Introduction
"Desperada. Mukhang pera.
ilan lamang sa masasakit na salitang pikit mata na lamang
tinatanggap ni Karen.
Maging ang malamig na pakikitungo ng kanyang asawang si
Simon kasama narin ang pisikal at emosyonal na pananakit nito sa kanya.
Si Simon na kanya raw "Pinikotl'para mapilitang sya
ay pakasalan para maging asawa.
Kinakaya ni Karen ang lahat lalo na ng isilang nya ang
kanyang anak.
Ramdam nya ang malamig ding pagtingin ng asawa sa sanggol
na kanyang iniluwal.
Masakit man para sa isang Ina ang isiping hindi tanggap
ang kanyang anak.
Ngunit pilit paring lumalaban si Karen dahil alam nyang
hindi sya nag-iisa.. Dalawa na sila ng anak nya..
Ngunit hanggang saan at kailan ka lalaban kung maging ang
anak mo ay na nadadamay na sa kaguluhan?"
Chapter 1
"Pakakasalan mo si Karen sa ayaw at sa gusto mo Simon Andres. Ikahihiya ka ng iyong Lolo at ng iyong mga magulang sa oras hindi mo panagutan ang babaeng iyong nagalaw," wika ni Senyora
Loreta sa kanyang panganay na apong lalaki.
Wala akong narinig na tugon mula kay Senyorito ngunit batid ko ang kanyang abot langit na pagtutol sa nais mangyari ng kanyang Lola.
Si Senyorito Simon Andres Sto.Domingo ay ang tagapag-mana ng Hacienda Sto.Domingo at ng Iahat ng pagmamay-ari ni Senyora Loreta na matagal ng biyuda ni Senyor Andres
Sto.Domingo. Sabay nam ang binawian ng buhay sa isang car accident ang mga magulang ni Senyorito Simon kaya naiwan sila ng kanyang nakababatang kapatid na babae sa pangangalaga ng kanilang 1.01a Loreta. Wala na kasing ibang anak si Senyora Loreta at si Senyor Andres maliban sa Arna ni Senyorito.
Kaya naman batid ko kung gaano pinahahalagahan at minamahal ni Senyorito ang
kanyang Lola Loreta na siyang tumayong ina at ama simula ng maagang namayapa ang kanyang parehas na magulang.
Nakahalukipkip sa isang sulok ng kama at mahigpit na hawak ang kumot na tumatakip sa aking hubad na katawan. Yukong-yuko at sumasakit ang ulo habang pinipilit alalahanin ang mga pangyayari naganap kagabi. Ngunit kahit anong gawin ko ay wala talaga akong maalala. Basta pagmulat ng aking mga mata ay narito ako sa ibang kwarto at napasigaw sa gulat sapagkat katabi ko na si Senyorito na himbing na himbing sa pagtulog habang nakayakap pa sa aking bewang at parehas kaming walang kahit na anumang kasuotan sa katawan at ramdam na ramdam ang pananakit na sumisigid sa aking katawan lalo na doon sa gitnang parte na nasa pagitan ng aking mga hita. Pakiwari ko ay may kung anong delubyong dumaan sa katawan ko na para bang binugbog at latang-lata.
Anong nangyari? Paanong may nangyari? Hindi talaga alam!
Matay mang isipin ay wala akong maala-alang kahit ano!
Kahit isang anag-ag man ng kahit anong naganap kagabi ay blangko sa isipan.
Tanging naalala ko Iam ang ay tumutulong
ako sa paglilinis ng buong mansyon kahapon at ng sumapit ang dapit-hapon ay dumating si Senyorita Selene na bunsong kapatid ni
Senyorito Simon at nakipagkwentuhan pa sa akin na lubos kong ipinagtaka sapagkat sa ilang taon ko rito sa mansyon na naglilingkod ay noon lamang siya naging magiliw sa akin.
Si Senyorita Selene ay halos kaedaran ko lamang ngunit malayong-malayo ang kanyang modernang itsura kung ikukumpara sa probinsyanang kagaya ko. Madalas ko naman siyang batiin kapag nagkikita kami dito sa mansyon ngunit kahit kailan ay wala akong matandaang bumati siya pabalik o kahit pagtugon man lang ng isang ngiti. Kaya naman laking pagtataka ko ng sa mga oras na iyon ay naging magiliw siya sa akin na para bang kay tagal na naming magkakilala. Kinamusta niya pa ang aking pag-aaral at kung ano na ang kalagayan ng kalusugan ni Nanay sa ospital At pagkatapos? Wala na akong maalala!
Kaya ano ang sitwasyong ito?
Anong nagawa ko?
Ano na lamang ang sasabihin ko kay Nanay oras na malaman nya ang pangyayaring ito. Paano ko ipapaliwanag na wala akong alam dahil wala naman akong maalala.
llang buwan ng nakaratay si Nanay sa pribadong ospital na pagmamay-ari ng mga pamilya Sto.Domingo. Na-comatose siya matapos ma-aksidenteng mabangga ng isang lasing na driver na lulan ng kotse ang tricycle kung saan siya nakasakay pauwi sa mansyon galing sa pamamalengke. Nabagok ang ulo ni Nanay na siyang naging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay.
Nasa piitan na ang iresponsableng driver sa tulong na din ni Senyora Loreta. Nakapagbayad din naman siya ngmalaking halaga sa nagawa niyang kapabayaan.
Ngunit kaya bang pagalingin si Nanay ng halagang kanyang ibinigay?
Kaya bang ibalik ang dating sigla at malusog na pangangatawan ng pera?
Kaya bang tumbasan ng halaga ang oras upang hawiin ang lungkot at palitan ng masasayang ala-ala ang mga araw na hindi kami magkasama ni Nanay?
Si Nanay na lamang ang meron ako dahil wala naman akong kinagisnang Tatay mula ng isilang at magkaroon na ako ng muwang dito sa mundo. Ayon sa kwento ni Nanay, nawala na lamang na parang bula ang aking ama ng kanya na akong pinagbuntis at wala na siyang anumang
naging balita mula ng araw na ito ay umalis.
Kaya naman nagsumikap si Nanay na palakihin akong mag-isa. Naroon ang pasukin niya ang ibat-ibang trabaho gaya ng paglalabada, paglalako ng iba't-ibang paninda. Naranasan niya rin ang mangalakal ng basura para may ipambuhay lamang sa akin. Kaya itinatak ko sa puso at isipan ko na susuklian ko sa pamamagitan ng pagigingmabuting anak kay Nanay ang kanyang mga ginawa para sa akin. Hindi nga ako nakikipagbarkada o nakikipag socialize dahil tutok ako sa pag-aaral para makatapos ng matiwasay at matumbasan ang bawat pagpatak ng pawis, pagod at sakrispiyo ng aking pinakamamahal na Ina.
Pero ano itong ginawa ko? Ano ang iginante
Kay Senyora Loreta?
Hindi ko alam kungpaano ko siya haharapin at kakausapin lalo sa bagay na ito. Sinusuportahan niya ako sa pag-aaral at tinulungan sa pagpapagamot kay Nanay tapos ngayon malalagay ako sa sitwasyong ito?
Makikita niya lamang akong walang saplot sa katawan sa ibabaw ng kama sa isang kwarto pa ng lalaki.
At higit sa lahat ng kanyang APO!
Si Senyorito Simon!
Paanong nagawa sa akin ni Senyorito Simon ang bagay na ito?
Paano niyang nagawang lapastanganin ang pagkakababae ?
Ang buong pagkatao ko?
Hinahangaan ko pa naman siya sa kanyang kababaang-loob at pagiging mabuti sa lahat ng mga trabahador ng hacienda.
Kaya hindi ko lubos-maisip na magagawa nya sa akin ang bagaya na ito.
At isa pa, ano na lang din ang mukhang ihaharap ko kay senyorita Daphne na limang taon ng karelasyon ng Senyorito?
At sa pagkakaalam ko ay engaged na silang dalawa.
Napaiyak na lamang ako sa naghuhumiyaw na katanungan sa aking magulong isipan dahil wala talaga akong maalala kung bakit at paanong may nangyari sa amin ni senyorito.
"liwan ko na kayongdalawa para makapag-usap kayo ng masinsinan at paasikaso ko na sa lalong madaling panahon ang mga dapat ayusin sa pagpapakasal ninyo."
Mga salitanginiwan ni Senyora bago ko narinig ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng silid ngunit hindi ko talaga maitaas o maiangat man lamang ang aking ulo. Hindi ko alam kung dahil sa kahihiyan o dahil sa wala na talaga akong maiharap pang mukha sa kanya.
Naiwan kaming dalawa ni Senyorito Simon sa loob ng silid.
Dinig ko ang mabilis na pagtambol ng aking dibdib na para bang nais ng lumabas sa aking lalamunan.
Parehas kaming walang kibuan ni Senyorito. Hindi ko naman din alam kung ano ang sasabihin ko.
Kung saan ako magsisimula.
Nais kong magtanong ngunit wala akong maapuhap na kahit anong salita.
"Ganito ka ba ka-desperada?" kalmado ngunit may laman ang katanungang nagmula sa kanya.
Kaya naman napa-angat ang aking mukha at sinalubong ang kanyang malarnig na titig.
"Sana nagsabi ka na langsa akin kung magkano ang kailangan mong pera at ng hindi umabot sa ganito?" dugtong niya. Napatingin ako sa kanya habang
naguguluhan.
Ano ang kanyang nais pakihulugan?
Malamig ngunit kababakasan ngdilim ang kanyang mukha habang nakikipagtitigan sa akin na tila sinusuri ang bawat sulok ng aking pagkatao.
Ako ang unang umiwas ng tingin sapagkat hindi talaga makayanan ng utak ko ang kahihiyang kinasasangkutan sa kasalukuyan.
Nagtataka naman ako kung bakit tila naumid ang akingdila. Nakalimutan ko na kung paanong magsalita dahil gusto kong itanong kung ano ang ibig niyang sabihin sa kanyangtinuran ngunit nanatilingtikom ang aking bibig. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa kabilang side ng kama.
Awtomatikong napaiwas ang aking mga mata sapagkat wala man siyang kahiya-hiyang tumayo ng walang kahit anongsaplot sa katawan. Naglakad at humugot ng kung anong damit mula sa built in cabinet at nagderecho sa loob ng sariling banyo nitong kanyang silid.
Narinig ko ang malakasna paglagaslas ng tubig mula sa banyo. Marahil ay naghihilamos na o kaya aya naliligo na si Senyorito.
Kaya naman sinamantala ko na ang
pagkakataon at dahan-dahan akongtumayo.
Ramdam ang sumisigid na kirot at hapdi sa aking pribadong katawan pero hindi ko na inintindi pa.
Luminga-linga pa ako para hanapin ang aking kasuotan. Hindi naman ako nabigo na mahanap sa ibat-ibang parte nitong silid na tanging piping saksi sa kung ano ang nangyari sa pagitan namin ni Senyorito. Mabilis akong nagbihis at hindi na inalam kung baligtad o tama ang pagkakasuot ng aking pagkakasuot at madaliang nilisan ang silid sa takot na maabutan pa ni Senyorito Simon.
Ngunit napaisip akong muli sa kanyang mga sinabi kanina.
Desperada? At anong ibig sabihin niya na dapat nagsabi na lamang ako kung magkano ang kelangan kong pera?
Nais niya bang palabasin na gusto ko siyang perahan dahil lang sa may nangyaring sekswal sa aming dalawa?
Totoong kailangan ng pera sa pagpapagamot ni Nanay pero hindi ko kailanman naisip na gumamit o manloko ng kapwa. Lalong-lalo na ang gamitin ang aking katawan.
Napasalampak na lamang ako sa sahig ng aming munting bahay ng makarating ako sa gin awa kong paglakad-takbo.
Pakiramdam ko hinang-hina ako.
Hindi ko na nga alam kung ano ba ang mayroon bukas dahil sa kalagayan ni Nanay at ngayon nga ay dumagdag pa ang pangyayari ngayong araw.
"Kung bangungot man po ito.
Pakiusap PO, gisingin ninyo na po ako." Patuloy na pagsusumamo ng munting tinig sa 100b ng aking isip.
Ano na ang mangyayari ngayon?
Napaiyak na lamang akung muli sa sitwasyong aking kinasasadlakan.
"Nay, please gumising na kayo. Kailangan ko po kayo Nay. Pakiusap, gumising na po kayo." lumuluha kong dalangin habang mariing nakapikit ang aking mga mata.
Mahirap pala talaga ang nag iisa ka.
Walang kasama, makausap at karamay. At tila wala man lamang kahit isang nagmamahal.
Chapter 2
"Desperadang mukhang pera."
Napatigil ako sa mabilis na paglalakad ng marinigng mga salita buhatsa umpok ng mga kababaihan na mga kapwa ko estudyante sa Unibersidad kung saan na sa pangalawang taon pa lamang ako sa kursong aking kinukuha.
"Kawawa naman baka kasi wala ng pagkuhanan ng pera kaya ginamit ang katawan.ll At sabay-sabay silang nagtawanan.
Ang tunog ng tawa nila ay ang sakit sa tenga.
Wala silang binabanggit na pangalan pero ilang beses ko na silang naringgan ng ganung mga salita sa tuwing madadaanan ko sila.
Imposible ba na isa lamang ang topic nila sa tuwing pwede kong marinig ang anumang kanilang pinag-uusapan?
Naikuyum ko ngmahigpit ang aking mga palad at ipinikit ng mariin ang aking mga mata at saka nag buntong-hininga ng malalim at ipinagpatuloy ang deretsong paglakad patungo sa aking silid-aralan at hindi na lamang nagpa-apekto sa mga pagpaparinig nila.
Kahit sa 100b ng mansyon kungsaan na ako nakatira ngayon ay madalas kong mahuling nag uumpukan ang mga kasambahay o kaya ang mga trabahador sa bukid habang may mahinang bulungan ngunit agad namang magsisitigil kapag nakita na nila ang aking presensiya. Kaya hindi ko maiwasang manliit sa aking sarili.
Wala naman akong ginagawang masama ngunit daig ko pa ang isang inaakusahang kriminal kung kanilang husgahan.
Batid ko ang kanilang iniisip patungkol sa akin dahil minsan ay narinig ko ng hindi sinasadya ang isa sa mga kasambahay ng mansyon na nagsasalita ng mga hindi kanais-nais na paratang laban sa akin.
Desperada at lahat gagawin para sa pera kaya pinikot ang tagapagmana ng hacienda.
Pero alam ng nasa Itaas na hindi ako ganung klaseng tao.
Isang linggo na ang lumipas ng maikasal ako.
00, tama. Kasal na ako.
Simpleng kasalan lamang ang naganap dahil madalian. Nais sana ng Senyora Loreta ng isang malaki at bonggang kasal ngunit turnanggi ang senyorito sa ideya na kung tutuusin ay siya
rin naman na nais ko.
Sabi nila, masaya ang araw ng kasal.
Pero mukhang hindi aplikado sa tulad ko. Bukod sa wala ang pinakamahalagang tao sa buhay ko na walang iba kundi si Nanay.
Hindi ko pa gustong ikasal.
Disi-otso pa lamang ako.
Hindi pa nga ko nagkaroon ng kasintahan o kahit ng manliligaw man lang.
Higit sa lahat.
Paano ko magiging masaya kung nakasira ako ng isang magandang relasyon na ilang taon na any binilang.
Feeling ko isa akong kontrabida sa teledrama na nang-agaw ng kasintahan ng may kasintahan.
Sinubukan kong magpaliwanag kay
Senyorita Daphne tungkol sa pangyayari ngunit isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi
"Mang-aagaw! Akala ko pa naman mabuti kang babae pero ahas ka pala." kalmado ngunit ramdam ko ang galit sa tinig niya ng mga sandalingiyon.
Ramdam na ramdam ko ang kanyang
pagptitimpi sa kung anumang nararamdaman. Wala akong nagawa kundi umiyak na lamang dahil hindi ko naman alam kung paano ko dedepensa dahil hanggang ngayon ay wala akung maalala sa nangyari samen ni Senyorito Simon nung gabinfgyun.
"Wala ka na sigurong maisip na paraan para ipantustos sa pag aaral at pampagamot sa Nanay mo kaya nagawa mong pikutin ang nobyo." nanlilisik ang mga matang paratangsa akin ni Senyorita Daphne.
"Senyorita Dapnhe hindi totoo yan. Wala talaga akong alam kung paanong nangyari yun.l' At naramdaman ko ang sakit ng humigpit ang anit ko sa pagsabunot niya sa buhok ko.
"Sinungaling! Alam mong malakas ka kay Lola Loreta na siyang ginamit mo para makaahon ka nga naman sa hirap. Instant Yaman nga naman." Pagkatapos niyang sabihin ang kanyang mga kataga ay pabalya niya akong itinulak na siyang dahilan ng pagkakasalampak ko sa sementadong am ing kin atatayuan.
Sobrang sakit ng naramdaman ko sa pagbagsak pero mas nanaig ang sakit at kirot sa puso ko dulot ng masasakit na salita galing kay Senyorita Daphne.
Pagkatapos niya akong itulak ay mabilis siyang naglakad palayo sa akin. Matapos ang insedenteng naganap sa pagitan namin ay nabalitaan ko na lamang isang araw ay lumipad na raw pa ibang bansa si Senyorita Daphne matapos ang kasal namin ng kanyang nobyo.
Bakit pakiramdam ko ang sama-sama kong tao sa lahat ng mga pagbabagong nangyari? Wala nga akong alam o kahit anumang matandaan.
Ano bang mahirap intindihin don?
Lahat ng mga nakakasalubong ko ay tinitingnan ako ng may kahulugan na waring sinasabi na ako ay iwasan dahil isa akong mang-aagaw at mukhang pera.
"Desperada na kaya nagawang pikutin ang isangmayamangbinata."
00, ganyan ang mga paratang nila sa akin.
Sino ba naman nga ako?
Isang simpleng babae na anak ng isang katulongsa mansyon. Mahirap lamang at kung hindi sa free scholarship na binibigay ng
Unibersidad ay hindi ako makakapag -aaral.
Pero libre man akong nag-aaral.
Pinaghirapan ko pa rin ang magsunog ng kilay para ma perfect score sa at makuha ang full scholarship.
Hindi ako katangkaran sa taas kong 5'2.
Hindi rin ako sexy dahil akala mo payat pa ko kawayan.
Hindi rin ako maputi bagamat mana ko kay nanay na matangos ang ilong. Ang mga mata ko ay malamang namana ko sa hindi ko nakikilalang tatay sapagkat hindi naman almond shape ang hugis ng mga mata ni nanay..Manipis lamang ang aking labi na laging maputla kaya naman natatawag akong anemic. Maganda naman ako sabi ng Nanay dahil malamang na sasabihin niya 'yon dahil anak niya ako at nag iisa pa.
"Nag-iisa na nga lang ako Nay, tinutulugan mo pa ako. Gumising na sana kayo para naman hindi ko maramdaman na nag-iisa lamang ako at walang karamay," bulong ko sa kawalan at saka marahang pininusan ang mga luhang kumawala sa aking mga mata.
"Sa bahay ko sa QC kami maninirahan.ll
Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain sa hawak kong kubyertos sa aking narinig. Narito kami ngayon sa hapag kainan at sabay-sabay naghahapunan sa isang lamesang pahaba na may dalawampung upuan. Magkatabi ngunit malayo ang distansya ko kay Senyorito Simon katapat niya sa upuan sa kabilang side si Selene at si Lola Loreta naman bilang ulo ng pamilya ay nakaupo sa sa pinakagita ng lamesa.
"Paano ang pag-aaral ng asawa mo? Ipapa transfer mo?" tanong agad ni Senyora na tawagin ko na rin daw na Lola sapagkat apo niya na ako at legal na asawa na ako ng kanyang apo.
"Bakit kailangan niya pang mag-aral? Kaya ko siyang pakainin ng higit tatlong beses sa isang araw Lola." May pagkasarkasmong sagot ng aking asawa sa kanyang Lola.
Asawa? Aking asawa.
Parang ang gaan sa pakiramdam na ang isang gwapong binatang mayaman ay akin ng asawa.
Pinilig ko ang aking ulo para sa kahiya-hiyang iniisip.
"Pero sayang naman at gustong-gustong makatapos nitong asawa mo hindi bat Dean'lister ka iha?" baling na tanong sa aking ni Lola Loreta. "Lola, hindi niya na kailagan pang mag-aral. Gusto na sa loob lamang siya ng bahay at magbantay maghapon. Ganun naman dapat ang babaeng asawa hindi po ba?" may diin sa pagkakasabi ni Senyorito Simon.
May punto naman siya pero, titigil ako sa pag aaral?
Ganung buong buhay ko iyon ang naging pangarap ko?
Ang makatapos para makahanap ng disenteng trabaho na may mataas na sweldo para kahit paano ay mapagpahinga ko na si Nanay sa pagtratrabaho at kahit paano ay maiahon ko siya sa kahirapan.
"Okay, total mag-asawa na kayo at ikaw ang padre de pamilya, na sayo na ang lahat ng desisyon," wika ng Senyora habang hinihiwa ang karne ng baka sa plato nya.
Maya-maya ay bumalingsa akin ang Senyora at nagwika.
"Karen, alam kong gustong-gusto mong makatapos pero ang isang asawang babae ay dapat nagpapasakop sa kanyang asawang lalaki at isa pa tama naman arng apo ko. Kayang-kaya ka niyang buhayin at ibigay ang lahat ng naisin mo." Nakangiting saad ng senyora at tumingin sa akin.
Nais ko sanang tumutol sapagkat ayokong ihinto ang pangarap ko dahil lang sa nag-asawa na ako.
Hindi ko na isinatinig pa.
"Huwag kang mag alala iha, ipapalipat ko sa ospital sa lungsod ang Nanay Karina mo. Mas magagamot sya doon ng husto dahil sa mas advance ang mga gamit ng ospital.'l Dagdag ng Senyora
Tama.
Kailangan ni Nanay na gumaling.
Mas makakabuti sa kanya ang advance na teknolohiya ng ospital sa lungsod.
Sana nga ay matulungan talaga ang Nanay ng sa ganun ay gumising na siya.
"Wow! Jackpot ka talaga girl!
Nakapag-asawa ka ng isang binatang bilyonaryo.
Libre pa sa gamutan ang Nanay mo." Bulalas ni
Selene habang nakatingin sa gawi ko at mas lalo tuloy hindi matuloy ang pagkain ko sa kanyang sinabi.
Tawag ni Senyora sa tinig na nagbabanta sa nais tumbukin ng sinasabi ng kanyang babaeng apo.
"Why Lola? May mali po ba sa sinabi ko? ll painosenteng tanong naman ng Senyorira na patuloy langsa pagkain na tila balewala lang ang mga pagtitig ng Senyora.
"Si Karen ay asawa na ng kuya mo. Kaya ano
man ang kaya nating ibigay para sa kanya ay ibibigay naten dahil karapatan nya na yun bilang may bahay na ng kuya Simon mo. Kaya dapat igalang mo sya bilang hipag mo. Maliwanag ba Selene?" striktong paliwanag ng Senyora. Umirap pa sa hangin si Selene bago pa sumagot.
"Okay fine, Lola."
Samantalang si Senyorito Simon ay tahimik lamang na kumakain na tila walang pakielam.
Gusto ko sana siyang kausapin ng masinsinan tungkol sa mga bagay na dapat kung linawin. Ngunit sa tuwing lalapitan ko siya ay agad siyang lumalayo. Sa tuwing tatawagin ko ang pangalan niya ay para bang hindi niya ako naririnig.
Parating nakaseryoso ang kanyang mukha, tiim-bagang at kung wawariin ay mananakit sa orasna may nagkamali na siya ay kantiin o hawakan.
Chapter 3
"Lagi kayong mag-iingat sa bahay ninyo iha, alagaan mong mabuti ang sarili mo at ang asawa mo. Hayaan mo at naniniwala ako na gagaling ang Nanay Karina mo sa ospital na paglilipatan sa kanya."
Bagamat nakangiti alam kong malungkot si Senyora Loreta sa aming pag-alis. Ngayon na kasi ang luwas namin ni Nanay papuntang lungsod.
Naroroon kasi ang trabaho ng asawa ko na dapat niya ng asikasuhin aya naman nauna na siyang lumuwasdahil sa darni ng natambak na trabaho .
Sa pagkaka-alam ko si Senyorito Simon na ang namamahala ng kumpanya na dati ay ang Senyora pa angtumatayong namamahala. Dahil hindi na rin kaya ng Senyora ang lumuwas-luwas at ma-stress sa mga problema dulot ng negosyo. Kaya naman sa murang edad ay sinanay na si Senyorito na pamamahalaan ang kanilang kumpanya kaya ng siya ay makatapos sa pag-aaral sa ibang bansa at magbalik Pilipinas ay agad ng ipinasa ng Senyora ang buong kapangyarihan sa nag-iisang apong lalaki para pamahalaan ang kanilang mga negosyo.
Lulan kami ni Nanay ng isang ambulansya deretso sa isang sikat at pribadong ospital sa Makati na kung saan kasosyo din ang pamilya ng napangasawa ko.
"Nay, ipangako mo na lalaban ka.
Huwag na huwag po kayong susuko at huwag niyo po akong iwanan." Naluluha kong kinuha ang payat na kaliwang kamay ni Nanay at inilagay ko sa aking pisngi at hinalikan. Doon man lamang ay maramdaman ni Nanay ang wagas na pagkasabik ng pangungulila at pagmamahal ko para sa kanya.
Na-ulila rin ngmaaga sa kanyangmga magulang ang aking Nanay Karina. Kaya naman ng magka-nobyo at sa pag-aakalang nakahanap na ng bagong pamilya kaya maaga niya na rin akong ipinagbuntis. Ngunit isang araw daw ay nagpaalam sa kanya ang aking ama na maghahanap ng trabaho sa ibang lugar na siya namang sinang-ayunan ni Nanay sapagkat kailangang-kailangan na ng pera para makaipon na siyang gagamitin sa araw ng aking pagsilang.
Ngunit hindi sukat-akalin ni Nanay na pagkatapos ng araw na iyon ay wala na siyang magiging balita sa aking ama. Noong una, umasa raw si nanay na babalikan kami ni Tatay. Pero lahat daw ay may hangganan kaya tinanggap na ni Nanay na hindi na kailanman ito babalik. Sabi ni Nanay, siguro raw ay hindi pa handa ang Tatay ko sa mga responsibilidad kaya naman kami ay iniwan. Walang-wala noon si Nanay at mabuti na lam ang at naawa ang mag-asawang Senyor at Senyora Sto.Domingo at kinuha siyang hardenera sa mansyon at doon na nga siya nagtrabaho. Nang maka-ipon si Nanay, tinulungan pa siya nina Senyor Andres at Senyora Loreta na makabili ng maliit na lote at mapatayuan ng simpleng bahay para sa kung sakaling maisipan ng umalis ni Nanay sa mansyon ay may matutuluyan na kaming mag-ina. Hanggang sa mangyari nga ang hindi inaasahang trahedya sa buhay namin ni Nanay.
Batid kong hindi na birong halaga ang nagagastos ng Senyora sa pagpapagamot kay
Nanay. Lalo na ngayong nasa lungsod na kami.
Alam kong masyado na kaming lubog sa utang na 100b sa mahal ng mga gamot at bayad sa mga doktor, mga nurse at sa mga aparatong nakakabit sa katawan ni Nanay.
Ngunit kailangan kong kapalan ang aking mukha.
Si Nanay lang ang meron ako.
Siya lamang ang nag-iisa kong pamilya.
Ang nag-iisa kong karamay, kakampi at bukod tanging taong nagmamahal sa akin.
Kaya naman kahit sabihin nilangna pinikot ko raw ang Senyorito para sa aking pansariling pangarap.
Na mukha akong pera.
Na isa raw akong malandi.
Sigel. pagbintangan na nila ako.
Paratangan na nila akong lahat.
Pero alam ko naman sa sarili ko kung ano an g totoo.
Wala na akong pakialam sa sasabihin nila o sa kung ano pa mang maging tingin nila sa pagkatao ko.
Dahil ang gusto ko lang ay ang gumaling ang Nanay ko..
At pikit mata kong tinatanggap na kailangan ko talaga ng tulong pinansyal na meron ang Senyora at ng kanyang apo. 00 na!
Mukha na akong pera!
Desperadang-desperada na talaga ako madugtungan lang ang buhay ng nag-iisang taong mahal na mahal ko.
"Senyorita Karen, narito na po tayo sa bahay ninyo," hayag ni Manong Raul na siyang nagpabalik sa aking isip sa kasalukuyan buhat sa malayo na nitong narating.
Akrna ko sanang bubuksan ag pintuan sa 100b ng sasakyan ngunit maagap akong naunahang buksan ni Manong Raul na siyang napag-utusan na ako ay ihatid dito sa bahay buhat sa ospital kung saan ko na iniwan sa pangangalaga ng mga doctor at nurse si Nanay. Ayoko man siyang iwanang mag-isa ngunit hindi maaari.
"Salamat PO, Manong." Nakangiti kong pasasalamat sa kanya ng ako ay makalabas sa sasakyan.
Agad kong iginala ang aking mga mata. Isang malaking kulay asul na gate angnasa aking harapan at nakapaligid ang nagtataasang pader na nagsisilbing harang upang hindi makita ang anumang nasa 100b ng bakuran.
"Pasok na kayo sa 100b, Senyorita." Pag-aya ni Manong Raul matapos buksan ang gate upang ako ay makapasok.
Magiliw akong nagpasalamat sa may edad na driver bago ako tuluyang pumasok sa 100b ng bakuran.
Naisara ko na ang gate bago ko narinig ang
ugong ng paalis na sasakyan. Bilin kasi ni Manong ay pagpasok ko sa gate ay agad kong isara at doon lamangsiya aalis.
Napanganga ko sa ganda at lawak ng bakuran.
Nalalatagan ng berdeng bermuda grass ang paligid. May nalalakihang mga paso, mga banga na mayroong mga naglalakihan mga halaman na nakatanim ngayon ko lamang nakita sa tanan ng akingbuhay.
Sa gitna ng malawak na kapaligiran ay matatagpuan ang isang modernong mansyon na nagsusumigaw sa karangyaan.
"Glass house?" bulong kong tanong sa aking sarili. Dahil ang nakikita kong malaking bahay ay gawa sa purong salamin.
Nangingiti ako sa ganda ng aking mga nakikita habang naglalakad. Pakiramdam ko isa akong karakter ng isang libro ng pantasya habang naglalakad patungo sa isang palasyo.
Kumatok na ako sa malapad na pintuan na gawa sa makapal at mamahaling kahoy ngunit wala pa rin nagbubukas.
Naghanap pa ako ng doorbell ngunit wala naman akong makita.
Akrna na sana akong kakatok muli ng
biglang itong bum ukas at iluwa ang seryosong mukha ng isang lalaki.
Si Senyorito Simon.
Batid ko sa sarili ko na matagal ko na rin hinahangaan ang Senyorito na ngayon nga ay akin ng legal na asawa.
Sino ba naman ang hindi hahanga sa kanya?
Matangos ang ilong at may natural na mapupulang labi na parang bang naka-lipstick.
Matangkad at malalapad ang balikat tulad ng mga napapa nood kong artista na alaga sa gym ang katawan.
Ang kilay niya ay makakapal at may mga matang maamo na para bang inaantok at natatakpan pa ng malalantik ng pilikmata.
Magiliw din siya sa mga trabahador sa hacienda gaya ng kanyang mga Lolo't Lola at mga magulang.
Matalino.
Buo ang 100b na hawakan ang lahat ng negosyo ng kanyang pamilya bagamat 23 years old pa lang.
"Tatayo ka na lamang ba riyan at tatanga?" kaswal na tanong niya sa akin na hindi man lang nagbago ng ekspresyon ng mukha.
Seryoso.
"Magandang araw PO, Senyorito." Kimi at nahihiya ko pang pagbati sa kanya.
Turningin siya sa akin na tila may nais sabihin. Kumikibot-kibot ang labi ngunit nanatilingnakatitig lang.
Yumuko na lamang ako dahil pakiramdam ko ay tumatagos sa aking pagkatao ang uri ng kanyang mapang-usig na paningin.
"Mabuti naman at kilala mo kung sino ako at kung sino ka." Maya-maya ay sabi niya.
Humakbang pa siya papalapit sa akin at huminto ng ilang dangkal sa aking harapan.
"Lilinawin ko lamang ang mga bagay-bagay sa pagitan nating dalawa. Asawa lang kita sa papel at kapag nasa paligid ang presensiya ni Lola." Deretso niyang sabi.
"Hinding-hindi kita kikilalaning asawa ngayong araw na ito, maging bukas o magpakailanman, maliwanag ba?" dugtong niya sa kalmado at malinaw niyang pagpapaliwanag sa kung anong estado ng aming relasyon.
Nakayuko pa rin ako pero sunod-sunod akong tumango bilang pagsang-ayon sa lahat ng kanyang mga sinabi.
Ano pa ba nga ba ang aasahan ko sa sitwasyong kinasusuungan ko ngayon?
"Good at isa pa nga pala, total sanay ka naman sa gawain. Ikaw na rin ang gagawa ng lahat ngdapat gawin dito sa 100b at labas ng bahay. Doon banda ang maid's quarter at doon mo dalhin ang mga gamit mo dahil doon ang magiging kwarto mo." Sabay turo niya sa gawing kaliwa ng bahay.
Tumango na lang ako ulit at hindi na nagkomento pa.
"At wala sana akong mababalitaan na kahit anong makakarating na salita kay Lola.
Niintindihan mo ba? Hindi naman siguro ganun ka-kapal ang mukha mo para magsumbong pa sa laki ng pabor na binigay sayo ng Lola ko at isa na doon ang pagpapagamot sa Nanay mo para pasamain pa ang 100b niya sa mga bagay-bagay na nararapat lang naman igawad sa mga katulad mo. Hindi ba?" tango pa rin ang isinagot ko kahit ang totoo ay nais ko ng lumubog sa kinatatayuan ko sa mga pang-iinsultong naririnig ko mula sa bibig ng aking asawa.
"Umpisahan mo na ang pagluluto dahil nagugutom na ako. Isinunod mo agad ang paglilinis ng buong bahay dahil ilang buwan na ang nakalipas ng huling malinis ito.ll
Sunod-sunod niyang utos sa akin at saka na siya muling umakyat sa hagdan papunta sa pangalawang palapag ng bahay.
Mabilis na tumulo ang luha ko pagkaalis ni Senyorito sa harapan ko at mabilis ko rin itong pinahid.
Hindi ito ang oras ng drama para umiyak ako.
Masakit pala talagang nasasampal ng katotohanan.
Katotohanan na ang pagiging asawa ko sa isangtulad ni Senyorito Simon ay hanggang papel lang.
Chapter 4
Mabilis akong burnangon sa sa malambot na sofa ng marinig ko ang tunog ng sasakyan ni Senyorito Simon. Dali-dali akong naglakad ng patakbo upang pagbuksan siya ng pinto. Halos magdadalawang buwan na kaming magkasama sa iisang bubong ngunit madalang pa sa patak ng ulan kung umuwi siya ng maaga clito sa bahay. Madalas ay hatinggabi na o kaya naman ay madaling araw na kung siya ay dumating. Kaya naman madalas akong puyat sa kahihintay sa pagdating nya at madalas kung minsan talaga ay dito na ako sa sofa natutulog kapag hindi ko na kayang labanan ang aking antok.
Katulad ngayon, halos mag aalas-dose na ng hatinggabi ngunit kararating niya lamang. Ako naman bilang nangakong aalagaan ang aking "asawa 'J ay matiyagang naghihintay.
Hindi niya ako kinikibo kahit pa anong gawin kong pakikipag-usap sa kanya.
Sa katunayan, all around kasambahay ang naging papel ko dito sa 100b ng bahay. Mabuti na lamang at tinuruan ako ni Nanay kung paano mamuhay ang isang babae at kahit paano naman ay marunong naman akong magluto ng ilang klase ng ulam. Isa rin kasi sa mga hinahangaan ko sa ugali ni Senyorito Simon ay hindi siya masyadong mahilig kumain sa mga mamahaling restaurant sa labas. Mas sanay kasi siya sa lutong bahay dahil doon Sila sinanay ni Senyora Loreta sa probinsya namin.
Mabilis kong binuksan ang Pinto at agad ko ngang nakita na bumaba na siya sa kanyang mamahaling kotse. Pasuray-suray siyang lumakad na tila nahihirapang ihakbang ang mga paa. Awtomatiko akong napatakbo sa kanyang kinaroroonan upang siya ay alalayan dahil sa palagay ko ay anumang oras ay babagsak siya.
"Ano ba! ll asik niya sa akin at pabalang na iwinasiwas ang aking kamay na nakahawak sa kanyang braso.
"Sinabi ko ba na alalayan mo ako?!" mabalasik niyang tanong at nagniningas pa sa galit ang kanyang mga mata ng matalim na matalim na nakatingin sa akin.
"Gu-gusto ko lang naman na tulungan kang maglakad." Pautal kong sagot.
At hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa.
Sinakop ng malaking kanang kamay niya ang aking leeg at ipininid ako sa Pinto. Mahigpit niya akong sinasakal at talagang hindi na ako makahinga. Konting-konti na lang ay malalagutan na ko ng hininga. Hinahampas ko ang kanyang mga kamay para ako ay pakawalan ngunit kita ko sa kanyang nag-aapoy na mga mata ang galit at hindi ko maaninag man lang kahit ang anino ng awa.
"Lumpo ba ako para tulungan mo?! At sino ba ang nagbigay ng pahintulot sayo na hawakan mo ako?!" galit na galit niyangtanong. Pilit ko pa rin namang inaalis ang kanyang kamay sa aking leeg.
"Para malaman mo! Nandidiri ako sayo! Ayoko na hawakan mo kahit angdulo ng daliri ko! Dahil sayong babae ka nawala sa akin si Daphne. Dahil sayo iniwan niya ako!! Naririnig mo! Dahil sa kalandian mol Dahil sa kadesperedahan mong pikutin ako ng may panggastos sa pagpapagamot ng Nanay mo! At anong akala mo ha?! Pag-aaralin din kita?! Ha?!" sigaw niya sa pagmumukha ko habang mahigpit pa rin akong sakal.
Pakiramdam ko mawawalan na ako ng malay sa paraan ng pagsakal nya sa akin ngunit ganun na lamang ang pasasalamat ko ng binitawan niya na ang leeg ko. Sunod-sunod ang ang naging pag-ubo ko habang hinahabol ang sariling hininga. llang saglit pa bago ako
nakapadama ng ginhawa.
"Akala mo siguro dahil nauto mo ang Lola ko ay ganun mo na lang din akong mauuto? Pasalamat ka dahil mas mahal ko ang Lola ko kaysa sa sinuman sa mundo kaya niya ako na papayag na pakasalan ka! ll at dinuro-duro niya pa ako sa mukha garnit ang kanyang hintuturo sa kaliwang kamay. Napapapikit na lamang ako sa panduduro niya na para bang isa akong kriminal na inakusahan ng krimen na hindi ko naman ginawa at wala akong alam sa ibinibintang niya.
"Sa susunod na humaharahara ka pa sa daraanan ko ay baka mapatay na talaga kitang babae ka. Huwag kang masyadong naglalapit sa akin. Dahil kahit lasing ako ay hindi ko makakalimutan kung sino ka at anong klaseng babae ka!" sigaw niya ulit habang sinabunutan naman ang aking buhok.
"Alam mo ba kung gaano ako galit na galit sayo dahil nawala ang babaeng mahal ko?! Ang babaeng gusto kong makasama at maging asawa!
Sinira mong lahat! Sinira mo ang kinabukasan ko! Ang kinabukasan namin ni Daphne!" asik niyang muli habang mahigpit pa rin ang hawak sa buhok. Sa wari ko ay tila maghihiwalay na angsa anit ang aking buhok.
Itinaas niya ang mukha ko at inilapit sa
harap ng kanyang mukha. Langhap na langhap ko ang matapang na amoy ng alak sa kanyang mainit na hininga.
"Hindi ko matanggap na sa isang mababang uri ng babae lamang ako nagpakasal. Sa mababang uri ng babae na handang gawin ang lahat para sa pera!" saka niya ako malakas na pahagis na binitawan ang aking buhok na siyang nagingdahilan din para mawalan ako ng panimbang at bumagsak ang aking buong katawan. Tumama pa ang balakang ko sa isa sa tatlong baitang na gawa sa marmol paakyat sa pintuan ng bahay sa lakas ng pwersa ng kanyang pagtulak.
Turningin pa siya sa akin na hindi ko kababakasan talaga ng anumang awa sa mukha. Wari pa ngang nasisiyahan siya sa pag ngiwi ng aking mukha dahil sa sakit na nararamdaman. Bago pa siya nag martsa papasok na bahay ay dinuro niya pa kong muli at minura ng ilang ulit. Maya-maya nga ay narinig siguro sa buong kabahayan ang malakas niyang pabalibag na pagsara sa Pinto.
Naiyak ako hindi lamang sa sakit ng katawan na inabot ko. Kundi maging sa masasakit na salita na narinig.
Bakit ba wala akong maalala ng gabing lyon?
Bakit hindi ko maalala ng maipagtanggol ko naman ang sarili ko?
Naghalo na ang luha, pawis at sipon ko.
ldagdag pa ang masakit sa aking katawan na hindi ko alam kung ano ang uunahin haplusin upang maibawasan ang kirot.
"Kaya mo 'yan, Karen. Kayanin mo lahat para sa Nanay mo. Kailangan niyang gumaling para magkasama na kayong muli. Kaya magtiis ka dahil kailangan mo ng pera ng mga Sto. Domingo para may pang gamot ang nanay ko." Pilit akong ngumingiti at inaalo ang sarili. Pinipilit ko rin na makatayo mula sa pagkakatumba sa malamig na sahig bagamat ramdam na ramdam ko na para akong nabalian ng buto. Bugbog na bugbog ang katawan ko at pakiramdam ko ang kapal ng anit ko dahil sa pag sabunot na ginawa ni Senyorito.
"Para sayo Nay, magtitiis ako.ll Determinado kong wika sa aking sarili habang halos gumapang papasok sa loob ng bahay. Kahit anong pagtatangka kong turnayo ay lalo lamang nadadagdagan ang sakit ng katawan . Pinilit ko na lamang umusad kahit hirap akong gumalaw. Gumapang ako paunti-unti hanggang makarating sa tarangkahan ng pintuan ng bahay. Muling tumulo ang luha ko ng dahan-dahan akong turnayo habang nangungunyapit sa mga pwedeng hawakan ng aking mga daliri upang makatayo lamang at buksan ang pinto ng bahay.
Chapter 5
"lha? bakit parang pumapayat ka at bakit ang putla ng kulay ng balat mo? May dinaramdam ka ba? May sakit ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Senyora Loreta na bumadha ang pag-aalala sa mukha habang sinisipat-sipat pa ang aking kabuuan. Wari bang may hindi tama sa aking katawan at kanyang hinahanap.
Nagulat na lang ako ng tawagan ako kahapon ni Senyorito Simon mula sa kanyang opisina at nagmamadali akong inutusan na ilipat ang lahat ng mga gamit ko sa kanyang kwarto dahil paparating ang Senyora para raw dalawin kaming dalawa dito sa kanyang bahay. Dali-dali naman akong sumunod at madaliang inayos ang lahat ng mga garnit ko patungo sa katapat na silid kung saan natutulog si Senyorito Simon. Mabuti na lamang at kaunti lang ang mga gamit at damit ko kaya mabilis kong naisalansan at naiayos sa kuwarto ni Senyorito Simon.
"Po? Hindi ko po napapansin." Nagtataka ko namang naging sagot habang kinakapa ko pa ang aking pisngi. Ewan ko ba? Nito kasing mga
nakaraang araw ay parang wala akong ganang kumain. Tuwing tatangkain kong kumain ng kahit ano ay isinusuka ko at ayaw tanggapin ng sikmura ko. Kaya heto na ang naging resulta, lalo na akong naging payat.
"Inaabuso mo ba ang katawan mo iha? Baka sa trabaho mo dito sa loob ng bahay ninyo ay nakakalimutan mo nang kumain at alagaan ang sarili mo? Karen, humpak na humpak ang pisngi mo. Ang kulay mo hindi normal. Para ka ng puting papel sa pagka-putla. Pagsasabihan ko ang asawa mo na kumuha na ng makakasama ninyo dito sa bahay ng hindi ikaw ang gumagawa ng lahat. Bakit ba kasi wala kayong kasambahay?"
Ngumiti na lamang ako sa mga sinasabi ng Senyora.
"Lola, ako po ang may gusto na huwag ng kumuha pa ng kasama dito sa bahay dahil po kaya ko naman ang mga gawaing bahay." Pagtatakip ko sa desisyon ng asawa ko.
"Pero ang Iaki kasi nitong bahay para sarilinin mo ang mga trabaho. Nakita mo na ba angsarili mo salamin? Mukha kang pagod na pagod at ibinababad sa sukang sasa sa sobrang putla. Halina ka nga at magpunta tayo sa ospital ng mapa check-up kita." Pag-aya sa akin ng
Senyora Loreta at hinamig pa ang aking kanang
kamay.
"Hindi na po kailangan Lola, pahinga lang po siguro ang kailangan ko. Minsan po kasi hindi ko mapigilan angsarili ko na gumawa ng gurnawa dahil hindi po ako sanay na nakaupo o nakahiga lang maghapon sa bahay.ll Pagtutol at paliwanag ko sa nais gawin ni Senyora. Dahil ayoko na siyang mag alala pa sa akin.
"l insist iha, para mabigyan ka na rin ng mga multivitamins. Iba kasi ang pagkahulog ng katawan mo. Halos dalawang buwan pa lang kayo dito ay ganyan na ka payat ang katawan mo at ka putla ang kulay ng balat mo."
Ekseheradong komento ng mabait na matanda. Para matapos na rin ang usap ay pumayag na rin ako sa nais ng Senyora. Upang mapanatag na rin ang kanyang kalooban tungkol sa aking kalagayan ay sumangayon na ako. Para na rin madalaw ko si Nanay sa ospital. Dahil nga sa laging masama ang aking pakiramdam ay hindi ko nadalaw si Nanay nitong mga nakaraang araw. Samantalang halos tumira na ako sa ospital noong mga nakaraang linggo dahil sa araw-araw akong dumadalaw sa kanya.
"Dra. Clemente, how ls my grandson's wife?
May sakit ba sya?" agad naging tanong ng
Senyora ng inabot ng isang babaeng nurse sa
babae rin na Doktor ang papel na naglalaman ng mga resulta ng Laboratory test na ginawa sa akin kanina. Kinuhanan ako ng dugo at ihi na kailangan daw talaga para malaman kung mayroon ba akongsakit. Binasa naman ng doktora ang nilalaman ng resulta ng tahimik ngunit dahil sanay na siya sa kanyang gawain ay saglit niya lamang itong pinasadahan ngtingin. 'Yung tipong sinulyapan niya lamang pero alam niya na ang ibig sabihin.
"Senyora Sto.Domingo, walang sakit ang ang asawa ng iyong mahal na apo.ll Nakangiting sagot ng may edad na rin na Doktora na kagalang-galang sa kanyang puting-puting kasuotan. Nakasukbit pa sa kanyang leeg ang stethoscope na kanyang ginamit kanina sa akin. Mayroon siyang suot na salamin sa mata, kulot ang kanyang buhok na umabot lamang sa ilalim ng kanyang tainga.
Nakahinga ako ng maluwag sa aking narinig. Buong akala ko ay mayroon na rin akong sakit.
Ang totoo ay kinakabahan din kasi ako sa pwedeng maging resulta base na rin sa mga kakaibang nararamdaman ko na ngayon ko lang naranasan.
"Congratulations! She's pregnant!"
masayang lahad ni Dra.Clemente na nakipag shake hands pa kay Senyora Loreta.
Pumapalakpak pa sa tuwa ang Senyora at mahigpit akong niyakap at mariin din akong hinalikan sa noo.
"Congratulations! Karen! Magiging Mommy ka na.ll Masayang pagbati sa akin ng Senyora na tinanggal pa ang salamin sa mata at pinahiran ang luha.
"Lola, bakit po kayo urniiyak? ll nag-aalala kongtanong.
Ngumiti ng matamis ang Senyora at muli akong niyakap.
"Umiiyak ako sa tuwa, Karen. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayong alam ko na magkakaroon na ako ng apo sa tuhod,'l lahad ni Senyora habang nakayakap pa rin sa akin.
Pregnant.
Buntis ako.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.
Parang ayaw mag sink sa utak ko kahit alam ko naman ang kahulugan ng mga salitang narinig ko mismo sa bibig ni Dra.Clemente.
Ganito ba ang pakiramdam ng first time na malaman ang pagbubuntis?
Shock.
Hindi makakilos?
Walang mahanap na salita?
Pero isa lamang ang ibig sabihin. May isang buhay na nilalangsa 100b ng aking sinapupunan. May isisilang akong sanggol ilang buwan mula ngayon.
Sanggol?
Sanggol na manggagaling sa akin?
Sa akin.
Tila napuno ng magkahalong saya at pananabik ang puso ko. Waring maiiyak ako na hindi ko maintindihan kung bakit.
Wala sa 100b na nahaplos ko ang aking impis na tiyan saka nakangiting tila nangangarap sa kawalan.
Magiging Nanay na rin ako?
Magigingisang lna?
Hindi naman mapunit ang malapad na ngiti sa labi ng Senyora na masayang nakikipag-kwentuhan kay Dra. Clemente na panay paalala sa mga vitamins na iinumin ko, sa pagkain na dapat ay kainin ko at magingsa mga bagay na dapat iwasan ko.
Naisip ko tuloy kung ano ang magiging
reaksyon ni Senyorito Simon na magiging Tatay na siya.
Akalain ko ba.
lyong hindi ko maalala na pangyayari ay nagbunga pala.
Chapter 6
"iha, iabot mo na sa asawa mo ang regalo mo." Nakangiting utos sa akin ni Senyora Loreta na mas excited pa sa akin na ibalita sa "asawa ko" ang resulta ng Ultrasound ko. Kung saan nakita at kumpirmadong buntis nga ako. Eight weeks na raw akong buntis ayon sa resulta.
Dalawang buwan na pala akong nagdadalang tao. May isang buhay na sa aking sinapupunan. Sumasabay na sa aking bawat paghinga. Ang bawat pintig ng puso ko ay siya rin namang pintig ng puso niya.
Ngayon pa lang ay nasasabik na ako sa kanyang pagdating. Nais ko na siyang makita. Nais ko na siyang ipaghele kagaya ng ginagawa sa akin ni Nanay noong bata pa ako. Ngunit hindi ko rin maiwasang makaramdam ng takot. Natatakot ako na baka hindi pa ako handang maging isang Ina. Lalo na ngayon at wala sa tabi ko si Nanay na magiging Lola na ng una kong anak. Marami pa akong hindi alam sa buhay kaya kailangan ko ang paggabay sana ni Nanay. Sana nga lang ay gumising na siya.
Napatingin ako kay Senyorito Simon na
naghihintay sa ibibigay kong kong sobre sa kanya. Dahil napunta sa kungsaan ang isipan ko ay hindi ko napansin na mahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa papel na aking hawak.
Atubili man akong iabot ang sobreng kulay puti na naglalaman ng resulta ng ultrasounds ng baby ko ay napilitan na akong jabot dahil ayoko naman na sirain ang kasiyahang nadarama ni
Senyora. Nakatitig naman sa akin si Senyorito Simon at waring inuusig ako sa paraan ng kanyang pagtingin.
Inabot naman niya ang sobre sa aking kamay at pahitamad na binuksan sa harapan namin ng kanyang Lola. Para bang hindi naman siya interesado at napilitan lang sumunod sa utos ng kanyang mahal na Lola.
Hindi ako humihinga sa sobrang kasabikan na rin sa kung ano ang kanyang magiging reaksyon.
"Ano ito? Ultrasound?" naka arko pa ang kilay niya ng magtanong.
"Yes! Congratulation! APO! Magiging Daddy ka na!" masayang bati ng Senyora sabay yakap ng mahigpit sa Senyorito na hindi mababanaag ang kasiyahan o anumang reaksyon ng pagkagulat sa gwapong mukha.
"Magiging Daddy ka na kaya dapat alagaan
mong mabuti itong asawa mo. Kaya naman pala nangangayayat at namumutla ay dahil naglilihi na." Bilin ng Senyora na hindi maalis ang abot tengangngiti.
"Oh, bakit para namang hindi ka makapagsalita riyan? ll untag ng Senyora kay Senyorito na nakatingin at pinagmamasdan ng mabuti ang resulta ng ultrasounds.
Para nga naman siyang namatanda. Tila natulala at lampasan na ang pagtitigsa papel na binabasa.
Tumikhim siya bago nagsalita.
"Well, Lola, nagulat lang siguro ako. Na shock. Hindi lang siguro ako makapaniwala na magiging Daddy na pala ako,ll saad niya at saka malapad na ngumiti .
Napabuntong-hininga ako ng palihim. Akala ko pa naman ay hindi siya matutuwa na magkaka-anak na kaming dalawa.
"Hindi ninyo alam kung gaano ninyo ako napasayang mag-asawa sa regalong binigay niyo sa akin. Pwede na siguro akong mamahinga sapagkat nakakasiguro na akong may apo na ako sa tuhod at may bagong salinlahi na naman ang ating pamilya." Lahad ng Senyora na malapad pa rin ang mga ngiti.
"Lola, ano po bang sinasabi mo? Anong mamahinga? Huwag naman kayong magsita ng ganyan dahil matagal pa tayong magkakasama.ll saway naman ng aking asawa sa nais ipahiwatig ng kanyang Lola.
Turningin sa nakabukas na bintana si
Senyora na tila may pinagmamasdan sa malawak at kulay asul na kalangitan.
"Matanda na ako mga apo. Sapat na sa akin ang makita ko kayong dalawa ni Selene na nakapagtapos na ng pag-aaral at may kanya-kanya ng propesyon. Gusto ko pa sana na hintayin ang na magkaroon rin ng asawa at mga anak si Selene pero sa edad kong ito ay mukhang hindi ko na mahihintay pa."
"La, matagal pa ho kayong mabubuhay.
Bibigyan pa namin kayo ng maraming apo ni Selene. Ilang buwan mula ngayon ay isisilang na ang unang apo ninyo sa tuhod," sabi naman ni
Senyorito Simon na hinawakan pa sa kamay ang
Senyora.
Mapusyaw na ngumiti ang mabait na matandang babae at saka tumingin sa aming mag-asawa.
"Basta pangako mo sa akin apo na hindi mo pababayaan ang asawa mo at ang mga magiging anak ninyo. Lagi mo silang maging prayoridad sa
lahat ng bagay na gagawin mo buhay kagaya nang ginawa ng Lolo mo sa amin ng Papa mo at ang ginawa rin ng Papa mo sa Mommy mo at sa inyong dalawa ni Selene.ll
"Lola, para namang pupunta na kayo sa malayong lugar kung makapag bilin po kayo," wika ko naman.
Nagbuntong-hininga muna ang matandang babae. Bagamat matanda at kulubot na ang balat ay bakas pa rin ang kagandahan ng mukha na kahit pa nalipasan na ng panahon.
"Hindi natin masasabi kung ano ang meron sa bukas. At saka ano pa ba ang nais ko sa buhay? Halos naman ay mayroon naman ako. Bahay, mga mamahaling alahas, mga sasakyan, mga ekta-ektaryang lupain na mayroong mga iba't-ibang pananim, may matatag na negosyo at higit sa lahat ay mayroon akong mapagmahal na mga apo. Kaya ako pa ba ang pwedeng naisin ko sa buhay? Ayoko naman na mabuhay na nakahiga na lamang at pinapakain sa higaan. Pinapalitan ng diaper dahil dumumi at umihi na sa kobre kama o kaya ay parang baby na hinuhugasan ang aking puwet.ll Mahabang pahayag ni Senyora Loreta na sinundan niya ng mahinang pagtawa kaya naman napangiti na lang din kami ni Senyorito Simon.
Marahil ay nagiging totoo lamang sa sarili ang matandang babae. Wala naman talagang makapagsasabi kung ano ang mayroon sa bukas. Tulad na lamang ng aksidenteng nangyari kay Nanay. Ang pagpapakasal ko ng wala sa oras kay Senyorito Simon at itong pagbubuntis ko. Lahat naman talaga tayo ay pupunta sa kamatayan.
Ngunit ang hiling ko lang, sana naman ay magtagal pa ang buhay ng Senyora Loreta. Siya lang kasi ang nakikita kong aking kakampi lalo na at wala pa ring malay si Nanay sa ospital. Gusto ko pang matagal na makasama si Senyora Loreta. Pakiramdam ko kasi kapag nariyan siya sa paligid ay gumagaan ang pakiramdam ko dahil mabuti ang pakitungo niya sa akin. Gusto ko pa siyang mas lalong kilalanin sa mga susunod pang araw na magkakasama.
Chapter 7
Pumasok na ako sa 100b ng banyo para maglinis ng aking pagod na katawan.
Pakiramdam ko ngalay na ngalay ang mga binti at paa ko sa gayong kung tutuusin ay halos nakaupo lang naman ako maghapon at kumakain. Galing kami sa paboritong restaurant ng Senyora Loreta. Band ang ala-singko ng hapon ay bigla na lang siyang nagyayang lumabas ang mabait na matandang babae dahil gusto niya raw kumain sa labas bilang selebrasyon na malapit na siyang magkaroon ng apo sa tuhod.
Ganito pala ang pakiramdam na may taong lubos na nagmamahal sa isang anak na hindi ko pa sinisilang maliban sa akin.
"Excuse me, l'll take this call."
"You may go, iho."
Matapos tanguan ang kanyang 1.01a ay tumayo na si Senyorito Simon sa lamesa kung saan kami sabay-sabay na kumakain.
"Kumain ka ng kumain, Karen. Puro masustansyang pagkain ang mga inorder ko para sayo at para sa apo ko."
Nilagyan pa ni Senyora ng pagkain ang aking
plato. Halos mapuno na nga ng iba't-ibang putahe ang plato ko. Hindi ko alam kung karne ba ng baboy o karne ng manok o karne ng baka ang nginunguya ko. Hindi naman ako pamilyar sa mga pagkaing nakahain sa lamesa namin. Ngunit panigurado ng mga mamahalin base na rin sa łasa at sa magagarang presentasyon.
"Karen iha, wala ka bang pinaglilihian o 'yung bagay na gustong-gusto mong kainin o makita o maamoy?” sunod-sunod na tanong ng Senyora habang naglalagay na rin ng pagkain sa kanyang plato.
Saglit akong nag isip.
Wala naman akong maalaala na mga ganung bagay. Maliban na langsa nagsusuka ako kapag naamoy ko 'yung sabon na ginagamit sa kwarto ko. Kaya nga simula noon ay hindi ko na ginamit. Shampoo na langdin ang ginagawa kong panglinis sa aking katawan. Napangiwi tuloy ako ng maalaala ang ka wirduhan ko. Baka kapag nałaman ng ibang tao na shampoo rin ang ginagamit kong pan sabon sa katawan ay pagtawanan nila at ako sabihin na napaka ignorante.
Ngunit may kinalaman ba dito ang aking pagbubuntis?
Ito ba 'yung tinatawag nilang paglilihi?
Ang weird naman pala talaga.
"Karen, ngayong nagdadalang-tao ka na. Huwag ka sanang mag pagkagutom. Dalawa na kayong nangangailangan ng sustansya ng pagkain. Tandaan mo, huwag na huwag kang magpapa stress sa kakaisip dahil mararamdaman din ng anak mo kung ano ang nararamdaman mo." Paalala ni Senyora Loreta.
"Opo, Lola, tatandaan ko po ang lahat ng mga bilin ninyo," sagot ko naman habang dahan-dahang ngumunguya at nalalasahan ang pagkain.
"Akala mo siguro hindi ko napapansin ang malamig na pakikitungo ninyong dalawa isat-isa ni Simon. Matanda na ako para hindi mapansin ang mga baga-bagay sa paligid 1<0. Papunta pa lang kayo ay pauwi na ako," turan ng Senyora habang nakatingin lamang sa hinihiwa niyang karne.
"Ano PO, Lola?" tanong ko na wari bang nagkamali lamang ako ng narinig.
"Karen, hindi ka mahirap mahalin.
Naniniwala ako na matutunan din ni Simon na mahalin ka. Lalo at magkakaroon na kayong dalawa ng anak. Kaya iha, huwag mo sanang susukuan ang apo ko. Alam kong magiging mabuti kang asawa at nanay ng mga magiging
anak ninyo." Ginagap pa ng Senyora ang aking kamay para pisilin na waring pinapahatid sa akin na mapanatag ako sa anuman ang aking pag-aalinlangan.
"At isa pa iha, huwag mong hahayaang ma-api ka. Hindi na uso ngayon ang pa awa at pamartir na bida. Ang uso ngayon ay mga palabang bida-kontrabida. Kaya naman matuto kang ipagtanggol ang sarili mo at ipaglaban ang karapatan mo. Lalo na ngayon na magkaka-anak ka na. Paano mo ipagtatanggol ang anak mo sa mapanghusgang mundo kung ang mismong sarili mo ay hinahayaan mong apihin ng ibang tao.ll Payo pa ng Senyora na at tumigil sandali para urninom ng tubigsa baso.
"Isa ka ng legal na Sto.Domingo. Kaya naman gusto kong matuto kang lumaban. Akala mo ba hindi nakaratingsa akin ang kung paanong pagsalitaan ka ng kung anu-anong masamang paratangsa lugar natin. Hindi masama ang lumaban hanggat alam mo sa sarili mong wala kang ginagawang masama at naniniwala akong mabuti kang tao Karen. Natutuwa ako na sa isang responsable at napakabait na babae ko iiwanan ang aking apong si Simon." Dagdag pa ng
Senyora na ipinagpatuloy na ang pagkain.
Nangingilid ang luha ko sa aking mga mata.
Nakakataba ng puso ang mga sinabi ng Senyora. Nais ko mang itanggi ang kanyang hinala sa amin ng apo nya ay itinikom ko na lamang aking mga labi dahil ayoko na siyang mag-isip pa. Sapat na sa akin ang malaman na naniniwala siya na wala akong ginagawang masama.
Matapos akong mag-bihis ay lumabas na ako ng c.r.
"Ang akala mo siguro ay ganun mo ako kadaling mapapaniwala at mapapaikot?" napahawak pa ako sa tapat ng aking puso ng nagulat sa boses ni Senyorito na nasa labas na pala ng pinto ng c.r.
"A-anong sinasabi mo, Senyorito?" Nagtataka kong tanong.
Turnaas pa ang gilid ng kanyang labi habang mataman akong tinitingnan.
"Ang galing mo rin namang umarte. Bilib na talaga ko sa talento at katalinuhan mo."
"Ha? Ano bang mga sinasabi mo?" nahihiwagaan kong tanong ulit. Hindi ko talaga alam kung ano ang sinasabi niya.
"Akala mo siguro ganun ko na lamang tatanggapin na ako ang tatay niyang anak mo?
Hindi mo ako maloloko. Hindi ako kasing bait ni
Lola Loreta para mauto mo."
Para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig sa kanyang mga tinuran.
"Senyorito, ano po ba ang sinasabi mo? "Shut Up!" sigaw at pag putol niya sa anumang aking sasabihin.
"Hindi ko nga maalala na nagalaw kita nung gabing magkasama tayo sa kwarto tapos ngayon gusto mo akong paniwalain na ako ang tatay ng dinadala mo? Ah, alam ko na, siguro nagpagalaw ka sa kung sinong boyfriend mo o kahit sinong lalaki mo at siguradong mabubuntis ka para nga naman mapaako mo sa akin. Dahil 'yon talaga ang plano mo, ang pikutin ako at ipaako sakin ang-"
Pak!
Isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi ni Senyorito lumagapak ang kanan kong kamay. Hindi ko nais manakit ngunit sobra naman ang pananalita at pang iinsulto niya sa sa akin bilang babae.
Na tahimik siya at marahil ay nabigla.
"Marahil ay wala akong naalala sa kung ano man ang nangyari sa atingdalawa ng gabing iyon. Pero huwag na huwag mo akong paratangan ng mga kung anu-anong bagay na
kahit kailan ay hindi ko naisip na gawin." Kuyom ang palad ko habang nagsasalita. Pigil na pigil ko ang galit ko. Nais ko siyang sigawan ngunit nasa kabilang kuwarto lam ang ang Senyora. Ayokong marinig niya ang anumang sigalot sa pagitan namin ni Senyorito Simon.
"Bakit? nainsulto ka ba? Kunwari ay nagmamalinis pero mukha kang pera at desperada.ll Kaswal niyangturan na para bang nakakasiguro siyang ganun akong klase ng babae.
Tinitigan niya ako ng nang uuyam niyang mga mata na parangsinasabi na "hindi ako naniniwala sayo." at saka siya dumukwang at bumulong sa kaliwa kong tenga.
"Hinding-hindi kita matatanggap bilang asawa. Gayundin ang batang sinasabi mong anak 1<0." Saka niya ako nilampasan at isinara ang pintuan ng banyo.
Hindi ako agad makaalis sa kinatatayuan 1<0. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng bawat himaymay ng kalamnan ko sa mga narinig kong pang-iinsulto sa aking pagkatao.
Nais kong umiyak ngunit parang walang luha ang gustong umalpas sa aking mga mata.
Kaya kong tanggapin lahat ng masasakit na salita pero huwag naman sana nyang idamay ang anak ko na hindi ko pa pinapanganak pero kanya ng itinatwa.
Wala sa sariling nakayakap ako sa aking manipis na tiyan.
"Anak, tandaan mo mahal na mahal ka ni Mama kahit anong mangyari mahal na mahal kita. Mahal na mahal ka rin ni Lola Karina mo gayundin si Lola Senyora. Kaya huwag ka ng malungkot sa mga narinig mo sa Papa mo," bulong ko sa isipan ko habang hinahaplos-haplos ang manipis ko pa na tiyan.
"Tama si Lola Senyora, kelangan ko talagang lumaban hindi lamang para sa sarili kundi para na rin sayo anak."
Chapter 8
"Sir, pwede mo ba akong ibili ng inihaw na manok? lyong nakapwesto sa gilid ng daan tuwing hapon mamayang pag-uwi mo galing sa trabaho? Gustong-gusto ko kasing kumain ng inihaw na manok. Maibibili mo ba ako?" tanong ko kay Senyorito Simon ng makita siyang naghahanda na para pumasok sa trabaho ngayong um aga.
Ewan ko kung bakit naghabilin pa ako kay Senyorito pero bigla na lamang kasing burnuka ang bibig ko at kusang nagsalita ng makita siyang patungo na sa malaking pintuan at palabas na ng bahay para pumasok na sa kanyang opisina. Mula kagabi ay gustong-gusto ko nang kumain ng manok. Pero ang gusto ko ay inihaw na nanggaling mismo sa mga nag iihaw ng manok na matatagpuan sa gilid ngdaan. Basta doon ko gustong manggaling ang gusto kong kainin.
Kapag hindi nagmula roon ay hindi na bale. Ayokong kumain ng ibang Il-Ito ng manok. Basta naramdaman ko na lang na 'yun ang gusto kong kainin. Nangangasim at naglalaway ako kapag nakikita ko sa imahinasyon ko ang manok na dahan-dahang iniikot sa ibabaw ng nagbabagang uling upang maihaw ng husto. Tila naaamoy ko rin ang atsarang gawa sa papaya na kadalasan ay pa give away ng mga nagtitinda dahil lyun daw ang masarap na panghimagas pagkatapos kumain ng inihaw ng manok. Nanubig ang king bagang at lalo akong nagutom.
Hindi ko alam kung narinig ba ni Senyorito ang inihabilin ko sa kanya. Tulad naman kasi ng normal na araw ay hindi man niya naman ako pinapansin o kahit nilingon man lang. Pero may bago pa ba sa bagay na 'yun? Dalawa lang kami dito sa bahay ngunit hindi man lang kami naguusap. Mayroon na nga kaming kasama sa bahay. Mismong si Senyora Loreta na ang nag-hire para may tagapaglinis na dito sa bahay at ng sa ganun rin ay maalagaan ko ng husto ang aking sarili dahil sa pagbubuntis ko. Stay-out ang aming kasambahay, magsisimula ng alas-otso ng urnaga at uuwi ng ala-singko ng hapon. Kaya naman pagdating sa gabi ay wala na akong nakakausap. Gusto ko san ang gumamit ng cellphone ngunit maging ang wifi password ay hindi ko naman lamang alam kung ano. Ayoko namang magtanong kay Senyorito Simon at baka ma stress lang ako kapag ako ay kanyang sininghalan at pagsabihan ng kung anu-anong mga masamang salita. At isa pa, iniiwasan ko na awayin niya ko sa harap ng aming bagong kasambahay. Ayoko rin naman malaman ng ibang tao kung paano niya ko tratuhin bilang asawa o bilang tao.
Ayoko rin naman magload ng magload dahil baka agad maubos ang pera na hawak ko at hanapin niya ang ibinibigay niyang allowance para sa mga gastusin dito sa bahay at paratangan na naman ako ng mukhang pera o kaya ay naman ay mangungupit ng pera na hindi naman sa akin.
Nagbuntong-hininga na lamang ako.
Paano kaya ang pakiramdam ng naglilihi ka tapos may asawang tagabili ng mga gusto mong pagkain? lyong tipong gigisingin mo siya sa gitna ng hatinggabi para lamang mag hanap ng bukas na tindahan dahil nagugutom ka at may nais kang pagkain na gustong-gusto mong kainin.
Sa tuwing may nais kasi akong pagkain ay ako ang lumalabas para burnili sa palengke. Ayoko rin naman na mag-utos dahil kaya ko namang gawin at isa pa hindi ako sanay na mag-utos lalo pa at para ko ng Nanay si Manang Lorna para utusan ko.
Si Manang Lorna ay ang kasambahay namin. Masipag at pulido magtrabaho sa mga gawaing-bahay. Nakita ko sa galaw niya na sanay na sanay na siyang kumilos kahit pa napakalaki nitong buong bahay. Idagdag pa ang malawak na
bakuran sa labas. Halata sa kulubot na kamay ni Manang Lorna ang kasipagan niya.
Pati sa pananalita ay magalangsi Manang. Ilang beses kong pinapaalala na 'wag niya na akongtawaging "Ma'am Karen" at "Karen" na lang. Halos thirty-years na raw siyang namamasukan bilang kasambahay kaya naman sanay na sanay na siya sa anumang dapat gawin. Ayon pa sa kanya, gusto na raw siyang patigilin ng mga anak at apo niya sa pamamasukan ngunit siya lamang ang ayaw tumigil. Hangga't kaya raw ng katawan ni Manang Lorna ay mamasukan siya kahit pa kaya na siyang buhayin ta pakainin mga anak.
Nakuwento ko na rin ang tungkol sa kalagayan ng Nanay ko kay Manang Lorna. Bigla tuloy nakong nawalan nang sasabihin ng magkomento siyang napakaswerte ko raw at nakapag-asawa ako ng mayaman na binata at sinusuportahan ang pagpapagamot sa ospital ni Nanay.
Kung alam lamang ni Manang angtunay kong kalagayan ay baka mas isipin njiyang mas mapalad siya kaysa sa akin.
liling-iling na lamang ako habang inaalala ang kasalukuyang sitwasyon ng buhay na mayroon ako.
00 at komportable akong magkuwento ng tungkol sa buhay ko pero maliban sa kung paano ako naging asawa ng isang Simon Sto.Domingo. Ganun pa rin ang kalagayan ni Nanay. Walang pagbabago pero hindi ako tumitigil sa pagdarasal na magigising siya isang araw.
Napapangiti ako sa tuwing iniisip na apat na buwan na lang ay ipapanganak ko na ang aking unang anak.
Napupuno ng galak ang puso ko sa tuwing naririnig ko ang heartbeat nya kapag ako ay nagpapa-checkup sa aking Obygne.
Ngunit mas masaya siguro kung kasama ko Senyorito. Hindi ko kasi maiwasang mainggit sa ibang buntis na nagpapacheck-up dahil kasama nila ang kanikanilang mga asawa na panay ang alalay sa tuwing naglalakad, tatayo o uupo man lang sila.
Samantalang ako pangitingiti lamang habang nakatingin sa kanila.
'Yung tatay kasi ng anak ko halos hangin lang kami para sa kanya. Hindi nga makuha na kamustahin man lang kahit ang anak man lang niya.
Hindi ko pa alam kung ano ang kasarian ng
baby ko ngunit kahit lalaki siya o babae ang importante ay malusog sya.
Madalas akong tawagan ng Senyora para kamustahin Hindi nya naman ako madalaw muli pagkat malayo rin ang lungsod sa aming probinsya. Naiintindihan ko naman sapagkat matanda na siya at marami na rin ang iniindang masakit sa katawan.
Si Senyorito?
Ganun pa rin naman.
Parang wala lang ako dito sa bahay. Kapag mayroon siyang nais sabihin ay dinadaan niya na lamang sa tawag na hindi pa siya ang gurnagawa kundi nag-uutos pa sa kanyang sekretarya.
Hindi ko alam kung hanggang kailan kami ganito. Ngunit urnaasa pa rin ako na balang-araw ay matatanggap niya kahit man lang ang magiging anak niya.
Chapter 9
Pasimple pa akongsumilip sa bintana ng hawiin ko ang makapal na kurtina na tumatakip rito. Narito ako sa aking sariling kwarto at matiyagang naghihintay. Mula rito ay tinatanaw ko ang bagong dating na asawa ko. Excited akong salubungin siya para sa inihaw na manok na hinabilin ko sa kanya kaninang umaga. Ngunit maliban sa bag na itim na naglalaman ng kanyang personal laptop ay wala na siyang anuman pa na bitbit. Nawala ang pag-asang inaasam ko. Laglag ang balikat ko sapagkat urnasa talaga akong bibilhan niya ako.
"Baka naman nakalimutan niya lamangsa 100b ng kotse." At muli akong naghintay kung may babalikan ba siya sa kotse kanyang kotse. Ngunit sino ba ang niloloko ko kundi ang sarili ko mismo. Masyado akong umasa na bibilhan niya ako kahit alam ko naman na wala nga siyang pakialam sa akin at kahit pa sa batang pinagbubuntis ko na siya ang ama.
Maya-maya ay narinig ko na lamang ang pagbubukas at pagsara ng pintuan ng kanyang kwarto.
"Ano pa bang aasahan ko? nausal ko na wari pang nais kung urniyak. Pinipigilan kong huwag urnalpas ang mga luha ko. Aarninin ko, medyo sumama talaga ang loob ko pero ako naman ang may kasalanan. Sana pala ako na ang burnili kaninang maliwanag pa sa daan. Masyado kasi akong urnasa. Naiyak ako angtuluyan, hindi dahil sa tiniis kong gutom sa pag-asang bibilhan niya ako ng inihaw na manok kung hindi dahil sa katotohanan na wala naman talagang siyang pakialam akin at sa batang dinadala ko na anak niya.
Pinahid ko ang mga luhang nagsi- alpas sa aking mga mata. Binuksan ko ang aking cabinet at naghanap ng puwedeng isuot bilang pananggalang sa lamig ng hangin ng gabi sa labas ng bahay. Ako na lamang ang lalabas at maghahanap ng inihaw na manok. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob ng aking kwarto. Walang ingay akong naglakad kagaya ng isang magnanakaw na takot mahuli. Maingat ko rin na isinara ang gate upang hindi makalikha ng ingay kahit langitngit man lang. Agad kong isinuot ang balabal sa aking katawan ng maramdaman ang malamig na dapyo ng hangin sa aking balat. Pinandungan ko rin ang aking ulo dahil maharnog na. Ayon kasi sa mga naririnig ko dati sa probinsya ay bawal mahamugan ang isang buntis sa gabi.
Nagtanong na lamang ako sa mga guard ng village kung saan kami nakatira kung mayroon silang alam sa malapit na bilihan ng inihaw na manok at magalang naman nilang itinuro sa akin kung saan ang direksyon.
Nagtanong pa nga sila kung bakit ako mismo ang naghahanap gayong buntis ako. Nag boluntaryo pa ang isa sa kanila na siya na lamang daw ang bibili ngunit magalang kung tinanggihan sapagkat alam kung nasa trabaho sila.
"Mr. Sto Domingo, ayan na po pala ang asawa ninyo." Narinig kong sabi ng isa sa mga guwardiya ng malapit na ako sa gate ng village.
Nilingon ko ang kinakausap ng gwardiya. Ganun na lamang ang bumadhang gulat sa mukha ko ng makilala.
Si Senyorito Simon na madilim na madilim ang mukha na nakatingin sa akin habang nasa tenga pa ang cellphone na tila may tinatawagan. Anong ginagawa niya rito? Sa pagkakaalam ko ay tulog na siya kaninang tumalilis ako ng bahay.
Naglakad siya patungo sa kanyang kotse na hindi ko napansing nakaparada pala sa harapan ng gate ng Village. Binuksan niya ito ang pintuan
katabi ng drivers seat.
"Sakay." Madiin niyang utos sa akin.
Nagmamadali naman akong sumakay na para bang isa akong batang pinapauwi ng Tatay.
Nagpasalamat siya sa mga gwardya bago siya sumakay sa sasakyan at mabilis na siyang nag maneho pauwi sa bahay.
Tahimik habangtinatahak namin ang daan pauwi ngunit ramdam kong galit siya sa akin. Nakalapat ang kanyang labi. Nakakunot ang noo at salubong ang makapal na kilay.
"Hindi mo ba alam na napaka delikadong lumabas sa gabi!? Boba ka ba o sadyangtanga!? " bulyaw niya agad sa akin ng sakto niyang maisara ang pintuan ng bahay ng parehas na kaming makapasok sa 100b.
Agad naman nangilid ang mga luha ko habang mahigpit ang hawak ko sa plastic na pinaglalagyan ng inihaw na manok na gusto kung kainin.
"Bu-mi-li lang naman ako ng inihaw na manok. Gustong-gusto ko kasing kumain talaga nito. Wala ka naman kasingdala kaya ako na ang bumili," utal-utal kong pangangatwiran.
"Ano bang meron sa pagkain na 'yan at sa darni ng pagkain dito sa 100b ng bahay ay iyan pa talaga ang gusto mo! Baka isipin ng mga taong nakakita sayo diyan sa labas ay ginugutom kita dito sa pamamahay ko! ll Madiin niyang singhal sa akin.
"Pasensya ka na,Senyorito. Hindi na mauulit." Nakayukong paghingi ko ng paumanhin.
Napahawak ako sa tiyan ko dahil talagang gutom na ako.
"Hindi ko lang alam kung ano ang drama mo at talagang lumabas ka pa ng bahay ng dis-oras ng gabi para sa isang manok?" Asan ba ang utak mo? Naiwan ba sa probinsya?"
Tumingin ako sa kanya kahit nakikita kong pinipigilan niya ng sigawan ako ulit. Bakit ba ko lumabas ng gabi? Hindi ko nga naman naisip na delikado dahil sa nagugutom na talaga ako.
"Heto marahil ang pinaglilihian ko. Nagbilin kasi ako sayo pero hindi mo naman ako binilhan 11 sabi ko na may himig pagtatampo.
Taas-baba ang adam's apple niya habang nakikinig sa sinabi 1<0. Alam kong may nais siyang sabihin ngunit mas pinili na lamang akong iwanan at nagtuloy na siya sa itaas ng bahay. Nag tuloy naman ako sa kusina at doon kumain.
Ewan ko pero walang ampat sa pagpatak ng luha ko habang panay ang subo ko ng manok.
Naiiyak pa ako sa tuwa dahil sa wakas ay nakabkain na ako ng inihaw na manok o maarin rin na naiiyak ako dahil ni wala naman pakialam sa akin ang asawa ko?
"Busog ka na ba anak? Hayaan mo laging kakain ng marami si Mama para maging malusog ka." Haplos-haplos ko pa ang tiyan ko habang kinakausap ko ang batang malapit ko ng ipanganak.
"Hayaan mo, sa tuwing may gusto kang kainin. Si Mama na lamang ang bibili.
Hinding-hindi na ko magbibilin sa Papa mo kasi lagi namang busy."
"Hindi anak, mahal ka ng Papa mo. Abala kasi siyang tao kaya malamang na nakalimutan niya 'yung pinabibili ko kanina."
Para akong tanga.
Niloloko ko na nga ang sarili ko dinadamay ko pa ang anak ko.
Chapter 10
"Nay, kamusta na po kayo dito? Pasensya na po kayo kung hindi na ako araw-araw nakakadalaw para kamustahin ang kalagayan ninyo. Huwag po sana kayong magtampo at magdaramdam. Doble po kasing pag-iingat ang ginagawa ko para po walang mangyaring masama sa akin. Umuulan po kasi nitong mga nakaraang linggo. Mahamog po sa labas at madulas ang mga kalsada. Ayoko naman pong magkasakit o kaya ay baka magkamali ako ng hakbang at bigla na lang po akong madulas kung saan. Alam niyo naman, baka madamay itong apo niyo sa tiyan ko kapag nagkaroon ako ng sipon, lagnat o baka mas malalang mangyari pa roon.ll Habang nagsasalita ay hinahaplos-haplos ko pa ang mahaba-habang kulay itim na itim buhok ni Nanay. Ganun pa rin ang kanyang kondisyon. Wala pa rin pagbabago sa kabila ng modernong kagamitan na nakakabit sa kanyang katawan. Sa kabila ng mga magagaling at mga dalubhasang mga espesyalista na doktor. Ngunit naniniwala ako na habang buhay ay may pag-asa. Kung kaya naman patuloy lamang ako sa panalangin sa langit na isang araw ay diringgin
Niya ang lahat ng kahilingan ko. Isa na nga roon ang gurnising at gurnaling na sana si Nanay. Nawa'y muli siyang magmulat ng mga mata at muli akongtawagin sa aking pangalan.
Panalangin ko na isang araw ay tatayo na siya dito sa hospital bed at maglalakad na parang nagdahilan lamang kanya. Miss na miss ko na kung paano niya ako pagsabihan kapag may nakikita siyang mali sa ginagawa ko. Sabik na akong marinig ang boses niya at ang taginting ng tawa niya. Sabik na kong makita ang masigla niyang paggalaw lalo na kapag nasa harapan ng mga mahal na mahal niyang mga halaman.
"Nay, malapit na akong manganak. Sobra nga po ang paggalaw sa tiyan ko nitong apo niyo. Paglabas po nito ay baka sumakit ang ulo ko dahil sa sobrang ikot. Baka kapag nakakalakad na siya ay kung saan-saan na siya makarating. Kung saan-saan ko na siya hahabulin." Nakangiti kong kuwento. Kinuha ko ang kamay ni Nanay at dinala sa aking umbok na tiyan.
"Nararamdaman niyo ba siya, Nay? Alam niya po siguro na narito ako sa inyo at gusto niyang magpasikat. Sobrang excited po siguro ang apo niyo na lumabas at makita na rin ang kanyang Lola. Kaya magpagaling na po kayo, Nay.
Kayo nga dapat ang kasama ko kapag manganganak na ako. Natatakot din kasi po kasi ako.
Ano po ba 'yung pakiramdam ng manganganak na? Totoo po ba na sobrang sakit sa pakiramdam kapag manganganak na? Marami nga pong ipinagbabawal sa akin na gawin at maging sa pagkain. Lalo na si Senyora Loreta panay po ang tawag at pag papaalaala ng mga dapat at hindi ko dapat gawin. Sobrang maalalahanin po ni Senyora, Nay. Itinuturing niya po ako na tunay na apo. Pero talagang kinakabahan po ako sa tuwing iisipin ko na manganganak na ako. Natatakot po ako baka hindi ko kasi kayanin 'yung labor na tinatawag. Baka hindi ko po kayanin umiri. Baka mapaano ang ang anak ko sa tiyan ko kapag hindi ko po siya agad nailabas. Sa palagay niyo ba, Nay ay kaya ko? Paano kung hindi pa ako handang maging Nanay? Paano po kung magkamali ako sa pagkarga sa kanya at mapilayan siya?" mga tanong ko sa aking Nanay.
Sana naman kahit boses ko ay naririnig man lang niya. Madalas kong mapanood sa mga teleserye at pelikula na kapag ang isang tao ay nasa coma ay maaaring gising ang kanyang diwa at naririnig nito ang mga boses ng tao sa kanyang paligid. Kadalasan pa ay gumigisingsa mahabang
pagkatulog na parang wala namang nangyari.
Sana nga ganun din ang mangyari kay Nanay. Gumising siya na parang wala lang ang mga nagdaang panahon na nakaratay siya ng matagal sa higaan.
"Nay, magigising naman po kayo hindi ba? Ang tagal niyo ng natutulog. Hindi po ba nakakapagod matulog? Hindi pa kayo nangangalay ng nakahiga? Hindi po ba ayaw na ayaw ninyong nakahiga lang at walang gin awa maghapon? Hindi niyo man lang nasaksihan na ikasal ako kay Senyorito Simon. Dapat nga po kayo ang katuwang ko lalo na ngayon sa sitwasyon ko. Ang hirap po pala talagang magbuntis, Nay. Mas naiintindihan ko po ang kalagayan ninyo noong panahong dinadala niyo pa ko sa iyong sinapupunan. Maswerte pa nga ho ako dahil may bahay akong masisilungan. May sapat akong pagkain at kung anu-anong mga vitamins at gatas na iniinom para sa sarili ko at sa baby ko. Samantalang kayo noon, halos manlimos na kayo sa lansangan may makain kang kayo dahil iniisip niyo ang kalagayan ko sa tiyan niyo. Wala rin po kayong matuluyan noon. Kaya iniisip ko ngayon kung paano niyo po ba nakayanan ang lahat ng iyon, Nay? Paano po ninyo nalampasan ang lahat ng mga pagsubok na kayo lang mag-isa dahil hindi na kayo inuwian ng Tatay 1<0?" Emosyonal kong pagsusumamo at mga tanong. Alam kong naririnig ako ni Nanay kahit nakapikit siya at hindi gumagalaw.
Nagbuntong-hininga ako habang mataman nakatingin sa kanya. Alam kong may himala. Hanggat naniniwala ako na magigising si Nanay ay hindi ko siya susukuan.
"Nay, sana naman gumising ka na please. Para naman magabayan po ninyo ako sa tamang pagpapalaki sa aking magiging anak na apo ninyo. Alam niyo ba, Nay. Malapit ko ng malaman ang gender niya. Sabi ng doctor na tumitingin sakin sa pagbalik ko sa susunod na linggo malalaman ko na ang kasarian ng baby ko.
Excited na po ko, Nay." Masigla ko pag kuwento. Totoo naman kasi na excited na akong malaman ang kasarian ng magiging anak ko. Wala naman kaso sa akin kung babae siya o lalaki. Tulad ng panalangin ng maraming magulang. Basta maipanganak ko siya ng normal at malusog ay isa ng malaking biyaya.
Nasa ika pitong buwan na ako ng aking pagbubuntis. Noong una ay ayoko sanang magpa-ultrasound para surprise ang kasarian ng aking anak. Ngunit na excite na rin kasi si Senyora Loreta na malaman ang kung lalaki ba o babae ang unang apo niya sa tuhod. Kaya naman
pinagbigyan ko na. Wala namang masama sa bagay na 'yun. Para alam ko na rin kung anong kulay ng mga darnit at iba pang gamit ang dapat kong bilhin.
Chapter
11
"Nay.
Ginagap ko ang kamay ni Nanay at saka
dinala sa aking pisngi. Hinalikan ko ito kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.
"Nay, para sa inyo titiisin ko
ang lahat.
Magtitiis po akong pakisamahan si Senyorito
Simon kahit hindi maganda angtrato niya sa akin nang sa ganun ay manatili kayo
dito hanggang sa gumaling kayo. Huwag po kayong mag-alala sa kalagayan ng buhay
ko ngayon. Alam niyo naman na lahat kinakaya nitong nag-iisa ninyong anak. Lalo
na po ngayon na kailangan niyo talaga ng maconfine dito sa ospital para
mamonitor po kayo ng maayos. At saka kailangan ko talagang magpakatatag sa
hamon ng buhay dahil magiging Nanay na rin po ako."
"Basta PO, Nay, pangako ninyo sa
akin na gigising kayo at hindin po ninyo ako iiwan. Kayang-kaya ninyo 'yan,
Nay. Saan pa ba ako magmamana ng katatagan sa buhay kundi sa inyo lang. Kaya
huwag na huwag kayong susuko, Nay. Dahil hindi rin ako susuko at hindi rin ako
magsasawang tumawag sa Itaas para gumaling
kayo." At lalong bumuhos ang mga
luha ko. Dito ko lamang kasi naibulalas ang emosyon ko.
Ayoko sanang urniyak dahil baka
makaapekto sa dinadala ko pero sino ba naman ang hindi maiiyak sa
sitwasyon ? Urniiyak ako upang mabawasan
man lang kahit konti ang bigat na dinadala ko sa akingdibdib.
Nasa coma ang mahal kong Nanay. Ang
nag iisang magulang na mayroon ako at ang nag iisang pamilya ko dito sa mundong
ibabaw.
Kinasal nga ako sa isang mayamang
binata. Marami ang nag-iisip na katulad sa isang fairytale ang kuwento ng love
story ko. Isang mahirap na dalaga na ikinasal sa isang maituturing na buhay na
prinsipe sa kasalukuyang panahon. Ngunit hindi naman nila alam ang katotohanan.
Katotohanang kung tratuhin naman ako
ng aking naging asawa ay parang daig ko pa ang nakakadiring basura. Higit sa
lahat at ang hindi ko matanggap ay idinadamay pa ang anak ko na anak niya rin
naman.
"Pangako PO, Nay. Magtitiis ako
para sayo at sa magiging apo ninyo." Ngumiti ako ng may pait at muling
nagpaalam na sa aking Nanay. Matapos kong pasalamatan ang mga Doktor at nurses
na nag-aalaga kay Nanay ay urnuwi na rin ako. Madilim na 100b ng kabahayan
sapagkat
ginabi na ako sa pag-uwi. Sinabayan
pa ng traffic dahil na rin siguro sa malakas na ulan na maghapon na yatang
bumubuhos at parang walang planong huminto.
Mabilis kong hinanap sa aking sling
bag ang susi ng bahay at agad itong Isinuksok sa seradura ng pinto.
"Nandito na pala ang babaeng
sumira ng mga pangarap ." Nagulat
pa ko ng biglang may nagsalita ngtuluyan kong mabuksan ang malaking pintuan.
Hinanap ko ito at natagpuan si Senyorito Simon na nasa sala at nakaupo sa sa
malambot at malaking sofa habang may hawak na baso na may lamang alak. Tumayo
siya sa mula sa pagkakaupo at tinahak ang direksyon kung saan ako nakatayo.
"Senyorito, lasing ka na naman
pala." Bukod tanging nasabi ko sa kanya dahil napapansin ko na halos
gabi-gabi ay umiinom siya ng alak na napakatapang ang annoy. Minsan ko kasing
inamoy ang natirang likido sa babasaging baso na kanyang gin amit bago ko
hinugasan. Napangiwi pa ang mukha ko dahil sa nakakahilong amoy ng alak. Ewan
ko ba, ano ba ang mayroon sa alak at marami ang nahuhumaling na uminom nito?
Bukod sa ang sama naman talaga ng lasa ay nakakahilo talaga. Ako nga na inamoy
lang
medyo sumama pakiramdam ko. Ano pa
kaya sila na halos araw-araw at magdamag na umiinom? "At ano naman ngayon
kung Iasing ako? Bakit natatakot ka ba sa maaari kong gawin ulit sayo?" mabalasik niyang tanong sa akin
kasabay ng muli kung naalala kung paano niya ako sinaktan dati. Wari tuloy
naramdaman kung muli kung paano ako kinapos ng hangin ng kanya akong sinakal.
Naramdaman ko ang paghigpit ng anit ko tulad ng kanyang mahigpit na pagsabunot
sa aking buhok.
"Sabagay hindi ka naman
matatakot sakin kahit saktan pa kita araw-araw. Alam mo kung bakit?"
inilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko kaya naman mas lalo kung naamoy ang
alak sa kanyang mainit na hininga.
"Dahil makapal ang pagmumukha
mo!" asik niyang sabi sa mukha ko.
"Napaka-kapal ng mukha mo! Hindi
ka na nakuntento na pinag-aaral ka ng Lola ko at kupkupin kayo sa Hacienda! ll
malakas niyang sigaw.
"Utusan, katulong o kasambahay
ang Nanay ko sa Hacienda ninyo kaya anuman ang meron kami na galingsa Hacienda
ay dahil 'yun sa matapat na paglilingkod ng Nanay . At isa pa, pinaghirapan kong ipasa ang exam
sa university para makakuha ng full scholarship para makapasok doon ng
libre." Mahinahon kung sin agot ang mga paratang niya sakin.
"At sa tingin mo maniniwala ako
sayo?" seryoso niyang tanong.
Napa-atras pa ko ng isang hakbang
dahil sa lapit ng mukha niya.
"Sinamantala mo na gustong-gusto
ka ng Lola ko kaya naman malakas ang loob mong gawin ang nais mo. Alam mo rin
siguro ang disgusto ng Lola ko sa girlfriend ko kaya naman mas lalo kang
naglakas-loob na pikutin ako. Desperate woman." madiin nya pa kong
hinawakan sa braso bago paasik na binitawan. Muntik pa akong mabuwal at
matumba.
"May sarili kang opinyon at
paniniwala at wala akong magagawa kung mali ang iniisip mo sa pagkatao
ko." Malumanay ko pa rin na lahad.
Ngumisi siya.
"At anong pagkatao meron ka?
Para sa akin isa kang walang kwenta at mananatiling isang basura!" patuloy
niyang pang-iinsulto sa akin.
"Hindi dapat ikaw ang nandito sa
mansyon kol Hindi dapat ikaw ang babaeng naririto. SI Daphne dapat! Pero dahil
sa kahihiyan na ibinigay ko sa kanya kaya tuluyan niya na akong iniwan! Alam mo
ba kung nasaan suya ha? Alam mo ba?! andun sya sa Amerika! At iniwan na ko
rito. Kahit anong pagmamakaawa at
pagpapaliwanag ko sa kanya ay hindi niya na ako pinakinggan!"
umiigting pa ang kanyang panga habang nagsasalita.
"Iniwan na ako ni Daphne. Iniwan
na ko ng babaeng mahal na mahal ko at iyon ay dahil sayo! Lumayas ka na nga sa
harapan ko! Dahil baka magdilim ang paningin ko at mawala sa isip ko na buntis
ka!" madiin niyang pagtataboy sa akin saka siya burnalik sa pagkakaupo sa
sofa at nagsalin muli ng alak sa baso.
Nakatingin lamang ako sa ginagawa
niyang pagpapakalunod sa alak.
Ganun niya ba ko kinasusuklaman?
Ang swerte talaga ni Senyorita
Daphne.
Bukod sa napakaganda na at
napakayaman ay mahal na mahal pa siya ni
Senyorito Mon. "Ano pa ang tinitingin-tingin mo diyan! Lumayas ka sa
harapan ko!" nagising ako sa pag-iisip ng bulyawan niya na naman ako ulit.
Napansin niya sigurong hindi ako tumitinag sa aking kinatatayuan.
Umalis na lamang ako para wala na
akong marinig na anumang masasakit pang salita. "Sana balang-araw maalala
ko kung anong nangyari ng gabing yon." bulong ko sa aking sarili.
Napa haplos tuloy ako sa umbok kung
tiyan.
"Nak, narinig mo ba ang
pinag-usapan namin ng Daddy mo? Huwag mongdibdibin lyun ha. Nagbibiro lang
siya. Lambing lang ng Daddy mo 'yun kay Mama." Nakangiti pa ko pang
kinakausap ang sanggol sa aking sinapupunan.
Chapter
12
"Senyorito!" tawag ko kay
Senyorito Simon ng makita ko siyang paakyat sa itaas ng bahay. Marami siyang
hawak na mga papeles na marahil ay galing pa sa kanyang opisina at dito niya na
Iahat tatapusin sa bahay. Alam kong masyado siyang abalang tao. Ngunit umaasa
pa rin ako na bibigyan niya kami ng anak niya ng kahit konting oras.
"Senyorito sandali lang nam
an." Tawag kong muli sa kanya. Ngunit tila wala siyang naririnig.
"Senyorito! Senyorito!"
patuloy kong paghabol at sinadya kong lakasan ang boses ko upang kanya talagang
marinig. Sa lakas ng tinig ko ay bingi na lang siya kung hindi niya pa ako
papansinin.
Huminto naman siya sa pinaka gitnang
bahagi ng hagdan.
"What?!" matigas niyang
tanong at halata sa mukha ang ang pagka inissa akin ng ako ay kanyang marahas
ng lingunin.
Ngunit binalewala ko lamang 'yun at
pilit na ngumiti at pinasigla pa ang aking himig.
