtataka'ng nakatingin samin. "What the hell?! Bakit naliligo ka ng alikabok Keifer?!" Tanong nya. Nagsalubong ang kilay nya ng makita'ng puro kalat sa paligid at sahig. "Kindly explain..." Mahinahong sabi nya. Tinignan ko si Keifer at ganun din sya sakin. "SYA NAUNA!" Sabay na sigaw namin habang naka-turo sa isa't-isa. "ANONG AKO?!" Sabay ulit na sigaw namin. Gagong to! Ginagaya pa ko! "Stop copying me!" Sigaw nya sakin. "Hoy! Ikaw kaya nang-gagaya!" "Ikaw ka----" "STOP!" Sigaw ni Yuri na halos lumuwa na ang lalamunan. "..BOTH OF YOU STOP!" Tinignan nya kami pareho ng masam. "..Hindi na kayo nahiya. Your acting like a child. Clean this mess right now or both of you will stay here forever." Wala kayang forever. Tinignan ako ng masama ni Yuri. Shete! Nasabi ko ata yung nasa isip ko! Umiwas ako ng tingin. "I'm not going to clean this mess." Pagmamatigas ni Keifer. "..I'm the class preside----" "David is coming back." Putol ni Yuri sa sasabihin ni Keifer. David? "What?!" Tanong nya na puno ng pagtataka pero parang pagalit. Sino na naman yung David? Yun ba yung sinasabi nilang pinabagsak ni Kiko me'loves. Landi! Me'loves agad? "He called me this morning. Babalik na daw sya." Sabi ni Yuri. "..Well talk about it later. Sa ngayon, maglinis na kayo." Dagdag nya at lumakad na paalis. Paglabas nya, sinara na naman yung pinto. Dalawa na kami ni Keifer sa loob. Kinuha ko yung walis at binato sa kanya. "Walisin mo na yang kinalat mo!" Utos ko. Ang magaling na Keifer inismidan lang ako at naupo sa isang sulok. Abay mahusay! Kung ayaw nya mag-linis, manigas sya dyan. Naupo lang din ako sa isa sa mga bangko. Tamihik lang kami'ng dalawa at tanging kwentuhan lang ng mga ulupong sa labas ang naririnig ko. Paminsan-minsan tinitignan ko din si Keifer pero nakatanga lang sa kawalan ang luko. Muka rin sya'ng inaantok dahil sa malalim na yung mata nya at may pagkakataong humihikab sya. Malapit ng dumilim at mukang napapagod na rin sa paghihintay ang mga classmate namin sa labas. Gusto ko na ring umuwi at nagugutom na ko. Kumuha ako ng isa pang walis at lumapit kay Keifer. Inabot ko sa kanya pero tinignan lang nya ko. "Tara na... Mag-linis na tayo. Gusto ko ng umuwi." Sabi ko. Nakatanga pa rin ang luko sakin. Putcha naman! Uwi'ng uwi na ko! Kinuha ko yung kamay nya at pilit pinahawak ang walis. Hinawakan naman nya kaya umalis na ko sa tabi nya. Kinuha ko yung isa pang walis at nag umpisa ng maglinis. Nakaka-dalawang walis palang ako pero ang Keifer naka-tanga pa rin. "Tsk! Anu ba?! Maki-sama ka naman! Gusto ko ng umuwi." Mukang nakaramdam naman sya sa sinabi ko. Tumayo na sya at nagwalis, yun nga lang sa iisang lugar lang. Naku naman! "Keifer naman!" Reklamo ko habang pumapadyak. "..Gusto ko na talagang umuwi." "Tss. Fine." Sagot nya sakin at nagsimula syang mag-walis ng maayos. Nakakabingi ang katahimikan. Dumidilim na rin sa labas. "Keifer..." Panimula ko pero hindi sya sumasagot. ".. Sino yung David?" Hindi sya sumasagot. Mukang wala syang balak makipag-kwentuhan. Sungit! "Original Class President ng Section E." Bored nyang sagot. Wow! Nakiki-sama naman pala itong kumag na to. Mukang naiinip na rin sa ginagawa namin. "Sya ba yung sinasabi nyo nung nakaraan na pinabagsak ni Kiko?" Sandali syang huminto na parang nag-isip bago bumalik sa ginagawa at nagsalita. "Oo.." Haba ng sagot... Dama ko yun mga 0.01 milisec. "Bakit wala sya dito kung sya yung class president?" Tanung ko. Huminto ulit sya at hinarap ako. "Dami mong tanung... Tapos na ko." Sabi nya sabay abot ng garbage bag. Aba! Tapos na nga sya. Mabilis kong tinapos yung ginagawa ko. Ng mapansin nyang okay ang lahat dun palang sya nangalampag sa pinto. Medyo matagal bago bumukas. Baka nakatulog na sila. Pagbukas ng pinto si Yuri ang expected kong papasok para i-check yung pinto pero iba yung tuloy tuloy na pumasok. Si Aries at matalim ang tingin nya samin ni Keifer. "Anung ginagawa mo dito?!" Mahinahon pero ma-otoridad na tanung ni Keifer. Hindi sya sumagot. Lumapit lang sya sakin at hinatak ako sa braso. "Kanina pa ko naghihintay sayo!" Sabi nya sakin. "T-teka!" Pag-pupumiglas ko. "..yung bag ko!" Binitiwan nya ko at hinayaang kunin ang bag ko. Pagka-kuha napansin kong ang dami ng tao sa labas. Naglakad na si Aries kaya sumunod na ko. Paglabas dun ko lang na-realize na pati pala mga classmate ni Aries kasama nya. At ang lalim ng palitan nila ng tingin.

 

 

Chapter 13 Fight Jay-jay's POV

 

 May sapi talaga tong si Aries. Hindi sinabi sakin na nasa bahay pala si Kuya Angelo. Kaya pala sinundo nya ko sa room. Buti nalang hindi na nagtanung si Kuya. Papasok na ko sa school at sinabay ulit ako ni Aries sa kotse nya. As usual hindi na naman sya nag-sasalita. Nakatingin ako sa bintana ng makita ko si Ci-N na naglalakad. Nakapamulsa pa sya at naka-headset. "IHINTO M----ARAY!" Hindi ko pa nabubuo yung sasabihin ko pero tinapakan na nya yung preno. Hindi pa naman ako naka-seatbelt kaya nasubsob ako. "What the fvck?! Kailangan talaga sumisigaw?!" Galit na sita nya sakin. Buti nalang walang sasakyan na nakasunod samin. "Dito nalang ako." Sabi ko at bumaba ng kotse. Hindi ko na hinintay sasabihin nya. Agad akong tumakbo palapit kay Ci-N. "Hoy Ci-N!" Sabi ko sabay hampas sa braso nya. Tinignan nya ko ng masama pero agad din syang ngumiti ng makilala ako. Tinanggal nya yung headset nya. "Good Morning!" Bati nya habang naka ngiti. Ngiti na naman?! Handa na sana kong sigawan at sermunan sya kung bakit hindi sya pumasok pero agad na napunta yung attention ko sa muka nya. "Hala.. Ci! Bakit puro sugat ang muka mo?" Tanung ko sa kanya. Sugat ang labi nya na medyo namamaga pa. May maliit na pasa sa gilid ng labi sa right side at sa gilid ng kaliwang mata. May gasgas din sa kaliwang pisngi. "Anu... Hehe.. tumambling sa bike." Sagot nya sakin habang naghihimas ng batok. Tumambling?! Seryoso ba sya? Halata nama'ng napa-away sya. "Talaga lang ah.." yun nalang ang sinagot ko at nagpatuloy sa paglalakad. Ganun din ang ginawa nya. "Kamusta pala sa room?" Tanung nya sakin. Ayos lang... Mas lalo lang sila'ng na'aning. "Ganun pa din... Except sa one week na nila kong hindi pinapansin." "Huh?!" "I-explain ko para sayo..." Sabi ko at umubo para ihanda ang boses ko. "...Fernandez ang middle name ko." Yun lang ang sinabi ko at hinintay kung makaka-kuha sya ng hint. Kayalang slow din pala sya. Explain mo kaya ng maayos Jay. "Tapos?" Ay mukang hindi sya aware na Fernandez din si Aries. Anu ba yan? "Pinsan ko si Aries!" Mabilis na sagot ko sa kanya. "Ahh----" bigla syang huminto at nag-isip. Parang alam ko na yung mangyayari. "Anu? Iiwas ka na rin? Hindi mo na rin ako papansinin?" Bigla syang ngumiti. "Syempre hindi ko gagawin yun. Kuwari hindi ako aware sa issue na yan." Nakakahawa yung ngiti ni Ci-N. Napangiti na rin ako ng di-oras. Nagpatuloy kami sa paglalakad hangang sa makarating kami sa school. Nakita ko pa si Aries na nakasandal sa kotse nya. Naka-cross arm sya at masama ang tingin sakin. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko naman sya masisisi agad akong bumaba sa kotse kanina. Malapit na kami sa building namin ng biglang huminto si Ci-N. Nakatingin sya sa isang lalaki na nakaupo sa sanga ng puno. "Sino yun?" Tanung ko. "Si Calix.. classmate natin yan, anu kaba?" Sagot nya sakin. Hindi ko naman kaya kita yung muka nung lalaki at hindi ko din alam ang pangalan nya. Baka nakatalikod samin. Pero pinag-masdan ko pa rin. Ay oo nga... Classmate nga namin. "Walang kadala-dala... Parang hindi sya napilayan nung nakaraan dahil sa pagtambay nya dyan." Dagdag ni Ci-N. "Bakit? Anu nangyari?" Tanung ko. Pasensya naman... Naintriga ang lola nyo. "Nagmadali daw sa pagbaba... Ayun dire-diretso'ng bumagsak tapos tumama yung paa sa malaking ugat ng puno." "Ahh.. eh umaano ba kasi sya dyan?" "Ewan ba... Tara na." Aya ni Ci-N. Naglakad na kami ulit. Parang pamilyar sakin tong Calix na to. Hindi nga lang ako sigurado. Hindi pa ko nakakalayo ng may marinig akong pangalan. Dahilan para masagot ang nasa isip ko kung bakit parang pamilyar tong Calix. "Mica! Hintay sandali!" Yung sulat! Yung love letter na nakuha ko sa second floor ng building namin. Sila kaya yun? Anu kaya----Stop! Ang dami mo ng isipin sa Section E. Wag mo ng idamay pati love life nila! Ay tama ang bulate ko sa utak! Hindi na dapat ako maki-alam sa kanila. Buhay nila yan... Mind your own business, kung may business ka. "Huy Jay-jay!" Tawag sakin ni Ci-N dahilan para bumalik ako sa reyalidad. "B-bakit?" Tanung ko. "Tulaley ka kasi.. anyare sayo?" Tanung nya sakin. "W-wala... May naalala lang ako." Nagkibit balikat lang si Ci-N. Malapit na kami sa mismong room ng makita naming nagkakagulo ang mga classmate namin sa tapat ng room. Mukang may nag-aaway. Lumapit pa kami ni Ci-N para makita ng maayos. Si Keifer at isa pang lalaki. Nakahawak si Keifer sa kwelyo nung lalaki. Kita ko yung pang-gagalaiti nya pero yung kaaway nya hindi ko makita ng maayos. "Uy pre... Anung nangyayari?" Tanung ni Ci-N sa isa sa mga classmate namin. "Si David bumalik na... Gusto nya sya pa rin ang class president pero syempre hindi papayag si Keifer." Sagot nung classmate naming mukang excited sa away. May away na excited pa. Nice! Hinatak ko yung dulo ng manggas ni Ci-N. "Sya ba yung David?" Tanung ko. "Oo.." maikling sagot ni Ci-N. Hindi ko makita na maayos yung muka nya dahil sa mga talipandas na classmate namin. "Kay Keifer ako.." "Solid David to!" "500 Keifer yan." "1000 ako!" Aba! Sa halip na awatin nagpustahan pa. Galing naman! Hinatak ko ulit yung dulo ng manggas ni Ci-N at sumenyas na papasok na sa room. Wala akong balak maki-gulo. Tama yan! Umiwas ka! Naupo na ko sa upuan ko. Dahil lahat sila nasa labas, solo ko ang kwarto. Napansin kong binalik nila yung mga harang na karton, yero at plywood sa likod. Tinakpan na naman nila yung mga gamit sa likod. Tss. Arte! Naramdaman kong may pumasok na sa loob kaya binalik ko na yung tingin ko sa harap. Pfftt! Si Yuri lang pala. Dumiretso lang sya sa upuan nya sa likod. May ilang minuto din siguro kaming naka-upo ng sa hindi ko malamang dahilan napunta yung nagsusuntukan sa loob ng room. Pati mga classmate naming abnormal napunta din sa loob. Suntok dito, suntok doon ang nagyayari. Paulit-ulit babagsak at tatayo. Hangang sa pagtumba ni Keifer sakin sya bumagsak kaya dire-diretso din ako sa sahig. "Aarrgghhh... Aray!" Tumayo si Keifer at bumalik sa kasuntukan. Samantalang ako nahirapang tumayo may tumapak pa sa kamay ko. Bwisit! "Aray! Anu ba?!" Sigaw ko. Pinilit kong makatayo agad dahil feeling ko magkaka-istampid. Hinimas ko yung kamay kong natapakan ng kung sino. Nakatumba na yung ibang lamesa at bangko. Ewan ba... Nakaramdam ako ng inis. Ang gulo-gulo nila, ang sakit sa ulo. At mas lalo pa kong nainis ng makita ko yung bag ko na nagmukang basahan. Kingina! "TUMIGIL NA NGA KAYO!" Sigaw ko pero walang pumansin sakin. Anu ba?! Nakakagigil na kayo! Parang may sariling isip ang kamay kong kumuha ng bangko at binato sa nag aaway. Ay teka! Anu yung ginawa ko?! Tumigil ang-aaway at lahat sila sakin na nakatingin. Tang'na! Lagot ka! Masama ang tingin sakin ni Keifer at nung David. Putakte! Pati mga classmate naming mukang nabitin sa away masama na rin ang tingin sakin. Narinig kong may tumawa ng mahina. Mukang si Yuri yun dahil sa pagtaas baba ng balikat nya sama pa yung pilit nyang pagtakip sa bibig nya at pag iwas ng tingin. Napilit ako ng ngiti sabay Peace sign sa daliri. "Pvta! Bakit may babae dito?!" Galit na sita nung David. Bunganga naman nito. Matangkad sya kay Keifer pero medyo payat. Merong peklat sa panga at medyo maputi. Ordinaryo lang itsura nya. "Ikaw ba yung bumato ng bangko?!" Galit na tanung ni Keifer. Bubuka pa lang sana yung bibig para magsalita ng unahan ako ni Ci-N. "Oo sya yun..." Sabi ni Ci-N habang nakangiti. Naningkit ang mata ko sa kanya. Ang bait nitong bata nato! Sana kunin na ni Lord. Agad na lumapit sakin si Keifer at kinwelyuhan ako. Nanlilisik ang mata nya sakin. "Ara---" "Paki-alamera ka!" Sigaw nya sakin. Ang lapit lang ng bibig nya sa muka ko. Amoy mint yung hininga nya. Ay! Bakit ko ba pinapansin yun? Sinubukan kong alisin yung kamay nya. Pero hinigpitan lang nya. Pati iba naming kaklase naki-alam na rin. "Uy Keifer babae yan---" "Wala akong pake!" Sigaw ni Keifer. "Anu ba?! Yung laway mo tumatalsik sa muka ko!" Reklamo ko sa kanya. "Aba talaga'ng ginagalit----" "Keifer! Ibaba mo na yan!" Yuri "Babae pa rin yan uy!" Felix "Bitiwan mo nga ako! Anu ba?!" Ako "Ako kaya kalaban mo!" David "Sakalin mo pa.. hahaha" Ci-N "Bitiwan mo na... Balikan mo na si David." Rest of the class. Halos lahat sila nakiki-usap na bitiwan ako. Wala naman nagawa si Keifer dahil buong klase na yung nagsasabi. Labag man sa loob nya pero binitiwan nya ko. Matalim ang tingin nya sakin at muling humarap kay David. Naka-amba pa lang sana sya ng suntok ng biglang magsalita si Yuri. "Re-election nalang tayo sa Monday para matapos na to!" Nagbulungan ang buong klase at parang nag-isip ang Keifer sandali. Tinignan nya si David. "Payag ako..." Sagot ni David kay Yuri. "Sige... Pagkatapos ng klase." Dagdag ni Keifer. May mag nanghinayang at may sumang-ayon meron din namang ako yung sinisi at baka meron din akong mapatay ng maaga. Babalatan ko nalang ng buhay para masaya.

 

 

Chapter 14 Notice Jay-jay's POV

 

 Lunch time. Hatak-hatak ko si Ci-N sa kwelyo nya. Kailangan ko lang makausap ang bata na to. "Bitawan mo na ko..." Parang bata'ng pitong taon na nagmamaktol itong si Ci-N. Binitiwan ko sya sa kwelyo pero agad kong pinaikot ang braso ko sa leeg nya. "Aray!" Sigaw nya. "Gago ka kasi... Ipapahamak mo pa ko kanina." "S-sorry na... A-aray." Binitiwan ko din sya agad pero malakas na kutos muna ang ibinigay ko. Luko kasi. "Masakit yun ah." sambit nya habang hinihimas ang ulo nya. "Talaga?! Hindi ako aware." Sarkastiko kong sagot. Nag-pout naman sya agad na parang napahiya. Medyo naawa naman ako. Pasalamat sya cute sya. "Papabili kaba sa cafeteria?" Tanung ko. Nabuhayan sya sa sinabi ko at agad na ngumiti. The usual smile. "Sige.." sagot nya habang nagna-nod. Lumakad na kami papunta'ng cafeteria. Walang tigil sa paghu-hu si Ci-N habang nglalakad. Tss! Bata talaga! "Ci-N, ilang taon kana?" Tanung ko. "Uh.. 14 na." Sagot nya habang naka-ngiti. Napahinto naman ako bigla. Eh dapat pala first year pa lang sya. Bata nga talaga sya, bata sakin ng tatlong taon. "Eh panu ka naging fourth year?" "Anu... Panu nga ba... Nanguha lang ako ng exam nung grade 4 tapos nilagay na nila ko sa first year highschool." Paliwanag nya. Accelerated? "Eh panu ka napunta sa Section E?" "Ahh hahahaha... Hinalikan ko yung classmate kong maganda." Sagot nya habang nakangiti na naman. Hokage pala ito eh! "Yun lang?!" "Tapos sinuntok nya ko tapos nagkagulo na... Sakin nagsimula kaya ako yung napunta sa Section E. Haha." "Yaaann... Ninja moves ka kasi." Napakamot nalang sya sa ulo pero nakangiti pa rin. Pati ako napangiti nalang din. Nakakahawa kasi minsan. Tinuloy na namin ang paglalakad. Pagdating sa pinto ng cafeteria napahinto kami dahil sa notice na naka-dikit sa pinto. "ALL Section E is Not Allowed inside! P.S. Kasama ka dun babae!" All Section E?! At kasama na ko dun!! Pvtcha! Kung kelan hindi ako nagbaon ngayon pa nangyari to. "Panu yan Jay? Pati ikaw hindi na pwede sa loob." Sabi ni Ci-N. Anu ba yan?! Baka naman nanakot lang yung mga tao sa loob. Baka hindi pa ko kasali sa rule na to. Hinawakan ko yung pinto para buksan pero pinigilan ako ni Ci-N. "Wag mo na tangkain. Baka kung anu gawin sayong parusa kapag lumabag ka dyan." "Tsk! Malay mo naman hindi pa apply sakin ang rules na yan." "Apply na yan... From the start na pumasok ka dito. Hindi ka lang nila binawalan kasi tranaferee ka at hindi mo pa alam issue ng Section E sa cafeteria." Naningkit ang mata ko sa sinabi nya. "Panu mo nalaman yun?" Napahimas sya sa batok. "Narinig ko sa Section A nung nakaraan." Confirm! Tsismoso talaga to. Hindi ka tsismosa Jay? Para kaming natalo sa laban ng umalis kami sa harap ng cafeteria. Napunta kami sa harap ng malaking building at naupo sa bench. Huminga ako ng malalim at pinatong ang siko sa tuhod para pumangalumbaba. "Nagugutom na ko Jay.." "Ako din Ci.. Next time talaga magbabaon na ko." "Ay.. ako din pagbaon mo." Tinignan ko sya. "Anu?! Swerte mo.. May taga-baon kapa." Nag-pout sya skin. "Sige na... Wala naman kasi mag-aasikaso samin ng babaunin ko." "Bakit? Nasan Parents mo?" Umiwas sya ng tingin. "P-parehong nasa trabaho..." "Wala ka bang kapatid?" "Meron.. Pero busy sila eh." Parang ayaw nya pag-usapan yung Family nya. Hindi sya makatingin sakin ng maayos at halos humina na yung boses nya sa pagsagot. "Sige... Ako nalang maghahanda ng baon mo." Para syang nabuhayan at muling ngumiti sakin. Ganyan dapat.. "Sabi mo yan ah.." Nag-nod naman ako at ngumiti rin sa kanya. Pero nawala din yun ng parehong kumulo sa gutom ang sikmura namin. Food! Bumuhos ka mula sa langit! "Anung ginagawa nyong dalawa dyan?" May nagsalita mula sa likod namin. Lumingon ako para tignan. Si Rakki at nakangiti sya sakin habang hinahawi ang mahaba nyang buhok pero nawala yung ngiti nya ng makita si Ci-N sa tabi. "Hi Rakki!" Bati ni Ci-N ng buong sigla. H? Parang nag-iba bigla si Ci-N. Anu yon? Buhay na buhay kahit pareho kaming gutom. "Hmpf!" Pagtataray ni Rakki sa kanya. Lumapit sya samin at naupo sa tabi ko. "Kamusta Jay?" "Eto gutuman.. ikaw?" Bored na sagot ko. "Bakit hindi----" Ci-N cut Rakki. "Ako hindi mo kakamustahin?" Agad syang tinignan ng masama ni Rakki. "Hindi na! Obvious naman na nakipag-away ka!" "Ahihihi..." Parang babae'ng kinilig si Ci-N. Anu yun? Bakit my ganun? o_O! Question Mark na tuloy sakin tong si Ci-N. Pareho pa kami ni Rakki ng reaksyon. "Baliw..." Bulong ni Rakki at muli akong hinarap. "...Hindi paba kayo kumakain?" "Hindi pa eh... Bawal na ko sa cafeteria kagaya nila..." Sabi sabay turo kay Ci-N na todo smile kay Rakki. "Ganun?" Tumingin sya sa entrance ng cafeteria. "...Akina pera nyo. Gagawan ko ng paraan problema nyo." Saad nya habang nakalahad ang kamay samin. Kahit medyo naguguluhan nagbigay na rin ako ng pera. Si Ci-N no doubt na nag-abot. Nakakapag-taka lang yung pag-abot nya ng pera. Nilapat nya kasi ng husto yung palad nya sa palad ni Rakki. "Ahihihi..." Sabi nito habang kinikilig "Sasabakan kita." Banta ni Rakki sa kanya pero hindi naman sya nagpatinag. "Anu pala gusto bilhin?" "Kanin sakin tapos sa ulam baka minudo nalang. Ikaw Ci-N?" "Special order sakin. Rakki tawag dun." Sagot nya habang nakangiti ng nakakaloko. Agad syang tinignan ng masama ni Rakki. "Tsk! Ayaw ayusin!" Bahagyang tumawa si Ci-N. "Kapareho nalang nung kay Jay-jay." Tumango lang si Rakki at mabilis na naglakad papunta sa cafeteria. Pagkakataon ko na. Pagkakataon ko ng maki-tsismis. "Hoy Ci-N! Anu yun?!" "Anung 'anu yun'?" "Yung kay Rakki!" Iritable kong tanung sa kanya. "Anu... Classmate ko sya dati. Sya yung anu... Yung... hinalikan ko." Paliwanag nya habang namumula ang pisngi. Ikaw na tunay na Hokage! Naningkit ang mata ko sa kanya. "Crush mo si Rakki no?" Bigla nalang itong kinilig at parang sinisilihan ang pwet sa upuan. Hindi na kaylangan ng sagot kita'ng kita naman na. Daig pa babae kung kiligin. "Umayos ka nga!" Sita ko sa kanya. Pinagtitinginan na kasi kami. "Ikaw kasi..." Sabi nito sakin. Hinampas ko sya ng malakas sa braso at halos mahulog sya sa kinauupuan. "Masakit!" Reklamo nya sakin habang hinihimas ang braso nya. Inirapan ko lang sya. Nakita kong lumabas na si Rakki ng cafeteria dala yung mga pinabili namin. "Eto na..." Inabot nya samin yung hawak nya. Nginitian ko sya. "Salamat..." "Thank you Rakki babe." Sabi ni Ci-N. Bigla'ng ngsalubong ang kilay ni Rakki at bago pa man sya makapagsalita hinatak na ko si Ci-N paalis. Halos madapa pa ko sa paghatak nya. Huminto kami malapit sa building ng Section E. "Gago ka ay..." Sabi ko habang naghahabol ng hangin pero ang Ci-N'ng walanghiya nakangiti pa rin at halatang masaya sa pinag-gagawa. Naghanap kami ng mapu-pwestuhan para kainin yung pinabili namin. Baka kasi tangayin ng foodnatcher yun pagkain namin. Nagtago kami sa likod ng mga tambak na gamit. Kumuha lang kami ng bangko at lamesa. Kasabay ng pag-nguya namin ay ang pagkagat ng mga LINTIK NA LAMOK samin! Ang sakit at ang kati! Si Ci-N naman kasi! Pipili lang ng pwesto yung malamok pa. Matapos kumain bumalik na kami sa room at agad kong inalcoholan yung mga kagat sakin. Umiiwas pa rin ng tingin sakin yung buong klase. Tinignan ko si Felix pero umiwas din sya ng tingin. May masama kayang ginawa si Aries sa kanya? Tumunog na yung bell at ilang sandali bago dumating ang teacher. Hindi din naman ganun katagal ang naging klase namin. P.E. na kasi ang sunod naming klase at binigyan kami ng 30 munites na vacant para makapag-handa. Tumayo na ko para lumabas at magbihis pero laking gulat ko ng bigla'ng nghubad ng polo yung buong klase. Pinilit kong magmadali baka kung anung makita ko sa pagbibihis nila. Kayalang huli na, hinubad na nila mga t-shirt or sando nila. Hala! Hala! Teka lang. Sanay naman akong nakakakita ng topless na lalaki pero ang dami kaya nila. Lumabas ako agad at tumakbo sa pinaka-malapit na CR. Nagbihis na din ako. Jogging pants at t-shirt lang ang P.E uniform namin pero short at T-shirt naman sa lalaki. Pagbalik ko sa room para itabi yung uniform ko napahinto ako ng makitang nakahubad pa rin yung iba sa kanila. "Hala..." Bulong ko. Okay lang sana kung topless lang eh. Kayalang naka-boxer lang yung iba. Kagaya ni Keifer, ang puti nya dinaig pa yung puti ko, mala-adonis din ang katawan nya. Machete diet! Halos pareho lang sila ni Yuri ng katawan pero kung may kapansin-pansin sa kanya yun yung mga peklat nya sa katawan. Hindi rin sya ganun kaputi kagaya kay Keifer. "Hinay-hinay sa pagtitig.." may bumulong sakin kaya halos mapaiktad ako sa gulat. Si Ci-N lang pala. Nakabihis na sya at nakangiti na naman sakin. Inirapan ko lang sya at nilagay na sa bag ko yung uniform. "Tara na..." Aya nya sakin. Tumango naman ako at sumunod sa kanya. Ngayon pa lang ako makakapunta sa gymnasium. Sana naman maging matiwasay ang lintik na P.E na to.

 

 

Chapter 15 Blood Aries's POV

 

 "P.E daw ng Section E ngayon... Can we watch?" Mykel ask me. Bakit sakin sya nagpapa-alam? "Bahala kayo..." "Sure akong andun si Jay-jay... Anu kaya itsura nya kapag nag-P.E?" Kiko said. Why do i have this feeling na bastos yung ini-imagine nya? "Hoy Kiko! Pinsan ko pa rin yun!" "Bakit? May masa----" "Babe!" Ella called me. Lumapit sya samin at hinalikan ako sa pisngi. "Pupunta kami sa gym.. May practice kami. Sama ka?" She ask. Wait! Sa gym? P.E. ng Section E ngayon. Keifer. "Yeah.. Sure." I answer shortly. Binigyan ako ni Kiko at Mykel ng makahuluga'ng tingin. Alam ko namang gets nila kung bakit ako pumayag. Naglakad na si Ella papunta sa gym at sumunod naman kami. Pagdating dun, halos mapahinto si Ella ng makita ang buong Section E sa loob ng gym. Inakbayan ko sya agad. I don't know why i do that but i know i have to. Masama ang tingin samin ng grupo ni Kiefer at Yuri. "Look who's back.." Kiko said. Napatingin ako sa kanya bago tignan kung sino yung sinasabi nya. Si David, ang laki ng pinayat nya. Muli kong tinignan ang grupo ni Keifer pero iba ang nahagip ng paningin ko. Si Jay-jay. Jay-jay's POV

 

 

 

 "Class, grab a partner!" Utos ng P.E teacher namin. Batuhan bola daw muna ang gagawin namin. Pares-pares muna ang peg. Syempre obvious naman na walang mag-partner sakin kaya hinatak ko na si Ci-N. "Partner tayo!" Sabi ko habang naka-yapos sa braso nya. Hindi sya nagsalita pero nakatingin sya sa braso nya na yapos yapos ko. Tinignan ko din yun.... Putik! Nakadikit na yung braso nya sa dibdib ko. Agad kong inalis yun at nagsimulang ngumiti ng nakakaloko ssi Ci-N. "Ang lambot.. Hehe" Aba! Malakas na batok ang agad kong binigay sa kanya. Manyakis. "Masakit yun!" Reklamo nya habang hinihimas ang ulo. "Alam ko!" Humanap nalang ako ng pwesto para samin at sumunod naman sya. Kumuha ako ng bola. Kulay pula yun na medyo malambot, madalas gamitin sa dudge ball. Nag-umpisa na kami ni Ci-N. Nung una tahimik lang kami sa batuha'ng ginagawa namin hangang sa may lumipad na bola sa harapan ko. Woaahhh... Muntik na! Muntik na ko tamaan kaya napatingin ako sa pinang-galingan nun. Kayalang patay malisya yung mga ulupong. "Nakita mo kung saan galing yun?" Tanung ko kay Ci-N. "Ang alin?" "Yung dumaan sa harap ko!" "H-hindi." Hindi ko nalang pinansin at baka aksidente lang. Bumalik kami sa ginagawa namin. Bato dito, salo don, bato ulit at-----woaaahhhh!! May lumipad na naman na bola malapit sa muka ko! Hindi lang isa, kundi dalawa. Tumingin ulit ako sa pwedeng pang-galingan. Hindi na aksidente yon, dalawa na eh. Nakita ko yung mga classmate namin. Masama ang tingin samin----sakin lang pala. May mga hawak silang bola. Iba-iba, pati bola ng football, tennis, volleyball at basketball meron. B-bakit? Bigla'ng bumilis yun tibok ng puso ko. Kakaiba yung kaba ko. Hindi rin maganda to parang alam ko na kung saan mauuwi. Tumingin ako kay Ci-N para humingi ng tulong pero ang walang-hiya biglang nawala. Ci-N! Napalunok nalang ako at napaatras. Hangang sa bigla silang pumwesto at bumwelo. Anak ng... Tumakbo kana Jay! Ayaw gumalaw ng binti ko. Asar! "Section E!" Sigaw ni Keifer. May hawak syang bola ng baseball kagaya noon bumwelo din sya. "Charge!" Sigaw nya. One word?! Masakit! Gano kasakit? Pvtang'na! Sobrang sakit! Sa pagsigaw ni Keifer nag-umpisa na silang batuhin ako ng bola. Wala akong magawa kundi ang protektahan ang ulo ko. Kahit kasi tumakbo ako, wala na ring saysay. Dinig na dinig ko yung tawanan nila at hiyawan. Pati pag-sipol ng teacher namin sa pito nya dinig ko din. Pati mga students na naka-tambay lang ata naghiyawan at sigawan din. Kusang bumagsak ang katawan ko. Hindi naman kasi ako poste para tumindig lang kahit anung tama or sipa. Masakit! Pati damdamin ko nasasaktan! Mapapa-isip ka nalang na bakit ikaw. Bakit nga ba? May ginawa ba ko'ng masama sa kanila? Natapos ang pambabato nila at tinignan ko sila. Nakatawa lang sila'ng lahat sakin. Si Ci-N hawak-hawak ni Felix at ng iba pa, kita ko yung pag-aalala nya. Nakita ko din yung ibang students na naka tingin sakin. Dun ko lang din na-realize andun pala si Aries at mga classmate nya. Si Aries. Kung hindi ko ba sya naging pinsan mangyayari ba sakin to? Sya ba dahilan kung bakit nila ginagawa to? Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong umiyak. Siguro dahil masakit yung katawan ko sa tama ng mga bola o dahil hindi ako makapalag sa mga ginagawa nila kahit gusto-gusto ko lumaban. Babae pa rin naman ako. Mabilis masaktan, hindi lang pisikal pero pati mental at emosyonal. Pinilit kong tumayo. Pakiramdam ko kasi aping-api na ko at ayoko ng ganung pakiramdam. Papatayo na ko ng makita ko si Keifer na bumwelo. May hawak syang bola ng baseball. Teka! Diba binato na nya yun? Para syang pitcher sa paraan nya ng pagbato. Binato nya yung bola at masyado'ng mabilis ang pangyayari para harangan o iwasan ko pa yun. Diretso'ng tumama yung bola sa ilong ko dahilan para bumagsak na naman ako sa sahig. "Uhg... Aray..." Tama na! Pagod na ko ahh! Masyado ng masakit! Sandali akong nagtagal sa paghiga, para kasi akong nahihilo. Ilang segundo pa bago ko pinilit ko ulit tumayo. Tinignan ko ng masama si Keifer pero naka-smirk lang sya sakin. Isang suntok lang! Yun lang hinihingi ko! Maligaya na ko! Naramdaman kong parang may lumalabas sa ilong ko. Feeling ko sipon, dahil siguro naiiyak na ko kaya meron. Ginamit ko yung kamay ko pamunas sa ilong ko. Nakakahiya kasi kung makikita nila. Kayalang ayaw mawala meron pa rin akong nararamdaman na tumutulo sa ilong ko. "Jay.." dinig kong sabi ni Ci-N. Tinignan ko sya at sobra yung pag-alala na nakikita ko sa kanya. Kinabahan ako bigla.... Ayoko sana pero tinignan ko yung kamay ko na ginamit kong pamunas. Na sana pala hindi ko ginawa. "D-d-dugo..." Huminahon ka Jay! Kaunti'ng dugo lang yan! Mas bumilis pa ang tibok ng puso ko. Nag-umpisa na rin ang panginginig ng buong katawan ko. Hindi to maganda! Nauulit na naman! Hindi ako makahinga. Parang may sumasakal sakin. Unti-unti na ring lumalabo ang paningin ko. Hindi ko alam kung dahil sa luha o dahil nag-uumpisa na naman. Ganito rin yun. Ganito rin pakiramdam ko nun bago magdilim ang lahat at hindi ko na maalala ang mga pangyayari. Labanan mo Jay! Dugo lang yan! Huminahon ka! Kahit anung kausap ko sa sarili ko parang wala ding saysay. "Napaka-tigas ng ulo mo! Sumunod ka sa sasabihin ko!" "Wala kang kwenta!" "Mamatay kana! Dagdag palamunin!" "Wala ang nanay mo, kaya pwede kong gawin lahat ng gusto ko!" Ayan na naman. Mga memorya na hindi naman pamilyar sakin. Mga boses ng mga lalaki'ng paulit-ulit sumisigaw sa isipan ko. Nakakatakot sila pero kahit ganun andun pa rin yung pakiramdam ko na dapat akong lumaban. Nakatitig lang ako sa kamay ko, kitang kita ko ang panginginig nito. Nag uumpisa na rin akong maakit sa dugo at parang may sariling isip ang kamay kong unti-unti lumalapit sa bibig ko. Hindi! Jay! Wag! Makinig ka! Halos guhit nalang ang pagitan ng kamay ko sa bibig ko ng may tumabig nito. Para akong nagising sa panaginip at tumingin sa gumawa non. Aries. "Kuhanin mo gamit mo at uuwi na tayo." Ma-otoridad nyang utos. Naguguluhan ako. Hindi rin ako makagalaw. Ayaw kumilos ng paa ko. "JAY!" Galit na sigaw ni Aries. Medyo nagulat pa ko pero agad din akong sumunod. Mabilis akong tumakbo pabalik sa room.

 

 Keifer's POV

 

 Mukang may napikon. Hindi ko naman alam na dudugo yung ilong nya. Pero bakit ganun yung reaksyon nya sa dugo? "Pwede'ng wag mong idamay si Jay-jay dito." Aries said. "Affected ka?" I ask and smirk. Nice! Dagdag na alas laban sayo! "Hindi... Nag-alala lang ako para sa inyo." He said and also smirk. "..Kung ako sayo hindi ko hahayaan na makakita sya ng dugo." "Kelan ka pa nag-worry samin?" "Ngayon lang... Ikaw din, baka magulat ka at makaharap mo bigla ang delubyo." I cross my arm. "I don't believe you and beside your cousin belongs to Section E, kaya wala kang paki-alam kung anung gawin namin sa kanya." He chuckled. "Don't say i didn't warn you." He said and walk away. Kasunod nya si Kiko na nag-iwan ng matalim na tingin kay David. Kasunod din nya si... Ella. She look very disappointed to me. I can't blame her. I'm still a failure, maybe that's the reason why she didn't choose me. I'm sorry Ella... "Keifer! Bakit kailangan mong gawin yun?!" Galit na sigaw sakin ni Ci N. "It's an accident! Hindi ko naman alam na dudugo yung ilong nya." "Yeah right... Yan din ang sinabi mo sa huling laro mo ng baseball." Ci-N said. Nag-init ang ulo ko sa sinabi nya. Bakit kailangan nyang ipa-alala yun? Agad kong hinawakan ang shirt nya at tinignan sya ng masama. "Wag mo kong pagsasalitaan... Baka nakakalimutan mong kung sino ako." "Alam ko pero si Jay----" "Anu? Lumalambot kana?" "Keifer... Ibaba mo na yan." Yuri said boredly. Binatiwan ko si Ci-N pero nasa kanya pa rin ang tingin ko. "Wag mong hinatayin ang galit ko. Sundin mo lahat ng sasabihin ko." I look at everyone. "...Jay will stay at Section E!" "What?!" Yuri ask in disbelief. "You heard me. She will stay, i have a plan." Thanks to Aries, i now know what to do with his cousin. Hindi ko alam na magagamit ko sya. Like what i said, panibagong alas laban sa kanya.

 

 

Chapter 16 Absent Jay-jay's POV

 

 Masarap palang magkulong sa kwarto. Yung may nagdadala nalang ng pagkain sayo. Preso lang ang peg pero may kalayaan naman lumabas. Sadyang ayoko lang talaga. Kahit nung weekend hindi rin ako lumalabas. Ilang araw na din akong hindi pumapasok. Pwede naba kong huminto sa pag-aaral? May kumatok sa pinto at unti-unti'ng bumukas. Pumasok si Tita Gema na may dala-dala'ng tray na may pagkain. "Jay.. kumain ka at uminom ng gamot." Bumangon ako at umupo. "Tita.. pwede po bang mag-stop na ko sa pag aaral?" "Bakit naman? Dahil ba dun sa mga ng bully sayo?" May halong pag aalala sa boses nya. Kesa mapa-away ako... Edi iwasan ko nalang. "Ayoko lang pong mapa-away. Diba nag-promise na ko na magbabago?" Hinawakan nya yung kamay ko at tinignan ako sa mga mata. "Maraming paraan para labanan ang nang-bubully. Hindi lang pakikipag-basagan ng bungo ang solusyon." Basagan ng bungo? San nakuha ni Tita yun? "Pero kung kailangan na talaga... Sige tatanggapin namin." Dagdag nya. Binibigyan nya ko ng permiso makipag-away? Parang nabuhayan ako bigla dun ah! Hahahahahaha *Evil laugh* "Sure po kayo? Okay lang po talaga?" "Oo.. pero wag naman palagi." Hinawakan nya yung pisngi ko at hinimas yun gamit yung hinlalaki nya. "Sige na.. Aalis muna ko kaya kung may kailangan ka, tawagin mo lang yung mga maid. Okay?" "Sige po..." Lumabas na si Tita Gema sa room. So pwede lang akong makipag-away kapag binubully ako at dapat minsan lang? Pwede na yon atleast makakatanggi na ko si ginagawa nila sakin. Kinain ko na yung dala ni Tita'ng pagkain. Ayoko uminom ng gamot feeling ko kasi hindi effective. Masakit parin kasi yung ilong ko. Kapag tuloy humaharap ako sa salamin nakikita ko si Rudolf yung raindeer ni Santa. Nilalagyan ko nalang ng strip yung ilong ko. Muka tuloy akong nagpa-nose job. Kukuha sana ko ng panibago para ilagay sa ilong ko kayalang ubos na pala. Lumabas kaya ako para bumili? Sabagay hindi masaya magkulong sa kwarto. Masarap lang pero hindi masaya. Nagpalit ako ng damit at nag-toothbrush. Bibili ako ng panibagong strip sa ilong. Pagkatapos maghanda kinuha ko na yung wallet ko at lumabas. Nag-paalam ako sa maid nila Tita. Sa mall nalang siguro ako bibili. May butika naman sa mall. Mamasyal na rin ako. Nag-patawag ako ng Taxi. Hindi ko pa kasi alam kung panu mag-coute sa mga bus or jeep papunta sa mall. Hindi rin naman pala kalayuan yung mall. Matagal lang ang byahe dahil sa traffic. Bumaba na ko ng taxi at inabot yung bayad. Parang nakakahiya ata. Ang daming tao, puro istudyante pa yung iba. Umuwi na kaya ako? Kayalang sayang andito na ko. Bahala na nga. Pagpasok ko sa mall pinag-tinginan agad ako dahil sa strip sa ilong ko. Ngayon lang kayo nakakita nito? Dahil tao sa mula ang tropa nyo, hindi ko alam kung saan pupunta. Buti nalang at laging may gaurd at utility sa paligid. "Kuya.. Saan po dito ang butika nyo?" Tanung ko kay Manong gaurd. "Watsons po ba? Diretso lang po." "Sige po.. Thank you." Lumakad na ko. Diniretso ko lang yung daan. Parang pamilyar sakin yung Watsons? Sino nga ba yung may ganung apilyido? Tss. Nasa dulo ng dila ko eh. Ilabas mo para makita mo. Ayoko! Muka naman akong tanga non. Nasa tapat na ko ng Watsons ng maalala ko kung sino yung may ganitong apilyido. Yung kasumpa-sumpa'ng Keifer na yun. Mark Keifer Watson. Hindi kaya sila may-ari nito? Parang ayoko na bumili dito. Pero baka hindi rin, Watsons kasi to Watson lang si Keifer. Bahala na nga. Pumasok nalang ako sa loob para bumili. Nagpatulong nalang ako sa saleslady para mabilis. Pagkatapos bumili, lumabas na ko agad. Sinisilip ko yung binili ko ng may bumunggo sakin. Shit! Yung ilong ko! Agad kong hinawakan yun at pinakiramdaman. Whhooooh! Whhooooh! May narinig akong nagtawanan. "Ang pula ng ilong nya! Hahahaha!" Tinignan ko yung mga talipandas na nagtatawanan. Siguro malas talaga ko or may sumpa lang yung mga Watson. Classmate ko tong mga to eh. Tinignan ko rin kung sino yung nakabungguan ko. -_-! May sumpa talaga mga Watson! "You look stupid!" Hayop! Stupid daw... Namo! Namo! Pakyu! Hindi nalang ako nagsalita at lumakad nalang ako paalis. "Wait! Jay! Sama ka samin!" Aya sakin nung isa sa kanila. Anu bang ginagawa nitong apat na to dito? Hindi rin ba sila pumasok? Malamang kasi andito sila! Comon sense Jay! Gamitin mo minsan para hindi sayang. "Ayoko!" Maikling sagot ko at lumakad paalis. Nakaka-ilang hakbang palang ako ng may humawak sa braso ko. Aray ah! "Anu ba?!" Galit na sita ko sa hayop na pumigil sakin. Si Keifer? Problema nito? "Tss. Come with us." "Ayaw!" "Childish!" Naningkit ang mata ko sa kanya. Anung hindi nya maintindihan sa salitang Ayaw!? "Ayoko nga eh! Kulit!" Pinilit kong magpumiglas sa pagkakahawak nya pero lalo lang nya hinigpitan. "Ikaw ang makulit!" Bigla syang lumakad at halos makaladkad ako. "Anaknang... Masusubsob ako! Bitaw na!" "Tss." Putulin ko kaya dila nito ng matigil sa kaka-tss. Abnormal kasi! Kaasar! Pinagtitinginan na kami nung mga tao dahil sa eksena namin. Muka lang tanga kasi. Napaka nitong Keifer na to. Tumigil kami sa harap ng isang ice cream parlor. Pumasok na yung tatlong kasama nya at sumunod kami. Umakyat kami sa second floor, at may nakabalandra'ng VIP. Wew. "Sit!" Utos nya sakin habang nakaturo sa bangko. Maka-Sit naman to! Aso lang?! Hindi ako sumunod. Nag-cross arm lang ako at tinignan sya ng masama. "Anu ba kailangan mo? Uuwi na ko!" "Maupo ka!" "Anu ba kasi yun?!" "DAMN IT! MAHIRAP BANG UMUPO?!" Galit na sabi nya. Pinagtinginan na kami ng mga tao sa ground floor ng Ice Cream Parlor. Kainis naman! Wala akong paki-alam kung magalit sya pero ayoko ng eksena. Umupo nalang ako at umiwas ng tingin sa kanya. "Kit.. Order for me. Yung specialty nyo." Utos ni Keifer sa isa sa classmate namin. Sumunod naman yung Kit. Yun pala ang pangalan nya? Kit! Okay... Teka lang! Nyo? Ibig sabihin kila Kit ito? Wow! Yayamanin. Biglang hinawakan ni Keifer ang baba ko at pilit iniharap ang muka ko sa kanya. Papalag sana ko pero nakakamatay na yung tingin nya sakin. "Don't move." Sabi nya at sinipat-sipat yung ilong ko. Sige tignan mo yang kagagawan mo! Kinuha nya yung binili ko sa Watsons at binuksan yun. Tinanggal din nya yung strip sa ilong ko. "Aaaray..." "Masakit?" Tanung nya. Gago lang? "Tanung ba yan?!" Pagtataray ko sa kanya. Bigla nyang pinindot yung ilong ko. Halos malaglag ako sa upuan dahil sa sakit. Harrrooooo! Ang sakit! Putik! Jusme! Ayoko ng eksena! "Tang'na moooo... Masakiiittt... Hayooooop.." Sambit ko habang pinipilit hinaan at ipit yung boses. Nakita ko yung dalawang natitira'ng kasama ni Keifer na tumatawa. "Nag-tatanung ako ng maayos dito." Sabi ni Keifer. "Kita naman... Itatanung mo pa. Gago lang?" Maluha-luha yung mata ko dahil sa sakit. Dahan-dahan kong hinawakan yung ilong ko. Mahirap na! Baka naging Valdemort na ko. Hinawakan nya ulit yung baba ko at pilit iniharap sa kanya. Nakakuha na pala sya ng strip na binili ko at akmang ididikit sa ilong ko. "Ayusin mo... Sasamain ka sakin." Pagbabanta ko sa kanya. "Tss. Hold still." Sabi nya at dahan daha'ng dinikit yung strip sa ilong ko. Dinikit na nya yung strip at ewan ko, bigla nalang ako napatitig sa kanya at ganun din sya sakin. Yun nga lang inirapan nya ko. Bakit ka nang-iirap? Dumating na yung Kit dala-dala yung special order na hinihingi ni Keifer kumag. Binaba nya yun sa harap ni Keifer. Grabe! Nag-uumpaw sa ice cream at may nakatusok pang stick-o at puro chocolate syrup at my marsmallow pa with sprinkles. Akala ko sya yung kakain pero bigla nya tinulak yung malaking Mason Jar na pinag-lalagyan nung ice cream papunta sakin. "This is for you..." Sabi nya. "Anu yan? Suhol!" "If that's what you would like to call it, then fine. Suhol." Taimtim ko syang tinignan sa mata nya. "Tingin mo madadaan mo ko dyan?" "Yeah.. This is every girl weaknesses." "No. Not me. I don't like ice cream." Talaga?! Sure ka Jay? Hindi ako magpapadala sa suhol. Sorry Ice cream! T_T "Then.. what do you want?" Uy... Pursigido ang tropa mo! Mukang nakonsensya sa ginawa sakin. "A simple sorry na galing dito." Tinuro ko yung puso nya. "..Then paki explain kung bakit nyo ginawa yun." He chuckled. "Apologizing is not my thing, so as explaining." Uy rhyme. Yun siguro motto nya. "Then were both wasting our time. Uuwi na ko." Sabi ko at kinuha na yung binili ko. Mabilis akong naglakad palayo sa kanila. Gago ba sya? Feeling nya ganun lang kadali yun. Mamanyas sya! Pero sayang din yung ice cream. Bibili nalang ako sa convience store. Pero bago yun, kailangan ko munang makauwi. Saan naman kaya ako sasakay or mag-aabang ng taxi dito? Ang galing galing nito! Maglakad ka pauwi!

 

 

Chapter 17 Re-Election Jay-jay's POV

 

 "Edi takot ka sa dugo?" Tanung ni Ci-N. Kanina pa yan. Malapit-lapit na kong mainis. Pagpasok ko pa lang sa room nilapitan na ko at tinanung ng tinanung tungkol sa nangyari nung P.E. namin. Sinabi ko ng hindi pero ayaw nya kong tigilan. "Ci! Hindi nga diba? Hindi ko din alam lung bakit ako nagkaganun. Kulit naman ih!" Iritableng sagot ko sa kanya. "Pero nangyari na sayo dati yun?" Tanung ulit nya. Dati? Oo.. "Hindi ko maalala." "Pwede ba yun?" "Oo naman... Ikaw naaalala mo yung ginawa mo 10 years ago? Lahat lahat?" Tumahimik sya at nag-isip. Ngumiti sya sakin at umiling. "Kita mo.." Nag-pout nalang sya habang nagkamot ng ulo. Tama naman ako eh. Kulit-kulit lang kasi sarap sampalin minsan.

 

 Keifer's POV

 

 "Any updates?" I ask Edrix and Rory. "Yup.. Nakuha ko na private information nila." Rory answer. Rory is really the best information seeker in my group. Kahit NSO copy ng isang tao kaya nyang kunin. I don't know how he did that but according to him he have his ways thanks to his father that is working as an private investigator and owned its own firm. "How about Ci-N? Ginagawa ba nya yung trabaho nya?" I ask. "Kasama nya si Jay-jay ngayon kagaya ng gusto mo." Edrix answer. That's great. Makuha ko lang lahat ng information na kailangan ko pwede ko ng simulan ang plano. Hindi naman kalakiha'ng plano'ng yun but enough para malaman ang reaction nya sa bawat gagawin ko sa pinsan nya. If things went well, magagawa ko na ang huling plano ko and i will make sure he'll pay everything.

 

 Jay-jay's POV

 

 Mabilis natapos ang Morning class namin. Ganun ata talaga kapag lutang ang isip. Lunch time na at balak kong bumalik sa tambayan ko para dun kumain. Tatayo na sana ko ng lumapit sakin si Ci-N na may malapad na ngiti. "Bakit?" Tanung ko sa kanya. Bigla nalang yung ngiti nya at naging malungkot. "Nakalimutan mo?" Taka ko syang tinignan. "Ang alin?" "Ay.. nakalimutan talaga nya." Wawa naman ang bata! Haha "Joke lang.. syempre naaalala ko." Ang sarap nya pagtripan. Kala nya siguro nakalimutan ko syang ipagbaon. Yun kasi yung pangako ko sa kanya nung nakaraan. Bumalik yung malapad nyang ngiti kanina. "Salamat.." "Tara dun tayo sa tambayan ko..." Aya ko sa kanya at sumunod sya. Baka kasi pagbinigay ko sa kanya yung baon nya na inihanda ko kuhanin ng mga ulupong. Pero feeling ko hindi rin. Hindi parin kasi ako pinapansin ng mga luko. Okay lang naman sakin. KAHIT MAY KASALANAN SILA! Kakapal din! Sila na nga yung nan-trip sakin nung nakaraan tapos sila pa yung may ganang hindi mamansin. Mahiya kayo oy! Nakarating kami ni Ci-N sa tambayan ko. Binigay ko sa kanya yung isa pang baunan na dala ko. Next time Bento Box na yung dadalhin ko para malaki at marami laman. "Bistek tawag dito diba?" Tanung ni Ci-N habang sinisipat yung ulam. "Oo nalang..." Sagot ko sa kanya. Kumakain na kasi ako. Ayoko ng tanung ng tanung sakin habang ngumunguya. Bahala sya dyan! Galit-galit muna kami. Hehe. Tamihik lang kaming dalawa. Mukang nakahalata na ayaw ko ng may kausap habang kumakain. Nauna akong natapos kay Ci-N kaya hinintay ko muna sya. "Jay..." Panimula nya habang ngumunguya. "...Magka-galit ba kayo ni Aries?" Hindi... Pero galit sya sakin. "Hindi naman... Bakit mo natanung?" Nilunok muna nito ang nasa bibig bago mag-salita. "Hindi ko kasi kayo nakikitang nag-uusap. Pero sabay kayong pumapasok tapos yung nangyari pa nung P.E." "Hindi lang kami close kaya ganun." Oo.. Ganun lang yun. Tumango lang sya at bumalik sa ginagawa. Matapos ubusin yung pagkain nya, binalik na nya sakin yung lalagyan. Maaaga pa naman kaya hindi muna kami umalis don. Tambay mode: On! "Anu pa lang sabi ng Mama mo nung umuwi kang Red Nose?" Tanung nya habang natatawa. Nang-iinis ba to? Red Nose talaga?! "Wala... Hindi naman nya nakita." Walang gana kong sagot. Masyado syang busy sa bago nyang asawa para intindihin ako. "Hindi nakita? Panu----" "Hindi kami magkasama sa bahay. Nakikitira lang ako kila Aries." Ayoko sanang pag-usapan to, kayalang medyo matanung si Ci-N ngayon. Okay lang naman dahil friends na kami pero hindi pa rin ako komportable'ng mag-kwento. Sandali syang tumahimik. Sana lang nakaramdam sya. Humarap sya sakin at ngumiti. Bakit parang may iba sa ngiti nya? "Laro tayo..." Bata talaga! "Anung laro?" "20 question... Salitan ang magtatanung at dapat hindi maulit ang tanung. Hindi rin pwede sumagot ng 'secret' o kaya 'ewan'." Anung problema nito? Hindi ba talaga sya makaramdam? Pero baka may iba syang gustong gawin. Baka nililibang lang nya ko. "Sige... Pero ako muna magtatanung." Ngumiti sya at tumango sakin. "..Bakit ginawa ni Keifer sakin yun?" Nawala yung ngiti nya at hindi nagsalita. Pinilit din nyang umiwas ng tingin. Kala mo ah! Kailangan ko din ng mga kasagutan. "A-anu... K-kasi..." "Wag na natin ituloy to kung ayaw mo." "H-hindi naman sa ayaw kong sumagot. Baka kasi makagalitan ako ni Keifer." Naglabas ako ng malalim na hininga. "Natatakot ka sa kanya?" Umiwas sya ng tingin. "Oo.. May utang na loob ako sa kanya. Tsaka tignan mo ko compare sa kanya." Hindi ako natutuwa sa mga naririnig ko. Ang laking bully pala ng hayop na yun! Naiinis ako, hindi dahil sa ginawa nya sakin kundi dahil pakiramdam ko kayang kaya nya lahat. "Bumalik na tayo..." Sabi ko at tumayo na mula sa pagkaka-upo. Sumunod naman sakin si Ci-N. Paghakbang sa huling baitang huminto ako. "Mauna kana sa room. Susunod nalang ako." Sabi ko ng hindi humaharap kay Ci-N. "H-ha? Mag-time na kaya." "Alam ko.." "S-sige." Sagot nya sakin at tuluyan ng umalis pabalik sa room. Naiinis kasi ako. Parang ayoko makita si Keifer. Ayoko ring makita yung buong Section E. Iisa lang si Keifer at kung tutuusin kaya nila sya pero hindi sila lumalaban sa kanya. Anung meron sa kanya? Anung meron kay Keifer? Anung meron sayo? Sa sobrang inis ko nasipa ko yung sirang bangko na nakakalat sa daan. Medyo masakit pero mas nanaig yung inis ko sa hayop na yun. May araw ka rin sakin Keifer! "Sira na nga sisirain mo pa." Speaking of the devil! May hawak na naman syang bola ng baseball. Binabato-bato nya pa yun sa ere habang nakatingin sakin. Nag-cross arm ako tinginan sya. "Paki mo!" "Tss. Problema mo?" Bored nyang tanung sakin. "None of your business." Nag-smirk sya at lumakad pabalik sa room pero huminto sya ng makalagpas sakin. "Re-election nga pala mamaya. Hindi natuloy nung nakaraan. Suportohan mo ko ah?." Kapal! Manigas ka dyan! Hindi kita susuportahan! Kala mo! Bumalik na sya sa room at tumunog ang bell. Wala pa sana kong balak na bumalik kayalang natanaw ko na yung teacher. Pfffttt... As usual wala pa ring pumapansin sakin. Si Ci-N naman nagpipilit ng ngiti. Parang ang lalim din ng iniisip nya. Natapos ang klase at uwian. Madalas excited ako sa uwian pero ngayon parang ang boring. Kasalanan to ni Keifer! Paglabas ng teacher nag-simula ang buong klase na ayusin yung bangko at lamesa. Nilagay nila sa gilid at nagmistulang paSquare ang itsura. Ganito sila mag-re-election? Nasa loob ng squire yung dalawa. Samatalang kaming lahat nasa labas. Muka silang nasa boxing ring at kami yung audience. "Katulad dati... Matira matibay! Ang matirang nakatayo ang panalo at magiging presidente ng Section E!" Paliwanag ni Kit sa lahat. Anu daw? Anung matira matibay? Anung klaseng eleksyon to? Botohan ang kilala kong eleksyon. Hinubad na ni David at Keifer mga polo nila. Pati sando at T-shirt na pang loob ng isa't isa hinubad na rin nila. Wew! My muscle si David kahit payat sya. Hindi nga lang kagaya nung kay Keifer. Masyado'ng malaki katawan ni Keifer para kay David. Parang luge ata! Hindi patas ang laban! Pareho silang pumorma ng parang sa boxing. Anaknang... Seriously? Eto talaga re-election nila? Boxing? Kanya-kanya ng hiyawan ang mga luko. "Go David!" "Pabagsakin mo yan Keifer!" "Keifer!" "Keifer! Kayang kaya mo yan!" Mas maraming supporters si Keifer kumag. Kawawa naman si David. Tumayo si Kit sa isa sa lamesa. "Simulan na ang laban!!" Sigaw nya at sabay sabay nagkalampagan ang mga luko sa lamesa. Si David ang unang sumuntok pero naka-ilag si Keifer. Bumawi si Keifer pero nakaiwas din si David. Lumayo muna sila sandali. Mukang nagpapa-init lang. Banatan mo David! Ay... Bakit pati ako nakikisali na?! Muling sumugod ang David. Nakaiwas ulit si Keifer pero sinundan pa nya ng isa. BAGSAK SI KEIFER!! "SIGE PA!! BANATAN MO!!" Sigaw ko. Nagulat ako sa ginawa ko pero hindi naman ako pinansin ng mga katabi ko. Okay lang naman siguro kung makiki-cheer ako. Tumayo ang Keifer at halatang galit na sya. Hindi pa nakaka-porma si David ng sunggaban nya ng suntok. Bagsak si David. "Madaya... HOY! MANDURUGAS KA!" Sigaw ko habang humahampas sa lamesa. Napatingin sakin si Keifer at iba pa. Anu? Tama naman ako! Tumayo ang David at bumalik sa laban. May ilang beses din silang nagpalitan ng suntok. Bumagsak ulit si David at halatang pagod na. Hindi pwede to! Matatalo yung manok ko! Lumapit ako sa pwesto nya at nagsisigaw. "DAVID! WAG KA PAPATALO SA IMPAKTO NA YAN!" Tinignan ako ng masama ni Keifer at iritable akong tinignan ni David. "Tsk! Ingay mo!" Reklamo nung David sakin. "WALA AKONG PAKI! BASTA BANATAN MO YANG MOKONG NA YAN!" sigaw ko a muling tumayo ang David. Para talaga kaming nasa boxing. Donaire vs. Pacquiao. Syempre parehong pinoy tong naglalaban eh! Sana lang hindi tong Keifer na to ang manalo. Matalo ka Keifer!!

 

 

Chapter 18 Win or Lose Yuri's POV

 

 Ang alam ko sa babae ayaw or takot sa gulo ng mga lalaki. Pero etong babae na to parang nag-eenjoy pa sa nakikita. May pahampas-hampas pa sa lamesa. "KALIWAIN MO!" Sigaw nya. Kaliwain? What kind of word is that? Ang lakas din ng bunganga nya. Nakakarindi! Sakit sa tenga! "WAG KA PAPATALO! ANU BA?!" What the... Daig pa nya yung trainer ng isang boxer. "HOY! WAG KANG----AHHH! TUMAYO KA!" Fvck! Kaka-obserba ko sa kanya nawala sa isip ko yung laban. Bagsak na si David at hindi na makatayo. Dumudugo na rin yung gilid ng mata nya. Nakatayo pa rin si Keifer pero hirap na sa paghinga. Nangingitim na rin yung gilid ng labi nya. "DABID!! TUMAYO KA----" "SHUT UP!!" I shout. Tinignan nya ko ng masama. Napaka-ingay kasi ng bunganga nya. Nangingibaw sa ingay na ginagawa ng iba. Tinanguan ko si Kit. Senyales na tapusin na ang laban. Tumayo ulit sya sa isa sa lamesa. "Simulan na ang bilangan! 10, 9, 8, 7.." Sinabayan ng buong klase ang bilangan. "..6, 5, 4, 3, 2, 1! Bagsak si David! Si Keifer ang panalo!" It's official. Hawak na ni Keifer ang buong Section E. Magagawa na nya ang gusto nya.

 

 Jay-jay's POV

 

 BWISIT! Naiinis ako! Bakit nanalo yung Keifer na yun? May nangyari'ng dayaan! "Sure ako nandaya yung Keifer na yun." Sabi ko habang nililinis ang sugat ni David. Wala man lang kasing tumulong sa kanya. Mga balimbing yung suporters nya. Lumipat na kay Keifer nung nanalo sya. Matapos din ang laban, lumayas silang lahat. Celebration daw! Walang naiwan kay David kaya ako na nagprisinta'ng tulungan sya. "You don't have to do this..." Sabi nya habang pilit tinatabig yung kamay. Obvious naman na wala na syang lakas kaya wala rin syang magawa. "Dapat ikaw yung nanalo..." Sabi ko. "Argh!" Reklamo nya. Nadiinan ko kasi yung gilid ng mata nya. "Sorry..." Sabi ko at pinagpatuloy ang ginagawa. Kinuha ko yung alcohol sa bag ko at naglagay sa bimpong hawak ko. "T-teka... M-masakit yan." "Hindi yan..." Dimampi ko yung bimpo sa muka nya at para syang nakuryente sa pag-igtad sa kina-uupuan. "Aw... Fvck!" Sigaw nya. "Arte nito! Nung nasuntok kaba hindi ka nasaktan?!" "Iba naman yun... Ouch!" "Iisa lang yun!" Pilit kong nilapit yung bimpo sa muka nya. Kahit walang lakas, pilit pa rin nyang tinatabig ang kamay ko at tinatakpan ang muka nya. "Kulit naman eh..." "Hayaan mo na kasi... Gagaling din yan kahit hindi lagyan ng alcohol." Pfffttt... Takot ka lang kamo sa alcohol. "Ikaw bahala..." Sabi ko at ibinaba yung bimpo. Sandali syang pumikit at para'ng nakiramdam sa paligid. Alam ko kapag natalo ang lalaki sa laban, tapak sa ego nila. Siguro nasaktan sya sa nangyari. Ginawa naman nya yung makakaya nya. Sadyang malakas lang sa kanya si Keifer o baka naman nandaya. "Pwede favor?" Biglang sabi nya. "Anu yun?" "Pwede'ng tulungan mo ko magbihis." Sabi nya at dahan daha'ng tumayo. Kinuha ko yung sando nya at isinuot sa kanya. Kahit dahan-dahanin ko nasasaktan pa rin sya dahil sa mga natamo nya sa katawan. Sinunod ko yung Polo nya. Pagkatapos nun pinilit nyang lumakad palabas ng room. Sumunod ako sa kanya para alalayan sya pero tinabig lang nya ko. May point naman sya. Yung natitirang dignidad nya mawawala kapag tinulungan ko sya. Kaya hinayaan ko nalang sya at nakasunod lang ako. Medyo madilim na at halos wala ng istudyante sa school. Ayos yun para wala'ng masyado'ng makakita sa kanya. Hinayaan ko muna syang maka-sakay ng Taxi bago ako umuwi. Dahil madilim na at obvious naman na wala na si Aries kumag mag-aabang nalang din ako. Naka-uwi naman ako sa bahay ng maayos, wala si Kuya kaya pala malakas ang loob ni Aries na iwan ako. Sa sobrang pagod ko, nakatulog na kagad ako ng hindi naghahapunan. Kinabukasan.... Hindi pumasok si David. Baka nagpapahinga pa rin. Pero ang Keifer ganadong ganado sa buhay. Todo smile pa ang lintik. Kitilin ko buhay mo jan ih! Vacant kami ng two hours. Nasa meeting daw ang mga teacher. Kaya eto ang drama ko, naka-tanga sa kawalan. Biglang naupo sa Keifer sa bangko sa harapan ko. Nakaharap sya sakin at nakangiti. "Kailangan mo?" Mataray na tanung ko sa kanya. "Bakit hindi ka sumama sa celebration namin kahapon?" Tanung nya. Nanadya ba to? Hindi ba obvious na natalo yung manok ko at wala akong balak magpaka-balimbing. "Ayaw ko lang..." Tumango-tango sya. "Sayang.. hindi mo nakita kung panu kami mag-party. Daming nainom ni Ci-N and we----" "Pinainom nyo si Ci-N?!" Hindi makapaniwala kong tanung. "Yeah.. why?" "Why? Why ba kamo?! Baka 14 lang yun at pina-inom nyo!" Aba! "Tss. So? I was 10 when I had my first drink." Pinandilatan ko sya ng mata. "Ikaw yun! Hindi sya! Wag mo nga syang igaya sayo!" Nilingon ko si Ci-N sa kinauupuan nya. Nakadukdok lang sya mula kanina at mukang my hang-over pa. "Walang pagkakaiba samin ni Ci-N kaya okay lang--San ka pupunta?" Mabilis akong lumakad palayo sa pesteng Keifer na yun. Nang-iinis talaga sya! Ang bata pa ni Ci-N para uminom. Ako nga 16 na nung nakatikim ng alak tapos napilitan pa, kailangan ko ng lakas ng loob nung oras na yon. Dumiretso muna ko sa pinaka-malapit na CR. Kaylangan ko maghilamos para malamigan. Baka biglang kumulo yung dugo ko dahil sa lalaki na yun. Walang tao sa loob ng CR, kaya solo ko at pwede akong mag-drama. Joke! Wala bang multo dito? Naghimalos muna ko gaya ng gusto ko'ng gawin. Nakailang hilamos din ako ng tubig sa muka. Ang lamig kasi, sarap sa pakiramdam. Pwede kayang maligo dito? Pinunasan ko yung muka ko ng tissue at pumasok sa cubicle. Maglalabas na rin ako ng likido bago ako magka-impeksyon. Tahimik akong umiihi ng may biglang pumasok na grupo ng kababaihan sa CR. Maingay sila at nagtatawanan. "Bagay ba sakin?" Tanung nung isang babae na feeling ko ay saksakan ng arte dahil sa boses nya. "Oo.. pero mas bagay kung hindi mo suot. Hahaha" sagot naman ng isa pang babae na mukang mas maarte pa sa nauna. "Mica! Bakit ang tahimik mo?" Tanung ng isa pang babae. Mica? "Wala----" "Kasi nilapitan sya ni Calix." "Na naman?!" Patuloy lang ako sa pakikinig sa kanila. Ayokong lumabas at iba ang pakiramdam ko. Malamang sa hindi mapag-tripan ako dito. "Girls! Nakita nyo naba yung Jay-jay? Yung transferee" May isa sa kanilang biglang nagtanung. Mainam pala yung hindi ko pag-alis dito sa cubicle. Makakarinig ako ng tsismis tungkol sakin. "Yeah... Hindi naman pala maganda kagaya ng description ni Kiko." Ako? Hindi maganda? Excuse me!! "Watch your word... Pinsan pa rin sya ni Papa Aries." Yeah.. Wash your word! "Don't call him Papa... Remember kay Ella na sya." Ella? Bakit parang pamilyar---- "Si Ella'ng malandi! Lahat nalang ng famous sa school natin nilandi! Pati si Keifer ng Section E." Holy cow carabao! Hindi kaya si Aries yung.... "Balita ko nga pati si Yuri nilandi din nya." Tang'na this! Napaka-lupit nitong nasasagap kong balita. "Hindi rin pala nalalayo yung Jay-jay sa kanya. Balita ko, sinusuhulan nya ng pagkain ang Section E at lagi syang nakadikit kay Ci-N. Malandi!" What the... Bakit ako naging malandi?! Paki-explain gagu! "Hindi na nga maganda, malandi pa!" Okay! Napupuno na ko! Inayos ko na yung sarili ko at pinindot yung flash. Ramdam ko ang pagtahimik nila at pag-aabang sa lalabas sa cubicle. Lumabas ako na parang wala'ng narinig. Naghugas ng kamay at tinignan ang reflection ko sa salamin pero nauwi yun sa pagtingin sa kanila. Apat silang lahat. Coloring book ata ang mga muka nila. Tadtad ng pangulay, nangangapal sa make up at ang pupula ng labi liban sa isa. Mukang may nasalit na naiiba. Syang nagsabi ng kwak kwak! Titig na titig sila sa reflection ko. Halatang naghihintay ng sasabihin or gagawin ko. Habang busy sila sa pagtitig sa ganda ko, nagiipon na ko ng tubig sa kamay ko. "Sino nga ulit hindi maganda?" Tanong ko sa kanila. Walang sumagot kaya naman agad kong hinagis sa kanila yung tubig na naipon sa kamay ko. "Aarrrggghhh!!!...." Malakas ang naging sigawan nila at naguguluhan kung anung unang gagawin. Nakakuha ako ng pagkakataon at mabilis na tumakbo palabas ng CR. "Hoy! Bumalik ka dito!" Dinig ko sigaw ng isa sa kanila. Anu ako tanga?! Bakit ako babalik?! Liliko na sana ko para mabilis makabalik sa building namin pero napatigil ako. Andun si Aries at mga classmate nya. Naka-tambay at nagtatawanan. "Jay.." tawag sakin ni Kiko. Pasensya na. Hindi kita mababati! "Hoy! Impakta ka!" Sigaw nung isa sa babae. Bumalik ako sa pagtakbo. Ibang ruta ang gagamitin ko para makalayo sa kanila. Sa building ng ibang Year Level ako dumaan pero hangang don nakasunod pa rin sila. "Huminto ka!" Sigaw nila. Nakarating ako sa building namin at mabilis na tumakbo sa room namin. Medyo nagulat pa yung iba sa pagpasok ko. Dumukdok ako agad sa upuan. Sana hindi ako makita? Kayalang mukang walang saysay yun. "Asan sya?!" Galit na tanung nung isa sa kanila. "Sino?" Sagot naman ng ulupong kong kaklase. Wag mo ko ituro! Gago ka! "Yung Jay-jay! Ilabas nyo sya!" "Bakit muna?" "May kasalanan sya samin." "Ayun oh! Nakadukdok." Tung'nu! Ang bait ng classmate ko na to! Makilala lang kita, yari ka sakin. Umayos ako ng upo at tumingin sa pintuan kung saan andun ang mga babaeng humabol sakin. Andun din yung classmate kong tumuro sakin. Si Kit! Masama ang tingin nung mga babae sakin. Nakaka-amoy rin ako ng gulo. Yari ka Jay!

 

 

Chapter 19 Punish Jay-jay's POV

 

 Hindi ako gumagalaw sa kinauupuan ko. Nakatingin lang ako sa kanila. "Lumabas ka dito!" Sigaw nung pinaka-maarte at mukang leader sa kanila. "Ang kapal ng muka mo!" Sabi naman nung sunod na maarte. "How dare you?!" Galit na sabi nung huli sa maarte. Kulang sila. Wala yung naiiba. Apat sila kanina tatlo nalang ngayon. Kala naman nila lalabas ako. "Pasukin nyo nalang kaya..." Suggestion ni Kit. Yari talaga sakin to! "Eeww.. No way! Your room is full of dirt and bacteria." Sagot nung leader. Kaya pala pinapalabas akong pilit. Ayoko nga, bakit ako-- May humawak sa braso ko at pilit akong kinaladkad palabas. "Harapin mo yung gulo'ng pinasok mo." Sabi ni Keifer. Dire-diretso kami sa labas kaya naman lumapad ang ngiti nung tatlong coloring book. "You! You're so makapal!" Sabi nung leader nila habang naniningkit yung mata sakin. "Kailangan nyo yun... Para sa mga muka nyo." Sabi ko na parang nag aalala talaga para sa kanila. Dinig ko yung tawa ni Kit na pinilit nyang itinatago. Mabilis syang nakakuha ng matalim na titig galing sa tatlo. "You come with us!" Sabi ulit nung leader at hinawakan ako sa braso. Ang higpit ng hawak nya feeling ko bumabaon yung kuko nya. Kasalanan to ni Keifer. Sana hinayaan nalang nya ko sa loob. "Aray! Masakit!" Reklamo ko habang nagpupumiglas. "Mas lalo kang masasaktan mamaya!" Sabi nung sunod na pinaka-maarte. Napalingon ako sa likod at nakitang sumusunod ang Section E. Aba! Mukang balak pa nila manuod sa gagawing eksena ng mga coloring book sakin. Huminto kami sa harap nila Aries. Hala! Lagot! Pilit kong inalis yung kamay nung leader ng coloring book sa braso ko pero lalo nila hinihigpitan at bumabaon talaga yung kuko nya. Masakit! "Classmates!" Panimula nung Leader na umagaw ng atensyon ng lahat. Nakatingin na sila samin. Masama na rin ang tingin sakin ni Aries. Lumingon ako sa likod at nakita kong nanunuod nga talaga ang Section E. Lagot ka Jay! "Etong babae na to!" Sabi nung leader ng coloring book habang nakaturo sakin. "..Binastos kami sa loob ng CR. Ako! Ako si Freya Hindalgo! Nilapastangan nitong babae na to!" Bigla nya kong dinuro sa ulo. Halos mabali yung leeg ko at feeling ko bumaon yung kuko nya sa anit ko. "Aray ah!" Reklamo ko sa kanya habang nakahawak sa ulo ko. "Bagay lang sayo yan! Hindi mo kami ginalang!" Sigaw nung ikalawa sa pinaka-maarte. Ikaw na ngayon si Canvas-1! "Oo nga... Hindi mo ba kami kilala?" Dagdag nung huli sa pinaka-maarte. Ikaw si Canvas-2! Tadtad kasi ng make-up yung muka. Daig pa painting sa museum. Umarte akong parang nag-iisip kahit ang totoo hindi naman talaga. "Hindi." Mabilis kong sagot. Napaka-hawak sa dibdib yung leader nila na Freya pala yung pangalan at umarte'ng parang nasasaktan. Nakita ko si Kiko na tumawa pero si Aries masama pa rin ang tingin sakin. "Kaya pala ang kapal mong bastusin kami..." Sabi nung Freya at umarteng ngpupunas ng luha. Bumaling sya sa mga classmate nya. "...Section A. Tignan nyo sya! Tignan nyo ang babaeng walang galang na yan!" Section A din pala sya. Hindi halata. "Pwede na ba kong bumalik sa room?" Inosente kong tanung. Muka na kasi kaming tanga dito. Wala namang saysay yung eksena'ng ginawa nila sakin. "Hindi! You'll stay here!" Sigaw nung Freya. "You should be punish! Binastos mo ang Queen Bee!" Dagdag ni Canvas 1. "Eh?" "Freya! Before you punish her, i think you should know who she is." Singit ni Kiko. Wew. Kala ko magpapakabayani sya at tutulungan ako. Kilala na nila ko! "And so? Sino ba sya? Transferee lang naman sya dito." Mataray na sagot nung Canvas-2 habang umiirap. Ganda! Irap pa more! "She's my cousin." Boring na sabi ni Aries. Shit! Eto naba yung moment na tutulungan ako ni Aries? Proud naba sya na ipagsigawan na pinsan nya ko? "..but that doesn't mean na may iunity sya sa ipaparusa nyo." Dagdag nya. Wow! Wow nalang! Kala ko ba naman, ipagtatanggol nya ko at sasabihi'ng 'pinsan ko sya, kaya hayaan nyo nalang'. Syempre hindi mangyayari yun pero umasa pa rin ako. "OMG! Kita nyo yun girls? Kahit pinsan sya ni Aries, walang use yun." Maarte'ng sabi Freya. Bikwasan ko kaya to? Nakaka-irita na yung muka nakaka-irita pa yung pagsasalita. Sabi nila kung hindi ka maganda magpaka-bait ka naman. Bakit tong mga to? Hindi na nga maganda hindi pa mabait. "Girls?" Sabi ni Freya at umalis si Canvas-2. Pumunta sya sa hindi ko alam na lugar pero bumalik syang may hawak na timba na may lamang maduming tubig. Mukang tubig pang-map. "Jay-jay... Gusto kong ipaliwanag sayo ang sistema dito sa HVIS. First thing you should know, ang Section A is the royalty Section we get all the privileged here. Syempre kami ang pinaka-magaling sa lahat ng bagay. Kaya naman ang PANG-BABASTOS SAMIN ay malaking pagkakamali." Paliwanag ni Freya. Shoooot! Mukang katapusan ko na. "..at dahil andito na ang ibang Section, hayaan mong ipakilala ko sila sayo." Dagdag nya pa. Dun ko lang napansin na pati nga ibang Section ay nakapaligid samin. Nakita ko si Rakki na may pag-aalala sa muka. "..Section B, they are known for being 'MASIPAG'. Masipag sa lahat ng bagay. Banggain mo sila at sisipagin karin. Sisigapin ka ring takbuhan sila sa pang-bubully sayo." Nakita kong ngumiti at nag-high five ang isang grupo ng istudyante. Mukang sila ang Section B. "..Section C. Wala akong masabi sa Section nila. Mababait kasi sila, mababait sila sa mga taong mabait din sa kanila. But try to treat them like a bitch, you'll encounter HELL." Tumingin ako kila Rakki pero hindi ko makita'ng proud sila sa sinabi ni Freya. Para sakin mabait naman talaga sila kahit nakakahiya yung first meet namin. "..Section D. Actually ang D is almost the same with E. Yun nga lang may pag-asa pa sila sa buhay. May pag-asang umunlad. And i like D because they follow Section A." Sabay kindat sa isang grupo ng mga istudyante. In other words, taga-sunod ng A ang D. Wow! Wow lang ah! Para namang may paki-alam ako sa mga sinabi nya. Wala naman akong balak makipag kaibigan sa kanila. Nag-sayang lang sya ng laway sa pagpapaliwanag. "You understand everything that i said. Right?" Tanung sakin ni Freya. Tipid na tango lang ang binigay ko sa kanya. "You forgot something Freya.." Sabi ni Aries habang naka-cross arm. "Oh yeah... Thank you for reminding me Aries." Muling humarap sakin si Freya. ".. Section E..." Ramdam ko yung presensya ng Section E dagdag pa yung mabigat na awra. Mukang magkakaroon ng gulo. "...Section mo yun kaya dapat tandaan mo. Latak sa lipunan ang Section na yun, school board don't even consider that Section anymore. Bagay na bagay ka dun, lapastangan ka rin kasi kagaya nila. Pala-away, walang galang, walang patutunguhan sa buhay at ayaw magpatalo sa laban." Hindi pa paiksiin na Section E ang pinaka-walang kwenta sa lahat. Mayabang tong babae na to palibhasa nasa Section A sya. Anu nga sya uli? Queen Bee? Reyna ng bubuyog? Kaya pala ang ingay nya. Parang bubuyog na buzz ng buzz sa pandinig ko. "Told you so... She really fit on that Section." Dinig kong sabi ni Aries. Nagkuyom ang kamao ko. Hindi ako naiinis dahil sa sinabi ni Aries. Naiinis ako dahil napapahiya ang Section E sa iba. Oo, alam na nila yun matagal na, pero iba pa rin pala kapag naririnig mo ng harapan lalu na't kabilang na ko sa kanila. "Tapos ka na ba?" Tanung ko kay Freya. Nahihirapan ako'ng magpigil. Pakiramdam ko, masasaktan ko sya ng wala sa oras. "Yeah..." Ngumiti sya at muling humarap sa ibang students. "...Ayoko namang masabihan ng masama ang ugali, kaya bibigyan kita ng Deal." Narinig kong tumawa yung dalawang Canvas. "Hindi kita ipapahiya, basta lumuhod ka at humingi ng tawad sakin." Hindi ba't mapapahiya rin ako kapag ginawa ko yun? "Yun lang..." "Ang dali naman nun Freya!" "Masyado'ng madali yun!" Sigaw ng mga classmate ni Freya. Madali? Bakit hindi kayo yung gumawa? "Oo nga.. Tama sila. ... Okay, luluhod ka and you'll say Sorry then kiss my shoe and also.." Aba! Kakahiya naman, sobra-sobra ng kahihiyan yun. "That's enough Freya.." Sabi ni Kiko. Halata sa kanya'ng hindi sya masaya sa ginagawa ni Freya. Concern ka sakin? Ayyiieeeehhhh! Yun nga lang hindi ito ang time para kiligin ako. Naba-badtrip ako sa pagmumuka ng babaeng to. "Hm... Okay! If you said so. Babe." Sagot ni Freya kay Kiko. Babe? Babe?! BABE?! Nasasaktan ang damdamin ko. Charot lang pero syempre crush ko pa din si Kiko kaya medyo na-hurt ako dun. "So Jay-jay... What can you say?" Fvck you! Is what i can say! "Kung hindi ko gawin yung gusto mo?" Tanung ko. "I don't know.. maybe you'll suffer from our punishment?" Patanung nyang sagot pero obvious naman na umaarte lang sya. Tss. Pabebe! Napatingin ako kay Canvas-2 meron syang nilalagay sa timbang kinuha nya kanina. Hindi ko nakita kung anu yun pero hindi ko gustong malapit dun. Anu gagawin ko? Panu ko lulusot dito sa kalokoha'ng pinasok ko? T_T

 

 

Chapter 20 Sorry Jay-jay's POV

 

 Pwede bang ibalik yung oras? Sana pala hindi na ko lumabas ng cubicle kanina o kaya hindi na ko nag-cr para hindi ko na-encounter tong mga coloring book na to. Panibagong problema tong mga to. Ang sakit sa ulo! "Anu pang hinihintay mo Jay? Luhod na.." sabi ni Freya habang nakangiti sakin. "A-ayoko." Sagot ko sa kanya at agad na nagbago ang mood nya. "What?! Anung ayaw mo?!" Galit na sabi nya habang nagpapapadyak. "Jay... Just do what she said." Utos ni Aries. Huminga ako ng malalim. Nakaka-irita sila. Silang lahat na nakapaligid sakin. Para bang kaligayahan nila ang kahihiyan ng iba. Yung mga ganito'ng tao yung masarap patikimin ng sarili nilang gamot. Yung kasabihan sa US na 'Taste of there own medicine'. Basta sinasabi nila yun kapag binabalik nila yung lakokohan nung tao sa gumawa. "Okay..." Sagot ko na ikinangiti ni Freya ng husto. Dagdagan ko kaya ng kulay yung muka nito gamit ang kamao ko. Makakangiti pa kaya sya? "Anu pang hinihintay mo? Luhod na!" Sabi ni Freya. Excited lang? Hindi makapaghintay? Huminga muna ko ulit ng malalim. Mga ilang ulit ko ding ginawa yun. Totoo'ng lagi akong nakikipag-away dati. Ewan ko, feeling ko mawawala yung galit na nararamdaman ko kapag nasaktan ko sila. Pero kung meron man akong natutunan sa pakikipag-away ko, yun ay labanan ang dapat labanan at wag pag-aksayahan ng oras ang hindi dapat nilalabanan. Sa sitwasyon ko ngayon, mas gusto kong lumaban kahit hindi na dapat patulan ang mga kagaya ni Freya. "Gagawin ko yung gusto mo pero bago yun, hindi ba dapat mag-sorry ka muna." Sabi ko habang seryosong nakatingin kay Freya. Bahagya syang tumawa. "Kanino? Sayo? Why would i?" "Hindi sakin... Anu nga ulit pangalan nun?... Tss. Yun! Ella." Bigla'ng naging seryoso ang muka ni Freya at ganun din ang dalawang Canvas na kasama nya. Hindi lang away na suntukan ang alam kong gawin. Marunong din akong lumaban sa ibang paraan. Biglang naging interado si Aries at bahagya'ng lumapit samin. Malinaw sakin na girlfriend nya si Ella kaya alam kong may chance na maki-alam sya. "Kay Ella?" Tanung ni Aries at tumingin kay Freya bago ibalik ang tingin sakin. "Bakit sakin?" May mahinhing boses na nagsalita. Pare-pareho kaming napatingin dun at bumungad sakin ang babaeng kaakbay ni Aries dati, yung mukang Koreana. Sya yung Ella? Nagbago na isip ko, gusto ko na pala syang makilala. Mas maganda sya sa malapitan. "W-what are you talking about? B-bakit ako mag-sorry kay Ella? Wala naman ako'ng ginawa sa kanya." Tarantang tanung ni Freya. "Pero sinabi nyo kanina sa CR, 'Si Ella'ng malandi, lahat nalang ng famous sa school nilandi'. Narinig ko sa inyo yun." Natigilan si Freya sa sinabi ko. Halata rin ang takot nya. Bull's eye! Nagkuyom ang kamao ni Aries kasabay ng pagsalubong ng kilay nito at pagtitig ng masama kay Freya. "W-what? No! Wag ka nga gumawa ng kwento! Hindi namin sinabi yun..." Humarap sya kay Ella. "..Maniwala ka samin! Gumagawa lang ng kwento yang babae na yan! Diba girls?" Tanung ni Freya sa mga kasama nya'ng Canvas. "O-oo... T-totoo yung sinabi ni Freya." Pilit na sagot nung dalawa. "See... Gumagawa lang ng kwento ang babae'ng yan!" Muling humarap sakin si Freya at nanlilisik na yung mata. "..Wag ka nga'ng gumawa ng kwento! Gusto mo lang makaligtas sa pinapagawa namin sayo!" Napataas ang isang kilay ko sa sinabi nya. Hindi yata nakaka-intindi ng instruction tong babae na to. "Bakit ko ililigtas yung sarili ko sa pag-gawa ng kwento? At kung hindi mo naiintindihan, lilinawin ko sayo. Handa akong lumuhod, halikan yang sapatos mo at mag-sorry sayo kung magso-sorry ka muna kay Ella dahil sa mga pinagsasabi nyo tungkol sa kanya." Paliwanag ko. In short, hindi ko nililigtas ang sarili ko. Gusto ko lang maging patas yung paghingi ko ng sorry. Pare-pareho kaming may ginawa'ng mali sa loob ng CR. Tsaka parang unfair sakin dahil binasa ko lang naman sila ng tubig. Lumapit si Aries kay Freya at mahigpit na hinawakan ang kwelyo nito. "Tinawag mong malandi si Ella?!" Galit na tanung ni Aries. Kita kong pangingilid ng luha ni Freya. Sa takot na rin siguro kay Aries. Hindi ko pa nakikita'ng magalit si Aries pero dahil magkapatid sila ni Kuya Angelo malamang pareho sila. "H-hindi... Maniwala ka samin Aries. Hindi namin sinabi yun." Mahinahong sabi ni Freya at may halong paki-usap. Medyo naaawa na rin ako sa kanya pero naumpisan ko na. Masama na yung ginawa ko sa masama pero naunahan na ko ng inis sa kanila. Ayoko mang may mangyari'ng hindi maganda sakanila kailangan din nilang madala. "Sayo pa talaga nang-galing yun! Anu'ng karapatan mong husgahan si Ella?!" Galit na sabi ni Aries. Sa itsura ni Aries halatang napaka-laki ng galit nya kay Freya. Napaka protective din ng dating nya kay Ella. Bakit parang nakaka-inggit? "Aries!" Biglang sumigaw yung Canvas-1. "Makinig ka.. Pwede'ng narinig nga ni Jay-jay yun mga sinabi nya sa CR pero hindi kami ang nagsabi nun?" Lahat nakatingin na ngayon kay Canvas-1. Ha?! Anung gusto nyang sabihin? Eh sila-sila yung nasa CR. Alangan naman na galing sa tao sa labas yun. "Gina-gago nyo----" "Hindi naman nakita ni Jay-jay yung nagsalita diba? Narinig lang nya." Dagdag nung Canvas-1. Anung gusto nila'ng sabihin? Kakapasok lang nila sa CR nung lumabas ako ng cubicle? Imposible! Parang nagkaroon ng ideya si Freya. "Totoo yun. Nasa loob sya ng cubicle nung may nagsabi nun." Binitiwan sya ni Aries. Halata'ng lalu syang nainis sa ginagawa nung mga coloring book. "Kung hindi kayo ang nagsabi nun, sino?! SINO?!" Galit na sigaw ni Aries. Kahit ibang Section halatang natatakot din sa kanya. "Si Mica... Sya ang may sabi nun." Sabi ni Canvas-1. Lahat sila tumingin sa katabi ni Ella. Sya nga yung kasama nila Freya kanina yung naiiba. May halong pagtataka at takot ang itsura nya. "H-ha?" Sagot nya. "Totoo yun.. sya yung nagsabi nun habang nagku-kwentuhan kami kanina sa CR." Paliwanag ni Freya. Totoong magkakasama sila pero parang imposible na sya yun. Hinawakan ng dalawang lalaki yung Mica at dinala sa harap ni Aries. Nakita kong ngumiti si Freya sa dalawang Canvas na kasama nya. "Sinabi mo yun?" Mahinahong tanung ni Aries. "H-hindi..." Hindi talaga. Malumanay ang boses nung Mica, hindi ko nga narinig ang boses nya sa loob eh. "Sya talaga yun Aries. Kasama namin sya sa CR.." Humarap sakin si Freya. "..Nakita mo din sya sa loob diba?" "Oo.. pero----" "See? It's her not us!" Mataray na sabi ni Freya. "Oo nga pero hindi----" "Sya dapat ang parusahan!" Sigaw ni Canvas-1. "Teka nga! Hindi ko----" "Oo nga.. parusahan na yan!" Dagdag ni Canvas-2. Pakshet! Pagsalitain nyo ko! Lalapit na sana ko kay Aries para magpaliwanag pero bumagsak yung isang lalaki'ng may hawak kay Mica at nasundan pa nung isa. Si Calix! Agad nyang niyakap si Mica. "Wala'ng pwede'ng manakit sa kanya! Dadaan muna kayo sakin!" Pinilit nagpumiglas ni Mica pero mahigpit ang yakap sa kanya ni Calix. "Wag kang maki-alam dito!" Sigaw ni Aries sa kanya. Naalarma din ang ibang Section A. Napatingin ako sa Section E at nakita kong lumapit si Keifer kay Calix. Sinundan sya ni Felix, Kit at dalawa pa. "Basta gulo ang hilig nyong makisali no?!" Mayabang na sabi ni Aries. Okay... Hindi na kailanga'ng pakiramdaman. Mauuwi lahat to sa away! Wala bang aawat sa kanila. Guard! Security! Teacher! Kahit sino?! "Section E nga kami diba? Wala'ng sinusukuang laban." Sabi ni Felix. "At wala ring iwanan." Dagdag ni Kit. Ramdam ko yung tensyon sa pagitan nila. Isama pang lumapit na rin yung ibang Section A sa tabi ni Aries. Putik yan! Lalapit na sana ko para maki-awat pero bigla'ng may humatak ng buhok ko. "Aray! Anu ba?!" "This is all your fault!" Sigaw ni Freya habang patuloy sa pagsabunot sakin. "Anung ako?! Kayo kaya----" Malakas na sampal ang nagpatigil sakin. Pakiramdam ko namanhid ang pisngi ko sa sakit. Hindi na kaylanga'ng itanung kung sino sya. Obvious naman na si Freya. Wag kang makikipag-away! Hindi dapat patulan yan! Tama! Hindi na dapat----aaaarrrggghhhh!! Nakakagigil ang pagmumuka nya! Gumanti ako ng sampal dahilan para bumagsak si Freya sa lupa. La! Napalakas ata! Ramdam ko ang pag-tigil ng lahat at pagtitig samin. Bigla nalang umiyak si Freya at nagumpisa na ring mamula ang pisngi nya. "Ang kapal ng muka mong gawin yun kay Freya!" Sigaw ni Canvas-2. Akala ko susugurin ako nung dalawang Canvas pero laking gulat ko ng makita'ng hawak nila yung timba at ihahagis ang laman sakin. Huli na para tumakbo ako, huli na rin para umiwas. Tanging pagtakim nalang sa muka ko gamit ang mga braso ko ang ginawa ko. Hinintay kong mabasa ako pero sa halip na tubig, mainit na katawan ang tumama sakin. May yumakap sakin Saktong pagtingin ko kung sino yun ay ang tilamsik ng tubig sa timba na tumama sa yumakap sakin. David? Tinignan nya ko. "Quits na tayo.." yun nalang ang nasabi nya at bigla nalang syang bumagsak sakin. Pinilit kong pigilan ang pagbagsak nya at napahawak ako sa likod nya. Bukod sa basa, malagkit ito at parang putik meron ding gumagalaw. Napaupo ako sa sahig dahil sa bigat nya. Dun ko lang din nagawang tignan ang likod nya. Puro putik at.... BULATE!! Yun pala yung nilagay ni Canvas-2 sa timba. Yuck! Eeiihhh! Pero hindi yun ang inaalala ko. Walang malay si David! Ang init din nya. Anung gagawin ko? Tumingin ako sa Section E para humingi ng tulong pero busy sila sa panunuod ng away. Nagsusuntukan na si Aries at Keifer. Anu ba? Wala bang tutulong samin?

 

 

Chapter 21 Clinic Jay-jay's POV

 

 Para kaming La Pieta dito ni David! Charot lang. Wala kasi talaga'ng tumutulong samin. Sumigaw na rin ako para magpatulong pero lahat ng studyante naka-tutok sa nagsusuntukan. Wala man lang Guard na umaawat sa kanila at wala man lang talaga'ng gusto'ng tumulong sakin. Nakuh naman! Hangang sa lumapit samin si Kiko at sapilita'ng binuhat si David kahit puro putik. "Sa Clinic!" Sigaw nya sakin at sumunod naman ako sa kanila.

 

 Ci-N's POV

 

 Pakiramdam ko nanaginip ako. O baka naman nagha-hallucinate na ko dahil sa hangover. Wala'ng tao sa room at ang tahimik ng paligid. Pero andito yung gamit nung iba. Baka may pinuntahan lang. Sobrang sakit ng ulo ko feeling ko binibiyak. Hindi rin pala ako naka-inom ng gamot kanina bago pumasok. Pinilit kong tumayo at maglakad papuntang Clinic. Sure naman akong may gamot sila para sa sakit ng ulo. Pagdating dun nakita ko yung nurse na may inaasikasong studyante sa isa sa mga kama. Si David? Wala syang pang-itaas na damit pero nilagyan sya ng bimpo sa noo. Tapos kinumutan ng nurse. "May kailangan ka?" Tanung sakin nung Nurse. "Hihingi po sana akong gamot sa sakit ng ulo." sabi ko. "Sige.. maupo ka muna don. Tatapusin ko lang to." Sabi nung sabay turo sa bangko malapit sa table nya. Tumango lang ako at naglakad na palapit dun. Pagka-upo, napansin ko agad na may gumagalaw sa likod ng malaking cabinet na puno ng gamot. Lumapit ako para tignan pero napahinto ako sa eksena'ng nakita ko. Si Keifer naka-boxer lang at nagsusuot ng pants. Si Jay-jay nakatalikod kay Keifer pero kita bra at nagsusuot ng t-shirt. O_O... Anung ginawa nila? Bakit pareho sila'ng nakahubad? Nasa tagong lugar pa sila. Bumalik ako sa upuan. Pakiramdam ko lalo'ng sumakit yung ulo ko sa nakita ko. Hindi kaya ginawa na nila yung ano... Aarrggghhhh... Hindi ganun si Jay-jay. Hindi rin sila magSyota para gawin---- "Hubarin mo na kasi!" Sigaw ni Keifer. Anung huhubarin? Humahabol ba ng round two si Keifer? "Nalagyan oh!" Dagdag pa nito. Nalagyan ng anu? Medyo humina yung boses nila kaya hindi ko na narinig pero parang nag aaway sila. "Patingin sabi!" Sigaw ulit ni Keifer. Patingin ng anu? "Tsk! Panu ko makikita ng maayos yan?! Likot likot mo!" Sigaw ulit ni Keifer. Malikot? "Wag na nga!" Sigaw ni Jay-jay. Sige! Tumangi ka Jay-jay! "Patingin lang!" Sigaw na naman ni Keifer Anu ba yan? Bakit pilit tinitignan? "Pag-nahawakan ko yan, punit sakin yan!" Galit na sigaw ni Keifer. My gudness! Pinipilit ni Keifer si Jay-jay! Napaka-agresibo naman ni Keifer! "Wag na nga kasi!" Galit na sigaw ni Jay-jay. Lumaban ka Jay! Wag ka papayag sa gusto ni Keifer. Humina na naman ang boses nila. May-maya lang ay manirig akong bumukas na pinto tapos nag-usap na naman sila. "Masyado'ng basa!" Sabi Jay-jay. Jusme! Anung basa?! "Mas okay yung basa!" Sagot ni Keifer. o_O.. basa ang alin? "Umayos ka naman ng posisyon! Ako nahihirapan eh!" Galit na sita ni Keifer. Posisyon daw! Muli sila'ng tumahimik. Gusto'ng gusto ko tumayo para silipin sila pero nanginginig yung tuhod ko para gawin yun. "Ay naku! Basa'ng basa! Muka tuloy akong naihi!" Galit na sabi ni Jay jay. Basa'ng basa?! Anu ba itong mga naririnig ko? Daig ko pa nanuod ng porno. Lalong sumakit ang ulo ko. Maya-maya ay lumabas na sila Jay-jay at Keifer mula sa likod ng Cabinet. Medyo nagulat pa sila nung nakita ako pero lumapit din sila agad sakin. "Ci-N.. Bakit ganyan itsura mo? Para kang nakakita ng multo." Bungad sakin ni Jay-jay. Higit pa sa multo ang nakita ko! "W-wala... M-masama lang pakiramdam ko." sabi ko at pilit umiiwas ng tingin. "Hangover yan! Bakit ka naman ba kasi nag-inom?! Baka, napaka-bata mo pa!" Sermon nya sakin. Hangover talaga pero lalung lumala dahil sa mga narinig ko kanina. "Na-ingganyo lang.." sagot ko. "Hay naku! Ci-N! Alam mo bang blah blah blah blah...." Nagumpisa na syang sermunan ako. Pero hindi yun ang kailangan ko. Explanation kung anung ginagawa nyo sa likod ng cabinet, yun ang kailangan ko. T_T

 

 Aries's POV

 

 "Next time kung hindi nyo matiis na patulan ang Section E, sa labas ng school nyo gawin. Sige na. Pwede na kayong umalis." Sermon samin ni Misis Reyalidad. Lumabas na kami nila Mykel. Hayop na Keifer yun, mabilis na nawala sa paningin namin matapos dumating ang mga Guard para awatin kami. Ganun din ang ibang Section E. Mga duwag! Nasa lubong ko si Kiko na puro putik ang damit. "Anung nangyari sayo?" Tanung ko sa kanya. Nawala na kasi sya kanina ng magkagulo kami. Akala ko tinulungan nya si Freya. "Tinulungan ko si Jay-jay na dalin si David sa clinic." Sagot nya. "Kaaway mo tinulungan mo? Nagbago na ba paniniwala mo sa buhay?" "Hindi no! Pogi points yung ginawa ko. Kung hindi nga lang dumating si Keifer sa Clinic baka kung todo 'thank you' na sakin yung pinsan mo." Taka ko syang tinignan. "Nasa clinic si Keifer?" "Oo.. nag-away pa nga sila ni Jay-jay, nagpahidan pa ng putik. Umalis nalang ako." Tss. Dun pala sya dumiretso. Anu naman kayang balak nya? Obvious naman na hindi nya kailanga'ng magpa-clinic. Matibay pa sa bato katawan nya. "Anu nga palang balak nyo kay Mica? Naniniwala ba kayo kay Freya?" Singit ni Mykel sa usapan namin. Yun pa nga pala. "Mica and Freya are friends, hindi imposibleng sinabi nya talaga yun." "Sinasabi mo bang magka-ugali sila?" Mykel said. Hindi naman sa ganun. Alam kong kaibigan din ni Ella si Mica pero hindi ko alam ang tunay na ugali nya. "Maybe.. I don't know... Tatlo silang nagsasabi na galing nga daw kay Mica yun." "How about Jay? Pinakinggan mo ba yung sinabi nya?" Kiko said. "She already admitted it. Mica was there with Freya when she heard those hideous words." "I know Mica, parang hindi nya gawain mag back stab." Kiko said. Like what i said before, hindi ko alam ang totoong ugali nya. "Dahil sa nangyari kanina sure akong babalikan ni Freya yung pinsan mo. Wala kang balak?" Tanung ni Mykel sakin. "Tss. Gulo nya yun, bahala syang harapin yun." Bored kong sagot. Mas kailangan kong unahin si Ella at Mica. Hindi man kami sigurado kung sa kanya nanggaling ang mga salitang yun, alam kong nasaktan si Ella. Isa yun sa mga pinaka-ayokong mangyari ang makita'ng nasasaktan sya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung wala ako'ng gagawin para sa kanya. "Mykel.. Gusto kong makausap ang buong Section A, except kay Mica and Ella. Hindi ko pwedeng palagpasin ang araw na to ng walang ginagawa."

 

 Jay-jay's POV

 

 Bumalik kami ni Ci-N sa room. Nauna na si Keifer kumag kanina kaya dalawa nalang kami ni Ci-N sa clinic. Si David pa pala kaya lang knock out pa rin. Sobrang taas daw ng lagnat kaya bumigay na yung katawan nya. Pero pumasok pa rin sya. Kala ko nung una nag-absent sya pero mukang pinilit nyang pumasok. Pinabalik na kami nung nurse sa klase namin, sya nalang daw bahala kay David. Feeling ko naaalibadbaran lang sya samin. Ingay ingay ko kasi dun. Hehehe. Kaya eto kami ni Ci-N at naglalakad malapit sa building ng Section E. Tahimik lang ang Ci-N, siguro kasi masama pa rin yung pakiramdam nya o kaya tinamaan sa sermon ko. Haba ng sermon ko! Pagpasok sa room parang may nag-wawalang unggoy. Lumilipad kasi sa ere ang mga gamit namin. La! Bakit? Pinilit kong sumiksik sa mga ulupong na nagkukumpulan. Si Calix pala yung nagwawala. Mukang galit na galit sya pero hindi maawat ng mga kapwa nya ulupong. "Tama na Calix!" "Pre! Tama na!" "Calix! Huminahon ka!" Pahinahon ng pahinahon tapos hindi naman nilalapitan. Anu kaya yun? Parang ang gaan ng mga gamit kasi lumilipad sa ere. Sumiksik akong pilit para makita yung gamit ko, na sana pala hindi ko ginawa. Nakita ako ni Calix at tinignan ng masama. Agad syang lumapit sakin at mahigpit na hinawakan ang kwelyo ko. "Argh..." "IKAW MAY KASALANAN NITO!" Sigaw nya sakin. Halos mabingi ako dun kaya pinilit kong alasin yung kamay nya sa kwelyo ko. "Anu ba?! Bitiwan mo nga ako!" Utos ko habang pilit inaalis ang kamay nya pero lalu lang yun humigpit. Umaangat na rin ang mga paa ko sa sahig. Shit! "Calix! Bitiwan mo na yan!" Sigaw ni Keifer sa kanya. Pero parang wala na sa sarili si Calix na namumula na ang mata sa galit. "Bitiwan mo ko!" "KASALANAN MO TO! Kung hindi mo binangga ang grupo ni Freya hindi mapapahamak si Mica! Hindi sana nya..." May pumatak na luha mula sa isang mata nya. "...Hindi sana nya ko uutusan na kalimutan sya." Binitiwan nya ko at unti-unti syang napaluhod sa kinatatayuan nya. Kahit hindi nya sabihin, ramdam kong nasasaktan sya. Malalim ang dahilan ng bawat luha ng isang lalaki. Sa palagay ko ang dahilan ng luha nya ay yung Mica. Ramdam ko din ang pakikisimpatya ng mga kaklase namin. Yun nga lang may mga tao talagang hindi marunong makaramdam at ayaw sa drama. "Bakla lang umiiyak pre."

 

 

Chapter 22 Alone Jay-jay's POV

 

 Kala ko may magwawala ulit na unggoy. Luko-luko kasi yung nagsabi nung 'Bakla lang umiiyak pre.'. Bigla rin namang nagtago nung hinanap nila yung nagsabi nun. Luko lang! Days past at hindi na ko sinasabay ni Aries sa kotse nya. Wala na daw syang paki-alam kung magalit si Kuya Angelo sa kanya. Bahala sya! Sya naman kakagalitan hindi ako. Pagpasok ko ng room naguusap usap silang lahat. Lumapit ako kay Ci-N. "Anung meron?" Tanung ko. Ngumiti naman sakin si Ci-N. "Monthly Assembly." "Anu yun?" "Anu... Yung magre-report yung each class president ng bawat section sa head teacher at principal ng school." "Ahh.. Report tungkol saan?" "Tungkol sa bawat student sa section. Kung may na-suspended ba o kung anu man. Dun na rin sinasabi yung mga hinaing at pangangailangan ng bawat Section sa room nila." Pangangailangan? Eh dapat ireport ni Keifer yung room naming mukang bodega at basurahan. Kailangan namin ng malawaka'ng hakutan. Tapos hakutin na rin nila si Keifer. "Tara na!" Dinig kong aya ni Yuri. "..Baka pag-usapan na naman tayo don kapag nahuli pa tayo." Hinarap ko ulit si Ci-N. "Saan tayo pupunta?" Umiwas ng tingin si Ci-N at naghimas ng batok. "Kasi Jay... Anu... H-hindi---" "Hindi ka kasama." Pagdugtong ni Keifer sa sinabi ni Ci-N. Ha? Bakit? "Wala ka namang gagawin dun kaya dito ka nalang." Dagdag ni Yuri. La! Tapos lahat sila palabas ng room. Anu kaya yun? "Bakit sila?" Tanung ko. "Gusto nilang sumama." Bored na sagot ni Keifer. "Ako din... Gus----" "Wag na. Hindi ka naman kabilang samin kaya dito ka nalang." Sagot ni Yuri habang naglalakad palabas ng room. Hindi kabilang? Pero Section E naman ako ah! Binigyan ako ni Ci-N ng apologetic look bago tuluyang umalis. Mag-isa nalang ako sa room. Bakit ganun? Medyo matagal na ko dito sa Section na to tapos hindi pa rin nila ko tinatanggap. Napaupo nalang ako sa bangkuan ko at dumukdok sa lamesa. Pero sabi nila nung nagkakagulo nung nakaraan 'At wala ring iwanan.'. Pero iniwan nila ko. Mahirap ba kong tanggapin? Ang bigat sa pakiramdam. Napaangat ang ulo ko ng may maramdaman akong tao'ng pumasok sa room. Tatlong lalaki pero hindi ko sila kaklase. Nakangiti'ng lumapit sakin yung isa. "Jasper Jean Mariano?" Matipid na tango lang ang binigay ko pero may halong pagtataka. Sino ba tong mga to? Lumapit na rin sakin yung dalawa at laking gulat ko ng sampalin ako ng isa sa kanila. Sobrang lakas agad akong bumagsak sa sahig. Namanhid din sa sobrang sakit yung pisngi ko. Tanginik! Mas masakit kaya manampal ang lalaki! Napatingin ako sa kanila at mga nagtatawanan pa. "Mga pvtang'na nyo! Inaano ko kayo?!" Galit na tanung ko sa kanila habang pilit tumatayo. Biglang umiikot sa likod ko yung dalawa at agad akong hinawakan sa magkabilang braso. Pinilit kong lumaban pero masyado silang malakas. "Mensahe galing kay Freya!" Sabi nung kaharap ko. Bubuka palang sana ang bibig ko para magsalita pero malakas na suntok na sa sikmura ang nakuha ko. "Ugh!" Sigaw ko. Nayanig ang buong katawan ko. Parang luluwa ang mata at laman loob ko sa ginawa nila. Sobrang sakit! Aarrgghhh... Putik! Wala akong tigil sa pag-ubo. Akala ko yun na yon pero nasundan pa ng dalawang sunod. Dahilan para mapaluhod ako. "Ugghh! Tang'na nyo!" Pilit na sigaw ko. Tama na! Sobrang sakit na kasi. Pakiramdam ko nauubos ang lakas ko sa katawan. Naninikip din ang lalamunan ko. "Pre! Nakakapagsalita pa!" Sigaw nung isa habang nakatawa. Binigyan ulit nya ko ng suntok sa sikmura. Mas malakas sa mga nauna o sadyang bugbog na ang sikmura ko kaya ganun nalang ang sakit. Pakiramdam ko lalabas lahat ng kinain ko. Aaarrrggghhhh!! Parang hindi ko na kaya! Nasundan pa ulit yun ng hindi ko na mabilang. Sobrang sakit feeling ko nawawala na ko sa sarili. Halos iluwa ko na yung lalamunan ko sa pag-ubo. Bakit sakin----uuuggghhhh! Hindi ko alam kung ilan pa ang kaya kong tanggapin pero bumibigay na yung katawan ko. Naghahabol na rin ako ng hangin. Tang'na! Jay! Lumaban ka! Hindi na rin ako makasigaw. Wala na kong lakas. Yung dalawang may hawak nalang sakin ang pilit na nagtatayo sakin. Tumigil sila sandali at napatingin ako sa kanina pa sumusuntok sakin. Ngayon ko lang na-realize. Section D ang isang to. "Anung sabi satin ni Freya?" Tanung nya dun sa dalawang may hawak sakin. "Wag titigil hanga't hindi nagmamaka-awa." Sagot nung isa. Maka-awa? Ako? Pvta! Hindi ko ginagawa yun! "Wala naman sya sinabi na hindi pwede tsumansing diba?" Muling tanung nung kaharap ko. Dinig ko yung mahina'ng tawa nung dalawa'ng may hawak sakin. Anung ibig nilang sabihin na tsumansing? Pinilit ulit akong patayuin nung dalawa. Tinanggal nung kaharap ko yung necktie ko. Ay Pvta! Nagpumiglas agad ako para makawala sa kanila. "Kahit lumaban kapa." Sabi nung isa sa kanila. Bigla nalang hinatak ng kaharap ko yung blouse ko dahilan para matanggal ang mga bitones at sumilip ang hindi dapat. "Pwede pre!" Sabi nung isa at nagtawanan silang lahat. Akmang hahawakan na nung isa yung dibdib ko ng sipain ko sya sa muka. Ginamit ko na yung natitirang lakas na meron ako. Wala na... Bagsak na ang katawan ko. "TANG*NA MO KA!" Sigaw nung kaharap ko. Agad nya kong nilapitan at tinadyakan sa sikmura. Halos masuka ako sa ginawa nya. Wala na yata sa tamang lugar ang mga organs ko. Tama na! Magmaka-awa kana Jay! Nabitawan na ko nung dalawang may hawak sakin, bumagsak ako sa sahig pero tuloy pa rin yung isa sa pagsipa sakin. Suko na ko! Pagod na pagod na yung katawan ko. Nagdidilim na rin yung paningin ko at wala na rin akong maramdaman. Hangang sa tumigil na sya at lumakad na sila paalis. Naiwan na naman akong mag-isa. Hugot man pakinggan pero sanay na ko mag-isa. Eto na ata talaga ang nakatadhana sakin. Ang maging mag-isa sa lahat ng laban sa buhay. Wala talaga'ng darating para tulungan ako. Hindi totoo yung mga prince charming na handang sumuong sa bangin ng kamatayan mailigtas lang ang isang katulad ko. Baka itulak pa nila ko sa bangin ng kamatayan. Kusang tumulo ang mga luha ko. Umiiyak ako hindi dahil masakit. Nagagalit ako sa sarili ko, kasi kaya ko namang lumaban pero hinayaan ko lang sila. Ayoko ng nagpapa-api, hindi na uso yun. Para akong bata na namamalipit sa sakit ng tyan at umiiyak mag-isa. Hindi ko kaya tumayo, napako na ata ako dito sa sahig. Narinig ko yung boses ng nga kaklase ko. Mukang padating na sila. Pinunasan ko yung luha ko at gumulong padapa habang hawak nung isang kamay ko yung tyan ko. Wala na kong lakas para tumayo tska nakaluwa din yung kaluluwa ko. Kainis! Sana pala nagsando ako. Hindi nila ko pwedeng makita ng ganito. "Jay----JAY!" Sigaw ni Ci-N at lumapit sakin. "Ayos ka lang?" Tanung nya habang pilit ako'ng iniikot. "Wag!" Pagbabawal ko sa kanya. "..O-okay lang ako. F-feel ko lang mag planking." Sabi ko habang nagpilit ng ngiti. "Yung totoo? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanung ni Ci-N. Iling lang ang tanging nasagot ko. "Anung drama nyan? Pangarap nyang maging basahan?" Tanung ni Keifer. Lumapit na rin yung ibang kaklase namin. Wala na kong takas, hindi ako pwedeng ganito habang buhay. "Tapakan mo!" Dinig ko utos ni Yuri. Sira-ulo din to eh! Naramdaman kong may tumapak sa likod ko at unti-unti'ng bumibigat. Napasinghap nalang ako sa sakit at may pumatak na luha galing sakin. "Jay... Anung nangyari?!" May halong galit na yung boses ni Ci-N. Pina-alis ni Keifer si Ci-N sa harap ko at sinipat-sipat ako. Tinignan ko lang sya ng masama. Paaalisin ko na sana sya ng maramdaman kong may humawak sakin at pilit akong itayo. "Aarrgghhh..." Sigaw ko dahil sa sobrang sakit. Kita ko yung gulat at pag-aalala ni Ci-N pati nung iba sakin. Dahan-dahan akong iniupo sa sahig nung humawak sakin na si David pala. Sumandal ako sa paanan ng lamesa. "Jay! Sinong gumahasa sayo?!" Galit na tanung ni Ci-N. Biglang nalang akong natawa. "Hahahahaha----argh!" Dahil sa sakit napa aray ako. Agad-agad? Gahasa na? Hinubad ni Ci-N ang polo nya at binalot sa harap ko. "Anu ba? Seryoso ako!" "W-wala'ng gumahasa sakin. M-masakit lang tyan ko." Sagot ko. "Tapos feel mo lang mag-hubad?" Dugtong ni Yuri. "..Tingin mo maniniwala kami dun?!" Dagdag pa nya. "Tss. W-wala to!" Sagot ko. Pinilit kong tumayo. Kumuha kong suporta sa lamesa'ng sinasandalan ko. Lumapit sakin si Ci-N at akmang tutulungan ako kagaya ni David pero pareho ko silang sinenyasan ng 'Wag na.' "P-punta lang ako'ng clinic." Sabi ko at pilit akong humakbang. "Samahan na kita Jay..." Presinta ni Ci-N. "H-hindi na. K-kaya ko naman mag-isa.." sagot ko sa kanya at muling humakbang. "..K-kakayanin ko." Pabulong kong dagdag. Hahakbang palang sana ako ulit pero biglang lumabo ang paningin ko at kusang bumagsak ang katawan ko. Hindi ko na nahintay ang pagtama ko sa sahig dahil dumilim na rin ang lahat na parang napunta ako sa kawalan. "JAY!"

 

 

Chapter 23 Cheater Keifer's POV

 

 "Sino sa tingin mong gumawa nun kay Jay?" Felix ask me. "Hindi ko alam pero sigurado'ng pakana ni Freya yun." Obvious naman dahil sya palang naman ang nakakabangga ni Jay-jay. Kung ano-ano kasing pinag-gaga-gawa. "Makikialam ba tayo?" Yuri suddenly ask. Ayoko sana pero sa itsura nya kanina, halata ang sobrang pahirap. Babae pa naman sya. Gusto ko rin malaman ang gagawin ni Aries. "Kung kailangan siguro..." Hindi sya pumayag na makaligtas si Jay-jay kila Freya pero naapektuhan sya kapag kami ang nananakit dito. Ang bias naman yata nya? "Anu balak?" Felix ask me again. "Hintayin muna natin syang magising."

 

 Jay-jay's POV

 

 "Gano kalakas ang tama?" Tanung sakin ng nurse. "Sobra po... Nanlambot po kasi ako agad." Sagot ko. Hindi ko alam kung sinong nagdala sakin dito sa clinic. Agad akong inasikaso nung nurse nang makita nyang gising na ko. Nagpalusot ako sa nangyari sakin. Sabi ko nadapa ako at tumama ang tyan ko sa kanto ng lamesa. "Sandali lang ah.." paalam nung nurse at umalis muna. Dahan dahan kong hinipo yung tiyan ko. Grabe! Pakiramdam ko makakalas yung organ ko anu mang oras. Masakit at nanlalambot pa rin ako. Nanginginig din yung mga kamay at binti ko. Bwisit! Gumanda lang pakiramdam ko, babalikan ko talaga yung mga yun. Mga impakto! Palibhasa babae ako kaya siguro nila ko pinagtulungan. Tama nga ako nung nakaraan. Taga-sunod ng A ang mga D. Tsk! Bumukas yun kurtina na nakaharang sa hinihigaan kong kama. Kala ko yung nurse na pero sila Ci-N at David lang pala, kasunod yung Hari ng mga ulupong. "Okay ka na?" Tanung sakin ni Ci-N. Nagpilit ako ng ngiti at nag-nod. "Pwede mo na bang sabihin yung nangyari?" Tanung ni David. Ayoko sana kasi masama pa rin yung loob ko sa 'Hindi ka kabilang' na yun, kayalang alam kong hindi ako titigilan ng mga to hanga't hindi ako nagsasabi ng totoo. Tinanaw ko muna yung nurse na kausap ko kanina. Nag-sinungaling ako sa kanya eh, baka mahuli ako kapag narinig nya. Hehe. "May pumunta'ng tatlong lalaki sa room tapos----" "Argh! Ginahasa ka nga nila?!" OA na tanung ni Ci-N. Medyo nagulat pa ko pero agad ko syang tinignan ng masama. "Patapusin mo muna ko Ci. Baka buhay mo tapusin ko!" Nag-pout naman sya at nanahimik. "Mensahe daw galing kay Freya... Tapos yun, sinikmuraan na nila ko." Nag-cross arm si Keifer at huminga ng malalim. "Mga Section D, at isa lang ang kilala kong sikmura ang laging tinitira sa kaaway." Napatingin ako sa kanya. Alam na kagad nya, siguro ganun talaga sila. Kilala na lahat dito sa school. "Basta tanda ko muka nya, okay na yun." "Anu balak mo Jay?" Tanung ni Ci-N bago naupo sa tabi ko. "Papahinga muna ko." "Tapos?" Tanung naman ni David. "Hindi ko pa alam." Kung kelan sila babalikan. "Gusto mo upakan namin?" Alok ni Ci-N habang nakangiti. Basta away active! "Wag na... Laban ko to kaya ako bahala." "Pero Jay----" "Ci! Wag kang makulit!" Nag-pout na naman sya. Feeling ko kasi hindi ko na dapat sila idamay sa gulo na to. 'Hindi ka kabilang'. May sarili'ng laban na dapat harapin ang mga hindi kabilang na kagaya ko. "Kung yan ang gusto mo, ikaw bahala." Sagot ni Keifer. Aalis na sana sya ng may bigla akong naalala. Meron kasi akong gusto'ng linawin. "Keifer!" Huminto sya at muling humarap sakin. "..May itatanung lang sana ko." Tinignan nya ko na naghihintay sa itatanung ko. "Si Aries ba?" Tumaas ang isang kilay nya. "..Si Aries ba yung dahilan kung bakit nyo ko pinag-titripan?" Medyo matagal bago sya sumagot. Nakatitig lang kami sa isa't isa. Tahimik lang din sila David at Ci-N na para bang naghihintay din ng kasagutan. "Sort of." Yun lang ang sinagot nya at mabilis na naglakad paalis ng clinic. Mukang ayaw ma-interview tungkol sa usapin nila kaya umiwas. Tss. Aalis na rin sana si David ng pigilan ko sya. "Bakit?" Tanung nya sakin. Dati syang presidente ng Section E. Hindi naman siguro masama'ng magtanung sa kanya. "Meron lang kasi akong hindi maintindihan. Sabi kasi ni Freya, hindi daw nagkakalayo yung D at E, ibig sabihin may mga records din----" "Kung ibig mong sabihin ay kung bakit hindi nalang pagsamahin ang Section namin at nila ang sagot dyan ay dahil Pinanghihinayangan sila." Dugton nya sa sinasabi ko. Ang galing! Nahulaan nya yung gusto kong malaman. Ganun ba ko ka obvious? "Panung..." "Kasi Jay, parang A din ang mga D kaya nga lang parang E din sila." Paliwanag ni Ci-N. Napakamot ako sa ulo. Anu daw? Naguluhan lang ako sa sinabi ni Ci-N. "Ang ibig sabihin ni Ci-N, magaling din sa maraming bagay ang mga D. Matatalino, talented, magaling sa sports at iba pa na kagaya din ng mga A. Pero may mga records sila ng pakikipag-away at pang-gugulo. Hindi kagaya ng E na walang mga talent at tanging pakikipag-away lang ang alam gawin." Bakit parang lumipat yung sakit ng katawan ko sa ulo? Ang haba ng paliwanag nya pero mas maayos naman, hindi kagaya kay Ci-N. "Gets ko na, pero kung talented at nakikipag-away pala ang Section D. Bakit nasa A si Aries? Eh nakikipag-away din sya." Nagtinginan si David at Ci-N. Para bang ayaw nyang sagutin yung tanung ko. "Jay.." Panimula ni Ci-N. "..Marumi makipag-laban sila Aries. Hindi kami sigurado kung panu sya naka-angat, pero ang sigurado ay hindi na nya hinayaang maka-alis si Keifer at Yuri sa Section E." Marumi makipag-laban? "M-madaya sya? Ganun ba?" Tumango lang sakin si Ci-N. Kaya pala kahit lantaran na ang pakikipag-away nya nasa A pa rin. Partida! Para pa syang Hari sa asta nya. "Nga pala Jay.. Malapit na Periodical Exam. Pinapatanung ni Ma'am Tanda kung hindi ka na daw ba talaga papalipat." Oo nga pala. Jeez! Si Ma'am Zaragosa yung sinasabi nya. Luko-luko talaga tong si Ci. "Ako nalang kakausap sa kanya." Sagot ko at ngumiti naman sakin si Ci N. "Sige Jay... Magpahinga kana. Babalikan ka nalang namin dito mamaya." Sabi ni David at naglakad na na palabas ng clinic. Sumunod naman si Ci-N pero nag-wave muna sya bago tuluya'ng mawala sa paningin ko. Umayos ako ng higa pero wala ako'ng balak matulog. Kasi nagiisip ako. Taray! May isip ka pala! Tsk! Peste tong bulate sa utak ko! Kinakain na nga mga neurons ko nakikialam pa. Hindi kasi mawala sa isip ko yung sinabi ni Freya sa banyo. Si Ella yung ex ni Keifer at naging babae ni Yuri. Ibig sabihin, pwedeng sya yung babae na naging dahilan ng pagwawala nung dalawa sa cafeteria. Tapos pwede'ng si Aries naman yung lalaki'ng binanatan nila Yuri at Keifer. Tsk! Sana pala tinanung ko kay Ci-N yun para makumpirma. Kayalang baka masabihan akong tsismosa. Gusto ko rin sana'ng kamustahin si Calix. Nabalitaan ko kasi na nagalit si Mica sa kanya at sinabiha'ng kalimutan at layuan na sya. Kaya siguro sya umiyak. Haaaaayyyyyyy..... Dapat ata sa ibang school nalang ako nag-aral. Hindi pa ko nagtatagal dito puro sakit na ng ulo yung nararanasan ko plus sakit ng katawan. Bumalik na yung nurse at muli akong inasikaso. Binigyan din nya ko ng gamot. May ilang oras din siguro akong nakatanga sa clinic ng bumalik si David at Ci-N dala ang gamit ko. Ihahatid na daw nila ko sa bahay namin. Gusto ko sana tumanggi kayalang mananalo ba ko sa dalawa na to? Pareho'ng mapilit at masabi-masabi. May kotse naman si David kaya hindi naman sila nahirapan sa paghatid sakin. "Ayaw nyo pumasok sa loob?" Tanung ko pagkababa ng kotse. Umiling lang si David. "Hindi na Jay... Mukang may bisita kayo." Sagot ni Ci-N sabay turo sa mga naka-paradang kotse sa tapat namin. May expected ba kaming bisita? "Next time nalang Jay." Dagdag ni David. Ngumiti nalang ako at tumango. Hinintay ko muna sila'ng umalis bago ko tuluya'ng pumasok. Medyo nahihirapan pa rin akong maglakad dahil sa panginginig ng kalamnan ko. Pagpasok sa loob ng bahay, feeling ko nawala yung sakit na nararamdaman ko. Para akong nagkaroon ng buhay at lumakas ng dahil sa kaharap ko. Baka nga sa sobrang lakas ko makapatay ako ng tao. Bakit andito tong mga to? Andito yung grupo ni Aries. Isama pa yung Freya at Ella pero hindi ko makita si Mica. Nag-init bigla yung ulo ko. Badtrip! Muka pa naman akong basahan ngayon. Pinahiram kasi ako ng t-shirt dahil sa nasira kong blouse. Pero ang dungis pa rin ng itsura ko. "Jay.. Ano nangyari sayo?" Bungad sakin ni Tita dahilan para mapansin ako ng grupo ni Aries. "Hi Jay!" Bati sakin ni Kiko pero pilit na ngiti lang ang binigay ko sa kanya. Pasensya na! Wala ako sa mood makipaglandian ngayon. May kasama kasi kayong impakta! Humarap ako kay Tita para sagutin yung tanung nya. "Nadapa po kasi ako tapos nasira yung blouse ko kaya nanghiram nalang muna ko ng t-shirt." "Talaga lang ah!" Bulong ni Freya pero obvious naman na parinig. "Tsk! Hindi ka kasi nag-iingat. Magbihis kana at mag miryenda." Utos ni Tita. Ngumiti lang ako at tumango. Tinitigan ko ng masama si Freya bago pumunta sa kwarto ko. Hindi ko rin ipinahalata na nahihirapan akong maglakad kahit nagsusumamo na ang kalamnan ko. May araw ka din sakin Freya! ++Don't forget to Vote, Coent and Share.++

 

 

Chapter 24 Revenge Jay-jay's POV

 

 Scanning..... . . . . . Not Found. Nyeta! Hindi ko sila makita. Bumalik tuloy akong bigo sa room namin. Kainis! Nung isang araw ko pa hinahanap yung mga Section D na bumanat sakin. Nakaramdam ata ang mga lintik. Hindi nagpapakita sakin. Ready pa naman akong rumesbak. "San ka galing?" Bungad sakin ni Keifer. Pakialam mo?! "Dyan lang." Sagot ko bago umupo. Buhat kasi nung na-clinic ako dahil sa paninikmura ng Section D, daig pa nya Nanay ko sa pagtatanung kung saan ako galing o kung saan ako pupunta. Nakonsensya ata! Iniwan kasi nila kong mag-isa nun. "Next time isama mo si Ci-N kung aalis ka." Dagdag pa nya. Ayoko nga! Hindi nga ako kabilang, at laban ko to kaya dapat ako lang. Cross arm akong sumandal. Nakakainis kasi! Dagdag pa yung pagmumuka ni Freya na humaharang sa view ng school tuwing papasok ako. Ganda eh! Ganda! Gandang ilibing ng buhay! "Classmate... Wala ba kayong pagkain dyan?" Sigaw nung isang kaklase namin. Ako meron! Pero hindi ako magbibigay. Matapos nila kong hindi pansinin tsaka iwanan at sinabihan ng hindi kabilang. Manigas! Then suddenly, light bulb! � � Kumuha ako ng chutchirya sa bag, kita ko ang biglang paglingon ng mga luko sakin. Binuksan ko yun at kumain. Wala naman kaming klase, kaya okay lang. Kahit hindi ko tignan, ramdam ko ang pananakam nila sa kinakain ko. Biglang lumipat si David sa upuan sa tabi ko. Kahit hindi sya nagsasalita, alam kong gusto nyang manghingi. "Gutcho mo?" Malambing na tanung ko sa kanya habang inaabot ang pagkain. Hindi sya nagsalita pero kumuha sya. Napaka-seryoso ng muka nya pero halata mong gutom na gutom. Hindi ba sila kumakain sa mga bahay nila? Si Ci-N naman ang lumipat sa upuan sa tabi ko rin. Nasa magkabilang side ko na sila ngayon. "Jay.. penge." Sabi ni Ci-N habang naka-pout. Bata'ng bata ang dating nya! Cute! Binigyan ko din sya. Tatlo na kaming kumakain. Tatlo na rin kaming tinitignan ng masama ng mga classmate nami'ng patay gutom. "Tigil nyo nga yan!" Galit na utos ni Yuri. "..Alam nyo nama'ng hindi nagsisikain mga tao dito tapos gagawin nyo yan!" Mag-poprotesta na sana ako pero bigla kong narinig yun pagtunog ng tyan nya. Lakas ah! Hehehehe.. *Evil Laugh* Humarap ako sa kanya at sumubo ng sumubo. Kita ko yung inis nya. Ginaya ko din yung sarap-na-sarap expression nila Felix at Keifer dati. Isang subject nalang kasi bago mag-lunch. Pero kahit naman lunch time na hindi pa rin sila makakain. "Hhh... Sarap diba?" Tanung ko kila David at Ci-N. Nag-nod lang si David pero si Ci-N ngumiti at pumalakpak. "Hindi masarap, pero pwede na pang-tawid gutom. Hahahaha." Wag ko kayang bigyan tong bata na to? Hindi marunong sumakay. "Yuri... Bakit ba hindi kana nagdadala ng pagkain?" Tanung nung isang classmate namin. "Tss. Nahuli ako ni Tanda." Sagot ni Yuri. Haha.. Kaya pala. *Kkkrrrriiiiiiiiiinnnnnnggggggg!!!! Lunch na! Hahaha... Parang ang sarap mang-inis ngayon. "Sa dati'ng tambayan ulit tayo Jay?" Tanung ni Ci-N. Ngumiti ako sa kanya. "Hindi... Dito lang tayo." "H-ha? Sure ka?" Tumango ako ng may malapad na ngiti. Halatang hindi nage-gets ni David ang pinag-uusapan namin. Inabot ko yung baon ni Ci-N pero hindi ko sya pinaalis sa tabi ko. Kinuha ko rin yung baon ko. Alam kong wala'ng baon si David kaya hahatian ko nalang sya. "Hati nalang tayo..." Sabi ko kay David. "S-sige." Nahihiyang sagot nya sakin. Lumingon ako sa likod at kita'ng kita ko yung pananakam nilang lahat. Isama pang may naglalaway sa kanila na parang aso. Binigay ko kay David yung kalahati ng baon ko. Umobo muna ko para ayusin ang boses ko. Pagsubo ko. "kkk!! Tsarap tsarap!" Parang bata kong reaksyon. "Arrgghh.. Gusto ko din nun!" "Bakit? Bakit kailangan mangyari satin to?" "Sa labas nga kayo kumain!" "Mamigay kayo! Utang na loob!" "Hindi!" Iba't ibang reaksyon nila. Tinuloy ko lang ang pagkain ko at gusto ko mang maawa sa kanila, hindi pa rin sila kaawa-awa. Hahahaha. Bad mo Jay! "Sarap talaga! Diba? Diba?" Tanung ko sa dalawang busi'ng busy sa pagkain. Tumango lang ulit si David pero buong galak na humarap sakin si Ci-N. "Matabang, pero pwede na." Talaga'ng hindi ko na bibigyan ang bata'ng to. -_ "AARGGHH!" Biglang sigaw nung isang classmate namin. Lumapit sya samin at bigla nalang lumuhod sa harap ko. "Nagmamaka-awa ako! Bigyan nyo na ko!" Sambit nito habang hinihila ang manggas ko. "Hala ka!" Pati ibang classmate namin lumapit narin at lumuhod. Napaka-tindi! Ayan medyo naawa na ko sa kanila pero kailangan ko ring gumanti sa pinag gagawa nila sakin dati. Pasensya na! "Wala na eh... Ubos ko na." Sabi ko habang pinapakita ang laman ng baunan ko. "Ang sama mo!" Sigaw nung isa nami'ng classmate at maluha-luha'ng umalis sa harapan namin. Dahil sa pagkain... Naaning! Pagkatapos kumain bigla nalang ako nakaramdam ng tawag ng kalikasan. Yung no.1, naiihi lang. Binilin ko muna yung bag ko kila Ci-N at lumabas ng room. Mabilis akong nagtungo sa CR. Mabilis din ang naging kilos ko, mahirap na baka pumasok na naman si Freya sa CR na to. Pagbalik sa room..... Wala ang buong Section E. Wala rin ang bag ko sa upuan ko. Lah! Asan yun?! Tinignan ko pa sa ilalim na table ko pero wala. Asan na yun? Naisipan kong hanapin ang mga Section E. Baka kasi sila may kagagawan kung bakit nawawala yung bag ko. Hindi naman ako nahirapan dahil nagkukumpulan sila sa harap ng flag pole. Mga nakalagay sa kaliwang dibdib yung kanang kamay nila. Flag Ceremony ba ngayon? Anak ng tokwa! Webes ngayon! Walang Flag Ceremony! Agad kong tinignan yung tuktok ng flag pole. Parang watawat na umuugoy yung bag ko sa tuktok. Mga Animal! Agad akong lumapit sa kanila. "Mga Sira-ulo! Ibaba nyo nga yung bag ko!" Galit na utos ko sa kanila. "Tsk! Wag kang bastos. Nagbibigay pugay kami sa watawat." Sagot ng isa naming classmate. Tung'nu! "Gago! Anung watawat?!" Sabay sabay nila kong tinignan at sumenyas ng quite sakin bago muling bumalik sa ginagawa. Ay tanginik! Nakita ko si Ci-N na naka-salute naman habang nakatingala sa bag ko. Isa pa to! Nakisama pa sa kalokohan nila! Lumapit ako sa kanya at kinurot sya. "Aray..." Mahinang reklamo nya. "Umaano yung bag ko dyan?" "Ginalit mo sila. Kaya ginantihan ka." Sa sobrang inis napahilamos nalang ako ng walang tubig. Abnormal talaga mga kaklase ko! Dahil sa gutom nabaliw na! Naku naman! Kailangan nilang ibaba yun, kasi.... "Matutunaw yung chocolate!" Pagkasabi ko nun, awtomatikong nagpabalik-balik ang tingin nila sakin at sa bag ko. "Bakit hindi mo sinabi agad?" Hinayang na sabi ng isa sa kanila. Bigla nalang sila nagka-gulo. Nag-unahan sa pagkalas ng tali sa flag pole para maibaba yung bag ko. "Ako na!" "Ako na! Ako na!" "Ako na sabi!" "Tumabi kayo dyan!" Para silang mga bata na nag-aagawan. Pero hindi nila pwedeng makuha yun. Akin kaya yun! "Ci... Wag mong hintayin na lumapag yung bag ko sa kanila----Hoy! Teka!" Hindi ko na natapos yung binubulong ko. Mabilis na nawala ang Ci-N. "Tabi! Tabi!" Sigaw nya habang nakikipag-siksikan. Magaling! Makakadaan ka talaga nyn. Nang-mahalata ng mokong na hindi talaga sya makakadaan, lumayo sya ng bahagya at bigla nalang---wooaaahhh! Napaka-galing ng bata toh! Sinampahan nya yung mga nasa unahan para maka-angat sa kanila at bigla nalang tumalon para makuha yung pababa kong bag. Martial Arts! "Jay! Nakuha ko na!" Sigaw nya habang palapit sakin. Pero halip na salubungin ko sya tumakbo ako palayo. Nakasunod kasi yung mga Section E at masama ang tingin nila sa bag ko. Mali yata'ng sinabi ko na may chocolate sa bag ko. "Bilisan mo Ci!" Sigaw ko habang tumatakbo. "Andyan na sila!" Sigaw nya at nauna pa saki'ng tumakbo. Nakarating kami sa malaking building ng school. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang mga istudyante. "Hoy! Pahingi kami!" "Bumalik kayo dito!" "Mamigay kayo!" Sigaw nila habang patuloy sa paghabol samin. Nakasalubong pa namin si Sir Alvin. Pati ibang teacher, napapatigil at napapatabi sa pader. "Section E! You're not allowed here!" Sigaw nung isang teacher. Pero walang pumansin sa kanya dahil patuloy pa rin kami sa pagtakbo. Nakarating kami ng second floor. Sarado na yung mga room. Class on session na kasi. Tama! "Ci! Dito!" Sigaw ko at binilisan ang takbo papasok sa isa sa mga room. Pagpasok sinara ko agad yung pinto at pinakinggan kung malapit na sila. "Jay..." Tawag sakin ni Ci-N habang kinakalabit ako. Tinabig ko lang yung kamay nya at pinakinggan ulit yung mga ulupong. "Jay..." Tawag ulit sakin ni Ci-N pero hindi ko sya pinansin. "Asan?" "Sa taas!" "Balisan nyo." Mukang nagpunta sila ng third floor. "Jay..." Tawag ulit ni Ci-N. Medyo naiirita na ko sa ginagawa nya. Hinarap ko sya na salubong ang kilay pero nawala yun ng ma-realize ko kung bakit nya ko tinatawag. Sana pala hindi nalang kami dito pumasok. Akala ko kasi kung kaninong klase ang mapupuntahan namin. Lagot na! 

 

 

Chapter 25 Revenge 2.0 Jay-jay's POV

 

 "Wala ba kayong klase?!" Tanung samin ng teacher. Hindi kami makasagot ni Ci-N. Kanina pa kasi tumunog yung bell. Ibig sabihin kanina pa nag-start klase namin. Haay.. Lagot na talaga! "They ditch their class." Mayabang na sabi ni Freya. Tinignan ko sya ng masama. Kala mo kasi kung sino. Coloring book naman ang muka. Kung saan kami napunta? Sa Section A lang naman. Masama na ang tingin samin nung iba. Isama pa yung tingin nung teacher nila. Asar naman! Bubuka pa lang sana yung bibig ko para magsalita pero narinig ko na yung mga boses ng mga Section E sa labas ng room. "Baka pumasok sa mga room." "Tignan nyo! Dali!" "Jay... Sa bintana." Bulong sakin ni Ci-N. Tinignan ko yung bintana malapit sa white board nila. Sliding window yun at bukas na bukas. Tumango ako kay Ci-N, sign na payag ako'ng doon dumaan. "Bumalik na kayo sa klase nyo." Sabi ng teacher samin. Bigla'ng tumakbo si Ci-N papunta sa bintana. Dire-diretso sya'ng tumalon pababa. Nagulat pa yung ibang Section A, kaya napasilip din sila sa bintana. "Ay!... Anu bang bata ito?!" Sigaw nung teacher. Tatakbo na rin sana ako para sumunod kay Ci-N. Wala na kong paki kahit nasa second floor kami. Pero bigla nalang ako'ng hinawakan ni Kiko sa braso. "Tatalon ka rin?! Delikado yang gagawin mo!" May halong pag-aalala sa boses nya. Ayyieehh... Concern. "Mas delikado kapag naabutan nila ko!" Sabi ko at tinabig ang kamay nya. Mabilis akong tumakbo at tumalon din sa bintana. Kayalang sana pala tinignan ko muna kung gano kataas. Huli na para mag-sisi ako. Bumagsak ako sa damuhan pero ang sakit pa rin ng binti ko dahila sa taas ng pinanggalingan ko. "Aarghhh..." Sigaw ko habang hinihimas ang binti ko. "Maya mo na indahin yan! Tara na!" Sigaw ni Ci-N habang pilit ako'ng hinahatak. Kahit masakit at nahihirapan. Tumayo na rin ako at pilit tumakbo. Sa likod ng gymnasium kami pumunta at kung suswertihin ka nga naman. Andito yung tatlo'ng Animal na nanikmura sakin. Kaya pala hindi ko sila makita. Dito pala ang tambayan nila. Humanda kayo sakin! "Ci.. Bumalik kana sa room." Utos ko. "Ha? Bakit?" Kinuha ko yung bag ko sa kanya. "Ako nalang papahabol at umalis kana." "Pero Jay..." "Sundin mo nalang ako." Ma-otoridad na utos ko. Lumakad paalis si Ci-N na may halong pagtataka. Ayoko lang kasi syang madamay pa. Away ko to! Lumapit ako sa tatlo na bisi'ng busy sa paninigarilyo. "Umaaano ka di----" hindi ko na pinatapos yung sasabihin nya. Malakas na suntok ang ibinigay ko. Masakit sa kamao at nakakapanginig pero sulit naman. Dumudugo na yung labi nya. Tinignan ako ng masama nung dalawa. "Gago ka! Si----" Sinipa ko naman yung isa sa muka. Bumagsak sya at kasunod non ang pagdurugo ng ilong nya habang namamalipit sa sakit. Isa nalang... Nakipagtitigan muna sya sakin. Ngumisi pa sya bago itapon yung sigarilyo'ng hawak nya. Ngisi lang! Tignan ko kung magawa mo pa yan mamaya. "Lakas ng loob mo ah! Sino ka ba?!" Galit na sambit nya. "May mensahe ako! Para kay Freya!" Napahinto sya sa sinabi ko. Ganun din ang mga kasama nya'ng naka-sadlak pa rin sa lupa. Sa itsura nila, muka'ng nakilala na nila ko. Pinilit tumayo nung dalawa at bahagya'ng lumapit sa kasama nila. "Maipapadala nyo ba?" Nagtinginan muna sila. Para silang nag-uusap sa mga tingin na binibitawan nila at pagkatapos nun bigla nalang sumugod yung isa. Susuntukin nya ko pero nakaiwas ako kaya agad ko syang sinipa sa tuhod dahilan para bumagsak na naman sya. "Aaarrggghhhh... Shit!" Sumunod yung isa'ng dumudugo ang ilong. Hindi ko na sya hinintay, agad ko syang sinuntok sa panga. "Ugh!" Masakit pero sulit. Para syang nahilo pagbagsak nya. Hinarap ko ulit yung isa. Yung lalaki'ng walang tigil sa paninikmura sakin. "Ikaw nalang..." Hindi ko na rin sya hinintay sumagot. Sumugod agad ako ng suntok pero nakaiwas sya kaya sinundan ko agad ng isa pa. Sapul! Pagbagsak nya tinandyakan ko agad sya sa sikmura. Hindi ko sya tinigilan mas higit pa sa ginawa nya sakin. Halos sumuka na sya pero tuloy pa rin ako. "Kala ko matapang ka?!" Sambit ko at tuloy pa rin sa pag-sipa. "Sabihin mo... Kay Freya... Mali sya... Ng kinalaban!" Dagdag ko sa pagitan ng mga sipa at tadyak ko sa kanya. Tumigil ako sandali dahil nakakapagod din at sumasakit na rin yung binti at paa ko. Huminga ko ng malalim at babalik na sana sa ginagawa ko ng may bigla nalang humampas sa batok ko. "Uggghhh!" Agad akong bumagsak. Napahawak ako sa parte ng batok ko na tinamaan. Nagdi-dilim ang paningin ko dahil sa pagkahilo. Mabigat sa pakiramdam, parang kaunting pagkakamali ko lang at mawawalan na ko ng malay. Asar! Wag kang pipikit Jay! Pinilit kong tignan yung may gawa nun. Yung isa sa tatlo, yung sinipa ko sa tuhod. "Kala mo basta basta kami papatalo sayo! Sayo pa na isang babae!" Sigaw nya sakin habang dinuduro ako ng kahoy na ginamit nya. Akma'ng hahampasin nya ulit ako ng may humawak sa pulso nya. Kahit nahihilo ako, kita'ng kita ko kung sino sya. Keifer. Hindi sya nagsasalita pero bakas ang galit sa mga mata nya. Humigpit ang hawak nya sa pulso nung isa dahilan para mabitawan nito ang kahoy. "Argh! Bitiwan mo ko!" "Sige." Walang gana'ng sagot ni Keifer. Akala ko bibitawan na nya pero pinalipit nya yung braso nung lalaki at dinig na dinig ko ang pagtunog ng buto nito kahit humihiyaw na sa sakit yung isa. "Aaarrggghhhh... T-tama na!" Agad na bumagsak yung lalaki pagbitaw ni Keifer. Umiiyak na rin ito sa sakit. Sunod nyang pinuntahan yung dumudugo ang ilong na nakahiga pa rin sa lupa. Parang nakaramdam ito kaya unti-unti'ng gumapang palayo kay Keifer. "W-wag! Maaawa ka sakin! Napag-utusan l-lang kami!" Pagmamaka awa nya. Pero mukang wala'ng balak pakinggan si Keifer. Palapit pa rin sya sa lalaki at ng huminto ito, malakas na tadyak ang binigay nya sa tuhod nito. "Aaaarrrrggggghhhhhhhh!!!!!!!" Napapikit nalang ako. Alam kong nabalian na sya ng buto dahil sa lakas ng tadyak na yun. Bakit? Bakit ganito si Keifer? Galit ako sa mga lalaki na yon pero ngayon parang awa nalang ang nararamdaman ko sa kanila. Lumapit sya sa pinaka-huli. Naka-lumpasay pa rin ito sa lupa habang galit na nakatitig kay Keifer. "Tumayo ka." Utos ni Keifer. "A-anu---" "Tumayo ka!" Ma-otoridad na utos ulit nya. Kahit hindi naiintindihan nung isa, pinilit pa rin nyang tumayo. "Bibigyan kita ng pagkakataon na labanan ako. Ayoko'ng gawin yung ginawa nyo kay Jay-jay. Obvious naman kasi na hindi patas yun." Paliwanag ni Keifer. Ngumisi lang yung isa. "Anu nama---Aaaggghhhh!!!" Hindi na sya pinatapos ni Keifer sa pagsasalita. Agad nyang itong sinikmuraan. Halos lumuwa na ang mata at dila nito. Babagsak sana ulit yung lalaki pero hindi hinayaan ni Keifer yun. Hinawakan nya sa kwelyo at sunod-sunod na binigyan ng suntok sa sikmura. Tama na! Akala ko ba bibigyan nya ng pagkakataon lumaban. Eh hindi na nya hinayaan makabawi yung isa. Sinuntok ulit nya sa sikmura yung isa at bigla nalang ito'ng sumuka. Yun nga lang sa halip na pagkain o tubig ang isuka nito. Dugo ang lumabas dito at tuluyan nang bumagsak. "Ayos ka lang Jay?" Tanung ni Keifer habang nakatingin sa lalaking pinabagsak nya. Medyo nagulat pa ko sa pagtatanung nya. "A-ayos lang." "Kailangan na nating umalis dito." Pinilit kong tumayo pero ang bigat ng pakiramdam ko at nahihilo pa rin ako. "M-mauna kana... S-susunod nalang ako." Sambit ko habang hunahanap ng maaalalayan. "Tss. Bilisan mo." Tignan mo tong lalaki na to. Hindi yata nakikita'ng nahihirapan ako. Hindi ba nya kayang maging gentleman. Yung mga nababasa ko sa wattpad at libro, tinutulungan nila yung babae pero sya hindi. Post ko kaya sa FB to, sabihan ko'ng 'Ungentleman!'. Tapos 'Kung anung kina-gwapo sya nama'ng kinasama ng ugali'. Kayalang baka ma-bash ako, wag nalang. Saan nga pala galing ang Keifer na to? At bakit sya andito? "You walk like a turtle." Komento nya at mabilis na naglakad palayo sakin. Aba! Kung alamin nya kaya yung kalagayan ko? Nang mawala na ng tuluyan sa paningin ko ang wala'ng hiya tsaka naman nagpakita si Yuri. Lumapit sya sakin. Saan naman galing to? Bakit din sya andito? "Saan ang tama mo?" Wala'ng gana nyang tanung. Hindi na ko nagsalita. Tinuro ko nalang yung batok ko. Akala ko kung anung gagawin nya, bigla nalang syang lumapit sakin at binuhat ako ng pa-bridal style. "Lah! Lah! Ibaba mo ko!" Pagpupumiglas ko. "Aabutin tayo ng syam-syam kung hindi kita bubuhatin." Hindi na ko pumalag, hindi na rin ako nagsalita. Siguro dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Isama pa yung pagod ng katawan at sakit ng kamao ko. "Pwede ba kong manghingi ng pabor sayo?" Biglang tanung ni Yuri. Tumango lang ako at hinintay ang sasabihin nya. "Ikaw ang umako ng mga nangyari sa Section D." Taka ko syang tinignan. Gusto nyang ako ang umako? Bakit? "Kung bakit ang tanung mo... It is because hindi na pwedeng masangkot si Keifer sa gulo." Ahh kaya pala. Sabagay, siguro sa dami ng kinasangkuta'ng gulo ni Keifer dati kaya hindi na sya pwede'ng masangkot ulit. "S-sige. Aakuin ko lahat." Napansin kong ngumiti si Yuri pero agad ding nawala. Bakit parang may iba kay Yuri ngayon? Parang ang bait ng dating nya, malayo sa Yuri'ng lagi kong nakakasungitan. Para kasi syang Keifer Version 2.0, kaya may pagkakataon na naiinis din ako sa kanya. Pero ngayon? Parang iba'ng tao sya...

 

 

Chapter 26 Rain Rain Jay-jay's POV

 

 " 🎶 ..oh ulan bumuhos ka, wag ng tumigil pa. Hatid mo ay bagyo dalangin ito ng puso ko'ng nagliliyab. Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwaaa. Tuwing umuulan at kapiling kaaaa.... 🎶 " Abnormal talaga tong mga Section E. Ang lakas-lakas na nga ng ulan, kanta pa ng kanta. Mali-mali naman ata ang lyrics nila. Hay ewan... Bakit kaya umulan? Umaaraw naman kanina. Tirik na tirik pa nga eh. May sapi din kaya yung panahon? Parang si Keifer na tuwing titignan ko kundi ngingiti, iirap naman. Lakas ng Sapi! Bakit ba ko tumitingin sa kanya? Ewan ba! "Anouncement!" Napatingin kami kay Kit na nasa pinto. "Kanina pa pinauwi yung mga higher Section. Wala na daw klase." Wala man lang nagsabi samin. Samantalang kanina pa kami antay ng antay. "Nakuh! Huli na naman tayo sa balita." "Anu pa nga ba?" "Hindi naman tayo priority kaya ganun." Ganun? Para kaming hindi kabilang sa school na to. Kung kanina pa sila pinauwi, ibig sabihin nakauwi na si Aries. Wala ka'ng masasakyan. Badtrip! Sana naman tinext nya ko. Nagtext pa naman ako sa kanya kanina. Sabagay, baka hindi talaga ako isabay nun. Hindi naman kami masyado'ng nagpapansinan. May Sapi din kasi yun, parang si Keifer. Tutal nabanggit ko na, come to think of it. Magkaka-ugali si Keifer, Yuri at Aries, hindi kaya magkakamag-anak yung tatlo. Ano mo sila Jay? Ay oo nga pala. Ako nga pala ang kamag-anak ni Aries, hindi yung dalawa na yun. "Dyan ka nalang?" Nagising ako mula sa pag-iisip. Si Yuri nakatayo sa pintuan. Mukang isasara na nya kaya dali-dali ako'ng tumayo at tumakbo papunta'ng pinto. "Pasensya na." Sabi ko habang nakangiti. "Tss!" Keifer talaga sya oh! Pati yung Tss kuha nya. Feeling ko magkalahi sila. Hindi muna ko umalis. Hinintay ko muna sya'ng matapos sa pag-sasara ng pinto. I-interviewhin ko lang sya sandali. Matapos yung ginagawa nya sa pinto, na pag-lock lang naman. Humarap sya sakin. "HOO! ANU BA?!" Sigaw nya. Mukang hindi sya aware na nasa likod lang nya ko. Gulat na gulat eh. Hindi ko mapagilang hindi tumawa dahil sa itsura nya. "Hahahahaha.. Sorry." "Umuwi ka na nga!" Nag-umpisa na syang maglakad at nakasunod lang ako. "Yuri! Magkamag-anak ba kayo ni Keifer?" Napahinto sya at tinignan ako. "Hindi. Bakit?" "Magka-ugali kasi kayo. Pareho kayo'ng may sapi." Nagsalubong na agad ang kilay nya. Nainis yata sa sinabi ko. Inayos muna nya yung salamin nya sa mata bago mag-cross arm. "Sapi? Sapi talaga?!" Iritable nyang tanung. Nag-pilit ako ng ngiti sabay peace sign. Hindi ko kasi napigilan bibig ko. Sorry naman. "Sapi pala ah." Sabi nya at bigla nalang sya tumakbo palayo. Pagdating sa dulo ng hallway ng building namin. Tinanggal nya ang mga plywood sa daan. Eto kasi ang problema dito sa building namin. Dahil sa nasa dulo na, puro lupa ang paligid kaya kapag umulan putik-putik. Pag-lagpas sa bakante'ng room sa tabi ng CR na lagi kong pinupuntahan, lupa na ang madadaanan. Hindi kagaya ng daan hangang CR, sementado na kaya hindi hassle sa mga studyante. Mautak naman ang mga Section E. Nilagyan nila ng plywood o mga tagpi'ng kahoy yung daan papunta CR para hindi sila maputikan. Kayalang tinatanggal na ng wala'ng hiya'ng Yuri yung mga kahoy at plywood. Sapi talaga! Abnormal? "Hoy! Aba! Panu ko dadaan?!" Sigaw ko habang nasa dulo ng hallway ng building namin. "Lumangoy ka!" Sagot ni Yuri na nasa sementong bahagi na ng daanan. Eto masama nito! Wala ako'ng payong, putik-putik ang daan. Lumalakas na naman ang ulan at wala na ata'ng tao sa school. Tinanggal ni Yuri ang salamin nya at nilagay sa bulsa ng polo nya na nasa tapat ng kaliwa'ng dibdib. Kinuha na din nya yung payong sa bag nya. Lumakas na talaga yung ulan. Kamaway pa sakin ang Yuri bago tuluya'ng umalis. Kaasar! Kesa maiwan ako mag-isa dito. No choice! Ako nalang maglalaba ng uniform ko para hindi nakakahiya.

 

 Yuri's POV

 

 Sapi?! Sapi pa talaga yung ginamit nya'ng term obvious naman ang ibig sabihin. Kay Keifer pa talaga nya ko kinumpara. Pwede ba? Nakakasawa na! Lagi nalang ako nakukumpara sa kanya. May sarili ako'ng buhay at pagkatao kaya ayoko ng nakukumpara sa kanya. "Aaaarrggghhhh!!!...." Someone shout. Napalingon ako kung saan galing yun. It turns out to be Jay-jay at nasa ulanan sya. What the.... Mukang nahihirapan din syang maka-alis sa putikan. Tinanggal ko kasi yung mga kahoy at plywood na ginawa nami'ng tulay para hindi kami maputikan. I actually expected her to apologize and ask for help. Tinalikuran ko sya. Wala na kong balak tulungan sya ngayon. Nasa putikan na sya at wala akong planong putikan ang puting uniform ko. "Jusme! Kumunoy! Kumunoy!" She shout again. Wag mo sya'ng pansinin. "Yung sapatos ko!" Don't mind her! "Argh! Kinakain ako ng putik!" Keep walking! "Narda'ng Putik!" Who's Narda? It's Nardo! "Putik! Ka-putik putikan!" Argh! Act like you don't hear anything! "Shutang'names!" Haaaayyyyy..... Kusogaki (unpleasant brat) Kaagad ko syang hinarap na naman. I walk as fast as i can para makalapit sa kanya. She look so.....gross? Puro putik na kasi yung legs nya meron na ring talsik yun uniform nya. And her shoes? Seriously I can't recognize them anymore. "Bakit bumalik ka?!" "Because you look like a fool." "Nakonsyensya ka lang kamo." Tinignan ko lang sya ng masama. "Urusai!" (Shut Up) "Huh?!" Oh i forgot! Hindi nga pala sya nakaka-intindi ng Japanese. Lumapit ako sa kanya at akmang tutulungan sya kayalang may hawak akong payong. Nakalubog na kasi sya sa putik at obvious na hindi makaalis. Kaylangan ko syang hatakin. "Okay... Uh hold this umbrella first." Inabot ko sa kanya yung payong. Kinuha naman nya at pinayungan ako. Wala na kasi'ng saysay kung magpayong pa sya, basa'ng basa na buong katawan nya. Ewan ko lang sa bag nya. That's another one. Kung basa na sya panu ko sya hahawakan. Oh shit! Bahala na nga. Pinili ko nama'ng tulungan sya kaya dapat akong mag-tiis. Ngayon lang to! Ngayon lang! Ilalagay ko yung dalawang braso ko sa magkabilang kili-kili nya ng bigla sya mag-react. "Wuy! Anung gagawin mo?" "Tsk. Pipilitin kita'ng buhatin." "Ok." "Baka." (Idiot) Bigla syang luminga-linga. "Asan ang baka?" Pfftt. She's clueless that i'm insulting her. "Wala." Nilagay ko na yung dalawang braso ko sa magkabilang kili-kili nya. "On the count of three." She nodded. "One. Two. Three!" I'm still pulling her up ng bigla nalang ako madulas at pareho kaming bumagsak. Pareho kaming nataranta at bigla syang sumigaw. "Hala! Babagsak tayo!" ....sa putikan. SA PUTIKAN! OH FVCK! "Oh c'mon!" I shout in disbelief. Wala akong paki kung masakit, pero putik eh. Sa putik talaga, sa nakakadiring putik where all the dirt could possibly be. "Nasaktan ka ba?" Jay ask. "Hindi, but we need to stand up. Nakakadiri na kasi." Sinubukan nyang tumayo at kung mamalasin ka nga naman. Muli na naman sya nadulas at ang bagsak ng katawan nya....sa lower body ko. "Uuugggghhhh!" I shout. She accidentally hit my.... My.... My.... Basta yung sa baba! Nayanig ang buo kong katawan. Feeling ko basag na basag. "S-sorry... H-hindi ko sadya." Huminga muna ko ng malalim. "J-just... J-just don't move." Halos walang lumalabas na boses sakin. I curse you! I am cursing you from the top of my lungs. Pinilit kong bumangon. Sa totoo lang nandidiri na ko sa sarili ko dahil sa putik na nakabalot sakin. Kayalang mas dapat kong intindihin yung nabasag sakin. Alam kong hindi ako makakatayo kaya naupo muna ko. Hinihintay ko rin mawala yung sakit ng ano ko. "Hindi ko talaga sadya..." "It doesn't matter. Nangyari na." Napatingala nalang ako ng bumuhos na naman ang malakas na ulan. Anu bang nangyayari sa panahon? Umaaraw naman kanina. Hay... Basa na ko, may putik sa katawan at nabasag pa ata yung anu ko. Malas tong babae na to! Tinignan ko sya na nakaupo rin sa tabi ko. "Wala ka pa bang balak tumayo?" Nagpilit sya ng ngiti at nagkamot ng ulo. "Baka kasi madulas ulit ako." Unbelievable! Sinubukan kong tumayo ng masiguro kong hindi na ganong masakit. Sumunod naman si Jay. Kinuha ko muna yung payong ko. Dahan-dahana akong naglakad paalis sa putikan. "Bakit ganyan ka maglakad?" Tanung ni Jay. Ikaw kaya tamaan sa ano... "You'll never understand." I-ika-ika kasi ang lakad ko. Ayokong pilitin baka masaktan pa lalo, kawawa naman ang mga anak ko kapag nagkataon. Dahil basa na ko, tinupi ko nalang yung payong ko. Para akong naligo sa putik pati bag ko meron din. Pinili ko nalang iwan yung malas na babae na yon. Wala na ko'ng paki-alam kung lumubog na naman sya sa putik. Bahala sya. Tuloy lang ako sa paglalakad. Wala na ring tao sa school bukod sa utility at guard. "Uuwi kana nyan?" Someone speak. Nagulat ko sa nagsalita kaya kahit nakakahiya medyo napa-iktad ako. "Woah! Anu ba?!" Nagsimula na naman syang tumawa ng malakas. "Magugulatin ka ba? Pangalawa na yan." Inirapan ko nalang sya. Bakit ba nakasunod sakin tong babae na to? Hindi ba sya makakauwi mag-isa? Nasa parking na ko ng magpa-alam si Jay sakin. Hindi ko nalang sya pinansin. Ayoko sanang gamitin yung kotse ko. Malalagyan lang ng putik yung loob. But i have no choice. Kesa maglakad ako baka abutin ako ng hating-gabi. At nakakahiya din kung makita ako ng mga tao na ganito. Mabilis kong pinaandar ang kotse paalis ng school. Gusto ko ng umuwi para maligo. Hindi pa ko nakakalayo sa school ng mapahinto ako. BAHA! Really?! Kaylangan kong umiba ng daan. Mapapalayo ang ruta ko. Malas talaga yung babae na yun... I'm about to u-turn but i stop. Nakita ko si Jay-jay na lumulusong sa baha. This girl is crazy! Binusinahan ko sya, kayalang sa lakas ng ulan hindi nya marinig. I fvcking hate this. Last time na tinulungan ko sya napahamak ako. Tapos eto na naman. Don't help her!

 

 

Chapter 27 Japan-Japan Yuri's POV

 

 "Saan ba bahay nyo? Hindi ba nakakahiya sa magulang mo? Baka magalit sila? Ibaba mo nalang kaya ako dyan, papasundo nalang ako. Blah.. blah.. blah.." Nakaka-irita! Naiinis na ko sa bunganga ng babae na to. Sana pala talaga hinayaan ko nalang sya'ng lumangoy sa baha. Hindi ako makapaniwala na lumusong ako sa baha para lang pasakayin sya sa kotse ko. Then parang armalite yung bibig nya sa pagdaldal. She's like the female version of Ci-N. Wala'ng pwedeng daanan papunta sa kanila kaya kahit ayoko iuuwi ko muna sya. We try to find another route pero baha pa rin. "Yuri! Panu mo nga pala nalaman bahay namin?" I went there before.. Hindi na kasi ako nagtanong sa kanya. Basta nalang ako nagmaneho, siguro napansin nya na papunta yon sa kanila. "Yung village lang alam ko. Sabi sakin ni Ci-N." I answer boringly. She just gave me short-ahh reaction. Andito na kami sa building namin kung saan ako nakatira. An 80 story building that my family own.

 

 Jay-jay's POV

 

 Nakatingin lang ako sa malaking building sa harap. Sobrang laki! Bigla nalang dumiretso yung kotseng sinasakyan namin sa basement nung malaking building. "Uy! Aanu tayo dito? Kala ko dun tayo sa bahay nyo?" Natataranta kong tanung. "I live here." Bored nyang sagot. Ha? Hindi naman bahay to eh! Building to men. Huminto yung kotse ni Yuri sa tabi ng nagagandaha'ng kotse. Grabe! Taob yung kotse ni Yuri. Ferrari ata tong katabi ng kotse nya. "Anu? Dyan ka nalang?" Tanung nya. Nakababa na pala sya ng kotse. Sumunod naman ako agad. Ayokong maiwan sa basement. Naglakad na si Yuri matapos i-lock ang kotse nya. Sunod lang ulit ako habang linga ng linga sa paligid. Ang dilim kasi, pero ang daming magaganda'ng kotse. Pagpasok sa elevator hindi ko mapigilang hindi magtanong. Kasi naman nakaka-curious yung lugar. "Uh.. Yuri, buong building na to ba yung bahay nyo?" "Tsk! Baka! (Idiot!) Malamang hindi!" Tinignan ko sya ng masama. Kailangan kasi sumisigaw talaga? "Hindi mo kailanga'ng sumigaw! Tsaka anu ba yang baka na yan?! Wala namang baka dito!" Sigaw ko at biglang irap sa kanya. Mula sa repleksyon sa pinto ng elevator, nakita kong ngumiti si Yuri at umiling-iling. Ang sarap pagmasdan ng ngiti ni Yuri. Medyo nakakahawa rin. Bigla din akong napatingin sa mata nya sa repleksyon na kasalukuyang nakatingin sa itaas na part ng elevator. Wala syang suot na salamin. Hanamitchi! Hapon nga pala ang ulupong na to. Medyo singkit kasi ang mata nya pero malulam ang bandang ilalim. Ang kinis din ng muka nya, alagang papaya lang ang peg. Dinaig ang kutis ko. Napatigil ako sa pagtitig sa kanya ng biglang tumunog ang bell ng elevator. Indication na magbubukas na ang pinto. Pagbukas ng pinto... Japan?! Hala! Nabaliw na ata ako nung nabasa ng ulan. Diretsong Japan ba ang byahe ng elevator na to?! Para kasi kaming nasa sinaunang bahay sa Japan. Kinusot ko yung mata ko baka namamalik-mata lang ako. Sliding door pa ang gamit, kahoy ang sahig, isama pa yung mga babaeng naka-kimono na sumalubong samin. Hala ka! Lumabas si Yuri ng elevator kaya sumunod ako. Nakatago ako sa likod nya. Para akong nasa ibang mundo. "Okaerinasai Young Master!" Sabay sabay na bati ng nga babae. Mga sampu siguro sila at lahat nakayuko. Nakapatong din sa mga tyan nila yung mga kamay nila. Para'ng royalty sa Japan tong binabati nila. TEKA! Young Master?! Napatingin ako kay Yuri na kasalukuyang inaabot ang bag at payong sa isang babae. "Madam.. Pakihubad po ang sapatos nyo." bulong nung isang babae sakin. Medyo nagulat pa ko pero hindi ako makakilos. Nakakahiya kasi. Puro putik pa man din ako. Anu ba to?! Marunong silang magtagalog. "H-hindi na... Uuwi na rin kasi ako." Sagot ko sabay turo sa elevator. Pero bago pa ko makahakbang hinawakan na ni Yuri ang braso ko. "Paki-hubad ang sapatos nya at kunin nyo ang gamit nya." Utos ni Yuri sa mga babae. Bigla nalang sila lumapit sakin, yung iba pilit hinubad ang sapatos ko at yung iba kinuha yung bag ko. "Yuri.. Anu ba to? Panu tayo napunta dito?" Bulong ko sa kanya. Medyo kinakabahan ako. Ewan ba, ang weird sa pakiramdam. Ganto ata talaga kapag bago lahat sa paligid mo. Pati kasi atmosphere, Japan na Japan. "Nasa rooftop ng building ang pinaka-bahay namin. Bawal din ang nakasapatos sa loob, baka magalit si Tanda." Paliwanag nya. Ahh, kala ko naman dumiretso na ng Japan yung elevator. Matapos kunin nung mga babae yung gamit at sapatos ko. Hinatak ako ni Yuri. Dun ko lang napansin na may isa pang baitang bago makatuntong sa loob ng bahay. Japan na Japan talaga! Ang daming hallway. Puro kwarto din at halos lahat sliding door. Liko dito, kanan doon. Narating pa namin yung garden sa gitna ng bahay. Iilang piraso lang naman ng puno na maliit. Napahinto si Yuri ng salubungin sya ng isang matandang babae. May salamin sa mata at naka-kimono din kapareho ng mga babae kanina. "Young Master, hinahanap po kayo ng lolo nyo." Sabi nung matanda habang nakayuko. "Tsk! Umuwi na kamo sya ng Japan!" Sigaw ni Yuri dun sa matandang babae. Bastos tong bata na to! Agad ko syang binatukan. Nagulat pa yung matandang babae sa ginawa ko. Si Yuri naman pinapatay na ko sa titig. "Bastos ka! Gumalang ka sa nakakatanda!" Sigaw ko sa kanya. "Kailanga'ng namamatok?!" Sigaw nya sakin. Hinarap nya ulit yung matanda. "Maliligo lang ako. Wag nyo sasabihin na may kasama ako." Hinatak na naman ako ni Yuri. "Kaunti nalang matatanggal na yung braso ko." Reklamo ko. "Tss." Ay oh! Yuri o Keifer?! Kuha'ng kuha talaga. Magkadugtong ata dila nila, kaya pati yun kuha! Lumiko ulit kami sa isang hallway pero hagdan na yung bumungad sakin. As usual, hatak hatak na naman ako ng wala'ng hiya. "Dahan-dahan! Masusubsob ako!" Sigaw ko. "Lower your voice! Marinig ka ni Tanda!" Balik nyang sigaw sakin. Lower your voice?! Sya rin kaya sumisigaw. Panibagong hallway na naman pag-akyat sa second floor. Pero huminto na kami sa unang sliding door. Binuksan ni Yuri yung pinto at pilit akong tinulak sa loob. Nawala na yung Japan theme. Karaniwang kwarto nalang yung nakikita ko ngayon. Kahoy pa rin yung sahig. May King size bed, Study table, book self, desktop computer, electric guitar at marami pang anik anik. Kulay brown at coffee brown yung motif ng kwarto nya. Nagmuka tuloy wooden. May malaking kurtina na abot hangang sahig din sa gilid na sa palagay ko ay malaking bintana Kung meron mang natitirang Japan theme yung walk in closet nalang siguro ni Yuri kung nasan sya ngayon. Sliding door din kasi. Katabi ng walk in closet nya yung pinto ng CR. Kulay brown din, kung hindi lang siguro nakabukas yung pinto hindi mapapansing banyo yun. Lumabas si Yuri mula sa walk in closet nya. Binato nya sakin yung towel. "Bilisan mong maligo." Sabi nya at lumabas na ng kwarto. Sa totoo lang nahihiya ako. Parang gusto ko ng umuwi. Nakakailang kasi, hindi ko naman alam na ganto kalaki yung bahay nila. Tapos Japan-japan lang. Ang lagkit na ng pakiramdam ko. Baka magkasakit din ako nito. Kaya kahit labag sa kalooban ko pumasok na ko sa CR para maligo. Ang laki! Bathroom ba ito? Parang panibagong kwarto lang. Dumiretso ako sa shower. Ang daming liquid soap. Anung gagamitin ko dito? Baka magalit si Yuri kung gagamitin ko to? Kayalang eto lang sabon dito. Bahala na nga! Pinili ko yung kulay pink na bote. Sakura ang nakalagay sa label. Ang bango! Pagkatapos mag-shower dun ko lang na-realize. Wala pa lang binigay na damit sakin ang hinayupak. Panu to? Alangan nama'ng magpa-gala gala ako dito sa kwarto nya ng naka-tapis lang. Lumabas sya kanina, hindi ko sure kung bumalik na. Lumapit ako sa pinto at bahagyang binuksan. "Yuri..." Tawag ko. Walang sumagot. "Yuri..." Tawag ko ulit. Wala na namang sumasagot. Okay.. Coast is clear! Lakas loob ako'ng lumabas ng banyo. "AY PALAKA!" Sigaw ko. May dalawa kasing babae'ng naka-kimono samay pinto. Lumapit sakin yung isa at inaalok sakin yung hawak na damit. "Eto lang po ang meron kami. Wala po kasi kaming pwedeng ibang ipahiram sa inyo." Sabi nung babae kabang nakayuko. Kinuha ko yung damit. "Okay lang.. Thank you." "Kukunin na rin po namin yung maruming damit nyo." Sabi nung isa at tuloy-tuloy na pumasok sa banyo. Hindi na ko nakapag-salita. Tuloy-tuloy na sila eh. Tapos umalis na rin agad. Bumalik ako sa banyo para magbihis. Long sleeve at pajama'ng kulay grey yung binigay nila sakin. Malaki sakin pero okay na to kesa wala. Hiphop! Lumabas na ulit ako. Wala pa rin ang Yuri, kaya naglibot at nangalikot na ko sa kwarto nya. Una kong nilapitan ang napaka-laking kurtina'ng nagpapadilim sa kwarto nya. Hawi dito, hawi doon. Laki-laki kasi tapos ang kapal-kapal pa. Hangang sa nakita ko yung nasa likod ng kurtina. Meron syang napaka-lawak na balcony. Kahoy din ang sahig at glass sliding door ang naghihiwalay dito at sa kwarto nya. Lakas ng ulan! Mukang hindi pa rin ako makaka-uwi. 4pm pa lang pero muka ng 6pm dahil sa dilim ng langit. "Do you like the view?" May bumulong sa tenga ko. Takte! Hindi ako makagalaw. Ang lamig kasi nung hininga nung bumulong sakin. Nangilabot talaga ko ng husto. Multo. Bigla nalang hinawakan nung bumulong sakin yung kurtina at isinara. Kaya hinarap ko na sya. Ppfftt.. Yuri! Nakabihis na rin sya ng kagaya sakin. Long sleeve at pajama. Teka! Napatingin ako sa suot ko at suot nya. Kanya ata tong suot ko. Wew! Kaya pala ang laki. 

