Married to a Vampire( Ang asawa kong Bampira)

0


Married to a Vampire

Chapter 1. Eliha's POV: Habang nagtatrabaho ako as virtual assistant ay bigla akong hinila ng taong kinaiinisan ko. Dinala niya ako sa aking kulungan. Hindi ako bilanggo pero ganito ang aking buhay. "Tumakas ka raw kahapon?! Ano ang karapatan mo?" "Oo dahil gusto kong maging masaya at maging malaya pero pinagkait mo 'yun!" Kaagad siyang pumasok sa kulungan ko sabay sinampal ako. Ang sakit ng sampal niya kaya naman dumugo ang bibig ko. Nilagyan niya ng posas ang mga kamay ko. At nilagyan ng tali ang mga paa ko. "Hanggang kailan mo ba ako ikukulong?" Nagwawala na tanong ko. Tumawa siya nang tumawa, "Habambuhay! Dahil hindi ka makakatakas sa akin!" "Hindi naman ako katulad ng taong iniwan ka! I already graduated and got a job pero ayaw mo pa rin akong palayain! Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng sariling buhay at sariling pamilya kasama ang taong mamahalin ko!" "Mahal na mahal kita! Hindi p'wede na mawala ka sa akin." Sinabunutan niya ako sabay binuhusan niya ako ng yelo. Tumitig ako nang masama sa kanya, "Anong klaseng pagmamahal mayroon ka? Ang sama mo!" Ngumisi lang siya sabay nagsigarilyo. Gusto kong umiyak pero hindi ko ipapakita sa kanya na mahina ako. Umalis na siya. Kailan kong tumakas dito. Kaagad kong itinaas ang aking dalawang paa sa bakal sabay itinaas baba ko ang aking mga paa para maputol ang tali. Nang maputol ay kaagad kong kinuha ang piece of wire sa likod ng bulsa ng jogger pants ko para ma-unlock ang posas. Mayroon rin akong dala na martilyo na nasa bulsa ko kaya kaagad kong pinukpok ang kandado. Nagtagumpay naman ako pero pagkalabas ko ay sumalubong sa akin si Tita. Isa sa mga alagad niya. "Ano 'tong narinig ko na isa ka raw leader ng isang gangster group noong high school? Tapos mayroon daw kayong binugbog na isang gangster group din! Totoo ba?!" galit na tanong ni Tita. Yumuko ako dahil nalaman niya pa 'yun. "Kaya pala madali 'yang makatakas dahil gangster," madiin na sabi ni Dad na kararating lang. Siya ang taong kinaiinisan ko na palagi akong kinukulong. "Keysa naman sa 'yo, Dad, you're selfish. Hindi na ako magtataka kung bakit ka iniwan ni Mama! Kahit ako ay nadamay ng dahil sa 'yo!" Kaagad na lumapit si Dad sa akin sabay sinakal ako. "Wala kang alam, anak." "Tama na 'yan, Kuya! Huwag mo namang saktan ang iyong anak!" "Manahimik ka!" "Eliha, kaya ganyan ang Papa mo ay dahil sa mayroon siyang disorder!" sigaw ni Tita. Binitawan ni Dad ang leeg ko sabay si Tita naman ang sinakal niya. Biglang naging blangko ang aking isipan. Kaya ba mali ang ikinikilos ni Dad dahil mayroon pala siyang sakit? Binuhat ko ang bangko sabay pinalo ko 'yun sa likod ni Dad. Bigla siyang nahimatay kaya nabitawan niya si Tita. "Aalis na ako sa bahay niyo! Oo mayaman ang iyong Dad pero never again! Eliha, tanggapin mo ang susi na 'to for lock access. Library room 'yan na ipinagawa ng iyong ina. Buksan mo ang library, doon ka magtago dahil nasa underground 'yun. Mayroong maliit na pinto sa kusina, doon ka pumasok. At sana ay matuklasan mo ang katotohanan." Inabot niya sa akin ang isang susi sabay tumakbo siya nang tumakbo papalayo. Naawa ako kay Dad dahil wala siyang malay. Pero kailan ko siyang pagtaguan ngayon kaya pupunta ako sa library na sinasabi ni Tita. Previous Page Nakapasok na ako sa library. Nakakatakot at madilim kaya nagsindi ako ng kandila na nasa tabi ko. Bumungad sa akin ang mga ibat-ibang klase ng libro. Ngunit may mga libro ang pumukaw sa aking atensiyon from 1775 line. "Ang gusto ko lang naman ay maging malaya! Pero bakit pinagkakait ng aking ama?!" malakas na sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang aking luha na dumaloy. Nagulat ako nang may biglang nalaglag na isang libro mula sa 1775 line. Paano naman malalaglag 'yun? Samantalang wala namang hangin na pumapasok. Pero siguro ay daga ang may gawa. Bata pa lamang ako ay iniwan na kami ni Mama. At masakit din para sa akin ang nangyari. Kaya siguro may disorder si Dad dahil sa trauma na iniwan ni Mama sa kanya. Kahit ako ay may takot din na ma-inlove o magtiwala. Pero hindi ako natakot sa ibang tao dahil mas natakot ako sa sarili kong ama na akala ko ay gagawin akong prinsesa. Kinuha ko ang isang libro na nalaglag kahit na natatakot ako. Nang tingnan ko ang title 'Dipsa Chupar Vampire World'. Na-curious ako kaya kaagad kong binuksan ang one page sabay binasa ko nang kaunti. Mayroon naman akong nakita na isang maliit na papel na ang nakasulat ay 'Iniwan ko kayo ng Papa mo dahil mayroon akong stage four cancer'. Dahil sa gulat ko ay nabitawan ko ang libro. "Bakit hindi mo kaagad sinabi, Ma?!" Nandito pala ang anak ng ating amo sa library." Nang lumingon ako ay mayroon akong nakita na dalawang lalaki na sa tingin ko ay mga magnanakaw. "Ano ang ginagawa niyo rito?! Mga magnanakaw ba kayo?" "Huwag mo kaming isumbong! Kapag ginawa mo 'yon ay isusumbong ka rin namin na dito ka nagtatago!" sigaw ng kasama niya. "Hoy! Kayong dalawang magnanakaw. Hindi niyo pa ako kilala kaya huwag niyo akong takutin." "Sino ka ba sa tingin mo? Isa ka lang namang mahinang babae na kinukulong ng iyong ama!" "Ako? Isa lang naman akong gangster leader noon." Kaagad ko silang sinugod sabay sinipa ko sila nang sinapa. Tinangka nila akong suntukin sa tyan pero kaagad ko silang nasuntok sa mukha. Sinuntok ko sila nang sinuntok hanggang sa makatulog sila. Itatali ko na lang sila rito sa gilid. Sa ngayon ay dito muna ako magtatago sa library. Niyakap ko ang letter na iniwan ni Mama. Ang selfish naman ni Mama, hindi niya man lang hinayaan na alagaan namin siya. Kung bata pa lamang ako ay may stage four cancer na siya, ang ibig sabihin ba nito ay patay na siya ngayon? Kailangan 'tong malaman ni Dad. Pero mukhang hindi siya maniniwala. Binasa ko ulit ang libro. Pagkatapos ay ibinalik ko na sa 1775 line. Ngunit nahulog pa rin ito. At ang mas nakakatakot ay bigla itong umilaw. Ano bang kababalaghan ang taglay ng librong ito?

 

 

Chapter 2.

 

Nagulat ako dahil may biglang humila sa mga paa ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko siya. "Bitawan mo ako, Dad!" "Manahimik ka! Akala mo ba ay hindi kita mahahanap dito?" Hindi na lang ako sumagot. Habang hinihila niya ang mga paa ko ay natatamaan ang likod ko kaya sobrang sakit. Gusto kong umiyak pero never niyang makikita na may tumutulong luha sa mga mata ko. Iintindihin ko siya dahil mayroon siyang disorder. Nakarating kami sa sala. Kinuha ako ng mga tauhan ng aking ama sabay itinali ako sa upuan. "D'yan ka lang, Eliha. Mayroon lang akong aasikasuhin sa aking business." Naglakad si Dad papalayo kasama ang kanyang mga tauhan. Hindi ko alam pero sobra akong nasasaktan. Mas nakaka-heart-broken pala kapag ang mismong tatay ang nanakit sa anak . I never forget you, Dad. Pero medyo nabawasan ang galit ko sa 'yo dahil sa mayroon kang sakit. Nagulat ako nang makita ko si Tita na dahan-dahan na lumalapit sa akin. "Akala ko ba ay umalis ka na, Tita?!" "Bumalik ako dahil mayroon kang kailangang malaman," seryosong sabi ni Tita na ikinagulat ko. Minsan lang kasi siya maging seryoso. "Ano 'yun?!" "Patay na ang Mama mo." Hindi ako kaagad nakasagot. Alam ko na 'yon Tita dahil sa mayroong cancer si Mama. "Pero hindi siya namatay dahil sa cancer ayon sa maid niya na naiwan sa bahay niya. Ang iyong ina ay namatay dahil she was tortured." "Ano ang sabi ng maid? Mayroon na bang nakasuhan? Sino ang nang-tortured sa kanya?" "Sabi ng maid, 'yon daw ang gawin mong mission. Ang hanapin ang totoong pumatay sa Mama mo. Narito ang address ng maid." Inabot niya sa akin ang isang maliit na papel. "Oh ito kutsilyo, pakawalan mo ang iyong sarili dahil kaya mo naman." Kaagad siyang tumakbo papalayo. Ngumisi ako dahil pilya ang aking Tita. Mas nabigyan ako ng layunin para mas tumakas sa bahay na 'ito. Ang kailangan kong gawin ay hanapin ang pumatay sa aking ina. Kaagad kong hiniwa ang tali. Ngunit kaagad akong nakita ng mga tauhan ni Dad. Nang lumapit sila sa akin ay binato ko sa kanila ang upuan sabay tumakbo ako. Pagkalabas ko ay marami pang tauhan si Dad sa gate kaya naman no choice ako kung hindi ang umakyat sa mataas naming pader para makatakas. Habang umaakyat ako sa pader ay naririnig kong tumatawa ang mga tauhan ni Dad. "Akala mo ba ay makakatakas ka, aking mahal na anak?!" madiin na sigaw ni Dad. Nanginginig ang aking katawan ngunit kailangan kong makatakas para kay Mama. Nasa pinakatuktok na ako ng pader nang bigla akong manghina. Nang tingnan ko ang braso ko ay mayroon akong nakita na bullet ng arrowhead. "Ang sinabi ko ay sundan mo ang anak ko hindi panain!" Hindi ko alam pero parang namanhid ang katawan ko. Ang naramdaman ko lang ay bumagsak ako sa malambot na bagay. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nagising ako sa kulungan ko. "Pakawalan niyo ako rito! Kailan kong malaman kung sino ang pumatay sa Mama ko!" "Huwag kang maingay, Eliha. Oh ito, basahin mo." Binato sa akin ng tauhan ni Dad ang isang libro. Nang tingnan ko ay 'yun ang libro na from 1775 line na ang title ay Dipsa Chupar. Umiyak ako nang umiyak dahil hindi ko alam kung paano ko hahanapin ang pumatay kay Mama dahil hindi ako makatakas sa aking ama.

"Mama, kung buhay ka man o hindi. Alam ko na ang pangarap mo sa akin ay ang magkaroon ng magandang buhay," bulong ko sa aking sarili. Humiga ako, binuksan ko ang libro at ginawa kong unan. Gagawa pa rin ako nang paraan para makatakas dito. At gagawa rin ako ng paraan para ipagamot si Dad. Sa ngayon ay matutulog muna ako dahil pagod na pagod na ang aking puso, isip at katawan. ** Pagkagising ko ay bigla akong napatalon sa upuan dahil sa parang kakaiba ang aking suot. Mas lalo akong napatalon dahil nang tingnan ko ang aking mukha sa salamin ay nakasuot ako ng wedding gown. "Ano ba ang nangyayari?" malakas na sigaw ko. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Pagkatingin ko sa pumasok ay isang magandang babae na sobrang puti na parang wala ng dugo tapos sobrang pula ng labi. Ano ba talaga ang nangyayari? Sa pagkakaalam ko ay wala naman kaming kasama sa bahay na kasing ganda niya. "Handa na po ba kayong ikasal kay Ginoong Keegan?" "Sino si Keegan? At sino ka rin?" Tumawa ang babae sabay lumapit sa akin. "Ako si Selsy. Ako ang mag-aasikaso sa 'yo at maghahatid sa mansion ng mga Vampyres." Nang tumingin ako sa salamin ay wala akong nakikitang reflection ng babae... tanging sa akin lang. A-ano b-bang n[1]nangyayari? "Seryoso ka ba? Ako ba talaga ay ikakasal? Pero bawal dahil ayaw ng aking ama!" "Eliha, wala ka pong ama." Kilala ako ng babaeng 'to. Pero nakakapagtaka naman dahil hindi niya alam na mayroon akong ama. Nakakakilabot na talaga. Pinagmasdan ko ang paligid... tanging kandila lamang ang nagbibigay ng ilaw sa maganda at malaking kwarto kung nasaan ako ngayon. Mas old pa ang design ng kwarto na 'to keysa sa library ko. Teka, bakit parang nabasa ko na 'to? "Tara na po." Hinawakan ako sa kamay ni Selsy. Ang lamig ng kamay niya tsaka kakaiba ang amoy niya. Nagulat ako dahil nasa labas na kami ng malaking bahay. "Bakit ganoon kabilis tayo nakalabas, Selsy?" Hindi siya sumagot. Hinawakan niya ulit ako sa aking kamay. Pumikit na lang ako dahil baka panaginip lang ito. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nasa harap na ako ng isang guwapong lalaki na mas maputi pa kay Selsy. Napaatras ako dahil kahit na guwapo siya ay natatakot ako sa kanya. "Siya si Keegan," bulong ni Selsy sabay nawala siya na parang bula. Tumingin ako sa paligid. Halos lahat ng nilalang na nakikita ko ay sobrang puti. "Handa ka na bang maging asawa ko, aking Eliha?" bulong ng isang lalaki. Pagkalingon ko ay si Keegan. Sobrang lapit ng labi niya sa labi ko. Nanginginig ako sa takot. Sino ba talaga siya? Aswang ba ang nasa harap ko? Pero hindi naman siya mukhang aswang dahil guwapo siya. Mas lalo akong nagulat nang bigla niyang hilahin ang bewang ko sabay hinalikan niya ako sa pisnge. "Kayo ngayong dalawa ay kasal na!" sigaw ng lalaki na nakaitim. Lahat naman ng nasa paligid ay nagpalakpakan. Umulan ng maraming bulaklak. Nang tingnan ko si Keegan ay masaya siyang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung paano ito nangyari. Pero ayaw kong sirain ang araw na 'to dahil masaya ang mga mata ng lalaking nasa harapan ko. Pero bakit naman hindi ko kilala ang lalaking pinakasalan ko? Kahit na guwapo ay mukha namang bangkay. Hanggang sa madiin na hinalikan ni Keegan ang labi ko. Pumikit na lang ako. Ang lambot ng labi niya. Grabe, first kiss ko ito. Hinarap niya ako sa mukha niya. "Sa tuwing nakikita ka'y kumakalma, ngiti mong nakakaakit, at tawa mong abot hanggang langit ay nakakawala ng hinanakit. Mahal kita, aking Eliha." Niyakap niya ako nang mahigpit. Tumutula pala ang nilalang na katulad niya. Pangarap ko ang ikasal, ngunit kakaibang nilalang ang tumupad ng pangarap ko. "K-Keegan, hahanapin ko pa ang pumatay-" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil bigla kaming naglaho.

 

Chapter 3.

Eliha's POV: Nagising ako dahil sa sobrang init at sa pawis ko na tumutulo. Napangiti akong umupo sa kama dahil alam kong nasa bahay na ako. Pero nagulat ako dahil nasa isang madilim na kwarto ako habang nakaupo sa malaking kama. Tanging kandila lang ang nagbibigay ng liwanag. Ganito 'yung.. "Aking mahal, gising ka na pala," bulong ng isang lalaki sa likod ko. Kinilabutan ako dahil narinig ko na ang boses niya. Dahan-dahan akong lumingon. Pagkalingon ko ay nakita ko ang.. ang lalaking pinakasalan ko. Grabe, kasing pula ng kanyang mga mata ang kanyang labi. At magulo ang kanyang buhok. Bigla siyang ngumiti. Natakot ako dahil ang haba ng pangil niya. "Handa ka na bang idiin ko ang aking pagmamahal sa iyong pagkababae, aking mahal?" A-ano r-raw? Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking braso sabay pinisil. Pero hindi ako komportable kaya kaagad ko siyang tinulak. "Stop!" malakas na sigaw ko, "mainit kasi rito! Wala man lang hangin. Wala bang electric fan dito or aircon?" "Ano ang iyong sinasabi, aking asawa? Saglit, bubuksan ko ang bintana para makapasok ang hangin." Naglakad siya papalapit sa bintana sabay binuksan ito. Nakita ko na gabi na, akala ko ay umaga na. Sana nga ay panaginip lang 'to. "Eliha, alam ko na batid mo na ako'y isang bampira at ikaw ay isang mangkukulam." "Ano?! Kailan pa ako naging mangkukulam?" "Anak ka ng isang mangkukulam na si Eliza. Ngunit, tila ba'y kakaiba ang iyong pananalita. At napansin ko rin na ikaw ay mayroong takot sa-" "Keegan!" sigaw ko sa harapan niya. "Ano ang maipaglilingkod ko, aking mahal?" Nakakapanghina naman kapag tinatawag niya akong mahal. Nawawala ang angas ko sa lalaking 'to. "Kasal na tayo... so honeymoon ang kasunod 'no?" "Ano'ng honeymoon ang iyong sinasabi, Eliha? Anong lengguwahe iyon?" Grabe, bakit wala siyang alam? "'Yon bang mayroong nangyayari sa mag-asawa. 'Yong nagkakaisa ang kanilang katawan-" "Iyon ang gagawin natin kanina, aking Eliha. Pero napansin ko na ikaw ay takot sa akin at hindi pa handa kaya naman huwag kang mag-alala dahil nirerespeto kita. Hindi ko habol ang iyong katawan sapagkat kahit wala kang kaluluwa ay iyon ang minahal ko sa 'yo." A-ano? Kailan pa ako nawalan ng kaluluwa? Pero sabi niya ay witch ako. Ang gulo ng bampirang 'to! "Teka! Nasaan ba talaga ako, Keegan?" "Hindi mo nababatid aking asawa? Nasa Dipsa Chupar Vampire World tayo." Dipsa.. nabasa ko na 'to, ah? "Uminom na muna tayo, mahal." Hinawakan niya ako sa bewang sabay binuhat. Naamoy ko ang amoy niya. Hindi siya amoy bangkay, amoy baby siya. Pero natatakot pa rin ako. Nang makalabas kami ay bumungad sa akin ang isang malaking bahay. Kung ang library na ipinagawa ni Mama ay brown vintage, ang bahay naman nila ay vintage rin pero kulay itim. "Nandito tayo ngayon sa Vampyres mansion, Eliha. Halika, ipapakilala kita sa aking mga magulang." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko sabay hinalikan. Woah, naramdaman ko na mahal na mahal ako ni Keegan. Pero gusto kong makatakas sa panaginip na 'to. "Buong buhay ko ba ay ang tangi ko na lang gagawin ay ang tumakas?!" malakas na sigaw ko dahil sa sobrang sama ng loob ko. "Eliha, ano ang iyong suliranin? Bakit ikaw ay sumigaw na may hinagpis?" Nang tingnan ko ang babaeng nagsalita ay nagulat ako dahil mas maputi pa siya kay Keegan. May kasama rin siya na isang lalaki na katulad niya ng kulay. Parehas silang may magandang mukha. Nasa kitchen kami. Pero ang kitchen nila ay nakakatakot dahil maraming kandila. At lahat ng gamit ay kulay itim. "Ina, ama, ipinapakilala kong muli ang aking asawa. Siya si Eliha." Madiin niyang hinawakan ang bewang ko. "Ang pangalan ng aking magulang ay Keli at Kego, aking mahal." Nag-bow ako sa magulang ni Keegan. Pakiramdam ko ay kahit anong oras ay kakain nila ako. Kaagad kaming umupo ni Keegan. "Nakakapagtaka ang mabilis na pagpayag ni Eliza, isang mangkukulam na ina ni Eliha sa inyong kasal sapagkat siya ay tutol sa inyong relasyon," sambit ni Papa Kego. T-Teka, tama naman siguro na tawagin ko sila na Mama at Papa 'no? Pero dream lang 'to kaya magpapanggap na lang ako. "Siguro ama ay nakita niya at naramdaman kung gaano ko kamahal si Eliha," nakangiting sabi ni Keegan. Totoo ba talaga na asawa ko siya? Sobrang guwapo niya kasi! Wala pa akong nakikita na katulad niya sa real world. "Uminom na tayo ng dugo Keegan. At painumin mo na rin ang iyong asawa. Siya ay mangkukulam kaya naman umiinom din siya ng dugo," sambit ni Mama Keli. "Hindi po ako nainom ng dugo! Nakakadiri ang dugo sa akin dahil hindi naman 'yan normal na iniinom ng isang tao!" hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumigaw. Kaagad akong nag-walk-out dahil nasusuka ako. Nakita ko kasi kung paano uminom ng dugo ang magulang ni Keegan. Kailangan kong makatakas. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa gate kaya kaagad akong lumabas.

Hindi ko alam kung paano makatas sa isang immortal na panaginip. Pero lahat ay gagawin ko para mabigyan ng hustisya ang aking ina. Pero sa puso ko ay masaya ako dahil nakatakas ako sa mundong sinasaktan lang ako. Ang dilim ng paligid at nakakakilabot. Nagulat ako nang may bumungad sa akin na mga bampira yata. "Naaamoy kita," bulong ng lalaki. Lumapit siya sa akin sabay sinakal ako. Kahit pala rito sa Vampire world ay may mananakit sa akin. "Mas maayos pa ang pangamoy ng aso keysa sa 'yo." Sagot ko sabay madiin kong hinawakan ang braso niya sabay sinipa ko siya sa ulo. Kaya naman nabitawan niya ako. "Palaban ang babaeng 'to," pang-aasar ng lalaki. Nagulat ako nang hawakan nila akong lima. Naging pula ang kanilang mga mata, lumabas ang kanilang mga pangil sabay mabilis nila akong sinubsob sa semento. "Ano ang gagawin natin sa babaeng 'to?" "Sipsipin natin ang kanyang dugo." "Itali natin siya sa gate ng mga Vampyres pagkatapos nating sipsipin ang kanyang dugo." "Gawin niyo na lahat! Para naman magising ako sa panaginip na 'to!" Nagwawala na sigaw ko. Pero tinawanan lang nila ako nang tinawanan. Inilapit ng isang lalaki ang kanyang bibig sa aking leeg. Siguro kapag ako ay nakagat niya ay magigising ako sa aking panaginip. Pero nagulat ako dahil biglang maputol ang kanyang ulo. At halos lahat ng ulo ng limang lalaki sa harapan ko ay pugot na ang ulo. Nanginginig akong umupo at yumuko dahil sa takot. Lalo akong nagulat at natakot nang biglang may yumakap sa akin.

 

 

Chapter 4.

Eliha's POV:

 Ilang oras akong nakatingin sa langit. Hindi ko na napigilang umiyak dahil natatakot na ako. Si Keegan kasi ang lumigtas sa akin kahapon. Oo isa siyang bampira, normal na gano'n ang war or fight action nila pero nakaka-trauma para sa akin. At nakakapagtaka dahil bakit hindi sumisikat ang araw? "Eliha, ang puso ko'y labis na nagtatampo sapagkat malayo ang iyong loob sa akin. 'Di ba matagal na nating pinangarap ang ikasal noong tayo'y magkasintahan pa lamang?" Hindi ako makasagot sapagkat hindi ko naman siya naging kasintahan. Siguro ay naging extra lang ako sa buhay niya ng dahil sa panaginip na ito. Nagulat ako nang bigla siyang makarating papunta sa harapan ko. "Ano ang aking magagawa para maging masaya ang aking kapilas ng buhay?" "Keegan, ano ang kapilas ng buhay? Masyado kasing matalinhaga ang mga sinasabi mo." "Ang ibig sabihin ng kapilas ng buhay ay asawa," Hindi ko alam kung bakit o paano pero hindi ko napigilang ngumiti. "Maaari mo rin akong tawagin na gano'n, Eliha." Hinawakan niya ang kamay ko sabay hinalikan. Tumango lang ako at ngumiti. Medyo naiiyak ako dahil first time kong naramdaman na may isang nilalang ang magpapasaya sa akin, ang magtatanggol sa akin, at ang mag-care. Ngayon, pakiramdam ko'y ako'y minamahal. "Keegan, gaano mo ako kamahal?" "Ang aking pagmamahal sa 'yo ay walang patid. Kahit na ang puso ko'y itim, namumula ito sa tuwing naririnig ang iyong pangalan at sa tuwing ikaw ay kapiling." Tumawa ako nang tumawa, "Alam mo, ang cute mo!" "Ano ang cute na salita, aking Eliha?" "Ang ibig sabihin no'n ay gusto kitang makasama kahit na hindi pa talaga kita kilala. Ang ibig sabihin no'n ay ipinaramdam mo sa akin na ako'y kakaiba at dapat ingatan. At ang ibig sabihin no'n ay ikaw ang pinaka guwapong lalaki na nakilala ko." Pinisil niya ang aking pisnge. "Marami pa lang kahulugan ang isang salita na 'yon, mahal. May nais akong itanong, gusto mo bang ipakita ko sa 'yo ang aking kapangyarihan?" Bumuntonghininga ako, "Ano naman iyon?" Namangha ako nang bigla siyang maging isang paniki. Pero hindi isang maliit na paniki dahil isang malaking paniki. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang dinagit ang damit ko. Napangiti ako nang makarating kami sa mataas na bahagi ng mundo nila. Hindi ko alam kung matatawag ba itong langit pero pakiramdam ko ay nasa langit ako. Ang saya ng nararamdaman ko ngayon. Inikot ako ni Keegan sa mundo nila. Nakita ko ang bawat magagandang bahay, ang ibang mga bat, ang iba rin na bampira at mga kakaibang nilalang. Kung panaginip man ito, parang ayaw ko nang magising. Hanggang sa ibinaba na ako ni Keegan sabay bumalik siya sa dati niyang anyo. "Masaya ka ba, mahal ko?" Hindi ako sumagot, bagkus kaagad ko siyang niyakap nang mahigpit. "Thank you, Keegan." "Ano ang ibig sabihin no'n, Eliha?" "Salamat," Ngumiti siya sabay niyakap ako. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin sabay kaagad na hinawakan ang panga ko. Madiin niyang inilapat ang kanyang labi sa akin. Hindi ko alam pero hinayaan ko lang siya. Kakaiba ang saya ko ngayon na hindi ko naranasan noon. Ako ang bumitaw sa kanyang halik. "Keegan, palagi bang gabi sa mundo niyo?" "Oo, Eliha dahil hindi kami p'wedeng masikatan ng araw. Pero sa katunayan, dati ay dumadating ang umaga sa mundo namin ngunit ginamit ng aking ina ang kanyang kapangyarihan para maprotektahan ang bawat bampira."

"Ngayon ay naiintindihan ko na, Keegan. Alam mo, parang mayroon kang kamukha." Hinawakan ko ang kanyang mukha. Napangiti ako nang pumikit siya sa ginawa ko. I am so lucky dahil siya ang husband ko. Pero, deserve ko ba siya? At deserve niya rin ba ako? "Ang mukha ko ang nakatadhana sa 'yo lalo na ang aking puso, Eliha." "Salamat husband," "Husband?" "Ang ibig sabihin no'n ay lalaking asawa." Tinapik ko ang balikat niya habang natatawa. "Ang tamis naman ng ibig sabihin no'n, Eliha. Pero alam mo ba, ako ay labis na nagtataka dahil wala ka namang alam noon na ganoong mga salita.. saan ka natuto?" "Gusto ko nang umuwi, Keegan." "Hindi ka ba nagugutom? Ano ang iyong nais inumin? Gusto mo ba ng tubig?" Nakakapagtaka dahil hindi ako nakakaramdam ng gutom. Ano ba ang nangyayari sa akin? "Tubig na lang Keegan. May tanong ako, dugo lang ba ang iniinom niyo? Hindi ba kayo kumakain?" "Hindi, sa katunayan ay mayroon kaming blood factory. Mayroon namang ibang pagkain dito na kinakain ng mga mangkukulam. Gusto mo ba ng pagkain nila?" "Hindi, ang gusto ko ay umuwi." Mahigpit niya akong niyakap. And then mabilis kaming nakarating sa kanilang mansion na ang creepy. "Keegan, p'wede mo ba akong tulungan?" "Ano ang aking maitutulong?"

Kung nakatira ang mga nilalang na 'yan dito ay matutulungan kitang hanapin sila. Mayroon ba silang ginawa sa 'yo?"

"W-wala, may gusto lang akong tulungan."

"Sa ngayon ay maaari ba kitang turuan kung paano makipaglaban? Para kapag wala ako ay matulungan mo ang iyong

sarili."

Tumawa ako, "Gangster ako dati kaya naman kaya ko ang sarili ko. Hindi lang ako lumalaban sa mga taong nananakit sa akin dahil alam ko ang tama sa mali."

"Gangster?"

"Palaban ang parang ibig sabihin no'n tapos may kasamang mga ka-group."

"Pero dati ay wala kang nakuwento na gano'n," pagtataka niya.

"Sige turuan mo ako, paano ba? P'wede ko rin bang matutunan kung paano maging mabilis kagaya mo?"

"Likas na sa aming mga bampira ang mabilis kaya hindi ko alam kung paano ko matuturo sa 'yo. Ganito na lang..."

Hinawakan niya ang kamay ko sabay itinapat niya sa dibdib niya. He closed my two hands then pumunta siya sa likod ko.