"Senyorito, schedule ko ngayon
ng
ultrasound para malaman na ang gender
ng baby natin. Samahan mo naman ako. Lagi ka ngang hinahanap ng doktor na
tumitingin sa akin. Ang bilin niya ay isama raw kita kahit ngayon araw lang na
ito." Masigla kong lahad dahil nga sabik
na sabik na rin naman ako sa kung anong kasarian mayroon ang anak ko.
Lalaki ba o babae ang pinagbubuntis .
Ang una kong anak. Ang pakakamahalin kong anak. Mamahalin ko siya gaya ng
pagmamahal ni Nanay sa akin. Gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti niya.
Wala akong mabasang anumang
pagkasabik na reaksyon mula sa mukha ni Senyorito Simon. Nakatingin lamang siya
at nakinig sa aking sinabi.
"Senyorito, hihintayin kitang
matapos diyan sa mga gagawin mo," sabi ko sabay gawi ng aking mga mata sa
mga papel na kanyang hawak.
"Sa palagay mo naman ay ba
sasamahan kita sa kabaliwan mong Yan?" naging seryoso niyangtanong.
"Wala akong pakialam kung lalaki
o babae man ang pinagbubuntis mo. Dahil unang-una hindi ko anak yan. Pangalawa,
hindi kita kailanman matatanggap bilang asawa ko at lalong-lalo na ang
magkaroon pa ako sayo ng anak.ll madiin niyang dugtong at saka niya ako
tinalikuran at mabilis na humakbangsa
itaas ng hagdan.
"Senyorito, hihintayin kita.
Mamamaya pa namang alas diyes ang schedule ko. Kaya alas nueve pa naman naman
ang alis ko. Hihintayin kita kahit hanggang alas nueve y media." Pahabol
ko ulit na parang hindi ko narinig ang kanyang mga sinabi sa akin kani-kanina
lang.
Muli naman siyang huminto sa
paghakbang.
"Sabi mo nakapasa ka bilang
scholar. Ibig sabihin matalino ka? Bakit hindi mo naiintindihan ang ibig kong
sabihin? Simple lang naman, wala akong pakialam diyan sa pinagbubuntis mol.
Kaya huwag ka ng umasa na sasamahan kita sa kung saang impyerno ka pupunta.ll
Muli niyang asik sa akin.
Hindi ako magpapatalo. Anak niya ang
ipinagbubuntis ko. Kahit ilang ulit niya pang itatwa.
"Senyorito, hindi ka ba
napapagod sa pagtanggi sa anak mo? Sa anak natin? Kahit anong galit ang gawin
mo sa akin ay hindi na magbabago ang katotohanan na asawa mo ako at anak mo ang
dinadala ko sa aking sinapupunan. Kahit ilang beses mo pang itanggi ay wala ka
ng magagawa. Kaya tanggapin mo na at samahan mo na ako sa clinic."
Mahinahon kong patutsada
sa kanya.
Turnaas angsulok ng itaas na labi ni
Senyorito Simon. Tila balewala rin naman sa kanya aking mga sinabi.
"Ibabalik ko ang tanong mo. Ikaw
hindi ka ba napapagod sa pagpapanggap na santa? Wala naman si Lola Loreta rito
para magpanggap ka. Hubarin mo na ang mapanlinlang mong maskara at ipakita mo
kung ano ka talaga. Kung sino ka talaga at kung ano talaga ang tunay mong
kulay. Wag ka ng mahiya dahil tayong dalawa lang naman dito."
Ang talas ng kanyang pananalita.
Akala mo ay matagal na kaming magkakilala sa mga paratangniya.
"Kung makapagsalita ka ay parang
kilalang-kilala mo ang pagkatao ko? Parang siguradong-sigurado ka na sa kung
sino ako? Sa pagkakaalam ko sa sarili ko ay hindi ako ganun na klase ng tao.
Hindi ako mapagpanggap at [along wala akong dapat na hubarin na maskara dahil
totoo ako." Sagot ko naman din sa mahinahon din na tinig.
"Talaga ba? Kaya pala kung
anu-anong balita ang nabalitaan ko sa mga tauhan ng hacienda tungkol sayo at sa
pagkatao mo."
"Tauhan ng hacienda? Ano naman
ang alam
nila sa akin at ano namang klase ng
balita kanilang alam tungkol sa akin. Bahay at eskwelahan lang ang buhay ko at
paminsan-minsan ay nagpupunta ako hacienda kapag kailangan ni Nanay ang
tulong . Kaya ano ang maaaring alam ng
mga tao sa hacienda tungkol sa akin?" naguguluhan kong tanong sa aking
isip.
"Wala akong alam sa mga sinasabi
mo Senyorito. Lalong-lalo na sa mga sinasabi ng mga tauhan ng hacienda tungkol
sa akin. Dahil alam ko sa sarili kong wala akong gin agawang masama."
Pilit kong pagtatanggol sa aking sarili.
"Syempre ganyan ang isasagot mo.
Pero itatak mo sa isipan mo na kahit anong gawin. Wala akong pakialam sa inyo
ng magiging anak mo kahit maglaho pa kayong dalawa." Mga iniwang salita ni
Senyorito Simon bago ko narinig ang malakas na pagsara ng pintuan ng kanyang
kwarto.
Parang sinaksak ako ng libo-libong
kutsilyo. Ramdam ko ang sakit na tumagos sa bawat himaymay ng kalamnan ko. Ang
kirot na pumipintig at nagdudulot ng pananakit ng aking dibdib. Uminit ang
sulok ngdalawa kong mata ngunit tumingala ako sa itaas ng puting kisame upang
ibalik ang pagbagsak ng nagbabadya ng
luha.
Gusto kong umiyak pero pilit kong
pinigilan. Pilit kong iwinawaksi ang pakiramdam ng pagkabigo. Pilit kong
iniisip na ayos lang ang lahat. Walang problema at pasasaan ba at magiging
mabait rin ang ama ng batang aking dinadala.
Hilaw akong ngumiti.
Nag buntong-hininga ako ng ilang ulit
upang lumuwag ang aking naninikip na pakiramdam.
"Ayos lang ako. Ayos lang ako.'
Paulit-ulit kong sinasabi sa isipan ko.
"Kaya ko to. Kaya mo ang lahat
ng ito, Karen. Huwag kang susuko. Kaya mo naman mag-isang magpa-ultrasounds
diba?" bulong at pangungumbinsi ko sa aking sarili.
Batid ko kasing nararamdaman ng aking
anak ang anumang emosyon at damdamin na mayroon ako. Ayokong maramdaman niya na
hindi siya tanggap. Kaya naman inaral ko sa aking sarili ang maging manhid.
Ang balewalain na lamang ang kanyang
mga pang-iinsulto sa aking pagkatao at maging sa akinganak.
Sa sarili niya rin na anak.
Chapter
13
Wala pang alas diyes ng urnaga ay
nakarating na ako ng clinic ni Dra. Clemente. Tulad ng inaasahan, karamihan na
naman sa mga buntis na katulad kong magpa pacheck-up ngayong araw ay kasama ang
kanilang mga kanya-kanyang asawa. At tulad din ng nakagawian ko, nagpunta ako
sa isang sulok kung saan naroon ang pinakadulong upuan at doon tahimik na
urnupo. Baka kasi may magtanong kung nasaan ang asawa ko at mataranta akong
sumagot. llang ulit ko na kasing sinabi na nasa trabaho ang asawa ko sa tuwing
may nagtatanong sa akin.
Kanina bago ko urnalis ng bahay ay
naghintay ako hanggang pumatak ang alas nueve y media. Kagaya ng sinabi ko kay
Senyorito
Simon ay hihintayin ko siya para
samahan ako. Ngunit ano nga ba ang aasahan. Naghintay ako sa wala. Para akong
tanga na tingin ng tingin sa itaas hagdan at umaasang siya ay bababa ng
bakabihis at sasamahan ako dito ngayon sa clinic.
"Mrs. Karen Sto.Domingo."
Napaigtad pa ako biglang marinig ang
pagtawag sa aking pangalan. Dahil
kilala na rin ako ng mabait na babaeng sekretarya ni Dra. Clemente ay napagawi
na siya sa direksyon kung nasaan ako.
"Ma'am, kayo na po angsusunod.
Halina na po kayo clito sa 100b." Magalang niyang pagyaya sa akin at
bahagya pang iniawang ang kanina ay nakapinid na pintuan ng opisina ni Doktora.
Bigla akong dinuggol ng kaba.
Nanlalamig ang aking pakiramdam. Gusto kong magpunta ng banyo na hindi ko
mawari. Ganito ba ang pakiramdam ng isang Nanay na malalaman na ang kasarian ng
kanyang dala-dalang anak? Nakakakaba?
Inayos ko aking sling bag bago ako
dahan-dahan na tumayo at lumakad papasok sa silid kung nasaan si Doktora.
"Good Morning PO, Doc."
Pagbati ko.
"Good morning Mrs.
Sto.Domingo.ll Ganti naman niyang pagbati at saka tumagos sa likuran ko ang
kanyang mga mata at tila may hinahanap. "Wala ka pa rin kasama? Nasaan si
Mr. Sto.Domingo?" kunot-noo na tanong ni Doktora na kagaya parin ng dati
angsuot. Puting uniporme at may nakasabit na stethoscope sa kanyang leeg habang
ang kanyang name template ay nasa kaliwang dibdib.
"Nakalimutan ko ho na sabihin sa
kanya. Madalas po kasi talagang maaga siyang umaalis at kapag UmUWi naman po ng
bahay sa hapon ay pagod na pagod na." pagdadahilan ko na lang. Ewan ko na
lang din kong bilhin pa ni Doktora ang alibi ko gayong paulit-ulit na lang na
parang sirang plaka.
Matapos ang ilang mga katanungan ay
pinahiga na ako ni Doktora sa isang higaan na katulad ng sa hospital bed. Doon
lang din matatagpuan sa kanyang opisina ngunit may kurtina na kulay dark green
na sadyang ginawang harang upang magkaroon ng privacy. Maraming aparato ang
nakapaligid sa higaan. Pinababa ni Doktora ang aking suot na kulay itim na
leggins hanggang sa pinaka ibaba ng aking puson. May ipinahid siyang parang
lotion sa ibabaw ng aking malaking tiyan. Mayroon siyang aparato na kinuha at
saka inilapat sa akingtiyan habang nakatingin sa isang monitor.
Maingay na katulad ng isang
television na walang signal ang naririnig kong ingay. Isang malabong pigura na
black and white na tila gumagalaw ang nakikita ko naman sa monitor na malapit
sa aking paanan.
"Mrs.Sto.Domingo, eto na ang
anak mo.
Nakikita mo ba 'yang nasa monitor?
Siya na 'yan." Muli akongtumingin sa monitor.
Kung kanina ay para akong mahihimatay
sa kaba. Ngayon naman ay waring may anghel na humaplos sa aking puso ng marinig
ang sinabi ni Doktora.
Bagamat hindi ko naman lubusang alam
kung ano nga ba ang nakikita ko sa sinabi niyang monitor ay napangiti ako
sapagkat siguradong hayun na ang anak ko.
"Boy po ba or girl? "
excited kong tanong.
"Well, matutuwa ang Senyora
Loreta nito dahil sigurado na ang susunod na salinlahi ng kanyang pamilya. Congratulations!
iha, it's a boy!
Nanlaki pa ang mga mata ko sa
naibulalas ni Doktora.
Boy?
Lalaki ang una kong anak. Hindi ko
maiwasang napaluha sa sobrang saya.
Lalong hindi ko mapangalanan ang
pinaghalong saya at pagkasabik na aking nararamdaman.
"At okay naman ang kanyang lagay
sa 100b ng tiyan mo." Dagdag pa ng Doktora.
llang sandali pa niyang inilapat sa
aking tiyan ang hawak niyang bagay bago ako binigyan ng tissue upang punasan
ang lotion o gel na kanyang inilagay sa aking tiyan kanina.
"Ipagpatuloy mo lam ang ang
pag-inom ng mga vitamins." Bilin ni Doktora habang nagsusulat ng reseta ng
mga vitamins na aking iinumin. Nakaupo na ko ngayon sa upuan tapat ng lamesa ni
Doktora. Naririnig ko siyang nagsasalita ngunit lutang pa ako sa saya na
nararamdaman dahil nalaman ko na ang kasarian ng aking unang anak.
"Sa lahat naman ng first time
magka-baby ay si Mr. Sto.Domingo ang parang hindi excited. Wala ka man lang
kasama na nag punta ka rito? Delikado sa gaya mo na buntis ang naglalakad ng
mag-isa. Baka kung ano ang mangyari sayo ay hindi ka agad maisugod sa
ospital." may himig na pag-alala sa boses ng mabait Doktora.
"Busy po talaga ang asawa ko sa
trabaho. Ayoko naman po siyang abalahin pa dahil marami na po siyang iniisip.
Gusto ko rin po kasi siyang sorpresahin." Pagtatahi ko ng dahilan.
Totoo naman na abala na tao si
Senyorito Simon. 'Yun nga lang, kapag ang isangtao ay mahalaga at mahal mo.
Kahit gaano pa karami ang ginagawa mo ay iiwan mo para mabigyan ng oras. Hindi
kami mahalaga sa kanya. Kaya hindi niya kami binibigyan ng importansya.
"Heto ang mga kailangan mo pang
vitamins.” Inabot sa akin ni Doktora ang reseta. "Salamat po Doktora, alis
na rin po ko.” Magalang kong pagpapasalamat at pamamaalam.
Tumayo na rin si Dra.Clemente ng
tumayo ako.
"Mag-ingat ka sa Karen. Pakaingatan mo ang anak mo dahil siya
ang kasalukuyang tagapagmana ng mga St0*Domingo at ipaabot mo ang masayang
pagbati ko sa buong pamilya mo. Lalong-lalo na kay Senyora Loreta.” Pahabol na
bilin ni Doktora.
Ngumiti ako at maga[ang na sumagot ng
"opo.ll Ngunit may halong pait.
"Tagapagmana? Mula't-mula nga ay
hindi siya tinatanggap na anak ni Senyorito Simon na kanyang ama. Maging
tagapagmana pa kaya? At isa pay walang halaga sa akin kung tagapagmana man ang
anak ko o hindi. Ang maha[ag sa ngayon ay maipanganak ko siya ng maayos at
ligtas,ll sabi ko sa aking isipan.
Tumuloy ako sa pribadong kwarto ni
Nanay.
"Nay, lalaki po ang unang apo
ninyo.” Masaya ko pang niladlad ang resulta ng aking ultrasounds at ipinakita
ang larawan ng aking anak kay Nanay na nananatiling nakapikit lamang.
"Heto po siya, Nay."
Inilapit ko pa sa mukha ni Nanay ang ultrasounds na hawak ko.
"Excited na po ko, Nay! Ano po
kaya ang itsura ng anak ko? Kamukha ko kaya o kamukha ni Senyorito? Sana
kamukha na lamang ni Senyorito para siguradong gwapo." Kinikilig pa ako
habang ini imagine ang gwapong mukha ng senyorito na maging kamukha ng aking
anak.
Iniisip ko rin na baka magbago na ang
isip ni Senyorito kapag nalaman niyang magkakaroon na siya ng Junior. Kaya
naman matapos lamang ang ilang sandali ay nagpaalam na ko kay Nanay. Excited na
akong ipaalam kay Senyorito ang kasarian ng aming unang anak.
Chapter
14
Sabik na sabik akong urnuwi ng bahay.
Hindi maalis-alis ang malapad na ngiti sa aking labi. Gusto kong mag tatalon o
kaya ay mag sisigaw sa sobrang saya na aking nararamdaman. Magiging Nanay na
ako at isang sanggol na lalaki ang magiging panganay ko. May lalaki na sa
pamilya namin dahil pareho kaming babae ni Nanay. Halos takbuhin ko ang 100b ng
bahay ng bumababa na ako sa Taxi ng aking sinakyan pauwi. Mabuti na lamang at flat shoes ang
gamit kong sapatos at hindi ako natapilok. Pagpasok ko ay nabungaran ko na
naman na paakyat sa itaas ng hagdan si Senyorito Simon. Nagmadali na naman
akong lumakad at hindi alintana ang malaki kong tiyan para siya ay abutan bago
makapasok sa kanyang silid.
"Senyorito Simon!" malakas
kong pagtawag na may halong galak sa aking boses.
"Nakapagpa-ultrasounds na
ako!" masaya kong sabi na tila hindi narinig ang mga sinabi niya kaninang urnaga ng banggitin kong nais
ko sanang magpasama sa kanya sa ospital.
Tumigil naman siya sa kanyang
paghakbang
at pahitamad akong nilingon.
"So?! " sarkastiko
niyangtanong at saka muling humakbang paitaas ng hagdan.
Dahil makulit ako at gusto ko
talagang ipagduldulan sa kanya na anak niya ang batang na sa sinapupunan ko.
Humabol ako sa kanya at nagmamadaling umakyat din ng hagdan.
"Heto 'yung ultrasounds ko. Dali
tingnan mo naman." Pamimilit ko sa kanya ng naabutan ko. Iwinagayway ko pa
sa harapan niya ang ultrasounds na hawak
. Ngunit hindi man lang niya tinapunan kahit isang sulyap at
nagtuloy-tuloy lamang siya sa pag-akyat ng hindi ako pinapansin.
Ngunit ayoko talagang magpatalo.
Sinundan ko pa rin siya kahit
nahihirapan na akong humakbang dahil sa dobleng bigat na dinadala ko. Una ang
bigat ng sarili kong katawan at ang bigat ng anak ko sa loob ng aking malaking
tiyan. Nang maabutan kong muli si Senyorito Simon ay agad akong humawak sa
kanyang kanang braso upang hindi hindi siya agad makaalis.
"Ano ba! ll mabalasik niyang
bulyaw sa akin at marahas niyang inalis ang pagkakapit ng kamay ko sa kanyang
braso na dahilan para mawalan ako ng balanse.
Hindi napaghandaan ng aking katawan
na ganun ang kanyang magiging reaksyon sa aking paghawak. Kaya naman nawalan
ako ng panimbang at tuluyang nabuwal sa hagdan.
Mabilis akong nagpagulong-gulong.
Naghanap ang kamay ko ng makakapitan
ngunit sadyang wala akong mahanap at sa isang iglap ay tuluyan akong bumulusok
hanggang sa unang baitang ng hagdan.
"Karen! Karen!"
Umalingawngaw ang sigaw ni Senyorito
sa buong kabahayan sa magkasunod niyang pagtawag sa aking pangalan.
Maririnigdin ang kanyang nagmamad aling yabag habang bumababa para ako ay
saklolohan.
Nahihilo ang pakiramdam ko habang
masakit ang aking malaking tiyan na akin ng sapo sa dalawa kong palad. Waring
may kumikirot ngunit hindi ko pa matukoy kung saan banda.
"Karen!" muling tawag sa
pangalan ko ni Senyorito ng siya ay tuluyang makababa.
Nagmamadali niya akong dinaluhan.
Kita ko sa kanyang gwapo at madalas
na seryosong mukha ang tunay na pag aalaala sa nangyari sa akin. Agad niya
akong binuhat tulad ng sa buhat sa isang bagong kasal at saka siya
nagmamadaling lumabas ng bahay.
"Senyorito, si baby baka napano
na siya?
Ang taas ng baitang kung saan ako
nadulas. Sumasakit angtiyan . May
kumikirot at napakasakit." Puno na ng luha ang aking mga mata dahil sa
pag-aalala sa pwedeng maging kalagayang ng anak
.
Paano kung may masamang mangyari sa
anak ?
Paano kung mawala siya?
Paano kung mamatay siya?
Punong-puno ng mga nakakatakot na
katanungan ang aking isipan. Halo-halong emosyon na ang aking nararamdaman.
Takot, pagkalito, pagkabalisa at kung anu-anong negatibong pangyayari ang
nakikita ko sa aking imahinasyon.
Naramdaman ko naman na maingat akong
pinaupo ni Senyorito sa 100b ng kanyang sasakyan. Sa harap niya ako inilagay at
maingat niya akong nilagyan ng seatbelt. Hindi siya nagsasalita habang
nagmamadali sa lahat ng kilos.
Lalo akong nahihilo dala ng aking
pagkahulog. Lumalala na rin ang sakit na aking
nararamdaman sa akingtiyan at
balakang.
"Ang sakit-ahhhh!" hindi ko
na napigilan na hindi dumaing sa nararamdamang sakit.
"Dadalhin na kita sa
pinakamalapit na ospital." Narinig kong sabi niya at mabilis na
pinapaandar ang kanyang mamahaling kotse. Hindi ko napansin na nabuksan niya na
pala ang gate.
"You're bleeding!"
"Ha?" naguguluhan kong
tanong at sinundan kung saan nakatingin si Senyorito Simon.
Sa aking binti.
Sa aking binti na may umaagos na
dugo.
Agad akong urniwas ng tingin. Ayokong
makita ang buhay na dugo na umaagos mula sa akin.
"Dinudugo ako? Diyos ko,
Panginoon, huwag naman PO. Huwag niyo pong hayaan na may mangyaring masama sa
anak ko. Baka hindi ko na kayanin. Huwag naman po sana." Taimtim kong
panalangin habang nakapikit ang aking mga mata.
" Just hold on. Bibilisan ko pa
ang pagmamaneho," wika ni Senyorito Simon habang sa harap na ng sasakyan
nakatingin. Panay din ang kanyang pag busina ng malakas sa bawat
nakakasalubongnamin.
Natataranta na ba si Senyorito Simon
sa pwedeng mangyari sa kanyang anak?
Naghihingalo na ba ako at anu-ano na
ang iniisip ko.
Ngunit habang lumilipas ang oras ay
patindi na ng patindi ang sakit na aking nararamdaman. Waring hindi ko na kaya.
Daing na ako ng daing sa sakit. Hindi na ako mapakali ngunit pinipigilan kong
kumilos dahil baka lalong mapahamak ang anak ko sa 100b ng aking sinapupunan.
Makalipas pa ang ilang minuto ay
huminto ang aming sasakyan. Maya-maya ay binuksan na ni Senyorito Simon ang
pintuan ng sasakyan at kanya na akong pinangkong muli.
"Sir, dito PO." May mga
naririnig na akong boses sa paligid. Waring nagkakagulo sila. Ngunit parang
nawawalan na ako ng lakas para imulat pa ang aking mga mata. Marahil ay nasa
emergency na kami ng isang ospital.
"llang buwan na siyang buntis,
Sir? Kayo po ba ang asawa? Bakit po siya dinugo?" sunod-sunod na mga
tanong.
"1 1 m not sure. Maybe six to
seven months.
Bakit ba angdami ninyongtanong?!
Pwede bang
unahin at asikasuhin na muna ninyo
ang pasyente! Hindi niyo ba nakikita na dinudugo galit na sagot ni Senyorito Simon sa sinumang
nagtatanong.
Hindi na malinaw sa akin kung ano pa
ang kanilang pinag usapan dahil may mga lumapit na sa akin upang ako ay
gamutin.
Maya-maya pa ay ipinasok na ako sa
isang kwarto. Ngunit naging blangko na sa akin ang mga surnunod na pangyayari.
Chapter
15
Unti-unti kong iminulat ang aking mga
mata na inaantok pa.
Malabo ang anag-ag na aking nakikita.
Muli akong pumikit at muling
nagmulat.
Kumurap-kurap ako.
Paulit-ulit kong ginawa hanggang sa
masanay na ang paningin ko sa liwanag sa paligid.
Kulay puti.
Puting kisame at puting ilaw.
Nasaan ako? Naguguluhan kongtanongsa
aking isipan.
Sigurado akong hindi ito ang kwarto
kong gar-nit. Kulay pink ang kulay ng pintura ng silid ko at hindi kulay puti.
At saka bakit parang amoy gamot na
parang amoy alcohol na hindi ko mawari?
Nasaan ba ako?
Pinilit kong alalahanin ang mga
nangyari.
Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng
may mga maalaalang tagpo sa aking isipan. Naging malinaw sa alaala ko ang
lahat. Mula sa pagpapa
ultrasounds ko hanggang sa aksidente
akong mahulog sa mataas na baitang na bahagi ng hagdan. Naalala ko kung paano
sumakit ang akingtiyan.
Kung paano ako dinugo at itinakbo sa
ospital.
Tama na sa ospital ako.
Naramdaman kong may kumikirot sa
isang bahagi ng aking tiyan sa ginawa kong pagkilos.
"Iha, huwag kang basta kumilos
baka bumuka angtahi mo." Si Senyora Loreta ang nagsalita.
Anong baka bumuka angtahi?
Oonga pala.
Na caesarean ako.
Kailangan na raw kunin ang sanggol sa
sinapupunan ko dahil delikado na kung siya ay mananatili pa ng matagal sa 100b
ng katawan ko.
Ang anak ko.
Bigla akong napaluha ng maisip ko ang
aking kaawa-awang anak.
"Senyora, ang baby ko PO?"
Agad kong nagingtanong. Hindi ko pa kabuwanan. Kaya hindi pa siya dapat
ipanganak. Kulang na kulang siya sa buwan.
"Huwag ka ng mag-alala ligtas
ang baby mo, iha. Ayos ang anak mongsi Santino. Napaka gwapong bata at sigurado
akong paglaki niya ay kamukhang-kamukha siya ng Papa niya." Nakangiting
sagot ng Senyora sa aking katanungan.
Gurnaan ang pakiramdam ko ng malaman
na ayos lang ang kalagayan ng anak ko.
Santino?
Santino ang pangalan ng anak ?
Ang gandang pangalan.
Bagay na bagay sa isang anghel.
Malamang si Senyora ang nagbigay ng
magandang pangalan kanyang apo.
"Pe-pero hindi ko pa po
kabuwanan? Okay lang po ba siya? Baka po kulang ang mga daliri niya? Baka hindi
pa buo ang mga organ niya? Nasan po siya? " nagpalinga-linga ako sa
paligid at hinahanp ang anak ko. Akma pa akong baba sa higaan ng mabilis akong
pigilan ni Senyora Loreta.
"Karen, iha, huminahon ka.
Ligtas ang anak mo. Kumpleto ang bahagi ng katawan niya. Kailangan niya lang
munang manatili sa incubator dahil nga sa kulang pa siya sa buwan.
Pero maniwala ka, malakas at matapang
ang anak mo. Kaya makakayanan niyang mabuhay." ginagap ni Senyora ang
kamay ko at niyakap ako. Hinaplos-haplos pa niya ang aking likod upang ako ay
mapakalma.
"Malakas ang anak mo iha, parang
ikaw. Kaya ang dapat mong gawin ay magpalakas din ng sa ganoon ay mapuntahan mo
siya. Pero sa ngayon ay mahina ka pa. Kaya dapat ay magpahinga at magpalakas ka
ulit. Higit sa lahat, manalangin lagi tayo sa mabilis na recovery ni
Santino." Mangiyak-ngiyak si Senyora Loreta habang nagsasalita.
"Pe-pero Senyora.
"Lola." Pagputol ni Senyora
sa sasabihin ko. "Nakalimutan mo na ba na Lola mo na ako?
Ayoko ng tinatawag mo akong Senyora.
Maliwanag ba Karen?"
Turnango-tango ako bilang tugon sa
mga sinabi ng mabait na matanda.
"Na-nasaan po si Senyorito
Simon?"
Iniwas ko ang aking mga mata kay
Senyora upang hindi niya mabasa ang anurnan na nararamdaman ko sa kanyang apo.
"Umuwi na muna iha, pinag
pahinga ko na rin. Wala pa siyang tulog at puno ng dugo ang kanyang suot na
damit. Ayaw nga niyang urnuwi
pero pinilit ko na rin."
"G-ganun po ba?" tanging
nasambit ko. Waring ayokong maniwala.
"Hindi ko na itatanong kung ano
ang nangyari. Kung bakit naaksidente ka at umabot sa panganganak mo ng wala sa
oras. Ipinagtapat na sa akin ni Simon kung bakit ka nadulas sa hagdan. "
May pait sa himig ng Senyora at mabigat na nag buntong-hininga.
Natigilan ako.
Sinabi kaya ni Senyorito ang
katotohanan?
"Humingi siya ng tawad dahil
aminado siyang kasalanan niya ang lahat. Pasensya ka na, iha. Hindi ko na
palaki ng maayos si Simon. Ako na ang humihingi ng kapatawaran sa kanyang mga
pagkukulang. " Malungkot na wika ng Senyora.
Naluha ako.
Hindi langdahil sa muntik na akong
mawalan ng anak. Naluluha rin ako dahil sa lungkot na aking nasisilayan sa mga
mata ni Senyora Loreta.
"Lola, huwag po kayong humingi
ng tawad sa akin dahil wala po kayong
masamang ginawa kailanman," wika ko naman.
Sumilay ang ngiti sa labi ng Senyora.
Ngiting
may halong pait.
"Malalampasan din natin ang
pagsubok na ito, Karen. Maiuuwi rin natin agad si Santino sa bahay. Kaya dapat
na paghandaan mo ang mga dapat mong gawin. Kailangan mo ng pag-aralan kung
paano siya alagaan."
"Opo, Lola, ngayon pa lang ho ay
nasasabik na akong alagaan siya. Sabik ko na siyang kargahin at ihele po sa
aking kandungan.ll Matapat kong tugon kay Senyora.
"Naniniwala akong magiging
mabuti kang Ina, Karen. Maayos kang napalaki ng Nanay mo sa kabila ng mag-isa
lamang siya sa buhay habang ikaw ay lumalaki."
Napangiti ako.
"Ngunit sa ngayon ay hindi mo pa
pwedeng kargahin si Santino. Baka bumuka ang tahi mo. Kaya magpagaling ka na
muna. Pihong napaka kulit at napaka likot ng apo ko dahil lalaki."
Hinaluan pa ni Senyora ng pagtawa ang kanyang sinabi.
Marami nga ang nagsasabi na malikot
ang batang lalaki kumpara sa batang babae.
Ngunit kahit gaano pa kalikot o
kakulit ang anak ko ay anak ko siya. Gusto ko na siyang puntahan kung saan man
siya naroon. Gusto ko
siyang sulyapan kahit saglit lang.
Ang anak ko.
Ano kaya ang kanyang itsura?
Totoo kaya na kamukha niya sa kanyang
paglaki ang kanyang Papa?
Papa?
Si Senyorito Simon.
Sapat na ba ang paghingi niya
ngtawad? Muntik kaming mamatay ng anak ko ng dahil sa kanya.
Muntik ng mawala si Santino ng dahil
sa walang puso niyang ama.
Ipinilig ko na lamang ang aking ulo
at pumikt ng mariin upang tapusin na ang aking pagluha at pag-alala sa kung
anu-anong negatibo. Nakita ko sa aking balintataw si Nanay.
Hindi ako pwedeng burnitaw .
Para kay Nanay.
At ngayon nga ay para na rin sa
anak .
Si Santino.
Chapter
16
Nakauwi ako ng bahay galing sa
ospital ngunit hindi ko kasama si Santino. Ayon sa doktor, kailangan pa na
obserbahan ng mabutl ang kalusugan ng anak ko. Bago naman ako umuwi ay nasilip
ko siya. Umiyak ako ng umiyak habang pinagmamasdan siya sa malinaw na salamin
na nagsisilbing harang ng silid niya. Awang-awa ako sa anak ko. Napakaliit niya
ngunit kung anu-anong aparato ang nakadikit sa katawan niya. Ayokong sanang
urnuwi at iwan siya sa ospital ngunit kinakain ako lalo ng lungkot pag iniisip
kong ilang hakbang lang ang pagitan naming mag-ina. Kaya labagman sa kalooban
ko ay mas pinili ko ng umuwi. Sinubsob ko ang aking sarili sa pagbabasa ng mga
kung anu-anong libro tungkol sa tam ang pag-aala ng sanggol. Pati sa youtube ay
halos limasin ko ang lahat ng mga video tutorial. Paulit-ulit kong pinapanood
kung paano buhatin ang bagong panganak na sanggol.
Kung paano ang tam ang pagpapaligo,
pagdadamit, paglagay sa crib at kung anu-ano pang mga bagay basta tungkol sa
pag-aalaga ng sanggol. Hindi rin ako nag mimintis sa pag-inom ng mga vitamins upang magbalik ang lakas ko.
Hindi ko rin nakalimutan urninom ng
gamot para sa mabilisang paghilom ng sugat ko sa tiyan kung saan kinuha ang
anak ko. Maliit na pahalang na tahi sa ibabang bahagi ng aking ang puson ang
maingat kong nililinis araw-araw.
Matapos ang isang buwan na pananatili
ni Santino sa ospital. At lumabas na sa pagsusuri ng mga doctor na kaya na ng
katawan niya ang mabuhay ng walang kung anu-anong aparato sa katawan ay inalis
na ito sa kanya.
Sa wakas, matapos ang isang buwan
naming paghihintay ay naiuwi na namin siya sa mansyon ng kanyang Papa. Hindi
rin umuwi si Senyora sa probinsya hanggat hindi niya natitiyak na ligtas ako at
ang kanyang unang apo sa tuhod. Giliw na giliw siya sa sanggol na palagi lamang
tulog. Waring isang anghel na natutulog.
Kamingdalawa ni Senyora Loreta ang
sumundo kay Santino sa ospital.
Hindi ko mapangalanan ang
nag-uumapaw na saya ng ibigay na siya sa
akin. Ingat na ingat ko siyang kinarga sa aking kandungan. Hindi ako
makapaniwala na nakikita ko na nahahawakan ko na siya. Kailan lang ay sa ultrasounds
ko lang siya nakikita. Sa 100b lamang ngtiyan ko nararamdaman ang kanyang
pagkilos. Ngunit heto na siya, karga ko na. Nakikita ko na at
nahahawakan.
"Sigurado akong tuwang-tuwa ang
aking namayapang asawa, ang papa at mama ni Simon kung saan man Sila naroroon
ngayon dahil mayroon na silang napaka-gwapong apo.
Malamang din na inggit na inggit Sila
sa akin dahil naririto ako at inaalagaan ang munting anghel na natutulog.
"masayang lahad ng Senyora habang pinagmamasdan si Santino na natutulog sa
kulay asul niyang crib.
Agad na nagpagawa si Senyora Loreta
ng sariling kwarto ang aking anak. Kulay baby blue ang kulay ng pintura at
maging ang lahat ng mga bagong garnit sa loob nito. Mula sa mga bagong damit
hanggangsa mga laruan na matagal pa sigurong masusuoot at malalaro ni Santino.
"Bueno iha, paano ba to? Ayoko
man umalis pero magpapaalam na ako. Kailangan ko sa hacienda. Nauunawaan mo
naman siguro na kailangan ako ng mga tao roon." Malungkot na pagpapaalam
ni Senyora. Kung ako ang masusunod ay ayoko siyang umalis. Kung pwede nga lang
ay sumama na rin kami ni baby Santino sa kanya pauwi sa hacienda.
Simula ng makauwi ako rito sa bahay
ng makapanganak ako ay hindi pa kami nagkikita ni Senyorito Simon. Hindi ako
nagtatanong kung nasaan siya. Hindi ko alam kung urnuuwi siya dito dahil lagi
lang naman ako dito sa 100b ng kwarto.
Sa totoo lang, ayoko na muna siyang
makita.
Sariwa pa sa akin ang sakit na siya
ang dahilan kung bakit nalagay kami ni Santino sa tiyak na kapahamakan. Siya
ang dahilan kung bakit agad kung bakit kahit kulang pa sa buwan ay kinailangan
ng alisin sa sinapupunan ko si Santino. Siya ang dahilan kung bakit sa nanatili
pa sa ospital ang kaawa-awa kung anak.
Gusto ko sanang surnama na lang kay
Senyora sa pag-uwi ngunit paano naman
si Nanay?
Napakalayo ng hacienda clito sa lungsod.
"Karen, alagaan mong mabuti ang
sarili mo ha? Lalong-lalong na ang anghel kong si Santino.ll
"Opo, Lola, aalagaan kong mabuti
si Santino at wag po kayong mag-alala. Maghihilom din po ang sugat
ko."nakangiti ko namang tugon.
"Lola, salamat nga po pala sa
pangalan ni Santino. Napakaganda po ang ibinigay ninyong pangalan. Ang totoo po
wala talaga akong maisip na pwedeng ipangalan sa kanya."
Ngumiti ang Senyora sa akin.
"Hindi naman ako ang nagbigay ng
pangalan kay Santino kundi mismong si Simon.
Ang Papa niya ang nagbigay ng
pangalan niya. Hindi ko na lang naitanong kay Simon kung saan niya kinuha ang
Santino. Malamang na baka isinunod niya na lamang sa kanyang pangalan.ll
Medyo nagulat ako sa nalaman. Hindi
ko talaga sukat akalain na hindi pala si Senyora ang nagbigay ng pangalan kay
Santino.
Si Senyorito Simon pala.
Siya pala ang nagbigay ng pangalan sa
anak
Sa anak namin.
Tanggap niya na ba ang anak naming
dalawa?
Tanggap niya na ba si Santino?
"Paano Karen, tutuloy na ako.
'Yung mga bilin ko sayo wag na wag mong kakalimutan. Alagaan mong mabuti si
Santino at wag na wag kang magpapa-api kay Simon. Lumaban ka dahil na sayo ang
lahat ng karapatan at ibinibigay kong lahat sayo ang lahat ng karapatan. Legal
ka niyang asawa at ina ng kanyang anak. Kaya magpakatatag ka, Karen. Marami
pang darating na pagsubok ngunit alam kung kayang-kaya mong lampasan ang lahat
ng 'yon." bulong sa akin ng Senyora ng niyakap nya ko.
Gumawi din siya sa crib kung nasaan
payapang natutulog ang aking anak.
Hinaplos niya ang ulo nito at
ngumiti.
"Mamimis ko ng sobra ang anghel
na ito.
Mahal na mahal kita, apo ko.l' huling
sinabi ni Senyora bago namin nilisan ang kwarto ni Santino.
Hinatid ko siya hanggang sa makalabas
ng gate ang kotse na kanyang sinasakyan. Malungkot ko siyang tin atanaw
hanggang sa hindi ko na makita.
Parang pakiramdam ko nag-iisa na
naman ako.
Si Nanay hindi ko tiyak kung kailan
muling gigising.
Habang si Senyora naman ay kailangan
magbalik sa aming probinsya.
Wala na naman akong kaibigan.
At ang asawa ko?
Hindi naman asawa ang turingsa akin.
Hanggang ngayon ay hindi man lamang sinisilip ang aming kalagayan.
Hindi man lamang kakikitaan ng
pagkasabik sa anak niya.
Niyakap ko ang aking sarili saka
tumingala sa langit.
Pumikit ako at urnusal ng panalangin.
Makaya ko sana ang bagong yugto ng
buhay ko.
Isang mahabang buntong-hininga ang
aking pinakawalan bago pumasok ng mansyon.
Chapter
17
"Senyorito, narito ka na pala.
" Humakbang ako papalapit kay Senyorito Simon ng mamataan ko siyang
pumasok sa 100b ng bahay.
Tamang-tama naman na [alabas kami ni
Santino para siya ay aking paarawan sa magandang sikat ng araw ngayon.
Alas-syete pa lang ng umaga at tamang-tama lamang sa balat ang init.
"Mabuti naman at umuwi ka
na." Nakangiti kong pagbati sa kanya. Umaakto ako na parang walang
masamang nangyari ng huli kaming magkausap. Gayun na muntik na kaming mapahamak
na mag-ina.
Halos magdadalawang buwan ko na rin
siyang hindi nakikita. Sa hatinggabi ay lihim din akong naghihintay kong
darating siya ngunit wala talaga. Hindi talaga siya urnuuwi.
Minsan naman na nabanggit ni Senyora
noong naririto pa siya na nasa isang business trip sa labas ng bansa si
Senyorito Simon. Malamang na totoo at ngayon lang siya nakauwi galing sa kung
saang bansa siya galing.
Tumigil naman siya sa paglalakad at
bumalingsa amin ng kanyang anak.
"Tingnan mo si Santino, ang anak
mo. Hindi ba kay bilis niyang lumaki. Kita mo 'yung pisngi niya ang umbok na. Tumataba na rin siya hindi
ba? ll sabay haplos ko pa sa mamula-mulang pisngi ng aking anak na tulog na
tulog habang aking karga.
Tiningnan naman ni Senyorito ang
anak. Pero agad din namang turnalikod at wala man n aging kumento.
"Hindi mo man lamang ba ka
kamustahin ang anak mo? Hindi mo man lang ba siya ka kargahin? ll pahabol kong
sabi sa aking asawa.
Huminto siyang muli sa paglalakad.
"Buhatin mo naman ang anak mo at
alam mo tama ang sinasabi nila na nakakatanggal ng pagod kapag may anak ka
na." Lumapit ako sa kanya at inaabot si Santino.
Mataman langsiyang nakatingin sa akin
at hindi kumikilos kahit inaabot ko na sa kanya ang kanyang anak.
"Hindi ko talaga alam kung saan
ba nanggaling ang kakapalan ng mukha mo para ipa-angkin sa akin bilang anak ang
batang 'yan." Madiin niyang sabi.
Medyo nagulat ako ngunit hindi ko
pinahalata.
Binalewala ko na lamang ang narinig
at pilit pa rin akong ngumingiti.
"Ang Daddy mo Santino, kung
anu-ano ang sinasabi." Baling kong sabi sa aking anak na natutulog.
"Kahit anong gawin mo.
Hinding-hindi ko matatanggap ang batang 'yan bilang anak ko. Una pa lang ay
nilinaw ko na sayo ngunit sadyang makapal ang mukha mo.ll Mabalasik niyang sabi
sa akin habant iniiwasan tumaas ang kanyang tinig.
Sumakit ang puso ko sinabi nya pero
ayokong umiyak at makita na naman niya ang kahinaan ko. Hinding-hindi ako
papayag na itatwa niya si Santino.
"Pagod ka na siguro kaya kung
anu-ano na ang sinasabi mo? Mabuti pa siguro ay magpahinga ka na at saka muna
lang kargahin ang anak mo." malumanay kong pananalita.
"Bingi kaba?! Tanga?! Anong
hindi mo naiintindihan?" Bulyaw niya sa mukha ko. Mukhang nagulat maging
si Santino sa kanyang sigaw kaya naman pumalahaw ng iyak ang kawawa kung anak.
"Sshhhh..shhhh...tahan na anak..
11 pagpapatahan ko at hinehele-hele pa ang humihikbingsi Santino.
Tila natilgilan din naman si
Senyorito Simon sa kanyang biglaang pagsigaw.
"Kung hindi mo ko matanggap
bilang asawa mo. Hindi naman ako maka papayag na balewalain mo ang anak ko na
anak mo rin." Balewalang saad ko at patuloy lamang sa paghehele.
"Gawin mo kung anong nais mo
pero itatak mo diyan sa utak mo na kahit anong gawin at sabihin mo.
Hinding-hindi kita kikilalanin bilang asawa dahil alam ko lang naman ang habol
mo sa akin. Ang pera ko hindi ba? Ang kayamanang meron ako pantustos sa pagpapagamot
sa Nanay mo na hanggang ngayon ay hindi pa gumigising at gusto mo pang ariin ko
ang anak mo na hindi ko alam kung paano nabuo?!" asik niyang litanya.
"Kahit nasa katinuan ako ay hinding-hindi ko sisipingan ang klase ng
babaeng gaya mo." dagdag pa niyang pang-iinsulto sa akin.
Tumingin ako sa mukha niya ng
diretso. "Isipin mo na ang gustong mong isipin.
Insultuhin mo na ang buong pagkatao
ko. Pero hinding-hindi mo ko mapipigilan bilang Ina ng anak ko na ipagpilitan
na ikaw ang Tatay niya." Madiin ko rin namang wika at matapang na
sinalubong ang matalim niyang pagtitig sa akin.
"At hinding-hindi mo rin ako
mapipilit.'l Muli
niya rin sagot sa mabalasik na mukha.
"Bakit hindi mo ipa-DNA test ang
dugo ng anak ?" suhestiyon ko.
Napangisi si Senyorito Simon sa
narinig.
"At talagang hinahamon mo pa
ako? Hindi ba't mas nakakainsulto sa pagkatao mo ang malaman na angsarili mong
asawa at itinuturo mong ama 'I kuno" ng anak mo ay magsasagawa ng DNA test
para matiyak kung ako nga ba ang tatay ng anak mo?"
Alam kong malaking insulto sa aking
pagkatao kung magsagawa ng DNA test sa pagitan ni Senyorito at ng aming anak
ngunit kung iyon lang din ang paraan para matanggap niya si Santino ay handa
kong tanggapin kahit malaman man ng ibangtao. Wala akong pakialam sa sasabihin
nila. Basta ipaglalaban ko ang aking anak. Ang karapatan ng aking anak .
Higit sa lahat.
Gusto ko ng pagtanggap.
Ang tanggapin ni Senyorito Simon si
Santino bilang anak.
"Nakakainsulto? Hindi ba't
matagal mo na akong iniinsulto? Pinaparatangan ng mga pagbibintangna hindi alam
kung ano ba ang tunay kong pagkatao. Maaring masama ako sa
paningin mo pero hindi mo naman alam
kung ano nga angtunay na ako dahil nabubulag ka ng galit mo," bigkas ko sa
mahinahong tono ng boses.
"Puwede bang tantanan mo ko
riyan sa drama mo! Kung wala kang pakialam sa mga sinasabi ko, pwes patas lang
tayo dahil wala rin akong pakialam sayo. Lalong-lalo na riyan sa anak mo! ll
mariin niyang salita bago kame iwanan ni Santino. Dinig ko pa ang malakas ng
pagsara ng pintuan ng kwarto niya sa itaas. Binalingan ko ang sanggol na nasa
aking bisig.
"Santino, anak ko. Huwag kang
mag-alala kahit anong gawin ng Papa mo. Hinding-hindi niya ako mapapasuko.
Ngayon pa ba na narito ka na anak. Kayong dalawa ni Nanay ang sandigan ko anak
ko. Kaya sabihan mo 'yung guardian angel mo na gisingin na si Nanay
Karina," bulong ko kay Santino na ngumi-ngiti pa habang mahimbing sa
pagtulog.
"Tandaan mo anak ko ipaglalaban
ka ni Mama sa Papa mo hanggang sa matanggap ka niya."
Chapter
18
"Mabilis na po siyang nakakadapa
at gum agapang, Lola. At tama po talaga ang sin abi ninyo na malikot siya kapag
lumaki. Dahil ngayon pa lang po ay napakalikot niya na. Kaya hindi ko na po
siya itinatabi sa akin kapag ako ay natutulog. Baka po kasi mahulog siya sa
kama ng hindi ko namamalayan. Napaka gutumin din po niya, Lola. Maya l t- maya
po ay dumedede.ll masaya kong mga kwento Kay Senyora Loreta.
Tuwang-tuwa naman ang mabait na
Senyora habang navivideocall kami at pinapanood niya ang mga ginagawa ni
Santino na nasa apat na buwan na at napakabilis ng gumapang.
"Ang likot-likot na nga ng baby
na 'yan.
Napaka gwapo na manang-mana sa Papa
niya. Santino apo , si Mamita ito."
Tawag ng Senyora sa apo niya. Tila nakakaintindi naman na tumingin sa screen ng
cellphone si Santino. Pagkakita niya sa mabait na Senyora ay bumungisngis siya
at tuwang-tuwa ng makita ang mukha ng mabait niyang Mamita.
Ikinawag-kawag pa niya ang ang
kanyang maliliit na braso habang maingay na ipinapadyak naman
ang mga paa.
Mamita ang nais itawag ni Senyora sa
kanya ni Santino. Ayaw niya raw mg Lola dahil 'yun na angtawag namin sa kanya.
Kaya ngayon pa lang ay sinasanay ko ang anak ko na naririnig ang salitang
Mamita.
"Tuwang-tuwa po siya Lola,
kilalang-kilala niya na po ang boses ninyo." Natutuwa rin ako sa pagka
bibo ni Santino. Lagi siyang nakangiti kapag kinakausap. Animo ay naiintindihan
niya kung sinuman angsa kanya ay nakikipag usap.
Halos araw-araw naman kaming mag
video call ni Senyora kaya naman hindi na nakapagtataka na kilala siya ni
Santino. Lagi kamingtinatawagan ni Senyora sa araw-araw. Hindi raw kumpleto ang
araw niya na hindi nakikita ang apo niya sa tuhod. Mahal na mahal niya ang anak
ko at labis kong pinasasalamatan sa Maykapal ang bagay na 'yun.
Mas kilala pa nga ng anak ko ang
kanyang Mamita kaysa sa sarili niyang ama. Madalang lang sa patak ng Lilan
umuwi si Senyorito Simon dito sa bahay. Matutulog lango kaya naman ay may
kukunin lang na garnit. Hindi rin siya nagtatagal na para bang napapaso dito sa
100b ng bahay. Kinakamusta ko naman siya ngunit sumasagot lang siya ng pabalang
at kung minsan naman ay hindi ako pinapansin. Pinapapadama niya talaga na wala
siyang pakialam sa kanyang anak na siya namang ikinalulungkot ko. Kung sanang
ako na lang ang kanyang binabalewala at hindi dinadamay si Santino. Kahit
sulyapan man ang kanyang anak ay hindi niya ginagawa. Madalas ay nasa business
trip daw siya sa labas ng bansa. Hindi ko alam kung trabaho nga ba ang dahilan
ng pag-alis niya ng bansa o pinupuntahan niya lamang ang babaeng tunay niyang
mahal.
Si Senyorita Daphne na kasalukuyang
din na nasa ibang bansa. Siguro ay doon sila lihim na nagkikita at nagsasama.
Doon nga naman ay malayo at hindi malalaman ni Senyora Loreta.
Masakit man sa kalooban na ang
lalaking aking pinakasalan at ama ng aking anak ay may ibang minamahal ay pilit
ko na lamang binabalewala. Ayoko ng mag-isip ng mga kung anu-anong negatibong
bagay dahil narito naman at kasama ko si Santino na isa na sa dahilan kung
bakit ako nabubuhay at lumalaban. Binabalewala ko na lang ang kaisipang
pinagtataksilan ako ng sarili kong asawa dahil wala naman akong magagawa.
Matanda na siya at alam niya na kung ano ang tama at mali. Hindi ko na
kailangan ipaalala sa kanya kung ano na ang estado niya at hindi ko na rin
kailangan sabihin na asawa niya na ako at may anak na kami. Alam naman niya
siguro ang d apat gawin ng isang
taong pamilyado na.
Kung sabagay.
Ano nga ba ang laban namin ni Santino
kay
Senyorita Daphne? Siya angtunay na
mahal ni Senyorito Simon. Siya ang nobya bago pa ako pumasok sa eksena ngwala
akong alam. Siya ang dapat narito sa bahay at hindi ako.
Pero iba na ang sitwasyon ngayon.
Baliktarin man ang mundo ay hindi na mag-iiba ang katotohanan at ang
kasalukuyan.
Ano naman kung hindi niya na kami
uwian ni Santino dito sa bahay?
Ano naman ngayon kung mas mahal niya
si Senyorita Daphne kaysa sa amin na mag-ina niya?
Hindi ko dapat ikabahala ang bagay na
'yun.
Ako naman ang asawa.
Ang Ina ng kanyang anak.
Kami ng anak ko ang legal niyang
pamilya kahit anong gawin niya.
Mas lamang sa akin ang kaisipang
anurnan ang mangyari ngayon o sa hinaharap ay ako at ang anak ko ang
nakaka-angat sa lahat ng estado. Dahil sa mata ng tao at ng Diyos, kami ni
Santino ang mas may karapatan sa kanya at sa lahat-lahat
ng meron siya.
Sige lang, kung tama nga ang hinala
kong lihim silang nagkikita sa ibang bansa ni Senyorita Daphne ay mag-enjoy
lang sila.
Sino ba ang nagkakasala? Ako ba? Ako
ba ang tatawaging taksil?
Pero hindi nila ako maapektuhan.
Kaya kung inaakala ni Senyorito Simon
na malungkot ako sa setup namin bilang mag-asawa at bilang isang pamilya. Pwes,
siya ang dapat mastress sa akin dahil hinding-hindi ko basta isusuko kung ano
ang karapatang na meron ako lalong-lalo na para sa anak ko. Ipaglalaban ko
hanggat sa kaya . Titiisin kong marinig
ang mga patutsada laban sa pagkatao .
Magtitiis ako dahil isa na akong Ina. Kailangan ng anak kong si Santino ng
isang Ina na proprotekta sa kanya.
Kung ako lumaki ng wala man lang
kinilalang ama. Hindi ko naman papayagan na mangyari rin kay Santino ang
parehas na kapalaran ko. Ang lumaking parang may kulang sa pagkatao dahil sa
wala man langtatay na matatawag. Hindi nakaramdam ng pagmamahal galing sa isang
tatay. Lihim akong naiinggit sa mga kalaro ko noong bata pa ako dahil may mga
tatay sila. Kapag hapon o kaya ay pagabi na.
Darating na ang mga tatay nila galing
sa trabaho.
Tuwang-tuwa silang lahat at
nagtatakbuhan para salubungin ang kani-kanilang Tatay. Samantalang ako,
nakatingin sa kanila at nangangarap na sana ako rin. Sana may Tatay din ako na
darating at sasalubungin.
Alam mo 'yung pakiramdam na parang
may kulang? Parang hungkag? 'Yung hindi buo? Waring may nawawalang parte sa
katauhan mo na hindi mo naman matukoy kung ano?
Chapter
19
Nagtataka akong nag palinga-linga sa
bahay ng mabungaran ang mga garnit sa sala. Tinanong ko agad si Manang kung
kanino ang mga maleta at iba pang paper bags na may mga tatak ng branded na mga
gamit. Nakatulog kasi kame ni
Santino matapos kaming kumain ng
tanghalian. Anong oras na rin kasing natulog si Santino kagabi kung kaya pareho
kaming puyat.
Pagdating ng madaling araw ay
nagising na siya at hindi na natulog at naglaro na lang. Hindi talaga biro ang
puyatan at tiyaga kapag may baby ka na. Kahit antok na antok pa ang mga mata ko
ay pilit ko pa rin na iminumulat.
"Karen, dumating si Senyorito
Simon kanina. Hindi ba tumuloy sa kwarto ninyo? ll sagot ni Manang.
Waringtumalon ang puso ko ng marinig ang sinabi ni Manang Lorna. Hindi ako
sanay na Senyorita ang tawag sa akin kaya pinagpilitan kung Karen lamang kung
ako ay kanyang tatawagin.
Walang alam si Manang Lorna kung
anong klaseng relasyon meron kami Senyorito Simon. Mabuti na nga lamang at may
isang Manang
Lorna na narito sa bahay. Siya ang
gurnagabay sa akin kung paano ang tamang pag-aasikaso kay Santino. Iba rin kasi
ang aktwal na itinuturo kaysa sa binabasa ko lang o pinapanood sa social media.
Inalok naman ako ni Senyora Loreta na kung gusto ko raw ikuha ng Yaya si
Santino para may kapalitan ako sa pag-aalaga ngunit tinanggihan . Nais kung ako mismo ang personal na
mag-aasikaso at gagabay sa sarili kong an ak
.
"Siguro po ay hindi niya na kami
inistorbo ni Santino dahil po tulog na tulog pa kaming mag-ina. Hindi ko nga po
namalayan na dumating na pala siya dahil po sa himbing na himbing talaga ako.
Anong oras na rin po kasing natulog si Santino. Kanina naman po ay maaga siyang
nagising." Palusot ko na lamang na sagot kay Manang.
Mukhang naniwala naman ang mabait
naming kasama sa bahay at ipinagpatuloy na lang ang pagliligpit ng mga gamit sa
kusina. "Manang." Muli kong paglapit kay Manang Lorna.
"Sige na PO, puwede na po muna
kayong umuwi at magpahinga muna sa bahay ninyo." Magiliw kung sabi sa
kanya. Sadya ko talagang hindi pinapapasok dito sa bahay si Manang kapag
narito si Seyorito Simon. Pinapauwl
ko agad siya para na rin kung sakaling sigawan at awayin ako ng aking asawa ay
hindi niya maririnig. Mahirap na rin at baka makarating kay Senyora Loreta.
Ayokong sasama ang 100b ng mabait na Mamita ni Santino.
Ako ang personal na nagluluto kapag
narito sa bahay si Senyorito. Kahit hindi niya naman ako itinuturing na asawa
ay magandang gampanan ko pa rin ang tungkulin ng isang maybahay. Nagluto ako ng
potserong baboy na alam kung isa sa mga paborito niyang ulam.
"Gutom ka na ba? Ipaghahain na
kita. Kanina pa ako nakapag luto ng hapunan." Tanong at imporma ko kay
Senyorito Simon na kagagaling sa itaas ng bahay. Wala akong narinig na sagot
mula sa kanya. Nagpunta lang siya sa refrigerator at kumuha ng malamig na tubig
na nasa plastic bottle. Naghain na lang ako ng pagkain sa lamesa kahit
walangtugon na narinig.
Urnupo naman siya sa pinaka sentrong
upuan ng dining table at nagsimulang nag sandok ng kanin at ulam.
Nais ko sana siyang bantayan habang
kumakain dahil baka may kailangan pa siya ngunit mas prayoridad ko ang anak
kong naglalaro ng tahimik sa kanyang crib.
Parang gusto kong umiyak.
Hindi man lamangtapunan ng kahit
pahapyaw na sulyap ni Senyorito Simon ang kanyang anak.
Tumingala na lamang ako sa itaas para
pigilan ang nagbabadyang luha na nais na naman kumawala sa aking mga mata.
Maya-maya pa ay natapos Senyorito sa
pagkain. Urninom muna siya ngdalawang basong tubig at saka tumayo.
"Pwedeng paki bantayan mo muna
si Santino? Ligpitin ko lang ang mga pinagkainan mo." Mahinahon kong
pakiusap sa kanya.
Marahas siyang tumingin sa akin.
"At ano namang palagay mo sa
akin? Yaya ng anak mo?" madiin niyang wika.
"Anak mo rin siya." Sagot
ko sa mahinahon pa rin na tinig.
Tumawa siya ng pagak.
"Mag-ilusyon ka hanggat gusto
mo. Pero hinding-hindi ko magiging anak ang anak mol" sikmat niya habang
nanlilisik ang mga mata at umigting ang panga.
"Paulit-ulit mo man akong
insultuhin ay hindi na magbabago ang katotohanan. Ikaw ang tatay ni Santino
kahit anong gawin mong pagtanggi." Ganti ko naman na sagot.
"Kung hindi lang malalaman ni
Lola. Magsasagawa ako ng DNA TEST para masampal ko sa makapal mong mukha ang
kasinungalingan mo. Pero dahil nabilog muna ang ulo ng Lola ko kaya inunahan
niya na ako tungkol sa DNA TEST!" asik niya.
"Mag-ingat ka sa mga sinasabi
mo, Senyorito. Baka sayo maisampal ang katotohanan na sinasabi mo." Hindi
na rin talaga ako mag papaaawat na magsalita.
Nakita kong tumaas ang sulok ng labi
niya.
"Napansin kong tumapang ka?
Bakit kaya? Ah, alam ko na. Dahil ba alam mong mas kakampihan ka ng Lola kaysa
sa akin na tunay niyang ako? ll paratang niya.
"Kapag nagsagawa ako ng DNA TEST
tiyak na magagalit at sasama ang 100b ni Lola kaya hahayaan ko na lang muna ang
ilusyong pilit mong pinapaniwala sa lahat ng tao lalong-lalo na kay Lola. Pero
ako?" Tinuro niya ang sarili garnit ang kanyang hintuturo.ll Hinding-hindi
mo mabibilog ang ulo . Hinding-hindi ko
kikilalanin na anak ang sinasabi mong anak ko,11 sabi niya na itunuro rin ang
kinalalagyan ni Santino.
"Isang babae lang ang pinangarap
kong
maging Ina ng mga anak ko at si
Daphne lang 'yun. Walang iba lalo na ang isang ilusyunada na desperada na
mukhang perang gaya mol" saka niya padarag na itinulak ang plato at
binagsak ang tinidor at kutsara na ginamit niya sa pagakain. Halos matumba rin
ang bangko na kanyang inupuan ng siya ay biglang tumayo at malalaking hakbang
na iniwan kami sa dining area.
Napatingin ako sa anak ko na
nakatingin lang din sa akin habang nakasubo ang teether na hugis paa na kanyang
hawak-hawak.
"Santino, behave ka lang anak
ha. Ligpitin lang ni Mama 'tong mga pinagkainan ng Papa mo," turan ko sa
anak ko na tila naintindihan ang sinabi ko at ngumiti rin kahit tulo [away ang
laway sa walang sawang pagngatngat ng laruan.
Masarap pala talaga maging isang Ina.
Kahit gusto mo ng maiyak sa sama ng 100b pero isang ngiti lang ng anak mo
napapawi na lahat.
Chapter
20
"Hello! My dearest
Sister-in-law!"
Medyo nagulat pa ako ng mabungaran si
Senyorita Selene na prente at elegante na nakaupo sa sofa sa sala. Galing kasi
kami sa likod ng mansyon at doon kami nag pahangin ni Santino.
"Hi! Senyorita." Kimi kong
pagbating pabalik sa kanya. Hindi ko kasi alam kong paano siya pakikitunguhan
lalo at nagulat ako na magpupunta siya rito ngayon.
"Gusto mo ba ng maiinom? Tubig,
kape, juice? Nagugutom ka ba?" aligaga kong mga tanong.
"Don't bother. Hindi ako nauuhaw
at [along nagugutom." Balewalang sagot niya saka ngumiti ng pinagmasdan si
Santino.
"Oh! Santino right?" tanong
niya habang nakatingin sa karga-karga kong anak na matamangdin na nakatingin sa
kapatid ng kanyang ama. Tila kinikilala ang bagong dating at ngayon niya lang
nakita ang mukha.
"Santino, come here my baby.
" Pagtawag ni
Senyorita Selene habang itinaas ang
dalawang kamay upang kunin si Santino. Sa pagkamangha ko ay sumama naman si
Santino sa kanya ng kunin niya ito sa mga bisig ko. Palibhasa hindi pa naman
marunong mangilala si Santino kaya agad surnama o pwede rin naman naramdaman
niya na magkadugo silang dalawa.
"You know me baby? Kilala mo ba
kung sino ako, ha?" tanong ni Senyorita Selene kay Santino na nakangiti
habang hinahaplos ng maliliit na kamay ang makinis na mukha ng Tiyahin.
Niyakap naman ni Senyorita si Santino
at pinugpug ng halik ang pamangkin. Tuwang-tuwa naman ang anak ko na tila
nakikiliti sa ginagawa ng kanyang Tiyahin.
Akala ko pa naman ay baka magingsi
Senyorita Selene ay ayaw kay Santino. Alam ko kasing bestfriend niya si
Senyorita Daphne at isa rin siya sa galit dahil sa biglaan kong pag eksena sa
relasyon ng kanyang kuya at matalik na kaibigan.
"Sorry, naman baby ko. Ngayon
lang nakauwi si Tita Selene. " Muli niyang pinagahahalikan si Santino na
panay ang hagikgik at tawa.
" Tama si Lola, napaka cute mo
naman talaga. Love na love kita." Hindi pa napigilan ni
Senyorita na pisilin ang pisngi at
ang matangos na ilong ng pamangkin. Giliw na giliw talaga siya sa anak ko. Wala
akong makitang pagkukunwari sa kanyang kilos. Gustong-gusto niya talaga si
Santino sa nakikita ko.
"You know what? Maraming
pasalubong sayo si Tita." May kinuha si Selene sa isa sa mga paper bags na
nakalapag sa carpeted na sahig ng sala. Maraming paper bags at siguradong
libo-libo ang presyo ng mga bagay na nakasilid doon.
"This is for you baby."
Isang ternong kulay asul na damit at short na tatak branded ang kinuha niya sa
100b ng paper bag. At parang nakakaintindi na talaga si Santino dahil pumapalakpak
pa habang nakatingin sa darnit na pasalubong sa kanya. Nagustuhan niya siguro
at nagpapasalamat sa Tiyahin.
"Ah! ah! Hindi lang ito ang
pasalubong ni Tita sayo. Marami pa like toys, shoes and books." Inaabot ng
anak ko ang hawak na laruan ni Senyorita Selene na isang single motorbike na
galing din sa isa sa mga paper bags na dala niya. "You like this?"
tanong niya sa pamangkin at agad inabot kay Santino ang hawak niyang laruan.
"Kapag big boy ka na baby. I will buy the most expensive motorbike just
for you." sabay halik sa namimintog na pisngi ni Santino.
"Oh! Don't call me, Tita. I want
you to call me Mommy. Mommy Selene ang itawag mo sa akin,
Mommy?
Okay.
Mama naman ang itatawag sa akin ni
Santino kapag marunong na siyang
magsalita. Para namang matagal na silang magkakilala samantalang ngayon lang
sila nagkita at nagbonding.
Marunong palang makipaglaro ang hipag
ko sa baby. Kung susuriin mo kasi ay wala sa sosyal na gaya niya ang maging
magiliw lalo na sa isang batang makulit.
Lukso ng dugo ba ang tawag doon?
Bakit 'yung mismong ama ni Santino
hindi nararamdaman kung anurnan ang meron sa lukso ng dugo na 'yun?
"Sorry, Karen wala akong
pasalubong sayo. Alam ko naman kasing hindi tayo pareho ng taste sa kahit anong
bagay. Alangan namang magpunta ako sa crowded na palengke at makipag siksikan
sa mga tao just to buy you a cheap clothes diba?" nakangiti pa siya habang
nagsasalita at nakatingin sa akin. 'Yung ngiting alam mong peke at
mapang-insulto.
Nag buntong-hininga ako at saka pilit
din ngumiti at sumagot.
"Okay lang, Senyorita. Ang
maalala mo si Santino ay lubos na ang pasasalamat . Maraming salamat sa mga pasalubong mo sa
kanya. Salamat rin at gusto mo siya." Taos sa puso kong sabi. Hindi
katulad ng pakikisama niya sa akin ang kung paano niya tratuhin ang anak ko na
pamangkin niya.
Alam kong walang halong kaplastikan
ang pinaparamdam niyang pagmamahal at tuwa sa pagkakaroon ng isang pamangkin.
"And by the way may mga
pasalubongdin ako para kay Kuya Simon. Tiyak matutuwa ang kapatid ko kapag
nakita niya ang magazine na 'to."
Iniladlad ni Senyorita Selene ang
magazine na hawak upang makita ko ng mabuti. Wala sa 100b ko naman na
sinulyapan.
At ang cover lang naman ng magazine
ay walang iba kundi ang babaeng mahal na mahal ni Senyorito Simon.
Si Senyorita Daphne na napakaganda,
sexy at elegante sa suot niyang kulay itim na darnit at nakalantad ang maputi,
makinis na balikat at braso habang may
hawak na mamahaling bag.
Napakaganda nga naman niya.
"Nakakainggit ang bestfriend ko
hindi ba? Maganda na, napaka sexy pa. Kung kaya naman hindi nakapagtataka na
maging sikat siya agad bilang modelo sa sa New York." Pag bibida ng hipag
ko sa kanyang matalik na kaibigan at dating nobya ng kuya niya. Alam ko naman
na gusto niya akong insultuhin. Pinapamukha niya sa akin na walang-wala ako
kung ikukumpara kay Senyorita Daphne.
Alam ko rin naman na wala akong
laban kahit pa sa dulo ng buhok ng
kanyang matalik na kaibigan. Sino ba naman ako? Marangal naman ang trabaho ni
nanay bilang kasambahay sa mansyon ay hindi pa rin maikakaila na isa lang naman
talaga akong hamak na tagasilbi rin sa kanilang mayayaman. Ngunit ganun pa man,
pinalaki ako ni Nanay na dapat makuntento sa simpleng buhay na meron kami. Payo
niya rin na huwag na huwag akong maiinggit kung ano ang meron sa iba dahil isa
'yung malaking kasalanan.
Chapter
21
"Ayoko ng ipakita kay Kuya ang
ibang mga pictures ni Daphne sa isang photoshoot ng isang sikat na lingerie.
Baka kasi magwala si Kuya sa sobrang sexy ng girlfriend niya. Possessive pa
naman masyado ang kuya ko. Masyado siyang istrikto lalo na kapag ang usapan ay
si Daphne. Sabagay, sa ganda ba naman ng kaibigan ko ay dapat lang na bakuran
ng husto ni Kuya." Patuloy niyang kwento na parang hindi niya kilala kung
sino ako sa buhay ng kuya niya. Para bang pinamumukha niya sa akin na wala
akong halaga at balewala lang.
"Oppss!" sabay takip niya
sa kanyang bibig na waring may nasabing hindi kanais-nais.
"Sorry, Karen, asawa mo na nga
pala si Kuya.
Nakalimutan ko kasi sa bilis ng mga
pangyayari.
Kailan lang kasi ay masaya pa
kanilang relasyon Sina kuya Simon at Daphne hanggang sa sumama ka sa eksena. At
saka mukha ka kasing yaya lang nitong cute na cute kong pamangkin." maarte
niya pang wika habang diniinan pa ang mga salitang "yaya
"Siguro naman ay hindi ka
napipikon sa mga sinasabi ko, Karen? At ano naman ang dapat mong ikapikon? Tama
at pawang mga katotohanan lang naman ang mga sinasabi ." Nakangisi niyangtanong.
Ngumiti lang ako bilang pagtugon.
"Totoo naman kasing maganda,
sexy, rich and elegant si Daphne. Na sa kanya na ang lahat ng katangian na
hinahanap ng Kuya ko sa isang babae." Tiningnan ako mula ulo hanggang paa,
mula paa hanggang ulo ni Selene habang pinupuri niya ang matalik na kaibigan.
"Compared to you. Anong klaseng
fashion meron ka sa katawan mo. At ano ba 'yang suot mo? Basahan sa paa o
pamunas ng maruming kamay? 'l dinugtungan pa ng isang mahinang tawa ni Selene
ang kanyang mga sinabi. Nakataas ang kilay niyang pang-iinsulto sa at waring
diring-diri habang sinusuri ang kasuotan ko. Nakasuot lang ako ng blouse na
kulay brown at nakapadyama pa ako. Hindi ko rin matandaan kung kailan ko
binili ang mga damit na ito.
Hindi ako interesado sa kung ano pa
ang fashion ang sinasabi nila. Basta kasya sa akin at komportable akong isuot
ay walang problem a. Wala akong pakialam kung bago o galing sa ukay-ukay ang
darnit, sapatos at bag na meron ako. At kahit pa siguro nagkakamal ako ng
salapi ay manghihinayang gastusin at ipambili ng mga libo-libong halaga ng mga
branded na produkto. Tama na ako sa tig singkwenta o Maya at tig-isang daan
presyo na maaring tawaran ng hanggang sampung piso.
"Kaya talagang nasaktan si
Daphne ng pikutin mo si Kuya. Paano mo nagawa 'yun, Karen? Bilib ako sa lakas
ng 100b mo. Imagine sinong mag-aakala na ang isang hamak na anak ng hardinera
sa hacienda ay magiging asawa ng isang Bmbilyonaryong haciendero? Can you
imagine that?" at patuloy siyang turnatawa habang ipinipilig ang leeg na
nakamasid lang kay Santino na abala sa paglalaro sa hawak sa hawak na laruan.
Ako naman ay hindi na lamang kumibo
sa patutsada sa akin ni Senyorita Selene at pinanuod na lamang sila ni Santino
na naglalaro.
Ibinigay lamang sa akin ni Senyorita
Selene si Santino ng ito ay mag-umpisa ng humikbi dahil siguro gutom na at
kailangan ng matulog.
"Aalis na ako. Dumaan lang
talaga ako para makita ang pamangkin ko at ibigay ng personal ang mga
pasalubong ko kina Kuya at kay Santino.ll Paalam ni Senyorita Selene
habang inaayos ang lukot ng suot na darnit. Kinuha niya na ang maliit na shoulder
bag at isinukbit sa
kanyang makinis na balikat.
"Bye, my little angel. I'm gonna
miss. Behave ka lang." At saka niya dinampian ng mabining halik sa pisngi
ang mahimbing na natutulog na si Santino sa crib nito na nakapwesto dito sa
sala. Nakasuot siya ng kulay puting crop top na labas ang kanyang mapuputing
balikat at konting bahagi ng tiyan. Hapit na hapit sa kanya ng katawan ang
kulay itim na jeans na kanyang suot pang-ibaba.
"Hindi ko na mahihintay pa si
Kuya Simon dahil malayo pa ang biyahe ko. Uuwi na ako ng hacienda dahil
malamang na hinihintay na ako ni Lola," sabi niya habang naglalakad ng
mahinhin na akala mo ay isang modelo na rumarampa sa stage.
"Mag-ingat ka Senyorita at
maraming salamat sa mga ibinigay mo kay Santino.ll Muli kong pasasalamat habang
sumusunod sa kanyang paglakad papunta sa labas ng mansyon.
Tumigil naman siya sa paghakbang at
umikot patalikod para harapin ako.
"You don't need to thank me.
He's my nephew." Maarte niyang salita.
Sumaya lalo ang pakiramdam ko ng
marinig ang kanyang mga sinabi. Dahil talagang itinuturing niyang pamangkin ang
anak ko. "Salamat pa rin lalong-lalo na sa pagtanggap kay Santino bilang
pamangkin mo." Nakangiti kong sabl.
Tumaas naman ang isang kilay niya sa
narinig.
"Bakit ganyan ka magsalita?
Akala mo ba ay hindi ko matatanggap bilang pamangkin si Santino? Okay, aaminin
ko na hindi talaga kita gusto at si Daphne lang ang gusto kong maging hipag.
Pero wala na akong magagawa. Isa pa, meron na kayong anak ni Kuya. Mahal na
mahal ko si Santino kahit sabihin mo pa na ngayon lang kami nagkita." May
halong inis sa kanyang mga sinabi.
"Hindi naman sa ganun Senyorita.
Akala ko lang naman.ll Kakamot-kamot pa ako sa aking braso sa pagdadahilan.
Naningkit naman ang mata niya.
"You know what? Alam kong
maldita ako pero hindi naman ganun kasama ang ugali ko lalo sa mga kadugo
ko." Sabay suot ng aviator niya at lumabas na ng bahay. Tuloy-tuloy na
sumakay sa mamahalin niyang sasakyang kotse na kulay puti at tuluyan ng
umalis.
Nagpasya na akong balikan ang
natutulog na si Santino sa kanyang crib. Tulog na tulog pa naman ang anak ko
kaya nagliligpit-ligpit muna
ako. Muli akong nakita ang magazine
kung nasaan si Senyorita Daphne.
"Ano nga naman ang panama ko
sayo Senyorita Daphne?" bulong ko sa larawan niya sa magazine.
"lkaw na maganda at mayaman
samantalang ako ay hindi na kagandahan ay isa pang hampaslupa.
"Pero wala naman sa akin 'yun.
Hindi ako naghahangad na maging maganda o maging kasingsexy mo. Hindi ko rin
hinahangad na mahalin ako ni Senyorito Simon ng gaya ng pag-ibig niya
sayo." Patuloy kong pagka-usap sa larawan niyang buhay na buhay ang kulay.
" Ang tanging gusto ko lang ay
ang tanggapin at mahalin ni Senyorito Simon si Santino bilang anak." At
dali kong pinunasan ang luha kong kusa na naman bumagsak at dumaloy sa aking
pisngi.
Chapter
22
Habangtulog na tulog pa si Santino ay
iniwan ko muna siya sa kanyang crib. Inayos ko ang mga unan na nakapalibot sa
kanya maging ang mga laruan na binigay ni Selene. Dahil wala si Manang ay
kailangan na ako ang kumilos dito sa bahay. Mabuti na lang at marunong makisama
ang anak ko at nakatulog ngayong umaga. Madalas talagang hindi ko siya maiwanan
dahil umiiyak siya kapag hindi niya ako nakikita sa paligid. Madaling-araw pa
lang kanina ay gising na siya at naglalaro kaya heto at himbing na himbing.
Mabilis na akongtumungo ng kusina. Naalala kong namataan ko ng bumaba mula sa
itaas ng bahay si Senyorito Simon. Panigurado ng nakaupo siya sa lamesa roon sa
likod bahay na malapit sa pool at abalang nagbabasa.
Tarnang-tama at pagtitimpla ko siya
ng kape at tatanungin ko na rin kung ano ang nais niyang ulamin upang mailuto
ko na. Ngingiti-ngiti pa ako habang hinahalo ang pinaghalong kape at asukal sa
tasa. Nang matantiya ko ng okay ay nagpasya na akong ihatid kay Senyorito
Simon.
"Heto na ang kape mo,
Senyorito." At maingat kong inilapag ang tasa ng kapeng aking
tinimpla sa bilog na lamesang gawa sa
rattan na katerno ng mahabang upuan na gawa rin sa rattan. Doon prenteng
nakaupo si Senyorito Simon habang abala sa pagbabasa ng ibat-ibang newspaper at
panay din ang tipa sa kanyang laptop. Pirmis na nakakunot ang noo at seryoso sa
kanyang ginagawa. Nakapambahay lamang siya, cargo Short at Plain na sandong
kulay puti ang kanyang damit. Kitang kita ang perpektong muscle niya sa braso
na hindi ko alam kung alaga ba sa gym o dahil batak din sa trabaho. Tsinelas
lang na kulay itim angsapin ng kanyang paa.
Naalala ko tuloy ang buhay ang
hacienda Sto. Domingo. Mas simple pa ang kasuotan niya noong naroon pa kami sa
probinsya.
Kapag kasi nasa hacienda si Senyorito
ay kusa siyang tumutulong sa mga gawain lalong-lalo na sa mga tauhan sa
bukid.
Nagbubuhat ng mga kaban-kabang palay
o bigas, ng mga tiklis ng mga iba't-ibang uri prutas. Kaya nga siya mahal ng
mga tauhan sa hacienda dahil masipag at marunong siyang makisama sa mga ito.
Hindi siya kakikitaan ng pagrereklamo sa kusang pagtulong na ginagawa. Lihim ko
rin siyang hinangaan sa pagiging mababang loob niya sa mga trabahador sa
hacienda Sto. Domingo. Lihim na paghanga na agad kong inapula dahil nakakahiya
kung malaman ng iba.
Kaya hindi ko sukat akalain na
ikakasal ako sa kanya at magkakaroon kami ng anak.
Mabuting tao si Senyorito Simon.
Sa akin lang naman siya bukod tanging
galit na galit at dinamay pa ang anak naming si Santino.
"Senyorito, ano ang gusto mong
ulam para ma pagluto na kita?" tanong ko na hindi mapigilang mangiti dahil
sa wakas urnuwi na ang aking Il asawa" galing sa kung saan na business
trip at kasama na namin ngayon ng aking anak clito sa bahay. Ang saya lang kasi
ang isipin na kumpleto kami ngayon tulad ng normal na pamilya. Bihira lang
mangyari ang ganito. Kahit pa hindi kami nagpapansinan ay isa ng malaking bagay
na mas pinili niyang manatili dito sa bahay kaysa magpunta sa ibang lugar.
Tila wala namang narinig si Senyorito
at patuloy lang sa pagbasa at panaka-nakang tumitingin din sa nakabukas na
laptop.
"Senyorito, anong gusto mong
ulam?" ulit kongtanong. Baka kasi hindi niya narinig ang una kong
tanong kanina sa sobrang busy sa kanyang ginagawa.
Wala pa rin naging sagot. Para akong
kumakausap sa pader o kaya naman ay sa hangin. Imposibleng hindi niya naman ako
naririnig gayong kaharap niya lang
ako at dalawang beses na akong nag tanong. Ganun ba siya hulog na hulog sa
kanyang ginagawa at hindi niya ako napapansin o talagang sinasadya niyang hindi
pansinin ang presensya ko.
"Senyo-"
Hindi ko na naituloy ang pangatlong
beses kong pagtangkang pagtatanong ng hampasin niya ng malakas ang ibabaw ng
lamesa at saka ako binalingan ng mabalasik na tingin. Ano naman ang ginawa kong
mali? Nagtatanong lang naman ako.
"Can't you see I'm busy?!"
napapikit pa ko sa lakas ng boses niya at bahagyang pa akong napaatras.
"Bakit mo ba ako tinatanong ng
walang kwentang katanungan!? May pakialam ba ako kung anong ulam ang lutuin mo
o kahit hindi ka dugtong niya sa ganon pa rin na tono ng boses.
Oonga naman.
Ano nga naman ang pakialam niya sa
kung anong lulutuin ? Pwede siyang
kumain sa labas kung nagugutom siya o kaya naman ay magpadeliver.
Masyado kasi akong nadala ng
pagpapantasya sa isang masaya at
kumpletong pamilya.
Bakit ba ako umaarte na parang isang
mabuting babaeng asawa sa isang lalaking asawa na hindi naman ako itinuturingna
kanyang kabiyak? Bakit ba ako nagpapanggap na walang problema gayong lagi niya
itong isinasampal ng kaliwa't kanan sa aking pagmumukha? Sampal na mas higit na
masakit kaysa sa literal na ginawa.
"So-sorry, Senyorito. Pasensya
ka na."
Paghingi ko ng dispensa habang
nakayuko. Napahiya na naman ako kahit wala naman akong intensyon na maka
istorbo. May bago pa ba? Lagi namang ganito. Ako lang ang matigas ang ulo.
"Pwede ba kapag naririto ako sa
sarili kong bahay ay gusto ko ng katahimikan. Ayoko ng mga istorbo. So, please,
leave me alone. Hindi ko ako kailangang kausapin at tanungin ng mga bagay na
wala naman along pakialam." Madiin niyang pakiusap at saka mabilisang
pinagdadampot ang mga dyaryong binabasa sa lamesa na bilog at itiniklop
ang laptop na garnit at saka umalis.
Naiwan akong nakasunod na lang ng
tingin sa kanya habang malalaki ang hakbang na binabagtas ang daan papasok ng
bahay at umakyat ng hagdan papuntang itaas.
Naiwan din angtasa ng kape na aking
itinimpla. Hindi man lang humigop kahit isang beses. Hindi nga nagpasalamat na
naalala ko siyang itimpla ng kape ang tikman pa kaya? Malungkot kong kinuha ang
tasa ng kape sa lamesa.
"Pinakatantya ko pa naman ang
asukal at kape para wala siyang masabi sa lasa tapos hindi man lang niya
tinikman.ll Mapait kong wika habang nakatingin sa maitim na likido na kanina
lang ay mainit na mainit pa. Ngayon ay katulad na ng relasyon na mayroon ako sa
aking asawa.
Malamig.
Chapter
23
"Karen, parang may lagnat si
Santino?" sab• ni Manang Lorna habang idinampi-dampi pa ang kanyang kanang
palad sa noo at leeg ni Santino. Pinasuyo ko muna kasingtingnan niya muna si
Santino habang abala akong nagluluto ng hapunan. Afritadang karne ng baka ang
aking kasalukuyan pa langna pinapakuluan.
"Ho?" tanong ko at
sinalakay agad ng kaba ang dibdib ko sa sinabi ni Manang.
"Hindi naman po siya mainit
kanina. Masigla pa nga po siyang naglalaro." Nagmamadaling akong naghugas
at nagpunas ng kamay sa malinis at tuyong basahan. Nilapitan ko agad ang anak
kong tahimik lang na nakahilig ang ulo sa balikat ni Manang Lorna.
Agad namang itinaas ng aking anak ang
kanyang mga braso ng makita ako. Wala siyang anurnang reaksyon sa mukha hindi
katulad ng normal niyang ginagawa. Agad siyang tatawa sa galak o kaya ay
ngingiti na kapag hahawakan ko na siya. Paglapat ng kamay ko sa kanyang balat
lalo na sa parte ng kili-kili kung saan ko siya binuhat ay naramdaman ko ang
init. Mainit na hindi normal sa natural na temperature ngtao.
"Mainit nga po siya,
Manang." Pag-alaala ko. Kanina lang ay okay si Santino. Kapansin-pansin
nga ang pananamlay niya dahil pirmi lang siyang nakayakap sa akin. Hindi ako
sanay na ganito siya dahil malikot at wala siyangtigil na baling ng baling kung
saan kapag karga-karga ko.
"Agad mo na lamang painumin ng
paracetamol para mawala ang lagnat. Basta orasan mo na lang at wag mong
kakaligataan.ll Payo naman sa akin ni Manang na tumungo sa cabinet kung saan
naroroon ang mga vitamins at paracetamol ni Santino. Pinagtulungan namin ni
Manang na painumin ng gamot ang matamlay kong an ak.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng
ilang minuto matapos ko siyang painumin ay bumaba na ang kanyang lagnat.
"Manang, salamat PO. Ingat po
kayo sa pag-uwi. Mag off muna po kayo bukas." Pagpapa-alam ko kay Manang
Lorna.
"Okay sige, pero kapag may
lagnat ulit si Santino tawagan mo ako agad para may kaantabay ka. Mahirap
nagkakasakit ang mga bata lalo at ganyang sanggol pa lang." Bilin sa akin
ni Manang bago binitbit ang kanyang maliit na shoulder bag na naglalaman
lang ng kanyang pera at cellphone. Habang naglalakad siya at nililingon niya pa
kami ni Santino at nakangiting kumakaway.
"Bye, ka na kay Manang Lorna,
nak," sabi ko kay Santino. Ngunit turningin lang siya kay Manang habang
kumakaway sa amin. Hindi ganito si Santino. Hindi siya tumitigil ng kakaway kay
Manang Lorna sa tuwing UmUUWi na ang matanda at lumalabas na sa gate ng aming
bahay. Madalas nga na kahit wala na sa paningin niya si Manang at hindi pa niya
binababa ang kanyang nakataas na kamay.
Palahaw na iyak ang nag pag gising sa
akin sa mahimbing na pagtulog. Agad akong bumalikwas sa higaan at kinarga agad
si Santino. "Santino, bakit anak? ll halos mapaso ang palad ko pagkahawak
ko sa kanya.
Sobrang init ng kanyang katawan.
"Diyos ko! Santino, anak."
Hindi ko alam ang gagawin. Natataranta na ako. Naiiyak na ako. Nag-aapoy sa
lagnat ang anak ko.
Bago matulog ay okay naman si
Santino. Wala na siyang lagnat. Bakit ngayon ay parang mas lumala.
Pinainom ko muna ulit siya ng
paracetamol. Pagkatapos ay nagdesisyon akong dalhin na siya sa ospital.
Kumuha ako ng pranela pambalot sa
kanya. N agsuot lam ang ako ng jacket pampatong sa suot kung pantulog at saka
ko kinuha ang bag at wallet . Binitbit
ko rin ang kanyang feeding bottle na may powder milk na talagang nakahanda na
kung sakaling magutom siya at manghingi ng gatas sa kanyang pagtulog.
Nagmamadali akong lumabas ng bahay habang karga ang anak kong may sakit. Hindi
kung nakita kung anong oras na ngunit napakadilim pa rin ng paligid at tanging
ilaw sa mga poste at kabahayan ang nagsisilbing liwanagsa daan.
Walang pag-aalinlangan Kong sinuong
ang kadiliman at halos takbuhin ko ang entrance ng Village.
Pagkakita sa akin ng mga security
guard ay sila pa ang kusang pumara ngtaxi upang makasakay kaming mag-ina.
"Doc, kamusta po ang anak
ko?" Agad kong tanong sa lalaking Doctor na nasa 50 1s na siguro ang edad.
May katabaan ang katawan ng Doktor at napapanot na ang tuktok ng ulo ng pumasok
sa inuukupahan namin na kwarto ni Santino. Dito ko siya tinakbo sa ospital kung
saan din nakaconfine si Nanay.
May mga papel na binasa muna ang
Doctor
na kinuha niya sa lalaking nurse na
katabi.
"Well, may infection sa ihi ang
bata kaya mataas at pabalik-balik ang kanyang lagnat." Sagot ng Doctor at
isinauli na ang mga papel na binasa sa nurse.
Hinawakan niya ang stethoscope na
nakasabit sa kanyang leeg at saka sinuri ang dibdib at likod ni Santino na
karga ko.
"Kailangan niyang mag take ng
antibiotics for seven days." Dagdag ng doctor saka saka muling kinuha sa
nurse ang resulta ng examine na ginawa sa dugo at ihi ni Santino. Marahil 'yun
ang gamot na irereseta niya kay Santino.
"Paracetamol din every 6 hours
kung nilalagnat pa siya. Kailangan naka oras ang pag-inom
At saka inabot sa akin ang reseta.
Pinaliwanag pa ng Doktor kung paano
at anong antibiotics ang kailangan ni Santino. Anong oras at ilang beses sa
isang araw dapat inumin. Lagi ko rin daw painumin ngtubig.
"Salamat sa Panginoon at bumaba
na ang lagnat mo anak. Kinabahan ng sobra si Mama sayo." Sabay halik ko sa
noo ni Santino. Nakatingin lang naman siya akin habang dumedede ng gatas sa
kanyang feeding bottle.
Nakapag desisyon akong iconfine muna
siya clito sa ospital dahil wala naman akong alam sa pag-aalaga sa batang may
sakit. Tulad ng nangyari kagabi, tarantang-taranta ako dahil hindi ko alam kung
ano angtamang gagawin. Wala akong mahingian ng tulong kahit alam kong nasa
kabilang silid lamangsi Senyorito.
Nag-alinlangan talaga akong mag
patulong dahil baka mapahiya lamang ako at anu-ano pa ang sabihin sa aming
mag-ina. Ayoko namang magsabi kay Manang Lorna dahil nga alam niyang naririto
at kasama ko ang aking asawa gayundin kay Lola Loreta. Ayoko siyang mag-alala
pa. Matanda na siya para mag-isip pa ng mga bagay at baka makasama pa sa
kanyang kalusugan. Ang importante ngayon at ang tuluyang gumaling si Santino.
Chapter
24
"Nanay, kamusta na po kayo? May
sorpresa po ako ng data." Pangangamusta ko kay Nanay.
Karga ko ang nakaswerong si Santino
habang naririto sa pribadong silid ni Nanay. Okay naman ang anak ko. llang oras
na rin siyang hindi nilalagnat at bumalik na ang kanyang sigla. Kanina nga ay
nakikipaglaro pa siya sa babaeng nurse habang kinukuhanan siya ng temperatura
sa kili-kili. Kaya ang ginawa ko ay isinama siya dito sa kwarto ni Nanay. Ito
rin ang unang pagtatagpo ng mag-Iola. Hindi ko kasi sinasama si Santino kapag
dinadalaw ko sivNanay dahil ospital ang pupuntahan ko at maraming may sakit.
Kaya naman iniiwan ko na lang siya ng sandali kay Manang Lorna.
Ganun pa rin.
Walang pagbabago.
Nakapikit pa rin siya.
Payat na payat na ang katawan ni
Nanay at lalong humaba ang kanyang buhok.
llang araw, linggo, buwan at taon pa
ba ang hihintayin ko sa muli niyang paggising?
"Kailan ka ba gigising sa
mahimbing na pagtulog, Nay? Alam niyo po ba na halos ikamatay ko ang naramdaman
kong sobrang kaba kagabi? Nataranta po ako at halos walang pumapasok sa utak ko
na dapat kung gawin. Inaapoy po ng lagnat si Santino at wala akong alam kung
paano ko siya aalagaan sa ganun na sitwasyon. Kung sana ay kasama ko kayong
nag-aalaga sa kanya baka po hindi siya nagkasakit. Hindi siguro mangyayari na
lalagnatin siya ng ganun kataas." Malungkot kong mga kwento kay Nanay.
Kung sana ay nagagabayan niya ako sa tamang pag-aalaga kay Santino ay hindi
siguro nagkasakit ang anak .
"Santino, siya si Lola Karina.
Siya ang Nanay ni Mama na Iaging kong ikinukwento sayo. Mabait si Lola,
anak." Tila naman kinikilala ni Santino si Nanay dahil pinagmamasdan
niyang maigi. Mabuti na lamang at hindi niya inaalis ang bagay na nakatusok sa
kaliwa niyang kamay at mataman lamang din siyang nakatingin kay Nanay at sa
akin.
"Mrs. Sto Domingo."
Boses ng isang babae ang nakapag
paglingon sa akin sa pintuan ng pribadong silid ni Nanay. Ang babaeng nurse na
kanina ay nakikipaglaro kay Santino ang tumawag sa akin.
Nagtataka naman akong nagtanong.
"Bakit ho?" ngumiti muna
siya at saka ako sin agot.
"Kanina pa ho kayo hinahanap at
hinihintay ng asawa niyo sa silid ng anak ninyo."
Asawa?
Kunot-noo akong napaisip.
Isa lang ang asawa ko at si Senyorito
Simon lang 'yun.
Siya nga kaya?
Si Senyorito nga kaya ang naghihintay
sa amin ni Santino?
Waring nagliwanag ang buong paligid
ng malaman kong na rito siya sa ospital. Nag-aalala ba siya sa amin?
Sa anak niya?
Sunod-sunod kong tanong sa aking
isipan.
"Salamat sayo. Sige, balik na
kami ni Santino sa kanyang silid. Pasensya ka na at nakaistorbo ka pa
namin." Sagot ko kasabay ng paghingi ng paumanhin. Sumagot naman ang
magalang na nurse ng walang anuman. Matapos akong magpaalam kay Nanay ay tinahak
na namin ni Santino ang daan papunta sa kwarto kung saan siya nilagak ng
ospital.
Nasasabik talaga ako dahil may
pakialam naman pala sa amin si Senyorito Simon.
"Senyorito.ll
Pagkuha ko sa atensyon ng lalaking
nakaupo sa monoblock na kulay itim na nakapwesto malapit sa karna. Naka damit
pang trabaho na siya. Seryoso ang mukha at bakas angtila inip na inip sa
paghihintay.
"Senyorito, pasensya ka na kung
hindi na ako nakapag paalam sayo kagabi. Agad ko na kasing sinugod si Santino
dito sa ospital."
Paghingi ko ng pasensya ng maihiga ko
si Santino sa kanyang kama na panay ang linga sa kanyang Papa
"Alalang-alala sainyo ang Lola
ko dahil hindi mo sinasagot ang tawag Iliya." Seryoso niyang Wika na hindi
man lang nag tanong tungkol sa kalusugan ng anak.
"Nataranta na kasi ako kagabi.
Sobrang init ng katawan ni Santino kaya angdinampot ko na lamang ay ang wallet
ko. Hindi ko naisama ang cellphone dahil wala na talaga sa isip ko.ll
Pagdadahilan ko habang inaayos ang pumaikot na host ng swero ni Santino.
Kailangan kung ayusin dahil baka mamaya ay sa halip na puting likido ang
nakikita ko at mapalitan ng kulay pulangdugo.
"Hayan ang cellphone mo. Tawagan
mo na agad ang Lola ko dahil siguradong hindi 'yun mapakali hangga't hindi ka
nakakausap.ll Inilapag niya ang cellphone ko sa lamesang malapit sa kama ni
Santino. Tumayo at tumalikod habang patungo na sa pintuan ng silid.
Hindi ako nakatiis.
"Sandali, Senyorito!"
pagtawag ko.
"Hindi mo man lang ba itatanong
kung bakit kami narito sa ospital? Kung bakit sinugod ko si Santino sa dis-oras
ng gabi? Kung kamusta na siya? Kung ano ang lagay niya? Kung ano ang sakit
niya? ll ramdam kong turnigÏl siya sa pag tangkang paghakbang. Nakatalikod na
kasi ako sa gawi ng Pinto kaya naman hindi niya nakikita ang nagbabadyang
pagbagsak ng luha sa aking mga mata. Sinadya ko talagang tumalikod at
nagkunwaring abala sa kung anong ginagawa sa damit ni Santino.
"Hindi ka man lang ba nag-aalala
kahit konti sa kalagayan ng anak ko na anak mo rin? Pagpapatuloy kong
tanon g.
"Alam mo kung anong sagot ko
riyan sa tanong mo. Hindi ko na kailangan ulit-ulitin pa." Asik niyang
sagot at tumuloy na sa paglabas ng silid.
Iniwan na naman ako.
Kami ni Santino.
Tumulo ang luha ko at pumatak sa
puting kumot sa kama ni Santino.
Ang hirap talagang umasa sa isang
maling akala.
Akala ko pa naman kaya siya narito ay
para sa anak niya.
Buong akala ko nag-alala na siya sa
kalagayan ng anak niya.
Mali pala.
Marami talaga ang namamatay sa maling
akala.
Dahil wala nga pala kaming kwenta
para sa kanya.
Niyakap ko si Santino ng mahigpit.
"Santino, anak. Mahal na mahal
ka ni Mama.
Tandaan mo na mahal na mahal kita.ll
Maramdaman man lamangng anak ko na
kahit walang pakialam sa kanya ang ama niya ay nandito naman ako na nanay niya
na sobrang mahal na mahal sya.
Pero hindi ko maiwasan ang matakot
kung ano ang meron sa bukas.
Paano na lang kung may isip na ang
anak ko
at hindi pa rin siya tanggap ng Papa
niya?
Paano ko ipapaliwanag sa anak ko ang
mga bagay na mismong ako hindi ko naiintindihan?
Kaya kong solohin ang sakit wag lang
masaktan ang anak ko. Kung pwede nga lang na ganito na lang kaming mag-ina.
Magkayakap, habang prinoprotekhan ko
siya sa kanyang ama na walang habag.
Chapter
25
"Napakatakaw mo na talaga anak.