 

 

Chapter 28 Tanda Yuri's POV

 

 "Ang yaman nyo pala.. Buong building sa inyo. Sino naman nagpatayo ng bahay na to dito sa rooftop?" Tanung ni Jay-jay. "Si Tanda, gusto daw nyang maramdaman na hindi sya malayo sa home town nya kaya pinatayo nya to." Sagot ko. "Ahh, Nasan pala ang parents mo?" Tanung nya ulit. "Nasa Japan, inaasikaso yung business namin don." Sagot ko. "Bakit hindi kita naririnig na mag-Japanese kung Hapon ka naman pala?" "Nasa Pinas ako kaya hindi naman kailangan na all the time mag Japanese ako." "Natural ba yang kulay ng buhok mo?" "Hindi." "Ginagaya mo si Sakuragi ng Slamdank?" "Parang." "Kamag-anak mo ba sya? Pareho kayong Hanamitchi." "Hindi naman tao si Sakuragi." "Ay oo nga pala. Eh blah.. blah.. blah.." Kanina pa sya ganyan. Tanung dito, tanung doon. Sinasagot ko nalang para hindi sya ma-bored. Baka kasi maisipan pa nyang lumabas at mahuli sya ni Tanda. Sermon ang aabutin ko dun. Baka isipin na girlfriend ko tong babae na to. Ang alam ko bumalik sya ng Japan pero, bakit andito pa rin sya sa pinas? Kala ko solo ko na yung bahay. "Marunong ka gumawa ng sushi?" Tanung na naman nya. Bakit ba ang daldal nitong babae na to? Nakakarindi nga talaga sya. "Hin---" Napahinto ako. Late ko na kasi napansin na nakatitig pala sya sakin habang nakangiti. Nakadapa sya sa kama ko at nakapatong ang baba sa dalawang kamay nya. Napaiwas ako ng tingin at kuwaring may inayos sa study table ko, kung saan ako nakapwesto. Bakit ganito? Bigla nalang ako nakaramdam ng hiya. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Hindi naman ako ganito kanina. "Alam mo.. Binabawi ko na yung sinabi ko, magka-iba pala kayo ni Keifer." "What do you mean?" Tanung ko ng hindi pa rin tumitingin sa kanya. "Madali ka lapitan at kausapin." Sagot nya. Shit! I let my guard down. Mabilis akong naging kompartable at nalibang. Nakilala na ko ng babae'ng to agad. Yeah... She's right. Hindi naman talaga kami pareho ni Keifer. Hindi naman ako stubborn or hot headed na kagaya nya. I'm approachable and friendly, but that was all before. Before Ella hurt me. Hindi nya ko nagustuhan ng dahil sa kung sino ako. Kaya binago ko ang sarili ko hoping that she'll notice me. She never did and never will. Bakit ba mas gusto ng mga babae ang bad boy? Kagaya ni Keifer..... ...At Aries. "Mas gusto ko yung ganyan sayo." Jay-jay said. I don't know why, but those words gave a huge impact to me. Posible bang..... Nilingon ko si Jay-jay na kasalukuyang pagulong gulong sa kama ko. I'm about to open my mouth to speak but someone knock on my door. "Pasok!" Pumasok si Auntie, Mayordoma namin. "Young Master, pinapatawag po kayo ng Lolo nyo." Tumayo na ko para sana puntahan si Tanda pero may sinabi pa si Auntie na nagpahinto sakin. "Isama nyo daw po ang kaibigan nyo." Oh fvck! Lagot na! Hay.. kahit labag sa loob ko, humarap ako kay Jay at sinenyasan syang sumunod sakin. Kung sino mang madaldal ang nagsabi'ng may kasama ako. Yari sya sakin. Dumiretso ko sa tanggapan ni Tanda. Nakasunod pa rin sakin si Jay. Lakad takbo ang ginagawa nya dahil sa bilis kong maglakad. "Bagalan mo naman.." sabi ni Jay. Pero hindi ko sya pinansin. Kailangan ko harapin si Tanda. Nakarating ako sa tanggapan nya. Hinintay ko muna si Jay bago buksan ang pinto. "Pag-harap mo kay Tanda mag-bow ka agad." Bulong ko kay Jay. Tumango lang sya sakin. Binuksan ko yung pinto. Hindi pa man din ako nakakahakbang papasok, may lumipad ng pinsel (brush) papunta sakin. Muntik na ko tamaan. Hinarap ko agad si Tanda dahil sa inis. "Papatayin mo ba ko?!" "Japa'nese!!" Galit na sabi nya. Eto problema sa kanya. Kailangan makaluma lahat ng bagay. Gusto nya'ng Japanese ang gamitin kong language kahit nasa bahay kami. "Ayoko! Nasa pinas ako, i'll use any language that i want!" Sagot ko sa kanya. "Bakero!" Ayan na! Minura na ko! Galit na talaga sya. Nakipag-matigasan ako ng titig sa kanya. "Anu bang problema mo?!" Tanung ko sa kanya. Bubuka pa lang sana ang bibig nya pero inunahan ko na. "Magtagalog ka! Kundi lalayasan kita!" Halos umusok ang ilong nya sa sinabi ko. Hindi naman sya mananalo sakin. Nahihirapan kasi akong intindihin sya kapag nagha-hapon. Ang bilis mag salita! "Wara ka garang! Dapat ikaw nakaupo bago bukas pinto!" Galit na sita nya sakin. Traditional way ng pagharap sa mga matataas o nakatatanda bago pumasok sa silid nila o tanggapan yung sinasabi nya. Tss. Hastle! Sakit kaya sa binti nun tapos yuyuko pa. Buti sana kung sandali lang gagawin yon. Isa pang nakaka-inis dito sa matanda na to. Ang tagal tagal ng nagpapabalik balik sa pinas tapos hindi pa rin matuwid yung tagalog nya. Hirap intindihin! Kahit mga kasama nya sa bahay sumasakit ang ulo sa kanya. Napipilitan tuloy mag-aral ng nihongo. "Bakit ikaw hinri suot kimono o yukata?" Dagdag pa nito habang nakaturo sa suot ko. Ang init kaya ng kimono at tinatamad naman akong magsuot ng yukata. Buti sana kung nasa Japan nga kami. Nasa pinas kaya kami! Palibhasa sya hindi mapakali ng hindi ganun ang suot. Mula yata pagsilang ganun na ang suot nya. "Nasa bahay lang ako! Bakit kailangan ko pa magsuot non?!" Tinignan nya ko ng masama at akmang babatuhin ng pamaypay ng mapatingin sya sa likod ko. Tsk! Si Jay nga pala! Nilingon ko sya at sinenyasan na lumapit. "Classmate ko." Biglang naging seryoso si Tanda at nagpabalik-balik ng tingin sakin at kay Jay-jay. "Anu pangaran mo?" Tanung ni Tanda kay Jay. "Jasper Jean Mariano po... Jay-jay for short." Sagot ni Jay sabay bow. Bigla nalang ako binato ni Tanda ng pamaypay. Masakit! Sa ulo pa man din ako tinamaan. "Anu ba?!" Sigaw ko kay Tanda. Kainis kasi! Lagi nalang nambabato ng gamit. Minsan nga tinidor pa. "Gusto mo na mag-asawa?! Bakit nag-uwi ka ng babae?!" Galit na galit na sabi ni Tanda. Napatayo na rin sya mula sa kinauupuan. "Sira ulo kaba?! Bakit ako mag-aasawa?!" Galit na sagot ko sa kanya. Masyado'ng advance tong matanda na to. Kaya ayokong magdala ng babae dito eh. "Bakit ikaw dara yan dito?!" Tanung nya habang naka-duro kay Jay. Napakapit naman si Jay sa braso ko. Hindi ko masisi kung matakot sya kay Tanda. Napakamot ako sa ulo. "Mahabang kwento!" Lalung naningkit ang singkit na mata ni Tanda. Muntik na sumara yung talukap ng mata nya. "Kayo may barak hindi maganda no?! Balak nyo mag----" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya. "Ang dumi ng isip mo!" Akmang huhugutin ni Tanda ang samurai na naka-display sa likod nya ng pumasok si Auntie. "Master... Handa na po ang hapunan." Sabi ni Auntie. Parang nawala ang topak ni Tanda na ngumiti at nag-aya sa dining. "Yuri... Lolo mo ba yan? Nakakatakot." Bulong ni Jay. Hindi ko na pinansin si Jay, lumakad nalang ako papunta sa Dining. Nakaupo na si Tanda sa trono nya pagdating namin dun. Todo ngiti pa sya kay Auntie habang inaasikaso sya. Nakakaasar talaga tong matanda na to. Basta pagkain bumabait. Pinaupo ko si Jay sa tabi ko. "Kumain kana. Paghumina ang ulan, ihahatid na kita sa inyo." Bulong ko sa kanya. Tumango lang sya sakin. Kayalang mukang hindi alam ni Jay gumamit ng chopsticks. "P-panu ba to?" Bulong nya habang pilit inaayos ang chopsticks sa kamay. Muka syang tanga sa ginagawa nya. Hay... Inabot ko sa kanya yung kutsara. Ako naglagay ng pagkain sa mangkok na puno ng kanin. Bahala na sya sumubo. "Sabihin mo Jay-jay... Kanino ka anak? Wara ako kilala Mariano?" Tanung ni Tanda. Himala! Ayaw nya ng nag-uusap habang kumakain. Pero eto sya ngayon at nagtatanung. "Hindi ko po kilala yung Tatay ko. Yung Nanay ko po...." Halatang nag-alanganin si Jay na magsabi tungkol sa Nanay nya. Hindi ko masabi kung ikinahihiya nya o anu. Sabi ni Rory, marami naging asawa ang Nanay nya. Hindi siguro komportable si Jay-jay na pag-usapan yun. "Nakikitira sya sa mga Fernandez ngayon." Singit ko. Tinignan ako ni Jay. Alam kong nagtataka sya kung panu ko nalaman yun. Pero mukang hindi nalang nya pinansin. Alam na ng lahat ng Section E na kila Aries sya nakatira. Syempre, courtesy of Ci-N. "Fernandez? Ahh... Kamag-anak mo Michaer Angero Fernandez? Bagong CEO ng Fer Corp." Sabi ni Tanda. Nagpalit na pala ng CEO ang company na yun. Si Angelo na pala. Wala na kong masyado'ng balita sa pamilya ni Aries. May sarili kasi akong buhay na dapat asikasuhin. "Uh.. Opo. Pinsan ko po sya." Sagot ni Jay. Tumango lang si Tanda at bumalik sa pagkain. Bakit pakiramdam ko may nilulutong kalokohan si Tanda sa utak nya? Pagkatapos kumain pina-ayos ko na kila Auntie mga gamit ni Jay at hinatid ko na sya. Buti nalang at mabilis nawala ang baha. "Kaninong kotse to?" Tanung ni Jay. Ibang kotse na kasi ang dinala ko. Toyota Hilux na ang ginamit ko. Expected ko kasi ang baha malapit sa kanila. "Sakin..." Bored kong sagot. "Yayamanin talaga..." Napatingin ako kay Jay-jay na busy sa pag-silip sa mga aparato ng kotse. Muka syang tao sa mula. "Jay..." Panimula ko, tinignan lang nya ko. "...Tungkol sa Nanay mo. Nasan sya?" Hindi ko kasi maiwasan na hindi ma-curios. Medyo matagal bago sya sumagot. "Nasa bago nyang asawa." "Kaya ba andyan ka kila Aries?" "Hindi." Umiwas sya ng tingin. "...iba ang dahilan." Halos pabulong nyang dagdag. Hindi na ko nagtanung. Muka kasing sensitive issue. Dapat pala tinikom ko nalang ang bibig ko.

 

 Phone Conversation "Can i speak with Mister Michaer Angero Fernandez? This is Yuori Hanamitchi." "Yes Sir.. Just a moment." Phone was handed to Michael Angelo. He was confuse at first. This is the first time Mister Hanamitchi contact him after declining there propasal few months ago. "Hello Mister Hanamitchi?" "Herow! Is this Angero?" "Yes speaking." "Subarashii!(Great!). Let's talk about your proposal. I will accept and sign it." Angelo almost jump but hold himself. Hanamitchi Group and Corp. is one of the biggest company in Japan. Having partnership with this company is a great opportunity. They already try to make a proposal before but decline by Mister Hanamitchi himself. "..In one condition." Mister Hanamitchi added. "..Let's talk about your cousin, Jay-jay." "Jay-jay? What about her?" "I will ter when we meet up." 

 

 

Chapter 29 Guidance Jay-jay's POV

 

 " 🎶 Rain rain go away... Come again another day... Little Jay-jay want to play... Rain rain go away..." Kanta ko habang naglalakad. Umuulan pa rin pero hindi na ganun kalakas. Ambon nalang tapos medyo aaraw na tapos aambon pa rin at medyo uulan ng malalaking patak. Gulo diba? Pagpasok sa room para'ng namatayan na ewan yung buong Section E. Napaka-seryoso ng mga pagmumuka. Si Ci-N ang unang lumapit sakin. "Jay... Pinapatawag daw kayo ni Keifer sa Guidance." Seryosong sabi nya sakin. Kinabahan naman ako bigla. Para kasing napaka-seryoso ng issue. Bakit naman kami ipapa----shit! Baka yung naging away namin sa Section D?! Hala! Nakita kong tumayo si Keifer mula sa kina-uupuan at lumapit sakin. "Tara na, para makabalik agad." Sabi nya at naglakad na paalis. Bago ko sumunod tinignan ko muna si Yuri na nakatingin din pala sakin. May usapan nga pala kami. Tumakbo ako para makasabay kay Keifer na ang bilis maglakad. Haba kasi ng mga bias. Sa bagong building ang Guidance. Kaya kita'ng kita kami ng ibang studyante. Huminto kami sa tapat ng pinto. Huminga muna ko ng malalim para humugot ng lakas ng loob. Eto na naman, kailangan ko harapin to. "Mauna ka.." utos ko kay Keifer. Hehe... Kinakabahan ako eh.. "Tss." Sagot ni Keifer. The magical 'Tss' of Keifer. Kumatok muna sya sa pinto bago buksan. Bumungad samin ang assistant ni Ma'am----Hindi ko kilala Guidance Councilor namin. Lagi ko nakakalimutan ang pangalan nya. "Maupo muna kayo." Sabi nung babae'ng assistant. Mukang expected na kami. Hindi man lang tinanung kung aanu kami dun. Malay ba nya kung may itatanung lang kami. Pumasok yung babae'ng assistant sa isa pang pinto. May ilang minuto rin siguro sya sa loob bago lumabas. "Pumasok na daw kayo." sabi nya samin. As usual pinauna ko ulit si Keifer. Pagpasok sa loob, napatigil agad ako. Andito yung dalawa'ng Section D na binanatan ko----namin pala. Magulang ata nila yung kasama nila. "Maupo kayo." Utos samin ni Ma'am Reyalidad. Salamat sa name plate. Naupo kami sa katapat na bangko nung dalawa. Naka-cast at semento yung braso at binti nila. Si Keifer may gawa nyan! "Baka gusto nyong tawagan ang mga Guardian nyo?" Tanung ni Ma'am Reyalidad sabay tulak ng telepono palapit samin. Umiling lang si Keifer at ganun na din ang ginawa ko. Sino papuntahin ko dito? Si Kuya Angelo? Edi nakutusan ako nun. Hindi na noh! "Umpisahan na natin..." Panimula ni Ma'am Reyalidad. "Mister Dela Cruz, pwede mo bang ikwento samin ang nangyari?" Nakita kong tumingin yung Sementado ang binti sa magulang nya bago nagsalita. Aminin! Kumukuha ng lakas sa magulang. "Naninigarilyo po kami sa likod ng Gym ng bigla nalang po lumapit samin si Jay, tinanung po namin kung anung ginagawa nya don at pinapa-alis na rin po namin sya. Bigla nalang po nya kami sinuntok at sinipa. Sinubukan po naming lumaban pero babae po kasi kaya hindi rin po namin kaya sya'ng saktan. Sinubukan po naming pigilan sya kahit tanggap nalang kami ng tanggap ng mga suntok at sipa nya. Pero dumating po si Keifer at ginawa samin to." Litanya nung may Semento ang binti. Bigla nalang ako natawa. Alam kong makakagalitan ako sa ginawa ko pero hindi ko kasi talaga mapagilan. Pati si Keifer natawa na rin. "Hahahahaha.. hahahaha.." Tindi! Pwede na silang writer sa istoryang kinuwento nila. Haba-haba! May bawas at dagdag naman. "Ms. Mariano... Meron bang nakakatawa?" Maotoridad na tanung ni Ma'am Reyalidad. Umiling lang ako at yumuko. Yan! Kasi! Muling humarap si Ma'am dun sa dalawa. "Mister Marquez.. Sinasang-ayunan mo ba ang sinabi ni Mister Dela Cruz?" Tinignan kami nung naka-cast ang braso bago tumango. Titingin pa! Tusukin ko kaya mata nito. "Malinaw na nanakit kayo ng istudyante. Fracture sa buto ang naging resulta ng ginawa nyo at isa sa kanila nasa ospital pa rin ngayon." Sabi samin ni Ma'am. "Misis Reyalidad. Gusto naming ma-expelled ang mga bata'ng yan." Sabi nung isa sa mga magulang. Expelled?! Agad? Hindi ba pwedeng suspension muna. Grabe naman tong magulang na to! "Misis Dela Cruz, hindi po kami agad nag-gagawad ng expaltion..." Sagot ni Ma'am. Nakahinga ko maluwag dun. Kala ko malilintikan ako kay Kuya eh. "...Pero para sa kaso ni Keifer, pwedeng pwede igawad yon." Dagdag ni Ma'am Reyalidad habang nakangiti ng mayabang. Napatingin ako kay Keifer. Hindi ko nakikita'ng natatakot sya pero wala rin akong mabakas na galit. Para bang expected na nya yung sasabihin ni Ma'am. "Sa huling usap natin kasama ni Mister Fernandez. Malinaw na pumayag kang gawaran ng expaltion sa susunod na may magulang na nagreklamo. Sa kaso ng Section D, magulang ng tatlong bata ang nagrereklamo." Paliwanag ni Ma'am. Eto ba yung dahilan kung bakit gusto ni Yuri na akuin ko lahat? Kasi matatanggal na si Keifer sa school. Kung alam naman pala ni Keifer na mangyayari to. Bakit nya pa ko tinulungan? Sana nagtawag nalang sya sa ng iba o kaya hinayaan nalang nya ko. "... Kaya Mister Watson gusto kong tawagan mo ang magulang mo para mapag-usapan ito." Nakatingin lang si Keifer sa telepono. Keifer... "Sandali lang Ma'am..." Panimula ko. "...Panu kung wala naman talaga'ng ginawa si Keifer sa kanila?" Sakin lumipat ang tingin nilang lahat. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kaylangan ko'ng mag-isip ng idadahilan. My chance na hindi sila maniniwala. "Ms. Mariano... Kung sinusubukan mo lang pagtakpan si Mister Watson---- " "Hindi ko po sya pinagtatakpan... Totoo yung sinabi ko. Ako lang ang may gawa nyan sa kanila. Dumating si Keifer dun para sunduin ako at awatin na rin." "Iha.. Wag mong mamasamain pero babae ka at hindi kaya ng isang babae'ng gawin to sa anak ko." Sabat ng isa sa magulang. Hindi ko sya sinagot. "Ma'am Reyalidad, alam kong alam nyo yung mga records ko sa dati kong school. Kaya alam nyo rin na kaya ko yung gawin." Hindi nagsalita si Ma'am. Nakatitig lang sya sakin. Badtrip! Ayoko sana'ng banggitin yung mga records ko, pero kailangan. "N-naniniwala ako kay Ms. Mariano. Kaya nya nga'ng gawin ang mga ganu'ng bagay." Sagot ni Ma'am habang sakin pa rin nakatingin. "Ma'am! Wag kayong maniwala dyan! Pinagtatakpan lang nya si Keifer!" Singit nung may Cast sa braso. Si Marquez ata ito. "Hindi ko sya pinagtatakpan!" "Sinungaling! Sya may gawa sakin nito!" Sabay turo sa braso nya. "Bakit naman gagawin yan sayo ni Keifer?!" Hindi sya makasagot. Kasi hinampas mo ko ng kahoy at balak mong ulitin yun pero naabutan ka ni Keifer. Hindi mo masabi no?! Napangisi ako. Mukang nakuha ko yung tamang tanung para sa kanya. Edi nanahimik sya. "Mister Marquez.. Si Keifer ba ang may gawa nyan sayo?" Tanung ni Ma'am Reyalidad sa kanya. Kahit ayaw nyang sabihin at obvious na papipilitan. "S-si Jay-jay po..." "Kung ganun Ms. Mariano. Tawagan mo ang Guardian mo... Kailangan ko silang makausap para sa expalltion mo." Ay tang'na! Hindi ko naisip yun! Natural inako ko, kaya sakin ang parusa. Ang tanga mo Jay! Lagot ako kay Kuya Angelo. Kahit tunay na labag sa kalooban ko. Number ng telepono sa bahay ang tinawagan ko. Si Tita nalang sana ang papupuntahin ko. ["Hello?"] Takte! Malas! Boses ni Kuya Angelo ang nasa kabilang linya. Yari talaga ko nito. Bakit ngayon pa sya umuwi sa bahay? ["Hello?"] Tanung ulit nya. "H-hello... Kuya, si Jay-jay to." Sagot ko. Mabilis ang tibok ng puso ko. Na-iimagine ko na yung mga sasabihin nya sakin. ["Jay? Bakit?"] "Anu kasi..." Nakatingin silang lahat sakin. Medyo awkward. "...Pwede ka bang pumunta dito sa school?" Kahit kasi hindi sya ang papuntahin ko. Sya pa rin ang pupunta. ["Jay..."] Banggit nya na puno ng dismaya. Yung feeling na alam na nya yung reason. Lalu akong kinabahan. "Uh.." ["Okay... I'm on my way."] Binaba nya yung telepono kaya ganun na rin ang ginawa ko. Humarap ako kay Ma'am. "Papunta na daw po sya." Sabi ko. Napatingin ako kay Keifer na titig na titig sakin. Walang reaksyon. Para bang hinihintay nya ang magiging reaksyon ko. Hindi ko nga rin alam kung ngingiti ba ko sa kanya para masabing okay ako. Kayalang hindi ako okay... Hindi naman ako natatakot sa expalltion na yan. Dati pa sakin pinaparusa yan sa dati ko'ng school pero hindi matuloy-tuloy sa hindi ko malamang dahilan. Kahit alam kong tuloy na ngayon hindi pa rin ako natatakot. Yung galit ni Kuya Angelo ang iniisip ko. Nagawa nga nyang ibalibag yung bangko sa ospital sa galit nya sakin dati. Hay... May 20 minutes din kaming naghintay bago dumating si Kuya. Pagbukas ng pinto parang nakakita ng multo si Ma'am Reyalidad at pati yung dalawang Section D. Hindi naman galit yung itsura nya pero seryosong seryoso. Napatingin sya samin ni Keifer. "M-Mister Fernandez... Maupo ka." May halong kaba yung boses ni Ma'am. Nakakatakot ba si Kuya? Sabagay ako nga natatakot. "Okay lang. Pwede bang malaman kung bakit nyo ko pinatawag?" Diretsong tanung ni Kuya. Tumingin muna sakin si Ma'am bago sagutin ang tanung ni Kuya. "Ah kasi... May reklamo kasi ang magulang ng mga bata'ng ito." Turo ni Ma'am dun sa dalawa. Tinignan din ito ni Kuya at tumingin samin. "Sino ba ang nirereklamo nila? Si Jay-jay o si Keifer?" Napatingin ako kay Keifer. Panu nya nakilala ang mokong na to? Teka, sya ba yung tinutukoy na Mister Fernandez ni Ma'am kanina. Akala ko si Aries yon dahil silang dalawa tong alam kong magkakilala. Pati pala si Kuya Angelo kilala nya. Umiwas ng tingin si Keifer. Halata rin na hindi sya masaya'ng andito si Kuya. "A-ang totoo, dalawa po silang nirereklamo pero inaako ni Ms. Mariano ang insidente." Paliwanag ni Ma'am. "Gusto kong pag-usapan ang mga nangyari. Ako na mananagot sa ginawa nila'ng dalawa----" Biglang tumayo si Keifer at tinignan ng masama si Kuya. "I don't need your help at isa pa si Jay-jay lang ang may kaso hindi ako.." Sabi nya at naglakad palabas ng Guidance office. Close ba sila? Bakit ganun ang asta ni Keifer kay Kuya? 

 

 

Chapter 30 Explain Keifer's POV

 

 "Asan si Jay?" Tanung sakin ni Ci-N. Nauna na kong bumalik sa room. Hindi naman ako kailangan don. Sinalo na ni Jay ang kaso'ng dapat na para sakin. Which is a good thing for me. "Nasa guidance with her guardian." Bored kong sagot. Naupo ako at nagrelax. Sure naman akong hindi mapapahamak si Jay-jay. Si Angelo ang kasama at backer nya. No wonder why Ms. Zaragoza wants to move her to a different section. "Anung nangyari? Ginawa ba nya yung inaasahan mo?" Tanung ni Yuri. "Yeah... She did. Handa nga syang tanggapin ang expalltion." Tinignan ako ni Yuri na may halong pag-aalala. Worried? "...Dumating naman ang guardian nya. Bigatin nga eh." I added. "Who?" "It was Michael Angelo Fernandez... He look different from the last time that we met." "Balita ko nga sya na CEO ng Fer Corp." Really?! "Kaya pala lalong umangas ang tropa mo... Sure akong papasok na rin sa company si Aries." It's true, alam kong gagawa ng paraan si Aries para mas umangat. Yun nga lang, makaka-angat pa kaya sya sa information na hawak ko laban sa kanya. "I don't care about there company, basta hindi pa rin tinatanggap ni Tanda ang proposal nila. Ayos na ko don." Yuri said. "Hindi ko alam kung anung usap sa company namin at sa kanila." "Kasi wala kang paki-alam." I chuckled. "Yeah..." I really don't care about anything that involve our company. Sakin pa rin naman ang bagsak ng pera nun. Maghintay lang ang tanging ginagawa ko. "What's your next step? Your done with the test for Jay, right?" Am i? I smirk. "Few more test and my plan begins."

 

 Jay-jay's POV

 

 "Unbelievable! Promise?! Promise my ass!" Sigaw ni Kuya habang nagmamaneho. Umpisa pa lang yan. Wala pa yung part na mangbabalibag sya ng gamit. Kasi naman... Sana talaga si Tita nalang nakasagot ng tawag ko. Bigla nalang hinampas ni Kuya yung manibela ng kotse nya. Aaminin ko natatakot na ko. Pinalabas nila ko ng guidance office bago pag-usapan yung mga eklabu eklabu. May 30 minutes lang yung usap. Paglabas ni Kuya, okay na daw pero hindi muna nya ko pinapasok. Ipapaliwanag daw muna nya sakin yung pinag-usapan nila. From the start nga lang na nagsalita sya kung anu-anu na sinasabi nya. "Alam mo bang nawala na yung chance mo na malipat ng ibang section?!" Tanung ni Kuya. Bubuka pa lang sana yung bibig ko para magsalita pero nauna na sya. "Of course you know it! Or maybe not! I don't know! You don't know!" Kasama din yan sa ginagawa nya kapag nagagalit. Sinasagot yung sariling tanung nya. Muka sya'ng praning. "Hindi ka nga na-expelled pero babantayan kana rin ng school guidance! Kagaya ng ginagawa nila kay Keifer and Yuri!" Huh?! Kilala rin nya si Yuri?! "Panu mo nakilala si Yuri----" "DON'T FVCKING CHANGE THE TOPIC!!" Sigaw nya na nagpayanig sa katawan ko. Sabi ko nga hindi na nga... Napayuko nalang ako. Nawala sa isip ko na kapag nag-speech sya bawal sumingit. "Suspended ka dapat pero two weeks nalang bago periodical nyo kaya hindi ka pwedeng mawala sa klase!!" Tsk! Yun pa nga pala. Kailangan kong ayusin yung pag-aaral ko. Kayalang panu ko gagawin yun kung puro sakit sa ulo yung nangyayari sakin. "Ang hirap maki-usap!!" Yung totoo... Kanina ko pa talaga gusto'ng magsalita. Hindi ko kasi alam kung saan kami papunta. "You promise na wala ng away! But fvck! I forgot, promise are meant to be broken!" Hala! Humugot pa! "Anu nalang sasabihin ni Mama?! Nila Tita?! Pati ni Lola?! Si Dad pa pala!" Kulang nalang banggitin nya pangalan ng buong angkan. "Dapat yata pagsamahin ko kayo ni Aries para mabantayan ka?!" Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. Naknang... Wag na wag mong gagawin yan. Baka magkaroon ng civil war. "Pinilit kong ipasok ka sa school na yan... Ending?! Another record!" Wew! Kelan ka pa kaya matatapos? "Kailangan ko pang puntahan yung student na nasa ospital!! Wow Jay! Wow!" Wow Magic sing... "Anung balak mo?!... Syempre wala! Na-asikaso ko na eh!" Tanung mo sagot mo... Bigla huminto yung kotse. Nasa parking na pala kami ng malaking building. Bakit kami andito?! Bumaba si Kuya kaya naman sumunod na rin ako. May nakita kong tarpaulin na bumabandera sa parking. Muka ni Kuya Angelo at may nakalagay na Fer Corp! Nasa Fer Corp kami?! Umaano kami dito?! Ngayon palang ako naka-punta dito. Mabilis ang lakad ni Kuya papunta sa building kaya lakad takbo ang ginagawa ko. Pag-pasok sa loob, receptionist agad ang nilapitan ni Kuya. Gawa sa marmol yung lamesa nila. Yayamanin! May kinuhang ID si Kuya at pinasuot sakin yung lace. Visitor's Pass. Ang nakalagay sa ID. May lumapit na babaeng naka-skirt kay Kuya. Ang sexy nya tignan, pero ang dami nya'ng dala. Puro mga kumpol na papel. Nag-lakad sila papunta sa kung saan. Ako naman nakasunod lang. Pinagtitinginan din ako. Kasi naka-uniform pa ko. Baka iniisip nila nag cutting ako. Pumasok sa elevator yung dalawa. Again, sunod na naman ako. Kung anu-anu pinag-uusapan nila na hindi ko naman maintindihan. Paglabas namin ng elevator. Lakad na naman sila, sunod na naman ako. Anu ba to?! Kapagod ah! Sa wakas, pumasok sila sa isang kwarto na mukang opisina ni Kuya. Ang laki! Kagaya sa mga napapanood ko sa tv. May table na malaki, sofa set sa gitna, flat screen TV, my speaker din at bookshelf na tadtad ng libro. Tutal busy naman sila, ikot-ikot muna. Puro novel yung mga libro. Taray... Nagbabasa pala si Kuya. Sinubukan kong kumuha ng libro, na sana pala hindi ko nalang ginawa. Nagbagsakan na yung ibang libro. La! Hindi ko sadya. Ngiwi akong tumingin kay Kuya na nilulusaw na ko ng masamang titig. "Leave us." utos ni Kuya dun sa babae'ng kanina nya pa kausap. Paglabas nung babae, nag-iba na ang awra nya. Muka ng papatay ng tao. Yari! Pinaupo nya ko sa sofa at ganun din ang ginawa nya. "Kindly explain..." Sabi ni Kuya. Explain ang alin? "H-hindi ko alam na magkakapatong yung libro----" "Not that! I'm talking about the incident with the three students!" Galit na! Anu pa nga bang gagawin ko? Edi explain ang nangyari. Sinimulan ko sa part ng pagsugod sakin ng Section D. Ayokong sabihin yung kay Freya. Sinabi ko na rin yung totoo na si Keifer talaga yung gumawa nun sa mga Section D at sinalo ko lang dahil ma-expelled sya. "Trying to be a Hero?" "Hindi naman... Parang bawi lang dun sa ginawa nyang pagtulong sakin." Huminga ng malalim si Kuya. Mukang nabawasan na yung galit nya sakin. May biglang kumatok sa pinto at pumasok ulit yung babae'ng kausap nya kanina. "Sir... Start na po ng meeting nyo." Sabi nung babae. Tumango lang si Kuya at tumayo. Meron syang kinuha sa wallet nya at inabot sakin. "Libangin mo muna ang sarili mo... Mag-mall or kumain sa resto. Basta mamaya kana umuwi, hindi pa kami nag-uusap ni Mama." Kinuha ko yung inabot ni Kuya. Credit card pala. Eto yung mahiwaga'ng wallet na maraming laman. Astig! "Pwede akong bumili ng kahit anu dito?" Tanung ko kay Kuya. Tumango lang sya at nagpa-alam na aalis na. Tinitigan ko yung Credit Card. Light Bulb! 💡 Mabilis akong tumakbo palabas ng office ni Kuya. Ang higpit ng hawak ko sa Credit Card. Mahirap na, pagkakataon ko na kaya. Matagal ko na kasi gusto'ng bumili ng..... Kinagabihan.... "Aanhin mo naman yan?!" Tanung ni Tita sakin. Ang totoo hindi ko alam. Gusto ko lang talaga'ng bilhin to'ng electric pencil sharpiner. Bumili na rin ako ng bike, para may service ako pagpasok. Namili na din akong cellphone. Latest model ng cellphone syempre. Naiinggit kasi ako kila Yuri at Keifer puro iPhone ang gamit. Si Felix at David naman, latest model ng samsung. Si Ci-N samsung din na last year model. Yung ibang classmate ko puro mga touch screen. Cellphone ko nalang yung may keypad. "Hindi ko po alam." Sagot ko habang nakangiti. Hindi na kasi kami gumagamit ng lapis kung hindi kailangan. Puro ballpen na. Natuwa lang talaga ako. "Sana bumili ka na rin ng mga damit." Damit na naman?! Dami ko na kayang damit. "Tita, hindi ko pa nasusuot yung mga bigay ni Kuya tapos bibili na naman ako." "Ayaw mo kasi----" Napatigil si Tita sa pagdating ni Aries. "Ma! Kaninong bike tong na sa garahe?!" Sigaw nya. Akin! Pagpasok ni Aries, us usual inirapan na naman ako. Humalik lang sya sa pisngi ni Tita at umakyat na. Wala eh! Iwasan talaga kami. Kapag nasa sala sya sa kwarto ako minsan kusina. Nasa sala ako nasa kwarto sya. Kapag andito si Kuya pareho kaming nasa sa sala. "Ayaw ka pa rin kausapin?" bulong ni Tita. Umiling lang ako. Aware naman kasi si Tita sa hindi pansinan effect na yan. Pero hindi nya alam yung totoong dahilan. Ayokong sabihin. Ay teka! Hindi pa nga pala alam ni Tita yung nangyari kanina sa school. Wala pa kasi si Kuya. Masesermunan ako nito! 

 

 

Chapter 31 Mica Jay-jay's POV

 

 Asan ka?! Punyeta'ng Pikachu yan! Kanina ko pa hinahanap hindi ko makita. Anim na Pokemon na yung in-ignore ko. Lumabas na Sightings, tapos biglang nawala. "Aware ka bang muka kang tanga dyan sa ginagawa mo?" Tanong ni Yuri. Hindi ko sya pinansin. Kanina pa kasi ako lakad ng lakad sa harap ng room namin. Gusto ko kasi talaga'ng makuha si Pikachu. Poke-stop din kasi yung munomento ni Rizal sa harap ng school, kaya kapag nag-Lure. Alam na! "Ayun! Ayun! Ayun!" Sigaw ko ng lumitaw si Pikachu. Bato ng Pokeball. "Huli!" Sigaw ko habang winawagayway ang cellphone. "Sinong nahuli mo?!" Excited na tanung ni Ci-N. Sya kasi nag-lagay ng Pokemon Go sa cellphone ko. Tinuruan din nya ko kung panu maglaro. Nakaka-adik pala talaga. "Pika'chu!" Sagot ko na ginagaya ang boses ni Pikachu. "Nice.." sabi ni Ci-N. "May pikachu dito?" Tanung nung isang classmate namin. Pati yung ibang ulupong lumabas na rin at naglabas ng phone para hanapin si Pikachu. Meron din pala silang Pokemon Go. Ako nalang talaga yung nahuhuli. "Tss." Si Yuri o si Keifer? Si Yuri... Wala pa yung hari ng nga ulupong. Hindi ko alam kung nasaan. Wala rin akong balak alamin. "Anong meron?" Bungad ni David samin. Kakarating lang kasi nya. "Pokemon." Sagot ni Ci-N. Nilabas ni David yung phone nya. Pati sya may Pokemon Go. Naglalaro din pala sya. Pppfffftttt. Sa totoo lang nakaka-gutom tong ginagawa namin. Pumunta muna kong Cafeteria para bumili. Hep! Sa likod ako dumadaan. Kasabwat ko si Ate'ng Lilia na tindera. Sya yung binigyan ko ng tip dati. Tropa tropa na kami ngayon. "Ate!" Bati ko sa kanya. "Wag ka maingay... Baka may makarinig sayo." Pagbabawal nya sakin. "Hihi Sorry... Pabili akong tubig." Mabilis sya'ng pumunta sa loob para kumuha ng bottled water. Pagbalik nya, dun ko palang binigay yung bayad. "Salamat.." sabi ko at umalis na. Nauhaw talaga ko. Meron naman ako'ng baong pagkain sa bag. Syempre delikado sa mga ulupong yun. Aalis na sana ako ng may mapansin ako sa basurahan sa likod pa rin ng cafeteria. May tao! Dahan-dahan pa ang paglapit ko, baka kasi kung anu'ng ginagawa dun. Babae, nakauniform pa at......umiiyak? "Miss?" Pagtawag ko sa atensyon nya. Tumingin sya sakin at kita'ng kita ko ang pamamaga ng mata nya. Kasabay nun ang itsura nya'ng takot na takot sakin. "Please! Wag mo'ng sasabihin kay Aries na andito ko! Nakiki-usap ako sayo!" Paki-usap nya at bigla'ng lumuhod. "Hala! Teh! Tumayo ka!" "Nagmamaka-awa ako!" "O-oo! Hindi ko sasabihin! Tumayo ka lang!" Huminahon sya sa pag-iyak at unti-unti'ng tumayo. Inayos nya yung sarili at dun ko lang sya nakilala. Si Mica. Madumi din ang istura nya at may kaunti'ng galos. "Mica? Tama?" Tanung ko. Matipid na tango lang sinagot nya sakin. "A-anung nangyari sayo?" Hindi sya sumagot pero patuloy sya sa pagpunas ng luha nya. Hindi ko sure kung kilala nya ko, pero alam kong natatakot sya na baka sabihin ko kay Aries na andito sya. "Wag ka mag-alala.. hindi ko sasabihin kay Aries. Hindi rin naman kami close." Sabi ko at ngumiti sa kanya. Halatang na-iilang pa rin sya pero pinilit mag-salita. "K-kasi... Y-yung mga S-section D. S-sila may gawa s-sakin nito." Sagot nya. Section D?! Na naman?! "Bakit?" "H-hindi ko alam... P-pero alam kong s-si Aries may utos non." Lintik! Dahil siguro to dun sa 'malandi' incident. "Kelan pa nila ginagawa sayo to?" "Simula nung... Nagka-gulo kayo nila Freya." Sabi na eh! Dapat talaga sinabi ko na yung totoo kay Aries. Hindi man lang nya inalam kung totoo yung sinasabi nung Freya'ng bruha na yun. Lalo pa tuloy lumaki ang gulo pati inosenteng tao kagaya nya nadadamay. "Wala man lang tumulong sayo? Hinahayaan ka lang ng mga classmate mong ganito?" May halong pagka-irita na yung boses ko. Anu to? Walang kaibigan?! Wala man lang dumamay or nagtanggol sa kanya. "W-wala... S-si Ella sana, kaso h-hindi pa sya pumapasok." Anu ba yan? Kawawa naman tong babae na to. Hindi ko sya pwedeng iwan dito ng ganito yun itsura. Baka balikan din sya ng mga impakto'ng Section D na yun. Hindi rin malabo na mas lalo pa syang pahirapan. "Sumama ka muna sakin. Hindi kita pwede'ng iwan dito baka balikan ka ng mga Section D." Aya ko sa kanya. Hinawakan ko yung kamay nya pero binawi din nya agad. Para'ng may kung anu'ng pumipigil sa kanya. "H-hindi pwede..." Sabi nya at umiwas ng tingin. Tsk! "Bakit? Don't worry hindi kita daldalhin kay Aries." "H-hindi yun... Kasi... Anu..." Anu na naman?! "Tsk! Si Calix ba?" Medyo nagulat pa sya pero napayuko nalang bago tumango. Sabi na eh! Panu to? Hindi ko naman sya pwedeng iwan. "Wala kang choice... Kesa iwan kita dito baka kung anu'ng mangyari sayo." "K-kasi..." "Wag ka nalang lumapit sa kanya." Wala talaga syang choice. Kaya kahit labag sa loob nya sumama na rin sya sakin. Wala ng masyado'ng istudyante kaya walang makakakita sa itsura nya, kanina pa kasi nag-bell. Dumiretso muna kami sa CR. Kailangan nyang malinisan. Pati mga galos nya sa braso at tuhod, kailangan ding mahugasan. Walang tao sa loob. Tinignan ko na rin yung mga cubicle. Wala ding tao, pero multo meron. Charot! Takot ko nalang kung meron nga! Kinuha ko yung panyo ko at binasa. Pinunasan ko yung muka nya. Namumula yung pisngi at leeg nya. Mukang pinag-buhatan sya ng kamay at sinakal. Nilinis na rin nya yung uniform nya. "Maligo kana kaya..." Bulong ko. "Huh?!" "Wala..." Sagot ko. Habang nag-aayos at nag-lilinis, may bigla lang ako'ng naisip. "Mica..." Panimula ko. "...sabihin mo nga, maldita si Freya." Malandi si Ella dapat yung ipapasabi ko. Kayalang baka may makarinig samin. Okay na yung Maldita si Freya. "B-bakit?" "Basta.. artihan mo ah?" Kahit hindi sya sigurado, inihanda pa rin nya ang boses nya sa pag-ubo. "Maldita si Freya." Sabi nya ng may maarteng boses. Napag-appear ko ang kamay ko habang nakangiti. "Confirm!" "Huh?!" "Si Freya ang nagsabi nun, hindi ikaw. Kahit maarte yung pananalita, mababa pa rin ang boses mo." "Bakit?" "Na-alala ko kasi yung boses nung nagsabi ng 'M' word. Maarte'ng mataas ang boses. Freya talaga!" "Jay... Kahit naman sure ka kung sino nagsabi nun, walang saysay yun kung hindi ka papakinggan ni Aries." May point sya dun. Kaya kailangan kong mag-isip ng paraan para makausap si Aries at maniwala sya sakin. "Bahala na yun.. Iisip ako ng paraan para dyan." Tumango lang si Mica at tinuloy ang ginagawa. Pagkatapos nya, kahit parang wala'ng nagbago sa itsura nya hinatak ko sya papunta sa room ng Section E. Pagdating dun, nakita ko pa si Ci-N sa may pintuan. Muka'ng wala kami'ng teacher. "Jay.. San ka----La! Bakit kasama mo yan?!" Bungad sakin ni Ci. Hindi ko sya pinansin at tuloy-tuloy na pumasok sa room. Syempre dahil si Mica ang kasama ko, si Calix ang unang nag-react sa itsura nya. "Mica!" Tawag ni Calix at tinangka'ng lumapit dito. Agad na nagtago si Mica sa likod ko. Muka'ng nakaramdam naman ang Calix at ako nalang ang hinarap. "Anu'ng nangyari?" Tanung nya sakin. "Mahabang kwento pero dito muna sya." Sagot ko. Pinaupo ko sya sa bangkuan katabi ng sakin. Pati ibang classmate namin lumapit na rin at naki-usyoso. Kinuha ko yung alcohol sa bag ko at agad na nilagyan ang sugat nya sa tuhod. "Aw.." pabulong na reklamo ni Mica. "Jay! Dahan-dahan!" Sigaw sakin ni Calix. Pisti'ng to! Magkatabi lang kami! Kailangan naninigaw?! "Lakas mo pa... Hindi ako nabingi." Sarcastic na sagot ko kay Calix. Kinuha ni Mica yung bote ng alcohol sa kamay ko. "Ako nalang..." "Hindi ba magagalit si Aries kapag nalaman nyang andito yan?" Sabi ni Kit. "Galit na nga eh..." Bulong ko. Para kaming mga ewan na nagkukumpulan dito. Anu kaya'ng pwede'ng gawin sa kaso ni Mica? Problema pa yung mga Section D na yon. Dapat ko pala syang ilayo sa mga yon. Tapos kakausapin ko si Aries tungkol dito. Sana lang makipag-usap sya. "Anong meron?" Tanung ni Yuri na kakapasok lang sa room, kasama si Keifer. Napatingin ako at yung iba pa sa kanila. Wala'ng nagsasalita. Hangang sa lumapit si Keifer samin. Agad na nagsalubong ang kilay nya ng makita si Mica. "What is she doing here?!" Ma-otoridad na tanung ni Keifer sakin. "Kailangan ko syang ilayo sa Section D----" "Kaya dito mo sya dinala?!" "P-parang ganun na nga..." "Tss." Kita ko yung pagka-irita ni Keifer. Napahawak na rin sya sa sintido nya. "Keifer... Dito muna sya please." Paki-usap ni Calix. Lumapit na rin si Yuri samin. "Panu kung tayo ang pag-initan ng Section D?" "Edi haharapin ko sila." Sagot ni Calix. "No... She can't stay here." Singit ni Keifer. Napatayo ako mula sa kina-uupuan. "Keifer naman! Hindi ko pwede'ng hayaan si Mica sa Section D! Panu kung gawin din nila sa kanya yung ginawa nila sakin?!" Tinignan ako ni Keifer sa mata. Seryoso'ng seryoso sya. "Hindi tayo pwede'ng maki-alam sa gulo nila." Sagot nya sakin. Napabuga nalang ako ng hangin sa sinabi nya. Wala man lang bang awa si Keifer? Andun na ko sa ayaw nga nya'ng maki-alam, pero babae si Mica. Panu kung tama ako at gawin din sa kanya yung ginawa sakin? Buti sana kung makakaganti si Mica sa kanila or tutulong sya kagaya----teka! "Ayaw mong maki-alam sa gulo nila pero sa away ko naki-sali ka." Tinignan ulit nya ko na para bang nag-iisip. Mukang dinamdam yung sinabi ko. "Iba yun.. iba ka.. iba sya.." sagot nya sakin. "Hindi iba yun... Away ko yun sa D pero dumating ka para tulungan ako." Lalu syang nairita sa pag-sagot ko sa kanya. Tama naman ako eh! Kita ko yung pag-kagat ni Keifer sa labi nya at umiling-iling. Hindi masama'ng maki-alam kung maganda ang intensyon ng pangingi-alam. Sana lang hayaan nya muna si Mica dito. 

 

 

Chapter 32 Mica & Calix Jay-jay's POV

 

 "Sorry Jay.." "Okay lang Mica..." "Sorry talaga..." Aaarrrggghhhh... Pauli-ulit! Unlimited?! Kung may bayad lang ang bawat sorry ni Mica sakin nakabili na ko bagong sapatos. Baka meron pa kong pangload isa'ng buwan. Wala naman sya kasalanan. Si Keifer kumag talaga dapat sisihin dito. Hindi talaga sya pumayag na mag-stay si Mica sa room. Akala mo sya may-ari ng building. Ending? Naglalakad kami ngayon ni Mica, pauwi sa kanila. Hindi kasi ako pumayag na iwan sya. Hindi kakayanin ng konsensya ko. Buti sana kung marunong sya ng self defense. Hindi na ko nakapasok. Absent ang lola nyo. "Tingin mo sumusunod pa rin sila?" Bulong sakin ni Mica. "Hindi ko alam..." Sagot ko. Pasimple ako'ng lumingon sa likod namin. Alam kong sumunod samin si Calix, dahil syempre kay Mica. Ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit pati si Ci-N at David sumama sa kanya. Nakikita ko pa rin sila na busy kuwari sa paghahanap ng Pokemon. -_ Sa itsura ni Calix, alam kong nag-aalala pa sya para kay Mica. Bigla ko tuloy naisip yung love letter na nakuha sa second floor ng building namin. "Mica... Okay lang ba kung magtanung ako, tungkol sa inyo ni Calix?" Tanung ko sa kanya. Tinignan muna nya ko na para'ng nag-isip bago nag-pilit ng ngiti. "Okay lang.. " "Anu ba talaga'ng nangyari sa inyo?"

 

 Calix's POV

 

 Naiinis ako sa sarili ko. Ang lapit lang nya pero parang sobrang layo. Gusto'ng gusto ko sya'ng yakapin at halikan. Hawakan ang kamay at hagkan. Pero malabong mangyari yun. Ayaw na nya sakin. She hate's me. She don't want me. I know she still love's me but she choose to stay away from me. Sobra ako'ng nagsisi sa mga ginawa ko sa kanya dati. Kung sana hindi ko sya sinaktan, hindi to mangyayari. Kung pwede ko lang ibalik yung oras. Dapat nung araw palang na natanggap ko ang sulat nya, pinahalagahan ko na. *Flashback...* "Pare! Another love letter..." Felix said handling another love letter. It's so annoying! Oo na... Alam ko gwapo ako pero hindi love letter ang kailangan ko. "Tsk! Tapon mo!" Utos ko sa kanya. Tinignan ako ng masama ni Felix. "Hindi mo ko utusan! Tapon mo mag-isa mo!" Binato nya sakin yung Love letter. Problema nito? May PMS ata. Kinuha ko yung love letter at tinapon sa labas. Muka namang basurahan yung harap ng room namin kaya okay lang yan. "Kaya ang kalat sa harap ng room natin eh." Reklamo ni Ella habang umi iling. Ngumiti lang ako sa kanya. Ang ganda talaga ni Ella, kung sana naging akin lang sya. "Wag kang ngumiti ng ganyan... Ang creepy mo." Sabi nya sakin. Ngumiti ako ng mas malapad at tumingin sa kanya. Muka ako'ng gagawa ng kalokohan sa ngiti ko. Natawa naman sya. "Tigil mo nga yan." "Pilitin mo ko..." Pang-aasar ko. Hinampas nya ko sa braso. Ganyan lang kami'ng dalawa. Hangang kulitan at kasatan lang. Alam ko nama'ng kasi'ng wala ako'ng chance. Buo'ng klase na ata ang nakaka-alam na gusto sya ni Keifer. Sya nalang to'ng manhid. Kung makikisali pa ko sa love story nila baka sapakin ako ni Keifer. "Ella!" Someone called. Napatigil kami ni Ella at tumingin sa direksyon na pinang-galingan. "Hi Mica!" Bati ni Ella. Mica... Yun pala ang pangalan ng babae'ng to. Lagi ko kasi sya'ng nakikita sa labas ng school na parang may hinihintay. Maganda din sya pero masyado'ng simple ang dating nya. Nag-usap muna sila sandali bago muli'ng humarap sakin. "Calix... Si Mica nga pala, friend ko." "Hi..." bati ko sa kanya. Nakita ko'ng namula yung pisngi nung Mica at kumaway naman sakin. She looks cute. "Wait lang ah.. Kunin ko lang yung notes ko sa loob." Paalam ni Ella at iniwan kami ni Mica. Halata na nahihiya sakin si Mica. Panay din ang sulyap nya pero iiwas ng tingin. Pupusta ko may gusto rin sakin to. ".. Calix." Meron sya'ng inaabot na sobre. Tsk! Sabi na eh! Kinuha ko yung love letter at sinuksok sa bulsa. Mamaya ko nalang itatapon. "Sana basahin mo..." Dagdag nya. Ngumiti lang ako at nag-nod. Asa! Sinabi ng ayoko ng love letter. Hindi ako mahilig mag-basa. Iisa lang naman ang laman nyan. Mahal kita Calix! Gusto kita nuon pa! Sana mapansin mo rin ako! Blah! Blah! Dumating si Ella at binigay yung notes nya kay Mica. Umalis na yung Mica pero ngumiti muna sya sakin. "Wag mo itatapon love letter nya... Magagalit ako sayo." Bulong sakin ni Ella. Taka ko sya'ng tinignan. Alam nya? "Matagal ng may gusto sayo yan... Binabawalan ko lang kasi nga playboy ka. Masasaktan lang sya. Pero makulit kaya sabi ko, tignan namin gagawin mo pag-nabasa mo yung love letter." Ako playboy? "Kelan pa ko naging playboy?" Tanung ko sa kanya. "Hindi ka aware?" May halong pang-iinis ang tono nya. "Kasalanan ko bang nagka-sunod sunod sila?" "Tsk! Calix, wala'ng nagtatagal na babae sayo. Hindi rin nag-aapply ang 3 months rule of break up sayo." pagtataray nya sakin. "Pero hindi ibig sabihin nun Playboy na ko!" "Playboy ka!" Singit ni Ci-N habang may kinakain. "Wag ka nga'ng sumali sa usapan!" Sita ko sa kanya. Bigla sya'ng nagtago sa likod ni Ella. "Tignan mo sya, inaaway ako." Para'ng bata na nagsusumbong sa Ate si Ci-N. "Calix!" Sigaw ni Ella, habang nakahawak sa baywang. Talaga'ng si Ci-N yung kinampihan nya. Ibang klase! Kinagabihan... Pabagsak ako'ng humiga sa kama. Sobra'ng bigat ng katawan ko. Kapagod! Kinapa ko yung bulsa ko para kuhanin ang cellphone ko pero iba yung nahawakan ko. Yung love letter. Nawala sa isip ko yun. Sinipat sipat ko yung sulat. Simple'ng pink envelope lang ito na may puso. Itatapon ko sana pero naalala ko yung sinabi ni Ella. Baka magalit sakin. Hindi naman siguro nya malalaman. Kayalang baka magtanung sya tungkol dito. Kahit ayoko at tinatamad ako. Binuksan ko yung enevelope at binasa yung sulat. Naka-stationary pa. Dear Calix, Kung binabasa mo ang sulat na to, maraming salamat. Alam ko'ng alam mo na ang sasabihin ko dito. Pwede'ng sinabi na sayo ni Ella or dahil syempre, love letter ito. Ang dami nama'ng paligoy-ligoy ng babae'ng to. Hindi pa ko diretsuhin. Gusto ko sana'ng malaman mo kung panu kita nakilala. Yun kasi yung araw na hindi kana mawala sa isip ko. Enrollment yun last year. Kasama mo yung girlfriend mo'ng first year student. Naiinis talaga ako sayo nung una kasi iba yung kasama mo bago ka pumasok sa gate ng school, tapos iba na naman. Kelan yun? May naging girlfriend ba ko'ng first year? Hindi ko yata maalala. Nasa pila na ko. Ako lang mag-isa. Sabay sabay kayo ng ibang Section E na pumila. Nagkakasatan pa kayo nun. Lagi mo kong nabubunggo pero hindi ka nags-sorry. Nasa registrar na ko ng bigla ka'ng manghiram ng ballpen. Inabot ko sayo yung hawak ko at umalis na. Ballpen? Ang dami kong hiniraman ng ballpen. Nakaupo na ko sa bench at bigla ka nalang lumapit sakin. Hawak hawak mo yung ballpen na pinahiram ko. "Kanina pa kita hinahanap... Salamat dito!" Sabi ko at ngumiti ka sakin. Yung ngiti mo na yun. Feeling ko kasalanan nun kung bakit nung pag-uwi ko hindi kana mawala sa isip ko. Stalker ma'ng paki'nggan pero hinanap ko yung facebook account mo at kinilala kita. Lagi kita'ng inaabangan sa gate ng school bago umuwi. Yun pala yun. Lagi ko sya'ng nakikita sa gate ng school. Akala ko hinihintay lang nya yung sundo nya. Ako pala yung hinihintay nya. Binawalan na ko ni Ella pero hindi ako nakinig sa kanya. Sabi nya playboy ka, alam ko naman yun. Pero hindi ko mapigilan eh. Alam ko'ng simple'ng paghanga lang ito pero kakaiba na kasi. Mahal na yata kita. Wala ako'ng pag-asa, alam ko yun. Gusto ko pa ri'ng ipa-alam sayo. Siguro hindi na bago sayo yung mga babae'ng umaamin ng feelings nila. Okay lang kahit baliwalain mo ko. Hindi naman ako nanghihingi ng pansin. Salamat sa pagbabasa ng sulat na to. Pagtanggap pa lang sa sulat ko ay malaki'ng bagay na para sakin. � �--Micaela Yumol Napatitig ako sa kisame. Ang sakit pala sa mata na magbasa ng nakahiga. Nakaka-antok din. Hindi ako sigurado sa iisipin ko dahil sa sulat na to. Pero isa lang ang sure ako. Makakatulog ako'ng naka-ngiti. This is the only letter that gave me this weird feeling. Maybe because this is the only one that i read. I don't feel anything for this Mica, but she makes me smile. For some reason, i become excited to receive another letter from her. Sana lang bigyan nya ko ulit. Ang ganda din nang pagkaka-sulat nya, mukang font style pero sya talaga ang may gawa. I don't like reading. Maybe that's the reason why i always ignore love letters. But now, parang gusto ko pa ulit mag-basa. Kahit muka ako'ng tanga, paulit-ulit ko pa ri'ng binabasa yung sulat. Bawat letra ata at kurba ng sulat sina-ulo ko na. Micaela Yumol. Kapangalan nya yung nasa anime. Medyo pareho sila nung babae na yun. Ang hinhin kasi ng dating nya. Anu nga ulit title ng anime na yun? Ghost Fighter. 

 

 

Chapter 33 Mica & Calix 2.0 Calix's POV

 

 *Continuation of Flashback...* Nakita ko sya. Si Mica, kasama nya yung mga classmate nya. Section A pala sya. Gusto ko tong pwesto na to sa puno. Kita'ng kita ko sya pero hindi nila ko nakikita. Ewan ko kung bakit ginagawa ko to. Ang pagmasdan sya mula sa malayo. "Hoy Calix!" Sigaw ni David. Kanina pa kasi sya nakatingin sakin. Pinapababa nya ko pero hindi ko sya sinusunod. Gusto ko dito bakit ba nakiki-alam sya? "Bakit ba?!" Iritableng sagot ko sa kanya. "Gusto mo'ng kaladkarin kita pabalik sa room?!" Bwisit tong David na to. Kundi lang class president to sinapak ko na to. Bumaba ako mula sa sanga ng puno. "Eto na.. pabalik na." Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya. Mabilis akong naglakad pabalik sa room. Sinalubong ako ng nakasibangot na Ella. "Anyare sayo?" "Wala!" Sagot nya at nag-cross arm. "Bakit ba?! Anu na naman bang nangyari?" "Si Yuri kasi... Bigla nalang ako'ng sinungitan! Tapos tinawag pa ko'ng Baka! Muka ba kong baka?!" Pagmamaktol nya. Ang alam ko hindi Baka na hayop ang tinutukoy ni Yuri. It's a Japanese word, i just don't remember the exact meaning of it. "Yaan mo na sya..." Sabi ko at ginulo ang buhok nya. "Nga pala... Pinapabigay ni Mica sayo." Sabay abot ng panibago'ng sulat. Pang-sampu na ata ito. Patuloy lang sya sa pagbigay ng love letter sakin. Ayoko mang aminin but i feel excited and happy everytime that i receive her letter. "Sige salamat..." Sabi ko at kinuha yung sulat. May pagkakataon din na iniiwasan ko si Mica. Baka kasi makahalata sya at yung iba na nalilibang ako sa mga sulat nya. Hindi sa kinakahiya ko pero kasi.... basta! "Inaano mo ba yang sulat na yan? Kala ko ba ayaw mo ng love letter?" Tanung ni Ella. Napaiwas ako ng tingin. Anu idadahilan ko? Baka makahalata si Ella. "A-anu.. P-pang.." "Anu?" "Pampilapil..." Uwian... Nakatago ako sa likod ng isa'ng kotse. Pinag-mamasdan ko lang si Mica na nakatayo sa tabi ng gate. Alam kong ako yung hinihintay nya. I just don't understand, why is she with Mykel and Kiko? Nakikipag-ngitian lang sya dito. Kaasar! May ilang minuto din siguro silang andun. Hangang sa dumilim na at umalis na yung dalawa. Wala ng tao sa school pero andun pa rin si Mica. Bakit hindi kapa umuuwi? Tanging ilaw nalang ng poste yung kasama nya. Haaaayyyy... Ayoko sanang lumapit pero kailangan eh. "Bakit andito kapa?" Bungad ko sa kanya. Medyo nagulat pa sya pero agad na yumuko. "A-anu kasi..." "Tara na.." aya ko sabay hawak sa kamay nya. Ang lamig ng kamay nya. Bumibilis ang tibok ng puso ko at parang may kung anu sa tyan ko. Bakit ko nararamdaman to? Tahimik lang kami habang naglalakad. Hawak ko pa rin yung kamay nya. Para kasi'ng hindi ko na kaya'ng bitawan. Normal paba to? "C-calix..." Basag nya sa katahimikan. "Hm?" "Anu... Baka kasi gusto mong kumain. Kahit sandali." Sabi nya sabay turo sa isang night market at food court. Mukang masarap yung mga pagkain. Kayalang wala ako'ng pera. Hindi pa ko pinapadalhan ni Papa. "Next time nalang..." Sagot ko. "Treat ko." "Wag! Pangit yun. Dapat lalaki ang mag-treat." "Lalaki, kung nanliligaw. Nanliligaw kaba?" Napa-isip ako sandali. May point naman sya dun. Pero nakakahiya pa rin. Bigla nya kong hinatak palapit sa food court. "Okay lang yan... Next time ikaw naman." Sabi nya. Kahit nakakahiya pumayag na rin ako. Nagugutom na rin kasi ako and beside gusto ko rin'g kasama si Mica. Babawi nalang talaga ko sa kanya. Kinabukasan... Kanina pa ko dito sa second floor ng building namin. Malapit na matapos yung lunch break, wala pa rin sya. Meron kasi kaming usapan na ipag-luluto daw nya ko. Ayoko'ng kumain sa cafeteria. Ayaw kasi ako'ng tigilan ng mga babae dun. Sasabay daw sila'ng kumain sakin. Kahit meron na ko'ng kasabay ipipilit pa rin nila. "Kanina kapa?" Bungad nya sakin. "Hindi naman..." Sagot ko at ngumiti sa kanya. Dumiretso kami sa pangalawa'ng room sa dulo. Matitino pa kasi ang mga upuan at lamesa dito. Inihanda nya yung pagkain. "Kain kana..." Sabi nya habang nakangiti sakin. Nag-umpisa na ko'ng kumain pero si Mica nakatingin lang. "Bakit hindi ka pa kumakain?" Tanung ko sa kanya. "Mamaya na ko... Para sayo talaga yan." Sagot nya. Ayoko ng ganito. Hindi ako sanay ng pinapanuod lang ako habang kumakain. Mas gusto ko yung kasabay sa pagkain. Obvious naman na hindi sya gagalaw hanga't hindi ako tapos. Itinapat ko yung kutsara'ng puno ng pagkian sa bibig nya. "Hm?" "Say 'ahh'.." utos ko sa kanya. Bigla sya'ng namula. Kahit naiilang at nahihiya. Napilitan sya'ng isubo yung kutsara. Kakaiba yung pakiramdam ko. Napapangiti ako kahit walang dahilan. Hindi ko rin maalis ang tingin ko kay Mica. Ilang linggo na kaming ganito. Binibigyan pa rin nya ko ng Love letter. Pinag hahanda ng pananghalian. At hangang ngayon walang nakaka-alam nito maliban kay Ella. Ilang beses na nya kong kinokompronta tungkol kay Mica. Kung wala daw ako'ng balak seryosohin sya tigilan ko na. Pero hindi ko kasi kaya, pakiramdam ko..... nagugustuhan ko na sya. "Calix..." Tawag sakin ni Mica. Nasa second floor ulit kami at kumakain ng pananghalian. "Hm?" "A-anu... Anu ba tayo?" Naiilang nyang tanung sakin. Anu kami? Tao syempre. Ngumiti ako sa kanya at akma'ng sasagot pero nagsalita ulit sya. "Ibig kong sabihin... Kung anu'ng tawag satin? Friends ba tayo o anu..." Paglilinaw nya. Alam kong ibig nya'ng sabihin. Sa ginagawa namin para kami'ng higit sa magkaibigan. Pero yun lang kami at yun lang ang kaya ko'ng ibigay sa kanya. Nag-sisimula na kasi ako'ng matakot. Matakot na kapag nag-simula kami ng relasyon masira na ang lahat. I feel happy when i'm with her, hindi ko maiwasa'ng hindi mapatingin sa kanya at kahit sa gabi bago matulog muka nya ang nasa isip ko. "S-sorry... Hindi kita inu-ubliga na makipag-relasyon sakin. Gusto ko lang malaman kung anu istado natin. Alam mo naman na gusto kita, diba? Ayoko lang ng umasa sa----" "Ikaw... Anu bang gusto mo'ng maging istado natin?" Tanung ko sa kanya. Mali to! Alam kong hihingi sya ng relasyon. Kahit ayoko, handa ako'ng ibigay sa kanya yun maging masaya lang sya. Ayoko ri'ng umasa sya pero ayoko din na masaktan sya. Ibibigay ko kung anu'ng gusto nya. "Gusto ko..." Panimula nya. Sandali sya'ng nag-isip at muling nagsalita. "Gusto ko sana'ng malaman kung anu'ng nararamdaman mo sakin." Nararamdaman? Anu nga ba? Tinignan ko sya mata. Kahit hindi nya sabihin, umaasa sya'ng pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa. Sana nga ganun din yun pero panu kung hindi pala. Yeah... I'm starting to have a special feelings for her. Pero hindi ko pa kaya'ng panindigan yun. Naguguluhan ako. "Bigyan mo ko ng oras..." Sagot ko sa kanya. Gusto ko'ng masiguro yung nararamdaman ko. Ayoko sya'ng masaktan. Mag-isa lang ako ngayon. Kagaya ng hiningi ko kay Mica, ibinigay nya sakin yun. Sapat na oras para isipi'ng mabuti ang nararamdaman ko sa kanya. "Hi Calix!" Bati sakin ng mga freshmen girls. Ngumiti lang ako sa kanila. Wala ako sa mood makipag-flirt ngayon. Sayang magaganda pa naman sila. "Calix..." May tumawag sakin. Nilingon ko yun at agad na humalik sakin si Aiko, ex-girlfriend ko. Niyakap nya ko ng mahigpit. Matagal ko ng hinihintay ang araw na to. Patay na patay kasi talaga ako sa kanya dati. "Please... Be mine again Calix." Bulong nya sa tenga ko. Siguro noon, oo ang isasagot ko. Pero ngayon na gulo'ng gulo ang utak ko. "Sorry Aiko... But i can't be your's again." Sagot ko at humiwalay sa yakap nya. "But why?" Tanung nya sakin na halos maiyak na. Napatingin ako sa isang grupo ng kababaihan na nakatingin samin. Section A, at kita'ng kita ko si Mica. Malungkot ang mga mata nya. Alam kong iniisip nya. Pero hindi yun ang gagawin ko. "Because i'm already inlove with someone else." Tama ba tong ginagawa ko? I'm starting a relationship with Mica kahit hindi naman talaga ko sigurado sa nararamdaman ko. Panu kung wala naman pala talaga? "Calix..." Tawag sakin ni Mica. Andito kami ngayon sa bahay. Nakahiga ang ulo nya sa dibdib ko, habang naka-higa ako sa sofa. "Bakit Baby?" Tanung ko. Baby na ang tinawag ko sakanya buhat ng naging opisyal kami. "Thank you..." Tinignan ko sya. "Para saan?" "Kasi ako yung pinili mo sa dami ng nagkakagusto sayo." Sya ang pinili ko. Siguro, okay lang tong ginawa ko. Mag-grow din naman tong nararamdaman ko sa kanya. Hinalikan ko sya sa noo at bumalik sa panonood ng TV. Sa ngayon kailangan muna nami'ng isekreto ang lahat. Hindi sa ikinahihiya ko sya. Ayoko muna'ng sabihin sa iba lalu na kay Ella. Kasi nga, kailangan kong maging sigurado. 

 

 

Chapter 34 Mica & Calix 3.0 Mica's POV

 

 *Continuation of Flashback...* Mahigit isang buwan na kami. Sobra'ng saya ko. Tinitignan ko lang sya dati pero ngayon kayakap at hawak kamay ko na sya. "Baby... Kumain kana. Wag mo kong pag-masdan." Utos nya sakin at nilapit ang pagkain. Alam ko nama'ng ayaw nya ng pinapanood sya. Hindi ko kasi mapigilan. Ang sarap nya kaya'ng pag-masdan. "Gusto mo siguro'ng subuan kita no?" Pang-aasar nya sakin. Umiling ako at agad na kinuha yung pagkain ko. Yung totoo, gusto ko pero nakakahiya pa rin. "Baby... Panu pala yan, magiging busy kana? Malapit na yung Math contest, meron pang intrams." Oo nga pala. Ako kasi ang nilalaban nila sa Math. Section A naman ang nag aasikaso ng intrams. "Oo.. Baka hindi na kita mapag-baon ng pagkain." "Okay lang naman yun... Ayoko lang nung mawawalan ka ng time sakin." Sagot nya at ngumiti sakin. Yang ngiti na yan! Yan yung dahilan kung bakit hindi ako nakatulog nung una'ng araw na kinausap ko sya. Pagkatapos kumain, mabilis ako'ng bumalik sa room namin. Wala kasi'ng nakaka-alam na nagpupunta ako sa building ng Section E. Gusto kasi ni Calix na isekreto muna ang lahat samin. "San ka nag-lunch?" Salubong sakin ni Mykel. "Dyan lang..." Pabulong ko'ng sagot. Alam ko'ng sinusundan nya ko. Ilang beses ko sya'ng nahuli pero nakakapag tago sya agad kapag gusto ko sya'ng komprontahin. Kailangan ko pa tuloy magpunta kung saan-saan para lang iligaw sya. Papasok na sana ko sa room pero nakita ko si Ella na naglalakad palapit sakin. Seryoso'ng seryoso ang muka nya. Para sya'bg susugod sa gulo. "Ell----" "Kelan pa?!" Medyo napa-lakas ang boses nya kaya pinag-tinginan agad kami. "H-ha? A-ang alin?" "Yung kay Calix." Mariing bulong nya sakin ng mapansi'ng agaw eksena sya. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi pa nga pala nya alam. Magagalit sakin to. "K-kasi..." "Kasi anu?! Mica! Sabi mo sakin gusto mo lang sya makilala. Yun lang, pero anu to?!" May halong galit na sabi nya. Hindi ko sya masisisi. May usapan kami na hindi ako makikipag-relasyon sa kanya pero hindi ako tumupad. Sorry Ella... Mahal ko kasi talaga si Calix. "Kelan pa naging kayo?" Bulong nya sakin. "Mahigit isa'ng buwan na." Sagot ko. "At hindi mo man lang sinabi sakin?! Sinekreto nyo talaga?!" Hindi ako makasagot. Tipid na tango lang ang naibigay ko. "Dun pa lang hindi ka nag-hinala?" Dagdag ni Ella na nagpagulo sa isip ko. Anung ibig nya'ng sabihin? "Sekreto lang ang relasyon nyo kasi..." Huminga sya ng malalim. "...meron sya'ng girlfriend na freshman." Girlfriend?! Pero ako yun at hindi ako freshman. Parang may kung anu'ng kumurot sa puso ko. Wag naman sana! "Tanungin mo si Calix kung gusto mo. Pwede nya'ng itanggi yun pero totoo yung sinasabi ko." Umalis na sya pagkasabi nun. Para'ng may kung anu sakin na nasasaktan. Sana mali si Ella. Sana hindi totoo yung mga sinabi nya. May tiwala ako kay Ella at Calix. Pareho sila'ng mahalaga sakin. Ayoko'ng dumating sa ganito'ng punto. Ito rin siguro ang dahilan kaya ayaw ni Calix na sabihin ko kay Ella. Uwian... Kagaya dati naghihintay lang ako dito sa gate. Kahit madilim na naghihintay pa rin ako. Kailangan ko kasi talaga'ng makausap si Calix. Hindi sa hindi ako naniniwala kay Ella or wala ako'ng tiwala sa kanya. Dapat lang talaga'ng pag-usapan to. "Mica..." Tawag sakin ni Calix. Alam kong sya yun. Kahit hindi ako tumingin, alam ko. "Bakit hindi kapa umuuwi? Diba sabi ko sayo kapag madilim na, mauna kana? Bakit andito kapa?" Tanung nya sakin. Nagpilit ako ng ngiti. "Gusto lang sana kasi kita'ng makausap." Hinawakan nya ko sa kamay at ginayak maglakad. "Sana tinext mo nalang." "Gusto ko kasi sa personal." Humigpit yung hawak nya sa kamay. Bigla nalang ako'ng kinabahan. "Tungkol ba to kay Ella?" Tanung nya. Tinignan ko lang sya na parang naghihintay ng sasabihin nya. "Nahuli nya tayo kanina. Kinausap nya ko at sinabi ko na yung totoo. Yun nga lang nagalit sya." Paliwanag nya. Kaya pala sumugod agad si Ella sakin kanina. "M-meron pang sinabi si Ella." Nag-aalangan kong sabi. "Hm?" "S-sabi nya, may g-girlfriend ka daw na freshman." Umiwas ng tingin si Calix at huminga ng malalim. "Hindi totoo yun. Akala lang ng marami kasi nga lagi'ng lumalapit sakin yung babae." Nakaginhawa ako sa sinabi nya. Nawala yung bigat sa dibdib ko. Alam ko'ng hindi totoo yun. Ako yung pinili nya eh. "S-sorry..." "Para saan?" Tanung nya. "Kasi parang lumalabas na wala ako'ng tiwala sayo." Huminto sya sa paglalakad at hinarap ako. Hinawakan nya yung isa ko pang kamay. "Normal lang yun sa mga kagaya natin. Basta buo ang tiwala mo hindi tayo masisira." Sabi nya at hinalikan ako sa noo. Ngumiti ako sa kanya. Gusto ko yung ganito yung pinapa-ramdam nya sakin na hindi kami masisira. "Kain tayo..." Aya nya sabay turo sa isang food court sa night market. Napangiti ako. Naging hubby na nami'ng kumain dya tuwing mag-sasabay kami. Nag-umpisa na yung Math Contest namin. Naging busy na ko kaya hindi na kami masyado'ng nagkikita ni Calix. Pero lagi ko sya'ng tinetext at tinatawagan. Nito nga lang mga nakaraa'ng araw, hindi sya sumasagot. Hindi ko rin sya makita sa meeting place namin. Ayoko nama'ng magpunta sa mismong Sectoon E dahil nagagalit si Keifer sakin. Hindi pa rin kami nag-uusap ni Ella. Nasa loob ako ng cubicle sa CR ng may marinig ako'ng mga babae'ng nag uusap. "OhMyGee... He is a really good kisser. Muntik na kong matangay sa kung saan." Sabi nung isang babae. "Girl! May girlfriend na yung tao, tigilan mo na sya." Sagot naman nung isa. "Girlfriend?! Wala sya nun. Magiging pa lang, at ako yun." Bakit para'ng bumilis yung tibok ng puso ko? Yung kutob na para'ng kilala mo yung pinag-uusapan nila. "Tsismis kasi na meron daw sinasabay na babae si Calix tuwing uwian." "Not true! Baka kung sino'ng asumera lang yun. Magiging akin si Calix!" "Bahala ka! Push mo yan kung gusto mo!" Lumabas na yung dalawa'ng babae'ng nag-uusap. Bigla nalang pumatak yun luha ko kahit wala nama'ng dahilan. Sana ibang Calix yung sinasabi nila. Hindi yun magagawa ng Calix ko. Tinext ko si Calix agad para kamustahin sya. Laki'ng ginhawa ko ng mag reply sya at nakikipag-kita sa meeting place namin. Mabilis ako'ng nag-ayos at pumunta sa building nila. Hindi pa rin namin inaamin sa lahat na kami. Baka daw kasi may mang-away sakin. Pinilit nami'ng maging sikreto ang lahat. Nakaupo sya sa pwesto nya at nakatingin sa bintana pagdating ko. "Calix..." Tawag ko. "Hi Baby!" Bati nya sakin at ngumiti. Pero nawala agad yun ng makalapit ako. "Bakit namumula yung mata mo? Umiyak kaba?" Tanung nya. Ngumiti ako at umiling. "Na-iritate lang." "Tapos kinusot mo? Haist!" Kinuha nya yung panyo nya at pinunasan ang mata ko. Ibang Calix yun... Tama! Hindi sya yun, iba yun! Kagaya dati pinag-mamasdan ko lang sya habang kumakain. Pero hindi dahil masarap sya'ng panoorin, kundi dahil may kung anu sa kwelyo nya. Lipstick? May bahid ng kung anu'ng bagay na kulay Pula. Ayoko talaga'ng isipin na lipstick yun, pero babae din ako at gumagamit din ako nun. "May problema ba?" Tanung ni Calix. Tumingin sya sa balikat nya sa pag aakalang yun ang tinitignan ko. "H-hindi, wala... Kumain ka lang." Sabi ko. Pero hindi nya ko pinansin. Para bang meron sya'ng hinahanap sa balikat. Hangang sa mahagip nya yung kwelyo nya at makita yung bahid ng pula'ng lipstick dito. "Wala to... Pintura lang." Paliwanag nya. Ngumiti ako sa kanya. Hindi naman nya kailanga'ng magpaliwanag. Wala naman ako'ng ibang iniisip. Bumalik sya pagkain at ganun na din ang ginawa ko. Sya na ang nagprisinta'ng magligpit pagkatapos. "Calix..." Tawag ko sabay abot ng Love Letter. Sinabi na kasi nya sakin na gusto'ng gusto nya'ng binabasa ang mga sulat ko sa kanya. Kaya kahit wala na kong maisip na sabihin, nag-susulat pa rin ako para sa kanya. Kinuha nya yung sulat at nilagay sa bulsa nya. Ngumiti sya sakin at ginayak ako sa paglalakad palabas ng room. Hindi na nya ko hinatid paglagpas sa building nila. Baka kasi may makakita samin. May ilang students ako'ng nakakasalubong na pinag-uusapan si Calix. Kahit ayoko'ng makinig hindi ko maiwasan. "Balita ko may kasama'ng iba si Calix kagabi." "Ako nga nakita ko sya sa park na nagb-bike. May kaangkas na babae." "Wala yan sakin. Kahalikan ang nakita ko sa likod ng gymnasium." Parang may kung anu'ng kumukurot sa puso ko. Mabilis ako'ng tumakbo papunta sa CR. Gusto kong umiyak. Sana iba'ng Calix yun. Sana hindi sya yung Calix na lagi kong hinihintay sa gate. Na nag-i i love you sakin. Na hinahalikan ako sa noo. Na hinahawakan ang kamay ko. Na sinasabi'ng hindi kami masisira kahit anu'ng mangyari. Sana hindi sya yun. Para kasi'ng hindi ko kakayanin kung sya yun. 

 

 

Chapter 35 Mica & Calix 4.0 Mica's POV

 

 *Continuation of Flashback...* Hindi sya dumating. Ilang beses ng ganito. May usapan kami na magkikita sa meeting place namin pero hindi sya dumating. Hindi ko alam kung anu'ng ginagawa nya. Hindi rin sya sumasagot sa mga tawag at text ko. Napaparami din ang tsismis na meron sya'ng ibang babae. Pero hindi ako naniniwala. Ibang Calix yun. Maraming Calix sa school namin, pero isa lang ang Calix ko at hindi sya yung Calix na sinasabi nila. "Mica..." Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Ella. Ngumiti sya sakin kaya ganun ang ginawa ko. Ganyan naman kami, hindi kailangan ng usap, tinginan at ngitian lang sapat na. "Kamusta? Bakit ikaw lang andito?" Tanung nya habang nililigid ang paningin sa room. "Hindi dumating si Calix eh." Sagot ko. Umiwas ng tingin si Ella. Ramdam kong meron sya'ng gusto'ng sabihin. Siguro, sesermunan nya ko. "Sabay nalang tayo mag-lunch." Aya nya sakin. Ngumiti naman ako at tumango. Nami-miss ko na rin kasi sya. Lagi'ng na kay Calix ang atensyon ko nitong mga nakaraan. Dahil na rin siguro sa mga tsismis na umiikot sa school. Tahimik lang kami'ng kumakain ni Ella. Medyo awkward pero okay na to. Ayoko ko rin kasi'ng pag-usapan yung isyu na yun. "Alam mo... Umamin na sakin si Keifer." Sabi nya. Napatigil ako at napatingin sa kanya. "S-seryoso?" Tumango sya sakin. "Bale, matagal na talaga pero magulo kasi sya kaya nito lang nya nilinaw ang lahat." "Gusto mo ba sya?" Yumuko sya at napakagat ng labi. "Oo." "Eh bakit malungkot ka?" Para kasi'ng ang lalim ng iniisip nya. "Umamin din sakin si Yuri. Muka'ng yun din ang dahilan kaya hindi nag uusap yung dalawa." Napatigil ako. Kung mahirap ang sitwasyon ko mas mahirap kay Ella. Dalawang lalaki ang nagkakagulo ng dahil sa kanya. "Anu'ng balak mo?" Napatakim ng muka si Ella. "Hindi ko alam. Si Keifer ang gusto ko pero ayokong saktan si Yuri." Mahirap nga yun. Ayaw mong masaktan pero ayaw mo di'ng makasakit. Sana ganun nalang din yung problema ko. "Wala nabang iba?! Yan na naman yung ulam?" Reklamo ni Calix habang tinutulak palayo yung baunan. "Pero ito yung favorite mo, diba?" "Noon, syempre mabilis ako'ng magsasawa kung lagi iyon ang ulam." Niligpit ko yung baunan. "Ibibili nalang kita.." "Wag na! Gastos lang yan!" "Pero kailangan mo'ng kumain." "Tsk! Busog pa naman ako. Hayaan mo na!" Sagot nya sakin at naglakad paalis. Nito'ng mga nakaraan tuwing nagkikita kami lagi nalang mainit ang ulo nya. Hindi na rin nya ko tinatawag na Baby. Meron na nama'ng panibagong tsismis tungkol sa kanya. Hindi ko alam kung saan galing yun pero hindi totoo yung mga yun. Tinignan ko yung ilalim ng table. Andun pa rin yung letter na iniwan ko para sa kanya. Kapag nagkakasalisi kami, nagiiwan nalang ako ng sulat para sa kanya at itetext ko sya kung saan nakalagay. Malakas ang kutob ko'ng hindi na nya binabasa yung mga sulat ko. Napaupo nalang ako sa bangko. Anung nangyayari sa kanya? Parang nag-iba na ang ugali nya. Hindi na rin nya ko sinasabayan umuwi kapag nakikita nya ko sa gate. Hindi ko na alam ang gagawin ko. "One... Two... Three... Four..." Bilang ni Calix sa pera'ng hawak nya. Andito kami ngayon sa bahay nila. Binasag na nya yung alikansya nya. Bibili daw kasi sya ng sapatos. "Tsk! Kulang pa rin." Sabi nya. "Magkano kulang?" Tanung ko. "Mga 3k pa... Baka hindi na umabot sa birthday ko." Akmang kukuha ako ng pera sa wallet ko pero pinigilan na nya ko agad. "Wag mo ng ituloy... Kung anu man yang iniisip mo." Sabi nya. Nag-pout ako. Gusto ko kasi talaga sya'ng tulunga'ng mabili yung sapatos nya. "Ganto nalang.. ako nalang bibili ng sapatos mo. Regalo ko para sa birthday mo." Tatanggi pa sana sya pero inunahan ko na. "Regalo yun... Kaya wag kang mag-isip ng kung anu." Ngumiti sya sakin at niyakap ako. "Thank you Baby..." Sya pa rin yung Calix ko. Alam ko'ng sya pa rin yun. Monthsary na namin ni Calix. Simple'ng celebration lang ang inayos ko dito sa meeting place namin. Namili ako ng maliit na cake, at naghanda ng carbonara. Favorite nya kasi to eh. Gumawa din ako ng panibago'ng Love Letter. Naka-upo na ko at hinihintay sya. Siguro mahuhuli lang sya ng mga ilang minuto. 20minutes.... Baka may ginawa lang sila sandali. 30minutes.... Tinext ko na sya para sabihin na andito na ko sa meeting place namin. 40minutes.... Wala pa rin sya kaya tinawagan ko na. Kayalang hindi nya sinasagot. 50minutes.... Tumunog na yung bell, pero wala pa rin sya. Hindi muna siguro ako papasok. Hihintayin ko pa rin sya. 1hour.... Wala pa rin. Pero alam kong darating sya. Baka marami lang talaga sya'ng ginagawa. 3hours.... Isang subject nalang uwian na. Baka umattend muna sya ng klase. 4hours.... Uwian na. Baka papunta na sya dito. 4hours & 30 minutes.... Baka pinaglinis lang sila ni Ms. Smith ng room. 5hours.... Tinawagan ko ulit sya pero hindi nya sinasagot. Asan kana? 6hours.... Dumidilim na sa labas. 7hours.... Hindi na sya darating. Obvious naman na hindi na. Ako lang to'ng makulit na ipinipilit na pupunta pa sya. Tanga ko diba? Niligpit ko na yung hinanda ko. Ayoko sana'ng umiyak pero hindi ko na mapigilan. Bakit ba nya ginagawa sakin to? Okay lang sana kung may ginagawa sya pero nagtext sakin si Ella. Labas masok lang daw sa room si Calix. Mukang naka-uwi na rin sya. Hindi man lang nya ko tinext or kina-musta. Hindi rin nya ko binati. Mahal ko si Calix, pero sobra'ng sakit na kasi. Kinabukasan.... Tinext ko si Calix na magkita kami sa meeting place namin. Pumayag naman sya. Dala ko yung Love letter na ibibigay ko dapat sa kanya kahapon. May ilang minuto din siguro ako'ng pa-ikot ikot sa room ng may marinig ako'ng pag-galaw ng mga gamit. Lalabas sana ko para tignan pero hindi na kailangan. Mula sa sira-sira'ng bintana, kita'ng kita ko sya----sila. Si Calix, kasama ng ibang babae at naghahalikan sila. Para'ng may sumaksak sakin sa puso. Hindi ako makahinga at may kung anu sa tyan ko. Nanlambot ang mga tuhod at braso ko. Napaluhod nalang ako at nabitawan ang hawak ko. Kusa ri'ng bumagsak ang mga luha ko. Bakit? Bakit Calix? Sobrang sakit. No words can explain how much pain i feel. Gusto ko nalang umiyak ng umiyak. Tama si Ella. Dapat nung una palang nakinig na ko sa kanya. Dapat iniwasan ko na si Calix. Hindi na dapat ako umasa na sakin lang sya at hindi na maghahanap pa ng iba. Mali ako! Ang talino ko pero naging tanga ako dito. Sobra'ng sakit! Gusto ko nalang mamatay para matapos na. Ramdam ko ang pagtigil nila. Pinilit kong tumayo at tumahan. Inayos ko ang sarili ko at tumalikod sa pintuan kung saan pumasok si Calix. "M-mica... Kanina ka pa dyan?" Tanung nya sakin. Huminga muna ko ng malalim. "Calix... Mag-break na tayo." "H-ha? A-anu ba'ng sinasabi mo dyan?" Dinig ko ang mga hakba'ng nya na palapit sakin. "Dyan ka lang! Wag ka ng lumapit sakin!" "Anu ba'ng nangyayari sayo?" Sinabayan nya ang taas ng boses ko. "Ayoko na... Nag-sasawa na ko." Halos pabulong ko'ng bigkas. Parang hindi ko kaya... "May nang-yari ba?! Pag-usapan muna natin." "W-wala... Gusto ko ng tapusin to." Nag-uumpisa na nama'ng pumatak ang mga luha ko. "Mica... Bakit ba?" Huminga ako ng malalim. Masakit sakin to pero mas masakit kung magpapatuloy pa ko. "H-hindi na kita mahal." Mabilis ako'ng naglakad palabas. Nabunggo ko pa sya pero tuloy-tuloy lang ako. Ayoko na kasi. Ayoko ng mahalin sya. Paglagpagpas sa building nila mabilis ako'ng tumakbo. Ayoko'ng pumasok. Ayoko'ng makita nila ko ng ganito. Sa bahay ako dumiretso. Yung mga sulat na balak ko palang sana'ng ibigay sa kanya, nagkalat pa sa kwarto ko. Pinunit ko yun lahat. Kasabay din non ang mga luha ko'ng halata'ng walang balak tumigil sa pagbagsak. Bakit kasi sya pa? Anu ba'ng meron sa kanya at sya pa yung minahal ko? Humahanga lang naman ako sa kanya dati. Hindi ko hiniling na bigyan nya ko ng atensyon. Gusto ko lang mapalapit sa kanya. Hindi ko na sana binigay yung love letter na yun. Hindi na sana umabot sa ganito. 

 

 

Chapter 36 Mica & Calix 5.0 Calix's POV

 

 *Continuation of Flashback...* Parang may sumaksak sakin nung sinabi nya yun. Hindi ako nakagalaw, ni hindi ko man lang sya na pigilang umalis. Anu bang nangyayari sakin? Hindi naman ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya pero, bakit nararamdaman ko to? Bakit parang nasasaktan ako? Hindi ko alam kung anu'ng gagawin ko. "CALIX!" galit na tawag sakin ni Ella. Baka nakarating na sa kanya yung nangyari. "Ell----" Malakas na sampal ang nagpatigil sakin. Agad sya'ng hinawakan ni Keifer na kasunod pala nya. "SINABIHAN NA KITA! NAKITA KO SYA'NG UMIIYAK! ANU'NG GINAWA MO SA KANYA?!" Sa totoo lang, nakakabingi ang bunganga ni Ella kapag nagagalit. Kabaligtaran nya sa karaniwang sya. "Ella! Tama na!" Awat ni Keifer. "ANU'NG GINAWA MO?!" "W-wala ako'ng ginawa sa kanya." "SINUNGALING KA!" "Tama na! Ella! Hayaan mo muna sya!" Awat ulit ni Keifer habang hawak sya. Pero hindi sya pinansin ni Ella. Galit pa rin itong nakatingin sakin. Deserve ko naman yan. "H-hiwalay na kami... Nakipag-break na sya sakin." Sabi ko. Natigilan si Ella at Keifer. "S-sabi nya... Hindi na daw nya ko mahal." Parang napaka-hirap sakin na sambitin yun. Hindi ko matanggap. Anu ba'ng nangyayari sakin? Sinubukan kong tawagan si Mica pero laging nakapatay ang phone nya. Naka block na rin ang facebook ko sa kanya. Hindi ako makalapit sa kanya kapag nasa school. Lagi'ng naka-aligid si Mykel at iba pa. Kapag naman nakakakuha ako ng pagkakataon, mabilis na lumalayo si Mica. Hindi na rin ako kinakausap ni Ella. Pakiramdam ko mababaliw na ko. Alam kong mahal pa nya ko. Hindi ganun kadali mawala ang feelings. Mas mahirap pa nga'ng alamin ang naramdaman mo para sa isang tao. Kagaya ko, ang tagal bago ko na-realize na mahal ko pala sya. Kinalaingan pa nyang mawala sa sakin bago ko maintindihan. "Hindi ba uso pang-ahit sa inyo." Bungad sakin ni David. Hindi na kasi ako nakakapag-ahit. Nahihirapan din ako'ng matulog sa gabi, kaka-isip kay Mica. "Nakalimutan ko lang mag-ahit." Walang gana ko'ng sagot. Pag-upo ko, puro Love letter na naman ang bumungad sakin. Hinanap ko yung Love letter na gusto ko'ng makita pero wala. Ngayon ako nagsisisi sa lahat ng ginawa ko. Sana hindi ko sya hinayaang mawala. Sana noon pa ko nalinawan sa nararamdaman ko sa kanya. Sana meron pa kong Mica na kasama. *End Of Flashback...*

 

 Jay-jay's POV

 

 "Huhuhuhu..." Ako yan. Habang kumakain ng isaw. Muka lang tanga. Nakaka-iyak kasi. Ang paras pala nito'ng sauce nila, hindi man lang sinabi sakin. "Ayos ka lang Jay?" Tanung sakin ni Mica. "H-hindi... Huhuhuhu... Ang paras lang talaga." Napangiwi nalang si Mica at inabutan ako ng juice. Nasa Hepa Avenue kami ngayon. Yung street na puro food court. Matapos kasi yung kwento ni Mica sa love story nila, nagutom ako. Can you blame me? I'm so hunger strike. "Wala ka na talaga'ng balak na kausapin ulit si Calix?" Pagbabalik ko sa topic. Umiwas lang sya ng tingin sakin. Ganyan talaga, madalas nagiging sarado na ang utak ng mga tao'ng nasaktan. Matagal din bago maghilom yung naging sugat nila. Kelan ka pa naging love expert Jay? Nabigla ako sarili ko don. Anyways, balik sa topic. "Alam mo... Mas mabilis maghilom ang sugat kapag nilagyan ng anti biotic?" Sabi ko. Napa-isip ako sa sinabi ko. Anu yun? Anu'ng ibig sabihin nun? At anung connect ng anti-biotic? "Jay... Literal na sugat ang nilalagyan ng anti-biotic. Pero sugat na meron ako, hindi magagamot ng kahit anu'ng anti-biotic." "Piniciline... Pwede yun." Napakamot sya sa ulo. "Sa open wounds pwede yun." "Edi buksan natin ulit ang sugat mo. Kausapin mo si Calix at hayaan sya'ng magpaliwanag. Maniwala ka, mas mabilis ka'ng gagaling." Sabi ko at sumubo ng kwek-kwek. "Sinasabi mo na yung explanation ni Calix ang Piniciline, kung tatanggapin ko sya sa sugat ko mabilis ako'ng gagaling? Ganun ba?" Yes! Connected na rin ang anti-biotic sa usapan namin. Bakit ba nauwi sa gamot ang usapan? "Nadali mo!" Tumingin si Mica sa pwesto nila Calix. Kung saan nagpo-Pokemon Go yung dalawa. Bakit ba sumama pa samin to'ng mga to? "Panu ka pala bukas? Sure ako'ng babalikan ka nung mga D. D munyito!" Tanung ko at sumubo ng fishball. Oo na! Ako na marami'ng kinakain. "Papasok na si Ella bukas." Nakangiti'ng sagot ni Mica. "Sure ako'ng hindi nya alam yung ginawa ni Aries sakin." "May balak ka'ng sabihin?" "Wala... Ayoko'ng mag-away sila ng dahil sakin. Marami ng hinarap na problema si Ella, ayoko'ng dumagdag." Nag-nod lang ako at uminom ng juice. Matatag na tao din si Mica. Iniisip nya pa rin yung iba sa kabila ng problema nya. "Jay-jay..." Tawag sakin ni Ci-N. "Tignan mo!" Nakangiti pa sya'ng iniharap sakin ang cellphone. "Nakahuli ka ng Snorlax, ang galing!" "Batiin mo sya!" Sabi ni Ci-N. Taka ko sya'ng tinignan. Babatiin? "Huh? Bakit ko babatiin yan?" "Kalahi mo yan eh!" Buong galak nya'ng sabi at nagtatakbo pabalik kila David. Hayop! Narinig ko pa'ng tumawa ang wala'ng hiya. Binalik ko yung tingin ko sa kausap ko. Baka kasi makapanakit ako ng tao'ng nag-ngangalang Ci-N Peralta. Halata'ng nagpipigil ng tawa si Mica. "Wag mo ng pigilan... Baka mautot kapa dyan." Nagpa-tuloy kami sa pag-uusap tungkol sa kung saan-saan. Hinatid na rin namin sya sa bahay. Malaki din yung bahay nila, pero hind kasi'ng laki nung samin. Kabilang na ko dun kaya... Samin. At mas lalo'ng hindi kasi'ng laki nung kila Yuri. Rooftop! Naalala ko na naman yung Japan-Japan. "Ayaw mo'ng pumasok muna?" Tanung sakin ni Mica. "Hindi na.." "Sige.. Ingat ka---kayo." Pumasok na sya sa loob. Lumapit na ko sa tatlong ulupong na busy pa rin sa Pokemon Go. "Kamusta daw sya? Meron ba sya'ng nabanggit tungkol sakin? Galit pa----" "Sandali Calix! Mahina ang kalaban! Isa-isa lang!" Pag-aawat ko sa kanya. "Okay na daw sya... Wala sya'ng nabanggit tungkol sayo. Except sa nabanggit nya yung story nyo." Parang natalo sa laro yung muka ni Calix. Disappointed na nanghihinayang. Kasalanan naman nya eh! Nagpatuloy kami sa paglalakad. Maliban kay Calix na nagpa-iwan sa labas ng bahay nila Mica. Sya na daw ang bagong guard nila. Charot! Ako naman yung hinatid nito'ng dalawa. "Kanina pa kayo nakaharap sa mga Cellphone nyo. Hindi paba namamaga ya'ng mga mata nyo?" Puna ko sa dalawa. Ang David nakaramdam kaya ibinulsa ang cellphone pero ang Ci-N, patuloy sa pagngiti sa cellphone nya. "Anu Ci? Nabaliw kana ng tuluyan kaya nakangiti ka dyan sa cellphone mo?" Tanung ko. Hindi ako pinansin ng luko. Na-curious ata si David sa tinitignan ni Ci-N kaya tinignan na rin nya. Bigla nalang ngumiti ang David na para'ng nakakatuwa talaga yung nakikita nila. Anu yun? Na-curious din ako kaya tinignan ko din. Ang mga wala'ng hiya! Bow! "Putrages ka!" Mura ko sabay hampas kay Ci-N. Picture ni Snorlax pero naka-edit at muka ko yung nakalagay sa muka dapat nung Pokemon. Animal! Kaya pala ganun nalang yung ngiti nya. Isama pa yung ngiti ni David. Ang seryoso nung tao bigla nalang natawa. "Hahaha.. diba? Kalahi mo talaga sya!" Sabi ng Ci-N. Tinignan ko sya ng masama. Bata'ng to! Animal! Nagpatuloy kami sa pag-lalakad. Ang layo din pero gusto talaga'ng maglakad nung dalawa. Meron daw sila'ng pipisain na itlog. Nakaratin kami sa bahay namin. Kabilang na kasi nga ako. Nagpa-alam na yung dalawa. Pagpasok sa loob si Aries agad ang bumungad sakin. Hindi yata sya pumasok. Naka-polo shirt at pants kasi sya plus maaga pa para sa uwian. Tinignan nya ko ng masama. Tutusukin ko mata nito! Lalakad na sana sya paalis ng maalala ko kung kay Mica. "Aries!" Tawag ko sa kanya at muli ako'ng hinarap. "Tungkol kay Mica---" "Alam ko yung ginawa mo. Pero mamaya nalang natin pag-usapan." Sabi nya at lalakad ulit paalis. Eh makulit ako. Gusto ko ngayon. Hinarangan ko sya kaya naman nag salubong na yung kilay nya. "Ngayon na natin pag-usapan. Bakit ba kailangan mo pang gawin yun kay Mica?!" "Wala kana don! Umalis ka nga dyan!" Sinubukan nya'ng lumakad sa ibang direksyon pero hinarangan ko ulit sya. "Hindi ako aalis! Hindi mo ba naisip na babae si Mica?!" "I don't care! Get out of my way!" "Tsk! Hindi! Patigilin mo yang mga D-monyito'ng inutusan mo!" "Argh! Bakit ba ang kulit mo?!" "Talaga'ng makulit ako! Tigilan mo na si Mica! Sure naman ako'ng hindi sya yung nagsabi ng 'Malandi' sa banyo! Iba yung boses nung nagsabi kay Mica!" Paliwanag ko na nagpahingal sakin. Sabayan ba naman ng paghabol ng harang kay Aries. "Wala ako'ng paki kung kanino galing yun! Andun pa rin si Mica at hinayaan lang nya'ng sabihin ng iba yun tungkol sa kaibigan nya!" Tama naman sya! Pero hindi pa rin tama na gawin nya yun! Tsaka Hello! Si Freya kaya kasama nya sa CR nung narinig ko yun. Itsura pa lang nung bruha obvious naman na hindi sya makakalaban dun. "Sa itsura ni Mica, tingin mo kaya nya'ng makipag-away sa mga nagsabi nun?" Natahimik naman sya sandali na parang nag-isip. "Kaya patigilin mo na yung mga D. Tigilan na nila si Mica." Paki-usap ko. "Anu ginawa ng D kay Mica?!" May nagsalita mula sa likod ni Aries. Pareho kami'ng hindi nakagalaw. Boses ng pamilyar na babae. Sabay kami'ng tumingin ni Aries sa likod nya. "E-ella..." Bulong ko. Nakatingin sya kay Aries na may halo'ng disappointment. "Look Ella... Let me explain." Sabi ni Aries at unti-unti'ng lumapit dito. Umiling lang ang Ella at mabilis na naglakad palabas ng bahay. Ganun din ang ginawa ni Aries. Muka'ng may mag-aaway ng dahil sakin... 

 

 

Chapter 37

Narinig nyo na yung Jupiter's Auroras Sound pati Saturn's Sound Cassini... Sakit kasi sa tenga, ang creepy pa. Share ko lang.

 

 Baby Jay-jay's POV

 

 Late na ko pumasok. Pinag-tataguan ko kasi si Aries. Nag-away nga sila ni Ella sa labas lang ng bahay. Pagbalik ni Aries ako agad yung hinahanap nya sa mga maid. Nasa kwarto na ko nun at nagkukulong. Ni-lock ko'ng mabuti yung pinto ng kwarto. Baka kasi sa sobra'ng galit nya sakin, ibalibag nalang nya ko. Pagpasok sa room ng Section E, nakita ko si Calix na nakadukdok sa lamesa nya. Naalala ko bigla yung mga kinuwento ni Mica sakin. Humarap ako sa pwesto ko at nakita ko si Ci-N na nakangiti sakin. Agad din ako'ng ngumiti sa kanya at.... "Hi Baby!" Bati ko kay Ci-N. Agad ako'ng tinignan ng mga ulupong ko'ng classmate. Dahil likas na abnormal itong si Ci-N.... "Hello Bey-by!" Balik nya'ng bati sakin habang naka-todo smile. Si Calix talaga ang pinaparingan ko sa ginagawa namin. Si Ci-N ang nagkwento sakin na Baby ang endearment nila ni Mica. Kaya ito, may kalokoha'ng pumasok sa isip ko. Effective naman, dahil masama na ang tingin sakin ni Calix. Nakita ko si David na nakaharap sa phone nya. "Hi David... Baby!" Bati ko dito. Bigla nalang namula si David at umiwas ng tingin. Hahaha... Napatingin ako kay Yuri at Keifer na pareho'ng nakatitig sakin. Expressionless or poker face lang ang drama nila. Problema nito'ng mga to?! Inirapan ko nalang sila at naupo na sa trono ko. Katabi ng dalawa'ng knight ko. Kasi naman, tatlo lang kami dito sa gitna at lahat sila sa dulo at gilid. Atleast nag-improve. Dati ako lang. Busy ako sa pakikipag-kulitan kay Ci-N ng bigla nalang tumahimik ang lahat. Literal na tumahimik na para'ng may dumaan na anghel. Niligid ko naman yung mata ko, baka meron nga hindi ko lang nakita. Yung mga nakatayo sa may pinto na nagpo-Pokemon Go unti-unti umatras at gumilid. Unti-unti ring pumasok ang isa'ng babae. Ella. Huminto sya malapit sakin. Kahit hindi nya sabihin, dama ko'ng takot sya. Hindi ko nga lang alam kung saan o kung kanino. Ngumiti sya sakin. "P-pwede ba kita'ng makausap sa labas?" Tanung nya. Napalingon ako kay Keifer at Yuri. Na nakatingin samin----mas tama ata'ng sabihin na nakatingin si Keifer kay Ella at si Yuri nakatingin sakin. Binalik ko yung tingin ko kay Ella. Ngumiti ako at nag-nod. Una sya'ng lumabas at nakasunod lang ako. Medyo lumayo kami sa room, kasi obvious naman na makiki-tsismis yung mga ulupong na yun. "Gusto ko sana'ng magpa-salamat sayo. Sa ginawa mo'ng tulong kay Mica." Nakangiti nya'ng sabi. "Nasabi na rin nya lahat sakin." Ngumiti din ako at napahimas sa batok. Aaminin ko, nahihiya ako. "W-wala yun. Saltik kasi yung mga D-monyito na yun." "Nag-usap na rin kami ni Aries." "Ahh.. So hindi na nya ko susugurin?" Tanung ko. Malay ba natin kung anu'ng usap yun. "Hindi na..." Nag-nod lang ako. Tumahimik kami pareho ng ilang sigundo. Ang awkward naman nito. " Jay..." Pambasag nya ng katahimikan. "...hihingi sana ko ng pabor sayo." "Anu yun?" "Sana pagpatuloy mo yung pagtulong kay Mica kapag wala ako. Sana rin..." Napakagat sya sa ibabang labi nya. "...Sana... Wag mo ng palapitin si Calix kay Mica." Nabigla ako dun sa sinabi nya. Wag palapitin? Sinasabi ba nya'ng wag ng pag-ayusin yung dalawa? "Ha? B-bakit?" Tumingin sya sa gawi ng room namin bago muling humarap sakin. "Sobra'ng nasaktan si Mica sa nangyari----sa ginawa ni Calix. Hindi ko kaya'ng makita ulit sya ng ganun. Tama na yung minsan na sya'ng nasaktan. Malapit na sya'ng maka-move on." "H-hindi naman ata pwede yun. Panu kung gusto na talaga nila'ng magka-ayos?" "Hindi na gusto ni Mica na makipag-ayos sa kanya." "Panu mo naman-----" "Jay!" Napasigaw na sya. "..gawin mo nalang yung pabor ko. Nakiki usap ako." Magkaibigan ba talaga sila? Bakit ganyan sya mag-salita? Andun na ko sa part na concern sya kay Mica at ayaw lang nya ulit na masaktan yung kaibigan nya. Pero wala naman ata sya'ng karapatan na pigilan yung dalawa. "Yung una'ng pabor magagawa ko... Pero yung pangalawa, hindi ko mapapangako." Nagpilit sya ng ngiti at nag-nod. Umalis na sya ng wala'ng iba'ng sinabi. Bahala sya, hindi ko pipigilan yung dalawa. Suportahan ko sila sa kahit anu'ng usap nila. Buhay nila yun. Bumalik ako sa room at feeling ko may anghel talaga sa loob. Ang tahimik nila habang nakatingin sakin. "A-anung pinag-usapan nyo?" Pambasag ni Ci-N sa katahimikan. "Thank you daw sa ginawa ko kay Mica at nanghingi sya ng pabor." "Tungkol saan?" Tanung ni Keifer. May na-iintriga! "Wala... Samin nalang yun." Walang gana ko'ng sagot at naupo. Hay! Anu kaya'ng pwede'ng gawin kay Calix at Mica. Hindi sa nakiki-alam ako pero makiki-alam na talaga ko. Nakaka-awa na kasi si Calix. Muka ng gusgusin. Totoo yun, pinakita kasi sakin ni Mica yung picture ni Calix dati. Gwapo'ng nilalang din naman pala. Kayalang ngayon malapit ng maging taong grasa. Try nya'ng 2 weeks na walang paligo at magpa-laboy laboy. Achieve na nya yun. Tamad-tamad mag-ahit, guso't ang damit, ang haba ng buhok at ang lalim ng mata. Halata'ng laging puyat, muka din sya'ng nakadroga. Lait pa more! Kasalukuyan ako'ng nag-solve ng Math problem. Bakit ang problema sa buhay may solution? eto parang wala. "Jay... May sagot kana?" Tanung ni Ci-N. Umiling lang ako. Wala naman kasi talaga ako'ng isasagot. Buti nalang tamad din yung teacher namin sa Math, nilayasan kami. "Malapit na nga pala yung periodical." Sabi ko. "Oo.. Panibago'ng kahihiyan para sa E." Sabi ni Ci-N. Taka ko sya'ng tinignan. "Kahihiyan?" "Kapag kasi lumabas na yung final grade para sa periodical sa halip na ibigay samin. Ipinapaskil nila sa Main building." What the... Panu kung bokya yung tao? Kita'ng kita nila. Kakahiya nga! Anu ba yan? Kinabahan tuloy ako. "Ang sagwa naman nun..." "Sinabi mo pa... Para daw ma-motivate yung students na mag-aral mabuti." "Hindi rin." Bulong ko. Para kasi'ng ba-baba lang self-esteem mo kapag ganun. Napahiya kana sa buong school eh. Tapos pagt-tripan kapa. Bumalik ako sa pag-solve ng lintik na Math problem. Medyo tahimik ang buong klase ng bigla nalang tumayo ang Calix hawak ang Cellphone nya. Para sya'ng nalilito na maiiyak. Ganun ba kahirap ang Math problem? Tapos bigla nalang sya tumakbo palabas. Pare-pareho kami'ng nagtaka. "Sundan nyo si Calix!" Bigla'ng sigaw ni Keifer hawak din ang cellphone nya. Kahit nagtataka, nagtayuan na rin yung iba at naglakad palabas. Ganun din ang ginawa namin nila Ci-N at David. Sa harap ng Main building namin sya natagpuan. Nakatayo lang sya sa malayo may pinapanuod na eksena sa gitna. Pinagkakaguluhan din yun ng mga students. Pilit din nami'ng tinignan yun. Mahirap makita dahil sa dami ng tao. Kaya nakipag-siksikan ako kasunod ng ibang classmate ko. Sa gitna, nakaluhod si Mykel sa harap ni Mica. May hawak na bouquet ng bulaklak at may malaking tarpaulin sa likod na 'Can you be my girlfriend?'. Katabi ni Mica si Ella na kung todo smile at saya para sa kaibigan. Samanatala'ng si Mica, halata'ng nag-aalangan. "Sagutin mo na sya..." "Oo nga..." "Gwapo naman si Mykel." Hindi nya pwede'ng sagutin si Mykel. Awtomatiko'ng napatingin si Mica sa pwesto namin. "Mica..." Bulong ni Calix na nasa tabi ko pala. Kusa nalang naiyak si Mica. May binulong si Ella dito at unti-unti'ng kinuha ni Mica yung bulaklak sa kamay ni Mykel. Pero bago pa nya tuluya'ng mahawakan yun. Kusa'ng gumalaw ang kamay ko para hablutin yun at ilayo sa kamay nya. Pacensya na. Kailangan ko talaga'ng maki-alam. "Eto ba talaga yung gusto mo?!" Tanung ko kay Mica. "Wag ka nga'ng maki-alam dito!" Sita sakin ni Mykel. Pero hindi ko sya pinansin. Si Mica ang kailangan ko'ng makausap. "Sagutin mo ko! Wala kana bang nararamdaman para kay Calix?!" "Jay... Kasi----" hindi na natapos ang sasabihin ni Mica. Inunahan sya ni Ella. "Hindi na nya Mahal si Calix!" Pero hindi ko pa rin inalis ang tingin ko kay Mica. "Sayo ko gusto'ng marinig yan!" "Jay! Wag kana maki-alam dito!" Utos ni Aries. Wala ako'ng balak pansinin sila. Kay Mica lang ang atensyon ko. "Sumagot ka!" Hindi sya nagsasalita. Nakatingin lang sya kay Calix na nasa likod ko. "Wag ka ng maki-alam dito! Umalis kana!" Sigaw ni Mykel sakin at akmang babawiin yung bulaklak. Sa halip na hayaan sya, hinagis ko sa kung saan yun at nagkalasug-lasug. "JAY!" sigaw ni Aries. Biglang hinawakan ni Mykel ang kwelyo ko at tinignan ako ng masama. "ANU BANG PROBLEMA MO?!" Kahit hindi ko nakikita. Ramdam ko ang mabigat na awra ng Section E. Kahit kasi mga A bigla'ng nag-iba ang presensya. Kay Mica pa rin ang tingin ko kahit umaangat na sa lupa ang paa ko. Matangkad kasi talaga si Mykel. "Bitiwan mo si Jay!" Sigaw ni Ci-N. "Yan ba yung ipagpapalit mo kay Calix? Nananakit ng babae." Sabi ng kung sino sa likod ko. Tinamaan naman ang Mykel at agad ako'ng binitawan. May nag-tap sa braso ko. Si Calix, nginitian nya ko na para'ng nagsasabi ng salamat. Humarap sya kay Mica. "Mica... Bigyan mo lang ako ng pagkakataon na makausap ka. Kahit 30----20minutes. Yun lang hinihingi ko at titigilan na kita." Paki-usap nya. Sandali'ng tumingin si Mica kay Ella bago sumagot. "S-sige... Pero hindi dito." Sagot nya. Parang nakahinga si Calix sa narinig. Ganun din ako yun nga lang, masama ang tingin sakin ni Mykel at Aries. Isama pa yung tingin ni Ella na parang binibigyan ako ng sumpa. Yari! 

 

 

Chapter 38 Letter full of love Aries's POV

 

 "Hindi mo ba pwede'ng kausapin si Jay-jay?" Ella ask me. I shook my head. Kahit gustuhin ko, hindi susunod yun. Feeling ko nga lalu pa'ng tumigas ang ulo nya lately. "BWISIT!" Mykel shouted. Kanina pa sya ganyan. I can't blame him. He really like Mica. "Relax Mykel, mag-uusap pa lang sila pero it doesn't mean na magkakabalikan na." Kiko said. "Hindi mo ko naiintindihan! Palibhasa kasi wala ka'ng kaagaw kay Freya!" Galit na sagot ni Mykel. Kiko chuckled. "Sino'ng may sabi na si Freya ang gusto ko? Hindi ko sya type!" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kiko. Is he referring to Jay? Seryoso talaga sya na gusto nya si Jay? I can't believe this! "Tama na yan!" Awat ko sa kanila. "Tama si Kiko, Mykel. Mag-uusap pa lang sila. Kung gusto nyo kakausapin ko muna din si Mica." Ella said. Ayaw nya talaga kay Calix. Sabagay, he makes Mica cry. Kahit sino naman ata'ng kaibigan magagalit kung ganun ang ginawa sa kaibigan mo. "Wag na Ella. Malinaw naman ang usap nyo na ayaw na nya kay Calix diba?" Mykel ask. Ella nodded. Hindi ko alam kung ganu katagal maghihintay. Problema lang sana ni Mykel to, ewan ko kung bakit nadamay pa kami.

 

 Jay-jay's POV

 

 "Booogsshhh! Kaboooob! Aarrgghhh! Optimus!" Si Ci-N yan. Naglalaro ng... Ng... Anu tawag dun sa mga laruan na nakukuha sa loob ng chutchirya? Transformer?! Basta yun! Tapos maliit. Namili kasi ako ng dalawang pack ng chutchirya'ng mamiso. Hindi ko alam na may laruan sa loob. Syempre kanino pa ang bagsak nun? Sa mga ulupong kong kaklase, yung laruan kay Ci-N. "Ayan na! Kaaablaaaag! Bumble bee!" "Tigilan mo nga yan Ci! Papakain ko sayo yan!" Sita ni Calix. "Hayaan mo nga sya!" Kontra ko. Naglalaro yung bata tapos babawalan nya. "Ikaw nga dapat yung tumigil! Kanina ka pa lakad ng lakad!" Puna ko sa ginagawa nya. Buhat kasi ng makabalik kami sa room, wala na sya'ng ibang ginawa kundi maglakad, maupo o ikutin ang room plus awayin kami'ng mga classmate nya. "Hindi pa rin kasi sya nagtetext. Sabi nya itetext nya ko kung saan." Sabi ni Calix habang patuloy sa pag-ikot. "Malay mo naman wala'ng load." Sagot nung isang classmate nami'ng busy sa pakikipag-laro kay Ci-N. Oo, may nakikipag-laro sa kanya. Hindi ko nga lang alam pangalan. "Oo nga naman... Tama si---Anu pangalan mo?" "Tagal na nati'ng magkasama hindi mo pa rin alam pangalan ko?" "Tingin mo itatanung ko kung alam ko?" Pagsusungit ko. Sasabihin nalang ang pangalan, magtatanung pa. "Tsk! Eren de Luna..." Sagot nya. "Ok.." Tinignan ko ulit si Calix. "..Tama si Eren. Malay mo wala'ng load." Hindi sumagot si Calix. Tinignan lang ulit ang cellphone nya at bumalik sa ginagawa. Pati ako naiinip na rin. Idagdag pang wala'ng klase. Wala si Ma'am Zaragosa. Kinuha ko nalang ang cellphone ko. Mag-lalaro nalang ako. Pagbukas, meron ako'ng text galing sa unknown number. From: +639********* Message: Mica to... Paki-sabi kay Calix, sa dating meeting place namin. Mamayang uwian. Salamat. Bakit sakin sya nagtext? Muka'ng kanina pa tong text na to. Lumapit ako kay Calix at iniharap sa kanya yung phone ko. "Sakin pala sya nagtext. Hehe." Sabi ko at nagpilit ng ngiti. Inagaw naman ni Calix yung phone ko at tinigna'ng mabuti yung text. "Okay na? Pwede ka ng tumigil sa pag-lakad lakad?" Tanung ko sa kanya. Binalik nya yung phone sakin at nanahimik sa upuan. Edi ayan! Solve! Dumating ang sunod nami'ng teacher para sa sunod na klase. Parang ang bagal ng oras. Eto yata yung sinasabi nila na 'It feels like eternity'. Halata'ng hindi mapakali si Calix, parang sinisilihan ang pwet. "Gumawa kayo ng report tungkol sa mga bayani. Ngayon na! Eto magkaka-member." Utos ni Ms. Smith. Para talaga sya'ng hindi teacher umasta. Pero astig at ang sexy. "...Mariano, Peralta, Brewer & Rivera..." Tawag ni Ma'am samin. Ayos! Si David at Ci-N, tsaka pala si Calix. Lumipat kami ng upuan, palapit kay Calix. Obvious naman kasi na wala sya'ng balak umalis sa pwesto nya. "Anu daw gagawin?" Tanung ko sa kanila habang naghahalungkat ng papel sa bag. "Ewan ko..." Sagot ni Ci-N. Nilabas ko yung notebook ko. Dun ko muna isusulat mga gagawin namin. "Ako magsusulat..." Prisinta ni Ci at inagaw yung notebook ko. Dala ng pagiging kasat, nahulog yung notebook ko. Nagsabog ang mga naka ipit. "Hay naku!" Pinulot ko yun at pati mga naka-ipit na laman. Damdamputin ko na sana yung huling naka-ipit sa notebook ko ng unahan ako ni Calix. Yung Love Letter. "Bakit meron ka nito?! Saan mo nakuha to?!" Galit na tanung nya sakin. Ang totoo, nakalimutan ko'ng nasa bag ko yan. Nawala sa isip ko matagal na panahon na. Akala ko naitapon ko, andito lang pala sa notebook ko. "A-anu..." Pinagtitinginan na kami ng mga ulupong. "Hindi ba kayo makakagawa ng hindi nag-iingay?!" Sita samin ni Ma'am. "SAAN?!" Sigaw nya. "Sa taas, dun sa room----Hoy!" Mabilis na tumakbo palabas si Calix. Pati mga classmate namin napatayo na rin at nagpabalik-balik ng tingin sakin at sa pinto. "Anu'ng nangyari don?" Mahinaho'ng tanung ni Ma'am. Napakamot ako sa ulo. "Kasi... Yung... Anu..." "Sundan mo nalang kung hindi mo masabi." Bored na utos ni Ma'am. Ginawa ko naman at mabilis na naglakad palabas. Sure ako'ng sa taas ang punta nya dahil dun galing yung sulat. Malapit na ko sa room ng may marinig ako'ng umiiyak. Galing yun sa room kung saan ko nakuha yung sulat. Dahan-dahan ko'ng sinilip. Si Calix yun, nakaluhod sya habang nakayuko at tinitignan ang mga papel sa sahig. Hindi na dapat ako lumapit sa ganto'ng sitwasyon. Alam kong gusto nya'ng mapag-isa. Kayalang kasi.... Dahan dahan ako'ng naupo sa tabi nya. "P-pwede----" "Wag ka muna'ng magsalita. Ayoko ng sermon." Sabi nya, kaya tumahimik naman ako. Hindi ko alam kung aalis ba ko o mauupo nalang sa tabi nya. "L-lagi nya ko'ng binibigyan ng sulat. G-gusto'ng gusto ko'ng binabasa yung mga yun." Sabi nya habang umiiyak pa rin. "N-naguguluhan ako nung una. P-pero malinaw na sakin, na mahal na mahal ko sya." Nakatitig lang ako sa kanya. "P-panu ko pa yon, i-ipaparamdam sa kanya? A-ang laki ko kasi'ng tanga!" Bigla na lang nya hinampas ang ulo nya. Nagulat ako kaya agad ko sya'ng pinigilan. Lalu'ng lumakas ang pag-iyak nya. Dati, natatawa ako kapag nakakakita ng lalaki'ng wagas kung umiyak. Pero ngayon, awa na yung nararamdaman ko. Niyakap ko sya. Wala to'ng malisya! Patuloy pa rin sya, at naiiyak na rin ako. Ayoko talaga ng drama! Kainis! May ilang minuto din siguro sya'ng umiyak bago huminto. Binabasa nya isa isa yung papel sa harap nya, na Letter pala galing kay Mica. Kumuha ako ng isa at binuksan. Ako na paki-alamera. Pero yung sulat na napulot ko yung nakuha ko. "Tignan mo to..." Pinakita ko yung part ng sulat na may nakalagay na... 'isigaw mo lang na mahal na mahal mo ko mawawala lahat ng yun.' Ngumiti sya. "Sana nga gumana yan..." Tumunog na yung bell. Uwian na, nawala sa isip ko yung report. Hanep yan! Tumayo na ko at pinagpag ang palda ko. "Panu? Iwan na kita... Ikaw ng bahala sa lahat." Sabi ko at ngumiti. Palabas na ko ng room ng bigla'ng magsalita si Calix. "Salamat Jay..." Ngumiti ulit ako sa kanya. Mabilis ako'ng naglakad paalis. Pagbalik sa room, agad ako'ng sinalubong ng mga ulupong. "Jay! Anu nangyari?!" Bungad ni Ci-N. "Bakit umalis si Calix?" Tanung ni Eren. "Magkikita paba sila ni Mica?" Singit ni Kit. Napangiwi ako sa kanila. Iisa lang ako mga brad! "Mag-uusap na sila ni Mica. Hayaan na natin sila." Kinuha ko yung bag ko at inayos yung mga gamit ko. Uuwi na ko, bukas nalang ako makiki-balita sa kanila. "Magsi-uwi na kayo..." Utos ko sa mga ulupong. Kayalang ang mga hinayupak hindi gumagalaw. Mga wala ata'ng balak umuwi. "Uuwi ba kayo o pagsi-sisipain ko kayo?!" "Maya nalang Jay..." Sagot sakin ni Ci-N. "Ayaw nyo?!" May paghahamon sa tono ko. Umiling lang sila. "Sige... Wala kayo'ng chocolate bukas." Pagkasabi nun para'ng may mga lakad na nagmadali sa paglabas ang mga luko. "Ayos..." Bulong ko. Huling lumabas si Yuri at Keifer na pareho pa'ng tumingin sakin sandali. Kung hindi sila magkalahi magka-dugto'ng siguro ang pusod nila. Tama! Lumabas na din ako. Nagagawa pa'ng magkulitan ng mga luko habang naglalakad. "Jay... Ako una mo'ng bigyan ah?" Bulong ni Ci-N. "Wala ba kayo'ng pambili g chocolate?" "Meron... Mas masarap kasi kapag bigay o kaya libre." Todo ngiti'ng sagot sakin ni Ci-N. Wala ako'ng masabi. Ibang klase! Nakalagpas na kami sa main building ng makasabay namin sa paglalakad ang grupo ni Aries. Nagpalitan na ng matatalim na tingin ang magkabila'ng partido. Ang sama rin ng tingin sakin ni Mykel. Syempre, hindi ako papatalo sa tingin nya. Yun nga lang, nawala sa isip ko'ng naglalakad kami. Ayun nabunggo ako sa pader----Joke! sa likod talaga ng kung sino. Huminto kasi yung nasa harap ko na si Keifer pala. Bakit ang tigas ng likod nya? Pero hindi nya pinansin yung pagkakabunggo ko. Busy sya sa pagbulong kay Felix. Hindi sa nakikinig talaga pero narinig ko lang. "Balikan nyo si Calix. Delikado sya kay Mykel." 

 

 

Chapter 39 One Last Chance Jay-jay's POV

 

 Ang sarap pagmasdan ng muka ni Calix ngayon. Wala ako'ng crush sa kanya ah. May bago lang kasi. Ang aliwalas kasi ng muka nya. Ganun pa din naman ang ayos nya. Muka pa rin'g gusgusin. Hindi nag-ahit at ang kapal ng buhok. May kakaiba lang talaga. "Type mo naba si Calix?" Bulong sakin ni Ci-N. Tinignan ko sya ng masama. "Type agad? Hindi ba pwede'ng may bago lang sa kanya?" Tinignan din nya si Calix at tumango-tango. May kakaiba talaga sa kanya. Hindi naman sya ngumingiti, nakasibangot pa rin. Ganun ata talaga kapag nabawasan ang bigat na nararamdaman. Speaking of nararamdaman... Nararamdaman ko'ng kailangan ko'ng magbanyo. Sandali ako'ng nagpa-alam kay Ci-N at mabilis na naglakad papunta'ng CR. Sinilip ko muna, pati mga cubicle. Mahirap na! Nakakadala yung nangyari nun. Habang naka-upo sa trono. Napansin ko yung mga vandalism sa pinto ng cubicle. Love is Blind Panget si Mayet I Like You Yuri Super gwapo mo Keifer Pfffttt. Super talaga? May nagkakagusto pala sa mga mokong na to. Dapat dun nila sinulat to sa CR ng lalaki. Mababasa ba nila to kung dito ilalagay. Kinuha ko yung pHone ko at kinuhanan ng picture yung mga vandal. Ipapakita ko sa Hari ng ulupong. Light bulb 💡 May pumasok na ideya sa utak ko. Ideya para mapatunayan na si Freya nga ang nagsabi nu'ng 'M' word. Mabilis ako'ng nag-ayos at isinagawa yung plano ko. Sana lang hindi mawala yung phone ko dito. Matapos i-set up ang mga kailangan lumabas na ko ng CR. Finger cross na sana dito mag-CR si Freya. Nakita ko si Felix na naglalakad. Papasok pa lang siguro sya. "Felix!" Tawag ko at tumakbo palapit sa kanya. Pero tinignan lang nya ko. Medyo matagal na kami'ng hindi nag-uusap. Start nung nalaman nila'ng pinsan ko si Aries. "Uy! Kamusta?" Tanung ko at ngumiti. "Ayos lang..." Wala'ng gana nya'ng sagot at muling bumalik sa paglalakad. Anu ba'ng problema nito? "Huy! May ginawa ba ko sayo? Bakit ba hindi mo na ko kinakausap?" Hindi nya ko pinansin at tuloy pa rin. Nakarating kami sa room ng hindi ako kinakausap. Bakit ba kasi? Hindi pa ko nakakaupo ng salubungin ako ni Calix. "Pwede ba tayong mag-usap?" Tumango lang ako at sinundan sya. Sa tapat kami ng hagdan huminto. "Bakit? May problema ba?" Tanung ko. "Kinakabahan kasi ako..." "Ha?" Napahimas sya ng batok at tinignan ako. "Naging maayos yung pag-uusap namin kahit medyo... Nag-iyakan kami. Nanghingi ako ng isa pang chance pero hindi ko alam kung payag sya." "Wala ba sya'ng sinabi kung itetext ka nya or tatawagan?" Umiling lang sya at tumingin sa malayo. "Gusto mo bang kausapin ko sya?" Tanung ko. Hindi sya nagsalita. Nakatingin pa rin sa kung saan. "Sige.. Kapag nakakuha ako ng pagkakataon, kakausapin ko sya." Sabi ko at humarap sakin si Calix. "Salamat.." sabi nya at ngumiti. Ngumiti din ako sa kanya at bumalik na sa room. Sakto naman dahil kasunod na namin ang teacher. Walang pumapasok sa isip ko. Barado kasi---Charot! Iniisip ko kasi yung phone ko sa banyo, plus si Felix na hindi ako pinapansin. Yung totoo medyo nami-miss ko na din sya. Yung paglapit-lapit nya sakin at paghingi ng pagkain. Oo sandali panahon lang yun pero hinahanap-hanap ko eh. Wala rin ako'ng crush sa kanya. Mabilis na natapos ang mga sunod na subject. Ganun talaga, lutang nga eh. Nagpaaalam muna ko kay Ci-N. Sabi ko sa tambayan nalang kami magkita. Pumunta ko sa banyo at hinanap ang phone. Andito pa naman at muka'ng nakuha ko na yung kailangan ko. Eto na! Eto na! Lumabas muna ko ng CR at tumakbo pabalik sa tambayan namin. Andun na si Ci-N at David. Excited pa ko'ng naupo at binuksan ang phone ko. "Anu yan?" Tanung ni Ci-N at naki-usyoso. Pati si David tumingin na rin. Kuha to sa loob ng banyo. Nilagay ko yun sa tissue box na nakadikit sa dingding sa tabi ng salamin. Sira naman yun kaya walang nakapansin. Video play... Matagal bago magkaroon ng tao sa CR kaya fast forward na ang ginawa ko. Sakto naman na natapat kung saan pumasok si Freya sa banyo. Buti nalang dun sya ng-CR! "OMG! Look Girl!" Sabi ni Canvas-1 habang nakatingin sa salamin. Tinignan yun ni Freya at agad na umusok ang ilong nya sa galit. "Ang kapal! Kung may malandi dito! Hindi ako yun! How dare... Humanda sakin ang nag-sulat nito!" Galit na sabi ni Freya at pilit binura yung nakasulat sa salamin. "Sino nama'ng maglalagay nyan dyan? Ang lakas ng loob nya!" Sabi ni Canvas-2. "Maybe it was Jay! Sya lang naman ang malakas ang loob na kalabanin si Freya!" Gatong ni Canvas-1 "Sinabihan ba natin sya'ng malandi?!" Inusente'ng tanung ni Canvas-2 Oo! Sinabihan nyo ko! Nag-isip sandali ang tatlo at parang ulyani'ng hindi nila maalala. Ang shunga naman ng mga to! "Or maybe it was Ella! Remember yung incident?!" Sagot ni Freya sa kanila. They all has the complete puzzled look. "Yeah! Sure ako'ng sya yun! Sya lang naman yung sinabihan natin ng malandi!" Maarte'ng sabi ni Canvas-1. Aarte talaga ng mga to! Ngetpadudets naman! "Malakas ang loob nya because she have Aries! Nakakainis!" Irita'ng sabi ni Freya. Nagpa-maywang pa sya sandali at tinitigan ang reflection sa salamin. Pwede ri'ng tinititigan nya yung sinulat ko na obvious naman na hirap sya'ng burahin. "Aaarrggghhh!!" Sigaw ni Freya at nagpapadyak. Abnormal! "Ikaw ang malandi! Ella'ng malandi! Saksakan ng landi! Sobra sa---" hindi natapos ni Freya ang sasabihin. Tinakpan na kasi nung dalawa'ng Canvas ang bibig nya. "Baka may makarinig na naman sayo! Anu kaba?!" Sabi nung Canvas-2 at pilit hinatak si Freya paalis. Wagi ang plano ko! Sobra pa sa hinihingi ko yung nakuha ko. "Para saan yan Jay?" Tanung ni Ci-N. "Para kay Aries at para makaganti na rin kay Freya." Sabi ko habang inaayos ang video. Kailangan ko i-cut. Yung kuha lang naman ni Freya ang kailangan ko. "Anu pala yung nakalagay sa salamin na ikinagalit ni Freya?" Tanung ni David. Hindi ako sumagot. Pinakita ko lang sa kanya yung picture. Kinuhanan ko muna kasi yung sinulat ko bago ilagay yung phone sa gilid. "Ikaw ang malandi Freya! Hindi ako! P.S. Hindi ka rin kagandahan kaya tumigil ka sa pag-iinarte." Napangiti naman si David. "Hanga na ko sayo Jay-jay..." Gumanti naman ako ng ngiti, na hindi matutumbasan ng kahit anu. Kailangan ko nalang ipakita kay Aries to. Tignan ko lang kung hindi umusok ilong nya sa galit kapag nalaman nya'ng sinabihan na naman ng 'M' word si Ella. Bwuhahahahahahaha... *Evil Laugh* "Pwede bang kumain muna tayo? Nagugutom na ko..." Reklamo ni Ci-N habang naka-pout at naka-hawak sa tyan nya. Oo nga pala. Nawala sa isip ko'ng lunch break na. Na-excite ako sa video'ng hawak ko eh. Nilagay ko muna sa bag yung phone ko at kinuha yung baon namin. Dalawa na sila'ng pinagbabaon ko. Wala'ng nagsabi sakin na ipagbaon si David. Kusa ko'ng ginawa yun. "Eto sayo... At eto sayo..." Sabi ko habang inaabot yung baunan sa kanila. Tuwa'ng tuwa ang Ci-N at buong galak na binuksan ang baunan. Si David walang reaksyon pero alam ko'ng nagustuhan nya. Basta alam ko! Ako din masaya! Masaya ako'ng makakaganti kay Freya. Bwuhahahaha... "Jay..." Tawag sakin ni Ci habang ngumunguya. "Tigilan mo yang pag-ngiti mo. Muka ka'ng tanga." Nakangiti pa rin ako. Kahit anu'ng sabihin nila. Ngingiti pa rin ako. Makakaganti na ko sa peste'ng Freya na yun. I'm so excited... And i just can't hide it! Yan! Napakanta na lang ako. Kasi naman... Hindi ko maimagine yun galit ni Aries. Malilinis na rin yung pangalan ni Mica at the same time. Matapos ang launch. Bumalik na kami sa room. Sabay-sabay pa kami'ng tatlo sa paglalakad. Nakahawak pa ko sa braso nila David at Ci-N. Escort lang ang peg. "Jay-jay!" May tumawag sakin. Mica. Ngumiti ako sa kanya at lumapit. "Bakit?" Gumanti sya ng ngiti sakin. "Gusto lang sana kita'ng makausap." Tumango ako at sinenyasan sila Ci-N na tumuloy na. Medyo lumayo kami sa room. Syempre, manana-inga na naman yung mga classmate ko. "Jay..." Mica started. "...Gusto ko sana'ng hingin ang opinyon mo." "Tungkol saan?" Tanung ko. "Tungkol samin ni Calix. Kagaya kasi nung sinabi mo dati, mas mabilis ako'ng makaka-move on kung papakinggan ko yung explanation nya... Totoo yun Jay. Gumaan yung pakiramdam ko nung nagka-usap kami." Paliwanag nya. Sabi nga pala ni Calix na nanghingi sya ng isa pa'ng chances. Yun nga lang hindi nya alam kung payag si Mica. "Tingin mo ba dapat ko pa'ng bigyan ng isa pa'ng pagkakataon si Calix?" Tanung nya sakin. Napahimas ako sa batok. "Yung totoo... Ikaw dapat ang nakaka-alam nyan. Pero..." Tinignan ko sya sa mata. "...Tao lang si Calix. Nagkakamali din sya, sapat na siguro yung mga panahon na iniwasan mo sya para ma realize yung mali nya. Hindi rin masama kung ibibigay mo yung pagkakataon na hinihingi nya." Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi ko. Ngayon lang ako nagbigay ng advice na ganyan kalupit. Is that you Jay? Pati mga bulate ko sa utak nabigla din. My gudness

 

 

Chapter 40 Good or Bad News Jay-jay's POV

 

 "Buksan mo na!" Atat na utos ko kay Calix. "Kinakabahan ako ih!" Sagot nya sakin. Tinitigan ko sya ng masama. Eto na yung pagkakataon nya para malaman yung desisyon ni Mica tapos ayaw naman nya'ng tignan. Abnormal! Matapos ako'ng kausapin ni Mica kanina. Buong ngiti nya'ng inabot sakin ang sulat. Naki-usap sya'ng ibigay ko kay Calix at duon naka-lagay ang desisyon nya. Agad ko'ng binigay kay Calix yun at hinatak ako papunta'ng second floor ng building ng Section E. Kaya eto kami ngayon. Muka'ng tanga na nagpipilitan. "Ako nalang magbubukas!" Sabi ko at pilit inagaw ang sulat. Agad nama'ng inilayo ni Calix ang sulat sakin. "Ayoko! Ako dapat!" "Bilisan mo na kasi..." Paki-usap ko sa kanya. "Eto na nga!" Sagot nya. Unti-unti nya'ng binuksan ang sobre. Kinuha ang sulat at binuklat ito mula sa pagkakatupi. Pa-thrill naman to! Hinintay ko ang sasabihin nya. Nakatitig pa rin sya sa sulat ng bigla nalang tumulo ang luha nya. Shit! Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Tuloy pa rin sya sa pagbasa at tuloy tuloy din ang pagluha nya. Gusto ko'ng mag-sorry, pero para saan naman. Natapos nya'ng basahin ang sulat unti-unti nya'ng binaba yon. Nakatulala lang sya at lumuluha pa rin. "Calix..." Tawag ko sa kanya. Tinignan nya ko at bigla sya'ng ngumiti. Hindi ko alam kung nababaliw naba sya o pinipilit lang talaga pasayahin ang sarili. "Hahaha... S-salamat Jay!" Sabi nya. Kinakabahan ako dito kay Calix. Feeling ko nabaliw na talaga sya. "Jay! B-binigyan nya ko ng chance!" Pagkasabi nya nun, napatalon nalang ako at napa-palakpak. Alam kong OA pero kasi nag-expect na ko ng kabiguan. Pinunasan ni Calix ang luha at tumawa. Nawala na yung malungkot na awra. Para'ng okay na ang lahat ulit. "Wag mo ng sasaktan ulit si Mica ah! Sakin kana malilintikan!" Banta ko sa kanya. Tumawa lang sya ng tumawa. Masaya ako para sa kanila. Hindi na ulit iiyak si Calix at hindi na rin kailangang tiisin ni Mica ang lahat. Dapat ko na talaga'ng maka-usap si Aries. Kailangan na nya'ng tigilan si Mica at parusahan ang dapat parusahan. Bumalik na kami sa room ng may buong galak. Kahit mga classmate namin napansin yung ngiti ni Calix. Binigay naman nya ang maganda'ng balita. Hindi na ko makapag-hintay na maka-harap si Aries. Natapos ang klase. Mabilis pa sa alas kwarto ang naging kilos ko. Lakad takbo rin ang ginawa ko para makauwi agad sa bahay. Yun nga lang, wala pa ang Aries. Hinintay ko sya sa pinto para masiguro na hindi kami magkakasali. May isa'ng oras na siguro ako dito sa pwesto ko pero wala pa rin. Hangang sa narinig ko yung busina ng kotse sa labas. Excited ako'ng hinintay na maka-garahe ang kotse. Ayan na! Ayan na! Bumaba ang Aries at tinignan ako ng masama. Papasok na sya sa loob ng harangin ko sya. "Tsk! Bakit na naman ba?" Galit na tanung nya sakin. Hinarap ko sa kanya yung phone at hinayaang mag-play ang video. Matagal din sya'ng nakatitig at bigla nalang nagsalubong ang kilay nya. "Para saan yan? Bakit kailangan mo pang ipakita sakin yan?" Sabi nya. Ay! Hindi nagalit? "Proweba! Na hindi si Mica yung nagsabi nung 'M' word kay Ella. May additional, inulit pa nya!" Nag-cross arm sya'ng humarap sakin. "What do you want me to do?" "T-tigilan mo si Mica..." Sagot ko. Hindi ganito yung expected ko. Dapat magalit sya kay Freya. "Granted." Sagot nya at pumasok sa loob. Hinabol ko sya agad at hinarangan ulit. "Anu na naman ba?!" "Hindi mo man lang ba aawayin si Freya tungkol dito?! She deserve to be punish..." Aries chuckled. "That's it! Gusto mong makaganti kay Freya, is that right?" "H-ha? K-kasi----" "You want to use me para makaganti sa kanya! You show me that video as a proof but you also use it para mahikayat ako na magalit kay Freya!" "H-hindi----" "Because that's what you want! I am not going to punish Freya!" Galit na yung tono nya. "Don't ever try to use me again!" Sabi nya at tuluyan ng umalis. Alam ko'ng tama sya. Hindi ko sya dapat ginamit para makaganti kay Freya. Pero ang sakin lang, maling tao yung pinarusahan nya. Bigo ako'ng pumasok sa kwarto. Pabagsak ako'ng nahiga at tumitig sa kisame. Bakit ang unfair? I'm just trying to help Mica at the same time punish Freya. Pero hindi yun gagawin ni Aries dahil yun ang gusto ko. Bakit? Bakit ganyan ka Aries? Sobra ba ang galit mo sakin? Sinubukan ko nama'ng makipag-ayos pero ang ilap mo. Hindi na ba tayo pwede'ng maging katulad ng dati? Yung naglalaro tayo sa bahay nila Tita. Sinusundo mo ko sa bahay at nakiki usap kay Mama na palabasin ako para maglaro. Inaaya mo kong maligo sa ilog at ipagyayabang mo sakin yung school mo dito sa inyo. Alam kong gawai'ng bata yun pero yung bonding, yung mga ngitian at tawanan natin. Hindi naba pwede'ng ibalik yun? Kinabukasan... Tanghali na ko bumangon. Wala naman kasi pasok. Malulam ang panahon at parang uulan. Naglakad ako papunta sa kusina. Gusto ko na kasi'ng kumain. Nakakagutom pala yung hindi pagbangon ng maaga. Pagbaba, napahinto ako. Bakit andito tong mga to? "Hi Jay!" Bati sakin ni Kiko at kumaway. Nagpilit ako ng ngiti at kumaway din. Andito yung mga Section A. As usual, si Freya'ng bruha, si Ella, si Kiko, si Mykel na masama ang tingin sakin at iba pa na hindi ko kilala. Dumiretso ako sa kusina kung nasaan si Tita at nag-hahanda ng sandwich. "Tita... Bakit po andito yung mga classmate ni Aries?" Tanung ko. "Gagawa daw sila ng report. Hinihintay lang nila si Aries at yung iba pa." Sabi ni Tita. Inabutan nya ko ng sandwich at baso ng juice. "Kumain kana..." Ginawa ko naman, dahil gutom na ko. Ayoko mag-stay dito sa bahay. Ang weird kasi ng pakiramdam ko kapag andito sila sa bahay. Lalu na yung Freya na yun, kumukulo ang dugo ko. Tutal, malulam ang panahon. Mag-bike ako, mamasyal na rin ako. Hindi ko pa rin naman kasi nararating yung ibang lugar dito. Pagkatapos kumain, bumalik ako sa kwarto at nag-ayos. Hinanda ko rin ang phone at headset ko. Si Kiko ang unang nakapansin sakin pagbaba ko. "Aalis ka?" "Oo.. Exercise na rin." Parang nalungkot yung muka nya. "Sige.. Ingat! Mami-miss kita." Ahihihi... me'loves naman! "Ako din..." Walang malay kong sagot. Bigla sya'ng ngumiti. Anu ba yung sinagot ko? "M-mami-miss ko yung sarili ko..." Dugtong ko at bigla syang tumawa. "Hahahaha... Ang cute mo Jay." Cute?! Cute daw ako?! CUTE DAW AKO!!! AHAHAHAHAHA Yung puso ko bigla nalang tumambling. Kaya bago pa sya humiwalay sa katawan ko, lumabas na ko ng bahay. Kinuha ko yung bike at nag-pidal. Grabe si Kiko! Nagwawala yung puso ko dahil sa kanya. Ang landi mo Jay! Habang nagb-bike, may nakasabay ako'ng mga bata na nagtuturuan sa pagbike din. Hay... Si Aries nga pala ang nagturo saki'ng magbike. Nalungkot naman ako bigla. Hindi ko dapat iniisip yun. Kasi naman tong mga bata na to! Tapos bigla'ng lumipat yung music sa cellphone ko. Sapul na sapul saming dalawa. (We don't talk anymore - Charlie Puth ft. Selena Gomez) We don't talk anymore We don't talk anymore We don't talk anymore Like we used to do "Jay! Tara na! May bago ako'ng laruan." "Andyan na!" We don't laugh anymore What was all of it for? Oh we don't talk anymore Like we used to do "Tignan mo ko! Lilipad ako!" "Baka mahulog ka! Bumaba ka dyan Jay!" I just heard you found the one you've been looking, You've been looking for. I wish i would have known that wasn't me. Cause even after all this time. I still wonder Why i can't move on Just the way you did so easily. "Pinalo ako ni Mama! Huhuhu!" "Okay lang yan Jay... Paglaki mo paluin mo din sya." We don't talk anymore. We don't talk anymore. We don't talk anymore. Like we used to do "Babalik ako sa bakasyon. Mag-aaral muna ko." "Promise?" We don't laugh anymore What was all of it for? Oh we don't talk anymore Like we used to do "Laru tayo Aries!" "Hindi na pwede Jay!" I just hope you're lying next to somebody. Who knows how to love you like me. There must be a good reason that you've gone. Every now and then I think you might want me to Come show at your door But i'm just to afraid that I'll be wrong. "Bakit? Ayaw mo na kong kalaro?" "Hindi na tayo bata para maglaro!" That we don't talk anymore. (We don't we don't) We don't talk anymore (We don't we don't) We don't talk anymore Like we use to do We don't laugh anymore (We don't we don't) What was all of it for? (We don't we don't) Oh we don't talk anymore Like we used to do. "Aries... Anu'ng nangyari sa Papa mo?" "Hindi ko alam..." "Okay ka lang ba?" "Hindi ko alam..." "Aries----" "I think it's better if you don't talk to me anymore. Just... Just stay away from me." Napahinto ako. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Iniiyakan ko yung mga memory na tanging meron ako nun. Mga panahon'g nakikipag-laro pa at nakikipag-kwentuhan si Aries sakin. May pagkakataon na nagpagkakamalan din kami'ng magkuya. Ang weird nga lang. Yun lang kasi ang mga alaala na meron ako tungkol sa kabataan ko. Hangang dun lang ang meron ako. 

 

 

Chapter 41 Ghost Jay-jay's POV

 

 Hindi ko na-enjoy ang weekend ko. Bwisit kasi yung kanta ni Charlie Puth. Crush ko pa naman yung singer na yun. Kaya lang pinaiyak ako ng kanta nya. Papunta na sana ako sa Dining ng marinig ko'ng nag-uusap sila Tita Gema at Kuya Angelo. Napahinto ako kasi ako yung pinag-uusapan nila. "Dinala nyo na sa Pschyciatris?" Tanung ni Kuya. "Hindi pa eh... Ayoko kasi'ng buksan ang topic na yun sa kanya." Sagot ni Tita. "Ma.. Kailangan ni Jay-jay yun." "Hindi ba mas mabuti kung hindi na natin sya pilitin na maalala yung nakaraan nya." "Panu natin makakasuhan yung mga yun kung hindi makaka-pagbigay ng statement si Jay?" "Oo nga.. pero tignan mo naman sya ngayon. Kawawa naman kung maalala nya pa yung mga nangyari sakanya." "I know it was a trauma for her. Maybe that's the reason why she no longer remember it. But she has to---she needs to." Ayan na naman sila. Pinipilit ako'ng alalahanin yung mga memory na hindi ko naman talaga maalala. Kahit anung gawin ko, wala talaga. Ang weird lang dun, naalala ko silang lahat pati mga ginagawa ko nun. Tangi'ng nga pangyayari sa bahay lang ang hindi. Sabi nila marami daw naging asawa si Mama at karamihan sa kanila inabuso ako. Pero bakit hindi ko sila maalala? Wala akong maalala na may nanakit sakin. Basta nagising nalang ako sa ospital at pilit nila ko'ng tinatanung. Hindi ko naman sila masagot kasi nga wala. Akala pa nila Amnesia pero nung nakilala ko sila'ng lahat nag-umpisa na sila'ng matakot. Tapos nun, kinuha na ko ni Lola at inalagaan. Siguro next time ko nalang iisipin yun. Hindi na ko nakapag-almusal dahil sa pinag-uusapan nila. Kinuha ko yung bike ko at mabilis na nagpidal. Papasok na ko, sa school nalang ako bibili ng pagkain. Tropa ko naman yung tindera. Tahimik ako'ng nagmamaneho ng may mapansin ako'ng kotse. Top down. Angas! Napatingin ako dun sa lalaki'ng nakatayo sa poste. Muka'ng sya yung driver. Naka-shade pa sya at naninigarilyo. Dumiretso na ko at nilagpasan nalang sya at yung kotse'ng ma-angas. "Hey Miss!" Someone called me. Napa-preno ako at napatingin dun sa lalaki'ng nakasandal sa poste. Lumapit naman sya sakin habang nakangiti. "May kailangan po kayo?" Tanung ko. "Yeah... I'm actually lost. Can you tell me the right direction to the nearest mall?" Sabi nung lalaki. English spokening! Mukang yayamanin si Kuya. Kaya-kaya'ng yan. "Yes of course. Can you see that store?" Sabay turo ng tindahan sa kanto. Nag-nod naman sya. "You can ask them for direction. Not me. I'm just new here." Sabi ko at mabilis na nagpidal paalis. Hahaha.. Pasensya na! Wala pa ko'ng alam dito. Isang beses pa nga lang ako nagpunta sa mall eh. Nasa tapat na ko ng school ng bigla nalang may huminto'ng kotse sa harap ko. Muntik pa kong mabangga, buti nalang nakapag-preno agad ako. "Hoy! Anu----" napatigil ako ng makita yung kotse. Eto yung ma-angas na kotse. Tinignan ko yung driver. Si Kuya'ng Yayamanin na nagtanung ng direksyon sakin. Problema nito? Tinanggal nya yung shades at.... at.... at.... Blue ang mata nya. Gwapo ang lintik! Tangos din ng ilong. Medyo makapal nga lang yung buhok. Kulang sa gupit. "I forgot to ask your name." Sabi nya. Lah! Hinabol ako para lang sa pangalan? Adik ata tong si Kuya. "I'm----" "Hoy!" Someone shout. Nilingon ko kung saan galing yun. Si Yuri lang pala. Bigla nalang humarurot yung kotse paalis. Muntik pa kong hikain dahil sa usok. "*Ubo* Anu ba yan?!" "Sino yung kausap mo?" Tanung ni Yuri na katabi ko na pala. Nakatingin sya sa kotse'ng umalis. "Hindi ko kilala. Nagtanung lang ng direksyon." Sagot ko. Hindi sumagot ang Yuri. Nakatingin pa rin sya sa direksyon na pinuntahan ng kotse. Pipidal na sana ako para paandarin ang bike papasok sa school pero bigla nalang hinawakan ni Yuri ang manibela. "Baba!" Utos nya. "Ha? Bakit?" "Basta! Baba na!" Kahit hindi ako sigurado kung bakit, bumaba pa rin ako. Bigla nalang sya sumakay at pinaandar yung bike. Akala ko hahabulin nya yung kotse pero dumiretso sya sa gate ng school. Tignan mo tong tao na to! "Hoy! Aba!" Sita ko sa kanya. Hindi nya ko pinansin. Dire-diretso nya'ng pinaandar ang bike papasok sa loob ng school. Anu pa nga bang gagawin ko? Edi sundan. Takbo, lakad ang ginagawa ko. Kakahingal kaya. Pinarada nya yung bike sa harap ng room. Sapi talaga si Yuri! Pumasok na ko sa loob at hinanap ang talipandas. Sakto nama'ng nakatalikod sya kaya agad ko'ng binatukan. "Aray!" Sigaw nya at tinignan ako ng masama. "Para yan sa pangunguha mo ng bike ko?" Sabi ko at naupo na sa pwesto ko. Cross arm pa ko at sibangot na sibangot. Kainis kasi! Kala ko aanhin nya'ng hinayupak sya. "Haba ng nguso mo.." puna sakin ni Ci-N. Inirapan ko lang sya. Dumating na si Sir Alvin at nagsimula ang klase. Hindi rin nya kinalimutan ang padating na Exam. "Class.. Review review din. Malapit na Exam." Parinig naman ng sunod nami'ng teacher. "Guys! Mag-reveiw ah!" Sunod na teacher din. "Mga lecture nyo! Reviewhin nyo!" Sunod na teacher. Makakalimutan ba namin yan! Paulit-ulit nalang! Para silang mga sira'ng plaka sa utak ko. Review... Review... Review... Kayalang muka'ng ako lang yung nangangamba sa exam. Wala kasi ako'ng nababakas na takot or kaba sa mga ulupong. Meron pa nga'ng natutulog eh. Lunch time na. Wala nga pala ako'ng baon na pagkain. Hindi ko nakuha, kawawa naman kami'ng tatlo. Siguro bibili nalang ako kay Ate'ng Lilia. Kayalang baka nagtatrabaho. Hindi nya ko maaasikaso kapag maraming tao. Asar naman! "Nagugutom na ko..." Reklamo ni Ci-N. "Ako din..." Sabi ko. Andito kami ngayon sa tambayan namin. Wala naman kasi kami'ng kakainin kaya eto mga nakatanga kami. Hay... Sana nakakabusog ang hangin. Para pwede ko ri'ng kainin. "Muka kayong tanga." Sabi ng kung sino. Napatingin ako sa ibaba ng hagdan. Si Calix, kasama si Mica. May dala sila'ng tupperware. "Grabe ka samin!" Sabi ko at tumawa si Mica. Grabe sya! "Tara! Dun tayo sa tambayan namin!" Aya ni Mica. Dumaan pa sya sa harap namin. Dumiretso sila ni Calix sa ikalawa'ng room sa dulo. Kung saan ko nakuha yung love letter nila. Kami nama'ng tatlo nakasunod lang. Si Calix inayos yung apat na lamesa at bumuo ng mas malaking table. Kumuha din sya ng mga bangko. "Tara na! Bakit andyan pa kayo?" Tawag samin ni Mica. Nagtinginan lang kami'ng tatlo nila Ci-N at David. Muka'ng napansin ni Mica ang hindi namin pagkilos. "Calix... Sinabi mo ba sa kanila?" Tanung ni Mica. Sinabi ang alin? Napa-face slap si Calix. "Nakalimutan kong sabihin." "Sabihin ang alin?" Tanung ni Ci-N. "Sabi ko kay Calix, ayain kayo dito sa tambayan. Ipagluluto ko kayo, bilang pasasalamat." Paliwanag ni Mica. Pagkasabi ni Mica para kami'ng nanalo sa latto at nag-unahan sa premyo na makalapit sa kanya. Kasi naman gutom na gutom na kami. Patay guts narin ako! Kumpleto sa gamit si Mica. Paper plate, plastic utensils, juice at platic cup. Si Calix na daw bahala maglinis. Panay din ang thank you ni Mica samin. Hindi ko nga lang natanung kung kamusta sila ni Mykel at Ella. Alanganin naman kasi kung itatanung ko yun. Matapos ang ami'ng mumunting salo-salo. Tinulungan ko na si Calix magligpit. Nakakahiya kasi dun sa dalawa nami'ng alaga. David at Ci-N. Nakipag-chikahan lang kay Mica at hinayaan tong isa. Hanep yan! Iniwan na namin yung dalawa sa tambayan nila. Para naman makapag-solo sila kahit sandali. Nalaman kasi namin na hindi pa rin sila maka-kilos ng malaya dahil sa grupo ni Aries. "Nakakatuwa sila..." Sabi ko at tinignan ako nung dalawa. "...Sobra'ng saya kasi nila." Ngumiti lang ang David at Ci-N sakin. Alam na nila ibig kong sabihin dun. Na tapos na ang problema at nalagpasan nila yun. Matagal nga lang nila dinala ang lahat. Sabay sabay kami'ng bumalik sa room. Kwentuhan at asaran muna ang ginawa namin ni Ci-N bago dumating ang teacher. "Mag-review kayo ah?" Sabi nya. Huhuhuhu... Pati ba naman ikaw? P.E nga pala namin ngayon kay Ma'am Asunta. Tumakbo na ko sa CR para magbihis. Coast is clear naman. As usual, ayoko'ng magpatagal sa banyo kaya mabilis ang naging kilos ko. Pagbalik sa room. Jusme! Eto na naman po tayo. Naka-hubad na naman sila Keifer at Yuri. Naka-boxer naman sila. Pero sana magbihis naman sila agad. Nag-uusap pa sila habang nagbibihis. Napatingin na naman ako sa katawan ni Yuri. Ang dami kasi'ng peklat, para sya'ng nilatigo. Iba-iba yun size. "Jay! Tara na!" Sigaw sakin ni Ci-N. "H-ha? Andyan na!" Sagot ko at agad na sumunod sa kanya. Sa gymnasium ulit kami. Andito din yung mga Section A. Hindi ko alam kung P.E din nila kasi hindi naman sila naka-P.E. uniform. May teacher naman sila'ng kasama. "Section E... 500m run muna tayo. Pwesto na!" Sabi samin ni Ma'am Asunta. Pag-pito nya, agad kami'ng tumakbo. Kayalang para'ng mga wala'ng buhay tong mga ulupong na to. Kababagal tumakbo. "Wala naba kayong ibibilis?!" Sigaw ni Ma'am. Wala naman sumagot at wala rin'g bumilis ang lakad. Problema ng mga to? Dun ko lang din napansin. Nagpo-Pokemon Go sila. Binabagalan siguro nila para dun sa Pokemon Egg na gusto nila'ng mapisa. Hanep! Inuna pa yung Pokemon Go sa P.E. 

 

 

Chapter 42 Keifer's POV

 

 "What do you mean?" I asks Yuri. I don't really get what he means. "I saw him... He's talking to Jay-jay." Yuri answered. Imposible! Patay na yung tao, panu sya magagawang kausapin ni Jay. "4 years ng patay yung tao. Imposible yang sinasabi mo." "Pero hindi ako pwede'ng magkamali. His blue eyes look at me before he left." He explained as if he's really sure. I chuckled. "That's really impossible." "Pwede ko'ng tanungin si Jay kung gusto mo. I can show her a picture of Per----" I cut him. "Don't!... Just don't say his name here." I look at Section A. Nag-iinit ang ulo ko kapag naririnig ang pangalan nya. Bumabalik ang lahat ng nangyari nung gabing yun. Baka sa sobrang galit ko isunod ko si Aries sa kanya. Sa hukay nya! Tutal si Aries naman ang may kasalanan kung bakit sya nawala. Bagay lang syang isunod sa huk---what the fvck?! May bumunggo sakin. "S-sorry... Hahara-harang ka kasi eh." Sabi ni Jay-jay at muling bumalik sa pagtakbo. "You okay?" Yuri ask me. "Bwisit..." I murmured. Sakit na nga sa ulo ang babae'ng to, pati ba naman sa katawan. Ibang klase! Jay-jay's POV

 

 

 

 "Habulin mo ko!!" Sigaw ni Ci-N habang tumatakbo. "Lintik ka! Yari ka sakin!" Sigaw ko at mas binilisan pa ang takbo. Hababulin ko talaga ang impakto na to. Meron kasi ako'ng na-discover na kalokohan nitong si Ci-N. Sya pala ang nagbubukas ng fb ko sa cellphone. Ina-accept nya lahat ng Section E na nag-add sakin. Nagpo-post din sya sa wall ko. Hayop! Kaya pala ang dami ko'ng notification. "Lapastangan ka!" Sigaw ko ulit. "Hahaha.. Habol!" Sigaw nya. Maabutan ko na sana sya pero bigla nalang bumagal ang takbo nung nasa harap ko at kumaway sa kung saan. Sa inis ko sinipa ko sya sa likod. Hindi naman malakas pero sapat lang para bumagsak sya. "Aray! Sino---Jay! Bakit mo ko sinipa?!" Inis na tanung ni Calix. Sya pala to at mukang si Mica ang kinakawayan nya. "Ikaw kasi eh.." sabi ko at muling hinabol si Ci-N. Sakto nama'ng may kinakawayan ang walang hiya. Muka'ng si Rakki yun. Nakaupo sa bleacher at may hawak na racketa. Binilisan ko pa ang pagtakbo at agad na sinipa si Ci-N sa likod. Kapareho lang ng lakas nung kay Calix. "Aray! Masakit!" Sabi nya habang pilit hinihimas ang likod. "Impakto ka kasi." Sabi ko at bumalik sa pagtakbo. Hindi pa ko nakakalayo ng makita ko si David na may kinakawayan. Eto pan'g isa'ng pasaway! Tatadyakan ko din sana sya sa likod pero napatigil ako dahil dun sa babae'ng bumabalik ng kaway sa kanya. "I Love You David ko!" Sigaw nung babae. "Lah! May girlfriend ka pala?!" Tanung ko. Namula yung pisngi ni David at pilit tinago yung ngiti. "O-oo eh." Akalain mong matinik din pala sa chicks tong si David. Hanep! Swerte nya, ganda nung babae. Bumalik na rin sya sa pagtakbo kaya ganun ang ginawa ko. Malapit na kami'ng matapos ng makita ko si Kiko na kinakawayan ako. Binagalan ko yung takbo ko at kinawayan din sya. "Hi---aaayyyy!!!" Sigaw ko. May sumipa kasi sa likod kaya dire-diretso akong bumagsak. Tumayo naman ako agad at tinignan yun. Si Keifer kumag! "Aray ah! Inaano kita?!" Galit na tanung ko sa kanya. "Tsk! Hahara-harang ka eh!" Bored nya'ng sagot. Aba! Gumaganti! Bumalik sya sa pagtakbo. Sa sobrang inis ko dahil sa ginawa nya. Hindi ko namalayan na tumakbo ako para maabutan at sipain sya sa likod. Bumagsak si Keifer at bigla nalang tumigil ang lahat. As in tumigil yung mga ulupong sa pagtakbo, tumigil yung mga nerd na nagbabasa ng notes, tumigil din ang Section A sa ginagawa nila at pati mga nakatambay lang napatigil din. Tsk! Yari! Unti-unti tumayo ang Keifer. Kahit nakatalikod sya sakin alam kong pinapatay na nya ko sa isip nya. "Lagot sya." "Mag-aaway pa ata." "Yuri! Awatin mo!" "Galit na yang si Keifer." "Magkanu pusta mo? Kay Jay-jay ako." Sari-sari'ng reaksyon ng mga nakakita samin. Yung totoo, kinakabahan talaga ako. Ramdam ko na naman yung mabigat na awra ni Keifer. Para sya'ng papatay ng tao. Napalunok nalang ako. Unti-unti'ng humarap sakin ang Keifer. Nawala na ang pagitan ng kilay nya sa pagsalubong nito. "WHAT IS FVCKING WRONG WITH YOU?!" Galit na galit na sigaw nya. Nag-echo sa buong gymnasium yung boses nya. Nakakapanginig ng tuhod at laman. "I-ikaw kasi... N-naninipa ka!" Sagot ko sa kanya kahit ang totoo nagtatapang tapangan nalang ako. Katupusan ko na ata! "YOU! STUPID! NOOB! CRAZY! WOMAN! Your dead..." Pagkasabi nya nun para'ng naubos lahat ng dugo ko sa katawan. Bigla'ng lumamig ang pakiramdam ko. Niyakap ata ako ng multo. "JAY! TAKBO!" Sigaw ng kung sino. Ginawa ko naman dahil bigla nalang ngumiti si Keifer. Yung ngiti'ng hindi mo na gugustuhin na makita ulit. Yung sinasabi nila'ng Sinister smile! "Run faster! B*tch! Once i get you! YOUR DEAD!" Sabi nya at sinundan ako ng pagtakbo. Mas binilisan ko pa. Ang haba kaya ng binti nya. Dalawa'ng hakba'ng ko ata ang isa nya. Lagot na! "Bilisan mo!" Sigaw nila sakin. Sandali kong nilingon si Keifer at jusme, malapit na nya kong maabot. Napapagod na kong tumakbo pero mamatay ako kapag tumigil ako. Mas binilisan ko pa pero bigla nalang akong nadapa. Mas tama ata'ng sabihin na may tumisod sakin. Gumulong ako sa sahig na para'ng espasol na gumulong sa asukal. Masakit din yung paa ko dahil sa pagtisod. "Aaaawww..." Tinignan ko kung sino yung walang hiyang nanisod sakin. Yuri. Mumurahin ko na sana sya pero bigla nalang ako binitbit ni Keifer sa kwelyo at itinayo. "You think you can run away from me?" Sabi nya at inilapit ang muka ko sa kanya. Ay wag! Konti'ng kibot nalang magkakahalikan na tayo! "I will punish you! Until you cry and beg for your life." Sabi nya. Pilit kong inalayo yung muka ko. Kaunti nalang talaga. Ayoko sya'ng mahalikan. No! No! "Ilayo mo yung muka mo!" Utos ko sa kanya. Bigla sya'ng tumawa at pinandilatan ako ng mata. Ang creepy nya! Lalu nya'ng nilapit ang muka ko sa kanya. "How about that?!" Pang-aasar nya. Sabi ko ilayo hindi ilapit. "Yung muka mo!" Sabi ko at pilit nilayo ang muka ko. He chuckled. "Ayoko!" Hindi yata nage-gets nito yung gusto ko iparating. Ayoko sana'ng gawin to kayalang makulit tong si Keifer. Pumikit ako, ayoko makita yung pagmumuka nya. Hay... One. Two. Three. Bahagya kong nilingon ang muka ko paharap sa kanya. Bahagya lang, kaunti lang. Mga tini-wini-mighty-smally-move. Ayun! Sapul sa target! Nahalikan ko sya! Wala pang 0.01 milisecond ng pagsisihan ko tong ginawa ko na to. Akala ko kasi smack lang. Yung didikit lang yung labi. Hindi pala, medyo malalim kasi at nagtama pa yung ilong namin. Tang'na naman! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nag-wawala na at gusto ng humiwalay sa katawan ko. Puso! Huminahon ka! "Ay.. Nagkiss sila." Pagkasabi ng kung sino nun. Agad akong binitiwan ni Keifer. Kita'ng kita ko yung shock nya'ng muka. Namumula rin sya at hindi alam ang sasabihin. Jusme! Hindi lang ikaw ang shock! Nakakapang-lambot at ang init ng muka ko. Ang sikip din ng dibdib at lalamunan ko. Huminga ka Jay! Jusko! Makakahinga ba ko nito? Maling mali talaga yung ginawa ko. At nawala rin sa isip ko na marami'ng istudyante ang nakakakita samin. Ay teka! Napatingin ako sa Section A at nakita ko si Aries na palalapit samin. Kasunod si Mykel at Kiko. Bubuka pa lang sana yung bibig ko para magsalita pero hinawakan na naman ni Keifer ang kwelyo ng damit ko. Anu ba to? Gusto pa ata ng isa. "You did that in purpose!" Sabi nya sakin. Umiling lang ako habang nakatingin sa ibang direksyon. Hindi ako makatingin sa mata nya. Kasalanan nya yun! "Put Jay-jay down!" Utos ni Aries. Tinignan lang sya ni Keifer. Kung bitiwan na kaya nya ko. Nahihirapan na rin ako. Umaangat na yung paa ko sa sahig ng gymnasium. "And if i don't?" Pang-aasar ni Keifer. Bigla nalang ako'ng hinatak ni Aries. Pero hindi bumitaw ang Keifer at hinawakan ako sa braso. Muka na silang naglalaro ng thug of war at ako yung tali. Pero hindi masaya. Nasasaktan ako! Anu ba?! "Let go." Mariing utos ni Aries. Keifer smirked. "Make me." Hinatak ako ulit ni Aries pero ayaw talaga'ng bumitaw ni Keifer. "A-aray! Bitiwan nyo ko!" Walang pumansin sakin at patuloy sila sa ginagawa. "Why are you affected?" Pang-aasar na tanung ni Keifer. "I'm not affected. I'm concern with my cousin." Sagot ni Aries. "Anak ng pating... Bitiwan nyo na ko." Pagmamaka-awa ko. Pero walang pumapansin sakin. Nanlalambot na ko sa sakit ng pagkakahawak nila. "Pareho lang yun. Affected ka pa rin." Pang-aasar na naman ni Keifer. Kung iinisin nya si Aries pwede bang wag na kong idamay. "No. It's not." Sagot naman ni Aries. Aruy! Bitiwan nyo na ko. Nagmamakaawa ako. "Really?" Tanung ni Keifer. Hindi pa nakakasagot si Aries ng hatakin nya ko. Sobrang lakas narinig ko pang tumunog ang buto ko. Nakabitaw ang Aries at halos masubsob ako sa dibdib ni Keifer. "Maawa naman kayo sakin..." Hindi nya ko pinansin. "She belongs to Section E. Anything that we want to do to Jay is none of your business." Sabi ni Keifer. Belong? Kabilang na ko? Akala ko yun lang yon. Pero bigla nya ko hinawakan sa batok at baywang. Huminto ang tibok ng puso ko. Isang tibok tapos sumabog. Namatay na yata ako ng hindi ko namamalayan. Oxygen! Please! Hinalikan ako ni Keifer. Hinalikan! HINALIKAN?! Aaarrrggghhh!! Malalim na halik na halos kainin na nya ang bibig ko. Gumalaw ka Jay! Hindi ko kaya. Nanlalambot ako. Bigla nalang ginalaw ni Keifer ang labi nya at pilit pinasok ang dila sa bibig ko. Naka-tingin sya kay Aries habang ginagawa yun. Kadiri naman to! Hindi to pwede! Pilit kong tinulak si Keifer palayo pero mas lalo nya'ng tinulak ang ulo ko palapit sa kanya, gamit ang kamay nyang nasa batok ko. Tang'nang Keifer to! Kung nakakabigla yung paghalik nya. Mas nabigla ako sa sunod nya'ng ginawa. Ipinasok nya yung isang kamay nya sa shirt ko at.... At... At hinawakan ang dibdib ko. PUT A TANG IN A GLASS! 

