You fight and I love

0

 

You fight and I love

 

Chapter 1 Friend Request

How can we assure na ang taong mahal natin ngayon, ay siya na talaga ang taong para sa'tin habang buhay? Dahil lang ba sa inlove ka sa kanya? . . . feeling mo e siya na talaga? Hindi ako naniniwala sa gano'n, alam kong we can't fell in love once at the same person. Kasi pagdating sa love, marami tayong pagsubok na pagdadaanan. Unang una na do'n ang mabigo, tapos masaktan. Minsan nagiging tanga na rin tayo. Pero alam mo kung ano 'yong masaklap? 'Yong alam mong nagiging tanga ka na, tuwang tuwa ka pa. Hays. Ang labo nitong mga pinag-iisip ko. Tipong tinatanong ko ang sarili ko ng mga bagay na hindi ko pa naman napagdadaanan ever since. Curious lang ako, kasi sa fourteen years ko rito sa mundo, ngayon pa lang ako nagsisimulang ma-inlove ng sobra. Alam kong bata pa ako, pero alam ko sa sarili ko na naiinlove na rin ang mga nasa ganitong edad. Meron akong Boyfriend ngayon pero hindi kami legal. Lalo na sa parents ko. Natural, bata pa ako, kami. Alam kong magagalit sila sakin kasi gusto nilang aral muna. Pero i know my limits naman. Priority ko pa rin ang pag aaral ko. Kaya secret lang muna ang lovelife ko sa kanila. I'm Danielle, kilala ako bilang 'Deyn' for short. Second year highschool at nag-aaral ako sa isang school na kakaiba sa lahat. Science school na may average limit. Meaning, kapag hindi pasok o hindi umabot ang average ng grades mo sa target average nila, maghanap ka na ng bago mong malilipatang school. Ang weird, 'no? Kahit ako na we-weirduhan din sa pakulo effect ng school namin. Pero siguro paraan nila 'to para tumino at mag-aral ng maigi ang mga estudyanteng nag-aaral do'n. Kaya lang, sobra naman 'yong average na 90. Masyadong mataas na tipong minsan 'di kakayanin ng utak ng iba na pang 80 lang ang kaya. Dito kasi kapag 89 below na 'yong average mo, sibat ka na agad kasi 'di ka na accepted dito. Kaya nga nakatatak na samin ang salitang 'Once you failed, there's a chance that you'll going to regret it.' At ang pinaka worst experience ko sa school na 'to ay dahil muntikan na akong matanggal dito. Alam niyo kung bakit? Kasi last school year, naging pabaya ako sa pag-aaral. Pero hindi ko intensyon 'yon. Sina Colleen and her two misbehave friends 'yong may pakana no'n. Last year kasi nakipag-friends ako sa kanila, no'ng first quarter kasi wala pa akong friends no'n, siyempre baguhan kaming lahat kasi 'yong iba e galing sa ibang elementary schools kaya hindi kami magkakilala pa. Besides, hindi ako 'yong tipo na nakikipag-friends agad sa mga 'di ko pa kilala. Kaya that time, puro pag aaral lang inaatupag ko tapos deretcho uwi agad pagkatapos ng klase. Gano'n ako ka bait. Kaya nga nasa top 2 ako ng klase no'n hanggang Third quarter. Tapos no'ng fourt quarter do'n na ako nakipag friends kina Colleen. Nasa top din kasi silang tatlo sa klase. At sa tingin ko e mga good influence sila na kapag sumali ako sa group nila e lalo akong magiging matalino at marami akong matututunan. Pero nagkamali ako, kasi hindi pala sila gano'n ka seryoso sa pag aaral. Actually, na obserbahan ko 'yon dahil nga naging friends ko sila no'n. Kapag uwian, nagpupunta kami sa tambayan tapos gabi na umuuwi. Natuto akong magsinungaling sa mga magulang ko no'n sa tuwing tinatanong nila ako kung saan ako galing at kung bakit ginabi na ako. Ang lagi kong sinasabi e nag ggroup study ako kasama mga kaibigan ko na  ang totoo e hindi naman talaga. Natuto rin akong uminom nang dahil sa kanila. Tumatanggi ako pero pinipilit nila ako kaya wala akong choice kundi ang makisabay na lang. Tapos nagawa ko na ring mag-skip class nang dahil sa kanila. Natakot ako no'n kasi baka malaman ng mga teacher's namin at baka ipatawag parents namin. Pero sabi nila, relax lang daw ako kasi walang may nakaka-alam tungkol sa ginawa namin. Tinanong ko rin sila kung nag g-group study ba sila kasi nakakapagtaka lang na never nilang ginawa 'yon kahit isang beses sa isang linggo. Ang sabi nila, tuwing exam lang nila ginagawa 'yon. Pero 2 days bago mag exam, hindi nila ginawa. Nagpunta pa ako sa bahay nina Colleen no'n kasi sabi nila do'n daw kami mag-aaral ng sabay, pero puro chika lang naman 'yong ginawa nila. Ni hindi nga kami nakapag aral kahit isang segundo no'n. At ang sabi sakin ni Colleen, 'di na raw namin kailangan mag-aral para sa exam. Kasi sila na raw bahala. Mag che-cheat na lang daw kaming apat sa exam para maka-perfect kami. That time, sobrang gulat ako no'ng nalaman ko na ginagawa nila 'yon every exam. Hindi ako makapaniwala na ang mga top students na kagaya nila ay nagagawang mag cheat. Pero ngayon, alam ko nang hindi lahat ng mga nasa top sa klase ay mga matatalino, ang iba nagagawang mandaya dahil desperada silang mapasa-top sa klase. And they could do it pretty well. Natakot akong gawin 'yon that time. I thought, they're a good influence to me. Pero mali pala ako. At ang pinaka worst do'n? Nagtiwala ako sa kanila. Though, natatakot ako kasi baka mahuli kami ng teacher pero game pa rin ako sa plano nila. Hindi ako nag-aral para sa exam at ang ginawa ko e nakipag hang out kasama nila nang hindi pino-problema ang exam. Previous Page Pero no'ng dumating ang araw ng exam, sobrang nagsisi ako. Why? Kasi hindi nila ako sinabay do'n sa sinabi nilang cheat. During exam, hindi man lang nila ako pinasahan ng sagot. Hindi ako nakapag-aral no'n kaya wala akong masyadong may naisagot do'n sa exam ko. Kahit anong piga ko ng utak ko, wala akong nakukuhang sagot sa exam kundi puro pagsisisi ang mga naiisip ko. Do'n ko nasabi sa sarili ko na sana hindi na lang ako sumama sa kanila. Na kung sana e nanahimik na lang ako at nag aral mag-isa. Pero hindi ako na tanggal sa school kasi kahit papano e umabot ng 90. 2 'yong average ko. Akalain niyo 'yon, muntikan na akong mapa-alis. Ang nakakalungkot lang e na disappoint ko 'yong parents ko. Hindi na rin ako nasama sa top 10. At sa katunayan nga e bukod do'n sa may apat na natanggal kasi 'di umabot 'yong average nila, ako 'yong nasa pinakadulo ng top. Top 21 ako sa buong klase na kung no'ng first quarter hanggang third quarter e nasa top 2 ako. At ngayong Grade 8, babawi na ako. Hinding hindi ko na uulitin 'yong ginawa ko last school year. Niloko ako nina Colleen at ng mga friends niya na akala ko pa naman e totoong kaibigan sila. From now on, I need to beware of fake friends. Cuz we don't know who's sincere or who's not. We survive alone. Making friends is good but we also need to know when they are dragging us down. Second week na ngayon simula no'ng nag start ang klase. Malas ko lang kasi kaklase ko pa rin si Colleen at sina Marian at Jennifer na mga kaibigan niya. Pero wala na akong plano na makipag friends pa sa kanila. Sa tuwing nakikita ko kasi sila, kumukulo ang dugo ko at gusto ko silang sugurin at sisihin sa ginawa nila. Mabuti na lang e nandito 'yong dalawa kong bagong kaibigan. Actually, last week ko lang sila naging friends. Nasa kabilang section kasi silang dalawa last school year. At naging friends ko sila dahil kay Callen. Si Callen ay Tito ko na kaedad ko lang. Anak siya ng bunsong kapatid ng Lolo ko. Ang lalayo kasi ng mga age gap nilang magkakapatid na tipong 'yong anak ni Lolo na si Papa e hindi na naglayo 'yong age gap nila ng bunsong kapatid ni Lolo which is 'yong Mama ni Callen, kaya naging magkasing edad lang kami ni Callen. Hindi ko siya tinatawag na Tito kasi hindi ako sanay—kaya tinatawag ko na lang siya sa pangalan niya. At ayon na nga, kaya nagkaroon ako ng panibong friends dahil kay Callen. Magka-klase silang tatlo last year tapos bigla silang napunta sa section namin. At ang totoo kasi niyan, ka MU niya itong isa kong friend na si Rhian. MU lang kasi bawal pa magkaboyfriend itong si Rhian. Strict daw kasi parents niya. E, takot siyang mahuli kaya ayon, pa MU-MU na lang muna. Pati na rin itong si Callen, strict din 'yong Mama niya. Si Lolo kasi na kapatid ng Mama ni Callen strict din daw dati sabi ni Papa. Kaya 'di na ako magtataka kung bakit. At siguro, nasa dugo ng family na talaga namin 'yong pagiging mahigpit lalo na pagdating sa lovelife. Gusto kasi nila e kailangan professional na kami bago kami magka-love life. Jusko naman. Papano kung hindi ako naging professional? Like, what if hindi ako nakapag-tapos ng pag-aaral? Hindi na ba ako pwedeng magka-love life no'n? Well, dibale na. Ako pa rin naman ang masusunod kasi buhay ko 'to. Ang isa ko pang friend ay si Ashley. Itong si Ashley girly ang dating niya. Lagi siyang may baong pulbo at liptint sa bag. Kaya siya ang source namin ng pulbo at liptint ni Rhian lagi. May boyfriend siya, taga ibang school. Pero 'di ko pa kilala at 'di ko alam pangalan. Pero kilala ni Rhian kasi matagal na silang friends. Since elementary pa daw. At alam niyo? Parehas naming tatlo hate sina Colleen. Kasi itong sina Rhian at Ashley na kuwento nila sakin last week na kaklase pala nila si Colleen no'ng elementary. At na banggit nilang cheater na talaga sila since pa noon. Badtrip nga sila no'ng first day of school no'ng nalaman nilang kaklase namin sina Colleen. 'Yong sectioning kasi dito ay random. Two sections per year level. Hindi na sila nag b-based sa average kasi considered nang matatalino lahat ng mga nandito dahil nasa 90 'yong average. Kaya random na lang. Kung sino nauna mag enroll, 'yon na 'yon. Nakakatawa lang kasi may mga cheaters pala dito na nagpapanggap na sobrang talino. Hays, ewan ko na lang. Pumasok 'yong homeroom teacher namin na late ng 10 minutes kaya nag sorry siya samin bago ina-nounce na may transferee daw sa section namin. So ayon, madadagdagan na kami ng isa at overall e magiging 20 students na kami sa section namin. 20 naman kasi dapat, kaso si James na ubod ng talino na siyang top 1 namin ay lumipat sila ng bahay kaya kailangan rin niyang lumipat ng school kaya ayon, kulang kami ng isa. Kaya nga no'ng nalaman ko lang last week na lilipat ng school si James e bigla akong na pressure kasi wala na siya at hindi ko alam kung sino 'yong mapupunta sa top 1 this quarter. It's either si Colleen na inagaw 'yong spot ko sa pagiging top 2 o ako?—ako? Well, kung makakabawi ako at pag-iigihan ang pagaaral, possible naman. "Omg! Sino naman kaya?" bulong sakin ni Rhian nang i-announced samin ng bagong homeroom namin na may transferee daw. Nagkibit balikat ako, "Ewan." sagot ko at napatitig na lang sa bintana. Kung sino man 'yong transferee na 'yon, hindi na ako interesado kahit pa sinabi ng homeroom namin na lalake raw 'yong transferee. 'Yong mga ka-klase ko kasi nanghingi agad ng clue kung babae o lalake 'yong transferee. Kaya ayon, sinabing lalake raw. "Sana pogi." bulong ni Ashley at pareho naman namin siyang nilingon ni Rhian. "Hoy!" tapos pinalo siya ni Rhian si Ashley gamit ang notebook pero pabirong palo lang 'yon at ako 'yong natamaan kasi ako 'yong nasa gitna nilang dalawa. "May boyfriend kana. Anong pogi ka d'yan?" Tapos itong si Ashley e nag puppy eyes kay Rhian, "E, ano naman? Masama bang magka-crush kahit may boyfriend na?" Natawa ako ng kunti kaya nilingon nila ako pareho sabay tanong, "O? Anong nakakatawa? Don't tell me, interesado ka rin sa transferee?" tanong sakin ni Rhian. Umiling naman ako sabay sabing, "Hindi. Loyal ako sa boyfriend ko, okay? Tigilan niyo 'ko." Tapos ayon, tinukso nila ako pareho hanggang sa tumahimik na sila kasi pumasok na 'yong transferee. 'Yong mga ka-klase ko biglang nagsi-tahimik. Sobrang tahimik ang buong classroom at nasa transferee lahat ng attensyon namin. Tapos sinabihan siya ng homeroom teacher namin na magpakilala. Nakita kong napa-kagat labi naman siya na parang nahihiya. Pero nilakasan pa rin niya loob niya para magpakilala. "Hello. I'm Bright Cyril Navales." pagpapakilala niya. "Lumipat ako rito kasi gusto ni Mommy na ma-maintain ko 'yong grades ko." tapos napakamot siya sa ulo niya na parang nag-iisip kung ano pa ang sasabihin niya hanggang sa dinugtong niya ang, "At sa tingin ko naman maganda ang school na 'to. Nice to meet you, all!" Bumulong samin si Ashley pagkatapos mag introduce yourself itong si Transferee. "Lumipat daw siya rito dahil gusto ng Mom niya. That means, 'yong Mom lang niya 'yong may gusto na dito siya nag-aaral. E, pano naman siya? Ano 'yon? Napilitan lang?" "Ano ka ba," sabat ko. "Malay natin, gusto rin niya. Wag mo siyang basta-basta i-judge, okay?" "E, halata naman na parang napipilitan lang siya. Hindi niyo ba napansin?" sabat pa ni Ashley. Tapos biglang nakisingit si Rhian, "Hala, baka hindi siya aware na may average limit ang school na'to. Tapos baka next quarter e matatanggal na siya." "Aware naman siguro." sagot ko pa. "Narinig niyo sinabi niya, diba? Lumipat siya rito para ma-maintain 'yong grades niya. At malay natin, matalino pala ang isang 'yan. Hindi lang halata. Nakapasok nga siya rito e, ibig sabihin matalino 'yan." dagdag ko pa at nagsi-tahimik naman silang dalawa. Pagkatapos no'n e umupo na sa bakanteng upuan itong si Transferee. Sa likod siya umupo which is sa second to the last row kasi 'yon na lang ang bakanteng upuan. Itong mga ka-klase kong babae e panay ngiti sa kanya. Actually, may itsura rin naman kasi siya. Pero ang weird niya kasi hindi siya namamansin kapag may nag-h-hi sa kanya o kapag may ngumi-ngiti. Kapag tinatanong siya tanging tango o iling lang ang sagot niya. Napagkamalan tuloy siyang suplado. Since first day pa lang niya rito, hindi pa siya naka-uniform. Naka jacket nga siya, e. Ewan ko lang kung hindi siya naiinitan sa sout niyang makapal na jacket kahit na sobrang init ng panahon ngayon. No'ng break time, napansin kong tahimik lang siya. Ni hindi nga siya lumabas ng classroom. Hawak lang niya 'yong makapal pero maliit niyang libro tapos nagbabasa. 'Yon lang 'yong ginawa niya buong break time. Unlike sa mga ka-klase kong lalake na naglalaro ng online games tapos ang ingay-ingay nila at nagmumura pa ng sobrang lakas kapag na babadtrip. Pero itong isang 'to, hindi ko alam na iba 'yong hilig niya. Sabi ko na, e. Matalino ang isang 'to. Ang mga ganitong klase ng tao, alam kong may tinatagong talino. No'ng vacant time namin e panay text ako kay Gab. Si Gab 'yong boyfriend ko na nasa kabilang section. Tinatanong kasi niya ako kung pwede niya akong sunduin pagkatapos ng klase namin. Kaya panay reply naman ako. Pero nawala 'yong focus ko nang biglang magsalita si Colleen sa likuran at kausap niya 'yong transferee. "Excuse me, 'yong basura mo, o." sabay turo sa plastic ng biscuit na nasa sahig. "Paki pulot. Ayaw kasi ng mga teacher's na makakita ng basura rito." Napatingin ako sa transferee na napatingin muna kay Colleen bago pinulot 'yong basura. "Baguhan ka pa lang kaya 'di mo pa alam ang mga patakaran dito." dagdag pa ni Colleen na kung makapag-salita e akala mo naman siya 'yong boss dito sa classroom. At nang makita kong pamilyar 'yong plastic ng biscuit na pinulot ni transferee ay napatayo na lang ako ng dis oras nang dahil sa sobrang inis. Sa totoo lang kasi, 'yong plastic ng biscuit na 'yon ay kay Colleen 'yon. Nakita ko siyang kumakain kanina ng biscuit habang nag le-lecture 'yong subject teacher namin. Ganyan 'yong biscuit na kinakain niya. At sa pagkakaalam ko, hindi nga kumain itong si Transferee no'ng breaktime. Tapos sasabihin bigla ni Colleen na basura niya 'yon? Kumukulo talaga dugo ko sa babaeng 'to. Sarili niyang basura na kumalat sa sahig e pinapulot niya sa iba. Napatingin sina Colleen at ang dalawang niyang back up—este kaibigan sakin nang makitang tumayo ako. Tinaasan ako ng kilay ni Colleen na para bang tinatanong kung anong problema ko. Hindi naman ako nagpatinag at tinaasan ko rin siya ng kilay at nakipaglabanan ng titig. "O?" aniya na parang nanghahamon. Lumapit naman ako sa kanila para sabihin ang gusto kong sabihin. "Hindi ba dapat sinabi mo 'yan sa sarili mo." taas kilay kong sabi. "Basura mo 'yan, hindi ba?" sabi ko sabay turo sa plastic ng biscuit na hawak ni transferee. "Ba't hindi mo pulutin at itapon sa mismong basurahan? Hindi 'yong ipapakuha mo pa sa iba." Nakita kong kumunot ang noo sakin ni Colleen matapos kong sabihin 'yon. "Excuse me? Pinagbibintangan mo ba ako?" Muli ko siyang tinaasan ng kilay, "Pinagbibintangan?" napangiwi ako. "Hindi. Kasi totoong sayo 'yang basura na 'yan." tapos nilingon ko 'yong transferee. "Ibigay mo 'yan sa kanya." utos ko habang nakatingin sa plastic ng biscuit na hawak niya. "Basura niya 'yan kaya siya dapat ang mag tapon." aniko pero itong si transferee e mukhang natakot yata kay Colleen at hindi man lang nagawang ibigay kay Colleen 'yong plastic ng biscuit kaya ang ginawa ko e ako na mismo kumuha no'n sa kanya at inilahad 'yon kay Colleen. "O, kunin mo at itapon mo sa basurahan." utos ko. "Kasi gaya nga ng sinabi mo, ayaw ng mga teacher's na may makitang kumakalat na basura rito." Hindi 'yon kinuha sakin ni Colleen at sa halip ay sinamaan lang niya ako ng tingin sabay mura sakin. At talagang minura niya ako sa mismong pagmumukha ko. Napatayo sina Ashley at Rhian no'n para back up-an ako just in case na sugurin ako ni Colleen at ng mga kaibigan niya. At sa inis ni Ashley ay 'di niya napigilan sarili niya't sinagot niya si Colleen. "Hoy! Wag mong minumura-mura itong kaibigan ko, ah. At para ipaalala ko sa'yo, 'di kami natatakot sa 'yo." sabat ni Ashley. Tapos itong isang kaibigan ni Colleen na naging friend ko rin last year na si Jennifer ay biglang umabante para sagutin si Ashley. "Excuse me, wag kang epal. 'Di ka kasali rito." sabat niya. Itong si Ahsley e biglang nanggigil. Susugurin sana itong si Jennifer pero buti na lang at naawat siya ni Rhian at pinakalma. Muli akong napatingin kay Colleen habang hinihintay siyang kunin ang plastic ng biscuit sakin. Pero nakatitig lang siya ro'n na parang walang balak kunin 'yon sakin kaya ako na mismo kumuha ng kamay niya para ipahawak 'yong plastic ng biscuit. "Paki tapon na lang." mahinahon kong sabi. Napahiya si Colleen dahil sa ginawa ko at hindi niya alam ang gagawin niya do'n sa basura niya. Pinagtitinginan siya ng mga ka-klase namin no'n at alam kong hindi niya matanggap na napahiya siya kaya mas lalo pa niyang itinanggi na hindi sa kanya 'yong basura. Sumigaw pa nga siya sa buong classroom kung kanino 'yon pero walang ni isang umako. Obvious naman kasi na walang ibang kumain ng biscuit na 'yon kundi siya lang. Tamad lang talaga magtapon ng basura 'to. "Hoy! Wag ka na ngang mag deny," inis na sabi ni Rhian. "Nakita ka namin na 'yan ang kinakain mo kanina. Napahiya ka lang kaya ayaw mong aku-in na sayo 'yan." "May pruweba ka ba sa sinasabi mo, ha?!" dahil sa inis ay napalakas 'yong boses ni Colleen kay Rhian. Pero itong si Callen e pumagitna. Malamang, ipagtanggol niya 'yong labidabs niya. "Tama na." sabat ni Callen. "Itapon mo na 'yang basura mo, Colleen. Pinapalala mo lang, e." "E, hindi nga sakin 'to!" sigaw ni Colleen at binato sakin 'yong plastic ng biscuit. Pero bobo niya kasi hindi man lang ako natamaan no'n. Nag slow mo pa nga sa harap ko pero ni hangin no'ng dumaan 'yong plastic ng biscuit e hindi ko masyado naramdaman. Natawa tuloy ako. At dahil natawa ako, lalong nainis itong si Colleen. Hanggang sa itulak niya ako sa sobrang inis. "Anong nakakatawa, ha?!" galit niyang sabi matapos akong itulak. Buti na lang at hindi masyadong malakas 'yong pagkatulak niya sakin at nasa likuran ko 'yong transferee at nahawakan niya 'yong likod ko dahilan para hindi ako matumba. Ramdam ko na 'yong galit ni Colleen  ngayon. Kung kanina medyo hindi pa, pero ngayon feeling ko sasabog na siya sa galit. Magsasalita pa sana siya nang biglang tumayo 'yong class president namin sabay palo ng malakas sa teacher's table dahilan para matahimik kami at mapalingon kaming lahat sa kanya na para bang tinatanong na 'O? Ba't tumayo ka pa? Kung kailan nasa exciting part na, e. Ewan ko na lang sa class president namin. Parang napilitan lang na maging class president. Tipong pinagtripan lang ng mga kaibigan pero wala talaga sa intensyon na maging class president. "Tama na 'yan." sabat ni Richard, Class president namin. "Tama si Deyn, basura mo 'yan, Colleen. Kaya itapon mo. Wag ka nang mag deny. Maraming nakakita na sa'yo 'yan. Para basura lang, e, pinag aawayan niyo." Natahimik kaming lahat at dahil do'n e napatunayan na kay Colleen nga 'yon. That time, walang nagawa si Colleen kundi ang pulutin ang basura niya at itapon 'yon sa basurahan. Binangga pa niya ako no'ng naglakad siya para magtapon ng basura. Pag alis nila ng mga kaibigan niya, do'n na bumalik sa ingay ang lahat. "Wow. Galing! Ang tapang. Papano mo nagawa 'yon?" biglang sabi ni Rhian nang makaalis itong sina Colleen. "Sinabi ko lang 'yon kasi alam kong 'yon ang totoo." sagot ko. Tapos itong si Callen biglang inangat 'yong palad niya na para bang makipag-high five sakin. Nakipag-high five naman ako sa kanya pagkatapos. "Galing naman ng pamangkin ko." "Asus! Pinuri mo pa ako." sagot ko. Tapos biglang napatingin sa labas at napabuntong hininga. "Alam niyo, kumukulo talaga dugo ko sa isang 'yon." inis kong sabi nang nakapa-meywang. "Sinabi mo pa." sagot ni Ashley. "Sinabi mo samin last week na naging friends mo sila last year, kaso binigo ka nila." "Oo. Tama 'yan." sagot ko. "Alam niyo, kung alam ko lang na gano'n pala sila, cheater, edi sana pala dumistansya na ako sa groupo nila." "Naks naman. 'Yang si Colleen, elementary pa lang kami e, ganyan na talaga 'yan. Laging pabida." kuwento ni Rhian. "No'ng grade 6 nga kami siya 'yong pambato ng school namin sa quiz bee tapos nanalo siya first place, feeling niya e siya na agad 'yong pinakamatalino sa buong batch namin. Nagyabang ang Lola niyo porket naka first place." "Dapat kasi ikaw ang binoto ng lahat bilang Muse last week." sagot naman ni Ashley. "Di niya deserved maging Muse, e. Beauty outside lang ang meron siya, pero ikaw Deyn, beauty inside and outside." Parang gusto kong matawa sa sinabi ni Ashley. May kasamang action kasi pag-nagsasalita siya. Last week kasi no'ng nag-elect kami ng class officer's e sa bandang Muse, ako at si Colleen 'yong na nominate. Tapos sa escort panalo itong si Callen. E, sabi ng mga friends ni Colleen, i-boto raw ng mga ka-klase ko si Colleen at wag ako. Kasi raw magkadugo kami ni Callen. Alam kasi nilang pamangkin niya ako. Pangit daw kapag kami 'yong naging muse at escort. May pa-family stroke pa silang nalalaman. Kaya ayon, si Colleen binoto ng mga ka-klase ko. Kainis, e, 'no. "Family stroke daw." biglang sagot ni Rhian habang natatawa. "Hah! Ang sabihin nila, ayaw lang nilang maging Muse si Deyn. Kasi gusto ng mga friends niya na si Colleen 'yong maging Muse." sagot naman ni Ashley. "Teka," ani Callen habang nakatitig ng maigi kay Transferee. "Parang kilala kita." Tapos itong si Transferee biglang tumango. Sumang ayon yata sa sinabi ni Callen. At ewan ko lang kung magkakilala nga sila. "Hala! Ikaw pala 'yan, Bro!" sabi ni Callen na animo'y tuwang-tuwa nang mapagtantong kilala pala niya si transferee at bigla na lang umakbay dito na animo'y close na close sila. "Long time no see. Grabe, 'di kita na mukhaan kanina no'ng nagpapakilala ka sa gitna." Salita ng salita si Callen pero itong si Transferee tanging tango at ngiti lang ang naisasagot kay Callen.   Tsaka sila tumitig sakin nang magtanong ako, "Close kayo?" tanong ko tapos tumango si Callen. "Naks! Oo. Hindi mo na ba siya naaalala?" tanong sakin ni Callen pero wala naman akong kilalang ganitong itsura. "Hindi." sagot ko na may kasamang iling. "Kaibigan ko siya. Ba't ba ang dali mong makalimot." muli siyang napatitig kay transferee at nag usap sila saglit. Biglang tumunog na 'yong bell. Oras na para sa uwian. Kaya nagsitayuan na ang mga ka-klase ko para umuwi. Si Ahsley susunduin ng boyfriend niya na taga ibang school. Si Rhian at Callen naman, may pupuntahan. Tapos ako, siyempre may date rin. Nauna na silang tatlo umalis samantalang ako e nagliligpit pa ng mga gamit. Actually, dalawa na lang kaming tao ang natira sa classroom. Walang iba kundi ako at 'yong transferee. Gulat nga ako no'ng nilapitan niya ako. Tiningnan ko naman siya na parang tinatanong kung bakit. "Thank you kanina." mahinang sambit niya. Naks! Marunong palang mag thank you 'to. Akala ko kasi 'di nagsasalita, e. "No worries." sagot ko at tumayo na dala ang mga gamit. Tapos lumabas na kami ng classroom. Sabay pa kaming naglalakad no'n sa hallway nang bigla niya akong kausapin. "'Yong babae kanina, sino siya?" Nagtaka ko naman siyang nilingon matapos niyang itanong 'yon. "You mean, si Colleen?" tanong ko at tumango siya. "Ah, kilala ko siya. Pero 'di siya mabait. I mean—hindi naman sa sinisiraan ko siya. Pero kung ako sayo, wag mo na lang siyang kaibiganin." Muli akong tumingin sa harap para makita ko 'yong dinadaanan ko nang bigla ulit siyang magsalita. "Bakit mo nasabi? Friends ba kayo?" Parang gusto ko siyang katukin sa ulo. Nakita naman niya kanina kung papano kami magsagutan ni Colleen tapos itatanong niya kung friend kami? Pero dahil transferee siya at baka nagtatanong para sa dagdag kaalaman, sasagutin ko na. "Last school year. No'ng grade 7. Friend kami pero ngayon hindi na." "Bakit?" "Kasi akala ko mabuti silang kaibigan. Bad influence pala sila sakin." sagot ko at napabuntong hininga. Hinintay ko siyang mag follow up question tungkol do'n sa sinabi ko, pero hindi na niya ginawa. Tahimik na lang kami habang naglalakad sa hallway hanggang sa maghiwalay na 'yong landas namin. Kinagabihan, nag online ako mga bandang alas nuebe at biglang bungad sakin 'yong daming messages na sine-sent sa gc ng section namin. Hindi ko alam kung ano 'yon kasi baka tsismis lang at sayang lang oras ko kaka-back read. 'Yong GC na lang naming apat nina Callen 'yong binuksan ko para basahin. Callen De Vera    active now• Yes!! Swerte ko talaga at partner ko si Rhian! Rhian Mendoza    active now• Omg! Oo nga!! Partner tayo! Mwah! Ahsley Verano   active now• Hala! Ba't sakin si Richard? Takot ako sa kanya. Na ne-nermon siya.. Matapos kong basahin messages nila sa Group chat, bigla na lang akong napatanong sa sarili ko tungkol sa kung ano pinagsasasabi nila. Hanggang sa nag chat na rin ako. Danielle Legaspi    active now• Uy, 'di ko kayo gets. Anong partner-partner? Rhian Mendoza    active now• Sa activity sa English. Di mo alam? Ashley Verano   active now• Sa GC. Sinend na 'yong magiging partner natin. By pair 'yon. Agad akong nag backread sa GC namin at hinanap kung sino ang partner ko. Do'n ko lang nakitang 'yong transferee pala 'yong magiging partner ko. Danielle Legaspi    active now• Hala! 'yong transferee talaga partner ko? Di kami masyado close no'n. Nahihiya ako sa kanya. Callen De Vera    active now•   Mabait 'yon. Mukha lang 'di namamansin. Tsaka anong 'di close? Nakita namin kayo ni Rhian kanina sabay kayo sa hallway at mukhang nag-uusap. Rhian Mendoza    active now• Oo nga. Ikaw ah, kala ko 'di ka interesado sa kanya? Yyieee. Ashley Verano    active now• Omg! True ba 'yan? Nag-usap kayo? Bakit no'ng nag hi ako sa kanya kanina 'di niya ako pinansin? Ang cold niya. Pramis. Danielle Legaspi    active now• Ano ba kayo. Nagtatanong lang siya kanina. Isa pa, may bf ako. Callen De Vera    active now• Oo na. Wag ka nang mag yabang dahil lang sa may lovelife ka. Sumbong kita sa Mama mo d'yan, e. Danielle Legaspi    active now• ;Aba! Nang blockmail.  @Rhian Mendoza nagpaparinig si Callen oh. Rhian Mendoza    active now• Wait, natatae ako. Balik ako after five minutes. Callen De Vera    active now• @Rhian Mendoza See you after five minutes.  Danielle Legaspi ;   active now• Luhh? Nyare sa inyo? kadiri. Mag pm na lang kayo. Ahsley Verano   active now• Mukhang nilalanggam pati GC. Jusko! Wag kayong maging sweet dito. Sinasabi ko sa inyo! Callen De Vera    active now• @Danielle Legaspi Sali mo si Gab dito para masaya. Ikaw rin @Ashley Verano Sali mo rin outsider mong Boyfriend. Mag rereply pa sana ako nang biglang mag chat 'yong homeroom namin sa GC. Pinapaalala niya samin 'yong deadline ng activity. Tapos in-add niya 'yong transferee sa GC. Do'n ko lang nalaman 'yong pangalan niya kahit na nagpakilala na siya kanina pero nakalimutan ko. BRIGHT CYRIL NAVALES. At no'ng pinindot ko pangalan niya para i-stalk-in siya, bigla kong nakitang nag sent pala siya sakin ng friend request. Pero hindi ngayon lang. Kasi no'ng tiningan ko, gulat ako no'ng nalamang 2 years ago na pala siyang nag friend request sakin at hindi ko lang na accept. Hindi ko alam kung sinadya ko bang wag i-accept o baka 'di ko lang napansin 'to noon.

 

 

Chapter 2 FIrst Chat

Nasa classroom kami nina Ashley at Rhian habang nag uusap-usap tungkol do'n sa activity sa English. Si Rhian at Callen nakagawa na ng essay. Pero 'di pa nila tapos kasi kakasimula pa lang nila kagabi. Isa pa, next week pa naman deadline, so marami pang time. Actually, masyado pang maaga ngayon. Kunti pa lang tao sa classroom. Ni wala pa nga si Callen. Si Rhian naka-upo sa may armchair niya habang nag ce-celphone, ako at si Ashley naman naka-upo sa mismong upuan namin at may kanyakanyang ginagawa. "Nga pala, puro shared post's kana ng mga tula ni Sunflower, ah." sabi sakin ni Rhian habang nakatitig sa phone niya. "Kagabi pa dumadaan sa news feed ko mga shared post's mo, Deyn. May pinaparinggan ka ba? Sino? Si Gab?" Natawa ako sa sinabi ni Rhian. 'Yong tinutukoy kasi niyang shared post ko ay ang tungkol sa mga tula na sinulat ng isa sa mga admin ng Writer's Love na page sa fb. Actually, fan ako ng writer's love since last year. Ang galing kasi ng mga tulang sinusulat nila. Lalong lalo na 'yong admin na si Sunflower. Siya favorite admin ko ro'n. Sa totoo lang, gusto ko siyang makilala, kaso lang 'di ko alam kung papano. Itong si Rhian, fan din siya ng Writer's Love na. Pero 'yong mga tula ni Starlight 'yong gusto niya. Kasi ang ganda raw at laging umaayon sa mood niya. "Ano ka ba, nagandahan lang ako kaya shinare ko." sagot ko kay Rhian. "Wala akong pinaparinggan. At kung meron man, siguro si Gab." "Uy, ano pinag uusapan niyo?" singit ni Ashley. "Tungkol sa mga tulang shini-share lagi ni Deyn." sagot ni Rhian. "Ah, oo. Ang galing nga, e. Pero 'di ako mahilig sa gano'n." kumento ni Ashley at muling bumalik sa pagsusulat sa notebook niya. Ito kasing si Ashley, hindi siya mahilig sa mga gano'ng bagay. Kami kasi ni Rhian e mahilig sa mga tula at love story na nababasa sa libro o kahit sa online platform. Pero itong si Ashley e tanging panonood ng kdrama at pagiging fan girl ng kpop ang kinahihiligan. Napabuntong hininga ako ng sobrang lalim nang bigla kong basahin 'yong isa sa mga kaka-post lang na tula ng isa sa mga admins ng writer's love page. Hindi kay Sunflower 'yon kaya hindi ko na shinare. Napatingin ako kay Rhian pagkatapos. "Alam mo, Rhian, gusto ko nang kilalanin itong si Sunflower." Ngumiti naman si Rhian, "Try mo i-message 'yong page nila. Tapos tanungin mo kung sino si Sunflower." suggest niya. "Tingin mo mag rereply? Feeling ko malabo 'yon." sagot ko habang umiiling. "Edi, try mo mag apply bilang isa sa mga panibagong admin nila." sagot pa ni Rhian. "Pag nangyare 'yon, baka makilala mo mga kasamahan mong admin's. Tapos makikilala mo na rin si Sunflower." "Mga magagaling lang kinukuha nilang admin, ano." sagot ko naman. "Pano mo nalaman? Na try mo na?" nagtatakang tanong niya. Tumango ako kasi oo. Na try ko na last year. Sa kagustuhan kong makilala itong si Sunflower nag try ako mag apply na maging isang admin sa page nila. Kaso lang, hindi nila ako tinanggap. Ewan ko rin, baka siguro hindi na bago sa kanila 'yong sample kong tula. "Hala siya! Dead na dead ka talaga sa kanya?" "Fan lang niya ako." nakangiting sagot ko naman. "Ma iba lang ako," tapos lumunok muna siya bago nagsalita, "Babae ba 'tong si Sunflower? O lalake?" "Lalake." sagot ko. "Di ako sure. Pero tingin ko lalake siya." "Wag ka ngang mag-imagine d'yan. What if babae pala siya?" sabat ni Ashley. "Ang clueless kaya. Lalo na 'yong pen name." "Lalake siya. Base sa mga tulang sinusulat niya." sagot ko at napatitig sa bintana. Do'n ko lang nakita si transferee o Bright na kakarating lang. Bigla ko tuloy siya naisingit sa usapan. "Omg! Hindi ko alam kung papano siya i-aaproach. Partner pa naman kami." mahinang sabi ko tapos parehong napatingin sa bintana sina Ashley at Rhian. That time, papasok na sa pinto si Bright. "Ah, 'di mo siya chinat kagabi?" tanong ni Ashley. "Hindi." mahinang sabi ko para hindi marinig ni Bright. Kakapatong lang niya ng bag niya sa upuan no'n. "Nag friend request pala siya sakin. Pero 'di ko pa ina-accept." "Luh? Ganda ka girl?" ani Rhian. "Ba't 'di mo pa ina-accept? Accept mo na. Ikaw naman, siya na nga 'tong nag friend request sayo nagmamaganda ka pa." "Hindi gano'n 'yon." depensa ko naman. "Actually, matagal na pala siyang nag friend request sakin. Di ko lang napansin. Kaya ko siya hindi in-accept kagabi kasi naisip ko lang na. . ." napatigil ako at napatingin sa gawi ni Bright na ngayon e naka upo  na sa upuan niya habang pindot-pindot 'yong cellphone niya. No'ng time na 'yon, 'di ko na naalis mga titig ko sa kanya. At ewan ko ba't natulala na lang ako bigla. Natauhan na lang ako nang biglang nagsalita si Rhian. "Naisip mo na ano?" Napakamot ako sa ulo ko. Muntik ko na kasing makalimutan na may sinasabi pa pala ako. Lumunok ako ng laway saglit bago ko tinuloy. "Naisip na baka isipin niya na ini-stalk ko siya. Gano'n." pagpapaliwanag ko. "Kasi alam niyo, 2 years na 'yong friend request niya sakin. Tapos weird kung in-accept ko siya kagabi. Baka isipin niya na ini-stalk ko talaga siya no'ng in-add siya sa GC ng teacher na'tin." "Luh? Ba't naman siya mag iisip nang gano'n? Isa pa, wala naman akong nakikitang mali kung ini-stalk mo siya." sagot ni Ashley. "Natural lang 'yon kasi ka-klase natin siya. Tapos partner pa kayo sa essay." May point naman si Ashley. Ako lang siguro nag-iisip ng mga ganito. Pero 'di ko maiwasan mag-isip ng mga gano'n. At ewan ko nga rin ba kung bakit. Natigil na 'yong pag uusap naming tatlo nang dumating na si Callen. Niyaya kasi niyang pumunta ng canteen si Rhian kahit na hindi pa recess. Kami naman ni Ashley e nag focus na sa kanya kanyang ginagawa. No'ng mag start ang klase, iniisip ko kung papano ko kakausapin itong si Bright tungkol do'n sa essay sa english. Nagpapractice ako ng sasabihin sa kanya sa utak ko no'n. Hindi ko alam kung kailangan pa bang pag-praktisan 'to. Kasi kahapon no'ng nag usap kami sa hallway parang okay lang naman kami. Pero ngayon feeling ko ang awkward na. E, kung bakit ba kasi sakin pa siya pinartner? Kung pwede namang si Callen na lang o 'di kaya iba. Basta hindi lang siya. Di pa naman ako magaling makipag close sa mga ngayon ko lang nakilala. Sa dami rami ng inisip ko, hindi ko namalayan na tapos na pala ang klase. Tahimik lang ako habang hinihintay  dumating 'yong next subject teacher. No'ng break time naman, do'n na ako nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin si Bright tungkol sa activity. Tumayo ako at 'di nagdalawang isip na kinausap siya. That time, tatayo sana siya na parang pupuntang canteen kasi hawak niya 'yong wallet niya nang makita niya ako. "Uhm, tungkol pala sa activity sa english, partner tayo ro'n. Mamaya, pag-usapan natin 'yong tungkol do'n." aniko at tumango naman siya. "Sige." sagot niya. Tapos tumalikod na ako at bumalik sa upuan ko. Medyo na bitin pa ako kasi 'yon lang 'yong naging sagot niya. At ewan ko rin ba sa sarili ko. Parang gusto kong habaan niya 'yong sinabi niya. Boring kasi 'yong 'sige' para bang napipilitan lang. Anyways, okay na siguro 'yon. At least, nakausap ko na siya tungkol do'n. Pagkatapos ng klase, naunang nagpaalam sina Rhian at Callen para umalis at gumawa ng activity. Si Ashley at Richard naman sa cafè sila gumawa. Ako naman, hindi ko pa alam. Lalapitan ko sana si Bright para tanungin kung saan kami gagawa ng activity ng bigla akong nakatanggap ng tawag mula kay Mama. Sinagot ko naman agad 'yon para malaman kung bakit siya tumatawag ngayon. Pero na badtrip ako nang malamang pinapa-uwi na niya ako ngayon. May pupuntahan daw kami. Opening kasi ng Cafè ngayon nina Callen. E, gusto ni Mama pumunta at gusto pa akong isama. Sinabi ko sa kanya na siya na lang kasi may gagawin pa ako pero ayaw naman niya. Kaya ayon, wala akong choice kundi ang lapitan at kausapin si Bright matapos akong tawagan ni Mama. "Uy, sorry, hindi ako pwede ngayon. Pinapa-uwi na ako ni Mama. Pwedeng mag plano na lang tayo sa chat?" Agad naman siyang tumango pagkasabi ko no'n. "Sige." sagot niya habang nililigpit ang mga gamit niya. "Mamayang 8:00. Okay lang ba?" "Sige, walang problema." sagot ko naman. "Una na ako." dagdag ko pa at tumalikod na nang bigla niya akong tawagin. "Teka," napatigil ako at hinarap siya, "Hindi mo pa ina-accept friend request ko." Napakamot ako sa ulo ko sabay sabi sa utak ko ng 'Oo nga pala'. "Wag kang mag-alala. Accept kita mamaya." sagot ko naman at ngumiti naman siya pagkatapos. Pagkatapos no'n, tumalikod na ako at lumabas ng classroom para umuwi na.                              *** Kinagabihan, nag-charge agad ako ng cellphone. Na lowbat kasi ako sa cafè nina Callen kanina. Tapos 8:00 na rin kami nakauwi ni Mama. E, pano ba kasi 'yan, sobrang na aliw siya ro'n kausap 'yong Mama ni Callen at ang iba pa naming relatives samantalang ako e sobrang bored kaya ang ginawa ko na lang ay inaliw ang sarili sa pag ce-celphone at hindi ko man lang nakita si Callen sa cafè nila kanina. Nag date yata sila ni Rhian. Tanong ng tanong sakin 'yong Mama niya, e siyempre tinakpan ko na naman siya para 'di siya mapagalitan. Sabi ko gumagawa sila ng activity ngayon, which is totoo naman talagang may activity. Pero ang exag lang kasi almost 3 hours talaga nila ginawa 'yong activity. Malamang, nag date 'yong mga 'yon. Strict pa naman pareho niyang mga magulang at alam ko kung papano sila magalit kaya ayon, naawa ako kay Callen kaya pinagtakpan ko na since hindi rin naman niya ako sinusumbong sa parents ko na may boyfriend ako. Mga bandang alas nuebe na ako nag online. Naka-charge pa cellphone ko no'n habang pindot pindot ko. Baka kasi hinihintay na ako ni Bright kaya ayon, nag online na ako kahit 'di pa ako full charge. Pag-online ko, may tatlo akong message. 'Yong dalawa e mga GC tapos 'yong isa ay galing kay Gab. Pero una ko talagang message na sineen ay 'yong kay Gab, tinatanong niya kung kumain na ako. Siyempre nag reply agad ako. Nakangiti pa ako no'n. Kaso lang, hindi na siya online no'n kaya pinindot ko 'yong dalawang GC at nag backread. Pagkatapos no'n ay nakita kong may nag-sent pala ng friend request sa'kin. 1 hour ago na 'yon. Do'n ko lang nakitang inulit pala ni Bright 'yong friend request niya sakin. In-accept ko naman agad 'yon tsaka siya chinat. Danielle Legaspi    active now• Uy, sorry ngayon lang nakapag online. Kakauwi lang kasi namin. Saktong online siya no'n at pagka-send ko ng message ay na seen agad niya. Bright Navales    active now• Okay lang. Ano na pala 'yong tungkol sa activity? Any plan? Danielle Legaspi    active now• Ganito gawin natin, 300 words 'yon, diba? Ako gagawa sa 150 words. Tapos ikaw sa kalahati, game? Bright Navales    active now• Papano kung hindi tugma 'yong ginawa mo at 'yong ginawa ko?  Danielle Legaspi     active now• Ako muna gagawa. Tapos send ko sayo. Tapos babasahin mo at kukuha ka ng idea para alam mo na ang idudugtong mo. Okay ba? Bright Navales active now• Okay naman. Pero wag kang mag expect ng tudo sakin ha. Di ako matalino kagaya mo. "Di daw siya matalino. E, mahilig kaya siyang magbasa ng libro." sabi ko sa sarili ko matapos basahin 'yong reply niya. Danielle Legaspi    active now• Kaya mo 'yan. Alam kong matalino ka. Kasi kung 'di ka matalino, 'di ka dapat nakapasok sa school na'tin ngayon. Kaya may tiwala ako sayo. Pagkatapos kong i-send 'yon, nakita kong active 2 minutes ago na siya. Hinintay ko 'yong reponse niya habang nag s-scroll ako sa news feed ko hanggang sa nag message sakin si Gab. Sunduin raw niya ako bukas pagkatapos ng klase. Actually, feeling ko may pa surprise siya. 3rd monthsary namin bukas at nagkunware akong 'di ko naaalala. Pero naaamoy ko na may pa surprise siya sakin bukas. Napangiti ako at napahiga sa kama at niyakap 'yong napakalambot kong unan. Na excite tuloy ako. Ka chat ko lang si Gab. Di ko namalayan na may message na pala sakin si Bright. Di naman hawak ni Gab itong account ko. Kaya 'di niya alam na ka-chat ko si Bright ngayon habang ka-chat ko siya. Seloso kasi 'yon. Baka mag-away lang kami dahil lang sa nalaman niyang may ka-chat akong lalake. Kahit pa na mag explain ako na ka-chat ko lang 'tong si Bright dahil pinag-uusapan namin 'yong tungkol sa activity. Bright Navales   active now• Na chambahan lang 'yon. Di naman talaga ako matalino. Pero susubukan ko. Uy, nand'yan kapa ba? ?? Di ko man lang namalayan na kanina pa pala siya chat ng chat. Basta si Gab 'yong kausap ko e nakakalimutan ko na agad na may iba pa pala akong kausap. Napahikab ako bigla dahil sa inaantok na ako. Gusto ko pa sanang pag-usapan 'yong activity kaso lang hindi naman pwedeng bangag-bangag ako bukas sa school dahil nag-puyat ako. Danielle Legaspi   active now• Slr. Tuloy na lang natin 'to bukas. Inaantok na ako. Bright Navales    active now• Inaantok ba talaga? O baka may ibang kausap? Ewan ko ba, pero napangiti ako bigla no'ng nabasa ko reply niya. Alam kong walang nakakakilig o ano sa sinasabi niya pero napangiti ako bigla. Baliw na yata ako. Medyo nawala tuloy antok ko. Danielle Legaspi ;   active now• HOY!! HAHAHAHA INAANTOK TALAGA AKO, PROMISE!! Bright Navales   active now• Kailangan naka capslock? Binibiro lang kita. Bakit, na huli ba kita? Danielle Legaspi active now• Ginulat mo kasi ako. Napa capslock tuloy. Bright Navales    active now• Di mo pa sinasagot tanong ko. Danielle Legaspi    active now• Anong tanong? Bright Navales    active now• Wala. Nevermind. Ano, akala ko ba antok kana? E, bakit gising kapa? Oo nga naman. Ba't 'di pa ako nag lo-log out? E, kasi naman kinakausap pa niya ako. Danielle Legaspi ;   active now• Kinakausap mo kasi ako. 11:00pm na, ba't 'di ka pa natutulog? Bright Navales    active now• Uy, sorry. Pwede kana matulog. Wag mo na akong intindihin. Pwede mo naman akong replyan bukas. Mamaya pa ako matutulog. May pinagpupuyatan pa. Danielle Legaspi active now•   Hala siya. Sino? Jowa? Bright Navales    active now• Hindi. HAHAHA. Danielle Legaspi ;   active now• E, ano pinagpupuyatan mo? Bright Navales    active now• Basta. Di mo na kailangan malaman. Danielle Legaspi    active now• Wow! Grabe siya. May pa secret. As if naman interesado talaga ako. Bright Navales   active now• Interesado ka. Kaya ka nga nagtanong. Bakit, ine-expect mo ba na ikaw pinagpupuyatan ko? Hala siya! Ba't biglang nagyayabang itong isang 'to? At bakit naman ako mag e-expect na ako pinagpupuyatan niya? Like, oh my gosh—ni hindi ko nga naisip 'yan. Danielle Legaspi     active now• Taray! Ang kapal rin ng apog mo, ano? Ang yabang. Bright Navales   active now• O? Napipikon? Joke lang 'yon. Relax lang. Baka sumabog ka d'yan sa galit.  Danielle Legaspi ;   active now• Papanong 'di mapipikon? E, ang yabang mo. Ka-asar. Promise! Sa sobrang asar ko e bigla kong napindot 'yong video call no'ng mag log 'yong phone ko. Ang malala, hindi ko agad na patay 'yon. Siguro nagtagal ng 3 seconds bago umayos itong phone ko mula sa pag lo-log at ayon, buti na lang na patay ko ka-agad bago pa niya pindutin 'yong answer. And as if naman sasagutin niya tawag ko—diba? Bright Navales   active now• Uy, ba't ka tumatawag? Na miss mo'ko? Danielle Legaspi ;   active now• Napindot lang. Nag lo-log kasi phone ko. Di kita na miss. Kahit bumalik ka pa sa dati mong school, 'di talaga kita ma mi-miss.         ;                 Pagkatapos kong i-send mga 'yon, do'n ko nakitang hindi na pala siya online. Gagi, tinulugan ako. Pero 'yong ngiti ko e abot hanggang tenga pa. Ewan ko ba kung ba't ako nakangiti ngayon. Siguro kasi kausap ko 'yong transferee at ito ang First Conversation namin dito sa chat. At base sa usapan namin, parang close na agad kami. Nagulat pa ako nang bumakas 'yong pinto ng kuwarto ko at pumasok si Mama. Dahil do'n, inalis ko agad ang mga ngiti ko pero too late na kasi nakita na niya akong nakangiti. At ang rason ko na lang no'ng tinanong niya ako e may nakita akong nakakatawang meme kaya ako natatawa. Alam kong 'di naniwala si Mama sa sinabi ko kasi ang layo layo ng pinagkaiba ng tawa sa ngiti. Pero buti na lang at hindi na siya nag follow up question at agad lumabas ng kuwarto ko matapos ilagay 'yong uniform ko na kakatapos lang i-plantsa. Humiga ako sa kama ko habang busy sa kaka-scroll sa newsfeed ko. Do'n ko nakitang may bagong tula na naman pinost ang writer's love na page. At ang nakakatuwa e si Sunflower 'yong nag post no'n. Kaya shinare ko ka-agad. Pagkatapos no'n, natulog na ako kasi may pasok pa bukas. Di naman pwedeng bangag bangag ako bukas lalo na't monthsary namin ni Gab. Kailangan ko ng beauty rest kahit na alam kong kulang na ang oras ko sa pagtulog dahil 12:00am.                             *** Kinabukasan, pagpasok at pagpasok ko ng classroom ay nakipag tsismisan agad ako kina Rhian at Ahsley. Ang pinaguusapan pa namin no'n ay tungkol sa bagong issue ngayon tungkol sa dalawang first year student sa dulong room na nag-away dahil nag a-agawan ng jowa. Jusko! Anong nangyayare sa mundo? Kumalat 'yong issue dahil panay parinig sila pareho sa fb. E, maraming naki-usyoso kaya ayon, wala pang 24 hours kalat na agad sa buong school. Kaninang umaga lang nag away raw sila personal. Pero 'di ko naabutan kasi maaga pa 'yon. Kaya ayon, guidance office ang punta nila ngayon. Nag-iba lang 'yong topic namin nang biglang dumating si Bright. Naka white t-shirt lang siya no'n since first week pa lang niya at hindi pa required na mag-uniform siya. Pagpasok at pagpasok niya, nagkatinginan agad kami. At nang magtama ang mga mata namin, parang bigla na lang nag flashback sakin 'yong mga pinag-usapan namin sa chat kagabi at sa tingin ko gano'n din siya dahil sabay kaming ngumiti sa isa't isa. Dahil do'n, tinukso ako nina Ashley, Rhian at Callen. "Hala siya, mukhang nagiging close na kayo, ah." pununukso ni Ashley. "Ehem. Ano kaya ibig sabihin ng ngitian na 'yon?" pagpaparinig ni Rhian. "May something na ba sa inyo?" tanong naman ni Callen. Dahil do'n, inirapan ko silang tatlo tsaka ko hinampas sa braso si Callen, "Wala, ah." sagot ko at iniba 'yong usapan. "Ikaw nga, e. Alam mo bang tinakpan kita kagabi sa Mama mo para lang mailigtas ka." "Alam ko." sagot ni Callen habang hinihimas 'yong braso niyang hinampas ko. "Na banggit ni Mama na nagpunta kayo ro'n. Pero may date kami ni Rhian. Kaya 'di na ako nakapunta ng cafè." "So napag-usapan niyo na ang tungkol sa activity niyo?" tanong ni Ahsley sakin at tumango naman ako. "Nag plano kami kagabi sa chat. Pero kulang pa 'yon. Kailangan pa naming pag-usapan tungkol do'n mamaya." "Kung gano'n in-accept mo na friend request niya?" tanong naman ni Rhian. "Oo." sagot ko na may kasamang tango. "Actually, inulit pa nga niya friend request niya sakin kagabi." Kita ko ang gulat sa mukha ni Rhian at Ashley no'ng sinabi ko 'yon. "Luh? Ba't parang kinikilig ako?" ani Rhian. Tapos bigla siyang sinita ni Ashley. "Woi, may boyfriend na si Deyn." Tapos umayos ng tayo si Rhian at nag seryoso, "Ay sorry." aniya tsaka nag peace sign sakin. "And speaking of boyfriend," tapos nilingon ako ni Callen, "Monthsary niyo ngayon ni Gab, diba?" Napangiti naman ako no'ng tinanong ni Callen 'yon. Bigla akong na excite. Napatingin tuloy ako sa phone ko para i-chat si Gab. At hindi nga ako nagkamali kasi nag-chat na siya sakin. Gab Montero   active now• Happy Monthsary, Babe! Sunduin kita later. Date tayo. Ily.   Nakangiti ako habang binabasa 'yong chat ni Gab. Siyempre, dahil nakangiti ako, napansin 'yon ng mga kaibigan ko. Napasilip tuloy sila sa phone ko ng dis oras. At nang makita nila 'yong chat ni Gab, kinilig sila kagaya ko. "Sana all." kinikilig na sabi ni Ahsley habang tinutulak tulak ako. "Wow! Paano kaya magkaroon ng isa pang Gab?" tanong ni Rhian with emphasis sa pangalan ni Gab. "Hala siya, may Callen kana." Kumento ni Ashley at inirapan naman siya ni Rhian. "Ito naman, 'di mabiro." sagot ni Rhian at nag puppy eyes kay Callen para 'di magtampo. Natawa na lang ako sa kanila habang pinagmamasdan sila. Pagkatapos naming mag usap, start na 'yong klase. Habang nag le-lecture 'yong subject teacher namin, nag-iisip na naman ako ng sasabihin kay Bright. Di ko alam kung anong excuse na naman sasabihin ko na sa chat na lang ulit namin pag usapan mamaya 'yong tungkol sa activity. Hindi naman sa pinapabayaan ko na pag aaral ko. Siyempre, kailangan kong bumawi dahil last school year e muntik na akong itakwil ng mga magulang ko. Buti na lang at umabot pa ng 90 average ko. Special day lang talaga ngayon dahil Monthsary namin ni Gab. Maiintindihan naman siguro ni Bright 'yon. Habang nag-iisip ako ng sasabihin e nakatingin lang ako kay Bright na naka-focus sa pisara habang nakikinig. 'Buti pa siya nakakapag concentrate' isip isip ko habang nakatitig sa kanya. Pero nang lumingon siya sakin, bigla akong nagpanic sa 'di malamang gagawin nang magtama ang paningin namin. Iiwas pa sana ako ng tingin kaso lang too late na, awkward lang kung iiwas pa ako. Pero mas awkward 'yong ginawa ko at ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ko siya nginitian nang walang dahilan. Jusko dai! Matapos ko siyang ngitian, umiwas agad ako nang tingin at ibinaling 'yon sa pisara at nagkunwareng nakikinig pero ang totoo e tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ko 'yon ginawa. Baka kasi isipin ni Bright na may crush ako sa kanya dahil 'di hamak na nahuli niya akong nakatingin sa kanya, nginitian ko pa siya. Pagkatapos ng klase, nagligpit na ako ng mga gamit. Sina Rhian at Callen nag-aasaran. Si Ashley at Richard naman e gumawa ng activity do'n sa library mismo. Ako naman, tumayo na at nagbalak na kausapin si Bright. Nilapitan ko siya habang busy sa pagliligpit ng gamit niya. "Ah, Bright." tawag ko sa kanya. "Pwede bang usap na lang tayo mamaya sa chat? Kasi meron akong importeng lakad ngayon." Nakita kong medyo sumimangot siya. Siguro kasi iniisp niya na parang 'di ako seryoso sa activity. "Uy, promise, sisiguraduhin kong mataas 'yong makukuha nating grades do'n. Wag kang mag-alala. Magaling naman ako pagdating sa essay." dagdag ko pa para 'di na siya mag-alala. "Okay, sige." tapos tumayo na siya. Ang akala ko e aalis na, pero gulat ako nang hindi niya dala 'yong bag niya. "Pero bukas, kailangan talaga nating tapusin. Para wala na tayong problema." dagdag pa niya. "Oo naman." sagot ko. "May importante lang talaga akong lakad ngayon." Tumango siya sakin na para bang sinasabing 'Go lang' tapos lumabas ng classroom saglit. Di ko lang alam kung ano ginawa. Basta ako bumalik ako sa upuan ko habang hinihintay 'yong reply ni Gab sa tanong ko kung tapos na klase nila. Si Rhian at Callen nag aasaran sa harap. Actually, nagkakapikunan sila hanggang sa itong si Rhian nagtampo. Tapos sinusuyo siya ni Callen. 'Yong mga ka-klase ko kinikilig na sa kanila dahil sa kung papano suyuin ni Callen si Rhian. Natatawa tuloy ako at the same time, kinikilig din. "Kikiligin ka na lang ba sa relasyon ng iba?" napalingon ako sa gilid, do'n ko nakita si Bright na kausap ako. "Pag inggit, pikit." dagdag pa niya. Inirapan ko ka-agad siya pagkatapos. "Excuse me, may boyfriend din ako." taas kilay kong sabi. "At hindi ako na i-inggit." 'Yong mukha ni Bright e parang ayaw maniwala. "Wee? 'di halatang may boyfriend ka." "Makikita mo siya mamaya. Maghintay ka." mayabang kong sabi. "Ah, kaya pala isinasantabi 'yong activity sa English dahil inuuna pag bo-boyfriend." sabi niya nang hindi ako nililingon. Na asar tuloy ako. Pero wala naman akong karapatang ma asar o mag taray kasi parang tama naman siya. I mean, first of all, kailangan pa rin namang i-prioritize pag aaral kaysa pagbo-boyfriend. Pero para sakin, pwede namang pagsabayin. Hehe. Hindi na ako nakipag-argue sa kanya at lumabas kami ng sabay sa classroom dala dala ang bag namin nang biglang may babae at lalake na dumaan, mukhang nag aasaran habang naghahabulan. 'Yong lalake kasi e may hawak na sapatos na pambabae. Feeling ko kinuha niya 'yong sapatos ng Babae para asarin 'yong babae tapos ayon, si babae tudo habol naman kay lalake para makuha 'yong sapatos niya nang ma-sagi ni Lalake 'yong tanim na nasa harap ng classroom namin, natumba tuloy. Hindi man lang sila tumigil sa pagtakbo para itayo 'yon. Kaya ako na mismo nagtayo no'n para ibalik sa dating pwesto. "Kawawa naman." sabi ko sa halaman. "Mahilig ka sa halaman?" tanong ni Bright. Matapos kong itayo 'yong halaman ay tumayo na ako at nilingon siya. "Oo." sagot ko. "Marami kaming halaman sa bahay. Pareho kasi kaming plant lover ni Mama." tapos bigla kong naalala na ilang araw ko nang hindi na didiligan 'yong daisy flower ko na binigay sakin ni Gab no'ng first Monthsary namin. No'ng nalaman kasi niya na mahilig ako sa bulaklak at halaman, binigyan niya ako ng bulaklak para alagaan ko raw. Alam kong natutuyo na 'yon kasi ilang araw nang hindi naaalagaan. Napabuntong hininga ako pagkatapos, "Actually, 'yong daisy flower ko sa bahay, ilang days ko nang hindi nadidiligan dahil wala akong time. At nakakalimutan ko minsan." dagdag ko pa. "Daisy flower ba?" tanong niya at tumango naman ako. "Ang alam ko, mabilis silang malanta kapag 'di nadidiligan." "Plant lover ka rin?" nakangiting tanong ko pero umiling siya. "Hindi ako, si Mama." sagot niya. "Pero lagi niya akong inu-utusan magdilig ng mga halaman niya sa bahay. Sa sobrang hilig niya sa halaman e parang na adopt ko na rin. Kabisado ko na nga mga pangalan ng halaman namin sa bahay." pagkkuwento niya. "Wow! Galing naman." puri ko. "May alam akong fertilizer para sa Daisy flower. Kung gusto mo, samahan kitang bumili." Napangiti ako bigla knowing na magkakaroon ako ng kaibigan na magaling sa mga ganitong bagay. "Saan ba nakakabili ng mga gano'n?" tanong ko. "Sa lugar namin." sagot niya. "May nagbebenta do'n ng mga sari-saring halaman at mga fertilizer." "Sige ba, pero wag ngayon. Pwedeng, bukas?" tanong ko at tumango naman siya. Tapos nahagip ng mata ko si Gab na papunta sa gawi namin ni Bright. Napabuntong hininga pa ako no'n ng sobrang lalim at nag-isip ng i-dahilan kung bakit kausap ko si Bright. Alam ko kasing nakatitig samin ngayon si Gab habang naglalakad siya papalapit. Seloso kasi itong boyfriend ko. Nilingon ko si Bright for the last time at nagpaalam na ako sa kanya bago ko nilapitan si Gab. No'ng kaharap ko na si Gab, nginitian ko agad siya. "Happy Monthsary, Babe!!" bati ko. "Happy Monthsary din, Babe!" tapos niyakap niya ako. Nagtagal 'yon ng halos sampung minuto bago siya bumitaw at hinarap ako. "Uhm, babe." Tinaasan ko siya ng kilay as a sign of 'bakit' "Can we postpone our date?" aniya na ikinalungkot ko bigla. Hindi naman sa ang OA ko kasi para postpone lang e lungkot agad? Nakakalungkot lang kasi nga ako sinacrifice ko 'yong activity sa english para lang maka date siya tapos siya 'tong mag po-postpone? Hays. "Bakit?" tanong ko. "Meron kasi akong kailangan tapusin. Alam mo naman 'yong activity sa english, diba?" Tumango lang ako. Naiintindihan ko siya. Bukod kasi sa next week na 'yong deadline, strict pa 'yong subject teacher namin sa english. Mataas standards ng teacher namin at alam kong kuripot siya kapag nagbibigay ng grades. Naiintindihan ko si Gab, pero at the same time, nalulungkot ako. "Okay." sagot ko. "Galingan mo ah. Para ma-maintain mo 'yong grades mo." Ngumiti naman siya at tumango, "Ikaw rin." Tumango rin ako, "I'll do the same." tapos niyakap niya ulit ako for the last time. "See you tomorrow." aniya bago siya umalis. Bagsak ang magkabilang balikat ko habang pabalik ako sa gawi ni Bright na nakatitig lang sa kay Gab habang naglalakad pa alis. Hindi ko tuloy alam kung ano sasabihin ko kay Bright kapag tinanong niya ako kung bakit ako bumalik. Nakakahiya, e. Bumuntong hininga ako at ngumiti ng pilit sa kanya. "Uhm, ano kasi, gagawin din nila 'yong activity." aniko. "Kaya hindi kami matutuloy. Pwede naman nating gawin din 'yong atin." Pero 'di niya pinansin 'yong sinabi ko at naka-focus lang ang tingin niya kay Gab na napakalayo na. "Boyfriend mo 'yon?" tanong niya na parang nagtataka. "Oo," sagot ko. "Siya si Gab." "Sigurado ka? Para kasing pamilyar siya." Kumunot 'yong noo ko, "Anong ibig mong sabihin?" "Madalas ko siyang nakikita sa lugar namin. Hindi siya taga ro'n, pero lagi niyang kasama 'yong babaeng taga samin. Akala ako girlfriend niya 'yon." tapos napakamot siya sa ulo niya, "Nagulat ako nang malaman kong boyfriend mo siya. Naguluhan tuloy ako." Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o ano, pero isa lang ang nararamdaman ko ngayon, Hindi ako natutuwa sa mga sinasabi niya. "Bright, hindi magandang biro 'yan." Umiling naman si Bright nang may seryosong mukha, "Hindi ako nagbibiro. Totoo 'yong sinasabi ko." Sa inis ko ay inirapan ko siya, "Hindi ka talaga nakakatuwa." aniko at bigla siyang iniwan mag-isa ro'n. Bahala siya sa buhay niya.

 

 

Chapter 3 Plant Lover

 

Hindi ko kinausap si Bright sa chat. Alam kong nag so-sorry siya sakin pero 'di ko pinapansin 'yong message niya. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit dahil sa sinabi niya? Para na ring sinisiraan niya si Gab sakin. Hindi naman gano'n si Gab, e. Kinaumagahan, na kuwento ko kina Rhian at Ashley na galit ako kay Bright dahil sa sinabi niya tungkol kay Gab. Pinakita ko sa kanila 'yong message niya na nag sorry siya pero itong dalawang 'to e kampi yata kay Bright. "O, ayan naman pala. Nag sorry na 'yong tao." ani Ashley habang nakatitig sa chat ni Bright. "Patawarin mo na." "Malay mo, nagkamali lang siya ng nakita at napagkamalang si Gab 'yong sinasabi niya. Hindi naman tayo perpekto. Lahat tayo nagkakamali rin." sabat naman ni Rhian. "Kainis lang kasi." sagot ko. "Kahapon kasi si Gab mas inuna 'yong Activity kaysa sa Monthsary namin. Tapos si Bright biglang sasabihin 'yong gano'n. Sinong hindi magagalit?" "Jusko, dai! Kaya ka naman pala nagagalit dahil hindi natuloy 'yong date ninyo ni Gab." kumento ni Rhian. "Napagbubuntungan mo lang ng galit si Bright, e. Kung meron mang taong dapat kang magalit, kay Gab 'yon. Wag kay Bright. Inosente 'yong tao dinadamay mo." "Hindi naman sa gano'n, Rhian." depensa ko. "Na inis lang ako kasi parang sinasabi niyang cheater si Gab." "Pero nag sorry na siya." sabat naman ni Ashley. "Hindi pa ba sapat 'yon?" Natahimik ako. Dapat ko na ba siyang patawarin dahil nag-sorry na siya? Ewan. "Isipin mo na lang 'yong tungkol sa activity ninyo." dagdag pa ni Ashley. "Saturday na bukas tapos sa Monday na 'yong deadline. Kapag hindi kayo nakapasa, malaking puntos ang mawawala sa inyo pareho. Tandaan mo, iba itong school na'tin, may average limit 'to. Kaya hindi tayo pwedeng magpabaya." Tama si Ashley. Kailangan kong makipag-bati kay Bright alang-alang sa activity namin. Hindi kami pwedeng mapa-alis sa school nang dahil lang sa nag-away kami at na apektuhan 'yong grades namin. Isa pa, wala namang katotohanan 'yong sinabi ni Bright about Gab. At nag sorry na naman siya, kaya okay na 'yon. No'ng uwian, nilapitan ko siya at kinausap. Siyempre, nag sorry din ako sa kanya kasi nagalit agad ako. "Uy, sorry. Ang OA ko kahapon kasi biglang walk out ako. Hindi lang talaga kasi ako natuwa sa sinabi mo." sabi ko. "Ayos lang. Ako dapat mag-sorry kasi sinabi ko 'yon. Baka mali lang talaga ako." sagot naman niya. Umupo ako sa tabi niya pagkatapos at ginawa na namin 'yong activity. Actually, hindi pa 'yon final. Bale ako bahala mag edit mamaya sa bahay. Apat na lang kami 'yong tao sa classroom. 'Yong dalawa naming kasama ay 'yong dalawang mag partner din sa activity. Pero sa harap sila naka-upo at kami naman sa likod which is sa second to the last row. "Okay na ba 'to?" tanong niya na parang 'di sigurado do'n sa sinulat niya. "Tingin mo? Okay na 'yan?" balik kong tanong at nagkibit balikat naman siya. "Hindi naman ako magaling sa mga ganito." sagot niya. "Ayan ka na naman." tapos kinuha ko 'yong papel niya. Ang una ko pang napansin e 'yong sulat niya. Ang ganda kasi. Di tulad ng ibang mga ka-klase kong lalake na parang 'di kamay ginamit sa pagsusulat. "Ang ganda ng sulat mo." Nakita ko siyang ngumiti, mukhang 'di in-expect na sasabihin ko 'yon. "Nga pala, bakit mo naisipan mag transfer dito?" biglang tanong ko. "Gusto ni Mommy." sagot niya. "Tsaka,  nakakuha ako ng scholarship dito. Kaya napilitan ako since mukhang maganda naman sa school na 'to." Ah, 'yon pala 'yon. Nakakuha pala siya ng scholarship. "See? May scholarship ka. Meaning, matalino ka. Pero ikaw, para kang walang tiwala sa sarili mo." "Chambahan lang 'yon." sagot niya habang sinusubukan basahin 'yong sinulat niya gamit ang mata. "Pero feeling ko mali grammar ko dito." aniya at tinuro sakin 'yong kung saan daw siya nagkamali. No'ng tiningnan ko, mukhang okay naman. "Okay naman." sagot ko. "Ako na bahala mag finalize mamaya sa bahay. Tapos send ko sayo para makapag bigay kumento ka." Napangiti naman siya. Di ko alam kung bakit pero para siyang timang na napangiti bigla ng walang dahilan. "Oo ba." sagot niya na parang na excite bigla. "O? Ba't parang natutuwa at excited ka?" Napatingin siya sa ibang lugar bago ako sinagot, "Naisip ko lang, mag cha-chat tayo mamaya." tapos kinindatan niya ako. Sa isip ko na lang e tinatanong ko sarili ko kung anong nangyayare sa isang 'to. May sakit ba siya? Bakit biglang ganito? Ang weird. No'ng matapos naming gawin 'yong activity, lumabas na kami ng classroom. 'Yong dalawa naming kasama do'n e nando'n pa at sila na raw bahala mag sarado ng classroom kasi 'di pa sila tapos. "Sa'n tayo?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko. Gulat lang kasi ako dahil tinanong niya ako nang gano'n. E, sa isip ko pa naman, uuwi na kami sa kanya kanya naming bahay. "Ha?" 'yan lang ang nasabi ko. "I mean, masyado pang maaga. Baka gusto mong samahan kita bumili ng fertilizer?" Bigla kong naalala 'yong Daisy flower ko na binigay sakin ni Gab na nalalanta na. Napatingin ako bigla sa relo ko, do'n ko nakitang 5:00 pa lang. Di ko in-expect na matatapos naming gawin 'yong activity ng mas maaga. Napangiti ako bigla. Knowing na hindi niya kinalimutan 'yong usapan kahapon tungkol sa Daisy flower na kailangan na ng fertilizer. "Sige ba." sagot ko. Tapos ayon, lumabas kami ng campus at pumara siya ng tricycle papunta sa sinasabi niyang tindahan ng mga halaman at fertilizer. Pagdating namin do'n, namangha ako sa dami ng mga kakaibang halaman do'n. Ang sarap at ang gaan tuloy sa pakiramdam na puro kulay green ang makikita mo sa paligid mo. Ang refreshing! "Woah! Di ko akalain na meron pa lang ganito rito." aniko habang nililibot ang paningin sa mga binibentang halaman. Tapos may nahagip akong ZZ plant na sobrang cute. Napatigil tuloy ako sa paglalakad para lang tingnan 'yon, "Wow! Ang cute naman nito. Galing naman mag alaga ng mga tao rito." Tumabi sakin si Bright at napatingin sa ZZ plant. "Magandang indoor plant 'yan." kumento niya. "Mukha nga." sagot ko at napatingin pa sa paligid. "Feeling ko tuloy mas marami kang alam sa halaman kaysa sakin." "Hindi naman." pagtanggi niya. "Si Mommy talaga 'yong mahilig sa halaman." "Ano-anong mga halaman ang meron kayo? Samin kasi puro mga house plants kagaya ng Aglaonema na may iba't ibang varieties, Syngonium, Calathea, Alocasia at siyempre pinaka favorite ko rin 'yong monstera plant." kuwento ko habang naglalakad kami ni Bright patungo sa mga fertilizer. "Samin mga ganyan din. Pero meron din kaming mga Succulent plants." "Uy, seryoso?" tanong ko at tumango naman siya. "Wala kami no'n, e." "Mahilig din kasi si Mommy sa mga succulent plants. Gustong gusto niya 'yong mga Echeveria. Pero maganda naman lahat. Lalo na 'yong paddle, Perle Von Nurberg at Hens and chicks." tapos nilingon niya ako sabay tanong ng, "tingin mo?" Umiling naman ako, "Hindi ko alam 'yan." Tapos sabay kaming tumawa. Bilib na ako sa isang 'to. Ang daming alam sa mga ganito. Dinaig pa talaga ako. Siguro kasi ang intensyon ko lang ay ang mag-alaga ng mga halaman na meron kami sa bahay at hindi na kasama 'yong kilalanin ang mga 'to. Ni hindi ko nga kabisado 'yong mga iba't ibang varieties. "Alam mo, kala ko suplado ka." biglang singit ko sa usapan. "'Yan din 'yong akala ng iba nating ka-klase." No'ng una, akala ko medyo ma o-offend siya sa sinabi ko, pero gulat ako no'ng sumang ayon siya. "Naisip ko rin na iniisip niyo 'yan sakin." "Pano mo nasabi?" "Na fe-feel ko lang." sagot niya. "Pero pano niyo nasabing suplado ako?" "Di ka kasi namamansin—sabi ng friend kong si Ashley no'ng nag hi siya sa'yo." Napatingin siya sa ibang lugar at napabuntong hininga, "Paki sabi sa friend mo sorry. Ganito kasi talaga ako." "Na hindi namamansin?" paglilinaw ko. "I mean, introvert akong tao. Hindi ako 'yong tipo na pala-salita. Alam mo 'yon? I love to think rather than talk." Ngayon alam ko na, introvert pala siyang tao kaya siya gano'n. Jinudge kasi agad siya ng lahat nang hindi man lang inaalalam kung anong klaseng tao siya. "Kaya pala ang tahimik mo lang lagi." kumento ko pa. "Mag isa ka lang nag transfer dito na galing sa dati mong school?" Umiling siya, "Hindi. Actually, meron akong dalawa pang kasama. Mga kaibigan ko. Pero napadpad sila sa kabilang section. Kaya ayon, hindi ko sila masyadong nakakasama." "Gano'n ba, buti naman kung gano'n. At least, alam mong hindi ka nag-iisa." nginitian ko siya pagkatapos. Saktong nasa harap na kami ng mga binibentang fertilizer nang bigla siyang magsalita. "Hindi naman ako nag-iisa," nilingon ko siya, "Kasi nandito ka." sagot niya nang nakangiti. Bigla akong natigilan sa sinabi niyang 'yon. Biglang bumibilis ang kabog ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Umiwas ako ng tingin at ibinaling na lang 'yon sa mga fertilizer. Saktong nilapitan kami ng tindero no'n at tinanong kung bibili kami. Si Bright na 'yong pinabili ko kasi 'di ko naman alam kung alin dito sa mga fertilizer 'yong bibilhin namin. At nang makabili na kami, umalis na kami ro'n at naglakad lakad saglit habang nag aabang ng tricycle na masasakyan ko pa uwi. "Salamat ah, kasi sinamahan mo'ko bumili nito." sabi ko habang nakatitig sa hawak kong fertilizer. "Wala 'yon." sagot naman niya. Napatigil ako sa paglalakad no'ng ma realize ko na taga rito pala siya sa lugar na 'to. "Siya nga pala, malapit lang ba rito bahay niyo?" biglang tanong ko. Tumango siya, "Medyo." sagot niya. Hindi naman gaano ka layo itong place na 'to sa bahay. Siguro mga 15 minutes lang kung lalakarin at makakarating na agad ako sa bahay namin. No'ng bata nga ako e nakakarating kami rito ng mga kalaro ko para lang maglaro. Napalingon ako sa kung saan at natigilan ako no'ng makita ko ang isang pamilyar na lalake sa malayuan. At hindi lang siya basta basta pamilyar. Kasi no'ng tinitigan ko ng maigi, nakita ko kung sino 'yon. "Gab?" tanong ko habang nakatitig sa malayo no'ng mahagip ng paningin ko si Gab na may kasamang babae. Napansin kong sinundan ni Birght ang tingin ko. Pero wala siyang naging reaksyon sa nakita niya. Nag-uusap si Gab at 'yong kasama niyang babae. Nakangiti pa sila sa isa't isa habang nag-uusap. Di ko lang alam kung ano pinag-uusapan nila kasi malayo kami ni Bright. Bigla akong kinabahan no'ng maalala ko 'yong sinabi ni Bright kahapon na lagi niyang nakikita si Gab dito sa lugar nila na may kasamang babae. Dahan dahan kong nilingon si Bright nang mapagtanto kong tama ang sinabi niya sakin kahapon. Pero hindi lang ako sure kung kaano-ano ni Gab 'yong babaeng kasama niya ngayon. Napatingin sakin si Bright. 'Yong mukha niya, parang walang ka rea-reaksyon samantalang ako e parang nanigas lang. "Si Gab 'yon, diba?" tanong sakin ni Bright pero 'di ko siya sinagot. Dahan dahan kong kinuha ang phone ko para tawagan si Gab. Alam kong siya 'yon, pero gusto ko lang malaman kung nagsisinungaling siya o hindi. No'ng tawagan ko siya ay agad naman niyang sinagot 'yon. "Hello, babe?" "Gab, asan ka?" "Tinatapos ko 'yong activity sa english. Bakit?" Bigla akong nanghina no'ng sinabi niya 'yon. Isang kasinungalingan ang lumabas sa bibig niya habang kausap niya ako sa kabilang linya. Ang layo, e. Anong tinatapos 'yong activity? E, nakikita ko siyang nakikipag harutan sa babaeng kasama niya ngayon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Basta, biglang may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko habang pinagmamasdan ko siyang may kasamang iba. "Gano'n ba, saang place ka ba?" "Sa bahay, babe." "Sige, tawagan na lang kita later kapag tapos kana." Agad ko siyang binabaan habang galit na nakatitig sa kanila ng babaeng kasama niya habang busy sa pakikipag harutan. Sunod sunod namang tumulo ang mga luha ko dahil sa nalaman kong niloloko niya ako. Lumapit sakin si Bright at tinapik ako sa balikat, "Sorry." ani Bright at sinubukan akong patahanin. "Hindi na dapat tayo nagpunta rito." dagdag pa niya. "Hindi." sagot ko at mabilis na pinunasan ang mga luha ko sa pisngi. "Mas okay nga 'yon, e. At least, nalaman kong may cheater at sinungaling pala akong boyfriend." inis kong sabi at napatingin sa fertilizer na hawak ko. Saktong may basurahan sa gilid no'n at deretcho kong patapong ibinato 'yon sa basurahan, pipigilan pa sana ako ni Bright pero too late na. "Hindi ko na kailangan 'yon. Mas mabuti ngang malanta na lang ng tuluyan ang bulaklak na 'yon, kagaya ng kung papano unti-unting nalalanta 'yong relasyon namin nang hindi ko alam." That time, 'di ko alam kung may sense ba 'yong sinabi kong 'yon. At 'di ko rin alam kung bakit ko 'yon nasabi. Umalis ako ro'n at alam kong nakasunod naman si Bright sa likod ko. Pinarahan niya ako ng tricycle at nagpaalam na rin siya sakin. Pag uwi ko, nag chat agad ako sa groupchat namin ng mga kaibigan ko. Gusto ko lang humingi ng advice tungkol sa kung ano ang gagawin.  Danielle Legaspi     active now•  Guys!!! May problema ako. Hindi ko alam kung anong gagawin tungkol sa nakita ko kanina. Tulungan niyo 'ko pls. Rhian Mendoza    active now• Anong problema, Deyn? Ashley Verano   active now• Uy, okay ka lang? Anong meron? Callen De Vera   active now• Gutom lang 'yan. Kumain ka. Magiging okay din ang lahat. Sa tatlo sa kanila ang nag reply, kay Callen talaga pinaka na asar ako. Kainis, e. Kung kailan seryoso ako tsaka naman nag biro. Danielle Legaspi ;   active now• Alam mo, Callen, sa buong buhay ko, pinagsisisihan ko na nanging Tito pa kita. I swear! Ashley Verano   active now• Hahaha! Uy, ano na? Di mo ba i shi-share samin problema mo? Rhian Mendoza   active now• Wag mo na pansinin si Callen. Kulang 'yan sa lambing. Callen De Vera   active now• Kulang sa lambing mo. Yiieee. Kilig ako. Ahsley Verano  active now• Uy, tama na muna landi. Pakinggan muna na'tin si Deyn. Callen De Vera   active now• @Danielle Legaspi Anong problema? Nag away na naman kayo ni Cyril? Danielle Legaspi    active now• Cyril? Sino 'yan? Rhian Mendoza   active now• Sino si Cyril? Ashley Verano   active now• Baka na wrong send si Callen. Callen De Vera   active now• Si Bright 'yon. Second name niya. Hahaha! Danielle Legaspi    active now• Wag kasi gumamit ng second name kung alam mong 'di namin kilala. Pero hindi siya ang problema. Actually, nahiya nga ako sa kanya. Nagalit ako nang hindi ko man lang inalam kung tama nga ba siya. Pero ngayon confirmed na. Rhian Mendoza   active now•   Confirmed na ano? Huminga muna ako ng malalim bago ako nag reply sa kanila. Danielle Legaspi                                            active now• Nakita ko si Gab kanina may kasamang babae. Gusto kong isipin na friend lang niya 'yong girl na kasama niya. Pero hindi, e.  The way kung papano sila mag usap kanina, 'yong mga titig nila sa isa't isa, 'yong mga ngiti nila at kung papano sila magharutan, tingin ko girlfriend niya 'yong kausap niya kanina. Anong gagawin ko? Tulungan niyo 'ko!! Ahsley Verano   active now• Hala!! Omg!! True?? Kailan pa?? Rhian Mendoza   active now• Oh my! So ibig sabihin tama si Bright? Hala! Pano na 'yan? Nag usap na ba kayo ni Gab? Danielle Legaspi    active now• Hindi pa. Di ko alam kung ano sasabihin ko. Tulungan niyo 'ko please. Di ko alam kung anong gagawin. Callen De Vera    active now• Two timer pala 'yon, e. Ako kakausap do'n! Humanda sakin 'yon. Ashley Verano   active now• Teka, what if, kaibigan lang talaga niya 'yong girl? Sure ka ba talaga, Deyn? Gusto kong maniwalang friend lang niya talaga 'yong girl na kasama niya kanina. Pero 'yong sinabi ni Bright na madalas niyang makita si Gab sa lugar nila kasama ang babaeng 'yon, malabo, e. Feeling ko talaga girlfriend niya rin 'yong babaeng 'yon. Danielle Legaspi    active now• How i wish na friend lang niya 'yong girl na 'yon. Pero what if, tama ang hinala ko na gf niya 'yon. Kanina pa ako nag O-overthink. Di ko alam kung anong gagawin. Rhian Mendoza   active now• Ganito gawin mo, makipag kita ka kay Gab. Kausapin mo siya. Sabihin mo 'yong tungkol sa nakita mo at pakinggan mo 'yong paliwanag niya. Ashley Verano    active now• Feeling ko mas okay kung hulihin mo siya, Deyn. Kasi kung gagawin mo 'yong sinabi ni Rhian, baka magsinungaling lang siya. Hindi naman sa against ako sa sinabi ni Rhian. Pero, naisip ko lang na baka magsinungaling lang siya at sabihing 'di niya gf 'yon pero ang totoo e gf naman talaga niya. Alam mo naman kasi 'yong mga lalake ngayon. Pero depende pa rin 'yon sa'yo. Di kita pipilitin. Callen De Vera    acitve now• Uy, ba't parang nadamay ako d'yan? Mga lalake talaga? Sila lang 'yon, mabait ako. Di ako sinungaling. Di rin ako two timer. Hehe. Rhian Mendoza    active now• Tumigil ka @Callen Pero Deyn, may point din si Ashley. Pero nasa sa'yo na ang desisyon. Saturday bukas. Kausapin mo siya. Danielle Legaspi ;   active now• Hindi ako papayagang umalis ng bahay kapag wala akong matinong rason sa parents ko. Baka isipin nila gagala lang ako. Callen De Vera   active now• Sabihin mo punta ka sa cafè namin. Ako bahala sa Mama mo. Napabuntong hininga ako matapos kong basahin 'yong reply ni Callen. Sana lang, makausap ko si Gab bukas. At sana. . . Sana hindi totoo itong hinala ko. Kasi hindi ko kakayanin kung mawala sakin si Gab. Humiga ako sa kama ko habang nakatitig sa screen ng cellphone ko. Nagdadalawang isip akong tawagan si Gab ngayon. Gusto ko siyang makausap pero may side sakin na parang ayaw ko. Kasi baka mabanggit ko lang sa kanya 'yong nakita ko kanina tsaka kapag ngayon namin pag-usapan 'yon, baka mag-away lang kami. Ilalapag ko na sana ang cellphone ko sa side table nang bigla niya akong tawagan. Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sinagot. "Hello, babe?" "Babe, sorry ngayon lang kita natawagan. Medyo busy kasi." Natahimik ako matapos niyang sabihin 'yon. Di naman siya ganito, pero ngayon ramdam kong parang nag-iba na siya. Medyo nakakalimutan na niya akong tawagan o i-chat tapos pati Monthsary namin e hindi na bigdeal sa kanya. "Okay lang." "Galit ka ba, babe?" "Hindi. Okay lang talaga." "Sure ka? Kumain ka na ba?" "Oo. Tapos na. Uhm, babe, may sasabihin ako." "Sige, ano 'yon?" Huminga ulit ako ng malalim bago nagsalita.   "Pwede ba tayong magkita bukas?" "Akala ko ba hindi ka avail kapag weekend?" "Magpapaalam ako. Gusto lang kitang makita bukas." "Gano'n ba. Sige, text mo na lang ako kung anong oras bukas." "Sige." "Siya nga pala, ibababa ko na 'to. Lowbat na kasi ako." "Sige. Bye!" Pagkatapos ko siyang kausapin, nalungkot ako bigla. Kasi ibang iba na talaga siya. Parang dati naman kahit ma lo-lowbat na siya e china-charge niya 'yong phone niya para lang hindi maputol 'yong usapan namin. Pero ngayon, hindi na. Baka nga tama talaga si Bright. At tama ang hinala ko na may iba siya.                              *** Kinabukasan, nakipagkita ako kay Gab sa isang coffee shop na medyo malayo sa place namin para iwas sa mga taong nakakakilala sakin. Baka mamaya kasi e may makakilala sakin tapos isumbong ako kay Mama o 'di kaya kay Papa. Umorder ako ng kape habang hinihintay ko siya. Nakakahiya naman kasi kung pumasok ako sa coffee shop para lang sa wala. Nang dumating si Gab, umupo siya sa harap ko. Usually, kapag nag me-meet kami, isang malawak na ngiti agad ang binubungad niya sakin pero ngayon nakasimangot siya na parang galit?—ewan. "Babe," tawag ko sa kanya pero 'di siya nag react. Napabuntong hininga lang siya at pinindot 'yong cellphone niya at may pinakita sakin. "Can you explain this?" aniya at napatingin naman ako sa screen ng cellphone niya para makita kung ano 'yong tinutukoy niya. Picture ko 'yon at ni Bright na magkatabi kami ng upuan. Kinuha 'yong litrato na 'yon kahapon no'ng tinapos namin 'yong activity sa english. Pero ang nakakagulat e sino ang kumuha ng litrato na 'to? As far as i know, apat na lang kami ang natira sa classroom kahapon. Ako, si Bright at 'yong dalawa naming kaklase na nakaupo sa harap. Kinuha ko 'yong cellphone ni Gab at tiningnan maigi 'yong picture namin ni Bright. Ang galing no'ng nag picture, sinakto ba naman do'n sa part na tapos na naming gawin 'yong activity ni Bright at nag-uusap na lang kami rito dahilan para iba isipin ni Gab. Aksidente kong napindot 'yong Back button at do'n ko nakitang sinend lang sa kanya 'yong picture na 'yon. At ang pinaka-worst, si Colleen 'yong nag send. What the f! "Are you flirting with him?" tanong ni Gab matapos kong titigan 'yong picture na 'yon. "No." sagot ko at binalik sa kanya 'yong phone niya. "Siya 'yong partner ko sa activity sa english. Ginagawa lang namin 'yong activity kahapon—" "Really? E, sa nakikita ko d'yan, nag uusapan lang kayo." Anak ng! Ako pa ngayon ang nagmukhang masama ngayon? Parang gusto kong sugurin ngayon ang kumuha ng litratong 'yan. Iisang tao lang naman 'yan, e. Walang iba kundi si Colleen. Sinisiraan niya ako kay Gab. And I guess ginagawa niya 'to para maghiwalay kami ni Gab. At kung hindi ako nagkakamali, baka may feelings pa siya sa Ex boyfriend niya. Tama, Ex boyfriend ni Colleen si Gab. Last year lang naging sila pero 'di sila nagtagal kasi itong si Colleen nag cheat. Tapos nakipag break siya kay Gab kasi jinowa niya 'yong Grade 10 na iniwan din naman siya. Tapos ngayon sisiraan niya ako? Para ano? Para maagaw si Gab? Ang kapal niya! "Gab, listen—" "Wala na akong dapat marinig pa sayo." tumayo siya. "Let's end this." "What?!" gulat kong sabi. Hindi ako makapaniwalang ganito lang 'yon kadali sa kanya. Hindi pa nga ako nakapag explain tapos tatapusin na niya 'to? Hindi pwede! "Gab, listen." "Pagod na ako, Deyn. Ayoko na ulit maniwala sa taong niloloko lang ako." Kumunot 'yong noo ko sa sinabi niya. Niloloko? At ako pa ngayon ang nanloloko saming dalawa? Sa inis ko, tumayo rin ako at mariin siyang tinitigan sa mata, "Ako pa ngayon ang nanloloko, Gab? E, ikaw nga 'tong nakita kong may kasamang ibang babae kahapon!" sigaw ko. Natigilan si Gab sa sinabi ko at kita ko ang gulat sa mga mata niya na tila hindi inasahan ang sinabi ko. "Nakita kitang may kasamang iba. Pero hindi ako kagaya mo na hindi man lang papakinggan ang paliwanag ko. Kasi nandito ako ngayon, para kausapin ka tungkol sa nakita ko kahapon. Nandito ako para pakinggan ang paliwanag mo, Gab." "Nakita mo pala, bakit ngayon mo lang sinabi?" "Kasi hindi ko alam kung papano kita kakausapin tungkol do'n." lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya at seryosong tinitigan siya sa mata, "Sabihin mo, kaano-ano mo ang babaeng kasama mo kahapon?" pakiusap ko. Binawi ni Gab ang kamay niyang hawak ko dahilan para mabitawan ko 'yon. "Si Allysa, kaibigan ko siya." malamig niyang tugon. "Kaibigan? Sigurado ka?" "Kung ayaw mong maniwala, sige. Paniwalaan mo ang gusto mo." Tatalikuran na sana niya ako pero hinawakan ko siya sa braso para pigilan. "Gab, please... kung kaibigan mo siya, sige naniniwala na ako." Inalis niya ang kamay ko sa braso niya. Napatitig ako sa mga mata niyang walang kagana gana habang binibigyan siya ng nagmamakaaawang tingin na wag akong iwan dito pero umiling siya. "I'm sorry, pero ayoko na." "A-anong ibig mong sabihin?" "Mag break na tayo." Biglang nanghina ang buong katawan ko sa sinabi niya. Para akong naubusan ang lakas dahilan para mapahawak ako sa ibabaw ng lamesa para hindi ako matumba. I can't believe na nakikipag hiwalay siya sakin ngayon. Hindi ko akalain na gano'n lang kadali sa kanya na makipaghiwalay. "Hindi kita maintindihan." sabi ko habang nagpipigil ng luha. Hindi siya nagsalita no'n. Gusto kong marinig ang dahilan niya kung bakit gusto niyang makipaghiwalay. Kasi hindi ko siya maintindihan. Naguguluhan ako. At gusto ko ng kasagutan sa tanong kung bakit gusto niyang tapusin na namin ang relasyon namin. Pero kahit isang salita, wala akong narinig mula sa kanya. Inayos ko ang sarili ko at tinitigan siya sa mata. "Bakit Gab? Bakit?!" mangiyak ngiyak na sambit ko. "Sabihin mo kung bakit gusto mong makipaghiwalay?!" "Pagod na ako." malamig na sagot niya. "Wala na akong nararamdaman sayo. I'm sorry." Napahawak ako sa puso ko nang talikuran ako ni Gab at hindi nagdalawang isip na lumabas ng coffee shop. Alam kong may iilang taong nakatingin sakin no'n kaya inayos ko ang sarili ko bago ako lumabas ng coffee shop at nagtungo sa cafè nina Callen at do'n nagdrama. First love ko si Gab, first time ko rin ma broken hearted. Ang akala ko, madali lang. Sa mga movie kasi parang hindi naman ganito ka hirap, ang exciting pa nga, e. Kasi hinuhulaan mo kung ano susunod na mangyayare. Pero siguro kasi wala ako sa posisyon ng character sa movie kaya hindi ko alam kung ano pakiramdam. Pero ngayong sakin na mismo nangyare, na realize ko na sobrang hirap pala. Ang sakit, ang sakit sakit. Hindi ko alam kung papano mawala itong sakit na nararamdaman ko ngayon. Lumapit sakin si Callen at binigyan niya ako ng Milktea tsaka sandwich. Na kuwento ko na rin sa kanya 'yong tungkol sa nakipag break sakin si Gab. Umupo siya sa harap ko pagkatapos niyang ilapag 'yong Milktea at sandwich. "Gago pala 'yon, e." biglang bungad niya. Napatingin tuloy 'yong nasa kabilang table. "Uy, bibig mo." suway ko. "Sorry na. Gulat lang kasi ako na nakipag break siya sayo. E, siya pa talaga 'tong may karapatang makipag break samantalang siya 'tong nagloko!" "Bwisit din kasi si Colleen, e. Gumawa gawa ng kuwento kay Gab." "Ha? Anong kuwento?" "Kinunan niya kami ng picture ni Bright tapos sinend niya kay Gab. Na missunderstood tuloy ni Gab." Bigla akong naiyak pagkatapos, "Callen, anong gagawin ko? Nakipag break siya sakin. Hindi ko kaya." "Hindi ko alam." sagot ni Callen. "Wag ka umiyak. Mag move on ka na lang." Umiling ako sa sinabi ni Callen habang patuloy pa rin sa pag iyak. "Hindi ko kaya. Hindi ko alam kung makakamove on ba ako kasi mahal ko siya, e. Sobrang mahal ko si Gab." Inilapit sakin ni Callen 'yong Milktea at sandwich, "Kumain ka na lang muna. Baka makapag isip-isip ka." Pero 'di ko ginalaw 'yong pagkain sa harap at napatulala lang ako sa kung saan habang iniisip si Gab nang biglang tumunog 'yong wind chime at pumasok sina Rhian at Ashley at bigla na lang akong niyakap. Di ako ang nagpapunta sa kanila rito. Pero feeling ko si Callen may pakana nito at alam kong alam na rin nilang dalawa na break na kami ni Gab. Pagkatapos nila akong yakapin ay umupo silang dalawa sa harap ko. "Uy, anong nangyare? Bakit nakipag break siya sayo?" nag aalalang tanong ni Ashley sakin. "Hindi ko rin alam. Ang sabi niya pagod na raw siya." "What?! Ang babaw naman ng reason." kumento ni Rhian. "Pagod? Bakit siya napagod? Alam mo, feeling ko excuse lang niya 'yan. May ibang reason talaga 'yan. O baka nga," biglang napatakip ng bibig si Rhian sabay sabing, "Baka sila na ng girl na sinasabi mo? 'Yong lagi niyang kasama?" "Sabi niya friend lang daw niya 'yon." "Naniwala ka naman?" Nagkibit balikat ako, "Di ko alam." Kwinento ko sa kanila 'yong tungkol sa picture namin ni Bright na sinend ni Colleen kay Gab. Gulat na gulat silang dalawa kasi ginawa 'yon ni Colleen. At gaya ko, parehas kaming tatlo ng hinala na baka ginawa 'yon ni Colleen kasi gusto niyang maagaw ulit si Gab sakin. "Kaya pala nakipag break sa'yo si Gab. Nilalandi na pala ng Colleen na 'yon." ani Rhian na kung mainis e dinaig pa talaga ako. "Ano na ang plano mo, Deyn?" tanong naman sakin ni Ashley. "Di ko alam. Siguro kausapin ko ulit si Gab sa Monday." "Para sa'n pa?" sabat naman ni Callen. "Gusto ko lang siyang makausap." sagot ko. "Baka magbago pa isip niya." Napangiwi si Callen sa sinabi ko, "Akala mo magbabago pa isip no'n? E, magmumukha ka lang tanga't lahat lahat feeling ko walang magbabago. Baka may iba na 'yon." Inaamin ko, ang sakit marinig ng sinabi ni Callen. Para bang tinusok bigla ng karayom ang puso ko no'ng marinig ang sinabi niyang may iba na si Gab. Alam kong possible naman 'yon, 'di naman ako manhid para 'di ma-sense 'yon. Pero ang sakit lang talaga at hindi ko matanggap. Hinawakan ni Ashley ang kamay ko at seryoso akong tinitigan sa mata sabay sabing, "Deyn, ayaw naming nasasaktan ka. Ayaw naming nakikita kang umiiyak. Kagaya nito. Hindi naman sa ayaw na naming kausapin mo ulit si Gab, ayaw lang naming masaktan ka ulit." "Tama si Ashley." pagsasang-ayon ni Rhian. "Di talaga kami sanay na nakikita kang ganyan. Alam mo, marami pa namang iba d'yan, e. 'Yong deserve mo talaga. Hindi 'yong kagaya ni Gab na sasaktan ka lang." Inisip ko 'yong mga sinabi nila sakin. Alam kong worried lang sila sa nararamdaman ko. Ayaw lang nila akong masaktan, pero hindi ako matatahimik lalo na itong puso ko kapag nawala sakin si Gab. I think, mas better kung kausapin ko si Gab sa Monday para at least, ma enlighten ako.