Pero bawal na muna ang mga chocolate drinks. Baka maulit na naman na
magka-infection ka sa ihi at maospital na naman. Sorry din at hindi alam ni
Mama na hindi pala nakakabuti sayo ang pinapainom ko. Tuwang-tuwa pa naman ako
kapag nauubos mo ang isang pakete." Pag kausap ko kay Santino.
'Yun kasi ang dahilan kung bakit siya
nagkaroon ng infection sa ihi. llang araw din kami sa ospital. Nais pa nga ng
Senyora Loreta na lumuwas dahil nag-aalala sa amin ngunit ako na ang nakiusap
na wag na dahil magaling na rin naman si Santinon. Nangako na lang ako kay
Senyora na magiging maingat na ako sa pagpapakain o kaya ay pagpapainom kay
Santino. Madalas ko kasi siyang painumin noon ng chocolate drink dahil masarap
ang lasa kaya naman gustong-gusto niya. Ang hindi ko alam nakakasama na pala sa
kalusugan ng anak ko. Kaya simula ng mangyari 'yun ay hindi ko na siya
pinatikim ng kahit anong chocolate drink o kahit mga inurning nakatetra pack.
Walong buwan na si Santino at
napagana talagang kumain. Kahit gulay pa ang isubo ko ay game na game siyang
kainin. Wala siyang selan at hindi mapili. Maganda naman talaga ang gulay sa
katawan. Mabuti na rin na habang bata pa siya at sanayin ko na dahil maraming
bata ang hindi kumakain ng gulay.
Lalo na rin siyang lumikot dahil
marunong ng mangunyapit sa kung saan-saan at saka pilit na rin turnatayo gayong
hindi niya pa kayang dalhin angsariling bigat ng katawan dahil sa kanyang
mabigat na timbang. Napaka-umbok na pisngi niya at tatlo na ang baba. Hindi ko
na rin makita ang leeg dahil natabunan na ng katabaan.
"Tama na ang pagkain mo baka
hindi ka na matunawan.'l Gusto ko na sanang iligpit ang mga biscuit at mga
prutas na kinakain niya ngunit pumapalaw siya ng iyak sa tuwing ilalayo ko na
ang mga pagkain. Busog na busog na siya pero ayaw pa rin tigilan ang
pag-ngasab.
"Nakakagigil ang na cutiepatooty
ni Mama!"
Pinipigilan ko lamang ang sarili kong
huwag kurutin ang pisngi niya dahil tunay siyang nakapanggigil. Lalo na ngayon
na kumakain na siya sa lamesa at nakaupo sa sariling high-chair. Sa dalawang
kamay niya ay may hawak siyang pakain. Sa kanang kamay ay mansanas habang sa
kabila naman ay orange at nagkalat na sa buong pisngi niya ang kaninang biscuit
na kinakain.
Hindi ko nga mawari kung sino sa amin
ni
Senyorito Simon ang kamukha niya.
Pero sabi ni Manang Lorna ay kamukha ko si Santino. Ngunit minsan naman daw ay
si Senyorito Simon ang nakikita niya sa mukha ng anak ko. Pero mas lamang daw
ang pagkakahawig naming mag-ina.
Napangiti nga ako sa bagay na 'yun.
Dapat talaga na ako ang kamukha ng
anak ko.
"Ano yan?" tanong ni
Senyorito Simon na nagmula sa labas ng bahay. Medyo nagulat pa ako ng mula sa
kung saan ay may nagsalita. Salubong ang kanyang makapal na kilay habang hawak
ang kulay puting towel at ipinupunas sa mga braso at leeg. Hula ko ay galing
siya sa pagjojogging sa labas. Basang-basa ang kanyang suot na kulay gray na
t-shirt na lapat na lapat sa kanyang katawan at tila basa rin ng ang kanyang
buhok.
"Ano lyun, Senyorito?"
kunot-noo kong tanong dahil hindi ko maintindihan kung ano ang
kanyangtinatanong.
"Ang ginagawa ninyo ng anak
mo," sagot niya.
Nag-isip ako.
Ano ba ang ginagawa namin ni Santino
at tila naiinis siya?
Kumakain lang naman ang anak ko at
ako ay nakaupo lang at nagbabantay.
"Ganyan ba kayo mag-aksaya dahil
hindi ninyo naman pinaghihirapan ang perang ginagamit pambili sa mga kinakain
ninyong mag-ina? ll sarkastiko niyang tanong sa akin habang sumulyap siya sa
mga nakakalat na biskwit sa sahig at sa lamesa kung nasaan ang mga slices ng
mga prutas na kinakain ni Santino.
"Pasensya na Senyorito, natapon
lang ni Santino ng hindi sinasadya pero hindi naman kami nag aaksaya ng
pagkain." Katwiran ko.
"Hindi nag-aaksaya? Anong tawag
sa mga nakakalat sa sahig at sa ibabaw ng lamesa?!" asik niya at pagputol
sa sasabihin ko sabay turo pa sa mga pagkaing naka-kalat na kung tutuusin ay
isang pirasong biscuit lang at puro mugmug na ang iba.
"Pasensya na Senyorito."
Paghingi ko naman ng paumanhin para hindi na siya magalit at matapos na
rin ang usapan na kung tutuusin ay hindi naman dapat pinagtatalunan. Natural na
may matapon na pagkain dahil bata pa lang naman si Santino. Pero hindi
ibigsabihin at na hinahayaan ko lang siya sa tuwing may natatapon sa kanyang
kinakain.
"Abah! Mahiya naman kayo sa nagtatrabaho
para kitain ang pera na pambili ng mga ina aksaya ninyo." Dagdag niya pa.
Hindi na ako kumibo at tahimik ko na
lamang na pinulot ang mga tinutukoy niyang na aksayang pagkain.
"Palibhasa hindi ninyo
pinaghirapan ang lahat ng mayroon kayo ngayon. Kaya ganyan kayong mag-aksaya na
mag-ina. Ang sarap ng buhay ninyo. Narito lang kayo maghapon, kakain at
matutulog na lang ng walang kahirap-hirap." Makahulugan niyang komento.
Seryoso?
Mugmug at isang pirasong biscuit na
natapon lang ng hindi sinasadya ay nag aksaya na kami? Sinumbatan niya na kami
ni Santino dahil lang sa kapirasong tinapay?
"Anu-ano pa kaya ang mga bagay
inaaksaya ninyong mag-ina sa pamamahay ko maliban sa pagkain? Tubig? Kuryente?
Sabon? Shampoo?" Patuloy niyang pagbubusa. Akala mo babae siyang nag
bubunganga sa mga anak na makukulit.
Nakakainit din ng ulo ang kanyang mga
sinasabi. Para bang ang laki ng
nagawa naming kasalanan ng anak ko para pahabain niya ang usapan ng ganito.
Kung makasumbat siya ay tila ba nilustay namin ni Santino ang lahat ng opera
niya.
Paano kami naging maaksayado na
mag-ina? Halos gabi lang kami gumagamit ng electricfan dahil ayoko ng aircon
dahil masyadong malamig at baka sipunin si Santino. Bumili pa nga ako ng
mumurahingclifffan sa palengke na nagkakahalaga ng one hundred fifty pesos na
mahinang-mahina sa konsumo ng kuryente. Madali rin ilipat para kahit nasaan
nakapwesto ang crib o ang stroller ni Santino ay maisaksak ko basta may malapit
na outlet dahil nga pawisan ang bata.
Kapag naglalaba naman ako ay halos
hindi ako gurnagamit ng washing-machine dahil pakiramdam ko ay mas lalo akong
natatagalan sa pagpupuno pa lang ng tubig sa automatic na washing-machine.
Kaya kinakamay ko na lamang ang mga
dapat kung labhan.
Ang pinagsabunan ko ng mga darnit ay
iniipon ko at gin agamit kong panlinis ng c.r at pandilig naman ng mga halaman
ang mga pinagbanlawangtubig.
Gayundin sa paghuhugas ng Plato.
Iniipon ko sa maliit na planggana ang
tubig at idinidilig ko rin sa mga halaman.
Nakasanayan ko 'yun sa probinsya.
Kahit libre at galing sa poso ang
tubig ay tinitipid ko dahil nga sa mahirap din magbomba ng tubig.
Masakit sa braso.
Kaya anong pinaparatangan niya kaming
ma-aksaya?
Sa sobrang inis ko at para manahimik
na lamang siya sa panenermon ay humarap ako sa kanya at ipinakita ko ang mga
napulot kong biscuit at mugmugsa aking palad at walang sabi-sabi kongtinaktak
sa 100b ng bibig ko ang mga pinulot kong pagkain .
Nginuya ko at nilunok.
"Wala na," sabi ko at
ininom angtubig na nasa baso ni Santino. Baka pati 'yun ay punahin niya.
Mataman lang nakatingin sa akin si
Senyorito habang salubong pa rin ang
kilay. Kumibot-kibo at ang mga labi pero nanahimik na lamang at urnalis.
Chapter
26
Kasalukuyan akong abala sa pag vacuum
sa kulay brown na malapad na carpet ng sahigsa sala ng bumukas ang front door
at iniluwa si Senyorito Simon. Waring pagod na pagod ang kanyang itsura. Pasado
ala sais na ng gabi at kauuwi niya lang galing sa kompanya kung saan siya naman
ang CEO.
Gusot-gusot na ang kanyang damit
at bahagya ng lumihis ang necktie niyang kulay asul sa na nakasabit sa
kanyang leeg. Bitbit niya ang kanyang black bag sa kanang kamay at sa kaliwang
karnay naman ay ang kanyang cellphone at tuloy-tuloy lamang sa pagpasok
at tinungo ang hagdan.
Parang walang nakitang anuman o
sinuman. Sa araw-araw ay ganito pero hindi pa rin ako masanay.
Samantalang tumayo naman si Santino
mula sa kanyang crib na nakapwesto sa isang sulok at matamang sinalubong ng
tingin ang kanyang ama.
Kapag daka ay ngumiti siya at
tuwang-tuwang bahagyang tumatalon habang nakahawak sa crib.
Kinawag-kawag pa ng anak ko ang
kanyang mga maliliit na braso na tila nais niyang magpakarga sa bagong dating.
Wala mang kahit anong reaksyon kay
Senyorito. Basta naglalakad lang siya. Wala siyang naririnig. Wala siyang
nakikita.
Sumakit ang lalamunan ko at uminit
ang gilid ng mga mata ko. Nakadama na naman ako ng awa sa aking anak.
Parang 'yung batang sabik sa
presensya ng isang tatay at natuwa na nakita ng urnuwi.
Ngunit ang dumating na ama ay hindi
man lamang tapunan ng kahit konting pagtingin ang kanyang anak na sadya ng
nagpapapansin mapansin niya lang.
Kahit konti ba ay wala siyang
nadaramang pagmamahal para sa anak namin? Hindi ba siya natutuwa man langna
nakikita na may bata na tuwang-tuwa sa kanyang pagdating?
"Senyorito.'l
Hindi ako nakatiis at tinawag ko
siya.
00, alam kong masasakit na naman ang
kanyang sasabihin ngunit umaasa pa rin ako na kahit konti at sundutin siya ng
kanyang konsensya.
Hindi siya huminto at patuloy sa
paghakbang.
"Hindi mo man lang pinansin si
Santino. Samantalang tuwang-tuwa siya ng makita kang dumating. Hayan at kahit
hirap na hirap siyang turnayo ay nagawa niya pa rin upang sumalubong
sayo," sabi ko habang pinipilit ngumiti at pilit din na binabalewala ang
malungkot at masakit na pakiramdam sa kaloob-looban ngdamdamin ko. "Pwede
ba pagod na pagod ako ngayon at gusto ko ng makapag pahinga. Wala akong panahon
sa kung anu-anong drama na sinasabi mo. Wala akong pakialam kung may sumalubong
sa akin o wala." Pabalang niyang sagot sa akin habang ipinagpatuloy ang
paghakbang sa itaas.
Ngunit nagsalita akong muli.
"Ang ibang tatay kahit pagod na
pagod sa trabaho ay tuwang-tuwa kapag nakikita lang nila 'yung mga anak na
sumalubong sa pag-uwi nila sa bahay. Napapawi na ang pagod nila at
nakikipaglaro pa sa kanilang mga anak. Bakit hindi mo gawin 'yun kay Santino,
Senyorito. Natitiyak kong totoo ang kanilang sinasabi dahil subok ko Iyun kay
Santino. Nawawala ang pagod ko basta makita ko lang siyang nakangitl.
Mahinahon kong suhestiyon kahit ang totoo naman ay nakahanda na ako sa anu pa
man na masakit na salita na kanyang ibabato sa akin.
Sa pagkakataong 'yun ay huminto na
siya sa paghakbang ngunit marahas na humarap sa akin.
Seryoso ang madilim na mukha. Waring
nagbabadya ng isang malakas na bagyo na may kasamang malakas na alimpuyo ng
hangin.
"At umaasa ka palang gagawin ko
'yun sa anak mo? Hindi ka ba napapagod sa kakasalita? Hindi ka ba nagsasawa na
marinig na wala akong pakialam sayo at diyan sa anak mo?" tumaas pa ang
gilid ng labi niya ng sambitin ang kanyang mga sinabi.
"Masokista ka ba? O sadyang
walang kasing kapal ang mukha mo at patuloy mo pa rin akong kinakausap sa
kabila ng ilang ulit na kitang ipinahiya? Wag ka ng umasa dahil mapapagod ka
lang at masasaktan ka lang. Kung ako sayo, intindihin mo ng mabuti ang anak mo
para hindi nagkakasakit dahil nakakadagdag sa iniisip ng Lola ko!" Mariin
niyang dugtong at saka tumalikod muli para ipagpatuloy ang pag-akyat.
"Pa-pa!"
Sasagutin ko pa sana si Senyorito sa
kanyang mga tinuran ng biglang nagsalita si Santino. Agad akong napalingon sa
aking anak na nakatingin sa gawi ni Senyorito Simon.
Namangha ako.
Para akong naiiyak sa tuwa.
Nakakapagsalita na ang anak ko! at
Papa ang una niyang malinaw na salita.
"NarinÏg mo ba 'yun, Senyorito? Tinawag
ka niyang Papa." Baling ko kay Senyorito na parang natigilan din ng
marinig ang unang beses na pagtawag sa kanya ng "Papa" ng kanyang
anak. Mabilis kong hinakbang ang crib at binuhat ang anak ko.
"Ulitin mo nga anak ang sinabi
mo? Pa-pa, sabihin mo ulit.ll Utos ko kay Santino.
Masayang-masaya ako dahil sa
nagsalita na aking anak.
Nagkakawag naman si Santino na tila
tuwang-tuwa rin. Ngunit hindi niya na naulit ang pagbigkas ng salitang
"Papa".
Nagsasalita siya pero puro baby talk
lamang na tamang siya lang ang nakakaintindi.
Narinig ko ang mga yabag ni Senyorito
at nilingon ko.
Paakyat na.
"Akala ko kanina pa siya
umakyat."
Naibulong ko sa aking sarili. Buong
akala ko kasi ay kanina pa siya umalis. Bakit ngayon lang siya umakyat?
Hinintay niya rin ba na ulitin ni Santino ang pagtawag sa kanya ng Papa?
Binalingan ko na lang muli ang anak
kong busy na sa paglalaro na motorbike na laruan na ibinigay ng kanyang Mommy
Selene. Itinigil ko na ang pag iisip ng kung anu-ano dahil ako lang naman ang
bukod tanging nag-iisip ng ganung bagay.
"Next time anak, Mama naman
angsabihin mo. Mama naman. Angdaya mo naman anak. Ako ang lagi mong
kasama pero Papa ang una mong binanggit." Kunwaring pagtatampo kay
Santino. Lumingon naman siya at ngumiti.
Kahit pala hindi pinapansin ni
Senyorito ang anak na si Santino ay kilala pa rin siya nito.
Bigla na naman akong na lungkot at
napangiti ng may halong pait sa aking naisip. Mabuti pa si Santino kinikilala
ang kanyang Papa sa kabila ng siya ay musmos pa lang at wala pang muwang sa
tunay na sitwasyon naming bilang pamilya.
Pamilya?
Pamilya nga ba kaming maituturing?
May pamilya ba na kagaya ngsa amin?
Hindi nagpapansinan.
Walang pagmamahal?
Nagbuntong-hininga ako.
Nanalangin na sana isang araw
matanggap na ni Senyorito na mayroon na siyang anak kahit hindi niya na ako
kilalanin bilang asawa. Ang mahalaga ang anak ko.
Chapter
27
"Naku! Papa kamo ang unang na
bigkas ni Santino? ll Manghang tanong ni Senyora Loreta ng maka-videocall ko at
naikwento ko ang pagtawag ni Santino ng Papa sa kanyang ama.
Narito kami ni Santino sa garden.
Nakaupo ako sa isang upuang bilog na gawa sa kahoy habang si Santino naman ay
nakaupo sa kanyang stroller at masayang pinapanood ang mga paru-parong kulay
puti, dilaw at may itim na may halong puti na lumilipad-lipad sa paligid at
dumadapo sa mga bulaklak na orchids na may iba l t-iba rin ang mga kulay. May
violet, white, yellow, orange at may iba pang bulaklak ngunit hindi ko alam
kung anong pangalan. May mga halaman din tulad ng dragon tail, peace lilies
at naglalakihang palmera. Mayroon din iba't-ibang klase ng allocacia.
Lahat ng halaman ay kanya-kanyang angking ganda. Tulad ng tao, mayroong
iba't-ibang natatanging katangian. Kaya madalas narito kami turnatambay ni
Santino ay dahil bukod sa magandang kapaligiran at sariwang hangin ay
pakiramdam ko malapit lang ang presensya ni Nanay na hilig
talaga ang paghahalaman. Dito rin ako
madalas manalangin ngtaimtim sa Itaas. Basta't makita ko ang luntiang dahon at
mga nag-aagawan ganda at kulay ng mga bulaklak ay gumagaan anuman ang mabigat
kong dalahan.
"Opo, nagulat nga po ako ng
makapagsalita siya at nakatingin pa sa direksyon ng Papa niya.ll Patuloy ko sa
pagkukwento.
"Nakoh! Takot magutom ang apo ko
kung ganun." Sabay tawa ng Senyora.
Takot magutom? Ano naman ang
kinalaman ng pagbigkas ni Santino sa salitang Papa sa takot magutom?
Tanong ko sa isipan ko.
Ngayon ko lang kasi narinig ang bagay
na 'yun.
"May matandang kasabihan kasi na
kapag ang un ang tinawag ng bata ay ang kanyang tatay. Ang ibig sabihin raw ay
takot siyang magutom." At nasagot na ng Senyora ang tanong sa isip ko.
lyon pala 'yun.
"Bueno, iha kamusta naman kayo
ni Simon?
Ganun pa rin ba ang pakikitungo niya
sayo?" Napabuntong-hininga ako bago ako sumagot sa katanungan ng Señora.
"Sanay na po kay Senyorito. Wala
pa rin po
siyang pagbabago." Saka ako
mapait na ngumiti.
Ganun pa man, hindi ko magawang
ikwento kay Señora na malarnig rin na pakikitungo ni Senyorito Simon kay
Santino. Batid ko kasing masasaktan at malulungkot siya sa oras na malaman niya
tungkol doon. Ayokong sumama pa ang kanyang loob. Hindi na baleng ako na lang
ang nasasaktan. Masyadong mabait si Senyora at hindi karapat-dapat na saktan.
"Hayaan mo Karen, pasasaan ba at
makikita rin ni Simon kung paano kita nakikita bilang isang mabuting tao."
Malalim na Wika ng Senyora habang may maaliwalas na ngiti sa kanyang mukha.
Napansin ko na parang lalo yata
siyang nangayayat. Ang pisngi niya ay lalong humumpak. Nangangalumata rin siya
na hindi maikakaila ng malaking bilog na itim sa ibaba ng kanyang malamlam na
mga mata.
"Lola, napansin ko na pumayat na
naman kayo?" Hindi ko mapigilang magtanong. Nag-aalala ako sa
kanyang kalusugan. Baka masyado ng napapagod ang Senyora sa mga iniintindi sa
hacienda.
Tila umilap ang mga mata ng Senyora
ng marinig ang aking sinabi. Hindi 'yun normal. Si Senyora ang tipo ng taong
laging nakatingin sa mga mata ng sinumang kanyang kinakausap.
May tinatago kaya ang Senyora?
"Naku, baka naninibago ka
lamang. Kalakas ko ngang kumain." sabay tawa ng matandang babae na sa
totoo lang ay miss na miss ko na rin gaya ng pangungulila ko sa presensya ni
Nanay.
Hindi na kasi nakadalaw si Señora
rito sa lungsod kung nasaan kami. Dahil daw nahahapo na siya sa byahe. Hindi
rin naman kami maka makadalaw ni Santino sa kanya sa hacienda sapagkat ayoko pa
siyang ibyahe. Masyado pa kasi siyang bata at ang isa ko pangdahilan ay hindi
pa siya binyagan sa simbahan. Ayon din naman kasi sa matatandang paniniwala ng
karamihan na mga Kristiyano. Bawal at hindi pa raw pwedeng ibyahe ng malayuan
ang mga batang hindi pa nabinyagan sapagkat lapitin ng peligro. Maari raw ma
disgrasya, magkasakit o kaya naman ay "mausug.".
Walang scientific basis sa mga ganung
paniniwala nmpero mabuti na rin ang nag-iingat dahil wala naman ding mawawala
kung susundin.
"Okay lang po ba ang kalusugan
ninyo?" Maya-maya ay naging tanong ko.
"Okay na okay iha, malakas pa
ako sa kalabaw!" bulalas ng Señora at saka mahinang
tumawa.
"Lola, alagaan po ninyo ng
mabuti ang iyong sarili. Uuwi pa ho kami riyan ni Santino kapag nabinyagan na
po siya." paalala ko sa mabait na Senyora.
"00 nga pala Karen, iha, kailan
ba ninyo balak mag-asawa pabinyagan si Santino?"
Napaisip na rin ako kung kailan. Pero
baka isabay ko na lang din sa unang kaarawan niya ang kanyang binyag para
isahang gastos lamang.
"Balak ko po sana sa first
birthday niya na lang din po ganapin para po isahang gastos lang."ani ko.
Tiyak kasi na pera ni Senyorito Simon
ang gagamitin dahil saan naman ako kukuha ng pera para panggastos sa binyag at birthday.
Kung may pera lamang ako ay hinding-hindi ko pa gagastusin kahit isang
singkong-duling si Senyorito Simon. Baka isipin niya na naman na inaaksaya
namin ang pinaghirapan niyang salapi. Tulad ng isang pirasong biskwit at mugmug
na inabutan niya sa sahig. Simula rin ng araw na 'yun ay hindi na rin ako nag
merienda at binawasan ko na rin ang pagkain ko. Mahirap ng ma kwentahan na
naman ng mga kinakain at ginagamit naming clito sa 100b ng kanyang bahay. Baka
isipin niya o kaya pansinin niya ang bigas at mga groceries
kung nababawasan. Mabuti na lamang at
hindi ko ginagalaw ang kahit na anong sukli sa perang pang-groceries, pambayad
ng ilaw, tubig at internet.
"Karen, hindi ba ang sabi ko
sayo ay isa ka ng legal na Sto.Domingo at lahat ng meron kami ay sayo na rin.
Lalo pa ngayon na binigyan mo ako ng napakagwapong apo sa tuhod. Kaya wag kang
mag-alala sa gastusin. Kung nahihiya kang magsabi sa asawa mo. Bibigyan kita ng
sarili mong pera." walang-gatol na sabi ng Senyora na agad ikina-iling ng
aking leeg.
"Lola, wag na PO." matigas
kong pagtanggi.
"Kakausapin ko na lamang po si
Senyorito tungkol sa binyag. Hindi ko po kasi siya makausap dahil po madalas
wala siya rito sa bahay at kapag naman po naririto ay puro trabaho pa rin po
ang inaatupag.ll hindi ko man nais mahaluan ng lungkot ang aking tinig ay hindi
ko maikakaila.
Chapter
28
Narinig kong nagbuntong-hininga si
Senyora Loreta.
"Ewan ko ba sa asawa mo.
Manang-mana sa
Lolo Andres niya. Ganyan-ganyang ang
Lolo ninyo Napaka-addict sa trabaho. Noong araw pa nga ay kung hindi ko hatiran
ng pagkain sa kanyang opisina ay nakakalimutang kumain ng tanghalian. Ganun din
ang naging problema ko sa Papa ni Simon. Mabuti nga at nagkaroon ng kapatid si
Simon sa kabila ng sobrang abala ng kanilang magulang sa negosyo. Ang biyenan
mo rin kasi na babae ay nakilala ng aking anak sa business world. Kaya hindi na
ako nagtataka na namana ni Simon anurnan ang pag-uugali ng kanyang mga magulang
lalo na sa larangan ng negosyo." Kuwento naman ni Senyora.
"Mukha nga pong enjoy na enjoy
siya sa kanyang ginagawa. Alam ko po nagba buy and sell rin po siya ng mga
mamahaling sasakyan."
Bukod kasi sa produktong inaani mismo
sa malawak na hacienda na mga pang export sa ibang bansa ay pinasok na rin ni
Senyorito ang pagba-buy and sell ng mga mamahaling
sasakyan. Minsan kasi ay aksidente ko
siyang nakita at narinig na nakikipag-usap sa kung sino sa kanyang laptop at
iyon ang topic nila.
"Gusto niya lang sigurong
i-secured ng mabuti ang future ng anak ninyo at ng mga magiging anak pa ninyo
sa hinaharap. Sana nga ay magkaroon kayo ng maraming anak. Isa ang bagay na
'yan sa pinagsisihan ko ng mawala ang nag-iisa kong anak. Bakit isa lang ang
naging anak ko at hindi ko man langdinagdagan? Kaya ang gusto ko magkaroon kayo
ni Simon ng isang malaking pamilya. Punuin ninyo ng mga bata ang bahay at
maging ang hacienda." Nakangiting suhestiyon ni Senyora.
Sa narinig na hayag ng Senyora ay
parang nais kung turnawa.
Si Senyorito at ako? Magkakaroon ng
maraming anak? Kahit minsan nga ay hindi man niya tinapunan ng kahit
isang sulyap si Santino.
Paulit-ulit ang pagtanggi niya na
hindi niya anak.
Kaya paano kaya kami magkakaanak ng
marami? Isa pa, magkahiwalay kami ng kwarto. Diring-diri nga 'yun kapag na sa
paligid ako. Angtumabi pa kaya sa akin?
Para akong tanga sa pakikipag usap at
tila pakikipag away sa isipan ko na wala namang kaaway.
"Isa rin sa madalas kong
dinadalangin ay ang apo kong si Selene. Matalino naman siya at malambing ngunit
may pagka pasaway at hindi marunong makisama sa ibangtao lalo na sa hacienda.
Sana lang ay magbago siya at maging responsable sa buhay kagaya ng kuya niya.ll
May halong lungkot ang tinig ni Senyora. Pansin naman talaga sa ugali ni
Senyorita Selene na may pagka spoiled. Madalas at naririnig ko noon na
usap-usapan ng mga kawaksi sa 100b at labas ng hacienda na may pagka masungit
ang ugali ng bunsong kapatid ng asawa ko. Kahit naman ako ay madalas niyang
irapan kahit wala naman akong ginagawang kahit ano. Kapag nga daraan ako sa
harapan niya at may kasama pa siyang mga kaibigan ay nagtatawanan silang lahat
habang nakatingin sa akin sa direksyon ko. Ewan ko kung sapantaha ko lang 'yun
o nagkataon lang. Binabalewala ko na lang at agad na akong umaalissa kung
nasaan ako.
"Naniniwala po ako na magbabago
rin po ang ugali ni Senyorita Selene. Mukha naman po siyang mabait. Sa
katanuyan nga po ay tuwang-tuwa siya kay Santino noong nagpunta po siya rito.
Ang dami niya pong dalang pasalubong sa kanyang pamangkin." Kuwento ko
naman sa ginawang kabutihan ni Senyorita
Selene Kay Santino kahit pa puro
pang-iinsulto sa aking pagkatao ang mga sinasabi niya.
"Mabait naman siya. Napansin ko
lang na nagbago ang ugali niya simula ng sabay mawala ang kanilang magulang.
Ako naman kasi ay natutok sa pag-aasikaso ng mga negosyong naiwan at hindi ko
sila masyadong naalagaan ni Simon." Malungkot muling kwento ng Senyora.
"Hindi PO, Lola. Napaka swerte
nga po nina Senyorito at Senyorita Selene sa pagkakaroon ng Lola na gaya niyo.
Biruin niyo PO, nakaya niyo pong lahat ang mga pagsubok na kayo lang pong
mag-isa. Sigurado po akong hindi kayo nagkulang sa pagpapalaki sa kanila.
Sadyang mayroon lang po talaga tayong kanya-kanyang ugali bilang tao."
Pagpapalubag ko sa 100b ng mabait na Senyora. Kinaya niya ang lahat manatili
lang na tumatakbo ang mga negosyong biglaang naiwan sa pangangalaga niya. May
mga kamag-anak naman sila na may mas alam sa pagpapatakbo ng malaking negosyo
ngunit mas pinili ni Senyora na siya ang hum awak upang matiyak ang posisyon ni
Senyorito Simon kapag kaya niya ng siya ang hahawak. At matapos nga ang ilang
taon ay si Senyorito Simon na ang tumatayong tagapagmana ng lahat ng ari-arian
na meron sila. Ganun kalaki ang sakripisyo ni Senyora.
Kaya mahal na mahal siya ni Senyorito
Simon.
Nakita niya kasi kung paano ang pagod
at puyat ng kanyang Lola upang hindi sila mag hirap na magkapatid.
Kaya rin gusto ko man na magsumbong
sa Senyora ay hindi ko magawa. Gusto kong urniyak at sabihin ang lahat ng sama
ng loob ko ay hindi ko maisiwalat.
Gusto kong sabihin lahat ngunit
kinikimkim ko na lamang dahil alam batid kong masasaktan ng husto si Senyora.
"Karen, iha, Iagi mong ipaglaban
kung ano ang sayo. Basta alam mong wala kang ginagawang masama at hindi ka
nang-agrabyado ng kapwa ay wala kang dapat ikatakot."
"00 naman PO, Lola. Lalo po
ngayon may Santino na po ako.'l Sagot ko naman sa masayang boses at pilit
itinatago ang pait sa pamamagitam ng pag-ngiti.
"Kamusta naman pala si
Karina?"
Waring may dumaan na kung ano at mas
hindi ko na naitago ang lungkot na nadarama ng banggitin ni Senyora and
pangalan ni Nanay.
"Ganun pa rin po siya Lola. Wala
pa rin pagbabago ang kondisyon niya. Hindi pa rin gumigising at hindi ko po
alam kung gigising pa nga po ba siya." Sagot ko sa malungkot na tinig.
"Magdasal lang tayo ng magdasal
para sa iyong Nanay. God will provide." Payo sa akin ng Senyora.
Matapos ang kwentuhan namin ng
Senyora ay nakadama ako ng saya kahit paano sapagkat nariyan siya lalong-lalo
na para kay Santino.
"Paano na kaya tayo anak kung
wala si Senyora Loreta?" bulong kung tanong sa anak ko na naglalaro na sa
aking kandungan.
Chapter
29
"Karen! Karen!"
Nagulat ako ng biglang pumailanlang
ang malakas ng boses ni Senyorito Simon sa 100b ng mansiyon. Halata sa boses na
nagmamadali akong makita at tila may importanteng kailangan. Ano kayang
nangyari? At ano kaya ang nakain ni Senyorito Simon at bigla na lang akong
hahanapin? May nagawa ba akong hindi niya nagustuhan at galit na galit na naman
sa akin? Upang masagot na ang aking mga katanungan ay nagpasya na akong
magpakita sa kanya. Kaya naman mula sa garden kungsaan kami nagpapalipas ng
oras ni Santino ay nagmamadali akong pumasok sa 100b bitbit ang anak ko na
nagulat din sa lakas ng pagtawag sa along pangalan ng kanyang papa.
"Karen!" Ulit na naman
niyang pagtawag sa pangalan ko. Luminga-linga pa siya sa paligid at tumitingala
sa itaas sa paghahanap sa presensya ko.
"Bakit, Senyorito? ll mangha
kong tanong. Ngayon lang kasi na nangyari na hinahanap niya ako pagkarating
niya sa buhay.
Halatang balisang-balisa ang kanyang
mukha. Namumutla ang kanyang mukha at tila namumula ang mata na galingsa
pag-iyak.
Ano kanyang nangyari?
"Saan ba kayo nagsusuot na
mag-ina at kanina pa ako tawag ng tawag ay ngayon lang kayo lumapit? ll asik
niyang tanong.
"Nasa garden lang kami ni
Santino at nagpapahangin." Mahinahon kong sagot.
"Pack your things, uuwi tayo kay
Lola." Utos niya at saka tumutok sa kanyang cellphone.
Uuwi kami? Bakit biglaan naman? May
nangyari ba? Nalilito kong tanong sa aking sarili. Wari pang nanlalamig ako na
hindi ko maintindihan. Kinakabahan ako pero bakit naman? Anong nangyayari? May
masama bang nangyari?
"Yes, I need a pilot. Yes, yes,
ngayon din. Papunta na kami. Make sure na handa na ang lahat. Kailangan na
naming makauwi ng hacienda ngayon din." Madiin niyang utos sa kung sino
man ang kausap niya sa kanyang cellphone.
Lito parin ako. Naguguluhan masyado
ang utak ko.
Pilot?
Ibig sabihin eroplano ang sasakyan
namin? At bakit kailangan ganun kabilis upang makauwl kami? Bakit nagmamadaling
urnuwi si Senyorito sa hacienda?
" Ano pa ba ang itinatayo mo
riyan?!" singhal niya sa akin ng mapansing hindi pa ako kumikilos at
sumusunod sa utos niya.
"Pa-pasensya na Senyorito. Bakit
ba biglaan ang pag-uwi natin sa hacienda? May nangyari ba kay Senyora? l'
waring bigla akong sinalakay ng kaba sa naging tanong ko. Hindi magmamadali ng
ganito si Senyorito Simon kung hindi importante. Hindi niya iiwan angtrabaho
maliban na lamang kung talagang emergency.
"l have no time to explain! Pack
your things kung ayaw mong iwan ko kayong mag-ina dito." Singhal niya na
naman sa akin. Nahimasmasan na ako at saka nagmamadaling umakyat sa itaas.
Sumunod na rin ako para mag-impake at dalhin ang mahahalagang gamit lalo na ang
para kay Santino.
Panay may katawagan sa cellphone si
Senyorito habang nakasakay kami ng sasakyan niya. Huminto kami sa isang
building at sumakay ng elevator hanggang sa rooftop.
Tama, andun nga ang isang helicopter
na naghihintay sa pagdating namin.
Agad may inabot na pantakip sa tenga
ang isa sa mga lalaking naka-uniform na naka-abang sa pintuan pa lang ng
rooftop.
Pumalahaw ng iyak si Santino dahil
siguro sa gulat sa napaka ingay na naririnig mula sa helicopter.
Kinakabahan akong sumakay pero
nanigas ang buong katawan ko ng personal akong alalayan ni Senyorito Simon para
makasampa sa 100b ng helicopter. Ito ang kauna unahang hinawakan niya ako na
hindi para pagbuhatan ng kamay. Nakakalula pala talaga kapag nasa itaas ng
kalangitan at hindi pa sanay sa ganung byahe. Ngunit mas kinakabahan ako sa
kung ano ang aabutan ko pagdating namin ng hacienda. Ano ba ang nangyayari at
bigla kaming umuwi? Hindi ko pa naman nakausap si Senyora Loreta ngayong araw.
Mabuti na lang at madali langtalaga
ang byahe kapag nasa himpapawid ka.
Pagdating namin sa probinsya ay agad
ding may sasakyan na sumalubongsa amin sa kung saan kami nag landing. Ang akala
ko ay tutuloy kami sa hacienda. Ngunit sa isang pamilyar na pribadong ospital
kami tumuloy. Pamilyar dahil ilang buwan din ang inilagi ni Nanay clito sa
ospital na ito na pagmamay-ari rin mismo ng pamilya ng aking asawa.
Pagkahintong-paghinto ng sasakyan
namin ay agad bumaba si Senyorito at halos takbuhin ang entrada ng ospital. Ako
naman ay maingat na lamang na humahakbang habang nakasunod sa kanya dahil karga
ko ang tulog na tulog na si Santino na nakatulog na sa sasakyan.
" Good Morning, Senyorita."
Agad na bungad pagbati sa akin ng mga nurse at hospital staffs na nadaraanan ko
na walang pakundangan lamang na nilalampasan ni Senyorito Simon na una nilang
binabati.
Senyorita?
Hindi ako sanay.
Ganun pa man ay ibinabalik ko na lang
ang pagbati nila sa akin ng nakangiti.
"No! Save Her! Save my
Grandmother or I will kick you out of my hospital! ll
Dinig na dinig ko ang malakas na
sigaw ni Senyorito Simon mula sa kung saang bahagi ng ospital. Kaya naman
binilisan ko ang paglakad at hinahanap siya. Nakita ko siya sa isang silid na
nakabukas ang Pinto. Hawak niya sa kwelyo ang isa sigurong doktor base narin sa
puting damit na suot.
"Calm down, Mr. Sto.Domingo,
maniwala ka.
Ginawa namin ang lahat ng aming
makakaya para iligtas si Senyora Sto.Domingo pero sadyang hindi na kinaya ng
katawan niya.ll May himig pagpapakumbaba sa naging sagot ng Doktor.
Sa narinig ay agad akong na patingin
sa kung sinong nakahiga sa higaan sa 100b ng kwarto kung saan ako pumasok.
Bigla akong nanigas sa kinatatayuan
ko. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Waring urnurong ang aking dila at
wala akong mailabas na boses.
Hindi totoo? Hindi ito totoo!!!!
Sigaw ko sa utak ko.
Naglakad ako ng marahan patungo sa
kabila ng ayaw surnunod ng mga paa ko sa dikta ng isipan ko. Nanghihina ako
habang humahakbang. Pakiwari ko ay anumang oras ay mawawalan ako ng ulirat at
bigla na lang matutumba.
Hinang-hina ako.
Tumulo ang luha ko ng makita ang
payapang mukha ni Senyora na animo'y natutulog lamang habang nakapikit.
"Lola." Tawag ko sa kanya
ng makalapit ako.
"Lola." Ulit ko at sa pagkakataong
iyon ay napahawak na ko sa kanyang hapis na mukha. Hindi ko na napigilan ang
humagulgol ng iyak.
Bakit?
Bakit ganito?
Anong nangyari?
"Lola, nandito na po kami.
Nandito na po si Santino. Heto na po ang apo ninyo. Lola.
Kargahin na po ninyo. Gumising na po
kayo.
Gising na PO, Lola." Pagsusumamo
ko sa kanya.
Ngunit walang pagtugon.
Nanatili lang siyang payapang
nakapikit ang mga mata gaya ni Nanay.
Hindi siya kumikilos.
Hindi gumuguhit ang matamis niyang
ngit sa kanyang labi na madalas na nakapagkit at hindi na aalis.
Wala ang masayang pagtawa na masarap
pakinggan at nakakahawang gayahin.
Dahil wala na ang mabait,
mapagkumbaba, masayahin at mapagmahal na Lola.
Dahil patay na si Senyora.
Chapter
30
Stage four ovarian cancer. Ang sakit
na tumalo sa isang napaka mabuting tao.
Hindi ako makapaniwala na inilihim sa
amin ni Senyora Loreta ang kanyang malubhang karamdaman. Hindi alam ngdoktor na
tumitingin sa kanya na hindi pala ipinaalam ng Senyora ang kanyang kalagayan sa
kanyang mga kamag-anak o kahit sa sarili niyang mga apo. Umiinom naman siya ng
mga gamot ngunit tumanggi ng magpa-opera dahil nga sa may edad na raw siya at
baka mas lalo pa raw madali ang kanyang buhay sa oras na sumailalim pa sa isang
mapanganib na operasyon.
Damang-dama ng buong hacienda Sto.
Domingo ang pagkawala ng presensya ng
isang Senyora Loreta. Wari bang ang lahat sa paligid ay walang-buhay. Tila ba
kahit ang mga puno at halaman sa kapaligiran ay tumatangis. Maging ang mga
hayop ay nakiki simpatya at nakikiramay sa nakakapanlumo na kalungkutan. Ang
lamyos at lamig ng simoy ng hangin ay tila naghahatid ng halumigmig na
humahaplos na may kasamang pagyakap upang maibsan ang pagdadalamhati sa puso ng
bawat isa.
Batid ko ang labis na pagdadalamhati
na nadarama ngayon ni Senyorito Simon. Hindi ko pa siya nakakausap simula ng
mailibing si Senyora. Umuwi rin galing sa Amerika si
Senyorita Selene na labis din na
dinamdam ang pagkawala ng nag-iisang turnatayong magulang sa kanilang
magkapatid sa 100b ng mahaba rin na panahon.
Pakiramdam ko naulila rin ako.
Hindi kami magkadugo ni Senyora
ngunit itinuring niya akong hindi iba sa kanya. Nadama ko ang pagmamahal niya
sa kahit maikling panahon. Wala siyang ipinakitang hindi maganda. Lagi nga
siyang nakasuporta sa akin kahit noong hindi pa ako asawa ng kanyang apo. Kaya
parang hindi rin ako makapaniwala na wala na siya. Parang isang masamang
bangungot lang ang lahat at magigising rin kaming lahat mula sa malalim na
pagakakahimbing.
Sino ba naman ang mag-aakala na may
iniinda na pa lang sakit si Senyora?
Kung ako nga na madalas makausap si
Senyora ay hindi man napansin na may tinatago na siyang malubhang karamdaman sa
katawan.
00 at napapansin kong pumapayat siya
ngunit wala talaga akong nakita man lamang na
sintomas na mayroon na pa lang may
masakit sa katawan niya.
Masayahin kasi talaga si Senyora.
Hindi mo masasabi kung kailan siya nalulungkot dahil sa ngiti niyang hindi
naaalis sa kanyang mga labi.
Tuwang-tuwa siya kahit sa simpleng
bagay lang.
Naroon ang hindi maubos-ubos na mga
kuwento sa tuwing magkausap kami. Labis ang kanyang kasiyahan sa apo niya sa
tuhod na nakikipag bungisngis sa kanya sa tuwing siya ay makikita sa screen ng
cellphone sa tuwing mag vivideo call silang mag Iola.
Parang nawalan ng isang maliwanag at
nagniningning na ilaw ang buong hacienda sa pagkawala ng mabait na Senyora.
Nawalan ng isang matatag na pader na
nagsisilbing matibay na proteksyon ng sinumang nagmamahal sa kanya.
"Senyorita Karen, pinapatawag po
kayo sa library. Naroon na po Sina Senyorito Simon at Senyorita Selene at kayo
na lang po ang hinihintay." Magalang na pagtawag sa akin ni Josie. Ang
dalagitang anak ng isa rin sa mga kasambahay ng hacienda. Payat siya pero
matangkad at laging nakatirintas ang mahaba niyang buhok na umabot na hanggang
lampas sa kanyang bewang. Kung siya ay magiliw ang pakikitungo sa sa akin, ang
ibang kasambahay naman ay hindi. Hindi ko malaman kung paano ko sila
patutunguhan dahil hindi nila ako pinapansin. Hindi ko alam kung ako lang ba
ang nag-iisip ng ganung bagay o sadyang hindi lang nila ako napapansin. Ang iba
kasi ay tinataasan ako ng kilay na hindi ko alam kung bakit samantalang ang iba
naman ay magiliw pa rin ang pakikitungo sa akin katulad noong araw na
kasa-kasama ako ni Nanay sa pag-aayos ng hardin ng hacienda.
"Ako? Bakit kaya?"
nagtataka kung tanong ko kay Josie.
"Hindi ko po alam Senyorita.
Pero dapat na po kayong magmadali dahil naiinip na ang inyong asawa."
Nakangiti niyang wika na tila kinikilig pa sa kanyang mga sinabi.
Inayos ko muna ang mga unan na
nakapaligid sa natutulog na si Santino sa kanyang crib. Hinabilin ko muna kay
Josie ang aking anak saka ako tumungo sa library.
Kumatok muna ko sa pinto saka maingat
na pinihit ang seradura nito saka marahang pumasok sa 100b.
Tatlong seryosong mukha ang naabutan
ko sa library na pawang naiinip na sa kanilang paghihintay.
Parang kinabahan tuloy ako ng
sabay-sabay silangtumingin sa gawi ko na para bang isa akong inaakusahan na
kriminal sa uri ng kanilang pagtitig lalo na ng aking asawa at hipag.
Ang nakaupo sa study table ay walang
iba kundi si Senyorito Simon. Samantalang naka de kwatro pa si Selene sa pang
isahang sofa at sa katapat na mahabang sofa naman ay nakaupo sa gitna ang isang
may edad na lalaki na ngayon ko lamang nakita. Abuhin na ang kanyang buhok at
makapal na angsalamin sa mata na kanyang suot-suot.
Tumayo siya at sinalubong ako.
"Good Afternoon, Mrs.Sto
Domingo." Nakangiti niyang bati saka inilahad ang kanan kamay sa aking
harap na aking malugod na tinanggap.
"Good Afternoon din PO."
Pagbati ko rin naman. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin dito. Bakit
pati ako ay dapat kasama sa kung anurnan ang kanilang pinag-uusapan.
"Attorney Silvestre Clemente by
the way." Muli niyang pagpapakilala sa kanyang sarili.
"Karen poll Kimi kong sagot
kahit tinawag niya na akong Mrs. Sto.Domingo kanina. Naupo ako sa isa pa sa
dalawang pang
isahang sofa katabi ng inupuan ni
Senyorita Selene.
Para bang may tensyon na nagaganap at
ang bigat ng hangin na dumadaloy dito sa 100b ng library.
Tumikhim si Attorney Clemente at saka
kinuha ang mga papel na nakapatong sa lamesa na gawa sa salamin na nasa harapan
namin. Inilabas niya sa isang bag na kulay itim ang iba pang mga papeles at
nag-umpisang mag paliwanag tungkol sa mga naiwang ari-arian ng Senyora. Wala
akong masyadong maintindihan sapagkat wala naman akong interes sa kung anumang
kayamanan ang naiwan ngyumaong senyora. Ngunit natigilan din ako ng sabihin ni
Attorney Clemente na maliban sa legal na mga apo ni Senyora na legal niyang mga
tagapagmana ay kasama rin kami ng anak kongsi Santino sa mga nabanggit na
tagapagmana sa huling testamento.
Chapter
31
Seryoso? !
Nais ko sanang isatinig ngunit
nanatili na lamang akong tahimik at nakikinig. Hindi ko rin naman alam kung
paano ako magkokomento o kailangan ba akong mag komento.
Wala sa hinagap ko na pamamanahan
niya rin kami ni Santino. Kahit si Santino na lang ngunit ang isama pa ako ay
parang isang kalabisan. Hindi ako kaano-ano ni Senyora. Isa lang along sampid
sa kanilang pamilya.
Ayokong lingunin ang kahit sino sa
magkapatid na Sto.Domingo dahil sa pakiramdam ko ay hindi sila sang-ayon sa
sinasabi sa testamento. Ngunit dahil may mga pinag-aralan ay nanatili lang
silang walang kibo at sibil at patuloy rin na nakinigsa iba pang sinasabi ni
Attorney.
llang katanungan pa ang tinanong ng
magkapatid bago pa nagpaalam upang magbalik na ng Maynila si Attorney Clemente.
Inabutan pa niya nga ako ng isang calling card para kung sakali raw na may mga
katanungan ako tungkol sa minana namin ni Santino ay agad ko siyang
makokontak.
"Well, well, well." Agad
kong hinanap ang nagsasalita. Si Senyorita Selene na nakatayo pinto ng kusina.
Dito kasi ako tumuloy sa kusina ng matapos ang pag-uusap namin kasama si
Attorney Clemente. Narito ako upang tumulong magluto. Pina bantayan ko muna
ulit si Santino kay Josie dahil tulog na tulog pa rin naman ang anak ko.
Sumandal si Senyorita Selene sa hamba
ng pintuan habang pinagkrus ang mga braso sa dibdib at taas kilay na nakatingin
sa akin.
"So, anong pakiramdam? l'
kalmado ang tanong at deretsong-deresto ang tingin sa akin. Maging ang mga
kasama kung kasambahay ay huminto sa kanilang mga ginagawa at nakatingin na rin
sa Senyorita.
"A-anong pakiramdam?"
nalilitong tanong ko sa kanya. Wala naman talaga kasi akong ideya sa kung anong
tinatanong niya.
Tumayo siya ng tuwid at saka
humakbang papunta sa direksyon ko. Kumuha ng mansanas na nakalagay sa isang
basket na nakapatong sa lamesa at saka inamoy ang prutas na kasing pula ang
kulay ng lipstick niyang gamit sa labi.
"From a simple girl na anak ng
isang hardinera na nakapangasawa ng isang Haciendero na mas nag level up pa.
Dahil bilyonarya ka na." Litanya niya habang sinisipat sipa ang hawak na
mansanas na tila may hinahaban.
Bilyonarya?
"Kaya tinatanong kita ngayon
kung ano ang pakiramdam ng isang instant bilyonarya?" Mahinahon
niyangtanong ngunit halata naman na nais niya akong patamaan at hindi rin
maikakaila na hindi niya gusto ang anumang nasa mga nilalaman ng huling testamento.
"S-senyorita, hindi ko naman
alam na isinama ako ni Senyora sa mga pamamanahan niya." Mahinahon namang
sagot.
"You know what, I can't believe
this!" madiin niyang asik.
Medyo nagulat ako sa biglaang
pagpapalit ng kanyang ekspresyon. Mula sa pagiging mahinahon at biglang
bumalasik ang kanyang maamongmukha.
"Ang mana ni Santino hindi ako
tutol dahil pamangkin ko siya at kadugo ko siya. But you? Sino ka ba para
parnanahan ka rin ni Lola. lyon ang hindi ko maintindihan. Ano bang pinakain mo
sa Lola at ganun ka niya kagusto?" sarkastiko niyang tanong sa mukha ko.
"Alam mo bang sa mana na napunta
sayo kasama ang kay Santino ay mas mayaman ka pa sa amin ni Kuya Simon?"
Mas mayaman??
Parang hindi ko naman naisip ang
bagay na 'yun. Hindi ko naisip dahil sa wala naman akong interes kung gaano man
kadami ang perang iniwan sa akin o sa amin ng anak .
Dahil sa hindi ko na lamang pagkibo
ay inirapan na lamang ako ni Senyorita Selene at saka umalis ng kusina.
"Sana all marunong
mang-uto."
"At mamikot ng mayaman.l' At
sabay-sabay silang mahinang nagsihagikgik.
Dinig ko ang sabi ng mga kasambahay
na kasama ko rito sa kusina. Tatlo silang na sa isang sulok at naghihiwa ng mga
gulay. Marahil ay kaedaran ko lamang sila at bago lamang din sa hacienda kagaya
ni Josie.
Alam kung ako ang pinatatamaan nila
lalo na at narinig nila ang mga sinabi ni Senyorita Selene.
"Biruin mo nga naman mula sa
basahan nagingmayaman."
Muli kong narinig na kanilang
bulungan.
Parang narinig ko ang laging sinasabi
sa akin ni Senyora Loreta noong nabubuhay pa siya.
"Hindi na uso ngayon ang paawang
bida.
Ang uso ngayon ay mga
bida-kontarbida." "Excuse me." Pagtawag ko sa atensyon nilang
tatlo.
Ngunit tila hindi nila ako naririnig
at patuloy lang sa kung among ginagawa nila.
" Excuse me." Muli kong
pagtawag at saka naglakad upang makalapit sa kanila.
Sabay-sabay naman silang pahitamad na
lumingon sa akin.
"Narinig ninyo naman siguro ang
sinabi ni Senyrita Selene kanina hindi ba?" mahinahon kong tanong sa
kanilang tatlo at isa-isa silang tiningnan sa kanilang mga mata.
"Malinaw na narinig ninyo na mas
mayaman na ako sa kanila ng asawa ko." Diniinan ko pa ang salitang
"mas mayaman."
Sa totoo lang ayokong gawin ngunit
sino ang magtatanggol sa akin? Wala na si Senyora habang si Nanay ay nakaratay
pa. Ako lang ang bukod tanging magtatanggol sa akong sarili at kay Santino.
Kaya dapat lang na maging matapang ako.
"Maraming nangangailangan ng
trabaho sa
panahon ngayon. Kaya kung mahal ninyo
ang trabaho niyo dito sa hacienda ay ayusin nyo pag-uugali ninyongtatlo."
Mahinahon ko pa rin na wika at payo sa kanila.
Para naman silang napahiya at
nagsiyuko ng ulo.
Tumalikod na ako para umalis pero
muli akong humarap sa kanilang tatlo.
"Alam ko namang magbubulungan na
naman kayo ng tungkol sa akin kapag nakatalikod na . Pero siguraduhin ninyong hindi ko maririnig
at malalaman. Dahil alam na ninyo kung ano ang mangyayari. Naiintindihan ba
ninyong tatlo?"
"Opo, Senyorita Karen. Pasensya
na poll sabi ng isa sa kanila at saka sumunod din angdalawa pa at nanghingi ng
pasensya sa akin.
Bumuntong-hininga ako at saka na
lumabas ng kusina.
"Kayong tatlo ayusin ninyo ang
mga trabaho ninyo. Tandaan ninyong amo natin dito sa hacienda si Senyorita
Karen. Pasalamat kayo at hindi niya kayo pinagtatanggal sa kachismosahan
ninyo." Dinig ko pa na sermon ni Manang Josefa na nanay ni Josie sa
tatlong kasambahay.
Tama naman pala si Senyora Loreta.
Hindi na nga naman uso ang paawang
bida. Wala akong ginagawang masama kaya wala silang karapatan na ako ay
husgahan.
Simula ngayon hindi na ako
magsasawalang-kibo at tatahimik na lang sa isangtabi.
Lalo at wala si Nanay at wala na rin
si Senyora.
Wala na akong kakampi.
Wala na akong tagapagtanggol.
Kaya dapat lang na maging matapang na
ako. Hindi lamang para sa sarili ko maging pati na rin sa karapatan ng anak ko.
Chapter
32
Buhat sa kusina ay mabilis na akong umaakyat
sa hagdan patungo sa itaas ng bahay dahil sa kaisipang baka magising si Santino
at pumalahaw ng iyak kapag napansing hindi ako kasama sa aming silid. Matapos
ko kasi siyang patulugin at mailipat na sa kanyang crib ay tahimik at mabilis
muna akong turnalilis ng kwarto para linisin ang kanyang mga bote ng gatas na
ginagamit. At makapagtimpla na rin ng bagong gatas para kung gumising at
humingi siya ng gatas mamaya sa kalagitnaan ng gabi o kaya'y sa madaling araw
ay agad ko ng maibibigay. Limang bote ang hinanda ko kasama ang lata ng gatas
at mineral na tubig na aking inilagay sa isang tray saka maingat na muling
umakyat sa pangalawang palapag ng mansyon ng Hacienda. Pipihitin ko na sana ang
seradura ng pinto ng kwarto na inuukupahan naming mag-ina ng biglang sa kung
saan ay may nagsalita na ikinahinto ko sa planong pagpasok sa 100b ng silid.
"Ngayon ay mas malakas na ang
100b mo."
Nagpalinga-linga ako at hinanap ang
pinanggalingan ng boses at nakita ko siyang nakatayo sa teresa ng pangalawang
palapag.
Kitang-kita ko ang isang bulto ng tao
dahil naka bukas naman ang pinto patungong teresa at na sa dulong kwarto ang
inuukupahan namin ng anak ko na katabi na mismo nito.
Nag buntong-hininga na muna ako bago
nagpasyang ipihit ang aking katawan patungo sa direksyon ng taong nagsalita.
Naroon siya nakatalikod sa akin
habang pinagmamasdan ang kadiliman ng gabi sa paligid. Hindi nakabukas ang ilaw
sa teresa kaya naman ang nagsisilbing liwanag lamang ay ang mga poste ng ilaw
na na nakapalibot sa mansyon. Tumingala ako sa langit na waring sa makikita ko
sa itaas ay makakaamot ako ng lakas ng loob upang mas lalong maging matapang.
Ngunit tila naging maramot ang kariktan ng gabi.
Tinatakpan ng makapal na ulap ang mga
bituin na sila sanangtanglaw sa karimlan habang wala ang liwanag ng buwan.
Maging ang haplos ng mabining hangin ay naghahatid ng kakaibang lamig na
pakiramdam.
Maingat kong inilapag ang tray na
hawak sa center table na naroroon. Napansin agad ang bote ng mamahaling alak na
nakapatong sa lamesa maging ang babasaging bowl na pinaglalagyan ng ice cubes.
Umiinom na naman pala siya.
"Iba talaga ang nagagawa ng
pera. Lalong lumalakas ang 100b." Muli siyang nagsalita ng may laman at
may nais patamaan habang sumimsim ng matapang na alak sa kopitang hawak.
"A-anong ibig mong sabihin
Senyorito?" tanong ko naman na naguguluhan sa kanyang sinasabi. Ako ba ang
tinutukoy niya?
At syempre gaya ng pinaghuhugutan ni
Senyorita Selene, mukhang tungkol na naman ito sa hindi ko inaasahang naging
"mana ll na galing sa yumaong Senyora. Malamang na malaking bagay talaga
ang minana ko kaya lalo silang nainissa akin. Hindi ko naman hiniling kay
Senyora Loreta ang anumang ibinigay niya sa akin. Wala akong kaalam-alam na
pamamanahan niya ako.
Dahan-dahan siyang humarap sa
direksyon ko.
"Marunong ka na pa lang mag
banta ngayon at sa mga kasambahay pa talaga. Baka gustong mong ipaalala
ko sayo na baka nakakalimutan mo na doon ka rin naman galing." Litanya
niya na may pang-uuyam pa sa uri ng kanyang pagtitig sa akin.
Naalala ko ang eksena kanina sa
kusina.
'Yun ba ang tinutukoy niya?
Pinagsabihan ko lang naman ang
tatlong kasambahay. Masama na ba ang ipagtanggol ko ang aking sarili sa mga
taong mapanghusga?
At isa pa..
Paano nalaman ni Senyorito angtungkol
doon? Nasaksihan niya ba?
Naroon ba siya o merong nakapag sabi
sa kanya? O baka ang tatlong kasambahay mismo ang nagsumbong sa kanya.
"Kung ang tinutukoy mo ay ang
eksena kanina sa kusina. Ipinagtanggol ko lamang ang akingsarili sa kanila. Sa
tingin ko naman ay wala namang masama na dipensahan ko angsarili ko.
Hindi nila ako lubusang kilala para
husgahan. Wala silang alam sa buhay ko kaya hindi nila ako d apat pag-usapan.ll
Tapat kong pagpapaliwanag. Kung mali ang ipagtanggol ang sarili ay urnaano pa
ang batas ngtao. Kung tungkol naman sa pagpapa-alaala ko na mas mayaman ako
kina Senyorito Simon at Senyorita Selene, hindi ko naman gustong sabihin 'yun.
Nadala lang ako. Ngunit totoo pa rin naman ang aking sinabi.
"Oh! really?" tumaas pa ang
sulok ng labi ni
Senyorito. Halatang hindi naniniwala
sa aking
tinuran.
Sabagay, kailan ba siya naniwala sa
akin? Kaya hindi na ako magtataka kung mas paniwalaan niya pa ang mga taong
nagsisinungaling kaysa sa akin.
"At ano naman ang sinabi nila
sayo? Na pinikot mo ako dahil alam mong malakas ka kay Lola? Na mukha kang
pera?" patuloy niyang pagtatanong na may halong pangungutya sa tono ng
kanyang boses at maging sa paraan ng kanyang pagtingin.
Hindi ako sumagot. Kahit ano naman
ang maging paliwanag ko ay balewala lang. Masasayang lang ang laway ko at lakas
kung patuloy pa akong makipag diskusyunan sa isang taong nakasara ang utak.
"Bakit hindi mo ipagtanggol ang
sarili mo sa akin ngayon? Ikaw na nagmamatapang kanina sa harap ng mga
kasambahay na gaya mo. Ikaw na nakatungtong lang sa kalabaw ay akala mo ay
mataas na? Ipagtanggol mo ngayon ang sarili mo." Untag niya sa akin.
Nanatili akong walang-kibo. Tiim ang
ang aking bagang at kuyom ang aking mga palad.
Tumawa siya ng mahina ngunit
nakaka-insulto.
"Napipikon ka sa mga paratang
sayo dahil 'yun naman talaga ang totoo." Deretso niyang sabi sa akin
habanh nanlikisik ang mga mata.
"A desperate woman! "
tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Mula paa hanggang ulo.
"Hindi na ako magtataka kung may
kinalaman ang namayapa kong Lola kung paano mo ko pinikot. Pero hindi na
mahalaga 'yun." Uminom na ulit siya ng alak at saka muling nagsalita.
"Dahil ang mahalaga ngayon ay
urnalis ka sa buhay ko." Deretsahan niyang pahayag.
Umalis?
Paano si Santino?
Lalaki din siyang walang tatay gaya
ko?
Matigas akong umiling.
Ayoko.
Hinding-hindi ako papayag na mawalan
ng Tatay ang anak ko.
Hindi pwedeng magaya sa akin si
Santino. Ang hirap ng walang kinikilalang ama.
"Hindi. Ayoko.ll Madiin ang
bawat salita at deretsahan ko rin na sagot habang nakatitig sa kanyang mga
mata.
"Hinding-hindi ako aalis dahil
may anak
tayo." Dugtong ko.
Chapter
33
Narinig marahil sa buong kabahayan
ang malakas na halakhak ni Senyorito Simon. Animo ay batingaw ng kampana ang
kanyang boses na lumaganap sa kailaliman ng gabi.
"Bilib na talaga ko sa kapal ng
mukha mo! Pinagpipilitan mo pa rin ang bagay na yan! Saan ka ba talaga kumukuha
ng takas ng 100b para panindigan ang mga kasinungalingan mo. Wala na si Lola.
Wala ka ngdahilan upang magpanggap na isang Santa. Wala ng pupuri sa huwad mong
kabaitan. Kaya hubarin mo na ang maskara mo at ilabas mo na ang ikinukubli mong
mahabang sungay." Asik niya sa akin.
"Hindi ako nagpapanggap na isang
Santa at wala akong tinatago na sungay. Anak mo si Santino at pagpipilitan ko
'yun hanggang sa matanggap mo," sagot ko rin. Hindi ako magpapatinag sa
kanyang mga sinasabi.
"Hindi ko siya anak. Kaya wag mo
ng ipagpilitan pa! Wag mo ng ipilit dahil wala kang mapapala!" sigaw ni
Senyorito.
"lyon ang totoo! Anak mo siya
kaya ipagpipilitan ko pa rin kahit ilang ulit mong
itanggi! ll ganti kong sigaw sa pag
sigaw niya sa akin.
Muli na naman turnawa si Senyorito.
Tawa siya ng tawa na para bang mababaliw na.
" Hindi ko siya anak. Wala akong
maalala at kahit ikaw ay wala rin na maalala hindi ba? Kaya paanong may
nangyari sa atin? Maliban na lang kung talagang binalak mo ...
Hindi ako nakapagpigil na putulin ang
kanyang pinupunto...
"Wala akong binalak! Pinalaki
ako ngtama at maayos ng Nanay ko kaya huwag na huwag mo akong
pagbintangan." Hinihingal ako sa gigil sa ginawa kong pagsasalita. Pigil
na pigil ko ang sarili kong wag magwala at magsalita na hindi kanais-nais. Pilit
kong pinanghahawakan ang sarili kong katinuan. Ngunit talagang inuubos ni
Senyorito ang mahabang pisi ng pagpapasensya
.
Gigil na gigil ako!
Gusto kong magwala at magsi sigaw
dahil punong puno na ako. Bakit ba pinagpipilitan nilang masama ako. Ano ba ang
ginawa ko sa kanilang lahat?
Pakiramdam ko, pinagkakaisahan nila
akong lahat. Dinikdik nila ako kahit na durog na durog
na ang pagkatao ko.
"llang beses ko bang sasabihin
na hindi ko alam at wala talaga akong alam sa kung anong nangyari sa atin at
kung paanong may nangyari sa atin." pagpapatuloy ko pa rin sa mataas na
boses na aking pagsasalita. Talagang sumusulak na ang dugo ko. Mula kanina kay
Senyorita Selene, sa mga kasambahay at ngayon si Senyorito Simon naman.
Kasalanan ko bang pamanahan ako ni
Senyora?! Hindi ako nanghihingi ng
anuman sa Senyora. Kusa niyang ibinigay 'yun sa akin!" nagsusumigaw kong
tinig sa utak ko.
Ngunit hindi na rin ako nakapagpigil
at nasa tinig ko.
"At hindi ko kasalanan na
pinamanahan din ako ni Senyora Loreta ng kung anong kayamanan niya dahil hindi
ko naman iyon hiningi o hiniling sa kanya!" Dugtong . Total 'yun naman ang nais niyang ipunto
kaya nila ako ginaganitong magkapatid. ltutuloy-tuloy ko na para isahang
bagsakan na lang.
"Huwag na huwag mo akong
sisigawan sa sarili kong pamamahay."
"Na pamamahay ko rin!"
matapang kong dugtong at sinalubong ang nag-aalab na tingin ni Senyorito
Nakipag sukatan din ako ngtitig.
Pikang-pika na ako!
Pagod na akong manahimik at tanggapin
na lamang ang bintang niya o nilang lahat dahil wala akong gin agawa!
"Malinaw ang mga nilalaman ng
testamento ni Senyora Loreta. May karapatan ako at ang anak ko sa lahat ng
ari-arian na iniwan niya kaya maliwanag na may karapatan ako clito sa
Hacienda." Mariin kongsabi.
Pagak na tawa ang narinig ko kay
Senyorito. "At lumabas na nga katotohanan." Nakangisi niyang sabi
habang sumimsim ng alak.
"Na mukha ka talagang pera at
kayamanan ang habol mo sa akin lalo na sa namayapa kong Lola. Paano mo nagawang
um arte? Ang galing mo naman. Dinaig mo pa ang mga beteranong artista sa arte
mo lalo na kapag na sa paligid si Lola. Dati ay hindi ka makabasag pinggan
samantalang ngayon nakikipagtaasan ka na ng boses. Bakit? Kasi nakuha mo na
angtalagang gusto mo. Ang kayamanan na kaydali mong nakuha." Tinaliman na
naman angtitig sa akin.
Gumanti ako ng matalim din na titig.
Hindi ako magpapatalo. Hindi ako
dapat magpakita ng kahinaan lalo ngayon at wala na akong matatawag na kakampi.
Wala na si Senyora na na laging nakaalalay at laging nasa panig ko. Ngunit
pinapangako kong kakayanin ko ang lahat. Alang-ala sa anak ko.
"Wala akong pakialam sa ano pang
isipin at sabihin ninyo laban sa akin. Dahil mapapagod lamang ako na ipaliwanag
ng paulit-ulit ang side . Ka-ya ba-ha-la
kayo!" Dininiinan ko pa ang tatlong huling kataga kong binanggit at saka
ako nagmamadali kunin angtray na inilipag ko kanina sa lamesa at nag martsa
patungo sa silid namin ng anak ko. Pagbukas ko ng kwarto ay mabilis na urnagos
ang mga luha ko na kanina pa nagbabadyang umalpas sa aking mga mata.
Pakiramdam ko hinang-hina ako ngayong
araw.
Ganito ba ang pakiramdam ng isang
inosenteng pinaparatangang kriminal?
Ang una nilang paratangsa akin ay ang
pananamatala ko raw sa kabaitan ni Senyora kaya nagawa kong pikutin si
Senyorito Simon upang ako ay pakasalan at maging legal na
Sto.Domingo. Ngayon naman ay
pinaduduhan nila ang naging desisyon ng namayapang Senyora Loreta tungkol sa
mga iniwan niyang kungsaan kasali ang pangalan ko.
Urniyak ako ng umiyak.
Lalo akong nanghihina kapag iniisip
kong
mag-isa na lamang akong lumalaban
para sa amin ni Santino.
Nilapitan ko ang anak kong himbing sa
pagkakatulog.
Hinaplos ko ang buhok ng aking anak
saka ko siya dinampian ng magaan na halik sa ulo.
"Hinding-hindi ka lalaking
walang tatay anak. Kung kinakailangang araw-araw kong ipamukha kay Senyorito
Simon na anak ka niya ay gagawin ni Mama. Gagawin lahat ni Mama kahit pa
magmukha akong nakakaawa habang namamalimos ng pagmamahal ng Papa mo. Kaya kong
magpakababa anak. Basta mananatili tayong pamilya. Ipaglalaban kita, Santino.
Ipaglalaban ko ang karapatan mo hanggang sa dulo.
At pinunasan ko ang luha sa aking mga
mata.
Hindi naman ako pwedeng hiwalayan ni
Senyorito Simon. Hindi niya ako pwedeng iwanan na lang. Malaki ang mawawala sa
kanya at damay pati ang nag-iisa niyang kapatid na si Selene.
Kaya hangga l t kaya ko. Hindi ako
susuko. Sila ang dapat sumuko.
Chapter
34
Na miss ng sobra ang buong hacienda.
Pinasyal si Santino sa lugar na aking kinalakihan. Namasyal din ako sa mga
itinuturing kong kaibigan tulad ng mga naging kaklase ko dati. Nakakainggit nga
sila sapagkat hanggang ngayon nag-aaral pa rin sila at tinutupad ang
kani-kanilang mga pangarap. Naiinggit ako ngunit mas mahalaga si Santino sa
lahat ng mga naging pangarap dati. Hindi pa naman siguro huli ang lahat.
Maaaring natigil ako sa pag-aaral ngunit hindi naman ako tumitigil mangarap
at umaasa akong matutupad ko pa rin ang lahat pagdating ng tamang
panahon. Sa ngayon, si
Santino at si Nanay ang mahalaga para
sa akin. Sinilip ko rin ang sariling bahay namin ni Nanay kung saan kami dating
naninirahan. Naluha ako ng masilayan muli ang aming tahanan. Tahimik at puro
tuyong dahon ang makikita sa buong bakuran. Meron na rin nagtataasang mga damo
kaya hindi na ako nag aksaya ng oras upang maglinis. Nilinis ko ang loob ng
bahay at maging ang labas ng bakuran. Umaasa akongsa muli kong pagbabalik sa
susunod ay kasama ko na namin si Nanay. Punong-puno ng mga alalaala ang bahay
na ito. Dito lang umiikot ang ang buhay ko maliban sa eskwelahan. Dito, kami
lang ni Nanay ang nagdadamayan sa hirap at ginhawa. Masaya kami kahit madalas
na hindi naman masagana ang aming pamumuhay. Madalas ang ulam namin ay kung
ano-anong talbos lang ng gulay na sariling tanim sa aming bakuran. Wala kaming
maraming handa sa kahit anong okasyon na dumatingsa buhay namin. Pasko, bagong
taon o kaya ay kaarawan ay masaya na kaming magkasalo ni Nanay kahit sa
simpleng sopas lang na madalas ay kulang sa sahog. Ngunit kahit kailan ay hindi
ako ginutom ni Nanay. Hindi ko naranasan ang walang makain. Masipag at matiyaga
si Nanay sa kahit anong ginagawa niya. Hindi siya nagrereklamo kahit nag-iisa
lang siya sa buhay habang pinalalaki ako. Kaya mahal na mahal ko siya. Kaya
gagawin ko rin ang lahat, mabuhay lang siya. Sana lang ay madagdagan pa ang mga
magagandang alaala namin.
Kinabukasan ay maaga kaming bumiyahe
ni Santino pabalik ng lungsod. Iniwan lang naman kami ni Senyorito Simon clito
sa Hacienda at lumuwas ng mag-isa.
Kung inaakala niyang mapalalayo niya
kami ni Santino sa kanya ng ganun-ganun lang ay nagkakamali siya.
Hindi ako papayag!
Kung kinakailangan na maging
desperada nga ako sa paningin ng lahat ay gagawin ko. Wala akong pakialam basta
ipagpipilitan kong anak niya si Santino at kung tungkol naman sa
"mana". Wala naman din akong pakialam sa bagay na 'yun dahil sanay
akong mabuhay ng simple lamang at tinuruan ako ng nanay ko kung paanong
lumaban ng patas sa buhay. Ang masayang ginagastos ang sarili mong pinagpawisan
galing sa pinagpaguran mong trabaho.
"Anong ginagawa ninyo
rito?" matalim agad ang mga matangsumalubong sa amin ni Santino ng
pumasok kami sa mansyon dito sa lungsod. "Hello! Papa." Sa halip ay
naging sagot pero nakatingin ang mga mata sa anak ko.
"Na miss ka na nitong anak mo
kaya naman nagmamadali kaming urnuwi dito dahil hindi mo man lang kami isinabay
na lumuwas pabalik dito sa bahay natin." Litanya ko habang nakangiti ng
matamis ngunit hinaluan ko ng konting arte ng kunwaring hinampo.
Salubong ang kilay na nakamasid sa
aming mag-ina si Senyorito. Naka-ilang ulit din kaming nag doorbell bago niya
kami pinagbuksan. llang oras ang biyahe namin ni Santino galing sa probinsya.
Mabuti na lang at naging mabait ang anak ko sa loob ng bus. Akala ko ay mag
iiyak siya dahil sa maiinip ngunit panay lang siyang kumakain, humihingi ng
gatas at natutu[og.
"At ano na naman ang palabas mo
Karen? Ano naman ang pagpapanggap ang inaarte mo ngayon? Noong isang araw lang
ay para kang mabangis na hayop na handang managpang sa galit.” Madiin
niyangtanong.
Ngumiti pa rin ako.
Kalma.
Kalma lang ng kalma.
Ayoko ng makipag-away.
Lalo na at kaharap na namin si
Santino.
Ayokong naririnig akong sumisigaw ng
anak ko.
Noong minsan kasi kaming nagsigawan
ni
Senyorito Simon sa harap niya ay
pumalahaw siya ng iyak.
"Anong palabas ang pingasasabi
mo? Totoo naman na anak mo si Santino at dito kami nakatira kaya natural lang
na dito karni umuwi. Asawa mo ako at pamilya tayo.” sabi ko na nakangiti pa
rin.
Naningkit ang mga mata ni Senyorito.
Halatang napipikon na naman sa
kakulitan ko.
"Hindi ko alam kung saan ka ba
talaga kumukuha ng [akas ng loob at sobrang kakapalan ng mukha, Karen! Pero
lagi mong itatak riyan sa makitid mong utak na.." lumapit pa si Senyorito
sa harap ko habang nagsasalita. Tiim ang kanyang bagang. Pero hindi mo ako
kababakasan ng anumang takot at kahit pa ang kabahan ay wala.
"Hinding-hindi ko matatanggap.m
ang anak mo lalo na ang maging asawa kita.Tandaan mo 'yan! ll dugtong niya at
madiin ang bawat salitang binitawan.
"Ang sweet talaga ng Papa mo,
anak. Kaya dapat langtalaga na umuwi na tayo agad dahil wala siyang makakasama
dito sa bahay.ll Sa halip ay nasabi .
"You're crazy! Hindi ko na alam
kung anong utak meron ka. Hindi ko rin alam kung nakakaintindi ka ba? May sakit
ka na ba sa utak at simpleng salita ay hindi mo maintindihan?" Muli niyang
asik sa akin.
"Ano ba ang hindi ko
naiintindihan, Senyorito? Hindi ba at asawa mo naman talaga ako? Ikinasal tayo.
Nabuntis ako at nanganak.
Kaya narito si Santino na anak nating
dalawa. Kaya ano ang hindi ko naiiintindihan?
Tila naman lalong napikon si
Senyorito Simon sa mga sinabi ko at nag martsa paakyat sa hagdan at iniwan na
naman kami ni Santino.
Nakangiti lamang akong nakamasid sa
kanya.
Madilim na madilim ang kanyang mukha
habang malalaking hakbang na umaakyat patungo sa itaas ng bahay.
Pero pangako ko kasi sa sarili ko na
ba balewalain na lang ang kanyang mga masasamang salita laban sa akin at hindi
ko na papatulan kapag inaaway niya ako.
Kaya anuman ang sabihin niya ay hindi
ako mag papa-epekto at lagi lamang akong ngingiti. Natatawa ako na
napapailingsa sitwasyon ko.
Nababaliw na nga siguro ako? Sino na
naman ang hindi mababaliw sa kalagayan na mayroon ako? Ako lang ang mag-isang
lumalaban para sa aming mag-ina.
Ganito pala talaga ang isang
magulang.
Gagawin ang lahat para sa kanyang
anak.
Chapter
35
"Manang Lorna, gusto ko po
sanang itinda itong mga halaman ko. Sa tingin niyo po kaya ay may bibili? ll
Untag ko kay Manang na tinutulungan akong ayusin ang mga halaman na itinanim ko
sa binili kong mga paso. Mahilig rin naman talaga ako sa halaman dahil 'yun ang
nakamulatan kong paboritong gawain ni Nanay. Madalas ay ginagaya ko ang kanyang
mga gingawang pag-aalaga sa mga halaman sa aming bakuran. Kapag kasi
nagkakaroon ng suwi ang mga halaman na nakatanim dito sa malawak na hardin ng
mansyon ay agad kong kinukuha sa mother plant at itinatanim sa ibang paso. Ang
mga magagandang orchids ay pinanghingi ko pa ng mga bunot ng niyog sa palengke
upang doon ko sila ilagay. Ang iba't-ibang klase naman ng mga alocasia ay
nilagay ko rin sa kulay pulang paso. Ganun din ang dragon tail, peace lilies,
variegated monstresa delicosa na marami ang naghahanap at kung anu-ano pang mga
halaman.
Masyado na kasi silang marami kaya
naman naisipan ko kung pwede kong ibenta upang pagkakitaan. Gusto ko rin kasi
na makaipon ng
pera upang magamit sa nalalapit na
kaarawan ni Santino at isasabay ko na rin ang binyag niya.
Gusto ko ng maging ganap na
kristiyano ang anak . Nahihiya naman
akong manghingi ng panggastos kay Senyorito Simon. Malamang na pagsasalitaan
niya lang ako ng kung ano-anong masasakit na salita gaya ng paulit-ulit na
mukhang akong pera. Iniiwasan ko na talaga ang patulan siya at lalong-lalo na
ang makipag away sa kanya. Kaya nag-iisip talaga ako ng paraan upang kumita ng
sariling pera. Nakita ko kasing uso ang bentahan ng mga kung ano-anong bagay
online. Naisipan ko na baka pwede kong ibenta ang mga sobra ko ng mga halaman.
"Abah! Marami ang may gusto ng
halaman. Lalong-lalo na itong mga tanim mo. Mahal ang presyo ng mga uri ng
halaman na gaya ng mga orchids. Ngayon ko nga lang nakita ang mga orchids na
dinala mo rito galing sa probinsya." Sagot naman ni Manang habang
inaalisan ng tuyong dahon ang orchids na may kulay lila ang bulaklak.
"Sa tingin niyo po may
bibili?" tanong kong muli.
"At bakit hindi mo subukan? Lalo
na ngayon ang lahat ay pwede ng ibenta. Sigurado akong maraming bibili dahil
marami ang inlove sa mga halaman."
Nabuhayan naman ako ng 100b sa sinabi
ni Manang. Bakit nga ba hindi ko subukan? Wala naman sigurong masama kung
magtinda ako. Kaya wala na nga akong inaksayang oras. Nag hanap ako ng mga
group page sa social media kung saan pwede kang mag post ng mga tinitinda mo.
Maayos ko munang kinuhanan ng litrato ang mga halaman na balak kong ipagbili.
At hindi nga nagkamali si Manang Lorna. Marami ang naging interesado sa mga
halaman ko. Bago ko muna rin ipinost online ay inalam ko muna ang mga presyo.
At tama ulit si Manang. Mahal ang presyo ng mga halaman na mayroon ako. Nalula
nga ako noong una dahil ganun pala sila kamahal. Ang isang orchids ay nasa
limandaan hanggang libo ang halaga depende pa kung anong uri at kung gaano ito
kalabong. May mga orchids kasi na rare kung tawagin kumpara sa mga ordinaryo.
Marami ang naging interesado ngunit ang tanging makabibili lang ng mga halaman
ko ay ang mga nasa malapit kung saan lugar ako naroroon. Sa tapat ng
subdivision ako matiyagang naghihintay sa mga sure buyer ko. Pinagtitinginan pa
nga ako lalo na ng mga guwardiya dahil marami akong bitbit na mga halaman.
Ang saya sa pakiramdam ng una akong
makabenta. Isang kulay lila na orchid ang unang binili sa akin. Bihira raw ang
ganung uri ng bulaklak dito sa lungsod. Hugis paro-paro ang talulot ng bulaklak
at mamangha ka sa pinaghalo-halong kulay puti, dilaw,kahel ngunit mas
nangingibabaw ang kulay ng lila. Kaya hindi na raw nag dalawang isip ang
babaeng nasa thirties siguro ang edad na bilhin sa akin ang naturang bulaklak
ng makita niya. Noong una nga ay ayaw niyang maniwala na may ganung uri ng
orchids. Ngunit ng ipadala ko angvideo na may ugat ang orchids na nakadikit sa
bunot ng niyog ay naniwala na siya. Regalo niya raw para sa Nanay niyang
mahilig sa halaman lalong-lalo na sa orchids. Isa ang naturang bulaklak sa mga
halaman na dala ko mula sa probinsya. Naisip ko kasingdalhin ang kaya kong
bitbitin sa mga halaman namin at dito na sila itinanim sa hardin kasama ang mga
halaman na dinatnan ko ng naririto. upang alagaan ko rin. Biruin mo, hindi ko
akalain na maaari ko pa lang pagkakitaan ang mga halaman na aming inaalagaan ni
Nanay. Sampung halaman rin ang nabenta ko ngayong araw. Malaki-laki rin ang
pinag bentahan . Kung ganito palagi ay
mabilis akong makakaipon sa 100b ng isang buwan at mairaraos ko na ang darating
na unang kaarawan at binyag ni Santino.
"Sabi ko naman sayo. Maraming
ang may gusto sa mga halaman. Ang iba nga ay adik sa pangongolekta ng
iba't-ibang uri ng halaman.
Lalo na 'yung bihira lang
makita." Masaya rin si Manang Loreta ng ipakita ko sa kanya ang mga
pinagbentahan ko. Sa halip kasi na tawaran sa mas mababang halaga ng mga
mamimili sa presyo na binigay ko ay itinataas pa nila para siguraduhin na sila
ang makakakuha.
"Kaya nga PO, Manang. Makakaipon
na rin po ako," sambit ko at saka niyakap ng mahigpit si Santino. Hindi ko
kasi mabanggit kay Manang na para sa anak ko kung bakit ko binebenta ang mga
halaman na malapit sa aking puso.
"Ano ba ang pinag iipunan mo at
masyado ka namang pursigido? Malamang na kayang-kaya namang ibigay ng asawa mo
kung anuman ang gusto mong bilhin,ll Ani ni Manang.
"Gusto ko po kasing i-challenge
ang sarili ko. May pinag iipunan nga po ako at gusto ko po sa sarili kung sikap
at tiyaga ko makukuha ang bagay na 'yun." Tanging nasabi ko na lang kay
Manang. Ayoko man magsinungaling ay napipilitan ako dahil ayoko pa rin dungisan
ang pangalan ni Senyorito Simon.
Asawa ko pa rin siya at siya pa rin
ang Papa ni Santino.
"Mabuti nga ang ganyan dahil
nakakaipon ka na ay natututo ka pang magnegosyo. Malay mo naman at magkaroon ka
ng sarili mong tindahan ng mga halaman."
Napangiti ako ng maluwang.
lyon ang pangarap ni Nanay. Ang
magkaroon ng isang malawak na tindahan ng mga iba l t-ibang uri ng halaman.
Kung saan tuturuan niya pa ang mga mamimili kung paano alagaan ang mga
halaman na binili sa kanya.
Wala namang imposible.
Sana nga ay matupad.
Chapter
36
Halos maubos na ang mga halaman na
binebenta ko. Hindi ko talaga akalain na marami ang plant lovers lalo na sa
tulad ng isang abalang lungsod kung saan halos lahat ay may
kanya-kanyangtrabaho o di kaya naman ay walang space ang bakuran o kanilang mga
bahay sa mga halaman. Sabagay, kung talagang gusto at hilig mo ay maraming
pwedeng paraan.
Isang tao lang ang buyer ko ngayong
araw ngunit sampung klase ng halaman ang kanyang bibilhin. Pinakyaw niya na ang
lahat ng mga natitira kong binebenta. Ngayong alas kwatro ng hapon ang usapan
naming pagkikita sa harapan ng gate ng subdivision.
"Santino, behave ka lang anak.
Aayusin ko lang ang mga halaman na order kay Mama. Malaki ang kita natin dito.
May pang handa ka na sa birthday at binyag mo." Masaya kong pag kausap sa
anak kongtahimik lang naman na naglalaro sa 100b ng kanyang crib. Narito na
naman kaming mag-ina sa hardin. Sinisigurado ko kasi na maganda ang halaman na
ibibigay .
Ayoko rin makatanggap ng reklamo
dahil baka
masira ako sa mga mamimili. Sa
ngayon, heto na ang huling mga halaman na ibebenta . Palalakihin at palalaguin ko muna ang mga
natitirang suwi. Mas maganda kasi ang presyo kapag malabong na ang isang
halaman na binebenta. Na obserbahan ko kasi na mas interesado ang mga buyer na
bilhin ang malago na ang dahon sapagkat nakakatiyak daw silang rooted na talaga
ang halaman at hindi na basta-basta mamamatay. May punto naman talaga. Ngunit
tinitiyak ko naman na hindi ako nagbebenta ng mga halaman na hindi pa buhay.
Bago ko ibenta ay sinisiguro kong nakakapit na ang ugat sa lupa kung saan siya
nakatanim.
Linggo ngayon at wala si Manang
Lorna. Kaya naman obligado akong isama si Santino mamaya kapag hinintay ko ang
buyer sa labas. Naisip ko naman na total ay narito naman sa bahay si Senyorito
Simon ay baka pwede ko naman sigurong makisuyo sa kanya kahit saglit na minuto
lang. 'Yun ay kung tulog mamaya ang anak ko at pwede akong tumalilis kahit
saglit. Dumating ang alas tresy media at nag chat na ang buyer ko na on the way
na siya sa aming meeting place pero gising si Santino. Kaya wala akong magagawa
kundi ang isama siya sa labas.
Medyo may kabigatan ang sampung
halaman kung kaya ilang beses kaming
nag balik-balik ni Santino sa mansyon hanggang sa gate ng subdivision habang
karga ko siya gamit ang kanan kong kamay at bitbit ko naman ang halaman sa
kaliwa kong kamay. Pinasuyo ko munang pakitingnan ng mga gwardya na nakabantay
sa gate ang mga halaman na nauna ko ngdinala.
Nadala ko ng lahat ang mga halaman
ngunit wala pa rin ang ka meet up ko. Maalinsangan ang panahon ngunit kay dilim
ng kalangitan at mukhang nagbabadya ang malakas na pagbagsak ng ulan.
"Naku naman! Dumating na sana
ang bibili ng mga halaman, anak. Baka abutan tayo ng ulan dito sa labas,"
wika ko kay Santino na panay ang linga sa paligid. Bihira lang kasing makalabas
ang anak ko sa mansyon at makakita ng ibang kapaligiran. Wala kasing tigil ang
mga sasakyan na paroon at parito gayundin ang mga naglalakad na tao na may
iba't-ibang direksyon.
Ganap ng alas kwatro kinse ngunit
wala pa rin ang ka meet up ko. Medyo naiinip na rin ako dahil baka biglang
burnagsak ang ulan at wala kami sa bahay ni Santino. Mabuti at pinahiran ko
muna siya ng konting aceite de mansanilya sa kanyang ilong, tiyan at paa upang
hindi niya
malanghap ang singaw ng alimuom ng
lupa.
Ilang minuto pa ang lumipas ngsa
wakas ay dumatingna rin ang buyer ko. Isang may edad na babae na maikli ang
buhok at maputi ang balat. Agad naman siyang nanghingi ng pasensya dahil na
traffic daw Sila sa daan na nginitian ko na lang dahil katanggap-tanggap ang
kanyang rason.
Nakasakay siya ng kotseng kulay puti
at marahil ay asawa niya ang kanyang driver na siyang nagbuhat ng mga halaman
patungo sa kanilang sasakyan. Matapos ko siyang bigyan ng kaunting tip sa
tamang pangangalaga ng halaman ay binayaran niya na ako.
Mabilis na rin akong naglakad pauwi
ng bahay. Halos takbuhin ko na ang mansyon sa takot na baka abutan ng pagbagsak
ng ulan ngunit kahit anong bilis ko ay naabutan pa rin kami ni Santino kung
kailan na sa harapan na kami ng gate ng mansyon. Malakas at malaki ang patak ng
ulan kaya agad kaming nabasang mag-ina. Dahil wala naman kamingsisilungan ay
sinuong ko na ang ulan total naman ay ilang hakbang na lang ay makakapasok na
kami sa loob ng bahay.
Kahit tumutulo ang damit dahil sa
tubig ulan ay nagmamadali akong inakyat paitaas ng hagdan si Santino. Hindi na
baleng ako ang magkasakit. Huwag lang ang anak ko.
"Kung maliligo kayo sa ulan.
Magbaon kayo ng damit ninyo ng makapagpalit kayo agad sa ibaba.
Huwag ninyong dalhin ang ugaling
squatter dito at huwag ninyongdumihan ang loob ng bahay . Hindi ka ba marunong mag-isip? Tumutulo ang
tubig sa katawan ninyo pero umakyat kayo dito sa itaas?" boses ni
Senyorito Simon. Nakamasid na pala sa aming mag-ina habang nakatayo sa pintuan
ng kanyang silid kung saan katapat lang ng aming silid na mag-ina.
"Pasensya na, hindi ko naman
sinasadya. Naabutan kasi kaming mag-ina ng ulan sa labas.
Wala na kaming sisilungan kaya
sinuong ko na.
Lilinisin ko na lang ang mga patak ng
tubig. Kailangan ko na kasing palitan si Santino at baka sipunin at ubuhin.ll
Katwiran ko.
"Wala akong pakialam. Basta
linisan mong mabuti ang sahig. Ayokong makakita kahit konting patak!" asik
sa akin ni Senyorito Simon. Turn ango na lang ako bilang pagsang ayon sa
kanyang inutos. at pumasok na kami ni Santino sa loob ng kwarto
"Anak, pasensya ka na at nadamay
ka pa sa pagtitinda ni Mama. Ayan tuloy pati ikaw
naulanan. Kailangan ko kasing
makaipon ng pera na gagastusin ko para sa nalalapit mong birthday. Hayaan mo at
kapag nakaraos ang binyag at birthday mo. Tuwing narito lang si Manang
Lorna ako tatanggap ng order." Paghingi ko ng pasensya sa anak ko habang
pinupunasan ko siya.
Kanina habang tumatakbo ako sa ulanan
karga siya ay mas naawa ako sa kalagayan namin. Para kaming mga basang sisiw.
Pagkarating pa namin ay kaming ibangtaong pinagalitan ni Senyorito Simon.
Hindi man lang niya naitanong kung
anong ginagawa naming mag-ina sa labas ng mansyon. Sa halip na mag-alaala na
baka magkasakit kami ay mas concern pa siya na nadumihan ang sahig ng bahay
niya.
Chapter
37
"Karen, ang tindi naman ng ubo
mo?
Natuyuan ka ba ng pawis?" bakas
ang pag-aalala sa mukha ni Manang Lorna ng marinig akong halos hindi na
makahinga sa sunod-sunod na pag atake ng ubo. Sinisipon ako at walang humpay na
inuubo. Ito ang naging sanhi ng mabasa kami ni Santino sa malakas na ulan noong
Linggo. Uminom naman ako agad ng gamot ngunit tila hindi turnalab at tinablan
pa rin ako ng sakit.
"Okay lang po ako, Manang.
Konting ubo at sipon lang naman po ito at malayo sa bituka." Hinaluan ko
ng pagbibiro ang sagot ko. Hindi ko naman kasi maamin ang totoo na nabasa kami
sa Lilan ni Santino. Tiyak na magtataka at magtatanong si Manang kung bakit
isinama ko pa ang anak ko gayong narito sa bahay si Senyorito Simon.
"Uminom ka lagi ngtubig at
maglagay ka ng sapin sa likod mo upang hindi ka natutuyuan ng pawis." Payo
ni Manang Lorna at saka kumuha ng isang baso ng maligamgam na tubig at binigay
sa akin.
"Ang inaalala ko po ay baka
mahawa ko si
Santino dito sa ubo at sipon ko,ll
wika ko habang unti-unting ininom ang maligamgam na tubig. Wari naman na
gurninhawa ang nangangati kong lalamunan ng masayaran ng mainit-init pa na
tubig.
"Magsuot ka na lang lagi ng
facemask at maghugas ng kamay bago mo siya hawakan. Lagi ka na rin
gurnamit ng alcohol. Mahirap pa naman na inuubo at sipon ang mga bata dahil
masyadong maligalig at hindi mo alam kung ano ang gagawin mo lalo na kapag
hinihirit ng ubo."
Tama naman si Manang. Kaya nga ingat
na ingat akong lapitan si Santino. Nag suot na ako ng facemask upang kung
sakaling bumahing ako ay hindi tatalsik ang laway ko sa kung saan lalo na kay
Santino. Lagi rin akong may hawak na alcohol at wala akongtigil sa kakawisik sa
kamay ko upang mawala ang anumang mikrobyo na hindi nakikita ng mga mata.
Tuluyan na nga na sumama ang
pakiramdam ko pagdating ng gabi. Masakit na masakit ang ulo ko dahil sa sipon
at mas tumindi ang pag-ubo ko.
"Anak, diyan ka muna sa crib mo.
Hindi ka pwedeng kargahin ni Mama dahil baka mahawa ka sa ubo at sipon
ko." Paliwanag ko kay Santino na nakatayo sa kanyang crib habang itinataas
ang mga maliit na braso. Gusto niyang
kunin ko siya sa 100b ng kanyang kuna. Halos maghapon nga naman siyang naroon.
Marahil ay nagtataka si Santino dahil ngayong araw ay hindi kam nagpunta sa
labas upang doon magpalipas ng oras sa hardin. Kung maaari nga lang ay ayoko
munang lumapit sa anak ko sa takot na baka mahawa ko siya ng ubo at sipon.
"Senyorito, pwede bang makisuyo
na bantayan mo muna si Santino? Masama lang talaga ang pakiramdam ko at hindi
ko siya maalagaan ng maayos." tanong at pakiusap ko kay Senyorito Simon.
Naglakas 100b na akong kumatok sa kanyang silid. Galing siya sa kanyang trabaho
ngunit isang oras na rin naman ang nakalipas buhat ng siya ay dumating.
"What?!" eksaherado niyang
tanong.
"Hindi ko kasi maasikaso ng
maayos si Santino dahil masama ang pakiramdam ko. Kaya kung pwede lang ay
nakikiusap akong ikaw na muna ang mag-alaga sa kanya.'l Mahinahon kong
paliwanag.
"Gusto mong alagaan ko ang anak
Imo?" tanong niya ulit.
Tumango ako bilang tugon.
"Kung gusto mong ipaalaga ang
anak mo. Bakit hindi mo balikan angtunay na tatay para may magbantay sa
anak asik ni Senyorito
Simon.
Yumuko ako.
Masamang masama ang pakiramdam ko.
Mainit na mainit din ang hangin na
ibinubuga ng bibig ko.
Nahihilo ako at halos maubusan na ng
lakas kapag inaatake ng walang humpay na pag-ubo.
Kaya wala akong panahon na
makipag-away.
"Ngayon lang naman, Senyorito.
Mabait naman si Santino. Ang kaso naiinip na siya sa 100b ng kanyang kuna at
gusto na niyang magpakarga. Hindi ko naman siya pwedeng kargahin dahil baka
mahawa siya sa sakit ko. Sige na, Senyorito.ll Patuloy kong pakikiusap kay
Senyorito Simon habang salubong ang
mga kilay. Suot niya pa rin ang kanyang working attire. Ibig sabihin lang ay
may ginagawa siyang importante at hindi niya na magawang magpalit muna ng damit
pambahay. Marahil ay may tinatapos siyang trabaho at inuwi dito sa bahay.
"Wala akong pakialam kahit
inaapoy ka pa ng lagnat. Umalis ka na at burnalik ka sa kwarto ninyo at baka
mahawa pa ako sa kung anong mikrobyo mo sa katawan." Pagtaboy niya sa akin
kasabay ng pabalibag na pagsara ng pinto ng
kanyang kwarto.
Napapikit pa ako sa sobrang lakas ng
kanyang pabalibag na pagsara sa Pinto.
Hindi muna ako umalis. Naghintay ako
ng ilang sandali at baka sakaling magbago ang kanyang isipan at pagbigyan ako.