 

 

Chapter 43 Exam Yuri's POV

 

 "Hahahahaha..." I can't stop laughing. Ang laki ng block eye ni Keifer. Nagsisimula na ko'ng mamangha kay Jay-jay. Halos lahat ata kami nabigla sa ginawa nya. "Sige.. Wag kang tumigil! Lalagyan din kita nito!" Pagbabanta nya sakin. I can't stop! Kasalanan naman kasi nya. Ipasok daw ba yung kamay sa shirt nung isa. Automatic na nag-wala si Jay at sinuntok sya. Akala nga namin hindi na sya makakabangon dun sa suntok. Namumula rin si Jay nung time na yun, sa galit or sa kahihiyan siguro. But i'll admit it. Hindi ko nagustuhan ang ginawa'ng paghalik ni Keifer sa kanya. There's a part of me that want to stop them. I also feel something weird inside my chest. I don't know what it is but i don't like it. I don't want to feel it again. It's not normal. I look at Keifer who's currently pressing an ice bag in his eyes. Kahit hindi sakin nangyari, ramdam ko yung sakit. Napansin kong bahagya sya'ng ngumiti . "Why are you smiling?" I asks him. "Because of Aries. He keeps surprising me." He answered. Lagi sya'ng naliligayahan sa pang-iinis kay Aries. Patol naman ng patol yung isa. Tss. Childish! "Akala ko kasi nasarapan ka sa ginawa mo kay Jay." Pang-aasar ko. Agad na nawala ang ngiti nya at nagsalubong ang kilay. "Pch! Iniinis ko lang si Aries kaya ko ginawa yun!" Depensa nya habang namumula. Natawa na naman ako dahil sa itsura nya. "Hahahahaha.." "Kaasar!" Tumigil din ako at muling humarap sa kanya. Inabutan ko sya ng stick ng sigarilyo. Tinanggap nya yun at agad na sinindihan. Yup...We do smoke. We already stop a few months ago but because of stress parang kusa'ng hinanap ng katawan namin ang sigarilyo. "What now? You're done with your test. Magsisimula naba yung plano?" I asks. He chuckled. "Yeah. I can't wait anymore. Anu kaya'ng gagawin ni Aries kapag umiyak si Jay-jay sa sakit?" I frowned and look at him in disbelief. "Are you planning to hurt Jay?" He arched a brow. "Well yeah... Physically and Emotionally. Depends on the situation." Why do i feel this? There it is again. May isang bahagi ko na gusto'ng tumanggi. I'm not supposed to feel this. "Is there anything bothering you?" He asks me. I shook my head. Maybe i'm just concern because Jay is a woman. Yeah.. It is because she's a woman. That's all.

 

 Jay-jay's POV

 

 "*Ubo**Ubo*" Aargghh! Ang sakit ng lalamunan ko. Ang sakit din ng ulo ko. Isama pa yung bigat ng katawan ko. May trangkaso na ata ako. Ngayon pa ko nagkasakit. Exam pa naman. Asar! Kasalanan tong lahat ng Ice Tea na nilaklak ko kagabi. Habang nag-rereview, naghanda ako ng isang damakmak na kutkutin at isang pitchel ng inumin tadtad ng yelo. Nagpuyat ako ng husto para lang makapag-sunog ng kilay. Sinungaling! Hay... Yung totoo, napuyat ako sa kakaisip sa ginawa ni Keifer sakin. Hangang ngayon nangingilabot ako. Kingina lang! Pero masarap? Oo---ay! Hindi! Hindi! Mygudness! Pisti tong bulate sa utak ko. Pagpasok sa room. Tumahimik ang buong Section E. Hindi ko na sila tinignan. Ang bigat kasi ng ulo ko para tignan pa sila. *Sniff* *Sniff* May sipon pa! Badtrip naman! "Jay? Okay ka lang?" Tanung ni Ci-N sakin at sinalat ang noo ko. "Mainit ka. Uminom ka na ba ng gamot?" Nag-nod lang ako. Feeling ko kapag nagsalita ako, mabibiyak yung lalamunan ko. Ang OA pero totoo. Masakit kasi talaga. Tinignan ko yung oras sa cellphone ko. 8:45am pa lang. Maaga pa pala ako para sa exam. 9:30am ang start. Buti nalang half day lang kami ngayon. Lahat kasi ng subject 300 items exam nalang. Goodluck! Kung may maisagot ako! Naisip kong pumunta muna sa banyo. Maaga pa naman eh. "Jay.. aanu ka?" Tanung ulit ni Ci-N. Masyado'ng concern sakin ang bata'ng to. "C-cr lang.." pilit kong sagot. Argh! Ang sakit talaga! Naglakad na ko, kahit halos wala akong makita. Pagdating, hindi ko na pinansin kung may tao. Basta alam ko lang, kailangan ko'ng maghimalamos. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Ang chaka! Namumula yung ilong ko at mata ko. Tapos ang putla ng labi ko. "Jay?" Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Rakki pala. "Okay ka lang?" Lumapit sya at hinipo ang noo ko. "Ang init mo. Nagpunta kana ng clinic?" Umiling lang ako. Hindi pwede, may exam ngayon. "Pero uminom kana ng gamot?" Tanung nya ulit. Tumango lang ako at nanguha ng tissue para punasan ang muka ko. Sandali'ng tumahimik si Rakki at pinagmasdan ako. Nilingon ko sya. "B-bakit?" Pilit kong tanung. Sakit! Aw! "After nung gulo nyo ni Freya, kamusta ka? Matagal na kasi kita'ng gusto'ng kausapin. Busy lang ako sa practice ng tennis." Ayoko pa namang magsalita pero gusto ko talaga'ng sagutin yung tanung ni Rakki. "H-hindi maganda..." "Sabi na eh." Sabi nya at nag-finger snap. "..kilala ko si Freya, alam kong babalikan ka nya sa maraming paraan." Nag-nod lang ako na parang sang-ayon sa sinasabi nya. "Kapag hindi sya nasiyahan, uulitin ulit nya. Ginawa na nya sakin yan. Akala ko tapos na yung away namin, hindi pa pala. Dinamay pa nya si Ci N, pinadala nya sa Section E para lang makaganti sakin." Paliwanag nya. Sinenyasan ko syang tumigil sa pagsasalita para sana tanungin yung sinabi nya tungkol kay Ci-N pero tuloy-tuloy pa rin sya. "..Tapos eto nama'ng Aries walang ginawa at wala'ng gagawin panu may something sila ni Freya. Nahuli ko sila----" bigla sya'ng napahinto at napatakip sa bibig. Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya. May something si Freya at Aries? Kahit masakit ang lalamunan ko pinilit kong magsalita. "A-anung something?" "A-anu... K-kailangan ko ng umalis." Sabi nya at akmang lalakad paalis. Agad kong hinawakan ang braso nya para pigilan sya. "R-rakki... Please." Sabi ko. Huminga ng malalim si Rakki at tinignan ang bawat cubicle. Walang tao kaya muli nya ko'ng hinarap. "Wag mo nalang sabihin na sakin galing to ah?" Paki-usap nya. Nag-nod naman ako at nag-sign of the cross sa tapat ng puso. "..Wala pa si Ella sa Section A nun. May party sa bahay ni Mykel. Naka-ibabaw si Aries kay Freya at pareho sila'ng walang... damit." Shoot! "Ang hinala ko, ginagamit ni Freya'ng pang-blackmail yun noon para masunod ang gusto nya. Hindi ko nga alam kung hangang ngayon." Dagdag pa nito sa kinukwento. Putspa! Kakaiba din tong si Rakki. Bagay talaga sila ni Ci-N. May pagka tsismosa rin. "A-anu pala yung sinasabi mo na si Freya ang... *Ubo* dahilan kung bakit napunta si Ci-N sa E?" Tanung ko. Ang dami kong sinabi. Lalu ata'ng sumakit lalamunan ko. "Mukang hindi pa sinasabi sayo ni Ci-N. Second year kami nun, hinalikan nya ko. Nagalit si Freya sakin kasi pala type nya si Ci. Nag-away kami at gumawa sya ng paraan para magkahiwalay kami ni Ci. Napagbintangan syang nagnakaw." Paliwanag ni Rakki. Huh?! Si Ci-N magnanakaw? Imposible! "..Alam ng karamihan na pakana ni Freya yun, pero syempre kasiraan pa rin kay Ci-N yun." Dagdag pa nya. Ayaw mag-process sa utak ko yung mga pinagsasabi ni Rakki. Dahil yata sa sakit ko. Feeling ko din, mas lalu pang lumala ang trangkaso ko. Bigla'ng tumunog yung bell. Start na ng exam kaya nagmadali kami'ng bumalik ni Rakki sa kanya-kanya'ng room. Nakapwesto na lahat pagpasok ko. Naupo na rin ako at naglabas ng ballpen. Badtrip! Ang bigat talaga ng ulo ko. Pumasok na si Sir Alvin at pinaliwanag ang instruction. Pero wala ako'ng maintindihan. Hangang sa pinamigay na yung test paper. Lah! 6 pages for 300 item. Lumabas na si Sir Alvin. Wala yata syang paki-alam kung magkopyahan kami. Pilit ko'ng sinagutan yung nga tanung. Hangang sa nakaramdam ako ng sakit ng ulo at parang inaantok. Hindi naman siguro masama kung dudukdok ako kahit sandali. Ginawa ko nga at sandali'ng pumikit. Nagtuloy na ata yung lagnat na pinipigilan ko. Wala'ng epekto yung gamot na ininum ko kanina sa bahay. Parang gusto ko na tuloy umuwi---- "Jay!" Boses ni Ci-N. "Sandali lang.. papahinga lang ako." "Jay... Uwian na." Boses naman ni David. Para isang minuto pa lang ako'ng nakapikit, uwian na agad. Patawa. "1 minute nalang." "Jay! Sa inyo kana matulog." Boses naman ni Calix. Istorbo naman tong mga to eh. "Tumayo kana dyan!" Boses naman ni Yuri. "Maya-maya na." "On the count of three. Kapag hindi kapa tumayo, hahalikan kita." Boses ni Keifer? Anu daw? "One!" Ayoko pa nga! "Two!" Kulit naman ih! "Thre---" "Eto na nga!" Sagot ko at pilit bumangon pero nakapikit pa rin ako. "Open your eyes." Utos ni Keifer. Hindi ko sya sinunod. Gusto ko pa ring pumikit eh. Inaantok talaga ako. "Maybe you really want me to kiss you, do you?" Pagkasabi ni Keifer, agad kong dinalat ang mata ko. Medyo blurred pero kusa ding nag-adjust ang paningin ko. Naka-smirked ang Keifer at naka-poker face lang si Yuri sa harap ko. Tinignan ko sila ng masama. Binaba ko yung tingin sa table ko. Yung test paper... Wala? Tinignan ko yung ilalim ng table ko pero wala. "Anu hinahanap mo Jay?" Tanung ni Ci-N. "Y-yung test paper ko." Sagot ko. Ugh! Hirap naman magsalita! "Pinasa ko na kay Sir Alvin, kanina pa." Sabi ni Keifer. What the hell?! "H-ha? H-hindi pwede... W-wala pa kong sagot." Maiyak-iyak kong sabi. Tengeneng! Hirap na nga yung lalamunan ko tapos mangyayari pa to. "Naipasa na. Wala ka ng magagawa." Sabi ni Yuri. Kusang bumagsak ang ulo ko sa lamesa. Nabigla sila pero hindi ko pinansin yun. Masakit, pero mas masakit ang utak ko. Idamay pa yung sakit ng kalooban ko. 1 minute lang ako'ng pumikit eh! Tapos uwian na!  (AN: Gusto nyo po ng dedication?)

 

 

Chapter 44 Pancakes Jay-jay's POV

 

 Feeling ko November 1 ngayon, o kaya semana santa. Sobrang lungkot kasi ng awra sa school. Ganto ata talaga after ng exam. Ilang araw ng ganito. Pero wala ng mas lulungkot sakin. Yung pighati na nararamdaman ko, hindi mapapalitan ng kahit anu. Naiiyak ako! "Wag mo isipin yun, mahal ka non." Sabi ni Ci-N. Tinignan ko sya ng masama. "Mahal ako ng test paper ko?" Inis na tanung ko. Ngumiti lang ang luko at nag-peace sign. Impakto! Hindi uubra sakin yan. Nakakainis naman kasi. Wala man lang gumising sakin bago ipasa yung test paper. Ginising nila ko nung uwian na. Naiiyak talaga ko! Sobra-sobra'ng kahihiyan ang mangyayari sakin nito. Sana kasi, wag na nilang ipaskil yung grade. Badtrip! "Jay.." tawag ni Ci-N. "..gusto mo ng pancakes?" Pancakes? "Meron ka dyan?" Tanung ko. "Meron.. Kayalang ganito." Sabi nya at inilabas ang dalawang box ng pancake mixture. Napangiwi ako. Makakain kaya namin yang pancake na yan ng hindi luto? Nice! "Lakas ng loob mo mag-alok, hindi naman pala luto." "Edi iluto.." "Saan nam----" napatigil ako. Meron nga pala'ng electric frying pan dito. Tumayo ako at pumunta sa likod. Sinilip silip ko yung nasa likod ng yero, plywood at mga karton. Kayalang hindi ko makita. Sa inis ko, pinagtatanggal ko nalang at inihagis sa kung saan. Lumipad ang alikabok, dahilan para magtayuan ang mga ulupong. "*Ubo* Jay! Maalikabok!" "Anu ba yan?" "*Ubo**Ubo*" "Jay! Itigil mo nga yan!" Hindi ko sila pinansin at tinuloy ko lang ang pag-alis ng mga kahon. Sa inis ng mga ulupong lumabas nalang sila at ilan lang kaming natira. "Eto..." Sabi ko at kinuha ang Electric Frying Pan. Naka-box pa yun, mukang minsan lang nagamit. Bakit ba sila may ganito? "Yehey! Makakapagluto na tayo!" Sabi ni Ci-N habang pumapalakpak. Nilabas ko yun sa kahon at sinipa't sipat. Matino pa, pwede'bg pwede pa. "Hanap ka saksakan." Utos ko. Naghanap naman ang luko at nakatagpo sa harap. Sa tabi ng blackboard. Isasaksak ko na sana yung plug ng meron ako'ng maalala. Hindi pa nahahalo yung pancake mixture. "Panu pala natin lulutuin yan? Walang mangkok tsaka tubig, pati na rin panghalo." Hindi sumagot ang Ci-N. Kinuha lang nito ang bag at inilabas ang mga laman. May mangkok, itlog, mixer at 1.5 ltr ng tubig. "Nice..." Bulong ko. "San mo naman nakuha yang mga yan?" Tanung ko sa kanya. "Sa bahay." Sagot nya habang binubuksan ang pancake mixture. "Hindi naman nagalit Nanay mo, nung dalin mo yan?" Umiling sya. "Hindi naman nila alam." "Anu yan? Inumit mo?" "Parang..." Tinignan ko lang sya habang hinahalo ang mixture. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Rakki sakin. Yung napagbintangan si Ci-N. Hindi ko naman sya pinag-iisipan ng masama. Hindi rin nagbago tingin ko sa kanya. Iniisip ko lang kung bakit hindi nya sinabi sakin ang totoo. "Ui, anu yan?" Tanung ni Eren habang nakiki-usyoso sa ginagawa ni Ci-N. "Penge ako." Takaw nito. Hindi pa kaya luto. "Sige.. ayan kainin mo na." Sabi ko at pilit iniabot sa kanya ang mangkok. "Pag-naluto syempre." Sagot nya sakin. Napansin ko ang pagtawa ni Ci-N sakin. "Bakit?" Tanung ko. "Sungit mo kasi... Kanina kapa nang-aaway." Sagot nya. Inirapan ko nalang sya. Talaga'ng masungit ako. Inihahanda ko na yung sarili ko sa kahihiyan. Pumasok na sa loob yung ibang ulupong at lumapit na rin sa ginagawa ni Ci N. Yan na yung mga patay gutom. "Anu yan?" "Penge kami." "Penge..." Bulag ata tong mga to. Nakita'ng hinahalo pa lang. Kukuhanin ko sana yung mangkok para isubsob sa mga muka nila pero inilayo na ni Ci-N. "Oh... Magsusungit ka naman." "Panu'ng hindi magsusungit, bulag ata yang mga yan! Hinahalo pa lang oh!" Nagtawanan naman ang mga ulupong. "Sungit mo Jay... Meron ka no?" Tanung ni Kit. Pinandilatan ko sya ng mata. "Oo.. meron! Gusto mo sampal ko sayo pasador ko!" Agad na naglayuan ang mga luko. Natakot ata sa banta ko. Wala ako'ng dalaw. Yung exam lang talaga ang dahilan ng pagsusungit ko. "Tapos na.." sabi ni Ci-N at inabot sakin ang mangkok. Sinaksak ko na yung Electri Frying Pan. Pero parang may kulang. Tinignan ko si Ci-N. "Sabihin mo saking may syanse ka dyan." Bahagyang tumawa ang Ci-N at may kinuha sa bag. Inabot nya sakin ang hinihingi ko. Dahil alam kong patay gutom ang mga ulupong na to. Niliitan ko lang ang pancakes. Inabutan ako ng paper plate ni Ci-N. "Dyan mo lagay." Sabi nya at naglabas ng chocolate syrup. Kumpleto! Panalo ang batang to. Matapos magluto, sobra pa sa ini-expect ko yung naluto naming pancakes. Maliliit nga lang. "Luto na.." sabi ko at ibinaba sa harap ni Ci-N ang plato na puno ng pancakes. "Yehey!" Agad na naglapitan ang mga ulupong. Nanguha na ko ng akin at umalis sa puder nila. Nakita ko pa si Keifer at Yuri na nakatingin sakin. Si Yuri lang talaga yung tinignan ko. Hindi ako makatingin kay Keifer nag-iinit ulo ko. Naupo na ko sa pwesto ko at tahimik na kumain. Nakakabawas din pala ng inis ang Pancakes. Huling kagat na ko ng pancake ng bigla nalang pumasok yung isang classmate namin. Humahangos ito at humarap samin. "N-nakapaskil na yung Grades." Napatigil ako. Eto na! Eto na talaga! Pero hindi ako makagalaw. I'm not ready for this shit. Akala ko handa na ko, hindi pa pala. Nag-umpisa ng maglakad palabas ang mga patay gutom na ulupong. Pero ako, eto pa rin. Nakatanga sa kung saan. "Hindi mo titignan grade mo?" Tanung sakin ni Kit. "Kung gusto ko tignan ang grade ko, kanina pa ko umalis at dahil andito ko, malamang hindi." Pagtataray ko. Tinawanan lang ako ng Kit bago umalis sa harap ko. Impakto! Huhuhuhu... Nagsusumamo ang kalooban ko. Wala na kong mukang ihaharap sa school. May humawak sa braso ko at pilit ako itinayo. Si Keifer... Nanaman? Anu na nama'ng kailangan nito? "Anu naman bang----" "Just shut up!" Sigaw nya sakin. Natahimik naman ako. Kinaladkad nya kong pilit papunta sa Main building. Sa harap ng bulletin board kung saan nagkakagulo ang mga istudyante. Ayoko dito! Pilit kong hinatak ang braso ko. "Tsk! Stop it!" Sigaw ulit nya sakin. "Ikaw nalang tumingin ng grade, wag mo na kong isama." "Andito kana... Tignan mo na!" Nakipagsiksikang pilit si Keifer habang hatak-hatak pa rin ako. Kayalang sa dami ng tao, hindi kami makalapit. "Tss. GET OUT OF MY WAY!" Galit nyang sigaw. Kusang nahawi ang mga tao at nagbigay ng daan. Nice! May use din pala tong ulupong na to. Lumapit kami sa bulletin at hinanap ang list ng Section E. Dahil nag-iisang babae, ayun nasa hulihan ang pangalan ko. Pero may mali. Jasper Jean Mariano...........................97.8 Kinusot ko pa yung mata ko baka namalikmata lang ako. Sinundan ko din ng daliri yung guhit. Baka kasi sa ibang pangalan talaga nakatapat yung 97.8, namali lang ako ng tingin. 97.8 talaga! Anung nangyari? Bakit ganito ito? Baka naman typo lang? Baka naman naluto yung utak ko nung nilalagnat ako. Imagination lang to. Tinignan ko yung ibang grade. Nakaka-awa naman tong mga bata na to! Puro pasang awa. Pinilit maging 75. Meron nama'ng naligaw na line of 8 pero iilan-ilan lang. At merong nakaka-angat sa lahat, naiiba na nagsabi ng kwak kwak. Yuri Hanamitchi.....................................99.9 Yayamanin! Germs lang? Tili-tilino rin pala tong lalaki na to. Naningin pa ko ng iba at parang kusang nahanap ng mata ko yung pangalan ni Keifer. Mark Keifer Watson...............................99.8 Eto pa isang Germs. Ang tatalino! Panu sila nagkaroon ng grade na ganito? Hinanap ko yung pangalan ni Ci-N. Ci-N Peralta.............................................75.4 Kailangan kong makausap ang batang to! Parang pinilit lang ipasa yung grade nya. Anu ba yan? Binalikan ko na ulit yung pangalan ko. 97.8 talaga! Eto na talaga yung grade ko. What is happening in this world? Tumingin ako sa likod para harapin si Keifer pero wala sya. Nagkukumpulan na ulit yung mg studyante at nag-uunahan na makalapit sa bulletin. Umalis na ko bago pa ko mapisa dahil sa kakagitgit nila. Hinanap ko'ng pilit si Keifer. Kailangan ko sya'ng makausap. Sya nagpasa ng papel ko kay Sir Alvin. Baka may napansin sya don kahit kaunti. Kasi wala talaga akong naisagot nung araw ng exam. Nakatulog nga ako! Kaya panu naging 97.8 ang grade ko. Nakita si Ci-N na nakatayo at may hawak na handbag. Lumapit ako sa kanya para sana tanungin si Keifer pero agaw pansin sa mata yung bag na hawak nya. "Nagbago kana ba ng hilig?" Tanung ko habang nakaturo sa hawak nya. "Ha? Hindi ah! May nag-abot sakin kanina habang nakikisiksik ako." Paliwanag nya. Nag-abot? Sino na namang---- "Kuya! Bag ko yan!" Sabi ng kung sinong babae habang nakaturo sa bag na hawak ni Ci-N. Inabot ni Ci-N yun. "Hindi ko naman ina-angkin." Sabi nya. Kinuha ng babae yun at umalis na. "Tignan mo.. hindi man lang nagpasalamat." sabi ko kay Ci. Nagkibit balikat nalang sya at lumakad pabalik sa room. Sumunod naman ako. Baka andun si Keifer kumag. Kayalang hindi pa kami nakakalayo ng may humawak sa balikat ni Ci-N. "Sya ba?" Sabi nung lalaki'ng humawak kay Ci. "Oo.. Sya yun! Sya yung nagnakaw." Sagot ng isang babae. Eto yung may-ari ng bag at anung ninakaw? Napatingin ako kay Ci-N na halatang walang alam sa nangyayarii. Kahit ako naguguluhan din. Naglapitan na yung ibang mga istudyante para maki-usyoso. Anu bang sinasabi ng mga to? 

 

 

Chapter 45 Thief Jay-jay's POV

 

 Mahirap mapagbintangan. Alam ko dahil naranasan ko na yan. Pero ibang bintang yun at hindi bintang sa pagnanakaw. Sa lahat yata ng bintang ito ang nakakasira ng buhay ng tao. Kahit kasi lumabas na ang totoo, sira na ang pangalan ng madidikitan ng salitang ito. Magnanakaw. "Bata! Ilabas mo na yung pera ng girlfriend ko!" Sabi nung lalaki. "H-hindi ko alam yung sinasabi mo..." Sagot ni Ci-N sa kanya. Hinawakan na nung lalaki ang kwelyo ni Ci-N kaya naalarma ako. "Hoy! Hoy! Bitiwan mo nga si Ci-N!" Sabi ko at agad na tinulak ang lalaki palayo kay Ci. "Wag ka nga makialam dito Miss! Ninakaw ng lalaki na yan ang pera ko!" Bintang nung babae. "Sigurado ka?! May pruweba?!" Hamon ko. "Sya lang humawak sa bag ko! Andun ka nga nung kinuha ko sa kanya diba?!" "Oo.. pero may nag-abot lang sa kanya ng bag mo!" "Sinungaling!" Anu daw? Sinabihan ba nya ko'ng sinungaling? Aba! Lintik na babae'ng to! "Maka-sinungaling ka! Lamutakin ko kaya bunganga mo!" Banta ko sa babae. Pinandilatan nya ko ng mata. "Edi lamutakin mo!" Mayabang nya'ng sagot sakin. Aba talaga'ng! Lalapit na sana ko sa kanya para gawin yung banta ko pero hinawakan ako ni Ci-N. "Jay... Wag mo ng patulan!" "Bitiwan mo ko... Dapat dito, sinasampal! Maldita!" Sabi ko habang pilit inaabot yung babae. Ayaw naman lumapit nung isa. Natatakot din yata, kunyari pang matapang. "ANUNG NANGYAYARI DITO?!" sigaw ni Aries mula sa kumpulan ng mga istudyante. Alam kong sya yun! Boses pa lang. "Eto kasing lalaki na to.. Ninakaw nya yung pera ko sa bag. Ayaw naman nya'ng----" "Wala nga sya'ng ninanakaw!" Putol ko sa sinasabi nya. "Bakit nakita mo ba?!" Mataray na tanung sakin nung babae. "Ikaw, nakita mo?!" Balik kong pagtataray sa kanya. Sakin ka pa talaga nagmaldita. Impakta'ng to. "Oh my... Ci-N, ginawa mo na naman?" Shit! Bakit ngayon pa lumitaw ang babae'ng to? Mahilig talaga'ng manira ng buhay ang Freya'ng to. Tinignan ko sya ng masama. "W-wala akong ginawa..." Sagot ni Ci-N sa kanya. Itinago ko si Ci sa likod ko. Kahit hindi ko sya nakikita alam kong natatakot sya. "Minsan ka ng nagnakaw sa Section natin dati. Inulit mo naman?" Dagdag pa ni Freya. Tang'na! Wag kana magsalita! Hindi ka nakakatulong! "Magnanakaw ka pala talaga eh!" Sigaw nung lalaki'ng humawak kay Ci N kanina. Sasagutin ko sana sya pero may kamay na humawak sa kwelyo nya. Kamay ni Eren. "Isa pang buka ng bibig mo! Bubutasin ko lalamunan mo!" Banta ni Eren sa lalaki. Naramdaman ko din na may ibang tao sa likod at tabi ko. Hindi ko na sasabihin, ramdam ko awra nila. Sila lang ata ang meron nito. "Ci! Totoo ba yun?!" Ma-otoridad na tanung ni Yuri. "H-hindi..." "Walang ninakaw si Ci-N. Hindi rin nya kailanga'ng magnakaw." Sabi ni Yuri dun sa babae. "Sya lang ang humawak sa bag ko! May pera dito, ako at boyfriend ko lang ang nakakaalam nun!" Pagpipilit nung babae. "Baka naman boyfriend mo nanguha?!" Sabi ni Kit. Baka nga. Agad na tumingin ng masama yung lalaki'ng hawak ni Eren kay Kit. Sya nga pala yung boyfriend. "Imposible! Sya yun at alam kong sya yun!" Pilit pa rin nya. Nababanas na talaga ko sa babae na to. Pasampal lang! Isa lang! "Hahaba lang ang usapan na to. Magkanu ba ang nawala sayo miss?" Biglang singit ni Mykel sa usapan. "20,000." Sagot nung babae. Bakit naman nagdadala ng ganun kalaki tong babae na to? Kinuha ni Mykel ang wallet nya at dumukot ng pera. Inabot nya sa babae. "25,000 yan... Dinagdagan ko na, Danios para sa perwisyo." Sabi nya Mykel. Tinanggap naman ng babae'ng maldita yun at umalis na kasama ng boyfriend nya'ng panis. Humarap samin si Mykel at tinignan si Ci-N na nasa likod ko. "Kung kailangan mo ng pera, manghingi ka sa Nanay mo. Wag kang magnakaw." "Gago ka ah!" Susugurin ko na sya ng may yumakap sakin mula sa likod at pilit akong binitbit pabalik sa room namin. "Bitiwan nyo ko! Sasapakin ko lang yun!" Pagpupumiglas ko. Pagdating sa room, binitiwan na ko ng humawak sakin. Si Yuri pala. Agad ako'ng tumakbo palabas pero hinarangan nila yung pinto. "Tumigil ka Jay!" Sigaw sakin ni Yuri. Wala akong magawa. Hindi ako makalusot sa mga nakaharang sa pinto. Nakakainis! Argh! Sa sobrang inis ko, sinipa ko yung isa sa mga table at hinarap si Ci-N. "Bakit hindi mo sakin sinabi?!" Galit na tanung ko. Nakayuko lang ang Ci-N at hindi nagsasalita. Si Keifer ang nagsalita para sa kanya. "Wala nama'ng sasabihin si Ci-N sayo, wala naman sya'ng ninanakaw!" "Hindi yun!" Sagot ko sa kanya at muli ako'ng humarap kay Ci-N. "Bakit hindi mo sinabi sakin na napagbintangan kang nagnanakaw kaya ka napunta sa Section E?" Nagbuntong hininga ako. "Ang sabi mo nagkagulo at sayo nagsimula kaya ka nilipat ka sa Section E. Bakit kailangan mong magsinungaling?" "K-kasi.. N-natakot akong baka mag-iba tingin mo sakin." Sagot ni Ci-N. "Hindi mo ba naisip na mas mag-iiba yung tingin ko sayo kapag----" "Jay!" Sigaw ni Yuri. "----hindi mo sinabi ang totoo. Para mo na ring pina----" "Jay!" Sigaw ulit ni Yuri. "----tunayan na totoo yung sinasabi nila----" "JAY!" galit na sigaw ni Yuri. Napatigil ako at salubong na kilay na tumingin kay Yuri. Hindi sya nagsalita pero yung mata nya lumilipat-lipat sakin at kay Ci-N. Hindi ko na gets yung ibig nyang sabihin. Pero tumingin pa rin ako kay Ci-N. Pinupunasan nya yung mata nya at pilit tinatago ang muka. Umiiyak sya. Nawala yung inis na nararamdaman ko. Nagsisisi ako sa mga pinag-sasasabi ko. Kung anu-anu kasi lumalabas sa bibig ko kapag naiinis ako. Lumapit ako kay Ci-N at niyakap sya. "Sorry... Hindi ko sinasadya'ng magsalita ng ganun. Sorry. Sorry." Bumalik ng yakap si Ci-N. Bigla sya'ng umiyak ng malakas. Parang bata'ng inaway ng kalaro. "Iiyak mo lang yan. Andito lang ako." Sabi ko habang hinihimas ang likod nya. "..Kami." pagtatama ni Keifer. "H-hindi ako ayun... M-maniwala ka." Bulong ni Ci-N habang patuloy sa pagiyak. "Naniniwala ako sayo... Alam kong hindi mo gagawin yun." Hindi ako sanay na makita si Ci-N na ganito. Isa kasi sya sa nagbibigay buhay dito sa room. "Mas mabuti kung iuwi mo na si Ci. Kami nalang bahala kumausap sa mga teacher." Sabi ni Keifer. Nag-nod naman ako bilang pagsang-ayon. Tumahang pilit si Ci-N at inayos ang sarili. Kinuha ko yung bag naming dalawa at hinawakan sya sa braso. Malapit na kami sa main building ng napansin kong naka-yuko sya. Hinawakan ko ang baba nya at pilit itulak pataas. "Wag kang yuyuko. Wala kang ginawa'ng masama kaya hindi ka dapat mahiya." Sabi ko. "S-sige.." sagot nya sakin. Lakas loob kaming dumaan sa harap ng mga istudyante papunta sa gate. Pinagtitinginan nila si Ci-N at pagbubulungan. "Crush ko pa naman sya. Magna pala." "Grabe! Ang bata pa nya tapos ganun na yung ginagawa." "Nakakahiya." "Next time hawakan nyo ng mabuti mga bag nyo." Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko. Baka kasi hindi na ko makapag pigil. Yung mga taong hindi naman alam yung tunay na nangyari pero kung makapang-husga wagas. Asar! Ugh! "J-jay... N-nasasaktan ako." Sabi ni Ci-N. Napatingin ako sa kamay kong naka-hawak sa braso nya. Humigpit yung hawak ko ng hindi ko namamalayan. Sa kanya ko tuloy nabunton inis ko. "S-sorry.." sabi ko at binitiwan ang braso nya. Paglabas sa gate nagtawag agad kami ng Taxi. Si Ci-N ang nagbigay ng address nya. Sa isang subdivision kami nagpunta. Huminto kami sa harap ng malaking bahay. Naknang... Yayamanin din pala ang batang to. "Jay, wag mo sasabihin kila Mama ko yung nangyari ah?" Paki-usap nya bago kami pumasok sa gate. "Sige." Mas malaki yung bahay nila kila Aries. Ang lawak ng garahe at garden sa harap. Meron pang mini playground. Pagpasok sa loob, malaking hagdan ang bumungad sakin. May babae'ng pababa dito habang may kausap sa phone. "Ma!" Tawag ni Ci-N dito. Eto pala ang Nanay nya. Ang bata tignan at mukang kagalang-galang. Sumenyas ng isa sa daliri yung Mama ni Ci. Mukang busy sa kausap nya. Pagkababa ng phone dun pa lang nya kami hinarap. "Ci anak! Bakit ang aga mo?" Sabi nito at humalik sa pisngi ni Ci-N. "Ma.. Kasi----" hindi na natapos ni Ci ang sasabihin. Tumunog kasi ang cellphone ng Mama nya at may kinausap na naman. Tumingin lang sakin si Ci at nagpilit ng ngiti. Sa itsura ng Mama nya, mukang laging busy sa ibang bagay. "Ci! Kailangan ko ng umalis, may emergency sa ospital. Take care of yourself!" Sabi ng Mama nya at mabilis na naglakad palabas. Hindi ba ko nage-exist? Hindi man lang ako napansin. "Sorry Jay... Hindi man lang kita napakilala." "Okay lang... Mukang busy Mama mo. Ano ba trabaho nya?" "Doctor... Pareho sila ni Papa." Nag-nod lang ako. Nakarinig kami ng malakas na busina ng kotse sa labas. Dinaig pa yung busina ng ten wheeler. "ASAN SI CI-N?" sigaw ng kung sinong lalaki. Halata kay Ci-N ang takot nya nung marinig yung boses nung sumigaw. "Sino yu----" "CI-N!" Sigaw na naman nung lalaki. Napatingin kami sa pinto, kung saan nakatayo ang isang lalaki na Older version ni Ci-N. Matangkad at natipuno, may kaunting balbas at may salamin. Agad itong lumapit kay Ci-N at kinwelyuhan. "Tumawag sakin si Mykel! Anu na namang ginawa mo school?" Galit na tanung nito kay Ci. "K-kuya... N-nasasaktan ako." Kuya? Kaya pala parang older version nya. "Talaga'ng masasaktan ka sakin!" Banta nito. Lumapit na ko sa kanila at pilit inalis ang kamay nito sa kwelyo ni Ci-N. "Sino ka naman?!" Tanung sakin nito. "C-classmate ko. Si Jay-jay..." Pakilala ni Ci-N. Tinignan lang ako nito mula ulo hangang paa. Makatingin naman to. Biglang tumunog ang cellphone nito at agad naman nyang sinagot. Sandali lang itong nagsalita at pagkatapos ay humarap naman samin. "Hindi pa tayo tapos... Babalikan kita!" Banta nito habang dinuduro si Ci N. Mabilis itong naglakad paalis. Grabe! Sobrang busy naman ng mga tao dito. "Ganyan ba talaga Kuya mo?" "Minsan... Buti nga wala si Ate. Baka narindi ka sa bunganga nun kung andito yun." May kapatid pa syang babae? Nice! "Tara dun tayo sa kwarto ko." 

 

 

Chapter 46 Suspect Jay-jay's POV

 

 Naiingit ako. Gusto ko din ng kwarto kagaya kay Ci-N. Puro laruan at meron syang Snorlax na malaki. Parang kwarto ng bata yung kwarto nya. Dapat dun na ko maghahapunan sa kanila. Kayalang baka daw mag-away kami ng mga kapatid nya kaya pinauwi na ko ni Ci. Bakit pakiramdam ko hindi naasikaso ng maayos si Ci-N sa bahay nila? Sabi nga pala nya dati na busy yung mga tao sa kanila kaya gusto nyang ipagbaon ko sya. Tsk! Kawawang bata! Pagpasok sa room. Ang lungkot nila. Ang lungkot din ng awra. Lumabas na yung result, dapat nakaginhawa na sila pero wala akong madamang kaligayahan sa kanila. Siguro dahil kay Ci-N kaya sila ganyan. Ang lungkot kasi nya habang nakatingin sa bintana. "Hi Ci!" Bati ko sa kanya habang nakangiti. Pilit na ngiti nga lang ang sinagot nya sakin at binalik ang tingin sa bintana. Hindi pa naman ako sanay na makita syang ganito. Nakakapanibago. "Gusto mo ng pancakes? Meron ako dito... Luto natin?" Alok ko sa kanya. Umiling lang ang Ci-N. Bakit nakakahawa yung kalungkutan nya? Kaya siguro ang lungkot din ng mga classmate namin. Nahawa din sila dito sa kaharap ko. May kumalabit sakin, kaya bahagya akong lumayo kay Ci at tinignan kung sino yun. Si Keifer kumag, sinenyasan nya kong lumabas. Binaba ko sandali yung bag ko at sinundan sya sa labas. Ng medyo makalayo na kami dun pa lang nya ko kinausap. "Hayaan mo muna si Ci-N. Babalik din sya sa dati, hindi ko nga lang alam kung kailan." Sabi ni Keifer habang nakapamulsa. "Panu mo naman nasabi?" "Ganyan din sya dati nung dumating sya sa Section namin." Huminga ako ng malalim at napayuko. Ayoko sana'ng humingi ng tulong sa ulupong na to. Kayalang kailangan eh. "Meron ka bang 25,000 dyan?" Makahulugan ang naging tingin sakin ni Keifer. Alam kong alam nya ang gagawin ko. "Sigurado ka dyan sa balak mo?" Tanung nya sakin. Nag-nod naman ako bilang sagot. "You don't wan't to know who is the person behind this shit?" Behind? Sinasabi nya bang set up yung nangyari kay Ci-N? Kung set up nga yun, sino nga ang may gawa? "Sinasabi mo ba na----" "Yeah! It was a frame up. Masyado'ng obvious para sakin. At ang lakas din ng loob ng babae, kahit wala naman sya'ng prove." Explain nya. Tama nga! Parang ang tapang nga nung babae, kahit hindi naman talaga nya kayang patunayan. "A-anung balak mo? Meron ka na bang suspect?" Tanung ko. "If I tell you... Are you willing to help me?" Walang patumangga akong tumango sa kanya. Kahit anu gagawin ko matulungan lang si Ci-N. .. Hindi pala lahat, yung kaya ko lang. "Alright... Kunin mo yung bag mo. We're leaving now." Sabi nya at lumakad paalis. Hindi ko natanung kung bakit. Nakalayo na ang walang hiya. Bumalik ako sa room at kinuha yung bag ko. Ibinilin ko din si Ci-N kay David at Calix pati na rin kay Eren. Tumakbo ako palabas. Pilit kong hinanap si Keifer pero hindi ko sya makita. Wala rin sa parking. Hindi kaya pinagti-tripan lang ako nun? Kakahanap sa ulupong na yun. Hindi ko namalayan na nasa labas na pala ako ng school. Kaasar naman! Wala pa naman akong number nung mokong na yun. *Beep**Beeeeepp* Makabusina naman to wagas! Tinignan ko yung kotseng palapit sakin. Mustang! Yayamanin. Tumapat sakin yun at bumaba yung bintana. "Sakay..." Utos ng driver na si Keifer pala. Sa kanya to? Mayaman din pala ang ulupong na to? Sabagay muka naman talaga sya'ng mayaman. Sumakay naman ako kagaya ng utos nya. "Sayo to?" Tanung ko sa kanya. "Hindi... Napulot ko lang." Bored nyang sagot sakin. "Weh?" "Tss. Idiot! You think I'll drive this, if this is not mine?" "Malay ko naman kung hiniram mo lang o kaya Carnap!" "Nasa itsura ko ba ang nanghihiram at carnapper?!" "Wala... Pero malay ko pa rin." "Kulit! Hindi----why am I explaining to you? This is stupid!" Sabi nya at nag-focus sa pagd-drive. Buti naman napansin nya. Mukang kami'ng tanga sa pinagtatalunan namin. Bakit nga ba namin pinagtatalunan yun? Abnormal kasi! "Pwede mo naba sabihin yung suspect at yung plano mo?" Panimula ko. "I have two suspect. Freya Hidalgo and Mykel Mitchell... Kung mapapansin mo, both person hates you at pwede'ng si Ci-N ang ginamit nila para makaganti sayo." Paliwanag nya. Tama si Keifer. May galit nga sakin ang mga impakto na yun. Pero kung galit lang ang pag-uusapan, meron pang iba. "They are not the only one who hates me... Aries and Ella too." Keifer cleared his throat. "Ella is out of the picture. Hindi nya kaya'ng gawin yun." "Pero galit din sya sakin. Nakialam ako sa issue nila Mica and Calix----" "Hindi nya kaya." Mariin nyang sabi. Hindi na ko nagsalita. Parang trigger ang pangalan ni Ella, kapag nabanggit nag-iiba na ang awra nitong si Keifer. "Panu yung plano mo?" Pag-iiba ko ng topic. "Honestly? Wala pa talaga pero magw-withdraw muna ako. You're asking for money." Ay.. Impakto'ng to! Wala pa palang plano, basta nalang ako hinatak at inayang mag-ditch ng class. "Ayos ka rin eh. Anung gagawin natin ngayon?" "I don't know... By the way, bakit mo naman nasabing galit sayo si Aries? Alam kong parang may something sa inyo pero bakit kailangan nyang idamay si Ci-N?" Tumingin ako sa labas ng bintana. Sasabihin ko bang dahil sa mga pinag gagawa ko dati? Hindi naman kami ganun ka-close para ikwento ko sa kanya ang talang buhay ko. "D-dahil dun sa video.." sagot ko. Oo, tama. Yun lang ang pinaka-huling kinagalit nya sakin. "Anung video?" Ipinaliwanag ko sa kanya yung ginawa kong pagkuha ng video sa CR ng babae. Sinabi ko din sa kanya na pinakita ko kay Aries yun pero sa halip na magalit kay Freya, sakin sya nagalit. "Wow... That's unfair." Komento nya. Tumango-tango naman ako. Diba? May sumang-ayon sakin. Unfair naman kasi talaga yung Aries na yun. Oo.. tapos iniyakan mo sya. Inihinto ni Keifer ang kotse'ng sinasakyan namin sa tapat ng isang bangko. Bumaba sya at dumiretso sa ATM. Sandali lang sya at agad na bumalik. Inabot nya sakin ang nangangapal na pera bago paandarin ulit ang kotse. Grabe! Ang daming pera. "Anu ba talaga'ng balak mo dyan?" Tanung nya sakin. Anu nga ba? "Uh.. Ibabalik ko sana kay Mykel." "Kapag ginawa mo yun, para mo na ring inamin na si Ci-N nga ang nag nakaw." Ay shit! Hindi ko naisip yun. "Takte! Hindi ko naisip yun." "Tss. Stupid." Bulong ni Keifer pero narinig ko pa rin. Inirapan ko nalang sya. Medyo tama kasi sya dun. Tahimik lang kami pareho. Hindi ko talaga alam kung saan patungo tong byahe namin, hangang sa bigla nalang nag-U turn ang hudas. Hindi ako naka-seat belt. Ayun, nasubsob ako sa bintana. "Dahan-dahan naman!" Sigaw ko sa kanya. "I have an idea. Alam ko na kung saan natin pwedeng gamitin ang pera na yan." Abnormal tong animal na to. Pwede naman nya'ng sabihin sakin ng mas maaga bago sya nag-U turn basta. Sakit tuloy ng kanang pisngi ko.

 

 Aries's POV

 

 "Have you seen Ella?" I ask my classmate. Most of them shook their heads but one of them mouthed 'CR'. Ang babae'ng yun kasi, bigla bigla nalang nawawala. Umupo nalang ako. Alangan namang puntahan ko sya dun, CR ng babae yun. "FREYA!" Someone shouts. Napitingin ako sa pinto. Kung saan galing ang tumawag. It was Rakki, looking furiously at Freya. "Oh." Freya answer boringly. "...if you're here because of the incident with Ci-N. You're barking at the wrong tree." "Kung hindi ikaw... Sinong may gawa non?!" Galit na tanung ni Rakki. "I don't know..." Freya answer and look at Mykel. "Nah-ah! Not me!" Mabilis na sagot ni Mykel. Bigla nalang lumipat ang tingin nila'ng tatlo sakin. Seriously?! Ako talaga?! "What?" I ask them. "Did you?" Tanung sakin ni Freya. I shoked my head. "I have no reason to do that." "But you hate Jay-jay... Pwede'ng ginamit mo si Ci-N para makaganti sa kanya." Rakki said. "Yeah i hate Jay... Pero hindi ako gagamit ng iba para makaganti sa kanya. That was so amateur." "Baka naman talagang ninakaw nya." Mykel said. Nakakuha sya ng matalim na tingin kay Rakki. "Hindi yun magagawa ni Ci!" "Edi hindi..." Sagot ni Mykel. I have no idea what is really going on. Kung frame up or set up nga yung nangyari dun sa Ci-N, bakit naman gagawin sa kanya yun? "Kapag nalaman ko'ng may kinalaman kayo sa nangyari! Humanda kayo sakin!" Banta ni Rakki at mabilis na nawala sa pangingin namin. "Okay... Speak na! Kung sino may gawa nun! Amin amin din!" Sigaw ni Freya at inikot ang tingin saming lahat pero sakin din naman ang landing. Nilakas pa kuwari! Sakin din naman ang binta'ng. "Wala talaga'ng aamin kung wala naman talaga'ng dapat aminin!" Sabi ko at tumayo. Mabilis ako'ng naglakad palabas ng room. Sakto nama'ng pabalik si Ella kaya salubungan kami. Nginitian nya ko at ganun din ang ginawa ko sa kanya. "Tara sa rooftop.." aya ko. Nag-nod naman sya at sumunod sakin papunta'ng rooftop. Wala'ng ibang tao dito. Mainit kasi at walang pupwestuhan para pagtambayan. "Aanu tayo dito?" Ella ask me. "Bakit mo ginawa yun?" Mahinaho'ng tanung ko sa kanya. "Ginawa ang alin?" Inosente nya'ng tanung. "You can't fool me Ella. Bago naging tayo, sinabi ko na sayo na lagi kita'ng ino-obserbahan. Alam ko kapag may ginawa ka na labag sa loob mo." Nawala ang ngiti nya sa labi at lumapit sa fences na harang sa paligid ng rooftop. Lumapit ako sa kanya at mula dito kita'ng kita namin ang room ng Section E. "I hate your cousin. Hindi na nakikinig sakin si Mica dahil sa kanya. Although i'm happy for her, i still hate the fact that she did not listen to me." Explain nya. "Bakit mo dinamay yung Ci-N? Akala ko friend mo sya dati." "Aaminin ko, nami-miss ko yung mga dati kong kaibigan sa Section E. Ci-N is one of them, hindi na nya ko masyado'ng binabati." "Maybe because of me or the incident happen between me and Keifer." "Sana nga yun lang yung reason, pero nung dumating si Jay naging close sila agad. Alam kong maaapektuhan ng husto si Jay kapag si Ci ang ginamit ko." Inakbayan ko sya at sinandal ang ulo nya sa balikat ko. Kahit hindi nya aminin alam kong nagseselos sya. Nasanay sya sa atensyon ng Section E sa kanya dati pero lahat ng yun na kay Jay-jay na ngayon. 

 

 

Chapter 47 Sorry? Jay-jay's POV

 

 "Bitiwan mo ko! Sasapakin ko talaga yan!" Sigaw ko habang nagpupumiglas sa pagkakahawak sakin ni Keifer. "Would you please stop!" Sigaw naman sakin ni Keifer. "Hindi ako titigil!" "Tingin mo maaayos to sa pagwawala mo?!" "Hindi! Pero mawawala yung galit ko kapag nasapak ko yang babae na yan!" Pilit akong kinalad-kad pabalik at isinakay ni Keifer sa kotse nya. "Stay here! Ako na makikipag-usap!" Sigaw nya sakin at mabilis sya'ng umalis. Narinig kong tumunog ang kotse nya pero hindi ko pinansin. Nang makalayo ang wala'ng hiya binubuksan ko yung pinto pero ayaw. Nakalock ba to? Wala nama'ng unlock dito sa pinto kagaya ng nasa kotse ni Aries. Panu to? Kasalanan tong lahat nung babae'ng maldita na Imelda pala ang pangalan. Sya yung makabintang ng 'magnanakaw' kay Ci-N, wagas! Pinuntahan namin sya ni Keifer. Hindi ko nga lang alam kung panu nya nalaman ang bahay nito'ng babae. Basta tumawag sya kay Rory----classmate namin----at nagtanung. Binalak ni Keifer na bayaran yung babae para paaaminin. Kayalang maldita talaga yung Imelda. Nagalit pa samin at kung anu-anu pinagsasasabi. Kaya ayun, nag-init ang ulo ko at sasampalin ko sana. Hinawakan lang ako agad ni Keifer at pilit inilayo. Bagay sa kanya pangalan nya. Imelda maldita. "Kainis!" May ilang minuto rin siguro akong naka-upo sa loob ng kotse ni Keifer bago sya bumalik. Sumakay sya agad at pina-andar ang kotse. Kahit hindi sya nagsasalita ramdam kong mainit ang ulo nya. "Bwisit." Sabi nya. Ay bigo! Init ng ulo nya, obvious na ginalit din nung Imelda. Impakta yun! Isang sampal lang talaga, maligaya na ko. "Anu na? Anu nang gagawin natin ngayon?" Inis na tanung ko sa kanya. "Bumalik muna tayo sa school." Sagot nya sakin. Ilang subject na yung hindi namin napasukan. Pisti kasi! Kapag nalaman pa sa bahay to makagalitan pa ko. Bakit ba kasi? Bakit si Ci-N pa ang napagtripan ng kung sinong damuho? Kawawa yung bata. Tahimik lang kami sa byahe ng may bigla ako'ng maalala. "Keifer..." Tawag ko sa kanya. Hindi sya sumagot pero alam ko'ng narinig nya. "...Gusto ko lang sana itanung kung may napansin ka sa test paper ko nung pinasa mo yun kay Sir?" Hindi sya sumagot. Ay baka hindi ako narinig. Nakatingin pa rin ako sa kanya, samantalang sya sa daan parin ang focus. "I did that." maikli nyang sagot. Hinintay ko kung duduktungan pa nya yung sinabi nya pero tumahimik na naman ang ulupong. "Ang alin?" Tanung ko. "I answer your test kaya ka nagka-grade." Pakshet! Napasinghap nalang ako bigla sa inis. Sira-ulo kasi tong gago na to. Wala ata sa katinuan ang isip nya. "Baliw kana ba? Ipapahamak mo ko sa ginawa mo!" "Hindi ka mapapahamak kung hindi nila malalaman." "Ugh! Nag-iisip kaba?" "Tsk! What kind of question is that?" Medyo tumaas yung tono ng boses nya. Oo nga naman. What kind of question nga naman yung tanung ko! Syempre! HINDI SYA NAG-IISIP! Abnormal kasi sya, Hari talaga ng mga ulupong. Baliw! "Anu ba kasing pumasok sa isip mo?! Bakit mo ba gina----ahh.. bumabawi ka sa ginawa mo'ng kahalayan sakin no?!" Bigla ko kasing naalala yung ginawa sakin ni Keifer dati. Sa halip na mag-sorry binigyan lang ako ng ice cream ng moko'ng. Pati motto nya naalala. Apologizing is not my thing so as explaning. Kaya agad din'g pumasok sa isip ko na ganun din ang ginawa ngayon. "Don't call it kahalayan! P-parang ganun na nga..." I chuckled bitterly. "Napaka-hirap bang mag-sorry?! Hindi mo ba natutunan ang mga salita'ng yun?! Sorry lang okay na.. hindi na aabot sa ginawa mo!" "Tss. No. Ayoko'ng nags-sorry... Nakakababa ng sarili." Natampal ko nalang ang noo ko. Napaka-taas ng pride ng tao'ng to. Dinaig ang Burj Khalifa. Hindi ko kinaya. Taas! Light years ang layo! Pagbalik sa school, agaw eksena yung kotse ni Keifer. Buti nalang kaunti lang ang istudyante sa labas. Tumakbo ako pabalik sa room. Gusto ko na rin kasing kamustahin si Ci-N. Pagpasok sa room, wala pa ring buhay ang paligid. Tulala pa rin ang Ci-N. "Saan kayo galing?" Tanung sakin ni David. "May inasikaso lang..." Sagot ko. Lumapit ako kay Ci-N. "Ci! Gusto mo chocolate?!" Masiglang tanung ko sa kanya. Nagpilit lang ng ngiti ang Ci-N at umiling bago bumalik sa pagtitig sa kawalan. "Ako, gusto ko!" Singit ni Eren. Irap lang ang binigay ko sakanya. Para kaya kay Ci-N to. "Yuri... I need to talk to you." Sabi ni Keifer na nakatayo sa pinto. Lumapit naman ang Yuri at lumabas sila ulit ni Keifer. Bumalik ako sa upuan ko pero nakay Ci-N pa rin ang tingin ko. Anu bang gagawin ko sa bata na to? Dumating ang lunch break. Hindi na kami nagpunta ng tambayan. Ayaw rin kasi'ng umalis ni Ci-N. Dun na kami kumain sa room kahit halos maubos ng mga patay gutom ang baon namin, kakahingi nila. Wala rin'g gana ang Ci-N kaya sila Eren at Kit lang din ang nakinabang sa baon nya. Ci-N naman! Maging sa mga sunod nami'ng subject ganun pa rin sya. Nakagalitan na rin ako ng teacher namin dahil nasa kanya ang tingin ko. Worried kasi talaga ako! Natapos ang araw at matamlay pa rin ang Ci-N. Sabay sabay kami'ng naglakad palabas. Para takpan na rin sya sa mga tao'ng pagbubulungan lang sya. Kayalang hindi pa rin talaga sya nakaligtas. "Yung mga bag nyo guys!" "Hindi na nahiya." "Nakakatakot na tuloy lumapit sa kanya." Nag-iinit na naman ang ulo ko sa mga tao'ng to. Wala ba ko'ng pwede'ng sampalin sa kanila? Kahit isa lang! "Kami na maghahatid kay Ci-N sa kanila. Umuwi kana sa inyo." Utos ni Yuri sakin. Tumango nalang ako at hinayaan silang umalis. Naglakad lang ako pauwi samin. Iniisip ko kasi kung anu'ng pwede'ng gawin para bumalik na sa dati si Ci-N. Hindi talaga ako sanay ng ganyan sya. Pagdating sa bahay, may Ban na nakaparada sa labas. May bisita yata sila! Pumasok ako agad para tignan yun. Si Tito Julz, asawa ni Tita Gema. Dumating na sya! "Jay! Batiin mo ang tito mo!" Utos sakin ni Tita ng makita nya ko. Nginitian ko naman sya pagharap sakin. "Ikaw naba yan Jay? Ang laki mo na!" Sabi ni Tito Julz. Napahimas ako ng batok. "Kamusta po?" Nahihiya'ng tanung ko. "Ayos lang..." Tumingin sya sa likod ko. "...hindi mo kasama si Aries?" Nagpilit ako ng ngiti at umiling. "Baka padating na yun..." Singit ni Kuya Angelo. Andito na rin pala sya. "Jay... Magbihis kana at mag-miryenda." Utos ni Tita. Agad naman ako'ng pumunta sa kwarto ko para magbihis. Akmang lalabas na ko ulit ng bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Angelo. "I need to talk to you." Seryoso nya'ng sabi at isinara ang pinto. Kinabahan ako agad. Muka'ng alam na nya na nag-skip ako ng class. "T-tungkol saan?" "You skip your class this morning, is that true?" Sabi na eh. Umiwas ako ng tingin at napakagat sa ibaba'ng labi. Lagot na naman ako nito! "..And you're with Keifer?" Dagdag pa nya. Napakamot ako ng ulo. Hindi ko alam ang sasabihin kay Kuya. Bigla nalang nya hinatak ang patilya ko. Aaawww... "Tumitigas na naman ang ulo mo..." Sabi nya habang patuloy sa paghatak. "A-aray.. K-kuya..." "Isa pa... Isa pa'ng beses na may gawin ka'ng kalokohan, yari ka sakin." sabi nya at binitiwan ako. Maiyak-iyak ako habang hinihimas ang patilya ko. Masakit kaya! Parang mas gusto ko pa kapag nagbubunganga sya. Lumabas na ko at dumiretso sa kusina. Andun na si Aries kausap si Tito Julz. Tumabi sa kanila si Kuya Angelo. Nakikinig lang sila kay Tito, sa mga kwento nito. Nakakatuwa sila tignan at nakaka-inggit na rin. Kahit kasi hindi si Tito Julz ang tatay nila, close na close sila Kuya Angelo at Aries sa kanya. Alam ko namatay na Tatay ni Kuya nung sanggol pa lang sya, kaya siguro Fernandez na rin ang ginamit nya. Yung Tatay ni Aries, hindi malinaw ang usap. Hindi ko alam kung anu nangyari dun. Basta, alam ko lang ilang beses nya sinubuka'ng kuhanin si Aries. Fernandez na din ginamit nya kasi hindi naman daw naging Tatay sa kanya yung Tatay nya. Ako? Eto, Mariano nga ang gamit hindi ko naman kilala Tatay ko. Basta alam ko lang pangalan nya sa Birth Certificate ko 'Boy Mariano'. May ganun pa lang pangalan? Buti sana kung iisa lang sya'ng Boy Mariano sa Pilipinas. Kayalang, syempre hindi. Saan na kaya sya? Sa picture ko lang sya nakita dati. Iisa'ng picture namin na tinago pa ni Lola. Ayaw daw kasi ni Mama na makita pa yung lalaki na yun. Baby pa ko dun sa picture tapos buha't buhat ako ni Papa. Nasa harap kami ng simbahan na hindi ko kilala'ng lugar. "Kelan pala dating nila Nanay dito?" Tanung ni Tito Julz na nagbalik sakin sa ulirat. Pupunta sila Lola dito? "Weekend daw..." Sagot ni Tita. Pupunta nga sila. Galit kaya sya sakin? Gusto rin kaya nya ko'ng makita? Sa totoo lang nami-miss ko na rin si Lola. Natatakot nga lang ako sa sasabihin nya. 

 

 

Chapter 48 Sacrifice Jay-jay's POV

 

 "Anu na? Wala pa rin?" Tanung kay Keifer. Hindi sumagot ang luko. Ilang araw na ko'ng naghihintay sa plano ni Keifer para mahuli yung salarin. Kayalang hangang ngayon, Nganga! Naghihintay ako sa wala. Naiinis na ko. Feeling ko hindi na babalik sa dati si Ci-N. Nabubulok na rin yung pera sa bag ko. Natutukso na nga ako'ng gastusin eh. Kayalang agad pumapasok sa isip ko si Ci. "Alam mo kung wala ka talaga'ng plano, sabihin mo nalang." "Tss." Pisti! Aanhin ko 'Tss' nya? Buti sana kung may pakinabang yan. "Naku naman!" Sabi ko at nilayasan sya. Bumalik ako sa room para tignan si Ci-N. Para'ng lalu sya'ng lumala ngayon. Ayaw na makipag-usap sa iba. "Jay.. Wala talaga." Sabi sakin ni Eren. Nanghingi na kasi ako ng tulong sakanila para maibalik si Ci-N sa dati. Kayalang, malapit-lapit na sila'ng sumuko. Kainis! Hindi ko kaya'ng maupo lang dito at pagmasdan si Ci-N. Desidido na ko! Gagawin ko na yung una'ng plano ko. Kinuha ko yung pera sa bag at mabilis na naglakad palabas ng room. Nakita pa ko ni Keifer pero hindi ko na hinintay ang sasabihin nya. Sa main building ang destinasyon ko. Pero malayo pa nakita ko na yung grupo ni Aries na papunta'ng cafeteria. Bawal sa Cafeteria ang E! Baka kung anu'ng iparusa sakin kapag nagpunta ako don. Pero kailangan ko talaga'ng gawin to! Bahala na si Batman! Dumiretso na ko sa cafeteria. Pagpasok, agad na tumahimik ang mga tao don. La ko'ng paki sa inyo! Lumapit ako sa lamesa nila Aries at pare-pareho sila'ng tumigil at tumingin sakin. "Bawal ang E dito!" Bungad sakin ni Freya. Pero nakay Mykel ang atensyon ko. Ibinato ko yung kumpol ng pera sa kanya. "What the----" hindi ko na sya pinatapos. "Yan ang pera'ng binigay mo dun sa babae!" "Why are you giving it back to me?" Tanung ni Mykel. "Baka nakonsensya kaya isinoli na ni Ci-N." Singit naman ni Freya. "Hindi. Hindi si Ci-N ang nag-nakaw nyan... Ako!" Aries chuckled. "Trying to be a Hero again for Section E?" He then cross his arm. "Jay... Wag mong gawin to. Si Ci-N ang tinuturo nung babae." Sabi ni Kiko. Pati ba naman ikaw? "Pero hindi nya nakita na kinuha talaga ni Ci-N! Dahil ako kumuha nun at inabot ko kay Ci yung bag! Hindi ko nga lang alam na hindi nya napansin na ako yung nag-abot sa kanya!" Paliwanag ko. Tanggapin nyo ang explanation ko. Mga pisti kayo! "Panu mo nalaman na may pera sa bag?" Diretso'ng tanung ni Aries. Ay shit! "N-narinig ko'ng pinag-uusapan nila ng boyfriend nya!" Kaya ko to. Gawa lang ng kwento baka makalusot. Para kay Ci-N! "Bakit mo kinuha? Eh kaya ka nama'ng bigyan ni Kuya." Tanung ulit ni Aries. Manu'ng tumahimik nalang. Bakit ba nakiki-alam pa to? Hinuhuli talaga nya ko. "Nahiya na ko kay Kuya! At natakam ako dun sa pera!" Medyo tumataas ang tono ko. Umayos ka Jay! "You sound defensive." Sabi ni Freya. Dapat sa isang to hindi na nagsasalita. Wala nama'ng saysay yung mga sinasabi nya. Nang-iinis lang ata! "How much is the money?" Tanung ni Mykel. "..Yung ninakaw mo." "20,000." mabilis ko'ng sagot. "But this one is 25,000..." Sabi ulit ni Mykel habang winawagayway ang pera. "K-kasi 25,000 yung binigay mo sa babae! Ayoko'ng magka-utang na loob sayo!" Mykel smirked. "Kung gusto mo talaga... Then fine, ikaw na nagnakaw!" Sabi ni Aries. "Talaga!" Mayabang ko'ng sabi at agad na umalis ng cafeteria. Babalik na ko sa room. Kailangan ko'ng mag-isip ng sasabihin kay Ci-N. Mga dahilan at paliwanag. Pagpasok ko sa room. Mga nagkukumpulan sila at hawak hawak ang mga cellphone. Pare-pareho sila'ng tumingin sakin. "What were you thinking?!" Galit na sabi ni Keifer. "B-bakit?" "Naka-live ka sa facebook." Sabi ni David at hinarap sakin ang phone nya. Putakte! Sa posisyon ko, nakaharap ako sa nagvi-video. Account ni Freya yung nag post. Bruha talaga! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko ini-expect to. Pero dapat maging handa ako, ginusto ko to. "Bakit mo ginawa yun Jay? Pinahamak mo yung sarili mo." Nag-aalalang tanung ni Ci-N. Ngumiti ako sa kanya. "Gusto ko kasi'ng bumalik kana sa dati." "Pero panu kana? Anu nalang sasabihin sayo ng mg tao?" "Wala ako'ng paki sa kanila. Ako pa! Kaya ko to!" Kakayanin ko. Higit pa dito ang mga naranasan ko. Wala ako'ng paki kahit anu'ng sabihin nila. Alam kong pwede ako'ng malintikan sa ginawa ko. Pupunta pa naman sila Lola. Hindi malabo'ng hindi nila malaman. Ihahanda ko nalang yung sarili ko sa sasabihin nila. "Salamat Jay.." sabi ni Ci at ngumiti sya sakin. Ngumiti din ako sa kanya. Ngiti'ng nagsasabi na okay lang ako. Sa ngayon... Aries's POV

 

 

 

 "I got thousands of views and coents." Pagyayabang ni Freya. "Bakit kailangan nyo pa'ng i-post?" Iritable'ng tanung ni Kiko. Concern? "She need to learn a lesson. Na ang pakiki-alam ay may malaki'ng kabayaran." Mykel said. I wanted to complain about what they did. Buti sana kung buong school lang ang makakakita nun. Pero pati ibang tao. Malamang nakarating na rin to kay Kuya. Pero may point din naman sila. Kailangan matuto ni Jay na tigilan ang pakiki alam. "Papa-suspend ba natin si Jay? Nag-punta sya'ng cafeteria kahit bawal." Tanung ni Mykel. "Wag na. Para na rin sya'ng mapaparusahan sa mararanasan nya." "What the fvck?!" Freya suddenly cursed. "..Someone deleted the video!" "You deleted it?!" Galit na tanung ni Mykel. Freya rolled her eyes. "Someone nga daba?" She sarcastically said. "But it's your account! No one can deleted except you!" Sagot ni Mykel. "Unless, it was hacked." I said boringly. Freya suddenly got scared and iediately type something on her phone. "Karma yan..." Kiko murmured. One of this days, I will to talk to this guy and clear things about Jay.

 

 Keifer's POV

 

 "Successfully deleted!" Edrix announce. Napaka-galing talaga ng tao'ng to sa computer works. We're lucky to have him here with us. "Malamang naghi-histerical na si Freya ngayon." Yuri said. "Okay na ba si Ci-N?" I ask them. "Medyo okay na sya. Pero nag-alala pa rin kay Jay." Kit answer. "Do you have any plan? Hindi naman siguro natin hahayaan na dalin lahat ni Jay-jay ang problema." Yuri said. I look at him confusedly. Why do i smell something weird? Smell like, worried or concern. "I'll talk to Ci-N about that." I answer shortly. "Hahaha.. Freya is trying to get her account back." Edrix said while laughing. "Ibalik mo na... Baka umiyak pa yun." Pang-aasar ni Kit. "Should i?" Pang-hihingi ng permiso ni Edrix sakin. I just nod. Wala naman na ko'ng gagawin sa account nya. Hindi naman kagandahan ang pagmumuka nya para pagmasdan ko pa. Puro kaartihan lang din nya ang makikita ko dun.

 

 Jay-jay's POV

 

 Okay na si Ci-N. Hindi pa naman totally pero nakakausap na namin sya. Nakakangiti na rin sya kahit papanu. Naglalakad na kami palabas ng school. Inihanda ko na ang sarili ko dito. "Sya pala talaga, hindi si Ci-N." "Hindi na nahiya. Ginamit nya si Ci." "I feel sorry for Ci-N." "Dapat dyan ine-expelled." Nag-kuyom ang kamao ko. Akala ko handa na ko. Pero hindi ko maiwasa'ng hindi mainis. "Okay ka lang Jay?" Tanung sakin ni David. Ngumiti lang ako bilang sagot. Naghiwa-hiwalay na kami paglabas ng gate. May pupuntahan pa daw kasi sila bago umuwi kaya hindi na nila ko maihahatid. Dumaan mo na ko sa Mini Mart. Gusto ko kasi bg Ice cream. Bawas bigat ng loob. "Welcome to Mini Mart!" Bungad sakin nung cashier. Ngumiti lang ako sa kanya at dumiretso sa Ref para kumuha ng ice cream. Bumalik ako agad sa cashier pagka-kuha ng gusto ko. Panay ang sulyap sakin nung kahera habang pina-punch yung binili ko. "98.50 po.." sabi nya. Binigay ko yung bayad. Akmang aalis na ko ng pigilan ako ng kahera. "Miss... Kung okay lang po. Pwede'ng silipin yung bag nyo?" Sabi nya sakin. Taka ko sya'ng tinignan. "Para saan?" "Ah... K-kasi po..." Muka'ng alam ko na yung dahilan. Kasama to sa ginawa ko kaya dapat niready ko narin yung sarili ko sa mga ganito. "Kung hindi ako pumayag anung gagawin mo?" Paghahamon ko. "Miss.. P-para lang po sana----" "May CCTV camera kayo di ba? Bakit hindi mo tignan?" Sandali sya'ng humarap sa computer nya at pinanuod yung CCTV footage. Humarap sya sakin. "S-sorry po Miss." Tinignan ko sya ng diretso sa mga mata. "Payong kaibigan----kahit hindi kita kaibigan at hindi rin kita gugustuhi'ng maging kaibigan. Wag kang judgemental, siguro napanuod mo yung video pero wala ka don para malaman ang buong pangyayari." Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya. Para kasi'ng maiiyak na ko. Ngayon alam ko na yung nararamdaman ni Ci-N. Isa palang to. Panu kung buong school na? Baka hindi ko kayanin. Pero okay lang... Okay lang ako at lahat ng ito.

 

 

Chapter 49 Family Jay-jay's POV

 

 Para ako'ng bata'ng kinakagalitan ng magulang. Well... Bata pa naman ako at kinakagalitan din, hindi nga lang ng sarili ko'ng magulang. "Anu na naman ba'ng pumasok sa isip mo?" Tanung sakin ni Kuya Angelo. Kaharap sila Tita Gema at Tito Julz andito rin si Aries. Hindi ako makapag salita. Hindi ko masabi yung totoo. Baka kasi kuhanan din ni Aries at i-post. Sayang effort ko pagnagkataon. "Sumagot ka!" Galit na si Kuya. "Kasi..." "Jay... Kung pera lang ang kailangan mo, hindi problema samin yun." Singit ni Tita Gema sa usapan. Nakayuko lang ako at hindi sumasagot sa kanila. Alam ko nama'ng malalaman din nila to. Handa naman ako sa sasabihin nila. "Angelo, hayaan mo muna sya. Baka hindi pa sya handa'ng magsalita." Sabi ni Tito Julz. Umalis si Aries kasunod si Tito Julz. Sumunod din si Tita Gema pero nagpa iwan si Kuya. "Ikaw ba magsasabi ng totoo o sa iba ko pa malalaman?" Hindi pa rin ako makasagot. Kasi nga! Nakakatakot sya makatingin. Pailalim! "Ok fine!" Sabi ni Kuya. Akala ko suko na. Kinuha nya yung phone nya sa bulsa at may tinype. Muka'ng meron sya'ng tinatawagan. "Hello Keifer..." Panimula na. Pull Tank! Si Keifer talaga dapat ang tawagan? "I know this is out of blue. I just want to know.... Yeah.... Can you explain it to me?" Habang nakikinig sa paliwanag ni Keifer, nasa akin pa rin ang tingin nya. "Ok... No. That's all." Sabi ni Kuya at binaba na yung phone nya. May ilang minuto din sya'ng tahimik na parang nag-iisip bago magsalita. "Palalagpasin ko to... Pero sana wag mo na ulutin. Hindi ka bayani." Tipid na tango lang ang sinagot ko sa kanya. Muka'ng napaliwanag naman lahat ni Keifer sakanya yung gusto nya malaman. May narinig kami'ng busina galing sa labas ng bahay. Sila Lola! Mabilis na naglakad si Kuya para salubungin ang bisita. Samantalang ako dahan-dahan lang at nagtago muna sa gilid kung saan hindi ako agad makikita. "Lola!" Tawag ni Aries kay Lola. Buti pa sya kaya'ng batiin ng buong galak si Lola. "Kamusta Apo?!" Balik na bati ni Lola sabay yakap. "Nay!" Si Tita Gema naman ang yumakap sa kanya. Kasunod na ni Lola si Tita Jenny. Kapatid din ni Tita Gema. Sya ang laging kasama ni Lola nito'ng mga nakaraan dahil na rin siguro sa nangyari sa kanya. "Kamusta Gema?" Bati ni Tita Jenny. Agad na yumakap si Tita Gema dito. "Ayos lang? Ang mga bata nasaan?" "Andyan sa labas..." Mga pinsan nami'ng talipandas ang tinutukoy ni Tita Gema. Kambal sila at lagi nalang ako'ng inaaway dati. Kambal parusa! Lumabas si Aries para puntahan yung kambal. "Asan si Jay?" Tanung ni Lola. Lumapad ang tainga ko sa narinig. Nami-miss din kaya ako ni Lola? "Oo nga... Asan yang walang hiya'ng bata na yan?" Irita'ng tanung ni Tita Jenny. Grabe sa walang hiya! Galit nga din pala sakin si Tita Jenny. Pabigat lang daw kasi ako at mana'ng mana sa Nanay ko. "Ahh... Nandyan po sa kwarto nya." Sagot ni Kuya Angelo. "Siguro alam nyo na yung ginawa ng bata na yan?! Isinumbo'ng sakin nila Allan at Allen na may video daw yang si Jay! Umaamin na may ninakaw sya!" Sabi ni Tita Jenny. Nagtinginan lang si Kuya at Tita Gema. "May paliwanag naman siguro yung bata." Pagtatanggol ni Lola. Ganun pa rin sya sakin. "Nay! Wag nyo na ho'ng kampihan! Sinabi ko na ho sa inyo dati na ibalik nalang natin sya kay Jeana! Hayaan natin sya'ng mapirwisyo sa anak nya!" Napakagat ako sa ibaba'ng labi ko. Si Mama ang sinasabi nya. Sigurado naman ako'ng hindi papayag yun. Ayoko ring mapunta sa kanya. Kahit Mama ko sya hindi rin ako komportable kapag malapit sya sakin. Hindi ko alam kung bakit. Bumalik ako sa kwarto ko. Isinara ko yung pinto at naupo sa dulo ng kama. Gusto ko sana'ng kamustahin si Lola kayalang hindi ako makalapit sa kanya kapag andyan si Tita Jenny. Hay... Kesa mabaun ako sa masasakit na salita'ng bibitiwan ni Tita. Aalis nalang muna ko siguro. Pumunta ako sa banyo at mabilis na naligo. Sa labas na muna ko. Bahala na kung saan dalin ng mga paa ko. Nagbihis ako at nag-ayos ng gamit. Hindi ko rin kinalimutan ang phone ko. Paglabas nasalubong ko si Tita Gema. "May lakad ka?" Tanung nya sakin. ".. Pupunta po ako sa classmate ko. M-may report po kasi kami'ng gagawin." Palusot ko. Tumango-tango si Tita Gema. "S-sige... Umuwi ka nalang ng maaga para makasama ka namin sa hapunan." Ngumiti naman ako at nag-nod. Dumiretso ako sa Sala kung nasan sila Lola. Nag-alangan pa ko'ng lumapit sa kanya nung una pero ngumiti sya sakin agad. "Aalis ka?" Tanung sakin ni Lola habang nagma-mano ako sa kanya. "O-opo..." "Sige.. Mag-ingat ka." Hindi na ko sumagot. Lumabas na ko agad. Sinadya ko'ng hindi mag-mano kay Tita Jenny. Alam ko nama'ng kung anu-anu lang sasabihin nya sakin. Kinuha ko yung bike. Palabas na ko ng gate ng makita ako nung Kambal habang nakikipag-laro sila kay Aries. "Hoy! Jay! Aanu ka?!" Tanung ni Allan. "Baka magb-bike! Wag tanga kambal!" Sagot ni Allen. Tama ka dyan Allen. At ayun! Nag-away na sila. Tinignan lang ako ni Aries sandali. Wala ako'ng naging reaksyon sa kanya. Sumakay nako sa bike at nagpidal. Iikutin ko na rin yung Village namin para maging pamilyar ako. Naka-head set pa ko at nakikinig ng music. Masarap din kasi sa pakiramdam ang pakikinig ng music. Minsan relate, minsan may naiimagine sa mismong kanta. May nakita ako'ng Cafe. Ngayon lang ako nakarating sa area na to kaya ngayon ko lang din nalaman na may ganito pala dito. Meron sila'ng paradahan ng bike kaya dun ko na nilagay ang bike ko. Kaunti lang ang tao sa loob. Hindi rin kasi ako nakakapasok sa mga ganito, kaya gusto ko itry. Sa dulo ako pumwesto. Para hindi masyado'ng kita ng mga pumapasok. Lalaki ang waiter nila na sya'ng lumapit sakin. Inabot nya ang Menu at buong ngiti'ng hinintay ang order ko. "Strawberry shake nalang..." Sabi ko. Hindi ko kasi alam kung anu yung mga nakalagay sa menu. Nahihiya naman ako'ng magtanung. Baka isipin ngayon lang ako nakarating sa ganito. Binalik ko na yung menu at umalis na yung lalaki'ng waiter. Habang naghihintay, napansin ko yung grupo ng kababaihan na nagbubulungan at titingin sakin. Tinitigan ko sila ng masama. Alam ko naman kung anu yang ginawa nila sakin. Sabi ko nga handa ako sa ganito. Lumapit yung waiter sa kanila dala yung order nila. May binulong sila dito at parang nagulat pa yung waiter. Umalis din naman yung waiter sa harap nila. Sakin naman sunod na lumapit nung waiter dala yung order ko. "Ahh... Miss." Panimula nung waiter habang binababa yung order ko sa table. Tinignan ko lang sya. "Pasensya na po... K-kailangan nyo na po k-kasing umalis dito." "Ha?" "Hindi po kasi komportable yung ibang customer na andito kayo. Pasensya na po talaga." Napayuko nalang ako. Grabe! Pati ba naman dito. Kumuha ako ng pera pambayad sa in-order ko. "Wag na po Miss. Libre ko na po sa inyo yan. Bilang pasensya na rin po sa ginagawa ko." Sabi nung waiter at ngumiti sya sakin. Mabait din naman pala sya. "S-salamat..." Inayos ko na ang gamit ko at tumayo. Kukuhanin ko na sana yung order ko ng may humawak sa kamay ko. "Y-yuri?" "Stay here." Sabi nya at humarap sa waiter. "...Babayaran ko ang kinikita ng Cafe na to sa isang araw, doble pa kung gusto mo pati na rin sahod mo." "S-sir?" "But i want everbody to leave! Now!" Sigaw ni Yuri. Agad na nag-iba yung itsura nung mga babae'ng gusto ako'ng paalisin. Meron pa ko'ng narinig na nagmura pero wala naman silang magawa. "S-sige po.." sagot nung waiter habang natataranta sa gagawin. Binawi ko yung kamay ko mula sa pagkakahawak ni Yuri. "Adik kaba?" "No." Mabilis nya'ng sagot. Naupo sya sa bangko'ng katabi ng inuupuan ko kanina. Niligid ko yung paningin ko at wala na yung mga customer na tahimik na kumakain at umiinom ng kung anu kanina. "Kailangan talaga paalisin sila?" Iritang tanung ko kay Yuri. "Hindi ako komportable na andito sila." Bored nya'ng sagot. Ay wow! Lumapit samin yung waiter na halata'ng natataranta pa rin. "Menu." Sabi ni Yuri. Inabot naman yun ng waiter. Habang namimili tinitignan ko lang sya. Parang wala lang sa kanya yung ginawa nya. Ganun yata talaga kapag si Yuri ka. "Bigyan mo ko nito at nito... And this one also." Sabi ni Yuri dun sa waiter. Binalik na nya yung menu at nagmamadali ang waiter sa pagkuha ng order nya. "Tatayo ka nalang ba dyan?" Tanung nya sakin. Hindi ko naiintindihan tong trip ni Yuri pero bumalik ako dun sa pwesto ko kanina at nilaklak yung shake na order ko. Medyo tunaw na nga eh. Ang weird talaga nitong si Yuri parang si Keifer kumag lang. 

 

 

Chapter 50 Beat Yuri's POV

 

 Tahimik lang sya at ako. I'm still waiting for my order. Kanina pa ko dito. Nauna pa nga ako sa kanya. I saw everything. Nainis lang talaga ko sa mga babae na yun. Feeling nila VIP sila at may karapata'ng manghusga. Kasalanan din naman ni Jay. Kung hindi sya gumawa ng hakba'ng na para'ng hindi nag-iisip hindi mangyayari to. "Woi! Anu ba talaga'ng trip mo?" Tanung nya sakin. "Wala." "Sabog ka no?" Sabog? What does it mean? Saan ba nanggagaling yung mga sinasabi nya? Ang sabog na alam ko yung nage-explode. "What is Sabog?" "Tumira ng droga o kaya tsongke." Pasimple nya'ng sagot. Tinignan ko sya ng masama. "Hell no! Don't ever say that again! Baka may makarinig sayo, isipin adik nga ako! Ipapatay nalang ako dyan sa labas!" Bigla nalang sya tumawa. "Hahahaha.. Hindi ka OA." "Tss." Dumating ang order ko. Cafe Amerikano and three different flavored of muffins for us. "Eat." I said and push the plate toward Jay. Kahit nagtataka tinanggap naman nya. Suddenly the background music from the cafe change. Pero nakay Jay-jay pa rin ang atensyon ko. Hey, I was doing just fine before i met you I drink too much and that's an issue But i'm OK Hey, You tell your friends it was nice to meet them But i hope i never see them Again She look so innocent. A bit boyish but still look cute. Wala'ng mababakas na problema'ng dinadala. And she's ready to fight for herself and for her friends. Not all girls can do that. Hindi rin sya masyado'ng maarte kagaya ng iba. I know it breaks your heart Moved to a city in a broke-down car And four years, no call Now you're looking pretty in a hotel bar And I, I, I, I, I can't stop No I, I, I, I, I can't stop "Why?" I ask suddenly. She look at me and stop eating. "Huh?" "Why did you do that for Ci-N?" She smile. A sweet smile. "Nakakatawa... Pero parang kapatid ko na si Ci-N. At hindi kaya ng isang ate na makita ang kapatid nya'ng nahihirapan." I smile back. Kakaiba! Kakaiba sya sa lahat. She's ready to sacrifice everything for what she believe is right. So Baby pull me closer In the backseat of your rover That i know you can't afford Bite that tattoo on your shoulder Pull the sheet right at the corner Of that mattress that stole From your rooate back in Boulder We ain't ever getting older "Wala kabang kapatid at si Ci-N ang napagdiskitahan mo?" She stop and think. "Sabi nila Tita meron daw ako'ng Kuya pero pina ampon na ni Mama sa iba. Hindi ko na sya nakilala." It sound bitter, like it was a pain to talk about her family. But she manage to give me a smile. Behind her smile, i knew she's sad. She's crying inside. I don't know why but i feel it. And i know that she need someone to listen to her. Maybe a shoulder to cry on. We ain't ever getting older We ain't ever getting older "Ikaw? Wala kang kapatid?" She ask me. Turning the table. "Meron. Nasa Japan kasama ng parents ko. Mas bata sya sakin. Maybe 8 or 7 years ang pagitan namin." I explain. She nodded then silent cover us. The music that i hear is not romantic, althought Jay-jay likes it. I can see her mouthed the lyrics. You look as good as the day i met you I forget just why i left you, I was insane Stay and play that Blink-182 song That we beat to death in Tucson, OK I can't help but stare. Stare at her eyes, nose, lips and every corner of her face. I know i breaks your heart Moved to a city in a broke-down car And four years, no call Now i'm looking pretty in a hotel bar And I, I, I, I, I can't stop No I, I, I, I, I can't stop The beats are great from the music and for some reason. My mouth move automatically like i really do know the song. "So Baby pull me closer. In the backseat of your rover. That i know you can't afford..." She look at me and smile again. "...Bite that tattoo on your shoulder. Pull the sheet right at the corner. Of that mattress that stole. From your rooate back in Boulder. We ain't ever getting older." I like her smile. Karinawa'ng ngiti lang yun na binibigay nya sa pang-araw araw, but i found it special. I really love to see that smile from her everyday. We ain't ever getting older We ain't ever getting older I'm not supposed to feel this. I'm still confuse. All this time, i knew Ella is still the girl that i love. But fvck, i will no longer deny it. I'm starting to feel something for Jay. "Closer." She said. "Hm?" "Title nung kanta. Closer." I just nodded like i'm really interested. Pero bakit sya? Bakit sya pa? Sya na may koneksyon sa taong kinamumuhian ni Keifer. Napaglalaruan ba ako? Bakit kailangang ganito? Gagamitin lang sya ni Keifer. I don't know how, but i don't want to see it neither imagine it. Parang hindi ko kaya na makita'ng umiiyak si Jay-jay. But Keifer is my friend. Kapag sinuway ko sya para'ng nagsimula na naman ako ng panibagong hidwaan sa pagitan namin at baka hindi na nya ko patawarin sa pagkakataon na to. "Okay ka lang?" Jay suddenly ask and get me back to reality. "Y-yeah..." Inilapit ko sa kanya yung dalawa pang platito na may muffin. I'm not going to eat it anyway. I don't like muffin. "Ayaw mo ba?" She ask. I shoked my head. "Sana hindi mo na in-order." Kinuha nya yung muffin at pilit inubos. Para syang bata kumain, but she look so enjoy. Takaw! "Jay..." I started. "...Nagka-boyfriend kana ba?" What the hell? Did i just ask about---- "Meron." She answer quickly. "Really?" She arched a brow. "Para nama'ng napaka-panget ko at hindi ko keri magka-jowa." "Sorry... Hindi yun. What i mean is----" "Meron nga! Dalawa!" "What h-happen? Why did you broked up?" I ask sound so interested. Bakit ba napunta sa lovelife nya yung usapan? "Yung first boyfie ko... Bading talaga sya. Yung ikalawa----" she suddenly stop like she realize something. "...N-nasa ospital. Comatose." "Why?" "H-hindi ko na maalala. Wag na nati'ng pag-usapan." She force a smile. "..Ikaw? Love life? M-magkwento ka." Turning the table again. "I never had a serious past relationship. Althought... I fall inlove before but she don't loved me back." "Si Ella ba?" She suddenly ask. I look at her confusely, napansin nya yun at agad na tinakpan ang bibig nya. Pero hindi na ko nagtataka kung panu nya nalaman. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita. "S-sorry..." She apologize and bite her lower lips. "It's okay. Past is past." Bakit para'ng hindi na ko apektado ng issue namin ni Ella? We talk about many things. Most of it are about me. Hinihintay kong kusang magsalita si Jay tungkol sa pamilya nya pero hindi nya ginawa. Until we both get tired and Jay decided to go home. Binayaran ko na yung waiter kagaya ng pinangako ko. Yari ako kay Tanda nito. "Bike lang gamit mo?" I ask her habang kinukuha nya yung bike nya. "Oo.. alangan nama'ng maglakad ako." I like her bike. Mahilig din kasi ako'ng magbike pero hindi ko magawa. Malalaki kasi ang sasakyan na umaarangkada sa labas ng building namin. Ang yayabang nila. Feeling para sa kanila yung ginawa'ng daan. It's for our building, stupid! "Hatid na kita." I offer.

 

 Jay-jay's POV

 

 Pisti to'ng Yuri na to. Akala ko ihahatid nya ko ng naka-kotse kaya pilit ako'ng tumanggi. Inihatid ako ng bike lang ang gamit. Ngawi't na ngawi't na ko sa pwesto ko. "Wag ka nga'ng malikot!" Sabi nya. "Nangangawit na nga ako!" Reklamo ko. "Bibilisan ko nalang para maka-uwi kana." Sabi nya at mas binilisan pa. Naka-upo ako sa body ng bike. Samantalang sya sa bangkuan. Medyo nakayuko sya kaya naka-yuko din ako. Mas nahirapan tuloy ako. Sakit sa likod. Pilit kong inabot yung likod ko para himasin. Nakakaramdam na kasi ako ng kiro't dahil sa sobra'ng ngawit. "Hey! Wag ka sabi'ng malikot!" Pagbabawal nya at nag-umpisa'ng gumewa'ng ang bike. "T-teka lang... Masakit na likod ko!" "Nasa village nyo na tayo... Makakauwi kana! Dun mo nala---- aaarrrrgggghhhhh!" "Aaaaahhhhhhh!" Sigaw ko. Halos sabay ang naging sigaw namin dahil sa lakas ng pagkakatilapon namin sa bike. Hindi ko napansin yung nangyari basta bigla nalang gumewa'ng at tuluya'ng tumumba yung bike. Naupo ako sa sahig. Mahapdi kasi yung tuhod ko at kumikirot. Tinignan ko yun at shit! Ang laki ng gasgas. May lumalabas ng dugo. Dugo! Ayoko! Hindi! Baka mangyari na naman! Anu gagawin ko?! Kinuha ko yung bag ko at naghalungkat ng kung anu. Yung pwedeng ipangtakip or ipunas. Halos isabog ko na sa daan yung mga gamit ko. "Shit! May sugat ka!" Sigaw ni Yuri at taranta'ng kumuha ng kung anu sa bulsa nya. Pareho na kami'ng natataranta. Hangang sa nakakuha sya ng panyo at itinali sa tuhod ko. "Likot mo kasi! Yan tuloy!" Sisihin daw ba ko. Abnormal talaga! Tinignan nya yung bike at pilit itinayo. Muka'ng okay pa naman. Wala naman ako'ng nakikita'ng diperensya. "Lakad nalang tayo... Malapit na yung bahay namin dito." Sabi ko at pilit tumayo. Yun nga lang hindi ko mailakad ng maayos yung kana'ng binti ko dahil sa sugat. Bigla nalang naupo si Yuri sa harap ko at tinap ang braso nya. "Sakay! Bilis!" Lah! Buti kung kayanin nya ko. "Hindi na! Lalakad----" "Sakay na! Dami pang arte!" Grabe to! Nagpapaksakay nalang sya pa galit. Sumakay ako kagaya ng gusto nya. Obvious naman na nabigatan sya sakin dahil halos hindi na makatayo. "Ugh!" Sabi ng makatayo ng tuluyan. Hawak ng isang kamay nya nung bike samantalang yung isa nakapalupot sa binti ko. Hindi naman ganun kalayo yung bahay sa pinanggalingan namin kaya hindi na kailanga'ng magtiis ni Yuri sa bigat ko. "Dito! Dito!" Sabi ko habang nakaturo sa gate ng bahay. Akala ko ibaba na nya ko pero bigla sya'ng pumasok sa gate at pinarada yung bike. "Baba na ko!" Sabi ko pero pinalupot lang ni Yuri yung isang braso nya sa kabilang binti ko. Naglakad sya palapit sa pinto at huminto sa mismong tapat. Si Kuya Angelo ang una'ng nakita samin at agad na nagsalubong ang kilay nya. "Y-yuri?" Sabi ni Kuya. Kilala nga pala nya si Yuri. Hindi ko pa nga lang natatanung kung panu. Biglang lumabas si Lola at sila Tita mula sa kusina at agad na napatigil ng makita kami. "Jay! Bumaba ka nga dyan! Mahiya ka sa kasama mo!" Utos ni Lola. "Ayaw nya ko ibaba.." sumbong ko. "May first aid kit po kayo?" Tanung ni Yuri. Kahit medyo gulat tumango lang si Tita at agad na kinuha yung first aid kit. Tuloy-tuloy na pumasok si Yuri at ibinaba ako sa sofa. Wow! Feel at home! Bumalik si Tita at agad na inabot ni ang First Aid Kit kay Yuri. "Ui! Ako na!" Pagpipilit ko. Pero hindi nagpatinag ang Yuri. Tinanggal nya yung panyo'ng binalot nya sa tuhod ko. Napaiwas nalang ako ng tingin ng makita'ng puro dugo. Baka mangyari na naman ulit yun. Mabuti ng mag-ingat. "Jay... Sya ba boyfriend mo?" Tanung ni Lola na nagpatigil sami'ng lahat. 

 

 

Chapter 51

Boyfriend Jay-jay's POV

 

 Hala! Nakakabigla magtanung tong si Lola. Boyfriend talaga?! "Hindi nya po boyfriend yan." Sagot ni Kuya Angelo sa sinabi ni Lola. "Manliligaw?" Tanung ulit ni Lola. "H-hindi po La. Classmate ko po sya." Sagot ko. "Ahh.. sya ba kasama mo sa pag-gawa ng report? Sabi kasi ni Tita mo sakin gagawa daw kayong report." Tanung ni Lola. Tinignan ako ni Yuri na para'ng nagsasabi na 'anu ibig sabihin nun?'. Gusto ko'ng tumanggi kayalang magtataka sila kung bakit kami magkasama. Tipid na tango nalang ang sinagot ko. Napansin ko'ng kakaiba yung tingin sakin ni Tita Jenny. Para ba'ng meron sya'ng gusto'ng sabihin. Tumayo si Yuri at niligpit yung first iad kit. "Okay na..." Sabi nya at binalik kay Tita Gema yun. "...Salamat po." Bigla nalang pumasok si Aries kasama nung kambal at agad na tinignan ng masama si Yuri. "What are you doing here?!" Galit na tanung ni Aries. "None of your business." Bored na sagot ni Yuri. Muli sya'ng humarap sakin. "..I'll go ahead. Ako nalang bahala'ng mag-print sa report natin." Report natin? Ang galing! Sinakyan nya yung kasinungalingan ko kahit hindi naman nya naiintindihan yun. Life saver ka Yuri! "Iho! Wag ka muna'ng umalis!" Pigil ni Lola. Lola naman ih! Aalis na nga ih! "La! Yaan nyo po sya. Hindi sya welcome dito." Sabi ni Aries. Malakas na palatok ang nakuha nya galing kay Lola. Kahit kami nila Tita nabigla. Napaatras naman yung kambal. "Wag kang bastos! Bisita yan ni Jay!" Sigaw ni Lola sa kanya. Humarap sya ulit kay Yuri. "..Dito kana maghapunan." "S-sige po." Mukang napilitan. Pwede ring natakot dahil sa lakas ng palatok ni Lola kay Aries. Pumunta ako sa kwarto ko para magbihis. Madumi na din kasi ang damit ko. Pagkatapos magbihis, inayos ko na yung mga gamit ko sa bag at bigla nalang pumasok si Tita Jenny. Sinara nya yung pinto at tinignan ako ng masama. "Buntis kana? O mabubuntis pa lang?" Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya. "Ha?" "Alam kong mauuwi ka lang sa pag-aasawa ng maaga! Kaya aminin mo na kung buntis ka o magpapabuntis pa lang sa lalaki na yun!" "Naka-droga ba kayo?" "Wag mo nga'ng ibahin yung usapan!" "Hindi ho! Hindi ako magpapabuntis!" Irita'ng sagot ko sa kanya. Naluto na ata ang utak ni Tita Jenny. O kaya kinain ng sistema. Porke wala ako'ng nagawa'ng matino mag-aasawa nalang? "Siguraduhin mo lang! Mahiya ka kila Gema! Pinapakain ka at pinag aaral tapos papabuntis ka lang." Sabi nya at lumabas na ng kwarto. Aning! Lumabas na rin ako ng kwarto. Naabutan ko si Yuri na nakaupo sa Sofa at ini interview ng kambal. Samantalang naka-bantay lang si Aries sa kanila. "Hindi ka talaga boyfriend ni Jay?" Tanung ni Allan. "Kambal... Unlimited kaba? Paulit-ulit ka eh!" Pambabara ni Allen. Agad na nag-away ang dalawa. Pinanood lang naman sila ni Yuri. Hayaan daw bang mag-away. Agad sya'ng lumapit sakin ng makita nya ko. "Ganyan ba talaga sila?" Tumango lang ako. "Mukang ayaw sakin ng Tito mo." Nakaharap na nya si Tito Julz? Anu kaya'ng pinag-usapan nila. "Anu sabi sayo?" He chuckled. "Hindi kapa daw pwede'ng magka-boyfriend." Bigla nalang ako natawa. Mukang napasama pa yung pagpapahatid ko kay Yuri. Halos lahat iniisip na boyfriend ko sya. Hanep yan! "Nakahain na ang hapunan. Sa dining na..." Sabi ni Kuya sabay turo sa dining. Nauna sila Aries at Kambal. Sumabay naman sakin si Yuri. Sila Lola at Tita Gema ang nagaasikaso sa lahat. Naupo na kami at pumwesto. Sa kaliwa'ng side ko si Yuri tapos si Aries naman sa kanan. Kaya kung may laser lang ang mata nitong si Aries ako ang una'ng tatamaan bago si Yuri. Grabe makatitig! "Yuri... Kanino ka nga pa lang anak?" Tanung ni Tito Julz. "My parents are Yumori and Yakito Hanamitchi." Kasuwal na sagot ni Yuri. Para sya'ng nililitis sa pagsagot nya O kaya naman job interview. "Sya yung Apo ni Yuori Hanamitchi. Yung mayari ng kumpanya'ng nililigawan namin." Singit ni Kuya Angelo sa usapan. "Really? Kamusta pala ang Lolo mo?" Tanung ulit ni Tito. "Nasa Japan po sya ngayon." Habang patuloy sa pag-uusap sila Tito at Yuri. Nilagyan ko ng pagkain yung plato nya. Sobra'ng busy sa pagsagot sa mga tanung ni Tito, nawala na yata sa isip nya na kakain muna kami. "Pagkatapos kumain, paalisin mo na yang bisita mo." Bulong sakin ng Aries. Inirapan ko nalang sya. Palibhasa kasi magka-away kaya hindi mapakali itong isa. Nagawa ng kumain ni Yuri. Mukang nagsawa na si Tito sa pagtatanung sa kanya. "Jay.." tawag sakin ni Yuri. "..Can i have that?" Sabi nya sabay turo sa green peace na naipon sa gilid ng plato ko. Ayoko kasi ng green peace. Basta ayoko lang kaya iniipon ko sa gilid ng plato. "Edi ayan kunin mo." Sabi ko at inalapit ang plato sa kanya. Nakangiti naman ang Yuri na kinuha ang mga green peace. Tinignan ko yung plato nya. Yung patatas hindi nya ginagalaw. "Akin nalang yung patatas." Nilapit ni Yuri ang plato nya sakin. "Kunin mo." Kinuha ko naman lahat ng patatas sa plato nya. Magkakasundo pala kami nito. Ayaw nya ng patatas, gusto ko naman. Ayaw ko ng green peace, gusto naman nya. "Yuri! Kaano-ano mo si Sakuragi?" Tanung ni Allan. As usual si Allen na ang sumagot. "Hindi tao si Sakuragi. Wag tanga kambal." At syempre nag-away na sila. Hindi nalang namin sila pinansin. Lagi nama'ng ganyan yang mga yan. Kapag nag-sawa na silang awayin ang isa't isa, ako naman ang pupuntiryahin nila. Tapos na kami'ng kumain. Nagliligpit na kami ng pinag-kainan. Tutulong sana si Yuri pero binawalan sya ni Lola. Maghintay nalang daw sya sa Sala. Pagkatapos kong tumulong kila Lola sinundan ko si Yuri sa Sala. Nakita ko sila'ng nag-uusap ni Kuya Angelo at parang seryoso'ng seryoso. "Anu'ng pinag-uusapan nyo?" Tanung ko sa kanila. Nagpilit ng ngiti si Kuya sakin. "Wala." Humarap sakin si Yuri at ngumiti. "I have to go." "Hindi kana magpapa-alam kay Lola?" "Hindi na siguro. Ipagpaalam mo nalang ako." Sagot nya at ngumiti. Nag-umpisa na sya'ng maglakad palabas kaya sumunod ako sa kanya. Kahit hangang gate lang, ihahatid ko sya. Huminto kami pareho paglagbas ng gate. "Please send my apologize to your grandma. Hindi na ko nakapag paalam ng maayos." Sabi nya. "Sige. Ingat ka and thank you dito." Sabay turo sa tuhod ko'ng ginamot nya. "Thank you din sa dinner." Ngumiti sya sakin kaya sinuklian ko yun. Pumasok na ko sa loob at hinayaan sya'ng makaalis. Mabait naman pala talaga si Yuri. Muka'ng mali talaga ako na magka-ugali sila ni Keifer. Baka naman nahahawa lang to'ng si Yuri sa ugali nung Hari ng ulupong. Hindi imposible yun at lagi sila'ng magkasama. Kung ako kay Yuri, lalayuan ko yung Keifer kumag na yun. Pagpasok ko sa loob, kumpleto na sila'ng lahat sa Sala. "Umalis na si Yuri?" Tanung sakin ni Lola. "Opo. Salamat daw po sa dinner and sorry daw po kung hindi na sya nakapag-paalam." "Ganun ba? Sayang naman." "Sigurado ka'ng hindi nanliligaw sayo yung Yuri na yon?" Biglang tanung ni Tito Julz. Hala! "H-hindi po Tito. Classmate ko lang talaga sya." "Sigurado ka?" Tanung ni Kuya. Ay kulit! "Oo nga... Kulit!" Tinignan ako ng masama ni Kuya. Talaga nama'ng makulit sila eh. Sinabi ng hindi, ayaw pa'ng maniwala. "Wag nyo na kasi'ng kulitin si Jay..." Singit ni Tita Gema at humarap sya sakin. "...Magpahinga kana. Bukas nalang tayo mag-usap." Tipid na tango lang ang sinagot ko. Naglakad na ko papunta'ng kwarto ko. Pagpasok ko sa loob hindi ko pa naisasara yung pinto ng bigla nalang pumasok yung kambal. "Anu ba?!" Sita ko sa kanila. Nahiga si Allen sa kama ko samantala'ng si Allan dumiretso sa closet ko. "Wag ka nga maki-alam ng gamit!" "Sabi ni Mama, mag-aasawa kana daw." Sabi ni Allen na nagpakunot ng noo ko. "Kasi daw, wala ka naman daw saysay kaya mauuwi ka lang sa pag aasawa." Dagdag ni Allan. "Kung wala kayo'ng sasabihin na matino! Lumabas na kayo!" "Meron pa! Ayaw mong maki-balita sa ex mo?" Pang-aasar ni Allen. "Yung ex mong muntik ng mamatay ng dahil sayo." Ngumiti si Allan na may halong pang-iinis. "Lumabas na kayo!" Galit na utos ko. "Gising na daw sya! Hinahanap ka nga daw eh!" Parang konsensya na bumubulong sa utak ko yung boses nila. Paulit-ulit at halata'ng nang-iinis. Pakiramdam ko mababaliw ako kapag nagtagal pa sila sa harap ko. "Kambal!" Tawag ni Aries na nasa pinto at nakatingin samin. "Meron lang kami'ng binalita kay Jay-jay." Sagot ni Allan sa kanya. "Tapos na ba kayo?" Tanung ni Aries. "Hindi pa sana..." Pang-iinis ni Allen. "Umalis na kayo." Utos ko at tinignan sila ng masama. "Edi umalis." Sagot ni Allen at tumayo mula sa pagkakahiga. Naglakad na sya palabas at ganun din si Allan. Bagot tuluya'ng makalabas muling humarap sakin si Allan at nagsalita. "Pinapasabi pala ng ex mo... Babalikan ka daw nya, hindi para maging kayo kundi para gantihan ka." Agad ko sya'ng tinulak palabas at isinara ang pinto. Nag-ngangalit ang ngipin ko. Nag-kuyom din ang kamao ko. Hindi ko naman sinasadya yun eh. Hindi ko naman talaga maalala yung nangyari. Basta ang alam ko lang, nag-away kami. Pinagbuhatan nya ko ng kamay at may lumabas na dugo galing sa bibig ko. Kagaya ng nangyari dati sa harap ni Aries at muntik ng maulit nung P.E. namin. Ganun din yung naramdaman ko. Anu ba kasi talaga'ng nangyayari? 

 

 

Chapter 52 Truth Jay-jay's POV

 

 Badtrip! Hindi ko magamit yung bike ko. Akala ko wala'ng diperensya nung tumumba kami sa bike. Pero nakita ni Tito Julz na may mali daw. Ayun! Kalas kalas kapag may time. Naglalakad lang ako ngayon papasok. Tulog pa si Aries, sure ako'ng pipilitin ni Tito or ni Kuya na isabay ako sa kanya. Parang ayoko ata! Ayoko'ng sumabay sa kanya at ayoko ring pumasok. Kasi nagsasawa ako sa mga bulungan ng mga istudyante, halata nama'ng pinaparinig. Kagaya ngayon. "Grabe! Kapal!" "Yung bag nyo Guys" "Magna!" Inirapan ko nalang sila. Wala ako sa mood ngayon. Hindi ako pinatulog ng mga pinagsasabi nila Kambal sakin. Pagdating sa room. Walang tao?! Asan yung mga ulupong? Andito yung bag nung iba pero wala naman sila. Binaba ko sandali yung bag ko at lumabas. Nakiramdama ako, sa hindi kalayuan may naririnig akong mga kalalakihan. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko sila yun, kaya pumunta ako sa kabila'ng side ng building. Yung part na hindi namin nadadaanan. Hindi nga ako nagkamali. Nasa likod sila ng puno at nagkakagulo. Meron din ako'ng naririnig na boses ng babae. Lumapit ako para maki-usyoso. "Anung meron?" Tanung ko sa isa sa kanila. Para'ng nagulat tong kaharap ko na makita ako at pilit tinakpan yung nangyayari sa gitna. "Ikaw pala Jay... A-ang aga mo ata." Sagot sakin ng pinagtanungan ko. Hm? Denzel ata pangalan nito. Next time talaga ililista ko na mga pangalan nila. "Anu ba'ng nangyayari dyan?" Pilit kong sinilip yung nasa likod nya. Pero panay nya'ng tinatakpan. "..Sasapakin kita." Banta ko. Hindi pa rin sya nagpatinag. "TAMA NA!" sigaw ng kung sino'ng babae. Kinabahan ako bigla. Feeling ko may hinahalay na babae sa gitna. Agad kong tinulak to'ng kaharap ko at nakipag-siksikan para makarating sa kinaroroonan ng boses. Pero hindi hinahalay na babae yung naabutan ko. Si Ci-N meron sya'ng binabanatan na lalaki. Hindi ko na makilala dahil sa dugo at pamamaga ng muka nung lalaki. Yung babae'ng sumisigaw ng 'Tama na', walang iba kundi si Imelda Maldita. Hawak sya nila Kit at pilit pinipigilan. "Ci! Anu'ng ginagawa mo?!" Sigaw ko na nagpatigil kay Ci-N at iba pa. Hindi makasagot si Ci-N. Patingin-tingin sa mga kasama nya na parang nanghihingi ng tulong. "Pinapa-amin sila." Bored na sagot ni Keifer habang naka-cross arm at nakasandal sa puno. Sila? Tinignan kong mabuti yung lalaki'ng knock out na dahil sa panununtok ni Ci N. Eto yung boyfriend ni Imelda Maldita. Yung panis! "Paaminin saan?" "Sa ginawa nila kay Ci-N." Sagot ulit ni Keifer. "Wala nga kami'ng aaminin! Tigilan nyo na yung boyfriend ko!" Umiiyak na sabi ni Imelda. Kahit naiinis ako sa kanya at gusto ko sya'ng sampalin, nakaramdam parin ako ng awa. Muling sinuntok ni Ci-N yung lalaki. Tumatalsik na yung dugo nito sa kung saan. Hindi na rin maidilat ang mata dahil sa pamamaga. "Ci-N! Itigil mo nga yan!" Pag-awat ko. Tumigil sya at tumingin sakin. Lumapit ako dun kay Imelda at pilit inalis yung kamay ni Kit na nakahawak sa kanya. Agad na kinuha ni Imelda ang pagkakataon at lumapit dun sa boyfriend nya'ng panis. "Di! Naririnig mo ba ko?" Sabi ni Imelda. Lumapit sakin si Keifer. "Anu'ng ginagawa mo?" "Hindi ba kayo naaawa sa kanila? Wala ng makita yung isa sa pamamaga ng mata." "Pinapa-amin nga diba?" "Panu kung wala nama'ng dapat aminin?" "Aamin na kami!" Sigaw ni Imelda. Pareho kami'ng napatingin ni Keifer sa kanya. Meron pala'ng aaminin, kala ko wala. "Inutusan lang kami para gawin yun sa kanya.." sabay turo kay Ci-N. "..Marami sya'ng pinangako kaya ginawa namin." "S-sinong nag-utos sa inyo?" Tanung ko. Umiling si Imelda. "Hindi ko pwedeng sabihin." Napahawak ako sa sarili kong noo. Sinabi na nga nya yung totoo, anu ba naman yung ituro nya yung nag-utos. Kaunti'ng kembot nalang eh! "Hindi mo sasabihin?" Tanung ni Keifer. Hindi sumagot si Imelda. "..Ci! Hawakan mo sya! Ako sasapak sa boyfriend nya!" Agad na hinawakan ni Ci-N si Imelda at akma'ng lalapit si Keifer dun sa lalaki. "Wag! Maawa kayo sa boyfriend ko!" "Keifer!" Sabay nami'ng sigaw ni Imelda. "Ituturo lang naman nya kung sino! Ayaw pa!" Sagot nya sakin. "Hindi talaga pwede! Nakiki-usap ako!" Pag-mamakaawa ni Imelda na patuloy parin sa pag-iyak. Si Imelda Maldita, titiklop din pala. "Tss." Ginulo ni Keifer ang buhok nya at sandali'ng umikot-ikot. "..Pwede naba yun?" Inis na tanung nya. Ha? Hindi ko alam kung ako yung kinakausap nya. Sa ibang direksyon kasi sya nakatingin. Hindi ko rin maintindihan yung tanung nya. "Padaanin nyo nga ako!" Sabi ng kung sino. Lumitaw si Rakki mula sa likod ng mga ulupong. Meron sya'ng hawak na camera, DLSR ata tawag dun. "Oo! Pwede na yun!" Pabalang na sabi ni Rakki. Wala ako'ng naiintindihan. Nakatanga lang ako kay Rakki at Keifer. Iyak pa rin ng iyak si Imelda habang inaasikaso ang boyfriend nya. Bakit nga pala andito si Rakki? Kala ko barbaric ang mga E para sa kanya. "Anu bang nangyayari dito?" Tanung ko sa kanila. "Pinapa-amin sila at kinukuhanan ni Rakki yung pagkakataon na yun para mai-post sa fb." Paliwanag ni Ci-N na palapit sakin. Holy cow carabao! "E-eto ba yung planong sinasabi mo?" Tanung ko kay Keifer. Umiling ang Keifer. "Hindi ito yung original pero dahil sa ginawa mo kaya eto yung ginawa namin." "At kahit labag sa kalooban kong makipag-tulungan sa mga E, nag presinta na rin ako para maka-tulong sayo." Singit ni Rakki at ngumiti sakin. Ngumiti din ako sa kanya. "Kay Jay-jay talaga? Hindi sakin?" Tanung ni Ci-N. Umirap naman si Rakki sa kanya. Pero deep inside alam kong concern din sya kay Ci. Ayiiiehh!! Hawak ni Keifer ang camera at pa-ulit-ulit na pinapanood yung video. Ng magsawa inabot na nya kay Edrix yung camera. "Ako ng bahala dito." Sabi ni Edrix pagkakuha ng cam at umalis na. "Tulungan nyo na yan! Dalin nyo ng clinic!" Utos ni Keifer sa mga ulupong. Sumunod naman sila at pinagtulunga'ng buhatin yung boyfriend ni Imelda. Lumapit ako kay Rakki. Gusto ko kasi sya'ng makausap at pasalamatan na rin. "Rakki.." pagkuha ko ng atensyon nya. "..Salamat dito." "Welcome... Gusto ko din kasi'ng tulungan si Ci-N. Wala ako dito nung nangyari yung insidente." paliwanag nya. Tsk! Sabi na eh! "Panu ka pala? Sure ako'ng makakarating kila Aries to. May hinala kasi kami na isa sa kanila yug may gawa nun kay Ci." Nag-aalalang tanung ko. Ang alam ko kasi magkaka-tropa sila. Magkakasama sila'ng kumakain sa cafeteria. "Siguro okay na rin yun... Napipilitan lang naman ako'ng makisama sa kanila. Kailan ko lang din na-realize na nahahawa na rin pala ako sa ugali nila. Buti mabait yung mga classmate ko at sinasabi nila yung totoo." Paliwanag nya. Sabagay. Nakakahiya yung una nami'ng meet tapos para'ng pinahiya nya pa ko sa may cafeteria. Pero after nun parang bumawi naman sya sakin. "Hindi kaba natatakot sa pwede nila'ng gawin sayo?" "Hindi... Kaya ko yan. Ako pa." Sagot nya at ngumiti. "Okay na! Pwede nyo ng buksan mga facebook nyo!" Announce ni Edrix. Ginawa ko naman yung sinabi nya. Account ni Freya'ng bruha yung bumungad sakin. Bakit account ni Freya? Nakapost yung video ni Imelda na umaamin, nakalagay na rin yun caption 'Wala talaga'ng magnanakaw watch the video.' at meron na kaagad thousand views and reaction pati share. Grabe! Ganun ba kadami friends ni Freya sa facebook? Tinignan ko yung mga coent. Karamihan sa kanila nagagalit kay Imelda. Meron ding nagso-sorry sakin. Meron hindi naniniwala. Nagagalit din yung iba at sinasabi'ng alin daw ba yung totoo. "Teka... Bakit sa account ni Freya naka-post? Account ba talaga nya to?" Tanung ko. "Yup! Freya's account, hacked by----no other than----Edrix Knight!" Sagot ni Edrix habang winawagayway ang cellphone nya. Nagpalakpakan naman yung mga natitira'ng ulupong. Mga baliw! "Pupusta ko... Umuusok na sa galit ang ilong ni Freya ngayon." Sabi ni Rakki.

 

 Aries's POV

 

 "....If X is equal to 8 then Y should be-----" "What the fvck?!" Freya suddenly. shout. Lahat kami napatingin sa kanya. Pati teacher namin na nags-solve ng math problem napatigil din at napakunot ang noo. "Ms. Hidalgo! Language!" Sigaw ng teacher namin. Tinignan sya ng masama ni Freya. "Shut up!" Kahit nabigla pinili nalang ng teacher na tumahimik. Nanlilisik ang mata ni Freya habang paulit-ulit na pinipindot ang phone nya. "OMG!" Sabi ng isa sa alipores ni Freya. Nakahawak din sya sa phone nya. "..Is this your Facebook account?" "Hell yeah!! It's mine!" Galit na sagot ni Freya. Hindi ko talaga naiintindihan yung nangyayari. Binalik ko yung tingin ko sa board. Wala naman kasi ako'ng paki sa drama ni Freya. Nahagip ng mata ko si Ella na nakatingin din sa phone nya. "Hey... What's wrong?" I ask her. She look at me and handed her phone. Merong video na nagpa-play. I'm not sure who is the girl on the video but she look familiar. "Aamin na kami!" Sabi nung babae sa video habang nakatingin sa kung kanino. "Inutusan lang kami para gawin yun sa kanya.." sabay turo sa kung sino'ng malapit sa kanya "..Marami sya'ng pinangako kaya ginawa namin." I think i already know who it is. It was the girl who claimed that her money was stolen by that Ci-N kid. Then i heard a very familiar voice. "S-sinong nag-utos sa inyo?" It was Jay-jay's. Muka'ng pilit nila'ng pinaamin yung babae sa ginawa nya. I no longer want to play the video but i need to know if she told them who's behind this schemed. Umiling yung babae. "Hindi ko pwedeng sabihin." The video stop. I feel releif. Akala ko malalaman na nila yung totoo. Akala ko mapapahamak na si Ella. I handed the phone back to Ella. "Hayaan mo na sila. Masyado'ng obvious kung gagawa pa tayo ng hakbang." Bulong ko kay Ella. She force a smile and nodded. Don't worry Ella. Hindi ko hahayaan na mapahamak ka ng dahil dito. Sure naman ako'ng mananahimik sila. 

 

 

Chapter 53 Payback Jay-jay's POV

 

 Boring!!!!!!!!!!! Nakakabored! Sobra'ng nakakabored! Wala kami'ng teacher. Nawalan na ata ng gana'ng magturo sa section namin. Mga wala kasi'ng saysay tong mga ulupong na to. Ang mean ko naman! Charot lang yun syempre. Pero tatlo'ng teacher na yung hindi sumusulpot sa klase namin. "May meeting daw ba?" Tanung ko kay David na naglalaro sa phone nya. "Sabi meron..." Bored nya'ng sagot. Hanu ba yan? Parang mainam pa yata kapag may problema kami'ng kinakaharap. Kasi busy kami at hindi mapakali sa gagawin. Joke lang!!! Gusto ko nama'ng magpahinga sa mga problema na yan. Hindi pa ko nakaka abot ng second exam kung anu-anu na yung hinarap namin. Dapat ding malinis ang isip ko. Meron din ako'ng problema sa bahay. Bago kasi umalis sila Lola. Nilinaw nya sakin yung mga pinag-sasabi nila Kambal. Nagising na nga daw si 'Ex-BF'. Pero hindi pa rin daw nakaka-recover. Hindi nga daw makapag-salita ng maayos eh. Sadya'ng hudas lang talaga yung kambal at tinakot ako'ng pilit. Kambal Animal! *Kkkrrrriiiiiiiiiinnnnnnggggggg!!!! Launch time na. Dapat excited ako kasi makaka-kain na ko pero bored pa rin ako. Lalakad na sana ko para pumunta sa tambayan namin, pero hinarangan ako ng Keifer. I arched a brow. Kailangan nito? "Bakit?" "Kukuhanin ko na sana yung bayad." Sabi nya at inilahad ang kamay. Shooooot! Yung 25k na hiniram ko. Nagpilit ako ng ngiti. Kailangan bait-baitan sa maniningil. "Wala pa eh..." "Kelan mo ko balak bayaran?" Mahinahon nya'ng tanung. Sa lahat ng naniningil eto ang hindi galit. Sa ganito'ng tao masarap mangutang. Napakamot ako ng ulo. "Hindi ko pa alam." "Tss." Yan na yung pisti'ng 'Tss'. Hindi pa rin sya umalis sa harap ko. Tinitignan na rin kami ng mga classmate nami'ng patay guts. Bigla nalang ngumiti ang Keifer. Yung ngiti'ng nakakaloko at alam mo'ng may kalokoha'ng niluluto sa utak nya. "Kung wala ka'ng pera pambayad. You can pay me with something else." Sabi nya at tumingin sa dibdib ko. Nanlaki ang mata ko. Agad kong tinakpan ng mga braso ko yung dibdib ko at bahagya'ng iniwas sa kanya. Manyakis! "Ayaw mo ba?" Tanung nya na may pang-aakit na boses. Ay shutang*names!! "Gago ka!" Bigla nalang sya tumawa. Pati mga ulupong na nakakarinig samin nag-sitawa na rin. "Stupid. I'm just messing with you." Sabi nya. Pisti to'ng Keifer na to! Pero aaminin ko bumilis yung tibok ng puso ko. Impakto kasi to'ng Hari ng mga ulupong. "Bwisit ka! Alam mo yun?!" Sabi ko sabay irap. "Tss. Bayaran mo nalang ako ng pagkain." Biglang sabi nya. "Pagkain?" "Pagbaon mo ko ng launch, kagaya ng ginagawa mo kila Ci-N at David." Ay parang mainam nga yun. Alteast hindi na ko mamo-mrobelma sa pera'ng pambayad sa kanya. Nice! Nice! "Hangang kelan naman?" Tanung ko. "Until graduation." Napaka-tindi! "Swerte mo dyan!" "You owe me 25k. Kung nakinig ka lang sana sakin hindi mapupunta kay Mykel yung pera." Sumbat nya. "Convert mo ya'ng sinusumbat mo sa pagkaing ipambabayad ko!" "25pesos per pack of launch." Sabi nya at nag-cross arm. "Anu?! Saan ka nakatagpo ng 25pesos na kanin at ulam?!" "It's in a promo! Student meal." Hayop... Lagyan daw ba ng promo. "150 per pack of launch!" Sabi ko. "50." Tawad nya. "150." "60." Tawad ulit nya. Kuripot naman ng tao na to! Ang dami-dami naman nya'ng pera ay. Ang laki laki nga nya maglabas ng pera. "150! Final na yun! Wag ka ng humirit!" "Tss. Dadayain mo ko!" "Hindi! Sulit yun, kala mo naman." Nagpamulsa sya at huminga ng malalim. "Start today. Akin na launch mo!" Sabi nya at pilit inagaw yung bag ko. "Hoy! Anu... Ba?!" Hindi ako pumayag at pilit binawi yung bag ko. Kayalang ang impakto, gago talaga! Hinampas nya yung kamay ko kaya napabitaw ako. "Aray!" "Tss." Binuksan nya yung bag ko at pilit kinuha yung isang launch box. Sinilip muna nya yung ulam bago ibalik sakin yung bag. Tinignan ko sya ng masama. Bago pa sya makagawa ng panibago'ng kalokohan, naglakad na ko paalis at dumiretso sa tambayan namin. Pero napahinto ako ng makita si Yuri na nakatayo malapit sa hagdan. Meron sya'ng hawak na paper bag. "Yuri. Umaano ka dyan?" Tanung ko. Umiwas umiwas sya ng tingin at napansin ko'ng namumula yung pisngi nya. Napahimas din sya ng batok. "A-anu... S-sabay sana ko'ng kumain." Sagot nya. Sus! Yun lang pala eh. "Edi tara na... Hinihintay na tayo nung dalawa." Naglakad na ko paakyat ng hagdan at sumunod naman ang Yuri. Andun na nga sila Ci-N at David na muka'ng nag-aasaran pa. "Ang tagal mo----woah! Bakit andito si Yuri?" Medyo OA na tanung ni Ci N. "Sasabay daw sya sating kumain." Naupo na ko sa hagdan kasunod lang ng inuupuan ni David. Tinap ko yung baita'ng sa tabi ko. "Dito ka." Hindi tuminag ang Yuri. "Dito talaga kayo tumatambay?" "Dun sana sa may ikalawa'ng room sa dulo pero pina-alis kami ni Calix. Sa kanila lang daw kasi yun ni Mica." Paliwanag ni Ci-N. Dapat kasi lilipat na kami dun sa room na yun. Pero sabi ni Calix sa kanila lang daw yun. Payag naman sana si Mica, sadya'ng topak lang tong isa. "Madamot kasi!" Sigaw ni Ci-N. "Hoy! Naririnig kita!" Sagot naman ni Calix. Tumawa lang kami. Para kasi sila'ng sira. Mag-aaway pa dahil sa tambayan. Inabot ko na yung launch box nila David at Ci-N. Makikihati nalang sana ako dahil kinuha ni Keifer yung sakin kayalang baka mabitin sila. May alaga pa naman tong mga to sa tyan nila. Bahala na yung alaga ko, pwede naman nya'ng kainin yung laman laman ko sa loob. Umupo si Yuri sa tabi ko at inabot sakin yung paper bag na hawak nya. "Anu to?" Tanung ko. "Bomba." Sagot nya. Tinignan ko sya ng masama. Kinakausap kasi ng maayos. Luko talaga to! "Tignan mo muna kasi." Utos nya. Ginawa ko naman. Dalawa'ng pack ng Sushi!!! Tumatalon ang puso ko sa kaligayahan! Hindi pa kasi ako nakakatikim nito. Muka'ng take out lang nya to sa isang sushi restaurant. Yayamanin! "Akin to?" Tanung ko ng may buong galak. "Hindi. Papabuksan ko lang sana sayo." Nawala ang ngiti ko. Nanlumo din ang kalooban ko. Impakto! Grabe sya sakin! Grabe! Pinapaiyak nya ko. "Hahahaha... Joke lang. Sayo talaga yang isa." Pero kaylangan ko'ng maka-siguro. Malakas din kasi ang trip nitong tao na to. Abnormal! "Weh? Totoo na yan?" Hindi sya sumagot. Kinuha nya yung isa'ng pack at binuksan. Kumuha sya ng isa'ng sushi at pilit pinasubo sakin. "Naniniwala kana?" Tanung nya. Dahil sa namumualan ang bibig ko. Tumango nalang ako. Nagsimula na sya'ng kumain. May pagkakataon na nanghihingi si Ci-N pero ayaw sya'ng bigyan ni Yuri. Damot din! Ang sarap nito'ng sushi! Medyo maparas nga lang yung souce pero masarap. "Anu nga pa lang pumasok sa isip mo at sumabay ka samin?" Tanung ko kay Yuri bago sumubo. "W-wala lang. Ayoko kasi'ng kumain sa room." "Ay tama yang ginawa mo! Sure ako'ng wala'ng matitira sayo kung dun ka kumain!" "Yeah... I think so." "Bakit nyo nga ba kasi pinagbawalan yang mga classmate natin na magpunta sa cafeteria?" Tanung ko na nagpatigil kay Yuri at Ci-N. Ay! Daldal ko. Nawalan ata ng filter tong bibig ko at kung anu-anu nalang yung biglang lumalabas. Pero parang wala lang naman kay Yuri. "Yun yung napagkasunduan namin ni Keifer. It's better kung hindi na sila madamay sa away namin kila Aries." Explain nya. "Ibig sabihin kayo lang talaga yung nagbawal sa mga Section E na pumunta sa cafeteria?" "At first... Yes we are. Tapos mukang nakarating kay Aries yung ginawa namin at tuluyan na nya'ng pinagbawalan ang mga E sa cafeteria." Wow! Si Aries pala talaga ang may kasalanan ng lahat. Meron pa kong na realize... Ang gulo pala talaga magpaliwanag nitong si Ci-N. Inexplain na kasi nya sakin to dati. "Jay..." Tawag sakin ni Ci. "..kanino ka kakampi kung sakaling magkagulo ulit sila Keifer st Aries?" Natahimik ako. Kanino nga ba? Kadugo ko si Aries, galit sya sakin at parang wala ng balak makipag kasundo. Mali parin yata kung hindi ako kakampi sa kanya. Panu kung sya pala ang mali? Mas mali ata'ng kunsintihin ang mali. Bigla nalang ako'ng naguluhan. Hindi naman kasi sigurado kung sino yung tama sa kanila. Pero kahit ganun, mali pa rin yata na kumampi ako sa taong mali. Hay... Sakit sa ulo!! "Hindi ko alam... Naguguluhan ako!" Sagot ko kay Ci-N. "Hindi mo naman kailanga'ng mamili. Matagal kana'ng naipit sa gulo namin. Kahit sino'ng kampihan mo iisa pa rin ang ending nun. Masasaktan ka pa rin." Paliwanag ni Yuri. Ako lang ba o parang may ibig sabihin yung mga sinabi nya sakin. Para bang may other meaning. May gusto ba sya'ng iparating? Umiwas ng tingin si Ci-N. Tahimik lang ang David. Nakatitig sakin ang mga mata ni Yuri. "P-panu mo nasabi?" "Nasa Section E ka, kung nasan kami. Kadugo mo si Aries. Tingin mo ba hindi ka pa rin naiipit sa gulo namin?" Hindi ako makasagot. Para kasi'ng hindi yun yung sagot na gusto ko'ng marinig. Pero baka yun talaga yung gustong sabihin ni Yuri. Pwede yun nga pero pwede ring hindi. O baka pakiramdam ko lang. 

 

 

Chapter 54 Festival Jay-jay's POV

 

 Ang bigat ng bag ko! Hindi na notebook ang laman nito. Puro launch box. Baon ko, baon ni Ci-N, baon ni David at baon ng Pisti'ng Hari ng ulupong. Manghingi nalang kaya ako ng pera ky Kuya para mabayaran ko na yung mokong na yun. Kayalang baka makagalitan ako. Okay na to. Bibili nalang ako ng mas malaki'ng bag para magkasya yung mga baunan. Malapit na ko sa kanto ng may makita ako'ng pamilyar na kotse. Yung kotse'ng maangas. Yung pagmamay-ari ni Kuya'ng Blue eyes. Hindi nga ako nagkamali dahil nakatayo sa hindi kalayuan si Kuya'ng Blue eyes at naninigarilyo. "Hi!" Bati nya sakin. Nag-wave lang ako ng kamay. Feeling close kasi. "Papasok kana?" Tanung nya sakin. Aba! Nagtatagalog na sya ngayon. Hindi kagaya nung nakaraan. Kung todo english pa sya. "Oo.." tipid na sagot ko. "Need a ride?" Umiling ako agad. Hindi ko pa naman sya kilala tapos makikisakay na ko agad. Anu sya? Mamaya rapist pala tong Blue eyes na to. "Are you sure? Muka kasi'ng nahihirapan ka dyan sa dala mo." "Muka lang... Pero hindi." Sagot ko sa kanya at agad na naglakad palayo. Umaano ba dito yung lalaki na yun? Ke-aga aga naninigarilyo at nag-gagala. Nag-aaral ba yun? Muka'ng out of school youth. Patuloy lang ako sa paglalakad na may marinig ako'ng busina ng sasakyan sa likod ko. Lilingonin ko sana kayalang kinutuban ako na eto yung si Kuya'ng Blue eyes. Binilisan ko nalang yung paglakad. Bumusina na naman yung sasakyan at para bang sinusundan ako. Huminto ako at huminto rin yung sasakyan. Mukang sinusundan nga talaga ako. Nilingon ko na yung sasakyan para tignan at bantaan na rin sana yung driver. Pero napatigil ako ng makita yung sumusunod sakin. Si Yuri at yung kotse'ng pinanghatid nya sakin dati yung gamit nya. Bumukas ang pinto at lumabas ang Yuri. "Kanina pa kita tinatawag! Ano kaba? Bingi?" Inis nya'ng tanung sakin. Grabe! Ang sungit naman nito. Daig pa yung babae'ng may dalaw. "Akala ko kasi..." "Just get in the car." Utos nya. Ay dito, talaga'ng sasama ako. Lumapit naman ako pinto ng passenger seat at binuksan yun. Sumakay ako kasunod ni Yuri. Ginhawa! Nakaginhawa ako sa bigat ng bag ko pati na rin sa init ng panahon. "Hoy! Yuri'ng yayamanin... Umaano ka dito sa village namin?" Tanung ko sa kanya. He cleared his throat. "M-may dinaanan lang ako dyan sa malapit." Sagot nya. "Ng ganto kaaga?" "O-oo..." Napa-'ahh' nalang ako. Kakaiba din kasi ang trip nitong si Yuri. Napansin ko'ng panay ang tingin nya sa side view mirror. "May sumusunod satin." Sabi nya at sandali'ng lumingon sa likod. Sinubukan ko ri'ng tignan pero hindi ko maintindihan kung panu'ng lingon ang gagawin ko. Mas binilisan ni Yuri ang takbo ng kotse. "Kilala mo ba yun?" Nag-aalalang tanung ko. Malay ko kung sya lang pala tong sinusundan at nadamay lang ako. Nakisakay na nga lang napasama pa. "Hindi." Maikling sagot ni Yuri. Bahagya'ng bumagal ang takbo ng kotse. Sa pagkakataon na yun, nag-over take yung sasakyan sa likod namin at nakita ko kung sino yun. "Yun ba yung sumusunod satin?" Tanung ko. Nag-nod si Yuri. Bakit naman kami susundan ni Kuya'ng Blue eyes? May sira siguro ang kokote nun at wala'ng magawa sa buhay. Nakarating kami sa school at pinarada ni Yuri ang kotse. Bumaba na ko at ganun din sya. Ang bigat! "Anu bang laman ng bag mo at hirap na hirap ka?" "Launch box namin nila David, Ci-N at Keifer kumag." Sagot ko. "Bakit pati si Keifer pinagbabaon mo?" Sasabihin ko ba sa kanya na pangbayad utang? Alam naman nya ata na nanghiram ako kay Keifer. "Pam----" "Kasi gusto nya." Someone cut me. Pareho nami'ng tinignan ni Yuri yun. Si Keifer kumag. Mukang papasok pa lang din sya. "Hindi no!" Bawi ko sa sinabi nya. "..pambayad utang talaga." "Utang?" Tanung ni Yuri. Hindi pa pala nya alam. Kala ko sinabi na nitong isa. "I'll explain it to you later." Sabi ni Keifer at mabilis na naglakad papunta'ng building namin. Sumunod naman kami ni Yuri. Pagdating sa room, normal na ulit ang lahat. Nakikipag-kulitan na si Ci-N sa mga classmate namin. "Hi Jay!" Bati nila sakin. Ngumiti naman ako sa kanila. Diba? Tropa tropa na kami. Sa tindi ba naman ng pinag-daanan namin. Yabang ko ba? Pag-upo ko sa pwesto ko agad ako'ng nilapitan ni Ci. Buong ngiti pa sya'ng humarap sakin. "May chocolate ka dyan?" Tanung nya. "Meron... Pero hindi kita bibigyan." Sagot ko sa kanya. Nag-pout ang Ci at may kasama pang puppy eyes. Nakakaawa naman ang bata. Kumuha ako sa bag at agad na binigay sa kanya. Nakita yun ng ibang ulupong kaya ayun. Nagkagulo na! Medyo matagal bago dumating si Sir Alvin. Mukang nalate sya ng pasok. "Section E, hindi muna ko mag-didiscuss ng lecture. Pag-uusapan natin ang Festival." Festival? "Sir... Matagal pa naman yun ah? Bakit pag-uusapan na?" Tanung ng isa kanila. "My chance kasi'ng mabago ang date kaya hanga't maaga, pag-uusapan na." Paliwanag ni Sir. Humarap ako kay Ci na puro chocolate pa yung bibig. "Ci! Anu yung festival?" "Fiesta!" Maikling sagot nya. "Alam ko yun... Ibig kong sabihin ipaliwanag mo." Sasagot na sana sya kayalang puno'ng puno an bibig nya ng chocolate. Napakamot ako ng ulo dahil sa itsura nya. Kay David ako humarap. "David! Explain mo nga yung festival." "School Festival... 1 week celebration yun ng school. May sport fest, mga kainan at booths. Meron ding program. Dipende sa rules na ilalabas ng school yung magaganap dun." Explain nya. Buti pato'ng si David mabilis kausap. Yung isa busy sa pagkain. "May rules pa?" Hindi sumagot ang David. Tinuro lang nya si Sir na busy sa pag-aayos ng mga papel sa harap nya. "Okay... Dipende ang dami ng booth sa representative ng each section. Sa ngayon wala pa. Sa program, us usual walang kamataya'ng pageant. Hindi pa sigurado kung anu-anu yun pero ang sigurado si Freya na naman ang panalo." Eh anu yun? Nagpa-pageant pa sila kung kay Freya lang pala mauuwi ang korona. "..Sa mga task, A ang organizer ng program, B ang sa sports, C ang sa booths and D ang bahala sa security. And section nyo... Sa gabi ulit." May halong pag-aalangan yung huling sinabi ni Sir. "Anung sa gabi?" Tanung ko na medyo napalakas ata. Bigla kasi'ng tumingin sakin si Sir. Pero si David ang sumagot ng tanung ko. "1 week ang festival, kailangan ng security sa gabi para mabantayan yung mga gamit." "At syempre mga taga-linis ng basura!" Galit na dagdag ni Keifer. "Alam mong yun ang rules. Hindi kayo papapuntahin sa Festival kung hindi nyo gagawin yun." Sagot ni Sir kay Keifer. Pero mukang lalo'ng nairita yung Hari ng mga ulupong. "That rule was created before! Si David pa ang presidente nun, but now it's me!" Sagot na naman ni Keifer. Bastos talaga to! Napatingin ako kay David. Salubong na ang kilay nya at sarado'ng sarado ang kamao. Baka mag-away na naman tong dalawa na to. "What are you suggesting?" Tanung ni Sir. "We will do no task!" "Pero hindi kayo papasukin sa festival." Agad na nag-react ang mga ulupong sa sinabi ni Sir. Mga hindi sang-ayon. "Wag naman ganun." "Gusto nami'ng pumunta." "Magd-date kami ni Mica." "Hindi ko mapapanood laban ni Rakki." "Ang dami pa nama'ng chicks nun." "Pagkain! Pagkain!" Pilit pinahinahon ni Sir yung mga ulupong pero walang talab. Matigas parin si Keifer at ayaw makinig sa mga classmate namin. "Gusto ko din magpunta! Hindi pa ko nakakapunta ng Festival!" Sabi ko. Iba kasi yung tawag samin sa ganyan. Intrams, palaro lang yun tsaka program. Tapos kaunti lang nagpupunta dahil mas gusto nila sa bahay. Walang buhay! "No! My decision is final! No Festival no TASK!" Pagdidiin ni Keifer. Halos mag-wala na yung ulupong dahil sa sinabi ni Keifer. Wala nama'ng makapalag sa kanya. "Grabe ka naman! Sarili mo lang iniisip mo!" Sabi ko. Ayun! Tumahimik ang buong klase, nagsimula na rin ang paligsahan ng titigan. Ang kalahok? Ako at si Keifer. "Iniiwas ko lang sa kahihiyan ang section na to!" "Panu yung gusto namin?!" "Bakit? Mas gusto nyo bang napapahiya?" Tanung ni Keifer sa mga ulupong. Umiwas sila'ng lahat ng tingin. Ayaw nilang mapahiya pero gusto nilang magpunta ng festival. "Pero gusto nyo'ng magpunta ng Festival?" Tanung ko sa kanila. Sumang-ayon naman sila. "Okay... I'll let them choose! Maging basurero at mapahiya or mamasyal nalang sa ibang lugar?" Tanung nya. Nagtinginan silang lahat. Para bang nahati ang desisyon nila. Pero gusto ko ding magpunta. "Mag-enjoy sa festival or tumambay sa bahay?" Sabi ko. Muli naman silang nag-usap. Gusto ko talaga magpunta. Para kasi'ng na excite ako sa mga magaganap. "Matagal pa naman ang Festival. Wala pang date na nilalabas ang board. Malaya pa kayong makapag-isip kung anung desisyon nyo." Dagdag ni Sir. Masama pa rin ang tingin sakin ni Keifer. Syempre hindi ako dapat magpatalo. Imbyerna kasi tong Hari ng mga ulupong. Okay lang naman mag-linis basta makakapag-enjoy ka din. Sa umaga festival tapos trabaho sa gabi. Excited na ko sa Festival. 

 

 

Chapter 55

Launch Jay-jay's POV

 

 "...Class, next day after tomorrow gagawa kayo ng report! Gusto kong mag-groupings na kayo para mabilis at hindi na kailanga'ng i-take home!" Sabi ni Ma'am. "Okay..." Bored na sagot ng mga ulupong. Magpakita naman sila ng kaunti'ng sigla. Nakakahiya sa teacher, baka isipin na hindi kami nakikinig. Pero hindi talaga kami nakikinig. "Tayo nalang nila David ang group?" Tanung sakin ni Ci-N. Humarap ako kay David para sana tanungin sya kung okay lang pero may kausap sya. Muli kong hinarap si Ci-N. "Baka nga tayo nalang." Bigla nalang ngumiti si Ci-N ng nakakaloko. "Tayo nalang?" Tinignan ko sya ng masama. Ibang 'Tayo nalang' yung iniisip nya. Abnormal talaga tong si Ci. "Umayos ka... Sasamain ka sakin." Banta ko sa kanya. Tumawa lang ang luko. Eto talaga'ng bata na to. Pero mas gusto ko yung ganyan sya. Kesa yung tulala at para'ng pasan-pasan nya ang langit at lupa. *Kkkrrrriiiiiiiiiinnnnnnggggggg!!!! Ayan na! Kainan na! Papaikinin ko na yung mga anak-anakan ko----charot! Kinuha ko na sa bag ko yung baon ng Hari ng mga ulupong. Special ang baon nya syempre, masabing sulit yung 150 na launch. Nakakahiya kasi sa kanya! Mukang hindi na nakapag-hintay ang Hari kusa ng lumapit sakin para kunin ang baon nya. "Eto na yun?" Keifer ask. "Oo... Anu'ng expect mo? Kasing laki ng bag ko yung baunan?" "Tss. I'm just confirming it." Sabi nya at kinuha yung baunan sakin. Aalis na sana ko para pumunta sa tambayan namin pero hinawakan ako ni Keifer sa braso. "Eat here." Utos nya. "Ayaw." Sagot ko habang umiiling. "Bakit ba dun pa kayo kumakain?" "Kasi gusto namin." Tumingin si Keifer sa tabi nya at sinenyasan ang isa na lumapit sa kanya. Meron sya'ng binulong dito at agad na lumabas. Tinignan ko lang sya at yung kamay nya na nakahawak pa rin sa braso nya. Sinasapian na naman siguro to! Bigla nalang pumasok si David at Ci-N. Nauna kasi sila sa tambayan namin. Pati si Yuri pumasok din at may dala na nama'ng paper bag. Kasunod nila sila Mica at Calix. HHWW pa sila! "Bakit mo kami pinatawag?" Tanung ni Calix kay Keifer. Binitiwan ako ni Keifer at humarap sa kanila. "Simula ngayon, wala ng kakain sa second floor! Lahat dito na, pati kayo." Tinignan ako ni Yuri na parang nagtatanung ng 'may nangyari ba?'. Kahit nagtataka lumapit nalang sakin sila David at Ci-N. "Inaway mo na naman ba si Keifer?" Tanung ni David. "Hindi ah! Ewan ko kung napanu yan." "Yaan na natin. Kain na tayo." Aya ni Ci-N. Inayos namin yung mga lamesa. Pinagtabi-tabi namin. Tinawag na rin namin sila Mica para makasabay samin. Obvious kasi na naiilang sya. Nakatingin lang samin yung mga ulupong at parang mga buwitre na naghihintay ng dadagitin. Meron ding naglalaway----putcha! May rabis pa ata!----Joke. Dahil talaga sa pagkaing nakahain sa harap namin. Nahiya yung baon namin sa baon nila Mica. Chicken fillet na may kakaibang souce. Amoy pa lang masarap na. Nakita ko'ng naupo si Yuri sa upuan nya. Nahiya ata'ng makisalo samin. "Yuri! Dito ka!" Tawag ko sa kanya sabay turo sa bangko sa tabi ko. Tumingin muna sya kay Keifer bago lumapit samin. Inabot ko kila David at Ci-N ang baon nila. Para kami'ng nagpi-picnic! Taray! "A-anu'ng baon mo?" Tanung sakin ni Yuri. "Eto..." Sagot ko habang pinapakita ang baon ko sa kanya. Pinirito'ng manok na may gulay-gulay sa gilid. Hindi ko alam kung anu yung gulay. Mga maid kasi nila Tita ang nag-luto nito. Taga kain lang ako. "Gusto mo palit tayo?" Alok ni Yuri. Nilabas nya yung laman ng paper bag. Sushi!! Napangiti ako at mabilis na inabot sa kanya ang baunan ko. Binigay naman nya sakin yung isang pack ng sushi. Woooooooooohhhhhhh!! Sushi! Sushi! "... Hindi ba natin aalukin mga classmate nyo?" Tanung ni Mica. Biglang nag-react ang mga luko. "Alukin mo kami." "Oo.. tama!" "Sige lang! Mag-alok ka!" "Hindi kami tatanggi." Agad silang nakakuha ng matalim na tingin galing kay Calix. "Manahimik!" Parang mga bata'ng hindi nakahingi ng candy ang mga itsura nila. Sa totoo lang muka kami'ng kumakain sa isang restaurant at yung mga nakapaligid samin, mukang pulubeng namamalimos. Grabe naman! Ang harsh ko pala! Bigla nalang lumapit si Keifer na may tangayngay na bangko. Sumingit sya sa pagitan namin ni Ci-N. Nakagitna na ko sa kanila ni Yuri ngayon. Aminin... Nalulungkot mag-isa. Nagpalitan kami'ng lahat ng tingin. Pare-pareho'ng naguguluhan sa inasta nitong isa. Pati mga ulupong na nakiki-usyoso sa kinakain namin nanibago din. "Jay! Penge ako nyan!" Pambasag ni Ci-N sa katahimikan. "Mamaya..." Sagot ko. Nag-simula na ring kumain si Keifer kaya ganun din ang ginawa namin. Tsaka ko na iisipin yung problema nito'ng isa. Medyo nakakairita nga lang. Habang kumakain may mga nanunuod samin. Kailangan talaga nakabantay sila? May kumalabit sakin. Tignan ko yun at si Denzel pala. Nakalahad yung kamay nya sakin. "Mamigay ka naman... Kahit kaunti." Bulong nya. Alanganin ang tingin ko sa kanya. Si Eren naman nakikikain na sa baon ni Ci N. Si Calix pilit tinataboy yung mga lumalapit kay Mica, nawala na sa isip nya yung baon nya----nadagit na ng buwitre. Si Kit, Edrix at Rory umaaligid kay David. Hindi naman sila pinapansin. Napunta yung tingin ko kay Felix. Nakatingin lang sya samin at nung nagkasalubong ang tingin namin, agad sya'ng umiwas. Nagsuot sya ng headset at dumukdok sa lamesa. Bakit ba iwas na iwas sakin to? "Jay.. penge na." Tawag sakin ni Denzel. Tutal marami naman na ko nakain inabot ko na sa kanya yung natitira. Agad nama'ng lumapit yung iba sa kanya. "Bakit binigay mo?" Tanung sakin ni Yuri. "Makulit eh. Tsaka marami naman na ko nakain kaya okay na yun." "Kapag binigyan mo yung isa. Dapat bigyan mo lahat." Singit ni Keifer sa usapan. "Panu ko naman sila bibigya'ng lahat?" "Kung hindi mo sila mabibigya'ng lahat. Wag mo ng bigyan yung iba." Sabi ni Keifer. Eh kawawa naman sila. "Kaya mo ba sila'ng ipagbao'ng lahat?" Tanung ni Yuri. "Hindi! Masyado sila'ng marami." "Hindi ko na kasi sila mapagbabaon. Nahuli ako ni Tanda dati, sure ako'ng pagbabawalan na ko ng mga tao samin." Dagdag ni Yuri. "Wag nyo'ng problemahin kung hindi nyo kaya. Hayaan nyo sila. Pwede naman sila'ng magbaon, ang tatamad lang talaga nila." sabi ni Keifer. Ang sama ng ugali ng impakto'ng to! Para'ng nakalimutan nya na sila ni Yuri ang nagkasundo na wag na silang papuntahin ng cafeteria. Kung hindi nga nila ginawa yun baka hinayaan lang sila ni Aries. "Pwede naman sila'ng ipagluto." Sabi ko. Tinignan ako ni Yuri. "Dito?" "Yeah... Meron kayong rice cooker dyan diba? Tapos may mga kasirola pa tska-----" "Hindi pwede'ng galawin yun." Sabi ni Keifer. "May nagmamay-ari nun." Dagdag ni Yuri. "Sino?" "Si Superman." Sagot ni Yuri. Bigla nalang ako'ng natawa. Para kasing mga aneng. Pero napatigil ako ng makita'ng seryoso sila Keifer at Yuri. Pati sila Ci-N at David napatingin na rin sakin. "Jay... May classmate tayong Superman ang pangalan." Paalala ni Yuri. Weh? "Hindi nga?" Tumingin ako kay David at pareho sila'ng nag-nod. Meron nga? Ililista ko na talaga mga pangalan nila. Tagal tagal ko na dito hindi ko pa rin maalala. "Seryoso kayo dyan?" "Stupid! Sya yung 2 or 3 times a week lang kung pumasok!" Sabi ni Keifer. "Eman ang tawag ng iba sa kanya." Dagdag ni David. Eman? Eman? Eman? Eman! Naalala ko na! Sya yung sinungitan ako ng nalaman nya'ng ginamit ko yung electric frying pan. Hindi ko naman sya pinansin dahil namo-mroblema ako kay Ci-N nun. "Naalala mo na?" Tanung ni Yuri. Nag-nod naman ako. "Sa kanya yun?" "Oo.. Dati kasi sya'ng nagluluto dito. Kayalang tinamad na, kasi nga wala naman tumutulong sa kanya." Paliwanag ni Ci. Niligid ko yung paningin ko. Muka'ng hindi na naman sya pumasok. Lagi kasi'ng absent yun. Hindi ata nag-aalala kung babagsak sya o hindi. "Hindi sya pumasok, kung sya nga yung hinahanap mo." Sabi ni Keifer. "Gusto ko sana sya kausapin." "Baka andun yun sa restaurant nila." Sagot ni Yuri. Yayamanin! May restaurant. "Kelan kaya sya papasok?" "Baka hindi na pumasok yun." Singit ni Calix. Pare-pareho kami'ng napatingin sa kanya. "...balita ko naluluge na yung restaurant nila at sya mag-isa yung nag-aasikaso." "Bakit sya? Wala ba sya'ng magulang?" "Puro arte lang alam ng Nanay nun. Yung Tatay nya naaksidente, nasunog ata yung braso. Dun mismo sa restaurant nila." Paliwanag ni Calix. Kawawa naman pala sya. Kahit Superman pa yung pangalan nya, hindi ibig sabihin nun kasing lakas at tatag sya ni Superman. "Alam nyo ba kung saan yung restaurant nila?" "Bakit?" Tanung ni Yuri. "Dalawin natin sya." Tinignan ako ni Keifer. Para bang sinasabi nya na umaandar na naman yung pagiging paki-alamera ko. Concern lang po ako. "Sasamahan kita mamaya." Biglang sabi ni Yuri. "Ako din! Sasama ako!" Sigaw ni Ci-N. "Sasama rin." Sabi ni David. "Sama tayo Baby." Sabi ni Mica kay Calix. Walang nagawa ang Calix kundi ang sumang-ayon. "Sama na rin kami..." Sabi nung ibang ulupong. Si Keifer nalang ang hindi sumasagot kaya lahat ng tingin namin nasa kanya. "Hay... Anu pa nga ba? Edi sumama na." Sabi nya na nagpahiyaw sa samin. Ayos! Operation: Dalawin si Superman!

 

 

Chapter 56 Help Jay-jay's POV

 

 Honestly? Kaya lang ata nagsi-sama tong mga to kasi akala nila makakalibre sila ng pagkain. Sa kotse ni Yuri ako sumabay. Ganun din si Ci-N at Eren. Si David may dalang sariling kotse kagaya ni Keifer. Hindi ko nga lang sigurado kung sino sino yung sinabay nila. Nakarating kami sa restaurant nila Eman. Malaki at maganda yung theme---- Comics/Superhero. Si Superman ang nakabungad sa pinto. May nakadikit kasing sticker ng superman na malaki sa glass door. "Bukas naba?" Tanung ko. Wala kasing nakalagay na Open or Close sign. Pilit kong sinilip yung loob. Kayalang sa laki nitong superman sticker hindi ko makita. Hinawakan ni Yuri yung pinto at tinulak. Bukas!! "Bukas na pala eh!" Sabi ni Ci-N. Dahan dahan kami'ng pumasok at tatlong crew ang bumungad samin. "Welcome po!" Bati nila. Mukang kakabukas lang at hindi pa sila naka-ready. Nagpupunas pa nga lang ng lamesa yung isa. "Bukas naba kayo?" Tanung ni David sa isa sa mga crew. "Opo... Table for----ilan po kayong lahat?" "Ilan ba tayo?" Tanung naman ni Eren at nagbilang. Baka po hindi tayo kakain dito. "... Andito po ba si Eman?" Tanung ko. Hinanap ko na agad yung kailangan namin, baka kasi maisapan pang umorder ng mga to. Wala naman kaya kami'ng pambayad. "Nasa loob po sya... May kailangan po ba kayo sa kanya?" "Sabihin mo andito yung mga classmate nya. Lumabas na kamo sya agad, we don't like to wait. Utos ni Keifer. Sumunod naman agad yung isa sa crew. Mukang natakot sa itsura ni Keifer. Habang naghihintay, tinignan ko muna yung paligid. Mga eksena sa comics yung design sa pader. Gawa naman sa kahoy yung lamesa at bangko. Meron ding naka-design na ulo at kamay ng superhero. Para bang lumusot sila sa pader. Meron ding shield ni Captain America. May symbol pa ng Avengers sa pinto papunta'ng kusina. Yung counter naman nagmukang Control room. Astig! Lumabas sa pinto'ng may symbol na Avengers yung isa sa Crew, kasunod nya si Eman. "Kailangan nyo?" Bungad nya samin. "Kinakamusta ka." Sagot ni Calix habang may hawak na menu. "Tapos pakainin mo na rin kami." Dagdag ni Ci-N. "Yun lang pinunta nyo?" Irita'ng tanung ni Eman. "H-hindi... Kasi gusto ko lang sana'ng ipagpa-alam yung mga gamit dun sa room. Baka pwede'ng hiramin." Sabi ko. "Gamitin mo. Bahala kayo. Hindi naman na ko papasok kaya sa inyo na yun." Walang gana nyang sagot. "Totoo? Hindi kana talaga papasok?" Hindi makapaniwala'ng tanung ko. "Nakita nyo naman... Kailangan ako ng restaurant namin. Tatlo na nga lang natitira sa crew nito eh." Ahh kaya pala para'ng ang unti ng crew nila sa laki nito'ng restaurant. "What happen?" Keifer ask. "Alam nyo naman siguro na naaksidente si Dad. Hanggang ngayon nagpapagaling pa sya. Si Mom naman inubos yung pera namin sa mga luho nya. Kinailangan kong magbawas ng empleyado dahil hindi na mapupunan nung natitira'ng pera yung sahod nila." Paliwanag nya. Sandali'ng tumunog yung telepeno at sinagot ng isa sa crew. Nasa amin pa rin ang atensyon ni Eman. "Ikaw ang nagm-manage?" I ask. He nodded. "Wala nama'ng alam si Mom sa ganito. Buti na nga lang at tinuruan ako ni Dad before." "Diba Dad mo ang chef dito? Sino ng nagluluto nyan?" Tanung ni Calix. "Si Mister Chen sana pero naghanap na sya ng ibang trabaho, kaya ako na." Sagot ni Eman. Napatingin ako kay Keifer. Halata'ng meron sya'ng iniisip. Nakakaramdam ako ng awa kay Eman. Wala pa sya'ng experience sa ganito. Kahit maruno'ng sya, hindi sapat yun. May pumasok na apat na katao sa pinto. Agad sila'ng inasikaso nung isa sa crew. "Babalik na ko sa loob. May customer na." Sabi ni Eman at pumasok sa kusina. Agad na sumunod sa kanya si Keifer. "Huy! Keifer!" Tawag ko pero hindi nya ko pinansin. Susunod sana kami sa loob pero binawalan kami nung isa sa crew. Biglang lumabas si Keifer na bitbit si Eman sa kwelyo nya. "I'm not done talking to you." Sabi ni Keifer. Halata'ng naiinis si Eman sa ginawa nya. "Pwede ba? May trabaho ako." "What are your plan?" "Right now. I have none." Taimtim ang pag-uusap nung dalawa. Hanggang sa sunod sunod na customer na yung pumasok. Hindi magka-ugaga yung mga crew sa kung sino'ng dapat unahin. Ayaw pa rin paalisin ni Keifer si Eman. Hay... Eto na naman po tayo! Binigay ko yung bag ko kay Ci-N at kumuha ng menu sa counter. Lumapit ako dun sa mga customer na hindi pa naasikaso. Hindi na dapat ako nakikialam. Kayalang kasi.... Asar! "Eto po ang menu..." Sabi ko at lumapit sa iba pang customer. "Miss. Anu'ng ginagawa mo?" Tanung sakin nung isa'ng crew. "Tumutulong." "Baka makagalitan kami ni Sir Eman." "Hindi yan. Ako bahala." Walang nagawa yung crew kundi hayaan ako. Pagka-abot ng menu agad ako'ng lumapit kila Eman. "Tutulong kami dito." Singit ko sa usapan nila. "Anu?!" Halos sabay sabay na tanung nila. "Tutulong kami dito hanggang sa maka-recover ka at makakuha ng crew." Paliwanag ko. "Sino nama'ng 'kami' yung tinutukoy mo?" Tanung ni Keifer. "Kami ni Calix!" Sagot ni Mica habang nakataas ang kamay. As usual, walang nagawa ang Calix kundi ang sumang-ayon. Edi under ka ngayon! "Tutulong na rin ako." Sabi ni David at dire-diretsong pumasok sa kusina. Sinubukan pa sya'ng pigilan ni Eman pero wala sya'ng nagawa. "Kami din!" Sigaw nila Eren at Ci-N. Dumiretso sila sa counter at lumapit sa crew. "Bayaran mo nalang kami ng pagkain." Sabi ni Denzel at sumunod sa kusina. Pati yung iba pumasok na rin sa kusina. Naiwan si Yuri sa tabi ko habang nakatingin sakin. "You can't help it, right?" Tanung nya. "Ha?" "Ang tumulong sa iba... Hindi mo matiis." Napatigil ako. Bakit nga ba hindi ako makatiis? Hindi naman ako ganito dati. "Obvious naman na hindi ko kayo mapipigilan." Sabi ni Eren at humarap sa isa sa mga crew. "..Guide them. Make sure na hindi sila mang-gugulo." Nice! Agad akong dumiretso sa kusina. Halos lahat kami andito. Binigyan kami ng apron na itim, para daw sa mga waiter at waitresses. Yung iba pinagbihis ng para'ng pang-chef. "Bilisan nyo. Marami na tayong customer." Lumabas kaming mga naka-apron at naiwan yung iba sa loob. Ako, si Ci-N, si Yuri, si Mica at Calix, si Rory, si Eren at Felix ang mga naka-apron. Yung iba naiwan sa loob para tumulong kay Eman. Pagkabigay daw ng Menu dapat bigyan namin ng tubig. Si Yuri, Mica at Calix ang nagbibigay ng tubig. "Ang gwapo mo naman!" Sabi nung isang babae kay Ci-N. Todo smile naman ang Ci-N sa kanila kaya lalu'ng kinilig yung mga babae. Lumakad ako palapit sa kanila para abutan ng menu yung katabi nila. Pero bago makalagpas kay Ci-N meron ako'ng binulong sa kanya. "Susumbong kita kay Rakki." Ayun! Naglaho ang kanya'ng mga ngiti. Kung tutuusin taga-bigay lang ako ng menu at iba yung kumukuha ng order. Si Eren at Rory ang gumagawa nun. Si Felix naman ang nagdadala ng order nila. Napansin kong may kulang sa ginagawa namin. Hindi kami ngumingiti kagaya nung ginagawa ng ibang crew. Si Ci-N sana kayalang halata'ng nagpapa-cute lang ang luko. Tinignan ko si Yuri. Seryoso yung muka nya. Pero kahit ganun kinikilig parin yung mga babae'ng nakakaharap nya. Partida! Naka-salamin pa yan. "Huy... Ngumiti ka naman sa kanila." Sabi ko ng magkasalubong kami. "Ha?" "Ngiti!" Utos ko. Ngumiti ang Yuri pero para'ng ngiti na nandidiri ang itsura nya. Kahit ganun, kinilig pa rin yung mga babae'ng nakakita sa kanya. Ibang klase! Napatingin ako sa isang table na iisa lang ang naka-upo. Wala sya'ng hawak na menu at wala pa ring order. Tubig lang ang nasa harap nya. Lumapit ako sa kanya at buong ngiti na hinarap yung customer. Kayalang nawala din yung ngiti ko, hindi kasi customer to----crrrrooostumer. "Umaano ka naman dyan?" Tanung ko. "Naka-upo." Bored na sagot ng Keifer. "Akala ko ba tutulong ka?" "Wala ako'ng sinabi'ng ganyan." Biglang nagtilian yung isang grupo ng kababaihan. Nakangiti kasi si Yuri sa kanila. "Hay naku! Daig na daig ka ni Yuri." Sabi ko. Para'ng may kung anu'ng pumitik sa utak ni Keifer at bigla nalang tumayo. Sinuot nya yung apron na nakasampay malapit sa counter at nanguha ng menu. Eh napano yun? Paglapit sa isang table na puro babae din. Ayun, biglang nagtilian na para'ng kinukuryente yung kuwan. Pati ibang customer napatingin na din. "Ang gwapo nya!!" Sigaw nung isang customer. Lumapit ako kay Yuri. "Anu'ng nangyari dun?" Tanung ko. "Bigla nalang nagpa-pogi sa harap ng customer. Kinindatan at nagkagat labi pa." Sagot nya. Ayun tayo eh! Itsura lang ang puhunan. Dahil iisa lang si Felix sa pagbibigay ng order. Tumulong na rin ako. Pumasok ako sa kusina at nakita ko kung anu yung ginagawa nung iba. May naghihiwa, may naghahalo ng kung anu, at meron taga-tikim. Si Eman ang tumitingin sa mga ginagawa nila. "Order table No.16!" Sigaw ni Kit bago hampasin yung bell. May binaba sya'ng tray sa harap ko kaya kinuha ko yun. Ang galing para kami'ng mga totoo'ng crew ng restaurant. Paglabas ng kusina kinuha ni Felix yung tray na hawak ko. "Ako na." Hindi na ko nakapalag. Para kasi'ng galit yung tono nya. Dapat ko na talaga'ng makausap to. Hindi ko maintindihan kung saan galing yung galit nya sakin.

 

 

Chapter 57

Jay-jay's POV

 

 Two weeks! Two weeks na kami'ng tumutulong dito sa resto ni Eman. Nakakapagod pero parang banding narin namin to. Tsaka sulit naman yung binabayad nya samin. Pinagluluto nya kami ng pagkain. Pagkain!! Alam na din ni Kuya to. Pinagpa-alam ko na sa kanya para hindi nya ko kagalitan. Okay lang naman sa kanya except lang sa oras ng uwi. Inaabot kasi kami ng madaling araw. "Jay! Palinis ng table two!" Utos ni Yuri. Oh daba? Sanay na kami! Sumunod naman ako at lumapit sa table two na malapit sa pinto. Habang nagpupunas ng lamesa, nakita ko sa labas na may dumating na kotse. Kotse ni Aries! At kasama nya yung mga classmate nya. Kung suswertihin ka nga naman talaga. Agad kong dinala yung tray na may plato at baso sa kusina at tinawag sila. "Guys! Andyan yung grupo ni Aries!" Sigaw ko. Pare-pareho sila'ng napahinto. Naghihintay ng sasabihin ni Keifer. Pero si Eman ang una'ng nagsalita. "Wag naman sana kayo'ng mang-gulo dito!" Paki-usap nya. Muli sila'ng tumingin kay Keifer na tahimik lang na nakatingin sakin. "Tama si Eman! Wala muna'ng magsisimula ng away!" Sigaw nya. Agad ako'ng lumabas para asikasuhin yung ibang customer pero muka'ng sila lang yung nangangailangan ng asikaso. No choice! Lahat ng crew busy. Huminga muna ko ng malalim at kumuha ng menu. Lumapit ako sa kanila pero hindi ko pa nasasabi yung greetings namin, lumapad na ang ngiti ni Freya. "O.M.G! So it's true! Nag-waitress ka nalang talaga!" Ngiti'ng ngiti na sabi ni Freya. Ngumiti din ako sa kanya yung plastik. Plastik naman tong kaharap ko eh! May nagbaba ng tray ng tubig sa table nila. Akala ko si Yuri, dahil sya lagi ang gumagawa nun. Pero si Keifer tong nasa harap ko. "Hahahaha... Keifer Watson? What the hell?!" Sabi ni Mykel habang may pahampas-hampas sa lamesa. Tumitingin na samin yung ibang customer. Muka kasi sya'ng tanga sa ginagawa nya. Napansin ko si Kiko na nagpilit lang ng ngiti sakin. Para bang may gusto sya'ng sabihin. Poker face lang si Keifer habang nakatingin sa kanila. Halata'ng naiilang si Ella kaya inakbayan sya ni Aries. "Keifer... Seriously? Naghihirap naba kayo?" Tanung ni Mykel. "I don't know..." Inosenteng sagot ni Keifer. "..Why don't you ask my friend?" Bigla sya'ng lumingon at sinenyasan ang kung sino na lumapit sa kanya. "B-bakit?" Si Mica? Adik ata tong si Keifer. Naging seryoso yung muka ni Mykel. Hindi na maipinta at para'ng gusto ng manapak. "Andito ka din Mica?" Sabi ni Freya. Bobita! "Hindi! Wala sya! Picture lang yan! Hologram minsan!" Pamimilosopo ko. Agad na nagsalubong ang kilay ni Freya at nag-cross arm. "... Jay ako nalang kukuha ng order nila." Presinta ni Mica. "No! We want Jay and Keifer to serve us." Utos ni Aries. Tinignan ko si Keifer. Gusto ko sana'ng itanung kung okay lang sa kanya pero sumagot na sya. "Okay." Nakatayo lang kami sa harap nila at hinintay ang mga order nila. Pakiramdam ko nang-iinis sila. Ang tagal kasi! Napatingin ako sa iba'ng side kung saan nakatayo si Yuri at may kinakausap na customer. Buti pa sya... Sana dun nalang ako. Bwisit kasi tong mga to! Obvious naman na-----Hala! Hala! Hala! Bigla nalang ako'ng inakbayan ni Keifer at kinabig palapit sa kanya. Anu ba to? Anu na nama'ng balak nitong Hari ng mga ulupong? Ang puso ko!!! Ang bilis ng tibok! Daig pa yung nakipag-karera sa bilis. Hindi ako makagalaw. Nanigas na ata ako! Woah! Woah! May ilang beses ako'ng napalunok. Ayaw na ding dumaloy ng maayos ng dugo ko. Ang init ng muka ko! "Don't move." Bulong ni Keifer. Aaarrrgghhhh... Sobra'ng lapit ng labi nya sa tenga ko. Nakikiliti ako! Jusme! Ang init ng hininga nya. Hindi ako makahinga! Oxygen! Pull Tank! "*Ehem*" pang-agaw ni Kiko sa atensyon namin. Napatingin kami pareho sa kanya pero nakaakbay pa rin si Keifer sakin. Tengene nemen! "I want to order this Ultimate Burger." Sabi ni Kiko at binalik yung menu sakin. Kinuha ko yung menu at sinulat naman ni Keifer yung order ni Kiko sa note na hawak nya. Kayalang inakbayan na naman nya ko pagkatapos. Umorder na kasi kayo! Uta'ng na loob! "I'll have the same with bottomless ice tea." Sabi ni Mykel at binalik din sakin yung menu. Bumitaw ang Keifer para isulat yung order. Medyo lumayo na ko dahil baka akbayan na naman nya ko pagkatapos. Binigay na rin nung iba yung order nya. Kahit para'ng nanadya. May mga request pa kasi sila, kagaya ni Freya. Salad nalang gusto pa'ng untian yung kung anu'ng dahon na sinasabi nya. Si Aries nanghihingi ng extra chilli. Ayaw daw ng half cook sa manok, ayaw din ng over cooked. Dami'ng arti! Dinala ni Keifer yung Note sa kusina. Binalik ko naman yung mga menu sa counter. Hindi ko napansin na sumunod pala sakin si Kiko. "Jay.." Panimula nya. "..pwede ba kita'ng makausap? Yung tayo lang?" Tumingin ako sa wall clock. Malayo pa yung break ko. Hindi ko pwede'ng iwanan yung mga kasama ko. Baka magalit sila sakin. "Pwedeng dito nalang... May trabaho pa kasi ako." Paki-usap ko. Walang nagawa si Kiko kundi ang pumayag. Wala rin naman sya'ng choice. "G-gusto ko sana'ng... Gusto ko sana'ng manligaw sayo. I haven't ask Aries about this because i want to hear your answer first." Yun nga lang... I'm speechless. Hindi ko alam yung sasabihin ko. Hindi ko naman kasi alam na may magtatangka pa palang manligaw sakin. Honestly? I feel flattered. Crush ko pa rin naman si Kiko pero hindi na kagaya dati na kinikilig ako sa bawat paglapit nya. Siguro dahil sa dami ng mga nangyari. Napatingin ako sa table nila kung saan nakatingin din pala si Aries samin. Wala na kasi sa isip ko na mag-boyfriend ulit. "Kiko... Kasi..." "May problema ba dito?" David interrupt. Tinignan sya ng masama ni Kiko. Naku! Baka dito pa mag-away tong dalawa na to! "Wala nam----" Kiko cut me. "Wala. Nag-uusap lang kami. Baka pwede'ng umalis kana." Mahinahon nya'ng sabi. Nakipagtitigan si David kay Kiko. Trying to intimidate each other. Napatingin ako sa paligid. Pati pala sila Ci-N nakatingin na rin samin. Wag naman sana sila mag-away! "David... Baka kailangan kana sa loob." Pang-agaw ko sa atensyon nya. Nakay Kiko parin ang tingin nya. "Ikaw din... Kailangan ka sa loob." "S-sige." Sagot ko at hinawakan sya sa braso para isabay na sakin. Ayaw pa nya'ng sumama nung una pero hindi ako umalis ng hindi sya kasama. "Jay... Hihintayin ko yung sagot mo." Sabi ni Kiko. Hindi na ko nagsalita. Pumasok na kami ni David sa kusina. "Magpapaligaw ka talaga kay Kiko?" Tanung sakin ni David. Mukang narinig sya ng iba. Bigla nalang kasi sila'ng tumigil at tumingin sakin. "H-hindi ko alam." Feeling ko nasa hotseat ako. Nakakabigla naman kasi magtanung tong si David. "Gusto mo ba si Kiko?" Tanung ni Yuri na nakatayo malapit samin. "A-anu... K-kasi..." "Gusto mo sya." Sabi ni Keifer. Napalunok nalang ako. Crush lang naman yun eh. Hindi ibig sabihin na papayag ako agad-agad. "H-hindi... W-wala ako'ng balak magpaligaw." Yun nalang ang sinagot ko sa kanila. Lumabas ako agad. Baka hindi nila ko tigilan ng kakatanung. Bumalik ako sa counter kung nasan si Mica at nag-aayos ng menu. "Bantayan mo si David." Bulong nya sakin. Ha? Hindi ba dapat si Kiko ang bantayan ko. "B-bakit si David?" Tanung ko. "Wala pa bang nagsabi sayo na nag-away dati si Kiko at David?" Ay oo nga! Naalala ko nun, sabi ni Kiko pinabagsak nya si David dati. "Narinig ko na yun dati. Pero hindi ko alam yung buong nangyari." Sagot ko. "Hindi ko din alam. Pero si Kiko may gawa nung peklat ni David sa panga." Sabi ni Mica at umalis. Bigla tuloy akong naguluhan. Baka nga bigla nalang mag-away tong dalawa dito. Pero matalino naman si David, hindi naman siguro nya papatulan yung si Kiko basta-basta. Gusto ko rin sana'ng malaman yung nangyari sa pagitan nila. Kung bakit nag away sila. Sure ako'ng hindi magkukwento si David. Isa lang ang kilala kong handa'ng magkwento kahit magulo magpaliwanag. "Ci-N! Tara break muna!" Aya ko sa kanya. Tumango naman sya at sumunod sakin. Sa backdoor kami dumaan. Inabot ko sa kanya yung burger na pinaluto namin kanina. "May tatanung ako." Sabi ko at kumagat sa burger. "...Anung nangyari kila David at Kiko?" Ngumuya muna sya bago magsalita. "Yung away ba?" Tumango ako. "Hindi ko alam." Sagot nya at muling kumagat sa kinakain. Ay! Wala man lang ako'ng nasagap dito sa bata na to. "Basta alam ko lang, nireklamo ng A sila Kit at Eren. Nakipag-usap sila kay David. Hindi nga lang namin alam yung pinag-usapan. Tapos nabalitaan nalang namin na nagsusuntukan na sila sa lumang factory. Pagdating namin, dumudugo na yung muka ni David at may hawak na tubo si Kiko." Dagdag nya. Ayos! Diba nakasagap ako ng information kahit kaunti? Pero bakit naman gagawin yun ni Kiko. Suntukan lang yung labanan pero kumuha sya ng tubo. Gusto ko sana'ng kausapin si David or Kiko tungkol dun. Kayalang syempre, napaka-tsismosa ko naman ata sa lagay na yun.