Sumuntok siya nang sumuntok gamit ang kamay ko. I

was just smiling habang tinuturuan niya ako.

"Huwag kang mag-alala, kapag nakipaglaban ka naman sa isang nilalang ay maaari kitang kontrolin o ang iyong kilos dahil kasama sa aking aking kapangyarihan."

"Salamat talaga, Keegan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon dahil ngayon ko lang naranasan na maging importante."

Tumulo na ang aking luha. Pinunasan niya ang aking pisnge sabay hinalikan ang aking mga mata.

Bigla akong nagulat nang may dalawang lalaki ang mabilis na lumapit sa amin sabay inilabas ang kanilang mga pangil.

 

 

 

 

 

Chapter 5.

Eliha's POV: Boluntaryo akong naghugas ng mga baso nila na may blood kahit na marami silang maid dito. Mayroon kasing dumating na mga pinsan ni Keegan. Ang nakakainis ay grabe sila tumingin sa akin. Habang naghuhugas ako ay pakiramdam ko'y mayroong kakaibang nilalang sa likod ko. Hanggang sa bigla na lang akong may naramdaman na ngipin na kakagatin pa lang ang leeg ko. Kaagad akong lumingon. Nakita ko si Manaron, ang pinsan ni Keegan. "Ano bang problema mo?!" Galit na sigaw ko habang tinutulak ko siya. "Ang bango mo, pakiramdam ko ay masarap ang iyong loob," "Huwag mo siyang tangkaing kagatin. Ako na kanyang asawa ay hindi siya kinakagat, ikaw pa kayang bahag ang buntot at tuso ngunit mahinang umunawa na sa akin siya?" Tumitig ako kay Keegan na kadarating lang. I really admired him now. I just can't imagine kung panaginip lang lahat 'to dahil mawawala siya sa akin. Ang nag-iisang lalaki na hindi ako sinaktan. Mabilis na nakarating si Keegan sa puwesto ko sabay niyakap ako at hinalikan sa pisnge sa harapan ni Manaron. He hold my hands habang naglalakad kami papunta sa sala. Bumungad naman sa amin ang isa niya pang pinsan na si Karagon na ang sama ng tingin sa akin. "Ang bango ng iyong asawa. Maaari ko ba siyang kagatin?" "Nagmumukha kang inutil dahil uhaw na uhaw ka sa dugo. Mayroong factory ang ating pamilya, bakit ayaw mong lunurin ang iyong sarili doon?" Idol ko na talaga ang asawa ko. Mas masungit pa sa akin. Mabuti na lang dahil mayroon akong 'siya' dahil hindi na ako maaapi. Mabilis akong sinugod ni Karagon sabay hinawakan niya ako sa leeg. Pero mabilis na kumilos si Keegan para sakalin din si Karagon. Dinala ng asawa ko si Karagon sa pader habang sinasakal. Hanggang sa nabutas ang pader kaya lalo akong nagulat. Hindi na ako magtataka dahil malakas talaga si Keegan. May biglang humawak sa bewang ko. Nang lingunin ko ay si Manaron pala habang nakangisi sa akin. Kumindat siya sa akin sabay madiin na ni-lock ang dalawa niyang kamay sa bewang ko. "Hoy bampirang mukhang sahig, ano bang trip mo? Gusto mo bang matikman ang suntok ko?" Tumango siya sabay tumawa. Hindi ako nagdalawang isip na suntukin siya pero ako ang nasaktan. Hinawakan niya ang kamay ko kaya pinilipit ko ang kamay niya. Pero nang titigan niya ako gamit ang mata niyang kulay pula ay bigla akong nanghina. Sa tingin ko ay kinokontrol niya ako. Hanggang sa may biglang humalik sa pisnge ko sabay niyakap ako. At nakita ko na lang si Manaron na nakahiga na sa sahig. "Sa susunod na gamitan mo ng kapangyarihan ang aking kapilas ng buhay ay gagawin kitang alipunga." Keegan hold my hands. Inalalayan niya ako sa paglalakad papunta sa aming kwarto. Pero may biglang sumulpot sa aming harapan. Siya 'yong nag-asikaso sa akin. "Keegan, may problema sa blood factory." "Ano ang problema, Selsy?" nag-aalalang tanong ng asawa ko. Lumingon naman siya sa akin. "Eliha, si Selsy ang tagapagtaguyod ng aming factory." Nag-bow lang ako. Ngumiti sa akin si Selsy sabay tumingin kay Keegan, "Sumama kayo sa akin." Mabilis kaming naglaho. Bumungad sa akin ang isang malaking building na kung saan maraming mga bampira ang napasok. Mahigpit akong humawak sa braso ni Keegan dahil pakiramdam ko ay masama ang tingin sa akin ng mga bampira. Pinisil ni Keegan ang pisnge ko sabay pumasok na kami sa loob.

Ayaw ko nang gamitin ang kapangyarihan ko para sa inyo!" sigaw ng isang matandang lalaki. "Siya ang isa sa makapangyarihan dito, Keegan. Pero ayaw na niyang gamitin ang kapangyarihan niya para makakuha ng blood sa kabilang mundo sa mga tao." "Bakit daw?" "Ang sabi niya ay mayroon daw siyang kamag-anak doon, pero nakakapagtaka, Sir. Alam naman natin na walang sinuman ang makakarating sa mundo ng mga tao. Nakakakuha lang tayo ng dugo mula sa kanila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mga katulad ng matandang lalaki." "Ano?!" hindi ko na napigilang sumigaw. Nahiya ako nang tumingin sa akin ang dalawa pati na rin ang iba pang bampira. Kaagad akong lumapit sa matandang lalaki. "Paano mo nasabi na mayroon kang kamag-anak sa mundo ng mga tao? Tao ka rin ba noon?!" "Hindi ko alam! Mayroon lang akong naalala!" malakas na sigaw niya. Kaagad namang lumapit si Keegan sabay inakbayan ako. "Huwag mong sigawan ang aking asawa. Kung ayaw mong gamitin ang iyong kapangyarihan ay maaari ka ng lumipat sa mansion ng mga mangkukulam." Hindi sumagot ang lalaki. Ang creepy kasi ng factory nila Keegan. Pakiramdam ko ay hindi ko masisikmura na uminom ng gano'n. "Pero, Sir! Sana naman ay magbago ang inyong isip. Sapagkat ang kapangyarihan niyo ang tulay para mabuhay ang ilan pang bampira rito. Maawa rin naman po kayo sa mga bata pa rito," pahabol na sabi ko. "Pero sa mga tao ay hindi ka naaawa?" naiiritang tanong niya. "Keegan, pumapatay ba sila ng tao sa ibang mundo para lang sa factory niyo?!" galit na sigaw ko.

Hindi, Eliha. Sa katunayan ay sa mga patay na tao sila kumukuha gamit ang kanilang kapangyarihan." "Sir! Alam ko na may mali at hindi makatao 'yon pero, Sir! Bampira po sila at ikaw. Ang kailangan niyong gawin ay huwag munang umatras. Bagkus unawain niyo na lang po." "Ano ang ibig sabihin ng Sir?" tanong niya. "Hindi na ba kayo aalis?" tanong ni Selsy sa kanya. "Pag-iisipan ko," maikling sagot ng lalaki sabay umalis. "Salamat sa tulong," bulong ni Keegan. Ngumiti ako kasi ang sarap sa pakiramdam na lumapat ang kanyang labi sa aking tainga. Bigla kaming naglaho ni Keegan. Nakabalik na kami sa mansyon. "Gusto mo bang kunan kita ng prutas sa mansyon ng iyong ina na si Eliza? Hindi ka pa kasi kumakain. Nais kong magkaroon ng laman ang iyong tyan." "Ikaw ang bahala, honey," mahinang bulong ko. "Honey?" "Ang ibig sabihin no'n ay matamis ka kaya honey," natatawang sagot ko. Tumawa rin siya sabay ginulo ang buhok ko. His eyes turned red and kinagat niya ang kanyang labi. Hala! Ano kaya ang iniisip ng aking asawa?! Hinimas niya ang braso ko gamit ang isa niyang kamay sabay madiin niyang hinawakan ang bewang ko. Inilapit niya ang ulo niya sa leeg ko sabay hinalikan. Napapikit ako dahil sa masarap at masayang pakiramdam. Biglang bumukas ang pinto. Nang lumingon kami ni Keegan ay may isang kakaibang nilalang ang bumungad sa amin na maraming dalang maleta. Sino siya?

 

 

Chapter 6.

Eliha's POV: "Totoo ba talaga na pinsan kita?" Napakamot ako sa ulo habang tinititigan ko si Eli. Siya raw si Eli Parah, ang pinsan kong mangkukulam. "Bakit naman hindi ka makapaniwala, Eliha Parah?" natatawang tanong niya. Ano? Kailan pa ako naging Eliha Parah? I think gets ko na. Siguro ay dahil nasa ibang mundo ako kaya iba na rin ang pagkatao ko. Bigla nga akong ikinasal sa bampira na si Keegan kaya hindi na ako magtataka kung may pinsan ako. "Simula ngayon ay dito na ako titira." Kinurot niya ako sa pisnge. "Halata naman, Eli. Halos lahat yata ng gamit mo ay dala mo," "Hindi ka ba maiilang? Na ang isang magandang katulad ko ay titira rito?" Nairita ako sa tanong niya, "Nagpaalam ka na ba sa magulang ni Keegan? At kay Keegan?" "Hindi, kaya nga kayo nagulat ni Keegan no'ng nakita niyo ako. Wala namang masama 'di ba? Pinsan mo naman ako. Teka, p'wede bang tabi tayo sa kama?" Bumuntonghininga ako, "Alam mo naman na may asawa ako. Siya ang katabi ko." "P'wede naman siguro na katabi niyo ako!" masayang sigaw niya, "joke!" Hindi ko gusto ang babaeng 'to. Sino ba siya sa inaakala niya? Hay naku! Huwag niya akong subukan dahil nagbabagong buhay na ako. "Eli, ano ang iyong kapangyarihan?" "Kaya kitang gawing pangit, Eliha." Hinawi niya ang buhok ko sabay hinila. Kaagad ko siyang hinawakan sa kamay. "Do you think I'm afraid of your witchcraft? My punch is more powerful." "Ano bang sinasabi mo, Eliha? Anong klaseng lengguwahe ang iyong gamit? Ginagamitan mo ba ako ng mahika?!" Ngumisi lang ako sa kanya sabay tumawa. I want her to be curious. Tumalikod na lang ako at naglakad papalayo. Nasa labas ako ng mansion. Ang ganda dahil maraming mga bulaklak kaso kulay itim ang mga ito. Nakakapanghinayang dahil walang buhay tingnan. Nasaan na kaya si Keegan? Pagkagising ko kasi ay wala siya sa tabi ko. Hindi ako p'wedeng magsinungaling sa nararamdaman ko na nami-miss ko siya. Keegan's father approached me quickly. Hindi siya mukhang matanda. Ang guwapo ng ama ni Keegan. "Eliha, bakit ka nag-iisa? Nasaan ang iyong asawa?" "Hindi ko po alam, ama." Yumuko ako. "Ama, kilala mo ba ang aking ama sa mundong ito?" "Ayon sa aking pagkakaalam, wala kang ama. Pero hindi mo ba alam ang dahilan?" Umiling lang ako sa kanya at ngumiti. Nagbabakasakali lang naman ako na kung mayroon akong ama sa mundong ito. Sinasaktan niya rin kaya ako? "Mukhang malalim ang iyong iniisip, Eliha. Ano ang iyong nais itanong?" "Mayroon po bang ama na hindi mahal ang anak?" "Batid ko na kaya mo 'yan naitanong ay dahil sa nakaranas ka ng pighati. Ang masasabi ko ay kung ang iyong ama ang iyong tinutukoy, alam ko na malalim ang dahilan niya kung bakit hindi niya maiparamdam sa 'yo na mahal ka niya." Nalungkot ako sa isinagot ni ama dahil dalawang rason lang naman kung bakit gano'n si Dad sa akin. Pero hindi naman siguro valid na saktan niya ako. Magsasalita na sana ako pero wala na si ama sa aking tabi. Hinawakan ko na lang ang mga bulaklak na nasa harapan ko. "Ang iyong personalidad ay parang bulaklak, mabango at namumulaklak." Pagkalingon ko ay si Keegan. Naiinis ako sa kanya. Oo sweet siya pero hindi ba uso sa mga bampira ang magpaalam? Pero dahil sa na-miss ko siya ay kaagad kong pinindot ang ilong niya. "Eliha, ipagpatawad mo ang aking paglisan na hindi man lang ako nakapagpaalam. Mayroon lang akong inasikaso." Ngumiti lang ako sa kanya. Ano kaya 'yun? Hindi ko na lang itatanong. "Hi, Keegan! Kumusta ka? Kanina pa kita hinihintay." Niyapos ni Eli ang braso ni Keegan. A-ano bang karapatan ng babaeng 'to?! Inalis ni Keegan ang kamay ni Eli kaya natawa ako. Lumapit sa akin si Keegan sabay hinawakan ang aking bewang. "Bakit mo ako hinihintay, Eli? Ikaw ba ay aking asawa? Sa pagkakaalam ko ay asawa ko lang ang may karapatan na hintayin ako." Ang sungit mo talaga, Keegan. Pero gustong-gusto ko ang pagiging masungit mo. "S-sorry, Keegan. Gusto ko lang namang magpaalam sa 'yo nang personal na kung p'wede na dito na lang ako." Pakiramdam ko ay gumagawa lang talaga ng paraan si Eli para makausap si Keegan. "Nandito ka na 'di ba? Wala na akong magagawa roon. Ikaw naman ay maaaring tumira sa aming mansyon." "Salamat, Keegan." Niyakap ni Eli si Keegan. Nainis ako kaya kaagad kong hinila si Keegan para hindi niya mayakap nang matagal. "Ano bang problema mo, Eliha?!" "Ikaw ang problema ko, Eli. Hindi nga kita kilala tapos kung makalapit ka kay Keegan ay wagas!" Nanlaki ang mga mata niya, "Paano mo nasabi na hindi mo ako kilala?! Pinsan mo ako!" Hindi ako nakasagot. Kailangan ko palang pakisamahan ang babaeng 'to sa mundong ito. "Pasensya na, Eli." "Nagseselos ka ba sa akin?" natatawang tanong niya. "Bakit naman ako magseselos sa 'yo, Eli?" walang gana kong tanong. Ang totoo niyan ay hindi ako nagseselos dahil hindi ko naman talaga mahal si Keegan. Tsaka hindi ko siya kilala. "Bakit hindi, Eliha? Asawa ka 'di ba? Keegan, mukhang hindi ka mahal ng asawa mo!" Tumitig sa akin si Keegan, "Hindi ako maniniwala sa iyong haka-haka, Eli. Ang tanging paniniwalaan ko lang ay ang aking asawa." Hindi ko alam pero nakonsensya ako sa naiisip ko na hindi ko mahal si Keegan. Pero iba naman ang nararamdaman ko ngayon dahil gusto kong suntukin si Eli. Hindi ko talaga mahal si Keegan. Siguro ay na-a-appreciate ko lang siya dahil mabait siya sa akin. Hinawakan ako ni Keegan sa kamay. Nakarating kami kaagad sa loob ng mansyon. Hindi ako makatingin sa kanya nang diretso dahil nakokonsensya pa rin ako. Nakita ko na kinagat ni Keegan ang kanyang daliri. "Ano bang ginagawa mo?!" nag-aalalang tanong ko.

"Ang bango kasi ng dugo mo, Eliha. Pero hindi ko hahayaan ang sarili ko na kagatin ka dahil nirerespeto kita!" Kinagat niya ulit ang kanyang isang daliri. Gano'n ba talaga ako kamahal ni Keegan? Grabe. Pero kailan kaya ako magigising sa aking panaginip? Mas pipiliin ko kasing magising na lang keysa sa mahirapan si Keegan sa piling ko. Sumulpot si Karagon sa harapan namin sabay sinuntok ako sa tiyan. "Hindi ka magkakaroon ng anak!" Hindi ko alam pero natulala ako sa ginawa niya at sa sinabi niya. Nang tingnan ko si Keegan ay humaba lalo ang pangil niya, naging blue ang mga mata niya at nakayukom na ang dalawa niyang kamao. Kaagad siyang lumapit kay Karagon sabay hinawakan niya ito sa ulo. Nagulat ako dahil puputulin niya yata ang ulo ng pinsan niya gamit lang ang kamay niya. "Ganyan magalit si Keegan, nagiging asul ang kulay ng mga mata," bulong ng isang lalaki. Nang lumingon ako ay si Manaron. Lumayo ako sa kanya pero lalo lang siyang lumapit. Nakita ko na babaliin na ni Keegan ang ulo ni Karagon kaya lumapit ako sa kanya. "Huwag mo 'tong gawin, pakiusap.. Keegan." Ibinaling niya ang tingin niya sa akin sabay naging pula na ang mga mata niya. Binitawan niya si Karagon. Si Karagon naman ay tumawa lang na para bang walang nangyari. Nakakaasar sila ni Manaron. "Hindi ko hahayaan na magkaroon kayo ng anak! Sa akin mapupunta ang blood factory!" Hinawakan ni Keegan ang kwelyo ni Karagon. "Walang sinuman ang maaaring magsabi ng mangyayari sa amin ni Eliha. At walang sinuman ang p'wedeng manakit sa babaeng pinapangarap ko lang noon." Hindi ko na napigilang umiyak dahil naalala ko si Karagon sa aking ama na sinasaktan ako. Pumikit ako para mawala ang sama ng loob ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nasa kwarto na kami ni Keegan. Itinuro niya ang kanyang balikat. "Ipagpatawad mo kung nasaktan ka niya. Maaari mong ipatong ang iyong ulo sa aking balikat, hindi man ito kasing lambot ng unan ay mararamdaman mo naman na malambot ang aking hangarin na protektahan ka. Ang aking balikat ay hindi nakakarinig, pero handa itong makinig sa 'yo." Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. I cried and cried dahil sa kahit na sinasaktan ako ng iba. May isang bampira pala ang handang makinig sa akin. "May ikukwento ako sa 'yo, Eliha. Sa aking palagay ay ang mga weirdo na binabanggit mo na mga salita ay lengguwaheng katulad ng mga salita sa aming mundo na blood factory at world. Aking Eliha, huwag mong isipin na hindi tayo magkakaroon ng anak dahil noon pa lang ay ikaw na ang gusto kong maging ina ng aking mga anak." Hinimas niya ang pisnge ko. Kami ngayon ni Keegan ay nakatingin sa bintana. "Eliha, kahit na minsan ay hindi kita maintindihan, huwag kang mag-alala dahil iintindihin pa rin kita kahit na ako'y maging abo na." Napangiti ako habang nakatingin sa malayo. Salamat Keegan, salamat.

 

 

Chapter 7.

Eliha's POV: "Anong taon na ngayon, Keegan?" "Isang libo’t pitong daan at pitong pu’t lima, aking kapilas ng buhay," he answered. Ano?! So, I traveled from the era of 1775?! I was from the era of 2022. Kaya siguro kakaiba ang pananalita ni Keegan. Tsaka imposible na panaginip ko lang 'to dahil ang tagal ko namang magising. I was shocked when Keegan pushed me again in our bed. His eyes turned red and he smiled at me like I was the most beautiful woman in the world. I think the call of his lust can't stop him. I just smiled at him. What would I do? I can't even push him. Why? I felt like my cheeks had turned red. Keegan Vampres, nawawala talaga ang angas ko sa 'yo. His lips slid slowly into my cheeks. I was wrong in expecting that he would kiss me on my lips. He kissed my forehead and rubbed my nose. I felt like he respected me a lot. And I know that I deserve this type of treatment. Keegan, I believe my heart is gradually melting as a result of your actions, love, and how you treated me. "Keegan, sana noon pa kita nakilala," I whispered. "Noon pa kita mahal, Eliha." Ang totoo niyan Keegan ay bigla na lang akong pumasok sa buhay mo. Pero gusto ko nang angkinin kung ano man tayo ngayon. Tumango na lang ako para hindi niya mahalata. May biglang pumasok sa aming kwarto. "Pasensya na kayong dalawa kung hindi na ako kumatok. Nais kasi kayong makita ni tita Eliza," Eli said then umalis na rin. Siya ang sinasabi nila na aking ina sa mundong ito. Gusto ko siyang makilala. "Nagagalak ang aking puso sapagkat pupunta tayo sa iyong ina. Handa ka na ba, Eliha?" "Oo naman, Keegan," "Magbihis ka na, Eliha. O gusto mo ba na ako na lang ang maglabas ng iyong susuotin?" "Huwag na, Keegan. Ako na lang." Tumayo ako at kaagad na binuksan ang cabinet. Bigla kong naalala si Mama. Sino ba kasi talaga ang pumatay sa kanya? Nakakainis dahil hindi ko man lang nakausap ang maid niya. At mas nakakainis dahil nag-travelled pa ako sa mundong ito. Pero tama bang mainis ako sa mundong ito kung dito ko natagpuan ang isang kagaya ni Keegan na rumespeto sa akin? Bigla kong naisip si Dad, kumusta na kaya siya? Siguro ay galit na galit na siya sa akin dahil akala niya ay tinakasan ko siya. Pagkatapos kong magbihis ay nakita ko si Keegan na tapos na rin. Lumapit siya sa akin sabay hinalikan ang aking kamay. "Sa pagtutol ng iyong ina noon ay lalong tumibay ang ating relasyon." Hindi ko alam ang isasagot ko kaya hinila ko na lang siya para yakapin. Hanggang sa bigla na lang kaming nakarating sa isang malaking mansyon na maganda pero mas nakakatakot pa sa mansyon nila Keegan. "Dito ang inyong mansyon," "Nakakatakot naman!" maktol ko. Nang tingnan ko siya ay tumawa lang siya. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko at sabay kaming naglakad. Nagulat ako nang may biglang sumulpot sa harapan namin. Grabe, nakakatakot siya! Siya ay isang magandang babae pero magulo ang buhok at nakasakay sa magandang walis tambo. Teka, siya ba ang aking ina sa mundo nila? Wow, ah! Literal na mangkukulam ang ganap. Sabagay, 1775 ngayon. At kahit naman siguro sa 2022 na panahon ay sa walis tambo pa rin siya nakasakay. "Aking anak!" masayang sigaw niya sabay tumawa nang tumawa. 'Yun bang ipit na natawa na nakakatakot. Napakapit ako nang mahigpit kay Keegan nang lumapit siya. Pero hinila ako ni Eliza sabay niyakap niya ako nang mahigpit. Tumawa ulit siya sabay hinimas ang likod ko. Inalis ko ang pagkakayakap niya. "Pasensya na po, pero hindi ako komportable sa inyo." "Eliha, bakit ka ganyan makitungo sa iyong ina?" pagtataka ni Keegan. Ano ba dapat? O baka naman close talaga ang ganap namin ni Eliza kaya nagtataka si Keegan. "Hayaan mo na, Keegan. Ganyan talaga ang aking anak. Tara sa loob, samahan niyo ako!" Kakaiba ang nararamdaman ko sa babaeng 'to dahil kung tumingin kasi siya kay Keegan ay parang in a plastic way at may maitim na balak. Hindi niya pa rin ba tanggap ang relasyon namin? Ang hirap naman magpanggap sa mundong 'to. Nakapasok na kami sa mansyon niya. Maganda naman pero maraming creepy na mga bagay sa paligid katulad ng mga bungo, mga manika, at mga kakaibang hayop. "Umupo kayo," utos ni Eliza. Should I call her ina? "Salamat po, ina." Nag-bow si Keegan kay Eliza. Ngumiti lang naman si Eliza sabay tumawa nang tumawa. Kung hindi ko alam na mangkukulam siya ay maiisip ko na nagdu-drugs siya. Pero based sa mga nababasa ko noon ay creepy talaga ang mga witch, especially kung paano sila tumawa. "Masaya ka ba sa naganap na kasal, Eliha?" Eliza asked. Bakit parang nang-aasar siya sa tanong niya? O likas na talaga na ganito siya? Sabagay, wala naman akong alam about sa kung paano talaga makisama ang mga witch. "Oo, ina." "Mabuti naman!" tumawa ulit siya sabay ginulo ang aking buhok. Kahit na weird siya sa paningin ko ay hindi ko napigilan ang sarili ko na.. yakapin siya. Ngayon ko lang kasi naranasan na tawagin akong anak ng isang nagpakilala bilang aking ina sa mundong ito. Siguro ay nami-miss ko lang si Mama. "Huwag kang masyadong maging masaya," bulong ni Eliza. Napabitaw ako ng yakap sa kanya. Ano? Tama ba ang narinig ko? Inilapit ko ang labi ko sa tainga ni Keegan."Umuwi na tayo." "Uuwi na kayo kaagad?" sambit ni Eliza. Tumingin siya sa akin sabay ngumisi. Ngayon ay masasabi kong creepy talaga siya. "Iyon po kasi ang nais ng aking asawa, ina," magalang na sagot ni Keegan. Inilahad ni Eliza ang kanyang kamay sa aming harapan sabay may biglang lumabas na itim na kapangyarihan. "Huwag kayong matakot, ipinapakita ko lang ang aking kapangyarihan," sabi ni Eliza sabay tumawa. . "Eliha, ang iyong ina ay makapangyarihan. Kaya niyang protektahan ang kanyang sarili at ang mga kagaya namin sa sikat ng araw gamit ang itim niyang kapangyarihan." Tumango lang ako. But I'm still curious. "Ina, ginagamit mo ba ang iyong kapangyarihan sa kasamaan?" "Hindi mo malalaman, Eliha!" pang-aasar niya sabay tumawa. There is something creepy about her that I need to find out. Habang curious ako ay hinalikan ako ni Keegan sa noo. When Keegan said about kumakalma lines na nakakakilig ay I think siya na ang pampakalma ko ngayon.

 

 

Chapter 8.

Eliha's POV: "Nais na namin ng inyong ama na magkaroon ng apo. Handa na ba kayong mag-asawa?" tanong sa amin ni ina. Nasa isang malaking lamesa kami ngayon. Pinapanuod ko sila habang umiinom ng dugo, medyo awkward para sa akin pero tanggap ko na. "Eliha, gusto mo na bang magkaroon tayo ng anak? Kung hindi ka pa handa ay handa naman akong igalang ang iyong desisyon sapagkat para sa akin, ang isang babae ay hindi dapat pinipilit sa ganitong usapin." Keegan, hulog ka ng langit! Bakit ba napakabuti mo?! Kung hindi ko alam na bampira ka ay mapagkakamalan kitang anghel. Pero sa totoo lang ay gusto ko na ring magkaanak dahil sa pangarap ko ang isang buong pamilya. "Gusto kong magkaroon tayo ng anak, Keegan. Hindi ako tatanggi sapagkat kasal na tayo at nais ko rin na maranasan ang maging isang ina." Ngumiti nang malaki si Keegan. Hindi ko alam pero kumikinang talaga ang mga mata niya sa tuwing ngumingiti siya. Naalala ko, bago sabihin ng isang lalaki na kasal na kami ay nakita ko ang mga mata niya na kumikinang habang nakatitig sa akin. That's priceless. After he drank the blood, and after I ate, we went to their garden. Keegan just held my hands while smiling. I think he is so happy about my willingness to carry our child. But, is it right? I don't even love him. I'm just appreciating him for what he has done for me. However, I think loving him is like education. I needed to go through the process and realize that I'd already learned to love him. In fact, he is not hard to love. Hinawakan ni Keegan ang panga ko gamit ang dalawa niyang kamay. "Palagi mong iisipin na sa bawat desisyon na gagawin ko ay dapat naririnig ko ang iyong totoong pahayag o opinyon." "I appreciated it, Keegan. Ang ibig kong sabihin ay pinahahalagahan ko ang pagtrato mo sa akin." Keegan took my hand in his and I put my hands on his shoulder. And he voluntarily put his hands on my waist. We start to dance slowly. "Hindi ako maaaring masinagan ng araw, ngunit ikaw ang sinag ng araw na hindi ko hahayaang mawala." Hinimas ni Keegan ang noo ko. And he pinched my nose. I couldn't speak right away because my heart was beating so fast. Now I understand why people fall for actions and not just in words. Keegan is a full package vampire; he is handsome, kind, and has dignity. "Kung ako ay parang sinag ng araw, ikaw naman para sa akin ay hangin dahil palagi kitang nararamdaman na nasa tabi ko lamang. At kung wala ka, hindi ko alam kung paano ako mabubuhay." Teka! A-anong kapag nawala siya ay hindi ako mabubuhay?! Gano'n ba ako magsabi ng mahal ko siya? "Nakakatuwa ka, ang cute mo," he said. "Naalala mo pa pala ang salitang 'yan, Keegan." "Paano ko naman makakalimutan 'yun? Lahat ng sinasabi mo ay pinahahalagahan ko. At nakaukit na sa puso ko." Dahil sa labis na gigil na nararamdaman ko ay hinampas ko siya sabay tumawa ako. Ewan ko ba, sa tingin ko ay kinikilig ako. Bakit kasi matalinhaga magsalita ang bampirang 'to. I pulled him into our room because I wanted to hug him more tightly in private. I was surprised when he suddenly pushed me on the bed. I saw that his eyes turned red. I knew he was just restraining himself, so I immediately kissed him on the lips. I slowly moved my lips, but he did not resist. He sat on the bed, so I immediately sat up as well. He suddenly kissed my forehead and smiled at me. Ang awkward naman. Napatingin kami ni Keegan sa bintana dahil mayroong paniki sa labas na parang gustong pumasok sa aming kwarto. Tumayo si Keegan sabay binuksan ang bintana. Hanggang sa nagpalit ng anyo ang paniki bilang isang ganap na bampira. "Selsy, ano ang iyong nais ipabatid?" "Mayroon akong nakita sa aking kapangyarihan na isang kadiliman ngunit hindi ko mawari kung bakit may gano'n." "Siguro ay nakita mo lamang ang panganib na dala ng ibang bampira sa amin. Huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaan na mapahamak ang sinuman sa atin." "Salamat, Keegan, paalam." Nag-bow si Selsy sabay tumingin siya sa akin. "Paalam din, Eliha." Bigla siyang naging paniki sabay lumipad na papalayo. Lumipas ang ilang oras. Nakatulog si Keegan sa kama namin so I just smiled. Oo katabi ko siya sa kama pero he is not harrassing me. Biglang may sumulpot sa harapan ko, si Manaron. He is so disrespectful dahil bigla na lang siyang pumasok sa kwarto namin. Wala siyang pinagkaiba kay Eli. Tatayo pa lang sana ako pero kaagad niya akong hinawakan sa kamay at bigla kaming naglaho. He brought me to a high mountain. "Ano bang ginagawa natin dito? Ang lakas naman ng topak mo," walang gana kong sabi. Ayaw kong magalit dahil masaya ako ngayon. Hinawakan niya ako sa balikat habang tinutulak niya ako paatras. Hanggang sa bigla siyang huminto. Nang tumingin ako sa baba ay mataas ang babagsakan ko kapag binitawan niya ako. "Ang dapat sa 'yo ay mamatay!" malakas na sigaw niya sabay lumabas ang mahaba niyang pangil. Tumawa lang ako. Gusto ko kasi siyang asarin. Tsaka nagmumukha siyang inutil sa paningin ko dahil nasa likod na niya si Keegan. Nakapamewang si Keegan habang nakangiti sa akin. Nagulat na lang ako nang biglang maputol ang mahabang pangil ni Manaron. Mabilis kasing lumapit sa kanya si Keegan. At ngayon ay sila na ang magkaharap. "Sa susunod na kunin mo ang asawa ko na walang permiso mula sa akin ay hindi lang pangil ang mawawala sa 'yo. Alam mo, hindi ko kayo pinapatulan ni Karagon hindi dahil sa pinsan ko kayo. Iyon ay dahil sa hindi kayo ang sisira ng kaligayahan ko." "Keegan! Ang babaeng 'yan ay may kakaibang presensiya!" "Hindi ko kailan man hiningi ang iyong opinyon. Lahat ng lumalabas o lalabas pa lang sa iyong bunganga ay walang silbi." "Pakiramdam ko ay hindi siya mangkukulam, Keegan!" Hala! Alam na ba ng lalaking 'to na nagmula ako sa panahong 2022? Hindi maaari.