 

 

Chapter 4 Closure

Monday~ Maaga akong pumasok sa eskwela kasi balak kong makausap ngayon si Gab. Pero lunes na lunes e na bwisit agad ako. Di ko alam kung matutuwa ba ako sa nabalitaan ko o manggagalaiti ako sa galit. Parang lalabas ang kaluluwa ko sa katawan ko no'ng nabalitaan kong si Gab at si Colleen ay nagkabalikan na. At ang nakakainis do'n e sinasadya nilang pa-selosin ako. Kaninang umaga nag-send siya ng picture nila ni Gab sa GC ng section namin kung saan 'di kasali 'yong homeroom namin. Tapos sinabi lang niya na na-wrong send siya pero 'di niya 'yon ni-removed sa GC. Tapos pagdating ko sa classroom e bubungad sakin ang nakalagay sa backboard na "Congrats for the new couple". Alam kong sinadya nila 'yon kasi nilikop talaga nila ang buong blackboard para lang do'n. Tapos itong si Colleen nagpaparinig pa. "Omg, Girls! Sabi ko na nga ba at mahal pa ako ni Gab." sabi ni Colleen nang malakas na talagang sinadya para marinig ko. "Oo nga, e. Sobrang gulat kami girl! Siguro kahit no'ng iba na girlfriend niya e ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso niya." sabat ni Jennifer, kaibigan ni Colleen. "Naku! Kung alam ko lang na ako pa rin pala ang mahal niya, gusto kong mag-sorry kay Danielle," nilingon ko sila no'ng binanggit ni Colleen pangalan ko at nilingon niya rin ako, "Naaawa ako sa kanya." dagdag pa niya. Dahil do'n, 'di na ako nakapag pigil at tumayo na ako para sugurin sila sana nang bigla akong pigilan ni Callen. "Wag mo silang pansin. Kapag pinatulan mo sila, baka magkagulo lang at ma-guidance pa kayo. Wag mo nang hintaying ipapatawag parents mo at malaman nilang may boyfriend ka na siyang dahilan ng away niyo ni Colleen." Dahil sa sinabing 'yon ni Callen ay kinalma ko sarili ko. Tama siya, baka ipatawag pa sina Mama dahil lang dito. Pasalamat siya at weakness ko ang malaman ng parents ko na nagka-boyfriend ako. Dahil kung hindi, baka tanggal na 'yang buhok niya sa anit niya kakasabunot ko sa kanya. "Kung gusto mong gumanti, talunin mo na lang siya sa academics" dagdag pa ni Callen dahilan para kumalma ako lalo. Bumalik ako sa pagkaupo at kinalma ang sarili. Nagkunware rin akong walang may naririnig sa iba pang mga sinabi ni Colleen at ng mga kaibigan niya. No'ng mag start 'yong klase, napatingin ako sa blankong upuan ni Bright. Absent siya ngayon. Di ko alam kong anong mangyare sa kanya. Di ko rin kasi siya nakausap no'ng sabado at kahapon. Since na sa'kin lang din naman 'yong activity sheets namin e ako na nagpasa sa subject teacher namin. Pagkatapos ng buong klase, do'n na naman ulit nagsimulang magparinig si Colleen. Saktong nagliligpit pa lang ako ng mga gamit no'n nang bigla siyang magsalita. Di ko alam kung sino kausap. Pero obvious naman na ako pinaparinggan niya. "See you tomorrow, guys. Nga pala, labas ako saglit, pagpinuntahan ako ni Gab dito, pakisabi lumabas ako. Wag kayong ma confused ha, ako 'yong girlfriend. Hindi 'yong iba d'yan." napatingin siya sakin pagkatapos niyang sabihin 'yon at inirapan ako bigla. "Alam niyo, pigilan niyo 'ko baka makapatay ako." mahinang sambit ko na siniguradong si Rhian at Ashley lang makakarinig. "Nagpaparinig na naman. Yabang!" sabat ni Ashley. "Akala mo naman kung sino. E, siya nga 'tong unang nag cheat." sabat naman ni Rhian. Tapos biglang tumunog mga messenger namin. Agad naman kaming napatingin do'n kasi akala namin may announcement 'yong teacher namin sa GC pero gulat ako nang makitang GC 'to ng section namin kung saan 'di kasali 'yong homeroom namin. Nag send si Colleen ng picture nila ni Gab kanina sa may canteen. Ang sweet nilang tingnan sa picture tapos 'yong ngiti ni Colleen e abot hanggang tenga. "Hindi na 'to normal, nananadya na talaga siya." sabi ni Rhian pagkatapos makita sa GC 'yong sinend ni Colleen. Inis na inis at selos na selos na ako no'n pero ano nga ba magagawa ko? E, sa mata ng lahat, wala na akong karapatang awayin si Colleen kasi Ex na ako ni Gab at siya na ngayon ang bagong girlfriend. Wala rin akong karapatang magselos kasi sino ba naman ako? Nainis ako lalo nang magparinig 'yong dalawa niyang kaibigan. "Mas bagay kayo! Alam mo, solid fan ako ng tandem ninyong dalawa!!" ani Jennifer. "Ako rin, Bagay kayo. Di gaya ng iba d'yan." sabat naman ni Marian with emphasis sa 'iba d'yan' na alam ko namang kahit 'di niya pangalanan e obvious na obvious na ako 'yon. "Kasi naman Cheater 'yong iba d'yan!" biglang sabi ni Colleen. Sa inis ko ay hindi na ako nakapagpigil at sinugod ko siya. "Ah, cheater pala, ah!" sigaw ko at bigla na lang hinablot 'yong rebonded niyang buhok at sinabunutan siya sa sobrang galit. Gulat na gulat lahat ng mga ka-klase namin sa ginawa ko kay Colleen pero itong si Colleen e 'di rin nagpatalo at hinablot rin 'yong buhok ko para sabunutan ako. Kung gaano ka sakit 'yong pagsabunot ko sa kanya ay gano'n din ang ginagawa niya sa buhok ko. Ang sakit na no'n, tipong pakiramdam ko e sasama pati anit ko once natanggal itong mga buhok ko dahil sa grabe 'yong puwersa ni Colleen pero siyempre 'di rin ako papatinag at sinisigurado kong masasaktan din siya sa ginagawa kong pagsabunot sa kanya hanggang sa may umawat samin. No'ng una, akala ko may teacher na. Pero no'ng nilibot ko paningin ko sa paligid, wala. Si Callen 'yong may hawak sakin ngayon tapos 'yong class president na si Richard naman 'yong may hawak kay Colleen at sinigurado nila pareho na 'di na namin abot ang isa't isa at baka magsabunutan ulit kami. "Walang hiya ka! Sino ka para sabunutan ako, ha?!" galit na galit na sigaw ni Colleen habang matalim na nakatitig sakin. Tinaasan ko naman siya ng kilay pagkatapos. Buti nga sa kanya. "Magpa rebond ka na lang ulit." sagot ko. "Tingnan mo buhok mo, o." sabay turo sa buhok niya, "Ang gulo." "Ah, magulo pala ah." sabi niya habang pilit na pumapalag sa paghawak sa kanya ni Richard.  "Ang sabihin mo, naiinggit ka lang." "Ako?" sabay turo sa sarili ko. "Bakit naman ako maiinggit sa buhok mo? E, mas maganda naman 'tong buhok ko. Walang halong kemikal, 'di gaya ng buhok mo." Narinig kong nagtawanan ang iba sa sinabi ko dahilan para mainis lalo si Colleen at isingit niya 'yong tungkol sa kanila ni Gab, para ako na naman 'yong manahimik. "Bwisit ka! Kaya ka iniwan ni Gab kasi malandi ka." sabi niya sa mismong pagmumukha ko. Ramdam ko pang tumalsik 'yong laway niya sa mukha ko. Kadiri. "Hoy! Pwede ba pag sumigaw ka siguraduhin mong 'di tatalsik 'yang laway mo sakin. Baka mahawaan ako ng virus mo sa pagiging cheater!" "What?" Napa irap ako bigla. Bingi ba 'to? Mahal siguro cotton buds sa lugar nila't 'di niya narinig sinabi ko. Kainis tuloy, kailangan ko pang ulitin. "Sabi ko Cheater!" sigaw ko, siniguradong maririnig na niya. "Hindi ka lang cheater sa Academics, cheater ka rin pagdating sa Relationship!" Nakita kong lalo siyang nagalit sa sinabi ko. Pati mga kaibigan niya e ang tatalim na rin ng mga titig sakin. "How dare you! Sino ka para sabihing cheater ako? E, wala ka namang proof!" "Ah, so need mo pa pala ng proof? Jusko, dai! E, kahit ikaw alam mo na 'yan sa sarili mo." "Wag kang mag imbento ng kuwento. Walang naniniwala sa'yo." "Really?" tapos napatingin ako kina Ashley at Rhian na nakatayo sa tabi ko. "E, ano sila?" tanong ko kay Colleen habang nakaturo kay Rhian at Ashley. Napa irap naman si Colleen, "Malay ko ba kung anong kuwento ang inimbento mo at napaniwala mo sila." "Hoy!" biglang sabat ni Rhian at nakaturo pa kay Colleen, "Hindi siya nag i-imbento ng kuwento. Nakalimutan mo na bang magkaklase tayo no'ng elementary? Alam na namin 'yang mga tinatago mong baho, Colleen!" Biglang nag step forward 'yong isa sa mga kaibigan ni Colleen na si Marian sabay sabi kay Rhian ng, "Hindi ka ka sali rito kaya manahimik ka." Pero itong si Rhian e palaban. Ayaw ba naman magpatalo, "E, ikaw? Di ka din naman kasali ah. Ikaw 'tong manahimik dito. Kulang ka sa pansin." Hindi natuwa si Marian sa sinabi ni Rhian at nag-akma siyang sasampalin sana si Rhian nang biglang hawakan ni Callen ang kamay niya para pigilan siya sa gagawin niya. "Hoy! Dumistansya ka sa girlfriend mo kung gusto mo pang mabawi itong kamay mo!" galit na sabi ni Callen kay Marian. Kinilig ang iba dahil sa pinagtanggol ni Callen si Rhian. Pero ako, nagulat ako kasi nabanggit niya 'yong salitang girlfriend kahit na hindi pa naman sila. Inis na binawi ni Marian ang kamay ni kay Callen at nag-tago ito sa likod ni Colleen. Magsasalita pa sana si Colleen nang biglang tinapos ni Richard 'yong eksinang nangyayare ngayon. "Tumigil na kayo, kung ayaw niyong mag-sumbong ako sa homeroom na'tin." ani Richard dahilan para magsi-alisan ang lahat at bumalik sa kanya kanyang ginagawa. Ako naman e hinila na nina Rhian at Ashley para matigil na kami ni Colleen. Samantalang si Colleen at ang mga kaibigan niya naman e lumabas muna para magpalamig. Napabuntong hininga ako ng sobrang lalim habang tinatapik tapik ako ni Rhian sa braso. "Okay ka lang, Deyn?" tanong ni Rhian at tumango naman ako. "Deserved niya 'yong pagsabunot mo sa kanya kanina. Dapat lang 'yon sa kanya. Sumusobra na siya, e." sabat naman ni Ashley. Lumapit sakin si Callen bigla na parang may gustong sabihin. Tinaasan ko naman siya ng kilay na tila tinatanong kung bakit. "Alam mo, para matapos na 'to, kausapin mo na lang si Gab. 'Yon lang naman 'yon, e. Kailangan mo ng closure. Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin. At para na rin maliwanagan ka." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Callen. Sa ngayon kasi, parang ayokong harapin at kausapin si Gab. Baka kasi masaktan lang ako lalo kapag nilinaw niya sakin ni hindi na talaga ako ang mahal niya. "Tama si Callen. Alam naming kailangan mo ng closure." pagsang-ayon ni Rhian. Gusto ko sana silang tuskuhin ngayon dahil sa sinabing 'girlfriend' ni Callen kanina kaso lang wala ako sa mood para d'yan. Maybe, next time. "Oo nga." pagsang-ayon din ni Ashley. "Kausapin mo na lang siya. Kung si Colleen talaga ang mahal niya, edi okay. Nandito lang kami, tutulungan ka naming mag moved on." Napabuntong hininga na lang ako. Since tatlo silang sang-ayon na makausap ko si Gab, siguro wala namang masama kung kakausapin ko nga siya. "Pero ang tanong, paano ko siya makakausap?" tanong ko sa kanilang tatlo. "Ako ang bahala." sagot ni Rhian. "Pupuntahan ko siya sa room nila. Dito ka lang." tapos lumabas siya ng classroom at pumunta sa pinakadulong classroom which is 'yong classroom nina Gab. Naiwan naman kaming tatlo nina Ashley at Callen. That time, tatlo na lang kami sa Classroom kasi nagsi-alisan na mga ka-klase namin para umuwi na. Sina Colleen naman e 'di na bumalik. No'ng lumabas kasi sila kanina e dala na nila mga bag nila. And I'm sure 'di na sila babalik dito kasi wala na silang gamit na babalikan dito. No'ng bumalik si Rhian kasama na niya si Gab. That time, biglang lumakas kabog ng dibdib ko nang makita ko si Gab na nakasunod sa likod ni Rhian. Di ko alam kung papano siya na convince ni Rhian na kausapin ako ngayon. Pero 'di na importante 'yon. Dahil ang importante ay nandito siya ngayon. Bago pa man kami mag-usap ni Gab ay iniwan na kami nina Rhian sa classroom. Chat na lang daw ako mamaya sa kanila pag uwi ko. Paglabas nila, ang awkward kasi walang ni isang naunang magsalita samin ni Gab. Dati, hindi naman ganito ka awkward. Di ko naman na feel 'yong ganito kasi nasanay ako na lagi siyang nag a-adjust. Pero ngayon hindi na. Iba talaga kapag hindi na ikaw. Siguro mga halos mahigit isang minuto rin kaming tahimik lang hanggang sa ako na 'yong naunang magsalita. "Si Colleen. . . kayo na, diba?" nilingon niya ako pagkatapos kong itanong 'yon sa kanya at nagbigay ng maliit na tango. "Bakit gano'n, kayo na agad? E, kaka-break lang na'tin no'ng saturday." Gusto ko pa sanang idugtong ang 'hindi naman ako sumang-ayon sa break up. Bakit nagdesisyon kang mag-isa?' Hays. "Nasabi ko na sayo, nilinaw ko na. Pagod na ako sa relationship na'tin." sagot niya. "Ah, so sa'tin pagod ka na. Pero sa inyo ni Colleen, hindi?" sa inis ko ay napalakas boses ko pagkasabi ko no'n dahilan para matahimik si Gab. "Gab, anong nagawa kong mali? Sabihin mo, hindi ko kasi maintindihan, e. Hindi ko ma gets kung bakit bigla kang napagod." "Hindi mo rin kasi naiintindihan." halatang naiinis niyang sabi. "Tsaka, diba may something na sa inyo ng transferee na 'yon? Ba't 'di ka na lang sa kanya?"   Sinamaan ko siya ng tingin matapos malaman na parang pinagtutulakan niya ako kay Bright. "Bakit mo ba dinadamay si Bright dito? Wala siyang alam dito. Kung ano 'yong mga pinagsasasabi sa'yo ni Colleen wag mo siyang paniwalaan. Kasi sinisiraan lang niya ako sa'yo." pagpapaliwanag ko. Natahimik ako saglit habang pilit na kinakalma ang sarili. Hanggang sa magsalita ulit ako, "Pwede ba, makinig ka naman sakin. Wag kang makinig kay Colleen, kasi kilala mo naman siya diba? Niloko ka niya dati, hindi mo man lang ba naisip na kaya ka niyang lokohin ulit?" Napa iwas ng tingin si Gab at ibinaling niya 'yon sa labas ng bintana. Gusto kong hawakan 'yong mukha niya para iharap 'yon sakin sakin pero pinigilan ko ang sarili ko na gawin 'yon. Ayoko pang matapos ang usapan namin sa ganito. Kasi sa totoo lang, gusto kong magkaayos pa kami ni Gab. Gusto kong balikan niya ako kasi 'di ko kayang wala siya. Parang gusto ko nang maiyak sa harap niya pero pinipigilan ko lang kasi baka isipin niya na iyakain ako. Napatingin ako sa baba habang humuhugot ng lakas ng loob na magsalita. "Gab, pwede bang bumalik tayo sa dating tayo?" pagmamakaawa ko. Nilingon naman niya ako. Pero wala sa reaksyon niya na sumasang-ayon siya sa sinabi ko. "Please naman. Ako na lang, kaya din naman kitang mahalin. Sabihin mo lang kung kulang, pupunuin ko. Bumalik ka lang sakin." Umiling si Gab, "I'm sorry, Deyn. Pero mahal ko si Colleen." lumapit siya sakin at niyakap ako. Bigla akong naiyak kasi alam kong ito na 'yong huling beses na yakap niya ako. "Na fall out lang talaga ako. At na realized ko na si Colleen pa rin pala." nang bumitaw na siya sa yakap sakin ay tinapik niya ako sa balikat. Pero kinuha ko 'yong kamay niyang 'yon at hinawakan ng sobrang higpit. "Gab, sabihin mo, minahal mo ba ako?" Tinanong ko 'yon kasi gusto kong malaman kung minahal din ba niya ako sa loob ng tatlong buwan na naging kami o baka naman hindi siya sigurado at sinubukan lang niya akong mahalin. Tumango si Gab, "Dati." sagot niya. "Pero 'di na ngayon. Kasi si Colleen na ang mahal ko." Unti unti kong nabitawan ang kamay niya at dahan dahan akong umatras papalayo sa kanya. Kung 'yong naramdaman ko no'ng nakaraan e 'yong parang tinutusok ng karayom 'yong puso ko, ngayon hindi na basta karayom lang, kasi parang binabaril na 'yong puso ko sa sobrang sakit ng sinabi niya. Ang sakit palang marinig ang katotohanan. Lalo na 'yong bagay na alam mo pero hindi mo lang matanggap kaya ka nagkukunwareng bulag-bulagan at bingi-bingihan. Mas matatanggap ko pa kung sasabihin niyang mahal pa rin niya ako ngayon, pero mas mahal lang niya si Colleen. Hindi 'yong mahal lang niya ako dati pero na fall out siya at bigla niyang na realized na si Colleen pa pala talaga ang sinisigaw ng puso niya. Umalis si Gab at naiwan naman akong mag isa sa classroom. Sa totoo lang, parang gusto ko siyang habulin at sampalin para at least makaganti man lang ako sa ginawa niya. Nasaktan ako ng sobra at hindi ko alam kung papano ko malalagpasan itong pagiging broken ko. Nagulat ako nang may pumasok sa classroom. Sa isang pinto siya dumaan which is sa pinto kung saan nakatalikod ako kaya 'di ko nakita kung sino. At wala naman akong balak alamin kung sino 'yon kasi obvious naman na ka-klase ko 'yon na baka may naiwang gamit dito sa classroom kaya niya binalikan. Nagpunas ako ng luha at inayos ang sarili ko nang biglang magsalita 'yong ka-klase kong pumasok. "Late na ba ako?" Agad akong napalingon sa kanya no'ng marinig ko ang pamilyar niyang boses. "Bright?" gulat kong sabi. Napatingin amo sa sout niya, naka t-shirt na plain na kulay brown siya no'n tapos naka short na panglalake. Napatingin pa ako sa hawak niyang Zz plant na kung hindi ako nagkamali 'yon 'yong Zz plant na tinitinda sa pinuntahan namin tindahan ng mga halaman no'ng friday. "Anong ginagawa mo rito?" Abot hanggang tenga 'yong ngiti niya no'n samantalang ako e gulat na gulat nang makita siya rito. Lumapit siya sakin dala 'yong halaman niya. "Tinext ako ni Callen. May problema ka raw. Kaya pumunta ako rito." sagot niya at nilapag ang halamang dala niya sa ibabaw ng armchair ng upuan at umupo siya ro'n tapos pinalo niya 'yong puwet ng isang upuang katabi ng inuupuan niya sabay sabing, "Dito ka." Di naman ako nagdalawang isip at umupo na ako. Ang itsura ko pa naman ngayon e pinapaligiran ng pawis ang buong mukha at halatang kakagaling lang sa iyak. "Kanina ka pa ba nandito?" nahihiyang tanong ko sa kanya. Naisip ko kasi na baka kanina pa nga siya nandito pero 'di lang pumasok. At napatunayan 'yon nang tumango siya. "Actually, narinig ko usapan niyo. Sorry." Napayuko ako bigla nang maramdaman kong tutulo na naman 'yong mga luha ko. Kainis! Bakit ba kasi ang babaw nitong mga luha ko? Sa palda ko lang ako nakatingin no'n kasi ayokong makita niyang iiyak ako. Pero nagulat ako nang mag-offer siya sakin ng tissue na 'di ko alam kung saan niya kinuha o baka sadyang binaon niya kasi expected niya 'to? Agad ko namang kinuha 'yong tissue at nag thank you sa kanya. Sa totoo lang, 'di ko dapat kukunin 'to kaso lang 'di ako marunong tumanggi. Para bang, nahihiya ako kaya lagi na lang akong napapa-oo. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako ganito. Habang pinupunasan ko ang mga luha ko pinapakinggan ko siya sa mga sinasabi niya. "Wag kang mag habol sa taong 'di ikaw ang habol. Mahihirapan ka lang habulin siya. Lalo na't 'di na ikaw ang habol niya." Di ako makatingin sa kanya no'n kasi 'di ko alam kung ano sasabihin ko. "Kung alam mong 'di na ikaw, wag mo nang pilitin. Kasi ikaw lang din ang masasaktan, samantalang siya masaya na sa iba." dagdag pa niya. Narinig ko pang napabuntong hininga siya bago ulit nagsalita. "Alam mo, kung ayaw niyang makinig sa paliwanag mo, wag ka nang mag explain, kasi ibig sabihin no'n, hindi na talaga siya interesado sa'yo. Hindi dahil sa nagkamali ka or may nagawa ka kaya siya nagalit sa'yo. Kasi kung mahal ka niya, papakinggan ka niya, papaniwalaan ka niya at sa'yo lang siya papanig kahit ano pa ang sabihin ng iba. . . Pero dahil hindi na ikaw, wala na siyang pakialaman sa mga dahilan mo." Dahan dahan ko siyang nilingon. Nakakabilib 'yong mga sinasabi niya. Kumbaga, parang nasasabi ko na itong lalakeng 'to e baka naranasan na rin ang mga ganitong klaseng problema sa love at ang galing niya sa mga sinasabi niya. Para bang expert na siya sa mga ganito. Siguro grabe 'yong napagdaanan niya sa past life niya kaya siya ganito. Ewan ko ba. "Uy, okay ka lang?" sabi ko nang mapagtanto kong ang seryoso niya. Tipong parang siya pa 'tong nasa posisyon ko. "Iniisip lang kita." sagot niya. "Worried ako sayo. Isa pa, naiinis kasi ako kapag may mga ganito akong na e-encounter."   Biglang gumaan pakiramdam ko pagkatapos niya sabihin 'yon. Di ko alam kung bakit pero nakakagaan pala sa pakiramdam kapag alam mong may taong iniisip ka at nag aalala sayo, 'no? Pero bakit parang ang OA naman yata nitong si Bright? Pinuntahan pa talaga ako rito dahil lang sa tinext siya ni Callen samantalang absent siya kanina sa klase. Di ko tuloy napigilan sarili ko at napatanong ako sa kanya kung bakit siya absent kanina. E, mukhang wala naman siyang sakit. "Ba't absent ka kanina?" Alam kong ang random ng tanong ko. Pero ngumiti siya bigla. Tipong parang tinutukso ako. "O? Na miss mo'ko?" sabi niya na may panunuskong tono. Napa irap naman agad ako. "Kainis ka. Seryoso ako." "Sorry na. Ito naman, 'di mabiro." tapos nag seryoso siya, "May pinuntahan kami ng family ko. Alas tres na kami nakauwi. Tapos biglang text sakin si Callen." "Kaya pinuntahan mo ako agad dito?" "Ay hindi, si Callen." sarcastic niyang sabi kaya inirapan ko ulit siya. Tapos tumawa siya sabay sabing, "Oo na, ikaw na pinuntahan ko. Ano, masaya ka na?" Sa totoo lang, napangiti ako bigla. Maliit na ngiti lang kasi sinusubukan kong wag ngumiti ng tudo baka lumaki ulo ng isang 'to. Bigla siyang tumayo at binigay sakin 'yong Zz plant, "O, regalo ko sayo. Bagong aalagaan kapalit do'n sa bigay sa'yo ng Ex mo." Napatingin ako sa Zz plant. Na excite tuloy akong alagaan 'to. "Binili mo talaga 'to para sakin?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango siya, "Pansin ko kasi na parang gusto mong bilhin 'to no'ng nando'n tayo. Kaya naisip ko na bilhin na lang para sayo." 'Yong kaninang nagpipigil na ngiti e biglang 'di ko napigilan at umabot na hanggang tenga dahil sa tuwa. "Wag kang mag alala, low maintenance lang 'yan. Sakto 'yan sa kagaya mong nakakalimot magdilig ng halaman." Binigyan ko siya ng sarcastic na ngiti matapos niyang sabihin 'yon sabay sabing, "Wow, ha! Pero thank you!" "Wala 'yon. Sana maka move on ka na rin d'yan sa walang puso mong Ex." Natawa ako sa sinabi niya. "Uy, ang harsh mo. May puso rin 'yon." "Ito naman. Ang defensive. Kaya hirap kang maka move on, e." Tama siya. Mahihirapan talaga akong maka move on. Ni 'di ko nga alam kung kakayanin ko bang makita sila ni Colleen lagi na magkasama. Baka ikamatay ng puso ko 'yon. Napayuko ako bigla, "Hindi ko alam kung kakayanin kong mag move on. Kung pwede lang sanang utusan ang puso, siguro nagawa ko na ngayon." Hinawakan ko 'yong pot na kulay puti ng Zz plant habang nakatitig lang do'n. "Ang unfair 'no? bakit ba kasi sa huli hindi na parehas ang nararamdaman ng puso ng dalawang tao? Tipong, sabay naman kayong na inlove, parehas ang tinitibok ng puso niyo, pero bakit may isang napapagod? May nawawalan ng feelings at biglang fall out? Tipong siya pa 'yong gusto ng puso mo pero 'yong puso niya iba na ang gusto." Hindi siya nakapagsalita no'n. Isang malalim na buntong hininga na lang ang ginawa ko at nilingon siya. "Ikaw, ano sa tingin mo?" Tapos nakita kong parang 'di niya inexpect na itatanong ko 'yon sa kanya. Pero wala siyang choice kundi ang sagutin ang tanong ko. Napalunok muna siya bago nagsalita. "Hindi ko alam." sagot niya. "Basta, ang alam ko lang, ibang klase ang mga babaeng gaya mo." Hindi ko naintindihan 'yong sinabi niya. Ang random kasi kaya napatanong ako kung anong ibig niyang sabihin. "Anong ibig mong sabihin?" "Ang mga babaeng kagaya mo, malalambot ang puso tapos napaka sensitive. Kumbaga, binibigay niyo lahat ng tiwala at pagmamahal niyo sa isang tao. Grabe kayo kung magmahal, pero grabe rin kung masaktan." tapos napakamot siya sa ulo niya sabay sabing, "Di gaya ng ibang mga babaeng kayang i-handle ang sarili kapag na sangkot sa break up." Natameme lang ako sa kanya habang pinapakinggan siya sa sinasabi niya. Sa totoo lang, nakakabilib siya kasi may sense ang mga sinasabi niya. Siya lang ang kilala kong ganito. Napatingin ako sa buong mukha niya. Do'n ko na realize na cute pala siya kung titigan ng maigi. Na attract ako  sa mapuputi niyang ngipin kapag nagsasalita siya. Lalo na 'yong dalawa sa gitna na parang bunny. Ang cute lang. No'ng time na 'yon, may tinanong siya sakin. Pero 'di ko narinig kung ano 'yon kasi naka focus ako sa dalawang ngipin niyang nasa gitna. Hindi ko na rin pinaulit sa kanya 'yong tanong niya kasi baka sabihin niyang 'di ako nakikinig sa sinasabi niya kahit na nakatitig ako sa mukha niya. Kaya ang ginawa ko na lang e ang tumango kahit na 'di ko alam kung ano 'yong tanong niya. Basta, tumango lang ako. Tapos tinapik niya ako sa braso sabay sabing, "If you don't have anyone else, remember you have yourself." Tapos nagpaalam na siya sakin kasi marami pa raw siyang gagawin sa bahay nila. Tumango lang ako sa kanya as a sign of 'okay'. Pero bago siya umalis palabas ng pinto e nilingon muna niya ako. Nando'n na siya sa mismong pinto no'n na tila pa alis na pero sadyang tumigil dahil lang sa may sasabihin siya sakin. Basta, para lang akong nanigas no'n at 'di alam ang naramdaman no'ng sinabi niyang, "Basta, kung kailangan mo ng fake boyfriend para maka move on, nandito lang ako."

 

 

Chapter 5 Misunderstanding

Kinaumagahan, alas siyete ng umaga na ako nagising. Medyo masama pakiramdam ko ngayon at nawalan ako ng ganang pumasok ngayong araw. Bumangon ako at chineck kung may message ako galing kay Gab, pero nakalimutan kong break na pala kami at malamang 'di na ako ko-kontakin no'n. Nilapag ko ang cellphone ko at humiga ulit sa kama nang bigla kong maisipang istalk 'yong fb account niya. Pero nagsisi ako dahil ginawa ko pa 'yon kung ito lang rin naman pala ang makikita ko, Gab Montero is in a Relationship with Colleen Trinidad Nainis ako bigla. Pero hindi ko pa rin tinigilan at ini-stalk ko pa rin siya. Kainis 'no, 'yong feeling na alam na'ting masasaktan tayo pero tinutuloy pa rin na'tin. Ang tanga. Nag upload siya ng picture nilang dalawa ni Colleen na may caption na "My one and only" ang daming likes  at comment no'n. Nagbasa pa ako ng mga comments at kainis lang kasi puro lahat sila sinasabing bagay daw sila ni Colleen. Nag-scroll ulit ako hanggang sa nakita ko ang post niya no'ng friday pa na sinasabi niyang "Hindi na ikaw." Di ko alam pero malakas ang kutob ko na ako ang tinutukoy niya sa post niyang 'yan. Ang weird lang kasi ngayon ko lang nakita itong post niya. Nag scroll ulit ako hanggang sa nakita ko ang kasunod niyang post na "I'm tired." pagkabasa ko no'n, bigla kong naalala 'yong sinasabi niya sakin na pagod na raw siya. Habang iniisip ko lahat ng 'yon, 'di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Mag e-emote pa sana ako nang biglang tumatawag sakin si Rhian. Nagpunas muna ako ng luha bago ko sinagot 'yong tawag niya. "Hello, Rhian." "Nasan ka? Di ka ba papasok?" "Wala ako sa mood." "Uy, tungkol ba sa nangyare kahapon?" "Gusto ko munang mapag-isa ngayon. Papasok na lang ako kapag naka move on na ako sa kanya." "Baliw!" sigaw ni Ashley sa kabilang linya. Do'n ko nalaman na naka loud speak pala ako ro'n. "Baka tapos na school year bago ka maka move on." Tapos narinig ko boses ni Callen na sinasabing, "Mag move on ka na." "Pano ba mag move on?" tanong ko sa kanilang tatlo. "Maghanap ka ng iba." rinig kong sagot ni Ashley. "Maghanap ka ng bagay na ma tu-turn off ka sa kanya. Nang sa gano'n ay mawala na 'yang natitira mong feelings." sagot naman ni Rhian. "Mag research ka." sagot naman ni Callen. Parang gusto kong matawa sa mga pinagsasasabi nila. Pero huling tumatak sakin e 'yong sinabi ni Callen. "Oo na. Sige na. Bye na muna." sabi ko at tsaka nila ako binabaan. Bumangon ako at nag research ng 'How to move on' sa internet at nagbabakasakali na may makuha akong sagot. Ang mga lumabas no'n ay cut off all communication, forget the past, forgive him at 'yong pinaka last e avoid getting back together. Jusko naman, hindi ko alam kung magagawa ko itong mga 'to. Ang hirap e. Siguro madali siyang sabihin pero kung gagawin? Ewan ko na lang. Di ako tumigil sa pag re-research nang biglang tumawag sakin si Bright. Nainis ako kasi na istorbo ako sa ginagawa ko pero sinagot ko pa rin 'yon. "Uy, ano ba?" "Busy?" "Nag-aaral ako." "Ng?" Natahimik ako saglit. Bakit ko ba sinabing nag-aaral ako? E, una sa lahat, hindi naman ako nag-aaral tapos absent nga ako ngayon, e. Siguro kasi pinag aaralan ko ngayon 'yong ways ng how to move on kaya ko na sabi 'yon. Hays. Di lang puso apektado sakin, pati utak. "Ng mga ways on how to move on." Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya pagkatapos. "Hala, anyare sa'yo? Absent ka sa mismong klase pero 'yong ways on how to move on e pinag-aaralan mo?" "Ewan ko sayo. Bakit ka ba kasi tumawag, ha?" "Itatanong ko lang kung bakit ka absent." "Absent ka nga rin kahapon, tinanong ba kita?" "Oo." "Sira!" "Nagtanong ka." "Sabi ko nga." "So bakit ka nga absent?" "I need time for myself. Tsaka pinag-aaralan ko kung papano ko makakalimutan ang walang hiya kong Ex na pinagpalit ako sa numero unong kaaway ko." "Naks! Ways how to move on? Simple lang 'yan." "Wow ah! Sige nga. Sabihin mo kung paano." "Just spend time with someone." "Ha? Pinagsasasabi mo?" "Pwede 'yan. Nang sa gano'n ay makalimutan mo 'yong taong gusto mong kalimutan." Napa-irap ako. "What if hindi effective?" "Effective 'yan." "Hindi ako naniniwala." "Tsk. Asan ka ba? Puntahan na kaya kita." "Nasa bahay ako." "Puntahan kita d'yan." "As if naman alam mo kung nasaan 'yong bahay namin. Bahala ka nga d'yan." May sasabihin pa sana siya no'n nang bigla ko siyang babaan. Bumalik ako sa paghiga at nagsimulang ipikit ang mga mata nang bigla kong naisip na baka totoong puntahan nga niya ako rito. Kinabahan ako bigla kasi baka tanungin niya kay Callen 'yong address ng bahay. E, bawal pa naman ako magpapunta ng bisita dito lalo na kapag lakake. Baka mapagkamalan pang boyfriend ko 'yon o ano. Kaya ayon, kinabahan ako buong magdamag. Pero buti na lang at hindi siya nagpunta rito.                               *** No'ng sumunod na araw, pumasok na ako. Nasa canteen kami habang nag uusap-usap nina Rhian nang tuksuhin nila ako kay Bright. Nalaman kasi nila kay Callen na pinuntahan ako ni Bright no'ng isang araw. Kaya ayon, nagulat silang dalawa ni Ashley at tinukso na lang ako bigla. Sinabi ko rin sa kanila na binigyan niya ako ng halaman. Pero 'yong tungkol do'n sa huling sinabi niya bago siya umalis, hindi ko na sinabi. Kasi hindi naman bigdeal 'yon. Malay ko ba na nagbibiro lang pala siya no'ng sinabi niya 'yon. Kaya hindi ko na masyadong inisip 'yon at para na rin iwas awkward. "Baka may crush sa'yo 'yong transferee. Yiiee." panunukso ni Rhian habang tinutusok tusok ako sa tagiliran. Lumayo ako ng kunti kasi nakikiliti ako sa ginawa niya. "Uy, hindi naman siguro gano'n 'yon." sabi ko sa kanila. "Anong hindi, e, pinuntahan ka nga mismo." sabat naman ni Ashley na patuloy pa rin sa panunukso sakin. "Hindi kami mag-iisip ng kakaiba kung pumasok siya kahapon." tapos napa sip siya sa orange juice niya bago ulit nagsalita, "Pero absent kasi siya kahapon, tapos biglang pupunta sa school para lang i-check ka. Parang 'di na normal 'yon, e." Natahimik ako bigla. Actually, hindi ko rin alam kung bakit pinuntahan niya ako. Hindi naman kami gano'n ka closes para puntahan ako nang dahil lang sa nalaman niyang may problema ako. Ang weird niya. Napatingin ako kay Callen na kasabwat din ni Ashley at Rhian sa panunukso sakin kay Bright. "Ano ba kasi tinext mo sa kanya at biglang nagpunta siya sa school?" tanong ko kay Callen na nakangiti sakin habang nginunguya 'yong pagkain niya. "E, siya kasi nanguna." sagot niya. Tapos nilunok muna niya 'yong kinakain niya bago nagpatuloy sa pagsasalita, "Kinakamusta ka niya sa'kin. Tapos ayon, sinabi kong may problema ka. Hindi ko siya sasabihan nang gano'n kung 'di ka niya tinatanong sa'kin." Natahimik ako sa sinabi ni Callen gano'n din sina Rhian at Ashley. Medyo naguluhan ako kasi akala ko si Callen mismo nanguna mag-text sa kanya. Pero 'yong nalaman ko na kinakamusta niya ako kay Callen, ano 'yon? Ano ibig sabihin no'n? "Uuyyy." panunukso ni Ashley. "Sabi ko na mga ba, may feelings siya sa'yo!" "Oo nga!" pagsang-ayon ni Rhian. "Akalain mo 'yon, kinakamusta ka niya. Mukhang na miss ka niya yata." Impossible 'yong sinabi ni Rhian. Feeling ko hindi talaga ako 'yong kinakamusta no'n. Umiling ako sa kanila, "Baka 'yong activity namin 'yong kinakamusta niya at hindi talaga ako. Wag kayong assuming, okay?" Natahimik silang tatlo no'ng ma realize 'yong sinabi ko. Alam kong may point naman 'yong sinabi ko. Pero parang hindi — kasi bigla kong naalala na bumili pa siya ng halaman para lang i-regalo sakin. Like, para saan naman 'yong regalo na 'yon? Hindi ko naman birthday o ano. Argg! Bakit ba ako nag o-overthink? Malay ko ba na naisip lang ng tao na bigyan ako ng regalo? "Pero Deyn, mas boto ako kay Bright. Mukha naman siyang mabait." dagdag pa ni Ashley. Tama si Ashley. Mabait nga siya. Pero wala naman akong gusto sa kanya. Isa pa, hindi pa ako nakapag move on kay Gab. Hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya. No'ng lunch time, sabay kong kumain ulit sa canteen sina Rhian, si Callen kasi umuuwi siya at gano'n din si Bright. Saktong kakatapos ko lang kumain ng lunch no'n nang bigla akong makatanggap ng message galing kay Bright sa messenger. Bright Navales   active now• Nasan ka? Busy ka ba? Kailangan ko ng tulong mo. Pwede ka bang pumunta rito? Matapos kong basahin ang message niya ay nagtaka ako sa mga sinasabi niya. Di ko alam kung bakit kailangan niya ng tulong ko ngayon at kung ano ba meron. Medyo nag-alala ako kasi baka emergency 'to baka kailangan talaga niya ng tulong ko kaya nag reply ako. Danielle Legaspi ;   active now• Nasan ka? Bright Navales    active now• Nasa main gate ako. Di ako makapasok. Tulungan mo'ko. Sinara ko 'yong lunchbox ko at biglang tumayo. Kumakain pa sina Rhian at Ashley no'n at hindi ko namalayan na nagulat ko sila no'ng sinara ko ng malakas 'yong lunchbox ko dahil sa nagmamadali akong puntahan si Bright sa main gate nang tanungin nila ako kung saan ako pupunta. "CR lang ako." pagsisinungaling ko. Ewan ko ba kung bakit 'di ko sinabi sa kanila ang totoo. Siguro dahil para iwasan na nila kakatukso sakin at kay Bright. "Okay." sagot nila pareho. Pagkatapos no'n e biglang takbo na ako palabas ng canteen hanggang sa makarating ako sa main gate. Ang una ko pang inisip no'n e baka hindi siya makapasok dahil nakalimutan niya 'yong school ID niya. Pero mali pala ako. Kasi may nakikita akong babaeng kinakausap siya. Hindi siya taga rito sa school kasi ibang uniform ang suot niya. At sa tingin ko, uniform ito ng mga nag-aaral sa dating school ni Bright bago siya lumipat dito. Hmm... Mag ano kaya 'tong dalawang 'to? At bakit ako pinapunta ni Bright dito? Anong gagawin ko? No'ng makarating ako sa kinatatayuan nilang dalawa pareho silang napatingin sakin. E, hindi ko alam ang gagawin ko no'n kasi wala akong alam sa nangyayare kaya medyo awkward 'yon. Pero nang tumabi sakin si Bright, nakita kong sumimangot 'yong mukha ng babae. Kung ide-describe ko itsura niya, makapal ang pilik mata niya, 'yon ang pinaka attractive sa kanya. Matangos ang ilong niya tapos morena siya. Overall, maganda siya. Isa lang 'yong hindi ko nagustuhan sa kanya kundi 'yong buhok niya. Kulot kasi siya. Pero bawi naman sa itsura kasi maganda talaga siya. "So is she your girlfriend?" tanong niya kay Bright habang nakaturo sakin. Gulat ko namang nilingon si Bright no'ng umoo siya. Napatanong na lang ako ng 'Ha? Anong kalokohan naman 'to? Bakit bigla na lang akong naging girlfriend ni Bright?' sa isip ko dahil sa sobrang gulat. Napa-laki na lang ang mga mata ko habang nakatitig kay Bright at sa babaeng kausap niya ngayon na nasa harap namin. "But you're friend told me na wala ka pang shota." dagdag pa ng babae. Nakaka bakla 'yong term niya, ah. Shota talaga? Tsaka, ano ba 'to? Bakit nag ta-taglish siya? Tsaka may accent pa talaga. Ang arte tuloy pakinggan.   "Meron." sagot naman ni Bright. Sumimangot ulit 'yong babae tsaka napatingin sakin sabay tanong ng, "So when are you guys started dating?" Napa 'ha' na lang ako sa hindi alam ang isasagot. Sa totoo lang, wala na dapat akong balak na sagutin 'yong tanong niyang 'yon. Kaso nakatingin siya sakin na tila hinihintay ang sagot ko kaya naman napatingin ako kay Bright at binigyan siya ng tingin na parang sinasabing 'Ikaw sumagot, ikaw may pakana nito, e'. "No'ng Monday lang." sagot ni Birght. Napabuntong hininga naman ako pagkatapos. Pero hindi pa nagtatapos do'n ang lahat kasi may kasunod pa ang tanong niya. "Monday? Really?" parang 'di makapaniwala niyang sabi. "But I thought 'di ka pumasok no'ng monday." Napakamot si Bright sa ulo niya na halatang na badtrip dito sa babaeng kaharap namin. Kahit ako na ba-badtrip din ako sa kanya. Ang dami niyang tanong. Sino ba 'to? At kaano-ano ba niya si Bright? "Wala ka na ro'n, Gen. Samin na lang 'yon." sagot ni Bright, halatang naiinis. Napatingin sakin 'yong babae kaya umiwas ako. "I don't believe you guys. I think you're not dating." pa iling iling niyang sabi habang nakatingin samin pareho ni Bright. Tapos lumapit siya kay Bright at humawak sa braso ni Bright, "please, tell me that you're not dating." pagmamakaawa niya. "She's not your girlfriend, right?" tanong pa niya sabay tingin sakin. Napa iling na lang ako sa nangyayare. Ano ba kasing meron at nadamay ako dito sa madrama nilang buhay. Di ko tuloy alam gagawin ko. Napatingin sakin si Bright. Alam ko na sa mga tingin niyang 'yon ay nakikiusap siya sakin na tulungan ko siya para tumigil na itong babaeng 'to. Wala naman akong magawa kundi ang tulungan siya since may utang na loob ako sa kanya. Oo, kinunsider ko na utang na loob 'yong pinuntahan niya ako kahapon. Ewan ko nga ba kung bakit. Huminga ako ng malalim at hinawakan 'yong kabilang braso ni Bright at hinila siya papunta sakin dahilan para bumitaw 'yong babaeng 'to sa paghawak sa braso ni Bright.  "Excuse me," napatingin siya sakin, "Pwede bang lumayo ka kahit isang kilometro sa boyfriend ko? Masyado ka kasing madikit." Nakita kong medyo nagtaray bigla 'yong mukha ng babae na para bang sinasabi niya sa isip niya na ang suplada ko. "See? Girlfriend ko siya." sabat ni Bright habang nakatitig sa babae na hindi ko alam kung ano pangalan. "Selosa itong girlfriend ko at ayaw niyang may mga babaeng dumidikit at bumubuntot sakin. Kaya kung pwede sana wag mo na akong susundan hanggang dito sa school ko." Hindi nakapagsalita 'yong babae sa sinabi ni Bright pero halata sa itsura niya na hindi niya matanggap 'yong sinabi ni Bright na wala naman talagang katotohanan. "Uy, Bro!" Napalingon kaming tatlo sa kabilang kalsada nang may sumigaw. Nakita ko 'yong dalawang lalake na tumawid tapos deretchong lumapit sa kinatatayuan naming tatlo at nakipag apir kay Bright. Siguro ito 'yong sinasabi niyang dalawang kaibigan niya na nag transfer din dito. 'Yong isa e matangkad na moreno tapos 'yong isa naman maputi at sobrang linis tingnan. Tapos napatingin silang dalawa sa babaeng may gusto kay Bright. "Uy, Genevieve, anong ginagawa mo rito?" gulat na sabi ng isa sa mga kaibigan ni Bright. Kung gano'n, magkakilala nga sila. Magka-klase siguro sila last year. "Pinuntahan ko lang si Bright." sagot ni Genevieve. "Sabi niyo sakin wala pa siyang girlfriend." aniya sa dalawa. "E, wala naman talaga." sagot ng isang kaibigan ni Bright. "If wala siyang girlfriend, sino siya?" tanong ni Genevieve sa kanila sabay turo sakin. Agad namang napalingon sakin 'yong dalawa niyang kaibigan tsaka napatingin kay Bright. "Bro," tawag ng isang kaibigan ni Bright na 'di ko alam pangalan. "Girlfriend mo?" Hindi na nakapag explain si Bright sa mga kaibigan niya since nandito si Genevieve kaya napa-oo na lang siya. Kita kong binigyan nilang dalawa ng panunuksong tingin si Bright matapos niyang um-oo. "Woah! Grabe! Akala ko ba pag-aaral u-unahin na'tin? Bakit bigla kang nagka-girlfriend? Ang unfair mo, bro!" ani ng matangkad na moreno niyang kaibigan. "Sira!" sabi Bright sa kanila. "Magsi-alis na nga kayo!" dagdag pa niya pero itong dalawang kaibigan niya e 'di siya tinigilan. Tapos umakbay sa kanya 'yong kaibigan niyang ubod ng puti na animo'y nakalaklak ng gluta sabay sabing, "Hanapan mo rin ako bro! Meron ba sa section ninyo?" Inalis ni Bright 'yong akbay niya, "Wala na. Manahimik kayo." "Uy, pakilala mo naman kami sa girlfriend mo." sabi naman ng kaibigan niyang moreno. Nakita ko namang na badtrip si Bright kasi nga wala namang katotohanan itong girlfriend-girlfriend na 'to. Pero dahil nandito pa si Genevieve e pinakilala na ako ni Bright sa mga kaibigan niya. "Ito si Ian." sabi ni Bright habang nakaturo sa kaibigan niyang moreno. "Tapos ito naman si Shawn." sabay turo sa maputi niyang kaibigan. "Mga kaibigan ko sila at ka-klase last year." Tapos humarap siya sa mga kaibigan niya sabay sabing, "Si Danielle," mga mahigit tatlong segundo bago niya dinugtong ang, "girlfriend ko." Ngumiti naman ako sa mga kaibigan niya na animo'y feel na feel kong girlfriend niya ako. "Hi, Danielle! Nice to meet you!" sabi ni Shawn. "Hello." sabi ko na may kasamang wave pa. "Hi, ganda mo." ani naman ni Ian at natawa naman ako. "Hoy, taken na 'yan ng tropa na'tin." sita sa kanya ni Shawn at natawa kaming lahat maliban kay Genevieve. Narinig naming bumuntong hininga siya ng sobrang lalim kaya napalingon kami sa kanya. "Maybe, i should go back here na lang kapag break na kayo." ani Genevieve at biglang nag-walk out. "Luh! Anong nangyare do'n?" tanong ni Ian habang nakatitig kay Genevieve na naglalakad pa alis. Tapos itong dalawang tropa ni Bright e nagpaalam na. Mag e-explain pa sana si Bright sa kanila na hindi talaga niya ako girlfriend since umalis na si Genevieve pero nagsi-takbuhan na sila kasi may klase sila 12:30 samantalang kami e 1:00pm pa. Nagkatinginan na lang kami ni Bright pagkatapos. Walang ka rea-reaksyon ang mukha ko samantalang siya e nakangiti. "O? Ba't ka nakangiti?" "Wala lang." nakangiting sagot niya. "Thanks ah!" "Ano ba kasi meron?" "'Yong babae kanina si Genevieve 'yon. Magka-klase kami last year at may gusto siya sakin." pagpapaliwanag niya. "Inabangan niya ako rito kasi gusto niya akong makausap. Tapos pinagpipilitan pa niyang gustuhin ko raw siya. Ayaw niya akong tantanan kaya naisip ko na i-chat ka." Dahil do'n, naliwanagan ako sa totoong nangyayare. Pero bakit nga ba hindi siya gusto ni Bright? "Bakit 'di mo siya gusto?" tanong ko. "Maganda naman siya, ah. Buhok lang problema. Pero maganda siya." "Ito naman, makapanlait, e—"   "Uy, 'di ako nanlalait, okay." paglilinaw ko. "Maganda siya, promise." Natahimik si Bright at napabuntong hininga tsaka sinagot 'yong tanong ko. "Di ko siya gusto. At wala talaga akong feelings sa kanya kahit kunti." seryosong sagot niya. "Kung gano'n, hindi kita masisisi."  Naapabuntong hininga ako ng sobrang lalim nang maalala ko si Gab. Feeling ko tuloy e ako 'yong nasa posisyon ni Genevieve na nagmamakaawa kay Bright na gustuhin rin siya. Napa self reflect tuloy ako ng wala sa oras. "Pero ang saklap niyo naman. Bakit ba kasi kayong mga lalake e ang dali lang para sa inyo na sabihing wala kayong gusto sa isang babae? I mean, hindi niyo man lang ba pag iisipan muna ang sasabihin niyo? Hindi niyo rin ba naiisip na baka masaktan niyo ang isang tao kapag sinabi niyo 'yon?" Lumapit sakin si Bright at pinatong niya 'yong palad niya sa ulo ko, "Nagiging honest lang kami." sagot niya tsaka tinanggal 'yong palad niya sa ulo ko at napatingin sa ibang lugar. "I'm sure, gano'n rin sa'yo 'yong Ex mo." Ang saklap. Bakit ba alam na alam ng isang 'to ang kung anong nasa isip ko? Kainis. Sinusubukan ko ngang wag isipin 'yon pero sinabi pa rin niya. "Uy, kainis ka. Bawiin mo nga 'yan." "Ayoko." sagot niya. "Kaya nahihirapan kang mag move on. Dine-deny mo lahat sa utak mo." Natahimik ako, ewan ko ba. Pero parang tama siya. Ayoko lang talaga aminin. Hays. "Bahala na. Basta, sabihin mo sa mga tropa mo na 'di mo'ko girlfriend para 'di nila ma misunderstood." sabi ko at naunang pumasok sa gate. Pagdating namin sa classroom, pinagtitinginan kami nina Rhian at Ashley habang binibigyan ng panunuksong tingin. Sakto kasing sabay kami ni Bright pumasok no'n at baka iniisip nila na pinuntahan ko siya pagkatapos kong magpaalam para mag CR kanina. Lumapit ako sa kanila at nagkunwareng parang walang nangyare. Umupo ako sa upuan ko at nagbukas ng notebook. Kunware e nasa mood ako ngayon para mag-aral pero itong dalawang 'to e ayaw akong tantanan. "Akala ko ba mag c-cr ka lang. Ba't sabay kayong pumasok?" tanong ni Rhian na halatang may panunuksong boses. "Na timingan lang." sagot ko nang hindi nakatingin sa kanya. Actually, napapa-isip din ako kung bakit nagsisinungaling ako sa kanila. Na kung bakit parang ayaw kong i-kuwento 'yong tungkol sa nangyare a while ago. Wala namang masama kung i-kuwento ko na nagpanggap akong girlfriend ni Bright infront of Genevieve na dead na dead sa kanya pero ewan, parang ayaw ng kaluluwa kong i-kuwento 'yon sa kanila kasi baka tusksuhin lang nila ako nang tuksuhin. No'ng sumunod na araw, nagpunta kaming Gym para sa PE class namin. Nakapagpalit na rin kami ng PE uniform. Nauna kami ni Rhian kasi nag CR pa si Ashley. Habang naglalakad kami patungo sa Gym, natigilan ako nang mapagtanto kong may natitira pang ibang students sa Gym. Alam kong section 'yon nina Gab kasi naunang subject nila 'yong PE at kasunod kami sa kanila at kainis lang kasi nando'n pa sila kahit na tapos na 'yong klase nila at nagliligpit na lang sila ng mga gamit nila. Napabuntong hininga ako sabay sabi sa isip ko ng 'sana pala nagpa-late ako ng kahit limang minuto bago pumunta rito. Di ko sana sila naabutan'. Ang nakakainis lang do'n dahil itong si Colleen e talagang tumakbo patungo kay Gab at niyakap ito. Nabangga pa niya ako no'ng tumatakbo siya at hindi man lang ako nilingon para makapag-sorry. Umiwas ako ng tingin at ibinaling 'yon sa ibang lugar. Alam ko kasi na sinadyang yakapin ni Colleen si Gab para paselosin ako. Nagkunware akong wala akong may nakikita kahit na deep inside ang sakit sakit na. "Deyn, gusto mong umalis muna dito?" tanong sakin ni Rhian. "Mukhang nananadya, e." dagdag pa niya. Umiling naman ako at ngumiti para ipakitang okay lang ako at 'di niya kailangan mag-alala. "Omg, what's this!" rinig kong sabi ni Colleen dahilan para mapatingin ako sa gawi nila. Nakita kong hawak niya 'yong kamay ni Gab no'n habang nakatingin sa couple bracelet namin ni Gab na hindi ko alam na suot pa rin pala niya hanggang ngayon. Actually, suot ko pa rin naman 'yong sakin, ako bumili nito para samin. At 'di ko na naisipang tanggalin kasi parang nasanay na 'yong kamay ko na may suot na bracelet. Nakita kong may sinabi ni Gab no'n pero 'di ko narinig. Masyadong mahina kasi boses niya no'n tapos gulat na lang ako nang biglang hinubad 'yon ni Colleen sa kamay niya at lumapit sa gawi namin dala 'yong bracelet at inilahad 'yon sakin sabay sabing, "Pinapabalik ni Gab." Napatingin ako sa bracelet, 'di ko alam kung kukunin ko 'yon o itatapon na lang. Napatingin ako sa gawi ni Gab na nakasunod kay Colleen papunta sa gawi namin bago ulit napatingin sa bracelet at kinuha 'yon kay Colleen nang walang sinabi. "Bigay mo na lang 'yan sa iba. Di kasi bagay sa boyfriend ko ang cheap bracelet." dagdag pa niya. That time, nasa tabi na niya si Gab na nakatitig lang sakin. Di ko alam kung anong mararamdaman ko habang nakatitig ako sa kanilang dalawa. Pero sa totoo lang, halo-halo ang nararamdaman ko. Galit ako sa kanila kasi pinagtaksilan nila ako, naiinis ako kasi nakikita kong mahal nila ang isa't isa, nalulungkot ako kasi 'di na akin si Gab, nasasaktan ako ngayong nakikitang magkasama sila at higit sa lahat nagseselos ako. Ayoko na sana magsalita kasi gusto kong manahimik na lang kasi wala ako sa mood na makipag-sagutan kay Colleen sa ngayon pero. . . "Uy, diba ikaw si Deyn?" Napalingon ako sa gilid. Do'n ko nakita si Shawn at Ian na nakaturo pa sakin habang magka-akbay. Di ko alam na nandito pa pala sila. At talagang nakalimutan kong magka-klase sila ni Gab. Pero ang pinaka worst do'n e 'di pa pala nasabi sa kanila ni Bright ang totoo na, "Girlfriend ng tropa namin! Ikaw nga!" sabat naman ni Ian na halatang natuwa kasi nakita nila ako for the second time. My gosh! Dahil sa lakas ng boses ni Ian e nag echo 'yon sa boung gym. At ewan ko na lang kasi nagsi-tahimik lahat ng mga nagiingay kanina at pakiramdam ko, nasa amin ang focus ng lahat ngayon. Napalingon ako sa kung saan habang hinahanap si Bright. Nagpa-panic na ako no'n kasi 'di ko alam ang gagawin ko. Kasi una sa lahat, kaharap ko sina Colleen at Gab, pangalawa hindi pa nasabi ni Bright sa dalawa niyang kaibigan na hindi talaga niya ako girlfriend, pangatlo alam kong na-missunderstood 'yon ng lahat, lalong lalo na ni Rhian. Hinahanap ko si Bright sa paligid pero wala pa siya. Siguro papunta pa lang 'yon dito sa gym. Jusko naman, kung kailan kailangan ko siya para may mag-explain dito sa dalawa niyang tropa e tsaka naman siya wala. "Wait, sino sila?" tanong ni Rhian habang nakatitig kina Ian at Shawn. "Kaibigan ni Bright." sagot ko habang nililibot ang paningin sa paligid para hanapin si Bright. Tapos itong si Shawn e biglang nagpakilala kay Rhian, "Hi, I'm Shawn. Kaibigan ni Bright." tapos nag offer siya ng kamay para makipag-shake hand. Nag shake hand silang dalawa ni Rhian pagkatapos. Ito namang si Ian e sarap lagyan ng scotch tape 'yong bibig. Talagang inulit pa 'yong salitang boyfriend habang tinatanong ako kung nasan si Bright. "Asan boyfriend mo? Gusto ko siyang makausap. Hihingi lang ako tips kung papano maka-bingwit ng magandang girlfriend." Nakita kong napalingon sakin si Rhian na gulat na gulat, "What? Girlfriend?" Gosh! This is just a misunderstanding! Di ko alam kung ano sasabihin ko sa kanya no'n kaya nag-isip muna ako. Pero too late kasi itong si Shawn e siya mismo sumagot kay Rhian. "Girlfriend siya ng tropa namin. Magkaibigan ba kayo? Bakit 'di mo alam?" Nakita ko ang gulat sa mukha ni Rhian no'ng marinig ang sinabi ni Shawn. Alam kong gulat na gulat siya pero mas nagulat yata si Gab? "I thought 'di mo siya Boyfriend?" naguguluhang sabi ni Gab. "Sinabi mong walang something sa inyo, diba?" Biglang lumakas kabog ng dibdib ko sa 'di malamang dahilan at para bang kinukutuban ako ngayon na parang nagseselos siya? Di lang ako gano'n ka sure pero the way kung papano siya ma-guluhan at kung papano siya mag react e halatang nagseselos nga siya. At ewan ko rin kung anong sumagi sa isip ko. Siguro dahil naisip ko lang na gumanti sa kanila kaya ko nasabing, "Mali ka, Gab." bumuntong hininga ako bago ko tinuloy ang sasabihin ko. "Kasi gusto ko na si Bright." dagdag ko pa. "Gusto namin ang isa't isa." Bahala na. Basta, gusto kong magselos siya. Ako na ang bahalang mag explain mamaya kay Rhian. Ang importante, ang makitang nagseselos si Gab. Nagtilian ang mga ka-klase kong makarinig sa sinabi ko. Kainis lang kasi akala ko busy silang lahat sa pag wa-warm up pero nagkamali ako kasi pati teacher namin sa PE e nakarinig no'ng sinabi ko. Ang pinaka worst, 'di ko napansing nasa likod ko na pala si Bright. At base sa gulat niyang itsura, Mukhang narinig niya 'yong sinabi ko.

 

 

Chapter 6 Deal

Agad-agad akong tumakbo ako papuntang CR at naghilamos ng mukha at napatitig sa salamin. "Baliw na yata ako." sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa salamin. Bakit ko pa kasi sinabing boyfriend ko siya? Narinig tuloy ng mga ka-klase ko at 'yong ibang mga nasa kabilang section. Jusko naman! Anong sumagi sa isip ko't sinabi ko agad 'yon nang hindi inaalam na baka may ibang makakarinig? Badtrip naman, o! Papano ko kakausapin si Bright ngayon e wala na akong mukhang maihaharap sa kanya dahil nag-imbento ako ng kuwento nang hindi man lang siya sinabihan?! Arg! Naghilamos ulit ako ng mukha tsaka nagpunas gamit 'yong panyo ko. Pagkatapos no'n e lumabas na ako ng banyo kasi may dalawang babaeng pumasok. Paglabas ko, saktong nakita ko si Bright na mukhang papunta sa may boy's CR. Nagkatinginan kami no'n at naisip kong kausapin siya ngayon mismo. Pero since may tao sa loob ng girl's CR, lumapit ako sa kanya at hinila siya patungo sa harap ng boy's CR kung saan walang tao para walang may makarinig ng usapan namin. "Teka, ba't mo'ko dinala rito?" nagtatakang tanong naman niya. "Gusto kitang makausap." sagot ko. Natahimik siya. Siguro iniisip niya ngayon na kaya ko siya gustong makausap tungkol do'n sa sinabi ko sa may gym kanina which is tungkol do'n naman talaga. Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita. "Hindi mo pa ba sinabi sa mga kaibigan mo na hindi mo talaga ako girlfriend?" Napakamot siya sa ulo niya na tila ngayon lang niya naalala 'yong tungkol do'n sabay sabing, "Oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin. Hindi na rin kasi kami nagkita-kita pagkatapos no'n, e." Kaya pala wala silang alam, e. "Sorry. Nakalimutan ko." dagdag pa niya. "Kaya mo ba sinabing boyfriend mo'ko kanina dahil sa kanila? Okay lang naman kahit aminin mong hindi mo'ko boyfriend kanina." Natahimik ako. Mali kasi siya. Kasi kaya ko sinabing boyfriend ko siya para malaman kung magseselos ba si Gab o hindi. Napapikit ako sabay sabing, "Sorry." tapos minulat ko ang mga mata ko tsaka ako nag explain, "Kasi ano, e. Nabigla ako kanina. Na pressure ako kasi nasa harap ko ang Ex ko at ang bago niya. Kaya ko sinabing boyfriend kita kasi. . . gusto kong malaman kung magseselos ba siya." pagpapaliwanag ko. Hindi siya nakapagsalita no'n, kaya na guilty ako kasi baka hindi niya nagustuhan 'yong ginawa ko kanina. "Sorry talaga. Sasabihin ko dapat 'yon sa kanila lang. Hindi ko naman in-expect na maririnig 'yon ng lahat." dagdag ko pa. "Di bale, sasabihin ko na lang sa kanilang lahat na 'di talaga kita boyfriend. Lalo na kay Rhian—" "Wag na." pigil niya. "Ha?" "Pag sinabi mo 'yon, mapapahiya ka lang sa Ex mo at sa bago niya." kumunot 'yong noo ko sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan. "Tingin mo, ano sa tingin mo ang iisipin niya kapag sinabi mong hindi mo talaga ako boyfriend at nagsinungaling ka kanina?" Napa-isip ako sa sinabi niya saglit at napakamot sa ulo sabay sabing, "Baka isipin niya na nag a-assume ako?" "Ano pa?" Nag isip ulit ako. "Na sinabi kong gusto kita kasi naiinggit ako sa relationship nila?" Tumango siya, "Tama, ano pa?" "Na nagseselos ako sa kanila?" sagot ko pa. "Meron pa." Meron pa? Ano naman kaya? Napa-isip ako saglit. Siguro mga ilang segundo bago ko sinabing, "Na para masabi kong may iba na ako?" Tapos pumitik siya sabay sabing, "Tama! 'yan nga 'yon." "Pero aminin man na'tin o hindi, gano'n pa rin naman 'yon. Hindi naman talaga kita boyfriend." Natahimik siya saglit na parang may ini-isip. Ako naman naghihintay lang sa sasabihin niya. "Edi, maglaro tayo." "Ha?" "Payag akong maging fake boyfriend mo hanggang sa maka move on ka." What?! Magsasalita sana ako kasi 'di ako sang-ayon sa sinabi niya pero inunahan niya ako. "Sabi ko nga sayo diba, para makalimutan mo siya, just spend time with someone." ngumiti siya sakin, "Walang totohanan, laro lang." Tahimik lang ako at pilit na iniintindi 'yong mga sinasabi niya sakin. "Kung pinapa-selos ka nila at kung nagseselos ka nga, gantihan mo. Ipakita mong naka-move on kana. Labanan mo 'yang natitirang feelings mo sa Ex mo hanggang sa mawala na. Nandito lang ako naka-support sayo. Handang mahalin ka, kahit laro-laro lang." tapos lumapit siya sakin at tinapik ako sa balikat at seryosong tinitigan, "You fight and I love. Ano, Deal?" Hindi ako sure kung effective itong plano niya. Pero sa ngayon kasi wala akong ibang maisip na plano. Actually, parang gusto ko na lang mag-aral nang mag-aral para makalimot ako pero tingin ko may point naman itong sinasabi ni Bright. So bakit 'di ko pa subukan, diba? Tumango ako sa kanya na may kasamang ngiti, "Deal!" Tapos nakipag-apir siya sakin at gano'n din ako. "Anong ginagawa niyo dito?" Napalingon kami sa dalawang lalakeng magbabanyo sana. Do'n ko nakitang si Shawn at Ian pala 'yon. Agad naman kaming bumitaw ng kamay ni Bright nang dumating silang dalawa at nagkunware na parang wala lang. "Sa harap talaga ng boys CR, bro?" tanong ni Ian na halatang inaasar si Bright. "Baliw! Nag usap lang kami." sagot naman ni Bright. Tapos tumabi sa kanya si Shawn, "Naks! Dito talaga? Sa dinami rami ng place para mag-usap, bro?" "Tumigil nga kayo." suway ni Bright. "Tigilan niyo 'yang mga maduduming ini-isip niyo." Umakbay sa kanya si Ian, "Akala ko ba ang goal na'tin e ma-maintain 'yong average na'tin this school year, bro? E, bakit busy ka sa pakikipag-date ha?" tanong sa kanya ni Ian pero 'di siya sinagot ni Bright. "Grabe, bro. Alam mo ba na sobrang nalungkot kami ni Ian no'ng nalaman namin na 'di ka namin ka-klase." sabi naman ni Shawn. "Naisip kasi namin na baka wala kang friends kasi 'di ka naman friendly." tapos napatingin sakin si Shawn, "Alam mo ba na hindi niya kinakausap 'yong mga taong 'di niya ka close lalo na kapag 'di siya kumportble sa taong 'yon." pagk-kuwento ni Shawn sakin. "Gulat kami ni Ian kasi nagka-girlfriend siya bigla." "Oo nga." pagsang-ayon ni Ian. "Mga baliw! Umalis na nga kayo. Nang-aasar lang kayo, e." sabat naman ni Bright na halatang na a-asar sa dalawa niyang kaibigan. Inalis ni Ian 'yong akbay niya kay Bright, "Next time, wag dito sa harap ng banyo. Do'n kayo mag usap sa mga matataong lugar kung ayaw niyong mapag-isipan ng kakaiba." tapos nag apir si Ian at Shawn at tsaka ngumisi bago pumasok ng banyo. Kami naman ni Bright e nagkatitigan lang. Ang awkward no'n kaya nagpaalam na ako sa kanya na umalis at bumalik ng gym. Pagbalik ko sa Gym, nando'n na si Ahsley na nag CR kanina kaya hindi updated sa nangyare. Kaya ayon, si Rhian na mismo ang nag-kuwento sa kanya tungkol sa sinabi kong boyfriend ko si Bright infront of Gab and Colleen. Sasabihin ko sana sa kanila ang totoo na hindi ko talaga boyfriend si Bright at 'yong tungkol sa plano namin ni Bright kanina lang pero 'yong reaksyon ni Ashley at Rhian e tuwang tuwa kasi boto raw sila kay Bright para sakin at ayaw raw nila kay Gab kasi sasaktan lang niya ako. Na kunsensya tuloy ako na nagsisinungaling ako sa kanila. Imbis na sabihin ko ang totoo na 'di ko boyfriend si Bright e 'di ko na nasabi kasi nagsimula na 'yong PE class namin. Tapos habang nag wa-warm up e tinutukso nila ako kay Bright. Tinanong pa ako ni Bright kung nasabihan ko ang mga kaibigan ko tungkol sa plano pero sabi ko hindi kasi 'di ko pa alam kung papano sasabihin sa kanila. Isa pa, mukhang masaya silang nalaman nilang boyfriend ko si Bright. Hays. Anong gagawin ko? Pagkatapos ng PE class e nagtanong sila kung kailan naging kami ni Bright. Do'n ako nakakuha ng chance na sabihin ang totoo sa kanilang dalawa ni Ashley. "Actually, 'di pa naman kami." sabi ko. Tapos nakita kong medyo na disappoint sila bigla at nakita kong nalungkot sila and i know na mag-aalala lang sila sakin kapag sinabi ko na nagpapanggap lang kami ni Bright para makalimutan ko na si Gab at para ipakita kay Colleen at Gab na 'di na ako affected sa kanila. Ayokong mag-alala sila sakin nang dahil lang kay Gab. Kaya ang sinabi ko na lang ay, "Nililigawan pa lang niya ako." dahil do'n, nakita kong natuwa ulit sila knowing na parang unti-unti na akong nakaka move on kahit na 'di pa naman talaga.                              *** No'ng sumunod na araw, tinawag ako ng teacher namin sa english no'ng dumaan ako sa harap ng faculty. Pinapadistribute niya sakin 'yong activity namin last time. Tapos nalaman ko rin na kami ni Bright 'yong nakakuha ng pinaka mataas na score. 98/100 kami. Tapos gulat ako nang makita kong 70 'yong score nina Colleen. Sa gulat ko e 'di ko napigilan sarili ko at napatanong ako sa teacher namin. Buti na lang mabait siya at sinagot niya ang tanong ko dahil kung hindi, baka sama ng tingin siguro nakuha kong sagot sa teacher. Ang sabi, obvious daw na kinuha lahat sa internet itong sagot ni Colleen. Lahat kinopya niya kasi ayon dito sa sulat niya, pati 'yong nakalagay na link na pinagkuhanan niya ng sagot sa internet e siulat pa niya. Asan common sense ng isang 'yon? Sinulat talaga niya buong link tapos 'di man lang binasa maigi at inintindi itong mga sinulat niya. Halatang nagmamadali lang at akala niya porket nakuha niya sa internet e tama na agad itong sagot niya. Sabi pa naman ng teacher namin sa english e dapat own perspective at 'di pwedeng mangopya ng sagot sa internet. Buking tuloy siya. Nakangiti akong bumalik ng classroom. Masaya ako kasi mataas na score 'yong nakuha namin ni Bright at hindi dahil sa lowest score 'yong nakuha ni Colleen. Pero parang nakakatuwa sa part na lamang ako sa kanya ngayon. I'm sure ma aapektuhan 'yong grades niya sa english kapag gano'n. Kung hinayaan nila akong bumagsak sa exam last year, ngayon, babawi ako. At lalaban ako ng patas hindi kagaya nila ng mga kaibigan niya na niloko ako. Binalik ko 'yong mga papel ng mga ka-klase ko. Saktong 10 papers lahat 'yon since 20 kami overall.  Nang ma i-distribute ko na ang walong papel ay saktong dalawa na lang ang natira. 'Yong papel namin ni Bright at 'yong papel nina Colleen. Bago ko ibigay kay Bright 'yong samin para makita niya 'yong score namin ay binigay ko muna kay Colleen 'yong sa kanya. Saktong nag uusap-usap sila ng mga kaibigan niya no'n at hindi nila ako sa pansin kaya nilapag ko ang papel ni Colleen sa table niya at hinampas pa 'yon ng malakas gamit ang palad ko dahilan para mapatigil sila sa pag uusap-usap at galit akong nilingon. "Bastos ka ba?" halatang galit na sabi ni Colleen habang taas kilay na nakatitig sakin. "Kita mong may nag uusap dito, o." Nginitian ko lang siya. 'Yong ngiting friendly na parang walang ka proble-problema kaya nagtaka sila kung ano meron sa mga ngiti kong 'yon. Wala akong ibang sinabi kundi ang ituro sa kanya 'yong papel na nilapag ko sa table niya gamit ang bibig ko. Napatingin naman si Colleen do'n tsaka kinuha 'yong papel niya at tiningnan 'yong score niya. Ang unang nagulat ay 'yong dalawa niyang kaibigan dahil sa sobrang baba ng score niya. Pero siya e hindi gulat 'yong naging reaksyon niya kundi galit. Galit niya akong nilingon pagkatapos tsaka nilapag 'yong papel niya sa table. "Kaya ka ba nakangiti dahil nalalait mo 'yong score ko?" Woah! Ako pa ngayon 'yong lumabas na masama? E, wala naman akong ginawa. "Hindi." sagot ko. "Wala naman akong sinabi para laitin ka." "Really? E, bakit ka nakangiti?" "Oh my gosh, Colleen. Hindi mo ba alam ang mga pinagkakaiba ng mga ngiti, ha?" sarcastic kong sabi at napatingin kay Jonathan na partner niya sa activity na walang ginawa kundi ang ma-upo lang at ramdam ko 'yong lungkot kasi mababa 'yong nakuhang score nila ni Colleen. "Naaawa ako kay Jonathan, malas lang niya kasi ikaw ang naging partner niya." Tumayo si Colleen sa sinabi ko sa kanya. Ang akala ko sasabunutan niya ako o ano pero nagulat ako nang bigla niyang agawin sakin 'yong papel ko at tiningnan 'yong score ko. Hinayaan ko lang siya no'n at nakita ko ang itsura niya no'ng makita 'yong score ko. Halatang hindi niya matanggap kaya niya pinunit 'yong papel namin ni Bright.   Nagulat 'yong mga ka-klase ko lalo na sina Rhian at Ashley dahilan para lapitan nila ako. What the f! Sino nagsabi sa kanya na pwede niyang punitin ang papel namin?! Alam kong papel lang 'yon at recorded na 'yong scores namin do'n at hindi na kailangan magalit sa ginawa niya pero nakakainis lang kasi, e. Bakit kailangan niyang punitin 'yong samin? "Ang dapat dito, sa basura ang punta para wala ka nang ma ipag-yayabang." aniya matapos punitin ng sobrang pino 'yong papel namin ni Bright. Biglang nandilim paningin ko sa kanya at 'di ko napigilan ang sarili ko at minura ko siya sa mismong pagmumukha niya. Nagulat ang lahat kasi napamura ako for the first time ng gano'n. At mukhang 'di nila in-expect 'yon lalong lalo na itong si Colleen. "Ano? Galit ka? Bakit, kasi wala nang proof na mataas 'yong score na nakuha mo at hindi mo na ma ipag-yayabang sa iba? Ha?!" sigaw sakin ni Colleen matapos ko siyang murahin. "Ang sabihin mo, naiingit ka lang!" sigaw ko. "Palibhasa, hindi mo sineryoso ang activity at talagang kinopya mo lahat sa internet." tapos tumawa ako. Ang kinalabasan no'n e para akong baliw. "Anong sumagi sa isip mo't pati link kinopya mo? Ano 'yon? Papi-pindutin mo 'yong sinulat mong link sa teacher na'tin? Mapipindot ba 'yon?" pang aasar ko. Narinig ko pang may nag 'Hala! Totoo? Ginawa niya 'yon?' ang isa kong ka-klase at dahil do'n, napahiya si Colleen. That time, bumalik siya sa pagka-upo at tinago 'yong papel niya. Ako naman, hinila ako palabas nina Rhian at Ashley para pakalmahin. No'ng mag start ang klase, tahimik ang buong section namin. At pagkatapos naman ng klase e kakasabi pa lang ng subject teacher namin na pwede nang umuwi 'yong mga tapos nang sagutan ang quiz nang bigla akong maka-recieved ng chat galing kay Bright. Bright Navales    active now• Mag usap tayo. Pagkabasa ko no'n, nilingon ko agad siya na nakatitig pala sakin habang hawak 'yong phone niya. Sumenyas siya sakin na mag-uusap kami sa labas kaya nauna na akong lumabas at hinintay siya ro'n. Ang tagal niyang lumabas no'n, ang alam ko e kanina pa niya tapos sagutan 'yong quiz at napasa na rin niya 'yong papel niya pero 'di lang siya lumalabas. Umupo ako sa bench sa harap ng classroom namin habang hinihintay siya ro'n, tinanong naman ako nina Callen kung sasabay ako sa kanila ngayon pero tumanggi ako. "Mag-uusap pa kami ni Bright." sagot ko. "Bawi na lang ako next time." Nakita kong ngumiti si Rhian at Ashley habang si Callen naman e tumango. "Naks! Nagka-boyfriend lang pinalit na tayong mga friend lang." sabi ni Ashley, halatang may panunuksong tono. "Hindi ko pa siya boyfriend." paglilinaw ko. "Ahh, oo nga pala. Nililigawan ka pa lang. Pero do'n naman papunta 'yon." sagot ni Ashley. "O siya, sige na. Alis na kami. See you tomorrow!" tapos nag-wave na siya sakin at gano'n din ako sa kanila. Nang wala nang tao sa classroom namin tsaka lumabas si Bright at pinuntahan ako. "Ang tagal mo naman." pag re-reklamo ko pero nakita kong ang seryoso ng mukha niya. "'Yong kanina, 'yong inasta mo kay Colleen, hindi 'yon maganda." seryosong sabi niya. Bigla akong nakaramdam ng inis dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko mas kampi siya kay Colleen at ako 'yong nagmukhang kuntrabida. "Teka, ano ba 'yong ginawa ko? Nainis lang ako kanina kasi pinunit niya 'yong papel na'tin." inis kong sabi. "Kahit na. Di mo dapat siya minura kanina at pinahiya sa buong section na'tin." Ah, so ako talaga 'yong mali? E, siya naman talaga nauna kanina. Kung hindi niya pinunit 'yong papel namin hindi mandidilim paningin ko sa babaeng 'yon. "E, kasi naman, e!" sigaw ko sa inis. "Naiinis na ako sa kanya! Na bwi-bwisit ako! Ano, masaya ka na?" "Naiinis ka kasi alam mong siya ang girlfriend ng Ex mo. Alam mo bang mali 'yong ginawa mo?" kalmado niyang sabi. Nakakabilib lang kasi kahit tinataasan ko na siya ng boses, kahit galit na ako sa kanya e ang kalmado pa rin niya. "Oo na!" sigaw ko sa kanya. "Pero kahit hindi siya 'yong girlfriend ni Gab, naiinis pa rin ako sa kanya. Alam mo kung bakit?" tanong ko pero tahimik lang siya kaya nagpatuloy ako. "Kasi last year kaibigan ko siya, silang tatlo. Pero niloko nila ako. Pinaniwala nila akong tutulungan nila ako pagdating ng exam. Ang akala ko bibigyan nila ako ng sagot sa exam no'n kaya 'di na ako nag aral." pagk-kuwento ko. "Nagtiwala ako sa kanila, pero niloko nila ako. Kaya mababa 'yong nakuha kong score sa exam no'n at muntik na akong mapa-alis sa school na 'to. Kahit 'yong parents ko na disappoint sakin, alam mo ba 'yon?" Nakatitig lang siya sakin at halata sa mukha niya na parang hindi siya makapaniwalang nangyare sakin 'yon. "'Yon ang isa sa mga dahilan kung bakit galit na galit ako kay Colleen. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa nila. Tapos si Gab, bumalik sa kanya. Hindi ko alam kung anong meron kay Colleen na wala ako kaya ako iniwan ni Gab." nagsimula akong maiyak sa harap niya. Alam kong nakakahiya pero 'di ko napigilan at naiyak ako bigla. Lumapit siya sakin at niyakap ako bigla habang tinatapik-tapik ang likod ko. "I'm sorry. Hindi ko alam." mahinang sambit niya. "Ngayon naiintindihan ko na." Umalis ako sa mga yakap niya at nagpunas ng luha saglit nang mapansin kong may tao sa likuran ko which is nakita na 'yon si Bright kung sino kasi nakaharap siya sa kung sino man 'yong nando'n. Agad naman akong napalingon para makita kung sino mga 'yon at nagulat ako nang makita si Gab tsaka si Colleen. Ano na namang ginagawa nila rito? Napatingin muna si Colleen kay Gab bago tumingin sakin at nagsalita, "Deyn, can we talk?" Di ko alam kung ano pag-uusapan namin at hindi ko rin alam kung papayag ba ako sa gusto niya kaya naman napatingin ako kay Bright na tila tinatanong pa siya kung anong gagawin ko at nang tumango si Bright sakin na tila sinasabing 'sige na, para matapos na 'to' tsaka na ako um-oo kay Colleen. Pumasok kami sa loob ng classroom para do'n mag-usap samantalang si Bright at Gab naman nakatayo lang sa labas habang hinihintay kaming matapos mag-usap ni Colleen. Nakaupo siya no'n sa mismong upuan niya, which is sa harapan mismo malapit sa board samantalang ako naman nakatayo lang at nakasandal sa teachers table habang hinihintay siyang magsalita. "I'm sorry." panimula niya. Di ko alam kung saan siya nag so-sorry. Sa dinami-rami ba naman kasi ng kasalanan niya sakin e 'di ko na alam kung alin do'n siya nagso-sorry. "I'm sorry for everything." dagdag pa niya. Ine-expect ko pa no'n e mag e-explain siya kung bakit niya nagawa 'yong mga kamaliang ginawa niya pero wala. Gano'n lang.   "Mapapatawad mo ba ako?" Anong klaseng sorry 'to? Ngayon lang ako naka encounter ng ganito ka awkward na klase ng sitwasyon. Pero 'di na ako nagpaligoy-ligoy pa at nagsalita na ako. Pero 'di ko pa siya pinapatawad. Malay ko bang arte lang 'to. "Bakit ka nag so-sorry?" "You know. . . kasi pinilit ako ni Gab na mag-sorry sayo." sagot naman niya. Ayon naman pala. Napilitan lang pala siya kaya siya nagso-sorry at hindi pala talaga niya intensyon ang mag-sorry. Nang-gigigil ako sa babaeng 'to. "Nalaman kasi niya na hate na'tin ang isa't isa. Tapos ayaw niya na nag a-away tayo. Kaya ayon, sinabi niyang mag-sorry daw ako sayo." Ang boses pa niya no'n e parang nagpapa-awa pero 'di naman nakaka-awa. Nang-gigigil na talaga ako sa babaeng 'to. Ang plastic! "Ngayong alam kong boyfriend mo na si Bright, siguro naman naka move on kana sa boyfriend ko, diba?" Ang problema, mali ka. Kasi mahal ko pa rin 'yang boyfriend mo. "Teka lang, lilinawin ko lang ha, 'di ko pa boyfriend si Bright. Nililigawan pa lang niya ako. Wag kang excited." sabat ko, halatang naiinis. "Do'n na rin naman papunta 'yon. Hindi magtatagal, sasagutin mo rin naman siya at magiging kayo na." sagot naman niya. "Kaya panatag na ang loob ko ngayong alam kong may iba ka nang nagugustuhan. Pwede na tayong maging friends ulit kagaya ng dati." Napa-irap ako. "Friends? Kailan tayo naging friends?" "Dati?" sagot niya. Pero halatang hindi sigurado. "Sure ka? Tinuring mo ba talaga akong kaibigan noon? As in 'yong totoong kaibigan? Kasi feeling ko hindi naman, e." Natahimik si Colleen pagkatapos. "Alam mo, Colleen, nang-gigigil na ako sa'yo. Kung 'di lang sinabi ni Gab na mag-sorry ka sakin, alam kong 'di mo naman gagawin 'to, e. At kahit nga ngayong nag so-sorry ka, hindi naman totoong sincere." "So hindi mo ba talaga ako mapapatawad? O baka naman nagtatanim ka ng sama ng loob sakin dahil hanggang ngayon may gusto ka pa rin sa boyfriend ko?" Sino ba naman kasing tao ang mawawala agad ang feelings sa taong minahal niya ng sobra na sa isang iglap iniwan siya nang hindi niya inasahan? Pero dahil gusto kong isipin nila na moved on na ako kay Gab at hindi na ako affected, sige na, napipilitan na akong patawarin siya. Tumango ako ng isang beses na para bang napipilitan lang. "Wag mo na akong pakialaman from now on. Sa'yo na si Gab, wala na akong feelings sa kanya." Tumayo si Colleen habang sinusuri 'yong mukha ko, "Are you sure?" paninigurado niya. "Of course!" sagot ko at naglabas ng isang malawak na ngiti, "Alagaan mo ng mabuti 'yong taong minsan lang din akong minahal." Nakita kong medyo na inis siya sa sinabi ko. Pero itong si Colleen hindi nagpatinag, "Sorry, pero ako na ang mahal niya ngayon. At 'yong pagmamahal niya sayo dati, nabura na 'yon sa puso niya. Pero wag kang mag-alala, may lugar ka pa naman bilang isang kaibigan sa puso niya." ngumiti sakin si Colleen at gano'n din ako sa kanya. "Thanks for reminding me." saad ko. "Akala ko kasi stranger na lang ako sa boyfriend mo. Di ko naman alam na may lugar pa pala ako kahit kaibigan." Nakita kong mas lalo pa siyang nainis. "Well, that's great!" lumapit ako sa kanya at bumulong, "May chance pa akong lapitan at kausapin siya." Naramdaman kong parang sasabog si Colleen sa inis matapos kong i-bulong 'yon sa kanya at matalim niya akong tiningnan sa mata pagkatapos at tumawa naman ako. Tumawa ako para ipakita sa kanya na nagbibiro lang ako. "Oh, don't take it seriously. Nagbibiro lang ako." paglilinaw ko. "Ito naman, ang seryoso." That time, pumasok na si Bright at Gab sa classroom para puntahan na kami ni Colleen. At sa huling pagkakataon, nagtama ang mga tingin namin ni Gab. Alam ko sa sarili ko na na-miss ko ang mga titig niyang 'yon. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko e hindi na ako ang mahal niya. At ewan ko ba kung bakit gustong gusto ko siyang pa-selosin na para bang gusto kong gumanti. At nag e-expect ako na sana nga. . . magselos siya. Kahit isang beses lang. Napatingin ako kay Colleen bago pa man tuluyang magsalita sina Bright. Tinapik ko siya sa braso, "Don't worry. Di ko siya aagawin sayo. I have Bright na na sobrang mahal ako." ngumiti ako, "at mahal ko rin siya. Higit pa sa kung papano ko mahalin 'yong taong una kong minahal." umalis ako sa harap ni Colleen at deretchong lumabas ng classroom. Alam kong nakasunod si Bright sa likod ko no'n pero hinayaan ko lang siya. Badtrip lang kasi tanong siya nang tanong sakin. "Uy, legit ba?" Napatigil ako sa paglalakad sabay lingon sa kanya, "Anong legit?" "'Yong sinabi mo kay Colleen." Napa-kagat labi ako sabay sabing, "Siyempre, hindi." tapos tinalikuran ko siya at nagsimula ulit maglakad at pinantayan naman niya 'yong lakad ko. "Akala ko legit na. Pinakaba mo'ko ro'n." "Kinabahan ka?" Tumango siya, "Sobra." Natawa ako kasi ang seryoso ng mukha niya. Hindi na siya nagsalita at gano'n din ako hanggang sa makalabas kami ng campus.

