Be my Mistress

0





Be my Mistress



CHAPTER 1: Guy

 

OLIVIA

“miss your head” napansin kong naka sandal ako sa balikat nong lalake, umayos ako ng upo at tinignan siya. “ sorry” hindi niya ako tinignan at seryoso lang sa cellphone niya. Napa buntong hininga ako, galing kasi ako sa trabaho at napa overtime pa kaya walang pahinga. Kailangan ko pnag may biyahe ng isang oras para makauwi. “ sir were here” napa tingin ako sa lalaki, tinanguhan niya ung kumausap sakanya. Tinignan ko kung saan sila bumaba, sa isang mapunong lugar. Kung titignan mo mukhang may kaya ung lalaki para mag bus pero sabi nga nila may maayos na tignan para pagkamalan na mayaman, may lasog lasog naman na damit para pagkamalang mahirap iyon naman pala ay mayaman. Ilang minuto pa ay bumaba na din ako, mabilis akong nag lakad kasi kapag nagising ung lalaking iyon na wala pa ako ay panigurado magagalit siya. “ late ka ng 5 minutes” nanginig agad ang kamay ko ng marinig ang boses niya. “ kinausap pa kasi ako ng boss---” tinignan niya ako ng masama, kinabahan ako agad sa tingin niya. “ siguraduhin mo lang na kinausap ka” tumango ako. “ sige na, mag luto kana” mabilis akong pumunta sa kusina, napa buga ako ng hangin. Akala ko sasaktan nanaman niya ako, kapag kasi late ako at walang tamang rason sasaktan niya ako, minsan naman kapag may nakita siyang kausap ko na iba. Nang makaluto na ako, pinaghainan ko na siya. Naka tayo lang ako habang hinihintay siyang matapos, ayaw niya kasing sinasabayan ko siya. “ aalis ako, huwag kang aalis” “ malinaw saakin” sagot ko. Hindi na siya umimik, natapos na siyang kumain kaya pumunta na siya para mag ayos. Lagi na lang akong kinakabahan kapag andito siya. Ako nga pala si olivia dela rosa 20 years old, cashier sa isang coffee shop habang ung kasama ko ay si vince torres. Kapatid ko siya sa ama, kaya ako nasa poder niya dahil sa ina ko. Malaki daw ang kasalanan ng nanay ko sakanya kaya bilang kabayaran maging katulong niya ako sa bahay niya at ibigay ang pangangailangan niya kumbaga susuportahan ko siya. “ inuulit ko, huwag kang lalabas” tumango ako, lumabas na siya ng bahay. Kakain sana ako pero wala siyang itinirang pagkain, tumingin ako sa ref ng pwede kong makain pero walang laman. Kaka palengke ko lang nong isang araw at puno itong ref tapos ubos agad. Isinara ko at inilibot ang paningin para mag hanap ng pagkain pero wala. Humiga na lang ako sa sofa para mag pahinga maski gutom, naka pag pahinga naman ako ng apat na oras. Nagugutom ako, uminom na lang ako ng tubig pero mayat maya ay kumakalam ang sikmura ko. Hinid naman ako pwedeng lumabas, tiniis ko na lang ang gutom ko. Ilang oras pa ang lumipas, nagising uli ako na masakit na ang tiyan ko. Wala naman kasi akong kinain simula nong nag lunch ako kahapon at lunch na kaya gutom ako. Every other day kasi ang trabaho ko, bibili ako ng pagkain tsaka saglit lang naman sakto din naman na paguwi niya ay may makain na siya. Nag jacket ako, lumabas na ako ng napahinto ako at tumingala. Ngayon lang kasi ako nasikatan ng araw, ninamnam ko muna saglit ang araw bago ako nag madali para bumili ng pagkain.  Walang masakyan ako nag lakad na lang ako, kahit mainit okay lang. gustong gusto ko nga kasi ngayon lang ako sisikatan ng araw. Sa trabaho ko kasi bawal lumabas kaya ganun din lang, gabi naman ako umuuwi kaya hindi ko naaabutan kapag may araw na. Kailangan kong bilisan ng may sasakyan kaya pinara ko, mabuti na lang. naka na ako, tinignan ko ang oras. Sana wala pa si vince. “ ayyy!!” napasubsob ako. Tinignan ko kung ano nangyari ay naka bangga siya, naku naman kung kailan ako nagmamadali. Bumaba na ung iba kasi matatagalan pa ito kaya bumaba na din ako, dibale isang kilometro na lang kaya lakarin ko na lang. Dahil mabigat ang buhat ko natatagalan akong mag lakad, huminto muna ako para mag punas ng pawis at tsaka uminom narin ng tubig ng may mapansin ako. Dito huminto ung lalaki diba?? May daan na papasok, anong meron kaya sa loob. Hindi makita kasi ang tataas ng puno na nakaharang, aalis na sana ako ng makita ko si vince na palabas doon sa daan. Mabilis akong gumalaw para magtago, nakita kong kausap niya ung lalaki noon naka sakayan ko. Ano pa bang ginagawa ko, dapat na akong mag madali kasi panigurado matapos silang mag usap ay uuwi na siya. Tumakbo na ako pauwi, kailangan kong bilisan dahil baka malaman niyang lumabas ako. Nakauwi ako, mabuti at wala siya. Mabilis kong inayos ang pinamili ko at nag luto na din ng makakain, kumain na din ako dahil malamang ay hindi ako makakain. Mayat maya ay dumating na si vince, tinignan niya lang ako. Lumapit siya at tinignan kung anong ginagawa ko. “ walang laman ang ref, paano ka nakakuha ng mailuluto??” “ dumating si manang leni, binentahan ako kaya binili ko na lang lahat kasi uuwi daw siya” kabado kong sagot. “ maliligo lang ako, ipaghain mo na ako” tumango ako at ginawa ang utos niya. Nag aayos ako ng lumabas siya, kapag andito kasi siya kailangan may ginagawa ka. Ayaw niyang nag papahinga ako kaya galaw galaw. “ itigil mo na ang trabaho mo dahil may nakuha na akong trabaho ko every other day” “ hindi pwede---” tinignan niya ako ng masama. “ kung ano ang sinabi ko susundin mo” napalunok ako. “ a-anong trabaho?” tanong ko. “ katulong nila…sila na magsasabi sayo bukas, huwag kang tatanga tanga doon dahil hindi biro ang sweldo mo” “ nakukulangan ako sa sweldo mo sa coffee shop na iyan kaya naghanap ako ng mas malaking sweldo, huwag kang mag alala, hindi ka naman mamamatay sa trabaho bilang katulong. Nakayanan mo nga dito, pano pa kaya doon” ngumiti siya. Kinakabahan ako sa ngiti niya, noon kasi may inutos siyang trabaho saakin. Mabuti na lang nakatakas ako pero sakanya hindi dahil binugbog niya ako doon.

 

CHAPTER 2: Maid

OLIVIA

 Maaga akong ginising ni vince para mag luto ng almusal, maag daw kasi kaming bibiyahe para puntahan kung saan ako mag tra-trabaho. Ibig sabihin malayo para mag biyahe pa kami, kinakabahan tuloy ako. “ antagal naman… bilisan mo!” binilisan ko ang pag galaw, nang matapos ako mag ayos ay lumabas na ako agad “ andito na” buhat buhat ko na ang gamit ko, wala naman akong masyadong gamit kasi hindi ako namimili. Lahat kasi ng sweldo ko kinukuha ni vince tapos napupunta sa pang kusina. Sumakay na ako sa kotse niya, hindi ako natulog kasi gusto ko alam ko ang bawat daan tsaka para narin alam ko kung saan kami pupunta. Nakailang oras na kaming nag bibiyahe, kung iisipin mo baka nasa tatlong oras na kaming bumibiyahe. “ malapit na tayo, umayos ka kapag andon ka” Ilang minuto pa ay may pinasukan na kaming malaking gate, kinakabahan tuloy ako. Sana naman walang mangyaring masama saakin kasi kapag meron malabong makatakas ako dahil ung gate at harang ay napaka taas. “ baba na, hinihintay na tayo” anlamig ng mga kamay ko, dahan dahan akong naka sunod kay vince. “ good day macy” ngumiti ung babae. “ siya na ba??” tumango si vince, tinignan ako nong babae mula baba tsaka ako nginitian. “ okay ng pag tiyagaan” sabi niya. “ lea! Pumunta ka nga dito at ibilin mo ang lahat ng dapat na malaman niya dito sa mansyon” utos niya, mabilis na dumating naman ung lea. “ sumama ka sakanya at siya na ang bahala sayo, vince tara sa labas” sinamahan na ako ni lea, una sa kwarto ko. Okay na kahit maliit ang mahalaga naman ay may matulugan, sunod sinabi na saakin ang batas dito sa bahay nila. Napaka strikta pala niya, daig niya pa si vince. Kailangan kong mag ingat sa bawat galaw ko at kapag may bisita siya huwag na huwag akong titingin sakanila dahil wala kaming karapatan, maski kung anong ginagawa nila sa harap namin wala kaming pwedeng sabihin. Hindi na ako binalikan ni vince kasi kanina pa siya wala at pinaayos na din ang gamit ko, bukas ako magsisimula kaya ang sabi saakin pamilyarin muna ang lugar. Sasamhan ako ni lea matapos niya lang mapaghainan si mam macy. “ tara??” tumango ako, tapos ko naman ding ayusin ang gamit ko. “ wala ka na ba gagawin??” tanong ko. “ naku madami pero dahil may bisita si mam kailangan kong umiwas, napaka selosa pa man din niya maski ang ganda ganda niya pinagseselosan pa kaming mga maid niya na ni wala pa sa kalahati sa ganda niya” sagot niya. “ kaya ikaw mag ingat ka kapag may bisita si mam, naku sinasabi ko sayo kakaiba si mam macy magalit” tumango ako. Habang inililibot ako nag kwe-kwento siya, mabuti na din para kahit papaano ay may malaman ako tungkol sa boss ko. “ lea!!” sigaw sakanya “ iwan na muna kita” mabilis siyang tumakbo paloob ng bahay, ako na naiwan nag masid masid muna ako. Kawawa naman ung halaman hindi na naalagaan, maski dilig ay wala kasi tuyot na tuyot na. Lumapit ako para alisin ung ligaw na damo, sayang naman kasi ang ganda nong halaman. Dilig lang to tapos linis okay na. “ fuck!!!” nagulat pa ako bigla kasi may tao pala pero parang familiar saakin, tinignan ko siya ng maigi. “ olivia” natauhan ako, nilingon din ako nong lalaki. “ hindi ka ba sinabihan ni lea?!” ay oo nga pala, nakalimutan ko. “ hindi ka pa nag uumpisa palpak kana” kinabahan tuloy ako, naku sana naman hindi ako tanggalin. “ macy just let her go for this day, total hindi pa siya nag uumpisa” siningkitan niya ako ng mata. “ hindi na po mauulit” sabi ko. “ dapat lang, baka kapag naalis ka panigurado lagot ka kay vince. Alis na” inirapan niya ako, yumuko akong nag lakad pero dahil nga sa kinakabahan ako natapilok pa ako. “ bwesit” bulong ko, nahawakan ako nong lalaki. “ miss ung ulo mo” ay kainis!!! Naka sandal na pala sakanya, mabilis akong umayos at humingi ng paulit ulit ng sorry sakanila. “ ano ba yan!!” inis na sabi ni mam macy. “ sorry po… sorry po talaga” sabi ko. “ macy hayaan mo na, andaming nakaharang kaya hindi niya napansin ung daan. Come on lets get ”nside” napa buga ako ng hangin, akala ko mapapagalitan nanaman ako. Pumasok na ako ng bigla akong hinila ni lea papasok sa kwarto namin, tinignan niya. “ pasensya na, parang kasi pamilyar ung lalaki… nakalimutan ko ung sinabi mo” napa iling siya. “ pasalamat ka at hindi ka pinaalis… sa susunod huwag mo ng ulitin, hindi na yan papalampasin ni mam macy” tumango ako. Hindi na ako lumabas sa kwarto kasi baka maka gawa pa ako ng pagkakamali, tinignan ko na ung oras gabi na pala. Mayat maya ay pumasok si lea, inalis na niya ung apron niya. “ kain kana… samahan kita” sakto nagugutom na ako.  “ si mam macy??” “ naliligo… may lakad kasi sila” nasa kusina na kami… pinag hainan niya ako, nahiya tuloy ako. “ kaya ko na” ngumiti siya. “ okay lang.. sanay na ako” umupo na ako para kumain. “ excuse me, can you give this one to your boss” yumukong kinuha ni lea ung binibigay, ako naman agad na yumuko habang sumusubo ng pagkain. Tahimik lang akong kumakain ng bigla akong nasamid, napatayo ako para kumuha ng tubig. Nakaharang naman ung lalaki, hinid ko tuloy alam ang gagawin. “ nasamid ka?” hindi ko siya sinagot kundi nakayuko parin ako. “ okay.. let me help you” yumuko siya, ipinantay ang mukha niya saakin ng bigla niya akong dinampian ng halik. PAAKKKK! Sinamaan ko siya ng tingin ng may napansin akong paparating kaya yumuko ako agad, si mam macy kasama si lea. “ what happen to your face??” tanong ni mam macy “ ooh she—” “ excuse me mam handa na po ang sasakyan” muntik na ako doon.

 

CHAPTER 3: Plan

BENJIE

 Benjie salcedo 20 years old, im the vice president of macy company. Hindi lang ako vice president niya kundi pinipisil bilang mapangasawa niya, I don’t like that idea pero sabi ng ama ko kung gusto kong umangat kailangan kong pumayag sa gusto ni macy. “ keep it up son, konting push pa makukuha mo na ang position na matagal mo ng gusto” malawak ang ngiti ni papa. “ pa hindi ako ang may gusto sa posisyon kundi kayo” sagot ko. “ so you deserve that position, ano lang naman ginawa niyang matanda na yan sa kompanya kundi umupo?! Ikaw ang naghihirap sa kompanya niya kaya you deserve that position” napailing ako, maka sabi naman ng matanda kay macy hindi naman siya as in matanda kasi mas matanda lang naman siya saakin ng limang taon. “ pa siya ang boss kaya para ano pat kumuha ssiy ng empleyado kung hindi niya gagamitin” hindi ko naman gusto si macy, si papa lang ang pilit ng pilit. “ ah basta… keep it going anak, konting himas pa sakanya makukuha na natin ang kasal total pinag uusapan niyo naman na yan iyon nga lang wala pang kasigaraduhan kaya you have to do more push” napa buga ako ng hangin. Hindi na ako umimik, naubos niyang inumin ung alak niya ay nag paalam din kasi may aasikasuhin pa daw. Kinuha ko naman ung folder para mag trabaho ng naisip ko bigla ung babae. Wala naman akong balak halikan siya pero nacucutan kasi ako sa maliit niyang labi na mapupula, ipinilig ko ang ulo ko para alisin siya sa isip ko. “ not that kind of girl benjjie” sabi ko mag isa “ benjjie!” may ibinagsak na folder sa mesa ko si macy. “ paanong may defici tayong ganito kalaki?!!” kumunot ang noo ko. “ you’re the one who is incharge on that so why me?” tanong ko. “ yes but still you have to check this one, your my vp…. Paanno na lang kapag mag asawa na tayo at ikaw na ang nag take charge sa position ko?? You have to double check everything what I am doing dahil minsan hindi ko napapansin dahil sa dami ng trabaho” tumayo ako at nilapitan siya. “ calm your self, madali ko lang mahanap yan okay??” sumimangot siya, hinimas himas ko ang balikat niya para pakalmahin siya tsaka hinalikan ko ang buhok niya. “ you have to, para naman hindi ka masira sa parents ko. Ayaw mo bang maikasal saakin??” sumimangot siya. “ ofcourse I want… bukas na bukas din naayos ko na yang deficit na iyan” ngumiti ako sakanya. “ okay” niyakap niya ako. Matapos kaming nag usap ay umalis na ako para ayusin ang problema ng kompanya, agad akong nag paimbistiga sa nangyari iyon. Paanong nakalusot iyon saamin?? Anong oras na akong natapos pero okay lang dahil nalaman ko kung sino ang may pakana… bwesit, ako pa talaga ang kinakalaban at ako pa talaga ang dinamay para ako ang masisi. Bukas na bukas hindi na yan makakawala, pasakay na ako ng kotse ng may napansin akong familiar na babae. “ miss” palinga linga kasi siya sa labas ng kompanya. “ ahy manyak!!!” may pabulong pa siya na hindi ko narinig. “ anong ginagawa mo dito?? Magdidilim na” tanong ko. “ inutusan ako ni mam macy na iwan ito sa guard pero wala akong makitang guard”sagot niya. “ akin na” tinignan niya muna ako na parang nagdadalawang isip kung ibibigay. “ miss im the vice president of the company” doon umiba ang bakas ng mukha niya, ibinigay niya na saakin kaya ako na ang nag iwan sa guard sa loob. OLIVIA “ thank you, mauna na ako” mag sasalita pa sana siya pero hindi ko na hinintay, maski wala na ako sa trabaho dapat hindi ko parin siya kausapin tsaka akala niya okay na ako sa ginawa niyang pag halik saakin. Naghihintay na ako ng masakyan, ilang beses kong tinitignan ung orasan ko kasi kanina pa ako nakatayo dito. Gabi na, baka pagalitan ako ni mam macy. Nasa waiting shed ako, may kasama naman ako na kanina pa din naghihintay ng masakyan pero hindi ko makita ang mukha kasi naka hood. May mga dumating na ibang tao pero mga lasing, umurong ako para hindi nila ako matabig. “ uy… may babae, kami ba hinihintay mo?” tanong nong nakamaong na jacket. “ pare mukhang nag away sila, magkalayo oh” huh??? Teka hindi ko siya jowa kung iyon ang inaakala nila. “ miss ako na lang jowain mo, hindi kita aawayin….. pasasayahin kita araw araw” tinignan niya ako ng malagkit para mapa urong ako. “ pare magpapaalam lang, pwedeng pasiyahin ang jowa mo? Total di mo naman kaya” tinignan ko ung naka hood na walang pakialam. “ walang imik it means yes!!! Hahaha!! Come baby….” Natakot ako kaya umurong ako habang siya papalapit saakin, nanginginig na ako sa takot. “ huwag naman oh……” pakiusap ko, naka ngiti siyang lumalapit saakin. Naka lapit na siya saakin, hinawakan ako sa magkabilang balikat. Hindi ko alam ang gagawin ko, na blanko na lang ang utak ko ng biglang nanuntok ung naka hood. Lumayo ako ng konti sa lugar, naka tingin lang ako sa naka hood na nakiki pag suntukan hanggang tumakbo ung mga lalaki. Pinuntahan ko siya para tulungang tumayo pero tinabig niya ang kamay ko tsaka siya tumayo. “ learn a self defense para hindi ka mabastos” malamig niyang sabi, sakto naman na may sasakyang huminto tsaka siya sumakay. Malapit na ako doon, mabuti na lang talaga meron siya pero hindi ko man lang nakita ang mukha niya kasi nakayuko siya. Anong oras na ako nakasakay, nadatnan ko pa nga ung lalaki na laging bumibisita kay mam macy. Agad akong humingi ng sorry kay mam dahil late na ako. “ its okay…sige na matulog na kayo kasi maaga pa tayo bukas” huh?? Pero diba every other day lang ang trabaho ko sakanya. “ mam---” “ mag tra-trabaho kana saakin everyday, sinabi ko na kay vince at umokay siya. Ibinigay ko na din ung sweeldo mo ng tatlong buwan dahil gagamitin niya” hindi ako nakaimik.

 

CHAPTER 4: Benjie

MACY

 “ what?!! Kung ganun ung kalbong iyon ang may pakana??” naiinis ako kasi wala namang nakawan na nangyayari noon, bakit ngayon may ganito na. “ ako pa nga ang ginamit niya para makakuha ng ganito which is hindi siya takot na mahuli, siguro ang akala niya madali akong maisahan” sagot ni benjie. “ naisahan ka nga naman kasi kung hindi dapat walang nakuha!” tinignan ko siya ng galit, tumayo siya tsaka ako niyakap. “ sorry kung nagpabaya ako… dibale hindi na mauulit, mas lalo akong maghihigpit” dinampian niya pa ako ng mga malilit na halik sa magkabilang balikat ko. “ ayoko kasing may masabi ang pamilya ko sayo kaya please sana hindi na maulit pa ito” ngumiti siya at tumango sabay dampi ng halik sa noo ko. Nakikiliti na ako sa pagdampi dampi niya ng halik, hinarap ko tuloy siya tsaka ipinalibot ang kamay ko sa batok niya. “ nga pala diba aalis tayo bukas?? Isama mo ang buong pamilya mo” inalis niya ang pagkaka pulupot ng kamay ko. “ if si papa okay lang pero don’t expect---” “ benjie kakambal mo siya, dapat na imbitahin mo parin siya tsaka malay mo makuha natin siyang isa sa sponsor sa isang project natin” may kakambal kasi si benjie, si brent. Si brent may kompanya habang si benjie ay wala pero mas matalino si benjie kaysa kay brent. Ewan ko ba kung bakit hindi mag trabaho si benjie kay brent eh kapatid naman niya, siguro kasi imbes na maghati sila sa kompanya kay brent lang ibinigay ng lolo nila ung kompanya. “ don’t expect… bakit ba napaka importante na meron siya, siya ba ang pakakasalan mo??” tanong niya, halatang nagtatampo na. “ hindi… syempre ikaw pero mas okay na sana kompleto kayo, this meeting is very important to me dahil doon na natin sasabihin sakanila ang balak nating pagpapakasal” tinignan niya ako sabay kunot ng noo “ I thought---” “ I think we should get into marriage stage already, hindi ako bumabata and I want to have a baby so kaysa hintayin natin na mag 25 ka mas okay na mag pakasal na tayo” lumawak ang ngiti niya. “ sure??” tumango ako sabay ngiti. “ okay! Gagawin ko ang lahat para makompleto kaming tatlo, you know naman na gagawin ko ang lahat para sumaya ka” niyakap niya ako ng mahigpit, sa totoo lang hindi pa enough ung pinapakita ni benjie para maging katuwang ko pero sabi ko nga hindi na ako bumabata lalo na ang magulang ko, gusto kong mabigyan sila ng apo bago man sila mawala sa mundo. “ im going to call papa, okay” tumango ako at lumayo siya para tawagan si tito. BRENT Brent salcedo 20 years old, ceo of demonic company. Lumuob ung sekretarya ko para ibigay ang mag files na inutos kong dalhin. “ sir tumawag po ang kapatid niyo na baka pwede kayong maka usap daw” hindi ko siya tinignan, busy ako sa mga files. “ I don’t have time, just asked him kung ano kailangan niya” kilala ko ang kapatid ko, tatawag lang naman iyon kapag may kailangan maski si papa. Kapag kailangan ni papa ng pera tumatawag saakin, I know na galit sila saakin dahil saakin ibinigay ni lolo ang kompanya na dapat kay papa muna. Mayat maya dumating uli ung seretarya ko. “ sir meet up po with his girlfriend parents” tsk!!! Nauto niya ung ceo ng region company na pakasalan siya maski mas matanda sakanya. “ saan daw??”  “ sir out of town” tinaasan ko siya ng kilay. “ tell him na wala akong oras kung out of town lang din tsaka im not a important person para andon pa, tell him im busy” umalis na siya ng makuha ang sagot ko, tsk!!! Very devoted ung babae para out of town pa. Nag patuloy ako sa trabaho ko hanggang tanghali, tumayo na ako para mag lunch ng bumukas bigla ang pintuan. “ this meet up is important to macy, huwag kang pa hard to get para pumunta sa meet up” inis na sabi ni benjiie. “ ano naman kung importante sakanya?? Im a busy person, I have a lot to do. Every minute is important to me” sagot ko. “ thats bullshit!! Minsan na nga lang ako humingi ng pabor hindi mo magawa, nong binigay ba ni lolo sayo ung kompanya may narinig ka ba saaki??!! “ out of the topic nanaman siya, yes wala siyang sinabi pero ipinaramdam niya lang. “ benjie okay saakin kung dito lang pero out of town??!! Seriously??” “ iyon ang gusto ni macy… this is my time to get happy tapos ng dahil sayo nanaman mapupurnada” sumasakit ang ulo ko sa kapatid, ayoko sa ganitong kadramahan, “ okay… just one day” “ no problem” sabay alis siya, tsk! Nawala tuloy ung gutom ko, umupo na lang uli ako para mag trabaho. May kumatok, si diego. Isa sa inaasahan kong tao. “ inisahan tayo nanaman nong lalaking iyon” “ again?!!!” tumango siya. “ nag tago na nga siya pero napag alaman kong may kapatid siya na nag tra-trabaho” “ find her and siya ang singilin mo” sagot ko. Ilang beses na akong niloloko ng gagong iyon, naki pag kita siya tapos nag makaawa na bigyan ko pa ng isang pagkakataon tapos ganito nanaman ang gagawin niya saakin?!!! Talagang andaming nabubulag kapag may hawak na malaking halaga. “ ipahanap mo ung gagong iyon at kapag nahanap sabihan niyo ako” siya na nga ang pinag bigyan tapos ganito pa siya. Sumakit tuloy ang ulo ko, andami ko na ngang iniisip dumadagdag pa ung kapatid ko at ung gagong iyon. “ sir” sign para puntahan ko na siya, tumayo na ako at kinuha ung susi ko.-- “ madam andito na po si sir brent” “ Your late for 5 minutes” umigting ang panga ko. “ did you take your med??” tinignan ko ung gamot na hindi nabawasan, nilingon ko siya. “ im not taking med when your not around, keep it that in your mind” inirapan niya ako.