Ngunit ilang minuto na ang nakalipas
ay hindi pa rin siya ulit lumalabas sa kanyang silid.
Laglag ang aking balikat ng nagpasya
na akong bumalik sa kwarto namin ng anak ko. Tumatangis ako at naaawa na naman
sa sarili.
Hindi na naawa si Senyorito Simon.
Hindi niya ba nakikita na may sakit ako? Ganun ba siya kawalang puso sa amin ng
anak ko?
"Bakit anak? ll bungad kong
tanong kay Santino ng malapit na ako sa kanyang crib.
Wala na akong nagawa kundi ang
kargahin siya sa ayaw ko man o sa gusto. Nakita ko na kasi ang anak ko na
sumisibi sibi na at gusto ng umiyak. Naiinip na siya sa loob ng kanyang kuna.
"Tahan na, anak. Tahan na, karga
ka na ni Mama." Pagaalo ko kay Santino upang hindi na matuloy ang kanyang
pag-iyak. Kahit nahihilo ako ay pinilit ko pa rin siyang inehele sa aking
kandungan. Ngunit agad ko rin siyang inilapag dahil hindi ko talaga kaya.
Hinang-hina ang pakiramdam . Hinihila ng
antok ang aking mga mata ngunit pilit ko pa rin na binubuka dahil sa takot na
baka may mangyari sa aking anak kapag nagpatalo ako sa antok.
"Lord, huwag po sanang mahawa
ang anak ko sa lagnat, sipon at ubo ko.ll Taimtim kong panalangin habangsa
sahig na ng kwarto namin ako sumalampak. Naisip ko kasing mas safe dito kumpara
kung mahihiga ako sa kama kung saan pwedeng mahulog si Santino.
Naisip ko na naman ang inasal ni
Senyorito Simon ng nakikiusap ako kanina. Tumutulo na lang ang napakainit kong
luha dahil nakakadurog ng puso na isipin na wala siyang awa sa aming mag-ina.
Chapter
38
Kahit anong gin awa kong pag-iingat
ay nahawa ko pa rin ng sakit si Santino. Nilagnat na din siya at nagkaroon ng
ubo at sipon. Dahil nga masama rin ang pakiramdam ko ay hindi ko siya maasikaso
ng maayos.
"Senyorito, baka pwede ng
makisuyo sayo?
Wala na kasing iinumin na gamot si
Santino. Pwede mo ba siyang ibili saglit sa botika? " muli akong surnubok
na makiusap kay Senyorito Simon. Ubos na kasi ang gamot sa sipon ni Santino at
kailangan niya ng uminom ngayong urnaga. Samantalang nagtext rin sa akin noong
isang araw si Manang Lorna na hindi siya makakapasok dahil masama rin ang
kanyang pakiramdam. Nahawa rin si Manang sa sakit ko. Matindi rin daw ang ubo
at sipon niya.
"Senyorito- ll ngunit tila
turnawag lang ako sa hangin. Tuloy-tuloy lang si Senyorito Simon na lumabas ng
bahay para pumasok sa kanyang trabaho. Natanawan ko na lang na palabas na sa
gate ang kanyang sasakyan. Hindi ko alam kung talagang hindi niya ako narinig o
sadyang hindi niya ako pinansin.
Gusto ko ng maghesterikal. Gusto kong
magwala ng magwala at sumigaw ng malakas. May sakit ako at ang anak ko pero
wala man lang akong makatuwang. Wala man lang magbigay ng kahit tubig man
langsa aming mag-ina sa aming silid. Kung kaya naman pinipilit ko lang talagang
kumilos kahit pa sobrang nahihilo ako at nanghihina. Kailangan kong tumayo para
kay Santino. Kailangan ko siyang painumin ng gamot, pilitin kumain at uminom ng
kanyang gatas.
Dahil sa tingin ko ay mas lumalala
ang ubo at sipon ni Santino. Nakikita kongtila nahihirapan na siyang huminga ay
nagpasya na akong dalhin siya sa ospital upang mabigyan ng iba pang gamot.
Kahit nanghihina pa ang aking katawan ay pinilit kong lumakad habang karga si
Santino patungo sa pinakamalapit na ospital.
"May Bronchopneumonia ang anak
niyo Misis kaya nahihirapan siyang huminga at parang hinihingal."
paliwanag ng lalaking doktor na payat ang katawan at halos kasing tangkad ko
lang. Tiningnan ko si Santino. Ang paghinga niya nga ay hindi normal. Tumataas
ang kanyang dibdib habang humihinga.
Wala akong alam sa kung anong mga uri
ng sakit. Ngunit nababatid ko sa sarili kong hinuha
na seryoso ang sakit ni Santino.
"Makukuha naman po sa gamot ang
sakit ng anak ko, hindi po ba, dok?" tanong ko sa doktor na abala sa kung
ano pang binabasa sa resulta ng x-ray at blood test na ginawa kay Santino.
Nahihirapan akong lumunok dahil sa
sobrang kaba na nararamdaman. Hindi ko alam kung malala ba ang sakit ng anak
ko. Nilalamig ang mga kamay ko. Kung anu-anong scenario ang pumapasok sa isipan
ko na lalong nagpapakababa sa akin.
"Kailangan natin siyang i-admit
dito sa ospital bago pa lumala ang sakit ng anak mo." Ang naging sagot ng
doktor.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik at
agad ko ng pinaconfine si Santino sa ospita sa takot na baka ano pa ang mas
malalang mangyari sa kanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Dahil sa
kagustuhan kong kumita ng pera ay ganito ang nangyari sa aming mag-ina.
'Yun nga lang at sa isang
pampublikong ospital ko lang napa admit si Santino. Gusto ko sana sa ospital
kung nasaan naka confine si Nanay ngunit baka abutin ng libo-libo ang maging
bayarin namin at wala akong pambayad. Kaya wala akong pagpipilian kung hindi
dito sa public hospital dalhin si Santino. Maayos naman ang pasilidad at
malinis ang kapaligiran kung kaya napanatag ako na maseserbisyuhan ng maayos
ang ang anak ko. May mga naririnig kasi ako dati na kapag sa pampublikong
ospital ka nagpunta ay madumi ang paligid. Narinig ko rin na masungit ang mga
doktor at nars dahil mahirap ang kanilang mga pasyente. Ngunit napagtanto kung
hindi naman pala totoo. Mababait ang mga doktor at nars na aking nakakasalamuha
sa loob ng dalawang araw na narito kaming mag-ina sa ospital. Sa loob ng mga
araw na 'yun, iniisip ko kung hinahanap ba kami ni Senyorito Simon? Kung
nagtataka ba siya kung bakit wala kami sa bahay? Ngunit agad ko rin sinusupil
ang anumang iniisip ko dahil alam ko naman na hindi mangyayari na hahanapin niya
kami ni Santino.
Si Manang Lorna naman ay masama pa
rin daw ang pakiramdam. Ngunit hindi ko ipinapaalam kay Manang na narito kaming
dalawa ng anak ko sa ospital. Tiyak na magaalala siya at baka pilitin ang
sariling magpunta rito upang samahan akong bantayan si Santino. Hinawakan ko
ang aking cellphone. Tinitigan ko ito at umaasang may matatanggap akong text o
tawag at rumihistro ang pangalan ng taong inaasahan ko.
Ngunit para akong tangang naghihintay
at umaasa.
Lalo akong na lungkot at naalala si
Nanay at Senyora Loreta. Kung narito lang ang kahit isa sa kanila ay may
katuwang ako.
Payapang natutulog si Santino sa
hospital bed. Hinawakan ko ang maliit niyang kamay kung saan nakakabit ang
dextrose na nilagay sa kanyang kaliwang kamay. Halos madurog ang puso ko ng
oras na hinahanapan siya ng ugat upang mailagay ang dextrose. Iyak ng iyak si
Santino ng tinusok siya ng karayom.
Nagpupumiglas siya dahil nasasaktan.
Palihim akong naiyak ng mga sandaling 'yun. Sinisisi ko ang sarili ko sa
nangyari. Kung sana ay hindi kami naulanan ay hindi ako magkakasakit at hindi
ko mahahawa ng sakit ang aking kaawa-awang anak.
"Santino, magpagaling ka na
anak. Miss na miss na ni Mama ang kakulitan mo. Miss na miss na ni Mama na
nakikita kitang naglalaro." bulong ko sa anak ko habang hinahaplos ang
kanyang manipis na alon-alon na buhok.
"Papa."
Nagulat pa ako ng biglang magsalita
ang anak . Nasambit niya ang salitang
Papa sa kabila ng siya ay mahimbing na natutulog.
Napangiti ako hilaw.
"Papa mo pa rin ang hinahanap mo
kahit hindi ka naman niya pinapansin. Ganun mo ba kamahal ang Papa mo? ll
tanong ko habang hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha.
Lalo akong nakaramdam ng habag sa
anak . Kahit kailan ay hindi pa niya
nadama ang mahalin siya ng Papa niya ngunit kahit sa pagtulog ay tinatawag niya
ang pangalan nito. "Hayaan mo anak, hindi tayo susuko.
Ipaglalaban ni Mama na anak ka ng
Papa mo. Hinding-hindi tayo SUSUkO. Basta magpagaling ka lang anak. Magpagaling
ka na Santino."
Chapter
39
"Pwede na kayong umuwi. Basta
ipagpatuloy pa rin sa bahay ang mga irereseta kong gamot kay baby
Santino."
At nakahinga na ako ng maluwag
matapos kong marinig ang sin abi ng doktor na nag rounds ngayong umaga. Tila
naalis ang anumang nakadagan sa aking dibdib. Pang-apat na araw na namin ngayon
sa ospital at sa wakas ay maaari na raw kaming lumabas at pwedengsa bahay na
lang ituloy ang gamutan. Tuluyan na rin humupa ang ubo at sipon ko. Sana nga
lang ay magaling na rin si Manang Lorna. Miss na miss ko na rin siya katulad ng
pagka miss ko kay Senyora at kay Nanay. Halos dalawang linggo ko na rin hindi
nadalaw si Nanay dahil naging abala ako sa pagbebenta ng halaman at ngayon nga
naman ay kagagaling lang namin ni Santino sa sakit.
Umabot ng mahigit kinse mil ang dapat
kong bayaran sa ospital ngunit dahil sa philhealth ay wala na akong babayaran
kahit piso. Malaking tulong lalo pa sa mga mahihirap na mamamayan na kahit
pamasahe lang papuntang ospital ay wala. 'Yun naman talaga ang katotohanan.
Kapag mahirap ka ay umaasa ka na langsa mga albularyo sapagkat wala kang sapat
na pera pang ospital. Sabi nga ng karamihan "bawal ang magkasakitll lalo
kong isa ka lang maralita na iniraraos lang ng pilit ang pagkain ng tatlong
beses sa isang araw.
Mabuti na lang at mababait ang mga
taong kasama namin sa ward. Pinakisuyo ko muna sa kanila si Santino habang
tulog upang maasikaso ko ang mga dapat kong asikasuhin upang makauwi na kami
ngayon tanghali. Mula sa pirma ng nurse, sa ginamit naming sapin sa kama,
pharmacy at sa kung anu-ano pa. Bago mag tanghali ay nasa labas na kami ng
ospital ni Santino.
Masigla na si Santino hindi katulad
ng araw na dalhin ko siya dito. Hindi siya makahinga ng maayos at laging
aburido dahil sa barado ang ilong.
"Santino, uuwi na tayo sa
bahay." Nakangiti kong bulong sa aking anak na hawak na naman ang paborito
niyang laruan. Ang motorbike na laruan na bigay ng kanyang Mommy Selene.
"Papa, Papa, Papa."
Sunod-sunod na pagkakasabi ni Santino
sa salitang Papa habang seryoso lang na kinakalikot ang kanyang hawak na
laruan.
"Hindi darating ang Papa mo
Santino. Kahit ilang beses mo pa siyang tawagin ay hindi siya darating."
Malungkot kong wika habang nakatanaw sa isang pamilya na nakasabay naming
lumabas sa ospital. Isang batang babae na nasa apat na taon siguro ang edad na
karga marahil ng kanyang Nanay. Habang ang kanyang tatay naman ang may dala ng
mga garnit na kanilang ginamit sa 100b ng ospital tulad ng electric fan,
thermos, mga unan at isang bag kung saan siguro nakasilid ang kanilang mga
darnit.
Nakakainggit.
Samantalang ako, karga ko si Santino
habangtinulungan lang ako ng isa sa mga security guards ng ospital na dalhin
ang ilang mga gamit namin upang maihatid kami rito sa sakayan. Isang clip fan
na pinasuyo ko lang na bilhin sa isa sa mga tagabantay ng katabi naming
pasyente. llang piraso ng darnit na siyang binitbit ko ng ipacheck up ko si
Santino.
"Heto po ang bayad." Inabot
ko na ang bayad sa sinakyan naming taxi ni Santino. Tinulungan naman ako ni
Manong driver na ibaba ang mga garnit ko sa harap ng gate ng bahay ni Senyorito
Simon.
Kukunin ko na sana ang susi sa aking
bag ng biglang bumukas ang gate.
Si Senyorito Simon ang nagbukas.
"Akala ko tuluyan na kayong
lumayas sa pamamahay ko," wika niya habang bakas sa mukha na naiinis sa
pagdating naming mag-ina.
Alam mo 'yung pakiramdam na tila kami
mga pulubing namamalimos ng kanyang anak clito sa harap ng kanyang bahay.
Nag buntong-hininga ako.
"Bakit naman kami lalayas ni
Santino? Asawa mo ko at anak mo siya. Kaya dito lang kaming dalawa sa bahay
natin." Kalmado kong sagot at kinuha na ang aking mga ibang bitbitin.
"At anong tingin mo sa pamamahay
ko? Aalis kayo ng ganun lang at babalik kung kailan niyo gusto?" asik ni
Senyorito na hinarang ang kanyang malapad at malaking katawan sa maliit pintuan
ng gate.
"Senyorito, pagod ako. Wala pa
akong maayos na pahinga. Kaya utang na 100b saka mo na ako awayin. Gusto ko
munang matulog." Pakiusap ko kay Senyorito.
"Wala akong pakialam!"
madiin niyang pagbigkas.
"Wala naman talaga. Tinanong mo
ba ako kung saan kami galing ng anak mo? Tinanong mo ba kung bakit wala kami ng
ilang araw? Hindi mo
naman itatanong dahil wala kang
pakialam." hindi ko na napigilan ang aking sarili.
"Galing kami sa ospital kasi
naconfine si
Santino. Pero syempre wala ka naman
pakialam. Pinasusuyo ko ngang bilhan mo siya ng gamot pero
nagbibingi-bingihan ka kahit naririnig mo ako dahil wala ka naman pakialam.ll
Dagdag ko pang sabi.
Dalawang kamay na namaywang si
Senyorito at lalong kumunot ang noo.
"Kasalanan mo 'yan! Isa kang
pabayang ina kaya laging nagkakasakit ang anak mo." Muli niyang asik.
Napapikit ako at pilit kinakalma ang
nagpupuyos kong damdamin.
"00, kasalanan ko na. Kasalanan
ko ng lahat. Pero walang-wala ang kasalanan ko kumpara sa kasalanan mo."
Matapang kong sabi.
Turnaas at baba ang adam ls apple ni
Senyorito Simon. Tila may nais siyang sabihin ngunit nanatili na lamangtumitig
sa akin.
"May sakit ako at nakikiusap na
alagaan mo siya pero pinagbigyan mo ba ako? Nakiusap akong bilhan mo siya ng
gamot pero ginawa mo ba? ll panunumbat ko.
"Ngayon kung wala ka ng
magandang
sasabihin. Gusto ko ng magpahinga.
"
Nagpakawala muna ng marahas na
paghinga si Senyorito Simon bago umalis sa gate.
"Papa, papa, papa." Muling
sambit ni Santino. Pumapalakpak pa siya habang nakatingin sa tatay niya na sa
harapan lang namin. Ngunit umiwas na lang akongtingnan kung anong reaksyon ni
Senyorito sa malinaw na pagtawag sa kanya ni Santino.
"Papa, papa..
Tawag muli ni Santino na nakatingin
sa aking likuran. Naglalakad na kasi ako patungo sa 100b ng bahay.
"Tama na, Santino. Tama na ang
pagtawag mo. Lalo lang nasasaktan si Mama sa ginagawa mo," bulong ko sa
kanya.
"Mama na lang angsabihin mo
anak. Mama na lang." Dagdag kong sabi kay Santino na hanggang ngayon ay
nakatingin pa rin sa aking likuran. Hindi ko alam kung naroon pa rin ang
kanyang ama. Ayoko ng lingunin pa dahil ako ang mas nasasaktan sa ginagawa
niyang pagtikis sa anak namin.
Chapter
40
"Ang laki naman ng binagsak ng
katawan ni Santino? l' puna ni Manang Lorna ng makapasok na siya matapos din
ang halos isang linggo niyang pagkakaroon din ng sakit.
"Oonga PO, Manang."
Malungkot kong tugon. Kapansin-pansin naman talaga ang pagkahulog ng katawan ni
Santino. Ang kanyang pisngi ay nawalan ng umbok. Nangangalumata pa rin ang
kanyang mga mata sanhi ng ilaw araw na napupuyat kapag inuubo.
"Ganyan talaga kapag malapit na
ang kaarawan. Lalo na si Santino na mag celebrate ng kanyang unang
birthday," ani Manang.
"Ganun po ba 'yun, Manang?"
nagtataka kong tanong sa kanyang sin abi.
"00, kahit naman tayong mga
matanda na ay nagkakasakit bago o pagkatapos nating mag birthday. Hindi ko alam
kung bakit. Ngunit 'yun ang paniniwala ng iba." Paliwanag pa ni Manang
habang hinihiwa ang bawang at sibuyas na gagamitin sa pag gisa ng aming ulam
ngayong tanghalian. Kahit si Manang ay pumayat at halata rin na nanggaling sa
sakit.
"Ikaw, Karen? llang kilo ang na
bawas pa sa timbang mo? Kumakain ka pa ba? Mas malaki ang ipinaya mo ngayon.
Maligalig pa rin ba si Santino at namamayat ka ng husto?"
Bigla kong itinaas ang aking braso at
sinuri kong pumayat ba ako.
"Pumayat po ba ako?"
"Sobrang payat mo na. Napakajina
mo naman kasing kumain. Paano mo pa makakarga si Santino kung masyado ka ng
payat?" wika ni Manang.
"Ewan ko PO, Manang. Kumakain
naman ako pero hindi ako turnataba. Hayaan po ninyo at magtatanong ako ng tam
ang vitamins para sa akin sa drug store." Sagot ko kay Manang.
Napansin ko naman talaga ng kung
payat ako dati ay mas pumayat ako ngayon. Hindi naman sa ayaw kong kumain.
Talagang binawasan ko na lang ang pagkain ko. Baka kasi maisumbat na naman ni
Senyorito Simon kapag nakita niya akongtumaba. Kung pwede nga lang ay doon na
kami ni Santino tumira sa bodega para hindi niya na kami makita.
"Sa isang linggo ay pasko na.
Ano ang plano ninyo? Uuwi ba kayo sa probinsya?
Bigla akong napaisip sa naging tanong
ni
Manang
Pasko na pala.
"Opo, Manang. Uuwi po kami ng
probinsya kaya po magpahinga muna kayo. Enjoy po ninyo ang pasko at bagong taon
kasama ng pamilya ninyo,” sambit ko kay Manang.
Ano nga ba ang plano?
Wala naman kaming pupuntahan ni
Santino kundi dito lang sa bahay. Sana nga ay may plano si Senyorito Simon.
Ngunit ang iniisip ko ay mas ma[abo pa sa di[ang malabo.
"Senyorito, pasko na sa susunod
na linggo.
Anong plano mo? Uuwi ba tayo ng
probinsya?”
Habang umiinom ng kanyang mainit na
kape ay sinamantala ko na ang pagkakataon na magtanong kay Senyorito. Maliban
kasi sa ganitong oras ng agahan ay wala na akong ibang pwedeng maging
pagkakataon dahil buong araw ay wala siya dito sa bahay.
"Uuwi? bakit mo tinatanong?
Dahil ba naroon angtunay na ama ng anak mo at gusto mo ng makita? ll saad niya
habang hinihiwa ang kulay pulang hotdog sa kanyang plato.
"Nagtatanong lang. Ikaw ang ama
ni Santino at wala sa hacienda Sto. Domingo.” Kalmado kong pagtugon.
"Really? " sagot niya.
"Ito ang unang pasko na hindi ko
makakasama ang Lola ko pero narito ka at tinatanong kung ano ang balak ko sa
pasko? Palagay mo makakapag celebrate ako ng pasko na wala na si Lola at hindi
kasama ang nag-iisa kong kapatid? ll sarkastiko niya sabi.
May punto naman ngunit,
"Pasensya ka na. Si Santino lang
naman ang iniisip ko kung kaya nagtanong ako. Ito rin kasi ang unang pasko na
kasama na siya sa celebration. " Mahinahon ko pa rin na wika.
Tahimik lang si Senyorito habang
ipinagpatuloy ang pagkain ng almusal. Hindi na rin ako kumibo upang paggalang
sa kanyang pagkain ng almusal.
"Ang iba kasi na pamilya ay
nagbabakasyon kapag may okasyon. Kaya na tanong ko sayo upang maaga akong
makapaghanda."
Huminto sa pagbabasa ng dyaryo si
Senyorito at saka pagak na tumawa.
"Pamilya? Sinong pamilya?
Tayo?" Tanong niya habang itinuro ako.
"Kahit kailan ay hindi kita
tinuring na pamilya at hinding-hindi kita ikokonsidera," sambit niya
habang binistahan pa ako ngtingin
na mula ulo hanggang paa.
"Kung gusto ninyong urnalis at
magbakasyon sa kung saang lupalop ng mundo ay wala akong pakialam. Mabuti nga
'yon at mawawala kayo sa paningin
."
"Pero senyorito kahit ipasyal mo
lang si Santino sa kung saan magandang mamasyal.ll Patuloy kong pakiusap.
"Talaga? Hindi ka ba natatakot
na baka kung ipasyal ko siya sa kung saan lugar ay maisipan kong iligaw o kaya
naman ay iwanan ko sa gitna ng maraming tao?"
"Tiyak na naman na hindi gagawin
Iyun.ll Sagot ko naman at nakipagtitigan sa kanya. "At paano ka naman
nakakasiguro? l' kunot-noo na tanong niya.
Bumuga muna ako ng hangin.
"Hindi mo gagawin na iligaw siya
dahil anak mo siya. Natitiyak ko." matatag kong sagot.
Tumawa si Senyorito.
"Hindi ka ba talaga nagsasawa na
panindigan ang kasinungalingan mo?"
"Hindi ako magsasawa dahil hindi
naman ako nagsisinungaling at humahabi ng kwento." Muling pumailanlang ang
matunok niyang halakhak.
"Bilib na talaga ako sayo,
Karen. Bravo. Excellente." Pumapalakpak pa ang kanyang dalawang kamay na
animo ay tuwang-tuwa sa akingsinabi.
"May nakakatawa ba?"
nagtataka kong nagingtanong na.
"Ikaw. Ikaw ang nakakatawa dahil
ang kapal ng mukha mo." deretsahang sagot ni Senyorito Simon at saka
nagpupunas na tissue sa gilid ng kanyang labi.
"Wala naman na nakakatawa sa
anumang sinabi ko. Tinatanong lang naman kita kung may plano ka sa pasko. May
plano kasi ako.
Makikiusap ako sa ospital kung saan
naroon si Nanay na kung pwede ay doon kami mag celebrate ng pasko."
lahad .
"Wala naman akong paki kung saan
kayo magpasko. Basta kung pwede nga lang ay huwag na kayong bumalik."
Malungkot ko na lang na pinagmasdan
si Senyorito Simon habang nag lakad patungo sa labas ng bahay.
Sana lang ay payagan kami ng ospital
upang makasama si Nanay kahit ngayong darating na pasko lang. Noon, kami lang
ni Nanay ang ang laging magkasama sa tuwing pasko at bagong taon. Kaya nais ko
dati na kung sakaling
mag-aasawa ako ay gusto ko ng
maraming anak. Masaya kasi kapag maraming miyembro ang isang pamilya.
Ngunit mas masaya sana kung kasama
namin si Senyorito Simon na sasalubungin ang pasko at bagong taon.
Chapter
41
"Pasensya na, Ma'am pero hindi
po namin mapagbibigyan ang gusto ninyo. Unang-una po ay may kasama po kayong
baby na hindi po pinapayagan na papasukin dito sa ospital kung wala namang
sakit. Kaya sorry po talaga.'l Lahad ng babaeng nurse na kinausap ko tungkol sa
balak ko sanang makasama namin ni Santino si Nanay dito sa ospital ngayong
darating na kapaskuhan. Nakiusap ako hanggang sa makakaya ko ngunit sadyang
mahigpit daw ang patakaran lalo na at may kasama akong bata. Okay lang daw na
ako lang mag-isa ngunit hindi pwede si Santino.
"Ganun ba? Naiintindihan ko
naman, salamat." Malungkot kong tugon.
"Pasensya na po talaga,
Ma'am." Ulit na paghingi ng pasensya ng mabait na nurse bago ako iniwan
clito sa lobby ng ospital.
Laglag ang balikat ko na tinahak ang
daan palabas ngospital. Inuna ko na rin na dalawin si Nanay at ngayon nga na
pauwi na ako ay naisipan kong magtanong sa mga nurse kung pwede kong isama rito
sa pasko si Santino. Ngunit hindi
naman pala pwede.
Tama naman sila. Delikado sa isang
bata ang manatili sa 100b ng ospital kung hindi naman ito pasyente dahil baka
makasagap sila ng sakit. Kaya hindi na rin ako nakipag kulitan pa kahit ang
totoo ay nadismaya at talagang nalungkot ako. Gusto ko talagang makasama si
Nanay kahit ngayon lang na pasko dahil miss na miss ko na siya.
Napag pasyahan kong dumaan muna sa
malapit na pamilihan. Hindi ko naman masyadong inaalala si Santino dahil hindi
naman siya umiiyak kay Manang Lorna na siyang nag-aalaga sa kanya sa tuwing
aalis ako upang dumalaw kay Nanay. Balak ko munang turningin-tingin sa mga
panindang damit, sapatos, tsinelas mga bag at kung anu-ano pang mga paninda.
Hindi mahulugang karayom ang pamilihan dahil sa sobrang clami ng mga tao na
namimili marahil ng regalo para kanilang mga mahal sa buhay o kaya naman ay sa
mga inaanak. Karamihan ay mga Nanay na hawak mabuti sa kamay ang kanilang mga
kasamang anak para naman siguro bilhan ng mga isusuot sa pasko.
Sa paglilibot ay inagaw ang atensyon
ko ng isang set ng family shirts na nakasabit sa isang stall ng mga damit.
Kulay puti ang kulay at may
disenyo ng puso sa harap at may
nakasulat na Mama, PApa at Baby. Tamang-tama sa aming tatlo. Isa sa akin, kay
Santino at kay Senyorito Simon.
"Magkano ang set ng family
shirts na 'yun?" tanong ko at sabay turo sa itaas. Tumingala naman
angtindera na sa palagay ko ay nasa teenager pa lang ang edad. Maiksi ang buhok
na sakto lang lumampas sa kanyang tainga.
"Five hundred pesos po ang
set."
Dahil talagang nagustuhan ko ang
naturang mga damit kaya agad ko na rin binili. Hindi na ako nakipag tawaran pa
sa presyo dahil baka hindi pa nakararami ng benta ang may-ari ng darnitan.
Naglibot-libot pa ako at naisipan ko na rin na bigyan ng regalo si Manang Lorna
pati na ang kanyang mga apo na madalas niyang ikwento sa akin. Bakas ang tunay
na kasiyahan sa mukha ni Manang sa tuwing pag-uusapan namin ang kanyang pamilya
lalo na ang kanyang mga apo. Naaalala ko tuloy si Senyora Loreta na tuwang-tuwa
kay Santino. Malamang na kung okay langsi Nanay ay baka hindi ko na mahawakan
si Santino dahil siya na ang mag-aalaga sa kanyang apo. Masaya talaga siguro
kapag may Lola o Lolo ka. Hindi ko kasi naranasan na magkaroon dahil kami lang
talaga
ni Nanay ang magkasama sa buhay.
"Manang, pasensya na po kayo at
ito lang po ang nakayanan kong iregalo sayo at sa parnilya niyo PO." Agad
kong ipinakita kay Manang ang mga pinamili ko. Natutulog naman si Santino sa
kanyang crib.
"Ano ka ba? Ang dami kaya nito,
Karen. Binigyan mo na ako ng bonus ngayong pasko ay ipinamili mo pa ako ng mga
regalo kasama pa ang pamilya ."
Maluha-luha na pahayag ni Manang. Tinanggal niya pa ang kanyang salamin sa mata
at pinunasan sa laylayan ng suot na damit.
"Bakit po kayo umiiyak,
Manang?" nagtataka ko namang tanong. May nakakaiyak ba akong sinabi?
Nasaktan ko ba angdamdamin niya?
"Naiiyak ako sa sobrang saya,
Karen. Marami na rin kasi akong pinagsilbihan na mga amo pero iba ka. 00 at
nakakatanggap rin ako ng bonus sa kanila ngunit ikaw ang pinakamabait,
pinaka mapagpakumbaba at hindi mayabang kahit pa kungtutuusin ay napakayaman
mo. Kaya hindi ako makapaniwala na pinapahalagahan mo maging ang pamilya ko.
Salamat Karen," S?
sambit ni Manang habang patuloy sa
pagpunas ng mga hindi mapigilang luha sa kanyang mga m ata.
Na touch ako sa kanyang sinabi. 00,
totoong nakatanggap na siya ng bonus na cash ngunit galing kay Senyorito Simon
ang pera. Mabuti pa si Manang Lorna nakikita kung paano akong nakikita ni
Senyora Loreta. Kaya hindi ko rin napigilan na mangilid ang luha ko.
"Manang, hindi po kayo ibang tao
para sa akin. Pamilya po ang turing ko sayo at maging sa pamilya mo. Ang
kabutihan na ipinakita mo sa aming mag-anak ay ibinabalik lang po namin sa
inyo." Madamdamin ko rin na pahayag. Wala akong masabi kay Manang. Hindi
siya mareklamo sa trabaho. Kahit hindi ko naman pinapagawa sa kanya ay ginagawa
niya ng kusa. Ang totoo ay hindi ako nagpapalaba o nagpaplantsa ngdamit sa
kanya. Ang madalas niyang gawin ay magwalis sa labas at loob ng bahay na hindi
ko magawa dahil kay Santino. Nagluluto siya ng para sa tanghalian namin. Basta
kaya ko ay ako na ang gumagawa. Ngunit hindi abusado si Manang. Humahanap
talaga siya ng pwedeng gawin sa loob at labas ng bahay at nakikita ko naman na
talagang pulido ang kanyang mga nililinis at inaayos.
"Unang beses lang kasi na
nangyari na binigyan ako ng amo ko na kasamang binigyan ang buong pamilya ko.
Kaya hindi ko talaga
mapigilan ang lumuha. Hindi naman
dahil sa regalo kundi sa pag-alala mo sa pamilya ko. Salamat Karen. Salamat din
kay Senyorito Simon na kahit kailan ay hindi ko pa nakakausap.'l am Manang.
"Wala po 'yun. Mahal ko kayo
dahil mahal po ninyo kami lalo na si Santino." Tapat kong sagot.
"Ito ba ang susuotin ninyong
tatlo sa pasko?" tanong ni Manang at saka itinaas ang t-shirt na hawak.
Ang family shirt na binili ko.
Napangiti ako.
"Opo, Manang. Sana lang at kasya
sa asawa ko. Wala na kasing mas malaking size pa rito." Para kasing
alanganin ang sukat ng t-shirt na para kay Senyorito Simon. Masyadong malaki
ang katawan niya at hindi kakasya ang t-shirt na binili
.
"Pihadong susuotin naman ng
asawa mo
'yan kahit pa namumutok sa katawan
niya.ll
"Sana nga PO." Tanging
nasambit ko na lang dahil hindi naman talaga ako umaasa na papansinin ni
Senyorito ang damit at lalo sigurong hinding-hindi niya susuotin.
Chapter
42
Abala ako sa pagluluto ng simple
naming noche buena para mamayang pagsapit ng alas dose ng hatinggabi.
Kalahating kilo ng spaghett konting shanghai, pritong manok, isang tasty
bread na may palaman na cheese, orange juice para inurnin at ilang piraso ng
prutas gaya ng mansanas, ponkan, ubas, melon, pakwan, pinya, suha, Chico, at
saging na magkakasama sa isang basket na nasa gitna ng aming mahabang lamesa.
Ako lang talaga ang nagluto dahil
hindi ko na pinapasok ngayong araw si Manang Loreta upang mapaghandaan din ang
gagawin nilang selebrasyon ng kanyang buong pamilya ngayong kapaskuhan.
Pasado alas otso na ng gabi ngunit
wala pa rin si Senyorito Simon. Hindi pa rin siya bumabalik mula ng umalis siya
kanina ng tanghali at hindi ko alam kung saan siya nagpunta.
Samantalangsuot na namin ni Santino
ang aming darnit. Ang family shirt na binili ko. Ang para kay Senyorito Simon
ay ipinatong ko sa
kanyang inuupuan dito sa lamesa para
mapansin niya agad kapag mauupo na siya para kumain.
"Hintayin natin ang Papa mo,
Santino. Malay natin, bumili siya ng regalo para sa ating dalawa. Kaya hanggang
ngayon ay wala pa siya." saad ko sa karga-karga kong anak na nakatingin sa
labas ng bahay. Nakikita niya kasi mula sa bintana ang papalit-palit na ilaw ng
christmas light na pinagtulungan naming ayusin ni Manang upang maikabit ko sa
tapat ng bintana. Magkaroon man lang ng simbolo ng kapaskuhan ang bahay.
Pumatak ang alas nuebe ng gabi ngunit
wala pa rin si Senyorito Simon. Lumamig na rin ang mga pagkain na niluto ko.
"Hindi bale, pwede namang initin
mamaya bago kami kumain.ll bulong ko sa aking sarili.
Halos mabali na ang leeg ko habang
nakatanaw sa labas ng bahay kung may parating na sasakyan. Nakatutok din ang
pandinig ko kung sakaling makarinig ng ugong ng sasakyan.
Muli akong sumulyap sa malaking wall
clock ng bahay. Mag-alas onse na ngunit wala pa rin dumarating. Naalala ko
noong unang pasko na kasama ko si Senyorito Simon. Ako lang mag-isa at walang
kasama dito sa bahay. Muli na naman bang mauulit? Pero kasama ko na si Santino
ngayon kaya hindi na ako mag-iisa.
"Mukhang tayong dalawa lang anak
ang mag celebrate ng pasko," wika ko kay Santino na may hawak na mansanas.
Binigyan ko talaga siya ng pagkain upang huwag mo ng matulog.
llang minuto na lang pasko na at
malapit ng turnapat ang dalawang kamay ng orasan sa ganap na alas dose ng
hatinggabi ngunit wala pa rin ni anino ni Senyorito Simon. Nainit ko na rin
lahat ng pagkain na niluto ko kanina at maya-maya lang ulit ay lalamig ng
lahat. Panay na rin ang pag hikab ni Santino indikasyon na inaantok na.
Five, four, three, two ,one
"Merry Christmas, Santino."
Count down ko at sabay yakap at halik sa pisngi ng aking anak na antok na antok
na habang nakaupo lang sa kanyang crib. .
"Gusto mo bang kumain, nak?
Anong gusto mo?" tanong ko sa anak ko na nagluluha na ang gilid ng mga
mata.
Matapos kong timpalahan ng gatas sa
kanyang bote si Santino ay kusa na siyang humiga sa kanyang crib.
"Matutulog ka na ba, Santino?
Hindi mo na hihintayin ang Papa?"
Pumikit na si Santino habang panay na
ang
sipsip ng gatas sa kanyang bote.
Talagang inaantok na ang anak ko. Kapag kasi binabanggit ko ang salitang papa
ay gagayahin niya ako at paulit-ulit na siyang magsasalita ng Papa ngunit
ngayon ay tinalo na siya ng sariling antok.
Hanggangsa maubos niya na ang laman
ng bote ng gatas. Tuluyan ng iginupo ng antok si Santino at naririnig ko pa ang
mahina niyang paghilik. Inayos ko muna ang anak ko bago ko isa-isangtinakpan
ang mga pagkain sa lamesa. Nagtimpla muna ako ng kape at matiyaga pa rin na
hinihintay si Senyorito Simon.
Kinuha ko ang aking cellphone upang
kahit paano ay malibang ngunit aksidente kong napindot ang gallery kaya naman
tumambad ang mga litrato ni Nanay.
"Merry Christmas PO,
Nanay." Pagbati ko sa akingNanay.
"Gustuhin ko man po na riyan
kami ni Santino mag celebrate ng kapaskuhan ay hindl naman po pwede."
Malungkot akong nakangiti habang kinakausap ang larawan ni Nanay sa screen ng
aking cellphone. Kuha ang litrato na ito noong nag graduate ako ng high school.
Nakangiti siya sa camera na parang walang anumang problema. Buhay na buhay si
Nanay sa larawan at hindi akalain na ngayon ay nakaratay
siya sa higaan ng ospital at matagal
ng hindi gumigising.
"Huwag po kayong mag-alala, Nay.
Kaya ko po ang lahat. Kakayanin ko po na maging matapang hindi lang para sa
akin kundi maging kay Santino. Pangako mo lang na magigising ka at hindi mo
kami iiwanan ni Santino. Mahal na mahal po kita, Nay. Kaya dalian mo na pong
gumising.ll
Naka dalawang tasa na ako ng kape
ngunit wala pa rin si Senyorito Simon. Ganap ng alas dos ng madaling araw
ngunit kahit konting pag-asa na darating siya ay wala akong nakikita.
"Saan ka kaya nagpunta? Saan ka
nag celebrate ng pasko? Mas importante ba ang mga kasama mo ngayon kesa sa
aming mag-ina mo?" tanong ko sa hangin.
Lumabas ako ng bahay at turningala sa
kalangitan na punong-puno ng mga kumukutitap na bituin.
"Mabuti pa ang mga bituin sa
langit.
Nanatiling magkakasama kahit pa kung
tutuusin ay milya-milya ang layo nila sa isa't-isa," ani ko at saka
niyakap ang sariling katawan dahil sa lamig. Nanunuot ang malamig na simoy ng
hangin ng kapaskuhan. Waring naghahatid pa ng hungkag na kalungkutan.
Ang ibang mga pamilya ay siguradong
magkakasama ngayon. May mga regalo sa isa't-isa at masayang mga nagsasalo sa
kanilang noche buena.
Samantalang kaming dalawa ng
anak . Naghihintay sa isang tao na hindi
naman kami itinuturing na pamilya.
Ilang sandali pa at pumasok na akong
muli sa loob ng bahay. Ang Christmas light na masayang pinagmamasdan kanina ni
Santino ay akin ng tuluyang pinatay.
"Hayaan mo, anak. Marami pa
namang darating na pasko. Malay mo sa susunod ay makakasama na natin ang Papa
mo." At saka ko na dahan-dahan ng binuhat si Santino upang umakyat na kami
sa aming silid sa ikalawang palapag. Hindi na marahil uuwi ngayon si
Senyorito Simon at hindi ko rin naman
tiyak kung uuwi siya bukas maging sa mga susunod pang bukas.
Chapter
43
"Senyorito, bakit hindi ka naman
umuwi kagabi? Hinintay ka namin ni Santino hanggang madaling araw."
Kalmado kong tanong at salubong kay Senyorito Simon na sa wakas ay umuwi na ng
bahay ngayong alas dos ng hapon. Iba na angdamit na kanyang suot ngunit ang
pantalon niya ay hindi nabago.
Masakit man talagang isipin na
maaaring may kasama siyang ibang babae ay hindi ko naman magawang maisatinig.
00 at mag-asawa kami ngunit alam ko naman na kahit mag hubad ako sa harapan
niya ay hindi niya ako magugustuhan. Kung para sa mga babaeng nasa alta siyudad
na nakakakilala sa kanya at nakakasalamuha niya ay nabibilang lang talaga ako
sa mga ordinaryong mga babaeng taga baryo. Isang simpleng babae na ang tanging
alam lang ay mga gawaing bahay.
Tumigil naman siya sa paglalakad at
seryoso akong hinarap. Napansin kong medyo hindi siya nag-aahit ng kanyang
balbas.
"Bakit kailangan kong umuwi? At
bakit parang sinisisi mo ako sa paghihintay ninyong
mag-ina? Sino ba ang nagsabing
hintayin niyo ako? Sinabi ko ba?" sagot niya habang salubong ang makapal
na kilay at dalawang kamay na namewang.
"Gusto lang naman namin ni
Santino na makasama ka kahit sa araw lang ng pasko. Makabonding ka at maka
sabay kumain ng mga niluto ."
Malungkot kong tugon.
"Hindi ba at sinabi kong hindi
ako mag se-celebrate ng pasko! l' sigaw niya sa akin. Bahagya ko pang nailayo
ang mukha ko dahil nabigla ako sa pag sigaw niya. Napatingin nga ako sa itaas
ng bahay at nakiramdam kung maririnig kong iiyak si Santino na kasalukuyang
natutulog sa silid.
"Sana man lang urnuwi ka kahit
saglit lang. Lumamig langtuloy ang mga pagkain na niluto ko para sa noche
buena. Ilang beses ko nga na ininit ang mga pagkain para kapag dumating ka
maihain ko agad." patuloy kong lahad at binabalewala ang pag susungit ng
kausap.
"Sana kinain mo ng lahat ng
hindi mo paulit-ulit na niluto. At pwede ba?! Magdamag akong nagtatrabaho sa
kumpanya at wala akong panahon na magsaya dahil lang sa pasko." Asik niya
sa akin at tangka na sana akong iiwan.
"Tingnan mo, Senyorito."
hinabol ko siya at iniladlad sa kanyang harapan ang t-shirt na binili ko para
sa kanya.
"Ang cute diba? Terno tayong
tatlo ng anak natin. Suot ko na ang akin at suot din ni Santino ang
kanya." masaya kong sambit at ipinakita ko rin ang nakasulat sa harapan ng
t-shirt na suot ko.
"Hindi ko alarn kung kasya ba
sayo ang Size ng damit na binili . Kaya
isuot mo na ng malaman." Inaabot ko kay Senyorito Simon ang damit ngunit
nakatitig lang siya sa aking hawak.
"Sige na, Senyorito. Isukat mo
na at pwede ba tayong kumuha ng family picture? Tayong tatlo ng anak
natin." Nasasabik kong tanong.
Ganun na lang ang pagkamangha ko ng
abutin naman ni Senyorito Simon ang damit na ibinibigay ko.
"Isuot mo na. Pagkasyahin mo na
lang kapag hindi kasya.ll Pamimilit ko.
Tumingin naman sa akin si Senyorito
Simon bago niladlad ang t-shirt.
"Mukhang maganda nga,ll Wika
niya na ikinatuwa ko.
Ngunit ang tuwa ko ay napalitan ng
pagkabigla ng walang sabi-sabi niyang winarak ang damit na aking binigay.
"Mukhang maganda na sirain. You
think na
susuotin ko ang ganitong klaseng
damit? Huwag kang ilusyunada!" asik niya sa akin sabay tapon ng pinunit na
damit sa aking mukha.
"Ang bagay sa damit na binili mo
ay gawin mong basahan. Hinding-hindi mo ako mauuto sa mga palabas at drama mo!
ll
Dinampot ko ang damit na nalaglag sa
sahig ng kayang ibato sa aking mukha matapos ng kanyang walang pusong paninira.
"Hindi mo naman kailangan na
sirain. Ang mahal ng bili ko dito tapos sinira mo lang," saad ko ngunit
nanatili akong kalmado.
"Wala akongsinabi na bilhan mo
ako ng darnit. Ikaw lang ang masyadong nangangarap ng gising na magugustuhan ko
ang binili mo. Mas gugustuhin ko pang maghubad kaysa suotin ang mumurahin mong
darnit."
"Hindi nga ito kasing mahal ng
mga darnit na sinusuot mo kasi sa bargain ko lang ito nabili. Pero hindi mo
naman kailangan sirain kung ayaw mo. Wala na tuloy terno ang damit na suot ko
pati na kay Santino. Hindi bale, tatahiin ko na lang," wika ko
habangtinitingnan kung gaano kalala ang sira ng darnit. Tinatantya ko utak ko
kung paano ko ito gagawan ng paraan.
Walang anu-ano ay hinablot ni
Senyorito Simon angdamit at muling pinagpupunit. "Akina na ang damit,
Senyorito." Pilit ko rin naman inaagaw sa kanya ang damit ngunit kahit
anong gawin ko na paghablot ay hindi ko makuha sa kanya.
Mabilis pa na naglakad si Senyorito
Simon patungo sa kusina na aking mabilis din na sinundan. Tumungo siya trash
bin at itinapon doon ang kaawa-awangdamit.
"Ganito ang gusto kong gawin
sayo! Kaya pasalamat ka at hindi ka nagingdamit dahil kung nagkataon ay matagal
ka ng gutay-gutay at itinapon ko sa basurahan.l' Galit na niyang sabi. Ako
naman ay nanatiling nakatingin sa basurahan.
"Hindi pa ba?" untag ko
sabay dako ang m ata kay Senyorito.
"Palagay mo ba ay hindi mo pa
ako pinag pira-piraso? Palagay mo ba ay hindi mo pa ako itinapon bilang
basura?" seryoso kong tanong.
"Matagal mo na akongtinuring na
basura at tanggap ko. Pero ang hindi ko matatanggap ay pati ang anak ko na anak
natin ay balewalain mo. Ipaglalaban ko si Santino bilang anak mo kaya kahit
anong gawin mong pang-iinsulto sa pagkatao ko ay hindi mo ako mapapa suko.ll
Madiin kong sambit at matapang na sinasalubong ang matalim na titig ng ama ng
akinganak.
"Lumaban ka hanggang gusto mo.
Pero sigurado akong matatalo ka kahit ilang beses ka pang lumaban.ll Madiin din
ang salita ni Senyorito Simon at saka mabilis na humakbang palabas ng kusina.
Maingat kong kinalkal sa basurahan
ang retaso ng damit na sinira ni Senyorito.
"Gusto ko lang naman na
magkaroon ng isang family photo habang suot ang family shirts. Pero hindi na
nga natupad nagawa niya pang sirain sa harapan ko. Sana pala ay itinago ko na
lang." Malungkot kong bulong at saka niyakap ang gula-gulanit na damit na
aking binili.
Chapter
44
"Salamat naman at nagawan ko ng
paraan." Nasisiyahan kong sabi habang nakangiting pinagmamasdan ang aking
ginawa.
Ang gula-gulanit na damit ni
Senyorito Simon ay pinagtiyagaan kong buuin kahit pa imposible nang mabuo. Ang
ginawa ko na lang ay nag hanap ako ng Plain na damit na kulay puti at doon ko
isa-isang pinatong at mano mano kong tinahi sa kamay ang bawat punit na damit.
Maingat at buong tiyaga kong binubuo ng halos buong magdamag at ilang araw.
"Buo na ulit ang family Shirt
namin,ll sambit ko at nilagay na sa hanger ang damit ni Senyorito Simon at
ipinasok na sa aming cabinet na katabi ngt-shirt namin ni Santino.
'Yun nga lang at hindi na mabasa ng
malinaw kong ano ang salita na nakasulat sa harap ng t-shirt dahil talagang
sobrang na damage.
Katok sa Pinto ng kwarto ang umagaw
sa atensyon ko. Halos hindi ko kasi maalis angtingin ko sa t-shirt naming
mag-anak na sama-sama na Lilit na nakasabit.
Hindi na pwedeng suotin ang damit na
para kay Senyorito ngunit masaya akong pagmasdan na lang na narito sa loob ng
cabinet habang kasama ang damit na para sa akin at kay Santino.
Bakit?
Dahil kahit man langsa mga damit
namin ay magkasama-sama kami sa isang lugar habang magkakadikit.
"Bakit PO, Manang? ll tanong ko
kay Manang na siya pa lang kumakatok sa Pinto ng kwarto namin ni Santino.
Ngunit hindi niya na kailangan sagutin angtanong ko dahil nakita kong bitbit
niya ang mga bagong laba na mga damit namin ni Santino at nakatupi na.
"Tulungan na kitang magsalansan
sa cabinet, Karen." Pag prisinta ni Manang.
"Ako na PO, Manang. Kayang-kaya
ko na po ito."
Si Santino na abala sa paglalaro sa
kanyang crib ay tuwang-tuwa na tumayo ng makita si Manang na pumasok sa silid.
"Bakit wala kayong family photo
dito na naka display sa kwarto niyo?" nagtataka na tanong ni Manang habang
inililibot ang paningin sa kabuuan ng buongsilid.
Ngayon lang talaga siya nakapasok
dito sa
kwarto.
Natigilan ako.
Tama naman siya. Wala talagang
picture dito na makikita kung saan kasama namin ni Santino si Senyorito Simon.
Ang karamihan ay mga picture namin ni Santino na pina print ko sa com puter
shop.
"Kahit sa ibaba aywala man lang
naka-display. Samantalang ang ibang bahay ay masyadong bongga sa mga naka
display nilang mga pictures. Nagmumukha na ngang studio sa sobrang dami.ll
Natatawang banggit ni Manang habang inaayos ang aming kama na bahagyang n
agusot.
"Hindi po kasi mahilig ang asawa
ko na magpa picture. Kahit na po ang magpahinga ay hindi niya magawa dahil sa
darni ng trabaho sa kanyang kumpanya." Hindi ko sinasadyang haluan ng
malungkot na himig ang aking isinatinig.
"Oonga pala, Karen. Napansin ko
na ang claming pagkain sa ref. Kumain ba kayo noong pasko? Parang wala mang
kabawas-bawas ang mga niluto mo."
Wala talagang kumain. Nawalan kasi
ako ng gana dahil wala man lang akong makasalong kumain ng mga handa. Gusto ko
nga sanang lumabas ng pasko at ibigay sa mga palaboy sa Iansangan ang mga
niluto ko upang hind masayang. Nakakainggit na karamihan sa ibang mahirap
na pamilya ay wala kahit ano sa kanilang hapag ngunit sama-sama naman.
Samantalang kami ni Santino ay nakatira sa isang malapalasyong bahay, may mga
pagkain sa lamesa ngunit malungkot na nagdiriwang dahil wala ang haligi ng
amingtahanan.
"Konti lang po talaga ang kinain
namin, Manang. Kung pwede pa hong kainin ay iuwi niyo na po sa inyo.ll Walang
gana kong sagot at patuloy sa pag aayos ng mga damit namin Santino sa am ing
closet.
"Bakit damit lang ninyo ni
Santino ang nakikita ko riyan sa loob closet? Saan banda ang kay Senyorito
Simon?"
Muli akong natigilan. Alam kong wala
naman intensyon na masama si Manangsa kanyang pag-uusisa. Nagtatanong lang siya
base sa kanyang obserbasyon.
Ngunit sa hindi ko malaman na dahilan
ay biglang natawa si Manang Lorna.
"Ay! alam ko na. Hay naku!
Ganyan din ako kapag naiinis dati sa yumao kong asawa. Kapag nagagalit ako sa
kanya ay pinapalayas ko siya at hinahagis ko palabas ng bahay ang lahat ng mga
damit niya sa loob ng kabinet
namin." Kuwento ni Manang habang masayang inaalala ang kanyang namatay na
asawa. Ramdam ko na mahal na mahal ni Manang ang asawa.
Napamaangna lang ako sa kanyang
nahinuhang konklusyon kung bakit wala ang mga damit ni Senyorito dito sa aming
cabinet. Ngumiti na lang ako ng alanganin at hindi kumibo.
"Lalo na noong unang taon pa
lang ng aming pagsasama. Akala mo ay aso at pusa kami na panay nagbabangayan.
Pero ako lang naman talaga ang nang-aaway sa asawa ko.ll Dagdag pa na kuwento
ni Manang.
"Mahal na mahal po siguro ninyo
ang isa't-isa.'l Nakomento ko.
"00 naman. Alam mo sa buhay
mag-asawa. Hindi talaga maiiwasan ang mag-away kahit pa sa wala namang kwenta o
kabuluhan ng dahilan. Kung minsan pa nga ay nalilimutan namin kung bakit nga ba
kami nag-away. Ang importante kahit gaano pa kabigat ang dahilan ay matutong
magpakumbaba at humingi ng tawad kung sino ang may kasalanan. Higit sa lahat,
huwag na huwag kayong maghihiwalay agad. Huwag kayong agad susuko kahit anong
problema. Hindi solusyon ang paghihiwalay. Sa ngayon kasi ang obserbasyon ko sa
mga magkarelasyon ay agad
ang pagdedesisyon na maghiwalay.
Hindi iniisip ang magiging buhay ng kanilang mga anak. " Mahabang litanya
ni Manang.
"Tama po kayo, Manang. Karamihan
nga po sa mga nabalitaan ko lalo na sa showbiz ang madaliang paghihiwalay na
para bang wala lang sa kanila ang kanilang mga pinagsamahan." Sagot ko
naman.
"Kaya ang tanging maipapayo ko
sayo, Karen. Ipagpatuloy mo lang ang pagiging mabuting asawa kay Senyorito
Simon. Nakikita ko naman na wala naman kayong problemang mag-asawa. Sa bagay
ano nga ba ang maaari ninyong pag-awayan sa lagay ng buhay ninyo? Mukhang abala
lang sa paghahanapbuhay ang asawa mo ngunit hindi kayo pinababayaan na mag-ina.
Kaya anuman ang pagtatampo mo ay patawarin mo na siya.ll Payo ni Manang. Sa
loob-loob ko ay nais kong matawa.
Kami ni Senyorito Simon?
Walang problem a?
"Sana nga po Manang. Sana nga
PO." Ang tangi ko na lang naibulong sa kawalan.
Chapter
45
llang araw pa lang bago mag palit
angtaon ay bumili na ako ng mga dapat bilhin. Mula sa damit ni Santino, sa mga
ihahanda kong pagkain hanggang sa mga prutas.
"Ang cute naman ng damit ni
Santino.ll Puna ni Manang Lorna ng makita ang binili kong damit para kay
Santino na kanyang susuotin sa pagsalubong namin sa new year. Overall na kulay
gray at may mga dots na kulay puti.
"Nagandahan nga po ako, Manang
kaya agad ko na pong binili. Kasyang-kasya nga po kay Santino ng isukat ko.l'
Nakangiti kong sambit kay Manang.
"Kumpleto na ba ang mga prutas
na binili mo?" tanong ni Manang na saka kinuha ang fruit basket at maayos
na sinasalansan ang mga iba l t-ibang klase ng prutas na binili ko. Mahirap na
kasing makipag siksikan sa pamilihan kaya namili na ako ng mas maaga.
"Sige ako na ang bahala rito,
Karen. Mabuti pang asikasuhin mo muna ang asawa mo." ani Manang na inagaw
na sa aking kamay ang mga gulay kong hawak.
Narito sa bahay si Senyorito at abala
pa rin sa trabaho.
"Sige PO, Manang. Hatiran ko
muna ng kape at almusal at hindi na naman kakain 'yon hangga't hindi ko
inaasikaso." sagot ko.
May sasabihin din ako kay Senyorito
Simon at magandang pagkakataon na narito siya para masabi ko. Hindi naman
masyadong importante ang sasabihin ko kung susumahin pero para sa akin,
napakahalaga.
"Sige, ako na ang bahala rito at
kay Santino," saad ni Manang.
Agad naman akong kumilos at ilang
minuto lang ay humahakbang na ako kung nasaan ang aking asawa. Dala ko ang kape
at dalawang piraso ng chicken sandwich.
"Senyorito, heto na ang kape
mo." Sabay lapag ko ng tasa ng kape at tinapay sa ibabaw ng working table
ni Senyorito Simon. Narito siya sa 100b ng kanyang library na kanya na rin
nagsisilbing working place clito sa bahay. Tulad ng dati ay marami na naman
siyang ginagawa. Tambak ang kung anu-anong mga papel na nakapatong sa kanyang
lamesa. Masinsinan niyang binabasa ang mga nakasulat at pagkatapos ay kanyang
pinirmahan. Sa sobra niyang abala ay hindi ko alam kung narinig niya akong
kumatok bago pumasok dito sa silid.
Sa halip na lumabas na ako ng kanyang
opisina ay bahagya lang akong lumayo at nagmamasid sa paligid.
Nabasa na kaya ni Senyorito Simon ang
lahat ng libro na naririto? Ano kaya ang pakiramdam na ang pirma mo ang
kailangan para aprubahan ang kung anu-anong proyekto o aktibidad? Ngunit
kaakibat naman ay ang kailangan talagang maging mabusisi at maging matalino
gaya ng ginagawa ni Senyorito Simon dahil nakasalalay sa kamay niya ang lahat
ng pasanin sa kumpanya.
"Wala na akong kailangan kaya
pwede ka ng lumabas.ll
Bahagya pa akong nagulat ng magsalita
si Senyorito Simon. Napatingin agad ako sa kanya ngunit nakatuon pa rin ang
kanyang paningin sa kanyang ginagawa. Siguro napansin niyang narito pa rin sa
loob ang aking presensiya. Masyado akong napahanga sa kaisipang napaka galing
talaga ng naging asawa ko.
"Pa,-pasensya ka na. May gusto
lang sana akong sabihin.ll nauutal kong Wika ngunit nilakasan ko na ang loob
ko.
Hindi nagsalita si Senyorito Simon at
patuloy lang sa kanyang ginagawa. Kaya naglakas loob na
akong magsalita at sinabi ko na ang
nais ng sabihin.
"Senyorito, sana naman narito ka
sa new year para makasama ka naman namin ni Santino. Pero huwag kang mag-alala,
hindi naman kita pipilitin na magsuot ng family shirt natin o kahit pa yakagin
ka sa isang family photo. Basta sana narito ang presensya mo." tuloy-tuloy
kong sambit. Mahirap na at baka kabahan ako at hindi ko na masabi sa kanya ang
nais kong sabihin.
Tahimik at walang tugon.
"Gusto ko lang na salubungin
natin ang bagongtaon na magkakasama tayongtatlo. Kaya sana huwag mo kang
urnalis sa araw na 'yon." d Dagdag ko pang pakiusap.
Binagsak ni Senyorito Simon ang
ballpen niyang hawak sa lamesa at saka turningin sa akin ng matalim.
Napalunok tuloy ako ng hindi oras sa kanyang n aging reaksyon.
"Hindi mo ba nakikita na marami
akong ginagawa? Kailangan kong tapusin ang lahat ng mga ito. Ayoko ng istorbo
kaya lumabas ka na. Ang ingay-ingay mo. Mas importante ang ginagawa ko kaysa sa
mga sinabi mong walang kabuluhan." Sa halip ay galit na sagot niya.
"Gusto ko lang kasi na kasama ka
namin ni Santino sa new year. Wala naman sigurong masama sa gusto kong
mangyari. Noong pasko kasi ay hindi ka man lang umuwi. Kaya sana huwag kang
umalis," wika ko at hindi nagpa sindak kahit nagagalit na naman siya.
"Bakit ba kailangan pa akong
kasama? Hind ba kayo makakapag celebrate ng wala ako? Bakit ba pinipilit
mo ako sa ayokong gawin? Hindi pa ba malinaw sayo na ayoko sayo at sa anak mo?
Ano ba angdapat kung gawin para tigilan mo ako?" Asik niya ngunit burnalik
na angtingin sa kung anong mga binabasa.
"Syempre pamilya tayo. Kaya
gusto ko lang na kahit anong okasyon ay dapat magkasama tayo. Wala naman masama
sa sinasabi ko. " tugon .
"Hindi tayo pamilya at hindi
mangyayari ang magiging pamilya tayo. Itatak mo 'yan sa utak mo! Kaya umalis ka
na! ll pagtaboy niya sa akin.
" perO-"
"Leave!" sigaw niya na
naman ng tangka akong magsalita muli. Ipipilit ko talaga ang gusto
Nag buntong-hininga ako.
May masama ba sa gusto kong mangyari?
Mahirap bang gawin ang gusto ko?
Gusto ko lang naman na abutan kami ng
pagpapalit ngtaon na parehong na sa 100b ng bahay.
Mahirap ba para sa kanya na makasama
kaming mag-ina niya sa isang okasyon na ipinagdiriwang ng lahat?
"Sana pagbigyan mo naman
kami." Muli akong nagsalita.
Ngunit hindi na naman nagsalita si
Senyorito Simon. Salubong ang kilay niya habang nakatutok sa kanyang gin agawa.
Tumalikod na ako para tunguhin ang
pinto ng silid. Ngunit muli akong lumingon sa aking likuran at naghihintay kong
magsasalita ulit siya. Ngunit kahit ugatin pa ako sa kinatatayuan ko ay hindi
ko siya mapapa payag sa gusto ko.
"Hindi tayo pamilya at hindi
mangyayari magiging pamilya tayo!" Waring umalingawngaw ng paulit-ulit sa
utak ko ang kanyang sinabi. Malungkot akong lumabas ng kanyang silid. Mabigat
Na humakbang palayo dahil sa kabiguang lagi ko na lang nararanasan..
Chapter
46
Kung pwede nga lang ay lagyan ko ng
kandado ang lahat ng pintuan at gate ng aming bahay at itapon sa malayo ang
susi upang hindi na mahanap. Kung pwede nga lang din ay itali ko sa kanyang
kama o kaya ay painumin ko ng may halong pampatulog ang inumin ni Senyorito
Simon, wag lang siyang makalabas ng bahay ngayong araw. Ngayon ay narito siya
sa bahay at maghapong hindi lumalabas ng kanyang silid. Sana nga lang ay huwag
siyang umalis. Ngunit hindi maalis na isipin kung aalis din siya at iiwanan na
naman kaming mag-ina.
"Senyorito, saan ka
pupunta?" pababa pa lang ng hagdan ay sinalubong ko na si Senyorito Simon
na ngayon ay bumaba ng hagdan at mukhang bihis na bihis at may pupuntahan.
Nakasuot siya ng damit na pinaghalong kulay puti at itim na polo shirt at naka
bukas pa ang tatlong butones sa bandang dibdib. Basa pa ang kanyang alon-alon
na buhok indikasyon na siya ay bagong ligo.
"Wala kang pakialam kahit saan
pa ako magpunta.'l Walang gana niyang sagot at saka
ako nilampasan.
"Hindi ba pwedeng bukas ka na
lang umalis? Ganun ba ka importante Iyan? llang oras na lang kasi at bagong
taon na. Dapat narito tayong lahat sa 100b ng bahay." Patuloy kong habol
sa kanyang paglalakad. Halos madapa pa ako sa pagmamadaling makasabay lang sa
mabilis niyang paghakbang.
"Importante man o hindi. Aalis
ako ng bahay. Ano naman ngayon kung abutan ako ng bagong taon sa labas ng
bahay? Huwag mo nga akong isama sa kung anong mga paniniwala mo. Abutan man ako
ng bagong taon dito sa bahay ay hindi pa rin naman mababago ang kung ano ang
pagtingin ko sayo. Basura ka pa rin at desperadang mukhang pera." pang
iinsulto niya sa akin at saka pinindot ang hawak niyang susi upang bumukas ang
pinto ng kanyang kulay itim na sasakyan.
Ngunit hindi ako nagpatinag. Sanay na
naman ako sa mga pang iinsulto niya. At isa pa, alam ko naman sa sarili kung
walang katotohanan ang kanyang mga paratang.
Tama si Manang Lorna. Sa buhay
mag-asawa ay hindi maiiwasan ang away. Kailangan lang ay kahit anong mga
pagsubok ay huwag sumuko at huwag maghihiwalay. Kaya mas [along nag-alab
ang kagustuhan kong ipaglaban ang
pagiging mag-asawa namin at ang anak naming si Santino. Kailangan ko lang
talagang magtiis at magtiyaga. Sabi nga ng karamihan, kapag may tiyaga ay may
nilaga. Kaya lalo akong pagpupursige.
"Okay sige, pwede kang umalis.
Pero siguraduhin mo naman na makakabalik ka bago mag alas dose ng hatinggabi.
Nagluto ako ng mga paborito mong pagkain." Hinawakan ko pa ang pinto ng
kanyang sasakyan ng tangka niya na itong isasara matapos na siyang makapasok sa
100b nito at mahawakan ang manibela.
"At sino ka para manduhan ako?
Huwag ka ngang umasta na parang nanay ko dahil matagal na siyang nagpapahinga.
Huwag kang umasta na parang isang huwarang asawa dahil hindi bagay."
Seryoso niyang sambit at pilit ng isinasara ang pintuan ng kanyang sasakyan
kung saan nakaharang pa ang mga kamay ko upang hindi nuya maisara.
"Gusto ko lang na narito ka sa
bahay dahil malas daw kapag inabutan ka sa labas ng bahay," wika ko ulit.
Pagak na natawa si Senyorito Simon.
"Simula ng dumating ka
nagkamalas-malas na ako. Kaya sabihin mo nga ngayon, kapag ba
nanatili ako sa loob ng bahay ay
aalis ka na sa bahay ko? Aalis ba kayo ng anak mo sa buhay ko? Hindi naman
hindi ba? Dahil ganun ka kapal ang mukha mo na kahit pinagtabuyan ka na ay
pilit ka pa rin sumisiksik."
Hindi na ako naka kibo. Kusa na lang
kumawala ang mga kamay ko na mahigpit na nakapit sa pintuan ng kanyang
sasakyan.
Sa biglaan niya pag papaandar at pag
harurot sa kanyang sasakyan ay bahagya pa akong nahagip at natumba sa kung saan
ako nakatayo. Hindi na ako nakakilos at nanatiling nakaupo na lang sa magaspang
na semento at malungkot na lang na pinagmasdan ang papalayong sasakyan ng aking
asawa.
"Santino, tayo na lang dalawa
ang kumain mamaya. Marami tayong handa sa lamesa may fruit salad pa tayo at
hamon. Alam mo anak, karm noon ng Lola mo sa probinsya. Sopas lang ang handan
namin pero masaya na kami. Hindi ko nga malalaman ang lasa ng ibang pagkain
dati kung hindi sa ibang bahay kung saan ako sinasama ni nanay na magmano kapag
pasko. Ganun kami kahirap ng Lola mo, anak.'l Mga kwento ko kay Santino na
nakaupo sa aking kandungan habang masaya kong naalala ang nakaraang pasko na
kasama ko si Nanay. Narito kami ngayon sa mahabang lamesa kung saan naka hain
ang rnga niluto kong handa para sa bagong taon.
"Alam mo anak, masaya kami ni
Nanay kahit wala naman kaming magarbong handa tuwing okasyon. Pero alam mo
anak, masaya talaga kami ni Nanay kahit dalawa lang kami. Parang tayong dalawa
ngayon ang kaibahan nga lang, anak. Marami tayong handa at nakatira tayo sa
malaking bahay." patuloy kong mga kwento sa anak kong pinipilit abutin ang
mga pagkain na nasa kanyang harapan.
Nakangiti ako habang nakamasid sa
masaganang hapag kainan. Ito ba ang sinasabi nilang pagkakaiba ng mayaman sa
mahirap?
Mahirap kami ni Nanay ngunit masaya
kami. Samantalang ngayon na may ganito na kaming malaking bahay at regrigerator
na punong-puno ng mga laman ay hindi ko naman magawa na magdiwang.
Limang minuto na lang bagong taon na.
Wala pa rin si Senyorito Simon.
"Hayaan mo anak, tayo na lang
ang sabay magcount down mamaya kapag mag-alas dose na nag hatinggabi. Hayaan na
muna natin ang Papa mo sa kung saan siya masaya. Malay natin trabaho ang
dahilan niya kung kaya siya umalis
ng ala singko ng hapon at hanggang
ngayon ay wala pa rin." pagsisinungaling ko mismo sa aking sarili.
Mamaya lang ay natatanaw na sa
malaking bintana ng bahay ang mga nagliliwanag na mga pailaw sa kalangitan. May
kulay pula, dilaw, asul at berde ang nagpaligsahan ng pagsabog ng liwanagsa
madilim na langit.
Bagong taon na.
"Happy New Year, Santino!"
Sabay halik ko sa tuktok ng kanyang ulo.
Ano kayang bagong kapalaran ang
naghihintay sa atin anak? tanong ko sa kawalan at patuloy na nakatingin sa
nagliliwanag na langit.
Chapter
47
"Simon!"
Malakas kong pagtawag sa pangalan ni
Senyorito Simon na kalalabas lamang ng elevator. Kagalang-galang siyang tingnan
sa suot nyang three piece suit. Bakas ang pagod sa mukha pero napaka-gwapo pa
rin niya. Kasabay niyang lumabas sa elevator ang dalawang may edad na lalaki na
parehong may mga makapal na salamin sa mata. Mukha rin silang mga
kagalang-galang sa kanilang kasuotan ganun din sa kanilang paglalakad.
Naka-taas noo sila at ang mga tindig ay tila mga nakakataas na opisyal. Hindi
nga ako nagkamali ng sapantaha dahil ang bawat empleyado na kanilang madaanan
ay magagalang na bumabati habang naglalakad sila patungo sa salamin na pintuan
na kusang bumubukas.
Kumaway-kaway ako upang agad akong
makita ni Senyorito.
Matapos namin dalawin ni Santino sa
ospital si Nanay para kamustahin ay nagpasya akong dito tumuloy sa building
kung nasaan ang kompanya ng aking asawa. Pasado ala-singko na rin kasi at
ala-sais naman ang oras ng pag-uwi ni Senyorito Simon. Malapit lang naman ang
ospital kung nasaan ang kanyang pinamamahalaan niyang kumpanya kaya naman clito
na kami tumuloy ni Santino.
Dumilim ang mukha ni Senyorito Simon
ng magtagpo ang aming mga mata. Ngunit mas nilawakan ko ang aking pag-ngiti at
binalewala ang kaseryosohan ng kanyang mukha habang nakatingin sa
direksyon .
Hindi naman kasi ako pinapasok ng mga
security guards na nagbabantay sa bukana ng kompanya kahit pa nagpakilala akong
asawa ng isang Simon Andres Sto.Domingo.
Nagkatinginan lamang ang mga
guwardiya ng marinig ang pagpapakilala .
Akala nila ay nababaliw na ako para
magpakilala bilang asawa ng isang Simon Sto. Domingo.
Hindi ko naman sila masisisi.
Sino nga naman ang maniniwala.?
Ang isang simpleng babaeng gaya ko na
wala man lang kolorete sa mukha at malamang na puro alikabok pa. Babaeng wala
man ayos ang mahabang buhok dahil sa paglalakad papunta
rito mula sa ospital. Isang babaeng
nakablouse na kulay pink na napaka simple at kupas na maong na pantalon na
tatlongtaon ko ng gamit mula ng aking nabili.
Kaya paano akong magiging asawa ng
nagmamay-ari ng isang malaking kompanya?!
Ng isang bilyonaryo?!
Mas lalo kong pinalawak ang aking
ngiti ng mas malapit na siya sa amin. Kahit pa ang totoo ay ngalay na ngalay na
ang kanan kong kamay dahil sa pagbuhat sa anak ko habang sa kaliwa naman ay
sukbit ko ang kanyang mga gamit tulad ng bote ng gatas, pamalit na damit at
laruan.
"Papa! Papa! "
Nagulat din ako sa naging reaksyon ni
Santino ng makita ang ama. Dalawang
beses niya itong tinawag na "Papa" habang pumapalakpak at masayang
bungisngis.
Nagkatinginan naman ang mga taong
nakarinig. Lalo na ang dalawang may edad na lalaking kasama niya maging ang mga
security guards at ibang empleyado na nasa malapit lang sa amin.
"Papa? May anak ka na Mr.CEO?
" manghang tanong ng isa sa dalawang may edad na lalaki na kanyang
kasabay. Payat ang pangangatawan
ngunit mukhang matalino. Inayos niya
pa ang kanyang salamin at tiningnan kaming mabuti ni Santino.
Walang reaksyon kay Senyorito.
"So? The spreading humors was
true? Na kinasal ka na at meron ng anak." sabi naman ng isa pang may edad
na lalaki na nakangiti pa akong pinagmasdan bago nilahad ang kamay at kinamayan
ako.
"I'm so glad to meet you
Mrs.Simon
Sto.Domingo." nakangiti niyang
saad sa akin at nakipag high-five kay Santino na tuwang-tuwa pa rin.
"Sorry PO, Madam."
sabay-sabay na sabl' ng mga security guards na nagyuko pa ng mga ulo at
hiyang-hiya akong tiningn an.
Ngumiti ako at nagwika.
"Wala 'yun, tama ang inyong
ginawa. Hindi ninyo ako kilala kaya hindi ninyo ko pinapasok. Salamat at
maasahan kayo ng asawa ko dito sa kompanya." nakangiti at magaan kong
litanya. Para naman silang nabunutan ngtinik ng marinig ang aking sinabi.
"Good choice iho, akala ko sa
bussiness ka lamang magaling ngunit pati na rin pala sa pagpili ng asawa."
tinapik-tapik pa ng nagpakilalang Mr.Diaz ang balikat ni Senyorito Simon.
Buong akala ko ay itatanggini
Senyorito Simon angsapantaha sa akin at kay Santino ngunit peke siyang ngumiti
at magalang na nagpaalam sa mga kausap.
"Salamat po talaga Madam at
sorry po ulit Mr.CEO" muling paghingi ng tumatayong leader ng guards ng
akma na kaming aalis. Malaki ang katawan at maitim ang balat. Akalain mo nga na
isa siya sa mga masasamang goons sa mga pelikula sa television.
Ngumiti na lamang ako ulit sa kanila
bilang pagtugon bago ako turnalikod at sumunod sa nagmamadaling nilang Mr.CEO.
Tahimik na kaming nakasakay sa
mamahaling itim na kotse ni Senyorito at binabaybay angdaan pauwi ng mansyon.
Alam kong nagulat siya dahil sa
ginawa kung pagpunta sa kanyang kompanya pero desidido ako sa gusto ko.
Gusto kong kilalanin niya ang anak
namin kahit anong mangyari.
Gusto ko rin na kilalanin ng mga tao
sa paligid si Santino bilang panganay at nag-iisang anak ni Senyorito Simon.
Marahas ang paglabas niya sa sasakyan
ng maayos niya na itong maigarahe sa pwesto sa garahe.
Akma na rin sana akong baba ng
maunahan niya akong buksan ang pintuan ng sasakyan at marahas din na hinawakan
ang kaliwa kong braso.
Nag-iigtingan ang kanyang ugat sa
[eeg at kung nakamamatay angtingin ay malamang kanina pa ko nalagutan ng
hininga.
"Ano ba Senyorito!? Nasasaktan
ako.ll reklamo ko pero malumanay pa rin ang pagkakasabi.
"Masasaktan ka ta[aga sa oras ng
u[itin mo ang pagpunta mo sa kumpanya!" Bulyaw niya sa akim
"Galing kami sa nanay ko sa
ospital at malapit ka lang kaya pinuntahan ka na namin ni Santino at
hindi kaba natutuwa? Tuwang-tuwa ang anak mo ng makita ka kanina.ll saad ko na
hindi inaa[intana ang galit na galit kong kausap bagkus ay kalma lamang ako.
"Wag na wag na kayong mag
pupunta sa kumpanya! Naiintindihan mo bulyaw niya na naman. Akala mo nakagawa
kami ng malaking pagkakamali.
Binalingan ko si Santino na mahigpit
na humawak sa leeg ko. Ramdam kong natatakot ang aking anak sa paraan ng
pagsasalita ng kanyang papa.
"Santino anak wag kang matakot.
Lambing lamang ni papa na sigawan si Mama."
Haplos-haplos ko ang ikod ni Santino
upang kumalma at huwag umiyak.
Waring natigilan naman si Senyorito
dahil sinulyapan ang anak na ngayon ay nakasiksik na sa aking leeg.
"Senyorito, sa pagkakaalam ko.
Isa ako sa nagmamay-ari ng sinasabi mong kumpanya,ll sabi ko sa natitigilan
kong kaharap.
"At anumang oras kong gustuhin
magpunta doon ay walang problem a." Dugtong ko sa kalmadong boses at
sinamahan pa ng simpleng ngitl.
Lalong dumilim ang mukha ni
Senyorito. Lapat na lapat ang kanyang mga labi. Bumaba na ako ng sasakyan
habang hinehele-hele pa sa pamamagitan ng lullaby ang natatakot kong anak.
Kung dati si Senyorito ang madalas
mang iwan sa tuwing kami ly nagkasagutan. Ngayon, siya naman ang iiwanan ko sa
eksena.
Sumilay ang ngiti sa aking labi dahil
nagawa ko siyang patahimikin. Patatawarin ko siya sa hindi niya pag-uwi noong
pasko at bagong taon.
Ngunit hindi naman ako basta na lang
susuko. Lalaban ako hanggat kaya ko.
Chapter
48
"Paano PO, Manang Lorna kayo na
muna po ang bahala kay Santino. Hatiran ko lang po ng tanghalian ang kanyang
Papa." Nakangiti kong pagpapa-alam kay Manang Lorna na inaayos pa ang mga
dala-dalahan ko. Naisip ko kasing pagdalhan ng tanghalian si Senyorito Simon
dahil hindi naman kumain ng maayos kagabi dahil sa tambak na naman na trabaho
na inuwi sa bahay. Kaya naman pinagluto ko siya ng pocherong baka na isa sa mga
paborito niyang ulam. Pinaka tantiya ko pa ang timpla ko sa mga sangkap upang
siguraduhin na masarap. Pinatikim ko pa si Manang Lorna at ayon naman sa kanya
ay tamang-tama ang pagkakaluto ko.
"Mag-ingat ka sa byahe, Karen
Sagot naman sa akin ni Manang at iniabot na ang aking mga dadalhin. Kailangan
ko na rin magmadali upang makarating agad sa kanyang opisina. Baka abutan kasi
ako ng traffic at sa halip na tanghalian ay maging merienda o kaya naman ay
hapunan angdala kong pagkain.
Naiiwanan ko na rin naman si Santino
kay
Manang Lorna dahil kilala siya ng
anak ko at kampante rin naman ako dahil magiliw sa bata si Manang Lorna. Ayoko
na rin namang isarna si Santino dahil mainit sa labas ng bahay at isa pa ay sa
saglit lang naman ako sa kumpanya.
Madalas na rin naman kamingdumalaw ni
Santino sa opisina ni Senyorito kaya naman sanay na sanay na ang mga tao sa
kumpanya sa presensya naming mag-in a.
Syempre hindi naman natutuwa si
Senyorito
Simon pero wala siyang magawa dahil
pinamumukha ko kung sino ako at may karapatan din ako sa kompanya.
Wala namangtraffic sa daan kaya naman
wala pang alas onse ng urnaga ay nakarating na ako sa kumpanya.
"Good morning, Ma'am
Karen." Bungad na pagbati sa akin ni Amy ang personal na sekretarya ng
aking asawa. Halos magkasing tangkad lamang kami. Maputi ang kulay ng kanyang
balat at may nunal siya sa ibabaw ng kanang bahagi ng kanyang mata. Magalang
rin si Amy at mabait sa akin maging kay Santino. Hindi ko maramdaman na
pinaplastik niya lang ako kagaya ng nararamdaman ko sa ibang empleyado na
binabati ako kapag nakasalubong ako sa hallway. Ang iba ay nagtataas ng kilay
samantalang ang iba ay nagbubulungan.
"Goodmorning, Amy." sagot
ko sa kanya habang nakatingin sa pintuan ng opisina III Senyorito Simon.
"Tamang-tama Ma'am, lalabas na
po sana ako para mag pahatid ng pananghalian ni Sir. Nariyan po siya sa loob,
Ma'am Karen. Mauna na po ako sa ibaba dahil may gagawin pa ako," saad ni
Amy at saka isinabit na ang kanyang shoulder bag.
"Sige, kumain ka na rin ng
tanghalian at ako na ang bahala sa Sir mo." Nakangiti ko namang tugon sa
kanya.
"Alis na po ako, Ma'am."
Paalam niya sa akin at ng makaalis na si Amy ay siya namang pagkatok at
pagpihit ko ng doorknob ng opisina ni Senyorito Simon.
Walang tao sa lamesa niya kung saan
naroroon ang pangalan niyang nakaukit sa babasagin at parihaba na bagay.
Simon Andres Sto.Domingo at sa ibaba
ng pangalan nakaukit ang rnga letrang CEO.
Nagpalinga-linga ako sa opisina
ngunit walang sumasagot sa tawag ko. Simple lam ang ang interior design ng
kanyang opisina. Walang masyadong palamuti at pinaghalong kulay itim at puti
lamang ang makikitang pintura. Kung sa ibang pamilyadong lalaki lamang ay
malamang
na nasa ibabaw ng kanyang lamesa ang
larawan namin ng anak niyang si Santino.
Napa buntong-hininga ako.
Ano pa ba ang aasahan ko? Pinasasama
ko lamang ang loob ko sa aking mga iniisip.
Paulit-ulit na nga na sinisigaw sa
aking mukha na hindi niya ako matatanggap bilang asawa at maging anak si
Santino.
Pero hindi ako papayag. Determinado
talaga ako.
"Senyorito Simon?" muli
kong tawag sa kanyang pangalan.
Bumukas ang pintuan ng kanyang
nagsisilbing silid-tulugan dito sa a kanyang opisina. Dito lang siya marahil
natutulog kapag hindi siya urnuuwi sa bahay. Iniluwa si Senyorito Simon na may
hawak-hawak na naman na baso na malamang ay alak ang laman base na rin sa
namumulang mukha ng lalaking hinahanap ko.
"At ano na naman ang kailangan
mo at narito ka na maangas niyang tanong sa akin.
Pilit naman akong ngumiti at
ipinakita ang bitbit ko. Napansin ko ang isang magazine sa ibabaw ng lamesa
niya. Kahit hindi ko lapitan ng mabuti ay alam na kung sino ang naroroon.
Si Senyorita Daphne.
Malamangsiya na naman angdahilan kung
bakit napaka agang nagpapaka lunod sa alak ng "asawa l' ko.
Binalewala ko na lamang ang sumisibol
na panibugho sa aking dibdib at pilit akong kumilos ng normal.
"Dinalhan kita ng pananghalian
dahil napansin kong hindi mo naubos ang hapunan mo kagabi. Nag kape ka lang din
kaninang urnaga. Hindi ko na isinama ang anak mo dahil mainit sa labas.
Ipagahahain na kita para makakain ka na.
Ang aga-aga mo yatang urniinom ng
alak?" litanya ko sa mahinahong pananalita.
Tumaas ang gilid ng kanyang labi na
para akongtinutuya.
"Stop nagging! Hindi bagay sayo
because you're worthless!" bulyaw niya sakin saka mabilis na ininom ang
natitirang likido sa kanyang hawak na babasaging baso.
Hindi na ko nabigla sa inasal niya.
Lagi naman na ganun angtono niya sa tuwing kakausapin ako. Kaya naman inayos ko
na lamang ang mga tupperware na pinaglalagyan ng ulam at ng kanin.
Naglakad naman si Senyorito Simon sa
pintuan at nagtaka naman ako ng
marinig ang pag "click" indikasyon na ni lock nya ang pinto.
Bigla tuloy aking napatingin sa gawi
niya at para akong kinabahan ng haklasin niya ang kanyang kulay asul na kurbata
at isa-isang tin atanggal ang butones ng kanyang longsleeve polo habang
nakatingin sa akin.
"Not bad." at sinuri niya
ko mula ulo hanggang paa habang nakataas ang kanyang isang kilay at may
naglalarong ngisi sa kanyang labi.
Nakasuot ako ng simpleng kulay yellow
na dress na umabot lamang sa taas ng aking tuhod habang ang buhok ko naman na
mahaba ay nakatali pataas kaya naman lantad ang aking leeg at batok. Hindi ko
nga rin lubos maisip na angdati kong maitim na balat ay pumuti at kuminis.
Hindi naman ako angtipo ng babaeng ng kung anu-anongsabon at lotion ang
ginagamit katawan at mukha. Naisip kong nasa lungsod nga pala ako at marahil
tama nga ang sinasabi nilang nakakaputi ang tubig na ginagamit dito dahil may
halo daw na gamot. Pwede rin naman na dahil sa hindi naman ako nasisikatan ng
araw sa maghapong nasa 100b ng bahay.
Parang ayoko ng isipin kung ano ang
binabalak ni Senyorito Simon.
Napalunok ako at parang gusto ko ng
kumaripas ng takbo.
"Bakit parang namumutla ka? Why?
Hindi ba ito naman ang gusto Imo?"
Chapter
49
"Saka niya ako mabilis na
dinaluhan at lumapat sa aking leeg ang kanyang labi.
Nangilabot ako. Tila tumaas ang lahat
ng balahibo ko sa katawan.
Nakuryente ako at waring nanuot sa
bawat himaymay ng kalamnan ko ang mainit na pagdampi ng kanyang hininga sa
aking balat.
"Senyorito!" tawag ko sa
kanya habang tinutulak ko siya gamit ang aking buong pwersa.
"What?! Stop acting like an
innocent woman!" mabalasik niyang asik sa mukha ko at saka ako mahigpit na
hinawakan sa aking kanang braso at kinaladkad patungo sa gawi kung nasaan ang
silid-tulugan.
Hindi ko alam kung ano ang dapat
gawin. Natataranta na ako at sinalakay ng sobrang kaba sa dibdib.
Sisigaw ba ko at hihingi ngtulong?
Pero? Hindi ba't asawa niya ako? At
isa sa obligasyon ko ang ipagamit ang katawan ko sa kanya dahil mag-asawa kami?
Nalilito talaga ko.
Marahas niya na akong ibinalibag sa
malapad na kama na nasa gitna ng silid ng tagumpay niya akong makaladkad sa
100b nito. Madilim sa silid dahil natatakpan ng makapal kurtina ang mga bintana
na [along nagpadagdag sa kaba ko.
Gaya ng ginawa niya sa pintuan sa
labas ay mabilis niya na rin na ilock ang doorknob ng silid.
At heto na nga siya sa harapan ko.
Hindi ko ba napansin kung paano siya nakapag hubad ng kasuotan at tanging boxer
shorts na lamang ang turnatakip sa kanyang hubad at perpektong katawan. 'Yung
tipong walang nakatagong malaking tiyan gaya ng mga manginginom sa kanto.
Lalong nag pahindik ng balahibo ko ng mapadako ang aking makasalanang mata sa
umbok sa kanyang harapan na waring nais nang kumawala sa 100b ng nag-iisa niya
na lang na saplot.
"Love the view b* * *h?"
patuya niyang tanongsaka sumampa sa kama. Ako naman ay napa-urong at akma
sanang aalis ng hilahin niya ang kaliwa kong paa na nagingdahilan kung bakit
ako nahiga habang nakatihaya.
"Senyorito, ano bang ginagawa
mo?" hindi ko alam kung nahalata niya na ang panginginig ng boses ko
habang nagtatanong.
Nakangisi siya habang pinagmamasdan
ang aking katawan at mukha. Gustuhin ko man na bumangon ay dinaganan niya ang
aking mga hita habang ang kaliwa niyang kamay ay nakapigil din sa aking
kaliwang kamay.
Naglakbay sa likuran ko ang kanyang
kanang kamay at nanlalaki ang mga mata ko ng maramdamang ibinaba niya ang
Zipper ng aking damit. Pinigilan ko ang kanyang kamay gar-nit ang kanang kamay
ko ngunit ano ba ang laban ng lakas ko sa lakas ng isang lalaki.
"I l m gonna f*ck you
hard." Mariin niyang bulong sa akingtenga na naghatid ng bolta-boltahe ng
kuryente. Turn aas ang lahat ng balahibo ko sa katawan ngdumampi sa aking balat
ang kanyang mainit na hininga.
"Don 't try to fight dahil uuwi
kang wasak ang damit." Pabulong niyang pagbabanta sa akin.
Nanghihina na ako. Sumuko na lang ako
dahil wala naman akong laban at pagpipilian pa.
Ano pa nga ba ang magagawa ko?
At saka, baka heto na ang hinihintay
kong pagkakataon. Baka matanggap niya na akong asawa at anak si Santino.
Hindi ko alam kung paanong nangyari
ngunit dahil siguro sa kakaisip ay hindi ko na namalayan kung paano niyang
hinubad ang lahat ng saplot ko sa aking katawan. Parehas na kaming walang kahit
anong damit sa ibabaw ng kanyang kama.
Ang una naming pagniniig ay hindi ko
maalala. Kaya hindi ko pa rin alam kung anong dapat gawin.
"Good girl." Bulong niya
muli sa akin ng maramdaman niya na sigurong hindi ko na siya tinutulak.
Ipinikit ko na lamang ng mariin ang
aking mga mata at hinayaan na lang siya sa nais niyang gawin.
Marahas niya akong hinalikan at
kinagat sa aking leeg, sa aking labi na pilit kung tinitikom ngunit kanyang
madiing kinagat para buksan ko. Nalasahan ko narin ang mapait na lasa ng
matapang na alak na kanyang iniinom ng galugarin ng pangahas niyang dila ang
100b ng aking bibig. Tumulo ang luha ko dahil sa sakit na aking nararamdaman.
Wala rin siyang ingat habang pinipilit niyang pinapasok sa pagkakababae ko ang
kanyang "alaga". Kanina ng tuluyan niyang hubarin ang kanyang boxer
shorts ay nakita ko kung gaano kahaba iyon at kataba. Kaya naman siguro
nasasaktan ako dahil hindi ko lubos maisip na kakasya iyon sa maliit na butas
ng aking p e. Nanganak man ako pero
hindi naman sa maselang parte ng katawan ko lumabas si Santino dahil na
ceasarian ako.
Tila bingi si Senyorito at hindi
naririnig ang aking pagmamakaawa.
Urniyak na lamang ako sa sakit na
nararamdaman sa wala niyang ingat na paggalaw sa aking ibabaw. Pakiwari ko nga
ay halos mawasak ang kama kung paano siya kumilos. Parang lumilindol sa
paligid.
g so tight." Paos niyang sabi
habang ang kaninang mabaglmal na pagkilos niya sa aking ibabaw ay bumilis ng
bumilis ang pagbaon ng kanyang alaga na tila may hinahabol.
Nagpaubaya na lamang ako.
Ano pa bang silbi ng lakas ko sa
pwersa ng lakas niyang ginagamit?
"I l m c g! f* *k!" Saka
niya ako mariin na sinibasib ng kanyang mga halik. Tila mauubusan siya sa
paraan na kanyang ginagawa.
At naramdaman ko na lang na tila may
mainit na likido na sumabog sa kaloob-looban
Dinig ko ang mabilis na paghinga ni
Senyorito Simon at ang nag-uunahan na
tibok ng kanyang puso habang nakapatong pa rin ang kanyang hubad na katawan sa
katawan ko at nakasubsob ang mukha sa leeg
.
Maya-maya pa ay tumayo siya at
walang-hiyang lumakad patungo sa c.r ng kwarto ng hubo't-hubad.
"Lumayas ka na! Ayoko na
dadatnan ka pa clito sa loon paglabas ko ng banyo! ll Madiin niyang pagtaboy sa
akin at pabalibag na isinara angpintuan ng cr.
Nanginginig akong isinuot ang aking
mga panloob maging ang gusot-gusot ko ng darnit.
Inampat ko ang Il-Iha sa aking mukha.
Sinuklayan ang buhok ko gamit ang
sariling mga daliri.
Napa-igik ako sa sakit ng ihakbang ko
ang aking mga paa.
Ramdam ko ang sakit ng katawan lalo
sa akingp e bunga ng marahas na pag-angkin
ni Senyorito Simon.
Napapa ngiwi ako sa bawat dahan-dahan
kong pag-usad.
Ngunit wala na sigurong mas sasakit
pa sa pagtrato niya sa akin matapos kong magpa-ubaya.
Pinalayas ako ng ganun-ganun na
lamang at pinagtabuyan na parang isang basura.
Chapter
50
Kahit ilang linggo na ang nakakaraan
ay hindi ko pa rin lubos maisip ang kapangahasan na ginawa sa akin ni Senyorito
Simon.
Pakiramdam ko na agrabyado ako bilang
babae.
Ngunit surniksik sa isipan ko na,
oonga pala, mag-asawa kaming dalawa. Kaya kahit gusto kong pumalag sa kanyang
ginawa ay hindi ko nagawa.
Araw-araw naman na umuwi si Senyorito
sa mansyon ngunit kagaya pa rin ngdati ay wala siyang pakialam sa amin ni
Santino. Para kaming hindi magkakilala at hindi magka anu-ano. Nagbibigay siya
ng panggastos sa bahay pero inilalapag niya lamangsa labas ng pintuan ng kwarto
namin at naglalagay lamang ng maikling note kung para saan ang mga pera na
kanyang iniiwan.
Gusto ko kasi siyang makausap tungkol
sa nalalapit na unang kaarawan ng anak namin. Gusto ko na rin sanang isabay ang
pagpapabinyag kay Santino para maging ganap na siyang
Kristiyano. Sa totoo lang ay parang
na trauma ako na lumapit sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin
kailan lang. Para bang sa tuwing
nakikita ko siya ay may gagawin siyang hindi maganda. Ngunit ngayon ay lakasan
ko na ang loob ko at hindi na padadaigsa takot na lumu lukob sa aking pagkatao.
Mabuti na lamang at araw-araw na
siyang narito umuwi at laking pasasalamat ko na hindi siya madalas umaalis.
Maliban na lang kung papasok na siya sa trabaho. Naabutan ko siya sa kanyang
study room na abala lamangsa kung anong mga binabasa sa personal niyang laptop
at kung minsan ay may katawagan sa hawak gamit n iyang cellphone.
Lakas loob na akong lumapit para
buksan ang usapan tungkol kay un ang kaarawan ni Santino.
Turnikhim muna ako upang agawin ang
kanyang atensyon.
"Senyorito.ll Tawag ko sa kanya
na seryosong nakatutok sa laptop at hindi narinig ang patikhim ko. Tulad ng
nakasanayan niya lamang suotin kapag narito langsa bahay. Naka sandong puti at
khaki short lamang siya. Gulo ang buhok ngunit bagay naman sa kanya at mas
nakadagdag pa sa kanyang kagwapuhan.
Nagtaas siya ng tingin habang
salubong ang kilay.
Sinalakay ako ng kaba ng mag tama ang
aming paningin. Waring nais kong kumaripas ng takbo dahil nakikita ko sa aking
balintataw ang eksena naming dalawa sa kanyang opisina.
"What?" seryoso niyang
tanong.
"Ka-kasi malapit na ang first
birthday ni
Santino. Gusto ko na rin kasi siyang
pabinyagan.ll Sagot ko sa mahinahon na boses at pinilit ko talagang isatinig
na.
Salubong pa rin ang kilay niya ng
marinig angsinabi ko.
Sumandal siya sa sandalan ng upuang
gawa sa kahoy at pinag siklop sa malapad na dibdib ang mga braso at saka
mulingtumingin sa akin.
"So, you wanna throw a big
party?" seryoso niyang tanong ngunit tumaas ang gilid ng labi.
Ginalaw ko ang ulo ko at sabay sagot.
"Hindi naman. Kahit walang handa
basta mapabinyagan lang si Santino. Gusto ko na rin kasi na maging ganap na
kristiyano ang anak natin." Kalmado ko pa rin na sagot.
"Anong problema? Pabinyagan mo
'yang anak mo! Bakit kailangan i-inform mo pa ako? Ako ba ang pari na
magbabasbas ng holy water sa anak mo at kailangan mo pa akong kausapin.
llang ulit ko ba na dapat sabihin na
kapag narito ako sa bahay ay huwag mo akong istorbohin dahil busy ako? "
sarkastiko niyang sabi saka bumalik sa pagta type sa kanyang laptop.
Sanay man akong balewalain ay hindi
ko pa rin maiwasan talagang masaktan sa ginawa niyang pambabalewala lalo na kay
Santino.
"Kailangan kasi ang presensya mo
sa simbahan bilang papa ni Santino. Baka kasi may puntahan ka sa araw ng binyag
niya kaya inaabisuhan na kita ng mas maaga." Tugon ko na para bang
nagmamakaawa pa sa kanya. Kung pwede nga lang na kaladakarin ko siya patungo sa
simbahan upang masiguradong pupunta siya. Kailangan siguraduhin ko na
makakarating siya sa binyag ng anak namin.
Hinintay ko siyang mag komento pero
panay lamang ang pagtipa sa kanyang laptop. llang sandali pa ang nakalipas at
hindi pa siya kumikibo.
"Senyorito." Untag ko na sa
kanya ng hindi na ako makatiis.
"Wala akong panahon diyan sa
sinasabi mong birthday o binyag pa anak mo!
Naiintindihan mo ba?! Mas kailangan
ako ng kumpanya kaysa umattend ng birthday party o ng binyagan. At ilang ulit
ko rin dapat ulitin na hindi ako ang ama ng anak mo at hindi ko kailanman
matatanggap! You better get out of my
sight and leave me alone! " mariin niyang pagpapaalis sa akin at hindi na
ako tinapunan ng paningin at mas lalong inabala ang sarili sa kung anong
binabasa sa laptop niya.