 

 

Chapter 7 High Five

Nakatambay lang ako sa bahay buong magdamag since weekend ngayon. E, ayaw naman akong payagan ng mga magulang kong gumala puwera na lang kung for school purposes ang pupuntahan ko. Halos mapudpod na nga 'yong daliri ko kaka-scroll sa fb nang biglang mag-post ng tula 'yong page ng Writer's Love na lagi kong inaabangan at sa totoo lang nakakuha ako ng badge bilang top fan ng page na 'to. Halatang walang ka-chat. Charr. Haha. Napatigil ako sa pag s-scroll at binasa ko muna 'yon saglit. Grabe 'yong patama nitong tula na'to. Sobrang nakakarelate ako kasi it talks about sa taong pinag-aalayan niya nitong tula na chini-cheer up niya na kalimutan na ang past niya at mag focus na lang sa present. At pag-scroll ko sa pinaka-dulo, nakita kong may word na 'You fight and I love' bigla ko tuloy naalala si Bright. Sinabi niya 'to sa'kin, e. Tapos nakakatuwa pa kasi 'yong admin ay walang iba kundi si Sunflower. Ang galing talaga nitong isang 'to. Nakaka-inlove 'yong mga tulang sinusulat niya. Pinusuan at shinare ko 'yong poetry na 'yon at pagkatapos kong i-share 'yon ay biglang nag-message sakin si Bright na 'di ko alam na online pala siya. Bright Navales   active now• Anong ginagawa mo? Danielle Legaspi     active now• Wala. Fb lang. Sobrang bored na nga ako rito sa bahay. Ikaw? Bright Navales   active now• Same. Gusto mo mag kape? Libre ko. "Wow! Rich kid!" sabi ko matapos kong basahin 'yong reply niya. Danielle Legaspi     active now• Hindi ako pwede. Nandito parents ko. Di nila ako papayagang lumabas ng bahay. Bright Navales   active now• Aww.. strict parents. Same. Pero ngayon hindi na sila gano'n ka strict sakin. Dati kasi 'di nila ako pinapayagan lumabas ng bahay para maglaro. Kaya wala akong masyadong kaibigan no'ng bata ako. Gusto ko sana sabihin 'yong salitang 'share mo lang?' kaso bigla akong na touch kasi nag-kuwento siya sakin ng tungkol sa buhay niya. Parang nakakatuwa lang, kasi sa pagkakaalam ko hindi siya 'yong tipo na pala kuwento tungkol sa buhay niya. Ang alam ko, sinasarili lang niya lahat. Pero ngayon, bigla akong nakaramdam ng natuwa. Danielle Legaspi     active now• Ako rin naman. Di rin ako pinapayagan dati. Pero nagpupunta si Callen sa bahay para sunduin ako kasama ng mga kaibigan namin. Kaya ayon, walang magawa sina Mama kundi ang payagan ako. Bright Navales   active now• Kaya pala. Danielle Legaspi     active now• Ha? Anong klaseng reply 'yan? Bright Navales   active now• Nevermind. HAHA. Nga pala, okay na kayo ni Colleen? Nang isingit niya si Colleen sa usapan e bigla na naman ako nag alburuto sa galit nang ma-picture out ko sa isip ko 'yong mga sinabi niya kahapon. Kaya lang pala siya nag-sorry dahil pinilit siya ni Gab. Hanep! Ibang klase rin siya, ah. Danielle Legaspi     active now• Hindi pa. Galit pa rin ako sa kanya, sa kanila. Alam mo 'yong feeling na gusto mo na ng peace of mind pero naiinis ka pa rin at nand'yan pa 'yong galit mo. Ang malala, nandito pa rin 'yong feelings ko kay Gab. Alam mo, kung babalik man 'yong dati, hindi ko siya pipiliin. Lalo na't alam kong sakit lang naman pala ang ma i-dudulot niya sakin. Bright Navales   active now• Wag kang mag alala, makaka-move on ka rin. Hangga't nand'yan pa ang feelings mo sa kanya, pwede mo muna akong gamitin para ipakita sa kanya na naka moved on kana. Ewan ko ba sa sarili ko at napangiti ako bigla habang binabasa 'yong chat niya. Hindi ako sure, pero parang bigla akong—kinilig na parang ewan? Kinilig?—This can't be. Si Bright lang naman 'to, e. So bakit ako kikiligin? Hindi ko naman siya crush o ano pero bakit gano'n? Gosh! Ano ba 'tong nangyayare sakin? Hindi ako nag-reply sa chat niya. Hindi ko naman kasi alam kung ano ire-reply ko ro'n. Basta, bigla akong pinagpawisan habang nag-iisip kung anong ire-reply. Ewan ko ba. 'Yong feeling na gusto ko siyang reply-an pero 'di ko alam kung ano ire-reply ko. Ang weird. Bright Navales   active now• Seen? Uy? Ba't 'di kana nag re-reply? Nand'yan ka pa ba? Online ka pa. Sini-seen mo nga message ko, o. Dahil tinadtad niya ako ng chat, nag-isip na ako ng ire-reply sa kanya. Bahala na kahit ano. Danielle Legaspi     active now• Sorry. May ginawa lang. Bright Navales   active now• May ginawa ba talaga? o kinilig saglit kaya 'di agad nakapag-reply? Pagkabasa at pagkabasa ko ng message niyang 'yon ay bigla akong pinagpawisan na may kasamang ngiti sa labi na ngayon abot hanggang tenga na. Hindi ko alam kung anong nakakakilig sa sinabi niyang 'yon pero—napangiti ulit ako. At teka—anong kilig ba ang pinagsasasabi ko? Gosh! Baliw na yata talaga ako. Sinabi ko pa naman sa isip ko no'ng nakaraan na once i started smiling at someone's message, I'll gonna block them, cuz i know i'll end up crying—pero ano 'to? Ba't ako nakangiti sa message ni Bright? At talagang na huli niya ako for real, huh! Grabe. Bright Navales   active now• O? Speechless ka d'yan. Na huli ba kita? Danielle Legaspi     active now• Pinagsasasabi mo d'yan? Wag kang mag imbento ng kwento Bright Navales   active now• O? Galit ka? Kasi totoo? Danielle Legaspi ;   active now• Ewan ko sa'yo. Bright Navales   active now• Sorry na, fake girlfriend. Danielle Legaspi      active now• Anong fake gf? Wait, linawin ko lang ha. Sinabi ko kasi sa mga kaibigan ko na hindi pa tayo. Sinabi kong nililigawan mo pa lang ako. Kaya hindi mo'ko gf, okay. Bright Navales   active now• Ah, so manliligaw pala ako? Danielle Legaspi ;   active now• Oo. Pero walang totohanan. Laro lang, diba? Sinabi ko lang, para malinaw sayo. Hehe. Bright Navales   active now• Para malinaw sakin na laro lang 'to? Bakit, iniisip mo ba na umaasa ako na totohanin na lang? Danielle Legaspi ;   active now• Luh? Hindi ah. Nilinaw ko lang. Walang gano'n. Bright Navales   active now• Alam ko. Pero baka gusto mong totohanin? Napakagat labi ako no'ng nabasa ko 'yong reply niya. Hindi ko alam pero biglang pinagpawisan ang buong katawan ko. Agad naman akong nag-isip ng ire-reply ko. Danielle Legaspi    active now• Luh? Wag ka ngang mag biro ng ganyan. Seryoso ako rito. Bright Navales    active now• Mukha ba akong nagbibiro?   Seryoso rin naman ako rito. Ayaw mo lang maniwala. Pero kung tingin mo talaga nagbi-biro lang ako, ayos lang naman. Pero once na ma-fall ka sakin, sabihin mo lang, Sasaluhin naman kita. Hala siya!! Ano ba 'tong mga pinagsasasabi niya? Feeling ko tuloy hindi siya 'to. At ewan, ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon habang binabasa itong chat niya. Ano ba magandang i-reply dito? Ayoko naman siyang i-seen kasi baka isipin niya na sineryoso ko 'tong sinabi niya. Malay ko ba na nag j-joke lang pala siya tapos tawa nang tawa siya ngayon sa mga pinagsasasabi niya sakin habang hinuhulaan kung ano ang mga nagiging reaksyon ko matapos basahin itong mga pinagsasasabi niya. So to make things light, nag-isip ako ng walang kwentang reply sa kanya. Danielle Legaspi   active now• Ulol. Ewan ko sa'yo. Maghanap ka ng ibang kausap. Bright Navales   active now• Ikaw lang gusto kong kausap. Lalong 'di ko na alam kung ano pa ang ire-reply ko sa kanya. Pero since kita kong nag t-type siya, hinintay ko na lang kung ano 'yon. Baka mas may sense na 'yong tina-type niya ngayon. Bright Navales   active now• Nga pala, wala ka bang balak na sabihin sa mga kaibigan mo na hindi talaga tayo? Danielle Legaspi    active now• Nagbalak ako no'ng nakaraan. Pero kasi ;feeling ko too late na. Pakiramdam ko masaya silang nalaman na may something tayo. At sa tingin ko, baka mag-alala lang sila kapag nalaman nila na kaya lang tayo nagpapanggap kasi dahil kay Gab. Ayokong mag-alala sila sakin. Kaya mas okay kung tayo na lang muna nakaka-alam. Gets mo ba? Matapos kong i-send 'yon ay naghintay ako saglit ng ire-reply niya. Pero ang loko nag-log out pala at 'di man lang nagsabi. At talagang hinintay ko pa 'yong reply niya, ha. Ang tanga ko. Ayon, nag-log out na rin ako. Lumabas ako ng kuwarto tsaka bumaba nang makita ko si Mama na bihis na bihis na tila may pupuntahan. E, sa pagkakaalam ko day off niya ngayon sa trabaho kaya napatanong ako kung saan siya pupunta tapos ang sabi niya may kikitain siyang friend niya no'ng highschool. Since bored ako rito sa bahay e naisipan kong sumama sa lakad niya. Ayaw pa sana niya akong isama dahil baka raw mabored lang ako ro'n pero sabi ko mas boring kung dito lang ako sa bahay. Kaya ayon, pumayag si Mama. Nagbihis ako saglit bago kami lumabas ng bahay at nagpara ng masasakyang tricycle. Sa cafè nina Callen lang naman kasi sila magkikita ng highschool friend niya kaya nag tricycle lang kami dahil malapit lang naman. Pagdating namin do'n, wala pa 'yong sinasabi ni Mama na highschool friend niya. Nando'n 'yong Mama ni Callen at in-assist niya kami ni Mama. Pina-upo niya kami sa pinaka-magandang spot daw dito which is sa pinaka-dulo pero malapit sa glasswall na kung saan tanaw mo 'yong sunset sa labas. Hapon na rin kasi no'n kaya tanaw mo talaga 'yong sunset. Tapos tinanong niya kami kung ano gusto naming kainin at inumin. Tinawag pa niya si Callen na 'di ko alam na nandito rin pala para tumulong sa cafè nila. Nag-usap sila saglit ni Mama habang ako naman e nakatitig lang sa menu habang busy sa pagpili ng kakainin. Tumabi naman sakin si Callen habang hinihintay 'yong order ko. "Uy, kamusta kayo ni Bright?" biglang tanong ni Callen dahilan para sipain ko siya sa ilalim ng lamesa dahil baka marinig siya ni Mama. Buti na lang at busy sa pag ku-kwentuhan sina Mama at 'yong Mommy niya kaya 'di nila 'yon narinig. "Baliw ka talaga." bulong ko. "'Yong bibig mo, baka marinig ka ni Mama." "Sorry na. Di naman nila narinig 'yon, e." natatawa niyang sabi. "Ano gusto mong inumin?" Muli akong napatitig sa menu. Actually, kanina pa ako nakatitig lang at parang wala akong mapiling gustong kainin o inumin. Wala akong gana kaya sinara ko na lang 'yon at napabuntong hininga sabay sabing, "Gusto ko mag kape." "'Yong may cream o wala?" tanong ni Callen. "'Yong matapang." sagot ko. "'Yong kaya akong ipaglaban." Binigyan niya ako ng panunuksong tingin, "Naks! May hugot. Si Gab pa rin ba?" Tumango ako kasi totoong siya naman talaga. Pero agad akong umiling para bawiin 'yon kasi nakalimutan kong ang akala pala nila ngayon e nililigawan na ako ni Bright at naka-moved on na ako kay Gab. "Hindi." agad kong sabi. Pero itong si Callen ayaw maniwala. "Asus. Tumango ka tapos binawi mo lang agad. Sumbong kita kay Bright—aray!" hindi niya natapos ang sasabihin niya nang sipain ko ulit siya sa ilalim ng lamesa dahil ang ingay niya't baka marinig kami nina Mama at dahil umaray siya't napalakas 'yon ay agad na naibaling samin ang attensyon nina Mama at ang Mama niya. "Anak, may problema ba?" tanong ng Mama ni Callen sa kanya. "Wala, Ma." sagot niya at tsaka tumayo, "Kukuha lang ako ng kape saglit para kay Deyn at kay Tita." tapos umalis na si Callen para ikuha kami ng kape. May mga customers na kakapasok lang kaya tumayo na 'yong Mama ni Callen para i-assist sila. Kami naman ni Mama e hinintay 'yong kaibigan niya. Hindi ko alam na may highschool friend pala si Mama na matagal na niyang 'di nakaka-usap ng personal. Kaya nag-plano sila ngayon na mag-meet. Maya maya pa ay tumunog 'yong wind chime. Nakatitig lang ako sa phone ko no'n nang biglang sabihin ni Mama na nandito na raw ang friend niya kaya napa-angat agad ako ng tingin para batiin sana 'yong friend ni Mama nang biglang mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na mukha na kasama ng friend ni Mama na hindi ko alam kung bakit siya nandito o kung kaano-ano niya ang friend ni Mama. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat at gano'n din siya nang makita namin dito ang isa't isa nang hindi inasahan. Tumayo si Mama at agad na nag-beso sa kaibigan niya samantalang ako naman e nakatulala lang kay Bright. "Pam, kamusta na kayo?" tanong ni Mama sa kaibigan niya tsaka napatingin kay Bright, "Ito na ba ang anak mo?" tanong pa ni Mama habang nakatingin kay Bright at binati naman ni Bright si Mama. "Hello po, Tita." sabi ni Bright. "Oo, Mars. Ito 'yong nag iisa kong anak." sagot naman ng kaibigan ni Mama. "Naku, ang laki na pala." tapos napatingin sa'kin si Mama at tinuro ako, "Ito naman 'yong unica hija ko." napatingin sila sakin kaya tumayo ako at binati 'yong Mama ni Bright na hindi ko alam na siya pala ang tinutukoy ni Mama na kaibigan niya. At hanggang ngayon, gulat pa rin ako. "Hello po, Tita." sabi ko at napalingon kay Bright na gaya ko e gulat na gulat din. "Ang ganda ng anak mo, Mars." puri sakin ng Mama ni Bright kaya ngumiti ako kahit nahihiya ako. "Naku, kanino pa ba magmamana?" sabi ni Mama at nagtawanan silang dalawa. "O, siya, ma-upo kayo." tapos umupo sila. Si Mama at si Tita e magkatabi tapos tumabi sakin si Bright sa pag-upo. Bale kaharap namin 'yong mga Mama namin. That time, 'di pa kami nag i-imikan kasi sobrang nagulat pa kami na tipong alam mo 'yon?—'di mo talaga inexpect ang isang bagay. Magkaibigan pala parents namin no'ng highschool. Tapos ngayon e magka-klase ang mga anak nila. "Ito na pala si Danielle. Ang laki na niya." dagdag pa ng Mommy ni Bright kaya ngumiti ulit ako. Tanging ngiti lang talaga ang response ko ngayon kasi nahihiya ako. "Oo, Mars." sagot naman ni Mama. "E, balita ko itong anak mo do'n na rin nag-aaral sa skwelahan ni Danielle." "Oo, Mars. Buti na lang at may tinatagong talino rin itong anak ko kahit papano." sagot ng Mommy niya tsaka napatingin samin ni Bright pareho, "Siya nga pala, parehas kayong grade 8, hindi niyo ba nakikita ang isa't isa sa school?" tanong niya samin at nagkatinginan naman kami ni Bright pagkatapos bago ako sumagot. "Actually, magka-klase po kami." sagot ko at tumango naman si Bright bilang pag sang-ayon sa sinabi ko. "Ayon naman pala!" biglang sabi ni Mama na may kasamang isang palakpak pa na animo'y sobrang natuwa dahil nalaman niyang magka-klase kami ng anak ng kaibigan niya. Tapos napatingin siya kay Bright na tila may gustong sabihin, at mukhang alam ko na kung ano 'yon kasi itong si Mama kilalang kilala ko na 'to, e. "Naku hijo, buti na lang magka-klase kayo ng anak ko. May isa lang sana akong favor sa'yo." Napa facepalm ako kasi alam ko na kung ano 'yon. Si Mama talaga. Nakakahiya naman dito kay Bright. "Ano po 'yon, Tita?" tanong ni Bright kay Mama tsaka ako nilingon no'ng mapansing napa-facepalm ako. "Paki-bantayan naman itong anak ko. Pag may nanligaw, sabihin mo strict parents." 'yong kaninang isang kamay lang na napatakip sa mukha ko e ngayon dalawa na dahil sa sobrang hiya. Nakita ko pang tumawa 'yong Mommy ni Bright sa sinabi ni Mama. Baka iniisip niya na pabaya akong anak at walang inaatupag kundi ang pagbo-boyfriend, parang gano'n. Arg! Si Mama talaga. "Alam mo kasi 'yang si Danielle e nasa top sa klase no'ng first at third quarter last year. Tapos no'ng fourt quarter e biglang na tanggal sa top 10. Akalain mo na siya 'yong nasa pinaka-dulo?" pag k-kwento ni Mama. "Hindi ko alam kung ano nangyare sa batang 'to. E, naisip ko na baka nag bo-boyfriend kaya nawala ang focus sa pag-aaral. Kaya please lang, hijo, paki-bantayan siya para sakin, ha?" Jusko, Ma! Kung alam mo lang na ang lalakeng pinakikiusapan mo ngayon e kasabwat ko sa pagpapanggap na may gusto kami sa isa't isa. At kung alam mo lang na ang akala ng buong batch namin ngayon ay nililigawan ako niyan. Jusko naman, Ma. Nakita kong nakangiting tumango si Bright kay Mama na tila handa siyang gawin 'yong favor ni Mama sabay sabing, "Sige po, Tita. Gagawin ko po."   Nilingon ko siya pagkatapos niyang sumang-ayon sa gusto ni Mama. That time, parang gusto ko siya hilahin palabas ng cafè at pagalitan kasi naging sunod-sunuran siya kay Mama pero imbis na gawin ko 'yon e kinalma ko na lang ang sarili ko at pinilit na ngumiti sa harap ni Tita para 'di masyadong nakakahiya. "Naku, Mars. Ang bait pala nitong anak mo, ano." puri ni Mama dito kay Bright. "Naku, pag nagka-boyfriend ang anak ko in the future, gusto ko 'yong mga kagaya ng anak mo. Di lang guwapo, mabait din." "Hay naku, Mars. Ewan ko ba sa anak kong 'yan. Minsan may pagka-matigas rin ang ulo. Gabi na natutulog, aba! May pinagpupuyatan yata. No'ng nakaraan e nahuli ko pa 'yang gising kahit madaling araw na." "Ganyan talaga mga bata ngayon, Mars. Di na tayo nakakarelate sa kanila kasi iba na ngayon." Napatingin ako kay Bright habang tinatanong sa isip ko kung sino pinagpupuyatan ng isang 'to. Do'n ko lang na realize na 'di ko alam kung may girlfriend na ba siya o wala kasi 'di naman siya nagk-kuwento sakin tungkol sa lovelife niya. Pero kung meron man, 'di na dapat siya pumayag na magpanggap na manliligaw ko kasi baka magalit 'yong girlfriend niya. If meron. Pero bigla kong naalala si Genevieve kaya lalo kong naisip na baka wala nga siyang girlfriend kasi ako pa nga mismo pinagpanggap niyang girlfriend no'n, e. Baka nga siguro wala. "Grabe, Mars. Akalain mo 'yon, magka-klase na rin mga anak na'tin. Parang tayo lang no'ng highschool, e, 'no?" dagdag pa ni Mama. "Oo, Mars. Nakakamiss tuloy maging highschool. Walang ibang pino-problema kundi ang maghanap lang ng pogi." sagot ng Mommy ni Bright at sabay silang natawa ni Mama samantalang kami ni Bright e nakatingin lang sa kanila. Maya maya pa ay may naglapag ng kape sa mesa namin. Apat lahat 'yon tapos dalawang klase ng Japanese food na hindi ko alam kung ano tawag. Nagulat pa si Callen nang makita si Bright no'n na kasama ko. "Uy, Bro, anong ginagawa mo rito?" tanong niya kay Bright. "Sumama ako kay Mommy, Bro." sagot niya. Tapos kinuha ni Callen 'yong isang upuan sa kabilang table na walang may naka-upo at pumwesto sa tabi namin ni Bright na animo'y makikipag-tsismisan. That time, busy si Mama at 'yong Mommy ni Bright na si Tita Pam sa pag-uusap. "Ano 'to? Meet the family?" panunukso samin ni Callen. Mahina lang pagkasabi niya no'n kaya 'di ko siya sinita since mas nangingibabaw pa 'yong boses ni Mama at ni Tita Pam. "Naks! Pinag-uusapan niyo na ba ang tungkol sa kasal ninyo after 10 years?" tukso niya at inirapan ko naman siya. "Will you please shut up!" mataray kong sabi pero deep inside kinabahan ako kasi itong si Callen minsan pagnagsasalita e 'di nakukuntrol 'yong boses. "Baka marinig ka ni Mama." "Sorry naman. Galit agad?" Napalingon sakin si Bright sabay sabing, "Narinig mo 'yong kanina? Bantayan daw kita." Binigyan ko siya ng sarcastic na ngiti sabay sabing, "Hay, naku. Kahit wag na. Di ko kailangan ng bantay. Malaki na ako." "Naks! Ano 'yan? Alam na ba ng parents niyo na—" sinipa ko ulit si Callen, "Aray ko naman, Deyn!" sigaw niya sa sakit dahilan para mapatingin sina Mama samin. "O, anak, anong problema?" tanong sakin ni Mama. "Wala, Ma. Ewan ko ba kay Callen at napapasigaw siya." pagsisinungaling ko. Pero itong si Callen e binigyan lang ako ng panunuksong tingin at tsaka napatingin kay Mama, "Kasi Tita, itong si Deyn at si Bright ay. . ." pinakita ko kay Callen 'yong nakasarang kamao ko bago pa man niya itutuloy ang sasabihin niya, "Magkaklase po kaming tatlo." sagot niya tsaka ngumiti kay Mama. Dahil do'n nakahinga ako ng maluwag at napa-inom sa kape ko tsaka ako tumayo at nagpaalam kina Mama at Tita Pam. "Ma, pwede po ba kaming lumabas saglit?" "Oo naman. Basta wag kayong lumayo. Uuwi agad tayo pagkatapos nito." "Sige po." tapos sinenyasan ko si Bright para lumabas. Si Callen naman hindi sumama kasi maraming customers at kailangan niyang tumulong. Paglabas namin ng cafè ni Bright, naglakad-lakad kami saglit habang naghahanap ng magandang puwesto para magusap. Nauna akong naglalakad sa kanya kaya 'di ko nakikita kung ano ang nagiging reaksyon niya ngayon o kung saan siya nakatingin like, sakin ba o hindi—mga gano'n. Nang makalayo kami ng kunti sa cafè at na feel ko na tumigil na sa paglalakad ay tsaka ko siya nilingon. That time, tumatama sa mukha niya 'yong reflect ng sunset habang nakatitig sakin na tila naghihintay ng kung ano man ang sasabihin ko. Pero napatulala ako saglit habang nakatitig sa mukha niya kasi—oh my gosh, ang gwapo! Para siyang anghel sa harap ko ngayon na umiilaw at para bang napako na lang ang mga tingin ko sa kanya na kailangan pa niyang pumitik para magising ako sa realidad. "Uy, ba't tulala ka d'yan?" Napa-kurap ako ng maraming beses saglit bago nag-sink in sa isip ko 'yong sinabi niya. "H-ha? Hindi, ah." 'yon lang nasabi ko. "Ano nga ulit 'yong sasabihin ko?" tanong ko habang inaalala 'yong sasabihin ko sa kanya. "Kita mo na, napatitig ka lang sa'kin nakalimutan mo na agad 'yong sasabihin mo." tukso niya. "Luh? Pinagsasasabi mo?" ngumiti lang siya. Nang maalala ko na ang gusto kong sabihin ay 'di na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ko na agad, "Hindi naman bigdeal 'tong sasabihin ko. Pero grabe 'no, magka-klase pala si Mama at Mommy mo." "Oo nga, e. Di ko rin in-expect na Mama mo pala kikitain ni Mommy." Napabuntong hininga siya saglit tsaka tinuloy ang sasabihin niya, "Tayo kaya?" "Anong ibig mong sabihin?" "Kung magiging gano'n rin kaya tayo ka-close pagtanda na'tin?" Napa 'Luh? anong pinagsasasabi nito?' na lang ako sa isip ko. Parang ang layo kasi, pero pwede naman. Di ko lang talaga siguro naisip na itatanong niya 'yon. "Ewan." sagot ko at napatitig sa malayo, "Sila kasi siguro e mag bestfriend talaga. Tipong 'di mapaghihiwalay. Parehas sila ng hilig sa kahit anong bagay tsaka kumbaga, alam nila ang sekreto ng isa't isa. Alam mo 'yon? Sobrang close nila." Tapos nilingon ko siya na nahuli kong nakatitig pala sakin. Pero 'yong ine-expect ko na iiwas siya ng tingin kasi nahuli ko siyang titig na titig e 'di niya ginawa. Nakatitig lang siya sakin na parang hindi na a-awkwardan. Sabagay, bakit naman siya ma a-awkwardan kung wala namang dapat awkward na mararamdaman sa sitwasyon na 'to? Ngumiti lang ako sa kanya. "Thank you, pala." dagdag ko pa. "Para saan?" "Kasi tinutulungan mo'ko na maka move on sa Ex ko." sagot ko at umiwas ng tingin tsaka muling nagpatuloy sa pagsasalita, "Tsaka 'di mo sinabi kay Mama kanina na nagka-boyfriend ako. Alam mo naman si Mama at Papa, sobrang strict nila. Grabe sila kung magalit sakin at ewan ko na lang kung may bahay pa akong uuwian once na malaman nilang may ex boyfriend na 'yong anak nila." seryosong sabi ko at natawa rin pagkatapos. "Strict din naman sina Mommy sakin. Pero dati 'yon. No'ng bata ako." kuwento niya. "Alam mo bang 'di nila ako pinapalabas ng bahay noon? Ang gusto lang nila e ang mag-aral ako. Ayaw nilang naglalaro ako kasama ng mga anak ng mga kapitbahay namin." tapos nakita ko siyang tumawa, pero 'yong maliit na tawa lang bago muling nagpatuloy sa pagsasalita, "Kaya wala akong kaibigan noon, e. Di kasi ako pinapalabas ng bahay." "Di mo man lang ba naisip tumakas? Like, mga gano'n?" tanong ko pa. Umiling naman siya, "Hindi naman." sagot niya. "Kasi hindi naman ako na bored kahit na nasa bahay lang ako. Alam mo ba na kahit sobrang boring na e nakakaisip ako ng mga pwede kong gawin para 'di ako ma bored?" "Kahit mag-isa ka lang?" "Oo." tapos ngumiti siya, "Mas gusto ko minsan mapag-isa." dagdag pa niya. "Tsaka hindi ako palakibong tao—i mean, sa mga hindi ko pa gano'n ka kilala. Nagiging madaldal lang ako sa taong kumportble ako." Nagiging madaldal lang siya sa taong kumportble siya? Sakin kaya? Kumportble ba siya?—anak ng! bakit ko ba tinatanong sa sarili ko 'to? E, ano naman kung kumportble siya sakin o hindi, diba? Na amaze ako sa attitude na meron siya. Di ko alam na may mga ganito palang tao? Like, oo mahiyain din naman ako, pero siguro magkaiba 'yon sa tinutukoy niya. Ewan ko ba. Biglang timunog 'yong phone ko. At pagtingin ko e nakita kong tumatawag na si Mama sakin. Sinagot ko 'yon at tinatanong niya kung nasaan kami ni Bright at kailangan na naming bumalik do'n kasi uuwi na kami. Ang weird lang kasi ang bilis ng oras. At hindi ko namalayan na pagabi na pala. "Kailangan na raw nating bumalik." sabi ko at tumango naman si Bright. "Basta, 'yong sinabi ni Mama na favor sa'yo, okay lang naman kahit wag mo nang gawin. Di na kailangan." Umiling siya sa sinabi ko at tsaka lumapit sakin ng ilang hakbang at ginulo 'yong buhok ko kaya inalis ko 'yong kamay niya kasi 'di ako sanay. "Basta, Gagawin ko. Ako ang bantay mo. At kailangan mong mag ingat dahil isusumbong talaga kita kay Tita." Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos. "E? Kasi naman, e. Si Mama talaga." pagrereklamo ko pero natawa lang siya. "Wag kang mag alala, gagawin ko 'to kasi alam ko namang para sa'yo 'to. Diba?" Hindi ako sumagot. Kumbaga, nagkunware akong nagtatampo sa kanya. "Uy," tawag niya sakin sabay tawa. "O? Tampo ka? Di pa naman ako magaling manuyo." Napairap ako, "Buti pa si Gab." bulong ko pero mukhang narinig niya. "Luh? Kinumpara ako sa ex." "Di ah." depensa ko. "Naalala ko lang." "Bakit? Magaling ba manuyo?" "Medyo." "Medyo lang pala." tapos inangat niya 'yong palad niya na para bang makikipag-apir sakin. Nagtaka naman ako kung para saan 'yon pero ang sabi niya, "High five." Nakipag high five naman ako kahit na wala ako sa mood. Ang akala ko high five lang talaga 'yon pero nagulat ako nang nilagay niya 'yong mga daliri niya sa space ng mga daliri ko at nilock 'yon at ang kinalabasan no'n e parang nagholding hands kami. Nabigla ako sa ginawa niya pero wala akong nagawa kundi ang mapatitig lang sa kamay namin pareho at muling mapatitig sa napaka seryoso niyang mukha. "Wag kang mag-alala. Di magtatagal, nakaka move on ka rin." ngumiti siya, "Gaya ng sinabi ng Mama mo, 'di ko hahayaang may makalapit sa'yo, lalo na 'yong ex mo." tapos lalo niyang hinigpitan 'yong pag lock ng mga daliri niya sa kamay ko, "Maliban na lang sa'kin." dagdag pa niya at kinindatan ako. Halos mapatulala ako sa mga mata niya no'ng sinabi niya 'yon. Halos 'di ako makagalaw at bigla na lang nagsitayuan mga balahibo ko pagkatapos. At sa totoo lang, nabitin ako ng sobra kasi uuwi na kami. Ewan ko ba, pero parang gusto ko pang i-extend 'yong oras na kasama at kausap ko siya ngayon.

 

 

Chapter 8 Once a Cheater always a cheater

Nagpunta kami sa Resto bar nina Ashley, Rhian, Callen at Bright pagkatapos ng klase para mag celebrate raw samin ni Bright bilang new couple. Ilang beses kong klaruhin na hindi pa kami couple pero sabi nila, do'n na rin naman daw papunta 'yon. Masaya lang daw sila para samin kaya nila gustong mag celebrate. Ang may ari ng resto bar na'to ay ang parents ni Ian, 'yong isang friend ni Bright. Since nabanggit ni Bright na may resto bar sina Ian kanina no'ng nagtanong si Callen kung saan kami mag ce-celebrate ay dito na namin napagdesisyunang pumunta. Sa totoo lang, 'di naman dapat kami sasama ni Bright sa kanila, pero wala kaming choice kundi ang sakyan ang trip nila since kalokohan namin ni Bright ang magpanggap na nililigawan niya ako kaya ayon, kailangan naming galingan ang pag arte. E, kung bakit pa kasi namin pinasok ang gulong 'to. Edi, sana wala kaming problema ngayon. Pero ayos lang, ito na 'to, e. Magba-back out pa ba kami? Kunti lang 'yong taong nandidito. Sa dining kami pumwesto kasi sabi ni Ian mas maganda raw dito. Umorder kami ng grilled chicken tsaka beverages at habang kumakain e nag uusap-usap kami. Siyempre, 'yong topic namin e tungkol samin ni Bright. "So kamusta kayo?" tanong samin ni Rhian na nasa harap namin ni Bright. Bale magkatabi sila ng upuan ni Callen tapos sa gilid si Ashley na hinihintay 'yong boyfriend niya na papunta na raw dito. Napatingin muna ako kay Bright bago ko sila sinagot, "Ayos lang naman. So far, masaya akong kasama si Bright." sagot ko sa kanila at ngumiti na kunware kinikilig para maniwala silang totoo 'yong sinabi ko. Tapos biglang bumulong sakin si Bright ng, "Uy, totoo ba 'yan?" na halatang tinutukso ako sa sinabi ko. Nilingon ko siya at inirapan pero ngumiti lang siya sakin. "Alam niyo ba, kahapon si Bright at Deyn nasa cafè namin 'yan." biglang kuwento ni Callen kina Rhian at Ashley habang hawak 'yong blue margarita drink niya. "Akalain niyo, 'yong mga magulang nila magka-klase pala no'ng highschool." dagdag pa ni Callen at kinilig naman sina Rhian at Ashley. "Hala! Baka destiny talaga kayo." kinikilig na sabi ni Rhian at binigyan ako ng panunuksong tingin, "Naks! Si Danielle natagpuan na 'yong destiny niya." Ngumiti lang ako at pinakitang kinikilig do'n sa sinabi niya kahit na ang totoo e peke lahat ng reaksyon na pinapakita ko sa kanila. "Akala ko nga pinag-uusapan na 'yong tungkol sa kasal nila after 10 years." dagdag pa ni Callen sabay tawa. "Baliw ka talaga, Callen." sabi ko at kinuha 'yong red juice ko at ininom 'yon. Ang unfair kasi 'yong mga boys e may pa wine samantalang kami juice lang. Si Callen kasi ayaw niyang uminom si Rhian ng wine kaya itong si Bright nagkunware ring strict sakin kaya hindi ako naka pili ng inumin kanina kasi sabi niya mag juice na lang daw ako para healthy. Sabagay, 'di naman talaga ako umiinom. Pero ang ganda ng itsura ng wine nila rito kaya parang naisip ko na tumikim pero 'di ko nagawa dahil sa pagiging strict ni Bright kanina na akala mo naman e boyfriend ko talaga. "Alam niyo, bagay kayo." biglang sabi ni Ashley habang nakatitig samin ni Bright pareho. "May chemistry talaga kayo at feeling ko mas best couple kayo kaysa kina Colleen at Gab." No'ng sinabi ni Ashley 'yon ay bigla akong nalungkot nang marinig ko ang pangalan ni Gab. Bigla ko na naman kasi siyang naaalala at nasasaktan pa rin ako sa ginawa niya sakin. Hanggang ngayon, nandito pa rin ang sakit. At umaasa pa rin ako na sana ako pa rin. Umaasa pa rin ako na sana bumalik siya sakin. Kasi ang daya e, 'yong puso niya iba na ang gusto, samantalang ang puso ko siya pa rin ang dinidikta. Nakakainis lang kasi hindi ko kayang kalimutan siya. At kung nakakalimutan ko man siya, may mga bagay pa rin na nagpapaalala sakin sa kanya dahilan para maalala ko ulit siya. "Ikaw Deyn?" tanong sakin ni Rhian. Di ko alam kung ano ibig niyang sabihin kaya napatanong ako. "Anong ako?" "Naks! Mukhang ang lalim ng iniisip mo't 'di kana nakikinig sa usapan." sabat ni Callen. "Oo nga. Tulala ka." pagsang-ayon naman ni Ashley. "I mean, ikaw, papano mo nalaman sa sarili mo na gusto mo na pala si Bright?" tanong ni Rhian. Sa dinami rami ng tanong na 'di ko kayang sagutin, isa na 'to. Di ko alam kung anong isasagot ko. Kasi ang totoo, 'di ko naman talaga gusto si Bright. So papano ko maisasagot 'to?  Tapos ngayon e parang wala man lang sumasagi sa isip ko na isasagot ko kahit kasinungalingan lang. Blanko talaga isip ko ngayon. Napalunok ako saglit at nag-isip kahit na wala akong matinong maisip. Basta, kung ano lang ang lalabas sa bibig ko, 'yon na 'yon. Bahala na. "Ano lang, kasi si Bright. . ." nilingon ko si Bright na nakatitig lang sakin at interesadong marinig ang sasabihin ko. Medyo nahiya ako sa kanya kasi—ewan. Nakakahiya lang sa kanya, lalo na't tungkol sa kanya itong sasabihin ko. Kahit na 'di naman talaga totoo. "Si Bright 'yong tipo na 'di mahirap gustuhin." dagdag ko pa habang nakatitig sa mukha ni Bright. "Mabait kasi siya. Gusto ko 'yong attitude na meron siya." tapos napatingin ako kina Ashley, "Alam niyo na. . . itong mga ganitong klase ng lalake ang tipo ko. At ayon, nagustuhan ko siya bigla." Nakahinga ako ng maluwag matapos kong sabihin ang mga 'yon. At nakita ko namang nakapaskil sa mukha nila ang panunukso sakin kay Bright. Buti na lang at naniwala sila. "Naks naman, bro!" panunukso ni Callen kay Bright. "Anong naramdaman mo no'ng narinig mo ang sinabi niya? Kinilig ka ba? O baka lalong na-inlove sa kanya?" matapos niyang tanungin si Bright no'n e may kasama pang taas kilay na parang tinutukso si Bright. Tapos napatingin sakin si Bright bago niya sinagot si Callen. Napatingin din ako kay Bright habang hinahanda ang sarili na pakinggan ang sasabihin niya. "Ahh, masaya." sagot ni Bright. Tapos nakita kong nabitin si Callen, "Teka, 'yon lang? Di ka man lang ba kinilig?" Tapos napatingin ulit sakin si Bright. Siguro, nag-iisip din siya ng mga isasagot kay Callen. Pero gulat ako nang makitang ngumiti siya habang nakatitig sakin at hindi na niya inalis ang mga titig niyang 'yon habang sinasagot ang tanong ni Callen, "Kinilig din, pero mas nangibabaw 'yong saya. Saya kasi pumayag siyang ligawan ko siya. Saya kasi 'yong crush ko e binigyan ako ng chance na ipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal—at sobrang saya ko kasi hindi ko inasahan na gusto rin ako ng taong gusto ko." Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kasi alam kung ano ba 'yong sinabi niya. Feeling ko kasi totoo?—i mean, alam kong joke lang 'yon. Alam kong hindi totoo 'yong sinabi niya, pero 'yong mga titig niya habang sinasabi ang mga salitang 'yon, I don't think if fake lang 'yon, kasi parang totoo, e. Parang totoo talaga at hindi kunware lang. Pero impossible. Si Bright? Magkaka-crush sakin? Impossible! Ano ba 'tong pinagsasasabi ko? Bakit ko iniisip na totoo 'yon? What if, gano'n lang siya makatitig kasi alam niyang nakatingin samin sina Callen at gusto niyang maniwala talaga sila samin. What if gano'n lang talaga 'yon? Ginalingan lang niya sa pag arte para talagang mapaniwala silang lahat at binigyan ko lang ng malisya 'yong mga titig niya. Hays. Bakit ba ako nagkakaganito? "Pero teka, since alam niyo naman na gusto niyo ang isa't isa, bakit pinapatagal mo pa ang panliligaw niya sa'yo, Deyn?" tanong pa ni Callen. Sa isip ko, parang gusto ko na lang ipa-semento 'yong bibig ni Callen dahil sa ang daldal niya. Di ba pwedeng change topic na lang kami? Kasi 'di ko na alam kung anong isasagot ko sa kanila. Parang matutunaw ako kapag nagsisinungaling ako sa mga kaibigan ko. Pero ayoko naman silang mag-alala kapag nalaman nila na hanggang ngayon sadgirl pa rin ako. "Kasi. . . Alam niyo 'yon, gusto ko kasi kapag nagmahal ulit ako, 'yong totoo na. 'Yong hindi na pang temporary lang. Gusto ko 'yong pang habang buhay na. Kaya gusto kong i-challenge muna si Bright kung talagang hindi lang pang temporary 'yong feelings niya sakin." sagot ko tsaka agad na napa-inom sa red juice ko nang dis oras dahil sa medyo nahiya ako sa sagot ko. Ewan ko na lang. Sana 'di ako pagtawanan o tuksuhin ni Bright mamaya dahil sa mga pinagsasasabi ko ngayon. "Sana all." kinikilig na sabi ni Rhian. "Narinig mo 'yon, bro? Pang habang buhay daw. Ibig sabihin seryoso na siya sa'yo kasi pang forever na." panunukso ni Callen kay Bright. Tapos itong si Bright e nakatitig lang sakin na parang sinusuri 'yong mukha ko kung totoo ba 'tong mga sinasabi ko pero siyempre umiiwas ako ng tingin. Nakaka-ilang e. Maya maya pa ay tumayo si Ashley habang nakatitig sa phone niya. At base sa itsura e mukhang may problema. "Ashley, okay ka lang?" nagtatakang tanong ko nang makitang mukhang malungkot siya habang nakatitig sa phone niya. "'Yong boyfriend ko, 'di na raw siya makakapunta." sagot ni Ashley. "Ha? Bakit?" nag-aalalang tanong ni Rhian. "Kagabi kasi nag-away kami. May nakita kasi ako sa fb account niya na may ka-chat siya." pagpapaliwanag ni Ashley. "Nag-away kami tapos kaninang umaga lang nagkabati. Pero ngayon bigla na naman kaming nagka-problema." "Nag-away na naman kayo?" tanong pa ni Rhian. "Oo. Tapos hindi na raw siya pupunta rito." napahilamos ng mukha si Ashley at parang maiiyak na. "Ba't 'di mo tawagan?" suggest ni Bright kay Ashley at ginawa naman ni Ashley. "Sige. Excuse me lang." tapos umalis si Ashley saglit para tawagan 'yong boyfriend niya. Saktong pag-alis ni Ashley nang biglang dumating si Ian na kasama na si Shawn. Si Ian naka-pambahay lang. Malapit lang kasi bahay nila rito at sa kanila naman itong resto bar. Tapos si Shawn e bihis na bihis na talagang pinaghandaang pumunta rito. "Bro!" tawag ni Shawn kay Bright nang makalapit sila samin. "Ano meron dito? Party party gano'n?" "Wala. Nag ce-celebrate lang." sagot ni Bright. "Ba't 'di kayo ma-upo?" "Naku, wag na. Nakakahiya naman." pagtanggi ni Shawn. "Pumunta lang naman ako rito kasi pinapapunta ako ni Ian." "Hindi. Okay lang. Wag ka nang mahiya." sagot naman ni Rhian at tumango naman ako kay Shawn kaya napilitan silang dalawa ni Ian na umupo sa table namin. Tapos pinakilala sila ni Bright kina Rhian at Callen. "Mga kaibigan ko sila. Ka-klase ko sa dating school pero ngayon hindi na kasi magkaiba 'yong section nilang dalawa." Tapos nakipag-apir apir si Callen sa kanila at nagpakilala naman si Rhian kahit na no'ng nakaraan e nagpakilala na si Shawn sa kanya. Siguro nakalimutan lang nila ang pangalan ng isa't isa kaya ayon, haha. Nagkuwentuhan kami saglit hanggang sa nagpaalam si Bright na mag CR kaya kami na lang muna nagk-kuwentuhan. "Deyn, may kapatid ka?" tanong sakin ni Ian. Natawa naman ako at umiling, "Wala. Only child." sagot ko. "Aws. Sayang naman." nakasimangot na sagot ni Ian. "Sa'n pa kaya makakahanap ng kasing cute at ganda mo?" "Bro, nasa lahi na talaga namin 'yan." sagot ni Callen. "Kung gusto mo, ipakilala kita sa mga ka-relatives namin. Ewan ko lang kung single pa mga 'yon." "Nice, bro!" tapos nag-apir si Ian at Callen na animo'y close na close na. "Nga pala, kayo na ba ni Bright o hindi pa?" tanong naman sakin ni Shawn at umiling naman ako. "Hindi pa. Nililigawan pa lang niya ako." sagot ko naman. Tapos tinapik ni Shawn si Ian sa balikat sabay sabing, "O, bro, hindi pa sila. Baka may chance ka pa." panunukso ni Shawn kay Ian tsaka umakbay pero agad na inalis ni Ian 'yong akbay ni Shawn at narinig kong nagmura si Ian kay Shawn at natawa naman kami ni Rhian habang nag-aasaran sila. "Tropa na'tin 'yon. Walang gano'n, bro." sabat ni Ian. "Nagbibiro lang naman ako. Ito naman, 'di mabiro." sagot naman ni Shawn.   Maya maya pa bumalik na si Ashley at magkasama sila ni Bright na hawak-hawak sa magkabilang braso si Ashley habang umiiyak. That time, nagulat kami kasi umiiyak si Ashley. Napatayo ako ng dis oras, "Teka, anong nangyare?" nag-aalalang tanong ko. "May mga bastos na customers sa labas. Ayaw nilang padaanin si Ashley hangga't hindi niya binibigay 'yong  number niya. Buti na lang at nadaanan ko at natulungan ko si Ashley." pagpapaliwanag ni Bright at pina-upo si Ashley sa upuan niya. Umupo naman ako sa upuan ko habang nakatitig kay Ashley na umiiyak. "Okay ka lang, Ash?" nag-aalalang tanong ko. Umiling naman si Ashley at lalong humagolgol sa pag-iyak, "Break na kami." sagot niya habang humahagolgol sa pagiyak. "Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali pero nakipag-break siya sakin." Umupo si Bright sa isang upuan na nasa tabi ni Ashley at kinapa niya 'yong likod ni Ashley at bigla na lang napayakap si Ashley kay Bright para itago 'yong umiiyak niyang mukha samin. That time, sobrang naawa ako kay Ashley kasi gaya ko, iniwan din siya. Naka-relate ako sa kanya kasi napagdaanan ko na rin 'yang pinagdadaanan niya ngayon. Alam na alam ko 'yong pakiramdam ng isang iniwan at nasasaktan nang dahil sa pag-ibig. Tumayo si Rhian. Ang akala ko e dadamayan niya si Ashley pero nagulat ako nang tinabihan niya ako. Umupo siya sa kaninang upuan ni Bright sabay bulong sakin ng, "Uy, wag kang mag-selos, ha." Siguro mga ilang segundo bago ko na gets 'yong sinabi niya. Yakap ni Bright si Ashley at akala siguro ni Rhian e nagseselos ako. Ni hindi ko nga naisip 'yan habang nakatitig ako sa kanila. Ang mas inaalala ko e 'yong nararamdaman ngayon ni Ashley. Napatingin ako kay Bright. Siguro ganito talaga siya. Siguro mahilig siyang i-comfort 'yong mga taong broken hearted. Kagaya ng ginawa niya sa'kin.                           *** Lunes na lunes e nainis na naman ako. Panu ba kasi 'yan, si Colleen at si Gab e nakaupo sila sa bench habang magkaholding hands at talagang tanaw na tanaw ko rito sa labas ng bintana ng classroom namin. Naiinis ako at parang gusto ko silang takpan ng trapal para 'di ko sila makita o 'di kaya pang buhusan ng tubig para magsi-alisan. Sina Marian at Jennifer naman e proud na proud sa kanilang dalawa tapos tinutukso pa sila pareho at itong si Colleen naman abot hanggang tenga ang ngiti. Feeling ko talaga sinasadya nila 'to para pa-selosin na naman ako. Ang daming pwedeng puwestuhan para makipag PDA pero bakit do'n pa? Sa bench na kung saan tanaw na tanaw ko? Arg! Hindi ako lumabas ng classroom para bumili ng pagkain kahit break time na. Ayoko kasi silang madaanan at baka makita ng mga ka batch namin na dumaan ako sa harap nila tapos isipin pa na pinagpalit ako kay Colleen kasi 'di ako worth it mahalin. Mga gano'n. Hays. Ano nga ba ang wala sakin na meron si Colleen? Bakit ako iniwan tapos siya minahal? Kahit na nagloko na sa kanya si Colleen before e nagawa pa rin niyang bigyan ng second chance. Samantalang ako na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya, heto, iniwan parin. "Deyn, 'di ka ba bibili ng pagkain? Malapit na matapos 'yong breaktime." sabi sakin ni Rhian pero umiling ako. "Kayo na lang. Di naman ako gutom." pagsisinungaling ko. "Sure ka?" "Oo naman." Tapos umalis na sina Rhian at ako naman umupo ako sa upuan ko at pinilit kong mag-aral para sa quiz mamaya sa advance bio. Nakakainis lang kasi kahit ilang beses kong ulitin basahin 'yong nakasulat sa notebook ko e wala akong may maintindihan. Siguro naka apat na beses kong uliting basahin 'yon pero nakakalimutan ko agad kung ano 'yong mga binasa ko hanggang sa isarado ko na lang 'yong notebook ko dahil sa inis. "O? Di makapag concentrate?" Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Bright na naka-upo sa upuang nasa likuran ko. That time, naka uniform na siya at infairness—bagay sa kanya 'yong uniform ng school. Ang linis niyang tingnan at oo na, aaminin ko nang gwapo siya. Pero slight lang. Kasi para sakin si Gab pa rin 'yong mas gwapo. "Uy, kanina ka pa d'yan?" "Medyo. Nasaksihan ko nga kung papano mo ulit-uliting basahin 'yang nakasulat sa notebook mo." tapos ngumisi siya, "Di ka makapag concentrate dahil sa kanila 'no?" sabay turo sa labas ng bintana kung saan matatanaw mo sina Gab at Colleen na ngayon e nakahiga na siya sa balikat ni Gab. "Di ah." pagtanggi ko. Pero huli niya ako kasi halata raw sa mukha ko. "Oo na, sige na. Ano, masaya kana?" taas kilay kong sabi. Tumayo siya tsaka inilahad sakin 'yong kamay niya, "Tara." "Ha? Saan?" "Canteen." sagot niya. "Di ka pa kumakain sabi ni Rhian." "Ano ka ba. Sinabi kong 'di ako gutom." kunware nakukulitan kong sabi. "Ikaw na lang kung gusto mo." Pero binigyan niya ako ng panunuksong tingin, "Wee? Di gutom o ayaw mo lang madaanan sila?" sabay turo kay Colleen at Gab. "Hindi nga." pagtanggi ko. "Wala lang. Bakit, porket ayokong pumunta ng canteen e ganyan na agad rason? Alam mo, kainis ka." Tumawa lang siya sa sinabi ko at bumuntong hininga, "Sige nga, kung talagang 'di sila ang dahilan, dumaan ka sa harap nila ngayon." panghahamon niya. Anak ng—at talagang hinahamon pa niya talaga ako. Kainis talaga.   "Sinabing hindi ako gustom." pag uulit ko. "Pero 'di ko sinabing pupunta ka ng canteen. Ang sabi ko lang, dumaan ka sa harap nila. Let's see kung kaya mo." Tumayo ako. Di ko alam kung bakit ako biglang tumayo na para bang handa akong patulan itong trip ni Bright. Kinakabahan ako pero—bigla na lang akong napatayo nang hindi nag-iisip kung kaya ko nga ba o hindi. "Ano, game?" tanong pa niya. Alam kong pwede namang wag na lang pero tumango ako at lumabas ng classroom. Pero paglabas ko e biglang akong napatigil at napa-isip na wag na lang. Kasi hindi ko kaya at nanginginig ang mga paa ko ngayon na para bang ayokong dumaan sa harap nila habang naghaharutan. Di ko talaga kaya. Para akong matutunaw at mas gugustuhin ko na lang na kainin ako ng lupa kaysa patulan itong panghahamon sakin ni Bright. "O? Ba't napatigil ka?" tanong niya pero 'di ako sumagot. That time, napatingin ako kina Colleen at Gab na nakatingin sakin. Feeling ko nga ako pinag-uusapan nila kasi nagsasalita si Colleen habang nakatitig sakin at gano'n din si Gab. Di nga lang ako sure kung ako nga pinag-uusapan nila kasi 'di ko naman naririnig 'yong sinasabi ni Colleen kasi medyo malayo sila samin. "Wag na." sagot ko. "Nakatingin sila sayo, o." dagdag pa ni Bright. Tapos may mga ka-batch mates kaming nakatitig sakin at gano'n din kina Colleen. That time e maraming kinikilig kina Colleen at Gab at narinig ko pa na sumigaw 'yong isa kong ka-klase last year ng, "Sana all may jowa." "Ano? Magpapatalo ka na lang ba?" Umiling ako. Kasi hindi naman pwedeng lulubog ako samantalang sila naman e tinaguriang best couple of the year. Nilingon ko si Bright, "Hindi. Ayokong magpatalo." sagot ko. "Pero obvious naman na kahit gusto kong ako 'yong manalo, talo pa rin ako." Ngumiti si Bright na may kasamang buntong hininga at tsaka inilahad 'yong kamay sakin at napatingin naman ako ro'n sabay sabing, "Ano 'yan?" "Tara." "Ano nga kasi." "Basta, sumakay ka na lang sa trip ko." Wala akong choice kundi ang hawakan ang kamay niyang 'yon. Tapos naglakad kami patungo sa gawi nina Colleen which is do'n din naman talaga ang daan. Hawak ni Bright ang kamay ko samantalang ako naman e pawis na pawis ang kamay na parang gustong bumitaw sa kamay ni Bright pero wala akong choice kasi dere-deretcho ang lakad niya at mahigpit ang paghawak niya sa kamay ko. Nang malapit na naming madaanan sina Colleen, hindi kami masyadong makadaan ni Bright kasi 'di hamak na medyo makitid ang daan e may mga ka-batch kaming kinakausap sina Colleen at Gab na animo'y ini-interview kaya napatigil kami ni Bright sa paglalakad. "Excuse me. Pwede makiraan?" nagulat ang lahat at napalingon samin ni Bright. Hindi kasi niya sinabi 'yon kundi sinigaw mismo dahilan para makuha namin ang attensyon nila. That time, tinukso kami ng mga ka-batch naming nakakita na magkahawak kamay kami ni Bright. 'Yong kaninang kinikilig kina Colleen at Gab e samin naman sila kinilig ngayon. Tapos 'yong ka-klase kong  bakla last year na ngayon nasa kabilang section na ay lumapit pa samin at alam kong kami naman ni Bright ang i-interview-hin niya. "Omg! Boyfriend mo?" tanong sakin ni Julian, ka-klase kong bakla last year at tumango naman ako. "Omg! When pa? Bakit ngayon ko lang nakita ang poging 'to?" tanong pa niya habang nakatitig kay Bright. "Transferee kasi siya." napalingon ako kay Colleen nang siya mismo sumagot kay Julian. "Kaya ngayon mo lang siya nakita." Napa-irap ako pagkatapos. Hindi siya ang tinatanong pero siya ang sumagot. Nang-gigigil talaga ako sa mga ganitong tao. Papansin lang, Te? "Pero grabe naman. Akala ko kayo pa ni Gab." dagdag pa ni Julian. "Gulat ako nang malamang nagkabalikan sila ni Colleen. Tapos ikaw may bago na." "E, kasi. . . 'Yong iba d'yan, napagod." sagot ko at sinadyang iparinig 'yon kay Gab nang hindi sila nililingon. "Tapos gulat na lang ako, iba na mahal niya." "Hala siya. Galit, Te?" dagdag pa ni Julian at nagtawanan kami. Tapos napatingin siya kay Colleen. Ito kasing si Julian 'yong tipo na maingay tapos napaka honest at kahit bakla siya e ginagalang siya ng lahat kasi matalino siya at magaling mag advice sa lahat ng away at gulo dito sa school. Kaya nga siya student leader dito sa school namin. Nang lingunin niya si Colleen e bigla niya itong tinanong, "Hoy, Colleen, baka may ginawa ka kay Gab kaya iniwan itong si Danielle, ha." Alam kong deep inside naiinis si Colleen sa sinabing 'yon ni Julian pero wala lang talaga siyang choice kasi mapapahiya siya sa mga ka-batch naming nandidito kapag nagalit siya. Kaya imbis na magalit e ngumiti si Colleen, "Hala. Wala ah." pagde-deny niya. "Gusto lang talaga ako ni Gab. Hindi na ako magtataka ro'n kasi maganda ako at matalino." At nilingon ako ni Colleen pero that time si Julian pa rin ang kausap niya, "Alam kong maganda at matalino rin naman si Deyn, pero mas lamang ako." Napa-irap ulit ako sa sinabi niya. Talagang ang confident pa niya no'ng sinabi niya 'yon. Napatingin sakin si Julian, "Narinig mo 'yon, Deyn? Anong masasabi mo ro'n?" Ang masasabi ko? Ang yabang ni Colleen. Akala mo kung sinong maganda. Sinungaling naman. Ngumiti ako kay Julian sabay sabing, "Siguro maganda siya kaya bumalik sa kanya 'yong Ex niya at iniwan ako. Pero okay lang. Sabi nga nila," nilingon ko si Gab at si Colleen bago ko sinabi ang gusto kong sabihin, "Once a cheater, always a cheater." binigyan ko si Colleen ng plastic na ngiti matapos kong sabihin 'yon at  ang talim naman ng mga titig niya sakin. "So sinasabi mong cheater kami?" sabat ni Colleen na halatang galit na base sa boses niya. "Wala akong binanggit na pangalan." paglilinaw ko. "Pero kung natamaan ka, umilag ka na lang, baka keri pa." Tatayo sana si Colleen sa inu-upuan niya para sugurin ako pero pinigilan siya ni Gab at pina-upo pabalik. Napalingon naman ako kay Julian nang magsalita siya. "O siya, wag mag-away ha. Lalake lang 'yan. Tsaka, " tapos napatingin si Julian kay Bright na parang kinikilig  pa. "Mas pogi naman itong bago mong jowa. Paturo naman kung papano makahanap ng boyfriend na kasing pogi ng Bright mo." Natawa ako sa sinabi niya. That time, nakita ko sa peripheral view ko na nakatitig sakin si Gab at nakaisip na naman ako ng idea na pa-selosin siya. Kaya sinagot ko si Julian do'n sa sinabi niya tungkol kay Bright. "Nag-iisa lang 'to sa mundo." sagot ko at lalong hinigpitan 'yong paghawak ng kamay kay Bright, "At masaya ako kasi sakin siya." Nagtilian ang lahat sa sinabi ko. Unang-una na do'n sina Ashley at Rhian na hindi ko alam nakabalik na pala galing sa canteen.

 

Chapter 9 No time for them

 

Next week na 'yong exam namin kaya hinanda ko na ang sarili ko para mag-aral maigi para mataas 'yong mga scores na makukuha ko sa darating na exam. Kanina no'ng nag quiz kami sa Math lamang sakin si Colleen ng 3 points. Di ko alam kung bakit mas mataas siya kaysa sakin kahit na binigay ko naman 'yong best ko na masagutan ng tama 'yong quiz kanina. Pero ayon, wala pa rin. Siguro gano'n talaga. Sina Rhian at Ashley naman hindi napasa 'yong pasing score tapos si Bright naman sumakto mismo sa passing score ko. Pero okay na rin siguro na napasama rin ako sa passing score kahit na mas mataas sakin ang karibal ko. Mag-aaral na lang ako ng maigi sa exam para hindi ako bumagsak. At para confident ako na sagutan ang exam namin. No'ng uwian, niyaya ako ng mga kaibigan ko na pumunta sa cafè nina Callen pero tumanggi ako kasi  kailangan ko pang mag-aral ngayon. Alam kong next week pa 'yong exam pero kailangan kong mag-aral ng mas maaga. Hindi naman kasi pwedeng sa araw ng exam pa ako mag-aaral kasi alam kong hindi na ako makakakapag concentrate no'n. Isa pa, two days bago ang exam, kailangan kong ipahinga ang utak ko para pagdating ng exam, prepared ako. "Uy, sure ka? Hindi ka sasama?" pag uulit ni Rhian at umiling naman ako. Dala ko na ang bag ko no'n para umuwi na ng bahay habang sila naman ay hinihintay na magbago ang isip ko na sumama na lang muna sa kanila. Pero buo na ang desisyon ko at kailangan ko talagang mag-aral ngayon. "Hindi muna ako sasama kasi mag-aaral pa ako." sagot ko at binigyan sila ng maliit na ngiti. "Next week pa naman 'yong exam. Marami pang time para mag-aral. Ngayon lang naman 'to." sagot naman ni Callen. "Isa pa, bukas o sa makalawa e magiging busy na tayo kasi puro quizzes na sa lahat ng subject. Hindi na tayo makakagala." "Oo nga, pagbigyan mo na kami, Deyn." pagpupumilit ni Ashley. "Sorry talaga. Pero next time na lang siguro." sagot ko sa kanila at nakita ko namang sumimangot ang mga mukha nila. Actually, gusto ko rin naman sumabay sa kanila, kaso lang, kapag ginawa ko 'yon sayang 'yong oras. Kaya mas mabuting i-spend ko na lang 'yong time ko sa pag-aaral para wala akong pagsisihan kapag dumating na 'yong exam. "Hayaan niyo na lang siya." sabi naman ni Bright. "Alam niyo naman si Deyn, kailangan niyang pagbutihan ang pag-aaral niya. Tayo-tayo na lang." Dahil do'n, nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang at may taong ganito. 'Yong kilalang kilala kana kahit na mag-iisang buwan mo pa lang siya nakilala. So ayon, wala silang choice kundi ang intindihin na lang ako. "Sige, see you tommorow!" pa-alam nila sakin bago sila umalis. Ako naman e mag-isang naglakad patungong canteen para bumili ng tubig. Kanina pa kasi ako nauuhaw at tuyo't na tuyo't na ang lalamunan ko kaya bumili na ako ng maiinom bago umalis ng campus. Pagpasok at pagpasok ko sa loob ng canteen ay do'n ko na realized na ang malas ko today. Nandito kasi sina Gab at Colleen sa canteen. Naka-upo sila sa may table sa medyo malapit sa entrance tapos nagtatawanan sila pero nang makita nila ako biglang tumahimik silang dalawa. Uwian na nga lang, nasira pa araw ko. Ang awkward no'n kasi naka-eye to eye contact ko sila pero umiwas din naman agad ako at nagkunwareng parang wala akong nakita. Lutang ang peg. Pero sa totoo lang, nasaktan na naman ako. Lalo na't nakita ko kung papano sila magtawanan. Ang saya-saya nilang dalawa habang nag-uusap. Buti pa sila nagagawa nilang tumawa ng totoo. Hirap kasing tumawa lalo na't alam mong hindi kapa fully healed sa ex mo. Pero kahit gano'n, bumili pa rin ako ng tubig. Paki ba nila? E, sa nauuhaw ako, e. At nang makabili ako ay agad akong lumabas ng canteen. That time, sising-sisi ako kasi naisipan ko pang bumili ng tubig. Dapat pala tiniis ko na lang muna itong tuyo't kong lalamunan hanggang sa makauwi ako ng bahay tsaka ako uminom ng tubig. Hays. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Tapos na, e. Hindi na pwedeng ulitin kasi nangyare na. Ang mabuti pa, kalimutan na lang 'yon. Huminga ako ng malalim tsaka ko binuksan 'yong bottled water at uminom saglit bago ako nagsimulang maglakad palabas ng campus habang nakikipag talo sa utak ko. Sinisisi ko sarili ko kasi nagpunta pa ako sa canteen. Kung 'di sana ako nagpunta ro'n, edi sana hindi ko sila nakitang gano'n ang tawanan at sana hindi ako naiinis ngayon. E kung bakit ba kasi gano'n? No'ng nakita nila ako bigla silang tumahimik? Feeling ko tuloy ako pinagtatawanan nila? Like, impossible pero pwede ring possible—diba? "E, kasi naman Deyn, dapat sa labas ng campus ka na lang bumili ng tubig at hindi na lang sa canteen." sabi ko sa sarili ko habang naglalakad mag isa. "Edi sana, 'di mo nasabi sa sarili mo na napaka walang kwenta mong girlfriend noon kaya ka niya iniwan at pinagpalit sa dati niyang Ex—" "BULAGA!!" "Ay anak ng baka!" sigaw ko at napatalon pa sa gulat nang may biglang lumitaw na lalake sa isang malaking puno na 'di ko alam na nagtatago pala siya ro'n. "Ano ka ba naman?! Bakit ba nanggugulat ka?" sigaw ko sa kanya pero tawa lang siya nang tawa nang masaksihan ang naging reaksyon ko no'ng nagulat ako. Okay, fine. Alam kong nakakahiya nga 'yong naging reaksyon ko kasi naman totoong nagulat talaga ako. Sinong nagulat ba 'yong magagawang paghandaan 'yong magiging reaksyon niya? Siyempre walang gano'n. On the spot lahat ng reaksyon kapag  nagugulat ang isang tao. "Hoy! Umayos ka nga." na-aasar kong sabi. Pero siya patuloy pa rin sa pagtawa. Tipong napapahawak na siya sa tiyan niya dahil sa sobrang nakakatawa 'yong nakita niya. Pinigilan niya 'yong tawa niya saglit, "Sorry na. Natatawa lang." sabi niya at muling nagpatuloy sa pagtawa. Nakakaasar. "Ano ba kasi ang ginagawa mo d'yan? Ba't nagtatago ka? Ha?!" "Nakita kasi kita mula rito. Ang seryoso ng mukha mo tapos nagsasalita kang mag-isa." sagot niya habang natatawa ng kunti, "Kaya ayon, naisip kong gulatin ka." "At talagang tawang-tawa kapa, ano?" Umiling siya, pero natatawa pa rin, "Hindi naman. Slight lang." tapos nagseryoso na siya, "Cute mo pala pag-nagugulat." Asus! Binola pa ako. "Sinong niloloko mo?" "Seryoso ako." Bigla kong naalala na sumama siya kanina kina Callen tapos nandito pa siya kaya napatanong ako kung bakit pa siya nandito at kung nasaan na sina Callen. "Asan sina Callen? Akala ko ba pupunta kayo sa cafè nila?" "Susunod ako sa kanila. Pero sinabi kong ihahatid muna kita." seryosong sabi niya, magsasalita pa sana ako nang bigla niya akong unahan, "Alam ko namang hindi ko kailangan gawin 'to, pero baka kasi isipin nila na wala akong paki sayo at wala akong kuwentang manliligaw. Baka isipin pa nilang laro lang talaga 'to." Na gets ko naman siya. At alam kong may point siya. "Pero okay lang naman kung sabihin mo sa kanila na ako talaga mismo nagsasabi sa'yo na ayokong magpahatid, gano'n." sagot ko. "Maiintindihan ni Callen 'yon. Kasi alam niyang ayaw ng mga magulang ko na may maghahatid sundo sakin." Hindi siya nakapag-salita at binigyan lang niya ako ng isang maliit na ngiti sabay sabing, "Akin na bag mo." "Ha?" Hindi niya inulit 'yong sinabi niya at siya mismo kumuha ng bag ko sakin. "Uy, anong ginagawa mo?" tanong ko nang kunin niya sakin 'yong bag ko at siya nagdala no'n. "Ako na magdadala." sagot niya. "Ihahatid kita. Pero hanggang sa kanto lang para 'di makita ng parents mo." "Nasa work sila pareho at mamaya pa uwi nila. Pero baka may makakita na kilala ako tapos isumbong pa ako." nag-aalala kong sabi. "Wag kang mag-alala. Magpapaliwanag ako sa parents mo kung sakaling malaman nila ang tungkol dito." dagdag pa niya. Wala naman akong magawa kundi ang hayaan na lang siya since kahit anong gawin o sabihin ko e ayaw naman niyang makinig sakin. At gaya nga ng sinabi niya, hinatid niya ako hanggang sa may kanto lang. Tapos binalik na niya sakin 'yong bag ko at kinuha ko naman 'yon sa kanya tsaka siya nagpa-alam sakin at gano'n din ako sa kanya. Tumalikod na ako at alam kong gano'n din siya para umalis na nang bigla niya akong tawagin kaya naman nilingon ko ulit siya. "Bakit?" tanong ko agad no'ng hinarap ko ulit siya. "Gusto ko lang sabihin na. . ." tapos napatigil siya saglit at napakamot sa ulo niya. "Ano pala, uhm. . .  May gagawin ka ba mamaya?" nahihiyang tanong niya. "Anong ibig mong sabihin?" "Kung 'di ka busy. . . Chat tayo. Okay lang?" Napangiti ako na parang ewan. Ang weird kasi niya. Ano namang pag-uusapan namin sa chat? "Uhm. . . Titingnan ko. Kasi baka makatulog agad ako pagkatapos kong mag-aral." Ngumiti lang siya, "Sige." "Pero 'di ako nag p-promise, ha. Kasi baka mabigo lang kita." dagdag ko pa. "Ayos lang." nakangiting sagot niya. "Pero maghihintay ako mamaya. Hanggang 11:00pm. Tapos kung 'di ka pa online, that means, nakatulog ka na nga at mag lo-log out na lang ako." Tumango ako nang nakangiti, "Sige. Pero pwede namang matulog ka na lang ng mas maaga. Nakakahiya naman na hanggang 11:00 ka talaga maghihintay." "Hindi naman. Actually, 11:00 talaga 'yong pinaka-maaga kong tulog." tapos kinindatan niya ako, "Kaya hintayin kita hangga't kaya ko."   "Pero kapag 'di ako um-online, wag mo'kong sisihin, okay?" Tumango siya sabay sabing, "Oo na. Future girlfriend." "Tigilan mo'ko sa kaka-asar mo sakin." Tumawa lang siya knowing na mapipikon na ako, "Di kita inaasar." sabi niya at sumaludo sakin, "Sige na. Bye na. Ingat ka." Tumango ako sabay sabing, "Ikaw rin." at binigyan siya ng isang abot hanggang tengang ngiti. "Aral maigi." dagdag pa niya at tumango naman ako. "Ikaw rin." Pagkatapos no'n, naglakad na ako patungong bahay at hindi na naalis 'yong ngiti ko sa labi hanggang sa makarating ako sa tapat ng gate namin. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako nakangiti ngayon—parang ang weird ko. Di ko naman siya crush pero bakit gano'n? Ano ba 'tong nangyayare sakin? Baliw na ba talaga ako? O baka naman 'di ko lang alam sa sarili ko na crush ko na pala siya? Napapikit ako at umiling para bawiin itong sinasabi ko sa isip ko, "No. No. No. This can't be. Magkaibigan lang kami ni Bright. Kaya hindi dapat ako nag-iisip ng mga ganito." sabi ko sa sarili ko at pumasok na sa loob ng bahay.                                *** Dalawang araw na hindi ako sumasama sa gala ng mga kaibigan ko pagkatapos ng klase namin. Ni hindi ko na nga sila nakakasabay kumain ng lunch kasi kahapon umuwi ako ng bahay para do'n kumain ng lunch tapos kanina naman 'di ako nag lunch kasi nalaman ko na may quiz na naman sa isang subject pagkatapos mismo ng lunch kaya imbis na mag lunch pa ako e nag-aral na lang ako para sa quiz. Pero kahit anong gawin ko 'di ko pa rin ma perfect 'yong quiz. May dalawang mali ako pero mataas 'yong nakuha kong score kumapara kay Colleen. This time, lamang ako sa kanya. Sina Rhian at Ashley naman ay pasok din sa highest score. Tapos kanina no'ng nag activity kami sa Filipino subject e by pair 'yon. Nakipag-pair ako kay Richard kasi alam kong magaling siya sa Filipino subject at siya lagi ang highest kapag may quiz. At alam ko na kapag partner ko siya ay mataas na score 'yong makukuha namin o baka nga ma-perfect pa namin 'yon. Partner si Callen at Bright tapos si Rhian at Ashley naman. Alam kong nag-tampo sila sakin no'n kasi hindi ako nakipag partner sa kahit isa sa kanila at alam ko na alam nila kung bakit si Richard ang pinili kong i-partner. Ang hindi ko lang ma-gets ay kung bakit hindi si Rhian at Callen 'yong magka-partner. Usually naman lagi silang partner pero ngayon hindi. Hindi ko alam kung nag-away ba sila o ano kasi hindi ko na sila nakakausap at 'di ko na alam kung ano ang nangyayare. At gaya ng inasahan ko sa activity, kami ni Richard 'yong nakakuha ng highest score samantalang si Colleen at si Jennifer naman ang pangalawa tapos sunod sina Bright at Callen. Natuwa ako kasi highest na naman ako for today. Pagkatapos ng araw na 'yon, nag ready na ulit ako para sa exam. Pero ang badnews, 'di na ako pinapansin nina Rhian. At dahil ma pride akong tao, 'di ko rin sila pinansin. Ewan ko ba, alam ko naman sa sarili ko na hindi ko kayang mawala sila sakin pero 'yong feeling na pinapangunahan ka ng pride mo? Tipong gusto mong kausapin sila pero parang may pumipigil sayo at umaasa ka na sila mismo maunang mag-adjust para kausapin ka. At ayon, natapos ang buong klase nang hindi kami nagkakausap pati na rin si Callen. Siguro galit na rin siya sakin kasi 'di na ako nakakasabay sa kanila. Umuwi sina Rhian at Ashley nang hindi nagpa-alam sakin. Kanina nagdadalawang isip pa ako na baka busy lang rin sila kaya 'di nila ako pinapansin pero ngayon confirmed na na galit talaga sila sakin. Si Callen naman nandito pa rin sa classroom pero 'di ako pinapansin. Sinusubukan ko siyang kausapin pero 'di niya ako kinikibo. At nakakapagtaka lang dahil 'di siya sumama kina Rhian. Feeling ko na talaga e nag-away sila. Nang umuwi si Callen ay kinausap ako ni Bright ng masinsinan. At gaya nga ng inisip ko, tungkol 'yon sa kung bakit 'di ko na kinakausap mga kaibigan ko. E, kasi naman ma-pride akong tao. Gusto ko sila ang maunang kumausap sakin. Gusto ko rin namang magkausap kami at magkaintindihan pero may pumipigil talaga sakin na gawin 'yon. "Ibang iba ka na. Di ka naman ganyan. Dati naman sumasabay ka sa kanila pero ngayon ni kausapin o kamustahin sila hindi mo nagawa." biglang bungad sakin ni Bright. "Kaya sila nagtatampo kasi wala ka ng oras sa kanila." "Alam ko, Bright." sagot ko. "Pero sana maintindihan niyo rin ako. Gusto kong mag-aral ng maigi. Gusto ko ng maraming time sa pag-aaral." Tumango siya sa sinabi ko, "Alam namin 'yon. Naiintindihan ka namin. Pero hindi naman siguro masama kung kausapin mo sila. Kahit 5 minutes okay na 'yon. Hinihintay ka nilang lapitan at kausapin mo sila kanina pero 'di mo ginawa." Natahimik ako nang ma-realize ko na parehas lang pala naming hinihintay ang mga isa't isa para magkausap. "Wala namang masama kung mag focus ka sa pag-aaral. Pero papaalala ko lang sayo na hindi ito kumpetisyon. Nandito tayo para matuto at hindi makipag-compete." Natahimik ako bigla. Gusto kong intindihin 'yong mga sinasabi niya. Pero naiinis ako kasi pakiramdam ko mali na naman ako. Pakiramdam ko kasalanan ko na naman. Lagi na lang akong mali.   Nag-aaral lang naman ako kasi gusto kong talunin si Colleen sa klase. Gusto ko lang namang malamangan siya. Kasi ang sakit ng ginawa nila sakin, e. Inagaw niya sakin si Gab, kaya aagawin ko rin ang number 1 spot sa rankings. Kasi kapag nangyare 'yon, nagbabakasakali akong baka mapansin ulit ako ni Gab. Baka kapag nalaman niyang mas matalino ako kay Colleen, baka maisip niyang balikan ako. 'Yon lang naman 'yon. "Deyn, naiintindihan mo ba ang point ko?" pag-uulit niya. "Naiintindihan ko. Pero mas naiintindihan ko ang sarili ko." tatalikod na sana ako kasi nawalan na ako ng ganang kausap siya pero nagsalita pa siya kaya hinarap ko ulit siya. "Dahil ba kay Colleen?" aniya dahilan para samaan ko siya ng tingin, "Wala naman siyang ginagawang masama sa'yo. Ikaw lang 'tong nag-iisip ng mga bagay-bagay na ikinagagalit mo sa kanya." Napangiwi ako sa sinabi niya. Sabi ko na, e. Mas pumapanig siya sa side ni Colleen at ako na lang lagi ang mali. At naiinis ako dahil do'n. "Alam mo, Bright, kung feeling mo mali itong ginagawa ko, pwes! From now on. . . wag mo na akong kausapin pa." galit kong sabi. Nakita kong hindi niya inasahang sasabihin ko 'yon sa kanya. Nakita ko sa mukha niya na nalungkot siya sa sinabi ko. Alam kong medyo naging masama na ako sa harap niya. Alam kong sobra na. Pero naiinis ako, e. Naiinis akong malaman na mas pinipili nila si Colleen. 'Yong feeling na ako pa 'yong nagiging masama sa mga mata nila at si Colleen lagi ang inosente. "Wag mo na akong kausapin, tawagan o i-chat." dagdag ko pa. "At kung pwede sana, layuan mo na ako. Kalimutan na lang na'ting magkakilala tayo." Tinalikuran ko siya at umalis ako ng classroom at deretchong umuwi ng bahay at binuhos ang oras sa pag-aaral. Ang akala ko no'n e makapag focus ako sa pag-aaral. Pero hindi, e. Kasi sa bawat segundo, laging pumapasok sa isip ko si Bright at 'yong mga sinabi ko sa kanya kanina. Gusto kong mag-sorry sa kanya pero hindi ko alam kung papano at kung anong gagawin. I cha-chat ko sana siya pero 'di naman siya online. Sinara ko ang librong binabasa ko at humiga ako sa kama ko habang nag-iisip kung anong pwedeng gawin. Gusto ko siyang i-chat at sabihing sorry sa mga nasabi ko kanina pero binura ko 'yon at 'di ko na sinend kasi naisip ko na baka i-seen lang niya 'yong chat ko at 'di niya ako reply-an. Gusto ko rin siyang tawagan kaso wala akong cellphone number niya at kung matatawagan ko man siya, sa messenger lang 'yon. Kaso lang, 'di nga siya online. So ano nang gagawin ko? Nakita kong online si Callen that time, chinat ko siya pero walang kwenta ang reply niya. Ang akala ko nga 'di na ako rereply-an ng isang 'yon kasi 'di ako kinikibo kanina. Alam niyang nag-away kami ni Bright kasi sinabi ni Bright sa kanya tapos ang sabi pa niya e kasalanan ko raw 'yon kasi nawalan ako ng oras sa kanila at lalong lalo na kay Bright na ang akala niya ay totoong manliligaw ko. Callen De Vera   active now• Wag kang mag-alala, kung talagang mahal ka niya, mapapatawad ka ka-agad no'n. O baka nga siya pa mismo mag-adjust para suyuin ka. Pero totoo, natatampo sa'yo sina Rhian. At kung sila nga na kaibigan lang nagtatampo na, si Bright pa kaya. Matapos kong basahin 'yong reply ni Callen, nagkaroon ako ng lakas ng loob na i-chat si Bright. At saktong online na siya no'n. Habang nagt-type ako ng sasabihin sa kanya para mag-sorry e kinakabahan ako sa 'di malamang dahilan. Ewan ko nga kung bakit ako kinakabahan at talagang pati nga mga daliri ko e nanginginig habang nag t-type. At no'ng ma-type ko na lahat ng gusto kong sabihin sa kanya ay nagdalawang isip pa akong i-send 'yon hanggang sa binura ko ulit at kumalma saglit. That time, nag-isip ulit ako ng pwedeng gawin. Kung uulitin ko ba 'yong tinype ko at i-send na talaga sa kanya o wag na lang? Nagpagulong-gulong ako sa kama ko saglit hanggang sa maisip kong i-chat na talaga siya. And this time, ise-send ko na talaga. Pero bago pa man ako mag type ulit. . . Nagulat na lang ako nang biglang tumunog ang messenger ko. At mas lalong nagulat at hindi makapaniwala sa nakita ko,               ;    Bright Navales      is Calling you on Messenger. . .