 

 

Chapter 9.

Eliha's POV: "Eliha, anak," Nang tumingin ako sa tumawag sa akin ay nakita ko si Dad sa aking harapan. Napangiti ako nang sobra dahil sa wakas ay nakauwi na ako. Pero mayroon sa puso ko na mami-miss ko si Keegan. Sorry, Keegan, sana ay hindi ka malungkot ngayon. At sana ay magkita pa rin tayo sa aking panaginip. "D-Dad!" masayang sigaw ko sabay lumapit ako sa kanya. Hinawakan niya ako sa pisnge sabay may tumulong luha sa mga mata niya. Teka, nagbabago na ba siya? Nakonsensya na ba siya sa ginawa niya sa akin noon? "Patawarin mo ako, anak." Niyakap niya ako nang mahigpit. Tuluyan nang tumulo ang aking mga luha. Humarap ako sa kanya. "Pinapatawad na kita, Dad!" "Talaga, anak? Kung gano'n ay pinapalaya na kita." Nagulat ako nang biglang mawala si Dad. Napabalikwas ako sa kama. Nang tingnan ko ang paligid ay wala namang nagbago. Nandito pa rin ako sa kwarto namin ni Keegan. Teka, panaginip lang ba 'yun? Pero paano? Paano ako mananaginip kung nasa isang panaginip ako? O sadyang nag travelled talaga ako by magic. Naguguluhan na talaga ako at natatakot. Dad, bakit mo ako pinapalaya? O pahiwatig lang ito na hinahanap na niya ako. "Masama ba ang iyong panaginip? Halika, hayaan mong yakapin kita." Malayang binuka ni Keegan ang kanyang mga kamay. Kaagad akong lumapit sa kanya. "Masaya ako sa aking panaginip. Pero may anggulo na nalungkot ako kasi akala ko ay wala ka na, Keegan." Iniharap niya ako sa kanya. "Kailan man ay hindi ako mawawala sa 'yo dahil kahit sa kabilang buhay ay hindi ako papayag na hindi ikaw ang aking magiging kapilas ng buhay." Hinampas ko siya. "Bakit ka ba ganyan?!" Ngumiti siya nang malaki sabay kinindatan ako. Nagulat naman ako nang bigla siyang maghubad sa harapan ko. Ay teka! Mahabagin. Nakita ko na marami siyang tattoo sa katawan. "Magbihis ka nga, Keegan!" kunwaring naiinis sa saway ko. "Maaari bang ikaw ang magsuot ng aking damit?" "Ay! Si Keegan nagpapalambing!" pang-aasar ko. Tumawa lang naman siya sabay kumuha sa cabinet ng bagong damit. At siya na ang nagbihis sa kanyang sarili. Mabuti na lang talaga dahil nasasanay na ako sa mansyon nila, ang creepy kasi talaga. Lalo na ang mga kasama ko rito, kahit ang mga katulong ay parang mga walang dugo. "Gusto mo bang makita ang aking alaga?" masayang tanong niya. Napahawak ako sa aking bibig. "Keegan! Hindi pa ako handa!" "Ano ang iyong ibig sabihin, Eliha? 'Di ba nakita mo na ang aking alaga?" Hala! Oo ba ang isasagot ko? "Ay! Oo!" natatawang sigaw ko. "Tara na." Aya niya sabay hinawakan ang kamay ko. Bigla kaming naglaho at nakarating sa likod ng mansyon nila. Teka.. mali yata ang nasa isip ko. Akala ko kasi ay huhubarin niya ang Nagulat ako nang may biglang tumalon kay Keegan. Grabe! Isa lang naman itong malaking lion na kulay puti at may mapulang mga mata. Bampirang lion ba ang isang 'to? "Siya si Pluma, napakagandang pangalan hindi ba?" Keegan asked. "O-oo! P-pero, hindi ba 'yan nangangagat, Keegan?" Umiling si Keegan sabay ngumiti. Nagulat naman ako nang tumingin sa akin si Pluma. Nakakatakot ang mga mata niya. Napaupo ako nang bigla siyang lumapit sa akin. "Huwag mo akong kakainin, please? Ang amo mo lang ang may karapatan, joke!" Tumawa nang tumawa si Keegan. Hay naku, ang weird ko talaga. Ang lion na bampira na si Pluma ay kiniskis ang ulo niya sa aking mukha. Ang lambing naman niya. "Si Pluma ang kasama ko sa tuwing mayroong gera sa pagitan ng mga ibang bampira at mga taong lobo." "Talaga? Mabuti naman dahil okay lang siya.. lalo ikaw." "Alam mo ba na si Pluma ay higit na mas malakas keysa sa akin at sa aking mga magulang? Sa katunayan, kung may hari ang mga asong lobo sa malayong mansyon ay mayroong hari rin ang mga lion na bampira na katulad ni Pluma. Ngunit si Pluma ay mag-isa na lang dahil sa naubos ng mga taong lobo ang kanyang mga kalahi." Hinimas ko ang ulo ni Pluma. "Nakakaawa ka naman pala, Pluma. Pero sana ay huwag maghari ang paghihiganti sa 'yo." "Siya ay mabuting lion, Eliha. Ngunit kapag alam niya na may mali at hindi makatarungan ay lumalaban talaga siya. Tsaka si Pluma rin ang dahilan kung bakit hindi sumusugod ang mga asong lobo rito." "Naaawa talaga ako kay Pluma. At sana talaga ay hindi na manggulo ang mga asong lobo. Ano ang itsura nila, Keegan?" "Hindi sila ang inaakala mong mga nagpapalit anyo bilang aso. Sila ay tinatawag na taong lobo dahil sa ang anyo nila sa tuwing nagpapalit ay katulad sa mga tao. Pero marami silang balahibo at hindi ko maitatanggi na mababangis sila at mahusay makipaglaban." "Gano'n? Siguro kapag sinuntok ko ang mga 'yun ay tulog sila!" pagmamayabang ko. Natawa naman si Keegan. "Gusto mo bang sumakay kay Pluma?" "Ayaw ko, Keegan! Baka mahirapan siya." Pero ang totoo niyan ay mas malaki pa sa elephant si Pluma. Binuhat ako ni Keegan sabay ipinatong niya ako kay Pluma. Nagulat ako nang biglang tumakbo si Pluma kaya kaagad akong napayakap sa kanya. Grabe! Ang sarap sa pakiramdam. Habang mabilis na tumatakbo si Pluma ay naramdaman ko na katabi lang din namin si Keegan dahil mayroon siyang kapangyarihan upang maging mabilis. Hanggang sa bigla kaming nakarating sa gubat. Woah! Ang ganda. Pero biglang tumigil si Pluma. Nang tumingin ako sa gilid ay nakita ko si Keegan na nakasandal sa puno. "D'yan ka muna kay Pluma," Keegan ordered. Tumango lang naman ako. Nagulat ako nang may biglang bumaba mula sa puno. Isang mabalahibong nilalang ang nasa harapan namin na kulay dilaw ang mga mata. Isa siyang matipunong lalaki at guwapo ngunit ang creepy. "Matagal na tayong hindi nagkikita, Keegan and Pluma." Dahan-dahan siyang lumapit. Si Pluma naman ay dahan-dahan din na lumapit sa kanya na tila ba'y hindi natatakot. Kaagad akong kinuha ni Keegan at mabilis kaming nakarating sa baba. "Ang teritoryo niyo ay dapat sa amin!" sigaw ng lalaki. "Siya ay isang asong lobo, mahal," Keegan whispered. Tumango lang ako. Kaagad na sinugod ng lalaking lobo si Pluma. At hindi naman umatras si Pluma kaya kaagad silang naglaban. "Tumigil ka sa iyong kilos, Deriba!" sigaw ni Keegan. Tumigil naman ang dalawa. Si Deriba ay kaagad na lumapit kay Keegan. "Hindi pa tayo tapos. Babawiin ko ang nararapat sa amin." Dinuro ni Keegan si Deriba. "Hindi ko hahayaan na ang isang katulad mo ang kukuha ng aming teritoryo." Tumawa lang si Deriba sabay ngumisi. Nagulat ako nang bumaling siya ng tingin sa akin. "Kahit siya ay kukunin ko sa 'yo, Keegan." Mabilis na sumugod si Keegan kay Deriba. Babaliin na niya sana ang ulo ni Deriba pero kaagad siyang pinigilan ni Pluma. Nang titigan ko si Keegan ay naging asul na naman ang mga mata niya habang nakatingin kay Deriba. Pero nang tumingin siya sa akin ay naging pula. Keegan, huwag ka nang magalit.

 

Chapter 10.

ELIHA "Isang malaking balakid na nagpakita sa inyo si Deriba. Kailangan na nating maghanda," pangaral ni ina. "Keegan, nais kong magsanay kayo ngayong araw upang mas mapabilis ang ating paghahanda," hikayat ni ama. "Masusunod, ama at ina. Pero maaari bang tatlo lang kami? Hindi ko kasi batid kung nais bang magsanay nila Karagon, Manaron at Eli." Sagot ni Keegan sabay lumapit sa akin. "Maaari naman ang iyong nais. Hindi rin kasi tayo sigurado kung sa atin ba susuporta ang inyong mga pinsan," pagwawari ni ina. "Ano ang inyong pinag-uusapan? Maaari ba akong makinig?" Eli asked. Umirap bigla si ina kaya natawa ako. "Umupo ka, Eli," tugon ni ama. Tumingin sa akin si Eli sabay kumindat. Nainis ako nang bigla siyang umupo sa pagitan namin ni Keegan. Pero pagpapasensyahan ko siya. "Gusto mo bang magsanay kasama nila Keegan, Eliha at Pluma?" tanong ni ama kay Eli. "Bakit naman hindi? Masaya ako na makasama sila sapagkat kasama ko si Keegan.. at syempre ang aking pinsan na si Eliha!" masayang sagot niya. Nakagat ko ang labi ko dahil sa inis. "Magsimula na kayo ngayon!" dikta ni ina. Yumuko kami para magbigay ng galang. Si Eli nama ay kaagad na hinawakan sa kamay si Keegan. "Naliligaw ka ba, Eli?" pagdududa ko habang nakatingin sa kamay niya. "Pasensya na! Akala ko kasi ay kamay mo!" kantiyaw niya. Si Keegan naman ay mabilis na inalis ang kamay ni Eli. "Eli, humarap ka sa akin," utos ko. Masaya naman siyang humarap sa akin sabay umirap. Hindi na ako nag-isip pa ng maraming beses, kaagad ko siyang sinuntok sa mukha. "A-ano b-bang problema mo?!" galit na sigaw niya. Tumingin ako sa unahan, wala na si ama at ina. "Sa susunod na hawakan mo si Keegan na walang pahintulot ko ay hindi lang kita susuntukin dahil ipaparanas ko sa 'yo ang sipa ng isang Eliha." "Nakakainis ka! Ang arte mo at ang weirdo!" maktol ni Eli sabay umalis. Si Keegan naman ay hinawakan ako sa ulo sabay ginulo ang aking buhok. Itinapat niya ang mukha niya sa mukha ko. "Ang cute mong magselos." Hinampas ko lang siya sa balikat sabay ngumiti. Pero naiinis pa rin ako. Keegan and I quickly disappeared. We got to the back of their mansion. A lot of different swords opened up for us. I also saw that Eli followed us. Nakita ko na parang nagalit si Pluma nang makita niya si Eli. Grabe ka Eli, kahit ang lion na bampira ay naaamoy ang kasamaan mo. Pero hindi pa rin ako sigurado kung masama siya, magkaiba kasi 'yun kung gusto niya lang mang-asar. "Pluma, ikaw na ang bahala kay Eli," utos ni Keegan. Si Pluma naman ay kaagad na nagtungo kay Eli na mukhang natatakot. D'yan ka kay Pluma maging maarte, ewan ko na lang sa 'yo Eli. Binigyan ako ng isang espada ni Keegan. "Mahusay ka ba sa paggamit ng espada, mahal?" "Hindi, pero magaling ako sa larangan ng martial arts." "Ano ang martial arts, mahal? Ito ba ay may kaugnayan sa pakikipaglaban?" "Oo, Keegan. Ang martial arts ay paraan sa pakikipaglaban. Sa katunayan, ginagamit ito upang protektahan ang sarili sa kalaban. At syempre, maaari ko ring ibahagi ang aking kaalaman sa iyo. Pero unahin muna natin ang pag-aaral sa paggamit ng espada." Tumango si Keegan sabay ngumiti. Pumunta siya sa likod ko sabay hinawakan nang mahigpit ang aking kamay. Unti-unti niyang kinontrol ang aking kamay habang hawak ang espada. "Sa paggamit ng espada, huwag mong hahayaan na hindi ito nakatutok sa kalaban dahil maaari kang maunahan. Ang mga asong lobo ay gumagamit ng espada sapagkat para sa kanila ay ito ang paraan para mas mabilis nilang mapatay ang mga kakalabanin nila." "Oo, Keegan," masayang sagot ko. "Maaari mo ba akong tawaging mahal? K-kung nais mo lang naman, Eliha." Nakakailang naman, pero ang unfair ko naman kung hindi ko man lang siya tatawagin na mahal. "O-oo n-naman, m-mahal!" Binitawan ni Keegan ang kamay ko. Humarap siya sa akin habang nakangiti. Nagseryoso siya nang itapat niya sa akin ang espada. Itinapat ko rin ang aking espada sa kanya para protektahan ang aking sarili. Nang sumugod siya ay umatras ako nang umatras dahil baka masugatan ako. "Ang hina mo naman!" sigaw ni Eli. Tumigil ako sa pag-atras sabay mabilis kong inatake si Keegan. Nagulat ako nang mabitawan niya ang espada. "Ang lakas mo, mahal. Nakakatuwa ka," puri niya. I just smiled at him. And I smirked to Eli. "Hindi naman, mahal. Keegan, tanong ko lang.. ano ba ang kapangyarihan ko?" Biglang lumapit sa amin si Eli. "Nauntog ba 'yang ulo mo Eliha? Bakit hindi mo maalala? Ang kapangyarihan mo ay apoy. Ikaw ang makapangyarihan sa ating lahi. Alam mo ba na maaari mong mapatay ang mga bampira at mga taong lobo sa isang segundo lang?" "Totoo ang sinabi ni Eli, mahal. Pero noon pa lang ay hindi mo pinipiling ilabas ang iyong kapangyarihan dahil sa wala ka namang masamang hangarin sa iba." Akalain mo 'yun, may apoy pala akong kapangyarihan sa mundong ito. Paano ko kaya mailalabas? Ngumiti na lang ako sa kanila. Kaagad kong pinuntahan si Pluma. Mariin siyang tumitig sa akin. Nakita ko sa mga mata niya ang dating ako na nakakulong sa kulungan habang tulog. "P-pluma, do you have power of vision?" Si Pluma ay hindi nagsasalita, bagkus kiniskis niya lang ang kanyang ulo sa aking mukha. Nang titigan ko siya ulit ay wala na ang dating ako, nakita ko na lang ang aking sarili ngayon. Nararamdaman ko na parang naaawa siya sa akin. "Eliha, lumapit ka sa akin," Keegan ordered. Kaagad naman akong lumapit sa kanila ni Eli. "Gusto niyo bang dalawa na maging mabilis ang inyong pagtakbo?" "Kokontrolin mo ba kami gamit ang iyong kapangyarihan, Keegan?" Eli asked. "Oo, gusto niyo ba? O Eli, baka nais mong sumakay na lang sa iyong walis tambo para mas maging mabilis ka." "Oo nga!" natatawang sabat ko. Tumitig naman ng masama si Eli sa akin. "Ayaw ko, kontrolin mo na lang kami ni Eliha," maktol niya. "Tumakbo kayong dalawa ngayon, bibilisan ko inyong pagtakbo," Keegan commanded. Tumango lang ako. Mabilis akong tumakbo pero mas naging mabilis ako dahil siguro sa sinimulan na ni Keegan ang pag control sa akin. Nakakamangha talaga!

 

 

Chapter 11

ELIHA Nang imulat ko ang mga mata ko ay katabi ko si Keegan habang tulog. Nang tumingin ako sa bintana ay nakita ko si Pluma na nakasilip. Kaagad kong binuksan ang bintana. "Ano ang ginagawa mo rito?" Gumalaw lamang ang buntot niya. "Hintayin mo ako." Dumiretso ako sa banyo para maligo at para magbihis. Nang matapos ako ay nandoon pa rin si Pluma habang naghihintay sa akin. Tumalon ako sa bintana, nagulat ako nang bigla niya akong saluhin. "Jogging tayo!" masayang sabi ko. Gumalaw lang ang buntot niya habang sumusunod sa akin. Hindi ko alam pero.. sobrang gaan ng loob ko kay Pluma. At mayroong kakaiba sa kanya na kailangan ko ring malaman dahil sa mayroon siyang alam sa aking kasalukuyan. Pero hindi ko muna aasikasuhin ang sikrero niya dahil masaya ako sa tuwing kasama ko siya. "Malalaman ba ni Keegan na kasama kita ngayon kapag nagising siya?" Muli niyang iginalaw ang kanyang buntot. Tumango lang ako. Habang nagjo-jogging ako ay sobrang sarap ng pakiramdam ko. Nakarating kami ulit sa gubat. Umupo ako sa puno at sumandal. Si Pluma naman ay tumabi sa akin. Tumitig ako sa mga mata niya. Hinawakan ko ang ulo niya. "Alam mo ba na noong bata ako ay iniwan ako ng aking ina? Iyon ang pinakamasakit na nangyari sa akin. Alam mo ba na halos araw-araw ay hindi ko alam kung paano ako gigising sa umaga dahil nami-miss ko siya? Ang sakit no'n!" "At alam mo ba ang mas masakit? Ang taong akala ko na mag-aalaga sa akin dahil wala ang aking ina ay sinasaktan lang ako noon at kinukulong. Siya ang aking ama, Pluma. Bata pa lang ako ay mahigpit na siya sa akin. At kahit ako'y tapos na sa pag-aaral at may trabaho na ay selfish pa rin siya. Pluma, masama bang mangarap na magkaroon ako ng buong pamilya? 'Di ba hindi naman?" Hindi ko na napigilan ang aking luha, dumaloy ito nang dumaloy sa aking pisnge. I stared at Pluma intently. Ang mga mata niya ay kumikinang ngunit mukhang hindi masaya. "Hindi mo naman siguro naiintindihan ang sinasabi ko 'no? Huwag mo na lang pansinin." "P-pluma?" Pagkalingon ko ay si Karagon. Mayroon siyang dala na ulo ng isang hayop. Humarap sa kanya si Pluma sabay kaagad siyang sinunggaban nito. "Pluma, huwag!" awat ko. Nakita ko si Karagon na takot na takot habang nakapatong sa kanya si Pluma. Totoo nga na powerful si Pluma dahil takot na takot sa kanya ang tuso na si Karagon. "Wala akong balak na masama! Pumatay lang ako ng hayop dito sa gubat!" katuwiran ni Karagon. "Nakakatawa ka naman, Karagon," pang-aasar ko. Maya-maya pa ay may bumungad sa amin na isang magandang babae pero mabalahibo. "Sino siya?" tanong ko kay Karagon. "Siya ay si Deribia, ang kapatid ng taong lobo na si Deriba." Hindi lumalapit sa amin si Deribia, inaamoy niya lang kami mula sa malayo. "Hoy ikaw! Kasama namin si Pluma kaya huwag kang magtangka na patayin kami," banta ni Karagon. Mabilis na pumunta si Deribia sa harapan ni Karagon sabay sinakal niya. Nang tingnan ko si Pluma ay hindi siya kumikilos. Hahayaan na lang ba niya si Karagon? Bitawan mo ako!" Nagwawala na sigaw ni Karagon. "Papatayin kita, ikaw ay salot! Hindi mo ba natatandaan noon? Ako sana ang magiging kasintahan ni Keegan kung hindi mo ako siniraan kay Keegan!" sigaw ni Deribia sabay tumingin sa akin nang masama. Binitawan niya si Karagon. Mabilis siyang lumapit sa akin pero mas mabilis na humarang si Pluma para ipagtanggol ako. "Isa ka pa! Kung hindi ka dumating sa buhay ni Keegan sana ay payapa ang mga asong lobo at mga bampira dahil kung kami ang ikinasal ay sa amin na rin ang teritoryo ng mga bampira!" "I don't care about you and your existence. Keegan chose me because he knew I was worth loving. And also, you can't blame destiny if I was destined to be the wife of Keegan." Madiin na sabi ko sabay ako na ang lumapit sa kanya. Napatulala siya sa sinabi ko pati na rin si Karagon. Alam ko kasi na wala silang alam sa sinasabi ko. "Ikaw ay isang mangkukulam, ginagamitan mo ba ako ng mahika?!" "Hindi ko na kailangang gamitin sa 'yo ang aking kapangyarihan dahil sa ugali mo pa lang ay mukha nang isinumpa." Hinawakan niya nang mahigpit ang aking braso. Isa siyang malaking babae kaya nakaramdam ako ng takot, baka kasi ibalibag niya ako. Sinabunutan niya ako sabay hinila. Gagalaw na sana si Pluma pero nag-hand gesture ako na tumigil siya. Si Karagon naman ay tumatawa lang. "Bitawan mo siya," Pagkalingon ko ay si Keegan. Hindi ako makapaniwala dahil kakaiba ang dating niya ngayon, lalo siyang naging guwapo sa bago niyang hairstyle na medyo messy. Binitawan ako ni Deribia sabay lumapit kay Keegan. Mahigpit niyang niyakap si Keegan sabay hinalikan niya sa pisnge. "Are you out of your mind? He is mine! I am her wife!" malakas na sigaw ko dahil sa inis. "Mahika ba 'yan na ang dahilan ay nagseselos ka? Sabagay, sino ba naman ang hindi magseselos kung ako sana ang magiging kasintahan niya?" pang-aasar ni Deribia. Umiwas ako nang tingin. Nakita ko na nag-aabang ng sagot si Pluma dahil chill lang siya habang nakaupo. At nang tingnan ko si Keegan ay siya ang mas nag-aabang ng isasagot ko. "Oo! Nagseselos ako! At sino namang babae ang hindi magseselos kung may katulad mong babae ang dikit nang dikit? Sino ka para tanungin kung nagseselos nga ba ako? Malamang!" Lumayo si Keegan kay Deribia. Lumapit siya sa akin sabay mabilis akong niyakap. We quickly disappeared. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nasa lugar kami na mayroong snow. Pero maliwanag ang paligid, bigla tuloy akong nag-alala para kay Keegan. "Ang ganda naman dito, Keegan! Pero hindi ka ba nanghihina dahil sa maliwanag ang paligid?" "Hindi ako nanghihina sapagkat kasama ko ang aking lakas. Ikaw 'yun, Eliha." Hinampas ko siya sa kamay. "'Yung totoo, okay ka lang ba talaga?" "Wala namang sinag ng araw tsaka malamig ang paligid kaya hindi ako naaapektuhan. Huwag ka nang mag-alala, mahal." "Mabuti naman kung gano'n, ayaw ko kasing napapahamak ka." He pinched my cheeks. "Nagustuhan mo ba? Malayo ang lugar na ito kaya walang istorbo sa atin. Noong nakaraan ay dito ako nanggaling, mayroon kasi akong nais ipakita sa 'yo." Hinawakan niya ang kamay ko. "A-ano?" "Ayan na!" masayang bulong niya. Napangiti ako nang umulan ng snow. "Ang ganda ng niyebe parang mga ngiti mo, Eliha." I couldn't stop crying. Keegan hugged me tightly and kissed me on my forehead.

 

 

Chapter 12.

ELIHA "Eliha, bakit wala ka pang anak? Wala bang gana sa 'yo si Keegan? O hindi mo siya mabigyan ng anak? Mahina kang nilalang kahit na makapangyarihan ka." Sabi ni Eli habang nagsisindi ng kandila. Dahan-dahan kong hinawakan ang pisnge niya. She smiled and smirked at me. Sinampal ko siya nang malakas. "Kailan ka pa nagkaroon ng permiso para pasukin ang buhay namin ni Keegan? Ang pagkakaroon ng anak at hindi muna pagkakaroon ng anak ay dapat walang diskriminasyon. Ano bang alam mo? Isa ka lang namang hamak na basura sa paningin ko." "Alam mo?! Parang hindi ikaw 'yung Eliha na kilala ko. Hindi ka palaban!" "Ibahin mo ako ngayon, Eli. Huwag kang papansin dahil hindi ka naman kapansin-pansin." Bumalik ako sa lamesa kung nasaan si Keegan pati sila ina at ama. Umiinom sila ng dugo. Inantay kong matapos si Keegan sa pag-inom. I also served blood for his parents. "Keegan, gusto mo bang matuto ng martial arts? Naalala mo? 'Yung sinabi ko sa 'yo no'ng nakaraan!" hikayat ko habang yakap ang kanyang braso. "Naaalala ko, mahal. Saan mo gustong magsanay?" "Sa likod ng mansyon dahil nandoon si Pluma," Hinawakawan niya ang bewang ko, tuluyan na kaming naglaho. Pinagmasdan ko ang paligid, bakit kaya wala si Pluma? Siguro ay nasa gubat siya. I went behind Keegan. I held his two hands. I controlled his hands with my hands. "Hindi ako masyadong magaling sa isang laranagan na ituturo ko sa 'yo, Keegan. Pero sana ay makatulong ito sa pakikipaglaban mo o sa pagtatanggol mo sa iyong sarili." "Salamat, Eliha," he whispered. I continued teaching Keegan. But he was actually strong, so he didn’t need it. But, if he loses the way to fight, he will remember that he still has other fighting knowledge. And he will also remember me. After I finished teaching him I went to the kitchen to serve him a glass of blood. I need to accept what type of environment Keegan's had. And if I ask myself, do I already have feelings for Keegan? I can't explain quickly. But one thing I am sure about is that I am comfortable with him. All I want is to spend more days with him because if there's a chance that I will travel to the real world where I originally lived, I will make our memories forever. After Keegan drank the blood, he hugged me tightly. "Ayaw mo bang kagatin ako, Keegan? Pakiramdam ko ay nanghihina ka sa iniinom mong dugo." Umiwas siya nang tingin sa akin. Dahan-dahan kong hinawakan ang mukha niya para iharap sa mukha ko. "Bakit ayaw mo? Mayroon bang mangyayaring masama sa akin?" "Eliha, sa mundo ng mga tao kami kumukuha ng dugo pero sa mga patay na tao. Sa tingin mo ba ay kakagatin kita kung sa tamang paraan kami kumukuha ng dugo sa ibang mundo? Nirerespeto kita at mahal na mahal kita." "S-sorry, Keegan.. pakiramdam ko kasi ay nanghihina ka." "Simula bata pa lang ako ay gano'ng klaseng dugo na ang iniinom ko. Kaya naman mahal ko, huwag kang mag-alala." "Pasensya na talaga, Keegan." Hinimas ko ang mga kamay niya. Mayroong magandang walis tambo ang nakalutang sa harapan namin ni Keegan. "Ano ang ibig sabihin nito, Keegan?" "Siguro ay pinapapunta ka ng iyong ina sa inyong mansyon." "Pero nakapunta na ako roon, 'di ba?" "Eliha, bakit parang umiiwas ka sa iyong ina?" "Hindi naman sa gano'n, Keegan. Pero p'wede mo ba akong samahan?" Tumango siya sabay ngumiti. Inalalayan niya akong makatayo. Kaagad kaming lumapit sa walis tambo ngunit biglang may lumabas na itim na usok. "Ang tanging pupunta lang ay si Eliha," sabi ng itim na usok. Keegan stared at me with concern. I don't want him to feel worried because I know that Eliza won't hurt me. I gave Keegan a big smile so he wouldn't think I was scared. "Babalik ako sa 'yo, Keegan ko!" masayang paalam ko. Mabilis niyang hinalikan ang aking noo. I rode the reed broom. I waved at Keegan as I walked away on the broom. I immediately arrived at my mother, Eliza's, home. When I went inside, she opened up to me while laughing. She made me sit in her chair made of bone. "Bakit parang takot na takot ka, anak?" Tanong niya habang lumalapit sa akin. "Ano ang kailangan niyo sa akin?" "Ikaw ang may kailangan sa akin, anak. Mayroon akong ibabalik na kapangyarihan sa 'yo." "Ang apoy na kapangyarihan ba, ina? "Paano mo nabatid?" "Sinabi sa akin ni Eli at Keegan." Ibabalik ko ang kapangyarihan mo na 'yun dahil ayaw gumana sa akin. Tsaka para mapatay mo rin ang iyong asawang si Keegan," tumawa siya nang tumawa. "Ano?!" "Binibiro lang kita, anak!" tumawa ulit siya. "Ina, narinig ko na ayaw mo raw sa relasyon namin ni Keegan noon. Ito ba ang dahilan kung bakit mo ibabalik ang apoy na kapangyarihan? Hindi ko kayang saktan si Keegan!" "Kapag sinabi kong binibiro lang kita ay totoo 'yun. Gusto ko lang na tumawa ka dahil mukha kang natatakot sa akin." "Hindi po magandang biro ang inyong sinabi." Hindi siya sumagot, bagkus tumawa lang siya nang tumawa. She held my two hands tightly until I could feel the hot sensation in my hands. I saw my hands on fire, so I walked away from Eliza. I attempted to blow my hands, but the heat increased and the fire grew larger. "Ano ang gagawin ko para mawala ang apoy, ina?!" "Kumalma ka at kontrolin mo sa isip mo na mawala ito. Mawawala 'yan." Huminga ako nang malalim. Inisip ko na mawala ang apoy. Ilang segundo lang ay nawala ito. "Ang kapangyarihan na 'yan ay magagamit mo para patayin ang mga bampira na magtatangka sa buhay mo. At kapag niloko ka ng asawa mo, patayin mo dahil apoy lang ang katapat ng isang bampirang katulad ni Keegan." "Bakit ba pinagpipilitan mo na patayin ko si Keegan?!" "Kapag nagloko lang naman siya," she whispered sabay bumungisngis. Hindi ako makapaniwala na mayroon na akong kapangyarihan. Pero hindi ko naman ito gagamitin para manakit ng iba. Hindi ko kasi ugali na abusuhin ang kahinaan ng iba dahil sa malakas ako.