 

CHAPTER 5: Past

NANCY

 Nancy de guzman 40 years old, wife of brent salcedo… how did start our preciuos love story?? Let me summarize it, its because of his lolo. Marriage exchanged of the company, baon na baon sa utang ang lolo niya dahil sa dami ng bisyo niya, bisyo sa babae, bisyo sa alak, bisyo sa sugal halos lahat kaya naubos ang pera niya para magkautang siya ng malaki saakin. Nagkaroon man kami ng relasyon kaya nga diba nabaon siya ng utang, binalaan ko naman pero ayaw mag papigil lalo na sa babae. Hindi siya nakukuntento saakin, harap harapan ko pa siyang nanlalandi pero kahit ganun mabait parin ako sakanya hanggang dumating ang karma niya. Isinanla niya ang kompanya, matapos non naospital siya dahil sa isang aksidente. Mabuti na lang nakausap ko pa siya, sinisingil ko na siya doon pa lang sa hospital. Binantaan ko pa hindi ko patatahimikin ang anak niya at ang mga apo niya hanggang sinabi niya na kalimutan ang at ibalik ang kompanya kapalit ng pagpapakasal sa isang apo niya. Pinapili niya ako sa dalawang apo niya which is si benjie pero inutakan niya ako dahil pinag palit niya, si brent ang ipinakasal saakin at hindi si benjie kung alam ko lang kung ano ang pinag kaibahan nila malamang hindi siya makakalusot. “ here.. take your med” inabot ko ung ibinibigay niya. “ okay… I have to go---” “ again??!! Hindi ka na nga namamalagi dito, hindi mo pa ako mabigyan ng oras” tinignan ko siya, lagi siya sa kompanya at hindi dito natutulog. “ you know that my company is not doing good… I have to double my time, hindi ako tulad mo na kapag mawalan ng kompanya ay okay lang” ngumiti ako. “ dahil mayaman ako… sabi ko nga madali lang solusyonan yan, have a night with me tapos na agad ang problema mo” lumapit ako sakanya at hinimas ang kanyang dibdib paibaba, 20 years old pa lang siya pero maganda na ang kanyang pangangatawan. “ I can manage” nainis ako sa sagot niya, napaka pa hard to get. “ okay… ikaw ang bahala pero just tell me if you need me” bulong ko sabay dinampian ko ng halik ang kanyang tenga. “ aalis na ako” paalam niya, nag lakad na siya palayo para ismiran ko. “ glenda!!!” “ asan na ung katulong na sinasabi mo!” inis kong sabi. “ mam naghahanap pa lang po” inirapan ko siya. “ napaka tagal mo namang mag hanap, andaming tao dito sa pilipinas tapos wala kang mahanap??!” yumuko na lang siya, kinuha ko ung phone ko para tawagan ung kakilala ko. “ hi… can we meet??” “ Okay… got it” “ See you” binaba ko na ang phone ko at nag madali na akong naglakad paitaas. Nag pahatid ako sa driver ko papunta sa resto kung saan kami magkikita, matagal tagal na din kaming hindi nagkikita. “ hi…good to see you” bati niya sabay beso. “ hindi parin kumukupas ang ganda ah” ngumiti ako. “ ofcourse para hindi ipag palit pero ikaw parang na sstress kana” sabi ko kay macy, nag simula ang mag kaibigan namin bar. “ mas bata ka saakin pero parang mas matanda kana” napa buntong hininga siya.  “ stress ako sa kompanya at kay benjie” tumikwas ang kilay ko, hanggang ngayon naiinis parin ako na hindi saakin napunta si benjie pero okay na din dahil kay macy naman napunta. “ ano bang ginagawa?? Hindi kana ba ikinakama??” tanong ko, umikot ang mata niya “ hindi… andaming tumitingin sakanya na babae na mas bata saakin” natawa ako. “ ang babaw ng problema mo, kung ganun mag pakasal na kayo para wala ka ng iisipin pa” sagot ko. “ yes…papunta na kami doon” “ iyon naman pala so chill masyado kang paranoid” humigop ako ng kape. “ yeah… I think I need a full body massage para ma relax ako” tumango ako. “ by the way… anong kailangan mo para maki pag kita ka saakin?” tanong niya. “ I need a maid… baka meron kang extra” napa isip siya. “ mmm wala pero pwede kitang pahiramin saglit habang wala ka pang nakikita” lumawak ang ngiti ko, kailangan na kailangan ko kasi maid. “ sure! Okay ako diyan” “ sige, kung gusto mo silang dalawa total aalis kami. Mag out of town para sa meet up ng parents ko and mukhang magtatagal kami kasi baka doon na din kami mag pakasal”  “ Mas maganda kung dalawa sila, ibabalik ko na lang sila kapag bumalik na kayo” tumango siya, mabuti na lang meron siya. “ kamusta ka naman? Ng asawa mo?” pang iiba niya ng topic. “ ayon pabebe… takot na takot tumikim”sabay ikot ng mata ko. “ hahahaha!!! Tuyot tuyot na” pang aasar niya. “ hindi rin… as if hindi mo naman ako kilala” tumaas ang kilay niya. “ yuck… kadiri” sabi niya habang naka ngiti. “ malilinis naman ung tinitikman ko tsaka anong magagawa ko? Babae lang ako na may pangangailangan din” pangiti ngiti siyang umiiling. “ bakit kasi hindi mo daanin sa sindak?? Baka uugod ugod kana hindi mo pa natitikman ang asawa mo” tumawa uli siya. “ hindi naman ako papayag sa ganyan… pinagbibigyan ko lang siya kasi bago pa lang kaming kasal kaya pina paadjust ko muna siya, aba hindi naman pwedeng hindi ko siya matikman” “ true…kung ako sayo gawan ko na agad ng paraan kaysa may makauna pa habang fresh pa at bata pa…. Mmmm yum yum” ngumiti ako, tama nga naman siya. “ huwag kang mag alala… sisiguraduhin kong matitikman ko siya” nag cheers kami ng kape namin tsaka nag ngitian, kapag ganitong usapan swak na swak kami kaya nga naging mag kaibigan kami. Hindi na ako nag tagal at nag paalam na ako… may gagawin pa kasi ako kaya kailangan ko ng umalis. Naglalakad na ako papuntang sasakyan ng may bumunggo saakin, sinamaan ko siya ng tingin. “ sorry po” mabuti at humingi ng sorry dahil baka masampal ko siya sa katangahan niya.

 

CHAPTER 6: New boss

OLIVIA

 Nagliligpit kami ng gamit ni lea, sabi kasi ni mam macy doon muna kami sa kaibigan niya habang naka out of town sila. Wala din naman kaming gagawin dito tsaka meron din naman ung ibang katulong na maglilinis. “ naku baka mas malala ung magiging boss natin pansamantala” sabi ni lea. “ basta gawin natin ng maayos ang trabaho, hindi tayo mapapagalitan” tumango siya. “ tsaka huwag natin siyang pakialaman tulad ni mam macy” tumango ako. Luamabas na kami, sakto naman na meron si mam macy na naghihintay saamin. “ ihahatid kayo ni fidel doon sa kaibigan ko, please lang huwag niyo akong ipahiya sakanya. Gawin niyo ng maayos ang trabaho niyo tulad ng ginagawa niyo dito. Olivia iwasan mong tumingin sa asawa niya lalo pat bata ka” tumango ako Habang nasa sasakyan kami, iniisip ko tuloy ung sinabi ni mam macy. Ano bang problema kapag tinitignan ko ang mga lalaki nila?? Kapag ba tinignan ko naiinlab na agad sila?? “ andito na tayo” anlaking bahay… grabe naman tong kaibigan ni mam macy. Lumabas na kami at pumasok na sa bahay, may sumalubong saamin na maid. Hintayin daw namin ung bago naming amo dahil pababa na siya. “ kayo na ba ang pinadala ni macy??” maganda ung babae, makinis, maputi, maganda pero kita mong may edad. “ yes mam” sagot ko, tinignan niya ako. “ ilang taon kana??” tanong niya. “ 20 years old po” tumikwas ang isang kilay niya. “ kung anong batas kay macy ganun din dito, okay?!” tumango kami. “ ngayon na kayo mag simula dahil ko kayo lalo pat may bisita akong darating” tumango uli kami. “ sige na, sasamahan niya kayo para sa kwarto niyo tapos mag palit kayo para maka pag umpisa na” sumunod kami sa sinabi niya, mabilis ang galawan namin kaya lumabas na kami para mag linis. Nag tulungan kami ni lea sa pagllilinis, sa punas ng mga bintana, palitan ang mga kurtina, mag vacum at iba pa. “ ikaw ano pangalan mo?” “ olivia po” sagot ko. “ pagkatapos mo diyan, doon kana sa garden mag ayos habang ikaw tulungan mo si glenda sa pagluluto” ukol niya kay lea. Matapos kong mag vacum, lumabas na ako para ayusin ang graden… grabe mas masahol pa ito sa garden ni mam macy. Inalis ko na ung mga ligaw na damo tsako ko inalis ung mga paso para ayusin sa pagkakasalansan hindi ung basta inilagay lagay na lang, isusunod ko naman ung well para linisin kasi green na green na. Natapos ko ng alisan ng mga ligaw na damo at ayusin ung mga halaman, isusunod ko naman ung well ng may narinig ako na mga ungol ng sasakyan. Dumating na siguro ung bisita ni madam, pinag patuloy ko ang ginagawa ko. Natagalan ako sa paglilinis, halos basang basa na din ako sa pawis. Konting kuskos pa malinis na ung well nila, pinunasan ko saglit ung pawis ko. Ilang minuto pa nalinis ko na ung well, tinignan ko ung kabuoan. Napa ngiti ako, mas okay na siya kaysa kanina. Konting polish pa sa garden ay mas gaganda ito. “ who are you” nagulat pa ako sa nag salita, hinarap ko siya. Si sir benjie… tinignan ko ng maigi na parang may mali, parang hindi siya si sir benjie pero kahawig niya. “ si.. sir pansamantalang maid” sagot ko, tinignan niya ung garden tsaka niya ako tinignan. “ maid or gardener??” “ maid sir” sagot ko, tumango lang. “ change your clothes…madaming manyak sa sala” umalis na siya, ano daw?? May mga manyak sa sala?? Ang tinutukoy niya ba ay ung mga bisita ni madam. nag hilamos muna ako bago nag palit ng damit, mamaya na ako mag maliligo uli dahil nasa oras pa ako ng trabaho. “ olivia hinahanap ka ni madam, puntahan mo sa sala” mabilis akong pumunta sa sala. “ here you are, get this and fill in” kinuha ko ung mga tray ng biglang may kamay na dumapo sa balikat ko. “ your maid is pretty huh” tumaas ang isang kilay ni madam, inalis ko ung kamay nong lalaki. “ mas maganda po si madam, excuse me” sagot ko, tumayo na ako. Maglalakad na ako ng may namalo ng pwet, napa higpit tuloy ang kapit ko sa mga tray. “ guys don’t make fun… malalagot ako kay macy niyan kapag nag sumbong” sabi ni madam, nagtawanan sila. “ whats so funny??” napa tingin kami sa nag salita, ung lalaki sa garden. “ brent ikaw---”  “ she can sue you for what your doing for your info so whats so funny??!” natahimik ung mga lalaki. “ brent hubby… its their way to appreciate---” “ to appreciate?? So appreciation na pala ang panghihipo?? Tsk!” hubby?? Asawa ni madam, tinignan ko si madam na masama ang tingin saakin. “ okay to end this one, you guys say sorry” aangal pa sana ung mga lalaki pero pinanlakihan sila ng mata. “ sorry” sabay nilang sabi, tumango ako sabay alis naman ni brent. “ what are you looking for?? Dalhan mo na kami ng meryenda!”mabilis akong nag lakad papasok ng kusina, sinalubong naman ako nini lea. “ mabuti na lang andon si sir brent kung hindi nabastos kana ng tuluyan” si glenda. “ ganun ba talaga ang mga bisita ni madam??” tanong ni lea. ‘’ oo kaya mag ingat kayo… ilang beses na akong nabastos. Mabuti na lang andiyan si sir brent pero panigurado mainit ang dugo sayo ni madam dahil pinagtanggol ka ni sir” sabi ni glenda. “ asawa niya??” tanong ko, tumango siya. “ stop chatting each other, you” hindi namin napansin na nasa likuran na namin siya. “ sir??” sabi ko. “ gusto mong mapagalitan? You better give their food already” tumango tango ako at inilagay na sa tray ung foo, bakit ang sungit bigla kanina lang hindi naman. Bubuhatin ko na sana ung tray ng hinawakan niya ang kamay ko, ipinaharap niya ako sakanya tsaka niya binutones ung nasa kwelyuhan ko. “ always button this one” ung tinutukoy niya ung sa may dibdiban ko.

 

CHAPTER 7: Savior

BRENT

 “ olivia!!! Nasan na ung sapatos ko!!!” naka tingin lang ako kay nancy, may lakad kasi kami. “ madam eto po ba??” napasapo ng noo si nancy. “ olivia ang sabi ko gold hindi silver! Marunong ka bang tumingin ng kulay?!!!” tinignan ko si olivia na pagod na. “ bumalik ka uli doon at kunin ung sapatos ko!!” lumalabas ung mga ugat sa leeg ni nancy habang nagagalit, hinayaan ko na lang silaa hanggang dumating si olivia na dala na ung gold na sapatos. “ do you think bagay yan sa damit ko?! Olivia isipin mo naman dress ang gamit ko tapos pagagamitan mo ako ng wedge??? Gosh!!!” “ Mam gold po diba---” “ gold oo! Pero hindi lang iisang gold ang meron sa kwarto ko!” napailing ako. “ can you just go to your room and you’re the one to get?!” naiirita na ako sa kakasigaw niya “ huh?! Why me?! I have maid so why wouldn’t I used them?!!” Nagtitigan kami. “ okay… you keep shouting here while I’ll go ahead” tumalikod na ako. “ brent!!! Brent!!! Okau fine! Wait for me” huminto ako saglit at hinihtay siya, mabilis siyang lumapit saakin. Tinignan ko ang sapatos na suot niya, ung wedge. May party kasi kaming pupuntahan, ayoko sana pero andami niyang kadramahan sa buhay kaya pinag bigyan ko na. “ bakit lagi mo atang sinasalba si olivia? Every time na lang na may nangayayari ay andiyan ka para resolbahin ung problema?!” traffic kasi kaya may time siyang mag salita. “ huh?? Why would I do that” tanong ko “ because she’s more younger than I, tandaan mo brent kasal ka saakin kaya dapat ako ang kinakampihan mo all the time” sagot niya “ tandaan mo din na kayang kaya kong pabagsakin ang kompanya mo at sirain ang kapatid mo sa fiance niya” tinignan niya ako. “ stop the conversation” ayoko ng maki pag talo pa. “ I warned you brent, this will be the last na ipagtatanggol mo siya sa harap ko” iba na ung tono niya ngayon. Nakarating na kami sa party, nakipag hi lang ako tapos umiwas na sa mga tao. Hinayaan ko na lang si nancy sa loob, kapag andon namana ako ay hindi nila ako napapansin.-- “ sir tumawag po si sir benjie para ipaalala ung tungkol sa meet up” napamasahe ako sa sintido ko, wala akong tulog kakahintay kay nancy na lasing na lasing. “ kailan na nga ba iyon?” tanong ko. “ bukas sir ng 8am” tumango ako. “ sir meron pa” tinignan ko ang sekretarya ko “ may gustong mag invest sa kompanya…sabi kahit thru online na lang kayo mag transact” kakaiba naman itong investor. “ bakit thru online??” “ sir nasa europe pa kasi siya” napaisip ako. “ send me details thru mail para pag aaralan ko kung hindi scam” utos ko “ okay sir” kung totoo ito, hindi na ako mahihirapan. Ginanahan akong mag trabaho kaya inabot ako ng gabi, dadaan muna ako sa bahay ni nancy para kumuha ng damit ko dahil maaga ako bukas. “ mabuti at andito ka” nag iimpake siya. “ aalis ako, gusto mo sumama?” umiling ako.  “ aalis din ako dahil bukas ang meet up namin ng parents ng fiance ng kapatid ko” tumigil siya sa ginagawa niya. “ isama mo si olivia sayo” kumunot ang noo ko. “ bakit naman?? Hindi ko naman siya kailangan tsaka balikan lang din ako dahil hindi pwedeng iwan ang kompanya ng matagal” sagot ko “ mas kampante ako na may kasama ka para hindi ka makagawa ng kakaiba, kung hindi lang ito importante baka ako ang sasama” naayos na niya ang gamit niya. “ wala naman---” “ isama mo siya o hindi ka pupunta?” tinignan niya ako, napa buga na lang ako ng hangin. “ okay” tumango siya, kinuha niya ung hand carry bag tsaka lumabas na ng kwarto. “ olivia!!” mabilis na dumating si olivia. “ mag impake ka ng ilang gamit mo dahil sasama ka kay brent” tumango siya. “ okay aalis na ako… glenda!!!! Kayo na bahala dito, ayoko ng madumi pag uwi ko!!” umalis na siya, tinignan ko si olivia. “ bukas maaga tayo aalis kaya iayos mo na ang gamit mo” utos ko. “ okay sir” PUmanik na ako sa taas para mag ayos ng konting gamit, hindi na ako aalis. Dito na muna ako matutulog ngayon gabi, matapos kong mag ayos ay nag shower na ako para mag pahinga. Anong oras na pero hindi ako maka tulog, lumabas muna ako sa kwarto para mag pahangin pero may tao sa labas si olivia. “ why are you still awake??” nagulat pa siya. “ mainit sir kaya nag pahangin ako saglit” sagot niya.  Ilang minutong katahimikan, tinignan ko siya. Mukhang hindi kami nagkakalayo ng edad pero ang katawan parang matured na. “ ilang taon kana??” “ 20 sir” magkaedad kami “ too young para maging maid, wala ka bang natapos??” umiling siya. “ simula nong nag tapos ako ng high school nag trabaho na ako, may binabayaran kasi ako” “ utang mo??” umiling uli siya “ utang ng magulang ko” mmm… in short siya na ang umako sa responsibilidad. “ wala ka bang kapatid para tulungan ka??” nag iba ang mukha niya, para siyang natakot. “ matutulog na po ako” lalampasan sana niya ako ng pinigilan ko siya. “ next time huwag kang magsusuot ng ganyan, hindi mo masabi na kapag may biglaang bisita si nancy at makitang ganyan ang suot ko mababastos ka” naka pantulog siya pero manipis para bumakat ang hubog ng kanyang katawan “ okay sir” umalis na siya, napa tingala ako sa langit. Ang bata namin para maranasan ang ganitong kapait ng bubay, mabuti nga ako may kompanya ako pero siya walang wala. Ring ring “ helo?” “ Sir nahanap ko na po ung kapatid niya” “ Good… pagbalik ko puntahan natin, baka alam niya kung nasaan ang kapatid niya” “ okay sir” binaba ko na ang phone ko.

 

CHAPTER 8: Guard

BENJIE

 Andito kami sa u. s para makita ang magulang ni macy, nag usap na kami ni papa sa mga tanong na baka tatanungin nila saamin kaya pinag handaan na namin. Tinignan ko ang oras, antagal naman ni brent. “ nasaan na ang kapatid mo??” tanong ni macy na katatapos lang nag ayos. “ tatawagan ko nga kasi dapat andito na siya” sagot ko, kinuha ko ung phone ng may kumatok sa kwarto. “ sir andiyan na po ung kapatid niyo” nag tinginan kami ni macy, bumaba na kami agad. “ brent---olivia??” akala ko mag isa siya pero bakit kasama si olivia. “ olivia bakit kasama mo si brent?” tanong ni macy. “ mam ipinasama ako ni madam, kumbaga bantay niya” sagot ni olivia, lumawak ang ngiti ko. “ selosa pala ung older wife mo” pang aasar ko kay brent. “ benjie kaibigan ko ung pinagsasabihan mo ng older” singit ni macy. “ sorry…okay tara na” napa hinto ako, tinignan ko si olivia. “ wait… olivia change your clothes, baby can you lend her some clothes?” tinignan siya ni macy. “ ooohhh… okay” “ sundan mo na si macy doon” utos ko, sumunod naman agad. “ are you okay with your clothes?” tanong ko naman kay brent. “ yeah” nag kibit balikat ako, maayos naman damit niya tsaka wala ako pakialam kung pangit man damit niya. Tahimik lang kaming nag hintay, mayat maya ay bumaba na sila. Napa ngiti ako, mas lumabas ung ganda ni olivia kahit simple lang ang damit niyang suot. “ ganda!” “ what?!” sinamaan ako ng tingin ni macy. “ your more beautiful than her” pang bawi ko pero kung ipangkukumpara mo mas maganda si olivia kaysa kay macy tsaka bata kasi kaya fresh pa ang ganda, si macy kasi natikman tikman na kaya nagiging old version na. “ lets go” Sa isang resto kami magkikita, nauna na si papa doon. Ilang minuto pa ay andon na kami sa lokasyon, lumuob na kami sa resto at nakita na namin sila. “ good morning mom, dad” sabi ni macy. “ dad, mom you him naman na pero let me introduce him again… this is benjie” kinamayan nila ako habang ang mama niya ay bineso ako. “ and this is his brother and dad” naki pag kamay sila. “ and her??” tanong ng papa ni macy. “ ohh…. Its just a maid” tinignan ko si olivia na yumuko na lang.  “ baby remove that ‘just’” tinaasan ako ng kilay. “ oo nga nama iha.. huwag mong langin ang katulong dahil kung wala sila hindi natin magagawa ang lahat ng gawain kaya be thankful dahil may maid tayo” inirapan na lang kami ni macy. “ guys.. don’t spoil the day, maupo na tayo para maka pag usap” pinag hilaan ko ng upuan si macy, ipaghihila ko sana si olivia pero si brent na ang gumawa. “ so what’s the plan??” tanong agad ng mama ni macy. “ were going to get married” agad na sabi ni macy. “ kailan naman?” tanong ng dad niya. “ this month” sagot agad ni macy, tinignan ako ni papa. Kita sa mata niya na tumatalon siya sa saya. “ too early… mas okay kapag next year??” suggest ng ama niya “ no way!!! Dad gusto ko ng magkaanak kaya gusto ko ng maikasal, para narin may katuwang ako” sabi ni macy. “ macy hindi minamadali ang kasal… once na naikasal ka, wala ng bawian agad iyon. Hindi basta basta ginusto mo gusto mo na lang, lahat pinag iisipan ng mabuti lalo na ang kasal kasi kailangan mong siguraduhin ang lahat” napa ubo ako ng unti, parang ang ibig niyang sabihin kailangang siguraduhin ni macy na ako ba talaga. “ okay din naman ang sinasabi ng ama mo macy tsak ano lang naman ung 6 months na hihintayin niyo, mabilis lang ang araw” sabi ng mom niya. “ mom kaya nga sila andito para pag usapan ung kasal tapos ganito pala??!!” inis na sabi ni macy. “ sir, ma’am hindi ko naman po pababayaan ang anak niyo” singit ko, kailangan kong ipush na maikasal kami para makuha ko na ang gusto ko.  “ we know that pero its too early for us… gusto namin na ienjoy niyo muna ang relasyon niyo” sagot ng papa niya. “ were going to enjoy while were married so please payagan niyo na kami” sabi niya. Hindi umimik ang magulang ni macy, ano na kaya ang gagawin ko para mapapayag sila. Tinignan ko si papa na nag iisip din, akala ko magtatanong kasi sila hindi naman pala. “excuse me… may I talked?” tumingin kami kay brent. “ macy is old enough to decide while my brother is younger than her but he was decided to marry your daugther” “ dapat kami ang mag dalawang isip kung ipapakasal ba namin si benjie pero hindi namin pinakialaman kasi alam niya kung ano ang tama at mali” dagdag niya. “ well kapag nanloko naman ang kapatid ko pwede niyo siyang kasuhan” tinignan ako ni brent. “ but let us him if he is a good guy, are you?” tanong ni brent, saakin naman ngayon naka tingin. “ I am kasi kung hindi, hindi na ako sana ako kaharap niyo dito kundi ibang tao” sagot ko, tumango tango sila na parang nagustuhan ang sinabi ni brent. May sibli din pala siya, akala ko uupo lang siya diyan at manunuod. “ okay… pero please benjie take care of our daugther, ayaw namin umiiyak siya” sabi ng dad niya. “ no problem po, makakaasa kayo” ngumiti sila, sa wakas ikakasal na kami. Makukuha ko na ang posisyon na para saakin, magkakapera na din ako ng madami, magkakaroon na din ako ng bagong sasakyan at makakapag tayo ng bagong bahay. Pinag usapan na nga namin ang kasal, dito magaganap ang kasal. Wala kaming ibang gagastusin dahil ang magulang ni macy ang gagastos, okay na okay iyon saakin tsaka wala din naman akong pera pang gastos.