 

 

Chapter 10 Heart Emoji

Bago ko pa man sagutin 'yong tawag niya ay pinatay agad niya. Di ko alam kung bakit ang bilis. Ni wala pa ngang limang segundo no'ng tumawag siya tapos pinatay agad niya kaya 'di ko agad nasagot. Ano 'to? Nagbago isip niya't naisip niyang wag na lang akong tawagan? Nakatitig lang ako sa phone ko habang hinihintay na uulitin niya 'yong tawag niya pero 'di na niya ginawa. Pero nagliwanag ang mukha ko nang makitang typing siya. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko habang hinihintay at hinuhulaan kung ano ang tina-type niya ngayon. At 'yon na nga, Bright Navales   active now• Sorry, napindot ng pamangkin ko. Nasa kanya kasi phone ko. Na badtrip ako kasi akala ko totoo na 'yon. Akala ko sinadya niya talagang tawagan ako para makausap pero hindi pala. Napindot lang pala ng pamangkin niya. Pero okay na rin siguro 'yon 'no? At least ngayon nag-chat siya sakin. Ibig sabihin, chance ko na 'to para mag-sorry sa kanya. Naglabas ako ng isang malalim na buntong hininga. Okay, okay. Kalma lang self. Kaya mo 'yan. Mag-sorry ka sa kanya. Mabait naman siya, e. Kilala mo siya. Alam mong iba siya sa lahat ng mga nakilala mo kaya keri 'yan—wait, anong iba siya sa lahat ng mga nakilala ko? Bakit ko ba nasabi sa isip ko 'to? Like, para namang iba 'yong meaning. Sounds like parang may gusto ako sa kanya kahit wala naman. Anak ng! Nasisiraan na talaga ako ng bait. Ano ba 'tong pinagsasasabi ko sa isip ko? Sira ulo na yata talaga ako. Hays. Danielle Legaspi     active now• Hindi. Ayos lang. Hehe. Nga pala, galit ka ba sakin? Kaka-send ko pa lang no'n nang makitang typing agad siya. Napangiti ako knowing na inaabangan niya 'yong reply ko. Bright Navales   active now• Hindi ako galit. Alam ko namang nasabi mo lang 'yon kasi nadala ka lang sa galit kanina. At naiintindihan kita. Pagkabasa ko ng reply niya, napatanong ako sa sarili ko kung bakit nga ba ang bait niya? Bakit ang bilis niyang magpatawad? Tipong kahit na sinigawan ko siya kanina at inaway pero hindi niya dinibdib 'yon at sa halip ay 'di niya nagagawang magalit sakin pabalik. Nakukunsensya tuloy ako. Danielle Legaspi     active now• Uy, sorry ha. 'Yong nasabi ko kanina, wag mo nang isipin 'yon. Sorry talaga. Bright Navales   active now• Wag kang mag-sorry sakin. Okay lang naman ako. Kung meron ka mang dapat hingi-an ng tawad, do'n sa mga kaibigan mo. Sila lang naman kasi 'yong affected. Alam kong gusto niyo nang makausap ang isa't isa kaya kausapin mo sila bukas ng personal. Tama siya, kailangan ko pang kausapin ang mga kaibigan ko kasi alam kong nagtatampo sila sakin ngayon. Lulunukin ko na lang itong pride ko para makausap sila. Miss ko na rin kasi sila. Danielle Legaspi     active now•                                                     Nag-alala ako kanina baka kasi nagtatampo kana. I cha-chat sana kita pero nagulat ako nang makitang tumawag ka bigla. Akala ko sinadya mo talagang tawagan ako pero hindi pala. Pero okay lang 'yon. At least okay na tayo. At ngayong okay na tayo, gusto kong mag thank you sayo. Bright Navales   active now• Thank you speech pala 'to. Akala ko kasi mag co-confess ka ng feelings mo sakin. Imbis na ma-asar ako sa sinabi niya e kasalungat do'n 'yong naging reaksyon ko. Nakangiti ako habang binabasa 'yon. Danielle Legaspi     active now• Sira ka talaga! Bright Navales   active now• Biro lang. Pero okay na tayo, ha. Pwede pa rin kitang I-chat at kausapin, diba? Danielle Legaspi     active now• Yes naman. Di ko nga alam kung bakit ko na sabi 'yon kanina. Isa pa, kailangan kita. Bright Navales    active now• Kailangan mo'ko? Bakit? Paki-explain please. Ayokong ma-misunderstood 'to. Danielle Legaspi      active now• Sira!! HAHA Kailangan kita kasi may deal pa tayo, fake manliligaw. Hinintay ko saglit 'yong reply niya. Alam kong typing siya no'n pero ang tagal bago niya i-send. Di ko alam kung anong tina-type niya kasi ang tagal. Hanggang sa mag reply siya. . . Bright Navales    active now• Okay. My goodness gracious! Sa haba haba ng tinype niya, 'okay' lang 'yong naging reply niya?—my gosh! Akala ko may babasahin akong mala short novel pero one word lang pala. Pero ano naman kung 'okay' lang 'yong naging reply niya? Ano naman diba? Ano ba ine-expect kong sasabihin niya sakin? May ine-expect ba akong sabihin niya kaya ako nagkakaganito? Hmm. . . Kaya lang siguro ako parang na bitin sa sinabi niya kasi nakita kong ang tagal niya mag-reply kahit na nakita kong halos mga tatlong minuto siyang typing at nag-expect ako na mahaba 'yong sasabihin niya—'yon lang 'yon. . . I guess? At dahil 'okay' 'yong reply niya't 'di ko na alam kung ano ire-reply ko sa okay na 'yan, nag-reply rin ako ng okay. Danielle Legaspi   active now• Okay. Ibang klase rin ako, pwede namang i-seen ko na lang siya pero nag-reply pa ako. Baka isipin niya na nag re-reply pa ako kasi ayoko pang matapos ang conversation namin dito sa messenger. Bright Navales   active now• Gusto mo pa akong kausap, ano? Napatayo ako at pabalik balik na naglalakad sa kuwarto ko. Halos gusto kong i-bato itong cellphone ko kasi tama ako ng iniisip. Talagang alam na alam niya lahat, e. Bumalik ako sa pag-upo sa kama ko at sumandal sa pader tsaka huminga ng malalim bago ako muling napatitig sa phone ko para replyan siya. Danielle Legaspi     active now• Luh? Assuming lang? Bright Navales   active now• Wee? Nag a-assume lang ba ako? O baka totoo? Ayaw mo lang sabihin. Danielle Legaspi   active now• Hay naku. Bahala ka d'yan. Itulog mo na lang 'yan kasi may pasok pa tayo bukas. Bright Navales   active now• Oo na. Matulog ka na rin. Wag puro shared post. Lalo kang napagkakamalang sadgirl niyan, e. Hehe. Goodnight, Deyn!! Danielle Legaspi ;   active now• Goodnight, Liwanag Nakangiti pa ako nang i-send ko 'yon nang bigla kong mapansin 'yong heart emoji. Oopss!! Ba't may nasamang heart?? Gusto ko lang naman siyang asarin peroba't may heart?!! Argg!! I re-removed ko pa sana 'yon pero too late na kasi na seen na niya. At ewan ko na lang sa kahihiyang ginawa ko kung papano ko malulusutan 'to at kung malulusutan ko nga ba itong kahihiyang 'to? E, kung bakit ba kasi nasa recent emoji ko 'yong heart na 'yon, e kung pwede naman 'yong angry o 'di kaya araw para sakto sa 'liwanag' na word o kahit anong emoji basta wag lang 'yon. Pero 'yong pa heart?—ewan ko na lang. Nagpanic ako nang makitang typing siya. Gusto kong mag-log out na lang pero mas interesado akong mabasa 'yong reply niya kaya hinintay ko talaga 'yon at para na rin makapag explain ako sa kanya. Bright Navales   active now• ?? Bakit may ganitong emoji? Danielle Legaspi    active now Uy walang malisya. Napindot ko lang 'yan. Tsaka ko na lang nakitang nasama 'yan nang ma-send ko na. Gusto lang kitang asarin kaya wag sanang lumaki ulo na'tin. Bright Navales   active now• Hindi ako na asar. Mas kinilig pa nga ako. Nawala tuloy antok ko. Screenshot ko 'to, para may proof na patay na patay ka sakin. Danielle Legaspi ;   active now• HOY!! WAAGG!! Napindot lang 'yan. Wag kang ano. Burahin mo 'yong screenshot kundi lagot ka sakin. Pero bago pa man niya ma-seen 'yong message ko, nakita kong pinost niya 'yon. Tapos may nakalagay na caption na "Sarap sa eyes" yuck! Anong trip na naman 'to? Ang nakakainis lang, inamag 'yon sa comment section. At siyempre, dahil interesado akong makita 'yong mga comment, binasa ko mga 'yon. Ian Villaflor Sana all may ka bebetime si Liwanag Whahaha. Shawn Sandoval Wow naman. May pa heart. Ipa-billboard na 'yan!! Callen De Vera @Danielle Legaspi Ganito kana ba manuyo ngayon? May pa puso? Rhian Mendoza Hala! Kayo na? @Danielle Legaspi Di lang tayo nagkausap 'di mo na kami binabalitaan sa lovelife mo. Tampo ulit ako. Chariz. Haha. Ashley Verano Whaa!! Mas bet ko tandem niyo. BrightDeyn May mga iba pang nag co-comment bukod sa mga kaibigan namin. Pero halos lahat do'n e mga ka fb friends ni Bright.   Nanginginig naman ang mga daliri ko habang nag t-type ng sasabihin kay Bright na burahin niya 'yon. Danielle Legaspi    active now• Hoy!! Ba't mo 'yon pinost? Kainis ka. Sobra!! Lagot ka talaga sakin bukas! Bright Navales   active now• Gusto ko lang i-flex 'yon. May masama ba? Wag ka nang magalit. Sorry na. Baby. Wait—what?! Baby? Yuck! Kadiri. Hindi magandang pakinggan. Kinikilabutan ako. Danielle Legaspi    active now• Hoy anong baby? Baby mo mukha mo! Kinikilabutan ako sa'yo. Pagkatapos kong i-send 'yon, 'di na niya sineen 'yong message ko. Ewan ko ba. Ako lagi last chat samin. Nakakainis na talaga kasi lagi na lang ako. Next time babawi ako.                                *** Kinabukasan, ako mismo ang lumapit kina Rhian at Ashley para humingi ng tawad. Nilunok ko na 'yong pride ko kasi alam ko na wala akong mapapala ro'n. "Uy, sorry ha. Nawalan ako ng time sa inyo." sabi ko sa kanila habang inaabutan sila ng tig-iisang chuckie drink. "Gusto ko lang talagang makakuha ng mataas na grades this quarter." Napabuntong hininga si Rhian at ngumiti naman sakin si Ashley. "Naiintindihan ka namin." sagot ni Rhian. "Pero alam mo, nag-aalala rin kami sayo kasi parang ini-istress mo na sarili mo sa kaka-aral. Hindi naman sa dini-discourage ka naming wag mag-aral. Ang samin lang, okay lang naman kung magpaka-chill ka kahit saglit." pagpapaliwanag niya. Bigla akong na touch sa sinabi ni Rhian. Di ko alam na nag-aalala lang pala sila sakin kasi masyado kong ini-istress sarili ko. Na guilty tuloy ako. "Alam mo kasi Deyn," tinapik ako ni Ashley sa balikat, "Maganda naman 'yang ginagawa mo. Actually, magandang influence ka. Lalo na samin. Pero sana tandaan mo lagi na hindi mo kailangan makipag-compete kay Colleen lagi. Kasi kahit na hindi mo gawin, lagi ka namang lamang sa kanya. Alam mo 'yan." Napangiti ako, "Naiintindihan ko." tapos kinuha nila sakin 'yong Chuckie drink na binigay ko at ininom 'yon tsaka ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Sinabi na rin sakin 'yan." sagot ko na ipinagtaka naman nila. "Nino?" sabay nilang sabi. "Ni Bright." sagot ko naman dahilan para kiligin silang dalawa at nagsimulang tuksuhin ako. "Ayon naman pala." sabat ni Rhian.  "And speaking of Bright, ano 'yong pinost niya kagabi, ha?" tanong niya na halatang tinutukso ako. Napakamot naman ako sa ulo ko habang nag-iisip ng sasabihin ko sa kanila. "Ano lang 'yon. . . aksidenteng napindot 'yong heart emoji." pagpapaliwanag ko. "Wow. Aksidente lang ba? Pero may pa goodnight, e, ano?" panunukso naman ni Ashley. Wow naman. Pati pagsabi ng goodnight e may malisya na ba ngayon? Pero sabagay, wala naman kasi silang alam. Ang buong akala nila maliligaw ko talaga si Bright kaya sila kinikilig sa maliit na bagay lang. Hindi nila alam na kaibigan ko lang ang isang 'yon at wala nang mas hihigit pa ro'n. At dahil 'di nila alam ang katotohanan tungkol sa deal namin ni Bright, mas mabuti sigurong magpanggap na lang ako na parang kinikilig. "Oo na. Aaminin ko na. Kinilig din naman ako no'ng sinabi ko 'yon sa kanya." sabi ko nang nakangiti para talagang kapani-paniwala 'yong sinabi ko. "Pero basta ha, wag mo na ulit kaming deadmahin." dagdag pa ni Rhian. "Hindi kaya nakakatuwa." "Oo na." tapos niyakap ko silang dalawa. Ang kinalabasan no'n e nag group hug kaming tatlo. Pagkatapos, biglang pumasok sa classroom sina Callen at Bright. Nagkatinginan kami nina Callen at Bright tapos si Bright e nginitian ako, si Callen naman tinaasan ako ng kilay pero napansin kong 'di nagkikibuan si Rhian at Callen. Usually kasi kapag dumating si Callen kay Rhian agad siya lumalapit pero ngayon e kasama lang niya si Bright. Hmm, feeling ko talaga nag-away sila. "May problema ba kayo ni Callen?" bulong ko kay Rhian. Tapos hinila ako palabas ni Ashley kasi siya na raw mag ku-kuwento sakin tungkol sa problemang nangyare na hindi man lang ako updated na nag-away nga sila no'ng nakaraan pa. Ang alam ni Ashley nag-away sila. Pero 'di sinabi ni Rhian kung anong problema ang naging dahilan ng away nila. Basta, hindi sila nagkikibuan ngayon. "Hala, papano na 'yan? Kung 'di nila pag-uusapan, papano nila maayos?" tanong ko pa kay Ashley. "Kaya nga, e. Kino-convince ko si Rhian na kausapin si Callen, pero itong si Rhian ma pride. Gusto niyang si Callen mag adjust. Tapos itong si Callen e gano'n din. Kumbaga, pareho lang nilang hinihintay ang isa't isa kung sino mag a-adjust para makausap ang isa't isa." Napabuntong hininga ako. Parang ako lang din. Ma pride din akong tao pero nagawa ko rin namang lunukin ang pride ko para magkabati kaming tatlo. Kung magpapatuloy silang ganito, walang magbabago. Hindi sila magkakaayos. Dapat may isang mag adjust kahit papano. Obvious naman kasing pareho na nilang gustong makausap ang isa't isa, pride lang talaga ang pumipigil sa kanila. Pero gaya ng sinabi ni Ashley, hayaan na lang muna namin sila. Hayaan munang lumipas ang araw para makapag isip-isip sila hanggang sa ma-realized nila o ma mi-miss nila ang isa't isa at sila na mismo ang gumawa ng paraan para magkausap sila. No'ng mag-start ang klase, may groupings na naman. By pair lang ulit 'yon at this time, hindi na ako nakipag pair sa iba kundi—nilingon ko si Rhian at Ashley at nag ngitian kaming tatlo. "Uy, sino gusto makipag partner sakin?" tanong ko sa kanilang dalawa. "Teka, by pair lang ba talaga?" tanong naman ni Ashley. "'Yon daw sabi ni Ma'am." sagot naman ni Rhian. Tapos biglang nag raise ng kamay si Ashley at nagtanong sa teacher namin, "Ma'am, pwedeng tatlo?" Tapos napasagot 'yong teacher namin sa tanong ni Ashley ng, "By pair lang dapat. Di pwedeng tatlo kasi baka walang ambag 'yong isa." "Hala! Si Ma'am talaga." pagrereklamo ng isa naming ka-klase at nagtawanan namin kami. So ayon, wala kaming choice kundi ang kailangan mamili ng isang partner 'yong isa samin. "Kay Callen ka na lang kaya Rhian." suggest ni Ashley. "Para magkabati na kayo." "May point si Ashley." pagsang-ayon ko naman. "Luh, pinagkakaisahan niyo 'ko." sagot naman ni Rhian habang uma-arteng parang naiiyak. "Uy, hindi ah." natatawa kong sabi. "Naisip lang namin na baka paraan 'to para magkabati kayo. Alam mo 'yon?" "Pero ayoko talaga. Wag ngayon. Di ko pa alam kung papano siya kausapin." pagmamakaawa ni Rhian samin ni Ashley. At dahil silang dalawa ang mas mag bestfriend kasi elementary pa lang sila ay magkaibigan na sila, ako ang nagparaya saming tatlo. "Sige na. Ako na magpaparaya." sagot ko at biglang nag 'yes' si Rhian sa tuwa at niyakap ako. "Thank you so much, Deyniee!" sabi niya at mas lalong hinigpitan 'yong pagyakap sakin. "Savior talaga kita." dagdag pa niya bago ako bitawan. "Ano ba kasi pinag-awayan niyo?" tanong ko pa pero sabi niya 'di pa siya handang mag-kuwento samin. Kaya hinayaan ko na lang. Kaya ayon, ako partner ni Callen kasi wala akong partner at isa pa, may partner na silang lahat. Tapos si Colleen e biglang tumayo at sinundan ko naman siya ng tingin kung saan siya pupunta at nagulat ako nang makitang tumabi siya sa upuan ni Bright. As in kay Bright mismo. Narinig kong tinanong niya si Bright kung may partner na siya, pero napatingin muna samin ni Callen si Bright bago siya muling tumingin kay Colleen at umiling. No'ng time na 'yon, magkapartner sila ni Colleen. Pero 'di naman ako nagseselos kasi I don't like him naman, kaya okay lang. Pero itong mga friends ko, nag-alala bigla sakin. "Uy, bakit mo hinayaan si Bright na mapunta kay Colleen?" bulong sakin ni Rhian. "Oo nga. Bakit mo siya hinayaan? Akala ko ba gusto mo siya?" tanong naman ni Ashley habang naghahanap ng one half sa bag niya. Nag-isip ako ng sagot para malusutan itong mga tanong nila. "Hindi pa naman kami. Tsaka may tiwala ako sa kanya. Alam kong ako lang ang gusto niya." sagot ko sa kanila. "Kaya okay lang kahit iba ang partner niya." At pagkatapos no'n, tinukso na naman nila ako. Pagkatapos ng klase, naunang umalis si Ashley kasi may lakad sila ng family niya tapos si Rhian naman naunang nagpaalam sakin at si Callen umuwing mag-isa kaya kaming dalawa ang naiwan ni Bright. That time, nagkatinginan na lang kami sa 'di malamang gagawin. Actually, sa isip ko talaga no'n e umuwi na para mag-aral, pero tinanong ko muna siya kung may gagawin pa siya o wala na. "May gagawin ka pa ba o uuwi na rin kagaya nila?" Umupo si Bright sa armchair na nasa tabi ko na para bang sinasabing hindi pa siya uuwi, "Nandito ka pa, e. Kaya 'di muna ako uuwi." sagot niya. "Uy, wala na naman sina Callen dito, e. Di mo na kailangan magpanggap na manliligaw ko." "Kahit na sinasabi natin sa kanila na manliligaw mo'ko, 'di naman tayo sweet. Di naman ako sweet sayo kagaya ng ibang manliligaw." Natawa ako ng kunti dahil sa sinabi niya, "Wow naman. Hindi mo naman kailangan mag-effort ng tudo. Hindi naman totoo 'to, laro lang. Kaya 'di mo kailangan mag-sayang ng pera o kahit ano para lang dito." kinuha ko 'yong notebook ko saglit at sinagutan 'yong assignment na meron kami since mukhang sinipag akong sagutan na lang 'yon ngayon mismo. "E, si Gab?" tanong pa niya. Nilingon ko naman siya matapos niyang banggitin ang pangalan ni Gab. "No'ng nanligaw ba siya sayo, sweet ba siya?" Ops. Bigla akong sumimangot nang marinig ko ang tanong niyang 'yon. Bigla ko na naman kasing naalala 'yong dati. 'Yong mga panahong umamin sakin si Gab na may crush siya sakin. Tapos sobrang tuwa ko kasi crush ko rin siya no'n at 'di lang ako umaamin kasi hinihintay ko siyang maunang umamin tapos ayon, sinagot ko siya agad no'ng tinanong niya ako kung pwede niya akong maging girlfriend. Gano'n lang kadali 'yon. Walang ligawang nangyare. Kaya siguro ang bilis din matapos 'yong relasyon namin. "Hindi siya nanligaw kagaya nito." sagot ko nang nakatingin lang sa blackboard. "No'ng umamin kasi siya sakin, tapos tinanong niya ako kung pwede niya akong maging girlfriend e sinagot ko agad siya." natawa ako bigla, pero 'yong tawang may halong lungkot. "Gano'n ka bilis. Kaya siguro gano'n din ka bilis matapos ang lahat."   "Um-oo ka agad?" halatang gulat niyang tanong sakin. "Hindi mo man lang ba muna siya kinilala?" Naglabas ako ng isang malalim na buntong hininga bago siya nilingon, "Alam mo kasi, crush ko rin siya no'n." kuwento ko. "Kaya no'ng umamin siya, tuwang-tuwa ako kasi alam mo 'yon, parehas kami ng nararamdaman. Tsaka na excite siguro ako no'n kaya sinagot ko siya agad." "First boyfriend mo ba siya?" Tumango ako, "Oo." sagot ko at napayuko. Natahimik ako saglit hanggang sa magsalita ulit, "first time kong magkaboyfriend at first time ko ring ma-broken hearted. Lahat ng experience ko sa love, 'yong ma-inlove ng tudo at masaktan ng tudo, lahat 'yon naging dulot sakin ni Gab. Kaya nga nahihirapan akong maka-move on. Kasi ito pa lang ang unang pag mo-move on na tatahakin ko sa buong buhay ko." Tapos nilingon ko siya, "E, ikaw?" tanong ko at tinaasan naman niya ako ng kilay na parang nagtatanong. "Anong ako?" "Nagka-girlfriend kana ba?" seryosong tanong ko. Umiling siya, "Hindi pa." sagot niya at umiwas ng tingin, "Hanggang crush lang ako." Napangiti ako bigla. Nakakabilib lang kasi halos lahat ng nasa batch namin e naranasan nang magkaroon ng lovelife tapos siya? Hanggang crush lang muna. Ang cute. "Sige, ganito na lang, itatanong ko na lang kung ilan ang naging crush mo. Okay lang ba?" tanong ko na may kasamang panunukso. No'ng una, napakagat labi siya na parang nahihiyang sabihin kung ilan ang mga naging crush niya. Pero sinagot din naman agad niya. "Isa." Wee?? Ang exag ng isa. Para namang ang loyal niya sa crush niya. "Isa? Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ko habang sinusuri ang mukha niya kung nagsasabi nga ba siya ng totoo o hindi. Tumango naman siya at tsaka seryosong sumagot, "Oo." tapos lumunok muna siya ng laway bago nagsalita ulit, "Crush ko siya no'ng grade 1." Hala siya! "Ang loyal. Hanggang ngayon ba?" "Oo naman." "Uy, 'yong totoo?" "Bakit ba ayaw mong maniwala?" "Kasi grade 1 pa 'yon. Tapos bata ka pa. Tapos siya lang 'yong naging crush mo hanggang sa makatungtung ka ng highschool." Natawa siya pero labas sa ilong sabay sabing, "Totoo naman kasi talaga." Ayoko pa sanang maniwala, pero parang nagsasabi naman siya ng totoo. "Okay, fine. Naniniwala na ako. Pero ano mo ba siya? Childhood friend gano'n? O ka-klase noon hanggang ngayon kaya hindi mo siya malimot-limutan?" "Classmate ko siya no'ng grade 1. Pero one week lang ako sa school na 'yon. Kasi nag-transfer ako sa ibang school kaya 'di ko na siya nakita." sagot niya at ngumiti bigla bago nagpatuloy, "At 'yong childhood friend? Hindi ako sure do'n. Kasi never pa naman kaming naglaro ever since. Pero nakikita ko naman siya kasama mga friends niya noon habang naglalaro. At 'yong ngayon, hindi ko sasabihin." "Uy, ang daya mo! Nagku-kuwento nga ako sayo, e. Tapos ikaw may pa sekret." kunware nagtatampo kong sabi. "Sorry na. Pero tsaka ko sasabihin kapag natapos mo nang sagutan 'yong assignment mo." Do'n ko lang napagtanto na may assignment pala akong sinasagutan sa advance bio namin. "Ay oo nga pala." sabi ko at napatingin sa relo ko. Hapon na no'n at malapit nang lumubog ang araw. Ang weird ngayon kasi ang bilis gumabi. "Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko naman sa kanya habang sinasagutan 'yong assignment ko kasi 'di pa siya tumatayo sa inu-upuan niya. Kaming dalawa na lang ang tao sa classroom no'n tapos ang tahimik na rin ng buong school na parang kaming dalawa na lang ang nando'n. "Hindi pa." sagot niya at kinuha 'yong notebook sa bag niya para sagutan 'yong assignment niya sa advance bio gaya ko. That time, habang nagsusulat ako e biglang naubusan ng ink itong sign pen kong ballpen at wala na akong natitirang ballpen kasi nag-iisa na lang 'to kaya naisipan kong humiram sa kanya ng ballpen at binigay naman niya sakin 'yong pencil case niya kung saan naglalaman ng sandamakmak na ballpen at lapis. "Wow! Rich kid." sabi ko nang makitang ang dami niyang extrang ballpen. "Collection ko 'yan. 'Yong iba no'ng elementary pa ako." sagot naman niya habang busy sa pagsagot ng assignment niya. "Di ko alam na may taong kagaya mo." kumento ko habang naghahanap ng ballpen na mas magandang gamitin. Habang naghahanap ako, bigla akong may nakitang lapis na kulay pink na Barbie 'yong design. Kinuha ko 'yon kasi parang pamilyar. "Uy, ano 'to?" tanong ko nang makita 'yong lapis na 'yon. May papel na nakapalibot sa lapis na parang nilagyan ng pangalan bilang tanda pero bago ko pa man basahin 'yong pangalan e bigla niyang inagaw 'yon sakin. "Uy, wag 'yan." gulat niyang sabi tsaka inagaw 'yon sakin. Nagtaka naman ako sa naging reaksyon niya kaya napatanong ako kung anong problema. "May problema ba? Bakit ka ganyan? Kanino ba 'yan?" "Sa. . . Sa kaibigan ko." sagot niya at tinuro 'yong mga ballpen's gamit ang labi niya. "Pili ka na d'yan. Para matapos ka na sa assignments." Since pagabi na, 'di na ako nagtanong pa at pumili na ako ng ballpen tsaka ako nagpatuloy sa pagsagot sa assignment ko hanggang sa magsalita ako habang nagsusulat. "Ang cute ng lapis." sabi ko at napatingin naman siya sakin agad. Di ako nakatingin sa kanya no'n pero nakita ko sa peripheral view ko. "Pamilyar. Feeling ko meron ako niyan noon no'ng elementary. Di ko lang matandaan kung kailan 'yon o anong grade ako. Kasi limot ko na." "Gano'n ba." sagot niya at nagpatuloy sa pag sagot ng assignment niya. "Lahat naman siguro ng mga bata noon e merong ganitong lapis. O kahit nga ngayon. Ang common kaya nito." tapos napatingin siya sa notebook ko, "Mali ka naman, e." sabi niya at tinuro kung saan ako nagkamali. "'Yong sagot mo sa number 5 dapat sa number 4 'yan. Baliktad." Napatingin ako sa sagot ko at inalala maigi kung ano nga ba ang tamang sagot dito. Pero hindi ako sure kung tama 'yong sinabi niya sakin at mas malakas ang kutob ko na tama itong sagot ko. "Feeling ko tama naman ako." sabi ko at napatingin sa notebook niya na ang sagot e kabaliktaran ng sagot ko sa number 4 at 5. "Ikaw siguro 'yong mali." "Hindi. Mali ka talaga." depensa niya. "Pag 'yan sagot mo, asahan mong mali ka." "Bahala ka." sabi ko at sinara 'yong notebook ko since tapos na ako sa assignment pero pinigilan niya akong isara 'yong notebook ko pero too late kasi na sara ko na at ang nahawakan niya ay imbis na 'yong notebook ko, walang iba kundi ang kamay ko. Nagulat ako kasi sumakto mismong nahawakan niya ang kamay ko no'n. Nagkatinginan pa kami bago namin inalis 'yong kamay namin pareho at agad akong umiwas ng tingin. Ang awkward no'n, sobra. Kasi ang tahimik ng paligid tapos kaming dalawa lang dito tapos biglang gano'n? Hindi ko alam kung papano basagin ang katahimikan ngayon. Kung tatawa ba ako para mawala 'yong ilangan moments o kung hihintayin siyang siya mismo ang bumasag ng katahimikan? Nagbilang ako sa isip ko ng limang segundo habang hinihintay siyang magsalita. Kasi once na five seconds na tapos 'di pa rin siya nagsalita e ako na mismo magbabasag ng katahimikan. 1 2 Tahimik pa rin. 3 Gano'n pa rin. 4 Arg! One second na lang. 5 "Trust me. . ." biglang sabi niya. Dahil do'n, nakahinga ako ng maluwag. Pero anong trust me? ". . . Sundin mo lang ako. Ma pe-perfect mo 'yong assignment." dagdag pa niya. "Kahit ngayon lang." "Kung magtitiwala ako sa sagot mo, pero mali naman, anong mapapala ko?" "Kapag mali itong sagot na sinasabi ko sayo—totoong liligawan kita. Walang halong laro, walang halong biro." Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko no'ng sinabi niya 'yon. Masyado siyang seryoso at—kinabahan ako for real. Pero bakit sa dinami-rami ng pwede niyang sabihin, 'yon pa? Pinakaba niya tuloy ako. "Uy, wag naman ganyan. Di nakakatuwa." "Kaya nga sinasabi ko sayo na nagsasabi ako ng totoo. Maniwala ka lang kasi sakin." hinawakan niya ako sa balikat ko at seryosong tinitigan sa mga mata. Gusto kong umiwas ng tingin kasi napaka seryoso ng nga titig niya sakin pero—'di ko magawa. "Di mo kailangan i-pressure ang sarili mo sa pag-aaral. Lalo na't exam na. Ang exam ay para lang naman 'yon ma-test kung anong naintindihan mo sa klase. Gano'n lang 'yon. Kung ano lang 'yong score mo, okay na 'yon. Ang importante, alam mong ginawa mo ang best mo para sagutan ng maigi ang exam." Bumuntong hininga siya bago ulit nagsalita, "You don't need to compete with everyone. Just focus with your own and trust yourself that you can do your studies well. Because in the end, you only have you." Ngumiti siya tsaka nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi mo naman kailangang i-pressure sarili mo ng sobra. Kailangan mo ring i-enjoy ang highschool life mo." Naglabas ako ng isang maliit na ngiti habang nakatitig sa mga mata niya. "Simula ngayon, hindi lang kita tutulungang makalimutan ang ex mo, sasabayan na rin kitang mag-aral. I won't let you fight alone. Let's fight together. Sasamahan kita sa lahat ng bagay at sa kahit ano pang pagsubok ang haharapin mo." At 'di ko alam kung anong mararamdaman ko no'ng sinabi niyang, "Gagawin ko 'yan, bilang isang manliligaw mo. Pangako 'yan." Natameme ako sa sinabi niya. Manliligaw ko? Did he. . . take it seriously?

 

 

Chapter 11 Betrayal

At ayon na nga, Perfect ako sa assignment sa advance bio nang dahil sa kanya. At natuwa ako kasi tama siya at sinunod ko siya  At siyempre, nakahinga ako ng maluwag kasi 'di mangyayare 'yong sinasabi niyang totoong liligawan niya ako. Buti na lang talaga. Kasi pinakaba niya ako kahapon ng husto. Di ko rin in-expect na matalino pala siya sa advance bio. Kinakabahan na 'yong iba kasi ilang minuto na lang at magsisimula na ang exam. Pero 'yong iba chill lang naman. No'ng mag-start 'yong exam namin, tahimik lang ang lahat habang sinasagutan 'yon. At siyempre, prepared ako kasi ilang days din akong nag-aral. At sigurado ako sa sarili ko na maipapasa ko lahat ng mga exams ko. No'ng i-check na 'yong exam sa unang subject kanina, natuwa ako kasi isa lang ang mali ko. Tapos sa advance bio naman e lima 'yong mali ko tapos si Bright naka-perfect. Siya pinaka highest at pangatlo naman ako. Sa English, ako 'yong highest at ang pangalawa ay si Colleen. Tapos sa math naman e may limang mali ulit ako samantalang si Bright at Colleen e parehas ng score. Pero mas mataas ako sa kanila. Two days din 'yong exams namin at nang matapos ang two days, nagkaroon kaming lahat ng free time para ipahinga 'yong utak namin. Umabot lahat ng scores ko sa passing score. Sina Rhian at Ashley hindi ko alam kasi scores ko lang naman 'yong binabantayan ko. No'ng sumunod na araw, weekend na. Pero badnews kasi nabalitaan kong si Rhian may boyfriend na pero hindi 'yon si Callen. Ito siguro ang dahilan ng pag-aaway nila no'ng mga nakaraang araw hanggang sa nalaman ko na lang na may boyfriend na siya. Nagulat ako ro'n at Siyempre naawa ako kay Callen kasi alam ko kung gaano siya ka seryoso kay Rhian  tapos biglang ganito. Nauwi lahat sa wala. Si Ashley hindi rin makapaniwala sa nabalitaan niya. Nag videocall kaming dalawa kanina at pareho kaming nagulat no'ng nalaman namin 'yon. Sinabi lang samin ni Rhian na may boyfriend na siya pero hindi niya sinabi kung sino. Basta, ang alam namin hindi 'yon si Callen. China-chat ko si Callen para alamin kung ano nga ba ang problema at bakit biglang nagkaroon ng ibang boyfriend si Rhian. Di ko alam ang puno't dulo ng lahat gano'n din si Ashley pero 'di siya nag re-reply. Siguro after an hour no'ng chineck ko kung na seen niya 'yong message ko o wala, nakita ko na lang na nag deactivate siya ng fb account at bago niya ginawa 'yon ay nag left siya sa GC naming apat. Sayang. Mukhang hindi na sila magkakasundo pa ni Rhian kapag ganito. Si Ashley naman, sinusubukan niyang kausapin si Rhian. Tinatanong niya kung bakit bigla siyang nagka-boyfriend samantalang si Callen na nililigawan siya sa loob ng maraming buwan at handang maghintay kung kailan pwede na e hindi niya sinagot. Ang saklap no'n. Pero ang sabi ni Rhian, magkita kaming tatlo bukas at i ku-kuwento niya samin ang totoong nangyare. Kinagabihan, nagulat na lang ako nang makita kong nag set ng relationship status si Rhian sa fb at laking gulat ko nang makilala ko kung sino ang Boyfriend niya. Rhian Mendoza is in a relationship with Shawn Sandoval What?! Si Shawn na bestfriend ni Bright ang boyfriend ni Rhian? Hala! Bakit hindi man lang ako nagkaroon ng clue na may something na pala sa kanila? Gosh, nag-aral lang naman ako for one week para sa exam tapos biglang. . . nagkaroon ng something sa kanila? Matapos kong makita 'yon ay agad kong chinat si Bright. Nasip ko kasi na baka may alam siya rito. At saktong online rin siya no'n. Danielle Legaspi     active now• Uy? Ano 'tong nabalitaan ko? 'Yong bestfriend mong si Shawn boyfriend na ni Rhian. Bright Navales   active now• Uy wala akong alam d'yan. Nagulat din ako no'ng makita ko. Kinakausap ko nga si Shawn ngayon. Hindi ko alam kung bakit biglang naging sila. Si Callen, nag deactivate ng account. Danielle Legaspi     active now• Oo nga, e. Nasaktan siguro siya ng sobra. Kawawa naman 'yong Tito ko. Bright Navales   active now• Kinakausap ko nga ngayon si Shawn. Di ko rin kasi ma-gets kung bakit biglang naging sila ni Rhian. Wag kang mag-alala, ako bahalang kumausap kay Shawn, ikaw kay Callen at si Ashley na bahalang kumausap kay Rhian. Danielle Legaspi    active now• Uy, maging sensitive ka ha. Kasi 'di na'tin alam ang buong kuwento. Malay pala na'tin na sobrang mahal nila ang isa't isa. Hindi na'tin sila pwedeng husgahan agad. Bright Navales   active now• Tingin mo, mas mahal ba ni Rhian si Shawn kaysa kay Callen? Danielle Legaspi     active now• Di ko alam. Kasi alam mo 'yon, meron talagang times na akala mo siya na talaga ang para sa'yo. Pero 'di mo alam na may ibang tao ka pang makikilala na mas magpaparamdam sa 'yo ng kakaibang feeling. 'Yong pakiramdam na 'di mo na feel sa unang taong minahal mo. Bright Navales   active now• Wow! Ang deep. Ikaw ba talaga 'yan Deyn? Mukhang nag matured kana. Danielle Legaspi     active now• So sinasabi mong immatured ako dati? Tsaka, umayos ka nga. Seryoso ako. Bright Navales   active now• Seryoso din naman ako sa'yo. I mean, sa sinasabi ko sa'yo. Gets? Hehe. Danielle Legaspi    active now• Di mo kailangan linawin. Bright Navales   active now• Oo na. Sorry na. Alam ko naman na hindi mo binibigyan ng meaning lahat ng mga sinasabi ko. Danielle Legaspi     active now• Hala siya. Ba't parang nagtatampo ka d'yan? Hindi mo kailangan mag sorry. Bright Navales    active now• Hindi ako nagtatampo. Bakit mo nasabi 'yan? Tsaka, gusto ko lang mag sorry. 'Yon lang. Danielle Legaspi    active now• Nararamdaman ko lang kaya ko nasabing nagtatampo ka. Parang nagtatampo ka kasi base sa chat mo. Bright Navales   active now• Ah, so parang naririnig mo boses ko kahit sa chat? Naks! May tama ka na yata sakin. Ayos lang 'yan, Sasaluhin naman kita. Sumasalo ako, 'di gaya ng iba d'yan. Danielle Legaspi    active now• Hoy! Assumero! Wag kang ganyan. Ma tu-turn off sila sayo. Bright Navales   active now• Ayos lang. Turn on ka naman sakin. Wala na akong pakialam sa kanila. Hala siya!! Anong pinagsasasabi ng isang 'to? Nasisiraan na ba siya ng bait? Bakit ganito 'yong mga reply niya? Nakakaloka! Danielle Legaspi   active now• Hoy Liwanang! Wag kang ganyan. Seryoso ako rito. Wala ako sa mood para makipag-biruan. Matapos kong i-send 'yon, nakita kong active 2 minutes ago na siya. Ayan na  naman. Ako lagi last chat. Kainis na talaga. Siguro sinasadya niyang mag log out kapag alam niyang naa-asar na ako para 'di ako makaganti sa kanya. But thanks to him, kasi feeling ko e naging part na siya ng buhay ko na hindi kumpleto ang gabi ko hangga't hindi ko siya nakakausap sa chat—teka, ano ba 'tong pinagsasasabi ko? Edi, parang sinasabi ko na rin na may gusto ako sa kanya? Anong hindi kumpleto ang gabi hangga't hindi ko siya nakakausap?—baliw na talaga ako. Bumaba ako saglit, saktong kaka-uwi lang ni Mama sa bahay galing sa trabaho niya. Mga bandang alas otso na 'yon. May dala siyang milktea na binili niya sa cafè nina Callen. Ang sabi pa niya e tinatanong ako ni Callen kung nasan ako ngayon. Do'n na ako nagkaroon ng chance na magpa-alam kay Mama para puntahan si Callen. Since si Callen lang naman ang pupuntahan ko e kahit gabi na pumayag si Mama. Nagpunta ako sa cafè nila pero sabi ng Mama niya e kakauwi lang daw niya sa bahay nila kaya nagpunta na ako sa bahay nila since nandito na lang rin naman ako. Pagdating ko ro'n, naabutan ko siyang nakaupo sa labas ng bahay nila do'n sa may malaking bato sa labas ng gate nila. Nagulat naman siya no'ng makita ako. "Anong ginagawa mo rito?" Lumapit ako sa kanya bago ko siya sinagot. "Nag-alala ako sayo. Gusto lang kitang kamustahin. Tsaka, worried ako sa friendship natin nina Rhian dahil sa naging kumplikado ang lahat." "Kasalanan niya 'yon." sagot ni Callen na halatang galit. Tapos tumayo siya at binuksan 'yong gate nila. "Pumasok tayo. Nakakahiya naman, baka pagalitan ako ng pinsan ko dahil pinapakagat ko sa lamok 'yong anak niya." Natawa ako sa sinabi niya pero tumahimik din agad kasi na feel ko na hindi ito ang tamang oras para tumawa. Nang makapasok kami sa loob ng bahay nila, tinanong niya ako kung anong gusto kong kainin pero tumanggi na ako kasi hindi naman talaga ako magtatagal dito. Gusto ko lang siyang kamustahin at makausap. "Ano ba kasi pinag-awayan niyo? Last week ko pa napapansin na 'di kayo nagkikibuan." Tapos pinindot niya 'yong noo ko, "Hindi ka kasi namamansin. Masyado kang seryoso sa pag-aaral para sa exam. Kaya 'di ka na updated." Inirapan ko naman siya, "Sorry na. Pero ano ba kasi talaga?" Lumunok siya ng laway bago nag-kuwento.   "No'ng naging busy ako sa Cafè, 'di ko siya nasamahan sa mga lakad niya. Tapos nagpaalam siya na magpapasama siya sa iba. Pumayag naman ako kasi alam kong kailangan niya ng kasama. Pero 'di ko alam na 'yong ungas na 'yon 'yong kasama niya." 'Yong ungas na tinutukoy niya ay si Shawn 'yon. Halatang galit siya habang binabanggit 'yong salitang 'Ungas'.  At hindi na rin ako magtataka kasi parang nakikita ko sa kanya sarili ko kung papano ako magalit kay Colleen no'ng nalaman ko na sila na ni Gab. "Pero bakit hindi mo inalam kung sino ang kasama niya?" tanong ko pa. "May tiwala ako sa kanya kaya 'di ko na nagawang magtanong." tapos napangiwi siya sabay sabing, "Na sobrahan yata 'yong tiwalang binigay ko sa kanya kaya ayon, nauwi lahat sa wala." Natahimik siya saglit hanggang sa mag-kuwento ulit. "Hindi ko alam na naging malapit na silang dalawa no'ng time na 'yon. Tapos madalas na silang makasama at magkausap sa chat nang hindi ko nalalaman. Tapos sinabi niya sakin isang araw na. . . hindi na ako." Bigla akong nakaramdam ng awa kay Callen. Parang ako lang din. Ganito rin kasi 'yon, e. Isang araw nagulat na lang din ako na hindi na ako 'yong mahal ng taong mahal ko. Naiintindihan ko 'yong nararamdaman ni Callen ngayon at hindi ko siya masisisi kung bakit ayaw na niyang makipag-bati kay Rhian at galit na galit siya kay Shawn. "Wala naman akong karapatang magalit," Pagpapatuloy niya. "kasi alam kong wala namang kami. Pero ang unfair lang kasi ako 'yong nandito, ako 'yong nakakausap niya no'ng mga panahong masaya kami at inlove kami sa isa't isa. Ako 'yong naghintay ng matagal at hindi sumuko hanggang sa maging pwede na. Pero ayon, napunta lang siya sa iba." Ang daming sinabi ni Callen sakin sa loob ng 20 minutes. Kwinento niya sakin lahat-lahat at naiintindihan ko ang nararamdaman niya ngayon. Pero kailangan ko ring intindihin 'yong side ni Rhian bilang kaibigan niya. Nagpaalam ako kay Callen pero hindi na ako nagpahatid sa kanya kahit na nag-aalala siya sakin na umuwing mag-isa dahil gabi na. Alam kong kailangan niya ng time para magpahinga ngayon, kasi alam ko 'yong pakiramdam nang mabroken hearted. Pero ang pinagkaiba lang ng sitwasyon namin ay wala silang label pero sobrang affected pa rin niya. Paglabas ko ng gate nila, nagulat ako sa nakita ko. Akala ko namamalikmata lang ako, pero nang makita kong tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa malaking bato sa harap ng gate nina Callen, do'n ko napagtantong nakikita ko nga siya ngayon dito. "Bright? Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko. "Ihahatid ka pa-uwi." sagot niya. Naka-jacket siya no'n tapos naka short na pambahay lang. 'Yong jacket na suot niya e 'yon pa 'yong jacket na sinuot niya no'ng mag-transfer siya sa school namin. Napangiti ako ng kunti kasi tanda ko pa kung ano 'yong suot niya no'n at nakita niya 'yon kaya napatanong siya. "Anong nginingiti-ngiti mo?" Siyempre, 'di ko naman pwedeng sabihin 'yong totoong nasa-isip ko kasi baka lumaki ulo ng isang 'to at mapagkamalan pa akong crush ko siya. "Wala lang. May naalala lang." sagot ko. "Bakit ka nga ulit nandito?" pag-uulit ko kasi parang 'di ko na absorb 'yong sagot niya kanina. "Para ihatid ka pa-uwi." sagot naman niya. "Hala. Di mo'ko kailangan ihatid pa-uwi 'no. Okay lang naman ako. Tsaka," napatingin ako sa relo ko, "8:25 pa lang." "Hindi ka ba natatakot maglakad mag-isa sa gabi, ha?" tapos napatingin siya sa paligid, "Delikado. Lalo na't madilim 'yong daan." "Ah, so kung nandito ka kasama ko e magliliwanag ba ang daan?" sarcastic kong sabi. Akala ko sasagutin niya ako ng sarcastic ding sagot. Pero nagulat ako nang marinig ang seryoso niyang sagot na may kasamang pa cute na ngiti, "Oo, kasi ako ang liwanang mo." At hindi ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit ako biglang napangiti sa sagot niyang 'yon. "At panghabang-buhay na 'yon. Kasi naka-ukit na 'yon sa pangalan ko." dagdag pa niya. Pero bago pa man ako mapangiti ng matagal ay binawi ko na 'yong mga ngiting 'yon at nagkunwareng waley 'yong sinabi niya. "Ang assuming mo naman. Hindi lang ikaw ang may pangalang Bright sa mundo, ano." Tapos inilapit niya ng kunti 'yong mukha niya sakin. "Sige nga, sabihin mo kung may kilala ka pang-isa." paghahamon niya. "W-wala." utal kong sagot. "Pero alam kong 'di lang ikaw ang nag-iisang Bright sa mundo. Maniwala ka." "Pero ako lang ang kilala mong Bright." sagot pa niya. "Kaya ako lang ang liwanag ng buhay mo." Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang ibahin 'yong usapan, "O siya, tara na. I-uuwi na kita sa inyo." Wala na naman akong choice kasi mapilit siya kaya 'di na ako nakatanggi. Nagsimula kaming maglakad pa-uwi. Pero sinabi ko sa kanya na hanggang sa kanto lang niya ako i-hatid kasi baka makita siya ni Mama o baka sumakto pa sa paguwi ni Papa at makita pa kami. Mga ganitong oras kasi umuuwi si Papa galing sa trabaho. Habang naglalakad kami ay hindi namin mapigilang hindi pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Callen, Rhian at ni Shawn. "Sabi ng kaibigan ko, mahal lang daw talaga nila ang isa't isa kaya ayon. Naging sila." "Nasabi na 'yan sakin ni Callen." sagot ko naman. "Wala naman tayong magagawa ro'n kasi 'di naman tayo pwedeng mag decide kung sino ang pwede nilang mahalin at sino 'yong hindi." Tapos napabuntong hininga ako kasi naaalala ko 'yong mga efforts ni Callen, "Pero kawawa naman si Callen. Alam mo, sobrang affected siya kasi mahal na mahal niya si Rhian at handa siyang maghintay kahit gaano pa katagal. Tapos biglang ma-uuwi lahat sa wala. 'Yong effort at paghintay, sayang oras." Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ako kaya napatigil din ako. "Alam kong nakaka-relate ka sa sitwasyon ni Callen kasi na experience mo na 'yong masaktan nang dahil sa love." aniya at ngumiti sakin na parang bang sinasabing wag akong mag-alala. "Pero alam kong makaka-move on din si Callen." Napabuntong hininga ako ng sobrang lalim at napatitig sa ibang lugar. That time, 'di ko na alam kung anong sasabihin kaya hinintay ko na lang ulit siyang magsalita. Hanggang sa, "E, ikaw?"  Nilingon ko agad siya, "Anong ako?" "Naka-move on ka na ba? O siya pa rin?" Napaisip ako saglit. Inulit ko pa 'yong tanong na 'yon sa isip ko habang tinatanong ang sarili ko kung naka-move on na nga ba ako? O si Gab pa rin? Pero kahit 'di niya ako tanungin, obvious naman ang sagot. "Di pa." sagot ko. Hinawakan naman niya ako sa magkabilang balikat ko. Alam kong ang seryoso ng mga titig niya ngayon pero 'di ko magawang titigan siya sa mga mata niya kasi. . . 'di ko kaya. Baka umiyak lang ako kapag nagbigay advice siya sakin kaya napayuko na lang ako. "Gano'n ba talaga siya kahirap kalimutan, Deyn?" Dahan-dahan kong inangat ang mga tingin ko at nagtama ang mga mata namin. 'Yong mga mata niya, ang ganda. Parang isa rin sa mga bituwing kumikinang sa langit. At no'ng mga oras na 'yon, hindi ko na nagawang alisin ang mga titig ko sa kanya. "Sobra." sagot ko. Matapos ko siyang sagutin, 'di ko namalayan na yakap na pala niya ako. Ang bilis ng pangyayare at niyakap niya ako at imbis na umalis ako sa mga yakap niyang 'yon dahil sa gulat ay mas pinili kong mag-stay kasi ang gaan sa pakiramdam at pakiramdam ko kumportble ako sa mga bisig niya. Tipong pinapakita niya sakin na kahit alam kong mahihirapan ako, may tao pa rin na lagi akong chini-cheer up sa mga problema ko. No'ng mga gabing 'yon, naging kumportble ako sa mga bisig ng taong hindi ko pa naman gano'n ka-kilala. Mahigit isang buwan pa lang simula no'ng mag transfer siya pero heto, parang close na close na talaga kami. At ang sarap sa pakiramdam na para bang masasabi ko sa sarili ko na siya ang pahinga ko. Weird pakinggan, pero. . . totoong naramdaman ko 'yon no'ng gabing 'yon.                               *** Nagkausap kami ni Rhian, pinuntahan namin siya ni Ashley sa bahay nila. Sinabi niya samin lahat-lahat hanggang sa maliwanagan kami ni Ashley. At oo, tama ako sa part na mas nahigitan ni Shawn ang nararamdaman ni Rhian kay Callen. Nagising na lang si Rhian isang araw na si Shawn na ang mahal niya at hindi na si Callen. Gusto kong magalit kay Rhian kasi una sa lahat, sinaktan niya si Callen, pangalawa para siyang si Gab na nagising na lang isang araw at si Colleen na ang mahal niya. Gusto kong magalit pero alam kong wala akong karapatang gawin 'yon. At isa pa, kailangan ko rin siyang intindihin. "Pero Rhian, hindi naman sa sinasabi ko 'to kasi Tito ko si Callen, naaawa lang talaga ako sa kanya kasi alam mo 'yon, siya 'yong nand'yan, siya 'yong naghintay ng matagal na kahit walang kasiguraduhan kung kailan pwede nang maging kayo nagawa niyang maghintay tapos sa isang iglap, iba 'yong sinagot mo." paliwanag ko. "Tama si Deyn." pagsang-ayon ni Ashley sa sinabi ko. "Pero wag kang magalit samin, ha. Sinasabi lang namin 'to kasi alam mo na. . . bukod sa MU kayo ni Callen, naging magkaibigan din tayo." Nakita kong sumimangot mukha ni Rhian habang inaalala 'yong mga past. That time, parang maiiyak siya kaya niyakap ko siya. "Uy, wag kang umiyak. Di ka naman namin sinisisi. Siyempre, nire-respeto namin ang desisyon mo." dagdag ko pa. "Hindi naman gano'n." tapos nagpunas siya ng luha. "Ano lang kasi, feeling ko talaga mali na sinagot ko si Shawn." "Hindi naman sa gano'n. Alam naming mahal mo si Shawn." sagot ni Ashley habang kinakapa ang likod ni Rhian, "Kung siya talaga ang gusto mo, then, wala na kaming magagawa ro'n. At susuportahan ka pa rin namin. Nandito pa rin kaming mga kaibigan mo." tapos niyakap siya ni Ashley. "Pero maituturing pa ba niya akong kaibigan matapos ko siyang saktan?" "Siguro." sagot ko. "Kilala ko siya. Mabait siyang tao. Kung hindi man ngayon, alam kong dadating ang araw na matutunan ka pa rin niyang patawarin." Tapos nilingon nila ako pareho. Nagtaka ako kung bakit. Feeling ko tuloy may nasabi akong mali. "Ikaw Deyn, napapatawad mo na ba si Gab sa mga nagawa niya sayo?" tanong sakin ni Rhian. Ayan na naman sila. Binabalik na naman nila sakin ang tanong. Bakit gano'n? Laging nasasali ako sa mga napagdadaanan ng mga kaibigan ko? Kumbaga, parang ako 'yong naunang maka-experience ng lahat bago sila tapos ako 'yong tinatanong kung ano 'yong mga nararamdaman ko no'ng mga panahong ganito o kung naka-move on na ba ako at nagawa ko na ba siyang patawarin like, pwede bang. . . wag niyo 'kong isali? Kainis, e. Naaalala ko lang siya lalo.    Umiling ako, "Hindi pa." sagot ko. Kasi hindi ko pa naman talaga siya napapatawad. Ni mag move on nga nahihirapan ako, ang magpatawad pa kaya. Tapos nakita kong sumimangot ulit ang mukha ni Rhian sa sagot ko. Kaya dinugtungan ko na lang 'yong sinabi ko. "Iba naman kasi 'yong samin. Kami kasi e naging kami talaga. Tapos may mga commitment gano'n, pero kayo e MU lang naman, kaya 'di masyadong deep." Ewan ko lang kung ano 'yong sinabi ko at kung may sense ba 'yon at kung na gets ba ni Rhian pero bahala na. Ayoko nang ulitin pa 'yon kasi nakakapagod nang balikan ang tapos na. No'ng monday, kinabahan ang lahat kasi ngayong araw na i a-announce 'yong top 10 sa classroom namin. Kahit ako hindi ako mapakali. Kinakabahan ako ng sobra kasi maraming mas matalino at halo-halo 'yong mga nakuha naming scores no'ng nag exam last week. That time, hinuhulaan ng mga ka-klase ko kung sino 'yong magiging top 1 sa classroom namin. Sobrang kinabahan ako no'n kasi 'yong mga tinuturo nila e ako, si Colleen o si Richard. Kaming tatlo raw ang may chance na mapunta sa Top 1. Napatingin ako sa harap which is sa upuan ni Colleen kung saan nakikita kong kampante siya at mukhang hindi kinakabahan. Siguro nag-cheat na naman ang isang 'to at napaka-kampante niya. "Guys, tingin niyo, makakasama kaya ako sa top 10?" kabadong tanong samin ni Rhian. "Ipag-pray mo na lang." sagot ko. "Matataas naman scores mo. Kaya feeling ko oo." "Sampu 'yong makakasama at sampu 'yong hindi, tingin niyo, saan ako nabibilang?" tanong naman ni Ashley. "Tingin ko fifty-fifty." sagot ni Rhian. "Maraming mas mataas ang scores sa exam. Feeling ko talaga fifty-fifty tayo." tapos napahilamos ng mukha si Rhian sabay sabing, "Dapat pala nag-aral na lang tayo kasabay ni Deyn." "O? Ngayon na realized mo na?" sabat ni Ashley na parang sinisisi si Rhian. Tumango naman si Rhian sabay sabing, "Sobra. Kung alam ko lang na mas maraming mas matataas ang scores sa exam kaysa sakin, sana pala talaga mas nag-aral pa ako." "Ako din. Sayang 'yong i-reregalong cellphone sakin ni Mama kapag 'di ako kasama sa top 10." At dahil pareho silang nagsisisi ngayon, wala akong nagawa kundi ang tapikin sila sa likod para sabihing 'ayos lang 'yan' "Bawi na lang tayo sa next life." biro ko habang tinatapik sila sa likod. Maya-maya pa nagparinig si Colleen at ikinataas na naman ng dugo ko 'yong sinabi niya. "Pag ako 'yong nasa Top 1, i ki-kiss ko si Gab sa lips." Tapos umarteng kinilig sina Jennifer at Marian kahit na wala namang nakakakilig do'n sa sinabi ni Colleen. Siguro sa kanila nakakakilig 'yon pero sakin? Yuck! Kadiri. "Omg girl! Pag nasa Top 1 ka, I'm sure si Gab pa mismo hahalik sa'yo sa sobrang tuwa kasi 'yong girlfriend niya ang pinakamatalino." sagot naman ni Marian. "Let's see na lang." sagot pa ni Colleen. Tapos itong si Ashley biglang tumayo at pinatulan si Colleen. "Excuse me, what if hindi pala ikaw?" Napalingon sa gawi namin si Colleen at nakita kong tinaasan niya ng kilay si Ashley bago ito inirapan sabay sabing, "Bakit? Umaasa ka bang ikaw ang magiging top 1 sa klase?" mataray niyang tanong kay Ashley. At itong si Ashley, siyempre hindi nagpatinag. "Hindi ako umaasa. Pero sa pagkakaalam ko, hindi mo talaga deserved na mapunta sa top 1." "Oh my gosh girl, mukhang may na insecure dito." sabat naman ni Jennifer na ang tinutukoy na insecure ay si Ashley. "Excuse me lang, ha. Hindi ako insecure pero pag 'yang kaibigan ninyo ang nag top 1, kakain talaga ako ng sili." panghahamon ni Ashley. "Game!" sagot ni Colleen na talagang game na game sa sinabi ni Ashley at talagang confident siya. Well, let's see. "Pero pag itong friend namin ang mag to-top 1 sa klase," sabay turo sakin ni Ashley. Nagulat pa ako kasi nadamay ako. E, kabado akong nananahimik dito habang hinihintay 'yong announcement pero siya hinanapan pa ako ng gulo. "Kayo ang kakain ng sili." panghahamon sa kanila ni Ashley. Pero 'yong mga friend ni Colleen e parang hindi sumang-ayon sa sinabi ni Ashley. "Teka, walang ganyan." sabat ni Marian. "O? Bakit? Takot kayo? Para na ring sinasabi niyong hindi kayang tapatan ng kaibigan niyo itong kaibigan namin." Nakita kong napatingin si Colleen sa mga kaibigan niya at napa-irap nang mapagtanto 'yong sinabi ni Ashley. Sina Marian at Jennifer naman e biglang natakot kay Colleen at walang nagawa kundi ang pumatol sa panghahamon ni Ashley sa kanila. "Not one, but thrice ang siling kakainin ng mga kaibigan ko kapag 'yang si Danielle na Ex ng boyfriend ko ang mag totop 1." sabat ni Colleen. Sinabi niya 'yon with emphasis sa 'Ex ng boyfriend ko' dahilan para mapalingon sakin ang mga ka-klase ko. Arg! Kailangan ba talaga niyang sabihin 'yon sa harap ng mga ka-klase namin? Pero itong si Ashley game na game. "Game!" sagot ni Ashley. Pero ako, hindi. Hindi dahil sa hindi ako sang-ayon sa mga hamon nila kundi do'n sa part na sinabi niyang 'Ex ako ng boyfriend niya'. Talagang pinapapangit niya 'yong image ko lagi sa harap ng iba kaya 'di ko napigilan ang sarili ko't tumayo ako at nagsalita. "Excuse me lang, Colleen or ano ba gusto mong itawag ko sayo? Taga ligpit ng sinuka ko na?" 'Yong kaninang mataray niyang mukha e napalitan ng inis dahil sa sinabi ko. Napatayo rin siya ng dis oras dahil sa sinabi ko. That time, sobrang tahimik ng classroom at lahat ng attensyon nila e na samin. "Sinuka? Seriously?" sarcastic niyang tanong. "Nakalimutan mo na ba na bago siya naging sa'yo, ay akin din naman siya?" Napa-isip ako, tama siya. Sa kanya nga si Gab bago naging sakin. Pero sino ulit ang may kasalanan sa kanilang dalawa kung bakit siya iniwan? Siya. Kasi nag-loko. Cheater, e. "Oo nga pala. Sa'yo pala siya. Pero iniwan ka rin niya at i-pinalit sakin. Alam mo kung mo bakit? Kasi cheater ka!" sigaw ko sa kanya. "Alam mo, kung ikaw ang magiging top 1 dito, hindi na ako magtataka. Kasi alam mo kung bakit?" hindi siya nagsalita at tanging nakatitig lang siya sakin gamit ang mga matatalim niyang tingin. "Kabisado na kita Colleen, ayaw mong nalalamangan ka!" That time, para na akong susugurin ni Colleen sa galit nang dahil sa sinabi ko. Pero wala siyang nagawa kasi pumasok na 'yong homeroom teacher namin para i-announce ang top 10 at ibigay samin ang grades namin. "Okay class, I am now announcing our top 10." sabi ng homeroom teacher namin at nagsi-tahimik naman kaming lahat. "Top 10. . . Mendoza, Rhian." pumalakpak kami at si Rhian naman tuwang tuwa kasi napasama siya sa top 10 kahit na inisip niyang malabong mangyare 'yon kasi 'di siya masyadong nakapag-aral sa exam. Ina-nounced ng homeroom namin ang top 9 tapos, "Top 8. . . De Vera, Callen." Pumalakpak ako kasi alam kong may goodnews na nangyare kay Callen pagkatapos ng lahat. Ang alam ko kasi e madadagdagan 'yong allowance niya kapag nasama siya sa top 10 ng klase. Ina-nounced 'yong top 7 at top 6 hanggang sa, "Top 5. . . Trinidad, Colleen." Nakita kong nanghinayang 'yong mga friends ni Colleen kasi top 5 lang siya at hindi top 1. That time, napatingin ako kay Colleen na hindi tumayo para kunin 'yong certificate niya. Naka-upo lang siya no'n na parang hindi matanggap na nasa top 5 siya kaya 'yong ka-klase ko nang naka-upo sa harap na lalake 'yong nagbigay ng certificate ni Colleen sa kanya. Bahala na siya kung anong gagawin niya sa certificate niyang 'yon. Tapos ina-nounced 'yong top 4 hanggang sa, "Top 3. . . Salazar, Richard." Kinilabutan ako bigla. Si Richard 'yong top 3 na kung tutuusin e kasing talino ko rin siya. Kung top 3 siya at may dalawang spot pang natitira. . . Sino 'yong isa? Napapikit ako no'ng i-announced 'yong top 2. At hindi. Hindi maaari. "Top 2 . . . Legaspi, Danielle." Kung ako 'yong top 2, Sino 'yong. . . "Top 1. . ." Napalingon ako sa upuan niya at galit na napatitig sa kanya nang sabihin ng teacher namin ang pangalan niya. "Navales, Bright Cyril."

 

Chapter 12 weird feeling

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi magalit sa kanya. Papanong hindi ako magagalit? He betrayed me. Niloko niya ako. Ang sabi pa niya sakin no'ng nakaraan na ang exam ay para lang ma-test kung ano ang naiintindihan mo. Pero bakit ganito? Bakit sineryoso niya? Bakit siya 'yong nasa top 1 at nasa top 2 lang ako? Ginawa ko naman lahat para masagutan ng tama ang exam. I did my best. Pero bakit gano'n? Pati ba naman sa rankings hindi pa rin ako 'yong nangunguna? Lahat na lang ng bagay e pangalawa lang ako. Naiinis ako kasi. . . ang sabi pa niya no'n, sasabayan niya akong mag-aral, pero look, nilamangan niya ako. This is bullshit! Hindi ko siya pinansin pagkatapos no'n. That time, alam nina Rhian at Ashley na sobrang na disappoint ako sa sarili ko kasi nag-expect ako ng tudo. Ang sakit pala, 'no? 'Yong nag-expect ka, 'yong kampante ka kasi alam mong ginawa mo ang best mo pero, hindi pa pala 'yon sapat. Nakakalungkot isipin. Pagkatapos ng buong klase, pinauna kong pinauwi sina Rhian at Ashley. Ako naman nagpunta sa faculty para kausapin 'yong teacher namin. Tinanong ko kung bakit top 2 ako. At kung ilan 'yong lamang ng average ni Bright sakin. 98. 5 siya samantalang ako 98 lang. Lamang siya ng point five sakin. Kunti na lang sana pero wala, e. Binigay ko lahatlahat pero heto, mas lamang siya ng point five sakin. Ang sabi ng teacher ko sakin, maganda raw ang naging performance ng transferee at matataas din 'yong scores niya kagaya ko. Pero na perfect niya 'yong exam sa advance bio kaya binigyan siya ng 99 na grades ng teacher namin sa Advance bio samantalang ako naka 98 lang. Napaisip ako na baka kung hindi niya na perfect 'yong exam sa advance bio, baka ako pa 'yong nasa top 1. Pero totoo ngang matalino siya sa gano'ng subject. Hindi lang talaga ako naniwalang magaling siya. Ni hindi ko man lang naisip na magpaturo sa kanya kasi ang akala ko sapat na ang natutunan ko. Akala ko mas marami akong alam kaysa sa kanya pagdating sa gano'ng subject at na chambahan lang na alam niya ang sagot sa assignment. Wala akong ibang ginawa kundi ang piliting tanggapin na pangalawa lang ako. Bumalik ako sa classroom para magligpit ng mga gamit. Habang nagliligpit ako ng mga gamit ko ay nilapitan at kinausap ako ni Bright pero 'di ko siya pinapansin no'n. Sorry siya ng sorry kasi hindi naman niya in-expect na siya 'yong magiging top 1. Ang buong akala rin niya e ako, kasi alam niyang ginawa ko ang best ko. Pero 'di naman niya ako sadyang tinalo, ni hindi nga siya nag-expect na mapapasama siya sa top 10. "Deyn, kausapin mo'ko." Di ko siya pinansin at tinalikuran ko lang siya. Inayos ko ang upuan ko at kinuha 'yong bag ko para umalis na pero hinarangan niya ang dadaanan ko para 'di ako makaalis. "Deyn." tawag pa niya sakin. "Ano ba?!" inis na sigaw ko. "Umalis ka nga d'yan. Uuwi na ako." "Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo'ko kinakausap." Napa-irap ako. "Alam mo, Bright, kahit anong gawin mo para kausapin kita ngayon, hindi ko gagawin. Kasi wala ako sa mood ngayon. Kaya pwede ba, tumabi ka." Imbis na tumabi siya para makadaan ako ay nag-explain pa siya sakin. "Hindi ko sinasadyang malamangan ka. Kaya please, pakinggan mo muna ako." Napa-irap ulit ako. Hindi niya sinasadya, pero ginalingan niya. Do'n ako mas nagalit. Kasi siya mismo nagsabi na wag kong seryosohin ang exam, tapos biglang ganito?! Para na rin siyang sina Colleen before. Wala siyang pinagkaiba sa kanila. Gaya nila, niloko rin niya ako. "Deyn." tawag pa niya. Nakukulitan na ako sa kanya kaya sinagot ko siya. "Alam mo Bright, ikaw mismo nagsabi sakin na wag masyadong seryosohin ang exam diba?! Pero bakit gano'n? Masyado mong seneryoso 'yong sa'yo. Umamin ka nga, sinabi mo ba 'yon para malamangan ako, ha?!" sigaw ko sa kanya. Nakita ko namang kumunot ang noo niya na para bang gusto niyang itanggi 'yong sinabi ko. "Hindi ko sinabi 'yon, Deyn." paglilinaw niya. "Wala akong sinabing gano'n. Ang sakin lang, hindi mo kailangan i-pressure ang sarili mo. Pero hindi ko sinabing wag mong seryosohin ang exam." Natigilan ako habang pilit na iniintindi 'yong sinabi niya. Inalala ko maigi 'yong sinabi niya sakin, at oo, wala nga siyang sinabing hindi ko seryosohin ang exam, pero gano'n 'yong pag-intindi ko, e. So mali na naman ako? "Deyn, maniwala ka, hindi ko gustong lamangan ka." Sa maniwala ako o hindi, nangyare na 'to. Wala na kaming magagawa ro'n kasi kahit anong gawin ko, namin, pangalawa lang ako sa klase. At siya ang una. Without any word, iniwan ko siya sa classroom. Alam kong tinatawag niya ako no'n pero hindi ko na siya nilingon pa kasi naiinis na ako. At baka murahin ko lang siya nang dahil sa galit. Pag-uwi ko ng bahay, agad akong dumeretcho sa kuwarto ko. Alam na rin ng parents ko na nakasama ako sa Top 10 kasi tumawag 'yong teacher namin. Sobrang natuwa sila kasi nasa top 2 na ulit ako—pero ako? Na disappoint ako sa sarili ko. Binigay ko kasi lahat ng best ko. Hindi nila alam kung anong ginawa ko para lang galingan sa exam pero gano'n pa rin. Nabigo lang ako ng expectations ko. Akala ko ako na, hindi pa pala. Ang tanga ko. Kinagabihan, nag-online ako. Do'n ko nakitang tinadtad ako ng message ni Bright sa chat. Bright Navales   active now• Deyn, galit ka pa rin ba? Sorry talaga. Di ko rin in-expect na ako 'yong magiging top 1 sa klase. Di ko talaga sinasadya. Deyn. Alam kong galit ka. At alam ko rin na ayaw mo'kong kausapin ngayon. Pero please, sana maging okay ulit tayo. Kung galit ka, hindi kita masisisi. Pero gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako. I'm sorry ulit. Hindi ko siya ni-reply-an matapos kong basahin 'yong mga messages niyang 'yon. Nag offline ako at tinakpan ng malambot na unan ang mukha ko habang umiiyak. No'ng Tuesday, 'di ako pumasok sa school. Pagkatapos kong malamang top 2 lang ako, nawalan ako ng ganang magaral. Feeling ko, masyadong napagod ang utak ko ngayon at gusto ko ng peace of mind. Hindi lang puso ang affected sakin ngayon, pati na rin utak. Hays. Buong magdamag akong nakahiga lang sa kama ko. Lutang pa ako habang tinatanong ang sarili ko kung saan ako nagkulang. Sa lahat ng bagay kasi, pakiramdam ko lagi na lang akong may pagkukulang kahit na binigay ko naman ang best ko. Hindi ko maintindihan. Kinagabihan, nag-message si Ashley sa GC naming tatlo ni Rhian. Tatlo na lang kami do'n kasi nag-left na ro'n si Callen no'ng nakaraan. Ashley Verano   active now• Sino available d'yan? Samahan niyo 'ko rito. Inom tayo. Tapos nag send siya ng picture ng alak. Nagulat ako kasi umiinom siya ngayon sa bahay nila. Imbis na suwayin ko siya, mas naisip ko na mas okay kung uminom rin ako kasabay niya. Mag re-reply sana ako nang biglang mag reply si Rhian. Rhian Mendoza   active now• Hoy, babae! Anong problema? Ba't nagpapakalasing ka? Danielle Legaspi    active now• Send location, Sali ako. Rhian Mendoza    active now• Pati ikaw? @Danielle Anong problema? Hindi na namin ni-reply-an si Rhian nang mag send ng location si Ashley kung saan ang bahay nila. Agad naman akong nagpunta ro'n kahit gabi na. Nagpa-alam ako kay Mama na may group study ako ngayon at do'n na ako makikitulog kina Ashley. Buti na lang pumayag si Mama. Isa pa, group study naman 'yong sinabi ko at talagang papayag 'yon. Pagdating ko sa bahay nina Ashley, nando'n siya sa kuwarto niya. Wala ang parents niya kasi pang-gabi 'yong trabaho nila pareho kaya nagagawa niya ngayon 'yong gusto niya. May lima siyang red horse at tatlong yelo na hindi pa nalalagay sa tubig. Tapos may mani rin pang pulitan. Naka upo lang siya sa sahig at naka patong sa maliit na lamesa naman 'yong red horse at yelo. Nagtaka ako bigla kung bakit trip niyang gawin 'to ngayon kaya napatanong ako. "Anong problema mo't naisip mong uminom?" tanong ko at umupo sa tabi niya. "May iba na siya." wala sa sariling sagot niya habang nilalagay 'yong yelo sa tubig. Kumuha siya saglit ng baso para sakin at binuksan niya 'yong red horse tsaka nilagyan 'yong parehong baso namin. "Ikaw? Nag-away kayo ni Bright, tungkol ba do'n sa average niyo?" tanong niya habang nilalagyan ng tubig na may yelo 'yong baso niyang may red horse. "Gano'n na nga." sagot ko at nilagyan rin ng tubig na malamig 'yong baso kong may lamang red horse tsaka ininom 'yon ng isang lagukan lang.  "Arg! ang pangit ng lasa." sabi ko matapos inumin 'yon. Ito ang unang beses kong uminom ng alak sa buong buhay ko. Na Curious na rin ako kung bakit nga ba gustong gusto ng mga matatanda 'yong alak. Ang dinig ko pang sabi ng iba e nakakalimot daw ito ng problema. Ito agad 'yong naisip ko kanina no'ng mag chat si Ashley. Alam kong bawal pa samin 'to at alam kong pagnalaman 'to nina Mama na uminom ako, alam kong magagalit sila sakin. Pero sa ngayon, gusto kong subukan 'to. Gusto kong malaman kung totoo nga bang nakakalimot ito ng problema. Kahit ngayon lang. Gusto kong kalimutan lahat ng problema ko ngayon. Lalo na si Bright. Na walang pinagkaiba kay Gab. Parehas silang mapanakit. "Alam mo, ang daya niya. Sobra." sagot ko habang kinukuha ang bote ng red horse para lagyan 'yong baso ko. "Ang sabi niya, tulungan daw niya ako. Sasabayan daw niya ako mag-aral, sasamahan niya akong lumaban para lumubog 'yong tandem nina Colleen at Gab tapos ito lang ang gagawin niya?" napangiwi ako, "Nilamangan niya ako. Masyado niyang ginalingan para malamangan ako." Napalagok ng alak si Ashley bago nagsalita, "Boto pa naman ako sa kanya para sa'yo. Di ko akalain na masasaktan ka ng husto nang dahil sa kanya." Kumuha ako ng mani at sinandal 'yong ulo ko sa pader ng kuwarto ni Ashley. "Ikaw, anong sinasabi mong may iba na siya?" tanong ko kay Ashley na namumula na 'yong mukha. "May iba na siyang girlfriend." sagot niya. Do'n ko lang napagtanto na tuluyan na talaga silang wala ng boyfriend niya na nagloko rin. "Ang gago e, 'no?" Muli kong nilagyan ng red horse 'yong baso ko at nilagyan ko na rin 'yong sa kanya. That time, medyo nahihilo na rin ako. Tapos ang init sa pakiramdam. Ganito pala 'yong feeling kapag umiinom ka ng alak. Pero. . . 'yong sinasabi nilang nakakalimot ng problema? Di ako sure.   Biglang bumukas 'yong pinto ng kuwarto ni Ashley nang biglang pumasok si Rhian na halatang gulat na gulat nang makita 'yong limang red horse at pulutan sa harap namin ni Ashley. Pero imbis na magtanong pa siya kung bakit kami nagkakaganito, sinabayan niya na lang kami. Umupo siya sa harap namin at nilagay sa tabi niya 'yong maliit niyang shoulder bag. "Rhian, akala namin 'di ka pupunta?" sabi ni Ashley habang kumakain ng pulutan. "Alam kong problemado kayo ngayon." tinuro niya si Ashley, "Broken ka kasi may iba na boyfriend mo." tapos tinuro niya ako, "Ikaw naman, Deyn, double. Pinagpalit ka ng Ex mo sa kaaway mo at nilamangan ka sa rankings ng manliligaw mo." Nilapag ko 'yong baso ko ng malakas sa ibabaw ng mesa nang banggitin ni Rhian 'yong tungkol sa manliligaw ko si Bright. "Hindi ko siya manliligaw, okay?!" galit kong sabi at pareho naman nila akong nilingon. That time, nagulat din ako sa sinabi ko kasi nabanggit ko 'yong totoo na hindi ko nga manliligaw si Bright. Pero imbis paniwalaan nila 'yon, tinapik ako ni Ashley sa balikat sabay sabing, "Lasing ka na ba?" Hindi ako nakasagot sa tanong ni Ashley at nilagyan ko na lang ng red horse 'yong baso ko. "Uy, hinay-hinay lang, Deyn." nag-aalalang sabi naman ni Rhian. Kinuha siya ng baso ni Ashley para sabayan kami. Pero bago ni Ashley nilagyan ng red horse 'yong baso niya e tinanong muna siya ni Ashley. "Iinom ka rin ba? Di ka naman broken hearted, ah." "Sasabayan ko kayo. Siyempre, bestfriends tayo. Dadamayan ko kayo." sagot ni Rhian. "Tsaka, wala namang sinabi d'yan sa bote ng red horse na mga broken hearted lang pwedeng uminom niyan." Parang gusto kong matawa pero—nababad trip pa rin ako. Kasi sa tuwing tumatawa ako tapos bigla kong maalala si Bright, nawawala agad 'yong tawa ko. Ang hirap pa lang tumawa kapag may problema ka, ano? Kinuha ni Rhian 'yong baso niyang may lamang red horse at ininom 'yon. Pero 'di niya nilagok agad-agad kasi tinikman muna niya 'yong lasa. "Ano ba 'yan, ang pangit ng lasa." pagrereklamo niya. "Ganyan talaga. Masasanay ka rin." sagot ni Ashley. "Ah, so sanay kana?" "Di." tipid na sagot ni Ashley. "First time ko 'to. Gusto ko lang gawin." "Naks! Kayo ha." tapos bumuntong hininga si Rhian at nagseryoso, "Grade 8 pa lang tayo. Kung lovelife ang paguusapan, marami pa tayong makikilala. Nasa highschool pa lang tayo, pagtungtong natin ng College, I'm sure, ibang tao na ang tinitibok nitong mga puso na'tin. Trust me, guys. 'Yon 'yong sabi sakin ni Mama." "Ah, so sinasabi mo bang mag b-break pa kayo ni Shawn?" tanong ko. "Hindi ako sure." sagot niya at pinilit na ubusin 'yong red horse na nasa baso niya. Pero bago niya nilagok 'yon, dinagdagan muna niya ng napakaraming malamig na tubig para 'di niya malasahan 'yong red horse. "Kung mag b-break man kami, iisipin ko na lang na baka hindi talaga siya ang para sakin." dagdag pa niya. "Alam mo, ang labo mo." singit ni Ashley. "Bakit mo jinowa kung hindi ka sure?" "Mahal ko siya, e." sagot ni Rhian. "Mahal mo siya ngayon. Pero pano kung dadating ang araw na unti-unting lumamig ang relasyon niyo?" tanong ko naman. "Hindi naman maiiwasan 'yon. Marami na akong na encountered na gano'n." "Gaya namin?" tanong ni Ashley at tumango naman si Rhian. Nilagyan ko pa 'yong baso ko ng red horse tsaka nilagok 'yon at kumain ng pulutan saglit bago nagsalita. "Alam niyo, wag na kayong magpabola sa mga lalakeng hindi naman sigurado sa inyo." saad ko. "Mahal lang nila kayo, tayo ngayon pero hindi magtatagal, kapag nakahanap sila ng iba, bigla na lang nila tayong iiwan sa ere." natawa ako bigla nang maalala ko 'yong mga araw na kami pa ni Gab, na bwisit ako pero natatawa ako ngayon sa harap ng dalawa kong kaibigan. Pakiramdam ko tuloy lasing na ako. "There's a guy who told me before that i was his moon. Pero 'yong putang-inang 'yon iba pala 'yong sun niya." tumawa ulit ako. "Wag kayong magpa-uto sa Sun and Moon na 'yan. Kasinungalingan 'yan!" Napamura si Ashley bigla sabay sabing, "Tama ka! At kapag sinabi nilang ikaw lang wala ng iba? Kasinungalingan din 'yon! Trust me, may iba 'yan." Biglang nag-ring 'yong cellphone ko at nakita kong tumatawag sakin si Callen. Hindi ko sana sasagutin 'yon kaso dalawang beses niyang inulit 'yong tawag kaya sinagot ko na. "O?" "Asan ka? Ano 'tong sinasabi ng Mama mo na Group study?" "Wala ka na ro'n." "Wala naman tayong group study ah. 'Yong totoo, magsabi ka nga ng totoo. Asan ka?" Narinig ko pa sa kabilang linya na sinasabing, "Bro, ano sabi?" at ang boses na 'yon ay walang iba kundi kay Bright. Magkasama sila. Siguro tinatanong ni Bright si Callen kung nasan ako ngayon. "Hoy, Callen magkasama kayo ngayon? Nasan kayo? Nagpunta kayo sa bahay?" "Hindi. Nandito kami sa cafè. Nandito rin Mama mo. Pupuntahan ka sana namin sa bahay niyo pero sabi ng Mama mo nag-group study ka raw. Nasan ka ba?" "Ba't ba ang kulit mo?! Wala ka na ro'n. Tsaka, wag mong sabihin sa kanya ang address ng bahay namin, kundi, lagot ka sakin." "Eh, diba alam naman niya kasi hinahatid ka niya pa-uwi?" "Hindi niya alam. Hinahatid niya ako hanggang kanto lang." "Deyn!" Natahimik ako. Alam ko kasi kung kaninong boses na 'yon. At mukhang naka-loud speak yata ako. Arg!   "Nasan ka? Na kina Ashley kaba? Pupuntahan ka namin." "Wag!" sigaw ko at nagulat naman sina Ashley at Rhian sakin. "Nasa bahay ako nina Rhian." pagsisinungaling ko dahilan para mapatanong si Rhian kung bakit ko 'yon sinabi pero 'di ko muna siya pinansin. Sinabi ko 'yon kasi alam kong galit pa si Callen kay Rhian at alam kong hindi siya pupunta rito. "Tsk! 'yong totoo? Sabi ng Mama mo kina Ashley ka." "Nandito kami kina Rhian. Lumipat kami ng place kasi sira 'yong aircon ng kuwarto ni Ashley." pagsisinungaling ko pa dahilan para magulat si Ashley nang marinig 'yong sinabi ko sa kabilang linya. Biglang bumukas 'yong kuwarto ni Ashley at pumasok 'yong katulong nila na inutusan kanina ni Ashley na kumuha ng yelo sa ref tsaka binigay kay Ashley 'yong sukli kanina no'ng bumili siya sa tiyange. E, saktong nabanggit ng katulong nila ang salitang red horse no'n kaya narinig ni Callen. "Hoy! Umiinom kayo?" halatang galit na sabi ni Callen sa kabilang linya. "Bye na." inis kong sabi pero pinigilan niya akong ibaba 'yon. "Tsk. Puntahan namin kayo d'yan." "Bakit ba ang kulit niyo!" sigaw ko at nagsimulang maiyak sa 'di malamang dahilan. "Sinabi nang hayaan niyo ako. Mahirap bang intindihin 'yon?" "Deyn, gusto ka lang makausap ni Bright. Pero bakit nagpapakalasing ka? Nang dahil lang sa hindi mo nakuha 'yong gusto mo?" Hindi ako nakapagsalita at tuluyan na lang akong umiyak. Tama. Gano'n nga 'yon. Hindi ko kasi matanggap, e. Alam ko naman na hindi naman dapat iniiyakan ang mga ganito, pero ang sakit-sakit kasi, e. Hindi ko alam pero nasasaktan talaga ako. Pinatahan ako nina Rhian at pagkatapos kong umiyak, hindi ko namalayan na nakatulog ako sa sobrang pagod. Kinabukasan, late na akong umuwi ng bahay. That time, wala sina Mama sa bahay kasi nga may work sila kaya chamba ko kasi 'di nila mahahalatang uminom ako kagabi. Masakit ulo ko ngayon kaya dumeretcho ako sa kuwarto ko at nagpahinga ulit. Mga bandang alas tres no'ng bumaba ako para kumuha maiinom na tubig. Dinala ko pa 'yong baso kong may lamang tubig sa terrace namin habang umiinom at nagbabasa ng message ni Rhian sa GC namin nang bigla akong mapatid ng isang maliit na box pero may kung anong mabigat na laman sa loob na mukhang inorder pa online pero dito sa sahig nilagay at talaga hindi ko napansin habang naglalakad ako dahilan para mapatid ako at muntik nang matumba pero buti na lang at na balance ko ang sarili ko pero badnews kasi 'yong tubig ko na hawak ko ay natapon ko sa halaman. At ang halaman na 'yon ay ang halaman na binigay sakin ni Bright. Nagpanic ako kasi nadiligan ko 'yon ng sobrang dami at naisip ko na baka mamatay siya kasi sa pagkakaalam ko hindi naman 'to dapat dinidiligan nang gano'n ka rami kasi low maintenance lang naman 'to. Kaya naisip ko na what if mamatay 'to? Di ko alam kung anong gagawin ko at napagtanto ko na lang sa sarili ko na sobrang nagpapanic talaga ako nang dahil lang sa halamang binigay niya. Oo, naiinis ako sa kanya pero inosente naman itong halaman. Sa kanya nga nanggaling pero ano naman? Kung galit ako sa kanya, 'di ko dapat dinadamay itong halaman. Kaya dapat lang na magpanic ako. Hays. Mga bandang alas otso ng gabi no'ng umuwi si Mama galing trabaho tapos kinatok niya ako sa kuwarto ko at sinabing may bisita raw ako. No'ng una, akala ko sina Ashley o Rhian lang pero nagulat ako nang banggitin niya ang 'Anak ng Tita Pam mo' bigla kong naalala na magkaibigan pala si Mama at ang Mama ni Bright at ang bisita ko ngayon sa bahay ay walang iba kundi siya. "Ma, pakisabi inaantok na ako." pagsisinungaling ko. "Nang ganito ka aga, anak?" tanong naman ni Mama. "Bumaba ka na at kausapin siya. Talagang bumiyahe pa siya rito para lang ibigay sakin 'yong pinapabigay ni Pam na leche flan." Tsk. Napasabi na lang ako sa isip ko ng "Mama naman, e. Ikaw 'yong binigyan ng leche flan at hindi ako. Kaya 'di ko na problema 'yon." Pero dahil itong si Mama mapilit, wala akong choice kundi ang bumaba. That time, napatanong pa ako kung bakit hindi nagalit si Mama na may bumisitang lalake rito sa bahay, siguro dahil anak siya ng kaibigan niya. 'Yon lang naman 'yon, e. Wala namang alam si Mama na may pa fake ligaw-ligaw na nagaganap between me and him. Pagbaba ko, wala siya sa sofa. Sinilip ko rin sa kusina kasi baka nando'n siya pero wala. Muli akong umakyat sa taas at pumunta sa kuwarto ni Mama kasi nando'n na siya na nagliligpit ng bedsheet para tanungin siya kung nasaan si Bright pero sabi ni Mama naka-upo lang daw siya sa sofa kanina no'ng umakyat si Mama sa kuwarto ko para tawagin ako. Pero ngayon, wala siya. San siya nagpunta? Umuwi na? Bakit? Masyado ba akong matagal bumaba at hindi siya nakapaghintay kaya naisipan niyang umuwi na? Lumabas ako ng bahay para alamin kung umalis na nga siya. Nang makalabas ako ng gate, wala siya. Walang tao ro'n. Kung gano'n, umalis na nga siya. Bagsak ang magkabilang balikat ko nang malamang umalis siya nang gano'n gano'n lang. Di ko nga rin alam kung bakit parang bigla akong nalungkot. Minsan, hindi ko na rin alam kung anong nangyayare sakin. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Bakit ba ako nagkakaganito? It seems like a weird feeling. Galit dapat ako, e. Pero bakit ganito? Bakit nalulungkot ako nang malaman kong umalis siya bigla? Ni hindi man lang niya ako nagawang hintaying bumaba. Napayuko ako. That time parang maiiyak na naman ako sa 'di malamang dahilan. Pero nagulat ako nang may magsalita sa likod ko, "Hanap mo'ko?" Agad akong napa-angat ng tingin at agad na napalingon sa likuran ko. At nagliwanag ang mukha ko nang makitang nandito pa siya, nakatayo sa harap ko.

 

 

Chapter 13 Confused

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siya knowing na hindi pa nga siya umalis. At ewan ko ba, naiinis na naman ako sa pagmumukha niya. Parang kanina lang e nalulungkot ako pero ngayong kaharap ko na siya, gusto kong magalit kasi—naiinis ako sa kanya sa tuwing naaalala ko 'yong ginawa niya sakin. "Anong ginagawa mo rito?" walang emosyong tanong ko habang nakatitig sa mga mapupungay niyang mga mata. "Gusto lang kitang magkausap." sagot naman niya. Napa-halukipkip ako, "Kung tungkol sa rankings ang pag-uusapan, ayoko nang pag-usapan pa 'yon." sagot ko. "Hindi mo man lang ba ako hahayaang mag-explain?" "Ano pa ba ang gusto mong sabihin sakin? Kasi mukhang nasabi mo na lahat, e. Isa pa, alam naman natin na kahit anong paliwanag ang gagawin mo, hindi na magbabago ang lahat." Natahimik si Bright habang ako naman nakatitig lang sa mukha niya. Biglang tumahimik ang buong paligid hanggang sa may magsalita sa likod ko at pagtingin ko, nakita kong si Callen 'yon. Sabi na nga ba't siya ang dahilan kung bakit natuntun ni Bright 'yong bahay namin. "Pero hindi mo pa siya pinapatawad." singit ni Callen. "Hindi naman pwedeng magalit ka sa kanya nang dahil lang do'n. Rankings lang 'yon, Deyn. Kung talagang matalino ka, maiintindihan mo 'yon." Lumapit samin si Callen at tumabi siya kay Bright. Nagsabwatan ang dalawa para lang sabihin sakin 'to. Napa-irap ako sa sinabi ni Callen. Hindi kasi nila ako naiintindihan, e. Ang sakit kaya sa feeling na mabigo ka sa expectations mo. "Para siguro sa'yo Callen rankings lang 'yon." inis kong sabi. "Hindi niyo kasi ako naiintindihan. At kung naiirita kayo sa ugali ko ngayon, umalis na kayo rito." "Deyn, ikaw pa ba 'yan?" seryosong tanong sakin ni Callen dahilan para ma-tigilan ako. "Simula no'ng iniwan ka ng first love mong si Gab, hindi na namin kilala ang dating Deyn." Napa-isip ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na nagbago ako. Ni wala naman kasi akong makitang ipinag-bago ko. Siguro ako wala, pero sila meron. "No'ng iwan ka ni Gab, wala kang ibang inisip kundi ang talunin si Colleen." dagdag pa niya. Do'n ko lang na realized na parang tama siya. Ewan—pero nagalit ako lalo nang magkabalikan silang dalawa. Naisip ko kasi na baka mas worth it mahalin si Colleen kaysa sakin kaya ako iniwan ni Gab para balikan si Colleen. No'ng araw na 'yon, sinikap kong maging gaya ni Colleen at mas pinili kong lamangan siya para patunayan sa sarili ko na mas worth it ako kaysa sa kanya, na mas matalino ako, at hindi dapat iwan kasi sayang. Pero heto ako, mukhang na sobrahan yata sa pakikipag-compete sa taong hindi naman alam na nakikipag-compete ako sa kanya. "'Yong sinabi mo kay Colleen na ayaw niyang nalalamangan siya, mali ka Deyn, kasi mukhang ikaw 'yong ayaw malamangan." Natigilan ulit ako. Inaamin ko, natamaan ako ng husto sa sinabi ni Callen. Pero hindi ko matanggap na gano'n ako. Masyado ba akong naging harsh dahil do'n? "Hindi ka lang kay Colleen nakikipag-compete, kasi sa lahat. Pati sa taong gusto mo, gano'n ka rin." No'ng binanggit niya 'yong salitang 'Taong gusto ko' mali siya ro'n. Kasi hindi ko naman gusto si Bright. Fake lang naman lahat, e. Wala naman talagang thing saming dalawa. Napabuntong hininga ako ng sobrang lalim at napatitig kay Bright saglit bago napatitig kay Callen. "Sorry ha. Kung sa tingin niyo sumusobra na ako, gusto kong humingi ng tawad." saad ko, pero hindi ako totoong sincere. Kasi may halong pagiging sarcastic 'yong pagkasabi ko no'n. "At 'yong tungkol sa rankings, oo na. Sige na. Tanggap ko na na pangalawa lang ako at 'yon lang ang kaya ng utak ko kahit na binigay ko 'yong best ko." napabuntong hininga ulit ako bago nagpatuloy sa pagsasalita, "Pero linawin ko lang, hindi niya ako manliligaw. Kaya tigilan niyo na kakasabi na gusto ko siya." Nakita ko ang gulat sa mukha ni Callen nang marinig niya ang sinabi ko. Alam kong hindi siya makapaniwala sa narinig niya pero hindi ko na problema 'yon. 'Yong mukha ni Bright e parang nanghinayang. Nanghinayang kasi sinabi ko ang totoo kay Callen. Pero why not? 'yon naman talaga ang totoo, e. Isa pa, wala nang dahilan pa para mag-pretend ako na gusto ko siya, na gusto namin ang isa't isa at nililigawan niya ako. Wala na akong pakialam. Kahit pa malaman ni Gab na hanggang ngayon siya pa rin ang mahal ko. Kahit malaman ng lahat na hanggang ngayon mahal ko pa ang taong iniwan ako at pinagpalit ako sa iba. At kahit pa sabihin nilang tanga ako, wala na akong pakialam do'n. "Totoo 'yon." dagdag ko pa. "Hindi niya ako nililigawan. Walang gano'n. Laro lang 'yon para. . . para masabi kong okay na ako sa harap ninyo." Biglang lumakas ang ihip ng hangin sa labas ng bahay. 'Yong mga dahong nahuhulog nagsi-liparan sa paligid. "Ang totoo kasi, hirap pa akong kalimutan siya. Mahal ko pa rin siya pero anong magagawa ko kung si Colleen na ang mahal niya, diba?" Napatingin ako sa ibang lugar bago nagpatuloy sa sasabihin ko. "Nag decide kami na magpanggap na gusto namin ang isa't isa, para ipakitang okay na ako. Kasi nakakahiya sa part na iniwan niya ako, 'yong masaya na siya sa iba pero ako heto, siya pa rin ang gusto. Ang tanga, hindi ba?" "Kung gano'n," nilingon ni Callen si Bright para si Bright mismo ang tanungin, "Hindi totoong gusto mo siya?" Nagulat ako sa tanong ni Callen kay Bright. Bakit kasi gano'n? Kung pwedeng namang 'kung gano'n walang something sa inyo?' o 'di kaya 'Hindi mo siya totoong nililigawan?' pero itong tanong niya—parang ang weird. Tipong parang may pinag-usapan sila na hindi ko alam na sila lang nakakaalam. Parang gano'n. Pero baka ako lang nag-iisip nang gano'n. Hay naku! Bahala na. Bakit ko ba pino-problema 'to? Paki ko ba sa kanila? Napatingin muna sakin si Bright. 'Yong mga tingin niyang 'yon e 'yong tingin na para bang nagdadalawang isip sagutin 'yong tanong ni Callen. Pero wala siyang choice. Umiling siya sabay sabing, "Hindi." tapos lumunok ng laway bago muling nagsalita, "Totoo 'yong mga sinabi ni Deyn. Walang katotohanan lahat ng tungkol sa panliligaw ko sa kanya. Walang gano'n. Plano lang 'yon, laro lang." Palipat-lipat kaming nilingon ni Callen pareho habang sinusubukang intindihin 'yong mga sinabi ko at ni Bright hanggang sa, "Kung gano'n, mahal pa ni Deyn ang ex niya?" hindi makapaniwalang tanong niya pero hindi ko na siya sinagot. No'ng time na 'yon, may kotseng paparating sa gawi ng bahay namin. Do'n ko lang napagtanto na si Papa na pala 'yon kaya nagsalita na ako para magpa-alam. "Pasok na ako." malamig na sambit ko. At sa huling pagkakataon bago ako pumasok sa loob ng gate, nagtama ang mga tingin namin ni Bright. That time, bigla akong nalungkot. Kasi naisip ko na baka ito na 'yong huling pagkakataon na mag-usap kami. Kasi bukas, baka hindi ko na siya kausapin pa kasi wala na. Tapos na itong kasunduan namin kasi alam na ni Callen ang totoo. And I'm sure, malalaman na rin siguro nina Ashley at Rhian ang tungkol dito.                              *** Maaga akong nagising at nakita ko 'yong chat ni Bright sakin. Ayoko sanang i-seen 'yon pero na curious ako kaya tiningnan ko kung ano 'yong mga 'yon. Bright Navales   active now• Naiintindihan ko kung bakit galit na galit ka. At kung ayaw mo na akong kausapin, naiintindihan ko. Alam kong kailangan mo ng time para sa sarili mo, kaya hindi muna kita guguluhin. Basta, kung sakaling okay ka na at gusto mo na ng kausap, nandito lang ako. Tandaan mong lagi lang akong nakaabang sa message mo. Napa-higop na lang ako sa napaka-init kong kape matapos basahin 'yong mga message niya. Napaso pa 'yong dila ko dahil masyadong mainit 'yong kape. Napindot ko tuloy 'yong like button at na send 'yon sa kanya. I-re-remove ko sana kaso lang baka mag overthink siya at mag-assume pa sa kung ano itong in-unsend ko. Like lang pala. Mas okay na wag na lang at hayaan na lang 'yon. Pumasok ako sa skwela nang malaman kong walang alam sina Rhian at Ashley tungkol sa pekeng panliligaw ni Bright sakin. Do'n ko nalaman na hindi sinabi ni Callen sa kanila. At ewan ko ba sa sarili ko, para akong nakahinga ng maluwag nang malaman kong hanggang ngayon e secret lang ang tungkol do'n. Pero siyempre, hindi ko pinansin si Bright buong magdamag. Minsan, nagtatama ang mga tingin namin sa isa't isa, hindi naman kasi maiwasan. Pero wala akong ginawa kundi ang umiwas agad ng tingin kahit na alam ko na ineexpect niyang ngi-ngitian ko siya or whatsoever. No'ng uwian, kasama kong lumabas ng campus sina Rhian at Ashley. No'ng time na 'yon, si Callen at Bright 'yong magkasama. Tapos mukhang may pinag-uusapan sila pero 'di ko alam kung ano kasi 'di ko naman naririnig dahil ang layo ko sa kanila. That time, nakasunod sila sa likod naming tatlo habang naglalakad. Hindi ko sila nililingon no'n kasi natakot ako na baka mahuli niya akong nakatitig sa kanya o 'di kaya baka nakatitig pala siya sakin tapos paglingon ko e bigla kaming magkatitigan. Ang dami kong iniisip no'n pero puro lahat nagative. Sa madaling salita, natakot lang ako na magtama ang mga titig namin ni Bright. The next day, ina-nounced ng teacher namin ang groupings sa research subject namin kung saan kailangan naming gumawa ng research paper. At oo, meron kaming elective subject which is research. Hinati kami sa dalawang groupo. Bale, 10 members kada groupo. Sa isang groupo magkasama sina Rhian, Callen, Bright at sina Colleen. Sa group naman kung nasaan ako ay tanging si Ashley lang ang kasama ko. Ang daya kasi silang lahat magkasama pero nakalimutan kong si Rhian e hindi natutuwa kasi magka-groupo sila ni Callen. Tapos kasama pa niya sina Colleen na kung saan siya mismo nag-presentang maging leader ng group nila tapos 'yong samin naman e si Richard. So ayon, nag-plano muna kami kung ano 'yong research title namin tapos nag usap-usap kung sino gagawa ng Introduction etc... Mga gano'n. No'ng matapos ang klase, nag-usap ulit kami tungkol sa research. Since next week 'yong deadline, kinailangan naming tapusin ng mas maaga para wala na kaming problemahin at para na rin marami kaming time para i re-read 'yong research paper namin once tapos na naming gawin. Hindi naman sinabing mag defense kami pero—kailangan lang naming maghanda kasi baka meron palang defense at hindi lang sinabi ng mas maaga samin.                               *** The next day, busy pa rin kaming lahat sa pag-aaral lalong lalo na sa paggawa ng research paper. Nagplano rin kami na mag-sleep over sa bahay nina Marielle para do'n tapusin 'yong research paper namin. Nagpaalam ako kay Mama at Papa at since valid 'yong reason ko sa kanila dahil tungkol 'yon sa pag-aaral, pumayag silang makisleep over ako. So ayon na nga, pito lang kami ang pinayagan ng mga kanya-kanya naming mga magulang kasi 'yong tatlo hindi na talaga pinayagan kaya nag-plano na lang sila na mag video call mamaya habang ginagawa 'yong research paper. 'Yong kabilang group e may sleep over din kasi sinabi samin ni Rhian kanina. At sa place sila ni Callen. So ayon, nainis ako kasi sinabi ni Rhian sakin na si Colleen at Bright e laging magkausap. Tapos nagpa-plano sila sa research ng sila lang. "My gosh, what if itong si Colleen e hindi lang si Gab ang inagaw sa'yo? What if pati si Bright?" biglang tanong ni Ashley sakin matapos i-chat ni Rhian sa GC namin 'yong tungkol kay Bright at Colleen. Sa totoo lang, wala na dapat akong paki. Pero sa tuwing naiisip ko na nagkakamabutihan sila, natatakot ako na baka dumating ang oras na si Bright at Colleen e mas magiging malapit pa lalo sa isa't isa. "Deyn, tingin mo? May gusto ba si Colleen kay Bright?" "Hindi ko alam." sagot ko. "Tsaka, ano bang paki ko sa kanila? Magsama sila kung gusto nila." inis kong sabi. "Teka, hindi mo na ba gusto si Bright? Akala ko ba nililigawan ka niya? Wala na bang chance na sagutin mo siya at maging official kayo?" Napa-isip ako bigla. Bakit ba gano'n? Bakit ba hindi ko kayang sabihin sa mga kaibigan ko na fake lang ang lahat? Bakit parang natatakot akong ipa-alam ang totoo na walang ligaw-ligaw na nagaganap samin ni Bright? Takot ba ako na kapag gano'n e, mawala sakin si Bright? Na kapag nalaman na ng mga friends ko ang totoo ay baka biglang mawala 'yong connection namin sa isa't isa. Tapos baka hindi na kami magiging magkaibigan. Ayoko mang aminin sarili ko, pero totoong natatakot akong mawala siya sakin. Pero itong takot bang 'to ay takot na mawalan ako ng kaibigan o takot na baka mawala 'yong taong alam kong laging nand'yan para sakin? Takot na baka makahanap siya ng ibang kaibigan at gagawin din niya sa iba 'yong bagay na ginagawa niya sakin lagi. 'Yong pinapalakas ang loob, 'yong pinapasaya, 'yong tinutulungan sa lahat ng bagay. Natatakot akong mawala 'yong taong minsan lang akong. . . niligtas sa isang mapanakit na mundo kung saan hirap na hirap akong labanan 'yon. Pero nang dahil sa kanya, nabawasan 'yong sakit na nararamdaman ko na kung tutuusin e ako dapat ang magpapakumbaba kasi ang dami niyang naitulong pero ako itong walang ibang inintindi kundi ang galit ko. Nag-start kaming gumawa ng research paper pero ako itong hindi makapag-focus kasi kahit anong gawin ko hindi ko maalis sa isip ko si Bright. Naiinis na nga ako kasi hindi ko siya maalis sa isip ko. Tapos dumagdag pa si Colleen na naiisip ko na baka close na close na sila ngayon. Ang dami kong what if's sa isip ko habang nag t-type ako sa laptop ni Richard kagaya ng, What if si Colleen na pala 'yong nagpapa-tawa sa kanya ngayon? What if na realize niya na mas mabait pala si Colleen kaysa sakin which is impossible pero pwede rin naman. What if mas masayang kasama si Colleen kaysa sakin? Tapos maisip niya na kaya ako iniwan ni Gab kasi mas better talaga si Colleen kaysa sakin. Arg! Sinabunutan ko ang sarili kong buhok dahil sa inis dahilan para magulat sina Ashley at ang iba naming kasama. Sinabi ko na lang na sila muna mag-type at magpapahangin lang ako. Lumabas ako saglit, sinamahan ako ni Ashley na hanggang ngayon e sadgirl pa rin. Nag-usap kami saglit hanggang sa may tumatawag sa phone ko at walang iba kundi si Rhian. "Hello, Rhian." "Kamusta kayo?" "Hindi okay. Pero okay lang." "Ang labo mo. Pero same. Ako rin. Di okay. Palit na kaya tayo, Deyn. Di ko kayang nakikita si Callen dito. Feeling ko e para niya akong lalamunin ng galit sa mga tingin niya." "Wala namang sinabing pwedeng makipag-swap ng group, ano." Tapos biglang nag react si Ashley na katabi ko, "Ah, so kung pwedeng makipag-swap, gagawin mo?" tanong niya na may kasamang panunukso. "Hindi ah." sagot ko kay Ashley tsaka kinausap si Rhian sa kabilang linya, "Anong ganap d'yan?"   Muli akong tinukso ni Ashley, "Asus! Nakiki-update. Bakit? Miss mo na siya?" At ginatungan naman ni Rhian sa kabilang linya 'yong panunukso ni Ashley sakin, "Naks! Bakit, nag o-overthink ka ba? Kung gusto mong malaman, makipag-swap kana sakin, please." "Hindi pwede. Tsaka, 'di ako interesado sa kanila, 'no. Pag-untugin ko pa mga ulo nila, e." "Naks! Nagseselos. Alam na alam ko 'yan kasi ganyan na ganyan din ako." panunukso ni Ashley. "Tumigil ka, Ash. Kaya ka iniwan, e." "Luh. Sakit mo naman." "Teka, may ise-send ako sa GC na'tin. Tingnan niyo." Tapos may sinend si Rhian sa GC kaya tiningnan namin 'yon ni Ashley para malaman kung ano 'yon. Picture 'yon ni Bright at Colleen na magkatabi sila ngayon habang nakatitig sa laptop. Silang dalawa lang 'yong naka focus sa laptop samantalang ang iba nilang kasamahan e nag ce-celphone lang. "Nakita niyo?" tanong ni Rhian sa kabilang linya. "E, ano naman?" kunware hindi ako interesado. "Ang sweet nila, ano?" "Alin ang sweet do'n?" Inis kong tanong. "Silang dalawa lang gumagawa ng research. 'Yong iba e nagpapaka-chill. Pero 'di sila nagagalit at mukhang nag e-enjoy yata sila na silang dalawa lang gumagawa. Mag overthink ka na Deyn, baka mamaya. . . " tapos biglang tumahimik si Rhian kaya na bitin ako. "Baka mamaya, ano?" tanong ko. "Baka mamaya hindi na ikaw." Napa-irap ako, "Wala akong paki." tapos binabaan ko si Rhian. Na guilty naman ako sa ginawa ko pero 'di ko kasi mapigilang mainis, e. "Uy, ang bad mo. Bakit mo binabaan si Rhian?" nagtatakang tanong ni Ashley. "Naiinis ako." sagot ko. "Naiinis ba o nagseselos?" panunuksong tanong niya at napatanong naman ako sa sarili ko. Alin nga ba sa dalawa? Nagseselos ba ako? Impossible. Hindi naman siguro selos itong nararamdaman ko, ano? Wala lang naman siguro 'to. Kumbaga, normal lang itong nararamdaman ko kasi. . . rare lang ang mga kaibigang gaya ni Bright kaya ako nagkakaganito. 'Yong parang nanghihinayang? Ewan ko ba. Napabuntong hininga ako ng sobrang lalim at napatitig sa kung saan. "Hindi ako nagseselos." sabi ko kay Ashley. "Deyn, kahit mag-selos ka, ayos lang naman 'yan. Normal lang 'yan kasi gusto mo 'yong tao." Wala naman akong sinabing gusto ko siya. At higit sa lahat, hindi ko siya gusto. Walang gano'n. Pero dahil wala nga silang alam tungkol do'n, much better kung sumang-ayon na lang ako sa sinabi ni Ashley at manahimik na lang pagkatapos. Kinaumagahan, 5:00 pa lang gising na kami kasi kailangan pa naming umuwi sa kanya-kanya naming bahay para maligo at pumasok sa school. Di naman kasi namin dala ang mga uniforms namin dito sa bahay nina Marielle kaya kailangan naming umuwi. Pag-uwi ko ng bahay, naligo agad ako at siyempre naghanda para pumunta ng school. Late pa ako ng 5 minutes no'n pero ayos lang kasi vacant naman namin 'yong first period. Pagdating ko sa classroom, wala sina Rhian at Ashley. Tinanong ko si Callen kung nasan sila since nandito naman 'yong bag nila at ang sabi nasa canteen daw silang dalawa. Susunod sana ako sa kanila nang bigla akong lapitan ni Bright. That time, nagtaka ako kung bakit papalapit siya sa gawi ko pero mas nagulat ako sa sinabi niya. "Mamaya, may sleep over tayo sa bahay nina Callen." "Ha? Sleep over?" gulat kong tanong nang sabihin niya 'yon. "I mean, tatapusin na'tin 'yong research paper na'tin. Inform lang kita, baka kasi wala pang may nagsabi sayo." tapos ngumiti siya. 'Yong maliit na ngiti lang tsaka tumalikod na at bumalik sa upuan niya. Ako naman natulala lang do'n sa sinabi niya. Ano raw? Research paper namin? As in namin? E, 'di ko naman sila ka groupo, ah. Nilingon ko si Callen na naglalaro ng video games sa phone niya tsaka ako napatanong, "Anong sinabi ng isang 'yon?" "Lumipat ka sa group namin, diba? Palit kayo ni Rhian." sagot ni Callen nang hindi nakatingin sakin. What the—wala naman akong sinabing lilipat ako. "Hoy, hindi ko sinabing lumipat ako." Tinigil ni Callen 'yong paglalaro niya at napatingin sakin, "'Yon 'yong sabi ni Rhian." sagot niya. "Pero hindi ako sumang-ayon." "Sumang-ayon ka na. Mas okay ngang palit na lang kayo." "Sinasabi mo lang 'yan kasi galit ka pa rin sa kanya hanggang ngayon. Wag niyo kong idamay sa problema niyo. Ayoko talagang mag swap kami."   "Parehas lang naman tayo." sagot niya. "Ayaw mo sa group namin kasi makakasama mo si Bright na. . ." tapos natahimik siya kasi dumaan 'yong kaibigan ni Colleen sa tabi niya kaya tumayo si Callen at hinila ako sa labas ng classroom at do'n tinuloy 'yong sasabihin niya, "Totoo bang walang something sa inyo? Laro lang ang lahat, gano'n?" Napatingin muna ako sa kaliwa't kanan bago ko siya sinagot, "Wala nga. Bakit ba ang kulit mo?" "Kung gano'n mahal mo pa si Gab. Pero bakit mo dinamay si Bright?" Natigilan ako sa tanong ni Callen. Dinamay ko ba siya? Pero siya naman mismo ang nagsabing okay lang sa kanya na tulungan ako, e. "Callen, siya mismo ang nagsabing okay lang sa kanya, okay?" paglilinaw ko. "Pero tinanong mo ba siya kung hanggang ngayon e okay pa sa kanya?" Napatingin ako sa loob ng classroom at napatingin kay Bright na natutulog sa armchair niya. Parang gusto ko siyang lapitan at gusto kong humingi ng sorry sa kanya. Minsan hindi ko na rin talaga maintindihan sarili ko. Alam niyo 'yong feeling na gusto niyong magalit sa isang tao pero may times na parang nanlalambot 'yong puso mo sa tuwing nakikita mo siya tapos naiisip mo na parang gusto mo na lang mag sorry kasi alam mo sa sarili mo na hindi mo kayang mawala 'yong taong 'yon. Ang gulo. Parang ewan. Muli akong napatingin kay Callen tsaka siya sinagot, "Hindi. Hindi naman kasi kami nag-uusap. Tsaka, kung ayaw na niya, okay lang naman. Hindi ko na siya kailangan. Naisip ko na kaya ko rin namang mag-isa. Paki ko ba kay Colleen at Gab? Di ko na sila problema, ano." Tapos binigyan ako ng panunuksong tingin ni Callen. Di ko alam kung bakit gano'n siya bigla. "Sure ka? Di mo na siya kailangan?" Tumango ako, kahit 'di pa ako gano'n ka sigurado, "Oo naman." "Nice! Sige, sama ko siya mamaya, maghahanap kami ng cute girls sa ibang schools." tapos nakipag-apir sakin si Callen pero 'di ko ginawa. Sa halip ay umalis ako at dumeretchong canteen para puntahan sina Rhian at Ashley. Nainis lang ako kasi aalis sila mamaya tapos maghahanap ng mga girls like, ang harot. Bakit kailangan pa nilang gawin 'yon? —at bakit ba ako nagkakaganito? Nakakapagtaka na talaga. Bakit ba ako ganito? Na co-confused na talaga ako sa nararamdaman ko. Ano ba talaga? Galit ba ako o nagseselos o ano? Arg! I hate this kind of feeling. Pagdating ko sa canteen, hinanap ko silang dalawa. Nakita ko sila sa may pinakadulong table kaya nakiupo ako ro'n para kausapin si Rhian. "Uy, 'di ko sinabing magpalit tayo ng group." 'Yong mukha ni Rhian no'n e biglang sumimangot habang kumakain ng fries. "Bakit naman?" "Ayoko siyang kasama." "Si Bright lang naman 'yon, e. Mabait naman siya. Okay lang 'yon. Payagan mo na ako." pagmamakaawa niya. "Tsaka, kagabi no'ng gumagawa kami ng research e silang dalawa lang ni Colleen 'yong nagkakaintindihan. Girl, hahayaan mo na lang ba na agawin siya sayo ng babaeng 'yon, ha?" "Kung magpapa-agaw siya, edi okay." inis kong sagot. "Hello? Sa panahon ngayon, kailangan mong ipaglaban 'yong taong gusto mo, wag mong hayaan sa iba. Naku, sinasabi ko sayo, pag 'yan, naging mas malapit lalo kay Colleen, hmm. . . ewan ko na lang. Ayusin mo desisyon mo sa buhay." "E, kasi naman Rhian, hindi pa kami okay. Naiintindihan din naman kita kasi hindi ka kumportbleng kasama si Callen pero gano'n din ako kay Bright. Hindi rin ako kumportble." "Alam ko 'yon. Pero 'yong sa inyo, pwede pang maayos. Nag-away lang naman kayo dahil mas lamang siya ng point five sa average ninyo." Natahimik ako sa sinabi ni Rhian nang ma realized ko na ang babaw ng pinag-awayan namin ni Bright. "Alam mo girl, wag mo nang patagalin pa 'to. Alam naman namin na gusto mo na siyang makausap at makasama. Alam naming gusto mo nang makipag bati sa kanya at pride mo na lang talaga ang problema." Pride ko na nga lang ba ang problema? Alam kong ma pride akong tao, at oo, gusto kong sila 'yong mag a-adjust para sakin. Pero ginawa naman ni Bright 'yon. Nag adjust naman siya pero, parang 'di ako satisfied? Ano pa ba ang gusto kong mangyare? Ano bang gusto kong gawin niya para mapatawad ko siya? Tama si Rhian, pride ko na lang talaga ang problema. Pero. . . "Rhian, 'di ko talaga keri." Napabuntong hininga si Rhian at para bang sinusubukan na lang niyang tanggapin na hindi talaga ako pumapayag. Pero for the last time, tinanong muna niya ako, "Sure ka na ba?" "Oo naman." sagot ko na may kasamang tango. Tapos napatingin si Rhian kay Ashley, that time, si Ashley na naman 'yong kinu-kumbinsi niya na makipag-swap pero hindi rin pumayag si Ashley. Bumalik kami sa classroom, nilapitan ko si Bright para sabihin sa kanya na 'di kami mag s-swap ng group ni Rhian. Sa likod na ako dumaan kasi sa likod naman siya naka-upo at nang makalapit ako sa kanya, nakita kong ka-chat niya si Colleen. Absent si Colleen ngayon pero magka-chat sila. Di ko alam kung ano 'yong pinag-uusapan nila sa chat kasi ang liit ng mga letters at hindi ko naman pwedeng ilapit 'yong ulo ko kasi baka mapansin ako ng mga ka-klase ko na nakasilip sa phone ni Bright. Nakita ko lang 'yong pangalan ni Colleen. Naisip ko lang na baka tungkol lang sa research pero nang maalala ko na may GC naman 'yong group nila e na confused na ako kung bakit sila nag p-private message. Dahil do'n, lalo akong nainis knowing na magka-chat sila. Ako naman kasi, sino ba naman kasing nagsabing ako lang ang babaeng pwede niyang i-chat? First of all, 'di naman niya ako girlfriend. Pero bakit ganito? Bakit parang nasasaktan ako?