 

 

Chapter 58 Jay-jay's POV

 

 Ang sakit ng katawan ko. Parang gusto ko ng magsisi na tumulong ako sa resto nila Eman. Pero sila Freya talaga ang may kasalanan nito. Pinahirapan nila ako. Oo... Ako lang! Inalayo na namin si Keifer dahil muka'ng napikon sya ng pabalik-balikin sya ni Aries sa table nila. Kaya ako lahat ang sumalo ng pahirap ng mga Animal. Inihinto ni Yuri ang kotse nya sa tapat ng bahay namin. Halata'ng pagod na rin sya, buti nalang at hindi sya inaantok habang nagmamaneho. "Salamat Yuri... Sorry kung ikaw pa yung kinailanga'ng maghatid sakin." Sabi ko. "Okay lang... Atleast alam kong safe ka'ng nakauwi." Sabi nya at nag smile. "Sige. Good nig----morning na pala." Past 2am na kasi nakapag-sara ng resto. Sa dami narin kasi ng customer. Mabuti na din yun para mabilis makabawi si Eman at makakuha na ng crew. "Good morning din." Sabi ni Yuri. Bumaba na ko at hinintay na maka-alis yung kotse nya bago pumasok. Nakabukas pa yung gate, alam kasi nila Tita na aabutin ako ng madaling araw. Papasok na ko ng may humawak sa braso ko. Nagulat ako, baka kasi masama'ng tao pero si Kiko lang pala. "Sorry... Natakot ba kita?" Tanung nya. "O-oo... Kala ko rapist ka na eh." Sabi ko at ngumiti. "..Bakit nga pala andito ka?" "Gusto ko kasi'ng masiguro na nakauwi kana. Hindi kita matext, wala ka naman kasing number sakin. Ayaw ibigay ni Aries." Paliwanag nya. "Ahh... Baka naaaning lang si Aries." Hindi baka, talaga'ng aning yun. "Jay... Yung tinatanung ko sayo." "Ahm.. Hindi ko pa kasi napag-iisipan." "Okay lang... Maghihintay ako." Sabi nya at ngumiti. Yun lang ata talaga yung dahilan nya kaya sya andito eh. Hindi makapaghintay, atat lang? "Anung hihintayin mo Kiko?" Pareho kami'ng natigilan. Mula sa likod ko at alam kong si Aries yun. Bakit gising pa sya? "Bakit hindi ka makasagot?" Tanung ulit nya kay Kiko. Umiwas ng tingin si Kiko. "Dude kasi..." "Tutal andito kana. Let's clear things right here, right now." Sabi ni Aries at bahagya'ng lumapit kay Kiko. "..Do you really like Jay-jay?" Huminga ng malalim si Kiko bago mag-nod. "Actually, i'm planning to court Jay." Pag-amin nya. Aries chuckled. "Not gonna happen." He turn to me. "..Get inside." Ayoko sana, kayalang galit na yung tingin sakin ni Aries. Tumingin ako kay Kiko at nagpilit ng ngiti. Pumasok ako sa gate pero hindi ako lumayo, gusto ko pa rin kasi'ng marinig pag-uusapan nila. "Wala nama'ng masama kung ligawan ko sya. Diba?" "Jay-jay is not allowed to have a boyfriend. End of the story. You can go now." Pagtataboy ni Aries. "Hindi ikaw ang magdi-disisyon tungkol dyan." "Yes, i am. Leave!" "Pare... Anu bang problema? Kilala mo naman ako." "That's the reason why... I know you well." Sabi ni Aries at pumasok. Agad ako'ng tumakbo papasok ng bahay. Hindi ako sigurado kung nakita nya ko pero hinintay ko sya sa loob. "N-nakaalis na si Kiko?" Bungad ko pagpasok nya. He arched a brow. "May balak ka talaga'ng magpaligaw sa kanya?" Umiling ako. "W-wala..." "Mabuti naman. Mahiya ka, yung ex mo nasa ospital pa tapos kukuha ka na naman ng bago." Sabi nya at umalis na sa harap ko. Pumunta na ko sa kwarto ko. Pagod na pagod na yung katawan ko. Ayoko sana'ng mag-isip ng kung anu pero bumibigat yung pakiramdam ko tuwing nagbabanggit si Aries ng tungkol sa nakaraan ko. Pabagsak akong nahiga sa kama. Hindi na ko nagbihis. Gusto ko ng matulog at ipahinga ang lahat. Buti nalang at wala kami'ng pasok bukas----mamaya pala. Makakatulog ako hangang tanghali. After launch pupunta na ko sa resto dahil may pag-uusapan daw kami. Pumikit ako at hindi na nag-isip. Dala ng sobra'ng pagod kusa din ako'ng nakatulog. . . . . . . . . Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko. Hindi naman ako nag-alarm, kaya kahit ayaw dumilat ng mata ko kinuha ko yung phone ko sa bag. Tawag pala, pero hindi ko makita yung caller. Sinagot ko nalang. "Hello?" ["Asan kana Jay?"] Boses ni Ci-N. "Sa bahay..." ["Bilisan mo. Ikaw nalang hinihintay namin dito."] Sabi nya at napatingin ako sa oras sa wall clock. Hala! 3pm na. Napabalikwas ako ng bangon at nagtatakbo sa banyo. Nawala na sa isip ko na may kausap ako sa phone. Mabilis ang naging kilos ko. Nakakahiya! Baka masabihan pa kong VIP. Pagkabihis, kahit hindi pa ko nagsusuklay tumakbo na ko palabas. "Jay-jay! Kumain kana!" Utos ni Tita ng masalubong ko sya. Pagkasabi nya nun, awtomatikong tumunog ang sikmura ko. Dahil late na ko, kumuha nalang ako ng apat na slice at bottled water sa kusina. Tumakbo na ulit ako palabas. Pagbukas ng gate, kotse ni Keifer ang bumungad sakin. "Alam mo bang kanina pa ko dito?!" Galit na sabi ni Keifer habang nakasandal sa kotse nya. "H-hindi... Sorry." "Sakay." Utos nya bago sya sumakay. Sumunod naman ako. Kung tutuusin wala naman ako'ng sinabi na hintayin or sunduin nya ko. Kaya bakit sya nagagalit sakin? At bakit din nya ginagawa to? "Bakit mo pala ako sinundo?" Tanung ko bago nya paandarin ang kotse. "I woke up late. Nagtext sakin si Yuri asking if i could pick you up since meron pa sya'ng gagawin at hindi kana masusundo." Sagot nya. Ahh kaya pala. Bait talaga ni Yuri. Concern sakin. Kumain na ko habang nasa byahe. Nagugutom na kasi talaga ko. "Can i have one? I haven't eaten anything yet." Tanung ni Keifer. Naawa naman ako at inabot sa kanya yung isa. Hindi nya kinuha, ngumanga lang sya. Obvious naman na nagpapasubo ang luko. Pumutol ako at sinubuan sya. Ewan ba, bigla nalang ako nakaramdam ng kakaiba nung dumikit yung daliri ko sa labi nya. Anu yun? Hindi ko nalang pinansin at sinubuan ulit sya. Naubos na nya yung isang slice kaya inubos ko na rin yung sakin at uminom ng tubig. "Jay.." panimula nya. "..Wala ka nama'ng balak na magpaligaw kay Kiko, right?" "Wala... Ayoko muna'ng mag-boyfriend. Sakto naman at ayaw din nila Tita." Sagot ko. Hindi na sya nagsalita hangang sa makarating kami sa resto. Andun na yung iba at muka'ng kakadating lang din ni Yuri. "Yuri! Good mor----afternoon pala!" Bati ko habang kumakaway sa kanya. "Good afternoon din." Balik nya'ng bati sakin habang nakangiti. Magkakasunod kami'ng pumasok sa resto. Muka'ng hindi pa sila nagsi-simula at talaga'ng hinintay kami. "Hindi ba uso suklay sa inyo?" Bungad sakin ni Ci-N. "Nagmamadali kaya ako!" Sagot sa kanya habang sinusuklay ng kamay ang buhok ko. Naupo ako sa tabi nya at kumuha ng fries na nakahain sa table. Muka'ng pinakain na sila ni Eman. Buti pa sila! Napapala ng late! Lumabas yung tatlo'ng crew ni Eman mula sa kusina. Kasunod naman nila yung amo nila. "I have a good news!" Panimula ni Eman na nagpatahimik sami'ng lahat. "...Okay na yung Dad ko and pwede na sya'ng magtrabaho ulit. Makaka aattend na ko ng class ng wala'ng absent." Nagpalakpakan kami. Kahit kasi tinutulungan namin sya sa resto may pagkakataon na hindi pa rin sya pumapasok. Actually kami din, madaling araw na nga kasi yung uwi namin kaya yung iba hindi na pumapasok. "...Nakakuha na ng loan si Mom..." Pagpapatuloy nya. "...Which means makakabalik na yung mga original crew namin." Tumahimik ang lahat at parang hindi natuwa sa balita. "Hindi na kami magtatrabaho dito?" Tanung ni Eren na parang nanghihinayang. Tumikhim si Eman. "Oo... Good news yun, hindi ko na makikita yung mga pagmumukha nyo." Bigla nalang naghiyawan ang mga luko. "Grabe ka!" "Ang harsh mo samin!" "I-bully yan!" "...Lastly, gusto kong mag-thank you sa inyo! Hindi ako nagsisi na napunta ako sa E..." Sabi nya at ngumiti. "...Bilang pasasalamat. Ipagluluto ko kayo!" Malakas na palakpakan at hiyawan ang sinagot namin sa sinabi nya. Pero may kadukto'ng yan. "...Sa school tuwing launch!" Sabi nya bago tumingin sakin kaya nagtinginan din yung iba. "Napag-usapan na kasi namin ni Eman na kailangan nyo talaga ng tagapag-luto dahil tamad din kayo'ng magbaon. Ayaw nya nung una pero syempre, makulit ako ih!" Paliwanag ko. "Honestly? Feeling ko kaya ka lang nagprisinta tumulong dahil para don." Sabi nya. "Nung una hindi... Pero pagtagal, oo." Sagot ko at ngumiti ng nakakaloko. Inabot ako ng syam-syam para mapilit sya. Kulang na lang lumuhod ako at magmaka-awa. Pumayag sya pero sabi nya, kailangan daw nya ng katulong. Sino pa ba? Kundi ako! "So get ready guys! were opening in 40mins!" Sigaw ni Eman. Kaya nagtayuan na ang mga ulupong. May nag-inat at naghikab. Parang ang tagal na nila'ng naghihintay dito. "Pwede bang kumain muna?!" Tanung ni Keifer. "May bayad na yun, pinakain ko na sila eh!" Sagot ni Eman. "Oo na! Oo na!" Tumingin sakin si Keifer. "...Kakain kaba?" Nag-nod ako agad. Kahit kasi kumain na ko ng slice gutom pa rin ako. "Dalawa kami! Si Jay-jay magbabayad!" Sigaw ulit ni Keifer. Impakto to'ng animal na to. Akala ko ililibre ako. Tapos bigla'ng sasabihin na ako yung magbabayad. Hanep! Wala ako'ng masabi! Matalim na irap ang binigay ko sa kanya. May pera naman ako kaya babayaran ko nalang. Hindi rin ako pwede'ng tumanggi kasi may utang pa ko kay Keifer. Pisti! Hindi na talaga ko mangunguta'ng sa animal na to!

 

Chapter 59 Jay-jay's POV

 

 "Hindi nyo po talaga nakita?" Tanung ko ulit sa maid. "Hindi po talaga. Pasensya na po Miss Jay." Sagot nya sakin at lumabas na ng kwarto ko. Kanina ko pa hinahanap yung Batman vs. Superman na T-shirt ko. Binili ko dati yun at dahil sa sobra'ng pagpapahalaga ko dun, once in a blue moon ko lang kung suotin. Nailabas ko na lahat ng laman ng kabinet ko pero wala pa rin. Feel ko pa naman ipagmayabang ngayon yun. Andyan na naman kasi yung grupo ni Aries sa Sala. Hindi ko alam kung anu yung Monkey business nila pero wala si Kiko me'crush. Me'crush nalang! Hindi na Loves! At wala rin ako'ng balak lumabas ng kwarto ng hindi ko suot yung Batman vs. Superman kong T-shirt. Pinagtawanan kasi nila tong suot kong bulaklakin na ewan kanina nung makita nila ko. Kaya kailangan kong magyabang. Habang naghahalungkat may nakita ako'ng pamilyar na short shorts. Favorite ko dati, kaya na-excite ako'ng tignan. Denim short yung design pero presko'ng suotin kaya naging paborito ko. Humarap ako sa salamin at sinipat-sipat yung short habang nakapatong sa harap ko. Muka kasi'ng lumiit na. Naisipan kong suotin at tama nga ako. Sobra'ng liit na sakin. Naging p*ki short na sa sobrang liit at iksi. "Miss Jay..." Tawag sakin nung isang maid. "...May naghahanap po sa inyo sa baba. Classmate nyo daw po. Pinapasabi din po na bilisan nyo at ayaw po nila ng naghihintay." Parang kilala ko na. Mainipin, muka'ng si Keifer kumag na naman. Umalis na yung maid kaya sumunod ako. Hinayaan ko na yung short na suot ko. Feeling sexy ako sa short ko! Napahinto ako sa may Sala ng makita'ng kumpleto na yung grupo ni Aries. Kasama na si Kiko at Freya'ng bruha. "Hoy! Lalabas ka ng ganyan?!" Irita'ng tanung sakin ni Aries. Tinignan ko yung sarili ko. Wala nama'ng problema. Except sa maikli kong short. Pero sexy ako dito! "Wala nama'ng problema----" "Ang ikli ng suot mo! Palitan mo nga yan!" Utos nya. Dinilaan ko lang sya at mabilis na naglakad palabas. Bahala sya! Basta sexy ako dito sa short ko. Paglabas, hindi lang pala si Keifer ang naghihintay sakin. "Witwiw!" Pito ni Kit ng makita ako. Sabay sabay pang napatingin sakin yung iba. Si Keifer agad na napataas ng isang kilay. Si Eman naman, hindi malaman ang magiging reaksyon. "Sexy!" Tawag sakin ni Ci-N habang nakatawa. "Puti ng legs!" Sabi ni Eren. Nag-uumpisa na kong makaramdam ng hiya. Pare-pareho na kasi nila'ng pinag-mamasdan ang legs ko. Sumobra yung ka-sexy-han ko. "B-bakit kayo nandito?" Tanung ko. "Bibili tayo ng supply. Sabi mo sakin tutulungan mo ko." Sabi ni Eman. "Ay oo nga..." Tinignan ko sila Ci-N. "...bakit kasama pa sila?" "Gusto nami'ng sumama." Sabi ni Kit. Nahagip ng paningin ko si Keifer. Para sya'ng naiinis na hindi maintindihan habang nakatingin sa legs ko. "Okay... Bihis lang ako." Paalam ko sa kanila pero pinigilan nila ko. "Ganyan ka nalang!" Sabi ni Ci-N at pilit ako'ng sinakay sa kotse. Toyota Hilux ang gamit nila. Muka'ng kay Eman to dahil sya ang may hawak ng susi. "T-teka lang... Hindi pa ko nag-papaalam!" Sabi ko. Hindi nila ko pinansin at nagsisakay na. Si Keifer ang katabi ko sa kaliwa. Samantala'ng si Ci-N naman ang sa kanan. Si Kit ang nasa passenger seat at si Eren solo ang pwesto sa likod. Ang muka ni Keifer hindi pa rin maipinta. Nag-uumpisa na kong matakot sa kanya. Sa Mall kami dumiretso. Nakaramdam ako ng hiya sa suot ko. Bukod kasi sa maikli'ng short. Medyo manipis tong bulaklakin kong blouse. Bakit ba ko nag-blouse? Pagdating sa Mall, nagpa-una na yung tatlo. Nag-aasaran pa sila habang tumatakbo. Si Eman ang kasabay ko samantala'ng nasa hulihan si Keifer. "Department store tayo." Sabi ni Keifer. Hindi naman kumontra si Eman kaya duon muna kami nagpunta. Nawala na sa paningin namin yung tatlo. Akala ko didiretso kami sa mga Kitchen wear. Pero bigla nalang ako'ng hinawakan ni Keifer sa braso at kinaladkad papunta sa Ladies Section ng mga damit. "A-anu tayo dito?" Tanung ko sa kanya. Nawala na rin si Eman. Muka'ng nahiwalay na samin. "Ibibili ka ng damit." Sagot nya. "Wala ako'ng pera. Tsaka marami ako'ng damit sa bahay." "Then why did you choose to wear that?!" Irita nya'ng tanung. Pinagtinginan kami ng agad ng mga taong malapit samin. Eskandaloso kasi tong Kumag na to. "Pambahay kaya to! Kaya nga sabi ko magbibihis ako!" Nagsalubong ang kilay nya. "You wear that in front of Aries? At wala man lang ginawa ang bobo'ng yun?!" Grabe naman to sa Bobo! "Hoy! Pinsan ko pa rin yun!" "Alam ko may bisita kayo, at hinayaan ka nya'ng ganyan ang suot sa harap nila?!" "H-hindi naman... Ngayon ko lang kasi ulit to sinuot." "Kung ganyan lang din ang balak mo'ng suotin, wag ka ng magdamit!" Galit na sermon nya sakin. Agad kami'ng pinag-bulungan na ikina-irita ko. "Protective si Boyfie." "Seloso yata." "Ganyan din yung bf ko sakin, kapag maikli suot ko." Gusto kong sumigaw at sabihin sa kanila'ng hindi ko boyfriend ang hayop na to. Wag na! Sayang effort! Mabilis na nag-ikot si Keifer at kumuha ng kung ano-ano'ng damit. Pagbalik nya, pinahawak nya sakin yun at pilit ako'ng tinulak sa loob ng fitting room. "Makatulak naman to!" Sigaw ko sa kanya na umagaw ng pansin ng iba. "Choose and wear it iediately!" Utos nya. Sa totoo lang, naiirita na ko sa kanya. Masabi-masabi! Abnormal! Sa dami ng kinuha nya, bumagsak ako sa ripped jeans at t-shirt. "Okay na?!" Sarkastiko'ng tanong ko sa kanya paglabas ko ng fitting room. "Next time na isuot mo pa ulit yan. Pupunitin ko yan habang suot mo." Banta nya sakin. Punit agad?! Grabe talaga tong Hari ng mga ulupong. Ganyan din sinabi nya sakin nung nasa clinic kami at nag-aaway. Mahilig siguro'ng mamunit ng damit to. Dumiretso sya sa cashier at binayaran ang suot ko. Binalot din nila yung pinalitan kong damit. Nakita namin si Eman na nakatayo malapit sa mga appliances. Muka'ng tinatawagan nya kami dahil binaba din nya yung phone nya nung matanaw nya kami. "Change outpit?" Tanung nya sakin. "Yan kasi!" Sabi ko sabay turo kay Keifer na nagpa-una sa paglalakad. Kumuha kami ng mga gamit pang-kusina. Kasirola, kawali, sandok at kung anu-anu pa. Pinag-usapan din namin kung kukuha ba kami ng mini ref. Pero itatanung pa daw namin yun sa buong Section E. Papalitan din ni Eman yung rice cooker na nasa room, maliit daw kasi yun at magdadala sya ng mas malaki. Pagkatapos sa Department Store dumiretso kami sa Grocery Store. Andun na sila Ci-N at muka'ng kanina pa pa-ikot ikot habang nakasakay sa push cart. "Bumaba ka nga dyan Ci!" Sita ko sa kanya. Bumaba naman sya at tinignan ako mula ulo hangang paa. "Change outpit?" Hindi na ko sumagot. Muka'ng nagmamadali si Eman, kaya sumunod agad kami sa kanya. "Jay... Dumiretso kayo ni Keifer sa dry goods." Utos ni Eman. Pumunta naman kami dun at dumanpot ng mga de lata'ng pagkain. "Panu pala yung utang ko sayo?" Tanung ko kay Keifer habang naniningin ng mga bibilhin. "Edi ipag-baon mo pa rin ako o kaya ikaw ang magluto ng kakainin ko." Hassle naman yun. Iba pa yung kakainin nya sa kakainin nung iba. Ang dami'ng arte nito! Sandali'ng nag-ring ang phone ni Keifer. Sinagot nya yun at hinayaan ko sya'ng makipag-usap. Patuloy lang ako sa pagtingin ng may bahagya'ng bumangga sa push cart ko. Hinintay kong mag-sorry yung nakabangga pero hindi sya nagsasalita kaya tinignan ko nalang. Woah! Si Kuya'ng blue eyes! Naka-smirk sya at nakatingin sakin. Pinagtaasan ko sya ng kilay. Hangang dito ba naman?! "Hey..." Bati nya. "Hoy..." Sagot ko at bahagya sya'ng tumawa. "Small world." Sabi nya. "Sige nga... Ganu kaliit?" Pamimilosopo ko. "Enough to bump your push cart." Tinignan ko yung pwesto nya at kung gano kalaki yung daan. Gusto kong sampalin tong lalaki na to. Kasya pa tatlo push cart! "Talaga lang ah?" Sagot ko sa kanya. Tinulak ko ulit yung cart at naningin ng mga pwede pang kunin. Pero nakasunod pala sakin si Kuya'ng blue eyes. "Boyfriend mo ba yun?" Tanung nya. "Sino?" "Yung lalaki'ng kasama mo na may kausap sa phone." sagot nya habang nakaturo sa pwesto ni Keifer na medyo malayo na sakin. "Hindi noh! Napulot ko lang sa tabi-tabi yan!" Sabi ko at muling naglakad. "So pwede pala kita'ng ligawan." "Hindi." Mabilis kong sagot. "Why?" "Why ka dyan. Hindi po kaya kita kilala." Paglilinaw ko. Tumawa sya at sandali'ng tumingin sa pwesto ni Keifer. "Bakit sya napulot mo lang pero sumama ka?" Tanung nya. Ay bopol! Akala ba nya totoo yung sinasabi ko na napulot ko lang si Keifer. Kakaiba! "Bangag kaba? Malamang joke lang yun." "Hahahaha... I know, i'm just kidding too." Sandali ako'ng napatingin kay Keifer na may kausap pa rin sa phone. Bumalik ako ng tingin kay Kuya'ng blue eyes. Hawak na nya yung phone nya. "Tsk! Bad news, i have to go." Sabi nya. "Great news sakin yun!" Sabi ko at napag-appear ang kamay ko. Tumawa lang sya at naglakad na paalis. Sakto nama'ng lapit sakin ni Keifer. "Hinahanap na tayo nila Eman." sabi nya at tinulak na yung push cart. Sa cashier na kami nagkita-kita. Habang nakapila, pinaliwanag ni Eman na sa kanya muna lahat supply at aagahan namin ang pasok para maayos ang room. Kailangan pa nga pala nami'ng linisin yung room. Alisin yung mga karton at yero sa likod. Pagkatapos makuha lahat ng pinamili namin. Sa saksakyan na tinuloy ni Eman ang paliwanag. Kailangan din daw nami'ng maningil sa Section E. Baka masanay ng libre! Mahirap na! Ako ang una'ng inihatid nila. Pagpasok sa gate si Aries agad ang sumalubong sakin. "Asan na yung suot mo kanina?" Tanung nya. Inabot ko sa kanya yung paper bag. Akala ko titignan lang nya pero nagulat ako ng maglabas sya ng lighter at sinindihan yung short sa harap ko. "B-bakit?" Saya'ng yung short! "Para hindi mo na masuot pa ulit." Sabi ni Aries at hinintay maabo yung short. Hanep yan! Baka naman si Keifer at Aries talaga ang magkalahi. Pareho pa sila'ng naiinis sa short ko. Hindi naman sila inaano. Kawawa'ng short. Sumalangit ka nawa!

 

 

Chapter 60 Author's Jay-jay's POV

 

 6am. Eto ako at naglalakad papunta'ng school ng ganito'ng oras. Yun kasi ang usapan namin nila Eman. Pero inaantok pa rin ako. Feeling ko hindi tumalab yung malamig na tubig na pinan-ligo ko. "Yaaawwwnnnn...." Kainis! Dapat talaga maaga ako natulog. Pinag-luksa ko kasi yung short ko na sinunog ni Aries. Sumalangit nawa. Habang naglalakad, may bigla nalang humawak sa ulo ko. Agad kong inalis yung kamay at tinignan ng masama yung gumawa nun. "Good Morning!" Bati sakin ni Yuri. Pfftt... Si Yuri lang pala. "Good Morning din! Ba't ang aga mo?" Tanung ko sa kanya. Bigla nalang ako'ng napatingin sa mata nya. Pilit nya'ng iniwas yun pero hinawakan ko yung muka nya para hindi maka galaw. "B-bakit?" "Naka-contacts kaba?" Tanung ko at mas lalu pang inilapit ang muka ko sa kanya. "O-oo." Binitiwan ko sya pero nakatingin pa rin ako sa mata nya. "Bagay sayo... Atleast wala ng sagabal sa muka mo." "S-salamat." Ngumiti ako at bumalik na sa paglalakad. Sumunod naman sya sakin. Parang lalu'ng gumwapo si Yuri. Ahihihihi... Pagdating sa room, nag-uumpisa ng maglinis si Eman at si Ci-N, natutulog. Luko talaga, pumunta nga pero para matulog lang naman. "Good Morning Eman!" Bati ko sa kanya na nilakas ko talaga para magising yung isa. Pero walang talab. Tulog pa rin. "Good morning... Kayo lang?" Tanung nya ng mapansing dalawa pa lang kami'ng pumasok. Usapan kasi itetext yung buong klase at bahala sila'ng magkusa na pumunta. Pero walang nag-kusa. Ang galing galing! Si Ci-N sana pero tulog naman. Wala kami'ng magagawa kung gaganyan ganyan sya. Lumapit ako sa kanya at bahagya'ng niyugyog sya pero hindi pa din gumagalaw. "Ci! Gumising kana!" Sabi ko habang patuloy sa pag-yugyog. Unggol lang ang sinagot sya sakin. Pasaway tong bata na to! "Hayaan mo na sya." Sabi ni Yuri habang inilalabas yung mga karton na nakatakip sa likod. Nakaramdam naman ako ng inis. Bago lumapit kila Eman, pinitik ko muna yung tenga ni Ci-N. Walang talab! Kingina. Tinanggal na namin yung mga karton, yero at plywood na nakatambak sa likod. Bumungad yung shoe rack. Parang locker na walang takip. Nakita ko na naman yung pangalan ni Ella at Keifer pati puso na nakapagitan sa kanila. "Hindi ba natin tatanggalin mga pangalan?" Tanung ko. "Tanggalin na siguro. Baka pagnakita ni Keifer to, maghurumintado bigla." Sagot ni Eman. Pinagtatanggal namin yung pangalan. Inuna ko yung pangalan ni Ella Dianne Hyun. Walang ibig sabihin yun, pangalan lang talaga nya yung katapat ko. Sa totoo lang, muka nama'ng mabait si Ella, pero bakit kaya sya napunta sa E dati? "Bakit napunta si Ella sa Section E dati?" Biglang tanung ko na nagpatigil kila Eman at Yuri. Nagpalitan muna sila ng tingin bago sumagot. "Si Ella kasi..." Panimula ni Yuri habang naghihimas ng batok. "...Maybe she looks like an angel outside but it's the opposite when she get mad." Nakatingin lang ako kay Yuri. Hinihintay ko'ng tapusin nya yung paliwanag nya. Muka'ng nakaramdam naman si Eman kaya sya na nagtuloy. "Nakipag-away si Ella dati. Sa bigat ng kamay nya, nagkaroon ng poknat sa ulo yung kaaway nya. Dumugo din yung ilong at puro pasa sa muka. Hindi naman sila mayaman kaya nagkaroon ng problema kung kick out or suspension." Paliwanag ni Eman. Ay napakatapang pala. "Naki-usap yung pamilya ni Ella kaya dinala sya Section E kasunod ng suspension." Pagtatapos ni Eman. Kaya pala. Dati ko pa din kasi iniisip yun. Ang ganda pa naman ng muka nya. Kaya pala nung nag-uusap kami dati tungkol kay Mica bigla nalang sya nagalit na parang ang lalim ng pinanggalingan. Ang tapang pala kasi nya. Alam kaya ni Aries yun? "Panu sya napunta sa A?" Tanung ko. Pagkakataon ko na to para maki-tsismis. Open silang pagusapan yun. Wag sayangin ang pagkakataon. "Those are none of your business." Pare-pareho kami'ng natigilan. Feeling ko binuhusan kami'ng lahat na malamig na tubig. "Keifer... Were just----" Keifer cut Yuri. "Shut up!" Umayos ako ng tayo at humarap kay Keifer. Galit ang tingin nya sakin at feeling ko kanina nya pa ko pinatay sa isip nya. Lumapit sya sakin at tinignan ako sa mata. "Paki-alamera ka talaga no?! Pati istorya ng iba inaalam mo pa!" "H-hindi naman sa ganon... Na-curious lang ako." Sagot ko. "Naniniwala kaba sa kasabiha'ng 'Curiousity kills the cat'?" Umiling ako. Kasi hindi ko naiintindihan yung kasabihan na yan. Oo..para sa mga curious yun pero hindi ko sure yung kabuuan. Lalung lumapit sakin si Keifer at tinapat ang labi nya sa tenga ko. "Simulan mo ng maniwala." Goose bumps... Buong katawan ko ata ang nangilabot nung bumulong sya sakin. Grabe! Umalis ang Keifer pero nag-iwan muna sya ng matalim na tingin kay Yuri. "Next time nalang natin pag-usapan si Ella." Sabi ni Eman at bumalik na sa ginagawa. Sumunod naman ako pero ang totoo, tuliro pa rin ako sa binulong ni Keifer sakin. Kasi naman! Bakit ba parang nagkakaroon ng impact sakin tong si Keifer? Kainis! Patuloy kami sa paglilinis at patuloy din si Ci-N sa paghihilek. Dumating na yung ibang ulupong, meron tumulong samin pero meron din nakitulog nalang. Nilalabas ko na yung basura'ng naipon namin ng makita ko si Denzel na palakad-lakad sa labas malapit sa hagdan. Meron sya'ng hawak na puting bagay at parang hindi mapakali. "Hoy Denzel!" Tawag ko na ikinabigla nya. Naihagis nya bigla sa kung saan yung hawak nya'ng puting bagay. Lumapit sya sakin at nagpilit ng ngiti. "Good morning!" Bati nya at tuloy tuloy na pumasok sa room. Hindi na hinintay yung sagot ko. Napapanu yun? Naalala ko yung puting bagay na hawak nya. Ewan ba....nangati yung utak ko'ng hanapin yun. Hindi ako sigurado kung saan napunta pero hinanap ko pa rin. Halos isabog ko na yung mga basura malapit sa hagdan. Gawin daw ba kasi'ng tambakan. Hangang sa may nakita ako'ng puting bagay sa una'ng baitang ng hagdan. Hindi ako sure kung eto nga yun pero kinuha ko pa rin. Pregnancy Test? Bakit meron nito dito? Ang masama pa, two red lines. Sabi ng teacher ko dati 'Positive' daw ibig sabihin nun. Teka! Teka! Kung eto nga yung puti'ng bagay na hawak ni Denzel. Ibig sabihin... BUNTIS SI DENZEL?! Ay mali! Lalaki nga pala si Denzel. Ibig sabihin... NAKABUNTIS SA DENZEL?! Nanlaki yung mata ko sa na-realize ko. Pero sino'ng nabuntis nya? Anu ng mangyayari sa pag-aaral nya? Kailangan ko sya'ng makausap. Pero mamaya nalang dahil muka'ng ayaw pa nya'ng sabihin sa iba. Tinago ko yun Pregnancy Test. Bumalik ako sa room pero nakay Denzel yung tingin ko. "Bakit ang tagal mo?" Tanung sakin ni Yuri. Iling lang ang sinagot ko. "Okay ka lang ba?" Tanung nya ulit. Tumango ako. "Bakit hindi ka nagsasalita?" Iling ulit ako. "Jay! Patulong dito!" Tawag sakin ni Eman. Iniwanan ko si Yuri na may pagtataka pa rin sa muka. Tinulungan ko si Eman na ipwesto yung mga supply. Lahat ng mga dry goods inilagay na naming ng separate shoe rock. Isa'ng space sa de lata at iba'ng space sa iba pa. Lahat ng appliances sa itaas na part ng shoe rack. Meron ding dala'ng electric stove si Eman. Ref nalang ang kulang, kusina na ang drama ng likod na part ng room namin. "Okay na!" Sigaw ni Eman na nagpa-palakpak sa mga ulupong. Dun ko lang napansin na gising na si Ci-N. Gising na ang prinsepe ng mga ulupong. "Ang galing! Gising na ang magaling!" Sabi ko sabay tingin ng masama kay Ci. Impakto kasi! Dumating na si Sir Alvin kasunod yung Hari ng ulupong. Hindi ko sya tinitignan. Nabubusit kasi ako. Baka magsimula lang kami ng away kapag nagtagpo ang tingin namin. Nagsimula na ang klase. Pero nae-excite ako sa launch time. Kasi magluluto na kami ni Eman. Papaturo ako sa kanya. Hindi rin kasi ako marunong magluto. Mga maid ni Tita ang nagtuturo sakin nito'ng nakaraan pero nawalan na ata sila ng tyaga. "Anu iluluto nyo mamaya?" Bulong sakin ni Ci-N. "Hindi ko-----" Napatigil kami'ng lahat. Bigla nalang kasi'ng pumasok si David sa pinto. Puro pasa ang muka at iika-ika maglakad. "A-anung nangyari sayo?" Tanung ko. Umiling lang ang David at umupo sa tabi ko. Nagpalitan ng tingin ang mga ulupong at para'ng nag-uusap sila sa mga isip lang nila. Ang creepy naman. "May naka-away kaba?" Tanung nila Kit kay David. Mero'ng binulong si David sa kanila. Parang naging switch yun at naging dahilan ng pag-iiba ng mood ng mga binulungan nya. Anu kaya'ng binulong ni David? Feeling ko hindi maganda. Hindi naman mag-babago mood nila Kit kung maganda yun. Tinignan ko si Ci-N pero nag-kibit balikat lang sya. Binalik ko nalang yung tingin ko sa harap. Nag-sisimula na kasi si Sir. Kahit wala'ng nakikinig nagtuturo parin si Sir. Hindi kasi nakikinig yung mga ulupong. Pati ako, hindi rin nakikinig. Luta'ng ang utak ko. Hangang sa medyo naririnig ko na yung mga pinag-uusapan nila. Lumalakas kasi mga boses nila Kit. "Kelan natin babalikan?" "Mamaya daw." "Sino-sino daw ba?" "Grupo ni Kiko Evans." Natigilan ako dun. Grupo ni Kiko? Nag-away na naman ba sila ni Kiko? Kasama ba si Aries dun? Gulo na naman to!

 

 

Chapter 61 Allowed or Not Allowed Jay-jay's POV

 

 Hindi ko naramdaman yung launch. Pati yung luto-luto namin, hindi ko feel. Iniisip ko kasi yung pinag-uusapan nila kanina. Si Kiko daw yung babalikan nila. Ibig sabihin nag-away na naman sila David at Kiko. Naiintriga ako! "Jay! Nakikinig kaba?" Tanung sakin ni Eman. "H-ha?" "Sabi ko itapon mo na yung mga basura sa labas." Utos nya. Para ako'ng wala sa sarili na kinuha yung supot ng basura sa harap ni Eman. Kasi naman.... Eto ka na naman Jay! Tsk! Kaasar naman. Anu'ng mga balak nila? Paglabas, nakita ko na nagkukumpulan sila Keifer at iba pa. Para bang napaka-seryoso ng usapan nila. Ng mapansin ako ni Keifer agad nya ko'ng tinignan ng masama kaya bumalik ako sa loob. Kala mo laging inaano. Para'ng may meeting na hindi ko maintindihan. Kanya-kanya kasi sila ng usap. Si David lang ang tanging nanahimik sa upuan nya. Umupo ako sa pwesto ko at humarap sa kanya. "David..." Tawag ko sa atensyon nya. "...Anu bang nangyari sayo?" Nagpilit sya ng ngiti. "Wala to..." "Anu'ng sabi ng girlfriend mo?" Hindi ko maiwasa'ng hindi magtanung. "Hindi nya alam... Nasa Hongkong sila ngayon." "Nag-away ba kayo ulit ni Kiko?" Natigilan sya sandali. Para bang inisip pa nya kung dapat ko pang malaman yun. "Jay... Nililigawan kaba ni Kiko?" Tanung nya. Napansin kong nakikinig na rin samin yung iba. "H-hindi... Ayoko muna'ng tumanggap ng manliligaw. Sinabi ko na yun dati diba?" "Pinagkakalat nya sa mga kaibigan nya na mapapa-sakanya ka. Hindi ko nagustuhan yun, kaya nagtalo kami." Aaminin ko, nabigla ako sa sinabi nya. Pinagkakalat talaga?! Hindi ko pa nga sya pinapayagan na manligaw. Kamusta naman sya?! "Seryoso?! Ginawa nya yun?!" Tumango sya at umiwas ng tingin. Hanep! Ayos din ang lalaki'ng yun. Muka'ng may tama din sa utak. Dumating na yung teacher namin at umayos na lahat. Hindi ako mapakali, gusto kong makausap si Kiko. Mabilis na natapos ang klase namin. Tinulungan ko si Eman na maglinis at ligpit. Kagaya ng usapan namin. Akala ko sabay sabay kaming uuwi pero pagdating sa gate pinapahiwalay na nila ko. "Saan kayo pupunta?" Tanung ko. "Basta... Bawal ka don." Sagot sakin ni Rory. "Bakit naging bawal?" Tanung kulit. "Wag na matigas ulo." Pilit ni Edrix. "Bakit ba ayaw nyo ko isama?" "Dahil hindi ka nga pwede dun!" Pilit ni Kit. Kasi makikipag-away lang kayo. Kuwari pa tong mga ulupong na to. "Pasensya na Jay... Hindi ka talaga pwede dun." sabi ni Ci-N. Tinignan ko si Yuri na parang nakiki-usap pero umiwas sya ng tingin. "Wag mong pairalin yang katigasan ng ulo mo! Tatamaan ka sakin!" Banta ni Keifer sakin. Inirapan ko nalang sya. Hindi na ko nagsalita at mabilis na naglakad palayo sa kanila. Tinawag pa nila ko pero hindi ko sila pinansin. Pagliko sa kanto huminto ako at bahagya silang sinilip. Nag-uusap-usap pa sila. Kala nyo titigil ako ng ganun ganun lang? Hindi uy! Pagkatapos mag-usap lumakad na sila paalis. Sila Keifer na may dalang kotse nauna na pero yung iba nglakad lang. Sila yung sinundan ko. Matindi'ng pag-iingat ang ginawa ko. Tago kung tago! Pati basurahan napagtaguan ko na. Sa totoo lang hindi ko na alam kung nasan kami. Basta alam ko lang, dapat ko sila'ng masundan. Nakarating kami sa isang bakante'ng lote malapit sa abandunado'ng pabrika. Andun na sila Keifer at iba pa. Nakasandal pa sya sa kotse nya. Para bang meron pa sila'ng hinihintay. Ewan ko kung sino, pero hindi ako aalis dito. Alam kong magtatagpo lang sila ng grupo ni Kiko. Hindi ko sila pwede'ng hayaan na mag-away. Habang naghihintay nakaramdam ako ng presensya ng tao sa likod ko. Pero bago ko pa malingon kung sino yun. Nahawakan na nila ko at natakpan ang bibig ko.

 

 David's POV

 

 Para'ng mali tong desisyon nami'ng balikan sila Kiko. Si Keifer naman talaga ang may gusto nito. Ayoko ng gulo, ni minsan hindi ako nag-aya ng away. I never allow them to have a fight with other section. Kahit ako hindi nakikipag-away kung hindi kailangan. Eto rin ang dahilan kaya pilit kong pinaglaban ang posisyon ko, pero natalo pa rin ako. Then i remember Jay-jay. How she look so worried. Kung pwede ko lang ipaliwanag sa kanya ng maayos ang lahat. "Tingin ko naduwag na yung mga yun." Sabi ni Kit habang nakapamulsa. "Uwi na tayo... Pupuntahan ko nalang si Jay-jay." Sabi ni Ci-N. "Itext mo nalang kung nag-aalala ka sa kanya." Sagot sa kanya ni Eman. "Mas maganda kung pupuntahan. Malay mo bigyan pa tayo ng miryenda." Singit naman ni Edrix. "Feeling ko nga nagtampo satin si Jay." Dagdag ni Rory. "Puntahan nalang natin maya." Suhestyon ni Eren. Hearing those things from them makes me think that Jay-jay is really better than Ella. Hindi sila mapakali kapag nagtampo si Jay-jay sa kanila. I never see them like that before. Nakikipag-kulitan sila kay Ella dati pero hangang dun lang yun. Unlike Jay-jay na nakikipag-talo, kulitan at nakikipag-laban para sa kanila. I thought Jay will be a big pain in our ass but it was the opposite. Parang kami pa ang naging problema sa kanya. "You're back! Ready for round two?!" Masayang tanung ni Kiko. Kung nakikita lang sya ni Jay-jay, hindi sya makakangiti ng ganyan. "Akala mo naman kaya mo ko?! Sumuko kana! Ilang beses na kita'ng pinapabagsak!" Pang-aasar nya sakin. Lagi nya'ng ginagawa yan. He won't stop mocking me. I put my bag down and remove my white polo. "Sure kana dyan?" Tanung sakin ni Keifer. "Laban ko to... Ako dapat ang humaharap." "Pero ilang beses kana nya napapabagsak." Yuri said. "Because i can't focus before. My head is occupied." "How about now?" Kit ask. Honestly? It was occupied, by my girl and by Jay-jay. I'm miss my girl and i'm worried about Jay-jay. "No, it's not." I answer shortly. I turn around to face Kiko. His friends are already here. Lalapit na sana ako sa kanya ng may marinig kami'ng nags-slow clap. Pare pareho kami'ng tumingin sa mataas ng bakod ng abandunado'ng pabrika. Kahit hindi ko tignan sila Keifer alam kong na-alarma sila. Bakit ngayon pa? Ngayon pa talaga. "Keifer Watson and the Gang----oh wait----the whole Section E!" Sabi ni Ram. Leader si Ram ng kilalang Gang dito samin. Nakaaway na sila nila Keifer dati. I'm not sure about Aries's group. "What do you want?" Keifer ask. "I just want to watch... Actually it's we." Sagot nya at lumabas ang ilan sa kasama nya. "...We can be the judge or referee." Kiko chuckled. "Lie... Anu'ng kailangan mo?!" Galit na tanung nya. "Wala talaga... Gusto lang talaga nami'ng manuod." Ram said and smile. "...oh wait!" Sumenyas sya sa mga kasama nya at para'ng merong kinuha sa kung saan. "Meron nga pala ako'ng bisita... Baka gusto din nya'ng manuod. I hope you don't mind" Dagdag nya. Bigla nalang nila'ng hinatak palapit kay Ram ang isang babae. At hindi lang yun basta kung sino lang. Jay-jay. May tape ang bibig nya at nakatali ang kamay sa harap nya. "Jay!" Sigaw nila Ci-N at iba pa. Nakita ko din ang pag-aalala ni Kiko. Pero walang magagawa yan. Tinanggal ni Ram yung tape para makapagsalita si Jay. Wala ako'ng nababakas na takot sa kanya. Galit siguro meron. "Anu nga ulit ang pangalan mo?" Tanung ni Ram. "J-jay-jay." "Nice to meet you." Sabi ni Ram habang nakangiti at muling humarap samin. "Mag-start na kayo. Manunuod kami." Sabi ni Ram at tumawa naman ang mga kasama nya. Hindi ko alam kung alam nya na Section E din si Jay. Pero sure ako'ng alam nya na kilala namin sya. "Wag mong idamay si Jay-jay dito! Anu ba kailangan mo?!" Galit na galit na si Kiko. "I told you... We just want to watch." Ram answer and turn to Jay. "...Diba?" He ask while pinching Jay's cheek. Tinignan lang sya ng masama ni Jay. Panay ang tingin nya samin at kay Kiko. Tinitignan din nya kung gano kataas ang pwesto nila. "Okay ka lang?!" Tanung ko kay Jay-jay. Irap lang ang sinagot nya sakin. Muka'ng may tampo nga sya. "Ang tigas talaga ng ulo mo no?!" Galit na tanung ni Keifer sa kanya. "...Sumunod ka pa talaga dito!" "Paki-alam mo! Gusto ko'ng makausap si David at Kiko eh!" Sagot ni Jay na nagpatawa kila Ram. Gusto ko mag-sorry sa kanya. Hindi na sana sya nadamay dito. "Gusto ko tong babae na to! Hahaha... Alam mo----argh!" Hindi na natapos pa ni Ram ang sasabihin nya. Malakas na headbat ang binigay ni Jay-jay sa kanya pagharap nya. Masyado'ng mabilis ang mga nangyari. Kusa nalang nalaglag si Ram mula sa taas ng bakod. Agad nama'ng tumalon pababa si Jay-jay para takasan yung mga may hawak sa kanya. Wait! Shit! Masyado'ng mataas yung bakod. Pwede sya'ng mabalian sa ginawa nya. Pare-pareho kami'ng tumakbo palapit sa babagsakan nya. Bahala na kung panu sya sasaluhin. Pero masyado'ng mabilis ang pagbagsak nya. "JAY!" 

 

 

Chapter 62 David vs. Kiko Jay-jay's POV

 

 "Oh! Ilagay mo sa ulo mo!" Galit na utos ni Keifer. Kinuha ko yung ice bag at nilagay sa ulo ko. Pero kung tutuusin mas masakit yung binti at katawan ko. Nawala kasi sa isip ko na napakataas pala ng pwesto namin. I believe i can fly! Tatlong tao ang sumalo sakin. Si Kiko, Keifer st Yuri. Pero kahit ganun, masakit parin yung impact. "Okay ka lang Jay?" Tanung ni Kiko at inabutan ako ng bottled water. "Oo.. Salamat." "Wag mo ng uulitin yun, Jay. Tinakot mo kami." Sabi ni Yuri. "Sorry... Gusto ko lang makaalis sa puder nung Ram." Nakaalis nga ako, nagkagulo naman. Sumugod kasi agad yung grupo nung Ram na yun. Buti nalang at marami kami----sila pala. Napatingin ako kay David. Titig na titig kasi sya sakin. Naalala ko bigla yung pinag-awayin nila ni Kiko. "... Kiko. Pwede ba kita'ng makausap." Sabi ko. Nag-smile naman sya at nag-nod. Tinignan ko sila Keifer at Yuri na nag sasabi na 'iwan muna kami'. Nakuha naman nila yun at lumakad palayo. Ganun din ang ginawa ni David at iba pa. Nang masiguro ko'ng malayo na sila, dun ko pa lang kinausap si Kiko. "Kiko-----" "Kung anu man yung sinabi sayo ni David. Maniwala ka hindi ko intensyon yun." Singit ni Kiko. Napaisip ako bigla. Bakit defensive? Wala pa, advance masyado. "Kiko kasi... Didiretsahin na kita. Ayoko muna'ng magpaligaw. Hindi sa ayaw ko sayo o ano. Ayoko pa lang talaga muna. Sana maintindihan mo yun." Napayuko si Kiko. Napakabilis ko ba? Sumama ata ang loob nya. Grabe! Hindi ko intensyo'ng manakit ng damdamin. "Naiintindihan ko. Pero hindi kita lalayuan. Andito lang ako lagi para sayo." Sabi nya at nagpilit ng ngiti. "Salamat Kiko. Pasensya kana." "Okay lang... ... Kailangan ko ng umalis Jay. Hinahanap na ko ng mga kasama ko." sabi nya at tumalikod na para lumakad. Hahayaan ko na sana sya'ng umalis, pero may bigla ako'ng naalala. "Kiko! Sandali!" Tawag ko at lumapit sa kanya. "...Pwede bang favor?" "Anu yun?" "Wag na sana kayong mag-away ulit ni David. Please lang." Paki-usap ko. "I can't promise but i'll try." Sagot nya at muling lumakad paalis. Nang mawala sa paningin ko, agad na lumapit sakin yung mga ulupong. Panigurado'ng mangungulit tong mga to. "Anu na? Binasted mo na?" Tanung ni Ci-N. Tumango ako sa kanya. Masama parin ang tingin sakin ni Keifer. Si Yuri poker face lang. "Umuwi kana Jay... Madilim na baka mapano kapa." Sabi ni Yuri. Kinuha ko yung bag ko at pinagpag. Tinignan ko muna sila'ng lahat. Ewan ko, nakakaramdam ako ng inis. "Ihahatid na kita Jay." Presinta ni David. "Wag na. Kaya ko." Sagot ko sa kanya at lumakad na paalis. Kahit hindi ko tignan. Alam kong nakatingin sila sakin. At kahit hindi sya magsalita, alam kong sumusunod sakin si David. Naramdaman ko lang. Baka may special ability na ko hindi ko lang alam. "Jay..." Tawag sakin ni David. Hindi ko sya nilingon, diretso lang ang lakad ko. "...alam kong masama ang loob mo sa ginawa namin." "Oh tapos?" Walang gana kong tanung. "Jay. Sorry na. We just don't want you to get hurt." "Naiintindihan ko yung part na yun. Pero magsabi naman kayo sakin ng totoo. At sabihin nyo rin ang mga nangyayari. Wala ako'ng naiintindihan eh!" Paliwanag ko. "You already know our story, so what should i tell you?" Tanung nya. Gusto ko lang naman na malaman yung nangyari sa pagitan nila ni Kiko. Oo alam ko yung nag-away sila, pero hangang dun lang ang alam ko. Huminto ako at humarap sa kanya. "Yung nangyari sa inyo ni Kiko, oo... Nag-away kayo pero bakit?" "Okay... I'll explain to you everything."

 

 David's POV

 

 *Flashback...* "Keifer!" Tawag ko sa kanya. Wala na sya sa sarili. Baliw na nga ata talaga sya kagaya ng sinasabi nila. "Wag mo kong papakialaman!" Sagot nya sakin. Hinawakan ako Yuri sa braso. "Hayaan muna natin sya." Ayoko sana pero mas kilala ni Yuri si Keifer. Mas marami sya'ng alam sa dapat gawin sa kaibigan. Nag-nod ako kay Yuri. I understand that Keifer is broken hearted. Pero wag naman sana nya'ng kalimutan na nasa school pa rin sya. Nadadag-dagan lang ang label ng Section E dahil sa ginagawa nya. I get back inside the room and look at them. The whole Section E is affected. Bakit kailanga'ng idamay ni Keifer ang lahat? "David..." Tawag sakin ni Yuri. "...Paki-announce na." I nodded. "Guys! The rule that Keifer and Yuri applied to us! Is now official!" I announce. Agad sila'ng nag-react kaya si Yuri na ang nagpaliwanag sa kanila. Ako dapat ang nagbibigay ng batas sa Section E, pero anung magagawa ko? Kahit ako ang president si Keifer pa rin ang lumalabas na makapang-yarihan sakin. I'm not bothered becuase they follow me and i still have the power to control them. After a year... After giving the rule that 'No Section E to Cafeteria', most of them no longer have interest to follow me. Bakit daw hinayaan ko sila Keifer na magbigay ng ganu'ng batas? Pumayag ako hindi dahil kaya ako'ng pasunurin ni Keifer kundi dahil sila ang babawian ng Section A. Hindi sila basta basta papatalo ng ganun lang. Binangga ni Keifer si Aries, akala ko pipigilan sya ni Yuri pero pati pala sya makikisali din sa gulo. "Gano katagal tong batas na to? Nagugutom na ko." Sabi ni Ci-N. Naaawa na din ako sa kanya. Minsan nagdadala na din ako ng pagkain pero hindi sapat yun sakin at sa iba. Nagdadala din si Yuri pero may pagkakataon na hindi sya pumapasok. Ayaw ding magbaon ng iba. Wala naman daw kasi'ng magaasikaso sa kanila. "David!" Sigaw ng kung sino. Lumabas ako agad ng room para tignan yun. Tumatakbo si Denzel palapit sa room. "Bakit?!" "Si Kit at Eren!" Sagot ni Denzel. Hindi ko na hinintay ang sasabihin na. Agad ako'ng tumakbo papunta sa main building pero sa harap ng cafeteria ko sila natagpuan. Nakapaligid ang ibang istudyante. Si Kiko at Mykel ang may hawak sa dalawa. "David!" Tawag sakin ni Kit ng makita nya ko. "Andito na pala yung president nyo!" Sabi ni Mykel. Nakapalipit sa likod ang braso ni Eren. Samantala'ng si Kit naka-head lock kay Kiko. "Ang kapal din ng muka nyo'ng magpakita pa dito sa cafeteria!" Sabi ni Kiko. "...Anu kaya'ng maganda'ng gawin sa inyo?" "Let them go Kiko!" Utos ko. Kiko chuckled. "If i don't?" "Look Kiko... Ayoko ng gulo. Let them go!" Tumawa si Mykel at Kiko. "Coward! Ikaw lang ata ang hindi nakikipag-away sa Section nyo! Panu kaba napunta sa Section E?!" Tanung ni Kiko na may pang-aasar. "Ayoko lang ng gulo!" "Naduduwag ka lang!" Pang-aasar ni Mykel. "Kung hindi mo sila kaya'ng harapin, tawagin mo nalang sila Keifer!" Sigaw ni Kit. Tawagin? I am not going to call them. Ako dapat ang humaharap sa ganito'ng problema. "Ako ang haharap sa kanila!" Sagot ko kay Kit then I turn to Kiko. "...Let them go at ako ang haharap sayo!" Ngumiti si Kiko at binitiwan si Kit ganun din ang ginawa ni Mykel. Agad na lumakad paalis sila Eren. Tinignan ko sila Kiko. Wearing his usual smile. Nagpamulsa muna sya bago magsalita. "Saan mo gusto? Dito sa school?" Tanung nya na may halong pang-aasar. "Saan mo gusto?" Balik kong tanung. May binulong si Mykel sa kanya. Sandali sila'ng nagpalitan ng tingin bago muling humarap sakin. "Sa lumang factory. Mamaya'ng uwian. One on one, yan ang rule." Sabi ni Kiko at umalis. Nakatingin lang sakin ang ibang studyante. Pero wala ako'ng paki-alam sa kanila. Ayoko sana'ng makipag-away pero kailangan ko'ng harapin si Kiko Evans. Bumalik ako sa room. Para sila'ng naghihintay ng balita. Nakatingin sila sakin. "Tatawagan naba namin si Keifer?" Tanung nila sakin. Umiling ako. "Okay na lahat... Ako ng kumausap sa kanila." "Anung usap ang ginawa nyo?" Tanung ni Kit. "Sa amin nalang yun." Sagot at akma'ng babalik sa upuan ko. "Hindi ka naman siguro nagma-kaawa sa kanila no?" Kit ask again. "...Kasi diba dun ka magaling? Ang maki-usap." May halong inis sa boses nya. Tinignan ko lang sya at hindi ako sumagot. Ayoko ng gulo, kahit anu pang sabihin ng iba. Tawagin man nila ko'ng duwag o magaling lang sa paki-usap. "Bakit hindi ka sumagot?! Kasi totoo!" Sigaw ni Kit. "...talaga bang napunta ka dito dahil napaaway ka?! Muka'ng tinapon ka lang kasi wala kang pakinabang!" "Mula ng umalis yung dating presidente, wala kanang ibang ginawa kundi awatin kami o ilayo sa gulo!" Pagpapatuloy nya. "...Ni hindi nga kita nakita'ng nakipag-away! Basagulero kami! Yun ang title ng Section E! Kaya tantanan mo yung pakiki-usap sa iba na----" "TANG*NA!" sigaw ko sabay balibag ng bangko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. May pagkakataon talaga na masasagad ako sa mga pinagsasabi nila. "Ako ang presidente! Ako ang masusunod! Yun ang rule na sinusunod ng Section E!" Paalala ko sa kanila. Nakakatawa! Sa mga kagaya namin, hindi talaga naga-apply ang ganya'ng rules pero napipilitan sila'ng sundin. Alam kong masama ang loob ni Kit. Hindi ko sya masisisi. Masyado ng malaki ang problema, pampabigat pa si Keifer. Taon na ang lumipas pero hindi pa rin nya matanggap na iniwan na sya at pinagpalit sa iba ni Ella. 

 

 

Chapter 63 Cheater David's POV

 

 *Continuation of Flashback...* Natapos ang klase. Naging tahimik ang lahat mula kanina. Paglabas ng room dumiretso ako sa parking kung nasan ang kotse ko. Sa luma at abandunado'ng pabrika ang punta ko. Dun ang usapan namin ni Kiko. Pagdating, sya lang ang nakita ko habang nakasandal sa kotse nya. Malakas ang loob ni Kiko kasi kaibigan nya si Aries. Alam nya'ng makakaganti sya kapag na-agrabyado sya. "Tagal mo naman!" Reklamo nya paglabas ko ng kotse. Bahagya ako'ng lumapit sa kanya. Hindi sya gumagalaw, hangang sa may napansin ako'ng mali. Fvck! Hindi sya nag-iisa. Bigla'ng lumabas si Mykel kasama ng iba pa'ng Section A, meron din silang kasama'ng Section D. Nakapaligid sila samin. "One on one ang usapan! Bakit andito sila?!" Tanung ko kay Kiko. "Nagbago isip ko eh!" Sabi nya at ngumiti. I knew it! Madaya makipag-laban ang mga Section A. Hindi talaga sila papayag magpatalo. "Hawakan nyo!" Utos ni Kiko. Agad na lumapit sakin ang mga kasama nya. Pero bago pa nila ko mahawakan, malakas na suntok ang sinalubong ko. Na-alarma ang iba, meron tinangka ako'ng suntukin pero naka-iwas ako. Naglapitan yung iba sakin pero binigyan lang nila ko ng pagkakataon para suntukin sila. Lima na ang napapabagsak ko at nag-uumpisa na kong mapagod. Hangang sa may humampas ng tubo sa likod ko, dahilan para bumagsak ako at mahawakan nila. "Inabot kayo ng syam syam para lang mahawakan sya?!" Galit na tanung ni Kiko. Lumapit sya sakin at kinuha yung tubo sa kasama nya. "Magaling ka'ng makiusap diba?! Makiusap ka ngayon!" Sabi nya at agad ako'ng sinikmuraan gamit ang tubo. Napayuko ako at halos isuka ko ang laman loob ko sa ginawa nya. Nakakapang-lambot ng tuhod. Pinilit ako'ng itayo ng may mga hawak sakin. Sandali'ng binitiwan ni Kiko at sinuntok ako sa muka. Masakit! Nakakapamanhid ng muka. "Maki-usap kana!" Utos ni Kiko at sinuntok ulit ako. Kahit hindi ko tignan, alam kong dumudugo na ang bibig ko. "Makiki-usap kana ba?" Pang-aasar na tanung ni Kiko. "P-para k-kang b-babae m-manuntok." Pilit kong sabi. Muka'ng napikon si Kiko at agad ako'ng sinipa sa sikmura. Bumagsak ako at aaminin ko, hindi na ko makatayo. Muli ako'ng hinawakan ng mga kasama nya at pilit iniharap kay Kiko na hawak na naman ang tubo. "Tignan ko lang kung makapag-salita kapa dito!" Sabi nya at agad na hinampas sa muka ko ang tubo. Silents...... Pakiramdam ko nabingi na ko. Unti-unti'ng bumagal ang lahat. Hindi na ko makagalaw at unti-unti na kong bumabagsak. Humihigpit ang paghinga ko. Bumagsak na ko sa lupa pero wala ako'ng naramdamang sakit o kahit anu. Unti-unti na ring dumidilim ang paningin ko. Tanging mga ngiti nalang ni Kiko ang nakita ko bago tuluya'ng magdilim ang lahat. Puti, maliwanag at tahimik. Patay na siguro ako! Yan ang una'ng pumasok sa isip ko. Pero may narinig ako'ng langitngit ng pinto'ng binuksan. Buhay pa ko, at pwede'ng nasa ospital lang ako. Niligid ko ang mata ko, nakita ko si Keifer na nakaupo malapit sa bintana. Tatawagin ko sana sya pero hindi ako makapag-salita. Dun ko lang narealize na may kung anung nakabalot sa leeg ko paakyat ng panga. Eto na siguro yung resulta ng ginawa sakin ni Kiko. Napalingon si Keifer at nakita'ng nakatingin ako sa kanya. Lumapit sya sakin at may kung anu'ng pinindo't sa ulunan ko. Maya-maya lang dumating na ang doctor at tinignan ako. Dumating din si Dad at Mom. Kung anu-anu'ng tinatanung nila sakin. Hindi ko alam kung bulag ba sila o anu. Alam naman nila'ng may kung anu sa panga ko at hindi ako makakapag-salita pero tanung pa rin sila tanung. May ilang oras din siguro si Mom na nakaupo sa tabi ko bago nya naisapa'ng lumabas at bumili ng kung anu. Si Dad nakikipag-usap sa Doctor. Naiwan si Keifer na nakatingin lang sa akin sa buong oras na nakabantay si Mom. Lumapit sya sakin at umupo sa tabi ko. Kumuha sya ng mansanas na muka'ng dala nila at kinagatan yun. "Feeling mo bayani ka?" Tanung nya sakin at tumawa. "...yan ang napapala ng nagmamatapang." Hindi ako bayani. Hinarap ko lang ang dapat harapin. "Ako na ngayon ang presidente nila. Sakin na sila susunod. Ganun din ang gagawin mo pagbalik mo sa school, yun ay kung makakabalik ka pa." Pang-aasar nya. Gusto ko'ng kumilos at magsalita. Pero syempre hindi ko magawa. Nasasaktan ako kapag kumikilos ako. "Wag mo pilitin kung hindi mo kaya." Dagdag nya at lumabas ng kwarto. Gago ka Keifer! Inilayo ko sa gulo ang Section E pero ikaw ang nagpapahamak sa kanila! Makalabas lang ako dito babawiin ko ang Section E.

 

 Jay-jay's POV

 

 Madaya pala sila makipag-laban. Kaya siguro sumama na rin sila Keifer kay David ngayon. "Eto rin ba yung dahilan kaya ayaw nyo'ng magpaligaw ako kay Kiko?" Tanung ko kay David. "Parang ganun na nga. Wala kami'ng tiwala sa kanya." Sagot nya sakin. Tsk! Eto pala yung rason kaya matay nila ko'ng tanungin kung may balak ako'ng magpaligaw. "S-salamat." Sabi ko at umiwas ng tingin. "Para saan?" Tanung nya. "Kasi concern kayo sakin." Ngumiti sya at bahagya'ng namula. "Ganun talaga... Your special to us." Special?! Special! SPECIAL!! Ahahahahahahaha! Para'ng may kumiliti sa puso ko! Agad ako'ng napangiti dahil sa sinabi nya. Nawala yung inis ko at para bang nakaka-boost ng self esteem yung sinabi nya. "Aaminin ko sayo... Binalak nami'ng pagtulungan si Kiko. Incase na ituloy nya yung balak nya'ng panliligaw sayo." Paliwanag nya. Ay grabe! Daig pa nila si Kuya Angelo sa pagiging protective. Para sila'ng mga tatay at kapatid ko. "Buti nalang binasted ko na." Biro ko at bahagya'ng tumawa si David. Nasa tapat na kami bahay. Huminto kami at hinarap ang isa't isa. "Dito nalang... Salamat sa paghatid!" Sabi ko at ngumiti. "Mag-ingat ka nga pala Jay. Delikado yung ginawa mo kay Ram. Pwede ka nila'ng balikan." Paalala nya sakin. Yun pa nga pala. Nagkaroon ako ng dagdag na kaaway. Bahala na! "Kaya ko sarili ko. Promise!" Paninigurado ko sa kanya. Ngumiti sya sakin bilang sagot. Pumasok na ko sa loob at tuluyan ng nagpaalam sa kanya. Si Kuya ang sumalubong sakin sa loob ng bahay. Sinenyasan nya ko'ng umupo sa sofa at tinawag si Aries. "Bakit?" Bungad ni Aries. "Maupo ka." Utos ni Kuya sa kanya. Hindi kumilos ang Aries at pinagtaasan lang ng kilay si Kuya. "Ma-u-po-ka!" Maotoridad na utos ulit ni Kuya. Naupo ang Aries na halata'ng labag sa loob nya. "May nangyari ba Kuya?" Tanung ko. "Wala pero... Umalis sila Mom and Dad. Nagpunta sila'ng Guam----" "What?!" Sigaw ni Aries at napatayo sa kina-uupuan. "...Hindi man lang nagsabi sakin?! At hindi pa nagsama ah! Anu yan wala'ng kasama sa bahay?! Wala sila'ng anak?!" Napa-tanga ako sa pagkabigla kay Aries. Para din sya'ng si Kuya Angelo mag-react. Medyo OA. "...Tapos hindi man lang sinabi kung kelan sila babalik?! Anu yan?! Kamusta naman sila?! Feeling bagong kasal?!" Dagdag pa nya. "ARIES!!" Sigaw ni Kuya na nagpa-singhap sakin at nagpatigil naman kay Aries. "...Patapusin mo muna ko!" Naupo ulit ang Aries at nanahimik. Hahaha... Buti nga! "Nasa Guam sila Dad and Mom dahil nagkaroon ng problema sa isang business partner natin. Sila ang nagpunta dahil marami ako'ng inaasikaso dito." Paliwanag nya. "Ibig sabihin, dalawa lang kami ni Aries dito?" Tanung ko. "Tayong tatlo kasama ng mga maid pero dahil mas matagal ako sa Fer Corp kaya lalabas talaga na kayong dalawa lang at mga maid." Paglilinaw ni Kuya. "...Babalik din naman agad sila Mom. So... ... Pwede na kayo'ng pumunta sa mga kwarto nyo." Mabilis na naglakad si Aries pabalik sa kwarto nya. Pumunta na rin ako sa kwarto ko. Gusto ko na rin kasi magpahinga. Masakit pa rin kasi ang katawan ko. I believe i can fly kasi ang peg! Habang nagbibihis bigla nalang tumunog ang phone ko. Hindi ako sigurado kung nasan yun kaya hinalungkat ko yung bag ko at halos isabog ko na yung laman. Tumunog ulit yun at feeling ko wala sa bag ko kaya tinignan ko sa kama. Bigla nalang pumasok si Aries sa kwarto ko habang naghahanap ako. "Makinig ka! Dahil tayo'ng dalawa ang laging maiiwan dito sa bahay, gusto ko'ng malaman mo na may mga rules ako!" Sabi nya. Hindi ko sya pinansin at tuloy-tuloy pa rin ako sa paghahanap. Saan na napunta yung phone ko?! Nag-rebelde ata nilayasan na ko. "Hindi ka pwede'ng umalis ng hindi nag-papaalam! Hindi ka din pwede'ng-----" Bigla sya'ng tumigil sa pagsasalita kaya napatingin ako sa kanya. Nanlaki ang mata ko sa naging dahilan ng pagtigil nya. May halong galit at gulat ang itsura nya, habang hawak ang isang puting bagay. Yung Pregnancy Test! "Jasper Jean Mariano." Mahinahon pero ma-otoridad nya'ng banggit sa buo'ng pangalan ko. "Maniwala ka... H-hindi sakin yan." Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko mabasa ang gagawin nya. Pwede'ng balatan nya ko ng buhay or ibitin ng patiwarik. "Sino'ng ama?!" May halong galit na ang boses nya. "W-w-wala... H-hindi akin yan. H-h-hindi ako buntis." Nangingilid na ang luha ko. Hindi ko alam kung dahil sa takot o anu. Pero muka'ng hindi naniniwala sa mga sinasabi ko. Masama na ang tingin nya sakin. "Si Yuri Hanamitchi o Si Mark Keifer Watson?!" 

 

 

Chapter 64

 Father Jay-jay's POV

 

 "Answer me Jay!" Sigaw ni Kuya Angelo. "Hindi nga akin yan!" Sagot ko habang umiiyak. Panu ba naman ako hindi maiiyak. Nung hindi makakuha ng sagot si Aries sakin agad sya'ng tumakbo papunta kay Kuya dala yung pregnancy test na my dalawa'ng guhit na pula. Punyeta'ng guhit! "Yan din ang sinasagot ng mga buntis na ayaw umamin." Sabi ni Aries habang naka-cross arm. "Hindi naman kasi talaga!" "Sino'ng tatay nyan?!" Galit na tanung ni Kuya Angelo. Jusme! Bingi ata tong si Kuya. Sinabi ng hindi nga sakin. "Wala!" Sagot ko na halos nag-mamakaawa na. "Jasper Jean Mariano!" Tawag ni Kuya sa buo kong pangalan. Nanginig ang laman ko sa takot. Ayan na! Baka magbalibag na ng gamit. "Wala naman kasi talaga! Ayaw nyo lang makinig!" "Sige, kung hindi sayo tong PT na to. Kanino?" Tanung ni Aries. Kanino nga ba? Hindi ko naman kilala yung girlfriend ni Denzel at hindi rin ako sure kung yan nga yung hawak nya nung nakita ko sya sa my hagdan. "S-sa classmate ko." "Wala ka'ng classmate na babae Jay." Sabi ni Aries na lalong nagpa-usok ng ilong ni Kuya. "Sabihin mo na kung sino'ng ama! Wag mong hintaying mapuno ako!" Galit na sabi nya. Lalu ako'ng naiyak. Gusto pa yata nila lumuhod ako para lang maniwala sila na hindi talaga ako buntis. "Si Yuri o si Keifer?" Tanung na naman ni Aries. "Bakit pati si Keifer?" Kuya Angelo turn to Aries and ask. "They kissed. Malay natin kung higit pa dun ang nagawa nila." Aries answer. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Nawala na ang pagitan ng kilay ni Kuya Angelo sa pagsalubong nito. "Hindi sila! Hellow? Hindi ko sila boyfriend!" Bigla'ng natahimik sila Kuya sa sinabi ko na para bang meron sila'ng na realize. "Si Cyrus ba?" Seryosong tanung ni Aries. Ayoko sana'ng marinig ang pangalan nya. Pero nabanggit na ni Aries. I shoked my head. "H-hindi! Nasa ospital yung tao!" "Malay naman namin kung matagal nyo ng ginawa at ngayon mo lang napansin." Paliwanag ni Kuya. Sumakit ang ulo ko sa sinabi nya. Naiintindihan ko yung part na 'medyo wala sila'ng tiwala', pero sobra-sobra naman na ata yun. "Gusto nyo malaman ang totoo? Tara sa doctor." Aya ko sa kanila. Pero hindi gumalaw si Kuya. Tignan lang nya ko at kinuha ang cellphone nya. Meron sya'ng tinext at matapos yun dun pa lng nya ko ulit kinausap. "Pupunta talaga tayo pero kailangang malaman muna kung sino ama." Sabi nya at naglakad palabas ng kwarto ko. Sumunod ako sa kanya para kausapin pa sya. "Kuya! Wala nga talaga! Wala ba kayong tiwala sakin?!" Tumigil sya sa paglalakad at tinignan ako. "Gusto mong sagutin ko yan?" Napatigil ako at umiling. Ayoko'ng nalaman ang sagot. Bumalik sa paglalakad si Kuya at sumunod ulit ako. Nakarating kami sa sala. "Maupo ka." Utos nya. Ginawa ko naman. Nakatayo sya sa harap ko at ganun din si Aries na nakasunod pala samin. May ilang minuto din kami'ng tahimik ng may marinig ako'ng busina ng sasakyan sa labas. Si Aries ang kumilos para tignan kung sino yun. Pagbalik nya, para sya'ng makakapatay sa itsura nya. "Pinapunta mo sila dito?!" Galit na tanung nya kay Kuya Angelo. "Kailangan ko'ng malaman kung sino'ng ama." Sagot sa kanya ni Kuya. Bigla nalang may pumasok na dalawa'ng lalaki. Sino pa nga ba? Yung Hari ng mga ulupong at si Yuri. "Kailangan mo?" Bored na tanung ni Keifer. Hindi na nagpaligoy-ligoy si Kuya. Nilabas nya yung PT at hinarap dun sa dalawa. "Sino sa inyo ang ama?" Seryoso'ng tanung ni Kuya. Yuri arched a brow and look at me. Keifer had his usual poker face. "Kuya! Wala nga!" "Shut up Jay!" Sigaw sakin ni Aries. Nagpabalik-balik yung tingin ni Keifer sa PT at sakin. "Ang turo ko naman. Nakabuo agad tayo?" Tanung ni Keifer na nagpalaki ng mata ko sa pagkabigla. Nag-kuyom ang kamao ni Aries. Lumipat ang tingin sakin ni Kuya. Disappoinment at galit ang nakikita ko sa kanya. "Keifer... Sinasabi mo bang----" Keifer cut Yuri. "Yeah... That's the best day of my life." He said and smirked. Ay putang'na! Hayop na Keifer! "KEIFER!" Galit na sigaw ko sa pangalan nya. "What?! Don't tell me, ikinahihiya mo na ko ngayon?" Tanung nya. "...Samantala'ng sarap na sarap ka nung-----" "Shut your mouth!" Sigaw ni Aries. "Gago ka! Alam mo yun?!" He give me his playful smile. Kahit si Yuri para'ng ayaw maniwala sa sinasabi nya. Merong tinawagan si Kuya sa phone nya. Hindi ko sigurado kung sino yun dahil nakay Keifer ang atensyon ko. Nagawa pa nya ko'ng kindatan. "Jay... Get in the car. Pupunta tayo'ng doctor." Utos ni Kuya. "Kuya..." Tawag ko sa kanya pero hindi nya ko pinansin. "You two, follow us." Utos ni Kuya dun sa dalawa at lumakad na palabas. Naglakad na rin ako palabas. Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Gusto ko'ng suntukin sa muka si Keifer. Awa naman ang nakikita ko kay Yuri. Hindi ko alam kung naniniwala din sya kay Keifer. Pagsakay sa kotse ramdam ko yung galit ni Kuya at Aries. Hindi na ko nagsalita. Hahayaan ko nalang na malaman nila ang totoo. Umandar ang sasakyan at nakasunod nga yung dalawa samin. Tahimik lang kami sa buong byahe. Nakarating kami sa isang clinic. Sarado na yun pero may tao sa labas na para'ng nag-aabang samin. Pamilyar sakin yung tao. Para'ng.... "Misis Peralta." Tawag ni Kuya. Nanay ni Ci-N! Akala ko sa ospital lang sya. Meron din pala sya'ng sariling clinic. "Mister Fernandez. Sya naba yun?" Tanung nung Nanay ni Ci. Nag-nod lang si Kuya at binuksan nung Mother ni Ci yung pinto ng clinic. Pumasok sya at ganun ang ginawa namin. "Maupo muna kayo. I'll just ready everything." Sabi nya at sandaling pumasok sa isang kwarto. "Pagtungtong mo ng 18 magpapakasal na kayo." Sabi ni Kuya. Pare-pareho kami'ng nabigla except sa hudas na animal na Keifer ang pangalan. "Sure." Sagot ni Keifer then he turn to me. "...I'm excited to see our baby." He said and smile. "Tang'na mo!" Sagot ko sa kanya at tumawa sya. Wala ng nagsalita samin pagkatapos nun. Bumukas yung pinto ng isang kwarto at lumabas yung doctor. Kinawayan nya ko na lumapit sa kanya. Na sya nama'ng ginawa ko.

 

 Yuri's POV

 

 Minsan talaga masarap manapak ng kaibigan. Hindi ko alam kung anu'ng pumasok sa isip ni Keifer at pinagtripan sila Jay-jay at Angelo. Alam kong nagsisinungaling sya. Tanga naman tong Aries at Angelo, kasi naniwala sila. Wala ba sila'ng tiwala kay Jay-jay? At saan naman galing yung PT? "Kakausapin ko ang nagulang mo bukas." Sabi ni Angelo kay Keifer. "Sige lang." Bored na sagot ni Keifer. "Sinasadya mo ba to?!" Galit na tanung ni Aries. "Hindi... Kusa lang kami'ng nadala ng pagkakataon." Sagot ni Keifer at ngumiti. Nasa mood talaga syang mang-inis. "..Masarap kasi ako'ng humalik." Dagdag pa nya at kumindat. Nagkuyom ang kamao ni Aries. Samantalang halata'ng malalim ang iniisip ni Angelo. Gago'ng Keifer! "Kelan pa? Kelan pa naging kayo ni Jay?" Tanung ulit ni Aries. Keifer chuckled. "Kailangan ba maging kami muna bago gawin yun?" Lalung nag-init ang ulo ni Aries. Susugod na sana sya ng bigla'ng bumukas ang pinto ng kwarto kung nasan si Misis Peralta at Jay-jay. Yung Moy lang ni Ci-N ang lumabas at humarap samin. "Mister Fernandez..." Panimula nya at ngumiti. "...Hindi po buntis si Jasper, sa katanuyan dinatnan na po sya ng buwanang dalaw." Halata'ng nagulat sila Angelo at Aries. Hindi malaman kung panu ang magiging reaksyon nila. "...at isa pa, wala sya'ng sign ng sexual encounter. Ibig sabihin, hindi pa nagagalaw si Jasper ng kahit sino'ng lalaki." Bumalik sa loob ng kwarto si Misis Peralta at sakto'ng pagsara ng pinto ang pagtawa ni Keifer. Halos malaglag sya sa kinauupuan. "Hahahahahaha... Sana pala vi-nideo ko mga reaksyon nyo! Hahahahahahahaha Priceless!" Sabi nya at may pahampas hampas pa sa tuhod nya. Natampal ko nalang ang sarili kong noo. Ang lakas kasi talaga ng tama nya sa utak. "You think this is funny?!" Galit na tanung ni Angelo. "Well... Yeah! Hahahahahahahaha..." sagot ni Keifer at muling tumawa ng malakas. "Unbelievable!" Sabi ni Angelo at napahawak nalang sa sintido. Agad na lumapit si Aries kay Keifer at hinawakan to sa kwelyo. Nakatawa pa rin ang Keifer habang nakatingin kay Aries. Nasiraan na ata sya ng bait. Bigla'ng bumukas ulit yung pinto at lumabas si Jay-jay at Misis Peralta. Bumitaw si Aries sa pagkakahawak kay Keifer. "G-gusto ko ng umuwi." Sabi ni Jay at lumabas ng clinic. Sumunod ako sa kanya agad. Bahala na sila Angelo kausapin si Keifer. "Jay!" Tawag ko sa kanya. Humarap sya sakin pero halata'ng masama ang loob nya. "Sorry sa nangyari." "So alam mo?" Tanung nya. "Actually, alam ko lang na nagsisinungaling si Keifer pero wala sya'ng sinabi sakin." Paliwanag ko. "Alam mo pa rin!" Bigla nalang sya'ng umiyak. "...nakita mo ba yung itsura ni Kuya kanina? Ganun din yung magiging itsura ng iba kapag nakarating sa kanila yan!" Lumapit ako sa kanya pero bigla sya'ng lumayo. "Sorry... Ako ng nagso-sorry sa ginawa ni Keifer." "Hindi ko kailangan ng sorry mo!" Sabi nya. Bumukas yung pinto ng clinic at sunod-sunod na lumabas sila Angelo at Keifer. Wala'ng nagsasalita samin. Tanging si Keifer lang ang maligaya. Hangang sa bigla nalang tumakbo si Jay-jay palapit kay sa kanya at.... Black eye!

 

 

Chapter 65 Jay-jay's POV

 

 "Hahahaha.. Ginawa talaga ni Keifer yun?" Tanung ni Ci-N habang wala'ng tigil sa pagtawa. Nakarating na kasi sa kanila yung ginawa'ng kagaguhan ng wala'ng hiya. Nakita din nila yung black eye nya. Proud ako dyan! Ako nagbigay nun eh! Deserve nya yu'ng hayop sya! "Saan mo naman nakuha yung PT?" Tanung ni David. Napatingin ako kay Denzel na nakatanga sa kawalan. Pero hindi ko pa pwede'ng sabihin sa kanila yun. "Napulot ko lang dyan sa labas. Na-curious ako kaya kinuha ko." "Wag kana kasi'ng kukuha ng basura." Sabi ni Calix na nakikinig din pala samin. "Baka naman sayo yun. Tinapon mo lang." Binta'ng ni Ci-N. "May matres ba ko para gumamit nun?!" Irita'ng tanung ni Calix. "Wala... Pero si Mica meron." sagot ni Ci-N dahilan para makakuha sya ng palatok. "..Aray." "May usapan kami ng Tatay ni Mica. Hindi ko gagawin yun." Paliwanag nya. "Pinakilala ka na nya sa parents nya?" Tanung ni David. Bahagya'ng namula si Calix at nag-nod. "..Ng ganyan ang itsura mo?" Tanung ko. Muka pa rin kasi sya'ng gusgusin. Okay naman na sila ni Mica pero ganun pa rin ang itsura nya. "May masama ba sa itsura ko?" Balik nya'ng tanung. Sabay-sabay kami'ng tumango nila David at Ci-N. "Sabi ni Mica okay na daw to." Sabi nya at kinuha ang cellphone para manalamin. "Sabi lang nya yun... Pero natatakot yun na kapag nag-ahit at naghilod ka marami'ng maghahabol sayo." Pang-aasar ni Ci-N. Tinignan sya ng masama ni Calix. Pero kung tutuusin posible nga yon. Nung nasa resto pa kami ni Eman, laging tinitignan ni Mica si Calix kapag may kausap na babae'ng customer. Hindi naman namin sya masisisi. Buti na nga lang at hindi pa namin nababalitaan na nag-aaway sila. "Guys! Assembly at 9am!" Announce ni Yuri. Tinignan ko yung cellphone ko para sa oras. 8:45am na, maiiwan na naman ba ko dito? Kagaya dati nung puntiryahin ako ng Section D. Maya-maya tumayo na sila at lumakad papunta sa labas pero ako naka-upo pa rin. "Tara na Jay! Umaano ka pa dyan?!" Tawag sakin ni Ci-N. Huminto sila at tinignan ako. Hindi ko alam pero para'ng meron ako'ng hinihintay sa kanila. May humawak sa ulo ko. Tinignan ko kung sino yun. Si Yuri. "Tara na... Kabilang ka samin kaya dapat kasama ka." Sabi nya at ngumiti. Napakagat ako sa ibaba'ng labi ko. Ang sarap kasi pakinggan ng salita'ng 'kabilang'. Nawala na ng tuluyan yung inis ko kay Yuri. Tumayo na ko at lumapit kay Ci-N at David. "Saya mo ngayon ah!" Bati ni Kit. Alam ko nama'ng alam nila yung dahilan. Sa gymnasium ang diretso namin kung saan andun na yung ibang section. Pagpasok, medyo pinagtinginan muna kami. Pero wala ako'ng paki sa tinginan nila. Wala'ng tatalo sa mood ko ngayon. First row ay Section A, tapos B and so on. Kami ang nasa hulihan, syempre last Section kami. At dahil ako ang nag-iisa'ng babae ako ang nasa unahan ng pila katabi si Yuri. Nakahiwalay si Keifer, nasa unahan namin sya pero may distansya. Ganto talaga? Umakyat sa stage yung Guidance Councilor namin at si Sir Alvin. Kasunod si Ms. Laila Smith at iba pa na muka'ng hindi teacher. "Good Morning!" Panimula ni Sir Alvin. "...Simulan na natin ang Assembly for Fourth Year. Start with Section A." Tumingin ako sa Section A na medyo malayo samin. Si Freya ang nasa unahan ng pila na nakahiwalay kagaya ni Keifer. "Section A, representative Freya Hidalgo myself. Students report---- Zero suspension no violation. Home room report----New air condition needed. Suggestion----New room for Section A." Sabi ni Freya na wala'ng tingin tingin sa paligid nya. Ganun pala yung reporting na sinasabi nila dati. Ang taray naman nila, kailangan ng bago'ng AC. Gusto pang magpalipat ng room. Kahiya naman! Sumunod ang Section B na inerereklamo yung CR malapit sa room nila. May dalawa'ng violator sila. Sila Rakki naman ang sumunod. Para'ng matamlay ang itsura nya. "Section C, representative Rakki San Diego, myself. Students report----1 suspension no violation. Home room report----New Ceiling Fan needed. Suggestion----None." Sabi ni Rakki na wala ring tingin tingin sa paligid nya. Sumunod ang D na isang lalaki ang representative. May 5 suspension sila at 7 violator. Nagre-request sila ng bagong room at ganun din suggestion nila. Tumingin ako kay Yuri na nakatingin sa harap. "Yuri..." Panimula ko. "...Anu pinag-kaiba ng Home room Report sa suggestion?" "Priority yung Home room report. Yun suggestion, suggest lang ng representative yun, kahit hindi na pansinin." Nag-nod naman ako. Yun pala yun! Si Keifer na ang magsasalita. "Section E, representative Mark Keifer Watson, myself. Student report----2 suspension 4 violation. Home room report----None. Suggestion---- None." Bored na paliwanag ni Keifer. Meron kami'ng suspension at violation? Sino-sino naman yun? At bakit hindi sinabi ni Keifer yung mga kalat sa harap ng room namin? Kinalabit ko sya, dahilan para humarap sya sakin at makita ko yung black eye nya. "What?!" Inis nya'ng tanung. "B-bakit hindi mo sinabi yung mga basura sa harap ng room natin?" "Gusto mo malaman ang sagot dyan? Ikaw ang mag-report." Sabi nya at bigla nalang nagtaas ng kamay para makuha ang atensyon ng mga nasa stage. "Yes? Mister Watson." Tanung ni Sir Alvin. Siniko nya ko para sabihing magsalita na ko. "S-sir... ... Home room report po. Yung mga basura sa harap ng room namin----" Hindi pa ko tapos pero agad ako'ng pinutol nung Guidance Councilor namin sa pagsasalita. "Ms. Mariano hindi na inaalis ang mga basura don dahil bagay na bagay ang Section nyo sa lugar na yun." Sabi nya dahilan para magtawanan ang ibang mga students. Okay... Alam ko na! Bumalik ako sa pwesto ko na nakayuko. Kainis! Napahiya ako dun. Busit tong Keifer na to. Dagdagan ko kaya black eye nya. "Next topic... Festival!" Announce ni Sir na napaghiyaw sa ibang studyante. Ayan na! Festival na! Tinatawag ng si Sir Alvin ang bawat Section. "Section A!" "Program organizer!" Sagot ni Freya. Tinawag din ni Sir ang ibang section at sumagot sila. B ang sa sports, C ang sa booths and D naman ang sa security. Kagaya ng sinabi ni Sir dati. "Section E!" Hinintay namin ang sasabihin ni Keifer. Alam kasi namin na ayaw nya'ng kumuha pa kami ng task. Ilang beses kami'ng nag-meeting tungkol don pero nauuwi lang kami sa away. Lumingon samin si Keifer. Pare-pareho kami'ng nakiki-usap sa kanya. Huminga sya ng malalim. "Night security and garbage collector!" Napa-'yes' naman kami at nagsitawa naman ang ibang section. Wala kami'ng paki sa inyo basta pupunta kami ng festival! Wooohhhh! Festival! "Baka pwede na tayo'ng bumalik. Tapos naman na tayo!" Sabi ni Keifer samin. "Hindi ba natin hihintayin matapos?" Tanung ni Yuri sa kanya. "Tss." Sagot ni Keifer. Obvious na ayaw na nya'ng magstay dito. Pero hindi pa tapos, ang bastos naman ata kung aalis na kami. "Meron nga pala tayo'ng pagbabago sa mga program!" Bigla'ng sabi ni Ma'am Laila. Tinignan namin sya at hinintay ang mga sasabihin pa. "...Ang King and Queen of HVIS ay tatanggalin na." Agad na nag-react yung mga studyante. Nangunguna si Freya syempre. "Anu?" "Ang pangit naman ata nun!" "Anu'ng ipapalit nila?" "SILENT!" Sigaw ni Ma'am na nag-echo sa buong gymnasium. "...papalitan na to ngayon ng Mister Ganda at Ms. Pogi, kung saan ang babae ay mag-bibihis ng panglalaki at ang lalaki ay magbibihis babae." Kanya-kanya ng bulungan. Hininaan na nila at baka masigawan sila ni Miss Laila. "Every Section should have a representative na ihaharap naman sa Finals. Year level ang magkakalaban sa Finals." dagdag nya. Every section? Teka lang! Ako lang babae dito samin. Ibig sabihin... "Hindi tayo kasali dyan." bulong ni Yuri. Muka'ng napansin nya na natakot ako bigla. Nakahinga ako dun, pero bakit naman hindi kami kasali? "Bakit?" Tanung ko kay Yuri. "Board member don't consider us anymore. Saya'ng lang effort hindi naman mananalo." Paliwanag nya. Buti naman, wala ako'ng hilig sa mga pageant pageant na yan. Baka mapahiya lang ang Section namin kung ako yung lalaban. "I have a suggestion!" Sigaw ni Freya habang nakataas ang kamay. "Yes? Miss Hidalgo." sagot ni Ma'am Laila sa kanya. Bakit para'ng kinutuban ako ng masama sa ginawa ni Freya? Feeling ko hindi maganda yung sasabihin nya. "Every Section should have a representative, right? Then Section E should have a representative." Sabi nya at tumingin sa pila namin. Sabi na! Wala talaga'ng maganda'ng sasabihin tong si Freya. "Freya, you know that Section E----" "Yeah! I know that! But i think it's time for Section E to prove themselves!" Sabi nya habang nagpapa-cute. Sandali'ng nagbulungan ang mga tao sa stages at timingin samin. Wag po kayo'ng pumayag! "If Section E will join the compitition, which will it be?" Tanung ni Sir Alvin. "All of it!" Proud the sagot ni Freya. "Anu?" "Baliw na si Freya!" "Anu na nama'ng gagawin natin don?" Reklamo ng mga ulupong. Pero baliw na nga talaga si Freya. Gusto ata nya kami'ng mapahiya sa marami'ng tao

 

 

Chapter 66 Aries's POV

 

 "Anu'ng balak mo sa Section E?" Tanung ni Ella kay Freya. Nababaliw na kasi sya. Matagal ng tinanggal sa competition ang Section E. Saya'ng lang daw kasi ang budget ng school. "Ang sarap kaya nila'ng paglaruan..." Sabi nya habang tinitignan ang sarili sa salamin. Dumating si Kiko at naupo malapit samin. Hindi maganda ang itsura nya. Ilang beses na sya'ng pumapasok ng naka-inom at mukang ganun na naman sya ngayon. I'm not sure if this is because of Jay-jay. Lumapit si Freya kay Kiko at para'ng may binabalak na hindi maganda. Kumando'ng si Freya sa kanya. Hindi na kami nagulat. Matagal na nya'ng tinatapon ang sarili kay Kiko. Sa iba lang talaga nakatuon ang tingin nya. May binilong si Freya at para'ng nag-usap sila. Wala kami'ng mabakas na kahit anu'ng reaksyon kay Kiko. "Anu sa tingin mo balak ni Freya?" Bulong sakin ni Ella. "I don't know, but i swear i don't feel good about it." Nakatingin pa rin kami sa kanila. Ganyan naman si Freya, wala sya'n paki alam sa sasabihin ng iba basta magawa nya ang gusto nya. And i have this feeling na si Jay-jay ang puntirya nya sa balak ng pagsali sa mga Section E.

 

 Jay-jay's POV

 

 "Magkanu pusta mo? Nababaliw na talaga si Freya." Sabi ni Ci-N kay Eren. Kasi naman, may tama naman sya don. Nanahimik kami tapos bigla'ng sasabihin na kasali kami. Buti sana kung sa isang competition lang. Meron ng Mister Ganda at Ms. Pogi, tapos meron pang battle of the band, meron di'ng singing contest at dance troops. Anu? Kamusta naman yun! Sino-sino naman samin ang sasali don? "Anu'ng balak Keifer?" Tanung nila sa Hari ng mga ulupong. "Tss." Sagot nya. Wow! Laki'ng tulong! Sarap putulin ng dila nito. Kinakausap ng maayos tapos ganun lang isasagot. "Jay! Tara na!" Tawag sakin ni Eman. Launch break na kasi at kasalukuya'ng nagluluto si Eman. Syempre dahil active ang mga ulupong sa kainan, gumawa na sila ng pila sa harap ng table na nilalagyan namin ng pagkain nila. Ayos diba? "Wag ka nga manulak!" "Ci-N! Ako nauna sayo!" "Ako kaya! Dun ka nga! Jay-jay oh!" "Mga patay gutom kayo... Pare-pareho naman tayong makaka-kain." "Anu ba yan?" Ang gulo nila! Sumasakit ang ulo ko. Masakit na nga kanina dahil kay Freya tapos gagatungan pa nila. "Ang kakapal nyo'ng magsi-pila, nagbigay ba kayo nung singilan?!" Tanung ko sa kanila. Matapos kasi ang una'ng lutuan namin, naningil na si Eman. Baka akalain nitong mga to na libre lahat ng serbisyo namin. Nagkamot ng ulo yung iba. Mero'ng umiwas at patay malisya, sympre hindi mawawala yung mga proud na nagbigay at yung makakapal ang muka na pinag-mamalaki na hindi sila bayad. Kapal muks! "Maniningil kami mamaya! Doble babayaran nyo!" Utos ko sa kanila. Hindi naman sila pwede'ng tumanggi at nakikilamon lang naman sila. Si Eman ang nagsasandok ng kanin mula sa malaki'ng rice cooker na dala nya. Para daw patas dahil magkakaroon ng lamangan yan. Pati ulam ma Sinigang na Baboy sya rin ang nag-sasandok. Ako naman ang nag-aabot sa mga ulupong na masarap lasunin. Pero mabait ako kaya hindi ko gagawin yun. Tinitignan ko sila isa-isa habang kumakain mula sa pwesto ko. Si Keifer at Denzel nalang ang walang pagkain. Hiniram ko yung tray na dinala ni Eman dito. Ilalagay ko kasi yung pagkain ng Hari ng mga ulupong. Special dapat! Pambayad utang eh. Mero'ng juice, slice ng cake na binili ko bago pumasok at pang-five star hotel na serving ng pagkain. "Eto na po... Your majesty!" Sabi ko bago ibaba yung tray ng pagkain. Tinignan ako ng masama ni Keifer bago kuhanin yung binigay ko. Kinuha ko naman yung para kay Denzel. Muka'ng wala sya'ng balak kumain. Ilang araw na sya'ng tulala at parang ang lalim ng iniisip. Ayoko'ng gumawa ng kwento pero may pakiramdam kasi talaga ako na yung pregnancy test yung hawak nya. Malamang yun din ang iniisip. Naku! Hindi pa nga pala kami nag-uusap ni Kuya buhat nung gabi'ng pinagkamalan nila kong buntis. Tampo-tapuhan ang drama ko, masama din kasi ang loob ko na hindi nya ko pinakinggan. Binaba ko yung pagkain sa harap ni Denzel pero sa kawalan pa rin ang titig nya. "Denzel..." Agaw ko sa atensyon nya. "...kumain kana." "S-salamat Jay, pero wala ako'ng gana." Sabi nya at bahagya'ng nilayo ang pagkain sa kanya. Pagkakataon ko na sya'ng tanungin. "May problema kaba?" Tanung ko. Umiling si Denzel, pero hindi pa ko tapos at hindi ako titigil. "Okay lang magsabi sakin, alam mo yan." "W-wala talaga... Ayoko lang kumain." "Denzel... Halata'ng may problema ka. Magsabi kana. Tungkol ba sa babae? Broken hearted kaba? Binasted kaba? Naka-buntis kaba?" Bahagya'ng yumuko si Denzel at umiwas ng tingin. Huli! "Anu? Bakit hindi ka sumasagot?" Patay malisya ko'ng tanung. Huminga ng malalim si Denzel. Sinenyasan nya ko'ng lumapit sa kanya. Ginawa ko naman at hinintay ang sasabihin nya. "Jay..." Panimula nya. "...Aaminin ko sayo. Bu...." Humugot ulit sya ng hininga. "...Buntis ako." Bulong nya. Gusto kong tumawa kasi para'ng joke yung sinabi nya pero seryoso sya. Dead serious! Bumulong din ako sa kanya. "Ginagago mo ba ko?" "Seryoso ko..." Sagot nya. Tinignan ko sya'ng mabuti. Kelan pa nabuntis ang lalaki? Unless kung my matres sya. "Panu mangyayari yun?" "Kasi Jay... Babae talaga ko. Nagpanggap lang ako'ng lalaki sa takot ko sa kanila." Paliwanag nya. Nanlaki yung mata ko sa pagkabigla at tinignan ko sya mula ulo hangang paa. Is that possible? Maya-maya bigla nalang tumawa ng malakas si Denzel. Ligaya'ng ligaya sya sa pagtawa kaya nakuha ko na niloloko lang nya ko. Impakto! "Hahahaha... Paniwalain ka pala?! Hahahaha!" Sabi nya habang patuloy sa pagtawa. Gago lang! Pinagtitinginan na kami ng mga ulupong. Malakas na palatok sa ulo ang binigay ko sa kanya para matahimik sya. "Masakit yun!" Reklamo nya habang nakahawak sa ulo. "Seryoso ako dito!" "Kasi naman... Ang kulit mo kaya! Sinabi ng wala pero ayaw mong maniwala!" "Tsk! Muka ka kasi'ng timang! Tulala ka!" "May iniisip nga lang yung tao!" "Iisipin mo ba yun kung hindi----" "SHUT UP!!" Sigaw ni Keifer na nagpatigil sami'ng dalawa. "...Nakakaistorbo kayo! Dun kayo sa labas mag-away!" Para kami'ng bata na napayuko at tumingin sa isa't isa. Pero hindi pa rin kami tumigil. Nagturuan pa kami kung sino may kasalanan. Kasalanan nya kaya! "Hindi talaga kayo titigil?!" Galit na tanung ni Keifer. "Titigil na..." Sabay nami'ng sagot ni Denzel. Kinuha ko nalang yung pagkain sa harap ni Denzel. Ako nalang ang kumain. "Kala ko ba para sakin yan?" Tanung nya. "Kala ko ayaw mong kumain?" Balik kong tanung sa kanya. Napakamot nalang sya sa ulo at tumayo para kumuha ng pagkain. Wala daw gana tapos kumuha din ng kakainin. Abnormal talaga! Tapos na kong kumain ng mapansin ko si Felix. Tapos na rin sya'ng kumain habang nasa sulok. Hindi ko pa nga pala sya nakaka-usap. Lumapit ako at naupo sa bangko sa harap nya. "Gusto mo ng chocolate?" Alok ko sa kanya. Nakatingin sya sa ibang direksyon at parang malalim din ang iniisip. "Ayoko." Mabilis nya'ng sagot. "Felix... Galit kaba sakin? May nagawa ba ko sayo?" Tanung ko. Hindi sya sumagot. Pinagpatuloy ko ang pagtatanung. "...May nasabi ba ko? Pinagdamutan ba kita ng pagkain? Anu bang kasalanan ko?" Hindi pa rin sya sumasagot at sa ibang direksyon pa rin nakatuon ang tingin. Kaya naman... "...Anung ginawa ni Aries sayo?" Bigla sya'ng tumingin sakin. Hindi ko mabasa kung nagagalit ba sya o ano. Pero hindi maganda yung pakiramdam ko. Bahagya sya'ng lumapit sakin at bumulong. "Marami..." "Anu----" "Mamamatay tao si Aries." Dagdag nya at umalis sa harapan ko. Kinabahan ako bigla dahil sa sinabi nya. Natakot ako na hindi ko maintindihan. Napatingin ako sa gawi ni Keifer. Nagsalubong ang mga tingin namin. Para ba'ng inaalam nya'ng pilit yung nararamdaman ko. Pakiramdam ko, alam nya yung dahilan kung bakit nagagalit sakin si Felix. Tumayo na ko at bumalik sa pwesto ni Eman. Nag-iba na talaga yung pakiramdam ko. Hindi ako mapakali. Daig ko pa yung nata-tae nito. "Okay ka lang Jay?" Tanung sakin ni Eman. Nagpilit ako ng ngiti at tumango. Pero hindi talaga ko mapakali. Lumabas muna ko sandali para magpahangin. Buti nalang at may malalaki'ng puno sa hindi kalayuan kaya presko ang hangin sa labas. Naglakad lakad muna ko sa paligid ng mapansin ko si Denzel. Meron sya'ng kausap o mas tama'ng sabihin na ka-away. Si Canvas-2! Yung alipores ni Freya. Umiiyak sya at nag-aaway sila ni Denzel. Bahagya ako'ng lumapit para maranig sila. Tsismosa na kung tsismosa pero alipores ni Freya yan kaya kailanga'ng mag-espiya. "Umalis kana nga dito!" Sigaw ni Denzel. "Ganyan kaba talaga?!" Sagot ni Canvas-2. "Wag mo kong sagarin! Masasaktan ka talaga!" Sigaw ni Denzel. Nakakaawa si Canvas2 pero hindi ako pwede'ng maki-alam sa kanila. Hindi ko naman alam kung anu yung nangyayari. Tama na yung naki-tsismis ako. "Denzel! Nagmamaka-awa ako sayo!" Paki-usap ni Canvas-2. "Umalis kana!" "Maawa ka samin ng magiging anak mo!" Tang'na this!! Hindi kinaya ng brain cells ko! Pati bulate ko sa utak, tumalon sa gulat. Tumakbo ako pabalik sa room. Bahala na kung nakita ako nila Denzel. Hindi ko talaga kinaya. Tama ako! Sa kanya yung pregnancy test. Panu na yan? Panu na yung pag aaral nila? 

 

 

Chapter 67 Author's Note: Ang hirap ng pang-gabi... Pati utak nagiging panggabi.. hahahaha.. The long wait is over.. Salamat sa paghihintay.

 

 Overload Jay-jay's POV

 

 Feeling ko sasabog na utak ko! Hindi kinaya ng powers ko at ng mga organs ko yung mga nangyayari. Ang harsh ni Author! Pinahihirapan ako! Sakit na nga sa ulo si Freya, may nabuntis pa tong si Denzel at yung sinabi pa ni Felix na nagpanginig sa laman ko. Anu'ng sunod? Uulan ng Apoy? (N/A: Gusto mo ba? Madali ako'ng kausap.) Scratch that!! Anu'ng susunod? Uulan ng pogi? Uulan ng pera o uulan ng swerte? Good news naman para maiba. Ang nega kasi ng mga nangyayari. Palakad-lakad ako sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung anu'ng dapat kong isipin. Naaawa ako kila Denzel, magkaka-anak na sila. Kung tutuusin hindi ko na dapat paki-alaman yun. Pero ang bata pa kasi nila. Si Denzel ang sunod kay Ci-N sa pinaka-bata. Mag-17 pa lang daw sya next three months sabi nila Eman. Ang mga kabataan naman talaga. Wow! Matanda kana Jay? Alaga naman ako sa paalala ni Lola. Dahil nga pasaway ako dati, hindi nya ko tinitigilan ng sermon tungkol sa mga ganya'ng bagay. Kahit mag-sigawan na kami sa bahay, hindi pa rin sya titigil. Sa totoo lang, nakakagutom ang pag-iisip. Naisip kong lumabas muna ng bahay at puntahan yung cafe na kinainan namin ni Yuri dati. Kinuha ko yung bike ko na pinag-tyagaan ni Tito Julz ayusin. Bago sila umalis buo na ulit at ready na gamitin. "Saan ka pupunta?" Tanung ni Aries bago ako tuluya'ng makalabas ng gate. "Bibili lang." Bored kong sagot. Hindi ko na sya hinintay magsalita. Ipapa-alala lang naman nya yung rules kemirut nya. Feeling naman nya susundin ko yun. Manigas! Mabilis ang pagpidal ko. Gusto ko na kasi talaga'ng makabili. Pero pagdating dun. Close for Renovation! Anak ng tokinawa'ng hapon! Paka-effort pa kong magpidal ng mabilis tapos 'Close'. Nakakasama naman ng loob tong cafe na to. Nagpidal nalang ako ulit. Kung saan ako pupunta? Hindi ko alam. Muka'ng naliligaw na ko! Pero manalig lang, baka may makita ako'ng pamilyar na lugar. May 20 munites na ata ako'ng paikot-ikot. Napapakanta na ko ng 'Ikot ikot lang... Ikot ikot' ni Sarah Geronimo. Naguumpisa ng mawala ang pananalig ko! Napahinto ako sa tapat ng basketball court. Kinapa ko yung phone ko sa bulsa pero kung hindi ba naman... Arrgghh!! Iniwanan ko nga pala'ng nakasaksak. Shutang'names naman! Naiiyak na ko! Panu kung hindi na ko makabalik? May narinig ako'ng nagdi-dribble sa court. May tao! Pwede ako'ng magtanung kung saan ang papunta sa kalye namin. Pumunta ako sa court habang tulak-tulak yung bike ko. Nakatalikod yung lalaki'ng naglalaro mag-isa ng basketball. Tatawagin ko sana pero napahinto ako ng ma-realize kung sino yun. Felix? Lahat yata ng tecnique sa basketball nagawa nya at wala'ng mintis ang pag shoot sa bola. Mas lumapit pa ko sa kanya. Naupo ako sa bleacher sa gilid ng court. Basang basa na ng pawis si Felix at dinig ko na rin yung pagkahingal nya. Bigla sya'ng nag-three point shot. Shoot! Napa-palakpak nalang ako dahilan para lumingon si Felix. "Galing..." Sabi ko habang nakangiti. Hindi sumagot ang Felix. Lumapit sya sa gym bag nya na nasa hindi kalayuan sakin. Uminom sya ng tubig at naupo. "Magaling ka pala magbasketball." Hindi pa rin sya sumasagot. Nag-mumuka na ko'ng tanga dito! Para ako'ng papansin na ewan sa kanya. "Tapos kana? Pwede kana'ng umalis?!" Irita'ng tanung nya sakin. Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya. Mabilis ako'ng tumayo at tumapat sa kanya. "Oo na! Galit kana kay Aries! Pero bakit kailangan mo kong idamay sa galit na yan?!" Tumayo din sya at nakipagtitigan sakin. Kahit malaki sya sakin hindi ako pwede'ng magpa-intimidate sa kanya. "Dahil nakikita ko sya sayo! Nakikita ko yung tao'ng sumira ng pamilya ko!" Pamilya? Ang dami namin nya'ng akusa kay Aries. Mamatay tao na maninira pa ng pamilya. "Naiintindihan kong galit ka! Pero----" "HINDI! Hindi mo naiintindihan! Tigilan mo na yung pakiki-alam sa buhay namin na para'ng alam mo ang lahat!" "Nakiki-alam ako kasi kailangan!" "Nakiki-alam ka kasi paki-alamera ka!" Natigilan ako sa sinabi nya. Masakit din yun para sakin. Nakiki-alam ako kasi may bahagi ko na gusto'ng tumulong. Hindi ko alam kung nahalata yun ni Felix, pero bahagya sya'ng huminahon. "N-namatay ang stepbrother ko dahil sa kanya. Dahil dun naghiwalay yung parents namin." Yun pala talaga yung dahilan. Pero bakit naging kasalanan ni Aries yun? Anu bang ginawa nya? "S-sorry... P-pero hindi ka naman dapat sakin magalit." Huminga sya ng malalim at naupo ulit. Ginamit nya'ng pang-suporta yung tuhod nya para sa siko nya. Bahagya nya'ng kiniskis ang mga palad at tumingin sa sahig. "Hindi ko mapigilan. Pakiramdam ko lahat ng malapit sa kanya dapat kong kamuhian." Naaawa ako kay Felix. Pakiramdam ko sobra'ng bigat ng pinagdaanan nya. "F-felix----" "Hindi mo kailanga'ng magsalita. Mali ako, hindi dapat kita dinamay." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya. Naupo ako sa tabi nya at hinawakan yung bola. "Marami kang gusto'ng itanung. Alam ko yun." Sabi ni Felix. "Pero mas mabuti kung wag muna nati'ng pag-usapan." Sagot ko. Kahit kati'ng kati ako makakuha ng impormasyon mas mabuti kung wag muna. Mahirap basahin tong si Felix, baka bigla na namang topakin. "S-sorry Jay... Sorry kung pati ikaw dinamay ko. Para kasi'ng nag flashback sakin lahat nung nalaman kong magkamag-anak kayo." "Okay lang... Mahirap yung pinag-daanan mo." Tumahimik kami pareho. Hindi ko na din kasi alam ang sasabihin ko sa kanya. Sya naman para'ng may iniisip na kung ano. Sandali kong pinag-laruan yung bola sa kamay ko. "Nagpa-practice ka naba para sa Festival?" Tanung ko para maiba yung usapan. Umiling si Felix. "Hindi naman ako kasali sa basketball team." "Pero ang galing mo... Sayang yun." Nagpilit ng ngiti si Felix. "Kasali sana ko... Pero pinatanggal ako ni Aries sa team. Pagkakataon ko na sana para masama sa pagpipilian ng bibigyan ng scholarship sa college. Kayalang panu mangyayari yun kung wala ako sa team." Pinatong ko yung bola sa hita ko. Gusto ko'ng magsorry dahil sa ginawa ni Aries pero wala namang mababago yun. Isa rin siguro to sa mga dahilan ng galit nya kay Aries. "Sana may maitulong ako sayo." "Sana nga..." Bulong nya. Kinuha nya sakin yung bola at bumalik sya sa paglalaro. Nanood lang ako, hangang sa mapagod sya at magdisisyo'ng umuwi. Tinuro na rin nya sakin ang daan pauwi samin. Kung iisipin okay na kami pero ang totoo ramdam ko pa rin yung ilang. Siguro magiging maayos kami na kagaya dati pero hindi ko alam kung kelan. Meron lang ako'ng naiisip. Ka-ano-ano ni Felix si Calix at Edrix? Magkakalapit yung pangalan nila. Pagdating sa bahay, si Aries ang sumalubong sakin. Naka-cross arm sya at masama ang tingin sakin. "Yan ba yung bibili?! Inaabot ng lima'ng oras!" Bungad nya sakin. "N-naligaw kasi ako." Palusot ko. Pero totoo naman. Naligaw naman talaga ako. Umiling nalang ang Aries at hinayaan ako'ng makapasok sa loob. Dumiretso ako sa kwarto at kinuha yung cellphone. Ang dami kong text galing kay Ci-N at Eman. Meron din ako'ng text galing kay Yuri pero 'Hi' lang ang nakalagay. Pagdating ng hapunan, wala pa rin si Kuya Angelo kaya dalawa lang kami ni Aries sa harap ng hapag. Naiilang ako sa kanya. Hindi kasi mawala sa isip ko yung sinabi ni Felix. "Tigilan mo nga yan!" Galit na sabi ni Aries sakin. "Inaano ba kita?!" "Nakatingin ka sakin habang kumakain! Nakakailang kaya!" Ako kaya yung naiilang. Pakiramdam ko ang dami'ng nangyari sa buhay ni Aries mula ng hindi na nya ko kausapin. "Hindi kaba titigil?!" "Anu na naman ba?!" "Tsk!" Baliw! Napapraning na ata tong si Aries. Masama ba sya'ng tignan? Sa gusto ko sya'ng tignan eh! Gusto ko talaga'ng malaman yung pinag-gagawa ni Aries nun. "Kilala mo ba yung kapatid ni Felix?" Biglang tanung ko. Tumigil sya sa pagkain pero sa plato nya pa rin sya nakatingin. "O-oo.." "Anung ginawa mo sa kanya?" Bigla nya'ng hinampas yung lamesa. Galit nya kong tinignan. "Wala kana don! Wag mo ng paki-alaman pa yun!" "Naiipit ako sa away-away nyo! Tapos hindi ako makiki-alam?! Anu gagawin ko?! Ta-tanga?!" Tumayo na sya mula sa pagkaka-upo at akma'ng aalis pero hinarangan ko sya. "TIGILAN MO KO!!" galit na sigaw nya sakin. Pero hindi pa rin ako nagpatinag. "Anu bang ginawa mo sa Section E at galit na galit sila sayo?!" Parang may kung anu'ng pumitik sa utak ni Aries at bigla nalang nya ko hinawakan sa braso at tinulak pasandal sa pader. "Percy! Percy ang pangalan ng kapatid ni Felix! At hindi ko kasalanan na namatay sya!" Sasagutin ko sana sya pero nagulat ako ng may luha'ng pumatak mula sa isang mata nya. Binitiwan nya ko at mabilis na naglakad palabas ng Dining. Umiiyak sya? Bakit? Anu'ng ibig sabihin nun? Ngayon ko nalang ulit nakita'ng umiyak si Aries. Napaupo ako sa sahig. Pakiramdam ko mali yung ginawa ko. Na-guilty ako bigla. Hindi ko naman sinasadya. Gusto ko lang malaman yung totoo. S-sorry Aries! 

 

 

Chapter 68 Canvas-2 Jay-jay's POV

 

 " 🎶 Tagu-taguan maliwanag ang buwan... Pagbilang kong tatlo nakatago na kayo... 1.. 2.. 3.. 🎶 " kanta ni Ci-N habang nakaharap sa pader at nakatakip ang mata. Wala kasi kami'ng teacher ngayon kaya naman naisipan nilang maglaro. Masyado pa kasing maaga para magluto ng launch. "GAME!" Sigaw ni Ci-N at hinanap na yung mga kalaro nya. Habang sila busy'ng busy sa paglalaro. Ako eto, nakatanga sa kung saan habang naka-upo sa sahig sa may pinto. "Jay! Umayos ka nga ng upo." Utos ni Yuri. Hindi ko sya pinansin. Wala kong paki sa pwesto ko. Masarap pumwesto dito sa may pintuan, medyo malakas ang hangin. "Jay! Umayos ka. Nakikitaan kana." Ulit ni Yuri. Tumayo nalang ako at pinagpagpag ang palda ko. Istorbo naman kasi tong Yuri na to. Ang sarap ng upo ko at ang lalim ng muni-muni ko. "May problema kaba?" Tanung nya sakin. Meron! Marami! "Wala..." Bored kong sagot. "Pero ang haba ng nguso mo dyan." Napahawak naman ako sa nguso ko. Naka-pout nga ako pero hindi mahaba. O.A nitong Yuri na to! "Magsabi kana... Anu ba kasi yun?" Tanung nya ulit. Makulit din! Huminga ako ng malalim. Ayoko sana'ng magsalita pero alam kong hindi ako titigilan nitong si Yuri. "S-si Aries kasi." "May nangyari ba kay Aries?" Umiling ako. "Pakiramdam ko kasi may nasabi ako'ng hindi maganda. Bigla nalang sya'ng umiyak." Tumawa ng mahina si Yuri. "Seriously? Aries cried?" Akala ata niloloko ko sya. "Oo... Pinag-uusapan lang namin yung kapatid ni Felix. Anu nga ulit pangalan nun? Pe-Percy? Percy! Yun!" Paliwanag ko. Napatingin ako kay Yuri. Hindi kasi sya sumagot sa sinabi ko. Naging seryoso yung muka nya. Para bang may nasabi ako na hindi maganda. "Bakit nyo sya pinag-usapan?" Seryoso'ng tanung nya sakin. "Bakit nga ba? Nakausap ko kasi si Felix nung umaga, sinabi nya sakin yung tungkol sa kapatid nya. Tapos nung gabi, nabanggit ko kay Aries. Ayun, nag-away kami." Tumahimik ulit si Yuri. Para bang meron sya'ng iniisip. "Bakit? May problema ba?" Tanung ko. Bigla nya kong hinawakan sa ulo at ginulo yung buhok ko. "Makipag-laro ka muna kila Ci-N." Utos nya sakin. Pumasok sya sa loob ng room at lumapit kila Keifer. Hindi ako sigurado sa nangyayari pero baka mas mabuti nga'ng sumali muna ko kila Ci-N. Naglakad-lakad ako para hanapin sila. Umikot na ko sa gilid ng building ng Section E. Pero hindi ko makita yung mga luko. Babalik na sana ko sa room ng my marinig ako'ng sigawan. "ANU BA?!" "PAKINGGAN MO NAMAN AKO!" Parang boses ni Denzel yung isa pero hindi ako sigurado dun sa kausap nya. Hinanap ko kung nasan sila. Sa likod ng malaking puno ko sila natagpuan. Si Denzel nga yung isa at si Canvas-2 na naman yung kaaway nya. "Malapit na kong mapuno sayo!" Sigaw ni Denzel. "Denzel naman! Maawa ka naman sakin! Panu na ko?! Panu na yung magiging anak natin?!" Sabi ni Canvas2 at umiyak na naman. Eto na naman sila. Hindi ko maintidihan yung pinag-aawayan nila. Pero nakaka-awa yung itsura ni Canvas2. Kalat-kalat na kasi yung make-up nya. "Hindi nga ako sigurado kung sakin talaga yan eh!" Napataas ang isang kilay ko don. Yan ang sinasabi ng mga lalaki'ng putrages na ayaw panindigan yung ginawa nila. Tsk! Tsk! "Ang kapal ng muka mo! Alam mo namang sayo ko lang binigay ang sarili ko!" Lalo pang lumakas ang pag-iyak nya. Hinampas-hampas na rin nya si Denzel. "Umalis kana nga! Wag kana'ng magpapakita dito!" Sigaw ni Denzel. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit na ko sa kanila. Mali'ng-mali kasi yung ginagawa nitong si Denzel. "Denzel." Tawag ko sa atensyon nya. Halata'ng nagulat si Denzel at tinignan naman ako ng masama ni Canvas-2. "J-jay... Anung ginagawa mo dito?" Tanung sakin ni Denzel. "Pwede umalis kana dito?! Hindi mo nakita nag-uusap kami?!" Sigaw sakin ni Canvas-2 dahilan para tignan sya ng masama ni Denzel. "Wag mo nga'ng sigawan si Jay! Umalis kana dito!" Tinignan ako ni Canvas-2, mula ulo hanggang paa. Humarap sya kay Denzel. "Sya ba dahilan kaya ayaw mo kong panagutan?!" Tanung nito. Napasinghap nalang si Denzel sa galit. Muka'ng napipikon na talaga sya dito kay Canvas-2. "Hindi ako. At kung anu man yang pinag-uusapan nyo. Wala ako'ng alam." Bored na sagot ko. "...Gusto ko lang kausapin tong si Denzel." Pareho sila'ng naguluhan sa sinabi ko. Kaya naman bahagya ako'ng lumapit kay Denzel at kinultukan sya ng malakas sa ulo. "Aray! Para saan yun?!" Tinignan ko sya ng masama. "Bakit ganyan ka makipag-usap sa babae?!" "Hindi mo naiintindihan Jay..." Sagot nya sakin habang hinihimas ang ulo nya. "Ipaintindi mo! Sige! Explain!" "Jay-jay... Kasi..." Umiwas sya ng tingin. "Ayaw nya ko'ng panagutan!" Singit ni Canvas-2. "Pwede ba?! Hindi nga sakin yan! Umalis ka na nga dito!" Sigaw na naman ni Denzel. "Denzel!" Tinignan ko sya ng masama. "...Bumalik kana sa room." Ayaw sana'ng nya'ng sumunod pero pinandilatan ko sya ng mata. Nag-iwan muna sya ng natalim na tingin kay Canvas-2. Nang mawala sa paningin namin, hinarap ko na ulit tong isa. "Mahilig ka'ng maki-alam diba?! Kausapin mo si Denzel! Sabihin mo panagutan nya ko!" Sabi ni nya sakin habang patuloy sa pag-iyak. Maka-utos naman to! Close tayo?! "Wag mo nga ako'ng utusan! Tumigil ka sa pag-iyak. Baka kung anu'ng mangyari sa Baby mo." Bahagya sya'ng tumahan at pinunasan ang muka nya. Ngayon ko lang napansin na tumaba nga sya mula nung huli nami'ng pagkikita. Nakikita ko sya palakad-lakad kasama ng mga classmate nya pero sandali lang yun. Hindi ko rin naman sya pinagmamasdan, syempre naiinis ako sa kanya. "Alam na ba to ng magulang nyo?" Tanung ko. "Wala ako'ng magulang." Inis na sagot nya sakin. "Sino'ng pinagsabihan mo tungkol dyan?" Umiwas sya ng tingin at hinawakan ang tyan nya. "S-si Freya, pero pinagtawanan lang nya ko. Hindi daw ako marunong kaya nabuntis ako." Wow! True Friend! "Ayos! Galing ng tropa mo, nakatulong sya." Sarkastiko kong sabi. Nagsimula na naman sya'ng umiyak. Medyo natakot ako baka kasi may nasabi ako'ng hindi maganda. "H-hala... Wag kang umiyak! May nasabi ba kong hindi maganda?! Wag ka nang umiyak... Ano..." Aarrrgghhh!!! Hindi ko alam pangalan nya! Binansagan ko lang sya'ng Canvas-2. "Grace... Grace ang pangalan ko." Sabi nya habang pinupunasan ang luha nya. "Tumahan kana... Kakausapin ko si Denzel. Kung kailanga'ng balian ko sya ng buto gagawin ko." Tumango sya sakin. Sabay na kami'ng naglakad pabalik sa room pero hindi dun ang punta nya. Dun lang sya dumaan. Pagpasok sa loob, nilapitan ako ni Ci-N. Andito na pala to?! "Bakit kasama mo yung alipores ni Freya?" Tanung nya sakin. "May tinanung lang." Sagot ko. Napatingin ako kay Denzel. Hindi ko alam kung ako ba dapat ang kuma-usap sa kanya tungkol don. Pero siguro mas maganda kung mas matured na tao ang kakausapin nya. Si Kuya Angelo kaya? Baka masermunan lang sya. Kawawa naman pagnagkataon. Tinignan ko sila Yuri na busy'ng busy sa pakikipag-usap kay Keifer at Felix. Si Yuri nalang kaya! Pwede rin kayalang.... Parang hindi. Baka kagalitan lang nya si Denzel. Si Keifer? Mas lalong hindi. Baka bugbugin pa nya si Denzel. Wala ding saysay kausap tong Hari ng mga ulupong. Napatingin ako sa table sa tabi ng table ko. Kung saan nakapwesto si David at kasalukuya'ng natutulog. Si David! Matured na mag-isip tong isa na to. Hindi rin nya kakagalitan si Denzel at hindi rin nya babanatan. Si David nalang talaga. Lumapit ako sa kanya at ginising sya. "H.." sagot nya sakin habang pupungas-pungas. "Kain tayo mamaya..." Aya ko sa kanya. Taka nya ko'ng tinignan. "Inaaya mo ba kong magkipag-date?" Tanung nya. Medyo napalakas yung pagkakasabi nya kaya agad kami'ng pinagtinginan. Lumapit na rin samin si Ci-N. "Magd-date kayo?" Hindi sana ang isasagot ko kayalang baka magsisama naman sila. Si David nga lang ang kailangan ko'ng makausap. "O-oo.." alanganin kong sagot. "Sama ako!" Sigaw ni Ci-N. "H-hindi pwede!" "Bakit si David lang inaaya mo?" Tengene naman! Si David nga lang ang kailangan kong maka-usap. "...dapat ako din!" Dagdag pa ni Ci-N. Natampal ko na ang sarili kong noo. Napaka-kulit nitong bata na to! Hindi magpapa-awat. Tinignan ko si David na muka'ng inaantok pa rin. "O-okay lang ba kung kasama si Ci-N?" Tanung ko. Tumingin naman sya kay Ci-N bago muling humarap sakin. "Okay lang... Ako nalang pipili ng lugar." Sabi nya at dumukdok ulit para matulog. Tinignan ko si Ci-N na may alanganing ngiti. Tuwa'ng tuwa naman ang wala'ng hiya kasi kasama sya. Panu ko kakausapin si David ng hindi naririnig ng isang to?! Madaldal pa naman sya, sure ako'ng ikukwento nya sa iba kapag nalaman nya yung pag uusapan namin. Napatingin naman ako sa paligid ko. Lahat sila samin nakatingin. Para bang big deal yung pinag-usapan namin. Yung tingin ni Yuri at Keifer ang tumatak sakin. Kinilabutan kasi ako agad. "Type mo ba si David?" 

 

 

Chapter 69 Date Jay-jay's POV

 

 Sabi ko kakain lang. Wala ako'ng sinabi na mamasyal sa peste'ng Amusement Park! Hindi ko alam kung sino'ng impakto ang sumapi kay David at dinala nya kami ni Ci-N dito. Eto nama'ng isa, tuwa'ng tuwa. "Ayoko na!" Sabi ko habang nakikipag-hatakan kay Ci-N. "Isa'ng rides pa!" Sabi nya at pilit ako'ng hinatak papunta sa roller coaster. "Ayoko na talaga Ci! Hindi na kaya ng katawan ko!" Sabi ko na may halong pagmamaka-awa. Binitiwan ako ni Ci-N at napakamot nalang sa ulo nya. "Ang hina mo naman." Putrages! Mahina pa ko sa lagay na to? Pang-anim na rides na ata tong gusto nya'ng sakyan namin. Partida! Makabaliktad sikmura pa yung mga sinasakyan namin ah! "Ikaw nalang muna yung sumakay. Babantayan ko muna si Jay-jay." Sabi ni David. Tumango ang Ci-N at nakipila sa rides na gusto nya. Naupo muna ko sa isang bench. Pakiramdam ko nabugbog ang katawan ko. "Gusto mo ng tubig?" Alok nya sakin ng hawak nya'ng bottled water. Umiling ako. Hindi tubig ang kailangan ko. Buti nalang pumayag si Ci na mag-rides mag-isa. Kailangan ko na talaga'ng kausapin tong is David. "David.." tawag ko sa kanya. "..panu kapag nabuntis mo yung girlfriend mo?" "Edi papanagutan ko. Magpapakasal kami kung gusto nya." Mabilis nya'ng sagot sakin. Buti pa sya ganun yung pag-iisip. "...bakit mo natanung?" Dagdag nya. "Si Denzel kasi..." "Ayaw pa rin nya'ng panagutan si Grace?" Tanung nya na kinabigla ko. Alam nya? "Alam mo na rin yun?" Tumango sya at naupo sa tabi ko. "Narinig ko sila'ng nag-aaway." "Anu'ng ginawa mo? Kinausap mo sya?" Umiling si David. "Ayoko sya'ng komprontahin. Hihingi ng tulong si Denzel kung kailangan." "Pero kawawa naman si Grace. Iyak na nga ng iyak dahil sa ginagawa nya." "May dahilan si Denzel. Hindi sya ganung klase ng tao. Hindi nya tatakbuhan ang problema." Napaisip naman ako dun. Tama sya, para'ng wala sa bokabularyo ng mga ulupong na yun ang tumakbo sa responsibilidad. "Naaawa na ko kay Grace. Kausapin mo naman si Denzel. Sa ganto'ng sitwasyon, lalaki sa lalaki dapat dahil iba ang point of view nami'ng mga babae sa ganyan." Bahagya'ng tumawa si David. "You sound so matured." Ako? Sound matured? "Talaga?" "Yeah. But if you want me to talk to Denzel, i will. Hindi ko nga lang map-promise na magbabago yung isip nya agad." Okay lang yun. Baka sakaling buksan nya ang isip nya at makisip ng pwedeng gawin. "Okay lang... Bukas na bukas din dapat maka-usap mo na sya." "Bukas? Bakit hindi pa ngayon?" Taka ko sya'ng tinignan. Ngayon talaga? Eh nasa Amusement Park pa kami. "Anu'ng oras na kaya? Andito pa tayo. Bukas nalang." "Edi papuntahin natin sila dito." Ha? Pagkasabi nya yun bigla nalang nya nilapit ang muka nya sakin. Halos mapahiga ako sa arm rest ng bench sa paglayo lang sa kanya. "D-david..." "Dry na yung lips mo. Gusto mo basain natin?" Bigla nalang uminit yung pisngi ko. Anu ba trip nito? Jusme! Yung puso ko! May gf ka uy! May bigla'ng lumipad na basyo ng coke in can sa ere. Mga tatlo or lima, tumama yung isa sa ulo ni David kaya dumiretso sya ng upo. Ganun din ang ginawa ko at tinignan ang pwede'ng panggalingan nung mga lata. "Saan galing yun?" "They're here, sabi sayo ngayon nalang natin kausapin eh." Anu? Hindi ko maintidihan sinasabi nya. "Anu bang sinasabi mo?" Tanung ko sa kanya. "Kanina pa nila tayo sinusundan. Maybe, before we even leave the school they already did." Ha? Sinusundan kami? Tumingin ako sa likod namin. Wala ako'ng makita na pamilyar sakin. Meron mga taga-HVIS pero kakaunti lang. "Hindi sila lalabas." "Panu mo naman nalaman na sinusundan nila tayo." Tanung ko habang patuloy pa rin sa paghahanap. "Instinct!" Proud nya'ng sagot. Instinct daw?! "Tara hanapin na natin sila." Aya ko kay David. Pero hindi sya gumalaw sa kinauupuan nya. Nakangiti lang sya habang nakatingin sa isang rides. "Palabasin nalang natin sila. I'm too tired to play hide and seek." Sabi nya at ngumiti. Minsan hindi ko magets tong David na to. Nahahawa na ata kila Keifer. Tumayo sya at lumakad papunta sa pila ng roller coaster. Papalapit din samin si Ci-N. Mukang kakababa lang din nya galing sa rides. "Hindi ka sumama... Ang saya kaya!" Bungad nya sakin. "Naku! Ikaw na nasiyahan." "Gusto nyo'ng kumain?" Tanung samin ni David. Pareho kami'ng nag-nod ni Ci-N. Yan talaga ang gusto ko! Pagkain! Pagkain! Dinala kami ni David sa SnR. Wow! Pizza! Kayalang baka kulangin yung dala ko. Patay gutom pa naman tong kasama namin. "Pepperoni sakin! Dalawa!" Sigaw ni Ci-N na nagpatawa sa babae'ng crew sa counter. "Hehehe... Pasensya na kung maingay tong kapatid ko." Sabi ko. Sinabi ko nalang na kapatid ko para wala'ng usap. Baka kung anu isipin kapag sinabi kong classmate ko lang. Iisipin delay ako sa klase kasi classmate ko bata! Ayoko ata nun! "Okay lang po... Cute nga po nya eh." Sabi nung babae sa counter. "Umorder na kayo... Ako nalang magbabayad." Singit ni David. Ngumiti ako. "Sabi mo yan ah?" Nag-nod naman ang David. Agad ako'ng tumingin at lumapit sa counter. Libre men! Libre! "Pepperoni din po. Tsaka fries. Tapos coke." Ngumiti naman yung babae sa counter. Si David naman ang nagsabi ng order nya. Matapos makuha yung order namin, naupo kami malapit sa bintana. "Nakita ko sila Yuri, kasama sila nung iba." Sabi ni Ci-N habang kumakain. "Kailan mo sila nakita?" "Nung nasa rides ako... Malapit sa pwesto nyo kanina." Nagtinginan kami ni David. Totoo nga, andito nga ang mga loko. Pero hindi ko muna sila iintindihin dahil masarap ang Pizza. Pero anu nama'ng trip ng mga yun at sinundan kami? Kasama ko naman sila David at Ci-N. Pagkatapos kumain, nag-aaya na naman ng panibagong rides si Ci. Kakakain lang namin, gusto yata'ng isuka ko lahat. "Ayoko! Ikaw nalang!" "Ikaw nalang Ci. Hihintayin ka nalang namin ulit." Sabi ni David. Walang nagawa si Ci-N kundi ang pumila sa rides na gusto nya mag-isa. 'Pirates Ship' ang title nung rides. Nakasabit sa apat na poste----na nakahugis triangle----yung barko at dinuduyan ng malakas. Nakatayo lang kami ni David sa hindi kalayuan. "Panu nga natin ulit sila papalabasin?" Tanung ko kay David. "Ganito..." Sagot nya at hinawakan ang isang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at hinawakan naman ng isang kamay nya yung pisngi ko. Hinimas-himas nya yon gamit ang hinlalaki nya. "D-david..." "Don't worry... I'm not going to kiss you. I have a girlfriend, remember?" Tipid na tango ang sinagot ko sa kanya. Hindi ko nakakalimutan yun, cute kaya ng girlfriend nya. Hindi ko nga lang alam ang pangalan. "Now... Close your eyes." Utos nya. Pumikit ako kagaya ng gusto nya. Aaminin ko, wala ako'ng feelings kay David pero hindi ko mapigila'ng hindi kabahan. Hindi na normal ang paghinga ko. Sa bawat segundo na wala ako'ng nakikita at nararamdaman lalung nagmamadali ang puso ko sa pagtibok. "Relax Jay." Bulong nya, dahilan para maramdaman ko ang hininga nya na malapit lang sa labi ko. Mygudness! Palpitate! Pero yung sunod na nangyari ang hindi ko inaasahan. "Aaaahhhh!!!" May kamay na bumatak sakin palayo kay David. Napadilat ako at nagulat ng makita ang mga kaklase nami'ng ulupong na nakapaligid samin. What the... Hawak nila Kit at Calix si David. Si Keifer naman ang nasa gitna namin na hindi maipinta ang muka. Tinignan ko yung may hawak sakin na si Yuri pala. May kakaiba sa itsura nya. Para sya'ng nagpipigil ng galit. Muka tuloy sya'ng natatae! "Gago ka David! May girlfriend ka diba?!" Galit na sigaw ni Yuri. "And so?" Nang-iinis na tanung ni David. "You're out of your mind!" Sabi ni Keifer sa kanya. "Anu'ng meron?" Tanung ni Ci-N na kumakain pa ng cotton candy. Kala ko nagrides to? Bakit may hawak sya'ng pagkain? "CI! Kala ko wala kang pera?!" Tanung ko. "Wala nga... Nilibre lang ako nung mga babae dun." Sagot nya sabay turo sa grupo ng kababaihan na kinikilig pa habang kumakaway sa kanya. "Inuna mo pa yang cotton candy na yan kesa bantayan tong si Jay-jay at David?!" Galit na tanung ni Keifer. "Bakit ko naman sila babantayan?" Walang muang na tanung ni Ci-N. "Muntik ng mag-kiss tong dalawa." Sagot ng isa sa mga ulupong. Natigilan si Ci-N at nabitawan ang cotton candy'ng hawak nya. Nagpabalik balik ang tingin nya sakin at kay David. "Hindi mo sya pwede'ng halikan!" Sigaw nya kay David. "Bakit naman?" Tanung ni David. "Ako muna dapat." Sagot ng wala'ng hiya at bigla nalang ngumuso habang palapit sakin. Malakas na palatok sa ulo ang binigay ko sa kanya. Luko kasi! Kala ko kung bakit, kalokohan na naman pala yung dahilan nya. "Aw..." Sabi nya habang hinihimas ang ulo. "Puro ka kalokohan!" Nilipat ko yung tingin ko sa mga ulupong. "...Bakit kayo nandito?! Sinusundan nyo ba kami?!" Bigla silang umiwas ng tingin. Kanya kanya ng arte, meron pang nagtse-tsek ng dahon sa puno. Meron ding sinisipa-sipa yung sahig. Tanging si Keifer at Yuri lang ang nakatingin sakin. "Kasi inaya mong makipag-date si David at Ci-N pero kami hindi." Sagot ng isa sakanila habang nakayuko. "Yun lang?!" "...and to make sure na walang gagawi'ng kalokohan si David." Dagdag ni Yuri sabay tingin ng masama kay David. "Wala naman ako'ng ginawa ah?" Sagot ni David sa kanya. "You almost kiss Jay-jay!" Galit na sabi ni Yuri. "Bakit nagagalit ka?" Tanung ni David. Oo nga! Bakit para'ng nagagalit sya? Bahagya'ng namula si Yuri kaya napatitig ako sa muka nya. Anung meron? 

 

 

Chapter 70 Group Date Jay-jay's POV

 

 "Horror house tayo!" Sigaw ni Ci-N at ng iba. "Kayo nalang! Ayoko!" Sagot ko sa kanila. Mga animal! Ang O.A nila'ng pupunta dito at susundan kami. Tapos para'ng nagseselos pa silang hindi ko sila inaya. "KJ! Sasama ka!" Sigaw nila. Inirapan ko naman sila. Kahit ayoko sa Horror House, wala ako'ng choice. Hindi papayag tong mga to na hindi ako sumama. "Naniniwala kana?" Bulong sakin ni David. "O-oo... Ikaw na may instinct." Sagot ko sa kanya at ngumiti. Ang kailangan nalang nami'ng gawin ay humanap ng tyempo para makausap si Denzel. Napatingin ako kay Yuri na tahimik lang. Para kasi sya'ng napahiya kanina na hindi namin maintindihan. Buti na nga lang at nagkasundo-sundo kami na mamasyal nalang ng sama sama. Feeling naman nila ililibre namin sila. Manigas! Nagpapalibre lang din kaya ako! Napatingin naman ako sa malaking Ferris wheel. Medyo malayo pa yun sa pwesto namin pero dahil sa sobra'ng laki. Kita'ng kita ko na sa pwesto namin. "Sakay tayo dun mamaya..." Sabi ko sabay turo sa Ferris Wheel. "Wag na! Umuwi na tayo pagkagaling sa Horror House!" Sabi ni Keifer. Tinignan ko sya ng masama. "Umuwi ka kung gusto mo! Basta ako sasakay dyan!" "Tss." Yan naman yung mahiwagang 'Tss'. Nakakabusit talaga tong lalaki na to. Kahit kailan ang lakas ng saltik sa utak. Nakarating kami sa Horror House. Entrance pa lang parang gusto ko na umuwi. Tengene! Alam ko namang tao lang at machinery yung nasa loob nyan. Meron ako'ng ibang kinatatakutan.

 

 Yuri's POV

 

 Over Acting! Hindi ko napigilan yung sarili ko kanina. I don't know, but i have this weird feeling in my stomach and i iediately get mad. Kainis! Hindi tuloy ako makatingin kay Jay-jay. Nahihiya ako, baka kung anu isipin nya dahil ang O.A ko. Naka-pila na kami sa entrance ng Horror House. Kailangan daw kasi'ng maghintay ng 10 munites bago magpapasok ng panibagong grupo. I try to look at Jay-jay. She look so scared?----No! She look so bothered. Para bang meron sya'ng iniisip. Gusto ko sana sya'ng lapitan pero baka kung anu isipin ng mga to. Sinenyasan kami ng crew ng Horror House na pumasok na. Nakapila pa kami. Nakagitna si Jay saming lahat. Sa una'ng hallway palang nagkatakutan na. Biglang nalang sila nagsigawan. Halos mabasag ang eardrum ko. Itai! (Ouch!) Sinubukan kong tignan si Jay-jay pero hindi ko sya makita. Until they decided to run because of something. Bakla ba tong mga to? Sinubukan kong hindi umalis sa pwesto ko dahil gusto ko sana'ng puntahan si Jay-jay. Yung nga lang hindi ko sya makita, masyado ring makipot ang daan kaya natangay ako ng mga tumatakbo. Huminto kami sa medyo maluwag na hallway. Naghabol muna ko hangin. Nahihirapan ako'ng huminga sa lugar na to. "Guys! Si Jay-jay?" Tanung ni Ci-N. Agad kong niligid ang paningin ko pero wala nga sya. Hindi ko rin makita si David at Keifer. Wala din si Denzel at Eren. "Saan sila napunta?" Tanung nila. Sinubukan kong balikan yung hallway na pinanggalingan namin pero sarado na yung pinto. Crap! "Hindi na tayo makakabalik! Kailangan nating dumiretso!" Sabi nila. But i need to get back! Panu kung ituloy ni David ang balak nya kanina'ng halikan si Jay-jay? Fvck! Why do i feel this shit?! Why do i have to feel this?! Pakiramdam ko mababaliw ako. This is not normal! Am i.... Am i feeling jelous?

 

 Jay-jay's POV

 

 Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko may susugod sakin or mananakit. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman to. Pero ayoko nito! "Get up!" Sigaw sakin ni Keifer. Ayoko! "Tumayo kana!" Sigaw ulit nya. "Tumayo ka dyan!" Yan naman! Nagsisimula na naman! Hindi ko sigurado kung saan galing yun! Hindi kay Keifer, hindi sa Horror House na to at hindi sa ibang tao. "Palamunin ka!" Sa.... Sa i-isip ko? "Wala'ng kwenta'ng bata!" Hindi! Hindi! Hindi! Tumigil ka! "Humanda ka sakin!" "Jay-jay! Get up!" Sigaw ulit ni Keifer. Bigla nalang nya ko hinawakan sa braso at hinatak patayo. Bigla nalang ako'ng natakot at may kung anu sakin na nagpanginig ng laman ko. "Wag nyo po akong sasaktan!" Sigaw ko kay Keifer. Hindi ko alam kung saan galing yun at kusa nalang lumabas sa bibig ko. "Anu'ng sinasabi mo?" Sabi nya at humigpit ang hawak sa braso ko. "...Bakit nanginginig ka? Anu bang nangyayari sayo?" "U-umalis na tayo dito... Please." Paki-usap ko sa kanya. "S-sige..." Bibitawan na sana nya yung braso ko pero bigla kong hinawakan ang kamay nya. "Bakit?" Tanung nya. "Wag mo kong bitawan!" Alam kong naguguluhan sya. Kahit ako naguguluhan din. Hinawakan nya yung kamay ko at pinag-iterwined yun. Bahagya ako'ng lumapit sa kanya at hinawakan ng isang kamay ko yung braso nya. Hindi ko mapigilan. Kasalanan to ng takot na nararamdaman ko. Makalabas lang ako dito, hindi na talaga ako babalik. Naglakad na kami at pumasok sa panibagong hallway na may ibang disenyo. "Jay..." Tawag sakin ni Keifer. "...p-pwedeng lumayo ka ng kaunti." Hindi ko maintindihan kung bakit. Pero hindi ko ginawa. Natatakot pa rin kasi ako, hindi sa mga multo dito sa Horror House kundi sa mga multo sa utak ko. "Jay..." Tawag ulit ni Keifer. "...y-yung braso ko. Nakadikit na sa...sa...sa dibdib mo." Pinakiramdam ko yung dibdib ko at totoo nga, nakadikit na sa braso nya. Bahagya ako'ng lumayo. Baka isipin nya na idinidikit ko talaga. Tsk! Habang naglalakad, may narinig ako'ng mga sigawan ng lalaki. Para'ng boses nila Ci-N. Ibig sabihin, malapit lang sila samin. "Sila Ci-N yun!" Sabi ko at bumitaw kay Keifer. Tatakbo na sana ako sa susunod na hallway ng bigla'ng magsara yung pinto sa likod ko dahilan para mahiwalay ako kay Keifer. "Jay-jay!" Sigaw ni Keifer mula sa kabila. "Keifer!" Sigaw ko at nag-uumpisa ng mamuo ang luha sa mata ko. "Lumayo ka Jay! Sisipain ko yung pinto!" Sigaw nya. Bahagya ako'ng lumayo at dinig ko yung malakas na balabag sa pinto. Pero hindi man lang natinag or kahit gumalaw yung pinto. "FVCK!!" sigaw ni Keifer. "Keifer! Natatakot ako!" Sigaw ko at tuloy-tuloy na tumulo ang luha ko. "No! Don't be scared!" Sigaw nya. Sinubukan kong sipain yung pinto pero wala pa ring saysay. "Jay... I will search for another way!" "Ha?! W-wag! Wag mo kong iwan dito!" "Jay! Walang mangyayari kung mag-uusap lang tayo dito! Hahanap ako ng ibang daan! Hahanapin kita!" Hahanapin kita! Bahagya'ng gumaan yung pakiramdam ko nung marinig ko sa kanya yun. Hindi ko alam kung bakit. "Jay! Naririnig mo ba ko?!" "Oo!" "Okay! Aalis na ko!" Nawala na kong narinig mula sa kabila. Napa-upo nalang ako sa sahig. Hahanapin daw nya ko kaya wala'ng dahilan para matakot ako. Napatingin ako sa paligid ko. Puro mga nakakatakot na maskara at meron pang mga sapot-sapot ng gagamba. Nakakatakot nga pero mas natatakot ako sa pwedeng mangyari sakin. Ayoko na ulit marinig yung mga boses na yun. Para silang bahagi ng nakaraan ko pero hindi ko naman maalala. May narinig ulit ako'ng sigawan ng mga lalaki. Hindi ako sigurado kung sila Ci-N pa rin yun pero isa lang ibig sabihin nun. May malapit na grupo sakin. Kahit ayoko'ng umalis sa pwesto ko, napilitan ako'ng tumayo at maglakad. Dahan-dahan ang naging kilos ko hangang sa may nalaglag na manikin sa harap ko. Medyo nagulat ako pero ako nagpatinag. Kailangan ko mahanap yung grupo na yun. Hangang sa may bigla tumulak sakin na kung ano. Natakot ako kaya agad ako'ng tumakbo. Kung saan saan ako sumuot, meron pa kong napasukan na kwarto na may headless body at parang burol kaya napilitan ako lumabas at magtatakbo ulit hangang sa may mabunggo ako. "Aw..." Sabi nung nabunggo ko. Bumangon ako at tinignan kung sino yun. Laki'ng ginhawa ko ng makita'ng si Eren pala ang nabunggo ko. "Eren!" Sigaw ko sabay yakap sa kanya. "Easy..." Sabi nya at bahagya ako'ng tinulak. Tumayo sya agad at inalalayan ako sa pagtayo. "Ayos ka lang?" Tanung nya sakin. "O-oo..." Niligid ko yung mata ko para hanapin yung iba pero wala sila. "... Asan sila?" "Yun nga ang problema ko. Nahiwalay ako sa kanila." Shit! Nagsisimula na naman ako'ng magpanic. Yung takot ko kanina bumabalik na naman. "Buti pa... Hanapin nalang natin ang exit. Sa labas nalang natin sila hintayin." Tama! Maliwanag sa labas. Hindi na ko matatakot ng ganito. "S-sige... Tara na." Sabi ko at nag-umpisa'ng maglakad. "Sure kang okay ka lang?" Tanung ni Eren. "O-oo.." "Pwede kang kumapit sakin kung gusto-----" "JAY-JAY!" Sigaw ng kung sino. Pareho kami'ng napalingon sa likod. Keifer! Mabilis sya'ng tumakbo palapit sakin. Aaminin ko, sobra-sobra yung ginhawa'ng naramdaman ko. Tuluyan ng nawala yung takot ko. Para ako'ng nabunutan ng tinik. Paglapit ni Keifer agad nya kong niyakap ng mahigpit. "Fvck! I thought i'll never find you!" *Dugdug**Dugdug**Dugdug**Dugdug**Dugdug* Ang puso ko! Hindi na to normal! B-bakit? Bakit ko nararamdaman to?! Bakit ganun yung sinabi ni Keifer? Natakot ba sya? Natakot sya na hindi nya ko makikita? Pero bakit? Naguguluhan ako! Gusto kong bumitaw mula sa pagkakayakap nya pero hindi ko magawa'ng pumalag. "May relasyon naba kayong dalawa?" 

 

 

Chapter 71 Author's Note: Saturday na po ang next update... Thank you! Mwuah! 😚😚 😚 Ferris Wheel Jay-jay's POV

 

 Awkward! Yan ang nangingibabaw sami'ng tatlo ni Eren at ng Hari ng ulupong. Kasalukuyan kami'ng nakaupo sa bench sa tapat ng exit ng Horror House. Nauna pa kami'ng makalabas dun sa iba. Pagdating dito wala ng nagsalita ni isa sami'ng tatlo. Kasalanan kasi yun ni Keifer. Ang O.A nya kasi mag-react pati tuloy ako nadala. Kuwari pa sya! Tsk! Madalas talaga hindi nakakatulong yung mga bulate sa utak ko. Nakita kong lumabas ng Exit sila Ci-N kaya tumayo na ko para salubungin sila. "Jay-jay!" Tawag nila sakin. "Saan kayo napunta? Bakit bigla kayo'ng nawala?" Tanung ko sa kanila. "Bigla kasi'ng nagtakbuhan kaya ayun..." Sagot ng isa sa kanila. "Jay..." Tawag sakin ni Yuri. "...Okay ka lang?" Nagpilit ako ng ngiti at nag-nod. Napatingin ako sa Exit ng mapansing may lumalabas pa. Si Denzel at David. "Sasakay pa bang Ferris Wheel?" Tanung ni Kit. Pare-pareho kami'ng tumingin kay Keifer. Hindi sya nagsasalita, para bang gusto nya na ako yung magdesisyon. "U-umuwi na siguro tayo..." Sabi ko. "Pero diba gusto mong sumakay? Tara na... Hanga't nandito tayo. Baka hindi na maulit to." Sabi sakin ni Ci-N. May punto si Ci. Baka nga hindi na maulit to. Minsan nalang kami'ng magkasama-samang magkaklase. Kayalang sa nangyari kanina sa loob ng Horror House. Parang nag-iba na yung pakiramdam ko. "Tara na! Sa Ferris wheel na kung sa Ferris Wheel!" Aya ni Keifer at mabilis na naglakad. "Ayos!" "Tara na Jay!" "Sana may fireworks din sila! Kagaya sa iba!" "Isasama ko si Mica dito sa susunod." "Pagka-graduate natin balik tayo dito!" "Dapat pala magpa-picture tayo!" Pagkasabi nila nun, agad nilang nilabas yung mga phone nila. Ganun na din yung ginawa ko. Late ko na na-realize na may dala pala ako'ng phone. Sobra'ng takot ko kasi nawala na sa isip ko. May mga text at miss call ako galing kay Aries. Hindi ko muna binuksan yun at nagsimula'ng mag-picture picture. Puro wacky at stolen shot ang nakukuha ko. Naglalakad na kasi kami papunta sa Ferris Wheel. Pero bago tuluya'ng makarating sa pupuntahan namin nagpicture muna kami na magkakasama. Hinatak nila si Keifer para makasama. Pagdating dun, sobra'ng haba ng pila. "Hala! Baka abutan na tayo ng pagsasara ng park!" Sabi ko. Napatingin ako sa Hari ng mga ulupong. Ayaw nga pala nito ng naghihintay. Panu na kaya to?! Baka bigla sya'ng topakin. "I have an idea." Sabi ni Yuri at agad na lumapit sa isang grupo ng kababaihan na nakapila. Meron sya'ng sinabi dito at tumuro sa side namin. Kinilig naman yung mga babae at bigla nalang sila'ng umalis sa pila. Ngumiti sakin yung mga babae kaya ngumiti na rin ako. Anu'ng meron? Tinawag ni Yuri Ci-N at sinenyasa'ng lumapit sa kanya. Meron ulit sila'ng kinausap na isang grupo. Muka'ng group date dahil may kasama pa sila'ng lalaki. Kinilig yung mga babae at sumibangot naman yung mga lalaki. Pero kagaya nung nauna umalis din sila sa pila. Anu bang nangyayari? Lumapit na rin yung ibang ulupong at nakisama sa ginagawa nila Yuri. Meron pa silang mga kabataan na kinausap at ganun din ang mga naging reaksyon nila. Kakalahati nalang yung natitira. Pati si Keifer nakialam na din. Pero sya ata ang may pinaka-marami'ng napaalis. Kindat pa lang kasi hinamatay na yung mga babae. Wow ha! Kahiya sa looks! Nang kakaunti nalang yung tao, sinenyasan nila kong lumapit. Pinapila nila ko at ganun din ang ginawa nila. Anung kaya'ng sinabi nila sa mga tao kanina? "Anung sinabi nyo dun sa mga tao?" Tanung ko. "Basta!" Sagot nila sakin. Tinawag na kami nung crew at sinenyasang sumakay. Ako unang pumasok dun sa bagon. Wala'ng sumunod sakin kaya nagtaka ako. Tinignan ko naman sila'ng mga nasa labas. Aba! Nagtutulakan sila kung sino'ng sasakay. Bigla nalang pumasok si Keifer at naupo sa tapat ko. Parang gusto ko ng bumaba! Sumunod si Yuri at naupo sa tabi ko. Isa nalang dapat tapos isasara na yung pinto pero magkasunod na pumasok si David at Ci-N. "Okay na kuya! Sara mo na!" Utos ni Ci-N dun sa crew. Wala nama'ng nagawa si Kuya kundi ang isara ang pinto ng bagon habang nagkakamot ng ulo. "Oh! Saan ka uupo nyan?!" Tanung ko sa kanya. Tinignan nya yung bakante'ng upuan kanina. Nakaupo na si David. "Uh.. Kakandong nalang ako sayo." Sabi nya at agad na naupo sa hita ko. Ang bigat! Putik! "Hoy! Umalis ka nga dyan!" Sigaw ni Yuri habang hinahatak si Ci-N. "Umayos ka nga Ci!" Sigaw ni David. "Wag ka nga'ng magalaw!" Sigaw naman ni Keifer. "Ang bigat mo Ci!" Sabi ko habang tinutulak sya. *Thunk* Pare-pareho kami'ng napahinto. Tunog yun ng bakal na para bang humiwalay sa isa pang bakal. Nagtinginan kami'ng lahat at nakiramdam. Wala gumagalaw at hanga't maari dahan dahan ang paghinga namin. Bigla nalang huminto yung Ferris Wheel at bahagya'ng nayanig ang bagon na sinasakyan namin. Namatay din ang ilaw kaya ang dilim. "Anung nangyari?" Tanung ko. Biglang nag-ring ang phone ni Keifer. Sinagot nya yun. "Hello!" Galit nya'ng sagot. "...Yeah! What the hell happen?!..... What?!..... Calm down?! Were stock here and you want us to calm down?!.... As them to fix this thing now!!" Sigaw ni Keifer at pinatay na yung tawag. "Sino yun? Anu daw nangyari?" Tanung ni Yuri. "Si Rory... Nasa baba daw sya. Namatay daw yung kuryente at sinubuka'ng buksan yung generator pero hindi kaya'ng suportahan lahat ng rides." "It means that were stock here?" Tanung ni David. "Yeah..." Bored na sagot ni Keifer. Shoooooot! "Ganu daw tayo katagal dito?" Tanung ko. "Ewan ko... Hindi naman sinabi." Pfffftttt... Ayoko magstay dito. Magagalit si Aries sakin. Baka isumbong pa ko nun kay Kuya. Speaking of Aries, tumatawag sya. Tinulak ko si Ci-N para umalis sa kandungan ko. Kinuha ko yung phone ko sa bag. Tama ako! Si Aries nga! Nag-aalangan ako'ng sagutin yung tawag. Para kasi'ng alam ko na yung sasabihin nya. "Hello?" Sabi ko pagkasagot ng tawag. ["Where the hell are you?!"] Galit na tanung ni Aries. Lagot na ko nito! "... Sa Amusement Park." Halos pabulong kong sagot. ["Fvck! Saang Amusement Park?! Napakaraming Amusement Park!"] Hindi ko alam yung pangalan. Kasi naman ata't na atat itong si Ci-N na makapasok kaya hindi ko na napansin yung pangalan. Sa loob naman, wala ako'ng makita. "Hindi ko alam yung panga----" "Could you please stop moving!" Sigaw ni Keifer kay Ci-N. ["Is that Keifer?!"] "A-anu... O-oo..." ["What the.... Asan kayo?!"] Lalong tumaas sa galit ang boses nya. "H-hindi ako----" "Agh! Jay!" Sigaw ni Keifer na parang may ginagawa'ng malaswa. Nanlaki yung mata ko sa ginawa nya. Samantalang sya naka-smirk pa. Feeling ko nanadya talaga sya. ["A-anung ginagawa nyo?! Asan ba kayo?!"] "Hindi! Wala----" "Oh! Shit! Jay-jay wag dyan!" Sigaw ulit ni Keifer. Si David at Ci-N nagpipigil ng tawa. Samantalang si Yuri napapa-iling nalang. "Tigilan mo nga yan!" Sigaw ko kay Keifer. "But i can't. I'm almost there! Ugh!" Anu daw?! ["Jasper Jean Mariano!"] "Hindi totoo yun! Nang----" "Agh! I'm coming!" Sigaw ni Keifer. "Anu ba?!" Galit na sita ko sa kanya. I turn to my phone. "...Hindi ako sigurado sa pangalan ng lugar. Basta nasa Ferris Wheel kami." ["Lahat ng Amusement Park my Ferris Wheel!"] Ang hirap nama'ng paliwanagan nito! Malamang yung pinaka-malapit samin. Minsan hindi rin gumagana utak nitong si Aries. Bigla nalang inagaw ni Keifer yung phone sakin at kinausap si Aries. "Pwede'ng mamaya kana tumawag?! Istorbo ka!" Sigaw nya sa phone ko at pinatay yung tawag. Animal! "Akin na nga yan!" Sabi ko sabay hablot ng phone sa kanya. "...Gago ka talaga no?!" "Matagal na." Aba talaga'ng! Tumayo ako at inambaan sya ng suntok. Kayalang bigla nalang yumanig yung bagon na sinasakyan namin at tumunog na naman yung bakal. Napadapa ako kay Keifer ng hindi sinasadya. Umuuga na yung bagon namin. "Anu yun?!" Takot na tanung ni Ci-N. "Ahh... Jay..." Tawag sakin ni David sabay turo posisyon namin. Tinignan ko yung sarili ko at napatayo ako ng makita'ng nakapatong ako kay Keifer. "Gusto mo talaga no?" Pang-aasar ni Keifer sakin habang naka-ngiti ng nakakaluko. Kapal ah! "Asa!" Sumilip ako sa bintana ng bagon. Sobra'ng taas pala ng posisyon namin. Wala pa kami sa pinaka-tuktok. Muling gumalaw yung bagon at napa-upo ako sa sahig. "Ayos ka lang?" Tanung sakin ni Yuri at tinutulungan ako'ng tumayo. Pero hindi pa man din ako nakakabangon muling yumanig ang Bagon. "Aaaaahhhhh..." Sigaw ko. Napakapit na si David at Ci-N sa upuan. May ilang ulit pang yumanig yung bagon. Kinuha ni Keifer yung phone nya at may tinawagan. "Rory!.... What?!.... H-hello?! Rory?!" Tinignan nya yung phone nya "...Shit! Dead bat na." Biglang gumalaw yung Ferris Wheel. Medyo mabilis pero ibig sabihin nun okay na. Makakatayo na sana ako ng bigla'ng yumanig ng sobra'ng lakas yung bagon. Pati sila David at Ci napasigaw narin. Tumunog na naman yung bakal. Hangang isang malakas na yanig yung nangyari sa bagon namin. Para kami'ng candy na inalog sa lalagyan. Masyado'ng mabilis yung pangyayari. Bigla nalang nahulog si Keifer at diretso'ng bumagsak sakin. Napatitig ako sa kanya. Sobra'ng lapit pwede'ng pwede nya kong halikan. Mabilis ang paghinga nya, para bang sinasabayan nun yung tibok ng puso ko. Yung puso ko! Bigla nalang bumukas yung pinto ng bagon. Napatingala ako at kita'ng kita ko ang nanlilisik sa galit na mata ni Aries. Patay! (N/A: What Yuri said----"Magco-confess po kasi ako ng feeling sa classmate kong babae pero nahuli po kami ng dating dahil sa dami ng school work. Baka po hindi na namin abutan yung fireworks. Pwede po bang mauna na po kami sa pila?") 

 

 

Chapter 72 Author's Note: Saturday Morning... Hahahaha... Denzel Jay-jay's POV

 

 Yung kinagalitan na nga ako ni Aries tapos kinagalitan pa ko ni Kuya. Hindi pa sila nasiyahan, balak pa kong i-grounded. Buti nalang at nahabag si Kuya Angelo. Kasalukuyan ako'ng naghihintay sa may kanto namin. Nagtext kasi sakin si David at sinabi'ng susunduin ako. Malayo pa pero natanaw ko na yung kotse nya. Paghinto sa tapat ko sumakay na ko agad. "Naka-usap ko na si Denzel." Bungad nya sakin. Pina-andar na nya yung kotse. "Anu sabi?" "Sa tingin ko sya dapat ang magpaliwanag sayo." Sagot ni David. Ay pa-thrill. Tumahimik nalang ako at naghintay sa byahe. Siguro nga, mas maganda kung si Denzel ang magsabi. Nakatingin lang ako sa bintana at pinag-mamasdan yung mga bahay. Hangang sa meron ako'ng mapansin. Hindi to papunta'ng school. "D-david... Saan tayo pupunta?" "Kila Denzel... Hindi sya papasok ngayon." Tumingin ulit ako sa labas. Para bang nasa ibang lugar kami. Hindi kasi ito yung ini-expect kong invironment ng lugar nila Denzel. Panu ko ba sasabihin na muka'ng squater area yung lugar? Although meron naman sementado'ng bahay pero hindi tapos. Huminto kami sa tapat ng isang bahay. Kalahating kahoy at kalahati'ng sementado yun. Bumaba si David at ganun din ako. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Ngayon lang ata nakakita ng maganda at gwapo---Charot! Si David ang unang lumapit sa pinto ng bahay. "Denzel... Tao po!" Tawag nya. May bata'ng babae na nagbukas ng pinto. Para sya'ng mini me ni Denzel. Ang cute! Yun nga lang babae. "S-sino po kayo?" Tanung nung bata samin. "Classmate kami ni Denzel... Andyan ba sya?" Tanung ko. Tumango yung bata at sinenyasan kami'ng pumasok. Pagpasok sa loob, malinis naman yung bahay. May pintura yung pader at kumpleto sa gamit. Umupo kami sa sofa'ng kahoy at hinintay yung bata'ng mini me ni Denzel. Pumasok sya sa isang kwarto at paglabas nya kasunod na nya si Denzel. "B-bakit kayo nandito?" Tanung nya samin. "Kailangan kang maka-usap ni Jay." Sagot ni David. Ako talaga?! Ako nga ba? Tinignan ni Denzel yung bata sa tabi nya. "Maglaro ka muna sa labas." Tumango naman yung bata at nagtatakbo palabas. Naupo si Denzel sa tabi ko. Muka'ng alam na nya na yung pinunta ko. "Naiintindihan ko kung huhusgahan mo ko pagkatapos kong sabihin sayo yung totoo." Sabi ni Denzel. Hinawakan ko yung kamay nya at nagpilit ng ngiti. "Ginamit ko lang si Grace." Mabilis nya'ng sabi. Sa sobra'ng bilis hindi kagad nagprocess sa utak ko. Anu yun? Panung ginamit? "Nakita mo naman yung lugar namin diba? Gugustuhin mo bang mabuhay at mamatay sa lugar na to?" Sabi nya habang tinitignan ang paligid ng bahay. Sa kagaya kong lumaki na may kaya at nakukuha ang kailangan. Sasabihin ko talaga'ng hindi. Kahit nung na kay Lola ako hindi pumasok sa isip ko na tumira sa ganito'ng lugar. "Panung ginamit?" Tanung ko. "Hindi kaya ng kagaya kong makapasok sa HVIS. Kahit nga si Eren nun na abroad ang Ama nahirapan ding makapasok. Ako pa kaya?" Paliwanag nya. "Nagtatrabaho si Mama sa bahay ni Grace. Wala na sya'ng magulang, mga tita nalang nya ang tumitingin sa kanya. Sabi ko dati gusto ko ng buhay na kagaya ng sakanya." "Kaya pumasok sa isip ko na gagawa ako ng paraan para yumaman." Dagdag nya. "At ang ligawan si Grace ang naging sagot mo?" Tanung ko at sandaling tinignan si David. "Nung una hindi. Pero naiingit ako sa kanya sa mga meron sya. Bago mag-high school may kotse na sya ako kahit bisekleta wala. Kaya kinaibigan ko sya, nakikipag-kulitan ako sa kanya kahit madalas nya kong sinusungitan. Hangang sa nahuli ko yung loob nya. Inuto ko sya na ipasok din ako sa HVIS." "Ginawa naman nya. Pero napa-away ka naman sa mga higher year kaya tinambak ka sa Section E." Dagdag ni David. Tumango si Denzel. "Pagpasok ko sa HVIS tinigilan ko na si Grace. Nakonsensya na ko kaya ganun. Pero hindi ako tinigilan ni Grace, binibigyan nya ko ng nga gamit na mahirap tanggihan. Cellphone, branded na damit at sapatos. Naisip ko na kusa din nama'ng magsasawa si Grace kaya hinayaan ko sya." Huminga sya ng malalim. "Naging kami pero nilihim namin. Marami'ng tututol syempre. Nung magta-tatlong taon na kami, binalak ko ng makipag-hiwalay sa kanya pero hindi ko nagawa. Natakot ako, natakot ako'ng mawala sya sakin." "Kasi mahal mo na sya." Sabi ko. Tumango naman sya. "...Bakit ayaw mong panagutan yung bata kung mahal mo sya?" May halong inis sa boses ko. "Akala ko hindi mabubuntis si Grace kaya nakipag-hiwalay na ko sa kanya. Nakonsensya na ko sa mga ginawa ko. Pero nung araw na nag away kayo ni Freya, sinabi nya sakin na buntis sya." Napahilamos sya ng kamay. "..Natakot ako! Kaya kong panagutan yung bata pero hindi ako mapapatawad ni Grace kapag nalaman nya yung ginawa ko." Wala ako sa lugar para sermunan si Denzel. Mas kailangan nya ng kaibigan na magbibigay sa kanya ng payo sa pwede nya'ng gawin. Hindi ako yun, hindi ko alam yung gagawin sa mga ganito. Nung nabuntis yung kaklase ko dati sinabihan ko lang sya na magpa-check up sa clinic. Kasi nga hindi ko alam ang gagawin sa ganito'ng sitwasyon. Tinignan ko si David. Sinenyasan ko sya na magsalita pero hindi nya ma-gets yung ibig kong sabihin. Muka kami'ng tanga na nag-uusap gamit ang muka. "Anung ginagawa nyo?" Tanung samin ni Denzel kaya tumigil kami. "Ate, sino po kailangan nyo?" Napatigil kami pare-pareho. Boses yun nung bata'ng sumalubong samin kanina. Sino yung sinabihan nya ng Ate sa labas? Pumasok yung bata sa loob kasunod ang isang babae na naka-uniform din ng HVIS. Si Grace! Umiiyak sya at masama ang tingin kay Denzel. Narinig nya yung pinag-uusapan namin! "Sinungaling ka!" Sigaw ni Grace kay Denzel at nagtatakbo palabas ng bahay. Sinundan ko sya, nakita kong sumakay sya ng kotse na nakaparada kasunod ng kotse ni David. Lumingon ako kay Denzel pero hindi man lang sya gumalaw. "Hindi mo man lang ba sya susundan?!" Inis na tanung ko sa kanya. "M-mas maganda na to. Hindi ko kaya'ng maging mabuti'ng asawa sa kanya." Sabi nya at pumasok sa kwarto. Tinignan ko si David. Wala sya'ng reaksyon. Gusto kong mainis sa kanya kasi wala man lang sya'ng sinabi pero ganun din naman ako. Kinuha ko yung bag ko at lumabas na ng bahay. Sumunod naman sakin si David. Sumakay kami pareho sa kotse. "Anu na? Anu balak?" Tanung ko kay David. "Pumasok muna tayo sa school." Sabi ni David. Pinaandar nya ang kotse. Tahimik lang ako sa buong byahe. Gusto ko'ng isipin yung pwede'ng mangyari kay Denzel at Grace pero ayoko nama'ng gumawa ng sapantaha o kaya bigyan ng pag-asa yung sarili ko. Malapit na kami sa isang tulay ng makita ko yung kapareho'ng kotse na sinakyan ni Grace. "David! Ihinto mo!" Utos ko. Inihinto nya ang kotse malapit lang sa kotse ni Grace. Bumaba ako at agad na tinignan ang loob pero walang tao. Tumingin ako sa palagid at nakita ko sa gilid ng tulay si Grace. "David! Si Grace!" Mabilis kaming tumakbo palapit kay Grace pero tinignan nya kami ng masama. "Grace! Tara dito!" Sigaw ko sa kanya habang inaabot ang kamay ko. "Grace... Mapag-uusapan pa to." Sabi ni David. Bigla nalang sya'ng umiyak. "Kung may mangyari kaya sami'ng masama, pananagutan na ko ni Denzel?" "Lalala lang ang sitwasyon kapag ginawa mo yan." Sagot ni David at pilit inalok ang kamay nya kay Grace. "Mahal ko si Denzel. Pero masakit yung ginawa nya sakin." Sabi nya habang umiiyak. "Nagsisi naman sya! Alam nya'ng mali kaya pilit nya'ng tinama yun!" Paliwanag ko. Napatingin ako sa ilalim ng tulay. Napakataas ng tulay. Medyo malakas din ang agos ng ilog. Baka sa dagat na pulutin si Grace kapag nalaglag sya. "Tinama? Sa pakikipag-hiwalay sakin?!" Umiiyak na tanung ni Grace. "GRACE!" Napatingin kami sa sumigaw. Si Denzel, kasama nya yung mga classmate namin. Bakit sila nandito? Lumapit si Denzel sa pwesto namin. Kita ko ang pag-aalala nya. Ngayon nagakot ka?! "Grace! Tara dito! Mag-usap tayo!" Sigaw ni Denzel. "Sinungaling ka! Ginamit mo lang ako!" "Oo... Ginawa ko yun pero nagsisi na ko! Maniwala ka!" Lumapit sakin sila Yuri at Keifer. Kasunod nila yung iba. "Anu bang nangyari?" Tanung ni Yuri. "Sinubukan nami'ng kausapin si Denzel, kinwento nya yung totoo'ng dahilan. Tapos nasa labas lang pala si Grace at nakikinig." Paliwanag ko na sobra'ng bilis. Tinignan ako ng masama ni Keifer. "Naki-alam ka na naman." "Gusto ko lang makatulong." Sagot ko sa kanya. "...Bakit ba kayo nandito? Ha?" "Tumawag sakin si David. Pinuntahan namin si Denzel at sinundan si Grace pero nakita namin kayo dito." Paliwanag ni Yuri. Wala akong maalala na may tinawagan si David. Sa lalim na rin siguro ng iniisip ko, hindi ko napansin. "Grace! Para sa baby natin, mag-usap muna tayo!" Paki-usap ni Denzel. Umiling ang Grace habang umiiyak. "Tss. Natatagal lang tayo dito eh!" Galit na sabi ni Keifer at bigla nalang lumapit kay Grace. Mas malapit pa sa pwesto ni Denzel. "Wag kang lumapit!" Sigaw ni Grace kay Keifer. Huminto naman ang Keifer at nag-cross arm. "Ano? Tatalon ka? Edi tumalon ka! Talon na!" Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. Gago talaga! Udyukin daw bang magpakamatay. "Keifer!" Sigaw ko. Sinenyasan lang nya ko gamit ang isang daliri nya. "Tumalon kana! Duwag ka kasi! Akalain mo yun, si Grace Miller na kaibigan ni Freya. Isa palang duwag!" Dagdag pa nya. Halos matampal ko na ang sarili kong noo dahil sa mga pinagsasabi nya. Ginagatungan lang nya yung sama ng loob ni Grace. "Akala ko magaling kayong magpahirap! Mas matapang mas masaya pahirapan! Pero ikaw? Yan pa lang ang problema mo, papakamatay na! Duwag ka pala talaga!" Dagdag pa ni Keifer. Tahimik lang nakatingin si Grace sa kanya. Pinunasan nya ang luha nya at para'ng meron sya'ng na-realize. Unti-unti sya'ng umalis sa gilid at naglakad palapit kay Keifer. "Hindi ako duwag. Hindi ang problema'ng to ang magpapabagsak sakin." Madiin nya'ng sabi kay Keifer at lumakad sya palapit kay Denzel. "...Sumunod ka sakin, mag-usap tayo." Agad na sumunod si Denzel at sumakay sa kotse ni Grace. Binalik ko yung tingin ko kay Keifer. Dapat ba kong mamangha sa ginawa nya? Halos maaos kami sa kakasigaw kay Grace para umalis sa gilid pero sya inaway lang. "Pumasok na tayo! Tapos na ang eksena!" 