"Anak mo si Santino. Anak natin
siya. Kahit anong gawin mo na pagtanggi ay ipagpipilitan ko na anak mo siya.'J
Hindi na ako nakatiis.
"Hindi ko siya anak! Kahit
kailan ay hindi ako magkakaroon ng anak lalo na sa babaeng katulad mo!"
bulyaw niya sa akin.
"Bakit hindi? Dahil ba sa
mahirap lang ako? Dahil ba katulong lang ang nanay ko sa hacienda niyo?"
naiiyak kong tanong. Hindi ako nasasaktan sa pang-iinsulto niya sa pagkatao ko.
Mas nasasaktan ako sa tuwing sasabihin niyang hindi niya anak si Santino.
Nadudurog ang puso ko bilang isang Ina.
"Dahil isa kang basura! Isa kang
mapanlinlang na babae na gagawin ang lahat para sa pera. Alam kong hindi tayo
magkakilala pero kilala ka ng mga tao sa hacienda. Sila ang nagsabi sa akin
kung anong klaseng babae ka. Kung anong mga ginagawa mo bago ka pa nag
bait-baitan sa harapan ng Lola ."
Nanlilisik ang mata na lahad ni Senyorito.
Burnagsak ang luha ko.
"Bakit mas naniniwala ka sa
kanila? Anuman ang mga nalaman mo tungkol sa akin ay hindi ko alam kung ano ang
intensyon nila sa pagsisinungaling. Kasama mo na ako ng ilang taon. Ganun ba
ang pinakita ko sayo? Gahaman ba ako tulad ng mga paratang mo? Kung gahaman ako
sana matagal ko ng kinuha ang yarnan na namana namin ni Santino."
Humihingal kong litanya..
Sino ba ang mga taong nag kwento sa
kanya ng mga pawang kasinungalingan lang? Kilala ba nila ako at ganun nila
akong ilarawan? Ano ba ang intensyon nila? Ano ang makukuha nila?
Maraming tanongsa aking isipan na
nais kong bigyan ng kasagutan. Tulad na lang nang kung paano kami magkasama ni
Senyorito Simon sa isang silid ng araw na 'yun. Paano ba nangyari na may
nangyari sa pagitan naming dalawa?
Bakit wala man lang akong maalala
kahit konti.
"Hindi ko alam kung ano pa ang
mga binabalak mo kung bakit ka pa narito. Baka nga unti-unti mo na akong
nilalason para makuha rin angyaman na meron ako." Makasalanan niyang
bintangsa akin. Pinag-iisipan niya pala ako ng mga ganung bagay.
"Ngayon naman pinagbibintangan
mo akong isang mamamatay tao? ll naghuhumindig ang balahibo kong tanong.
"Hindi naman malayong mangyari
ang iniisip ko. Lalo pa at sa mga kagaya mo na gagawin ang lahat para umangat
sa buhay. Mabait ako at marunong makisama sa kahit sinong tao, mayaman man o
mahirap. Ngunit ang katulad mo ay hindi nararapat sa kabaitan ko."muli
niyang paratang sa akin.
" Wala na akong magagawa kung
mas paniwalaan mo pa kungsino man ang naninira sa pagkatao ko. Dalangin ko lang
na sana dumating ang panahon na mapatunayan ko sayo na wala akong ginagawang
masama at wala akong ginawang kahit anong masama para lang sa pera. Sana rin
kapagdumating ang panahon na 'yun ay hindi pa huli ang lahat. Sana mapatawad pa
kita sa lahat ng ginagawa mong pananakit sa akin at kay Santino." Mga
binitawan kong salita.
Sana nga dumating na ang araw na
'yun. Dumating na upang malinis ko ang pagkatao ko na dinumihan ng mali niyang
paniniwala.
"Huwag ka ng urnasa dahil hindi
darating ang panahon na sinasabi mo." Mariin niyang sabi.
Gusto ko sanang magsalita pa
ngunit ikinuyom ko na lamang ang aking kamay.
Napa buntong-hininga na lamang ako at
nagdesisyon na lumabas ng study room.
Ang totoo gusto kong sum abog sa
galit.
Gustong-gusto kong magmura!
Pero kinimkim ko na lamang dahil mas
naniniwala akong ang panahon lang ang makapagsasabi ng tamang oras upang
malinis ko ang aking pangalan.
Chapter
51
Sumapit ang first birthday ni Santino
at abala akong nag-asikaso ng lahat.
Simple at konting pagkain lamang ang
aking personal na niluto kasama angtulong ni Manang Lorna. Pina imbitahan ko
rin ang kanyang mga anak at mga apo upang makasama at makilala ko na rin. Sila
lamang ang magiging bisita namin ngayon. Hindi ko lang alarn kung may
inimbitahan na bisita si Senyorito Simon na darating.
Ang importante naman malusog at
walang sakit ang anak ko.
Napangiti ako ng isusuot ko na ang
ternong puting damit ng cutie patootie kong anak. Puti rin ang kulay ng kanyang
sapatos at medyas maging ang kanyang sumbrero.
Ganap na alas diyes ng umaga ang oras
ng pagbibinyag sa kanya sa malapit na chapel sa subdivision.
Si Manang Lorna ang napili kong
ninang ni Santino. Hindi nga makapaniwala si Manang. Alam kong marami siyang
nais itanong sa akin tungkol sa buhay namin bilang mag-anak ngunit
tahimik na lamang siyang nagmamasid.
At ang ninong naman?
Isa sa mga anak ni Manang Lorna.
Wala naman kasi akong kilalang iba na
pwedeng tumayong ninong at ninang ng anak ko. Kung sanang na sa probinsya kami
o kaya naman ay gising at magaling na si Nanay. Malamang na maraming kukunin
'yun para maging ninong at ninang ng una at nag-iisa niyang apo.
Kung sana ay buhay din si Senyora
Loreta.
Malungkot akong nakatanaw sa gate ng
mansyon. Kahit alam kong imposible ay patuloy ako sa panalangin na darating si
Senyorito Simon para dumalo sa binyag ng kanyang anak.
"Karen, mag-aalas-dyes na. Baka
mahuli tayo sa oras ng binyag." tinig ni Manang Lorna na mas bum ata sa
kanyang ayos ngayon. Naka-kulay puti din siyang bistida na lampas tuhod at nag
pahid ng konting lipstick.
"Sige PO, tayo na PO."
Pinasigla ko na lamang ang aking boses para maitago ang kalungkutan na
nadarama. Inayos ko ang aking kulay puting lace na dress na umabot lamang sa
itaas ng aking tuhod at saka sinabit ang shoulder bag sa aking balikat at
binitbit na si Santino.
Araw ng anak ko ngayon. Dapat maging
masaya at huwag maging negatibo. Naniniwala akong darating siya. Naniniwala
akong kahit paano ay maaawa siya sa anak namin.
Sa simbahan habang hinihintay ang
pari ay panay pa rin ang sulyap ko sa malapad na pintuan. Panay ang usal ng
panalangin na sana dumating si Senyorito Simon.
Dumatingna ang pari at sumenyas na
mag-umpisa na ang seremonya ng binyag ngunit nakiusap pa ako na maghintay pa
kahit konti dahil wala pa angtatay ng bata. Halos kalahating oras na ang
paghihintay namin ay wala pa rin kahit anino ni Senyorito.
Ngunit patuloy pa rin akong
naniniwala na papasok siya sa 100b ng simbahan.
Ako lang talaga ang patuloy na umaasa
sa isang imposibleng mangyari.
Umaasa na darating siya kahit nag
mukha akong tanga. Namuti na ang mga mata namin sa paghihitay.
Umabot pa ng isang oras ngunit wala
talaga si Senyorito Simon.
"Umpisahan na po ninyo Father.
Pasensya na po at na -delay pa ng
isang oras." Paghingi ko ng pasensya kay Father na ngumiti lamang at saka
inumpisahan ang pagbibinyag kay Santino.
Wala mang kalahating oras ay natapos
ang binyagan. Masaya ang mag-anak ni Manang Lorna na nagsasalo-salo sa handang
pagkain sa lamesa.
Mabait at magalang ang mga anak at
apo ni Manang Lorna na hindi naman nakapagtataka dahil mabait naman talaga si
Manang.
Hindi ko tuloy maiwasan ang mainggit
sa kanila.
Masaya sila sa simpleng buhay na
mayroon sila parang kami lang ni Nanay noong kami lang ang magkasama sa
probinsya.
Simple pero nagmamahalan at masaya.
Maaaringtama ang karamihan na masaya ang tao kapag may pera.
Nabibili ang lahat ng gustuhin.
Bahay, alahas, mamahaling sasakyan,
pagkain o kahit pa ang pinakamahal na yarnan sa mundo.
Pero bakit kami ni Santino?
Bilyonaryo ang Papa niya. Nakatira
kami sa malaki at magarang mansyon. May sariling kotse at maraming pera ngunit
hanggang doon lang ang kaligayahan namin.
" Karen
Boses ni Manang ang nag pabalik sa
akin mula sa malalim na pag iisip. Tumingin ako sa sa kanya at inabutan ako ng
plato na may laman ng pagkain.
Ngumiti ako saka inabot ang plato.
"Salamat po, Manang,'l wika ko
at ngumiti sa kanya.
Bumaling si Manang kay Santino na
naglalaro sa loob ng kanyang Crib.
"Kristiyano ka na Santino.
Maging mabait at mabuti ka lagi sa Mama Karen mo,ll sabi ni
Manang sa anak ko saka hinaplos ang
ulo ni Santino. Humagikgik naman ang anak ko at turnayo at parang nagpapakarga
kay Manang.
"Gustong-gusto po kayo ni
Santino," saad ko.
"Kasi gustong-gusto ko siya at
saka ninang niya ako." Sagot ni Manang saka kinarga si Santino.
"Karen, bakit hindi man lang
naka-attend ng binyag ni Santino ang papa niya? ll kapagkuwan ay tanong ni
Manang.
Natigilan ako ngunit agad ko rin na
hinamig angsarili.
"Busy po siguro sa
negosyo." Nakangiwi kong sagot saka iniwas ang aking paningin sa
mga mata ni Manang. Ayokong mabasa
niya ang kalungkutan sa aking mga mata.
"Karen, matanda na ako at marami
na rin na pinagdaanan sa buhay," wika ni Manang na nakangiti habang karga
si Santino na masayang nilalaro ang hawak na laruan na bigay ng Mommy Selene
niya.
"Sa edad ko, alam ko na rin
tukuyin kung totoo o kung peke ang ugali ng isang tao. Kung mayroong
itinatago." Pagpapatuloy ni Manang habang nakatingin sa kanyang mag-anak
na nag kasiyahan pa rin.
"Manang-" Nausal ko sa
mahinang boses.
Tumingin siya sa akin ng nakangiti.
"Hindi karapat-dapat kung paano
ang nakikita kong pagtrato ng asawa mo sa inyo ng anak mo. Maaring hindi ko
alam ang istorya pero tiyak akong isa kang mabuting tao, Karen," sambit ni
Manang. Nangingilid ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan na bumagsak.
Mabilis ko itong pinunasan sapagkat ayoko ng maging mahina lalo na sa paningin
ni Senyorito Simon. "Manang kayo na muna po bahala rito. Pupuntahan ko po
ang asawa ko." Mabilis kong pagpapa-alam kay Manang at saka kinuha sa
kanyang kandungan ang ngayon ay Kristiyano ko ng anak.
"Mag-ingat kayo, Karen."
Pahabol ni Manang habang malalaking hakbang ang ginawa ko palabas ng mansyon.
Patungo kami sa kompanya ng asawa ko at ama ni Santino.
Chapter
52
Hindi ko alintana ang mainit na
panahon at pinuntahan agad ang lugar kung saan ko matatagpuan ang aking asawa
na hindi man lang nagpakita kahit kanyang anino kanina sa binyag ng anak namin.
Nagmamadali akong lumabas ng Taxi na
sinakyan namin ni Santino at saka ako tiningala ang mataas na building na
napapalibutan ng mga salamin na nakakasilaw dahil sa tama ng sinag ng tirik na
tirik na haring araw.
"Good afternoon PO, Ma'am
Karen." salubongsa akin ng guwardiya na mukhang goons na dati ay ayaw pa
kaming papasukin ni Santino dahil sa hindi naniniwala na ako si Mrs.Simon
Andres Sto.Domingo. Ang nagmamay-ari ng matayog na building na ito at ang
nagpapasahod sa lahat ng taong nagtatrabaho sa 100b nito.
"Good Afternoon din."
magiliw kong sagot sa kanya at saka niya na ako pinag buksan ng pintuan na gawa
sa salamin upang makapasok sa 100b ng building.
"Hello! Santino! "salubong
rin naman ng
ibang mga empleyado na nakakakilala
sa amin ng anak ko.
"Good afternoon PO, Ma'am."
magagalang nilang salubong sa presensya naming mag-ina.
Bawat pagbati nila ay tango at ngiti
na lang ang sagot ko. Sa totoo lang ay nahihiya ako na binabati at tinatawag
nila akong "Ma'am". Hindi kasi ako sanay na tinatawag sa ganung
pangalan at mas lalong hindi rin ako sanay sa binibigay nilang special na
atensyon sa aming mag-ina. Para sa akin ay ordinaryo lang kami ng anak ko at
kaya lang kami narito upang komprontahin si Senyorito Simon.
Pagkasakay na pagkasakay ko ng
elevator ay may pumindot na para sa akin kung saan floor ang destinasyon . Isa sa mga kasabay kong babae na naka
corporate attire at matamis na nakangiti sa akin na nakalulan din clito sa
elevator. Batid niya naman siguro kung saang palapag ang tungo namin ni Santino
kaya siya na ang pumindot para sa aming mag-ina.
Nakangiti akong nagpasalamat sa babae
at sinuklian din naman ako ng magiliw na ngiti.
Kinakabahan ako ngunit mas
nangingibabaw ang galit sa 100b .
Nanlalamig ako sa nadarama na inis at galit.
First Birthday at binyag pa ng anak
ko pero
wala ang presensya ng Papa niya sa
simbahan. Hindi ko iniisip ang nakakahiya na paghihintay ng matagal ng mga tao
sa simbahan para sa pagdating ni Senyorito. Dahil mas dinaramdam ko ang hindi
man lang niya kami pinagbigyan kahit ngayon lang na binyag ni Santino. Kahit
ngayon lang maramdaman ng anak ko na meron siyang ama. Kahit ngayon lang na
kailangan na kailangan siya.
Naghihimagsik ang kalooban ko!
Nagpupuyos ako sa galit ngunit pilit kong hinahawakan at kinokontrol. Ayoko pa
rin naman na gumawa ng eksena.
Masakit lang bilang isang Ina ang
hindi man lang sumipot ang ama ng anak ko sa mismong araw ng binyag.
Tama ang sinabi ni Manang Lorna.
Hindi namin deserved ni Santino ang
tinatrato ng ganito! Hindi kasalanan ng anak ko na ipinanganak siya at maging
ama si Senyorito Simon.
Panay ang buntong-hininga ko.
Pinapakalma ko ang aking sarili dahil baka mauna pa akong mawalan ng malay.
Sa samut-saring iniisip ay hindi ko
napansin na kamingdalawa na lang ni Santino ang narito sa 100b ng elevator at
narinig ko lang na tumunog
bilang hudyat na magbubukas na ito.
Tiningnan ko pa kung nasaan floor na
karm at ng makitang narito na kami sa palapag kung nasaan ang opisina ng CEO ay
nagmamadali akong lumabas.
"Ma'am, Karen!"
Agad akong ngumiti ng makita si Amy
na nagulat pa sa biglaan naming pagdalaw na naman ni Santino.
"Amy." nakangiti kong tawag
sa kanyang pangalan ng kami ay salubungin.
"Ma'am, alam po ba ni Sir na
pupunta kayo ngayon? l' tila naguguluhan na tanong ni Amy at panay pa ang
sulyap sa naka saradong pintuan ng opisina ng kanyang amo.
"Hindi Amy, kapag pupunta kami
rito ay hindi naman kami nagpapaalam sa Sir mo. Narito ba siya sa 100b?"
nakangiti pa rin ako ng sumagot at nagtanong naman sa kanya. Bagamat nalilito
ako sa inaasal ng magalang na sekretarya ng aking asawa. Waring siya ay balisa
at hindi mapakali.
"Kasi PO, Ma'am Karen."
Atubiling sagot ni Amy na tila litong-lito.
Nagtataka man ako sa kanyang asal ay
binalewala ko na lamang at nagpatuloy sa aking balak gawin.
"Sige Amy, papasok na kami sa
100b." At humakbang na ako patungo sa nakapinid na pinto.
"Ma'am Karen, sandali PO!"
napalakas pa ang boses ni Amy nang makitang akma ko ng bubuksan angdoorknob ng
pinto.
Napatingin ako sa kanya na
naguguluhan.
Nakatingin lang naman siya sa akin na
parang may nais sabihin. Ngunit wala naman siyang sinasabi.
Sa katahimikan at paghihintay sa nais
sabihin ni amy ay nakarinig ako ngtila may tumatawa.
Kunot ang noo kong hinanap kung saan
nanggaling angtawa na aking narinig.
Tawa ng isang babae at nanggagaling
lang naman sa 100b ngopisina ng asawa ko.
Sinalakay ako ng kaba.
00 at hindi ako mahal ng asawa ko
ngunit asawa pa rin niya ako. Legal kaming mag-asawa sa mata ng kahit na
sinuman.
Akala ko tanggap kung hanggang sa
papel lamang ang titulo ko bilang asawa niya. At kahit mambabae pa siya ay wala
akong karapatan na tumutol, magselos o masaktan dahil hindi naman kami totoong
nagmamahalan.
Pero bakit?
Bakit bumigat ang puso ko sa
kaalamang sa likod ng nakapinid na pintong ito ay matatagpuan kong may kaulayaw
na ibang babae ang aking asawa?
"Kasi Ma'am, kasi ano PO-"
hindi matuloy-tuloy ni Amy ang nais sabihin sa akin at napapa karnot pa sa
kanyang Lilo.
Bigla kong ipinihit ang doorknob at
saka itinulak ang Pinto.
Tama ako.
May dalawangtao na nasa loob ng
opisina. Pareho rin na nabigla sa pagpasok ko. Namin ng anak ko.
Parang sinaksak ng libo-libong
patalim ang dibdib ko sa nakitang eksena nilang dalawa. Ngunit nanatili akong
kalmado at hindi nagpapakita ng emosyon.
Ang asawa ko na nakaupo sa kanyang
swivel Chair at nakakandong lang naman sa kanya ang isang babaeng
malayong-malayo sa karakter ko bilang simpleng babae.
Maganda at eleganteng tingnan sa suot
niyang kulay pulang dress na damit at labas ang maputi at makinis na balat ng
kanyang balikat at likod.
"Good Afternoon." Ako ang
unang nakabawi at burnasag sa ilangsaglit na katahimikan na namayani dito sa
100b ng opisina.
Chapter
53
"Oh! long time no see,
Karen!" ngumit naman ang babae at hindi man lamang natinag sa
kandungan ng "asawa ll ko. Wari pang natutuwa na naabutan ko sila sa
ganung eksena. Siya ang babaengtunay na mahal ng asawa .
Ang babaeng galit na galit sa akin
noong siya raw ay inagawan ko ng kasintahan.
Si Senyorita Daphne.
Samantalang salubong naman ang kilay
ng aking asawa at matalim ang titigsa amin ng anak niya.
"Ano naman ang ginagawa ninyo
dito? l' tanong niya na para bang hindi man lang tinablan ng hiya sa katawan.
Asawa niya ako at kahit saang anggulo na tingnan ay isang kataksilan ang
nasaksihan kong ginagawa nila ng dating nobya.
Binalingan ko sa aking likod ang
namumutlangsi Amy.
"Secretary Amy, pwede ko bang
makisuyong kargahin at alagaan mo muna itong anak ng boss mo." Pakiusap ko
sa sekretarya na hindi malaman
kung ano ang gagawin. Binigyang diin
ko talaga ang pagkakasabi ng "anak ng boss mo" at sigurado kong
naririnig ng dalawang mukhang nabitin sa paggawa ng isang makasalanang milagro.
"Opo, Mam Karen. Santino halika
na muna. Gusto mo ba na maglaro tayo? ll tarantang sagot ni Arny ngunit nagawa
pa rin na ngumiti at kunin ang anak ko na agad namangsumama dahil kilala na
naman siya dahil madalas kapag naririto kami sa opisina ng Papa niya ay siyang
madalas niyang kalaro.
Tumango naman ako kay Amy na halata
sa mukha ang simpatya para sa akin.
Isinara ko ang pintuan ng opisina
at binalingan muli angdalawa.
"Well, para sagutin ang tanong
mo kanino Senyorito Simon kung ano ang ginagawa ko ngayon dito. Bakit? Asawa mo
ako kaya naririto kami ng anak nating dalawa." Madiing wika ko ngunit
banayad pa rin ang boses.
Mahinang tumawa si Senyorita Daphne.
Tawa na alam kong may kasamang
pang-iinsulto. "Asawa na hanggang sa papel lang." Singit ng dating
kasintahan ng asawa ko habang nakangisi.
Ngumiti ako at hindi nag papa-epekto
sa kanyangtinuran.
"First birthday ni Santino
ngayon at binyag niya. llang beses akong nagpadala ng text at ilang beses din
akong turnatawag sa cellphone mo." Wika ko habang ramdam ang paninikip ng
dibdib ko kahit pa nakangiti ako.
"Hinintay kitang dumating sa
mansyon at ganun din sa simbahan para sa binyag ni Santino pero wala ka. Tapos
nandito ka lang pala." Tuloy-tuloy ang litanya ko habang salitan ang aking
paningin sa dalawang taong nasa harapan ko at hindi ko talaga sila binibigyan
ng pahintulot na magsalita. Kapag nakikita kong bubuka ang bibig nila ay agad
akong nagmamadaling magsalita.
"Karen, alam mong hindi ako
pupunta at nilinaw ko na sayo. At kung ano man ang iniisip mo sa ginagawa namin
ni Daphne. Wala kaming anumang ginagawa. Kaya don't make a scene." Madiin
na muling sagot ni Senyorito.
Turnawa ako ng pagak at mas lalong
nilawakan ang ngiti ko sa pagpapaliwanag ni
Senyorito na wala silang ginagawang
masama.
"Huwag kang mag-alala,
Senyorito. Kahit sino namang makakita sa posisyon ninyong dalawa ngayon ay
hindi mag-iisip na mga taksil
kayo." Nakangiti ngunit
nang-uuyam kongturan.
"Karen, huwag ka ngang
ilusyunada. Alam mong pinakasalan ka lamang ni Simon dahil kay Lola Loreta and
that's all!" mataray na singit ni Senyorita Daphne na may mapang-insulto
na ngiti sa kanyang labi.
"llusyonada? Ako?" sabay
turo ko pa sa sarili ko at sabaytawa ko rin naman.
"llusyonada man ako sa paningin
mo ngunit baka nakakalimutan mo na ako ang Legal na asawa niyang lalaki na
hinaharot at nilalandi mo." Malumanay ko pa rin na litanya.
Nakita kong paanong nalukot ang mukha
ni Senyorita Daphne at madaling turnayo mula sa kandungan ng aking asawa at
saka malalaking hakbang na ginawa upang lapitan ako.
"Ang talas na ngdila mo. Bakit
ano ba ang pinagmamalaki mo? Ang kasal kayo ni Simon?
Ang may anak kayo? Nagpapatawa ka ba,
Karen? Hindi ka kaÏlanman papasa sa standard ng boyfriend ko. Wake up! He's
going to file an annulment against you! Dahil ako ang dapat niyang asawa at
hindi ang kagaya mong pobreng probinsyana," sambit ni Senyorita Daphne na
pinag siklop pa ang braso sa dibdib.
Hindi na ako nagulat sa mga sinabi
niya.
Inaasahan ko na gagawin ni Senyorito
Simon na
ipawalang bisa ang kasal namin.
"Daphne, please leave. Umalis ka
na." Seryosong utos ni Senyorito Simon sa dating niyang nobya.
"What?! Simon siya dapat ang
pina palayas mo! Not me! She is a b* * *h! Kasalanan niya kung bakit nagkalayo
tayong dalawa. Siya dapat ang lumayas dito!" sikmat ni Senyorita Daphne na
ituro pa ang direksyon ko. Nanlalaki ang kanyang mga mata sa galit habang
nagsasalita.
"Please leave, ayokong pag
pyestahan ng mga tauhan ko ang pribado kong buhay." Muling pantataboy ni
Senyorito sa hindi makapaniwala na si Senyorita Daphne.
Nagtagis ang bagang niya at
binalingan ako muli ngtingin.
"Damn you! Ikaw angdapat umalis!
Dahil isa kang mang-aagaw! Sinamantala mo ang kabaitan ni Iola Loreta at
pinikot mo ang boyfriend ko para mapilitang pakasalan ka para nga naman may
pantustus ka sa nanay mong hanggang ngayon ay tulog at kung ako sayo ay huwag
ka ng um asa na magigising pa-"
Isang malakas na sampal ang lumapat
sa kaliwang pisngi ni Senyorita Daphne na galing sa akin. Dahilan upang hindi
niya na matuloy ang anupaman na kanyang nais sabihin.
"Minsan mo na akong sinampal
kahit ako ang ininsulto mo. Pero ngayon hindi na ako papayag na insultuhin mo
ulit ako. At sino ka para sabihin sa Nanay ko na hindi na siya gigising? Diyos
ka ba?!" nanggagalaiti kong singhal sa kanya.
00 at pinag pasensyahan ko siya sa
pang-iinsulto sa akin. Pero huwag na huwag niyang idadamay ang Nanay kol Dahil
kaya kong gawin ang lahat para ipagtanggol ang aking Ina.
"How dare you to slap me!
"akma akong susugurin ulit ni Senyorita Daphne ngunit mabilis na siyang
dinaluhan ni Senyorito Simon.
"Stop it Daphne! Stop it! Ako na
ang maghahatid sayo sa labas." At mabilis siyang hinawakan sa braso at
iginiya palabas ng aking asawa ang dati niyang kasintahan na nagwawala.
Sabay silang lumabas at iniwan akong
nag-iisa.
Napangiti ako.
Gusto kong matawa habang umiikot ang
paningin ko sa kabuuan ng opisina ng aking asawa.
Pakiramdam ko ngayon. Ako ang panalo.
Dahil ako ang naiwan sa itinuturing na kaharian ng asawa ko.
Ako pa rin ang nag-iisang reyna ng
kaharian na ito.
Ngunit, ako nga ang nanalo pero kay
Senyorita Daphne pa rin surnama si Senyorito Simon.
Chapter
54
"Masaya ka ba ngayon, Santino?
Sa wakas ay kristiyano ka na? ll tanong ko sa anak kong panay angtampisaw ng
mga paa sa tubig ng malapad na swimming pool sa likod bahay. Sinubukan ko lang
na isawsaw ang kanyang mga paa kung ano ang magiging reaksyon niya. Akala ko ay
magugulat siya sa lamig ngunit tuwang-tuwa ang bata habang mabilis na puma
padyak sa malamig na tubig ng pool.
llang araw na simula ng mag isang
taon siya at ilang na rin ng mangyari ang hindi ko inaasahan na dadatnan na
eksena sa 100b pa mismo ng opisina ni Senyorito Simon.
Aaminin kong sobra akong nasaktan.
Alam ko naman na hindi ako mahal ni Senyorito Simon ngunit hindi ko rin alam
kung bakit waring nadurog ang puso ko habang paulit-ulit na bumabalik sa aking
balintataw ng kung paano ko sila inabutan ni Senyorita Daphne. Gusto ko silang
sugurin at saktan ngunit mas nanaig sa akin ang magingsibilisado.
Sunod-sunod na tunog ng doorbell ang
kumuha ng atensyon ko. Kaya naman
binuhat ko na si Santino at pinunasan na ngtuwalya ang kanyang basang
talampakan at nagpunta sa gate ng bahay upang alamin kung sino ang tao sa
labas.
"Sino kaya?" nagtataka ko
na tanong sa akingsarili. Hindi naman pwedeng si Manang
Lorna ang nag do-doorbell dahil
nagpaalam si Manangna hindi muna makakapasok ngayon at dadalaw muna sa kanyang
mga kapatid sa kanilangprobinsya.
"Si Senyorita Selene kaya? ll
tanong ko ulit. Umuwi kaya ulit mula sa amerika ang hipag ko at narito ulit
upang dalawin si Santino? Wala kasi akong ideya kung sino ang tao sa labas.
Wala naman akong pinapadeliver na kahit ano. Baka naman bisita ni Senyorito
Simon? Pero bakit hindi siya tumuloy sa opisina ng asawa ko?
Bago buksan ang malaking bakal na
gate ay sinilip muna sa maliit na butas kung sino ang taong nasa labas.
Natigilan ako ng mapag sino ang hindi
inaasahang bisita.
Pati ba naman dito ay magpupunta
siya? Alam niya naman siguro na wala rito kung ang asawa ko ang hinahanap niya.
Anong kailangan niya?
Ayoko sana siyang pag buksan ngunit
baka mabuti na rin sigurong magkausap kami nang kamingdalawa lang.
Nag buntong-hininga muna ako at saka
dahan-dahan na binuksan ang gate.
"Bakit ang tagal mong
buksan?" asik na tanong agad ni Senyorita Daphne at saka humakbang papasok
sa 100b ng gate. Medyo tinabig niya pa ako dahil nakaharang ako sa
kanyangdadaanan.
"Oh! My dream house!"
palatak niya at inikot ang kanyang paningin sa bakuran ng mansyon. "Anong
ginagawa mo rito?" matabang kong tanongsa kanya.
Ngunit wari siyang walang naririnig
at tinalunton ang daan patungo sa mansyon. Sinusundan ko lang naman ang
bawat paghakbang niya.
Ngunit hindi pa niya sinasagot ang
tinatanong ko.
"Anong ginagawa mo rito? Walang
ibang tao rito kundi kami lang ng anak ko. Kaya kung meron ka man hinahanap ay
hindi mo siya makikita kahit umikot ka pa ng ilang beses sa buong bahay."
Imporma ko kay Senyorita Daphne na tila manghang-mangha sa nakikita na
magandang kapaligiran ng mansyon.
Seryoso niya akong nilingon sa
kanyang likuran at ang kanyang nakangiting mukha ay napalitan ng kaseryosohan.
"Anong ginagawa ko rito? Ang
lakas naman ng 100b mo na tanungin ako ng ganyan tanong gayong alam mo naman
kung sino ako sa buhay ni Simon na siyang nagmamay-ari ng mansyon na ito,l'
sambit niya.
Seryoso lang akong nakinig sa kanyang
mga sinabi.
"Bakit? Ano ka ba ni Simon na
asawa ko at tatay ng anak ko?" deretsahan kong tanong.
"At tinanong mo pa talaga? Bakit
nakalimutan mo na ba na ako angdating girlfriend ng sinasabi mong asawa
mo?" nanlalaki pa ang mata ni Senyorita Daphne habang nagsasalita.
Hindi ako nag patinag.
"lkaw na rin ang nagsabi na dati
kang girlfriend ng asawa ko. So, ano pa ang ginagawa mo rito? Isa ka ng
nakaraan at ako kasama ang anak ko ang kasalukuyan." Malumanay kong
pahaging sa babaeng kaharap .
"Dahil kasalanan mol. Kung hindi
mo pinikot
ang boyfriend ko. Kami sana ang
nagpakasal. Ako sana ang narito sa mansyon na ito at hindi ang kagaya mong
hampaslupa!" nanggagalaiti niyang sigaw sa akin.
Dahil kanina pa siya sumisigaw ay
waring nakaramdam ng takot si Santino. Yumakap ng mahigpit sa aking leeg si
Santino at itinatago ang mukha. Ganito ang kanyang ginagawa kapag natatakot.
"Umalis ka na dahil kahit anong
gawin mo ay hindi na magbabago ang katotohanan na ako na ang asawa ni Simon.
Ako na ang legal at kami na ng anak ko ang pamilya niya. Ibaon mo na sa limot
ang nakaraan ninyo." Pagtaboy ko sa kanya. Mali na pinapasok ko siya clito
sa mansyon. Natatakot si Santino sa paraan ng kanyang pagsasalita.
"At sino ka para utusan ako na
kalimutan ang nakaraan? Hindi mo ako pwedeng diktahan. Madali ko lang maagaw si
Simon dahil ako ang tunay niyang mahal. At kahit ilang anak ay kaya ko siyang
bigyan kaya huwag mong ipagmalaki sa akin na may anak kayo. Kayang-kaya kong
agawin angdating akin lalo na ngayon na wala na si Lola Loreta. Wala ka ng
kakampi pa." Nanggigil niyang turan na tila siguradong-sigurado sa kanyang
mga sinasabi.
Nanatili akong kalmado sa kabila ng
ako ay nanghihina na sa kanyang mga makatotohanang salita. Tama naman siya.
Siya ang talagang mahal ni Senyorito
Simon. Ngunit na sa akin ang alas. Ako ang asawa at nasa akin ang lahat ng
karapatan para kaladkarin siya palabas ng mansyon.
"Umalis ka na bago pa ako
turnawag ng mga guwardiya at ipa kaladkad ka palabas ng bahay ." Banta ko sa kanya.
"Wow! Bahay mo talaga? Ang kapal
talaga ng mukha mang angkin ng mga bahay na hindi mo naman pag-aari kagaya ng
pagkuha mo sa boyfriend ko! Hindi ka lang pala desperada at mukhang pera. Isa
ka rin pa langdakilang mang aagaw na pag-aari ng iba!" patuloy niyang mga
paratangsa akin.
Ngunit nanatili akong matatag na
harapin siya.
"Ano man ang pag-aari ng asawa
ko ay pag-aari ko na rin. Kaya mag-ingat ka sa mga sinasabi mo. Dahil ang
lupang tinatapakan mo ay akin. Gusto mo bang ireklamo kita ng
trespassing?" mahinahon kong pananakot kay Senyorita Daphne.
Natawa naman siya ng pagak sa aking
sinambit.
"Ako trespassing? Hello!
naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Baka ikaw pa ang mapagkamalan na
trespasser sa itsura mo." Panunuya niya habangtiningnan ako mula ulo
hanggang paa.
Kung batayan nga naman ang itsura ay
mukha akongyaya ng sarili kong anak kumpara sa ayos niyang mukhang may
pupuntahan na party sa sobrang kolorete ng mukha. Hapit na hapit ang suot niya
na damit at mini skirt sa kanyang katawan.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa
ng aking short na suot. Maya-maya lang ay nasa kabilang linya na
angtinatawagan .
"Hello PO. Magandang umaga.
Meron kasi akong gustong ireklamo ng trespassing. Kaya kung pwede magpunta kayo
agad para kaladkarin palabas ng mansyon ko ang babaeng inirereklamo ko.ll saad
ko sa kausap ko sa cellphone kong hawak.
"How dare you!" singhal sa
akin ng namumutlang si Senyorita Daphne.
"How dare me talaga dahil kung
ako sayo. Umalis ka na bago ka pa abutan ng mga guwardiya na tinawag ko."
Sagot ko sa kanya.
"Hindi pa tayo tapos babaeng
ilusyonada. Babawiin ko sayo ang lahat ng dapat ay sa akin." Huling
binitawang mga salita ni Senyorita
Daphne bago nag martsa palabas ng
mansyon.
Chapter
55
Akala ko hindi ko mapapa-alis si
Senyorita Daphne dito sa 100b ng mansyon kanina. Mabutl na lang at takot siyang
ipakaladkad ko sa mga guard na tinawagan ko. Sabagay, hindi talaga ako
nagbibiro. Talagang ipapakaladkad ko siya dahil ayaw niyang tumigil sa
pagsasalita ng malakas. Natatakot tuloy si Santino sa kanya.
Kanina ng nandito siya. Nakaramdam
ako ng takot.
Takot na baka isang araw ay umuwi na
siya clito sa bahay sa pahintulot ni Senyorito Simon. Ngunit sa kabila ng takot
ay sumibol din ang tapangsa akin. Hinding-hindi ako papayag na tumira siya
dito. Ako ang asawa ng asawa ko kaya walang sinumang makakaagaw ng trono ko at
ng anak ko sa bahay na ito. Kami lang ni Santino ang may karapatan na tumira
dito.
"Anong ginawa mo at hinarang ako
ng mga security guards ng subdivision dahil tumawag ka raw sa kanila at may
gusto kang pakaladkarin palabas ng bahay? Sinong pinapasok mo ng walang
pahintulot ?" salubong ang makapal
na kilay ni Senyorito Simon habang nag tanong sa
akin.
Halatang kararating niya lang galing
ng trabaho dahil hawak pa niya ang kanyang mga gamit. Hindi pa rin siya nakapag
palit ngdamit pambahay ay sinadya na talaga akong puntahan dito sa kusina upang
tanungin sa nangyari kanina. Hindi na kasi inabutan ng mga securities na
tinawagan ko si Senyorita Daphne clito sa bahay.
Pinunasan ko muna ang gilid ng bibig
ni
Santino na aking sinusubuan ng
kanyang cerelac. Pinainom ko na muna rin ngtubig ang anak ko bago ko hinarap
ang bagong dating niyang ama. "Kanina kasi nandito si Senyorita Daphne.
Halos magwala at ayaw niyang umalis. Kaya naman tumawag na ako ng mga security
guards para magpatulong na paalisin siya. Natatakot na kasi si Santino sa
paraan ng kanyang pananalita." Malinaw kong pagpapaliwanag.
Nilapag na ni Senyorito Simon ang
kanyang mga hawak na garnit sa lamesa na parihaba clito sa kusina at saka
tinatanggal ang kanyang kurbata.
"Paano nakapasok dito sa 100b ng
bahay si Daphne?" muli niyang kunot-noo na tanong habang hinila na ang
kurbata sa kanyang leeg.
"Pinapasok ko siya.ll Matabang
kong
pag-amin.
Naningkit ang mga mata ni Senyorito
Simon ng marinig ang sinabi ko.
"Pinapasok? At bakit mo siya
pinapasok dito sa 100b gayong alam mong ayaw niya sayo at siguradong aawayin ka
lang niya? " nakapamewang ang dalawang kamay ng asawa ko ng matigas na
magtanong.
"Kasi gusto ko rin siyang
makausap ng maayos. Tungkol sa mga personal na bagay. Lalo na ang tungkol sa
atin. Ang kaso mukhang nagpunta talaga siya dito para ipamukha sa akin na hindi
naman kami ni Santino ang gusto mong makasama sa bahay na ito." Malungkot
kong pangangatwiran.
Hindi kumibo si Senyorito Simon at
seryoso lang na nakatingin sa aming mag-ina.
"Kumain ka na ba? Maupo ka na at
ipaghahain na kita. Sinigang na sugpo ang ulam.ll tanong at pag-aya ko sa
kanyang kumain upang ibahin na ang usapan.
"Anong pinag-usapan niyo ni
Daphne? Huwag mong sabihing nag-away kayo at urn abot sa nagsabunutan o nag
sampalan kayong dalawa?" tanong ni Senyorito Simon.
Concern kaya siya kung nasaktan ako o
si Santino? Syempre hindi sa amin kundi kay Senyorita Daphne. Nag-aalala siyang
baka nasugatan ko ang makinis na balat ng kanyang ex-girlfriend.
Napa buntong-hininga ako bago
sumagot.
"Huwag kang mag-alala,
Senyorito. Hindi ko siya sinaktan kahit pa gustong-gusto ko siyang sampalin.
Kahit pa gusto ko siyang sabunutan sa panggugulo na ginagawa niya. Gusto ko rin
siyang kaladakarin palabas ng bahay upang ipamukha sa kanya kung sino ako at
kung sino siya.l' Mahinahon kong paliwanagsa kabila ng naramdamang kirot sa
puso ko.
Siguradong nag-aalala ang asawa ko sa
kanyang dating nobya. Mas concern siya kung nasaktan si Senyorita Daphne kesa
sa amin ng kanyang anak.
"Hindi mo kailangan na
makipag-away kahit kanino para lang patunayan kung sino ka sa pamamahay na ito
o sa buhay ko. Dahil kahit anong gawin mong pagtatanggol sa sarili mo ay hindi
magbabago ang paniniwala ko. Hanggang papel lang ang pagiging mag-asawa natin.
At sa susunod, huwag na huwag kang mag papasok ng kahit na sinuman dito sa
bahay ko ng wala ang aking pahintulot," sambit niya at akma ng kukunin ang
kanyang mga gamit na nilapag
kanina sa lamesa.
"Kung kailangan na makipag-away
ako sa kahit pa isang libong bilang ng mga babae ay gagawin ko para lang
masiguro na wala ng manggugulo dito sa bahay o kahit pa sa opisina mo."
Matapang kong wika.
Lumingon sa akin ang asawa ko na
paalis na sana.
"Huwag na huwag ninyo akong
susubukan ni Senyorita Daphne dahil kaya kong gawin ang kahit pa imposibleng
magawa ko para ipagtanggol ang sarili ko at ang anak ." Dagdag kong sabi.
"Hindi mo na kailangan na
sabihin. Alam kong kaya mong gawin ang lahat para manatili sa bahay na ito at
maging asawa ko. Hindi mo na kailangan patunayan dahil nagawa mo na. Pinikot mo
na nga ako hindi ba? Pinapalabas mo na ako ang ama ng anak mo. Kaya alam ko na
marami kang kayang gawin at kaya pang gawin sa ngalan ng kayamanan na makukuha
mo at ng anak mo." Maanghang na parunggit ni Senyorito Simon.
Ngunit ngayon pa ba titiklop ang
aking tuhod?
"Anak mo si Santino."
Madiin kong sabi.
Ngumisi si Senyorito Simon sa narinig
ngunit hindi nagkomento.
" Anak mo siya kahit ilang beses
mo pa siyang itatwa. At hindi ako magsasawang ipagpilitan 'yun. Anak mo si
Santino at iyon ang totoo." Dugtong ko pa.
Hindi na ako nilingon ni Senyorito
Simon. Tuloy-tuloy na lang siyang humakbang patungo sa itaas ng bahay.
"Huwag kang mag-alala, Santino.
Hanggat narito si Mama ay hindi tayo susuko upang matanggap na ng Papa mo na
anak ka niya.ll hinarap ko ng muli ang aking anak na abala sa pagsubo ng
cerelac. Hinayaan kung siya na ang hum awak ng kanyang kutsarang gawa sa
plastic upang pakainin ang kanyangsarili.
Biglang nawala ang anumang mabigat sa
akingdibdib ng makita ang mukha ni Santino. Nagkalat na sa kanyang pisngi ang
cerelac na kanyang sinusubo.
"Salamat, anak at dumating ka sa
buhay ko. Paano na lang ako kung wala ka? Ikaw at si Nanay ang dahilan kung
bakit masaya pa rin akong nabubuhay sa kabila ng mga masamang nangyari noong
mga nakaraan," saad ko sa aking anak na patuloy lang sa kanyang ginagawa.
Chapter
56
Magmula ng naabutan ko na nasa 100b
ng opisina ni Senyorito Simon ang dating kasintahan ay mas madalas pa lalo ang
pagpunta-punta namin ni Santino sa kanyang kompanya.
Hindi ako papayag na magsama silang
dalawa. Kung kailangan ay bakuran ko ang buong paligid ng kumpanya ay gagawin
ko masiguro ko lang na hindi na makapasok dito si Senyorita Daphne.
Sa labas lang naman kami ng opisina
ni Senyorito Simon. Waring guwardiya na tagabantay ang papel naming dalawa ni
Santino.
Noong una ay nagtataka ang asawa ko
kung bakit kami narito. Lagi pa siyang nagagalit at sa tuwing may pagkakataon
ay tinataboy kami palabas ng kanyang kompanya. Ngunit nagsawa na siya sigurong
nagtatanong at nagagalit sa amin ng anak niya. Kaya hinayaan niya na lang ako
sa gusto kong gawin.
Kagaya naman ng nakasanayan ay hindi
niya naman kami kinikibo kahit nakikita at kasama niya kami buong maghapon ni
Santino. Para sa kanya ay hangin lang kami ng anak ko. Ngunit mabuti pa nga ang
hangin kahit hindi nakikita ay nadarama naman. Kami ng anak ko ay hindi man
lang niya madama.
Mag mukha man akongtanga sa paningin
niya ay ayos lang. Kahit pa isipin ng mga empleyado niya na masyado naman ako
kung magbantay sa asawa ko ay wala akong pakialam. Masiguro ko lang na hindi na
mag pupunta rito si Senyorita Daphne.
Hindi rin naman umaalis si Senyorito
Simon.
Bahay at kompanya lamang ang
pinagkakaabalahan niya at kung umaalis sa kompanya ng alanganing oras ay agad
kong tin atanong sa kanyang sekretaryang si Amy kung saan pupunta ang boss
niya. Madalas namang sagot ni Amy ay sa business meeting sa mga investors ang
punta ni Senyorito.
Minsan natatawa na talaga ko sa
sarili ko. Nababaliw na nga siguro ako.
Para na akong isang babaeng takot na
takot maagawan ng asawa.
Totoo naman.
Alam kong hindi nagbibiro si
Senyorita Daphne sa kanyang banta. Ngunit hindi naman ako papayag na
magtagumpay siya o silang
dalawa ni Senyorito Simon sa kanilang
balak.
Hindi kami maghihiwalay ni Senyorito
Simon. Dito lang kami ni Santino sa ayaw at sa gusto niya.
" Ang galing ng humakbang ng
baby ko." Puri ko kay Santino na mabilis ng nakakalakad. Nakakarating na
rin siya sa kung saan-saang sulok ng bahay. Kaya naman doble na ang ginagawa
kong pagbabantay sa kanya. Masyado na kasi siyang malikot lalo na ngayon na
marunong na siyang maglakad ng mag-isa. Narito kaming mag-ina sa malawak na
garden ng mansyon.
Linggo at walang pasok sa opisina ang
kanyang Papa kaya naman pahinga rin kami sa pag bakod sa kanya.
Tuwang-tuwa akong kinukuhanan ng mga
video sa aking cellphone na gamit ang bawat kilos ni Santino na mabilis ng
naglalakad. Napapangiti ako ng maluwag habang pinagmamasdan siyang masayang
humahakbang. Kitang-kita ang kakausbong niyangdalawang ngipin sa ibabang bahagi
ng gilagid sa tuwing siya ay ngumingiti.
Parang kailan lang ng naglilihi pa
ako sa kanya. Naalala ko 'yung panahon na gustong-gusto ko ng inihaw na manok
na ako mismo ang nag hanap sa daan kahit gabi na upang makakain lang ako.
Parang kailan lang ng mag-isa lang
akong nag pupunta sa ospital para sa monthly check-up
.
Parang kahapon lang din ng
maaksidente akong mapa-anak ng wala pa sa tamang buwan dahil sa pagkahulog sa
hagdan ng habulin ko si Senyorito Simon para ipakita sa kanya ang ultrasounds
ng baby sa tiyan .
"Bakit umupo ka na sa damuhan?
Pagod ka na ba anak? ll tanong at sabay lapit ko kay Santino na urnupo na sa
bermuda grass. Marahil ay napagod na siya sa halos may isang oras na niyang
paglalakad dito sa palibot ng hardin. Madalas ko nang kuhanan ng video si
Santino lalo na noong nabubuhay pa si Senyora Loreta. Araw-araw akong
nagpapadala ng mga cute na pictures at video ni Santino sa namayapang matanda.
At lahat ng iyon ay naka saved sa cellphone ko. Gustong-gusto ko rin kasi itong
ipakita kay Senyorito Simon. Kaso hanggang ngayon wala pa rin siyang ka
amor-amor sa amin ng anak niya.
" Karen!"
Nagulat ako sa isang malakas na sigaw
na tinatawag ang pangalan ko. Masyado kasi akong
nahulog at seryosong nanonood ng mga
videos ni Santino na kinuhanan ko mula noong isang buwan ko pa lang siyang
ipinapanganak.
At napansin kong wala ang anak ko sa
tabi at magingsa paligid na nakikita .
"Santino! Santino, anak!?"
tawag at hanap ko sa kanya. Masyado naman akong nalibang sa panonood at hindi
ko namalayan na nakalayo na pala ang anak ko sa aking tabi.
"Nasaan ka singhal sa akin si
Senyorito na mukhang galit na galit ng magawi ako sa isang sulok hardin kung
saan siya madalas nakaupo at gurnagawa ng mga paper works niya sa kompanya
kapag naririto siya sa labas ng bahay. Agad ko rin nakita si Santino na malapit
sa lamesa at napansin kong may basa ang isang bahagi ng kanyang suot na darnit.
Hindi ko pinansin ang galit ni Senyorito bagkus agad kong dinaluhan ang anak
kong may inaabot pa sa lamesa na gamit ng kanyang ama.
"Santino, anak bakit basang-basa
ka? l'
"Anong bang ginagawa mo at hindi
mo binabantayan ang anak mo?" nanggagalaiti na tanong ni Senyorito Simon.
"Na sa garden kami at hindi ko
napansin na nakalayo na pala siya sa akin." Sagot ko sa kanya at agad ko
ng pinunasan ang basa na bahagi ng
katawan anak ko sa bimpo na laging
kongdala na para talaga pamunas niya.
"Hindi mo napansin? Alam mo ba
kung ano ang ginawa ng anak madiin na sabi ni Senyorito.
"Ano bang ginawa ni Santino sayo
at parang kakainin mo siya ng buhay?" tanong ko naman at hindi ko na rin
maitago ang inis. Paslit lang ang anak ko at kung mapatulan niya ay ganun na
lang.
"Look!" itinuro ni
Senyorito ang mga papel sa lamesa at ang laptop niya. Napansin ko ang
nakatumbang baso ngjuice na siya sigurong sanhi ng pagkaka basa ng mga gamit sa
ibabaw ng lamesa.
"Natabig ng anak mo ang baso
ngjuice kaya naman itong mahahalagang papeles na minamadali kong tapusin ay
nawalan ng saysay! ll singhal niya sa akin at winagayway pa sa harapan ko ang
mga basang-basang papel na natapunan ngjuice na tumutulo pa.
Chapter
57
"Pasensya ka na Senyorito. Hindi
naman sinasadya ng anak mo ang nangyari." Paghingi ko ng pasensya. Hindi
ko naman alam na malakas ang loob si Santino at lalayo sa hindi niya na ako
nakikita.
"Ikaw ang may kasalanan dahil
hindi mo binabantayan ng maayos ang anak mo! Kung sa swimming pool tumuloy ang
bata at nalunod dahil hindi mo binantayan nang maayos.
Maibabalik pa ba ng paghingi mo ng
pasensya ang buhay niya?!" asik niya sa akin.
Hindi ko naman malaman kung ano ang
isasagot ko sa kanya dahil abala ako sa pagpunas kay Santino. Orange juice ang
tumapon sa harapan ng kanyang damit at kitang-kita ang kulay dahil puti ang
kulay ng damit ni Santino.
"00 nga naman pala. Wala na si
Lola kaya naman lumilitaw na talaga ang tunay mong kulay. Wala na nga namang
kwenta sayo kahit mapahamak ang batang anak mo dahil nakuha mo na ang gusto mo.
Ang mapanahan ka ng limpak na limpak na pera. Kaya aminin mo na nagpapanggap ka
lang na isang ulirang Ina. Kasi ang totoo, isa ka talagang pabaya at walang
kwentang Ina na mukhang pera!" at dinuro pa ako sa mukha ni Senyorito
Simon.
At na putol na ang mahabang pisi ng
pasensya .
"Sobra ka namang magsalita! Sa
ating dalawa ikaw ang pabaya at walang kwentang ama! l' sigaw ko rin sa kanya.
Hindi ko na mapigilan ang sarili kong
galit.
Sumabog na ako!
Dahil sobra na siyang magsalita.
Ako pa talaga ngayon ang pabayang
Ina?
"Sino sa ating dalawa ang
hanggang ngayon hindi pa rin matanggap na anak si Santino? Hindi ba't
ikaw?!" singhal ko sa kanya at dinuro ko rin siya gaya ng ginawa niya sa
akin. Hindi ako matatakot na lumaban dahil walang katotohanan na naman ang kanyang
paratang.
"Ano? Nasaan na ang
ipinagmamalakl mong DNA test na sinasabi mong isasampal mo sa mukha ko sa oras
na maging negative ang resulta? Wala na si Lola Loreta kaya naman wala ng
pipigil sayo na gawin ang bagay na gaya DNA Test!" galit na galit kong sabi
sa mukha niya.
Tiim ang bagang at marahas na
paghinga ang nakikita ko sa itsura ni Senyorito Simon.
"Ano? Wala kang masabi? Siguro
nga nag pa test ka na dahil hanggang ngayon wala kang naisasampal sa mukha ko.
Dahil napatunayan mong mali ka! Ano ba ang pinagsasabi mo na nakuha ko na ang
gusto ko dahil mayroon na akong limpak-limpak na pera? Bakit nakita mo ba akong
namili ng mga mamahaling gamit? Ng mga branded na damit? Mga alahas? Mga
mamahaling materyal na bagay para masabi mo sa akin na mukha akong pera?"
tuloy-tuloy kong panunumbat sa kanya.
"00, siguro nga tama ka. Mukha
nga akong pera at tama ka rin. Desperada talaga ako. Dahil hanggang ngayon na
sa ospital ang nanay ko at pera ninyo ang burnubuhay sa kanya. Pero kahit
kailan hindi ko inabuso o sinamantala ang kabaitan ni Lola Loreta. Dahil kusa
siyang tumulongsa amin ng Nanay ko. Kusa niyang binigay ang mga bagay na
kailanman ay hindi ko hinihingi!" nanggagalaiti kong sambit.
"At anong sabi mo? Ako? ll turo
ko sa sa sarili .
"Ako pa talaga ang
pinaparatangan mong pabaya at walang kwentang Ina? Ako na mula't-mulang
nabuntis kay Santino ay ako lang mag-isang nagpupunta sa ospital para
magpa-check up kahit hirap na akong maglakad at wala man lang umaalalay sa paglalakad
ko. Nagutom ako sa paghihintay sa inihaw na manok na pinaglilihian ko pero
pag-uwi mo kahit isang hiwa wala ka man langdala-dala! Kaya kahit gabi at
buntis ay ako ang nag hanap at bumili sa labas. Ako lang ang gumigising sa
madaling araw para mag palit ng diaper at magtimpla ng gatas. Madalas akong
nalilipasan ng gutom dahil hindl' mo man ako matulungan mag-alaga kay Santino.
Tapos ngayon tatawagin mo akong pabaya at walang kwentang ina dahil lang sa mga
papel na pwede mo naman sigurong ulitin." Madiin kong dagdag litanya.
Nag tatagis ang bagang ko sa galit.
Pakiramdam ko nauubusan na ako ng
hangin sa aking baga dahil hindi na ako makahinga ng maayos.
Titig na titig sa mukha ko si
Senyorito. Lapat na lapat ang kanyang labi at taas-baba ang kanyang
adam's apple. Waring may nais siyang sabihin habang ako ay nagsasalita kanina
ngunit nanahimik na lang at hinayaan ako sa aking talumpati.
"Are you done?" maya-maya
ay seryoso niyang tanong sa akin nang hindi na ako nagsalita.
Hindi ako kumibo dahil ramdam ko pa
rin
ang panginginig ng bawat himaymay ng
kalamnan ko dahil sa galit. Nakatingin lang ako sa kanya ng matalim.
Kumilos si Senyorito Simon. Kinuha
niya ang lahat ng mga papel na nabasa ngjuice at itinapon sa malapit na trash
bin. Burnalik sa lamesa at kinuha ang nabasang laptop saka malalaking hakbang
na pumasok ng mansyon.
"Papa," sambit ni Santino
habang nakatingin sa direksyon na tinahak ng kanyang ama.
"Kahit nagagalit na sayo ang
Papa mo siya pa rin ang binabanggit mo." seryoso kong turan sa aking anak
na bahagya pa na nagulat ng marinig ang pag-andar ng sasakyan.
Sasakyan ng Papa niya na marahil ay
aalis ng bahay dahil na badtrip.
Pumasok na rin kami ni Santino sa
100b ng mansyon upang malinisan ko na siya ng katawan. Napangiti agad ang anak
ko ng makita si Manang Lorna na may dalang tray ng merienda habang naglalakad
patungo sa kinatatayuan naming mag-ina.
Pero nakita ko kung paanong mula sa
pagkakangiti ay napalitan ng pagkagulat ang mukha ni Manang at nagmadali na
kaming lapitan ng aking anak.
"Mahabaging langit, Karen! Bakit
dinudugo
Sa narinig kay Manang ay agad akong
napatingin sa ibabang bahagi ng aking katawan. Ganun na lamang ang pagbaha ng
gulat sa mukha ko ng makita ang urnaagos na buhay na kulay pulang likido sa
aking binti.
"Halika na! Dadalhin na kita sa
ospital, Karen." Alalang-alala si Manang at hindi na alam kung saan
ilalagay ang dala-dalang tray. Agad niyang kinuha sa akin si Santino.
Litong-lito man ako kung bakit ako
dinudugo ay mabilis kaming nakarating sa gate ng mansyon. Mabuti na lamang ay
may dumaan agad na Taxi na walang nakalulan.
"Sa pinakamalapit na ospital at
please lang pakibilisan dinudugo ang kasama
." Tarantang sabi ni Manangsa Taxi driver na agad naman na
pinaandar ang kanyang sasakyan.
Bakit ako din udugo?
Paulit-ulit na tanong ko sa isipan
ko.
Chapter
58
Halos hindi ako kumukurap habang
deretsong nakatingin sa isang sisidlan na nakapatong sa lamesa na malapit
kungsaan ako nakahiga.
Isang maliit na kahon at nakabalot na
ng tela.
Narito na naman ako sa isang
pribadong silid ng isang ospital.
Pilit akong umupo ngunit lipad ang
utak.
"Sorry for your loss,
Miss."
Paulit-ulit kong naririnig sa aking
tenga ang mga salitang iyon na galing sa doktor na tumingin sa akin kanina.
Paulit-ulit at naririndi na akong
marinig. Tinakpan ko na ang dalawa kong tenga ng aking dalawang kamay ngunit
tumatagos pa rin ang tinig.
Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa
rin lubos na maunawaan kung bakit.
Bakit?
Bakit ayaw pumasok sa isipan ko.
Bakit ayaw tanggapin ng buong sistema
ng katawang lupa ko ang katotohanan na paulit-ulit ng sinasabi ng utak .
Para akongtinakasan ng lakas. Wari
akong nalanta na gaya ng isang halaman.
Wala akong maapuhap na dapat sabihin
o dapat pang banggitin.
Isang mahinang katok sa pinto ang
aking narinig ang nagpa gising sa aking natutulog na diwa. Kasabay ng pagbukas
ay iniluwa ang nakangiti ngunit bakas ang kalungkutan sa mukha na si Manang
Lorna.
"Hinabilin ko muna si Santino sa
mga anak at apo ko. Huwag kang mag-alala at tinitiyak kong aalagaan nilang
mabuti si Santino." Imporma niya sa akin sabay lapagsa kanyang
dala-dalahan sa monoblock na upuan malapit sa lamesa.
"Salamat po Manang. Hindi ko po
alam ang gagawin ko kung sakaling wala kayo ng buong mag-anak ninyo."
Naluluha kong mahinang pasasalamat kay Manang Lorna.
Lumapit sa akin si Manang at
hinawakan ang aking mga kamay.
"Huwag mo ng isipin iyon, Karen.
Ang mahalaga ngayon ay magpalakas ka upang agad kang gurnaling." Nangilid
na rin ang luha ni Manang Lorna habang hinahaplos ang aking pisngi.
Muling dumako ang paningin ko sa
maliit na kahon nakapatong sa lamesa.
"Dumaan ako ng mansyon. Naabutan
kong nagmamadaling umalis ang asawa mo bitbit ang isang maleta. Sinubukan kong
habulin ang kanyang sasakyan para sabihin na narito ka sa ospital ngunit hindi
niya ako narinig," sambit Manang sa malungkot na tinig.
May bago pa ba?
Kailan ba siya nagkaroon ng pakialam?
Baka hindi niya nga alam o namalayang wala kami ni Santino sa 100b ng mansyon.
Mabuti na ngang huwag niya ng malaman
dahil tiyak akong hindi naman siya interesado na malaman kung bakit ako narito
sa ospital.
Kaya bakit kailangan pang sabihin sa
kanya?
"Manang, pasensya na po kayo
kung naistorbo namin kayo ni Santino. Pero ang totoo PO. Ayoko na po siyang
istorbohin pa." Tapat kong sabi na ang tinutukoy ko ay si Senyorito Simon.
"Karen, unang-una hindi kayo
istorbo ni Santino sa akin at kahit pa sa buong pamilya ko. Masaya kaming
tulungan ka. At saka sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayo-tayo lang
naman." Malumanay na saad ni
Manang.
Nais kong ngumiti sa narinig pero
talagang wala akong gana.
Sinong isang Ina ang magkakaroon pa
ng ganang ngumiti matapos mawalan ng isang hindi pa naisisilang na anak?
00, nawalan ako ng isang anak.
Hindi ko man lang naramdaman na nasa
sinapupunan ko na pala siya.
At heto siya sa harapan ko.
Nakasilid sa isang maliit na kahon.
Wala ng buhay.
Kailanman ay hindi ko na makikita pa
Masakit.
Napakasakit at sobrang sakit.
Pero hindi ako maka-iyak. Hindi ko
kasi matanggap dahil hindi katanggap-tanggap na ganun lang siya kadaling nawala
sa akin.
Tunog ng cellphone ang naka agaw ng
pansin ko mula sa malalim na pag-iisip. Liningon ko si Manang na abala sa
paghahalungkat sa kanyang bag.
" Karen, cellphone mo pala itong
tumutunog." Sabay abot sa akin ni Manang ng cellphone. Ayoko sanang abutin
ngunit tila may kung anong nag udyok sa akin upang sagutin ang tawag.
Sino man ang tumatawag ay wala akong
ideya.
Dahil bukod tanging si Manang at
secretary Amy lamang ang pinagbigyan ko ng cellphone number ko.
Unknown number ang nakarehistro sa
screen ng cellphone ng makita ko ito.
Hindi ko ugaling sumagot ng hindi
kilalang numero pero hindi ko din maintindihan kung bakit kahit wala akong ka
gana-gana dahil sa pagluluksa ay sinagot ko ang tawag.
"Hello?" sabi ko ng itapat
ang cellphone sa kaliwang tenga ko at tinanong naman ng kabilang linya kung ako
ba si Ms. Karen Sto.Domingo.
"Ako nga PO." Tipid kong
sagot.
"Ms. Sto.Domingo, kailangan po
kayong magpunta sa ospital ngayon," sabi naman ng kabilang linya at sa
narinig ay unti-unti ng nanlalabo ang aking paningin dahil sa pagbagsak ng
aking Iuha habang nakikinig sa paliwanag kung bakit kailangan kung magtungo sa
isang ospital.
"Papunta na po ako." Sagot
ko sa
gurnagaralgal na tinig.
"Anong nangyari Karen? Sino ang
tumawag?" nag-aalala na tanong ni Manang ng makita akong luhaan.
Umiling-iling ako at tinakpan ang
sariling bibig ng aking palad para pigilan ang malakas na paghikbi.
Nagtanong muli ako kung bakit?
Bakit parang ang lupit naman ng
kapalaran sa akin.
Umiiyak kong tanong sa aking isipan.
Yumakap ako ng napakahigpit kay
Manang Lorna.
Pakiramdam ko talagang bibigay na ang
katawan ko sa samut-saring emosyon na nararamdaman ko.
Humagulgol ako ng iyak.
"Karen." Hinaplos ni Manang
aking likuran upang ako ay pakalmahin.
"Manang, wala na rin ang Nanay
ko. Wala na rin siya." Sa pagitan ng paghikbi ay nabigkas ko sa
naghihinagpis na tinig.
Niyakap ako ni Manang nang mahigpit
na para bang pinapadama sa akin ang taos pusong niyang pakikiramay.
"Manang, masama po ba akong tao?
Masama po ba akong Ina? Para mawalan ng anak? Masama ba akong anak para walang
kinilalang ama tapos ngayon namatayan ng Nanay? Manang, masama po ba ako?
"
Sunod-sunod kong mga tanong kay
Manang.
"Hindi anak, napakabait mong Ina
kay
Santino kaya alam kong mabait kang
anak sa Nanay mo. Pero ganun talaga ang buhay Karen, sadyang mahiwaga at
mahirap maunawaan." Sagot ni manang sa basag na tinig.
"May dahilan ang Panginoon kaya
nangyayari ang lahat Karen. Pagsubok lang ito para sayo, anak." Dagdag ni
Manang.
Pagsubok?
Wala na po bang katapusan itong
pagsubok na ito?
Una naaksidente si Nanay.
Pangalawa ang wala sa oras kong
pag-aasawa na at ang turingsa akin ng aking asawa ay isang salot na basura,
desperadang mukhang pera.
Pangatlo at pang-apat ay ang sabay na
pagkawala ng anak kong hindi ko man lang nakita at si Nanay na alam kong
lumaban pero burnigay na rin matapos ang mahabang pakikipaglaban para sa buhay.
Para ulilang-ulila na ang pakiramdam
ko.
"Kailangan mong magpakatatag
anak.
Kailangan ka ni Santino, Karen."
Lalo akong napaiyak sa narinig kay
Manang.
Tama.
Si Santino, ang anak ko. Ang anak ko
na lamang ang siyang meron ako ngayon.
Umiyak ako ng umiyak kay Manang
Lorna.
Pagluha lamang ang tanging magagawa
ko dahil ang pagdadalamhati na nararamdaman ko ay hindi kayang tumbasan ng
kahit anong salita sa diksyunaryo o kahit anumang materyal na bagay sa mundo.
Chapter
59
"Sigurado ka na ba sa desisyon
mo, iha? Pinag-isipan mo ba ng mabuti itong gusto mong gawin ?" kunot-noo na tanong sa akin ni
Attorney Silvestre Clemente.
Mabuti na lang pala at naitago ko ang
calling card niyang ibinigay sa akin noon.
Isang linggo na ang nakaraan ng sabay
mawala sa buhay ko ang aking anak at si Nanay. Mahirap tanggapin. Pero
kailangan kong umusad at magapatuloy sa buhay para sa kay Santino.
Hindi pa rin umuwi si Senyorito Simon
magbuhat ng sabihin sa akin ni Manang na naabutan niya itong nagmamadaling
umalis dala ang maleta na siyang ginagamit niya kapag lumalabas ng bansa.
"Opo, Attorney. Sigurado po
ako." Matatag at nakangiti kong n aging sagot.
Tinitigan ako ni Attorney na parang
pinag-aaralan at tinitimbang ang sagot ko at ang nais kong mangyari. Waring
tutol siya sa nais kong gawin ngunit ako na mismo ang personal na nagsabi sa
kanya.
"Tama ka naman, iha. Mahigpit na
bilin ni
Senyora Loreta na kapag
nakipaghiwalay si Simon ay awtomatikong mapupunta lahat ng ari-arian ng
namayapang Senyora ay sa inyong mag-ina. Walang matitira kahit isang kusing kay
Simon at maging ang mana na para kay Selene ay madadamay at mapupunta rin sa pangalan
mo.
lyon ang nakalagay sa huling
testamento at walang nakalagay na kung sakaling ikaw mismo ang nakipaghiwalay
kay Simon." Litanya ng may-edad ng lalaki na matamang binabasa ang papel
kungsaan nakasulat ang huling habilin ni Senyora Loreta.
lyon ang kondisyon ni Senyora Loreta
sa kanyang huling testamento. Kaya kahit gustong-gusto na akong palayasin at
hiwalayan ni Senyorito Simon ay hindi niya magawa. Dahil ang lahat ng kayamanan
ng pamilya niya ay kami ni Santino ang makikinabang. Alam ko namang kayang-kaya
ni Senyorito na mas higitan ang yaman na iniwan ng kanyang namayapang Lola
dahil sa angking talino at diskarte sa larangan ng pagnenegosyo. Ngunit iniisip
marahil niya ang kapatid na si Senyorita Selene na sanay sa luho at layaw sa buhay.
Dahil mulat-mula ay anak mayaman sila o pwede rin namang ayaw mawala ni
Senyorito ang kanyang kompanya. Ang kanyang pinamumunuang kaharian.
"Kaya po naririto ako, Attorney.
Para personal na sabihin na kayo na po ang bahala sa lahat. Pipirmahan ko po
ang kailangan kong pirmahan para po mapadali ang lahat." Malugod kong sabi
sa kagalang-galang na abogado.
Saglit na nawalan ng kibo si Attorney
at inayos pa ang salamin sa kanyang mata.
"Sabihin mo nga iha,
anongdahilan mo para gawin ang bagay na ito? Karen, alam mo ba kung gaano
kalaking halaga ang mawawala sa inyo ng anak mo?" tanong muli ni Attorney.
Ngumiti ako at sumagot ng diretso sa
mga mata ng kausap ko.
"Hindi ko naman po kasi
kailangan ang ganyang kalaking halaga at kadaming kayamanan. Wala naman po
akong alam sa pagpapatakbo ng kahit anumang negosyo. Lumaki po ako sa hirap at
sanay po akong pinaghihirapan ang isang bagay para makuha. Masaya na po ako sa
simpleng buhay na kasama po ang anak ko, Attorney. Sapat na po ang mabuhay kami
ng tahimik ng anak . Gusto ko na pong
maging malaya sa lahat. Lalo na sa kasal namin ni Senyorito Simon. Alam ko po
na nakakahinayang ngunit pinag-isipan ko pong mabuti ang lahat ng desisyon
ko.l' Matapat kong n aging paliwanag.
Turn ango-tango si Attorney habang
nakikinig sa akin.
"Well, kung talagang desidido ka
na sa desisyon mong ito. Sige gagawin ko na at mukhang hindi ko na rin mababago
ang isipan mo." Maya-maya ay sambit ni Attorney. "Maraming salamat
po,ll sambit kong pasasalamat.
Sa sabay na pagkawala ng anak ko at
ni
Nanay ay napagtanto ko na baka
kinarma ako. Kinarma ako sa pagiging makasarili. Sa pag pilit kay Senyorito
Simon na tanggapin at mahalin ako at si Santino.
Kaya handa na akong pakawalan siya.
Ako na ang kusang kakawala sa anumang tali na nagdurugtong sa aming kasal.
At ang mana namin ni Santino?
Taos puso ko na rin na ibinigay sa
pangalan ni Senyorito Simon.
00, lahat ng tao kailangan ang pera.
Sino ba ang hindi? Marami
ngangtumataya sa lotto para sa inaasam na milyong panalo.
Pero kung iyon ang isa sa dahilan
kung bakit nakulong kami ni Santino sa ganitong klaseng buhay. Malungkot dahil
sa hindi kami tanggap at pinagtatabuyan. Ipa paubaya ko na sa kanila ang
lahat. Kahit gaano man karami
angyaman na 'yon. Kanilang-kanila na lahat. Wala akong interes na garnitin.
Maging malaya lang kami ng anak ko
at maging si Senyorito Simon. Alam kong lubos siyang sasaya sa oras na
mawala na kami ni Santino sa buhay niya.
At ano pa ba ang silbi ng pera kung
ang isa sa dahilan ng pagtitiis ko sa kabila ng hindi magandang pagtrato sa
amin ni Senyorito Simon ay dahil kay Nanay. Dahil kailangan niya ng magandang
ospital at malaking halaga ng pera para sa gamutan.
Pero wala na si Nanay. Kaya ano pa
ang pwede kong maging dahilan?
"Sige po Attorney, malayo-layo
pa ang pupuntahan namin ng anak ko. Kung may kailangan pa ho kayo sa akin ay
tawagan niyo na lamang po ako." Magalang kong parnamaalam sa may edad na
abogado na magiliw din naman kaming inasikaso at inihatid sa labas ng kanyang
tanggapan.
Paglabas ko ng kanyang opisina ay nakadama
ako ng kaginhawaan. Tila may nawala na isang bagay na nakaatang sa aking
balikat. Gumaan na para bang nawalan ako ng mga pasanin.
Ngumiti ako at inakay ang aking anak
na tahimik lamang naman sa akingtabi. Nagpaalam na rin ako kay Manang Lorna at
lubos ang naging pasasalamat ko sa mga naitulong niya sa amin ng anak . Gusto niya nga kaming kupkupin mag-ina na
magalang kong tinanggihan. Mas gusto kong lumayo at magsimulang muli.
"Santino, aalis na tayo. Doon sa
pupuntahan natin ay magsisimula tayong muli. Huwag kang mag-alala dahil gagawin
lahat ni Mama ang lahat upang mabuhay tayo ng masaya." Hinalikan ko sa
gilid ng ulo si Santino kasabay ng pagpatak muli ng mga luha ko.
Urniiyak ako hindi dahil sa anu pa
man, kundi dahil sa katotohanan na katulad sa naging kapalaran ko ang magiging
kapalaran ng aking anak na walang matatawag na ama habang lumalaki.
Ngunit pinapangako ko sa aking
sarili.
Heto na ang huling beses na iiyak ako
at kasabay ng pag-alis namin ay iiwan ko na rin ang mapait na alaala sa
mansyon.
Chapter
60
"Bakit narito silang
mag-ina?"
"Baka hiniwalayan na ni
Senyorito Simon. Sabagay, hindi naman talaga Sila bagay at hindi nga ba ang
usapan dati ay pinikot niya lang si Senyorito?l'
"Oonga, baka pinalayas na silang
mag-ina sa bahay nila sa lungsod. Balita ko kasi ay doon Sila naninirahan sa
isang malaking mansyon."
Bulungan ngtatlong kababaihan na
nakatambay sa tindahan kung saan kami kasalukuyang bumibili ng kape at asukal
ng karga-karga kong si Santino. Dahil malapit lang naman ang kinaroroonan
nilang tatlo at medyo may kalakasan ang kanilang boses kaya naman malinaw kong
naririnig na kami ng anak ko ang paksa ng kanilang pag-uusap. Hindi naman bago
sa akin na kaming mag-ina ang pinag-uusapan nila. Mula ngdumating kami sa
bahay namin ay madalas ko ng makita ang mga nagbubulungan na mga kapitbahay
habang nakatingin sa aming mag-ina.
Kunsabagay, hindi ko naman Sila
masisi kung nagtataka man Sila sa biglaan naming pag-uwi na mag-ina. Ano pa nga
ang ginagawa namin ng anak ko dito na alam ng karamihan ay nakatira kami sa
siyudad. Alam ng lahat na ako ang asawa ng tagapagmana ng hacienda Sto.
Domingo at si Santino ang panganay na
anak ni Senyorito Simon.
Wala naman kaming ibang pupuntahan ni
Santino kundi ang urnuwi clito sa bahay ng aking yumaong Nanay. Isang linggo na
rin ang nakaraan ng magdesisyon akong umuwi na rito sa aming probinsya. Mahirap
na desisyon lalo pa at hindi naman nasanay si Santino na nakatira kami sa
maliit na bahay kubo. Hindi siya sanay na nakakarinig ng tilaok ng manok sa
urnaga at sa maraming tao na nakapaligid sa amin sa tuwing kami ay mamamataan
sa labas ng bahay. Batid kong nais nilang mag-usisa ngunit walang may
lakas-loob na magtanong ng direkta sa akin. Naroon ang pag aalinlangan dahil sa
kaalaman na ako ay asawa ng nagmamay-ari ng mga lupang kinatitirikan ng
kanilang bahay o ng lupang kanilangsinasaka.
Sa ngayon ay iniisip ko kung paano
kami mabubuhay na mag-ina. Wala akong pera kundi ang natira sa pinagbentahan ko
ng aking mga halaman na ginamit kong panggastos noong birthday at binyag ni
Santino. Hindi rin naman ako makapag hanap ng trabaho dahil walang mag-aalaga
kay Santino.
"Karen, lubos akong nakikiramay
sa nangyari sa nanay Karina mo. Nakakalungkot na matapos ang mahaba niyang
pakikipaglaban para mabuhay ay sumuko rin ang kanyang katawan.ll Malungkot na
hayag ni Aling Perla. Ang isa sa kaibigan ni Nanay dito sa aming lugar. Magka
edad sila ni Nanay at pareho na nag trabaho dati sa loob ng hacienda
Sto.Domingo.
"Salamat PO, Aling Perla. Alam
ko naman po na lumaban si Nanay upang mabuhay ngunit talagang hindi na po
siguro kinaya ng kanyang katawang lupa." Wika ko naman. Muli akong naging
malungkot ng maalala si Nanay. Sa totoo lang ay hindi ko alam ngayon kung paano
ang mabuhay ng wala siya ng tuluyan dito sa mundo. Nasanay kasi akong Iaging
siyang nakasaklolo sa akin. Sanay akong Iagi siyang na sa tabi ko mula noong
ako ay kanyang isinilang.
Pero iba na ang sitwasyon ngayon. May
anak na rin ako na dapat buhayin. Kaya naman dapat na akong masanay na turnayo
sa aking sariling mga paa.
"Kamusta ka naman, Karen? At
bakit narito kayo ng anak mo?" magkasunod na tanong ni Aling Perla.
Sa totoo lang ay ayaw kong pag-usapan
ang kahit na anong dahilan kung bakit kami narito ng anak ko. Hindi na lang ako
sumagot at bagkus ay iniba ang takbo ng usapan.
"Gusto ko po sanang magtanong
kung meron po kayong kilala na burnibili ng bahay at lupa?" ang siyang
naging tanong ko upang iwasang sagutin ang mga tanong ng kaibigan ni
Nanay.
Saglit na nag-isip si Aling Perla.
"Meron naman at sa katunayan nga
ay gustong bilhin ang bahay ninyo."
Napangiti naman ako sa narinig kong
sagot.
"Huwag mong sabihin na nais mong
ipagbili ang bahay ninyo? 'l manghang tanong ng aking kausap.
Ang plano ko talaga ay ibenta ang
lupa at bahay namin clito sa hacienda. Ayokong manatili rito lalo pa at kilala
ng mga tao kung sino ang asawa ko at tatay ng anak ko.
"Opo, upang wala na po akong
balikan pa sa lugar na ito. Aalis din po kasi kami ni Santino.ll Ang sagot ko.
"Akala ng karamihan ay
naghiwalay na kayo ni Senyorito Simon kaya kayo ay narito na mag-ina. Naku! ang
mga tsismosa nga naman.
Masyadong advance kung mag-isip. Nand
ito ka lang pala upang ibenta na itong bahay ninyo? Sabagay, dapat mo na ngang
ipagbili upang mapakinabangan dahil sayang lang kung kakainin lang ng alikabok
ang buong bahay. Hayaan mo at sasabihin ko agad sa kakilala kong interesado
rito sa bahay ninyo,ll saad ni Aling Perla na nakipag kwentuhan pa saglit
ngunit nagpaalam na rin na pupuntahan pa ang kilalang interesado dito sa bahay.
Hindi na rin ako nagulat sa kanyang
nasambit ukol sa usapan ng ibang tao kung bakit kami nandito ngayon ni Santino.
Wala naman akong pakialam pa kahit pag-usapan pa nila ang buhay namin. Ang
importante ngayon ay maka alis na kaming mag-ina sa lugar na ito. Ayokong
lumaki dito si Santino. Siguradong pupukulin siya ng panlilibak ng mga
mapanghusgang tao at sasabihan ng mga masasakit na salita gaya ng ginawa nila
sa akin. Pag-aari ng mga Sto.
Domingo ang halos ng mga lupain na
nakapalibot dito sa lugar kung nasaan kami ngayon ng aking anak. Kaya walang
hindi nakakakilala sa amin ni Santino.
Mahirap na desisyon na pakawalan ang
bahay na ito. Dahil punong-puno ng alaala ng nakaraan ang bawat sulok dito.
Ngunit sa tuwing igagala ko ang aking mata sa kabuuan ng bahay ay nakikita ko
kahit saan ang pigura ng aking Nanay. Masaya habang nakangiti at buhay na
buhay. Kaya lalo akong kinakain ng lungkot at pighati.
Hindi ko alam ko kung saan kami
pupunta ng anak ko pero bahala na. Gusto ko lang lumayo. Doon sa walang bakas
ni Senyorito Simon. Doon sa makapag-umpisa kami ni Santino ngwalang taong
pumupuna sa aming mag-ina.
"Kung nakaya ni Nanay na
palakihin ako na siya lang mag-isa. Kakayanin ko rin para sa anak . " Determinado kong wika sa aking
sarili habang nakatingin sa anak kong walang kamuwang-muwang sa kinakaharap naming
sitwasyon.
Chapter
61
"Ma, may nakabili na raw po ng
Hacienda Esmeralda.'J Imporma ng anak kong si Santino na ngayon ay sampung
taong gulang na habang pinaparada ang kanyang lumang bisikleta sa 100b ng
maliit na garahe sa gilid ng aming bahay. Galing siya sa eskwelahan at ngayon
nga ay nakauwi na dito sa aming muntingtahanan na gawa ang kalahati sa bato at
ang kalahati naman ay sa pawid. Mabuti na nga lang at nakabili na ako ng second
hand na yero para sa aming bubong na dati ay yari lang sa kugon na kapag
umuulan ng malakas at sumabay pa ang malakas na hangin ay para na rin
liliparin. Isa lamang ang kwarto ng aming bahay at doon kam sama-samang
natutulog. May maliit na sala kung sakaling may bisita kami na dumating. Meron
din maliit na kusina at maayos na palikuran. Malawak ang aming bakuran kung
saan nagagamit kong taniman ng mga kung anu-anong mga halaman.
Walongtaon na ang nakalipas.
00, ganun kabilis at katulin ang
dumaan na taon simula ng lisanin namin ni Santino ang lungsod at umuwi dito sa
probinsya para
magsimulang muli. Laking pasasalamat
ko nga noon dahil sa tulong ng kaibigan ni Aling Perla ay naibenta ko naman
agad ang maliit na bahay at lupa na pinundar ni Nanay Karina at nagamit ko agad
ang halaga ng pinagbentahan upang makahanap ng panibagong pagtatayuan ng bahay.
Hindi ko inakala na dito kami sa kabilang bayan dadalhin ng aming mga paa ni
Santino. Nakapag patayo ako ng maliit na kubo malapit sa hacienda Esmeralda
kung saan din ako namamasukan bilang isa sa mga trabahador na nagtatrabaho sa
kanilang mga malawak na bukirin.
Simple lang naman ang gusto kong
mangyari kahit noon pa. Ang mabuhay kasama ng mga anak ko. Sila langsapat
ngdahilan para wala na akong hanapin pa. Gusto ko ng tahimik at mapayapang
buhay matapos ang lahat ng mga masakit na nangyari sa nakaraan. Malayo sa mga
taong nakakakilala sa akin at kay Santino. At kung ano man ang kaugnayan naming
mag-ina sa mga Sto.Domingo na lalong-lalo na kay Senyorito Simon.
Simula ng umalis kami sa lungsod ay
wala na rin akong ano pa man na balita tungkol sa dati kong asawa. Ang
cellphone na garnit ko naman ay hindi ko alam kung saan ko nawala. Kaya wala na
rin akong naging balita kay Manang
Lorna. Dalangin ko na lang na sana ay na sa mabuti silang kalagayan ng kanyang
buong mag-anak kagaya namin ng mga anak ko.
00. Aaminin .
Mahirap talagang mabuhay mag-isa
bilang Nanay at walang katuwang lalo pa at wala naman akong permanenteng
trabaho na pinagkukunan namin ng panggastos sa araw-araw. Pero sa awa naman ng
Maykapal ay nakaraos naman kaming mag-ina. Kumakain naman kami ng tatlong beses
sa isang araw. Nakakapag-aral naman ang mga anak . Hindi ko nga lang naibibigay sa kanila ang
lahat ng kanilang mga gusto ay nakakagawa naman ako ng paraan pagdating sa
kanilang mga pangunahing pangangailangan.
"Ganun ba anak. Sana naman
kasing bait ni Senyora Esmeralda ang nakabili ng hacienda," sambit ko
naman habang inaayos ang mga halaman na siyang isa sa mga naging kabuhayan
namin.
Total naman ay mahilig ako sa halaman
kaya iyon ang naisip kong gawing negosyo kagaya ng gin awa ko dati upang may
panggastos sa binyag at first birthday ni Santino. Marami akong iba't-ibang
klase ng halaman mula sa iba't-ibang uri ng mga mayana na nabebenta ko lamangsa
murang halaga hanggangsa mga mamahaling allocacia, dragontail, peace lilies,
rubber plants at mga iba't-uri rin ng mga orchids. Mayroon din akong mga
bonsai plants at mga herbal plants tulad ng oregano, sambong, acapulco, lagundi
na karamihan ay hindi na pamilyar sa mga kabataan ngayon. Pino-post ko sa aking
personal na social media account at salamat naman at mayroong mga bumibili.
Ngunit hindi katulad ang presyo noong nasa lungsod ako nagtitinda. Doon ay
nakaka benta ako ng marami at mahal ang mga presyo ng mga halaman ko.
Samantalang dito sa probinsya ang pinakamahal ay nasa limandaang piso ko lang
nabebenta.
"Kaya nga PO, Ma. Nag-aalala raw
nga po si Mang Ernie. Baka raw po kasi mawalan sila ng trabaho sa oras na may
nakabili na po ng Hacienda. Syempre PO, baka palitan ng bagong may-ari ang mga
trabahador lalo na po ang may mga edad na." Patuloy na kwento ni Santino
na ang tinutukoy na Mang Ernie ay ang Lolo ng kanyang matalik na kaibigang si
Estong.
"Hindi naman siguro anak."
Baling ko sa kaya habang tinatanggalan ko ng mga tuyong dahon ang isangdapog.
Isang uri ng halaman na may malapad at pahabangdahon at naging mabili sa akin
dahil sa naglalakihang at
nagyayabungan ang mga binebenta ko.
"Sana nga PO, Ma. Kawawa naman
po si Mang Ernie kapag nagkataon. Ang pagtatrabaho lamangsa Hacienda ang
ikinabubuhay po nila." Ngumiti ako sa narinig sa tinuran ng aking anak.
Likas talaga sa kanya ang pagiging maawain sa kapwa na parang ang namayapang
Senyora Loreta. Sayang lang at hindi na Sila nagkakilala pa na mag-lola.
Wari ngang nakikita ko sa imahe ng
matandang Senyora Esmeralda ang katauhan ni Senyora Loreta. Wala na rin asawa
si Senyora Esmeralda at nasa Japan ang nag-iisang anak na babae kung saan ito
nakabase dahil sa trabaho.
Doon na rin nagkaroon ng pamilya
at naninirahan. Kaya naman dahil sa katandaan at hindi na kaya pa na
patakbuhin ang Hacienda ay nakapag desisyon na ang matandang babae na sumunod
na lamang sa anak sa dayuhang bansa at ibenta na lamang ang kanyang mga
ari-arian dito sa Pilipinas.
"Ganun talaga ang buhay anak.
Darating at darating ang pagbabago kahit pa ayaw natin. Malaking tulong rin
naman ang kinikita ko kapag kasama akong umani ng mga pananim. Kaya isama na
lang natin sa ating panalangin ang suliranin ni Mang Ernie at ng lahat
ngtrabahador at tao sa hacienda." Nakangiti kong suhestiyon sa aking anak
na seryoso rin sa kanyang ginagawa na paglilinis sa kanyang bisikleta.
"Sige PO, Ma." Maya-maya ay
naging sagot ng anak ko at tumayo na rin mula sa kanyang ginagawa at tumuloy sa
loob ng bahay upang makapag palit na ng damit pambahay.
Saglit lang siyang nawala at pagbalik
sa teresa ng bahay namin kung saan abala pa rin ako sa pagpapaganda ng mga
halaman ay meron na siyang dala-d alang nilagang kamoteng kahoy na nakalagay sa
Plastic na plato at isang baso ng tubig.
"Ma, asan nga po pala si
Seb?" kunot-noo niyangtanongsa akin habang naka-amba ng isusubo sa bibig
ang nilagang kamoteng kahoy na hawak sa kanang kamay.
Chapter
62
"Nagpaalam sa akin na kanina na
aalis. Pupunta raw siya sa kapatid ni Estong. Baka naroon sa Hacienda at doon
na naman sila naglalaro." Sagot ko naman sa anak kong naupo na sa tabi ko
habang panay na ang nguya sa meryenda na niluto ko kanina.
Si Seb ang pitong taon gulang kong
bunsong anak na lalaki.
00 at tama. Nagka-anak ako ulit.
Ngunit kambal sana ang pangalawa kong
anak kung hindi nawala sa sinapupunan ko ang isa sa kanila.
Mabuti na nga lamang at agad akong
naisugod sa ospital ni Manang Lorna at mabilis na naagapan ang pagdurugo ko ng
mga nurse at doktor na tumingin sa akin at nailigtas si Seb sa tiyak na
kapahamakan.
Si Seb na kabaliktaran ng ugali ni
Santino.
Tahimik at hindi pala kibo ang
panganay kong anak. Madaldal at hindi nauubusan ng kwento ang bunso kong anak.
Madalas nga nauubusan na ako ngsalita at wala na akong mahanap na sagot sa mga
tanong niya na
kadalasan ay imposible. Napapaisip
nga ako kung paano niya iniisip ang iba niyang katanungan. Gaya na lamang ng
ano ang boses ng uod?
Si Seb din ang madalas na nagtatanong
kung kailan darating ang Papa nila na hindi ko kailanman masasagot. Gurnawa
kasi ako ng kuwento na nasa ibang bansa ang ama na kanilang pinananabikang
makita at makasama at kaya hindi nakaka uwi ay dahil nga nagtatrabaho ng
mabuti.
Ewan ko nga kung pinaniniwalaan pa
nila angdahilan ko lalo na si Santino na nakakaintindi na.
Wala rin silang pareho na alam
tungkol sa Papa nilangdalawa. Kahit pangalan ni Senyorito ay iniba ko sa halip
na Simon na mas kilala niyang pangalan ay Andres ang ibinigay kong pangalan.
Wala rin akong pinakita na litrato ni
Senyorito. Dahilan ko naman ay nasama ang mga litrato sa nasunog naming bahay
dati na siyang naging dahilan ko rin kung bakit kami lumipat dito sa Hacienda
Esmeralda.
Ayoko na rin na magkaroon ng
kaugnayan ang aking mga anak kay Senyorito Simon o kahit pa kay Senyorita
Selene. Ayokong masaktan ang mga anak ko kapag nalaman nila kung sakali kung
sino at saan matatagpuan ang kanilang
ama. Tama ng ako na lamang ang
nakaranas ng sakit kung paano itaboy at makarinig ng kung anu-anong mga
masasakit na salita.
Habang padagdag ng padagdag ang
kanilang mga edad ay natatakot na rin ako. Natatakot akong isang araw ay
sabihin nilang hahanapin nila ang kanilang ama at iwanan na nila ako.
Takot akong malaman nila ang
katotohanan. Takot akong madanas nilang dalawa ang kung paano ang tahasang
itanggi at hindi kilalanin bilang anak ni Senyorito Simon.
Tama ng minsan akong nakipaglaban
para sa karapatan ni Santino bilang anak ni Senyorito Simon. Ngayon dalawa Sila
ni Seb ay mas takot ako sa pwede nilang maramdaman.
Kaya kungdarating man ulit ang
panahon na mag-krus ang landas namin ni Senyorito Simon ay dalangin kong sana
ay matagal pa at sana nga ay wag ng mangyari pa sa hinaharap.
Lalo na ngayon. Kung dati ay ako ang
kamukha ni Santino ay hindi ko rin maintindihan kung bakit at paano nangyari na
habang lumalaki siya ay naging si Senyorito Simon ang naging kamukhang-kamukha
niya. Mula sa buhok niyang natural na alon-alon hanggang sa mukha. Sa kanyang
matangos na ilong, labi at mga mata na kung nakatitig ay siyang-siya ng ama
niyang si Senyorito Simon at hindi ko rin pwedeng sabihin na baka nagkataon
lamang na magkamukha silang dalawa dahil ganun na ganun din ang itsura ng bunso
kong si Seb.
"Ma!"
Tawag ng isang matinis na boses ang
nagbalik sa akin mula sa pag-iisip at ng lingunin ko ay ang turnatakbo kong
bunsong anak.
"Ma! galing po akong hacienda.
Sabi ni Manang Puring may handaan daw po sa linggo at order daw po sa inyo ng
mga bulaklak ng orchids para raw po dekorasyon sa lamesa nila. Kasi darating na
raw po ang nakabili ng hacienda at ipapakilala na po ni Senyora
Esmeralda." Walang patid na pagkwento agad ni Seb pagkakita sa akin.
Mula sa pagkakayuko sa mga halaman ay
tumayo na ako at naglakad para lapitan ang hinihingal kong bunsong anak. Kinapa
ko ang kanyang likod na basang-basa ng pawis.
"Santino! pakikuha mo nga ng
sapin sa likod si Seb." Utos ko kay Santino na matapos kumain ay pumasok
na loob ng bahay. Maliit lang naman ang bahay namin kaya sigurado akong narinig
niya ang pinag-uutos ko.
"Ma, imbitado raw lahat ngtao sa
Hacienda.
Wika po ni Senyora Esmeralda kasi daw
po aalis na po siya. Saan po ba pupunta si Senyora?" tanong ni Seb na
nakakunot-noo pa.
"Ma, heto na PO." Si
Santino na inabot ang lumang lampin na siyang ginagawa kong pang sapin sa
kanilang likod kapag basa sa pawis. Manipis lamang ang lampin at sumisipsip ng
pawis dahil cotton.
"Salamat, nak." Pasasalamat
ko sa anak ko at inabot na ang lampin.
"Sa Japan na kasi titira si
Senyora
Esmeralda, Seb." Sagot ko sa
tanong ng bunso ko habang nilalagay ang sapin sa kanyang pawis na likod.
"Hindi po ba sa ibang bansa
iyon, Ma?" muli niya na namangtanong.
"00 anak sa ibang bansa nga ang
Japan." Balewala kong sagot at burnalik sa ginagawa ko sa mga halaman
matapos siyang lagyan ng sapin sa likod.
"Hindi po ba nasa ibang bansa
rin si Papa? Saan nga pong bansa, Ma?" sunod-sunod niyang mga tanong na
nakapagpatigil sa patri-trim ko sa mga dahon ngdapog.
Hindi ko matandaan kung may binanggit
ba akong pangalan ng bansa kung nasaan kunwari
naroon si Senyorito Simon.
"Ma? Saan ang bansa naroon si
Papa Andres?" mull' niyang tanong na tila naiinip na dahil hindi ako
sumagot.
"Sa Amerika, Seb." Si
Santino ang sumagot.
Hindi ako sigurado kung may nabanggit
ba akongAmerika sa kanila. Pero marahil nga ay meron kaya nasabi na rin ni
Santino sa kapatid. "Ma, wika po ni Manang Puring ay lalaki raw po ang
nakabili ng Hacienda at sabi po niya kamukha ko eaw PO." Tumigil ang
paghinga ko sa muling pag kwento ng anak ko.
"Kamukha mo? kunwari ay
nagtataka ako pero tinatambol na ang dibdib ko.
"Opo, Ma. Pareho ko raw po na
pogi.l' Sabay bumungisngis pa ang anak ko ng sumagot.
Chapter
63
Magmula pa kahapon ay hindi na
magkandaugaga ang lahat halos ng mga tao sa labas man o sa 100b ng hacienda na
tumutulong upang maidaos ang gagawin na handaan sa pangunguna ng mabait na si
Senyora Esmeralda. May mga naghihiwa ng gulay at karne. May nagluluto ng
ibat-ibang putahe ng karne ng manok, baboy, kambing, baka, itik at mga inihaw
na isda gaya ng bangus, tilapya at mayroon din naman mga shellfish at marami
pang ibang uri ng pagkain ang niluluto.
May mga naghahalo ng malagkit na
kalamay na halos sumasama na sa malaking kawa kapag hinahalo.
Kaya naman samu lt-sari na rin ang
masarap na amoy ng mga lutuin na humahalo sa hangin na tila [along nagpapa
gutom sa mga tao.
Ngayon naman ay abala ang lahat sa
pag-aayos ng mga palamuti sa paligid ng hacienda. May mga nag sasabit ng
iba't-ibang kulay ng mga ilaw sa mga puno upang kung sakaling abutin ng gabi
ang kasiyahan ay may ilaw na nakasindi para magbigay liwanag sa
buong kapaligiran sa pagkagat ng
dilim.
Dama ang saya lalo na sa mga taong
sabik ng makilala ang bagong kikilalanin na may-ari ng buong hacienda
Esmeralda.
Ngunit hindi rin naman mapagkakaila
na ang iba ay naisasatinig sa kwentuhan ang kanilang lungkot lalo sa nalalapit
na pag-alis ng mabait na si Senyora Esmeralda. Ang iba naman na may mga
edad na trabahador na halos mga kalalakihan ay nag-alala sa pwedeng maging
kalagayan nila sa bagong may-ari ng hacienda. Maaari kasi na maging bago rin
ang patakaran ng kung sino man na nakabili ng lupain kanilang pinaglilingkuran.