 

 

Chapter 13.

ELIHA Masaya akong bumangon mula sa kama. Pero kumunot ang noo ko nang may makapa akong ibang katawan. Nang tingnan ko kung sino ay si Eli. Nasa gitna namin siya ni Keegan. Hindi ko napigilan ang aking emosyon. Kaagad kong hinila si Eli at ibinalibag ko. Masama siyang tumingin sa akin. Ngunit si Keegan ay hindi man lang nagising. "Anong klaseng mahika ang ginamit mo kay Keegan?!" "Hulaan mo." Tumayo siya habang inaasar ako gamit ang mga mata niya. Inilahad ko ang dalawa kong kamay kaya mayroong lumabas na apoy. Gulat na gulat si Eli. "E-Eliha, h-hindi ko naman sinasadya na gamitan ng pampatulog si Keegan. Teka, gigisingin ko na siya." Mayroong ginawa si Eli. Mabilis namang nagising si Keegan. "Eliha, bakit hindi pa rin nawawala ang apoy sa dalawang kamay mo?" natatakot na tanong ni Eli. "Eliha, delikado ang apoy sa akin. Ano bang nangyari?" pagtataka ni Keegan. "Ang babaeng 'yan! Ginamitan ka ng mahika para matagal kang magising at tumabi pa sa pagitan natin habang tayo ay tulog!" Naging asul ang mga mata ni Keegan nang lumingon siya kay Eli. Nanginginig ang mga kamay ko. Gusto kong sunugin si Eli. "Eliha, kahit na mali ang ginawa ni Eli ay sana ay huwag mo siyang sunugin," Keegan whispered. Hindi ako tumingin kay Keegan dahil alam kong kapag tumingin ako sa kanya ay manghihina ako. "Keegan, kulay pula na ang mga mata ni Eliha!" "Nag-aapoy na siya sa galit dahil sa iyong ginawa. Kahit saan mang banda o anggulo ay hindi makatuwiran ang iyong dinulot na suliranin, Eli." Hindi ko napigilan ang sarili ko. Itinapat ko kay Eli ang aking isang kamay kaya naman ngayon ay nasusunog na siya. "E-Eliha, p-pinsan m-mo pa rin si Eli-" "Manahimik ka, Keegan!" pukaw ko sa aking asawa. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa apoy na kapangyarihan na ibinigay ni Eliza. Hindi ko ma-control ang aking galit. Nakita ko na gumagawa nang paraan si Keegan para maalis ang apoy sa damit ni Eli. Si Eli ay umiiyak na at nagmamakaawa kay Keegan. Nang tingnan ko si Keegan ay nahihirapan siya. Hindi ko alam ang gagawin ko! Ano ba itong nagawa ko?! May itim na usok ang sumulpot sa aming kwarto. Bigla siyang naging isang nilalang, si Eliza. Kaagad niyang tinulungan si Eli upang mawala ang apoy. "Eliha! Ano bang ginawa mo sa iyong pinsan?!" galit na sigaw ni ina. Nanginginig ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Si Keegan naman ay pumunta sa aking likod. Hinawakan niya ako sa likod sabay hinimas, siguro para ako'y kumalma. Lumapit sa akin si Eliza. "Hindi kita binigyan ng kapangyarihan para saktan si Eli!" "Pasensya na, ina. Siya ang nagsimula ng-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong sinampal. Hindi pa siya nakuntento dahil sinampal niya pa ako nang sinampal. "Paumanhin, ina ngunit sobra na ang inyong ginagawa," awat ni Keegan. Hindi siya pinansin ni Eliza. "Eli, halika rito, sampalin mo si Eliha." "Pero tita! Kailan mo pa ginagawa ang pananakit sa kanya? Kilala kita, tita. Alam ko na hindi mo hahayaan na masaktan si Eliha!" "Mali ang ginawa niya ngayon kaya inuutusan kita!" Sapilitan na lumapit sa akin si Eli sabay sinampal niya ako ng isang beses. "Sa susunod na may gawin kang masama kay Eli ay babawiin ko ang kapangyarihan mo. Isa kang inutil." Sinampal ulit ako ni Eliza. This time ay hindi ko na napigilang umiyak dahil naalala ko na naman ang pananakit ng aking ama. Akala ko sa mundong ito ay mahahanap ko ang isang ina na magmamahal sa akin pero hindi pala. Nag-bow lang ako kay Eliza para magbigay ng galang. Hindi na ako nagsalita dahil trauma na naman ito para sa akin. Bakit ba may mga taong mahilig manakit? Pero nanakit ako kanina kaya naman nagalit si Eliza. Hindi na ako sasagot pa dahil kasalanan ko talaga. Ang hindi ko lang matanggap ay hindi niya man lang ako pinakinggan. "Pumanhin sa inyong dalawa, kanina ay hindi ako nangialam dahil nirerespeto ko kayo bilang kalahi ng aking asawa. Oo nakasakit siya at maaari kayong magalit dahil sa ginawa niya. Pero karapat-dapat na pakinggan niyo muna ang kanyang paliwanag. Sa susunod na hindi niyo siya pakinggan ay ibang usapan na 'yun. Ang isang nilalang, ang kailangan ay tagapakinig," mariin na sabi ni Keegan. "Keegan, ang masasabi ko lang ay mag-ingat ka dahil kapag ikaw ang nahuli niyang may masamang ginawa ay ikaw ang susunod na susunugin niya," banta ni Eliza.

"Alam ko na hindi niyo pa rin ako tanggap para sa inyong anak. Ngunit sana ay respetuhin niyo ang aming pagsasama. Alam ko na ang kapangyarihan ni Eliha ay magagamit niya sa mabuti, hindi sa masama." Mabilis na naglaho si Eliza kasama si Eli. Humikbi ako kay Keegan nang humarap siya sa akin. Siguro ay nagulat din siya sa ginawa ko. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa likod ng mansyon. Bumungad sa akin si Pluma. Mabilis siyang tumakbo papunta sa akin at umupo siya. Humiga ako sa katawan niya at doon umiyak. "Iniisip mo ba na magiging balakid ang iyong kapangyarihan sa aking buhay, Eliha?" "Eliha, alam ko na hindi ko 'to dapat itanong pero.. okay ka lang ba?" Keegan was always there to ask me questions, and I'm very thankful for that. Humarap ako sa kanya. "Paano kung magalit ako bigla sa 'yo? Dahil sa hindi inaasahan na ginawa mo? Baka masunog kita. Natatakot ako, Keegan. Kanina ay nagalit ako nang sobra dahil importante ka sa akin." I saw that his cheeks blushed. But he immediately bowed. When he looked at me again, there were tears in his eyes. My heart was melting. I can't imagine a vampire who has emotions and the capability to cry. I thought that vampires were undead creatures who did not feel anything, just cravings for blood. But a vampire like Keegan, even though he had a black heart, still beats. So, Keegan, were you human before? And reborn again as a vampire? There was a vampire who was not human before. I mean, a type of pure vampire. Lumapit ako kay Keegan. Pinunasan ko ang mga mata niya at kanyang pisnge. "Eliha, hindi ako natatakot na masunog. Sa katunayan ay handa ako sa gano'ng pangyayari. Alam mo ba ang ikinakatakot ko? 'Yun ang hindi kita makasama nang mas matagal bago ako durugin ng apoy." Ngumiti ako sa kanya. At mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at hinimas. Sino ba naman ako para hindi mahulog sa isang katulad mo?

 

 

Chapter 14.

ELIHA "Kung sa mundo ng mga tao, ang masasama ay napupunta sa impiyerno. Ano sa tingin niyo ang mundo natin? Tinatapunan ba ng mga masasama o mabuti?" kuro ni ina. Napakaganda niya talaga, hindi halatang matanda na. Sabagay, likas naman sa mga bampira ang pagiging immortal. Ako, si Keegan at si ama ay nakaupo sa couch habang nakikinig kay ina. Sa katunayan ay kanina pa siya nag-di-discuss about sa mundong ito pero wala akong maintindihan. Iniisip ko kasi si Eli dahil dalawang araw na rin na hindi siya bumabalik. Oo, aminado akong mali ang ginawa ko kahit na kasalanan naman niya kaya ako nagalit. "Gusto mo bang pumunta ulit tayo sa lugar na may niyebe?" bulong ni Keegan. "Pero may sinasabi pa si ina, Keegan." Ngumiti lang siya sa akin at kumindat. Nakita ko na lang na nasa lugar na kami na mayroong snow. Napahawak ako nang mahigpit kay Keegan nang may marinig akong alulong. "Hindi ko pala nasabi sa 'yo mahal na malapit ang lugar na ito sa mansyon ng mga taong lobo. Siguro kaya mayroon tayong narinig na alulong ay dahil sa naamoy nila tayo." "Natatakot ako, Keegan.. p'wede bang umuwi na tayo?" "Bakit naman kayo uuwi? Kararating niyo lang 'di ba?" Napaatras ako sa aking narinig. Pagkalingon namin ni Keegan ay bumungad sa amin si Deriba. "Ayaw niyo bang sumama sa aming mansyon?" dagdag niya. "Salamat na lang, Deriba pero aalis na kami ng aking asawa," sagot ni Keegan. "Sayang naman, Keegan. Ayaw mo bang makita si Hopa?" Keegan's eyes turned blue. I knew it. He was angry. Who is Hopa? "Matagal mo na siyang kinuha sa akin. Huwag mo siyang gamitin sa pagiging mangmang mo." "Pero inatake siya ng isang bampira, ayaw mo pa rin ba siyang makita? Ipagkakait mo ba sa kanya ang iyong kapangyarihan para pagalingin siya?" Naglaho na lang kami bigla. Nandito kami ngayon sa isang magandang mansyon pero ang creepy nang muli kong marinig ang alulong ng mga taong lobo na sumalubong sa amin. They look like hunters na gusto kaming tuhugin o patayin. Habang naglalakad kami papasok ng mansyon ay maraming nakatingin sa amin na mga taong lobo. Hinawakan ni Keegan nang mahigpit ang kamay ko dahil siguro sa nararamdaman niya na natatakot ako. "Sino si Hopa, Keegan?" "Makikilala mo rin siya," he whispered. I just nodded. When we went inside, Deriba's sister, Deribia, came up to us. "Ipakita mo si Hopa," utos ni Deriba sa kapatid. Deribia just smirked to us. Maya-maya pa ay may isang magandang babae ang lumabas sa isang kwarto. Mabalahibo siya at kulay green ang mga mata. "K-Keegan!" nanghihina na sabi ng babae. "H-Hopa!" Mabilis na pumunta si Keegan sa tabi ng babae. Hinawakan niya ang sugat nito sa tyan at mayroong lumabas na pulang usok sa kanyang mga mata. Ginagamot na niya siguro si Hopa. Sino siya sa buhay ni Keegan? "Bakit niyo pinabayaan si Hopa?! Kalahi niyo rin siya!" galit na sigaw ni Keegan. "Oo kalahi namin siya pero kapatid mo siya! Sino ang matutuwa sa gano'n?" pangmamata ni Deriba. Lumapit si Keegan kay Deriba. Sinakal niya ang lalaki. "Isinakripisyo ko ang sarili kong kapatid para maayos na ang gulo sa pagitan natin! At bukod doon ay mahal ka niya at pinakasalan! Kaya bakit mo naaatim na pabayaan ang iyong asawa?!" "K-Keegan, hindi naman niya ako pinapabayaan!" sagot ni Hopa. Biglang binitawan ni Keegan si Deriba kaya ako ang lumapit sa kanya. "Keegan, paano mo naging kapatid si Hopa kung isa siyang taong lobo?" "Ang aming ina ay kalahating taong lobo at bampira. Pero iba si Hopa, hindi likas sa kanya ang pagiging bampira." Tumango lang ako sa isinagot niya. Nagulat ang lahat nang biglang sampalin ni Deribia si Hopa. "Tingnan mo ang iyong kapatid, Keegan. Gusto mo bang makasama siya ulit?" "Hindi mo na kailangang itanong ang isang tanong na oo ang sagot," Keegan whispered. "Maaari mo na siyang iuwi," sabat ni Deriba, "ngunit, mayroong kapalit!" "Kahit kailan talaga ay hindi mo ako minahal, Deriba!" sigaw ni Hopa. "Manahimik ka!" "Ano ang kapalit?" seryosong tanong ng aking asawa. Tumawa si Deribia, "Pakasalan mo ako bilang pangalawa mong asawa," Uminit ang aking ulo sa aking narinig. Si Keegan ay tumingin sa akin dahil alam niyang maaaring hindi ko ma-control ang aking kapangyarihan. "Kahit ako'y maging abo ay hindi kita papakasalan," saad ni Keegan. "Manahimik ka, Deribia! Hindi 'yun ang gusto kong kapalit. Keegan, papayag ka ba kung tatanungin kita na kapalit ng iyong kapatid ay ang iyong asawa?" hikayat ni Deriba. "Baliw ka ba? Gusto mo bang sunugin kita?" Inilahad ko ang aking kamay at inilabas ang aking kapangyarihan. "Pakiusap.. huwag mong sasaktan ang aking asawa," wika ni Hopa. Si Keegan naman ay nananatiling blue ang mga mata. "Ano bang kailangan mo sa akin, Deriba? Kung papayag ba ako sa gusto mo ay hahayaan mong magkasama ang magkapatid?" "Oo naman! Basta dito ka muna sa mansyon ng mga taong lobo sa loob ng isang buwan," Deriba answered. "Hindi ako papayag," mariin na sambit ni Keegan. "Isinakripisyo mo ang iyong kapatid dahil mahal mo siya. Keegan, alam kong mahal mo rin ako, kaya p'wede bang ako rin muna ang isakripisyo mo para sa kapayapaan at para magkasama kayo ng iyong kapatid?" Hindi sumagot si Keegan. Alam ko at nararamdaman ko na nami-miss na niya ang kanyang kapatid the way na tingnan niya ito. "Ano naman ang gagawin ko rito sa mansyon mo, Deriba?" "Ako ang nagsabi na dito ka muna sa mansyon ng mga taong lobo. Ito ay parusa mo sa pananakit sa iyong pinsan na si Eli." Napanganga ako sa biglang sumulpot. Siya lang naman ang aking ina na si Eliza. "Kailan pa kayo nagkasundo ng mga taong lobo, ina?" nagtatakang tanong ni Keegan. "Matagal na, Keegan Vampyres. Sa tingin mo ba ay hindi kami magkakasundo ng mga taong lobo? Kayo lang namang mga bampira ang hindi ko matanggap." Hindi nakasagot si Keegan. Tumitig lang siya sa akin na para bang naaawa sa akin. "Umalis na kayo, Keegan. Isama mo ang iyong kapatid na si Hopa. Ang aking anak ay pagbabayaran ang kanyang kasalanan dito sa mansyon ng mga taong lobo. Pero huwag kang mag-alala, hindi naman siya papatayin dito." "Nirerespeto ko ang inyong desisyon, ina. Ina, maaari ko ba siyang dalawin dito?" "Hindi! Isang buwan kayong hindi magkikita!" Napangisi ako sa isinagot ng aking ina. Gusto kong magwala pero ayaw kong mag-alala si Keegan. Lumapit ako kay Keegan. "Hintayin mo ako, Keegan. Kahit hindi tayo magkasama ay alam kong mananatiling nakatali ang ating mga puso." Hindi ko pa siya mahal. Pero gusto kong mapanatag ang kanyang puso. Pero hindi ko pa nga ba siya mahal? O mahal ko na siya pero hindi ko lang masabi? Isa lang akong hampaslupa na mahal na mahal ng isang Keegan Vampyres. Ang masasabi ko lang ay deserve niyang mahalin pabalik. Pero paano ko ba maipapaliwanag sa kanya na ako ay nanggaling sa ibang mundo? Hinalikan niya ako sa noo. "Naghintay na ako ng matagal sa iyo noon at mas maghihintay ako sa 'yo ngayon. Hindi mapapagod ang puso ko sapagkat ikaw lang ang nilalaman nito." Ipinakita ko kay Keegan na masaya ako sa naging desisyon ng aking ina kahit na masama ang loob ko. Kaagad silang pinaalis ng aking ina kaya naglaho sila bigla ni Hopa. Matagal din na hindi kita makakasama, Keegan.

 

 

Chapter 15.

KEEGAN Nagagalak ang aking ina at ama nang makita nila si Hopa. Si Hopa ay ang aming buhay ngunit mahal niya si Deriba kaya mas pinili niya ito. Winawasak ang puso ko ngayon sapagkat hindi ko kasama si Eliha. Ngunit nang dahil sa ang kanyang ina na ang nagdesisyon ay wala akong magagawa. Matagal ko nang iniisip ang mukha ni Eliha. Pakiramdam ko ay nakita ko na siya noon pa lang. Unang kita ko pa lang sa kanya noong nililigawan ko siya ay sigurado na ako na nakita ko siya noon pero wala akong maalala. "Ikinasal ka na pala kay Eliha, masaya ako para sa iyo, Keegan." Niyakap ako ng aking kapatid. "Mahal kita, Hopa. Sana ay mapatawag mo ak-" "Keegan, napakabuti mong kapatid. Kailan man ay hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa 'yo. Ang tanging itatanim ko lang ay ang mga alaala natin. Keegan, hindi ko kaya na mapalayo kay Deriba kahit na gano'n siya sa akin." "Hopa, batid mo na tutol ako sa inyong relasyon pero kung saan ka sasaya ay susuportahan kita." "Salamat, wala ka bang balak na bisitahin kaagad ang iyong asawa?" Umiling lang ako dahil batid ko na kapag sinabi kong may plano akong bisitahin si Eliha ay sasama siya sa akin. Ayaw kong masaktan siya ng baliw niyang asawa. "Anak, bisitahin mo raw ang hari sa kanyang palasyo," sambit ng aking ina. "Masusunod, ina."Tumango ako at mabilis na naglaho. Sa aming mundo, sa Dipsa Chupar Vampire World, mayroong hari ang mga bampira. Siya ang makapangyarihan sa lahat. Nakarating ako sa palasyo ng hari. Sumalubong sa akin ang tatlo niyang alagad na mga bampira rin. "Matagal ka ng hinihintay ni haring Keg. Halika, sumunod ka sa amin." Naglakad ang alagad niya sa direksyon kung saan nakaupo ang hari. Nagbigay ako ng galang sa pamamagitan ng pagluhod kay haring Keg. "Matagal ko ng pinapaalala sa 'yo na gusto kong ikaw ang pumalit sa akin," mariin na saad niya. "Ipagpatawad mo, haring Keg, ngunit hindi ako papayag sa kapalit na iyong ninanais." "Blood factory lang naman ang aking gusto, bakit ayaw mo? Ang inyong blood factory ay maliit lamang na pag-aari keysa sa aking palasyo at iba pang kayaman na mapupunta sa 'yo." "Maaaring maliit na pag-aari ang aming blood factory ngunit hindi ko hahayaan na mabago ang magpapatakbo roon. Alam ko na ang gusto niyo ay ang dugo ay nagmula sa buhay na tao kagaya ng inyong ginagawa sa mundo ng mga tao. Hindi ako papayag na gano'n." "Matigas talaga ang iyong ulo, Keegan Vampyres. Gusto mo bang magkaroon ng digmaan sa pagitan nating magkakalahi?" "Kung 'yan ang inyong nais ay hindi ako tututol. Ipaglalaban ko ang aming karapatan." Mabilis na nakarating sa harapan ko ang hari habang nakalabas ang pangil. Kulay pula ang kanyang mga mata. Umatras siya, ngayon ang humarap sa akin ay ang mga alagad niya. Mabilis nila akong sinugod. Akma nilang babaliin ang ulo ko pero hindi ko hinayaan dahil ibinalibag ko kaagad sila. Patuloy kong nilalabanan ang tatlong alagad ng hari. Naalala ko si Eliha at ang kanyang mga itinuro patungkol sa isang larangan ng martial arts. Napangiti ako dahil nang gamitin ko ang aking kaalaman ay napabilis ang pagkatalo ng tatlo. "Wala pa ring pinagbago ang iyong lakas. Pero mahina ka sa paningin ko dahil ayaw mong pumanig sa akin. "Mas gugustuhin kong maging mahina sa inyong paningin keysa gamitin ang aking kapangyarihan sa kasamaan at sa 'di makatuwiran na gawain." "Sa tingin mo ba na ang mga katulad nating bampira ay mga tao? Ipapaalala ko sa 'yo, Keegan na ang mga bampira ay likas na masasama. Huwag kang umasta na isang tao. O kaya naman dahil ikaw ay ganyan ay dahil sa tao ka noon?" panlilito niya. "Aalis na ako, haring Keg." Tumalikod ako. "Si Eliha!" malakas na sigaw niya, "gusto mo bang madamay siya bago ka pumayag?" Hindi ako lumingon. "Ipagpatawad mo ngunit hindi ko nais marinig ang mga banta na nagmula sa iyong maruming bibig." Mabilis akong naglaho. At mabilis akong nakarating sa lugar na may niyebe. Gagamitin ko ang aking kapangyarihan para maging isang paniki. Kailangan kong makita si Eliha sapagkat hindi ko kaya na siya'y hindi makita. Mas nauuhaw ako sa kanyang mukha keysa sa dugo. Siya ang aking pampakalma sa mundong ito. Nagpalit anyo ako bilang isang maliit na paniki. Hindi isang malaking paniki dahil baka may makakita sa akin. Nagtungo ako sa mansyon ng mga taong lobo. Hinanap ko kung saan banda ang kwarto ni Eliha. Hanggang sa naamoy ko siya. Nakita ko na nakasilip siya sa bintana at mukhang malungkot. Mabilis akong lumapit sa kanya. Pero dahil sa maliit lang ako na paniki ay alam kong hindi niya maririnig ang aking sinasabi. Itinaboy niya ako gamit ang kanyang kamay. Akala niya siguro ay hindi ako ang kanyang asawa dahil maliit akong paniki. Ipinadala ka ba ni Keegan para tingnan ako? Pasensya na kung itinaboy kita. Gusto mo bang pumasok sa loob?" Kahit na bukas ang bintana ay hindi ako pumasok. Dumapo na lamang ako sa bintana para masilayan ko siya. "Bakit ayaw mong pumasok? Nahihiya ka ba?" nagtatakang tanong niya. Pumasok bigla si Deriba sa kwarto ni Eliha. Kilala ko ang lalaking 'to, hindi maganda ang nasa loob ng isip nito. Kinontrol ko ang katawan ni Eliha para kung saktan man siya ni Deriba ay mabilis siyang makakakilos. Akala siguro ng lalaking 'to ay hindi ko kayang protektahan ang aking asawa. "Lumabas ka roon, magtanim ka ng maraming bulaklak. 'Yan ang utos ng iyong ina. Kung ako ang masusunod ay hindi lang 'yun ang ipagagawa ko sa 'yo. Pasalamat ka dahil makapangyarihan si Eliza." "Susunod na ako," Lumapit si Deriba kay Eliha. Inamoy niya si Eliha pero kaagad kong kinontrol si Eliha para itulak siya sa pader nang malakas. "Hindi pa tayo tapos, Eliha!" "Hindi pa, Deriba. Sa susunod ay hindi lang 'yan ang mangyayari sa 'yo." Tumalikod si Eliha sabay humarap sa akin. Tinitigan niya ako ng mabuti. Siguro ay nakikilala na niya ako, bago siya magsalita ay hinintay niya muna na makalabas si Deriba. "Ikaw ba 'yan, Keegan?" masayang tanong niya. Dumapo ako sa daliri niya para kumbinsihin siya na ako 'to.

 

 

Chapter 16.