 

Chapter 14 Truth or Dare

Tinapos ulit namin 'yong research paper namin. Dito pa rin sa bahay nina Marielle pero 'di na ako dito matutulog kasi susunduin ako ni Papa mamaya. Di pa kami nagsisimula kasi hindi pa dumadating 'yong iba. Hinihintay pa namin sila kaya tamang cellphone lang muna kami. Maya maya pa ay biglang sumagi sa isip ko si Bright tapos naalala kong ka-chat niya kanina si Colleen. Napatanong tuloy ako sa isip ko kung magkasama sila ngayon. Absent kanina si Colleen pero sabi ng mga friends niya may pinuntahan lang daw. Wala naman siyang sakit kaya may possibility na humabol siya para gawin 'yong research paper nila. Habang hinihintay namin 'yong iba, nakasandal lang ako sa gilid ng pader. Tinabihan ako ni Ashely no'n tapos may sinabi siya sakin. Tungkol 'yon sa research namin pero wala akong maintindihan sa sinabi niya kasi may gumugulo sa isipan ko at walang iba kundi si Bright. Napabuntong hininga na lang ako ng sobrang lalim tsaka nilingon si Ashley sabay tanong do'n sa sinabi niyang hindi ko naman naintindihan, "Anong sinabi mo? Hindi ko naintindihan. Sorry." Sumandal si Ashley sa pader tsaka inulit 'yong sinabi niya at no'ng marinig ko na ay tumango lang ako. Ewan ko ba, parang ang tamlay ko ngayon. 'Yong feeling na okay ka naman, wala ka namang sakit pero ang tamlay mo. 'Yong parang may gusto kang gawin o puntahan pero 'di mo alam sa sarili mo kung ano 'yon. "Bakit ang tamlay mo? Gusto mo siyang makita?" At ayon, sinabi ni Ashley 'yong nasa kailalim-laliman ng utak ko na hindi ko magawang sabihin sa mismong sarili ko. O baka naman, indenial lang talaga ako. "May napapansin ka ba kay Colleen at Bright?" biglang tanong ko kay Ashley na ikinagulat naman niya. "Bakit mo natanong sakin 'yan?" "Ewan." sagot ko. "Gusto ko lang itanong kung may napapansin ka sa kanila." "Hmm. . . nagiging close na sila. Base do'n sa litratong sinend ni Rhian na magkatabi sila habang ginagawa 'yong research paper nila." sagot ni Ashley. "Pero baka close lang sila dahil lang do'n. Kasi bukod do'n, parang 'di ko naman sila nakitang close kapag nasa classroom tayo." Napa-isip ako bigla, tama naman si Ashley. Hindi nga sila close. Pero, magka-chat sila. So ano ibig sabihin no'n? E, kung nagcha-chat sila nang dahil lang sa group works, bakit kailangan nilang mag private message e may GC naman 'yong group nila para do'n mag-usap. "Bakit mo ulit natanong?" tanong pa ni Ashley. "Hindi, Ashley. Kasi kanina nakita kong magka-chat silang dalawa." Halos lumuwa ang mata ni Ashley sa gulat nang marinig ang sinabi ko. "Seryoso?" Tumango ako, "Nakita ko. Pero 'di niya alam na nakita ko." paglilinaw ko. "Aksidente lang din kasi 'yon." "Pero Deyn, 'di mo kailangan mag overthink. Si Bright 'yan, as far as i know, 'di niya gagawin sa'yo 'yan. Tsaka isa pa, may Gab na si Colleen." "Teka lang," pigil ko. "Hindi naman ako nag o-overthink." paglilinaw ko. Pero binigyan lang niya ako ng panunuksong tingin. "Asus. Hindi raw. Pero ang tamlay-tamlay mo. Alam kong iniisip mo siya, at iniisip mo kung bakit nga ba sila magka-chat ni Colleen." tapos tinapik niya ako sa balikat, "Aminin mo na lang kasi. Di mo naman kailangan sarilihin 'yan. Ako lang naman 'to." "Pero hindi talaga." depensa ko. "Iniisip ko lang siya, pero 'di ako nag o-overthink." "Ayon!" sabi niya na parang nahuli niya ako. "So inamin mo rin na iniisip mo siya." tapos tinusok niya ako sa tagiliran na may kasamang panunukso. "Kung ako sayo, makikipag-palit na ako kay Rhian para ipaglaban si Bright laban sa kampon ng kadiliman." Natawa ako, pero nagseryoso rin agad. "Kung gusto mong makipag-palit kay Rhian, may oras pa naman para tawagan siya. Papunta pa lang siya sa bahay ni Callen, tsaka 'di mo pa naman sinabi kay Bright na hindi ka pumayag sa gusto ni Rhian na makipag-swap diba?" Tama. Kung gano'n, pwede pang magpalit kami ngayon. "Asan na ba si Rhian?" tanong ko kay Ashley na may dina-dial sa phone niya na hindi ko alam na si Rhian na pala 'yon. Ang bilis kasi ng pagkasabi niya sa phone basta ang narinig ko na lang e, "Asan ka?. . . dito kana dumeretcho sa bahay nina Marielle, swap kayo ni Deyn. Pumayag na siya." tapos pagbaba niya ng phone binigyan niya ako ng panunuksong tingin sabay sabing, "Pumunta ka na sa bahay nina Callen, ando'n na sila." No'ng time na 'yon, napatulala na lang ako. Di ko alam kung anong sasabihin sa kanila mamaya pagdating ko ro'n. Pero bahala na. Desisyon ko 'to, kaya papanindigan ko. Naghahanda pa lang ako para magpaalam sa mga ka-group ko nang biglang pumasok si Rhian sa loob ng bahay nina Marielle. Naka t-shirt at Jeans siya no'n tapos ginulat niya kaming lahat kasi bigla lang siyang pumasok nang hindi kumatok. Hindi naman kasi nakasara ang gate at pinto ng bahay kaya hindi na kailangan kumatok pa tapos dumeretcho siya sakin. "Uy, ba't ang bilis mo yata?" nagtatakang tanong ko. "Ang lapit lang ng bahay ko rito." sagot ni Rhian. "Papunta pa lang sana ako sa bahay nina Callen nang biglang tumawag si Ashley na makikipag-swap ka raw. Kaya ayon, dumeretcho na ako rito." Tapos niyakap ako ni Rhian sa sobrang tuwa na pumayag akong magpalit kami ng group. At hindi ko rin alam kung bakit parang natutuwa rin ako na lilipat ako ng group. Para bang na excite ako bigla. Di ko ma explain ang pakiramdam pero nangingibabaw 'yong excitement. Matapos kaming magyakapan ni Rhian sa tuwa, tinukso nila ako pareho ni Ashley. "Puntahan mo na siya, alam naman naming gustong gusto niyo nang kausapin ang isa't isa." Kaya ayon, 'di na ako nagpa tumpik-tumpik pa at nagpa-alam na ako sa kanilang lahat tsaka ako patakbong lumabas ng bahay nina Marielle at pumara ng tricycle para pumunta sa bahay ni Callen kung nasaan sila ngayon. Pagdating ko ro'n, pinapasok agad ako ni Callen. Sakto kasing inaabangan niya ako sa labas ng bahay nila no'n kasi alam niyang pupunta ako rito. Tapos pagpasok ko sa loob, wala si Bright. Si Colleen lang at ang iba naming ka-groupo 'yong nando'n. Bumagsak ang magkabilang balikat ko nang malamang wala siya rito. Akala ko pa naman makikita ko na siya. Hindi pala. Umupo ako sa sofa nina Callen kung saan naka-upo 'yong ibang ka-klase namin. Si Colleen naman naka-upo sa sahig kasama 'yong dalawang kaibigan niya na busy ma pag t-type sa laptop. Sa bagay, siya 'yong gumagawa kasi siya 'yong leader ng group. Naka-upo lang ako ro'n. Siguro mga halos 10 minutes na rin akong naka-upo lang tapos tinabihan ako ni Callen na walang ambag sa groupo kundi ang bunganga. Kuwento kasi siya ng kuwento tungkol sa multo. Tapos tinatanong pa niya kami kung nakakita na kami ng multo. Ibang iba dito kumpara do'n sa group sa kabila. Do'n kasi tahimik lang, ang seryoso ng nga members pero dito nagagawa nilang magpaka-chill. Pero kung ako, 'di ko hahayaang si Colleen 'yong gumawa ng research paper. Kasi minsan lang siyang nakakuha ng 70/100 no'ng nakaraan. What if ganito rin ang mangyayare ngayon? Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya—pero what if lang naman. "Uy, ayos ka lang? Ba't 'di ka kumikibo?" tanong sakin ni Callen nang mapansin niyang tahimik lang ako simula kanina. "Hindi. Ano lang, naninibago lang ako sa mga bago kong ka-groupo." pagsisinungaling ko. Pero itong si Callen kilalang kilala na ako. "Wag kang mag-alala, babalik 'yon dito. May kinuha lang." Gulat ko siyang nilingon nang sabihin niya sakin 'yon. At talagang alam na alam niya kung bakit hindi ako kumikibo e, 'no. "Di ko naman siya hinahanap." pagsisinungaling ko pa. "Asus. Obvious kaya. 'Yong mukha mo 'di na mapinta." "Wow ah. Hiyang hiya naman ako sayo." Napatingin kaming lahat sa pinto nang may dumating. At. . . ayon, pumasok siya. Kasama niya 'yong isa kong ka-klaseng lalake at may dala silang mga Milktea na galing sa cafè nina Callen. Nilingon ako ni Callen tsaka tinukso, "O, ayan na siya. Kausapin mo na." Di ko siya sinagot at tanging inirapan ko lang siya. Muli akong napatitig sa gawi ni Bright at biglang nagtama ang mga titig namin no'ng time na 'yon. Bigla akong kinabahan kaya napa-iwas agad ako ng tingin. No'ng time na 'yon, tumayo si Callen at lumapit kay Bright at inakbayan ito. Di ko rin maiwasang 'di sila lingunin kasi— ewan, parang gusto ng mga mata kong tumingin sa gawi nila kaya ayon. For the second time, muling nagtama ang mga titig namin. Pero this time, nagtagal 'yon ng ilang segundo at ang nakakatuwa e nag smile siya sakin. Kaya umiwas ako ng tingin sa 'di malamang gagawin. Na inis pa ako sa sarili ko kasi sayang at 'di ko man lang siya nginitian pabalik. Para namang ang suplada ko. Pero ewan ko ba, natataranta ako, e. Kumain kami saglit at uminom ng Milktea habang ginagawa 'yong research paper namin. Pero parang wala kaming silbi sa group kasi si Colleen lang 'yong gumagawa. Hindi dahil sa hindi siya namin tinutulungan. Nag su-suggest 'yong kaklase ko sa kanya pero itong si Colleen ay hindi man lang niya sinusunod 'yong suggestions ng mga ka-klase namin. 'Yong gusto lang niya ay 'yong masusunod. Edi, para na rin kaming walang ambag dito. "Teka lang naman, Colleen." biglang singit ng ka-klase kong babae. "Pakinggan mo naman 'yong mga suggestions namin. Kahapon ka pa ganyan. Lagi na lang 'yong mga suggestions mo 'yong nasusunod." Tinigil ni Colleen 'yong pag t-type sa laptop at sinamaan ng tingin ang ka-klase kong babae, "Kung gusto mo ikaw na rito." galit niyang sabi. Natahimik naman 'yong ka-klase kong babae at napayuko. "Puro ka reklamo, wala ka namang ambag." dagdag pa ni Colleen dahilan para patulan ko siya sa inis. "Anong wala siyang ambag? E, nag su-suggest sila pero hindi mo naman pinapakinggan kasi naka-focus ka lang sa kung ano 'yong gusto mo." inis kong sabi dahilan para lingunin niya ako. "Wow ha, e ikaw nga 'tong kakarating lang dito. Ikaw kaya rito." inis na sabi sakin ni Colleen. Tinaasan ko siya ng kilay, "Ako talaga hinahamon mo?" "O? Bakit? Di mo kaya?" "Wag mo'kong is-small-in." taas kilay kong sabi. "Ang gusto lang nila ay ang pakinggan mo rin sila. Hindi porket na ikaw 'yong leader, ikaw na agad ang masusunod. Team work 'to, Colleen! Gumising ka nga. Walang leader kung walang members. Tandaan mo, bago ka naging leader, naging member ka muna ng groupong 'to." Tapos 'yong isang ka-klase naming lalake e biglang pumalakpak sabay sabing, "Tama si Danielle! Palitan na kaya natin si Colleen." Walang ni isang may nagsalita dahil natakot sila kay Colleen at tanging binigyan lang siya ng masamang tingin ni Colleen tsaka ako muling nilingon, "Ang gusto ko lang naman ay makakuha tayo ng mataas na score." sagot niya. "Ayaw niyo ba no'n, ha?" "Gusto namin." sagot ko. "Kaya ka nga namin tinutulungan, diba? Pero ikaw itong masyadong mataas ang tingin sa sarili. Hindi mo man lang ba sila bigyan ng chance na pakinggan 'yong mga suggestions nila? Malay mo, mas magaling pala sila." Napatayo bigla si Colleen. Ang akala ko susugurin niya ako pero hindi pala. Tumayo lang siya at tinaasan ako ng kilay, "So sinasabi mo bang hindi ako magaling?" "Kung 'yon ang pagkakaintindi mo, wala na akong kasalanan do'n." "Hoy!" susugurin sana niya ako nang bigla siyang tabihan ni Bright at hinawakan sa isang balikat niya na para bang pinapakalma siya. "Tama na." pigil ni Bright sa kanya. "Ituloy mo na lang 'yong ginagawa mo. Wag mo nang palalain pa 'to." "Pero nakakainis 'yang si Danielle! Narinig mo ba 'yong mga pinagsasasabi niya sakin?" inis na tanong sa kanya ni Colleen at tumango naman si Bright sa kanya. That time, hindi siya nakatitig sakin at tanging kay Colleen lang siya nakatingin na para bang hindi niya ako nakikita rito. "Narinig ko. Pero mag a-away lang kayo kung walang ni isang titigil sa inyo." Napayuko ako, kasi si Colleen 'yong pinagsasabihan niya. Well, si Colleen naman kasi talaga dapat kasi siya 'yong mali, e. Pero alam niyo 'yong pakiramdam na parang hindi ka binigyan ng attensyon? 'Yong feeling na hindi ka pinapansin at pakiramdam mo e para kang hangin na hindi nakikita rito. Tipong mas gugustuhin ko pa ngang ako 'yong pagsabihan niya, kesa sa hindi niya ako pansinin ngayon. Ano ba 'tong nangyayare sakin? Para  naman akong kulang sa pansin. Bakit ko ba kailangan ng attensyon niya? Deserved ko ba 'yon? E, ako nga itong nagtataboy sa kanya papalayo, e. That time, napansin ni Callen na parang nalulungkot ako kaya tinabihan niya ako sabay bulong sakin ng, "Ehem. . . nagseselos?" Gusto kong murahin si Callen pero dahil wala talaga ako sa mood na magsalita ngayon, tinikom ko na lang bibig ko at nagpa-alam na magpahangin muna sa labas saglit. Lumabas ako ng gate nila just to make sure na walang may makakita sakin dito na nag d-drama ako. Nagpahangin lang naman ako habang nakatingala sa kalangitan at hinahanap kung saan banda 'yong buwan kaso hindi ko makita kasi ang tataas ng mga bahay. Maya maya pa may biglang dumating. No'ng una 'di ko nakilala kung sino kasi medyo malayo pa siya at 'yong ilaw sa labas ng gate nina Callen e naka patay sindi. Sira na yata. At no'ng nasa harap ko na siya, nainis ako nang makita ko ang pagmumukha niya. "Hi." bati niya pero 'di ko siya binati pabalik. "Nandito ba si Colleen?" Tumango ako. 'Yong tango na parang walang gana. "Buti naman nandito ka. Paki ligpit ng girlfriend mo. Masyadong madikit sa iba, e." sa inis ko 'di ko namalayang 'yon pala 'yong nasabi ko kay Gab. Pero nevermind. Totoo naman 'yon, e. Pumasok ako sa loob ng gate at gano'n din si Gab na nakasunod sakin tapos sabay kaming pumasok sa pinto dahilan para lingunin nila kami. That time, nainis na naman ako kasi nakita ko si Colleen at Bright na magkatabi ng upuan habang umiinom ng Milktea at mukhang may pinag-usapan pa kasi si Colleen naka-smile no'n at gano'n din si Bright dahilan para mainis ako lalo. Pero nang makita nila kami ni Gab na sabay pumasok, nakita ko sa mukha ni Colleen na na-badtrip siya. Hindi ko alam kung ba badtrip ba siya dahil nakitang magkasama kami ni Gab? O na badtrip siya kasi nandito si Gab? Napatingin ako sa mukha ni Bright habang hinahanap ko 'yong gusto kong maging reaksyon niya ngayong nakita niyang magkasama kami ni Gab. Pero 'yong reaksyon na gusto kong mahanap sa mukha niya ay hindi ko makita. Parang wala lang sa kanya ngayong nakita niyang magkasama kami ni Gab—at teka, ano ba 'tong in-expect kong maging reaksyon niya? May dapat ba siyang maging reaksyon samin ni Gab? Bakit ko naisip 'to? Ano ba talaga ang nangyayare sakin? Gusto ko ba si Bright at nagkakaganito ako? Hindi naman niya ako totoong gusto para magselos siya ngayong nakita niyang kasama ko 'yong ex ko. Hindi naman niya ako girlfriend para tumayo siya sa kina-uupuan niya at hinalin ako papunta sa kanya para ilayo ako kay Gab. Ano ba niya ako? Ano ba ako sa kanya? Diba kaibigan lang naman ang tingin niya sakin? Wala naman talagang something samin kaya bakit ako nag e-expect na magseselos siya? Biglang tumayo si Colleen at lumapit kay Gab sabay tanong kung anong ginagawa ni Gab dito. At siyempre, kaya nandito si Gab kasi ihahatid niya mamaya pa uwi si Colleen sa bahay nila. Pero itong si Colleen parang gustong pa-uwiin na lang si Gab. Di niya sinabi 'yon pero na fe-feel ko na parang ayaw niyang nandito si Gab. Pero wala siyang choice kasi nandito na si Gab, e. Papa uwiin pa ba niya? Umupo si Gab sa tabi niya at gano'n din ako sa tabi ni Callen. Pero itong si Callen sinadyang umalis sa tabi ko para magkatabi kami ni Bright. Nasa gitna kasi siya namin ni Bright no'n. Ang awkward no'ng umalis siya kasi 'di kami nagkikibuan ni Bright pero ayos lang. Alam ko namang mahaba pa ang oras. Ayoko mang aminin pero oo, umaasa ako na ngayong gabi magkakaayos kami. Nag-away lang naman kami dahil siya ang naging top sa klase. Rankings lang naman 'yon, e. Hindi naman gano'n ka bigdeal 'yon. Alam ko naman sa sarili ko na matalino ako, pero mas matalino lang talaga siya. Tinuloy namin 'yong research paper namin hanggang sa malapit na naming matapos 'yon. At gaya ng pinag-awayan namin ni Colleen kanina, pumayag din siya sa wakas na magtulong-tulungan kami para maganda 'yong kinalabasan ng research paper namin. Kaya ayon, natapos namin ng mas maaga. 9:30 pa lang 'yon at 'yong iba mamaya pa uuwi. Ako mamayang 11:00 pa susunduin ni Papa kasi 'yon 'yong sinabi kong oras sa kanya kanina. Di ko naman ine-expect na matatapos kami ng mas maaga ngayon. At dahil wala na kaming gagawin dahil tapos na namin 'yon, nakaisip si Callen ng laro. That time, naglabas 'yong ka-klase kong si Laurence ng alak sa bag niya. Nagulat ako ro'n at 'di ko alam na plano pala talaga nilang uminom pagkatapos gawin 'yong research paper. At ayon, sumali ako sa games nila. Ang unang game ay Truth or Dare.   Kinabahan ako sa game na 'to pero go pa rin ako. Kapag 'di mo nagawang sagutin o gawin 'yong gusto nila, iinom ka ng alak. 'Yon 'yong rules. Tumayo si Callen at naghanap ng bote sa kusina nila para 'yon 'yong pagbasehan kung sino 'yong taya. Parang spin the battle na rin siya. Pagbalik niya, hawak na niya 'yong bote ng sawsawan nila. May kunting laman pa 'yon pero sabi niya ayos lang daw kasi wala nang boteng walang laman dito, binenta na nila. Pumwesto kaming lahat. Bale pa circle. Kainis lang kasi ako 'yong nasa gitna ni Gab at ni Bright. Tapos dikit-dikit pa kami kasi sampo kami tapos 'yong pagka form namin ng circle e maliit lang kaya dikit-dikit kami. Napatingin ako sa kanan ko kung nasaan si Gab tapos sa kaliwa ko kung nasaan si Bright. Astig! Parang gusto kong maglaho rito tapos lumipat ng ibang puwesto. Parehas silang sinaktan ako. Mas malala ngalang 'yong sa Ex ko. Nagsimulang pa-ikutin ni Callen 'yong bote ng sawsawan tapos tahimik naman kaming lahat habang naka-abang kung kanino tatama 'yong dulo ng bote. Hanggang sa. . . Tumama sakin. Sakin mismo. Siyempre sakin silang lahat nakatingin no'n. Si Callen 'yong nagtanong kasi siya may pakana nitong game, e. Pero nagsisi ako na sumali ako rito tapos si Callen pa talaga 'yong magtatanong. Para akong matutunaw habang hinihintay siyang itanong sakin 'yong Truth or Dare. Kilala ko na itong si Callen, makulit siya. Kaya alam kong kapag nag Truth ako, tungkol kay Bright 'yong itatanong niya. Kapag Dare gano'n din. So ano ba mas madali? Truth or Dare? Bahala na. Huminga muna ako ng sobrang lalim sabay sabing, "Truth." Tapos 'yong iba naming mga kasama e nakikita kong na e-excite sila sa itatanong sakin ni Callen at sa kung ano 'yong isasagot ko. Kinakabahan ako no'n pero nilalakasan ko lang ang loob ko. 'Yong mukha ni Callen e pangiti-ngiti habang palipat-lipat ng tigin samin ni Bright. Sabi ko na, e. "May balak ka bang makipag bati kay Bright?" seryosong tanong ni Callen dahilan para malaman ng ibang mga ka-klase namin na nag-away kami ni Bright na in the first place e wala naman sila dapat alam tungkol do'n kasi 'di naman nila alam na nag-away kami dahil nalamangan niya ako. At dahil sa tanong niyang 'yon, nilingon ko si Bright na nakatitig pala sakin habang hinihintay ang sagot ko. Pero ano nga ba? Siyempre gusto kong makipag-bati, hindi ko lang talaga alam kung papano kasi gusto kong siya ang maunang mag open ng ganitong topic  hindi 'yong ako 'yong mag a-adjust. Oo na, ma pride nga akong tao. Hindi ko lang talaga kasi mapigilan, e. Pero dahil ang cravings ko ngayon ay  ang bumalik kami sa dating gawi, sige na. Lulunukin ko na itong pride ko. Muli kong nilingon si Bright at nilingon si Callen para sagutin ang tanong niya. Tumango muna ako sabay sabing, "Oo." tapos si Callen napasuntok sa hangin. Si Bright naman nakangiti na paglingon ko sa kanya. Kaya napangiti na rin ako. Pero itong si Callen may pa follow up question. "So okay na ulit kayo?" paninigurado niya. "Oo nga." sagot ko. Tapos napatingin siya kay Bright, "Bro, bati na kayo. Libre mo'ko ng shawarma bukas, ha." Tapos nagtawanan kaming lahat sa sinabing 'yon ni Callen. At dahil turn ko nang paikutin ang bote, ginawa ko na. At ang sunod na taya ay si Gab. Naks! Bigla akong nagulat knowing na ako 'yong magtatanong sa kanya. Hala. Bakit kasi siya pa? Ano ba ang itatanong ko kapag nag Truth siya? Itatanong ko ba 'yong mga tanong na hindi pa niya naisasagot sakin? Kagaya nang mas worth it bang mahalin si Colleen kaysa sakin o mas minahal mo ba siya kaysa sakin? O sinong mas maganda samin ni Colleen mga gano'ng tanong na sobrang curious ako kung sino nga ba samin ni Colleen ang mas lamang. Pero dahil nakakahiyang gawin 'yon kasi nandito 'yong mga ka-klase namin e siyempre, wag gano'n. Narinig ko pang may pabirong umubo tapos may nanunukso pero 'di ko sila pinansin. Napatingin ako sa mga mata ni Gab, ngayon ko lang ulit siya natitigan sa mata ng ganito ka lapit. "Truth or Dare." tanong ko sa kanya. Matapos ko siyang tanungin, tumahimik ang buong paligid habang hinihintay ang sagot ni Gab. "Dare." Dare? So anong i-uutos ko sa kanya? Kung utusan ko kaya siyang iwan si Colleen para balikan ako, gagawin kaya niya? Pero as if naman, ano. Sino ba ako para balikan? Hays, Danielle ang tigas talaga ng ulo mo. Ilang beses pa bang ipa-intindi sayo na hindi na nga ikaw ang mahal niya. Gets mo ba? Napakamot ako sa ulo ko dahil sa mga iniisip ko. Pero may isang bagay akong gustong malaman sa sarili ko. At gusto ko ng assurance kaya ko gagawin 'to. Napabuntong hininga ako ng sobrang lalim bago ko siya nilingon, "I Dare you to kiss your girlfriend infront of me." Nakita ko ang gulat sa mga mata nila nang sabihin ko 'yon lalong lalo na si Gab. Hindi siya makapaniwala sa sinabi kong gagawin niya. Kahit si Bright gulat na gulat din. "Teka, sobra naman yata 'yan." reklamo ni Gab. Nakita ko sa mukha ni Colleen na parang napahiya siya kasi imbis na gawin na lang ni Gab e nag reklamo siya. Kumbaga, ang kinalabasan no'n e parang ayaw ni Gab halikan si Colleen. Parang gano'n, pero hindi naman ako sure kung gano'n nga talaga 'yon. "E, girlfriend mo naman siya, diba? Pwede naman siguro 'yon." sagot ko pa. "'Yong hindi lang sana mga gano'n." sabat ni Gab. "E 'yon 'yong Dare ko sa'yo, e." sagot ko pa. "Kung ayaw mo, kailangan mong uminom." panghahamon ko. Pero sa isip ko, gusto ko sanang gawin niya. Pero hindi. Kasi uminom siya ng alak. At dahil do'n, next na. Pinaikot niya ang bote hanggang sa tumama sa isang ka-klase namin. Nagpatuloy ang game hanggang sa tumama kay Bright 'yong bote. "Truth or Dare?" tanong sa kanya ng isang ka-klase namin. "Dare." sagot niya. "I Dare you na i-set mo 'yong nickname ni Deyn sa Messenger." Wala akong reaksyon no'ng inutos 'yon ng ka-klase namin kay Bright. Si Bright naman napatingin muna sakin na para bang tinatanong ako kung okay lang na gawin 'yon bago niya kinuha 'yong cellphone niya sa bulsa niya at napatanong sa ka-klase ko, "Anong klaseng nickname?" "Kahit ano." sagot ng ka-klase ko. Tapos nag t-type si Bright no'n at mukhang sini-set na yata niya 'yong nickname ko sa messenger. Ako naman tahimik lang habang hinuhulaan kung ano 'yon. "Okay na." aniya at pinakita sa kanila 'yong nickname ko sa messenger niya. Tahimik lang ako no'n na parang hindi gano'n ka interesado pero gusto kong ipakita rin niya sakin kung ano 'yong nilagay niya. That time, kinilig 'yong mga ka-klase ko habang nakatitig sa nickname ko na sinet ni Bright. "Nice, bro." sabi ni Callen at nakipag-apir pa kay Bright. Na curious tuloy ako kung ano 'yon kaya kinuha ko 'yong phone ko sa bulsa ko para tingnan kung ano 'yon.                  Bright Navales           ; set your nickname to                    Baby Deyn Pagkatapos kong tingnan 'yon, tinukso nila ako. Ewan ko na lang kung kikiligin ako rito. At ewan ko rin kung anong sumagi sa isip niya at ito 'yong naisipan niyang nickname ko. Pero unfairness, ang cute. Baby? Bakit may baby? Kaninong baby ba ako? Baby niya o Baby ni Gab? Char. Ba't ko ba sinasali 'yong ex ko rito? Kainis kaya siya. Nag start ulit ang game, siguro mga naka-ilang game hanggang sa tumama ulit sakin. At saktong si Colleen 'yong magtatanong kaya kinabahan ako sa itatanong niya just in case na mag Truth ako o kaya mag dare, hays. "Truth or Dare?" Huminga ako ng malalim bago siya sinagot. "Dare." sagot ko. Dare 'yong pinili ko kasi ayoko lang sa truth. Pero badtrip kasi 'yong Dare ko kanina kay Gab e binalik niya sakin. "Kiss mo si Bright." Nagulat ako ro'n pero 'di ko pinahalata. Napatingin ako kay Bright na 'di man lang nag react do'n sa sinabi ni Colleen. Alam kong medyo nagkakailangan pa kami kasi hindi pa kami nagkakausap nang kami lang. Pinapatawad ko na siya, pero alam kong ilang pa kami sa isa't isa ngayon. Ayoko naman siyang i-kiss kasi first of all, bakit ko gagawin 'yon? Pangalawa, 'di ko naman siya boyfriend para ikiss ko siya. Pangatlo, wala naman akong gusto sa kanya—diba? So bakit ko gagawin? Without any words, kinuha ko 'yong baso ko at 'yong alak para lagyan 'yong baso ko. Pero itong si Colleen panira. "Wait, iinom ka?" Tumango ako, "Oo, bakit?" "Aren't you going to kiss him? Why?" Wag mo'kong englishin bhe, baka matapon 'tong alak sa mukha mo. "Trip ko lang." sagot ko. "Bakit? Bawal ba?" "Hindi pa naman kasi sila official, Colleen." singit ni Callen. "Wag mong pilitin kung ayaw." Buti na lang at alam niya 'yong totoo sa kung ano talaga kami ni Bright. At dahil sa sinabi ni Callen, natahimik si Colleen at hinayaan na lang ako sa gagawin ko. Nang matapos kong lagyan ng alak 'yong baso ko at tinakpan ko muna 'yong ilong ko bago ko iinumin 'yong alak nang biglang kunin sakin ni Bright 'yong basong hawak ko at gulat ko naman siyang nilingon. "Uy, anong ginagawa mo?" "Hindi ka naman umiinom, e." sagot niya. "Iinumin ko 'yan kasi hindi ko gagawin 'yong Dare." Umiling si siya, "Ako na." tapos ininom niya 'yong alak na dapat ako iinom. Tinukso kami ng mga ka-klase namin. Siyempre, nagkunware naman akong kinikilig in front of them para mapaniwalang totoong may something samin ni Bright. Pero itong si Colleen, ang killjoy. Talagang panira siya't mukhang nagkaroon ng thoughts kung ano na ba kami ni Bright ngayon. Kasi feeling niya hindi naman kami gano'n ka sweet. Tapos hanggang ngayon e walang improvement sa kung ano talaga kami. "Guys, ano ba talaga kayo? May something ba sa inyo? Kasi naisip ko lang ha, kung talagang like niyo ang isa't isa, bakit hanggang ngayon e hindi pa rin kayo official?" Napa-irap ako sa sinabi niya. Gusto kong sabihin na 'Ano bang pakialam mo samin?' kaso lang mas okay kung makalusot ako sa tanong niya kung ano nga ba kami ni Bright. Kasi kahit 'yong mga ka-klase ko e sang-ayon sa tanong ni Colleen at hinihintay nilang lahat 'yong sagot ko. "Hindi naman porket gusto namin ang isa't isa, magiging official na agad kami. Pwede namang maghintay. Hindi naman minamadali 'yon, e. Mga bata pa tayo. Marami pang oras. Kapag mas pinaaga niyo, baka magsawa lang kayo sa isa't isa. Kaya mas okay kung tsaka na." pagpapaliwanag ko. Natahimik si Colleen na para bang sinasabi sa utak niya na ang weird ko pero bahala na siya sa buhay niya. Ayoko nang mag-explain pa kasi baka may masabi pa ako at mabuking lang kami. Tapos napatingin siya kay Bright tsaka nagtanong, "Okay lang sayo 'yon, Bright? Handa ka naman bang maghintay sa kanya?" Nainis ako sa tanong niyang 'yon kay Bright. Kasi parang sinisigurado niya kung makakapaghintay ba si Bright sakin o hindi. Kumbaga, parang tinanong niya nang gano'n si Bright para mapa overthink ako bigla. Pero sorry na lang siya, wala naman siyang alam, e. At buti na lang at sinakyan ni Bright ang sinabi ko. Tumango siya kay Colleen at sinabing, "Oo naman. Handa naman akong maghintay kahit kailan pa 'yan. Gusto ko si Deyn, kaya maghihintay ako hanggang sa pwede na." Hindi ko alam pero napangiti ako bigla. Hindi ako sigurado kung totoo 'yon o sinabi lang niya para sakyan 'yong sinabi ko kay Colleen. Pero itong puso ko, bigla na lang bumilis ang kabog dahil sa sinabi niyang 'yon.

 

 

Chapter 15 Sun and Moon

 

Tinukso nila kami dahil sa sinabing 'yon ni Bright. Tapos itong si Callen gano'n din. Actually, siya 'yong walang tigil sa panunukso kahit na sinasamaan ko na siya ng tingin no'n para tumigil na siya. Pero patuloy lang siya sa panunukso samin. Pagkalipas ng ilang minuto, nagpalit naman kami ng game. At ang title ng game, HOW WELL DO YOU KNOW YOUR BOYFRIEND. "Dalawang partners lang ang sasali." saad ni Callen. "Sina Danielle at Bright," tapos tinuro niya kami ni Bright tsaka siya napalingon kina Gab at Colleen at tinuro ang mga ito sabay sabing, "Tsaka sina Gab at Colleen. Tingnan na'tin kung sino ang mas matibay sa kanila. Ano guys, agree ba kayo?" tanong ni Callen sa mga kasamahan namin. Pero kaming apat nina Colleen, nagkatinginan lang. I don't think if papayag ako sa larong ito. Hindi ko pa naman alam kung papano laruin itong sinasabi ni Callen. "Teka lang," pigil ko. "Bakit kami lang? Ano, manonood lang kayo?" "Chill," tapos binigyan niya ako ng panunuksong tingin bago nag-explain. "Dito na'tin malalaman kung sino sa inyo ang mas matibay na couple at kung sino ang hindi. Kung alam niyo ang gusto o hilig ng isa't isa, do'n mapapatunayan 'yon." "Tinanong mo man lang ba kami if gusto namin 'yon?" tanong naman ni Gab sa kanya. Hanep din itong si Gab, ah. May pagka killjoy din. Kanina pa siya ganyan. Parang napipilitan lang gawin itong laro dahil kay Colleen. "Chill, bro." pakalma sa kanya ni Callen. "If you really love your girlfriend, gagawin mo 'tong laro. Tsaka, para narin malaman natin kung gaano niyo kakilala ang isa't isa." "Oo nga!" pag-sang ayon ng isa naming kasama. "Tama!" sabi naman ng isa pa naming kasama. Nang mag agree silang lahat, napilitan na lang kaming apat na gawin 'yong game. Ang nasa isip ko na lang no'n e 'bahala na'. In-explain ni Callen 'yong game. Huhulaan daw namin 'yong mga gusto ng isa't isa. Like, kunware tinanong ni Callen kung anong favorite movie ni Bright tapos isusulat ko 'yon sa papel at isusulat ni Bright 'yong favorite movie niya sa papel na hawak niya at kapag parehas kami ng sinulat, panalo kami. Gano'n din ang gagawin ni Colleen, huhulaan din niya 'yong favorite movie ni Gab.  Gano'n lang ka simple. Bale five questions lahat at kapag sino ang talo samin, iinom. Gano'n. "Ready na ba kayo, couples?" tanong samin ni Callen. "Hindi kami couples, okay?" paglilinaw ko pero hindi niya pinansin 'yong sinabi ko at binigyan lang niya kami ng tiglimang bond paper at pentel pen. "Okay, first question. Kailan ang birthday ng boyfriend ninyo." Wow ah. Boyfriend talaga? Sina Colleen at Gab lang naman ang couple rito. Bakit pati kami ni Bright damay? Dibale na. Ang arte ko naman. Magsulat na lang kaya ako. Pero. . . kailan nga ba ulit ang Birthday ni Bright? My gosh, Danielle! birthday ng kaibigan mo 'di mo alam? Ano na sasabihin ng mga ka-klase mong nanonood kapag nalaman nilang 'di mo alam birthday niya, ha? Nagpanic ako habang nag-iisip ng maisusulat. That time, tapos nang isulat ni Bright 'yong birthday niya sa bond paper niya. Pero nakatakip 'yon kaya 'di ko makita. Sina Colleen at Gab tapos na rin. Ako na lang 'yong hindi. E, hindi ko naman kasi alam kung kailan ang birthday niya kaya wala akong maisulat. Buti sana kung birthday ni Gab 'yong isusulat ko rito. Mas alam ko pa 'yon. "Tapos na kayo?" tanong ni Callen dahilan para magpanic ako. Bahala na! Isa-sacrifice ko na lang muna 'yong 1 point. Bawi na lang ako sa next question. Sinulat ko July 01. Ewan ko nga ba kung bakit 'yon ang sinulat kong birthday niya. Pero no'ng nagkaalaman na ng sagot, mali ako. Totoong birthday niya ay August 15. Nagulat ako kasi malapit na Birthday niya. 20 days from now at birthday na niya. Sina Gab at Colleen naman panalo. So bale 1 point na sila at 0 naman kami. "Uy, 'di mo alam birthday ko?" tanong sakin ni Bright at nag peace sign naman ako sa kanya. "Okay, next na." nang sabihin 'yon ni Callen ay inalis ko na 'yong bond paper na sinulatan ko para i-ready naman 'yong bagong pagsusulatan. "Kailan unang nagkaroon ng first love o crush ang boyfriend niyo?" That time, tulala pa ako habang iniisip kung kailan nga ba unang nagkaroon ng crush o first love itong si Bright? Na kuwento niya sakin before na wala pa siyang naging girlfriend pero crush meron. And as far as I know, grade one raw siya no'n. Ang bata pa, pero 'di ko siya masisisi kasi ako nga nagkakaroon rin ng mga crushes no'ng elementary. Sinulat ko 'yong grade one. At sure ako na mananalo na kami ngayon. "Okay, tapos na ba lahat?" tanong samin ni Callen. 'Yong iba naming mga ka-klase e tahimik lang habang binabantayan 'yong mga kanya kanyang sagot namin. "Okay, pakita niyo na mga sagot niyo." nang sabihin ni Callen 'yon ay pinakita na namin ang mga sagot namin. At gaya nga ng hula ko, parehas ang sagot namin at panalo kaming dalawa samantalang si Colleen at Gab naman ay hindi. 'Yong sagot kasi ni Colleen no'ng kinder, samantalang 'yong kay Gab naman Grade 4. Actually, alam ko 'yon kasi na kuwento 'yon sakin ni Gab no'ng kami pa. Mali si Colleen. Ibig sabihin hindi na kuwento sa kanya ni Gab 'yong tungkol do'n. "Okay, next na." saad ni Callen kaya inalis na namin 'yong mga bond papers na sinulatan namin.  "Anong oras natutulog ang boyfriend niyo sa gabi?" "Anong klaseng tanong 'yan?" pagrereklamo ko. "Sagutin mo na lang. 'Yong exact time, ha." Napa-isip ako kung anong oras nga ba natutulog itong si Bright? And as far as I know, gabi na siya natutulog. Naalala kong nabanggit niya sakin dati na 11:00pm na siya natutulog. Kaya 'yon ang sinulat ko. At no'ng magkaalaman na ng sagot, tama ako. Buti na lang talaga ang galing ko. Patas na ang scores namin ngayon. "Okay. 2 points na sina Deyn at 2 points na rin sina Colleen. Patas na ang laban." tapos napatingin si Callen kay Bright at Gab sabay sabing, "Boys, kayo naman ang manghula. Ibahin naman na'tin, How well do you know your girlfriend naman." tumango sina Bright at Gab sa sinabi ni Callen. Huminga muna ng malalim si Callen bago ulit nagsalita, "Okay, ready na? Ano ang favorite flower ng girlfriend ninyo." Sinulat ko 'yong Sunflower kasi 'yon naman talaga 'yong favorite flower ko. Marami akong favorite pero 'yon talaga 'yong laging nangunguna sa listahan ko. Ang ganda kasi. No'ng bata nga ako pinitas ko 'yong bulaklak na sunflower sa labas ng isang malaking bahay na nadaanan namin ng mga kalaro ko. At kasama na do'n si Callen kaya saksi niya 'yong ginawa kong pag pitas ng bulaklak na 'yon. Obsessed na obsessed kasi ako no'n sa sunflower at gusto ko siyang i-uwi sa bahay kasi first time kong makakita ng sunflower na tanim sa malapitan mismo. Kaya 'di ko napigilan ang sarili ko at pinitas ko 'yon. Nahuli pa nga ako no'n ng may ari. Pero nakatakas ako kasi tumakbo agad ako no'ng may sumitsit samin na do'n mismo nanggaling sa bahay ng may ari ng sunflower. "Tapos na ba?" tanong samin ni Callen kaya pinakita na namin 'yong mga sagot namin. Pero. . . Laking gulat ko nang pagtingin ko sa papel ni Bright, nahulaan niya ang sagot ko. Tama siya. Kaya panalo ulit kami. Sina Colleen at Gab panalo rin. Pero itong samin ni Bright, wala siyang alam na Sunflower 'yong favorite flower ko. Di ko naman na kuwento sa kanya 'to. Kaya, papano niya nalaman? Gulat ko siyang nilingon sabay tanong sa kanya ng, "Teka, papano mo nalaman favorite flower ko?" hindi makapaniwalang tanong ko. Ngumiti siya sakin na para bang alam na alam nga niya, "Halata sa itsura mo." sagot niya. Pero 'di ako naniwala kasi impossible naman. Anong meron sa itsura ko at nahulaan niyang sunflower 'yong favorite flower ko? Ang labo. "Uy, 'yong totoo?" tanong ko pa. "Natural, gusto kita. Kaya normal lang na alam ko ang lahat ng tungkol sayo." sagot niya. That time, naisip ko na baka sinabi lang niya 'yon bilang rason para maniwala ang mga ka-klase namin. Pero ako? Gulong gulo pa rin talaga ang isip ko kung papano niya nalaman ang favorite flower ko. "Naku, bro. Alam mo, 'yang si Danielle sa sobrang obsessed niya sa Sunflower dati, nagawa niyang pitasin 'yong bulaklak ng iba." biglang singit ni Callen dahilan para samaan ko siya ng tingin. Nakakahiya kasi, e. Kailangan pa ba niyang i-share 'yon sa lahat? Natawa tuloy si Bright. Nakakahiya. "Callen 'yang bibig mo isarado mo." suway ko. "Share ko lang naman." "Kahit na." Hindi niya ako pinansin at muli niyang nilingon si Bright para mag-kuwento pa. "Bro, maniwala ka sakin, ginawa niya 'yon." dagdag pa niya. "May sumita pa nga sa kanya, e. Nasa second floor ng bahay, 'di namin masyadong nakita kasi nagsitakbuhan kami agad. Ito kasing si Deyn, masyadong makati 'yong kamay. Muntik na tuloy kaming madamay. Pero mukhang bata lang naman 'yong sumitsit samin. Anak yata ng may ari." Tumango naman si Bright sa kanya sabay sabing, "Mukha nga." nakangiti siya no'n na parang may inaalala tapos makapag salita e parang alam na alam talaga niya na ginawa ko 'yon. "Hoy, ano ba. Next na nga. Naiinip na ako." pag iiba ko sa usapan. "Sandali lang. Nag ku-kwento pa ako." sabat naman ni Callen. "Alam niyo, makapag-usap kayo parang close na close kayo." "Close naman talaga kami." sagot ni Callen na may kasamang tango pa. "Naging playmates kaya kami dati." Nilingon ko sila pareho, "Totoo?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tapos si Callen biglang napa, "Oo nga pala. Wala ka no'n, naalala mo 2 year's ago? No'ng nag youthcamp kami? Di ka kasama no'n kasi may sakit ka." Inalala ko maigi 'yong sinasabi ni Callen sakin, at oo naaalala ko nga. 2 years ago nag youthcamp sila. May sakit ako no'n kaya 'di ako nakasama. No'ng time na 'yon iyak ako ng iyak kasi lahat silang mga kaibigan ko nag punta sa youth camp samantalang ako nasa bahay lang at hindi pwedeng lumabas kasi masama pakiramdam ko. Pero tinanggap ko na lang na 'di talaga ako makakapunta no'n kasi nga 'di kaya ng katawan ko. "Naalala ko na." sagot ko. "Nagkakilala kayo ro'n?" "Oo. Nando'n din kasi siya." "Seryoso?" "Oo. Do'n kami naging close. Pero pagkatapos ng youthcamp, 'di na kami nagkita. Naalala ko na lang siya no'ng nag transfer siya sa'tin." Kuwento pa ni Callen. "Pero 'di mo talaga siya naaalala?" tanong pa niya dahilan para magtaka ako. "May dapat ba akong maalala?" tanong ko sa kanilang dalawa pero 'di na nila ako sinagot. Tapos biglang iniba ni Bright 'yong usapan at tinanong niya ako ng ibang tanong kahit 'di pa nila nasasagot 'yong tanong ko. "Bakit favorite mo 'yong sunflower?" seryosong tanong niya. "Kasi it reminds me to stand tall and to always face sunshine. Also it brightens my mood." sagot ko at nakita ko naman siyang ngumiti. Pagkatapos kong sagutin 'yong tanong niya, balik na ulit kami sa laro. Next questions na. 'Yong score namin ay 3/3 . Patas ulit. Sino kaya ang mananalo? "Ano ang pinakahilig gawin ng girlfriend niyo?" Sinulat ko ang magbasa. 'Yon naman kasi talaga ang kinahihiligan kong gawin. At nang ready na kaming ipakita mga sagot namin ay pinakita na namin sa kanila. At pagtingin ko sa sagot ni Bright, parehas ulit kami ng sagot. Grabe! Papano niya alam na mahilig akong magbasa? Bakit ba parang ang dami niyang alam tungkol sakin? Stalker ba 'to? "Teka, papano mo nalaman na mahilig akong magbasa?" nagtatakang tanong ko kasi never naman akong nagdala ng mga pocket books o libro na kahit ano tapos nagbasa sa classroom kaya nakakapagtaka dahil alam niya. "Nakita ko lagi sa shared post mo na nag she-share ka ng mga poetries. Kaya naisip ko na mahilig kang magbasa." sagot niya. "Hala! Stalker." gulat kong sabi. "Diba pwedeng laging ikaw laman ng newsfeed ko?" Napaturo ako sa sarili ko, "Ako ba?" "Ikaw nga." Tapos tinukso nila kami. Hindi na yata matatapos ang panunukso nila samin. "Mahilig rin akong magbasa ng mga novels. Pero siyempre, poetry pinakahilig kong basahin. Tsaka, fan din kasi ako ng writers love na page." sabi ko pa kahit na walang may nagtanong. Basta, share ko lang. "Mukha nga." sagot naman niya. Nagtuloy tuloy ang game hanggang sa panalo sila ni Colleen. Lamang sila ng one point samin ni Bright pero okay lang. At dahil kami 'yong talo, uminom kami ng alak. Pagkatapos ng game, nagsi-uwian na ang mga kaklase namin. Si Callen nagliligpit ng mga kalat namin, si Bright naman nasa labas nagpapahangin saglit habang ako naman tine-text si Papa na sunduin na ako rito. Siguro mga five minutes nang tawagan niya ako at sinagot ko naman 'yon pero sabi ni Papa sakin, mamaya pa raw siya makakauwi kaya magabang na lang daw muna ako ng tricycle rito para may masakyan ako pa-uwi kasi baka matagalan siya. Napa facepalm ako nang malaman ko 'yon kasi alam kong kapag ganitong oras wala nang tricycle na dumadaan dito. "Uy, problema?" tanong ni Callen nang mahuli niya akong napa face palm. "Si Papa kasi mamaya pa makakauwi. Walang magsusundo sakin dito. May tricycle pa bang dumadaan tuwing ganitong oras?" "Teka lang," tapos lumabas si Callen. Ang akala ko tatawag siya ng tricycle na masasakyan ko pa uwi pero nagulat ako nang bumalik agad siya at kasama na niya si Bright. "Hatid ka na lang daw ni Bright pa uwi." Naks! Sabi ko na, e. Ang kulit talaga nitong si Callen. Nakakahiya naman kay Bright. "Hindi, ayos lang naman." pagtanggi ko. Nakakahiya kasi. "Tsaka, alam kong mas malayo bahay niya kaysa sakin." "Hindi, ayos lang." sagot ni Bright. "Hatid na kita." Tatanggi pa sana ulit ako nang biglang gumatong si Callen, "Pumayag ka na. Wala ng tricycle tuwing ganitong oras." Tapos tumango si Bright sa sinabi ni Callen. Pinagkakaisahan ako ng mga 'to. Pero sige na. Wala naman talaga akong choice, e. Tumayo ako at tumango sabay sabing, "Salamat. Libre na lang kita bukas sa school para makabawi ako." "Asus!" panunukso ni Callen pero inirapan ko lang siya. "Hindi na." sagot naman ni Bright. "Hindi naman ako humihingi ng kapalit. Ihahatid kita kasi nag-aalala ako. Tsaka isa pa, malakas ka sakin, e." Tumalikod ako matapos niyang sabihin 'yon. Ewan ko ba, pero feeling ko nag-blush ako ro'n. Nagpa-alam ako kay Callen at sa Dad niya na kakadating lang galing trabaho. Pagkatapos no'n umalis na kami ni Bright sa bahay nila. Naglalakad lang kami pa-uwi kasi wala ng tricycle na dumadaan. Tahimik lang ang buong paligid habang naglalakad kami. Nauna ako sa kanya at nasa likod ko naman siya nakasunod. Hindi ko na siya nagagawang lingunin kasi nahihiya ako. Ewan ko ba kung bakit ako nahihiya ngayon sa kanya. Napapatingin na lang ako sa kalangitan habang naglalakad kami hanggang sa pantayan niya 'yong lakad ko. That time, nilingon ko siya pero 'di ako nakatingin sa mismong mga mata niya. Baka kasi mailang lang ako kapag nagka eye to eye contact kami kaya 'di ko na nagawang tingnan siya sa mata. Hanggang sa mag isip ako ng pwedeng i-topic para basagin ang katahimikan at ilangan. Ano nga ba? Saktong nakita kong bilog na bilog ang buwan no'n kaya 'yon ang lumabas sa bibig ko, "Ang ganda ng buwan, hindi ba?"   "Ang ganda ng buwan 'no?" Sabay naming nasabi 'yon. Nakakabilib lang kasi ang random pero. . . parehas kami ng iniisip. That time, parehas kaming natawa pareho kasi sabay naming nasabi 'yon. Feeling ko tuloy, okay na kami. Nang matigil kami sa pagtawa, narinig kong bumuntong hininga muna siya bago nagsalita, "Okay na ba talaga tayo? Hindi ka na ba galit?" Ngumiti ako sa kanya at umiling sabay sabing, "Hindi na. Rankings lang naman 'yon, e. Ang babaw ko kasi nagalit agad ako. Hindi na ako nag-isip kasi that time umasa ako na ako 'yong magiging top 1. Tapos biglang. . . alam mo 'yon? Nabigo ka sa expectations mo." "Sorry. Di ko naman talaga sinasadyang malamangan ka. Nagulat din ako na mataas 'yong mga scores na nakuha ko." "Wow. So nagyayabang ka na?" pabirong sabi ko. Ang seryoso kasi ng mukha niya habang sinasabi 'yon kaya naisipan kong magbiro. Umiling naman siya, "Hindi. Hindi ko talaga in-expect." Inalis ko ang mga tingin ko sa kanya at napatingin ako sa daan, "Oo na. Matalino ka na." Tapos narinig ko siyang tumawa ng mahina, "Hindi naman ako matalino. Na chambahan lang 'yon." "Favorite line mo ba 'yan?" Natawa siya lalo, "Baka nga." Tapos tinanong niya sakin kung bakit nga ba matalino ako. Actually, 'di ko alam ang sagot. Tsaka, feeling ko hindi naman talaga ako pinanganak na matalino. "Hindi naman talaga ako matalino, e." sagot ko. "Ano lang, nag-aaral lang ako kaya lagi akong may sagot sa exam, gano'n. Tsaka, bukod sa gusto kong malamangan si Colleen, may isang rason kung bakit ko sinisikap na maging matalino." "Ano naman 'yon?" Lumunok muna ako ng laway bago nag kuwento, "No'ng elementary kasi ako, hindi ako matalino. I mean, alam 'yong feeling na hindi mo alam 'yong mga sagot sa exams? Laging mababa 'yong mga scores ko sa lahat ng exams." kuwento ko sa kanya. Pero 'yong mukha niya no'n e parang ayaw maniwala sa sinasabi ko. Pero totoo 'yon. "Minsan 15/50 o 'di kaya 12/50 at ang pinaka worse ay 4/50. Sa science 'yon. No'ng time na 'yon sobrang nahiya ako sa mga ka-klase ko kasi ako pinaka lowest. Hindi rin ako kinakaibigan ng mga ka-klase ko no'n kasi hindi ako matalino kagaya nila. Ang baba pa ng tingin nila sakin." "Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong niya at tumango naman ako. "Oo. Kaya no'ng panahong 'yon, do'n ko na naisip na kailangan kong maging matalino." "Kaya pala ang talino mo ngayon." Natawa ako sa sinabi niya. Tapos tumahimik ulit ang buong paligid. No'ng mga oras na 'yon, napatingin ako sa oras ng phone ko, 11:11pm na kaya nag wish pa ako habang naglalakad kami. Pagkatapos ng panandaliang katahimikan ay nagsalita ulit siya, "Nga pala, 'yong kanina sa truth or dare bakit 'yon 'yong Dare mo kay Gab?" "'Yong i-kiss niya si Colleen?" tanong ko at tumango naman siya. "Naisip ko lang, gusto mo ba talagang saktan sarili mo?" "Ha? Anong ibig mong sabihin?" "I mean, hahalikan ni Gab si Colleen sa harap mo, hindi ba't parang sinasaktan mo na rin sarili mo no'n? Kasi makikita mong hahalikan ng taong mahal mo 'yong bago niya." Kaya ko nga dinare sa kanya 'yon para makasigurado ako. Makasigurado kung magseselos ba ako o hindi kapag nakitang hinalikan ni Gab si Colleen. "Gusto ko lang ng assurance." sagot ko sa kanya. "Assurance?" "Para i-test kung magseselos ba ako o hindi. Pero 'di naman natuloy. Kaya 'di ko alam." Tapos bumuntong hininga siya, "E, kanina magkasabay kayong pumasok sa pinto, natuwa ka ba?" Ang weird ng tanong niya pero. . . "Hindi." sagot ko. "Bakit?" Nagkibit balikat ako, "Ewan ko. Parang wala naman akong reaksyon—" natigilan ako nang maisip kong natuwa pala ako kanina kasi dumating si Gab para iligpit si Colleen na dikit ng dikit sa isang 'to kaya binawi ko 'yong sagot ko, "Ay oo pala. Natuwa ako." nakita kong sumimangot 'yong mukha niya pero alam ko namang na missunderstood lang niya 'yon kaya natawa ako at 'di na rin ako nag explain sa kanya kung anong klaseng tuwa ba 'yong naramdaman ko kanina. Basta, ayoko lang sabihin kasi baka isipin niya na nagseselos ako sa kanila ni Colleen kanina. Wait—nagseselos? Bakit naman iisipin ni Bright 'yon? Tsaka, ako? Magseselos? Jusko naman! Ano ba 'tong iniisip ko? Kanina pa ako ganito, e. Di ko na talaga alam kung anong nangyayare sakin. Napabuntong hininga ako at nakatitig lang sa kung saan habang naglalakad. Tapos biglang sumagi sa isip ko 'yong tanong kung papano niya nalaman na sunflower 'yong paborito kong bulaklak kaya napatanong ako ng dis oras. Bitin kasi 'yong sagot niya kanina. "Siya nga pala, pano mo nalaman na sunflower favorite flower ko?" "Naisip ko lang." sagot niya. "Tsaka parehas tayo ng favorite flower." "Sunflower din favorite flower mo?" "Oo. Kasi Sunflower brings sunshine to my dark world." sagot niya at napangiti slight natawa ako ng kunti. Ang cute kasi niya no'ng sinabi niya 'yon. Tapos napatingin siya sa buwan, "Di ako inform na full moon pala ngayon." nang sabihin niya 'yan ay napatingin na rin ako sa bilog na bilog na buwan. "Tama ka. Ang ganda 'no?" "Parang ikaw." sagot niya at nakangiti ko naman siyang nilingon. Pero siyempre inalis ko ka agad 'yong mga ngiti ko sa labi at sinuntok siya sa braso ng pabiro. "Wag mo'kong bolahin." "Totoo naman 'yon." tapos lumunok siya ng laway, "Alam na ni Callen 'yong tungkol sa pekeng panliligaw ko sayo." "Pero hindi pa alam nina Ashley at nina Rhian tsaka nina Gab—" napatigil ako nang makitang nakangiti siya habang nakatitig sakin na parang tinutukso ako, "Ba't ka nakangiti?" "Para kasing sinasabi mong ituloy pa na'tin." Gano'n naman kasi talaga ang nasa utak ko. "Bakit, ayaw mo na ba?" tanong ko. "Kung ayaw mo na, okay lang naman. Hindi na na'tin kailangan mag pretend. Tutal, parang medyo okay na naman ako. I already accepted everything. Also I realized that it's better to let go than to hold on things that cannot be fix anymore." Napabuntong hininga ako bago ulit nagsalita, "I know it's always him but i am slowly accepting the fact that love isn't for me." Napangiti ako, pero hindi dahil masaya, kundi dahil na realized ko na ang tanga-tanga ko kasi minahal ko 'yong taong niloko lang ako na akala ko minahal rin ako ng totoo.   "You know what, i don't know what's worst, getting broken or breaking someone else's heart?" natawa ako sa tanong ko kasi ang random. Napatingin siya sakin pero tinawanan ko lang 'yong mga sinabi ko. "Alam mo Deyn, don't settle for a man na mahal mo, settle for a man na mas mahal ka." biglang sabi niya. "Woah! Ang tanong, may tao bang mahal ako pero 'di ko lang alam?" tanong ko at natahimik naman siya at napatigil sa paglalakad tsaka ako hinarap kaya napatigil rin ako, "O? Ba't napatigil ka?" "Pag sinabi ko bang meron? Magugulat ka?" seryosong tanong niya pero hindi ko masyadong sine-seryoso. Wala naman kasing may umaamin sakin na may gusto sakin. Pero papano sila aamin kung alam nilang nililigawan ako ni Bright at alam nilang gusto ko siya? "Hindi ako magugulat." sagot ko at napatingin ulit sa buwan, "Pero hindi ako sure kung magugustuhan ko rin 'yong taong 'yon." sambit ko. "Kasi sa ngayon, hindi ko alam kung naka-move on na nga ba ako sa Ex kong gago." napangiwi ako pagkatapos. Hindi nakapagsalita si Bright at hindi ko alam kung nakatitig ba siya sakin ngayon kasi ang focus ko ay nasa buwan. "He became my moon, while I was just his star." saad ko habang nakatitig sa kalangitan. "Sinabi niya sakin na ako raw 'yong star niya, pero ang tanga ko kasi kinilig ako without knowing na maraming stars sa langit at alam kong hindi lang ako nag-iisa sa puso niya." Napabuntong hininga ako bago siya nilingon. Nakatitig lang sakin na parang ang lalim ng iniisip na hindi ko mahulaan kung ano hanggang sa magsalita siya, "Okay lang 'yan, nandito naman ako." "Luh? Ang random mo." "Totoo naman. Ako lang naman 'to, 'yong sun and moon mo." Sun and Moon? Ang corny! "Wag ka ngang mangarap!" "Hindi ako nangangarap. Bright kaya pangalan ko." "Kung gano'n, Sun ka lang. Hindi ka Moon. Wag mong lahatin, Bright." pang-aasar ko. Pero siya ayaw magpatalo. "Ano ba purpose ng buwan sa Gabi?" "Nagbibigay liwanag." sagot ko. "Ayon!" sabi niya na may kasamang pagpitik. "Ako pa rin 'yon. 'Yong sun and Moon mo na nagbibigay liwanag ng buhay mo." Sira ulo talaga siya. Pero infairness, ang galing niya ro'n ah. Wala tuloy akong masabi. Nagsimula ulit kaming maglakad at saktong nasa harap na kami ng bahay no'n kaya hinarap ko na siya para magpaalam na. "Pano ba 'yan, nandito na tayo. Ingat ka sa pag-uwi." Tumango siya at ngumiti, "Ikaw rin." Natawa ako kasi nandito na ako sa tapat ng gate tapos sinabi niyang ako rin? "Inaantok ka na yata?" natatawa kong sabi. "Epekto ng alak." natatawa niyang sabi nang mapagtanto 'yong sinabi niyang 'ikaw rin'. "Sige na, pumasok ka na at makapag pahinga kana." "E, pano ka? May susundo ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ko. "Papasundo ako kay Papa. Hintayin ko siya sa kanto." "Sigurado ka?" "Oo. Kaya pumasok ka na. Wag kang mag-alala, mag iingat naman ako." "Wala naman akong sinabi. Pero oo na, mag ingat ka, ha. Chat mo'ko kapag nakauwi ka na." Muli, binigyan niya ako ng panunuksong tingin, "Pwede na ulit kitang i-chat?" "Oo. Bati na tayo, e." Nakita kong parang tumalon siya sa tuwa no'n. Actually, ang cute niya. Para siyang bata na pinangakuan ng mga magulang na bilhan ng laruan na gusto niya kaya siya tuwang-tuwa. "Sige. Pasok ka na." aniya at tumango naman ako. Tatalikod na sana ako para buksan ang gate ng bahay nang bigla siyang magsalita, "Goodnight." Natigilan ako pagkasabi niya no'n kasi biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. First time ko ba siyang marinig mag Goodnight sakin sa personal? Iba 'yong feeling, e. Nakakapanibago. Dahan dahan ko siyang nilingon kasabay ng pag-response ko sa goodnight niya, "Goodnight din." Tapos nag wave na siya bago patakbong umalis. Ako naman pumasok na sa loob ng gate at patakbong pumasok sa loob ng bahay at napahawak sa dibdib ko na ang lakas at ang bilis ng kabog. Ano ba 'tong nagnayayare sakin? Bakit ako nagkakaganito? Biglang tumunog 'yong messenger ko kaya tiningnan ko kung sino nag-chat. Bright Navales   active now• Thank you ha. Di ko alam kung bakit ako nagpapa-salamat sa'yo. Siguro masaya lang ako kasi okay na ulit tayo. O baka may iba pang dahilan bukod do'n at hindi ko lang ma figure out sa sarili ko kung ano nga ba 'yon. Pero sa ngayon, gusto ko lang mag thank you. Goodnight, Deyn. At ang pinaka naging dahilan kung bakit lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko,                    Bright Navales                  set his nickname to        ;               Your Bright

 

 

Chapter 16 Hotspot

Naglalakad ako sa hallway patungong classroom nang bigla akong maka-recieved ng message sa GC namin ng mga kaibigan ko. Rhian Mendoza    active now• @Danille Legaspi Bati na pala kayo ni Bright. Omg! Congrats! Ashley Verano   active now• Sabi ko na, e. Effective 'yong paglipat ng group ni Deyn. Wala akong ibang naging reaksyon kundi ang sabihin ang salitang, "Wow! Grabe, ang bilis ng chismis." Danielle Legaspi     active now• Woi, pano niyo alam  'yan? Sino nagsabi? Ashley Verano    active now• Asus! Ikaw ah. Hindi ka na nag Ku-kuwento samin. Rhian Mendoza   active now• Ako nagsabi kay Ashley. Na kuwento lang din sakin ni Shawn. Nabanggit kasi ni Bright sa kanya na hinatid ka ni Bright kagabi kaya naisip ko na baka bati na kayo. Danielle Legaspi     active now• Wow! Bilis niyo naman makasagap ng balita. Ashley Verano    active now• Si Rhian 'yong source ko. Nga pala, asan ka na? Hinihintay ka namin sa classroom. May chika kami sa'yo. Danielle Legaspi     active now• Malapit na ako. Binilisan ko 'yong lakad ko para makarating ako ng classroom nang biglang tumunog 'yong messenger ko. Ang akala ko sina Rhian ulit pero nakita kong si Bright pala. At nakakapanibago 'yong nickname. Your Bright active now Nasan ka? Baby Deyn active now Nandito sa school. Pero wala pa sa classroom.                                   Your Bright active now Alam ko. Baby Deyn active now Sira! Alam mo na pala. Ba't nagtanong ka pa? Your Bright active now Gusto ko lang makasigurado kung ikaw nga ba itong nasa harapan ko. Baby Deyn active now Ha? Anong ibig mong sabihin? Your Bright active now Tumingin ka sa likuran mo. Napatigil ako sa paglalakad at agad na napalingon sa likuran ko kagaya ng sinabi niya. At paglingon ko, napangiti ako nang makita kong nakasunod lang pala siya sakin. "Uy, kanina ka pa d'yan?" tanong ko. Nakangiti naman siyang tumango, "Simula no'ng pumasok ka ng gate, nakasunod na ako sa likuran mo." "Wow naman. Hindi ka man lang nagparamdam." Tumawa lang siya tapos hinawakan niya 'yong bag ko, "Akin na bag mo." "Uy, hindi mo naman kailangan gawin 'to. Wala naman sina Colleen at Gab dito. Hindi natin kailangan magkunware." Natahimik siya habang ako naman nakatitig lang sa kanya at naglabas ako ng isang maliit na ngiti, "Bright, bakit ang bait mo?" "Tingin mo, ginagawa ko lang ba 'to dahil mabait ako?" Napa-isip ako sa tanong niyang 'yon. Wala naman sigurong ibang dahilan kung bakit niya ginagawa 'to hindi ba? "Bakit, may iba pa bang dahilan?" Hindi niya ako sinagot at umiwas lang siya ng tingin. Gusto ko sana siyang pilitin na sagutin ang tanong kong 'yon kaso parang kita ko sa mukha niya na parang ayaw niyang sagutin. Simpleng tanong lang naman 'yon, pero bakit parang iniiwasan niyang sagutin 'yon? "Dibale na, wag mo nang sagutin ang tanong kong 'yon." pagbabawi ko. "Akin na lang 'yong bag mo, mukhang mabigat pa naman 'yan." "Ano ka ba, hindi na." "Wag nang makulit." tapos kinuha niya sakin 'yong bag ko. "Ako na magdadala nito hanggang classroom." Ayon, wala akong choice kundi ang hayaan na lang siya. Tapos nagsimula ulit kaming maglakad patungong classroom. At nang matanaw na namin ang classroom ay nakita ko sina Rhian at Ashley sa labas na nagulat nang makitang sabay kaming naglalakad ni Bright ngayon. At 'yong dalawa e halatang kinikilig. No'ng nasa harap na kami ng classroom, biglang lumabas si Colleen at lumapit kay Bright. That time, may hawak siyang notebook na tila magpapaturo kay Bright. Ako naman nakatitig lang sa kanila tapos si Rhian at Ashley gano'n din. "Bright, pwede mo na ba akong turuan?" tanong ni Colleen kay Bright. "Hindi ko kasi na gets 'yong tinuro mo sakin sa chat kagabi, e." Nanlalaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya. Magka-chat sila kagabi? This can't be! "Akala ko na gets mo na 'yon." sagot naman ni Bright. "Ilang beses kong in-explain sa'yo 'to kagabi." Ilang beses? Ibig sabihin matagal silang magka-chat. Hanep! Pwede naman siya magpaturo sa iba, ah. Bakit kay Bright pa? "Sorry. Nagsinungaling lang ako. Nag-aalala kasi ako sayo na baka inaantok ka na kagabi kaya sinabi ko na lang na gets ko na 'yong tinuturo mo sakin." dagdag pa ni Colleen na parang nagpapa-cute kay Bright habang sinasabi 'yon. Napa-irap ako bigla kahit na 'di nila 'yon nakita tsaka ko kinuha kay Bright 'yong bag ko at tahimik na pumasok sa loob ng classroom habang nakasunod naman sakin sina Rhian at Ashley. "Omg, totoo pala 'yong sinabi mo, Deyn. Magka-chat nga sila!" sabi ni Ashley na halatang naiinis. "See? 'yang si Colleen wala talagang magawa sa buhay kundi ang mang-agaw." inis kong sabi. "Kung gano'n, si Colleen at si Bright magka-chat. Napaisip tuloy ako kung ano pa 'yong napag-uusapan nila bukod sa lessons natin." sabi naman ni Rhian. "Hindi mo man lang ba tinatanong si Bright kung bakit sila magka-chat?" Bakit ko naman gagawin 'yon? Wala akong oras para d'yan. "Hindi." sagot ko. "Pero narinig niyo 'yong sinabi ni Colleen diba? Nagpapaturo siya." "Ayon naman pala. Nagpapaturo lang." sabat ni Rhian. "Wag ka nang mag-alala, Deyn. Hindi niya maaagaw sa'yo si Bright. Ikaw lang mahal no'n." Do'n ko lang napagtanto sa sarili ko na naiinis ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako knowing na parang nagiging malapit na si Colleen at Bright sa isa't isa at nag-uusap pa sila sa chat. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Nagseselos ba ako? Gusto ko na ba si Bright? Ang gulo, e. "Pero pwede naman siyang magpaturo sa iba." dagdag ko pa. "Marami namang magaling sa math dito." "Pero si Bright 'yong top 1." sagot ni Rhian. "Isipin mo na lang na siya ang naisipan ni Colleen na magpaturo kasi top 1 siya, gano'n." Tumahimik na lang ako kasi itong dalawang 'to alam kong sinusubukan na nila ang best nila para pakalmahin ako. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit parang naiinis ako kapag nakikita ko sina Colleen at Bright na magkasama. Pero dahil wala naman dapat akong pake sa kanila, hinayaan ko na lang. Since wala pa naman 'yong teacher namin ay nag kuwentuhan muna kami nina Rhian. Sinabi ko rin sa kanila na malapit na pala 'yong birthday ni Bright. Naalala ko kasi kagabi no'ng nag laro kami ng game. "So anong plano mo sa birthday niya? Isu-surprise mo ba siya?" tanong sakin ni Ashley. Hindi ko naman in-expect na sasabihin ni Ashley 'yon. Ni hindi ko nga naisip 'yan. Surprise? Bakit ko naman gagawin 'yon? Umiling ako, "Hindi ko alam." sagot ko. "Hindi mo man lang ba siya isu-surprise? Oh, come on! Akala ko ba gusto mo siya?" dagdag pa ni Ashley kaya naman nag-isip pa ako ng maisasagot. "Gusto ko nga siya. Pero wala akong maisip na surprise. Kaya mas okay kung wag na lang." sagot ko naman. Tapos biglang may naisip na idea si Rhian. "Ano kaya kung sagutin mo siya sa mismong birthday niya?" Natigilan ako sa suggestion ni Rhian. Grabe! na mental block ako do'n ah. "Tama!" pagsang-ayon naman ni Ashley. "Mas okay 'yon. Paniguradong masu-surprise siya kapag gano'n." Naks naman! Hindi naman pwede 'yon. "Wag na 'yon. Ano na lang, mag research na lang tayo ng ibang surprise para sa isang may birthday, gano'n." sagot ko. Mag re-research sana ako para kunware isipin nila na may mas maganda pa akong surprise kay Bright at para narin hindi na nila ako pagpipilitang gawin 'yong suggestions ni Rhian na sagutin si Bright nang maalala kong wala pala akong load pang research. "Uy, pa connect ako sa hotspot mo, Rhian." "Sure!" tapos in-on ni Rhian 'yong hotspot ng cellphone niya para maka-connect ako. Hinanap ko 'yong pangalan niya kasi maraming hotspot dito sa classroom 'yong naka-on nang bigla kong makita 'yong isa sa mga pangalan sa hotspot which is  'Sunflower'. Sa gulat ko e agad kong pinakita kina Rhian at Ashley 'yon. "Hala! Sino 'to?" sabi ko at pinakita 'yon sa kaila. "Sunflower?" "Di kaya, siya si Sunflower? 'Yong isa sa mga admin ng Writer's Love?" dagdag ko pa pero parang hindi sila naniniwala. "What if hindi? Hindi naman porket sunflower naka pangalan sa hotspot na 'yan e siya na agad 'yong admin ng Writer's Love, ano." saad ni Rhian. "What if lang naman." tapos nilibot ko ang paningin ko sa buong classroom habang iniisa-isang tinitingnan 'yong mga ka-klase kong nag ce-celphone. "Sino kaya sa kanila dito?" "Malay mo, nasa kabilang classroom 'yan. Umabot lang dito 'yong hotspot." sagot naman ni Ashley. Pero ako patuloy parin sa pag isa-isa sa mga ka-klase kong nag ce-celphone. Siguro kahalati samin 'yong nag ce-celphone at 'yong iba nag chi-chikahan lang. "Pero guys, what if siya talaga itong admin? Possible naman 'yon, diba?" "Possible." sagot ni Rhian. "Pero mukhang baliw na baliw kana sa admin na 'yan. Ano ba talaga ang gusto mo? 'yong tulang sinusulat ng admin na 'yan o 'yong admin mismo?" Napangiti ako sa sinabi ni Rhian, "Baliw ka talaga, Rhian." "O, kita mo ngang nakangiti ka, oh." sabi niya habang nakaturo sa mukha ko. Magsasalita pa sana ako nang biglang dumating 'yong teacher namin kaya umayos na kami ng upo at tinago 'yong mga cellphone namin. No'ng breaktime naman, naunang nagpunta ng canteen si Rhian at Ashley. Pinauna ko na sila kasi 'di pa ako tapos magsulat at sinabi kong susunod na lang ako. Nang matapos kong isulat 'yong kung ano 'yong nasa blackboard ay tumayo na ako sa upuan ko para pumuntang canteen at bumili ng pagkain. Pero bago pa man ako lumabas ng classroom ay bigla kong naisipang yayain si Bright kaya nilapitan ko siya para tawagin. "Bright." "Birght!" Sabay naming sabi ni Colleen. Pero itong si Colleen tumakbo papunta kay Bright dala ang notebook niya para magpaturo ulit kay Bright. "Pwede mo ba akong turuan sa problem number 2?" tanong niya kay Bright nang maka-upo siya sa upuang katabi ni Bright. Hindi naman nagdalawang isip na tumango si Bright sa kanya bago ako nilingon. "Ano 'yon, Deyn?" tanong niya sakin. At dahil nawalan na ako ng gana na isama siya sa canteen, umiling na lang ako. "Wala." malamig na sambit ko tsaka ako nilingon ni Colleen. "Hey! Don't get jealous, ha. Nagpapaturo lang ako sa kanya." sabi sakin ni Colleen. Napabuntong hininga naman ako tsaka siya sinagot, "Hindi ako nagseselos. Magpaturo ka hangga't gusto mo. Hindi naman ako gaya mo, e." Kumunot 'yong noo niya, "What do you mean?" "I mean, hindi ako kagaya mo na natatakot lapitan ng ibang babae 'yong boyfriend mo." sagot ko tsaka nilingon sila pareho ni Bright bago nagpaalam, "Maiwan ko na kayo, hinihintay na ako ng mga kaibigan ko sa canteen." tsaka ako tumalikod at naglakad palabas ng classroom. Saktong paglabas ko nang makita ko si Callen na nakatambay sa corridor at mukhang tinutukso ako sa mga tingin niya. "Tingin-tingin mo d'yan?" sabi ko na may panghahamon na boses.   "Aminin mo man o hindi, halata sa itsura mo na nagseselos ka sa kanila." "What? No way! Jusko naman. Bakit naman ako magseselos, ha?" sabi ko na parang nandidiri pa. "Asus. Indenial. Obvious kaya na gusto mo si Bright." tapos tinuro niya 'yong mukha ko, "Halata sa mukha mo." Inirapan ko si Callen kasi non sense 'yong mga sinasabi niya. "Ewan ko na lang sa'yo, Callen. Kung ano-ano pinagsasasabi mo. Makipagbati ka na lang kaya kay Rhian. Kasi siya okay na, ikaw na lang ang hindi." "O? Bakit sa'kin napunta 'yong usapan?" tapos tinaasan niya ako ng kilay. Tipong parang tinutukso ako sa mga tingin na 'yon sabay sabing, "Naks! Iniiba mo 'yong usapan, e. Ayaw mo siyang pag-usapan kasi affected ka." "Hindi ako affected!" paglilinaw ko. "Wee?" inirapan ko lang ulit siya. "And speaking of Rhian, akala niya siya lang 'yong okay na? Okay na rin ako, 'no." mayabang niyang sabi. At siyempre, hindi naman ako naniwala. "Wee? Di nga?" "Malalaman mo. Not now, but soon!" tapos sumaludo sakin si Callen bago pumasok sa loob ng classroom samantalang ako naman sinundan lang siya ng tingin habang iniisip kung ano 'yong sinabi niya. No'ng uwian, ang lakas-lakas ng buhos ng ulan. Nong time na 'yon wala akong payong kaya nag-aalala ako kung papano ako makakauwi lalo na't baka hindi na tumila ang ulan o kung titila man, baka gabi na. Kinuha ko 'yong bag ko, si Rhian umalis kasi sinundo siya ni Shawn. Si Ashley naman nakipayong sa ka-klase kong babae. Tatlo sana kami ro'n kaso hindi na keri ng payong kaya pinauna ko na lang sila.  Lumabas ako ng classroom habang hinihintay na tumila ang ulan kahit na mukhang malabo na. 'Yong mga ka-klase kong walang dalang payong tinanggap na lang nila ang ulan. Habang ako? Hays. Pinag-iisipan ko pa. "Dito ka sakin." agad akong napalingon kay Bright na nasa tabi ko lang pala. Napatingin ako sa hawak niyang payong at muling napatingin sa mukha niyang may naka-paskil na ngiti sa labi habang nakatitig sakin. "Uy, buti ka pa may dalang payong!" sabi ko nang makita 'yong payong niya. Tumango siya, "Nabalitaan ko kasi kagabi na uulan ngayong araw kaya nagdala ako." sagot niya. "Actually, dalawa sana dadalhin ko kasi para sayo ang isa kaso maisip ko na isa na lang." "Bakit naman?" "Para mas romantic." sagot niya sabay kindat. Napangiti naman ako ng dis oras. Tumunog 'yong cellphone kong hawak ko kaya naman chineck ko kung sino 'yong nag chat. Callen De Vera   active now• Pustahan tayo. May gusto ka kay Bright! Limang daan ipu-pusta ko! Sira talaga itong si Callen! Anong kalokohan naman 'tong pinag cha-chat niya sakin?! Inangat ko 'yong ulo ko at hinanap siya sa paligid. Do'n ko lang siya nakita na nakasilong sa labas ng isang classroom  na nasa harap ng classroom namin pero medyo malayo. Kapag pinuntahan ko siya para sapakin e mababasa ako ng ulan. Ka-asar naman 'tong isang 'to. Pinagtatawanan pa ako rito habang nakatitig sa gawi ko. At dahil napipikon ako sa kanya, pinatulan ko siya sa chat. Danielle Legaspi ;   active now• Game! Limang daan din sakin. Hindi ako inlove sa kanya. May limang daan ako sa'yo kapag napatunayan ko sa'yo na wala akong gusto sa kanya. Callen De Vera   active now• Game ako d'yan! May limang daan din ako sayo kapag panalo ako. Hanggang one week lang 'to ha. Kapag one week na at napatunayan kong may gusto ka sa kanya panalo ako. Hindi ko na siya ni-reply-an at nilingon ko na lang siya at binigyan ng isang tango bilang pagsang-ayon sa gusto niya. "Uy, sino ka-chat mo?" tanong sakin ni Bright nang mapansin niyang panay type ako. "Ah, wala." sagot ko at nag-isip ng palusot, "Si Mama lang. Tinatanong niya kung nasan na ako." "Ah," tapos binuksan na niya 'yong payong, "Tara na?" tanong niya at tumango naman ako. Pumwesto ako sa tabi niya at hinanda ang sarili na umalis pero bago pa man kami magsimulang umalis ay bigla kong narinig ang boses ni Colleen na tinatawag si Bright. At narinig rin 'yon ni Bright na naging dahilan kung bakit siya napalingon sa gawi ni Colleen at napatingin sakin. "Teka lang, may nakalimutan akong isuli kay Colleen." aniya at tumakbo papunta kay Colleen tsaka sinuli 'yong ballpen niya. Ang akala ko isusuli lang niya 'yon sa kanya pero nainis ako nang makitang nag-uusap pa sila kaya nawalan ako ng ganang kasabay siyang umuwi kaya nag decide na lang akong tanggapin na lang 'yong ulan para makaalis na ako rito nang biglang siyang tumakbo palapit sakin. Dahil do'n, nakuha ko ang attensyon niya. "Deyn! Uuwi kana?" tanong niya sakin. "Oo. Nagmamadali ako." walang ganang sagot ko. "So-sorry, hindi ko alam." Ayan na naman siya. Nag so-sorry na naman siya kahit na sa totoo lang wala naman talaga siyang kasalanan. Inangat ko ang kamay ko sa ere na parang humihindi, "Hindi. Ayos lang. Ano kasi. . . si Mama kasi. . . pinapa-uwi na ako." pagsisinungaling ko. Tapos inabot niya sakin 'yong payong niya, "Sayo na lang 'to." "Ano ka ba, sayo 'yan, e." Umiling siya, "Kunin mo na." pagpupumilit niya. "Baka magkasakit ka." At dahil alam kong mapilit siyang tao, kinuha ko na lang 'yon kasi alam ko naman na kahit anong pagtanggi ko e hindi pa rin niya ako titigilan. "Salamat." sabi ko matapos kong kunin sa kanya 'yong payong at tumango naman siya. Dahan-dahan akong tumalikod sa kanya habang binubuksan 'yong payong at nagsimulang maglakad pa-alis. Habang naglalakad ako, napansin kong parang ang bigat sa pakiramdam at parang may kulang? Hindi ko lang alam kung ano, pero tingin ko. . . 'yon ay dahil hindi ko siya kasabay umuwi.                                *** No'ng sumunod na araw, hindi pumasok si Bright. Hindi ko alam kung anong nangyare sa kanya kasi hindi naman kami nagkaka-usap sa chat. Actually, ako 'yong tinatanong ng lahat kung bakit siya absent. Kahit 'yong mga subject teacher namin ako ang tinatanong. Ano ko ba siya? At malay ko ba kung napano siya? Hindi naman nagsasabi sakin 'yon, e. Pero ang nakakainis, alam ni Colleen kung bakit absent siya. Siya kasi 'yong sumagot no'ng tinanong ng isang subject teacher namin kung napano si Bright at bakit absent siya ngayon. Ang sabi ni Colleen, may sakit si Bright ngayon kaya hindi siya pumasok. Hindi kaya dahil sa ulan kahapon? Dahil ba wala siyang payong? Nabasa ba siya ng ulan? Wait—ang tanong dito ay kung bakit alam ni Colleen na nagkasakit siya samantalang ako walang alam. Papano 'yon? Ano? Iba na ina-update niya ngayon at hindi na ako?—at teka lang, ang kapal ko rin, ano? Sino ba ako para i-update niya? E, hindi nga niya ako girlfriend. Bakit ba ako nagkakaganito? "Seryoso? Hindi mo talaga alam na may sakit siya ngayon?" bulong sakin ni Callen at nilingon ko naman siya nang may mataray na tingin.   "Hindi nga. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!" galit kong sabi. "O, bakit nagagalit ka?" bulong niya ulit. "Galit ka ba kasi hindi mo alam na may sakit siya samantalang si Colleen—" napatigil siya sa pagsasalita nang bigyan ko siya ng masamang tingin kaya naman ngumiti sakin si Callen at nag-peace sign na lang. At ayon, natapos ang klase na walang may magandang nangyare sa araw ko. Ang boring. Parang dati lang, ganito rin ka boring ang buhay ko. Papasok lang ako para hintayin ang uwian. At siyempre, puro pag-aaral lang inaatupag ko no'n kasi wala pa akong lovelife hanggang sa nagkaroon pero ngayon wala na. Pero kahit wala akong lovelife ngayon, pakiramdam ko naman e parang okay ako. I mean, okay ako kasi nand'yan si Bright na partner in crime ko. Simula no'ng naging kaibigan ko siya hindi na naging boring ang buhay ko. Sa totoo lang, ngayon ko lang na realize na boring pala ang buhay ko kapag wala akong kaibigan na kagaya niya. Kung hindi siya umabsent, hindi ko ma re-realize 'to. No'ng sumunod na araw, Birthday ni Gab. Invited 'yong iba samin at siyempre kasama na ako ro'n. Sina Ashley gano'n din pero hindi ako sure kung pupunta sila mamaya pagkatapos ng klase. Actually, hindi ko rin alam kung pupunta ako. Siguro susunod na lang ako sa kung ano magiging desisyon ng mga kaibigan ko. Si Bright, absent pa rin. Icha-chat ko sana siya sa messenger kagabi kaso hindi naman siya online. Actually naka-turn off chat nga siya, e. Kaya ayon, 'di ko na siya chinat. Ang ending na lang no'n e ini-stalk ko siya. No'ng uwian, tinanong kami ni Ashley kung pupunta kami ni Rhian sa Birthday ni Gab, pero 'yong desisyon ni Rhian e nakasalalay sakin. "Kung pupunta si Deyn, pupunta rin ako." sagot ni Rhian. "Hala. Bakit, wala ka bang sariling desisyon, Rhian?" saad ni Ashley. "Hindi. Na a-ano lang ako. Kasi alam mo na, ex 'yon ni Deyn. Baka hindi pupunta kaya hindi na rin ako pupunta." sagot niya. "Uy, ano ka ba, Rhian. Okay lang ako. Actually, kung pupunta kayo, pupunta rin ako. Wala na akong feelings sa ex kong 'yon." "Seryoso ka?" sabay nilang tanong sakin at agad naman akong tumango. At dahil do'n, nag decide kaming tatlo na pumunta. Pero itong si Rhian kailangan pa niyang gumawa ng excuse sa boyfriend niya kasi hindi siya papayagan na pumunta sa mga inuman. Inuman lang naman 'yon at kaunting salo-salo sa bahay nina Gab. At dahil hindi siya papayagan ni Shawn, hindi na nagawa ni Rhian ang magpa-alam kay Shawn. Actually, ang paalam niya kanina kay Shawn no'ng uwian e mauuna siyang umuwi kasi may lakad sila ng parents niya pero 'yong totoo, e nagtago lang siya sa CR namin as a proof na naka-uwi na siya. Kami naman ni Ashley na walang lovelife, siyempre walang problema. Pero badtrip lang kasi biglang tumawag sakin si Bright. Sinagot ko 'yon kasi akala ko kung ano pero hindi pala. "Hello?" "Pupunta ka sa birthday niya?" Nilingon ko si Rhian at Ashley matapos itanong sakin ni Bright 'yon. Halata pa sa boses niya na may sakit talaga siya. Nakunsensya tuloy ako. Sana gumaling na ang isang 'to. "Uy, ano sabi?" mahinang sambit ni Ashley na talagang sinigurado na hindi maririnig ni Bright sa kabilang linya. Inilayo ko 'yong phone ko bago ko sila sinagot, "Tinatanong niya kung pupunta ako sa Birthday ni Gab." sagot ko. Agad namang sumenyas si Rhian na wag kong sasabihin kay Bright na pupunta ako. "Wag mong sasabihin." bulong niya. "Baka 'di ka payagan." Napatingin ako sa phone ko kung saan nakadial pa si Bright. Kahit pa na sabihin ko na pupunta ako, alam ko namang wala siyang paki. Alam kong hindi niya ako pipigilan. Pero mas okay siguro kung wag ko na lang talagang sabihin sa kanya. Kasi parehas lang naman 'yon. Wala siyang paki. "Hindi." sagot ko sa kabilang linya at narinig ko namang napabuntong hininga siya. "Good." "Anong good?" "Wag kang pumunta. Umuwi ka ng maaga, okay?" "Ininom mo na ba 'yong gamot mo?" nag-aalalang tanong ko. "Uy, pano mo nalaman?" "Sinabi ni Colleen." Narinig kong napamura siya ng very-very light sa kabilang linya sabay sabing, "Sinabing wag sabihin sayo, e. Ayokong mag-alala ka." "Ang daya mo! Bakit siya alam niya samantalang ako—" napatigil ako nang ma-realize ko na parang hindi tama na sinabi ko 'to. Baka kasi isipin niya na nagseselos ako, gano'n. "Na samantalang ikaw hindi?" pagdugtong niya sa sinabi ko. "H-hindi." pagbabawi ko sa sinabi ko. "Hindi gano'n 'yon." "Ayoko lang talaga na mag-alala ka. Sorry." "Wala akong sinabing nag-aalala ako, okay?" paglilinaw ko. "Ang sakin lang, inumin mo 'yong gamot mo para makapasok kana. Hanap ka na nila dito." "Hanap mo'ko?" "Hindi. Sila." "E, ikaw?" Natigilan ako. Siyempre, oo. "Ewan ko sa'yo. Kulit mo." narinig kong tumawa siya sa kabilang linya. "Uy, basta, pagaling ka para makapasok kana. Kapag absent ka pa bukas, baka malamangan kita sa susunod na quarter, sige ka." "Blockmail ba 'yan?" "Anong blockmail? Baliw! Totoo 'yan. Inis ako kasi ang talino mo." "Dibale na, top 1 ka naman sa puso ko. Basta, mag-promise ka na 'di ka pupunta sa birthday ng ex mo, ha?" "Hoy. Wala akong sinabing pupunta ako." nang makita kong panay tukso sakin sina Rhian at Ashley ay nag decide na akong tapusin 'yong usapan namin ni Bright. "O, siya, sige na. Bye na." sabi ko at binaba 'yong linya. Pagkatapos no'n, nag decide na kaming pumunta sa bahay nina Gab. Actually, hindi pa ako nakakapunta rito. Siyempre, 'di naman kami legal no'n noon. Nakaka-date ko lang talaga siya kapag nasa school kami. Tapos kapag weekend hindi na. Ang laki ng bahay nila, pero walang second floor. Sa labas naman, ang laki ng garden nila at ang ga-ganda ng mga bulaklak. Wala 'yong parents ni Gab kasi nasa work daw kaya kami-kami lang 'yong mga nandito. Halos mga ka-batch nga namin ang mga nandidito ngayon. Nandito rin si Julian na ka-klase nilang bakla tsaka 'yong ibang mga ka-klase ko last year na ka-klase ni Gab ngayon. Umupo kami sa isang table na walang ni isang may naka-upo. Nilapitan kami ni Gab at tinanong kung okay lang daw ba kami sa gano'ng puwesto. Naki-table rin samin si Callen at Richard na na-hikayat rin na pumunta kasi may inuman. Basta inuman mabilis sila. At dahil mahiyain kaming tatlo na kung ang iba ay may hawak ng inumin tapos kami wala pa. Wala naman kasing ni isa samin ang tatayo para kumuha kaya patingin-tingin lang muna kami sa paligid. Maya maya pa ay may nag offer samin ng wine, at si Colleen 'yon. Ang akala ko e magsisimula na naman siyang magparinig or something pero ang tahimik lang niya ngayong araw at para bang okay lang sa kanya na nandito rin ako. Pagkatapos niyang mag offer ng wine, siyempre hindi naman kami tumanggi. Natuto na rin naman kaming uminom at this age nang dahil sa mga pinagdaanan namin sa buhay. Bumalik si Colleen sa table nila ni Gab at kalmado lang ang lahat sa paligid hanggang sa magkaroon ng tuksuhan sa bandang table nila. Tinutukso ng mga kaibigan niya si Colleen at Gab hanggang sa tanungin siya ng mga kaibigan niya kung gaano niya kamahal si Colleen. Ang sagot pa ni Gab no'n e 100/10. Meron bang gano'n? Ang corny! Yuck! Nakakasuka. Tapos biglang nasingit sa usapan 'yong tungkol sa past ni Gab, which is samin. Tinanong siya ng mga friends niya kung naka-move on na ba siya sakin at Oo naman ang sagot ni Gab. Pero hindi basta-basta naniwala ang mga friends niya at talagang chinallenge siya. "Challenge 'to, bro." sabi ng isa sa mga kaibigan niya at inakbayan siya. "Kung talagang wala ka nang feelings sa ex mo. Hawakan mo ang kamay niya." Nagkatinginan kaming tatlo nina Rhian at Ashley nang marinig namin 'yong challenge sa kanya ng mga kaibigan niya. Siyempre nailipat agad 'yong mga tingin ng mga kaibigan niya at ng mga nandidito sakin habang inaabangan kung hahawakan nga ba ni Gab ang kamay ko. Habang ako naman e pilit na inaalam kung ano ang nagiging reaksyon ni Colleen ngayon. Gusto kong pigilan niya si Gab kasi sa totoo lang, nakakahiya. Ayoko pa naman na napupunta sakin ang attensyon ng iba habang ginagawa akong katawa-tawa. Pero naisip ko lang, chance na rin siguro 'to para malaman ko kung may feelings pa ba ako sa kanya once na hinawakan niya ang kamay ko. Kapag kumabog nang malakas 'yong puso ko o 'di kaya may maramdaman akong spark o 'di kaya makaramdam ako ng kaba, edi mahal ko pa siya. Pero kapag wala akong may kakaibang mararamdaman, ibig sabihin hindi ko na siya mahal. Kaya game ako d'yan. Para rin sa sarili ko 'to. Muli akong napatingin sa table nina Gab at nakita kong walang alinlangang siyang tumayo mula sa kinauupuan niya para patunayan sa mga kaibigan niya na wala na talaga siyang feelings sakin. At dahil handa na rin ako, umayos ako ng upo at naglabas ng isang malalim na buntong hininga. That time, tinanong pa ako ni Ashley at Rhian kung okay lang ako, siyempre tumango naman ako para sabihing ayos lang talaga ako. Nang tumabi sakin ng upuan si Gab, nagsitinginan ang lahat sa gawi namin habang inaabangan 'yong pag-hawak ng kamay sakin ni Gab. Pero bago niya ginawa 'yon, tinanong niya muna ako. "Uy, okay lang ba?" hindi ako nagsalita at tumango lang ako. Tapos hinawakan niya 'yong kanang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng mesa. That time, pumikit ako habang inaalam kung ano 'yong mararamdaman ko. Pero hindi ko alam kung ano nga ba ang mararamdaman. Kasi ang gulo, e. No'ng hinawakan niya ang kamay ko, parang na-miss ko 'yon. Na-miss ko 'yong holding hands namin dati. 'Yon lang naman. Hindi naman bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi naman ako na excite. Parang wala lang. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. At saktong pagmulat ko nang may maaninagan akong pamilyar na lalake na nakatayo sa gate nina Gab na nakatingin dito sa gawi namin ni Gab. Do'n ko lang napagtanto na si Bright pala 'yon. At bago ko pa man alisin ang kamay kong hawak ni Gab, tumalikod at umalis na siya. Agad akong tumayo para habulin siya at paglabas ko ng gate, medyo malayo na siya kaya kinailangan ko pang tumakbo para habulin siya hanggang sa mapantayan ko ang lakad niya. "Bright!" tawag ko sa kanya pero 'di man lang niya ako pinansin at deretcho lang siya sa paglalakad. "Uy, sandali." Sabi ko pa at hinawakan siya sa braso niya dahilan para mapatigil siya at linungnin niya ako. "Mag e-explain ako." kabado kong sabi. "Hindi na." malamig na sambit niya at muling nagsimulang maglakad. "Teka lang," pigil ko at muli niya akong nilingon. "'Yong nakita mo—" "Hindi mo kailangan mag explain. Wala namang tayo. Hindi naman kita girlfriend. Isa pa, kahit nagsinungaling ka sakin, wala naman akong karapatang magalit. Kaya okay lang." muli siyang tumalikod at muling nagsimulang maglakad habang ako naman naiwang nakatulala sa kung saan. At dahil sa pangyayareng 'to, parang naiintindihan ko na ang sarili ko. Hindi ko akalain na hahabulin ko siya nang ganito. Hindi ko akalain na iiwan ko ang ex ko na akala ko mahal ko pa para lang sa taong. . . hindi ko alam na importante pala sakin. No'ng time na 'yon, lumabas ng gate si Callen at saktong nawala na si Bright sa paningin ko kaya 'di niya naabutan. "Anong ginagawa mo rito? Tara, pasok tayo sa loob." yaya sakin ni Callen pero nakatulala lang ako. "Uy." tawag pa niya at nilingon ko naman siya. "Callen, tingin ko, panalo ka." Kumunot 'yong noo ni Callen na tila hindi na gets 'yong sinabi ko, "Ha? Panalo saan?" "Tingin ko kasi. . . May gusto talaga ako kay Bright."