 

CHAPTER 9: My girl

OLIVIA

 “ hello lea… kamust ka diyan?” wala naman kasi akong matawagang iba kundi siya lang, kaya tinatamad din akong mag cellphone. “ okay naman, kailan kayo uuwi? Tumawag si madam sa biyernes pa ang uwi niya, kayo??” tanong ni lea. “ pagkatapos ng kasal uuwi din kami.. grabe din pag may pera no? Ilang araw lang na preparation tapos na agad para sa kasal” “ Kaya nga dapat mag payaman tayo” napa ngiti naman ako. “ tama, osige mamaya uli” “ Bye, ingat” ibinaba ko na ung phone ko. “ may ka call mate ah” si sir benjie. “ ung kasamahan ko lang po sa trabaho” sagot ko. “ don’t say po… mag kasing edad lang tayo, by the way kumain kana??” umiling ako. “ busog pa po tsaka tutulong pa po kasi ako” kumunot ang noo niya. “ tutulong?? Olivia hindi ka nag tra-trabaho dito para tumulong, let them do there job” naka tingin lang ako sakanya, masasabi mong mabait siya pero iyon talaga ay may pagka bastos. “ tsaka asan si brent? Bakit ka iniiwan basta basta, ung ganda mong ganyan hindi iniiwan” hindi ko mapigilang mapa ngiti. “ baliw” ngumiti siya “ that’s my girl, smile lang…. Your so pretty when your smiling kaya keep it up” bolero din pala siya, ngumiti lang ako hanggang namayani ang katahimikan. “ buti nong nakita mo si brent hindi mo napagkamalan na ako?” “ napag kamalan ko siya nong una pero tinignan ko ng maigi, hindi pala ikaw” sagot ko. “ good girl kasi mas gwapo ako sakanya” natawa na lang ako. “ wowwww ang saya niyo naman dito while me nagpapaka busy sa pag aayos” si macy na kunot noong lumapit. “ mam tutulong sana ako pero sabi ni sir huwag na daw” tinignan niya si sir benjie. “ really? Habang ako nagkakanda pawis doon tapos hindi mo man lang masabihan ng ganun” hala mag aaway pa ata sila. “ baby you’re the one na may gustong tumulong, ayokong pigilan ka kasi its ypur dream wedding” sagot ni benjie. “ my wedding?? Our wedding benjie! Our wedding!” ung huling bigkas niya saakin na siya naka tingin. “ olivia know your place… baka nakakalimutan mo kung ano ka at kung anong estadong meron ka, kung manlalandi ka lang din naman huwag si benjie dahil hindi ako magandang kalaban” yumuko ako. “ macy wala naman siyang ginagawa” singit ni sir benjie. “ wala sa paningin mo pero saakin na kanina pa naka tingin meron! Unang araw mo pa lang saakin inaakit mo na agad si benjie gosh!!! Konting hiya naman olivia kasi may karelayon na ung tao” “ Mam hindi ko inaakit si sir” hindi ko na mapigilang mag salita. “ really?? The way you look at him?? Olivia huwag ako ang lokohin mo dahil babae din ako” sagot niya. “ olivia look yourself before you dream a guy na hindi naman bagay sayo, accept your poor life kasi nakakasama ang masyadong mataas ang lipad” napa kagat ako ng labi para pigalan ung luha ko.  “ to end this your not going to work from me starting today… bahala na si nancy sayo kung kukunin ka and ung sweldo na kinuha ng kapatid mo bigay ko na kasi kung ipapa bayad ko baka gamitin mo pa ang katawan mo na pang bayad” taas baba niyang tingin saakin. “ macy—” “ what!!!” pinanlakihan ng mata ni mam macy si sir benjie. “ tandaan mo huwag kang gagawa ng ikakasira mo sa pamilya ko dahil hindi ka nila papalampasin” dagdag niya pa. “ so you stay away from him…. Now!!!” mabilis akong nag lakad palayo, nanginginig nanaman ako sa takot ng biglang may nabunggo ako. “ tsk…don’t waste your precious tears” kinapa ko ang mukha ko, umiiyak na pala ako. “ come here” hinila niya ako bigla at niyakap ng isang kamay lang. Nagulat man ako doon pero hinayaan ko na lang at umiyak, kahit salita lang iyon nakakasakit parin. Habang umiiyak ako tinatap niya ang balikat ko “ she don’t deserve you so stop crying” habang tinatapik niya ang balikat ko “ next time lagi ka na lang sa tabi ko, your safe when your in my side” tumango ako, kumawala siya sa pagkakayakap. “ tara lakad lakad muna tayo, wala naman tayong gagawin dito” tumango uli ako, pinunasan ko na ung luha ko.-- Tahimik lang kaming naglalakad, napa isip ako bakit parang hindi sila close na mag kapatid. Hindi sila nag uusap o kaya naman mag pansinan sana. “ huwag mo ng isipin ung mga sinabi sayo, iyon kasi talaga ang problema kay macy ang pagiging selosa niya. Hindi ko nga alam kung bakit natitiis ni benjie ang ganun” panimula niya.  “ mahal niya kaya ganun…kayang magtiis kapag mahal mo ang isang tao” sagot ko. “ parang hindi mo naman naranasan” dagdag ko pa. “ I didn’t” kunot noo ko siyang tinignan. “ hindi?? May asawa ka, hindi ka man lang nagseselos ni minsan??” tanong ko. “ why would i? Hindi ko naman mahal ang asawa ko” napa hinto ako, tinignan naman niya ako. “ paano mo naging asawa kung hindi mo naman mahal?” ngumisi siya. “ hindi lahat ng kinakasal ay nagmamahalan” nag patuloy siya sa paglalakad kaya sumunod naman ako. “ I was arranged by my father to her…wala naman ako magawa kasi tatay ko iyon and sabi nga nila parents know best pero kahit kasal ako kay nancy never ko siyang kinakasama sa isang bubong” “ talaga?? Buti okay lang yan sakanya” nag kibit balikat siya. “ siguro” makikita mo sakanya na wala siyang pakialam sa asawa niya. Hindi na lang ako umimik, ilang minuto din kaming nag lakad bago bumalik sa hotel. 3 araw pa kasi bago ang kasal nila kaya matatagalan pa kami muna dito. “ so pahinga kana kasi bukas mag tr-try tayo ng damit” tumango ako. “ sige, pahinga kana din” tumango siya, tatalikod na sana siya ng humarap. “ pwede bang man ligaw??” hindi ako naka imik. “ ah never mind” agad na umalis.

 

CHAPTER 10: Be with her

BRENT

 Kanina pa tawag ng tawag si nancy, I already message her na 1 week kami dito bago kami uuwi. Hindi ko na kasalanan kung matatagalan kami. “ tapos kana?” tumango siya, katatapos lang kasi naming mag try na mga damit. “ tara?” “ Saan?” tanong niya. “ mamasyal, sayang ang punta mo dito kung hindi mo susulitin. So lets go??” “ sabagay, tara na” paalis na kami ng biglang sumulpot si benjie. “ sama ako, mamasyal kayo diba?” kumunot ang noo ko. “ focus on your preparation, hayaan mo na kaming mamasyal” sabi ko “ wala akong gagawin, may mga utusan naman si nancy kaya boring…. Olivia sama ako??” tumango agad siya, napailing na lang ako. Nag lakad lalkad kami, bumili ng pwedeng makain tapos nanood kami sa sinehan…matapos non nagkayayaang kumain. “ your phone… answer it” utos ko kay benjie, kanina pa tumutunog ung phone niya simula nong umalis kami. “ oo nga baka si macy na iyan” singit ni olivia. “ ignore it… oh ayan na ang pagkain, wow ang laking halo halo” ung style kasi ung tower halo halo, andaming sahog at kung ano ano pa ang nakalagay. Nilingon ko si olivia na busy sa pagkain habang naka ngiti, nakita kong may lumampas na ice cream sa bibig niya kaya dali ko siyang binigyan ng panyo pero hindi ko aakalain na ganun din ang gagawin ni benjie. “ ano ba kayo, may sarili akong panyo” ginamit niya ung panyo niya, nag tinginan kami ni benjir. “ by the way brent kamusta na kayo ng asawa mo?” diniin niya pa ung salitang asawa. “ still in peace” sagot ko. “ kailan niyo balak magkaanak?” tanong niya uli. “ no plan” maikli kong tugon. “ dapat bilisan niyong gumawa para may inaalagaan na si papa, don’t tell me hanggang ngayon hindi parin kayo nagsasama??? Hahaha bakla ka bro??” patawa tawa niyang sabi. “ mind your own life” wala kong ganang sagot. “ tsk! Pag ganyan ka ng ganyan ipagpapalit ka ng asawa mo, sige ka ikaw ang mawawalan hindi siya” hindi na ako umimik at kumain na lang ng kumain. Matapos naming kumain, namasyal kami at nag picture picture…. May dinaanan din kaming nagbebenta ng damit kaya napa bili kami. Pauwi na kami… andami na din naming ginawa sa araw na ito, pagka dating namin sa hotel bumungad saamin ang galit na nancy, lumapit agad siya tsaka sinampal si olivia.  “ macy!!” sigaw ni benjie. “ kaya hindi mo sinasagot ung tawag ko kasi busy ka sakanya nanaman?!!! Benjie ikakasal ka ba o hindi?!!!” inis na sabi ni macy. “ macy unwind lang kami… masama ba iyon??” tanong ni benjie. “ unwind including her? Maiintindihan ko pa kung ung kapatid mo ang kasama mo pero kaama siya??? Seryoso kayo??? And brent paano na lang kapag nalaman ito ni nancy??!!! Specially na yohr married, ang pangit tignan na may kasama kayong girl which ung isa ikakasal na habang ung isa kakasal na!!!” tinignan niya ng masama si olivia. “ mam macy pasensya na po pero wala naman po kaming ginagawang masama, namasyal lang talaga kami” singjt ni olivia. “ alam ko yang galawan na iyan olivia… sa una pakabait bait muna, paino inosente, maging kaibigan tapos kapag lumalim na ang samahan gagamitin na ang katawan para umasenso, alam ko na yan olivia kaya huwag ako ang utakan mo tsaka tandaan mo hindi mo masusulot si benjie” napapailing na lang ako sa naririnig ko. “ mam ikla-klaro ko po sainyo…mahirap ako oo pero alam ko naman ilugar ang sarili ko, hindi ako ung klaseng babae na papatol sa kasal na tao o ung manira ng relasyon” sagot ni olivia. “ dapat lang olivia kasi mahiya ka naman, mahirap kana nga mas pinapahirapan mo pa ang buhay mo so better do it not only in words” pagsusungit ni macy, hinila niya si benjie paloob ng hotel. “ uuwi na ata ako sir” malungkot niyang sabi. “ ikaw…sabay na tayo uwi kung ganun, hindi naman mahalaga ito saakin, gusto ko lang lumayo kay nancy kung tutuusin” sagot ko. “ sir kapatid mo ung ikakasal” ngumiti ako. “ hindi naman ito ang basehan na pagiging kapatid ko sakanya, okay na unv pinagtanggol ko siya sa harap ng magulang ni macy sa resto so ano tara na??” naka tingin lang siya saakim. “ huwag na nga lang… kaya ko pa tiisin si mam macy, na sstress lang siguro dahil andaming inaasikaso” pang palubag loob niya. “ okay” MAtapos ko siyang ihatid sa kwarto niya ay pumunta naman na ako sa kwarto ko ng makita ko si macy na naghihintay saakin. “ what do you think are you doing??” tanong niya. “ kapag nag sumbong ako sa pinaggagawa mo, malilintikan ka kay nancy” dagdag niya. “ ano isusumbong mo? Na lagi ko siyang kasama?? Go ahead, its her will na ipasama si olivia to take care of me” sagot ko. “ sasabihin kong may something kayo, like what I said brent im a girl and alam ko din kung may something ang lalaki sa isang babae” tinignan ko siya. “ then lets clear it, yes I have something feeling for her that I never felt to nancy. Now tell to her, tell it clearly” hamon ko sakanya, siningkitan niya ako ng mata. “ im thankful that benjie is not like you---” “ really?? Take note were siblings, you don’t know him totally macy so if I were you im going to make sure if he is the one. Ayokong matulad ka kay nancy” iniwan ko na siya. Imbes na mag papahinga ako, hindi na tuloy. Maka pag kape na nga lang sa baba, pagka baba ko sa elevator nakita ko si benjie at si olivia?? Kakahatid ko lang sakanya kanina ah, lalapit sana ako pero nag lakad sila palayo. Sumunod ako sakanila, mamasyal uli sila?? Naka sunod lang ako sakanila na hindi man lang nila napapansin, nang biglang huminto sila. “ olivia hindi na ako magpapakasal”

 

CHAPTER 11: Not interested

OLIVIA

 Pagka hatid saakin ni brent, may kumatok sa pinto ko. Si benjie pala, niyaya niya uli akong mag lakad lakad. Pumayag na ako kahit pagod kasi ung mukha niya pulang pula parang nasampal ng ilang beses kaya umuo na lang ako. “ sinampal ka?” napa ngisi siya. “ ganyan talaga kapag mahal na mahal ka ng babae” dagdag ko. “ I don’t know pero macy is different, nong una okay pa eh pero bakit ngayon umiiba na siya… grabe ang hirap gumalaw maski kasama ko siya o hindi” “ Nahihirapan na ako” dagdag niya, minsan ata ang sobrang pagiging selosa o seloso ay nagdudulot ng masama sa relasyon. “ what if…..” “ hindi na ako magpapakasal” napatulala ako sa sinabi niya. “ fuck!!! Ang hirap!!! Kapag hindi ko itutuloy mag uumpisa nanaman ako sa baba, magagalit ang papa ko, ikakahiya ako ng kapatid ko at higit sa lahat nawala lang sa wala ang pinag hirapan ko” nalungkot ako sa sinabi niya pero parang may mali. “ benjie mahal mo??” tinignan niya ako. “ she’s important to me pero hindi ko alam kung mahal ko” napailing na lang ako. “ kung ganun para saan itong mga ito? Benjie hindi laruan ang pag ibig lalo na ang kasal na kapag nagsawa ka iiwan mo o itatapon” paliwanag ko “ huwag mong sabihin na dahil sa pera??” umiwas ng tingin tsaka napa buga ng hangin, lumingon din ako sa tinitignan niya ng nagulat ako, nakatayo si brent habang naka tingin saamin. Lumapit siya saamin, kinuwelyuhan si benjie. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon, naka tingin lang siya ng masama sa kapatid niya. “ nahihibang kana ba?!!” tanong niya sa kapatid niya. “ kaya naman pala may mali sabi ko tapos ganito pala?! Kung pera lang din ang problema mo magbibigay ako!” kumunot ang noo ni benjie, siya naman ang nang kuwelyo kay brent. “ yan ang mahirap sayo, minamaliit mo ako dahil ikaw may kompanya habang ako wala!” sagot ni benjie. “ hindi kita minamaliit benjie, sinasabi ko lang na kung pera lang din naman ang dahilan para pakasalan mo siya itigil mo na, ako na lang ang magbibigay sayo kaysa----” “ Kaysa ano??” putol ni benjie. “ huwag mo akong turuan na para bang kuya kita… I know what I am doing, willing ako g mag sakripisyo ng nararamdaman basta maibigay ko lang ang gusto ni papa” dagdag ni benjie. “ maswerte ka nga eh kasi ibinigay sayo ni lolo ang kompanya habang kami ni papa nganga kaya be thankful at kung ano man ang balak ko sa buhay ko wala ka ng pakialam doon” umiba ang mukha ni brent. “ hindi mo alam ang sinasabi mo, kung pwede ko lang ibigay sayo ang kompanya ibibigay ko---” “ then do it, kapag ginawa mo hindi na ako magpapakasal. Hindi na ako mangagamit ng tao para maabot ko ang pangarap ko!” hamon ni benjie, nagka titigan na lang sila. Pabiglang binitawan ni benjie si brent, tinignan ko si brent na nanlumo pero bakit…parang may gusto siyang sabihin pero may pumipigil sakanya. “ hindi mo kaya dahil gusto mo sayo ang kompanya, huwag ka ng mag panggap na concern saamin ni papa dahil hindi bagay sayo” inirapan niya si brent tsaka nag lakad palayo, tinignan ko si brent na nakatulala. “ kung pwede lang” bulong niya, hindi ko na alam kung saan nag punta si benjie kaya kay brent na ako sumabay pauwi. KAnina pa siya tahimik na ang lalim lalim ng Iniisip niya, tatanungin ko sana siya pero parang mas okay na huwag na lang ako mag salita at hayaan na lang siya. INihatid niya uli ako sa room ko pero naka tingin lang siya sa baba habang naka hinto sa tapat ng pintuan ko. “ brent” napa tingin saakin. “ mm??” tinignan niya kung saan na kami. “ oohh… alis na ako” sabi niya sabay talikod. “ gusto mo uminom??” nilingon niya ako, parang kasi kailangan niya ng alak ngayon. “ sige” Lumabas na uli kami sa hotel, nag hanap kami kung saan pwedeng uminom ng tahimik… mabuti na lang naka hanap na agad kami, umorder na rin siya ng inumin namin. “ hinay lang… ayoko ng magbuhat ng tao pag balik sa hotel” ngumisi siya “ don’t worry gagapang ako para hindi ka lang mag buhat” sagot niya. “ bakit ka ba nagyaya ng inom?” dagdag niya. “ base kasi sa nakikita ko sayo mukhang kailangan mo ng gamot” kumunot ang noo niya “ gamot??”tumango ako. “ diba kapag may problema alak ang hinahanap imbes na solusyon???” sagot ko. “ ano ba problema at bakit ka bigla bigla kang nanununtok??” tanong ko. Tinignan niya ako na parang nag iisip kung sasabihin niya ba o hindi, napa buntong hininga siya “ okay… please saatin lang ito, ayoko pang malaman ni benjie at baka sabihin pa kay papa” tumango ako “ remember na pinag kasundo ako kay nancy??” tumango ako “ may rason kung bakit ganun… si lolo ay maraming utang dahil sa pagiging babaero niya, alam mo naman na kapag madami kang babae, madami kading gagastusin tulad na lang ni lolo” “ nagka utang utang siya hanggang maski ang kompanya ay naiqualateral niya hanggang nagkasakit siya, si nancy ang huling babae ni lolo kung saan sakanya siya nagka utang ng malaki at siya na din ang nag bayad sa ibang utang ni lolo” “ Para mabayaran si nancy… sinabi niyang pwedeng mamili si nancy para maikasal sakanyan kapalit ng lahat kasama na ang kompanya…. ginusto naman ni nancy kaya namili siya, ang pinili niya ay si benjie pero dahil walang alam si nancy saamin ako ang ibinigay ni lolo bilang kapalit” nanlaki ang mata ko. “ sa totoo lang, hindi ako ang mahalaga kay lolo kundi si benjie dahil inilayo niya siya sa babaeng alam niyang magpapahirap sakanya” dagdag niya pa “ paano mo nalaman??” tanong ko. “ andon ako sa c. r…. Tulog kasi si lolo non kaya nag c. r ako tapos dumating si nancy kaya lahat ng pinag usapan nila ay narinig ko” bakas ang lungkot sa mukha niya.

 

CHAPTER 12: Benefit

OLIVIA

 “ nalaman kung ganun ang sitwasyon ni benjie, nagalit ako… kumbaga iniwas na nga siya ni lolo sa ganitong buhay tapos magiging ganito din lang pala ang bagsak niya” “ kahit alam ko na dapat siya ang ikasal, hindi na ako nag salita at nag sakripisyo na lang ako kasi kilala ko ai benjie. Matapang siyang mag salita pero deep inside napaka hina niya” dagdag niya pa. “ hindi niya ba alam ang lahat ng ito?” tanong ko uli. “ ang alam niya lang ay saakin ipinamana ni lolo ang kompanya…. Iyon lang at wala ng iba pero hindi niya alam na nasaakin nga ang kompanya pero nakatali at naka kulong ako sa makipot na kweba, na napaka hirap lumabas” “ Bakit hindi mo kausapin si nancy na mag hiwalay na lang kayo?” umiling siya “ sabi ko nga mahirap lumabas…para na akong isinumpa dahil kung alam mo lang araw araw akong nagpapadala ng annulment paper sa opisina niya pero ipinapabalik niya lang ito saakin” “ sabi pa niya… kahit ganito kami okay lang, parusa ko na daw ito dahil sa panloloko ni lolo sakanya” sagot niya. “ pero siya ang huli sabi mo diba??” “ sabi ko nga isang dakilang babaero si lolo” nanlumo tuloy ako, yan na nga ang sinasabi ng karma…hindi man sayo o sa anak, pwedeng pwede naman sa apo kaya bago man gumawa ng kasalanan pag isipan muna ito dahil may pamilya kang pwedeng sumalo sa karma. Nag patuloy ang kwentuhan naming dalawa hanggang dis oras ng gabi, hilong hilo na ako. Tinignan ko si brent na ang tino tino pa. “ gabi na… ano kaya mo pang umuwi?” tanong niya. “ oo naman…” tumayo na ako pero napaupo ako. “ tsk…gusto mo lang alalayan kita” napa ngiti ako “ hindi no… lasing ako pero alam ko na kaya ko parin” tumayo uli ako, kinaya ko naman na at nag lakad na ako. “ olivia may pagka gentleman ako baka gusto mong hiramin?” umiling ako. “ hindi na…baka hindi ko na ibalik” sagot ko. “ tsaka mahirap na baka iisa na lang” dagdag ko. “ okay lang kung hindi mo ibalik kung sayo naman mapupunta” tinignan ko siya, ewan ko pero kinilig ako. “ ewan ko sayo” tumalikod na ako pero nahihilo talaga ako. “ kapit na…” tiningala ko siya, ang tangkad niya kasi. “ kapit ka lang sa braso ko” kumapit na nga lang ako kasi nahihilo talaga ako. Tahimik kaming naglalakad.. todo kapit ako kay brent, pakiramdam ko habang tumatagal hindi ko na nakikita ang daanan. “ the girl was so clingy” rinig ko. “ she have too babe, the guy is so handsome” rinig ko pa, bumitaw tuloy ako para matumba ako. “ sabi kasing kumapit ka para hindi ka mafall” siningkitan ko siya ng tingin, ngumiti siya. “ baliw kana, kanina kapa ah” kumapit uli ako sakanya. Makulit din pala siya, napaka seryoso niya kasi nong una ko siyang nakita tapos kinsan masungit or ngayon lang siya nagiging ganito dahil ayaw ilabas kung ano ba talaga siya kay nancy. “ olivia” huminto ako.  “ about sa sinabi ko noon… about courting?” nagkatitigan lang kami. “ I don’t know but I felt weird when im with you, I felt something special in my heart when im looking at you… alam kong magulo pa ang mundo ko pero magiging maayos ito sa tingin ko kapag lagi kita sa tabi ko” “ If iniisip mo si nancy, I can take care of her… so give me a chance to court you” dagdag niya, naka tingin padin ako sakanya. “ olivia” tawag niya. “ brent babae ako at kahit hindi mo mahal ang asawa o sapilitan ang nangyari sainyo… hindi maganda na nanliligaw ka saakin tsaka ayaw mo bang ganito lang tayo? Ang mag kaibigan?? Nasa tabi mo parin naman ako kung kailangan mo” sagot ko. “ but oliv---” “ ayokong dumating sa punto na maging kabit ako brent” seryoso kong sabi. “ hindi ko babaliin ang sinabi ko kay macy” dagdag ko, naka tingin lang siya saakin hanggang huminga ng malalim tsaka ngumiti. “ okay… uhmm… so…. Tara?” pang iiba niya. “ brent sana maintindihan mo” ngumiti siya at tumango. Tahimik na kaming bumalik sa hotel…pagkadating namin sa hotel nakita namin si benjie na naka sandal na naka tingin saamin. “ talagang sinama mo pa siya sa bisyo mo?? Brent---” “ benjie ako ang nagyaya, hindi ako maka tulog kaya niyaya ko” putol ko. “ kinonsinti ka naman… olivia babae ka at kung iinom ka sa umaga” napa ngiti ako.  “ huwag mo akong ngitian…kanina pa kayo hinahanap ni macy tsaka ikaw may bisita ka” gumilid siya, nanlaki ang mata ko si madam. Tumayo siya sa kinauupuan niya at nag lakad papalapit saamin, una tinignan si brents tsaka ako tinignan na may ibig sabihin. “ may ginawa bang kalokohan ang asawa ko?” diin niya sa salitang asawa. “ wala po madam maliban po ngayon na uminom”sagot ko. “ mmm…I never know na umiinom ka pala” tinignan niya si brent. “ you don’t need to know” sagot ni breng. “ is that so?? Sabagay sino ba naman ako?? Isa lang naman akong mayamang babae na hindi basta basta nauutakan, diba olivia?!” tumango ako sabay yuko ng ulo. “ anyway… ako na bahala sa asawa ko” dagdag niya, tumango uli ako at nag lakad na palayo. “ olivia—” nilingon ko siya “ brent!” galit na sabi ni madam, tinignan ko si brent. “ huwag mong akong subukan… hindi mo alam kung anong kaya ng may pera” pagbabanta niya, tinignan ako…. Ngumiti ako ng tipid sakanya at tumalikod na. Naka balik na ako sa kwarto ko, pabagsak ko inihiga ang katawan ko…iniisip ko si brent kung ano na ang ginagawa niya, baka kung ano na ang ginawa ni madam sakanya. Naalala ko tuloy ung sinabi niya na panliligaw…. kinapa ko ang puso ko, maling tao ang pinili mo puso ko.