ELIHA Ako ay naglilinis ng mansyon. Inutos sa akin kanina ni Deriba, dapat daw ay walang alikabok. Sa palagay ko naman ay mauubos ang alikabok sa mansyon nila dahil kanina pa ako nakatitig sa maid nila. "Lera! Ikaw ba 'yan?" "Paumanhin ngunit sino si Lera?" "Hindi mo ba ako kilala, Lera? Ako 'to si Eliha!" "Ikaw nga si Eliha, ang asawa ng mataas na bampira na si Keegan." "'Yun lang? Hindi mo ba natatandaan na ako ang kaibigan mo at kagrupo sa isang samahan ng mga gangster?!" "Ipagpatawad mo ngunit nagkakamali ka yata, Eliha." "Siguro nga ay nagkakamali ako dahil ang kaibigan kong si Lera ay patay na. Namatay siya noong nagkaroon ng gangster fight sa pagitan namin at isang gangster group. Pero kamukha mo kasi talaga siya. At imposible naman siguro na mag-travelled siya sa Dipsa Chupar dahil patay na siya." Nag-bow lang ang maid sa akin na mukhang naiilang sa mga sinasabi ko. Umalis na siya. Napakamot na lang ako sa ulo dahil ang lakas ng tama ko. Naaawa ako kay Lera noong mga panahon na 'yun. Si Lera ay may aksidenteng nasaksak habang nakikipaglaban kami kaya naman pinatay siya ng kasamahan ng kalaban namin. Wala man lang akong nagawa sa tatlong namatay sa aming grupo. "Alam mo ba na minsan ay humanga na sa akin si Keegan?" tanong ni Deribia na kararating lang. Nakakainis ang babaeng 'to dahil maraming inuutos sa akin. "Wala naman akong pakialam kung humanga siya sa 'yo. Alam mo kung bakit? Akin na siya ngayon." "Ikaw nga ba talaga 'yan, Eliha?" pagdududa niya. "Bakit mo naman naitanong?" "Hindi ka kasi nanginginig sa tuwing nakikita ako. Ikaw ay takot sa akin, pero kung makasagot ka ay parang hindi kita nasaktan noon." "Nagbabago ang panahon, Deribia." Itinapon ko ang hawak kong basahan sa harap niya. Nagmadali akong pumasok sa kwarto na tinutulugan ko. I knew Keegan was the little bat dahil naging malakas ako. I knew he was there to protect me. I peeked out the window, hoping he might come again. Pero walang maliit na paniki ang nagpakita sa akin. Siguro ay busy si Keegan. Miss na miss ko na kasi siya. What if tumakas ako? Pero baka mahanap lang ako ng aking ina. Nakatadhana na ako ay palaging tatakas. Pero sa bisig ni Keegan ay ayaw ko ng kumawala. Hindi pa rin nagpaparamdam si Keegan. Ano ba ang nangyari sa kanya? May kumatok sa pinto. Naglakad ako papalapit, pagbukas ko ay nakita ko si Eli. "Pumunta ka raw sa gubat, kumuha ka raw ng mga kahoy roon. At huwag mong subukan na tumakas dahil mahahanap ka rin ng iyong ina." "S-sige, Eli. Gusto ko lang din humingi ng paumanhin sa aking nagawa noon-" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil naglakad siya papalayo. I quickly went to the forest. I'm not scared, but it looks like a strange creature is watching me. I just continued to get the wood. Suddenly, I saw an ax falling on me, so I quickly caught it. Who has the courage to throw an ax at me? Nakita ko si Deribia mula sa taas ng puno habang tumatawa. "Huwag kang mamulot lang! Gumamit ka ng palakol para sibakin ang ibang parte ng puno!" dikta niya at mabilis na bumaba sa puno. "Ayaw ko! Mas gusto kong pulutin 'yung mga kahoy sa baba keysa sibakin ang ibang parte ng puno! Masama 'yun!" Lumapit siya sa akin. "Gusto mo bang ikaw ang sibakin ko?" Itinaas ko ang palakol at itinapat sa balikat niya. "Ikaw ang sisibakin ko kapag hindi ka nanahimik." "Hihintayin kita sa tapat ng mansyon. Mayroon tayong gagawin na ikatutuwa mo." Umakyat siya sa isang puno at sa ibang puno para makalayo. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ako. Ang bigat ng mga kahoy pero pipilitin kong makarating sa mansyon na walang nahuhulog. Kailangan kasi 'to sa mansyon ng mga taong lobo sa kanilang paraan para makapagluto. At para magpainit ng kanilang mga katawan. Ang aarte ng mga 'to pero sabagay, hindi pa yata invented ang mga advance technology sa panahon nila. Nasa tapat na ako ng mansyon. May humarang sa akin na tatlong taong lobo sabay kinuha ang mga kahoy na dala ko. Nakita ko si Deribia na nakangisi habang nasa pinto. Mabilis siyang tumakbo papalapit sa akin. Aatakihin niya ba ako? Sinuntok niya ako sa mukha. Pero hindi ako kaagad lumaban. Hindi naman ako galit sa kanya kaya wala akong nararamdaman na kahit anong emosyon. Hinawakan ko ang panga ko. Medyo masakit ang pagsuntok niya. "Ano bang problema mo?" "Labanan mo ako." Hinawakan niya ang buhok ko at kinaladkad ako sa gilid ng mansyon. "Deribia! Ano bang ginagawa mo sa kanya? Anak siya ni Eliza!" saway ni Deriba. "Huwag kang mangialam dito, kapatid ko. Hayaan mong talunin ko ang babaeng 'to." Patuloy niya akong hinila hanggang sa makarating kami sa likod ng mansyon. Hinahayaan ko lang siya sa ginagawa niya dahil sa tingin ko ay kulang lang siya sa pansin. Pero nagulat ako nang buhatin niya ako at ibinalibag. "Lumaban ka!" "Hindi ako lalaban sa 'yo sapagkat isa kang mahinang nilalang." Tumayo ako at nagpunas ng damit. Ngunit mabilis niya akong sinipa. Akma niya akong kakagatin pero nahawakan ko ang bunganga niya. Binuka ko ito nang malaki. "Gusto mo bang punitin ko ang bunganga mo?" Umiling lang siya at naging green ang mga mata. Sinuntok niya ako sa tyan kaya tumalsik ako. Tumayo ako nang mabilis para ipakita sa kanya na hindi ako magpapatalo. Sinugod niya ulit ako at hinawakan sa braso, pilit niyang binabali ang braso ko pero hindi ako natitinag. Umikot siya nang mabilis habang hawak ang isa kong kamay, nasasaktan na ako pero tinitiis ko lang. Nakaramdam na ako ng init sa aking katawan dahil sa hindi pa rin tumitigil sa pag-ikot si Deribia. Sa sobrang inis ko ay may lumabas na apoy mula sa kamay ko. Sumigaw siya nang mapaso ko siya at biglang bumitaw kaya napatalsik siya sa malayo. Hindi pa rin siya natinag, tumakbo siya nang tumakbo papalapit sa akin habang labas ang kanyang pangil. Tumalon siya nang mataas at pumatong ang mga paa niya sa balikat ko. Hinawakan ko ang mga paa niya para sana ibalibag siya pero tumusok sa akin ang mga matatalas niyang kuko. Mahigpit niyang hinawakan ang ulo ko at pikit na ibinababa. Hindi niya mabali ang ulo ko kaya bigla na lang kaming napahiga sa semento. "Itigil niyo na 'yan!" sigaw ni Deriba mula sa pinto. "At bakit?!" sagot ni Deribia. "Mayroong bisita si Eliha." Turo ni Deriba sa likod namin. Nakita ko si Pluma na papalapit sa amin. "Sa tingin mo ba ay matutulungan ka ng bampirang lion na 'to?" paghahamak ni Deribia. Ngumisi lang ako sa kanya. Masaya akong tumakbo papunta may Pluma. "Nandito ka ba para sunduin ako?" Nagulat ako nang makita kong bumagsak si Pluma. Nasa likuran niya pala si Eliza. "Ano po bang ginawa niyo? Siya ay alaga ng asawa ko at kaibigan ko!" "Hadlang siya sa pananatili mo rito. Huwag kang mag-alala, ibabalik ko siya sa mansyon ng mga Vampyres" paliwanag niya, "sa ngayon ay magpahinga ka na muna sa kwarto mo!" Tumango lang ako. Hahawakan ko sana si Pluma pero naglaho na sila ni ina. Teka, pinadala ba ni Keegan si Pluma para sa akin? Alam ko kasi na gagawa ng paraan si Keegan ma-check lang kung okay ako. "Ipagluto mo kami para mamaya, okay?!" dikta ni Deribia. Ngumiti lang ako ng sapilitan sa kanya. Dumiretso ako sa kusina. Gumamit ako ng mga kahoy para makagawa ng apoy. Ang lulutuin ko ay karne ng isang hayop na hindi ko mawari kung anong klase. Sila 'yung tipo na maraming katulong pero ako ang inuutusan. Pagkatapos kong magluto ay may nasagi akong baso kaya nabasag ito. Lumapit si Deribia. "Hindi mo ba alam ang salitang pag-iingat?!" Yumuko lang ako dahil kasalanan ko naman. Pero nabigla ako nang itinusok niya sa braso ko ang isang parte ng basag na baso kaya may lumabas na maraming dugo. "Ang bango naman ng dugo ng mangkukulam. Nasipsip na ba 'yan ni Keegan?" natatawang tanong niya. "Tumigil ka, Deribia. Eliha, sumunod ka sa akin." Naglakad papalayo si Deriba kaya sumunod na lang ako. Ano bang trip nilang magkapatid? Ilang araw na nila akong main character. Nakarating kami sa labas. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na maraming taong lobo sa labas. "Gusto kong makilala mo sila." "Para saan, Deriba?" "Alam mo ba kung bakit ka naririto? Ihahanda ka namin sa gera sa pagitan ng mga bampira kaya umayos ka. At ito rin ang kagustuhan ng iyong ina." "Hindi maaari! Asawa ko si Keegan! At bakit naman gano'n si ina? 'Di ba pumayag nga siya na ikasal kami ni Keegan?!" "Kaya nakipagkasundo ang iyong ina sa aming mga taong lobo ay dahil sa kasama siya sa darating na gera. At kahit ikaw na asawa ng pinakamataas na bampira!" masayang sigaw niya. Mamaya ay tatakas ako. Hindi maaari ang sinasabi niya. "Wala akong gana na makilala ang mga taong lobo na 'yan, magpapahinga na ako." Tumalikod ako. Pero hinawakan niya ako nang mahigpit sa aking braso. Bitawan mo ako, Deriba. Akala mo ba ay hahayaan kong gawin niyo akong instrumento para mapatay ang asawa ko? Kayo muna ang papatayin ko." "Sabihin mo 'yan sa harapan ng iyong ina. Kaya mo bang patayin ang iyong ina?" Sa totoo lang ay oo. Hindi ko naman kilala si Eliza. Pero sa isip ko ay ina ko siya kaya kailangan ko pa rin siyang respetuhin. Kinilabutan ako dahil sa alulong ng mga nasa harapan ko. "Ipinakikilala ko sa inyong lahat si Eliha! Siya ang makapangyarihan na mangkukulam na anak ni Eliza at siya rin ang tutulong sa atin upang masakop ang teritoryo ng mga bampira at kanilang pag-aari na blood factory!" Sinakop ng kanilang alulong ang buong paligid, so creepy. Nag-bow na lang ako sa kanila dahil nakakahiya naman. At ayaw ko ring isigaw na wala akong balak na tulungan sila. Eliza Parah, sino ka ba talaga? Bakit galit na galit ka kay Keegan? At bakit ikaw pa ang naging ina ko sa mundong ito? Oo pinangarap ko ang magkaroon ng ina, pero hindi ang katulad mo. Sa mundong ito, ang hindi ko lang pinagsisihan na nangyari sa akin ay ang ikinasal ako kay Keegan. Siya lang ang maituturing na magandang nangyari sa buhay ko. Pero bakit kailan kong mapalayo sa 'yo, Keegan? Bakit ngayon pa? Huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaan na gamitin nila ako laban sa 'yo. Hahanapin ko ang katotohanan sa likod ng lahat ng ito. Tumakbo ako papasok sa loob. Sumalubong sa akin si Eli. "Sa paghahanap mo ng katotohan ay baka ikaw lang ang masaktan," bulong niya at naglakad palabas. Dumiretso ako sa aking kwarto pero mabilis na humarang si Deribia. "Kailan ka ba titigil?" naiiritang tanong ko habang tinitingnan ang kabuuan niya. "Hindi ka dapat nagpapahinga sa malambot na kama." Hinila niya ang braso ko. Nasa likod kami ngayon ng mansyon nila. Nakita ko na may kulungan at maraming nakakulong na mga taong lobo. "Bakit sila nakakulong?!" "Sila kasi ay mga hadlang sa aming plano. At ikaw, isa ka rin sa magiging hadlang dahil hindi pa namin alam kung papayag ka ba sa gera kaya ikukulong kita." Binuksan niya ang isang kulungan at itinulak ako doon. Hindi na ako nagreklamo dahil nakikita ko sa mukha niya si Dad. Ayaw kong matakot dahil may trauma na ako sa kulungan. Hindi ko ipapakita sa kanya na mahina ako kagaya ng kung paano ko hindi ipinakita sa aking ama. Pinagmasdan ko ang kulungan, maliit lang ito at malinis. Sumandal ako sa rehas. "Nasaan ka na ba, Keegan? Hindi naman ako nagtatampo dahil wala ka rito. Ako ay labis lamang na nag-aalala sa 'yo." Masasabi ko bang nahulog na talaga ako ng tuluyan sa 'yo, Keegan? Hindi ko na kasi maipaliwanag ang aking nararamdaman sa 'yo. Naalala ko noong high school, mayroon akong naging crush pero hindi ko naman nakita ang mukha. Paano ko siya naging crush? Nababasa ko kasi ang mga gawa niyang quotes sa 'quotes room station' namin sa school katabi ng library. Sabi ng mga kaklase ko ay anonymous daw ang mga nagsusulat doon pero nalaman ko na lalaki siya dahil may nakalagay na kung ano ang gender. Ang quotes niya palagi ay about sa kanya as bad boy at sa mga magulang niyang pinatay ng mga magnanakaw.

 

 

Chapter 17.

ELIHA "Pakawalan lahat ng bilanggo at ipila nang maayos!" sigaw ni Deriba. Hindi ako tumatayo dahil inaantok pa ako. Wala akong pakialam sa kanila. Bakit? Sila ba si Keegan? May nagbukas sa kulungan ko at hinila ako palabas. "Pumila ka d'yan at tumayo nang tuwid!" sigaw ng isang lalaki. Umirap lang ako sa kanya. Marami na ring nakapila na mga bilanggo. Ang sarap nilang hikayatin na tumakas kami rito kaso baka madamay sila sa parusa ni Eliza. "Tumingin ang lahat sa akin!" utos ni Deriba, "lahat kayo ay gagamitin namin sa darating na gera sa pagitan ng mga bampira. Huwag niyong tangkain na tumakas o hindi makisama dahil babaliin ko lang ang inyong mga ulo." Nag-bow ang mga bilanggo at sinakop ng alulong nila ang paligid. Ang sama naman nila Deriba, bakit nila naaatim na ikulong ang kalahi nila? "Eliha, lumuhod ka," utos ni Deribia na kararating lang. "Why should I do that?" "Ginagamitan mo na naman ba ako ng mahika?!" "Of course not, you are just a waste of time." Sinakal niya ako, akma niya akong kakalmutin sa mukha pero mabilis siyang hinila ni Deriba. "Lumuhod ka na lang, Eliha. Kailan mong manumpa na sasama ka sa paghahanda at pagsasanay namin para matalo ang mga Vampyres at iba pa nilang kalahi." "Wala akong maitutulong sa inyo." "Mayroong maitutulong ang apoy mong kapangyarihan dahil 'yan ang kahinaan ng mga bampira." Tinapik ko ang balikat niya. "At kahinaan niyo rin." "Pero kasapi namin ang iyong ina," "Ano bang klaseng panunumpa ang kailangan kong gawin, jerk?" "Ano ang jerk?" pagtataka niya, "lumuhod ka at isigaw mo na sinusumpa mo na sa amin ka sasanib sa pagsasanay at sa labanan na magaganap." Lumuhod ako at sinunod ang sinabi niya. Ayaw ko kasi ng maraming sinasabi. Basta mamaya ay gagawa ako nang paraan para makatakas. Binigyan kami ng espada ng alalay ni Deriba. Si Deriba naman ay pumwesto sa gitna habang hawak ang kanyang espada. Sumakop na naman sa paligid ang alulong ng mga kasama niya. As usual, tanging kandila lang ang nagbibigay ng ilaw sa paligid at mga kahoy na mayroong apoy. Nagsimula na si Deriba na ipakita ang kanyang husay sa paggamit ng espada at ang alam niyang mga techniques. Sabi niya ay sundan daw namin siya para matuto kami at maging magaling katulad niya. Sinunod ko na lang ang gusto niya kahit na labag sa kalooban ko. Pagkatapos ng pagtuturo ni Deriba ay ipinasok lahat ng bilanggo sa kanya-kanyang kulungan. Niyapos ko bigla ang isang taong lobo na humihila sa akin papasok sa aking kulungan. "Maganda ba ako?" Nakita ko na namula ang pisnge ng lalaki sa tanong ko. Natawa na lang ako nang itulak niya ako bigla sa kulungan. Kinando na niya ang kulungan ngunit bago siya umalis ay kumindat muna. "Nakuha rin kita." Itinaas ko ang susi at masayang tinitigan ito. Wala ng mga bantay sa paligid kaya hinawakan ko kaagad ang kandado. Huminga ako nang malalim nang mabuksan ko na. Ginamit ko ang kapangyarihan kong apoy para humarang ang usok sa aking dinadaanan para hindi ako makita ng ilang bilanggo. Kailan kong puntahan ang aking asawa. Mabilis akong nakarating sa lugar na may niyebe. Tumakbo ako nang tumakbo para mabilis na makarating sa mansyon ng mga Vampyres. Pero bigla akong nahulog sa bangin na hindi ko inaakala na bangin pala. Hindi ako makabangon dahil sa sobrang sakit ng aking katawan. Nang tumingin ako sa taas ay mataas pala ang aking binagsakan. Dahan-dahan akong umupo at nang hawakan ko ang likod ko ay maraming dugo ang lumalabas dito. Hindi ko alam pero nanghihina na talaga ako. K-Keegan.. kailan ka ba darating para sa akin? Pinilit kong makatayo pero hindi ko kaya. Babalik na lang siguro ako sa kulungan ko dahil hindi na rin ako aabot sa mansyon ng mga Vampyres. Tsaka baka makahalata si Deriba lalo na si Eliza. Ayaw kong mapahamak ang mga bampira kahit na alam ko na malakas sila. Ginamit ko ulit ang aking kapangyarihan. Hinagisan ko ng apoy ang semento kung saan ako nahulog, nang mabiyak ang malaking bato ay kinontrol ko para itaas ako at dalhin sa aking kulungan. Naniniwala na ako ngayon na hindi panaginip ang aking pag-travelled sa mundong ito dahil sa may kapangyarihan ako at ngayon ay nasaktan ako ng todo. Mabilis akong nakarating sa gilid ng kulungan ko. Kaagad akong pumasok doon at humiga. May sumilip sa rehas ko. "Okay ka lang ba?" tanong niya. Ang maid na kamukha ni Lera. "O-oo naman!" "Nakita kasi kita habang pumapasok sa kulungan mo na marami kang dugo, gusto mo bang gamutin kita?" Napangiti ako sa offer niya. At sa katotohanan na kamukha siya ni Lera. Tsaka ganyan na ganyan mag-alala sa akin si Lera. "Lumapit ka sa akin, Eliha, gagamutin ko ang sugat mo dahil mayroon akong kapangyarihan para manggamot." Ngumiti ako sa kanya at kaagad na lumapit. Ngayon ay pagitan namin ang rehas habang patalikod niya akong ginagamot. Humarap ako sa kanya nang matapos siya. "Thank you, Le.. I mean salamat." "Walang anuman, magpahinga ka na lang." Nag-bow siya at umalis. Habang nakahawak ako sa rehas ay may nakita akong mga paniki sa aking harapan. "Isa ba sa inyo ay si Keegan?!" nagagalak na tanong ko pero mabilis din silang lumipad. Siguro ay napadaan lang ang mga iyon. Sumulpot sa harapan ko ang itim na usok. Nang mawala ang usok ay bumungad sa akin ang aking ina na si Eliza. May hawak siyang mahabang stick, umilaw iyon at itinapat niya sa kulungan ko. May nakita akong magandang itim na gown. "Para sa iyo 'yan, suotin mo mamaya dahil magkakaroon ng selebrasyon ang mga taong lobo at mga mangkukulam sa mansyon na 'to. Siguraduhin mong makakapunta ka at huwag tatakas. Pero sabagay, ako naman ang susundo sa 'yo mamaya," banta niya at naglaho nang mabilis. Napangiti ako nang makita ko ulit ang gown. Naalala ko tuloy 'yung puting gown na suot ko noong nagising ako at bigla na lang ikakasal kay Keegan. Nakakainis lang dahil hindi makikita ni Keegan na naka-gown ako. Hinawakan ko ang gown at kaagad na sinukat. Masaya akong umikot habang suot ito. Pero nalulungkot pa rin ako dahil sa plano ng aking ina at ng mga taong lobo. Yakap ko ngayon ang aking tuhod, iniisip kung bakit nagsinungaling ang aking Mama at kung kumusta na ba si Dad. Alam mo Dad, kung hindi ako nag-travelled sa mundong ito ay pilit kitang ipapagamot sa doctor at papainumin ng gamot kahit na sobrang laki ng kasalanan mo sa akin. Gusto ko kasi Dad na sabay tayong mag-heal sa pain na idinulot ni Mama. At gusto ko rin na maramdaman mo na kahit naging masama ka ay hindi ako katulad mo dahil ako ay naniniwala na magbabago ka pa. I gave up my own dream of being a policewoman for you, Dad. You offered me a work-from-job because you are too afraid. Why so selfish? You never ask me what my plans are for you when I already have my own family. You also never ask me if I'm still okay or if I can still breathe. Nakabihis ka na pala," Pagtingin ko ay si Eliza. Binuksan niya ang kandato gamit ang kanyang mahika. Hinawakan niya ako sa kamay at inalalayan palabas. "Anak, maging masaya ka lang dapat!" masaya niyang sigaw. Being called anak by Eliza is very heart-melting for me. How could I say no to this woman if she called me anak and treated me without too much pain? But when I remembered how she hated my husband, it made me also hate her. Keegan is a man who does not deserve any hate. Nakarating kami ni Eliza sa loob ng mansyon. Natuwa ako dahil maraming mga naka-gown na babaihan at naka-tuxedo na kalalakihan. Nakita ko naman si Deribia at ang kanyang suot.. bakit kami magkaparehas? Mabilis siyang lumapit sa akin sabay hinawakan ang aking gown. "Inagaw mo na nga sa akin si Keegan tapos aagawin mo pa ang paborito kong gown?" "Hindi lang ikaw ang mayroon nito, ibinigay ito sa akin ng aking ina." "Manahimik ka." Hinila niya ang gown ko at pilit na hinuhubad. Nang tingnan ko ang ibang mga nilalang ay nakatingin sila sa amin at nagbubulungan. Mas nakakahiya dahil nasa gitna pala kami ni Deribia. Nanlaki ang mga mata ko nang mahubad bigla ang aking gown. Pero nagulat ako nang may biglang yumakap sa akin. "Ano bang ginagawa mo, Deribia?! Lumayo ka!" Pagkalingon ko ay si Deriba pala. Mabilis kong inayos ang gown at kaagad akong lumayo sa kanya. Sino ba siya para yakapin ako? Alam ko naman na gusto niya lang akong pagsamantalahan. Oo, advance ako mag-isip. Umiling lang si Deriba sa akin at ngumisi. Lumayo ako sa kanya at pumunta sa isang maliit na table kung saan mayroong inumin. Maya-maya pa ay may lumapit sa akin na guwapong taong lobo. "Maaari ba kitang isayaw?" Ngumisi ako, "Ikaw ba si Keegan?" Napakamot sa ulo ang lalaki at mukhang napahiya kaya umalis na lang. So true naman, si Keegan lang ang gusto kong sumayaw sa akin. Pinanuod ko ang mga nilalang habang sumasayaw ng sweet dance. Hind ko akalain na uso ito sa kanila, parang mga hindi sakim sa kapangyarihan. Ini-imagine ko na lang na aalukin ako ni Keegan na sumayaw. Pero nakakalungkot kaya huwag na lang. "Kalimutan mo muna ang iyong asawa, anak. Ayaw mo bang makihalubilo o makipagsayaw man lang?" "Paano ko naman gagawin 'yun kung ang sarili kong ina ay pinaghiwalay kami ng aking asawa? Ano ba talagang balak mo? Mayroon ba akong kasalanan sa 'yo? Nanay ba talaga kita?" "Balang araw ay maiintindihan mo rin ang aking ipinaglalaban." "Kapag naintindihan ko na ay hindi pa rin sapat na dahilan ang inyong ninanais." Hinawakan niya ako nang mahigpit sa braso. "Ako ang nagdala sa 'yo rito kaya matuto kang sumunod." Ano raw? I was expecting na ang sasabihin niya ay 'anak kita'. Inalis ko ang kamay niya. "Eliza, maaari ko bang isayaw ang iyong anak?" Tumango lang si Eliza at itinulak ako may Deriba. Hinawakan ni Deriba ang mga kamay ko at ipinatong sa balikat niya. "Ang ganda mo, hindi na ako magtataka kung bakit ikaw ang mahal ni Keegan," he whispered habang dahan-dahan kaming sumasayaw. "Alam ko naman 'yun. P'wede ba akong magtanong?" Tumango lang siya habang malalim na nakatitig sa akin. "Mahal mo ba talaga ang iyong asawa na si Hopa?" "Oo naman, pero sa mga katulad naming taong lobo.. ang uunahin ay ang mga gusto naming teritoryo." "Sa tingin mo ba ay magpapatalo sa 'yo si Keegan?" "Hindi, pero sa tingin mo ba ay hindi siya magpapatalo kung hawak ka namin at kakampi?" "Hindi ko na nais marinig pa ang ilan sa mga sasabihin mo, Deriba." Inalis ko ang mga kamay niya sa beywang ko. Pero mabilis niyang ibinalik at mahigpit na hinawakan ang beywang ko. "Nami-miss mo na ba ang asawa mo?" Hindi ako sumagot. Napaka-bobo mo, Deriba, malamang! "Gusto mo bang malaman ang kalagayan niya ngayon?" natatawang tanong niya. Napatitig ako sa green niyang mga mata dahil nacu-curious ako. "Paano mo naman malalaman ang kalagayan niya? Palihim ka bang bumibisita sa kanya?" "Sabi ko na nga ba, sasagot ka rin kapag tungkol na sa kalagayan niya. Mayroon akong kaunting bakas para mahulaan mo. Ngayon ay si Keegan ay hindi makatayo." Hinawi niya ang buhok ko sabay ngumisi. "Ano bang ibig mong sabihin?!" "Gusto mo pa ba ng maraming bakas para mahulaan mo? Paano kung ayaw ko nang magbigay?" kuro niya. "Kahit anong bakas pa ang sabihin mo ay hindi ako maniniwala sa 'yo, Deriba. Alam ko na sinasabi mo lang 'yan para saktan ang aking nararamdaman." Tumawa lang siya at inilayo ako sabay inikot sa kanyang bisig habang nagsasayaw kami. Nilalapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko, bastos. Lumilingon na lang ako sa gilid habang sumasayaw kami para hindi niya mailapit ang mukha niya. "Hindi makatayo ang asawa mo dahil mayroon siyang kailangan," "Ano ba talaga?!" "Ang asawa mo ay mahina ngayon at hindi makatayo dahil kailangan niya ng-" hindi niya itinuloy ang sasabihin niya at kaagad na umalis. Naiwan akong nakanganga habang tinatanong sa sarili ko kung ano ang kailangan ni Keegan. Iyon ba ang dahilan kung bakit wala siyang paramdam sa akin?

 

 

Chapter 18.

ELIHA "Self, kapag nahihirapan ka ngayon na gusto mo nang sumuko ay isipin mo na may bukas pa. Kapag nahirapan ka bukas ay isipin mo na may bukas pa rin. At kapag mas nahirapan ka bukas ay isipin mo ulit na may bukas pa. Hanggang sa kakaisip mo na bukas ka na lang sumuko ay magugulat ka na lang dahil nalagpasan mo ang bawat araw na gusto mong sumuko." Kinukumbinsi ko ang sarili ko ngayon habang ako ay nasa loob ng kulungan dahil nawawalan na ako ng pag-asa na magkita kami ni Keegan. Lumipas na kasi ang isang buwan ngunit hindi pa rin nila tinutupad ang kanilang pangako na ibabalik ako sa mansyon ng mga Vampyres. Pumasok sa kulungan ko ang kamukha ni Lera na maid. "Magpalit ka raw ng suot." "Bakit? Pakakawalan na ba raw ako?" "O-oo, E-Eliha." Inabot niya sa akin ang dalawang kasuotan na mukhang kakaiba. "Salamat!" "P-pero huwag kang maging masaya kaagad Eliha, dahil may mangyayari mamaya na hindi mo ikagagalak." Sinuri kong mabuti ang aking susuotin. Ang damit at mahabang mukhang pants ay parang ginagamit sa gera. "H-huwag mong sabihin na ngayon ang laban sa pagitan ng mga Vampyres?!" Yumuko siya. "Oo, gano'n na nga. Pero walang alam ang mga Vampyres sa gaganapin na gera." Imbis na matakot ako ay bigla akong napangiti dahil makikita ko na si Keegan. Mabilis akong nagbihis habang nakangiti. Maya-maya pa ay may dalawang kawal ang nagpalaya sa akin. "Pumila kayong muli!" utos ng kawal. Hindi ako tinamad na pumila dahil makikita ko na ang aking asawa. Binigyan kami ng mga espada ng mga kawal. Para sa akin ay useless lang ang mga ito lalo na sa magulang ni Keegan. Napansin ko kasi na hindi sila 'yung tipo ng bampira na madaling matalo. Pero ang mga taong lobo ay masyadong mapupusok. Nagsimula kaming maglakad papunta sa pinto ng mansion. Nang makarating kami ay nasa pinto si Deriba habang may hawak na espada. He is so confident. "Kumilos na tayo at maglakad papunta sa mansion ng mga bampira!" Deriba shouted. Maayos kaming nakapila at sabay-sabay na naglakad. Habang naglalakad kami ay may itim na usok ang lumabas kaya naman nagulat ang lahat. Nang mawala ang usok ay si Eliza lang pala. Binugahan niya kaming lahat ng itim na usok kaya napapikit ako. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nasa harap na kami ng mansion ng mga Vampyres. "Vampyres! Inaanyayahan kong lumabas kayo ngayon din!" Eliza shouted. Ang lakas talaga ng loob niya. Mabilis na lumabas ang mag-asawang Vampyres. "Ina, ama!" masayang sigaw ko. Tumitig lang sila sa akin ng seryoso. "Ano ang inyong kailangan? Bakit marami kayong sumugod sa aming mansyon?" malumanay na tanong ni ina. "Hindi pa ba malinaw sa 'yo na sasakupin namin ngayon ang teritoryo niyo?!" hindi nagpatinig na sabi ni Eliza. Ngumisi si ama, "Ang mga katulad niyo ang hindi tatalo sa amin." Bakit kaya wala si Keegan? Ano bang nangyari sa kanya? Gusto kong lumapit kay ina ngunit baka hilahin lang ako papalayo ni Deriba. "Sumugod na tayo!" utos ni Deriba sabay tumakbo papalapit sa mag-asawa. Pero namangha ako dahil sila ina at ama ay nakatayo lang. Si Deriba ay napahiga dahil kay ina. Ano ang kapangyarihan niya? Bakit napahiga kaagad si Deriba? Tinitigan ko si ina nang mayroong sumugod sa kanya na mga taong lobo. Ginagalaw niya lang ang mga mata niya, wow! Ang angas. Si ama naman ay ganoon din ang ginagawa kaya namimilipit ang mga sumusugod sa kanya. Wala na akong katabi ngayon dahil sila ay sumusugod na. Tatakbo na sana ako papunta sa likod ng mansion pero biglang bumuga ng itim na usok si Eliza. "Lumaban kayo ng patas! Huwag niyong gamitin ang kapangyarihan niyo! Makipaglaban kayo gamit ang espada!" dikta ni Eliza. Hinagisan ni Eliza ng dalawang espada si ama at ina. At nagpatuloy na nga ang laban. Ngayon naman ay opportunity ko na ito para makapasok sa loob at hanapin ang asawa ko. Keegan, magkikita na ulit tayo. Keegan, nandito na ako. Tumakbo ako nang mabilis at sumigaw na parang makikipaglaban pero hindi, strategy ko lang 'yun para makalusot sa mga taong lobo. Maya-maya pa ay dumami na rin ang mga bampira, nakakatakot sila. Nagtagumpay akong makapasok sa loob ng mansion. Para akong baliw na nakangiti dahil makikita ko na ang aking asawa. Dumiretso ako sa kwarto namin, siguro ay tulog si Keegan. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, bumungad sa akin si Eli at si Keegan. Si Keegan ay nakahiga sa kama na mukhang nanghihina at si Eli naman ay inaalagaan siya. Ano bang problema mo, Eli? Ang kapal naman ng mukha mong alagaan ang asawa ko. Lumapit ako kaagad sa kanila. "Huwag na huwag mong hahawakan ang asawa ko, Eli." Lumingon siya sa akin at kaagad na tumayo. "Inaalagaan ko lang naman siya." "Kailan ka pa nagkaroon ng karapatan?!" "Noong sinabi ng magulang ni Keegan na ako na lang ang mag-alaga kay Keegan dahil wala ka!" "Nawala ako dahil sa aking ina! Pero ginamit mo ang opportuniy para landiin si Keegan!" "Si Keegan ay nanghihina dahil kailangan niya ng dalisay na dugo. At alam naman natin na ang mga mangkukulam lang ang mayroon no'n." "Ano? Kung gano'n ay hahayaan kong sipsipin niya ang dugo ko!" "Hindi maaari," "Bakit, Eli?!" "Dahil ayaw ni Keegan na sipsipin 'yang dugo mo, gano'n ka niya kamahal. Hahayaan niya na manghina siya para sa 'yo, kaya sana ay huwag kang makulit." Yumuko ako sa aking narinig. "Mayroon pa bang ibang paraan?" "Ayaw ni Keegan na sipsipin din ang dugo ko o mambiktima ng ibang mangkukulam kaya naman ang tanging gagawin niya lang ay magpahinga." "Pero bakit ganyan si Keegan? Samantalang ang mga magulang naman niya ay nananatiling malakas sa dugo ng mga patay na tao." "Isa lang ang dahilan, Eliha. 'Yun ang hindi siya likas na bampira. Pero hindi pa ako sigurado." "Pero hindi ako papayag na ganyan lang si Keegan!" "Umalis ka na lang, Eliha. Lumabas ka na! Gusto mo bang magalit ang iyong ina?!" Naalala ko bigla si Eliza, hindi ko hahayaan na mapahamak si Keegan dahil sa kanya kaya sasama na lang ako at susunod sa inuutos niya. Pagkalabas ko ay marami pa rin ang naglalaban. Pero biglang lumipad ang mag-asawang Vampyres at may inilabas na kakaibang kapangyarihan kaya nanghina ang lahat.. pati ako. Pero mas nakakapanghina na makita kong gano'n ang kalagayan ni Keegan.