 

 

Chapter 17 A pencil

Ngayong alam ko na sa sarili ko na gusto ko siya, nalugi ako ng limang daang piso dahil sa pustahan namin ni Callen. Pero tama nga siya, gusto ko nga si Bright. Siguro napapansin niya sa kinikilos ko samantalang ako hindi lang aware na may gusto na pala ako kay Bright. Ngayon, malinaw na sakin na wala na akong gusto kay Gab. Hindi ko na siya mahal at nagtagumpay kami ni Bright sa plano dahil naka-move on na ako sa kanya. At ayon na nga. . . Naka-move on nga ako, pero 'yong feelings ko na dapat kay Gab ay biglang lumipat kay Bright. Ang weird, pero tama 'yon. Sabi nga kasi nila, you can't unlove a person that once you loved because only love can replace it. Since alam na ni Callen na gusto ko si Bright, sinabihan ko siyang secret lang muna namin 'to. Sa totoo lang, 'di ko alam kung aamin ba ako o hindi. Hindi ko kasi alam kung papano ko sasabihin sa kanya na may gusto na ako sa kanya. Baka kasi hindi siya maniwala o baka isipin niyang nagbibiro lang ako. At isa pa, nahihiya ako kasi baka isipin niya na laro lang naman dapat tapos itong feelings ko nagkatotoo bigla which is parang ang rupok? Baka pagtawanan pa nga ako no'n kapag nalaman niya na may gusto ako sa kanya. No'ng sumunod na araw, pumasok na si Bright. Magaling na siya. Pero hindi pa kami nagkakausap. Dahil pa rin do'n sa nakita niya sa birthday ni Gab. Hindi ko rin naman kasi in-expect na pupunta siya ro'n. Nag promise pa naman ako sa kanya na hindi ako pupunta tapos mahuhuli niya akong hawak kamay 'yong Ex ko. Ang nakakagulat e, bumitaw ako sa paghawak ng kamay sakin ng Ex ko para lang habulin siya no'ng time na 'yon. Kahit ako sobrang nagulat do'n sa inasta ko. Pero wala namang may nakakita sa kanya no'ng time na 'yon dahil na samin ni Gab 'yong attensyon nilang lahat. Kahit nga si Callen hindi niya nakita si Bright no'n. No'ng breaktime, kinausap ako ni Callen. Sinabihan niya ako na kauspin ko raw si Bright. Kaso lang hindi ko kayang gawin 'yon. Nahihiya ako. At isa pa, baka bigla niya akong sigawan dahil nga obvious na obvious na hanggang ngayon e galit pa rin siya sakin. "Ayoko. Mamaya na lang. Pag medyo okay na." "Anong mamaya kapag medyo okay na? Gawin mo na ngayon." pagpupumilit sakin ni Callen. "Baliw! Pano pag-nagalit sakin 'yan? Kakagaling lang niyan sa lagnat." "Ano konek?" tapos napalingon siya sa gawi ni Bright na nakatalikod samin, "Si Bright lang naman 'yan, e. Mabait 'yan. Alam na'tin 'yon." "Oo alam ko." sagot ko habang nakatitig sa gawi ni Bright. "Kaso lang, hindi ko kaya. Anong sasabihin ko kapag kinausap ko siya? Mag so-sorry ba ako? At teka. . . bakit ko gagawin 'yon? Wala naman akong kasalanan." Pinalo ni Callen 'yong arm ng chair ko, "Meron." sagot niya. "Nagsinungaling ka. Sabi mo sa kanya 'di ka pupunta." "E, ano naman? Bigdeal ba sa kanya kung pumunta ako sa birthday ng Ex ko? E, hindi ko naman siya boyfriend, ah." Nakita kong ngumiti si Callen. 'Yong ngiting parang tinutukso ako sabay sabing, "Malay mo, gusto ka na rin pala ng isang 'yon. Tapos nagtampo siya sa'yo kasi pumunta ka sa birthday ng Ex mo." Ops! True kaya 'tong sinasabi sakin ni Callen? May gusto rin sakin si Bright? Hmm. Parang ang labo? Pero. . . possible rin? Kasi ang bait-bait niya sakin. Tinutulungan niya ako, tapos 'yong mga ngiti niya kapag kasama niya ako abot hanggang tenga, tapos lagi siyang excited kapag alam niyang magcha-chat kami. Ang tanong, may gusto rin kaya siya sakin? "O? Naka smile ka d'yan? Iniisip mo kung may gusto siya sayo, 'no?" panunukso pa sakin ni Callen. Sinamaan ko siya ng tingin, "Tigilan mo kakapanukso sakin, Callen. Kapag narinig ka niya dahil d'yan sa bunganga mo, lagot ka talaga sakin." Pero si Callen tumawa lang. "Bakit, anong gagawin mo?" tanong niya dahilan para maasar ako. Hindi ko na lang siya pinansin pagkatapos kasi alam kong inaasar lang niya ako. Walang sense kung patuloy ko siyang sasagutin. No'ng uwian, lalapitan ko sana siya para kausapin. Ayoko naman kasing matapos ang araw na 'to nang hindi kami naguusap. Baka kasi magtuloy-tuloy hanggang sa masanay siyang hindi na ako nakakausap. Kaya naman huminga ako ng malalim bago ako bumuntong hininga tsaka tumayo mula sa kinauupuan ko para lapitan siya nang biglang tumayo rin si Colleen para lapitan si Bright. Hindi ko na nagawang lapitan si Bright no'ng time na 'yon. Tanging pinagmasdan ko na lang si Colleen at pinakinggan sa kung anong sasabihin niya kay Bright. "Uy, libre ka ba ulit mamaya?" tanong niya kay Bright. "Pwedeng chat ulit tayo? Turuan mo naman ako sa math." Napatingin ako ka Bright at nakita kong tumango siya kay Colleen sabay sabing, "Sige ba." Nagulat ako kasi ang dali niyang um-oo. Ang sakit kaya na um-oo siya sa iba. Alam kong OA itong nararamdaman ko, pero ito kasi talaga ang nararamdaman ko. Nasasaktan akong nakikita silang ganito. Parang gusto kong hilahin si Bright papalayo kay Colleen. Ayoko ring nakikitang nagkatitigan sila. Gusto ko sakin lang siya nakatingin. "Ano pang hinihintay mo? Hamunin mo na siya ng sabunutan." bulong sakin ni Rhian na hindi ko namalayan napansin na pala niya akong nakatitig kay Colleen at Bright. Bumuntong hininga na lang ako at tsaka kinuha 'yong bag ko tsaka lumabas ng classroom. Si Rhian kasi susunduin siya ni Shawn dito. Si Ashley naman pumuntang canteen kasi may binili, pero nakasalubong ko siya sa may hallway at nakapaskil sa mukha niya 'yong ngiti niya na parang may naisip na bright idea. "O, Ashley, anong meron?" Tapos hinila niya ako at dinala sa may pinakadulo ng hallway tsaka sinabi 'yong bright idea na naisip niya. "Ganito kasi 'yan, kagabi hinamon ko si Rhian na makipag-bati kay Callen. Tapos sabi niya wala siyang paki. Gawin ko raw kung ano 'yong gusto ko. Kaya naisip ko na pagbatiin natin sila ngayon." "Ha? Papano natin gagawin 'yon? Asan ba si Callen? Baka umuwi na 'yon." sagot ko at umiling naman si Ashley. "Nasa may canteen. Mukhang pabalik na siya rito." sagot niya. "May tao pa ba sa room?" Sino pa ba tao sa classroom namin? Si Colleen, Bright at Rhian. Nando'n pa si Colleen. Kaya nga ako lumabas, e. "Meron pa." "Sino?" "Si Colleen at Bright tsaka si Rhian." "O, e palabasin mo 'yong dalawa." utos sakin ni Ashley at napalaki naman 'yong mata ko. "Hala! Papano ko gagawin 'yon? Anong sasabihin ko sa kanila?" "Gawan mo na lang ng paraan." tapos napalingon kami sa likod naming which is sa medyo malayuan e nando'n si Callen naglalakad na mukhang pabalik ng classroom kaya nagpanic kami. "Sige na. Gawan mo na ng paraan. Ako bahala kay Callen." "Ano ba gagawin?" "Palabasin mo si Colleen at Bright sa classroom tapos i lo-lock na'tin si Callen at Rhian do'n." Matapos sabihin ni Ashley 'yon ay hindi na ako nakapag-isip at tumakbo na ako pabalik ng classroom. Bahala na kung anong masabi ko kay Colleen at Bright para palabasin sila ng classroom. Pagdating ko ng classroom, nagulat silang tatlo sakin kasi kaka-preno ko lang sa sarili ko no'n kasi tumakbo ako at agad na dumaretcho kay Colleen na kausap pa si Bright. "Colleen," tawag ko sa kanya. "Tawag ka ng boyfriend mo." "Asan siya?" tanong sakin ni Colleen. Siyempre nag-isip naman ako ng maisasagot kahit na nag i-imbento lang naman talaga ako ng kuwento. "Nasa classroom nila." sagot ko at tumayo naman si Colleen at nagpaalam kay Bright bago lumabas ng classroom. No'ng makalabas si Colleen, nagtama ang mga tingin namin ni Bright. Ang awkward no'n pero nilakasan ko pa rin ang loob ko para makausap siya. "Ano kasi . . ." napakamot ako sa ulo habang nag-iisip kung papano ko i-explain sa kanya 'to. "Uhm, labas ka muna. Tsaka ko na lang ipapaliwanag sa'yo mamaya." at dahil wala nang oras, kinuha ko na lang 'yong braso niya para sana hilahin siya palabas ng classroom pero nagulat ako nang makita kong wala na si Rhian sa classroom kaya napatigil ako. "Asan si Rhian?" tanong ko sa kanya. "Kakalabas lang." sagot ni Bright. "Bakit, ano ba meron?" Hindi ko siya sinagot at na badtrip ako kasi lumabas si Rhian. Edi, sira na 'yong plano namin ni Ashley na pagbatiin sila ni Callen. Muli kong nilingon si Bright, "Wala na. Sira na 'yong plano." "Ha?" kunot noong tanong niya. "Anong plano?" Hindi ko na nasagot ang tanong niya nang biglang marinig namin ang pagsara ng dalawang pinto ng classroom. As in sabay pang nagsara. Tapos may narinig akong tawanan sa labas na parang boses ni Rhian at Ashley. Sa gulat namin ni Bright ay nagkatinginan na lang kami na tila tinatanong ang isa't isa kung anong nangyayare. Agad akong tumakbo papunta sa may bandang pinto at kinatok 'yon, "Hoy! Rhian, Ashley!" sigaw ko. "Alam kong kayo 'yan. Buksan niyo 'to!" sigaw ko habang pinapalo ng malakas 'yong pinto. "Sorry, Deyn." rinig kong sabi ni Ashley sa labas. "Na utusan lang ako." "Akala mo, ha!" sigaw naman ni Rhian. "Hoy! Di ko kayo gets." sagot ko. "Ashley, ano ba 'to? Akala ko ba si Rhian at Callen ang pagbabatiin na'tin." "Hindi na kailangan!" sagot ni Callen. Nagulat ako kasi nando'n din siya at kasabwat siya nina Rhian at Ashley. "Bati na silang dalawa, Deyn. Kayo na lang ni Bright ang hindi." sagot pa ni Ashley. Gosh! Napasandal ako sa pinto. Naloko ako ni Ashley. Talagang paniwalang paniwala niya ako kanina sa plano niya tapos ako lang rin naman pala 'yong target? Anong gagawin ko ngayon? Kasama ko si Bright sa classroom nang kaming dalawa lang. Tapos mukhang malabong pagbubuksan kami ng mga kaibigan namin hangga't hindi kami nagkakaayos. "Magbati na kayo, ha." dagdag pa ni Callen. "Babalikan namin kayo after one hour." sagot pa niya bago ako nakarinig ng footsteps nila na mukhang umalis na. At dahil nahihiya akong harapin si Bright, nagkunware akong hindi alam na umalis na sina Callen at panay palo pa rin ako sa pinto sabay sigaw ng "Hoy, Buksan niyo ang pinto! Uuwi na kami!" kahit na alam kong wala na sila ro'n. "Tama na 'yan." biglang sabi ni Bright kaya nilingon ko siya. Bumuntong hininga ako, "Sige na nga. Mag so-sorry na ako sayo. Alam ko kasing ginagawa nila 'to kasi gusto nilang magkabati tayo. Narinig mo naman 'yon kanina, hindi ba?" Lumapit siya sakin, ako naman umiwas ng tingin. Ewan, pero parang 'di ko siya kayang titigan sa mata ng malapitan. "Hindi mo naman kailangan mag-sorry. Wala ka namang kasalanan." sagot niya, nakangiti. Nakangiti siya na parang okay na talaga kami. "Hindi. Kasi nagsinungaling ako sayo. Sinabi kong hindi ako pupunta pero 'yong totoo e pumunta ako." "Desisyon mo 'yon, wala naman akong karapatang pigilan ka sa mga bagay na gusto mong gawin. Isa pa, hindi naman talaga na'tin gusto ang isa't isa. Alam na'tin 'yon pareho." Mali siya. Kasi ako gusto ko na siya. At ewan ko ba, pero parang bigla akong nalungkot dahil sa sinabi niya. Natigilan kami pareho nang may narinig kaming bagay na nahulog sa labas ng classroom tapos footsteps na parang tumakbo palayo kaya naman nanlalaki ang mga mata ko dahil pakiramdam ko may nakarinig sa sinabi ni Bright. "May tao ba sa labas?" kabadong tanong ko. Gusto ko sanang i-check kaso na lock kami rito sa loob kaya hindi namin nagawang i-check 'yon. "Hayaan mo na." sagot niya. "Kung sino man 'yon, wala na siyang paki ro'n." tapos bumuntong hininga siya ng sobrang lalim. "Text ko na ba si Callen na ilabas tayo rito?" Tumango ako. Pero sa totoo lang, napipilitan lang akong tumango. Kasi ang totoo niyan e parang ayoko pang umalis kami rito. Parang gusto ko pa ng maraming oras na kasama at kausap ko siya. Ewan ko ba, parang namamalimos ako ngayon ng oras na makasama ko siya. Pero anong magagawa ko? E, gusto na niyang umalis dito, e. At ayon, tinext nga niya si Callen. Ayaw pang maniwala ni Callen na nagkaayos na kami at kinailangan pa niya kaming ivideo call para makitang bati na nga kami. Pagkatapos no'n, pinagbuksan niya kami ng pinto. At saktong paglabas namin nang may makita akong ballpen sa labas ng classroom. Ito siguro 'yong nahulog kanina ng taong nakarinig sa usapan namin ni Bright. O kung narinig nga ba niya 'yon. Malay ko bang may sout na earphones 'yon tapos 'di niya narinig ang usapan namin. Pati nga ballpen niya na nahulog parang hindi niya napansin. Pinulot ko 'yong ballpen pero muli kong nabitawan 'yon nang magsalita si Bright. "Kay Colleen 'yan, ah." sabay turo do'n sa ballpen. What the F! Nahawakan ko 'yong ballpen ng taong pinakanaiinisan ko. Gulat kong nilingon si Bright no'ng sinabi niyang kay Colleen ang ballpen na 'to. "Kung kay Colleen 'to, ibig sabihin. . . siya 'yong nakarinig no'ng sinabi mo kanina." Natahimik si Bright. Kita ko sa mukha niya na sumasang-ayon siya sa sinabi ko. Tapos lumapit siya sakin para sana kunin 'yong ballpen, "Akin na. Ako na magsusuli." Pero kinuha ko 'yong ballpen na 'yon at hindi binigay sa kanya. "Akin na 'to." sabi ko. "Nahulog na no'ng may ari kaya akin na 'to." inis kong sabi. "Uy, para ballpen lang pinag-aagawan niyo. Magkano ba 'yan?" singit ni Callen pero sinamaan ko lang siya ng tingin tsaka ko tinago 'yong ballpen ni Colleen sa bag ko at nagsimulang maglakad paalis.                               *** No'ng sumunod na araw, na perfect ni Colleen 'yong quiz sa Math samantalang ako naka-anim na mali. Nainis na naman ako kasi lamang na namin siya sakin. No'ng time na 'yon, nainis ako sa sarili ko kasi hindi ko masyadong sineryoso 'yong quiz kaya ayon, nakalamang na naman siya sakin. Bumuntong hininga ako ng sobrang lalim habang nakatitig sa score ko. "Ayos lang 'yan." saad ni Rhian at tinapik ako sa likod ko. Nilingon ko naman siya no'n kasi napagtanto ko 'yong sinabi nila kahapon na bati na sila ni Callen kaya napatanong ako. "Pano kayo nagbati ni Callen?" "Sa chat." sagot niya. "Chinat ko siya gamit 'yong account ni Shawn since binlock niya ako sa account ko." "Tapos nagkabati na kayo pagkatapos?" Tumango siya, "Oo. Okay na kami ngayon. Nagkakausap na kami pero hindi na nga lang siya kagaya no'ng dati." Ramdam ko sa boses ni Rhian 'yong lungkot. Alam kong nalulungkot siya kasi hindi na kagaya ng dati ang lahat. Medyo iba na ngayon kasi naging kumplikado ang lahat no'ng mga nakaraan. Pero ayos na rin siguro 'yong ganito. At least okay na sila. Pero ako kaya? Kapag umamin ba ako kay Bright na gusto ko siya, may magbabago kaya? Magbabago kaya 'yong friendship namin? Hays. Bakit ko ba 'to tinatanong sa sarili ko e hindi ko nga maisasagot 'to. Sinandal ko 'yong likod ko at napatingin sa babaeng nasa harap ko na ngayon. Walang iba kundi si Colleen. "Perfect score ako." aniya. Tinaasan ko naman siya ng kilay pagkatapos. "Hindi naman ako nagtanong kung ilan 'yong nakuha mong score." sagot ko. Narinig kong tumawa sina Rhian at Ashley sa sinabi ko at napa-irap naman sa kanila si Colleen bago ako sinagot. "Sinasabi ko lang, baka kasi isipin mo na naman na nag-cheat ako." tapos tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, "Judgemental ka pa naman." Narinig kong nag 'ohh' 'yong dalawang kaibigan ni Colleen.   Imbis na mainis ako, tinanggap ko 'yong sinabi niya. Kasi oo, alam ko sa sarili ko na judgmental ako lalo na pagdating sa kanya. Sa kanya lang ako gano'n kasi mukhang hindi naman talaga siya mapagkatiwalaan. Tumayo ako para mapantayan 'yong mukha niya. Pinigilan pa ako nina Rhian kasi akala nila may gagawin ako kay Colleen pero binigyan ko sila ng tingin na parang sinasabing 'ako na bahala, kaya ko 'to' bago ko muling nilingon si Colleen. "Alam mo kasi, tama ka naman, e." mataray kong sabi habang mariin siyang tinititigan sa mata. "Judgemental nga ako at aware ako do'n. Pero ikaw? Aware ka ba na cheater ka? Tanggap mo ba 'yon sa sarili mo na gano'n ka?" Biglang nag 'ohh' sina Rhian at Ashley at tahimik naman 'yong mga kaibigan ni Colleen. Pero siyempre dahil isang dakilang maldita itong si Colleen at ayaw niya na natatalo siya, hindi pa nagtatapos do'n ang lahat. "Bakit ba lagi mo na lang akong pinagbibintangang cheater? E, wala ka namang proof?! Even our teacher's never caught me." "'Cause I know that top students like you could cheat too. And you did it pretty well." "Fine! Cheater na kung cheater!" sigaw niya. "Bakit? Naiinggit ka? Kahayahin mo kung gusto mo." panghahamon niya. "Oh, sorry. Pero hindi ko gagawin 'yon. Kasi ako? Patas ako kung lumaban, e. Alam ko kasi 'yong masama at hindi at 'yong tama at mali." "Oh, Really?" inis na sabi ni Colleen. "E, kung ilabas ko kaya 'yong baho mo ngayon?" Lalo ko siyang tinaasan ng kilay. Pero bago ko pa man siya hamunin do'n sa sinasabi niya ay natahimik kami pareho nang biglang pumagitna samin si Bright. "Tama na 'yan. Break time na. Hindi pa ba kayo nagugutom?" tanong niya samin ni Colleen. Do'n lang namin na realize na break time na pala. 'Yong mga kaklase namin e nagsitayuan na at lumabas ng classroom para bumili ng pagkain. At dahil do'n, naudlot 'yong pagtatalo namin ni Colleen. No'ng uwian naman, tsaka ako kinausap ni Bright tungkol sa score ko kanina sa Math at sa score ni Colleen. "Tanggapin mo na lang 'yang score mo. Isipin mo na lang na 'yan lang ang kaya ng utak mo ngayon. Pero 'di ibig sabihin na hindi mo na kayang ma perfect 'yong mga susunod na quiz sa math. Alam kong kaya mo naman." "Alam ko. Pero nakakainis si Colleen, e." "Na perfect niya 'yon kasi nag-aral siya ng maigi. Tsaka, nagpapaturo siya sakin lagi." Wow naman! "Edi mabuti. Siya tinuturuan mo pero ako hindi." inis kong sabi at gulat naman niya akong nilingon. "Teka, nagseselos ka?" Ayokong sabihing oo kahit na nagseselos nga talaga ako. Kaya naman inibi ko 'yong usapan. "Bakit ka ba kasi umepal kanina?" Alam kong gusto niyang sagutin ko 'yong tanong niya kung nagseselos ako kay Colleen pero wala siyang choice at sinagot na lang niya 'yong walang kwentang tanong ko. "Sinabi niya kanina na ilalabas niya 'yong baho mo. Hindi kaya 'yon 'yong tungkol satin?" Kumunot 'yong noo ko, "Ha? Anong satin?" "'Yong narinig niya. Baka siya talaga 'yon tapos narinig niya 'yong sinabi kong hindi naman talaga na'tin gusto ang isa't isa." May point siya. Baka 'yon nga 'yong tinutukoy ni Colleen. Kinuha ko 'yong ballpen niya sa bag ko at tinitigan 'yon. "Kay Colleen nga ba 'to? O hindi?" tanong ko habang seryosong nakatitig sa ballpen. "Pero kung siya nga 'yong nagmamay-ari nitong ballpen at narinig niya 'yong sinabi mo, bakit hindi niya pinagkalat agad?" tanong ko pa. "Siguro kasi hinayaan na lang niya para tuluyan ka nang hindi bumalik sa ex mo." May point na naman siya. Bakit kaya ganito siya kung mag isip? Ang dali niyang makapag isip ng mga possibleng bagay. Feeling ko tuloy gustong gusto ko na siya. "Okay na rin 'yong hindi niya pinagkalat." dagdag pa niya bago siya sumandal sa likod ng upuan niya. "Bakit, ayaw mo bang malaman ng lahat na hindi naman talaga na'tin gusto ang isa't isa?" seryosong tanong ko. "Oo." sagot niya dahilan para mapangiti ako bigla. As in napangiti ako sa sobrang tuwa at hindi ko alam kung papano pa alisin ang mga ngiti ko ngayon sa labi ko habang nakatitig sa kanya. Alam kong hindi dapat ako ngumi-ngiti sa kanya kasi baka isipin niyang kinikilig ako pero—shets, hindi ko mapigilan. Maya maya pa ay tumahimik ang buong paligid. Wala akong ibang naririnig sa classroom kundi boses ng mga iilan sa mga ka-klase ko na naka-upo sa harap. Tapos may dumating na taga ibang section. Uwian na rin naman kasi kaya pwede na silang pumasok sa classroom namin at niyaya nila 'yong mga kaibigan nilang nasa section namin na umuwi na kaya nagsi-alis na sila at kaming dalawa na lang ni Bright 'yong naiwan dito. Gusto ko nang umuwi para mabasag 'yong katahimikan namin kaso lang parang ayoko pang matapos ang araw na 'to. Nilingon ko siya, no'ng time na 'yon may binabasa siyang magazine. Ewan ko lang kung ano 'yon kasi hindi naman ako interesado. Tapos napatingin siya sakin nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Iiwas sana ako ng tingin nang bigla siyang magsalita kaya nag stay 'yong mga titig ko sa kanya. "Siya nga pala, hindi mo ba talaga ako naaalala?" tanong niya na ipinagtaka ko. Ang random kasi ng tanong niyang 'yon tsaka sa pagkakaalala ko, parang hindi ko naman siya kilala before. Nitong nagtransfer lang siya rito nang makilala ko siya. "Bakit, nagkita na ba tayo dati? Dahil ba sa Mommy mo at sa Mama ko?" tanong ko habang hinuhulaan kung ano pa 'yong mga possibleng dahilan kung papano kami nagkakilala. "Hindi." sagot niya na may kasamang iling at sinara 'yong magazine na binabasa niya. Tapos may kinuha siya sa bag niya tsaka pinakita 'yon sakin. Nagulat ako kasi 'yon 'yong lapis na nakita ko sa pencil case niya dati. 'Yong lapis na Barbie 'yong design. "Ano 'yan?" tanong ko don sa lapis kaya binigay niya 'yon sakin. "Tingnan mo maigi para malaman mo." sagot niya at kinuha ko naman 'yon sa kanya at tiningnan maigi 'yong lapis. May pangalan na nakalagay do'n at inikot ko 'yong lapis para mabasa ko kung ano 'yong pangalan at nagulat ako sa nabasa ko. Danielle Legaspi Grade 1 Camia Nanlalaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong sakin 'yong lapis na 'yon at gulat ko naman siyang nilingon. Nakangiti siya no'n knowing na alam ko na kung sino ang nagmamay-ari ng lapis na hawak ko. "Sakin 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko at tumango naman siya. "Sinabi mo no'ng nakita mo 'yan na meron ka ring ganyan dati, hindi ba?" tanong niya at tumango naman ako. "Pero hindi ko naman in-expect na ito 'yon." "'Yan nga 'yan." sagot niya.   Hindi ako makapaniwala. Kung sakin 'to, bakit nasa kanya? "Naalala mo no'ng grade 1 tayo?" tanong niya pero umiling ako. Nakalimutan ko na kasi. Ni hindi ko nga maalala na naging ka-klase ko siya no'ng grade 1. Para lang akong nagka-amnesya at biglang nakalimutang ka-klase ko pala siya. "Magka-klase tayo." pagpapatuloy niya. "Hiniram ko sayo 'yong lapis na 'yan kasi nabali 'yong lapis ko at wala akong sharpener no'ng time na 'yon kaya nanghiram ako sayo." kuwento niya. Muli akong napatitig sa lapis na hawak ko. Ang galing. Halos pitong taon na rin ang nakalipas tapos itong lapis ko e nandito pa. At talagang tinago niya sa loob ng pitong taon. "No'ng grade 1, hindi ka masyadong palakibong tao no'n kaya hindi kita kinakausap. Naisip ko kasi na baka deadmahin mo ako." dagdag pa niya. "Pero hindi kita naaalala. Ni hindi ko na nga matandaan na nanghiram ka sakin ng lapis tapos tinago mo pa sa loob ng halos pitong taon." sabi ko at nakita ko namang medyo natawa siya. "Ang totoo kasi niyan, nag transfer agad ako ako pagkatapos ng isang linggo." "Nag transfer ka? Bakit?" "Nilipat ako ni Mama sa private school. Kaya hindi ko na nagawang isuli sa'yo 'yan." sabi niya sabay turo sa lapis na hawak ko. "At ngayong nagkita na ulit tayo, gusto kong isuli sa'yo 'yan." Napangiti ako. Ang cute kasi. "Kung gano'n, bakit ngayon mo lang sinulit? E, halos dalawang buwan na tayong magkaibigan." Tapos napakamot siya sa ulo niya, "Nahiya kasi ako." nahihiya niyang sabi. Natawa ako. Hindi dahil nakakatawa siya. Ang cute lang kasi talaga niya. "Kung gano'n, hindi mo nakalimutan 'yong pangalan ko kahit na nag-transfer ka ng school?" "Hindi naman." sagot niya. "Nakatatak na rin sa isip ko 'yong pangalan mo." tapos tinuro niya 'yong lapis, "Lalo na't nakalagay 'yan d'yan." Napatingin ako sa lapis. Do'n ko lang napagtanto na nandito nga pala nakalagay 'yong pangalan ko at may kasamang year at section pa. "Naalala mo 'yong Sunflower na pinitas mo? 'Yong kwinento ni Callen?" tanong pa niya. Bigla akong nakaramdam ng hiya no'ng binanggit niya 'yon. "Uy, ano ka ba. Wag mo nang balikan 'yong nakaraan. Nakakahiya kaya 'yon. Isa pa, bata pa ako no'n. Lahat naman tayo nakakagawa ng mali no'ng mga bata tayo." Dahil do'n, tumawa siya. "Ang totoo kasi niyan." tapos tumawa siya ulit. Gusto ko sanang mapikon kaso ang cute niya. Ganito pala kapag crush o gusto mo 'yong isang tao, ano? Imbis na mapikon o maasar ka e hindi natutuloy. "Samin 'yong bulaklak na 'yon." kuwento niya dahilan para matigilan ako sa sobrang gulat. This can't be. "Hoy, seryoso ka?" "Oo nga." sagot niya tapos tumawa ulit. "Ako 'yong sumita sayo. Nasa second floor ako no'n kaya kitang kita kita no'n." Anak ng! Papanong siya 'yon? "Kung ikaw 'yon, bakit hindi mo agad sinabi?" "Ayoko lang na mapahiya ka kaya hindi ko na lang sinabi. Tsaka. . ." napatingin siya sa ibang lugar at nakita kong ngumiti siya. 'Yong ngiting parang kinikilig ba 'to o hindi? Basta, ngumiti siya bago ako muling nilingon, "nag sent ako sa'yo ng friend request no'ng grade 6 pero 'di mo'ko inaccept." Bigla kong naalala na bago ko pa man siya naging friend sa social media e 2 years ago na 'yong friend request niya sakin. Tama siya, in-add nga niya ako no'ng grade 6. "Actually, alam ni Callen 'yon. Kasi no'ng nag youth camp kami, sa kanya ko tinanong 'yong facebook account mo." "Pero hindi ko napansin 'yong friend request mo no'n. Sorry." Nakita kong naglabas siya ng maliit na ngiti, "Gano'n ba? Akala ko kasi ayaw mo'kong maging friends." "Uy, hindi ah. Hindi ko lang talaga napansin." Tapos tumayo na kami pareho at nagsimulang maglakad palabas ng classroom. Pero bago pa man mawala sa isip ko 'yong kanina ko pa gustong itanong sa kanya at naglakas loob na akong itanong sa kanya 'yon. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya kaya napatigil rin siya sa paglalakad. "May itatanong ako sa'yo." Tumango siya, "Sige." "Sino 'yong mas maganda, ako o si Colleen?" Nakita ko sa mukha niya na hindi niya inasahang itatanong ko 'yon sa kanya. "Anong klaseng tanong 'yan." "Sagutin mo na lang." Lumunok siya ng laway saglit bago napilitang sagutin 'yong tanong ko. "Si Colleen." sagot niya. "So panget ako?" sabay turo sa sarili ko. Tapos nag-explain siya. At talagang nag-explain pa siya, ah. "Si Colleen kasi siya 'yong tipo na ideal girl ng Karamihan. Lahat sila gusto 'yong ganda niya." sagot niya at wala hindi naman ako nagkapagsalita. Tatalikod na sana ako para magsimula ulit maglakad nang mapagtanto kong hindi pa siya tapos magsalita. "Tapos ikaw. . . gusto ko." dagdag pa niya. Wait, ano raw? "Gusto mo'ko?" gulat na tanong ko. Tumango siya, pero iba 'yong sinabi niya. "Gusto ko 'yong ganda mo." Ano ba talaga 'yong gusto niya? 'Yong ganda ko o ako? Pero dibale na, nakangiti nga ako ngayon, e. Pero bago pa man niya malaman sa sarili ko na nakangiti ako dahil kinikilig ako ay tumalikod na ako para hindi niya makita 'yong namumula kong mukha. Nagsimula akong maglakad at alam kong nakasunod siya sa likod ko. At habang naglalakad ako, hindi ko maalis-alis ang mga ngiti ko sa labi ko habang iniisip 'yong sinabi niya sakin noon na may crush siya since grade 1 na hanggang ngayon e crush pa rin niya. At dahil do'n, hindi ko mapigilang hindi isipin na possibleng ako 'yong crush niya na tinutukoy niya.

 

 

Chapter 18 A Scratch Paper

Nong weekend hindi kami nagkita-kita ng mga kaibigan ko. Panay chat lang kami sa messenger at siyempre ka-chat ko rin si Bright. Pero as usual, lagi siyang mas nauunang nag lo-log out. Naiinis na nga ako kasi ako lagi 'yong last chat saming dalawa. Pero ayos lang, siya naman kasi 'yong nag fi-first move para maka-chat ako. Hindi ko pa rin makalimutan 'yong sinabi niyang gusto niya ang ganda ko. Kinilig ako ng sobra-sobra no'n, 'di ko lang masyadong pinahalata. Tsaka hindi rin ako makapaniwalang magka-klase pala kami no'ng grade 1. Kahit anong pilit ko kasing alalahanin kung may ka-klase akong Bright ang pangalan noon, wala akong matandaan. Sabagay, hindi naman siya tumagal kasi lumipat agad siya sa ibang school kaya hindi ko siya maalala. Kwinento ko 'yon kina Rhian at Ashley sa group chat namin. Kahit sila hindi rin makapaniwala. At siyempre, gaya ko, kinilig sila kasi iniisip nilang destiny talaga kami sa isa't isa kahit pa no'ng mga bata pa lang kami. Pagkatapos ng weekend, Monday na naman ulit. And guess what? Birthday  niya ngayong araw. Gusto ko sana siyang bilhan ng gift no'ng Saturday kaso lang hindi ko alam kung ano ba 'yong gusto niya. Chinat ko si Callen para magpatulong pero ang sabi sakin ni Callen hindi ko na raw kailangan gumastos kasi alam niyang hindi naman humihingi ng mga kung anong bagay si Bright. Sabi pa ni Callen, 'yong makita lang daw ako ni Bright sa mismong araw ng birthday niya, okay na raw 'yon. Hindi ko na raw kailangan pang gumastos. Nagplano silang pumunta sa bahay ni Bright mamaya. Actually, walang alam si Bright dito. Plano lang 'to nina Shawn at Ian tapos niyaya nila kami na sumama mamaya. At talagang bumili pa sila ng nga confetti at balloons tsaka mga pwedeng kainin mamaya pag nag celebrate kami sa bahay nina Bright. At dahil secret ito, kailangan naming mag ingat para hindi niya malaman ang plano namin. No'ng break time, nagpunta kami sa may canteen para do'n pag-usapan 'yong mga gagawin mamaya. Kaso lang, medyo weird 'yong plano kasi. . . "Papano na'tin siya ma su-surprise kung pagdating na'tin sa bahay nila mamaya e tsaka pa tayo maglalagay ng mga designs?" tanong ko sa kanila. Napalingon silang lahat sakin matapos kong sabihin 'yon. "May point si Deyn." sagot ni Ashley habang nakatango. "Edi, hindi na surprise 'yon." "Surprise pa rin naman 'yon." depensa ni Ian. "Pag kumatok tayo mamaya sa pinto ng bahay nila, itong confetti," tapos kinuha niya 'yong confetti na nakalagay sa malaking plastic at pinakita samin sabay sabing, "Papuputukin na'tin pagbukas niya ng pinto. Tapos sabay-sabay tayong sisigaw ng surprise. At kapag nangyare 'yon, ma su-surprise siya. Tsaka na tayo maglagay ng designs pagkatapos." paliwanag ni Ian. Medyo weird 'yong suggestions ni Ian pero pwede na rin siguro 'yon. "Teka, alam na ba ng Mom at Dad niya na pupunta tayo sa bahay nila?" tanong naman ni Rhian na parang nag-aalala pa. "Baka hindi tayo pwede ro'n kasi alam nilang magkakalat lang tayo." "Nagpaalam na ako sa Mom niya." sagot ni Shawn. "Tsaka, wala sila do'n mamaya kasi night shift sila pareho ng Dad ni Bright. Kaya tayo-tayo lang. Pwede tayong mag stay do'n hanggang hating gabi." "Okay, sige. Mabuti nga 'yan." nakangiting sagot naman ni Callen. Buti naman at nagkasundo na si Callen at Shawn pati na rin si Rhian. Isa pa, mukhang okay na naman si Callen. Parang balik na sa dating gawi sa tuwing nasa paligid niya si Rhian. Tanggap na siguro niya na hanggang friends lang talaga silang dalawa. Ang lungkot ng kuwento nilang dalawa. Hindi ko talaga in-expect na mahahantong sila sa ganito. Akala ko pa naman sila talaga 'yong magkakatuluyan. Kinikilig pa naman ako sa kanila noon. Pero. . . siguro, hindi talaga sila ang para sa isa't-isa at wala na tayong magagawa do'n. Pagkatapos naming pag-usapan 'yong tungkol sa plano, bumalik na kami sa kanya-kanya naming mga classrooms tapos nag-start na naman ulit 'yong klase hanggang sa nagtuloy-tuloy ang klase hanggang sa mag-uwian na. No'ng time na 'yon nilapitan ako ni Bright at niyayang samahan siyang pumunta ng library. Hi-hindi sana ako kasi paguusapan pa namin nina Callen kung anong oras kami pupunta sa bahay nina Bright mamaya. Kaso lang, pinilit ako nina Rhian at Ashley na samahan na lang siya since birthday naman niya gamit ang isang mapanuksong tingin. Kaya ayon, wala akong choice kundi ang samahan siya. At sa totoo lang, hindi ko pa siya nababati ng happy Birthday simula kanina. Ni-reserved ko kasi talaga 'yong greetings ko para sa kanya mamaya. At ayon na nga, sinamahan ko siya sa library at habang naglalakad kami patungo ro'n ay hindi niya maiwasang itanong sakin kung kamusta na 'yong feelings ko kay Gab. Napatigil ako sa paglalakad nang makarating kami sa bandang stairs tsaka ko siya sinagot, "Ewan ko ba, pero feeling ko, hindi ko na siya gusto." seryosong sagot ko at gulat naman niya akong nilingon. "Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong niya at naglabas naman ako ng isang maliit na ngiti. "Papano mo nasabi?" tanong pa niya na animo'y natutuwa. "Basta, na realize ko na lang isang araw na hindi ko na siya gusto. Alam mo 'yong feeling na parang naglaho na lang bigla 'yong feelings mo sa isang taong akala mo e mahal mo pa? Tipong sa isang iglap ma re-realized mo na lang na hindi mo na pala siya gusto." sagot ko naman. "Kung gano'n naka-move on kana sa kanya?" paninigurado niya. Ngumiti ako sabay tango, "Oo." "Effective ba 'yong ginawa na'tin pagpanggap? 'Yon ba 'yong dahilan kung bakit mo siya nakalimutan?" Napaisip ako kung 'yon nga ba, pero hindi ako sigurado kung 'yong pagpapanggap nga ba 'yong dahilan o baka siya mismo. "Hindi ko alam." sagot ko. Pero siyempre, hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na gusto ko siya. Natatakot ako umamin kasi baka sa isang iglap masira 'yong pagkakaibigan namin once na malaman kong hindi pala parehas anv nararamdaman namin sa isa't isa. Kaya mas okay siguro kung hayaan na lang munang lumipas ang mga araw o kung hihintayin siyang maunang sabihin ang nararamdaman niya sakin kung meron man. Hays. "Ngayong naka-move on kana sa kanya, gusto mo pa bang ituloy ang pagpapanggap na gusto mo'ko?" seryosong tanong niya na hindi ko naman inasahan. Ewan ko ba pero bigla akong nataranta kasi feeling ko e parang gusto na niyang tapusin 'to pero hinihintay na lang niya 'yong kung ano man ang magiging desisyon ko. Sa totoo lang, ayoko talagang tapusin na namin 'to. Gusto kong mapanatili lang sa ganito ang lahat. Gusto kong hayaang isipin ng lahat na gusto namin ang isa't isa. Nang sa gano'n ay maging pantay ang totoong nararamdaman ko sa kanya, kahit 'yong sa kanya e akala lang ng iba. Akala lang nila na gusto niya ako samantalang ako ay totoong gusto na siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya naman binalik ko sa kanya 'yong tanong. "E, ikaw? Gusto mo pa rin bang ituloy ang pagpapanggap na gusto mo rin ako?" pabalik kong tanong. Bago pa man niya ako sinagot ay nakita kong napa-isip muna siya. Di ko alam kung anong iniisip niya ngayon, pero isa lang ang masasabi ko at 'yon ay ang sana hindi pa matatapos dito ang lahat. "Depende sa magiging sagot mo." sagot niya. "Kung ano 'yon sagot mo, 'yon na rin 'yong sagot ko." Nakahinga ako ng maluwag. Sakin pala nakasalalay 'to. Buti naman kung gano'n. At dahil sakin nakasalalay ang magiging desisyon niya, gagawin ko ang kung ano man ang gusto ng puso ko. Siyempre, pagkakataon ko na 'to, e, sasayangin ko pa ba? "Uhm, siguro mas okay kung ipagpatuloy." sabi ko na may kasamang kunting tawa na halatang nahihiya "isa pa, baka magulat 'yong mga kaibigan na'tin kapag nalaman nilang lahat na walang katotohanan ang lahat ng tungkol sa'tin." palusot ko. Sana maniwala siya na 'yan talaga 'yong reason ko kung bakit gusto kong ipagpatuloy pa 'tong pagpapanggap. No'ng hindi siya nagsalita ro'n sa sinabi ko, medyo napahiya ako kaya naman tumalikod ako at nagsimulang umakyat ng hagdan. Siguro mga nakatatlong hakbang ako nang bigla siyang magsalita. "Tama ka." sagot niya kaya napatigil ako sa paglalakad at agad ko siyang nilingon. At pagtingin ko sa mukha niya, nakita kong nakangiti siya. "Siguro mas okay nga kung ganito tayo. 'Yong iisipin ng iba na may something sa'tin. Kahit na wala namang katotohanan." Matapos niyang sabihin 'yon, tumalikod agad ako para hindi niya makita ang abot tenga kong ngiti. Nagpatuloy ako sa pag akyat ng hagdan para hindi siya magtaka kung bakit ako tumalikod bigla. At sumunod naman siya sakin sa pag akyat ng hagdan hanggang sa makarating kami ng second floor kung nasaan 'yong library. Humiram lang naman siya ng libro tapos umalis din kami agad. Habang naglalakad kami pabalik e may bigla siyang inabot sakin na isang piraso ng papel. "Ano 'yan?" nagtatakang tanong ko do'n sa papel na inabot niya na mukhang nakalagay pa 'yon sa bulsa niya kasi naka fold ng maliit na talagang pinagkasya sa maliit na bulsa niya. "Para sa'yo." sagot niya nang nakangiti mismo. Na curious naman ako kung ano 'yon kaya kinuha ko na sa kanya. Tsaka isa pa, parang ang ganda ng ngiti niya habang inilalahad sakin 'to kaya sobrang nagtaka na ako kung ano meron sa papel na 'to. Nang na sakin na ang papel na 'yon ay tiningnan ko kung ano ang nakasulat do'n. Pero napatulala na lang ako sa nakita ko. Napatulala ako hindi dahil sa gulat kundi dahil sa hindi ko maintindihan ang nakasulat do'n. Ano 'to? Notes? O scratch paper niya habang nag-aaral kanina? Schrodinger Equation itong mga nakasulat dito. Grabe, nakakaloka 'to. Hindi ko alam kung papano 'to. At teka, bakit naman niya binibigay sakin 'to? Anong gagawin ko dito? "Uy, teka, Schrodinger Equation 'to." saad ko sabay tawa. "Hindi ako marunong mag solve nito." Nakita kong nawala 'yong mga ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ko. "Teka, hindi ko naman pinapa-solve sayo 'yan." natatarantang sagot niya. Natawa tuloy ako kasi natataranta siya. "E, bakit mo binibigay sakin?" nagtatakang tanong ko pa pero hindi siya nakasagot at tanging napakamot lang siya sa ulo niya habang nag-iisip ng maisasagot sakin. Siguro mga mahigit ilang segundo lang siyang nakatingin sa kung saan habang nag-iisip ng paliwanag sakin kaya naman nagsalita ulit ako, "Alam kong matalino ka, pero hindi ako kasing talino mo." saad ko tsaka binalik sa kanya 'yong papel pero hindi na niya kinuha 'yon sakin. "Isipin mo kasi maigi." dagdag pa niya kaya napakunot ang noo ko. "Papano ko iisipin?" "Isipin mo, para malaman mo ang gusto kong iparating." "Iparating?" kunot noo ko pang sabi. "Ano naman 'yon? Sabihin mo na lang." pagpupumilit ko. "Hindi ko kasi maintindihan." Tapos napatingin siya sa ibang lugar tsaka muling napatingin sakin, "Dibale na. Tapon mo na lang 'yan." aniya tsaka tumalikod sakin bago umalis. Hindi ko alam kung anong nangyayare sa isang 'yon. Hindi ko siya ma-gets ngayon. Parang galit yata siya. Bakit kaya? Dahil ba hindi ko pa siya binabati ng happy birthday? O baka dahil hindi ko na gets 'yong Schrodinger Equation na nakasulat do'n sa papel? Napangiti ako habang nakatitig sa gawi niya habang naglalakad papalayo sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ba't ako napangiti bigla. Ewan, pero ang cute kasi niyang mainis. Pagkatapos no'n ay bumalik na ako kina Callen na kanina pa ako hinihintay. Nakaupo sila sa bench no'n habang nakatitig sa kanya-kanya nilang cellphone at naagaw ko ang attensyon nila nang makalapit ako sa kanila. "Uy, Sa'n ka ba galing? Ba't ang tagal mo?" tanong sakin ni Callen nang makalapit ako. "Kanina kapa namin hinihintay. Sibat na raw tayo." "Sinamahan ko si Bright sa library." sagot ko naman. Hindi na ako umupo sa tabi nila kasi alam kong tatayo na lang din naman sila. "Tsaka," tapos pinakita ko sa kanya 'yong papel na binigay sakin ni Bright ngayon lang, "binigay niya sakin 'to. Di ko alam kung ano." tapos kinuha 'yon sakin ni Callen at tiningnan ng maigi. "Ang sabi niya isipin ko raw para maintindihan ko. E, hindi ko nga maintindihan." dagdag ko pa. Tapos 'yong mukha ni Callen habang tinitingnan 'yong papel e parang inaalam talaga kung ano 'yong meron do'n. "Ano sa tingin mo, Callen?" tanong ko pa nang mabasa ko sa mukha niya na parang na gets niya. "Pambihira ka naman." tapos hinarap niya sakin 'yong papel na 'yon, "Hindi mo na gets?" Umiling ako, "Hindi." sagot ko. "Ano ba 'yan?" Napakamot siya sa ulo niya na tila na badtrip sakin, "Pambihira! Akala ko ba matalino ka?" "Hindi naman ako kasing talino niya. Magkaiba naman kasi kami. Kung alam niya 'yan, pwes ako hindi." sagot ko. "Ano ba kasi 'yan?" tanong ko pa na parang naiinis na. "Schrodinger Equation." sagot niya. Napabuntong hininga ako sabay sabing, "Alam ko." Napangiwi siya, "O, alam mo naman pala." "Pero hindi ko gets." napakamot ako sa ulo ko. "Wala akong alam d'yan." "Tungkol saan ba 'yong Schrodinger Equation?" tanong pa niya sakin kaya nag-isip ako ng sagot. "Schrodinger Equation is about the particles?" patanong kong sabi na kung titingnan e parang hindi pa sigurado. Pumitik siya sa ere, "Tama. Ganyan nga. And particles stands for?" tanong pa niya kaya sinagot ko ulit. "Stands for the structure of everything?" patanong ko ulit na sagot. Ganito talaga ako kapag hindi ako gano'n ka sigurado sa sagot ko. Sinasagot ko na parang patanong. Pumitik ulit siya sa ere sabay sabing, "Tama. So gets mo na ba?" Umiling ako, "Hindi pa rin." Napa facepalm si Callen pagkatapos sabay sabing, "Kaloka ka. Ibig sabihin, He is telling you that you are the structure of his everything." sagot ni Callen at natigilan naman ako. What? Ganito ba ibig sabihin nito? Seriously? Pero. . . What if hindi? "Teka, what if hindi naman pala ganito 'yon? What if, scratch paper lang talaga niya 'to tapos pinapatapon lang sakin, gano'n?" "Kung itatapon lang din naman 'to, bakit inutos pa niya sa'yo kung pwede namang siya mismo ang magtapon, diba?" Natahimik ako. May point siya. So ibig sabihin ganito 'yong message na gusto niyang iparating? Kaya pala sinabi niyang isipin ko ng mabuti. Sinampal ko 'yong noo ko dahil sa kabobohan ko. "Callen, bobo na yata ako." "Sayang, top 2 ka pa naman." pang-aasar niya.   "Hindi naman porket top student ako alam ko na agad lahat." depensa ko. "At teka, kailan kapa natuto sa mga ganito? Hindi naman ikaw 'yong tipo na may mga alam sa mga ganitong bagay. Alam ko kung hanggang saan lang ang kaya mo." Tumayo siya at pinindot niya 'yong noo ko, "Tinuro lang din niya sakin ang technique na'to." sagot niya. "Tsaka, effective naman." tapos kinindatan niya ako. "Aba, teka nga, may pinopormahan ka?" Napakibit balikat siya, "Bakit mo nasabi?" "Kasi kung wala, bakit ka niya tinuturuan ng mga ganyan, ha?" Tumalikod siya sabay sabing, "Secret." nagsimula siyang maglakad kaya hinabol ko siya at pinilit na sagutin 'yong tanong ko kaso lang kahit anong gawin ko e ayaw niyang umamin na may pino-pormahan siya kahit obvious naman na meron. "Maiba lang ako." saad niya. "Hindi kaya may gusto talaga siya sa'yo?" "Pano mo nasabi?" Inangat niya 'yong papel na binigay sakin ni Bright na hanggang ngayon e hawak pa niya, "Binigay niya sa'yo 'to." sagot niya. Kinuha ko 'yon sa kanya at tinago 'yon sa bag ko. Hirap na baka itapon niya. "Mag co-confess siguro dapat siya sa'yo. Kaso lutang ka." Natigilan ako at napa-isip saglit. Gano'n ba dapat 'yon? Kaya ba na badtrip siya pagkatapos kasi hindi natuloy 'yong pagaamin niya? Hmm. . . feeling ko. . . oo. Di ko na naman napigilan ang sarili ko na mapangiti dahil sa naisip ko. Sana oo. Sana may feelings din siya sakin para mutual na kami. "Ewan." sagot ko pero deep inside e umaasa na akong. . . sana oo. Sana tama ang hinala ni Callen at ang hinala ko.                               *** Mga bandang alas sais kami nakarating sa tapat ng bahay nina Bright. Hawak ko 'yong mga balloons na hindi pa nalagyan ng hangin tapos na kay Callen 'yong bomba nito. Hawak naman nina Ian at Shawn 'yong mga pagkain at inumin tapos sina Ashley at Rhian sa Confetti. Saktong napansin ko na pamilyar nga itong bahay nila. Kahit 'yong gate e pamilyar rin kaya inaalala kong maigi kung nakapunta na ba ako rito. Saktong nabanggit naman niya sakin dati na siya 'yong batang sumita sakin no'ng pinitas ko 'yong Sunflower nila. At dahil do'n, naalala kong ito nga 'yong bahay na 'yon. Tama nga siya, sa kanila 'yong bulaklak na 'yon. Nahiya tuloy ako bigla dahil sa kagagawan ko no'ng bata ako. Habang iniisip ko lahat ng 'yon, 'di ko namalayan na nakatulala pala ako at natauhan na lang ako no'ng pinaputok na nina Rhian at Ashley 'yong confetti at sabay-sabay silang lahat simigaw ng HAPPY BIRTHDAY kay Bright. Do'n ko lang na realized na nasa tapat na pala siya ng gate nila at pinagbukas na niya kami. Ako lang talaga 'tong lutang saming anim. Pinapsok kami ni Bright pagkatapos. Ni hindi man lang siya na surprised do'n sa pa confetti namin. Pina-upo niya kami sa sofa nila. Actually, ang ganda ng bahay nila. Walang second floor pero ang laki. Tapos ang ganda ng pagkagawa. "Bro, sana naman nagpanggap ka man lang na na-surprised ka kahit papano." saad ni Ian. "Ang boring mo namang isurprised. Walang reaksyon." "Pano pa ako ma su-surprise? E, obvious kaya kayo kanina." sagot niya habang isa-isa kaming tinititigan. "Nakita ko kayong nagpa-plano sa canteen. Di niyo man lang ako sinama kaya napansin ko na baka isu-surprise niyo 'ko." Tapos kinuha ni Shawn 'yong basong may lamang tubig sa maliit na mesang nasa harap tsaka ininom 'yon bago nagsalita, "Grabe, ang talino mo talaga, bro." puri niya kay Bright at sumang-ayon naman ako. Tama, matalino nga siya. Bigla ko tuloy naalala 'yong tungkol sa equation kanina. Hindi ko talaga in-expect na gano'n 'yon. Kung kailan nasa exciting part na e tsaka pa ako naging bobo para mahulaan 'yong gusto niyang iparating. Hays. Dibale na, marami pa namang pagkakataon. Sana may take two pa. "Dibale na, Tama na ang chismisan. Ayusin na na'tin 'tong mga designs para makapag celebrate na tayo." biglang sabi ni Rhian kaya naman tumayo na kami at nilagyan ng hangin 'yong mga lobo tsaka dinikit 'yong mga designs sa pader para makapag picture taking kami mamaya. At nang matapos naming gawin 'yon, nilabas na namin 'yong mga pagkain at inumin na nakalagay sa loob ng malking plastic pati na rin 'yong cake na pinag ambagan naming anim kanina. Sinindihan namin ng kandila 'yon tsaka kumanta ng happy Birthday at pagkatapos no'n, nag wish muna si Bright bago hinipan 'yong kandila ng cake niya. "Anong wish mo, bro?" tanong sa kanya ni Callen matapos niyang hipan 'yong cake. "Secret. Baka hindi magkatotoo." sagot naman ni Bright tsaka napatingin sakin at ngumiti. That time, hindi ko alam kung bakit siya ngumiti sakin at kung ano ang ibig sabihin ng ngiti niyang 'yon. Pero basta, ngumiti lang din ako pabalik. "Naks! Siguro may kinalaman si Deyn sa wish mo, ano?" panunukso ni Callen dahilan para mag 'ayiee' silang lahat. Agad ko namang sinamaan ng tingin si Callen. Naisip ko kasi na baka sa sobrang daldal niya e baka madulas siya at masabi niyang may gusto ako kay Bright. "Uuyy, Nag b-blush." tukso naman ni Shawn kay Bright habang nakaturo sa mukha ni Bright. Ni hindi nga ako makatingin sa mukha ni Bright kasi naiilang ako. Feeling ko nga ako pa 'yong nagb-blush ngayon. "Uy, grabe naman kayo." depensa ni Bright. "Patay na patay ka talaga sa kanya, bro?" tanong naman ni Ian. At imbis na si Bright ang sumagot e si Callen 'yong sumagot. "Patay na patay 'yan kay Deyn." sagot ni Callen. Nagsitahimik naman ang lahat at pinakinggan siya. "Alam niyo, no'ng nagkasama kami sa youth camp no'ng grade 6 kami, tinanong niya sakin kung ano 'yong Facebook account ni Danielle." Tapos nag 'ayiee' na naman sina Rhian, Ashley, Ian at Shawn samin dahil do'n sa kwinento ni Callen. "Binigay ko naman kasi akala ko gusto lang niyang makipag friends. Di ko naman in-expect na may crush pala siya." dagdag pa ni Callen. Ito namang si Callen. Parang lasing kung makapag kuwento. May gano'n bang sinabi si Bright sa kanya? Sinabi ba ni Bright na may crush siya sakin? Parang wala naman, ah. "Alam niyo, obvious naman talaga na gusto niyo ang isa't isa, e." kumento naman ni Shawn habang nakaturo samin ni Bright. "Kahit pa na hindi pa kayo, para na kayong couple." "Tama." pagsang-ayon ni Rhian. Grabe! Mag jowa nga talaga sila. Kung ano 'yong kumento ng isa, sumasang-ayon 'yong isa. Never ko nga lang silang nakitang sweet in public. "Alam niyo, bagay kayo. Promise." saad naman ni Ashley. "Pang ilang beses ko na ba ulit sinabi 'to?" "Maraming beses." sabay naming sabi ni Rhian. "Oo nga pala. Pero promise, sobrang bagay kayo." dagdag pa ni Ashley. "Perfect couple kayo once na maging official na kayo." "Ikaw Bright, gusto mo ba si Deyn?" paninigurado ni Ian.   Hindi nakasagot si Bright do'n at kahit ako e parang gusto nang patahimikin itong mga kaibigan namin kasi nakakailang na. Grabe na sila. Pakiramdam ko e hirap na si Bright na sagutin 'yong mga tanong nila. "Ha? Bakit parang hindi ka naman naniniwalang gusto ko siya?" sagot ni Bright na parang pilit na iniiba 'yong usapan at ayaw sagutin 'yong tanong ni Ian. "Kumain na nga lang tayo." tapos binuksan niya 'yong alak na nasa can at ininom 'yon ng isang lagukan lang. Wala naman kaming choice kundi ang kumain na lang rin. Hinati ni Rhian 'yong cake tsaka binigyan kami ng isa-isang slice. Tapos kumuha ako ng juice gano'n din sina Rhian at Ashley. Habang kumakain, siyempre hindi naming maiwasang hindi mag kuwentuhan. Worse? Tungkol na naman samin ni Bright 'yong topic. "Handa ka bang ligawan si Deyn sa habang panahon hanggang sa handa na siyang sagutin ka, Bright?" tanong ni Shawn na parang lasing na yata. Naparami kasi 'yong pag inom niya ng alak kesa sa pagkain ng mga nakahanda rito. "Oo naman." sagot ni Bright na may kasamang tango pa. "Kahit gaano katagal. Hindi ako mapapagod." sagot pa niya. Feeling ko, itong isang 'to lasing na rin. Kahit nga si Callen gano'n din. Dapat kasi hindi na sila bumili ng alak. Papano namin sila i-uuwi nito mamaya? "Kahit walang kasiguraduhan kung sasagutin ka niya, bro?" tanong pa ni Shawn. Ang daming tanong ng isang 'to. Pa ulitulit na lang. Napalingon ako kay Bright habang hinihintay ang sagot niya sa tanong ni Shawn at nakita ko namang tumango siya, "Oo naman." sagot niya sabay lagok ng alak bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Kapag sinagot naman niya ako, worth it naman 'yon. Kapag hindi naman, at least masasabi kong tinry ko 'yong best ko." Sana nga totoo na lang lahat ng mga sinasabi niya ngayon. Kaso lang kahit anong gawin ko e obvious naman na hindi totoo lahat ng 'yan. Alam kong sinasabi lang niya 'yan dahil sa mga kaibigan namin. But I knew to myself naman kung ano talaga ang totoo. Hays. Hirap 'yong ganito. Mas tatanggapin ko pa siguro 'yong may low-key relationship kami tapos tinatago lang namin sa mga friends namin kasi hindi pwedeng malaman ng lahat. At least kapag gano'n e parehas kaming may feelings sa isa't isa. Kesa 'yong ganito. 'Yong fake lang at akala lang nila e may thing saming dalawa. "E, ikaw Deyn?" biglang tanong sakin ni Rhian kaya kinabahan ako bigla kasi 'di ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob para sagutin ang tanong niya, "Kailangan mo ba balak sagutin si Bright?" That time, nagkatinginan kami ni Bright. Ni hindi ko nga alam kung papano sagutin 'yong tanong ni Rhian sa harap nilang lahat. Sa dinami-rami ng pwede niyang itanong sakin, bakit 'yon pa? "Uy, wag niyo siyang pressure-in." saad ni Bright. Dahil do'n, nakahinga ako ng maluwag. "Magagalit ako kapag prinessure niyo baby ko." Baby ko? Seryoso? Sinabi ba talaga niya 'yon? Gosh, Deyn wag kang assuming. Kita mong lasing na 'yong tao, e. Pero. . . Gosh, I think I'm. . . Blushing. "Curious lang si Rhian." singit naman ni Ashley. "kahit ako na cu-curios na rin kung kailan sasagutin ni Deyn si Bright." "Bigyan niyo na lang siya ng time para makapag-isip." sagot ni Bright. "Wag niyo siyang madaliin." tapos napatingin siya sakin, "Diba, Deyn?" Anong diba Deyn? Wala ka kayang alam. Alam kong naglalaro ka lang ngayon. Alam kong sinasabi mo lang 'yan kasi part pa 'yan ng game na'tin. Pero ako, sure na ako at totoo na 'to. Hindi na laro, Bright. Sana naririnig mo kung ano man 'tong sinasabi ko sa isip ko ngayon. Sana na ge-gets mo at sana alam mo na totoong mahal na kita. "Deyn?" tawag pa niya sakin. Do'n ko lang na-realized na tulala na pala ako. "Ha?" pag-uulit ko. "Sabi ko, hindi mo kailangan i-pressure ang sarili mo. Hindi mo kailangan madaliin ang lahat. Makakahintay ako kahit kailan pa 'yan. O kahit na gumraduate pa tayo ng college bago mo'ko sagutin ayos lang sakin?" Talaga ba, Bright? Naks! Wag kang ganyan, please. Baka seryosohin ko lahat ng mga sinasabi mo. "Hindi mo'ko kailangan sagutin agad."  dagdag pa niya. Naglabas ako ng isang malalim na buntong hininga. I can't take this anymore. Hindi ko na kayang itago itong nararamdaman ko sa kanya. Pagod na akong makipaglaro. At lalong-lalo na, ayoko na ng basta laro lang. Kaya buo na ang loob ko, Gusto ko nang totohanin ang lahat. And I hope na may sana gusto rin siya sakin pagkatapos kong umamin. Nilapag ko 'yong juice ko sa ibabaw ng mesa at seryosong napatitig sa mga mapupungay niyang mga mata, "Tama na, Bright." agad silang napalingon sakin nang sabihin ko 'yon kay Bright, pero ang mga tingin ko naka focus lang sa mga mata ni Bright. "Ayoko na ng laro." dagdag ko pa. 'Yong mga kaibigan ko e parang nanigas at hindi man lang magawang gumalaw sa kinauupuan nila habang hinihintay 'yong kasunod ko pang sasabihin. Naglabas ulit ako ng isang malalim na buntong hininga bago ulit nagpatuloy sa pagsasalita. "Gusto ko nang totohanin 'to." Agad na natigilan siya sa sinabi ko at napatanong, "Anong ibig mong sabihin?" "Tigilan mo na ang panliligaw sakin." sagot ko. Napahawak ako ng mahigpit sa basong nilapag ko sa table. "Wag na nating patagalin pa 'to. Kasi habang tumatagal lalong lumalala itong nararamdaman ko sayo. Kaya Bright," Muli, naglabas ako ng isang malalim na buntong hininga bago ko sinabing, "SINASAGOT NA KITA."

 

 