 

CHAPTER 13: Wedding

NANCY

 Katatapos lang ng kasal ni macy at benjie, nasa reception kami para ituloy ang kasiyahan. “ all single girls come forward para sa boque” sabi ng host. “ olivia bakit hindi ka pumunta sa harap… malay mo ikaw ang ikakasal na sunod” utos ko, ngumiti siya ng tipid. “ hindi na po… bata pa po ako” sagot niya, natawa naman ako. “ yan ang sagot ng mga babaeng maagang makaka pag asawa, promise… don’t get me wrong ah” ngumiti lang siya, tinignan ko si brent na naka tingin lang sa harap. “ okayyyy… lets start.. pag bilang ko bride ihagis mo na ang iyong bulaklak….. 1…. 2….. 3!” nagulat pa ako kasi akala ko saakin pumunta ung boque, kay olivia pala… napa lakas ng hagis niya. “ mukhang hindi nakalaan sainyo girls dahil napunta pa nga sa naka upo” sabi ng host. “ can you stand please beautiful lady” dagdag ng host, umikot ang mata ko sa narinig kong iyon. “ naku pasensya na po…sakanila na lang ung boque” ibinabalik niya… ugh! Daming arte. “ ay naku… huwag daw tanggihan ang boque kasi magiging kabit daw ito pero base lang naman kasabihan ng mga bakla hahaha…. Okay kukunin ko na at ipapahagis ko na lang uli sa bride” sabi ng host, tumaas ang kilay ko habang naka tingin kay olivia. “ ano lang naman kung pupunta ka sa harap… arte arte, nasabihan ka pa tuloy ng ganun” yumuko na lang siya na walang imik. “ okay bride you know what to do…. 1…. 2….. 3!” pagka hagis niya, dumaan uli sa harap ko at napunta nanaman kay olivia. “ opppsss mukhang sayo talag miss beautiful” sabi ng host. “ baka naman this time ay gugustuhin mo ng pumunta sa harap” singit ko. “ miss beautiful can you stand and join us??” naka tingin tuloy sakanya ang lahat, tumayo na siya sa wakas. " at ayon na nga… isa lang ibig sabihin niyan daw, naging kabit siya nong una tapos sunod ay pinakasalan na siya hahahahaha joke lang po….” Nagtatawanan sila, napa ngiti naman ako. Nilingon ko si brent na wala man lang bakas ng emosyon. “ okay ang hanapin naman natin ay ung para sa lalaki… alam niyo naman na kung amo iyon” kakaiba itong host nato puro na lang alam niyo na. “ groom kunin mo na ang mahiwagang garter para ipasa sa mga lalaking naghahangad na maikasal in the future” dagdag niya. Matapos alisin ng groom ang garter, inutusan na ng host na ihagis naman…. Patingin tingin si benjie kung saan na niya ihahagis, tumalikod na siya at pumuwesto tsaka inihagis ung garter. Tinignan namin kung nasaan napunta, sa nalaglag sa harap ni brent. Pinulot ni brent, kumunot ang noo ko. “ ayy bongga ang mga nakakakuha ang gwapo at ang ganda… come forward mr. Handsome—“ “ no… his married” singit ko. “ married??? Ahy sayang naman, sino ang asawa baka pwedeng pahiram muna charrrr hahaha” napataas ang kilay ko. “ im his wife” napa tingin saakin ung host. “ ang tanda naman para mahing asawa” narinig kong sabi sa likod. “ oy age doesn’t matter” sabi naman. “ ahm okay sige… ulitin—” “ no its okay” biglang sabi ni brent, tumayo siya. “ brent what are you doing” bulong ko, hindi niya ako pinansin at nag lakad na lang siya paharap. Tinignan ako ng host…inirapan ko siya, nakakainis talagang nananadya itong si brent. Nag pagtuloy sila, naka tingin lang ako sakanila ng may napansin ako, ung pag alalay, ung hawak at ung ngiti ni brent… bakit kay olivia ganun siya habang saakin ay ni isang beses hindi ko naranasan sakanya. Bumalik na sila sa kinauupuan nila, pinigilan ko ang sarili ko na umiyak…nilingon ko si olivia na hanggang ngayon ay naka ngiti, napansin niyang naka tingin ako kaya umayos siya. “ bukas na bukas uuwi na tayo” tumango si olivia. Nawalan na ako ng gana kaya nag desisyon na akong bumalik na kami sa hotel… nauna na saamin si olivia kasi sa baba ung kwarto niya habang kami ni brent ay sa taas. “ pwede bang sa kwarto mo ako muna??” tinignan niya ako. “ wala ka namang gagawin don—” “ sige na…aalis din ako kapag inaantok na ako” dagdag ko.  “ hindi na…don kana sa kwarto mo” nainis ako. “ nakikiusap ako sayo ng maayos…gusto mo pang daanin ko sa sapilitan?” pagsusungit ko, nakatitig lang siya saakin. “ okay… 30 minutes is enough” sabi niya, ngumiti ako at tumango. Pumasok na kami sa kwarto niya, mmm ganito pala siya hindi magulo ang kwarto. Dahan dahan akong naglalakad habang tinitignan ang buong kwarto niya. Umupo ako sa malambot niyang kama, hinimas…. Humiga ako tsaka inamoy ang kama. “ brent…what if we try?” naka upo kasi siya at busy sa phone niya “ try what?” tanong niya. “ lets try our relationship work…macy is correct im not getting younger and I want a baby too so---“ “ don’t expect nancy” umigting ang panga ko, tumayo ako at lumapit sakanya. “ ikaw na nga lang ang sinusuyo tapos choosy ka pa?? Mag isip ka nga! Im complete package brent, lahat ng hinahanap ng lalaki ay nasaakin so bakit?? Or pinipigilan mo?!” siningkitan ko siya. “ brent huwag kang mag pigil, huwag kang mahiya…. Angkinin ko ako kahit anong oras!” naka tingin lang siya saakin sabay iling. “ kung wala kang matinong gagawin dito, you may go” sabi niya, napa kuyom ang kamao ko. “ lets see if hindi ka bibigay sa gagawin kong ito” nag hubad ako sa harap niya at dahan dahang lumapit sakanya, umupo sa lap niya at ipinatong ang kamay sa mapuputi kong legs. “ feel it brent…. Feel it” sabi ko sabay pikit, ako na ang kusang nagpapagalaw sa kamay niya. Hinahalikan ko din siya sa leeg tsaka ko isinunod ang labi niya pero kalaunan hindi ako nakakakuha ng sagot mula sakanya kaya huminto ako. “ I don’t feel anything nancy…even a little so don’t embarrased your self to this nonsense” hindi ako naka imik pero nasaktan ako sa sinabi niya.

 

CHAPTER 14: Ant

OLIVIA

 “ olivia!!!” nagmamadali akong puntahan si madam. “ ma—” halos mabingi ako sa lakas ng sampal niya. Next Page “ damn you!!! Now I know kung bakit ka inalis ni macy sa trabaho mo sakanya, isa kapa lang langgam na tahimik lang mag trabaho pero may pakagat kagat kana pala, sinabi saakin ni macy ang mga kalokohan mo habang kasama si brent sa u. s” “ Pinasama kita sa asawa ko para maging katulong hindi maging pansamantalang asawa niya!” dagdag niya. “ saan ka ba galing at napaka landi ng lahi mo, baka nga ganun din ang mama mo tsaka ang lola mo mga ninuno mo haha!” umigting ang panga ko. “ madam huwag naman sana kayong mang damay na wala namang kinalaman at madam wala po akong ginagawang kalandian sa asawa niyo” sagot ko. “ talaga??!!! Eto ba hindi kalandian??!!!” hinagis saakin ang mga litrato, litrato to nong uminom kami, nong namasyal kami pero kung titignan mo sa picture may malisya pero grabe naman hindi totoong nilalandi ko si brent. “ mag empake kana dahil simula ngayon tanggal kana!” nanlumo ako, tatalikod na sana ako ng tinawag niya uli ako. “ heto ang huli mong sweldo, mabuti nga ibibigay ko pa kahit ganito ang ginawa mo… dali, umalis kana” tinaggap ko ung sweldo ko at nag lakad na palayo. Nag iimpake na ako ng gamit ko, hindi ko tuloy alam kung saan na ako pupunta ngayon. Panigurado kapag uuwi ako malilintikan ako sa kapatid ko, tumulo na lang ang luha ko. “ grabe din no… hindi mo naman kasalanan na maging maganda para insecure sila sayo, hayyyst!” si lea. “ ano ka ba… aanhin ko naman ang ganda ko kung magulo naman ang buhay ko” sagot ko. “ gawin mong puhunan… yan na nga lang meron ka bakit hindi mo pa gamitin lalo pat wala ka ng trabaho” napa isip naman ako, paano ko namang gagawing puhunan?? “ sige na… aalis na ako, mag ingat ka dito” binuhat ko na ung konti kung gamit. “ ikaw ang mag ingat… heto pandagdag mo” binigyan niya ako ng tatlong libo. “ kailangan na kailangan mo yan kaya huwag mo ng tanggihan” dagdag niya pang sabi, pinunasan ko ang luha ko at nginitian siya. “ salamat… mauna na ako” pag labas ko pa lang, bumungad na saakin si madam na masama ang tingin “ go!!!” nag lakad na ako palabas ng bahay, tumingala ako. Makulimlim at mukhang uulan pa, napa buga na lang ako ng hangin. Nag hintay ako ng bus para umuwi saamin…mabuti na lang naka sakay na ako bago pa umulan, naka tingin lang sa labas ng bintana, iniisip kung anong gagawin ko. Maghahanap ako ng trabaho bukas na bukas din, sana wala doon si kuya pag uwi ko. Palakas ng palakas ang ulan na parang may bagyo, pumikit muna ako para mag pahinga kasi malayo pa naman ang biyahe. Naalimpungatan ako, naka sandal na pala ang ulo ko sa balikat nong tao. Iniangat ko at tinignan ung tao pero hindi ko inaasahan ang makikita ko, si brent. “ maayos ba ang tulog mo?” tanong niya. “ teka… paanong?” ngumiti siya “ tinanong ko si lea, mabuti na lang nag stop over kaya naka sakay ako” sagot niya, naalala ko tuloy ung sinabi ni madam. “ bakit ka sumunod…magagalit si—” “ hindi yan… susunod ba ako dito tsaka maski magalit wala akong pakialam” sumimangot ako, ayoko itong ginagawa niya.  Hindi na ako umimik at hinintay na makarating sA bahay, mayat maya ay pumara na ako. Bumaba na ako kasama si brent, anglakas parin ng ulan kaya sinabihan ko si brent na pumasok. Mukhang wala si kuya kasi hindi naka ilaw. “ pasok” nagpagpag siya, kumuha ako ng towel. Grabe naman kasi itong ulan ang lakas tapos may pakidlat kidlat, nag painit ako ng tubig para mag kape kami. Ung iniwan ko kasing stock ay meron pa, mukhang hindi umuwi si kuya dito kasi hindi man lang nagalaw. “ thanks” ibinalik ung towel. “ heto kape” inilapag ko sa mesa ung baso. Tahimik lang kami, pareho kaming nAkikiramdam kung sino ang mauunang mag salita. Tinignan ko siya na naka tingin lang sa kape niya. “ brent—“ “ be my mistress” seryoso niyang sabi. “ ano?!” “ Be my mistress olivia” napaawang ang labi ko. “ brent baliw kana ba?? Sinong babae ang gustong maging kabit??” tanong ko. “ olivia—” “ brent bumalik kana sa asawa mo, dapat hindi na kita pinapasok kasi mali ito” “ walang mali sa mga taong may nararamdaman olivia” sagot niya, kumunot ang noo ko. “I feel it…nararamdaman kong were on the same feeling, pinipigilan mo lang dahil kasal ako pero olivia lahat may paraan” hindi ako maka paniwala sa naririnig ko. “ kaya ito ang naisip mong paraan? Ang maging kabit mo??” tumango siya, napailing ako. “ umalis kana…simula ngayon hindi na tayo dapat mag kita” naka tingin lang siya saakin. “ please umalis kana” yumuko siya sabay hinga ng malalim, tumayo siya. “ okay” halos pabulong niyang sagot, tumayo na din ako para pag buksan siya ng pinto. “ don’t forget to lock the door and mga bintana” paalala niya pa bago lumabas, tumango ako. “ brent” huminto siya. “ give chance to your wife…malay mo---” “ parang tinanggap ko na lang din ang sumpa ko kung ganun” nalungkot ako sa sinabi niya, lumabas na siya kaya isinara ko na ung pinto ng biglang kumidlat. Tama bang paalisin ko siya sa ganitong panahon?? Wala siyang sasakyan at lalo na hindi niya alam ang lugar na ito, napa upo ako dahil kumidlat at nawala ang ilaw. Tumayo ako at hinanap ung drawer kung saan naka lagay ang kandila, andami ko ng natatabig pero hindi ko mahanap ung kandila ng kumidlat uli para mapasigaw ako. Kinapa ko uli ng mabunggo ako sa matigas, kinapa ko kung ano iyon kasi mainit at basa. “ let me accompany you here until the current is back” si brent, kumidlat uli para maka kapit ako sakanya.

 

CHAPTER 15: Night with him

OLIVIA

 Napabalingkwas ako ng gising, tinignan ko ang katabi ko pero wala na si brent… nilingon ko naman si vince na galit. Nilapitan niya ako sabay sabunot saakin. “ arayyyyy… arayyyyyy” hinila niya ang buhok ko papunta sa sala. “ ang sabi ko sayo huwag mo akong ipahiya!!!” mukhang nalaman niya ang pagka alis ko sa trabaho. “ hindi naman kasi totoo---” napa ngiwi ako sa sampal niya. “ hindi mo alam kun paano ako pinahiya ni macy sa madaming tao dahil sayo!!! Akala ko ba matino kang babae hindi naman pala, tatahimik himik ka may kakaiba ka palang kulo!” hindi na lang ako sumagot kasi ganun din lang naman. “ paano na ngayon ha?!! Imbes na mababayaran ko na ang utang ko mapupurnada pa!!!” “ maghahanap ako ng trabaho” sagot ko. “ anong trabaho?? Babalik ka don sa pagiging cashier mo sa kapehan na iyon??!! Magtitiis nanaman ako sa tuyo at kamatis? Kung ginawa mo lang ng maayos ang trabaho mo sana puro lechon ang ulam!!!” “ gaga ka din kasi… masyado kang malandi” dagdag niya. “ akin na ang natira mong sweldo” utos niya, tinignan ko siya. “ bakit?!! Ayaw mo??!!” “ pang bibili kasi ito ng ulam tsaka bayad ng bills, baka maputulan na tayo” sagot ko. “ wala kong paki! May pupumaputu ako kaya kailangan ko ng pera tsaka okay na sayo ang tuyo at kamatis diba??! Kaya akin na!!” naka tingin lang ako sakanya. “ akin na!!!!” sigaw niya, kailangan ko din kasi ung pera kung sakaling maka hanap ako ng trabaho. Hinablot niya ang braso ko tsaka ako dinala sa kwarto, inutusan akong kunin ung pera pero hindi ako gumalaw “ olivia isa!! Huhwag mo akong sagarin!!!” hindi parin ako gumalaw. Hinila niya uli ako tsaka pinalabas ng kwarto, ni lock niya ang pinto… “ kailangan ko ung pera vince!” panay ang katok ko sa pointuan, “ maawa ka naman vince, kapag naka hanap ako ng trabaho kahit iyon na lang ang kunin mo huwag yan” dagdag ko pa, bumukas ang pinto. lumabas siyang hawak na ang pera, nanlumo ako. “ dapat may trabaho kana sa susunod na linggo!” hinawi niya ako, sinundan ko lang siya ng tingin hanggang nakaalis siya sa bahay. Pumasok ako sa kwarto…tinignan ko ang damitan ko kung saan naka lagay ang pera ko, hinalungkat ko kung meron pa pero kinuha niya ang lahat. Pinuntahan ko naman ang bag ko na nagkalat ang gamit, pinulot ko ung pitaka ko. Napa buga ako ng hangin dahil nag iwan lang siya ng isang daan… paano ko ito pagkakasiyahin?? Tumulo na ang luha ko, bakit ganito ang buhay ko?? Bakit kasi isinilang pa ako kung ganito din lang pala ang mararanasan ko? Pumunta ako sa kusina, mabuti na lang talaga may natira pang pagkain kahit papaano. Binuksan ko ang lagayan ng bigas, may konti pa. ipagkakasya ko na lang ito hanggang maka hanap ako ng trabaho, pumunta na ako sa banyo para maligo, sisimulan ko na ngayon ang paghahanap ng trabaho. Nag lakad na ako para maka hanap ng trabaho…kung kinakailan ko lang pwedeng gastusin ang isang daan, kaya ko naman magtiis na maglakad pauwi at hindi tsaka maski isang araw lang ako kumain ay okay lang ang mahalaga nakakain ako araw araw. “ helo po naghahanap po kayo ng taga hugas?? Mag aapply po sana ako” tinignan ako nong babae. “ masipag ka ba?? Hindi nuubos ang hugasin dito tsaka ang sweldo ay 300 kada araw, okay lang?? libre naman ang pagkain” ngumiti ako at tumango tango, okay na ako sa libre ang pagkain. “ osige bukas bumalik ka para maka pag umpisa kana” sabi nong babae. “ salamat po” masaya akong naglalakad pauwi dahil hindi na nga ako nahirapang mag hanap ng trabaho, maayos pa ang nakuha ko. Kaya ko naman mag hugas ng buong araw, kakayanin para maka pag ipon ako. Balak ko na kasing umuwi sa probinsya, kokontakin ko si lola na baka pwede doon na ako mamalagi. Tumingala ako, uulan nanaman ba?? Kailangan kong bilisan, malayo pa kasi ako sa bahay. Lakad takbo ang ginagawa ko para hindi lang maabutan pero naabutan parin ako, huminto na muna ako para sumilong tsaka pagod na ako. “ tumila ka munang ulan, malapit na ako sa bahay” nanginginig na ako sa lamig, nabasa na din kasi ako. May lalaking naka hood na sumilong, may payong naman siya pero bakit sumilong. Parang pamilyar siya, saan ko ba siya nakita uli? “ grrr… ang lamig” hindi ko maiwasang mag reklamo, palakas kasi ng palakas ang ulan. “ tsk” mahina niyang sabi. May kinuha siya sa bag niyang jasket tapos ung hawak niyang payong iniaabot saakin, kunot noo ko siyang tinignan pero dahil naka talukbong ung hood niya sa jacket niya hindi ko makiita ang mukha. “ o…okay lang” pero hinila niya ang kamay ko tsaka ibinigay saakin tsaka siya tumakbo papaipasok sa may damuhaan, teka dito ung bahay nong lalaki diba? Ung lalaking nakasakayan ko sa bus tapos ung… ahhh oo ung naka hood na sumagipn saakin don sa mga lasing tapos ito ngayon, kaya pala pampamim sabi ko pero siya pala ang nakatira dito sa bahay na ito. Isinuot ko na ung jacket, kahit papaano hindi na ako nilalamig. Binuksan ko na ung payong para makauwi na, ilang minuto pa ay naka uwi na ako. Agad akong naligo para hindi ako magkasakit, nag luto ako ng konti at nag prito ng itlog na ulam. Pumasok na ako sa kwarto para matulog, kailanga ko kasi maagang gumising. Maglalakad pa kasi ako baka ma late aao kung hindi late mmagising “ good morning po” “ oh ayan kana ppala, heto ung apron mo tapos pumasok ka doon, doon na ung mag huhugasin mo…. Exactong 12:00 ka lumabas para kumain tapos balik agad pagkatapos mong kumain” tumango ako, pumasok na ako sa palikuran… bumungad saakin ang isang kabundok na plato, baso at iba pa. “ kaya ko ito” mabilis akong gumalaw para mabilis akong matapos, nag uumpisa pa lang ako ay may dumadating pang hugasin.

 

CHAPTER 16: Over her

BRENT

 Konti na lang, konting konti na lang brent malalampasan mo na siya. Hindi kana niya basta basta maapakan , napa ngiti ako. Tinignan ko ang oras, hapon na pala. Nakaramdam ako ng gutom, simula kasi umaga ay walang laman ang tiyan ko. Tumayo ako, maka pag meryenda nga muna. May kainan sa tapat namin, hindi siya tulad ng resto pero masarap ang pagkain at laging madaming tao. Pumila muna ako, hindi naman isang beses ko dito kaya kilala na nila ako. Matapos kong umorder ay umupo na ako, grabe hindi magtigil ang labas loob ng mga tao. Kahit ganitong ka sime ang kainan, mas higit naman ang kita nila kaysa sa de class na resto. “ sir heto na po ung order niyo, pinadagdagan na po ni mama para sainyo” ngumiti ako. “ salamat” iniwan na niya ako, susubo sana ako ng may nakita ako. “ olivia… heto pa!” kumunot ang noo ko, dito siya nag tra-trabaho. Pabalik balik siya para kunin ang mga hugasin, halata naman na taga hugas siya pero hindi biro ang trabahong iyon lalo na dito dahil sa dami ng tao. Makikita mong pagod na pagod na siya pero energetic parin siya, nakukuha niya pang ngumiti. Parang nawalan tuloy ako ng gana, ooferan ko siya ng trabaho. “ mam pwedeng kumain po muna ako?” rinig kong sabi niya. “ diba sabi ko sayo 12:00 sakto ang kainan mo?! Anong oras na??? Andami mo pang huhugasan!!” pinagtitinginan sila, may naka pansin ata kaya siniko ung taga mahala. “ ngayon lang to ah…. Bilis” tumango si olivia, iniwan na siya nong may ari. Kukuha na sana siya ng pagkain niya ng biglang hinablot ang plato, nilagyan nila ng pagkain pero hindi galing sa niluto nila kundi sa tira. Naikuyom ko ang kamao ko, kinuha niya parin ito at umupo sa sulok. Tumayo ako at lumapit sakanya, kinuha ung pagkain niya at tinapon sa taong nagbigay dito. Hinila ko siya palabas pero nag pupumiglas siya. “ ano ba!” sigaw niya. “ kakainin mo iyon?!!! Tira tira na iyon olivia!!” galit na galit kong sabi. “ kaysa naman magutom ako tsaka malinis pa naman iyon” pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko, naka tingin ako sakanya. “ I can offer you a job, ung hindi ganito” malumanay kong sabi, umiling siya “ malalaman ni madam, malalagot ka kaya okay na ako dito”sagot niya. “ olivia hindi tao ang turing sayo dito kundi hayop, hindi tama ang ganung pakikitungo” ngumiti siya. “ kaya ko naman, ang habol ko lang naman is trabaho” sagot niya, kasalanan ko ito kung bakit naalis siya sa trabaho niya. Kung hindi ko lang siya kinulit ng kinulit baka nasa maayos pa siyang trabaho, nasa maayos pa sana siyang lagay kahit papaano. “ olivia!!!” “ Sige na” mabilis siyang pumasok, tinignan ako ng may ari. Inirapan ko siya at nag lakad paalis, bumalik ako sa kompanya na naiinis. Nag iisip ako kung paano ko siya paalisin sa trabahong iyon. “ sir tawag niyo ako?” “ ung kaharap ba nating kainan kompleto sila sa papeles?” utos ko kay diego. “ aalamin ko po… may gusto po ba kayong ipagawa?” tanong niya “ gusto ko siyang maipasara” tumango siya. “ sige sir titignan ko po kung makakahanap ako ng kakulangan nila” tumango ako. Pasensya na olivia pero makaka hanap ka pa ng matinong trabaho kaysa dito, ayoko lang makita kang ganito ka tinatrato.--- OLIVIA “ bwesit!!! Magsasara na muna tayo” huh?!!! Bakit??? Dalawang linggo pa lang ako. “ teka naman po kailangan ko itong trabaho ko” tinignan niya ako. “ dahil sayo napasara kami!!! Kunin mo na itong sweldo mo at umalis kana sa harap ko!” tinulak niya pa ako paalis, napa buga na lang ako ng hangin. Binuksan ko ung envelope na naglalaman ng sweldo ko pero kulang, kinatok ko ung pintuan. Kulang kasi ng isang linggo ang sweldo ko, malaki na iyon para saakin. “ mam kulang po ang sweldo ko!!!” reklamo ko. “ mam!!!” bumukas ang pinto. “ kapiranggot lang yang nawala sayo habang saamin libo libo! Kung ayaw mong bawiin ko yan aalis na ako dahil baka makalimutan ko na tao ka!” binagbagsakan ako ng pintuan. Sumakay ako ng bus para umuwi… tinignan ko ang mga kamay ko na sugat sugat at namumula, bukas na bukas maghahanap uli ako ng trabaho. Binuksan ko ang pinto, bumungad saakin ang lasing na vince. Tinignan niya ako, tumayo siya at nilapitan ako na patumba tumba pa. “ asan na ang pera ko?” napa higpit ang kapit ko sa bag ko. “ hi-hindi pa ako nag sweldo” sagot ko, tinignan niya ako ng masama.  “ huwag mo akong lokohin, asan na!!!” nanginig ang buong katawan ko, kapag lasing siya mas grabe ang ginagawa pero hindi ko naman pwedeng ibigay ung pera. “ vince wala----aaahhhhhh arayyyyy!!” hinila niya ang buhok ko papuntang upuan. “ akin na yang bag mo” hinigpitan ko ang pagkakahawak, tama naman na ung ilang taon akong nagpapakahirap na mag trabaho na siya ang nakikinabang. “ akin na!” hinablot niya pero hinablot ko paibalik saakin, niyakap ko ito. “ lumalaban kana ngayon olivia? Tandaan mo kuya mo ako” sinamaan ko siya ng tingin. “ hindi ka naging kapatid saakin kaya paano kita rerespetuhin” sagot ko, pinagsingkitan ako ng tingin. “ hindi ba sapat sayo na patirahin kita sa bahay ko? Kung wala itong bahay ko baka nasa kalsada kana at naging pariwara!” “ mas gusto ko pang maging pariwara kaysa sa ganitong buhay!” sagot ko. “ sige kung yan ang gusto mo” pilit niyang kinukuha ang bag ko pero hindi ko binibigay, sinampal pa ako pero hindi ko binibigay. Sinikmuraan ako para manghina ako, nakuha niya ung bag ko at kinalkal saka kinuha ung pera. Tinignan niya ako mula ulo hanggang baba, lumapit saakin sabay himas ng hita ko. Kahit masakit ang tiyan ko mabilis akong lumayo sakanya. “ saan ka pupunta?? Total hindi mo na din ako nirerespeto, lulubusin ko na ang pakinabang mo” tinakpan ko ang katawan ko ng kamay ko. “ kuya please huwag” ngumisi siya. “ hindi mo ako kapatid, tanga!!!”