Samantalang kami ng anak kong si Seb
ay tumutulong sa pag-aayos ng mga lamesa na may mga kulay berdeng mantel at sa
paglalagay ng mga bulaklak ng orchids bilang palamuti sa gitna ng mga lamesang
hugis bilog. Hindi ko nga mabilang ang mga gagamiting lamesa sa sobrang darni
at maging ang mga monoblocks na nakapalibot sa bawat isa dito.
"Ma, kilala po ba ninyo ang
nakabili ng hacienda?" tanong sa akin ng bunso kung si Seb habang maingat
niyang inilalabas sa sisidlang timba na may kontingtubig ang mga bulaklak ng
orchids na kulay kahel at maingat din na inaabot
isa-isa sa akin. Hindi kasi pwedeng
masira ang mga bulaklak dahil ito ang nagsisilbi na palamuti. "Hindi ko
kilala, anak. Hindi ko pa naman naka kwentuhan si Senyora Esmeralda dahil abala
siya sa maraming bagay dulot ng kanyang pag-alis." Sagot ko naman habang
inilalagay na ang bulaklak sa 100b ng mga vase.
"Ma, ang yaman-yaman po siguro
ng nakabili ng hacienda at maraming siyang pera. Sabi kasi ni Estong hindi raw
namin kayang bilangin ang pera na pambili nitong hacienda," wika ni Seb na
nanlalaki pa ang mga mata.
Ngumiti ako at saka sumagot.
"00, anak. Malamangna mayaman at
maraming pera ang taong 'yon. Baka isa siyang mayaman na negosyante at isa
siguro sa mga negosyo niya ay ang mga produkto na galing sa hacienda tulad ng
mga mais, mani, kape, mga prutas, gulay at paghahayupan na binebenta niya sa
iba't-ibang panig ng bansa o kaya naman ay sa ibang bansa."
Waring manghang-mangha naman si Seb
sa aking mga nasambit.
"Talaga PO, Ma? Ganun po sila
kayaman? Kaya po kaya nilang bilhin kahit ilang hacienda pa? Gusto ko pong
maging negosyante para yumaman at magkaroon ng maraming pera tulad
nila." Bulalas ni Seb na waring
nagniningning pa ang mga mata.
"Tsk, angtamad mo naman kayang
mag aral ng leksyon. Kaya paano ka mangyayari ang maging negosyante ka at
yumaman? Baka lahat ng itayo mong negosyo ay malugi lang."
Pambubuska naman ng panganay kong si
Santino na hindi ko namalayan na lumapit na pala sa amin ni Seb at may
dala-dalang tatlong bote ng distilled water na hindi pa nakabukas at binigay sa
amin ng kanyang batang kapatid ang dalawa sa mga hawak niya.
"Si Kuya talaga kahit kailan
panira.
Nangangarap lang naman ako at sabi ni
Mama at ni Teacher hindi naman masama ang mangarap." Ingos ng bunso ko sa
kanyang nakatatandang kapatid.
"Ang isang negosyante dapat
matalino. Kasi pinag-iisipan nila nang mabuti kung paano sila magkakaroon ng
marami at malaking kita ng hindi sila malulugi sa mga negosyo nila. Kaya dapat
marunong ka ng magbilang up to one billion." Patuloy na panenermon ni
Santino sa nakababatang kapatid. Hindi kasi tulad ni Santino ang kapatid na
bunso. Si Santino ay matiyaga at masigasig sa pag-aaral samantalang ang bunsong
kapatid ay inaabot ng siyam-siyam bago gawin angtakdang-aralin o kaya naman ang
mga project na dapat ipasa. Kung hindi ko pa sermunan ay hindi pa gagawin.
"Ma, totoo po ba ang mga sinabi
ni Kuya? Kailangan po ba talaga na matuto ako na magbilang ng up to one
billion?" nakasimangot na tanongsa akin ni Seb.
Hindi ko tuloy maiwasang maisip si
Senyorito Simon. Kung sanang nandito siya at kasama ng mga anak niya ay
malamang na siya ang makasagot sa mga katanungan at magpaliwanag ng mabuti kay
Seb tungkol sa larangan ng negosyo.
"00, anak. Kailangan mong
matutunan ang kung paano ang magbilang ng wasto para hindi ka maloloko lalo na
sa pag sukli." Sagot ko na lamangsa kanya. Hindi kasi pwedeng hindi ko
sagutin ang mga tanong ng aking bunso dahil kukulitin niya ko ng kukulitin at
hindi tatantanan hanggat hindi ako sumasagot.
Umugong ang malakas na bulungan sa
paligid ng may tumigil na kulay itim at mamahalin na sasakyan sa harapan mismo
ng mansyon.
"Ma, sobrang gara po ng sasakyan
ng dumating. Nakikita ko po 'yan sa t.v at halos mayayaman po ang nakakabili ng
mga ganyang klase ng sasakyan.ll Manghang-mangha pa sa kanyang pag kwento si
Santino at hindi inaalis ang paningin sa sasakyan.
"Ma, ayan na po siguro ang taong
nakabili ng hacienda," Wika naman ni Seb na nahinto rin sa pag-abot sa
akin ng mga orchids ng aking inaayos sa mga vase.
Minsan nga ay hindi ko rin maiwasan
ang mapaisip na lang ng bigla.
Ano kaya ang buhay namin ngayon ng
mga anak ko kung sakaling hindi ako sumuko para ipaglaban ang anumang karapatan
ko bilang asawa ni Senyorito Simon. Kung ipinagpilitan ko pa rin na tanggapin
niya si Santino bilang anak. Malamang na hanggang ngayon ay nakatira pa rin
kami ng mga anak ko sa napakalaking bahay. Kung kinuha ko ang mana namin ni
Santino galing kay Senyora Loreta ay malamang na nabili ko ang mga magagandang
damit at laruan na gusto ng mga anak ko. Nabili ko marahil ang mga pagkain na
madalas nilang pangarap na matikman man lang.
Chapter
64
Pero sa tuwing masasagi rin sa isipan
ko kung ano ang naging kalagayan namin ni Santino noong wala man lang ka
amor-amor si Senyorito Simon sa kanyang anak ay para na akong maiiyak at
nagbabalik lahat sa aking puso at damdamin ang sakit na naranasan. Bumabalik
ang pighati at sama ng 100b na naramdaman ko noong mga panahon na mag-isa lang
akong lumalaban para sa inaasam na pagtanggap.
Kaya tama lang ang naging desisyon ko
noon. Ako na ang kusang nagpaubaya at nakipaghiwalay kay Senyorito Simon.
Pinirmahan ko ang mga dapat pirmahan sa annulment papers na galing kay Attorney
Clemente. Pinirmahan ko rin ng walang alinlangan ang mga papeles na patunay na
kusa ko ng binigay sa kanya ang anumang mga ari-arian na pinamana sa akin at
kay Santino ng nam ayapang si Senyora Loreta.
Marahil tama nga na ipaglaban mo kung
ano ang iyong karapatan.
Pero paano pa ako lalaban kung
nawalan ako ng isang anak? Paano pa ako lalaban kung
ang patuloy kong pakikipaglaban ay
nagdudulot ng mas masakit na pakiramdam hindi lang sa akin kundi lalong-lalo na
sa aking anak?
Nawawalan ako ng isang Ina na
pinaghuhugutan ng lakas para mapagpatuloy sa buhay.
Sumuko ako hindi dahil tinanggap ko
na ako ay isang talunan. Sumuko ako dahil gusto ko ng katahimikan at
kapayapaan.
Dahil gusto kung maging malaya sa
relasyong ako lang ang lumalaban.
Dahil gusto ko rin ng normal na buhay
para sa dalawang anak ko na sila ngayon na nagsisilbing aking buhay.
Kaya tama lang na sinuko ko na ang
laban. Tama lang din pinakawalan ko si Senyorito Simon na ama ng aking mga
anak.
Nagsimula ng magpatugtog ng mga
nakakaindak na sayaw ang inarkila na sounds system. Kaya naman ang ibang mga
kabataan na nasa narito sa pagtitipon ay kanya-kanya ng pasikat sa pagsasayaw.
May mga naghihiyawan na rin sa saya at ang iba naman ay masaya ng mga nakaupo
at nanonood sa kapaligiran.
Kahit tanghali tapat naman ay hindi
mo masyadong ramdam ang init ng tirik na araw
dahil sa lilim na ibinibigay ng mga
naglalakihang mga iba't-ibang punong kahoy gaya ng mangga, santol, kaimito na
nakapaligid sa dito sa pinagdausan ng kasiyahan.
"Karen, ang gaganda ng mga
bulaklak na inayos mo. Nakita ni Senyora Esmeralda ang mga lamesa mula sa
teresa sa tapat ng kanyang silid. Salamat daw ng marami." Si Manang Puring
ang nagwika. Siya ang mayordoma ng mansyon. May katabaan siya at maitim ang
balat ngunit isa siyang m abuting tao.
"Walang anuman po lyon, Manang.
Pakisabl po kay Senyora na tungkulin ko pa na pagandahin ang mga bulaklak upang
muli siyang kumuha sa akin." Magalang kongsaad at hinaluan ko ng konting
biro.
"Siya nga naman, " sambit
naman ni Manang Puring at pareho na kaming mahinang tumawa sa kanyang
pagsang-ayon.
"Bakit hindi pa kayo kumukuha ng
pagkain? Aba ly kanina pa nagbigay ng hudyat na pwede ng kumain ang lahat ng
mga tao dito.l' Kunot-noo na tanongsa amin ng mga anak ko ni Manang Puring.
"Marami pa po kasi na nakapila
sa lamesa kung nasaan po ang mga pagkain, Manang."
Sagot naman ni Seb na gurnawi pa ang
paningin sa lamesa kung saan dagsa ang mga taong nakapila para sa pagkain.
"Aysus!" bulalas ni Manang
Puring na pumapalakpak pa ng makita ang haba ng pila ng mga tao.
"Maya-maya na po kami pipila
Manang. Hindi pa naman ho kami masyadong gutom," sabi ko na lamangsa
kanya.
" Oh! Siya, kumain kayo ng
kumain neh. Lalo na itong si Sabas. Ayokong mangayayat kang bata ka. Mahal na
mahal ka ni Manang kaya gusto ko ay [aging kang malusog."
Nalukot ang gwapong mukha ng anak
kong si Seb ng marinig ang Sabas na tawag sa kanya ni Manang Puring.
"Manang, Seb po ang pangalan ko
at hindi po Sabas kasi po Sebastian po ang tunay ko po na pangalan at hindi po
Sabastian." Pagtama ng anak ko sa kanyang pangalan. Nakatuwaan na kasi ni
Manang Puring na tawaging Sabas si Seb dahil mas madali raw banggitin.
Seb ang nakasanayan kong tawag kay
Sebastian dahil mahaba kung babanggitin ko ang kanyang buong pangalan.
Nakapila na kami ng mga anak ko para
kumuha ng pagkain sa napakahaba na lamesa ng
nararamdaman kongtila tumahimik.
Nilingon ko ang mga tao sa paligid at iisa lang ang direksyon ng
kanilangtinitingnan kaya naman hinila na rin ang aking mga mata sa gawing iyon.
Nakangiting bumaba sa hagdan ang
Senyora Esmeralda ng napakaganda sa kanyang suot na kulay dilaw na dress na
sakto lang ang tabas para sa kanyangedad. Hindi naman kasi mataba ang
pangangatawan ng Senyora dahil alaga niya ang kanyang katawan sa kabila ng siya
ay may edad na. Naka-alalay sa kanya ang isang lalaki na hindi ko pa masyadong
maaninag ang mukha.
"Siya na nga kaya ang nakabili
ng
Hacienda?" tanong ko sa aking
isip at hindi ko na rin inalis ang aking paningin sa kanilang dalawa.
Matangkad na lalaki na may magandang
tikas ng katawan. Ngunit ganun na lamang ang panlalamig ko ng makita ko ng
malapitan kung sino ang lalaking kasama ngayon ni Senyora Esmeralda.
Pakiramdam ko nahihirapan akong
lumunok at hindi ako makahinga ng maayos. Waring nawala sa ritmo ang pintig ng
puso ko.
Mula sa kanyang alon-along buhok,
matangos na ilong at sa hugis ng mga mata. Alam kong kilalang-kilala ko kung
sino siya.
Umugong ang bulungan ng bumaba na ang
dalawangtao sa hagdan at nasa harapan
na ng mismong pinag kaganapan ng kasiyahan.
Pinatay na ang maingay na sounds
system kaya naman mas narinig ko pa ang malakas na kalabog ng dibdib ko.
"Mga anak, sa bahay na lamang
pala tayo kumain." Bigla kong pagyaya sa mga anak kong nalilitong
napatingin sa akin.
"Bakit PO, Ma? Ang darni pong
pagkain dito at saka ayan na po ang bagong may-ari ng hacienda. Ipapakilala na
po ni Senyora
Esmeralda." Maktol ni Seb sabay
turo pa sa gawi nina Senyora Esmeralda at ng lalaking kasama nito.
Hinawakan ko sa magkabilang braso ang
mga anak ko at isinabay na sa aking paglakad.
"Ma, napa paano po ba
kayo?" kunot noo na tanong ni Santino bagamat nagpatianod na rin sa
paglalakad .
"Mama naman wala naman tayong
pagkain doon sa bahay. Hindi naman kayo nagluto." Patuloy na maktol ni
Seb.
Pero hindi ko na sila sinagot. Hindi
naman pansin ng mga tao sa paligid ang aming pag-alis dahil lahat sila ay sa
isang direksyon lang nakatingin.
Tanging gusto ko lang ngayon ay ang
makalayo sa lugar na ito.
Dahil ang lalaking kasama ni Senyora
Esmeralda na posibleng siyang
nakabili ng buong hacienda ay walang iba kundi angdati kong asawa at siyang ama
ng mga anak ko.
Si Senyorito Simon Sto.Domingo.
Chapter
65
"Ma, pasok na po ako."
Magalang na paalam sa akin ni Santino na wala pang ala sais ng umaga ay
nagising na. Naka-school uniform na siya at nakasuot na rin ang kanyang school
bag. Maayos na naka suklay ang kanyang alon-alon na buhok.
"Mag-ingat ka anak lalo sa pag
pedal mo ng bike. Baka mamaya hindi mo mapansin na may kasalubong ka ng
sasakyan o kaya ay tao. Ingat ka rin baka may butas o uka ang kalsada at bigla
ka na langsumemplang." Mga paalala ko naman sa kanya habang itinabi ko
muna ang walis tingting na aking hawak at sinundan ngtingin si Santino na
pumasok sa maliit naming bodega at kinuha ang kanyang bisikleta. Kagaya ng
kanyang nakagawian ng gawin. Kinuha niya muna ang malinis na basahan at
pinunasan ng mabuti ang kanyang munting sasakyang gamit patungo sa eskwelahan.
Ganyan ang gawain ng anak kong panganay bago at pagkatapos niyang gamitin ang
kanyang mahal na mahal na bisikleta.
Dahil may kalayuan ang kanilang
eskwelahan ni Seb. Pinag-ipunan ko talagang bilhin ang kanyang bisikleta na
nabili ko lamang ng secondhand sa isang kilala. Mahal kasi kung mamasahe silang
dalawa sa tricycle at nakakaawa naman ang mga anak ko kung naglalakad lang sila
araw-araw patungo sa kanilang eskwelahan. Baka tapos na ang kanilang
pang-umagang aralin bago pa sila nakarating. Maingat naman sa lahat ng bagay si
Santino kaya may tiwala ako sa kanyang paggamit sa bisikleta habang angkas pa
lagi ang nakababatang kapatid.
Walang pasok ngayong araw ang bunso
kong anak dahil may seminar na pupuntahan ang kanyang guro. Kaya naman si
Santino lamang ang tutungo sa eskwelahan para mag-aral.
"Mag-ingat po ako, Ma. Alis na
po ako. Pakisabi rin po kay Seb na huwag po masyadong lalayo kapag naglalaro po
sila ni Estong. Baka po kasi magawi sila sa kakahuyan at mawala." Bilin sa
akin ng anak ko at saka nag-umpisa ng magpedal ng bike at sumulong paalis.
Nakakatuwa na sa kabila ng lagi silang hindi magkasundo na magkapatid ay lagi
niya pa rin naalala si Seb. Talagang kuya na ang dating ni Santino sa kanyang
batang kapatid
"Maaga kang umuwi at wala ng
ibang pupuntahan. Ubusin mo ang pagkain mo sa tanghalian." Pahabol kong
bilin kay Santino.
Nakangiti ko pa na pinagmamasdan
habang papalayo ang panganay kong anak. Ganun naman ang gawain ko sa urnaga
kapag umalis na silang dalawa ni Seb. Mananatili muna akong nakatayo ng ilang
sandali dito sa tabi ng gate namin na hanggang leeg ko ang taas na gawa sa
kawayan. Hindi ako aalis hanggat natatanaw ko pa silang dalawa kasabay ang
ibang mga kaeskwela na may kanya-kanya rin na gamit na bisikleta. Ang balak ko
nga ay bilhan na rin ng sariling bisikleta si Seb ngunit nag-aalangan na ako
dahil may pagkakaskasero ang bunso ko pagdating sa paggamit ng bisikleta
dahilan ng minsan siyang maaksidente at mabalian ng buto.
Nakipag karerahan sa kalaro gamit ang
bike at ng hindi makontrol ang preno dahil sa tulin ng kanyang pagpapatakbo ay
burnangga sa isang malaking puno na sa tabi ng daan na ang resulta ay pagka
pilay ng kaliwang kamay. Naalala ko kung gaano namutla ang anak kong si Santino
sa nangyari sa kanyang kapatid. Hindi ko nga siya makausap ng maayos dahil wala
siyang kibo at nakatitig lang sa kapatid na panay ang iyak sa sakit dala
ng kanyang pagka pilay. Mabuti na lang at wala ng mas malalang nangyari kay Seb.
Simula ng mangyari ang aksidente ay
hindi ko na siya pinayagan na mag-isang mag bisikleta kahit nag-iiyak pa siya.
Nang hindi ko na matanaw si Santino
sa daan ay nagdesisyon na akong ipihit ang aking katawan pabalik sa aking
gawain at para ipagpatuloy na ang aking pagwawalis sa bakuran. Baka gising na
rin si Seb na tulog na tulog pa kanina ng iwanan ko sa amingsilid.
Tuluyan na sana akong tatalikod sa
gate ng may mahagip ang aking paningin. Napansin ko ang isang pulang kotse na
nakaparada sa di-kalayuan. Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Seb noong
isang lang na may napansin siyang pulang kotse na nakaparada malapit sa amin at
inakala pa nga ng anak ko na baka isang customer na bibili ng mga halaman namin
na itinitinda. Karamihan din kasi sa mga suki ko sa mga halaman kong binebenta
ay may kaya sa buhay at mga de-kotse pa kapag sinasadya ako dito sa bahay.
Pinagmasdan ko muna ang kotse na
halatang mamahalin at kung hindi ako nagkakamali isa siyang Audi na mahal ang
presyo katulad sa mga nababasa ko dati sa mga magazine.
"Bakit naman may mamahaling
sasakyan na nakaparada clito sa maalikabok naming kalsada?
Baka naman napadaan lang at dito
inabutan ng pagod at bahagya munang nagpapahinga?" kunot-noo kong mga
tanong sa aking sarili. Ngunit waring kinabahan ako sa kung sino ang pwedeng
mag may-ari ng ganitong klaseng sasakyan dito sa aming lugar. Wala akong ibang
pwedeng paghinalaan kung sino ang may kakayahang mag may-ari ng ganitong klase
ng sasakyan.
Isang linggo na simula ng nagmamadali
akong makalayo sa 100b ng Hacienda Esmeralda. Halos madapa-dapa na nga ang
aking mga anak sa klase ng paghatak ko sa kanila.
"Hindi kaya? Pero imposible
naman. At saka kung totoo ang iniisip ko, bakit naman siya narito?"
naguguluhan kong pakikipagtalo sa sarili kong utak.
Para akong tangang nag-iisip pero
ayaw ituloy ang iniisip. Alam mo na tipong may ideyang pumapasok sa utak mo
pero madali mong binubura at kinakalimutan at ayaw mong alalahanin kahit guhit
lang.
Nag buntong-hininga ako.
Binalewala ko na lang ang laman ng
aking isip sapagkat malayong mangyari ang bagay lyun.
Malayong mangyari na si Senyorito
Simon ang nagmamay-ari ng pulang kotse na nakaparada ngayon dito sa harapan ng
aming bahay.
Dahil isang malaking BAKIT? Ano ang
pwedeng niyang maging dahilan para magpunta
Bakit siya narito? Anong kailangan
niya? Alangan naman na bibili siya ng mga halaman o ng mga gulay sa amin?
Muli akong nag buntong-hininga.
Anu-ano na ang iniisip ? Hindi imposible na mabili ni Senyorito
Simon ang buong
Hacienda Esmeralda dahil sa darni
niyang pera.
Pero ang imposibleng mangyari ay ang
nasa isip . Dahil kailanman ay hindi
mangyayari na kaya siya narito ay dahil sa amin ng mga anak niya.
Wala kami sa mundo ng mga pantasya na
kung saan ang isang bidang lalaki na nagkamali ay hahanapin ang kanyang asawa
at mga anak upang humingi ngtawad sa mga kasalanan na kanyang nagawa sa
nakaraan.
Hinding-hindi kailanman mangyayari
ang bagay nasa isip ko.
Dahil ang totoo?
Masakit masampal ng katotohanan
at realidad sa mundo.
Chapter
66
"Tao PO!"
"Sandali! Nandiyan na!"
sagot ko sa kung sinumang nasa labas at nagpapa-tao PO. Sana naman ay isang
customer at mamili ng halaman para naman may panggastos kami sa mga susunod na
araw. Ang siyang naging dalangin ko habang nagmamadaling makalapit sa gate
namin na gawa sa kawayan.
Isang magandang babae ang nakatayo sa
labas ng aming bakuran. Waring ang edad ay hindi naman nalalayo sa edad ko.
Mukha siyang disente sa pananamit pa lamang. May konti siyang bahid ng
makeup sa mukha at hindi masyadong mapula ang lipstick niyang gamit sa labi.
Nakasuot siya ngdamit na may mahabang manggas na hanggang Siko at naka-slack na
itim. Mas matangkad siya sa akin at maganda rin ang hubog ng katawan. Kung ang
ibang mga babae ay tumataba pagkatapos manganak ay malamang na swerte siguro
ako na hindi naman ako masyadongtumaba kahit may dalawa akong mga anak.
"Magandang umaga, ano ho ang
kailangan
nila?" magalang kong pagbati ng
malapit na ako kung saan siya nakatayo.
"Magandang urnaga rin sayo. Nais
ko sanang bumili ng mga halaman na tinda mo." Ang naging sagot niya ay
[along lumawak ang pagkakangiti ko.
"Tuloy ka at nang makapili ka sa
mga halaman," wika ko at saka niluwangan ang pagkakabukas sa gate. Tumuloy
naman ang babae at nagpalinga-linga agad sa aking bakuran kung saan makikita
ang aking mga tanim na halaman.
"May nagustuhan ka na ba,
Miss?" maya-maya ay naging tanong ko habang ang babae ay patuloy lang sa
pagmamasid sa kapaligiran.
Burnaling naman agad ang kanyang
paningin sa akin at matamis na ngumiti.
"Bibilhin ko lahat ng mga
binebenta mong halaman."
Literal akong napanganga sa kanyang
tinuran.
"Lahat? Marami kasi akong
halaman na binebenta. Alin sa mga 'yon? ll nalilito kong tanong at hindi
makapaniwala sa kanyang naging sagot.
"As in lahat ng mga halaman na
binebenta mo at ito na nga pala bayad .
Huwag mo ng bilangin at huwag ka ng mag-abala na suklian pa ako. Keep the
change na lang." Sabay lahad niya ng mga malutong na pera na kulay asul na
naka-bundle pa sa aking palad.
Gusto ko man siyang usisain pa ay
kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang sling bag at may kinakausap at
inuutusan na kunin ang lahat ng halaman na kanyang binili.
Akala ko nga ay nabibigla lamang siya
o kaya naman ay nagbibiro ngunit maya-maya ay may pumasok na dalawang lalaki at
isa-isa ng hinahakot ang mga halaman na itinuro ko na aking mga binebenta.
"Teka lang, Miss. Hindi naman sa
tsismosa ako pero ano ba ang gagawin mo sa lahat ng mga halaman na binili mo sa
akin? At saka sobra-sobra ang pera na binayad mo kahit hindi ko pa
bilangin." Usisa ko sa magandang babaeng customer. Nahihiwagaan kasi ako
sa kanya. Hindi naman sa panghuhusga ngunit waring wala sa kanyang itsura ang
hahawak ng lupa at mag-aalaga ng mga halaman.
"Magaganda ang mga halaman mo at
talagang nagustuhan ko. Dadalhin kong lahat ng mga binili ko sa shop ko sa
Manila. Ibebenta ko rin
sila sa mga customers ko. At bakit
kita binayaran ng sobra? Kasi baka isa lang sa mga halaman na binili ko sayo ay
mabawi kong agad ang puhunan . Halos
mayayaman din kasi ang mga suki ko sa aking munting negosyo." Ang naging
sagot niya sa akin.
May punto naman ang kanyang dahilan
ngunit parang may kulang. Parang hindi ako masyadong kumbinsido. Kunsabagay,
ano naman ang gagawin niya sa Iahat ng mga halaman? Wala naman talagang masama
na bilhin niyang Iahat. Pero hindi ko talaga alam kung bakit parang may bahagi
sa utak ko na ayaw maniwala sa kanyang mga sinabi.
"Ma, sino po ang tinitingnan
ninyo riyan sa labas?
Liningon ko ang anak kong si Seb na
gising na pala. Pinagmamasdan ko kasi habang lumalayo ang isang mini truck na
siyang naghakaot ng mga halamang binili sa akin ng isang hindi kilalang babae.
Lumapit ako kay Seb upang ipakita ang
mga pera na hawak ko na galing sa pinag bentahan ko ng mga halaman.
"Talaga PO, Ma? Binili niya
Iahat?" Hindi rin makapaniwala si Seb sa aking naging kwento.
"00, as in Iahat ng mga itinuro
kong
halaman kasama na mga herbal
plants." Tatango-tango ko pang naging sagot sa aking bunso.
"Malungkot po kayo niyan, Ma?
Kasi wala na mga paborito ninyong babies?" malungkot na tanongsa akin ni
Seb. Alam na alam ng mga anak ko kung ano ang nararamdaman ko sa tuwing may
mabibili sa mga alaga kong halaman. Masaya dahil may pantawid gutom kaming
mag-iina pero nalulungkot dahil nabawasan na naman ang mga alaga kong halaman.
Ano pa kaya ngayon na binili lahat ang mga halaman ko?
"Malungkot pero marami pa naman
halaman si Mama at saka nandyan pa ang mga mother plants . Hintayin ko na lang sila na mag suwi at
mapapalitan na ang mga nawala," sambit ko habang iginagala ang aking mga mata
sa kabuuan ng aming bakuran upang bilangin pa ang mga natira kong mga halaman.
"Ma, may tao po sa gate."
Kunot-noo pa na nakatingin si Seb sa direksyon kung saan naroon ang tao na
kanyang nakikita.
Agad naman rin akongtumingin sa
tinutumbok ng kanyang paningin. May tao nga na nakatayo roon ngunit nakatalikod
kaya hindi ko makita kung sino siya.
Bago pa ko nakahakbang para puntahan
ang
gate ay naunahan na ako ng aking anak
na magpunta roon upangsinuhin angsinumangtao na naroon.
Narinig kong magalang na tinatanong
ni Seb kung ano ang kailangan ngtao sa amin pero hindi ko masyadong naririnig
ang sagot ng kanyang kausap.
Nang maka lapit na ako ay agad akong
nilingon ni Seb.
"Ma, kayo po ang hinahanap ni
Sir." Imporma ng anak ko na ibinalik angtingin sa kung sinong
"Sir" na kausap niya.
Ganun na lamang ang pagka tigagal ko
ng mapag sino ang kausap ng anak ko.
Kumakabog ang dibdib ko at parang may
bumara sa lalamunan ko na nagdudulot kaya hindi ako makahinga ng maayos.
"Kamusta na, Karen?" isang
baritono na boses na matagal ko ng hindi naririnig.
Isang tinig na pagmamay-ari ng isang
lalaking walang ginawa kundi sigawan, singahalan, paratangan at pagsabihan ako
at ang anak kong si Santino ng kung anu-anong masasakit na salita.
"Seb, anak. Pasok ka muna sa
loob ng bahay." Baling kong utos sa anak ng mabawi
ko ang aking sarili sa pagkabigla.
"Okay PO, Mama." Sagot
naman ng anak ko na sumulyap pa ng alanganing tingin sa lalaking mataman din
siyang tinititigan.
Nang masiguro ko ng malayo si Seb sa
amin ay hinarap ko na ang lalaki.
"Anong kailangan mo?"
walang emosyon kong tanong sa isang taong ayoko na san ang makita pa.
Si Senyorito Simon.
Chapter
67
Ngunit tila wala sa sariling hindi
ako naririnig ni Senyorito Simon na nakatingin lamang sa direksyon ng bahay
kung saan sinundan niya ngtingin hanggang pumasok ang bunso kong anak.
Wala pa rin kupas ang kanyang
kagwapuhan. Pansin kong mas lumaki ang kanyang katawan at mas bumagay sa kanya
ang matured na mukha. Nakasuot lamang siya ng simpleng round neck blue t-shirt
at kupas na lumang pantalon at tanging simpleng pares ng tsinelas ang
kanyang sapin sa paa. Pero hindi maipagkakaila na naiiba siya kung ikukumpara
sa itsura ng mga kalalakihang nakatira clito sa Hacienda. "Senyorito
Simon?" muli kong untag sa kanya.
Tila naman siya nahimasmasan at
ibinaling na ang paningin sa akin.
"Anong kailangan mo?" muli
kongtanong habang walang emosyon at deretsong nakatingin sa kanyang mga mata.
Nilibot niya ang kanyang paningin sa
kabuuan ng bakuran na nasasakupan ng aking
munting bahay. Tila mayroon siyang
hinahanap ngunit hindi matagpuan.
"May nakasalubong kasi akong
mini-truck na maraming dalang halaman. Nagandahan ako sa mga halaman at ituro
nilang dito nila nabili."
Kalmado niyang sagot na bahagya pa na
ngumiti.
Teka? Katapusan na ba ng mundo? Si
Senyorito Simon ngumiti habang kausap ako? Nilalagnat kaya siya?
Hindi ako makapaniwala sa loob-loob
ko. Ngunit mas pinili ko pa rin ang maging sibil na tao tulad ng relasyon ng
isang nagtitinda sa isang mamimili.
"Pasensya na PO, Senyorito. Wala
na po akong ibebentang halaman sainyo. Kinuha na kasi lahat ng nakasalubong
ninyong naka-mini-truck ang mga halaman kong tinda." Tapat ko naman na
sagot.
Ewan kung paano ko ginawa na maging
matatag ang aking boses at nilabanan ang nararamdaman na kaba sa akingdibdib.
Pero nais kong palakpakan ang aking sarili sa pagiging kalmado na tila isa
lamang ordinaryong mamimili ang kaharap at kausap ko.
"Hello Karen?! Si Senyorito
Simon 'yan. Ang taong nanakit sa damdamin mo bilang asawa, sa pagiging Ina kay
Santino at bilang isangtao. Baka nakalimutan mo na lahat ng hirap na dinanas mo
kasama ang mga anak mo. Ang mga gabing umiiyak ka dahil hindi mo na alam
kungsaan ka kukuha pa ng pagkain sa susunod na araw. Ang mga araw na tubig na
lang ang almusal tanghalian at hapunan mo upang mabusog lang ang mga anak
mo sa konting pagkain na nasa hapag kainan ninyo." Munting tinig na
nagpapaalala sa akin sa mga naging sakripisyo ko bilang isang Ina. Hindi kasi
ako makapag trabaho ng mga panahon na iyon dahil masyado pang bata Sina Santino
at Seb.
"Ganun ba." Sagot niya na
patuloy pa rin sa paggalugad sa paligid gamit ang kanyang mga mata.
"Hayun! Gusto ko ang isang
'yon.ll Sabay turo ni Senyorito Simon sa mga halamang nakapwesto sa payak na
teresa ng aking munting bahay-kubo.
Mabilis ang kanyang gin awang hakbang
upang lapitan ang mga halaman at wala akong magawa kundi ang sumunod na lamang
sa kung nasaan siya pumunta.
"Heto ang gusto ." Turo niya ulit sa isa mga paborito
kong halaman. Ang aking peace lilies na ilang araw pa lamang umusbong ang naka
tikom pa na bulaklak na ayon sa iba ay swerte kapag nakapag bulaklak ka ng
halamang naturan.
"Pasensya na po talaga,
Senyorito. Hindi ko po ipinagbibili ang mga halamang naririto sa teresa ng
bahay ko." Paghingi ko ng pasensya sa kanya.
"Bukod tanging ang mga
nakadisplay lamang doon.ll Turo ko sa isang maliit na pwesto na ginawa namin ng
mga anak ko kung saan ko idini-display ang mga halamang pwedeng ibenta.
"Bibilhin ko kahit magkano.l'
Giit niya na pirmis lamang nakatingin sa aking mukha. Iniwas ko ang aking
paningin sa kanyang mga mata. Pakiramdam ko kasi ay waring ginagalugad niya
maging ang aking kaluluwa.
Umiling-iling ako dahil hindi ko
talaga ipinagbibili ang nag-iisa ko na lamang peace lilies.
"Senyorito, hindi ko pwedeng
ibenta ang halaman na yan dahil 'yan ang mother plant. Wala na kasi siyang
ibang suwi kaya naman nag-iisa lamang siya dito. Kapag binenta ko pa 'yan
sayo. Mawawalan ako ng isang uri ng halaman na ibebenta." Paliwanag ko sa
kanya habang inaayos ang berdeng dahon ng peace lilies na naka dikit na sa
kulay puting bulaklak nito.
Nawalan siya ng kibo ngunit ramdam ko
ang kanyang pagtitig sa aking kabuuan. Nakakailang man ang sitwasyon namin ay
pinipilit ko talagang huwag magpahalata at huwag magpa-apekto sa kanyang
presensya.
"Ganun ba? Sayang naman. Akala
ko pa naman ay ipinagbibili mo." Sagot niya sa nanghihinayang na boses.
Turnango na lamang ako.
Muling naghari ang katahimikan sa
paligid namin. Wala akong maapuhap na dapat sabihin gayong sa ibang mga
customer ay napaka daldal kong mag-entertain.
"Kamusta na?" tanong niya
nagpa baling sa aking leeg sa kanyang direksyon.
Hindi ko alam kung anong emosyon ang
mababasa sa kanyang gwapong mukha.
Malungkot na waring nagmamakaawa.
Ngumiti ako ng hilaw at sumagot.
"Okay naman, Senyorito.ll Tipid
kong sagot sa tinig na pinilit kong maging kalmado.
Mataman lang siyang nakatitigsa akin
na tila may hinahanap sa ang aking mukha.
"Si Santino?"
"Nasa eskwelahan.'l Matabang
kong sagot.
Bakit niya naman hinahanap ang anak
ko?
Alangan naman na miss niya na hindi
mangyayari
dahil ilang ulit niya noon na sinabi
na hindi niya matatanggap si Santino bilang anak.
"Si Seb, anak ko rin siya hindi
ba?" muli niyang tanongsa akin at hindi ko sinasadyang mapaismid sa
kanyangtinuran.
Anak? Nagpapatawa ba siya?
Nag buntong-hininga muna ako at
binalewala lang ang kanyang mga tanong. Para saan pa ba at dapat kong sagutin?
Tapos na kami at wala na kaming dapat pang pag-usapan.
"Sige po Senyorito marami pa ho
akong gagawin. Kaya kung inyong mamarapatin ay pwede na po kayong umalis. Sa
ngayon talaga ay wala na akong maibebentang halaman pa. Kung gusto mo, ireserba
ko na lang sayo ang mga bagong halaman na umusbong. Ang kaso mga dalawa
hanggang tatlong buwan ko pa ibibigay sayo. "sabi ko sa mahinahong tinig.
Ayokong maging bastos kaya naman iniba ko angtakbo ng usapan dahil ayokong
pag-usapan kung sino man sa mga anak ko lalo pa at nasa paligid lamang si Seb.
"Dalawa na pala ang mga anak ko
at pareho pang lalaki," sambit niya at mahina pangtumawa na hindi man
iniintindi ang pagtaboy ko sa kanya.
Sa totoo lang naguguluhan ako kay
Senyorito. Ang hirap niya noong
tanggapin na
anak si Santino at ngayong nakita si
Seb ay tila may halong panghihinayang sa kanyang boses na nagpapahiwatig na
parang bakit hindi niya nalaman na may isa pa siyang anak?"
"Senyorito, huwag kang
mag-alala. Kung ang inaakala mo na baka ngayon na malapit ka lang sa amin ay
mag hahabol akong muli ay huwag kang mangamba. Hinding-hindi ko gagawin kahit
kailan ang anuman na iniisip mo. Sinisigurado ko sayo na walang malalaman ang
kahit na sinuman tungkol sa kaugnayan natin sa nakaraan. Tungkol naman sa mga
anak . Ipanatag mo rin ang kalooban mo
dahil hanggang sa huling hantungan ay wala silang malalaman na kahit ano
tungkol sa kanilang ama." Litanya ko.
Chapter
68
"Ngunit gusto ko rin sanang
humingi ng paumanhin saiyo. Garnit din ni Seb ang apelyido mo. Napilitan akong
gamitin upang maging isa lang ang garnit nila ni Santino. Pero huwag kang
mag-alala wala talaga silang alam tungkol sayo. Kahit ang pangalan mo ay hindi
nila alam." Pahayag ko sa mababang boses. Nang manganak ako kay Seb
aytinawagan ko agad si
Atty.Clemente at tinanong kung wala
na bang bisa ang kasal namin ni Senyorito Simon. Ang sabi niya ay may bisa pa
kaya naman para hindi magka-iba ang apelyido nila ng mga anak ko ay napilitan
akong gamitin muli ang marriage contract namin ni Senyorito Simon upang
maparehistro ang pangalan ni Seb sa munisipyo.
"Salamat." Sagot naman ni
Senyorito Para saan?
Marahil nagpapasalamat siya na ako
ang kusang lumapit kay Atty. Clemente para sa proseso ng pagpapawalang bisa ng
aming kasal at pagbibigay ng mana na iniwan sa amin ng yumaong Senyora Loreta.
"Salamat para saan? Dahil ba sa
ako na
mismo ang nagpawalang-bisa ng anumang
ating ugnayan? Salamat dahil binigay ko ng kusa ang mana na dapat ay sa amin ni
Santino? Kung iyon ang rason ng pagpapasalamat mo ay hindi mo na ako kailangan
puntahan ng personal. At saka sa inyo naman talaga ang lahat ng mga iyon. Kami
ni Santino ay sampid lang at walang karapatan na sa anurnang kayamanan na meron
kayo." Pahayag ko.
Tumingin lang siya sa akin at waring
naninimbang ng dapat sabihin.
Naghari na naman ang katahimikan sa
paligid. Wari bang pinagbigyan ngtahimik na simoy ng hangin at pagtigil ng huni
ng mga ibon at kulisap ang anumangdapat naming pag-usapan na dalawa.
"Karen, alam kong masyado ng
huli pero ikinalulungkot ko ang nangyari sa nanay Karina mo." Basag ni
Senyorito sa saglit na katahimikan na namayani.
Alam kong wala siyang pakialam sa
akin, kay Santino, kay Nanay at kahit anuman ang mangyari sa buhay ko. Ngunit
ano itong kanyang binabanggit? Panaginip lang ba ito? Si Senyorito Simon
naghahayag ng kalungkutan dahil sa pagkawala ni Nanay? Madalas niya ngang
sabihin sa akin noon na desperada akong gawin ang
lahat upang may pampagamot kay Nanay
sa ospital.
Maaring nakalimutan na ng isipan ko
ang malungkot na pangyayari sa nakaraan dahil napalitan na ng mga magandang
alaala kasama ng dalawa kong mga anak.
Pero ngayong naririto sa harapan ko
ang isang tao na nagpapaalala sa akin ng malungkot at masakit na nakaraan.
Nalaman kong hindi ko pala ito lubusan na nalimot. Bagkus naisantabi lamang sa
isang tagong sulok ng puso ko.
"Huli na rin pero gusto ko
sanang humingi ng tawad sayo.ll Seryoso niyang sabi sa akin.
Sa narinig na kanyangtinuran ay
tuluyang bumagsak ang aking mga luha. Nag-unahang umagos sa aking pisngi. Pero
ano pa ba ang magagawa ng paghingi niya ng tawad?
Maibabalik pa ba ang nakaraan at mga
nasayang na sandali na sana ay kasama namin siya habang lumalaki ang aking mga
anak? Ang buhay ng Nanay ko? Lalong-lalo na ang anak ko na hindi ko man lamang
nasilayan? Mababago ba ng paghingi niya ng tawad ang nakalipas na panahon?
"Senyorito, anuman ang nangyari
sa nakaraan ay ayoko ng balikan pa. Kaya pakiusap Senyorito. Sana ito na rin
ang huling araw na pupunta ka rito. Huwag kang mag-alala kung
sakaling man na dumating ang araw na
mahanap ka at makilala ng mga anak ko bilang ama ay asahan mong itatago ko pa
rin ng paulit-ulit at hindi ko kailanman aaminin." Tapat kong sabi.
lyon naman talaga ang balak ko. Alam
kong darating ang panahon na malalaman ng mga anak ko kung sino ang tunay
nilang ama dahil wala namang lihim na hindi nabubunyag at walang katotohanan
ang basta na lang nababaon sa kasinungalingan. Pero handa akong itikom ang
bibig ko at magsinungaling muli para huwag lang silang um asa na tatanggapin ng
isang Senyorito Simon bilang mga anak.
"Iniisip ko kung paano mong
binuhay mag-isa angdalawang bata? Paano mong nakayanang alagaan sila gayong
nag-iisa ka lang?" tanong niya sa malungkot na tinig. Pinuno ko ng hangin
ang aking dibdib at saka siya sin agot.
"Mahirap at sobrang hirap lalo
na ng manganak ako kay Seb. Pero nakayanan ko naman. Ngayon nga ay nag-aaral na
sila.ll Ngumiti ako ng pilit habang nagsasalita.
Tama, sobrang hirap ng sitwasyon ko.
Dahil wala naman akong kamag-anak na malapit. Nang manganak ako kay Seb ay
inalagaan lamang ako ng komadrona na nagpa-anak sa akin at siya na
rin ang tumitingin-tingin kay Santino
ng ilang araw hanggang mabawi ko ang lakas
.
Tinipid ko ang pera na pinag bentahan
ko ng bahay at lupa na pundar ni Nanay. Nagtitinda rin ako ng kung anu-ano para
kahit paano ay may pantawid gutom kaming tatlo. Hanggang sa naisipan kong
magbenta muli ng mga halaman na tanim ko. Mayroon din akong tanim na gulay na
kapag umaani ay siyang pantawid gutom namin ng mga anak ko at ang sobra ay
matiyaga kong inilalako sa daan habang kasama rin ang mga anak ko. Awa naman ng
Maykapal ay nakaraos kaming tatlo sa araw-araw.
"Patawad, Karen."
Waring may dumaan na kung ano sa
hangin ng marinig ko ang paghingi niya ng tawad at direktang pagbanggit
sa pangalan ko. Tila ba tumigil ang lahat kahit saglit na saglit lang na
segundo.
"Senyorito, masaya at kuntento
na kami ng mga anak ko sa kung anong buhay na meron kami ngayon. Kung ang
hinihingi mo ng tawad ay ang paraan ng pagtrato mo sa amin ni Santino noon ay
hindi ko masasagot kung napatawad na kita. Subalit hindi na naman importante
ang bagay na iyon. Ang tanging mahalaga sa akin ngayon ay ang mga anak ko. Mga
anak na hindi
ako magkakaroon kundi rin dahil sayo.
Ngunit alam ko rin namang kahit kailan ay hindi mo sila matatanggap bilang mga
anak kung kaya nakikiusap din ako sayo na huwag ka ng magpupunta rito."
pakiusap ko sa kanya.
Seryosong nakatingin sa akin si
Senyorito at pagkuwan ay nag buntong -hininga at tumingala sa maaliwalas na
asul na kalangitan.
"Salamat sa oras, Karen. Alis na
ako."
Tumango na lamang ako at pinanood
siyang mabagal na humahakbang palabas ng aming bakuran. Ngunit tumigil siyang
muli pagkarating sa labas at muli akongtinanaw. Ibinaling ko agad ang
aking paningin sa aking mga halaman at matapos ang ilang sandali ay nagtaas
akong muli ng paningin sa labas ng bakuran.
Wala na si Senyorito Simon.
Nakaramdam ako ng kahungkagan.
Lungkot. Panghihinayang.
Akalain ko bang matapos lamang ang
ilang taon ay muli kaming magkikita at magkakausap. Kaya ako noon lumayo sa
hacienda Sto. Domingo ay dahil ayoko ng magkaroon ng pagkakataon na mag krus pa
ang landas namin ni Senyorito Simon.
Napangiti ako ng mapait sa kawalan.
At nausal sa isip na, "Ibang
klase talagang magbiro ang kapalaran."
Chapter
69
"Pasensya ka na, anak hindi ko
man lang naisingit ang pambili ng mga bagong piyesa ng bike mo. Binayaran ko na
kasi lahat ng naging utang ko kay Aling Iska noong nangailangan tayo ng pera
para may pampagamot kay Seb." Malungkot kong sambit kay Santino.
Kanina kasi pag-uwi niya galing sa
eskwelahan ay hindi niya napansin na nabutas pala ang gulong ng kanyang gamit
na bisikleta na dahilan para mag lakad lang siya pauwi ng bahay. Madalas na rin
masira ang kadena ng kanyang bisikleta kaya naman usad pagong lang ang takbo
nila ni Seb kapag magka-angkas na nakasakay dito.
Ang pinag bentahan ko kasi ng mga
halaman ay na pambayad ko kay Aling Iska na siyang nagpautang sa akin ng
malaking halaga noong naaksidente si Seb sa pagbibisikleta at nabalian ng
kamay.
Ang balak ko sana ay kalahati lang
ang ibibigay ko at makikiusap na sa susunod na lang ulit ako magbabayad ngunit
kailangan na pala ng pambili ng gamot ng mabait na matandang
babae kaya naman binayad ko ng lahat.
May natira man sa pera ngunit binili ko naman ng makakain naming tatlo gaya ng
bigas, ilang piraso ng sardinas, sabong panlaba, panligo at ilang garnit sa
eskwelahan ng mga anak ko.
"Okay lang po, Ma. Ang mahalaga
po ay wala na po kayong iniisip na malaking utang. Pwede pa naman po itong
gulong. lpapa-vulcanized ko na lang po." Sagot ng maunawain kong anak
at saka niya na maingat na pinunasan ang kanyang bisikleta.
"Hayaan mo, Kuya. Kapag malaki
na ako at may trabaho. Ibibili kita ng magandang motor para hindi ka na nag
ba-bike." Nakangiting sambit ni Seb sa kanyang nakatatandang kapatid.
"Okay, pero mag-aral ka na
munang mabuti kasi hindi ka makakakuha ng magandang trabaho kapag hindi ka
nakatapos ng pag-aaral,'l wika naman ng anak kong panganay.
"Nakakuha kaya ako ng siyam na
tamang sagot noong nakaraan pagsusulit namin sa math at up to ten 'yon. Isa
lang ang mali ko." Buong pag mamalaking kwento naman ni Seb sa kanyang
kuya.
"Bakit may mali ka pang isa?
Dapat perfect ten ang nakuha mo."
"Pero pwede na 'yon, Kuya.
Mataas na ang score ko." Giit ng bunso kong anak.
" Talaga ba? Nakuha mo ang
ganong score? Ang galing naman ng anak ko.ll Puri ko kay Seb upang agawin na
ang kanilang atensyon. Mahirap ng patagalin ang kanilang usapang magkapatid at
baka mauwi na naman sa pikunan at mag-away naman sila.
"Opo, Ma. Sabi nga po ni
teacher, very good daw po ako."
Napangiti naman ako ngtunay sa
unti-unting pagbabago ni Seb. Sana nga at tuloy-tuloy na ang kanyang pag-aaral
ng mabuti. "Hayaan mo, anak. Hahanap si Mama ng pwedeng maekstrahan
ngtrabaho para may pambili ng kailangan na piyesa ng bike mo. Hindi rin ako
mapalagay kapag iniisip kong hindl maayos ang garnit mong bisikleta," wika
ko naman at binalingan si Santino na abala pa rin sa pagpunas ng kanyang bike.
"Huwag po kayong mag-alalala,
Ma. Maingat na naman po ako sa pag pedal. Ang kaso po masyado na po sigurong
luma ang mga piyesa ng bike ko at sadya na po na nagpapalit." Sagot ng
aking panganay.
Tama nga siguro si Santino. Kahit
gaano naman siya kaiingat kung talagang bumibigay na ang kanyang bisikleta ay
wala na siyang magagawa kahit gaano pa siya kaingat sa kanyang ginagamit. Sana
nga ay makahanap at maekstrahan akong trabaho upang makabili ng mga kailangan
niyang garnit. Bakit ba kasi hindi ko naisip na kailangan nga pala ni Santino
ng pera.
"00 nga po pala, Ma. Sino po
'yung lalaki kanina? Kilala niyo po ba siya? ll kunot- noo na tanongsa akin ni
Seb.
"Sinong lalaki?" kunwari ay
hindi ko alam kung sino ang kanyang tinutukoy. Malamang na ang tinatanong niya
ay si Senyorito Simon.
"lyon pong kaninang umaga.
Kilala niyo po ba siya, Ma? Ang tagal po kasi ninyong nag-usap."
"Ah, hindi, anak. Hindi ko siya
kilala at burnibili lang siya ng halaman pero sabi ko nga na may nakabili
ng lahat at wala na akong mabibigay pa sa kanya." Wala sa 100b kong
paliwanag.
"Ang tagal niyo po kasing
nag-uusap kaya akala ko po ay magkakilala po kayo. Pero napansin ko PO, Ma.
Parang hawig niya po iyong kasama ni Senyora Esmeralda noong may kasiyahan po
sa hacienda. Siya po ba 'yon? ll Bigla akong nalito sa mga sinabi ni Seb.
Hindi ko alam na napansin niya pala
na
bahagyang nagtagal ang pag-uusap
namin ng kanilang ama kaninang umaga. Ano ba ang pwede kong m aging kasagutan?
"Baka kamukha lang, Seb. Ano
naman ang gagawin ng isang haciendero dito sa ating munting kubo?"
naunahan na kong sumagot ni Santino.
Bahagya namang waring nag-isip si Seb
sa sin ambit ng kanyang kuya.
"Sabagay, baka kahawig lang nga
siguro ng lalaking kasama ni Senyora Esmeralda," ani Seb na urnupo sa tabi
ng kanyang kuya Santino at naki usyuso sa ginagawa ng nakatatandang kapatid.
"Kokontronlin ko na lang ang
bigat ng katawan ko kapag angkas mo ako, Kuya. Kaya ko naman na sigurong gawin
'yon para huwag masira ang bike natin."
Napangiti naman ako sa balak gawin ni
Seb. Mabuti na lang talaga at kahit paano ay naiintindihan nila ang kalagayan
namin sa buhay. Ngunit madalas na inuusig din ako ng sariling konsensya.
Kung sana na hindi ko isinuli ang mga
ari-arian na nasa pangalan namin ni Santino ay baka hindi nahihirapan ng ganito
ang mga anak ko.
Sino ba ang mag-aakala na ang mga
anak ko na matiyagang nag aangkasan sa isang lumang bisikleta upang makapasok
sa eskwelahan ay mga anak ng isang mayaman na tao?
Ngunit hindi naman siguro kami sasaya
ng ganito kung hindi ko sila inalis sa ganung klaseng buhay. Baka madalas ko
rin silang makitang urniiyak kapag tinataboy ni Senyorito Simon.
"Ma, nagkita nga po pala kami ni
Manang Puring kaninang pauwi na po ako. Ang bilin niya po ay kung may oras daw
po kayo bukas ay puntahan niyo raw po siya at mag patulong po sainyo.ll
"Ganun ba, anak. Hayaan mo at m
sasaglit ako sa kanya bukas.ll Tugon ko.
"Ma, hayan na PO. Agad na pong
sinagot ang dalangin ninyo para po magkaroon tayo ng pambili ng mga gamit ng
bike ni Kuya." Bulalas ni Santino.
Madalas naman kasi na kapag
pinapatawag ako ni Manang Puring ay magpapatulong sa mga gawain sa hacienda.
"Pero paano ng pala ako pupunta
ngayon sa hacienda? Siguradong naroon na ang bagong may-ari na ayoko na sanang
makaharap at makausap pa. Ngunit paano naman ang pangangailangan ng
anak ?"
pagtatalo ng isipan ko.
Chapter
70
"Manang, magandang urnaga po sa
inyo. Sinabi po sa akin ni Santino na puntahan ko raw ho kayo." Pagbati ko
kay Manang Puring ng makapasok ako sa 100b ng mansion ng hacienda Esmeralda.
Halos hindi ako nakatulog magdamag sa
pag-iisip kung pupunta ba ako ng hacienda o hindi. Alam kong baka naroroon ang
bagong nagmamay-ari ng hacienda na ayoko na sanang makita o makausap pa. Ngunit
binalewala ko lang ang pag-aalinlangan at mas urniral sa akin ang puso ng isang
Ina. Kailangan ko ng pagkakaperahan upang makabili ng bagong gulong ng
bisikleta ni Santino. Mas matimbang ang anak ko sa kahit anupaman na
nararamdaman ko.
"Magandang umaga rin naman,
Karen. Mabuti na lang at nagpunta ka. Ikaw talaga ang una kong naisip dahil nga
alam ko rin naman na kailangan mo ng pagka kaperahan. Isa pa, alam ko kung
paano ka magtrabaho. Bukod sa malinis ay talagang wala akong masasabi,"
sambit ni Manang Puring habang hinawakan na ako sa
braso at hinila na papasok ng
mansion.
"Ano ho ba ang kailangan kong
gawin, Manang?" tanong ko na hindi maiiwasan na simpleng magpaling-linga
sa paligid kahit narito lang naman kami sa kusina ng mansion.
"Okay lang ba kung magpatulong
ako sa mga gawin clito sa mansion? Malinis naman ngunit may mga inalis at may
mga bagong dating na gamit ang Senyorito." Tugon ni Manang Puring na
pinaupo muna ako sa upuan at saglit iniwan upang tingnan ang kanyang niluluto
sa kalan na ilangdipa lang naman ang layo.
"Opo, Manang. Kahit ano po basta
po kaya kong gawin. Kailangan ko rin po kasi talaga ng pera dahil ibibili ko ng
bagong gulong ng bike na gamit ni Santino." Pag kuwento ko kay Manang na
hinahalo ang kanyang mabangong niluluto.
Matapos kaming makakain ng almusal
kasama ng ilang mga kawaksi ng mansion ay nagsimula na kaming kumilos upang mag
linis at ayusin ang mga bagong gamit sa kani-kanilang nitong dapat kalagyan.
May bago at malambot na sofa na pinagtulungan naming mailagay sa sala. May mga
magagandang paintings na hindi ko lubos maunawaan kong ano ang ibig sabihin ng
mga nakapintang larawan.
Ako ang natoka sa pagpunas ng mga
bagong
gamit na kungtutuusin ay malinis
naman at walang alikabok. Maingat at dahan-dahan ang ginagawa ko dahil baka
magasgasan lalo na ang mga malalaki at mamahalingvase.
" Karen
Muntik ko ng nabuwal ang isa sa mga
vase na aking pinupunasan na nakapwesto dito sa tabi ng malaking pintuan ng
marinig ang isang pamilyar na tinig na turnawag sa aking pangalan. Unti-unti
akong umikot upang harapin ang taongtumawagna nasa aking ikuran.
"Magandang urnaga PO,
Senyorito." Buong galang kong pagbati sa kabila ng pag-aalangan ko na siya
ay harapin at kausapin.
Nakatingin lang naman siya sa akin.
Mukhang kagigising niya lang mula sa pagtulog base na rin sa kanyang itsura.
Naka sando siyang kulay puti at nakapadyama pa. Gulo-gulo pa ang kanyang
alon-along buhok na kagaya ng kung paano rin kagulo ang buhok nina Santino at
Seb paggising sa umaga.
"Bakit ikaw ang gumagawa
niyan?" kunot-noo niyang tanong sa akin.
Binatawan ko muna ang malinis na
basahan na aking hawak at saka sinagot ang kanyang tanong.
"Pasensya na PO, Senyorito kung
nagulat man kita na narito ako sa mansion mo. Kapag talaga kailangan ni Manang
Puring ng iba pang dagdag na kasama sa paglilinis dito sa mansyon ay isa ako sa
agad na tinatawag. Ngunit kung ayaw mong narito ako ay agad naman akong
aalis," wika ko sa mababangtinig.
"Bakit ba ganyan agad ang
iniisip mo? Hindi naman ganun ang ibig kung sabihin sa tanong ko. Nasaan nga
pala ang mga bata? ll seryoso niyang tugon at tanong.
Bakit? Ano pa ba ang maaari niyang
maging ibig sabihin? At bakit niya naman tinatanong kung nasaan ang mga anak
ko?
Dalangin ko lang din sa mga oras na
ito ay wala sanang makapansin at lalong-lalo na meron makarinig sa pag-uusap
namin ni Senyorito Simon. Ayoko na may nakakaalam na magkakilala kami.
Lalong-lalo na kung ano ang kaugnayan niya sa amin ng mga anak ko.
"Senyorito, hindi na naman
mahalaga kung ano ang ibig mong sabihin sayong naging tanong pero may isa lang
sana akong hiling." Sa halip ay wika ko.
"Ano lyon? Kahit ano ibibigay
ko.'l Mabilis naman na sagot ni Senyorito Simon at waring urniwalas pa ang
mukha sa narinig.
Deretso ko siyang tiningnan sa
kanyang mga mata.
"Huwag mo sana akong kausapin
pa. Alam naman ng lahat na hindi tayo magkakilala at baka may mag-isip o kaya
ay magtaka. Pagdating sa mga bata ay huwag ka na rin sanang magbanggit. Alam ko
naman kung saan kami lulugar. Kaya lang naman talaga ako narito ay dahil sa
trabaho at wala ng anupaman na dahilan. Kaya nakikiusap ako. Tratuhin mo ako ng
tulad ng kung paano mo ako tratuhin dati. Ganun din sana sa mga anak ko. Huwag
mo kaming intindihin o kahit pa pansinin. Ituring mo lang kami na isa sa mga
ordinaryong tao na naninirahan dito sa paligid ng hacienda." Pakiusap ko
sa mahinang boses habang luminga-linga pa sa paligid dahil baka may tao langsa
malapit.
"Ganun ba?"
Maikling tanong ni Senyorito Simon.
Kung kanina ay naging masigla ang kanyang tinig ng kanyang marinig na ako ay
may hihilingin. Ngayon naman ay waring naging malungkot matapos ang aking
naging pakiusap.
"00, Senyorito. Sa totoo lang
nagdalawang-isip na akong magpunta rito sa mansion dahil ayoko na sanang
magkita pa tayo.
Kaya kung iniisip mo na may iba akong
intensyon
kung bakit narito ako ngayon ay huwag
kang mag-alala. Narito lang talaga ako para magtrabaho gaya ng dati ko ng
ginagawa ng
Senyora Esmeralda pa ang nagmamay-ari
dito. Kaya huwag ka sanang mag-isip ng anupaman. Narito lang ako para
magtrabaho at kumita ng pera para sa mga anak ko." Patuloy kong
pagpapaliwanag.
"Hindi ko iniisip ang ganung
bagay at wala akong iniisip na may iba ka pang intensyon. Sige ipagpatuloy mo
na kung ano ang ginagawa mo." Walang emosyon niyang sagot at utos sa akin.
Tumango na lang ako bilang tugon at
muli ko na siyang tinalikuran upang ituloy ang aking naudlot na ginagawa.
Ngunit ramdam ko pa rin ang kanyang presensya na waring patuloy pa rin akong
pinagmamasdan. Gusto ko siyang lingunin pero mas pinili ko ang siya ay
balewalain at magpatuloy sa aking gawain. Marahil ay binabantayan niyang mabuti
kong ginagawa ko ng maayos ang aking trabaho. Kilala ko si Senyorito, malamang
na sinisigurado niya lang na hindi masayang ang pera na kanyang ibabayad sa
serbisyo ko.
Chapter
71
"Manang Puring, totoo ho kaya
ang usapan na may asawa at mga anak na Senyorito Simon?" narinig kong
tanong ng Ate Neneng ang isa sa mga kasambahay ng hacienda.
"Ang sabi niya sa akin ay meron
na. Meron na siyang dalawang mga anak ngunit hindi niya pa mauwi rito sa
mansyon at marami pa raw dapat na asikasuhin." Sagot naman ni Manang kay
Ate Neneng.
Ewan ko pero tila kumirot ang aking
dibdib. Nanakit ang aking lalamunan at gusto kong maiyak sa mga sinabi ni
Manang Puring.
Malamang na ang tinutukoy na asawa ni
Senyorito Simon ay si Senyorita Daphne at meron na rin pala silang mga anak.
May iba na palang kapatid ang mga anak ko. Sila nga siguro ang talagang
nakatadhana sa isa l t-isa.
Masayang-m asaya siguro silang nag
sasama.
May isang bahagi ng pagkatao ko ang
nalungkot para sa dalawa ko namang mga anak sa nalaman tungkol sa kanilang ama.
Sana lang talaga ay tuluyan nang huwag malaman ng mga anak ko kung sino si
Senyorito Simon sa buhay
nila. Hindi ko kasi alam kung ano ang
maaari nilangmaramdaman.
Iniisip ko rin ang pwedeng maging
saloobin ng mga anak ko tungkol sa gin awa kong pagsuko sa karapatan na dapat
ay nasa kanilang dalawa ngayon. Takot din akong sisihin ng sarili kong mga anak
kapag nagkataon na hindi nila maintindihan angdahilan kung bakit mas pinili ko
na makipaghiwalay kay Senyorito Simon. Paano kong malaman nila na ang
katotohanan at masaktan lang sila?
"Karen, kanina pa huminto ang
washing machine. Tapos na ba 'yon o kailangan pang ipaikot muli?" untag ni
Ate Neneng sa akin. Hindi ko narinig ang paghinto ng pag-ikot ng washing
machine dahil sa paglalakbay ng aking isip. Narito naman kami sa likod ng
mansion kung saan naroon ang labahan upang labhan angrnga maruruming kurtina,
bed sheet, punda at mga darnit.
Pangalawang araw ko na ngayon dito sa
mansion. Natapos na namin kahapon ang mga gawain sa 100b. Ngayon araw naman ay
nilalabhan namin ang lahat ng mga maruming damit.
"Tila wala ka sa sarili, Karen?
Kay lalim naman ng iyong iniisip?" tanong ni naman ni
Manang na inaalis sa dryer ang mga
kumot na tapos ng ma-dryer.
"Wala naman PO, Manang. May
iniisip lang po ako ngunit hindi naman masyadong importante," sambit ko at
saka sinimulang iahon sa 100b ng washing machine ang mga kurtina na tapos ng
umikot sa washing.
"Oonga pala, Karen. Mabuti
kinakausap ka nga pala ni Senyorito Simon, kahapon? Samantalang kahit si Manang
Puring ay kibuin-dili ng bago nating amo rito sa hacienda."
Nalito ako. Hindi ko akalain na may
nakakita pala na nag-uusap kami ni Senyorito kahapon. May narinig kaya si Ate
Neneng sa tungkol pinag-usapan namin ni Senyorito?
Sana naman aywala.
"Pinapagalitan ka ba niya,
Karen? Ayaw niya ba na hinahawakan mo ang mga mamahalin niyang mga banga o ang
anurnang mamahaling gamit na kanyang pagmamay-ari? Kinakabahan ako kahapon ng
marinig na tinanong ka niya kung ano ang ginagawa mo kung kaya umalis ako agad
at baka makita niya ako at magalit sa aking pakikinig.ll Paliwanag ni Ate
Neneng.
"Hindi naman,Te. Nagtaka lang
siya kong sino ako dahil hindi naman ako kasambahay dito sa mansion." ang
siyang naging sagot ko kay Ate
Neneng na talagang hinihintay ang
aking magi ging sagot.
"Neneng, anu-ano ang iniisip mo
tungkol sa bago nating amo. Gusto mo bang mawalan ng trabaho dahil sa
katsismosahan mo?" sermon naman ni Manang Puring sa narinig na sapantaha
ni Ate Neneng tungkol kay Senyorito Simon.
"Manang naman. Masama po ba
magtanong kay Karen?" katwiran ni Ate Neneng at kinuha ang mga sinasampay
ni Manang at siya na ang nagpatuloy na magsampay sa sampayan.
"Hindi tama na pag-isipan mo na
nagtatanong ng ganung klase ng tanong ang ating bagong amo. Kasambahay tayo
rito at hindi kasama sa gawain natin ang pakialaman sila." Dagdag na
sermon ni Manang.
"Pasensya na PO, Manang. Nagulat
lang kasi ako sa biglang pag kausap ni Senyorito kay Karen. Hindi nga ba at
madalang lang kumibo ang bago nating amo. Ikaw lang po ang madalas niyang
kausapin at madalang pa ho sa patak ng Lilan na mangyari simula ng siya ay
tumira rito sa mansion. Hindi katulad ng si Senyora Esmeralda ang narito.
Napakasaya ng mansion at punong-puno ng buhay. Samantalang ngayon ay
nakakabingi ang katahimikan sa buong kabahayan. Tapos hindi pa natin alam kung
ano ang tunay na ugali ni Senyorito.ll Patuloy rin naman na katwiran ni Ate
Neneng.
Bakit kaya? Sa pagkakaalam ko ay sa
amin lang ng mga anak ko galit si Senyorito. Simon. Magiliw at mabait siya sa
ibangtao lalo na sa mga nasasakupan niya. Totoo kaya ang sinasabi ni Ate
Neneng? Maghapon kahapon ay hindi ko na siya nakita kaya nga malakas ang loob
ko na magbalik ngayon dahil alam kong wala naman siyang pakialam pa kahit
narito pa ako sa loob ng bahay niya. Wala naman siyang dapat ipag-alala kahit
narito pa ako. Hindi ako nanggugulo at wala akong balak na banggitin pa ang
kahit ano tungkol sa nakaraan.
"May iluluto pala ako sa kusina.
Maiwan ko muna kayongdalawa rito," wika ni Manang Puring matapos ibalik sa
akin ang laundry basket na pinaglalagyan ng mga damit na nakasampay na sa
matibay na alambreng sampayan.
"OPO, Manang." Ang siyang
sagot ko. Ngunit ilang minuto lang din ang nakalipas ng umalis na rin si Ate
Neneng at kailangan niya raw gumamit ng c.r. Kaya ako na lang ang nag sampay ng
Iahat ng mga nilabhan.
"Nasa eskwelahan ba ang mga
bata? ll naudlot ang paglalagay ko ng sipit sa kumot na aking sinasampay ng
marinig na naman na may
nag tanong mula sa aking likuran.
Bakit lagi na lang akong nagugulat
kay Senyorito Simon?
"00, Senyorito." Maikli
kong pag sagot at saka ipinagpatuloy lang aking ginagawa.
"Hindi ba kayo nagkukulangsa
pagkain? May mga vitamins na naman ba na iniinom ang mga bata?" sunod
niyang tanong.
Hindi ko talaga maintindihan kung ano
ang drama ni Senyorito Simon. Ano at parati siyang nagtatanong ng tungkol sa
mga bata.
"Senyorito, huwag ninyong
alalahanin ang mga anak ko. Malusog at walang anumang sakit ang aking mga anak.
Lagi rin akong nanghihingi ng multivitamins sa center na pinapainom ko sa
kanila.
"Center?" nagtataka na
tanong ni Senyorito Simon.
"Center, kung saan pwede kang
manghingi ng libreng mga gamot at vitamins basta meron silang stocks."
Balewala ko namang paliwanag.
"Sapat na ba ang makukuha nilang
bitamina roon upang maging malusog?" pangatlo niyang tanong.
Nag buntong-hininga ko bago sumagot
"Senyorito, hindi po ba nakiusap
ako sayo kahapon na huwag mo na akong kausapin. Ngayon naman ay nakikiusap ako
na huwag mong isipin ang mga anak ko. Sige ho, pasensya na at kailangan ko ng
pumasok sa 100b. Tapos na kasi ang trabaho ko dito sa labas." Paalam ko sa
dati kong asawa at nagmadali akong pumasok sa 100b ng masyon.
Chapter
72
"Ma, bakit po hindi na kami
pwedeng maglaro roon sa hacienda? Masarap po kasing mag habulan doon kasi po
maluwag ang bakuran at lagi po kaming binibigyan ng meryenda ni Manang
Puring.'l tanong ni Seb na nagkakadadahaba ang nguso.
Sinabihan ko kasi siyang huwag na
nang magagawi sa hacienda para makaiwas kay Senyorito Simon. Mas masasaktan
kasi ko sa isiping pwede silang magkita pero babalewalain lang sila ng kanilang
sariling ama at isa pa ayoko na talagang silang magkakakilala.
"Baka kasi ayaw ng mga bata ng
bagong nakabili ng hacienda. Hindi pa kasi natin alam kong ano ang ugali na
meron siya. Baka ayaw niya ng maingay." Paliwanag ko na lamang habang
pinipitas ko ang mga sariwang gulay na sitaw.
"Palagay po ninyo ay masungit
ang bagong may-ari ng hacienda?" tanong ulit ni Seb na nakipitas na rin ng
mga sitaw.
Kung pwede ko nga lang sagutin na 11
00! Napaka-sungit anak at lalong-lalo na kung kayong dalawa ng kuya mo ang
lumapit sa kanya." Ngunit hindi ko naman maisatinig.
"Ma, kanina po habang pauwi kami
ni Kuya buhat sa eskwelahan. Napansin ko po ang magandang pulang kotse na
laging nakaparada riyan sa harap natin na para pong sinusundan kaming dalawa ni
Kuya." Kuwento ng bunso kong anak.
Naiwan sa ere ang aking kanang kamay
na siyang pumipitas ng sitaw. Dinunggol ng kaba ang akingdibdib.
"Sigurado ka ba anak? Baka naman
guni-guni mo lang lyon. Nagkataon lamang na iisa lang ang daan na tinatahak
ninyo ng sinasabi mong kotse." litanya ko at pilit winawaksi ang namumuong
ideya sa kung sino ang taong maaaring nasa pulang kotse.
"Siguro nga PO, Ma. Baka oras
din po ng pag-uwi niya ng bahay at lagi lang naming nakakasabay ni Kuya sa
pag-uwi.l' Dagdag na kwento ni Seb.
"Laging nakakasabay? ll
kunot-noo namang tanong ko. Kung ganun ay parati na talagang nakikita ni Seb na
sinusundan sila ng pulang kotse.
"Opo, Ma. Kasi po araw-araw
naming nakikita ang pulang kotse na nakasunod sa amin o kaya naman po ay parang
sumasabay sa amin
habang umaandar po ang bike. Pero
humihinto po siya kapag malapit na kami ni Kuya dito sa bahay." Balewalang
sagot ng anak ko na siyang nagpatuloy ng pamimitas ko ng sitaw.
"Matagal na ba ninyong napansin
ng Kuya mo ang pulang kotse?" tanong ko.
"Hindi ko na po maalala, Ma.
Basta po kapag aangkas na ako kay Kuya sa bike para po urnuwi ay agad pong
nasunod ang pulang kotse sa amin.'l Sagot ulit ni Seb.
"Kung totoo ang aking sapantaha.
Ano ba ang balak ni Senyorito Simon? Bakit lumalapit siya sa mga anak ko? ll
mga katanungang gumugulo sa aking isipan.
" Basta lagi kayong mag-ingat ng
Kuya Santino mo. Uuwi agad ng bahay at huwag na huwag ng magpupunta pa sa kahit
saan." payo ko na lamangsa anak kung walang ka ide-ideya na maaaring ang
matagal ng inaasam na ama ang pwedeng lulan ng pulang kotse.
Gayun man ay naguguluhan ako. Kung
tama man ang iniisip kongsi Senyorito Simon ang may-ari ng pulang kotse ay
bakit? Bakit tila sinusubaybayan niya ang mga anak ko? Ano ang motibo niya?
Sinigurado ko naman na kahit isang kusing aywala kaming kinuha sa mana na
iniwan sa amin ni Senyora Loreta. Kaya anong pwedeng
maging pakay pa ni Senyorito Simon sa
amin ng mga anak ko?
Nagbuntong-hininga ko saka
umiling-iling.
Kung anu-ano na ang mga pumapasok sa
utak ko. Marahil ay tama lang ang sinabi ni Seb na baka magkasabay lang talaga
sila ng oras ng uwian ng sinumang nagmamaneho sa pulang kotse.
Kinabukasan ng ihatid ng tanaw ko ang
papalayong mga anak ko sakay ng bike at papasok ng eskwelahan ay napansin ko
ang isang pulang kotse sa di-kalayuan. Ang pulang kotse pa rin tulad ng mga
nakaraang araw.
Pinakatitigan ko ang tinted na
salamin. Alam kong may tao sa 100b at mataman lamang nakamasid sa amin ng mga
anak ko. Kinakabahan man ay lakas-loob akong inihakbang ang aking mga paa sa
direksyon kung saan ito nakaparada. Sinipat-sipat ko pa ang kabuuan ng sasakyan
bago ako kum atok sa bintanang katapat ng driver's seat.
Akala ko walang-tao dahil naka-ilang
katok na ko ay wala namang nagbubukas. Ngunit nagulat pa ako ng bumukas ang
Pinto at iniluwa nga ang inaasahan kong tao. Halatang bagong gising ang itsura.
Ano at dito siya natutulog sa kotse? At bakit ang gwapo niya pa rin kahit
bagong gising?
" Karen
Tila nahihiya niya pa na banggit sa
pangalan ko.
Seryoso ko siyang tin itigan.
"Senyorito, anong ginagawa mo
rito?" tanong ko agad.
Hindi siya agad nakasagot habang
nakatitig rin sa aking mukha pagkuway humawak sa likuran ng kanyang batok.
" Karen
Umarko ang kilay ko dahil nakikita ko
na para siyang nahihirapan na sagutin ang tanong . Huwag niyang sabihin na bibili siya ng
halaman kaya siya narito?
"Gusto ko lang kasing makita
kayo ng mga anak ko." Sagot niya sa seryosong boses.
Mas umarko ang kilay ko sa narinig.
Katapusan na ba ng mundo o bingi na
lang ako?
"Tama ba ang narinig ? Kayo ng mga anak ?" bahaw akong natawa sa pag-ulit sa
kanyang sinabi.
"Sa pagkakaalam ko kasi
Senyorito wala ka namang mga anak dito at isa pa tigilan mo ang pagsunod sa mga
anak ko dahil tinatakot mo sila.lJ Litanya ko.
"Karen, please alam kong marami
akong
pagkakamali bilang asawa at ama ng
mga anak natin. Kaya gusto kong burnawi. Burnawi sayo lalong-lalo na sa mga
anak ko. Kina Santino at Seb." Sinsero niyang sabi.
Mas lalo akong napamaangsa kanyang
sinambit.
"Magugunaw na ba ang
mundo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi mo ba nakuha ng buo ang
kayamanan na binigay ko ng kusa sayo? May ibang kundisyon ba si Senyora Loreta
para makuha mo ang mana? tanong ko dahil maaaring hindi niya nakuha ang
kayamanan kaya naman hinahanap niya kami ng ng mga anak .
"Karen, I can make my own money.
Kaya kongyumaman kahit wala ang sinasabi mong kayamanan galing kay Lola."
Deretso niyang sabi. "Kung ganon anong kailangan mo?" seryoso
kongtanong.
"lkaw at ang mga anak ko. Kayo
ang kailangan ."
Tuluyan na talaga na akong natawa sa
narinig. Tawang-tawa ako na parang nakarinig ng isang nakakatawangjoke.
Samantalang pinapanood lamang ako ng lalaking kaharap .
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo
Senyorito?
Kami kailangan mo? Bakit?"
tanong ko na may halongsarkastiko.
"Dahil kayo ang pamilya ko.ll
Sagot naman niya.
"Pamilya? Wala kang pamilya dito
Senyorito at pakiusap huwag mong guluhin ang tahimik na buhay namin ng mga anak
ko." madiin kong wika.
" Karen, gusto kong bum
awi."
Ayoko ng marinig pa ang kayang
paliwanag kaya naman pinutol ko na ang anumang sasabihin nya.
"Wala kang babawiin Senyorito.
Masaya at kuntento na kami ng mga anak ko sa kung anuman ang mayroon kami. 00,
madalas nga nilang itanong kung nasaan ka pero alam kung pagdating ng panahon
na maintindihan din ng mga anak ko kung bakit mas pinili ko ang lumayo sayo.
Kaya pakiusap layuan mo kami ng mga anak
." nanggagalaiti kong galit.
Nalaglag ang balikat ni Senyorito sa
aking tinuran. Alam kong may nais pa siyang sabihin pero anupaman iyon ay ayoko
ng marinig pa. Sapat ng nasaktan ako na ayokong mangyari sa mga anak ko.
"Umalis ka na Senyorito, hindi
ko alam kong ano ang tunay mong pakay pero nakikiusap ako sayo na huwag mo ng
idamay ang mga anak ." Saka ako
lumakad palayo at pumasok na sa aming bakuran.
Anurnan ang kaugnayan namin sa
nakaraan ay ilang taon ko ng tinuldukan kaya anong karapatan niyang guluhin ang
kasalukuyan.
Chapter
73
"Ma, pinasasabi po ni Aling
Clara na aani raw po kayo ng mga mani sa hacienda bukas.
Magpunta na lang raw po kayo sa bahay
nila.ll Imporma sa akin ni Santino matapos makauwi galing sa eskwelahan. Tuwing
anihan ng kahit anong pananim sa hacienda ay sumasama ako. Sayang din kasi ang
kita maging ang mga mauuwi kong mga sobra sa kung anong produkto ang aanihin.
"Ganun ba? Pupuntahan ko na lang
mamaya pagkatapos kong magluto ng hapunan.l' Sagot ko naman sa anak ko.
Kasalukuyan kasi akong nagsasaing ng bigas sa kalan namin na ginagamitan ng
kahoy. Wala naman akong pambili ng gas stove kaya matiyaga na lamang ako na
naghahanap ng tuyong kahoy na pwedeng ipanggatong o kaya naman ay uling ang
aking gamit.
Nang makaluto ako ay agad akong
gurnayak patungo kay Ate Clara na mas matanda sa akin ng ilang taon. Ang
biyenan niyang lalaki at ang kanyang asawa ang mga namumuno sa mga trabahador
ng hacienda Esmeralda.
"Karen, maaga tayo bukas ng
makarami agad at saka kailangan natin na ano nga ba 'yon? ll tila nakalimutan
pa ni Ate Clara ang dapat sabihin. Alam ko ay nasa kwarenta na ang
kanyang edad. Tama lang ang kanyang taas pati ang pangangatawan na maitim ang
balat dahil ayon naman sa kanya ay bata pa lamangsiya ay kinamulatan niya na
ang maglingkod sa hacienda.
"Pa-impres nga ba 'yon? lyon nga
ba ang tamang salita? l' pumapalakpak pa si Ate Clara ng maisip ang salitang
dapat sabihin.
"Mabuti na lamang sinabihan mo
ako Ate Clara. Kailangan na kailangan ko talaga ng ibang pagkakakitaan,"
sabi ko naman sa kanya.
Iminuwestra ni Ate Clara na maupo ako
sa mahabang upuan na gawa sa kawayan. Tulad ng bahay namin ay gawa rin sa
kawayan ang kanilang bahay. Mas malaki nga lamang ang kubo nila kumpara sa kubo
namin na sakto lang talaga sa amin ng mga anak ko.
"Syempre, sino pa ba ang
magtutulungan kundi tayo-tayo lamang at saka sabi ko nga kailangan tayong
magpa-impres sa bagong may-ari ng hacienda. Mukha kasing istrikto at mukhang
maraming alam sa bukid. Kung kaya kumbaga ay alam na alam niya na kung paano
magpatakbo ng isang hacienda kasi nga balita rin namin na siya rin ang
nagmamay-ari ng hacienda Sto.Domingo." Kwento ni Ate Clara na nanlalaki pa
ang mga mata.
Ngumiti na lamang ako at hindi na
lamang nagkokomento. Ayoko mang magkaroon ng pagkakataong malapit ang presensya
ko kay Senyorito Simon ay babalewalain ko na lamang dahil mas kailangan kong
kumita ng pera sa mga anak .
Kinabukasan nga ay maaga pa lamang ay
nasa malawak na ektaryang lupain na kami ng mga mani na aanihin. Nagbilin na
lamang ako sa dalawa kong mga anak na dito dumeretso sa bukid. Siguro naman ay
busy sa buhay negosyante si Senyorito Simon at hind magpupunta rito.
Bantad man ang sikat ng araw ay
tuloy-tuloy lamang kaming mga trabahador sa pagbubunot ng mga mani na inaani.
Masaya naman sa bukid kaya hindi mo rin naman nararamdaman ang pagod dahil
nariyan ang biruan at madalas na tawanan.
"Uy! Tama na muna angtawanan.
Nakatingin sa atin si Senyorito
Simon," bulong ng isa sa aming kasamahan. Si Manang Ising.
Sabay-sabay kaming nag palinga-linga
ng mga kasamahan ko na nakarinigsa balita ni Manang Ising. Paglingon ko sa
isang malabong na puno ng kamatsile ay naroon nga ang isa sa mga namumuno sa
bukid na kausap ang isang matangkad na lalaki base na rin sa tindig at
pangangatawan. Naka-asul na longsleeve at nakapantalon. Nakasuot na pang cowboy
na sumbrero.
Pakiramdam ko ay uminit lalo ang
paligid dahil sa pakiwari ko ay sa akin nakatutok ang kanyang paningin. Pilit
kong inalis sa isipan ang sapantaha at nagpatuloy lamang sa ginagawa.
"Kailangan kong kumita!" siksik ko sa utak ko at nag patuloy na sa
ginagawa.
"Sino kaya ang pinagmamasdan sa
atin ni Senyorito Simon? Magmula kanina ay hindi na inaalis sa atin ang kanyang
paningin?" bulong na tanong ni Ate Clara.
"Malamangna nababagalan sa atin
kaya bilisan na natin dahil malapit ng mag tanghalian." Utos ni Manang
Ising na mas binilisan pa ang pagkilos. Bilib din ako kay Manang, bagamat may
edad na ay patuloy pa rin sa pagtatrabaho at hindi iniinda ang anumang sakit ng
likod kahit kalahating araw na kaming nakayuko at hindi makatayo ng diretso.
"Mananghalian na muna tayo!" sigaw ng isa sa mga kalalakihang
nagsisipag lakad na patungo sa isang parte ng bukid kung saan naroroon ang mga
mayayabong na puno na nagbibigay ng preskong hangin at lilim.
"Tara ng kumain at gutom na rin
ako," wika naman ni Ate Clara na siyang nanguna na para urnahon sa
pagbubunot ng mga mani. Nagsipag tanguan naman kami at sumunod na rin.
Kanya-kanya ng pwesto ang karamihan.
Palibahasang mga mag-asawa o kaya naman ay magkakamag-anakan ang halos
kasamahan ko sa bukid kaya ang ending, ako lamang ang naiiba.
Walang asawa. Walang kamag-anak.
Umupo na lamang ako sa isangtabi
malapit kina Ate Clara na bagamat pagod din ay panay pa rin ang pag asikaso sa
asawa. Ganun din ang ibang kababaihan.
Inilabas ko ang baon kong kanin at
ulam na adobong sitaw at isang bote ng tubig.
Saktong nabuksan ko na ang baon ko ng
may lumapit sa akin at naupo sa mismong harapan ko.
"Mabuti naman at iyan ang ulam
mo. Miss ko na nga ang ganyan na pagkain. Sawa na ako sa mga inuulam ko sa
araw-araw," wika niya sabay kuha sa tupperware na pinaglalagyan ko ng ulam
at nilagay sa kanin ko na nakabalot sa dahon ng saging at walang pag
aalinlangan na surnubo.
Napanganga na lamang ako sa kanyang
ginawa. Panay angsubo niya ng kanin at ulam na akala mo ay gutom na gutom at
wala na akong balak na tirahan.
"Hindi ka ba nagugutom?"
tanong ni Senyorito Simon sa pagitan ng kanyang pagnguya.
May inilabas siyang tupperware na
mayroongdin na lamang kanin at ulam. Halabos na hipon at alimango ang kanyang
baon. Ang mga paborito ko. Natatakam man ay parang nawalan na ako ng ganang
kumain dahil sa presensya niya at dahil sa pinagtitinginan lang naman kami ng
lahat ng tao sa bukid.
"Anong gin agawa mo,
Senyorito?" tanong ko na pinipigilan na mainis sa kanya.
"Kumakain ako, bakit?"
balewala niya naman na sagot habang patuloy lamang sa pagkain.
Ramdam ko ang pagtitig ng mga tao sa
paligid. Nagbubulungan na rin sila. Hindi ko tuloy malingon sila Ate Clara at
Manang Ising dahil natatakot akong salubungin ang kanilang mga nagtatanong na
paningin.
Lalo tuloy akong nawalan ng gana.
Pakiramdam ko ay nanunuyo ang
lalamunan ko hindi lamangsa init ng panahon kundi maging sa sitwasyong 'to.
Binuksan ko ang bote ng tubig na baon
ko at saka diretsong urninom sa bibig nito. Guminhawa ang tuyo kong lalamunan
ng maraanan ng malamig na tubig.
Ngunit ng tatakpan ko na sana ang
bote ng inagaw ni Senyorito Simon at walang seremonyang tinungga ang lamang
tubig. "Senyorito, ano kaba? Tubig ko iyan!" Inis kong reklamo sa
mahinang boses.
"Ano naman? Nauuhaw na ko,"
balewala na naman niyang sagot.
"Pinag-inuman ko na iyan!"
sabi ko na naman.
"Ano naman ngayon? Asawa
naman.ll hindi niya na natuloy ang anumang sasabihin ng takpan ko ang kanyang
bibig gamit ang kanan kong kamay.
Chapter
74
"Pwede ba Senyorito, ihina mo
nga yang boses mo at baka may makarinig sayo,ll bulong ko sa kanya pero malinaw
ang pagkakasabi . Kunot-noo lang siyang
nakatitig sa aking mukha at hindi makapagsalita dahil nga nakatakip ang isang
kamay ko sa kanyang bibig.
Medyo nahiya naman ako sa pagka
kalapit ng aming katawan. Kaya dali kong tinanggal ang kamay ko sa bibig niya
at saka mabilis na dumistansya ng ilang dangkal.
Mabuti na lamang at wala ng
nakatingin sa amin at kanya-kanya ng pahinga ang mga tao sa paligid.
"Kumain ka na. Baka malipasan ka
ng gutom," may pag-aalala sa boses niya.
"Paano ko kakain? Inubos mo ang
baon kung pagkain," sambit ko naman habang pinipigilan na mainis.
"Hayan ang baon ko. Paborito mo
lahat ng ulam na akingdala,ll saad naman niya sa akin at saka umupo muli para
magpahinga.
"Ayoko, nawalan na ako ng
gana,ll sagot ko at naghanap ng mauupuan na malayo sa kanyang pwesto.
"Bahala ka malipasan ka ng gutom
niyan," panunudyo niya sa akin at nginisian pa ako.
"00 na! Siya na ang gwapo kahit
nakasuot ng lumang long sleeve at pantalon na kupas at may putÏk pa ang sapatos
na suot. Ano kaya ang trip ng isang to?' sa loob-loob ko.
Hindi talaga ako kumain at hinintay
na lamang ang muling lusungan sa bukid.
Nahihiya na tuloy akong bumalik dahil
hindi ko alam ang isasagot sa mga magiging tanong sa akin.
"Mukhang nabighani ang Senyorito
sa taglay mong kagandahan Karen," tudyo ni Ate Clara na nakangisi pa.
"Oonga Karen, akalain mo sa
lahat ng pwede niyang samahan kumain ay sayo lumapit," segunda naman ng
isa pa sa aming kasamahan na si Ate Nora na kaedad rin ni Ate Clara.
"Baka sadyang mabait lamang si
Senyorito Simon at sinamahan si Karen dahil nakitang nag-iisa sa sulok,"
ani naman ni Manang Ising.
"Tama po kayo, Manang,ll
pagsang-ayon ko naman dahil sa totoo lang ay naiilang ako sa
kanilang mga panunudyo.
Bakit naman kasi gurnawa ng eksena si
Senyorito Simon.
Kanya-kanya na kami ng pwesto at
nagsimula na naman ng magbunot ng mga mani. Hindi ko pa rin talaga matanggal
ang inis ko kay Senyorito Simon.
"Ano ba ang drama niya? Ayoko na
ngang magkaroon pa ng kaugnayan sa kanya. Pero bakit siya itong tila lumalapit
sa amin,l' tanong ko sa aking isipan habang mabilis na binubunot ang mga
malabong na puno ng mani na sagana ang bunga sa kanyang ugat.
Dumating ang alas-singko ng hapon
at umahon na rin kami sa wakassa bukid.
Malamang na magpupunta rito ang mga
anak ko para sunduin ako kaya naman malaki na ang mga hakbang na ginawa ko
habang palinga-lingang hinahanap ang presensya ng mga anak ko sa paligid.
"Mama!"
Mabilis kong nilingon ang
pinanggalingan ng boses ni Santino. At ng matanawan ko ay nakasakay sa kanyang
bisikleta samantalang nakatayo sa kanyang tabi si Seb. Kumakaway silang pareho
habang masayang nakangiti at nagsimulang maglakad para ako ay salubungin.
"Karen, ayan na ang mga
guwardiya Imo," si Ate Clara na nakatingin na rin sa direksyon ng mga anak
ko.
"Mauna na ko Ate Clara. Bukas na
lang ulit," paalam ko sa kanya na tinanguan ako.Tinanguan ko na rin ang
mga nakasalubong ko na mga kasamahan namin at kanya-kanya na rin ng daan pauwi.
"Tara na mga anak,ll yakag ko sa
mga anak ko na sinabayan na ako sa paglalakad. Isinukbit na ni Santino ang
backpack na dala-dalahan ko na naglalaman ng mga baon kongtupperware at tubig
saka marahang nagpedal ng bike habang kami naman ni Seb ay sumasabay sa kanyang
marahang pagbibisikleta.
"Ma, itlog na lamang po ang ulam
natin para hindi na po kayo mapagod magluto," suhestiyon naman ng bunso ko
na nakayakap pa sa aking bewang habang kami ay naglalakad.
"Susl Palusot ka pa! ltlog naman
talaga ang paborito mong ulam! ll Buska naman ng panganay .
"Ma! Si kuya oh!" ingos
naman ni Seb sa kuya niya.
Napawi ang pagod ko sa maghapon sa
nakikitang pagkukulitan ng mga anak
ko. Madalas silang mag-away pero hindi naman nagkakasakitan. Alam ko kung gaano
nila kamahal ang isa l t-isa gaya ng pagmamahal ko sa kanila.
"Tama na at baka may mapikon na
naman sa inyong dalawa. Dalian na lamang natin na maglakad. Madilim na sa daan
at kailangan na natin mag madaling makauwi," putol ko sa kantyawan
nila.
"Ihatid ko na kayo."
Isang baritono na boses ang nag
patigil sa amin ng mga anak ko sa paglalakad.
"Hindi na PO, Senyorito,"
maagap kong tanggi.
"Magandang gabi PO," bati
naman ni Santino.
"Magandang gabi PO,"
paggaya naman ni Seb.
Nakatitig lamang si senyorito sa mga
anak . Alam kong may nais siyang sabihin
sa mga batang kaharap.
"Sige PO, Senyorito. Mauna na po
kami. Magandang gabi po at salamat,l' mabilisang sabi ko saka iginiya ang mga
anak ko palayo.
"Ma, hindi po ba siya ang lalaki
noong isang
araw?" tanong ni Seb.
"Ma, bakit parang pamilyar siya
sa akin?" tanong naman ni Santino na tila may malalim pang iniisip.
Hindi ko na lamang iniintindi ang
kanilang mga katanungan at mabilis na humahakbang palayo kasama sila
"Ate Karen?"
Nang lingunin ko ay isang magandang
babae ang pinanggalingan ng tinig. Puno ng pananabik at pagsusumamo ang kanyang
mga mata habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang batang kasama ko.
Araw-araw na iniisip ko sa aking balintataw na ang mukha niya ang magiging
mukha ng anak kong nawala. Ramdam ko na kong nabuhay lamang siya ay naging
magkamukha silang dalawa.
"Magandang gabi, Senyorita.
Masaya akong nagkita tayong muli. Sige po mauna na po kami,ll magalang kong
pagbati at pagpapaalam.
Hindi siya sumagot ngunit nakikita ko
sa kanyang mga pagtitig sa amin ng mga anak ko na para ba siyang naiiyak.
Kumibot ang labi na tila may nais sabihin.
"Anong drama ng magkapatid na
Sto.Domingo? Bakit tila ang bait
nilang dalawa at hindi ako pareho na sinungitan?" tanong ko sa aking
isipan.
Naririnig kong may mga itinatanong
ang mga anak ko ngunit masyadong ukupado ang utak ko ng mga samu't-saring
ala-ala sa nakaraan.
Mga ala-ala ng sakit na matagal ko ng
hindi nararamdaman. Ngunit muling kumirot at nagdala ng hapdi sa bawat himaymay
ng aking kalamnan.
Hindi lang pala si Senyorito Simon
ang dapat kong iwasan dahil nandito rin pala si Senyorita Selene. Ngunit bakit
sa dinami-dami pa ng mga hacienda na kaya nilang bilhin ay bakit ang hacienda
Esmeralda pa?
Chapter
75
"Ma, dumating po ang tatay ng
kaklase ko galing ibang bansa. Ang clami niya pong pasalubong.l' Kwento ni Seb
ng dumating mula sa eskwelahan. Mataman lang naman akong nakikinig lagi sa
kanyang mga kwento galing sa eskwelahan araw-araw.
"Ma, kailan po ba darating si
Papa? Sana marami siyang dalang mga laruan at chocolates kasi po iyong sa
kaklase ko ang dami niya pong chocolates. Meron din po siyang bagong laruan na
robot at ang ganda PO." Patuloy sa pag kwento si Seb na nanlalaki pa ang
mga mata habang inilalarawan ang robot na laruan ng kaklase.
"Hindi ba binilhan naman kita
dati ng laruan," sabi ko na lamang at hindi sinasagot ang tanong na kung
kaian darating ang Papa niya.
"Ma, iyong sa kaklase ko po
malaki ang robot niya at saka po ang astig." iminuwestra pa ni Seb kung
gaano ang laki ng robot.
"Wala naman tayong pambili ng
ganun kalaking robot, Seb."
Sagot ko sa kanya habang inaayos ang
mga panggatong na pinulot ko kanina sa kakahuyan sa malapit.
"Ma, sana po dumating na si
Papa. Para po magkaroon na tayo ng parnbili ng kalan na ipinipihit na lang gaya
ng kina kuya Estong. Para po hindi na po kayo mahirap sa pagluluto at
pangangahoy." Hiling Lilit ng anak kong bunso habang pinagmamasdan ang
aking ginagawa na pag-ihip sa kalan upang kumalat at dumingas ang apoy.
"Anak, kaya mag-aral kang
mabuti. Para kapag nakatapos na kayo ng pag-aaral ng kuya Santino mo.
Mabibilhan na ninyo si Mama ng kalan na pinipihit,'l sabi ko naman. Ang kalan
na ipinipihit na tinutukoy ni Seb ay ang gas stove.
Meron kasing ganun sina Estong na
kalaro ni Seb.
"Ma, hindi ba ninyo namimiss si
Papa? Ano po ba ang itsura ni Papa? Bakit po hanggang ngayon hindi pa rin siya
nakakauwi? Tinutukso na po ako ng mga kaklase ko baka nagsisinungaling lang po
ako kapag kinukwento ko po si Papa sa kanila." Malungkot na sabi ng anak
ko habang nakatitig sa mga kahoy na isinalansan ko.
Naurnid ang aking dila sa sunod-sunod
niyang mga tanong at wala akong makapa na salita para isagot sa mga lyon.
Namimiss? Paano ko namimiss ang isang
taong nagpahirap sa buhay ko dati. Paano ko namimiss ang isang taong dahilan
kung bakit ipinanganak ko ng wala sa buwan si Santino? Dahilan para duguin ako
at mawala ang sana ay kakambal ni Seb.