 

 

Chapter 19.

ELIHA Ako, si Deriba at Deribia ay nakaupo sa upuan habang nakikinig kay Eliza. "Sa ngayon ay kailan muna nating magpalakas," sabi niya na mayroong pagtitimpi. "Sinabi ko na sa inyo na malakas ang mag-asawa, pero ayaw niyong makinig," sambit ni Deribia. "Mayroon pa namang ibang araw, hija." "Oo na, Eliza. Tsaka kung aalis ka ngayon, maaari mo bang isama na pauwi ang iyong anak?" Tumango lang si Eliza. Sa wakas! Makakaalis na ako rito. Hinawakan ako ni Eliza at sabay kaming naglaho. Nasa mansyon na niya kami. "Ina, maaari na ba akong umuwi sa aking asawa?" "Sa tingin mo ba ay papayagan pa kita pagkatapos ng nangyari?" "Ina naman! Sinunod ko naman kayo 'di ba? Gusto ko lang makita ang asawa ko at makasama!" "Hindi maaari, Elija. Manahimik ka rito sa mansyon." "Ina, nagmahal ka na ba? Naramdaman mo na ba 'yung ganitong pakiramdam na may gusto kang makita at makasama?" "Oo naman." Lumayo siya sa akin at may hinalo sa malaking jar. "Pero bakit ganito kayo sa akin?! Naramdaman at naranasan niyo naman pala." "Masyado kang makulit." "Ina!" "Eliha!" saway niya at bumuntonghininga, "sige, hahayaan kita na bumalik sa asawa mo. Pero hindi magiging madali, kailangan mong paghirapan." "Ano? Kahit ano ay gagawin ko at paghihirapan!" Mabilis na lumapit sa akin si ina at ngumisi. Alam ko na maitim ang balak niya pero lahat ay kakayanin ko para kay Keegan. "Pumikit ka," utos niya at hinawakan ako sa balikat. Pagkamulat ko ng mga mata ko ay nasa isang gubat na ako. Ang gubat ay mukhang patay na at wala ng naninirahan na mga hayop. Hindi katulad sa gubat na napuntahan namin noon ni Pluma at ni Keegan. "Pagsubok ba itong ibinigay mo, ina?" Dahan-dahan akong naglakad habang tinatanong ang aking sarili. Sa paglalakad ko ay natanaw ko ang malayong parte ng gubat. Bakit tila ba'y walang katapusan ang lalakarin ko? Umupo muna ako sa puno na wala ng mga dahon at kakaunti na lang ang sanga. Nakakaawa naman ang gubat na ito dahil wala ng buhay. Akala ko ang mga tao lang sa real world ang lumalabag sa rights ng mga gubat pero dito rin pala. Every forest does not deserve this type of environment. Habang nakaupo ako ay mayroon akong nakitang malinaw na ilog. Teka, kanina lang ay wala ito ah? Totoo nga na pinaglalaruan ako ng aking ina. Pero kahit ano pa ang gawin niyang laro ay mananalo ako at makakauwi sa asawa ko. Lumapit ako sa malinis na ilog. Nang ibaba ko ang dalawang kamay ko sa ilog ay hindi ito nabasa. Pero I tried na sumalok ng tubig gamit ang isang bao ng niyog at nagkaroon naman ng laman. Naglakad ako papalapit sa puno kung saan ako umupo. Nais kong malaman kung mayroon bang maitutulong ang tubig ng ilog sa aking mission, baka kasi may lumabas sa tubig na isang mahika. Umupo ako ulit sa puno habang tinititigan ang tubig sa bao. "Sana makita ko ang mukha ni Keegan sa tubig, miss ko na kasi siya." Nag-try akong humiling pero walang nangyari. Inilagay ko na lang ang bao sa tabi ko at sumandal ako sa puno. Kung ang dugo ko ang magpapalakas sa 'yo Keegan ay handa akong manghina para sa 'yo. May biglang dumapo sa akin na insekto kaya aksidente kong natamaan ang bao at natapon ang laman na tubig. Nagulat ako nang lumiwanag ang tubig nang madikit ito sa puno at ang puno ay nagkaroon ng mga dahon, in short nabuhay muli. Ubos na ang nasa bao kaya kaagad akong lumapit sa ilog para kumuha ulit. Nang makakuha ako ng tubig ay unti-unti kong binuhusan ang ilang puno sa paligid ko. Hanggang sa lalong lumiwanag ang paligid at halos lahat na ng puno rito ay nabuhay. Grabe, nakakamangha ang pangyayari na ito. Nagsimula nang maglabasan ang ibat-ibang hayop lalo na ang mga mababangis. Napaatras ako nang may mga dahan[1]dahan na lumalapit sa akin na mga lion, tigre at malaking ahas. Hindi ko alam kung ano nga ba ang aking gagawin kaya tumakbo na lang ako nang mabilis. Nang lumingon ako sa likod ay hinahabol na nila ako. Naramdaman kong nag-init na ang katawan ko dahil sa nararamdaman kong takot. Ayaw ko namang patayin ang mga hayop na 'yun dahil nakakaawa naman sila. May lubid na humarang sa akin kaya kaagad akong tumalon para makakapit doon. Masaya akong nakalayo sa mga hayop na nasa kabilang bangin. Hanggang sa nakarating ako sa kabilang bangin din at napahiga nang makababa doon. Hindi ko alam pero paano na ako makakauwi? Nawawalan na ako ng pag-asa. Pero kaya ko pa ito. Naglakad akong muli para tahakin ang daan pabalik. Wala naman akong nakakasalubong na kahit anong nilalang o hayop. Mayroon akong nakita na dalawang daanan. Saan ba ako dadaan? Sa kaliwa o sa kanan? Mas pinili ko ang kanang daan. Malay ko ba na sa pagkakataong ito ay right talaga ang daan na 'to. Habang naglalakad ako ay tanging huni lang ng mga ibon ang naririnig ko. Ang sarap naman sa pakiramdam. Ako ay patuloy lamang na naglakad hanggang sa wala na akong nakitang daan, tanging malaking pader lang na nakaharang. Napakamot na lang ako sa ulo dahil kahit pala english ng kanan ay right ay 'di ito palaging tama. Pero nagulat ako nang bumukas ang malaking pader. Bumungad sa akin ang isang familiar na lugar. Teka, iyon ang bahay namin.. natulala ako sa aking nakita. Ibang direksyon yata ang napuntahan ko, pero pipiliin ko bang bumalik na sa amin? Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil mabilis akong humakbang sa nakita kong lugar. Dahan-dahan akong pumikit habang naglalakad. Dad, makikita na ulit kita.. pero hindi ko 'to inaasahan dahil ang gusto kong uwian ay si Keegan. Hindi ko muna iminulat ang mga mata ko. Gusto kong marinig kung tatawagin ba ako ni Dad o sisigawan niya na ako katulad ng ginagawa niya dati na kahit galit ako sa kanya ay gusto ko pa rin 'yung marinig. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Napangiti ako sa aking nakita.. totoo ba talaga 'to? Nandito na nga ba talaga ako? Nakita ko kaagad si Dad, siya ay papalapit sa akin habang may hawak na maganda at malaking bulaklak. Pero bakit siya umiiyak?

 

 

Chapter 20.

ELIHA Nagbago ang direksyon ko, hindi na sa bahay namin. Nakakapanghinayang dahil umasa lang ako. At himala na umiyak si Dad sa harapan ko na parang nagsisisi. Nakasakay ako ngayon sa maliit na bangka habang nasa gitna ng kulay itim na dagat. Nakakakilabot naman dito pero kinuha ko na lang ang dalawang sagwan na nasa tabi ko. Hindi ako marunong gumamit nito pero kakayanin ko. Habang ginagamit ko ang dalawang sagwan para makausad sa hindi ko alam na direksyon ay hindi ko maiwasang ngumiwi dahil sa lakas ng alon. Pero ipinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa dahil mahirap na, baka kung anong nilalang ang nasa ilalim ng itim na dagat. Maya-maya pa ay bumungad sa akin ang kapatagan ng isang gubat. Mabilis akong nag-sagwan para makarating kaagad sa lupa pero biglang nawala ang gubat, naging alon lang ito na malaki kaya napalayo ako ng direksyon. Hanggang sa biglang tumaob ang bangka na sinasakyan ko at naging isang maliit na bangka na lang ito. Pinipilit kong maglangoy kahit na nahihirapan ako dahil alam ko na matatapos din ito. Nakita ko na lang na nasa isang disyerto ako. Ang bilis magbago ng mood ng aking ina, siguro ay pinapanuod niya ako. Diretso lamang ang daan ng disyerto kaya kaagad akong naglakad. Mayroon na namang dalawang daan ang sumalubong sa akin, papunta sa kaliwa o sa kanan. Mag-iisip pa lang sana ako pero mayroong malaking ibon na nakahiga sa harapan ko. Kaagad ko itong binuhat at nakita ko na wala na itong buhay. Kaagad kong hinukay ang buhangin sa tabi ko at nang matapos ako ay inilibing ko na ang ibon. Siguro ay hindi niya kinaya ang environment sa disyerto o kaya naligaw. Tumayo ako. Sa isip ko ay parang may bumubulong na piliin ko raw ang kanan ulit. Pero sa puso ko ay ang gusto kong piliin ay kaliwa. Sinunod ko ang aking puso sa kaliwang daan. Napangiti ako nang bumungad sa akin ang mga bulaklak na kulay pula. Pero bigla silang naging itim. At kalaunan ay ang lahat ng bulaklak ay naging isang matanda. Tumawa nang tumawa ang matanda. Sa palagay ko ay isa rin siyang mangkukulam dahil mayroon siyang walis tambo, wand at kulot na buhaghag ang kanyang buhok. "Gusto mo bang makatulay sa kabilang lagusan? Bakit hindi ka makipaglaro sa akin?" kuro niya. "Ano naman ang laban ko sa inyo?" Tumawa siya at lumapit sa akin. "Madali lang ang ating lalaruin. Papayag ka ba o papayag ka pa rin?" "Magtataguan ba tayo? Gano'ng laro ba?" "Isang laro na magdudulot ng sakit sa iyong ulo!" masayang sagot niya, "umupo ka, hija." Sumunod na lang ako sa kagustuhan niya. "Unang katanungan, isipin mo na kung sa isang disyerto ay mayroong naliligaw na isang isda.. gagawa ka ba ng paraan para mailagay itong muli sa dagat?" "Ilang minuto ng nananatili ang isda sa disyerto?" "Isang minuto pa lang." "Oo! Ako ay gagawa ng paraan. Alam mo kung bakit? Dahil maaaring mayroon pa akong limang minuto para tumakbo at para maghanap ng dagat." Tumawa siya at umiling, "Isang oras ang pagitan ng disyerto at dagat. Sa tingin mo ba ay aabot ka?" "Oo naman!" Nagtaka siyang tumingin sa akin, "Paano?" "Tatakbo ako nang mabilis hanggang sa umabot ng limang minuto. At ihahagis ko nang malakas ang isda para makarating sa dagat," natatawang sagot ko. Seryoso ka ba sa sagot mo?!" "Mukha rin bang seryoso iyang katanungan mo? Una, paano magkakaroon ng isda sa disyerto? Pangalawa, paano naging isang minuto ang isda sa disyerto kung isang oras ang pagitan ng dagat at disyerto?" Tumawa siya at pumalaklak. "Nag-iisip ka rin pala. Pero mayroon kang hindi naisip." "Ano?" "Ikaw ay nasa ganitong kalagayan dahil nasa ilalim ka ng mahika. Sa tingin mo ba ay hindi ginamitan ng mahika ang isda kaya mabilis siyang napunta sa disyerto?" "Hindi, alam mo kung bakit? Ang isda ay pagmamay-ari ng dagat." "Pero maaari ko pa rin itong lagyan ng mahika!" "Oo nga, pero sa isip mo lang. 'Di ba sabi mo sa katanungan mo sa akin ay isipin ko? Kaya naman inisip ko lang at ikaw ay inisip mo lang din na maaari mong lagyan ng mahika. Sa tingin mo ba ay maloloko mo ako?" Hindi kaagad nakapagsalita ang mangkukulam. "Tapos ka na ba? Sinasayang mo lang ang oras ko. Maaari na ba akong makatawid?" Tumitig siya sa mga mata ko, "Paano mo pipigilan ang puso mong mahalin ang isang taong hindi ka naman talaga mahal?" "A-ano bang ibig mong sabihin?" Sagutin mo na lang." "S-sa tingin ko ay susuko na lang ako. Hindi ko maaaring kontrolin ang puso ng isang tao. Ako bilang isang disenteng babae ay hindi ipipilit ang aking sarili lalo na kung mayroong totoong minamahal ang taong minamahal ko." "Sigurado ka ba? Nasasabi mo lang 'yan dahil sa katanungan ko. Pero hindi mo 'yan masasabi kapag masa mismong sitwasyon ka na." "Kung ikaw ay gano'ng klaseng babae, huwag mo na akong igaya sa 'yo. Alam mo kung bakit? Dahil mayroon akong respeto sa sarili ko." Humalakhak siya ng tawa. Bakit pakiramdam ko ay natalo ako sa itinanong niya? Confident kasi siya masyado at ako ay totoong nakaramdam ng pagkatalo. Pero sana naman ay hindi ito mangyari sa akin. At sana ay huwag akong paglaruan ng matandang 'to. Nagulat na lang ako nang maging maraming bulaklak ang matanda at hindi na kulay itim. Bumukas ang isang lagusan kaya kaagad akong pumasok. Bumungad sa akin ang isang talon na malakas ang agos ng tubig. Aakyatin ko ba 'yun? Paano naman ako makakaakyat sa talon kung aakyat pa lang ako ay mahuhulog na ako dahil sa tubig? Sa taas ng mataas na talon ay nandoon na ang lagusan papunta sa mansyon ng mga Vampyres. Nakatayo lang ako ngayon sa isang malaking bato iniisip kung mayroon ba akong madadaanan na mga sanga o bato. Pero nakakatakot dahil malakas ang agos ng tubig. Madali na lang umakyat kung hindi natatabunan ng malaking tubig ang mga bato kaso sinakop na ng tubig kaya wala akong maisip na paraan. Maya-maya pa ay may isang malaking ibon ang lumapit sa harapan ko. Ito 'yung ibon na inilibing ko ah? Nagulat ako nang bigla niya akong dinagat. Ang sarap sa pakiramdam dahil nakita ko kung gaano kaganda ang nasa baba. Inihagis ako ng ibon sa lagusan. Napangiti ako dahil nasa harap na ako ng mansyon ng aking asawa.

 

 

Chapter 21.

ELIHA Nakangiti ako habang tinititigan si Keegan na nakahiga sa aming kama. Unti-unting bumukas ang maganda niyang mga mata. Nakita ko kung gaano kasabik ang mga mata niya sa akin pero bakit kakaiba ang aking nararamdaman? Niyakap niya ako nang mahigpit pero hindi siya nagsalita ng kahit na ano. "H-hindi ka ba masaya na nandito ako? Mas gusto mo ba na si Eli ang nag-alaga sa 'yo?" Nagulat ako nang yakapin niya akong muli at hinimas ang buhok ko. "Hindi sa gano'n, ayaw ko lang na mas mag-alala ka sa akin dahil sa aking kalagayan." "Keean, kagatin mo ako at sipsipin ang dugo ko. That's my order! Ang ibig sabihin no'n ay 'yun ang utos ko." Hinawakan niya ang pisnge ko at hinimas. "Hindi ko gagawin sa 'yo 'yun, mahal. Maaari bang respetuhin mo na lang ang aking desisyon?" Yumuko ako sa sinabi niya. Ipinatong naman niya ang isa niyang kamay sa ulo ko at hinalikan. "Kukuha lang ako ng maiinom mo." Tumalikod ako nang mabilis dahil masama ang loob ko. Hindi ko kasi lubos maisip kung bakit nangyari ito sa kanya. Sumalubong sa akin si Eli na mayroong dalang isang baso na may dugo. "Narito na ang iinumin niya." Kinuha ko ang baso at ngumiti sa kanya. "Kailan ka pa nananatili rito?" "Ang totoo niyan ay.. noong araw na nakita mo ako rito habang inaalagaan siya. Huwag kang mag-alala, wala naman akong intensyon na masama." "Wala naman akong pakialam kung may intensyon ka o wala. Umalis ka na rito, wala ng dahilan ang pananatili mo." "Pero-" Kaagad ko siyang tinalikuran. Nang makita ko si Keegan sa kwarto ay lalo siyang naging maputla. "Inumin mo na 'to para madagdagan ang lakas mo." Inalalayan ko siyang makaupo. Mabilis niyang ininom ang ibinigay ko. Nang matapos siya ay tumitig siya sa akin ng sobra at naging pula ang mga mata niya. Pero kalaunan ay pumikit siya habang inaamoy ako. Nagulat ako nang niyakap niya ako nang mahigpit at ang bibig niya ay nasa leeg ko na. "Kung hindi mo mapigilan ay hayaan mong ang magpalakas sa 'yo ay ang dugo ko." Niyakap ko siya nang mas mahigpit. Pero bigla niya akong binitawan na mayroong pagtitimpi. "Keegan, I love you.." "A-ano ang ibig sabihin no'n, mahal?" "Ang ibig sabihin no'n ay m-mahal n-na k-kita.. paumanhin pero ang kahulugan pala no'n ay mahal kita." Sa wakas ay nasabi ko na rin ang gusto kong sabihin. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang nararamdaman ko sa kanya pero masaya ako sa nararamdaman ko. Ngumiti ng malaki si Keegan habang kumikislap ang mga mata. Bigla niya akong itinulak sa kama at siya ay pumatong sa akin. Hindi ko alam pero.. gusto ko ang ganitong pangyayari o kung ano man ang mangyayari sa amin. His eyes, lips, and messy hair are so attractive that it makes me want him to do anything to me. Dahan-dahan niyang hinawakan ang panga ko. Hinalikan niya ang pisnge ko, noo, ilong at ang aking labi. I just smiled at him. Mariin niyang inilapat ang labi niya sa labi ko at mabilis na ipinasok ang kanyang dila sa loob ng labi ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o bibitaw sa ginagawa niya dahil nakikiliti ako. Hanggang sa sinakop na niya ang labi ko gamit ang malambot niyang labi. "K-Keegan-" wala sa sariling bulong ko sa kanya. Hinalikan niya lang ako sa pisnge at noo. Pero lalo akong napapikit nang maramdaman ko ang labi niya sa leeg ko. He slowly kissed and licked my neck, which caused my eyes to widen. Hanggang sa ibinaba niya ang labi ko sa dalawa kong malusog na mansanas at mariin niyang niyakap. Dahan-dahan niya ring hinimas ang mga ito.. pero hindi niya pinisil. I was expected na huhubarin niya ang damit ko pero hinalikan niya ako sa noo. At humiga siya sa kama. Nabitin ako sa ginawa niya pero hindi ko ipinahalata. Niyakap ko na lang siya. At siya naman ay niyakap din ako ng mahigpit. "Magpahinga ka na muna, Keegan," natatawang sabi ko. Iniharap niya ang mukha niya sa akin habang siya ay nakangiti. "Nabitin ka ba? Huwag kang mag-alala mahal, sa susunod ay mapapagod ka ng sobra." Tumawa ako at pinalo ko siya sa braso. Pero nalungkot ako sa katotohanan na mahina pa rin siya. "Keegan.. kailan ka ba gagaling?" "Hindi ko pa alam, mahal. Pero sabi ni ina ay gagawa raw siya nang paraan. Noong nakaraan kasi ay naubos ang lakas nila ni ama dahil sa mga sumugod dito." "Isa ako sa mga sumugod, ginamit nila ako. Pero hindi naman ako lumaban sa iyong ina at ama. Sa katunayan ay pinuntahan kita sa kwarto mo pero tulog ka. At si Eli ay inaalagaan ka." "Paumanhin mahal kung nasaktan kita at napalayo ka sa akin.." "Ano ka ba, Keegan! Mahal kita at hindi mo kasalanan 'yun. Tsaka gagawin ko ang lahat para lang makabalik sa 'yo." Niyakap niya ako nang mas mahigpit at hinalikan akong muli sa noo. "Keegan, gusto mo bang sumilip sa bintana? Tara! Sabay nating silipin ang mga bituin." Tumango lang siya kaya inalalayan ko siya. Binuksan ko ang bintana para maramdaman namin ang malamig na hangin. "K-Keegan, wala ka bang alam sa iyong buong pagkatao? Ang pagkakaalam ko kasi ay likas na malakas ang mga bampira." Sumandal siya sa balikat ko. "Wala akong alam, Eliha. Ang alam ko lang ngayon ay kailangan kong maging malakas dahil mayroon akong ikaw.. na mahal na mahal ko." "Mahal na mahal rin kita, asawa ko. Tingnan mo ang buwan." Turo ko. "Ang ganda 'di ba?" "Oo, kasing ganda mo at kasing bilog ng iyong mukha. Para kang buwan mahal, ang sarap mong pagmasdan. Ikaw ang klase ng buwan na gusto kong manatili habambuhay." Itinulak ko siya sa sobrang kilig na nararamdaman ko pero kaagad ko rin siyang inalalayan dahil mahina nga pala siya. "Hoy! Keegan Vampyres, sa akin ka lang ah?" "Mahal, ang sarap sa pakiramdam na ako ay inaangkin mo, hindi ako maiirita ro'n. Huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaan na maramdaman mong nagkukulang ako sa 'yo. At ang pagseselos na hindi mo nararapat maramdaman." Hinila niya ang beywang ko at hinalikan ako sa balikat. I have no regrets about loving you, my husband.

 

 

Chapter 22.

ELIHA Sinisipsip ngayon ni Keegan ang leeg ng kanyang ina dahil ito ang utos ni ina. Nang matapos si Keegan ay humarap siya sa akin na maraming dugo sa kanyang bibig. "Malakas ka na ba, aking anak?" "O-oo, ina, salamat po at paumanhin dahil sa aking nagawa sa 'yo." "Wala akong hindi gagawin para sa 'yo, anak. Noong dumating ka kasi sa amin ay naging masaya at naging payapa kami ng iyong ama." Niyakap ni ina si Keegan at ganoon din ang ginawa ng aking asawa. Maya-maya pa ay humarap sa akin si ina at ngumiti. "Eliha, okay na ang aking anak. Ingatan mo siya palagi at sa habambuhay." Nag-bow ako kay ina sabay niyakap ko rin siya. "Mukhang nagdiriwang ang lahat! Ano ang nangyayari? Paumanhin kung ako ay dumalaw ng walang pahintulot." Naramdaman kong nagulat si Keegan at si ina nang lumingon kami sa nagsalita. Siya ay isang matanda na matipuno at guwapong bampira na mayroong itim na kapa at korona. Hari ba siya? Nagbigay ng galang si ina at si Keegan sa pamamagitan ng pag-bow kaya ginaya ko na lang din sila. "Ikaw pala, haring Keg!" nagagalak na bati ni ina, "umupo ka muna. Ano ang iyong pakay?" Umupo si haring Keg sa sofa at gano'n din kaming tatlo. Habang nakatitig ako kay haring Keg ay tumingin siya bigla sa akin at ngumisi. "Nandito ako para makipag-usap kay Keegan. Alam kong paulit-ulit ko na itong itinatanong sa kanya pero uulitin ko pa rin." "Haring Keg, maaari bang bigyan mo ng panahon ang aking anak?" "Hindi na kailangan ng panahon. Hindi ako papayag sa kagustuhan niya, ina." Hinawakan ni ina si Keegan sa kamay. "Haring Keg, alam mo na simula pa lang ay hindi na kami payag ng aking asawa at ng aking anak. Pero kami ay nananatiling nakikisama sa inyo at patuloy kayong nirerespeto. Sana ay respetuhin niyo rin ang aming desisyon. Oo, ang dugo na iniinom namin ay mula sa patay na mga tao pero mas mabuti na 'yun keysa sa kagustuhan niyo na manggaling ang dugo sa buhay na mga tao. Sa tingin ko ay hindi 'yun makatarungan." Tumawa lang si Keg kaya bigla kong naaalala si Eliza. Same vibes 'yan? Tsk! Ang lakas mang-asar. Mabuti pa si ina, ama at Keegan dahil kahit na bampira sila ay mayroon silang dignidad at prinsipyo. "Nirerespeto ko naman ang desisyon niyo. Pero ipapaalala ko lang sa 'yo na alam ko ang lahat ng tungkol kay Keegan. At sa tingin mo ba ay hindi niya hahanap-hanapin ang sariwang dugo?" "Salamat sa pagrespeto ngunit tama na 'yung alam mo ang tungkol sa kanya na huwag mo nang ungkatin pa." "Madali lang naman akong kausap, pero kung ako sa 'yo bilang ina niya ay hahayaan kong maging hari ang aking anak. Alam mo na likas sa mga bampira ang maging masama at kailangan ng sariwang dugo pero ipinagkakait mo 'yun sa kanya." "Kailan man ay hindi ko ipinagkait sa kanya 'yun, pero sa ibang paraan na alam ko." "Kapatid, ginugulo mo na naman ba ang aking anak?" Pagkalingon namin ay si ama ang nagtanong kay Keg na kararating lang. I see, magkapatid pala sila ama at Keg. "Hindi naman, kapatid. Nais ko lang naman ipaalala ang matagal ko ng inaalok sa iyong anak." "Kung narinig mo na ang paulit-ulit niyang sagot ay maaari ka ng umalis." Lumapit si Keg kay ama at umakbay. "P'wede bang dito muna ako hanggang bukas ng gabi?" Nagtitimpi na tumango si ama. "Hindi sila totoong magkapatid sapagkat si ama ay ampon lang ng mga magulang niya. At bata pa lang si ama ay umalis na siya sa kaharian para mamuhay ng mag-isa at walang utang na loob," bulong ni Keegan sa akin. Tumitig ako sa kanya at ngumiti. "Pero ano namang gagawin mo rito, Keg?" "Mananatili lang na walang ginagawang masama. Sa ngayon ay magpapahinga muna ako sa kwarto ko rito." Mabilis siyang naglaho. "Mag-iingat kayo sa kanya," paalala ni ama. "O-opo," tugon ko. "Keegan.. nais kong bisitahin si Pluma, please?" Hinalikan ko siya sa pisnge. I just smiled dahil ngumiti siya. Lumingon siya sa akin at ngumuso. Oh my ghad! He is so cute kaya naman hinila ko siya papalayo. Nang makarating kami sa likod ay nakanguso pa rin siya kaya natawa ako. He was obviously waiting for my kiss, so I kissed him gently on his lips. At nagulat ako nang bigla niya akong iniharap sa pader kaya ngayon ay nasa likod ko na siya. Hala! Ano bang gagawin niya sa akin? Kinikilig na talaga ako ng sobra. Nagulat ako nang bigla niyang ilapit ang kanyang bibig sa aking tainga at hinalikan. "Maaari ko bang hawakan ang iyong p*w*t, aking asawa?" Lalo akong kinilig sa itinanong niya, haharap na sana ako sa kanya pero hinawakan niya ako ng mahigpit para hindi ako makaharap. "Maaari ba, Eliha?" gumagaralgal na tanong niya na nararamdaman kong sabik na sabik siya sa akin. "O-oo, mahal.." Napatalon ako nang paluin niya ang aking p*w*t at hinimas nang hinimas. "Keegan! Baka may makakita sa atin dito!" saway ko sa kanya habang kinikilig. Pero nawala ako sa wisyo nang halikan niya ako sa leeg. At mas nawala ako sa wisyo nang sabunutan niya ako ng kaunti habang hinahalikan ako sa likod. "Eliha, ano ang tawag sa ginagamit mong kakaibang salita?" "I-inglis ang tawag do'n, Keegan. Inglis ang tawag sa vampire world na ginagamit niyo rito at ang blood factory niyo.. uhm bakit mo naitanong?" "Naiintindihan ko na, maaari mo bang inglis-in ang nahuhumaling ako sa 'yo?" bulong niya habang patuloy na hinahalikan ang likod ko. "A-ang inglis no'n ay.. I'm obsessed with you." "Eliha!" pagpipigil na sigaw niya, "I'm obsessed with you." Mariin niyang hinalikan ang leeg ko kaya ako ay napapikit. Uungol na sana ako pero bigla niyang tinakpan ang bibig ko. "Huwag dito, mahal." Iniharap na niya ako sa kanya at hinalikan niya ako sa noo. Sumimangot ako, "Bitin na naman ako, mahal!" Tumawa siya at hinalikan ulit ako sa noo. Sa sobrang inis ko ay pinalo ko siya sa braso pero kinuha niya ang isa kong kamay at hinalikan. "I love you, Eliha." Nagtakip ako ng mukha dahil sa kilig na aking nararamdaman. "I love you too, Keegan ko." He squeezed my cheek and smiled. "Kagaya ng pagiging immortal ko na hindi kumukupas ay gano'n din ang aking pagmamahal sa iyo." Kinurot ko si Keegan sa tyan at niyakap ng mahigpit.