 

 

Chapter 73 Enemy Jay-jay's POV

 

 "Alis na po ako!" Sigaw ko sa mga maid. Wala pa rin kasi sila Tita kaya sa kanila muna ko nagpapa-alam. Hindi rin naman ako isasabay ni Aries sa kotse nya. Sobra'ng nakaka-stress tong mga nag-daang araw. Hindi pa rin malinaw ang usap ni Grace at Denzel. Pero naghahanap na ng trabaho si Denzel. Handa na daw sya'ng panagutan yung Baby. Kayalang muka'ng yung baby lang. Malapit na ko sa school ng makita ko si Eren at Ci-N na naglalakad. Tumakbo ako palapit sa kanila at inakbayan sila. "Good morning!" Bati ko sa kanila. "Good Morning din!" Balik nilang bati sakin. Napahinto kami sa tapat ng gate. Puro bandiritas na kasi at tinatayo narin yung ibang mga stall para sa mga booths. "Malapit na nga pala yung Festival." Sabi ni Ci-N. "Oo nga... Wala pa tayong representative para sa contest." Sagot ko. "Meron na..." Sabi ni Eren. Pareho kami'ng napatingin ni Ci-N sa kanya. Hindi pa kaya namin napag uusapan yun. Panu'ng nagkaroon na? "Sino?" Sabay nami'ng tanung ni Ci-N. "Tignan nyo yung isa't isa. Mister Ganda at Ms. Pogi." Sabi ni Eren. Nagtinginan kami ni Ci-N. Obvious naman na ako yung ilalagay sa Ms. Pogi. Ako lang kaya babae samin. Pero si Ci-N bilang Mister Ganda, hindi ako sigurado. "Bakit ako?" Tanung ni Ci. "Para ka daw kasing bakla." Mabilis na sagot ni Eren at naglakad papasok ng school. "Hoy! Bawiin mo yung sinabi mo! Hahalikan kita!" Sigaw ni Ci at sumunod kay Eren. Adik lang? Pinatunayan lang nya na bakla sya kapag ginawa nya yun. Susunod na rin sana ako sa kanila ng may humintong sasakyan sa likod ko. Nilingon ko yun at may bumaba na kalalahikan, agad silang lumapit sakin at hinawakan ako.

 

 Ci-N's POV

 

 "Luko ka! Sasapakin kita dyan!" Banta ko kay Eren. Sabihin daw ba kong bakla. Asan ba si Rakki? Isusumbong ko tong isa na to. "Totoo naman! Tanung mo pa kay Jay-jay!" Sagot sakin ni Eren. Nilingon ko naman si Jay-jay para itanung pero wala sya sa likod namin at parang may nagkakagulo sa may gate. Bigla nalang ako'ng kinabahan, something is wrong. Tumakbo ako pabalik sa gate. "Tulungan nyo!" Sigaw ng kung sino. Nakisiksik ako sa mga nagkukumpulan at kita'ng kita ko kung panu man-laban si Jay-jay sa mga lalaki'ng pilit sya'ng sinasakay sa kotse. "Bitiwan mo sabi ako!" Galit na sigaw ni Jay. Agad ako'ng tumakbo palapit sa kanila. I punch one of them iediately. "Jay!" Sigaw ni Eren at tinulungan na rin ako. Kahit si Jay-jay nakisuntok na rin dahil sa galit. Pero meron pa pala sila'ng kasama sa loob ng kotse. Agad nila kami'ng pinagtulungan ni Eren. Sinukmuran at sinuntok ako dahilan para mapabagsak ako sa sahig. "Ci-N!" Sigaw ni Jay-jay at akma'ng lalapit sakin pero agad syang binitbit ng mga lalaki at pilit sinakay sa kotse. "Anu ba?!" "Jay-jay!" Sigaw ko. Pinilit kong tumayo at lumakad palapit sa kotse pero sumara na ang pinto nito at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. "Shit!" Sigaw ko at napahawak nalang sa ulo ko. "Mga tauhan ni Ram yun! Sabihin natin kay Keifer! Dali!" Sigaw sakin ni Eren.

 

 Yuri's POV

 

 Hindi ko alam kung anu'ng problema ni Keifer pero para'ng ang weird nya. After nami'ng manggaling sa Amusement Park bigla nalang sya'ng tumahimik. Madalas nagrereklamo sya. Ayaw nya kasi ng mga ganung pangyayari. And the worse part is, he don't even mind if Aries is freaking mad at them. Para bang meron sya'ng iniisip. Gusto ko sana syang kausapin tungkol don pero hindi sya magsasabi kung hindi nya gusto. "KEIFER! KEIFER!" someone shout. Pare-pareho kami'ng naghintay don sa sigaw ng sigaw. It was Ci-N and Eren. Medyo madumi yung uniform nila. "TAWAGIN NYO KO NG MAAYOS! WAG NYONG ISIGAW!" Galit na galit na sabi ni Keifer. Naghabol muna ng hininga yung dalawa. "Si Jay-jay... K-kinuha sya ng mga... Tauhan ni Ram." Sabi ni Ci-N. "What?!" I almost shout. No! This can't be! Bakit si Jay-jay pa? Nagkuyom ang kamao ko at mabilis na lumakad palabas ng room pero agad ako'ng pinigilan ni Keifer. "Walang lalabas ng pintuan na yan!" Galit sabi ni Keifer. "...This is a trap!" "I know this is a trap! But i can't just sit here and do nothing!" "I know Ram's Game! He'll play with us and in the end we are the one who will loose!" "Anu'ng plano?" Tanung nila kay Keifer. Hindi sya sumagot. Kahit alam nya makipaglaro si Ram hindi pa rin sya sigurado sa gagawin, dinadaan lang nya sa palakasan kaya sya nanalo. Bigla'ng nag-ring yung phone ni Keifer. Tinignan nya kung sino yung tumatawag. Tinignan nya muna ko bago sabihin kung sino yun. "Unknown number requesting for a video call." Sabi nya. Mabilis ako'ng lumapit kay Keifer at hinintay sya'ng sagutin ang tawag. Pagkasagot, bumungad ang muka ni Jay-jay na walang malay. "Jay!" Sigaw ko. "Ssssshhhhh... Wag kayong maingay. May natutulog oh!" Sabi ng kung sino. Kahit hindi ipakita ang muka nung nagsasalita may kutob ako'ng si Ram yun. Bigla lumipat yung camera sa ibang angulo at humarap ang hinihintay nami'ng tao. "Hi boys! Namiss nyo ba ko?" Tanung nito. "Oo! Sobra'ng miss!" Pabalang na sagot ni Keifer. Ram chuckled. "Nabitin ako sa laro natin. Let's continue it, shall we?" "Anu'ng balak mo kay Jay-jay?" Tanung ko. "I don't know... Pero naiinis ako sa ginawa nya. Feeling ko nalamangan ako." He suddenly look at somewhere and smirk. "... Gising na pala sya oh!" Nilipat ulit nya yung camera at pinakita yung pwesto ni Jay-jay. Hindi kagaya kanina buong katawan na ang nakikita namin sa kanya. Naka-tali sya sa bangko. Inigaw ko yung cellphone kay Keifer para makita sya ng maayos. "Jay!" Sigaw ko. "Wake up! Sleepy head!" Sigaw ni Ram sa kanya. Tinignan sya ng masama ni Jay-jay. Mukang nakilala sya nito at alam na rin nya yung nangyayari. "Tumingin ka sa camera. Nakikita ka ng mga kaibigan mo." Utos ni Ram. Tumingin naman si Jay-jay. Wala ako'ng nababakas na kahit anu'ng reaksyon sa kanya. Pero alam ko, kahit itanggi at itago nya, natatakot sya. "Ram! Anu bang kailangan mo?!" Sigaw ko. Inagaw sakin ni Keifer ang cellphone nya. Tinignan nya ko na may halong inis. "Baka pwede nyong bisitahin tong kaibigan nyo dito. Pero kaunti lang ang tinatanggap kong bisita. Mga apat na tao lang." Alam kong gusto nya na magpunta kami don. Apat na tao laban sa dami nila. Matatalo kami nun! "Kung ako sa inyo bibilisan ko. Ayoko kasi ng naiinip." Dagdag ni Ram at nilapit ang camera kay Jay-jay. Pinalakad nya yun daliri nya sa hita nito habang nagh-huing. Pilit iniwas ni Jay yun pero hindi sya makagalaw. Gusto kong sapakin si Ram, gusto kong durugin yung muka nya sa suntok ko, gusto kong makita sya'ng naghihirap at kung hindi ako makakapag-pigil baka mapatay ko sya. "Alam nyo na kung saan!" Sigaw ni Ram at pinatay yung video call. Sa sobra'ng galit ko nasuntok ko nalang yung lamesa. Tumagos yung kamao ko. Masakit pero mas nananaig ang galit ko. "Yuri! Felix! Ci-N! Tara na!" Sigaw ni Keifer at lumakad palabas ng room. "Teka! Panu kami?!" Sigaw ng iba. "Dating gawe! Siguraduhin nyong magiging tahimik kayo!"

 

 Aries's POV

 

 "Babe?" Tawag sakin ni Ella. "Bakit?" "Ang tahimik mo kasi..." "Parang hindi mo ko kilala." Sabi ko at inakbayan ko sya. Ngumiti sya sakin kaya ganun din ako. "ARIES! ARIES! YUNG PINSAN MO!" sigaw ng kung sino. Napatayo ako at napatingin dun sa sumigaw. "Anu'ng nangyari?" Tanung ni Kiko. Tinignan ko sya ng may pagtataka. Sila na ni Freya bakit nag-aalala pa rin sya kay Jay-jay. "May dumampot sa kanya'ng mga lalaki! Sinakay sya sa kotse!" "What?!" Sigaw ko. "Nakita nyo ba yung plate number?!" Tanung ni Kiko. Umiling lang yung nagbalita samin. Napasuklay ako ng buhok gamit ang kamay ko. Who the hell is that? Tinignan ko si Ella. "Stay here!" Mabilis akong tumakbo palabas ng room. Hindi ko alam kung anu gagawin ko. I should call a police or Kuya Angelo but i'm not sure about it. Paglabas ng main building nakita ko'ng sumunod pala sakin si Kiko at Mykel. "Aries! Anu'ng gagawin natin?!" Tanung sakin ni Mykel. I don't fvcking know! Napatingin ako sa grupo ng kalalakihan na palapit sa gate. Sila Keifer! Lumapit ako sa kanila at agad na kinwelyuhan sya. "ASAN SI JAY-JAY?!" Galit na tanung ko sa kanya. Tinabig lang nya yung kamay ko. "Wag kana maki-alam dito! Kami ng bahala kay Jay-jay!" Sabi nya sakin at akma'ng aalis pero hinarangan ko sya. "Sino'ng kumuha sa kanya?!" Tinignan ako ng masama ni Keifer at ganun din si Yuri. "Si Ram ang may hawak sa kanya!" Sagot nung bata'ng Ci-N ang pangalan. Si Ram? Bakit sya pa? Anu'ng ginawa ni Jay-jay at kailangan sya'ng madamay? "Sasama kami!" Sigaw ni Kiko. "Hindi pwede! Apat na tao lang ang hinihingi ni Ram! Manahimik nalang kayo dito!" Sabi ni Yuri. Wala ako'ng nagawa kundi ang hayaan sila'ng makaalis. Hindi ko pwedeng kontrahin ang salita ni Ram. Baka kung anu gawin nya kay Jay-jay. Kainis! Hindi dapat ako nag-aalala ng ganito. Pero hindi ko mapigilan. Kadugo ko pa rin sya. 

 

 

Chapter 74 Author's Note: Magulo yung mga bulate sa utak ko nung sinusulat/type ko ito'ng

 

 

Chapter na ito. Kaya i understand kung maguluhan din kayo.

 

 Shock Keifer's POV

 

 Bakit? Bakit ako natatakot ng ganito? I never been scared like this before. My heart is beating so fast like i'm ready to kill someone. "Keifer.." Yuri called me. "..i need to ask you something." I didn't answer. I wait for his question. "...What happen back in Amusement Park? I know Jay-jay is with you when we were at the Horror House." I... I don't know and i don't want to know! "Before i answer that... Let me ask you first." I said. He look at me the same way he do when i ask him about Ella. "...Do you like Jay-jay?" He look away. Honestly i don't want to hear his answer. Pakiramdam ko lason sakin ang magiging sagot nya. "I-i do... And i think i'm starting to fall for her." Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Fvck! No! Not Jay-jay please! "Balak mo ba kong kalabanin? You know that i need her to my plan." I said calmly. I don't want Yuri to feel my tension. "N-no..." Pilit nya'ng sagot. I stop the car. Were here at the old and abandoned factory. Pero bago pa ko makababa may sinabi ako kay Yuri. "Good... Alam mo kung saan ka pupulutin kapag kinalaban mo ko." Lumabas na ko at sumunod naman sya. Sakto nama'ng dating nila Felix gamit ang kotse ni Yuri. Pare-pareho kami'ng huminto sa gate ng factory. Naghihintay na bumukas. Sa totoo lang matagal ng nag-iinit ang katawan ko sa laban.

 

 Jay-jay's POV

 

 "Gusto mong kumain?" Alok sakin nung Ram habang nakangiti. "Sa itsura kong to, makaka-kain ako?" Sarkastiko'ng sagot ko sa kanya. He chuckled and walk toward me. "..Edi susubuan kita!" "Ayoko! Baka may lason pa yan!" Bigla nalang bumukas yung pinto at pumasok yung isa sa lalaki'ng nasuntok ko kanina sa pagpupumiglas ko. "Boss! Andyan na sila!" Sabi nung lalaki at tinignan ako ng masama. Makawala lang ako dito, susuntukin ulit kita! Tinanggal ni Ram yung tali sa likod ko para maka-alis ako sa bangko. Pero nakatali pa rin ang kamay ko sa likod. "Tara! Silipin natin ang mga bisita mo!" Sabi ni Ram at pilit ako'ng hinatak palabas ng pinto. Para kaming nasa teres. Except sa nasa loob kami ng factory. Muka nga'ng opisina yung pinanggalingan namin, kayalang puro gamit pambahay na. "Jay!" Tawag sakin ni Ci-N. "Yung mga bisita mo!" Sabi ni Ram at bigla nalang ako'ng tinulak. "hhhhhhh...." "JAY-JAY!!" sabay-sabay nami'ng sigaw. Akala ko kasi mahuhulog na ko pero hinawakan ako ni Ram sa likod. Pakiramdam ko humiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko sa takot. Hinatak ako ni Ram at itinuwid ng tayo. Tumawa sya ng malakas. "Hahahaha.. Sorry! Nawala sa isip ko na andito pala tayo sa taas! Hahahahaha!" "Sinadya mo yun! Hayop ka!" Sigaw ko sa kanya. Hindi ako makahinga ng maayos. Ngayon ko naintindihan yung near death experience. "Andito na kami! Anu pa bang kailangan mo?!" Tanung ni Keifer. Napatingin ako sa kanya. May kakaiba kasi sa tingin nya na diretsong nakatitig sakin. I thought i'll never find you! Argh! Bakit ba ngayon ko pa naalala yun?! "Nabitin ako eh! Gusto ko'ng makapanood ng nag-aaway." Sabi ni Ram at nag-smirk. Sinenyasan nya yung kasama naming tauhan nya. "BOYS!" Sigaw nung lalaki. Bigla nalang lumabas sa kung saan ang isang damakmak na lalaki. May hawak pang tubo at baseball bat yung iba. Apat lang sila Keifer. Hindi nila kaya yung ganyan kadami. Keifer chuckled. "Eto lang? Ang unti naman!" Gago ba sya? Sa lagay na yan na halos mahigit-50, kakaunti pa para sa kanya? Kakaiba tong si Keifer. "Wag kang mayabang! Hintayin mo lang!" Sabi ni Ram at bigla nalang ako hinatak papasok ulit sa loob. Pero bago pa kami makapasok may sinigaw si Keifer na nagpabilis ng tibok ng puso ko. "JASPER JEAN MARIANO! HINTAYIN MO KAMI!"

 

 Yuri's POV

 

 Pagsara ng pinto'ng pinasukan nila Ram. Agad na sumugod samin ang mga tao nya. Masyado silang marami pero mani'ng mani lang kay Keifer ang lahat. "Iwas sa tubo at baseball bat!" Sigaw ko. Sigurado ako'ng hindi na kami makakabangon kapag tinamaan kami nyan. "Aaaarrggggh!" Sigaw ko habang patuloy sa pagsuntok at sipa sa kung kanino. Bahala na kung kanino tumama! "Yuri! Pupunta ako sa taas! Harangin nyo sila!" Sigaw ni Keifer at pilit lumapit sa bakal na hagdan. Sumunod kami sa kanya at hindi na hinayaan na makasunod sa kanya yung iba. "Lapit pa!" Sigaw ni Ci-N habang tuwa'ng tuwa sa pagsipa. Tss. Bata talaga! "Bakit ang tagal nila?!" Tanung ni Felix. Yun din ang gusto kong itanung. Bakit ang tagal ng mga Section E? Akala ko ba excited sila sa away.

 

 Keifer's POV

 

 Hangang sa pinto may mga tao ni Ram. Badtrip! Pero kaya ko sila, hindi ako pwede'ng magpatalo. "Umalis kayo dyan!" Sigaw ko at pilit sila'ng sinipa at suntok. Nalaglag na yung iba, pero may bumagsak lang sa sahig. Pagbukas ko ng pinto, nakatayo si Jay-jay malapit sa bintana. "Wag!" Sigaw nya. May humampas na matigas na bagay sa ulo ko. Kusa'ng bumagsak ang katawan ko sa sahig at para'ng nawalan ako ng lakas. "Kala mo sakin tanga?! Handa to!" Sigaw ni Ram. Hindi ako makagalaw. Sobra'ng bigat ng pakiramdam ko. Asar! Napatingin ako kay Jay-jay. Umiiyak sya at awa'ng awa sakin. No! Please! Don't cry! Bumibigat ang dibdib ko dahil sa pag-iyak nya. Akala ko matapang sya pero bakit umiiyak sya kahit hindi naman sya yung nasasaktan? Babae kasi! Yeah... Right! Babae kasi! Muli ako'ng hinampas ng matigas na bagay ni Ram sa likod. Lalo ako'ng hindi nakagalaw sa sakit. "Tama na... Please..." Paki-usap ni Jay-jay. No! Wag kang maki-usap! Wag mong gawin yan! "Nakiki-usap ka?! Para sa tao na to?!" Tanung sa kanya ni Ram. "...Mag syota ba kayo?!" Umiling si Jay-jay pero alam kong hindi maniniwala si Ram. Tinignan ko sya. Sandali sya'ng tumigil sa pag-iyak. Meron sya'ng ginagalaw sa likod nya. Sinusubukan nya'ng tumakas. Fvck! Mahuhuli sya ni Ram! "Your a coward!" Pilit kong sigaw kay Ram at sinubukan kong bumangon pero sinipa nya ko sa tyan dahilan para mapahiga ako. "Wala ako'ng paki! Ang hirap mo kaya'ng kalabanin! Ang dami kong tauhan pero hindi kita mapabagsak!" Galit na sabi ni Ram. "K-kasi mahihina kayo!" Winasiwas ni Ram ang hawak nya'ng baseball bat. Muka'ng yun ang ginamit nya'ng pang-hampas sakin. Bigla nalang nya kong tinukod sa sikmura. "Ugh!" "Anu ka nga-----" Bigla nalang tinulak ng malakas ni Jay-jay si Ram. Agad sya'ng lumapit sakin at pilit ako'ng tinayo. "Hindi! Wag! Tumakas kana!" Utos ko sa kanya. Pero hindi sya nakikinig. "...Jay! Umalis kana!" "Ayoko! Hindi kita iiwan dito!" Sigaw nya sakin at bigla sya'ng umiyak. Natigilan ako. Bakit? Bakit mo to ginagawa? Sinubukan kong tumayo pero bigla nalang binitbit ni Ram si Jay-jay sa buhok. "Argh! B-bitiwan mo ko!" Sigaw ni Jay-jay. Nang-gagalaiti sa galit si Ram. "Walang hiya ka!" Sigaw nya at bigla nalang nya'ng sinampal si Jay. Bumagsak sya sa sahig. Alam kong nalambot sya sa ginawa ni Ram. Hindi ko napigilan ang galit ko sa ginawa ni Ram. Kahit mabigat ang pakiramdam ko. Tumayo ako at sinipa si Ram sa tuhod pero nakabawi sya agad ng hampasin nya ko ng baseball bat sa hita. "Masyado kang nagpapa-apekto sa babae'ng to!" Sabi ni Ram at unti unti'ng tumatayo. Ngayon lang ako nahirapan ng ganito. Sa sobra'ng hirap para'ng hindi ko na kaya'ng lumaban. Nakita ko'ng tumayo si Jay-jay. Nasa likod sya ni Ram kaya hindi sya nikikita nito. Parang wala'ng nangyari sakanya. Diretso'ng diretso ang tayo. Dumudugo ang labi nya pero pinunasan nya yun gamit ang likod ng kamay nya. Para'ng may mali sa kanya. Wala'ng buhay ang mata nya. Diretso ang tingin kay Ram at bigla nalang sya'ng ngumiti. Ngiti na para'ng papatay ng tao. Napansin ni Ram ang tinitignan ko kaya tumingin din sya. Sakto'ng pagharap nya ang malakas na pagsipa ni Jay-jay sa muka nya. Akala ko titigil na sya dun pero agad sya'ng dumagad kay Ram at wala'ng tigil ang pagsuntok nya sa muka nito. Kasabay ng pagsuntok nya ang pagtalsik ng dugo. Hindi ko alam kung kanino yun pero sa lakas ng binibitawa'ng suntok ni Jay, pwedeng kay Ram ang dugong yun. Hindi na gumagalaw si Ram pero wala pa ring tigil si Jay. "J-jay! Tama na!" Sigaw ko at pilit lumapit sa kanya. Hindi nya ko pinansin. "JAY!" sigaw ko. Tumigil sya at sandali ako'ng tinignan pero bumalik sya sa pagsuntok kay Ram. Pinilit kong makalapit kahit nanginginig ang tuhod ko sa pagtayo. Puno'ng puno ng dugo ang muka ni Ram. Dilat ang mata nya na nakatingin sa kung saan. Baka mapatay nya to kapag hindi sya tumigil. "JAY-JAY!" 

 

 

Chapter 75 Author's Note: Tuesday po ulit... Plano kong mag-update ng 10

 

 

Chapters pero bago ko magawa yun kailangan ko ng mahabang panahon. Okay lng ba? Ready po kyong maghintay ng matagal?

 

 Truth Jay-jay's POV

 

 Ang sakit ng katawan ko! Nanginginig ang tuhod at kamay ko. Kumikirot din ang ulo ko. Nagising ako na parang tumambling ako sa kung saan. Hindi ko alam kung anu yung nangyari. Sinubukan kong gumalaw at dun ko lang napansin na may nakayakap sakin mula sa likod. Halos nakapahiga ako sakanya. Nakaipit yung dalawa'ng braso ko sa yakap na yun kaya hindi ko maigalaw ang kamay ko. Mahigpit yung yakap at para'ng ang lalim ng hininga nung nakayakap sakin. Pilit kong sinilip kung sino yun. Keifer? Nakapikit sya at naghahabol ng hangin. Dumudugo ang nguso at ilong nya. "K-keifer?" Bulong ko. Dumilat sya at bigla nalang hinigpitan ang yakap sakin. "A-aray... B-bitiwan mo na ko..." Sabi ko habang nagpipilit magpumiglas. "Hindi... Hanga't hindi ka humihinahon." Sagot nya sakin. "Mahinahon ako." Bahagya nya'ng niluwagan ang pagkakayakap sakin pero hindi pa rin sya bumibitaw. Bakit ba ganito yung posisyon namin?----teka! Si Ram. "Asan si Ram? Anu ng nangyari?" Tanung ko sa kanya. Hindi sya sumagot pero lumipat yung tingin nya sa ibang direksyon. Sinundan ko yung tingin na yun at nakita ko si Ram. Pero ibang Ram, puro dugo at parang wala ng buhay. S-sandali! A-ako ba may gawa nito?! Bigla nalang ako'ng nanginig sa takot. Ako may gawa nito! Ganyan din ang itsura ni Cyrus paggising ko nuon. Tinignan ko yung kamay ko na sobra'ng kirot at nanginginig sa sakit. Puro dugo din yun. Hindi! Naulit na naman! Inikot na pilit ni Keifer ang katawan ko para makaharap sa kanya. Sinubsob nya yung muka ko sa dibdib nya. "Buhay pa sya... Humihinga pa sya." Bulong sakin ni Keifer. Kusang pumatak ang mga luha ko. "A-ako ba may gawa nyan?" Hindi nagsalita si Keifer. Alam kong naguguluhan sya sa tinanung ko. "O-oo.." pilit nya'ng sagot. Napa-iyak nalang ako sa sinagot nya. Anu bang nangyayari sakin? Bakit ko ginagawa to? Nanakit ako ng tao ng hindi ko alam. Pare-pareho'ng muntik ko ng mapatay. Yung Tatay ni Aries, si Cyrus at ngayon si Ram. "Sssshhhh... Wag kang umiyak. Pinagtanggol mo lang ang sarili mo at ako." Sana nga yun yung ginawa ko. Sana nga ganun lang kadali isipin yun. Pero hindi ko mapigilang umiyak. "K-keifer... Sabihin mo sakin ang totoo." Gusto kong malaman yung nangyari. Pagod na kong gugulin ang oras ko sa pag-iisip ng ginawa ko at kung bakit wala ako'ng maalala. "...Anung ginawa ko?"

 

 Aries's POV

 

 "Wala ka man lang ginawa?! Sana tumawag ka ng pulis!" Galit na sermon sakin ni Kuya. Anung gagawin ko? Nataranta ako. Hindi ko pwedeng kontrahin si Ram, baka kung anung gawin nya kay Jay-jay. Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa kwarto ni Jay-jay. Tumawag samin si Yuri at sinabi'ng nasa ospital sila. Si Kuya ang una'ng naglalakad samin. Kasabay ng paghahanap namin ang sermon nya sakin. "Hindi mo man lang inisip na hanapin sya?! Kung alam mo'ng sila Keifer ang gagawa ng paraan, sana sumama ka!" I don't want to answer. Nakakatakot magalit si Kuya. Hindi ko gugustuhi'ng kalabanin sya. Si Kuya Angelo ang pinaka-malupit sa lahat ng naging Section E at hangang ngayon dala-dala nya yun. "Kadugo mo sya! Ikaw dapat ang unang tutulong sa kanya! Parang hindi kayo mag----" natigilan sya at parang na-realize na mali ang sasabihin nya o maling sabihin nya. "...mag-pinsan kayo! Ikaw dapat ang tumitingin sa kanya!" Pagtutuloy nya. Lumiko kami sa panibagong Hallway kung saan nakabalandra ang mga Section E. Napatingin sila samin at nagbigay ng daan papunta sa pinto ng kwarto ni Jay jay. Mabilis na naglakad si Kuya kaya sumunod ako. Nagsalubong pa ang tingin namin ni Yuri bago kami tuluya'ng pumasok sa loob. Dalawa ang kama sa loob ng kwarto. Wala'ng nakahiga sa isa, samantalang nasa dulong kama naman si Jay-jay. Nakatayo si Keifer sa tabi nya habang nakahawak sa kamay ni Jay. I arched a brow. Bakit kailangan nakahawak sa kamay? "Keifer." Tawag ni Kuya sa kanya. Tumingin sya samin pero nakahawak pa rin sa kamay ni Jay. Late ko na napansin na naka-hospital gown sya. Muka'ng sya yung naka-assign sa kabilang kama. "I need to talk to you." Diretsong sabi ni Kuya. Bumitaw si Keifer kay Jay at lumapit sya kay Kuya. Lumabas sila ng kwarto at ako nalang ang naiwan. Lumapit ako sa kama ni Jay-jay. Mahimbing ang tulog nya. May benda ang kamay at namumula ang gilid ng labi. Nakaramdam ako ng inis sa maraming bagay. I hate the fact that i did nothing for her. I hate myself and i feel useless. But what i hate the most is what Jay-jay did. For the third time, nanakit sya ng tao na para'ng halimaw. I can't believe that i have the same blood with her. Pero kahit ganun, hindi ko parin maiwasan na hindi mag-alala sa kanya. I stared at her innocent face. Hahawiin ko sana ang buhok sa muka nya pero bigla sya'ng gumalaw. Bahagya ako'ng lumayo at unti-unti sya'ng dumilat. "Hm.." niligid nya ang kanya'ng mata. "...A-asan si Keifer?" Keifer... I cleared my throat. "N-nasa labas kausap si Kuya." Hindi na nagsalita. Tumitig lang sya sa kisame at parang ang lalim ng iniisip. "Aries..." Tawag nya sakin na halos bulong lang. "Bakit?" Tanung ko sa kanya. "A-anu yung ginawa ko sa Papa mo dati?" Shit! Not this again. "Ayoko kong pag-usapan yan." "Sinaktan ko rin ba sya kagaya ng ginawa ko kay Cyrus at Ram ngayon?" "Hindi ko alam." Please stop! "Muntik ko na rin ba sya'ng mapatay?" "I... I don't know." Stop asking! "Hindi rin ba-----" I stop her. "STOP IT! Stop asking question about him!" Bigla'ng bumukas ang pinto at pumasok pareho si Kuya at Keifer. Kasunod nila si Yuri at iba pang Section E. "Aries! What are you doing?!" Inis na tanung sakin ni Kuya. I shoked my head. Keifer and the others run toward Jay-jay. "Okay ka lang? May ginawa ba sayo si Aries?" Tanung nila kay Jay-jay. Umiling lang sya bilang sagot. Sinenyasan ako ni Kuya na lumabas ng kwarto. Alam kong sesermonan nya ko. "What happen?" Tanung nya sakin. "She... She keep asking about the incident four years ago." Huminga ng malalim si Kuya at umiwas ng tingin. Napahawak rin sya sa sintido nya. "Kailangan nating ipatingin sa Pschychiatris si Jay-jay. Keifer explain to me what she did. She listen to no one and keep repeating what her doing. Then at the end she don't remember anything. That's not normal." Still the same! "It's up to you. Your his guardian as of now." I said and walk away. I'm not in the mood to talk about her shit. Gusto kong umuwi at magpahinga. Palabas na sana ko ng main door ng hospital ng may makita ako'ng pamilyar na tao. Napatigil ako at napatitig sa kanya. Anung ginagawa nya dito? Ngayon pa talaga sya nagpakita. "Miss.. Saan po yung kwarto ni Jasper Jean?" Tanung nito sa babae sa counter. Pero bago pa man makagawa ng hakbang yung babae. Lumapit na ko sa kanila at hinawakan sya sa braso. "A-aries?" Sabi nito habang hawak hawak ko sya. Paglabas sa ospital dun ko lang sya binitawan. "Anu ba?!" "Anung ginagawa mo dito?!" Galit na tanung ko sa kanya. "Pupuntahan ko yung anak ko! Kailangan nya ngayon ang Mama nya!" Sagot nya sakin. I chuckled. "Joke ba yan? Hindi kasi nakakatawa!" "Aries! Gusto ko lang makita si Jay-jay! Ang tagal na naming hindi nag uusap! Gusto ko na ring ibalita sa kanya na mag-papakasal-----" "Na naman?! Hindi kapa ba nagsasawa?! Feeling mo matutuwa si Jay jay kapag narinig nya sayo yan!" Galit na sigaw ko sa kanya. "Wag mo kong sigawan! Baka nakakalimutan mo kung sino ako!" Galit na sagot nya sakin. Sandali nya kong tinignan, para bang meron sya'ng iniisip. "...Huhulaan ko. Hindi mo pa rin sinasabi sa kanya, no?!" I look her furiuosly. "Wala kang paki! Sasabihin ko sa kanya pero hindi ngayon!" "Siguraduhin mo! Kundi ako ang magsasabi sa kanya!" Sagot nya at tuluyan ng umalis. Nanadya ba sya? Ngayon pa talaga sya magpapakita. Napasinghap nalang ako sa sobrang inis. Nasuklay ko nalang ang buhok. Lalakad na sana ako papunta sa kotse ko pero napahinto ako ng makita si Ella na nakatayo malapit sakin. "E-ella? A-anu'ng ginagawa mo dito?" "Hindi ka kasi sumasagot sa mga tawag ko kaya pinuntahan kita dito." Sagot nya sakin. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. "S-sorry..." "Okay lang... Gusto mong kumain? Muka kang stress na stress." Aya nya. Nag-nod naman ako bilang sagot. Sa isang fast food kami nagpunta, malapit lang kami sa ospital kaya hindi na kailanga'ng magdala ng sasakyan. "Kamusta si Jay?" Tanung nya. "Ayos lang... Gising na sya." Walang buhay na sagot ko. "Sino yun?" Napatingin ako sa kanya at tumingin sa labas ng bintana sa pag-aakalang nasa malapit lang ang tinatanung nya. "...Yung kausap mo kanina." Dugtong nya. I knew she'll ask. "I-it's... Jay-jay's Mother." I answer. Please don't ask more. "Your hiding something from me." Sabi nya habang nakatingin sa pagkain sa harap namin. "It's just..." "You trust me. Right?" Sabi nya. I don't want to tell her neither hide it from her. I breathe heavily. "It's something about Jay's older brother." 

 

 

Chapter 76 Best President of Section E Jay-jay's POV

 

 Ayoko sana'ng pumasok ngayon. Wala ako'ng gana. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko yung ginawa ko. Binabangungot din ako minsan non. "Jay-jay." Tawag sakin ni Yuri at naupo sa tabi ko. Inabot ko sa kanya yung kamay ko. Mula kasi ng lumabas ako ng hospital palagi pa rin kumikirot ang kamao ko kaya hindi ko magamit ng maayos yung kamay ko. Kaya eto si Yuri at minamasahe palagi ang kamay ko. Effective naman, dahil after ng two days na ganyan ang ginagawa nya, nabawasan na yung kirot. "Bakit ang tamlay mo?" Tanung nya sakin. 13 Pang-13 tanung na nya yan buhat ng makalabas ako sa ospital. "Kung may bayad lang ang bawat tanung mo, nakabili na kong bagong sapatos." Walang buhay kong sabi. "Kung hindi ka ganyan, hindi ako mangungulit na magtanung sayo." Sabi nya at sandaling tinigil ang pagmamasahe sa kamay ko. "...Pwede kang magsabi sakin." Gustohin ko man parang hindi ko kaya magsabi. Malaking bahagi ko ang tumatanggi na magsabi ako sa kanya. Nagpilit ako ng ngiti. Pasensya na... Mabait naman si Yuri, kahit minsan may sapi din para'ng si Keifer. Speaking of Keifer, hindi ko pa sya nakikita mula kanina'ng umaga. Hindi nya rin ako inaaway kagaya dati. Katulad ng iba lagi din sya'ng naka-alalay at hindi pumapayag na umuwi at pumasok ako mag-isa. Ang weird lang sa pakiramdam. Sanay kasi ako'ng nagsasagutan kami o kaya nagbabatuhan ng matatalim na tingin. Nakaka-miss din pala. "Section E! Hinihingi na ng coittee yung pangalan ng mga isasali natin!" Bungad samin ni Kit pagpasok nya ng room. Ay naku! Nasayang yung mga panahon na dapat nakapag-handa na kami para sa Festival. Laki'ng perwisyo ng nangyari samin. "Si Jay-jay at Ci-N sa Mister Ganda at Ms. Pogi." Sagot ni Eren. Tsk! Hindi ako pwede'ng tumanggi. Ako lang kaya kasi nag-iisang babae dito samin. Ngayon ko naramdaman ang hirap ng kalagayan ko. "Panu yung sa battle of the band?" Tanung nung iba. "Hindi ba kayo pwede Yuri?" Tanung ni Rory kay Yuri na busy sa pag mamasahe sa kamay ko. Sila Yuri? Sa battle of the band? Tinignan ko sya at hinintay rin ang sasabihin nya. "Hindi ko pa nakaka-usap si Keifer tungkol dyan." Sagot nya. Muling nag-usap-usap ang mga luko. "May banda ba kayo?" Tanung ko sa kanya. "Meron... Si Keifer ang singer, ako ang lead guitar, si Edrix sa drums, si Rory ang sa base at si Felix piano." Ay oo... May nakita nga pala akong gitara sa kwarto ni Yuri dati nung nagpunta ako sa kanila. "..pero hindi na kami nakakatugtog. Nawalan na ng gana si Keifer buhat nung... Kay Ella." Dagdag nya pa. Sayang naman. "Sa Dance troops... Sino?" Tanung nila. Tsk! Isa pa nga pala yun. Meron pang singing contest. Naku naman! Sakit talaga sa ulo tong gusto'ng mangyari ni Freya samin. "Meron kang ideya Jay?" Tanung sakin ni Kit. Bakit ako yung tinatanung nyo? Umiling lang ako at tinuon ang tingin ko sa ginagawa ni Yuri. May ilang minuto pa nag-usap ang mga ulupong bago dumating si Sir Alvin kasunod ang Hari. Yung totoo, para'ng si Keifer ang teacher kapag pumapasok sya. Kahiya, mas maaga pa sa kanya si Sir. Nakatingin sya sakin habang naglalakad papunta sa upuan nya sa likod. Kailangan nakatingin talaga? Nagsimula na si Sir Alvin magturo at aaminin ko, hindi ako nakikinig. Hindi sa ayoko pero luta'ng na naman ang isip ko sa kung saan. Feeling ko nakarating na yung diwa ko sa Antartica----charot! Natapos ang klase ng hindi ko namamalayan. Habang naguusap-usap yung iba, bigla nalang lumapit sakin si Keifer. "Sumunod ka sakin." Utos nya. Hindi na nya hinintay ang sasabihin ko. Naglakad na sya palabas kaya sumunod na rin ako. Bigla sya'ng lumiko sa hagdan paakyat sa second floor. Tumakbo ako para habulin sya at itanung kung bakit nya ko pinapasunod. Ang lalaki ata ng hakba'ng ni Keifer. Ang bilis nawala sa paningin ko. Pagdating sa second floor nakita ko sya'ng nakahinto sa tapat ng room na sarado'ng sarado. Katabi yun ng room kung saan ko nakuha yung love letter ni Calix. Pinaka dulo'ng room na yun. "May kailangan ka ba?" Tanung ko sa kanya. Mero'ng sya'ng kinuha sa bulsa nya. Susi? Sinaksak nya yun sa doorknob ng pinto at binuksan yun. Sinenyasan nya kong pumasok sa loob. Ayoko sana pero pursigido yung mga tingin nya sakin. Dahan dahan ako'ng pumasok. Madilim at wala'ng kahit anu'ng liwanag na pumapasok maliban sa pintong nakabukas. Pagpasok sa loob, sumunod sakin si Keifer at agad na sinira ang pinto. Hala! Hala! "Hoy! May balak kabang masama sakin?!" Sigaw ko sa kanya. Bigla nalang bumukas ang ilaw at nakita ko ang kabuuan ng kwarto. May sofa sa gitna, dalawa'ng lamesa sa magkabilang pader. Puro picture at halos takpan na nito ang pader na dinidikitan. Lumapit ako don at inisa-isa yun. Puro picture ng kalalakihan, merong kaunting babae. Lahat sila naka-uniform ng HVIS. Merong stolen shot at merong napaka-seryoso ng mga muka nila. Luma na yung iba yung tipong kupas na pero may muka nama'ng bago pa. "Sino-sino tong mga to?" Tanung ko kay Keifer na naka-sandal sa kabilang lamesa. "Mga Section E. Year 1994 to present year." Sagot nya sabay turo sa isang part ng pader. Lumapit ako don at nakita ko sila Ci-N. Puro wacky o kaya nakatawa sila habang naka-harap sa camera. Tinitignan ko yun ng may mapansin ako. Iisa lang kasi ang picture ni Keifer at kasama nya pa si Ella. Agad ako'ng tumingin sa iba, sakit kasi sa mata----charot! Wala lang, hindi kasi masaya tignan. "Bakit nga pala kayo may ganito?" Tanung ko. "Ang totoo hindi namin alam. Natagpuan lang namin to nung lumipat na kami ng room dyan sa baba. Puro picture ng mga senior at junior. Tapos naisip nila na makisali na din." Paliwanag nya. Astig! Akalain mong may ganito pala yung mga previous Section E. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Siguro mga ulupong din sila kagaya ng mga Section E ngayon. Malakas din ang tama sa utak at mga kumag kagaya ni Keifer. Napahinto ako sa pagtingin ng may makita akong pamilyar na tao. Si Kuya Angelo! Tinignan kong mabuti yung picture. Baka kasi namamalik-mata lang ako. Pero sya talaga, meron pang band aid sa panga at pisngi. Naka-side view at parang hindi nya alam na kinukuhanan sya. "Si Kuya to diba?" Tanung ko ulit. Hindi ko mapigilang hindi ma-excite. Kaya pala ang dami nya alam tungkol sa Section E. Galing din pala sya dito. "Yeah... He is the best and most Powerful President of Section E before." "Ganun kalupit si Kuya?" "Believe it or not half of this town know him well. Other school don't want to visit here because of him." Tinignan ko ulit yung picture ni Kuya. Ang sarap kasing pagmasdan, pag-uwi ko sasabihin ko sa kanya to. "Now your smiling." Biglang sabi ni Keifer. Napa-isip naman ako. Nakangiti nga ako mula kanina. May problema ba dun? "...Muka ka kasi'ng binagsakan ng mundo sa itsura mo." Dagdag nya. Impakto! "Pwede ba kong maglagay ng picture dito?" Pag-iiba ko sa usapan. Ayoko'ng sirain ang moment ng dahil sa Keifer na to. "Yeah... Anytime. Just tell me when, so i can lend you the key." Nag-smile naman ako at nag-nod. Anu kaya'ng maganda'ng ilagay na picture dito? Gusto kong ilagay yung nasa amusement park kami kayalang muka naman kami'ng tanga don. Tumingin pa ko ulit ng picture. Ang daming pamilyar na muka. Nakita ko pa yung classmate ni Kuya Angelo na kasama nya'ng nagpunta kila Lola dati. "Tara na... Baka hinihintay na nila tayo." Aya sakin ni Keifer. Sumunod naman ako at baka kanina pa nandon yung teacher namin. Hinintay ko muna'ng isara nya yung pinto ng room bago kami naglakad. "Thank you..." Sabi ko. "Hm?" "Co'z you let me see those picture." Sabi ko at nag-smile. "Tss." Panira ng moment! Pwede naman nya'ng sabihin na 'Wala yun', o kaya 'Welcome'. Pero yun pang mahiwaga'ng Tss ang sinagot nya. Kumag! Pagpasok sa room, expected ko ng may teacher sa harap na nagtuturo pero iba yung inabutan ko. Nakahilera sila sa banda'ng likod. Nakatalikod sila samin. Anu'ng meron? Tinignan ko si Keifer sa pagbabasakali na alam nya yung nangyayari pero muka'ng wala din sya'ng alam. Bigla nalang may tumunog na music at sinabayan ng mga ulupong. Pamilyar sakin yung tugtog, alam ko kanta ni Vong Navarro to eh. "Yay yay ya! Yay yay yay ya ya! Yay yay yay ya ya! Yay yay ya!" Humarap ang Yuri samin na may hawak na mic. Nanlaki yung mata ko. Kakanta sya? "Pag ang puso ko ay nagmahal. Garantisado na magtatagal. Pero kung ito'y masasaktan. Hindi mo matitikman." Kanta ni Yuri na sinabayan ng pagsayaw ng mga ulupong. Gusto ko'ng tumawa ng malakas dahil sa mga itsura nila. Feel na feel yung tugtog. Giling ng giling. Si David naman ang humawak ng mic. "Hindi mo to matitikman, mahal. Kahit na mayaman ka't sosyal. Kung 'di ka rin marunong magmahal. Hindi mo to matitikman." Kanta din ni David. Mas nakakatawa yung itsura nya. Seryoso'ng seryoso kasi at halata'ng napipilitan. Napatingin ako kay Keifer na nakapamaywang at nakahawak ang isang kamay sa bibig. "Kung katawan ko lang ang habol nyo. Na kung gumiling ay lumiliko. Masusunod parin ang puso ko. Ang puso na Don Romantiko." Sabay na kanta ni David at Yuri. "Hugh! Hugh!" Sigaw nila at nagpagiling-giling na naman. "Yay yay ya! Yay yay yay ya ya! Yay yay yay ya ya! Yay yay ya!" Jusme! Mapagkakamalan sila'ng macho dancer sa itsura nila. May kumakagat pa sa labi. Si Ci-N naman may pataas-taas pa ng polo feeling my abs. Ramdam ko yung pamumula ng muka ko. Pigil na pigil ko kasi yung tawa ko at isama pa yung pakiramdam na muka sila'ng tima'ng. Si Calix naman ang humawak ng mic. "Kakisigan ko'y hindi biro. Parang langit na nga yata ako. Kung ako ay lolokohin nyo. Hindi mo to matitikman." Kanta nya. Pinasa nila yung mic kay Ci-N na gumitna pa habang gumigiling. "Matatawag din ako'ng D' One. Dahil di kayo iiwan. Pag ang puso ko ay sinaktan. Hindi nyo to matitikman." Kanta nya habang tinuturo pa ang puso nya. "Kung katawan ko lang ang habol nyo. Na kung gumiling ay lumiliko. Masusunod parin ang puso ko. Ang puso na Don Romantiko." Sabay na kanta ni Ci-N at Calix. "Hugh! Hugh!" Sigaw na naman nila na mas nilakasan pa at nagpagiling giling na naman. "Yay yay ya! Yay yay yay ya ya! Yay yay yay ya ya! Yay yay ya!" Bigla nalang lumapit si Keifer sa kanila. Muka'ng papatigilin nya dahil parang kanina pa sya hindi natutuwa sa ginagawa nitong mga to. Inagaw nya yung mic at sandali'ng tumingin sakin. "Pag naglambing si Don Romantiko. Malilimutan nyo pangalan nyo. Pero kung hindi ka totoo. Hindi mo to matitikman." Kanta ni Keifer. Natakpan ko nalang ang muka ko ng dalawa kong kamay. Feel na feel nya kasi yung kanta at pag-giling. Ang init ng muka ko! Napahawak ako sa pisngi ko at tinignan ulit sila. "Kung katawan ko lang ang habol nyo. Na kung gumiling ay lumiliko. Masusunod parin ang puso ko. Ang puso na Don Romantiko." Bigla nalang sya nagtopless at gumiling. Putcha! Macho dancer ata tong si Keifer sa gabi! "Hugh! Hugh!" "Yay yay ya! Yay yay yay ya ya! Yay yay yay ya ya! Yay yay ya!" Napatitig ako kay Keifer na feel na feel pa rin ang pagsayaw at kanta. Best President ba kamo? Para sakin.... Kaharap ko lang naman sya ngayon at giling ng giling kasama ng mga kapwa nya ulupong. 

 

 

Chapter 77 Read My Notes Below Part of the Past Jay-jay's POV

 

 "Hoy! Bilisan mo nga!" Sigaw sakin ng Hari. "Eto na! Eto na! Kala mo naman..." Sagot ko sa kanya at sumakay sa kotse nya. Impakto tong Hari ng mga ulupong na to! Matapos magsasayaw at magkakanta sa harapan ko bigla nalang ako'ng sinungitan. Saltik! Papunta kami ngayon sa Resto nila Eman. Magpaplano kasi kami para sa Festival. Kung bakit si Keifer ang sumundo sakin?-----hindi ko alam. Si Yuri ang nagtext sakin pero sya yung dumating. "Asan si Yuri? Kala ko sya susundo sakin?" Tanung ko sa kanya. "Ewan ko! Muka ba ko'ng Lost and Found para hanapan ng nawawala!" Pagsusungit nya. Ay ang sungit! Dinaig pa yung babae'ng may dalaw. "Dami'ng sinabi!" Pambabara ko. "Tss." Naku! Yan na naman yung mahiwaga'ng 'Tss'. Nakaka-imbyerna talaga yan. Hindi na ko nagsalita sa buong byahe. Baka sungitan na naman ako ng impakto'ng Keifer na to. Baka may PMS. Pagdating sa Resto de' Superhero---yun ang pangalan ng resto nila Eman---as usual, kumakain na naman sila. Agad ako'ng lumapit kay Ci-N at kumuha ng fries. "Akin yan..." Sabi nya at nilayo ang fries. "Damot ah!" Lumapit si Keifer kay Yuri na nasa unahang table. Tinignan ko yung paligid kung kumpleto kami. Andito din si Denzel at muka'ng dito sya nagta-trabaho. Kapareho kasi ng suot nya yung suot ng mga crew. Wala pa kong balita sa usap nila ni Grace. Basta ang alam lang namin nagta-trabaho na sya para sa Baby. Sana nga lang magka-ayos na sila ni Grace. Tumayo si Yuri sa harap kaya tumahimik na kami para pakinggan ang sasabihin nya. "About sa Festival ang pag-uusapan natin! Una, yung mga sasali sa mga pa-contest! Ikalawa, yung task na pinapagawa satin!" Paliwanag ni Yuri at may tinulak na medyo malaki'ng white board sa likod nya si Eman. Kinuha nya yung marker sa gilid at nagsimulang mag-sulat. "Monday..." Simula ulit ni Yuri at huminto sa pagsusulat. "...Monday ang parada, marka na simula na ng Festival! Dito rin ang araw kung saan lahat ng bisita galing sa iba't ibang school ay darating. Ipapakilala din ang kalahok na player sa program. Which mean wala'ng contest." Sa ilalim ng salita'ng Monday sinulat ni Yuri ang 'No Contest!', pero sa ilalim naman nun nilagyan ng 'Task!'. Muling humarap samin si Yuri. "...sa task! Dahil next day ay pa-contest para sa Dance troops. Kahit hindi na sumama sa task yung mga kasali. Ibabawi nalang nila yun for the night." Biglang tumayo si Keifer at lumapit kay Yuri. "Unlike before, we will devide the duties into three groups. Mas maganda na rin to para makapagpahinga yung iba." Sinenyasan nya si Yuri. Nagsimula'ng magsulat si Yuri sa white board ng oras at pangalan sa ilalim ng salita'ng 'Task!'. "Patrol Duty will start by 7pm and end by 7am. First group, Calix, Rory, Eman, Kit and Felix----7pm to 11pm. Second group, Ci-N, David, Yuri, me, Eren and Jay-jay----11pm to 3am. Third group will be the rest of the class that i didn't mention. Garbage collecting will start when the program ends." Keifer explain. Information overload! Sa dami ng sinabi nya isa lang ang naintindihan ko. Kasama ko sila sa Duty!----Ayoko ata. "Ganto rin ang set up sa nga susunod na araw, except kung kasali kayo sa contest for the following day! No need to attend the duty!" Yuri add before he stop writing. Wala ako'ng naiintindihan. Sumasakit ang ulo ko! Nakakaiyak naman to. Naupo na ulit si Keifer habang naka-cross arm. Si Yuri na ulit ang nagpaliwanag ng lahat. "Tuesday... Dance troops ang pa-contest! Meron naba tayo'ng representative?!" Tanung ni Yuri. Nagtaas ng kamay si Ci-N. "Kami... Ako, si Eren, si Calix, si David at si Kit." Sinulat ni Yuri yung mga pangalan na binanggit nila. Meron na kami sa Dance troops. Nagtaas ako ng kamay. "Okay lang ba kung kasali parin si Ci-N sa Dance troops at sa Mister Ganda?" Dala-dalawa'ng contest kasi yung sinalihan nya. Baka mamaya, kung anu'ng sabihin ni Freya. "Wala naman nakalagay sa rules. Okay lang siguro yun." Sagot ni Ci-N. Nag-nod naman ako. Nagpatuloy si Yuri sa pagsusulat. Wednesday naman ang sinulat nya. "Battle of the band..." Sabi ni Yuri at tumingin kay Keifer. "...Tayo nalang ba dito?" Sandaling tumahimik ang lahat. Parang nag-iisip rin si Keifer. Sa totoo lang gusto ko rin silang lumaban. Gusto ko sila'ng makita'ng tumugtog. "Wala naman tayong ibang representative... Just choose a proper song." Sagot ni Keifer. Nice! Sinulat na ni Yuri ang pangalan nila. Pwede kaya ako'ng magrequest ng kanta sa kanila? Meron kasi ako'ng narinig na kanta sa radyo nung nakaraan. Nagpatuloy si Yuri sa pagsusulat. Thursday naman ngayon. "Singing Contest... Lumabas na yung may mga hidden talent." Sabi ni Yuri. Nagtinginan kami. Wala naman kasi kaming naririnig na kumakanta samin. Except kay Ci-N na feeling nagco-concert kapag kumakanta. Kayalang plakda din ang boses nya. "Ikaw nalang..." Sabi ni Keifer kay Yuri. "...kumakanta ka diba?" Sandali'ng tumingin sakin si Yuri at bumalik ng tingin kay Keifer. Hindi ko pa sya naririnig na kumanta. "S-sige.. ako nalang." Sabi ni Yuri at sinulat ang pangalan nya. Nasa huling araw na kami. Friday kung saan ang Mister Ganda at Ms. Pogi na. Parang gusto ko'ng umatras! "Kagaya ng na unang usapan. Si Ci-N para sa Mister Ganda at si Jay-jay sa Ms. Pogi." Paliwanag ni Yuri. "...Sa umaga ang labanan ng each Year Level. Sa gabi naman ang labanan ng year level representative." Ibig sabihin dalawa'ng beses lalaban. Una, labanan ng fourth year then sa gabi yung mga nanalo sa fourth year. Ang hirap ata, lalaban na sa ka-year level tapos kapag nanalo lalaban ulit. Mananalo kaya ako? Ang hirap naman nito. "May hinanda na ba kayong kasabihan at talent?" Tanung samin ni Eman. "May ganun ba?" Tanung ko. "Oo meron." Nagtaas ng kamay si Ci-N. "Ako meron na... Gusto nyo marinig?" Pagyayabang nya. Pumayag naman kami. Tumayo ang Ci-N at inihanda ang sarili. "I'm Ci-N Peralta representative of Section E! Naniniwala po ako sa kasabiha'ng... 'Kapag malaki ang hinaharap, marami'ng gusto'ng lumasap!'." Wow! Lalim nun! Naghiyawan naman ang mga luko with matching palakpak. Mga punyemas, kunsintihin daw ba. "Nakaka-inspired yun! Shit!" "Nagbago agad ang pananaw ko sa buhay!" "Pinapaiyak kami ng paniniwala mo!" Nasampal ko nalang ang sarili kong muka. Nakakagago yung mga sinasabi nila. Tinignan ko ng masama si Ci-N. "Seryoso ka dyan? Yan talaga sasabihin mo sa lahat?" Ngumiti ang Ci-N. "Oo nam----aray!" Malakas na palatok ang binigay ko sa kanya. Pasaway talaga tong bata na to. "Ikaw Jay, kailangan mo na ring mag-isip ng kasabihan." Sabi sakin ni Yuri. Nag-nod naman ako kahit ang totoo wala ako'ng maisip. Sigurado magtatanung nalang ako kay Lola, sya yung marami'ng alam sa ganyan. Marami pa kaming pinag-usapan. Kailangan din nami'ng magdala ng sleeping bag. Para'ng camping kasi yung mangyayari. Magdadala din daw sila ng laptop para makapanood kami ng movie. Meron kasi'ng hindi na talaga matutulog. May magdadala din ng isang damakmak na chutchirya. Meron ding magdadala ng insect repelant. Sa dami ng pinag-usapan namin, hapon na kami naka-uwi. Si Yuri ang maghahatid sakin ngayon. Nagpadaan muna ko sa mini mart. Gusto ko kasi ng ice cream. "Sandali lang ako. Dito ka lang ah?" Sabi ko kay Yuri at nag-smile naman sya. Pagpasok sa loob, hinanap ko agad yung ice cream kayalang nakakita ako ng ready to eat pasta. Yun muna yung pinuntahan ko. "Jay-jay?" Tawag sakin ng kung sino. Napatingin ako sa lalaki'ng muka'ng 40's at nakatayo malapit sakin. Sya lang kasi ang nakatingin sakin na para'ng nagtataka at kinikilala ako. "I-ikaw nga..." Sabi nito. Who you? Wrong number po kayo. "Kamusta kana? Ang laki muna." Sabi nya. "A-ayos lang po. S-sino po kayo?" Tanung ko sa kanya. "Hindi mo ko na kikilala? Totoo pala." Sabi nya na nagpataka sakin ng husto. Umiling lang ako at bahagya'ng lumayo sa kanya. "W-wag ka matakot. Kilala mo ko, naging asawa ako ng Mama mo." Sabi nya. Naging asawa? "P-pasensya na po... Hindi ko po talaga kayo nakikilala." Sabi ko at muling humakbang palayo. "O-okay lang... Pero hayaan mo na rin sana ako'ng makapag-sorry sayo. Sa lahat ng ginawa ko nung asawa pa ko ng Mama mo. Mabisyo pa ko nun kaya kapag nakikita kita ikaw yung napagdidiskitahan ko. Maniwala ka, ngayong may anak na ko pinagsisisihan ko lahat ng yun." Paliwanag nya habang patuloy sa paglapit sakin. Dahan-dahan pa rin ako'ng lumalakad palayo sa kanya. Nag-uumpisa na kasi ako'ng matakot. Hindi naman ako sigurado kung totoo nga yung sinasabi nya. "Kung hindi mo pa rin ako naaalala, Tony dela Cruz ang pangalan ko." Sabi nya na para'ng naghihintay na makilala ko sya. "Pasensya na po... Hindi po talaga. Aalis na po ako." Sabi ko at mabilis na tumakbo palabas. Narinig ko pang may tumawag sa pangalan ko pero hindi ko yun pinansin. Patuloy ako sa pagtakbo. Ang alam ko lang kailangan kong makalayo sa lalaki na yun. Hindi ko sya kilala pero hindi mawala yung takot ko sa kanya. Napahinto ako ng makaramdam ako ng sobra'ng pagod. Bigla nalang may huminto'ng sasakyan sa harap ko. Si Yuri! Nawala sa isip ko na hinihintay nya ko. Bumaba sya ng sasakyan. "Ayos ka lang Jay? Anung nangyari sayo? Bakit bigla kang tumakbo?" Sunod-sunod nya'ng tanung. Umiling lang ako at pilit tumayo ng maayos. "Jay... Pwede kang magsabi sakin." Tinignan ko sya sa mata. Ramdam kong gusto nya kong tulungan. "M-meron kasing lumapit sakin, naging asawa daw sya ni Mama pero.... Pero hindi ko sya maalala." Author's Note: Two

 

 

Chapters only... I know you'll get mad but i hope you understand. Tutuloy ko na kasi yung balak kong 10

 

 

Chapters for next update and it will start now. I assure you, i'm almost there. Maybe 4 or 3

 

 

Chapters left and i just need to add few details. Lalagyan ko na rin ng picture yung iba'ng character. Kagaya nila Felix, Calix, Mica at iba pa. If gusto nyo'ng updated pa rin kayo sa ginagawa ko about sa ten

 

 

Chapters. You can follow me at my twitter: @lareypot Or message me here at my wattpad account. Thank you! Sana po habaan nyo pa yung pasensya nyo. 

 

 

Chapter 78 Author's Note: The long long wait is over... Picture sa baba.. Festival Day 1 Jay-jay's POV

 

 Sinong excited?! Wala... Super excited?! Meron. Ako! Hahahaha... Excited na ko. Super duper, ngayon pa lang kasi makakapunta sa Festival ng school. Sa kwento sakin nila Ci-N, super saya daw talaga ng Celebration. Kaya eto, na-excite ang Lola nyo. 8am ang start ng parada. Pwede na kami'ng hindi umattend nun. Hindi naman daw kasi kami hahanapin. Kaya mga before 10am na kami pupunta. Tumingin ako sa wall clock. 9:30 na, pero wala pa rin yung sundo ko. Tinignan ko yung cellphone ko kung may text sila kayalang wala pa rin. Lumabas na ko ng bahay para dun sila abangan. Sakto nama'ng paglabas ko ang paghinto ng kotse ni David sa harap ko. "Sorry natagalan..." Sabi ni Ci-N na nakasilip sa bintana. Sumakay naman ako agad. "Okay lang. Tara na!" Pinaandar ni David ang sasakyan. Malayo pa pero naririnig ko na yung malakas na music galing sa school. Medyo traffic, sa dami na rin siguro kasi ng tao. Dinaig pa yung fiesta sa daan. Malapit na kami sa gate ng school ng ihinto ni David ang kotse. "Dito nalang tayo. Walang parking sa loob." Sabi ni David. Sabay-sabay na kami'ng bumaba. Tama nga sila Ci-N ang saya nga tignan. Ang dami'ng bisita galing sa ibang school. "Wag kang lumayo samin." Sabi sakin ni David. Medyo nauuna kasi ako sakanila. Sa sobra'ng excitement siguro. Kaya huminto ako para makasabay sa kanila. Excited kasi eh. "Saan mo gusto'ng mauna pumunta?" Tanung nila sakin. "Kumain muna tayo." Aya ko. Nag-nod naman sila sakin. Pagpasok sa gate halos hindi mahulugan ng karayom ang school. Ang dami'ng tao. Bigla'ng may nag-announce, dinig ng lahat yun dahil sa nakapaligid na speaker. "Please proceed to auditorium. Program will start in 10minutes." Nagsimula'ng maglakad yung mga tao papunta sa auditorium. Meron pinili nalang na hindi manood parang kami. Pinili nalang namin na kumain dito sa sushi house. Maliit na stall lang to at iniinit lang yung mga sushi kaya hindi ganun kasarap. "Si Calix oh.." sabi ni Ci habang nakaturo sa isang booth. "...pupunta ako dun." Bigla sya'ng tumayo at tumakbo palapit kila Calix. Pasaway talaga tong Ci-N na to. Pupusta ako, mag-aaway pa to. Manu hayaan nalang yung dalawa. Nagda-date kaya sila. "Gusto mo ng inumin?" Tanung sakin ni David. Nag-nod ako at agad sya'ng nagpunta sa isang stall na nagtitinda ng shake. Nililigid ko lang yung mata ko ng bigla'ng lumapit sakin si Kiko. "Hi Jay!" Bati nya sakin. Ngumiti naman ako bilang pagbati sa kanya. Naiilang ako, nag-iba na kasi yung tingin ko sa kanya pagkatapos nung sinabi sakin ni David. "Mag-isa ka lang?" "Kasama ko sila Ci-N at David." Sagot ko. "Ahh... Wala pa naman sila baka gusto mong sumama sakin." Aya nya. Bakit parang ang angas ng dating nya ngayon? "Hindi na. Dito nalang ako. Baka magalit yung girlfriend mo sakin." Baka bigla nalang ako'ng sabunutan ni Freya habang naglalakad sa daan. Baliw din tong Kiko na to. Matapos kong bastiden, si Freya naman ang pinormahan nya. "Are you sure? I'm a great company." Pagyayabang nya. Umiling ako sa kanya. Gusto ko na sana syang paalisin. Hindi na kasi kompartable. Nakakailang na sya kasama. "Hindi na... Okay lang talaga ko." Pagpipilit ko. "Okay then... But if you change your mind you know were to find me." Sabi nya at lumakad na paalis. Pag-alis nya ang sya nama'ng dating ni David. Binaba nya yung shake na binili nya. "May ginawa bang hindi maganda sayo si Kiko?" Bungad nya sakin. "Wala naman..." Sagot ko. Biglang tumunog yung cellphone ni David. Nagpi-pindot muna sya sandali bago ako kausapin. "Jay... Kailangan ko ng umalis. Nasa airport na kasi yung girlfriend ko." Sabi nya. Hindi na nya hinintay ang sasabihin ko. Mabilis na sya'ng tumakbo paalis. Wala eh, mahirap kalaban ang girlfriend----Charot! Tumayo na rin ako para hanapin si Ci-N. Nawala na kasi sila sa paningin ko. Nakikipag-kulitan lang sya kanina kila Calix at Mica. Saan na napunta yun? Naglakad-lakad muna ko. Naniningin na rin sa mga booth hangang sa mapahinto ako. Meron kasi'ng Staff toy na Snorlax. "Kuya... Magkanu po yung Snorlax?" Tanung ko sa lalaki'ng nagbabantay sa booth. "Hindi po binebenta yan... Kailangan nyo pong pabagsakin yung tao sa dulo para makuha yan." Sagot nung lalaki sakin habang nakaturo sa isang tau-tauhan na sing liit at payat ata ng daliri ko. "Anu'ng gagamitin para mapabagsak?" "Eto po..." Sabay pakita ng pellet gun. Kelan ko pa matamaan yan?! Pang-lamang tong si Kuya. Napaka-imposibleng tamaan nun. Para sya'ng nasa tuktok ng bundok. Meron nama'ng ibang bagay na pwedeng tamaan pero syempre yung Snorlax talaga yung gusto ko. Umiling ako kay Kuya para sabihin sa kanya na hindi nalang. Masasaya'ng lang yung ibabayad ko, obvious naman na hindi ko mukukuha. May bigla nalang lumapit na lalaki sakin. "Hey... Are you mine? Co'z I am yours." Sabay ngiti. Tinignan ko ng masama yung lalaki. Naka-shade sya at shorpet, hindi ko makita ng maayos yung muka. "Kuya... Nagkakahulihan na. Iwasan mo na ang droga." Komento ko at bigla sya'ng tumawa. Kairita! Pero ang gwapo ng pagtawa nya. Parang macho pakinggan. Tawa pa lang benta na. Hinubad nya yung shades nya at siniksik sa bulsa ng polo shirt nya. Humarap sya sakin at dun ko lang nakilala kung sino sya. Kuya'ng Blue Eyes! "Benta sakin yung sinabi mo. Joker kaba?" Sabi nya. Inirapan ko naman sya. "Hindi! Corny kasi ng pick up line mo!" Muli sya'ng tumawa. "Sungit mo naman. Anu nga ulit pangalan mo?" Tanung nya sakin. Hmpf! Feeling naman nya sasabihin ko. Never ko pa kaya'ng binigay sa kanya yung pangalan ko. "Secret." Sagot ko. "Okay Secret... Ako nga pala si Promise." Sabi nya at nilahad ang kamay. "Lelang mo panot!" Tumawa na naman sya. "I have no Lelang." Yung feeling na same sila ng dating ni Keifer, Aries at Yuri. May sapi, saltik, topak at kumag din sya. Ang weird sa pakiramdam. "Ewan ko sayo! Anu ba kailangan mo?!" Inis na tanung ko sa kanya. Huminto sya sa pagtawa. "Your name. Ilang beses na tayo'ng nagkikita pero hindi ko pa rin alam ang pangalan mo." Para'ng ayoko sabihin. Sarap kasing inisin nitong si Kuya'ng Blue Eyes. "Next time ko nalang sasabihin. Kapag nagkita tayo ulit." Pang-aasar ko. "C'mon! I'm dying to know your name!" Pag-iinarte nya. O.A ah! Dying daw! "O.A mo!" Napakamot sya ng pisngi at napatingin sa booth na katapat namin. "Ganto nalang... I'll play this game for you. I saw you, your asking about and pointing that Staff Toy." Sabi nya sabay turo kay Snorlax na may 3ft. ang laki. "...Once i get the jackpot price you'll tell me your name." Yabang naman nito. Feeling nya makukuha nya talaga. Kaya nga nagbago isip ko kasi obvious na mahirap kunin. "Sige." Mayabang kong sagot. He smirk and walk toward the booth. He handed his payment. Limang bala ng pellet para sa 25pesos. Pwede na! "Snorlax for your name." Sabi nya at tinutok tong baril-barilan sa target. Kakaiba yung paghawak nya ng baril. Para bang expert na sya. Pinaputok nya, mintis ang unang tira. Wala... Mahina to. Kinasa ulit nya at tinutok sa target. Tumama pero hindi gumalaw yung tau tauhan. Putcha! Naka-glue yata yung tau-tauhan! Kinasa na naman nya. Ikatlong bala na to. Tinutok nya at tumama na naman. Hindi pa rin gumalaw. Duga! Naka-glue talaga! Kinasa nya, pang-apat na to. Isa nalang natitira sa bala nya. Kapag eto hindi gumalaw, wala ng pag-asa. Tinira nya, tumama at gumalaw! Gumalaw! Gumalaw! May pag-asa! Huling bala na. Kinasa nya, at tinutok sa target. Nakagat ko nalang ang kuko habang naghihintay ng resulta. Pa-thrill kasi tong si Kuya'ng Blue Eyes. Huminga sya ng malalim at.... Tinamaan! Tumamba yung target! "YES!!!" Sigaw ko habang nakataas ang dalawa'ng kamay. Binaba ni Kuya'ng Blue Eyes yung baril-barilan. Inabot sa kanya ni Kuya yung Snorlax. Napapalakpak nalang ako habang hinihintay na iabot nya sakin. "Your name..." Sabi nya. "Jasper Jean Mariano... Jay-jay for short." Sabi ko at inagaw sa kanya si Snorlax. Niyakap-yakap ko yun at pinang-gigilan. Kinagat-kagat ko din yung tenga. "Nakakatakot ka pala mang-gigil. Nangangagat!" Pang-aasar nya. Dinilaan ko naman sya bilang sagot. Hinigpitan ko pa yung yakap kay Snorlax. Napansin kong may tinitignan sya sa bandang likod ko. Lilingon na sana ko para tignan yun pero bigla sya'ng nagsalita. "I have to go. Nice to meet you Jay-jay." Sabi nya at nag-umpisa ng maglakad. "Teka! Yung pangalan mo!" Sigaw ko sa kanya. Huminto sya sandali at tinignan ako. Seryoso yung mga mata nya at para bang napaka-halaga'ng detalye nung hinihingi ko. "Percy... Percy Mariano." Sabi nya at mabilis na naglakad paalis. Percy Mariano?! Pamilyar sakin yung Percy at yung Mariano----Magka-apilyido kami! Agad ko sya'ng hinabol. Baka kamag-anak ko sya o baka kilala nya si Papa. Nakarating na ko ng gate pero hindi ko na sya makita. Nagkasalubong kami ni Aries at agad nya kong hinawakan sa braso. "Asan yung kausap mo kanina?!" Mariing tanung nya sakin. "Umalis na!" "Anu'ng sinabi nya sayo?!" Inalis ko yung kamay nya na naka-kapit sa braso ko. Tinignan ko sya ng masama. Anu nama'ng paki-alam nya sa kausap ko kanina. "Wala! Tinanung lang nya pangalan ko!" Kita kong hindi sya mapakali at parang may kung anu'ng problema. Agad sya'ng lumakad paalis at parang may hinahanap. Istorbo tong Aries na to. Nawala tuloy yung hinahanap ko. Author's Note: Calix Rivera.. Kuwari gusgusin sya. 

 

 

Chapter 79 Festival Day 1.5 Jay-jay's POV

 

 *Yaaaawwwwwnnnnn* Wala pa man din pero inaantok na ko. Papunta na kong school ngayon. Umuwi muna kasi ako para kumuha ng gamit at babaunin. Dala ko pa rin si Snorlax. Tabi kami ni Snorlax! 6pm na ko pumunta, kung anu-anu kasi pinag-gagawa ko kanina. Bukod sa paghahanap kay Kuya'ng Blue Eyes na Percy pala ang pangalan. Sino kaya talaga sya? Pagpasok sa school, marami pa ring tao. May program pa rin kasi sa auditorium. Dumiretso ako sa room namin. Naka-ayos na yun. Ginilid na namin yung mga lamesa at bangko. Pagpasok ko kanya-kanya sila ng usap. Meron pang hindi nakapag-hintay at natulog sa hilera ng lamesa. "Saan galing yang hawak mo?" Tanung ni Ci-N sakin. "Nakuha ko kanina sa palaro." Mabilis kong sagot. Binaba ko yung bag ko at nilabas yung sleeping bag. Nilabas ko din yung chutchirya ko, na malaking pagkakamali. Dinagit ng agila! "Thug life." Sabi ni Ci-N at naki-gulo sa mga ulupong na kumuha ng pagkain ko. Inayos ko nalang yung gamit ko. Pagtungtong ng 7pm lumabas na sila Calix, may dala sila'ng flash light. Hinihintay pa rin namin na matapos yung program. Dahil first day ngayon, maaga daw matatapos yun. Balak ko sana matulog kayalang na-curious ako sa pinag-uusapan nila Ci-N at ng iba. "Meron talaga... Nakita ko." Sabi ni Eren. "Sabi nga nila, meron daw talaga don." Sagot naman ni Ci-N. "Si Josh, may third eye yun. Sya tanungin natin dyan." Sagot naman nung isang kausap nila. Si Josh, yung kaklase nami'ng tahimik. Laging tulog at kapag nagsasalita nakakatakot. Ang hina kasi ng boses nya, para'ng nangongonsensya. Usapa'ng multo. Bigla tuloy ako'ng kinilabutan. Ayoko kaya ng multo. Oo... Hindi nila ko sasaktan pero---Hellow?!---nakakatakot pa rin! "Tapos na yung program!" Sigaw ng kung sino kaya nagtayuan na kami. Tinabi ko muna yung bag ko pati na rin si Snorlax. Lumabas na kami at sinara muna yung room. Sa auditorium kami dumiretso kung saan, lumalabas na yung mga tao. Inabutan ako ng garbage bag ni Ci-N. Paglabas ng mga tao, nagsimula na kami'ng maglinis. "Would you look at that?" Napatigil ako dahil sa nagsalita. Sino pa nga ba?----edi si Freya'ng bruha! Nakayapos pa sya sa braso ni Kiko, at obvious na naiirita na sa kanya. "Bagay na bagay sa inyo yung Task. Basura!" Sabi nya at ngumiti ng nakaka-asar. Binuksan ko yung garbage bag ng maluwag at hinarap kay Freya. "Pasok na!" Utos ko sa kanya. Tinignan nya ko ng masama. "Why would i do that?!" "Basura ka diba? Umaalingasaw nga yung bulok mong ugali! Pasok na!" Nagpamaywang sya at pinagtaasan ako ng kilay. "Excuse me! You and the whole Section E are the trash not me!" Ginaya ko yung postura nya. "Basura man kami sa inyo'ng paningin, may pakinabang pa rin!" Bigla sya'ng umarte na para'ng shock. "Wag mo nga ako'ng gayahin! Nasisira ang reputasyon ko!" Wow! "Anu'ng reputasyon? Ng pagiging coloring book? O pagkakaroon ng bulok na ugali?" Akma'ng susugurin na nya ko ng bigla sya'ng hawakan ni Kiko. Inalayo na nya si Freya habang pilit itong nagpupumiglas. Lumapit sakin sila Yuri. "Okay ka lang Jay?" Nag-nod naman ako. "Totoo pala talaga... Sila na nga ni Kiko." Sabi ni Ci-N. Oo, wala naman na sakin yun. Binasted ko naman sya eh. Pero kahit papanu may something pa rin sakin na tumututol. Bumalik na kami sa paglilinis. Inipon namin sa labas ng auditorium yung mga basura. Wala naman kami'ng problema sa labas. Mahigpit kasi yung school pagdating sa littering, kaya nga halos magkakatabi lang yung basurahan. Bumalik na kami sa room. 9:30am pa lang, nakaka-bored! Gusto ko sana matulog kayalang baka mahirapan akong gumising. Pagdating namin, kinuha ko agad si Snorlax at naupo sa tabi ni David. Nanunuod kasi sya ng movie sa tablet nya. "Panood ako..." Sabi ko. Nilapit naman nya yung tablet sakin. Hinintay ko'ng lumabas yung title nung movie ng bigla'ng-----Conjuring 2! Shutang'names naman! Ayoko nyan! Nakakatakot yan! Kingina! "Ayoko na pala'ng manood." Sabi ko at bahagya'ng tinulak ang tablet kay David. "Bakit? Natatakot kaba?" Tanung nya sakin. Umiling ako. "Hindi... Ayoko lang." "Dito ka nalang... Wala ako'ng kasama manood." Sabi nya at nilapit sakin ang tablet. Ayoko sana, kayalang ayoko ding iwan tong si David. Nakakahiya kaya! Napilitan ako'ng manood----aaaarrrggghhhh!!! Yung Madre! Iiiiikkkkkkk!! Nakakatakot! "Bakit namumutla ka Jay?" Tanung sakin ni Ci-N. "W-wala..." Sagot ko at napakagat ng labi. Kasi tang'na! Yung madre! Natapos yung movie na pinapanood namin. Nakayakap pa rin ako kay Snorlax at aaminin ko, natatakot ako! Feeling ko kapag tumingin ako sa ibang direksyon makikita ko yung madre. "11pm duty!" Sigaw ni Keifer at nagtayuan na sila. Ako? Nakaupo pa rin! Ayoko ng sumama. "Tara na!" Aya sakin ni David. Napilitan ako'ng tumayo at iwan si Snorlax sa sulok. Kinuha ko din yung flashlight na pinadala nila. Nakagitna ako sa kanila at hindi nagsasalita. Sa main building kami nagkita kita ng mga nauna'ng duty. "Kayo naman... Matutulog na kami." Sabi ni Kit at naglakad na pabalik ng room. "Pupunta muna tayo sa likod ng gymnasium. Yun ang madalas na taguan ng mga luko-luko." Sabi ni Keifer at naglakad na. Diretso lang ang tingin ko. Ayoko'ng tumingin sa ibang direksyon! Mahirap na baka may makita ako---- "Aaahhh..." Sigaw ko. Kinalabit kasi ako ni Ci-N. Hayop! "Napapanu ka?" "Impakto ka kasi!" Galit na sagot ko sa kanya. "..Bakit nga pala andito ka?! Kala ko may laban kayo bukas?!" Ngayon ko lang naalala. Sabi ni Yuri kahit daw hindi na sila dumuty. "Sa room kami nagpractice." Sagot nya sakin. Kaya pala. Pero hindi ko sila naabutan. Nakarating kami sa gymnasium pero wala nama'ng tao. Lumipat kami sa auditorium. Wala na ding mga tao dun. "Okay... Maghiwa-hiwalay na tayo. Group into two." Sabi ni Keifer. Agad akong kumapit kay David. Sya lang malapit sakin pero bigla nalang ako'ng binitbit ni Yuri sa kwelyo sa batok. "Hindi ka pwede'ng sumama kay David." Sabi nya. "Bakit?" Tanung ko. "K-kasi... A-anu..." Nauutal nya'ng sagot. "Baka magalit girlfriend nya." Sabi ni Ci-N. "O-oo yun nga... Baka magalit." Dagdag ni Yuri at umiwas ng tingin. "Maiba taya nalang... Pero hindi kasama si David." Sabi ni Eren. Pumwesto namin kami at tanging si David----na nagtataka sa nangyayari---- ang hindi kasama. "Maiba... Taya!" Sabay sabay naming sigaw. Si Eren ang unang naiba kaya sya ang makakasama ni David. Pumwesto ulit kami. "Maiba... Taya!" Si Ci-N ang sunod na naiba kaya tumabi muna sya. Balik sa dating pwesto, pero bago kami magsimula napansin ko si Yuri na para'ng siniseryoso yung ginagawa namin. Wala nama'ng Jockpot price! Pakaseryoso ka dyan! "Maiba... Taya!" Ayun! Si Yuri ang naiba at kami ni Keifer ang partner. Para'ng ayoko! May sapi pa naman to! "Okay... David and Eren sa building kayo ng freshmen. Yuri and Ci-N sa second year. Kami sa third year." Utos ni Keifer at nagkanya-kanya na kami ng lakad. Dumiretso kami sa building area ng third year. Kagaya samin, meron din silang tinatawag na main building at cafeteria. Mas malapit nga lang sila sa auditorium samantalang kami abot kamay ang gymnasium. Yayamanin kasi ang school namin kaya magkaiba pa yung Auditorium at Gymnasium. Pumasok kami sa main building. Medyo madilim, hindi na kasi nag-eeffort yung mga utility na buksan yung ilaw dahil naka-focus daw lahat sa mga booths at stall. "Pagkatapos dito, pupuntahan natin yung mga booths and stall sa harap ng main building natin." Sabi ni Keifer habang patuloy sa paglalakad. "S-sige." Patuloy kami sa paglalakad at dumiretso naman kami sa second floor ng building. *BOGSH* ANU YUN?! TENGENE! UWIAN NA! "Bitawan mo nga ako!" Sigaw ni Keifer sakin. Napatingin ako sa sarili ko. Nakakapit pala ako sa kanya. Sa sobra'ng takot na rin siguro. Bumitaw ako at inayos ang sarili ko. "Puntahan natin yun." Utos nya. Matinding iling ang binigay ko sa kanya bilang sagot. Kingina! Horror Movie lang gumagawa nun! Dapat don iniiwasan! "Panu kung magnanakaw pala yun?" Sabi nya. "Panu kung hindi?" "Panu mo masisiguro kung hindi natin pupuntahan?" "Panu kung bumalik nalang tayo at tumawag ng re-enforcement?" Pagpipilit ko. Tinignan nya ko ng masama. "Tara na! Saya'ng oras!" Bigla nya kong hinawakan sa kamay at pilit hinatak sa kung saan. Pinilit ko nalang alisin yung takot ko. Nagh-huing ako ng kanta ng One Republic, Secret. "Anu'ng title nyan?" Biglang tanung ni Keifer. "Secret ng One Republic." Nag-nod lang sya bilang sagot. Eto yung kanta'ng narinig ko sa radyo nung isang araw. "Keifer..." Tawag ko sa kanya. "...pwede request? Yun nalang tugtugin nyo sa Battle of the Band." "I'll ask them about it." Sagot nya sakin. Napahinto kami sa tapat ng isang kwarto. Bukas kasi ang pinto nun. Si Keifer ang unang sumilip at dahan-dahang binuksan ang pinto. Sya rin ang unang pumasok. Basag na picture frame lang ang nakita namin. Mukang nalaglag yun sa pagkakasabit sa pader. Hinayan nalang ni Keifer at akmang lalabas na ng bigla sya'ng huminto. Bakas ang gulat at takot nya habang nakatingin sakin-----saking likod. "B-bakit?" Tanung ko sa kanya. Ang lamig ng pakirandam ko. Para bang may nakatapat na AC sa likod ko. Ilang beses sya'ng lumunok at dahan-dahang tumuro sa likod. Tengene! Alam ko na! Eto na sinasabi ko! Dahan-dahan din ako'ng lumingon at.... At..... At..... PUTANG'NA!!! WHITE LADY!! "AHHHHHHHH!!!" Author's Note: Micaela "Mica" Yumol. 

 

 

Chapter 80 Festival Day 2 Jay-jay's POV

 

 Yung feeling ng hindi natulog dahil sa sobrang takot! Eto yun eh! Kingina'ng White Lady yun! Ayoko talaga sa multo. Hindi ko nga alam kung panu kami naka-alis dun. Busit! Papunta ako ngayon sa covered court ng school. Meron kasi'ng laro, gusto ko pa ring mapanood kahit sandali. Buti nalang at late na nag-umpisa, pag-uwi ko kasi sa bahay nakatulog ako at late na nagising. Nakita ko sila Ci-N na malapit sa bench ng team player ng school namin. Pumunta kagad ako dun, nakisiksik at halos isumpa na ko ng mga tao'ng ginigitgit ko. Lakompaki sa inyo! "Dito ka Jay!" Sabi ni Ci-N sakin. Umupo naman ako sa tabi nya. Dun ko lang napansin na katabi ko pala si Felix sa kabilang side. Nginitian ko sya at inalok ng dala kong pagkain. Tinignan muna nya yun at ako. Nagpilit sya ng ngiti at kumuha. Ramdam kong pilit din nya'ng inaayos yung sa pagitan naming dalawa. Sadya'ng nahihirapan lang talaga sya. "Lincoln High daw ang kalaban! Madadaya yung mga yun!" Sigaw ng kung sino mula sa harap namin. "Lincoln High?" "Edi yung school nung bestfriend mo! Hahaha si Ram!" Sagot ni Ci-N na nagpatigil sa buong Section E. Hindi yata makaramdam ang tao'ng to! Pilit ko na nga'ng kinakalimutan yung nangyari papaalala pa. "Wag mo sya'ng pansinin Jay." Sabi sakin ni Felix. Bigla'ng may umubo sa microphone, umalingaw-ngaw ang natinis na tunog nito. Sa may court gumitna ang pinaka-panget na babae sa mundo'ng ibabaw. Si Freya! "HELLO HVIS! WELCOME LINCOLN HIGH!" Sigaw ni Freya. Malakas na hiyawan ang sinagot ng mga nanunuod. Muntik ng humilaw yung tenga ko sa lakas ng hiyawan. "SIMULAN NA NATIN ANG GAME 1!" Sigaw nya ulit. "LINCOLN HIGH FOR THE WIN!" "HVIS! HVIS! HVIS! HVIS!" Nangingibabaw ang pangalan ng bawat school. Kung palakasan lang ng sigaw ang labanan----ay panalo si Freya! "LADIES AND GENTLEMEN! HVIS SHARK SLAYER!!" sigaw na naman ni Freya at malakas na dagundong ang yumanig sa court. Lumabas mula sa sulok ang player ng school namin. Kasama si Kiko at Mykel. White and Blue ang kulay ng jersey nila, samantalang may simbolo ng pating yung barcity jacket nila. "AND OUR GUEST PLAYER! LINCOLN HIGH BULL FIGHTER!" Sigaw na naman ni Freya-----tang'na! Nakakarindi! Naghiyawan na naman ang mga nanunuod pero hindi kagaya kanina hindi na ganun kalakas. Kulay Pula at dilaw ang kulay ng Jersey ng Lincoln High. Simbolo naman ng toro yung nasa Barcity Jacket nila. "AT ANG ATING GUEST HONOR! MULA SA MGA KILALANG UNIVERSITY! MISTER CHEN, MISTER AGONCILLO, MISTER PARAS and MISTER HAN." Dagdag ni Freya-----Last mo na yan! Sa wakas! Umalis na si Freya mula sa gitna. Sandali'ng nag-warm up ang mga player pero kahit ganun, dama yung palitan ng matalim na tingin sa nagkabilang grupo. Simupol ang referee at nagpunta na sa ginta ang lahat. Sandali silang nag-usap at bumalik na bench yung ibang player. Naiwan yung tig-lima at pumwesto. Pagbato ng bola, nagsimula na ang laro. Napatingin ako kay Felix na mahigpit ang hawak sa gym bag nya. "Felix..." Tawag ko sa kanya. "...ayos ka lang?" Umiling si Felix at umiwas ng tingin. Muka'ng nakakaramdam na naman sya ng inis sakin. Binalik ko nalang yung tingin ko sa mga naglalaro pero hindi dun ang focus ko. Iniisip ko si Felix, kung anu yung pwede'ng gawin sa kanya. Malakas ang hiyawan kapag nagkaka-score ang magkabilang kampo at kahit nagkakagulo hindi nakaligtas sa paningin ko ang isang grupo ng kalalakihan na masama ang tingin sakin----samin. "UGH!" Sigaw ng kung sino sa court. Malakas na pito ng referee ang umagaw sa atensyon ng lahat. Bumagsak si Mykel at iniinda nya ang binti nya. "Foul yun!" Sigaw ng kung sino. "Anu'ng nangyari?" Tanung ko kay Ci-N. "Tinisod sya nung No. 35, hindi kita kasi tatlo yung nag-babantay sa kanya." Paliwanag nya. Foul nga! Pero bakit wala ako'ng narinig na galing sa referee? Nagkaka dayaan na. Hiniga nila si Mykel sa stretcher at dinala sa kung saan. Nagpasok ng panibagong player yung team ng school namin. Bumalik na sa laro. Malaki ang lama'ng ng school namin. Hangang sa bigla nalang nagbalyahan yung tatlong player. Bagsak na naman yung player namin. Para'ng nadulas na hindi maintindihan yung No. 14 ng kabilang team. "Injured na naman ata!" Sabi ni Ci. Hinintay namin ang mangyayari at tama nga sya. Sinakay na naman sa stretcher yung isang player namin. Bakit walang Foul? Para'ng maligaya pa yung kabilang team sa mga nangyayari. Sinasadya talaga nila to! Nag-time out at sandali'ng nag-usap-usap yung mga player at couch. "Nagkakadayaan na! Wala tayong ibang pwedeng gawin kundi umiwas sa kanila!" Sabi nung coach. "Hindi pwede! Matatalo kapag ganun!" Kontra ni Kiko. "Wala tayong ipang-tatapat sa kanila!" Dagdag nung coach. Napatingin ako kay Felix. Meron sya'ng hinahawakan sa loob ng gym bag nya. Sinilip ko yun ng hindi nya nahahalata at nakita ko yung jersey uniform na kapareho ng suot ng mga player. Hay! Bahala na! Para sayo to Felix! Agad akong tumayo at pilit lumapit sa coach ng team. Narinig ko pang tinawag ako nila Ci-N pero hindi ko sila pinansin. "Sino ka?!" Galit na tanung sakin nug coach. Iniri ako! Hindi sinuka! "Ipasok nyo si Felix!" Suntok sa bwan kong sabi. Pare-pareho sila'ng nagtaka sa sinabi ko. "...kaya nya'ng tapatan yang mga yan!" Dagdag ko. "Hoy! Bata! Bumalik ka nga sa lungga mo! Wag ka maki-alam dito!" Galit na sita sakin nung coach. "Pakinggan mo ko! Matatalo kayo kung pipilitin nyong umiwas sa kanila! Mapapahamak naman kung ididikit silang pilit! Ipasok nyo si Mark Felix Collins, alam nya yung gagawin!" Paliwanag ko. Tinignan ko si Felix na labis na nagtataka sa ginagawa ko. Pagkakataon na nya, kahit hindi ako sigurado kung alam nga nya yung gagawin. "Si Collins?!" Tanung nung coach at niligid ang tingin sa mga tao sa likod nya. Nagtagpo ang mata nila ni Felix at sinenyasan nya itong lumapit. Kahit nagtataka ginawa naman yung ni Felix. "Kilala mo ba to?!" Bungad ni Coach kay Felix sabay turo sakin. "O-opo!" Sagot ni Felix. "Ipapasok kita sa laro pero kapag natalo kami ng dahil sayo! Kayong dalawa ang malalagot sakin!" Sabi ni coach. Natulala si Felix at para'ng hindi makapaniwala sa sinabi nung coach. Tinapik ko sya sa braso. "Pagkakataon mo na! Andyan yung mga representative ng mga university!" Sabi ko at ngumiti. Na-realize din nya yung nangyayari. Agad sya'ng umalis para magbihis. Feeling ko na-excite sya, ang bilis kasing nagbihis. "Welcome back Collins!" Bati nung mga ka-team sa kanya. Sandali silang nag-usap sa gagawin at agad na tumakbo palapit sa mga kalaban pero mukang hindi sila masaya. "Bakit may additional Player kayo?!" Galit na sabi nung No. 35 sa kabilang team. "Pinabagsak nyo yung mga player namin! Malamang kailangan namin ng kapalit!" Sagot nila Kiko. Tumingin pa sya sakin at nag-nod. Nag-smile naman ako bilang pasasalamat. "Hindi pwede yun! Wala naman sya sa mga player nyo kanina!" Sabi nung No. 14. Gagalitin ako nitong mga to! Bahagya ako'ng lumapit sa kanila. "Wag kana mareklamo! Makipaglaban ka nalang! O ayaw mo kasi naduduwag ka kay Felix?!" Sigaw ko at biglang naghiyawan ang mga tao na sumasang-ayon sakin. "Wag ka makialam dito!" Galit na sita nung No. 35. "HOY! WAG MO SINISIGAWAN SI JAY! HINDI MO SYA KILALA! SYA LANG NAMAN NAGPABAGSAK KAY RAM!" sigaw ni Ci-N dahilan para magbulong-bulungan yung mga tao. Pinandilatan ko si Ci-N at agad naman sya'ng hinawakan nila Kita at Eren. Tinakpan na rin ang bibig nya para matahimik. Ipapahamak pa ko! Kakaiba yung tingin sakin ng mga taga Lincoln High. Napilitan tuloy akong bumalik sa pwesto ko. Hindi na sila nagsalita kaya naman tinuloy na nila ang laban. As usual, tinangka na naman ng kalaban na mangdaya pero mautak si Felix. Gumaganti sya ng hindi nakikita ng iba. Hangang sa fourth quarter sya pa rin ang target nila. Buti nalang at mabait ang mga kateam nya dahil sumusuporta sila kung kailangan. "Nakangiti si Felix!" Sabi nila Eren. Pinagmasdan kong mabuti si Felix dahil dun. Nakangiti nga sya, ngiti na para'ng ang saya-saya nya. Bumalik na yung Felix na kilala ko. Yung Felix na laging nanghihingi ng pagkain sakin. "GO FELIX!" sigaw ko. "COLLINS! PABAGSAKIN MO SILA!" sabay-sabay na sigaw nila Ci-N. Natapos ang laban, kahit may dayaan at muntik ng magka-initan natapos sa maayos na paraan ang laban. PANALO ANG HVIS!! SHARK SLAYER!! WOOOAAAAHHHH!! Lalapit na sana kami kay Felix pero meron sya'ng kausap na apat na lalaki. Naka-polo shirt yung iba, samantalang naka-business attire naman yung iba. Natapos yung usapan nila sa Shake Hands at agad na lumapit sakin si Felix. Niyakap nya ako at pina-ikot-ikot. "Thank you! Thank you! Jay! Thank you talaga!" Paulit-ulit nya'ng sabi sakin. "H-hala... T-teka lang... Anu ba nangyari?!" "May nag-offer ng full scholarship sakin sa University! Basta maglaro lang ako para sa kanila!" Sigaw nya kaya pati sila Ci-N napahiyaw na rin. Muli ako'ng niyakap ni Felix ng mahigpit. "Salamat Jay! Si Aries ang dahilan ng paghihirap ko! Pero ikaw ang bumawi nun!" Sabi nya at hinigpitan ang yakap sakin. "Baka gusto mong bitawan si Jay-jay?!" Author's Note: John Felix Collins. 

 

 

Chapter 81 Festival Day 2.5 Jay-jay's POV

 

 Muka'ng tanga! Ngayon lang ako nakakita ng Bulate Dance. Kung saan yung kamay at braso ay parang spagetti sa ere na kikibot-kibot. "Eto pa..." Sabi ni Ci-N at bigla nalang gumiling-giling. "Anu yan?" Tanung ko. "Bulate'ng nilagyan ng asin!" Sagot nya at nagpatuloy. Nasampal ko nalang ang sarili kong noo. Anu'ng bang kinakain nito sa bahay at nagkakaganyan? Nakita kong dumating si Rakki. Taka sya'ng napatingin kay Ci-N! Welcome to the club! "Anu'ng nangyayari kay Ci-N?" Bulong sakin ni Rakki. "Nagpapaka-bulate." Sagot ko. Hindi pa rin tumitigil ang Ci-N. Hinayaan muna namin sya. Enjoy na enjoy naman kasi sya sa pagkibot. "Bakit andito ka?" Tanung ko kay Rakki. "Babatiin ko sana sya..." Sabay turo kay Ci. "...kayalang busy." Nag-chicken dance naman sya ngayon. Anu ba yan? "Ci-N! May bisita ka!" Sigaw ko at tumigil naman ang luko. Lumapad ang ngiti nya at agad na lumapit kay Rakki. Hinayaan ko muna silang mag-usap. Lumapit muna ko kila Calix na pinapractice ang steps ng sasawayin nila. Pero nahiya agad ako ng makita si Mica na palapit sa kanya. Kaya eto naupo nalang ako sa sulok. Hindi naman ako yung sasayaw pero ako tong kinakabahan. Nasa back stage kami ngayon kasama ng ibang kasali sa Dance troops. Nilibang ako ni Ci-N kanina kasi feeling ko alam nya na kinakabahan ako. Yung iba nasa harap na at naghahanap ng pwesto. Napatingin ako kay Yuri na naka-cross arm at nakatitig sakin. Bigla sya'ng umiwas ng tingin. Nitong mga nagdaang araw ang sungit nya. Pati kanina nung nakayakap sakin si Felix. Parang may kung anu'ng sumapi sa kanya. Dati pa naman masungit sakin tong si Yuri pero nun yon nung bad boy pa sya. Nagbabago na din kasi sya after nung pumunta sya samin. Speaking of Felix eto sya at tumatakbo palapit sakin. Bumalik na talaga yung nakilala kong Felix. "May gagawin ka sa sabado?" Bungad nya sakin. "Wala... naman... siguro..." Sabi ko habang nag-iisip. Hindi kasi ako sure. Baka nga magkaroon ng hindi ko namamalayan. "Baka pwede kang sumama... Celebration kasi ng pagkapanalo namin sa basketball. Gusto sana namin na isama ka." Paliwanag nya. "Namin?" "Yung mga kateam ko. Ikaw daw kasi yung reason kaya nakabalik ako sa team." Napangiti naman ako dun sa sinabi nya. Nahiya ako bigla. "Sige sama ako... Sasabihan ko din sila----" "Wag Jay. Hindi sila pwede'ng magpunta don. Andun din si Aries tsaka yung iba. Baka magkaroon ng away." Eh bakit ganun? Gusto ko sana kasama sila Ci-N. "Bakit ikaw pupunta?" "Kasi nga ka-Team." Napakamot ako ng ulo. Anu ba yan? "Sige na nga..." Pilit kong sagot. Niyakap ulit ako ni Felix at kita'ng kita ko na na-alarma si Yuri. Yan na naman sya! "Salamat talaga Jay! Sobrang dami mo ng naitulong samin." Sabi nya at binitiwan ako. Naglakad na sya paalis. Babalik na siguro sya sa mga kasama namin. Pwede ring magpapatrol na. May 7pm na kasi. Narinig naming may nagsalita sa mic kaya agad na kumiripas sila Ci-N para magsama-sama. Kami naman naglakad na pabalik sa mga ulupong na mukang ang daming naka-away dahil sa pag-reserve ng upuan. "Dito ka!" Sabi sakin ni Edrix. Umupo ako sa tabi nya at nasa harapan naman namin yung mga freshmen students. Mga mukang Totoy at Nene pa kasi, kaya freshmen ang tawag namin. Hindi nga namin alam kung anung year na tong mga to. "...Ang ating mga hurado para sa gabi na ito. Ang mga manunuod at ang Section na nagbigay buhay sa programang ito." Sabi nung host na hindi ko naman naintindihan. "Simulan natin ang paligsahan! Bunutan po ang mangyayari sa kung sino ang mauuna at ang susunod!" May lumapit na babae dun sa host. Meron sya'ng hawak na fish bowl at may kung anu'ng papel sa loob. Natatawa ako sa babae, feeling nya kasi si Willy tong host at isa sya dun sa babae'ng giling ng giling sa Wowowin. Hahahaha.. kembot pa more! "Ang unang grupo ay mula sa Section D. 'The Adventurous'!" Sabi nung host at lumabas ang mga taga-Section D. Nakita ko pa yung naka-away ko dati. Buhay pa pala sya?! Buti naman. Nagsimula ang tugtog at sumayaw ang grupo. Meron pang tumatabling sa ere. Tunog ng baril at kung anu-anu pa. Kingina! Ang sakit sa ulo! Natapos ang pagsayaw nila. Lumabas ulit ang host at tinanung ang mga judges sa mga opinion nila. Subukan nyo'ng sabihi'ng maganda! Kingina! Magwawala ako dito! Buti nalang at walang nagsabi sa kanila. Sumasakit talaga ulo ko sa music nila. Idamay pa yung ilaw na patay sindi. Muling bubunot ang host at eto na naman yung babae'ng feeling sexbomb dancer. Giling lang! Giling! "Ang sunod na grupo mula sa Section A. 'Hotmen'!" Sabi nung host at lumabas ang mga Section A. Kasali si Kiko pero muka'ng wala si Mykel dahil siguro sa injured nya kanina. Sana naman hindi ganun kalala. Sabi kasi umiiyak daw sa sakit si Mykel kanina. Nagsimula yung tugtog at nagpakita'ng gilas ang mga A. Maayos ang remix ng music at ang pagsabay ng ilaw. Yun nga lang, merong halata'ng hindi umattend ng practice. Natapos ang performance nila at lumapit ang host. Kinausap ulit ang judges. Pero ang hinihintay ko yung bunutan. Bet ko talaga si Ate'ng kembot ng kembot. Natapos ang usapan at... Ayan na! Bubunot na ulit. Lumabas si Babae at ayun, nagtambling, split at pagtayo sabay taas ng isang paa sa ere. Ang itim ng singit! Ang Pagdilim ng Panahon! Yan na tawag ko sa kanya. "Para sa ikatlong grupo, galing sa Section C. 'The Amazing C'!" Kagaya ng mga nauna lumabas ang Section C at sandaling kinausap ng host. Parang ang tagal ng Section namin. Tinignan ko yung oras sa malaking digital clock sa tabi ng stage. 9:38pm na, malapit na kami'ng dumuty. Nagsimula na naman ang panibagong music. Pero iba ang banat ng section na to. Ballroom! Pwede! Pwede! Magaling tong Section C. Hindi na kailangan ng bongang Remix at eklabu. Natapos ang sayaw at lumapit na naman si host. Tagal naman ng bunutan! Gusto ko ng makita yung Pagdilim ng Panahon. Maya-maya lumabas na yung hinihintay ko. Giling na naman sya, at ayun tinaas na naman ang paa. Shit! Madilim talaga ang kahapon. "Ang pang-apat na grupo, ipinagmamalaki ng Section E. 'Jay's Warrior'!" Ay punyemas! Tinignan ko ng masama yung nga katabi ko. Agad silang umiwas ng tingin. Mga animal! Gamitin daw ba ang pangalan ko! Mga hayop! "Sinong naka-isip nyan?!" Galit na tanung ko kila Edrix. "S-si... Si Ci-N at Keifer." Sagot nya sakin at pilit iniiwas ang tingin. Hinanap ko yung Hari ng mga ulupong. Hindi naman ako nabigo dahil malapit lang sya sakin. Naka-smirk sya at tila nang-aasar pa. Inirapan ko sya at binalik yung tingin sa harap. Nagsimula na yung kanta, simple lang yung ginamit nilang tugtog. Hindi remix, at wala ring paiba-iba ng ilaw. Si David at Calix ang nasa likod dahil sila yung pinaka-malaki. Si Eren at Kit yung nasa magkabilang gilid ni Ci-N. Pati step simple lang din pero tinitilian pa rin sila. "Go! Jay's Warrior!" Sigaw ng mga ulupong sa likod ko. Ay ang galing nyo dyan! Gustuhin ko mang mag-cheer hindi ko magawa. Nakakagago yung pinangalan nila sa grupo. Siguro sinadya to ni Keifer. Kingina nya! Yan na naman sya. Natapos ang pagsayaw ni Ci-N at muling lumapit si Host. Nanghingi sila ng opinion sa mga hurado. Matapos ang usapan nila, tumakbo kami'ng lahat papunta sa back stage. Kayalang hindi kami pinapasok kaya sila Ci-N nalang ang lumapit samin. "Galing ko no?!" Pagyayabang ni Ci-N. "Sana ginawa mo yung Bulate Dance!" Pang-aasar ko sa kanya. "Ayoko gagayahin nila." Nagtawanan namin kami at sandaling pinakinggan ang usapan nila Mica at Calix. Ang saya kasi nila pagmasdan. "Ang galing mo, Baby ko!" Sabi ni Mica habang nakahawak sa kamay ni Calix. "Nakita kita kanina!" Sagot ni Calix. Tumingin ako sa may paanan ko. Baka kasi may langgam kagatin ako. Kahiya sa kasweetan nitong dalawa. Natapos yung tugtugin at performance ng huling grupo. Nag-aanounce na yung host. "Ang mananalo sa contest na to ay makakakuha ng mga bagong gamit para sa kanilang room! Pero hindi natin ngayon i-aannounce ang mananalo!" Sabi nung host. Bakit hindi ngayon? "Bakit hindi pa ngayon?" Tanung ko. "...Sa Friday natin malalaman ang lahat ng mananalo!" Sabi nung host. Nagtinginan kami nung mga ulupong. Isasabay sa araw ng pacontest ng Mister Ganda at Ms. Pogi. "Baka gusto nyo ng bumalik sa room?!" Sigaw ni Keifer. "Ha? Bakit anung oras naba?" Tanung ni Edrix at tinignan ang oras. Pati ako nakitingin na. 10:56pm na pala, malapit na kami dumuty. Agad kami'ng tumakbo pabalik sa room at hindi na hinintay yung sasabihin nung host. Kinuna na namin yung mga flash light. Nakipagkita na kami sa mga papalitan namin. Buti nalang at umabot kami. Nalibang kami sa sayawan nila Ci-N. Ang bilis ng oras. "Second day down... Three days to go." Author's Note: Rakki San Diego. 

 

 

Chapter 82 Festival Day 3 Jay-jay's POV

 

 Excited much! Ahihihihi... Tutugtog na kasi sila Keifer, at yung nirequest kong Secret ng One Republic lang naman ang tutugtugin nila. Kaya eto ako paka-abang. Naka-ready na rin yung phone ko. Kukuhanan ko sila ng video. "Ako kukuha!" Presinta ni Ci-N. Binigay ko naman sa kanya yung phone ko. "Ang tagal ata magsimula..." Sabi ni David at tinignan ang oras. Totoo! Sabi 5pm ang simula ng battle of the band pero 5:27pm na. Biglang may lumabas na lalaki sa stage at may hawak na mic. Mukang sya yung host para sa contest na to. "ETO NA! ETO NA! ETO NA! ANG HINIHINTAY NG LAHAT!" sigaw nung lalaki na halos pumiyok na. Anu yun? Sakit sa tenga! "...ANG ULTIMATE BATTLE OF THE BAND!! PERO BAGO YUN, AKO NGA PALA SI RnC!" Pakilala nung host. Pero wala akong paki sa kanya kasi ang gusto ko yung mismong laban na. Sandali pang nag-speech ang luko. "SIMULAN NA NATIN ANG LABAN!!!" sigaw na naman nya na sinabayan naming lahat. Parang mas gusto ko yung host kahapon, kasama yung babae'ng----Ang Pagdilim ng Panahon. First come first performance ang basis nila. Pangalawa na kami'ng dumating kaya pangalawa mag-perform sila Keifer. Ayos yun, para hindi kami malate sa duty namin. Tutal friday pa naman malalaman kung sino yung mananalo. Nakaka-kaba tuloy! "ANG UNANG MAGKAKALAT NG LAGIM AY ANG SECTION C! RAKKI 'N ROLLER!" sigaw ulit nung Host. Hindi ba nagsasawa sa kakasigaw to? Ako yung nasasaktan sa ginagawa nya. Lumabas ang Section C at si Rakki pala ang vocalist nila. Kaya siguro Rakki 'N Roller ang pangalan ng grupo. Isang tagalog at english song ang kakantahin nila. Bahala yung banda kung alin ang mauuna. "Anung kakantahin nila Keifer?" Tanung ng kung sino. Napa-iktad ako, ang hina kasi ng boses at parang nangongonsensya. Si Josh pala, yung classmate naming may third eye daw. "S-secret ng one republic yung english. Hindi ko sure yung tagalog." Sagot ko. Nakakatakot sya. Minsan nalang kasi magsalita tapos ganyan pa. Binalik ko nalang yung tingin ko sa harap at hinintay na matapos ang Section C. Maganda naman yung tinugtog at kinanta nila. Pero parang hindi bagay kay Rakki. Natapos silang kumanta at lumabas ulit yung host. "MAGANDA! MAGANDA YUNG VOCALIST!" Sabi nung Host at nagulat nalang kami ng biglang tumakbo si Ci-N at akmang aakyat ng stage pero hinawakan agad sya nila David at Calix. Hala! "AKIN LANG YUNG VOCALIST!" sigaw ni Ci-N. Kahit nagulat hinayaan nalang nung Host. Adik din kasi tong si Ci-N bigla bigla nalang nagwawala. "ILABAS NA NATIN ANG SUNOD NA MAGPAPAKITA'NG GILAS.... SECTION E! THE ONLY ONE!" As usual, labas tonsil na sigaw nung host. Lumabas sila Keifer at----Wow! Naka-business attire ang mga mokong. Kompleto, pati ayos ng buhok at sapatos. Ang gwapo ni Kei----Nila! Nilang lahat. Oo, gwapo nila'ng lahat. Ang angas din ng dating ni Yuri. Lakas maka-business man! Pumwesto na sila at nagsimulang tumugtog. Mukang OPM muna ang tutugtugin nila. https://www.youtube.com/watch?v=RdXUIaJFSzI "Kung ang iyong problema, ay ang iyong muka. Wag ng mag-alala pagka't andito na. Ang sagot sa lahat ng problema mo sa mga babae. Ang gamot sa lahat ng pagkakabigo ng mga lalaki..." "...Nandito na ang Papa, Papa Cologne. Nandito na ang Papa, Papa Cologne." Kaya pala ganun ang mga itsura nila! Ayos din tong mga ulupong na to. Yun lang ang pangit ng pangalan ng banda nila. The Only One? "Mag-aamoy mayaman, kahit na pagpawisan. Hindi na mahihirapan, diretso ng kanto. Kung saan may tindaha'ng mapagbibilhan nitong produkto. Sigurado'ng Patok (at wala kang putok), garantisado..." "...Gumamit na ng Papa, Papa Cologne. Gumamit na ng Papa, Papa, Papa Cologne." Para silang Salesman. Pero kung dun nga ang bagsak nitong mga to, ay maraming bibili. Sold out pa! "Kung ang iyong problema, ay ang iyong muka. Wag ng mag-alala pagka't andito na. Ang sagot sa lahat ng problema mo sa mga babae. Ang gamot sa lahat ng pagkakabigo ng mga lalaki..." "...Gumamit na ng Papa, Papa Cologne. Gumamit na ng Papa, Papa Cologne. Gumamit na ng Papa, Papa, Papa Cologne. Gumamit na ng Papa..... Papa Cologne." Malakas na palakpakan ang natanggap nila. Diba? Lakas makapogi ng kanta nila. "GO! Section E!" Sigaw namin. Sandali'ng hinubad ni Keifer ang coat nya. Tinaas din nya yung sleeves nya at tinanggal yung necktie. Binuksan na rin yung mga tatlong bitones ng polo nya. Kilig na kilig naman yung mga babae sa harapan. Mga haliparot! Nagpalit din ng instrument si Felix, biglang humawak ng violin. Yehey! Tutugtugin na nila yung request ko. https://www.youtube.com/watch?v=qHm9MG9xw1o "I need another story Something to get off my chest My life gets kinda boring Need something that i can confess 'Til all my sleeves are stained red From all the truth that i've said Come by it honestly i swear Thought you saw me wink, no I've been on the brink, so..." Ang lakas maka-gwapo ng marunong kumanta oh. Yung dama mo'ng feel din nya rin yung kanta. Nainggit ako bigla, gusto ko din ng magandang boses. "...Tell me what you want to hear Something that will light those ears Sick of all the insincere So i'm gonna give all my secret away." Nakatitig lang ako kay Keifer. Ang swerte siguro ng magiging girlfriend nya. Kung ako kay Ella hindi ko na sya binitawan. Gwapo, may muscle, matalino, mayaman din ata at may talent sa pagkanta----Saan kapa? "...This time don't need another perfect lie Don't care if critics ever jump in line I'm gonna give all my secret away" Sarap pala pakinggan ng boses nya. Todo bigay talaga sya. Ipinikit ko yung mata ko at pinakinggang mabuti yung kanta. Para'ng kaharap ko lang sya at ako yung kinakantahan nya. "My god, amazing how get this far It's like were chasing all those stars Who's driving shiny big black cars And everyday i see the news All the problem that we could solve And when a situation rises Just write into an album Send it straight to gold But i don't really like my flow, no, so..." Pagdilat ng mata ko, nagulat ako na nakatingin din pala sya sakin. Bigla nalang sya ngumiti. At para'ng may sariling isip yung labi ko na naki-ngiti na rin sa kanya. "...Tell me what you want to hear Something that will light those ears Sick of all the insincere So i'm gonna give all my secret away." Lalong nag-enjoy si Keifer sa ginagawa nya. Pati kami naki-kanta at nakisigaw na rin. "...This time don't need another perfect lie Don't care if critics ever jump in line I'm gonna give all my secret away." Meron ako'ng biglang narealize. Napakagat ako sa ibabang labi ko. May nangyayari sakin at hindi ako sigurado kung gusto ko to. "Oh, god no reason, god no shame Got no family i can blame Just don't let me disappear I'ma tell you everything..." Napahinto ako bigla. Normal paba to? Normal paba yung ganitong pakiramdam kay Keifer? Hindi naman to ganito nung nakaraan. Hindi ko na maalis yung tingin ko sa kanya. "...So tell me what you want to hear Something that will light those ears Sick of all the insincere So i'm gonna give all my secret away... ...This time don't need another perfect lie Don't care if critics ever jump in line I'm gonna give all my secret away... ...So tell me what you want to hear Something that will light those ears Sick of all the insincere So i'm gonna give all my secret away... ...This time don't need another perfect lie Don't care if critics ever jump in line I'm gonna give all my secret away all my secret away, all my secret away." Natapos ang performance nila at agad na nagpuntahan ang mga luko sa back stage. Napasunod naman ako sa kanila. Hindi din sila pinapasok kaya hinintay nalang nila'ng makalapit sila Keifer samin. Hindi naman sila nabigo dahil agad na lumapit sila samin ng makita kami. "Ang galing! Pre ikaw na!" Bati nila kay Keifer. Nag-oobserba lang ako sa kanila. Ayoko lumapit. "Jay..." Tawag sakin ni Yuri at lumapit sya. "...nagustuhan mo?" "Oo.." at para'ng hindi lang performance yung nagustuhan ko. Binalik ko yung tingin ko sa mga luko. Nagsalubong yung tingin namin ni Keifer kaya agad ako'ng umiwas. Yung puso ko, nagmamadali! "Ikaw daw yung nag-request nung kanta?" Tanung sakin ni Yuri. Ngumiti naman ako at nag-nod. "Narinig ko kasi nung nakaraan sa radyo." Sandali pa kami'ng nag-usap hangang sa hindi ko namalayan na lumapit pala samin si Keifer. "Tinugtog na namin yung request mo. Wala man lang ba'ng thank you?" Tanung nya sakin. Ay jusme! Tumingin ako sa likod nya. Hindi ko kayang tignan sya sa mata. Grabe kasi! Feeling ng puso ko may deadline syang hinahabol sa pagtibok. "T-thank you..." Sabi ko at sa likod pa rin nya ko nakatingin. Lumingon din sya sa likod nya. "Sino'ng pinasa-salamatan mo dyan?" Hindi ako sumagot. Nagulat nalang ako ng bigla nya'ng ilapit yung muka nya sa muka ko. Hindi ako nakagalaw, para'ng may sumakal sakin at pinahihirapan ako sa paghinga. "Eto ako oh!" Sabi nya. "O-oo nga... S-sabi ko nga." Sagot ko sa kanya. Pero hindi pa rin nya nilalayo ang muka nya sakin. Ang init ng muka ko, pakiramdam ko kapag nagtagal pa ko mamatay na ko. Bakit ba ganito? Hindi dapat ganito. May... May gusto na ba ko sa kanya? 

 

 

Chapter 83 Festival Day 3.5 Jay-jay's POV

 

 "Okay.. Kagaya kahapon, tara na!" Sabi ni Keifer at akmang lalakad papunta sa building ng third year. "Teka lang..." Pigil ko sa kanila sabay iwas ng tingin. Hindi ako makatingin sa kanya! "Anu na naman?!" Inis nya'ng tanung. "Palit-palit naman tayo ng partner." Suggestion ko. "Bakit?" Tanung ni Yuri. Wag kana magtanung! Um-oo kana lang. "W-wala lang... para maiba lang." Sagot ko. Napatingin ako kay Keifer pero agad ko ding binawi yun ng makita'ng nakatingin sya sakin. Titingin pa... "Maiba taya nalang ulit." Suggestion ni Ci-N. Pinwesto namin yung kamay namin. This time kasama na si David. "Maiba... Taya!" Sigaw namin. Si David at Ci-N ang naiba agad. Sila ngayon ang partner. Pumwesto ulit kami. "Maiba... Taya!" Sigaw namin. Si Yuri ang naiba. Bakit pakiramdam ko sya na naman ang partner ko? Pumwesto sila ulit pero hindi ko na nilagay ang kamay ko. Humawak ako sa braso ni Yuri. "Partner kami!" Sigaw ko at agad na hinatak si Yuri. "...Sa first year kami." "Hoy!" Sigaw nila sakin pero hindi ko sila pinansin. Tuloy ako sa paghatak kay Yuri na halata'ng walang alam sa nangyayari. Nakarating kami sa First Year building at binitawan ko si Yuri. Huminga ako ng malalim. "Ayos ka lang ba Jay?" Tanung sakin ni Yuri. "Oo.. Sorry ah? Ikaw kasi yung malapit sakin kaya ikaw yung nahatak ko." Paliwanag ko. "Okay lang... Pwede kang magsabi sakin kung may problema." Sabi nya. Pinaglaruan ko yung flashlight na hawak ko. Nahihiya kasi ako'ng magsabi sa kanya. Unfair! Pinakiki-alaman ko problema nila pero problema ko hindi ko masabi sa iba. Hindi naman siguro masama kung magsabi ako kay Yuri kahit konti. Nakarating kami sa second floor. "Yuri.." tawag ko sa kanya. "...Alam mo yung feeling ng parang nagkaka gusto ka sa isang tao kahit ayaw mo?" "O-oo naman..." Sagot nya. "Anu'ng pwede'ng gawin sa ganun?" "What do you mean sa pwedeng gawin?" Taka nya'ng tanung. "I mean, para maiwasan or hindi matuluya'ng ma-fall." Napahinto si Yuri. "Bakit iiwasan? Jay... You can never stop falling into someone." Seryoso nya'ng sagot. "Why?" "No one can control feelings." "Linawin mo..." Utos ko sa kanya. "Jay... Maf-fall kung maf-fall. Feelings yan, hindi mo pwede'ng diktahan." "Bakit hindi? Ayoko... Ayoko nun." Pagmamaktol ko. "Bakit ba ayaw mo sa kanya?" "Kasi gago sya, animal, kumag, malakas ang saltik, may sapi, Hari ng ulupo----" "So... Tungkol pala sayo yung tinatanung mo?" Tanung nya at nag smirked. Ay nadulas! "H-hindi... A-anu yun..." Pagtanggi ko pero mukang hindi naman nya ko papaniwalaan. "Sino naman yung malas na lalaki'ng nagustuhan mo?" Pang-aasar nya. "Ako nga yung malas at nagkagusto sa kanya... At hindi ko pa sya gusto! Naguguluhan pa ko." Paliwanag ko. Bigla'ng tumawa si Yuri. "Hindi ka naguguluhan. Tinatanggi mo lang." "Hindi nga! Naguguluhan pa nga!" "Bakit naman?" "Naiinis nga kasi ako sa kanya! Abnormal sya, nakikita mo naman yung ginagawa sakin nung Keifer na yun!" Inis na sagot ko. "Si Keifer yung tinutukoy mo?!" Gulat nya'ng tanung. Nanlaki yung mata ko. Late ko na na-realize na nasabi ko pala yung pangalan nya. Tinakpan ko agad yung bibig ni Yuri. "Wag mo sasabihin sa kanya." Tinabig na pilit ni Yuri yung kamay ko at pilit lumayo pero hindi ako pumayag at halos lamutakin ko na yung bibig nya. "T-teka lang... Aw! S-stop!" Sigaw nya. Hindi pa rin ako tumigil. "Wag mo kasing sasabihin sa kanya! Mag-promise ka!" Sigaw ko. "Aw! S-stop! P-please!" "Mag-promise ka! Wag mo sasabihin!" Hinawakan ni Yuri ang magkaparehong kamay ko. "H-hindi ko sasabihin... Tigilan mo lang yung bibig ko." Paki-usap nya. Binawi ko na yung kamay ko sa kanya at bumalik kami sa paglalakad. Nakarating na kami ng third floor ng hindi namin namamalayan. "Promise mo yan ah?" Tanung ko sa kanya. "Oo... I promise." Sabi nya at tinaas pa yung isang kamay. Ngumiti naman ako sa kanya. Tapos na kami sa building ng first year kaya pupunta na kami sa mga booths at stall. "Tara na.." aya ko kay Yuri. Ang bagal nya kasi maglakad. Para'ng bigla nalang pinasan yung bahay nila. Pagong na sya ngayon! "Excited ka lang makita si Keifer eh..." pang-aasar nya. Tinignan ko sya ng masama. Binagalan ko na rin yung lakad ko at sinabayan pa sya. "Maya na tayo pumunta." Sabi ko at sumibangot. Bahagya nya kong binunggo ng braso nya. "Ayyyiiieeeehhh!!!..." Sabi nya. Agad ko sya'ng hinampas sa braso. Lakas mang-inis nito. Feeling ko hindi nya ko titigilan ng pang-aasar. "Tigilan mo nga yan!" Sabi ko pero tinawanan lang nya ko. "Keifer and Jay-jay... Kei'jay o Jay'fer." Sabi nya habang minumwestra sa kamay. Napakamot ako sa ulo. Pagsamahin daw ba pangalan namin. Anu kami? Love Team sa TV? Pang-artista lang yung peg. "Wag nga..." Naiinis na sabi ko. "Bakit? Cute nga eh." Hinampas ko ulit sya ng malakas. Nakakagago na kasi! "Ayyyiiieehhh... Keifer." Pang-aasar na naman nya. Dapat yata hindi ko na sinabi. Ang lakas ding mang-inis nitong talipandas na to. Sabagay hindi ko naman sinasadya'ng sabihin. "Bilisan na nga natin. Alam kong excited kana'ng makita sya." Dagdag pa nya bago ngumiti ng nakakaloko. "Yuriii!!" Inis na banggit ko sa pangalan nya. Pero ang wala'ng hiya, tinawanan na naman ako. Nakarating kami sa mga stall at booths pero wala naman sila don kaya hinintay nalang muna namin. Naupo kami sa bench. "Panu kung gusto ka rin ni Keifer?" Biglang sabi ni Yuri. Tss. Imposible! "Malabo'ng mangyari yan." Sagot ko. "Why?" Dahil si Ella pa rin at ayokong umasa. "Basta! Wag natin pag-usapan yung mga ganyan." Narinig ko sya'ng nag-buntong hininga. Tumingin ako sa kanya at napansin kong nakatingala sya. Hindi ko alam kung ako lang ba pero para'ng malungkot yung mga mata ni Yuri. "Ikaw Yuri... Wala kang nagugustuhang iba? Bukod kay Ella." Pag-iiba ko sa usapan. Lumipat ang tingin nya sakin. "Meron..." "Sino?" "Hindi ko pa pwede'ng sabihin." Sagot nya sakin at ngumiti. Ay pa-thrill! "Ganun? Swerte nya kung sino man sya." "Bakit naman?" Taka nya'ng tanung sakin. "Kasi si Yuri Hanamitchi ka at marami ka ding kaya'ng gawin." Sagot ko sa kanya habang nakangiti. "Mas maswerte ako kapag nagustuhan nya ko." "Bakit?" "Because she's one of a kind." Mabilis nya'ng sagot. Sakin pa rin nakapako yung tingin nya. Kung assumera lang ako, iisipin ko na ako yung tinutukoy nya. Pero syempre imposible yun. Tumingala ako para tignan yung langit. Ang dami'ng star! "Ang ganda nung langit." Sabi ko. "Maganda talaga..." Sabi ni Yuri. Huh? Napatingin ako sa kanya. Nakatingala na rin sya at nakikitingin ng star. Namali yata ako ng tingin. Para kasi'ng sakin sya nakatingin nung nagsalita sya kanina, pero hindi rin siguro. Dumating na sila Ci-N at agad sya'ng lumapit sakin. "Bakit ang tagal nyo?" Bungad ko sa kanila. "May mga room kasi na nakabukas, sinara pa namin." Sagot sakin ni Eren. Sandali kami'ng nag-usap tungkol sa mga nakita namin at mga pinuntahan. Bumalik na kami sa main building para makipag-palit. 3am na ng madaling araw, mamaya'ng 8am uuwi kami para maligo at kumain na rin. Pagbalik sa room humiga na agad ako sa pwesto ko. Sa gitna nilang lahat, ayaw kasi nila Yuri at Keifer na tumabi ako kahit kanino. Babae pa rin daw kasi ako. Kaya ako ngayon ang tuldok sa gitna ng letter O. "Good night Jay!" Bati sakin ni Ci-N. "Good night din!" Balik kong bati. Nakatulog agad ako dala na rin siguro ng pagod. Dalawa'ng oras palang siguro ang tulog ko ng may magising ako sa hindi ko maintindihan na dahilan. Umikot ako ng pwesto at kahit madalim napansin kong may naglakad palabas ng pinto. Kinabahan ako, baka kasi pinag-nakawan na kami ng hindi namin alam. Bumangon ako at kinusot yung mata ko. Tinignan ko yung mga gamit namin, muka nama'ng walang nagalaw. Pero mero'ng wala sa higaan nila. Wala din si Yuri at Keifer. Tumayo ako at lumabas, pilit kong tinignan yung paligid. Nagbabakasali na nasa malapit lang sila. Dahil sobra'ng dilim at tanging buwan lang ang ilaw, naisip kong bumalik nalang sa room. Hangang sa may narinig ako'ng boses ng dalawa'ng tao'ng nag-uusap. Nasa malapit lang yun at feeling ko sa gilid lang ng room. Kung wala sila Keifer at Yuri, pwedeng sila yun. Hala! Yung usapan namin! Baka sabihin ni Yuri yung pinag-usapan namin! Dahan-dahan ako'ng naglakad papunta sa gilid. Wala na kong naririnig na boses pero alam kong andun pa rin sila. Hangang sa makalapit ako at masilip sila ng maayos. Yun nga lang hindi ko inaasahan yung makikita ko. Si Yuri at Keifer ang unang pumasok sa isip ko pero hindi pala sila. Buti sana kung multo nalang tong nakikita ko ngayon. Pero higit pa to sa multo! Ngayon lang ako nakakita ng ganito sa tanang buhay ko! Hindi ko maiwasang hindi mabigla. Ang masama pa, mga kakilala ko pa ang gumagawa sa harap ko. Naghahalikan sila. . . . . . Kahit mga lalaki sila. . . . Author's Note: Ang bruha'ng si Freya Hidalgo. 

 

 

Chapter 84 Festival Days 4 Jay-jay's POV

 

 Daig ko pa adik sa kalagayan ko ngayon. Hindi na ko pinatulog ng eksena'ng nadatnan ko. Sakit tuloy ng ulo ko. "Jay! Nakikinig kaba?" Tanung sakin nila Eman. "Ha?" "Ay naku! Sabi ko lumakad ka, titignan namin!" Inis na sabi ni Eman. Tumayo naman ako at naglakad kahit hindi ko naman naiintindihan kung bakit. "Pwede na yan... Lakad lalaki naman si Jay-jay." Sabi ni Kit. Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya. Impakto! Kelan pa ko naging lakad lalaki? "Daig mo pa nga kami sa paglalakad." Pang-aasar pa ni Kit. "Gago!" "Totoo yun, para kang siga." Dagdag ni Eren. Mga lintik na to! Anu nalang itsura ko kung siga nga ako maglakad? Inirapan ko nalang sila at muling naupo. Nasa mall kami ngayon, kami na kasi ni Ci-N ang lalaban para bukas kaya namimili na kami ng gagamitin. Buti nalang pinahiram sakin ni Kuya Angelo yung Credit Card nya. Si Eman, Eren, Kit at Josh ang kasama ko ngayon. Sila daw kasi ang pipili ng susuotin ko para mamaya. Si Ci-N hinihintay pang matapos ang laban ni Rakki, dun daw sya papatulong. "Jay..." Tawag sakin ni Josh. Halos mapa-iktad ako sa gulat sa kanya. Napaka-hina talaga ng boses nya. Hindi ko alam kung bumubulong sya o naninigaw na. "B-bakit?" "Pwede mo ba kong samahan?" Sabi nya sabay turo sa isang ice cream store. Gusto ko sana'ng tumanggi kasi ang dami namin tapos sakin sya nagpapasama, kayalang nakakahiya. Tumayo nalang ako at nag-nod sa kanya. Naglakad na kami papunta sa ice cream store. Pagdating dun, merong pila. Ugh! Nakakainip! Napilitan ako'ng makipila kasama ni Josh. "Anu'ng nakita mo kagabi?" Biglang tanung nya sakin. Hm? "...Alam kong may nakita ka kagabi?" Dagdag nya. Wala naman ako'ng nakita'ng multo kagabi. Higit pa sa multo yung nakita ko. "W-wala naman." Sagot ko. "Tao yung tinutukoy ko, hindi multo." Paglilinaw nya. Sasabihin ko ba? "Panu mo naman nasabi na may nakita ako?" Oo nga... Hindi kaya sya yun nakita ko? Ang problema kasi, hindi ko nakita ng maayos yung mga pgmumuka nila. Basta alam ko lang lalaki sila. Baka si Yuri at Keifer yun! Aaarrgghhhh!!! Hindi! Hindi sila yun! Sure ako! "Dahil nakita ko din." Mabilis nya'ng sagot. "Kilala mo ba kung sino yung mga yun?" Umiling sya. "Wala na kong balak alamin kung sino sila, pero ang sakin lang... Wag mo na sana'ng ungkatin kung sino sila." "Bakit naman?" "Jay... Tinatago nila yung kung anu mang meron sila. Kapag nakarating kila Keifer na may kaklase tayo'ng bakla anu sa tingin mong gagawin nila?" Tanung nya na nagpa-isip sakin. Tama naman sya don. Baka maghurumintado nga sila Keifer. Siguro, sa pagkakataon na to hindi na ko dapat maki-alam. Tumahimik ako at ganun din sya. Nakarating si Josh sa unahan at nakapamili na sya. Pati ako binibigyan pero wala ako'ng gana. "Tara! dun tayo sa men's department." Aya nila. Nauna sila'ng maglakad. Nasa hulihan lang ako at nag-iisip. Tungkol pa rin syempre sa sinabi ni Josh. Pagdating namin sa men's department, kanya-kanya sila ng tingin at hanap. Kayalang wala'ng magustuhan ang mga mokong. Muntik pa sila'ng mag-away away. Sana pala pinasama ko si David o kaya si Yuri. Hindi kasi pwede si David. Kasama nya yung girlfriend nya, si Yuri naman may laban mamaya kaya naghahanda na. Napilitan kami'ng magpunta sa isang butique. Sabi ni Eman, kapatid daw ni Blaster----classmate namin----ang may-ari nito. "Good Morning boys!" Bati nung babae'ng muka'ng supermodel. "Hi Ate!" Balik na bati naman ng mga kasama ko. Pinaliwanag nilang lahat kung bakit kami andito. Sinabi na rin nila yung tungkol sa contest. Lumapit sakin yung babae'ng supermodel ang dating. "Jay-jay tama?" Tanung nya at inakbayan ako. Nag-nod naman ako bilang sagot. "Ako Ate ni Blaster... Sana hindi sya naging sakit sa ulo sayo." Bahagya ako'ng tumawa. Ang totoo, hindi ko maalala kung sino si Blaster. Hindi ako sure kung sya yung naka-away ko dahil lang sa hindi ko nabigyan ng pagkain. Anu ba yan? Ilang buwan na kami'ng magkakasama pero hindi ko pa rin maalala mga pangalan nila. "Tara... Tutulungan kita mamili ng damit." Sabi nya at hinatak ako papunta sa fitting room. Hala! Hindi muna ko hinayaang kumuha ng damit. Pagpasok sa loob, kung ano ano'ng damit ang binigay nya sakin para isukat. Kung hindi lang ako nahihiya tatanggihan ko na sana sya. "Pagkatapos mo isukat labas ka ah?" Sabi nya. Sinimulan ko nang magpalit, bahala na kung panu isuot. Inuna ko yung pinaka coon na sinusuot ng mga lalaki. Polo shirt at t-shirt sa loob, namili din ako ng cap. Matapos suotin lumabas ako kagaya ng utos ng Ate ni Blaster. Naka-upo sa mahabang sofa ang mga luko. "Wow! That's my tomboy lang ang peg!" Sabi ni Eren at pumalakpak. "Wag yan... Hanap ka iba." Utos ni Kit. Bumalik ako sa loob at nagpalit ng damit. Kada palit ko ay lalabas ako para ipakita sa kanila. Nakakalimang palit na yata ako pero iisa'ng damit pa lang ang approve sa kanila. Tapos na kong magpalit ng pang-anim na damit, paglabas ko napahinto ako dahil sa lalaking nakatayo sa harap ng pinto ng fitting room. "Anu'ng ginagawa mo dito?" Tanung ko sa kanya. Wag titingin sa mata! "Tumawag sakin si Kit at sinabi'ng nahihirapan daw kayong mamili ng damit." Sagot sakin ni Keifer. Oo... Yung Hari ng mga ulupong. Naka-cross arm pa sya habang tinitignan ako mula hulo hangang paa. "...may talent ka na bang hinanda? How about your saying or believes?" Tanung nya. "Okay na yun... Tinulungan ako ni Ci-N." Sagot ko. Pagkatapos kasi nung sayawan nung martes, tinanung ako ni Ci kung may talent na daw akong hinanda. Sinabi kong wala kaya nagprisinta sya'ng tulungan ako. Hindi na sya nagsalita. Pumasok sya sa loob ng fitting room at tinignan yung mga damit na pinagpilian ko. "Pumasok ka dito." Utos nya sakin. Sumunod naman ako. Pagpasok ko, agad nya'ng sinara yung pinto. "Suot mo to." Utos ulit nya. Kinuha ko yung inabot nya pero pano ko magbibihis kung andito sya? Feeling nya same kami ng kasarian. "Baka gusto mong lumabas?" Sarcastic na tanung ko sa kanya. "Para nama'ng may makikita ako sayo." Sagot nya. Tinignan ko sya ng masama. Anu'ng gusto nya'ng sabihin dun? "Lumabas kana!" Sigaw ko sa kanya. "Tss." Nakuh! Yan na naman yung 'Tss' nya. Lumabas naman sya at hinayaan ako'ng magbihis. Simpleng white shirt at jacket na may hood ang inabot nya sakin. Halos kapareho lang ng unang sinuot kong damit yung suot ko ngayon. Lumabas ako ng fitting room at nag-aabang na sila sa may mahabang sofa. Andito na din sila Edrix at Rory. Nakatingin sila sakin. "Yan! Bagay sayo yan!" Sabi ni Eren. "Kailangan din nya ng Formal." Sabi ni Rory habang nakatingin sa phone nya. Tinawag nila yung babae'ng kausap ko kanina. Yung ate ni Blaster. Merong binulong si Keifer at agad naman itong tumango. Sinenyasan ako ni Keifer na bumalik sa loob ng fitting room. Sunod naman ako. Lintik na pa-contest to. Dagdag trabaho lang kasi. Kasalanan tong lahat ni Freya! Kung anu-anu pang damit ang pinasuot nila sakin. Sa totoo lang nagugutom na ko. Natapos kami sa pagpili ng damit at sa wakas, nag-aya din silang kumain. Sa isang fast food ang bagsak naming lahat. "Anu'ng talent ang gagawin mo?" Tanung sakin ni Keifer. "Sasayaw... Sila Eren ang back up dancer ko." Sagot ko sa kanya. Tinignan ko yung cellphone ko. Nagtext pala sakin si Yuri. From: Yuri-Yuri Message: kamsta? Kumain kna? Magrereply na sana ako sa kanya pero bigla nalang inagaw ni Keifer yung phone ko. Phone ko! "Kinaka-usap kita!" Sabi nya at tinago yung phone ko sa bulsa nya. "Yung phone ko naman!" "Anu bang meron sa phone mo at gusto mo pang kaharap kesa sakin?!" Inis na tanung nya sakin. Pinagtinginan kami agad ng mga tao. Iskandaloso kasi talaga tong walang hiya na to. "Pasensya na! Seloso si Boyfie!" Sigaw nila Eren sa mga tao. Gago men! Boyfie daw! "Hoy! Eren!" Sigaw ko sa kanya at tinignan sya ng masama. Binalik ko yung tingin ko kay Keifer. Sabay iwas ulit, titig na titig kasi sya sakin. Hanep! Yung puso ko! "Nagtext si Yuri sayo." Sabi nya habang kinakalikot yung phone ko. Tinignan ko sya ng masama at pilit inagaw yung phone ko sa kanya. Pero inilayo nya yun at pilit tinignan yung mga text ni Yuri. "...Kelan pa kayo nagkaka-text?" Tanung nya. "Wala kana don! Akin na yan!" Tinignan nya ko at muling binulsa yung phone ko. "Mamaya ko na ibibigay sayo. Kumain ka muna." Sabi nya sakin at saktong dating nila Rory dala yung order namin. Dahil gutom na rin ako, hinayaan ko muna yung phone sa kanya. Maya na ko makikipagtalo, kain muna mga brad! Walang tigil ang kulitan nila Eren habang kumakain. Meron pa silang nalalaman na lalagyan daw nila ng boobs si Ci-N bukas. Pero si Keifer, tahimik lang habang kumakain. Para bang meron sya'ng iniisip. Next time nga, lalagyan ko ng password yung phone ko para hindi nabubuksan ni Keifer yung mga message namin ni Yuri. Baka kasi bigla namin sya'ng mapag-usapan tapos mabasa nya. Putcha! Huli ka balbon lang ang dating ko nun. Pagkatapos kumain naka-ayaan ng umuwi. Kailangan ko na rin yun para ma practice yung mga gagawin ko. Malapit na kami sa exit ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Yung No. 1, naiihi ako. "Keifer..." Tawag ko sa kanya. "...Ihi lang ako." "Sa bahay nyo nalang." "Dito na! Lalabas na eh!" Pagpipilit ko. Wala sya'ng nagawa kundi kunin ang mga hawak ko at hayaan akong umalis. Sandali lang naman ako dahil wala namang nakapila at malapit lang sa hinintuan namin yung CR. Pagbalik ko, napansin kong may kausap si Keifer sa phone. Ng makapalapit ng maayos dun ko lang napansin na Phone ko yung gamit. "Hoy! Phone ko yan ah!" Sita ko sa kanya. Humarap sya sakin at bahagya'n nilayo yung phone sa tenga nya. "Sino si Cyrus?" Tanung nya na nagpatigil sakin. Si C-cyrus yung kausap nya. Kinuha ko yung phone ko at agad na pinatay yung tawag. Halos manginig yung laman ko. Humarap ako kay Keifer. "A-anung sinabi nya sayo?" "Hinahanap ka lang... Gusto ka daw nya'ng makita." Mabilis nya'ng sagot sakin. Sumisikip ang dibdib ko. Panu nya nalaman ang number ko? Bakit ngayon pa sya tumawag sakin? Panu kung totoo pala yung sinasabi nung kambal sakin? Author's Note: Ang kalaro ni Ci-N... Eren de Luna 

 

 

Chapter 85 Festival Day 4.5 Jay-jay's POV

 

 Konti pa! Mananampal na ko dito. Kagu-gulo nitong mga kasama ko. Dinaig pa yung elementary student sa kakulitan. "Jay-jay! Si Eren nga oh!" Sumbong sakin ni Ci-N. "Ikaw kaya nauna!" Sagot naman sa kanya ni Eren. Tinignan ko sila pareho ng masama pero walang talab yun. Pati sila Kit at Rory nakikigulo din sa kanila. Tanging kami lang nila Keifer at Josh ang walang kibo dito sa pwesto namin. Meron akong iniisip. Pag-uwi ko kasi sa bahay kanina. Meron kami'ng hindi inaasahang bisita. Yung parents ni Cyrus. Hindi ko alam yung gagawin ko kanina. Gusto daw nila kong maka-usap. Ilang linggo na daw kasi akong hinahanap ni Cyrus. Gusto daw nya kong makita. Pero ayoko! Natatakot ako! Ayoko sana'ng pumayag pero nakiki-usap sila sakin. Ang masama pa nito, ngayon pa sana nila ko gusto'ng isama. Buti nalang at dumating si Aries. "Jay..." Tawag sakin ni Keifer. "...Bakit?" Tanung nya. "Anu'ng bakit?" "Bakit ang tahimik mo? Kanina kapa ganyan simula nung tumawag yung----" "Okay lang ako... Kinakabahan kasi ako para kay Yuri." Palusot ko. Hindi na sya nagsalita. Maganda yun para sakin. Ayoko talaga'ng pag-usapan. Biglang may lumabas na matinis na tunog sa speaker mula sa stage dito sa auditorium. Mukang mag-uumpisa na yung contest. Kailangan ko muna'ng alisin yung nasa isip ko. Susuportahan ko muna si Yuri. "Good evening everyone!" Bati nung host samin. Malakas na palakpakan naman ang sinagot namin. Sya rin yung naging host nung contest nung martes. Kasama nya kaya yung Pag-dilim ng Panahon? Habang nagsasalita yung host, napansin namin si Rory na tumatakbo palapit samin. "Guys! Nasira yung audio tape na dala namin para kay Yuri!" Sabi nya samin. "Gumagana pa yun kanina ah." Sabi ni Kit. "Mukang may sumabutahe! May dala ba kayong back up?!" Tanung samin ni Rory. Nagtinginan kami, nagbabakasakaling may sumagot ng meron. Pero wala, matatalo si Yuri nito. "Edrix! Samahan mo si Rory sa room. Kunin nyo yung gitara, ipagamit nyo kay Yuri." Utos ni Keifer. Mabilis ang naging kilos nila Edrix. Binalik namin yung tingin sa Host. Bigla kasing nagpalakpakan ang mga tao. Umpisa na pala ng contest. Sana nga lang umabot pa sila Edrix. "Simulan natin sa Section B!" Sabi nung host at lumabas yung representative ng Section B. Your Love ang kinakanta nya. Pero wala don ang atensyon namin. Hinihintay nami'ng dumating sila Edrix. Natapos ang Section B at muling lumabas yung host. "Wala pa rin ba?!" Natataranta'ng tanung ko. Pilit nilang sinilip ang paligid pero wala pa rin sila Edrix. "Ngayon naman ang Section D!" Muling sigaw nung Host at lumabas ang taga Section D. Habang kumakanta yung D, bigla'ng dumating si Edrix hingal na hingal. "Okay na... Naibigay na namin kay Yuri." Sabi ni Edrix at naupo. Pero meron pang isang problema. Mapipilitang magpalit ng kanta si Yuri. Sinabi na kasi nya samin na hindi daw nya kaya'ng tugtugin sa gitara yung unang kanta'ng napili nya. "Maraming salamat sa napakagandang kanta Section D!" Sabi nung Host at nagpalakpakan ang mga tao. Alam naman na si Yuri na ang susunod. Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko. "Palakpakan naman natin ang Section E!" Sigaw nung host at lumabas si Yuri hawak ang acoustic guitar. "Si Yuri na! Woooohhhhh! GO! YURI!" Sigaw nitong mga katabi ko. Sandaling inayos yung gitara at nagtesting na rin. Ng maayos na ang lahat nagsalita si Yuri sa mic. "I will sing Can't stop the feeling, covered by Joseph Vincent." Sabi ni Yuri at nagsimula'ng kumanta. "I got this feeling inside my bones It goes electric, wavey when i turn it on All through my city, all through my home Were flying up, no ceiling, when we're in our zone..." Ang ganda nung kanta'ng napili nya. May boses din palang maipagmamalaki tong si Yuri. Parang si Keifer lang. "...I got that sunshine in my pocket Got that good soul in my feet I feel that hot blood in my body when it drops, ooh I can't take my eyes up off it, moving so phenomenolly Room on lock the way we rock it, so don't stop..." Meron ako'ng aaminin. Crush ko talaga si Yuri, nung unang beses ko pa lang sya'ng nakita. Lakas kasi ng dating ng red hair. Hahaha Kayalang magka-ugali kasi sila ni Keifer kaya hindi ko inaamin sa sarili ko. Pero nung bumait na sya sakin, hindi ko maiwasan na hindi mapangiti. "...Under the lights when everything goes Nowhere to hide when i'm getting you close When we move, well, you already know So just imagine, just imagine Nothing i can see but you when you dance, dance, dance Feeling good, good, creeping up on you So just dance, dance, dance All those things i shouldn't do But you dance, dance, dance And ain't nobody leaving soon, so keep dancing..." Maswerte yung nagugustuhan ni Yuri ngayon. Sana nga lang magustuhan din sya. Kawawa naman kasi kung hindi. BH na nga kay Ella tapos BH pa sa kanya. "...I can't stop the feeling So just dance, dance, dance I can't stop the feeling So just dance, dance, dance..." Kung ako lang yun, tapos wala din akong eklabu kay Keifer----Ay! Hayahay ang Buhay! Happy together lang peg namin. "Did you know that Yuri only sing for a certain person?" Biglang sabi ni Keifer dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Ha?" "Sa mga oras na to, kinakantahan nya yung babae'ng gusto nya." Paglilinaw nya. Talaga? Alam pala ni Keifer na may nagugustuhan si Yuri? Sabagay, bestfriend sila kaya hindi imposible yun. "...Ooh, it's something magical It's in the air, it's in my blood, it's rushing on Don't need no reason, don't need control I fly so high, no ceiling, when i'm in my zone..." Binalik ko yung tingin kay Yuri. Ako lang ba o para'ng nakatitig talaga sya sakin? Ang weird ng pakiramdam ko. Kahit hindi pa sya tapos kumanta napilitan akong tumayo. Nagpa-alam akong magc-cr lang. Ang totoo, kakaiba lang kasi talaga yung pakiramdam ko. Bigla akong hindi naging komportable. Dumiretso ako sa pinakamalapit na CR. Pero hindi pa ko nakakapasok sa loob ng makarinig ako ng umiiyak. May multo pa yata! Putcha! Pero hindi multo yung nakita ko sa loob. Si Grace! Hindi pa ko nagsasalita pero tinignan agad nya ko ng masama. "Akala ko ba kaka-usapin mo si Denzel?!" Inis na tanung nya sakin at pilit pinunasan ang luha nya. Lah! Kala ko ba okay na sila? "May nangyari ba?" Muli nya'ng pinunasan ang mga mata nya. "Pinanagutan nga ni Denzel yung bata pero ganun pa din yung pakikitungo nya sakin." Sabi nya at muli na nama'ng umiyak. "...Sabi nya mahal nya ko pero hindi ko naman maramdaman." Nakagat ko nalang ang ibaba'ng labi ko. Anu bang dapat kong gawin? Oo, alam ko hindi na dapat ako maki-alam. Pero buntis sya! At umiiyak! Masama yun para sa baby. Hangang sa merong pumasok na ideya sa utak ko. Agad akong lumapit kay Grace at bumulong sa kanya. Nagtaka pa sya nung una pero sumang-ayon din sya. Agad ako'ng lumabas ng CR at hinanap si Denzel. Nasa backstage sila at nakikipag-usap kay Yuri. Mukang kanina pa sya tapos mag-perform. "Jay-jay!" Tawag nila sakin. Tumakbo ako palapit sa kanila at sandali'ng naghabol ng hininga. "Saan ka galing? Bakit bigla ka nawala?" Tanung sakin ni Yuri. "Maya ko nalang papaliwanag." Sagot ko at humarap kay Denzel. "...Sumama ka sakin may pag-uusapan tayo." Hinawakan ko ang kamay nya at agad sya'ng hinatak palayo. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya. "T-teka lang Jay!" Pigil nya sakin pero hindi ako nagpa-awat. Nakarating kami sa gilid ng room. Binitiwan ko sya at tinitigan sa mga mata. "B-bakit ba Jay?" "Anu'ng balak mo kay Grace?!" Inis na tanung na ko sa kanya. "H-ha? Kala ko ba okay na lahat samin?" "Yun din akala ko... Pero umiiyak na naman sya." Sandaling tumahimik si Denzel at parang nag-isip. Aware siguro sya na hindi gusto ni Grace yung pagtrato nya. "Jay... Hindi ko naman alam yung gusto nya'ng mangyari. Pinanagutan ko na yung bata, kaya nga nagtatrabaho ako'ng mabuti." "Pero si Grace? You accept your responsibility with the child, but how about your responsibility with Grace? Babae pa rin sya at kahit hindi kayo kasal, meron ka pa ring responsibilidad sa kanya!" Inis na paliwanag ko. Bigla nalang sya'ng umiyak. Nagulat ako pero hindi ako nagpakita ng awa o simpatya. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin sa kanya. "M-mahal ko kasi si Grace pero... N-natatakot ako. Alam kong galit sya sakin dahil sa ginawa kong pag-gamit sa kanya. Alam ko din na hindi nya ko mapapatawad kaya kusa na kong lumalayo. Kapag okay na lahat at meron na kong ipagmamalaki, liligawan ko sya ulit. Pero ngayon na wala ako kahit anu, alam kong papasok at papasok sa isip nya na ginagamit ko pa rin sya." Paliwanag nya habang pilit pinupunasan ang luha nya. Huminga ko ng malalim at tumingin sa ibang direksyon. "Pwede ka ng lumabas!" Sigaw ko. Alam kong nagtaka si Denzel sa sinabi ko. Mula sa likod ng mga tambak na gamit lumabas si Grace. Lumapit sya samin at tinignan ng masama si Denzel. "Ganun ba tingin mo sakin?!" Galit na tanung ni Grace. Oo naman! Tropa kaya kayo ni Freya! Hindi sumagot si Denzel. Sa inis ni Grace, pinaghahampas nya at halos itulak nya si Denzel. Pero hindi pa rin sya sumasagot. "Denzel... Kaharap mo na si Grace. Sabihin mo na yung problema. Walang mangyayari kung lalayuan mo lang sya ng lalayuan." paliwanag ko. Pero parang para sa akin yung mga sinabi ko. Bigla kasing pumasok sa isip ko si Cyrus. Siguro nga dapat ko na sya'ng harapin. "Grace..." Panimula ni Denzel at bigla nalang nya'ng niyakap ang kaharap. "...S-sorry kung naduduwag ako sayo." Hindi ko na hinintay ang sasabihin pa ni Denzel. Umalis na ko at hinayaan na sila'ng mag-usap. Meron din ako'ng sariling problema na haharapin. Kinuha ko yung phone ko at dinial yung number na iniwan sakin ng parents ni Cyrus. ["Hello?"] Sagot ng kung sino sa kabilang linya. "H-hello? Si Jay-jay po ito." ["Jay... Sana pumayag kanang magpakita sa anak namin kahit sandali."] Huminga ako ng malalim at napatingin sa langit. "P-payag po ako." ["Salamat Jay! Matutuwa si Cyrus sa sinabi mo!"] Pero ako hindi natutuwa. Kilala ko si Cyrus, malalim pa sa ugat ng puno kung magtanim sya ng galit sa kapwa. Hindi sya titigil hanga't hindi nakakaganti. Hindi ko alam kung tama ba tong ginawa ko. Author's Note: Sa kanya ka tumabi pagsakay mo ng Train to Busan, ligtas ka. hahahaha... Si Denzel Castillo. Si Grace Miller 

 

 

Chapter 86 Festival Day 5 Jay-jay's POV

 

 7:35am. Ang aga ko nagising kahit late na ko nakatulog. Hindi kasi mawala sa isip ko si Cyrus. Sana pala sumama nalang din ako sa pag-patrol kung alam ko lang na ganto yung mangyayari. Nag-ring yung phone ko kaya agad kong hinanap kung nasan yun. Sa ilalim ng unan ko sya nakita. Si Ci-N ang tumatawag sakin. "Hello?" Sabi ko pagsagot sa tawag. ["Peram nga ako ng bra mo."] Bungad ni Ci-N sakin. Gago men! "Sira ulo kaba?!" ["Ayaw ako'ng pahiramin ni Ate ko. Nagagalit sakin!"] "Magpatulong ka kila Eren! Wag ako ang kulitin mo!" Sigaw ko sa kanya at pinatay yung phone. Aga-aga kasi, gagalitin ako. Bumangon na ko at dumiretso sa banyo. Naghilamos na at nagsipilyo. Inipitan ko rin ang buhok ko. Kagabi ko lang napansin na humahaba na pala yung buhok ko. Dati hangang balikat lang pero ngayon lagpas na at halos umabot na sa bewang. Pagbaba ko, nasalubong ko pa si Kuya Angelo. "Nagpunta daw dito yung parents ni Cyrus?" Tanung nya sakin. "Oo.. tinatanung kung pwede ko daw puntahan si Cyrus." Sagot ko sa kanya. "Pupunta kaba?" Umiwas ako ng tingin at napakagat sa ibabang labi ko. Baka kasi hindi nya ko payagan kapag sinabi ko yung totoo. "Kung pupunta ka, siguraduhin mong may kasama ka." Sabi nya at umalis sa harapan ko. Hindi ko nga alam kung tutuloy pa ko. Kinakabahan kasi ako. Dumiretso na ko sa kusina at kumuha ng kakainin. Pagkatapos mag-almusal bumalik ako sa kwarto at inayos yung mga gagamitin mamaya. Alam kong susunduin ako nila David mamaya'ng 8:30am. Biglang nag-ring yung phone ko. Si Ci-N ang nasa isip ko na tumatawag sakin pero iba yung nakalagay sa phone. Sinagot ko yung tawag at hinintay na magsalita yung nasa kabilang linya. ["Jay-jay? Mom ni Cyrus to! Baka pwede mo ng puntahan yung anak ko ngayon?! Please!"] Nanay ni Cyrus. Umiiyak sya at mula sa kabilang linya naririnig ko na nagkakagulo sila. Para bang may nagwawala na nakiki-usap. "K-kasi po... May gagawin po ako ngayon." Sagot ko. Bakit ngayon pa? May laban ako. Hindi ako makakarating ng 1pm baka ma disqualified kami. ["Jay... Please nakiki-usap ako!"] Paki-usap nya at mas lalung lumakas ang pag-iyak. Anu'ng gagawin ko?! Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko. Bahala na! "S-sige po. Pupunta na ko." Sagot ko. ["S-salamat!"] Namatay na yung tawag. Nasabunutan ko nalang ang sarili ko. Mapapatay ako nila Keifer kapag hindi ako nakarating sa oras nito. Agad akong naligo at nag-ayos. Nagtext na rin ako kila David at sinabi'ng pupunta nalang ako dun. Lumabas ako ng bahay ng hindi nagpapa-alam kay Kuya. Hindi nya ko papaalisin ng walang kasama. Itetext ko nalang siguro sya. Sumakay ako ng taxi at nagpadiretso'ng terminal ng bus. Suntok sa buwan tong gagawin ko. Sakto'ng paalis na yung bus nung dumating ako. Mabilis lang ang byahe kapag umaga. Pag-upo ko, para'ng sinisilihan yung pwet ko sa pwesto ko. Hindi kasi talaga ako mapakali. Pakiramdam ko, mali'ng mali tong gagawin ko. 2hrs na byahe. 1 1/2 hrs kung hindi traffic. Biglang may nagtext sakin. Alam kong sila Yuri yun kaya hindi ko na tinignan. Meron ding tumatawag sakin. "Ate... Hindi mo ba sasagutin yan?" Tanung ng bata sakin na katabi ko. Nagpilit ako ng ngiti at umiling. Bumalik yung bata sa ginagawa nya. Sinilent ko na yung phone ko para hindi nakakahiya sa batang katabi ko. Muka kasing masungit. Nakarating ako sa destinasyon ko. Pagbaba pa lang sa terminal pinagtinginan na ko ng mga nakakakilala sakin. Pero wala ako'ng paki sa kanila. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa ospital kung saan naka-confine si Cyrus. Lumapit ako sa nurse station at nagtanung. "S-saan po yung room ni Cyrus Velasco?" "Sandali lang po ah?" Sagot sakin nung nurse at my pinindot pindot sa keyboard. "...Third floor po, Room 154." "Thank you po." Sabi ko at lumakad na paalis. Sa hagdan ako dumaan. Para incase na magbago ang isip ko pwede pa kong bumalik agad. Pero mukang hindi ganun yung mangyayari. Nakarating ako sa third floor. Nasa tapat na ko ng pinto ng kwarto ni Cyrus. Nakahanda na rin ang kamay kong kumatok sa pinto. May chances pang umatras. Pero hindi na ko pwede'ng umatras. Ang lakas ng loob kong pagsabihan si Denzel na harapin yung problema pero ako tong naduduwag. Kumatok ako sa pinto at hinintay na bumukas ang pinto. "Jay?" Bungad sakin ng Nanay ni Cyrus. Nagpilit ako ng ngiti. Ginayak nya kong pumasok at sumunod naman ako. "ANU'NG GINAGAWA NYA DITO?!" Galit na tanung ni Ate Cas, kapatid ni Cyrus. "Cassandra! Gusto sya'ng makita ng kapatid mo!" Sita ng Tatay ni Cyrus. Napatingin ako kay Ate Cas. Galit na galit ang tingin nya sakin. Lumipat ang tingin ko kay Cyrus na nakahiga sa kama. Nangingilid ang luha nya at para'ng ang saya nya na makita ako. Meron sya'ng neck support, nakabenda ang kana'ng kamay at may bakal ang binte. Meron din sya'ng benda sa ulo. Hindi ako makapaniwala na ako ang may gawa nyan sa kanya. "Jay-jay..." Tawag nya sakin. Nilapit ako ng Nanay nya sa kaliwa'ng bahagi ng kama. Sa sobrang inis ni Ate Cas lumabas sya ng kwarto at padabog na sinara ang pinto. Pina-upo ako ng Nanay ni Cyrus sa tabi nya mismo. Para ako'ng mulala sa ginagawa ng Nanay nya. Hinawakan ni Cyrus ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Kamusta ka? Sabi nila hindi kana daw dito nag-aaral." Tanung nya sakin. Kung titignan sya, para'ng sabik na sabik sya sa mga ikukwento ko. Hindi ako sigurado kung yun nga talaga sya ngayon. Hindi mawala sa isip ko na pwedeng may balak sya. "D-dun na ko nag-aaral sa school ni Aries." Bahagya sya'ng nagulat. "Magkasama na kayo ni Aries? Kala ko galit sya sayo?" Si Cyrus kaba talaga?! "Nag-iiwasan kami kung kailangan." Pilit kong sagot. Humigpit ang hawak ni Cyrus sa kamay ko, tinititigan din nya ko sa mata. Hindi ko maiwansan na hindi mailang. "Mag-kwento ka... Tungkol sa mga bago mong classmate." Utos nya sakin. Sandali ako'ng tumingin sa mga magulang nya bagao tuluya'ng nagsalita. Limitado lang ang kwento ko sa kanya. Ayoko'ng magbigay ng detalye dahil sa bawat pangalan na banggitin ko nag-iiba yung tingin nya sakin. Tumingin ako sa wall clock sa kwarto. 10:45am na, kung aalis na ko makakapag-ayos pa ko sa bahay at aabot ako sa contest. Humarap ako kay Cyrus na mahigpit pa rin ang hawak sa kamay ko. "C-cyrus... Kailangan ko ng umalis. Hinihintay na kasi ako samin." Sabi ko habang tinatangkang bawiin ang kamay ko. "Wag muna... Dito ka muna, please!" Paki-usap nya. "H-hindi kasi pwede..." Nagulat nalang ako ng bigla nya kong hawakan sa leeg. Galit na galit ang tingin nya sakin at alam kong pwede nya kong patayin. Hindi pa rin sya nagbabago. Nataranta yung magulang nya at agad na lumapit samin para awatin si Cyrus. "Dito ka lang! Hindi ka pwede'ng umalis!" Galit na sabi nya sakin. "Cyrus! Anak! Bitiwan mo si Jay-jay!" Sigaw ng Nanay nya habang pilit inaalis ang kamay ni Cyrus sa leeg ko. Pero pursigo at taimtim ang tingin nya sakin. Balak nya talaga kong patayin. Alam kong nagtanim sya ng galit sa ginawa ko. Bigla'ng pumasok si Ate Cas sa kwarto at tumulong na rin sa pag-alis ng kamay ni Cyrus. "Cyrus! Bitiwan mo sya!" Sigaw ni Ate Cas. Sabay nilang hinatak ang kamay ni Cyrus at para'ng napagod din ito kaya bumitaw. Agad akong lumayo sa kanya at naghabol ng hininga. Bigla nalang umiyak si Cyrus at parang nagmamaka-awa. "Wag ka muna'ng umalis! Dito ka lang! Please!" Paki-usap nya habang umiiyak. Tinignan ako ni Ate Cas na parang nagsasabi na wag na kong magtagal pa dito. "P-pasensya na po... Kailangan ko ng umalis." Yun na ang huling sinabi ko sa kanila. Mabilis ako'ng tumakbo paalis. Bastos na kung bastos pero hindi ko na kayang magtagal don. Wala ako'ng balak makipag-plastikan sa kanila. Baliw si Cyrus! Pero parang pati ako mababaliw na din. Huminto ako sa parking ng ospital. Sa isang bahagi ng pader ako sumandal at naghabol ng hininga. Pero hindi pa ko nagtatagal ng may tumawag sakin. "Jay!" Tinignan ko kung sino yun. Si Ate Cas at palapit sya sakin. "Ihahatid na kita sa inyo! Kailangan din nating mag-usap!" Sabi nito sakin at hinatak ako papasok ng kotse nya. Hindi pa rin nagbabago ang kotse nya. Pati itsura nya, muka pa rin sya'ng bata. Mabilis na pinaandar ni Ate Cas ang kotse. Daig pa nya yung ng holdap sa bilis nya'ng magmaneho. "Kung pwede lang sana... Wag ka ng magpakita kay Cyrus." Sabi nya sakin. Hindi talaga! Wala ako'ng balak bumalik don. Naawa lang ako sa Nanay nila kaya ako nagpunta. Marami pa sana kong gusto'ng malaman at itanung kay Cyrus pero hindi na pwede. Tutal eto nalang din ang huli nami'ng pagkikita kaya sulutin na. "A-ate Cas... A-anu po ba talaga yung ginawa ko kay Cyrus dati?" Tinignan nya ko sandali. Para syang nainis sa tinanung ko. "Ginawa mo tapos hindi mo alam? Nagpapatawa kaba?" Inis na sagot nya sakin. "M-mahirap ipaliwanag." "Binugbog mo si Cyrus! Ang dami naming umaawat sayo pero hindi ka tumitigil! Para kang ibang tao, wala kang pinapakinggan! Akala namin napatay mo na sya!" Paliwanag nya. Napalunok nalang ako. Ganyan din ang sinabi ni Keifer sakin. May ginagawa ba ko ng hindi ko alam? "Alam kong hindi maganda naging ugali sayo ni Cyrus! Pero bakit mo ba sya sinaktan ng ganun?!" Hindi ako makapagsalita. Hindi ko naman alam kung bakit ko ginawa yun. Hindi ko rin alam kung panu ko nagawa yun. "...Comatose si Cyrus ng ilang buwan! Ng dahil lang sa ginawa mo! Internal hemorage ang sabi samin ng doctor at operation lang ang option namin!" Alam ko yun! Kaharap ako nung sinabi nung doctor yun. Lahat sila nakatingin sakin at ako yung sinisisi. At ng dahil dun, inatake sa puso si Lola. Akala ko mapapahamak na rin sya ng dahil sakin. "...Mabuti nalang at nadaan sa gamot yung problema!" Dagdag nya pa. Hindi na ko nagsalita pa. Hinayaan ko sya'ng sermunan ako at kung anu-anu pa. Sa bilis nya'ng magmaneho hindi ko namalayan na malapit na kami samin. Inihinto nya yung kotse sa tapat ng gate. "S-salamat, Ate Cas." Sabi ko bago bumaba. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya. Mabilis akong naglakad papasok sa bahay. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ako makahinga, sana talaga hindi na ko nagpunta dun. Napatingin ako sa wall clock-----shit! Tumakbo ako papunta sa kwarto ko para kunin yung mga gamit. Hindi na ko nag-ayos, dun ko nalang aayusin ang sarili ko. Nagtawag agad ako ng taxi paglabas ko. Hindi ako aabot kung lalakad ako or mag-bike. Kayalang kung mamalasin, traffic na paglapit ng sasakyan sa boundery ng school. Bumaba na ko at tinakbo nalang. Pagpasok sa gate ng school, napansin ko agad yung nagsisigawan sa harap ng main building ng fourth year. "Jay!" Tawag sakin ng kung sino. Hinanap ko yun at nakita'ng papalapit sakin si David. "Bakit ngayon ka lang?" Tanung nya sakin. "M-meron kasi ako-----" "Tapos na yung contest." Pero maaga pa! May isang oras pa ko para makapag-handa. Panu nangyaring tapos na? Nakita ko sila Eren na naglalakad papunta sa room kaya agad akong tumakbo para habulin sila. Sa tapat ng mismong room namin ko sila naabutan. "Saan kaba galing?!" Galit na bungad sakin ni Keifer. "M-meron akong----" "Mahalaga pa ba yan sa araw na to?! Alam mong may laban ka pero sinabay mo pa talaga yan!" "Keifer kasi----" "Hindi na rin tumuloy si Ci-N kasi nga wala ka!" Sermon pa sakin ni Keifer. Gusto kong magpaliwanag pero hindi ko alam kung panu ko sasabihin yung nangyari. Lumabas si Yuri mula sa pinto ng room. "Anu bang nangyari Jay?" Mahinahon na tanung ni Yuri. Pati sila Ci-N at iba pa lumabas na din ng room at hinintay ang sasabihin ko. "K-kasi... A-akala ko 1pm pa yung contest." Halos pabulong kong sabi. "Tinatawagan ka namin, bigla kasing binago nila Freya yung oras." Sagot sakin ni Ci-N. Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko. Sana pala tinignan ko yung phone ko kahit sandali. "Saan kaba talaga galing?!" Galit na tanung na naman ni Keifer. "B-bumalik ako samin, sa p-probinsya namin." Sagot ko. "Ngayon pa talaga?! Nanadya kaba?!" Sigaw sakin ni Keifer dahilan para kusang bumagsak ang mga luha ko. Hinawakan ni Yuri yung braso ni Keifer para awatin sya pero tinabig lang nya yun. Galit pa rin ang tingin nya sakin. "K-kasi... M-meron din naman ako'ng sariling problema na kailanga'ng harapin." Sagot ko at bumagsak ang mga luha'ng kanina ko pa pinipigilan. "...Hindi ko naman gusto na hindi makarating. Pinilit ko naman eh. Hindi ko rin gusto na isabay yun ngayon. Pero kinailangan ko." Lalapit sana sila sakin pero sinenyasan ko sila na huminto. Tinignan ko si Keifer na galit pa rin ang tingin sakin. "...Anu pang gusto mong malaman?! Kung anu yung problema ko?! Yung Ex ko, si Cyrus! Na hangang ngayon misteryo pa rin sakin kung panu ko sya nagawa'ng bugbugin at maging dahilan ng pagkaka-ospital nya!" Tuloy-tuloy pa rin ang pag-iyak ko. Ayoko'ng humarap sa kanila ng ganito. Hindi ko pinangarap na umiyak sa harap ng maraming lalaki. Tumalikod ako sa kanila at naglakad paalis. Ayoko nito, ayoko'ng ipakita sa kanila na mahina ako. Author's Note: Si Cyrus Vellasco... 