Abala ako sa paglilinis sa pag-aayos
ng aking mga halaman ng mamataan ko sa labas ng aming bakuran ang isangtao.
Nagmamadali akong lumapit sa kinaroroonan niya.
"Anong kailangan mo, Senyorita?
ll agad kong tanong kay Senyorita Selene na palakad-lakad na animo ay balisa sa
tapat ng aming gate na gawa sa kawayan.
"Ate Karen, gusto lang kitang
makausap," sagot niya na may halong pagsusumamo sa tinig maging sa kanyang
mga mata.
Wala naman akong nakikita na dapat pa
namin na pag-usapan pa dahil kung naging mabuti man siya kay Santino dati ay
hindi pa rin maikakaila na pinaratangan niya rin akong pera lamang ang habol sa
kanyang pamilya.
Ngunit atas ng kagandahang asal ay
binuksan ko ang gate kawayan at inanyayahan siyang pumasok sa loob ng aming
munting bakuran.
"Maupo ko, Senyorita."
Pag-aya ko sa kanya
ng makarating kami sa teresa ng aking
bahay-kubo
Naupo naman siya at palinga-linga sa
kabuuan ng paligid na tila may hinahanap.
"Gusto mo ba ng maiinom? Kape at
tubig lang ang maaalok ko dahil wala naman kaming fresh juice dito o kaya ay
fresh milk,ll sabi ko sa mahinahongtinig.
Umiling siya at pilit ngumiti.
Burnuntong-hininga muna ako at naupo
na rin sa sa mahabang upuang kawayan kung saan din siya nakaupo at handa na
akong makinig sa anumangkanyangsasabihin.
"Dito pala kayo nanirahan ng mga
pamangkin ko?" Panimula niyangsabi habang pinagmamasdan ang payak naming
bahay ng mga anak ko.
Tumango lamang ako bilang sagot.
"Ate, gusto kong humingi ng
sorry." Baling niya sa akin at kitang-kita ko ang pagbukal ng luha sa
kanyang mga mata.
Medyo nabigla ako.
Ate ang tawag niya sa akin? Simula ng
magkita kami sa hacienda Esmeralda ay "Ate Karen" na ang tinatawag
niya sa akin gayong sa pagkakaalam ay mas matanda siya sa akin ng dalawangtaon.
"Ate, sorry dahil nadamay ang
mga pamangkin ko. Sorry sa mga panahong dapat tinutulungan ka namin. Sorry sa
lahat. Sorry talaga Ate Karen." Madamdamin niyang litanya.
Ramdam ko ang senseridad sa kanyang
basag na tinig dahil sa pagluha habang humihingi ng tawad.
"Gusto kong bum awi, Ate. Gusto
naming bumawi lalong-lalo na ni Kuya. Gusto niyang burnawi sayo at sa mga anak
ninyo," saad niya na ginanap pa ang aking mga palad.
Umiling ako.
"Senyorita, kung anuman ang
nakaraan sa pagitan natin at namin ni Senyorito Simon ay gusto ko na lamang
iwan sa nakaraan. Walang alam ang mga anak ko sa kung sino ang kanilang ama o
anuman na may kinalaman kay Senyorito Simon," sabi ko sa kanya.
Nagtatanong ang mga mata ni Senyorita
Selene sa narinigsa akin.
"Pe-pero Ate, gusto naming
makilala Sina Santino at Seb." Pagsusumamo niya.
"Senyorita, huwag na ninyo
kaming guluhin pa ng mga anak ko. Masaya na kami kung anuman ang mayroon
kamingtatlo. Ayoko ng malito o magtanong pa ang mga anak ko tungkol sa mga
bagay na mahirap ipaliwanag lalo at bata pa lang sila. Kaya hayaan niyo na
lamang kami." Pakiusap ko kay Senyorita Selene.
Ate .11
"Minsan na kung nasaktan ng
emosyonal at pisikal. Kaya ayokong maranasan iyon ng mga anak . Ayoko ng magkaroon ng anumang kaugnayan sa
pamilya ninyo." Pahayag ko.
"Ate, paano naman ang mga bata?
Mas giginhawa ang buhay nila kapag nasa mansyon sila.IJ Patuloy na giit
ni Selen.
"Giginhawa?" Tanong ko.
"Nabuhay ko ang mga anak ko sa
paraang alam ko. 00, salat kami sa yaman. Payak at napaka-simple ng buhay
namin hindi gaya ninyo na marangya. Pero ayos naman kami hindi ba?
Tatlomh beses sa isang araw ang
pagkain namin." Patuloy ko.
Hindi na kumibo si Senyorita Selene.
Marahil ay tinitimbang ang mga sinabi ko.
"Batid kong hindi habang panahon
na maitatago ko sa mga anak ko kung sino ang ama nila. Ngunit hahayaan ko na
lang din na dumating ang panahon na sila na mismo ang hahanap kay
Senyorito Simon. Pero sana lang ay
galangin niyo
ang desisyon ko na layuan ninyo kami.
Katulad ng paglayo ko sa inyo dati. Hayaan niyo kami tulad ng pagpaparaya na
ginawa ko kay Senyorito Simon. Pagbigyan niyo ang hiling ko katulad ng
pagbibigay ko ng walang alinlangan sa mga ari-arian na dapat ay sa amin ni
Santino.ll Mahaba kong litanya.
Tumango-tango si Senyorita Selene
ngunit umiiyak pa rin.
"Alam mo Ate Karen, sising-sisi
ako sa nagawa . Talaga pa lang nasa huli
ang pagsisisi." Kwento ni Selene na bahagya pang tumawa.
"Noong nagkaroon ako boyfriend.
Halos ayokong mapahiwalay sa kanya. Mag-aaral kasi siya sa America at ako naman
ay ayaw payagan ni Lola at Kuya na mag-aral sa ibang bansa. Pero dahil mahal na
mahal ko ang boyfriend ko kaya gumawa ako ng paraan para makapunta din ng
amerika."
Hindi ko maintindihan ang kwento ni
Selene pero mataman akong nakikinig sa kanya.
"Alam mo ba kung anong ginawa ko
para masunod ang gusto ?"
lumuluhang tanong sa akin ni Senyorita Selene.
"Usapan namin ni Bryl pampatulog
lang din ang ilalagay niya sa inurnin ni Kuya Simon. Pero
hindi niya ako sinunod. Isang uri raw
ng s*x drugs ang nilagay niya kaya.." tila nahihirapang ipagpatuloy ni
Selene ang sasabihin.
Nagtatanong ang aking mga isip. Anong
ibig sabihin ni Senyorita Selene sa kanyang kwento.
"Sorry Ate Karen. It's all my
fault. Yes, ako ang naglagay ng sleeping pills sa ininum mong juice noong
gabing may nangyari sa inyo ni Kuya Simon. I swear to God na hindi ko alam na
s*x drugs ang ilalagay ni Bryl sa alak na ininom ni Kuya Simon. Kaya wala kang
maalala ng gabing iyon ay dahil tulog na tulog ka talaga at si Kuya naman ay
nasa impluwensya ng drugs."
Hindi ko alam kung anong nararamdaman
ko sa pag-amin ngayon ni Selene.
Siya pala ang may kagagawan ng lahat.
Siya pala ang dahilan ng lahat.
"Inisip ko kasing magagalit si
Daphne kapag nalaman angtungkol sa nangyari sa inyo ni Kuya. Maiisip niyang
urnuwi ng amerika at 'yon ang pagkakataon na balak kong samantalahin para
payagan ako ni Lola at lalong-lalo na ni Kuya na lumipad din sa U.S. I know how
Kuya Simon's loved Daphne. Alam kong mahal niya ang girlfriend niya at baka
utusan niya ako para bantayan si Daphne habang nasa malayo." Patuloy lang
ako sa pakikinig sa mga pabayag ni Senyorita Selene.
"Binayaran ko ang mga taong
nagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa pagiging mukhang pera mo, sa
pagiging malandi mong babae at disperada para mabuhay ang Nanay mo. Kaya nagawa
mong pikutin si kuya dahil ginamit mo ang malaking pagkagusto sayo ni Lola
Loreta .11
Namamangha ako sa pangungumpisal ni
Senyorita Selene.
Hindi ako makapaniwala na angtulad
niyang nag-aral sa maganda at dekalidad na eskwelahan ay makakaisip ng ganung
bagay.
"Pero hindi pala ganun lang ang
mga bagay-bagay. Hindi pala simpleng laro lamang ang buhay. Hindi simpleng
bagay ang kinalabasan ng pagiging makasarili ko. Dahil dumating si Santino na
nadamay sa pagiging malupit sayo ni Kuya." Mapait na wika ni Selene.
"Yes, Ate Karen, I'm the person
behind. Ako ang may kagagawan at pinagmulan ng lahat ng naging kaguluhan sa
buhay mo at pinagsisihan kong lahat iyon. Maniwala ka, Ate Karen, sising-sisi
ako."
Wala akong maapuhap na dapat sabihin
kay Senyorita Selene.
Nasagot ang katanungang matagal ng
hungkag sa kasagutan dahil sa wala talaga kong maalala noong may nangyari sa
amin ni Senyorito Simon.
Hindi ko alam kong mamumuhi ba ako sa
kanya? Magagalit ba ako?
Heto na, umaamin at nanghihingi ng
tawad ang taong may kagagawan ng lahat.
Tama siya.
Nadamay si Santino. Nadamay si Seb at
ang kambal niya na sana ay kasama namin ngayon kung hindi ako dinugo noon.
Chapter
76
Malayo lamang ay naririnig ko na ang
boses ni Seb habang tinatawag ang pangalan ko. Nagmamadali naman akong lumabas
ng bahay para salubungin ang mga anak kong galing sa eskwelahan.
Muling malakas na pagtawag ni Seb at
nang matanaw ko siya ay mayroon siyang bitbit na malaking plastic at ganun din
si Santino.
Kunot-noo akong nakatitig sa kung ano
ang mga dala-dala nila.
"Ma, tingnan po ninyo. May mga
bago po kaming laruan ni Kuya." Agad na ibinida ni Seb ang laman ng
malaking plastic na galing sa kilalang toy store sa mga malls.
Kinutuban na ako sa pwedeng
pinagmulan ng mga mamahaling laruan ng mga anak
.
"Saan nanggaling ang mga iyan?
" malumanay kong tanong sa dalawa kong anak na hindi magkamayaw sa kung
ano ang uunahin na tingnan sa mga laruang nasa 100b ng plastic.
"Ma, galing po kay Senyorita.
Hindi po ba kilala mo siya? Siya po ang nakita natin na magandang babae sa
hacienda noong isang araw." Si Santino ang sumagot
"Ba-bakit tinanggap ninyo? Hindi
ba l t bilin ko na huwag na huwag kayong tatanggap ng kahit ano sa taong hindi
niyo naman kilala? 'l sermon ko sa mga anak
.
"Ma, hindi ba nga po at kilala
niyo siya? Tinawag niya nga po kayong Ate Karen." Nagtataka na sabi ni
Seb.
"Oonga PO, Ma, kaya nga po
tinanggap namin dahil magkakilala kayo. Ang sabi niya nga po ay tawagin namin
siyang Mommy Selene, kasi po gusto niya po kaming maging anak." Kuwento ni
Santino.
Gusto kong sermunan ang mga anak ko.
Ngunit pinigilan ko na lamang ang aking sarili dahil ayokong mahalata nila ang
pagdisgusto ko sa ginawa nilang pagtanggap ng mga laruan mula kay Selene.
Kinabukasan ng makapasok sa
eskwelahan ang mga anak ko ay nagmamadali akong gumayak patungong hacienda.
Kakausapin ko si Selene sa ginawa niya. Akala ko malinaw na sa kanya ang
napag-usapan namin noong nag usap kami.
"Karen iha, ikaw pala yan. May
kailangan ka ba?" bungad na tanongsa akin ni Manang Puring ng makita niya
akong naghihintay sa pintuan ng mansyon.
"Magandang umaga PO,
Manang." Pagbati ko at inabot ang kanyang kanang karnay para magmano.
"Kaawaan ka, halika pumasok ka
muna." Yaya sa akin ni Manang Puring sa 100b ng mansyon.
Bantulot mang pumasok sa 100b ay
nilakasan ko ang aking 100b. Kailangan kong makausap si Senyorita Selene.
Nag palinga-linga ako sa paligid
habang sinusundan ang matandang mayordoma ng mansyon. Narito ngayon ako sa
malawak na sala na kung saan kasama akong nag-ayos upang ilagay ang mga bagong
gamit. Bahagyang nakalihis ang mga makapal na kurtina ng mga malalapad na
bintana kaya naman malayang makakapasok ang nakakasilaw na sinag ng araw.
"Ate Karen?"
Umakyat ang paningin ko sa ikalawang
palapag ng mansyon at naroon angtumawag sa akin.
Si Selene na nakadamit pantulog pa na
maingat na bumaba ng hagdan.
"Ate Karen? Magkakilala pala
kayo ni
Senyorita Selene, Karen?" takang
tanong sa akin ni Nanay Puring na huminto rin sa paglalakad.
"Yes Manang, magkakilala po
kami." Maagap na sagot ni Senyorita Selene ng makalapit sa kinaroroonan
namen.
"Mabuti naman pumasyal ka,
Ate." Nakangiting saad ni Selene.
Tumikhim ako bago sumagot.
"Gusto sana kitang makausap."
Sagot ko sa mahinahon na tinig.
"Manang, makidalhan na lamang po
kami ng pwedeng kainin sa pool area." Utos ni Selene sa mayordoma na agad
namangtumalima.
lginiya ako ni Karen sa pool area
kung saan may malawak na parihabang swimming pool. Naupo kami sa sa bakal na
upuan na may katerno din namang bakal na bilog na lamesa.
"Hindi na ako mag paligoy-ligoy
pa Senyorita Selene. Hindi ba't nag-usap na tayo tungkol sa mga anak ko? Bakit
binigyan mo sila ng laruan at gusto mo pa na tawagin ka na nilang
Mommy?" pang-uusig ko kay Selene na nawalan ng lalo ng kulay ang maputlang
mukha.
"Nilinaw ko na sayo na ayoko ng
magkaroon
ng kaugnayan sa inyo ni Senyorito
Simon. Kaya sana naman bigyan niyo ko ng konsiderasyon gaya ng pagbibigay ko sa
inyo dati." Pagpapatuloy
.
Nakita ko kung paano nangilid ang
luha ni Senyorita Selene at kapagdaka ay tumulo na.
"Ate Karen, please, gusto ko
lang mapalapit sa mga pamangkin . Gusto
ko silang makasama. Pangako ko naman na wala akong babanggitin na kapatid ko
ang Papa nila. Please, Ate." Hinawakan pa ni Selene ang kanang kamay ko
habang nagmamakaawa. Punong-puno ng pagsusumamo ang kanyang lumuluhang mata.
"Senyorita Selene, ayokong
magulo ang isipan ng mga anak ko. Magtatanong sila kung bakit ka nakikipag
lapit sa kanila. Ayokong mag-imbento pa ng kasinungalingan tungkol sa kung sino
ka at sino ang ama nila.ll Walang gatol kong litanya.
"Sabihin mo sa kanila ang
totoo."
Isang baritono na boses ang
pumailanlang sa tahimik na kapaligiran ng lugar kung nasaan kami ni Senyorita
Selene.
Hindi ko na kailangan lingunin kung
kanino boses yon.
"Sabihin mo sa kanila ang totoo,
Karen. Para makalapit na kami ng malaya kay Santino at Seb." Ulit
niyangturan ng makalapit sa lamesa kung nasaan kami ni Selene.
Simpleng t-shirt na kulay puti na
ginupit ang manggas ang kanyang pang -itaas at kulay itim na khaki short ang
pang-ibaba. Gaya ng dati ay n aka-tsinelas lamang siya.
"Ano bang hindi niyo
naiintindihan? Ayoko ng magkaroon ng kaugnayan sainyo tapos gusto niyong
sabihin ko ang totoo sa mga anak ko?" mahinahon kung wika ngunit
nagngingitngit na ang kalooban ko.
"Karen, ilang sorry ba ang gusto
mong marinig mula sa amin bago mo kami mapatawad and besides, Ako parin ang
biological father nina Santino at Seb kaya may karapatan ako sa kanila."
Napa-ismid ako sa sinabi ni Senyorito
Simon.
Karapatan? Nakakatawa.
"May sakit ba kayo at may taning
na ang mga buhay niyo kaya gusto niyong magkapatawaran tayo at tanggapin ko ang
paghingi niyo ng sorry at para na rin sabihin ko sa mga anak ko na naririto na
ang Papa nila? Na miss na miss na silang dalawa?" bahagya akong natawa sa
akingtinuran.
"Baka nakakalimutan mo Senyorito
Simon kung paano mo akong ipagtabuyan, sinabihan ng mga masasakit na salita,
paratangan ng kung anu-anong bintang. Naaalala mo pa ba kung paanong nanganib
ang buhay ni Santino dahil ipinanganak ko siya ng kulangsa buwan? Nang
nagkasakit siya at naospital, nag-alala ka ba? Kinamusta mo ba ang kalusugan
niya? Naalala mo ba ng una ka niyang tinawag na Papa? Pero binalewala mo lang
at ni hindi man lang pinansin? Noong unang kaarawan at binyag niya, nasaan ka?
Para akong tangang naghihintay sa simbahan pero urnaasa akong darating ka kahit
ang totoo niloloko ko lamang ang sarili ko. Tapos ngayon igigiit mo ang
pagiging biological father mo at sasabihin ang karapatan mo sa mga anak !? Nakalimutan mo na ba ang mga sinabi sa
akin? Nilinaw mo sa akin dati na basura lamang angtingin mo sa amin ng anak ko.
Kaya ano ang pinaglalaban niyo?" sumbat ko at hindi ko mapigilan ang
paghulas ng kinikimkim kong galit sa 100b ng ilangtaon. Batid kong tumaas na
ang tinig ko at nanlilisik na ang mga mata ko dala ng masidhingemosyon.
Chapter
77
Mataman lamang akong pinakinggan ng
magkapatid. Patuloy lam ang sa pag-iyak si Senyorita Selene gayong nakatitig
lamang sa akin si Senyorito Simon na waring naumid ang dila.
"Umalis ako ng kusa sa buhay mo
Senyorito Simon. Pinirmahan ko ang annulment papers para mapawalang bisa ang
kasal natin. Binigay ko ng walang pag-aalinlangan ang kayamanan na dapat sa
amin ni Santino para matapos ang usapan tungkol sa mga bagay na laban sa
pagkatao ko. Kaya ano 'to? Bakit gusto niyong guluhin ang tahimik naming buhay
ng mga anak ko?" patuloy ko sa panunumbat sa magkapatid lalong-lalo
na kay Senyorito Simon.
"Karen, kaya nga gusto kong
burnawi lalong-lalo na sa mga anak ko. Gusto kong bawiin ang lahat ng mga
nawalang panahon na hindi ko sila kasama. Gusto kong ibigay sa kanila ang mga
bagay na dapat ay sa binigay ko sa kanila. Kaya, nakikiusap ako. Payagan mo
akong makalapit at makasama sila. Anurnan ang nagawa ko sa nakaraan ay labis ko
na pinagsisihan. Kung kaya
ko lang ibalik ay gagawin ko.ll
Madamdaming pahayag ni Senyorito Simon.
Totoo kaya ang kanyang mga sinabi? Na
nagsisisi na siya? Hindi ako makapaniwala dahil hindi naman talaga
kapani-paniwala. Si
Senyorito Simon, nagmamakaawa na
patawarin
"Ganun lang 'yon? Matapos mo
kaming balewalain, pabayaan at hinayaang mabuhay ng ilangtaon na wala ka sa
buhay ng mga anak ko.
Sasabihin mo ngayon na gusto mong
bumawi? Hindi ba't napaka-kapal naman ng pagmumukha mo para sabihin sa akin ang
mga bagay na 'yan.l' patuloy lamang ako sa panunumbat.
"Ano ba ang gusto mong gawin ko
para mapatawad mo ako at tanggapin sa buhay ng mga anak ko. Gusto mo ba lumuhod
ako ngayon sa harap mo? ll seryoso niyang tanong.
Umiling ako.
"Wala kang dapat gawin,
Senyorito. Dahil kahit anong gawin mo. Hindi mo na mababago ang katotohanan na
isa kang walang pusong asawa at ama sa mga anak
. Kaya tigilan na ninyo ang mga anak ko. Layuan niyo sila. Hayaan niyo
na kaming mabuhay ng kami lang."
Lumapit sa akin si Senyorita Selene.
"Ate, please, ako na ang
nagmamakaawa sayo. Please, Ate Karen. Ako ang may kasalanan ng lahat. Kaya sa
akin ka na lang magalit.
Nagmamakaawa ako sayo, Ate."
Pakiusap niya sa akin at wala sa hinagap ko na kaya niyang lumuhod sa harap ko
upang magmakaawa na sa kanya lang ako magalit.
"Senyorita Selene, hindi mo
kailangan na gawin 'to. Tumayo ka at huwag mo akong konsensiyahin," saad
ko habang nakayuko sa nakaluhod sa aking harap.
Ngunit ipinilig lang ni Selene ang
kanyang ulo at nanatiling nakaluhod upang patawarin ko.
Nag buntong-hininga ako at mariin na
ipinikit ang mga mata.
"Sa 100b ng walong taon, ako
lang ang mag-isa ang nagtaguyod sa mga anak ko. Kapag nagkakasakit silang
dalawa, hindi ko alam kung sino ang uunahin na asikasuhin. Kapag kailangan nila
ng ganito o ganyan sa eskwelahan, naghahanap ako agad ng trabaho para magkapera
at mabili ko agad ang kailangan nila.
Ayoko ko kasi na maisip nilang
nakakaawa sila. Kaya agad akong gumawa ng paraan para mabuhay ko sila ng
maayos. Nakayanan ko ang lahat ng pagsubok ng kami lang tatlo. Kaya sabihin
ninyo sa akin ngayon, madamot ba ako
kung ayoko ng makilala kayo ng mga
anak ko? Masama na ba ang ipagkait ang mga anak ko sa taong hindi nagpakita ng
kahit anong pagmamalasakit sa amin ni Santino?" mahaba kong litanya.
Patuloy lang sa pag-iyak si Selene
samantalang si Senyorito Simon ay nanatiling nakatitig sa akin. Gusto kong
maawa sa kanila ngunit paano kung saktan nila ang mga anak ko?
"Alam kong kaya ninyong ibigay
ang lahat ng pangangailangan ng mga anak ko. Pero bilang Ina nila, gusto ko
lang ng tahimik na buhay kasama ang mga anak
. Pakiusap, huwag na kayong lumapit pa sa amin."
Matapos kong sabihin ang aking mga
kataga ay tumalikod na ako para umalis. Ngunit laking gulat ko ng makita Sina
Santino at Seb na magkasama pang nakatayo sa di-kalayuan.
"Santino? Seb?"
Taranta kong pagtawag sa kanilang
pangalan. Ngunit lampasan lamang nila akong tiningnan.
"Wala po kaming pasok sa
eskwelahan dahil po kinansela ang lahat ng klase. May parating daw po na bagyo
sa lugar natin at kailangan na po na maghanda ang lahat ng mga tatamaan na
lugar. Kanina po pag-uwi namin ni Seb, nakita ko po kayong sumakay ng tricycle
kaya sinundan po namin kungsaan po kayo papunta. Pinapasok po kami ni Manang
Puring, kasi raw po ay narito nga po kayo, Nay," wika ni Santino na
panaka-nakang nakatingin sa dalawang taong nasa likod ko. Muli siyangtumingin
sa akin na tila nagtatanong ang mga mata.
"Totoo po ba, Ma? Si Senyorito
Simon po ba ang Papa namin ni Seb?" mahina niyang tanong at tila nahihiya
pa sa kanyang sinabi.
Napuno ng emosyon angdibdib ko.
Malamangna narinignila ang pag-uusap
namin kanina ni Senyorito Simon at ni Senyorita Selene. "Totoo po ba, Ma?
Siya po ang Papa namin ni kuya?" inosentengtanong naman ni Seb na
nakakapit pa sa braso ng kanyang nakatatandang kapatid at nagtataka marahil sa
narinig at sa eksenang nakita sa amin.
Para saan pa para magsisinungaling
ako? Para saan pa kung itatanggi ko ang katotohanan na nalaman nila ng hindi
sinasadya.
Kin agat ko ang pang-ibabang labi ko
para pigilan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata at labag man sa kalooban
ko na umamin ay marahan na na ako ay tumango-tango bilang pagsagot sa tanong ng
aking mga anak.
"Santino, Seb, ako nga Papa
ninyo,ll saad ni Senyorito Simon na niyakap pa ng mahigpit sina
Santino at Seb. Lumapit din ang
umiiyak na si
Selene at yumakap din sa
akingdalawang anak*
Para namang may humaplos sa puso ko
sa eksenang nakikita ko. Para bang nanonood ako isang eksena ng teleserye sa
telebisyon.
Ngunit bumadha ang kalituhan sa utak
ko kasama ng pag-aa[inlangan sa puso ko.
Paano na ang sitwasyon ngayong alam
na ng mga anak ko kung sino ang kanilang ama.
Ayoko man na magulo ang isip ng mga
anak ko ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko kung ang kapalaran na nilang
malaman ngayon ang totoo.
Isa lang ang dalangin koy ang maging
masaya ang mga anak ko. Sana nga lang ay huwag silang saktan ng kanilang ama
dahil hind ko alam kung ano na ang magagawa ko kapag nasaktan ang kahit
na sino sa dalawa kung anak.
Chapter
78
"Ma, nandiyan na po si Papa!
Alis na po kami." Masiglang paalam sa akin ni Seb at nagkukumahog pang
lumabas ng bahay para salubungin ang Papa nya.
"Mag-ingat ka Seb at ang mga
bilin ko sayo. Huwag kang pasaway, huwag malikot at baka mawala ka sa
pupuntahan ninyo." Pahabol kong bilin sa anak kung hindi na halos
nakatulog kagabi sa sobrang excited sa pamamasyal kasama ang kanyang matagal ng
hinahanap na ama.
Mamasyal sila ngayon sa kasama na rin
si Senyorita Selene.
Mula ng malaman ng mga anak ko ang
totoo ay madalas ng naririto sa bahay ang magkapatid na Sto. Domingo.
00, tutol ako.
Pero ano pa nga ba ang magagawa ko
kung hindi hayaan na lamang silang kilalanin ang isat-isa.
Sinong Ina ang hindi matutuwa kapag
nakikitang galak na galak sa tuwa ang kanyang anak kapag nakikita ang Papa
nila.
"Ate Karen, sure ka ba na hindi
ka sasama at si Santino?" malungkot na tanong ni Senyorita
Ang dahilan ko ay sasama ako sa
pamimitas ng mga kape kaya hindi ako makakasama. Samantalang si Santino naman
ay may gagawin daw na importanteng project sa eskwelahan na
kailangang-kailangan na raw na tapusin kaya turnangging surnama sa pamamasyal
kasama ang ama at tiyahin.
"Hindi na Senyorita, i-enjoy
ninyo na lamang ang pamamasyal kasama si Seb. Pilit ko namang pinasasama si
Santino sainyo, ang kaso maaga talagang urnalis dahil importante raw ang talaga
ang project niya." Sagot ko kay Selene na cute na cute sa romper na suot.
Kung nabuhay lamang sana si Samantha, malamangna binibihisan ni Senyorita ng
pagka ganda-gandang mga damit, mga sapatos, mga nasa uso na ipit sa buhok at
kung anu-ano pa na gamit para sa batang babae.
"Tuloy na kami, Ate. Sana sa
susunod na pamamasyal ay makasama na namin kayo ni Santino." May
panghihinayang sa kanyang pamamaalam.
Kumaway naman sa akin si Seb na
masayang humawak sa kamay ng kanyang mommy Selene. Samantalang bumaba naman sa
mamahalin niyang sasakyan na kulay puti si Senyorito Simon at binuksan ang
pintuan ng sasakyan upang makapasok sina Senyorita at Seb. Binuhat niya pa ang
kanyang bunsong anak upang makasakay.
Bago naman tuluyang pumasok ng
sasakyan si Seb ay inabot muna ang kanang kamay ng Papa niya at saka nagmano.
Hinawakan siya sa ulo ni Senyorito at bahagyang ginulo ang buhok. Matapos
maisara ang pintuan ng sasakyan pagkapasok ng mag-tyahin ay burnaling sa
direksyon ko ang ulo ni Senyorito Simon.
Bagay na bagay sa kanya ang suot na
V-neck shirt na kulay abo na hapit sa kanyang maskuladong katawan habang ang
pang-ibaba naman niya pantalon na kulay itim.
Alam kong nakatitig siya sa akin sa
kabila ng natatakpan ang kanyang mga mata na hindi ko mawari kung anong kulay
ng salamin. Bahagya naman akong nahiya sa ayos ko. Simpleng damit-pambahay
lamang ang suot ko at hindi pa nga ako naliligo dahil mas inuna kong inasikaso
si Seb dahil nga maaga siyang susunduin dito sa aming bahay.
Maya-maya ay inalis niya ang kanyang
salamin at saka ako tinanguan bago urnikot papuntangdriver's seat.
Bumusina muna ang sasakyan hudyat ng
pamamaalam saka dahan-dahan na lumakad hanggang sa mawala na sa aking tanaw.
Isasara ko na sana ang gate ng
namataan ko si Santino na pauwi na rito sa bahay.
"Santino, akala ko ba may
importante kang gagawing project?" tanong ko agad sa kanya. Dahil sayang
at hindi siya naka-abot sa kaka-alis lamang na sasakyan ng kanyang Papa.
Hindi ako sinagot ng anak ko na
nagtuloy lamang sa pagpasok at ipinarada ang bisikleta sa bodega.
"May sakit yata ang anak
ko?" may pag-alala sa isÏpan ko.
"Santino, anak may masakit ba
sayo? Masakit ba ulo mo? Angtiyan mo?" sunod-sunod kongtanong.
Turningin naman siya sa akin ngunit
kita ko kung waring malungkot ang panganay kong anak.
"Nak, anong masakit sayo?"
Hindi siya sumasagot at sa buong
pagtataka ko ay yumakap sa akin.
"Ma, sorry PO, sorry po
talaga," wika niya sa basag na tinig.
"Bakit ka nagsosorry? May ginawa
ka bang
hindi tama? Nakipag-away ka ba?
" lalo akong kinabahan sa kinikilos ni Santino. Hindi siya hihingi ng
sorry kung wala siyang ginawang masama.
Urniling siya ngunit hindi pa rin
umaalis sa pagka kayakap sa akin. Bagkus ay lalo niya pang hinigpitan angyakap
sa akin.
"Sorry PO, kasi po lihim akong
nagagalit sayo. Iniisip ko kasi dati na, ayaw ninyong makilala namin kung sino
ang Papa namin ni Seb.
Ayaw niyo po na kasama natin ang Papa
namin. Akala ko po ayaw niyo kaming maging masaya. Sorry Ma, hindi ko po kasi
alam angtotoo. Hindi ko po alam na naging malupit pala sila sayo kaya mas
pinili mong lumayo at buhayin kami ni Seb ng mag-isa. Sorry po talaga, Mama.
Napakasama kong anak. Parusahan niyo po ako, hindi po ako magrereklamo."
Tumulo ang luha ko sa ng marinig ang mga sinabi ni Santino.
"Mama, sorry. Sising-sisi po ako
na lihim akong nagagalit sa inyo. Gayun dapat pala ay mas mahalin ko pa
kayo." Humihikbi na patuloy sa paghingi ng sorry ng anak .
"Anak, wala kang kasalanan.
Sorry din na naging madamot ako na malaman ninyo kung sino ang inyong Papa.
Kasi natatakot ako na baka masaktan kayo. Kaya ko nagawa na huwag na lang
sabihin sa inyong dalawa ng kapatid mo ang totoo." Basag na rin ang boses
ko.
Nag-iyakan kaming mag-ina. Hindi ko
akalain na nag-iisip na ng ganun bagay ang panganay kong anak. Hindi ko naman
na siya masisi dahil marunong na siyang mag-isip sa kung ano angtunay at ano
ang kasinungalingan.
"Ma, kahit kailan hindi kita
iiwan. Hindi kita ipagpapalit sa kahit anong bagay, dahil ganun mo rin kami
kamahal ni Seb," sabi ni Santino na tigmak na ng pinaghalong-luha at sipon
ang mukha.
Tango na lamang ako ng tango dahil
wala na akong ma apuhap na sasabihin sa paglalahad ng anak ko kung gaano niya
ako kamahal at kung gaano siya nagsisisi sa anuman na kanyang naging kasalanan.
"Hindi po totoong may project
kami, Ma."
Hindi na ako na sorpresa ng sabihin
ni
Santino angtungkol sa project. Una pa
lamang ay alam kung may mali na. Kapag narito ang kanilang Papa ay kibuin-dili
niya at tanging si Seb lamang ang naririnig ko sa hindi maawat na pag kuwento.
"Mama, Ayoko po kasing iwan ka
at saka po narinig ko na sinabi mo na ba-basura lang po ang tingin sa atin ni
Senyorito Simon." Atubili pa si
Santino na banggitin ang salitang
”basura.”
Chapter
79
"Anak, humingi na ngtawad ang
Papa mo.
Humingi rin siya ng pangalawang
pagkakataon. Hayaan mo siyang makabawi sa inyo ni Seb," saad ko sa anak ko
na narinig pala talaga ang naging usapan sa pagitan nen ng kanilang ama.
Umiling si Santino.
"Hindi na PO, Ma. Kahit kay Seb
na lamang po siya burnawi.ll Matigas ang kanyang pagtanggi. 'Nak, huwag kang
ganyan. Papa mo pa rin siya kahit anong mangyari. Kahit ano pa ang nakaraan.ll
"Pero sinaktan niya po kayo, Ma.
Hindi ko po matanggap na hindi ko po kayo na ipagtanggol sa kanya." Bakas
ang pinaghalong galit at lungkot sa inosenteng mukha ng aking anak.
"Anak, mahirap ipaliwanag sa
ngayon ang naging sitwasyon namin ng Papa mo noon. Pero ayokong magtatanim ka
ng galit sa sinuman lalong-lalo na kay Senyorito Simon. Siya ang Papa niyo ni
Seb. Kung anurnan ang hindi magandang nangyari sa amin noong panahong magkasama
pa kami ay maaari bang hayaan mo na lamang si Mama ang magdala ng bagay na
'yon? Ayokong
magkaroon ka ng galit, Santino.
Malungkot si Mama kapag ang nagpakita ka ng hindl magandang pakikisama kay
Senyorita Selene at lalo na ang Papa mo." Mahinahon kong pagpapaliwanag sa
anak .
Hindi sumagot si Santino na patuloy
lamang sa paghikbi.
Ayokong magtanim siua ng galit kay
Senyorito Simon.Tamang ako na lamang ang magdala ng bigat sa dibdib dulot ng
hindi magandang pakikisama sa akin ng kanyang Papa sa nakaraan.
Pasado alas-nuebe na ng gabi ng
pumarada sa harapan ng bahay namin ang sasakyan ni Senyorito Simon.
Alalang-alala na nga ako at pumasok na rin sa isipan ko na baka wala na siyang
balak isauli sa akin si Sebastian.
Unang bumaba ng sasakyan si Selene na
may mga bitbit na plastic bags at paper bags. Lumabas din si Senyorito Simon at
nagpunta sa likod kung saan bumaba ang kanyang bunsong kapatid. Paglabas niya
ay karga-karga niya na ang bunso kong anak na malamang ay nakatulog na sa dahil
sa sobrang pagod.
"Ate Karen, pasensya ka na kung
ginabi kami. Masyado kasing nag-enjoy sa pamamasyal si Seb na pinagbigyan na
namin.ll Agad na paghingi ng pasensya ni Senyorita Selene ng pagbuksan ko ng
gate.
Ngumiti lamang ako bilang pagtugon
at sumenyas ako na pumasok na sila sa loob.
"Saan ko ba ilalapagsi
Seb?" tanong ni Senyorito Simon na bitbit ang anak kongtulog na tulog at
bahagya pa na nakaawang ang mga labi.
"Dito, Senyorito.ll Sabay bukas
ko sa pintuan ng nag-iisang silid ng aming kubo. Kanina pa tulog si
Santino sa kanyang sariling papag na gawa sa kawayan. Samantalang kami ni Seb
ay sa sahig natutulog na sinasapinan ng banig at pinagpatong-patong na
comforter.
"Dito mo na lang siya ilapag
Senyorito." Turo ko naman sa lugar kung saan ang pwesto ni Seb.
"Bakit sa lapag kayo natutulog? Hindi ba kayo nangangawit?" tanong
niya habang pinagmamasdan ang maliit naming silid ng mga anak ko.
"Malikot kasing matulog si Seb
at madalas nahuhulog sa papago kaya naman ay nasisipa niya si Santino habang
natutulog." Sagot ko sa kanya habang inaayos ang unan at kumot ng bunso
ko.
"Tulog na tulog na din si
Santino." Wika niya
at saka inilang hakbang ang papag
kung saan himbing na ang tulog panganay kong anak.
Hinaplos niya ang ulo ni Santino at
saglit na pinagmasdan. Inayos niya rin ang kumot at unan sa paligid ng papag.
"Tuloy na kami, Karen. Salamat
sa pagpapahiram sa akin kay Seb."
"Walang anuman, Senyorito."
Sagot ko sa kanya at sabay na kamimg lumabas sa maliit naming silid.
"Ate Karen, pasalubong namin sa
inyo ni
Santino. Si Seb ang pumili ng lahat
ng mga 'yan. Nagtataka nga ako kung bakit may piniling dress na pambatang babae
na kasukat nya si Seb. Nahiya naman akong magtanong at baka kasi may crush na
siya at kanyang ibibigay." Litanya ni Senyorita Selene.
"Ah..ba..baka nga llsang-ayon ko
na lamang.Ngunit batid ko kung para kanino ang d ress.
"At heto ang inihaw na manok.
Binili ko to sa tabi ng daan. Dito mo pinaglihi si Santino kaya malamang na
paborito din ito ng panganay .
Sayang lang hindi ko na siya naabutan
na gising." May panghihinayang sa tinig ni Senyorito Simon.
"Sa-salamat, Senyorito. Hindi ko
akalaing maalala mo pa ang bagay na 'yon." matapat kong sabi.
Napalitan ng hindi ko mawari na
emosyon ang mababanaag sa mga mata ni Senyorito Simon. Totoo naman, hindi niya
nga naalala ang bilin kong bumili siya ng inihaw na manok sa daan noong
panahong naglilihi pa ako. Tapos, ngayon ay sasabihin niyang naalala niya na sa
pagkain na 'yon ko pinaglihi ang panganay niya.
"Oh, Sige na, humayo na kayo
Senyorito, Senyorita. Alam kong pagod na rin kayo," sabi ko na lamang para
ibahin ang senaryo na nabuo na naman sa aking isipan.
"Thank you, Ate Karen. Salamat
talaga." Madamdaming turan ni Senyorita Selene.
"Wala 'yon Senyorita."
"Ate Karen, Selene na lamang ang
itawag mo sa akin." Nahihiyang hiling sa akin ni Senyorita
Tumango na lamang ako at ngumiti.
"Sige Ate, uwi na kami ni
Kuya.ll At saka lumabas na ng bahay si selene at nauna ng naglalakad patungo sa
sasakyan.
"Goodnight, Karen ."
"Goodnight din, Senyorito, ingat
sa pag dra-drive dahil madilim na sa daan." Habilin ko naman habang hindi
pa umaalis sa kanyang kinatatayuan si Senyorito at nanatiling nakapako sa akin
angtingin.
"May sasabihin ka pa ba,
Senyorito?" kunot-noo na tanong ko.
Ipiniling niya ang kanyang ulo at
saka nag buntong-hininga.
"We have to go.Thank you rin
dahil sa kabila ng lahat-lahat ay nagtiwala ka pa rin sa akin at pinahiram si
Seb ngayong araw. Maraming salamat, Karen," aniya.
"Tiyak na maraming kwento bukas
si Seb. Salamat din, Senyorito." Sa halip ay sagot ko na nakangit•.
Tulad kanina umaga, burnusina muna
siya bago umalis.
Hindi ko maalis ang paningin ko sa
sasakyang nilamon na ng kadiliman.
Tumingala ako sa malawak na
kalangitan at tinanaw ang nagsabog na bituin saka pumikit at taimtim na na
nanalangin.
Na sana ay maging maayos lahat.
Lalong-lalo na ang relasyon sa pagitan ng panganay kong anak at ng kanyang ama.
Sana rin ay tama ang mga nangyaring pagbabago na ito sa buhay namin ng mga anak
ko.
Chapter
80
Hindi magkamayaw si Seb sa mga kwento
ng naging karanasan sa pamamasyal kasama ang kanyang ama at tiyahin.
"Sayang Kuya, hindi ka sumama.
Ang saya pala talagang mamasyal sa mall. Ang lalaki ng mga buildings at kumain
kami sa isang restaurant na puro masarap ang mga pagkain. Malungkot nga si Papa
at Mommy Selene dahil hindi ka namin kasama. Kaya sana Kuya, ksama ka na namin
sa susunod," saad ni Seb sa nakatatandang kapatid na hindi ko alam kung
nakikinig sa kanina pa niyang mga kwento. Abala kasi si Santino sa paglilinis
ng kanyang bisikleta habang ako naman ay abala sa paghimay ng bunga ng malunggay
na siyang aming ulam sa tanghalian.
"Kuya, ang saya pala kapag may
Papa, ano? Kinuwento ko nga sa mga kaklase ko na dumatingna ang Papa natin.
"
"Papa, mo lang siya. Huwag mo
akong idamay dahil hindi naman niya ako anak. Ikaw lang ang may Papa sa
kanya." Sagot naman ni Santino na nakapag patigil sa ginagawa ko.
"Anong sinasabi mo kuya? Papa mo
din siya. Ikaw ang una niyang anak at kami ni Sam ang pangalawa. Ano ba ang
nangyayari sayo, Kuya? ll inosenteng turan naman ng bunsong kapatid.
"lkaw lang ang may Papa sa
kanya. Okay na sa akin si Mama lang ang magulang ." Sagot ulit ng panganay ko na ibinalik
na ang basahang ginamit sa lalagyan.
"Kuya, hindi ka ba masaya na
dumating na si
Hindi na sumagot si Santino sa tanong
ni Seb.
"Santino, anak, nag-usap na tayo
hindi ba?" singit ko na sa usapan ng magkapatid.
Ngunit sabay-sabay kaming napatingin
sa labas ng bakuran ng huminto ang pamilyar na sasakyan.
Si Senyorito Simon.
Agad namang tumakbo sa gate si Seb at
nagmamadaling buksan para salubungin ang ama.
"Ma! Tingnan niyo po may bago po
kaming bike ni Kuya! At tig-isa na po kami!"
Pinagmamalaking sabi ni Seb na
nakasakay na sa kulay asul na bagong bisikleta na tamang-tama lamangsa edad
niya. Samantalang hawak naman ni Senyorito Simon ang isa pang asul din na
bisikleta na tamang-tama naman kay Santino.
"Idinaan ko lang itong mga
bisikleta ng mga bata," saad sa akin ni Senyorito Simon na naka kulay
puting plain t-shirt at naka pantalon na itim.
"Hindi ka na sana nag-abala
pa." Malumanay kong sagot.
"Santino, heto ang para sayo.
Para hindi ka na nahihirapan pang iangkas si Seb. Luma na rin ang gamit mong
bisikleta at napansin kong marami ng sirang piyesa. Kaya naisipan kong bilhan
ka na ng bago," sabi naman ni Senyorito sa anak kong panganay.
Luma na nga naman at marami ngsira
ang bisikleta ni Santino. Secondhand ko lang naman kasing nabili at hindi
maingat sa gamit ang unang nagmamay-ari kung kaya kahit anong ingat ng anak ko
ay kusa nang burnigay ang mga parte.
"Salamat na lang PO, pero mas
gusto ko pong garnitin ang luma kong bisikleta. Mag-ingat na lang po ako sa pag
pedal." Pagtanggi ni Santino na hindi tumitingin sa ama.
Bakas sa gwapong mukha ni Senyorito
ang nagtataka sa sinagot ng anak.
"Santino, anak, mas mabuting
huwag mo ng garnitin ang luma. Hindi ba lagi kang nasisiraan ng kadena?"
nakisingit na ako .
"Hinigpitan na po ng tatay ni
Estong, Ma.
Kaya okay na PO." Pangangatwiran
ng anak ko.
"Hindi ba bawal kang mag-bike
mag-isa, Seb? Gusto mo na naman ba na maaksidente gaya ng dati?" Baling ni
Santino sa kapatid na nagbibisikleta ng paikot-ikot sa bakuran.
"Kaya ko na,Kuya." Sagot
naman ni Seb na nagpatuloy lang sa gin agawa.
"laangkas na lang kita. Kaya ko
naman." Patuloy na giit ni Santino .
Tumigil naman si Seb sa
pagbibisikleta at nagsalita.
"Papa, ayaw po ni Kuya sa inyo.
Ako lang daw ang may Papa sayo."
Sumbong naman ni Seb sa kanyang ama.
Nagkatinginan kami ni Senyorito Simon
sa pagkakataong 'yon. Nabasa ko ang pagtatanong sa kanyang mukha pati na rin
ang pinaghalong pait at sakit sa narinig sa sumbong ng bunsong anak.
"Totoo naman, ikaw lang ang anak
niya. Kaya nga iniwan siya ni Mama dahil ayaw niya sa aming dalawa. Para sa
kanya basura lang kami." Litanya naman ni Santino na may pait sa tinig.
"Santino, anak, ipapaliwanag ni
Papa ang lahat." Mahinahong saad ni Senyorito sa anak na panganay.
"Santino, makinig ka sa Papa
mo." Nilapitan ko na ang anak ko.
"Bakit PO, Mama? Narinig ko ang
sinabi niyo sa kanya dati. Na wala siyang pakialam sa atin, na basura lang
angtingin niya sa atin kaya nga kayo lumayo. Tapos ngayon magpapakilala siya
bilang Papa namin? Huwag na lang, nabuhay naman po tayo na wala akong
Papa." Pagpapatuloy ni Santino.
"Santino, anak, patawarin mo si
Papa. Pinagsisihan ko kung ano man ang ginawa ko sa inyo ng Mama mo dati. Kung
alam mo lang kung gaano ako nagsisisi, anak. Hinanap ko kayo ng Mama mo kung
saan-saan. Gusto ko kayong mahanap upang humingi ngtawad sa mga nagawa kong
kasalanan at makabawi sa mga pagkukulang ko." Malungkot na pagsusumamo ni
Senyorito sa anak kung pangan ay.
Natigilan ako ng marinig ko kay
Senyorito
Simon na hinahanap niya pala kami ni
Santino. "Santino, anak, hindi ba ang sabi ko sayo. Masama ang nagtatanim
ng galit. Lalo na siya ang
Papa mo." Mahinahon kongg
paliwag kay Santino
"Dati, gustong-gusto kong
magkaroon ng Papa. Lagi nga akong nag-wi-wish sa falling stars o kaya sa
wishing well school namin na sana, tuparin niya ang wish ko. Lihim pa kong
nagagalit kay Mama dahil wala man siyang kahit anong litrato kung ano ang itsura
ng Papa namin ni Seb. Akala ko ayaw ni Mama na maging masaya kami ni Seb dahil
ayaw niyang makilala man kahit sa picture ang Papa namin. Pero ng marinig ko
ang naging buhay ni Mama, ayoko na pala ng Papa. Sapat na pala si Mama para sa
akin. Kaya ayoko sayo! Sinaktan mo ang Mama ko! Kaya hinding-hindi kita
mapapatawad!" sigaw ni Santino na hinarap pa si Senyorito Simon at saka
mabilis na tumakbo palabas ng bakuran.
"Santino! Bumalik ka rito!"
akma ko na sanang hahabulin ang anak ko ng pigilan ako ni Senyorito Simon.
"Ako na ang hahabol sa
kanya," sabi niya at saka mabilis na lumakad para habulin ang anak.
Naluluha na lamang akong sinundan ng tingin ang papalayong si Senyorito Simon.
"Ma, ayoko na rin po nitong
bike."
Napalingon ako kay Seb na isinandal
ang bagong bisikleta sa sawaling dingding ng aming kubo.
"Bakit naman? Hindi ba at
matagal mo ng gustong magkaroon ng sariling bike?' tanong ko
"Isa po sa laging turo ni
teacher na bad po ang nanakit ng kapwa. Kaya kung sinaktan po kayo ni Papa,
ayaw ko na rin po sa kanya tulad ni Kuya." Malungkot at naluluha ang
litanya ni Seb.
Nilapitan ko si Seb at saka niyakap.
"Seb, diyan ba sa puso mo
nararamdaman mo ba na masama si Papa?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya.
"Hindi PO, Ma." Sagot naman
niya.
"Mahalin mo pa rin si Papa,
anak. Lahat naman ngtao nagkakamali. Humingi naman ng tawad sa akin ang
Papa mo, kaya huwag kang magbabago at sundin mo lang ang puso mo." Ewan ko
kung naiintindihan na ba ni Seb ang ibig kongsabihin.
Sana nga ay maintindihan niya gaya ng
panalangin kong maintindihan ni Santino kung anurnan ang ipapaliwanag ni
Senyorito Simon.
Chapter
81
Halos panawan ako ng ulirat ng
humahangos na dumating sa bahay si Senyorita Selene. Urniiyak siya habang
sinasabing kailangan naming magpunta sa ospital dahil naaksidente raw Sina
Senyorito Simon at Santino. Halos isang oras na nga ang nakalipas ng nag tatakbo
si Santino at habulin ni Senyorito Simon. Hindi ko sila sinundan sapagkat
iniisip ko ang magkasarilinan silang mag-ama para magka-usap ng masinsinan.
Wala sa hinagap ko na pwedeng silang mapahamak lalong-lalo na ang anak ko.
Waring nawalan ako ng lakas. Tanging
alam ko na lamang ay mabilisan kaming lumulan sa kotse ni Selene kasama na rin
si Seb na litong-lito sa nangyayari.
Basta na lamang umagos ang luha ko na
parang hindi na maampat sa sobrang pag-aalala. Naurnid na angdila kodahil wala
na akong maisatinig na kahit anong letra. Panay ang dalangin ko sa aking isipan
na, nawa'y walang nangyaring masama sa mag-ama.
"Doc, kami ang pamilya ng
mag-amang na-aksidente. Kamusta sila? ll agad na tanong ni Selene sa nakitang
doktor sa 100b ng ospital na aming pinasukan.
Nanlalamig ako at balisang-balisa.
Parang hindi ako makahinga sa sobrang
pag-aalala. Hindi ko marinig ang sagot ng Doktor sa tanong ni Selene.
Basta na lamang akong hinila ni Seb
para sumunod sa nagmamadaling si Selene.
Huminto kami sa isang silid at ng
burnukas ang pinto at makita ko si Santino na nakahiga sa isang puting
higaan ay lalong bumuhos ang luha ko.
Halos tinalon ko lamang ang pagitan
naming mag-ina at saka ko siya mahigpit na niyakap.
"Santino, anak, anong pakiramdam
mo?
lturo mo saan ang masakit?"
sunod-sunod kong tanong sa kanya habang sinusuri ko ang kanyang katawan.
Maliban naman sa gasgas sa braso ay wala naman akong nakitang seryosong pasa o
sugat sa kanyang katawan.
Umiling si Santino at nangingilid ang
luha.
"Sorry po Ma, kung pinag-aalala
po kita." Naluluha niyang wika.
"Papa, bakit po may balot ang
isa mong braso?
Ang tanong ni Seb ang nakapag
paglingon sa akin sa kabilang higaan kung saan nakahiga naman si Senyorito
Simon.
"Wala ito anak, gasgas
lang." Tumatawang sagot niya kay Seb na lumapit na sa kanya para suriin.
"Kuya, what happened ba? Paano
ba kayo naaksidente nitong si Santino? Alalang-alala kami sa inyo. Akala ko nga
hihimatayin na si Ate Karen sa sobrang putla nya kanina.ll tanong naman ni
Selene na lumapit kay Santino at saka niyakap din ang anak kong panganay.
"Santino, you sure you're okay?
Please don 't hesitate to tell kung may masakit sayo."
Senserong saad ni Selene sa
pamangkin.
Tumango naman si Santino sa tiyahin.
"Okay lang po ako, Mommy
Selene." sagot niya.
Bumukas ang pintuan ng kwarto at
pumasok ang isang lalaking doktor na palagay ko ay nasa late forties na ang
edad at isang batang nurse na lalaki rin na may hawak na chart na hub crewilang
sandali lamang ay binasa na ng doktor.
"Mr. Sto. Domingo, walang
serious fracture ang X-ray mo at ganun din ang resulta ng X-ray ng anak
mo," saad ng Doktor ng makita ang)(-ray ng mag-ama.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil
ligtas na silang dalawa.
Pinaalala lamang ng doktor na laging
uminom ng gamot at linisin ang mga sugat ni kanilang natamo. Lalong-lalo na si
Senyorito Simon na may kalakihan ang sugat sa kaliwang braso.
Gustuhin ko man na tanungin ang anak
ko sa kung anong nangyari sa kanila ng kanyang ama ay pinagpaliban ko muna.
"Sige na anak, matulog ka na
ulit,ll sabi ko sa kanya dahil pasado alas onse na pala ng gabi. "Ma, uuwi
na po ba kayo ni Seb?" agad naman niyangtanong.
Urniling ako.
"Sila lamang ni Mommy Selene ang
uuwi. Maiiwan si Mama para alagaan ka." Nakangiti kong turan.
Nakapag desisyon kung ako na lang ang
magbantay sa mag-ama. Si Selene na lang muna ang bahala kay Seb .
"Bye kuya ,bye Papa, sana
gumaling na kayo agad para makapag bike na tayo." Pamamaalam ni Seb dalawa
naming pasyente.
"Anak, huwag mong kulitin si
Mommy
Selene, ha." Bilin ko sa aking
bunso na unang beses kong hindi makakasama sa pagtulog. Sa mansyon sa hacienda
Esmeralda ang tuloy nilang magtiyahin.
"Opo, Ma, promise PO."
Pabibong sagot naman ni bunso.
"Don 't worry, Ate, aalagaan ko
to kahit gaano pa niya ko kulitin." Si Selene na hinahaplos pa ang buhok
ni Seb.
Matapos magpaalam ay umuwi na ang mag
tiyahin at kamingtatlo na lamang nina Santino at Senyorito Simon ang naiwan sa
pribadong silid ng ospital. Mabuti na lamang at pinabalik ni Selene ang kanyang
personal na driver para sa mga darnit na aming pamalit na hindi na ako
nagtataka na puro branded at bago.
Pinunasan at pinalitan ko ng pantog
si Santino habang tulog naman sa kabilang kama si Senyorito Simon.
"Anak, kapag may masakit sayo
agad mong sasabihin kay Mama." Paalala ko sa kanya habang pinapalitan ko
siya ng mas makapal na damit dahil malamig ang aircon ng kwarto.
"Wala naman po akong masakit Ma.
Itong gasgas , balewala po ito sa sugat
ni Pa-pa." Tila nahihiya pa si Santino na tawaging Papa ang sinulyapan sa
kabilang kama.
"Iniligtas po ko ni Papa, Ma.
Hinahabol niya po ako kaya mas lalo po akongtumakbo ng mabilis. Nang makarating
po ako sa kalsada, hindi po napansin na may mabilis na single na motor.
Napahinto na lamang po ako sa gitna ng kalsada dahil po nasilaw na po ko sa
ilaw ng motor. Ipinikit na po ang mga mata dahil akala po mababangga na ako.
Kaso po may yumakap po ng mahigpit sa akin at sabay po kaming natumba sa
kalsada. Pagmulat ko po ng mata, si Papa po ang nakayakap sa akin. Iniikot pa
po niya ang katawan niya para po ako ang nasa ibabaw at hindi po ako
masaktan." Maluha-luha na lahad ni Santino habang nakatingin pa sa Papa
niya sa kabilang kama.
Hinaplos ang puso ko sa narinig na
kwento ni Santino. Napatingin din ako sa kabilang higaan kung saan himbing ang
tulog ni Senyorito Simon.
"Kaya anak, huwag na huwag mo ng
gagawin ulit ang ginawa mo kanina." Pangaral sa anak ko.
"Pangako po, hinding-hindi na po
Mama," sagot ng panganay ko na itinaas pa ang kanang kamay na para bang
nanunumpa.
Napangiti na lamang ako sa kanya at
iginaya siya para matulog ng muli. Nang makatulog si
Santino ay unti-unti akong bumangon
sa pag katabi sa kanya. Dahil baka mapahimbing ako ng tulog at hindi siya
makainom antibiotic na na oras para sa sugat nya.
Bahagya pa akng nagulat ng makitang
titig na titig pala sa amin si Senyorito Simon na hind ko namalayan na
nagising pala.
"Gising ka na pala Senyorito,
nagugutom ka ba?" agad kong tanong at saka siya nilapitan.
Ngumiti si Senyorito at saka
urniling.
"Nagising ako kasi baka
panaginip lang na nandito kayo ni Santino kasama ," wika niya na tumingin pa sa anak na
himbing na din ang tulog.
"Senyorito, salamat nga pala sa
pagligtas kay Santino. Nagkwento na siya sa akin kanina kung anong
nangyari." Pasasalamat sa kanya.
Deretsong tumingin sa mga mata ko si
Senyorito.
"Ako ang dapat magpasalamat sayo
Karen.
Salamat dahil binigyan mo ako ng mga
anak. Salamat sa pagpapalaki sa kanila ng maayos kahit wala ako sa tabi niyo,
kahit wala ang suporta . Salamat dahil
kahit napakasama kung tao hindi mo nagawang siraan ang pagkatao ko sa mga anak
natin. Salamat Karen at alam kong hindi sapat kahit isakripisyo ko pa ang
sarili kong buhay para sa kaligtasan ni Santino o kahit
pa ninyo ni Seb para mapatawad ang
nagawa kong kasalanan." Madamdaming linya ni Senyorito.
"Alam mo kanina ng makita kong
mababangga ng motor si Santino, naisip ko kung gaano talaga ko walang kwentang
ama. Nag-flash back sa isipan ko noong panahong wala kang malay at kinuha siya
sa 100b ng matris mo. Noon muntik na siyang nawala dahil sa kagaguhan ko tapos
ngayon muntik na naman siyang mapahamak dahil na naman sa kagagawan .
Alam mo ang pakiramdam na sising-sisi
ako dahil mas nakinig ako sa ibangtao at hindi sa kung ano ang nasa puso
ko." Patuloy na saad ni Senyorito. "Kung sana na hindi ako naging.
makasarili, kung sana na mas pinakinggan kita kaysa sa hinusgahan base lamang
sa kwento ng iba. I'm the worst husband, the worst father kaya kahit mamatay pa
ako hinding-hindi ako nagsisisi na namatay ako para sa kaligtasan ng anak ko,
ng anak kong itinatwa ko."
Ewan, pero kusang tumulo ang luha ko
sa pakikinig sa mga sinasabi ni Senyorito. Ramdam ko ang bigat sa kanyang bawat
salita.
Nagpilit burnangon si Senyorito Simon
mula sa pagkakahiga kaya naman kusang gumalaw ang katawan ko para lumapit at
alalayan siya.
"Karen, alam kong walang
kapatawaran ang ginawa ko sainyo ng mga anak
. Pero handa akong maghintay. Maghihintay ako sa araw na mapapatawad mo
ako." Pagsusumamo ang nabasa ko sa mga mata ni Senyorito Simon.
Nabigla pa ako ng hawakan ng kanyang
kanang kamay ang aking ding kanang kamay at dalhin sa kanyang labi at masuyong
hinagkan.
"Sorry for ruining our family.
Promise babawi ako sa inyo ng mga anak natin.ll Muli niyang sambit sa
nangungusap na mga mata.
Hindi ako nakakibo.
Pakiramdam ko nag kabuhol-buhol ang
paghinga ko at burnilis ang ritmo ng puso ko. Hinigit ko ang aking kamay mula
sa kanyang pagkakahawak at saka umiwas ng tingin.
Magsasalita pa sana ni Senyorito
Simon ng may kumatok sa pintuan at pumasok ang isang nurse na chineck ang lagay
nila si Santino. Nagising din si Santino kaya naman nakahinga ako ng maluwang
dahil nakaiwas ako sa kanyang ama.
Habang nakahiga ako sa tabi ulit ni
Santino ay may gumugulo sa utak ko.
Anong pinagsasabi ni Senyorito?
May pahalik-halik sa kamay ?
Hindi pa ba sila kasal ni Senyorita
Daphne?
Chapter
82
Matapos ang tatlong araw na
pananatili sa ospital ay pinauwi na Sina Senyorito Simon at Santino. Pareho
naman na natuyo na ang kanilang mga natamong sugat lalo na ang kay Santino na
kung tutuusin ay maliit lamang na gasgas ang tinamo at napakalayo sa kanyang
bituka.
Kakasuhan sana ang driver ng motor na
nakabangga sa kanila, ngunit nakiusap ako kay Senyorito Simon na huwag ng
kasuhan dahil kung tutuusin ay wala naman talagang kasalanan ang lalaking
driver na nasa kwarenta na siguro ang edad. Humingi naman kasi ng pasensya sa
nangyari at nakita kong may mga gasgas din sa kanyang katawan dulot ng
aksidente. Pasalamat na lamang kami na pare-pareho silang igtas at pawang
mababaw na sugat lamang ang mga natamo. Ayaw san ang pumayag ni Senyorito
Simon ngunit kalaunan ay nakinigna
rin sa akin. "Thank you, Ate Karen sa pagpayag mo na dito na muna tumuloy
Sina Seb at Santino." Malapad ang ngiti ni Selene sa pasasalamat dahil
nakiusap siya na kung pwede ay sa kanila muna
angdalawa kong anak na hindi ko naman
natanggihan dahil gusto ko rin namang mapalapit ang 100b ng mga anak ko sa
kanilang tiyahin lalong-lalo na sa kanilang ama.
Syempre, kinausap ko muna ang dalawa
kung anak kung payag ba sila. Walang problema kay Seb habangsi Santino naman ay
nagdalawang-isip dahil ako lang ang mag-isa sa bahay namin.
"Wala 'yon, Selene. Alam ko
namang mahal na mahal mo sila kaya panatag ako." Sagot ko naman .
Lumamlam ang mukha ni Selene matapos
marinig ang sagot ko.
"You know what, Ate. Hindi mo
alam kung gaano ako nagsisi sa pagiging makasarili ko dati,11 wika niya sa
malungkot na tinig.
"Napatunayan kong kapag gumawa
ka talaga ng masama lalo na sayong kapwa, babalik ang karma sayo ng doble. I
almost killed myself because of depression pero nang marinig ko mismo sa bibig
ni kuya kung paano ang naging trato niya sa inyong dalawa ni Santino. Lalo
akong na-guilty sa ginawa kong kasalanan. Naisip ko na magpakamatay dahil ang
laki ng kasalanan ko sa inyo ng pamangkin ko. Hiyang-hiya ako pero mas
Namuo ang luha sa sulok ng mga mata
ni Selene habang nagsasalita.
"Napakasama kong tao, paano kong
nagawa ang naging kasalanan ko sayo? Tapos nagpapakamatay ako dahil lamang
niloko ng walang kwenta kung n aging ex-boyfriend samantalang ikaw, mag-isang
nakibaka sa buhay, mag-isang binuhay Sina Santino at Seb.
Samantalang ikaw na walang ginawang
masama, hinusgahan, pinaratangan at sinaktan." Patuloy ang punas ni Selene
walangtigil na pagpatak ng luha sa mga mata.
"Kaya lalo akong na-guilty, Ate
Karen. Kasi lahat ng paghihirap at pagtitiis mo at ng mga pamangkin ko ay dahil
iyon sa akin. Dahil sa kagagawan ko. Pero sa kabila ng pag-amin ko sayo ng
kasalanan ko. Bakit ang bait mo pa rin? Alam mo na hindi naman ako
karapat-dapat pero you gave me another chance."
Wala akong madamang galit para kay
Selene. Awa, ang nararamdaman ko sa
kanya. Bakit? Mag-isa niya langdin kasing nilabanan ang sarili niya. Nasadlak
man ako sa kalungkutan ay may dalawa naman akong anak na laging pinapaalala na
kaya kong lahat kahit anong pagsubok.
"Nakakagalit naman talaga ang
ginawa mo
sa akin. Kung alam mo lang na ilang
beses na sumakit ang ulo ko sa kakaisip kong bakit nagising na lamang ako bigla
sa kama ng isang lalaki at amo ko pa. Masakit pakinggan ang mga ibinabatong
bintangsa akin kasi wala naman talaga akong alam. Mahirap pa ng mga panahon na
iyon, wala ang nanay ko. Wala akong kakampi kundi ang sarili ko at si Senyora
Loreta. Kaya wala akong pagsidlan ng saya ng dumating si Santino sa buhay ko.
Siya ang nagbigay ng liwanag sa buhay ko ng mga panahong madilim at hindi ko
alam kung saan ako dapat kumapit." Lahad ko.
"Pero kong kaligayahan ng mga
anak ko ang nakasalalay, bakit hindi kita bibigyan ngtiyansa. Alam kong mahal
mo si Santino at ganun din si
Seb. Kaya sino ba naman ako para
tutulan pa 'yon. Lahat ay may pangalawang pagkakataon." Patuloy kong
lahad.
Niyakap ako ng mahigpit ni Selene.
"Ate Karen, I'm sorry, I'm very
very sorry for what i've done before. I know hindi na maibabalik ng pag
so-sorry ko ang nakaraan but I promised na mamahalin ko kayo ng mga
pamangkin . Lahat gagawin ko makabawi langsa
mga panahon na nawala. Ate, sobrang salamat." Gumagaragal na wika ni
Selene habang patuloy sa pag-iyak.
Niyakap ko lamang siya at inalo.
Hinyaan ko lamang siyang urniyak ng urniyak sa balikat ko, kung iyon ang
makapgpapagaan sa bigat sa kalooban niya at makakabawas ng guilt na
nararamdaman niya.
Hindi ko alam kung galit ba ako o
kung may galit nga ba ako?
Basta ang alam ko, importante ang
kaligayahan ng mga anak ko.
"Ma, bakit po ba kailangan mo
pang umuwi? Dito na lang din kasi kayo matulog." Maktol ni Seb ng
magpapaalam na ko para umuwi sa aming kubo. Pasado ala-singko na kasi ng hapon
at maya-maya lamang ay madilim na sa daan.
"Nak, ilang araw ng walangtao sa
bahay natin. Babalik naman ako agad dito bukas ng umaga." Katwiran ko
naman sa kanya.
"Ma,bakit po ang Mama at Papa
nila Kuya Estong magkasama. Bakit po kayo ni Papa magkahiwalay po kayo ng
bahay?" Inosenteng tanong ulit ni Seb.
Natigilan ako at hindi maka-apuhap ng
salitang pwedeng ipaliwanag sa mausisa kong anak.
"Seb, hayaan mo na si Mama.
Babalik naman siya bukas." Singit ni Santino.
Tila nag-isip naman si Seb at
pinatulis pa ang nguso habang nag-iisip.
"Basta po babalik ka bukas,
Mama.
Hihintayin kita sa labas.'l
Napangiti na lamang ako sa
pagpapa-cute ng anak kong bunso.
Inalok din naman ni Selene na kung
pwede ay doon muna na rin ako sa mansyon ngunit tinanggihan ko dahil nais ko
nga silang magkaroon ng sari-sariling bonding na wala ang presensya .
Matapos ang ilang sandali na
pagpapaalam ay lumabas na ako ng malaking gate ng hacienda at saka nagsimula ng
maglakad upang tahakin ang daan patungo sa aming munting bahay kubo. Balak kong
mag-short cut na lamang ng daan para agad makauwi. Ayoko na rin naman
sumakay ng tricycle dahil sa mas gusto kong ilakad ang mga paa ko kaya
tinanggihan ko din ang offer ni Selene na ihahatid ako. Katwiran ko na lamang
na ako na ay may iba pang daraanan na kakilala.
Madilim na madilim ang aming bakuran
ng sa wakas ay makauwi na ako. Binuksan ko agad ang ilaw sa poste ng aming
gate. Agad naman na kumalat ang liwanag sa madilim na paligid.
Pumasok na ako sa bakuran at nag
tuloy na sa aming kubo. Nagligpit-ligpit muna ako sa 100b ng bahay bago nagluto
ng aking hapunan.
Nagsaing ako ng sa palagay ko ay
sapat lamangsa akin at ang ulam ko na lamang ay nilagangtalbos ng kamote na
pinitas ko pa sa likod bahay garnit ang flashlight na ilaw upang makita ko at
pritong tinapa na galunggong na binili ko pa noong isang araw at nilagay sa
basket na lagayan na isinasabit pa sa itaas sa naka-kalawit na alambre para
iwas maabot ng mga pusa o daga. Inamoy ko naman angtinapa kung okay pa ang
amoy. Wala naman akong naamoy na sira na ang isda kaya pinrito ko na. Nanibago
ako. Walang maingay. Walang nag-aaway.
Literal na nag-iisa lamang ako sa
bahay. Ang tahimik na hindi ako sanay.
Namiss ko tuloy agad ang mga anak ko.
Unang beses na wala silang dalawa. Samantalang sa 100b ng ilang taon ay kami
langtatlo ang magkakasama. Naisip kong mahirap pala talagang nalalayo sa mga
anak. Ako nga na kilometro lang ang layo sa mga anak ko ay hindi ko ay miss na
miss ko na silang dalawa. Kaya paano na lang ang mga magulang na nasa ibang
bansa. Paano nila kinakaya ang lungkot sa pagkawalay sa kanilang mga anak?
Wala man lang akong makakasabay
kumain at hindi ko man lang kasama sa pagtulog ang kahit isa man langsa mga
anak ko.
Pakiramdam ko tuloy, nag-iisa na
naman ako kagaya ng dati. Noong panahong na-coma si Nanay at namalagi sa
ospital.
Nakahain na ang pagkain ko ng may
marinig akong busina ng sasakyan sa labas. Pinag-kibit balikat ko na lamang at
hindi na pinansin sapagkat sa isip kong baka napadaan lamang.
Chapter
83
"Karen."
Isang pamilyar na boses ang aking
narinig at nag patigil ng aking pagsubo ng pagkain.
"Si Senyorito Simon? Bakit
kaya?" kunot-noo kong tanong sa aking sarili. Agad akong tumayo at
naghugas muna ng kamay sa lababo bago ako dali-daling lumisan ng kusina para
magpunta sa pintuan sa harap bahay upang kompirmahin kong guni-guni ko lang ang
aking narinig na tinig.
"Karen."
"Sandali lang." Sagot ko ng
marinig ang muling kanyang pagtawag niyang sa aking pangalan. Tama, may
turnatawag nga sa aking pangalan.
Binuksan ko ang pinto na gawa lamang
sa manipis na plywood at burnungad ang gwapo ngunit halatang pagod na mukha ni
Senyorito Simon.
"Senyorito, pasok ka. Makulit ba
ang mga bata? May nangyari ba sa kanila?" agad kong tanongdahil ang mga
anak ko lang naman ang agad pumasok sa isipan ko kung bakit nagpunta ng
ganitong oras ng gabi si Senyorito dito sa bahay.
"Kasama sila ni Selene sa bahay.
Naglalaro sila ng iba't-ibang laro. Ang saya nila na panoorin at hindi mo
mahahalata na ngayon langsila nagsama-sama. Lalo na si Selene na tuwang-tuwa sa
mga pamangkin.
Malayong-malayo na sa kapatid ko na
muntik ng magpakamatay dahil lugmok sa kalungkutan dati. " Sagot naman
niya habang matamang nakatingin sa akin.
Malungkot ako ng malaman ang nangyari
kay Senyorita Selene. Totoo pala na nakakasira ng utak ang bigo sa buhay
pag-ibig. Nakahinga ako ng maluwag sa dahil akala ko may nangyari na naman sa
mga anak ko. Inaalala ko rin kasi na baka sa sobrang likot ni Seb ay madulas
siya sa sahig o kaya naman ay nahulog siya sa kama kung saan sila natutulog.
"Ganun ba? Bakit nag punta ka pa
rito? Hindi mo naman ako kailangan na sadayin pa ako dito sa aking bahay kung
may kailangan ka at saka mukhang pagod na pagod na ang itsura mo, Senyorito?
Galing ka pa rin ba sa trabaho?" nagtataka kong tanong sa lalaking
iniiwasan kong tingnan na muli sa kanyang mga mata. Sa ospital kasi ay madalas
ko siyang mahuling matamang nakatitigsa akin na hindi man lang urniiwas ng
tingin kahit nakita ko na siya. Naguguluhan ako sa kanyang kinikilos.
Ang tingin niya ay tipong nakakapaso.
Tingin na parang may nais sana siyang iparating o sabihin sa akin. Hindi ko
maintindihan ang nararamdaman o ako lang ba ang nakakaramdam ng ganung bagay.
Nakakahiya kung malaman ni Senyorito Simon ang aking iniisip at mahirap ng
maparatangan muli ng sinungaling na ako ay isang desperada at ilusyunada.
"Mag-isa ka na lang dito sa
bahay na ito kaya bakit umuwi ka pa? Ano pa ang nais mong gawin dito?"
tanong niya na nakasalubong ang makapal na kilay.
Ewan, pero parang nahimigan kong may
pagkasarkastiko sa uri ng pagtatanong niya. Hindi na ba ako pwedeng umuwi dito
sa aming bahay? "Dito kasi ang bahay ko kaya naman urnuwi na ako. llang
araw na rin kasi akong hind nakakauwi. Baka binahayan na ng kung ano
'tong bahay namin. Nangako naman ako sa mga anak ko na babalik agad ako sa
hacienda bukas na bukas din." Paliwanag ko naman sa lalaking kaharap ko.
Na tahimik naman siya ng marinig ang
sagot
ko.
"Ku-kumain ka na ba? Kumakain
kasi ko nang hapuna ng dumating ka. Halika at saluhan mo na ako.'l Alok ko sa
kanya bagamat alanganin din dahil simpleng pagkain lamang ang mayroon ako sa
lamesa.
Tumango naman siya sa tanong ko.
"Coffee, please." Ang
siyang sagot niya. Ngumiti naman ako at niyaya siya sa kusina kung nasaan ang
iniwan kong pagkain.
"Upo ka muna riyan, timpla lang
ako ng kape mo."
Tinalikuran ko muna siya at saka ako
humarap sa aming banggerahan ng aming bahay na gawa sa kawayan. Kumuha ako ng
malinis na tasa at kutsara. Mabuti na lamang pala at nakapag painit na
ako ng tubig pagkatapos kong magluto kanina ng kanin at ulam.
"Ano itong ulam mo? 'l
Napalingon pa ako sa kanya ng marinig
ang tanong niya. Parang alanganin pa nga siya sa 100b ng maliit na kusina dahil
sa malaking tao talaga siya.
"Talbos ng kamote at saka
piniritong tinapa ang ulam ko. Tikman mo, Senyorito at masarap naman 'yan.
Mabuti nga hindi nasira kahit limang araw na simula ng binili ko." Sagot
ko at saka ibinigay sa kanya ang kapeng aking pang hinahalo ang asukal ng
kutsarita upang matunaw ng maigl.
"Thanks."
Tipid niyang sagot ng kunin ang
ibinigay ko at saka animo'y nakipag titigan sa isdang tinapa na nakahapag
munting lamesa. Wari bang may kakaiba sa isdangtinapa at nakipag titigan si
Senyorito.
"Dapat ay huwag mo ng kainin ang
isdang 'yan. Baka sumakit pa ang tiyan mo riyan o kaya ay malason ka dahil
ilang araw na simula ng binili mo." Komento ni Senyorito sa walang malay
at kawawang isd a.
"Inamoy ko naman at okay pa
naman pat lasa. Bawal magsayang ng pagkain. Hindi ba at ganun ka rin
naman? Galit ka pa nga ng makita mong may isang pirasong biscuit na kinalat si
Santino." Huli na para bawiin
ang mga sinabi ko. Wala naman akong intensyon na ibalik ang nakaraan pero
naisip ko lang kasi noong nakita niyang nagkalat ang mugmog at isang pirasong
ng biscuit na kinakain ni Santino. lyong pinulot ko at saka tinaktak sa loob ng
aking bibig para hindi niya na masabing nag-aaksaya kami ng pagkain.
"Sorry, Karen." Malungkot
na wika ni Senyorito.
"Pasensya ka na, wala naman
akong masamang ibig sabihin sa mga sinabi ko,ll saad .
Nag buntong-hininga si Senyorito
Simon.
"Tapusin mo muna ang pagkain mo
at hihintayin kita sa terrace para magkausap tayo ng masinsinan." At hindi
na hinintay pa ang aking sagot at iniwan na ako sa kusina.
Bakit naman kasi tuloy-tuloy ang
bibig ko at hindi marunong huminto kapag medyo alanganin ang mga salitang
lumalabas.
Wala naman akong masamang ibigsabihin
ngunit tila may nais na rin akong iparating. Ang himig ko ay wari bang
nanunumbat ako sa kung anong nangyari mula sa nakaraan.
At ano naman ang aming pag-uusapan at
kailangan niya pa akong hintayin matapos sa pagkain? Sana lang ay huwag
hilingin ni
Senyorito Simon na kunin sa akin ang
mga anak
.
Chapter
84
Episode 84 Simon
Bukod tanging huni lamang ng kulisap
sa gabi ang naririnigsa buong katahimikan ng kapaligiran. Malamig din ang simoy
ng hangin na waring nanghihikayat na ipikit ko ang aking mga mata at damhin ang
paghele niya. Wala ang buwan sa maaliwalas na langit ngunit mayroong
di-mabilang na nag kikislapang mga bituin. Sana ay kasing payapa ng gabi ang
buhay ko sa kasalukuyan. Sana kung naging malinaw ang isip ko dati ay hindi
ganito ang naging buhay namin.
Narito ako ngayon sa terrace ng
bahay-kubo kungsaan naninirahan ang aking inabandona na asawa at mga anak. Dito
sila nakatira gayong kahit ilang mansyon ay kaya ko silang patayuan. Simpleng
buhay lang ang mayroon sila ngunit nakikita kong kuntento sila at masaya.
Samantalang ang buhay ko ay naging
miserable sa mga nagdaang taon na wala sila sa tabi ko. Nabuhay sila ng
matiwasay kahit wala ang presensya ko bilang haligi ng tahanan.
Inabandona.
Mapait akong napangiti at naalala ang
mga pangyayari sa nakaraan.
Sino ba ang mag-aakala na hindi ko
makakatuluyan si Daphne.
Daphne was my ideal girl.
Beautiful, sweet plus she had a
perfect body.
Kaya ng tuluyan kaming magkahiwalay
dahil sa biglaan kong pagpapakasal kay Karen ay hindi na ako nagtataka ng
makita ang mga iba't-ibang larawan niya sa mga sikat na fashion magazine sa
ibang bansa.
I love Daphne so much kaya nga
nagplano na rin kaming magpakasal at bumuo ng isang masayang pamilya.
Nagpatayo na ako ng isang malaking
bahay na ayon sa gusto niya kung saan kami titira kasama ang aming mga magiging
anak sa hinaharap.
A glass house.
But, I accidentally married another
girl.
Kaya ganun na lamang ang galit na
naramdaman mo kay Karen. Alam kung pinlano niya ang lahat para sa kanyang
makasariling intensyon at ambisyon.
Gusto niya ng pera para makapag-aral
na mahigpit kong tinutulan ko. Ano siya sinuswerte? Kami na ang sumasagot sa
lahat ng gastusin ng nanay niyang nasa ospital tapos pag-aaralin ko pa
siya?
Kung anu-ano ang masamang balita ang
nakarating sa akin tungkol sa pagkatao niya.
Magaling talaga siyang um arte at
magpanggap na mabait at inosente sa harap ng ibang tao para makakuha ng
simpatya.
Kaya hindi na ako nagtataka kung
bakit gustong-gusto siya ni Lola Loreta ay dahil isa siyang magaling na
artista.
Ang bagay na 'yon ang sinamantala
niya para magustuhan at makuha ang buong 100b ni Lola Loreta.
Kaya ng magising ako sa aking
sariling kama at kasama siyang hubot-hubad.
I already knew it.
Siya ang may plano ng lahat ng iyon
para pikutin ako at mapilitang pakasalan siya.
Masyado kong mahal na mahal si Lola
Loreta dahil halos siya ang nagpalaki sa aming dalawa ni Selene simula ng sabay
mawala ang aming mga magulang. Malaki ang sakripisyo sa amin ni Lola kaya ayaw
na ayaw ko siyang binibigo o bigyan ng kahit anong sama ng 100b.
Ginawa ni Lola ang lahat-lahat kahit
ang mahirap na pagpapatakbo ng aming mga negosyo para masigurong hindi 'yon
mawawala at para manahin ko pagdating ng tamang panahon.
Nagpakasal ako sa isang masamang
babae na handang gawin ang lahat para maging maginhawa ang pamumuhay. Akala
niya naman ay madadaan niya ako sa kanyang inosenteng itsura.
I hate her!
Kaya naman kahit anong gawin niya
hindi ko siya matatanggap bilang asawa. Hindi ko din matanggap na nabuntis ko
siya dahil wala naman akong maalala na may nangyari sa amingdalawa.
Palagay ko ay nagpagalaw siya sa
ibang lalaki para mag siguradong mabubuntis bago pinlano kung paano niya ako
mabibitag sa kanyang lihim na Plano.
Hindi ko kailanman matatanggap ang
batang sinabi niyang anak ko raw.
Kaya nang nagpabili siya ng inihaw na
manok ay hindi ko talaga binili kahit magutom pa siya ay wala akong pakialam.
Gusto kong maramdaman niya na wala talaga akong pakialam sa kanya maging sa
pinagbubuntis niya ba pilit niyangsinasabi na anak ko.
Kahit minsan hindi ko siya sinamahan
sa pagpapa check-up sa 0b gyne kahit pa hirap
nasiyang kumilos at lumakad dahil sa
Iaki ng kanyangtiyan. Wala akong panahon na mag-aksaya ng mahalaga kong oras
para sa kanya.
Aksidente ko siyang naitulak sa
hagdan ng ipagpilitan niyang ipakita sa akin ang ultrasound ng sanggol na
kanyang dala-dala na naging dahilan para ipanganak niya ng wala sa buwan si
Santino.
Yes, ako ang nagpangalan ng Santino
sa isang sanggol na lalaki. Because he looks like an angel.
Nakadama ako ng awa ng makita ko
siyang lumalaban para mabuhay habang naka-suporta ang kung anu-anong aparato na
nakakabit sa kanyang maliit na katawan.
Isinubsub ko sa pagpapalago ng
negosyo ang sarili ko at madalas na wala ako sa bahay para hindi ko sila makita
na mag-ina.
Akala ko hindi na ko kailanman
kakausapin ni Karen dahil inilagay ko sila sa alanganin ng kanyang anak pero
patuloy parin si Karen. Patuloy niya pa rin ipinaglalaban ang karapatan ng
kanyang anak kahit pa makatanggap sa akin ng masasakit na salita. Kahit pa
magkasakit si Santino,ni hindi ko
man kinamusta ang kalagayan, bagkus
nainis pa ko ng malamang wala sila sa bahay at ipahanap sa akin ni Lola.
Nakadama ako ng hindi maipaliwanag na
saya ng unang beses akong tawaging Papa ni Santino. Gusto ko nga siyang
lingunin at kargahin ngunit mas nanaig parin sa puso ko ang pagkasuklam sa
kanyang Ina.
Hanggang sa mawala si Lola Loreta,
lalo akong nasuklam kay Karen ng marinig ang huling testamento ng yum ao kong
Lola.
Halos kalahati ng ari-arian ng aking
pamilya ay nakapangalan sa kanya at kay Santino.
At isa pa,alam ni Lola na isa sa mga
una kung gagawin ay ang ipawalang bisa ang kasal namin ni Karen kaya naman
naglagay siya ng isang habilin para makasigurado ang pwesto ni Karen bilang
asawa ko.
Hindi ko pwedeng ipa-annulled ang
kasal ko dahil sa oras na gawin ko ang bagay na 'yon, ang lahat ng mana ko at
mana ni Selene maging ang posisyon ko bilang CEO ng aming kumpanya ay mapupunta
lahat kay Karen at kay Santino.
Anong meron kay Karen na dahilan para
magustuhan siya at pagkatiwalaan ng ganun ni Lola?
But one day, Daphne came to my
office.
Chapter
85
Simon
Nagtaka ako sa sarili ko. Bakit
parang ordinaryong kilala ko na lang siya.
She kissed me.
Pero wala akong nararamdaman na pagka
sabik man lang sa kanya. At hindi ko inaasahan na darating din si Karen kasama
si Santino. Ipana mukha sa akin ni Karen kung gaano ako ka walang kwentang ama.
First birthday at binyag ni Santino
pero hindi ako nakarating at naabutan niyang sa mismong opisina ko nakasama ang
dati kong nobya.
Daphne insulted her from head to toe.
Akala ko nga tatanggapin niya na lang
iyon pero nagulat ako ng sampalin niya si Daphne ng ubod ng lakas matapos din
insultuhin ang kanyang Nan ay Karina.
Kinaladkad ko palabas ng opisina si
Daphne dahil ayokong pag pyestahan ang pribado kong buhay ng mga empleyado ng
kompanya.
Inalis ko si Daphne at nilinaw na
wala na akong nararamdaman na kahit ano para sa kanya. Nagwala siya dahil mas
pinili kung makasama ang isa daw low class na babae. Pero wala akong maramdaman
para sa kanya.
Pinablocklist ko pa siya sa kumpanya
para hindi na siya makakapasok pang muli.
Nalito ako sa nararamdaman ko. May
gusto akong aminin sa sarili ko pero pilit kung binabalewala.
Isang araw, hindi namalayan ni Karen
na nakalayo na sa kanya si Santino sa paningin niya.
Nagalit ako hindi langdahil sa
natapunan ng juice ang mga papeles na tinatapos kong ayusin dahil sa hindi
sinasadyang pagkatabig sa baso ng batang si Santino kundi dahil pwede siyang
malunod sa pool kung doon siya dumeretso.
Galit na galit ako kay Karen dahil
bakit hindi niya napansin na wala sa tabi niya ang bata. Pero isinumabat niya
sa akin lahat ng pagkakamali ko bilang ama asawa niya at ama ni Santino.
Pinamukha niya sa akin kung sino nga
ba ang tun ay na pabayang magulang sa pagitan naming dalawa.
Siya ba na nalingat lang sandali pero
inakusahan kong pabayang ina? Samantalang ako na ama ay hindi ko man lang
nasubukan na kargahin kahit minsan si Santino o kahit tapunan lang ng tingin
lalo pa at masaya niya akong sinasalubong habang nakalagay sa kanyang crib
kapag ako ay umuwi galing na sa trabaho.
Patuloy ako sa paniniwala na hindi ko
siya anak. Kahit pa ang totoo iba na ang nararamdaman ng puso ko at isip ko
para sa kanya.
Ewan, pero iyon nga marahil ang lukso
ng dugo na tinatawag.
Mas minabuti kong umalis ng bahay
matapos kaming nagkasagutan ni Karen. Ngunit isang tawag ang natanggap ko
galing ng ibang bansa.
Kinabukasan ay agad akong lumipad
papuntang america dahil may nangyaring hindi maganda sa bunso at nag-iisa kong
kapatid na si Selene.
Walang katao-tao sa mansyon ng urnuwi
ako para kumuha ng mga personal na gamit.
Wala na rin akong oras para hanapin
pa kung nasaan pa Sina Karen at Santino.
Depression ang nangyari kay Selene.
Niloko ng kanyang boyfriend ng
panahon na 'yon.
Awang-awa ako sa kalagayan ng kapatid
ko habang patuloy lam ang sa pag-iyak ng pag-iyak.
Gustong-gusto kong patayin ang gagong
ex-boyfriend ni Selene dahil sa ginawa nito.
Pero nabigla ako ng malaman kung sino
ang babaeng ipinalit niya sa kapatid ko.
It's Daphne.
Damn!
Ginantihan ako ni Daphne sa
pamamagitan ni Selene.
Galit na galit ako.
Gusto kung pumatay ng panahong 'yon.
Pero ng sabihin sa akin ni Selene ang
isang sikreto na kanyang gin awa kasama ang kanyang dating nobyo ay hindi ako
makapaniwala. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa pinagtapat
niya.
Galit ang naramdaman ko. Pakiramdam
ko ay tinraydor ako ng aking sariling kapatid.
Si Selene lang naman at ang kanyang
ex-boyfriend ang may kagagawan kung bakit ikinasal kami ng biglaan ni Karen.
Ang sarili kong kapatid ang siyang
nagbayad sa mga tao na nagsasabi sa akin ng mga kasinungalingan para
siraan ang pagkatao ni Karen.
At nakakagago ang kanyang
makasariling dahilan. Hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin ang mga bagay
na wala sa hinagap kong kaya niyang gawin.
Dahil lang sa gusto niyang magalit si
Daphne sa akin para umuwi ng amerika, kung nasaan ang pamilya nito at ng sa
ganun din daw ay payagan ko siyang sumunod dito sa ibang bansa.
At nagawa niyang lahat ng mga 'yon
dahil naninirahan na rin ang walang hiya ex-boyfriend sa amerika. Kaya naman
pareho silang nag-isip ng paraan para makasunod siya agad dahil malaki ang
pagtutol namin ni Lola Loreta na magpunta manirahan siya abroad.
Damn!
Halos liparin ko ang Pilipinas para
makabalik sa mag-ina ko.
Pero huli na ang lahat.
Karen and Santino left me.
Pinuntahan ko ang ospital kung saan
naka-confine ang kanyang Nanay Karina pero napag-alaman kungyumao na rin pala
ang kaawa-awang byenan ko.
Gusto ko san ang magtanong sa
kasambahay na kasama namin pero hindi ko naman din alam kung saan siya nakatira
at kahit pangalan ay hindi ko man lang nalaman.
Atty. Clemente personally went to my
office inside my company to hand me some papers.
Nagtataka man sa kanyang biglaan na
pagbisita ay walang buhay ko pa rin na inabot at binasa ang mga papel na
kanyang dala.
Malinaw kong nakita na pirmado ni
Karen ang dalawang magkaibang dokumentong hinatid ng aming family lawyer.
Ang isa ay para ipawalang-bisa ang
aming kasal habang ang isa naman ay nagpapatunay na legal niyang isinalin sa
aking pangalan ang lahat ng mga ari-ariang namana niya kay Lola Loreta at
isinama niya rin pati ang mana na para sana kay Santino.
Naririnig kong may pinapaliwanag si
Atty. Clemente pero lipad ang isip ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin.
Sa tuwing uuwi ako ng bahay, ang
nakakabinging katahimikan lagi ang sumasalubong sa akin.
Naroon pa rin sa sulok ng bahay ang
crib, ngunit wala na ang batang [aging turnatayo mula sa pagkakaupo o
pagkakahiga para salubungin ako ng ngiti at saka tatawagin akong Papa. Malinis
ang kusina na dati ay may laging naka handang pagkain para sa akin.
Pumasok ako sa silid kung saan Sila
natutulog na mag-ina.
Naroon lahat ng mga laruan ni
Santino.
Punong-puno pa rin ng laman ang mga
ang built in cabinet. Dahil naroon pa rin ang kanilang mga damit. Marahil ay
ang mga lumangdamit lamang ni Karen ang kanyang binitbit sa pag-alis.
May maliit na Clip fan na nakalagay
sa gilid ng kama. Ayaw sigurong gumagamit ng aircon ni Karen para makatipid sa
kuryente.
Umupo ako sa kama ngunit hindi ko
napansin na may na-upuan akong isang bagay.
Isang motorbike na laruan.
Napangiti ako dahil iyon ang laruan
na madalas kong makitang hawak ni Santino kapag hindi ko sinasadyang tiingnan
siya.
Naghahanap ako kung may naiwan ba
silang larawan man lang. Hinalughog ang lahat ng mga lagayan na naroroon.
Hanggang sa mahalungkat ko sa drawer ang isang smartphone.
Walang kahit anong nakasave sa
cellphone.
Wala man lang kahit isang picture ng
mag-ina ko.
Chapter
86
Episode 86 Simon
Umuwi ako ng hacienda Sto. Domingo sa
pag-asang doon sila tumira sa kanilang sariling bahay na malapit sa hacienda.
Pero iba na ang nagmamay-ari ng bahay at lupa kung saan sila dati nakatira
dahil ibenenta na raw ni Karen sa kanila ang bahay at lupa.
Nagtanong-tanong ako kung may
nakakita o nakakaalam man langsa kung nasaan sila ni Santino pero bigo ako.
Wala man lang makapag sabl' ng kinaroroonan ng mag-ina .
Hanggangsa kailangan ko na naman na
bumalik ng america dahil nagtangkang magpakam atay si Selene.
She overdosed herself by taking
sleeping pills.
Kahit galit ako sa ginawa niya
Kapatid ko parin siya. Nag-iisang kapatid at kapamilya.
Inalagaan ko si Selene hanggang sa
gurnaling.
Walang araw na hindi ko naiisip kung
kamusta na Sina Karen at Santino. Kung ayos lang ba ang kalagayan nila. Kung
ano na ang itsura ng anak .
I even hired a private investigator
to locate
her and our son, pero mahirap
talagang hanapin ang mga taong ayaw ng magpa hanap at ayaw magpakira
Inisip kong baka nangibang bansa
silang mag-ina. Walang kamag-anak sa side ng kanyang Nanay si Karen kaya
pinahanap ko rin ang kanyang Tatay.
Pero bigo pa rin ako. Ngunit hindi pa
rin ako sumuko para hanapin ang aking mag-ina. Alam kong mahahanap ko rin
silangdalawa at muli kaming mabubuo bilang isang pamilya.
Taon-taon, ako lang mag-isa ang
nagse-celebrate nang lahat ng mga dumarating na okasyon sa buhay .
Isa sa mga pinaghahandaan ko ay ang
birthday Santino na kung saan una niyang ipinagdiwang na wala ako.
Nasa huli talaga ang pagsisisi.
00, siguro minahal ko si Daphne pero
lealized na nagustuhan ko lang siya dahil sa nakikita kong kagandahan na
panlabas.
Hindi niya ako nagawang ipaglaban at
madaling sinukuan noong panahong kailangan na kailangan ko siya.
Ngayon ko lang naisip na, napakalayo
niya sa ugali na meron si Karen.
Si Karen na matiisin at walang gusto
kundi angtanggapin at mahalin ko ang anak namin. Kahit alam niyang ayoko sa
kanya ay iniintindi niya pa rin ako.
Kahit alam niyang ayoko sa kanya ay
ipinaghahain niya pa rin ako ng masarap na pagkain na siya mismo ang nagluto.
Nagtitimpla ng kape, juice, at laging nagtatanong kung ano ang gusto kong ulam
sa umaga, tangahali, hapunan at kung mayroon pa ba akong kailangan.
Madalas pa niya akong hatiran ng
pagkain sa office kahit umulan man o urnaraw at kahit pa madalas ay sungitan ko
siya at hindi man lang nakapag pasalamat kahit kailan.
Kahit alam niyang ayoko sa kanilang
mag-ina. Pilit niya pa rin pinagpipilitan si Santino.Pilit siyang lumalaban
para sa kapakanan ng anak. Binalewala niya lamang ang hindi ko magandang
pagtrato sa kanya. Basta para sa anak niya.
Lahat ng mga magandang katangian ni
Karen ay wala si Daphne. Kaya siguro nawala ng hindi ko namamalayan ang anumang
nararamdaman ko para sa dating nobya. Dahil ang totoo, hindi naman ganun
kalalim ang pag-ibig ko para sa kanya.
Nabulagan lamang ako ng galit kaya
hindi ko agad nakita kung gaano kabuti ang asawa kong si Karen.
Then one day, may nakapag sabi sa
akin na nakita niya raw si Karen sa kabilang bayan.
Noong una, nag-alangan akong
paniwalaan. Dahil ayon sa nakausap ,
nakita niya si Karen na mayroong dalawang anak na lalaki.
Nakadama ako ng panibugho. Huli na
nga talaga ako. Maaaring nakatagpo na ng ibang lalaki na mamahalin si Karen
kaya nagkaroon ng panibagong anak.
Kahit nanghihina ang aking 100b ay
nagdesisyon akong hanapin ko sila sa kabilang bayan kung saan sila namataan ng
isa sa mga tauhan ko sa hacienda Sto. Domingo.
Natagpuan ko nga sila sa isang liblib
na lugar. Isang payak na bahay-kubo na gawa sa sawali ang kanilangtinitirhan.
Maraming iba l t-ibang halaman sa paligid.
May mga nakapasong halaman na siyang
kanilang binebenta at pinagkukunan ng kabuhayan.
May mga gulay na nakatanim paikot sa
malawak na bakuran.