 

 

 

Chapter 23.

ELIHA "Nais kong magkaroon tayo ng pagdiriwang!" masayang sambit ni haring Keg habang kaming lahat ay nasa lamesa. "Bakit? Ano ang nais mong ipagdiwang?" kuro ni ama. "Para sa aking anak na si Prinsipe Kein, pupunta siya rito mamaya. Ayaw niyo bang bigyan siya ng selebrasyon?" "Gano'n ba? Wala namang problema, hahayaan kong magkaroon tayo ng selebrasyon para sa Prinsipe." Ngumiti si haring Keg bago nag-bow kay ama. Bakit parang may mali sa mga mata ni Keg? "Mahal, kung may pagdiriwang mamaya ay dapat maghanda tayo. Halika, may ipapakita ako sa 'yo." Inakbayan ako ni Keegan at patuloy kaming naglakad papasok sa kwarto. Inalalayan ako ni Keegan na umupo sa kama dahil mayroon daw siyang kukunin sa cabinet. Maya-maya pa ay may dala siyang isang green gown. "Gusto mo bang isuot ito, mahal ko?" "Para sa akin ba talaga 'yan, Keegan? Sa sobrang ganda niyan ay palagay ko ay hindi 'yan bagay sa akin." Lumapit siya sa akin sabay hinawakan ako sa balikat. "Para sa akin ay lahat ng isusuot mo ay bagay sa 'yo. Gusto mo ba na mamaya ay ako ang magbihis sa 'yo?" "Salamat.. hoy! Ikaw ah, are you serious? I mean seryoso ka ba?" natatawang sabi ko. "Mukha ba akong nagbibiro mahal ko?" Hinalikan niya ako sa leeg dahilan para mapapikit ako. "M-mahal.. nanghihina ako sa ginagawa mo." Inilagay ko ang kamay ko sa balikat niya. Iniharap niya ang mukha ko sa kanya sabay hinalikan niya ako ng mariin sa labi. "Mahal na mahal kita, Eliha ko." "I love you too, mahal." Binitawan ni Keegan ang gown at patuloy akong hinalikan sa leeg. "Mahal, ako ang magsusuot sa 'yo ng gown." Tumango lang ako sa sinabi niya dahil sarap na sarap ako sa ginagawa niya. Dahan-dahan niya akong tinulak sa kama at unti-unti niyang ibinaba ang aking tube na suot. "Ang ganda mo talaga at ang bango." Sinisisid niya ngayon ang dalawang malulusog kong mansanas. Hinihimas niya ito ng todo, sinisipsip at dinidilaan. Hindi ko alam kung saan ako kakapit dahil sa ginagawa niya pero ang alam ko ngayon ay sarap na sarap ako. At pakiramdam ko ay nasa itaas na ako ng earth. Unti-unting binaba ni Keegan ang kanyang halik sa aking tyan kasunod naman sa aking pusod. Ako ay lumiyad dahil sa nakikiliti na ako ng sobra. Ngayon naman ay bumalik siya sa aking leeg at mariin itong sinipsip. Nang makita ko ang mukha niya sa harap ko ay ang mga mata niya ay naging pula. Ang hot niya dahil messy ang kanyang buhok at mapungay ang mga mata. Nakatitig siya sa akin habang kumakagat ng kanyang labi. "Ang sarap mo, Eliha ko." Mariin niya akong hinalikan sa labi dahilan para umungol ako. Ako ay lumaban sa kanya sa paghalik dahil hindi ako magpapatalo hanggang sa ipinasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko at gano'n din ang ginawa ko. Halos matagal din kaming naghalikan pero hindi nakakasawa dahil ang tamis ng labi niya. At nakakagat niya ang labi ko pero nag-so-sorry naman siya. "P'wede bang ipasok ko?" bulong niya. "Bakit ka pa nagpapaalam? Mag-asawa na tayo." Hinawakan ko ang labi niya at dinakma ko gamit ang aking labi. Ako ay nakapalda ngayon kaya mabilis na hinubad ni Keegan ang aking p*nty. Nagulat ako nang bigla niyang itaas ang mga paa ko at ipinatong sa kanyang balikat. Ano ba ang gagawin niya? inosente kasi ako. Pero para sa 'yo Keegan ay magiging wild ako. Mabilis na naghubad si Keegan ng kanyang pang ibaba na suot kaya bumungad sa akin ang isang mahabang ruler. Grabe, totoo ba talaga 'to? Hindi ako makapaniwala pero dahil nakataas na ang paa ko ay hindi na ako puwedeng umatras. Dahan-dahan niyang ikiniskis ang kanyang mahabang riuler sa aking bulaklak. At dahan-dahan niyang ipinasok ang kanyang p*nis sa aking v*gina. Sa pakiramdam ko ay hindi pa nakakapasok ng buo ang mahaba niyang ruler dahil mataba ito. Pero pilit niya pa ring ipinapasok nang dahan-dahan habang siya ay bumabayo. "Ahh!" ungol ko habang ginagawa niya ang bumayo. At nagulat ako nang maipasok na niya sa loob kaya lalo akong umungol nang umungol. Kahit siya ay umuungol din. "Keegan! Bilisan mo!" excited na sigaw ko. Siya naman ay kumagat labi habang nakatitig sa akin habang ako ay binabayo. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang idiin ang mahaba niyang alaga kaya hindi ko na alam kung paano ako uungol. Habang ako ay binabayo niya ay nakasuot pa rin ako ng palda pero kitang-kita niya ang malulusog kong dibdib kaya lalo siyang napapakagat labi. "Eliha, nakakabaliw ka! Ahh!" Inilagay niya ang isang daliri niya sa bibig ko. At sinipsip ko naman ang isa niyang daliri habang ako ay ginagalaw. Sarap na sarap ako habang ako ay ginagalaw niya at ang sumasakop sa aming kwarto ay ang ungol namin. Habang siya ay bumabayo ay hinahalikan niya ang legs ko dahilan para mapasigaw ako lalo. At hinihimas niya ang malulusog kong mansanas. Grabe ka, Keegan! "Tuwad," utos niya. Nahiya ako kaya dahan-dahan akong tumalikod. Pero nagulat ako nang mabilis akong nakatuwad dahil siya ang nag-control sa akin. Napakagat labi ako nang bigla niyang paluin nang malakas ang aking p*wet . At napapikit ako ng sobra nang ipasok niya bigla ang mahaba niyang ruler. Nagtaka ako nang hindi siya gumalaw. Kaya naman ako na ang nag-volunteer na gumalaw. Hinawakan naman niya ang balakang ko habang ako ang nabayo sa kanya. "Ohh! Eliha ko!" malakas na sigaw ni Keegan habang gigil na gigil na nakahawak sa aking balakang. Maya-maya pa ay pinatigil na ako ni Keegan sa paggalaw. Bumwelo ako dahil alam kong siya na ang gagalaw sa akin. At labis akong umungol nang simulan na niya ang pagda-drive ng mabilis sa aking loob. Grabe, basang-basa na ang bulaklak ko at ang alaga ni Keegan ay sobrang tigas kaya lalong masarap. Sh*t! Maya-maya pa ay naramdaman kong lalabasan na ako kaya isinigaw ko para marinig ni Keegan. Pinalo niya lamang ang aking p*wet. Sinabi niya rin na lalabasan na siya kaya naramdaman kong sabay kaming sumabog. And dahil sa pagod ay napahiga kami parehas. Inilapit ni Keegan ang bibig niya sa tainga ko. "Ang sarap mong maging asawa." "Mas masarap kang maging kapilas ng buhay, Keegan. Alam mo, sana ay magkaanak na tayo." "Oo naman, marami akong ipinutok sa 'yo." Hinalikan niya ako sa labi. "Pero kung hindi pa ay huwag kang mag-alala dahil maghihintay ako at hindi kita pipilitin na magkaanak tayo kaagad. Malaki ang aking respeto sa 'yo, asawa kong mahal." "S-salamat, kahit ako ay maghihintay rin dahil nararapat naman talaga tayong maging magulang dahil mayroon tayong pagmamahal sa ating puso. Salamat din dahil hindi mo ipinaparamdam sa akin na kulang ako sa buhay mo." Mariin niyang nilaplap ang labi ko kaya natawa ako ng sobra. "Malapit na ang pagdiriwang, gusto mo bang ayusan na kita?" Keegan asked sabay umupo. "Talaga? Kaya mo?" "Oo naman mahal, kaya kong ayusan ang iyong buhok. Gusto mo bang itali ko?" "O-oo, mahal." Inalalayan niya akong makaupo at kinarga niya ako nang tumayo siya. Nang makatayo kami ay ibinaba niya ako. "Mahal, tatalian ko ang iyong buhok, lumuhod ka." Nagtaka ako sa sinabi niya dahil bakit nakaluhod pa. Pero kaagad naman akong sumunod. Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang mahaba niyang alaga. "Isubo mo ito at ako naman ay tatalian ang iyong buhok." Tumawa ako, "Seryoso ka?" Ang totoo kasi niyan ay first time ko talaga itong mga ginagawa namin. "Oo aking kapilas ng buhay." Hinawakan niya nang dahan-dahan ang buhok ko. At ako naman ay dahan-dahan din na hinalikan ang kanyang p*nis. Mabilis ko itong sinubo, grabe ang tamis at ang sarap. Nang tingnan ko si Keegan ay tumitirik ang mga mata niya kaya lalo akong ginanahan. At syempre, tinatali niya pa rin ang aking buhok. Pagkatapos ng ilang minuto ay pinatayo ako ni Keegan at pinaharap sa likod. Nagulat na lang ako nang bigla niyang ipasok ang kanyang masarap na alaga at mabilis akong ginalaw. Sinakop na naman ng aming ungol ang aming silid. Habang ginagalaw ako ni Keegan patalikod ay tinatalian niya pa rin ako. At pakiramdam ko ay maganda naman ang pagtali niya sa buhok ko. Nang matapos niyang ayusin ang buhok ko ay hinimas niya nang hinimas ang dalawang mansanas ko at mariin na hinimas din ang aking p*wet. Pagkatapos ng mahigit 30 minutes ay nilabasan na naman kami ni Keegan ng sabay sa loob. At mas nagulat ako nang nilabasan pa siya sa loob ko. Kumuha siya ng bagong p*nty ko at isinuot niya sa akin. At habang ginagawa niya 'yun at hinahalikan niya ako sa balikat. Maya-maya ay kinuha na niya ang gown na susuotin ko. At siya nga ang nagsuot sa akin. Habang ginagawa niya 'yun ay hinahalikan niya ang pisnge ko kaya sobra akong nasasarapan. Sa wakas ay nakapagbihis na ako. "Mahal, ikaw ang magbihis sa akin." Hinimas ni Keegan ang aking pisnge. Tumango lang ako at napakagat labi. Ibinigay niya sa akin ang susuotin niya. At hinila niya ako kaya napahawak ako sa kanyang dibdib. "Ang ganda ng iyong katawan, mahal." Ngumiti lang siya at bigla akong hinalikan sa labi. Unti-unti kong sinusuot ang kanyang susuotin. At nang nasa ibabang parte na ako ay napalunok na lang ako dahil ang laki ng kanyang ano. Pagkatapos ko siyang bihisan ay hinalikan niya akong muli sa labi. Madiin niyang hinalikan ang aking labi at ipinasok niya ang kanyang dila nang paulit-ulit. Bigla niya akong inihiga sa kama. "Keegan.. naka-gown na ako." "Ibuka mo lang, mahal." Binuka ko nga ang legs ko at kaagad naman niyang ibinaba ulit ang p*nty ko. Nagulat ako nang bigla niyang dilaan ang aking bulaklak kaya napasigaw ako at umungol nang umungol. Ipinapasok niya nang mabilis ang kanyang tongue sa aking bulaklak. Maya-maya pa ay binuhat niya ako at dinala sa bintana. Ako ngayon ay nakaharap sa bintana samantalang si Keegan naman ay nasa likod ko habang hawak ang aking p*wet. "Mahal na mahal kita, hindi ko hahayaan na mawala ka sa akin," he whispered. Habang magkayakap kami ay may kumatok. "Tara na sa labas mahal ko, siguro ay handa na ang lahat." Hinawakan ako ng mahigpit ni Keegan sa aking kamay. Ako naman ay nakangiti lang habang kami ay naglalakad dahil sigurado ako na magkakaroon na kami ng anak sa aming ginawa kanina. Napahawak ako sa aking tyan. Maya-maya pa ay nakita na namin ni Keegan ang living room na maraming design at mga upuan sa gilid. Ang theme ng paligid ay black and red. "Keegan, magandang gabi," bati ng isang guwapong bampira. Siguro siya ang Prinsipe. "Magandang gabi rin, Kein. Nais ko nga pa lang ipakilala ang aking mahal na asawa, siya si Eliha." Ngumiti sa akin si Kein at nag-bow. Ako naman ay nahiya kaya nag-bow rin ako. "Napakaganda mo, Eliha. Masaya ako na nakilala kita." "Ako rin ay masaya, Kein." Biglang bumungad sa amin si Keg. "Sigurado ako na magiging masaya ang lahat mamaya." Bakit parang sigurado siya sa mga sinabi niya? Hay naku! Siguro ay praning lang ako. Nagpaalam na sa amin si Kein. Ang tingin ko sa kanya at nararamdaman ay isa siyang hindi sakim na bampira. At mukhang wala siyang problema sa aking asawa. Maya-maya pa ay may mga ilan na ring bampira ang dumalo sa pagdiriwang. At as usual, ang iniinom nila ay blood. "Maaari ba kitang isayaw, aking mahal?" Keegan asked. Tumango ako at ngumiti ng sobra. Inilahad ko ang aking kamay sa harapan niya at kaagad naman niyang hinawakan. Pumunta kami sa gitna ng aking asawa. Grabe, ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Tuluyan na nga kaming sumayaw ni Keegan. Pero dahan-dahan at maingat ang paghawak niya sa akin. Isinandal ko ang aking ulo sa dibdib niya habang kami ay nagsasayaw ng dahan-dahan. Si Keegan naman ay hinahalikan ang aking ulo. Inilayo niya ako sa kanya at ako naman ay umikot na parang prinsesa. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito dahil masaya kami ni Keegan. At wala ng hahadlang sa aming kasiyahan kasi sa pakiramdam ko ay dito sa mundo talaga nila ako nakatadhana. Hinawakan ni Keegan ang balakang ko at hinimas habang sinasabayan namin ang musika. Mas nagulat din ako nang bigla niyang halikan ang aking leeg. Marami naman ang pumalakpak sa amin. Tumitig sa akin si Keegan at sunod na sinakop ang aking labi kaya lalong nagpalakpakan ang lahat. Habang sinasabayan namin ang musika ay bigla akong pinaharap ni Keegan sa likod at siya naman ay nasa likod ko. Hinawakan niya ulit ang balakang ko at kiniskis sa kanyang ibaba kaya naramdaman ko ang matigas niyang p*nis. Bigla akong humarap sa kanya dahil baka lalo akong mabaliw sa ginagawa niya. Nang matapos kaming sumayaw ay pumunta kami sa isang table kung saan mayroong dugo. Uminom si Keegan ng ilang baso sabay hinalikan ako sa dibdib. Wow, Keegan is wild na talaga. Maya-maya pa ay pumunta sa sentro ng malaking living room si Keg. "Magandang araw sa lahat, siguro ay nagtataka ang ilan sa inyo dahil nandito ako ngayon. Mayroon kasi akong mahalagang anunsyo katuwang ang aking naging kaibigan noong mga nakaraang buwan." Nang tumingin ako kay ama at ina ay mukhang nagulat sila sa sinambit ni Keg. Ano kaya ang anunsyo ng hari? Siguro ay isasalin na niya ang korona niya sa kanyang anak. Nagulat ang lahat nang biglang may lumabas na itim na usok. Bumungad sa lahat ang aking ina na si Eliza. Ano?! Siya ba ang tinutukoy na kaibigan ni Keg? Imposible naman yata dahil magkaaway ang pagitan ng lahi nila. Mabilis na lumapit si ina at si ama sa dalawa gamit ang kanilang kapangyarihan. "Kung mayroon man kayong binabalak na masama ay huwag niyo nang itutuloy!" makapangyarihan na sigaw ni ama. Nakakakilabot na magalit si ama pero alam ko na pinoprotektahan niya lang kami. "Ano ka ba, wala naman kaming binabalak, mayroon lang kaming anunsyo. Isang malaking rebelasyon na alam kong magugulat ang lahat." Pumalakpak si ina. Si Keg naman ay tumawa lang. "Binabalaan ko kayong dalawa," matipid na saad ni ama. Si Eliza naman ay umikot nang umikot sa paligid. "Kung sa tingin niyo ay natalo niyo kami noong nakaraan na laban ay nagkakamali kayo. Keegan, ikaw ang natalo." Ano raw? "Ano ang iyong ibig sabihin?" nagtatakang tanong ni Keegan. "Walang kasalanan ang aking anak sa 'yo, Eliza," sabat ni ina. Hindi sila pinansin ni Eliza bagkus sinakop ng tawa niya ang paligid. "Handa na ba kayo?" Mabilis na sinakal ni ina si Eliza. "Umalis ka na." "B-bitawan mo ako, ayaw mo bang malaman ang katotohanan sa pagitan ng iyong anak at sa kanyang pinakasalan?" natatawang tanong ni Eliza. "A-ano ang ibig mong sabihin? Hindi mo pa rin ba tanggap si Keegan sa iyong anak na si Eliha?!" "Sa tingin mo ba ay tatanggapin ko 'yang tagapagmana ng blood factory kung ang gusto kong maging tagapagmana ay ang aking anak?!" "Maaari namang mangyari 'yun dahil asawa na siya ni Keegan!" sigaw ni ina. "Kahit na anong sabihin mo ay wala akong pakialam. Keegan Vampyres, kung akala mo ay gano'n ako kadaling pumayag na pakasalan mo ang anak ko ay nagkakamali ka. Alam mo kung bakit? Dahil ang pinakasalan mo ay ibang nilalang!" Eliza happily revealed. Napaatras ako sa aking narinig dahil hindi ako makapaniwala. Kahit si Keegan ay napabitaw sa aking kamay. "Hoy! Kami ba ay niloloko mo?!" galit na kuro ni ina. "Hindi! Dahil hindi ko naman talaga ipinakasal ang aking anak sa iyong anak! Ang pinakasalan ni Keegan ay ang babaeng mula sa aking sumpa! Ang sumpa na aking ginawa!" masayang sagot niya. Napatingin ako kay Keegan, wala siyang emosyon. Pero pakiramdam ko ay naiiyak na siya. So sumpa pala ang dahilan kung bakit ako nandito sa vampire world?! Napatingin sa akin si ama at ina. Ako naman ay yumuko lang. Si Eliza naman ay may ipinakita sa amin, isang magic flashback na kung saan nakikita namin ngayon ang ginawang sumpa ni Eliza noon. 'Yung video na ipinapakita ni Eliza ay magic ang kahulugan sa mundo nila. Sa video na ipinapakita niya ay siya ay naghahalo ng mahika sa malaking jar. At kumuha siya ng libro na kung sino ang makakabasa no'n ay siya ang nakatakda para sa kasalan na magaganap. At ako nga 'yun, ako ang nakabasa kaya ako ang nag-travelled. Malinaw sa magic video na niloko kaming lahat ni Eliza. "Paano mo ito nagawa sa amin?! Nasaan ang totoong Eliha?!" galit na sigaw ni Keegan sabay mabilis na sinakal si Eliza. Ako naman ay napaluhod at napaiyak dahil hindi ko na alam ang aking iisipin at ang aking mararamdaman. Ang kasal na ito ay fake. At ang pagmamahal ni Keegan ay fake dahil hindi naman talaga ako ang tunay na Eliha. "Ang aking anak ay hindi mo matatagpuan!" masayang sagot ni Eliza. Ang lahat naman ng mga bampira sa aking tabi ay parang nandidiri sa akin. Tumingin sa akin ang ina ni Keegan. "Eliza, anong klaseng nilalang si Eliha?!" "Wala na akong pakialam do'n, siya ang nagbasa ng libro kaya siya ang nakinabang sa anak niyo! O 'di ba?! Ang ganda ng aking paghihiganti dahil nasaktan ko ng sobra ang iyong anak!" Mas lalong hinigpitan ni Keegan ang pagsakal kay Eliza. Pero pinigilan siya ng kanyang ama. "Kayong lahat! Lalo na kayo, Keg at Eliza, umalis na kayo!" sigaw ni ama. Ako naman ay humahagulhol na dahil nasasaktan ako ng sobra. Ako pala ay hindi mahal ni Keegan. Pero mahal na mahal ko na siya. Saan na ako pupulutin nito? Nang lumingon sa akin si Keegan ay wala siyang kahit anong emosyon. Kahit sino naman siguro 'no? Dahil hindi talaga ako ang babaeng minamahal niya. Siguro ay magkamukha lang kami ni Eliha pero hindi niya talaga ako mahal. Lalapit na sana ako kay Keegan pero pinigilan ako ni ama at ina. "Hindi namin alam kung saan ka nanggaling kaya maaari ka ng umalis," sambit ni ina. Ako naman ay kaagad na tumayo at hinawakan ko ang kamay niya. "Huwag niyo po akong paalisin! Hindi ko naman po kasalanan ang kasalanan ni Eliza!" Hindi sumagot si ina. Si ama naman ay yumuko lang. At nang tumingin ako kay Keegan ay naglakad siya papalayo.

 

 

Chapter 24.