 

 

Chapter 87 Festival Day 5.5 Jay-jay's POV

 

 Malakas ang sigawan ng mga tao sa auditorium. Hangang dito sa pwesto ko naririnig ko sila. Nasa gilid ako ng room namin ngayon. Ayoko manuod, makikibalita nalang ako sa kung sino ang mananalo. Pagkatapos ng nangyari kanina, ayoko muna'ng makipag-usap sa kahit kanino. Umuwi ako sa bahay at dun umiyak pero nakita naman ako ni Kuya Angelo. Kinailangan ko ding bumalik sa school dahil magpa-patrol pa kami. Pero pinili kong magpa-iwan habang yung iba nanunuod at naghihintay ng oras nila. Hawak ko yung cellphone ko at tinitignan yung mga text nila sakin. From: Ci-N Message: 11am na daw yung contest. Sunduin ka namin ngayon. From: David Message: asan k? Umalis ka daw? From: Yuri Message: Sagutin mo yung tawag ko! Please! From: Ci-N Message: Jay! Sagutin mo! Nag-aalala kami! Hindi ko mapigilan na hindi maiyak habang binabasa yung mga text nila. Alam ko kasi na nasa akin ang sisi ng lahat. Masakit sakin yun, pinaghandaan namin ng husto yung contest pero nauwi lang sa wala. "Hindi kaba nilalamok dyan sa pwesto mo?" Tanung ni Yuri at biglang naupo sa tabi ko. Pinunasan ko yung luha ko at pilit tumahan. "Hindi naman... Bakit nandito ka?" Napatingin ako sa tabi nya. May dala sya'ng gitara. Ngumiti sya sakin at tumingin sa langit. "I don't know where to go." "Sa auditorium ka dapat... Hindi mo ba hihintayin yung announcement kung sino nanalo?" Tanung ko sa kanya at pilit inabot yung gitara sa kamay nya. "Ayoko! Disqualified naman ako, bakit aalamin ko pa yung mananalo?" Natigilan ako sa sinabi nya. Disqualified? Hindi ko alam yun. Pero bakit naman? "Bakit ka na-disqualified?" "Isang contest lang daw kasi per person." Sagot ni Yuri at ngumiti sakin. Inabot din nya yung gitara ng mapansin nya'ng nahihirapan ako'ng abutin yun. Nilagay ko yun sa hita ko at nag-feeling gitarista. "Ibig sabihin kung natuloy pala si Ci-N, madi-disqualified din sya?" Nag-nod naman si Yuri. Pero wala namang sinabi'ng ganun sa rules. Pakana naman siguro to ni Freya. Nasaya'ng tuloy effort ni Yuri. Ang ganda pa naman ng kanta nya. "Jay..." Tawag sakin ni Yuri. "...Sino yung Cyrus?" Natigilan ako, hindi ko kasi alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya. Nakakasawa mang pakinggan pero naiilang talaga ako'ng magsabi. Hindi masama magsabi minsan. May punto yung bulate sa utak ko. Sabi nga nila na gagaan daw yung nasa loob mo kung ilalabas mo. "E-ex-boyfriend ko." "Kamusta naman ang pagkikita nyo?" "Uh... Hindi maganda." Tinignan ako ni Yuri. "Pwede mo bang ikwento?" Tipid na tango ang sinagot ko sa kanya. "Ayaw nya kong paalisin. Gusto nya dun lang ako sa tabi nya. Sinakal pa nga nya ko dahil sa galit nya." Biglang naging seryoso si Yuri. "Ginawa nya yun?" "Oo... Buti nalang andun yung pamilya nya para awatin sya." "Your not thinking of getting back there, do you?" "Ay naku! Hindi na ko talaga babalik dun!" "Mabuti naman..." Pabulong na sabi ni Yuri. Kinalabit ko yung string ng gitara. Pa-experience man lang. Hindi naman kasi ako marunong nito. Gusto ko lang itry. "Gusto mo turuan kita?" Prisinta ni Yuri. Umiling ako at binalik yung gitara sa kanya. "Wala ako'ng tyaga sa ganyan." Dati ko pa sinusubukang mag-gitara kayalang nawawalan ako ng gana. Kaya hangang tingin nalang ako at pangarap. Bahagya sya'ng tumawa. "Tutugtugan nalang kita." Ngumiti ako sa kanya at hinayaan sya'ng gawin ang gusto nya. Nasa mood naman ako'ng makinig ng music. "Through all of time and space I'd always rearrange Everything around me, so things would go as planned But i found clarity Some things aren't meant to be Take it as you go on Your future's in your hands And all we want is love So as i look above..." Aaminin ko, nakakagaan ng pakiramdam tong ginagawa ni Yuri ngayon. Idagdag pa yung ang sarap pakinggan ng boses nya. "...Oh it's the stardust in the sky that Makes me realize that I'm not the only one And just know dreams come true So make sure every single thing that you do Just take your time And look up at the stars tonight..." Dahil sabi sa lyrics look up at the stars tonight, tumingala naman ako. Yun nga lang failed. Kakaunti lang yung stars. Pfffttt... Kahit si Yuri tumingala din sandali at bahagya sya'ng natawa nung napansing kakaunti lang yung stars. "...I've never wanted more than To show the world what i can do, to make them see That were just all unique in our own ways To do what we were made to do And it's our destiny to find out what we were meant to be I look up and i see that..." Pinikit ko yung mata ko kasi ang sarap damdamin ng kanta nya. Minsan talaga nakaka-inggit yung may mga talent sa intruments at pagkanta. Pero mas gusto kong damhin yung kinakanta ni Yuri ngayon. Nawala yung pangamba ko sa mga iniisip ko. "...Its the stardust in the sky that Makes me realize that I'm not the only one And just know dreams come true So make sure every single thing that you do Just take your time And look up at the stars tonight..." Bigla nalang sya'ng tumigil. Alam kong hindi pa tapos yung pagkanta nya. Dinilat ko yung mata ko at napatigil ako. Huminto ang lahat sakin. Dahil saktong pagdilat ng mata ko ay ang pagdikit ng labi nya sa labi ko. Y-yuri... Hindi ko na binilang kung ganu kami katagal na ganun. Pero nung humiwalay sya sakin, hinintay ko na magsalita sya. Gusto ko'ng magtanung ng 'Bakit'. Bakit mo ko hinalikan? Bakit mo to ginagawa? Bakit? Pero ayaw bumukas ng bibig ko. Ayaw ding gumalaw ng katawan ko. Ang tangi ko lang nararamdaman eh yung walang humpay na pagtibok ng puso ko. Magsalita ka! Ipaliwanag mo Yuri! Please! Hindi sya nagsasalita. Tinitignan lang nya ko. Sandali nya'ng binaba ang gitara nya ng hindi inaalis ang tingin sakin. Bahagya sya'ng lumapit at dahan daha'ng hinawakan ang pisngi ko. Inilapit nya ulit sakin ang labi nya pero bago nya pa magawa yun... "Yuri..." Pareho kami'ng napatayo at napatingin sa nagsalita. Walang reaksyon na nakatitig samin si Keifer. Napatingin ako sa hawak nya sa kana'ng kamay. Trophy? Bakit may-----yung contest! Pinakinggan ko yung sound na galing sa auditorium. Mukang tapos na sila at may nanalo na. "K-keifer... Bakit may trophy kang hawak?" Tanung ko. Tinignan nya yung hawak nya at lumapit sya sakin. Walang gana ang mga mata nya. "Oh!" Sabi nya habang inaabot ang trophy. Kinuha ko yun at tinignan yung nakasulat. Battle of the Band Champion Section E Nanalo nga sila! Ang galing! Nanalo yung section namin! "Nanalo kayo?" Nakangiting tanung ko sa kanya. "Oo..." Tipid na sagot nya. Nawala yung ngiti ko ng mapansin kong seryoso sya. Nakikipagtitigan din sya kay Yuri. Nakaramdam ako ng pagka-ilang. "P-punta lang ako dun, makikibalita ako." Paalam ko at mabilis na umalis. Ang totoo, kakaiba kasi yung awra ni Keifer. Seryoso din yung itsura ni Yuri na nakatingin sa kanya. Pakiramdam ko may nangyari'ng hindi maganda at malapit-lapit na silang mag-away. Pumasok ako sa room. Hawak ko pa rin yung trophy. "Jay!" Tawag sakin ni Ci-N. "...Second place lang kami sa Dance Troops." "Okay lang yun... Atleast may nakuha kesa wala." Sabi ko. "Bakit nasayo yan? Nagkita na ba kayo ni Keifer?" Tanung sakin ni Felix sabay kuha nung trophy. "Ahh, oo. N-nag-uusap lang sila ni Yuri." "Lapad nga ng ngiti ni Keifer kanina eh! Sabi nya sya daw magbabalita sayo!" Sabi ni Ci-N habang nakikitingin sa trophy. Pero hindi sya muka'ng masaya kanina. Mas muka sya'ng may iniisip or dinaramdam or naiinis. "Asan na yung magpa-patrol ng 11pm?!" Sigaw ng kung sino. Napatingin kami pare-pareho sa oras. 11:02pm na pala. "Hala! Kami yun!" Agad naming kinuha yung mga flashlight at lumabas. Naalala ko sila Yuri at Keifer. Pupuntahan ko sana sila pero pabalik na rin sila ng room. Nagsalubong ang tingin namin ni Yuri. Agad ako'ng umiwas. Yung halik... Sumabay ako ng paglalakad kila David. Hindi ako makatingin kay Yuri. Kahit hindi naman ako yung gumawa nun, hindi ko maiwasan. Kasi nga.... Huminto kami'ng lahat sa harap ng main building. Hindi pa daw kasi kami makakapaglinis. Merong pang party party sa auditorium. Kaya magpapatrol muna. Kasunod lang namin sila Yuri. Parang papatay ng tao sa bilis maglakad si Keifer. Sandali sya'ng huminto sa harap namin pero sa ibang direksyon sya nakatingin. "Bahala na kayo kung sino gusto nyong kasama!" Inis na sabi nya at naglakad papunta sa kung saan. Nagtinginan kami nila David. Mukang sinapian na naman sya ng kung sinong kaluluwa. Naglakad na sila David, Ci-N at Eren. Sasama sana ako sa kanila pero hinawakan ako ni Yuri sa braso. "Can we talk?" Tanung nya sakin. Nag-nod naman ako. Naglakad na kami papunta sa building ng first year. Nakarating na yata kami sa second floor pero hindi pa rin sya nagsasalita. "Yuri..." Tawag ko sa kanya. "...Y-yung kanina----" "I thought you'll never ask." Napatingin ako sa kanya. So, hinihintay lang nya ko magsalita. Sapi talaga! Sya yung nag-aya makipag-usap tapos ako yung hinintay magtanong. "A-anu ba'ng ibig sabihin nung ginawa mo?" Tanung ko sa kanya. "Ikaw... Anu bang iniisip mo?" Ibalik daw ba sakin yung tanung... "K-kasi... H-hindi nang hahalik ang isang tao ng walang ibig sabihin." Sabgot ko at napakamot ng ulo. Pakiramdam ko ako yung napunta sa hotseat. Ako ba yung may kasalanan dito? "If your thinking if i like you. I won't deny it..." Natigilan ako. Sinasabi nya bang gusto---- "...but i won't also confirm it." Ha?! Sumakit ulo ko bigla! Ang gulo kausap nitong si Yuri. Hindi nya itatanggi na gusto nya ko pero hindi rin nya kukumpirmahin. Kingina lang! "Naguluhan ako sa sinabi mo." "Jay... Look, if i deny it you will think that i lied but if i confirm it there is a possibility that you'll stay away from me. So i won't answer anything." Paliwanag nya at nauna'ng naglakad sakin. Loading..... Ayaw mag-sink in sa utak ko yung mga pinag-sasabi nya. Kamusta naman yun? Ang dami nya'ng theory. Author's Note: 10

 

 

Chapters ulit? Hahaha... Meron na kong ending kahit wala pa ko sa climax. Meron na din ako'ng book two----Charot! I'm planning to do a Section E series. Kung saan gagawan ko ng kwento yung ibang Section E. Meron na ko para kay Yuri Hanamitchi----hehehe. Pero baka short story lang.  Not an update! Trivia...... Kaunti'ng trivia lang! Hahaha Para maiba naman. Incase that your interested to know. Ang Mutya ng Section E title ay original na Ang Reyna ng Section E. Iniba ko sya because hindi naman sya meant to be a queen. Ayoko sya'ng gawing reyna and then everyone will just follow her. Kaya naman sya naging mutya, because we use mutya as an expression means alagang alaga. Tapos bigla kong naalala yung pocket book na nabasa ko dati na nakalimutan ko na yung title----basta may Mutya sa title din----then 'Ang Mutya ng Section E' was born. Jasper Jean 'Jay-jay' Mariano---->Ang pangalan nya ay kinuha ko sa pangalan ng pamangkin ko. Si Jasper Jean Aquiesha. Pero hindi Jay-jay ang nickname nya, it's Jenjen. Hindi ko na ginamit yung Jenjen, nahiya na kasi ako. Gamit na gamit yung pangalan nya pagnagkataon. Gusto ko din ng boyish nickname para sa character ko, that's why i use Jay-jay which is also connected sa name na ginamit ko dahil it start with letter J. Mark Keifer Watson-----> Ang original spelling ng Keifer nya ay Keeper. Nakita ko yung name na yan sa records ng mga bata sa isang local health center. Sakto nama'ng binubuo ko yung story kaya kinuha ko yung name. Yuri Hanamitchi-----> Ang name nya dapat ay Hanamitchi Sakuragi. Dun ko din kinuha yung red hair ni Yuri. Nagbago isip ko, kasi naalala ko comedy si Sakuragi. I decided to change the name then Yuri just pop-up in my mind. Kontrabida talaga sya at my hidden evil plan sya kay Jay-jay but i change my mind. David Brewer-----> Totoong tao po ito. Kasamahan ko sya sa dati kong trabaho. Panay ang kanta nya tuwing free time namin. Palibhasa gwapo habulin ng bading-- charot! Hahahaha... Pero gwapo talaga. Sya dapat ang ka-love triangle but again i change my mind. I have other plan for this character. Ci-N Peralta-----> Ci-N is originally Cian. Then gusto ko ng kakaibang name para sa kanya tapos naalala ko yung mentor ko sa dati kong trabaho. CM ang name nya tapos yun, biglang pumasok sa isip ko yung Ci-N. At dapat 8 years old lang sya. Pero walang 8 years old na nakikipag-away kaya naging 14. +++++++++ Marami pa talaga akong trivia pero next time nalang siguro ulit. Hahaha... Kung my short story si Yuri meron din dapat si Jay-jay at Keifer. Hahahaha.. kaya po wag muna natin i-assume na hindi nagkakatuluyan si Jay-jay at Yuri.

 

 

Chapter 88 Author's Note: Sorry sa paghihintay.. Picture sa baba Wild Party Jay-jay's POV

 

 Ayoko sana'ng lumabas pero kailangan kong libangin ang sarili ko para mawala kahit sandali sa isip ko yung ginawa ni Yuri. Para'ng video tape na paulit-ulit na nagp-play sa isip ko yun. Idagdag pa yung mga sinabi nya. Para'ng ang awkward ng humarap sa kanya. "Jay..." Tawag sakin ni Felix. "...Okay lang talaga sayo? Ihahatid na kita pauwi kung ayaw mo." Kasalukuyan kami'ng naglalakad papunta sa bahay ng ka-team nya sa basketball. Celebration daw kasi ng pagkapanalo nila. Yung party-party na sinasabi nya at kaming dalawa lang ang invited. "Okay lang... Anu kaba? Matagal na kong umo-o diba?" "Baka kasi napipilitan ka lang..." "Hindi no! May iniisip lang ako." Nag-nod nalang sya sakin. Lakas kasi maka-peste nung ginawa ni Yuri. Pero aaminin ko, hindi ako nakaramdam ng galit nung ginawa nya yun. Medyo malayo pa kami sa bahay nung ka-team ni Felix pero dinig na dinig na namin yung malakas na music. "Saan ka nga pala natututong mag-violin?" Biglang tanung ko kay Felix. Naalala ko kasi yung Battle of the Band. Nagawa nya'ng magpalit ng instrument at galing nya. Napayuko si Felix at para'ng nag-isip sandali. "S-sa stepbrother ko." Shooot!!! Hindi ko intensyon na buksan yung topic na yun tungkol sa kapatid nya. Very wrong! "Sorry..." Sabi ko. Nagpilit sya ng ngiti. "Okay lang..." Huminga sya ng malalim at niligid ang paningin. "...Idol ko sya eh. Gusto ko kung anu'ng alam nya alam ko din." "Close siguro kayo..." "Sobra! Lagi nga sya'ng kinakagalitan kasi sinasama nya ko sa mga kalokohan nya!" Kwento nya habang nakangiti. "...Tapos nung nag-aaral na kami, sinasabi nya sa lahat na tunay kaming magkapatid! Hindi rin sya payag na may umagrabyado sakin! Tapos pinakilala nya sakin sila Keifer!" Ang saya nya tignan habang kinukwento yung tungkol sa stepbrother nya. Sobra'ng close nila kahi hindi naman sila tunay na magkapatid. Naalala ko bigla yung Kuya ko. Kamusta kaya sya sa pamilya'ng umampon sa kanya? Meron din kaya sya'ng kinikilala'ng kapatid ngayon? Alam kaya nya na may kapatid sya sa tunay nya'ng pamilya? "...Kayalang nung pagtagal mas madalas na nya'ng kasama sila Keifer kesa sakin. Hangang sa nangyari na nga yung aksidente." Biglang nag iba yung tono nya. Mukang masakit pa rin sa kanya yung nangyari sa stepbrother nya. Tinapik ko sya sa braso. "Kung nasan man sya, sure ako'ng binabantayan ka nya." Sabi ko at ngumiti sa kanya. Gumanti naman sya ng ngiti. Gusto ko pa sana magtanung pero sensitive issue na yung inuungkat ko. Napahinto kami ng makarating kami sa tapat ng bahay nung ka-team nya. Ang laki nung bahay, ang dami'ng tao at napakalakas ng music. "Tutuloy pa ba tayo?" Tanung ko kay Felix. "Para'ng ayoko na." Sagot nya sakin at tinignan ang paligid. Para'ng mga hayop na nakawala sa koral yung mga tao. Sayawan ng sayawan, tawanan ng tawanan, halikan ng halikan, suka ng suka at walang tigil sa pagtungga ng alak. "Felix!" Pareho kami'ng lumingon dun sa tumawag. Kahit hindi ako si Felix, nakilingon na ko. Si Kiko kasama sila Mykel. Meron sya'ng hawak na bote ng alak at muka'ng may tama na. "Buti dumating kayo!" Sabi nya at pareho kami'ng inakbayan. Ang baho! Amoy naburo'ng alak! "...Pasok na tayo! Ipapakilala ko kayo sa lahat!" Dagdag nito at pilit kaming itulak papasok. Walang tigil sa pagsayaw ang mga tao, karamihan puro mga taga-HVIS. Halos mapipi ako sa pang-gigit-git nila. Pagdating sa gitna, binitiwan kami ni Kiko. Hinawakan ni Felix yung kamay ko. Hinigpitan nya yun ng utusan ni Kiko ang DJ na patayin ang music. Kinuha nya yung mic at binaba yung bote'ng hawak nya. "Listen up' guys!" Sabi nito at tumingin sa kanya lahat. "...This is Felix Collins! Ang nagpanalo sa SHARK SLAYER!" Malakas na hiyawan at palakpakan ang sinagot nila'ng lahat. "...This party is not only to celebrate our champoinship but also to welcome our ace player!" "YEEEEEHHHHHH!!!!" Sigaw nila. Halos mabasag yung eardrums ko sa sigaw nila. Isama pang ang babaho ng hininga nila para'ng natuyot yung ilong ko. "SO LET THIS PARTY STARTED!!" Sigaw ni Kiko. Tumunog ulit ang malakas na music. Pinagkaguluhan nila'ng lahat si Felix. Para'ng may stampid sa dami nila at hindi na nakayanan ng kamay nya kaya napabitaw sya. "J-jay!" "Hala! Felix!" Sigaw ko pero dahil sa dami ng tao kusa nalang ako napaatras at nawala na sa paningin ko si Felix. "FELIX!" Lalu'ng lumakas ang music at lalong dumami ang tao. Gustuhin ko mang makisiksik hindi ko magawa. Shit! "FELIX! ASAN KA?!" Kahit sarili kong boses hindi ko na marinig dahil sa lakas ng tugtog. Masasaya'ng lang yung laway ko at baka matodas pa yung Vocal ko nito. Nakipag-siksikan ako'ng pilit. Lahat ng matanaw kong kahawig ni Felix nilalapitan ko. Pati kamukha ng damit nya nilapitan ko din. Umikot na rin ako sa ibang parte ng bahay. Nakarating pa kong kusina. Kung sino-sino na yung nabunggo ko. "Jay-jay!" Tawag ng kung sino sabay hawak sa balikat ko. Tinignan ko agad kung sino yun. Si Mica at... Calix? Nakasumbrero kasi at sun glasses yung kasama nya. Wow! Matindi ba sikat ng araw sa gabi?! "Mica! Si Ca----" Sumenyas sya ng silent sa daliri. Hinatak nila ko sa medyo maunti'ng tao at mahina'ng music. "Sino'ng kasama mo?! Bakit ikaw lang?!" Nag-aalalang tanung ni Mica. "Kasama ko si Felix pero nagkahiwalay kami!" "Alam ba ni Keifer at Yuri na andito ka?!" Tanung ni Calix sakin. Bakit ko naman ipapa-alam sa kanila? Umiling ako. "Eh ikaw bakit andito ka?! Nakaganyan ka pa!" Sabay turo sa sumbrero at sun glasses nya. "Ayaw nya kasi'ng pumayag na umalis ako na hindi sya kasama! Hindi sya pwede dito! Bawal ang Section E dito!" Paliwanag ni Mica. Bawal ang Section E? Kaya pala ayaw ipasabi ni Felix sa iba. "Buti pa sumabay kana samin! Aalis na din kami!" Sabi ni Calix. "Hindi pa pwede! Si Felix hindi ko pa nakikita!" "Sinubukan mo nabang tawagan?!" Tanung ni Mica sabay kuha ng phone nya. "Wala ako'ng dala'ng phone! Hindi ko din alam kung may dala si Felix!" Nilabas din ni Calix ang phone nya at tinawagang pilit si Felix. Pero feeling ko hindi rin nya mapapansin yun dahil sa lakas ng music. "Nakapatay!" Sabi ni Calix. "Ganto nalang! Hahanapin din namin si Felix! After 30 minutes bumalik tayo dito!" Sabi ni Mica na sinang-ayunan namin. Nagkakanya-kanya kami ng lakad. Pati second floor ng bahay napuntahan ko na. Nakita ko pa si Freya na may kahalika'ng iba. Kala ko ba sila na ni Kiko?! Patuloy ako sa paghahanap ng may bigla'ng humawak sa braso ko. Sinandal ako sa pader at pilit ako'ng hahalikan. "ANU BA?! LUMAYO KA SAKIN!" Bigla nalang tumumba yung lalaki at napatingin ako sa kaharap ko. Muka'ng tinulak sya ni Kiko para mapalayo sakin. "Ayos ka lang?!" Tanung nya sakin. Nag-nod naman ako. "S-salamat!" Hinawakan nya ko sa kamay at pilit hinatak palayo sa kinatatayuan ko. Bakit para'ng nawala yung pagkalasing nya? "Hindi ka dapat naglalakad mag-isa! Panu kung hindi kita napansin?!" Sabi nya na may halong pag-aalala. Concern pa rin sya sakin?! "Kaya ko sarili ko! Nabigla lang ako dun sa lalaki! Hinahanap ko din kasi si Felix!" "Si Felix? Andun sya... Kasama nung mga ka-team namin! Nag-iinom!" Tignan mo yung tao nayon! Kanina pa ko hanap ng hanap nag-iinom lang pala. Tinignan ko yung part na tinuro ni Kiko. Bandang likod at muka kang may nagkaka-siyahan. "Tara! Sasamahan kita don!" Sabi ni Kiko. Nag-nod naman ako. Habang naglalakad at nakikipag-siksikan inabutan ako ni Kiko ng bote ng alak. "A-ayoko! Wala ako sa mood mag-inom!" "Tikman mo lang! Saya'ng naman tong kinuha ko!" Pagpipilit nya. Ayoko sana pero nahiya na ko sa sinabi nya. Saya'ng nga naman pati effort nya. Tinungga ko yung alak at kung tutuusin hindi naman lasang alak yung inabot nya sakin. "Masarap diba?!" Ngumiti naman ako at nag-nod. Pero kahit wala pa sa kalahati yung naiinom ko nakakaramdam na ko ng hilo. Hindi ko nalang pinansin dahil na rin siguro sa dami ng tao. Nakarating kami sa pwesto ng mga ka-team nila. Halos maubos ko na yung laman ng bote at aaminin ko para'ng tinatamaan na ko ng alak. Akala ko nagkakasiyahan sila kagaya ng sinabi ni Kiko. Pero ng hanapin ko si Felix nakasandal sya sa pader at halos bumagsak na. Puro pasa at may dugo sa muka. "A-anung ginagawa nyo?!" Sigaw ko at akma'ng lalapit kay Felix pero nanlambot bigla ang tuhod ako at parang umiikot ang paligid ko. "J-jay! U-umalis kana dito! I-ikaw ang target nila!" Sigaw ni Felix. Pero wala ako'ng maintindihan. Nabitawan ko na yung hawak kong bote at unti-unti na kong bumabagsak. May naramdaman akong kamay na humawak sa bewang ko. Pilit kong tinignan yun. Kiko! Nakangiti sya sakin at parang masaya pa sya sa nakikita nya. Yung alak! Hindi lang to basta alak! Pilit kong inaalis yung braso ni Kiko na nakayakap sakin pero wala na kong lakas. "A-anung n-nilagay mo s-sa alak?!" "Something special... Something that will make you mine." Bulong nya sakin at narinig ko pang nagtawanan yung mga kasama nya. Unti-unti ng nagdilim ang lahat at ang huli ko nalang nakita ay yung mga ngiti ni Kiko.

 

 Aries's POV

 

 Ang sakit sa ulo! Ayoko talaga ng mga gantong party. Pero ayokong iwan si Ella sa ganitong lugar. "Sayaw tayo!" Aya nya sakin at pilit ako'ng hinatak sa gitna. "Lasing kana! Umuwi na tayo!" "Dito muna tayo!" Tsk! This is the reason why i don't like Ella to drink. Tumitigas ang ulo nya. "Ella! Wag kang makulit!" Sabi ko at pilit sya'ng hinatak. Napatingin ako sa isang area ng bahay. Para kasing nakita ko si Jay-jay. Pero imposible, mahigpit ang utos ko na wala'ng Section E sa party na to. "Mamaya nalang! Meron daw sila'ng suprise para kay Felix!" Sabi ni Ella at yumakap sakin. Felix? Collins? Section E ang isang yun. Ibig sabihin, sinuway nila ko at kung andito si Felix, pwede ngang andito si Jay-jay. "Tara! May pupuntahan tayo!" Aya ko kay Ella at pilit sya'ng hinatak paalis. Sa dami ng tao halos abutin ako ng syam-syam makarating lang sa Garden ng bahay na to. Pagdating dun, kompleto ang basketball team except sa isa. Where the hell is Kiko?! "What is happening here?!" Tanung ko sa kanila. Napatingin ako sa lalaki'ng nakalumpasay na sa sahig. Puro dugo at sugat na sa muka. Felix! What the fvck?! "Bakit may Section E dito?!" Galit na tanung ko sa kanila. "G-gate crasher ang isang to!" Sagot sakin nung isa. "Where the hell is Kiko?!" Natinginan sila at pare-pareho'ng hindi alam ang isasagot. "J-jay..." Dinig kong bulong ni Felix. Akma'ng sisipain na sana sya ni Mykel pero pinigilan ko sya. Lumapit ako sa kanya at pinakinggang mabuti ang sasabihin nya. "S-si J-jay-jay..." I knew it! Andito nga sya! Ang tigas ng ulo ng babae'ng yun! "Asan sya?!" "K-kiko..." Bulong nya. Agad ako'ng tumayo at sinikmuraan si Mykel. Bumagsak sya dahilan para lumayo yung iba. "ASAN SI KIKO?! ASAN SYA AT YUNG PINSAN KO?!" "H-hindi kami sigurado... Pero isa sa mga kwarto dito sa bahay yun." sagot nung isa. Nag-kuyom ang kamao ko pero bago pa ko makakilos biglang tumigil yung music. Naglisawan din yun mga tao na para'ng may iniiwasan. Mula sa hindi kalayuan, kita'ng kita ko sila. Ang buong Section E na para'ng may hinahanap. Bago pa sila makalapit samin hinatak ko na si Ella. I need to find Jay-jay first! Author's Note: Si Superman "Eman" Andrada.. 

 

 

Chapter 89 Hero Jay-jay's POV

 

 Pain! Pain! Pain! Pain! Pain! Pain! Pain! Ang sakit ng ulo ko! Feeling ko pati bungo ko masakit din! Pinilit kong isiksik yung ulo ko sa pagitan ng marami'ng unan. Kinapa ko rin sa Snorlax na laging nasa tabi ko. Yun nga lang, hindi ko sya makapa. Napalitan ako'ng ibango ang ulo ko para makita sya pero hindi ako makakita ng maayos. Bukod sa buhok kong nakaharang sa pagmumuka ko medyo nahihilo pa ko. Bahagya ako'ng umikot at makahanap ng maganda'ng posisyon. Bakit ang dami ko yata'ng unan? Muli kong dinilat yung mata ko at bumungad sakin ang puti'ng unan. As in puti----puti'ng puti parang ulap. Kelan pa naging puti ang punda ng unan ko?! Binatak ko yung kumot ko para makapag-talakbong pero inalis ko din agad ng mapansing puti'ng puti din ang kumot ko. Grey kaya ang kumot ko! Bakit ganito yung punda at kumot? Napatingin ako sa kisame. Kelan pa kami nagkaroon ng chandelier sa kwarto? Bumangon ako at tinignan ang paligid ko. Kelan pa lumaki yung kwarto ko?----shit! Sa ibang bahay ako natulog?! Anu bang nangyari kagabi?! Tang'na! Si Kiko! Tinignan ko agad yung sarili ko. Pinakiramdam ko din yung sa baba ko. Baliktad tong t-shirt ko pero kumpleto namana ng suot ko. Wala ding masakit sakin sa baba. Anung nangyari sakin? Natuloy ba yung balak ni Kiko? Tumayo ako mula sa kama at hinubad yung t-shirt ko. Banaliktad ko yun at sinuot ulit. Niligid ko yung kwarto hangang sa natagpuan ko yung banyo. Naghilamos na ko at ang dami'ng bagong toothbrush kaya kumuha na ko ng isa. Kung sino mang may-ari nito babayaran ko nalang sa kanya mamaya. After doing my business inside the rest room, i iediately walk toward the door. Dahan-dahan kong binuksan yun at sumilip. Hindi ako sigurado kung nasa bahay pa rin ako ng ka-team ni Felix-----shit! Si Felix nga pala. Anu na kaya'ng nangyari sa kanya? Sana naman walang nangyari'ng masama sa kanya. Naglakad ako sa hallway nitong bahay. Putcha! Ang lawak ng hallway! Saan ako susuot dito? Lakad ako ng lakad iisa'ng hallway lang ata ang dinadaan ko. "Tsk! Badtrip!" Sigaw ko at bumalik ulit sa kwarto'ng pinanggalingan ko. Yun nga lang hindi ko na alam kung aling kwarto. Pare-pareho kasi ang itsura ng mga pinto. Naglakad nalang ulit ako ng naglakad hangang sa matagpuan ko yung hagdan pababa. Sa wakas! Yayamanin siguro may-ari ng bahay na to. Grand staircase ang dating nitong hagdan. Dinaig ko pa prinsesa sa paglalakad ko. "Miss.." "Ay palaka!" Sigaw ko at halos mahulog ako sa hagdan. Buti nalang at mabilis akong napahawak sa gilid. "Okay lang po kayo Miss?" Sabi nung lalaki'ng tumawag sakin at inalalayan ako sa pagtayo. "O-okay lang..." Sagot ko at inayos yung sarili ko. Napatingin ako sa lalaki'ng tumawag at tumulong saki'ng tumayo. Keifer?! Pero para'ng hindi. Mas bata yung itsura nya at muka sya'ng good boy. Halos magkasing laki lang kami. May suot din sya'ng salamin. "Do i have something in my face?" Tanung nya. "Huh?" "Y-your staring at me." "Ay sorry! Kamuka mo kasi si----" "Mark Keifer Watson." Napatigil ako. Kilala nya si Keifer? Ay kapatid nya to! Pupusta ako mga bente singco centimo. "Kapatid mo sya?" Tanung ko. Ngumiti sya sakin at nag-nod. "Younger brother." Ay ang galing! May kapatid ang Kumag na yun. Tinignan ko pa ulit sya, dahilan para mailang na sya. "P-please don't do that." Paki-usap nya "Sorry... I just can't believe that Keifer has a younger brother." He chuckled. "Yan ang lagi nila sinasabi. Yung mga classmate ni Kuya." Classmate ni Kuya? Classmate ni Kuya... Classmate----si Felix! "Ay! Kailangan ko ng umalis!" Sabi ko sa kanya at nagpaunang bumaba ng hagdan. Asan ang exit?! Sa taranta ko hindi na ko naka-alis sa pwesto ko at niligid ko ang paningin ko. Kayalang hindi ko pa rin makita ang exit. Kailangan kong puntahan si Felix. Baka napano na sya, baka nilumpo na sya nung mga ka-team nya na kuwaring masaya na nakabalik sya. Mag animal yung mga yun! "Miss..." Tawag sakin ulit nung kapatid ni Keifer at lumapit sya. "...If your looking for my brother and your friends they are all in the basement." Sabi nya at naglakad palayo. Sumunod naman ako sa kanya. Baka andito din si Felix. Pero teka nga! Kung kapatid ni Keifer itong sinusundan ko, ibig sabihin andito ako sa bahay nila Keifer?! Holy shit! Ngayon ko lang naisip! "I'm Keigan, you are?" Tanung nya sakin habang patuloy kami sa paglalakad. "Jasper Jean... Jay-jay nalang." "Nice name..." Nagpatulog kami sa paglalakad at nakarating kami sa hagdan ulit na pababa. Hindi nga lang sing-bongga ng hagdan kanina. Pagbaba namin, panibagong hallway na naman. Pero agad kami'ng huminto sa unang pinto na nakita namin. Kumatok muna si Keigan bago buksan ang pinto. Pagbukas, bumungad kagad sakin ang billiard table at si Ci-N na akma'ng ihahampas ang tako kay Eren. "Jay!" Tawag sakin ni Ci-N at binitawan ang hawak. Hinayaan ako ni Keigan na makapasok sa loob. Niligid ko agad yung mata ko at nakita ko si Felix na nakahiga sa sofa. Lumapit ako agad sa kanya. "Felix!" Tawag ko at pinagmasdang ang muka nya. Namamaga ang isang mata nya, tadtad ng sugat at pasa ang muka. Pati katawan nya muka'ng may tama din. Unti-unti nya'ng dinilat ang mata nya. "Hi Jay..." Sabi nya na halos pabulong. "Anu'ng nangyari? Bakit nila ginawa sayo to?" "Oh!" Singit ng kung sino habang pilit inaabot ang ice bag kay Felix. Kinuha ni Felix yun at tinignan ko kung sino yung nag-abot sa kanya. Si Keifer kumag. "Ginamit nila si Felix..." Sagot ni Yuri na nasa likod lang ni Felix. Naka-upo sya sa isang stool sa harap ng parang bar. May baso sya'ng hawak at alam kong alak ang laman nun. "Panu'ng ginamit?" "Ikaw ang target nila. Ang target ni Kiko." Sagot ulit ni Yuri. Lumapit si Keifer sa kanila at kumuha din ng baso para lagyan ng alak. Umalis muna ko sa tabi ni Felix at lumapit kila Yuri. "Anu'ng nangyari kagabi? Tsaka panu ako napunta dito?" Tanung ko sa kanila. Nagtinginan sila Keifer at Yuri. Makahulugan ang tingin na yun. "Calix text me... He told me that Felix and you are at that Party. I ask him what's going on. He explain that you can't find Felix..." sabi ni Keifer at uminom. "...I knew that moment that something is wrong so i call everyone and we went there." Kaya ba andito rin sila Ci-N at Eren. Sandali ako'ng tumingin kay Felix na dinidikit pa rin sa muka nya ang ice bag. "Naabutan namin si Kiko sa kwarto. Before he do anything to you we stop him." Yuri added. Hala! Talaga ngang may balak sya sakin. Anu nalang ako ngayon kung natuloy yung balak nya at hindi dumating sila Keifer? Baka na-Denzel and Grace the second ako. But wait! "Kung naabutan nyo kami sa kwarto... Nakita nyo ko'ng walang damit?!" Gulat na tanung ko at agad na pinag-cross ang braso ko para takpan ang dibdib ko. Taka nila kong tinignan. "Wala kami'ng nakita sayo.." sagot ni Yuri. Panu'ng wala? Baliktad yung t-shirt ko nung nagising ako. Alangan naman na sinuot ko yun ng ganun. Syempre magiging ganun yun kung hinubad at sinuot ulit sakin. "Pero balik----" "Your being paranoid... We don't see anything." Sabi ni Keifer. Baka naman hindi sila yung nagsuot sakin ng tshirt ko. Pwedeng si Kiko, at nataranta lang sya. Ay ewan... Basta walang naganap na milagro! Panay ang tungga nilang dalawa ng alak. Anu'ng oras naba at nagagawa pa nila'ng uminom ng ganyan? "Bakit ba ang aga-aga nyong tumungga ng alak?" Tanung ko sa kanila. "None of your business." Sagot sakin syempre ng hari ng mga ulupong. "Jay! Si Eren nga oh!" Dinig kong sigaw ni Ci-N. Tumingin ako sa kanila at mukang may balak na silang magbalyahan. "Puntahan mo muna sila." Utos sakin ni Yuri kaya lumapit muna ko sa kanila. Sa totoo lang muka sila'ng stress na stress. Para bang ang dami nila'ng isipin. Siguro pagod lang sila pareho. Bago pa ko tuluya'ng makalapit kila Ci-N at Eren lumingon ako ulit kila Keifer. "Keifer! Yuri! T-thank you!"

 

 Yuri's POV

 

 It's 8:00am and we're already drinking here. Hindi maganda'ng almusal but it makes us clear our mind. "Tama ba yung ginawa natin? Para'ng sinunod narin natin utos nya." I said to Keifer. "Hindi natin sinunod ang utos nya. Pabor sakin yung ginawa natin. Atleast we don't need to explain everything to Jay-jay." Sagot nya sakin. Last night is a mess. Napakalaking gulo nun. Halos lahat ata ng kalalakihan nakipag-away samin. But what surprise me the most is Aries's action. Flashback.... Sa gate pa lang ng bahay mainit na ang tingin samin ng mga tao. Bawal ang Section E sa party na to. We know, ipakalat ba naman sa facebook at twitter sino'ng hindi makaka-alam nun. "Keifer!" Tawag ni Calix habang tumatakbo palapit samin. Hatak hatak nya si Mica. Paglapit samin, sandali sila'ng naghabol ng hangin. "H-hindi namin makita si Felix and now we can't find Jay-jay!" Sabi ni Calix. Sa laki ng bahay at dami ng tao talaga'ng mahihirapan sila'ng hanapin sila Felix at Jay-jay. "Pero nakita ko si Kiko... Meron sya'ng buhat-buhat na babae. I'm not sure pero para'ng si Jay-jay yun." Dagdag ni Mica. Napatindig ako ng tayo. What the hell?! Kung wala'ng malay si Jay-jay---- "That son of a b*tch! Meron sya'ng balak kay Jay-jay!" Galit na sigaw ni Keifer. Mabilis sya'ng naglakad papasok sa bahay. Agad kami'ng sumunod sa kanya. Sa dami ng tao mahirap kilalanin isa-isa pero i'm only looking for one specific person. Mahanap ko lang sya babasagin ko muka nya. Naiisip ko pa lang na hawakan nya si Jay-jay, kumukulo na ang dugo ko. Tumigil ang music at agad na umiwas ang mga tao samin. "ASAN SI KIKO?!" Galit na tanung ni Keifer sa lahat. Walang nagsalita pero merong ilan sa kanila na tumuro sa likod ng bahay. Mabilis kami'ng tumungo don. Mga player ng basketball team ang naabutan namin. Nakapaligid sila sa isang bagsak na lalaki. Drunk person... Is the first thing that came up in my mind but i just realize who is that person. Felix! "Si Felix!" I shout. Agad na lumapit sila Edrix at Kit kay Felix. Bahagya namang lumayo yung mga walang hiya. "May malay pa sya!" Sigaw nila Kit. Agad kong tinignan ng masama yung basketball player. "Anu'ng kahayupan tong ginawa nyo?" "H-he gate crash to this party!" Sagot ng isa sa kanila. Hindi gawain ni Felix ang mag-gate crash! Fvcking lier! "Section E!" Sigaw ni Keifer. "...Siguraduhin nyong wala ng makakapag laro sa kanila ng basketball!" Agad na na-alarma yung mga player. Pero wala kami paki don. Sunod-sunod na lumapit ang mga classmate namin sa kanila at agad sila'ng binigyan ng ultimatum. Merong lumaban pero wala ding nagawa. Merong nagmaka-awa pero wala kami'ng awa. Merong sinubuka'ng tumakas pero hindi rin namin pinatakas. Napatingin kami sa likod ng may nagsigawan. Shit! Agad na sumugod samin ang mga tao. Of course, papayag ba ang mga HVIS na saktan ang mga player nila. Agad ako'ng umiwas ng may nagtangkang suntukin ako. Agad ko naman sya'ng ginantihan na hindi nya naiwasan. Knock out! "Yuri! Hanapin nyo si Jay-jay! Kami na bahala dito!" Sigaw samin nila Rory. Tinignan ko si Keifer at sumang-ayon din sya sa sinabi ni Rory. Pinilit nami'ng pumasok sa loob kahit halos itulak na kami ng mga tao. "Saan mo dadalhin ang isang tao kung may balak ka sa kanya?!" Tanung sakin ni Keifer. Stupid question! "Syempre sa kwarto!" Mayabang kong sagot. Then i realize something. Pwede'ng sa bedroom dinala ni Kiko si Jay-jay. Dumampot ako ng isa'ng lalaki'ng susuray-suray na dahil sa kalasingan. "Nasan ang bedroom?!" I ask. Hindi nagsalita yung lalaki pero tinuro nya yung hagdan paakyat ng second floor. Binitawan ko sya at agad kami'ng tumakbo ni Keifer papunta don. Halos sirain na namin lahat ng pinto na makita namin para mabuksan. Pero napatigil kami ng bigla nalang bumukas ang isang pinto at tumilapon si Kiko. Puro dugo ang muka nya. Lalapitan na sana namin sya pero kasunod nya'ng lumabas si Aries. Galit na galit ang itsura nito at sarado'ng sarado ang kamao. Agad nya'ng nilapitan si Kiko at pinagsusuntok. "Si Jay-jay!" Sabi ko at akma'ng papasok sa kwarto'ng pinanggalingan nila. Bigla nalang tumayo si Aries at humarang sa pinto. "D-dyan lang kayo!" Sigaw nya samin at naghabol ng hininga. "...W-wala sya'ng damit." Dugtong nya. Hinayaan namin sya'ng pumasok sa loob. Kahit madilim at tanging liwanag galing sa bukas na pinto ang gamit nya, pinilit nya'ng suotan ng damit si Jay jay. Ng matapos sya, sinenyasan nya kami'ng pumasok. Agad ako'ng lumapit kay Jay-jay. Mahimbing ang tulog nya. "Anu'ng ginawa ni Kiko?!" Galit na tanung ni Keifer. "Wala pa! He's removing Jay's shirt when i came here." Sagot ni Aries at naupo sa sulok. Nanginginig ang kamay nya. Ramdam ko din ang sobra'ng pagod nya. Sa itsura ni Kiko para'ng inilabas na nya lahat ng galit na meron sya. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga sugat sa muka nya. It's look like Kiko fight back. "Ihahatid na namin si Jay-jay sa inyo. Babalikan namin si Kiko sa ginawa nya." I said. Aries shoke his head. "No! Sakin sya magtatanung pag-gising nya! I don't know what to say or explain to her! Take care her home but please don't tell that i'm here when you came!" I don't understand but it was---i think---the best idea. Hindi ako mapapakali hanga't hindi nagigising si Jay-jay. Binuhat ni Keifer si Jay-jay na para'ng sako sa balikat nya. Seriously?! "Ayusin mo naman yung pagbuhat sa kanya!" Utos ko pero tinignan lang nya ko ng masama. Naglakad na kami palabas pero bago pa kami mawala sa paningin ni Aries nagsalita sya. "Take care of Jay-jay... Please... Yuri." He said almost whispering. I nodded my head and iediately run to follow Keifer. EndOfFlashback... "Aries just proved me one thing..." Keifer said while looking at the glass that his holding. "...He really have a fvcking care to Jay-jay." Nag-kuyom ang kamao ko. Hanggang ngayon bakit yun pa rin ang nasa isip nya. "Until now... You still think about your plan." I said. Keifer look at me seriously. Like he already know what i mean. He grip the glass reason for it to crack. "I always think of it." Madiin nya'ng sabi. You can't lie to me. "You know what i think?..." I look at him in the eye. "This is not just about your plan, about your revenge or hatred to Aries. This is about something else." He look away and drink. I got you now. I know you well Keifer, i know when your thinking about something, i know when you want to say something but hold it and i know when your guilty about something. "You have feelings for Jay-jay." Author's Note: Si Joshua "Josh" Venites... 

 

 

Chapter 90 Brothers Jay-jay's POV

 

 Nagugutom na ko! Gusto ko sana'ng humingi ng pagkain pero kanino? Umuwi na kaya ako, kayalang hindi ko alam kung ganu kalayo tong bahay nila Keifer sa bahay namin. "Ikaw naman Jay-jay..." Sabi sakin ni Ci-N at pilit inaabot yung tako. Ipukpok ko kaya sa kanya to? "Ayoko! Kayo nalang maglaro!" Sabi ko at naglakad palayo. Kanina nya pa ko tinuturuan mag-billiard pero hindi naman ako nakikinig. Nagugutom na kasi talaga ako. Lumapit ako kay Felix para kamustahin sya. Sabi kasi nila Eren, wag ko daw hahayaan na makatulog sya. Hindi naman nila sinabi kung bakit. "Felix..." Tawag ko sa kanya. Pinilit nya'ng idilat yung isang mata nya. Nagsara na kasi yung isa dahil sa pamamaga. "Jay..." Tawag nya sakin. "...S-sorry ah?" "Bakit ka nags-sorry? Ako nga dapat eh." "A-ako dapat... I-inaya kasi kita. D-dapat nung u-una pa lang, n-naisip ko na yun." "Wag mong isipin yun. Dumating naman sila Keifer para tulungan tayo." Nagpilit sya ng ngiti at nilipat ng pwesto yung ice bag sa muka nya. Tinulungan ko sya'ng ilipat yun at bahagya'ng diniinan. Bigla'ng bumukas yung pinto kaya napalingon ako. Si Keigan. "Kuya... Breakfast is ready and i would like to invite your friends to eat with us." Formal na sabi ni Keigan. Tumingin ako kay Keifer para alamin yung sasabihin nya pero nagulat ako ng mapansing dumudugo yung palad nya. "Keifer yung palad mo!" Sabi ko sa kanya pero hindi nya ko pinansin. Naglakad sya palabas ng pinto at nilagpasan lang si Keigan. Tinignan ko si Yuri na naiwang nakatayo sa pwesto nila. "I'll take that as a yes. Please follow me..." Sabi ni Keigan at akma'ng aalis na. "Keigan!" Tawag ko sa kanya at huminto sya. "...Si Felix kasi, hindi sya makakasama samin." Tinignan naman nya si Felix at ngumiti. "I'll send the doctor and my butler here to help him." Lumakad na sya ulit at sumunod naman sila Ci-N at Eren sa kanya. Hindi muna ko umalis para may kasama si Felix pero pati pala si Yuri nagpaiwan muna. "Sumunod kana sa kanila." Utos ko kay Yuri. "No. I'll stay here with you." Hinayaan ko nalang sya dahil alam kong hindi sya papa-awat. Yuri pa, eh parang Keifer din yan. "Anu nga palang nangyari kay Keifer?" Tanung ko sa kanya at lumapit sa bar kung saan sila nakapwesto kanina. Basag na baso at dugo ang nakita ko. Hindi ako sigurado sa nangyari. Wala naman kasi ako'ng narinig na nabasag. "May nasabi kasi ako'ng hindi maganda at pinang-gigilan nya yung baso." Sagot nya sakin at napakamot sa ulo. Hala! Yung secret namin! Baka sinabi na nya yung secret namin kaya nagkaganun sya. Baka hindi sya natuwa or ayaw nya. "A-anung sinabi mo?" "It's nothing. Don't worry about it." Mabilis nya'ng sagot sakin. May pumasok na lalaki'ng naka-white polo. Nagpakilala sya'ng butler ni Keigan kaya naman iniwan na namin si Felix at sumunod na kila Ci-N. Nakasunod lang ako kay Yuri. Muka kasi'ng alam nya yung pupuntahan. "Ilang taon na si Keigan?" Biglang tanung ko kay Yuri. Ang awkward kasi ng atmosphere. Wala kumikibo samin kaya bumabalik sa ala-ala ko yung ginawa nya. "14." Mabilis nya'ng sagot. 14? Same age lang kay Ci-N pero halos malagpasan na nya. "Ang bata pa pala nya." "Don't trust him." Biglang sabi ni Yuri nagpatigil sakin. "Why?" "He's a pshychopath." Hala! Baliw si Keigan? "Ibig sabihin.. baliw----" "Not literary pshycho... We just call him like that because he acts like one. To make it easy to you, he is the worse version of Keifer." Paliwanag nya. So my worse version pala si Keifer. Kala ko sya na yung worse sa lahat. Nagpatuloy kami sa paglalakad hangang sa makarating kami sa labas kung saan may pool. Kala ko ba breakfast? Nilibot ko yung tingin ko at nakita ko sila sa Gazibo. Kumakaway kasi sakin si Ci-N habang may subo'ng tinapay. "Dito talaga sila nag-aalmusal?" Tanung ko kay Yuri at naglakad kami palapit sa kanila. "Hindi... Pero dito gusto ni Keigan." Sagot sakin ni Yuri. Paglapit namin sa kanila, agad na tumayo si Keigan at binatak yung upuan sa tabi nya. Pina-upo nya ko at inasikaso. Ang gentleman ng dating nya. Para'ng hindi naman worse... Muka nga sya'ng good boy version ni Keifer. Wala si Keifer at busy naman sa paglamon ang mga luko. Binigyan ako ng pagkain ni Keigan sa plato. "Enjoy your breakfast..." Sabi nya at ngumiti. Napatingin ako kay Yuri na nakatingin din pala sakin. Umiinom sya ng kape at para'ng pinakikiramdam si Keigan. Habang kumakain hindi ko maiwan na hindi magtanung. "A-asan pala si Keifer?" "Behind you..." Mabilis na sagot ni Keigan sakin. Tumingin naman ako sa likod at naglalakad palapit ang bago'ng ligo na Keifer. Naka-short lang sya at tshirt, pero meron sya'ng kasunod. Mas pinabata'ng version ni Keifer at Keigan. Yun nga lang mas masungit nga lang ang itsura nya. "Ang aga mo nagising Keiren." Pang-aasar ni Keigan dun sa bata. Keiren pala ang pangalan nya. Pupusta rin ako kapatid ni Keifer to, mga bente singco centimo. "Shut up!" Mabilis na sagot nung Keiren kay Keigan. Ay ang sungit! Naupo si Keifer sa katapat kong bangko. May benda na yung kamay nya. Pinagmasdan ko sya pero hindi man lang nya ko tinignan kahit sandali. Napatigil ako ng mapansin ko yung Keiren na nakatingin sakin. Titig na titig sya at halos tunawin na nya ko. "So hindi pala bakla si Kuya Keifer..." Sabi nya dahilan para mabuga ni Keifer yung kape'ng iniinom nya. Bahagya nama'ng natawa sila Yuri na pilit nilang tinago. "...he keep bringing boys instead of girls. So i thought he was a gay." Paliwanag pa nito. Gusto ko rin sana'ng matawa kundi lang nakakamatay yung tingin ni Keifer. "That's come from the boy who can't even look Yoichi's eye." Sagot ni Yuri dahilan para matigilan sya at mapangiti si Keifer. Yoichi? Yung feeling ng hindi ako maka-relate sa sinasabi nila. Kahit kasi sila Eren nakikitawa rin sa pinag-usasapan nila. "Speaking of Yoichi... She called me Yesterday, uuwi na raw sya dito because she's missing you." Dagdag pa ni Yuri. Bigla nalang namula si Keiren at para'ng nawalan na ng gana'ng kumain. "S-sino yung Yoichi?" Tanung ko kay Keigan na sya'ng pinaka-malapit sakin. "Yuri's younger sister and Keiren's crush." Mabilis na sagot nya sakin. "Shut up! She's not my crush!" Galit na sigaw ni Keiren dahilan para magtawanan pa sila. Oo nga pala. May kapatid nga pala si Yuri na nasa Japan. Hindi ko kasi alam pangalan nun. Nagpatuloy pa sila pag-aasaran. Nakikitawa lang si Keifer pero hindi sya nagsasalita. Kahit sandali hindi man lang nya ko tapunan ng tingin. Nakaramdam ako ng lungkot. Kahit nakakatuwa makipag-asaran kila Keigan at Keiren hindi ko maiwasan. Natapos ang almusal at puro kwentuhan nalang ang ginagawa namin. Nakakalibang at nawala sa isip ko yung oras. "Keigan... Anu'ng oras na?" Tanung ko. Tinignan ni Keigan yung wrist watch nya. "It's 9:58am." "Thank you." "May lakad kaba?" Tanung ni Yuri sakin. "Wala naman... Iniisip ko lang kasi si Kuya. Hindi ako umuwi samin, baka hinahanap na nya ko." Paliwanag ko. "Angelo knows that your here." Sabi ni Keifer. Alam ni Kuya? "Tinawagan namin sya kagabi. We already explain what happen so you don't need to worry about him." Dagdag ni Yuri. Okay... Nawala naman yung pangamba ko kahit sandali. Pero iniisip ko din si Aries. Hindi kasi ako nagpaalam sa kanila. "So you have an older brother?" Tanung sakin ni Keigan. "No. He's not my brother but an older cousin and as a respect we call him Kuya." I explain. "Really? What his name?" "Michael Angelo Fernandez." "Ow.. Pinsan mo si Boss?" Medyo gulat na tanung ni Keigan. Boss? "Boss? Bakit Boss ang tawag mo kay Kuya?" "Yun ang tawag sa kanya nila Yuri at Kuya Keifer." Napatingin ako kila Keifer at Yuri pero agad sila'ng umiwas ng tingin sakin. "You don't know about it? Lagi sila'ng magkakasama dati----" "Keigan." Keifer cut him. Makahulugan ang tingin na ibinigay ni Keifer sa kanya. Sandali silang nagtitigan at muling humarap sakin si Keigan. Ngumiti sya sakin. "Sorry if i keep asking question." "O-okay lang..." Ibig sabihin dating magkakasama sila Kuya. Kaya pala kilala nya si Yuri at Keifer. Pero magkagalit si Aries at Keifer kaya panu sila nagkasama? Tsaka nung huling pagkikita nila halata'ng hindi masaya si Keifer. Anu kaya'ng nangyari sa kanila? Bigla nalang tumayo si Eren at Ci-N. "Kailangan ko ng umuwi. Nag-text na sakin si Mama ko." Sabi ni Ci-N at lumapit sakin. "...Sasabay kaba Jay?" Bubuka pa lang sana ang bibig ko para sumagot pero inunahan ako ni Yuri. "Ako ng maghahatid sa kanya." "S-sige... Bye Jay!" Sabi ni Ci-N at naglakad na paalis. "Sasabay na ko sa kanya. Ingat Jay! Bye!" Paalam ni Eren at sumunod na kay Ci-N. "Bye! Ingat kayo!" Paalam ko sa kanila. Hindi ko inalis yung tingin ko kila Ci-N at Eren hangang sa tuluyan na silang makaalis. Sandali'ng tumahimik ang lahat hangang sa tumayo na rin si Keiren. "I'll get back inside. Boring na dito." Sabi nya at naglakad na rin palayo. Parang nakikita ko na yung future ni Keiren. Keifer na Keifer kasi yung dating nya. Sana nga lang hindi sya maging Kumag or Ulupong kagaya ng Kuya nya. Pag-kalayo ni Keiren naglabas ng isang kaha si Keifer. Kumuha sya ng stick at inabot yun kay Yuri. Naunang sya'ng nagsindi bago iabot yun lighter. Naninigarilyo pala sila? Napataas ng isang kilay si Keifer ng mapansin nya'ng titig na titig ako sa kanila. "You can ask if you want... No need to stare like that." Sabi nya. Umiling ako. "Minsan na kong nag-try nyan at hindi na ko uulit." Napatigil si Yuri at para'ng hindi makapaniwala sa sinabi ko. "You do?" "Oo.." "Why did you stop?" Tanung ni Keigan. "Pinaso kasi ako ng boyfriend ko nun nung nahuli nya ko kaya hindi na ko umulit." Dire-diretso kong sagot na may halong inis. Ay teka! Tama bang sabihin ko pa sa kanila yun? "He did what?!" Inis na tanung ni Keifer. Dapat yata hindi ko na sinabi. Nag-iba kasi bigla yung mga itsura nila Yuri. "N-nag-sorry naman sya agad. Dala lang ng galit." Palusot ko. "Your talking about this Cyrus guy?" Tanung ni Yuri. Tipid na tango lang ang sinagot ko sa kanya. Mali'ng mali talaga na sinabi ko pa. Yung itsura nila Keifer at Yuri para'ng papatay na ng tao. Lagot! Author's Note: Rory Abejar.. 

 

 

Chapter 91 Exam 2.0 Jay-jay's POV

 

 Yung late mo na nalaman na Exam na pala kinabukasan. Tapos meron ka nalang ilang oras para mag-review then sesermunan kapa ni Kuya Angelo. Hayahay ang buhay! Late na nga ako nakatulog tapos maaga pa ko ginising. Alam pala kasi ni Kuya na may exam kami ngayon kaya ginising nya ko. Pagdating sa dining para mag-almusal andun na si Aries at tahimik na kumakain. Nakatitig sya sa lamesa habang ngumunguya. "Kumain kana Jay." Utos ni Kuya habang nagbabasa ng dyaryo. Umupo ako at kumuha ng pagkain. Hindi ko maiwasan na hindi tignan yung muka ni Aries. Kahit kasi nakayuko sya nakikita ko yung mga pasa nya sa muka. "Nakipag-away kaba?" Tanung ko. Hindi nya ko pinansin. Patuloy pa rin sya sa pagkain. "Yan ang napapala ng hindi nagpapa-alam na pupunta ng Party. Naiipit sa nag-aaway." Parinig ni Kuya. Ha? Nagpunta din si Aries sa party at nakisali sa away? Hindi yata nasabi sakin nila Yuri yun. Ewan! Baka nakisuntok suntok din sya sa mga tao dun. Kumain nalang ako ng almusal, hindi pa ko natatapos ng biglang tumayo si Aries at nagpaalam kay Kuya. Hindi man lang nya ko tinignan. May topak na naman! "Jay... Exam nyo ngayon, i'm expecting the same grade that you had before." Sabi ni Kuya. Ay lagot! Hindi naman ako yung nagsagot nung nakaraang exam ko. Ang taas ng nakuha ko dun, hindi naman ako ganun katalino para makakuha ng ganung grade ulit. Pasagutan ko nalang kaya ulit kay Keifer? Pagkatapos kumain, nagpaalam na ko kay Kuya at lumakad paalis. Pagdating sa kanto namin, nakita ko si Kuya'ng Blue eye's-----Percy nga pala! Pero bigla sya'ng sumakay ng kotse at humarurot paalis. Sinubukan ko pa sya'ng habulin. "Percy! Sandali!" Sigaw ko pero mabilis na sya'ng nawala. Kainis! Marami ako'ng gusto'ng itanung sa kanya. Ngayon pa talaga naisipang makipaglaro ng habulan. Ang nakakainis pa nito, hinanap ko sya sa facebook, instagram at twitter pero wala! Ang pag-asa ko nalang talaga na makausap sya, kapag nagpakita ulit sya sakin. Naglakad nalang ako papunta ng school. Pagpasok ng gate, yung pakiramdam na pinagtitinginan ka at pagbubulungan. Nanainga ako kayalang hindi ko marinig yung bulungan nila. Dumiretso nalang ako sa room at as usual bumungad ang pagmumuka ni Ci-N. "Good Morning!" Masigla nya'ng bati. "Good Morning din!" Sagot ko at umupo na sa pwesto ko. Nilabas ko yung notes ko at pilit nag-review. Kahit kaunti man lang may maisagot ako. Ang problema nga lang walang pumapasok sa isip ko. Napadukdok ako at mangiyak-ngiyak na tumingin sa kawalan. "Wala'ng pumapasok sa isip ko!" Sabi ko at narinig kong tumawa si Ci-N. "Gusto mo pakopyahin kita?" Alok nya sakin. Pakopyahin? Eh plakda din kaya ang grade nya nung unang exam. Iniisip ko nga kung accelerated ba talaga sya. "Ikaw pa talaga yung nag-alok, eh plakda ka nga nung nakaraan." Ngumiti sya sakin. Yung ngiti na lagi nya'ng binibigay. "Matalino kaya ako..." Pagyayabang nya. "Talaga lang ah." Sinubukan ko uling mag-review. Ngayon ako nagsisisi sa hindi ko pakikinig nung nagle-lecture yung mga teacher. Dumating na si Sir dala yung test paper namin. Tinago ko na yung notes ko at naglabas ng ballpen. Kagaya ulit ng dati, isang exam na para sa lahat ng subject. Pinamigay na yung test paper. Pagkakuha ko nung akin----putcha! First page pa lang nganga na ko. Hindi ko alam isasagot ko. Sa pagkakataon na to hindi lumabas si Sir kaya wala ako'ng pagkakataon na mangopya. Ang lupit ng tadhana sakin! Binasa ko ng binasa yung mga tanung at baka may masalit na alam ko yung sagot. Wala pang 10 minuto nung magsimula kami'ng magsagot ng bigla'ng tumayo si Ci-N at ipasa yung test paper nya kay Sir Alvin. Ang bilis! Bumalik sya sa upuan nya at buong ngiti'ng humarap sakin. Kinandatan pa nya ko. Napangiwi ako. Umandar na naman kasi yung ka-abnormalan nya. Binalik ko yung atensyon ko sa test paper ko. May mga tanong na alam ko yung sagot kaya naman nabawasan yung kaba ko. May magiging points pa naman ako kahit papano. Mga 20pts! Hahaha... May ilang minuto yung nakalipas at si Yuri naman ang nagpasa ng papel. Sumunod si Keifer at Eman. Buti pa sila! Huhuhuhuhu... Naiiyak na ko! Yung pakiramdam ng nahuhuli ka sa mga classmate mo. Ayoko kaya nun! Wala ako'ng choice kundi man-tantsa ng sagot. Ini-mini-mayni-mow minsan kapag hirap mamili sa pagpipilian. Kalahati na ng klase yung nagpapasa. Tinapos ko na yung pagsasagot at pinasa na rin kay Sir yung papel ko. Nakangiti naman nya'ng tinanggap. "Kala ko matutulog ka ulit." Sabi ni Sir. Hala! Alam pala nya yun! "May sakit po ako nun." "Yeah... Sabi nga ni Keifer." Sabi nya? Alam ba nya'ng may sakit ako nung araw na yon? Napatingin ako kay Keifer na busy sa pakikipag-usap kay Yuri. Bumalik na ko sa upuan ko at hinintay na matapos pa yung iba. "Anu gagawin mo kung 100 ang makuha ko'ng grade?" Tanung sakin ni Ci-N. Tss. Asa! "Wala... Hindi ka naman makakakuha ng 100." "Panu nga kung makakuha?" Pagpipilit nya. Anu nga bang maganda'ng gawin? "Ililibre kita sa cafe malapit samin." Sagot ko. "Ang babaw nyan... Iba nalang." "Papakulayan ko buhok ko." "Sige... Ng hindi kana papasukin dito sa school." Ay bawal nga pala may kulay buhok dito. Unless nalang kung natural. "Eh anu?" Sandali'ng nag-isip si Ci-N. Malakas ang kutob kong kalokohan tong naiisip nya. Minsan lang mag-isip to sa harapan ko. Bigla sya'ng ngumiti. Ngiti'ng nakakaloko. Sabi na eh! "Aaminin mo kung sino'ng type mo sami'ng lahat." Sabi nya sakin at pumalakpak pa. Madali lang sakin yan. Kahit sino pwede ko ituro. "...Tapos hahalikan mo sya." Ay punyeta! Hindi na pala ako pwede'ng magturo ng kahit sino. Para'ng ayoko na pala. "Ay ayoko!" Mabilis kong sagot sa kanya. "Bakit? Natatakot ka?" Mapang-asar na tanung ni Ci-N. Umiling ako. "Hindi no!" "Aminin mo nalang kasi na kaya kong maka-100 sa grade." Gusto ko mang maniwala na makaka-100 sya, para'ng ang hirap maniwala talaga. "Ayaw!" "Payag kana sa kasunduan natin?" Tanung nya sakin. Kung tutuusin pwede naman ako'ng pumayag at hindi na makipag-kasundo. Pero ayoko! Ma-pride ako! Hindi ako naniniwala sa Ci-N kumag na to. "Deal! Pero kapag bokya ka na naman, mag-aaral ka ng mabuti!" Ngumiti naman sya sakin at inabot pa yung kamay para makipag-shake hand. Tinanggap ko yun at para kami'ng business man na nagkamay. Nakapag-pasa na lahat ng test paper nila. Ibig sabihin, pwede na kami'ng umuwi. "Okay class! Kagaya dati sa main building ipapaskil ang mga grade nyo! Enjoy your sembreak muna." Sabi ni Sir at sumagot naman ang mga ulupong. "...Sige! Pwede na kayo'ng umuwi!" "YEEEEEEESSSSSS!!!" sigaw nami'ng lahat. Inayos ko na yung gamit ko at lumakad paalis. Sabay-sabay kami'ng naglalakad. Nakikinig ako sa kwentuhan nila Rory ng bigla nalang may humatak sa buhok ko. "MALANDI KA!" Sigaw ng kung sino. "A-aray! B-bitiwan mo ko!" Sigaw ko habang pilit tinitignan yung nakasabunot sa buhok ko. Kingina Freya! "Bitiwan mo nga si Jay-jay!" "Labanan mo Jay!" "Hoy Freya!" "Sige pa! Ayaw pa!" Sigaw ng mga ulupong at mga tao sa paligid namin. Sinubukan kong bawiin yung buhok ko pero mahigpit yung pagkakahawak ni Freya. Pakiramdam ko hihiwalay na yung anit ko. "Bitiwan mo nga ako!" Utos ko sa kanya. "MALANDI KA! DAHIL SAYO NA-EXPELLED SI KIKO!" sigaw na naman nya at patuloy sa pagsabunot sakin. Pvta! Ang sakit! "Wala ako'ng kinalaman dyan!" "MALANDI KA KASI!" Anung connect ng kalandian sa expaltion? Naghanap lang ng masisisi tong si Freya. Bigla nalang may lumapit sami'ng mga babae. Si Rakki at yung Canvas 1 na laging kasama ni Grace dati. "BITIWAN MO SI JAY-JAY!" Sigaw ni Rakki at pilit inalis yung kamay ni Freya. Pakiramdam ko makakalbo na yung anit ko sa pagkakahatak ni Freya. "Freya! Stop it! She's not worth it!" Sigaw ni Canvas 1. Binitiwan nya ko at agad ako'ng nilayo ni Rakki. Lumapit na rin sakin yung mga Ulupong. Kita'ng kita ko sa kamay nya yung mga hibla ng buhok ko. Hinawakan ko yung anit ko at-----ang sakit! Putik! "Impakta ka! Inaano na naman ba kita?!" Galit na tanung ko sa kanya. "DAHIL SA KALANDIAN MO NA-EXPELLED SI KIKO!!" Galit na galit na sigaw nya sakin. "Na-expelled si Kiko dahil gago sya!" Sagot ni Rakki sa kanya. Akala ko tsismis lang yung expelled na yun. Totoo pala talaga! Alam kong yung ginawa nya sakin yung dahilan. Hindi ko nga lang alam kung sino yung gumawa ng paraan para makapag-reklamo at mapa-expelled yung isa ng ganu'ng kabilis. Nakita kong palapit samin si Aries. Masama ang tingin nya samin pareho ni Freya. "Anu'ng nangyayari dito?" Mahinahon nya'ng tanung. Tinignan ko ng masama si Freya pero binalik nya sakin yung tingin na yun. Wala'ng nagsasalita samin hangang sa si Rakki na ang bumagsak ng katahimikan. "Sinugod ni Freya si Jay-jay!" Sabi ni Rakki at sa kanya lumipat yung matalim na tingin ni Freya. "DAHIL MALANDI YA'NG PINSAN MO!" dugtong naman nung bruha. "Hoy! Tantanan mo----" "Jay! Shut up!" Aries shout and cut me. "...Pinapalala mo lang yung sitwasyon!" Tang'na! "Ako na naman yung may kasalanan?! Ganun ba?!" Inis na tanung ko at tinignan ako ng masama. "...Pati pagtaas ng gasulina sa akin mo na rin isise!" "Could you please----" "Aries naman! Kahit minsan iparamdam mo naman sakin na magpinsan tayo!" Sigaw ko. Naramdaman ko nalang na may tumulong luha galing sa mata ko. Asar! Napilitan ako'ng lumakad ng mabilis palayo sa kanila. Hindi ako iiyak sa harapan ni Freya o kahit kanino sa kanila. Author's Note: Edrix Knight Peñaflor.. 

 

 

Chapter 92 Author's Note: Picture sa baba... Sorry kung natagalan.. 😉😉 Halo-halo-ween Jay-jay's POV

 

 Yung dalawa'ng linggo'ng pahinga. Isa sa lagi kong inaabangan kapag October. Bukod kasi sa pahinga sa pag-aaral, nagkalat din yung mga bata'ng naka-costume. At syempre mga Candy at Chocolate... Pati pala mga isip bata'ng naka-costume nakakalat din. Para'ng yung kasama ko ngayon. "Suot mo to Jay!" Sigaw sakin ni Ci-N at pilit pinapasuot yung witch hat. "Ayoko!" "Hindi tayo papasukin dun kung hindi mo to susuotin!" Sabi nya at sinubukan na nama'ng isuot sakin. Sa inis ko, kinuha ko nalang yung sumbrero. "Susuotin ko pagdating don!" Sabi ko kaya naman tumigil na sya sa pangungulit. Naglakad na kami papunta sa event na sinasabi nya. Bigla nalang kasi'ng tumawag sakin tong si Ci-N. Meron daw sya'ng pupuntahan at kailangan nya ng kasama. Dahil wala naman ako'ng ginagawa sa bahay, pumayag ako. Pero ang wala'ng hiya, pupunta lang pala sa isang halloween party. Naka-costume sya'ng zoro at para'ng 7 years old na excited sa pupuntahan. Huminto sya sa tapat ng entrance ng isang event. Muka'ng dito na yung sinasabi nya. "Suot mo na Jay!" Suot nya at ginawa ko naman. Pinalista ni Ci-N yung pangalan namin at binigyan kami ng sticker tag. Nakasulat yung pangalan namin at pinapadikit samin sa kaliwa'ng dibdib. Pagpasok sa loob nabawasan naman yung hiya ko ng mapansin kong may mga adult din na kagaya ko. Muka'ng binatak lang din ng mga alaga nila. "Jay-jay! Dito ka!" Tawag sakin ni Ci at tinuro yung lamesa at upuan na bakante pa. Medyo maraming tao at bata. Lahat sila naka-costume. Ang cute nila... Habang pinagmamasdan sila meron ako'ng napansin. Si Ci-N pala ang pinaka-malaki sa kanila! Yung hiya ko kanina na nabawasan, nadagdagan na naman. "Ci-N!" Tawag ko sa kanya. Agad sya'ng umupo sa tabi ko. "...Anu ba to? Halloween party?" "Oo... Kailangan daw kasi ng gaurdian! Ikaw nalang sinama ko!" Sabi nya habang nakangiti sakin. Gaurdian? "Gaurdian? Yung bata kailangan talaga nun! Pero ikaw hindi na!" Sermon ko sa kanya. "...Tsaka ang tanda mo na para sa ganto'ng party! Dapat sayo yung sa mga teenager!" "Ayoko don! Wala'ng candy at chocolate dun! Tsaka pagbigyan mo na ko... Eto na huling chance ko na makapunta dito! Wala kasing pwede'ng sumama sakin dati kaya hindi ako makapunta!" Sabi nya at para'ng bata'ng nag-puppy eyes at nagpout. Napakamakot ako ng batok. "Sige na! Sige na! Mag-enjoy kana sa party mo! Dito lang ako!" Pumalakpak naman sya at bigla nalang tumakbo palayo. Nakisali pa sya sa mga naglalaro. Tinignan ko nalang yung ibang bata ng may makita ako'ng pamilyar na tao. Si Keiren ba yun? Tinitigan ko pa pero hindi ko parin makita ng maayos. Lakad kasi ng lakad at ang laki ng sumbrero'ng suot nya. Bigla'ng may nagsalita sa mic at nag-speech ng kung anu-anu na hindi ko naman maintindihan. Nililigid ko lang yung mata ko ng may nagbaba ng pumpkin basket sa harap ko. Yung laruan lang at may lama'ng candy sa loob. Tinignan ko yung nagbigay na naka-sumbrero din ng witch. "Anu po ito?" Tanung ko. "Give away po... Lahat po meron." Sagot nya sakin at umalis na sa harap ko para bigyan pa yung iba. Sinilip ko yung laman ng basket. Chocolate at Candy!!! Ako na isip bata, pero inaabangan ko talaga to kapag halloween! Hinalungkat ko pa yung laman ng basket ng my bigla nalang kumalabit sakin. "Childish! That's not for you!" Sabi nung kumalabit saking bata. Naka-pang-three masketeer yung costume nya. Ang laki ng sumbrero at halos matabunan na sya. Pinagmasdan ko sya'ng mabuti. "Keiren?" "Don't call me with my first name! Were not close!" Pagsusungit nya. Bigla nalang sya dumamba sa lamesa at akma'ng kukuhanin yung pumpkin basket pero nakatayo ako agad at nailayo sa kanya. "Akin to!" Sabi ko. Pero makulit ang Keiren at pilit tinalon yung basket sakin. "That's not meant for you! Give it to me!" Ay ang kulit ng bata'ng to! Masarap pektusan yung mga ganito. Matitigas yung ulo. Lalu ko pang nilayo sa kanya yung basket pero nagulat nalang ako ng may kumuha sa kamay ko mula sa likod. Agad kong tinignan ng masama yung may gawa non pero natigilan ako ng makita sya ng maayos. "K-keifer?" Tumaas ang isang kilay nya at tinitigan ako. Para bang nainis pa sya na makita ako dito. "What are you doing here?" Tanung nya sakin. "S-si Ci-N kasi..." "Give it to me Kuya!" Singit ni Keiren samin at inagaw yung basket kay Keifer pero tinaas na agad nya yun. "This is not yours!" Sigaw nya sa bata. Tumigil si Keiren sa ginagawa at para'ng napahiya. Naawa naman ako sa kanya kaya kinuha ko yung basket kay Keifer at inabot sa kanya. "Ayan na! Sayo na!" Sabi ko. Agad na nagtatakbo si Keiren paalis. Muka'ng maligawa sa nakuha nya. Humarap sakin si Keifer at akma'ng magsasalita pero narinig namin si Ci-N na nagtatawag. "Jay! Jay!" Sigaw ni Ci at nagtatakbo palapit sakin. "Bakit na naman?" Inis na tanung ko. Merong sya'ng yakap yakap na supot na puno ng chocolate at candy. "Sya kasi! Inaaway nya ko!" Sabi nya sabay turo sa kasunod nya'ng lalaki na masama ang tingin sa kanya. "Kasama nyo ba to'ng bata na to?!" Galit na tanung nung lalaki samin. Agad na nagtago si Ci-N sa likod ko. Malakas ang pakiramdam ko na may ginawa na nama'ng kalokohan ang isang to. "O-oho.." sagot ko. "Pagsabihan nyo yan! Inagaw nya yung candy ng pamangkin ko!" Galit na sabi nya samin. Tinignan ko si Ci-N ng masama. Candy nalang aagawin pa?! Humarap ako ulit dun sa lalaki. "Pasensya na po... Kakausapin ko po tong pamangkin ko." "Dapat lang!" Sinubukan kong kunin yung supot na hawak na Ci-N. Sa sobra'n dami at bigat nun feeling ko pang-isang taong supply na yung hawak nya. "Akin to!" Pang-aakin ni Ci. "Ibalik mo nalang yung kinuha mo sa kanila!" Utos ko. Nakasibangot na kinuha ni Ci-N yung isang pack ng candy at chocolate. Inabot nya sakin yun at humarap ako kay Kuya'ng galit na galit ang tingin kay Ci-N. "Eto po Kuya... Pasensya na po talaga." Sabi ko habang inaabot yung isang pack. Pero hindi tinanggap ni Kuya yun. Nakatingin lang sya sakin at bigla nalang ngumiti. "Ibigay mo nalang yan sa kasama mo... Basta papayag kang makipag date sakin." Sabi nya. Napangiwi ako bigla. Anu sya? Date palit candy? "Pumayag kana Jay! Akin na yang Candy!" Sabi ni Ci-N. Gago men! Ipagpapalit nya ko sa Candy? Hinayupak tong bata na to. "Ipagpapalit mo ko sa Candy?!" Inis na tanung ko. Ngumiti lang ang Ci-N at sinubukang kunin yung Candy sa kamay ko pero nagulat kami ng may humablot dun. Keifer. Dinikit nya sa dibdib nung lalaki yung pack nung candy. "Keep your candy. She'll never have a date with you." Sabi nya. Agad sya'ng tinignan ng masama nung lalaki. Halata'ng hindi natuwa sa inasta nitong si Keifer. "Hindi ikaw ang magde-decide nyan. Sya yung tinatanung ko." Sagot nung lalaki. Bigla'ng nagsalubong yung kilay ni Keifer. Shit! Muka'ng magkakaroon pa ng away. Agad ako'ng lumapit sa kanila at pilit nilayo si Keifer dun sa lalaki. "Keifer... Yaan mo na. Ako na kakausap." Sabi ko pero bigla nalang nya kong hinawakan sa braso at hinatak papunta sa likod nya. "If i said 'No', it's a NO!" Pilit ni Keifer dun sa lalaki. Pero hindi nagpapatinag si Kuya. "Sino kaba?! Tatay kaba nya?!" Inis na tanung ni Kuya at tinabig yung candy. Agad na kinuha ni Ci-N yung pagkakataon para kuhanin yung bumagsak na candy. "No... But i'm worse than her Dad." Mayabang na sagot ni Keifer. "K-keifer... Tama na... Pinagtitinginan na tayo..." Bulong ko sa kanya pero hindi nya ko pinansin. Nagpumilit ako'ng makalapit kay Kuya kahit halos baliin na ni Keifer uung braso ko. "Boyfriend mo ba to Miss?" Tanung ni Kuya sakin. "H-hindi po Kuya. Pasensya na po, hindi po ako pwede'ng makipag-date. Ibabalik ko nalang yung Candy." Sabi ko at nilingon si Ci-N pero nawala na ang wala'ng hiya. Shooooot!! "Wala na yung Candy." Mapang-asar na sabi ni Kuya. "Not a problem! Ibibili kita!" Singit ni Keifer at para'ng napikon na si Kuya sa kanya. "Ang yabang mo naman!" Sigaw nito at akma'ng lalapit kay Keifer pero hinarangan ko na. "Mas mayabang ka!" Sagot naman ni Keifer. Pwede bang wag na sya'ng magsalita? Kingina! Pinapalala lang nya yung sitwasyon. "Wag kayong mag-away dito! Anu ba?! Mahiya kayo sa mga tao dito!" Sigaw ko at nakaramdam naman sila na pinagtitinginan na kami. "Eto kasi! Ang yabang! Kala mo kung sino! Anu kaba nya?!" Sigaw ni Kuya. Nag-cross arm si Keifer at halata mo'ng galit na sa nangyayari. "She's my wife!" Inis na sagot ni Keifer. She's my wife! She's my wife! She's my wife! Putik! Ang puso ko! Wala naman qouta sa pagtibok pero parang may deadline sya'ng hinahabol. Tinignan ako ni Keifer at hinawakan ang kamay ko. Para'ng napahiya si Kuya at hinayaan na kami'ng umalis. "Keiren! Ci-N! Let's go!" Sigaw ni Keifer at agad na tumakbo yung dalawa palapit samin. Hindi ako makapag-salita. Ayaw ring gumalaw ng katawan ko. Para ako'ng timang na nagpapabatak dito kay Keifer. Kasi nga... She's my wife! Author's Note: Andrew 'Drew' Mercado.. 

 

 

Chapter 93 Halloween... Jelous? Jay-jay's POV

 

 Sa tagal ng nilakad sa bench din pala ang bagsak. Bwisit kasi tong Keifer na to! Kung saan saan kami dinala tapos bigla'ng haharap samin at magtatanung ng 'Saan nga ulit tayo pupunta?' "Gusto mo Jay?" Alok sakin si Ci-N. Umiling ako. Ayoko ng Candy, kanina gusto ko pero hindi na ngayon. Eto kasi'ng Hari ng mga ulupong. Bigla nalang nagkaroon ng impact sakin yung sinabi nya'ng-----aaarrrgggghhhh!!! Wag mo ng isipin! Baka matuliro ka naman! "Tss." Biglang sabi ni Keifer. Napapanu to? Wala naman ako'ng sinasabi sa kanya. Nababaliw na ata talaga sya. Napatingin ako kay Keiren na nakikipag-mayabangan kay Ci-N ng nakuha nila'ng Candy at Chocolate. "Bakit ikaw yung kasama ni Keiren?" Tanung ko. Umayos sya ng upo sa bench at bahagya'ng tumingala. "Ayaw ni Keigan... Sabi ko mag-stay nalang sya sa bahay at bibilan ko nalang sya ng Candy at Chocolate pero syempre... Hindi sya pumayag. So, here i am." Bored nya'ng paliwanag. Aminin! Hindi natiis si bunso kaya sinamahan nalang. Tsk!---Naalala ko na naman yung Kuya ko. Ganyan din kaya sya sakin pagnagkataon. "Ikaw? Why are you here with Ci-N?" Tanung nya sakin. Pinaliwanag ko sa kanya yung pagtawag sakin ng mokong. Wala naman sya'ng reaksyon habang nakikinig sakin. "...So, here I am." Pang-gagaya ko sa sinabi nya. Hindi na sya sumagot. Nakatahimik lang sya kaya naman tumahimik nalang din ako. Dumidilim na yung langit, pagabi na kasi. Dapat makauwi na kami nitong mga to. Lalu na si Keiren, hindi sya pwedeng gabihin sa daan. Sa hindi kalayuan nakakarinig kami ng malakas na music. Para bang may party. Bigla nalang tumayo si Keifer. "Let's go there." Sabi nya. Hindi ako tumayo. Hindi ko kasi maintindihan yung sinasabi nya. Inaaya nya ko sa kung saan. Hinawakan nya yung kamay at nagsimula na naman syang hatakin ako. "Aray! Teka!" Reklamo ko pero hindi nya ko pinansin. Nakasunod lang samin si Ci-N at Keiren. Halos madapa ako dahil sa kanya. Ang bilis nya kasing maglakad. Huminto kami sa tapat ng isang entrance ng isang event. Puro disenyo ng mga pang-halloween. Mukang dito galing yung malakas na music na naririnig namin. "Aanu tayo dito?" Tanung ko kay Keifer. Hindi nya ko sinagot. Hinatak na naman nya ko palapit dun sa table sa tabi ng entrance. Hindi ko na naintindihan yung mga tinanung ni Keifer dun sa tao sa may table. Nilingon ko sila Ci-N at Keiren na taka'ng taka sa nangyayari. Humarap si Keifer samin. "Let's go inside." Ayoko talaga. Hindi ko kais maintindihan tong Hari ng ulupong. Siguro may kung sino'ng ispirito na naman yung sumapi sa kanya. Sinenyasan ko sila Ci-N na lumapit samin. Sumunod naman yung dalawa. Pagpasok sa loob para'ng halloween party lang din na pinang-galingan namin. Except sa pang matanda ata tong napuntahan namin. "Umaano ba tayo dito?" Tanung ko kay Keifer. "Nab-bored na kasi ako." Aning talaga tong lalaki na to! Masarap ding kutusan para'ng yung kapatid nya. Madami'ng tao sa loob na naka-costume. Puro mga teenager at kanya-kanya sila ng kausap. "Hi!" Bati ng kung sino'ng babae kay Ci-N. Ngumiti naman sya at kumaway pa. Isumbong ko kaya kay Rakki to? "Ang cute mo naman!" Sabi nung isang babae kay Keiren. Dahil likas na masungit, nilayuan lang nya yung babae. Para'ng gusto ko na talaga'ng umalis dito. Para kasi'ng nakikita ko yung party na naganap sa bahay ng ka-team ni Felix. Hindi nga lang kasing wild nun yung party na to. Mild lang tong isa na to at maganda yung music. "Kuha lang ako'ng drinks." Sabi ni Keifer at bigla nalang nawala sa paningin ko. Nilingon ko sila Keiren na nasa likod ko dapat pero nawala din sila. Hala! Eto na naman! Niligid ko yung mata ko at hinanap yung mga kasama ko pero sa dami ng tao hindi ko sila makita. Ayoko nama'ng umalis sa pwesto ko at baka magka salisihan kami. "Hi Miss! Your alone?" Tanung ng isang lalaki sakin. Naka-costume sya'ng superman. Todo smile pa sya sakin. Magsasalita na sana ako pero inunahan ako ng kung sino. "She's not. She's with me." Tinignan ko yun ng maayos. Naka-puting maskara lang sya. Umalis yung lalaki'ng lumapit sakin kaya naman nakita ko ng maayos yung nagsalita. "Hi! Nice to see you here." Sabi nya. Hindi ako makasagot. Hindi ko naman kasi sya makilala. Hanggang sa tinamaan ng disco light yung muka nya at kahit naka-maskara nakita ko yung mata nya----Kulay Blue. "Percy?" Ngumiti sya at napahimas ng batok. "...A-anu'ng ginagawa mo dito?" Medyo gulat pero masaya kong tanung. Ang tagal ko sya'ng hinanap, ang dami kong tanung sa kanya. "A very very long story." Sagot nya sakin. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ayoko'ng sayangin yung oras. Baka matagalan na naman bago kami ulit magkita. "P-percy... Pwede ba kong magtanung sayo?" Sabi ko. Ngumiti sya sakin. "Nagtatanung kana." Bahagya ko sya'ng tinignan ng masama. "Seryoso ako." Nawala yung ngiti nya at naging seryoso din sya. Hinawakan nya yung kamay ko na muntik ng magpaiktad sakin. Sobra'ng lamig ng kamay nya. "I know you have a lot of questions. But save those for future. I can't answer anything right now." Paliwanag nya. "P-pero bakit?" Kinuha nya yung cellphone sa bulsa nya. "I can't tell you... Give me your number and i will contact you as soon as possible." Sabi nya. Kahit naguguluhan ako kinuha ko yung cellphone nya at nilagay yung number ko. Binalik ko yun sa kanya, sandali sya'ng nagpipindot sa phone nya at humarap sakin. "Kapag pwede na, tatawagan kita." Sabi nya sakin at bigla nalang nya kong hinalikan sa noo. Nagulat ako, bigla nalang ako'ng hindi nakagalaw at hindi ko na namalayan na naka-alis na pala sya. "Hey..." Tawag sakin ni Keifer na nagpabalik sakin sa ulirat. "Who is that guy?" Tanung pa nya. Hindi ako makasagot. Hindi ko kasi alam kung anu'ng dapat kong sabihin. Ibibigay ko ba yung pangalan nya? Bigla nalang nag-iba yung music. Nagtakbuhan yung mga tao sa gitna at dun ko lang nakita si Ci-N na nakikipag-sayaw sa mga babae. "Dun muna tayo." Turo ni Keifer sa isang table. Sumunod naman ako sa kanya. Inabutan nya ko ng beer in can. Ayoko sana'ng tanggapin kasi nga nakakadala yung kay Kiko pero pakiramdam ko kailangan ko to ngayon. "Don't worry it's close. I didn't put anything on it." Sabi nya sakin bago ko tanggapin yung beer. Agad kong binuksan yun at uminom. Napaka-paet ng lasa pero ganun talaga. Hindi mawala sa isip ko si Percy. Bakit hindi pwede ngayon? Minsan na nga lang kami magkita eh. Asar! "Sino yung kausap mo kanina?" Tanung ulit ni Keifer. "Wala yun... Kala ko kakilala ko." Bored kong sagot. Nag-nod lang sya at uminom ng hawak din nya'ng beer. Pinapanuod namin si Ci-N na busy sa pakikipag-kulitan sa mga babae. Tapos bigla ko'ng naisip si Keiren. "Asan pala si Keiren?" Tanung ko kay Keifer. Hindi sya sumagot pero tinuro nya yung isang table na puro bunny girls. Nakapalibot sila kay Keiren at pinapakain sya ng Candy at Chocolate. "Hindi mo ba pupuntahan yung kapatid mo?" Umiling si Keifer. "Hindi na... Kahit muka'ng masaya dun dito nalang ako." Muka'ng masaya... "Edi dun ka nalang... Masaya pala dun." Halos pabulong kong sabi bago uminom. Bahagya'ng ngumiti si Keifer at para'ng kinainis ko yun. "Sure ka? Pupunta talaga ko don. Nag-uumpisa na kong mainggit kay Keiren." May halong pang-aasar yung boses nya. Nanadya ba sya? "Edi dun ka! Maki-siksik ka sa mga bunny girls na yan!" Inis na sabi ko sa kanya. Bigla nalang sya'ng tumawa. "Hindi na... Nagagalit kana eh." "Hindi! Okay lang sakin... Dun ka nalang." Mahinahon kong sabi pero para'ng sarcastic ang dating. Tumawa na naman sya at para'ng nang-iinis pa nya ko'ng tinignan. Impakto! May babae'ng bigla nalang lumapit kay Keifer. Naka-sexy bunny costume din sya. "Hi!" Bati nito sa kanya. "...Kanina pa kasi kita tinitignan. Gusto ko lang sana'ng makipag-kilala." Sandali'ng tumingin sakin ang WALA'NG HIYA bago muling humarap dun sa babae. "Sure! I'm Keifer!" Naka-ngiti'ng sagot nya sabay lahad ng kamay. Tinanggap naman yung ng MALANDI'NG BABAE habang nakangiti ng wagas. Natungga ko nalang ng di-oras yung beer na hawak ko dahil sa inis. Bakit ba ko naiinis?! Nag-usap pa sila pagkatapos magpakilala. Kung anu-anu'ng tinatanung nito'ng BABAITA na to at sagot naman ng sagot tong IMPAKTO! Papakilala lang daw tapos tagal mag-usap! Tuwa'ng tuwa naman tong Hari ng mga Ulupong! Malandi rin! Pinag-mamasdan ko lang sila. Bahagya sila'ng magtatawanan at may pahampas-hampas pa tong BABAE'NG HALIPAROT sa braso ng LALAKI'NG TALANDE! Pabebe naman tumawa! Kala mo maganda! Kung anu-anu pang pinag-uusapan nila hanggang sa nag-iba yung music. Nag sway sway yung BABAE'NG MAKATI at para'ng inaaya yung LALAKI'NG HAMBOG sa dance floor. Kembot pa! Mas magaling pa yata ako sumayaw sayo! Lumapit sila sakin at hinarap ako. "Tara Jay! Sayaw tayo!" Aya sakin ni Keifer. Gago ata to?! "Ayoko! Kayo nalang!" Sagot ko habang umiiling. Pero hindi ata nakaka-intindi tong lalaki na to ng salita'ng 'Ayoko'. Bigla nalang ako'ng hinatak hanggang sa gitna ng Dance floor kung saan marami'ng tao. Ako lang yung hindi gumagalaw. Si Keifer nakikisayaw na dun sa babae'ng nakilala nya. Kingina! Nagiinit yung mata ko! Nakisayaw-sayaw nalang din ako. Hindi ko maiwasan na hindi tignan yung dalawa. Panay kasi ang dikit nito'ng BABAE'NG HALIPAROT sa katawan ng HARI NG MGA PESTE'NG ULUPONG! Iiihhhkkkk!! Kainis! Sa sobra'ng inis, yamot at banas ko, dinaan ko nalang sa sayaw. Todo bigay ako at wala ako'ng paki kung pagtawanan ako ng mga tao. Sayaw lang ako ng sayaw hangang sa meron ako'ng nabunggo pero hindi ko pinansin. I'm busy dancing! Woooohhhhh! Sayaw pa rin ako. Meron ako'ng naramdaman na humawak sa baywa'ng ko mula sa likod. Hinayaan ko lang sya at sayaw pa rin ako. Naiinis kasi talaga ko sa hindi ko maintindihan na dahilan. Basta feel kong ibuhos yung inis ko! Mananampal ako ng Bunny! Author's Note: Kit Harington 

 

 

Chapter 94 Halloween... Date? Jay-jay's POV

 

 Kanina pa ko sumasayaw at kanina ko pa rin napapansin. Nakakahalata na ko! Alam kong sumasayaw yung kung sino'ng nasa likod ko. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit nakahawak pa rin sya sa bewang ko. Sinubukan kong humiwalay pero nagulat ako ng hapitin nya ko palapit sa kanya at bumulong. "Sobra'ng likot mo sumayaw." Bulong nya na nagbigay ng kakaibang kilabot sakin. "...Binunggo mo yung kasayaw ko." Dagdag pa nya. Papalag na sana ako para maka-alis sa pagkakahapit nya pero bigla nya kong iniikot paharap sa kanya. Dun ko lang nakita ng maayos kung sino sya. Tama ang kutob ko. Si KEIFER MALANDI lang pala. Nakayakap na sya ngayon sa bewang ko. Hindi ako makagalaw at muka'ng naistatwa na naman ako. "A-asan yung kasayaw mo?" Pag-iiba ko sa usapan. "Binunggo mo, kaya umalis nalang." Sagot nya sakin. Niligid ko yung mata ko para hanapin yung babae. Nakita ko sya'ng nakaupo sa isang sofa at masama ang tingin sakin. La! Hindi ko naman sadya yun! Muka'ng sya yung nabunggo ko kanina ng hindi ko namamalayan. Sinubukan ko ulit na humiwalay kay Keifer at nagawa ko naman. "Tawagin mo na yung kasayaw mo." utos ko sa kanya. Dun ka nalang sa kasayaw mo. "Ayaw mo ba kong kasayaw?" Mapang-asar na tanung nya sakin. Inirapan ko naman sya. Filingero tong Hari ng mga Ulupong na to. Kala mo naman. "Hindi na! Kahiya sa kasayaw mo!" Inis na sagot ko. Bahagya'ng tumawa ang luko at lumapit sakin. Hinawakan nya yung kamay ko sinayaw-sayaw ako'ng para'ng bata. Muka kami'ng timang sa ginagawa nya pero okay lang. Dance floor naman to, kanya-kanya kami ng steps sa pag-sayaw. Yung totoo, natatawa na ko sa ginagawa nya sakin. Para kasi'ng hindi ako marunong sumayaw at kanailangan ko pa ng tulong nya. "Tama na nga... Muka na tayo'ng timang." Sabi ko pero hindi tumigil ang Keifer. "I don't want to... I'm still dancing with you." "Tsk! Keifer..." "Kung titigil ko ba to... You'll dance with me?" Nakakalukong tanung nya. Wala naman siguro'ng masama at isa pa andito na kami. Pagbigyan na ang kumag bago topakin. "Oo na!" Sagot ko sa kanya at binitawan nya ko. Bumalik kami sa pagsasayaw at todo bigay na naman ako. Bahala na kung sino'ng mabunggo ko naman. Sinasabayan ko pa ng kanta habang sumasayaw. Feeling na ikaw lang yun tao sa dance floor. Naramdaman ko naman yung kamay sa bewang ko. Tinignan ko yun at nakita ko si Keifer. Hinayaan ko nalang sya at baka nalilikutan sya sakin kaya nya ginawa yun. Sayaw pa rin kami ng bigla nalang ako'ng iikot ni Keifer paharap sa kanya habang nakahawak pa rin sa bewan ko kagaya kanina. "Ganyan kaba talaga kalikot sumayaw?" Natatawa nya'ng tanung. "Dipende sa music." "Tss." Sabi nya habang nakangiti. Hala! Eto yung unang beses na sinabi nya yun habang nakangiti. Madalas yan laging galit o kaya naman inis na inis sakin. Paulit ko kaya sa kanya para marecord ko. Saya'ng yung pagkakataon. Nakahawak pa rin sya sa bewang ko at nakatingin sakin. Umiwas ako, kakaiba kasi. Nakaka-kaba! Bigla nalang nag-iba yung kanta at napalitan ng slow. Haharap sana ako kay Keifer pero ramdam kong ang lapit lang ng muka nya sakin. Ang init ng hininga nya pero komportable sa pakiramdam. "Care to continue dancing?" Tanung nya sakin. A-ayoko na! Ang wierd kasi ng pakiramdam ko. Ayoko ng mga ganitong sayawan. Hindi ako handa sa mga ganito. Dahil hindi ako nagsasalita at gumagalaw. Bumitaw si Keifer at hinawakan yung dalawa'ng kamay ko. He place it around his neck. Matagal tagal ding nawalan ng gana Pinagmamasdan ang dumaraan Lagi nalang matigas ang loob Sabik na may maramdaman Napatingin ako sa kanya. "K-keifer..." "Andito na tayo... Sulitin na natin." Bulong nya sakin. Binalik nya yung pagkakayakap sa bewang ko. Nagsimula sya'ng gumalaw kaya naman sumunod ako. Di kaman bago sa paningin Palihim kang nasa yakap ko't lambing. Sa bawat pagtago, hindi mapigilan ang bigkas ng damdamin. Ayokong tumingin sa mga mata nya. Natatakot ako. Natatakot ako'ng baka hindi ko na alisin ang pagkakatingin don. Nakayuko lang ako at pinapakinggan yung kanta. Ngayon ko lang to narinig pero nakakadala. Bahagya'ng idinikit ni Keifer yung ulo nya sakin. Medyo nagulat ako pero aaminin ko kakaiba sa pakiramdam. Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga Walang papantay sayo Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga Walang papantay sayo Kusa nalang gumalaw ang mga kamay ko at hinigpitan ang yakap sa kanya. Sinandal ko rin ang ulo ko sa leeg nya. Ang bango ng amoy nya. May naamoy ako'ng sigarilyo pero mas nangingibabaw yung amoy ng katawan nya. Kung may darating man na umaga Gusto kita sana'ng muling marinig Marinig Ngiti mo lang ang nakikita ko Baguhin man ang silid Natatakot ako'ng bumitaw. Ayoko'ng matapos yung kanta at kung pwede lang ihinto na yung oras. Ganito nalang kami bago bumalik yung sapi sa utak ng kumag na to. Walang papantay sayo. Maging sino man sila. Ikaw ang araw sa tag-ulan At sa maulap kong umaga. Hindi ko na itatanggi. Kakaiba na yung nararamdaman ko para kay Keifer. Pero kasabay ng pag-amin ko sa sarili ko yung takot. Takot sa marami'ng bagay. Walang sagot sa tanung kung bakit ka mahalaga Walang papantay sayo Bigla nalang sinabayan ni Keifer yung kanta dahilan para mas bumilis pa ang tibok ng puso ko. "Walang sagot sa tanung kung bakit ka mahalaga Walang papantay sayo, maging sino man sila." Natatakot ako'ng ipaalam sa kanya. Natatakot ako kapag nalaman nya yung nakaraan ko. Natatakot ako baka gusto din ako ni Yuri at maulit yung nangyari sa kanila. Natatakot ako na baka gusto rin nya ko. Pero mas natatakot ako na baka ma-reject ako. Lalong lumalakas at bumibilis yung tibok ng puso ko. Ayokong marinig nya yun kaya naman bahagya ako'ng lumayo pero laking gulat ko ng bigla nya'ng hawakan ang batok ko at itulak ako palapit sa kanya. Nakakabingi! Hindi ng music kundi ng tibok ng puso ko. Sya lang ata ang nakakagawa nito sakin. At sya lang din ang humalik sakin na nagpayanig sa buo kong pagkatao. Sinubukan kong pumalag, ayoko'ng mahuli nya yung nararamdaman ko sa kanya. Pero naging dahilan lang yun para lalu nya'ng laliman ang halik sa akin. Unti-unti nya'ng ginalaw ang labi nya. Para'ng may sariling isip ang labi ko at sumabay sa pag-galaw nito. Hindi kapareho ng ginawa ni Keifer sakin dati sa P.E, yung halik nya ngayon. May kakaiba. Walang sagot sa tanung kung bakit ka mahalaga Walang papantay sayo Walang sagot sa tanung kung bakit ka mahalaga Walang papantay sayo Maging sino man sila Walang sagot sa tanung kung bakit ka mahalaga Walang papantay sayo Maging sino man sila Walang sagot sa tanung kung bakit ka mahalaga Walang papantay sayo Maging sino man sila Walang sagot sa tanung kung bakit ka mahalaga Walang papantay sayo Maging sino man sila Bahagya sya'ng humiwalay kaya naman kinuha ko yung pagkakataon para maghabol ng hininga. Gusto kong magsalita sya, gusto ko'ng sabihin nya ang ibig sabihin ng ginawa nya. Pero nanatili sya'ng tahimik. "Eewww... Kuya, why did you kiss that girl?" Pagkasabi ng kung sino non. Reality slap us so hard. Naglayo agad kami ni Keifer at napatingin sa ibang direksyon. Nakita ko si Ci-N, nakatingin sya sakin at nakangiti ng nakakaloko. Shit! Nawala sa isip kong kasama namin sya, syempre makikita nya yung ginawa namin. "Let's go home Kuya." Aya ni Keiren. Mukang sya rin yung nagsalita kanina bago kami maglayo ni Keifer. "Y-yeah... L-let's go home." Naiilang na sagot nya. Bigla'ng naging awkward yung awra sa pagitan naming lahat. Hindi ako makatingin kay Keifer. "U-uuwi na rin k-kami ni Ci-N." Sabi ko bago maglakad palapit sa luko'ng wagas kung makangiti sakin. "Nakita ko yun..." Bulong nya sakin. Tinignan ko sya ng masama. Kainis! Hinatak ko na si Ci-N papunta sa exit ng event. Sakto namang paglabas namin yung paglabas nila Keifer. Nagkatinginan kami. Agad ako'ng umiwas at sinenyasan sila'ng mauna na. "M-mauna na kayo'ng lumabas." Sabi ko. "N-no... Y-you go first." Sagot nya sakin. Bigla nalang lumakad si Keiren at Ci-N palabas. "Lalabas nalang dami pang arte." Bulong ni Keiren pero obvious naman na pinaparinig. Hindi na kami nagsalita. Sumunod na kami dun sa dalawa. Dahil wala naman kaming sasakyan, didiretso sana kami ni Ci sa sakayan ng taxi. "J-jay..." Tawag sakin ni Keifer. "...S-sumabay na kayo samin." A-ayoko... Gusto kong tumanggi, kasi nga.... BASTA KASI NGA! Pero ang kolokohan ng Ci-N bigla nalang naglakad palapit kila Keiren. "Sumabay na tayo... Mahirap ng sumakay ng ganto'ng oras." Sabi nya. Hindi yata nakakahalata ang bata'ng to! Pero tama naman sya, ginabi na kami kaya mahirap ng sumakay. Kaya kahit ayoko. "S-sige." Naglakad na kami papunta sa parking. Iba'ng kotse yung dala ni Kiefer. Hindi kagaya nung lagi nya'ng ginagamit. Binuksan ni Keiren yung passenger seat para sana sumakay pero bigla nalang binitbit ni Ci-N yung bata at pilit sinakay sa backseat. "Dito tayo!" Sabi pa nya at pilit ipinasok si Keiren sa backseat. Kahit si Keifer naguluhan din sa ginawa nya. Naku Ci-N!! Napilitan ako'ng sumakay sa passenger seat. Sa bintana lang ang tingin ko. Tahimik lang kami. Walang kumikibo at tanging ang paghilik lang ni Keiren ang musika na naririnig namin. Nakatulog na kasi sya. Si Ci-N ang una'ng hinatid namin. Kala ko pagbaba nya magsasalita na si Keifer. Pero naging tahimik pa rin sya. Tikom ang bibig at sa daan lang ang focus nya. Pagtapat sa gate namin. Hindi ko alam kung baba na ba ko o magpapasalamat muna. Hindi ako makagalaw at gusto ko sana'ng marinig ang sasabihin nya. "J-jay.." basag ni Keifer sa katahimikan. Hinintay ko yung sasabihin nya. "...A-andito na tayo sa inyo." Pffffttt... Alam ko! Wala kana bang ibang sasabihin? "Ahh.. o-oo nga. S-salamat sa paghatid." Sabi ko at akma'ng bubuksan na yung pinto ng marinig ko sya'ng para'ng bumulong. "A-anu yun?" "Ha?" Taka nya'ng tanung. "Ha?" Balik kong tanung. "Anu yun?" "A-akala ko may sinabi ka." Sagot ko. "W-wala.." Nag-nod nalang ako at tuluyan ng binuksan yung pinto para lumabas. Pagsara ko, bigla nalang lumabas si Keifer at tinignan ako. "G-goodnight..." Sabi nya. Bumaba ka lang para mag-goodnight?! "Goodnight din." Balik ko sa kanya. Naglakad na ko papasok sa gate. Pagbukas ko, nagulat nalang ako ng may humawak sa braso ko at pihitin ako paharap sa kanya. La! Bakit na naman?! "A-anu... K-kasi..." Sabi ni Keifer. Sabihin mo na... "May problema ba?" Tanung ko. Bigla nalang nya kong hinalikan ng mabilis sa noo at nagtatakbo pabalik sa kotse nya. Agad nya'ng pinaharurot yun paaalis. Naiwan ako'ng naka-tanga at naka-nga-nga. Pvta! Kakaiba magpakilig tong kumag na to! 

 

 

Chapter 95 Flashlight Jay-jay's POV

 

 Yung ilang araw ka ng hindi makatulog sa hindi mo maintindihan na dahilan. Wala ka nama'ng iniisip na kung anu basta hindi ka lang makatulog. Kagaya ngayon, gusto'ng gusto ko ng matulog pero hindi ako makatulog. Wala naman ako'ng ibang iniisip. Talaga ba? Oo na! Meron na! Kainis kasi tong Hari ng mga Ulupong! Lakas maka-baliw at maka-aning. May sometimes na yata ako sa utak. Kinuha ko yung phone ko at pinanuod ulit yung video. Yung performance nila Keifer nung Festival. Gusto ko lang panoorin tapos papatayin ko na ulit. Kung DVD lang to, gasgas na to sakin. Ilang araw ko na kasi tong ginagawa. Bigla nalang tumunog yung phone ko at lumabas yung battery low sign. Pvta! Ngayon pa talaga! Napilitan ako'ng tumayo at kuhanin yung charger nitong PESTE'NG CELLPHONE na to. Ngayon pa talaga sya na-lowbat? Pagka-saksak ko bigla nalang namatay lahat ng ilaw at pati AC namatay din. Wala'ng kuryente?! "Aba!" Sabi ko. Napilitan ako'ng bunutin yung charger. Anu pa nga bang gagawin ko? Edi tumanga, hindi ko na mapapanood yung video. Gusto ko pa nama'ng mapanuod. Asar naman! Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Merong bagong gudget ngayon na tinatawag nilang Power Bank. Wala nga lang ako nun. Meron lang ako'ng kilala'ng meron. Si Aries! Dahan-dahan kong binuksan yung pinto. Naririnig ko yung boses nila Aries at Kuya Angelo sa sala kausap yung mga maid. Naglakad ako papunta sa kwarto ni Aries. Nakabukas yung pinto, sa study table nya ko una'ng lumapit. Kailangan kong bilisan ang kilos ko. Ayaw nya ng pinakiki-alaman yung gamit nya. Tepok lamok kapag nahuli! Dahil madilim, wala ako'ng masyado'ng makita. Liwanag lang kasi galing sa emergency light yung ginagamit ko na nasa labas pa ng kwarto ni Aries. Hanap lang ako ng hanap hangang sa may liwanag na tumapat sa study table ni Aries. Natigilan ako, katapusan ko na kasi. Napalingon ako sa ilaw na nasa likod ko. Galing yun sa flashlight sa phone na hawak-hawak ni Aries. Kahit madilim alam kong masama ang tingin nya sakin. "Labas!" Sigaw nya. "T-teka lang... Peram ako nung power bank mo." Paki-usap ko. "Ayoko!" Mabilis nya'ng sagot at bigla nalang ako'ng tinulak palabas ng kwarto nya. Naglakad ako'ng bigo pabalik sa kwarto ko pero huminto ako. Yayamanin si Kuya Angelo, alam kong meron sya nun. Tumakbo ako papunta sa sala kung saan ko naririnig yung boses nya. "Kuya..." Tawag ko sa kanya. "...peram naman ako'ng powerbank mo." "Naiwanan ko sa office." Mabilis nya'ng sagot. Naku naman! "Ay.." sabi ko at napilitan ako'ng bumalik sa kwarto ko. Bigo ako'ng humiga sa kama. Gusto ko pa naman marinig yung kanta'ng secret. Kainis! Kainis! Kinuha ko yung flashlight sa drawer ng bedside table. Binuksan ko yun at pinatay ulit. Bukas, patay, bukas, patay, bukas, patay, bukas, patay, bukas at patay. Paulit-ulit kong ginawa yun hangang sa meron masama'ng hangin na pumasok sa utak ko----charot! Bigla ko kasing naisip yung ginawa ni Keifer at Yuri sakin. "Ibig sabihin ba nun, gusto nila ko?" Bulong ko sa sarili ko. Kasi imposible'ng manghalik ang isang tao kung hindi nya gusto yung hinalikan nya. Hindi sa naga-assume ako, pero naga-assume na talaga. Hindi kinumpirma ni Yuri yung sa kanya at wala din nama'ng sinabi si Keifer. Panu nalang kung.... "Panu nga kung may gusto sila sakin?!" Shock na sabi ko. Alam kong muka ako'ng timang dahil kinakausap ko yung sarili ko pero kailangan kong malinawan. Pero panu nga kung meron? Mauulit na naman yung nangyari sa kanila nila Ella dati. Minsan ng nasabi sakin ni Ci-N na nag-away yung dalawa sa room. Halos lumpuhin ni Keifer si Yuri dahil sa galit. Nasira din ang pagkakaibigan nila. Bumalik lang sila sa ayos nung lumipat na si Ella ng ibang Section pero naging dahilan naman yun ng sigalot kila Aries at Keifer. I will assume that both of them like me. Gusto ko si Yuri pero hindi kagaya ng pagkagusto ko kay Keifer. Shit! Story repeat! Anu nalang mangyayari kay Yuri kapag nalaman nya'ng gusto rin ako ni Keifer? Kawawa naman sya pagnagkataon. Pero hindi pa naman ganun ka-strong yung nararamdaman ko kay Keifer. Baka pwede pang-magbago yun. Pero sya naman ang masasaktan kung si Yuri naman ang gusto ko at baka maghurumintado na naman sya. Kahit sinong piliin ko, makakasakit at makakasakit ako. Anu kaya kung wala? TAMA! Kung wala ako'ng pipiliin sa kanila. Walang masasaktan, hindi na kawawa si Yuri at hindi na maghuhurumintado si Keifer. Pero ako naman yung kawawa. Pigilan ang nararamdaman! Tama! Tama! Tama! Hanga't maaga, hanga't hindi pa strong ang feelings pigilan na. Kung tutuusin paga-assume pa naman lahat ng ito. Pero kung gagawin ko to hanga't maaga walang masasaktan. Kahit ako hindi masasaktan. Yun nalang ang gagawin ko. Kahit hindi pa ko sigurado sa feelings nung dalawa sakin, lalayuan ko na sila. "LAYUAN!!" sigaw ko habang nakataas ang kamay kong may hawak na flashlight. Bigla nalang bumukas yung ilaw at AC. Tignan mo nga naman! Nananadya yata ang penelco or meralco. Sinaksak ko na yung charger ko. Naisip kong kumuha muna ng tubig. Nauhaw ako sa ginawa kong pag-iisip at paga-assume. Nasa kusina din si Kuya at umiinom ng tubig. "May kausap kaba sa kwarto mo?" Tanung nya sakin. "W-wala... Bakit?" "Narinig kasi kita'ng nagsasalita." "Wala yun... Kinakausap ko lang yung sarili ko." Sagot ko sa kanya. Bigla nalang nya kong tinignan na para'ng iniisip kung baliw na ko. "..Oh! Hindi ako baliw!" Dagdag ko. Alam ko kasing ganun na yung iniisip nya. OA din kasi tong si Kuya minsan. Hinayaan muna nya ko'ng makainom ng tubig bago magsalita. "You need to visit a pshychiatris." Bigla'ng sabi nya na nagpahinto sakin. Agad agad?! "La! Kuya! Matino ako! May iniisip lang ako----" "Hindi tungkol don!" Putol nya sakin. "...Remember the incident when you were 9 years old?" Natigilan ako. Yun na naman ba? Akala ko naka-move on na sila don. "A-ayoko... N-natatakot ako." Sagot ko sa kanya. "I know... Pero kailangan mo ng harapin yung kinakatakutan mo." Sabi nya at lumapit sakin. "...Ang lakas ng loob mong humarap sa away pero natatakot kang harapin yung nakaraan mo." "Kasi..." "Kasi? Natatakot ka na baka totoo yung sinasabi namin sayo?" Tanung nya sakin. Tumango ako. Natatakot talaga ko. Natatakot ako'ng malaman kung totoo nga na sinasaktan nila ko nun. Nung mga naging asawa ni Mama. Tapos bigla kong naalala si Tony dela Cruz. Yung lumapit sakin dati at nagpakilala'ng naging asawa ni Mama. Niyakap ako ni Kuya at hinimas yung buhok ko. "Andito naman kami para sayo." Yumakap din ako sa kanya. Minsan iniisip ko na sana si Kuya Angelo nalang yung kapatid ko. Kahit naman takot ako sa kanya pinaparamdam nya pa rin na mahalaga ako. Wag nga lang nya'ng hahatakin ang patilya ko. Masakit kasi! Bumitaw na si Kuya sa pagkakayakap kaya ganun na din ang ginawa ko. "Matulog kana. May pasok pa bukas." Utos nya. Ngumiti naman ako sa kanya at nag-nod. "Goodnight Kuya!" "Goodnight din!" Sagot nya sakin. Paglabas ko ng kusina nakita ko si Aries, nakatingin sya sakin pero para'ng may mali sa kanya. Malungkot yung mga mata nya. Nung na-realize nya'ng nakatitig ako sa kanya agad sya'ng umiwas at nagtuloy sa pupuntahan nya. Nagkibit balikat nalang ako. Baka kasi meron sya'ng iniisip. O kaya naman nag-away sila ni Ella. Pagpasok sa kwarto, agad kong tinignan yung phone ko. Meron text galing kay Yuri. From: Yuri Message: Kamusta? Simula nung bakasyon lagi nalang nya kong tine-text. Nagre-reply naman ako at nakikipag-kamustahan sa kanya. Alam ko nasa Japan sya ngayon. Pinauwi daw sya ng mga magulang nya. Re-replyan ko sana sya pero naalala ko yung sinabi ko kanina. Layuan... Binura ko nalang yung text nya. Sandali ko pang tinignan yung ibang text message sakin ng may dumating na panibago. Unknown number. From: +639********* Message: This is Percy. Magkita tayo bukas after school. Itetext ko sayo kung saang lugar. Halos mabitawan ko yung cellphone sa pagkabigla. Nung isang araw ko pa hinihintay ang tawag nya. Muntik na kong mawalan ng pag-asa. Nanginginig pa ang kamay ko sa pag-sagot sa text nya. To: +639********* Message: Ppnta ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Halong excitement at takot yung nararamdaman ko. Ang dami kong tanung sa kanya ang dami kong gusto'ng malaman. Hindi rin nakaligtas sakin na baka sya yung Kuya ko na pina-umpon ni Mama sa iba. Marami'ng naglalaro sa utak ko pero masasagot na yun bukas. Gusto ko ng mag-umaga. Gusto ko klase na namin at patapos na. Gusto ko'ng pabilisin yung oras at gusto ko ng makaharap si Percy. Panu kung tama lahat ng hinala ko?! 

 

 

Chapter 96 Deal Jay-jay's POV

 

 Panay ang tingin ko sa cellphone ko. Bukod sa tinitignan ko yung oras, tinitignan ko din kung nagtext na si Percy. Pero wala ako'ng makita na bago sa phone ko. "Kinakabahan kaba?" Mapang-asar na tanung ni Ci-N. Akala nakalimutan na nya yung usapan namin. Tungkol sa 100 na score nya. Kampante'ng kampante sya na makakakuha sya nun. "Hindi... May iniisip lang ako." Sagot ko sa kanya. "Iniisip mo kung panu sasabihin at hahalikan yung type mo?" Tanung nya habang tumataas baba ang kilay. Ay punyemas... Ngayon ko lang naalala na ganun nga pala yung kasunduan namin. Oo nga, panu ko gagawin yun? Wala pa naman yung result, baka pwede ko pang bawiin yung Deal namin. "Ci.." tawag ko sa kanya. "..Alam ko namang matalino ka. Tanggap ko ng makaka-100 ka." Sabi ko habang nakangiti. Ngumiti sya ng nakakaloko. "Hindi mo ko mauuto... Ang usapan ay usapan." Kingina! Wala na kong lusot. Hindi na ko pwede'ng umatras. Kainis naman! Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Yung number 1 lang. "Punta muna ko CR." Paalam ko kay Ci-N. Hinayaan naman nya ko. Mabilis ako'ng tumakbo papunta dun at kagaya ng lagi kong ginagawa. Sinisilip ko lahat ng cubicle at binibilisan ko din ang kilos ko. Naglakad na ko pabalik at sakto nama'ng nakasabay ko pa si Drew. Classmate namin. Tinignan naman nya ko at nginitian. Ganyan naman yan, sa 16 na classmate ko sila-sila ni Josh at Blaster yung tahimik. Minsan nakikipag-talo sakin pero madalas taga-obserba lang sila. "Jay..." Tawag nya sakin. Bigla sya'ng huminto kaya naman huminto din ako. "..., pwede ba kong humingi ng favor?" Ngumiti naman ako sa kanya at nag-nod. Napahimas sya ng batok. "Kasi Jay... A-alam kong nakakahiya pero kailangan lang eh." "Anu ba yun? Hanga't kaya ko tutulungan kita." "P-pwede ba kong... Pwede ba kong manghiram ng pera sayo?" Anu? Nabinggi yata ako!---charot! "A-anhin mo yung pera?" Alanganing tanung ko. "Kailangan lang eh." "Magkanu?" Tanung ko. "5,000" mabilis nya'ng sagot. La! Aabot kaya yung pera ko dyan?! "K-kelan mo kailangan?" Anu ba tong pinasok ko? Hindi naman ako yayamanin. Pag-talaga usapa'ng pera para'ng ayaw umandar ng utak ko. "This week sana." Hindi ko alam kung aabot yung pera ko. May naitabi naman ako plus yung allowance ko. Pero syempre baka magkaroon ng biglaang gastos. Tss. Bahala na nga! "Sige... Bigay ko sayo tom or next day." Sabi ko. "Salamat Jay!" Sabi ni Drew at ngumiti sakin. Wala namang masama kung magpahiram ako. Kailangan naman nung tao. Sabay na kami'ng naglakad pabalik sa Room. Napatingin ako kay Keifer. Busy sya sa pakikipag-usap kay Yuri. Bigla nalang sya'ng napatingin sakin kaya agad ako'ng umiwas. Layuan! "Lumabas na yung result!" Sigaw ng kung sino mula sa pinto. Ayan na! Nalintikan na! Naglabasan na yung mga luko. Ayoko sana'ng tignan yung mga grade pero syempre kailangan ko. Nakisabay ako sa kanila. Napatingin ako kay Ci-N na sobra'ng lapad ang ngiti sakin. Pero kapit lang, malakas ang paniniwala kong hindi makaka-100 si Ci-N. Kagaya dati nagkakagulo na naman sila sa harap ng bulletin board. Naki siksik ako'ng pilit para makita agad yung grade ko. Woah! Box out men! Hindi naman ako nabigo, salamat sa tactics ng pagsingit at siko. Pangalan ko agad ang hinanap ko. Jasper Jean Mariano........................84.50 Hindi na masama! Pwede na to kesa naman sa pasang-awa. Syempre ang sunod kong hinanap yung pangalan ni Ci-N. Ci-N Peralta......................................100.00 Hala! Dalawa'ng beses kong tinignan. Sinundan ko din yung katapat na guhit. Punyeta! 100 talaga. Shooooot! Umuwi na kaya ako ngayon? May pagkakataon pa naman ako. Busy sila'ng lahat sa pagtingin ng grades nila. Hindi nila ko mapapansin kapag umalis ako. Kayalang hindi na pala pwede. Katabi ko na yung gusto kong takasan at ang lapad na ng ngiti nya sakin. Tumataas baba narin ang kilay nya. "Naniniwala kana?" Tanung nya. "H-hindi..." Mabilis kong sagot at agad na naglakad paalis. Kailangan kong tumakas! Pilit ako'ng umalis sa kumpulan ng mga tao. Ng makalayo sandali ako'ng naghabol ng hangin. Amoy digmaan kasi doon. Maaga pa naman, bakit nag-aamoy putok na sila? "Are you okay?" Tanung sakin ni Yuri. Hindi ko namalayan na nakalapit na sya sakin. Sabi ko pa man din layuan. "O-oo... Balik na ko sa room." Sabi ko at mabilis na naglakad palayo. Babalik talaga ko sa room. Kukunin ko yung bag ko at mag-cutting classes ako. Ayoko'ng gawin yung deal namin ni Ci-N. Anu sya, swerte? Hindi pa ko nakakalagpas ng main building ng makita ko si Rakki. Kinawayan nya ko at nginitian. "Hi Rakki!" Balik kong bati sa kanya. "Nakita mo na grade mo?" Tanung nya. Nag-nod naman ako. Magpapa-alam na sana ako sa kanya ng may bigla ako'ng maalala. "Naging classmate mo si Ci-N diba?" Tanung ko. Mabilis sya'ng nag-nod. "First year hangang kalagitnaan ng second year." "Kamusta naman yung grade nya?" Tumahimik sya at sandali'ng nag-isip. Nag-cross arm pa sya at tumingin sa malayo. "Hindi ako sigurado kung anu'ng university yun..." Bulong nya. Ha? Grade yung tinatanung ko, hindi university. "...Harvard yata yun or Oxford... Basta isa dun sa dalawa ang nagpadala ng letter sa kanya at sinasabi'ng pwede na sya'ng pumasok dahil pasok sya sa requirements nila. Libre pag-aaral at tirahan." Paliwanag nito. Anu ulit? Sinasabi nya ba na kinukuha na si Ci-N bilang college student? "...Ganun sya katalino. Qualified na sya as college student. Nataasan pa nga nya yung dati'ng Top 1 ng Section A." Dagdag pa ni Rakki. Ganun katalino si Ci-N? Pero anu'ng nangyari bakit plakda sya nung nakaraan at bakit hinayaan ng school ang kagaya nya na mabulok sa Section E? May bigla'ng tumawag kay Rakki kaya agad sya'ng nagpaalam sakin at umalis na. Bumalik ako sa room na sobra'ng mangha kay Ci-N. Sobra pala ang talino nya, mani'ng mani lang sa kanya yung exam. Nawala na sa isip ko yung balak ko'ng pagtakas. Naunahan ako ng mga luko sa room. "Jay-jay..." Mapang-asar na tawag sakin ni Ci-N. Napakamot ako ng ulo. "P-pwede'ng bulong ko nalang sayo?" Umiling sya habang nakangiti. Daig pa nya si Joker sa pag-ngiti nya. "Sabihin mo na..." Pagtutulak nya. Iihh... Ayaw... "Hoy Ci-N! Inaaway mo ba si Jay-jay?" Inis na tanung ni Kit ng mapansing nakasibangot ako. Lumapit na tuloy samin yung iba at naki-usyoso na. Sabihin ko kaya'ng oo? "Inaaway kaba nya Jay?" Tanung sakin nila Calix. Sasagot na sana ako pero si Ci-N na ang gumawa nun. "Hindi no! Meron lang kasi'ng ia-announce tong si Jay-jay!" Sagot nya sa kanila habang nakangiti pa rin ng nakakaloko. Asar naman ih! Pati sila Keifer at Yuri napatingin na rin samin. Buong Section E na yung nag aabang ng announcement---ko daw. "Bubulong ko nalang sayo..." Pagpipilit ko pero hindi pumayag ang luko. "Anu ba kasi yun? Wag mo'ng pilitin si Jay-jay kung ayaw." Sabi ni Eman. "Usapan kasi namin yun... Kapag naka-100 ako, aaminin nya kung sino'ng type nya sating lahat at iki-kiss nya." Paliwanag nya sa mga luko. Bigla nag-iba itsura nila Keifer at Yuri. Para sila'ng nainis na ewan. "Yun lang pala... Wag kana mahiya Jay. Alam ko namang ako yung type mo. Halik na." Sabi ni Rory habang nakaturo sa pisngi nya. "Jay... Alam mo namang may Mica na ko. Pero kung mapilit ka, halik na." Sabi ni Calix habang nagpapa-pogi sa harap ko. "Ang titigas ng muka nyo! Obvious naman na ako yun! Kaya nga nya ko tinulungan sa Resto eh. Diba?" Sabi ni Eman. "Ang kapal! Ang kapal! Ang kapal! Nagsasaya'ng lang kayo ng laway! Ako yun, halik na Babe!" Sabi naman ni Eren habang nags-slow clap. "Mahiya kayo! Inuunahan nyo yung tao. Alam naman natin, na ako yun!" Singit ni Kit. "Jay! Selosa si Grace, umamin ka nalang. Wag mo na kong halikan." Sabi ni Denzel. "Jay... Diba ako yun?" Sabi ni Josh habang nakaturo sa sarili. "Mga mapag-panggap! Para lang hindi kayo mapahiya, ipipilit nyo yung sarili nyo! Alam naman natin na ako yun!" Sabi ni Edrix habang pinagmamayabang yung muscle nya. "Ang gusto ni Jay yung hindi sakit sa ulo! Kagaya ko!" Sabi ni Blaster. "Lagi ako'ng binibigyan ng pagkain ni Jay-jay! Kaya ako yun!" Pilit ni Felix. "Wag nga kayo'ng mag-away! Pare-pareho naman kayo'ng mali! Ako kaya yun!" Pakikisali ni Ci-N. "Pinapahirapan nyo lang si Jay-jay! Hayaan nyo'ng sabihin nya na ako talaga yun!" Sabi ni Drew. "Muka kayo'ng timang! Panu nya sasabihin sa inyo na ako yun?! Kung singit kayo ng singit!" Sigaw ni Mayo sa kanila. Classmate din namin na ninja. Lagi kasi'ng nawawala. Ang galing! Saulado ko na yung mga pangalan nila! "Hayaan nyo kaya'ng magsalita si Jay-jay!" Sigaw ni Keifer na umagaw ng atensyon ko. "Oo nga!" Gatong ni Yuri. Pagtingin ko sa kanila. Nasampal ko nalang ang sarili kong noo. Akala ko kasi hindi sila makikisali pero dinaig pa ng kayabangan nila yung kayabangan nito'ng mga to. Naka-upo si Keifer sa lamesa at naka-pose na para'ng model ng kung anu'ng clothing line. Nakasandal naman si Yuri sa pader at bukas ang polo. Naka tingin sa malayo at kagat labi pa ang effect. Hindi sila nagsasalita pero porma pa lang bagyo na. Napapailing nalang ako sa kakapalan ng pagmumuka ng mga to. Pero wala ako'ng balak aminin kung sino'ng type ko sa kanila. Kanina ko pa pinag-iisipan to. Huminga ako ng malalim at sinenyasan sila'ng tumahimik. "Sasabihin ko na!" Agad na pumorma ang mga luko at umayos ng tayo. Bahagya ako'ng umatras at pumwesto sa may table ko. Daliri lang ang ginamit ko sa pagturo at tumutukoy yun sa taong hindi sumali sa kaguluhan na to. Mga wala sila'ng reaksyon. Bahagya ko'ng kinalabit ang natutulog na David. Pagbangon ng ulo nya, tinignan kagad nya ko. "J-jay..." Sabi nya. Mabilis ang naging kilos ko. Bago pa nya muling idukdok ang ulo nya. Agad ko sya'ng hinalikan sa pisngi dahilan para mawala ang antok nya. "Para saan yun?" Tanung nya. "Mamaya ko nalang papaliwanag sayo." Bulong ko. Bahagya ako'ng lumayo sa kanya at hinintay ko yung sasabihin nila'ng lahat. Yun nga lang nakay David parin ang tingin nila. Pati muka nila Keifer at Yuri wala ding reaksyon hangganga sa... "KUYUGIN SI DAVID!" Sigaw ng kung sino at agad sila'ng tumakbo palapit dito. "Shit!" Sigaw ni David at mabilis sya'ng umiwas. Hindi ko na napansin kung saan saan sya tumalon para lang marating yung pinto at makatakbo palabas. Pero hindi pa rin sumuko ang mga ulupong at hinabol pa rin sya. Naiwan ako'ng mag-isa, pati kasi sila Yuri at Keifer naki-habol-habol na rin. Mamaya nalang ako mags-sorry kay David. Narinig kong tumunog yung Phone ko. Agad kong kinuha yun sa bag para tignan. Text message galing sa unknown number. From: +639******** Message: Sa Mall, sa fountain sa tapat ng ice cream parlor. Alam kong si Percy to kaya naman bumalik yung kakaiba kong nararamdaman kanina. Gusto ko ng mag-uwian. Masasagot na yung mga tanung ko. Author's Note: Basta Blue Eyes sya... Makisama kayo. Hahahaha Percy Rey---Mariano? Or Collins? 

 

 

Chapter 97 Answers Jay-jay's POV

 

 "Ayos ka lang ba?" Tanung sakin ni Ci-N. "Okay nga lang ako... Pang-sampu mo na ata'ng tanung yan?" Sagot ko sa kanya. "Kasi naman... Kanina kapa hindi mapakali at panay din ang tingin mo sa oras." Buhat kasi ng marecieve ko yung text. Hindi na ko mapakali at para'ng may kung anu sakin na gusto ng umuwi. Kinakabahan din ako at nae-excite. Pakiramdam ko sobra'ng bagal ng oras. Napatingin ako kay David na hinihimas ang ulo nya. Pilit din nya'ng minamasahe ang braso nya. "David..." Tawag ko sa kanya. "...Sorry ah? Ikaw tong napagdiskitihan nila." "Ayos lang... Medyo masakit nga lang yung katawan ko." Sagot nya sakin at ngumiti. "Babawi nalang ako sayo next time." Bigla nalang dumamba si Ci-N sa lamesa ko. "Anu yang usap-usap na yan? Wag kayong nag-uusap!" Utos nya samin. Tinignan ko sya ng masama. Para kasi sila'ng mga aning. Pagbalik nila dito sa room pilit nilang pinapalayo si David ng upuan. Ayaw naman sila'ng intindihin nitong isa. Buti na nga lang hindi sya nagalit sakin. Nahihiya tuloy ako sa kanya. "Jay! Sama ka samin mamaya." Aya sakin ni Kit. "..Kakain kami ice cream." Ice cream!! � � Gusto ko! Gustong gusto ko, kayalang may mas mahalaga ako'ng lakad. "H-hindi ako pwede eh." Sagot ko sa kanya. "Bakit? May pupuntahan ka?" Tanung ni Ci-N at bigla nalang tinignan ng masama si David. "...May lihim ba kayo'ng lakad nito?" "Wala." Bored na sagot ni David. "May importante ako'ng pupuntahan." Sagot ko. "Saan? Pwede ba kong sumama?" Tanung ni Ci habang naka-pout. Umiling ako dahilan para mag-puppy eyes sya. Hindi tatalab sakin ngayon yan. Pasensya na. "Hindi eh... Sarili ko kasing lakad yun." "Hindi naman delikado yang pupuntahan mo?" Tanung ni David. "Hindi naman... Makikipag-kita lang ako sa kakilala." Nag-nod lang sya sakin bilang pagtanggap ng sagot ko. Pero hindi kumikibo si Ci-N at Kit. Malakas ang pakiramdam ko na may iniisip na kalokohan tong dalawa. Tumunog yung bell, indikasyon ng uwian na. Kaya eto ako, mabilis na niligpit yung gamit ko. "Mauna na ko sa inyo! Bye!" Sigaw ko habang naglalakad palabas ng room. Hindi ko na narinig ang mga sinabi nila. Lakad takbo ang ginagawa ko makarating lang agad sa gate ng school. Pagdating dun, pumara kagad ako ng taxi. "Sa Mall po Kuya." Sabi ko sa driver pagka-sakay ko. Hindi ko mapigilan yung excitement na nararamdaman ko. Pero pakiramdam ko ayaw makisama ng mga tao sakin. Dahil rush hour ngayon. Ayun! Traffic. Argh! Anu ba?! Panay din ang silip ko sa phone ko. Baka kasi nagtext na sya ulit. Sa bawat minuto na umaandar lalu'ng bumibilis yung tibok ng puso ko. Pagdating sa Mall agad ako'ng tumakbo papunta sa fountain na usapan namin. Marami'ng naka-upong tao sa gilid nun. Halos ikutin ko na yung paligid ng fountain para lang tignan ang bawat tao pero hindi ko sya makita. Agad ko'ng kinuha yung phone ko para itext sya. To: +639********* Message: Andto na ko. Asan ka? Hinintay ko yung sagot nya. Hindi rin ako tumigil sa pagtingin sa paligid at pagtanaw sa bawat taong dumadaan. Tumunog yung cellphone ko kaya naman agad kong tinignan. From: +639********* Message: New location. Quantum Garden sa dulo ng mall. Hindi na ko nagsayang ng oras. Agad ako'ng tumakbo papunta don. Kung tutuusin halos labas na ng mall yung garden na yun. Medyo malayo pero wala ako'ng paki. Pagdating don, close sign ang bumungad sakin. Shit! Pilit kong sinilip yung loob, baka kasi nasa malapit lang sya. Hangang sa nag ring yung phone ko. Hindi ako nag-atubiling sagutin yun. "Hello?" ["Jay..."] Sagot nya. Alam kong si Percy ang tumatawag sakin. "Asan ka? Andito ko sa entrance ng Garden!" Halos maiyak ako nung sabihin ko yun. Gusto ko na kasi talaga sya'ng maka-usap. Gusto ko ng malaman kung sino sya. ["I'm sorry... Hindi na tayo pwede'ng magkita."] Halos man-lambot ako sa sinabi nya. Bakit ngayon pa? ["...nasundan ka ng mga kaibigan mo. Hindi maganda'ng makita nila ko."] Agad kong niligid yung tingin ko. Kakaunti lang ang tao sa part ng Mall na to. Wala ako'ng makita na taga-HVIS pero hindi nakaligtas sakin si Ci-N na pilit nagtatago sa likod ng poste. "Lilipat ako ng lugar! Sa hindi nila masusundan!" Pagpipilit ko. Kusa nalang bumagsak ang mga luha ko. Gusto ko na kasi talaga sya'ng makita. ["Limitado lang ang oras ko. Pero hayaan mong sagutin ko yung ilan sa mga tanung mo."] Huminga ko ng malalim. Sinubukan kong pigilan ang luha ko. "S-sino kaba talaga?" ["I knew you'll ask that. Gusto ko sana'ng personal na sabihin to. Pamilyar kaba sa Percy na stepbrother ni Felix?"] Pvta! "O-oo... P-pero patay na yun." ["Hindi sya patay at... Kausap mo sya ngayon."] Tuluyan ng umagos yung luha na pinipigilan ko. Hindi ako makapaniwala. Yung tao'ng iniisip ng lahat ng patay, eto at kausap ko. Lalu lang nadagdagan ang mga tanung ko. Pero gusto ko'ng malinawan sa isa'ng bagay. "I-ikaw ba ang Kuya ko?" Sandali'ng tumahimik sa kabilang linya. Tinignan ko pa kung naputol na yung tawag pero hindi naman. ["Jay... Matagal mo ng nakaharap ang Kuya mo."] Anu'ng ibig nya'ng sabihin dun? Lalu lang nya'ng ginugulo yung isip ko. "H-hindi ko maintindihan!" ["Jay! Niloloko ka ng mga tao sa paligid mo!"] May halong inis ang boses nya. ["...wala ako sa lugar para sabihin----"] *Toot* *Toot* Tang'na! Ngayon pa talaga! Pilit kong tinawagan ulit yung number pero nakapatay na. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Alam kong nasa paligid lang sya. Andito pa sya! Tinignan ko yung paligid. Lakad takbo yung ginagawa ko at kahit halos wala na kong makita dahil sa luha ko hindi ako tumigil. Pinagtitinginan na ko ng ilan sa mga tao'ng nakakita sakin. Wala ako'ng pakialam sa kanila. Kailangan kong mahanap si Percy. Hangang sa may bigla nalang humawak sa braso ko. Keifer. "Bitiwan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko. Hindi sya bumitaw at lumapit na rin samin sila Ci-N. "Anu'ng nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" Seryoso'ng tanung ni Keifer. Tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Sila ang dahilan kaya hindi nagpakita sakin si Percy. Dahil sinundan nila ko. "Ikaw! Kayo! Kayo ang problema ko! Bakit pa kasi kayo nagpunta dito? Bakit nyo ko sinundan?" Galit na tanung ko sa kanila. "Jay.. huminahon ka. Anu bang nangyari?" Tanung sakin ni Yuri. Kusa nalang ako'ng napa-upo sa sahig. Ayoko'ng umiyak sa harap ng iba pero sa sobra'ng inis ko hindi ko na napigilan. "Hindi sya nagpakita sakin kasi sinundan nyo ko!" "Sino?" Tanung ulit ni Yuri. Pinipilit kong huminahon pero lalu lang nadadagdagan ang inis ko sa ginagawa nila. "Si Percy! Hindi sya nagpakita kasi sumunod kayo sakin!" Tumahimik sila at kahit wala sila'ng sabihin alam ko'ng nagtataka sila. "S-sinong Percy?" Tanung ni Felix. "Yung... Yung stepbrother mo!" Ayoko sana'ng sabihin dahil alam kong gugulo lang yung sitwasyon. Pero sobra'ng bigat talaga ng nararamdaman ko. "Jay... He's already dead----" I cut Keifer. "Hindi! Hindi! Buhay sya! Sya yung kausap ko! Sya yung laging nagpapakita sakin! Kulay blue yung Mata nya!" Sunod sunod na sabi ko. "Edrix! Rory! Humingi kayo ng copy ng CCTV footage ng Mall. The rest libutin nyo yung Mall at tignan ang bawat Exit!" Utos ni Keifer. Agad na lumakad paalis yung iba. Naiwan si Felix sa tabi ko. Ganun din sila Yuri at Keifer. "Tahan na Jay... Sumama ka muna samin." Sabi ni Yuri at pilit nya kong tinayo. Dala ng sobra'ng pagod sa pag-iyak, nawalan na ko ng lakas para pumalag pa sa kanila. Kusa nalang ako'ng sumama papunta sa kung saan. Hindi ko na namalayan na nakarating kami sa parking. Sinakay nila ko sa kotse ni Keifer. Sa bintana lang ang tingin ko. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Hangang sa huminto kami sa tabi ng daan. Puro puno ang paligid at merong police line. "Baba!" Utos ni Keifer. Ginawa ko naman at tinignan ang paligid. Nasa highway kami papunta sa mataas na lugar. Matarik ang daan at muka'ng accident prone area. Sumuot si Keifer at Felix sa police line at ganun din ang ginawa ni Yuri. Sumunod ako sa kanila. Masukal ang paligid dahil puro puno at wala ako'ng makita'ng kabahayan. "A-anu'ng ginagawa natin dito?" Tanung ko sa kanila. Tuloy-tuloy sila sa paglalakad. Pababa ang daan kaya naman dahan dahan ang naging kilos ko. Huminto kami sa tabi ng bangin. "D-dito..." Sabi ni Felix. "...Dito namatay si Percy." Nagulat ako sa sinabi nya. Tinignan ko yung paligid at kung gaano katarik yung bangin. Ilog ang babagsakan ng kung sino'ng mahulog dito. Pero mababa ang tubig kaya naman sigurado ako'ng patay ang malalaglag dito. "July 26... Four years ago." Dagdag ni Yuri. "...1 week after makalabas ni Aries sa ospital. Wala sya sa sarili at laging tulala." "...Sya nagmamaneho ng kotse nun. Umuulan at madulas ang daan. Ilang beses sinabi ni Percy na sya nalang ang magmamaneho pero hindi sya pumayag. Hangang sa nangyari na nga." Kwento pa ni Yuri. "Dalawa sila sa loob, babagsak ang kotse sa ilog. Sa halip na tulungan ni Aries si Percy, lumabas sya at hinayaang bumagsak ang kotse." Sabi ni Keifer habang nakatingin sa malayo. "Hindi na nakita ang katawan nya. Sabi nila, dahil daw sa lakas ng agos ng ilog baka daw natangay na." Sabi ni Felix. "...Hindi pumasok sa isip namin na buhay pa sya." Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Si Percy yung sinasabi nila na namatay dahil kay Aries. Pero meron ako'ng hindi maintindihan. "P-panu nyo nalaman yung nangyari?" Tanung ko kila Yuri at Keifer Tinignan nila ko pareho sa mga mata. Seryoso'ng seryoso sila. "Dahil kami ang kasama nila nung nangyari yun. Nakasakay din kami sa kotse. Maswerte nga lang kami dahil kusa kami'ng tumilapon palabas." Sagot ni Yuri. "Yun din ang araw na nagkalamat ang pagkakaibigan namin." Dagdag ni Keifer. Pagkakaibigan? Sinasabi nya ba na magkakaibigan sila dati? Pakiramdam ko lalung gumulo yung lahat. Sumasakit ang ulo at para'ng meron ako'ng naaalala sa date na binigay nila. July 26? 1 week after makalabas ni Aries sa ospital? July 19 yun. Ilang araw pagkatapos nung birthday ni Aries. Ilang araw pagkatapos mangyari yung insidente sa pagitan namin ng Tatay nya. Ilang araw pagkatapos ko'ng madiskubre yung kakaiba'ng nangyayari sakin. 

 

 

Chapter 98 Percy Jay-jay's POV

 

 Ang dami'ng picture pero iisa'ng muka lang ang nakikita ko. Muka ni Percy. "Pasensya kana ah? Tinago ko na kasi lahat ng picture nya." Sabi ng Mama ni Felix. "Okay lang po..." "Ma.. Ako nalang dito. Magpahinga na po kayo." Sabi ni Felix sa Mama nya. Ngumiti naman ito at nag-nod. Naglakad na sya paalis. Kasalukuyan kami'ng nasa bahay ni Felix. Gusto kasi nila'ng malaman kung iisa'ng Percy nga lang ba yung tinutukoy namin. Pagdating dito, nilabas lahat ng Mama ni Felix yung mga Picture nila. Bigla tuloy ako'ng nahiya. Sabi ni Felix, buha't daw ng mamatay si Percy hindi na daw naging maganda yung pagsasama ng mga magulang nila. Nauwi lang daw sa hiwalayan. Naghirap sila Felix kaya sobra'ng halaga sa kanya kung makakakuha sya ng scholarship para sa college. Mababawasan daw yun problema ng Nanay nya. Meron ako'ng nakita'ng bata'ng babae sa may pintuan nila. Nakasilip sya at nakatingin samin. Kulay Blue din ang mata nya. "Felix, sino yun?" Tanung ko. Nilingon nya yung tinuro ko. "Ah, si Dalia... Kapatid namin ni Percy." Muka'ng namana nya yung mata ni Percy. "Eto yung Tatay ni Percy." Sabi nya sabay baba ng picture sa harap ko. Foreigner yung Tatay nya. Hindi din ito yung Tatay ko. Ibig sabihin, hindi sya yung Kuya ko. Pero bakit Mariano yung gamit nya at alam nya yung tungkol sa Kuya ko. "...Eto yung huling picture nya bago mangyari yung aksidente." Dagdag ni Felix at binaba ulit yung picture. Malaki yung pinagkaiba sa kasalukuya'ng itsura ni Percy. Medyo payat sya sa pinapakita'ng picture ni Felix. "Sya yung Percy'ng nakaharap ko." Sabi ko. "So, buhay nga sya." Sabi ni Keifer habang naka-upo sa tabi ko. Para'ng naiinis sya sa sinabi ko. Hindi ko sya masisisi. Magkakaibigan sila tapos hindi pinaalam sa kanila na buhay sya. "I just don't understand... Bakit Mariano ang apilyido'ng pinakilala nya sayo. Collins ang apilyido nya." Sabi ni Yuri. Umiling ako. Dahil kahit ako, hindi ko rin maintindihan. May narinig kami'ng busina ng sasakyan sa labas. Si Felix ang tumingin kung sino yun. "Andyan na sila." Sabi nya at binuksan ng maluwag ang pinto. Pumasok si Edrix at Rory. May dala sila'ng laptop at binaba nila yun sa harap ko. "Lahat ng video'ng makikita nyo, puro sya lang ang laman." Sabi ni Edrix. Pinindot ni Keifer yung play. Sa fountain ang una'ng video'ng pinakita. May lalaki'ng nakasumbrero at polo shirt ang palakad-lakad sa video. "That's him." Sabi ni Edrix. Pa-ikot-ikot sya dun sa fountain at mula sa view ng nakuha nila, makikita'ng tumatakbo ako palapit sa fountain. Para'ng sasalubungin nya ko pero bigla sya'ng naglakad palayo. Huminto sya sa tapat ng isang tindahan at kinalikot yung phone nya. Yun siguro yung time na nagtext sya sakin. Muli sya'ng naglakad palayo at dumiretso sa isang bench at naupo. Malapit sa entrance ng Quantum Garden yung pwesto nya. Shit! Abot kamay ko na sya kanina. Mula sa pwesto nya, saglit na nahagip yung pagtakbo ko at paglapit sa entrance ng Garden. Kinuha nya yung cellphone nya at muka'ng may tinawagan. Muka'ng eto yung time na magka-usap na kami. May pagkakataon na sumusulyap sya sa pwesto ko. Nakita ko din sila Keifer at yung iba pa sa video. Nagtatago sila sa isang sulok. Ibinaba nya yung phone at halata'ng hindi sya natutuwa. Sa sobra'ng inis bigla nalang nya'ng tinapon yung phone sa basurahan at naglakad palayo. Nakita ko pa yung sarili ko na nagtatatakbo sa kung saan. Pati pagsunod sakin ni Keifer nakita ko din. Hangang sa sunod-sunod na yung paglapit ng mga Classmate namin samin. Lumipat ng view yung video at pinakita yung mga tao'ng pinagtitinginan kami. Andun sya, nakiki-usyoso sa kanila. Ang nagkumpirma sakin na sya yung naka-sumbrero at polo shirt ay yung pagharap nya sa CCTV camera bago tuluya'ng umalis. "We found this at the trash." Sabi ni Rory at inabot kay Keifer ang phone na nakasupot. Muka'ng eto yung phone na ginamit ni Percy para maka-usap ako. Pero kung tinapon na nya to, panu pa nya ko tatawagan or itetext ulit? "This make no sense." Sabi ni Keifer. "...Bakit si Jay-jay ang kinakausap nya kung nakabalik na sya? He don't even know her. Kahit nuon pa, wala namang binabanggit si Aries tungkol sa kanya!" Yun din ang hindi ko maintindihan. Bakit ako yung kinakausap nya or bakit ako yung una nya'ng nilapitan? "Unless..." Sabi ni Yuri at tumingin sakin. "...Unless his up to something." Tumingin din sakin si Keifer at Felix. Maging sila Rory at Edrix. Hindi ko maintindihan yung ginagawa nila. "B-bakit?" "Pwede'ng gamitin ka nya para makaganti kay Aries." Paglilinaw ni Yuri. A-ako? Bakit nya gagawin yun? Nasuklay ko nalang ang buhok ko gamit ang kamay ko. Nagbabadya na naman kasi'ng tumulo yung mga luha'ng pinipigilan ko. Bigla nalang kinuha ni Keifer yung phone ko. Sinubukan kong bawiin pero tinignan nya ko ng masama. "Phone ko yan!" "Alam ko! May kailangan lang ako'ng tignan!" Inis na sagot nya sakin. Hindi ko alam kung anu yung titignan nya pero inabot nya kay Edrix yung phone ko. "Hindi tayo sigurado sa balak ni Percy... Pero Jay, kailangan mo'ng sundin yung mga sasabihin namin." Sabi ni Yuri. Tinignan ko silang lahat. "You need to tell us everything about your conversation with Percy. When did you first saw him and if you notice anything." Sabi ni Keifer. "...You also need to tell us if he contact you again." "Kailangan mo ding sabihin samin kung magkikita kayo ulit kagaya kanina." Dagdag ni Yuri. Pero kung gagawin ko yun baka hindi ulit sya magpakita sakin. Marami ako'ng gustong itanung sa kanya. Napapagod na ko ng kakaisip ng wala nama'ng basehan. Pero kailangan kong sundin ang sasabihin nila. Panu nga kung tama sila? Panu kung gusto lang nya'ng gumanti sa mga ginawa ni Aries sa kanya? At ako yung gusto nya'ng gamitin. Tipid na tango ang sinagot ko sa kanila. Sandali pa kami'ng nag-usap tungkol sa mga dapat nami'ng gawin. Marami pa sila'ng binilin sakin. Hindi ko maiwasan na hindi tignan si Dalia. Panay kasi ang silip nya samin. Kuha'ng kuha nya talaga yung mata ni Percy. Nilapitan ko sya ng hindi napapansin nila Keifer. "Hi..." Bati ko sa kanya. Hindi sya sumagot. Tinignan lang nya ko. Sandali nya'ng sinilip sila Felix na nag-uusap-usap pa rin. "Sabi ni Kuya wag daw po kayo'ng magtitiwala sa kanila." Bulong nya sakin. Ha? "S-sabi ni Felix?" Tanung ko. Bakit naman sasabihin ni Felix yun? Umiling si Dalia ng mabilis at mas lumapit pa sakin. "Hindi sya... Yung isang Kuya ko." Bulong ulit nya. S-si Percy! Nagpakita sya sa kapatid nya? "S-si Percy? K-kelan mo sya nakita?" Pabulong na tanung ko sa kanya. Hindi sya nagsalita. Tinignan ulit nya sila Felix at bigla nalang tumakbo palayo. Napilitan ako'ng sundan sya ng hindi sinasabi kila Keifer. Nakarating kami sa Dirty Kitchen ng bahay. Nasa likod na yun at katabi lang ng labahan. Niligid ko yung tingin ko para hanapin si Dalia pero may kamay na yumakap sakin mula sa likod at tinakpan ang bibig ko. Sinubukan kong manlaban pero agad nya kong hinatak at pinasok na pilit sa maliit na banyo. Sinandal nya ko sa pader ng hawak pa rin ang bibig ko. Dun ko lang nakita ng maayos kung sino sya. "Ssshhh..." Sabi nya. Mabilis ako'ng nag-nod dahilan para bitiwan nya ko at agad na yakapin ng mahigpit. "P-percy..." "Oh fvck! Hindi ko matiis na hindi ka makita." Bulong nya sakin. Naguguluhan ako sa ginagawa nya. Pero tsaka ko na iisipin yun. Kaharap ko na sya ngayon kagaya ng gusto ko. Binitiwan nya ko mula sa pagkakayap at hinarap ang muka ko sa kanya. "Sorry if i need to hide from them." Bulong nya. "A-anu bang nangyayari? B-bakit hindi ka magpakita sa kanila?" Pabulong kong tanung. Kailangan nami'ng hinaan ang boses namin. Maliit lang ang banyo at nage echo yung boses namin. "You won't understand it yet. But i promise you, once everything is settled i'll talk to them and explain." Hindi ko alam kung alin ang una kong sasabihin. Naghahalo-halo yung tanung sa isip ko. "P-percy... Totoo ba, s-si Aries ang----" "It's a very long story Jay. But don't ever think na gumaganti ako kay Aries. I'm not like that, i'm not like Keifer." Not like Keifer? "Naguguluhan ako... Ang dami ko'ng tanung sayo. Kelan tayo pwede'ng magka-usap ng maayos?" Halos maiyak ako. Hinawakan nya yung pisngi ko at tinignan ako'ng mabuti. "I can't answer that but once i have a chance, i promise you i will tell and explain everything to you." "A-anu ba talaga'ng kailangan mo sakin? Bakit ba ako yung kinakausap mo?" "Because----" Malakas na kalabog sa pinto ang nagpatigil sa kanya. Pareho kami'ng hindi nakagalaw at halos pigilan namin ang paghinga. "Jay! Andyan kaba sa loob?!" Boses ni Keifer at halata'ng iritable sya. Tinignan ko si Percy. Bumuka ang bibig nya para magsalita. Kahit wala'ng boses malinaw sakin ang sinabi nya'ng 'I have to go'. Mabilis nya kong hinalikan sa noo. Tumuntong sya sa inidoro at dahan-dahang binuksan ang tabing sa kisame. Umakyat sya at bago isara ulit yung tabing tinignan nya ko at nagpilit ng ngiti. Ng maisara, dun ko lang binuksan ang pinto ng banyo. Bumungad ang galit na Keifer. "Anu'ng ginagawa mo dyan?!" "N-natulog..." Pilit kong pamimilosopo. Lalung nagsalubong ang kilay nya. "Umayos ka!" "A-anu bang ginagawa sa banyo? Syempre umihi." Sagot ko sa kanya at nagpa-una ng lumakad palayo. Sumunod naman sya sakin kahit halos isumpa na ko ng mga tingin nya. Nakabalik kami sa sala kung nasan yung iba. Nakita ko pa si Dalia at sinenyasan ako ng tahimik sa daliri bago tumakbo palayo. Alam ko ibig nya'ng sabihin. Wala ako'ng sasabihin sa kanila. 

 

 

Chapter 99 Marker Jay-jay's POV

 

 Lutang... Yan ang utak ko ngayon. Nakaka-stress ang mga pangyayari. Nakaka-stress si Percy, nakaka-stress ang school at nakaka-stress tong katabi ko! "Akin na nga yang cellphone ko!" Sigaw ko habang pilit kinukuha yung cellphone ko. "Sandali! May tinitignan ako!" Sagot sakin ng Hari ng mga Ulupong. "...Sigurado kabang cellphone mo to? Puro muka ni Ci-N yung nakikita ko." Wag na sya magtaka kung ako sa kanya. Tuwing hahawakan ni Ci yung phone ko, nagiging Selfie Lord ang luko. Idadamay pa minsan sila Eren at pati natutulog na David. "Wag ka nga maningin ng picture!" Sigaw ko. Bigla nalang sya tumawa. Yung tawa'ng halata'ng natuwa sa nakita nya. Hinarap nya sakin yung screen ng phone ko. Isa-isa nya'ng si-nwipe yung mga picture. Eto na nga ba sinasabi ko eh! Mga stolen shot ko yun na sure ako'ng kagagawan ni Ci-N. Meron pang naka nganga at nakapikit. Meron ding naniningkit yung mata ko. Kingina! "Tantanan mo nga yan!" Utos ko sa kanya. Nilabas nya yung phone nya at merong pinindot. Hindi ko alam kung sino'ng aning na espirito yung sumapi sa loob ng katawan nitong si Keifer. Pinaalis nya si Ci-N sa upuan at sya ang naupo. Tuwing titignan ko yung phone ko, nakikitingin din sya. Hindi pa nga ako natatapos sa stress na dinanas ko dahil kay Percy tapos dadagdag pa sya. Pilit kong sinilip yung ginagawa ng luko. Hayop! Pinapasa nya yung picture ko sa cellphone nya. Agad kong inagaw yung phone ko. "Hoy! Bastos ka!" Sigaw sakin ni Keifer. Hindi ko sya pinansin at tignan yung phone ko-----err, hindi yata akin to. Tinignan kong mabuti yung hawak ko. Hindi talaga akin to, dahil hindi naman si Ella at Keifer ang wallpaper ko. Agad kong binalik yung phone kay Keifer at kinuha ko yung sakin talaga. "Kuha kasi ng kuha..." Sermon nya. Hindi ko sya pinansin. Lakas kasi maka-imbyerna ng wallpaper nya. Hindi ko alam kung yung nga yung dahilan, basta naiinis ako! Dumating na si Sir Alvin, akala ko aalis na tong isa sa upuan ni Ci-N pero humilata pa ang wala'ng hiya. Ayoko sya katabi. Marami pa nama'ng bakante'ng upuan pero ayoko'ng maupo don, sure ako'ng susunod din tong isa dahil sa dami ng bakante'ng upuan. Tumingin ako sa likod at nakita ko yung dating pwesto ni Keifer----bakante. Tumayo ako at agad na lumipat sa upuan nya. Medyo nagulat pa si Yuri na katabi ng pwesto ni Keifer. "B-bakit lumipat ka?" Tanung nya sakin. "Ayoko dun... Bwisit si Keifer." Bulong ko sa kanya. Kung tutuusin hindi dapat ako dito pumwesto. Kasi nga dapat lumalayo ako sa kanila'ng dalawa. Layuan! Anu'ng gagawin ko? Lapit sila ng lapit sakin. Pinaparamdam na pareho talaga sila'ng concern. Pagtingin ko sa harap, dun ko lang na-relaize na magkatapat pala kami ni Keifer. May dalawa'ng lamesa'ng pagitan. Kita'ng kita rin nya ko mula dito. May bigla nalang naupo sa tabi ko. Akala ko isa sa mga ulupong pero hindi pala. Yung kakaiba sa lahat ng mga ulupong. Yung Hari... Tatayo sana ako ulit para lumipat ng upuan pero hinawakan agad ni Keifer ang braso ko para pigilan ako. "Dyan ka nalang..." Sabi nya. "Ayaw kita'ng katabi!" "Tss." Naku! Narinig ko na naman yung mahiwaga'ng 'Tss' na yan. Lakas maka-peste talaga. "Class! Announcement!" Sigaw ni Sir Alvin kaya napilitan ako'ng umupo ulit. "..University of Hemilton is inviting us!.." Announce ni Sir habang winawasiwas ang isang booklet. "..kaya sa mga gusto'ng mag-enroll sa University na yun, ready your requirements." Kinalabit ko si Yuri na busy sa pagbabasa sa notes nya. "Anu'ng meron sa University of Hemilton?" Tanung ko. "Yearly visit yun, ginagawa yun para ipakita sa nga students kung anu'ng meron sa university nila. Nanghihikayat ng students." Paliwanag nya. Ang taray naman, may ganun ganun pa. Yayamanin siguro yung University na yun. "Tapos anu'ng mangyayari?" ".. Mero'ng tour sa mga facilities ng university. May mga palaro sila, papremyo at mga freebies. Tinatanggap na rin nila yung mga requirements ng mga gusto'ng mag-enroll." Dagdag nya. Ang taray nga! Sila lang ata ang gumagawa nun. Yung ibang school walang ganyan. "Ang taray ng school nila.." sabi ko. "Alam ko meron pang apat na school ang magi-invite satin. Hindi ko nga lang sure kung kelan." Meron pang iba? Mga yayamanin din siguro tong mga school na to. "Siguraduhin nyo lang na pipirma yung mga Gaurdian nyo sa waiver para makasama kayo." Sabi ni Sir Alvin at pinamigay yung waiver. Wala sila Tita sa bahay kaya si Kuya Angelo ang pipirma sakin. Papayag naman yun agad. Nagsimula na mag-klase si Sir. Tapos yung ang awkward sa pakiramdam. Yung magkabilang side ko kasi, lakas maka-peste. Sipag sipagan mode si Yuri sa pag-aaral. Samantala'ng si Keifer nakahilata at patulog na. Hindi naman ako nagkamali dahil pumikit na sya. Bahagya ko'ng siniko si Yuri at tinuro si Keifer. Napailing nalang sya sa itsura ng Hari ng mga Ulupong. Meron sya'ng kinuha sa bag nya at inabot sakin. Marker? "It's your chance.." bulong nya. Para'ng ayoko. Baka pag-nagising ang wala'ng hiya bigla nalang mag hurumintando. "Ayoko... Baka magalit sakin." "Hindi yan... Ako bahala." Ang totoo nakakatukso nga sulatan ang muka nya. Pikit na pikit ang mata nya, himbing na himbing sa pag-tulog. Kinuha ko yung marker at dahan-dahang lumapit sa kanya. Napapanguso nalang ako habang nilalagyan sya ng bigote. Kinapalan ko din ang kilay nya. Nilagyan ko din sya ng peklat kagaya kay Straw Hat Luffy. Ng matapos ako, dun ko lang napansin na nakatingin pala sakin ang lahat. Pati si Sir Alvin, huminto rin para tignan ako. Halos matawa sila sa naging itsura ni Keifer pero sinenyasan sila ni Yuri na tumahimik. Kinuha ko yung phone ko at ganun din si Yuri. Kinuhanan namin sya ng picture at agad na bumalik sa mga upuan namin ng bigla sya'ng gumalaw. Tumahimik kami na para'ng walang nangyari. Kahit si Sir bumalik din bigla sa pagtuturo. Ang hirap magpigil ng tawa. Hehehe "May nangyari ba?" Tanung ni Keifer samin. Umiling kami ni Yuri at pilit pinigilan ang pagtawa. Kahit yung ibang mga ulupong, nahihirapan ding magpigil ng tawa. Mukang nahalata nya yun kaya agad na nagsalubong ang kilay nya. "Hey you! What did you do?!" Inis na tanung sakin ni Keifer. "Bakit ako tinatanung mo?!" "Because your the one beside me!" Hindi ako makatingin ng matagal sa muka nya. Natatawa kasi ako dun sa ginawa ko. Sana pala nilagyan ko sya ng wrinkles sa noo. "...answer me!" Utos nya sakin. Umiling lang ako habang tinatakpan ang bibig ko. Kaunti nalang kasi mapapatawa na ko ng malakas. Bigla nalang nya'ng inamoy ang hininga nya. Akala nya siguro nababahuan ako. Ng walang maamoy tinignan nya ng masama yung mga tao sa paligid namin. Kahit si Sir tinakpan narin ang bibig sa pagpipigil ng tawa. Pilit umiiwas ng tingin yung buong klase sa kanya. "You did something!" Binta'ng ni Kiefer sakin. Hindi ko na mapigilan yung tawa ko. Halos mahulog ako sa upuan, kakatawa sa itsura nya. Ilang beses ko ring nahampas yung lamesa. "Hahahahahahahahaha.. s-sorry." Sabi habang nakahawak sa tyan ko. Pati sila Sir Alvin at Yuri hindi na rin nakapag-pigil. Sunod-sunod na ring nagtawanan ang iba. Napatingin ako kay Keifer. Namumula na kasi sya at halata'ng inis-inis. "K-kasi... Hahahahahahahaha.. H-hindi ko mapigilan! Hahahahahaha..." Sabi ko habang pilit iniipit ang tyan ko sa kakatawa. Muka'ng nakahalata ang luko na nasa muka nya yung pinagtatawanan namin. Kinuha nya yung phone nya at pilit nanalamin gamit ang front cam. Tuluyan na sya'ng namula sa galit. "You! Son of a.... Argh!" Sigaw nya sakin. Lalu'ng lumakas ang pagtawa namin. Pinilit nya'ng tanggalin yung nakalagay sa muka nya. Pero dahil permanent marker yun-----mahirap tanggalin! Hahahahahaha... "Remove this thing!" Utos nya sakin. "Hugasan mo sa banyo!" Sigaw ko sa kanya. "Ikaw! Sasamain ka sakin!" Tinawanan ko lang sya. Bigla nalang nya'ng kinuha yung marker sa table ko. Hindi na ko nagkaroon ng chance na magsalita. Bigla nalang ako'ng hinawakan ni Yuri mula sa likod. "Ui! Anu'ng gagawin nyo?!" Pagtawa lang ni Yuri yung narinig. Lumapit si Keifer sakin at agad na hinawakan ang panga ko. "WAG!!!" Sigaw ko. Sinulatan na ng tuluyan ni Keifer yung muka ko. Muka'ng nilagyan din nya ko ng bigote at binilugan yung mata ko. Meron sya'ng sinulat sa noo ko na hindi ko maintindihan. Pagkatapos nya, nagtawanan na naman yung mga luko. Kahit si Sir Alvin natawa rin ng malakas. Binitawan ako ni Yuri kaya agad kong kinuha yung phone ko para tignan yung sarili ko sa front cam. "Bastos ka!" Sigaw ko kay Keifer. Nilagyan nya kasi ako ng boobs sa noo. Bastos na bata! Malakas na tawa ang narinig ko galing kay Yuri kaya tinignan ko sya ng masama. "Traydor ka!" Inis na sabi ko sa kanya pero tinawanan na naman ako. Agad kong kinuha yung marker na binato ni Keifer sa table ko. Pilit kong sinulatan ang muka nya pero panay naman ang salag nya. Puro guhit lang tuloy ang naisulat ko sa muka nya. "Tama na yan! Let's get back to class!" Sabi ni Sir Alvin kaya huminto ako. Cross arm ako'ng sumandal at nakatingin ng masama sa board. Panu ko uuwi nito? Si Yuri kasi... 