Hindi ako makapaniwala ng makita ang
lumabas sa bakuran, isang batang
lalaki at may kasunod pa na isa rin na batang lalaki na mas bata kesa sa nauna.
Ang totoo, naluha ako sa pagka sabik.
Dahil batid ko sa sarili na ako rin ang ama ng isa pang batang lalakl
"Senyorito.ll
Nagbalik na sa kasalukuyan ang isip
ko at napalingon ako kay Karen na nakaupo na pala sa upuang kahoy malapit sa
lang sa kung saan ako nakaupo.
"Kanina pa kita tinatawag parang
hindi mo ako naririnig,ll wika niya na tumingin pa sa kung saan ako nakatingin
kanina.
"Akala ko tuloy na engkanto ka
na dahil nakatulala ka riyan sa kawalan."
Napangiti ako sa sinabi niya.
"Na-engkanto nga talaga ako.ll
Sagot ko sa kanya habang nakangitl
Nabahala ang kanyang mukha sa
sinagot .
"Ano ba ang nakita mo? Sorry,
kasi hindi pa ako nakakita ng engkanto."
Halos matawa ako ng paniwalaan niya
ang sinabi ko. Palingon-lingon pa siya sa paligid na marahil hinahanap ang
engkantong sinabi ko.
"Hindi ko masasabing engkanto
nga ang
nakita ko. Kasi para sa akin isa
siyang dyosa." Lalong nag kunot ang noo ni Karen sa muli kongsambit.
"Engkantong Dyosa? May ganun ba?
Ngayon ko lang narinig 'yon."
Natawa na ako pero agad din
akongtumigil.
"Na-engkanto ka na nga
Senyorito." Muli niyang komento at sinalat-salat pa ang noo ko sa
pag-aakala na baka nilalagnat na marahil ako.
"Hindi nga siya engkanto, dyosa
ang nakita . Dyosa angdahilan kung bakit
nakatulala ako." Lahad ko.
"Dyosa? Nasaan? lturo mo kung
saan banda ng makita ko rin naman ang itsura," saad naman niya at muling
nag palinga-linga sa madilim na kapaligiran.
Tinitigan ko siya habang siya ay
naghahanap sa kawalan.
"Nasa harap ko lang ang dyosa at
kung gusto mo siyang makita, turningin ka lang sa salamin." Agad siyang
napalingon ng marinig ang akin g sagot.
Nakipag titigan ako sa kanya.
Ngunit agad niyang binawi ang
paningin. "Akala ko pa naman totoong nakakita ka na ng diyosa?" sabi
niya ng ibaling sa kadiliman ng gabi ang paningin.
Dumaan ang katahimikan sa pagitan
naming dalawa.
Pareho kami na walang kibo.
Marami akong nais sabihin pero hindi
ko alam kung saan ako magsisimula.
"Senyorito, may sasabihin ka ba?
Chapter
87
Episode 87
"Karen, balitang-balita sa buong
hacienda ang tungkol sayo at sa mga anak mo. Totoo ba ni Senyorito Simon ang
Tatay nina Santino at Seb?" usisa ng isa sa mga kababaihang kasama ko
habang namimitas kami ng mga bunga kape na pagmamay-ari na ni Senyorito Simon.
Narito kami sa taniman ng mga kape
kung saan hindi ko mabilang ang mga puno na hitik na hitik sa bunga ang mga
sanga na aming pinipitasan.
Ngiti na lamang ang sinagot ko sa
kanila. Ayoko ng magsalita ukol sa bagay na 'yon. Hindi ko gustong pag-usapan
pa ang mga bagay na iniwan ko na sa nakaraan. Dahil maari nila akong tanungin
sa kung ano ang nangyari at bakit urnabot sa hiwalayan ang relasyon namin ni
Senyorito Simon. Kahit hindi maganda ang pagsasama namin ay hindi ko magagawang
dumihan ang kanyangtinitingala na pagkatao dito sa hacienda Esmeralda. Basta
ang mahalaga ay masaya ang mga anak ko sa bagong yugto ng kanilang buhay. Sina
Santino at Seb lamang ang dahilan kung bakit masaya ang buhay ko. Hindi na ako
naghahangad pa ng anumang bagay na materyal. Sapat na ang mapagtapos ko ng
pag-aaral ang mga anak ko at hindi sila nagugutom sa poder ko. Wala rin naman
akong balak pa na ubusin ang lakas ko sa pakikipagkwentuhan dahil mula kaninang
pag gising ko ay parang masama na ang pakiramdam , ang kaso ay kailangan kong kumita ng pera
upang magkaroon ng panggastos sa araw-araw. "Ibig sabihin, asawa ka ni
Senyorito Simon?" namimilog pa ang mata ni Ate Clara ng magtanong.
Hindi pa rin ako sumagot.
"Hala! Bakit ka pa nagtatrabaho
dito sa bukid? Hayaan mo na lamang kami dito
Senyorita." Hinawakan at
pinigilan pa ni Manang Ising ang mga kamay ko na abala sa pagpitas ng mga
mapupulang bunga ng kapeng inaani namin.
Napa buntong-hininga muna ako bago
sumagot.
"Matagal na po kaming hiwalay,
kaya hindi na po kami mag-asawa." Walang ganang pagpapaliwanag ko.
Umugong ang bulungan ng aking mga
kasamahan maging ang mga kalalakihan ay nakisali rin sa usapan.
Ang kahit na sino naman ay siguradong
magtataka kung anong ginagawa ko dito? Bakit nakikipag trabaho ako gayong asawa
ko naman pala ang nagmamay-ari ng buong hacienda Esmeralda na siyang
nagmamay-ari rin ng hacienda Sto. Domingo at turnatayong CEO din ng kanilang
family business? Ngunit 'yon talaga ang katotohanan at walang halong biro.
Sa ngayon, unti-unti ko na rin na
nakasanayan na hindi ko na solo ang atensyon ng mga anak ko. Maliban sa akin ay
may iba ng mga taong masaya kapag kasama sila.
Dati-rati ako lang ang hinahanap nila
sa tuwing uuwi sila galing eskwelahan. Ako lang ang kasabay nilang kumain
hanggang sa pagtulog at sa maraming bagay.
Pero ngayon, nandiyan na ang kanilang
Papa, na kayang ibigay ang lahat ng pagmamahal at kahit ang materyal na bagay
na hindi ko kayang ibigay.
Nariyan din ang kanilang Mommy Selene
na mas lagi pa nilang kasa-kasama kaysa sa amin ng kanilang Papa.
Masakit ang nangyari kay Selene,
napag-alaman kong dumanas siya ng depression at nagtangkang magpakamatay.
Pinagtaksilan pala siya ng sariling kasintahan at ng kanyang matalik na
kaibigan.
Si Senyorita Daphne.
Karma?
Siguro nga tama si Selene na kinarma
siya dahil sa ginawa niyang kasamaan na kasangkapan ang dating kasintahan. Pero
nakaraan na 'yon.
Ang importante, nagtagumpay siyang
labanan ang sariling kalungkutan at nakikita kong masayang-masaya talaga siya
sa tuwing kasama ang dalawang pamangkin.
Kaya hindi na ako magtataka kapag na
spoiled masyado ang dalawa kong anak, lalong-lalo na ang bunso kong si Seb.
Pero naantig ang puso ko sa anak kong
bunso dahil hindi niya nakakalimutan na isama sa kung anong meron siya, ang
kakambal na hindi niya naman nakita o nakasama.
Unti-unti na rin namang napapalapit
ang kalooban ni Santino kay Senyorito Simon dahil sa pinapakita naman niyang
effort para mawala na ang anumang sama ng 100b at pag aalinlangan ng panganay
niyang anak.
Naroon na madaling araw pa lang ay
sama-sama na silang nagba-bike na tatlo at urniikot sa buong hacienda.
Lagi niya rin na isinasama ang mga
anak sa lungsod lalo na sa kanyang sariling kumpanya.
Napag-alaman ko pa na kay Santino na
ipinangalan ang isa sa mga resort na pag-aari ng kanyang Papa dahil nagpunta
sila doon at ipinakilala siya bilang susunod daw na tagapagmana pagdating
ng panahong tapos na siya ng pag-aaral.
Sino nga ba ang mag-aakala na si
Senyorito Simon na itinakwil kamingdalawa ni Santino ay magbabago at hihingin
ang kapatawaran ? Dati ay hindi man lang
niya mabigyan ng kahit konting atensyon si Santino ngunit ngayon ay kulang na
lang ay ayaw niyang mawala sa paningin niya ang kanyang panganay na anak.
Madalas sumagi sa isipan ko ang huli naming pag-uusap ni Senyorito Simon.
Gusto niyang magsimula kaming muli at
umuwi na rin ako ng hacienda kasama ang mga bata.
Pero bakit pa? Masaya na naman kaming
ganito ang sitwasyon.
Masaya naman ang mga anak ko na
nakakasama nila ako, gayun din ang kanilang Papa at Mommy Selene. Kaya bakit
pa?
"Karen, sobra marahil ang pagod
mo dahil halos hindi ka na kumikibo maghapon?" puna sa akin ni Manang
Ising habang sabay-sabay na kaming naglalakad pauwi na ng aming kanya-kanyang
bahay dahil palubog na rin si haring araw. Marami-rami rin ang mga naani naming
mga bunga ng kape.
"Para ho kasing lalagnatin ako
Manang. Masama ho ang pakiramdam ko pagkagising ko pa lang kaninang umaga. Il
Mahina kong sagot at sapat lang na marinig niya.
"May gamot ako sa bahay,
ibibigay ko na lang sayo. Oonga, mainit ang katawan mo. Magpahinga ka na lang
muna." Wika ni Ate Clara na inilagay pa ang kanang kamay sa noo ko para
hipuin.
"Salam at, Ate."
Natuloy ang lagnat ko dahil na rin
siguro sa pagod dulot ng maghapong pagtatrabaho.
Mabuti na lamang at wala na naman ang
mga anak ko dito sa bahay kaya wala akong dapat asikasuhin at isa pa, ayoko
silang mahawa ng lagnat o anumang sakit na meron ako ngayon.
Nanlalambot ang katawan ko at
hinihila na ako ng antok kaya naman humiga na lamang ako sa papag sa kwarto
matapos akung maglinis ng katawan. Hindi ko na magawa na magluto ng sarili kong
pagkain dahil hilong-hilo na ako at inaantok.
Pakiramdam ko may dumadamping malamig
na bagay sa aking mukha at buong katawan.
Napapa-igik pa ako sa tuwing
mararamdaman ang malamig na paghaplos sa aking balat.
Chapter
88
Ngunit sadya talagang mabigat pati
ang talukap ng aking mga mata kung kaya hindi ko man lang magawa na magmulat pa
at alamin kung ano ang sitwasyon sa aking paligid.
Nanginginig ako sa sumasagitsit na
lamig na nararamdaman ngunit mainit ang hangin na ibinubuga ng aking bibig.
Yumakap na lamang ako ng mahigpit sa
katabi kong unan upang makakuha ng kahit konting init dahil sa tindi ng lamig
at muting natulog sa pag-asang paggising ko ay magiging maayos na ang aking
pakiramdam.
"Kamusta ang pakiramdam mo?
Dalhin na ba kita ng ospital? 'l
Unti-unti kong minumulat ang mga
mabigat na talukap ng aking mga mata ng marinig ang pamilyar na tinig.
Hapong-hapo pa ang pakiramdam at wala pa akong lakas. Pero malinaw kong
nakikita kung sino ang kasama ko at nag tanong tungkol sa pakiramdam ko.
Kumurap pa ko ng ilang beses dahil
baka namamalikmata lamang ako o kaya naman ay natutulog pa at kasalukuyang
nanaginip.
Ngunit ng idampi niya ang kanyang
mainit na kamay sa aking noo ay lihim pa akong napapitlag.
"Sen-senyorito, anong ginagawa
mo dito? Nandito na rin ba ang mga anak
?" pinilit kong magsalita sa kabila pa rin ng panghihina. Masakit
ang aking buong katawan na waring ako ay nabugbog. Kumikirot rin ang aking ulo
"Kaya nga ako napadaan sayo dito
kagabi para ipaalam na wala pa sila at na sa manila pa kasama ng kanilang Mommy
Selene. Nagkaroon kasi ng emergency meeting si Selene sa kanyang mga empleyado
ngayong araw kung kaya hindi na nakauwi kahapon. Tinatawagan ka niya at
tinetext sa cellphone mo ngunit hindi ka sumasagot. Baka kasi magalit ka kung
hindi niya agad ipaalam ang dahilan kung bakit hindi niya naisauli Sina Santino
at Seb." Sagot naman niyang nakatitig ng diretso sa mukha ko.
Maliwanag ang kanyang naging
paliwanag ngunit napabalikwas ako ng bangon mula sa paghiga ng mapagtanto na
halos nakayakap na kami sa isa't-isa. Kaya naman awtomatiko akong napahawak sa
aking ulo na biglang kumirot dala ng biglaan ko rin na pagbangon.
"Karen, hindi ka pa okay, kaya
dadalhin na kita sa ospital para masigurong wala ka ng sakit
at para mabigyan ka na rin ngtamang
gamot.ll Agad naman niya akongdinaluhan at alang-alala maging ang kanyang boses
ng makita akong mahilo-hilo pa.
"Bakit nandito ka sa tabi ko,
Senyorito? Baka mahawa ka ng anumangsakit na meron ako." Wika ko na hindi
makatingin sa lalaking halos nakadikit na naman ang katawan sa akin.
At higit pa sa ikinagulat ko ng
makitang nakasuot lamang siya ng sando na kulay puti at naka boxer shorts na
gray. Halos lumuwa ang mga mata ko ng napansin na naiba ang suot kong damit.
Tandang-tanda ko na nakasuot ako ng terno na padyama na kulay dilaw dahil nga
lamig na lamig ang pakiramdam ko kagabi bago ako nahiga. Samantalang ang damit
ko na nakasuot ngayon ay matagal ko ng hindi sinusuot. Simpleng manipis na
duster na pantulog pero hindi aabot sa tuhod ko ang haba. Sinuri ko pa ang loob
ng katawan ko, may suot akong panty pero wala akong bra!
"Hindi ka lumabas kagabi kahit
ilang beses ng bumusina ang sasakyan ko diyan sa harap ng gate. Kaya naman
bumaba ako at pumasok para katukin ka dahil baka may ginagawa ka kaya hindi mo
ako naririnig. Hanggang sa naka-ilang katok na ako sa Pinto at tawag pa ako ng
tawag sayo pero hindi ka pa rin sumasagot. Alam ko namang narito ka dahil
nakabukas naman ang ilaw ng buong kabahayan. Naglakas loob na akong pumasok at
nakita nga kitang nanginginig sa lamig habang nakabaluktot na nakahiga dito sa
papag.ll Mga kwento ni Senyorito.
Kung ganun hindi pala ako nanaginip
kagabi. Siya marahil ang nagpupunas sa katawan ko ng malamig na tubig kaya
kahit paano ay guminhawa ang pakiramdam ko.
"Ikaw ba ang nagpunas ng malamig
na tubig sa akin kagabi? ll tanong ko.
Turn ango siya.
"Ba-bakit nag-iba ang damit ko?
Tanda ko na nakasuot ako ngterno na padyama kagabi. Ikaw din ba ang nagpalit ng
damit ?" dagdag kong tanong.
Ngumisi siya at turn ago-tango.
"May iba pa bang pwedeng gumawa
ng bagay na 'yon? Ako lang ang kasama mo dito kagabi.ll Diretso niyang sagot.
Lalong na tuyo ang lalamunan ko sa
kanyang sinabi. Kung ganun nakita niya ang hubad kong katawan?
Napahawak tuloy ako sa dibdib ko ng
wala sa oras. Siya rin ang nag-alis ng bra ko dahil tanda kong may suot akong
bra kagabi.
Natawa ng mahina si Senyorito ng
makita ang ginawa ko.
Lalong lumawak ang ngisi niya at
umiling-iling ang leeg.
"Ano naman ang dapat mo pang
itago sa akin, Karen? Remember, dalawa na ang anak natin. Kaya bakit
parang umaarte kang inosete diyan na nakitaan ng katawan habang walang
malay?" tanong niyang pinasadahan pa ng tingin ang buo kong katawan.
"Ba-bakit ba kailangan mo pa
akong palitan ng damit?" tanong ko na lamang.
"Pinagpawisan ka ng husto
matapos kitang painumin ng gamot sa lagnat. Kaya kailangan palitan ko ang damit
mo ay upang hindi ka matuyuan ng pawis at magkapulmonya."
Kunot-noo kong inalala kung uminom
nga ba ko ng gamot kagabi? Naaalala ko ngang may tumawag sa pangalan ko at
pinipilit akong ibangon sa pagkakahiga. May nilagay siya sa bibig ko at pilit
din akong pinainom ng tubig.
"Mabuti na nga lang at turnalab
sayo ang gamot. Balak ko na talagang itakbo ka sa ospital kaso may kalayuan
naman at baka lalo kang mahapo sa byahe. Kung kaya inaalagaan na
lamang kita ng maya't-mayang pagpunas
ng malamig na tubig sa katawan para burnaba ang lagnat mo." Patuloy niyang
mga kwento.
Nawalan na ko ng kibo.
May paliwanag naman siya at
katanggap-tanggap naman kanyang mga dahilan.
"Sa-salamat, Senyorito 'l Mahina
kong pasasalamat sa kabutihang ginawa niya para sa akin. Baka nga kung ano na
ang nangyari sa akin kung hindi niya ako inalagaan kagabi.
Ngumiti siya ng marinig ang
pasasalamat ko ngunit sabay pa kaming nagulat ng may busina ng sasakyan sa
labas bahay.
"Just wait here, okay. Kunin ko
lang ang almusal nating dalawa." Bilin sa akin ni Senyorito saka tumayo at
isinuot ang pantalong nakalagay sa sulok ng kwarto.
Napalunok tuloy ako ng hindi oras
habang pinapanuod siyang magbihis.
Magbihis ba naman sa harapan ko?
Hindi na kami mag-asawa kaya ang sagwang isipin!
Chapter
89
"Ma, pwede po bang dito na lang
sa bahay natin si Papa? Gusto niya rin po kasi na tumira dito kasama natin,ll
saad ni Seb.
Nag palipat-lipat angtingin ko sa
kanilang tatlo. Kay Santino, kay Seb at lalo na kay Senyorito Simon na
seryosong nakatingin sa akin. Pare-pareho silang naghihintay ng sagot ko na
wari bang hindi pa sila humihinga hanggat hindi pa ako nagsasalita.
Simula ng araw na nagtapat sa akin si
Senyorito ay kung anu-anong bagay na ang natatanggap ko buhat sa kanya.
Bulaklak, chocolates at iba't-ibang klase ng pagkain na pilit ko namang
tinanggihan at paulit-ulit kong sinasabi na hindi ko naman kailangan ang mga
'yon, kaya tigilan niya na ang pagbibigay pero makulit pa rin at binigyan pa
rin ako ng mga bagay na hindi ko naman masyadong kailangan.
Marami din akong natatanggap galing
kay Selene, mga darnit, bags, sapatos at mga tsinelas na alam kung hindi
basta-basta ang presyo at hindi ko naman alam kung magamit ko dahil
madalas lang naman akong na sa bahay o kaya naman ay sa bukid.
"Mama, please payagan na po
ninyong tumira dito si Papa. Please PO, please."
Nagpa-cute pa si Seb at pinagsiklop
pa ang mga kamay na tila nanalangin sa akin para pagbigyan ko ang kanyang
hiling.
Tumingin ako ng makahulugan kay
Senyorito. Malamang na kasangkapan
niya ang mga anak para pilitin akong tumira siya clito sa bahay kasama namin.
"At bakit naman kailangangtumira
ng Papa niyo dito sa kubo natin? Eh, kay laki-laki ng kanyang mansyon? l'
nagtataka ko namang tanong.
"Ayaw mo kasing urnuwi sa kahit
ano sa bahay ko kaya ako na lang ang uuwi dito. Hindi mo naman siguro ako
pagatatabuyan at palalayasin?" nakangiting sagot ni Senyorito Simon.
At bago pa ko nakahuma o nakasagot.
Pilit ng hinihila nina Santino at Seb ang malaking maleta na nakasandal malapit
sa gate.
"Alam ko namang hindi mo ako
matanggihan kaya talagang nagdala na ako ng mga gamit. Lagi kasi akong handa sa
anumang sitwasyon." Saka na lumapit si Senyorito sa mga anak at
tulong-tulong na hinila ang maletang
kulay itim papasok sa pintuan ng
aming bahay.
Natigilan na lamang ako at nawalan na
ng boses para tumanggi. Ano pa ang dapat kong itutol gayong masaya at mukhang
excited ang mga anak kong makasama ang ama dito sa aming bahay.
"Papa, ang sarap po ng luto ni
Mama, hindi
Punong-puno pa ang bibig ni Seb ng
itanong sa ama ang tungkol sa lasa ng luto
.
Sabay-sabay kaming kumakain ng
tanghalian. Heto ang unang beses na magkakasama kaming mag-anak sa
pagkain.
"Seb, ubusin mo muna ang pagkain
sa 100b ng bibig mo bago ka magsalita." Si Santino na ang surnuway sa
kapatid dahil ako ay abala sa pagkuha ng mainit na kanin para sa aming lahat.
Napansin kong malakas kumain si Senyorito Simon. Sabagay, ganun na rin ang
darni ng pagkain niya kahit noon pa. Akala ko pa nga hindi niya magugustuhan
ang inihanda kong ulam.
Sinabawang Manok sa tanglad ang
niluto ko. Palibahasang native ang manok na isa sa mga alaga ni Santino kaya
naman malasang-malasa lalo na ang sabaw.
"00 anak, mula ng matikman ko
nga ang
luto ng Mama niyo, wala na akong
ibang natikman na mas masarap pa na pagkain maliban sa luto niya."
Sumilay ang ngiti sa labi ko sa
narinig ngunit mabuti na lamang at nakatalikod ako at hindi nila nakita.
"Papa, huwag na po kayong aalis.
Huwag mo na po kaming iiwan ng ganung katagal kasi baka magutom po kayo kung
saan kayo pupunta."
Inosenteng hiling na naman ni Seb sa
Papa niya.
"Hinding-hindi na ako aalis mga
anak. Ang Mama niyo lang naman ang parang ayaw na akong bum alik.ll
Napatingin ako ng hindi oras kay
Senyorito Simon na nakatingin din naman sa akin at may naglalaro na ngiti sa
kanyang labi.
"Baka nagtatampo lang din po si
Mama sayo, Pa." Wika naman ng panganay ko na butil-butil na ang pawis sa
noo habang sarap na sarap sa pagkain.
"Oonga po, Papa, kaya bigyan
niyo pa po siya ng maraming bulaklak at chocolates. Alam niyo po paborito po ni
Mama ang pasas nga po ba
'yon? lyong natuyong ubas nga ba 'yon
MAma?" Alanganin pang tanong ng bunso ko.
Ngumiti na lamang ako sa kanya bilang
sagot.
"Kung makapag-usap kayong tatlo
parang wala ako dito sa harap ninyo.” Kunwari ay sita ko sa kanilang tatlo.
Nagkatinginan na lamang silang tatlo
at nagtatawanan. Masaya pala talaga sa pakiramdam ang kumpleto.
May Nanay, Tatay at mga anak na
nagsasalo-salo.
Hindi ko naman din kasi naranasan ang
magkaroon ng kump[etong pamilya dahil wala akong nakagisnang ama at wala
akong kapatid. Sa meryenda naman ay nagprito ako ng sagingsaba at ang iba naman
ay nilaga ko.
Galak na galak ang puso ko ang
makitang masayang-masaya ang mga anak ko habang nakikisabay sa pagtawa ng
kani[ang ama.
Sobrang magana silang kumain na
tatlo.
Sa hapunan naman ay nag prito na
lamang ako ng tortang talong, nilagang okra na may sawsawan na bagoong isda.
Hindi pa nga ako makapaniwala na
kumakain din pala si Senyorito ng ganung uri ng pagkain.
"Gusto mo bang magkape?”
Biglang lingon sa akin ni Senyorito
Simon na nagpapahangin na mag-isa sa terrace. Katatapos ko lang hugasan ang
aming mga plato pinagkainan at mga bao Samantalang Sina Seb at Santino ay
naghihilamos sa banyo ng sabay. "00 naman, basta timpla mo."
Nakangiti niyang sagot.
Ngunit ako? Seryoso lamang ang mukha
ko at hindi nagbabago ng ekspresyon.
Pumasok muli ako ng kusina upang
gumawa ng dalawang tasa ng kape.
"Salamat." Pasasalamat ni
Senyorito ng inabot ko ang isang tasa ng kape. Sumimsim siya agad at napapikit
pa na waring ninamnam ang hindi pangkaraniwang kape gayung ordinaryong kape
lang naman iyong ginawa ko hindi katulad ng mga kape na binibili sa mga
mamahaling kapehan.
"Bakit ba lahat ng iluto mo
masarap? Pati ang pagtimpla mo ng kape ay napakasarap." Puri niya sa akin.
Sumilay ang natural na ngiti sa aking
labi. "Kinikilig ka na ba sa mga banat ko? ll
Agad ko siyang inirapan sa kanyang
naging tanong. Hindi ko alam kung isang biro o makatotohanan.
Natawa naman siya.
"Marunong ka pa lang umirap?
Buska pa ni Senyorito saka lumapit sa akin at hinapit ang aking bewang.
Chapter
90
Nagulat ako sa kanyang ginawa. Kaya
naman napatili ako.
"Senyorito!"
"Easy! Wala pa akong ginagawa
sayo kung makapag react ka naman diyan,ll bulong niya sa tenga ko. Waring
naghatid ng kilabot at tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan ng dumampi ang
mainit niyang hininga sa aking balat.
"Ano ba ang ginagawa mo? Baka
makita tayo ng mga bata." Piksi ko sa kanya.
"So? Natural lang naman sa
mag-asawa ang ganito, paglalambingan ang tawag dito. At saka, wala naman talaga
akong ibang ginagawa sayo kundi bumulong lang ako. May masama na ba sa
pagbulong ngayon.ll Sagot niya na tila ba walang anurnan ang nangyari sa
nakaraan.
"Senyorito, napag usapan na
natin ang bagay na 'yan. Kung hindi man nawalan ng bisa ang kasal nating dalawa
ay wala na akong pakialam doon. Basta masaya at kuntento na sa ganitong buhay.
Biglang nawala ng parang bula ang
masayang awra ni Senyorito Simon.
Anong magagawa ko? Ayoko na talaga.
Alangan naman pilitin ko angsarili ko sa isang bagay na hindi ko na gusto.
Masaya at kuntento na ako sa buhay na ganito.
"Paano naman ako?"
malungkot niyang tanong at nababanaag pa sa kanyang mga mata angkabiguan.
"Senyorito, hindi ko alam kung
ano pa ba ang gusto mo. Masaya at kuntento na kasi ako sa ganitong buhay. Hindi
ba pwedeng ganito na lang tayo? Magkaibigan at magkakilala na lang?"
matapat kongtanong.
"Ayoko, Karen. Mag-asawa tayo,
hindi tayo magkaibigan at [along hindi magkakilala lang. May dalawa tayong anak
at sa totoo lang gusto ko na ngang sundan na natin si Seb."
Gulantang ang utak at tenga ko sa
narinig kay Senyorito Simon.
Para bang nagsabi lang siya ng gusto
niya ng ganun, ng ganito o kaya naman ay umorder lamang ng isang pagkain sa
isang fast food chain. Tila ba isang simpleng bagay lang ang kanyang nais
mangyari at makukuha sa isang kisapmata. "Senyorito, ano ba ang
pinagsasabi mo?" lito kong tanong sa kanya.
"l said, I want another
child." Simpleng sagot
niya sa akin.
"Talaga po ba? Gusto ko na rin
po ng ganun. Gusto ko na rin po ng kapatid.
Hindi namin namalayan na lumapit pala
sa aming dalawa sina Seb at Santino.
"Kahit boy or girl pa PO, basta
masaya ako kapag nagkaroon na tayo ng bagong baby." Deklara ni Seb na
nagniningning pa ang mga mata.
"00 Seb, pinag-uusapan na nga
namin ng Mama niyo ang tungkol sa magiging bago niyong kapatid sa hinaharap.
Kaya naman dapat mag pray kayo kay Jesus na sana ay pumayag na ang Mama niyo na
urnuwi na sa bahay natin."
Halos nabilaukan ako sa sariling
laway sa mga sinasabi ni Senyorito sa anak. Patuloy pa rin akong namamangha at
hindi makapaniwala sa ugali niyang pinapakita ngayon dahil ibang-iba talaga sa
kung ano ang ugali niya noon.
"Ma, paano nga po pala ang
pwesto natin sa kwarto? Kasya po kayo tayong lahat doon?" singit na
tanong panganay naming anak.
"Nak, huwag mo ng problemahin pa
ang pwesto natin. Kami na ang bahala ng Mama niyo. Matutulog na ba tayo? ll At
tumingin pa sa akin si Senyorito ng magtanong.
"0-00." Pautal kong sagot
sa kausap na napangiti ng makahulugan.
Maliit ang kwarto namin. Tamang-tama
lamangsi Santino sa kanyang higaan na papag na gawa sa kawayan. Samantalang
nakahiga kaming dalawa ni Seb sa sahig.
Nasa pagitan namin ni Senyorito Simon
si Seb na nakayakap pa sa kanya. Nakakailang man ang eksena ay ayaw ko namang
matawag na killjoy lalo pa at nakikita ko na masaya ang mga anak .
Nararamdaman ko rin naman na
masayang-masaya si Senyorito na kapiling ang mga anak.
"Huwag mo akong titigan ng
ganyan Misis , baka wala ng makakapigil
sa akin."
Urninit ang mukha ko sa tinuran ni
Senyorito dahil waring nakuha ko ang kanyang ibig sabihin. Hindi ko namalayan
na nakatingin na rin pala siya sa akin.
"Anu-anong sinasabi mo
Senyorito, mabuti pa ay matulog ka na rin.ll Sagot ko sa kanya.
"Nahihirapan akong matulog kung ganyan kangtumingin sa akin."
"Paano ba akong tumingin at pati
pagtulog mo ay naapektuhan?" inosenteng tanong .
Nag taas-baba ang adam's apple ni
Senyorito at nakatutok sa mukha ko
ang malagkit na tingin.
"lyongtingin na parang niyaya na
akong gumawa ng bata." Nakangisi niyang bulong at sagot sa aking
katanungan.
Literal na nanlaki ang mata ko sa
sagot niya dahil baka narinig kami ng mga bata. Pero alam kong tulog na talaga
sina Santino at Seb dahil na rin sa maghapon na walang tigil sa paglalaro.
"Senyorito, paki preno ang bibig
mo. May mga bata tayong kasama dito at baka marinig ang mga sinasabi mo."
Kunwari ay matapang kong saway sa kanya. Ngunit ang totoo ay kanina pa ako
naiinis sa kanyang mga banat na may halongkaberdehan.
Hindi ako sanay na ganito siya
makipag-usap. Sanay kasi akong Iagi niya lamang sinisimangutan at
sinisinghalan.
Tinalikuran ko na lamang siya at
ipinikit ko na lamang ang aking mga mata.
Ngunit napa piksi pa ako ng may
mabibigat na braso na yumakap sa aking bewang.
Mabilis akong urnikot paharap sa
kanya na dapat pala ay hindi ko na. ginawa. Dahil wala ng isang dangkal ang
pagitan ng aming mga mukha.
"Senyorito, ano bang ginagawa
mo? Bakit narito ka sa tabi ko?" bulong ko ngunit madiin ang mga
salita.
"Yumayakap sa asawa ." Ang nakakalokang sagot niya.
"Senyorito, hindi ako nakikipag
biruan sayo. Tanggalin mo ang karnay mo sa bewang ko at lumipat ka sa pwesto
mo." Utos ko sa kanya.
"Masama na pala angyumakap sa
asawa ngayon at tumabi sa Nanay ng mga anak
?"
"00, dahil matagal na tayong
hiwalay. Wala ka ng karapatan dahil ikaw mismo angdahilan kung bakit nawala
'yon. Kaya kahit isang libong dosena pa ng bulaklak ang ibigay mo sa akin
araw-araw at mabulok man ang ngipin ko sa mga chocolates na binibigay mo ay
hinding-hindi na magbabago ang nais ko. Ayoko na at tapos na tayo. Sana naman
maintindihan at galangin mo ang desisyon
." Madiin kong litanya sa kanya.
Nanatili lamang nakatingin sa aking
mukha si Senyorito na para bang kinakabisa ang bawat detalye sa mukha ko.
Ngunit naramdaman ko ang unti-unting pagkalas ng kanyang mga braso sa
pagkakayakap sa aking baywang.
" I l m sorry." Tipid
niyang sabi at saka lumipat muli sa kanina niyang pwesto.
Niyakap niya ang tulog na tulog na si
Seb at saka pumikit ang mga mata. Alam kong nasaktan ko ang damdamin niya.
Pero buo na ang pasya ko. Ayoko na at
matagal na kaming tapos.
Chapter
91
Naiinis ako sa sarili ko!
Bakit hindi ko magawang iuwi ang
sarili kong pamilya sa pamamahay ko? Bakit hanggang ngayon magkahiwalay pa rin
kami ng bahay ng asawa at mga anak ko?
Marami akong mga pag-aari na bahay,
hacienda, mansyon pero hindi pa rin buo. Alam kong may kulang na kahit marami
akong pera na pwedeng pambili ay hindi ko makuha kung ano ang kulang na
tinutukoy .
Bakit kahit anong gawin ko hindi ko
siya makuha. Hindi ko pa rin mapa-uwi si Karen. Sinusuyo ko naman siya tulad ng
isang manliligaw.
Araw-araw akong nagbibigay ng
bulaklak, chocolates at kung anu-anong mga pagkain na alam kong paborito niya.
Kung hindi nga lamang sa mga negosyo na pinapatakbo ko sa iba l t-ibang lugar
ay magtatagal ang pananatili ko sa bahay niya. Gusto ko silang makasama kahit
saan kami tumira.
Sa isang banda, tama naman si Karen
sa kanyang mga sinabi. Ako ang may kasalanan kung bakit nawalan ako ng
karapatan sa kanya. Ako naman talaga ang dapat sisihin kung bakit nagkahiwalay
karni. Hindi ko siya masisi dahil wala namang ibangdapat sisihin kundi ang
sarili ko lang.
Ngunit handa akong magtiis kahit
ilang beses niya akong ireject. Kahit ilang beses niya pa akong barahin sa mga
sinasabi ko. Kahit magsalita pa siya ng masama laban sa akin ay buong puso kong
tatanggapin.
Natatawa na nga lamang ako dahil
sarili kong asawa ay basted lagi ako.
Handa akong maghintay hanggang sa
magbago ang isip niya.
Marahil natatakot na lamang ang asawa
ko na muli akong pagbigyan dahil wala naman akong ipinakita na maganda sa kanya
ng nag sasama pa kami sa iisang bubong.
Batid kong likas na may mabuting puso
si Karen ngunit nasagad ko ang limitasyon ng kanyang pasensya na siyang dahilan
kung bakit nahihirapan akong pa amuhin siya.
"Pa, maganda po ba itong damit
at saka ano po ang mas maganda? Ito pong barbie o ito pong lutu-lutuan?"
Tanongsa akin ni Seb habang hawak ang
isang dress na kulay pink, isang set
ng barbie doll at isang kitchen set na laruan.
Sa tuwing bibilhan ko siya ng bagong
damit at laruan ay hindi pwedeng hindi niya isisingit na magpabili rin ng damit
pambabae o kaya naman ay mga laruang pambabae rin.
Nagtataka man ay hindi naman kami
nagtanong pa ni Selene sa bagay na 'yon. Hinayaan na lamang namin siya sa
paniwalang baka ibinibigay niya isang batang babae na kalaro o kaya ay kaklase
sa eskwelahan.
Kasama ko ngayon si Seb sa isang
malapit na mall kung saan nakipag meeting ako sa isa sa mga business
partners . Saglit lang naman kasi ang
meeting at wala rin namang klase ang anak ko kaya isinama ko na upang magka
bonding pa rin kami. Si Santino ay may pasok kaya hind kasama ngayon.
"Parehong maganda. Mabuti pa ay
bilhin na lang natin lahat ng mga hawak mo upang huwag ka ng mag-isip kung ano
ang mas maganda at huwag kang mag-alala kahit anong piliin mo sa mga hawak mo
ay tiyak na magugustuhan ng pagbibigyan mo." Sagot ko naman at hinawakan
ko pa ang damit na siguradong magugustuhan ng sinuman na pinagbibigyan ng anak
ko dahil sa ganda ng damit.
"Talaga PO? Salamat PO,
Papa." Pasasalamat sa akin ni Seb na bakas ang kasiyahan sa mukha habang
pinagmamasdan ang mga gamit pambabae na kanyang mga pinili.
"Seb, tanong ko lang anak.
Kanino mo ito ibibigay? Sa kalaro mo o sa kaklase mo? " wala sa
100b na naitanong . Gusto ko lang na magkwento si Seb para
malibang na rin at hindi mainip habang kasama ako.
Umiling ang anak ko at saka sumagot.
"Kay Sam po 'yan, Papa."
"Sam? Sino si Sam? Kaklase mo o
kalaro mo?" kunot-noo kung tanong.
"Hindi ko po siya kaklase at
lalo po na hindi ko siya kalaro. Bakit hindi niyo po kilala si Sam?
Kakambal ko po si Sam. Kapatid ko po
siya, Papa."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinagot ni
Seb.
Kakambal? Kapatid?
"Sure ka ba Seb, na may kakambal
ka?" naninigurado kong tanong.
"Opo, Papa. Kahit magtanong pa
po kayo kay Mama." Bibong sagot ng anak ko na tuwang-tuwa na pinagmamasdan
ang mga darnit habang papunta sa counter para makapag bayad na kami sa aming
mga pinamili.
Bigla akong naguluhan. Anong
kakambal?
Sino angtinutukoy ni Seb na kakambal?
Ewan, ngunut waring dinunggol ng hindi mapaliwanag ba kaba ang akingdibdib.
"Kung ganun, nasaan ang kambal
mo? Nasaan si Sam? Bakit hindi niyo siya kasama?" sunod-sunod kong tanong.
"Nasa malayo po kasi siya Papa.
Kaya nga po nag-iipon ako ng mga ibibigay ko sa kanya bilang pasalubong kapag
nagpunta na naman kami ni Mama sa kanya. Miss ko na nga po si Sam, matagal na
rin na hindi kami nagpupunta sa kanya."
Hindi ako makapaniwala.
May kakambal si Seb pero walang
nabanggit si Karen. Bakit?
Pinaampon niya ba ang isa sa mga anak
ko?
Madali kong tinapos ang pamamasyal
namin ni Seb. Kailangan naming magkita ni Karen sa lalo't madaling panahon.
Kailangan ko siyang komprontahin tungkol kay Sam.
Iniwan ko muna si Seb kay Selene
upang hindi niya marinig ang anuman na maging pag-uusap namin ng kanyang Mama.
Hindi talaga ako mapakali sa nalaman.
Anongdahilan ni Karen upang ilihim sa akin ang bagay tungkol sa isa ko pang
anak?
"Senyorito, nasaan si Seb?"
agad na tanong sa akin ni Karen matapos akong mabilis na umibis sa aking
sasakyan.
"Iniwan ko muna kay Selene dahil
may mahalaga tayong pag-uusapan." Seryoso ang sagot ko na nagpa kunot sa
noo ni Karen.
"Totoo bang may kakambal si
Seb?" diretso kong tanong.
Nakita ko ang pagkagulat at pagtakas
ng kulay sa mukha ng aking asawa. Natigilan siya at waringnaumid angdila.
"So, totoo ng may kakambal si
Seb? Kaya pala kapag binibilhan ko siya ng kahit anong bagay ay lagi siyang may
kasamang laruan na pambabae o damit na pambabae. Akala ko noong una ay baka
ibibigay niya lamangsa kanyang kalaro o kaya naman sa kaklaseng babae. Kanina
ko lang siya tinanong at sinabi niya nga ang tungkol sa kambal niya na siyang
pagbibigyan niya ng mga laruan at mga damit."
Litanya ko ngunit nanatili lamang
nakatingin sa akin si Karen.
"Karen, nasaan ang kakambal ni
Seb? Nasaan ang anak ko? Pinaampon mo ba siya? Pinamigay?" sunod-sunod
kong tanong.
"Gusto mo ba talaga siyang
makita? l' walang emosyon na tanong ni Karen.
Chapter
92
"00, gusto kong makita ang anak
kong si
Sam. Kaya ngayon din ay dalhin mo ako
sa kanya. Gusto kong makilala ang kambal ni Seb." Tila nag-isÏp muna si
Karen at saka nag buntong-hininga.
"Sige, dadalhin kita sa kanya
kung 'yan ang gusto mo. Siguro nga ay panahon na para makilala mo si Sam."
Tila nasabik ang puso ko na makilala
ang babae kong anak. Nagmamadali akong sumunod sa direksyon na sinasabi ni
Karen habang nagmamaneho ako ng aking sasakyan. llang sandali na lamang ay
makikita ko na ang isa ko pang anak.
"Anong itsura ni Sam? Sino ang
kamukha niya? Kilala niya ba ako? Bakit ba kasi hindi niyo siya kasama? Sabi ni
Santino ay pinupuntahan niyo lang siya?" mga katanungan ko kay Karen
ngunit nanatili lang siyang nakatingin ng diretso sa daan at waring balak na
sagutin anuman sa mga katanungan ko.
"Karen, bakit ba angtahimik mo?
Pinamigay mo ba ang anak ko? Pina-ampon mo ba si Sam
kung saan at kung kanino? Bakit ba
ayaw mo akong sagutin, Karen?" muli kong mga tanong.
"Hinding-hindi ko kailanman
magagawa na ipamigay o ipaampon ang sinuman sa mga anak ." Walang emosyon na sagot ni Karen at
nanatiling seryoso na may halong lungkot sa kanyang mukha..
"Kung ganun ay bakit hindi ka
makapag kwento tungkol sa anak kong si Sam? Ano ba ang nangyari, Karen?"
"Senyorito, iliko mo sa daan na
'yan. Kapag nakita mo si Sam, lahat ng katanungan mo ay m asasagot."
Ngunit laking pagtataka ko dahil ang
daan na aming tinatahak ay papunta na ng hacienda Sto. Domingo. Ngunit ang
direksyon na aming binabagtas ay hindi patungo sa nasasakupan kong lupain kundi
patungo kung nasaan ang matatagpuan ang isang lumang sementeryo.
Hindi nga nagtagal ay nakikita ko na
ang arko ng lumang sementeryo at doon sa harap ng malaking lumang gate na
kinakain na ng kalawang pinahinto ni Karen ang aming sasakyan.
Nagpati-unang bumaba si Karen sa
sasakyan at malungkot na tinanaw ang sementeryo na nasa harapan. Ewan ko ba,
parang ayoko ng
bumaba ng sasakyan. Tila ayaw ng
kumilos pa ng aking mga paa at ayaw ko ng magpunta sa kung saan ko makikita si
Sam. Waring bigla akong tinakasan ng lakas
May binubulong ang hangin na isang
sapantaha sa utak ko ngunit pilit kong winawaksi at pinapatangay muli sa
malamig na hangin.
Kahit ayokong kumilos ay dahan-dahan
akong humakbang upang sundan ang paglalakad ni Karen habang nilalampasan namin
ang ibang mga lumang nitso kung saan nakahimlay ang mga patay.
Hanggang sa tumigil kami sa tapat ng
isang puntod.
Agad kong nabasa ang dalawang
pangalan na nakaukit sa lapida.
Karina Caspillan ang nakasulat sa
ibabaw na walang iba kundi ang aking biyenan ko na Nanay ni Karen. Habang ang
isang pangalan ay malinaw ko rin nabasa at pinakatitigan. Nahinto ang pag-inog
ng mundo ko. Nagsimulang manlamig ang pakiramdam ko. Tila nakalimutang kumurap
ng aking mga mata at maging ang paghinga ng mahinahon ay nakalimutan ko ng
gawin.
Baby Samantha ang pangalawang
pangalan na nakaukit sa lapida.
Lumapit si Karen sa lapida at inalis
ang mga tuyong dahon na nasa paligid nito.
"Nay, pasensya na po kung ngayon
na lang ako ulit nakadalaw. Alam niyo naman po na nag-aaral na angdalawa mong
apo." Wika ni Karen sa kanyang Nanay na pumanaw na.
"Sam, anak, narito na ulit si
Mama. Pasensya na anak at madalang na akong makadalaw sa inyo ng Lola Karina
mo. Huwag mong isipin na hindi ka mahal ni Mama kaya hindi kita madalas na
dinadalaw. Nag-aaral na kasi si Kuya Santino at ang kambal mongsi Seb. Hayaan
mo at sa bakasyon nila sa eskwela ay lagi na ulit kami na mag pupunta clito sa
inyo ng Lola mo. At alam mo ba anak kung sino ang kasama ko ngayon at
ipakikilala sayo. Alam kong gusto mo rin siyang makilala. Maya Sam, anak,
kasama ko ngayon ang Papa mo."
Tila tuluyan na akong nawalan ng
lakas. Napaluhod na lamang ako sa harap ng puntod at nanatiling nakatitig sa
lapida kung saan nakasulat ang pangalan ng isa ko pang anak. Ngayon ko lang
nalaman na may isa pa akong anak maliban kay Santino at Seb. Ngunit ngayon ko
langdin nalaman na wala na siya. Patay na siya at hindi man lang ako nagkaroon
ng pagkakataon na makilala man lang siya.
Lumapit sa akin si Karen.
"Senyorito, si Samantha, ang
sanang kakambal ni Seb. Ang isa rin sa mga anak natin. Ang totoo hindi ko alam
kung ano nga ba ang kasarian niya pero bilang Nanay, malakas ang kutob ko na
kung nabuhay sana siya ay isa siyang babae. At alam kong kamukhang-kamukha niya
sana si Selene. Kaya nga sa tuwing makikita ko si Selene ay masaya akong
pinagmamasdan ang mukha niya. Iniisip ko kasing nakikita ko sa kanya ang mukha
ni Sam na hindi ko man lang nakita." Nakangiting saad ni Karen habang
nakadantay ang mga kamay sa aking balikat.
"Pa-paano siyang nawala? Paano
Karen? Paano? 'l lito na ang isip ko. Paano nawala ang isa sa kambal ko gayong
buhay si Seb?
Kanina lang may saya akong
nararamdaman ng malaman kung may kakambal si Seb na isang babae. Tapos biglang
napalitan ng pinaghalong lungkot, panghihinayang at galit.
"Paano siya nawala?!"
Sumisigaw na tanong sa isip ko.
"Naalala mo ba noong
nagkasagutan tayo dahil sa natapunan ni Santino ngjuice ang mga papeles na
kaharap mo? Umalis ka ng bahay hindi ba?" tanong ni Karen.
00, tandang-tanda ko ang araw na Iyon
dahil
iyon na rin ang huling araw na nakita
ko sila ni Santino sa bahay.
"Dinugo ako dahil buntis na pala
ako ng hindi ko alam. Nakaligtas si Seb dahil agad akong naitakbo sa ospital
pero, hindi si Sam." Malungkot na kwento ni Karen.
Kasalanan ko na naman pala. Kasalanan
ko na naman angnangyari.
Kung hindi ko siya sinigaw-sigawan ng
araw na 'yon ay malamang na hindi siya ma-iistress. Kung tinutulungan ko siya
sa pag-aalaga kay Santino ay malamang na hindi siya mapapagod at duduguin.
Lahat ng mga iyon ay kasalanan ko.
Kasalanan ko kung bakit nawalan ako
ng isanganak.
Kasalanan ko!
Chapter
93
"Nay, bakit po kaya parang
laging malungkot si Papa at ilang araw na rin po siyang wala sa hacienda
Esmeralda? May problema po kaya si Papa?" Tanong sa akin Santino.
Tila napansin ko lang rin na magmula
ng malaman ni Senyorito ang tungkol kay Sam ay parang nag-iba siya. Hindi ko
matukoy kung ano ngunit alam kong may iba.
Naging sibil ang pakikitungo niya sa
akin kapag sinusundo at ihahatid niya ang mga anak namin.
Ngumingiti at tumatango na lamang
siya kapag kinakausap ko.
Tinigilan na rin niya ang pagbibigay
ng mga bulaklak, tsokolate at kung anu-ano pang mga bagay.
Pero hindi naman nagbago ang
pakikitungo niya sa mga anak. Ganun pa rin siya kasaya sa tuwing makikita kong
kasama niya Sina Santini at Seb.
Naiisip kong baka galit siya sa akin
nang malaman na nawalan siya ng isang anak at hindi ko man lang agad sinabi sa
kanya.
"Bakit mo naman naisip na
malungkot o may problema ang Papa mo, anak?"
"Mad alas po kasi siyang
absent-minded nitong mga nakaraang araw na nakakasama po namin siya ni Seb.
Kapag nasa hacienda po kami ay lagi po kamingtinatanong ni Nanay Puring kung
kailan ba raw kayo uuwi para raw po huwag ng malungkot at huwag ng inorn ng
inorn ng alak si Papa sa gabi.ll Mga kwento ng panganay ko.
Tama ako. May nagbago nga sa kanya.
Pero malakas ang kutob kong tungkol kay Sam kaya siya nagbago.
Kaya naman nagpunta ako ng hacienda
Esmeralda para kausapin siya ngunit si Selene lamang ang naroroon.
"Ate, nasa hacienda Sto. Domingo
si Kuya." Imporma sa akin ni Selene ng aking tanungin kung nasaan ang
kanyang kuya.
"Selene, may napansin ka ba na
nabago kay Senyorito nitong mga nakaraang araw? Sabi kasi sa akin ni Santino na
parang malungkot daw ang Papa nila?
Lumatay ang lungkot sa magandang
mukha ni Selene sa aking itinanong.
" Ate Karen, sorry. Nalaman ko
rin ang tungkol sa kakambal sana ni Seb. Sobrang lungkot rin ang naramdaman ko
at sobrang na guilty dahil hindi ko man alam na nawalan ka na pala ng isang
anak at palagay ko 'yun din ang dahilan kung bakit nagkaganyan si Kuya Simon
ngayon. Lalo din siyang na guilty sa ginawa niyang pagmamalupit sayo dati.
Sinisisi ni kuya ang sarili niya kung bakit nawala ang kakambal sana ni Seb.
Alam kong sobra niyang sinisisi ang sarili sa pagkawala ng isa sa mga anak
ninyo.
Masaya man siya sa araw dahil
nakakasama sina Santino at Seb. Nagluluksa naman siya sa tuwing sasapit ang
gabi at nilulunod lagi ang sarili sa alak para makalimot man lang."
Natigagal ako sa nalaman.
"At kaya rin siya umuwi muna ng
hacienda Sto. Domingo ay para malapit lamang siya sa namatay ninyong anak.
Kwento sa akin ng driver niya, araw-araw daw na nasa puntod ni Baby Sam si Kuya
Simon at umiiyak ng umiiyak. Paulit-ulit daw na lumuluhod at humihingi ng sorry
si Kuya Simon sa harap ng puntod ni Baby Sam dahil kasalanan niya raw ang Iahat
ng mga nangyari. Kusang naglandas ang Iuha ko sa aking pisngi sa nalaman.
Naintindihan ng puso ko bilang
magulang ang kung ano ang saloobin mayroon ngayon si
Senyorito Simon hinggil sa pagkawala
ng isa sa
kambal.
Bakit ko nasabi?
Dahil ilang araw, linggo, buwan at
kahit pa ilangtaon na ang nakakalipas. Iniiyakan ko pa rin ang pagkawala ni
Sam.
Sinisisi ko rin angsarili ko dahil
hindi ko man lang nalaman na nasa sinapupunan ko na pala siya. Hindi ko man
lamang nalaman na sa bawat paghinga ko, kasabay ko na siya.
Kaya napakasakit. Halos mabaliw ako
sa sobrang pagsisisi sa aking sarili. Pero pinapalakas ang 100b ko nina Santino
at Seb.
"Selene, pwede bang makitingin
muna Sina Santino at Seb?" tanong ko kay Selene.
"00 naman, Ate."
"Na sa eskwelahan pa kasi
silangdalawa. Pupuntahan ko si Senyorito Simon sa hacienda Sto. Domingo."
Napangiti ng malapad si Selene sa
narinig. Agad niya namang tinawagan ang driver niya para ihanda ang sasakyan
para ihatid ako sa kabilang hacienda.
Aaminin kong hindi man naging maganda
ang nakaraan naman ni Senyorito Simon ay concern pa rin ako sa kanya. Ginagawa
niya naman ang lahat para matabunan ng magagandang alaala ng kasalukuyan ang
mapait naming nakaraan.
Mahal na mahal niya ang mga anak
namin. Hindi siya sumusuko kahit ilang beses ko na siyang binasted kahit pa sa
batas ng tao ay mag-asawa pa rin kami. Kaya pupuntahan ko siya ngayon.
"Sino yan?! Hindi ba sinabi ko
ng ayoko ng istorbo? ! "
Pasinghal na tinig ni Senyorito
Simon. Inabutan na ako ng dilim sa daan bago ako maratingsa hacienda Sto.
Domingo.
Nagtaka nga ako dahil halos hindi
magkada-ugaga ang lahat ng mga kasambahay ng nakita akong pumasok sa mansyon.
Lahat ng tao dito ay magiliw akong kinakausap.
Ang mayordoma ay hindi rin mapakali
sa pagtatanong kung ano ang nais kung kainin o kung meron akong gusto at
kailangan. Ngunit magiliw naman akongtumanggi dahil ang pakay ko lamang ay ang
amo nila.
Agad nila akong sinamahan paakyat sa
pangalawang palapag at iniwan sa harap ng silid kung nasaan nagmumukmok ang ama
ng aking mga anak.
Pinihit ko ang doorknob at saka ako
pumasok kahit pa sininghalan niya
ako.
Madilim ang buong kwarto at bukod
tanging liwanag lamang na nanggaling sa lampshade ang nagbibigay liwanag na
sapat lam ang para mamataan ko ang bulto ngtaong hinahanap ko. Naroon siya
nakaupo gilid ng kama malapit sa side table.
"Ano bang kailangan niyo!?"
muli niyang pasigaw na tanong na naiirita ang boses.
"Ako ito, Senyorito. Si Karen
Imporma ko sa kanya.
Alam kong natigilan siya ng marinig
ang boses ko.
"Anong ginagawa mo rito, Karen?
Urnuwi ka na sa bahay mo, total doon naman ang gusto mo hindi ba? Kaya umalis
ka na. Huwag ka ng babalik dito! Umuwi ka na! Hindi ka dapat nagpunta
rito!" Taboy niya sa akin ng hindi man lang ako nilingon.
Hindi ako nagpatinag kahit sigawan
niya pa ako ng paulit-ulit. Lumakad pa rin ako patungo sa kanya at hindi takot
kahit pa pinapaalis niya ako.
Agad kung napansin na may hawak
siyang bote ng alak. Sobrang kalat ng kanyang silid na waringdinaanan ng bagyo.
"l said go away!"
Chapter
94
Nagulat ako ng tumaas ang kanyang
boses pero hindi ako matitinag.
"Ayoko nga! Hindi ako uuwi
hanggat hindi ka tumitigil magmukmok. Akala mo siguro hindi ko malalaman itong
pinaggagawa mo ngayon. Maging si Santino ay napapansin ang pagbabago mo."
Sermon ko sa kanya.
"Wow! Acting like a nagger wife?
Gayong malinaw at paulit-ulit mo ng sinabi sa akin na ayaw mo na, tapos na tayo
at hiwalay na tayo bilang mag-asawa. Kaya huwag mo akong sermunan na parang
concern na concern ka dahil alam kong ayaw mo ng isalba ang anumang relasyon na
legal na meron tayo. Bumalik ka na sa bahay mol Hayaan mo na akong mag-isa
dito! Huwag kang mag-alala dahil hindi na kita kukulitin at ipagpipilitan na
mag-asawa pa tayo. Hahayaan na kita sa gusto mo, kaya pabayaan mo na ko!"
galit na galit na sambit ni Senyorito Simon.
"Kaya ka ba nagkaganito ay dahil
kay Sam?" Muling natigilan si Senyorito sa tanong ko at panay ang lagok ng
alak sa bote.
"Senyorito, hindi mo na siya
maibabalik kahit ilangdaang alak pa ang inurnin mo. Kaya tigilan mo na kung
anuman ang ginagawa mo dahil hinahanap ka na rin ngdalawa mo pang mga anak
" Bullshit! ll
Sigaw niya sabay hagis ng boteng
hawak sa pader.
"Wala akong kwentang asawa! Wala
akong kwentang ama! Kasalanan ko kung bakit nawalan ako ng anak! Kung sana
naging mabuti akong asawa sayo! Kung sana hindi ko pinasama ang 100b mo! Sana
hindi ka nakunan. Sana hindi nawalan ng kapatid si Santino at nagkaroon ng
kakambal si Seb. Kaya kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko, Karen. Kasalanan ko
kung bakit siya nawala! Kung bakit ka nakunan. Kasalanan ko! Kasalanan ko! ll
Halos madurog ang puso ko sa
nakikitang anyo ni Senyorito Simon sa oras na 'to.
Urniiyak at binabayo ang sariling
dibdib habang sinisisi angsarili at sinasabing kasalanan niya ang lahat kung
bakit nawalan siya ng anak.
Hindi ko alam na ganun niya sinisisi
ang sarili. Hindi ko alam na mahal na mahal niya ang isang anak na hindi man
lamang niya nakita o nakasama.
Lum apit ako kay Senyorito at pilit
pinipigilan ang kanyang kamao na kanyang isinusuntok sa kanyang dibdib.
"Tama na 'yan, Senyorito. Pareho
lang naman tayong may kasalanan. Kung sanang nalaman kong buntis ako ng panahon
na 'yun ay sana ay iniwasan na langdin kita. Kaya kasalanan ko din, kasi ako
ang Nanay pero napabayaan ko siya.ll pag-alo ko kay Senyorito.
"No, it's all my fault, Karen.
It's all my fault! That's why I'm blaming myself for being a useless husband
and useless father!"
Niyakap ko si Senyorito Simon.
"Tama na, Senyorito. Nakaraan na
'yun. Kung nasaan man ang nawala nating anak malamang na malungkot si Sam
dahil nagkakaganyan ka. Hindi ko rin matanggap noong una, halos mabaliw nga ko
noon pero iniisip ko na lamang na hindi siguro siya para sa akin, para sa atin.
Kaya Senyorito, huwag mong sisihin ang sarili mo dahil wala namang may
kagustuhang mawalan ng anak." wika ko sa kanya.
Gumanti ng yakap sa akin si
Senyorito. Umaalog-alog ang balikat niya tanda ng kanyang pag-iyak.
"1 1 m sorry, Karen. I'm so
sorry dahil wala ako noong panahong kailangang-kailangan mo ng karamay. Patawad
dahil hindi kita nadamayan ng mawala ang anak natin kasabay din ng pagkawala ni
Nanay Karina. Hindi ko ma-imagine kung gaano ka nagluksa at kung paano kang
nagsimula ng ikaw lang mag-isa. 1 1 m sorry dahil makasarili ako. Iniisip ko
ang sarili ko gayung ikaw dapat ang mas inaalagaan ko. Sising Sisi ako, Karen.
Lalo na ng malaman kung nakunan ka dahil sa akin. Dahil pabaya ako. Dahil wala
akong kwenta.'l
"Shhh, tama na Senyorito.
Pinapatawad na kita sa anuman nagawa mo sa akin o sa amin pa nina Santino, Seb
at Sam. Ang mahalaga naman tinanggap mo ang pagkakamali mo at nagsisisi ka.
Kaya tama na, huwag ka ng magmukmok dito at hinahanap ka na ng mga anak
mo."
Tumigil na sa pag-iyak si Senyorito
pero mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa akin.
Namayani ng ilang minuto ang katahimikan
sa amingdalawa.
Waring ninamnam ang sandaling
magkayakap kami at nagdadamayan sa lungkot na nadarama.
"Talaga bang pinapatawad mo na
ako,
Karen?" maya-maya'y tanong niya.
Hindi ko makapa ang galit sa puso ko pero nahihirapan akong sagutin angtanongna
iyon dati.
Pero ngayon, batid ko sa sarili kong
matagal ko ng limot ang anumang galit na naramdaman dahil ang totoo, napatawad
ko na siya, dati pa, matagal na.
Dahil ang totoo? Pareho lang naman
kaming biktima ng mapaglarong tadhana.
"00, Senyorito, gusto mo ay
bawiin ko? ll biro ko ng maiba naman ang tema ng malungkot na paligid.
"Huwag! Mamamatay na ako kapag
hindi mo pa ako napatawad.ll Sagot niya naman na mas hinigpitan ang pagyakap sa
akin.
Napangiti na lamang ako. Tila kay
gaan sa pakiramdam.
Ang nag kapatawaran na sa mga
kasalanan.
"Karen, mahal na mahal kita pero
sige, igagalang ko ang desisyon mo na ayaw mo na.
Hindi ko na ipipilit na mag-asawa pa
rin tayo. Ipapa-annulled ko ang kasal natin para tuluyan ka ng maging malaya sa
akin. Mahirap para sa akin pero karapatan mong maging masaya pagkatapos ng mga
masasakit na alaala na dulot ko sayo,ll saad ni Senyorito Simon sa malungkot sa
tinig.
Nawalan ako ng kibo kapagdaka.
Ngunit surnilay din ang ngiti sa
aking labi dahil sa sinabi ni Senyorito na handa niya akong pakawalan kahit
sinabi niyang mahal niya ako.
Alam kong maliban sa pagmamahal ng
mga anak ko ay may isa pang pagmamahal na kakaiba at waring ngayon ko lang
nadama.
"Ganun ba? Sayang papayag na
sana akong urnuwi dito sa bahay mo at papayag na rin sana kong sundan na natin
si Seb." Deklara ko.
Nanlalaki ang mga mata na humarap sa
akin si Senyorito pagkatapos niyang burnitaw sa mahigpit na pagyakap sa akin.
"Ulitin mo nga ang sinabi
Imo?"
"Ang alin? Ang papayag na akong
umuwi dito sa bahay mo?" Nakakunot noo kung pag ulit sa sinabi .
"Hindi, iyong payag ka ng sundan
na natin si Seb."
Nahampas ko ng di-oras ang balikat ni
Senyorito Simon.
"Manyak! " buska ko sa
kanya.
Ngumisi si Senyorito ng marinig ang
sinabi ko. Dagling naglaho ang anumang kinikimkim na kapighatian niya kanina
lang.
"Talagang manyak na manyak na
ako sayo,
Karen. Kaya wala ng bawian sa mga
sinabi mo kanina."
At muli niya akong hinapit sa bewang
paharap sa kanya.
"Senyorito, kelangan ko ng
urnuwi ng
Hacienda Esmeralda dahil hahanapin
ako ng mga anak natin."
"Sarap naman pakinggan ng sinabi
mo. Ang mga anak natin. Pero hindi ka makakauwi ng Hacienda Esmeralda hanggat
hindi ako nakaka siguradong may kasunod na talaga si Seb." Bulong niya sa
tenga ko.
Nag tayuan ang lahat ng balahibo.sa
katawan. Naghatid ng boltahe ng kuryente ang mainit niyang hininga na dumampi
sa aking balat.
Hindi naman ako urninom ng alak
ngunit pakiramdam ko ay lasing ako.
Nalunod sa anumang nag uumapaw na
pagka sabik sa pagitan naming dalawa.
Hanggangsa namalayan ko na lang na
pareho na kaming walang saplot sa katawan ni Senyorito at sabay na sumasayaw sa
saliw ng isangtugtog na hindi kumukupas at naluluma kahit ilang panahon pa ang
lumipas.
Chapter
95
"Akala ko ba okay na tayo,
Karen, asawa ?" may pagsusumamo sa
mga mata ni Senyorito habang pinagmamasdan akong isinisilid ang mga damit ko
kasama ang mga damit nina Seb at Santino sa isang malaking bag.
Hindi ako kumibo at nagpatuloy lamang
sa ginawangpag-iimpake.
"Karen, don lt do this to me,
please. May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?" muli niyang tanong.
Zinipper ko na ang bag at saka
binitbit ngunit pinigilan ako ni Senyorito Simon at pilit kinukuha ang bag na
hawak .
"Karen naman, ano bang problema
mo? Hindi natin maayos ang problema kung hindi tayo nagkakaintindihan."
Nanlilisik ang mga matang tinitigan
ko siya.
"Ang mga halaman sa garden mo,
sino ang nagbigay sayo? Kilala ko ang mga halaman na 'yan dahil mga tanim ko
silang lahat at natatandaan ko kung sino ang bumili sa akin. Sabihin mo nga may
babae ka ba?!" mabalasik kong sunod-sunod na tanong kay Senyorito.
Nalukot ang kanyang mukha na wari ly
nag-isip.
Nagkaayos na kami simula ng puntahan
ko siya mismo sa hacienda Sto. Domingo at napagpasyahan ko na ngang urnuwi na
rin kami ng mga anak ko sa kanyang poder dahil napatunayan niya naman na mahal
na mahal niya kami ng mga anak namin.
Ngunit ngayon ko lamang napansin ang
pamilyar na mga halaman sa kanyang hardin maging ang mga paso kung saan
mga nakatanim. Pumasok sa balintataw ko ang magandang babae na siyang bumili ng
aking mga pinakamamahal na halaman.
Sino siya? At bakit naririto sa
garden ng mansyon na pag-aari ng asawa ko ang kanyang mga pinamili.
Nagngingitngit ang kalooban ko sa
samut-saring emosyon at kung anu-anong eksenang pumapasok sa utak ko.
"Naging babae mo siguro ang
babaeng bumili sa akin ng mga halaman at hindi ka na nahiya, dinala mo pa dito
sa hacienda kung saan pinauwi mo kami ng mga anak ! Ang baboy mol.
Ang baboy! Baboy ka! Umalis ka sa
harapan ko! Nandidiri ako sayo!" talagang kinukutkot ang kalooban ko ng
panibugho kaya hindi ko na
makontrol ang galit at inis ko.
Kaya wala akong pakialam kahit pa
masaktan si Senyorito Simon sa malakas na paghampas ko sa kanya ng bitbit ko
rin na shoulder bag na alam kong mamahalin dahil bigay ni Selene.
Naiinis ako! Nagagalit ako!
Kaya siya ang pagdidiskitahan ko
total sa kanya naman talaga ako galit na galit.
"Aray! Tama na! Ano ka ba
masakit!" lumakas na ang kanyang boses habang sinasangga ng kanyang mga
kamay ang sunod-sunod kong pag-atake.
"At sinisigawan mo na ako ulit?
Anong susunod mong gagawin? Sasakalin mo na ko ulit? Sige saktan mo na ako ng
magkaroon na talaga ako ng dahilan para hindi na talagang makisama sayo!"
singhal ko sa kanya.
Nabahala lalo ang kanyang gwapong
mukha sa sinabi ko.
"No! Mamatay muna ako.
Hinding-hindi na kita sasaktan kahit hampasin mo ko ng hampasin." Agad
niyang dipensa sa sarili ngunit hindi ako kumbinsido.
Halos ka papasok lamang nina Seb at
Santino sa bago na nila ngayong
eskwelahan.
Kaya naman kaming mag-asawa lang, si
Selene, ang mga kasambahay ang narito ngayon sa mansyon.
Hindi ako nag paapekto sa paawa
effect niya dahil mas lalo lang akong naiinis sa pagmumukha niya.
"Umalis ka sa daraanan ko! Gusto
kong urnalis! l' patuloy kong sigaw na naman sa kanya. Dahil nakaharang lang
naman ang malaki niyang katawan sa pintuan ng kwarto .
"Umalis ka, Senyorito! "
Urniling siya at lalo pang
ginwardyahan ang pintuan.
Naiinis ko na panimulang bilang.
Hindi pa rin siya nagpatinag.
"Dalawa!"
Ganun pa rin.
Umiinit na talaga ang bunbunan ko sa
galit.
Kaya naman sinugod ko siyang muli at
pinaghahampas sa iba't-ibang parte ng katawan ang shoulder bag na hawak ko.
Naka-alpas naman ako sa pinto at
tuloy-tuloy na naglakad pababa ng hagdan.
"Asawa ko naman, mag dahan-dahan
ka sa
pagbaba. Ako ang ninerbyos sayo.ll
Habol ni Senyorito Simon .
Naka-abot na ako sa sala ng maabutan
niya na akong muli.
"Karen, sekretarya ko lang 'yun.
Inutusan ko lang na bilhin Iahat ng halaman mo noon. Kaya nariyan sa garden ng
bahay natin.ll Imporma niya.
Nasaan ang dati niyang sekretarya na
ka-close ko?
Lalo akong nainis sa kaisipang
nakakasama niya pala ang babaeng 'yun sa kanyang opisina ng araw-araw.
Makatawag pansin na rin sa mga
kasambahay ang boses ni Senyorito Simon.
Alam kong pikon na pikon na siya pero
patuloy lang ang pagpapasensya sa akin.
Huminto ako sa paglalakad dahil
humarang na naman siya sa malapad na pintuan.
"Bakit nag-utos ka pa? Hindi mo
kayang bumili ng halaman na ikaw lang mag-isa?" tanong ko na may kasamang
pag-uusig .
"Karen naman, syempre natatakot
ako noon na baka hindi mo ako pansinin, kaya hindi ako agad makalapit."
Katwiran niya na napakamot pa sa kanyang batok.
"Talaga lang? Paano ako
makakasiguro na
sekretarya mo lang iyon at hindi mo
babae?" paniniyak kong at pinagkrus ko po ang aking mga braso sa aking
dibdib.
"l call her." Kinuha niya
ang smartphone sa bulsa ng kanyang khaki shorts at saka nag dial ng numero.
Ngunit naka ilang beses na siyang turnatawag ay wala namang sumasagot.
"Bakit walang sumasagot?"
naiinip kong tanong.
"Baka maraming ginagawa. Ang
mabuti pa ay pumunta na angtayo sa opisina." Suhestiyon niya .
"Sabihin mo gurnagawa ka lang ng
palusot dahil bawal sa akin ang bumiyahe." At para kaming napapatentero sa
harap ng pintuan dahil pilit niya akong hinaharangan na huwag makalabas.
"Senyorito, nanggigigil ako
sayo! Umalis ka sa daraanan ko!" taboy ko sa kanya.
"No, patayin mo man ako hindi ko
aalis dito at hindi ako papayag na umalis ka.ll Giit niya.
Sa sobrang inis ko ay hinubad ko ang
suot king tsinelas at bin ato ko sa kanya na sakto sa noo niya tumama.
"Ouch! Karen naman! Naging
sadista ka na."
Reklamo niya na nakahawak pa siya sa
parte ng
kanyang ulo na nasaktan ng ibinato
kong tsinelas. "Kasalanan mo 'yan! Ayaw mong umalis diyan! ll asik ko
naman.
"What's happening?"
Sabay pa kaming napalingon ni
Senyorito Simon sa nagtanong.
Si Selene na naglipat-lipat pa
angtingin sa amin ng kuya niya na tila naguguluhan sa eksen ang kanyang
naabutan.
"Si Karen, pinag-iisipan akong
babae ko ang sekretarya ko. Sabihin mo nga sa kanya Selene na hindi totoo ang
sapantaha niya. Na wala akong n aging babae.ll Surnbong ni Senyorito sa
nakababatang kapatid.
Turnawa naman si Selene ng mahina at
narinig ko rin na palihim na nagsibungisngisan ang mga kasambahay na abala sa
paglilinis sa nakikita at naririnig na aming kumusyon.
Chapter
96
"Gosh! Kuya, ganyan ka pala
talaga katakot na mawala si Ate Karen? Mabuti pa, ipalock mo na ang lahat ng
pintuan na pwedeng labasan ni Ate Karen sa buong hacienda." Buska ni
Selene sa nakatatandang kapatid na hindi talaga umaalis sa Pinto.
"Bueno, Ate Karen, totoo ang
sinasabi ni Kuya. Malamang na lapitin siya ng mga babae pero alam ko at saksi
ako na loyal siya sayo. Hayan na nga ang resulta diba? Agad-agad kayong
nakabuo.l' Tinuro pa ni Selene ang tiyan ko na medyo nakaumbok na rin. Limang
buwan na ang pinagbubuntis ko, kaya naman halata na.
"See? Wala akong babae. Kaya
Karen naman umakyat na tayo sa itaas. Ibalik mo na ang mga damit ninyo ng mga
bata sa closet."
Pakiusap ni Senyorito habang si
Selene ay napapangiti na lamang habang umiling-iling at saka tumuloy sa
kusina.
Pinaningkitan ko ng mata ang lalaking
ayaw akong palabasin ng bahay.
Hindi naman magsisinungaling si
Selene at hindi rin naman sinungaling itong si Senyorito Simon. Todo effort nga
siya mapunan lamang ang walongtaon naming hindi magkasama.
Malambing siya at maasikaso lalo na
ng malaman na naman namin na buntis na naman ako. Lahat ng uri ng prutas ay
nasa 100b na ng bahay.
Naiinis na nga ko dahil panay ang
tanong niya ng ano ang gusto kong kainin?
Marahas na lang akong nag
buntong-hininga at saka umikot na pabalik ng aming kwarto sa ikalawang palapag.
Sumunod naman siya agad at pilit pang
kinukuha ang bitbit kong bag.
Matapos kong ibalik sa closet ang mga
damit ko at darnit ng mga anak ko ay nakadama ako ng pagod kaya naman nahiga
ako sa malambot na kama.
"At bakit nasa tabi kita?"
sita ko kay Senyorito na akmang mahihiga na rin.
"Napagod din ako, kaya naman
magpahinga na rin ako." Sagot niya.
"Ayaw kitang katabi kaya sa
ibang kwarto ka matulog. Labas!" taboy ko sa kanya.
"Ano ba namang pagpaparusa ang
ginagawa mo sakin asawa . Hindi na nga
ko nakaka-ano sayo ngayon ayaw mo pa kung makatabi."
Ang sinasabi nyang hindi siya
"nakaka-ano" ay hindi kami nakakapag-sex dahil ipinagbawal muna. Kaya
naman buryong na buryong na sa buhay itong asawa ko.
"Ayaw nga kitang katabi. Okay,
sige, dito ka, ako na lang ang lalabas." Banta ko .
Madali naman niyang kinuha ang isang
unan at saka nagmamaktol na nag martsa palabas ng kwarto.
Hindi ko alam kung anong meron pero
naiinis akong natutuwa kapag nakikita ko siyang bwisit na bwisit na.
Nakatulog na naman ako at paggising
ko naman ay agad kong hinahanap ko ang presensya niya.
"Ate, umalis si Kuya Simon
kanina." Imporma ni Selene ng kaming dalawa ang nagsabay kumain sa
tanghalian. Hindi na rin naman kasi umuwi sa bahay Sina Seb at Santino dahil
may canteen naman sa school nila at isa pa ayoko na rin silang mapagod sa
biyahe pauwi sa bahay at pabalik na naman sa eskwelahan.
"Kamukhang-kamukha na naman
malamang ni Kuya Simon ang nasa tiyan mo, Ate Karen. Palagi mong inaaway si
Kuya.'l
Natatawang komento ni Selene na
nanalangin na sana babae na ang ipinagbubuntis ko para may
aayusan na siya at dadamitan.
"Ewan ko ba, inis na inis ako sa
kanya. Hinahanap ko naman siya kapag wala. Tulad ngayon, nakakabwisit dahil
wala siya paggising ko kanina."
Napatawa ng mahina si Selene sa aking
tinuran.
Malamang nga na kamukhang-kamukha na
naman ng aking asawa ang ipinagbubuntis kong bata.
Tulog na ang mga anak ko sa kanilang
silid ganun din si Selene at maging ang mga kasambahay aytulog na rin. Pero
wala pa rin si Senyorito Simon. Wala akong natanggap na text o kahit tawag sa
kanya sa maghapong lumipas kaya naman sinasalakay na ako ng kaba.
Nabuhayan ang loob ko ng bandang
ala-una ng madaling araw ay narinig ko ang pagtigil ng kanyang sasakyan.
"Saan ka galing?"
Matigas kong tanong ng makita na
siyang pumasok sa pintuan.
Medyo nagulat pa nga siya ng makita
ang presensiya ko.
"Bakit gising ka pa?"
tanong niya rin.
"Saan ka galing at bakit ngayon
ka lang?
Hindi ka man nagtext o tumawag
maghapon? Sinasabi ko na nga ba at siguradong may babae ka." Paratang ko
na naman sa kanya.
Tila pagod niya akongtiningnan.
"Karen, pagod ako at isa pa
madaling araw na para mag-away na naman tayo. Doon na ako sa guest room
matutulog." Saka niya na ako iniwan sa sala.
Nangingilid ang luha ko. Pakiramdam
ko wala na siyang pakialam sa akin dahil nilampasan niya lamang ako at ayaw
niya pa akong makatabi sa silid namin.
Malamang na totoo talagang may babae
siya at naroon siya maghapon. Kasi nga naman hindi ko maibigay ang
pangangailangan niya sa kama dahil hindi pwede sa kalagayan ko at isa pa lagi
ko siyang inaaway kaya marahil ay na nagsasawa na siya sa ugali ko.
"Bakit ka riyan matutulog? Diyan
ba ang kwarto natin?" asik ko na namang tanong ng sundan ko siya papuntang
guest room.
Nag buntong-hininga mo na siya bago
siya sumagot.
"Hindi ba ayaw mo naman akong
katabi? Pinalayas mo nga ako kanina sa kwarto hindi ba?
Kaya para walang away, dito na ako
matutulog,"
saad niya at saka pagod na humiga na
sa malapad na kama.
Lalo akong kinutkot ng galit.
"Babae siguro ang kasama no
maghapon kaya pagod na pagod ka ano?!" pagpaparatang ko sa kanya.
Ngunit hindi man niya ako pinapansin
at nakapikit lang.
Kinuha ko ang ang unan at
pinaghahampas na naman siya. Nagulat siya sa ginawa ko.
"Ano ba naman, Karen? Can't you
see I'm tired? Gusto ko ng magpahinga at wala na akong panahon makipagtalo pa
sayo." Inis na inis nyang sabi bagamat pigil ang pagtaas ng boses.
"Sinigawan mo na naman
ako?" tanong ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
"Why are you crying? Ikaw na nga
itong bintang ng bintang at nananakit tapos ikaw pa itong iiyak diyan? l'
"Aalis na ako bukas para wala ng
iistorbo sayo!" wala sa 100b kong sabi.
Hindi na siya kumibo at bumalik sa
paghiga. Tinakpan ng unan ang kanyang mukha.
Ngitngit na ngitngit talaga ako sa
galit.
Akala niya siguro hindi ko gagawing
layasan na naman siya. Nagawa ko na dati, kaya naman
kaya ko na namang gawin.
Kaya naman nag martsa ako palabas ng
guest room sa sobrang inis.
At ramdam ko ang lagapak ng aking
pwet sa matigas na sahig. Nagkamali ako ng apak ng paa na siyang dahilan kung
bakit ako natapilok at tuluyang marahas na napa-upo.
" Karen!"
Last Episode
Lumipas ang mga araw at kabuwanan ko
na sa panganganak. Akala ko nga mawawala naman ang pinagbubuntis ko matapos
akong madulas ng gabing inaaway ko si Senyorito Simon.
Takot na takot ako ng mga oras na
'yon. Agad niya naman akong nadaluhan ng asawa ko at tinakbo sa ospital. Mabuti
na lamang at walang masamang nangyari sa sanggol na nasa sinapupunan ko. Ngunit
napansin kong nag-iba na naman ang pakikitungo sa akin ni Senyorito Simon na
halos hindi na naman kami nagkikita kahit sa isang bahay lang naman kami
nakatira.
Si Selene ang madalas kong kasama sa
mga check-up ko sa doktor na tumitingin sa akin. Nagpa-ultra sounds na ako pero
hindi sinabi sa akin ni Selene ang resulta.
Magpaparty daw siya para sa gender
reveal ng susunod niyang pamangkin. Pero manganganak na ko ay wala pa rin ang
party para malaman ko na ang kasarian ngaking anak. At syempre, angdalangin ng
karamihan ay sana babae na ang bagong miyembro ng aming pamilya. Si Santino ay
babae rin ang gusto.
Ganun din ang panalangin ni Seb. Pero
ang opinyon ng Papa ng baby ko ay wala na naman. Laging wala sa bahay si
Senyorito at hindi ko alam kung umuuwi pa nga ba
"Selene, maglakad-lakad muna ako
para matagtag." Paalam ko kay Selene na may pinag kaka-abalahan. Niyaya
niya kasi akong magpunta dito sa Hacienda Esmeralda dahil daw may aasikasuhin
siya. Sumarna naman ako dahil miss ko na rin ang lugar na ito maging ang lugar
kung saan kami nakatira ng mga anak ko dati.
Hindi naman mainit ang sikat ng araw
kaya naman mas lalo akong nalibangsa paglalakad. Nagtataka nga ako at parang
walang ibang tao sa paligid. Kanina pa ko lingon ng lingon partikular sa lupang
sakahan at baka sakaling may makita na kakilala. Ngunit wala akong masumpungan
kahit isa. Ayoko sanang lumayo pero awtomatikong humahakbang ang aking mga paa
sa direksyon kung saan naroon ang aming kubo.
Napupuno nga ng galak ang puso ko
habang papalapit ako ng papalapit sa bahay kung saan nanirahan kami ng mga anak
ko. Bahay na naging saksi sa hirap na pinagdaanan namin sa buhay lalo na noong
panahong maliit pa lamang sila. Noong panahong hindi ko alam kung ano at sino
ang uunahin ko sa oras na umiyak sina Seb at Santino dahil wala pa akong
nilutong pagkain.
Literal na nanlaki ang mga mata ko ng
makita ang malaking pagbabago ng bakurang kinatitirikan ng aming bahay kubo.
Agad akong nagpunta sa gate.
Laking pagtataka ko kung paanong
nangyari ang lahat sa paligid.
Ang dating bakuran na napapaligiran
lamang ng mga halamang ligaw bilang bakod, ngayon ay ibang-iba na ang itsura.
Ang gate na dati ay gawa sa langsa kawayan, ngayon ay bakal na rin at may
malaking padlock.
Awang ang labi ko habang
palinga-linga sa malaking pagbabago na pinagmamasdan . Naroon pa rin ang aming kubo ngunit ang
kapaligiran ay ibang iba na.
Nagmistulang greenhouse ang paligid.
Maraming naggagandahang bulaklak at halaman ang aking nasisilayan.
May iba't-ibang kulay, Iaki at hugis
ngunit lahat ay kay gaan sa mata.
Heto ang pangarap ko, ang pangarap
namin ng Nanay . Ang magkaroon ng
ganitong hardin. Tipong punong-puno ng mga halaman.
Hindi ko alam kungsaan ibabaling ang
aking paningin.
Ngunit hindi ko maiwasan ang magtaka
kung paanong nangyari ang bagay na 'to.
Sa pagkakaalam ko, sa akin ang lupang
to kaya sinong pangahas ang nagpabago at pakialaman ang lupang pag-aari ko?
Wala akong itulak kabigin sa ganda ng
lugar. Naiinis man ako dahil walang permiso ang sinumang may kagagawan nito
ngunit hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng mga halamang nasa paligid.
Ibat-ibang variety ng alocasia, may
mga bulaklak ang bawat peace lilies na mamataan ko. Ang ibang halaman kahit
hindi ko alam ang pangalan ay alam kung inaangkat pa sa ibang bansa dahil ang
ibang uri ng mga halaman ay nakikita ko online.
Hindi ko alam kung saan ko ililingon
ang ulo ko. Hindi ko alam kung sino ang una kong pag mamasdan.. Lahat ng mga
halaman sa paningin ko ay animo nagpapaligsahan sa kariktan at
hinihikayat ang mga mata ko para sila ay pagmasdan.
"Nagustuhan mo ba?"
napapitlag pa ako ng may marinig na tanong at ng lingunin ko. Ang asawa ko na
mukhang galing sa 100b ng kubo.
"Senyorito, anong ginagawa mo
rito?" nagtataka kongtanong. Lumapit naman sa akin
ang lalaking sa totoo lang ay mas
miss na miss ko na.
"Nagustuhan mo ba ang
paligid?" muli niyang tanong habang pinagmamasdan din ang kapaligiran.
"l-ikaw ba ang may gawa
nito?" mahina kongtanong.
Tumango naman siya at ngumitl.
"Alam kasing malapit ka sa mga
halaman." Sagot niya at hindi ako makapaniwala. Buong akala galit na naman
siya sa akin dahil sa hindi niya naman ako kinikibo. Hindi ko tuloy maiwasan
ang ma-iyak.
"Karen, hindi mo ba
nagustuhan?" may pag-aalala sa kanyang mukha maging sa kanyangtinig.
Umiling ako at saka pinahid ang tubig na kumawala na sa aking mga mata.
"Bakit hindi mo ako kinakausap?
Bakit parang ayaw mo na akong makita?" sa halip na sagutin angtanong niya
ay iba ang ibinulalas ng aking bibig.
Tumingin siya sa akin ng may
pang-unawa. Iniharap niya ako sa kanya at hinawakan ang dalawa kong kamay .
"Dahil ayokong ma-stress ka,
ayokong maulit na magalit ka na naman sa akin at baka may mangyari na namang
hindi maganda sayo at sa magiging anak na naman natin." Madamdamin niyang
pahayag.
Lalo akong naluha sa kanyang tinuran.
Umiiyak ako gabi-gabi sa kakaisip na
baka hindi nama niya ko mahal at may iba na siyang gusto.
"Akala ko may ibang babae ka na
at ayaw mo na sa akin."
Ngumisi siya at hinalikan ang
labi .
"Silly, ang takot ko lang na
ilayo mo na naman ang mga anak ko kapag ginawa ko ang na 'yon. Mahal na mahal
kita Karen pati ang mga anak natin. Kaya nga tiniis ko rin na huwag mo nang
lumapit sayo dahil baka galit na galit ka naman sakin sa aksidente mong
pagkadulas. Kaya nga nag-isip ako ng isang bagay na pwede kung gawin na
ikakasaya mo. Total naman mahilig ka sa halaman kaya naisip ko gurnawa ng isang
greenhouse at alam kung sa lugar na ito ay marami kayong ala-ala ng mga anak
natin. Kaya dito ko naisip gawin. Magtiyaga akong humanap ng magagandang
halaman online para iba't-iba ang mailagay ko dito sa garden mo." Litanya
ni
Senyorito na [along nagpabalon sa mga
mata ko. Kung anu-anong iniisip ko gayong siya naman pala ay abala sa pag-iisip
kung paano ako mapapasaya.
"Asawa ko, bakit ka ba iyak ng
iyak?
Nagaalala akong baka may mangyari na
naman sayo niyan.
Niyakap ko siya at umiyak ako ng
umiyak sa kanyang malapad na dibdib. Hinaplos niya ng buong pagmamahal ang
aking likod habang sinasabingtumahan na ako.
"Masaya lang ako, hindi ko
akalain na gagawin mo lahat ng ito para lang mapasaya ako." Wika ko sa
pagitan ng paghikbi.
"Lahat gagawin ko para mapasaya
ka.
Marami akong nagawang pagkukulang
sayo. Marami akong utang sayo na kahit ang buhay ko hindi sapat na pambayad.
Ang sakripisyo mo para mabuhay ng maayos ang mga anak natin sa kabila ng ikaw
lang mag-isang bumubuhay sa kanila ay isa sa mga pinagpapasalamat ko. Karen,
asawa , mahal na mahal kita. Mahal na
mahal ko kayo ng mga anak natin."
Kumalas sa pagka kayakap ko si
Senyorito at may hinugot sa bulsa ng kanyang pantalon. At sa hindi ko
inaasahan, lumuhod siya sa aking harapan hawak ang isang kumikinang na singsing
na kanyang hawak.
"Karen, asawa , umpisa pa lang ng ating pagsasama ay
inaamin kong naging malupit ako
sayo. Hindi ako naging mabuting asawa
at hindi naging mabuting ama sa panganay natin na anak. Pero sa kabila ng Iahat
ng kasamaan ko nagawa mo pa rin akong pagsilbihan bilang asawa ng taos sa puso
mo. Ilang beses man kitang saktan patuloy mo pa rin pinaglalaban na
mahalin ko si Santino bilang anak kahit inaalipusta kita sa paratang na wala
naman akong sapat na basehan. Noong mawala kayo sa buhay ko, naramdaman kong
nawala rin ang isang bahagi ng pagkatao ko. Kaya naman hinanap ko kayo at sa
hindi ko inaasahan, muli mo akong pinahanga ng makita kong may isa pa pala
tayong naging anak pero nagbalik ang lungkot at galit ko sa sarili ng malamang
may kinalaman ako sa pagkawala ng sana ay kakambal ni Seb pero anong ginawa mo?
Ikaw pa ang nagpalakas ng loob ko sa kabila ng impyernong buhay na pinaranas ko
sayo. Hindi ako karapat-dapat para sa pagmamahal mo pero handa akong
magsakripisyo kahit pa paghahampasin mo ako araw-araw ng bag mo." Mahabang
pahayag ni Senyorito Simon habang lumuluha na rin kagaya ko.
"Karen, asawa ko, gusto ko
sanang magsimula tayong muli kasama ng mga anak natin. Si Santino, Seb at ang
isa pang regalo na nasa loob pa ng tiyan mo. Karen, asawa ko, gusto
sana kitang pakasalan ulit. Isang
kasal na karapat-dapat sa isang kahanga-hangang Ina, asawa at babaeng gaya mo.
Will you marry me, Again?" Wala akong makapang kahit anong salita na ma
pagpapaliwanag sa kung anong saya ang nadarama ko sa mga oras na ito.
"00, asawa ko, magpapakasal ako
ulit sayo kahit ilang ulit pa." Sagot ko na may matamis na ngiti sa aking
labi.
Nagmamadaling isinuot ni Senyorito
Simon ang singsing sa aking daliri at niyakap ako ng mahigpit at hinalikan ako
sa labi ng marubdob at punong-puno ng pagmamahal.
Biglang may nag sigawan at nag
palakpakan sa paligid.
"Congrats Papa at Mama."
Pagbati ni Santino at hinalikan ako sa pisngi. Yumakap naman agad sa amin sa
Seb.
"Mama, Papa, sobrang saya ko po
ngayon dahil magkasama po tayong lahat." Wika niya.
"Congratulation Ate, Kuya."
Pagbati rin ni
Selene at niyakap kami pareho ng
kanyang Kuya.
Lumapit din ang mga tao sa paligid at
bumati sa amin.
"Congrats Senyorito, Senyorita
.11
Sabay-sabay na pagbati ng mga tauhan
ng hacienda Esmeralda.
"Kaya pala nagtataka ako bakit
parang walang tao sa paligid. Nandito pala kayong lahat." Kunwari ay
pagtatampo kong sambit kina Ate Clara, Manang Puring at sa lahat ng naroroon na
halos lahat naman ay mga kakilala namin ng mga anak .
"Ate Karen, si Kuya Simon talaga
ang nagplano ng lahat ng ito. Kaya nga naudlot ang gender reveal party dahil
isasabay natin ngayon." Wika naman ni Selene at saka may mga lumapit na
kababaihang may dala-dalang malaking kulay berdeng cake na ang terna ay mga
halaman.
Napangiti ako dahil ang cute ng
design.
May tao rin na may dalang lobo na
kulay blue at pink at saka isa-isang kumuha ang mga taong kasama namin.
Halos kalalakihan ang may hawak ng
kulay asul na lobo at obvious naman na mas marami ang may gustong babae ang
gender ng baby ko sa dami ng may hawak ng pink na lobo.
Namamangha ako.
Hindi ako makapaniwala na ganito ko
iseselebra ang pagkakataong malalaman na namin ang kasarian ngsanggol na aking
nasa sinapupunan.
Ang totoo wala namang kaso kung
lalaki o babae. Ang mahalaga naman sa mga magulang ay ang makitang malusog at
normal ang kanyang anak.
"Ate, hilahin niyo ni Kuya Simon
ng dahan-dahan ang nasa ibabaw ng cake." Utos ni Selene at itinuro
angdapat naming hilahin ng kanyang kuya.
Masaya naming sinunod na mag-asawa
ang sinabi ni Selene.
Dahan-dahan naming hinila ang nasa
itaas ng cake.
Unang salitang nabuo ay
congratulations at dahil na rin sa mga sigawan ng mga tao sa paligid ay binigla
na namin ang paghila sa mga susunod pa na letra.
Nakakabingingsigawan na may kasama ng
palakpakan ang naririnigsa paligid.
Niyakap na naman ako ng aking asawa
at mga anak ng napakahigpit.
GIRL.
Ang huling salita.
Nanubig na naman ang aking mga mata.
"Thank you, asawa ." Sambit
Senyorito at saka ako hinalikan sa mga labi.
"Yes! May babae na akong
pamangkin.
Congrats to the both of you."
Maluha-luha rin na sambit ni Selene.
"Please lang Selene, huwag mong
masyadong turuan mag make-up ang baby girl
." Ang bilin ni Senyorito sa kanyang kapatid. "l can't promise
big bro." Nakangising sagot naman ni Selene.
Alam ko namang ma-i-ispoiled na naman
kay Mommy Selene ang baby girl namin..
"Ma, ibibigay ko po sa kanya
lahat ng naipon kong mga laruan at damit na para kay Sam."
Napangiti ako lalo sa sinabi ni Seb.
"00, anak."
Masaya ang lahat. May mga pagkain din
palang nakahanda na nakapwesto sa likod ng kubo na hindi ko napansin agad
"Pagod ka na ba? Mauna na tayo
sa hacienda kung gusto rno?" tanong ng asawa ko.
Tinitigan ko siya at saka ako
napangiti. "Hindi ako mapapagod dahil nandyan kayo ng mga anak
natin." Sagot ko.
Si Senyorito Simon naman ang
napatitig sa akin.
"May dumi ba ang mukha ko?"
tanong ko at saka pinunasan ng palad ang aking noo. "Napakaganda mo kasing
buntis.ll
Sumimangot ako sa sinagot niya.
"Ang laki kaya ng ilong ko ganun
din ang eyebags ko. Paano naman kasi lagi kitang iniisip." Nakasimangot
kong wika.
Natawa ng mahina si Senyorito.
"Asawa ko, mahal na mahal kita.
Kahit lumaki pa ang ilong mo ng kasinlaki ng kamatis o sin laki pa ng backpack
ang eyebags mo ay patuloy kong pasasalamatan hanggang sa kabilang buhay Sina
Lola Loreta at Nanay Karina. Si Lola sa pagpili niyang pakasalan kita na akin
palang pagsisihan kung hindi ko siya sinunod. At syempre kay Nanay Karina,
dahil ipinangak ka niya at pinalaki ngtama. Salamat sa kanilang dalawa dahil
may asawa akong kahanga-hanga,
Ina ng mga anak ko at magiging mga
anak ko pa." Masayang deklara ni Senyorito Simon na hindi umaalis sa tabi
ko kahit pa itinataboy .
"At saka nga pala, asawa ko.
Pwedeng huwag mo na akong tawaging Senyorito." Hiling ng asawa ko.
"Ayoko, mas gusto kitang
tawaging Senyorito para unique sa lahat." Sagot ko naman.
"Ganun ba? Ikaw ang bahala kung
'yan ang gusto mo. Basta ang mahalaga, mahal natin ang isa't-isa at wala ng
bawian ang pagpapakasal no ulit sa akin." wika ni Senyorito Simon.
"Aray!'l
Daing ko kasabay ng pagguhit ng sakit
sa aking balakang.
Sumigid ngsumigid angsakit.
Manganganak na ako.
Nagkagulo na ang mga tao sa paligid
ng hindi ko na kaya ang nararamdaman.
Mabuti na lamang at inabot pa rin
naman ako ng panganganak sa ospital.
"Thank you, Karen
"Para saan na naman?"
tanong ko sa asawa ko na nakatabi sa akin habang ako ay nakahiga clito sa kama
ng ospital. Kahapon pa ako nanganak kaya naman medyo okay na ang pakiramdam ko
lalo na ng makita at mahawakan ko ang malusog na sanggol na iniluwal ko.
Si Sab o Sabrina.
Si Seb ang nagbigay ng pangalan sa
kanyang bunsong kapatid.
"For being my wife at sa
pagbibigay sa akin ng mga anak." Madamdaming saad ni Senorito habang
nakatingin sa tatlo niyang anak.
Nakalagay sa kulay pink na crib ang
bagong miyembro ng aming pamilya habang ang dalawa niyang kuya ay walang sawang
nakamasid sa kanya.
Inihilig ko ang aking ulo sa balikat
ng aking asawa.
Nilingon naman niya ako.
"l love you." Bulong niya
at saka hinawakan ang aking kanang kamay
"l love you too." Pagsagot
ko.
Napangiti kami sa isa't-isa at sabay
pinagmasdan angtatlo naming mga anak. Sa wakas, matapos ang ilang taon. Isa na
kaming ganap na pamilya.
Wakas.