 

CHAPTER 17: Truth

OLIVIA

 “ hindi din kita mapapakinabangan! Papatayin na lang kita!!!” sigaw ni vince habang hinahabol ako. Hindi ako lumilingon at panay ang takbo ko pero nahabol niya parin ako, napailalim ako. Tinignan niya ako ng masama, nakaka inis nakakadagdag kasi ung ulan imbes na nakalayo ako sakanya. “ alam mo kung sumusunod ka lang sana sa gusto ko hindi tayo magkakaganito, hindi ka sana nahihirapan ngayon” sinamaan ko siya ng tingin. “ mas gusto ko pang mamatay!” sagot ko. “ okay… ako na gagawa para sayo” inilabas niya ung patalim niya, maski basang basa ako ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko. Pagod na ako, pagod na akong lumaban pa… mas okay nArin ito para hindi pa ako mahirapan total puro kamalasan na lang ang buhay ko, ang hirap lumaban sa buhay kung mag isa ka lang. Suko na ako, pumikit na lang ako at hinayaan siyang patayin ako. Napa mulat ako dahil biglang nawala si vince na nakadagan saakin, lumingon ako kaliwat kanan pero wala siya. Bumangon ako nang napa ngiwi ako, dahil sa kamamadali ko nakalimutan kong nakayapak ako para magka sugat sugat ung talampakan ko. “ get her” titignan ko pa lang kung saan galing iyon ay natakpan na ang bunganga at ilong ko para mawalan ako ng malay. Nagising ako na naka higa na sa kama… bumangon ako pero napa pikit ako, tinignan ko ang paa ko na naka benda pero bakit may benda ang tagiliran mo? “ you’re alive” si benjie. “ mabuti na lang at hindi ka napuruhan” dagdag niya. “ paano ka andon---” “ its not me who save you, may tumawag saakin at hindi ko kilala” kumunot ang noo ko. “ sa hospital na kita nadatnan at ang sabi pwedw kana agad madis charge kaya inuwi muna kita dito sa condo ko nong single pa ako” dagdag niya. “ kaya mong tumayo or dalhan na lang kita ng pagkain mo?” tanong niya. “ masakit ung paa ko” ngumiti siya. “ okay… dadalhan na lang kita, wait lang” naglakad na siya palabas, napuruhan pala ako ni vince na hindi ko man lang namamalayan. “ here… kain kana, nga pala aalis ako mamaya at kung nagugutom ka madaming pagkain sa ref at sa mga drawer, mabuti nga at meron ka para makain na ung mga stock ko kasi bihira lang ako andito kapag gusto kong mag isip isip” ngumiti ako ng tipid.--- BRENT “ maawa ka brent… hindi ko talaga gusto na gastusin ung pera natukso ako, natukso ako sa sugal…. Pasensya na” naka tingin ako ng seryoso sakanya. “ anlaki ng perang kinuha mo, alam mo bang ung perang iyon ay para sa panibago kong kompanya?? Pero ano ginawa mo? Pinang sugal mo lang?! Vince hindi ikaw ang naghihirap don kundi ako! At maski patayin kita hindi ko maibabalik iyon” “ kaya nga patawarin mo ako… hindi na mauulit” napa ngisi ako. “ ganun ganun na lang?? Vince walang salitang hindi mauulit dahil lahat ay nauulit ng nauulit kahit mangako kapa lalo na kung hindi ka nagbabago” sagot ko. “ pero sige pagbibigyan kita pero sige sa isang kundisyon” tumango tango siya “ sige kahit ano, sabihin mo basta patawarin mo ako” umiba ang ekpresyon ng mukha ko. “ kill your self” nanlaki ang mata niya.  “ br…brent naman…” nagsusumamo niyang sabi. “ mamili ka ako ang papatay sayo o ikaw ang papatay sa sarili mo? Sabi ko nga kulang ang buhay bilang kabayaran kaya hahyaan ko na lang pero ung ginawa mo kay olivia ay hindi ko mapapalampas” mabuti na lang umuwi ako sa bahay kong iyon dahil kung hindi malamang patay na si olivia. “ ki.. kilala mo si olivia?” “ hmmm… sa dinami dami ng kakantiin mo siya pa talaga? Dude hindi kaba tinuruan na rumespeto sa babae??” Naglalakad na kami pauwi ng nakarinig ako ng sigaw, nakaka pagtaka na iyon dahil sa ganung oras walang katao tao sa lugar ko. Pinuntahan namin ni diego at naabutan namin na ganun na ang sitwasyon…mabiis kaming lumapit, si diego hinila si vince habang ako ay nilapitan ung babae. Gulat na gulat ako ng makita si olivia, tinignan ko siya na may tama na at pulo galos ang katawan. Binuhat ko si olivia at dinala sa hospital… tinawagan ko si benjie para siya na muna ang mang asikaso dahil may sisingilin pa ako. “ kaano ano mo siya?” tanong ko. “ Itinuturing niya akong kapatid pero hindi talaga kami mag kapatid” sagot niya. “ iniwan siya saakin ng ama niya” dagdag niya pa. “ tapos??” Iniwas ang tingin niya. “ siya ang pinatrabaho ko para mabuhay kami” sinugod ko siya sabay suntok. Pinagkatiwala sakanya tapos ganun ang gagawin niya?! Ung isa nag tra-trabaho habang ung siya hayahay ang buhay?? Shit!!! “ how many years?!” “ pp…. ppp….. 4 years” napapikit ako, sa sobrang inis ko pinagsusuntok ko siya. Kung hindi lang ako pinigilan ni diego baka napatay ko na siya. Lumabas ako para mag pahangin…tumunog ung phone ko, phone call galing sa hospital. “ sir na dis charge na po si miss olivia” kumunot ang noo ko. “ huh?? Hindi ko pa pinapa dis charge” sagot ko. “ ung kasama niyo po mismo ang nagpa dis charge” si benjie. “ okay sige, thank you” binaba ko agat at tinawagan si benjie pero hindi niya sinasagot. “ ang sabi ko bantayan mo hindi itakbo!” sinasabi ko habang tinatawagan siya pero hindi sumasagot para maihagis ko ung phone ko sa inis!!! Sumakay ako sa kotse para puntahan siya sa bahay nila sakto naman na naka salubong ko siya, lumabas agad ako sa kotse. “ nasaan si olivia” tinaasan niya ako ng kilay. “ bro don’t worry, she’s safe” “ sabi bantayan mo hindi dalhin sa kung saan, saan na siya??? Susunduin ko na” ngumiti siya. “ bro like what I said… shes safe” tumalikod na siya, hinabol ko siya tsaka hinarap. “ akin na siya!” “ Hindi siya sayo” lumuob na siya.

 

CHAPTER 18: Be my mistress

OLIVIA

 Isang linggo na ako dito sa condo ni benjie at magaling na ako kaya pwede na akong makapag hanap ng trabaho. Bumukas ung pintuan, si benjie may mga dalang pagkain. “ gutom kana?? Kain na tayo” ngumuti ako. “ mabuti at meron kana, magpapaalam na sana ako kasi total magaling naman na ako pwede na akong umuwi saamin” sabi ko, naka tingin ako sakanya habang hinihintay ung sagot niya. “ what for?? Your much safer here and mas okay na andito wala kang problema, just stay here and enjoy living like a princess” ngiti niyang sagot. “ benjie hindi naman pwede iyon” inaalala ko kasi si macy, panigurado hindi niya alam to kaya kapag nalaman niya malamang magagalit. “ pwedeng pwede olivia” “ benjie hindi magandang tignan, kasal ka at pag nalaman nito ni macy mag iisip nanaman ng ibang ibig sabihin kaya—” “ Then lets do it” ano sabi niyA? Kunot noo tuloy ako. “ be my mistress… don’t worry about macy because I can handle her” ano?!!! “ benjie ayoko” sagot ko, nawala ung ngiti niya. “ pero bakit? Olivia wala ka ng ibang iisipin pa, im willing to give everything to you. House, clothes, car, bags, phone… anything” napaawang ang labi ko. “ oo kayang kaya mo pero hindi mo maibibigay ang kaligayahan ko” “ hindi ka ba sasaya sa mga ibibigay kung ganun? Olivia be practical, hindi na uso ang pagmamahal ngayon. Ang uso ngayon ay kung paano ka mabubuhay, ayaw mo iyon chill ka lang at hindi naghihirap. Hindi kana naglilinis ng bintana, sala, kwarto at maduming banyo” “ ayaw mo ung ganung buhay?!” naka tingin ako sakanya, gusto ko…. Gustong gusto ung ganun pero hindi sa taong kasal, kung single lang siyA papayag na ako pero hindi eh.. may taong masasaktan. “ benjie sinong babaeng aayaw sa mga binanggit mo pero sinong babae naman ang gustong maging kabit?? Ung kapag naglalakad ang tingin sayo ay mapanira, kapag nagkaroon tayo ng anak ano ang tingin nila sa anak natin?? Sampid! Walang araw na magdudusa ako dahil sa panirang ginawa ko” “ ayoko… pasensya na, thank you sa lahat ng ito pero ayokong maging kabit…. una na ako, salamat uli” lumabas na ako sa condo niya. Talagang sila pang mag kapatid ang nagsabi ng ganun saakin, sumasakit ang ulo ko. Mas okay na lumayo ako sakanila, ayokong makasira ng pamilya. Ngayon kailangan ko uli mag hanap ng trabaho pero babalik muna ako sa bahay na iyon habanf wala pa ako nahahanap, pag meron na aalis na ako at mangungupahan. Pagbukas ko ng pintuan, nadatnan ko si vince na naka upo. Tinignan niya ako, sinenyasan niya akong umupo. “ may malaki akong pagkakautang at ikaw ang hinihinging kabayaran” napaawang ang labi ko, hanggang kailan ba ako matatapos kakabayad ng utan na hindi ko naman utang. “ utang mo bakit hindi mo bayaran” nag lakad ako papasok sa kwarto ko ng hinabol niya ako, hinablot niya ung braso ko. “ please parang awa mo na…huli na ito olivia, parang awa mo na” pakiusap niya.  “ ikaw ba naaawa saakin?? Vince ilang taon akong nagbabayad ng utang mo! Maawa ka naman, kailangan ko ding buhayin ang sarili ko at may pangarap din ako!” inalis ko ung pagkakahawak niya, mukhang hindi ako matatahimik dito kaya kailangan kong umalis. “ olivia… olivia…. Olivia maawa ka!” hindi ko siya pinapansin. “ olivia…. Olivia naman” nagmamakaawa na siya. “ olivia may anak ako! May anak ako na nasa hospital na naghihingalo, ipapakulong ako nong taong pinagkautangan ko, wala ng magtra-trabaho para sa pang bayad hospital…. Please!” nilingon ko siya. “ kung ayaw mong maniwala, sasamahan kita sa hospital mmismo… please olivia” umiiyak na siya, napa buga ako ng hangin. “ sige samahan mo ako doon” utos ko, tumango siya. Lumabas na kami sa bahay, hinihintay ko na kunin niya ang kotse pero naghihintay siya ngtaxi?? Nilingon ako na mukhang alam niya ung nasa isip ko. “ ibinenta ko ung sasakyan ko pang bili ng gamot ng anak ko” naka para na siya ng taxi, paano kong totoo nga na may anak siya, anong gagawin ko? Tutulungan ko pa ba ung taong halos patayin na ako. “ ung mga binibigay mong pera ay lahat napunpunta sakanya, may mga sideline ako pero kulang pa” “ pasensya na…. Pasensya na kung ginagamit kita dahil kulang na kulang talaga ang kinikita ko at kinikita mo, hindi ko alam ang gagawin kapag nakulong ako tapos ung anak ko nasa delikadong sitwasyon” paliwanag niya. Nakarating na kami sa hospital, papunta na kami sa anak niya ng may isang babaeng nagmamakaawa sa doktor.  “ maawa kayo gamutin niyo ang anak ko… parating na ang asawa ko dala ang pera kaya gamutin niyo na siya” pagmamakaawa ng babae. “ mahal kamusta si rayzen??” nilingon kami. “ ayan na ang asawa ko….. mahal kailangan na nating mag bigay ng paunang bagad dahil wala pa tayong binabayad kaya sabi ni mag bayad tayo ng konti para matuloy ang gamutan ni rayzen” iyak na sabi nong babae. “ pera?” tanong ni vince. “ oo mahal pera…. Asan na??” umiling si vince, humagolhol ng iyak ung babae. Naawa ako sakanila, parang nakonsensya pa ako pero alangan namang isakripisyo ko nanaman ang katawan o sarili ko para sakanila? Nagmamakaawa si vince sa may doktor habang ang asawa niya ay umiiyak, nag lakad ako papalapit sa anak nila na mahimbing na naka tulog. Andaming naka kabit sa bata, hinawakan ko ang kamay ng bata. “ angel…. nasa langit na ba ako?” nanaginip ata siya. “ angel pwede bang humingi ng pabor? Pwede huwag mo muna akong kunin? Gusto ko pang makasama sila mama at papa, kahit ilang araw lang muna please???” napa kagat ako ng labi. “ malapit na ang birthday ni papa, kahit hanggang doon lang po” tumulo ang luha, bakit ako umiiyak? Hindi ko naman sila kaano ano. Tumalikod ako at nag lakad palayo, naka salubong ko si vince na umiiyak. Pinunasan niya ang luha niya at lumapit saakin. “ olivia” “ Sorry pero hindi ko kaya, ako kapalit ng kalayaan mo?” umiling ako at nag lakad palayo.

 

CHAPTER 19: Save her

BRENT

 Nalaman ko kay diego na nasa delikadong sitwasyon ang anak ni vince, napapailing na lang ako. Knock knock “ sir meron si vince sa labas, gusto kayong makausap” “ Busy ako” tumango siya at umalis, andami ko pang aayusin lalo pat parating na ung investor ko na galing sa ibang bansa. “ sir saglit lang---” “ brent” biglang sulpot si vince, papaalisin sana siya ni diego pero hinayaan ko na. “ vince 5 minutes… wala akong sobrang oras para sayo” “ brent kailangan ko ng pera… baka naman pwedeng pautangin mo ako, nasa delikadong sitwasyon ang anak ko, please” hininto ko ang ginagawa ko at tinignan siya “ may utang ka pa nga saakin tapos uutang ka??” sagot ko sakanya. “ brent babayaran ko---” “ ipangbabayad mo ang kapatid mo na hindi mo naman kapatid?? Wala ka ding awa sa tao no?” “ Brent wala na akong choice! Ung anak ko naghihingalo na!” sagot niya. “ kasalanan mo yan! Tapos ung taong walang kinalaman siya ang pagbabayarin mo ?!” inis kong sabi sakanya. “ boss naman, diba may gusto ka sakanya? Gagawan ko ng paraan para mapunta siya sayo” kumunot ang noo ko. “ vince kaya nakakarma kasi sa ginagawa mo sa kapwa mo, wala kang karapatan pakialaman si olivia o pangunahan ang kaguatuhan niya” yumuko siya, kita mo ang panlulumo niya. Binigyan ko siya ng konting halaga, sobrang laki na ng nakuha niya saakin at mukhang hindi na maibabalik. Bumalik uli ako sa pag tra-trabaho, kailangan kong paghandaan ung investor na iyon. Gabi na ako natapos kakatrabaho, tinignan ko ang oras at mag alas diyes na. Minasahe ko muna ung sintido ko ng konti bago ako tumayo para umuwi na. Ako na mismo ang driver kasi pinauwi ko na si diego, habang nasa kalsada ako parang may nakita akong pamilyar kaya huminto ako sa gilid. Tinignan ko ung tao sa side mirror ko, si olivia na nagbubuhat ng mga case case na inumin at kung ano ano pa. Tinignan ko ung pinag tra-trabahuan niya, grocery store na 24 hours open. Naka masid lang ako sakanya na habang hirap na nagbubuhat, I offer her a job pero tinanggihan niya. Mas malaki ang sahod at mas magaan kumpara sa ginagawa niya ngayon, ang gusto niya ba sa buhay niya ay laging nahihirapan? Nanatili ako doon ng isang oras na naka masid, hindi lang pagbubuhat ang trabaho niya kundi all around. Taga linis, cashier, taga ayos at buhat na rin. Paalis na ako ng makita kong may customer siyang lasing, may kasama pa nga. Maayos naman silang mamili hanggang lumabas sa store pero biglang humabol si olivia at parang may pinag uusapan sila, maayos pa nong una pero mga sumunod ay may duruan na at naririnig ko no din ang sigaw nong lasing. Lumabas na ako ng sasakyan, naririnig kong humihingi ng paumanhin si olivia maski sinasabihan na ng masama at tinatapik tapik siya sa balikat niya. Nakita ako ng isang kasamahan kaya umawat na siya sa dalawa, mabuti na lang huminto ung kasama niya. Bago sila umalis ay dinuraan pa ng lalaki si olivia habang siya ay patuloy sa pag hingin ng paumanhin, lumapit ako habang naka yuko siyang pinunasan ang dura sa damit niya. “ be my mistress panigurado hindi mo na mararanasan ang mga ito” tiningala niya ako. “ bakit gustong gusto mong nahihirapan kung pwede ka namang mamuhay ng maginhawa, papayag ka lang naman sa gusto ko at siaiguraduhin kong sasaya ka olivia” bumuga siya ng hangin. “ sa tingin mo hindi ako mahihirapan kapag naging kabit mo ako?? Doble ang hirap brent… mas gusto kong mahirapan sa trabaho kaysa pahirapan ng ibang tao dahil sa estado ko” sagot niya “ I can protect you… olivia kayang kaya na kitang ipagtanggol kay nancy, hindi na ako takot sakanya dahil mas mayaman siya kasi kapantay ko na siya. I did that because of you” nong nakilala ko kasi siya nakuha na niya ang atensyon ko at kahit saglit lang ay nahulog na ako sakanya pero nong harap harapan ko na siyang minamaliit ni nancy na hindi ko malabanan dahil panay ang paalala ni nancy na kayangkaya niya ako. “ walang mang---” “ brent ayoko…ayoko sirain ung pangalan ko dahil iyon na nga lang ang meron ako, grabe naman kayo!!! Tigilan niyo na ako sa kakatanong na maging kabit niyo kasi ayoko, ayokoooooo!!!” kumunot ang noo ko. “ niyo?” “ oo! Ikaw at si benjie, kayo pa nang tri-trip??? Kung ayaw niyo sa sitwasyon niyo at may pera naman kayo bakit hindi niyo hiwalayan ang asawa niyo hindi ung idadamay niyo ako at gagawa ng gulo o issue!” inis niyang sabi, hindi ko aakalain na maski si benjie ay may balak na ganun kasi kakasal niya lang? “ tigilan niyo na ako please… hayaan niyo ako sa gusto ko” sabay talikod at nag lakad paloob, napailing na lang ako. Umuwi na ako sa condo ko pero bakit hindi naka lock?? Binuksan ko at bumungad saakin si nancy na umiinom ng wine habang naka patong ang paa niya. “ mmm your late sweatheart” isinara ko ung pintuan. “ I don’t have time to babysit you and im tired so finished that one and you may go” naglakad na ako papuntang kwarto. “ is that how you treat your wife?? Huwag mong ubusin ang kabaitan ko brent sayo” nilingon ko siya. “ ang pasensya ko hindi nauubos pero ang pagiging mabait ko nauubos na, konting konti na lang. Huwag mo sanang sagarin dahil baka kung ano pa ang gawin ko sayo” dagdag niya. “ what do you want?” tanong ko “ its our anniversary so why don’t you join me here?” napa buga na lang ako ng hangin at nag lakad papalapit sakanya, nilagyan niya ung inumin ko tsaka kami nag cheers. “ for our better and worst” sabi niya, inubos ko ung nilagay niya tsaka ako tumalikod para pumunta na sa kwarto, inalis ko ung jacket ko ng biglang nahihilo ako. Shit!!!

 

CHAPTER 20: Seduce

NANCY

 “ sorry, gaya ng sabi ko huwag mong sagarin ang kabaitan ko” sabi ko kay brent na nahihilo dahil sa pinainom ko sakanya. “ sa tingin mo tatablan ako ng ganito?” sagot niya, kumunot ang noo kasi kanina nanghihina na siya tapos ngayon dahan dahan siyang umuupo. “ ilang beses mo na bang ginagawa saakin ito?? Sa tingin mo hindi na iimune ang katawan ko?!” hirap niyang sabi. “ tandaan mo maski mag hubad ka sa harap ko hinding hindi kita magugustuhan” napakuyom ang kamao ko. “ brent!!! Akala mo luluhod ako sayo para magustuhan mo ako! Hindi! Nakakalimutan mo ata kung ano ang kaya kong gawin? I can buy everything! Including you bastard!!!” inis kong sabi. “ yes you can but you cant buy happiness nancy” nanginginig ang kamao ko sa inis hanggang tumulo na ang luha ko. “ I’ll put you kung saan ka man dapat! Tandaan mo yan!” tumalikod na ako para umalis. BRENT Bumulagta na ako matapos umalis si nancy, laging ganun ang ginagawa saakin kapag gusto niyang maki pag sex pero hindi ko alam kung bakit nalalabanan ko. OLIVIA Ang sakit ng buong katawan ko, grabeng bigat ng trabaho ko pero kailangan ko mag tiis dahil kailangan ko ng pera para makauwi ako sa probinsya at may mauwi na ding pera. “ Miss” napa tingin ako sa likod ko, siya ung asawa ni vince. “ alam kong masyadong makapal na ang mukha ko para humingi pa ng pabor lalo na sa ginawa ng asawa ko sayo pero nagmamakaawa ako sayo” lumuhod siya sa harap ko. “ sabi ng asawa ko ikaw lang ang sagot para maisalba namin ang anak namin” dagdag niya. “ parang awa mo na miss, maawa ka sa anak ko. Kapag nawala ang anak ko hindi na ako muling magkakaroon ng anak dahil may problema ang matress ko” “ Eto ang huli at unang pagkakataon ko para magkaroon ng anak… maawa ka” umiiyak niyang sabi. “ pasensya na po pero---” “ nagmamakaawa ako sayo” napa buntong ako ng hininga. “ sa Friday ang schedule ng anak ko, pag isipan mo ng mabuti… gagawin ko ang lahat maski maging katulong mo kapalit ng lahat” tumayo na siya at umalis, bumuntong hininga uli ako. Ring ring ring “ ate??” “ isabel?? Isabel kamusta na si lola?? Natanggap niyo ang message ko? Konting araw na lang makakauwi---” “ nasa hospital si lola… kailangan niyang maoperahan kaya baka ate may pera ka diyan? Walang wala kaming pera at kapag hindi naoperahan agad baka mamatay siya ate… ate please isalba mo si lola, siya lang ang meron saamin” iyan ni isabel na pinasan ko, katulad ko din siya na iniwan ng magulang. Matapos kong makausap si isabel, pumunta ako sa loob para tignan kung magkanu ang perang hawak mo. Binilang ko ito at wala pa ito sa tatlong libo, kulang na kulang para sa pang paopera ni lola.  “ magnanakaw!!!” nagulat pa ako. “ pinag katiwala ko ang lahat dahil tingin ko sayo mabait iyon naman naman hindi! Ninanakawan mo na pala ako! Kaya naman pala laging kulang!! Halika dito ipapakulong kita!!” hinablot niya ang braso ko papalabas ng grocery store, isinakay ako sa kotse. Pumunta kaming pulis station, kahit mag paliwanag ako ay hindi siya makikinig. Kinaladkad niya ako papaloob ng presinto. “ miss olivia?” si diego. “ tabi!!! Oficer itong cashier ko ninakawan ako!!” tinignan nila ako. “ paano niyo nasabing ninakawan kayo? May ebidensya ho ba kayo?” tanong ng oficer. “ meron! Kitang kita ko” sagot niya. “ sir binibilang ko lang—” “ Excuse me…im her lawyer, if you want to talk to her you have to talk to me first” kumunot ang noo ko, si diego. Kailan naging lawyer tong driver na ito? Pinayuhan muna ako ni diego na huwag mag salita at hintayin siya sa labas, nilalaro ko lang daliri ko ng may nakita akong sapatos na huminto sa harap ko. “ okay na ang lahat” si brent kasama si diego. “ kaya ko ang sarili ko, hindi na sana kayo nangialam” sabi ko.  “ sa tingin mo paniniwalaan ka? May pera yang amo mo, kayang kaya ka niyang ipakulong lalo na kung may kapit siya o nadaan niya sa pera” sagot ni brent. “ hindi niya ako mapapakulong dahil wala naman akong kinuha!” iritable kong sabi. “ lahat ng bagay nadadaan na sa pera ngayon, minsan nga ang hustisya nadadaan din sa pera olivia kaya—” “ kaya dinadaan mo din ako sa pera tama ba?? Mayaman ka kaya may maipagmamalaki ka? Ganun ba?” tanong ko. “ yes, exactly olivia… I have money, hindi ko ninakaw kundi pinaghirapan ko kaya im proud off pero hindi kita dinadaan sa pera, its my choice to give you everything what you want if you say yes to what I am asking” tinignan niya ako mata sa mata, bigla kong naalala ung sinabi ng asawa ni vince pati narin si isabel maski ung offer niyang maging kabit ako. “ okay para hindi mo masamain, iiwan ka namin dahil baka mamaliin mo nanaman” tumalikod na sila at iniwan na nga ako, tumingala ako sa langit na may konting patak patak. Uulan nanaman?? Bumuntong hininga ako dahil dumadami ang patak niya. Mayat maya ay bumuhos na ang ulan maski tumakbo ako mababasa lang din ako kaya hinayaan ko na lang na mabasa ako, naglakad na ako habang iniisip kong ano ang gagawin. Wala nanaman akong pera, kailangan na kailangan ko pa man din ng pera. Umupo ako sa waiting shed, nakakapanhina na ganito ang buhay ko. Pinanganak ata akong sinalo ang lahat ng kamalasan sa buhay, nakakasawa ng mabuhay kasi wala man lang akong maranasang ginhawa. Habang tumatagal palala ng palala ang sitwasyon ko, pilit akong lumalaban pero pilit din naman akong ibinababa. Tumulo na ang luha ko. “ crying is not the answer olivia” napa tingala ako, si benjie. “ kung andito ka para yayain akong maging kabit---” “ im here as a friend olivia, you can lean on my shoulder if you needed” ngumiti siya, napa pout tuloy ako at umiyak na parang bata.