 

 

Chapter 100 Read my Notes Below Underground Jay-jay's POV

 

 "Salamat Jay! Papalitan ko to agad! Promise!" Sabi ni Drew sakin. "Palitan mo nalang kapag kaya mo na." Sagot ko sa kanya. Ibinigay ko na kasi yung pera'ng hinihiram nya. Kagaya nga ng inaasahan ko, naubos ang lahi ko. Allowance nalang for this week ang natitira sakin. Buti sana kung maaga'ng ibigay ni Kuya yung allowance ko for next month. Umalis na si Drew at nagpaalam. Hindi ko alam kung saan sya pupunta pero hinayaan ko na. Baka dalin na nya sa paggagamitan nya yung pera. Pumunta na ko sa room at lumapit sa pwesto ko. Agad ako'ng nagtaka, nawawala kasi yung upuan ko. Napalitan ng ibang bangko. Alam ko, may palatandaan ako. Yung piraso ng palda ko na dumikit sa bangko. "Nasan yung bangko ko?" Tanung ko kay David. Hindi sya nagsalita pero tinuro nya yung pwesto ni Keifer sa likod. Lumapit ako dun at tinignan. Yung bangko ko na yung nakalagay sa dating bangko ng Hari. "Bakit andito to?" Tanung ko kay Yuri na nagbabasa ng notes nya. "Hindi ko alam.. andyan na yan pagdating ko." Sagot nya sakin. Napakamot nalang ako ng ulo. Hindi ko maintindihan yung trip ng mga ulupong na to at pati trono ko pinakikialaman nila. Bigla nalang may bumunggo sakin mula sa likod. Muntik na kong masubsob. Agad kong tinignan ng masama yung animal na may gawa nun. Sino paba? Yung kumag na Hari ng mga ulupong. "Aray ah!" "Laki mong harang sa daan." Sagot nya sakin. Akala ko uupo sya sa dati nya'ng pwesto pero naupo sya sa tabi nun. Kagaya ng naging pwesto namin kahapon. "Simula ngayon dyan kana uupo." Sabi ni Keifer at sabay kami'ng napatingin ni Yuri sa kanya. "..What?!" "Sino na namang impakto ang sumapi sayo at naisipan mo yan?!" Inis na tanung ko sa kanya. "No one! Sit down now." Utos nya. Napangiwi nalang ako sa pinag-gagagawa nitong Abnormal na to. Binaba ko nalang yung bag ko at ayoko'ng makipag-talo. Tinignan ko muna sila Ci-N na busy sa pakikipaglaro kila Eren. Sandali ako'ng napatingin kay Mayo----yung classmate nami'ng ninja. Para kasi'ng nabagsakan ng langit. Sibangot na sibangot at masama ang tingin kila Kit at Josh. Baka nag-away sila. Dumating na si Sir Alvin kaya bumalik na ko sa pwesto ko----sa bago kong pwesto. Nag-umpisa ng magturo si Sir. May pagkakataon na napapatingin ako kay Keifer. Baka kasi matulog ulit sya. Pero syempre muka'ng nadala na ang luko. Gising na gising at masama ang tingin sakin. Kala mo naman inaano sya... Sa totoo lang nabo-bored ako dito sa pwesto na to. Dun kasi, pasimple kami'ng nagkakasatan ni Ci-N tapos pagt-tripan namin si David. Dito, bukod sa pinapatay ako sa titig ni Keifer at ayaw magpa-istorbo ni Yuri sa pag-aaral. Sya na masipag! Wala ako'ng choice kundi makinig kay Sir Alvin. "Asan si Drew?" Bigla'ng tanung ni Sir. Tinignan ko yung mga ulupong. Wala nga si Drew, akala ko bumalik na sya bago dumating si Sir. "Wala ba sya?" Tanung ulit nya. "...Kapag pumasok sya, sabihin nyo kailangan ko sya'ng maka-usap." Sumagot naman ang mga ulupong. Natapos ang klase namin kay Sir. Wala ang sunod naming teacher kaya eto nagkakagulo na naman sila. Nakatanga lang ako sa kung saan ng may marinig ako'ng kainte-interest at agaw pansin. "Nasa pasugalan yang si Drew na yan! Tignan mo!" Sabi ng kung sino. Nasa pasugalan?! Hindi pumasok ang luko para magsugal? Ang wala'ng hiya nanghiram ng pera sakin. Wag nya'ng sabihin na ginamit nya'ng pang-sugal yon. Kakalbuhin ko sya kapag nagkataon. Naku! Naku! "May kaaway kaba?" Tanung sakin ni Yuri. Muka'ng napansin nya'ng nababadtrip ako. Kasalanan to ng narinig ko. "Wala... May iniisip lang ako." "Tungkol ba kay Percy?" Diretso'ng tanung ni Yuri. Ang totoo, pilit ko talaga'ng nililibang ang sarili ko na wag isipin si Percy. Pakiramdam ko matagal na naman bago nya ko kontakin ulit. Umiling ako at tumingin sa mga kaklase namin. Hay Percy... Anu ba talaga'ng kailangan mo sakin? Bigla nalang nag-ring yung phone ko at dahil si Percy ang nasa isip ko. Agad kong kinuha yun, nagbabakasakaling sya yun tumatawag. "Hello?" Sabi ko pagkasagot. ["... Jay."] Sagot nung nasa kabilang linya. Boses ng ibang tao yung narinig ko. Pamilyar sakin pero hindi ko maalala kung sino. "Sino to?" ["Wag ka muna'ng magsasalita ah? Si Drew to at kailangan ko ng tulong."] Aba! Ang mokong, nagawa pang tumawag sakin. Hindi nga talaga siguro sya papasok ngayon. "Bakit?" ["P-pwede bang... Hay... Pwede bang humiram ulit? Hindi kasi umabot yung pera'ng binigay mo sakin kanina."] Napataas ang isang kilay ko. Inaano ba nito yung pera? Baka nga tama sila, nagsusugal nga ata ang luko. "Sabihin mo muna sakin kung saan mo gagamitin." ["E-emergency.."] "Anu'ng emergency?" Dinig ko ang paghinga nya ng malalim. Para bang hindi sya sigurado kung sasabihin nga ba nya sakin. ["K-kasi... Andito ako ngayon sa KingsGround. Alam ni Yuri at Keifer ang lugar nato pero sana wag mo nalang muna sabihin sakanila."] KingsGround? "Hay... Hindi na kita mapapahiram kasi wala na kong pera... Ihahanap nalang kita ng mauutangan." Sabi ko at bigla lang namatay ang tawag. Hindi ka bastos sa part na yan. Nakatingin pa rin ako sa phone ko ng lapitan ko si Yuri. Sabi kasi ni Drew alam nya kung saan yung KingsGround. "Yuri..." Tawag ko sa kanya. "Saan yung KingsGround?" Tinignan nya ko ng seryoso at para'ng masama'ng salita yung nabanggit ko. "Saan mo narinig yung KingsGround?" "T-tumawag kasi sakin si Drew, nasa KingsGround daw sya at kailangan nya ng pera." Bigla nalang napahawak sa sentido si Yuri. Para bang bigla sya'ng namroblema sa sinabi ko at sa KingsGround na yan. Agad sya'ng lumapit sa upuan nya at akma'ng kukuhanin ang bag nya pero pinigilan ko sya. "Ui! Aanu ka?!" "Susunduin ko si Drew... Delikado yung lugar na pinuntahan nya." Agad kong kinuha yung bag ko. "Sasama ako..." "No... Stay here. It's too dangerous." "Sasama ako!" Pagpipilit ko. Walang nagawa si Yuri. Sandali sya'ng bumulong kila Edrix bago ako hatakin paalis. Akala ko sa parking ang punta namin kung nasan ang mga kotse nila pero sa gate kami nagdiretso. Pumara sya ng taxi. Pagsakay meron sya'ng sinabi'ng lugar na hindi pamilyar sakin. "Makinig ka... Kahit anu'ng mangyari wag kang bibitaw sakin." Utos nya. Nag-nod naman ako. Pakiramdam kong sobra'ng delikado'ng lugar nga yung pupuntahan namin. Bigla tuloy ako'ng kinabahan. May ilang minuto na ata kami'ng nasa byahe. Medyo malayo na kami sa kabahayan. Malalaki'ng lumang building na ngayon ang nakikita ko. Kung hindi ako nagkakamali eto yung lugar kung saan maraming bar at beer house. Minsan ko ng narinig kila Rory ang lugar na to. Huminto yung Taxi sa harap ng mas malaki at pinaka-luma----ata sa lahat---- na building. Bumaba kami at agad ako'ng napakapit kay Yuri. Hindi sa nanglalait ako pero parang mga tao'ng ewan yung mga andito. Meron babae'ng halos lumuwa na yung dibdib. May lalaki'ng sobra'ng laki ng katawan at naninigarilyo. Naglakad kami ni Yuri. Sa gilid lang din ng gusaling yun kami nagpunta. Huminto kami sa tapat ng sarado'ng bakal na pinto. Malakas na kalabog ang ginawa ni Yuri. Bumukas ang pinto at bumungad ang----Chitae? May hawig kasi kay Chitae tong kaharap namin. "Yuri boy! Napadalaw ka!" Sabi nung lalaki. Kilala nya si Yuri? "Andyan ba si Tiger?" Tanung ni Yuri dito. Tiger? Anu'ng klase'ng pangalan yun? "Andyan syempre! Pasok kayo!" Sabi nung lalaki at hinayaan kami'ng makapasok. Makitid na hallway ang dinadaanan namin. Tanging ilaw ng Exit sign ang nagiging liwanag namin. Mahaba pa ang nilakaran namin hangang sa pumasok kami sa panibago'ng pinto. Disco ba to? Napaka-lakas ng music. Marami'ng nagsasayawan at amoy na amoy ko ang alak. Meron pang mga babae sa stage na sayaw ng sayaw. Walang ng pang itaas yung iba sa kanila. Anu ba yan? Hinigpitan ni Yuri ang pagkakahawak sa kamay ko. Naglakad pa ulit kami hangang makarating kami sa bakal na hagdan. Wala pa'ng tatlong baitang ang nahahakbang namin ng bigla kami'ng harangin ng mga naglalakihang katawan na lalaki. "Bawal ang highschool dito!" Sabi nung isa. "Paadanin nyo kami! Hindi nyo ba ko nakikilala?!" Galit na sabi ni Yuri. Bahagya'ng tumawa yung mga lalaki. "Ikaw, oo! Pero yang kasama mo, hindi!" "Padaanin nyo na kami kung ayaw nyo'ng magkagulo dito!" Banta ni Yuri dahilan para magsalubong yung kilay nung mga lalaki. "Hindi ikaw ang mag-uutos----" "Yuri!" Sigaw ng kung sino mula sa pinaka-taas ng hagdan. Naka-tiger print jacket sya. Naka-shades at para'ng mais yung kulay ng buhok nya. May hawig sya sa kumanta ng Pen-Pineapple-Apple-Pen. Sumenyas sya dun sa mga lalaki'ng kaharap namin at agad silang nagbigay ng daan para samin. "Yuri! Yuri! Yuri!" Sabi nung lalaki kay Yuri habang naka-akma'ng yayakap. "Asan si Drew?" Diretso'ng tanung ni Yuri. Ngumiti ito samin at sumenyas na pumasok kami sa loob. Kahit para'ng nag aalangan, tumuloy pa rin kami. Para sya'ng opisina at salamin ang pinaka-pader nito. Dahilan para makita yung mga tao'ng nagsasayaw sa labas. Sa sofa namin nakita si Drew. Tahimik lang sya at halata'ng medyo takot. "Drew..." Tawag ko sa kanya. Tumingin sya sakin at nagulat ng makita kami ni Yuri. Pero bago pa sya makapag-salita, hinawakan na sya nung lalaki'ng mais ang buhok sa balikat. "May kaibigan pala kayo'ng babae? Ang alam ko, puro lalaki ang Section E." Sabi nya at tinignan ako. Bahagya ako'ng nagtago sa likod ni Yuri. Ang creepy kasi ng itsura nya. "Wag kang matakot... Ako si Tiger, ang may-ari ng lugar na to. Ikaw?" Sabi nya habang iniikutan kami. "J-jay-jay..." Sagot ko. "Nice to meet you..." Sabi nya sakin bago umupo sa tabi ni Drew. Medyo nagulat si Drew pero hindi yun ang inaalala ko sa kanya. Halata kasi sa itsura nya na gusto na nya'ng umalis dito at para'ng nagmamakaawa samin. "Anu nga pa lang kailangan nyo?" Tanung nung Tiger samin. "Si Drew... Magkanu utang nya sayo? Ako na magbabayad." Sabi ni Yuri. "Paborito kong salita ang magbayad. Yun nga lang hindi na pera ang sinisingil ko. Alam mo yan? Minsan ka ng naging tambay dito." Napatingin ako kay Yuri. Naging tambay si Yuri sa lugar na to? Yung itsura ng lugar na to, natagalan nya? "Hindi kakayanin ni Drew." Sagot nya kay Tiger. "Sino'ng may sabing si Drew? Sabi mo ikaw ang magbabayad..." Tumayo yung tiger at agad na binuksan yung pinto'ng malapit sa office table nya. "...Alam mo na ang gagawin... Kundi, yang kasama mong babae ang magbabayad sa ginawa nito." Sabay turo kay Drew. Pumasok sya ng kwarto at naiwan kami'ng tatlo sa loob. Sa totoo lang hindi ako natatakot sa kanya. Hindi ko lang kasi naiwasan na hindi isipin yung mga sinabi nya. "Yuri... Anu'ng ibig nya'ng sabihin na dati kang tambay dito?" Bungad ko. "Jay... Wag muna nating pag-usapan yan." Sagot nya sakin. Para sya'ng natataranta. Halata'ng naiinis sa sitwasyon. "Bakit hindi mo sabihin na dahil kay Ella kaya naging tambay dito?" Sabi ni Drew Pareho kami'ng matigilan at nagtinginan ni Yuri. Anu'ng ibig sabihin ni Drew don? Author's Note: Alam ko kulang... Dapat talaga 10

 

 

Chapters, kayalang hindi kinaya. Mag-papaalam lang po sana ako sa inyo. Matatagalan po ang aking sunod na update. Sa dahilang kailangan kong mag-focus sa aking work. Alam nyo na, patapos na kasi ang training kaylangan ko ng magseryoso----kahit ayoko. Kagaya dati, bibitinin ko ulit kayo but i promise na babawi ako sa sunod na update ko. I hope you understand... 

 

 

Chapter 101 Author's Note: i miss pressing 'Publish'. Hahahaha iMissYou guys. Yuri's Pain Jay-jay's POV

 

 "Sorry... Hindi na dapat ako tumawag sayo ng hindi ka nadamay dito." Sabi sakin ni Drew. Gustuhin ko man sya'ng sermunan hindi ko magawa. Andito na kami, anu pang saysay ng sermon ko. Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad habang sinusundan si Yuri. Hindi ako sigurado kung saan patungo tong Hallway na to. "Drew... Pwede mo ba'ng sabihin sakin kung bakit naging tambay si Yuri dito?" Bulong ko sa kanya. Umiling si Drew. "Sya dapat ang kausapin mo tungkol dyan." Hindi kasi mawala sa isip ko yun. Anu'ng ibig nya'ng sabihin na si Ella ang naging dahilan? Sa totoo lang, ayoko dito sa lugar na to. Puro illegal business yata ang nandito. Umamin na samin si Drew, nagsusugal nga sya. Yung pera'ng hiniram nya sakin naitalo daw nya. Nasabunutan ko nalang ang sarili ko sa inis. Wala na kong ados (pera), tinatabi ko yung pinahiram ko sa kanya, tapos nag-disapearing act pa. Punyeta. Nangako naman sya na papalitan nya pero syempre, kelan? "Yuri..." Tawag ko. "...Saan ba tayo pupunta?" Patuloy si Yuri sa paglalakad. "Magbabayad..." Bored nya'ng sagot. Ang hirap ng ganito. Yung hindi mo alam yung pupuntahan mo tapos ayaw pang sabihin ng mga kasama mo. Kainis! Kaunti'ng liko at kanan pa hanggang sa may naririnig ako'ng malakas na sigawan. Para'ng may nanunuod ng laban ni Pacquiao. Kaunti'ng lakad pa at mas lalung lumalakas ang sigawan. Paglabas ng hallway, ang dami'ng tao. Sobra'ng dami at halos lumuwa na ang mga lalamunan nila sa pagsigaw. Merong malaki'ng kulungan sa gitna. May naglalaban sa loob na dalawa'ng lalaki. "A-anu tong lugar na to?" Tanung ko. "Underground fight." Sagot ni Drew. May narinig kami'ng sumipol ng malakas. Mula sa hindi kalayuan malapit sa ring nakita namin yung Tiger. Nakapwesto sya sa para'ng biranda, may lamesita at sofa. Sya lang ang tao don. Lumapit kami don at mula sa pwesto namin. Kita'ng kita namin yung naglalaban sa gitna. "Naiinis ako sa laban! Mga wala sila'ng saysay!" Sigaw ni Tiger at nagsalin ng alak sa baso. "...Yan sana'ng bata na yan ang ipapasok ko buti nalang dumating kayo!" Sabay turo kay Drew. Muka'ng nagulat sya sa sinabi ni Tiger. Sa itsura nya at itsura ng lugar halata'ng hindi sya tatagal. May tao'ng lumapit kay Tiger at nag-abot ng isang bagay na nakabalot sa tela. Nilapag nya yun sa lamesita at binaba na rin ang basong hawak nya. "Alam mo na ang gagawin Yuri. Dating gawi..." Bored na sabi nya bago buksan yung balot na tela. Bumungad ang isang army knife. Napatingin ako kay Yuri na wala'ng expression. Para saan ang army knife? "Ikaw ang sunod, pagkatapos ng laban na yan." Dagdag ni Tiger. Tumayo si Yuri at agad na hinubad ang polo at tshirt na pangloob nya, pati sapatos tinanggal na rin nya. Nakita ko na naman yung mga peklat nya sa katawan. Kinuha ni Yuri yung kutsilyo at winasiwas sa kamay nya. Para'ng alam na alam na nya kung panu yun gamitin. Napaatras kami ni Drew. Para kasing naging ibang tao sya nung nahawakan yung patalim. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Sandali sya'ng tumingin sa naglalaban bago humarap samin. Halata'ng nakiki usap yung tingin nya. "I will explain everything... But please don't jugde me." Sabi ni Yuri at tumingin kay Drew. "...Keep her safe." Naglakad na sya paalis sa pwesto namin at nagpunta sa malaking kulungan. Hindi ko na sya nakita dahil sa dami ng tao. "Jay-jay..." Tawag sakin ni Tiger. Minwestrahan nya kong umupo sa katabi nya'ng sofa. "...Mag-kwentuhan muna tayo bago mag-umpisa ang laban ni Yuri." Ayoko sana. Hindi ako komportable sa kanya. Itsura pa lang kasi hindi katiwa-tiwala. Kanta ka muna PPAP! Napilitan ako'ng maupo sa sofa'ng tinuro nya. Nasa teritoryo ako ng ibang tao, ayoko'ng gumawa ng eksena at baka kuyugin kami. "Saan mo naman nakilala si Yuri?" Tanung nya. "C-classmate ko sila... Section E din ako." Bahagya sya'ng tumawa. "Pagkakataon nga naman oh! Naging Section E din ako sa school na yan. Classmate ko si Michael Angelo Fernandez... Dun ko nakilala si Yuri at iba pa." Naging kaklase nya si Kuya? Eh para'ng ang layo ng edad nila sa isa't isa. "Panu'ng nakilala?" "Hm?... Nakabuntot sila lagi kay Angelo. Apat pa nga sila, nakalimutan ko lang mga pangalan. Tapos nung grumaduate ng college ang hayop, hinayaan na nya tong mga nakabuntot sa kanya." Mabilis nya'ng sagot. Hindi ko masabi kung galit sya kay Kuya. Nagdadalawa'ng isip tuloy ako'ng magtanung baka mahalata nya na interesado ako sa kwento ni Kuya. "Y-yun ba yung dahilan kaya naging tambay si Yuri dito?" Alanganin kong tanung. Umiling si Tiger. "Dati ng tambay si Yuri dito kasama ni Keifer. Yung tambay na sinasabi ko, Dito mismo!" Sabay turo sa pwesto namin. Ibig ba nya'ng sabihin, pumasok si Yuri sa underground fight?---shit! Kaya ba alam nya kung panu humawak ng kutsilyo? At yung mga peklat nya. "N-naguguluhan po ako." Tumungga sya sandali. "Yung disco sa taas, paborito nilang tambayan yon. Lalu si Keifer----naku! Ang lakas makahatak ng gulo nyan. Lahat inaaway!" Hindi ka nag-iisa. Naiintindihan kita! "...Ang alam ko nagka-girlfriend yun. Tapos hindi na ulit sya nag-punta dito." Dagdag pa nya. Yun siguro yung panahon na sila na ni Ella. Kaya din naman pala nya'ng magpaka-good boy. "...Tapos itong si Yuri, nawala ata sa sarili. Nakikipag-away sya dyan sa labas nung makita ko sya. Kapag tinatanung namin, hindi sumasagot. Hangang sa nagsabi sya na sasali daw sya sa Kingsground..." Tumungga sya ng alak. "...Hindi ako pumayag. Ang bata nya pa, baka magaya lang sya sakin pagnagkataon. Pero hindi sya nagpa-awat at yun. Natagpuan ko sya sa loob ng cage at nilalabanan ang isa sa underdogs ko." Kung si Keifer, hindi na nagpunta dito nung naging sila ni Ella. Si Yuri naman ang naiwan ng dahil----shit! Para'ng naiintindihan ko na. Yun yung time na broken hearted sya dahil kay Ella. Naging tambay sya dito dahil kay Ella! Sandali'ng lumakas ang sigawan dahilan para mapatingin kami sa malaking kulungan. Tapos na ang laban, si Yuri na ang susunod. Hindi ko maiwasan na hindi mag-alala. Kahit marunong lumaban si Yuri, hindi pa rin masasabi. Pumasok sa loob si Yuri, hawak ang kutsilyo'ng binigay ni Tiger. Pumasok na rin yung kalaban nya at aaminin ko. Malaki ang pinag-kaiba nila. Masyado'ng malaki yung kalaban ni Yuri kumpara sa kanya. Jusme! Tumunog ang bell at agad pumorma si Yuri at kalaban. Ikutan lang sila ng ikutan. Naghihintayan at nakikiramdam kung sino'ng mauuna.

 

 Yuri's POV

 

 Nung huling beses ako'ng nagpunta dito kaharap ko ang pinaka-hindi-ko inaasahan na tao. Keifer. I don't know what i'm doing back then. I'm not in myself. Nung pinili ni Ella si Keifer, pakiramdam ko binagsakan ako ng mundo. Ang alam ko lang nung mga panahon na yun, hindi nila ko dapat makita. Mahal ko si Ella, gusto ko sya'ng maging masaya at ayoko'ng isipin nya pa ko. It really fvcking hurt! Sa sobra'ng sakit gusto ko nalang mamatay. Pero hindi ako ganun kahina. I will never let the pain decide for me. Gusto kong mawala yung sakit na nararamdaman ko. Move on? I don't think so. But the fastest way for me is if i feel another pain. Pain vs pain Yun ang akala kong tama. Yun ang akala kong mabilis na paraan. Yun ang akala ko tatapos sa nararamdaman ko para sa kanya. Pero mali ako... Isang babae lang pala ang tatapos ng nararamdaman ko para kay Ella. Sya ang babae'ng nakatingin sakin ngayon na puno ng pag-aalala. Jay-jay. Kung noon lumaban ako dito para makaramdam ng sakit, para ilabas lahat ng sakit at galit at para itapon ang sarili ko. Ngayon, lalaban ako para sa kanya. Lalaban ako para ipagtanggol sya, para masiguro na ligtas sya at para sa nararamdaman ko sa kanya. At hindi'ng hindi ako magpapatalo!

 

 Jay-jay's POV

 

 Mababaliw na ko! Bawat wasiwas ni Yuri at ng kalaban nya ng kutsilyo nalalaglag ang puso ko. Masyado'ng intense tong nangyayari. "Kaya ni Yuri yan!" Sabi ni Drew na nasa tabi ko. Alam kong tinatanggal lang nya yung pag-aalala na nararamdaman ko. Pero panu mangyayari yun kung pati sya nanginginig sa kaba. "Hayaan nyo sya! Matalino yan si Yuri! Alam nya ang gagawin!" Sabi ni Tiger. Kahit na! Kingina naman kasi! Kutsilyo kaya ang labanan. Suntukan nga lang nakakatakot na eh, yan pa kaya. "Aaahhh!!!!" Sigaw ko ng bigla tamaan si Yuri ng kutsilyo sa dibdib. Mukang daplis lang dahil hindi naman nya ininda pero meron paring dugo. "Kingina! Hindi ko na kaya'ng manuod!" Sabi ko at tinakpan ang mata ko. Pero hindi ko rin matiis na hindi sumilip. Lalu kapag lumalakas ang sigawan ng mga tao. Sandali pang nag-wasiwasan ng kutsilyo at natamaan ni Yuri yung kalaban. Ang dami'ng dugo at halata'ng nagalit yung isa. Bigla nalang binato nung kalaban yung kutsilyo nya kay Yuri. Naka-ilag naman sya pero agad nasundan ng suntok yun. "Yuri!" Sigaw namin. Nakatayo sya agad pero hindi na nya hawak yung kutsilyo nya. Nauwi sa suntukan ang laban. Sa laki ng kalaban nya, nahihirapan sya'ng bumawi. Bumagsak si Yuri at para'ng nahirapang tumayo. Hindi na ko nakatiis. Agad ako'ng tumakbo papunta sa kanila. Alam kong hindi ako makakapasok kaya tinapatan ko yung pwesto nya. Dahil bagsak na si Yuri, sinisipa-sipa na sya nung kalaban nya. "Yuri! Tumayo ka! Please!" Sigaw ko. Hindi ko alam kung naririnig nya ko pero hindi pa rin ako tumigil sa pagsigaw. "YURI! Please!" Patuloy ako sa pagtawag sa kanya. Sa hindi ko maitindihan na dahilan kusa nalang tumulo ang luha ko kasabay ng bawat sigaw ko. Hindi pwede! Hindi pwede to! "Please! Tumayo ka na!" 

 

 

Chapter 102 Round 2 Jay-jay's POV

 

 Akala ko dun na mamatay si Yuri. Akala ko hindi na sya tatayo. Akala ko mawawala na sya sakin----samin. "Wag kana umiyak... Sorry kung tinakot kita." Sabi ni Yuri habang pinupunasan yung luha ko. Kahit kasi tapos na yung laban umiiyak pa rin ako. Hindi ko mapigilan eh. Nilalagyan ko ng gamot yung sugat nya. Hindi ko pinapansin yung mga sinasabi nya. "I heared you. Yung sigaw mo, yung pakiki-usap mo at pagtawag mo sa pangalan ko." Sabi nya at nagpilit ng ngiti. Sandali ko sya'ng tinignan at bumalik sa ginagawa ko. Halos mamaos ako sa kakasigaw at sumakit na rin yung palad ko kakampas sa kung saan para lang mapansin nya ko. Buti nalang at nagawa nya'ng maiwasan yung huling sipa nung kalaban nya. Nakabawi sya at agad gumanti. Pinuntirya nya yung sugat at agad na pinagsusuntok. Kusa nalang sumuko yung isa. Ang laki pa naman ng katawan nya tapos hindi na kayanan yung mga ginawa ni Yuri. "Jay... Galit kaba sakin?" Tanung nya. Hindi ko sya pinansin. Naiinis ako, andun pa rin yung takot ko. Hindi ako makapaniwala na ganun yung ginagawa ni Yuri dati. "Yuri... Tinatawagan na ko ni Keifer. Muka'ng hinahanap na tayo." Sabi ni Drew. Ramdam ko yun takot at pag-aalala nya. Malilintikan kasi sya kay Keifer kapag nalaman tong ginagawa nya. "Tapos na ko..." Sabi ko at niligpit na yung first aid kit na pinahiram ni Tiger. Hinawakan ni Yuri yung kamay ko dahilan para matigilan ako sa pagtayo. "S-sorry..." Sabi nya. Binawi ko yung kamay ko at naglakad papunta sa table para ibaba dun yung first aid kit. Napatingin ako kay Drew na nakaharap sa phone nya. Nakaramdam ako ng matinding inis at kusa nalang tumaas ang kamay ko para kutusan sya. "Aray! Para saan yun?!" Sabi nya habang nakahawak sa ulo nya. "Sa susunod na magsugal ka, kakalbuhin kita!" Banta ko sa kanya. "Sorry... Hindi ko matiis, nakaka-adik kaya." Katwiran nya. Lalu ako'ng naimbyerna sa sinagot nya kaya naman panibagong kutos ang binigay ko sa kanya. "Aray! Bakit na naman?!" Reklamo nya. "Naiinis ako!" Sagot ko at akma'ng kukutusan ulit sya pero may kamay na humawak sakin. Pagtingin ko, hindi ko alam kung lalu ba kong maiinis o maaawa. Nakiki-usap na naman kasi yung tingin ni Yuri sakin. "Alam kong galit ka sakin." Sabi nya. Buti alam mo! Nagulat ako ng bigla nalang nya kong yakapin. Nasubsob ako sa dibdib nya. Nanigas na naman yung katawan ko. "Y-yuri..." "Sorry na... I promise hindi ko na uulitin to. Hindi na ko babalik sa lugar na to kung hindi kailangan." Bulong nya sakin. Kusang gumalaw yung kamay ko para yakapin din sya. Aaminin ko, hindi pa rin nawawala yung takot ko sa nangyari'ng laban pero nawala na yung inis at galit ko. Hangang sa meron ako'ng na-realize. "Y-yuri... B-baka pwede kana'ng bumitaw." Sabi ko na agad naman nya'ng ginawa. Wala kasi sya'ng pang-itaas na damit. Nakasubsob pa ko sa kanya. "May something naba kayo?" Biglang tanung ni Drew dahilan para mamula si Yuri at tignan ko sya ng masama. Lumakad si Yuri para kuhanin yung damit nya at magbihis. "May utang pa nga pala ako'ng paliwanag sayo." Sabi nya. Yun pa nga pala pero naiintindihan ko na. Hihingin ko paba yung paliwanag nya? Hindi nalang ako nagsalita para hayaan sya. Lumabas si Drew sandali at nagpaalam na magc-Cr. Andito ulit kami sa office ni Tiger. Kami lang ang andito dahil meron sya'ng kinakausap. "I don't know where to start..." Sabi ni Yuri at huminga ng malalim. "...Maybe when Ella didn't choose me." Nagpilit sya ng ngiti sakin. Ginantihan ko yun para maging komportable sya. "Halos sabay kami'ng umamin ni Keifer kay Ella. Una pa lang ramdam ko na special yung tingin nya kay Keifer pero trinato nya kong higit sa kaibigan. Umasa ako na dapat pala hindi ko ginawa..." "...Selfish si Keifer pagdating sa babae. Binakuran nya si Ella at sinigurado'ng magiging kanya. Hindi ako sumuko, nagbaka sakali na baka pwede ako nalang. Pero si Keifer ang pinili nya..." "...Tinanggap ko nalang. Masakit pero ganun talaga. Then i found myself wasted. Lahat yata ng nasalubong ko hinamon ko ng away..." He laugh bitterly. "...I don't know how pero kusa nalang ako'ng dinala ng paa ko sa lugar na to. Napa-away at nakita ako nila Tiger sa labas..." "...They keep asking question that---honestly---i don't know the answer. Naki-usap ako na sasabak ako laban. Ayaw nila syempre, bata pa daw ako pero yun ang gusto ko. Kaya nilabanan ko yung isa sa underdog ni Tiger. Nanalo naman ako kaya pumayag na sya." "Kaya ka naging tambay sa lugar na yon?" Tanung ko. Nag-nod naman sya bilang pagkumpirma. "The more fight i encountered, the more i become addicted to it. Yung sakit ng pisikal na laban yung naging pantakip ko sa sakit nito..." Sabay turo sa puso nya. "...no one can stop me. Lahat ng klase ng laban pinasok ko. Pero yung pinaka-paborito ko yung sa kutsilyo. Mamali lang ako ng galaw, patay ako at lahat ng sakit mawawala na." Sabi nya, wala na daw yung sa kanila ni Ella but somehow nararamdaman ko pa rin na nasasaktan sya. At ayoko'ng maramdaman yun. "P-panu ka tumigil?" Huminga sya ng malalim at napayuko. "Si Keifer... Pinuntahan nya ko dito." "Kinausap ka nya?" Umiling sya. "Nilabanan nya ko... Suntukan lang yun at wala pang dalawang minuto napabagsak nya ko." Natahimik ako. Kakaiba din kasi yung paraan nitong si Keifer. Galawang ulupong. "...Wala sya'ng sinabi pero kusa ako'ng huminto pagkatapos nun. Pumasok ulit ako sa school at pilit inayos yung lahat." "Panu kayo naging okay ni Keifer?" Hindi na dapat ako nagtatanung. Para kasing ginagatungan ko lang yung sakit na nararamdaman nya. "Kusa nalang... Ganun naman kami'ng mga lalaki. Wala ng usap basta yun na yon." Sabi nya at ngumiti. Napangiti nalang din ako. Ganun talaga sa kanila, mas mahalaga yung pagkakaibigan nila kesa sa mga naging away nila. "So, yung mga peklat mo sa katawan dito pala galing?" Tanung ko. "Oo... Mababaw lang naman lahat ng yan, hindi nila ko kaya'ng puruhan." Pagyayabang nya. Bigla nalang bumukas yung pinto. Akala namin si Drew pero si Tiger pala. Salubong ang kilay nya at halata'ng iritable. "Hindi ako natutuwa!" Sabi nya habang nagpapa-ikot-ikot sa harap namin. Dumating si Drew at halata'ng naguguluhan sa nangyayari. Tinignan nya kami na para'ng nagtatanung ng 'Anung meron?'. Nagkibit balikat lang ako. "Isa'ng laban pa..." Sabi nya at tumingin kay Yuri. "...Isang laban nalang at papaalisin ko na kayo." Hinawakan ko agad ang braso ni Yuri. Ayoko na sya'ng lumaban, tama na yung kanina. "A-ayoko na... Isa lang ang usapan natin." Sagot ni Yuri. "Hindi... Hindi... Hindi... Gusto ko ng isa pang laban. Ang gusto ko lumaban ka ulit..." Sandali sya'ng nag-isip. "...Tama! Labanan mo si Keifer! Ituloy nyo yung laban nyo dati!" Nababaliw na sya! "Tiger... Hindi naman ganun kadali yun!" Inis na sagot ni Yuri. "Edi si Keifer nalang ang ilaban natin!" Wala na ata talaga sa pag-iisip si Tiger. Kung anu-anu nalang ang sinasabi nya. "Madali na yun! Papuntahin nyo si Keifer dito! Ngayon na! Kasi kung hindi!" Inis na sabi nya at bigla nalang naglabas ng baril. Nanigas ang buong katawan ko. Mamatay na ko, hindi pa man din nakakalabit yung gatilyo pakiramdam ko mamatay na ko. Ganun ata talaga kapag nakatutok sa ulo mo yung baril. "Si Keifer! Ngayon na!" Sigaw nya. Hindi ako makahinga. Nanginginig ang kamay ko habang nakataas, na para bang sumusuko ako. Sumusuko naman talaga ako, wala ako'ng laban sa baril! "H-hindi sumasagot!" Sabi ni Drew. Dama ko din ang takot nya. Bakit ngayon pa sya hindi sumagot? Wala talaga'ng saysay tong Hari ng mga ulupong. "Edi puntahan nyo!" Sigaw na naman ni Tiger at lalung dinutdot ang baril sa ulo ko. Ayoko pang mamatay! "P-pupuntahan na namin! Wag mo lang sasaktan si Jay-jay!" Paki-usap ni Yuri. Wag nyo kong iwan dito! Hindi ako makasigaw o makapagreklamo. Lumabas na sila Drew at Yuri kaya binaba na ni Tiger ang baril. Nakahinga ako kahit konti. Naging tahimik ako. Takot? Siguro. Nakakanginig kaya ng laman ang matutukan ng baril. "Gusto mo ng pizza?"

 

 Keifer's POV

 

 "You son of a b*tch!" Sigaw ko at agad na sinikmuraan si Drew. "Keifer! Tama na!" Awat nila sakin pero hindi ako tumigil. Binuhat ko si Drew at sinuntok sya sa muka. Wala ako'ng pake kahit dumudugo na ang labi nya. "Keifer!" Tawag sakin ni Yuri. Sobra yung galit na nararamdaman ko. I turn to Yuri and iediately punch him. "You! You know that it's a very dangerous place for Jay-jay yet you bring her there!" I said. "Tama na Keifer! Puntahan nalang natin sya!" Sigaw sakin ni Ci-N. Nasabunutan ko nalang ang sarili ko. Natakasan ako ng lintik na babae na yun, what worse hindi pa mahanap ni Edrix ang signal ng phone nya. Kasi nga nasa Kingsground sya. Fvck! Tinignan ko si Drew at Yuri. "Kapag may nangyari'ng masama kay Jay jay... Lulumpuhin ko kayong dalawa! Tandaan nyo yan!" Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sakanya'ng masama. 

 

 

Chapter 103 New Friend Jay-jay's POV

 

 Hindi naman pala sya masama. Hindi ko sinasabi to dahil pinakain nya kong pizza. Nag-sorry din kasi sya sakin nung tinutukan nya ko ng baril. Habang hinihintay sila Keifer, nagkukwentuhan kami at kumakain. Pati mga kasama nya'ng malalaki katawan mabait din naman pala. Grabe! Ang judgemental tuloy ng dating ko. Kung anu-anu lang pinag-uusapan namin. Nabanggit nya sakin na meron daw bestfriend na babae si Kuya Angelo. Nakalimutan na daw nya yung pangalan. "..Minsan lang namin sila makita'ng magkasama... Siguro kasi ibang section yung babae." Pagtutuloy nya sa kwento. "Panu sila naging bestfriend kung minsan lang sila magkasama?" Tanung ko bago sumubo ng pizza. "Kasi... Sya lang ang babae'ng nakalapit kay Angelo. Nag-uusap sila na para'ng normal na tao." "Normal na tao naman sila ah?" Umiling sya bigla. "Hindi.. hindi mo nag-gets. Kakaiba kasi si Angelo, awra pa lang mapapa-atras kana. Sya yung tipo ng tao na tingin pa lang pinapatay kana. Kahit kami'ng mga kaklase nya takot lumapit sa kanya nung una. Buti nalang at hindi rin sya mahirap pakisamahan." Ganun kalupit si Kuya Angelo? Nakakatakot pala talaga sya. Sabagay, sinabi na sakin ni Keifer nun, nung nakita namin yung picture nya. "Eh asan na yung babae?" Tanung ko at kumaha ulit ng pizza. "Tsss... Hindi ko alam eh. Basta sa ibang lugar na sya nag-aral ng kolehiyo. Wala na kong balita sa kanya." Sayang, gusto ko pa naman sya makilala. Gusto kong itanung kung anu'ng ugali ni Kuya nung bata pa sya. Uminom ako sandali ng coke na binigay nila sakin. "Tama! Naalala ko na yung pangalan ng mga kasama nila Yuri at Keifer. Apat sila na laging nakabuntot kay Angelo noon eh." Napatigil ako at napatingin sa kanya. "...Percy at Aries yung pangalan nung dalawa. Lagi silang nakabuntot kay Angelo at tinatawag sya'ng Boss." Oo nga pala. Sinabi na ni Keifer na magkakaibigan sila dati at nagkalamat yun ng akala nilang namatay si Percy. Teka Boss? Yun din yung sinabi sakin ni Keigan dati. Yun pala yun, kaya siguro para'ng pinatigil sya ni Keifer sa pagsasalita. "Hahaha.. Naalala ko si Keifer, lagi silang nagkakainitan ni Aries. Lagi kasing pinagkukumpara kaya sila yung laging nag-aaway. Si Yuri yung tahimik sa kanila at lagi lang nag-oobserba. Si Percy naman yung maluko, makasat at laging nakatawa." Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi nya. Pumasok din yung word na 'Sayang'. Kung hindi siguro nangyari yung aksidente hindi magkakalamat yung pagkakaibigan nila. Tapos nagatungan pa nung isyu nila ni Ella. "Hindi ko na nakikita yung dalawa... Ewan ko kung anu nang balita don." Sabi nya at akma'ng kukuha ng pizza kayalang naubos ko na. Daldal kasi... "Sarap eh... Sorry." Sabi ko sabay peace sign. Napa-nguso nalang sya. Napilitang uminom ng coke. Saktong pagtingin ko sa orasan bigla nalang bumukas ang pinto at bumungad ang galit na galit na Keifer.

 

 Keifer's POV

 

 "Is this a joke?!" I ask irritatedly. Halos patayin ko lahat ng humarang sa daan ko mapuntahan lang sya tapos eto ang dadatnan ko. "Relax Keifer..." Sabi ng peste'ng Tiger. "Bati na kami... Nag-sorry na sya." Jay-jay said and drink coke. Sorry? Baliw naba ang babae'ng to? "Sorry? Tinutukan ka nya ng baril sa ulo! Tapos sorry lang, okay na kayo?!" Galit na sabi ko. Nasuklay ko nalang ang sarili kong buhok. I can't believe this. "Wala ba sya'ng ginawa'ng masama sayo?" Tanung ni Yuri kay Jay-jay. "Wala... Pinakain lang nya ko pizza." "Nagpa-uto ka ng dahil sa Pizza?!" Tanung ko habang tinitignan sya ng masama. "Naku! Ewan ko sayo Keifer! Ang hirap mo paliwanagan! Ganu ba kaliit yang utak mo?! At hindi mo maintindihan yung sinasabi ko!" Inis na sabi nya sakin at nag-pamaywang pa. "Don't talk to me like that!" I shout while pointing to her. "Eh kasi nga ang hina ng kokote mo!" "Kasi matigas yang ulo mo! Kung tutuusin this is your fault, kung hinayaan mo si Yuri'ng sunduin si Drew wala sana kami ngayon dito!" "Gusto kong sumama! Nag-aalala ako kay----" napahinto sya ng makita ang itsura ni Drew. "Bakit ganyan ang itsura mo?!" Hindi sya sumagot pero pare-pareho silang tumingin sakin. Tss. "Punyeta ka! Bakit mo sinaktan si Drew?!" Galit na tanung sakin ni Jay jay. "Because i want to!" "Gago kaba o wala ka lang talaga'ng utak?!" Did she just call me walang utak? Unbelievable! Ako pa talaga yung tinawag nya'ng walang utak. "Ikaw ang wala'ng utak sating dalawa!" Sabi ko ng may mas malakas na boses sa kanya. "Bwisit ka! Bakit ba nagpunta kapa dito kasama yang-----Asan si Ci N?!" Pare-pareho kami'ng napalingon sa kanina'ng pwesto ni Ci-N. Halos magkatabi lang sila ni Drew pero bigla sya'ng nawala. Great! Another search and rescue operation. "Yung bata ba?" Tanung ni Tiger. "...Ayun sya. Nakikisayaw sa mga dancer." Sabay-sabay kaming tumingin sa tinuro nya. Ci-N is dancing with the girls. "Damn it! Kit, Rory, Calix and Edrix puntahan nyo si Ci-N!" Utos ko. Hinarap ko si Tiger na halata'ng tuwa'ng tuwa sa nakikita nya. His starting to get into my nerves. "Gusto mo kong makita'ng makipaglaban diba?! Asan na yung kakalabanin ko?!" Galit na tanung ko sa kanya. He chuckled. "Hindi na... Nag-enjoy na ko sa away nyong dalawa ni Jay jay."

 

 Jay-jay's POV

 

 "Salamat Tiger!!" Sigaw ko habang kumakaway. "Bye Jay! I-kamusta mo nalang ako kay Angelo!" Sigaw din nya. Nag-lakad na kami paalis pero itong Hari ng mga ulupong masama pa rin ang titig sakin. "Gusto ko pang mag-sayaw ih!" Pagmamaktol ni Ci-N. Mula sa stage na sinasayawan nya kanina binitbit sya nila Calix. Hinawakan ni Kit at Rory yung magkabilang braso nya samantalang binitbit naman sya ni Calix at Edrix sa binti. Kulit talaga... "Edi maiwan ka dito! Uuwi na kami!" Galit na sabi ni Keifer kumag. Tignan mo tong tao na to. Nagpapaka-abnormal na naman. Inakbayan ko si Ci-N. "Hindi pwede... Gusto mo sumbong kita kay Rakki?" Bulong ko sa kanya. "Tara! Umuwi na tayo! Napaka-pangit ng lugar na to!" Sigaw nya habang nagpapaka-una sa paglakad. Hahaha... Sabay-sabay kami'ng naglalakad ng mga ulupong na to. Wala daw kasi'ng dumadaan na taxi sa area na to kaya kaylangan pa naming lumayo. Hindi rin nagdala ng kotse sila Keifer dahil puro carnapper daw yung lugar. "Kumain muna tayo!" Sigaw ni Felix na sinang-ayunan ng iba. "Saan tayo kakain?" Tanung ko. "KILA EMAN!" Sabay sabay na sigaw nila kaya napakamot nalang ng ulo si Eman. Nang makarating sa main road, nagmamadali sa pagpara ng taxi ang mga luko. Hinarang pa nila yung iba at halos murahin na sila ng mga driver. Nakarating kami sa Resto nila Eman. Nagmamadali pa sila sa pag-order na kala mo maman uunahan sila ng kung sino. Mga wala namang pambayad. Medyo nag-iba na itsura ng Resto nila Eman. Mas naging maayos na at dumami na rin yung mga Crew. Buti na nga lang mabilis naka-recover yung Tatay nya. Napatingin ako kay Mayo, meron kasi sya'ng hawak na papel at para sya'ng may sinasagutan. "Anu yan?" Tanung ko paglapit sa kanya. "Registration Form sa school na gusto kong pasukan." Sagot nya. Nag-nod naman ako. Binasa ko yung mga part na sinagutan na nya. "Balak mo pa lang mag-mechanical engineering?" Nakita ko kasi yung kurso'ng nilagay nya. "Oo.. ikaw ba? Anu'ng kukuhanin mo? Tsaka saan ka mag-aaral?" Balik nya'ng tanung sakin. Napa-isip ako. Hindi ko pa nga pala ang kukuhanin kong kurso. Wala pa din ako'ng target na school. Kala ko kasi dati hindi ako aabot sa college. "Wala pa eh... Hindi ko pa din alam kung saan." "Dapat pag-isipan mo na. Mahirap kapag andun kana tapos wala ka pang naiisip." Tama sya dun. Panu nga kung graduation na tapos enrollan sa college? Mapag-iiwanan ako, ayoko yata nun. "Dun ka nalang din sa Hemilton University." Singit ni Kit sa usapan. Pati yung iba nagsi-lapit na rin samin na para bang napaka-importante ng pinag-uusapan namin. "Bakit? Anu'ng pinag-uusapan nyo?" Tanung ni Ci-N at naupo sa tabi ko. "School na pagpipilian ni Jay-jay." Sagot ni Kit. "Dun ka nalang sa school ko." Buong galak na aya ni Ci sakin. "Saan ba yang school mo?" "Sa Oxford..." Mabilis nya'ng sagot. Napangiwi ako sa sinabi nya. Para'ng napaka-lapit at napaka-daling pumasok sa school na yun. "Ci-N... Hindi tayo magkasing talino." Ngumiti nalang sya habang naghihimas ng batok. Minsan talaga, masarap kutusan tong bata na to. Pero san nga kaya ako papasok? Pati kurso na kukuhanin, hindi ko din alam. "Oh kaya dun ka sa school ni Yuri." Sabi ni Rory. "Saan naman sya?" "Sa Japan! Hahaha..." Mabilis nya'ng sagot at nagtatawa. Napatingin ako kay Yuri. Sa Japan sya mag-aaral? Sa ibang bansa pa, ang layo naman. Nakaramdam ako ng lungkot. Tinignan ko sila'ng lahat, ngayon ko lang naisip na lahat kami nagkakahiwa hiwalay na pala. Pwede'ng matagal bago ulit magkita at pwede'ng hindi na. Parang ayoko ata'ng malayo sa kanila. 

 

 

Chapter 104 Bad Day Jay-jay's POV

 

 Ang tagal naman mag-usap nitong dalawa na to. Samantalang papapirma lang ng waiver tong si Aries kay Kuya Angelo. Nakatayo lang ako sa gilid ng pinto ng kwarto ni Kuya. Kailangan ko din kasing magpa-pirma. Kanina pa si Aries dito, naka-30 minutes na ata. Sandali pa kong naghintay bago tumayo si Aries at lumabas ng kwarto. Nagmadali ako sa pagpasok kaya medyo nagulat pa si Kuya. "Hindi marunong kumatok?" Inis nya'ng tanung sakin. Nag-smile nalang ako sabay peace sign. "Kailangan mo?" Inabot ko sa kanya yung waiver. "Papirma!" Kinuha nya yun at akma'ng pipirma ng bigla sya'ng tumigil at para'ng binasa pa yung mga naka-sulat. "Hemilton University?" Tanung nya at agad naman ako'ng tumango. Bigla nalang nya'ng inabot pabalik sakin yung papel. "Wag kana sumama." "B-bakit?" "Hindi ka naman dyan mag-aaral. Dito ka nalang sa bahay." "Kahit na... Sayang yun. Yung mga classmate ko sasama." Pagmamaktol ko. Agad nya kong tinignan ng masama. "Titignan nyo lang naman yung school na yan. Manahimik ka nalang dito sa bahay." "Ihh... Kuya..." "Jay! Wag kang makulit!" Sigaw nya sakin. Padabog ako'ng lumabas ng kwarto nya. Binalibag ko din yung pagsara ng pinto ng kwarto ko. Parang tanga kasi... Yun lang eh, tapos hindi ako pinayagan. May sapi na naman siguro tong si Kuya. Gusto kong sumama! Ang baduy nun, ako lang hindi kasama sami'ng lahat. Ayoko! Basta sasama ako! May kung anu'ng kalokohan ang pumasok sa isip ko. Lumapit ako sa study table ko. Hinanap ko yung papers na may pirma ni Kuya. Hindi naman ako nabigo. Malinaw pa sa sikat ng araw ang pirma ni Kuya. Kumuha ako ng type writing at pinatong sa part ng papel na may pirma. Kids! Don't do this at home... Binakat ko yung pirma nya. Ng makuha ko na ng maayos, inulit ulit ko sa papel yun hangang sa kuminis na yung mga part na dapat makinis. Bwala! Ang mahiwagang Pirma ni Kuya. Wag lang ako'ng mahuli, tegiru ako nito. Agad kong niligpit ang mga ebidensya. Mahirap na, kailangan malinis ang krimen. Wag gagayahin! Masama! Saktong pagsiksik ko ng mga papel sa basurahan ko ng bigla'ng bumukas ang pinto. Bumungad si Kuya Angelo. "Hindi marunong kumatok?" Inis na tanung ko sa kanya. Agad sya'ng sumibangot. "Tigilan mo ko." "Kailangan mo?" "Pupunta si Tita Jeana dito. Kakausapin ka daw nya." Parang may kung anu'ng pumitik sa utak ko ng marinig ko yung pangalan na yun. Pangalan ng tao'ng pilit kong tinatawag na Mama. "Tungkol saan?" Walang gana kong sagot at pinagpatuloy ang pagliligpit ng gamit. "Hindi nya sinabi. Pero sana harapin mo sya." "Hindi ko alam..." Halos pabulong kong sagot. Mukang naintindihan naman ni Kuya yung ibig kong sabihin. Nag-nod lang sya at agad na umalis ng kwarto ko. Humiga ako sa kama at nagtalakbong ng kumot. Mas gusto kong matulog kesa isipin yung tungkol sa kanya. Ewan ko kung bakit, may memory naman ako na nagpaka-Nanay sya sakin yun nga lang paglabas ko ng ospital nung 9years old ako, nag-iba na yung tingin at pakiramdam ko sa kanya. Hangang ngayon, naiilang ako at para bang may kung anu sakin na ayaw sa kanya. Ayoko sana pero para'ng masama yung loob ko. Nakatulog ako ng hindi ko namamalayan. Kinabukasan..... Yun oh! Ready na kong ipasa yung krimen na ginawa ko. Para naman sa ekonomiya to, kaya sana patawarin ako ng kung sino. Pagpasok ng room, iniipon na ni Eman yung mga Waiver. Inabot ko na din yung sakin bago maupo sa pwesto ko. Yung sa likod sa tabi ng dalawa'ng kumag. "GoodMorning..." Bati sakin ni Yuri. "GoodMorning din..." Balik kong bati sa kanya. "Excited sa University Visit?" Pang-aasar nya. Napansin nya siguro'ng hindi maalis yung ngiti ko. Tatanggi pa ba ko, eh totoo naman. "Medyo." Ngumiti naman sya sakin. Napatingin ako sa table nya. Tambak na naman kasi yung mga notes. Sipag-sipagan mode Naalala ko yung sinabi nila sakin na sa Japan daw mag-aaral si Yuri. Kaya siguro nagf-focus na sya ngayon sa pag-aaral. "Yuri..." Tawag ko sa kanya. "...Totoo? Sa Japan kana mag-aaral?" Nag-pilit sya ng ngiti. "Oo eh... That's are plan in the first place." "Ahh..." Malungkot kong sagot. Hindi ko mapigilan. Para'ng hindi pa ko ready na magkalayo-layo kami. "Bakit? Mami-miss mo ko?" Pang-aasar nya. Wala ako sa sarili ko na sumagot sa kanya. Kahit hindi nakatingin, napatango ako ng hindi ko namamalayan. Late ko na na-realize yung ginawa ko. "S-syempre... P-pati sila mami-miss ko din." Dipensa ko. Bigla nalang sya'ng natawa at tumingin sa mga mata ko. "Ikaw, mami-miss kita." H-hala! "H-ha?" Tumawa lang sya at bumalik na sa ginagawa. Ang lakas makaluko nitong si Yuri. Pero kinilig ako... Konti lang! "Sino pang hindi nagpapasa?" Sigaw ni Eman. Napatingin ako sa kabilang side ko. Wala pa kasi yung Hari. Syempre, mauuna pa si Sir Alvin sa kanya. Yun pa, daig pa yung teacher. "Wala na? Ibibigay ko na kay Sir to!" Sigaw ulit ni Eman at ng walang sumagot, naglakad na sya palabas. Mukang hindi magka-klase si Sir ngayon. Okay lang naman yun dahil advance na kami sa mga lesson. Salamat sa konsepto ng pangongopya, nakakaraos tong mga ulupong na to. Syempre kasama na ko don... "Oi! Kilala nyo ba tong Floriane?!" Sigaw ni Felix habang nakatingin sa phone nya. Nung isang araw nya pa tinatanung samin yan. Nagttext daw sa kanya at nakikipag-kilala. Hindi naman ako makasagot... Ako kasi nagbigay ng number nya dun. Hahaha Naisipan kong lumabas muna, dahil sa totoo lang nabuburyong ako. Busy si Ci-N sa pakikipag-laro kay Eren, kaya walang nangungulit sakin. Tulog naman si David, nakakahiya gisingin. Tuloy lang ako sa paglalakad, malapit na ko sa hagdan ng may bigla nalang tumilapon sakin. Hindi kung anung bagay kundi sino. "Anak ng!" Sigaw ko at agad na tinignan ng masama yung kung sinong herodes na bigla nalang umitsa sa harap ko. "S-sorry Jay! Hindi ko sadya!" Sagot ni Mayo. Yung ultimate ninja sa room. Bigla-bigla mawawala tapos bigla-bigla ring lilitaw. "Umaano kaba naman kasi?!" Inis na tanung ko habang nagpa-pagpag. "A-anu... Kapour." Sagot nya at naghimas ng batok. "Ka---anu?!" "Kapour... Yung lagi kong ginagawa na patalon-talon sa pader." Paliwanag nya. Yun pala tawag dun, sa ginagawa nya'ng pagtatambling sa ere at pagkilos na parang unggoy. Ninja nga naman kasi sya... "Dito mo pa talaga naisip gawin yan?!" Ngumiti sya. "Sa lahat naman ng lugar." Napangiwi ako. Hihintayin ko nalang na mapilayan sya dahil sa ginagawa nya. Sandali ako'ng napatingin sa bandang dibdib nya. "Anu yan?" Tanung ko sabay turo sa mapulang bagay sa dibdib nya. "Kiss mark ba yan?" Agad nya'ng inayos ang uniform nya para matakpan yun. Umiwas din sya ng tingin. "P-pantal yan... Tapos nag-allergy." Sagot nya. Sa totoo lang nag-aalangan ako'ng tanggapin yung dahilan nya. Pero baka yun nga lang siguro yun, sino ba naman ako para questionin sya? "Balik na ko sa room..." Paalam ni Mayo sakin at agad na naglakad palayo. Siguro, nan-chicks sya tapos binigyan sya ng ganun. Tsk! Tsk! Boys are boys. Speaking of boys, napatingin ako sa kabilang side ng room. Eto na! Parating na ang Hari ng mga ulupong. Malayo pa lang, alam mo ng badtrip. "Anu?!" Bungad nya sakin. Sungit... "Anu ka din?!" Balik ko sa kanya. "Tss." Naku! Yan na naman yung mahiwagang 'Tss' na yan. Lakas makapeste talaga. "Tss ka din!" Sagot ko dahilan para lalung magsalubong ang kilay nya. Nahagip ng tingin ko yung hikaw nya. Bigla nalang kasing kuminang. Yung hikaw nya'ng hindi pansin dahil sa liit. "Quit staring!" Sigaw nya dahilan para tumigil ako sa pagtitig sa tenga nya. "Maka-sigaw naman to! Konti pa, hindi pa ko nabibingi!" Lumalim ang titig nya sakin at halatang nadagdagan ang inis sa sinabi ko. Takte! Napaiwas ako ng tingin. Asar! Dati kaya kong makipag-sabayan ng titig sa kanya ngayon hindi na. Bigla nalang nya'ng sinundot yung pisngi ko. "Your blushing." Agad kong hinampas yung kamay nya. "Kingina!" "Wag ka ngang nagmumura!" Sita nya sakin. Gusto ko'ng magmura, kaya magmumura ako. (N/A: SPG. Wag gagayahin.) Dumiretso ako ng tayo. Tinignan sya ng salubong ang kilay. Huminga ako ng malalim at hinanda ko na lahat ng salitang alam ko. "Kingina! Tang'na! Pvtang'na! Tarantado! Owlol! Gago! Hayop! Animal! Punyeta! Punyemas! Putrages! Putik! Shutang'names! QuinIna! Tanginik! Tengene!------aaahhhhh!" Bigla nalang nya kong hinatak at sinandal sa pader. Kinulong nya ko sa dalawang bisig nya. Shit! Yan naman! Yung puso ko! "Ang dumi ng bibig mo. Gusto mong linisin ko yan." Bulong nya habang unti-unti'ng nilalapit ang muka nya sakin. Pinilit kong umiwas. Kasi nga! "P-parang hindi ka nagmumura ah?" Sabi ko. "Edi linisin mo din yung bibig ko. We can clean it together at the same time." Aaaaayyyyyyy... No! "A-anu ba?" "You don't want to?" Pang-aasar nya. Lalung lumapit ang muka nya sakin kaya naman hinarang ko na yung mga braso ko at pilit sya'ng tinulak. "Umaayos ka nga Keifer!" Hindi sya sumagot pero lalu lang nya'ng tinindig ang katawan nya. Bakit ba ang lakas nitong lalaki na to? "Keifer!" Pero ayaw talaga magpa-awat ng luko. Ibinuhos ko yung buong lakas ko para maitulak sya. "Sasapakin kita!" Banta ko pero tinawanan lang nya ko. Kainis! "One more time you speak profanity. I will kiss you." Sabi nya at lumakad papunta sa room. Naiwan na naman akong nakatanga. Shete! Bawal ng magmura! 

 

 

Chapter 105 University Visit Jay-jay's POV

 

 "Attendance! Wag kakalimutang pumirma sa attendance!" Sigaw ni Eman habang winawagayway ang papel na hawak. Nagkakagulo kami. University Visit na kasi pero dinaig pa namin ang nag outing sa dami ng dala naming pagkain. "Ayusin nyo yung mga uniform nyo!" Sigaw ni Edrix. Tinignan ko naman ang sarili ko. Kagaya dati, maayos pa rin ang pagkakasuot ng tie at blouse ko, hindi din ganun kaikli palda ko. "Jay... Panu ba to?" Tanung ni Ci-N habang sinusubukang ayusin ang necktie nya. "Akin na nga!" Sabi ko at inayos yun para sa kanya. Hindi kasi nila inaayos ang mga uniporme nila kapag papasok ng school. Basta masabi lang naka-polo, okay na sa kanila. "Yan! Okay na!" "Salamat Jay!" Sabi ni Ci-N. Lumapit sakin sila Blaster, Eren at Josh. Hawak-hawak din nila yung mga necktie nila. (--_--) "Kami din..." Paki-usap ni Blaster. Sibangot ako'ng kinuha ang tie sa kamay nya. Sinabit ko yun sa leeg nya at sinimulang ayusin. Buti nalang talaga tinuruan ako ni Tita Gema nung unang araw ko dito sa school. Natapos ako kay Blaster at tinulungan ko din sila Josh at Eren. "Salamat." Sabi nila. Kinuha ko na yung bag ko at akmang isasakbit na ng makita ko si Yuri. Hindi kasi naka-ayos ang kwelyo ng damit nya kahit maayos naman ang necktie nya. Lumapit ako sa kanya at agad na hinawakan ang kwelyo nya. "B-bakit?" Tanung sakin ni Yuri. "Yung kwelyo mo... Wala sa ayos." Sagot ko habang inaayos yun. "Salamat..." Ngumiti lang ako bilang sagot. Natapos ako sa kanya at umikot na para maglakad palapit sa bag ko pero isang kamay na may hawak na tie ang bumungad sakin. Napataas ang isang kilay ko. "Hindi ako marunong." Sabi ni Keifer habang pilit umiiwas ng tingin. "Apat na taong kang nag-aral dito hangang ngayon hindi mo pa rin alam isuot ng maayos." Sermon ko sa kanya. "Daming sinabi! Sabihin mo kung ayaw mo!" Inis na sagot nya sakin. Inirapan ko nalang sya sabay kuha ng necktie sa kamay nya. Tinaas ko yung kwelyo ng polo nya. Pina-ikot ko sa leeg nya at inayos. Isagad ko kaya to ng masakal sya? Habang inaayos yun, hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Muka kasi kaming mag-asa-----La! Bakit iniisip ko yun? "Aw!" Sigaw ni Keifer. Aksidente kong nasagad yung necktie. Nagulat kasi ako dun sa pumasok sa isip ko kanina. Bahagya kong binatak yun. "Sorry..." "Gusto mo na ba kong mamatay?!" Inis nya'ng tanung sakin. Nag-smile lang ako sabay peace sign. "Tss." Nagalit na. Hindi ko naman sadya. Naglakad na sya paalis kaya naman kinuha ko na yung bag ko at sumunod sa kanila. Nag-aabang na yung bus na sasakyan namin. Sakto daw para sa isang Section ang bawat isang bus kaya naman-----huh?! Bakit aapat lang yung nakaparada? "Asan na yung bus natin?" Tanung nila. Pilit kong tinanaw yung mga bus, baka kasi meron pang isa na natakpan lang. Pero wala talaga. Nakita namin si Sir Alvin na nakikipag-usap sa ibang teacher. Agad sya'ng lumapit ng mapansin nya kami. "Section E... Pasensya na kayo pero apat na bus lang ang hinanda ng school. Kulang kasi sa budget." Paliwanag ni Sir. "Tss. Bullsh*t." Bulong ni Keifer. Mukang hindi naman yun narinig ni Sir dahil nagpatuloy pa rin sya sa pagsasalita. "...Wag nyo'ng isipin na sinadya to ng guidance at board member. Kailangan nyong maki-share muna sa iba----" "May dala kaming kotse... Pwede bang yun nalang gamitin namin?" Singit ni David. Mukang hindi rin sya ready makipag-share sa ibang Section. "Hindi kasi pwede... Binibilang kasi kayo." Sagot ni Sir. "Yari na!" "Wag na kaya tayo tumuloy." "Asar naman!" "Basta dun ako sa Section C. Kay Rakki." "Baka mapa-away pa kami nito sa bus." "Saang Section naman tayo makikisiksik?" May punto tong mga ulupong na to. Yari na talaga kami nito. 17 kami'ng lahat, sure ako'ng hahatiin pa kami nyan at dadalin sa iba't ibang Section. "Matatagal lang tayo nito! Sumama na sakin yung kayang makatagal sa Section A!" Sigaw ni Keifer at bahagya'ng naglakad palayo. Gusto ko sana kayalang... Hindi ko sure kung alam ni Aries na hindi ako pinayagan ni Kuya Angelo. Lumakad palapit sila David, Calix, Yuri, Edrix at Felix kay Keifer. Dahil ayokong makaharap si Aries, lumapit ako kay Ci-N. Alam kong sa Section C ang punta nya. Kung nasan si Rakki, syempre! Pero tinitigan ako nila Yuri na para bang nag-tatanung ng 'Bakit hindi ka sasama samin?'. Umiwas lang ako at sumiksik na pilit sa tabi ni Ci-N. "Ayaw mo ba sumama sa kanila?" Bulong sakin ni Ci. Umiling ako. "May ginawa kasi ako'ng kalokohan. Ayoko'ng makita si Aries." "Hahaha... Ikaw ah! May takot ka din pala kay Aries." "Hindi sa kanya. Kay Kuya Angelo ako natatakot." "Hoy Jay-jay!" Sigaw ng kung sino. "Ay 'Hoy Jay-jay'!" Gaya ko dun sa sumigaw dahil sa gulat. Agad akong pinagtawanan ng mga luko. Pati si Sir natawa din. Tsk! Nagiging mali-mali na ko. "Tara na! Sumama ka samin sa Section A!" Tawag sakin ni Keifer. Matinding iling ang sinagot ko sa kanya. "Tara na!" Tawag ulit nya. Umiling ulit ako. Nag-uumpisa na kong mahilo sa kaka-iling sa kanya. "Don't make me count!" Umiling na naman ako. Kumapit na rin ako kay Ci-N para magets ng Kumag na to yung salitang 'Ayoko'. "One!" Bilang nya habang masama ang tingin sakin. "Ayoko! Dito ko kila Ci-N!" "Two!" "Ayoko nga!" "Three!" "Ang kulit! Hindi ka ba-----aaahhhhh!!! Sir Alvin! Tulong!" Sigaw ko. Bigla nalang ako'ng binuhat ni Keifer na parang sako ng bigas. Pinagtawanan na naman ako ng mga Animal na ulupong sa halip na tulungan ako. "Yuri! Help!" Tawag ko kay Yuri. Nginitian lang nya ko at nagpatuloy sa paglalakad. Anu ba yan? "Wag ka ngang malikot! Ihuhulog kita!" Banta ni Keifer. "Edi ihulog mo----aw!" Pinalo nya ko sa pwet na parang bata. Tsakit! Pagdating sa tapat ng bus binaba na nya ko. Tinignan ko ng masama ang walang hiya habang hinihimas ang pwet ko. "Pasok na!" Utos nya sa mga kasama namin. Nauna sila Yuri at Felix. Napatigil pa sila nung una, malamang nagkagulatan o kaya nagpalitan ng masama'ng tingin. Sumunod si Calix, David at Edrix. Balak ko sanang tumakbo pabalik kila Ci N pero sinenyasan ako ng Hari ng mga ulupong na sumakay na. Eto na nga... Sasakay na nga! Pag-pasok ko sa loob, mainit na tingin ang binigay nila sakin. Pinangungunahan ni Freya. Sino pa nga ba? Nasa dulo sila Yuri at bago makarating sa kanila, dadaan muna ko sa pagsubok. By means of pagsubok, madadaanan ko kasi si Freya at Aries. "Lakad na." Tulak sakin ni Keifer. No choice. Naglakad ako palapit kila Yuri. Dahan-dahan ang naging kilos ko. Bawat hakbang ko kasi may bumabato ng masamang tingin. Malapit na ko sa dulo ng bigla nalang may tumisod sakin. Dire-diretso ako'ng bumagsak at nag-planking sa sahig. Malakas na tawanan ang binigay sakin ng Section A. Kingina nyo! Tumayo agad ako at tinignan ng masama yung tumisod sakin na si Freya pala. "What a loser." Sabi nya. Ayokong magpatol. Baka kung anu'ng magawa ko sa kanya. Tumuloy nalang ako sa paglalakad. Naupo ako sa tabi ni Yuri, sa pinaka-dulo. Nasa tabi sya ng bintana. Pag-upo ko, tumabi sakin yung Hari. Ay ayokong tumabi sa kanya! "Anu?!" Bungad nya sakin. Napansin nya siguro'ng nakasibangot ako sa kanya. "Wala!" Sagot ko. Umandar na yung bus. Gusto ko sana sa tabi ng bintana para pag-nabusit ako tatalon nalang ako. May 30 minutes na kami sa byahe. Huminto yung bus sandali dahil naka-red yung traffic light. Bigla nalang tumayo si Aries at tinignan ako ng masama. Hawak nya yung phone nya. Shit! Mukang alam ko na! Tumunog yung phone ko. Agad kong kinuha yun pero hindi ko sinagot yung tawag. Si Kuya Angelo kasi yung tumatawag. Yari! Binalik ko yung tingin ko kay Aries. "Ang tigas talaga ng ulo mo!" Sigaw nya sakin dahilan para tumingin lahat ng Section A saming dalawa. Wala akong pagtataguan. Tinaas ko nalang yung bag ko at pinantakip sa muka ko. "Jay..." Tawag sakin ni Yuri. "...May nangyari ba?" Ngiwi ako'ng humarap sa kanya habang nakataas pa rin yung bag ko sa harap. "May ginawa kasi ako'ng kalokohan..." Bulong ko. "...Hindi talaga ako pinayagan ni Kuya'ng sumama dito." "Eh sinong pumirma sa waiver mo?" "A-ako... Dinoctor ko." Bulong ko ulit. Napa-iling nalang si Yuri habang naka-ngiti. Naiintindihan naman nya siguro kung bakit ko ginawa yun. Gusto ko nga kasing sumama. Sinilip ko sandali si Aries. Muka'ng naka-upo na ulit sya. Pero panay parin ang tunog ng cellphone ko. Halong tawag at text ang naririnig ko. Sinubukan kong tignan yung isa sa text ni Kuya. From: Kuya Angelo. Message: Mg-uusp tyo pag-uwi mo! Yari na naman ako nito! Masisisi mo ba ko, gusto ko lang talaga'ng sumama. Wala namang masama sa pagsama ko dito eh. Wala naman diba? 

 

 

Chapter 106 University Visit 2.0 Aries's POV

 

 ["Andyan na sya! Wala na tayong magagawa! Bantayan mo nalang mabuti!"] Galit na utos ni Kuya sakin. Agad ko syang tinawagan pagkadating namin sa University. There's a reason why Kuya didn't sign Jay-jay's waiver. "Yun pa isang problema. Pagdating dito, dumikit agad sya sa mga classmate nya para hindi ko sya makita." ["Just make sure na hindi sila magkikita! Hindi pa pwede Aries! Baka magka-gulo lang!"] "Alam ko. I'll do my best." I ended the call. Masyado'ng maraming tao dito. Sure ako'ng mahihirapan silang magkita and beside hindi naman sya makikilala ni Jay-jay. "Babe! Tara na!" Ella called me. Mabilis akong naglakad palapit sa kanila. I'll just hope for the best right now.

 

 Jay-jay's POV

 

 Ang galing! Ang bilis kong nakapag-tago kay Aries. Mabuti nalang, nahawa ako ng pagiging ninja kay Mayo kahit konti. "Kamusta naman kayo sa bus nyo?" Tanung sakin ni Ci-N. "Ayos lang... Kayo ba?" Ngumiti sya ng pagkalapad-lapad. Yung alam mong may nangyaring maganda sa kanya. "Tabi kami ni Rakki... Sinandal ko yung ulo ko sa balikat nya. Ahihihihi." Sabi nya habang kinikilig-kilig pa. Napa-ngiwi nalang ako. Tong bata na to, kakaiba! Dinaig pa yung babae, kapag kinilig. "Pila na! Pila!" Sigaw ni Eman. Dahil ako ang nag-iisang dalagang bukid dito sa amin. Ako na naman yung nasa unahan ng pila. Katabi ko si-----😒 "What?!" Inis na tanung sakin ng Hari ng mga ulupong. "Ewan ko sayo..." Bulong ko na feeling ko narinig din nya. Umayos kami ng pila at merong lalaki na lumapit samin. Naka-polo'ng dirty white sya at brown na pants. Meron din sya'ng sash na may nakalagay na 'Tour Guide'. "Ako po ang inyong Tour Guide. Tawagin nyo po ako'ng Randy." Sabi nya. Marami sya'ng pinaliwanag na eklabu na sa totoo lang hindi ko naintindihana. Lunch lang ata yung salitang nakilala ko. Nag-simula na sya'ng maglakad kaya naman sumunod na kami. Pinaghalong luma at bago yung mga building dito. Ang lawak ng ground at ang daming istudyante. Yayamanin! "Pare.. chicks." Dinig kong sabi nila Rory. "Ang una po nating pupuntahan ay ang history hall ng university kung saan makikita lahat ng board member at nagtayo ng school na to." Sabi ni Tour Guide. Naglakad lang kami at pumasok sa isang lumang building. Pagpasok, puro bulletin board na agad ang bumungad sakin. Kung anik-anik yung sinabi ni Tour guide na kinatamaran ko ng pakinggan. Sandali kaming huminto at natapat sa isang bulletin board. Hindi kagaya sa mga nauna, mas bago ang mga picture dito. "Jay..." Tawag sakin ni Ci-N. "...kamag-anak mo?" Tanung nya sabay turo sa isang listahan na puno ng pangalan. Lumapit ako at tinignan yung pangalang tinuturo nya. Jasfher Mariano Ang galing, kapangalan ko sya at kaapilyido. Yun nga lang, wala akong maalala na may kapangalan ako sa mga kamag-anak namin. Umiling lang ako kay Ci-N. Tumingin pa kami sa mga bulletin ng may matapatan akong picture. Para kasing kilala ko yung nasa picture. Pamilyar to sakin. Para bang nakita ko na sya. Hindi ko lang maalala kung saan. Tinitigan ko pang mabuti pero hindi ko pa rin maalala. Lalaki na muka'ng ng nasa mid 40's. Muli kami'ng tinawag ng Tour guide at nagsalita nung kung anu-anu. Pero wala sa kanya yung atensyon ko. Yung lalaki kasi sa picture, para kasing nakita ko na talaga sya. Hindi mapakali yung bulate sa utak ko dahil sa kanya. Kung saan-saan pa kami dinala nitong Tour Guide. Wala na kong naintindihan sa sinabi nya. Dun pa rin sa picture yung focus ko. Nakarating kami sa cafeteria at dun kami pinakain. "Huy... Jay!" Tawag sakin ni Ci-N. "Huh?" "Sabi ko kung kakainin mo pa yan?" Tanung nya sabay turo sa pagkain sa plato ko. Umiling ako at nilapit sa kanya yung plato. Wala akong gana, marami naman akong kinain kanina kaya okay lang. "May problema ba? Kanina ka pa tahimik." Puna ni David at halos lahat sila tumingin sakin. "W-wala... Pagod lang ako." "Are you sure about that? Kanina lang excited ka." Tanung ni Yuri. Nag-nod lang ako sabay pilit ng ngiti. Ayoko'ng pati sila idamay pa sa isipin ko. Ako nalang bahala dun. Bigla nalang dumamba si Felix sa table namin. Yumanig yung table at muntik ng tumaob yung mga baso. "Anu ba yan?!" "Felix naman!" "Parang bata!" "Good news!" Announce nya habang nakangiti. Bigla nya'ng hinarap samin yung papel na hawak nya. Hindi ko maintindihan nung una kaya yung malalaking letter nalang binasa ko. Scholarship Agreement and Approval "Pinapirma kana?!" Gulat na tanung ko. Buong ngiti na nag-nod si Felix kaya naman sabay-sabay kaming nagpalakpakan. "At lahat ng to... Utang ko sayo." Sabi nya habang nakatingin sakin. Akmang yayakapin na nya ko ng bigla'ng humarang yung kamay ni Yuri. "Hindi na kailangan ng yakapan." Sabi nya. Pare-pareho kaming nagpalitan ng tingin. Sa halip na magsalita bigla nalang dumamba ng yakap si Felix sakin. Hala! "Oy! Felix!" Sigaw ko. "Bakit ba?! Gusto ko syang yakapin!" Sabi ni Felix. Hindi pa nakakasagot si Yuri ng dumamba din ng yakap si Ci-N. Anak ng... "Ako din yayakap!" Sabi ni Ci habang nakangiti ng nakakaloko. Sinubukan kong kumawala sa yakap nila pero bigla nalang ding yumakap si David sakin. "Hala! Umaano ba kayo?!" Inis na tanung ko. "Tignan mo si Keifer." Bulong sakin ni Ci-N. Bakit ko gagawin yun? Pero ginawa ko parin yung sinabi nya. Kingina! Muka na sya'ng papatay ng tao. Napalunok nalang ako. "B-bitaw na... T-tama na yung yakapan." Sabi ko habang pilit kumakawala. Pero ang Ci-N lalo pang hinigpitan ang yakap at hinimas-himas pa yung muka nya sa balikat ko na parang pusa. Magsasalita na sana ako ng biglang hampasin ni Keifer yung lamesa. Lahat kami napatigil at napatingin sa kanya, pati mga istudyante ng University na to. "Move away or i will cut your arms off?" Mahinahon pero ma-otoridad na tanung ni Keifer. Sabay-sabay silang humiwalay sakin. Parang bata na kinagalitan si Ci-N, napayuko pa sya sabay pout. Muli kaming tinawag ng Tour Guide. Sa theater na daw kami dahil magsasalita daw yung mga board member ng school. Bumalik kami sa pila at muling sinundan yung Tour Guide. Panibagong building yung pinuntahan namin. Pumasok kami sa malaking itim na pinto. Mukang eto na yung theater na sinasabi nila. Sobra'ng laki at ang daming upuan. "Section E! Dito po tayo!" Tawag samin nung Tour Guide sabay turo ng pwesto namin. Medyo dulo at likod na yung pwesto namin. Malayo na sa stage at parang nilayo talaga kami sa ibang Section. Tsk! Pati ba naman dito! Naghanap na kami ng mauupuan. Sandali kong nilingon yung katabi ko at---- 😒. Yuri at Kiefer. Ayokong katabi tong dalawa na to. Kundi ako mamatay sa pagka-buryong, mamatay ako sa tingin. Next time nga didikit na ko kila Ci-N o kaya kay David. Nag-umpisa ng magsalita yung nasa stage kaya naman tumahimik na kami. Iba't ibang tao yung nag-sasalita. Karamihan sa kanila wini-welcome lang kami. Pero isang tao yung umagaw ng atensyon ko Yung lalaki sa picture sa may bulletin board. Sya yung kanina ko pa iniisip kung saan ko nakita. Sobra'ng pamilyar talaga sya sakin. "Welcome sa Hemilton University! I'm Jasfher Mariano, one of the board member! We are happy to have you here! Blah blah blah blah..." Pakilala nya sa sarili nya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ganito rin yung pakiramdam ko nun, nung gusto kong makaharap si Percy at malaman kung sino sya. "Jay... Bakit?" Tanung sakin ni Yuri. Hindi ko sya pinansin. Ayaw maalis ng tingin ko sa lalaki'ng nagsasalita. Jasfher Mariano! Tang'na! Agad kong kinuha yung cellphone ko sa bag. Binuksan ko yung gallery at nag-swipe ng nag-swipe. Bakit ba puro picture ni Ci-N to? Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko. Ramdam ko kasing matatapos na sya'ng magsalita. Baka hindi ko na sya maabutan kung hindi ako mag mamadali. Nahanap ko yung picture na kailangan ko. Kailangan ko para mapatunayan na kilala ko nga yung taong nasa harap at nagpakilala'ng Jasfher Mariano. Yung picture namin ng Papa ko. Yung nag-iisang picture namin. Sanggol pa ko at nasa harap kami ng hindi kilala'ng simbahan. Kamuka nya! Mas bata lang yung nasa picture na meron ako. Pero hindi ako pwedeng magkamali. Sya to! Kayalang Boy Mariano ang nakalagay sa birth certificate ko. Kusa nalang tumulo yung luha ko. "What's wrong?" Tanung sakin ni Keifer. "S-si Papa ko..." Bulong ko at bahagya'ng hinarap sa kanya yung cellphone ko. Sandali nya'ng tinignan yung picture at binalik sakin yun tingin nya. Mabilis sya'ng tumayo at agad na hinawakan ang kamay ko. "Tara... Kung gusto mong maka-siguro, lapitan mo sya." sabi nya at pilit ako'ng hinatak. Kahit sa totoo lang natatakot ako, tumayo din ako agad at hinayaan syang hatakin ako. Sandali kami'ng tumingin sa stage yun nga lang nakababa na sya. Sasalubungin sana namin sya pero bigla nalang kami'ng hinarang ng Tour Guide. "Sir, Ma'am bumalik na po kayo sa upuan nyo." "You don't understand. We need to talk to that person." Inis na sabi ni Keifer. Tumingin yung Tour Guide sa tinuro namin kaya agad kaming nakakuha ng pagkakataon ni Keifer para lusutan sya. Mabilis kami'ng tumakbo pero paglabas namin ng building, hindi na namin sya nakita. "Asan?" Tanung ko. Panay ang tingin namin sa paligid. Hangang bigla nalang nanghatak ng kung sino itong si Keifer. Hala! "Huy Keifer!" Tawag ko sa kanya pero hindi nya ko pinansin. "May nakita kabang lalaki'ng naka-business attire at may hawak na brief case?" Tanung nya sa dinampot nya. "Marami!" Pabalang na sagot nung lalaki samin. Agad syang nakakuha ng matalim na tingin mula kay Keifer. Sumingit na ko sa kanila at baka pagmulan pa ng away. "Kuya... Baka po kilala nyo yung Jasfher Mariano? Kailangan ko lang po sya'ng maka-usap." Paki-usap ko. "Hindi nyo sinabi agad! Yun lang pala eh... Papunta na syang parking ngayon." Sagot nya sabay turo sa kung saan. Binitawan sya ni Keifer at agad akong nagpasalamat sa kanya. Lakad takbo ang ginawa namin marating lang yung parking. Pero kung suswertihin ka nga naman! Ang laki ng parking nila, dinaig pa parking sa mall. "You go that way! I'll search here!" Utos ni Keifer. Mabilis akong tumakbo sa direksyon na tinuro ni Keifer. Lahat ng lalaki'ng pasakay ng kotse nila, nilapitan ko na ata. Hinihingal na ko sa pagtakbo at pagtingin sa bawat sasakyan. Gusto ko ng sumuko dahil sa pagod. Hanggang sa may narinig akong nagsalita sa likod ko. Dahan-dahan kong nilingon yun. Nang makita ko ng maayos, kusa nalang tumulo ang mga luha ko. Wala rin tigil sa pagtibok ng mabilis ang puso ko. Kaharap ko na sya ngayon. Hindi ako makapagsalita. Binuksan nya yung pinto ng kotse nya at ipinasok yung brief case na hawak nya. Akmang sasakay na sya ng makita nya ko. Napatigil at para bang nagulat sya na makita ako. Sinara nya yung pinto ng kotse nya at sandali'ng nakipag titigan sakin. "J-jay-jay?" Tanung nya at bahagyang lumakad palapit sakin. Kilala nya ko?! Shit! "K-kilala nyo po ako?" Tanung ko at lumakad palapit sakanya. Bigla nalang may tumulong luha galing sa mata nya. "O-oo naman..." Huminga sya ng malalim. "...oh gad! Ang tagal kong hinintay ang araw na to." Sabi nya at sinuklay ng kamay ang buhok nya. Mas lumakas ang pag-iyak ko. Halos hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung dahil sa masaya ako at nakita ko na sya o dahil kilala nya ko pero hindi man lang sya nagpakita sakin. Kahit alin dun, wala akong pakialam. Basta ang alam ko lang eto na sya. "P-pwede ba kita'ng yakapin?" Tanung nya sakin. Hindi na ko nagsalita. Nagkusa na kong lumapit at yumakap sa kanya. Mahigpit. Sobrang higpit na yakap ang binigay ko. Kung kailangan kong bawiin yung mga panahon na hindi ko sya nayakap, gagawin ko. "Jay... I'm so sorry... Patawarin mo si Papa." Sabi nya habang nakayakap pa rin sakin. Ang tagal kong hinintay na mabigkas ang mga salitang to. Yung salitang kikilala sa kanya at bubuo ng pagkatao ko. "P-papa..." Lalung humigpit ang yakap nya sakin. Pero hindi pa nagtatagal ang yakap na yun ng may bigla nalang humatak sakin at paglayuin kami. "Bitiwan mo si Jay-jay!" Sigaw ni Aries. "Aries!" Sigaw ko. Mahigpit nya kong hinawakan sa braso. Masama ang tingin nya kay Papa. "Umalis kana!" Utos ni Aries kay Papa. "A-aries... Nakiki-usap ako. Gusto ko ng makasama yung anak ko." Paki-usap nya. Kilala din nya si Aries?! Sinubukan kong kumawala pero lalung humigpit yung hawak nya sakin. Nasasaktan ako! "Umalis kana kung ayaw mong sabihin ko to kay Tita Jeana!" Sigaw ulit ni Aries. Tinignan ako ni Papa na para bang humihingi ng tawad. Bumalik sya sa kotse nya at mabilis na sumakay. "Papa! Sandali lang!" Sigaw ko at sinubukan ko syang habulin. Niyakap ako ni Aries mula sa likod para pigilan ako. Pilit akong kumakawala at lumalapit kay Papa. "Sandali lang Pa!" "Jay! Tumigil kana!" "Bitiwan mo ko Aries!" "Tumigil kana!" Mabilis na umandar paalis yung kotse ni Papa. Napaluhod nalang ako ng bitiwan ako ni Aries. Gustuhin ko mang habulin para saan pa. Kusa naman syang lumayo at piniling iwan ako. Nagpatuloy ang pagiyak ko. Hindi nga lang kapareho ng dahilan ng pagiyak ko kanina yung ngayon. Masakit kasing ngayon ko nalang sya nakita, pinili pa nyang iwan ako ulit. "JAY-JAY!" malakas na sigaw ng kung sino at bigla nalang bumagsak si Aries sa sahig. Natakpan ko nalang ang bibig ko sa pagkagulat. Hanggang sa may kamay na umalalay sakin sa pagtayo. Yuri... Andito din si Keifer at mukang sya yung nagpabagsak kay Aries. "What happen?" Tanung ni Yuri. Napatingin ako kay Keifer na mukang hinihintay din ang sagot ko. "S-si Papa... N-nakita ko sya." 

 

 

Chapter 107 Answers Jay-jay's POV

 

 "Alam mo ba?" Tanung ko kay Kuya Angelo. Hindi sya sumagot. Naka-cross arm lang sya'ng nakatingin sakin. "Alam mo... Tama ba ko?" Tanung ko ulit. Huminga ng malalim si Kuya at bahagya'ng nag-nod. Tang'na! "Kaya ba ayaw mo kong payagan na magpunta don?" "That's not the point here----" "I don't care about your point!" Sigaw ko dahilan para magsalubong ang kilay nya. Natatakot ako sa kanya pero mas natatakot akong malaman yung totoo. "Kung paliwanag ko ang hinihingi mo, wala kang mapapala sakin." "Pero karapatan kong malaman! Tatay ko yun..." sabi ko at nagsimula na namang mag-unahan ang luha ko sa pagbagsak. "I'm not the one who will explain it to you. Darating na si Tita Jeana dito bukas. Sa kanya mo na itanung yan." Tinignan ko si Kuya sa mga mata nya. "Wag mo syang papuntahin dito. Ayoko syang makita." Ayoko syang makita. Masama na ang loob ko sa nalaman ko, wag na nyang gatungan pa. "Jay----" "AYOKO SYANG MAKITA!" Sigaw ko at mabilis na tumakbo papunta sa kwarto ko. Ni-lock ko agad ang pinto pagkasara ko. Hindi ko na pinigilan pa yung luha ko. Sobrang sakit ng malaman na alam pa nila kung nasan yung Papa ko pero wala man lang silang sinabi sakin. Abo't kamay ko lang pala sya.

 

 Aries's POV

 

 Nilagyan ko ulit ng yelo yung ice bag na hawak ko. Aaminin ko, sobrang sakit pa rin ng suntok sakin ni Keifer. Hindi ko alam kung dahil matagal na kong hindi nakikipag-away o sadyang ibinuhos lang nya yung galit sakin. Yung mga tingin nya, it's the same look when he punch because of Ella. What does it mean? "Aries..." Kuya called me. "...I thought you'll keep an eye on her?" "Sorry... Pinag-hiwa-hiwalay kami ng lugar." "Your sorry won't change anything. Nagkita na sila." Inis na sabi nya sakin. Tss. Bakit ba hindi nalang nya hayaang magkita yung dalawa? Maswerte nga si Jay-jay kung tutuusin. Her father is doing all the effort just to find and be with her. Unlike mine. Nage-effort sya'ng anu? Makita ako para makahingi ng pera. Sometimes i think it's better kung napatay nalang sya ni Jay-jay nun. I know, it's a bad thing to think like that but no one can blame me. My phone ring in a short time and followed by a text message. I thought it was Ella, so i get my phone iediately. But i'm wrong. I delete the text message and shut down my phone. How did he know my phone number?

 

 Jay-jay's POV

 

 Daig ko pa yung kriminal na tumatakas sa kulungan. Kasi naman... Ayoko nga sya'ng makita kaya binuhos ko na yung oras ko sa kaka-isip kung panu ko makakatakas. Bwala! Eto ako ngayon at nakasakay sa bike. Papunta sa lugar na hindi ko alam. Dumaan kasi ako sa bintana sa likod ng bahay. Joke! Hinintay ko lang umalis si Kuya, tapos dumaan ako sa harap para kunin yung bike ko. Nakita ako ni Aries pero wala namang paki sakin ang isang yun. Galit din ako sa kanya! Alam din kasi nya. Pero kung tutuusin, quits lang kami. May alam akong hindi nya alam. Alam kong buhay si Percy. Pinagsabihan kasi ako nila Keifer na wag muna ipaalam sa kanya. Hindi pa nga naman kasi kami sigurado sa balak ni Percy. Pero hangang ngayon, inaabangan ko pa rin yung text or tawag nya. May pagkakataon nga na hindi ko hinahayaan na malowbat or malayo sakin yung phone ko. Speaking of phone, tumatawag sakin si Kuya. Bahala sya! Hindi ako haharap sa babae na yun. Aalis din naman sya agad kaya makaka-uwi din ako ngayong araw. Patuloy ako sa pagB-bike at sa totoo lang ngayon ko lang napansin na paakyat na tong daan. Medyo hirap na ko sa pagpidal. Sandali ako'ng huminto at pinagmasdan yung paligid. Para kasing pamilyar sakin. Bumalik ako sa pagpidal habang patuloy sa pagmasid sa mga dinadaanan ko. Hangang sa meron akong na-realize. Papunta kila Keifer tong lugar na to! Panu ko nakarating dito ng hindi ko namamalayan? Hanep yan! May sarili nabang isip tong bike ko at nagdesisyon mag-isa? Tumunog na naman yung phone ko. Unknown number yung tumatawag. Ayoko sana sagutin pero baka kasi si Percy to. "H-hello?" ["Asan ka?"] Tanung nung nasa kabilang linya. Hindi ko makilala yung boses nya. Pero alam kong hindi sya si Percy. At kung sino man sya, bakit ko sasabihin sa kanya? "Sino ka? Pakialam mo kung nasan ako?" ["I'm asking you a question. Answer it!"] Napataas ang isang kilay ko sa sinabi nya. Eng kepel neng meke nyang utusan ako! "Hoy! Kung sino ka man, wag kang tanga! Bakit ko sasabihin sayo kung nasan ako?! Ni hindi ka nagpapakilala! Kung wala kang magawang matino, wag ako istorbuhin mo! Don't me!" Inis na sabi ko. ["Tss."] Ay! Kilala ko na. Tabas pa lang ng Tss, alam ko na kung sino. Dalawa lang silang mapag-ganyan. ["..Dami mong alam."] Inis na sabi ng Hari ng mga ulupong. "Anu ba kailangan mo?!" ["Asan ka nga?!"] Tinignan ko yung paligid ko. Sasabihin ko ba sa kanyang nasa daan ako malapit sa kanila? Wag na siguro, baka isipin nya ini-stalk ko sya. "Nasa daan." sagot ko. ["Be specific."] Naku naman! "Hindi ko alam. Basta nagb-bike lang ako." May narinig akong bumukas na gate sa side nya. Mukang palabas ang luko. ["Kindly turn around."] Utos nya. Kahit naguguluhan, ginawa ko naman. At saktong paglingon ko. Bumungad ang naka-short at tshirt na Keifer habang nakatayo sa tapat ng gate. Bakit andito to? Tinignan ko yung kabuuan ng pwesto nya. Bahay pala nila to, ngayon ko lang napansin. Hindi ko kasi napag-masdan ang bahay nila dati dahil nasa loob lang kami nun. Hindi tuloy naging pamilyar sakin. Pinatay nya yung tawag at naglakad palapit sakin. "Asan ka?" Tanung nya. "S-sa tapat ng bahay nyo." Naiilang kong sagot. "Come inside." Sabi nya at naglakad papasok sa gate nila. Hindi ko alam yung sasabihin ko. Hindi rin ako nakagalaw sa pwesto ko. "Jay-jay..." Tawag nya sakin. Napilitan akong maglakad habang hatak-hatak yung bike ko papunta sa kanila. Sobrang lawak ng bakuran nila. Feeling ko, mas lumawak pa buhat nung huli naming punta. Nakita ko naman yung mga kotse ni Keifer. Oo... Mga kotse nya. Sa kanya lang daw yan sabi ni Yuri sakin. Ayaw daw kasing pahawakin ng manibela ni Keifer si Keigan. May topak daw kasi. Pinarada ko yung bike ko sa sulok. Sa tabi lang ng mga kotse nya. Parang laging walang tao sa bahay nila. Ang laki-laki tapos sila-sila lang yung nakikita ko. "Kayo lang ba nakatira dito?" Tanung ko sa kanya. "What do you think?" Sarcastic na tanung nya sakin. "Ibig kong sabihin, nasan yung mga maid? May butler pa kayo diba? Tsaka asan yung parents mo?" Huminto sya at tinignan ako. "My parents don't live here. Maids and butlers are inside their rooms. Ayoko ng marami'ng tao'ng pakalat kalat." Lumakad ulit sya at pumasok sa bahay. Sunod naman ako. Napaka-seryoso nya nung sinagot nya yung tanung ko. My parents don't live here. Pwede ba yun? Sabagay hindi ko nga kasama yung parents ko sa bahay eh. Pumasok ulit kami sa panibagong pinto. Mukang eto yung sala's nila. Sobrang dami ng sofa, mga apat na set ata. Naupo sya sa isa mga sofa, pagtingin ko dun sa coffee table. May tambak ng bote ng alak at ice bucket. Nagsalin sya sa baso at uminom. "Aga naman nyan." Komento ko pero hindi nya ko pinansin. "Umaano ka naman at nakarating ka sa tapat ng bahay ko?" Tanung nya. "Nagb-bike nga... Panu mo nalaman na andyan ako sa labas?" Uminom muna sya bago magsalita. "I have my ways." Anu ka bangko?! Niligid ko yung paningin ko. Ang laki kasi talaga ng sala's nila. Painting lang ang design sa pader at wala akong makita'ng picture nila o ng pamilya nya. "Anu pala trabaho ng parents mo?" Tanung ko habang nakatingin sa isa sa mga painting. "None." Mabilis nyang sagot. Napatingin ako sa kanya. "Pwede ba yun? Ang laki-laki ng bahay nyo. Alangan namang binigay lang sa kanila to ng kung sino." Tinignan nya ko bago magsalin ng alak sa baso. "No one gave this house to them, because this is mine. Only mine." Huh?! Sa kanya lang tong bahay na to? Mukang nahalata nya na naguluhan ako sa sinabi nya. "This house is mine. Hindi sila nakatira dito, dahil hindi ko sila pinatira dito." Paliwanag nya. "Panu yun? Eh asan sila?" Ini-straight nya yung alak sa baso bago mag-salin ulit. Sandali nyang hinawakan yung tenga nya na may hikaw bago sumagot sa tanung ko. "My Mom is dead. My Dad is busy with his new wife. Pina-alis ko sila dito, dahil hindi ko gustong makita yung pagmumuka nila. Any question?" Napayuko ako. Hindi ko intensyon na buksan yung topic na yun. Expected ko kasi, complete family sila dahil kasama nya sila Keigan at Keiren sa bahay. "S-sorry." Sabi ko. Hindi sya sumagot. Tinuloy lang nya yung pag-iinom. Nakaka-ilang alak na ata sya pero wala man lang akong makitang marka na may tama na sya. "Ikaw..." Basag nya sa katahimikan. "...what's with your family?" "A-ayos lang... N-nakita ko na si Papa kahapon diba?" He chuckled bitterly. "You know... You're unfair." Alam kong ibig nya'ng sabihin dun. Hindi sa unfair. Ayoko lang talaga'ng dagdagan ang isipin nila. Kagaya nya, may family problem na sya tapos sasabihin ko pa yung sakin. Bigla syang nagbaba ng baso'ng may alak sa harap ko. "Let's play a game. I will ask you questions and if you don't want to answer, drink this. It will be the same with me." Sabi nya. Ay teka... Ayoko! "A-ayokong mag-inom ngayon." "Then answer my question." Seryoso nya'ng sabi. "Keifer... Kasi----" "Hindi ka makaka-uwi." Bigla'ng sabi nya na nagpatigil sakin. "...i have my ways, remember?" Tinignan ko yung baso ng alak. Okay! Hanga't kaya kong sagutin, sasagutin ko. "Game!" 

 

 

Chapter 108 Question and Answer Jay-jay's POV

 

 "Question #1!" Sabi nya at tinignan ako. "...Where is your Mom?" Ayoko sana'ng sagutin pero ayoko ding uminom. "N-nasa bago nya'ng asawa." Wala syang reaksyon o expression sa sinagot ko. "Your turn." Sabi ulit nya. Marami akong tanung sa kanya, hindi ko nga lang alam kung anu yung uunahin ko. "May chance pa bang magka-ayos kayo ni Aries?" Hindi sya sumagot. Agad nya'ng kinuha yung baso at uminom. "My turn..." Sabi nya. "...May chance pa bang magka-ayos kayo ni Aries?" Balik nyang tanung sakin. Meron nga ba? Hindi ko alam ang sagot at ang unfair din sakin kung sasagot ako sa kapareho'ng tanung na binato ko sa kanya. Kinuha ko yung baso at tinungga. Putik! Ang sakit sa lalamunan! Gumuguhit hangang dibdib. Anu bang alak to? "Ako naman..." Sabi ko. "...Anu'ng meron sa earing mo?" Sandali nyang hinawakan yung hikaw nya bago sumagot. "It was belong to my Mom." Gusto ko pa sanang magtanung pero sya naman dapat muna. "I remember the incident with Ram. How is that happen?" Ayoko ng tanung na yan. Hindi ako sumagot kaya naman sinalinan ko yung baso at tinungga yung laman. "Kelan mo pa sinuot yung hikaw na yan?" Tanung ko. "Nung akala naming namatay si Percy. I have no one to comfort me. So i went to her room and i saw this earings. Pakiramdam ko kasama ko sya nung kinuha ko to. So i choose to wear it." Paliwanag nya. Yung ramdam mong masakit pero masaya. Ganun sya, masakit na pag-usapan yung Mom nya pero at the same time masaya sya. "Ikaw... What's with your father?" Tanung nya. "H-hindi ko sya nakasama... Sa picture ko lang sya nakita. Sabi lang nila Lola, galit si Mama kay Papa kaya inilayo ako. Tapos nun, wala na kong alam sa kanya. Hangang sa nakita natin sya kahapon." Sagot ko at nagpilit ng ngiti. Sinagot nya yung tanung ko sa Nanay nya, anu naman kung sagutin ko yung tungkol sa Papa ko. "Nasan yung kapares ng hikaw?" Tumingin sya sa malayo at parang nag-isip. Pakiramdam ko nawala nya pero sabi nya sa Nanay nya yun kaya ibig sabihin mahalaga sa kanya. "Naibigay ko sa maling tao." Kay Ella ba? Gusto kong itanung yun. Pero ayaw na ayaw nyang pinag-uusapan si Ella. Para'ng triger yung pangalan nya at nagiging halimaw ang isang to sa galit. "You... Anu yung totoong reason ng away nyo ni Aries?" Tinignan ko yung baso ng alak. Ayoko ng uminom. Sobrang sakit sa lalamunan pero hindi ko alam yung isasagot sa tanung nya. Napilitan akong kuhanin yung baso at inumin yung laman. Tengene! Sakit! "Ikaw naman... Sino yung pinag-bigyan mo ng kapares?" Hindi sya sumagot. Uminom lang sya at nagsalin ulit. Pakiramdam ko si Ella nga yung pinag-bigyan nya. Hay... "What happen to that Cyrus guy?" Bakit napasok sa usapan si Cyrus? Ayoko! At hindi ko din alam. Kahit parang tinatamaan na ko ng alak. Uminom pa rin ako para lang maka-iwas sa tanung nya. Sa dami ng gusto kong itanung hindi ko na maalala kung anu-anu yun. "Panu kayo nagkakilala nila Aries, Yuri at Percy?" "Suntukan... Inaway ko kasi si Yuri, naiinis ako sa pagmumuka nya. Tapos dumating si Percy to the rescue. Si Aries, naglalakad lang nun tapos nasuntok ni Percy. Pare-pareho kaming dinampot sa guidance." Kwento nya. Gusto kong matawa sa sinabi nya. Nakakatuwa kasi yung pagkikita nila. At mula sa suntukan, nabuo yung pagkakaibigan nila. "Naging mabuti bang boyfriend sayo si Cyrus?" Tanung nya. Napayuko ako. Ayokong siraan si Cyrus. Pero kasi... "N-nung una, oo... Pero nung nagtagal, hindi na. Mainitin din ulo nya, pikon at spoiled." Tinignan nya ko ng diretso at seryoso. Hindi ko mabasa kung nagagalit sya o ano. "Ikaw naman... ..." Sandali akong nag-isip. "...Sino first girlfriend mo?" Wit! Bakit yun yung tinanung ko? "Si Freya." Mabilis nya'ng sagot. Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. Si Freya? As in si Freya Hidalgo? Anak ng... "Seyoso ka dyn?" Hindi makapaniwalang tanung ko. "Hey... One question at a time." Sabi nya. "It's my turn, si Cyrus lang ba naging boyfriend mo?" Umiling ako. "May first boyfie ako pero bading na sya ngayon." Nakita ko syang napangiti pero binawi din nya agad. "Ako na... Bakit si Freya?" "What do you mean 'bakit si Freya'? Malamang nagustuhan ko sya." "Eh kasi... Hindi lang ako makapaniwala na nagustuhan mo sya." "Hindi pa ganyan itsura nya nun." Huh?! "It's my turn to ask again... Talaga bang si David ang type mo?" Bigla nalang ako natawa sa tanung nya. Naniwala din pala sya na si David talaga yung type ko. "H-hindi... Hahaha... Wala lang talaga akong maituro nun." Sagot ko "You lied to Ci-N." "Parang ganun na nga... Ako naman ulit. Sinong nagugustuhan mo ngayon?" Tanung ko sa kanya. Umiwas sya ng tingin at agad na kinuha yung baso para inumin yung laman. Daya! "Ikaw.. sinong nagugustuhan mo ngayon?" Balik nya'ng tanung sakin. Bakit ko sasabihin? Madaya sya, kaya kinuha ko yung baso at akmang iinumin pero hinawakan nya yung braso ko. "Answer it." Utos nya. "Ayoko..." Sabi ko at agad na binawi yung braso ko para mainom yung laman ng baso. Argh! Parang hindi ko na kaya. "Tss..." Wala kang magagawa. Madaya ka kasing Hari ng mga ulupong. Bakit parang umiikot yung paningin ko? Ako naman yung magtatanung. "Mahal mo pa ba si Ella?" Dire-diretsong tanung ko. Hala! Nawala ata yung filter ng bibig ko at kusa nalang lumabas yung tanung na yun. Mabilis na kinuha ni Keifer yung baso pero mas mabilis akong kumilos. Inagaw ko sa kanya yung baso at tinignan sya. "Ayokong sagutin." Sabi nya. Nakipagtitigan sya sakin ng matagal. Para bang nakiki-usap sya na wag na kong magtanung pa ng tungkol kay Ella. Bigla nalang syang tumingin sa ibang direksyon. Parang may kung anung tumusok sa puso ko. Unti-unti ko binaba yung baso sa harap nya. Kinuha nya yun at ininom. "One last question..." Sabi nya sakin pero parang ayoko ng laro na to. "...Do you like Yuri?" Anu daw? Si Yuri naman ngayon. Kanina si Cyrus. Lasing na yata tong si Keifer. "Ewan ko..." Walang gana kong sagot. "...Oo, siguro. Mabait kasi si Yuri sakin. Tapos masipag pang mag-aral. Diba?" "How about me, do you like me?" Tanung nya. Ha? Diba dapat ako naman yung magtatanung? Ako nga ba? Hindi ko na maalala. Nahihilo na kasi ako. "Ewan ko... Naiinis kasi ako sayo. Hindi kita maintindihan. Parang kang may sapi o kaya saltik, ang lakas ng topak mo." Sabi ko sa kanya. Bahagya syang tumawa. Para bang natuwa pa sya sa komento ko kahit sa totoo lang insulto dapat yun. Baliw na sya! "Kagaya nyan. Tinatawanan mo yung insulto ko sayo. Kumag ka talaga eh. Manang-mana sayo yung mga luko. Ikaw talaga yung Hari nila. HARI NG MGA ULUPONG!" "Excuse me? Did you just call me Hari ng mga Ulupong?" Tanung nya na may halong inis. Sinabi ko ba yun?! "..." Wala akong maisip na palusot. Baka magalit na naman sakin tong luko na to. Sumasakit pa naman yung ulo ko.

 

 Keifer's POV

 

 I can't believe this girl. She just call me, Hari ng mga Ulupong. And i don't even know what ulupong means. I'm still staring at her ng bigla nalang nyang hawakan ang ulo nya at humiga sa sofa. "Ang sakit ng ulo ko... Nahihilo ako. Tinamaan na ata ako ng alak." Sabi nya. Halata nga. Bakit ba ang bilis nilang tamaan ng alak? Am i the only one who have high tolerance with alcohol? Nilapitan ko sya para sana tignan ng mabuti. Saktong paghawak ko sa kamay nya ng mapansin kong nakapikit na sya. She fell asleep? I shake her a bit, but she's not moving. I chuckled from what happen. Kaya pala mabilis napapahamak ang babaeng to. Ang bilis ma-knock out sa alak. I carry her, bridal style. Oh crap! Parang mas lalo syang bumigat. I breath heavily before walking out. Dire-diretso lang ako until i reach the stare case. What the... I think i need to renovate our house and add an elevator or escalator. Parang ngayon ko lang na-realize na ang laki at ang daming baitang ng hagdan namin. Nahihirapan ako dito sa dala ko. Binaba ko sya bahagya at nilipat ng posisyon. Binuhat ko sya na parang sako ng bigas. Umakyat na ko ng hagdan. Dinala ko sya sa kaparehong kwarto na pinagdalhan ko sa kanya dati. It's just in front of my room. Pagbaba ko sa kanya sa kama, inayos ko agad ang pagkakahiga nya. Tinambakan ko rin sya ng unan at kinumutan kagaya dati. After covering her with blanket, i sit beside her. I can't help staring at her innocent face. Mahal mo pa ba si Ella? I keep asking myself with the same question. Yes, is my answer from the start but while i'm staring at Jay-jay and i ask the same question. I'm starting to get confuse. What is going on with me? "So it's true..." Someone speak from the door. Sandali ko syang tinignan bago tumayo at lumapit sa pwesto nya. "What do you want?" I ask him. "Nothing... I just want to confirm kung may bisita ka nga." Keigan said and smile. Umaandar na naman yung topak nya. May kakaiba sa ngiti nya. I know he is not in his usual self. "You seen her. You can go now." Utos ko. He chuckled. "Why in a hurry big bro? Are you planning to do something to her?" I iediately grab his collar and stare down to him. Hindi ko gusto ang ugali ni Keigan kapag ganito sya. "Easy.." he said while raising his hand like surrendering. I can sense his fear. I always do with many people. Expect for one, she's the only one who knows how to handle my anger. "Ella..." Keigan said. "...I saw her with your former best of friend, Aries." I let go of him. "I don't care." "Yeah... Like what you've always said." Pang-aasar nya sakin. Kung hindi ko lang kapatid si Keigan, malamang nilumpo ko na sya. Hindi ko alam kung anung sapak nya ngayon sa utak at tuwang tuwa na naman syang inisin ako. Nilingon ko si Jay-jay na mahimbing na natutulog bago ko isara yung pinto. I have a lot of things to do. Ayoko sana syang iwan but i need to. I look at Keigan seriously. "Wag kang magkakamali." Banta ko sa kanya. He raised his hand again and smile. Not that i don't trust my brother but i need to be sure. 

 

 

Chapter 109 Watson vs Hanamitchi Jay-jay's POV

 

 Hay... Kelan pa kaya? Kelan pa kaya matatapos lahat ng isipin ko? Tungkol kay Percy at tungkol kay Papa. At kelan din kaya titigil tong katabi ko sa kakayugyog sakin? "Dali na... Jay-jay." Sabi ni Ci-N habang patuloy sa pagtulak sakin. "Ayoko nga... Kayo nalang." Walang gana kong sagot. Kasi naman! Nagyayaya na naman sila sa Mall. Manlilibre daw ng ice cream si Kit. Sya na mayaman sa ice cream. "Sama kana... Please..." Paki-usap pa rin ni Ci habang naka-pout at puppy eyes. Ayoko kasi talaga. Kailangan kong mapag-isa para mapag-isapan kung ko kung panu ako makakabalik sa Hemilton University ng hindi nalalaman ni Kuya. "Sumama kana Jay... Kailangan mo din ng pahinga mula sa mga problema mo." Sabi ni Felix. May punto sya sa sinabi nya. Kailangan ko nga din naman ng pahinga. Pero kung gagawin ko yun, baka huli na ang lahat para sakin. "Sumama kana... Tutulungan kita'ng makabalik sa Hemilton University." Biglang sabi ni Keifer dahilan para mapatingin ako sa kanya. "P-panu?" He smirked. "I have my ways." Yan na naman yung pang-bangko nyang linya. Gusto ko yung inaalok nya. May tiwala naman ako dito sa Hari ng mga Ulupong kaya... "S-sige... Sasama na ko." Sagot ko dahilan para mapatayo sa tuwa si Ci-N. "Wala ng bawian yan ah?" Sabi ni Felix. Tumango naman ako sa kanya. Nag-apir pa sila ni Ci-N ng kamay. Kung titignan si Felix parang hindi sya apektado nung usap tungkol kay Percy. Pero sinabi sakin nila Kit at ng iba pa na ilang beses na syang nagpapakalasing at hahanapin si Percy sa iba't ibang lugar. Alam ko yung nararamdaman nya. Mahirap talaga, idagdag pa yung iisipin mo pa kung kelan mo sya pwedeng makita. Naku Percy! Pagnakita kita ulit, kukutusan kita ng malakas-lakas. Gatong-gatong na stress tong binibigay mo samin. Stress na nga ako sa bahay, dito sa school, kay Papa at pagkatapos sya pa. Isa pa palang problema namin, uuwi na daw sila Tita Gema at Tito Julz. Yun nga lang Bad news ata ang dala nila. Ilang beses ko ring naririnig si Kuya na may kausap sa phone nya. Puro problema sa kumpanya. Hay... Maaga natapos ang klase namin ngayon. Tinamad yatang magturo yung mga teacher. Pero pabor samin yun, makakapunta kami ng Mall ng maaga. Naglalakad na ko palabas ng makasabay ko si Blaster. "Punta tayo sa arcade... May mga bago daw silang games." Sabi nya habang nakangiti sakin. Ngumiti lang din ako bilang sagot. Patuloy kami sa paglalakad ng mapatingin ako sa lalaking palapit samin. Keigan? Naka-uniform pa sya ng school nila. Hindi kasi sya dito nag-aaral sabi ni Yuri. Galit na galit yung mga mata nya at parang susugod sya sa gera. Pare-pareho kaming napatigil at napatingin sa kanya. Paglapit nya, bigla nalang syang nanuntok. Akala ko para sakin yung suntok na yun kaya hindi ako nakagalaw, pero iba yung bumagsak. "Blaster!" Sigaw nila mula sa likod. Medyo late na nagrespond yung katawan ko sa mga nangyayari. "Keigan! Anu bang problema mo?!" Sigaw ko at akmang lalapit kay Blaster pero tinignan ako ni Keigan ng masama. Natigilan ako. Nakakapanginig yung tingin nya sakin. Para bang tingin pa lang, kaya ka ng saktan. "Wag kang maki-alam dito." Madiin nyang sabi. Binalikan nya si Blaster pero agad itong nakaporma at nakaganti ng suntok sa kanya. Yun nga lang parang hindi tinablan or nasaktan si Keigan. Nakatayo pa rin sya. Ang weird nya ngayon. Para kasing hindi sya yung Keigan na nakaharap ko dati. Bigla nalang nyang tinadyakan si Blaster. Natakpan ko nalang ang bibig ko sa gulat. Namamalipit na sya sa sakit at hirap ng makagalaw. Agad na lumapit sila Kit at Eren para tulungan sana si Blaster pero pati sila nakatanggap din ng suntok at matalim na tingin galing sa kanya. "TUMIGIL KANA! ANU BANG PROBLEMA MO?!" Galit na sigaw ko sa kanya. Binalik nya yung tingin sakin. Unti-unti syang humakbang palapit. Gusto kong humakbang palayo pero nanigas ang tuhod ko. "Tawagin nyo si Keifer!" "Pare pagtulungan na natin." "Kapatid ni Keifer yan! Anu kaba?!" Huminto si Keigan sa harap ko, at aaminin ko. Natatakot ako, natatakot ako sa mangyayari o sa gagawin nya sakin. "Paki-alamera ka... Try to mind your own business." Bulong nya na nagbigay ng sobrang kilabot sa katawan ko. Napalunok nalang ako bilang sagot. Tuluyan na kong hindi nakagalaw pero hindi din nagtagal yun ng marinig namin ang boses ni Keifer. "Keigan..." Tawag nya dito. Bahagyang lumayo sakin si Keigan at dun lang ako nakakuha ng pagkakataon para makahinga ng maluwag. Agad akong inalalayan nila Ci-N. "Ayos ka lang?" Bulong nya sakin. Nag-nod naman ako agad. Tinignan ko si Keifer na nakikipagpalitan ng titig kay Keigan. "Explain..." Mahinahong sabi nya sa kapatid. "I have nothing to explain to you." Matigas na sagot na Keigan. Nagsalubong ang kilay ni Keifer at aaminin ko may kung ano sa presensya ni Keifer na nagbibigay ng panibagong kilabot sa sakin. "Explain." Ulit ni Keifer pero hindi kagaya kanina na mahinahon. May diin sa boses nya na parang nag-uutos. Nakakatakot si Keifer. Hindi sumagot si Keigan pero agad nyang nilapitan ang namamalipit sa sakit na si Blaster. Hinawakan nya sa kwelyo at akmang susuntukin. "KEIGAN!" Sigaw ni Keifer na napatigil saming lahat. "Damn it Bro! I want to teach this Blaster a lesson! Ayaw nyang layuan ang girlfriend ko!" Inis na paliwanag nya. "I-ikaw ang dapat lumayo sa kanya! Baliw ka!" Sigaw ni Blaster dahilan para magalit si Keigan at sipain na naman sya. "Aahhh... Tama na!" "KEIGAN!" Sabay na sigaw namin ni Keifer. Umiiyak na sa sakit si Blaster. Wala man lang makalapit sa kanya dahil kahit sila natatakot din kay Keigan. Siguro nga totoo yung sinasabi nilang baliw sya. Susundan pa sana ulit ni Keigan ang ginawa nya pero isang malakas na suntok ang nagpabagsak sa kanya. Galing kay... Yuri? "Ilayo nyo si Blaster dito!" Utos ni Yuri. Nagdalawang isip pa sila nung una. Pero agad din nilang kinuha yung pagkakataon para buhatin si Blaster at itakbo sa clinic. Naiwanan kami nila Ci-N, Felix at David. "Naku! Baka mag-away si Keifer at Yuri." Sabi ni Ci-N habang nagtatago sa likod ko. Teka nga! Bakit sya yung ngtatago sa likod ko?! Ako dapat yung gumawa nun. Ako yung babae. "Hindi mo dapat ginawa yun." Sabi ni Yuri kay Keigan. Tumayo sya mula sa pagkakabagsak at ginantihan si Yuri pero naka-ilag sya. Bigla nalang tumawa si Keigan, yung tawang naiinis. "Bakit hindi mo ko labanan?!" "Alam mong hindi ko gagawin yan. What i did is enough." "Sabihin mo, duwag ka lang talaga! Natatakot kang kalabanin ako dahil kapatid ko si Keifer!" Nagkuyom ang kamao ni Yuri. Wag na sana nyang patulan dahil hahaba pa ang away na to. "Tumigil ka na." Mahinahong sabi ni Yuri. "Titigil ako kung titigil si Blaster sa pagdikit sa girlfriend ko." Napaka-*bleep* naman pala ng batang ito. Madadaan naman sa maayos na usapan yun ay. Pumunta pa sya dito para lang mang-away. Akala ko nag-uusap pa rin sila tungkol don pero nagulat nalang ako ng magpalitan sila ng suntok. Napakapit ako kay Felix na nasa tabi ko. "Awatin nyo sila!" Utos ko. Pero sa halip na sundin ako, tumanga lang sila at nanuod pa. "Yuri! Tama na yan!" Sigaw ko ulit. Tuloy-tuloy lang sila sa pagpapalitan ng suntok ng biglang nakisali si Keifer at suntukin si...Yuri? Bakit si Yuri ang sinuntok nya?! "Keifer!" Halos sabay-sabay naming sigaw. "Anu'ng ginagawa mo?!" Inis na tanung ko. Tinignan lang nya ko. Tumayo si Yuri at ginantihan ng suntok si Keifer. Sumunggab din ng suntok si Keigan. Nagrarambulan na silang tatlo. Pvtang'na naman! "Mga punyeta kayo! Awatin nyo sila!" Sigaw ko sa tatlong kasama ko na nunuod lang. "Hindi mo naiintindihan... Mahirap awatin ang tatlo na yan." Sagot sakin ni Ci-N. "Eh anung gagawin natin?! Tatanga lang?!" Walang sumagot sa kanila. Eh pvtang'na! Mamatay na sa pagsusuntukan tong tatlo tapos wala man lang gustong umawat. Bigla nalang bumagsak si Yuri. Hindi na ko nakatiis sa kinatatayuan ko kaya naman agad akong tumakbo palapit kay Yuri. Buong lakas kong tinulak si Keigan na naka-amba ng sipa. Bahagya syang napaatras sa ginawa ko kaya kinuha ko yung pagkakataon para yakapin si Yuri at i-cover sya. "Jay... Anung ginagawa mo?!" Nag-aalalang tanung ni Yuri. "Umalis ka dyan!" Sigaw ni Kiefer. Tinignan ko sya ng masama. "Ikaw ang umalis! Kayo ng baliw mong kapatid!" "What did you said?!" Galit na tanung ni Keigan. Ramdam ko ang paglapit nya pero sa hindi ko maintindihan na dahilan huminto sya. Sandaling tumahimik at pare-pareho kaming nakikiramdam. "I-i h-have to go..." Sabi ni Keigan at mabilis na tumakbo paalis. Bumitaw ako ng yakap kay Yuri at tinulungan syang bumangon. "Okay ka lang?" Tanung ko. Nag-nod sya sakin. "H-hindi mo na dapat ginawa yun. Panu kung ikaw naman yung nasaktan?" "Anu bang pumasok dyan sa isip mo?!" Inis na tanung ni Keifer. Tumayo ako agad at hinarap sya. Nakatitig ako sa mata nya. Kaylangan makatagal ng titig. "Ikaw! Sa halip na awatin mo sila nakisali kapa! Ang galing mo dyan sa part na yan!" Sermon ko sa kanya pero hindi man lang sya natinag. "You don't understand!" "Edi ipaintindi mo!" Hindi sya sumagot pero ramdam ko yung pagnanais nyang ipaliwanag yung ginawa nya. Yun nga lang may kung anu na pumipigil sa kanya. "Damn it!" Sigaw nya. "...Why do i need to explain myself to you?! You're nothing! You're just a piece of shit just like Yuri!" Parang may kung anung sumampal sa puso ko. You're nothing! What a wonderful word. Ang lakas maka-pvta ng sinabi nya. "Atleast hindi ko pinababayaan yung mga kaibigan ko! Sa bagay hindi nga kaibigan ang tingin mo kay Yuri. Piece of shit lang naman sya sayo!" Namumuo na yung luha sa mga mata ko. Nasasaktan din ako sa hindi ko malaman na dahilan. Asar! Ayoko ng ganitong pakiramdam. Galit pa rin yung tingin nya sakin. "Bakit ba ang hilig mong maki-alam?!" "Dahil concern ako! Nag-aalala ako sa mga kaibigan ko! Wala akong balak na pabayaan silang banatan ng banatan ng kung sinong baliw dyan!" "Stop calling Keigan like that!" "May binanggit ba kong pangalan?!" Lalung nang-galaiti sa galit si Keifer. Natatakot ako sa kanya pero nananaig yung nararamdaman kong sakit at galit sa mga pinagsasasabi nya. "You don't know what Keigan is being through! You don't have the right to judge and call him crazy!" "Bago mo ko sermunan sana inawat mo muna sya kanina! Hindi yung nanuod ka lang na banatan nya si Blaster! Tapos kapag nasaktan sya ikaw tong galit na galit!" "Bakit kakampihan mo ba ko kung banatan ako ni Aries?!" "Oo! Lalu na kung si Aries ang mali! Wag mo kong tatanungin ng ganyan! Hindi ako bias na kagaya mo----" "Jay!" Tawag sakin ni Yuri. Tinignan ko sya. Kasalukuyan syang inaalalayan ni David at Felix. Mukang hindi maganda yung lagay nya. Mas kailangan naming unahin ang kalagayan ni Yuri ngayon kesa makipag-talo sa kumag na to. Tinignan ko muna ng masama tong kaaway ko bago maglakad palapit sa kanila. "Tara sa clinic!" Author's Note: Blaster Madrigal.. 

 

 

Chapter 110 @BernadethLopez5 Author's Note: Guys!!!! Check this story... THE UNEXPECTED GUY By S.O.R.R.Y. Jay-jay's POV

 

 "Sorry for what Keifer said before." Sabi ni Yuri habang inaabot sakin ang isang baso'ng puno ng ice cream. "You have nothing to apoligize. Si Keifer yung may kasalanan. Tsaka sinabihan ka nyang piece of shit." Sagot ko bago sumubo ng ice cream. "Ganun lang talaga magsalita yun kapag mix emotion." Singit ni Ci-N habang kumukuha ng ice cream sa baso ko. Aba! Pasimple pa sya! "Hoy! Akin to!" Sabi ko habang nilalayo yung ice cream sa kanya. "Palit tayo... Mas masarap yung flavor nung sayo." Tinignan ko yung baso nya. Wala naman laman. Panu pa kami magpapalit? "Wala namang laman yung baso mo." Agad syang ngumiti habang hinihimas ang batok. Kala nya siguro hindi ko mapapansin. Wais to men! Wais! "Oo nga no... Hingi nalang ulit ako kay Kit." Sabi nya at lumakad palapit kay Kit. Tinuloy talaga namin yung pagpunta sa Mall. Except kay Blaster na hinatid na nila pauwi. Kailangan nyang magpahinga. Sabi ni Ci-N, matagal na daw yung away ni Keigan at Blaster. Bestfriend daw kasi nya yung girlfriend ni Keigan. Syempre concern pa rin tong isa kaya hindi nya malayuan lalu na't aware si Blas sa ugali nitong kapatid ng Hari ng mga Ulupong. Sa totoo lang wala akong gana maki-alam sa usap nila. Dahil na rin siguro sa mga nangyari o dahil involve si Keifer kumag. Hay ewan... "Tama si Ci... Ganun lang talaga si Keifer. Specially that you make him feel guilty." Paliwanag ni Yuri. Taka ko syang tinignan. "Ginawa ko yun?" "For me... Yeah you did." Ginawa ko nga? Hindi naman yun yung intensyon ko. Anu ba yan? Sobra sobra kasi yung inis ko kanina. Sinabihan pa kong piece of shit. "K-kasi abnormal sya eh." Katwiran ko. "I understand Keifer. Mali din kasi ako na pinatulan ko pa si Keigan." Sabi ni Yuri at dinikit sa muka nya yung ice bag na puno ng yelo. Bakit ba ang bait nitong si Yuri? Sya na yung mapagtulungan sya pa yung umiintindi. "Bakit ganyan ka?" Tanung ko na pinagtakhan nya. "Anung 'Bakit ganyan ka'?" "Ang bait mo kasi... Nakakainis." "Ayaw mo kong maging mabait?" Umiling ako agad. "Hindi ganun... Ang ibig kong sabihin, masyado kang mabait. Yung mga ganyan madaling masamantala." Bahagya syang natawa. "Kala ko gusto mo kong bumalik sa dati." "Hindi no! Mas gusto ko kapag nagpapakatotoo ka." "So, gusto mo ko?" Pang-aasar ni Yuri sakin dahilan para mag-init na naman yung pisngi ko. Sumubo nalang ako ng ice cream at umiwas ng tingin. Kainis kasi tong Yuri na to. Bigla bigla nalang ako'ng papakiligin. "Aishiteru." Sabi nya. "Ha?" Tanung ko pero umiling lang sya habang nakangiti. Tignan mo tong mokong na to. Gumagamit na naman ng ibang language. "Back to our topic... Hindi ako mabait. I just know what Keifer been through. He already lost one of his family member. Kaya ganun nalang ang pagpapahalaga nya kay Keigan." Paliwanag nya pa. "Kaya sa halip na awatin nya, tinulungan pa nya?" Nag-nod sya sakin. "Maybe... I'm not sure." "Tss... Abnormal lang kamo talaga sya." Inis na sabi ko at sumubo ng ice cream. Patuloy ako sa pagkain ng marinig ko sila Kit na nagsasalita. Napatingin ako sa kanila. Naku! Ayan na yung Hari ng mga Ulupong. Tumalikod ako agad at hinarap si Yuri. Nakaka-badtrip yung pagmumuka nya. Sana hindi na sya nagpunta dito. "Yuri..." Tawag ni Keifer. "Hey... Kamusta si Keigan?" Tanung ni Yuri. Umalis ako sa pwesto ko at lumipat. Nakapagitna kasi ako sa kanila. Hinayaan ko silang mag-usap. "Anu flavor nyan?" Tanung ko kay Ci-N ng mapansin kong puno'ng puno ang baso nya. "Hindi masarap." Ha? "Flavor tinatanung ko. La kong paki sa lasa!" Napaghahalata yung madamot eh. Ang layo ng tanung ko sa sagot nya. "Sansrival tsaka ube, tapos rocky road at vanilla." Natatawang sagot nya sakin. Hindi sakit ng tyan ang hanap nitong bata na to. Goodluck nalang sa banyong tatakbuhan nya mamaya. "Patikim nga." Sabi ko at akmang kukuha pero ang damot talaga ng walang hiya. Inilayo yung baso sakin. "Bawal... Sasakit tyan mo dito." "Nahiya naman ako sa tyan mo! Hindi sasakit yan?!" "Hindi. Basta wag." "Ang damot mo kamo!" Inis na sabi ko. Patuloy kami sa pag-aasaran ng may nagbaba ng mason jar sa harap ko. Apaw na apaw sa ice cream, tadtad ng sprinkles at marsmallow. Meron ding stick-O at chocolate syrup. Tsarap! Gusto kong kuhanin at lantakan agad yun pero tinignan ko muna kung sinong naglapag nun sa harap ko. Hmpf! Ayoko na pala! Naupo sya sa tabi ko at mukang hinihintay nya yung sasabihin ko. Pero hindi ko sya hinarap. Nagpatuloy ako sa pangungulit kay Ci-N. "Ayoko nga... Bawal mamigay. Masama." Pagpipilit ni Ci. Aba! Napaka-tindi ng batang to. Minsan ka ng bwisitin sa kadamutan nya. Tinignan ko sya ng masama. Masasalita pa sana ko pero biglang nilapit ni Ci yung mason jar sa harap ko. "Meron kana oh! Wag ka ng mang-agaw." Sabi nya ay bigla nalang umalis. Tengene! Pilit kong iniiwasan yung ice cream sa harap ko. Halos mag-maka-awa na yung dila ko sakin para lang matikman yung ice cream. Tiis tiis muna. "Kainin mo na. Matutunaw na yan." Sabi nung kumag sa tabi ko. Inirapan ko lang sya bilang sagot. Kala nya madadaan nya ko sa ganyan. "Okay... What do you want?" Tanung nya. Tinignan ko sya habang naniningkit yung mata ko. Feeling chinita ako. "Say the magic word." Sabi ko. "Not gon'na happen." Islang nyang sagot. Tignan mo tong peste na to! Ayaw talaga nyang mag-sorry. "Pwes, alisin mo yan sa harap ko." Mataray kong utos. "Sure ka? Sayang to... Yung chocolate syrup na humahalo sa ice cream. Yung sprinkles na nagbibigay kulay. Yung stick-o na kumakaway sayo at yung marsmallow na puting-puti. Yung ice cream na----" "Punyeta! Akin na yan!" Sigaw ko sabay agaw nung Mason Jar. Hindi na ko nakatiis. Putcha kasi! Kita'ng kita ko yung ice cream sa harap ko. Tapos parang ewan pang dini-describe nitong Kumag na to sakin yung pagkain. Sunod-sunod ang subo ko. Natutunaw na kasi. Napatigil lang ako ng mapansin ko yung Hari ng Ulupong na nakatitig sakin. "Bakit?" Tanung ko. "Profanity." Ay shete! Nawala sa isip ko yung usapan namin. Kasi naman, kasalanan naman nya kung bakit ako nagmura. "H-hindi naman ikaw yung minura ko ah?" Dipensa ko. "Still an offensive word." Sagot nya habang unti-unti'ng nilalapit ang muka nya sakin. "T-teka... H-hindi ko naman sadya." "This is the second time you speak profanity. I heard you before while we were fighting..." Nag-mura ba ko kanina? Aish! Anu ba yan? Kasi nga hindi gumagalaw sila David kanina. Nakikinuod lang sila sa away nung tatlo. "...You owe me two kiss." Bulong nya. Mabilis akong tumayo at lumayo sa kanya. Kasi nga, yung... Anu... Yung... Puso ko... Shete naman! "A-ayoko! H-hindi kapa nga n-nags-sorry sakin." "I don't want to." Mabilis nyang sagot. "I-i don't w-want to din." Bakit ba ko nauutal? "If i say the magic word, you'll give me permission to kiss you?" Tanung nya. Papayag ba ko? Mataas ang pride ng impakto na to! Ayaw nga nyang magsorry. Pero maparaan din to eh. Nagdadalawang isip akong pumayag. Pero may tiwala ako sa pride ng kumag na to. Sa sobrang taas hindi na ma-reach. "S-sige." Alanganin kong sagot. Tumingin sya sakin ng diretso. Seryoso'ng seryoso din ang muka nya. "Jay-jay..." Tawag nya sakin. "...I'm..." Huminga sya ng malalim. "...I'm..." Sandali syang huminto at nag-salita ulit. "...I'm S.O.R.R.Y." Ibang klase! I-spell daw ba yung Sorry. Sinasabi ko na! Maparaan ang kumag na to. Ginamitan ako ng ng Galawang Ulupong. "H-hindi counted yan! Wag kang madaya!" Bahagya syang tumawa. "But i said it. End of discussion." sabi nya at bigla nalang tumayo at akmang lalapit sakin. Mabilis akong tumakbo palapit kila Yuri at nagtago sa likod nya. "Uy... Bakit?" Tanung ni Yuri. Pati sila Felix napatingin narin samin. Si Ci-N napatigil at taka'ng tumingin samin. "K-kasi... Yan kasi... K-keifer... Anu..." "You owe me a kiss. I have your permission now. Remember?" Sabi ni Keifer. "Hoy! Mandurugas ka! Hindi mo naman sinabi ng maayos!" Sigaw ko. "Anu bang nangyayari?" Tanung ni David. Naglapitan na rin yung iba samin. Naguguluhan sa ginagawa namin nitong Hari ng mga Ulupong. "Eto kasi..." Turo ko kay Keifer. Magpapaliwanag pa lang sana ako pero bigla nalang akong hinatak ni Keifer palapit sa kanya. Niyakap agad ako ng isang braso nya sa baywang. "I got you now." Aaahhhh... Hindi pwede! Pilit ko syang tinulak palayo. Pero walang saysay yun. "Anu ba?!" Sigaw ko. Hindi sya nagsalita. Bigla nalang nyang hinawakan ang isang kamay ko. At bago pa ko maka-sigaw. Putik! Isang halik ang binigay nya sakin. "Witwiw.." "Tamis!" "Dinaig yung ice cream natin sa sweetness." "Idol ko na si Keifer." Humiwalay sya sakin kaya nakakuha ako ng pagkakataon na makahinga. Pero hindi pa rin ako makagalaw. May kung anu ring nangyayari sa puso ko. "One." Bulong ni Keifer. "T-teka----" hindi ko nasabi yung gusto kong sabihin. Hinalikan na naman nya ko. Sandali lang din yun kagaya ng nauna. Pero para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Two." Sabi nya at binitiwan ako ng tuluyan. Naghabol muna ko ng hangin dahil feeling ko nauubos ang oxygen sa katawan ko. Nag mahimasmasan, agad kong tinignan ng masama ang walang hiya. "Punyemas kang impakto ka!" Sigaw ko. Bigla nalang syang ngumiti. "Profanity." Takte naman! 

 

 

Chapter 111 TY Aries's POV

 

 Dumating na sila Mama. Aware na kami sa balita nila. Hindi na nakabawi yung company namin sa Guam at napilitan na silang ibenta yun. "Anu ng balak?" I ask them. No one dare to answer. Even Dad (Tito Julz) who have more experience on working in a company, can't even answer. "I don't know..." Kuya Angelo start. "...Pati company natin sa Singapore nagkaka-problema na." Shit! Anu nalang mangyayari samin nito? Saan na kami pupulutin? "How about are partnership with DENSE Korea?" Dad ask. "They're backing out." Mabilis na sagot ni Kuya. Were doomed. Narinig kong bumukas ang gate. Dumating na si Jay-jay. Nakangiti pa syang pumasok. "Hi Jay!" Mom greeted her and smile. "Andito na kayo? Welcome Home!" Sabi ni Jay-jay at yumakap kay Mom. "Ginabi ka yata... Nakipag-date ka no?" Pag-aasar ni Dad. I know they are all trying to light up the mood. Ayaw din nilang ipaalam kay Jay-jay yung mga nangyayari. "Hindi po! Nagpatulong lang sakin si Yuri. Kayalang na-flat po yung gulong ng kotse nya kaya natagalan kami." Paliwanag nya. Suddenly, Kuya Angelo's expression change. Like he just realize something. "Jay..." Tawag nya kay Jay-jay. "...Umakyat ka muna sa kwarto mo. Meron lang kaming pag-uusapan." Kahit nagtataka, ginawa pa rin nya. Mabilis syang tumakbo paakyat ng hagdan papunta sa kwarto nya. Narinig pa namin ang pagsara ng pinto ng kwarto. "Is there a problem Kuya?" I ask. "The Hanamitchi's... They offer a business deal before." Paliwanag nya. "...but it involve Jay-jay." I knew that moment what he's talking about. Kung anu mang binabalak ni Kuya, hindi ko yun gusto.

 

 Jay-jay's POV

 

 Oh ha! Dami kong chocolate. Umuwi na kasi sila Tita Gema and Tito Julz. Syempre may pasalubong ako. May mga bago ding gamit, kagaya ng sapatos at damit. Pero chocolate lang talaga yung gusto ko. Pagpasok ko sa room. Bumungad sakin si Ci-N. Alam nya kasi na may balik bayan sa bahay kaya hindi mawawala yung chocolate. "Parang ang sarap ng chocolate ngayon." Parinig nya. Tinakpan ko yung tenga ko at agad na naglakad palapit sa pwesto ko. Pero hindi ako tinantanan ng luko. "Lalu yung galing Guam!" Malakas nyang sabi. Pag-upo ko sa pwesto ko, tinignan ko sya ng masama. Inaagaw nya kasi yung atensyon nung iba. "Mamigay ka! Damot mo ah!" Sabi nya sakin. Ay wow! "Kahiya sayo ah? Kahiya dun sa hindi namigay ng ice cream!" Ngumiti naman ang luko sabay lapit sakin. Bigla nalang nyang hinablot yung bag ko at pilit binuksan. "Hoy!" Sigaw ko pero agad na lumayo ang luko at kinuha yung isang pack ng chocolate. Pagkakamali nga lang nya, nakita ng mga kapwa nya ulupong yun kaya ayun, nagkagulo na. "Hoy! Penge ako nyn!" "Mamigay ka!" "Pahingi naman!" Nagtakbuhan na sila sa labas dahil agad na tinakas ni Ci-N yung hawak nyang chocolate. Naiwan yung bag ko sa ibabaw ng table. Mag-damot factor! Kinuha ko nalang yung bag ko at bumalik na sa pwesto ko. Andun na si Yuri na nagpakaka-busy sa pag-aaral. At wag ka! Maaga ang Hari ng mga Ulupong. "GoodMorning!" Bati ko kay Yuri. Nginitian lang nya ko at bumalik sa ginagawa. Ay deadma! Napatingin ako sa kabilang side ko kung saan naka-pwesto yung Hari. Hindi ko alam kung babatiin ko sya. Pero wag nalang siguro. Inirapan na nya ko eh. Ang talim-talim iirap ng walang hiya'ng to. Dinaig pa yung babae. Tinignan ko yung bag ko. Nagtabi na kasi ako ng chocolate para dito sa dalawang to. "Yuri..." Tawag ko sa kanya sabay abot ng chocolate. "...Para sayo." Nag-alangan pa syang tanggapin nung una. Pero kinuha din nya. "T-thank you." Napansin ko si Keifer na nakatingin sakin. Para bang hinihintay nya kung bibigyan ko din sya. Tinignan ko yung bag ko. Naiinis talaga akong bigyan sya. Kasi nga... Pero hindi rin ako nakatiis. Kinuha ko yung chocolate at inabot sa kanya ng hindi sya tinitignan. "Oh!" Sabi ko. Kinuha naman nya yun. Wala nga lang akong narinig na pasasalamat. Pero okay lang, alam ko namang masyado'ng mataas ang pride nito---- "Thank you." Nanlaki yung mata ko sa narinig ko. Nagpasalamat ang kumag! Agad kong hinarap si Yuri. "Samahan mo ko sa simbahan mamaya!" Sabi ko. "H-ha? Bakit?" Tanung ni Yuri na mukang nabigla sakin. "Magpapamisa ako! Nagpasalamat si Keifer sakin." Bigla nalang natawa si Yuri. Akala siguro nya nagj-joke ako. Pero seryoso ako, minsan ko lang marinig ng magsalita ng ganyan ang luko. "Seryoso ako Yuri." Pagpipilit ko sa kanya. "Hahahaha... Alam ko. Para kasing shock na shock ka sa narinig mo." "Ay shock talaga ko." "Hahahahaha..." Lalung lumakas ang tawa nya. Ang lakas din ng tama nitong si Yuri. "Ang cute mo Jay." Biglang sabi ni Yuri dahilan para mag-init ang pisngi ko. Bakit ganito? Hindi na ko sanay sa mga compliments ni Yuri. Hindi ko maiwasan na hindi mahiya. "B-bahala ka nga dyan." Sabi ko at umiwas na ng tingin sa kanya. Kainis tong Yuri na to! Biglang pumasok si Ci-N ng room. Marumi yung damit nya. Mukang dinagsa ng mga ulupong. Nakasibangot syang lumapit sakin. "Kinuyog nila ko." Sumbong nya. Mukang hindi rin sya nakakuha ng chocolate. Kawawa naman ang bata. Kinuha ko yung bag ko at hinalungkat yung laman. Meron pa kong natitirang chocolate na para sana sakin. Pero ibibigay ko nalang sa kanya. "Oh, sayo nalang." Sabi ko sabay abot ng chocolate. Agad namang ngumiti si Ci-N sakin bago kuhanin yung inaabot ko. "Salamat!" Buong galak nyang pasasalamat. Dumating na si Sir Alvin kaya naman nagsi-ayos na kami ng upo. Tinabi na rin ni Yuri yung mga hindi nya kailangan sa klase ni Sir. "May gagawin kaba mamaya?" Tanung sakin ni Yuri. "Wala naman... Bakit?" "A-aayain lang sana kita." Nahihiya nya'ng sabi habang hinihimas ang batok nya. Inaaya nya ba kong makipag-date? "S-saan naman?" "Sa café malapit sa village nyo." Sagot nya sakin. Bukas naba yun? Huling punta ko don, sarado sila for renovation. Pero okay lang, miss ko na ring kumain dun. Nami-miss ko na din yung mga pagkain nila. "Sige." Sagot ko sabay ngiti. Binalik ko na yung tingin ko sa harap. Study mode on muna ang drama ko. Tahimik kaming nagkikinig kay Sir, ng bigla nalang tumayo si Mayo at sinuntok si Eren. Sa sobran gulat, walang naka-galaw samin. Kahit si Sir nabigla din. "Gago ka!" Sigaw ni Mayo. Hindi sumagot si Eren pero agad syang bumwelo ng suntok kay Mayo. Tuluyan na silang nag-away. "Kay Eren ako!" "Kay Mayo! 500!" "1000" Tignan mo trabaho nitong mga to! Sa halip na awatin pinagpustahan pa. "Kung awatin nyo kaya!" Sigaw ko. Si Sir Alvin lang tanging lumapit para awatin sila. "TAMA NA YAN!" Sigaw ni Sir habang nasa gitna nila Eren at Mayo. "...Gusto nyo bang ipadala ko kayo sa guidance?!" Walang sumagot pero matalim pa rin ang mga titig nila sa isa't isa. Hindi ko naman napansin na nag-uusap sila. Tapos bigla-bigla nalang magsusuntukan. Anu'ng problema nitong dalawa na to? "Ms. Mariano!" Tawag sakin ni Sir. "...paki-hatid naman si Eren sa clinic." Nag-nod lang ako at lumapit kay Eren. Hinawakan ko sya sa braso para igayak papunta sa clinic. Yun nga lang hindi sya gumagalaw. Masama pa rin ang tingin nya kay Mayo. "Tara na..." Bulong ko pero hindi pa rin sya gumagalaw kaya naman binatak ko sya sa patilya. "A-a-ah! M-masakit! Jay!" Sigaw habang hinahatak ko sya papunta sa clinic. Paglabas namin ng room binitiwan ko na sya. Tinignan nya ko ng masama pero tinumbasan ko yun. "Hindi mo naman kailangang mambatak ng patilya." Inis na sabi nya habang hinihimas ang patilya. "Hindi ka kasi nakikinig! Anu bang nangyari?! Bakit ka inupakan ni Mayo?!" "Ewan ko sa kanya! Bading naman sya sumuntok!" Mayabang nyang sagot sakin. Napa-iling nalang ako. Magkakasundo naman sila dati. Imposibleng hindi nya alam. "Baka naman may ginawa kang hindi nya nagustuhan?" Tanung ko. "Ewan.. dami kong ginawa'ng kalokohan. Hindi ko alam kung alin dun kinagalit nya." "Isipin mo kaya!" "Naku! Bahala sya sa buhay nya!" Malakas na kutos ang binigay ko sa kanya. Lalu lang hahaba yung away nila kung ganyan sya. "Aw... Sakit..." Bulong nya. "Isipin mo kasi, tapos mag-sorry ka." "Ay ayoko!" Mabilis nyang tanggi. "Bakit ba?!" "Sya nauna!" Manang mana sa Hari ng mga ulupong tong mga to. Katataas ng pride, matira matigas loob. Patuloy kami sa pagtatalo hangang sa makarating kami sa clinic. Agad namang inasikaso ng nurse si Eren. Habang sinusuri sya inabot nya sakin yung cellphone nya. "Pahawak muna..." Sabi nya bago sumunod sa nurse. Kinuha ko naman yun at naupo muna sa waiting area sa labas lang ng clinic. Medyo matagal sila at hindi ko maiwasan na hindi mainip. Dala ng pagkaburyong, binuksan ko yung cellphone ni Eren. Tsk! Walang password. Tinignan ko yung mga Games nya pero wala naman akong nagustuhan. Binuksan ko din Gallery nya at nakita ko dun yung mga picture nila'ng mukang nag-iinuman. Naka-wacky pa si Eren habang naka-peace sign naman si Josh. Nag-swipe pa ko ng nag-swipe at bigla nalang ako natapat sa hindi ko inaasahan na picture. Zinoom-in ko pa para maka-siguro sa nakikita ko. Natakpan ko nalang ang bibig ko. Ngayon lang kasi ako nakakita nito----bale pangalawa na pala. Dahil yung una, yung gabi ng Festival. Tang'na! Dalawang lalaking naghahalikan. Sigurado na ko at hindi na ko pwedeng magkamali na yung nasa litrato'ng kaharap ko ngayon at yung nakita ko nung Festival ay iisa. S-si Mayo... Hindi ko kaya to! Nakakaloka! Pero ang mas hindi ko kinaya yung kahalikan nya. Si... Si Kit! Anak ng pito'ng put puting tupa! Kamusta naman?! Hindi kinaya ng mga brain cells ko pati mga bulate sa utak ko. "Nainip kaba?" Tanung ni Eren paglabas nya. Hindi ako nakasagot. Hawak ko pa rin yung phone nya. "...May problema ba?" Author's Note: Mayo Jeson Ramos 

 

 

Chapter 112 Author's Note: wala pa sna kong balk mag-update kasi eto lang naipundar ko. Pero kung dadagdagn ko pa to then matagl kayong maghihintay, baka ma disappoint lang kayo... So, ayan kahit kapiranggot sana mahalin nyo. Hahahahaha.... Sorry for the wrong graar and spelling. Feelings Jay-jay's POV

 

 Masarap sana tong frappe na iniinum ko. Pero walang talab yan sa gumugulo sa utak ko. Hindi kinaya ng damdamin ko! "Masarap ba?" Tanung ni Yuri sakin. Tinignan ko sya. "O-oo.." "Anung lasa?... Anung lasa ng hangin?" Huh?! Tinignan ko yung iniinom ko. Putik! Wala na palang laman. Napakamot nalang ako ng ulo sabay pilit ng ngiti. "Speak now... I know something is bothering you." Ganun ba ko ka-obvious? Tsk! Halatang hinihintay ni Yuri yung sasabihin ko. Pero wala akong balak mag salita. Hindi pa naman kasi ako sigurado sa nakita ko sa cellphone ni Eren. Balak ko sana syang tanungin tungkol don pero hindi ko na nagawa. Sure talaga ako, sila din yung nakita ko nung gabi ng festival. Sila nga ba? "W-wala to... Kung anu-anu lang kasi naglalaro sa utak ko." Parang nadisappoint sya ng bahagya sa sinagot ko. "Nakakapang-tampo ka." Sabi nya. Taka ko syang tinignan. "...You still don't trust us. Were all here for you pero parang hindi mo kami nakikita." Ay nagtatampo na nga sya. Pero kung tutuusin tama sya. Andyan silang lahat para sakin. "It's not that i don't trust you. Hindi pa kasi malinaw sakin kaya panu ko sasabihin sa inyo. Conclusion pa lang yung nabubuo sakin. Once everything is clear, dun ko pa lang masasabi sa inyo." Paliwanag ko sa kanya at ngumiti. Nagpilit lang ng ngiti si Yuri. Alam ko namang nag-aalala sya sakin pero ayoko kasing basta magsalita. Panu ko naman sasabihin sa kanya na may hinala akong bakla si Mayo at Kit? Tapos mali pala ako. Tsaka baka pagsinabi ko sa kanya, bigla syang gumawa ng action. O kaya sabihin nya kay Keifer. Lalu lang magkakagulo. "Uy... Nagtatampo ka talaga?" Tanung ko habang nakatingin sa muka nya. Sa table lang sya nakatingin habang umiiling sakin. "Ay nagtatampo nga." Bahagya akong lumapit sakanya. Pilit ko ring sinisilip ang muka nya pero panay ang iwas nya sakin. "Patingin nga ako kung panu magtampo si Yuri Hanamitchi." Pang-aasar ko at patuloy sa pagsilip sa muka nya. Kahit panay ang iwas, kitang-kita ko ang pamumula nya. Ang cute ni Yu---- ko! Ang cute ko! "Stop it..." Inis na sabi ni Yuri pero lalu ko lang syang kinulit. "Patingin kasi..." Pilit habang nakangiti. Hindi ko kasi mapigilan na hindi matawa sa itsura nya. "S-stop it Jay..." "Ayieh... Tampo-tampuhan." "N-no... I-im not." "Nauutal ka oh! Hahaha cute cute mo dyan." Pang-aasar ko na lalu nyang ikinapula. Lilipat na sana sya ng upuan dahil sa ginagawa ko pero nahawakan ko agad ang pisngi nya at hinarap sakin ang muka nya. "W-what are y-you doing?" Tanung nya. Ngumiti lang ako ng matamis sa kanya. Kasi kung tutuusin, hindi ko talaga alam kung bakit ko to ginagawa. Pero natutuwa akong gawin to sa kanya. "Ma'am, Sir." Sabi ng kung sino, medyo nagulat ako dahilan para mapabitaw ako sa paghahawak kay Yuri. Pareho kaming napatingin sa nagsalita. Denzel? "A-anung ginagawa mo dito?" Tanung ko sa kanya. Tinuro nya yung uniform nya at ngumiti. Nakapang-waiter sya. Mukang dito na sya nagta-trabaho. "Mukang hindi nyo na kailangang um-order... Sapat na yung ka-sweet-an nyo para mabusog kayo eh." Pang-asar nya samin. Pareho kaming napa-iwas ni Yuri ng tingin. Lakas din kasing mang-asar nito'ng si Denzel. "Anu na?! U-order paba kayo?" Mapang-asar na tanung pa nya. "Y-yeah." Sagot ni Yuri. Kayalang bago pa kami maka-order, bigla nalang bumukas ang pinto ng café at dire-diretsong lumapit samin si Keifer. "K-keifer." Pabulong kong sabi. "Jay-jay..." Tawag nya sakin. "...You need to come with me." Taka ko syang tinignan. "H-ha?" "Is there any problem Keifer?" Tanung ni Yuri bago tumayo. Sakin pa rin nakatuon ang tingin nya. Seryoso'ng seryoso sya dahilan para kabahan ako. "It's about my promise on bringing you back to Hemilton University." Awtomatiko akong napatayo. Ngayon na kami babalik dun? Pero akala ko mga next week pa, dahil hahanap pa daw kami ng tyempo na hindi mahahalata ni Kuya Angelo. "Nga-ngayon na talaga?" Tanung ko at napatingin ako kay Yuri. "We have no more time for this. Tara na!" Sabi ni Keifer at bigla nalang nya kong hinawakan sa kamay at hinatak palabas. Pero bago pa kami maka-abot sa pinto, panibagong kamay ang humawak sa isa pang kamay ko. Yuri... "Jay..." Tawag nya sakin habang nakiki-usap ang mga mata nya. "Jay! We need to go!" Sigaw ni Keifer. Tinignan ko si Keifer sandali at muling binalik ang tingin kay Yuri. Nakiki usap ang mga tingin nya sakin samantalang mapursige naman yung kay Keifer. Kailangan kong puntahan si Papa. Pero gusto kong mag-stay sa hindi ko maintindihan na dahilan. Tinignan ko sandali yung mga kamay nila'ng nakahawak sakin. Bakit parang ang laking desisyon nitong gagawin ko? Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko. Binawi ko yung kamay ko sa pagkakahawak ni Keifer at hinarap si Yuri. "Kailangan ko lang puntahan si Papa. I hope you understand." Sabi ko. Hinawakan ni Yuri yung isa ko pang kamay. "I know. But please, come back here." Mabilis akong nag-nod bago bawiin ang mga kamay ko sa kanya. Dali-dali akong tumakbo palapit sa pinto kung nasan si Keifer. "Let's go." Sabi nya bago kami tumakbo palapit sa kotse nya. Ibang kotse na naman?! Pagsakay sa loob, mabilis na pinaandar ni Keifer ang sasakyan. Agad kong kinabit yung seatbelt ko dahil pakiramdam ko kasali ako sa F1 racing. Napaka-bilis! Hanep yan! Mahigit dalawang oras ang naging byahe namin nun, nung University visit. Pero sa bilis magpatakbo nitong Hari ng mga ulupong feeling ko kalahating oras lang ang magiging byahe namin. Seryoso'ng seryoso pa rin ang muka nya habang naka-focus sa daan. Hindi ko masabi kung galit sya o anu. "K-keifer..." Tawag ko sa kanya. Hinintay ko kung sasagot sya pero walang imik ang luko. "Keifer..." Tawag ko ulit. "What?!" Inis na tanung nya sakin. "Wala lang." "Tss." Ay nainis yata. Binalik ko nalang yung tingin ko sa daan at hinayaan na sya. Naging tahimik lang kami sa buong byahe. Pagdating sa Hemilton University, mabilis ang naging kilos naming dalawa. Tumakbo kami papunta sa receiving area ng pinaka-malaking building. "Miss... S-saan po si Jasfher Mariano?" Bungad ko dun sa babaeng naka pwesto sa receiving table nila. Taka nya kong tinignan at si Keifer. "W-wala na po sya... Naka-alis na po kanina." Nalungkot ako dun sa sinabi nya pero hindi ako nawalan ng pag-asa. "Baka po pwedeng maka-kuha ng info tungkol sa kanya. Kung saan sya nakatira o kaya po contact number." "Ay hindi po pwede." Mabilis na sagot nung babae sakin. "Sige na Ate, kailangan lang talaga. Emergency kasi to!" Pagpipilit ko. "Hindi po talaga pwede." "Look Miss... We don't have time for this. We really need to talk to that guy." Singit ni Keifer. Halatang naiirita na rin sya kasi ayaw mag-bigay ng info nitong si Ate. Naiintindihan ko naman sya kung hindi pwede kayalang kasi... Aaaiizzztt! "May problema ba dito?" Tanung kung sinong lalaki. Naalala ko sya! Isa sya dun sa nagsalita nung University Visit namin dito. "Kasi sir nangungulit po sila... Nanghihingi po ng info ni Sir Mariano." Sumbong nung babae. Tinignan nya kami pareho ni Keifer. "What for?" "K-kasi po----" "We cannot tell you... but please tell him that Jay-jay is here." Putol ni Keifer sa sasabihin ko. Tinignan nung lalaki yung relo nya. "Kahit sabihin ko sa kanya, wala na ring saysay yun. Nakasakay na siguro sya ng eroplano." Eroplano? "Nahuli na tayo..." Bulong ni Keifer. Naguguluhan ako. Anung nahuli na? Anung eroplano? "Keifer..." Tawag ko sa kanya. "Someone told me that your Dad is leaving for good." Pagkasabi nya nun, kusa nalang nanlambot ang tuhod ko. Muntik na kong mapaluhod kung hindi lang ako nakahawak sa table. Iiwanan na nya ko tuluyan. Ngayon pa talaga kung kailan kilala ko na sya. Bakit nya ginagawa to? "K-keifer... Baka pwede pa nating puntahan sa airport? Baka maabutan pa natin sya?" Sabi ko habang nagpipigil ng iyak. "Oh baka hindi na..." Mahinahong sagot nya. Hindi na nagpapigil pa yung luha ko. Kusa na silang bumagsak. Kesa pagtinginan ako, mabilis akong naglakad palabas ng building at dumiretso sa parking kung nasan yung kotse ni Keifer. Napa-upo nalang ako sa isang plant box. Ang sakit kasi, ang sakit isipin na may chance na kayong magkasama pero pinili nyang umalis. May pagkakataon na syang bumawi sakin, pero hindi nya ginawa. Akala ko kapag nakita ko sya magiging okay na lahat sakin. Mali pala ako. Naramdam kong may naupo sa tabi ko. Hindi na ko nag-aksayang tignan kung sino yun. "Jay..." Tawag nya sakin at bigla nalang nya kong inakbayan. Sinandal nya yung ulo ko sa balikat nya. "...Sana pala binilisan ko, baka naabutan pa natin sya." "H-hindi rin... Aalis na talaga sya. Wala na tayong magagawa dun." Sagot ko. "He have reason Jay... As of now, we don't know what it is." Mas lalung bumigat yung pakiramdam ko at naging dahilan ng malakas na pag-iyak ko. "Sige lang... Cry as long as you want." Mas lalu pa kong umiyak. Naisubsob ko nalang ang sarili ko sa bandang leeg ni Keifer. Hindi ko alam kung panu ilalabas yung sakit na to. Kung kailangan kong ubusin yung luha ko, ayos lang. Matanggal lang yung bigat sa dibdib ko. Matagal kaming nasa ganung posisyon. Kusa ding akong huminto at nag-aya umuwi. Hindi na din nagsalita si Keifer o ang nagtanung ng kahit anu. Ramdam siguro nya na wala ako sa mood na makipag-usap. Hinatid nya ko samin. Paghinto ng sasakyan, bigla nalang nya kong niyakap. Nagulat pa ko nung una pero alam ko naman kung para saan yung yakap nya. "Were here for you..." Bulong nya sakin. "S-salamat." Bumitaw sya sa pagkakayakap. Akmang bubuksan ko na yung pinto ng kotse ng hawakan nya ko sa braso. Paglingon ko sa kanya, mabilis nya kong hinalikan sa noo. Hindi ako nakapagsalita. Tameme! Gusto ko sanang tanungin kung para saan yun pero umiwas na sya ng tingin. Napilitan akong bumaba at mabilis na naglakad papasok ng gate. Hindi ako agad pumasok sa loob ng bahay. Nakasandal lang ako sa gate at pinakinggan kung aalis na yung kotse nya. Hindi naman ako nabigo dahil mabilis na pinaandar ni Keifer ang kotse nya paalis. Y-yung puso ko... Hindi na to maganda! Kakaiba na kasi, parang sobra na. Tama na yung inamin ko sa sarili ko na may kakaiba'ng nararamdaman nga ako sa kanya. Wala na kong balak aminin kung anu yung nararamdaman ko na yun. Baka magkagulo lang kung pipilitin ko pang alamin yun. Mas mabuti na yung ganito. Lumakad na ko palapit sa pinto ng bahay. Isang hakbang nalang sana nasa loob na ko pero napatigil ako. Para kasing meron akong nakalimutan. Shit! Si Yuri! Mabilis akong umikot para tumakbo sana palabas pero biglang pumasok sa isip ko na baka wala na sya dun. Pero magtetext sya sakin kapag ganun. Agad kong kinuha yung phone ko pero wala kahit isang text or tawag akong natanggap galing kay Yuri. Nakagat ko nalang ang kuko ko. Hindi kasi ako sigurado sa gagawin ko. Gustuhin ko man kasing tawagan or itext si Yuri......wala akong load. Haizt! Bahala na nga! Kinuha ko yung bike ko at agad na sumakay. Medyo madilim na sa labas pero wala lang sakin yun. Mabilis akong nag-pidal kahit wala naman kasiguraduhan kung andun pa sya. Pagliko ko sa kanto kung nasan yung café napahinto ako. Nakapatay na kasi yung ilaw at halatang wala ng tao sa loob. Umalis na siguro sya. Napabuntong hininga nalang ako. Aalis na sana ako para bumalik sa bahay pero parang may natanaw akong gumalaw sa loob ng café. Kahit hindi ako sigurado sa nakita ko, lumapit pa rin ako. Pilit kong tinanaw sa salamin na bintana ng café yung loob. Parang... Parang... Parang may tao. Pinarada ko yung bike ko. Lumapit ako sa salaming pinto ng café. Sisilip lang sana ako pero aksidente kong natulak yung pinto. Dun ko lang napagtanto na bukas pa pala yung café. Lalu ko pang itinulak yung pinto, sakto para makapasok ako. Bigla nalang akong napahinto ng makita ko yung paligid. Puro christmas light na nakasabit sa kisame. Nagmumuka silang alitaptap at ang ganda. Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti sa nakikita ko. Puro scented candle din sa paligid. Sino namang.... Si Yuri?! Agad akong niligid yung mata ko para hanapin si Yuri. Sya kaya ang may gawa nito? Pero para saan? Bakit may ganito? Nakapwesto sya sa sulok. Magisa at tahimik na nag-iinom. May apat na bote na ata yung nasa harapan nyang walang laman. "Yuri..." Tawag ko sa kanya. Agad syang huminto sa pagtungga ng alak at tinignan ako. Nagpilit sya ng ngiti at binaba yung bote'ng hawak nya. "Maganda ba?" Tanung nya sakin habang nakatingala. "Oo naman..." Sagot ko at ngumiti sa kanya. Sa hindi ko maintindihan na dahilan para'ng kusa ko nalang napansin na meron syang problema. Mukang hinintay talaga nya ko. Nahiya tuloy ako bigla. Umalis-alis ako pero nauwi lang din pala sa wala. Kung alam ko lang, sana pala hindi ko na sya iniwan. Narinig ko syang nagbuntong hininga kaya napatingin ako sa kanya. "May problema ba?" Tanung ko. Nagpamulsa sya at tumingin sa sahig. "Jay-jay..." Panimula nya. "...Seryoso ka na ba sa feelings mo kay Keifer?" A-anung... "H-ha?" Bigla nalang nyang ginulo ng isang kamay nya yung buhok nya. Para bang naiinis sya na hindi ko maintindihan. Bubuka pa lang sana yung bibig ko para magsalita pero bigla nalang nilabas ni Yuri yung isang kamay nya galing sa bulsa. Meron syang hawak na binaba nya sa lamesa. Maliit na box na kulay pula. Kusa nalang bumilis ang tibok ng puso ko. "For you..." Sabi nya at naglakad palabas ng café. Naiwan akong nakatanga at nakatitig sa box na binigay nya. Nilingon ko pa sya sandali pero nakaalis na sya agad. Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko. Sana mali ako... Sana hindi ito yung iniisip ko. Dahan-dahan kong kinuha yung box at unti-unti'ng binuksan yun. Nanlaki nalang ang mata ko nung makita ko yung laman. Napaupo ako sa silyang malapit sakin. A-anung ibig sabihin nito? Bakit nya ko binigyan ng singsing? 

 

 

Chapter 113 Red Box Jay-jay's POV

 

 Tatlong oras! Oo... Binilang ko talaga. Binilang ko kung ganu na ko katagal na nakatitig sa maliit na pulang kahon. Hindi sa wala akong magawa sa buhay ko kaya tinitigan ko nalang to. Pero hindi ko kasi maiwasan. Hindi na nga ako nakagawa ng assignment sa kakaisip sa kahon na to. May assignment nga ba?! Next time ko nalang iisipin yun. Weekend naman, marami akong oras para gawin yun. Sa totoo lang, nababangag na ko sa kakatitig dito. Kaylangan ko kasi ng kasagutan sa maraming tanung. Syempre una na dyan yung tanung na 'Bakit?'. Bakit nya ko binigyan ng singsing? Birthday ko ba? Hindi naman. Sunod na tanung ko, 'Para saan?'. Para saan tong singsing na to? Sign of friendship? At ang huli kong tanung ay, 'Anu?'. Anu ba talaga nangyayari kay Yuri at Anu'ng naglalaro sa isip nya? Walang magawa sa pera? Sya na mayaman. Nakamot ko nalang yung anit ko sa inis. Gustuhin ko man kasing itext or imessage si Yuri, ayaw naman makisama ng kamay ko. At hindi ko rin alam ang sasabihin ko. "Singsing ba yan?" Tanung ng kung sino dahilan para magising ako sa malalim na pag-iisip. Agad kong tinignan kung sino yun. "T-tita..." Sabi ko at tinago yung box sa kumpol ng unan. "Tinago mo pa, eh nakita ko na." Sabi nya at naupo sa tabi ko. "W-wala po yan... W-wag nyo na po pansinin." Nginitian ako ni Tita. Para bang nang-aasar sya at halatang hindi naniniwala sa sinabi ko. Bigla nalang nyang kinuha ko yung box. Kahit nasa kumpol ng unan, nagawa pa rin nyang makuha. "Patingin ako." Sabi ni Tita pagkakuha nya. Hindi na ko nakapag-salita. Hawak na eh, anu pa magagawa ko. Binuksan nya yung box at kita'ng kita ko ang pamimilog ng mata nya sa pagka mangha. Tinanggal nya yung singsing mula sa kahon at sinipat-sipat. "Diamond ring... May nag-aya naba sayong magpakasal?" Tanung ni Tita. Mabilis akong sumagot ng iling. "W-wala po... Bakit?" "Nakita ko na sa magazine ang singsing na to. Engagement ring to." E-engagement ring? Bakit ako binigyan ni Yuri ng engagement ring? Sumasakit ang ulo ko. Lalu akong naguluhan sa nangyayari. Bigla'ng kinuha ni Tita Gema yung kamay ko. Dahan-dahan nyang sinuot yung singsing sa daliri ko. "Sukat na sukat..." Sabi nya at ngumiti ng malapad sakin. Agad ko namang hinubad yun singsing at binalik sa kahon. Kailangan kong maka-usap si Yuri. Kailangan nyang linawin sakin kung para saan to. "Sino bang nagbigay sayo nyan?" Mapang-asar na tanung ni Tita. Napakagat ako ng ibabang labi. Nakakaluko ata kung sasabihin kong kaibigan ko. "Isang tao po na hindi-ako-sigurado-kung-gusto-nga-ako." Bigla nalang tumawa ng malakas si Tita. Hindi ko alam kung nakakatawa ba yung sinagot ko o anu. "Binigyan ka ng singsing tapos hindi ka sure kung gusto ka?" Tanung nya sakin. Nag-nod lang ako bilang sagot. Hinawakan ni Tita yung isang kamay ko. "Jay-jay... Matuto kang makiramdam. Wag kang manhid." "N-nakikiramdam naman po ako. A-ayoko lang pong maging assuming." Bahagyang tumawa si Tita. Hinawi nya yung buhok ko at tinignan ako. "Dalaga na talaga ang Jay-jay namin." Sabi nya at hinalik ako sa noo. Sa totoo lang kapag ginagawa nya yan, pakiramdam ko sya ang Nanay ko. Kahit nung nakay Lola pa ko, hindi sya nagmintis na iparamdam sakin na pwede ko syang lapitan anu mang oras. "...Tara na, kumain na tayo. Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ko naririnig. Busy ka masyado sa singsing na yan." Napahimas ako ng batok. "Ay, sorry po." Tumayo na si Tita kaya sumunod na ko. Nilagay ko muna yung box sa study table. Dumiretso na kami sa dining kung nasan sila Kuya at sila Tito Julz. Andun din si Aries na mukang binagsakan na naman ng langit. "Upo na Jay... Kain na." Utos sakin ni Tito Julz. Naupo na ko at nagsandok ng kakainin. Habang kumakain, nag-uusap sila Tito at Kuya Angelo. Minsan nakikisali si Tita Gema pero kami ni Aries, eto at nagpapalitan ng tingin. Napapanu na naman to?! Kanina pa sya susulyap ng tingin sakin pero salubong na salubong ang kilay. Feeling ko sinapian na naman sya. Tropa-tropa talaga sila nila Keifer. Parehong may Sapi. Lakas ng mga tama sa utak. Kaya siguro sila napagkukumpara nung Hari ng mga Ulupong. Tahimik lang ako sa pwesto ko ng biglang mag-ring yung telepono. Isa sa maid nila Tita yung sumagot. "Miss Jay-jay... Para sa inyo daw po." Sabi sakin nung maid. "Sino yung tumatawag?" Tanung ni Kuya. "Mama daw po ni Jay-jay." Pare-pareho kaming natigilan at lahat sila agad na tumingin sakin. Ayoko sana'ng sagutin yung tawag pero alam kong magagalit si Kuya Angelo. Tumayo ako at nagpunta sa Sala kung nasan yung landline nila Tita. Nag aalangan pa kong magsalita nung una. "H-hello..." ["Jay-jay?"] Tanung nung nasa kabilang linya. Halos mapaiktad ako ng marinig ang boses nya. Ganu naba katagal? Ganu na katagal na hindi ko naririnig ang boses nyang tinatawag ang pangalan ko? "A-ako nga." ["Finally, nakausap din kita! Bakit wala ka nung nagpunta ako dyan? Alam mo bang gusto'ng gusto kita'ng makita. Nami-miss na kita!"] "Bakit?" Halos pabulong kong tanung. ["Anu'ng bakit? Syempre anak kita! Gusto kita'ng makasama! Ang dami kong gusto'ng sabihin sayo! Ikakasal na ko-----"] "Bakit hindi mo sinabi sakin na andito lang pala si Papa?" Putol ko sa sinasabi nya. Tumahimik sa kabilang linya pero naririnig ko ang paghinga nya. Alam kong hindi sya makakasagot. ["Jay-jay anak. Ganito kasi, hindi masabi sayo ni mama....."] Hindi ko na pinakinggan ang sasabihin nya. Dahan-dahan kong binaba yung telepono ng hindi pinapatay ang tawag. Bahala syang magdadaldal sa hangin. Bastos na kung bastos pero ayoko'ng marinig ang paliwanag nya. Masasayang lang ang oras kung gagawin ko pa yun, halata namang magdadahilan lang sya. Bumalik ako sa dining at tinuloy yung pagkain ko. Hindi ko sinabi na nasa kabilang linya pa rin si Mama. "Anu'ng sabi ng Mama mo?" Tanung ni Tito Julz. "Nangangamusta lang po." Mabilis kong sagot. "Yun lang? Bakit para'ng sandali mo lang sya kina-usap?" Puna ni Tita Gema. Kasi sandali lang ako nakinig sa kanya. "S-sinabi ko po kasi na kumakain pa ko. Mamaya nalang daw po ulit." Dahilan ko. Napansin ko yung pagtaas ng isang kilay ni Aries. Hindi ko alam kung nahalata nya ko o anu. Binilisan ko yung pagkain. Baka kasi malaman nila yung ginawa ko at kagalitan ako agad. "Tapos na po ako." Sabi ko at mabilis na naglakad pabalik ng kwarto ko. Pagdating sa kwarto ko, hinanap ko agad yung box ng singsing sa study table ko. Pero wala na dun. Sinilip ko din yung ilalim ng lamesa baka nahulog lang. Pero wala talaga. Saan naman mapupunta yun? Dito ko lang iniwan, unless nalang kung may papasok dito at---- "Sinong nagbigay sayo nito?" Napatingin ako sa may pintuan kung saan nakatayo si Aries hawak ang box na pula. "K-kaibigan ko lang." Sagot ko. "I'm not stupid Jay." Hindi ako makasagot. Masyado'ng makitid ang utak nya para paliwanagan pa. Agad akong lumapit sa kanya at pilit inigaw yung kahon pero inilayo nya. "Who gave you this?" Ma-otoridad na tanung nya ulit sakin. Tsk! Asar! "S-si Yuri..." Halos pabulong kong sagot. Hindi sya nagsalita. Pinagmasdan muna nya yung kahon sa kamay nya. Binalik nya yung tingin sakin at bigla nalang hinagis yung box. Sinalo kong pilit yun bago mahulog sa sahig. "Return it." Utos nya. Taka ko syang tinignan. "H-ha?" "Ibalik mo yan sa kanya!" Inis na ulit nya. "...And i want you to stay away from them." Nagsalubong ang kilay ko sa mga pinag-sasabi nya. Sinasapian na naman yata sya. "Bakit ko naman gagawin yun?! Napapanu ka naman ba?!" "Do it. I'll talk to Kuya and ask him to move you to a different Section." Sabi nya. Nakaramdam ako ng inis sa mga pinagsasabi nya. Ngayon pa talaga? Nakaka ilang buwan na kaya ako sa Section E. Dalawang exam na nga yung dumaan. "Tantanan mo nga ako! Ayoko! Hindi ako lilipat!" Inis na sabi ko sa kanya. Agad nya kong tinignan ng masama. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!" "Kung anu-anu kasing pinagsasasabi mo!" Bigla nalang nya kong hinablot sa damit at sinandal sa pader. Nakaramdam ako ng takot pero pilit kong tinago yun. "Follow my order or you'll never see your father!" Napatigil ako. Anu'ng ibig nyang sabihin dun? Binitiwan nya ko at akmang lalabas ng kwarto ko pero hinawakan ko agad sya sa braso at hinarap sakin. "Anu'ng ibig mong sabihin dun?!" Tinabig nya yung kamay ko. "Before he leave, pumunta sya dito. Nakiki usap samin na kung pwede ka pa raw nyang makita. Hindi pumayag si Kuya kaya nag-iwan sya ng contact number at address." Hinawakan ko agad ang kamay nya para hindi sya makaalis. "A-aries... Nakiki-usap ako----" "Do what i said and i will help you get his information." Putol nya sa sinasabi ko. Muli nyang tinabig yung kamay ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Napa upo nalang ako sa sahig sa panlalambot ng tuhod. Pwede ko na syang makausap pero... Lalayuan ko sila. 