Chapter 19 WorkBook

Badtrip. Sobrang badtrip kasi akala niya part pa rin ng laro naming dalawa 'yong pagsagot ko sa kanya kanina. And guess what? Lasing siya ngayon. Actually, hindi lang siya. Pati sina Callen , Shawn at Ian lasing na rin. Sina Rhian at Ashley 'yong nag uwi kina Shawn, Ian at Callen habang ako naman e nagpaiwan para kausapin itong si Bright. Naka-upo siya ngayon sa sofa habang mahimbing na natutulog. At tingin ko, hindi ko na maiistorbo pa ang isang 'to sa sobrang himbing ng tulog niya. Ayoko na sanang magpaiwan pa rito kaso lang gusto ko pa siyang makausap. Gusto kong linawin sa kanya na hindi na part ng laro namin ang pagsagot ko sa kanya kanina. Kasi totoong sinagot ko na talaga siya. Sa puso ko, boyfriend ko na siya. Pero para sa kanya, part lang 'yon ng laro. At 'yon ang gusto kong linawin. Umupo ako sa tabi niya habang nag-iisip ng paraan kung papano ko siya gigisingin. Medyo nagdadalawang isip pa akong gisingin siya kasi baka hindi na ulit siya makabalik sa pagtulog mamaya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon habang nakatitig sa mukha niya. Hindi ko alam kung papano ko siya gigisingin. Kakalabitin ko ba siya o wag na lang? Pano ba 'to? Pano kung magalit siya sakin kasi ginising ko siya? Napatayo ako sa gulat nang gumalaw siya. Ang akala ko gising na siya pero hindi pala. Nawala ang kaba ng dibdib ko nang makumpirmang tulog pa siya. Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko kaya naman kinuha ko 'yon para tingnan kung sino ang nag text. At nang makita kong si Mama na 'yon na tinatanong kung anong oras ako uuwi, do'n na ako nagpanic kasi wala ng oras at kailangan ko na siyang gisingin. Agad kong niyugyog ang balikat niya para gisingin siya. Ilang beses ko siyang niyugyog sa balikat hanggang sa magising siya. At heto na, gising na siya. Pero nakahiga pa rin. Ilang segundo bago siya napatitig sa mukha ko. Do'n ko lang nakitang namumula 'yong mga mata niya. Talagang antok na antok siya. "Bakit?" mahinang sambit niya at muling pinikit ang mga mata na para bang gustong bumalik sa pagtulog. At bago pa man siyang tuluyang makatulog ulit ay nagsalita na ako. "'Yong pagsagot ko sa'yo kanina, hindi 'yon part ng laro." Agad naman siyang napamulat ng mata na tila nagulat sa sinabi ko at napatitig sa mga mata ko. Pakiramdam ko sa naging reaksyon niyang 'yon ay nawala bigla ang antok niya. "E, ano 'yon?" nagtataka nitong tanong. Hindi ko alam kung papano ko i-explain sa kanya 'to, pero bahala na. "Totoo 'yon." seryosong sagot ko. Pero mukhang hindi niya na gets. "Totoong ano?" nakakunot noo nitong tanong. Nahihiya ako ngayon kasi hindi ko alam kung papano ko sasabihin 'to sa kanya. . . Pero bahala na. Bumuntong hininga ako sabay sabing, "Totoong sinagot na kita." saad ko. Wala siyang naging reaksyon sa sinabi ko. Tahimik siya saglit habang pilit na iniintindi 'yong sinabi ko. Pero maya-maya pa ay bigla siyang tumawa. Nagtaka naman ako kasi 'di ko alam kung anong nakakatawa do'n sa sinabi ko. "Ano? Gusto mo'ko? Nagpapa-tawa ka ba?" natatawa niyang sabi. "Pina-prank mo'ko 'no?" Napa-irap naman ako sa sinabi niya. Pina-prank? Sira talaga ang isang 'to. Bakit ko naman gagawin 'yon? Pambihira naman, oh. "Seryoso ako." inis kong sabi. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis. Umaamin ako tapos tatawanan niya ako at sasabihing pinaprank ko siya. Sira ulo ba siya?! "So sinasabi mong gusto mo'ko?" paglilinaw niya. Tumango naman ako. "Oo nga. Gusto nga kita." Muli siyang natawa. Ewan ko ba, ganito ba siya kung malasing? Parang baliw. Tumatawa kahit wala namang may nakakatawa. Sinandal niya 'yong ulo niya at muling pinikit ang mga mata niya pero hinawakan ko ang mukha niya at hinarap 'yon sakin. "Maniwala ka. Hindi na 'yon part ng laro. Hindi ako nagbibiro. Kasi totoong gusto na kita, Bright." dagdag ko pa. Inangat niya 'yong kamay niya at hinawakan 'yong mukha ko at pinisil 'yon bago nagsalita. "Alam mo," tapos ngumiti siya, "Cute mo." Napalunok naman ako ng laway dahil do'n sa sinabi niya. "P-pano mo nasabi?" nauutal kong tanong. "Matagal ka ng cute sa panigin ko, hindi ko lang sinasabi." sagot naman niya. Natahimik ako kasi inisip ko saglit na na ku-kyutan pala siya sakin. Ibig sabihin ba nito. . . May crush siya sakin? Kasi cute ako sa paningin niya. Pero. . . Hello? Hindi naman porket na ku-kyutan siya sayo Danielle e crush kana agad. Wag assuming. Dibale na. Ayokong mag isip ng mga ganito. Gusto kong makakuha agad ng sagot tungkol do'n sa sinabi ko sa kanya. Huminga ako ng malalim habang humuhugot ng lakas ng loob para tanungin siya pabalik. Siguro mga halos ilang minuto rin akong bume-bwelo hanggang sa magsalita na ako. "E ikaw?" kabadong tanong ko. "Gusto mo rin ba ako?" Hindi niya ako sinagot. No'ng una akala ko nagulat siya or nag iisip ng sagot sa tanong ko kaya hindi siya nakapagsalita agad pero nang makita kong nakapikit pala siya at napagtanto kong tulog na siya, do'n na ako na badtrip lalo. Gigisingin ko pa sana ulit siya nang may marinig akong footsteps tapos biglang bumukas 'yong pinto ng bahay nila. Do'n ko nakitang dumating na pala 'yong Mom at Dad niya galing sa trabaho. Nag hello lang ako sa kanila nang makita nila ako at natuwa naman 'yong Mom niya no'ng makita ako rito. Hindi raw niya in-expect na pupunta ako. Kinamusta pa niya si Mama sakin at tinanong din niya kung nasaan ang iba pa naming mga kasamahan dito. "Umuwi na po sila, Tita." nakangiting sagot ko. Nilingon ko si Bright, do'n ko nakitang sobrang himbing na ulit ng tulog niya. Badtrip naman ang isang 'to. Papano siya nakatulog nang gano'n-gano'n na lang? Dibale na, mas okay siguro kung umuwi na lang ako. Bukas na lang kami ulit mag-usap. Nagpa-alam ako sa Mom at Dad niya. Maglilinis pa sana ako ng mga kalat namin kanina pero ang sabi ng Mom niya siya na raw bahala ro'n. Kaya ayon, hinatid na lang niya ako sa labas ng bahay nila since tulog na si Bright. Habang nakasakay ako ng taxi pa-uwi, nakasimangot ako. Ang layo kasi nitong pangyayareng 'to sa ine-expect ko. Hindi ganito 'yong gusto kong mangyare pero anong magagawa ko? Ito 'yong gusto ng tadhana, e.                              *** Kinabukasan, late siya ng 10 minutes. Pero hindi naman nagalit 'yong teacher namin kasi nag ku-kwento lang naman siya samin no'n at hindi nag le-lecture. 'Yong mga ka-klase ko kasi gumawa ng paraan para maudlot 'yong lecture kaya ayon tanong sila ng tanong sa teacher namin tungkol sa mga bagay-bagay hanggang sa napa-kuwento na lang ito. No'ng breaktime, nag decide ako na kausapin siya. Saktong lahat ng mga ka-klase ko e nagsi-puntahan na ng canteen para bumili ng pagkain at kaming dalawa 'yong naiwan sa classroom kaya naman kinuha ko na ito bilang pagkakataon para makausap siya. Tumayo ako at nilapitan siya, 'yong itsura niya no'n e parang kulang sa tulog. Pero cute pa rin. "Pwede ba tayong mag-usap?" Tumango siya pero parang napipilitan lang, "Sige." tapos tumayo siya sa upuan niya. "Tungkol saan ba?" Wow naman. Nag ku-kunwareng walang alam. "Tungkol sa sinabi ko sayo kagabi." sagot ko at bumuntong hininga ng sobrang lalim. "Totoo lahat ng 'yon." Nakita kong kumunot 'yong noo niya na parang 'di alam kung ano ang tinutukoy ko. "May sinabi ka?" "'Yong kagabi." "Ano ulit 'yon? Sorry, di ko maalala." Anak ng tokwa! "Anong hindi mo maalala? E, kausap kita no'n. Sumasagot kapa nga, e." "Ang naalala ko lang, sinagot moko ng pakunware. Kaya simula ngayon, ang akala ng mga kaibigan natin ay totoong tayo na." "May isa pa akong sinabi." dagdag ko pa. Napakamot siya sa ulo niya at pilit na inaalala 'yong kung ano man ang tinutukoy ko. Pero mukhang hindi niya maalala. "Lasing ako kagabi. Hindi ko maalala. Sorry. Pero pwede mo namang sabihin ulit sakin ngayon." Ay potek. Wala na akong lakas ng loob para sabihin 'yon sa kanya ngayon. "Dibale na, kalimutan mo na lang 'yon." inis kong sabi at tinalikuran siya at pumuntang canteen. No'ng lunch time,  kinausap ako ng mga kaibigan ko. Tinanong nila ako kung kamusta ang unang araw na kami na ni Bright. Siyempre, nagkunware naman akong masaya kahit na deep inside e hindi naman talaga. Sinabi ko rin kay Callen na totoo 'yong pagsagot ko kay Bright at hindi lang 'yon basta-basta part ng laro naming dalawa. Ni hindi nga siya makapaniwala. "Seryoso ka? Sinagot mo na dapat siya? As in 'yong totoo mismo?" "Oo nga. Kaso lang akala niya e part lang 'yon ng laro namin." Napaisip siya saglit bago nagsalita, "Kahit ako 'yon din 'yong akala ko. Di ko naman in-expect na tinutoo mo na pala. Pero diba, nagpaiwan ka kagabi no'ng umuwi na kami? Hindi mo man lang ba siya kinausap ulit?" "Ginawa ko." sagot ko. "Sinabi at nilinaw ko sa kanya pero nakalimutan niya." "Nakalimutan ba talaga? O baka naman gumaganti lang siya sa'yo?" "Gumaganti?" Bakit naman siya gaganti? "Kasi 'yong scratch paper na binigay niya sa'yo hindi mo na gets. Kaya naisip ko na baka nagpapanggap lang siya na nakalimutan niya dahil lasing siya no'n pero 'yong totoo hindi pala niya nakalimutan. Gano'n." Hindi kaya tama itong hinala ni Callen? Gumaganti lang kaya siya dahil hindi ko na gets 'yong Schrodinger Equation na 'yon? Pero impossible naman. Hindi naman siya 'yong tipo na gumaganti. Kilala ko ang isang 'yon. Hindi siya gano'n kaya malabo itong sinasabi ni Callen. Napailing ako, "Impossible 'yang sinasabi mo. What if, nagsasabi talaga siya ng totoo, diba? Wag nating siyang i-judge." "Hay naku, bahala ka na nga." tapos kinuha niya 'yong phone niya. May nagtext kasi. Tiningnan niya 'yon saglit bago siya nagpaalam sakin. No'ng uwian, niyaya ako nina Rhian at Ashley na sumama sa kanila mag mall. Hindi dapat ako sasama kaso nabalitaan kong kasama si Bright kaya naman nag decide na akong sumama sa kanila. Pero since may kanya-kanya pa silang ginagawa e nagpunta muna akong Cr para mag ayos. Na co-conscious kasi ako sa itsura ko. Feeling ko hindi ako maganda. Gusto ko namang maging cute at maganda sa harap ni Bright mamaya para magustuhan rin niya ako. Baka lang naman. Nang makatanggap ako ng text galing kay Rhian na paalis na raw kami ay tsaka na ako lumabas ng CR at nagtungo sa labas ng gate kung saan hinihintay nila ako ngayon. Grabe, hindi man lang nila ako hinintay para sabay-sabay na kaming lumabas ng campus. Talagang nauna sila ah. Pero dibale na, sana ma appreciate man lang niya ang paglagay ko ng blush on tsaka paglagay ng liptint at paglagay ng mascara ko sa pilik mata ko. Nang makalabas ako ng gate, agad ko silang natanaw. Pero isa lang ang hindi ko inasahang makita ngayon dito. 'Yon ay ang babaeng kulot ang buhok na may gusto sa kanya. Ano nga ulit pangalan nito? Geneva ay mali. . .  Genevieve pala. At ano namang ginagawa niya rito? Bakit kasama nila si Genevieve? At talagang naabutan ko pa silang magka-usap ni Bright. Naiinis ako. Ay mali, hindi ako naiinis dahil nagseselos ako. Worse, Wala man lang may nakapansin sa presence ko dahil busy sila sa pag uusap-usap. Kainis naman. Para naman akong hangin dito. Nang makita ako ni Rhian, tinawag niya ako kaya napalingon silang lahat sakin pati na rin si Genevieve at Bright. "Nandito ka na pala." saad ni Rhian at lumapit naman ako sa kanila ng wala sa mood. "Kakarating ko lang." malamig sa sambit ko. "O siya, tara na." saad ni Bright at nagsimulang maglakad patungong waiting shed sa harap ng campus. Dahil do'n, nainis ako lalo. Kasi hindi man lang niya napansin itong make over ko. Tapos hindi man lang niya ako nilapitan at kinausap kahit isang 'hi' man lang o kahit smile lang 'di niya ginawa. Kulang na sa attensyon kung kulang, basta, nasasaktan ako ngayon kasi feeling ko mas masaya pa siyang kasama si Genevieve kaysa sakin. Sabagay, sino ba ako para ibigay niya ang buong attensyon niya? Napatigil ako sa paglalakad. "Guys, nagbago isip ko." saad ko at nagtaka naman nila akong nilingon. Tapos lumapit sakin si Ashley, "Ha? Anong nagbago isip mo?" Ngumiti ako sa kanila kasi ayokong ipakitang na ba-badtrip ako, "Hindi na ako sasama. Naalala ko bigla na may gagawin pa pala ako. Kayo na lang, enjoy kayo." tapos ngumiti ako sa kanila ng peke. Tatalikod na sana ako nang biglang lumapit sakin si Genevieve para kumbinsihin ako na sumama. At siya pa talaga gumawa no'n, ha.  Feeling ko tuloy walang paki si Bright kung sasama ako o hindi. Hays. "Why naman? Is it because of me ba?" Ayan na naman siya. Kaloka talaga 'yong salita niya. "Hindi, ah." pagsisinungaling ko. "May gagawin lang talaga ako. Kayo na lang." Hinawakan niya ang kamay ko, "But I want to know you. So come with us, please." pagmamakaawa niya na may kasamang pagpapa-cute pa. "Bakit mo naman ako gustong makilala, ha?" tanong ko, halatang naiirita. "Because you're Bright's Girlfriend. So I want to know my friends Girlfriend." nakangiting sagot niya. Oo nga pala, ang akala niya e girlfriend na ako ni Bright dati pa. Kung hindi ko siya sinagot kagabi, baka magtaka 'yong mga kaibigan ko tungkol dito at mahihirapan na naman akong magpaliwanag sa kanila. Hays. Buti na lang talaga. Pero hindi naman ako girlfriend ni Bright. Walang sense kung gusto niya akong kilalanin. Tsaka, hindi ko kaya makalimutan 'yong sinabi niya noon na babalik na lang siya rito kapag nag break na kami. Ibang klase rin siya, ah. Bakit kaya siya nandito? Para ano? Para agawin si Bright sakin? Hah! Sorry na lang siya. Kasi hindi ako papayag. Pero sa ngayon, wala akong magagawa para paglayuin silang dalawa. Naiinis ako kay Bright kasi pakiramdam ko wala siyang paki sakin kung sasama ba ako sa kanila o hindi. Napatingin ako sa kanya, nakatitig lang siya sa phone niya ngayon na parang walang paki sa paligid. Muli akong napatingin kay Genevieve at binigyan siya ng pekeng ngiti, "Next time na lang, ha. Busy ako, e." "Uy, sigurado ka? Ayaw mong sumama?" bulong sakin ni Ashley. "Sasama pa naman si Bright." 'Yon na nga, e. Sasama siya pero wala siyang paki sakin kung sasama ako o hindi. "Hindi na, Ashley. Kayo na lang. Enjoy kayo." bulong ko sa kanya pabalik. "Sige na, Guys. Una na ako." paalam ko sa kanila bago ako tumalikod at umalis. Habang naglalakad ako, naisipan kong lingunin sila. Paglingon ko, nakita kong pinantayan ni Bright 'yong lakad ni Genevieve habang nag-uusap silang dalawa. Akala ko pa naman wala siyang gusto kay Genevieve. Pero ano 'tong nakikita ko ngayon? Kainis talaga. Pagdating ko ng bahay, pahiga-higa lang ako sa kama ko habang hinihintay 'yong oras na lumipas. Dalawang oras na simula no'ng maka-uwi ako ng bahay at heto ako, iniisip kung naka-uwi na ba siya ngayon o nando'n pa rin kasama si Genevieve? Nag-aalala ako na baka sa isang iglap e makalimutan niya ako dahil lang sa may kasama siyang iba. Hays. Bakit ba ako nag-aalala? Ano ko ba siya? Ano ba niya ako? Jowa ko ba siya? Shota ba niya ako? Hindi naman, ah. Wala namang kami kaya hindi dapat ako nag i-illusyon dahil wala akong karapatang gawin 'yon. Tiningnan ko kung online si Rhian. Icha-chat ko sana siya kung naka-uwi na sila pero hindi ko alam kung online ba siya o offline kasi naka-turn off 'yong active status niya gano'n din si Ashley pati na rin si Bright. Hays. Ano ba 'tong nangyayare sa mga kaibigan ko't ayaw nilang may maka-alam na online sila? Turn off ko na lang rin kaya itong active status ko. Nang sa gano'n ay walang may maka-alam na online rin ako. Maya-maya pa biglang may nag pop up na message sa phone ko. Pagtingin ko, si Bright 'yon. Your Bright active now Nasan ka? Baby Deyn active now Bakit mo tinatanong? Your Bright active now Wala lang. Bakit parang galit ka? Baby Deyn active now Hindi ako galit. Tinatanong lang kita.   Your Bright active now Nandito ako sa labas ng bahay niyo. Agad akong napabangon sa kama ko dahil sa gulat nang mabasa ko 'yong reply niya. At ano naman ang ginagawa niya sa labas ng bahay nang ganitong oras? Baby Deyn Actiive now Ay wee?? Tumayo ako at sumilip sa bintana ng kuwarto ko. Pagtingin ko sa baba, nakita kong nasa labas nga siya ng gate. Oh my gosh! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ano naman kasi ang ginagawa niya rito? Nataranta ako saglit habang pinag-iisipan kung anong gagawin ko. Kung lalabas ba ako ng ganito lang ang itsura o mag-aayos muna ako? 'Yong suot kong short sobrang ikli tapos naka sleeveless lang ako. Tiningnan 'yong itsura ko sa salamin, ang gulo ng buhok ko tapos ang hahard ng itsura na animo'y kulang sa tulog. Naks naman, sana man lang nagsabi siya na pupunta siya rito para nakapag handa man lang ako. Mukhang kailangan kong magbihis at mag-ayos saglit. Kinuha ko ang phone ko at chinat siya. Baby Deyn active now Wait, lalabas ako after two minutes. Your Bright active now Bakit? Ano ba ginagawa mo? Baby Deyn active now Basta. Tapos nag-ayos na ako. Naghanap ako ng matinong damit tsaka hindi masyadong maikling short na mukhang maganda at maayos tingnan tsaka ko sinuklay ang buhok ko at naglagay ng pulbo sa mukha at tsaka naligo ng pabango bago ako lumabas ng kuwarto ko at lumabas ng bahay. Pagbukas ko ng gate, nando'n siya. Nakatayo siya sa mismong harap ng gate at may hawak siyang libro. 'Yong libro ko na naiwan ko pala sa upuan ko kanina. Inabot niya sakin 'yon, "Nakalimutan mo kanina sa upuan mo. Nakalimutan ko rin isuli sa'yo kanina no'ng nagbalak kang wag sumama samin." Kinuha ko 'yong libro na 'yon at nag thank you sa kanya. Tapos ayon lang. Wala na siyang sinabi kaya naisip ko na baka nagpunta lang talaga siya rito para isuli itong libro ko at wala nang ibang dahilan. Kung alam ko lang na ganito pala, sana hindi na ako nag-ayos. Sayang 'yong isang bote ng pabangong pinaligo ko sa sarili ko. "Nagpunta ka lang ba rito para isuli sakin 'to?" tanong ko pa. Hoping na baka may iba pang dahilan. Nalungkot ako no'ng tumango siya. "Sige, thank you." mahinang sambit ko at pinilit na ngumiti sa harap niya. "Kamusta 'yong lakad niyo? Nag enjoy ka ba?" Tumango ulit siya, "Oo. Sayang wala ka." Dibale nang wala ako. Mukhang nag enjoy ka naman. Kung talagang nasayangan ka kasi wala ako kanina, edi dapat hindi ka nag enjoy. "Good." malamig kong sabi. "Sige, pasok na ako. Ang daming lamok, e. Kita na lang tayo sa school bukas." paalam ko sa kanya. Pero sa loob-loob ko, gusto kong humaba pa itong usapan namin at ayoko pa siyang umalis. Kasi sayang, e. Kaso lang, "Sige." sagot niya tsaka nag wave, "Una na rin ako." tumango lang ako at pumasok na sa loob ng gate tsaka padabog na pumasok sa loob ng bahay at dumeretcho sa kuwarto ko at nilapag 'yong libro ko. "Kainis ka talaga!" sigaw ko matapos kong ilapag 'yong libro sa study table ko. "Kung wala kang gusto sakin, edi okay. Do'n ka kay Genevieve. Bagay kayo."                                  *** Kinabukasan, pagbaba ko pa lang ng tricycle na sinasakyan ko papuntang school e biglang bungad agad sakin si Genevieve kaya bigla na namang nagkasalubong ang mga kilay ko habang papalapit sa gawi niya. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko at gulat naman niya akong nilingon. "Oh, you're here!" tapos nag wave siya na parang nag 'hello'. "I am waiting for him." Tsk. Sino nagsabing pwede niyang hintayin rito sa labas ng gate si Bright? Tsaka, ang tigas rin ng ulo nitong babaeng 'to, ano? Alam niyang may girlfriend na 'yong tao pinagsiksikan pa niya sarili niya. Ganito ba talaga siya ka desperada? Napa-halukipkip ako habang taas kilay siyang tinitigan, "Excuse me, may kailangan ka ba sa kanya?" mataray na tanong ko. "Kasi you're crossing the line na. Kilala mo naman kung ano niya ako, hindi ba?" Kumunot 'yong noo ni Genevieve na tila hindi naintindihan 'yong sinabi ko, "What do you mean?" Napa-irap ako, "Wag mo na siyang kausapin, pwede?" utos ko. "Sa totoo lang, naiinis ako. Lalo na kapag magkasama kayo. Kaya pwede ba, wag ka nang bumalik dito. Wag mo ring ipagsiksikan ang sarili mo sa taong alam mong taken na." "Hindi kita maintindihan." "Pwes, intindihin mo." inis kong sabi at tinalikuran siya tsaka ako pumasok sa loob ng gate. Habang naglalakad ako sa hallway, nagdadabog ako. No'ng umakyat ako ng hagdan patungong second floor e bigla kong nakasalubong si Bright na tinatanong ako kung nakita ko ba si Genevieve. "Nakita mo ba si Genevieve?" Napa-irap ako sa tanong niyang 'yon at taas kilay siyang tinitigan, "Nando'n sa labas. Magsama kayo pareho. Sarap niyong pag untugin." "Ha?" Hindi ko na siya sinagot at umakyat na lang ako ng hangdan. Alam kong kinakausap pa niya ako no'n pero hindi ko na siya nilingon pa. At pagkatapos ng ilang minuto, biglang lumapit sakin si Callen. 'Yong itsura niya no'n e parang susugurin ako. "Anong sinabi mo kay Genevieve?" Ayan na naman. Puro na lang Genevieve ang naririnig kong pangalan. Kay aga-aga puro sila Genevieve. Ano bang meron sa kanya na wala ako? Hindi ko siya pinansin kasi baka hindi ko mapigilan itong galit ko at mailabas ko na lang bigla kaya nilampasan ko siya pero hinarangan niya ako. "Hoy, anong sinabi mo sa kanya? Bakit nagtatampo siya?" "Ano ba!" sigaw ko. "Kay aga-aga puro kayo Genevieve! Ano bang meron sa kanya na wala ako, ha?!" Na blanko 'yong reaksyon ni Callen sa sinabi ko. At kahit ako hindi ko rin inasahang lalabas 'yon sa mismong bibig ko. At pagtingin ko sa may labas ng classroom, nando'n sina Rhian at Ashley na nakatitig sakin. At base sa reaksyon nila, nagulat rin sila sa sinabi ko. Wala akong ginawa that time kundi ang timakbo patungong CR dahil alam kong napahiya ako. Nakakahiya 'yong sinabi ko. Nakakuha tuloy sila ng clue na nagseselos ako kay Genevieve. Hays. "Uy, Deyn. Bakit hindi mo sinabi samin na piangseselosan mo pala si Gen?" Napatingin ako sa repleksyon ni Rhian sa salamin. Hindi ko alam na sinundan pala niya ako. Ayoko sanang mag kuwento kaso lang, ayoko naman kasing kimkimin 'to. Nilingon ko siya, "Alam mo, hindi ko naman kasi in-expect na gano'n sila ka lapit sa isa't isa." sagot ko. "Natural lang 'yon, Deyn." sagot ni Rhian. "Anong natural? Hindi 'yon natural, Rhian. At sa totoo lang, naiinis talaga ako sa kanya. Kanina hindi ko napigilan ang sarili ko at naging rude ako sa harap niya." Natigilan si Rhian sa sinabi ko,   "Kaya pala gano'n na lang si Callen kung makatanong sayo kanina." "'Yon na nga, e." pagsang-ayon ko. "Mas kinakampihan pa niya si Genevieve kaysa  sakin." "Wala naman siyang kinakampihan. Tinatanong ka lang niya kanina." "Ewan ko sa kanya. Basta, galit ako sa kanya ngayon tsaka kay Bright. Ayoko silang kausap." tapos nag beautiful eyes ako kay Rhian, "Wag mo na akong piliting makipag bati ngayon. Hindi ko gagawin. Hindi kakayanin ng pride ko." "Pero Deyn, may kailangan kang malaman." "Hindi ko na kailangan pang malaman kung ano man 'yon." "Pero importante 'to—" "Rhian, please." pigil ko. Tinikom ni Rhian 'yong bibig niya pagkatapos tsaka tumango. Pagkatapos no'n, lumabas ako ng CR. Paglabas ko, nando'n si Callen na tila inaabangan 'yong paglabas ko ng CR. At sa tingin ko, narinig niya 'yong usapan namin ni Rhian ngayon lang. "Ano na naman?" Inis kong sabi. "Wala akong kinakampihan sa inyo. Pero kailangan mong mag sorry kay Gen." "Callen, hindi ko kailangan mag sorry. Kung ano man 'yong mga sinabi ko sa kanya, totoo 'yon." pagpapaliwanag ko. At sana naman maintindihan niya ang point ko. "Totoong naiinis ako sa kanya." "Mag sorry ka pa rin." "Ayoko. Bakit ba kinakampihan mo siya over me? Ako 'tong pamangkin mo, bakit mas kinakampihan mo pa 'yon? Ano mo ba siya?" "Kasi Girlfriend ko siya." sagot niya na ikinagulat ko. Wait, what??? "At mali lahat ng bintang mo sa kanya." dagdag pa niya. Ano raw?? Girlfriend? Totoo ba 'yong narinig ko? "Teka, girlfriend mo si Genevieve?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya at tumango naman siya. "Oo." Hala!! Kailan pa naging sila?? At papano naging sila? "So your dating her. Bakit hindi mo sinabi?" tapos napatingin ako sa likod ko kung nasaan si Rhian, "Alam mo ba 'to, Rhian?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya. Kung alam ni Rhian, bakit ako hindi? "Bakit hindi niyo sinabi sakin?" "Kahapon ko lang rin nalaman." sagot ni Rhian. "Sasabihin ko sana sayo ngayon lang pero ayaw mong makinig." "Pero sana sinabi mo pa rin." sagot ko tsaka nilingon si Callen, "At kailan pa kayo nagsimulang mag date, ha?" Ngumiti siya na parang kinilig bigla. Sira talaga 'to. "Last week." sagot niya. Bigla kong naalala 'yong tungkol do'n sa scratch paper na binigay sakin ni Bright kung saan alam ni Callen kung ano 'yon. Kaya pala nagpapaturo siya kay Bright ng mga gano'n kasi may pino-pormahan siya. At ang pino-pormahan niya ay walang iba kundi si Genevieve. At kaya pala napatawad na niya si Rhian kasi naka-moved on na pala siya. At grabe! What a small world! Hindi ko in-expect na magiging girlfriend niya ang babaeng 'yon. "Ngayong alam mo na, mag-sorry ka sa kanya. Wag ka ring magselos. Wala siyang gusto kay Bright." Dahil do'n, napanatag ang loob ko. Ngayong alam kong may boyfriend na si Genevieve, hindi ko na kailangang magselos pa. "Kailangan mo ring mag-sorry kay Bright. Alam kong hindi maganda 'yong ugaling pinapakita mo sa kanya." dagdag pa niya. "Pano mo alam?" "Kwine-kuwento ka sakin." Napangiti ako bigla knowing na kwine-kwento niya ako kay Callen. "Ano 'yong mga kwine-kwento niya sayo?" "Secret." tapos pinindot niya 'yong noo ko, "Mag sorry ka, ha." "Oo na. Mag so-sorry na ako." sagot ko. "Asan ba girlfriend mo? Para makapag sorry na rin ako sa kanya. Grabe pa naman 'yong sinabi ko sa kanya kanina." "Alam ko. Inaway mo 'yong girlfriend ko. Nextime kapag inulit mo 'yon magagalit na talaga ako sa'yo." "Sorry na po Tito." pang aasar ko. "Hindi lang talaga ako updated sa mga nangyayare o sa mga nagiging ka relasyon niyo kaya gano'n." "Ayan. Tsaka, wag mo kasing pairalin 'yong pagiging selosa mo." panunukso niya. "Alam kong nagseselos ka, pero wag mo masyadong ipaghalata, baka isipin niya ulit na part lang 'yon ng laro." Sinuntok ko siya sa braso bago umalis at hinanap si Bright para mag-sorry. Hinanap ko siya sa classroom pero wala siya ro'n kaya lumabas ulit ako para hanapin siya sa kung saan hanggang sa makasalubong ko ulit siya sa may bandang hagdan. "Bright." "Deyn." Parehas naming tinawag ang isa't isa nang magkasalubong kami. "Kanina pa kita hinahanap." saad niya. Napangiti ako. "Ako rin." sagot ko. "Actually, gusto kong mag-sorry. Hindi ko kasi alam na nag de-date pala sina Callen at Genevieve." "Oo alam ko." sagot niya. "Wala ka kasi no'ng sinabi nila 'yon samin. Tsaka, alam kong nagseselos ka lang kasi akala mo ako 'yong pinupuntahan ni Genevieve dito." "Aba, teka, pano mo alam 'yan?" Tapos tumawa siya pero 'yong labas sa ilong na tawa, "Ang obvious kaya." Obvious? Ibig sabihin nahahalata niyang nagseselos ako. E, 'yong sa part na may gusto  ako sa kanya, nahahalata rin kaya niya? "Matanong ko lang," tumango ako as a sign of 'ano 'yon'. "'Yong pagseselos mo, kunware lang ba 'yan? Nagkukunware ka lang bang nagseselos para maniwala silang maeron talagang tayo?" Natahimik ako. Iniisip ko kasi kung aamin na ba ako? Since mukhang papunta na rin do'n 'yong topic. Pero kinakabahan ako. At hindi pa ako gano'n ka handa. Kaso lang kapag pinalagpas ko 'to, kailan na naman ulit ako makakapag amin? Alam kong matagal na naman ulit bago magkaroon ng kunting chance na umamin ng nararamdaman, kaya hindi ko na papalagpasin pa 'to. Better not to waste time at umamin na lang sa kanya. Humugot ako ng lakas ng loob saglit bago  nagsalita. "Pagsinabi ko bang hindi ako nagkukunware at totoong nagseselos talaga ako, maniniwala ka ba?" Kinakabahan ako habang hinihintay ang sagot niya. 'Yong mga kamay ko pinagpapawisan na. Pero heto, hinihiling ko na sana kayanin ng puso ko ang magiging sagot niya. Pero hindi. Kasi iba 'yong lumabas sa bibig niya kasi bigla niyang binalik 'yong topic tungkol do'n sa sinabi ko no'ng birthday niya na nakalimutan niya. "'Yong sinabi mo no'ng birthday ko. . ." napatigil siya saglit at seryosong napatitig sa mga mata ko, "'Yong hindi ko na maalala pagkatapos. . ." napatigil ulit siya dahilan para mabitin ako. "Bakit? Naaalala mo na ba ngayon?" Kabadong tanong ko. Tapos nagulat ako nang lumapit siya sakin ng tatlong hakbang. No'ng time na 'yon hindi ako makatingin sa mga mata niya kasi kinakabahan ako sa sasabihin niya. Baka kasi magkaiba kami ng nararamdaman. Pero nagulat ako sa lumabas sa bibig niya, "GUSTO KITA."

 

 

 

Chapter 20 The Truth

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nagpapa ulit-ulit sa tenga ko 'yong sinabi niya ngayon lang. Gusto niya ako. 'Yan ang lumabas sa mismong bibig niya ngayon. Ibig sabihin parehas kami ng nararamdaman sa isa't isa. At ngayong sinabi na niya, ibig bang sabihin nito kailangan ko na ring umamin? Aaminin ko na rin bang gusto ko rin siya? Lumapit ulit siya sakin habang ako naman napapalunok ng laway. "Gusto kita." pag-uulit niya. "Sino naglagay niyan dito?" Nagtaka ako sa sinabi niyang 'yon. Anong sino ang naglagay? Pinagsasasabi ng isang 'to? "Ha?" tanging 'yan lang ang nasabi ko. "Ito." tapos may tinuro siya which is nasa likuran ko at hindi naman ako nagdalawang isip na lingunin 'yon para makita kung ano meron. Do'n ko lang nakitang may nakasulat pala sa pader na 'Gusto kita' gamit ang kulay pulang pintura. Actually, marami pang ibang mga nakasulat do'n pero 'yong salitang 'Gusto kita' lang 'yong pinakamalaking sulat kaya 'yon agad 'yong magbabasa mo kapag mapatingin ka sa pader. Anak ng— ibig sabihin hindi talaga niya sinabi 'yon sakin kundi binasa lang niya dahil nakasulat 'yon sa pader. Akala ko pa naman gusto na niya ako. Pambihira naman. Akala ko mutual na 'yong feelings namin sa isa't isa, hindi pala. "Anong masasabi mo rito, Deyn?" tanong niya at lumapit sa pader at napahawak do'n sa mismong may sulat. "Diba bawal magsulat dito?" Tumango naman ako. No choice. Ayoko namang may isipin siyang iba. Ayokong mahalata niyang akala ko e talagang sinabihan niya akong gusto niya ako. Kaya dapat galingan kong umarte na parang normal lang, "Oo." walang ganang sagot ko. "Pero problema na nila 'yan. Labas na tayo d'yan." dagdag ko pa. "Sino naman kaya nagsulat nito?" sabay turo ulit do'n sa sulat na 'Gusto kita', "Siguro para sa crush niya 'to." No'ng sinabi niya 'yon, tanging isa lang ang pumasok sa isip ko. 'Yon ay sana gano'n din siya. Sana magsulat din siya nang gano'n o 'di kaya aminin din niya sakin na gusto niya ako. 'Yon ay kung may gusto nga rin siya sakin. Pero natapos lang ang usapan namin nang walang goodnews. Actually, walang sense lahat ng pinagusapan namin. Pagkatapos no'n, bumalik na kami ng classroom. That time, nag video call ako kay Genevieve gamit 'yong cellphone ni Callen para mag sorry. Buti na lang at mabait rin pala itong si Genevieve at nagawa niya akong patawarin. Hindi kagaya nitong si Colleen. Pakiramdam ko nga, habang buhay na kaming mag-aaway nito, e. Nag start ang klase namin hanggang sa sumapit ang uwian. Hindi pa ako umuwi no'n kasi inutusan pa ako ng subject teacher namin kanina na i-collect 'yong mga assignments namin at dalhin sa faculty. Sina Rhian, Ashley, Callen at Bright hinihintay ako sa may lobby kasi may lakad kami ngayon. Pupunta lang naman kaming plaza para gumala saglit at kumain ng street foods bago umuwi. Matapos kong dalhin 'yong mga assignments namin sa faculty ay bumalik na ako ng classroom para kunin 'yong bag ko. Saktong nakasabay ko no'n si Gab tapos kinausap niya ako habang naglalakad kami. "Kamusta ka?" biglang tanong niya sakin. "Ayos lang." sagot ko naman. Saktong may hawak siyang parang shopping bag no'n kaya natanong ko kung ano laman no'n. "Ano 'yang dala mo?" "Ah, ito ba?" tapos inangat niya 'yong shopping bag. "Para kay Colleen. Ibibigay ko sana sa kanya. Nando'n pa ba siya sa room niyo?" "Nando'n pa. Mukhang hinihintay ka nga, e." sagot ko naman. "Kamusta na pala kayo? Balita ko nag-away kayo no'ng nakaraan." Tsismosa na kung tisismosa pero oo. Alam ko lahat ng ganap sa kanilang dalawa. Hindi rin naman kasi maiwasan. Mapa social media man o personal lagi akong updated sa kanila. "Kunting tampohan lang." sagot niya at tumawa ng kunti. "Selosa kasi siya." "Selosa din naman ako noon, ah." biglang sabi ko. Walang ibig sabihin 'yon, gusto ko lang siyang i-remind na selosa rin naman talaga ako noon. Pero siyempre, hindi kami nag-aaway kasi iniintindi namin ang isa't isa. Pero sa huli, hindi rin naman keneri kasi iniwan niya ako. Kaya naging useless ang lahat. Pero okay na naman ako ngayon. Naka-moved on na ako sa kanya. Nagagawa ko na nga siyang kausapin ngayon at titigan sa mata na kung dati ay hindi ko kayang gawin at hirap akong gawin. Lahat ng 'to ay dahil kay Bright. Siya lang naman kasi ang dahilan kung bakit ko nakalimutan 'yong Ex ko. Kaya nagpapasalamat ako sa kanya. Natawa si Gab sa sinabi ko at pinitik ako sa noo sabay sabing, "Oo na, selosa ka rin." "So sino samin 'yong mas selosa?" tanong ko pa habang natatawa. Curios lang ako at gusto ko lang malaman kung sino samin ni Colleen. "Si Colleen." sagot naman ni Gab. "Mas selosa siya compared sa'yo. Tapos ang hirap pa niyang suyuin." Natawa ako sa sinabi niya, "Siyempre, mahirap talagang suyuin ang isang 'yon. Halata naman, e." Natawa ulit ako at gano'n din siya. Saktong nasa tapat na kami ng classroom no'n at nando'n si Colleen sa may mismong pinto nakatayo habang kunot noong nakatitig samin pareho ni Gab. "Why are you guys laughing?" seryosong tanong niya samin. Siyempre, hindi naman namin pwedeng sabihin ni Gab na kaya kami natatawa dahil sa kanya. Baka magalit pa siya kapag nalaman niyang siya ang dahilan kung bakit kami tumatawa. "Ah, wala. Si Deyn kasi may kuwinentong nakakatawa." pagsisinungaling ni Gab at tumango naman ako bilang pagsangayon bago ako pumasok sa loob ng classroom at hinayaan silang dalawa. Pagpasok ko sa loob, nakatingin sakin sina Ashley. Alam ko kasing nakita rin nila kung papano kami magtawanan ni Gab. Kinuha ko na 'yong bag ko para umalis na sana. E, hindi ko naman in-expect na tatanungin rin nila ako kagaya ng tanong ni Colleen. "Bakit kayo nakatawa kanina?" tanong ni Ashley sakin. "Nag kuwi-kuwentuhan lang." sagot ko. "Nakakatawang usapan, gano'n." Paglilinaw ko pa. Tapos bumuntong hininga ako habang pinapaniwala ang sarili ko na sana naniwala sila ro'n. "Kuwentuhan? Pero 'yong tawanan e parang iba." singit naman ni Rhian. "Anong iba?" kunot noong tanong ko. "Para kasing masaya kayo na kausap niyo ang isa't isa. Tipong, excited kayo kasi nakausap niyo ulit ang isa't isa, gano'n. Ewan ko lang kung ako lang ang nakaka-feel no'n kanina habang pinagmamasdan kayo." Tapos biglang sumang-ayon si Ashley sa sinabi ni Rhian, "Ako rin. Na fe-feel ko rin." "Umamin nga kayo, may something ba sa inyo ng ex mo?" biglang tanong ni Callen. Alam kong hindi niya sinasadyang itanong 'yon at nadulas lang siya kasi agad siyang napatakip ng bibig at nag peace sign sakin pagkatapos. Pero itong sina Rhian at Ashley e nagtaka kung bakit naitanong 'yon ni Callen sakin. "Something?" biglang singit ni Rhian. "Pano mo nasabi 'yan? E, diba may boyfriend na si Deyn? Sila na ni Bright, remember?" "Oo nga," Pagsang-ayon naman ni Ashely sa sinabi ni Rhian. "Impossible namang may feelings pa si Deyn sa Ex niya." Nilingon ni Callen si Bright sabay sabinq, "Uy, bro." tapos inakbayan ni Callen si Bright. "Wag kang mag-selos. Joke lang 'yon." "Hindi. Ayos lang." malamig na sagot ni Bright at tinanggal 'yong akbay ni Callen sa balikat niya. Biglang natahimik sina Rhian at Ashley dahil sa malamig na naging sagot ni Bright. Inakala siguro nilang nagseselos si Bright dahil do'n. Pero kahit ako, iniisip ko rin na nagseselos siya basi sa reaksyon niyang 'yon. Kaso lang, hindi naman ako sigurado kung nagselos nga ba. Nang maka-alis na si Gab ay nakita kong hawak na ni Colleen 'yong shopping bag habang naglalakad papalapit sa gawi namin ng mga kaibigan ko. At nang tumigil siya sa harap ko, mukhang alam ko na kung anong sasabihin niya. "Tapatin mo nga ako, Danielle." biglang sabi niya. "Ano 'yong pinag-usapan niyo ni Gab? Alam kong kasinungalingan 'yong sagot niya. Kaya hindi ako naniniwala." Tama nga si Gab, selosa nga talaga siya. Lahat na lang talaga binibigyan niya ng malisya. "Alam mo naman palang kasinungalingan 'yong sinabi niya, bakit hindi siya ang tanungin mo? Magka-usap kayo ngayon lang, bakit 'di mo siya tinanong?" taas kilay kong sabi. "Because I want you to answer it." sagot niya. "Kasi alam kong kahit anong gawin ko hindi niya sasabihin sakin kung ano 'yong pinag-uusapan niyo." Napangiwi ako sa sinabi niya, "At sa tingin mo sasabihin ko sa'yo?" Tinaasan niya ako ng kilay, "At bakit? Ise-secreto mo rin?" tapos napatingin siya kay Bright bago ulit napatingin sakin, "May boyfriend kana pero pilit ka pa ring dumidikit kay Gab!" sabi niya nang may mataas na boses. Biglang nagtahimik ang paligid. Kahit ako biglang natahimik rin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. "Ops, teka lang, hindi mo pala siya boyfriend, ano?" dagdag ni Colleen dahilan para magulat ako ng sobra. Wait, how did she. . . Halos lumuwa ang mga mata ko habang tinatanong ang sarili ko kung papano niya nalaman. Gulat naman akong nilingon nina Rhian at Ashley na mukhang naghihintay ng sasabihin ko. This can't be. Papano niya nalaman na hindi ko boyfriend si Bright? Bukod kay Callen wala namang ibang nakakaalan. Kaya papano niya—shets! Oo nga pala, sa kanya 'yong ballpen na napulot ko no'ng mga nakaraang araw sa tapat ng classroom no'ng ni-locked kami nina Callen do'n para magkaroon ng chance na magka-usap kami ni Bright. This can't be. So confirmed na siya nga 'yon at narinig niya ang sinabi ni Bright no'ng nag-uusap kami. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko sa sobrang kaba. Kinakabahan ako kasi malalantad na 'yong secreto namin ni Bright. Hindi lang ako at ang mga kaibigan ko ang nasa classroom ngayon. May mga nakarinig ng sinabi ni Colleen na mga ka-klase rin namin kaya any moment kakalat ito sa buong school o baka pati sa social media. "Ano? Bakit hindi ka makasagot, Deyn?" mataray na tanong ni Colleen. "Anong ibig mong sabihin?" biglang tanong ni Rhian kay Colleen pero hindi siya sinagot ni Colleen at tanging sakin lang siya nakatingin. "Ah! So walang alam ang mga friends mo rito?" tapos napatingin siya kay Bright, "Bakit hindi natin tanungin si Bright?" Agad akong napalingon kay Bright no'n para bigyan siya ng sign na wag sabihin ang totoo. Pero hindi siya nakatingin sakin at tanging sa baba lang siya nakatingin. "Totoo bang hindi mo girlfriend si Deyn, Bright?" tanong ni Ashley sa kanya. Napabuntong hininga naman ako habang hinihintay ang sasabihin niya. Kinakabahan ako pero may tiwala ako kay Bright. Alam kong hindi niya sasabihin ang totoo na wala talagang kami. Hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong malaman ng lahat na wala talagang kami at laro lang ang lahat ng ito. Siguro kasi natatakot talaga ako na kapag nalaman nila ang totoo, may magbabago. At nang magsalita si Bright, dahan-dahang bumagsak ang mga balikat ko. Dahan-dahan ko siyang nilingon habang binibigyan ng tingin kung bakit niya inamin ang totoo. "Sorry kung nagsinungaling kami." sagot niya. "Totoong walang kami at laro lang ang lahat ng 'yon. Ginawa ko lang 'yon para tulungan si Deyn na maka-moved on sa Ex niya." Hindi ako nakasagot. Nasaktan ako kasi inamin niya ang totoo. Nasaktan ako ng sobra. Pakiramdam ko binigo ako ni Bright. At hindi ko kayang harapin ngayon ang mga kaibigan ko kasi hindi ko alam kung papano ako mag e-explain sa kanila. "Totoo ba 'yon, Deyn?" tanong sakin ni Ashley. At para matapos na 'to, tumango na lang rin ako para aminin ang totoo. Wala akong choice. "Oo." sagot ko. Naramdaman kong may namumuong luha sa mga mata ko at mas lalo kong naramdaman ang kirot sa puso ko. Sinubukan kong pigilang tumulo ang mga luha ko kasi ayoko namang magpaliwanag sa kanilang nang umiiyak.  "Totoo 'yong sinabi ni Bright." pagpapatuloy ko. "Walang kami. Nagkunware lang kami para ipakitang okay ako at naka- move on na ako sa Ex ko kahit na hindi pa naman pala talaga." Nang maramdaman kong tutulo na 'yong luha ko ay agad kong pinunasan 'yon bago ako muling nagsalita. "No'ng time na 'yon, hindi ko alam kung bakit ko naisipang sabihin sa inyong lahat na may gusto ako kay Bright, na gusto namin ang isa't isa. Siguro kasi, gusto kong makita kung magseselos ba si Gab kapag nalaman niyang may iba na ako, pero ayon wala, e."  Natawa ako ng kunti na parang baliw pero naiiyak pa rin. "Kasi kahit anong gawin ko, si Colleen pa rin ang gusto niya. Hindi ko nga alam kung anong meron sa kanya na wala ako at kung bakit siya binalikan at ako 'yong iniwan? Pero no'ng dumating si Bright at naisipan naming magpanggap, habang tumatagal unti-unti ko na lang na re-realized na nawawala na pala 'yong feelings ko kay Gab." Nilingon ko si Bright na nakatitig sakin habang nagku-kuwento ako, "Kaya sobrang thankful ako sa kanya kasi tinulungan niya ako. Kahit walang kapalit ang lahat ng 'yon, sobrang saya ko kasi nand'yan siya." nagpunas ako ng luha saglit bago muling nagpatuloy sa pagsasalita, "Kaya ngayong okay na ako, naka moved on na ako, gusto ko lang mag thank you sa kanya sa lahat-lahat." Magsasalita pa sana ako pero lalo pa akong naiyak kaya nagpunas na lang ako ng luha at kinuha 'yong bag ko. Hindi ko alam kung papano ako magpapaalam sa kanila. Kaya ang ginagawa ko ay tumakbo na lang palabas ng classroom. Habang naglalakad ako palabas ng campus, hindi pa rin ako tumatahan sa pag-iyak. Malungkot lang talaga ako kasi nalaman na ng lahat na walang kami at friends lang talaga kami. Naaawa ako sa sarili ko kasi gusto ko na siya. Nagustuhan ko siya kung kailan tapos na ang pagpapanggap. At nalulungkot ako kasi inamin niya ang totoo kung kailan ayoko pa sana.                                *** Nakahiga ako sa Kama ko nang biglang tumunog 'yong messenger ko kaya naman agad akong bumangon para tingnan kung sino 'yong nag-chat sakin. Your Bright active now Deyn, okay ka lang ba? Sorry kung sinabi ko ang totoo kanina. Nalaman tuloy nila na walang tayo. Gusto kong magalit kay Bright pero anong magagawa ko kung alam kong walang sense kung magalit ako sa kanya. Isa pa, wala naman akong dapat ika-gagalit kasi totoo naman talagang walang kami. Ako lang 'yong may ayaw na sabihin niya 'yon kasi hindi ako handa. Hindi ko rin naman siya matiiis, kaya kahit anong sama ng loob ang nararamdaman ko, re-replyan ko pa rin siya. Baby Deyn active now Ano ka ba, okay lang naman ako. Hindi mo naman kailangan mag sorry. Tsaka, gusto ko lang mag thank you sa'yo sa lahat ng naitulong mo sakin. Your Bright   active now• Wala 'yon, Deyn. Ginusto kong tulungan ka kasi malakas ka sakin. Pero ngayong alam na nilang walang tayo, Friends pa rin naman tayo, hindi ba? "Friends lang? Pano kung gusto ko more than friends? Papayag ka ba?" sabi ko habang nakatitig sa chat niya. Baby Deyn active now Oo naman. Kung gusto mo more than friends pa, e CHARR! HAHA. Your Bright active now Wag mo'kong hamunin, Deyn. Baka totohanin ko 'yang sinabi mo, sige ka. Nakangiti ako habang binabasa 'yong chat niya. Actually, kinikilig  ako ngayon. Hindi ko naman kasi inakalang ito pala 'yong ire-reply niya. Akala ko kasi change topic siya o kaya tatawa lang, gano'n. Baby Deyn active now Asus. Wag kang ganyan. Baka umasa akong totohanin mo. Pagka-send ko no'n, as usual, kagaya nang nakasanayan, nag log out na naman siya. Nainis na naman ako kasi kung kailan nakakakilig na 'yong convo namin e bigla siyang nag lo-log out. Ewan ko ba kung sinasadya niya 'to o talagang hindi? Hays. No'ng sumunod na araw, kinausap ako nina Rhian at Ashley. As usual, tinanong nila ako tungkol sa amin ni Bright. Hindi kasi sila makapaniwalang wala talaga kaming gusto sa isa't isa at laro-laro lang ang lahat. "Seryoso ka, Deyn? Wala talagang kayo ni Bright? Ginawa niyo lang 'yon kasi gusto mong malaman kung magseselos si Gab at para ipakitang moved on ka na sa kanya?" sunod-sunod na tanong sakin ni Rhian. "Oo." sagot ko naman. "Wala talagang something samin. Laro lang ang lahat." "Pero totoong fully healed kana sa Ex mo?" Paglilinaw ni Ashley na halatang may pag-aalala sa boses. "Oo. Fully healed na ako sa kanya. Nagagawa ko na nga siyang kausapin at titigan sa mata. Okay na ako," tapos inangat ko ang right hand ko, "promise." Nakahinga ng maluwag si Ashley sa sinabi ko. "Buti naman kung gano'n." "Unfair lang kasi alam ni Callen 'yong totoo na walang kayo ni Bright samantalang kami ni Ashley walang ka ide-ideya tungkol sa totoong nangyare." biglang sabi ni Rhian. Ramdam ko naman 'yong lungkot sa boses niya. "Sinabi ni Callen 'yan sa inyo?" tanong ko at tumango silang dalawa. "Oo, kahapon." sagot ni Ashley. "Nalungkot kami no'ng nalaman naming alam niya samantalang kami ni Rhian hindi. Pakiramdam tuloy namin hindi kami mahalaga sayo." "Sorry, guys. Ayoko ko lang kasing mag-alala kayo sakin. Tsaka, nalaman lang rin ni Callen 'yon no'ng mga araw na nagalit ako kay Bright kasi nalamangan niya ako sa klase." pagpapaliwanag ko at tumango naman si Rhian. "Alam namin." sagot ni Rhian. "Na kuwento niya samin 'yan." "Sorry talaga." sabi ko at niyakap naman nila ako pareho. "Okay lang, Deyn. Ang importante, alam naming okay kana talaga." saad ni Ashley habang yakap nila ako pareho. Nang kumawala na kami sa yakap naming tatlo, biglang nagtanong sakin si Rhian. "Pero wala ka ba talagang gusto kay Bright?" Ang tanong na 'yon ni Rhian ang nagpatahimik sakin. Hindi ko ko alam kung papano ko 'yon sagutin. Gusto kong aminin ang totoo na gusto ko na siya. Kaso lang, kapag tinanong nila ako kung papano ko siya nagustuhan anong isasagot ko? Na na-fall ako dahil sa mga pinapakita niyang kabaitan sakin, gano'n? Hays. Ang hirap naman nito. "Bakit mo naman natanong sa kanya 'yan, Rhian?" biglang tanong ni Ashley kay Rhian. Tapos itong si Rhian nag explain, "E, kasi kadalasan sa mga napapanood ko sa mga telenobela e nagkakatotoo 'yong feelings nila sa isa't isa sa huli." "E, hindi naman lahat gano'n. Malay mo ba kung iba 'yong kina Bright at Deyn." Tapos napatingin sakin si Ashley at Rhian habang hinihintay 'yong sagot ko sa tanong niya kung wala nga ba talaga akong gusto kay Bright. Bumuntong hininga naman ako bago nagsalita. "Hindi ko siya gusto." sagot ko. "Wala akong gusto sa kay Bright, okay." paglilinaw ko. "Ehem!" Dahil sa ubo na 'yon na halata namang fake lang e napalingon ako sa likuran namin. At pagtingin ko, nando'n si Callen, worse, kasama niya si Bright at narinig nila pareho 'yong sinabi kong wala akong gusto sa kanya. At argg! Naiinis na naman ako sa sarili ko kasi sinabi kong wala akong gusto sa kanya tapos narinig niya. Baka isipin tuloy talaga niya na wala akong gusto sa kanya. Kainis naman. "Uy, nandito pala kayo." nakangiting sabi ni Rhian kina Bright.   "Kakarating lang." sagot naman ni Callen. "Ano 'yong pinag-uusapan niyo?" tanong niya. Kunware hindi niya narinig 'yong pinag-uusapan namin pero obvious naman na narinig nila pareho. Napatingin ako kay Bright na biglang umiwas nang tingin nang magtama ang mga tingin namin. That time, naiilang ako kasi sinabi ko 'yon without knowing na nasa likod na pala sila namin. "Kuwentuhan lang." sagot ni ko at biglang iniba 'yong usapan. "O siya, labas lang ako saglit." paalam ko sa kanila bago ako lumabas ng classroom at sinampal sampal 'yong sarili ko. Nong mag-start 'yong klase, naging normal ang lahat. As usual, may short quiz kami pero mababa pa sa mababa 'yong nakuha kong score. Distracted kasi ako. Hindi ko maalis sa isip ko kung ano 'yong naramdaman ni Bright no'ng marinig niya kanina 'yong sinabi kong hindi ko siya gusto. Kaya ayon, habang nag di-discuss 'yong teacher namin kanina e hindi ako makapag focus. No'ng uwian, pinansin naman niya ako. Akala ko e iiwas na siya kasi kanina no'ng magtama ang mga tingin namin umiwas siya. Pero no'ng kinausap niya ako, do'n ko napagtanto na hindi siya galit sakin kaya nakahinga ako ng maluwag. "Uuwi ka na ba?" tanong niya. That time, sout ko na 'yong bag ko na tila paalis na ng classroom para umuwi. Tumango ako sa tanong niya, "Oo." sagot ko. "Ikaw?" pabalik kong tanong. "Uuwi na rin." nakangiting sagot niya. "Pero bago 'yon," tapos nag offer siya ng kamay. Akala ko makikipag shake hands siya sakin o 'di kaya mag ho-holding hands kami pero. . ."Akin na bag mo. Hatid kita pa uwi." "Uy, hindi na." pagtanggi ko. "Isa pa, hindi na tayo couple sa mata ng iba." "Bakit, bawal bang ihatid ang isang kaibigan pa-uwi?" Hmm. . . May point siya. Wala namang masama kung ihahatid niya ako bilang kaibigan. Bakit, kailangan ba may label muna bago niya ako i-hatid sa bahay pa-uwi?—pero. . . hindi naman ako lampa o ano na kailangan pang magpahatid. Okay naman ako, so bakit pa ako magpapahatid, diba? Pero chance ko na 'to. Ihahatid ako ng taong gusto ko, papalampasin ko ba pa ba 'to? Hays. Ano ba 'yan. Hirap mag decide kapag 50-50 lagi ang sagot. Pero sige na nga. "Sige, Tara." sabi ko at nagsimulang maglakad pero napatigil ako nang hawakan niya 'yong bag ko. "Akin na bag mo. Ako na magdadala nito." "Hindi na. Kaya ko namang dalhin 'to." Umiling siya, "Wag nang maraming sinasabi. Akin na." tapos kinuha niya sakin 'yong bag ko at siya 'yong nagdala no'n. Wala naman akong nagawa kaya hinayaan ko na lang siya. Habang naglalakad kami, nag-uusap kami. Tapos bigla kong naalala 'yong sinabi ko kanina na hindi ko siya gusto at alam kong narinig niya 'yon kaya naman bigla kong nasingit 'yon sa usapan. "Ah, Bright, tungkol do'n sa sinabi ko kanina, narinig mo ba 'yon?" "'Yong alin?" tanong niya. "'Yong hindi mo'ko gusto?" Ops! Binanggit talaga niya. Tumango naman ako ng dahan-dahan, "Sorry kung nasabi ko 'yon—" "Uy, 'di mo kailangan mag Sorry." biglang sabi niya. "Ayos lang naman sakin kung hindi mo'ko gusto, Deyn." Napayuko ako bigla. Ayos lang daw sa kanya. E, pano naman ako? Pano naman ako na gustong gusto na siya? Mali kasi siya, e. Akala lang niya na wala akong gusto sa kanya pero meron. Biglang nagtahimik ang paligid at ni isa samin walang nagsalita pagkatapos no'n. E, ano pa ba kasi sasabihin ko e nasasaktan ako ngayon. Tahimik na lang kami hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay. Kaya naman hinarap ko na siya para magpa-alam na. "Dito na ako. Ingat ka." saad ko at tumango naman siya. "Siya nga pala, 'yong ZZ plant ko ba na binigay sayo buhay pa?" "Wow naman. Akala mo ba sakin pinapabayaan ko 'yon?" "Last time kasi 'yong binigay sa'yo ni Gab pinabayaan mo." "So sa tingin mo gano'n din 'yong ginawa ko?" Nagkibit balikat siya, "Ewan." sagot niya. "Siyempre buhay pa 'yon. Gusto mong makita?" binuksan ko 'yong gate kasi akala ko oo ang sagot niya. "Next time." sagot niya. "Thank you pala kasi hindi mo pinabayaan. Alagaan mo 'yon, ah." tapos kinindatan niya ako. Napangiti tuloy ako kasi ang cute niya. "Oo na po." sagot ko na parang nagpapa-cute. Sana lang cute nga ako. "Sige na, una na ako." paalam niya at tumango naman ako. Tapos nag wave muna siya sakin at gano'n din ako bago siya tumalikod sakin at nagsimulang maglakad. "Ah, bright." tawag ko pa sa kanya at napatigil naman siya sa paglalakad at nilingon ako. "Bakit?" Tinuro ko 'yong bag kong dala niya na nakalimutan niyang ibalik sakin. "'Yong bag ko." Tapos napatingin siya sa bag kong hawak niya at natawa kami pareho dahil muntik na naming makalimutan 'yon. "Oo nga pala." tapos naglakad ulit siya papalapit sakin para ibigay 'yong bag ko. "Sorry, nakalimutan ko." "Ayos lang." natatawa kong sabi. "Kahit ako muntik ko na ring makalimutan." Pagkatapos no'n, nagpaalam na talaga siya sakin at umalis na. Ako naman pumasok na sa loob ng gate at do'n ko nilabas 'yong mga ngiti kong hindi ko nailabas no'ng nakaharap ko siya.

 

 

Chapter 21 Reality

Ang aga-aga e biglang nagtanong sakin si Rhian tungkol samin ni Bright kung bakit daw ako hinatid ni Bright pa-uwi kahapon e friends lang naman 'yong status naming dalawa. Ang totoo kasi niyan, may mga nakakitang taga ibang year level na ka schoolmate namin na siyang admin sa isang Facebook page na related sa school namin. Ang alam ko mga grade 10 students sila pero hindi namin alam kung sino sila. Basta, sila 'yong nangunguha ng mga litrato ng mga couples o students na gusto nilang i-ship gano'n. At nando'n 'yong mukha namin ni Bright na naka post sa page na 'yon kung kailan hinatid niya ako pa uwi kahapon. Kumalat tuloy sa buong campus. "Akala ko ba friends lang kayo? Ang magkaibigan hindi ganyan ka sweet." Paalala ni Rhian habang nakatitig sa phone niya kung saan nando'n ang litrato namin ni Bright. "Friends lang naman talaga kami." paglilinaw ko. "Masama na ba ngayong ihatid ang isang kaibigan lang? Lahat na lang may issue." "Hindi naman gano'n, ang sakin lang, kung talagang friends lang ang turing niyo sa isa't isa, bakit kailangan siya magdadala ng bag mo?" E kasi mapilit siya. "E, kasi nga friends kami." depensa ko. "Masama na ba ngayong dalhin ang bag ng isang kaibigan?" "Hindi ako naniniwalang friends lang ang turing niyo sa isa't isa, feeling ko may feelings 'yon sayo." Natuwa ako sa sinabi ni Rhian. Hindi ako literal na nakangiti pero sa puso ko, sobrang natutuwa ako knowing na kahit siya e na fe-feel na may feelings sakin si Bright. "Hindi ako sigurado d'yan." sagot ko. Kunware wala akong pake. "Pero nararamdaman ko. Ikaw? Hindi mo ba nararamdaman?" Nararamdaman ko rin. Kaso lang, hindi naman niya sinasabi. Kaya hindi pa ako gano'n ka sure. Umiling lang ako sa sinabi ni Rhian. "E, ikaw? Sigurado ka bang hindi mo talaga siya gusto?" tanong pa niya. "Sira, wala akong gusto ro'n." sagot ko. Di ko alam kung bakit pilit kong dine-deny sa kanya na wala akong gusto kay Bright.  Hindi ko man lang magawang aminin ang totoo sa kanya. Kaibigan ko siya pero heto ako, hindi ko kayang magsabi ng sekreto sa kanya. "Sayang naman. Green flag pa naman siya. Tsaka botong-boto ako sa kanya para sa'yo." This time, hindi ko na napigilan 'yong ngiti ko at nailabas ko na 'yon sa mismong harap ni Rhian dahilan para mahuli niya ako. "O, ba't ka nakangiti? Ano ibig sabihin ng mga ngiting 'yan, ha?" tanong niya na parang tinutukso ako base sa boses niya. "Wala." pagde-deny ko. "Naks! Umamin ka nga," tapos hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at seryosong tinitigan sa mata, "may gusto ka kay Bright, tama ba?" Ano ba 'yan, hindi pa naman ako marunong magsinungaling kapag tinititigan ako ng isang Tao sa mata na parang sinusuri ang magiging sagot ko kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. "Rhian—" "Wag ka nang magsinungaling sakin, Deyn. Obvious kaya na may gusto ka sa kanya." Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat sa sinabi ni Rhian. Kung gano'n, hindi lang si Callen ang nakakapansin na may pagtingin ako kay Bright, kundi pati si Rhian? "Kung gano'n, alam mo palang may gusto ako sa kanya, bakit ngayon mo lang sinabi?" "Ayon!" tapos pumitik siya sa hangin, "So inamin mo rin." "Wait, ano ba talaga, obvious ba ako o sinabi mo lang 'yon para mahuli ako na may gusto ako sa kanya?" "Obvious ka talaga." sagot niya. "Actually, no'ng nakaraan ko pa napapansin pero 'di lang kita tinatanong kasi kahit tanungin ka namin ng pa ulit-ulit, ayaw mo namang aminin." Nag beautiful eyes ako sa kanya. Ginawa ko 'yon as a sign na nagso-sorry ako kasi nag secret ako sa kanya. "Pero Rhian, may favor ako." sabi ko at tumango naman niya. "Pwede bang, atin lang muna 'to. Ayoko kasing malaman nina Ashley at Bright. Kayo pa lang ni Callen ang nakakaalam—" Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla siyang sumingit. "Wait, alam ni Callen na may gusto ka kay Bright?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango ako, "Oo. Actually, kagaya mo, napansin din niyang may gusto ako kay Bright." "Naks naman. Ang unfair, alam pala ni Callen pero kami ni Ashley hindi ulit alam." tapos umakto siya na parang nagtatampo. Nag peace sign naman ako sa kanya. "Sorry na." "Ano pang sekreto mo ang hindi ko alam na alam ni Callen? Pa share naman." Natawa ako sa sinabi niya saglit bago ako umiling, "Wala na. 'Yon lang." Natatawang sagot ko. "Pero bakit hindi na'tin kailangan ipaalam kay Ashley? E, friends naman natin siya?" tanong pa niya. Actually, may point siya. Bakit nga ba hindi? "Kaso lang, kapag nalaman niya, tatlo na kayong nakakaalam no'n. Ayoko lang na maraming may makaalam." pagpapaliwanag ko. "Hindi naman sa wala akong tiwala kay Ashley. Siguro, tsaka ko na lang ipapaalam sa kanya kung. . ." natahimik ako saglit habang pinag-iisipan kung ano nga ba ang idudugtong ko ro'n sa sinabi ko. Kung kami na ni Bright? Gano'n ba 'yon? Ayoko namang mag assume na magkaroon ng KAMI sa dulo, pero nag e-expect talaga ako na sana meron. "Kung kayo na?" biglang sabi ni Rhian bilang pagdudugtong do'n sa sinabi ko. Tatanggi sana ako sa sinabi niya pero binigyan na niya ako ng panunuksong tingin kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong kiligin at aminin na 'yon nga 'yon. "Oo na." kinikilig kong sabi at tinusok-tusok naman niya ako sa tagiliran habang tinutukso. No'ng malapit na 'yong uwian, nag-iwan ng reminder samin 'yong homeroom namin na kailangan na naman naming mag handa para sa nalalapit na exam for the second quarter. Siyempre, nag-aral ako no'ng vacant time namin kasi sayang 'yong oras kaya imbis na makipag daldalan ako e nagbasa-basa na lang ako ng notes ko nang bigla akong tabihan ni Bright sa upuan. "Sipag naman mag-aral." pabungad niya. Sinara ko naman ang notes ko at nilingon siya nang nakangiti. Ewan, pero automatic akong napapangiti kapag nasa paligid ko siya. "Naman!" sagot ko. "Tatalunin talaga kita. Sisiguraduhin kong mas mataas ang makukuha kong scores sa exam." Tapos ngumiti siya. Na badtrip ako kasi nagyayabang ako ngayon pero siya e parang chini-cheer pa ako. Ginulo niya 'yong buhok ko sabay sabing, "Sige. Mas mabuti 'yan. Gawin mo'kong competitor para ma motivate ka lalong mag-aral." matapos niyang sabihin 'yon ay tsaka lang niya inalis 'yong kamay niya sa ulo ko. "Sige na, mag-aral ka na d'yan." tapos tinuro niya 'yong notebook ko gamit ang mga labi niya. "Hindi na kita iistorbohin." tatayo na sana siya para umalis do'n sa inuupuan niya nang hawak ko ang kamay niya para pigilan ko siya. At 'yon ang pinakanakakahiyang bagay na ginawa ko ngayong araw. Ang awkward tuloy. Lalo na no'ng napatingin siya sakin na parang tinatanong kung bakit tapos napatingin siya ro'n sa kamay kong nakahawak sa kamay niya. Pero para hindi maging awkward ang moment na 'to, kailangan kong mag-isip ng sasabihin sa kanya. 'Yong importanteng sasabihin para hindi masyadong awkward. "Sandali lang, paturo naman ako sa math." saad ko at nakahinga ng maluwag dahil mukhang nag work 'yong sinabi ko. Binitawan ko 'yong kamay niya at bumalik siya sa pagka-upo tsaka ko pinakita sa kanya 'yong equation sa math na kunware magpapatulong ako kahit na 'yong totoo e gets ko naman talaga 'yon. "Ito oh," sabay turo sa notes ko. "Di ko kasi maintindihan." "Madali lang naman 'to." sabi niya at in-explain 'yon sakin. Habang nagsasalita siya para mag explain e sa mukha lang niya ako nakatitig habang siya naman e nagsusulat sa notebook ko para klaruhin sakin 'yong tinuturo niya. Pagkatapos niyang i-explain 'yon e tinanong niya ako kung na gets ko ba at tumango lang ako. Wala namang problema sakin kahit naka-focus lang ako sa mukha niya dahil alam ko naman talaga kung papano i-solve 'yon. Nang matapos niyang ituro sakin 'yon, bigla kong naisip na kung papano kaya kung kausapin ko siya bukas? Tapos aminin ko nang gusto ko siya. Lagi akong nagpa-plano pero hindi naman natutupad. Pero bukas, siguraduhin ko na talagang masasabi ko na sa kanya itong nararamdaman ko. "Ah Bright, pwede ba tayong mag usap bukas?" "Tungkol saan?" "Meron lang akong sasabihin sayo. Okay lang ba?" "Anong oras ba 'yan? A-absent kasi ako bukas." A-absent siya bukas? Bakit naman kaya? Dibale na. Di na importante 'yon. "5:00 pm. Okay lang ba?" natuwa naman ako nang tumango siya. "Sige. Hahabol ako." Pagkatapos no'n, bumalik na siya sa upuan niya at ako naman e nagpatuloy sa pagbabasa ng notes ko hanggang sa mag-uwian na. Kasama ko no'n sina Ashley at Rhian. Tapos itong si Ashley panay tanong sakin kung may gusto ba ako kay Bright o wala. Siyempre tudo deny naman ako kasi wala akong lakas ng loob na sabihin ang totoo kay Ashley. Pero mapilit siyang tao at ayaw niya akong tantanan sa kakatanong niya sakin. "Wala ka ba talagang gusto sa kanya, Deyn??" "Wala, Ashley. Promise." pagsisinungaling ko. "Wee?? As in wala talaga?? Kahit kunti?" Umiling ako, "Wala." Tapos ayon, tinantanan na niya ako sa kakatanong. "Uhm, bukas meron akong sasabihin sa inyo." Nagkatinginan naman kami ni Rhian nang sabihin 'yon ni Ashley. Sounds like parang may maganda siyang ibabalita samin kaya na excite kami pareho. Pagkatapos naming mag usap, sumakay na kami ng tricycle pa uwi.                                 *** Kinabukasan, absent si Bright kagaya ng sinabi niya kahapon. Hindi ko alam kung bakit siya absent kasi hindi ko naman siya natanong kahapon. Baka may pinuntahan lang or something kaya siya wala ngayon. Nang dumating si Ashley, do'n ko na siya ni-remind tungkol sa sasabihin niya samin ni Rhian. "May sasabihin ka pa samin diba?" Paalala ko sa kanya at napangiti naman siya pagkatapos. "Oo." sagot niya. "Tara sa labas." tapos hinila niya kami ni Rhian. Wala naman akong choice kundi sunama. E, hila-hila niya 'yong kamay ko, e. Paglabas namin ng classroom do'n na niya sinabi samin ang gusto niyang sabihin. "Wag kayong nagugulat, ha." tapos nag enhale tsaka nag exhale muna siya. Na curious naman kami ni Rhian sa kung ano nga ba itong sasabihin niya samin kaya nagkatinginan kami. "Ano ba, Ashley. Pinapakaba mo kami." sabay naming sabi ni Rhian at nakita naman naming tumawa si Ashley. "Ano ba kayo. Goodnews 'to." sagot niya. Tumango naman ako as a sign na sabihin na niya. "Sige na, sabihin mo na." "Ang totoo kasi niyan, nililigawan ako ni Bright." Natahimik ako. Na blanko bigla ang isip ko at napatulala ako sa kung saan nang marinig ko ang sinabi niya. Pilit kong inaabsorb sa utak ko ang sinabi ni Ashley pero sa loob-loob ko, parang ayokong isipin 'yon. Ayokong intindihin kahit na unti-unti ko namang naiintindihan. Gusto ko lang talagang ideny 'yon. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na sana nagbibiro lang siya ngayon. Pakiramdam ko tinraydor ako ng sarili kong kaibigan kahit na alam ko namang wala siyang ginawang masama. Wala akong kahit isang letrang na sabi pero si Rhian meron. At alam kong gulat na gulat rin siya ngayon. "Ha? Ano?! Nililigawan ka ni Bright?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tapos nilingon niya ako. Alam kong sa mga tingin na 'yon ni Rhian ay tinatanong niya ako kung totoo ba 'yong sinabi ni Ashley. Pero kahit ako e hindi ko rin alam. Kasi sa ngayon, isa lang ang masasabi ko, 'yon ay ang sakit. Ang sakit-sakit na marinig itong nalaman ko ngayon lang. "Oo. Nililigawan niya ako." nakangiting sagot ni Ashley na tila kinikilig pa. "Teka, papanong ikaw? E, diba si Deyn—" bago pa banggitin ni Rhian ang kasunod ng sasabihin niya ay pinutol ko na ang kung ano man ang sasabihin niyang 'yon. "Mabuti naman kung gano'n." sabi ko at ngumiti ng pilit sa harap ni Ashley. Tapos hinawakan ako ni Ashley sa magkabilang balikat sabay tanong ng isang tanong na kahapon pa niya paulit-ulit na tinatanong, "Wala ka namang gusto kay Bright, hindi ba?" paninigurado niya. Gusto kong sabihin ang totoo na may gusto ako kay Bright. Kaso lang, alam ko namang kahit sabihin kong gusto ko siya, wala na rin naman akong magagawa. "Wala." tipid kong sagot. Nakita ko sa mukha ni Rhian na alam niyang nagsisinungaling ako kay Ashley sa sinabi ko. Pero gaya ko, nagkunware na lang din siya sa harap ni Ashley na masaya para hindi magtaka samin si Ashley. "Papano ka niya nagustuhan? Kailan siya umamin?" tanong ko pa. Gusto ko lang magkaroon ng maraming alam tungkol sa kung papano niya nagustuhan si Ashley. E, hindi naman kasi ako nagkaroon ng idea na may crush siya kay Ashley. "Hindi niya sinabi sakin kung kailan niya ako nagustuhan. Pero umamin siya sakin no'ng nakaraan." No'ng nakaraan? Kung gano'n, kung si Ashley pala ang gusto niya, bakit pinaramdam pa niya sakin na espesyal ako para sa kanya? Bakit gano'n?? Bakit sakin niya pinaramdam ang bagay na 'yon kung hindi naman pala ako? "Teka, e ikaw Ashley, may gusto ka ba kay Bright?" natauhan ako sa tanong na 'yon ni Rhian. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinihintay ko 'yong magiging sagot niya. Pero lalong bumagsak ang mga balikat ko nang um-oo siya. "Gusto ko rin siya." sagot niya. "Hindi naman siya mahirap gustuhin. Mabait siya at maalaga." tapos napatingin siya sakin, "Lalo na sayo, Deyn. Kaya naiinggit ako sayo noon kasi meron kang Bright na sobrang maalaga. Minsan, hinihiling ko na sana ako rin." Hindi ko siya sinagot o kahit ngiti man lang do'n sa sinabi niya ay hindi ko ginawa. Pagkatapos naming tatlo mag usap, bumalik si Ashley sa upuan niya. Ako naman nag stay sa labas habang nagpapahangin. Si Rhian naman tinabihan ako. At alam kong kakausapin niya ako ngayon tungkol kay Bright. No'ng nilingon ko siya, kita ko sa mukha niya na nag aalala siya sakin. Hindi pa naman ako sanay na may nag-aalala sakin. "Wag mo'kong titigan ng ganyan. Okay lang ako." sabi ko at tumawa ng labas sa ilong para ipakitang ayos lang ako. "Hindi ka okay." sabi niya kaya umiwas ako ng tingin pero hinawakan niya 'yong magkabilang pisngi ko at hinarap 'yon sa kanya. "Hindi ko maintindihan. Papanong nililigawan siya ni Bright? Papano nangyare 'yon?" Kahit ako hindi ko rin maintindihan. Pero anong magagawa ko, e siya 'yong gusto, e. Alangan namang pilitin ko si Bright na kalimutan ang nararamdaman niya kay Ashley para lang mahalin din ako. Ang selfish ko naman kapag gano'n. Umiling ako, "Hindi ko alam." "E, bakit ba kasi hindi ka umamin ng feelings? Ayan tuloy, naunahan ka." Tama siya. Bakit ba kasi laging nauudlot ang pag-amin kosa kanya? Bakit gano'n?? "Rhian, anong gagawin ko? Sinabi ko pa naman sa kanya na may sasabihin ako sa kanya bukas pag nag usap kami." "Aaminin mo na ba dapat?" Tumango ako, "Sana. E, kaso lang nalaman natin ngayon lang na nililigawan na niya si Ashley. Worse, kaibigan ko pa talaga. At hindi sinabi ni Bright sakin na may gusto pala siya kay Ashley." "Walang kasalanan si Ashley dito. Hindi naman niya alam na may gusto ka kay Bright kasi 'di mo sinabi sa kanya." "Alam ko. 'Yon na nga 'yong problema, e. Hindi ko alam kung anong gagawin." "Ba't 'di mo pa rin subukang umamin?" Suggest niya. Susubukan ko pa rin ba kahit na alam ko nang walang chance? "Pero Rhian—" "Para at least maliwanagan ka." Natahimik ako nang marealize kong may point siya. Para naman sakin 'to e. Kaya kahit na alam kong masasaktan ako, aaminin ko pa rin sa kanya na gusto ko siya. Tumango ako sa sinabi ni Rhian. Buo na ang loob ko, aaminin ko na sa kanya na gusto ko siya. Pag sapit ng alas singko ng hapon, hinintay ko si Bright sa school. Ang akala ko kasi makakarating siya. Pero nalungkot ako nang makatanggap ako ng text na baka 'di raw siya makapunta kaya nag decide ako na umuwi na lang ng bahay.   Ang sabi ni Ashley kanina nagpunta silang airport kasama ng Mama at Papa niya dahil may sinundo sila. Hindi ko alam kung sino 'yong sinundo nila at isa pa hindi na ako interesadong malaman kung sino 'yon. Ang sakin lang, ang unfair kasi alam ni Ashley kung saan siya pumunta at kung sino 'yong sinundo nila samantalang ako hindi man lang niya in-update. Sabagay, iba talaga kapag hindi na ikaw 'yong priority. Nakahiga lang ako buong magdamag sa kuwarto ko habang iniisip siya. Inisip ko rin kung anong mararamdaman ko oras na maging official na silang dalawa ni Ashley. Natatakot ako kapag dumating na ang araw na 'yon. Kasi pano naman ako, diba? Naramdaman kong nag vibrate 'yong cellphone ko na nasa tabi ko kaya naman kinuha ko 'yon at tiningnan kung sino 'yong nag message at ayon, si Bright 'yong nag message sakin. Hindi man lang ako nakaramdam ng tuwa kahit kunti. Ang sabi niya nasa tapat daw siya ng bahay namin. Hindi ko pinansin 'yong message niyang 'yon at wala akong pakialam kahit na nasa tapat siya ng bahay. Basta, ayoko siyang makita at makausap ngayon. Masyadong masakit 'yong tungkol sa nalaman ko kanina. At nag mag message ulit siya at sinabing may ibibigay raw siya, do'n na ako na kumbinsi na lumabas ng bahay. Lumabas ako kasi akala ko kung ano 'yong ibibigay niya, chocolates pala. Inabot niya 'yon sakin sabay sabing, "Pasalubong galing sa pinakamamahal kong kadugo." Nagdalawang isip pa akong kunin 'yon pero after a second kinuha ko pa rin. Sayang naman kasi. "Salamat. Galing ba 'to sa sinundo niyo kanina sa airport?" tanong ko at tumango naman siya. "Relatives niyo?" dagdag ko pa. "Mas higit pa ro'n." sagot niya. Itatanong ko pa sana kung sino, kaso lang napansin kong dumidilim na 'yong langit, hindi dahil sa pagabi na, kundi parang uulan yata. And I don't want to waste time kasi baka mamaya hindi na naman matuloy ang pag amin ko. "Siya nga pala, may sasabihin ka hindi ba?" "Oo." sagot ko. "Ako rin, meron." Feeling ko, alam ko na kung ano 'yong sasabihin niya. Pero bago niya sabihin sakin 'yon, gusto kong ako muna. "Okay lang ba kung ako ang mauna?" pakiusap ko. Tumawa siya sa tanong ko 'yon, "Ano ka ba, oo naman siyempre. Walang poblema." Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga saglit. Nangingibabaw sakin ang kaba ngayon. Pero kailangan kong sabihin sa kanya 'to kasi kapag hindi ngayon, kailan? Hanggang kailan ko itatago itong nararamdaman ko sa kanya? Huminga ako ng malalim, "Wag kang mabibigla, ha." tumango naman siya, "No'ng una, alam naman na'tin pareho na laro lang, hindi ba?" Nakita ko sa mukha niya na medyo naguluhan siya sa sinabi ko. "Laro lang 'yon no'ng una. Nagpapanggap lang tayo na gusto natin ang isa't isa para makalimutan ko 'yong taong dumurog ng puso ko." "Tama." "At nag work nga 'yon. Dahil sayo naka-move on ako sa ex ko. Dahil sayo nawala 'yong nararamdaman ko sa kanya. Sabi nga nila, you can't unlove a person that once you loved. Only love can replace it. Your love towards your new love should be greater than the past in order to heal the broken heart." "Anong ibig mong sabihin, Deyn?" Pumikit ako, "Gusto kita, Bright." dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at napatitig sa mga mata niya. "Gustong gusto kita." Sa wakas, nasabi ko na rin ang gusto kong sabihin sa kanya. Ang sarap pala sa pakiramdam na nailabas ko 'yon. "No'ng una, hindi pa ako gano'n ka sigurado kung itong tibok ng puso ko ba ay dahil sa kaba lang ba o baka dahil totoong gusto na kita. Hindi ko rin alam kung bakit minsan sa tuwing tinititigan kita, umaasa ako na sana nakatingin ka rin sakin." Biglang humangin ng malakas. Sobrang lakas na tipong pati kami e tatangayin na ng hangin. Alam kong malapit nang bumuhos ang malakas na ulan, pero itong moment na 'to, hindi basta-basta mauudlot nang dahil lang do'n. "'Yong mga ngiti ko, ikaw na rin ang nagiging dahilan ng mga ito. Hindi na rin kumpleto ang gabi ko hangga't hindi kita nakakausap sa chat. Na kahit lagi kang nauunang mag log out sa kalagitnaan ng pag-uusap natin, nagagawa ko pa ring ngumiti kahit na nag ba-backread na lang ako ng mga convo's na'tin sa messenger." Biglang kumidlat at kasunod no'n ang pagkulog ng sobrang lakas. Pero hindi pa rin kami umaalis sa kinatatayuan namin kahit alam naming pa ulan na. "Para bang isang araw, naguguluhan na lang ako sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kaibigan pa ba ang tingin ko sayo o baka naman mas higit pa ro'n at hindi lang ako aware. Minsan, naguguluhan na rin ako kung ano ba 'tong nararamdaman ko sayo, nakakapanibago kasi." "Deyn—" napatigil siya at pareho kaming napatingin sa kalangitan nang bumuhos ang napakalakas na ulan. "Kailangan mo nang pumasok sa loob, mababasa ka." Tumalikod siya para umalis na nang hawakan ko ang braso niya para pigilan siya. Napaharap naman agad siya sakin. No'ng time na 'yon, unti-unti na kaming nababasa ng ulan, alam kong magkakasakit kami dahil dito, pero ayokong matapos ang araw na 'to nang hindi man lang narinig ang sagot niya sa sinabi ko. "Pumasok ka na. Ang lakas ng ulan—" hindi ko siya pinakinggan kasi ayoko nang magsayang pa ng oras. "Ikaw Bright? Gusto mo rin ba ako?" Natahimik at natigilan siya sa tanong kong 'yon. Habang hinihintay ko ang sagot niya, napahilamos ako ng mukha dahil sa tubig na dumadaloy sa mukha ko. "Deyn, bukas na lang tayo—" "Yes or no?" Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at seryosong tinitigan sa mata, "Ayokong magkasakit ka, kaya please, sumunod ka na lang." Imbis na sundin ko siya ay nagmatigas ako. Simpleng yes or no lang naman kasi hindi pa niya magawang sabihin. "Does this mean, am i rejected?" "Deyn—" "Bright, sagutin mo'ko." pagmamakaawa ko. "Gusto mo rin ba ako?" Unti-unti niyang binitawan 'yong braso ko. Dahil do'n, bigla akong nanghina. Napailing ako. No, this can't be. Alam kong mali itong iniisip ko. Kaya please, sana ma reach nito ang expectations ko. "I'm sorry." Para akong binuhusan ng balde baldeng tubig ng ulan nang sabihin niya 'yon. Naramdaman kong kumirot ang puso ko. Kahit pa na hindi niya sabihin nang deretchahan, alam kong sa simpleng sorry, alam ko na kaagad ang sagot niya. "Hindi kita gusto." dagdag pa niya. Biglang nag init ang gilid ng mata ko at unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. "Papano nangyare 'yon? Papanong hindi mo'ko gusto, Bright? Bakit?" Hindi siya nagsalita kaya naiyak ako lalo. "Bakit gano'n? Ang bait-bait mo sakin. Lagi mo'kong tinutulungan sa lahat ng bagay, mapa lovelife man 'yan o sa pagaaral. Lagi kang sweet sakin at alam kong sakin ka lang gano'n, kaya papanong hindi mo'ko gusto?" Lumapit siya sakin at hinawakan 'yong mukha ko, "Teka, laro lang naman 'yon, e. Bakit sineryoso mo?" Para akong tinusok ng karayom nang sabihin niya 'yon. Alam ko namang laro lang 'yon, pero bakit gano'n? Bakit parang totoo? "Aware ako na laro lang 'yon. Pero sakin ka lang gano'n at hindi sa iba, ano sa tingin mo ang iisipin ko, Bright?" "Sa'yo lang ako gano'n kasi kailangan." paglilinaw niya. "Kung pati sa iba gano'n ang ugali na pinapakita ko, hindi sila naniniwalang may something sating dalawa." Ito ba talaga 'yon? Hindi ba talaga niya ako gusto? "To tell you the truth. Hindi ikaw, Deyn kundi si Ashley. . ." I knew it. "Nililigawan ko na siya." dagdag pa niya. Lalo pa akong naiyak nang marinig ko 'yon mismo sa kanya.   "Sabihin mo sakin kung kailan mo siya nagustuhan?" mangiyak ngiyak na sambit ko. "No'ng mga panahong naghiwalay sila ng boyfriend niya." sagot niya dahilan para mapaiyak ako lalo. "Kinumfort ko siya no'n," Pagpapatuloy niya. "nagkikita kami minsan, tapos sinasabi niya sakin lahat ng problema niya at pinapakinggan ko naman siya sa lahat ng problemang meron siya. Hinahayaan ko siyang mag kuwento hanggang sa na realized ko na lang isang araw na nagiging malapit na ako sa kanya." 'Yong akala ko sakin lang siya mabait, hindi pala. Mali ako. Akala ko lang pala 'yon. Kasi gano'n din pala siya sa best friend ko. At hindi ako aware na nag me-meet sila secretly. This is bullshit! Dahil lang do'n nahulog ang loob niya kay Ashley? Sira-ulo ba siya? E, sakin? Hindi ba siya na fall kahit kunti? Ano bang meron kay Ashley na wala sakin? Itong tanong na 'to, natanong ko na rin sa sarili ko no'ng mga panahong iniwan ako at pinalit kay Colleen. Fuck! Bakit ba lagi ko na lang kinukumpara ang sarili ko sa mga nagugustuhan ng taong gusto ko? Ano bang kulang sakin? Bakit ba lagi na lang hindi ako 'yong pinipili? Hindi ba pwedeng ako naman? "Kung nagustuhan mo na pala siya no'ng mga panahong 'yon, bakit hindi mo sinasabi sakin?!" Sigaw ko. "I'm sorry. Hindi ko kasi alam kung papano sabihin 'yon sa'yo. Kaya pinili kong itago." aniya. "Isa pa, alam ng lahat na may thing satin no'n, at ayokong masira 'yong plano natin—" "So kasalanan ko?" "Hindi gano'n 'yong ibig kong sabihin, Deyn." "E, ano?" "Intensyon ko naman ang tulungan ka. Kaya nga mas pinili kong itago na may gusto ako kay Ashley para sayo." "Wow! Thank you, ha. Thank you kasi mas pinili mong tulungan ako." sarcastic kong sabi. "Pero kung alam ko lang 'to noon, hindi na sana ako pumayag na tulungan mo'ko." "I'm sorry." "Bakit ka ba kasi gano'n? Binigyan mo'ko ng scratch paper na may kakaibang meaning, ang bait-bait mo sakin, ang sabi mo gusto mo 'yong ganda ko tapos hinihintay mo lagi 'yong chat ko. Do'n ako umasang may gusto ka sakin, Bright." Nakita ko 'yong gulat sa mga mata niya. Pero hindi ko alam kung alin do'n sa sinabi ko siya mas nagulat. "Alam mo 'yong meaning do'n sa binigay kong scratch paper sayo?" "No'ng una, hindi." sagot ko. "Pero sinabi sakin ni Callen 'yong gusto mong iparating do'n sa scratch paper na 'yon. Kaya kung tatanungin kita ngayon, kung hindi mo pala ako gusto, bakit mo 'yon binigay sakin?" Napaiwas siya ng tingin bago niya sinagot 'yong tanong ko, "Ang totoo kasi niyan, medyo confused ako kung sino sa inyo ni Ashley ang gusto ko." Natahimik ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, nagustuhan din niya ako? Gano'n? "Inaamin kong nagka-crush ako sayo. Pero na realized ko na hanggang do'n lang 'yon. Kasi 'yong nararamdaman ko sayo ay mas nahigitan ng nararamdaman ko para kay Ashley." Napangiwi ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit. "At 'yong mga pinapakita ko sayo, hindi lang ako sayo gano'n, Deyn. Kasi gano'n ako sa lahat." Now, I can say na hindi na siya naging green flag sa paningin ko. Naiinis na ako sa kanya. Kung hindi niya ako gusto, mas mabuti pa sigurong matapos na rin ang friendship naming dalawa. Tumalikod ako kasi gusto ko nang matapos ang usapan na 'to at ayoko nang makita ang pagmumukha niya nang bigla niya akong tawagin. "Deyn." Napatigil ako. Pero hindi ko siya hinarap. Tanging hinihintay ko lang kung ano 'yong sasabihin niya. "Sorry kung hindi ko sinabi sayo 'to. Sorry kung nag secret ako sayo. Kilala mo naman ako diba? Hindi ako 'yong tipo na sinasabi lahat ng tungkol sakin. Kaya sana. . . sana maintindihan mo." Hindi ko pa rin maintindihan, Bright. Ang gulo pa rin. Naguguluhan pa rin ako sa pinapakita mo sakin. Alam mo namang marupok akong tao, kaya sana hindi gano'n 'yong pinakita mo sakin para hindi nahulog itong loob ko sayo. "Next time stop giving me a mixed signal kung hindi ka naman pala sigurado." Inis kong sabi. Sa ngayon, gusto ko munang matapos 'tong gabing 'to. Masyado akong napagod ngayong araw lalo na no'ng nalaman kong nililigawan niya ang kaibigan ko. Pumasok ako sa loob ng bahay nang hindi siya nilingon para magpaalam. Umakyat ako sa kuwarto ko nang basang-basa habang umiiyak at umupo sa may isang sulok habang yakap-yakap ang sarili ko. Pagkatapos ng halos kalahating oras, pumasok ako ng banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nag online ako para i-chat siya. Baby Deyn active now Thank you for being honest with your feelings. Gusto ko ring maging honest sayo ngayon. I want to end our friendship.                                   You're Bright active now No, Deyn. Ayokong matapos ang friendship natin. Please, nakikiusap ako sayo. Ayokong mawala ka. Kasi ikaw lang 'yong kaibigang iba sa lahat na naging meron ako boung buhay ko. Baby Deyn active now Wag kag slfish Bright. Kung talagang kaibigan kita, hahayaan mong mawala itong nararamdaman ko sayo. At ang tanging paraan lang para makalimutan kita ay ang tapusin ang pagkakaibigan natin. Matapos kong i-send 'yon, nakitang kong na-seen agad niya. Hindi ko na rin hinintay 'yong reply niya. Gusto ko na lang matapos lahat. While I was looking at his name, do'n ko lang na realized na may nickname pa palang dapat burahin. Kaya hindi na ako nagsayang ng segundo at binura ko na 'yon.     You cleared your own Nickname And after a second matapos kong burahin 'yong nickname ko, aksidente kong nabasa 'yong response niya. Your Bright active now Kung 'yan ang gusto mo, sige. Goodluck to your journey, Deyn. At ang pinaka worst na hindi ko naman talaga inasahang gagawin din niya ay ginawa niya.      ; Your Bright cleared his own                              Nickname

 

 

Chapter 22 Not Once But twice

 

Sa paglipas ng isang linggo, hindi kami nagpansinan ni Bright. Ang hirap lang para sakin na magpanggap na okay kami dahil kay Ashley. Sinikap kong magpanggap na ayos lang ako sa harap niya na kahit ang totoo ay sobrang sakit na. At sa loob ng ilang araw, nasaksihan ko lahat ng ka-sweet-an nila. 'Yong dating paghatid-sundo sakin ni Bright na syang may hawak ng bag ko noon ay ngayon kay Ashley na niya ginagawa. At sa totoo lang, marami ang nagsasabing mas bagay sila. Hindi na ako pinapansin ni Bright kagaya ng sinabi kong ayoko na siyang makausap pa. Pero minsan nahuhuli ko siyang nakatitig sakin. Pero umiiwas ako at ibinabaling na lang 'yong mga tingin ko sa ibang lugar kasi ayokong titigan siya ng matagal. Sinisisi rin ako ni Callen kasi ang tagal ko rin daw umamin kaya heto ako ngayon, nasasaktan. At ngayon lang din kami nag-away ni Rhian kasi hindi na ako sumasabay sa kanila. Lagi na akong nauunang umuwi. Nakikiusap siya sakin ngayon na kahit isang beses lang sumabay naman ako sa kanila pero humindi ako. Ayoko na kasi. Hindi ko na kayang magpanggap na okay lang habang nakikita kong masaya siya sa iba. "Ano ba kasi, Deyn. Kung nasasaktan ka, please naman, wag mong hayaang masira ang friendship nating tatlo!" sigaw sakin ni Rhian. Tatlo na lang kami 'yong tao sa classroom kasi 'yong iba nagsi-uwian na. Si Callen at Bright naman umalis pero babalik din daw saglit. "Teka, ano ba kasi ang problema mo, Deyn?" biglang tanong naman ni Ashley sakin. "Bakit parang lumalayo ka? Hindi ka na namin maintindihan." "Well, sorry kung lumalayo ako sa inyo. Kahit naman kasi sabihin ko ang totoong dahilan, ako lang naman 'yong magmumukhang tanga rito." sagot ko kay Ashley. Lumapit sakin si Ashley at hinawakan ang kamay ko. Gusto ko siyang itulak papalayo sakin kasi naiinis ako sa pagmumukha niya pero heto ako, hindi ko magawa kasi. . . kasi kaibigan ko siya. "Deyn, hindi na kita kilala. Kung may problema ka sabihin mo samin para alam namin kung papano ka matutulungan." Napangiwi ako sa sinabi niya. Matutulungan? Kapag sinabi ko bang gusto ko si Bright, ibibigay ba niya sakin 'yon? Napangiwi ako sa sinabi niya at tinaasan siya ng kilay, "Gusto mong malaman ang totoo, Ashley?" Nakita ko sa mukha ni Rhian ang gulat nang mapansin niyang parang aaminin ko na kay Ashley na gusto ko rin si Bright. "Deyn—" Pigil niya pero 'di ko siya pinansin at tanging sa mga mata ni Ashley lang ako nakatingin ngayon. "Gusto ko si Bright, Ashley." aniko at agad ko namang nakita ang gulat sa mukha ni Ashley nang sabihin ko 'yon. "'Yon ang totoo." Hindi siya nakapag salita sa sobrang gulat at naramdaman kong unti-unti siyang bumibitaw sa paghawak sa kamay ko. "Ngayong alam mo na ang dahilan kung bakit parang lumalayo ako sa inyo, tatantanan mo na ba ako?" "Pero tinanong kita ng paulit-ulit kung may gusto ka sa kanya o wala diba? Ang sabi mo wala kang gusto sa kanya." "Nagsinungaling lang ako sayo no'n. Di ko naman kasi in-expect na nililigawan ka na pala niya." Inalis ko ang kamay kong hawak niya na hanggang ngayon e 'di pa niya binibitawan. "Gusto ko si Bright. At 'yon ang totoo." dagdag ko pa. Tapos nalingon niya si Rhian sabay tanong ng, "Alam mo rin ba 'to, Rhian?" Nilingon ko naman si Rhian habang hinihintay ang sagot niya. At nakita ko sa mukha ni Ashley ang pagka-dismaya nang tumango si Rhian sa kanya. "I'm sorry, Ashley." tanging 'yan lang ang nasabi ni Rhian. Hindi siya sinagot ni Ashley at muli niyang ibinaling ang mga tingin sakin. At ewan ko ba kung saan siya humugot ng lakas ng loob sa pinakita niyang tapang sakin habang taas kilay niya akong tinititigan. "O tapos? Ano ngayon kung gusto mo siya?" mataray niyang tanong. Siyempre hindi rin ako nagpatalo at tinaasan ko rin siya ng kilay bago sinagot. "Hindi pa naman kayo e. May chance pa ako." Napangiwi siya sa sinabi ko, "Are you serious??" "Deyn, ikaw pa ba 'yan?" Biglang singit ni Rhian at agad ko naman siyang nilingon. "Sorry kung ang desperada pakinggan, ha. Pero gusto ko lang ipaglaban itong nararamdaman ko para kay Bright." tapos nilingon ko si Ashley. "Mag compete tayo, Ashley." utos ko. Nakita ko namang kumunot ang noo ni Ashley sa sinabi ko. "Wag mo'kong problemahin, isipin mo kung papano mo mailalayo si Bright sakin dahil gagawin ko ang lahat para makuha siya sayo." "Are you really treating me as your competetor, Deyn?" Tumango ako sa tanong niyang 'yon, "Oo. At maghintay ka, makukuha ko rin siya sayo." Don ko lalo mas nakita ang mataray na itsura ni Ashley na tila hindi magpapatalo. "Okay, fine." saad niya. "Let's compete. Babae sa babae. Pero hinay-hinay ka lang ha? Wag mong masyadong galingan, baka kasi masayang ang effort mo." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya, "What do you mean by that?" tanong ko. "Remember, ako ang nililigawan niya. Isang Oo ko lang sa kanya, kami na agad. Tandaan mo 'yan." Naiwan akong napatulala nang talikuran ako ni Ashley. Inisip ko 'yong huling sinabi niya. Mas matimbang siya kaysa sakin kasi siya 'yong nililigawan. Pero kahit gano'n, hindi parin ako susuko. I badly wanna talk to Bright right now. Kailangan kong sabihin sa kanya at ipaintindi sa kanya kung gaano ko siya ka gusto. At kahit hindi parehas ang nararamdaman namin, gusto kong humingi ng chance sa kanya na sana bigyan niya ako ng pagkakataong ipakita sa kanya kung gaano ko siya ka gusto. Hinanap ko siya sa kung saang parte ng school pero wala siya ro'n. Bleachers, canteen, lobby o kahit saan chineck ko pero wala talaga siya. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi ko siya ma contact. Takbo lang ako nang takbo kahit na 'di ko alam kung saan siya hahanapin. Nang makaramdam ako ng pagod, umupo muna ako sa isang malapit na bench at nagpahinga saglit. Habang nagpapahinga, nag-iisip ako kung saan ko siya pwedeng mahanap ngayon. Si Bright 'yong tipo na tao na hindi mahilig gumala. Kaya bukod sa skwelahan, paniguradong wala na siyang ibang pupuntahan kundi deretcho uwi sa bahay nila. Tama. Baka nando'n lang siya sa bahay nila. At pupuntahan ko siya ngayon do'n. Tumakbo ulit ako at nagpara ako ng tricycle na masasakyan pero nang i-check ko 'yong bulsa at bag ko, wala 'yong wallet ko. Hindi ko alam kung saan ko nailapag 'yon kanina o baka nahulog ko sa kung saan habang tumatakbo ako. Kaya naman hindi na ako sumakay at nag decide na lang ako na tumakbo na lang since wala nang oras. 5:30 pa lang no'n pero medyo madilim na. Habang tumatakbo ako, hinihiling ko na sana nando'n nga si Bright sa bahay nila at sana magkaroon ng chance na masabi ko lahat sa kanya. Wala na akong pakialam sa kung anong sasabihin niya, basta gusto kong ipaalam at iparamdam sa kanya kung gaano ko siya ka gusto. Bigyan lang sana niya ako ng pagkakataon. Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila, humugot muna ako ng lakas ng loob kung papano ko siya harapin. Bukas 'yong mga ilaw sa loob ng bahay nila kaya alam kong may tao sa loob. Nag doorbell ako pero walang lumabas para pagbuksan ako ng gate. Siguro nakailang doorbell ako pero wala talagang may lumabas. Kaya naman kinuha ko ulit 'yong cellphone ko sa bulsa ko at sinubukan siyang tawagan pero hindi niya sinagot. Shet! Parang sinasadya niya yatang wag akong kausapin ah. Tinext ko siya, sinabi kong nandito ako sa tapat ng bahay nila. Matapos kong i-send 'yon, naghintay ako ng mga ilang minuto, ang akala ko lalabas siya, pero hindi e. Wala. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip at binuksan ko mismo 'yong gate nila at kusang pumasok sa loob ng bahay nila. Desperada na kung desperada, wala na akong pakialam do'n. Nang makapasok ako sa loob, nilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay nila. Walang tao. Pero narinig kong may nagpapatugtog ng music sa kuwarto niya, kaya sigurado akong nando'n siya. Lumapit ako do'n at kumatok ng tatlong beses bago ko tinulak ng dahan-dahan 'yong pintong nakasarado ng kunti. At nang mabuksan ko 'yong kuwarto niya, nakita ko siyang nakaupo sa kama niya at napatitig sakin. "Bakit ka pumasok?" Tinanong niya ako kung bakit ako pumasok. Hindi man lang siya nagulat nang makita ako. Ibig sabihin kanina pa niya alam na nasa labas ako ng bahay nila. "Sino nagpapasok sayo?" dagdag pa niya pero hindi ko sinagot ang tanong niyang 'yon. "Kanina pa ako nag do-doorbell paro hindi mo man lang ako pinapansin!" galit na sigaw ko. "Tinatawagan kita pero hindi mo man lang sinasagot ang mga tawag at text ko." Napatayo siya mula sa pagkaupo sa kama niya, "Ikaw na mismo ang nagsabi hindi ba? Ayaw mo na akong maging kaibigan." Natahimik ako. Oo nga, sinabi ko nga 'yon. Pero hindi ko naman in-expect na talagang seseryosohin niya 'yon kagaya nito ngayon. "Bright, mag-usap tayo." Nakita kong umiling siya, "Wala nang dapat pag-usapan, Deyn." "Pakinggan mo muna ako." pumikit ako, "Alam kong iisipin mong selfish ako kapag sinabi ko sa'yo 'to, pero gusto ko lang malaman mo na gustong-gusto kita." dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at tinitigan siya ng deretcho sa mga mata niya, "Bright, pwede ba kitang ligawan?" Kumunot 'yong noo niya na tila nagulat sa sinabi ko, "Ano? Nahihibang ka na ba, Deyn?" "Seryoso ako." depensa ko. "Alam kong panget pakinggan o isipin na babae 'yong mismong manliligaw sa isang lalake, pero hindi naman patas kung puro na lang lalake ang gagawa no'n. Kasi papano naman kaming mga babae? Hindi man lang ba namin pwedeng ipakita sa isang tao 'yong nararamdaman namin? Ang unfair naman no'n, hindi ba? Kaya gusto ko lang ipakita sa'yo kung gaano kita ka gusto. Kung hahayaan mo sana akong ligawan ka, Bright." Pakiusap ko. Parang tinusok ng mga karayom ang puso ko nang makitang umiling siya. Umiling siya hindi dahil sa hindi siya pumayag sa sinasabi ko kundi, "Sinagot na ako ni Ashley, Deyn." Bumagsak ang magkabilang balikat ko at biglang nanghina ang buong katawan ko sa narinig ko. "Kami na." dagdag pa niya. Hindi na ako magugulat sa narinig ko. Sa itsura ba naman ni Ashley kanina, halatang natatakot siyang maagaw sa kanya si Bright. Naiinis ako kasi hindi man lang niya pinatagal bago sinagot si Bright. Hindi tuloy ako nagkaroon ng chance na ligawan siya. Ano ba naman kasi itong sumagi sa isip ko? Anong ligaw-ligaw? Hindi ko naman aakalain na magagawa ko 'to buong buhay ko nang dahil lang isang lalake. Para akong tanga. "I'm sorry, Deyn. Pero hindi talaga kita—" "Hindi mo kailangan sabihin sakin 'yan nang paulit-ulit, Bright. Alam ko naman, e. Mali lang talaga ako ng inakala. Iba kasi 'yong pinapakita mo sakin kumpara d'yan sa nararamdaman mo." "Sinabi ko na sayo. Nilinaw ko na walang ibig sabihin 'yong mga pinakita ko sayo. Gano'n ako sa lahat."   "Oo nga. Gano'n ka nga sa lahat. Kaya nga kita nagustuhan, e. Pero dibale na, hindi lang naman ikaw ang lalakeng magugustuhan ko. Tandaan mo, sa oras na mawala itong nararamdaman ko sayo, magsisi ka." Tinalikuran ko siya at umalis ako ng bahay nila. Paglabas ko ng gate, do'n na ako humagolgol sa pag-iyak. Halos mapaupo ako sa daan habang umiiyak no'n. Ang bigat-bigat sa pakiramdam. Hindi ko naman aakalain na sa pangalawang pagkakataong maiinlove ulit ako ay mas masakit pa ang naidulot nito sakin. Muli akong humugot ng lakas ng loob para maitayo ang sarili ko at tumahan sa pag-iyak. Nagsimula ulit akong maglakad papalayo do'n sa lugar nila hanggang sa makarating ako sa isang convenience store. Hindi ako nagdalawang isip na pumasok do'n para magpalamig saglit. Bumili ako ng ice cream at umupo muna sa isang bakanteng upuan. Habang kumakain ako panay punas ako ng sipon at luha ko. Nakakahiya mang aminin pero 'di pa rin ako tumatahan sa pag-iyak. Kahit nga sa pagbayad ko ng ice cream sa cashier e umiiyak ako. Nang maubos ko na 'yong ice cream ko ay do'n na ako nag decide na lumabas ng convenience store. Napatingin ako sa relo ko no'n at napangiwi ako nang makitang mag a-alas siyete na. Grabe, gabi na pala at hindi ko man lang namalayan. Nagsimula akong maglakad. Nagdadalawang isip pa ako no'n kung papara ako ng tricycle o wag na lang since wala akong cash dito. Gamit ko nga lang ang card ko kanina no'ng nagbayad ako ng ice cream na binili ko. E hindi naman pwedeng magbayad ako gamit ang card ko sa tricycle driver. Kaya nag decide akong maglalakad na lang. Sobrang dilim na ng paligid no'n at naka bukas na lahat ng street lights sa daan. Tapos ang traffic pa kapag ganitong oras. Nag short cut ako ng daan pa uwi. May alam kasi akong daan na mas malapit kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at lumiko ako pa kanan. Mas okay dito kasi bibihira lang 'yong mga dumadaang tricycle at hindi rin dumadaan dito 'yong mga bus o truck. Hindi naman kasi highway. Habang naglalakad ako, nakita ko sa may dulo na patay sindi na 'yong mga street lights do'n kaya naman hinanda ko 'yong cellphone ko para 'yon ang gamiting pang-ilaw. Nang makarating ako sa banda ro'n kung saan naka cross road 'yong daan, may bigla na lang lumitaw na motor na sobrang bilis at nang mapansin kong masasagasaan ako ay napasigaw na lang ako sa gulat at takot. "WAAHH!" "Miss, tabi!" rinig kong sigaw ng lalakeng nagmamaneho ng motor. Pero imbis na ako 'yong tumabi e hindi ko ginawa dahil natumba ako at siya naman ang nag adjust. Umilag siya at pumreno at tinigil  ang pagmamaneho saglit para i-check kung okay ako o hindi. "Magpapakamatay kaba?!" sigaw niya sakin. Ops, akala ko pa naman e talagang tinigil niya 'yong pagmamaneho para i-check kung okay ako. Mali pala. Nasa likuran ko siya at alam kong galit siya sakin dahil muntik na siyang makabangga ng kagaya ko kaya naman hindi ko siya nilingon. "Siyempre hindi." sagot ko at napahawak sa tuhod kong nagasgasan. "Sinong tao naman ang gugustuhing magpapakamatay?" "E, bakit 'di ka tumabi? Tanga ka ba?" Siguro nga, tanga nga ako. "Alam ko." "What?" "Alam kong tanga ako." paguulit ko. "Di mo kailangang ipaalala." "Wait, 'yong tuhod mo." tapos lumapit siya sakin para tingnan 'yong tuhod kong nagasgasan. Dahil do'n, nakita ko 'yong itsura niya. What the! Sa gulat ko, agad ko siyang tinulak papalayo sakin at agad akong tumayo. "Lumayo ka!" sigaw ko habang nakaturo sa mukha niya. "Ang kapal naman ng mukha mong kausapin ako pagkatapos ng lahat-lahat ano?" Nakita kong kumunot ang noo niya sa sinabi ko, "What?? Wait, do I know you?" tanong niya habang nakaturo sa mukha ko. Huwaw naman! Parang kanina lang nireject niya feelings ko tapos ngayon 'di na niya ako maalala? Amnesia lang ang peg? Tinaasan ko siya ng kilay. Di e-epek 'tong pag a-arte niya sa harap ko, ano. "Pwede ba, Bright magpaka matured ka naman. Hindi ka na bata para dramahan mo'ko ng ganyan." "Bright? So kilala mo 'yong Brother ko?" Brother? Shems! Ano 'to? Umaarte siyang brother niya si Bright? Huh! That's impossible. Sa pgkakaalam ko, only child ang isang 'yon. Besides, kamukha niya si Bright. Kaya wag siya. Alam kong inaartehan lang niya ako. "Tigilan mo'ko. Nag e-emote ako rito tapos muntik mo na akong mapatay. Kasalan mo na ngang umiiyak ako ngayon tapos babanggain mo pa ako. Tsaka kailan kapa natutong mag motor?" tanong ko sabay turo sa motor niya na naka park sa gilid. "Hindi ka naman marunong mag motor, ah." "Wait," Nag hand sign siya na parang sinasabing sandali lang, "let me clear it first." tapos bumuntong hininga siya, "I think you misunderstood me." seryosong aniya. Kumunot naman 'yong noo ko pero hinintay ko ulit siyang magsalita. "Hindi ako si Bright. I am his Twin." Twin? Huwat? Ano raw?   As far as I know, only child lang si Bright. At impossibleng magkakaroon siya ng kambal dahil wala naman siyang sinasabi sakin. Napatitig ako sa mukha niya. Kamukhang kamukha niya talaga si Bright. Ang linis ng mukha, parang si Bright talaga. 'Yong tindig niya, 'yong kilay, pati 'yong buhok, kuhang-kuha talaga kaya masasabi mo talagang si Bright 'to. "Papano ako makasiguradong hindi ikaw si Bright?" "Oh, wait." tapos may kinuha siya sa bulsa niya which is 'yong cellphone niya at parang may hinahanap siya ro'n. Di ko alam kung ano pero maya-maya pa ay hinarap niya sakin 'yong screen ng phone niya kung saan makikita ko 'yong dalawang bright na magka-akbay sa iisang litrato lang. Halos mapa-nganga ako sa gulat habang nakatitig sa picture na 'yon. Hindi. Impossible. Papanong. . . "Kung gano'n, may kambal si Bright?" Tinaas niya 'yong dalawang kilay niya as a sign na um-oo siya sa tanong ko. "And that's me." tapos inangat niya 'yong left handa niya na para bang makikipag handshake siya sakin, "I'm Bryle. Bright's twin brother." Hindi ako nakipag shakehand sa kanya at tanging nakatulala lang ako sa mukha niya habang iniisip kung totoo nga bang may kambal siya na kausap ko ngayon o baka naman nananaginip lang ako? Hindi ako makapaniwala! Muli niyang inangat 'yong kamay niya na para bang sinasabi niyang makipag shakehand na rin ako sa kanya pero imbis na gawin ko e pinalo ko 'yong kamay niya. "Hindi ako naniniwala." saad ko. "Hindi sapat ang litratong 'yan para mapaniwala mo'ko sa kalokohan mo, Bright." "Oh, grabe. Angas mo naman." tapos napakamot siya sa ulo niya habang nag-iisip kung papano ako mapaniwala hanggang sa tinuro niya 'yong motor niya. "Ikaw mismo ang nagsabi na hindi marunong magmaneho ng motor si Bright, hindi ba?" Tama. Hindi nga siya marunong. Nagulat nga ako nang makitang nagmaneho siya ngayon lang. "Hindi pa ba sapat na pruweba 'yan?" Hindi ako nakapagsalita. Grabe, talaga bang may kambal siya? Kung gano'n, bakit ngayon ko lang nalaman? Saan galing ang isang 'to at ngayon lang siya nagpakita sa lugar na'to? "Sabihin mo, kung talagang kambal ka niya, bakit ngayon lang kita nakita? Saang school ka nag-aaral?" Ngumiti muna siya sakin bago nagpaliwanag. Para siyang sira. Close ba kami para ngitian niya ako nang gano'n? "I live in my uncle's house. Do'n rin ako nag aaral sa lugar nila." Saad niya. Tapos nagulat ako nang bigla siyang magkwento. "Simula bata do'n na ako nakatira. Do'n ako lumaki sa side nila. Kaya bibihira ko lang nakakasama ang tunay kong pamilya. Pero magkasundo naman kami ng Brother ko. Buong buhay namin hindi pa kami nag-away." Hindi ko alam kung talagang maniniwala ba ako. Pero basi sa kuwento niya, possible naman 'yon. "E, bakit nandito ka ngayon?" "For having a vacation just for a while." sagot niya. "Teka, dami mong tanong. Kita mong dumudugo na 'yang sugat mo." sabay turo sa sugat ko bago kinuha 'yong wrist ko at bigla na lang akong hinila papunta sa motor niya. "Sumama ka sakin." "Uy, teka, saan mo'ko dadalhin?" tapos binawi ko 'yong wrist ko sa kanya. Malay ko ba kung saan ako dadalhin ng isang 'to. "Saan pa ba? Edi sa ospital. Ipapagamot 'yang tuhod mo." "Hindi na kailangan." pagtanggi ko. "Gasgas lang naman 'to. Isa pa," tapos napatingin ako sa kanya bago ko inilipat ang mga tingin ko sa motor niya, "Wala akong tiwala sayo. Baka ma aksidente pa ako dahil d'yan sa kalokohan mo." Natawa siya sa sinabi ko. 'Yong tawa niya e gaya rin sa tawa ni Bright. Grabe, talagang kuhang-kuha ah. "Ah, talaga? Wala ka bang tiwala sakin ha? Ipapagamot natin 'yang sugat mo, hindi naman kita ipapahamak." "Kahit kailan hindi ako sasakay d'yan sa bulok mong motor." pang iinsulto ko pero nainis ako nang makita tumawa ulit siya. Kaya inirapan ko siya. "D'yan ka na nga." tsaka ko siya tinalikuran at tumakbo ako pa uwi ng bahay. Grabe! Di ako makapaniwalang may kambal siya. Ano nga ulit pangalan no'n? Br. . . Bryle? Wait, hindi dapat ito 'yong tanong ko e. Ang dapat na tanong ay kung bakit hindi niya sinabing may kambal siya. Ano kaya ang tinatago ni Bright at hindi niya sinabing may kambal siya? May hindi ba ako nalalaman tungkol sa kanya?