 

CHAPTER 21: Deal

OLIVIA

 Kinuha ko ang address kung saan ang kompanya ni brent, lumuob na ako. Dire-diretso lang ako hanggang makarating, naka salubong ko pa nga si diego at sinundan ako papasok sa opisina ni brent. “ pumapayag na ako pero tulungan mo muna ako” grabe ang bilis ng tibok ng puso ko, naka tingin siya saakin. “ okay… anong tulong?” tanong niya, bumuga muna ako ng hangin. “ una tulungan mo ang pamilya ni vince, pangalawa tulungan mo si lola sa operasyon niya” itinaas niya ang paa niya sa mesa niya habang naka tingin saakin. “ bakit mo tutulungan ang isang taong halos patayin ka?” “ isang tao ang nagkasala hindi kasama ang anak” sagot ko, ngumisi siya. “ okay ako na ang bahala, diego alam mo na ang gagawin” tumango siya at umalis na. Inalis niya ang pagkakapatong ng paa niyq, tumayo tsaka lumapit saakin. Napa lunok ako ng malalim, lumapit ng matindi. Isang inches na lang ang pagitan ng mukha namin, ilalayo ko sana pero pinigilan niya. Naka hawak ang kamay niya sa likod ko, unti unti niyang inilalapit ang labi niya. Pumikit na lang ako habang kinakabahan, pinili ko ito kaya panindigan ko. Lumapat ang mainit niyang labi, akala ilalapat niya lang pero unti unti ay may pag galaw na. Ginaya ko ang kanyang ginagawa hanggang lumalalim ng lumalalim para laruin niya ang dila ko, mas idinikit niya pa ang katawan namin para uminit pa ang namamagitan saamin. “ mmm that’s enough for our first kiss” namula ang pisngi ko dahil nakanganga pa ako, bigla niya kasing hininto. “ lets go” kumunot ang noo ko, saan kami pupunta? “ come on” dugtong niya. Sumunod ako sakanya, sumakay sa sasakyan kaya ganun din ako. Gusto kong tanungin kung saan kami pupunta pero huwag na lang, hintayin ko na lang kung san man kami pumunta. OLIVIA “ teka brent andami naman to” simula kasi ng dumating kami sa mall, andamin niyang pinapamili para saakin. “ more… you all need this” pinag patong patong na niya ang mga pinamimili niya. “ brent okay na, sobra sobra. Hindi na ata mag kasya sa lagayan ng damit” tumingin siya sa likod na bawat staff may dala dalang gamit ko, doon niya lang ata narealize madami na siyang nabili. “ ohh.. okay… tara kain na muna tayo, balikan na lang natin yan mamaya” tumango ako, nag lakad na siya ng mabilis kaya hinabol ko pero bigla siyang huminto. Tinignan niya ako sabay kuha ng kamay ko at naki pag holding hands. “ bawal kiligin” bulong niya, napa kagat ako ng paibabang labi kasi medyo kinilig ako. Tahimik kaming kumakain, hindi ako maka tingin sakanya kaya paano ko tatanungin ung request ko sakanya. “ ung anak ni vince ay matutuloy na ang operasyon, about your lola bayad ang bill kaya huwag kang mag isip ng iba kundi mag focus ka saakin” sabi niya, ngumiti ako. Matapos kaming kumain dinaanan namin ung pinamili niya, bumaba na kami sa parking lot. “ were going to stay in my house” tumaas ang dalawang kilay ko. “ may bahay ka?” “ Syempre naman… hindi alam iyon ni nancy kaya chill tsaka ikaw lang ang babaeng ipinunta ko doon” inistart niya na ang sasakyan, tahimik kami habang nasa daan pero bakit parang same lang ito papunta sa kung saan ako tumutuloy noon. “ brent tama ba ang dinadaanan natin?” tanong ko, hindi siya umimik at patuloy lang sa pag drive. Huminto ang sasakyan, nilingon ko siya. Dito ung lagi kong nadadaanan tsaka naaalala ko na dito din ung lalaking nakasakayan ko noon tapos ung naka hood na lalaking dalawang beses ng tumutulong saakin. “ teka….” Hindi maalis ung tingin ko sakanya. Biglang bumukas ung madamong gate, ipinasok niya ang kotse. Kung gaano kadamong gate iyon naman ang kabaliktaran ng loob na napaka linis at ang ganda. “ ikaw ung….” Ngumiti siya. “ its destiny olivia” napaawang ang labi ko, so siya nga! “ bakit hindi ka nagpakilala?” Tanong ko. “ I don’t know, ayokong isipin mong sinusundan kita which is unexpected lahat ng iyon” sagot niya, napa pout ako. “ sana sinabi mo parin” ngumiti siya at lumapit saakin, niyakap ako. “ its okay, not a big deal… tara na sa loob” lumabas na siya sa sasakyan, sumunod ako at niyakap siya sa likod. Ewan ko pero pakiramdam ko utang ko ang buhay ko sakanya, kung hindi siguro sakanya baka napariwara na ako o nag patiwakal na. “ tsk sabi na eh may pagka gusto ka din saakin” napabitaw ako sa yakap ko. “ hindi, niyakap kita para---” mwah!  “ I love you my mistress” nag lakad na siya paloob, namula naman ang pisngi ko sa ginawa niya. “ were staying here for 2 days then aalis din tayo for a vacation” sabi niya. “ vacation?” tumango siya. “ yup… i want to spend some time with you, ung walang problema maski konting araw lang” pinisil niya ang pisngi ko. “ okay??”tumango ako Iba ang nararamdaman ko ngayon, parang ang saya saya ko na walang ibang iniisip. Ngayon lang guminhawa ung utak ko kakaisip ng kung ano ano. Gabi gabi kasi iniisip ko kung saan ako kukuha ng ganito, saan pupunta, anong mangyayari. Ung bang pag gising mo pagod ka kakaisip pero ngayon parang mahimbing na ang tulog ko dahil wala akong ibang iniisip, napa pitlag ako ng may yumakap sa likod ko. “ ang sabi ko huwag kang mag isip ng kung ano ano, just focus on me” mahina niyang sabi. “ mmm… napa isip lang ako na ang gaan ng pakiramdam ko ngayon hindi tulad ng dati” “ Don’t worry hindi lang ngayon kundi araw araw kaya masanay kana, im going to give all the things, happiness that you never had” “ thank you brent pero may tanong ako… bakit sa dinami dami ng pwede mong yayain na maging kabit mo bakit ako?” tanong ko. “ because of your scent… its weird but when I smell you when you lean on me…lagi ko ng hinahanap hanap”

 

 

CHAPTER 22: Mistress

NANCY

 “ ughhhhhhh!!!!!!” Pinaghahagis ko lahat ng gamit dito sa bahay, sinong hindi magwawala? Akala mo nasa kompanya lang ang asawa mo at busy sa trabaho pero busy pala sa kabit niya?! “ bwessssiiitttttttt!!!” sabay hagis ng base. “ oh my gosh” si macy dumating. “ what a mess, para ka namang baliw na nagwawala” maarte siyang umupo at tinignan ako. “ huwag ka ngang magpaka relax diyan baka mamaya ikaw naman na ang isunod” tumaas ang isang kilay niya. “ isunod saan??” “ Ung bata kong asawa na walang pakialam saakin nagkaroon ng kabit-“ “ hahahahahahahahahaha! Naghanap ng mas bata at mas juicy” sinamaan ko siya ng tingin. “ isasara mo yang bunganga mo o gagawa ako ng paraan para pabagsakin yang kompanya mo” bigla niyang itinikom, inirapan ko siya. “ nagkaroon ng kabit which is ung katulong mong ibinigay saakin” nanlaki ang mata niya. “ si olivia??” tumango ako. “ teka sabi niya saakin hindi siya magiging ganun tapos ganun pala ang bagsak niya? Grabe naman pala yang babaeng yan! Mabuti na lang talaga matino ung asawa ko” tumikwas ung isang kilay ko. “ matino?? Sa umpisa lang yan, tandaan mo mas matanda ka parin sakanya kaya pwedeng pwede siyang maghanap ng mas bata” sagot ko. “ limang taon lang agwat namin hindi tulad niyo na 20 years ang gap noh…. Tsaka subukan niya lang kukunin ko ang lahat sakanya” pagbabanta niya. “ so anong balak mo?” tanong niya. “ bawiin ung dapat saakin, macy nakakalimutan mo atang money can buy everything… pera lang yan at bibigay yan lalo na sa kahirapan niya, ganun naman ang mahihirap…. Nakukuha sila sa pera, ung sinasabi nilang digni-dignidad?? Duh! Defense mechanism lang nila iyon” ngiti kong sabi. “ sana nga…tingin ko kasi kay olivia hindi basta baata nadadaan sa pera” “ huwag ka ngang mag biro, sabi ko nga lahat kayang bilhin ng pera sa panahon ngayon” angal ko. “ kaya im already warned you, itali mo na ang asawa mo sayo ng maigi kung ayaw mong mapunta siya sa sabi” hindi na siya umimik. Hindi ako magpapaka martir, lalaban ako. Ako ang nasa legal kaya ako ang nasa tama, tignan lang natin kung hanggan saan ang kaya niyong dalawa. BRENT Nasa ibang bansa na kami para mag bakasyon, naka sandal sa balikat ko si olivia habang nasa beach. Nakaka pang relax ung ganito na kasama mo ung taong gusto mo tapos nasa tahimik kayong lugar. This is perfect and unforgetable memories. “ olivia” “ Mm??” “ stay by my side forever what ever happens” tinignan ako “ ano pa nga ba, pinasok ko na ito kaya panindigan ko na” ngumiti ako.  “ promise that one” tumango siya. OLIVIA Wala na eh, andito na ako sa sitwasyonhg ito at itanggi ko man o hindi nahuhulog na ako kay brent. Ewan ko ba nong nalaman kong siya ung lalaking naka hood mas lumago ung nararamdaman ko sakanya, kasi noon parang crush crush ko siya kahit ang sungit niya nong una. Inenjoy lang namin ung araw na mag kasama kami, talagang hindi ko maisip na mararanasan ko ito. Ung mag damit ng mamahali, makaka kain ng mahal, maka punta sa abroad at may sariling atm, alam mo ung kahit bawal masaya ka kasi natatamasa mo ung pinapangarap mong buhay. Ung akala mong wala ng ginhawa sa buhay mo dahil puro na lang kamalasan ang nangyayari tapos may paganito bigla, iniisip ko tuloy maski na bawal ang mahalaga kasama ko ung taong nagugustuhan ko at ang buhay na pangarap ko. “ hahaha…okay enough na, tama na yang waley mong joke” ngumiti siya. “ I love you” out of the topic niyang sabi, ngumiti ako. “ I love you too” lumapit siya saakin at hinalikan, ginantihan ko ang halik niya para mas lumalim ang halikan namin. “ hmm.. that’s so good” namula tuloy ung pisngi ko. “ you know what, lets finish this drink so that we can go home” tumango ako at naki pag cheers. Ung sinabi niyang finish, hindi naman totoo dahil umorder pa siya kaya heto tamado kami. Nahihilo tuloy ako na parang nasusuka. “ were here finally” nauna na ako sakanyang humiga sa sofa, hinimas ko ang ulo ko para maibsan man lang ang hilo ko. “ mmmm… ano ba yang ginagawa mo” minamasahe niya din kasi ako sa paa ng alisin niya ang sapatos ko. “ just relax” nakaka relax nga naman ung masahe niya pero habang tumatagal ay paitaas na siya ng paitaas. “ brent” mahina kong suway. “ lets get our relationship into the deeper stage olivia” kumunot ang noo ko, inimulat ko ang mata ko na bumungad saakin ang mukha niya. “ lets make it” bumilis bigla ang tibok ng puso ko. “ hindi ba masyadong mabilis??” tanong ko. “ olivia were already in fast kaya tuloy tuloy na, don’t worry ill be gentle” alinlangan akong tumango. Inalis niya ang damit ko ng dahan dahan, matapos iyon ay hinalikan ang balikat ko ng mumunting halik. Nagulat pa ako sa bigla niyang pag pisil ng aking dibdib, nanginginig tuloy ang katawan ko. “ Relax and enjoy it” ipinikit ko ang mata ko at nilalasap ang bawat ginagawa niya sa katawan ko Hinalikan ako sa leeg painaba sa dibdib ko habang ung isa ay hawak niya, matapos niyang himasin ay napa dako naman sa pang ibabang parte ang kamay niya. Hinimas himas niya na nagugustuhan ko ang ginagawa niyang iyon. HInihimas niya habang nilalapang ang aking dibdib, salitan niyang ginawa at padiin ng padiin para makaramdam ako ng kakaiba at init ng katawan. Nagsawa na siya sa dibdin ko, isinunod naman niya ang pusod ko. Hinalukay ng kanyang dila hanggang pumaibaba siya para mapa pitlag ako, hinawakan niya ang kamay ko. Dinampian niya ng mamunting halik ang pisngi ng aking gitna para mag hatid ng kakaibang kuryente. “ breeennnnt” bulong ko. “ enjoy it my mistress” sagot niyang bulong.

 

 

CHAPTER 23: Investor

OLIVIA

 Ung tatlong araw naging isang buwan na bakasyon, kung tutuusin kulang pa pero dumating na daw sa pinas ung investor ni brent kaya need niya ng bumalik. “ so anong plano mo for today?” tanong niya. “ maghahanap ako ng place para sa plano nating cake shop” handa kasi siyang pumunda sa gusto kong business at noong bata pa ako gustong gusto ko na magkaroon ng cake shop kaya iyon ang sinabi ko. “ okay… ikaw na ang bahala, sabihan mo na lang ako” tumango ako at ngumiti. “ mauna na ako” dinampian niya ako ng halik. “ ingat” nag lakad na siya palabas. Mabilis naman akong pumunta sa kwarto para maligo at mag palit, excited na akong mag hanap para sa cake shop namin. Madami akong pinuntahan na pwede kong pag simulan pero nakukulangan ako, may hinahanap ako. “ hi… ako ung nag inquire about sa shop na ito” sabi ko sa naka talikod na babae, humarap siya at nagulat ako si nancy. “ mmm… hi im the owner” pagtataray niya. “ ibang iba kana… iba din kung makaalaga ang asawa ko” tumingin ako sa paligid, naagaw niya ang atensyon ng iba kasi malakas ang pagkakasabi niya. “ andito ako para sa shop” pang iiba ko. “ aba may pera kana din??? Iba talaga ang asawa ko mang sustento!” hindi ako komportable sa mga tingin nila. “ shy??? Talaga lang olivia??? Kakabit kabit ka tapos mahihiya ka sa kagagawan mo? Don’t be shy, you should be proud of to be a mistress!!” “ so… you want the shop? Tell to my husband na siya ang kakausapin ko at hindi ikaw or puntahan na lang niya ako sa bahay namin eksaktong alas nuwebe ng gabi” ngumisi siya. “ hindi na kasi busy siya sa oras na iyon, I mean busy kami sa oras na iyon” inirapan ko siya, lumabas na ako at bumuga ng hangin. Umuwi na lang ako…nawalan ako ng gana dahil sa nangyari, naka tanaw ako sa garden namin habang nagkakape. “ bakit malungkot ang mahal ko?” niyakap niya ako mula sa likod. “ nagkita kami ni nancy” hinarap niya ako. “ anong sinabi niya? Sinaktan kaba niya?” tanong niyA, umiling ako. “ sakto kasing sakanya ung tinatanong ko sa shop kaya ayon” napa pout ako. “ pinahiya ka niya??” tumango ako. “ sabi pa nga niya kung gusto mo daw ung shop puntahan mo siya sa bahay niyo ng eksaktong 9pm” sumimangot ako. “ tsk…bakit ko siya pupuntahan, busy na ako sayo don” ngiti niyang sabi. “ madami ka pang mahahanap na mas magandang shop, okay??” tumango ako, dinampian niya ng halik ang noo ko. “ kumain kana?” umiling ako. “ tara kain na tayo” BRENT “ sir nakiki pag usap na si mam nancy tungkol sa pag turn down sa mga investors at shareholders ng kompanya” tinignan ko si diego. “ madami na ba siyang nakakausap?” “ nasa kalahati na siya” napakuyom ang kamao ko, ang bilis niyang gumalaw pero syempre hindi ako uupo dito para mag patalo. “ mag patawag ka ng emergency meeting sa lahat” mabilis na gumalaw si diego. BLAG!!! Nagulat pa ako, si benjie lang pala. Lumapit siya saakin at kinuwelyuhan ako, tinignan ako ng galit na galit. “ bakit! Bakit si olivia pa huh!!!” inalis ko ang pagkaka kuwelyo niya saakin, inirapan ko sabay upo. “ para ka namang inagawan ng candy sa reaksyon mo, benjie kasal ka tandaan mo” “ kasal ka din”mabilis niyang sagot. “ hindi ko mahal si nancy at---” “ hindi rason kung mahal mo o hindi, pinakasalan mo kaya panindigan mo!” galit niyang sabi. “ I am… were still married, see pinaninindigan ko?” ang sama ng tingin niya saakin. “ is that how you want?? Ang gawing kabit pang habang buhay si olivia?? If you love her then why don’t you leave nancy?!!” ngumiti ako. “ why would I kung mapapakinabangan ko pa siya?” napailing siya. “ isa kang dakilang user brent!!! Binabalaan kita huwag mong idamay si olivia kaya itigil mo na ito kung hindi---” “ ano gagawin mo? Tataluhin mo ako??” “ hindi mo alam kung anong sakripisyo ang ginawa ko para sayo!!!” kumunot ang noo niya. “ kung alam ko lang din na ganito ang bagsak mo sana umangal ako noon pa para sana natupad ko ngayon ang pangarap ko” dagdag ko pa.  “ what??” bumuga ako ng hangin. “ why don’t you asked papa, alam niya naman ang tungkol saatin. Kung bakit saakin napunta ang kompanya at lalo na ang deal ni lolo tsaka ni nancy” hindi siya uminik at mabilis na umalis, dapat lang naman na malaman niya na. “ sir with in an hour darating na sila” tumango ako. THIRD PERSON Nag handa na si brent para sa meeting niya sa mga investors at shareholders, dumating na ang oras kaya pumunta na siya sa conference room. Tumayo siya sa harap nilang na taas noo, may sinenyas ito para ibigay sakanila ang isang papel. Lahat ng mga ito ay gulat na gulat, ngumisi si brent. Lahat sila ay hindi nakaimik at hindi maka paniwala sa nakikita nila sa bawat papel na binigay sakanila. “ what do you want?” tanong ng isa. “ alam kong may nakausap na dito si nancy to drop your contract to me” may mga ibang yumuku, ung iba naman tinignan ang kasamahan nila. “ manatili kayo sa kompanya ko at traydorin si nancy, ako ang bahala sainyo” sabi niya ng buong determinasyon. “ kaya mo na ba ang asawa mo??” tanong naman ng isa. “ hindi ko kayo ipapatawag kapag hindi, noon aminado ako na mahina pa ako pero ngayon hindi na. I can drop her company in a single snap” nagbubulungan sila at hindi makapaniwala. Umalis na si brent at bumalik sa opisina niya, dumating naman si diego. “ ipabantay mo sila, siguraduhin mong walang babaliktad sakanila” tumango si diego. Its my time to show nancy na hindi lahat ay sakanya aayon, hindi lahat ay siya ang nanalo. How many years akong nagtiis.

 

CHAPTER 24: Busy

OLIVIA

 Sobrang busy ni brent, laging madaling araw siyang umuuwi. Sabi ko sakanya baka naman pwedeng mag pahinga siya pero sabi niya kailangan niyang mag trabRaho para saakin, kaya heto ako naisipan kong puntahan siya sa kompanya niya at dalhan sila ni diego ng pagkain. “ go on… eat all you can” napa hinto ako si nancy, nagpapakain sa empleyado ni brent. “ mam ang swerte naman ni sir sayo, masarap na nga mag luto mabait pa” ang lawak ng ngiti ni nancy. “ kung ako kay sir hindi na ako maghahanap pa ng iba” sabi naman ng isa. “ ay naku hindi niyo masasabi sa panahon ngayon, may mga ibang babae diyan na gagawn ang lahat makuha lang ang gusto” sabi naman ni nancy sabay tingin saakin, napansin niya pala ako. “ what are you doing here?” si brent at diego, lumapit si nancy at niyakap siya sabay dampi ng halik na agad naman inilayo ni brent ang sarili. “ napaka mahiyain mo parin hubby” may pahampas pa si nancy. “ olivia come with us” tinignan ako ng mga empleyado niya, nag lakad ako pero bigla na lang nasa harapan ko na si nancy at sinampal ako ng ubod na lakas. “ have some dignity you wild cat!” “ nancy!!” lumapit saakin si brent. “ im going to sue you both!!! Akala mo mananahimik lang ako?!” galit na sabi ni nancy “ then im going to file a case too against you, for killing my lolo” nanlaki ang mata ko, tinignan ko si nancy na namutla. “ don’t try me nancy dahil hindi mo pa alam kung ano kaya kong gawin” hinila niya ang kamay ko papaalis sakanila, tahimik lang kami sa may elevator hanggang pumasok sa opisina niya. “ bakit hindi mo sabihin na pupunta ka dito?!!” nagtaas siya ng boses “ dadalhan ko lang kayo ng food ni diego, maaga ka—” “ were eating olivia… okay kami kaya don’t waste your time” inis niyang sabi. “ sorry… hindi na mauulit” inirapan niya ako. “ aalis na ako, heto paki tapon na lang” inilapag ko sa mesa niya ung dala kong pagkain nila, tumulo na lang ang luha ko Nasampal na nga ako, napasama pa ako. Concern lang naman ako dahil hindi siya kumain nong umaga tapos huwag akong mag aksaya ng oras, aba hindi naman siya basta basta na tao kaya paglalaanan ko siya ng oras! Naglakad ako ng mabilis habang papalayo sa kompanya niya ng maka bunggo ako, humingi ako ng sorry at nag patuloy nag lakad ng may humablot sa braso ko. “ benjie” “ ang sakit ng balikat kong binuggo mo” ngiti niyang sabi. “ baka gusto mo magkape pang palamig ng ulo??” yaya niya, tumango ako.-- “ you love him??” tinignan ko siya, napaka seryoso niya. “ niyaya din kita pero bakit siya ang pinili mo?” dugtong niya “ maski ako hindi ko alam benjie” sagot ko “ there is always a reason olivia, dahil hindi ka papayag kapag walanv rason” sagot niya, napa buga ako ng hangin. “ may rason man o wala tapos na kaya go with the flow” sabi ko “ kahit inaapakan kana??” tanong niya. “ pinili ko ito benjie kaya tiisin ko kung ano man ang mangyari” napailing siya. “ olivia andaming pwedeng sagot sa lahat ng problema, itong ginawa mo panandalian lang na kasagutan at dinagdagan mo pa ang problema mo” “ maaga pa olivia, I can give you a money to start a new habang hindi pa sira ang buhay mo” gusto ko sana pero paano naman ung mga perang nagamit ko at ginamit niya para kay lola at sa anak ni vince, hindi naman biro ang perang iyon at isa pa nangako ako mananatili ako sa tabi niya. “ salamat benjie pero huli na, andito na ako kaya ituloy tuloy ko na” sagot ko. “ olovia ito ba ang pangarap mo sa buhay ang maging kabit?? Olivia ano na lang ikukuwento mo sa anak mo? Hmmm? Na naging kabit ka??” “ ahm mauuna na ako, may kikitain pa ako” tumayo na ako at dali daling lumabas, oo alam ko naman na mali ito pero nahulog na ako kay brent tsaka paano na lang ung baby ko. Isa sa dahilan kung bakit ko siya pinuntahan at dinalhan ng pagkain ay dahil nalaman ko lang nong umaga na buntis ako, kaya heto ako pupunta sa ob gyne para I confirm kung hindi ako nagkakamali. Kung totoo man, huli na para umatras… ayokong maranasan ng anak ko ang buhay kong napaka hirap. Kung kaya ko naman mag tiis bilang kabit gagawin ko para lang maibigay ang magandang buhay para sa anak ko. “ miss olivia kayo na po ang sunod” -- BRENT Nasobrahan ko ata kanina kay olivia, pagod kasi ako naiinis ako dahil sa pinag gagawa ni nancy. talagang pilit niyang ibinababa ang kompanya, tumayo ako para umuwi na. kailangan kong mag sorry kay olivia, hindi ko syia dapat pinagalitan. “ manang” dali daling lumapit ang kasambahay namin. “ si olivia? “ tanong ko. “ simula nong umaga po hindi pa ho siya bumabalik” kumunot ang noo ko, kinuha ko ang phone ko para tawagan siya. Hindi niya sinasagot…mukhang masama pa ang loob niya sa sinabi ko, tinawagan ko uli siya ng napansing kong umuulan na. “ shit” Hihintayin ko na lang siya sa waiting shed, kumuha ako ng payong at lumabas para hintayin siya. Palakas ng palakas ang ulan pero wala parin siya tsaka magdidilim na, paulit ulit kong tinitiignan ung oras ko at naiinis na ako, saan ba siya nag punta!!! May humintong bus, si olivia… damit pa lang kilala ko na, pagkababa niya nagulat siyang andon ako. “ anong oras na, ngayon ka lang uuwi??” “ kanina ka pa??” pinagpag niya ung ulan sa damit ko. “ oo” tumango siya. “ tara.. gagawan kita ng hot choco” ngumiti siya ng tipid, nawala tuloy ung inis ko. Sa pag aasikaso niya saakin nakakawala ng pagod. “ payakap muna” niyakap niya ako ng mahigpit pero bakit umiiyak na siya?