 

 

Chapter 114 Author's Note: Hi mga ka-Section E! 🏁🏁🏁 Lang ako ng mga story that you could also check. Ay Nahulog!! Tinulak kasi... By: eatmore2behappy The Unexpected Guy By: BernadethLopez5 Thank you!! Decision Jay-jay's POV

 

 +++++++++++++++++++++++++++ Nag-aalangan akong pumasok. Parang mas gusto kong mag-stay sa bahay at magkulong sa kwarto. Nakaka-bungol isipin kung susundin ko ba yung sinasabi ni Aries. Ayoko'ng umalis sa Section E, higit pa sa kaibigan at kaklase yung turing ko sa kanila. Pero gusto ko ng maka-usap si Papa. Kapag naibigay na sakin ni Aries yung contact number nya, makaka-usap ko na sya. "Bakit nandyan kapa? Baka malate kana." Puna sakin ni Tita Gema. Nakatayo lang kasi ako sa may gate. Isang hakbang nalang nasa labas na ko pero pinili kong huminto. "Iniisip ko lang po kung may nakalimutan ako." Palusot ko. "Meron ba?" Tanung nya. Umiling ako bilang sagot. "Pasok na... Baka malate kapa." Pang-uudyok ni Tita sakin bago ngumiti at pumasok ng bahay. Haizt! Kainis! Wala talaga akong choice. Napilitan akong lumabas ng gate at maglakad papunta sa kanto namin. Tulala pa ko nung una pero ng makarating sa kanto inayos ko din ang sarili ko. Iniisip ko kung maglalakad ako o papara ng jeep na sasakyan. Wala ako sa mood pumara ng sasakyan, tinatamad din akong naglakad. Eh aanu?! Nakakabadtrip naman to! Sandali pa kong tumayo ng may marinig akong busina ng sasakyan. Galing sa kotseng nakaparada malapit sakin-----wow! Yayamanin! Nissan GTR! Kung mayaman lang ako at marunong akong mag-drive, ganyan ang bibilin ko. Bigla nalang bumukas ang pinto at lumabas ang driver. Ay may impakto! Umaano dito to? Bago na naman yung kotse nya. Parang laruan lang yung mga kotse sa kanya, basta sya palit ng palit. "Bakit andito ka?" Bungad ko sa kanya. "Sinusundo ka." Mabilis na sagot ng Hari ng mga Ulupong. Bakit na naman kaya?----stay away from them! Kusa nalang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Aries. Dapat ko naba silang layuan? Kapalit ng pagkakataon kong maka-usap si Papa. Bigla nalang may pumitik na daliri sa harap ko, dahilan para magising ako mula sa pag-iisip. "You're spacing out!" Sabi ni Kiefer. Magsasalita pa lang sana ako pero bigla nya kong hinawakan sa kamay at parang bata'ng hinatak palapit sa passenger seat ng kotse nya. "Get inside!" Utos nya sabay tulak sakin papasok. Grabe tong lalaki na to! Hindi man lang ako bigyan ng pagkakataon kumilos o magsalita. Basta tulak nalang ang luko. Pagpasok nya sa loob, tinignan ko sya ng masama. "Maka-tulak ka naman!" "Tss." Ay naku! Lakas talaga maka-pisti! Umandar na yung kotse at wala'ng kibuan kaming dalawa. Nababanas ako sa pagmumuka nya. Baka mag-talo na naman kami kung anu pa masabi ko sa kanya. Nakatingin lang ako sa labas ng meron akong mapansin. Hindi kami papunta ng school! "Hoy! Saan tayo pupunta?!" Tinignan lang nya ko sandali at binalik ang tingin sa daan. Anak ng... "Hoy! Anu ba?!" "Just wait and see." Bored nya'ng sagot. Tengene nemen! Napilitan akong manahimik. Yari ako nito kay Kuya, malalaman nun na hindi na naman ako pumasok. Sa totoo lang naiipon na yung sermon nya para sakin. Nito kasing mga nakaraang araw, busy si Kuya kaya pati pag-sermon sakin hindi nya magawa. Pero ayoko pa rin nun. Baka isang araw sumabog na naman sa galit yun at ako yung pagbuntunan. Bigla nalang kaming pumasok sa isang building. May tallgate tsutsu, kung saan may inabot si Keifer at tinanggap nung nakapwesto sa tallgate. Pagpasok sa loob, sobrang dilim at ang daming kotse. Mukang parking area pala to. Sandali pa kaming umikot bago nakahanap ng matinong pwesto para sa napaka-ganda'ng kotse nya. Gusto ko din ng ganito. Paghinto, bumaba na si Keifer kaya ganun din ako. Mabilis sya'ng naglakad palayo kaya dali-dali akong tumakbo para lang makahabol sa kanya. Meron sya'ng pinindot sandali at tumunog ang kotse nya. Wow! "Aanu ba kasi tayo?!" Inis na sabi ko sa kanya. Hindi na naman sya sumagot. Hindi kaya naputulan na ng dila ang isa'ng to. Hindi na sumasagot eh. Huminto kami sa harap ng elevator at hinintay bumukas yun. Pagbukas, agad na pumasok si Keifer pero hindi ako sumunod o gumalaw. "What are you waiting for?!" "Sagot sa tanung ko'ng 'Saan ba talaga tayo pupunta?'." Sagot ko sa kanya. "Ewan! Sige maiwan ka dyan!" Sigaw nya sakin at biglang pinindot yung buton para magsara yung pinto ng elevator. Nagmadali ako sa pagpasok sa loob. Ayoko maiwan dito, ang dilim kaya tsaka baka totoo yung sinasabi nila na may taong ahas sa basement ng mga building. "Eto na nga! Sabi ko nga sasakay na!" Sabi ko pagpasok sa loob. "Tss." Pinindot nya yung buton na may letter G. Wala talaga akong clue sa iniisip nitong kumag na to. Pagbukas ng elevator, bumungad sakin ang christmas theme at malakas na music. Lumabas si Keifer kaya sumunod na naman ako. Teka! Nasa Mall ba kami?! Niligid ko yung paningin ko. Nasa mall nga talaga kami. Aanu naman kami dito? Anu bang balak nitong si Keifer? "Jay-jay!" Tawag sakin ng kung sino. Pareho kaming lumingon ni Keifer. Si Eman, Edrix at Rory yung bumungad sakin. "Ang tagal nyo naman... Kanina pa kami dito." Reklamo ni Edrix. "Blame this girl." Turo sakin ni Keifer. Hm?! Ako daw ba ituro! Animal talaga. "Tara na... Ang dami nating kailangang bilhin." Aya ni Eman. Naglakad na silang lahat. Wala pa rin akong clue kung aanu ba talaga kami dito sa Mall, at anu'ng kailangang bilhin? "Eman!" Tawag ko at bahagya'ng tumakbo palapit sa kanya. "...Aanu tayo dito?" Taka nya kong tinignan. "Wala ba'ng sinabi sayo si Keifer?" Meron, marami! Kaya nga ako nagtatanung eh! Umiling nalang ako bilang sagot. "Bibili tayo ng gagamitin sa christmas party natin." Sagot nya. "Ha?" Ang alam ko, hindi kasama ang Section E sa Christmas Party ng school. Kaya bakit kami bibili ng gagamitin? "Meron tayo'ng sariling celebration... Sa labas ng school." Singit ni Rory. "Saan naman?" "Wala pa tayo'ng napipili'ng lugar... Dati kila Keifer pero may issue kasi sila Blaster at Keigan. Kaya kailangang lumipat ng venue." Paliwanag ni Edrix. Ayos din tong mga to! Basta ginusto wala'ng makakapigil. Kesa nga naman, hindi sila makapag-christmas party edi gumawa ng sariling party. Tutal andito na ko, edi tumulong na. Hindi ko lang maintindihan, kung bakit sinama pa ko nitong mga to. Sa isang Decorating Store kami nagpunta. Kumpleto sa supply, pati costume meron din. Dahil malapit na ang pasko, kaya puro pamasko yung nakabalandra sa eskaparate nila. "Kuha ka ng basket..." Utos sakin ni Eman. Ginawa ko naman at ganun din ang ginawa nila Edrix at Rory. Halos si Eman lang ang namimili ng gagamitin. Minsan magtuturo sila Edrix at Rory pero madalas ng gugulo lang sila. Bigla nalang may nag-abot sakin ng maliit na christmas tree. "Eto maganda..." Sabi nung nag-abot----Si Ci-N pala! Nakasibangot sya at para'ng bata'ng inis na inis. Napalingon ako kila Edrix, kausap nila si Eren at....Kit. "Ganyan tayo eh! Lumalakad ng hindi nagsasama!" Inis na sabi ni Ci-N. Mukang nagtatampo ang bata. "Sinundo lang ako ni Keifer. Kung alam ko namang may lakad sasabihin ko sayo no!" Paliwanag ko. "Panu mo sasabihin sakin?! Aber!" Para'ng matanda nya'ng sabi sabay pamaywang. "...Eh lagi kang wala'ng load!" Ay... Oo nga! May punto sya dun, kahit gusto kong sabihin, hindi ko din masasabi. Hindi na ko nakakapag-load. Nagtitipid kasi ako, dahil nga nasa pautangan pa yung pera ko. "Sorry naman!" "Naku! Ganyan ka naman! Sarili mo lang kasi iniisip mo!" Sabi nya sabay walk out. Luko'ng to! Humugot pa ang lintik. "Sige... Lilibre pa naman sana kita! Kayalang nagtatampo kana!" Pagkasabi ko, bigla nalang sya'ng naglakad paatras pabalik sa pwesto nya kanina. "Apology accepted." Sabi nya sabay ngiti. Napangiwi nalang ako. Ibang klase talaga! Lumapit kami kila Edrix na patuloy sa pakikipag-usap kila Eren at Kit. Hindi ko maiwasan na hindi tignan si Kit. Tapos maglalaro pa sa isipan ko yung picture nila ni Mayo na nag-----aarrrgghhh! My gudness! Don't think about it! Don't think about it! Don't think about it! Lalakad na sana ako paalis ng hawakan ni Eren yung basket na dala ko. "Ako na..." Sabi nya at kinuha sakin yung basket. Hinayaan ko nalang sya. Kasunod nya si Kit na nagpilit lang ng ngiti sakin. Dun ko lang napansin na malungkot yung mga mata nya. May nangyari kaya'ng hindi maganda? Naiwan akong nakatayo lang sa pwesto ko. Halos lahat kasi sila naghanap ng mabibili. Pati si Ci-N, sumama din kila Eman. Pinagmamasdan ko lang sila. Gusto ko muna silang panoorin, kahit sandali. Matutulungan ako nito sa pag-iisip. Kung anu ba talaga'ng dapat kong gawin. Sa maikling panahon na magkakasama kami, malalim na rin yung naging samahan namin. Nakisama ako sa mga naging problema nila. Nung mga panahon na umiyak sila at tumawa. Sinuportahan namin ang isa't isa. Kahit hindi naging maganda yung mga unang linggo naming magkakasama nabawi din naman nila agad yun. Akala ko dati, mahihirapan ako sa Section na to dahil ako lang ang babae pero hindi pala ganun yun. Tinanggap nila ko na parang bang isa talaga ako sa kanila. Para'ng hindi ko kaya na ipagpalit sila sa kahi anung bagay. "Jay..." Tawag sakin ng kung sino. Lumingon ako sa tabi ko at nakatingin sakin si Keifer na may halong pagtataka. Hinawakan nya yung pisngi ko at dun ko lang naramdaman na may luha pala ako. "W-wala to... Napuwing lang ako." Palusot ko at pinunasan ang luha ko. "Luma'ng palusot na yan." Sabi nya. "...Tungkol ba kay Papa mo?" Umiling ako. "Hindi... Basta ibang bagay." "Okay... If you don't want to talk about it. Fine. I won't force you." Akala ko aalis na sya pero nanatili syang nakatayo sa tabi ko at pinagmasdan din yung mga kasama naming patuloy sa pagkukulitan. Sa totoo lang naguguluhan pa rin ako. Kaya kahit labag sa loob ko.... "Keifer..." Tawag ko sa kanya. "...panu kung may pagkakataon ka ng makuha yung matagal mo ng gusto, pero ang kapalit naman nun yung meron ka ngayon. Would you still grab the chance?" "It depends..." Mabilis nya'ng sagot. "...if that thing that i want is worth it, why not?" Worth it? "...but..." Pagpapatuloy nya. "...if the things that i have is much more worth it, i would not." Much more worth it! Natahimik ako at napatingin kila Ci-N. Sino nga bang mas worth it sa kanila? Yung mga kasama kong higit pa sa kaibigan at kaklase ang turing ko. 'O Yung Papa ko na matagal ko ng gusto'ng makasama. Worth it? 

 

 

Chapter 115 Author's Note: Eto muna, before christmas meron na. Mga Dec. 23 or 24... Pasinsya na! Christmas War Jay-jay's POV

 

 Malapit na ang pasko. Ang lamig ng simoy ng hangin. Para'ng lovelife ko lang. Hindi ako bitter o anu. Naisipan ko lang talaga'ng ikumpara yung lamig ng hangin. Pero sa totoo lang, hindi ko maramdaman yung lamig na yun. Siguro kasi dahil sa pawis ko at sa bilis ng tibok ng puso ko. Ikaw ba naman ang makipaghabulan, tignan ko kung hindi ka pagpawisan. "Anu?! Kala mo kaya mo kami'ng lahat?!" Mayabang na sabi sakin ng pinuno ata nila. Sino'ng sila? Yung mga lalaki'ng bigla nalang ako'ng hinarang sa kanto namin. Akala ko magtatanung lang sila pero hinawakan nila ko. Natakot ako bigla, akala ko kasi mauulit yung kay Ram dati. Napilitan ako'ng lumaban at ng makakuha ng pagkakataon mabilis akong tumakbo. Yun nga lang na-corner nila ko sa isang eskenita. Lumaban pa rin ako, sa abo't ng makakaya ko. Tatlo na! Tatlo na yung napabagsak ko pero ang sakit na ng kamao ko. Ngayon ko lang napatunayan na ang tagal ko na pala'ng hindi nakikipag-away. Mabilis ng kumikirot yung kamao ko kapag nanununtok ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Pagod na yung katawan ko at ang dami nila. Asar! "Sumama ka nalang samin... Hindi ka naman namin sasaktan. Tatanungin ka lang namin tungkol kay Keifer." Mapang-asar na sabi nung isa. Eto na naman po tayo! Ganyang ganyan din yung kay Ram. Jusme! Wala akong balak ulutin yung pang-yayari na yun. Matinding troma ang naranasan ko dun. "Ayoko!" Sigaw ko. "Matigas ang ulo mo! Ha?!" sabi nung isa at bigla nalang nanguha ng tubo sa kung saan. Shit! Never pa kong nakipag-away ng may tubo. Anu'ng laban ko dyan? Tang'na! Katapusan ko na ata. "Miss... Tara na." Mahinahon na sabi nung isa sa kanila. Unti-unti kong binaba yung kamao ko na kanina pa naka-porma sa harap ko. Bahagya'ng lumapit sakin yung huling nagsalita sa pagkaka-akala'ng sumuko na ko. Pero agad ko sya'ng sinapa sa muka. Bagsak at dumudugo na ang ilong nya. Apat na! "Tang'na!" Sigaw nung isa pa sa kanila. Bigla nalang sumugod yung may tubo at hinataw yun pahampas sakin. Agad akong umiwas at ng makakuha ng pagkakataon, sinikmuraan ko sya. Bagsak at wala sya'ng tigil sa pag-ubo. Lima na! Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Oo, nakikipag-away ako sa mga lalaki dati pero hangang tatlo lang ang kaya kong harapin. Ngayon lang ako lumaban sa mahigit sa tatlo. Lahat sila nakatingin sa mga kasama nila na kung hindi nakaluhod sa sahig ay nakahiga naman at hirap tumayo. Naririnig ko yung phone ko sa bag. Malamang hinahanap na ko nila Ci-N. Ngayon ang christmas party namin sa resto nila Eman. Yun ang dahilan kaya nasa kanto ako at nag-aabang ng masasakyan. "Babae ka lang pero napabagsak mo sila!" Inis na sabi nung leader ata nila. "Pagtulungan na natin!" Sabi nung isa at bigla nalang sumugod sakin. Sumunggab ako ng suntok pero naka-iwas sya. Lagot na! Bumawi sya at agad akong sinikmuraan. Pvta! Napaluhod ako sa sakit. Sisipain pa sana nya ko pero nakuha ko yung tubo'ng ihahampas sana sakin ng kasama nila kanina. Pinatamaan ko sa sya sa----anu----basta yun. Bumagsak sya at namalipit sa sakit. "Kala mo ah..." Bulong ko. Ginamit kong tukod yung tubo para makatayo. Tinignan ko sila'ng lahat. Anim na! Bakit ganun? Para'ng hindi sila nababawasan. Parang lalu pa silang nadagdagan. Narinig ko na naman yung cellphone ko. Bukod sa text sunod-sunod din ang tawag. Asar! Kung pwede ko lang sagutin yung tawag, kanina ko pa ginawa para nakahingi na ko ng tulong. "Del... Panu na yung plano nating makaganti kay Keifer? Ni hindi nga natin malapitan tong babae na to!" Dinig kong sabi nung isa. Anu nga ulit? Paki-ulit! Anu'ng gaganti?! Bakit ako gagamitin nila?! "Gaganti kayo kay Keifer?! Eh bakit ako gagamitin nyo?!" Inis na tanung ko. "Anu'ng klase'ng tanung yan?! Malamang ikaw ang girlfriend nya, kaya ikaw ang gagamitin namin!" Girlfriend?! "Sino'ng tanga nagsabi sa inyo na ako girlfriend nya?!" Tumingin sila sa kasama nila'ng nasa dulo. Bahagya syang lumapit at nagkakamot ang ulong humarap sa leader nila. "N-nakita ko sila'ng naghahalikan nung halloween party." Paliwanag nya. Nasampal ko nalang ang sarili kong noo. Hanu ba yan?! "Inutil ka! Basta nag-kiss magsyota na?! Hindi pwede'ng kasi gusto lang?!" Inis na inis na tanung ko sa kanya. Nabatukan nalang nila yung kasama nila ng malakas. "Hindi kayo, pero lagi kayong magkasama! At nagkiss pa kayo! Edi mahalaga ka sa kanya!" Bigla'ng sabi nung isa sa kanila. Napangiwi ako ng di-oras. Napaka! Ay naku! Grr! "Tsaka na pag-isipan yan! Andito na sya edi sya na gamitin natin!" Sigaw nung leader nila. Bigla nalang sumugod yung tatlo sakin. Hinampas ko agad ng tubo yung isa sa kanila pero sinuntok ako sa muka nung isa. Putik! Sa muka talaga?! Sa inis ko! Pinaghahampas ko sya ng tubo, nawala sa isip ko yung isa. Huli na para lingunin ko at labanan ko sya meron syang inihampas na matigas na bagay sa likod ko dahilan para manlambot ako at bumagsak sa sahig. "Tang'na! Pinahirapan mo kami!" Ang sakit! Sobra! Napapamura nalang ako! Pinilit kong tumayo pero sinipa ako ng isa kanila. Narinig ko tawanan nilang lahat. Pakshit! Tinignan ko ng masama yung wala'ng hiya'ng sumipa sakin. Yung leader pa nila'ng hunghang. Ngumiti pa sya sakin. "Akala mo makakatagal ka?!" Bigla nalang sya'ng bumwelo ng sipa sa muka ko. Napapikit nalang ako sa takot. Masakit?! Dapat masakit! Dapat nasaktan na ko. Pero wala, wala ako'ng naramdaman kahit dampi ng hangin. Unti-unti kong dinilat ang mata ko. Bumungad sakin yung maruming sapatos nung leader nila. Naka-hinto lang yun at parang hindi sya gumagalaw. Bahagya kong tinaas ang tingin ko. May binti na naka-abang sa muka nung leader nila. Pero kaninong binti? Nakatalikod sya sakin kaya hindi ko makita. Nakasuot din sya ng santa claus costume. "Try to touch her face with your dirty shoes! I will cut your legs off for hurting my wife!" Banta ni... Keifer? My wife?! Napataas ang isang kilay ko. Pinapahamak nya ko sa ginagawa nya! Binaba nung lalaki yung paa nya'ng nakaamba sa muka ko kaya ganun na rin yung ginawa ni Keifer. "Sabi sa inyo sila eh." Dinig kong sabi nung isa. Bigla nalang umikot si Keifer. Ang bilis ng pangyayari. Pag-ikot nya, pinatamaan nya ng sipa yung leader ng mga luko sa muka. Knock out! Nanlaki nalang yung mata ko sa gulat. Akala ko hindi na nya itutuloy yung banta nya. "Here i am now! You want me right?!" Hamon ni Keifer sa kanila. Narinig ko na naman yung phone ko. Agad kong kinuha yung bag ko para sagutin yung tawag. Hindi ako nagkamali. Si Ci-N nga yung tumatawag sakin. "Ci---" ["Please tell me na kailangan mo yung tulong namin!"] Putol nya sa sasabihin ko. "Ci-N! Andi----" ["Jay! Andito lang kami para sayo! Handa kaming tulungan ka!"] "Pakinggan mo----" ["Wag kang ganyan Jay! Anu ba?! Ginagawa mo kaming others!"] Tengene! "Ci-N! Kailangan ko tulong nyo! Pero panu ko sasabihin yun kung ayaw mo kong pagsalitain?!!" Sigaw ko. Sandali'ng tumingin sakin si Keifer. ["Ay! Hehe sorry!"] Sabi nya at pinatay ang tawag. Tinignan ko ng masama yung cellphone ko. Nakaka-gago kasi tong si---- "Andito na kami!" Sigaw ni...Ci-N? Bigla nalang sya'ng nag-landing sa harap ko galing sa kung saan. Naka costume pa sya ng elf ni Santa. Kasunod nya si David, Felix at Calix na normal naman ang suot. Mula naman sa likod nitong mga luko'ng kanina ko pa kinakabalaban. Natatanaw ko sila Blaster, Josh, Calix at....Yuri. Inalalayan ako ni David sa pagtayo. "Anu'ng masakit sayo?" Tanung nya sakin. "B-buong katawan..." Pabulong kong sagot. "Bakit naman nauna kapa'ng nagki-party?!" Tanung ni Ci-N habang nakatingin sa mga pinabagsak ko kanina. Party?! "Edi humabol tayo! Problema ba yun?!" Mayabang na sabi ni Felix habang pinapatunog ang kamao. Napatingin ako sa mga kakalabanin nila. Halata'ng natatakot pero pilit tinatago. "Sulitin na natin tong christmas party na to?!" Sigaw ni Keifer at sabay sabay silang sumugod. Naiwan ako'ng nakasandal sa pader at nanunuod lang sa ginagawa nila. Kasi naman, napaka-ganda'ng pamasko nito. Pero hindi ko maiwasan na hindi mapangiti. Akala ko kasi dati, wala ng dadating para tulungan ako sa mga ganito'ng pagkakataon. Idagdag pa yung itsura ni Keifer. Naka-costume pa rin habang nakikipag away. Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang suot nya. Si Ci-N gets ko talaga. Bata eh, tsaka nasa personality naman kasi nya yung mga ganyan pero itong Hari ng mga Ulupong---nakakapanibago! Pero muka'ng hindi lang sya yung naka-elf costume. Pati pala si Yuri ganun din yung suot. Anu'ng meron?! Bakit ba mga nakaganyan sila?! Natapos ang suntukan. Si Keifer ang una'ng lumapit sakin. "Why you didn't call us iediately?!" Inis na sabi nya sakin. "Makakatawag ba ko kung nakikipag-away ako?!" "Tss." Lalakad na sana sya paalis ng meron akong naalala. "Thank you Mister Santa Claus!" Napatingin sya sakin at sa suot nya. "Oh crap!" Sabi nya at hinubad yung pang-itaas habang naglalakad palayo. Napanu yun? "Hahaha... Nakalimutan nya'ng naka-costume pa rin sya bago sumugod dito. Hahahaha..." Sabi ni Ci-N habang patuloy sa pagtawa. Kaya pala ganun ang reaksyon nya. Pati ako natawa na rin. Pero meron lang akong pinagtataka. Panu nila nalaman na andito ako? 

 

 

Chapter 116 Christmas Party Jay-jay's POV

 

 "🎶...I saw Moy kissing Santa Claus... Underneath the mistletoe last night...🎶" Hindi ko alam kung anung iindahin ko. Yung sakit ng katawan ko o yung sakit ng tenga ko. Alam ko namang plakda yung boses ko kaya hindi ako kumakanta pero ito'ng bata na to, hindi ata aware na parang niyuyuping yero yung boses nya. "Ang galing mo Ci-N!" "Idol!" "Sige lang Ci!" Pagchi-cheer ng mga luko kay Ci-N. Obvious naman na kinukunsinti lang nila tong isa. Sumasakit na yung ulo ko sa pangit ng boses nya. Grabe na kung grabe! Pero kingina kasi. Napatakip nalang ako ng tenga. Bakit ba kasi may videoke pa? May nagbaba ng pagkain sa harap ko. Bahagya kong tinaas ang ulo ko para makita kung sino yun. "Merry Christmas..." Bati sakin ni David sabay tulak ng plato ng pagkain. "Merry Christmas din..." Balik kong bati sa kanya. Kumuha ako ng pagkain sa binigay nya. Kahit masakit ang katawan ko, gusto ko pa ring ma-enjoy tong party na to. "Ready mo naba yung regalo mo?" Tanung sakin ni David. Nag-nod naman ako. Meron kasi kami'ng munito-munita. Dahil ako lang ang babae, nagkagulo sila. Hindi kasi pangalan ang nilagay namin sa papel na bubunutin. Code name lang tapos bahala na kami kung ano ireregalo basta pasok sa theme. Something Naughty daw. Feeling ko kamanyakan lang yung something naughty na yun. Nakisama nalang ako kesa naman masira yung Party nila. Hindi nga lang ako sure kung sino yung nabunot ko. Basta alam ko lalaki, kasi nga ako lang yung babae. Sino kaya tong Bluetooth na to? Magpapangalan nalang muka'n tanga pa. Kung sino man to, maganda regalo ko sa kanya. Something naughty talaga! "Maraming salamat sa performance ni Ci-N!" Bigla'ng sabi ni Rory sa mic kaya nagtinginan kami sa kanya. Nagpalakpakan ang mga luko at may kasama pang sipol. "Simulan na natin ang party!" Sigaw ni Rory. Sinundan na naman ng hiyawan ng mga luko. Gustohin ko mang makisigaw, ayaw makisama ng katawan ko. Bakit ba kasi ngayon pa nila ko naisipang abangan sa kanto? "Simulan natin sa palaro! At syempre ang mananalo ay may katumbas na price!" Paliwanag ni Rory at luminga sa paligid. "...asan si Santa na magbibigay ng premyo?" Speaking of Santa, ayun at may hawak na bote ng alak. Kasama pa nya si Yuri na wala rin tigil sa pagtungga ng alak. Napilitang tumayo si Keifer at lumapit kay Rory. Hawak pa nya yung isang bote ng alak sa kamay nya. "Okay okay... Ready na lahat! Simulan natin sa Stop Dance na my twist!" Anu daw?! "...Lahat kasali! Maliban kay Jay-jay at Mica!" Dagdag ni Rory dahilan para madami ang magreklamo. "Ang daya naman nun!" "Bakit ganun?" "Di na ko sasali!" Bigla nalang inagaw ni Keifer yung mic kay Rory. "Kung bugbugin ko kaya kayo para hindi rin kayo makapaglaro?!" Banta nya sa mga luko. Agad silang natahimik. Nawala ata sa isip nila na nakipag-away ako kanina. Binalik na nya yung mic kay Rory. "Okay... Dahil hindi kasama si Jay-jay at Mica, pati na rin si Keifer at Yuri at syempre ako. Kulang pala tayo ng isa." Biglang sabi ni Rory habang nagbibilang sa daliri. Mukang mapipilitan talaga ako'ng makipaglaro. 18 kaming lahat kung isasama si Mica na kasalukuyang naka-upo sa tabi ni Calix. Mas gusto daw nya kasing umattend ng christmas party namin kesa ng school. Lima ang aalisin kaya naman, 13 nalang silang matitira. Kailangan pa ng isa para lang masakto yung bilangan. "Okay lang ba Mica kung sasali ka sa laro?" Tanung nila kay Mica. Sandali syang tumingin kay Calix at sakin. Nahihiya tuloy ako sa kanya. Ako dapat yung kasali sa laro eh. "Ako nalang." "I'll do it." Sabay na sabi ni Yuri at Keifer. Pare-pareho kaming nagtinginan. Ang weird kasi ng dating ng pagvolunteer nila. "So, sino yung maglalaro?" Awkward na tanung ni Rory sa dalawa. Nagtitigan si Yuri at Kiefer. Para silang nag-uusap gamit lang ang tingin hangang sa umiwas ng tingin si Yuri at uminom ng alak. Lumakad si Keifer sa gitna at mukang sya yung maglalaro. "Okay na! Sakto na ang bilang! Simulan na natin!" Sabi ni Rory at nagpalakpakan kami. Agad na pumwesto ang mga luko sa gitna. "...Ganito ang twist. Kapag sinabing stop, dapat naka-pose na kayo at syempre walang gagalaw. Pero ang magiging pose nyo ay babase sa sasabihin ko." Ha?! Parang ang komplikado ata nito. "...Kapag sinabi kong 'Animal Pose', kailangan mag-Pose kayo ng parang hayop at hindi gagalaw." Naku! Patay! Yung Hari ng mga ulupong! "Game!" Sigaw ni Rory at nagsimula ang music. Hindi ko namalayan na lumapit na pala sakin si Mica. Napansin ko nalang sya paglingon ko sa pwesto kanina ni David. "Kamusta? Nakipag-away ka daw?" Tanung nya sakin. "Oo eh... Ikaw kamusta?" Balik kong tanung sa kanya. "Ayos lang din..." Sagot nya sabay ngiti sakin. Matutuwa ako para sa kanila. Ang dami na rin nilang pinagdaanan ni Calix. Sana nga lang wag na maulit yung naging away nila. Baka magpatiwakal na tong si Calix. Sandali kaming tumingin ni Mica sa mga Ulupong na parang mga nakawala sa koral magsayaw. "Supermodel Pose and.... And..." Sabi ni Rory. "...STOP!" Kanya-kanya ng pose ang mga luko. May facial expression pang kasama. Natawa pa kami kay Edrix, na naglabas pa ng tyan feeling my abs. Si Ci-N hindi papatalo, kagat labi pa ang luko habang pupungay-pungay ang mata. Pero napako ang tingin ko kay Keifer. Nakatingin kasi sya sakin. Nakatayo lang sya at para'ng poste sa kinalalagyan nya. "May something ba kayo ni Keifer?" Biglang tanung ni Mica dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Huh?!" "Hindi na dapat ako maki-intriga sa inyo. Kayalang kasi..." Napakagat sya sa ibabang labi nya. "...Minsan naming napag-usapan ni Calix na may kakaiba sa inyo ni Keifer." "P-panu bang kakaiba? Eh lagi nga kami'ng nag-aaway nyan." Dipensa ko. Muling bumalik ang malakas na music at nagsasayaw na naman ang mga luko. "Pero may gusto kaba sa kanya?" Diretsong tanung ni Mica. Bigla nalang nag-init ang pisngi ko. Jusme! Kakaiba din kasi mga tanungan nitong si Mica. "W-wala ah!" Mabilis kong sagot. Bahagya'ng tumawa si Mica. Hindi na ulit sya nagtanung. Mainam naman yun. Hindi ako komportable'ng pag-usapan yang like like na yan. Natapos ang una'ng palaro at nagutom ang mga luko. Kakain daw muna sila at maglalaro ulit. Pagkatapos ay ang bigayan na ng regalo. Excited ako sa matatanggap ko. As usual, si Eman ang nagluto ng kakainin namin. Nagpatulong daw sya sa Daddy nya. Pinilit kong makatayo para kumuha ng pagkain. Baka ubusan ako ng mga luko kung maghihintay pa ko ng kukuha para sakin. Habang nakapila, nakita ko si Yuri na pinaglalaruan yung bote ng alak sa kamay nya. Halatang malalim yung iniisip. Kumuha ko ng pagkain para saming dalawa. Obvious naman kasi na wala sya'ng balak kumuha ng pagkain nya. Pagkakuha, agad akong lumapit sa pwesto nya at naupo sa tapat nya. Wala syang reaksyon pero nakatingin sya sakin. "Kain na..." Sabi ko habang tinutulak yung plato palapit sa kanya. Tinignan lang nya yung pagkain at tumungga na naman ng alak. Hindi ako sanay ng ganito sya. "Yuri..." Tawag ko sa kanya. "...Bakit ba ang tahimik mo? May problema kaba?" Hindi sya sumagot. Nagpatuloy lang sya sa ginagawa. Honestly, nag-uumpisa na kong mainis sa ginagawa nya. Ayoko sana'ng pag-usapan to pero kailangan eh. "Maganda yung singsing..." Sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya. Hinintay ko kung magsasalita sya pero hindi sya kumikibo, hindi rin sya gumagalaw. Tinignan ko ulit sya ng maayos, nakahinto nga sya at nakatitig sakin. Seryoso'ng seryoso at parang may iniisip. Kinaway ko yung kamay ko sa harap ng muka nya. Sandali sya'ng kumurap kaya tumigil din ako. "D-do you like it?" Halos pabulong nya'ng tanung. "Oo... Sukat sakin. S-salamat." Sabi ko at nagpilit ng ngiti. "...Bakit mo nga pala ako binigyan nun?" "Aayain sana kita magpakasal." Mabilis nya'ng sagot dahilan para masamid ako. "*Ubo**Ubo*... A-anu?!" Bigla nalang sya'ng tumawa. Sandali syang umalis at kumuha ng bottled water. Binuksan nya yun at inabot sakin. "Joke lang... Ang seryoso mo kasi." Sabi nya. "Seryoso nga kasi ako! Para saan nga yun?!" Umiwas sya ng tingin. Hinarap ang bote'ng kanina nya pa pinaglalaruan sa kamay tapos titingin sa mga kasama namin na nag-aasaran at nagkakasiyahan. "I'll tell you later." Mabilis nya'ng sabi. Bubuka palang sana ang bibig ko para magsalita pero agad sya'ng tumayo at pinuntahan sila Felix na busy sa pagkain at asaran. Medyo bastos ah.. Kinakabahan ako. Kakaiba sa pakiramdam yung sinabi ni Yuri at bakit kailangan ko pang antayin ang mamaya kung pwede naman na ngayon na. Hinarap ko nalang ulit yung pagkain ko at sa hindi ko maintindihan na dahilan, napatingin ako bigla kay Keifer. Nakatingin din sya sakin pero para'ng nangungusap yung mga mata nya. Anu bang problema nitong dalawa na to?! 

 

 

Chapter 117 Christmas Party 2.0 Jay-jay's POV

 

 NAWAWALA!! Ngayon pa talaga! Bakit ngayon pa kailangang mawala? Panu na? Nawawala yung roasted chicken! Sinong animal naman kaya ang kukuha nun, habang busy kami. Napaka-takaw nya, isang buong manok yun! "Roll call nga!" Sigaw ni Eman na halata'ng naiinis na. "Sigaw nyo pangalan nyo... Yung wala, malamang sya'ng may pakana!" Sabi ni Rory. "Jay-jay!" Sigaw ko sa pangalan ko. "Eman!" "Rory!" Sigaw ni Rory habang nakataas pa ang kamay. "Edrix!" "Tss!" Sabi ng Hari ng mga ulupong. Kelan pa naging 'tss' ang pangalan nya? Hindi nalang namin pinansin yun at nagpatuloy sa roll call. "David..." Bored na sabi ni David. "Denzel." "Yuri!" "..." Sabi ni Josh na hindi namin narinig. "..Josh!" Pag-uulit nya. "Blaaaaster!" Sigaw ni Blaster at may mwestra pa ng pagsabog. "Calix the pogi with my Mica baby!" Napangiwi ako sa sinabi nya. Kailangan pa ba yun? "Felix the cat!" Bakit nadudugtungan ang pangalan? "The Amazing Eren!" "Kit makulit!" Aba! "Drew! Barrymore... Hahahaha.." "Mayo! Junyo! Julyo! Agusto!" Setyembre! Oktubre----anu ba yan? Muntik na kong mapakanta. Bwisit kasi tong mga to. Dugtungan daw ba mga pangalan. Pero meron akong hindi narinig sa Roll Call. "Asan si Ci-N?!" Tanung ko habang tinitignan sila isa-isa. Pare-pareho silang tumingin sa paligid. Nawawala nga ata talaga ang luko. Wala sya! Wala ang roasted chicken! "SI CI-N ANG KUMUHA?!" Sabay sabay na sigaw ng mga luko. Agad silang nagtakbuhan para hanapin si Ci-N. Merong dumiretso sa kusina, meron tumakbo sa cr at merong lumabas ng resto at dumiretso sa parking. Pero pare-pareho silang bumalik na bigo sa paghahanap. Saan naman----"ARAY!" May kung anung tumama sa binti ko habang nakatayo. Agad kong tinignan yun na nasa sahig na ngayon. Hindi malinaw sakin kaya kinuha ko na rin para makita ng maayos. Buto ng manok?! "Anu yan?" Tanung sakin ni Eman. Hinarap ko sa kanya yung nakita ko. Pareho pa kami'ng nagtinginan at mukang iisa lang kami ng nasa isip. Agad naming hinawakan ang mantel ng lamesa, sabay pa kami ng paghawi sa dun pataas. Bwala! Bumungad samin ang kumakain na Ci-N sa ilalim ng lamesa. Sya nga ang kumuha! Sabay pa namin sya'ng dinampot sa braso at hinatak paalis ng ilalim ng table. Namumulaan pa ang bibig nya sa pagkain. "Bakit mo sinosolo yang manok?!" Inis na tanung ni Eman. "Hhm... Hm..." Sabi ni Ci-N habang puno'ng puno ang bibig. "Ay naku Ci! Nagdamot factor ka na naman!" Sabi ko bago sya bitawan. Masama na ang tingin sa kanya ng mga kapwa nya ulupong. Kasalanan naman kasi nya, tama bang itakas yung manok at kainin nya mag-isa. "Please tell us na hindi lang isa ang niluto mo." Sabi ni David kay Eman. Pumasok si Eman sa kusina. Binalikan ko ng tingin si Ci-N. Nalunok na nya yung kaninang nginuya nya at nagawa pang ngumiti sakin. May tinga pa! Lumabas si Eman kasunod ng dalawang crew at may hawak silang apat na buong manok. Nice! Nice! "Ayos yan!" "Kainan na ulit!" "Tara! Tara!" Halos sabay sabay pa silang nagpalakpakan sa tuwa. Akmang lalapit si Ci-N pero hinarangan ko na sya. "Nakakain kana diba?" "Itsa pa... Please!" Pakiusap nya habang naka-pout. Napangiwi ako. Hinayaan ko syang umalis at bahala na yung mga kapwa nya ulupong na humarang sa kanya. "Bilisan nyo ang pagkain at magpe-perform para sa atin si Yuri!" Announce ni Rory. Napatingin ako kay Yuri na kasalukuyang nasa harap at inaayos ang gitara. Wala kasi akong maalala na pinag-usapan namin na magperform sya. Baka biglaan lang. Bumalik ako sa pwesto kanina kung saan kasama ko si Mica. Andito na rin si Calix at nagsusubuan pa sila. Baka langgamin naman tong dalawa na to. "Anu palang ineregalo mo sa nabunot mo?" Biglang tanung sakin ni Calix. Hehehe secret! "Ayoko sabihin... Baka ikaw pala yun, edi nasira na yung surprise." Bahagya'ng tumawa si Mica. Hindi nga pala sya kasali sa regaluhan na yan. Late na kasi sinabi samin ni Calix na samin daw makiki-celebrate tong gf nya. Bigla nalang lumapit samin si Ci-N. Naka-pout at maluha-luha ang mata. "Inaway nila ko..." Sumbong nya, sabay turo kila Mayo. "Bakit?" "Ayaw nila kong bigyan... *Sniff*..." Sabi nya at kuwari pang suminghot. Natawa nalang si Mica at Calix sa kanya. Kasalanan naman kasi nya. Ayan tuloy, hindi na sya makahingi. "Ikukuha nalang kita." Presinta ni Mica at tumayo. "Nice..." Sabi ni Ci sabay suntok sa hangin. Tignan mo tong tao na to. Wala talaga akong masabi. Basta pagkain, gagawin lahat. Speaking of pagkain, kanina ko pa napapansin si Kit. Para syang walang gana. Hindi rin nababawasan yung pagkaing kanina nya pa kaharap. Tapos bigla kong naalala yung picture sa phone ni Eren. Mygudness! Lumapit ako sa kanya at naupo sa katapat nya. Tinignan nya ko at ngumiti. "Kamusta? Bakit nag-iisa ka?" Tanung ko. "Wala naman... Nakakapagod lang maki-gulo sa kanila." Naka-ngiti nya'ng sagot. "Sure? Walang problema? Sakit?" "I'm sure. No problem. I'm not sick." Sunod-sunod nya'ng sagot sa mga tanung ko. Nag-nod lang ako bilang pagtanggap sa sinabi nya. Dumaan sa harap namin si Mayo at nginitian ako. Ako lang, hindi nya tinignan si Kit. Ay teka.... "Dito ka nalang Mayo." Aya ko sa kanya at tinuro yung katabi kong bangko. Mabilis syang umiling. "Dun na ko eh..." Sabay turo sa table nila Josh. "Dito na..." Pagpipilit ko. Halata'ng naiilang at ayaw nya pero napilitan sya'ng umupo sa bangko'ng tinuro ko. Nilapag nya yung plato'ng hawak nya sa lamesa. Nangibabaw agad yung awkward. Para bang sumingaw yun sa katawan nilang dalawa at nag-umpisang lumibot samin. Mali ata tong ginawa ko. Sa kagustuhan kong mapatunayan kung may gap nga sila, eto na yung napala ko. Sa pagkain nakatingin si Kit. Pinagmasdan ko lang sila'ng dalawa. Nag umpisa ng kumain si Mayo at ganun din si Kit. Panay ang nakawan nila ng tingin na hindi naman nagtatagpo. Yung tataa?! "Nag-away ba kayong dalawa?" Biglang tanung ko. Sabay pa silang tumingin sakin. "H-hindi..." "B-bakit naman?" Halos sabay nilang sabi. Nagtanung pa talaga. Naku! Kung alam ko lang. "Hindi kayo nagpapansinan." Sabi ko sa kanila. "A-anu kaba? Ganyan talaga kami... Diba?" Sabi ni Mayo habang nakangiti at humarap kay Kit. Nagpilit naman ng ngiti tong isa at hindi maintindihan kung haharap ba sakin o kay Mayo. "O-oo.. totoo yun. Ganyan lang talaga kami." Sabi ni Kit. Napangiwi ako. Obvious na obvious naman kasi yung ginagawa nila. "Ang plastic nyo, no?" Sabi ko at agad na umalis palayo sa kanila. Naiintriga man ako sa kanila'ng dalawa at kating kati na malaman kung anu ba talaga yung ibig sabihin nung nasa picture, pinili ko nalang umalis. Nakakabanas kasi yung mga pagmumuka nila. Sa totoo lang, mabigat pa rin yung katawan ko pero nawawala na din sa isip ko dahil napupunta yung atensyon ko sa party na to. Napatingin ako kay Ci-N na nagbubulate dance na naman. Tinuturuan nya pa si Eren at Blaster. Nilipat ko naman yung tingin ko kay David at Eman na inaayos yung pagkakahilera ng pagkain. Si Calix at Mica na walang tigil sa ka-sweetan. Si Josh na nakatingin sa kawalan, parang meron syang ibang tinitignan. Naku! Alam na! Si Edrix na nakikipag-tawanan kay Rory at Denzel. Si Kit at Mayo na hindi pa rin nag-uusap. Si Felix at Drew na namimili ng music. Si Yuri na nag-aayos ng instrument nya. At.... Yung Hari ng mga ulupong na nakatingin sakin. Sandali akong huminto at nag-isip. Eto ba yung ipagpapalit ko para kay Papa? Worth it nga ba na iwan sila? Bigla nalang nag-iba yung music. Mukang pinalitan nung dalawa. Agad na lumapit sakin si Ci-N at hinawakan ako sa kamay. "Tara! Sayaw tayo!" Aya nya sakin. "T-teka Ci!" Tengene! Nawala ata sa isip nya na masakit pa rin yung katawan ko. Huminto kami sa gitna kung nasan yung iba. Nag-sasayaw na rin sila. Hangang sa napansin ko nalang na nakabilog na sila sakin at biglang.... " 🎶 ...Bubuka ang bubulaklak, papasok ang reyna! Sasayaw ng chacha! Ang saya-saya! .. 🎶 " Napailing nalang ako sa kalokohan ng mga to. Magkakahawak pa sila ng kamay at tuwa'ng-tuwa sa ginagawa nila. "Sayaw na Jay!" Sigaw sakin ni Denzel. Kahit mukang tanga, sumayaw nalang ako ng parang bata. Ramdam ko kung kirot sa bawat kilos ko pero nangingibabaw yung kasiyahan ko. Malakas na palakpakan at tawanan ang binigay sakin ng mga ulupong. "Hahaha.. nice Jay!" "Galing sasayaw!" "Si Jay-jay na talaga!" "Mga impakto kayo!" Sigaw ko sa kanila. "Tuloy ang sayawan!" Sigaw ni Ci-N at bigla nalang lumakas ang music. Parang mga nasa wild party ang mga luko. Talunan ng talunan at merong pang naniniko. Pati si Mica at Calix nakikisayaw na rin. Pilit kong umalis sa kumpulan nila. Hindi pa man din kasi ako nagtatagal, sumasakit na yung katawan ko. "Anu? Kaya pa?!" Nakangiting tanung sakin ni David. "Tse!" Pagsusungit ko sa kanya. Bahagya syang tumawa. Bigla nalang syang may inabot sakin na maliit na box na may ribbon. Mas malaki sa binigay ni Yuri. "Merry christmas..." Sabi nya at ngumiti. Tatanungin ko pa lang sana sya pero bigla nalang sya'ng lumakad palayo sakin. Ganto ba talaga sila? Pagkabigay ng regalo, aalis? Binuksan ko yung box. Letter J. Silver na J na may diamond na maliit sa gitna. Akala ko bracelet kasi itim yung pinaka-sinasabitan nung J pero kwintas pala. Aksidente kong nabitawan yung takip ng box. Binaba ko muna sa table yung hawak ko at kinuha yung takip. Napatigil ako ng may mapansin akong symbol. Hindi ako sure pero parang tinidor yung symbol----ay! Yung hawak hawak ni Poseidon! Trident! Tama! Tama! Nakita ko na dati sa Tv to. Pinagmasdan kong mabuti at may nakalagay na From sa taas nung symbol. Hm?! Galing kay Poseidon to?! Kinuha ko yung box at kwintas, hinanap ko si David at agad na lumapit sa kanya. "Salamat dito!" Bungad ko sa kanya. "Don't thank me... Hindi galing sakin yan, pinabigay lang." Sagot nya sakin sabay kindat. Huh?! Sino naman ang magbibigay sakin nito? Yung may symbol ni Poseidon? Baka naman si Poseidon talaga? May kilala ba kong poseidon? Kesa isipin ng isipin kung sino nagbigay nito. Hinayaan ko nalang, nilagay ko nalang sa bag ko yung box at nakisaya ulit sa mga luko. Gusto kong sulitin ang pagkakataon na to! Hindi na kasi mauulit to... 

 

 

Chapter 118 Christmas Part 3.0 David's POV

 

 ["Naibigay mo?"] He ask me. I walk outside before i answer his question. Mahirap na baka may makarinig samin. Andito pa naman si Keifer at mga tao nya. Ng makalayo ng bahagya dun pa lang ako nagsalita. "Yeah... Yun nga lang wala syang clue na galing sayo yun." ["It's okay... It's better be that way. Kapag na-realize nya agad, baka malaman pa nila Keifer."] I release a heavy sigh. "Bakit ba ayaw mo pang magpakita sa kanya?" He sigh as well. ["I have my reason, David. When everything is settled babalikan ko sya. I'll get her back from those scumbags. But right now... Please do me a favor."] "Anything." ["Keep Jay-jay safe for me."] "I will..." Mabilis kong sagot and he ended the call. I turn around facing the entrance door of the resto. From here i can see Jay jay clearly. She look so happy, even though she can't move properly. Napaka-tapang nya'ng harapin yung mga lalaki kanina. Nag-iisa lang sya pero nagawa nya'ng magpabagsak ng higit sa lima. She's no ordinary. I walk back inside. Kailangan kong gawin ang paki-usap nya. Ang paki-usap ni Percy.

 

 Jay-jay's POV

 

 Ang sarap ng fruit salad. Nanay daw ni Felix ang may gawa at nagbigay samin. Naalala ko tuloy si Dalia at syempre si Percy. Saan kaya sya ngayon at anu kaya talaga yung ginagawa nya? Hay... "Ready naba kayo guys?" Tanung ni Rory samin habang naka-mic. "Yeah!!" Halos sabay-sabay naming sigaw habang nagpapalakpakan. "Alright! Here is Yuri Hanamitchi of Section E..." Nagpalakpakan kaming lahat at hinintay ang pagkanta ni Yuri. " 🎶 I'll hold the door, Please come in and just sit here for a while. This is my, way of telling you i need you in my life. It's so cold without your touch, i've been dreaming way to much can we just turn this into reality... 🎶 " Yung sa ganda ng kanta, nasabayan mo na rin ng palakpak. At hindi lang ako yung gumagawa nun. Kayalang panira tong bata'ng katabi ko. Wala sa tono yung palakpak nya. Pagkatapos ng palakpak namin yung kanya. " 🎶 ...Cause i been thinking 'bout you lately, maybe you could save me, from this crazy world we live in and i know we could happen, cause you know what i been feeling you...🎶" Mapapatigil ka nalang bigla dahil sa titig nya sakin. Hindi ko alam kung bakit nya ginagawa yun pero hindi ko maiwasan na hindi mailang. Bigla kong naalala yung sinabi sakin ni Keifer dati, nung Festival na kumakanta si Yuri. " 🎶 ..Storms they will come, but i know that the sun will shine again, he's my friend, and he says the we belong together, and i'll sing a song to break the ice just the smile from you would suffice. It's not me, Being nice girl this is real tonight... 🎶 " Bigla nalang din kumanta yung mga luko na parang alam na alam nila yung lyrics. Nakita ko pa si Calix at Mica na nag-akbayan. Gusto ko din sana'ng sabayan yung pagkanta nya kayalang kasi... " 🎶 ..Cause i been thinking 'bout you lately, maybe you could save me from this crazy world we live in and i know we could happen, cause you know what i've been feeling you... I know you want me... 🎶 " Ramdam ko at alam kong kakaiba yung tingin sakin ni Keifer. Para bang inaabangan yung magiging reaksyon ko sa ginagawa ni Yuri. Para ako'ng bigla'ng na-pressure. Maling galaw ko lang at mabibigyan ng kahulugan yun. " 🎶 ..There's no other... There's no other love... That i rather have... You know... There ain't no one... There ain't no one else, i want you for myself.... 🎶 " Shit! Eto na ba yun? Eto naba yung ibig sabihin nung singsing? Nagtatapat naba sya ng pagtingin sakin? Ayoko'ng maging assuming pero kasi.... Aaahhhhh!! "🎶..Cause i been thinking 'bout you lately, maybe you could save me from this crazy world we live in and i know we could happen, cause you know what i've been feeling you... I know you want me...🎶" " 🎶 ...Cause i been thinking 'bout you lately, maybe you could save me from this crazy world we live in and i know we could happen, cause you know what i've been feeling you... I know you want me. 🎶 " Malakas na palakpakan ang binigay namin para sa kanya pero kasunod meron akong narinig na nagsalita. "Yari na! Story repeat ata!" Nilingon ko kung sinong nagsabi nun, pero hindi na ako sigurado kung sino sa kanila. Hindi ko nalang pinansin, hindi ko rin naman kasi alam kung anu'ng ibig sabihin nun. Umalis na harap si Yuri, nagsalubong pa ang tingin namin. Ngumiti ako sakanya at ganun din sya sakin. Si Rory naman ang nasa harap ngayon hawak ang mic. "Maraming salamat Yuri!" Sabi nya. "...Ngayon naman, inihahandog ng Jay's Warrior!" Naknang! Eto na naman yung Jay's warrior na yan! Kala ko ba tapos na usap namin dyan. Lumapit sa harap yung mga lintik na dancer na may hawak ng pangalan na yan. Pinangungunahan ni Ci-N, syempre! Nagsimulang sumayaw ang mga luko. Hindi ko namalayan na naupo na pala si Yuri sa tabi ko. "Nagustuhan mo?" Tanung nya sakin. Nag-nod naman ako habang naka-smile. Hindi na kami nagsalita pagkatapos nun. Naging awkward yung atmosphere sa paligid namin. Gusto ko'ng magtanung sa kanya pero nahihiya ako. "Uh..." Panimula nya. "...G-gusto mong kumain ulit? Ikukuha kita." Umiling ako. "Kakatapos ko lang kumain." Nag-nod naman sya at muling tumahimik. Paminsan-minsan tinitignan ko sya at may pagkakataon na nagsasalubong ang tingin namin. Hindi ko maiwasan na hindi makarandam ng hiya. Tsk. Anu ba to?! "Yuri..." Panimula ko. "...y-yung about sa singsing." Tumingin sya sakin. Ako na ang nagsimula. Kung hihintayin ko sya baka tapos na ang bagong taon wala pa ring nangyayari. Huminga sya ng malalim. "Jay-jay... I-i... Hay... I don't know how to say this." Yung gusto ko ng sigawan si Yuri at sabihin sa kanya'ng magsalita na sya. Lalu kasi akong kinakabahan sa ginagawa nya. Para akong naghihintay ng premyo o ng announcement. Bilis na! "Jay... K-kasi..." Napatitig nalang ako sa kanya. Ganun din sya sakin. "Jay-jay..." Tawag nya sakin. Sa sobrang tagal nya magsalita. Natapos sa pag-sasayaw sila Ci-N. Muling hinawakan ni Rory yung mic at nagsalita dahilan para sa kanya mapunta ang atensyon namin. "Maraming salamat sa Jay's Warrior! Ngayon naman... Punta na tayo sa second game natin!" Sabi ni Rory. Sigawan at palakpakan naman ang mga kasama namin. "Bring me!" Sigaw ni Rory. Napaka-bago ng laro na yan. Sabagay, yun naman talaga yung laging nilalaro sa mga christmas party. "Simulan na natin! Bring me... Bring me... Bring me something... SWEET!" Bigla nalang nagkagulo at nanguha ng kung anu sa mga pagkain na matamis. Pero nahuli na sila dahil nasa harap na si Calix at Mica. "May nanalo na!" Sigaw ni Rory. "...Si Calix at Mica!" "Asan yung sweet?!" Tanung ni Ci-N. "Silang dalawa... Sweet sila sa isa't isa." Paliwanag ni Rory. Sabay-sabay naman kaming nag-ahh. Ayos din tong si Rory. Basta pasok sa word na sweet, pwede na. "Next! Bring me..." Sabi ni Rory pagka-abot ng premyo dun sa dalawa. "...Bring me... Bring me... Bring me..." "Ang tagal naman nyan!" Reklamo ni Felix. "Teka lang! Nag-iisip pa!" Sigaw ni Rory sa kanya at nagtawanan kami. "...Bring me... Bring me something... Black and white." Bigla nalang silang nagtinginan sakin. Pati ako napatingin sa suot ko. Naka black na tshirt kasi ako at may print na christmas rock na puti. Kayalang bago pa man din sila maka-kilos may kamay na humawak sakin para patayuin ako mula sa pagkaka-upo sa tabi ni Yuri. "Uy! Hala! Teka!" Sigaw ko ng bigla nalang ako'ng buhatin na parang sako ng bigas ni Keifer. Lumakad sya palapit sa harap at binaba ako sa tabi ni Rory. "May nanalo na!" Sigaw ni Rory. Tinignan ko ng masama yung Hari ng mga Ulupong. "Bakit kailangan kasama ako?!" "Mahuhubad mo yang tshirt mo?!" Ay oo nga naman! Mali din naman ako dun. Kinuha ni Keifer yung premyo nya mula sa kumpol ng mga regalo'ng papremyo. Pero inabot nya sakin yun. "I don't need it... Sayo nalang." Sabi nya. "Next!" Sigaw ni Rory kaya umalis na ko sa harap. Naiwan si Keifer dun para magbigay ng regalo. Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina. Nakangiti sakin si Yuri. "Buksan mo." Utos nya habang nakaturo sa premyo'ng hawak ko. Ginawa ko naman at tinanggal yung balot. Instant noodles! "Eto na yun?!" Inis na tanung ko. Langya! Ayos na papremyo to! Bigla nalang tumawa si Yuri. "Naghirap kami sa pagbabalot ng maganda dyan." Natawa na rin ako. Para naman kasing ewan, eto lang ata ang christmas party na kilala kong nagbigay ng instant noodles na papremyo. "Bakit naman kasi ganito yung papremyo nyo?" Tanung ko habang natatawa pa rin sa hawak ko. "Ganyan talaga, kahit nung si David pa yung president namin." Paliwanag nya. "Bakit nga pala ganyan ang mga suot nyo?" Tanung ko ng bigla kong maalala na naka-elf costume sya kagaya ni Ci-N. "Kalokohan kasi namin dati, sa kagustuhan naming mapagtripan yung president namin. We ask him to wear a Santa Claus costume. Then we search for someone who can join him and wear elf costume. Yun nga lang, bumalik ang karma samin ni Keifer." Sabi nya at bigla nalang tumawa. Kaya pala ganun ang suot ng luko at sinamahan pa nya. Pagkakataon nga naman, babalik at babalik sayo yung ginawa mo. "Last Bring me!" Sigaw ni Rory kaya napatingin kami sa kanya. "...Bring me... Bring me something... Bring me something that you love!" Bigla nalang akong binuhat ni Yuri, bridal style. Hindi na ko nakapalag pa at dire-diretso syang naglakad papunta sa harap. Pagbaba nya sakin agad na nagreklamo si Ci-N. "Hoy! Something you love daw!" Sigaw ni Ci habang naka-busangot. "Yeah..." Sagot ni Yuri. Yung kabang kanina ko pa nararamdaman, eto na naman. "Bakit si Jay-jay ang dinala mo?" Tanung ni Rory. Bigla nalang akong tinignan ni Yuri. Gustohin ko mang umiwas at umalis sa kinatatayuan ko, hindi ko magawa. Ayaw makisama ng tuhod ko. Pakshet naman! "...Co'z i'm inlove with Jay-jay." Pagkasabi ni Yuri, automatic na huminto ang lahat. Literal na huminto, namatay ang music dahil nagalaw yung player. Nabitawan ni Rory yung mic, nagtinginan si Mica at Calix, natampal ni Ci-N ang noo nya at halos lahat sila tumingin saming tatlo nila Yuri at Keifer. "Patay... Story repeat!" 

 

 

Chapter 119 Christmas Party 4.0 Jay-jay's POV

 

 Akala ko hindi na matatapos yung awkward moment na yun. Buti nalang at bigla'ng dumating yung Daddy ni Eman at dinalhan pa kami ng pagkain. Lumipat lahat ng atensyon nila duon sa pagkain pero ako eto. Nganga! Sa sobrang gulat ko sa pangyayaring yun, napainom ako ng di-oras. Medyo umiwas din ako sa kanila dahil alam kong tatanungin nila ko. Lumapit sakin si Mica at sumandal din sa pader na sinasandalan ko. "Okay ka lang?" Tanung nya. "H-ha? O-okay lang ako." "Nag-aalala si Calix sayo... Alam mo na. Muka'ng naulit na naman kasi----" "Ay anu kaba? Hindi ganun yun. Si Yuri lang ang umamin. Tsaka wala namang gusto sakin si Keifer." Putol ko sa sasabihin nya. Iba kasi ang gusto nya o.... Gusto pa rin nya. "Walang sinasabi si Keifer pero iba yung pinapakita nya." Biglang sabi ni Mica kaya natigilan ako. "...Mag-obserba ka Jay... Mapapansin mo yung sinasabi ko." Mag-obserba? "N-nag-oobserba naman ako. Ayoko lang mag-assume." Sagot ko sa kanya at tumangga ng alak. Mahirap mag-assume! Parang alang talab tong iniinom ko. Ganun pa rin yung nararamdaman ko, kagaya kanina. "Pero Jay... Kahit anu'ng mangyari. Pag-isipan mo lahat. Malaking gulo yung naganap nun sa Section E ng dahil sa love triangle na yan. Ayoko'ng maranasan mo yung naging paghihirap ni Ella." Sabi nya at lumakad na palapit kay Calix. Parang may kung anu'ng nagpakaba sakin. Minsan ng nasabi sakin ni Ci-N na muntik ng mahati ang Section E dati. Nagkaroon ng grupo si Keifer at si Yuri. Nagkampihan hanggang sa muntik ng mag-away-away. Parang ayokong mangyari yun. Ayokong makita na magkasira-sira sila ng dahil sakin. Tinignan ko si Yuri na kasalukuyang nakatayo sa kabilang bahagi ng resto. Nakatingin sya sakin at parang hinihintay ang magiging reaksyon ko. Ngumiti ako sa kanya para sabihin na okay lang ako at ang lahat samin. Hindi ko kasi alam ang dapat kong sabihin. Oo may umamin na sakin dati ng feelings nila pero hindi ganito yung naramdaman ko. Gravve! Nakakaloka! "Tapos na ba kayong lumapang?!" Tanung ni Rory. Nagsigawan naman sila ng Oo, kahit may mga hawak pang plato. "Pupunta na tayo sa main event ng gabing ito!" Sigaw ni Rory kaya nagsigawan sila. "...Exchange gift na!" Naku! Ayan na! "Tatawagin ko yung code name nyo at lalapit kayo dito para tanggapin yung regalo." Utos ni Rory at kumuha ng isang regalo. "...John Snow!" Panimula nya at lumapit si Kit. "Wag nyo muna bubuksan!" Paalala ni Rory. Sabay-sabay kasi dapat naming bubuksan. "Boy Logro!" Patuloy ni Rory at lumapit si Eman. Nagtawag pa sya ng nagtawag. Pero isa lang ang hinihintay ko bukod sa code name ko. Yung bluetooth na nakuha ko. "Mutya!" Tawag ni Rory sakin. Yup! Mutya ang inilagay nila. Hindi ako, kasi hindi ko naman alam ang ibig sabihin nun. Kailangan daw kasing mabilis akong makilala para alam nung magreregalo. Dahil nga ako lang ang babae. Paglapit ko kay Rory para kunin yung regalo ko, agad ko sya'ng tinanung. "Anu nga ulit meaning ng Mutya?" "Mutya means... Muse." Mabilis nyang sagot sakin. "Bakit yun?" Tanung ko ulit. "Kasi ikaw ang muse namin... Ang muse ng Section E." Singit ni Ci-N na kasalukuya'ng inaalog yung box ng regalong nakuha nya. "Bakit hindi nalang Queen?" Biglang tanung ni Felix habang kumakain. "Hindi bagay kay Jay-jay maging reyna." Biglang sabi ni Eren kaya tinignan ko sya ng masama. Pero may punto sya dun. Hindi nga bagay sakin maging reyna at ayoko rin naman nun. "Tsaka pagsinabing Queen... May King." Sabi ni Blaster at biglang tumingin kay Keifer. Kay Keifer talaga? Sabagay, binansagan ko nga din pala sya'ng Hari. Hari ng mga ulupong. "Kaya Mutya nalang... Mas bagay pa." Sabi ni Rory habang nakangiti. Ngumiti din ako sa kanya. "Mas bagay nga at mas gusto ko yun." Bumalik ako sa kinalalagyan ko kanina at binaba yung box sa lamesa. Nagtawag ulit ng pangalan si Rory. Nakatuon pa rin yung atensyon ko sa code name na nakasulat sa balot ng regalo. Mutya.... Ang sarap nga'ng pakinggan. Hindi na maalis yung ngiti ko sa labi dahil sa word na yun. Pero naagaw ang atensyon ko ng tawagin yung bluetooth. Tumayo pa ko para lang makita sya ng maayos. Teka! Naku lagot! Si Keifer yung bluetooth? Hala! Hindi ko naisip yun. Kalokohan pa naman yung niregalo ko. Patay na! Nakakahiya ako nito! Lalu na kapag nalaman nilang ako yung nagbigay nun. "Keifer..." Tawag ni Rory sa kanya. "...Bakit naman bluetooth?" "The word bluetooth were taken after King Harald Blåtand. I use it since i'm the King, remember?" Mabilis nyang sagot sabay tingin sakin. Aaaahhhhhhh!!! Ang talino naman nitong Kumag na to. Trivia yun, astig! Pero next time na ko ma-amaze sa trivia nya. Dahil nag-aalala ko sa regalo ko. Buti nalang pare-pareho ng balot yung mga regalo namin. Malakas nga lang ang pakiramdam ko na alam ni Keifer na ako yung nagbigay nung regalo. Syempre! Sya pa, meron nga sya'ng motto ng bangko. "Ready na!" Sigaw ni Rory. "...Sabay-sabay na nating buksan ang mga regalo!" Excited na binuksan nila Ci-N yung mga regalo nila. Halata ang tuwa njng iba pero dismaya naman sa iba. "Sino'ng gago ang nagbigay sakin nito?!" Galit na sabi ni Calix habang hawak hawak yung nakuha nya'ng isang box ng.....condom? Malakas na tawanan ang sinagot namin sa kanya dahilan para mamula sya. Umiwas naman si Mica ng tingin habang pilit pinipigilan ang pagtawa. "Anu'ng connect ng something naughty sa sinturon?" Tanung ni Edrix. "Hahaha... Kapag daw makulit paluin ng sinturon." Sabi ni Ci-N habang pinagtatawanan si Edrix. "Tang'na naman... Parang hindi nag-isip yung nagbigay nito." Inis na sabi ni Edrix. "Anu pa yung sakin?" Sabi ni Mayo sabay pakita ng nakuha nya'ng beachwalk na tsinelas. Malakas na tawanan ang naging tugon namin sa kanya. "Pati eto!" Sabi ni Denzel at hinarap samin ang sandok na nakuha. "Teka! Sa kitchen namin yan ah!" Sabi ni Eman at sinipat-sipat yung nakuha ni Denzel. "Kelan pa naging naughty ang hanger?" Tanung ni Eren. Nasampal ko nalang ang noo ko. Halata'ng tinamad mag-isip ang mga luko ng ireregalo. Puro pamalo sa bata'ng makukulit yung niregalo sa kanila. "Anu to? Take... Me... To... Paradise." Basa na Ci-N sa hawak nya. Lumapit ako para tignan yun. Ako na rin nagbukas ng box para sa kanya. Pagkabukas, agad ko ding sinara at inilayo yung regalo kay Ci-N. "Sino'ng animal nagbigay nito kay Ci-N?!" Galit na tanung ko sa kanila. Wala'ng sumagot. Nagtinginan lang ang mga luko. "Bakit? May problema ba?" Tanung sakin ni Eman. Tinignan ko sya. Gusto ko'ng sabihin sa kanya yung laman nung box pero ayaw bumuka ng bibig ko. Panu ko ba sasabihin na puro Porn Magazine at CD yung laman nung box? Kung sino'ng animal ang nagbigay nito kay Ci-N, yari sya sakin! Lumapit sakin sila Edrix para tignan yung nakuha ni Ci-N pero nilayo ko din sa kanila yung box. "Ci! Bibigyan nalang kita ng ibang regalo... Wag na to!" Sabi ko sa kanya. Kahit naguguluhan, tumango nalang sya. Itatapon ko nalang tong peste'ng box na to. Ibigay daw ba sa bata yung mga ganito. Dumiretso ako sa basuran para itapon dun yung box. Pagbalik ko, malakas na asaran ang naririnig ko. Napatigil ako at halos manlaki yung mata ko. Uung regalong binigay ko kay Bluetooth. Pinagkakaguluhan nila! "Hahahahaha... Yan ang tunay na naughty!" Sabi ni Felix kay Keifer. Bakit ba kasi yun yung napili ko? Nakita ko lang naman sa palengke yan. "Ganda'ng boxer nyan... Hahahahaha..." Sabi ni Edrix. Kainis! Pulang Boxer kasi na may design ng ulo ng raindeer yun. Pero yung ulo nung raindeer nakatapat sa mismong-----aaarrrgggghhhhh!!! Bastos! Bastos! Bastos ka Jay-jay! "Suot mo na Keifer! Hahahahaha..." Pang-aasar ni Denzel. Sandali'ng tumingin sakin si Keifer. Baka mahalata nya ko kaya patay malisya ako'ng naglakad pabalik sa table na pinag-iwanan ko ng nakuha kong regalo. Binuksan ko muna yung sakin dahil medyo atat na ko. Something naughty daw pero parang hindi naman yun yung nakuha ko. Costume ng Santa Claus pero pambabae. Kinuha ko yun at sinipat-sipat pero parang nabitin sa tela. Kinuha ko yung kapares at muka nga'ng nabitin sa tela. Sleeveless at my hoodie yung pang-itaas at mukang hanggang dibdib lang ang kaya'ng takpan. Yung kapartner naman, palda pero sobrang ikli ata. Putya! Something naughty nga! Bigla nalang may humablot sakin nung damit. Pagtingin ko Keiiifer. Tinignan nya yung nakuha ko at bigla sya'ng nag-smirk. "Wear this thing." Utos nya. Hm?! "Nu ka?! Ayoko nga!" "Why? I want to see you wearing this." Pang-aasar nya. Luko to! Umaandar na naman yung kamanyakan nya. "Tigil-tigilan mo ko ah!" Sabi ko habang pinandidilatan sya ng mata. "Wear this thing or i will tell everyone that you're the one who gave that boxer." Sabi nya na nagpatigil sakin. Tongono! Hindi nila pwede'ng malaman! Nakakahiya! Anu nalang iisipin nila? May kapilyahan ako'ng taglay. Tapos kay Keifer pa napunta. Alam na this! Teka lang! Panu nya nalaman na ako yung nagbigay? Ay naku! Meron nga pala sya'ng motto na pang-bangko. Hindi na dapat ako magtaka. "I'll give you time to think about it." Sabi nya ay ngumiti ng nakakaluko. Naningkit ang mata ko sa kanya. "Ikaw siguro nakabunot sakin no?" Umiling sya. "It was Ci-N." Mabilis nya'ng sagot. Ci-N?! Naknang! Luko yun ah! Eto pa talaga binigay nya sakin, yari sya sakin mamaya! "Keifer naman ih! Nakakahiya kaya kapag nalaman nila!" Halos maiyak iyak kong sabi. "Then wear it... Atleast yun, ako lang makakakita." He said and wink. Iihhh... "Manyakis ka..." Bulong ko pero mukang narinig nya. "Gwapo naman." Mabilis nya'ng sagot. "Kapal!" "Ng alin?" "Ng tela ng damit... Mukang mainit oh!" Palusot ko habang kuwaring sinisipat-sipat yung damit na nakuha ko. Nag-smirk sya sakin at wink ulit bago tuluyang lumakad paalis. Ayoko suot to! Anu gagawin ko?! 

 

 

Chapter 120 Author's Note: sinubukan ko lang yung free wifi sa terminal... Hahahaha ang bilis! Merry Christmas! � �🎄🎁☃❄🎂 Christmas Party 5.0 Jay-jay's POV

 

 Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nakatapat sa muka ko. Sobrang sakit ng ulo ko feeling ko binibiyak. Ito ang napapala ng humabol pa ng second party pagkatapos nung christmas party namin. Sila naman may kasalanan nito. Akala ko tapos na yung party pero ng sabihin nila na meron pa, sumama naman ako. Gusto ko din kasi! Nagpunta kami sa bahay nila Keifer at dun tinuloy yung kasiyahan. Buti nalang at umuwi na si Blaster dahil gising pa si Keigan pag-dating namin. Naririnig ko yung phone ko. May tumatawag sakin at malakas ang kutob kong si Kuya yun. Patay! Hindi ko na kasi kaya'ng umuwi kagabi kaya nagtext ako sa kanya na hindi ako makaka-uwi. Hindi ko na hinintay ang reply nya dahil natulog na ko. Speaking of natulog, na kaninong kwarto nga ulit ako? Niligid ko yung paningin ko sa buong kwarto. Hindi na to yung kaparehong kwarto na nakita ko dati. May disenyo na at gamit kagaya ng computer at laptop sa study table. Meron ding gitara kagaya nung nakita ko sa kwarto ni Yuri. Hindi ko makita na maayos yung iba dahil sa panlalabo ng mata ko. Sa totoo lang gusto ko pang matulog. Inaantok pa ko at gusto ko ring ipahinga yung ulo ko. Umikot ako para maiwasan yung sinag ng araw. Na sana pala hindi ko ginawa! K-k-keifer? Nakatapat ang muka ko sa kanya. Nakapikit sya at tulog na tulog. Mygudness! Kung andito sya at nandito ako at magkatabi kami....Hindi kaya?-- aaarrggghhh! Agad akong sinilip yung sarili ko sa ilalim ng kumot. May damit ako at kumpleto. Pero pinakiramdam ko din yung sarili ko kung may masakit sakin. Headache lang... Yun lang! Dahan-dahan akong kumilos at akmang tatayo na ng bigla nalang may kamay na pumalupot sakin at dire-diretso akong napahiga. Buti sana kung yun lang ang ginawa nya. Pero siniksik din nya yung sarili nya sakin at....pvtnam! May matigas na bagay na tumatama sa tagiliran ko. Wag naman sana! Mahabaging langit! Eto pang malupit. Nararamdaman ko yung init ng katawan nya. Mukang walang pang-itaas ang luko. Bakit ba ko napunta dito? Tengene naman! Natigilan ako bigla, parang naalala ko na kung panu ako napunta dito. *Flashback...* " 🎶 Merry christmas and a happy holiday... *Hiccup*" Kanta ko. "Stop singing." Utos ni Keifer habang inaalalayan ako. Tinignan ko sya ng masama. "Bakit? Magan-da naman boyshes ko ah?" "Tss." Bigla nalang ako'ng natawa ng walang dahilan. Ang lakas kasi mang-inis ng tss. Minsan hahatakin ko na talaga dila nya. "Tss." Pang-gagaya ko sa kanya. "...Tssssssss....." "Stop it! You sound like a snake." "Ayaw mo ba nun? Hahahahahaha..." Huminto kami sa tapat ng pinto ng isang kwarto. Alam kong ito rin yung lagi nya'ng pinaglalagyan sakin. Pero bago pa man mabuksan yung pinto. Kumawala ako sa kanya at dire-diretsong tumumba. Akala ko babagsak ako sa pinto ng katapat na kwarto. Pero bukas pala yung pinto kaya dumiretso ako sa pabagsak sa sahig. "Aw..." "Tsk! Kulit!" Sabi ni Keifer at tinulungan akong tumayo. Ng makita ko yung laman ng kwarto agad akong kumawala sa kanya at tuloy tuloy na pumasok. "Ganda'ng kwarto!" Sabi ko at halos gumapang ako makarating lang sa kama. "This is not your room. Dun ka sa kabila." Sabi ni Keifer at pilit akong tinayo para dalin sa kabila. "Ayaw! Dito ako!" Sabi ko at hinubad bigla yung sapatos ko. Padapa akong bumagsak sa kama na saksakan ng lambot. Gutcho ko dito! "This is my room and your not allowed here." Sabi ni Keifer. "Sige lang... Sige lang..." Sabi ko habang dinadama yung lambot ng kama hangang sa makatulog na ko. *Endofflashback...* Nasampal ko nalang ang sarili kong noo. Nakakahiya yung ginawa ko! Last time na nag-inom ako sa harap nitong si Keifer ang alam nya knock out ako. Pisti! Baka malaman nya na nagkunwari lang ako nun. Sinubukan ko pang isipin kung anu-anu pa yung ginawa ko kagabi. Kayalang, hindi malinaw sakin. Mamaya ko nalang siguro iisipin yun. Basta ang mahalaga, maka-alis muna ako dito. Sinubukan kong alisin yung braso nya. Kayalang bigla nalang sya'ng umungol. Tinigil ko agad yung balak ko. Baka kasi magising sya at sure akong mahaba habang kaguluhan to sa pagitan namin. Napatitig nalang ako bigla sa muka nya. Ang bait nya tignan kapag tulog. Tahimik na tahimik at hindi papasok sa isip mo na kapag nagising ang impakto'ng to ay magkakaroon ng delubyo. Narinig ko na naman yung phone ko. Kailangan ko ng sagutin yung tawag dahil baka mapatay na ko ni Kuya nito. Tinanaw ko muna kung nasan yung bag ko. Nasa kabilang bahagi lang ng kama at abot kamay ko lang. Bahagya kong inangat yung katawan ko para abutin yung bag. Nahawakan ko na at saktong hahatakin ko na palapit sakin ng mapansin kong nakadilat na si Keifer at titig na titig sakin. Dun ko lang din na-realize na halos nakapatong na pala ako sa kanya. "Sinasamantala mo naman yung himbing ng tulog ko." Sabi nya at ngumiti. "Kapal mo!" Sigaw ko sa kanya. Bigla nalang nya kong niyapos sa baywang dahilan para tuluyan na kong mapaibabaw sa kanya. "Hoy! Anu ba?! Bitiwan mo nga ako!" Sigaw ko habang nagpupumiglas. "Why? Isn't what you want?" Sabi nya at ngumiti ng nakakaluko. Pinaghahampas ko sya sa dibdib. "Hindi! Ang kapal mo!" Bigla nya kong tinulak, dahilan para diretso akong malaglag sa kama. Yung balakang ko! Tinanggal nya yung kumot na nakabalot sa kanya at dun ko lang napatunayan na wala nga syang damit. Putik! Tuloy-tuloy sya'ng tumayo at----Pusang gala! Nakaboxer lang ang luko. Napaiwas ako ng tingin. "I like this boxer." Sabi nya. Hindi ko na-gets yung ibig nya'ng sabihin kaya tumingin ako sandali sa kanya. Suot nya yung binili kong boxer na may ulo ng raindeer na nakatapat sa kwanan. Napa-angat yung tingin ko sa katawan nya. Ang sarap ata'ng mag-pandesal at hotdog ngayon. "Like the view?" Tanung nya kaya napatingin ako sa mismong muka nya. Naka-smirk sya at parang model ng underware kung makatingin sakin. Hala! Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakasandlak ko sa sahig pero feeling ko tumama talaga yung balakang ko. "Aray ko..." Bulong ko. Animal kasi! Itulak daw ba ko. Dumiretso si Keifer sa banyo. Nakakuha ako ng pagkakataon para sagutin yung tawag ni Kuya. 132 missed call... 278 Text messages... I'm dead! Mukang kailangan ko ng ayusin ang last will and testament ko. Muling tumunog ang phone ko. Si Kuya Angelo... Sinagot ko yun at dahang dahang nilapit sa tenga ko yung phone. Pero hindi ko man din nailalapit narinig ko na ang pagsigaw nya. ["WHERE THE HELL ARE YOU?!"] "K-k-kuya..." Nauutal na sabi ko. Nakakapanginig kasi ng laman yung sigaw ni Kuya. ["Andito ako ngayon sa police station at balak ko ng ireport ng kidnapping at rape yang mga classmate mo!!"] Hala! Hala! Hala! "Teka lang Kuya! Walang ganun! Okay ako, andito ako kila Keifer!" Tuloy tuloy na sabi ko at nawala sa isip ko na nabanggit ko yung pangalan nung kumag. Nasampal ko nalang ang sarili kong noo. ["Kila Keifer! Dyan kapa talaga nag-stay! Anak ng..."] "K-kuya... K-kasi..." ["Jay... Pagbalik ko galing office at wala ka pa rin sa bahay! Sinasabi ko sayo, aahitin ko kilay mo!"] Banta nya sakin at napahawak nalang ako sa kilay ko. "E-eto na nga, pauwi na nga." Pinatay nya bigla yung tawag. Sakto namang labas ng kumag galing banyo. Nakatapis nalang sya ng twalya at dumiretso sa walk in closet nya. Yayamanin! Buti pa sila ni Yuri may walk in closet. Ako cabinet lang solve na. Nagbihis sandali ang Hari, paglabas naka-short at tshirt na sya. "Let's eat breakfast." Aya nya sakin. "Teka! Pa-toothbrush muna..." Tinignan nya ko sandali bago nagsalita. "Sa kabilang kwarto... Andun yung toothbrush na ginamit mo." Sabi nya at naglakad palabas. Binuksan nya yung pinto ng kabilang kwarto. Kinuha ko yung bag ko at sumunod sa kanya. Tuloy-tuloy akong pumasok sa banyo at ginawa yung morning routine ko. Paglabas, nakasandal ang Hari sa gilid ng pinto. Naka-cross arm pa sya at nakatingin sa sahig. "Let's go." Aya nya sakin at tulo-tuloy na lumakad palabas. Sumunod naman ako sa kanya. Sa totoo lang, hindi lang pala sa pagmamaneho mabilis itong si Keifer. Pati sa paglalakad, sya na mahaba ang legs. Hindi ako sure kung saan kami papunta pero sunod pa rin ako sa kanya. Sa laki ng bahay nila. Hindi kaya sya naliligaw? Pumasok kami sa isang kwarto---Dining area pala at bumungad sakin si Keiren at Keigan na nag-aalmusal. Good boy na naman yung looks ni Keigan, hindi kagaya kagabi na mukang galing sa away. "Ayan na sya..." Dinig kong sabi ni Keiren. "G-good morning..." Bati ko sa kanilang dalawa. Inirapan lang ako ni Keiren pero ngumiti sakin si Keigan. "Seat here." Utos ni Keifer habang nakaturo sa silya sa tabi nya. Dahan-dahan akong lumapit at naupo. Nakakaramdam kasi ako bigla ng hiya kahit aapat lang kami sa loob. May pumasok na dalawang maid at sandali kaming pinagsilbahan ni Keifer bago umalis. "Next time, wag kana pupunta dito kung mag-iingay ka lang." Masungit na sabi sakin ni Keiren dahilan para mapatigil ako. Mag-iingay? "...You almost wreck our house. You almost burn it and call some type of demon." Huh?! Hindi ko maintindihan pinagsasasabi sakin nitong bata na to. Tinignan ko si Keifer sandali pero tuloy-tuloy lang sya sa pagkain. "M-may ginawa ba ko kagabi?" Tinung ko sa kanila. Umiwas ng tingin si Keigan, tinignan ako ng masama ni Keiren at nilabas ni Keifer yung cellphone nya at nagpipindot ng kung anu. Inabot nya sakin yuna t bumungad ang isang video. May malaking bonfire sa gitna at nakikita ko sila Ci-N at iba pa na sumasayaw. May naririnig akong ingay pero hindi malinaw sakin hangang sa nakita ko yung sarili ko. "Alulululululululululu!!!!!" Sabi ko habang sinasayawan ang bonfire. Putik! Ako ba talaga to?! "Sheshesheshe!" Kanta ko pa ulit. "...Labas na! Labas na! Labas... NA!!" Sigaw ko. Sino'ng pinapalabas ko? "Aru! Kalu! Jaba! Tanan! Kalahali!" Kanta naman ni Ci-N at sinabayan nila Eren. "Kalahama! Sitbumba!" Patuloy ko. Huminto yung video kaya kinuha na ni Keifer yung phone. Napatingin ako kay Keiren. "Baliw..." Komento nya at bumalik sa pagkain. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Naalala ko lahat ng ginawa ko kagabi. Para akong miyembro ng kulto at nagtatawag ng kung sino'ng animal. "Next time, wag kana iinum. Baka kung sino'ng demon ang lumabas sa apoy kakatawag mo." Sabi ni Keifer ng hindi tumitingin sakin. Napakamot ako sa ulo. Nakakahiya yung pinag-gagawa ko. Sinamahan pa ko nila Ci-N sa kalokohan ko. Bigla nalang ako'ng napatigil. Meron ako'ng biglang naalala kagabi. S-si Yuri... Meron sya'ng sinabi sakin. Pakshit! Inaaya nya kong magpakasal kagabi! 

 

 

Chapter 121 Real Jay-jay's POV

 

 Muntik na! Muntik na yung kilay ko. Muntik na kong mawalan ng kilay. Hanep yan! Si Kuya kasi, nauna naman ako sa kanya pero pagdating nya kinagalitan agad nya ko. Tapos bigla nalang kumuha ng pang-ahit at lumapit sakin. Buti nalang naawat agad sya nila Tito Julz. Kundi, ay naku! Wala ng kilay is life. Humarap ako sa salamin at tinignang mabuti yung kilay ko. Mali ako! Mukang nahagip din ng pang-ahit. Meron ng gatla sa gilid. Pareho na kami ngayon ni Charlie Puth. Anu kaya'ng pwede panremedyo dito? Lumapit ako sa study table ko at tinignan kung meron akong pwedeng magamit para sa kilay ko pero iba yung nahanap ko. Yung singsing. Tapos bigla ko na namang naalala yung mga pinagsasasabi nya sakin kagabi. Oo lasing ako, pero gising na gising ang diwa ko syempre. May mga nakakalimutan ako minsan pero naalala ko din agad. Pero yung kay Yuri, sobra'ng hirap ata'ng kalimutan. Sobrang naguguluhan na tuloy ako. Hay! Yuri Hanamitchi! Bakit parang pareho na sila'ng may impact sakin ni Keifer? Hindi maganda'ng sign yun. Tsk! Asar! Bigla nalang bumukas yung pinto ng kwarto ko at tuloy-tuloy na pumasok si Aries. As usual, seryoso'ng seryoso na naman ang pagmumuka. "B-bakit?" Tanung ko. "I have your father's info... What is your decision now?" Info ni Papa! Nakatitig lang ako kay Aries. Hindi ko kasi alam kung tama ba tong decision na pinili ko. "Aries... K-kasi..." "Do you want it or not?" Tanung nya na halata'ng naiinip sa isasagot ko. Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko. "A-ayoko... H-hindi ako aalis ng Section E." Huminga sya ng malalim at may kinuha sa bulsa. Papel yun na nakatupi at kahit hindi ko nakikita ng kabuuan alam ko kung anu ang laman nun. "You sure? You don't want this thing?" Parang naghahamon yung tono ni Aries sakin. Nagpabalik-balik yung tingin ko sa kanya at dun sa papel. Parang gusto ko ng bawiin yung sinabi ko. "I'll wait for your answer until the first week of school days." Sabi nya at agad na lumabas ng kwarto ko. Kingina naman! Alam mo yung---aarrgghhh!! Kainis kasi! Nasabunutan ko nalang ang sarili ko. Anu ba kasing problema? Bakit ba gusto'ng gusto nya ko'ng paalisin sa Section ko? Pahiga ako'ng bumagsak sa kama. Sa sobrang kakaisip para'ng katawan ko yung napapagod. Pinili ko na yung mga kaibigan ko. Kasi alam kong magkikita at magkikita pa rin kami ni Papa sa maraming paraan----de joke! Binalak ko talaga'ng kuhanin nalang kay Kuya Angelo yun ng hindi nila nalalaman. Hindi nga lang ako sigurado kung panu. Takas mode! Napatitig nalang ako sa kisame. Ilang araw nalang pasko na pero eto ako at nakatanga at namo-mroblema pa rin. Si Aries kasi... Idagdag pa yung kagabi at yung mga sinabi ni Yuri. Mababaliw na ata ako! *Flashback....* "Ang lamig! Putik!" Sigaw ni Edrix. Tinignan ko yung oras sa phone ko. 9:39pm pa lang pero yung lamig pang madaling araw na. "Jay.. nilalamig ako! Painitin mo nga ako." Paki-usap ni Ci-N habang naka-amba ng yakap sakin. Tinignan ko silang lahat. "Sino'ng may lighter?! Sisilaban ko lang to! Nilalamig daw!" Bigla nalang silang nagtawanan. Agad naman akong tinignan ng masama ni Ci. Painitin ko daw sya eh. Edi silaban, swabe ang init nun sa katawan. Ultra-wow! Dumating na sila Keifer at Yuri. Meron silang dalang mga sanga ng puno. Sabi nila kanina, gagawa daw ng bonfire para mabawasan yung lamig. Dito kasi kami umistambay sa bakuran lang nung Hari. Nagpapahinga na daw kasi yung mga tao sa kanila. Pagkasindi nung apoy, naglabas na kagad ng alak ang mga luko. Yung iba samin umuwi na kaya nabawasan na kami. Kagaya ni Denzel, pinapauwi na daw kasi sya ni Grace. Si Calix, kailangan ng ihatid si Mica. Si Blaster, talagang umuwi ng malamang pupunta kami kila Kiefer. Si Kit, sumama daw yung pakiramdam kaya uuwi na. Si Mayo din umalis na dahil uuwi daw ngayon ang lolo't lola nya. Si Eman naman, tumulong sa paglilinis sa Resto nila. Kulang na kami pero okay lang. Sulit naman yung celebration namin kanina. Inabutan ako ng bote ni Eren. "Salamat..." Sabi ko da kanya at ngumiti. "Jay-jay tumador." Dinig kong sabi ni Rory. Tinignan ko sya ng masama. "Isa'ng bote palang hawak ko, tumador agad?" "Sa panahon ngayon yung mga babae sing-lakas na mag-inom ng mga tatay nila." Komento ni Edrix. "Hoy! Hindi ako malakas mag-inom!" "Tapos hindi marunong mag-luto." Dagdag ni Drew. "Nagluluto ako!" "Ng ano?" Tanung ni David. "Pirito!" Mayabang kong sagot sa kanila pero pinagtawanan lang nila ko. Ang hirap kaya magpirito tapos tatalsikan kapa ng mainit na mantika. Acheivement yun ba! "Kala nyo naman... Nagluluto kayo?!" Inis na tanung ko sa kanila. "Hindi... Pero consider na samin yun, lalaki kami eh." Sagot ni Eren. "Hindi rin..." "Wala naman sa kasarian yan... Dapat sa ganitong edad marunong na tayo maging independent." Sabi ni Josh. Pare-pareho kaming napatingin sa kanya. Ang deep kasi nung sinabi nya. Bakit ba nauwi sa usapang independent to? "Tsaka ko na iisipin yan kapag nasa ganyang edad na ko." Sabi ni Ci-N habang nakatawa. Nagulat ako ng makita ko sya'ng may hawak na bote ng alak. Akmang iinumin na nya yun pero agad akong tumayo at kinuha sa kanya yung bote. "Hindi ka pwedeng mag-inom!" Sigaw ko sa kanya. "Bakit?" "Anung bakit----" "Let him drink." Putol ni Keifer sa sasabihin ko. "...Let him be a man." "Anu'ng man?! Boy pa lang to!" "Panu sya magiging tunay na lalaki kung hindi mo sya hahayaan mag inom?" Singit ni Yuri sa usapan namin. Tinignan ko sya. "Sa pag-iinom ba nasusukat ang pagiging lalaki?" "No, but it's a part of being a man." Sagot nya sakin. Nakaramdam ako ng inis. Yung feeling ng napagtulungan. Tapos lahat sila nakatingin sakin na para bang nagsasabi na mali ako. Binalik ko kay Ci-N yung bote. Agad akong lumakad paalis at palayo sa kanila. "Nagtampo ata." Dinig kong sabi ng isa sa kanila. Nakaka-badtrip kasi! Dumiretso ako sa bahay nila Keifer at dahil wala naman akong ideya sa meron sa bahay na to, cross arm akong nakatingin sa kawalan at nakatayo sa gitna. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Baka maligaw lang ako. "Kainis kasi..." Bulong ko. "Jay..." Tawag ng kung sino. Muntik pa kong mapa-iktad sa gulat. Tinignan ko ng masama yung kung sino'ng animal na yun. "May kailangan ka?" Inis na tanung ko kay Yuri. "Are you mad at me?" "Hindi!" Hindi ba obvious?! "Sorry..." Tinignan ko sya. "Hindi naman ako galit." "Really?" "Oo nga!" Mabilis kong sagot. "Kaya ba salubong na salubong ang kilay mo?" Pinakiramdaman ko naman yung kilay ko. Inayos ko yung ng ma-realize kong totoo nga yung sinasabi nya. Hinawakan ni Yuri yung isang kamay ko. Diretso nya kong tinignan sa mga mata. "Sorry na... Dapat kinampihan kita----" "Wala kang obligasyon sakin. Kaya okay lang kung hindi mo ko kampihan." Putol ko sa sasabihin nya. "Don't say that. I admit my feelings to you already. So, i have an obligation to you." Paliwanag nya. Anung ibig sabihin nun? "As what?" Diretsong tanung ko, na mali ata. Para'ng pambasag yung tanung ko. Feeling ko may tinamaan ako. Bumitaw si Yuri sa pagkakahawak sa kamay ko. Napayuko sya at nagpilit ng ngiti. Shooot! "Y-yuri... A-anu... H-hindi ganun yung ibig kong sabihin----" "I believe i still haven't told you the purpose of the ring." Putol nya sa sasabihin ko. Bigla nalang sya'ng lumuhod gamit ang isang tuhod, nakasuporta naman yung isa'ng binti nya para sa balanse. A-anu'ng... Kinuha nya yung isang kamay ko at tinignan ako ulit sa mga mata. Ang bilis ng tibok ng puso ko, gusto'ng gusto kong pumalag pero ayaw makisama ng katawan ko. "Jasper Jean Mariano..." Panimula nya. "...I, Yuri Hanamitchi is asking you..." Huminga sya ng malalim. "...To marry me." Shutang'names! Agad kong binawi yung kamay ko. Jusme! Agad agad?! Kaka-amin lang ng feelings tapos kasal na! Pwede bang ligawan muna? "Y-yuri... K-kasal talaga?! Agad?!" Gulat na tanung ko sa kanya. Tumayo sya at nakangiting humarap sakin. Adik yata to eh! "..tsaka anung connect nyan sa obligation na pinag-uusapan natin?!" Patuloy ko. Nahawakan ko nalang ang pisngi ko sa pagkabigla sa mga ginagawa nitong si Yuri. "Jay... You told us before na ayaw mo muna'ng mag-boyfriend. So, instead of asking you to be my girlfriend, i ask you to marry me." Nakangiting paliwanag nya sakin. Napangiwi nalang ako sa sinabi nya. Ang lakas ng tama nya. Hindi kaya lasing na sya at tinamaan na ng alak ang utak nya. "Lasing kana..." Umiling sya. "I'm not." Bahagya akong naglakad palayo sa kanya. May ilang beses ko ata'ng nasuklay ng kamay ang buhok ko. Pvta! Nakaka-pressure! "You don't need to answer now." Tinignan ko sya. "Hindi yun... Hindi ko kasi maintindihan tong ginagawa mo. Oo, gusto mo ko pero... Putik naman! Dahan-dahanin mo naman." Napakamot sya bigla sa ulo. "S-sorry..." "N-next time nalang natin pag-usapan to. Bumalik na tayo." Sabi ko at agad na naglakad palabas ng bahay. Paglapit kila Ci-N agad kong kinuha yung bote'ng akmang tutunggain nya. Ininum ko na parang tubig. "D-dahan-dahan uy!" Sabi ni Ci-N. Hindi ko sya pinansin. Tuloy-tuloy kong ininum yung alak at ng maubos nanguha pa ko ng isa. *Endofflashback...* Tapos nalasing ako ng hindi ko namamalayan at ginawa ko yung kahindik hindik na pagtawag ko sa kung sino'ng impakto sa apoy. Dinaig ko pa yung kulto! Punyemas! Saan ko ba natutunan yun?! Next ko na iisipin yun. Ang priority ko ngayon kung panu ko kakausapin si Yuri. At kung anung dapat naming pag-usapan. Nyetax! 

 

 

Chapter 122 Author's Note: Hindi ko makita yung ibang nagpapa-dedicate... sorry. Christmas Celebration Jay-jay's POV

 

 Ang sexy ko pala----charot! Habang tinitignan ko yung sarili ko sa salamin, dun lang nags-sink in sa utak ko na tumataba nga ako. Kala ko joke lang yung sinabi sakin ni Ci-N dati. Suot-suot ko kasi yung nakuha ko nung christmas party. Yung costume ni Ms. Claus na halata'ng nabitin sa tela. "Labas pusod." Bulong ko at kinalikot yung pusod ko sabay amoy. Yack!! Tumalikod ako ng bahagya para tignan yung likod ko. Sobrang ikli kasi nung skirt. Sinuot ko yung sumbrero at kinuha yung cellphone ko. Bahala na si Batman! "Yari ka saking Keifer ka..." Sabi ko at nagsimulang picture-an ang sarili ko. Post! Pak! Ganern! SuperModel! Sexy back! Pak! Pak! "Okay na to..." Bulong ko at nagsimula'ng mamili ng picture na ipapadala dun sa Hari ng mga Ulupong. Sa takot ko na malaman ng mga hudlong na yun na ako yung nagbigay ng boxer sa kanya, nagpa-uto ako. Wag lang talaga lalabas yung picture na to sa madla, babalatan ko ng buhay yung hinayupak na yun. Dalawang picture yung napili ko. Isang nakaharap na nakapamaywang at isang bahagyang nakatalikod. Napa-antanda nalang ako bago pindutin yung send. Binaba ko yung phone ko at laking gulat ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Gulat at galit ang nakita kong reaksyon ni Kuya Angelo ng makita nya yung suot ko. "What the... What is that?! Why are you wearing that?!" Galit na tanung nya sakin. "A-anu kasi... Y-yung... S-sinukat ko lang..." Palusot ko na mukang hindi naman nya pinaniwalaan. Bumaba yung tingin nya sa cellphone ko na nakalapag sa kama. Bigla nalang kasi tumunog yun. Patay! Nakipag-unahan akong kuhanin yung phone ko. Halos madapa pa si Kuya pero naunahan ko sya. "Anu yan?! Meron ka ba'ng..." Bigla nalang nanlaki yung mata nya at parang merong kung anung naglaro sa isip nya. "...Are you selling your body?!" Hala sya!! "Uy! Hindi! Grabe ka naman! Selling agad?!" "Bakit ganyan ang suot mo at ayaw mong ipakita sakin phone mo?!" "Eh kasi nga... OA ka masyado!" Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa. Sa totoo lang nilalamig na ko dito sa suot ko. "Jay-jay! Sinasabi ko talaga sayo!" Banta nya sakin habang dinuduro ako. "...Huli mo na yan!" Nag-nod ako. "Sinukat ko lang talaga..." Napahawak nalang sa sintido si Kuya. Huminga sya ng malalim at tinignan ako ulit, pero salubong pa rin ang kilay nya. "Magbihis kana... Susunduin natin si Lola sa Terminal." Sabi nya at naglakad palabas ng kwarto ko. Pagsara ng pinto, tinignan ko kagad kung sino yung nag-message sakin. Dalawang mensahe na parehong galing sa Hari ng mga Ulupong. From: King Ulupong Message: 'Sexy Jay-jay... � �😘 ' Huh?! Manyakis talaga tong animal na to! Tinignan ko din yung kasunod na message. From: King Ulupong Message: (Picture attached) 'Souvenir... 😎😏' Kamanyakan talaga ng walanghiya! Picture nya na suot-suot yung boxer na binigay ko. Nakapost pa sya na parang model ng underware. Pero ang sexy nya----ko! Ang Sexy ko! Grabe! Kung anu-anu na tuloy pumapasok sa isip ko. Kasalanan to ng damit na to. Nagbihis na ko agad at dumiretso sa sala kung saan naghihintay si Kuya Angelo sakin. "Alis na kami Ma!" Paalam ni Kuya kay Tita. Naglakad na si Kuya palapit sa kotse nya. Sumunod naman ako at sumakay. Nasa upuan ako sa tabi ng driver na si Kuya. "Ikaw Jay-jay ah! Kung anu-anung kalokohan ang ginagawa mo!" Sermon nya sakin. Eto na po ang simula! "..Wag kang lalapit sakin at sasabihing buntis ka! Tatamaan ka talaga sakin!" "Kuya! Hindi naman nga!" Sagot ko na mukang ikinagalit nya. "Sasagot ka pa! Kung tuktukan kaya kita!" Banta nya habang naka-amba ang kamao sa ulo ko. Eto pang masama nito. Traffic! Yari na... Mahaba-habang sermon ang aabutin ko sa kanya nito. Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko. Bakit ba kasi ngayon lang bumyahe si Lola? "Tell me... May boyfriend ka na ba?" Seryosong tanung nya. Umiling ako. "W-wala..." "Anu'ng meron sa inyo ni Keifer?" Napatingin ako sa kanya. Si Keifer talaga? "Wala... Kahit anu, wala." Halos pabulong kong sagot. "But you like him?" A-anu daw?! "Hindi ah!" "You sound defensive..." Natahimik ako at napakagat sa ibabang labi ko. Hindi ko magets kung anu yung gustong palabasin ni Kuya. Nakarating kami sa terminal at kahit maraming sasakyan, nagawa pa rin nya'ng makahanap ng parking. Bago buksan ang pinto para bumaba, nagsalita muna si Kuya. "Kung magb-boyfriend ka... Wag sana si Keifer. Iba nalang..." Napahinto ako. Anung ibig nya'ng sabihin dun? Anung wag si Keifer? Wala naman akong balak magboyfriend, bakit nya ko sinasabihan ng ganito? Bumaba na si Kuya kaya ganun na din ako. Sobrang dami ng tao, feeling ko mahihirapan kaming mahanap si Lola. "Jay... Hanapin mo si Lola sa waiting area. Titingin ako don sa mga bagong dating." Utos ni Kuya. Agad naman akong nagpunta sa waiting area. Kahit dito maraming tao, sobrang init at hassle. Hindi naman ako nabigo sa paghahanap sa kanya dahil ang lakas ng tawa ni Lola habang nakikipag-kwentuhan kay.... Ci-N? Umaano dito to?! Lumapit ako kay Lola at agad na nagmano sa kanya. "Hi Jay!" Bati sakin ni Ci-N. Tinignan ko naman sya na parang nagtatanung ng 'bakit andito ka?'. "Ang tagal nyo... Buti nalang dumating tong kaibigan mo para samahan ako." Sabi ni Lola. "Buti nalang nakita ko sya agad." Nakangiting sabi ni Ci-N. Tumayo si Lola at akmang kukuhanin yung bag nya pero inunahan ko na sya. "Ako na po La." Sabi ko at nag-nod naman sakin si Lola. Nag-umpisa na kaming mag-lakad palabas ng waiting area. Nauna sila Lola at Ci-N sakin. Hindi ko maiwasan na hindi mag-isip. Hindi ko maintindihan kung bakit andito sya at panu nya nakilala si Lola. Nakarating kami sa kotse ni Kuya pero wala pa rin sya. Agad kong kinuha yung phone ko at tinext sya. Habang naghihintay, patuloy pa rin sa kwentuhan tong dalawa. "...talaga? Nakakatuwa naman na may kaibigan si Jay-jay na kagaya mo." Sabi ni Lola at pinipisil-pisil pa yung pisngi ni Ci. Panay naman ang pacute nitong isa. "Nahihiya po ako..." Pabebeng sabi ni Ci. Napapangiwi nalang ako sa kinikilos nitong bata na to. I mean, alam ko naman na ganyan sya dati pa pero kakaiba kasi. "Baka naman ikaw ang boyfriend ni Jay-jay?" Tanung ni Lola na kinagulat ko. "Hahaha... Hindi po." Nakatawang sagot ni Ci. Bakit pakiramdam ko may kalokohang sasabihin to? "...Keifer po ang pangalan ng boyfriend nya. Hahaha----aaagghhh! Jay!" Sigaw nya ng bigla kong hatakin ang tenga nya. Banggitin daw ba pangalan nung Hari kay Lola at pinakilala pang boyfriend ko ah! Hanep! Bigla nalang hinampas ni Lola yung kamay ko kaya napabitaw ako. "La! Masakit!" Reklamo ko. "Nasasaktan yung bata sayo!" Sermon nya sakin. Langya! Hindi na inalala kung nasaktan ako sa ginawa nya. Pero nung si Ci todo alala sya. Yung totoo! Sinong Apo dito?! Hinimas ni Lola yung tenga nung bata'ng kumag. Paawa naman tong isa. Feel kong manapak ngayon. Dumating si Kuya at agad na lumapit samin. Medyo nagulat nga lang sya ng makita nya si Ci. Hindi ako sure kung alam nyang classmate ko tong bata'ng kumag na to. "Lola..." Bati ni Kuya sabay mano. "Hi Kuya!" Bati ni...Ci-N? Naki-Kuya pa ang luko! Tinignan sya ni Kuya, sabay tingin sakin na para bang nagsasabi ng 'kilala mo ba to?'. "Classmate ko... Ci-N Peralta." Pakilala ko. Binigyan naman ako ni Kuya ng 'ahh' reaction. Siguro nakuha naman nya kung kaninong anak tong kaharap nya. Binuksan ni Kuya yung pinto ng kotse. Dumiretso naman ako sa likod para isakay sa compartment yung bag ni Lola. Agad kong hinablot si Ci-N at hin-head lock. "Panu mo nakilala si Lola at panu mo nalaman na susunduin namin sya?!" Tanung ko. "A-aray! Jay!" Binitiwan ko sya pero nakahawak naman ako sa kwelyo nya. Pinandilatan ko rin sya ng mata. "S-sa cellphone mo... N-nakita ko sa mga picture." Sagot nya sakin. Napa-isip naman ako dun. Oo nga, ako nga pala nagpakita sa kanya nun dati. Pero agad ko din syang binalikan ng tingin. "Panu mo nalaman na andito sya at susunduin namin sya?" "S-sinabi mo nun bago ka malasing..." Binitiwan ko sya agad. Pakshit! Nawala sa isip kong nag-kukwentuhan nga pala kami bago ako malasing. Pero hindi pa ko tapos. "Bakit nga pala andito ka?" "Wala ako'ng magawa samin----" "Jay! Inaaway mo ba sya?!" Singit ni Lola sa usapan namin. Napakamot ako ng ulo. "H-hindi po..." "Tara na! Umalis na tayo!" Aya nya samin. Nagulat ako ng pagkasara ko ng compartment biglang sumakay si Ci sa backseat katabi ni Lola. Ay! May nag-aya ba sa kanya?! Sa passenger seat sa tabi ni Kuya ulit ang pwesto ko. Panay ang palitan namin ng tingin ni Kuya. Naipit na naman kami sa traffic. Tahimik kami pareho ni Kuya pero si Ci-N at Lola panay ang kwentuhan. "Anu nga ulit pangalan ng boyfriend ni Jay-jay?" Tanung ni Lola kay Ci, na nagpatigil sakin. Lumipat ang tingin ko kay Kuya, na sya namang dahan-dahan sa pag-pihit ng ulo nya para maka-tingin sakin. Mabilis akong umiling sa kanya para sana sabihin na 'hindi totoo yun'. "Keifer po... Mark Keifer Watson po." Buong galak na sagot ni Ci-N. Nagsalubong na ang kilay ni Kuya. Mabilis nyang hinablot ang tenga ko. Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko. "Wala! Wala'ng kahit anu! Tapos kayo na pala!" Galit na sabi ni Kuya. "H-hindi... A-aray! Kuya! H-hindi totoo yun!" Sigaw ko habang pilit inaalis yung kamay nya sa tenga ko. "Humanda ka sakin pag-uwi natin!" Sigaw nya sakin. Humanda sakin tong Ci-N na to! 

 

 

Chapter 123 Christmas Celebration 2.0 Jay-jay's POV

 

 "Angelo naman! Hindi na naawa kay Jay-jay!" Galit na sabi ni Tita Gema habang dinidikit yung ice bag sa tenga ko. "...Pulang pula yung tenga nung bata sayo!" "Kasalanan naman nya eh!" Katwiran ni Kuya habang nakasandal sa ref. Tinignan sya ni Tita ng masama. "Ikaw Angelo ah! Hinahayaan ka naming disiplinahin mga pinsan mo pero hindi ganito! Halos matapyas tenga ni Jay-jay sayo!" Napakamot nalang si Kuya ng ulo nya. Gusto ko sana'ng tumawa, ang cute kasi ni Kuya kapag sinisermunan sya. Hahahahaha... "Hindi naman kasi maintindihan kung nagsasabi ng totoo yung bata na yan... Wala daw boyfriend pero kakasabi lang nung bata sa labas na meron daw." Paliwanag ni Kuya. Tinignan ako ni Tita. "Kayo na?!" Pareho kami ni Kuya na taka'ng tumingin sa kanya. Sino'ng tinutukoy nya? "Yung nagbigay ng singsing sayo! Kayo naba?!" Buong galak na tanung ni Tita. Mabilis akong umiling. "H-hindi po Tita..." "May nagbigay ng singsing sayo?" Tanung ni Kuya. "Binigyan ka ng singsing ni Keifer?" Singit ni Ci-N habang kumakain ng ice cream. Tinignan ko sya ng masama. "HINDI! Lumayas ka nga dito! Ipapahamak mo na naman ako!" Sigaw ko sa kanya. Bigla nalang syang nag-pout at tumalikod samin. "Lola! Inaaway po ako ni Jay-jay!" Sumbong nya at naglakad pabalik sa sala. Ay wow! "Sinong nagbigay sayo ng singsing?" Seryosong tanung ni Kuya. Pakshet! Hindi ako pwedeng magdahilan o magsinungaling kay Kuya. Mas lalu akong malilintikan sa kanya nito. "S-si Yuri..." Halos pabulong kong sagot. Nagpalitan ng tingin si Tita at Kuya. Para bang meron silang alam na hindi ko pa nalalaman. Humarap sakin si Tita. "Jay... Dun ka muna kay Lola mo. May pag uusapan lang kami ni Kuya mo." Nag-nod naman ako at kinuha yung ice bag bago tuluyang lumabas ng kusina. Paglabas bumungad sakin ang salubong na kilay ni Aries. "Bakit andito yang bata na yan?!" Inis na tanung nya sakin. "Ewan ko! Basta pagsundo namin kay Lola kasama na sya." "Pauwiin mo na nga yan, ayoko makita pag-mumuka nyan dito!" Utos nya sakin bago umalis sa harapan ko. Grabe! Pati si Ci-N hindi na pinalagpas ni Aries. Hindi naman sya inaano. Hindi ako sure kung what time aalis tong bata'ng kumag na to. Pero sure akong hindi sya dito mag-celebrate ng pasko. Syempre, pasko tapos nasa ibang bahay sya. "Jay..." Tawag sakin ni Lola. "...nakakatuwa itong kaibigan mo! Saan mo ba to nakilala?" "Classmate ko po sya..." Sagot ko bago maupo sa katapat na sofa na inuupuan nila. "Classmate mo? Eh ang bata pa nya... Repeater kaba?" Mabilis akong umiling. "Hindi ah! Kahit pasaway ako inaayos ko pag aaral ko." "Talaga?" Mapang-asar na tanung ni Ci-N. Sampalin ko kaya to? Kahit isa lang. "Saan nga pala ang magulang mo? Bakit hinahayaan kang mag-gala?" Tanung ni Lola kya Ci. Bigla nalang nalungkot yung muka nya. Medyo nagtaka si Lola pero parang alam ko na yung dahilan. Minsan na nyang nasabi sakin na wala syang maalala na holiday na kasama nya ang buong pamilya nya. Kahit birthday nya hindi rin nya makita ang magulang nya. Tatambakan lang daw sya ng regalo tapos aalis na. "Nasa trabaho po kasama sila Kuya at Ate ko." Sagot nya. Tama nga ako. Mukang hindi na naman nya kasama ang pamilya nya mag celebration at yun ang dahilan kaya nang-gugulo sya dito samin. Tinignan ako ni Lola. Ewan ko kung iisa kami ng iniisip pero alam kong gusto nyang iparating. "Lola... Pwedeng dito nalang mag-celebrate ng pasko si Ci-N sa atin?" Tanung ko na nagpangiti kay Lola at Ci-N. "Ipagpa-alam mo kila Tita mo, bahay nila to." Sabi ni Lola. Agad akong tumayo at mabilis na naglakad pabalik ng kusina. Pero hindi pa man din ako nakakalapit naririnig ko na pinag-uusapan nila Kuya at Tita. "...Ang bata pa ni Jay-jay. Wala nabang ibang paraan?" Sabi ni Tita. Ako?! "That's our deal, we have no choice." Sagot ni Kuya. "Panu kung gusto pa nya'ng mag-aral? Panu mangyayari yun kung----" "I'll talk to them about that." Putol ni Kuya sa sasabihin ni Tita. Pareho silang tumahimik. Hindi ako sigurado sa pinag-uusapan nila. Pero sure akong tungkol sakin yun. Jay-jay daw eh... Tumuloy na ko sa pagpasok sa kusina. Medyo nagulat pa si Tita sakin pero inayos din nya agad ang sarili. "Bakit Jay?" Tanung ni Kuya sakin. "Pwedeng dito nalang magpasko si Ci-N?" "Hindi ba sya hahanapin sa kanila?" Tanung ni Tita. Umiling ako. "Pareho'ng busy sa trabaho." Tumingin si Tita kay Kuya na para bang hinihingi ang opinyon nito. Nag-nod lang si Kuya at nakangiting humarap sakin si Tita. "Sige..." Sabi nya. Agad akong tumakbo pabalik sa sala kung nasan yung dalawa. Panay pa rin ang tawa ni Lola sa mga hirit ni Ci-N. "...Ampunin nyo nalang po ako. Para masaya." Sabi ni Ci na nagpataas ng kilay ko. "Ay ikaw lang masaya nun... Hahahaha..." Sagot ni Lola sa kanya. "Ay harsh..." Komento ni Ci na muling nagpatawa kay Lola. Kahit ako napatawa na rin. Minsan lang ako nagpakilala ng kaibigan kay Lola. Madalas pa nyang sabihan na hindi daw maganda'ng impluwensya sakin. Pero ngayon, parang mas gusto pa nyang kasama si Ci. Lumapit ako sa kanila at sinabi'ng pumayag sila Tita at Kuya na dito na magpasko tong bata'ng kumag na to. "Tara tulungan mo ko mag-handa sa kusina..." Aya ni Lola kay Ci-N bago tumayo. Sunod naman tong isa habang nakangiti. Feel at home na ang luko. Wag lang syag matyempuhan ni Aries baka malintikan sya. Narinig kong may nag-door bell. Tumayo ako at naglakad palabas. Ako na ang magbubukas, alam ko kasing busy silang lahat. Idagdag pang umuwi yung mga maid nila Tita sa nga pamilya nila, kaya kulang sa tao. Pagbukas ko ng gate, parang gusto ko ulit isara. Si Ella... "H-hi..." Bati nya sakin. "Hi din..." Balik kong bati sa kanya. As usual, nakalugay na naman ang mahaba nyang buhok. Kumikinang ang makinis nyang balat. Naka-dress na puti na bumagay sa kanya kahit simple lang. Edi ikaw na maganda! Kingina! "Merry christmas... Si Aries?" Tanung nya. May dala syang bag na mukang pagkain ang laman. Hindi merry ang pasko ko! "Nasa loob, pasok ka." Naglakad naman sya papasok. At wag ka, dumiretso sa pinto ng bahay ng hindi ako hinihintay. Isa pa tong feel at home. Sya nalang sasampalin ko! "Merry Christmas Tita!" Bati nya kay Tita Gema. "Sayo din Iha!" Balik na bati ni Tita sabay halik sa pisngi nya. Hindi ko na alam ang mga pinag-usapan nila. Dumiretso kasi ako kusina para tulungan si Lola at Ci-N. Binulong ko sa kanya na andito si Ella pero wala syang naging reaksyon. Hinayaan ko nalang, baka kasi hindi sya affected. Halos buong hapon kaming naghahanda para sa noche buena. Ni hindi ko na nga nagawang tignan ang phone ko na panay ang tunog. Ng matapos, bumalik ako sa kwarto ko para maligo at magbihis. Feeling ko kasi parte na ko ng kusina dahil ss amoy ko. Medyo nahiya pa nga ako sa bisita namin na walang ibang ginawa kundi makipag-lampungan kay Aries. Dito din pala sya magpapasko. Hindi na talaga Merry pasko ko! Sandali kong tinignan ang phone ko. Puro text message ng mga ulupong at binabati ako ng Merry Christmas. Nireplayan ko naman sila isa-isa kahit halos maubusan ng dugo yung daliri ko sa pag-compose lang ng message. Hardcore sa pag-bati... Matapos ang madugo kong pagt-type. Dumiretso na ko sa dining kung nasan silang lahat. Tinuro ni Ci-N yung katabi nyang bangko kaya dun na ko naupo. "Thank you..." Bulong nya sakin. Hm? "Para saan?" "Dito..." Sagot nya habang nakangiti. Ngumiti din ako sa kanya. Alam ko ibig nyang sabihin. Ganun din naman siguro ang gagawin nya kapag nalaman nya na mag-isa lang ako tuwing pasko. "Kainan na!" Sigaw ni Tito Julz habang may dala'ng pagkain galing kusina. Nagsimula na kaming kumain. Panay kwentuhan nila na pinangungunahan ni Ella. Dahil pasko naman, pinagbigyan ko sya. Hahayaan ko muna sya ngayon. Si Ci-N patuloy ang pangungulit kay Lola. Kahit si Tita natatawa rin sa kanya. Si Aries halata'ng iretable sa kanya pero pilit nililipat yung atensyon sa katabi nya. Pagdating ng 12, dumiretso kami sa christmas tree. Meron daw kaming regalo. Nakita ko agad yung para sakin, kaya binuksan ko na. "Anu nakuha mo?" Tanung sakin ni Ci. ... "Alam mo ba address ni Santa?" Tanung ko sa kanya. Umiling sya. "Bakit?" "Pupuntahan ko sya at sasampalin na rin at the same time." "Huh?!" "Binigyan nya ko ng white dress... Aanhin ko naman to?!" Inis sabi ko. Bahagyang tumawa si Ci. "Baka para ss debu mo." Napangiwi ako. Ang layo pa ng debu ko. Anung trip ni Santa? Ang lakas ata ng tama nya. Halos 3am na kami nakapagpahinga. Puro kwentuhan kasi ang naganap. Sa kwarto ko na pinatulog si Ci-N. Sa sahig naman sya, narinig ko kasing sa kwarto ko papatulugin si Ella kaya matinding protesta ang ginawa ko. Anu sya? Ayoko nga sya kasama! "Goodnight Jay..." Antok na sabi ni Ci. "Goodnight din..." Balik ko sa kanya. Bago tuluyang ipikit ang mga mata ko. Tinignan ko muna yung phone ko. Meron kasi akong hinihintay na message. Hindi naman ako nabigo. From: Yuri Message: Meri Kurisumasu! ☃❄🎄🎁 .. Kahit hindi ako marunong mag-japanese, alam ko ibig sabihin nyan. Agad ko syang nireplayan at binati. Alam ko nasa Japan sya ngayon, kasi nga dun talaga sila nag-celebrate. May panibagong text na dumating. Kala ko si Yuri pero iba pala. From: King Ulupong Message: Merry Christmas, sexy Jay-jay... � �😆😉 Yung unexpected! Aaminin ko, napangiti ako nito pero at the same time ininis din. Lagyan daw ba ng 'sexy Jay-jay'. Manyakis! Merry Christmas Hari ng mga Ulupong! 

 

 

Chapter 124 Kit... Jay-jay's POV

 

 "Hindi ba pupunta si Ci-N dito?" Tanung ni Lola sakin. "Hindi po..." Dama kong miss ni Lola si Ci-N. Ako din naman miss ko na sya. Ilang araw na kasi syang hindi nagpupunta dito. Buti sana kung nagtetext sya sakin o tumatawag pero hindi eh. Nung mismong araw ng pasko bigla nalang tumawag sakin yung Kuya nya. Galit na galit sakin at sinabihan akong pauwiin si Ci. Ayaw daw ng gulo ni Ci-N kaya umuwi nalang sya. Sabi nya tatawag daw sya agad kapag nakauwi na sya pero hindi nya ginawa. Hindi ko maiwasan na hindi mag-alala. Anu na nangyari sayo Ci-N? Gusto ko sana sya puntahan pero baka magpang-abot kami ng Kuya nya at nag-away pa kami. Iiwas nalang ako, kesa magkagulo. Narinig kong tumunog yung cellphone ko. Akala ko si Ci-N kaya nagmadali pa ko sa pagkuha nun pero iba pala yung tumatawag. Si Eren... "Hello?" ["Jay-jay"] Mahinang tawag sakin ni Eren. "Bakit? May kailangan ka?" Dinig ko sa kabilang linya na parang nagkakagulo. Naririnig ko pa na may nag-aaway tapos parang may naglalakad na padabog. "...Ang ingay ata, asan kaba?" Dagdag kong tanung. ["Andito ako kila Kit... May problema kasi." Huminga sya ng malalim. "...p-pwede kabang pumunta dito?"] Naguguluhan ako sa nangyayari. Idagdag pang ang ingay-ingay sa side ni Eren. Parang may kolisyon na hindi ko maintindihan. "Bakit?" ["Hindi ko na kasi alam kung sinong lalapitan. Kailangan ni Kit ng tulong ngayon eh."] Nakaramdam ako ng pag-aalala. Hindi nagsasabi ng problema si Kit o si Eren. Kung tinawagan na nila ko ng dahil dun, ibig sabihin mabigat ang kinakaharap nila. "S-sige... Papunta na ko." Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Eren. Pinatay ko na agad ang tawag. Nag-paalam ako kay Lola bago dumiretso sa kwarto para magbihis. "Alis na po ako La... Kayo nalang po bahala magsabi kila Tita." Sabi ko at nag-nod naman sakin si Lola. Lumabas ako ng bahay at agad na tumakbo papunta sa kanto. Buti nalang at maraming taxi na nagkalat nayon, hindi ako nahirapang sumakay. Sinabi ko agad yung address nila Kit. Minsan palang ako napunta sa bahay nila pero natatandaan ko pa naman kahit papanu. Dahil sa traffic feeling ko aabutin ako ng syam-syam sa byahe. Sumasakit ang ulo ko sa ingay ng nga busina nila. Akala naman nila, aandar ang sasakyan sa harap nila kung bubusina sila ng bubusina. Sige! busina pa! Nakarating naman ako ng matiwasay sa bahay nila Kit. Nakaabang na sakin si Eren sa gate pa lang ng bahay. "Eren..." Tawag ko sa kanya. "...Anu'ng nangyari?" Hinawakan ako ni Eren sa braso at bahagya'ng nilayo sa bahay nila Kit. Tumingin muna sya sa gate sandali bago nagsalita. "Jay... Pwede kabang magpanggap na girlfriend ni Kit?" Dire-diretsong paki-usap nya. Hm?! "A-anu?! Ayoko nga!" Mabilis kong sagot. "Sige na... Jay... Please... Kailangan lang ni Kit." Paki-usap nya. "Ayoko nga! Tigilan mo nga ako Eren." "Jay... Sige na... Baka hindi na lumabas ng kwarto si Kit. Ilang araw na syang hindi kumakain ng maayos." Natigilan ako sa sinabi nya. Anu'ng connect ng pagpapanggap kong girlfriend nya sa hindi paglabas ni Kit sa kwarto? "Ipaliwanag mo muna sakin kung anu nangyari." Utos ko sa kanya. Tumingin ulit si Eren sa bahay bago humarap sakin at kausapin ako. Napahawak pa sya sa sintido nya at huminga ng malalim. "Okay... Okay... Satin-satin nalang muna to ah?" Nag-nod ako sa kanya bilang pag-sang-ayon. "Si Kit kasi... A-anu... Hindi kasi dapat sakin manggagaling to eh!" Sabi nya sabay kamot sa ulo. "Kung hindi mo sasabihin agad, aalis na ko." Bored na sabi ko sa kanya. Napakatagal kasi, pa-thrill pa masyado. "Eto na... Anu kasi... Haaiizt!" Huminga ulit sya ng malalim. "...B-bakla kasi si Kit." Loading..... Hindi ko alam kung dapat kong ihilera sa super shocking moment yung sinabi ni Eren o moderate lang. May hinala naman na ako nuon pa, pero syempre hindi ko alam kung totoo nga yun. "Jay? Nagets mo ba yung sinabi ko?" Tanung nya sakin. Napag-appear ko nalang ang kamay ko. "Tama ang hinala ko!" Sigaw ko. Agad akong sinenyasan ni Eren na tumahimik at sumilip ulit sya sa bahay. "Hinala?" Tanung nya sakin. "Nakita ko sila nung Festival, sila ni Mayo. Tapos nakita ko din picture nila sa cellphone mo." Paliwanag ko. Kinuha ni Eren ang phone nya at tinignan yung picture na sinasabi ko. "Kung bakla nga si Kit, anung problema? Anung connect nun sa hindi nya paglabas ng kwarto?" Napahimas ng batok si Eren. "Sinabi nya yung totoo sa pamilya nya pero hindi naging maganda yung reaksyon nila. Nagkagulo, kaya kesa masira sila, hindi nalang masyadong nagpapakita si Kit sa Papa nya. Yun nga lang, lumala na ngayon. Hindi na sya lumalabas ng kwarto kahit nung pasko." Tsk! Mas malala pa pala to sa iniisip ko. Hindi kasi halata kay Kit na meron syang problema'ng ganun. "Bakit gusto mo kong magpanggap na girlfriend nya?" "Para sana matapos na yung usap. Sasabihin nalang sana natin na hindi seryoso si Kit dun, na sinusubukan lang nya yung tiwala nila at lalaki talaga sya at ikaw ang patunay." Paliwanag nya. Pero hindi ganun yun. Lalu lang mahihirapan sa sitwasyon si Kit kapag nagkataon "Sa tingin ko hindi yan ang solusyon." "Anung solusyon?" "Hindi ko alam... Pero mas mabuti kung kausapin natin si Kit." Sohestyon ko. "Hindi kasi ganun kadali yun... Ayaw makipag-usap samin ni Kit. Galit din sakin yun." "Bakit?" "Naalala mo yung away namin ni Mayo? Nasundan pa yun, nung next day after ng christmas party." Nagsalubong ang kilay ko kasabay ng pagkadismaya. "Anu na naman?! Bakit na naman kayo nag-away?" Napakamot na sya ng ulo. Napaka-haba kasi ng usap nila sa totoo lang. Sumasakit na rin ang ulo ko. "Matagal ko na kasing alam ang sitwasyon nila----na suportado ko naman----pero itong si Mayo'ng seloso feeling may something kami ni Kit... hellow?! Tunay na lalaki to!" Medyo natawa pa ko sa reaksyon nya. Alam ko naman na tunay na lalaki sya. Kahiya naman sa dala-dalawa'ng girlfriend. Pero hanga ako sa kanya kahit bakla ang bestfriend/kinakapatid nya, suportahan taka pa rin ang peg nya. "Yun ba yung reason kung bakit ka nya sinuntok sa classroom non?" Tanung ko. "Oo, tsaka inaasar ko sya. Sabi ko bibigyan ko ng chicks si Kit na akala nya totoo." Kaya naman pala. Medyo pikon pa naman ang impakto na yun. Muntik na rin kaming mag-away dati nun dahil lang sa asaran. "Siguro mas maganda kung kausapin na natin si Kit." Sabi ko na sinang ayunan naman nya. Pumasok kami sa loob, hindi pa man din kami nakakatungtong sa loob dinig ko na ang sigawan ng mga tao. Huminto sila ng agawin ni Eren ang atensyon nila. Sandali akong nagpakilala at dumiretso na kami sa kwarto ni Kit. Maganda rin yung bahay nila. May kalakihan at halata'ng may kaya sa buhay. Huminto kami sa tapat ng pinto ng kwarto ni Kit. Kumatok ako at pinakinggan kung nay magsasalita pero naging tahimik sa loob. "Kit... Si Jay-jay to. Pwede ba tayong mag-usap?" Tanung ko. Wala pa ring nagsasalita o gumagawa ng ingay. "...Pwede kang magsabi sakin. Kilala mo naman ako diba?" May narinig kaming tumunog na bagay sa loob tapos ay yabag ng papa na papalapit sa pinto. Narinig ko pa yung tunog ng doorknob at bahagya'ng bumukas ang pinto. Papasok na sana si Eren pero sinenyasan ko sya na ako nalang. Nag-nod naman sya at hinayaan akong pumasok sa loob. Sinara ko yung pinto at sobrang dilim ng kwarto nya. Tanging monitor lang ng laptop nya yung nagbibigay liwanag. Nakita ko si Kit na naka-upo sa sahig sa tabi ng kama nya. Naupo din ako dun at tinabihan sya. "Kamusta? Hindi ka daw lumalabas." Panimula ko. Hindi sya nagsalita pero dinig ko ang malalim na paghinga nya. Hanggang sa bigla nalang syang humikbi. "Jay... Naguguluhan ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko." Sabi nya at pilit pinipigil ang pag-iyak. "Sige lang... Iiyak mo lang yan." Sabi habang hinihimas sya sa likod. "Lalaki talaga ako... Hindi ko alam kung anung nangyari... Basta bigla nalang akong nagising na may mali na sakin." Huminga sya ng malalim at pinunasan ang luha. Ibinigay ko na din sa kanya yung panyo'ng dala-dala ko. "...Inalam ko kung anu yun pero wala, basta nararamdaman ko lang sya... Hanggang sa nakilala ko si Mayo... Magkakasama lang kami palagi t-tapos... Hinalikan nya ko." Sa totoo lang wala akong ideya sa nararamdaman ng mga kagaya ni Kit. Siguro kasi mas tuwid pa ko sa poste. Pero kahit ganun, dama ko na hirap na hirap sya. "...Gumulo na yung lahat... Sinubukan ko syang layuan... Pinilit ko ring ayusin yung sarili ko... Lahat na ata ng away sinalihan ko pero ganun pa din..." Naguguluhan ako. Gusto kong magtanung sa kanya pero alam kong hindi ito yung tama'ng oras para mang-intriga ako. "...Makulit si Mayo... Ayaw nya kong tigilan... Hanggang sa nito ko nalang na-realize na... Nahuhulog na ko sa kanya..." Huminga sya ng malalim at pilit pinunasan ang mga luha nya. Huminto sya sa pagsasalita. Sinandal din nya ang ulo nya sa kama sa liko namin. "Kit..." Tawag ko sa kanya. "...Hindi naman solusyon sa problema mo yung pagkukulong dito eh." "Eh anung gagawin ko? Lumabas at ipag-sigawan sa lahat na bakla ako?!" May halong inis ang boses nya. "Tsk! Hindi ganun, hindi yun yung ibig kong sabihin." "Naiintindihan ko Jay..." Halos pabulong nyang sabi. Pareho kaming tumahimik. Tinignan ko yung paligid ng kwarto nya. Dahil sa sobrang dilim, bahagya lang nun ang nakikita ko. Napatingin ako sa laptop nya. Panay kasi ang tunog nun. Mukang may email or chat sya. "Si Mayo yan..." Sabi ni Kit. "Bakit hindi mo sagutin?" "Ayoko... Tsaka hiwalay na kami. Bakit ko pa sya kakausapin?" Hiwalay?! Hutang'na! Hindi kinaya ng pandinig ko yung salitang 'hiwalay'. Ibig sabihin----Holy cow kalabaw! Ganito pala yung pakiramdam na malaman mo yung dalawang malapit sayo na inakala mong tunay na lalaki, eh may something pala! Aarrggghhhh... "Jay..." Tawag sakin ni Kit. "...pwede mo ba kong tulungan?" "Anu yun? Gagawin ko hanga't kaya ko." "Tulungan mo kong maging tunay na lalaki ulit." Sabi nya at bigla nalang inilapit ang labi nya sakin. Halos mapahiga ako sa pagkabigla pero sa halip na tumigil tinuloy pa rin nya ang paglapit sakin. "Kit! Wag!" 

 

 

Chapter 125 Jay-jay's POV

 

 "Kit... Sorry talaga." ["Okay lang, kasalanan ko din naman. Sorry din."] Sagot sakin ni Kit mula sa kabilang linya. "Pahinga kana... Happy new year." ["Happy new year din. Salamat Jay."] Sabi nya bago tuluyang patayin ang tawag. Nahihiya ako sa kanya. Sinubukan nya kasi akong halikan. Ayun! Nasuntok ko sya, pasa ang muka. Nabigla kasi ako kaya kusa ng gumalaw ang kamay ko para suntukin sya. Pero dahil naman dun parang natauhan sya at naisipan na ring lumabas ng kwarto nya. Hindi nga lang sila nagbabatian ng Tatay nya. Awtsu! Ang hirap ng kalagayan nya. Dapat ko na rin atang kausapin si Mayo. Kailangan kong marinig yung side nya at balak na rin nyang gawin. Medyo naguluhan nga lang ako sa sinabi sakin ni Eren at Kit. Bisexual daw si Mayo at hindi lang daw si Kit ang nakarelasyon nito'ng lalaki. Alam ko ibig sabihin ng Bisexual, pero naguluhan ako kay Mayo. Hindi kasi mahahalata sa kanya na ganun sya. Alam kaya nila Keifer to? Yun pa pala isang problema. Kung alam na nung Kumag na yun yung totoo malamang gumawa na sya ng paraan para mapalayas tong dalawa sa Section E. Pero kung hindi pa, anung gagawin nya kapag nalaman nya? Haaaiiizt Ayokong isipin. Kawawa sila kapag nagkataon. Narinig ko yung malalakas na fireworks sa labas. Wala pang 12 pero kung makapag-sindi ng paputok wagas. Kayo na mayaman! Hindi kasi kami namili ng kahit anung klase ng fireworks. Hindi daw kasi kami dito mag-celebrate. Meron daw kaming pupuntahan. Speaking of pupuntahan, hindi pa ko nag-aayos. Mabilis akong tumakbo ng banyo para maligo. Kailangan fresh kapag sinalubong ang bagong taon. Mabilis ang naging kilos ko. Paglabas ng banyo napahinto ako ng makita ko si Tita Gema na naghahalungkat sa kabinet ko. "Bakit po Tita?" Tanung ko. Sandali nya kong tinignan at ngumiti. "Ipipili kita ng susuotin mo." Huh?! "Hindi na po kailangan... Okay na po ako sa Pants at Shirt." "Hindi pwede... Party yung pupuntahan natin. Dapat naka-dress ka." Naka-dress? Parang ayoko na pumunta. Dito nalang ako sa bahay. Dalawa nalang kami ni Snorlax na mag-celebrate. "Tita, masama po pakiramdam ko. Hindi na po pala ako sasama." Sabi ko habang umaarteng masakit ang ulo. "Tigilan mo ko Jay... Hindi uumbra sakin----ay eto nalang!" Biglang sabi ni Tita habang hawak-hawak ang isang puting dress. Eh naku! "..suot mo! Dali!" Excited na utos ni Tita sakin. Next time nga, lahat ng dress sa kabinet ko susunugin ko na. Wala akong nagawa kundi kunin yung dress at isuot yun. Kasya naman sakin pero hindi kasi ako komportable. "Bagay sayo..." Sabi ni Tita at sinipat-sipat yung damit. Bigla nya kong pina-upo sa kama. Nanguha sya ng suklay at nagsimulang ayusin ang buhok ko. Sa totoo lang ayoko ng ganito. Kayalang nahihiya ako sa kanya. Inipitan nya yung buhok ko at nilagyan ako ng parang head band. "Yan... Lalagyan kita make up mamaya." Sabi ni Tita. Hm?! "Ganito nalang po Tita... Okay na po ako ng ganito." "Hindi! Dapat may make up ka kahit kaunti." Pagpipilit nya. Napilitan akong ngumiti at mag-nod. Para akong manika nito na inaayusan ni Tita. Nagpaalam na sya sakin. Sya naman daw ang mag-aayos at magbibihis. Iniwan nya ko sa kwarto habang nakatingin sa salamin. Hindi pa ko nag-aayos ng ganito. Kahit nung prom namin sa dati kong school hindi din ako nag-ganito. Kasi hindi naman ako umattend. Kinuha ko yung bag na maliit na kapartner daw ng damit ko. Lumabas na ko ng kwarto at dumiretso sa sala. Si Kuya at Aries palang yung andun. Pareho nila kong tinignan. "N-nice.." sabi ni Kuya. "Pwedeng mag-pants at shirt nalang ako?" Paalam ko sa kanya. Agad na nagsalubong ang kilay nya. "Tumigil ka." May halong pagbabanta sa boses nya. Pfffttt... Pabagsak akong naupo sa sofa na katapat ng inuupuan ni Aries. Naka-polo sya at aaminin ko ang gwapo nya tignan ngayon. Yun nga lang, seryoso'ng seryoso na naman yung itsura nya. Hindi maintindihan kung galit sa mundo o sa sarili nya. Sandali'ng tumunog ang cellphone nya. Tumayo sya agad at nagpaalam kay Kuya. Susunduin daw nya si Ella. May ilang sandali pa kaming naghintay. Napansin kong parang hindi mapakali si Kuya Angelo. Para sya'ng natatae na ewan. "Napapanu ka?" Tanung ko sa kanya. Umiling lang sya at nagpatuloy sa ginagawa. May ilang sandali pa at para'ng meron syang gustong sabihin sakin. "Bakit?" Tanung ko ulit sa kanya. "Jay... Yung kaibigan mong si Yuri. How is he?" Tanung nya sakin. Si Yuri? "Ayos lang... Nasa Japan pa yata sila." Nag-nod naman sya. "Did he say something to you before he travel?" Meron ba? Wala naman, except sa inaya nya kong magpakasal. Umiling ako kay Kuya. "W-wala naman... Bakit?" Huminga sya ng malalim. Hinawakan din nya yung sintido nya. "Do you like him?" Hm? "H-ha?" Napapanu ba tong si Kuya? Nakakabigla sya! At bakit ba sya naging interesado kay Yuri? Mygudness! Hindi na nagsalita pa si Kuya Angelo. Dumating sila Tita Gema at Lola. Kasunod nila si Tito Julz. "Tara na. Tara na. Baka malate tayo." Sabi ni Tito at dumiretso sa garahe. Sumunod naman kami sa kanya. SUV yung sinakyan namin. Magkatabi kami nila Tita at Lola. Si Kuya Angelo ang driver at nasa tabi nya si Tito. "Saan po yung party'ng pupuntahan natin?" Tanung ko sa kanila. Walang sumagot sakin. Ngumiti lang si Tita at Lola pero umiwas naman ng tingin si Tito. Anung meron? Habang nasa byahe, nakatingin lang ako sa labas hangang sa may matanaw akong pamilyar na gusali. Yung building nila Yuri. Mukang dun rin ang punta namin. Huminto si Kuya sa tapat ng main entrance. Inabot nya yung susi ng kotse sa isang lalaki at sunod sunod na kaming nagbabaan. Entrance pa lang pamatay na. Ang laki ng chandelier. I wanna swing... Like a---huh?! Napakanta nalang ako bigla. Anu ba yan?! Huminto kami sa tapat ng elevator at hinintay na magbukas yun. Nakagitna ako sa kanilang lahat. Pagbukas ng pinto ng elevator pumasok na kami. Kami lang pasahero kaya kinuha ni Tita yung pagkakataon at nilabas yung face powder nya. Pinahidan nya ko sa muka tapos kumuha naman sya ng lip gloss at nilagyan ako sa labi. "Ayan! Maganda kana!" Sabi ni Tita. Yung hindi kana nakapalag at nakagalaw----ako yun eh! Sandali kaming tumahimik hanggang sa bigla nalang nagsalita si Lola. "Jay... Kahit na anung mangyari. Wag ka muna sanang magagalit samin. Pakinggan mo muna ang paliwanag namin." Sabi ni Lola. Medyo naguluhan ako dun sa sinabi nya. Magtatanung palang sana ako kung anu ibig sabihin nun kayalang bumukas na yung pinto ng elevator. Lumabas na sila'ng lahat kaya sumunod na ko. Naglakad kami sa hallway na pang-mayaman. Nangingintab kasi yung sahig, kita ko reflection ko. Ay nakikita ko yung short ko! Huminto kami sa tapat ng malaking pinto na may flower vase sa magkabilang side. Kinausap si Kuya Angelo nung parang crew at binuksan nun yung pinto. Isa lang ang masasabi ko. Bungga! Bukod sa ang daming tao, ang gaganda ng suot nila. Halatang mga saksakan ng yabang----yaman yung mga andito. Yan na naman yung chandelier. May mga naglalakihang round table sa gilid. Dance floor naman yung gitna para sa mga taong feel na feel ang music at gustong sumayaw. Hinatid kami nung crew sa table namin na medyo malapit sa stage. Andun na si Aries at Ella. Wow! Nauna pa sila... Uupo na sana ako ng may makita akong pamilyar na tao. Parang nakita ko si Keifer. "Jay..." Tawag sakin ng kung sino. Hinarap ko naman kung sino yun. Yuri! Lumapit ako sa kanya. "Nakabalik kana... Pasalubong ko?" Tanung ko habang nakalahad ang palad sa kanya. Tinawanan lang nya ako habang naghihimas ng batok. Yun na yung pasalubong ko? Tawa? "Happy new year." Sabi nya. "Sayo din... Pasalubong ko?" Pag-uulit ko. Tumawa na naman sya. Bigla nalang nyang kinurot yung pisngi ko. "Later." Sabi nya at naglakad palapit sa table namin. Susunod sana ako sa kanya pero may kamay na humawak at humatak sakin papunta sa gitna kung saan may mga nagsasayaw. Paghinto namin, sya namang hawak nya sa isang kamay ko at sa baywang naman yung isa. Sa sobrang gulat late ko na napansin na nagsasayaw na pala kami. Tinignan kong mabuti yung kaharap ko. Si Keifer ba to? Bakit ang gwapo nya'ng tignan ngayon? Pareho pa silang naka-toxido ni Yuri. "I know, i look handsome but no need to stare like that." Sabi nya at nag smirk. Ay kapal! "Yabang mo." Tinawanan lang nya ko. Napatitig nalang ako bigla sa kanya. Ayos na ayos kasi yung buhok nya. Hindi na nagulo kagaya dati at kita'ng kita ko yung hikaw nya. Ganda'ng ganda kasi talaga ako sa hikaw na suot nya. Marami namang kamuka yun pero yung suot nya yung pinak-gusto ko. "You look pretty." Sabi nya na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Pretty daw oh! Ahihihihi.. "Wala akong ipang-lilibre sayo. Nasa pautang pa rin pera ko." Sagot ko sa kanya. "Tss. You don't know how to accept compliment, do you?" "I know. Hindi lang ako sanay na marinig sayo yan." Bahagya syang tumawa. Totoo naman eh, hindi naman nya ko pinupuri. Baka kasi holiday ngayon kaya pinagbibigyan nya ko. "Anu nga pa lang meron sa party na to?" Tanung ko sa kanya. "You'll know later." Sagot nya at bigla nalang syang tumigil sa pagsayaw at binitiwan ako. Ngumiti sya sakin at lumakad paalis. Naiwan ako sa gitna. Bigla nalang namatay ang ilaw maliban sa spotlight sa stage at nagpalak-pakan ang mga tao. "Good evening ladies and gentlemen!" Sabi ng isang lalaki sa stage habang naka-mic. "...And Happy New Year!" Mabilis namang bumalik ng bati ang mga tao. "Thank you! Thank you!" Sabi nya at tinaas ang kamay para patahimikin ang mga tao. "...aside from celebrating New Year we are also celebrating Mister Yuri Hanamitchi's birthday!" Bigla nagpalakpakan ang mga tao at tumingin...sakin? Hm?! Pagtingin ko sa side ko, katabi ko na pala si Yuri. Ngumiti sya at kumaway sa mga tao. "Birthday mo pala?" Nag-nod sya sakin. "At exactly 12:30am of January 1." Cool! "We also would like to announce the partnership of Hanamitchi's and Fernandez's Corp!" Sabi ulit nung lalaki sa stage at panibagong palakpakan na naman. Fernandez? Sila Kuya Angelo yun ah. May ganun pala sila kila Yuri. Hindi kasi ako aware sa mga ganyan-ganyan nila. "...and as a symbol of there partnership we would like to announce Mister Yuri Hanamitchi and Jasper Jean Fernandez Mariano's engagement!" Gusto ko sana maki-palakpak. Pero may mali, pangalan ko yung binanggit nila at may kaduktong na engagement. Naguguluhan ako! Hinawakan ni Yuri yung baywang ko at bahagya akong inilapit sa kanya. Napatingin nalang ako sa kanya habang patuloy sya sa pag-ngiti at pagkaway sa mga tao. "Y-yuri... Anu ibig sabihin nun?" Taka nya kong tinignan. "Wala bang binanggit sayo sila Angelo?" Meron! Kaya nga nagtatanung eh! "Jay... This is a business deal between Angelo and Tanda. We're getting married." Sa sobrang pagkabigla, ayaw nagsink in sa utak ko ng mga sinasabi nya. Hindi ko na rin namamalayan yung nangyayari sa paligid ko. Late ko na napansin na kusa na pala akong naglakad palabas habang umiiyak. Pakiramdam ng pinagmuka kang tanga ng mga tao sa paligid mo. Ganyan ako ngayon eh. A-anu to? Bakit ganito? 

 

 

Chapter 125.02 New Year, new hm.. Jay-jay's POV

 

 Kung saan ako papunta? Hindi ko alam. Sinubukan kong dumiretso sa may restroom nila pero napaka-rami'ng tao. Naisip kong pumunta sa may elevator pero naka-abang si Yuri dun. Napilitan akong pumunta sa fire exit. Kayalang... Tang'na naman! Kung kelan feel kong mag-run away dun ko pa mapapansin na nasa 34th floor pala kami. Napa-upo nalang ako sa isang baitang ng hagdan. Dun ko na binuhos yung luha kong kanina ko pa pinipigilan. Sana panaginip nalang to. Sana hindi totoo yung mga narinig ko. Sana iba yung ibig sabihin nung sinabi ni Yuri. Ayoko pang magpakasal... Ayoko! "Jay..." Tawag ng kung sino. Agad kong pinunasan yung nga luha ko. Hindi ko na tinignan kung sino sya. Naupo sya sa tabi ko at iniabot sakin ang panyong hawak nya. "Iwanan mo muna ko Kuya." Pakiusap ko pero parang mas tunog nag-uutos yun dahil na rin siguro sa sama ng loob ko. "Noon ko pa sana ipapaliwanag sayo to pero hindi ako makakuha ng pagkakataon." Sabi nya. Tinignan ko sya ng may galit. Gusto kong ipakita at iparamdam sa kanya yung sama ng loob ko. "Bakit ako?! Oo, may utang na loob ako sa inyo! Pero hindi ibig sabihin nun na kontrolado nyo na lahat sakin!" Tinignan ako ng masama ni Kuya. Alam kong nakakabastos yung mga sinabi ko at tono ng pananalita ko sa kanya. "...Hindi nyo man lang hiningi ang opinyon ko!" Pagtutuloy ko. "Jay... Nakausap na namin ang Mama mo tungkol----" "At bakit sya ang kinausap nyo tungkol dito?!" Halos pasigaw kong sabi. Lalu akong naimbyerna ng marinig ko yung sinabi nya. "Dahil sya ang Nanay mo! Sya pa rin ang magulang mo!" Galit na sabi ni Kuya. Aaminin ko natatakot ako. Tuwing sumisigaw si Kuya dahil sa mga ginagawa ko, nanginginig ako. Anu pa ngayon seryoso'ng seryoso ang mga tingin nya sakin. Pero ayokong magpatalo! "Si Mama kinausap nyo, eh si Papa! Hiningi nyo ba permiso nya?!" Hindi sumagot si Kuya. Tumayo sya at akmang lalakad paalis. "Bakit ba sakin nyo ginagawa to?!" Galit na tanung ko at kasabay nun ang pagbagsak na naman ng luha ko. Huminto si Kuya at dinig ko ang malalim na paghinga nya. "Pamilya ka namin Jay... When Mister Yuori ask your hand for his grand child i said 'No'. Pero pagkakataon na ang gumawa ng paraan para matuloy yun." Mahinahong paliwanag ni Kuya. Humarap sya sakin at tinignan ako. "...I hope you understand. This is not just about the company, this is also about you. Maganda'ng buhay ang naghihintay sayo." "Pero kuya..." Sabi ko at lalung lumakas ang pag-iyak ko. "...ayoko. Gusto kong mag-aral. Gusto kong nagtrabaho. Gusto kong makuha yung mga bagay na gusto ko ng pinagtatrabahunan ko." "Gusto mo pala ng mga bagay na yan, sana inayos mo yung buhay mo!" Panunumbat nya. "Kasi nga.... Kailan ko lang nalaman na gusto ko yun!" Huminga ako ng malalim. "...Kuya!" "Jay-jay! Sundin mo ko! Pumayag na si Tita Jeana, matutuloy to sa ayaw at sa gusto mo!" Galit na sabi nya. Nag-echo ang boses nya sa buong fire exit, dahilan para kilabutan ako. Hindi ko na naitago yung takot na kanina ko nararamdaman. "Minsan ko ng nakasama si Yuri st wala akong nakikita'ng problema sa kanya." Dagdag nya. "Ayoko nga!" Sigaw kasabay ng pag-iyak ko. "Jay! Anu ba?!" "Hindi nyo na nga ako hinayaan na makita o makausap si Papa tapos ganito pa gagawin nyo sakin!" Sumbat ko dahilan para hawakan ako ni Kuya Angelo sa braso at tignan ng taimtim sa mata. "I don't want to hear that again from you! Matagal ka ng iniwanan ng Papa mo kaya wag mo na syang babanggitin pa!" Patulak akong binitiwan ni Kuya. Napasandal ako sa pader ng hindi sadya. Masakit pero mas masakit yung nasa loob ko. Pakiramdam ko wala na kong kontrol sa buhay ko. Para nalang akong manika na pinaglalaruan ng mga tao sa paligid ko. Galit na binuksan ni Kuya yung pinto ng fire exit at tuloy tuloy na naglakad. Naiwan akong nakasalpak sa sahig at patuloy sa pag-iyak. "Jay-jay, Apo!" Tawag sakin ni Lola kaya inangat ko yung tingin ko sa kanya. Naupo sya sa tabi ko at agad akong yumakap sa kanya. "Lola! Si Kuya..." Parang batang sumbong ko. "Ssshhh... Tahan na Apo. Magiging okay din lahat." Sabi habang hinihimas ako sa likod. "Ayoko po... Ayoko pa magpakasal..." "Alam ko yun..." Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Halos masira na yung ayos ng buhok ko. Nadumihan na rin yung damit ko pero hindi pa rin ako tumitigil. Hindi ko alam kung ganu na kami katagal ni Lola na naka-upo sa sahig. Tumigil lang ako ng maramdaman ko yung pagtuyo ng lalamunan ko sa kaka iyak. Pinunasan ni Lola yung muka ko'ng basa'ng basa ng luha at sipon. "Wag kang magalit kay Kuya mo... Iniisip lang nya yung makakabuti sa lahat." Sabi nya habang pilit inaayos ang buhok ko. "Sa lahat o sa kanya?" "Jay... Naririnig mo ba yung sarili mo? Nagiging sarado yung utak mo. Pakinggan mo muna kami." Tama si Lola kaya napayuko ako at tumahimik. Dahil sa galit ko naging sarado yung isip ko sa mga paliwanag ni Kuya. "Kapag kinasal kayo ni Yuri, maliligtas ang kumpanya nila Kuya at Tita mo. Magkakaroon ka ng maganda'ng buhay at may pagkakataon kapang makapag-aral sa ibang bansa. Baka matulungan ka din nila na maka-usap ang Papa mo." Paliwanag ni Lola. "Pero La... Panu yung kalayaan ko nun? Wala pa kong 20 pero nakatali na ko sa kasal. Panu yung mga gusto kong gawin?" Hinawakan ni Lola yung isang kamay ko. Hinimas-himas din nya yung pisngi ko. "Yung bagay na yun, kaya'ng kaya'ng ibigay sayo ni Yuri. Kung hindi mo napapansin pero gusto ka nya at kita ko sa mga mata nya na gagawin nya lahat maging masaya ka lang." Kung hingin kong itigil nya yung kasal?! "...Pag-isipan mong mabuti." Dagdag ni Lola bago tumayo. Tumayo na rin ako. Pinagpag ko yung damit ko'ng nadumihan na ng kadramahan ko. Lumakad na kami paalis ng fire exit. Sinalubong kami ni Tita na halata'ng nag-aalala. "Jay... Saan ka nagsuot? Ang gulo na ng ayos mo." Sabi nya at pilit inilagay sa ayos yung head band ko. "Bumalik na tayo sa loob, hinahanap na tayo ng pamilya ni Yuri." Utos ni Kuya na mukang kanina pa rin kami hinihintay. Inayusan muna ko ni Tita kahit sandali. Nilagyan ng face powder at lip gloss ulit. Ng matapos pumasok na kami sa loob. Bumalik kami sa table namin kanina kung saan kausap ni Tito Julz si Yuri. "Hey..." Bati nya sakin. Nagpilit lang ako ng ngiti. "Sorry kung nabigla ka sa mga nangyari. It's not my intention----" "Okay lang Yuri." Putol ko sa sasabihin nya. Tinignan nya ko sa mga mata. "If you don't want this engagement, i will talk to them right now." Agad na-alarma si Kuya. Sinubukan pa nyang lumapit samin pero hinarangan sya ni Tito Julz. Gumanti ako ng hawak sa kamay ni Yuri. Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko. "Yuri... O-okay lang. I will marry you." Halos pabulong kong sagot. "T-totoo? You accept my proposal?" Hindi makapaniwalang tanung nya sakin. Tipid na tango lang ang sinagot ko sa kanya. Bigla nalang nya kong niyakap. Hindi na ko nakagalaw sa pagkabigla. "You don't know how happy i am." Bulong nya sakin. Binitiwan nya ko at hinalikan sa noo. "Sasabihin ko lang to sa parents ko." Paalam nya at naglakad na paalis. Tumingin ako Kuya. "Masaya kana?" Hindi sya sumagot umiwas lang sya ng tingin. Napatingin ako kay Aries, halata'ng hindi sya natuwa sa desisyon ko. Bigla nalang syang nag-walk out at agad namang sumunod si Ella sa kanya. Kahit ako hindi masaya sa desisyon ko. Hindi ako sigurado kung tama ba to. Tama naman kasi si Lola at isa pa, gusto ko din naman si Yuri pero.... Si Keifer. Kusa nalang hinanap ng mga mata ko si Keifer. Nasa bar sya at umiinom na naman ng alak. Nakatingin sya sakin ng walang reaksyon. Ngumiti ako sa kanya pero inirapan nya ko. Napayuko nalang ako. Sa totoo lang may kakaiba sa tingin nya. Hindi ko masabi kung anu pero hindi yun yung karaniwang binibigay nya sakin. Nagpaalam ako kila Tita na mag-babanyo muna. Hinayaan naman nila ko. Pagdating dun, may dalawang babae ang panay ang kasatan sa harap ng salamin. Mukang matanda sila sakin. Naglalagayan sila ng lipstick at eyebrow. Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso sa cubicle. Pagka-upo na pagka upo ko narinig ko agad ang pangalan ko sa kanila. "Kilala mo ba yung Jasper Jean? Yung fiancé ni Papa Yuri." Sabi nung isa. "Hindi... Nawala na pagdating ko." "Hindi naman maganda. Mainarte pa, patakbo-takbo pang nalalaman." "Kung ayaw nya kay Papa Yuri, sakin nalang." Sagot nung isa at nagtawanan sila. Ewan ko, pagod na pagod yung katawan ko. Tapos nay maririnig pa kong ganito. Lumabas na ko ng cubicle at dumiretso sa lababo para maghugas ng kamay. Kahit hindi ko sila tignan alam kong pinagtatawanan nila ko at pinagbubulungan. Tang'na! B*tch mode: On! Tinignan ko sila sa reflection ng salamin. Nagawa pa nila kong pagtaasan ng kilay habang tinitignan mula ulo hanggang paa. "Yeah, i'm not that pretty... Pero sakin parin ang bagsak ni Yuri." Sabi ko at nag-smirk. Naglakad na ko paalis. "Goodbye, b*tches!" Sigaw ko bago tuluyang makalabas ng restroom. Hindi ko talaga ginagawa yun, kayalang nagpatong-patong na yung nararamdaman ko. Feel kong manapak! Pabalik na sana ako ng bigla'ng dumaan si Keifer sa harap ko. Hindi man lang nya ko tinignan. Tuloy-tuloy sya at huminto sa tapat ng elevator. Pipindutin na sana nya yung buton pero bigla syang huminto at dahan-daha'ng tumingin sakin. Napatigil nalang ako bigla. Yan na naman kasi yung kakaibang tingin nya. Parang meron sya'ng iniisip. May ilang sandali pa kaming nagtitigan. May kung anu sakin na nag-uutos na lumapit ako sa kanya. Hahakbang na sana ako pero umiwas ng tingin si Keifer at tinuloy na nya yung pag-pindot dun sa buton ng elevator. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Bakit nga ba ako lalapit sa kanya? Wala namang dahilan para kausapin ko sya. Tumalikod na ko at naglakad pero hindi pa ko nakakalayo ng may bigla'ng humawak sa braso ko at tuloy-tuloy akong hinatak papasok ng elevator. "K-keifer." "Gusto mo ba si Yuri?!" Tanung nya sakin. Napatitig nalang ako sa kanya. Nakakabigla kasi yung nga pinag-gagawa nya. Idagdag pa yung mga pinag-tatatanung nya sakin. "Gusto mo ba sya?!" Pag-uulit nya. "Keifer... A-anu----" "If you won't answer me i will kiss you!" 

 

 

Chapter 125.03 New Year, New hm Jay-jay's POV

 

 Panu ako magsasalita? Panu ako sasagot sa tanung nya? Hindi pa man din bumubuka yung bibig ko para magsalita, nakadikit na yung labi nya sa labi ko. Sinubukan kong pumalag pero hinawakan nya yung dalawang kamay ko at dinikit sa pader ng elevator. Iniwas ko yung muka ko pero sumusunod lang sya. Hindi ko alam kung ganu na kami katagal na ganun. Huminto sya para maghabol ng hangin at kinuha ko yung pagkakataon na yun. "KEIFER! BITIWAN MO KO!" Galit na sigaw ko sa kanya. "Then answer my question." Mapang-asar nyang sagot sakin. Sobrang lapit nya, amoy na amoy ko yung alak sa hininga nya. Hindi ko alam kung lasing na sya o anu. "Panu ako sasagot kung----" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Nakadikit na naman yung labi nya sa labi ko. Tongono nomon! Humiwalay ulit sya at tinignan ako ng may halong pang-aasar. "Next time, don't put lip gloss. It's tempting me to kiss you." Sabi nya at nag-smirk. Okay, lasing na sya. Lasing na talaga sya! "TANG'NA KEIFER!" Sigaw ako at mas lalong lumapad ang ngiti nya. "Profanity!" Putik naman! Hahalikan na naman sana nya ko ulit ng bigla'ng tumunog yung bell ng elevator. Binitiwan nya ko pero nakaharap pa rin sya sakin at nakasiksik kami sa sulok. Bumukas yung pinto ng elevator at tuloy-tuloy na pumasok yung mga tao. Sa dami nila, nagmuka kaming sardinas sa loob. Nakita ko pa si Yuri kaya agad akong nagtago. Pilit akong sinisiksik nitong Hari ng mga Ulupong kaya tinignan ko sya ng masama. Napahawak na sya sa pader ng elevator sa kawalan ng balanse dahil sa mga tao. "Excited na ko sa fireworks." Dinig kong sabi ng isa sa kasama namin sa elevator. Fireworks?! Pakshit! Anung oras na ba?! Inabot na kami ng new year dito sa elevator. Pisti kasi tong impakto'ng kumag na to! "You owe me a kiss." Bulong ni Keifer na nagbigay ng kilabot sakin. Ang ending may utang pa kong halik sa kanya. Langya! Kahiya naman sa ginawa nya sakin. Bumukas yung pinto ng elevator. Bigla nalang naglakad si Keifer palabas kasabay ng mga tao. Naiwan akong nakatanga sa sulok ng elevator. Napasandal nalang ako sa panghihina. Nakaka-gago naman kasi! "Jay-jay?" Tawag ng kung sino. Napa-diretso ako ng tayo. Inayos ko din yung damit ko. "Andyan ka lang pala... Kanina ka pa namin hinahanap." Sabi sakin ni Yuri. Naglakad ako palapit sa kanya. Dun ko lang napansin na nasa rooftop pala kami. Halos katabi lang ng mismong bahay nila Yuri na nasa rooftop din. Mababa lang yung mismong kinalalagyan namin kesa sa pwesto ng bahay nila. "N-nakita ko kasing nagpunta dito yung mga tao kaya sumunod na ako." Palusot ko. "Ahh.. buti naman. Kasi andito na rin sila Kuya mo." Sabi nya sabay turo sa pwesto nila Kuya. Nag-nod lang ako sabay pilit ng ngiti. "Let's go?" Tanung nya sabay alok ng braso nya sakin. Medyo matagal bago ko maisipang hawakan yun. Nag-aalangan pa ko pero ginawa ko pa din. Inalalayan nya ko sa paglalakad. Paglapit namin kila Lola, napansin ko agad yung kausap nila. Parents ni Yuri! "Andito na sila..." Sabi ni Tita. Bumitaw ako kay Yuri at lumapit sa kanila. Inayos ni Tita sandali yung buhok ko na malamang sa nagulo dahil sa animal na yun. "Jay..." Tawag sakin ni Yuri. "...I want you to meet your future in laws." Sabi nya habang inaakbayan ang Mama nya. Salamat sa fb post ni Yuri nung pasko at nakilala ko sila. "Otosan is right. She's pretty." Sabi nung Papa nya. Gusto ko sana'ng kiligin at magpabebe sa harap nila pero wala ako sa mood. Nagpilit nalang ako ng ngiti. "T-thank you po." Sabi ko. Napatingin ako sa Mama ni Yuri na titig na titig sakin. Para bang binabasa nya ng mabuti yung itsura ko. Hindi ko maiwasan na hindi mailang. "Hahaoya?" Sabi ni Yuri sa Mama nya na hindi ko alam ang ibig sabihin. "Pamilyar ka sakin." Sabi sakin ng Mama nya. "...Hindi ba ikaw yung kahalikan ni Keifer sa elevator kanina?" Nanigas ang katawan ko. Pinilit kong hindi mag-react kahit lahat sila nakatingin sakin at naghihintay ng sasabihin ko. "How come?" Tanung Yuri. "I try to catch the elevator before the door close, but i saw Keifer inside making out with a girl." Paliwanag ng Mama nya. "Panu mo naman nasabi na si Keifer yun?" Tanung pa ng Papa ni Yuri. "What kind of question is that? It's Keifer... Halos satin na sya lumaki kaya kilala ko na kahit kuko pa lang nya." Napatingin ako kay Kuya Angelo na kasalukuyang umiinom ng alak. Masama ang tingin nya sakin na parang nagsasabi ng 'Mag-uusap tayo mamaya!'. "Oh wait! Forget what i said. Napagkamalan lang kita. Akala ko kasi iisa ka lang na naka-white dress dito." Sabi ng Mama nya sabay turo kay Keifer na may kinakalantari na nama'ng babae'ng naka-white dress din. May hawak pa syang baso na may alak. Panay ang tawa nung babae at ngiti'ng ngiti naman ang luko. Animal! Ang landi talaga ng impakto'ng to. Matapos akong *bleep* kanina sa elevator tapos eto na naman sya. Putnam! Tengene'ng susunugin ko na talaga mga dress ko sa kabinet. Kingina! Nakaka imbyerna tong Hari ng mga Ulupong na to. "Wait lang ah?" Sabi nung Mama ni Yuri at bigla nalang lumakad palapit kay Keifer. Akala ko kung anu'ng gagawin nya, medyo nagulat pa ko ng hatakin nya sa tenga yung Hari ng nga Ulupong. Kita ko yung inis at sakit sa pagmumuka ni Keifer pero wala syang magawa. Huminto sila harap namin at pilit itinabi si Keifer kay Yuri. "Aw..." Bulong ni Keifer habang hinihimas ang tenga nya. "Honey... Hindi mo naman kailangang hatakin si Keifer ng ganun." Sabi nung Papa ni Yuri. "Gusto ko lang... Pasaway kasi ang batang yan." Nakangiting sagot nung Mama nya. "Ikaw yung Keifer?" Biglang tanung ni Lola at tinignan ako. "...Gwapong bata din pala." Bulong nya sakin. Pinandilatan ko ng mata si Lola. Ngayon pa talaga nya naisipang sabihin sakin yun. Feeling ko naniwala talaga sya sa sinabi ni Ci-N na si Keifer nga ang boyfriend ko. "Yeah... And i guess, kayo po Mama ni Jay-jay." Sagot ni Keifer kay Lola. "Hindi... Ako Lola nya." "Talaga? But you look to young to be a grandmother." Pambobola ni Keifer. Putik! Talandi talaga ang luko. Pati Lola ko binola pa. Agad namang namula si Lola sabay hawak sa pisngi nya. "Nahiya naman ako sa sinabi mo." Sabi ni Lola. Ay... Feeling teenager. "Ang aga naman atang alak nyan Keifer?" Bati nung Papa ni Yuri sa hawak nya. "I'm just enjoying the night." Sagot nya sabay inum. "Asan nga pala si Keigan and Keiren?" Singit ni Yuri. "Nasa bahay... Ayaw nila ng ganitong Party. Mas gusto nila'ng matulog." I feel them... Mas masarap talaga'ng matulog. Lalu sa sitwasyon ko ngayon. Tapos wala ng gisingan. "Andito pala si Aries?" Puna ng Mama ni Yuri ng makita'ng palapit samin si Aries at Ella. "...Look at the three of you. Mga binata na kayo. Samantalang dati lagi kami'ng nakiki-usap kay Angelo para disiplinahin kayo." Yung bigla'ng naging awkward. Umiwas ng tingin si Keifer at bigla nalang napa-yuko si Yuri. Nagtinginan naman si Ella at Aries. "...Sayang nga lang, wala na si Percy." Dagdag pa nito na lalung nagpabigat ng pakiramdam namin. "Sayang talaga, right Aries?" Sabi ni Keifer dahilan para magsalubong ang kilay ni Aries. Nagtinginan kami ni Yuri. Para kasing nanadya ang isang to. Naghahanap yata sya ng away. Hindi ko alam kung hanggang kelan namin itatago kay Aries na buhay si Percy at ilang beses na syang nagpapakita sakin. Binalik ko yung tingin ko kay Keifer at hindi nakaligtas sakin yung titig nya kay Ella. Sa hindi ko maintindihan na dahilan, napatingin ako kay Ella na nakatitig din sa kanya. Parang may kung anung sumakit sa dibdib ko. Nakaramdam ako ng bigat. Huminga ako ng malalim para mawala pero ganun pa din. "Kuha lang po ako tubig." Paalam ko kila Tita. Nag-nod naman sila at hinayaan akong lumakad paalis. Lumapit ako sa isa sa mga waiter para manghingi ng tubig. Habang hinihintay yung waiter hindi ko maiwasan na hindi sila tignan. Hindi ko maintindihan si Keifer, kung bakit ginagawa sakin yun. Halata naman na si Ella pa rin talaga. Nasasaktan ba ko?! Hindi naman dapat ako nakakaramdam nito. Bakit ganito? Bumalik yung waiter at binigyan ako ng tubig. Pagka-inom daig ko pa yung elepanteng uhaw na uhaw. Pakiramdam ng sobrang tuyot na lalamunan. "Easy..." Komenton ng kung sino. Tinignan ko ng masama yung waiter sa pag-aakalang sya yung nagsalita. Taka nya kong tinignan pero agad syang tumingin sa likod ko dahilan para tumingin din ako. Sapakin ko kaya to? Nakangiti pa sya sakin bago iabot sa waiter yung hawak nyang baso. Ibinigay ko din yung hawak ko at akmang lalakad paalis pero hinawakan ako ni Keifer sa braso. "Hey... What's wrong with you?" "What's wrong with you?!" Balik kong tanung sa kanya. Tinawanan lang nya ko. Hindi kaya naluto na sa alak ang utak nito? Ang lakas ng tama. Binitiwan nya ako at hinayaang umalis pero humakbang ang nga paa ko palayo sa kanya. Hindi ko alam kung anu yung nagtulak sakin pero... "Why are you doing this to me?" Seryosong tanung ko. "Hm?" "Hindi kasi kita maintindihan... Ang landi mo kasi. Nilalandi mo ko, tapos iba naman pala talaga yung gusto mo." Mahinahong sabi ko. Naging seryoso yung itsura nya. Umiwas sya ng tingin at parang nag-alangan kung sasagot pa. "LET THE COUNT DOWN BEGIN!" Sigaw ng kung sino sa mic. Umandar yung malakign digital clock na naka-projector sa screen sa isang bahagi ng rooftop. May 30 seconds nalang bago ang new year. "I'm not 'Malandi'. Manhid ka lang talaga kaya hindi mo makuha yung gusto kong iparating." Sabi ni Keifer dahilan para magsalubong ang kilay ko. "Hindi ako manhid. Ayoko lang mag-assume. Kagaya nya'ng ginagawa mo. Kung iisipin ko na gusto mo ko, tapos hindi naman pala. Anu ending?" "What if 'isipin mo na gusto kita, tapos tama naman pala. Anu ending?'" Natigilan ako. Anaknang... "See... Your too scared to assume, kahit sinasampal kana ng katotohanan." Sabi nya at nag-smirk. Napalunok nalang ako. Parang umurong yung tapang ko kanina. Isama na rin yung yabang ko sa pagharap at pagsabi sa kanya na 'malandi' sya. "10 SECONDS!" Sigaw ng mga tao. "You keep thinking that i'm still in love with someone else. So you close your mind to accept the fact that i might really like you." Sabi nya at humakbang palapit sakin. Napaatras nalang ako ng di-oras. "9!!" "B-bakit? M-mali ba ko?" Mayabang kong tanung sa kanya kahit parang umuurong na ang dila ko. "8!!" "What if 'oo' ang isagot ko sa tanung mo?" Sabi nya at muli namang humakbang. Napaatras na naman ako. Pakshit! "7!!" "Since you started it... I'll clear things between us now." Sabi nya at ngumiti. "6!!" "A-anu'ng..." "5!!" "Stop thinking that i'm still inlove with someone else. Start thinking that i really like you---no! That i love you to be exact." Jusme! Y-yung puso ko! "4!!" "K-keifer..." Tinignan ko yung mga tao. Lahat sila naka-tingin sa langit at nag-aabang ng foreworks. Pati sila Kuya at Yuri, kaya pala walang nakakapansin samin. "3!!" "Wala na... Wala ng Ella." Sabi nya dahilan para tumingin ako sa kanya. "2!!" "...Kasi, ikaw na." "1!! HAPPY NEW YEAR!" Nawalan na ko ng chance na makasagot. Hindi ko na nasabi yung mga gusto kong sabihin. Para ako'ng nawala sa sarili nung marinig ko sa kanya yun. At mukang nawala talaga ako sa sarili. Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa loob ng restroom at... Shutang'names! ...malalim na tumutugon sa halik ni Keifer.

Post a Comment

0 Comments

Post a Comment (0)
3/related/default