 

 

Chapter 23 Blackmail

Umagang-umaga na bwisit ako kay Callen. E, pano ba kasi 'yan, tinawanan ba naman ako at sinabihang nababaliw na nang sabihin ko sa kanya na may kambal si Bright. Ilang beses kong ipinaliwanag 'yong mga nangyare kahapon kung papano ko nakasalamuha 'yong kambal ni Bright na muntik na akong masagasaan ng motor niya pero itong si Callen ayaw talagang maniwala. Kaya ko nga sinabi sa kanya 'to kasi baka alam niyang may kambal nga si Bright. Bukod kasi sakin, siya lang din 'yong close friend ni Bright. Kaya possibleng sinabi 'yon sa kanya ni Bright at alam niya. Pero heto siya ngayon, ayaw maniwala. Meaning, hindi rin na kwento sa kanya ni Bright ang tungkol sa kambal niyang si Bryle. "Nababaliw kana ba, Deyn? 'Yan ba naidulot sayo ng pag friend zoned niya sayo?" natatawa niyang sabi habang pinupunasan 'yong gilid ng mata niya na tila naluluha na sa sobrang tawa. Sira talaga siya. Kailangan ba talaga niyang ipaalala sakin ang salitang friend zone? Grabeng realtalk 'yon, ah. Tagos sa puso. Napairap naman ako nang sabihin niya 'yon. "Pwede ba, maniwala ka naman sakin. Nakita ko mismo. Malinaw sakin 'yon. Nakausap ko pa nga, e." dagdag ko pa na halatang naiinis na. Pa ubos na talaga ang pasensya ko sa kanya. Kanina pa ako nagsasabi ng totoo dito pero tinatawanan lang niya ako. Para na tuloy  akong tanga rito. "Malay mo, pina-prank ka lang ni Bright. Ginawa lang niya 'yon para utuin ka. Bagong content din 'yon, ah." Napahilamos ako ng mukha sa sobrang inis. Argh! "Alam mo, kahit ako hindi rin ako makapaniwalang may kambal siya. Pero pinakita sakin ng kambal niya 'yong picture nilang dalawa ni Bright na magkasama." "Malay mo, edited lang 'yong picture na 'yon. Madali lang gawin 'yon, Deyn." Inirapan ko ulit siya, "panira ka talaga." tapos bumalik ako sa upuan ko at umupo ro'n. Di ko naman in-expect na susundan niya ako para kausapin ulit. "Okay, sige. Sabihin na nating may kambal nga siya." tapos nag bend siya sa harap ko, "e, ano? Crush mo ba?" Anak ng! Di ko inasahan ang tanong niyang 'yon. Ako? Magkaka-crush do'n? No way! Hindi porket magkamukha sila ni Bright ay gu-gustuhin ko na rin siya. Hindi itsura ang basehan kung bakit ko nagustuhan si Bright. Ugali niya 'yong nagustuhan kaya hindi gano'n kadaling magkagusto ako sa kambal niya kasi hindi ko pa siya kilala. Pero base sa kung papano niya ako tratuhin, titigan at kausapin kahapon para namang hindi siya nagka-love at first sight sakin. Wala rin naman akong nakikitang kakaiba sa mga mata niya. Tapos wala rin akong naramdamang spark no'ng hawakan niya ang kamay ko no'ng hinila niya ako papunta sa motor niya. Kaya. . . "Mukha namang 'di ako type ng isang 'yon." sagot ko. Tapos ngumisi si Callen sabay sabing, "Aakalain mo 'yon? Dala-dalawa na 'yong Bright sa mundo, 'di ka pa rin pinipili." Aray ko naman. Tagos ulit 'yon ah. At dahil napikon ako sa sinabi niya at deep inside e parang nasaktan ako kasi parang tinamaan ako sa sinabi ni Callen e gumanti ako sa kanya. Sinuntok ko lang naman siya sa braso kaya napahawak siya sa braso kung saan banda ko siya sinuntok. "Uy, ba't nanununtok? Tinamaan ka ba? Actually, biro lang naman dapat 'yon." "Sumusobra kana, ha. Di na nakakatuwa mga jokes mo. At tatamaan ka talaga ulit sakin kapag hindi ka umalis sa harap ko ngayon." Agad naman siya umayos ng tayo tsaka bumalik sa upuan niya. Nang mag start 'yong klase, saktong dumating si Bright. Late siya pero 'di siya pinagalitan ng teacher namin. Feeling ko nga minsan favorite student nitong math teacher namin si Bright, e. Sabagay, iba talaga kapag matalino ka. At ayon na nga, nag assign 'yong teacher namin ng groupings para sa assignment na gagawin namin mamaya at ipapasa agad bukas. Badtrip lang kasi kasama ko sa group sina Bright at Ashley. Worse? Kasama ko rin si Colleen. Hanep, bakit ba kasi lagi na lang ako napupunta sa groupo ng mga taong gusto kong iwasan? Pero wala naman akong choice kundi ang sumunod na lang sa agos. No'ng hapon, nag decide sila na gawin na 'yong assignment since bukas na ito ipapasa. Wala naman akong choice kundi ang um-oo. Tanging puro tango nga lang 'yong mga nagiging sagot ko no'ng tinanong ako ng isa sa mga kasamahan namin. Wala ako sa mood kaya gano'n. Napagplanuhan rin nila na gawin 'yong assignment sa bahay nina Colleen. Wala rin akong choice kundi ang sumama sa bahay nila. Well, buong araw akong lutang at wala sa mood kaya sila na 'yong gumagawa ng assignment at sumasangayon na lang ako sa mga desisyon nila. Isa pa, hindi kami nagkikibuan nina Ashley at Bright kahit na magkakatabi naman kami sa upuan no'n. Hinihintay ko pa siyang i-approach ako no'n para matanong ko sa kanya kung totoo nga bang may kambal siya pero 'di man lang niya ako sinubukang kausapin kaya nagtampo ako lalo. Hays. Ano ba 'tong nangyayare sakin? Ako na mismo ang nagsabi na ayaw ko na siyang kausap, pero heto ako ngayon, hinihintay siyang kausapin ako. "Deyn." tawag sakin ni Kim. Isa sa mga kasamahan namin. Do'n ko lang napagtanto na nakatitig silang lahat sakin at na realized ko ring nakatulala lang ako sa kung saan. "Oh?" tanging 'yon lang ang nasabi ko at isa-isa silang tinitigan habang binibigyan ng nagtatanong na tingin. "Bakit lutang ka yata? Kanina pa kita tinatanong if ano 'yong masasabi mo sa assignment natin." saad ni Colleen habang naka pa meywang. At dahil wala ako sa sarili at 'di ko alam kung anong sasabihin since hindi ko naman alam kung ano 'yong mga sinagot nila do'n sa assignment namin, tumango na lang ako sabay sabing, "pwede na 'yan." Pero itong si Colleen e parang nagulat sa naging sagot ko, "Wait, himala yatang hindi ka kumuntra. Kadalasan naman e lagi kang pabida. Pero ngayon hindi. Anong nakain mo?" Sarap buhusan ng tubig ang isang 'to. Ako pa talaga 'yong pabida. Pasalamat nga dapat siya kasi hindi ako kumuntra ngayon. Hindi ko na siya pinatulan pa at ibinaling ko na lang ang tingin ko sa ibang lugar kaya naman si Ashley 'yong sumagot do'n sa tanong sakin kanina. "Para sakin okay na 'to." sagot ni Ashley. "Ilang beses na nating chineck 'to at mukhang ayos naman. Kaya feeling ko ayos na 'to." Taas kilay ko naman siyang nilingon pagkatapos. Itong isang 'to, siya ang pabida. "Buti pa si Ashley attentive." puri sa kanya ni Colleen tsaka ibinaling ang tingin sakin. "Anong nangyare sayo Danielle at parang wala ka sa sarili ngayon?" Binigyan ko naman siya ng sarcastic na ngiti sabay sabing, "Pwede ba, mind your own business na lang, Colleen? Dami ko na ngang problema dumagdag kapa." "Anong klaseng problema na naman ba 'yan?" tanong niya pero 'di ko siya sinagot. "Teka, ano nga pala masasabi mo sa relationship nitong dalawa mong best friend?" dagdag pa niya sabay turo kina Bright at Ashley. Bini-bwisit talaga ako ng isang 'to. Alam kong tinatanong niya ako ngayon kasi alam kong may idea siya na ito ang isa sa mga problema ko ngayon. "Are you happy for them? O baka naman—" 'di ko na siya pinatapos pa at nagsalita na ako. "Masaya ako para sa kanila." saad ko. "Hindi mo'ko kailangan problemahin. Problemahin mo sarili mo." "Ba't nagagalit ka? Tinatanong ka lang niya." singit naman ni Ashley. Pakiramdam ko parang pinagkakaisahan nila ako pareho. Nakakainis sila. Nilingon ko naman si Ashley at binigyan ng masamang tingin pagkatapos. "Wag kang sumagot, Ashley. Hindi ikaw ang kausap niya." "Para kasing ang rude mo sa kanya. Tinatanong ka lang niya." "I know." inis kong sabi. "Pero 'di mo kailangan i-remind sakin 'yon kasi may sariili rin akong pag-iisip. Alam ko 'yon, Ashley. Hindi ako tanga." sabi ko habang pilit na pinapaintindi sa kanya 'yon. "Alam ko rin naman na sinagot mo agad si Bright dahil natatakot ka na baka kapag nagkaroon ako ng chance na iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal e bigla siyang mawala sayo." Nakita ko sa mukha ni Ashley na tila na pikon ito sa sinabi ko. Pero iniba niya 'yong usapan para makalusot. "Bakit, Deyn. Nagagalit ka ba kasi tinanong niya kung masaya ka para samin ni Bright na kahit obvious naman na hindi ka talaga masaya?!" "Oo." sagot ko. "Hindi nga ako masaya para sa inyo. Sorry ha, pero ayokong magpaka plastic. Honest talaga akong tao." "Woah, honest?" kumento naman ni Colleen. "Ngayon lang ako nakakita ng honest pero cheater." What the f! Cheater? Sino? Ako? Huh! Kailan pa? Sira-ulo ba ang isang 'to? Lagi nalang niya ako pinag bibintangang cheater. Ni hindi ko nga alam kung kailan ako nag cheat. Pinapa-kulo talaga niya ang dugo ko. "Lasing kaba, Colleen? Anong cheater ang pinagsasasabi mo d'yan? Kailan ako nag cheat ha?" "Aba Malay ko. Iniwan ka nga ni Gab at na friendzoned ka ni Bright. Isn't that enough reason para masabing baka cheater ka talaga?" Kunti na lang talaga at mapupunta na 'tong palad ko sa mukha ng Colleen na'to. "Kawawa ka naman. Na friendzoned." Pang aasar pa niya. Pag nilandi ko boyfriend ng isang 'to at bumalik sakin, iiyak 'to. Bwisit. Biglang tumayo si Bright at nakasunod naman 'yong tingin ni Ashley sa kanya sabay tanong, "Sa'n ka pupunta?" "Uuwi na." walang ganang sagot ni Bright. "Tapos na nating gawin 'yong assignment. Tigilan niyo na si Deyn. Hindi nakakatuwa." Imbis na matuwa ako o magpasalamat dahil sinabi niya 'yon e mas nagalit ako lalo. Ewan, galit ako kasi ang bait niya ngayon. Pinagtanggol niya ako. Pero hindi niya dapat gawin 'to. Kasi kapag ganito, lalo akong naguguluhan kung ano nga ba ang dahilan at bakit ang bait niya sakin. Hindi sapat ang salitang kaibigan para sakin para i-describe kung papano niya ako tratuhin. Nararamdaman ko kasing mas higit pa sa kaibigan ang lahat. Pero siya na mismo ang nagsabi na walang ibig sabihin ang lahat ng 'yon. Para sa kanya, isa lang akong kaibigan. "Wait, hindi naman namin siya inaano, ah." sabat ni Ashley habang nakakunot ang noo na kunware inosente. Pa victim na naman. Parehas talaga sila ni Colleen. Sarap nilang pag untugin pareho. Hays, kung meron man akong pinagsisihan buong buhay ko, 'yon ay ang naging kaibigan ko silang dalawa. Parehas naman pala silang mga traydor. Niligpit ko 'yong mga gamit ko. Wala nang rason pa para tumagal ako dito or else baka mag-away lang kaming lahat dito. Tsaka, gusto kong maunang umuwi sa kanilang lahat. Ayoko kasing nakikitang magkaholding hands habang palabas ng bahay nina Colleen sina Ashley at Bright. Masakit sa mata 'yon. Nang mailigpit ko na ang notebook at libro ko, tumayo na ako para umalis. Pero bago 'yon, nagpaalam muna ako sa ibang kasamahan namin. "Mauna na ako." malamig na sambit ko. Ni hindi ko na rin sila hinintay na magsalita at umalis na ako sa harap nila at lumabas ng bahay nina Colleen nang makita ko sa labas ng gate 'yong kamukha este—kambal ni Bright na nakasandal sa motor niya na tila may hinihintay at kita ko ang gulat sa mukha nito nang makitang lumabas ako. Umayos siya ng tayo no'n at tinitigan akong maigi sabay sabing, "Ikaw?" sabay turo sakin. "Ako nga." sagot ko naman nang may malamig na boses. "Bakit nandito ka? Hanap mo si Bright?" Umiling siya. Kung hindi si Bright ang hanap niya, Sino? Wait, don't tell me... "Hanap mo'ko?" tanong ko habang nakaturo sa sarili ko. Na badtrip naman ako nang bigla siyang ngumisi. "Assuming ka rin ano? Ba't naman kita hahanapin." tapos tumalikod siya at may kinuhang shopping bag na nakasabit sa motor niya at muling humarap sakin. "Hanap ko 'yong girlfriend ni Bright. Si Ashley. Isusuli ko lang 'tong naiwan niyang gamit no'ng nagpunta siya sa bahay." Wow naman. Kilala niya si Ashley. Samantalang ako na best friend ni Bright, hindi. Sabagay, anong laban ng girlfriend sa friend lang, diba? "Anong gamit 'yan?" seryosong tanong ko habang nakatitig sa puting shopping bag na hawak niya. Curious lang akong malaman kung ano 'yon. Malay ko ba kung ano 'yon. "Secret. Wag na maraming tanong. Tawagin mo nga siya sa loob." Napangiwi ako. Inutusan pa talaga niya ako. "Ano muna 'yan?" tanong ko pa. Napakamot naman siya sa ulo niya na tila nakukulitan sakin, "Kulit mo. Sinabi nang secret eh." "Edi, bahala ka." tapos nagkunware ako na parang walang pake. Umayos ako ng tayo at umakto na parang hindi na ako interesadong malaman kung anong klaseng gamit ni Ashley 'yong nasa loob ng shopping bag na 'yon. Pero 'yong totoo, bume-bwelo lang talaga ako at nag-iisip ng paraan kung papano ko hablutin 'yon sa kanya. Napailing naman siya, "Di paba kayo tapos?" "Tapos na." sagot ko. "Tawagan mo nalang kaya." "Teka, tawagan ko." Tapos kinuha niya 'yong phone niya sa bulsa niya at hinanap 'yong phone number ni Ashley. At habang ginagawa niya 'yon ay nagkaroon ako ng chance na mahablot sa kanya 'yong shopping bag na 'yon. "Huli ka!" sigaw ko nang mahablot ko 'yon. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Ni hindi na nga niya natuloy tawagan si Ashley. "Uy, anong ginagawa mo? Akin na nga 'yan." Lumayo ako nang subukan niyang kunin sakin 'yon. "Titingnan ko lang naman, e." sabi ko habang niyayakap ng sobrang higpit 'yong shopping bag na 'yon para hindi niya makuha sakin. Pero nagulat ako nang hablutin niya 'yong braso ko at hinila ako papunta sa kanya tsaka kinulong sa isang braso niya habang ang isang kamay naman niya ay pilit na kinukuha 'yong shopping bag sakin. "Hoy, Danielle ibalik mo nga sakin 'yan." Agad na nanlalaki ang mga mata ko. Natigilan ako at halos mabitawan ko 'yong shopping bag na hawak ko nang marinig ng mismong dalawang tenga ko nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Agad ko siyang nilingon at binigyan ng nagtatanong na tingin. Kita ko naman sa mukha nito ang gulat nang mapagtanto 'yong sinabi niya at bigla na lang umiwas ng tingin sakin. "Kilala mo'ko?" hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi siya sumagot kaya naman tinapik ko siya sa braso niya. "Sagutin mo'ko." Nilingon niya ako sabay sabing, "Hindi." Hindi? "Tinawag mo'ko sa pangalan ko. Kaya impossibleng hindi mo'ko kilala." Ilang segundo siyang tahimik. Pakiramdam ko nag-iisip siya ng palusot no'n. Hindi man ako sigurado pero parang gano'n. Alam kong kilala niya ako. Baka na kwento ako sa kanya ni Bright kaya alam niya ang pangalan ko. Ang nakakapagtaka lang ay ang tinatanggi niyang hindi niya ako kilala. "Bryle—" tawag ko sa kanya pero natahimik agad ako nang bigla siyang magsalita. "Ah, Danielle ba pangalan mo? Di ko alam 'yon ah. Hinulaan ko lang at saktong tumama naman." "Hindi ako naniniwala." seryoso kong sabi. "Kilala mo'ko, hindi ba? Bakit mo'ko kilala? Ano ang sinabi ni Bright sayo?" Hindi siya sumagot. Ilang beses kong inulit ang tanong na 'yon pero ang dami niyang palusot hanggang sa bumukas 'yong gate nina Colleen at nakita namin pareho na lumabas sina Bright at Ashley kaya naman nagsi-tahimik kami. Kinuha ni Bryle 'yong shopping bag na nahulog ko kanina at binigay 'yon kay Ashley.   "Naiwan mo." "Oh, thanks Bryle." tapos kinuha ni Ashley 'yon sa kanya. Nagsilabasan naman ng gate sina Callen at ang iba pa naming ka groupmates. Nang makita nilang lahat si Bright at Bryle, halos parehas ang mga naging reaksyon nila. 'Yon ay walang iba kundi ang magulat. "So tama nga 'yong sinabi ni Deyn, may kambal ka." hindi makapaniwalang saad ni Callen. Nahiya ako no'ng time na 'yon kay Bright kasi baka isipin niya na kweni-kwento ko pa rin siya kay Callen, mga gano'n? Hays. Ano ba 'yan. E, ano naman? Wala namang masama kung i-kwento kong may kambal siya, e. Tsaka, kasalanan niyang hindi niya sinabi sakin ang tungkol dito. Hindi nagsalita si Bright no'ng time na 'yon. Tipong parang ayaw niyang mag kwento kaya hinayaan na lang siya nina Callen at ng mga kasamahan namin. "Oh siya, sige na. Mauna na kami." Paalam ni Callen kina Bright tsaka tumingin sakin, "Deyn, sama ka na lang kina Bright pa-uwi ah, wala na kasing bakante sa loob ng kotse." Nagulat ako sa sinabi ni Callen. Papanong wala nang bakante e kanina nakasakay ako do'n kasama nila kasya naman kaming lahat. "Anong wala na? Do'n ako nakasakay kanina kasama niyo e. Impossibleng wala nang bakante." "Kanina pa 'yon." sagot ni Callen. "Nandito si Daryl. Sasabay siya samin. Tsaka, 'di pa agad kami de-deretcho ng uwi. Iinom pa kami." Ang malas naman, oh. Bakit pa kasi sasabay si Daryl sa kanila. Wala na tuloy akong pwesto. Ayoko namang kasabay itong sina Bright at Ashley 'no. Mas gugustuhin ko pang maglakad kaysa makasabay sila. "O siya, alis na kami." paalam ulit ni Callen tsaka tinapik si Bright sa balikat sabay bulong ng, "Kausapin mo na siya para maging okay na." Mahina lang pagkasabi niya no'n pero talagang narinig ko. At hindi lang 'yon, nagsi-tayuan pa mga balahibo ko pagkatapos. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng bulong na 'yon ni Callen kay Bright. Pero isa lang ang masasabi ko, ayoko. Ayoko siyang makausap. 'Yon lang. Nang makaalis sina Callen, naiwan kaming apat sa labas ng bahay nina Colleen. Hindi kami nagkikibuan no'n. Kahit si Ashley hindi rin nagsasalita. Nakakailang at parang gusto ko nalang maghalo ngayon dito sa kinatatayuan ko sa sobrang ilang. "Uhm, Bryle," tawag ni Ashley kay Bryle. "Bright and i we're going to department store, wanna come with us?" "Sorry Ash, may dadaanan pa kasi ako." pagtanggi ni Bryle sa kanya. Tapos nagsitahimik ulit sila. Ako naman nag-iisip kung papano ako makakaalis dito hanggang sa nilingon ako ni Bryle para tanungin, "Wanna go with me?" Bakit ba sila nag e-english dito e hindi naman required. Tatanggi sana ako nang maisip ko na ito lang ang tanging paraan para makalayo ako sa dalawang 'to. Mas okay na lang na sumama ako kay Bryle kahit na 'di ko naman talaga alam kung saan siya pupunta. "Sige." sagot ko. Tapos biglang sumingit si Bright, "Teka, magkakilala na kayo?" "We've met yesterday. Di ko rin in-expect na kilala mo pala siya." sagot ni Bryle sa kanya. Tapos itong si Ashley may sinabi pero 'di ko masyado narinig kasi biglang tumunog phone ko. Tumatawag sakin si Mama kaya sinagot ko 'yon saglit. Tinanong lang naman niya kung anong oras ako uuwi at sinabing ako na raw bahalang bumili ng dinner ko mamaya dahil papunta na siyang trabaho. "Sino 'yong tumawag?" tanong sakin ni Bryle matapos kong ibaba 'yong tawag. "Si Mama. Pinapauwi na ako." sagot ko naman. Nagsinungaling ako ng kunti. Kunti lang naman. Di naman talaga ako pinapa-uwi ni Mama kasi nga tinatanong lang niya kung nasan na ako. Sinabi ko lang 'yon kasi gusto ko nang umuwi. "I think, hindi sila sasama sa'tin. Kaya tara na." sabi ni Ashley kay Bright at nauna itong maglakad tungo sa kotse nila. Si Bright naman naiwan paring nakatayo na parang walang balak sumunod kay Ashley hanggang sa tawagin niya ulit ito kaya naman nagpaalam na si Bright samin. Ako naman inis na napatingin kay Bryle nang sabihin niyang, "Ano pa ang hinihintay mo? Maghanap kana ng masasakyan mo pa uwi." Anak ng, sira-ulo ba siya?! "Hoy! Tinanong moko kanina kung sasabay ako sayo diba?" Tumango siya, "oo nga. E, ano naman?" "Um-oo ako. Kaya ihatid mo'ko pa-uwi." Napangisi siya, "Akala mo nakalimutan ko na 'yong sinabi mo kahapon na 'di ka sasakay sa bulok kong motor?" Napapikit ako sa sobrang hiya. Oo nga pala, sinabi ko pala 'yon sa kanya. Ito naman kasing bibig ko e. Walang ka prenopreno. Dibale, nasabi ko na 'yon, e. Ang tanging paraan nalang para ihatid niya ako ay ang magmakaawa sa kanya. Isa pa, kapag makasama ko siya ng matagal ngayon, baka sagutin pa niya 'yong tanong na kanina ko pa tinatanong sa kanya. 'Yon ay ang kung papano niya alam ang pangalan ko. 'Yon lang, simpleng tanong pero gusto kong malaman ang sagot. Binigyan ko siya ng isang cute na ngiti sabay sabing, "Sorry na. Joke lang naman 'yon, e." tapos lumapit ako sa motor niya at hinawakan ito, "Ang totoo niyan, insecure lang ako dito sa motor mo. Ganda kasi. Tsaka, 'di pa ako nakasakay sa mga ganito." "Tama na 'yan." tapos lumapit siya sakin at inalis 'yong kamay ko sa motor niya, "Alam ko namang 'di totoo 'yang mga sinasabi mo. Tsaka, sinabi ko lang na isasabay kita kanina dahil obvious na obvious sa itsura mo na ayaw mong makasabay ang brother ko at ang girlfriend niya." Wow naman. Talagang nahulaan niya ah. "Kaya kung talagang ayaw mong sumakay dito, 'di naman kita pinipilit. Tinulungan lang kita." dagdag pa niya. "Mali ka. Gusto kong sumakay dito. Kaya ihatid mo na ako pa uwi." Wala naman siyang nagawa kasi ilang beses kong sinabi 'yon sa kanya kaya hinayaan niya akong umangkas sa motor niya. Kinakabahan pa ako no'n habang nagmamaneho siya kasi 'di naman talaga ako sumasakay sa mga ganito pero inisip ko na lang na may tiwala ako sa isang 'to. Gaya ng sinabi niya kanina, may dinaanan muna kami bago niya ako tuluyang ihatid ng bahay. Dumaan kami sa repair shop ng mga phone. Pinaayos daw kasi niya 'yong phone niya dito kahapon at ngayon na niya makukuha 'yon. Hinintay ko lang siya sa labas kasi nahiya akong pumasok sa loob. Siguro mga halos 20 minutes siya sa loob at sobrang nainip na ako kakahintay sa kanya. Nagsisisi na akong sumama pa ako rito. Nang lumabas na siya, kita ko nang may hawak siyang cellphone. Mukhang 'yon na 'yong phone na pinaayos niya. Tapos sa isang kamay niya may hawak siyang bottled water at inabot niya 'yon sakin. "Inom ka muna." aniya nang iabot niya sakin 'yon. "Buti naman at naalala mong may kasama kang naghihintay rito." pagrereklamo ko bago kinuha 'yong tubig sa kanya at walang alinlangang ininom 'yon. "Sorry. Nakalimutan kong kasama pala kita. Naaliw akong ka kwentuhan si mang Anding." tapos pinakita niya sakin 'yong phone niya, "Siya umayos nito." "Anong sira?" "Lcd." sagot niya at sumenyas na umalis na kami pero pinigilan ko muna siya. "Teka lang, may gusto pa akong malaman tungkol sa'yo." "Crush mo'ko?" Wow ah, assuming. "Sorry, may gf na ako." dagdag pa niya. "Sira! Hindi gano'n. Gusto ko lang itanong kung bakit mo alam ang pangalan ko." Nang tanungin ko 'yon ay umiwas na naman siya ng tingin. Na cu-curious na tuloy ako kung bakit siya ganito sa tuwing nababanggit ko 'to. "Lagi ba akong kwine-kwento sayo ni Bright?" Ang akala ko iiwasan na lang niya ako ng tingin at hindi na sasagutin pa ang tanong ko. Pero hindi, kasi nagsalita siya. "Oo na. Kwinento ka niya." sagot niya.   Di ko alam pero parang natuwa ng kunti 'yong puso ko nang aminin ni Bryle na kwinento ako ni Bright sa kanya "Pero speaking of lagi, hindi ikaw 'yon. Si Ashley 'yong lagi niyang kwine-kwento. Mapa umaga man, si Ashley. Mapagabi, si Ashley pa rin. Buong magdamag na niyang bukang bibig si Ashley." 'Yong kunting tuwa na nararamdaman ko sa puso ko ngayon ay nabawi rin nang sabihin  ni Bryle 'yon. "Alam mo, swerte ng brother ko kay Ash. Bagay sila. Kung ako, si Ashley rin 'yong babaeng matitipuhan ko." Hindi ako nakapagsalita at tanging sa baba lang ako nakatingin. "Alam kong gusto mo 'yong Brother ko." napa-angat naman ako ng tingin nang sabihin niya 'yon. Nagulat lang ako kasi alam niya. Pero 'di ako nagsalita at hinintay ko siyang matapos. "Pero kung ako sayo, mag move on ka nalang." Grabe siya. Ang pranka niya. Hindi na ako kumuntra pa do'n sa sinabi niya hanggang sa ihatid niya ako ng bahay. Ni kahit nga mag thank you sa kanya nang ibaba niya ako e nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko 'yon sa kanya o hindi. Kainis kasi siya, e. Pero nag thank you parin naman ako kahit napilitan lang. Pagpasok ko ng bahay, agad na nakita ko 'yong Zz plant na binigay niya sakin. Dahil do'n, naalala ko na naman siya. Lumapit ako sa Zz plant na 'yon at inalis ko 'yon sa ibabaw ng mesa tsaka ko 'yon dinala sa labas ng bahay. Pero 'di pa ako nakuntento na basta-basta ko lang nilabas 'yon. Kasi naisip ko na mas okay kung isuli ko na lang 'to sa kanya. Tutal, 'di ko na naman maaalagaan 'to, e. Nawalan na ako ng gana. Pumasok ako sa loob ng bahay at nagpalit ng damit. Habang nagpapalit ako, biglang sumagi sa isip ko 'yong sinabi sakin ni Bryle kanina na mag move on na lang daw ako. Tama siya, tutal wala na naman akong chance, e. Bumiyahe ako papuntang bahay nila dala-dala ang zz plant na 'yon. At nang makarating ako sa tapat ng bahay nila, 'di ko na naisipan pang mag doorbell at basta-basta ko nalang iniwan ang zz plant sa tapat ng gate nila. I hope na maalagaan niya 'tong tanim na 'to kagaya sa kung papano ko inalagaan 'to. Tumalikod na ako at nagpara ng masasakyan pa uwi ng bahay.                                     *** Masama ang pakiramdam ko ngayong araw pero pumasok pa rin ako kasi in two days, exam na namin. Kailangan ko pa namang makakuha ng mataas na score para malamangan ko siya sa rankings. Nang sa gano'n ay makaganti man lang ako sa kanya. Kahit 'yon na lang, basta, makaganti ako sa ginawa niya sakin. No'ng first period kinaya pa naman ng katawan ko. Though sobrang init ng buong katawan ko at ang sama-sama talaga ng pakiramdam ko at ilang beses na akong sinabihan ni Callen na umuwi na lang o pumunta ng clinic pero 'di ko ginawa. No'ng second period, do'n na ako nakaramdam ng sobrang panghihina at parang gusto ko na lang matulog. Ang init ng ilalim ng mata ko at medyo nahihilo ako kaya nag decide akong pumunta ng clinic. Hindi ko na inabala pa sina Callen para ihatid akong clinic at ako na mismo mag isa ang naglakad patungo ro'n. Habang naglalakad ako sa hallway, napatigil ako nang bigla niya akong tawagin. "Deyn." Di ko alam kung lilingunin ko ba siya o magkukunware na lang ako na parang hindi ko siya narinig. Napapikit ako. Kagabi pa ako nakapag decide. At sigurado na akong kakalimutan ko na siya. Nagsimula ulit akong maglakad pero sa pangalawang pagkakataon ay muli niya akong tinawag. "Deyn, mag usap tayo." "Wala na tayong dapat pag usapan." sagot ko nang hindi siya nililingon. "Bakit mo ibalik sakin 'yon?" Hindi man niya sabihin, alam kong 'yong halaman 'yong tinutukoy niya. "Wala nang dahilan para alagaan ko 'yon. Busy ako Bright. Kaya ikaw na ang bahala do'n. Sa'yo naman talaga 'yon, e. Wala na akong pakialam do'n." "So gano'n na lang 'yon, Deyn? Hahayaan mo na lang? Hindi mo man lang ba naisip ang mararamdaman ng isang halaman kapag hinayaan mo siya?" "E, ikaw Bright? Naisip mo rin ba ang nararamdaman no'ng hinayaan mo'ko?" Hindi siya nakapagsalita kaya naiyak ako. "Ang tao at ang mga halaman ay parehas na may pakiramdam. Kaya sana naisip mo rin 'yon sakin, Bright. Palibhasa kasi sarili mo lang ang iniisip mo, e." dagdag ko pa. "Deyn, hindi mo kasi naiintindihan." Agad ko naman siyang nilingon, "Ano ba kasi 'yon Bright? Explain mo nga sakin para maintindihan ko." Lumapit sakin si Bright. No'ng time na 'yon naisip ko na baka mag e-explain na siya nang biglang, "Bright!" tawag sa kanya ni Ashley. No'ng time na 'yon, nailipat ang attensyon ni Bright kay Ashley kaya naman nag decide ako na umalis na kasi sa tuwing nandito si Ashley, nakakalimutan ako ni Bright. Pero napatigil ulit ako sa paglalakad nang tawagin pa niya ako. "Deyn." "Bright, stop calling her!" galit na sigaw ni Ashley. "Kapag tinawag mo pa siya, tapos na tayo." Nagulat ako sa sinabing 'yon ni Ashley dahil binlock mail niya si Bright. Nagsimula ulit ako maglakad. Pero sa bawat hakbang ko, hinihiling ko na sana tawagin pa ulit niya ako. Pero hindi. Hindi niya ginawa. Ibig sabihin mahal nga talaga niya si Ashley. Nang makarating ako sa tapat ng clinic, bigla akong nakaramdam ng pagka hilo at muntik na akong matumba pero ang nakakagulat ay ang may sumalo sakin. Pagtingin ko kung sino 'yon, do'n ko nakitang siya pala 'yon. "Bright." Umiling siya. "Si Bryle 'to." Napatingin ako sa suot niya. Hindi siya nakauniform. Nakasuot siya ng varsity jacket na kulay black at hindi ko alam kung ano 'yong inner niya. Ine-expect ko pa naman na uniform 'yong suot niya tapos naka jacket lang siya kaya gano'n. Kasi kahit 'yong amoy niyang pang baby cologne e parang si Bright talaga. "Anong ginagawa mo rito?" Mahinang tanong ko habang inaayos ang tayo. "Hanap ko 'yong brother ko." sagot naman niya tsaka dinikit ang kamay niya sa noo ko nang mapagtantong mainit ang katawan ko. "Teka, okay ka lang ba? Ang init mo." Bigla siyang nataranta at hindi alam ang gagawin. "Teka, pahinga ka muna saglit." tapos binuksan niya 'yong pinto ng clinic at inalalayan ako papasok do'n. Umupo ako sa may kama habang siya naman kinakausap 'yong nurse na naka assign do'n. That time, ubos na 'yong gamot sa clinic kaya kinailangan pa niyang umalis papuntang Mercury drug store para bumili ng gamot. Ako naman humiga ako at nagpahinga saglit habang hinihintay na makabalik siya. Nang bumukas ang pinto, nakabalik na siya hawak-hawak 'yong paper bag na may lamang gamot at bottled water. Inabot niya 'yon sakin sabay sabing. "Inomin mo'to." kinuha ko naman 'yon sa kanya. "Hindi na ako magtatagal." tapos ginulo niya 'yong buhok ko, "paggaling ka, Deyn." Naiwan naman akong napatulala no'ng time na 'yon. Pati 'yong paggulo niya sa subong ko na dati ay gawain ni Bright, ngayon gawain narin niya.

 

 

Chapter 24 Letter B

Ngayong araw na 'yong exam. Medyo okay na rin ang pakiramdam ko ngayon dahil kay Bryle. Ni hindi pa nga ako nakapag pasalamat sa kanya dahil sa ginawa niyang tulong sakin no'ng isang araw. Kung hindi dahil sa kanya baka hanggang ngayon e medyo masama pa rin ang nararamdaman ko. Handa narin akong mag take ng exams ngayong araw. Sana lang ma-perfect ko lahat ng exams kasi inilaan ko talaga ang buong oras ko para lang mag-aral at ma-perfect 'yong exams. Pero kung hindi ko naman ma-perfect, sana ako pa rin 'yong makakuha ng pinakamataas na score sa buong klase. No'ng nag start na 'yong exams, panay tingin ako kay Bright. Hindi ko naman siya lilingunin kung hindi siya mukhang problemado ngayon. Ewan, para siyang may sakit at base sa itsura niya. Parang buong gabi siyang umiyak. Di ko alam kung tama nga ba itong pinag-iisip ko. Kitang-kita ko 'yong itim sa ilalim ng mata niya na parang 'di masyadong nakatulog kagabi. Ano ba ang nangyare sa isang 'to? Habang sinasagutan ko 'yon exam, hindi ko maiwasang isipin kung okay lang ba siya o hindi. Ilang beses kong pinapagalitan sa isip ko ang sarili ko dahil sa gitna ng mga ginawa niya, nagawa ko pa ring mag alala ngayon sa kanya. Kung meron mang dapat mag-alala dito, si Ashley 'yon at hindi ako. Siya lang ang mas may karapatan kasi siya 'yong girlfriend at alam kong alam niya kung ano ang pinagdadaanan ni Bright ngayon at kung bakit siya nagkakagano'n. Bahala na siya sa buhay niya. Muli akong nag focus sa exam para sagutan 'yon. Pero ang nakakagulat ay wala pang 10 minutes no'ng mag start 'yong exam namin ay tumayo na si Bright at pinasa 'yong papel niya na tila tapos na siyang sagutan ang exams. Do'n ako napahanga kasi nasagutan niya lahat ng items in less than 10 minutes. Na kahit ako e 'di ko 'yon magagawa. Siguro mga 20 minutes keri ko pa. Pero 'yong 10 minutes? Impossible. Dahil do'n, na pressured ako bigla. Ang bilis niyang natapos 'yong exam. Naisip ko na what if siya ulit 'yong mapunta sa rank 1? Papano na ako? Pangalawa lang ba ulit ako? O mapupunta sa pangatlo o mas mababa pa do'n? Napailing na lang ako sa naisip ko. Muli akong bumalik sa pag focus sa pagsagot ng exam. Si Bright naman ay lumabas na ng classroom kasi kapag tapos kana, pwede ka nang lumabas. Ako 'yong pangalawang nakatapos sa klase namin at sunod naman 'yong iba. Pagkatapos ng exam, 'di ko na siya nakita. Siguro umuwi na siya. Ang aga naman niyang umuwi ngayong araw. Ni hindi man lang niya hinintay si Ashley. Di ko alam kung nag-away ba silang dalawa kagabi kaya gano'n si Bright kanina. No'ng sumunod na araw, pinapatawag ng teacher namin sa faculty si Bright. That time, absent siya. Di ko alam kung anong dahilan at absent siya. Pero sabi ng teacher namin, may problema daw sa mga result's ng exams niya. Mababa daw kasi. That time, 'di lang ako ang nagulat kundi kaming lahat. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang makakakuha siyang ng mababang score? No'ng nag announced ng rankings, hindi siya nakasama. Sa katunayan nga, siya 'yong nasa pinakadulo. Tap 20 siya sa buong buong klase at ako naman ang nasa top 1. Oo, top 1 ako ngayon. Pero bakit hindi man lang ako nakaramdam ng tuwa? Tipong parang wala lang sakin na napunta ako sa top 1 kasi iniisip ko ay si Bright. Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip niya at hinayaan niyang maagaw ko sa kanya ang spot na 'yon. At talagang parang sinadya niyang balewalain 'yong exams kasi no'ng binalik samin 'yong mga test papers namin, nakita ko 'yong test paper niya at nakita kong puro letter B ang lahat ng sagot niya. Multiple choice lang naman kasi 'yong exams namin. Mula A hanggang D naman 'yong choices pero bakit puro B ang sagot niya? Anong meron sa letter B at ganito lahat ng sagot niya? E, kunti lang 'yong tamang sagot na letter B sa questions kaya talagang mababa 'yong score niya. Halos napatulala ako habang nakatitig sa test paper niyang 'yon nang lapitan ako ni Callen. "Nasisiraan na siya ng bait." saad ni Callen. "Tingin ko, sinadya niya 'yan dahil sayo." Inalis ko naman ang mga tingin ko sa test paper na 'yon at ibinaling ang mga tingin kay Callen. "Dahil ba gusto niya akong maging top 1?" "Mali ka." Mali ako? E, ano ang dahilan? "Anong ibig mong sabihin?" "Kasi mahal ka niya." sagot niya. "Baliw, ang layo naman ng dahilan na 'yan—" napatigil ako sa pagsasalita ng agawin sakin ni Callen 'yong test paper ni Bright na hawak ko. "Hindi mo ba nakikitang puro B ang sagot niya." "Nakikita ko. Pero ano naman?" Napakamot siya sa ulo niya na tila na badtrip, "Ang slow mo naman. Top 1 ka pa naman." tapos inexplain niya sakin kung bakit nga ba puro letter B ang sagot ni Bright. "B means Broken. At mahal ka ni Bright. Pero dahil hindi na kayo gano'n ka close kagaya no'ng dati, bigla siyang na broken hearted. Broken si Bright, Deyn. Di lang niya masabi sayo pero halatang Broken siya." Ano raw? Ang gulo naman nitong si Callen. "Alam kong weird 'to pakinggan at 'di ka maniniwala. Pero malakas ang kutob ko na sa inyong dalawa ni Ashley, lamang ka." "Teka, hindi kita maintindihan, bakit mo sinasabi sakin 'to, Callen? Lalo mo'kong pinapaasang may pag-asa ako kay Bright." "Wala siyang sinabi sakin, pero sa tuwing kasama ko si Bright, ikaw naman talaga lagi ang iniisip niya at hindi si Ashley. At bilang lalake, alam ko kung anong ibig sabihin no'n. Maniwala ka sakin, Deyn. Malakas ang kutob ko na ikaw ang gusto niya." Halos hindi ako makatulog sa sinabing 'yon ni Callen. No'ng time na 'yon, muling nabuhayan ang puso ko na umasang kahit kunti ay may nararamdan din sakin si Bright. No'ng mga araw na 'yon, lagi ko nang inaabangan 'yong pagbalik niya sa school. Pero lumipas ang apat na araw, hindi siya pumasok. Ni hindi ko na rin siya ma contact. Wala akong update tungkol sa nangyayare sa kanya. Kahit si Callen o kahit si Ashley rin mismo ay hindi alam kung nasan siya ngayon. Kasi no'ng inutusan ko si Callen na puntahan si Bright sa bahay nila, ang sabi ni Callen walang tao sa bahay nila. Nalaman ko na rin na Break na silang dalawa ni Ashley. Tinanong ko si Rhian kung ano ang dahilan ng break up ni Ashley at Bright pero hindi alam ni Rhian ang dahilan. No'ng time na 'yon, panay iyak lang si Ashley habang kinu-comfort siya ni Rhian. Ako naman, nakatitig lang sa kawalan habang pilit na pinipigilang bumagsak ang mga luha ko. I was hurt too, and no one was there for me. But it's okay.                                  *** Pag uwi ko ng bahay, nakita ko 'yong Zz plant sa labas ng gate namin. Sa sobrang gulat ko kung bakit nandito 'yon ay nilibot ko agad ang paningin ko sa paligid para hanapin kung sino ang nagbalik no'n dito. Pero iisang tao lang naman ang pwedeng gumawa no'n. Si Bright. Muli akong napatingin sa Zz plant at nang makita kong may nakapatong na envelope sa pot ay napaluhod ako para kunin at basahin kung ano ang nakasulat do'n. Pero bago ko binasa 'yon ay muli akong napatingin sa paligid ko. Nagbabakasakali akong baka makita ko siya rito. Pero wala kaya muli kong ibinaling ang paningin ko sa sulat at nagsimulang basahin 'to. "Just like plants, I want you to grow confidently. The one who could give people's smiles, and shares a good vibes. I love you as always." —Sunflower Sunflower?? Anong ibig sabihin nito?? Siya ba si Sunflower na admin ng writers love na sobrang hinahanggan ko dahil sa mga tulang sinusulat niya? Impossible. Kung siya si Sunflower, bakit hindi niya sinabi sakin? Alam niyang fan na fan niya ako pero bakit tinago niya? "My brother loves you that much." Napalingon ako sa likuran ko. Nang makita ko ang isang familiar na itsura, si Bright agad ang nasa isip ko. Pero hindi siya 'to kasi kakabanggit lang niya ng salitang 'Brother'. "Si Bryle 'to." dagdag pa niya. "Di naman ako nagtanong." "Nakita ko sa mukha mo na na co-confuse ; ka kaya sinagot ko na." "Advance ka rin, e 'no." mahinang sambit ko pero parang narinig ata niya 'di lang siya nag react. "I came here to tell you this," tapos huminga siya ng malalim bago nagsalita, "Mag ingat ka lagi sabi ng brother ko. Alagaan mo sarili mo at—" "Teka," pigil ko. "bakit mo sinasabi 'yang mga ganyan? Parang nagpapaalam." "Patapusin mo muna ako." pakiusap niya kaya tumango naman ako. "Mahal ka niya."   Kumunot ang noo ko sa sinabi niyang 'yon. Bukod kay Callen si Bryle lang din ang nagsasabi nito. Di ko na alam kung maniniwala na ba talaga ako o baka pinaglololoko lang nila ako. Maniniwala lang naman kasi ako kung si Bright talaga ang magsasabi sakin nito. "Nagsinungaling ako no'ng sinabi ko sayo na si Ashley 'yong laging bukang bibig niya." pagpapatuloy niya. "Because the truth is ikaw naman talaga." aniya na ngayon e hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba o hindi. "That's the reason kung bakit ko alam ang pangalan mo kahit na hindi ka naman nagpakilala sakin no'n." Shet! Sabi ko na nga ba, e. "Sa umaga puro Danielle, sa gabi Danielle pa rin." napangisi siya bigla pero tinuloy pa rin niya 'yong sinasabi niya, "Halos wala na siyang ibang bukambibig kundi pangalan mo." Di ko alam kung maiiyak ba ako o ano. Basta, naguguluhan ako ngayon. Bakit ba sinasabi sakin ni Bryle 'to? Para sa'n ba 'to? "Kung gusto niya ako, bakit niya sinabing si Ashley ang mahal niya at hindi ako?" "My brother has his reason kung bakit niya binaliktad ang lahat." Natigilan ako sa sinabi niya. "Binaliktad??" "Ang totoo kasi niyan, bumili ng bahay at lupa si Daddy sa ibang lugar. At ang lugar na 'yon ay malayong-malayo mula rito sa lugar na 'to, Danielle." "At tapos?" "No'ng time na 'yon, magtatapat na sana ng feelings sayo ang brother ko. Pero nalaman agad niya na hindi magtatagal at lilipat na kami ng bahay. Kaya naisip niya na wag nang ituloy ang pag amin niya ng feelings at nag decide siyang kalimutan ka." Hindi ako makapaniwala. Ang buong akala ko hindi talaga niya ako mahal. Ilang beses akong nagalit kasi ang buong akala ko ay si Ashley talaga ang mahal niya. "Pero bakit kailangan niyang gamitin si Ashley para kalimutan ako?" "Hindi niya ginamit si Ashley." paglilinaw niya. "Sinubukan niyang mahalin si Ashley dahil nagbabakasakali siyang pag nangyare 'yon ay makalimutan ka niya." Napa-iling ako, "Hindi ko ma gets. Bakit si Ashley sinubukan niyang mahalin kahit alam niyang lilipat na kayo ng bahay?" naguguluhang tanong ko. "Tsaka, e ano naman kung lilipat na kayo? Marami namang paraan para ma contact namin ang isa't isa kahit na magkalayo kami, hindi ba?" "Naisip kasi niya na kapag minahal ka niya, baka masaktan ka lang niya. And my brother doesn't want you to get hurted again lalo na't do'n ka nanggaling no'ng mga panahong nakilala ka niya." Bigla akong napa-hagolgol sa pag-iyak nang sabihin 'yon ni Bryle. Hindi ko in-expect na nag-aalala parin pala siya sa nararamdaman ko. Hindi ko in-expect na ganito siya ka caring. Ngayon lang ako naka encounter ng ganitong klase ng tao. Bibihira lang ang mga gaya niya. Ang buong akala ko nagbago na 'yong Bright na nakilala ko noon. Hindi pa pala. Kasi hindi man niya pinakita sakin kung papano siya magalala, ngayon ramdam na ramdam ko na. "Sinabi niya sakin ang lahat ng 'to. Tsaka may dapat kang malaman tungkol sakin." Natahimik ako sa pag iyak at pinakinggan 'yong dapat kong malaman tungkol sa kanya. "The one who took the exam two months ago was not him. It was me, Deyn." Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat nang malaman ko ang katotohanan. No'ng first quarter ay hindi si Bright at pumasok sa school para mag take ng exam kundi si Bryle? Grabe! Hindi ako makapaniwala. "Nagpanggap akong si Bright kasi no'ng time na 'yon nag swap kami ng buhay. I pretended to be him while he pretended to be me." Halos mapatulala ako sa gulat nang malaman ko ito.   Hindi ko alam na nangyayare rin pala ang mga bagay na 'to na akala ko ay sa mga movie ko lang mapapanood. "Hindi ko naman in-expect na kapag ma perfect 'yong mga exams niya ay siya 'yong mapupunta sa top list ng section ninyo. Nagalit ka raw sa kanya no'ng time na 'yon. Pero hindi mo siya dapat sisihin kasi ako talaga 'yon. Kasalanan ko, Deyn." Buong akala ko si Bright 'yon. Nagalit pa ako sa kanya no'ng time na 'yon at halos kamuhian ko siya pero ngayon malalaman ko na lang na si Bryle pala 'yon. Bakit ba kasi kailangan niyang itago sakin na may kambal siya? Hindi ko tuloy alam ang mga nangyayare sa kanya. "At 'yong lalakeng nagdala sayo sa clinic at bumili ng gamot mo nong isang araw, hindi ako 'yon." Muli, gulat na naman ang naging reaksyon ko sa narinig ko. "Si Bright 'yon. He borrowed my jacket at kinailangan niyang magpanggap na ako kasi mag-aaway sila ni Ashley kapag nilapitan at kausapin kapa niya." So no'ng isang araw, 'yong lalakeng sumalo sakin no'ng nahilo ako at muntikan nang matumba ay si Bright? Nagpanggap lang siyang si Bryle dahil kay Ashley. Kaya pala ang lakas ng kutob ko na siya 'yon kasi siya naman talaga 'yon. "At Deyn, gusto rin niyang aminin sayo na siya 'yong isa sa mga admin ng page." "Siya si sunflower, tama?" Dahan-dahang tumango si Bryle. Grabe. Isa pa 'to. Bakit ang daming revelations? Hindi ko na keri 'to. "Gusto ko siyang makita at makausap. Nasan siya?" Nakita ko ang lungkot sa mukha ni Bryle at napayuko. "Wala na siya dito, Deyn. Umalis na siya kasama nina Mommy at Daddy sa bagong bahay namin no'ng nakaraang araw pa. And maybe, this is the last time na makakausap kita kasi bukas uuwi na rin ako do'n." No, this can't be. Hindi pwede 'yon. "Papuntahin mo siya rito. Ilang araw siyang hindi nagpakita sakin. Tapos ngayon ikaw ang nagsasabi sakin ng lahat ng 'to na kung sa katunayan naman ay siya ang dapat sa magsabi nito sakin. Ano? Naduduwag ba siya?!" Sigaw ko. "Deyn, kalimutan mo na siya. Kasi sinusubukan na rin niyang kalimutan ka." Napa-iling ako, "Hindi. Bakit kailangan niya akong kalimutan? Kung mahal niya ako edi ipaglaban niya ako. Ano naman kung magkalayo kami, diba? Marami namang paraan para ma contact namin ang isa't isa. Distance isn't the problem if we really loved each other. At kung pwedeng puntahan ko siya kahit gaano pa kalayo 'yong lugar na nilipatan niyo gagawin ko." "Hindi 'yon gano'n kadali, Deyn." Natahimik ako at nagpatuloy na lang sa pag iyak. "Madali lang sabihin 'yan pero sa totoo lang mahirap gawin. Sobrang hirap. Mapapagod ka lang at—" "Hindi ako mapapagod, Bryle. Hindi ako mapapagod mahalin ang taong mahal ko." "Pero iba na ngayon. Hindi na tayo nakakasigurado kung hanggang kailan tatagal 'yang nararamdaman mo sa kanya at kung hanggang kailan tatagal 'yong nararamdaman niya ngayon sayo." Natahimik ako habang iniisip 'yong sinasabi ni Bryle. Hindi nga ako nakakasigurado kung hanggang kailan magtatagal itong nararamdaman ko sa kanya at 'yong nararamdaman ni Bright sakin. Pero ano naman? Bakit kailangan problemahin ang mga bagay na 'yon kung pwede namang mag focus muna sa kung ano 'yong ngayon. "Maybe, mahal niyo nga ang isa't isa ngayon. Pero pano kung bukas, o sa makalawa hindi na? Papano pag bigla na lang magbago ang lahat? Masasayang lang ang oras mo, Deyn." Fvck! Bakit ba kasi ganito ka hirap ang sitwasyon naming dalawa?! Bakit kailangan sakin mangyare 'to? Bakit lagi na lang pinagkakait sakin ang taong mahal ko? Bakit ganon?! "Deyn, you need to move on. Kalimutan mo na ang brother ko. I want you to start a new life. Baka hindi talaga siya ang para sayo. And maybe, you deserved someone better." Niyakap ako ni Bryle habang humagolgol ako sa pag iyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa ngayon. Pero ang bigat sa pakiramdam at ang sakit-sakit. Hindi ko alam kung papano mawala itong sakit na nararamdaman ko ngayon. It wouldn't be this painful if my feelings for him is not real.

 

 

Chapter 25 The Final

 

Alas siyete na ng umaga nang gisingin ako ni Mama para tanungin kung papasok ba ako o hindi dahil nga hanggang ngayon e tulog pa ako. Bumangon ako pero nakasandal lang ako sa pader ng kuwarto ko habang nakaupo sa kama ko habang nag-iisip. Hindi ko alam kung papasok pa ba ako ngayong araw dahil una sa lahat late na rin naman ako, pangalawa wala na naman do'n si Bright. Kagaya ng sinabi ni Bryle sakin lumipat na sila ng bahay at lilipat na rin sila ng school. Hindi na kami magkaklase ni Bright. Parang kailan lang no'ng nag transfer siya sa school namin. Tapos ngayon e mag ttransfer na naman siya sa ibang school. Ang daya talaga niya. Papano niya natitiis ang iwan ako? Gano'n lang ba kadali sa kanya ang gawin 'yon? E papano naman ako? Papano naman 'tong nararamdaman ko para sa kanya? Alam ko namang ang pinaka maganda at mabisang paraan para makalimutan ko siya ay ang kalimutan na rin ang nararamdaman ko sa kanya. E kaso lang hindi ko alam kung kailan mangyayare ang bagay na 'yon. Tumayo ako at pinilit ang sarili na maligo at kumain at pumasok sa skwela. Hindi ko alam kung ano ba 'tong nangyayare sakin ngayon. Parang tinatamad ako na parang hindi. Para akong ewan. Nang makabihis na ako, lumabas ako ng bahay pero bago ako tuluyang lumabas ng gate, napatingin muna ako sa halamang binigay sakin ni Bright na nakalimutan kong ilagay sa loob ng bahay. Ito na lang 'yong ala-alang meron ako sa kanya. Kapag nawala pa 'to, mababaliw ako. Binuhat ko 'yong pot ng halaman at pinasok ko 'yon sa loob ng bahay para ibalik sa kung saan ko siya nilalagay dati at pagkatapos no'n ay agad na akong tumakbo palabas ng bahay para dumeretcho sa skwela. That time, alam kong sobrang late na ako at pakiramdam ko nga e sarado na ang gate ng school pero nagpatuloy pa rin ako. Nagpara ako ng masasakyang tricycle papuntang school at pagdating ko, tama ngang sarado na ang gate. "Hala shet, anong sasabihin ko kay manong guard nito para papasukin niya ako?" bulong ko sa sarili ko habang nag-iisip ng pwedeng irason. Di ko naman pwedeng sabihing na late ako kasi broken hearted ako dahil nag transfer ng school at lumipat ng bahay 'yong taong mahal ko. Baka lalo akong pagalitan ng school guard namin dahil sa kadramahan ko. "Ah, Basta, bahala na." dagdag ko pa tsaka ako huminga ng malalim at lumapit sa school guard namin para magmakaawang papasukin niya ako. "Good morning, Kuya. Sorry na late po ako." Napailing naman ang school guard namin na tila walang magawa. "Ija, kung ako lang ang tatanungin, hahayaan kitang makapasok sa loob, pero nasa rules ng school natin na bawal magpapasok ng mga late." "Pero Kuya—" "Pasensya kana, Ija." Nang sabihin ni Kuya 'yon, nawalan na ako ng pag-asang papasukin pa niya ako sa loob ng campus kaya naman wala akong nagawa kundi ang tanggapin na lang at umuwi na lang ng bahay nang biglang... "Papasukin niyo siya, Kuya." napatingin ako sa babaeng sumigaw no'n. Si Colleen. Kakababa lang niya ng tricycle tapos may mga malalaking plastic bag siyang hawak na hindi ko alam kung ano-ano ang mga laman. Mukhang mabigat 'yong mga 'yon pero keri naman niya. "Kasama ko siya." dagdag pa ni Colleen. "Kasama mo siya? E, kakarating mo lang." sagot naman ni Manong guard kay Colleen. Nagkatinginan muna kami ni Colleen. Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip niya at tinutulungan niya ako ngayon. Anong nakain ng isang 'to? Napatingin siya kay manong guard sabay sabing, "Pinauna ko lang siya pero kasama ko po siyang bumili nitong mga inutos ni Sir Jason." saad niya at pinakita 'yong tatlong malalaking plastic bag. Wala naman akong nagawa kundi ang sakyan 'yong sinabi ni Colleen kay Manong guard. "Opo, Kuya." tapos kinuha ko kay Colleen 'yong isang plastic bag para tulungan siya. Wala namang nagawa 'yong school guard namin kundi ang papasukin kami ni Colleen pareho sa loob ng campus. At nang makapasok na kami, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip namin at natawa nalang kami pareho nang magkatinginan kami. Natawa kami siguro dahil napaniwala namin 'yong school guard. Pagkatapos no'n, back to normal ulit. Hindi na kami nagpansinan habang naglalakad at nauna siyang naglalakad kaysa sakin. Do'n ko lang na realized na hindi pa pala ako nakakapag thank you sa kanya. Ma pride akong tao, pero minsan kapag kailangan gawin ang isang bagay ay nagagawa ko namang lunukin itong pride ko. Siguro nga, panahon na rin para kalimutan itong sama ng loob ko kay Colleen. 'Yon lang ang tanging paraan para maging mapa-yapa ako. Tsaka 'yong lamangan siya sa top list? Tingin ko, hindi ko na kailangang gawin 'yon. Kasi hindi naman pala masayang mapunta ka sa pinaka unang spot sa rankings ng school namin. Ngayon ko lang na realized itong mga bagay na 'to. Ang importante lang naman do'n ay ang maging masaya ako. Enjoy ko lang 'tong Highschool life ko. Kasi highschool life comes only once. If I miss this chances to enjoy, maybe I'll regret it in the future. Huminga ako ng malalim at napatingin kay Colleen kahit na patuloy siya sa paglalakad patungong classroom at nakatalikod siya sakin. "Colleen," tawag ko sa kanya at napatigil naman siya sa paglalakad para lingunin ako. "Hmm?" "Thank you." sambit ko at naglabas ng isang maliit na ngiti na tila nahihiya pa. Ito namang si Colleen e parang nagulat kasi sinabi ko 'yon sa kanya. "Wait, totoo ba 'yon? Nag thank you ka sakin for the first time?" Tumango naman ako. "Totoo 'yon." sagot ko at muling nagpatuloy sa paglalakad. Pinantayan naman niya 'yong lakad ko pagkatapos kaya hindi namin naiwasan ang hindi mag-usap. "So, umamin kana ba ng feelings mo kay Bright?" Gulat ko naman siyang nilingon, "obvious ba talaga na may crush ako sa kanya?" "Medyo. Pero balita ko nag transfer na siya sa ibang school, tama?" Malungkot naman akong tumango, "Oo." sagot ko na may mangiyak ngiyak na itsura habang pinipigilang lumabas ang mga luha ko. "Hindi man lang siya nagpaalam sakin. Alam mo, ang daya niya." Ewan, pero bigla na lang akong naiyak sa harap ni Colleen na kung tutuusin e never ko namang ginawa 'to kasi sa tuwing kaharap ko siya, hindi ko pinapakita sa kanya na mahina ako. Lagi kong pinapakita at pinaparamdam sa kanya na maangas ako, na kaya ko siyang labanan. Pero ngayon, lumabas ang totoong nararamdaman ko at hinayaan ko 'yon na makita niya. "I'm sorry to hear that." aniya. Agad naman akong nagpunas ng luha nang mag sorry siya sakin. "Nag sorry ka nga ngayon, pero 'di ka pa talaga nag so-sorry sa lahat ng ginawa mo sakin." "Joke ba 'yon?" Natawa ako nang sabihin niya 'yon. "Half oo, half hindi." sagot ko. Tapos napalunok siya, "Sorry." mahinang sambit niya. "Mag so-sorry ako hindi dahil napilitan akong mag sorry sayo. Naaawa lang ako sa pinagdadaanan mo ngayon." Kahit kailan talaga ang taas ng pride niya. Pero sige na nga. Tutal nag sorry na rin naman siya okay na siguro 'to para kalimutan na ang lahat ng sama ng loob na meron samin. "Sige na nga. Apology accepted." saad ko. Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami ng classroom. Pagdating ko, nakita ko agad si Rhian at Ashley na tahimik lang habang nakatitig sakin. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba sila para kausapin at humingi rin ng sorry o wag na lang muna? Pero naisip ko lang, kung si Colleen nga nagawa kong patawarin, sila pa kaya na mga kaibigan ko. Lalapitan ko sana sila pero tinawag sila ng mga iba naming ka-klase sa labas kaya lumabas sila saglit. Wala akong choice kundi ang bumalik na lang ulit sa upuan ko. Hindi masyadong mag me-meet samin ang mga teachers kasi mga busy sila. May mga ginagawa kasi sila kaya 'yong iba samin ay nakatambay sa canteen, 'yong iba nasa bench pero ako nasa classroom lang habang nagbabalak na i-stalk 'yong account ni Bright. Do'n ko lang nakitang naka deactivate 'yong account niya. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang gawin 'to. Kung iniiwasan niya ako, hindi naman niya kailangan i-deactivate pati account niya. "Ehem, stalker kana pala ngayon?" Napalingon ako sa likuran ko. Nando'n si Rhian na nakasilip sa phone ko kaya naman tinago ko ito kahit na nahuli na niya ako. "Baliw! Kanina kapa ba d'yan?" "Medyo." sagot niya tapos sumenyas gamit ang mga labi niya habang tinuturo si Ashley sa labas, "Makipag bati kana. Ikaw nalang 'yong hinihintay niyang lumapit kasi natatakot siya na baka hindi mo siya pansinin." Napatingin ako sa labas ng bintana kung saan tanaw ko si Ashley habang kausap 'yong ibang ka-klase namin. At gaya nga ng sinabi ni Rhian, nag decide ako na makipag bati na kay Ashley. Walang mapupuntahan 'tong mga tampuhan, away at selosan namin kaya mas mabuting tapusin na rin 'to. Tumango ako kay Rhian tsaka napabuntong hininga bago tumayo sa upuan ko at lumabas ng classroom para puntahan si Ashley. Habang naglalakad ako iniisip ko pa kung papano ba mag sorry kay Ashley. Grabe kasi siya no'ng mga panahong naging sila ni Bright. Parang nakakatakot siya at parang hindi ko na siya kilala. Pero nang lapitan ko siya, 'di pa nga ako nagsasalita e bigla na lang namula 'yong mukha niya at bigla nalang siyang umiyak sa harap ko at niyakap ako ng sobrang higpit. "Deyn... Sorry." sambit niya habang umiiyak. "Sorry kung naging masama akong kaibigan, sorry kung inagaw ko siya sayo. Sorry sa lahat-lahat, Deyn." Patuloy siya sa paghikbi no'n habang nakayakap sakin. Tinapik-tapik ko naman siya sa likuran niya habang pinapatahan sa pag iyak. "Wag kang umiyak, Ash. Naiiyak rin ako, e." saad ko. Actually, sinadya ko talagang magbiro nang gano'n kasi parang naiiyak narin ako. E, ayoko pa namang mag iyakan kami rito. Napaalis siya sa pagyakap sakin habang pinupunasan ang luha niya. "Nag transfer na siya, Deyn. Nang dahil sakin hindi ka man lang nagkaroon ng chance para ipakita at iparamdam sa kanya ang totoong nararamdaman mo. I'm sorry, kasalanan ko." Umiling ako, "No, Ash. Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan 'yon." "Gusto kong makabawi sayo, Deyn. Sa mga inasta ko sayo, sa lahat-lahat." hinawakan niya ang dalawang kamay ko, "Sabihin mo lang kung anong gusto mong gawin. Gagawin ko." Siguro chance na rin 'to para kahit ngayon lang, kahit isang beses makausap ko man lang si Bright. Kahit 'yon na lang sa huling pagkakataon. Marami akong tanong sa kanya, pero kahit isa lang ang marinig ko galing sa kanya. 'Yon ay walang iba kundi ang salitang paalam. Kahit 'yon lang. Ang magpaalam man lang siya sakin. Kahit hindi na niya ako mahalin basta pahalagahan niya 'yong friendship namin okay na 'yon. "Pwede mo bang contact-in si Bright para sakin?" "Deactivated na 'yong account niya. Nagpalit rin siya ng sim card, Deyn. Kaya mahihirapan tayong contact-in siya." Nang sabihin ni Ashley 'yon, lalo akong nanghina sa kawalan ng pag-asa na ma contact ko pa si Bright. Di ko na alam kung sa anong paraan ko pa siya makakausap kapag ganito. "Pero... Alam ko 'yong email address niya. Baka 'yon pa rin 'yong ginagamit niya, Deyn. Subukan natin." Dahil do'n nakahinga ako ng maluwag. Agad akong tumango kay Ashley at agad naman kami nag send ng email kay Bright. To: Brightnavales_01@gmail. com Bright, kung mababasa mo man 'to, gusto kong malaman mo na si Danielle 'to. Hindi ako galit sayo nang dahil sa umalis ka ng walang paalam. Gusto ko lang malaman mo na kahit anong mangyare, kahit matagal, o kahit mawalan ako ng pag-asa na makita kapa ulit, hihintayin parin kita hanggang dulo. Ayoko nang pahabain pa 'to, dederetchahin na kita. MAHAL KITA, BRIGHT. At alam kong mahal mo rin ako. Wala ka lang magawa kasi alam mong malalayo ka sakin. Ngayon, naiintindihan ko na ang dahilan mo kung bakit kinailangan mo'kong saktan nang gano'n. Naiintindihan ko na, Bright. Hindi kita pinipilit na mahalin mo rin ako. Hindi ko sinasabi sayong hintayin mo'ko kagaya sa kung papano kita hihintayin. Kasi alam ko namang unfair 'yon para sayo. Lalo na't sating dalawa ako lang ang may gusto no'n. Pero sana. . .  Makita pa rin kita in the future. Sana pagtagpuin ulit ang mga landas na'tin. Hindi man ngayon, bukas o sa susunod na araw, hindi pa rin ako mapapagod na hintayin ka. Dahil maghihintay at maghihintay ako sa pagbalik mo. —Love, Deyn. Matapos kong i-email 'yon sa kanya, pumasok na kami ni Ashley sa loob ng classroom nang magpaka-hawak kamay. Kahit papano gumaan ng kunti ang pakiramdam ko dahil nawala na 'yong galit at inggit sa puso ko. Okay na kami ni Colleen at pati na rin ni Ashley. Ang sarap pala sa pakiramdam na wala kang sama ng loob sa isang tao. Pakiramdam ko malaya ako. Nakakagaan sa pakiramdam.                             *** Saktong uwian na nang hilahin ako nina Ashley at Rhian. "Uy, ano ba?" pagrereklamo ko nang hilahin nila ang braso ko papuntang pinakadulo ng classroom. Pina-upo nila ako sa isang upuan and without any words, naglabas si Ashley ng make-up kit sa bag niya. "Para saan 'yan?" nagtatakang tanong ko naman. "Humarap ka sakin." utos ni Ashley. "Make up-an kita." "Teka, b-bakit? Ano meron?" naguguluhang tanong ko sa kanilang dalawa ni Rhian. "Sis, makipag blind date ka nalang sa iba. 'Yon na lang ang tanging paraan para makalimutan mo si Bright." sagot ni Rhian at tumango naman si Ashley sakin. Bigla akong nalungkot. Mahigit isang linggo na nang mag email ako sa kanya pero wala akong natanggap na response mula sa kanya. Ewan ko ba kung nabasa niya ang email kong 'yon at hindi lang niya ako ni reply o talagang hindi niya nabasa? Kung nabasa man niya 'yon, sana nag response man lang siya kahit tuldok lang as a sign na nabasa niya. Para at least kahit papano alam ko. Hindi 'yong pinag-iisip niya ako ngayon dito na parang tanga. "Deyn, kung gusto mo pang maranasan ang magahal at mahalin ulit, bakit hindi mo hayaang buksan ulit ang puso mo para sa iba?" Natahimik at napa-isip agad ako sa sinabing 'yon ni Rhian ngayon lang. Ewan, pero kahit anong isipin ko si Bright parin ang pumapasok sa isip ko. Kakaiba talaga siya.   "Oo nga, Deyn." pagsang-ayon naman ni Ashley. "Hindi naman pwedeng habang buhay kang umasang magkikita pa kayo ni Bright. Ang laki ng pilipinas, Deyn." "Pero kaya kong libutin ang buong pilipinas mahanap ko lang siya." Napa-face palm silang dalawa sa sinabi ko. "Alam mo, kung bibilangin lahat ng tanga sa mundo, kasama ka do'n. Jusko, Deyn. Tama na 'yang kadramahan. Alam kong mahirap kalimutan ang isang tao lalo na't hanggang ngayon e siya parin ang sinisigaw ng puso mo. Concerned lang kami sayo kasi baka—" "Baka umasa ako hanggang dulo? Na kahit may iba na siya umaasa pa rin ako? Na kahit 0. 0001% na lang ang chance na bumalik siya e umaasa pa rin ako?" Dahan-dahan naman silang tumango. "Alam niyo, pwede ko namang gawin 'yong makipag blind date sa iba kung gugustuhin ko, e. Kaso lang, papano kung isang araw ma realize ko sa sarili ko na si Bright pa rin 'yong mahal ko? Masasaktan ko lang 'yong taong iba-blind date ko ngayon." "Makipag blind date ka lang naman. Wala naman kaming sinabing magiging kayo agad ng taong ime-meet mo ngayon. Subukan mo lang. Kilalanin mo muna siya. Baka isang araw, matutunan mo rin siyang mahalin." Napaisip ako saglit, wala namang masama kung susubukan kong i-meet itong taong pinapa-meet nila sakin. Malay natin, siya pala talaga 'yong taong nakatadhana sakin at naging lesson lang si Bright sa buhay ko kagaya nong samin ni Gab. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at pumayag na ako. Inayusan ako ni Ashley at dinalhan naman ako ng mini-dress ni Rhian para daw suotin ko sa blind date. Nang matapos nila akong ayusan, nakita ko 'yong tuwa sa mukha nila pareho habang pinagmamasdan nila ako mula ulo hanggang paa. "Ganda mo talaga, Deyn!" Kumento ni Rhian na may kasamang palakpak. "O, diba! Mukha kanang anghel." Kumento naman ni Ashley. Agad naman akong napatingin maliit na salamin ng foundation ni Ashley para makita 'yong mukha ko. Hindi ko ngalan ma picture out kung anong itsura ko sa suot kong mini-dress dahil walang malaking salamin dito. Pero tingin ko naman ayos na 'to. Napabuntong hininga ako, "Ngayon ko na ba siya i-me-meet?" "Yup." sagot ni Ashley. "Ano ulit pangalan niya? Tsaka ilang taon na siya? At Sa'n siya nag-aaral?" sunod-sunod na tanong ko. "Aron ang pangalan niya." sagot ni Ashley. "Ka-edad natin siya kasi classmate ko siya no'ng elementary. Bale close friends kami." kwento pa niya. "Nakita niya 'yong picture nating tatlo no'ng inupload ko sa Fb. Tapos bigla siyang nag chat sakin, tinatanong niya kung sino ka. No'ng sinabi ko name mo, humingi siya ng favor sakin na gusto ka daw niyang i-meet." Grabe naman, may nakakapansin pa pala sakin. Kinilig tuloy ako ng very-very light. Pagkatapos no'n, umalis na kami at nagtungo sa milktea shop nina Callen. Do'n ko daw kasi i-meet 'yong sinasabi ni Ashley na Aron ang pangalan. Bale hinatid lang nila ako sa labas ng milktea shop tapos nagpara na sila ng masasakyan pa uwi at ako na raw ang bahalang kilalanin si Aron. Alam ko naman itsura no'n kasi pinakita ni Ashley sakin 'yong litrato niya. Pogi naman siya, maputi tsaka magaling pumorma. Pumasok ako sa loob ng milktea shop nina Callen. Nando'n pa si Tita at tinatanong kung ano meron at bihis na bihis ako. Magsinungaling pa sana ako kaso lang panira itong si Callen. "May blind date siya ngayon, Ma." sagot ni Callen sa Mama niya. Wala namang ibang naging reaksyon si Tita kundi ang bigyan ako ng panunuksong tingin. "Aba! Talagang dalaga na itong pamangkin ko, nakikipag blind date na. O siya, pag may gusto ka, sabihin mo lang, ha. May gagawin pa ako." "Sige po, Tita." sagot ko bago umalis si Tita at inasikaso 'yong ibang customers. Nilapitan naman ako ni Callen at binigyan ng napakaseryosong tingin, "O, narinig mo 'yon? pag may gusto ka raw sabi ni Mama sabihin mo lang. Ano ba 'yong gusto mo?" "Siya." wala sa sariling sambit ko. "Sino?" "Wala." inis na sagot ko at ibinaling ang tingin sa buong milktea shop para hanapin 'yong Aron. "Asan na ba si Aron?" "Aron ba?" tumango ako. "Sa pagkakaalam ko, wala naman kaming customer ngayon dito na Aron ang pangalan." "Ha? E, sabi nina Ashley nandito raw siya." "Walang Aron. . ." Ano raw? "Pano mo nasabi? E, hindi mo naman inaalalam mga pangalan ng mga customers niyo rito." saad ko tsaka ko kinuha  'yong phone ko para i-text sina Ashley kung confirm bang ime-meet talaga ako ni Aron ngayon. Pero kakabukas ko pa lang ng phone ko nang tumambad sakin ang mensahe ni Rhian. Rhian: Goodluck, Deyn. I hope muling mabuhayan ang puso mo. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Rhian sa mensahe niyang 'yon. Hindi naman kasi malinaw para sakin kung ano nga ba. "Sino ka text mo?" tanong pa ni Callen sakin. "Si Rhian. Tatanungin ko kung nandito na ba si Aron. Panira ka kasi." "Wala ngang Aron dito. . . Pero Bright meron" Natigilan ako saglit. Para akong nabingi o ano nang sabihin 'yon ni Callen. Hindi ko alam kung namali lang ba ako ng dinig. Pero parang hindi naman. Alam kong tama 'yong narinig ko. At isa pa, ang layo ng Aron sa pangalang Bright. Kaya impossible nagkamali lang ako ng dinig. "Anong ibig mong. . ." napatigil ako sa pagsasalita nang ituro ni Callen sakin gamit ang mga labi niya 'yong lalakeng nakaupo sa pinaka-dulo ng shop nila. 'Yong spot na 'yon ay 'yong spot dati kung saan kami naka-upo ni Bright sa tuwing nagpupunta kami rito. Kung saan tanaw mo 'yong sunset. Ito 'yong favorite spot ko. At nagustuhan ko 'to lalo nang makasama ko siya habang nakaupo d'yan. Muling nanumbalik ang saya sa puso ko habang inaalala ko ang mga bagay na 'yon. At halos maiyak ako habang pinagmamasdan 'yong lalakeng naka-upo ro'n na nakatalikod sa gawi namin na may suot na black hoodie. Hindi ko makita 'yong mukha niya no'n kasi nakatalikod siya. Tinapik ako ni Callen sa balikat. Saktong tumulo 'yong luha ko no'n sa sobrang tuwa. E, pano ba kasi, masyadong malakas 'yong pagtapik niya sakin kaya 'yong luhang naka-ipon sa mata ko bigla nalang tumulo. "Puntahan mo na. Alam kong na miss mo siya ng sobra-sobra." Hindi ko alam kung nanaginip ba ako ngayon. Kung panaginip man 'to, masaya ako kasi kahit sa panaginip ay nakita ko man lang siya. "Callen," "Hmm." "Totoo ba 'to?" Tumango si Callen, "Totoong-totoo."   Nang sabihin ni Callen 'yon, hindi na ako nagsayang pa ng oras at naglakad na ako patungo sa lalakeng 'yon. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, sobrang lakas na hindi ko maipaliwanag. At habang papalapit ako sa kanya, kinakabahan ako na parang ewan. Kung nandito si Bright at wala 'yong Aron na sinasabi nina Ashley, ibig sabihin ba sinet-up lang nila ako? Alam ba nilang nandito si Bright kaya nila ako binihisan nang ganito? At ngayon naiintindihan ko na ang mensahe ni Rhian sakin. Ito pala 'yon. Si Bright pala ang tinutukoy niya. At nang makalapit na ako, napatigil ako sa tabi niya. Di ko alam kung u-upo ba agad ako sa harap niya o tatawagin siya sa pangalan niya. Pero nang lingunin niya ako, do'n na ako naiyak lalo. "Deyn." Muli, narinig ko ang boses niya. Ang sarap pakinggan ng boses niyang 'yon. At sobrang namiss ko 'yon. Tumayo siya at niyakap ako ng sobrang higpit na para bang ayaw na niya akong pakawalan pa sa mga bisig niyang 'yon. "Namiss kita, sobra." Lalo akong naiyak nang sabihin niya 'yon. Naiyak ako kasi akala ko saming dalawa ako lang ang nakakamiss sa kanya. Naiyak ako kasi akala ko tuluyan na niya akong kinalimutan. Pero heto siya ngayon, yakap-yakap ako ng sobrang higpit. "Akala ko. . . akala ko hindi na kita makikita pa. Akala ko hindi kana babalik." sambit ko habang himihikbi. Sobrang higpit ng pagkahawak ko no'n sa hoodie niya. Tipong mapupunit na sa sobrang higpit. "Sorry, sorry kung iniwan kita saglit. Akala ko kakayanin ko. Pero nong mga araw na malayo ka sakin, walang ibang pumasok sa isip ko kundi ikaw." Patuloy parin ako sa pag hikbi habang siya naman ay patuloy sa pagsasalita. "Sorry kung sinaktan kita. Hindi ko naman intensyong gawin 'yon. Ginawa ko lang 'yon kasi wala akong choice. Naisip ko kasi na kapag ginawa ko 'yon baka makalimutan mo'ko. Baka mawala na lang 'yang nararamdaman mo sakin at hindi na kita ma saktan pa oras na malaman mong malalayo ako sayo. Pero mali, kasi nang dahil sa ginawa ko ay mas nasaktan kita lalo." Bumitaw ako sa pagyakap ko sa kanya at gano'n din siya sakin. Hinawakan niya 'yong mga pisngi ko. Ramdam na ramdam ko pa 'yong mga mainit niyang palad na naka-dampi sa mukha ko habang nakatitig sa mata ng isa't isa. "Kasi hindi ko kayang kalimutan ka, Bright." "'Yon din 'yong na realized ko sa sarili ko, Deyn. Hindi ko rin kayang kalimutan ka." "Pwede bang. . . pwede bang wag ka na lang umalis?" pakiusap ko habang patuloy pa rin sa pag hikbi. "Nag decide na akong dito mag-aral. Babalik na ulit ako sa school na'tin, Deyn." Parang napatalon bigla ang puso ko sa sobrang tuwa nang malamang babalik na siya sa school namin. Sa wakas, hindi na rin malalayo sakin ang taong mahal ko. "Pero papano 'yong parents mo?" "Ako lang 'yong bumalik dito. Pumayag naman sila na dito ako mag-aral. Uuwi lang ako sa bagong bahay namin tuwing bakasyon." "Kung gano'n, hindi na tayo magkalayo." Ngumiti siya at tumango, "Oo. Tama ka. Hindi na." Muli naming niyakap ang isa't isa sa sobrang tuwa. Pagkatapos no'n, umupo na kami at um-order ng milktea habang nag kwe-kwentuhan. Ang dami kong tanong sa kanya tungkol do'n sa mga sinabi ni Bryle sakin at pinaliwanag naman niya isa-isa sakin. Sa sobrang dami naming napag kwentuhan, hindi namin namalayan na gabi na pala kaya nag decide kami na umuwi na. At nang makalabas kami ng milktea shop, bigla na lang niya akong tinawag. "Deyn." "Bakit?" "Kanina ko pa gustong itanong sayo 'to, 'di ko lang maisingit." "Ano ba 'yon?" Lumapit siya sakin. Sobrang lapit na parang hahalikan niya ako pero hindi. "Pwede ba kitang ligawan?" Siyempre napangiti agad ako. Kanina ko pa kasi gustong marinig sa kanya 'to 'di ko lang sinasabi. Pero papatagalin ko pa ba 'to kung matagal naman niyang ginawa 'to sakin noon? Napangiti ako bigla, "Papano kung sasabihin kong hindi?" Nakita ko sa mukha niya na parang kinabahan siya do'n sa sinabi ko. "Wala ba akong chance? Nabasa ko kasi in-email mo sakin, sabi mo mahal mo'ko." Ewan ko ba kung matatawa ako o hindi. Para siyang Bata. Ang cute niya. "Ah, so nabasa mo pala 'yong in-email ko sayo. Pero bakit hindi ka nag response?" "Kung mag re-response ako, baka lalong hindi kita makalimutan." Tapos kinuha niya 'yong dalawang kamay ko at hinawakan 'yon ng sobrang higpit at inulit 'yong tanong niya, "Pwede bang manligaw?" Ilang Buwan rin siyang nanligaw sakin no'n no'ng mga panahong nagpanggap kami sa harap ng mga kaibigan namin. Kaya kahit walang katotohanan 'yon at laro-laro lang mas ramdam ko'yon. Kaya tingin ko. . . Naglabas ako ng isang napakagandang ngiti. Inangat ko ang mga kamay ko at hinawakan 'yong mga pisngi niya at seryosong tinitigan siya sa mga mata niya. "Bright, sapat na 'yong noon para sagutin ka ngayon." Kita ko naman ang gulat sa mukha nito nang marinig ang sinabi ko. "Ibig mong sabihin. . ." tumango ako kahit na 'di pa naman niya tuluyang nababanggit ang kung ano mang sasabihin niya. "Tayo na?" Muli, tumango ako, "Oo. Sinasagot na kita." Halos mapatalon siya sa tuwa no'ng mga oras na 'yon. Ako naman nakangiti lang pero sasabog na sa kilig. Ito 'yong moment na gusto kong maramdaman at maranasan araw-araw. Parang ayoko na yatang matapos pa ang moment na 'to. Pero kung matatapos man 'to, alam ko naman na may kasunod pa. At itong kwento naming dalawa, magwawakas man, hindi naman magwawakas ang pagmamahalan namin hanggang dulo. At alam kong lahat tayo may kanya-kanyang kwento ng buhay. Lalo na no'ng mga panahong nagsisimula palang tayong gumawa ng pahina ng ating sariling kwento. Hindi man tayo sigurado kung ano ang wakas nito, mauuwi pa rin naman ang lahat sa mga masasaya at magagandang ala-ala.                           THE END. . .

 

 

Post a Comment

0 Comments

Post a Comment (0)
3/related/default