 

CHAPTER 25: Pregnant

OLIVIA

 Maagang pumunta sa kompanya si brent, hindi ko pa siya nakakausap. Bumango ako na nahihilo kaya inihiga ko muna saglit, tumulo na lang ang luha ko. Babalik pa ako sa ob ngayon kaya need kong bumangon at maka pag almusal na, bumaba na ako at nadatnan si manang sa baba. “ halika na, pinagluto kita ng paborito mong almusal na cornbeef” ngumiti ako. “ salamat ho” kumuha na ako ng pagkain ko pero parang wala akong gana. “ iha may nararamdaman ka ba? Namumutla ka?” ngumiti ako ng tipid at umiling, sumubo na ako ng pagkain. Inubos ko naman ung pagkain ko, pumanik na ako para maligo at maka pag palit na. bago ako umalis ka nagsabi ako kay manang para kung hanapin ako ni brent. Nakarating na ako sa ob gyne, sakto naman na meron na ung doktor at nakita niya ako kaya pinasunod niya na ako sa loob. “ olivia pra-prangkahin na kita” kinabahan ako. “ lumabas na ang result mo at tama ako.. you have autoimmune disorder which a high risk and like what I said yesterday if you will not be treated… maaaring makunan ka” napa pikit ako, bakit naman hindi maalis alis itong kamalasan ko. “ gagaling po ba ako na hindi naapektuhan ang baby ko?” “ yes pero syempre dobleng pag iingat ang gagawin natin specially sayo momi dahil ikaw ang may dala niyan, sundin mo lahat ang bilin ko” tumango tango ako. “ ngayon nakakaramdam ka palang ng fatigue at mild skin rashes, momi pwede pang lumala iyan. Kapag nilagnat ka puntahan mo agad ako okay?? Bibigyan kita ng gamot.. huwag mong kalilimutan” tumango ako, andami niyang ibinilin saakin na dapat huwag kong kalimutan. Kapit lang baby, lumalaban si momi para sayo kaya please kapit ka lang, gagawin ko ang lahat para hindi ka mawala. Habang naglalakad ako nanghina ang tuhod ko, mabuti na lang napakapit pa ako. Napansin ko ung rashes sa kamay ko kaya tinakpan ko, maglalakad sana ako ng may papalapit. Si macy, huminto siya sa harapan ko. “ hindi ka ba kuntento sa pang aakit kay brent at pati si benjie ay inaakit mo? Ganyan ka pala, hindi marunong makuntento, naninira pa ng pamilya…. tsk how desperate you are” “ wala akong ginagawa sa asawa mo” sagot ko. “ talaga?? How about this pictures!” itinapon saakin ang mga picture na kasama ko si benjie. “ olivia kung pera ang habol mo sabihin mo saakin at ibibigay ko… kaya tell me” ganito ba ang tingin nila saakin ang mukang pera. “ 1 million?? 2 or 3??? Tell me para layuan mo lang si benjie” naikuyom ko ang kamao ko. “ hindi ko kailangan ng pera mo, sabihin mo kay benjie na huwag akong lapitan at para makuntento ka hinding hindi ko siya kakausapin” tumalikod na ako pero hinila niya ang braso ko. “ gawin mo ang sinasabi mo, hindi mo alam kung paano ako magalit baka pati ang lola mo idamay ko!” hinarap ko siya at hinawakan din sa braso. “ subukan mo baka makalimot ako na tao ka!” sinamaan ako ng tingin. “ itali mo ang asawa mo sa bahay niyo para hindi gumala gala” dugtong ko, nag lakad na ako palayo. Mabuti na lang may taxi akong napara agad, pagka upo ko pa lang pagod na pagod na ako. Nakauwi na ako sa bahay at andon uli si brent, mukhang kanina pa siya kasi may mga paper work na nasa harap niya. “ sabi ni manang umalis ka at maski saakin ay hindi ka nag sabi, ano ba ginagawa mo o sino ba ang kinikita mo?” lumapit ako at hinalikan siya sa pisngin. “ nag pa check up ako” kumunot ang noo Niya “ pa check up?? May sakit ka?? Anong sabi?? Sana sinabi mo at sinamahan kita, olivia im your husband kaya dapat nagsasabi ka” ang sarap naman pakinggan na asawa ko siya kahit hindi “ I have autoimmune disorder kaya heto meron akong mga rashes, tapos fatigue at soft joints kung minsan” niyakap niya ako. “ pupunta tayo bukas sa hospital para ipa tingin yan” umiling ako. “ naresetahan na ako ng gamot then sinabihan ako ng mga dapat gawin, relax magiging okay ako” tinignan niya ako. “ sure ka?? Kung pera ang inaalala mo olivia don’t worry about diyan dahil maski pinaka mahal na doktor payan I can pay it” ngumiti ako, ang suwerte ko at siya ang nagustuhan ko. “ brent hindi ka ba nahihiya na may kabit ka? Ang taas ng tingin ng empleyado mo sayo tapos may kabit ka pala” “ Hindi naman kita kabit… ikaw ung taong unang minahal ko at hindi kita itinuturing na kabit, always keep that in mind?” tumango ako, niyakap ko siya.  Hindi ko muna sasabihin na buntis ako, sasabihin ko kapag 3 months na ako. Kapag maginhawa na ang pakiramdam ko, gusto ko din siyang sorpresahin don dahil birthday niya iyon. Sinabi kong paglulutuan ko siya ng dinner, sobrang saya niya kasi hindi naman ako nagluluto pero paglulutuan ko siya at ung paborito niya pa. Kahit hindi niya sabihin, problemado siya sa may kompanya niya. Alam ko din na gusto niyang magkaroon kami ng quality time pero dahil nga sa ginagawa ni nancy nauubusan na siya ng oras kakaasikaso sa gulong ginagawa ni nancy. “ mm ang sarap niyan iha” ngumiti ako. “ sana masarapan si brent manang” “ Panigurado iyon iha” ngumiti ako. “ mmm… luto na??” lumapit si brent at sinilip ung niluluto ko “ wait lang… upo kana at ipaghahain na kita” tumango siya, uupo sana siya ng tumunog ang phone niya. “ hello? Shit what!!!! Sige pupunta na ako” “ ung kompanya nasusunog” sabi niya at mabilis na umalis sa bahay, nag tinginan kami manang. Gusto ko sana siyang samahan pero baka pabigat lang ako doon lalo pat may dala dala ako at ung sakit ko hindi ko kontrolado baka minsan bumigay ang pAa ko o mahilo ako, tinignan ko ung pagkain na niluto ko. “ tayo na lang kumain manang”

 

CHAPTER 26: Deserve

BRENT

“ is this how you play?!!!” ngumiti ng malawa si nancy. Next Page “ you deserve this… I already warned you na huwag kang gagawa ng ikakagalit ko” ngumisi ako. “ sa tingin mo babagsak ako ng ganun lang?? Hindi mo alam na mas---” “ ang pinagmamalaki mo ba ay ung investor mo na mayaman?? Huh! Sorry kana lang kasi baka ngayon nag crash na ang airplane kung nasaan siya so if I were you, come back to me and start a new happy family my husband” umigting ang panga ko. “ your too young para talunin ako, sa tagal ko sa ng may hawak sa kompanya andami ko ng pinataob” kinindatan pa ako. “ so anong plano mo??” tinignan ko siya ng masama. “ you cant control me anymore nancy” tumalikod ako at umalis na, sumakay ako sa kotse at pumunta sa kompanya. Hindi naman sunog lahat pero malaking pera ang mailalabas para maayos at paano pa ung mga stocks? Ung mga kontrata? Andaming mahahalagang papel na nasunog. “ sir kanina pa po tumatawag si olivia” “ Tell her na busy ako” focus na muna ako sa kompanya ko, dugot pawis ko ito kaya hindi ko basta pababayaan lang. Tinawagan ko ang lahat ng share holders at investors, madaling araw na at gising parin ako. Nasa kompanya ako na pilit inaayos ang lahat. Bumaba ako para umuwi saglit, maka ligo at mag palit ng damit pero habang naglalakad ako nakikita ko ung mga sunog na parte ng kompanya. Nanlumo ako, kahit pala ubusin ko ang pera ko hindi na din ako maka balik ng tulad ng dati. Nagsisimula pa lang ako, si nancy ay may paraan na para pabagsakin ako. Akala ko kaya ko na, akala ko kaya ko na siya pero ganito pa lang talo na niya ako, napa upo ako at iniisip kung anong gagawin ko. “ sir ang papa niyo nasa kulungan” tinignan ko siya. “ sa kasong rape” napailing ako at biglang pinagsisipa ang mga bagay sa harap ko. Pinuntahan namin siya, tinignan ko ang kalagayan niya na bugbog sarado. “ seriously…. Rape??” tanong ko sakanya. “ its was a frame up” seryoso lang akong naka tingin sakanya. “ frame up?? For what reason?” simula kasi nong nawala si mama kung ano ano na ang pinag gagawa ni papa. “ bakit kailangan ba ng rason---” “ hindi nila gagawin yan sayo kung wala kang ginawa sakanila” kinuwelyuhan ako ni papa, maski nasa kulungan kaya niya parin gawin saakin ito. “ pinagtanggol ko lang naman ung babae at ngayon jowa ko na kaya ung ex niya inis na inis saakin kaya hayan kung ano ano na ang ginagawa para lang malayo ako don sa ex niya” sabay bitaw saakin. “ wala akong ginawang mali” dagdag niya, tinignan ko si diego “ willing daw maki areglo sir” sumakit ang ulo ko, pera lang pala ang habol.  “ sige sabihin mo” tumalikod na ako. “ huwag mong sasabihin kay---” “ sinabi ko na” sakto naman na dumating si benjie, iniwan ko na sila para asikasuhin ung kaso ni papa. Natapos ko ng asikasuhin ung kaso kay papa at papalayain na siya, lumabas na ako sakto na andon na sila sa labas kaya nilapitan ko sila. “ umayos kayo dahil hindi laging andiyan ako para sulosyonan ang problema niyo” tinignan ko silang dalawa. “ wala naman akong ginagawang---” “ macy want an annulment with you kapag hindi ka pa titigil sa kahibangan mo kay olivia at ipapabayad ang lahat ng ginastos niya sayo” nanlaki ang mata niya “ pinapasundan kana niya matagal na kaya umayos ka, kayo” sabi ko, nag lakad na ako papunta sa may sasakyan ko. Nang maka pasok ako ay napa hilamos ako ng mukha, andami ko ng iniisip tapos sasabay pa sila. Inutos ko na dumiretso muna kami sa bahay at hintayin ako saglit dahil maliligo lang ako. Pagka pasok ko sa kwarto wala si olivia, lumabas ako at hinanap siya pero wala siya. Pumunta ako sa kusina at andon si manang. “ si olivia manang?” “ Hindi ko din alam iho… kahapon pa nga siya wala ang alam ko magkasama kayo kasi wala ka din, hindi ba??” umiling siya, kinuha ko ung phone at tinawagan ko siya pero hindi niya sinasagot.  Mamaya ko na uli tatawagan at maligo pa ako, natapos na ang lahat ng ginawa ko, nag hintay pa ako sakanya na imbes nasa kompanya na ako. tinawagan ko uli si olivia na saktong dumating siyang parang pagod na pagod. “ olivia saan ka ba galing?!” “ may---” “ olivia pwede bang huwag kang dumagdag sa iniisip ko?! Dahil kahapon ka pa wala at hindi ko alam kong saan ka hahagilapin wala akong magawa kundi mag hintay dito na dapat nasa kompanya ako!” naka tingin lang siya saakin. “ please stay here… kung may kailangan ka mag sabi ka lang kay manang hindi ung aalis ka tapos hindi sinasabi kung saan ka napupupunta” dagdag ko pa. “ brent may sasabihin---” “ what do you need money?? Here… aalis na ako” ibinigay ko agad ung pera sakanya tsaka ako umalis, andami ko pang hahabulin na mga investors. OLIVIA Naka tingin ako sa pera na binigay niya, hindi sa lahat ng bagay pera ang hinihingi . Kaya ako wala kahapon ay dahil nag stay ako sa clinic ni doc, hindi ko kasi maintindihan kong nilalagnat ba ako o hindi kaya pumunta ako sakanya at ayon nga dahil sa sakit kaya pina stay muna ako don para mabantayan niya, sinabihan din ako na sabihin ko na sa asawa ko para alam niya pero heto nga uli hindi ako nabigyan ng pagkakataon na mag salita. Maglalakad ako ng biglang nanlambot ang tuhod ko, napa kapit ako sa sofa. Nakita ako ni manang kaya mabilis na nilapitan ako. “ manang pwede mo ba akong tulungang umupo” tinulungan niya ako, hawak hawak ko naman ang tiyan ko. “ ano ba nangyayari sayo??” hindi ko na lang siya sinagot at nginitian na lang.

 

 

CHAPTER 27: Nancy

OLIVIA

 Nagdidilig ako ng halaman, matagal tagal ko na ding hindi naasikaso ito. “ iha meryenda kana muna” lalapit ako ng biglang nahilo ako. “ ay susmaryosep” buti nahawakan niya ako. “ ano bang nangyayari sayo bigla bigla ka na lang tumutumba” pinaupo niya ako. “ pasensya na ho” tinignan niya ako. “ Buntis ka ba iha?” “ Buntis ka?!!” nagulat ako, si nancy. Paano niya nalaman ung bahay ni brent dito?? “ iba ka din… manggagamit ka na nga at mapanira, magpapa buntis ka pa para todo anv hatak mo sa pera ng asawa ko!!!” tumayo ako “ buntis man ako o hindi, hindi ko ginagamit o pineperahan ang asawa mo” sagot ko “ then anong tawag mo sa ginagawa mo?? Kabit lang? Diba kaya nga kumakabit kasi kapos sa pera?? Don’t tell me na dahil nagmamahalan kayo?? Duh! Ang bilis naman agad kung ganun” ngiti niyang sabi. “ olivia kahit ano pang gawin mo your still a mistress, you will never be a legal wife lalo na kung ang pinapatos mo ay may asawa. Bata ka pa, may makikilala ka pang mga lalaki diyan na single” “ hindi ko sana sasabihin ito pero naaawa na ako sayo” “ Si brent ay pumayag na isalba ko ang kompanya niya kapalit mo” kumunot ang noo ko “ mas pinili ni brent ang kompanya niya kaysa sayo, mas mahalaga sakanya iyon kaysa sayo. Ano nga naman mapapala niya sayo? You don’t have money, you only have vagina na walang capital” tumulo na ang luha ko. “ me? I have!… every part of my body olivia, tandaan mo ito kapag wala kang pera aanhin ka ng isang tao? Sa lahat ng bagay sa pera umiikot” nanlumo ako, tama nga naman siya. Hindi ka mabubuhay kapag walang pera, totoo din naman lahat ng sinabi niya. “ don’t expect him na uuwi siya dito dahil sa bahay ko na siya uuwi… here take it para diyan sa bata at asahan mo hindi ko sasabihin na buntis ka kay brent” ngumiti siya ng malawak, binagsak niya ung hawak niyang pera sa harap ko. “ last olivia… may regalo ako sayo” isang cd, nag lakad na siya paalis. Kinuha ko ung cd at nilagay ko sa dvd player, kinuha ko ung remote at pag on ko nan lambot ang tuhod ko. Oo nga naman, ako na private part lang ang meron pero walang halaga habang si nancy meron. “ susmaryosep… si brent ba yan?? Jusko patayin mo!” kinuha ni manang ung remote at pinatay ung t. v Tinignan ko si manang at tumulo ang luha ko, niyakap ako ni manang. Ngayon ko lang napagtanto na, oo nga pala kabit ako at ung taong sinasabi kong mahal ko ay may asawa siya, kahit anong mangyari sa asawa niya siya uuwi.  Nanatili ako dito sa bahay ni brent at umaasang nagbibiro lang si nancy pero nasa harap ko ang ebidensya, nanunuod ako ngayon sa tv na masayang masaya silang binubuksan ang kompanya ni brent. “ mali na nga kasi ginawa ko pa, ayan kinakarma ka at nadadamay pa ang anak ko” tumulo na lang ang luha ko, pumanik ako sa taas para mag impake. Hinimas ko ang tiyan ko, humihingi ako ng tawad anak. Alam ko namang mali pero minsan talaga makakagawa ka ng malaking kasalanan sa buhay mo na pagsisihan mo sa bandang huli, magsisi ka man o hindi andiyan parin ang karma na naka akibat. “ talaga bang aalis kana??” tumango ako. “ wala na hong rason para manatili dito” sagot ko. “ meron yang dinadala mo, kay brent yan kaya---” “ manang okay lang… kaya ko” ngumiti ako. Niyakap ko si manang at nag lakad na ako papalabas pero humarap ako para sa huling sulyap, dito lang ako naging masaya. Ngayon haharapin ko ang tunay kong buhay nA noon ko pa pilit tinatakasan, anak bigyan mo ako ng lakas para kayanin ang mga pagsubok na ito. Nangupahan ako, may pera pa naman akong dala. Hindi na din ako pumupunta sa ob dahil malaki ang gastos kapag itinuloy tuloy ko pa, nag hanap na din muna ako ng part time na trabaho pan samantala habang hindi pa ako nanganganak. Kailangan ko mag ipon para sa panganganak ko. AFTER 6 MONTHS “ lumayas ka!!! Ilang buwan na ang palugit ko sayo tapos hindi ka parin nagbabayad!!!” dahan dahan kong kinuha ang mga gamit ko, tinatatagan ko ang sarili ko. Dahil sa sakit ko hindi ako nakakatagal sa trabaho at dahil narin buntis ako, tumulo ang luha ko. Ito na nga ang karma, bumuhos ang luha ko. Ginusto ko lang naman tumulong at hindi ko naman niloko ung tao kundi minahal ko pa nga kaya sana huwag naman ganito ka grabe maningil ang karma. Naglalakad ako at hindi alam kung saan pupunta, itong hawak ko na pera ay kulang para pang bayad ng isang buwang renta. Nanatili muna ako sa waiting shed at nag isip kung anong gagawin. Inilabas ko ang mga damit na binili saakin ni brent, kumuha ako ng latagan at doon inilagay. “ damit kayo diyan!” sigaw ko. “ damit kayo diyan mga branded at hindi pa nagagamit murang mura!!!” sigaw ko. Wala man lang lumalapit, panay parin ang sigaw ko pero hapon na wala parin. Magaganda naman ung damit at hindi gamit ung iba tapos ung iba minsan lang nagagamit. Napapikit ako ng kumulog, biglang buhos ng ulan kayA dali dali kong kinuha ung mga paninda ko pero napa upo ako, kung minamalas ka nga naman ngayon pa susumpungin ng sakit ko. Gumapang nalang ako para kunin ung mga damit, ipinasok ko sila sa bag pero na realize ko basa na sila. Basa na din ako, tumulo ang luha ko. Kaya ko pa, kakayanin ko kaya kahit hirap ako kinuha ko parin ung mga damit maski na basa dahil pwede parin itong ipatuyo. “ olivia??” napa tingala ako, ung doktor sa ob. “ basang basa ka… halika dito” tinulungan niya ako, siya na din nag buhat ng gamit ko.

 

CHAPTER 28: Doctor

OLIVIA

 Pinasakay ako ni doktora sa may sasakyan niya, binigyan ako ng jacket at pamunas. Matapos kong mag punas ay nagpa salamat ako sakanya. “ ano ba pinaggagawa mo doon? Bakit hindi kana bumabalik sa clinic?” nahiya tuloy ako. “ wala na akong perang pang pa check up doc” sagot ko “ olivia pwede mo naman sabihin saakin, tignan mo ang kalagayan mo ngayon. Punong puno ka ng rashes tapos umuulan, baka mapano naman ang baby mo” tinignan ko ang kamay ko, ang layo na ng itsura ko noon kaysa ngayon. “ tara na muna sa bahay total pauwi na din ako” nahihiya ako pero kailangan kong isipin ung anak ko, kaysa lamigin ako at maapektuhan siya lalo pat ang lakas ng ulan. “ be comfortable, okay?? Ihahanda ko lang ung damit mo at pagpapaliguan mo” ang gandan ng bahay niya. “ halika sumunod ka saakin” sumunod naman ako sakanya. “ heto ang damit, pasok ka doon para maka ligo ka. Pagktapos mo bumaba ka para kumain tayo, hihintayin kita” iniwan na niya ako, ginawa ko naman ang inutos niya saakin. Pagkalublob ko doon ko pa lang nakita na grabe na pala ang rashes ko, para na akong may sakit. Matapos kong maligo, napa tingin ako sa itsura ko. Naaawa na ako sa sarili ko, paano pa kaya sa anak ko kapag lumabas siya, anong ipapakain ko. Tumulo ang luha ko, sa umpisa lang pala masaya ang pagiging kabit at sa bandang huli puro pasakit na kapag iniwan ka at bumalik na sa legal. Kinalma ko ang sarili ko at inayos, bumaba na ako at hinanap ang kusina. Andon siya na nagluluto, wala siyang kasambahay?? Wala siyang kapamilya?? “ may kasambahay ako pero 3 times a week lang sila para maglinis, mag laba at kung ano ano pa. Kapag magluluto ako na bahala doon at syempre napansin mong wala akong kasama kasi mag isa lang talaga ako, namatay ang mag ama sa sunog at ang mga magulang ko ay hindi ko alam dahil iniwan ako” kuwento niya. “ you know what… ewan ko ko kung bakit sinasabi ko agad sayo at nagtiwala ako sayo” ngiti niyang sabi, natapos na siyang mag luto “ here… ubusin mo para lumusog si baby” ngumiti ako “ salamat po” umupo na din siya para kumain. “ iniwan din ako ng magulang ko sa inaakala kong kapatid ko na hindi naman pala, trinato niya akong katulong, taga bayad ng mga luho niya at taga sustento hanggang nalaman kong hindi pala niya ako kapatid” “ huminto na ako sa pag sustento sakanya at akala ko gagaan na din ang buhay ko dahil sa wakas wala na siya sa buhay ko pero hindi pa pala, nasa hospital ang anak niya. Nag makaawa saakin na tulungan ko siya, nagkataon din na nasa naghihingalo si lola kaya lumapit ako sa lalaki na nagyaya saakin na maging kabit niya” “hehe at heto po ako dinadanas ang karma sa ginawa ko” nahiya tuloy sa sinabi ko. “ walang naidudulot na maganda ang pagiging kabit, oo sa umpisa okay pero at the end of it ikaw ang masama, ikaw ang iiwan, at ikaw ang iiyak” pangaral niya. “ oo nga ho”  “ Ang bata mo pa at hindi kita masisi dahil iniwan ka ng magulang mo na dapat nasa tabi mo sila para tulungan ka, huwag mong sisihin ang sarili mo kung bakit naging ganun ang bagsak mo. Maganda ang hangarin mo pero sabi ko nga kahit anong gawin mo nasa mali ka parin” tumango tango ako. “ ano na balak mo ngayon??” “ Maghahanap ng trabaho, ibebenta ang mga damit ko—” “ dumito ka muna total wala naman akong kasama tsaka buntis ka, anlaki ng tiyan mo para mag trabaho at may sakit ka…. Dumito ka muna hanggang manganak ka, ako na muna bahala sayo” naka tingin lang ako sakanya, bakit ganun agad niya akong tinulungan. “ mag trabaho na lang ako sa clinic niyo doc bilang kabayaran ng pananatuili ko dito” ngumiti siya. “ hindi kita inoobliga na mag trabaho saakin pero sige, ikaw ang bahala pero huwag kang masyado magpaka pagod lalo na sitwasyon mo ngayon” “ salamat po, salamat talaga” niyakap ko siya, kahit pala sa kabila ng ginawa ko may matatanggap pa akong good karma. Akala ko buong buhay ko ng mararansan itong karma ko. Kinuha niya lahat ng gamit ko at inilaba, pinag pahinga niya ako matapos uminom ng gamot. Nagpapa salamat ako na meron pa siyang handang tumulong saakin kahit hindi niya ako kilala, kung mabuti ba ako o masama. Pinag pahinga niya muna ako ng isang linggo bago ako tumulong sa clinic niya, napaka bait niya. Hindi mo makikitaan na panlabas lang ang pag tulong niya saakin. Gaya ng usapan namin tumulong ako sa clinic niya, hindi naman mabigat ang trabaho at nag eenjoy ako habang natutu dahil minsan tinuturu niya saakin ang mga dapat kong malaman. Binigyan niya din ako ng libro na baka magustuhan ko at binabasa ko iyon para may alam ako sa ginagawa ko at para narin maka tulong ako sakanya pag kinakailangan.  “ kain na muna tayo” tinulungan ko siyang ihanda ang pagkain. “ doc nasa kalahati na ako sa libro na ibinigay niyo, ang ganda” ngumuti siya. “ bihira lang ang ganyan na nagugustuhan magbasa ng libro, mas gusto nila kasi in actual” sagot ni doc risa. “ flash report: Sa mga nakakakilala sa taong to sa nakakita, ipag alam sa otoridad agad” nanlamig ang buong katawan ko, ako kasi ung nasa t. v. “ Nakalimutan kong tanungin, sino ang ama ni baby?” tanong ni doc. “ brent salcedo po” nanlaki ang mata niya, tumayo siya at may kung anong kinuha “ kung ganun ang tinutukoy niya dito ay ikaw” may ipinakita siya na dyaryo saakin. Litrato ko na hinahanap niya ako, magbibigay siya ng pera kapag may nag bigay ng impormasyon. Kinakabahan tuloy ako, hinahanap niya ako baka kung ano ang gawin saakin. “ sa bahay ka muna, hindi natin masabi kong nakilala ka ng mga naging client natin” tumango ako.

 

CHAPTER 29: Time

BRENT

“ any news???!!!” umiling si diego, napa buntong hininga tuloy ako. Next Page Nalaman ko ang mga sinabi ni nancy kay olivia, sinabi ni manang saakin ng umuwi ako at napanood niya din ung video namin ni nancy. Oo may nangyari para mag tigil na si nancy, kapalit non na tigila na niya ako, annulment at bayad na ako sa lahat ng utang na ano mang sinisingil niya. Matapos may mangyari saamin pinirmahan na niya ang annulment paper namin tapos kasulatan na wala na akong pagkakautang sakanya at simula din ng araw na iyon saakin na ang kompanya, inilipat niya na saakin ang ownership ng kompanya. Pumayag ako sa gusto niyang iyon para maging malaya ako at maging legal na si olivia, hindi ako umuwi ng isang linggo dahil inasikaso ko ang kompanya para kapag okay na ay si olivia naman ang aasikasuhin ko, hindi na ako naka pag paalam pa kay olivia na ganun. Hindi ko naman aakalain na may balak pala si nancy na ganun, kaya nag labas ako agad ng litrato niya para hanapin dahil dala dala niya ang anak ko. Hindi ko maipaliwanag nong nalaman kong buntis siya at naalala ko na may sakit pa pala siya. Kaya ipina dyaryo ko na, hindi ko alam kung kamusta na sila ng anak ko. Tinanong ko vince kung bumalik sa bahay nila pero wala daw, wala na akong alam na pupuntahan niya. Ang huling naisip ko ay ang lola niya pero ni minsan daw hindina siya kumontak nong napa gamot na niya ang lola niya. “ ikaw na bahala iho, pasensya na kung wala kaming maitulong” pumunta ako sa probinsya ni olivia. “ okay lang ho…dibale at gagawin ko ang lahat mahanap lang sila, mag ingat ho kayo dito” tumango siya. “ kapag nahanap mo, pwedeng pakisabi na humihingi ako ng paumanhin” tumango ako at sumakay na sa kotse, napa sandal ako sa upuan ko at napa pikit. “ nasaan kana ba olivia… 9 months na at baka nanganganak kana ngayon” bulong ko sa sarili. Bumalik na ako sa city, dumiretso sa kompanya na walang pahinga. Pagka pasok ko sa opisina bumungad saakin si benjie na problemado. “ what?” tanong ko. “ may nalaman kana ba kung nasaan si olivia?” tinignan ko siya. “ alam ba ng asawa mo na andito ka at tinatanong mo si olivia ?” tumayo siya. “ concern lang ako, kung alam ko lang na papabayaan mo sana itinanan ko na lang siya” napa ngisi ako “ kaya mo ba siyang ipagtanggol kay macy?? Macy is more deadly than nancy, so kaya mo? Sarili mo nga hindi mo maisalba sakanya si olivia pa kaya and don’t worry ginagawa ko naman ang lahat para mahanap siya” “ focus on your life men… solve your problem first before others” yumuko siya. “ I don’t know… I don’t know how to fix it... i don’t know how to handle her” napa sabunot siya ng buhok niya, tsk! Sabi na eh, itsura niya pa lang kanina. “ start forgetting olivia that’s the key benjie… olivia is already mine and shes having my baby, tumigil ka sa kahibangan mo sakanya at titigil din si macy sa pagseselos niya” tinignan niya ako. “ mahal ko ung tao” natawa ako. “ sino si olivia?? So si macy hindi?? Nahumaling ka lang kay olivia dahil mabait siya at hindi mo siya mahal, ang mahal mo si macy kasi kung hindi sana hindi ka namomoblema dito kung paano mo siya pakikisamahan at sosolusyonan” natigilan siya. “ its not love benjie… if I were you, you should fix this already while its not too late” nanlumo at napa isip sabay buga ng hangin. “ ill try my best but you should find her” turo niya saakin, tumango ako. “ I will, she’s the one” sagot ko. Umalis na siya, saan ba kita hahanapin olivia. Umupo ako at tumingala, mapa t. v at dyaryo ay ginawa ko na pero wala parin ang akong balita sayo. Bakit…bakit ayaw mong mag pakita?? Akala ko ba mananatili ka sa tabi ko? Bakit umalis ka ng hindi kinaklaro ang lahat. Mali ang ginawa ko pero maganda naman ang hangarin ko, para naman sayo at para narin hindi tayo mamoblema pero bakit nakinig ka kay nancy, bakit naniwala ka at nagduda na hindi man lang iniisip na may rason. OLIVIA “ sige ere!” “ Hmmmmmmmm hhmmmmmm!!!!!!” todo habol ako sa hininga ko. “ huwag mong putulin, habaan mo pa lalabas na si baby” utos ni doc. “ ahm!!!!!!!” narinig ko na ang iyak ni baby, grabeng paghahabol ng hinga ang ginagawa ko. “ congratulation it’s a girl olivia” ngumiti ako. Pagkatapos kong makita ay nawalan na ako ng malay, narinig ko pa ang pagtawag ni doc saakin. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na tulog. Nagising na lang ako na nasa kama na ako don sa bahay ni doc, bumangon ako.  “ gising kana” saktong pumasok si doc karga ang baby ko pero bakit ganito ang buhat niya. “ doc hindi ba nahihirapan ang anak ko sa pagbuhat mo?” natawa siya. “ ano ka ba… apat na buwan ang anak mo, kayang kaya niya ng buhatin ang ulo niya” nanlaki ang mata, apat na buwan?? “ tama… apat na buwan kang walang malay” “ pero bakit po? Anong rason?” tanong ko. “ epekto ng sakit mo, habang wala kang malay ginagamot kita at kasama narin anf pag alaga ko sa anak mo… diba baby” ngumiti ang baby ko. “ kaya mo bang bumangon para makakain na tayo?”tumango ako. Bumaba na kami, may kasambahay na dito sa bahayni doc. Inasikaso ako, pinaupo ako at lumapit si doc tsaka ibinigay saakin si baby. “ hello baby” bungad ko, nanginginig pa ang kamay ko habang bubat siya. “ ang ganda ng anak mo… kasing ganda mo” nginitian ko si doc. “ ano ipapangalan mo?” tanong niya. “ rizzi… akma sa pangalan niyo ho, dahil kung hindi sainyo malamang wala na kami” sagot ko, niyakap niya ako ng mahigpit “ dito na kayo, huwag na kayong umalis”

 

CHAPTER 30: BREN him

OLIVIA

2 YEARS AFTER

 “Low-la… lowla waaaaahhhhh!” napapapikit ako sa lakas ng iyak niya. “ rizzi naman may trabaho si tita” sabi ko habang karga karga ko siya, ang tinutukoy niya kasi ay si doc rissa. Napalapit na kasi ung anak ko sakanya at talagang parang apo na niya sa pag trato habang ako ay parang anak niya. “ lowla!!!!!” nag trantum na, napa buga na lang ako ng hangin. “ okay stop na… pupuntahan na natin siya” tumigil naman siya, hayyy grabe. Pinasakay ko na siya car, daan muna kami ng makakain bago siya puntahan baka din kasi hindi pa kumakain si tita. “ baby bilhan muna natin si lowla ng food okay?” “ Amm” “ Yes amm baby” Dumaan nga muna ako ng pagkain ni tita, iniwan ko saglit si baby sa car dibale at saglit lang naman ako tsaka sa harap lang ng car ung bilihan. Patingin tingin ako sa may car habang nasa loob, ayan sunod na ako. “ mocha cake please” inayos na ung order ko at nag bayad na, palabas na ako ng may naka palibot ng pulis sa sasakyan ko. “ excuse me, something wrong?” tanong ko. “ may nang iwan kasi ng anak nila sa car, mabuti na lang nakita siya ni sir” turo niya sa lalaking naka talikod na may hawak na phone. “ im her mom at sumaglit lang ako, wala pa akong 10 minutes na wala” paliwanag ko. “ ay kayo po bA” lumapit ako sa sasakyan at binuksan. “ naku delikado po kasi ung---” “ reckless” napa tingin ako sa nag salita, nanlaki ang mata ko. Si brent na naka tingin saakin. “ narinig mo naman diba?! Saglitan lang ako” tumaas agad ang boses ko. “ even though, madaming pwedeng mangyari” kalmado niyang sagot. “ ah mam next time na lang paki dala na lang si baby para narin sa safety” singit ng pulis “ okay… sorry sa istorbo” ipinasok ko na ung cake sa loob. “ pasensya na uli, mauna na kami” dagdag ko, hindi ko naiwasan na tignan si brent bago sumakay sa kotse. Pagdating namin sa clinic tahimik ako, mabuti na lang kukunti na lang ang patient ni tita. Umupo muna ako habang si rizzi ay pumunta na sa lola niya. “ olivia” “ olivia” “ olivia!” napa tingala ako. “ tita? Bakit po?” kumunot ang noo. “ kain na tayo??” tinignan ko ung clinic, nawala na ung mga tao. “ kanina pa ako tapos, naayos ko na ung pagkain natin at kanina pa kita tinatawag pero tulala ka diyan. Ano nangyayari sayo?” tumulo ang luha ko. “ si brent nakita kami tita” hindi siya naka imik.  “ baka nasundan kayo??” umiling ako. “ kanina pa sana siya kung nasundan kami tita” napa buga siya ng hangin. “ what if mag out of town tayo?? May offer saakin at hindi pa ako nakaka pag desisyon, what do you think?” napa isip ako. “ I pro-process ko agad ang papers niyo” dagdag niya. “ sige po tita” “ ako na bahala, halika kana at kumain na tayo” tumango ako. Nauna kaming umuwi ni rizzi kasi aasisuhin na ni tita ung papers namin, naka usap naman na niya ung nag offer sakanya at mag sabi lang siya kung okay na ang lahat. Habang nag iisip ako biglang nag iba ung takbo ko kaya iginilid ko muna ung sasakyan ko. “ ugh! Flat pa” tumawag ako ng vulcanizing at mga 30 minutes pa sila darating. “ baby wait muna natin ung mag aayos ng gulong ha” “ opo” kinarga ko muna si rizzi, inaantok na kasi siya at need niyang kargahin kapag inaantok. “ hummmmm hmmmm hmmm” kinakantahan ko para makatulog siya pero ang init, maaraw kasi at ala una pa lang kaya masakit ung araw. Hindi ko pwedeng iloob sa kotse ung anak ko kasi iiyak naman kapag ganitong antok na. “ ma hot” pinaypayan ko, jusko wala pa namang pagsisilungan. BEEP BEEP BEEP May humintong sasakyan, sumilip siya. Si brent, kung pinapalad ka nga naman. “ get in, mainit” umiling ako.  “ get in! Kawawa ung bata” dagdag niya. “ ayaw niyang nasa loob ng sasakyan kapag natutulog” inis kong sagot, iginilid niga ung sasakyan tapos may kinuha. Lumapit saamin na may dalang payong, binuksan niya ung payong at pinayungan kami. “ thank you mr. Guy” sabi pa ng anak ko. “ did you call the vulcanizing??” tumango ako. “ okay then, lets wait” naka tingin lang ako sakanya na naarawan habang kami ay naka payong. Tahimik lang kaming hinihintay ung mag aayos ng gulong, naiilang ako kasi nadidikit ako sakanya at nabibigatan na din ako. “ I can carry her” hindi ako umimik. “ olivia nahihirapan kana, let me carry her at ikaw ung mag payong saamin” ibinigay niya ung payong at kinuha niya si rizzi, tulog na ung anak ko. “ come back to me, you both” seryoso niyang sabi. “ Don’t hide it anymore, I have the right to my baby olivia” ang bilis ng tibok ng puso ko. “ about what happen between me and nancy, inaamin ko may nangyari pero may kundisyon iyon olivia,. Kapalit non ang kalayaan ko at pumayag ako para sayo, gusto kong maging legal ka para hindi ka nasasaktan kapag sinasabing kabit ka” “ olivia its all up to you…bumalik ako pero umalis kana, sa inis ni manang saakin nilayasan din ako. Olivia come back to me, I need you both to complete me” paliwanag niya. “ bigyan mo ako ng panahon para maka pag isip brent” sagot ko. “ olivia…may anak tayo, ibigay mo naman sakanya ang kompletong pamilya na hindi natin naranasan… I hope you consider that” hindi na ako umimik at hinintay na lang ung mag aayos ng gulong. Mayat maya ay dumating na mag aayos, mga ilang minuto ay okay na. Kinuha ko na si rizzi kay brent, tinignan niya ito at hinaplos sa kanyang buhok. “ I hope I see you again my baby” hinalikan niya sa noo, tinignan niya ako. “ ingat kayo” tumango ako.

 

CHAPTER 31: Maturity

BRENT

“ hindi namin makita sila sir” napa awang ang labi ko. Next Page Hinabol ko sila sa aiport, akala ung panahon na hinihingi niya ay mga isang linggo lang pero bakit umalis sila?? “ sir wala na sila, naka alis na ung eroplano” napa hilamos ako ng mukha. “ ahhh!!!” sigaw ko, bakit naman inilayo saakin!!! “wahhhh!!” sigaw ko uli sa airport, wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ako. “ sir” lumapit ang mga tao ko, sumalampak na kasi ako sa sahig sa pagka dismaya. “ mag book ka ng flight dali!” utos ko kay diego. “ sir paano ung mga investors bukas??” tanong niya. “ wala na akong pakialam! Ung anak ko ang mahalaga saakin” sagot ko, naka tingin siya saakin. “ sir kung mawawala ang investors, unti unting malulugi ang kompanya” napa sabunot ako sa buhok ko, naulit nanaman. Kompanya over sakanila! “ hayaan mo na ang kompanya…hayaan muna” dismaya kong sabi. “ gusto kong makasama sila, gusto kong makompleto kami…. Hayaan mo ng malugi ako at maubos ang pera ko basta makasama ko lang sila” bulong ko sa sarili habang nakayuko. “ anong ipapakain mo sakanila sir kung wala ka ng pera?? Sir lumayo lang sila, babalik at babalik sila…. bakit hindi mo muna hayaan na habang lumilipas ang panahon nag papakayaman ka naman para pag balik nila ay maibibigay mo ang lahat sakanila” “ sir babalik siya kung mahal ka niya at pwedeng pwede niyo parin siya ipahanap, hindi basta basta na lumipad ka sa bansang iyon ay nahanap mo na sila…. Sir walang imposible kapag ang dalawa ay para sa isat isa” tumango tango ako, oo nga naman tama siya. Masyado akong nadala sa nararamdaman ko. “ marunong ka palang mag salita” napa ngiti siya. “ ngayon lang sir” sagot ni diego. “ sir ibigay mo lang ung panahon na hinihingi, ang mahalaga pag balik nila ay naka ipon kana at kaya na silang ipaglaban” tumayo ako, tinignan ko siya at tumango. Nag lakad na ako palabas, hahanapin ko parin kayo olivia. BENJIE Nalaman kong umalis sa bansa si olivia, iyon siguro ang naisip niyang solusyon ang bigyan ng panahon ang lahat. Maski ako ay kailangan ko ng panahon na buoin uli ang pagmamahal saakin ni macy na nawala dahil sa kagagawan ko. Kahit magalit siya saakin araw araw ay titiisin ko, kung ayaw niya akong patabihin sakanya ay okay lang. kung ayaw niyang pag trabahuin ako, okay lang. lahat ng gusto niya gagawin ko, gaya ng ginagawa ng kapatid ko na hinahanap parin ang taong ayaw mag paghanap.  MACY Hindi naman nawala ang pagmamahal ko kay benjie, ipinaparamdam ko lang na nag kamali siya at tinuturuan ko lang ng leksyon. Hindi ibig sabihin na hihiwalayan ko siya, hindi ako ganun dahil mahal na mahal ko si benjie kahit nagkaroon siya ng pag tingin kay olivia. May pagkukulang ako noon, aminado naman ako at masyado akong selosa tsaka over the boundary na kaya ung mga kakulangan ko nakita niya kay olivia, wala ka namang makikitang mali kay olivia dahil napaka bait niya. Inaapi na siya, tahimik lang. sobra ang naranasan niya para mag tulak sa maging kabit ni brent, hindi ko din masisi si brent dahil ng nalaman ko ang kuwento sa relasyon nila ni nancy ay maski ako siguro gaganon ako. Ang daling mahalin ni olivia kaya napamahal agad ni brent, si brent na akala mo walang puso dahil kung niya tratuhin si nancy. Iyon naman pala ay may ganung rason, naawa lang ako kay nancy kasi biktima siya ng galit sa lolo nila brent. Sa sesel nag umpisa, minahal niya ng sobra ang lolo nila para magawa ang kamaliang ito. Balita ko nga na umalis na siya ng bansa simula ng natapos ang kanila ni brent, makaka hanap din siya ng tamang lalaki sakanya…. Sana OLIVIA Its been 3 years after ng pag uusap namin ni brent…pauwi na kami sa pinas, naiwan si tita dahil next year pa matatapos ang kontrata niya, umuwi kami para buksan ang clinic ni tita. Nag aral kasi ako sa ibang bansa, iyon ang payo ni tita. Mag aral ako para may pundo ako sa sarili ko, para kapag walang pera may pinag aralan akong masasandalan. Maski hirap ako dahil andiyan si rizzi pero kinaya ko dahil para narin ssakanya Noong nasa abroad ako, may napapansin akong naka masid saamin, minsan naka sunod at meron ung time na gabi na ako nakauwi at napag diskitahan ako ng mga kano na lasing mabuti na lang meron ung lalaki na naka hood para ipag tanggol ako. Hindi na ako naka pag pasalamat nong araw na iyon dahil umalis din siya agad pero may naisip na ako kung sino iyon, kaya naging kampante na din ako na may nagbabantay saamin ni rizzi. “ mam sumama po kayo saamin kung ayaw niyong magkagulo dito” tinignan ko si diego, kalalapag lang namin sa eroplano may ganap ng ganito. “ pwedeng mag pahinga muna??” umiling siya. “ okay…. Rizzi were going to see your papa” ngumiti siya. “ papa is atat to see us” tumango ako. Sumama na kami kila diego, dumiretso kami sa kompanya ni brent… ang bilis lumaki ng kompanya niya, dati iisan building lang ngayon apat na at ang lawak lawak, ginalingan din niya. “ nagsikap siya mam para sainyo, para hindi mo daw siya iwan kung sakali” napa ngisi ako. “ hindi ko siya iiwan, binigyan ko lang ang sarili ko ng break at mukhang nakabuti din sakanya” sagot ko. “ hindi lang sakanya mam maski sa iba” alam ko na ang tinutukoy niya, “ nagkamali ako noon at kinarma ako ng panahon kaya lumayo ako, ayokong madaliin ang lahat tulad ng nangyari noon kaya sabi ko pag balik ko… handa na ako, handa na akong mag simula ng nasa tama” ngumiti siya. “ it take time for realization and if realization hits us…. were already in the right path”tumango ako at ngumiti. “ magseselos na ba ako sa moment niyo?” singit ni brent.

 

CHAPTER 32: New beginning

BRENT

 Hindi ko sila pinabayaan maski nasa ibang bansa sila, ginawa ko ang part ko bilang ama at asawa kay olivia. Simula ng nalaman ko kung nasan sila, agad ko silang pinuntahan pero hindi si olivia ang naka usap ko kundi ang tita risa niya. Kinausap ako na mas okay na huwag ko muna siyang guluhin at bigyan siya ng time para sa sarili niya, sinabi niya din ang plano niya para kay olivia at nagustuhan ko iyon. Siya din nag sabi na pwede ko siyang makita ang anak ko kapag wala si olivia. Kapag bumibisita ako binibigyan ako ng panahon ng tita niya, minsan sinusundan ko si olivia at hinihntay siya hanggang makauwi ng maayos. Ginawa ko din ang payo ng tita niya na mag ipon ako at magpayaman para narin sakanila. Buong buhay kasi ni olivia ay hirap ang naranasan niya kaya kung mahal ko siya, mag trabaho ako at ipakitang kayang kaya ko silang buhayin maski mamatay ako ay okay lang. Sabi niya din habang lumilipas ang panahon, dumadating din kami sa maturity na sabi nila. Kapag tinamaan na kami ng maturity, easy na lang na intindihin ang lahat kaya umoo ako sakanya. “ hindi mo man lang kami pinag pahinga” tinignan ko siya, yumuko at pinantayan ang anak ko. “ hi baby did you miss me” tumango siya. “ I thought you don’t love me anymore because your not coming to visit me” nag pout siya. “ that’s not true… I always love you, including your mom” ngumiti siya ng malawak. “ papa your not going to hide anymore to see mama” tumango ako. “ yeah your right” natawa kaming pareho. “ sabi ko na, ikaw nanaman ung parang adik na pasulpot sulpot o kaya naman namamsid sa tabi tabi nong nasa abroad ako” singit ni olivia. “ im just looking at you if your okay” sagot ko. “ as if you don’t know” dagdag ko pa, alam kong alam niyang nasa gilid gilid lang akak “ alam ko pero itigil mo na iyon baka mamaya niyang pagkamalan kang masamang tao lalo na dito sa pinas” tumango ako at ngumiti. “ hindi ko na gagawin dahil makakasama ko na ung taong palihim kong minamasdan at minamahal” hindi siya naka imik at namula na lang ang pisngi niya. “ ohhhh so sweet” singit ng anak ko. “ come here baby… what do you want??” binuhat ko siya. “ I want your company papa” natigilan ako tapos bigla siyang tumawa, napa tingin ako sa mama niya na naka ngisi. “ you will have my company when your already at the right age but for now, ill buy you a cake” tumango siya at niyakap ako. Namasyal kami at hinayaan si rizzi na mag laro ng laro hanggang napagod siya, buhat buhat ko siya habang nasa sasakyan kami. “ saan kayo?”tanong ko kay olivia, gusto ko sana sa bahay ko pero ayokong madiliin si olivia kung ayaw pa akong makasama. “ brent sa bahay mo na, nong nasa u. s kami lagi ka niyang hinahanap kay tita kahit hindi pa saakin sabihin. Ibibigay ko ung hinihingi mong kompletong pamilya, mag umpisa uli tayo ng nasa tamang panahon”ngumiti ako, sobrang saya ko. Ang tagal ko ding nag habol at hintay, tama nga naman ang sabi nila na darating din sa tamang panahon. “ thank you… forever??”tanong ko. “ forever” lumapit ako sakanya para halikan, pumikit naman siya. “ no papa” tumigil ako, naka mulat ung anak namin. “ papa is atat to kiss mama” natawa ko. “ come on baby, close your eyes” pumikit naman siya at dali dali kong dinampian ng halik si olivia. “ you may open” utos ko. “ me too papa” agad ko namang siyang pinanggigilan ng halik para makiliti siya. Sa wakas nabigyan din ng katarungan ang paghihintay ko, hindi man naging madali atleast dumating parin ung panahon para saamin. Mali man ang umpisa namin pero hindi ako nagsisi na ganun ang nangyari dahil kung wala iyon hindi ako matutu at maninindigan sa buhay. Sana kayo din…matutu tayong ipaglaban kung ano ang tama para saatin, huwag kayong sumuko kung nagkamali kayo dahil sa bandang huli maitatama niyo din ito. THE END

 

“ Mom…. Is this my dad?” turo niya sa picture ni brent. “ Yes baby” sagot ko. “ can I see him?? I want to hug him mom” ngumiti ako at hinarap siya. “ soon baby… when the right time comes” “ be patience baby… you will see him soon I promise” tumango ang baby ko. Soon baby…. Makikita mo din ang papa mo, kung hindi ko man naipaglaban ang pagiging kasal namin. Ipaglalaban ko naman ang karapatan mo bilang anak niya…. Be ready brent to your biggest mistake in your life.

  • Newer

    Be my Mistress

Post a Comment

0 Comments

Post a Comment (0)
3/related/default