ELIHA Ako ngayon ay nasa isang silid. Hindi kasi ako pinaalis ni ina. Pero kahit anong oras daw ay p'wede na akong umalis dahil hindi talaga ako ang asawa ni Keegan. Naniniwala raw sila sa ipinakita ni Eliza dahil nararamdaman nila ang enerhiya ng katotohanan sa mga mata nito at sa ipinakita. Ako ay napaluhod. Umiyak ako nang umiyak dahil hindi talaga totoo na ako ang asawa ni Keegan. Sobrang sikip ng dibdib ko ngayon at kahit sinong matalino na tao ay hindi maipapaliwanag ang aking nararamdaman. Ang gusto kong mangyari sa akin ay ang maglaho at mawala na rito sa mundo nila. Pero kakayanin ko ba? Kung mahal na mahal ko na si Keegan? Keegan is everything to me. Siya lang ang gusto ko at gugustuhin ko. Kung hindi ako ang totoong Eliha, bakit nagkaroon ako ng kapangyarihan? Kasama rin ba 'yun sa sumpa? Lumabas ako sa kwarto. Sakto dahil biglang dumaan si Keegan. Gusto ko mang pigilan ang aking mga paa papalapit sa kanya ay hindi ko nagawa kaya tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap ko siya habang nakatalikod. "Sana ay walang magbago sa pagtrato mo sa akin, Keegan, mahal na mahal kita." "Paano na hindi magbabago, Eliha? Kung hindi naman ikaw ang totoong minamahal ko." Inalis niya ang dalawa kong kamay na nakayakap sa kanya. At siya ay humarap sa akin. Lumuhod ako sa harapan niya. "Please! Ako na lang ang mahalin mo!" "H-hindi ko kaya, Eliha.. alam na alam mo kung gaano ko kamahal ang totoong Eliha. At gagawin ko ang lahat para mahanap siya. Kapag siya ay nahanap ko na ay papakasalan ko ulit siya, paumanhin." "H-hindi ka ba naaawa sa akin, Keegan?" hindi ko na napigilan na tumulo ang aking luha. "Naaawa ako sa 'yo dahil sa akin ka napunta. At wala ka ring kaalam-alam na ako ang papakasalan mo." "'Yun lang? H-hindi ka ba naging masaya sa akin?" "Hindi, Eliha. Akala ko kasi talaga ay ikaw siya kaya naging masaya ako sa ating pagsasama. Pero hindi talaga dahil sa 'yo." Tumalikod siya. Pero ako ay nananatiling nakaluhod lang. "Wala ka bang napansin na differences namin ni Eliha? Kung mayroon man ay 'yung pagkakaiba ko ba sa kanya ay minahal mo? O nagustuhan mo?" "W-wala akong minahal sa 'yo." "Paano naman 'yung nangyari sa atin, Keegan?! Biktima rin naman ako rito!" Hinawakan niya ang kamay ko at hinimas. At lumuhod din siya sa harapan ko. "Paumanhin, Eliha, hindi ko naman dapat iparamdam sa 'yo na ako lang ang biktima rito pero ako rin ay wala akong alam. Ngayon ay humihingi ako ng kapatawaran mo dahil sa nagawa ko sa 'yo." "Pinapatawad na kita, Keegan. Pero maaari ba akong manatili rito?" Pumikit siya, siguro ay ayaw niya dahil magkamukha kami ni Eliha. At maaalala niya lang sa akin ang totoong minamahal niya. "H-hindi ko kaya na makita kita rito, pero sige, ako ay papayag." Kaagad ko siyang niyakap nang mahigpit at hinalikan ko siya sa pisnge. Pero mabilis niya akong itinulak. "Pasensya na, salamat, Keegan." Tumango lang siya at mabilis na naglaho. Ako naman ay naiwan lang na mukhang kawawa, biktima, at hindi kamahal[1]mahal. Sana pala ay hindi na lang kita nakilala, Keegan. Pero hindi ako nagsisisi na minahal kita. Bumalik na lang ako sa kwarto at humiga sa kama. Ang pakiramdam ko ngayon ay mas masakit pa keysa sa pananakit ni Papa dahil ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay hindi lang sinusuntok ang aking puso kundi hinihiwa isa-isa. Humagulhol ako dahil sa sobrang hinagpis ng aking puso. Lumapit ako sa bintana. Keegan, kagaya ng bituin ay gano'n ka na rin kalayo sa akin. Ang sakit na nangyari pa ito sa atin kung kailan masaya na tayo. Alam mo ba, ng dahil sa 'yo ay naranasan kong mahalin at alagaan. Pero hindi ko akalain na sa 'yo ko rin mararanasan ang totoong kirot sa puso. Paano ako mag-mo-move-on sa 'yo? Paano kita makakalimutan? Mabuti sana kung mawala na ako rito sa mundo niyo pero mukhang malabo. At paano kung mahanap mo na ang totoong Eliha? Paano na ako? Wala ng magmamahal sa akin kagaya ng pagmamahal na ibinigay mo. Gano'n ba talaga ka-unfair sa akin ang mundo? Na binigyan ako ng nanay na iniwan ako, na binigyan ako ng tatay na sinasaktan at kinukulong lang ako at isang bampira na minahal nga ako ng sobra pero dahil naman pala sa isang sumpa. Paano ako makakaramdam ng pagmamahal muli kung sinira ng mga tao sa paligid ko ang aking puso? At paano ko rin maiiwasan na hindi sila mahalin kahit hindi nila ako mahal? Gano'n ba ako kahirap mahalin? Gano'n ba ako kahirap pakisamahan? At pinanganak lang ba ako para saktan?! Mas lalo akong humagulhol habang tumitingin sa kalawakan. Hindi ko napigilan ang sarili kong lumabas. Pagkalabas ko ay nakita ko ang kwarto ni Keegan. Siguro ay tulog na siya dahil ilang oras na rin ang nakalipas. Kaagad kong binuksan ang pinto ng kwarto niya at kaagad akong pumasok. Nakita ko na nakahiga siya at nakapikit na. Inalis ko ang butones ng suot ko at hinubad ang aking mga saplot. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at kaagad akong pumatong sa kanya. Dahan-dahan kong hinalikan ang leeg niya papunta sa ibabang parte ng dibdib niya. Hinawakan ko rin ang kanyang ruler at pinisil. Naramdaman ko naman na umungol siya. Maya-maya pa ay bigla niya akong niyakap. "Eliha, ikaw ba 'yan? Bumalik ka na ba talaga? Hindi na ba ikaw 'yung peke na Eliha?" Halos malaglag ang aking puso sa aking narinig. Si Keegan naman ay patuloy na sumisipsip sa aking leeg at dinilaan niya pa. Mabilis niya ring hinalikan ang aking labi at sinipsip. Huhubarin ko na sana ang short niya pero bigla niya akong itinulak. "H-hindi ikaw si Eliha, 'di ba?" "Ano naman? Masaya naman tayo 'di ba?" Itinulak ko siya pahiga at mabilis kong hinubad ang kanyang short. Nang mahubad ko ay kaagad kong ipinasok sa aking bulaklak ang kanyang ruler. Nakapatong ako sa kanya ngayon habang ako ang bumabayo sa kanya. Pero nakita kong hindi masaya si Keegan at hindi siya mukhang nasasarapan. Pero ipinagpatuloy ko pa rin ang paggalaw sa kanya. Ngunit napahiya ako nang bigla niya akong inihiga sa kama at umupo siya. "Hindi kita asawa, sana ay alam mo 'yun." "Pero mahal kita, Keegan! Masama bang mahalin kita kahit na hindi ako ang babaeng mahal mo? Puwede bang ako muna ang mahalin mo habang wala pa si Eliha?" Yumuko siya at bigla akong niyakap. "Hindi ko maaaring sulitin ang iyong katawan o ikaw mismo dahil hindi naman talaga kita mahal. Ayaw kong gamitin ka at ang iyong katawan ng dahil lang sa nami-miss ko ang aking asawa. Sana ay patawarin mo ako." Hindi ko siya pinakinggan dahil niyakap ko siya nang mahigpit. Inilapit ko naman ang mukha ko sa mukha niya at bigla ko siyang hinalikan ng madiin. Pero hindi siya gumaganti. Gano'n ba kahirap ang request ko? "Eliha, umalis ka na lang habang hindi pa ako nagagalit." "Alam ko na hindi mo kayang magalit sa akin dahil mayroon din tayong pinagsamahan. Kaya puwede bang ako muna? Puwede bang katawan ko muna? Puwede bang bulaklak ko muna? At puwede bang puso ko muna? Habang siya ay wala." "Gusto kong makita mo ang iyong halaga sa ibang lalaki, huwag sa akin." "Pero ikaw ang nakikita kong magmamahal lang sa akin, Keegan." "Hindi lang ako." Mabilis kaming naglaho. Nagulat na lang ako dahil nasa labas na kami ng mansion. Grabe, seryoso nga siya. "Paalam, salamat." Tumalikod si Keegan. Yayakapin ko na sana siya pero kaagad siyang naglaho. Napaluhod na lang ako sa harapan ng mansion nila. "Mahal na mahal kita, Keegan, paalam at salamat." Tumalikod na ako at naglakad nang naglakad sa madilim na daan. Maya-maya pa ay nakarating na ako sa gubat. Ang dilim, natatakot ako. Pero kakayanin ko ito at hindi ako matatakot dahil mayroon naman akong kapangyarihan. Ang ikinakatakot ko ay ang hindi ko na makita nang tuluyan si Keegan at ang mahanap na niya ang tunay niyang minamahal. Ang sakit, kung gaano pala kadali na mag-travelled ako sa mundo nila ay gano'n din kadali na mababawi sa akin. SANA PALA AY HINDI NA LANG AKO NATULOG. Sana ay hindi ako nasasaktan ng ganito. I hate you, Dad kasi ng dahil sa 'yo ay pinagdadaanan ko 'to. Sana ay minahal mo na lang ako at hindi ikinukulong. Siguro ay kung minahal mo ako ay nagmahalan sana tayo hanggang ngayon ay inaalagaan kita. At kung pumayag ka lang siguro na magkaroon ako ng asawa ay sana'y mayroon ka ng apo. Tumigil ako sa puno at doon umupo. Saan na ako titira nito? At ano na ang mangyayari sa akin? Ganito na lang ba talaga ako? Bakit ang dali nila akong palayasin? I see, hindi ako kamahal-mahal. Ang sarili ko ngang ama ay hindi ako mahal.. si Keegan pa kaya? Imbis na umiyak ako sa takot ay mas umiyak ako sa lahat ng alaala namin ni Keegan ko. At sa pagmamahalan namin na madaling tinapos ng isang Eliza. Uhm, speaking of Eliza.. kailangan ko siyang makita at pagbayarin. I do not deserve this type of pain. Pero bakit paulit-ulit na ipinararamdam sa akin? Tumayo na ako. Ako ay pupunta kay Eliza, hindi pa kami tapos at hindi matatapos 'to hanggang hindi ko nalalaman kung sino ang totoong Eliha. Mabilis akong nakarating sa mansion ni Eliza. Ang plastic niya, hindi ko pala siya nanay. Again, pinaasa niya lang ako at umasa naman ako. Bakit ba kasi assuming ako masyado? Pinasok ko ang loob ng mansion niya dahil nakabukas naman ang pinto. Nakita ko kung gaano siya kasaya ngayon habang nakaupo sa upuan. Masaya siya dahil nawasak niya ang puso ni Keegan. At ako na naging victim sa kabaliwan niya. Lumapit ako sa kanya. "Eliza!" Humarap naman siya sa akin at tumayo. "Nandito pala ang isang babae na wasak ang puso!" masayang sabi niya. "Ang sama ng ugali mo! Paano mo ito nagawa sa akin? At bakit si Keegan pa ang sinaktan mo?! Napakabuti niya pero ang choosy mo naman para sa anak mo! Nasaan siya?!" "Wala akong pakialam sa sinasabi mo. Umalis ka na rito." "Ayaw ko! Sinira mo ang buhay ko! Alam mo ba na masaya na kami ni Keegan?! Pero ano ang ginawa mong alipunga ka? Sinira mo 'yun ng dahil sa sumpa! Sana ay mawala ka na!" Lumapit siya sa akin at sinakal ako habang nanlalaki ang mga mata. "Mabuti na lang dahil nagtagumpay ako." "Akala mo ba ay titigil ako sa paghahanap sa totoong Eliha? Hahanapin ko siya!" "Hindi mo siya makikita kahit na ano ang gawin mo." "Bakit?! Kasi pinatay mo ang sarili mong anak para sa sumpa na ito?!" Tumawa siya nang tumawa at tumalikod. "Mahal ko ang anak ko kaya hindi ko 'yun gagawin sa kanya. Ikaw ba? Gano'n ka rin ba kamahal ng iyong ina?" Sinampal ko siya. Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya. Ang pinaka ayaw ko kasi ay binabanggit si Mama at kung mahal nga ba ako ni Mama. "Mapangahas ka! Ano ang karapatan mo para saktan ako?!" Tinulak niya ako dahilan para mapaupo ako sa sahig. "At ano ang karapatan mo para tanungin kung gano'n din ba ang aking ina sa akin?! Oo wala akong galang! Dahil kayong mga nakapaligid sa akin ay sinasaktan lang ako at inaapi! T*ngina mo! Ako ay nananahimik lang sa mundo namin tapos may sinumpa ka palang libro! Isa kang hayop! Sira ang ulo mo!" Ako naman ang sinampal niya pero mas malakas. Tumayo ako kaagad at tinulak ko siya. "Hindi ko hahayaan na masaktan mo pa ako ulit, Eliza." Dinuro ko siya sa mga mata. Tutusukin ko na sana ang mga mata niya gamit ang dalawang daliri ko pero naaawa pa rin ako sa kanya. "Umalis ka na! Hindi mo mahahanap ang aking anak!" Ngumisi ako sa kanya, "Mahahanap ko siya, at kapag nangyari 'yun ay wala kang magagawa." "Ano bang balak mo sa aking anak?! Papatayin mo ba siya?" "Wala ka na do'n." Tumalikod ako at naglakad papalayo. Hindi mo ako maiisahan, Eliza. Sisiguraduhin ko na magsu-suffer ka rin. Naglakad ako ulit sa madilim na daan. Wala bang nagtitinda ng alak dito? Ang cheap naman ng Dipsa chupar vampire world dahil walang alak store. Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa mayroon akong nadaanan na isang maliit na kubo pero maganda ang kubo, hindi basta-basta. Lumapit ako sa kubo. Sana naman ay walang tao. Papasok na sana ako sa kubo pero may biglang lumabas na isang matanda ma mukha ring mangkukulam. "Ano ang ginagawa mo sa tapat ng aking bahay?" malumanay na tanong niya. Siguro naman ay hindi siya masama. "Napadaan lang po ako. And akala ko po ay walang nakatira." "Parang kilala kita, ikaw ba si Eliha? Ang asawa ni Keegan?" "Opo," sagot ko kahit hindi naman talaga ako. "Pasensya na ngunit hindi kita matatanggap sa dahilan na ang ina mo ay si Eliza, ang masamang mangkukulam." "Pero hindi po niya ako katulad. Puwede po bang makitulog ako kahit ngayon lang?" Tumango siya at pinapasok ako sa loob. Wow! Bumungad sa akin ang loob ng bahay niya na hindi marumi, sa totoo lang ay very aesthetic ang itsura. "Maraming salamat po." "Walang anuman. Okay ka lang ba, hija?" "Oo naman po." "Sa tingin ko ay hindi dahil nararamdaman ko na ikaw ay biktima ng isang sumpa. Ako ba ay tama?" "O-opo.. isang sumpa na hindi ko akalain na makakabago sa buhay ko." "Sabihin mo sa akin, nanggaling ka ba sa mundo ng mga tao?" "Opo, bakit po?" "May iba ring dahilan kung bakit ka nandito. At hindi ka na makakabalik sa dating mundo mo dahil ang mundo na ito ang nakalaan para sa 'yo." "Ano po?! Totoo po ba 'yan? Walang halong biro?" nagtatakang tanong ko. "Oo, pero hindi ko pa masasabi sa iyo kung ano ang totoong dahilan." "Pero bakit po?" "Nalaman ko rin sa mga mata mo na hindi ikaw ang totoong anak ni Eliza kaya ikaw ay aking tinanggap. Sige na, matulog ka na para makapagpahinga ka." "Salamat po ng marami." Nag-bow lang siya sa akin. ** Nang magising ako ay hinahanap ko sa tabi ko si Keegan. Pero wala talaga siya. Paglabas ko sa maliit na kwarto ay wala ang matandang mangkukulam. Ako ay aalis na lang. Siguro ay maglalakbay na lang ako kahit saan. Nakalayo na ako sa kubo at nakarating sa isang gubat na kakaunti na lang ang mga puno. Habang naglalakad ako ay may isang lalaki ang nakatalikod. Nang humarap siya ay nagulat ako dahil maraming dugo ang nasa bibig niya. At may isang hayop ang nasa harapan niya. Nang tumingin siya sa akin ay kaagad siyang nagpunas ng bibig. Nagulat na lang ako dahil mabilis siyang lumapit sa akin. "Ano ang ginagawa mo rito? Kasama mo ba ang iyong asawa?" "H-hindi, Prinsipe Kein." "Bakit naman?" "Hindi mo ba alam? O hindi pa nasabi sa 'yo ng iyong ama?" "Parehas, Eliha. Kung ikaw man ay magkukwento ay makikinig ako." Kinuwento ko ang lahat kay Kein. At kahit siya ay hindi makapaniwala. "Halika." Inilahad niya ang kamay niya. Ipinatong ko naman ang isa kong kamay. Nagulat ako nang hilahin niya ako bigla at mahigpit na niyakap. Napangiti ako sa ginawa niya kaya niyakap ko rin siya pabalik. Si Kein ay matangkad, sobrang guwapo at sobrang puti pero kung ikukumpara kay Keegan ay eighty percent lang siya. "Ang sabi mo ay wala kang matutuluyan, gusto mo bang sumama sa akin sa aking bahay?" "Huwag na, ayaw kong maistorbo ka." "Pero Eliha, saan ka naman tutuloy? Sige na, pumayag ka na." Hinawakan niya ako sa kamay at hinila. Grabe, ang bampirang 'to ah, mahilig manghila.

 

 

 

Chapter 25.

ElIHA I was so amazed at what I saw in front of me. It may look scary, but I can say it is beautiful—it is a palace. I looked at Prince Kein; he was holding my right hand. I felt shy, so I removed my hand from his hand. "Ano po ang ginagawa natin dito? Ito po ba ang palasyo ninyo, prinsipe Kein?" "Huwag mo na akong tawagin na prinsipe, Kein na lang. Sa ngayon ay napagdesisyunan ko na sa palasyo ka na muna tumira." "A-ano?! Nakakahiya naman, Kein. Tsaka, sigurado ka ba talaga? Hindi naman tayo malapit masyado sa isat-isa 'di ba?" "Noong nakita kita sa mansyon ng mga Vampyres ay alam ko na mabuti ang iyong kalooban. Eliha, nais kitang maging kaibigan. Maaari ba?" Nag-bow ako. "Oo naman, Kein! Isang karangalan 'yun sa akin. Sino ba naman ako para tumanggi 'di ba? Isa lang naman akong hampaslupa." Tumawa lang siya sabay hinawakan ulit ang kamay ko. Gusto kong alisin pero nakakahiya naman dahil baka isipin niya na mayroon akong iniisip na kakaiba. Sabay kaming naglakad ni Kein sa hagdan. Bago kasi makarating sa palasyo ay may malaki at mahabang hagdan. Kumusta na kaya si Keegan? Hindi ko pa rin siya maalis sa aking isipan. Ang sakit kasi isipin na sa kabila ng kasiyahan na naramdaman ko noong kapiling ko siya ay maglalaho rin pala. Pero 'yung pagmamahal ko para sa kanya ay hindi mawawala. Ano ba ang nangyari sa ating pagmamahalan, Keegan? Hindi mo ba talaga ako minahal? Kahit kaunti lang ay tatanggapin ko pa rin. Nakarating na kami ni Kein sa malaking pintuan papasok sa palasyo. Pero humarang ang mga kawal niya. "Hayaan niyong makapasok siya sa palasyo na kasama ako. Siya ay aking kaibigan," Kein ordered. Yumuko lang naman ang mga kawal at binigyan kami ng espasyo sa daan. Napahawak ako sa bibig ko dahil sa hindi ko akalain na ganito kaganda ang kanilang palasyo. Akala ko kasi ay kulay itim ang theme ng palace nila pero hindi pala dahil kulay ginto. "Halika, umupo ka muna." Inalalayan ako ni Kein na makaupo sa magandang upuan. Ako naman ay kaagad na umupo. "Salamat." "Eliha, nagugutom ka ba? Okay ka lang ba? Masakit pa rin ba ang iyong p-puso?" Napayuko ako. "Hindi ako gutom, okay lang ako at ang puso ko naman ay okay lang din. Salamat sa pagtanong, Kein." Ngumiti lang siya sa akin. At kinuha ang isang baso na naglalaman ng dugo na ibinigay sa kanya ng kanyang maid. "P'wede ko bang banggitin si Keegan sa ating usapan ngayon?" He asked na mayroong pag-aalinlangan. "O-oo naman, bakit? Ano ang mayroon sa kanya na kailangan nating pag-usapan?" "Ako ay isang prinsipe.. pero si Keegan ang gusto ng aking ama na magmana ng kanyang trono." "A-ano?! Hindi naman siguro makatuwiran 'yun!" Ngumiti lang siya, "Okay lang naman sa akin dahil hindi ako sang-ayon sa gusto ng aking ama kung paano siya mamuno. Alam mo ba na kahit si Keegan ay ayaw rin sa gusto niya? Ang gusto kasi ni ama ay dalisay na dugo mula sa buhay na mga tao." "Mali naman kasi talaga 'yun.. at kilala ko si Keegan 'no, hindi siya gano'n at ayaw niya ng gano'n. Masaya rin ako na hindi ka sang-ayon sa gustong pamamalakad ng iyong ama." Napakamot siya sa ulo. "'Yun lang naman ang gusto kong sabihin. Salamat sa pakikinig." "Kein, napunta ako rito dahil sa sumpa, mayroon ka bang kaalaman para makaalis ako rito?" Hindi siya nakatingin ng diretso sa akin, "S-sa tingin ko ay hindi ko pa masasagot 'yan, Eliha." "Okay lang! Ano naman ang iyong tungkulin bilang prinsipe sa inyong kaharian?" "Alam mo naman na normal na sa mga bampira na ang inumin ay dugo.. ako ang nag-aasikaso kung ilang buhay na tao ang napatay ng mga kawal ng aking ama." "Nakakalungkot naman na marinig 'yan.. alam ko na higit pa sa milyon ang iyong naulat. Hindi sa kinukumbinsi kita, ayaw mo bang umalis dito?" "Makapangyarihan ang aking ama kaya hindi ko siya p'wedeng kalabanin. Makakawala lang ako kung mamamatay ako. Pero hindi ko naman 'yun hahayaan, aalagaan pa kita." Tinulak ko siya dahil natatawa ako. Tumingin siya sa akin kaya napatitig ako, grabe! Ang awkward pala ng ginawa ko. "S-sorry, Kein! Pero salamat dahil may balak ka pa lang alagaan ako. Huwag kang mag-alala, hindi ako magiging pabigat sa inyong palasyo. P'wede niyo akong maging katulong dito." Ngumiti lang siya at tumango. Nakaramdam naman ako ng kilabot nang may biglang sumulpot sa aming harapan. Siya ay si haring Keg. "Ano ang ginagawa ng mangkukulam na ito sa aking kaharian?!" Napatayo si Kein at napahawak sa braso ng kanyang ama na galit na galit na nakatitig sa akin habang namumula ang mga mata. Ako rin ay napatayo. "H-hindi po ako mangkukulam. Alam niyo naman po ang katotohanan na hindi ako anak ni Eliza." "Isa ka ng ganap na mangkukulam nang makarating ka rito," seryosong sagot niya. "Hindi po 'yan totoo dahil tao po ako." Tumawa siya nang tumawa, "Wala ka pa talagang alam sa mundo na ito, hija." "Kung gano'n ay p'wede ko po bang malaman ang katotohanan?!" "Sa Dipsa Chupar Vampire World ay-" hindi natuloy ang sasabihin niya dahil may biglang sumulpot sa malaking pintuan na inagaw ang atensiyon naming lahat. Bakit kaya siya nandito? "Keegan! Nandito ka ba dahil napagdesisyunan mo na ang aking alok?!" Bago sumagot si Keegan ay tumitig muna siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya pero hindi man lang siya ngumiti pabalik. Sana naman ay huwag niya akong sisihin sa mga nangyayari dahil biktima lang din ako. "Ano kaya ang nagpabago ng desisyon ni Keegan?" bulong ni Kein. Kahit ako ay nagtataka. Ano ba ang nangyayari sa 'yo, Keegan? Lalapit na sana ako sa kanila pero bigla silang naglaho ni haring Keg. Kein tapped my back. "Halika, ituturo ko sa 'yo ang kwarto mo." "H-hindi pa naman ako pagod, ano ba ang p'wedeng gawin sa palasyo ninyo?" "Gusto mo ba talaga na may gawin ka rito? Puwede naman na wala dahil bisita kita." "Gusto ko kasing maglibang." "Sige, magwalis ka sa buong palasyo." "A-ano?!" gulat na tanong ko. Tumawa siya, "Tapos hugasan mo ang libu-libo na baso sa kusina." "Akala mo ba ay aatras ako? Kaya ko 'yun!" pagmamayabang ko. "Pero magpahinga ka muna." "Ayaw ko, gusto ko na ngayon ko na gawin." Bumuntonghininga siya sabay tumango. So it means na pumayag siya. Kaagad niyang tinawag ang isa nilang maid para asikasuhin ako. "Linisin mo muna ang mga kwarto rito." Inabot ni Ate maid ang mga panlinis. Naglakad ako papalapit sa hagdan. Pakiramdam ko ay pagdating ko sa itaas ay pagod na pagod na ako dahil ang haba ng hagdan. Ilang kwarto kaya ang mayroon sa palasyong ito? Mabilis akong umakyat sa hagdan. Pagkatapos ng sampung minuto ay nakarating na ako. Bumungad sa akin ang kahoy na naglalaman ng impormasyon. Ang nakasulat ay mayroong singkuwenta na kwarto. Ano?! Gano'n ba karami ang mga nakatira rito? Samantalang ang nakikita ko lang naman ay ang mga katulong, mga kawal, at ang mag-ama. Siguro ay para ito sa mga bisita nila. Sinimulan ko nang maglinis. Pagkatapos ng isang oras ay isang kwarto pa lang ang nalilinis ko. Ang laki kasi masyado kaya siguro ay ito na lang muna. Nagulat ako nang biglang sumulpot si Kein sa pintuan. "Nalinis mo na pala ang kwarto na ito. Gusto mo ba na dito na lang ang kwarto mo?" "N-nakakahiya naman, Kein. Ganito ba talaga kaganda ang kwarto ko?" Nag-nod siya at biglang naglaho. Hihiga na sana ako sa kama pero may narinig akong yapak ng mga paa. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto. At unti[1]unti kong isinara ang pinto pero nag-iwan ako ng maliit na space para makita ko kung sino 'yun. Nakita ko si Keegan at si Keg. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Keegan?" "Alam mo na matagal na akong hindi pumayag na mapunta sa akin ang trono dahil sa masama mong pamamalakad. Pero dahil sa sinabi mo na malalaman ko kung nasaan ang totoong Eliha ay 'yun ang nagbago ng isip ko." "Mabuti naman kung gano'n! Bukas o sa susunod na mga araw ay maaari na kitang ihalal bilang bagong hari!" Hindi ko na natiis ang gano'ong klase ng usapan kaya kaagad akong nagpakita sa kanila. Tumitig ako kay Keegan. "Seryoso ka na ba talaga? Alam ko na hindi rin papayag si ina at ama!" "Wala akong hindi gagawin para sa mahal ko." "Talaga ba, Keegan?! Paano naman ako?" Hindi siya sumagot. Hinarap ako ni Keg sa kanya. "Alam mo, peke ka lang naman." "Oo peke ako! Pero imposible naman na hindi ako minahal ni Keegan!" Hindi sumagot si Keg. Bagkus humarap siya kay mahal. "Ang usapan natin ay sasabihin ko lang sa 'yo kapag nahalal ka." Tumango lang si Keegan. Si Keg naman ay naglaho na kaya kami na lang ang natira. "Mahal, hindi na ba magbabago ang isip mo? Gusto mo ba na ako na lang ang maghanap kay Eliha para sa 'yo?! Basta huwag ka lang mag-decide ng isang bagay na hindi ka naman sigurado! Please, ako na lang ang maghahanap sa kanya!" "Mahalin mo ang iyong sarili, Eliha. Sa pangalawang pagkakataon ay huwag mong saktan ang iyong sarili ng dahil lang sa akin," tumingin siya sa malayo. Ako naman ay napaluhod. Hindi ako makapaniwala na ang tigas na ng puso niya. Hindi ako nag-a-assume pero hinihintay ko na alalayan niya ako para makatayo pero bigla siyang tumalikod at naglakad papalayo. "Hindi na ba talaga ako mahalaga sa 'yo, mahal?" I whispered. Tumalikod na lang din ako at naglakad papasok sa aking kwarto. Pero hindi ko kayang manahimik dito sa palasyo. Kailangan kong puntahan si Eliza para mailigtas si Keegan kay haring Keg. Sumilip ako sa bintana. Grabe, ang ganda ng paligid at sobrang taas ng kwarto ko. Pakiramdam ko tuloy ay nasa langit na ako. Habang dinadama ko ang sariwang hangin ay may isang gold na walis tambo ang biglang lumutang sa harapan ko. Teka, seryoso ba ito? Sino kaya ang nagpadala nito? O sa akin ba ang walis tambo na ito? Pero hindi naman ako mangkukulam. Basta ang alam ko ay tao pa rin ako. Pero dahil sa gusto ko munang makaalis sa palasyo para puntahan si Eliza ay kaagad kong kinuha ang tambo at mabilis akong sumakay rito. Habang lumilipad ang tambo ay masaya naman ako habang nakasakay rito. Bigla kong naalala 'yung time na nag[1]transformed si Keegan as bat para lang ilipad ako at makita ko nang malawak ang mundo nila. Kailan ko kaya ulit mararanasan ang pagpapahalaga ng isang Keegan Vampyres? Siguro ay malabo na. Mabilis akong nakarating sa lugar ni Eliza. Pero bago ko kontrolin na ibaba ako ng tambo ay mayroon akong nakita na isang maliit na tindahan ng mga alak. Woah! Seryoso ba 'to? May ganitong inuman dito? Baka naman dugo ang alak nila. Pero i-ta-try ko pa rin. Pagkababa ko ay kaagad akong lumapit sa tindahan. Umupo ako sa maliit na upuan. Nang tingnan ko ang tambo ay nasa gilid ko lang ito. Siguro nga ay akin talaga 'to. "Magandang binibini, ano ang inyong nais inumin?" tanong ng isang matandang lalaki. Sa itsura niya ay mukha siyang mangkukulam. "Totoong alak po ba ang inumin dito?" "Oo naman! Gusto mo ba na bigyan kita ng isang bote? Alam mo kasi, hija, ang mga mangkukulam ay mahilig sa alak na nagmula sa mundo ng mga tao. Kaya naman gamit ang aking mahika ay nakakakuha ako ng mga alak sa kabilang mundo. Huwag kang mag-alala, hindi ito galing sa nakaw." "Gano'n po ba? Sige po, gusto ko po ng isang bote ng alak." "Sa tingin ko ay malaki ang problema mo, maayos ba ang iyong kalagayan?" "Hindi po, pero pinipilit ko po na maging kalmado." Tumango lang siya at kumuha ng isang bote at maliit na baso. Kaagad niya namang ibinigay sa akin. "Sa tingin ko ay hindi mo ito kayang bayaran kaya naman libre na lang." "S-salamat po!" Hindi ko na ginamit ang baso dahil kaagad kong tinungga ang alak. Gusto kong makalimot sa idinulot na sakit sa akin ng mga nasa paligid ko. "Mayroon po akong tanong.. posible po ba na makapasok ang isang tao sa mundo na ito?" "Imposible 'yan, hija. At ang alam ko na makakasagot ng iyong katanungan ay ang isa sa mga Vampires."

 

 

Chapter 25. 1

Tumango na lang ako kay Tatay. Ang gulo, pero sana ay unti-unti ko nang malaman ang katotohanan. At syempre, ang pagkatao ni Eliha. Pagkatapos kong maubos ang isang bote ng alak ay pakiramdam ko ay lasing na ako dahil grabe ang hilo na aking nararamdaman. "Aalis na po ako!" paalam ko kay Tatay. Tumango lang naman siya. Muli akong sumakay sa tambo. Pupuntahan ko na si Eliza.. pero pasikreto akong kikilos. Habang nasa itaas ako ay pakiramdam ko ay mahuhulog ako dahil sa hilo. Dahan-dahan akong bumaba sa likod ng mansyon ni Eliza. Sakto naman dahil bukas ang pinto sa likod. Dahan-dahan akong naglakad na walang maririnig na yapak. Sigurado kasi ako na nandito lang si Eliza sa paligid. Bumungad sa akin ang sampung kwarto. Alin kaya ang sa kanya d'yan? Binuksan ko ang itim na pinto. Bumungad sa akin si Eli habang natutulog. Nandito na pala siya, akala ko ay bumalik siya sa mansion ng mga Vampyres. Sa kwarto ni Eli ay mayroon akong nakita na mga picture frame ni Eliha. Paano ko nalaman na si Eliha? Dahil ang mukha ko ang nandoon pero may nakalagay sa baba ng mga picture frame na pangalan na Eliha Parah. So magkamukha nga talaga kami. Ano kaya ang mapapala ko sa kwarto na 'to? Baka kapag may ginalaw ako ay biglang magising si Eli. Bakit ba kasi siya nandito? Sana ay natulog na lang siya sa kwarto niya para walang sagabal. Lumabas na ako ng kwarto. Papasok na sana ako sa kabilang kwarto pero nakita ko si Eliza na nakatalikod habang naghahalo sa malaking jar. Kaagad akong tumakbo papunta sa pinto palabas. Siguro naman ay maririnig ko pa rin ang mga sasabihin niya kahit medyo malayo ako. "Kailangan kong maitago ang aking anak dahil nalaman na ni Keg ang aking sikreto. Traydor talaga ang hari na 'yun! Hindi maaari na makuha ni Keegan ang anak ko. At walang sinuman ang makakaalam ng totoo na si Eliha ay nandito lang sa aking mansyon. Pero makapangyarihan si Keg kaya dapat ko siyang maunahan," sabi ni Eliza. Nandito lang pala si Eliha.. baka nasa ibang kwarto siya. Kailangan kong maunahan ang hari. Maya-maya pa ay nakita ko si Eliza na pumasok sa kwarto kung saan natutulog si Eli. Mabilis akong pumasok sa isang kwarto. Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang ibat-ibang dahon, kahoy, at manika. Tsaka ang creepy ng mga bungo. Nang tumingin ako sa picture frame ay nakita ko ang mukha ni Eliza. I see, kanyang kwarto ito. Lumapit ako sa mga libro sa gilid. Alin kaya sa mga ito ang ginamit ni Eliza sa akin? O ang ginamit niya para itago ang kanyang anak? Kukunin ko pa lang sana ang isang libro pero naramdaman ko na may papasok kaya kaagad akong nagtago sa ilalim ng kama. Nakita ko sa ilalim ang paa ni Eliza. Ang creepy ng mga daliri niya dahil ang haba ng kuko. "Nakakainis ka, Keg! Hindi ko na alam kung paano ko pa itatago ang aking anak! Hind mo p'wedeng ibunyag sa lahat na si Eliha ko ay-" hindi na natuloy ni Eliza ang kanyang sasabihin. Hindi ko alam kung bakit pero bigla siyang lumabas sa kwarto. Ako naman ay kaagad na lumabas. Sumilip ako sa pinto. Nakita ko na balisa siya habang umiikot. Napahawak naman ako sa bibig ko dahil nasusuka ako. Ang tapang kasi ng alak. Makikita ako ni Eliza kung dadaan ako sa pinto. Sa bintana na lang. Sakto naman dahil nandoon ang tambo na nakaabang sa akin. Nang makarating ako sa baba ay sumuka ako nang sumuka. Grabe, nakakahilo. Sa tingin ko ay kailan ko na muna na magpahinga. Pero gusto ko ay sa tabi ni Keegan. Makalipas ang ilang minuto ay nasa tapat na ako ng mansyon nila. Nakakaiyak naman dahil hindi na ako parte ng mansyon na ito. Dinala ako ng sinasakyan ko sa bintana ng kwarto namin ni Keegan. Nakita ko si Keegan na nakaupo at umiiyak. Huwag kang mag-alala, mahal, dahil gagawin ko ang lahat para maibalik lang sa 'yo ang totoo mong mahal. Hahayaan ko na ang nararamdaman ko sa 'yo. I think gagawin ko ito para may maisukli naman ako sa kabutihan mo. Hanggang sa muli, mahal. Hinawakan ko muna ang tambo. Gusto kong maglakad sa madilim na lugar. Habang nakayuko ako na naglalakad ay may nakita akong naglalakad. Humarap ako rito. Nakita ko siya. "Ano ang ginagawa mo rito? Masyadong delikado para sa 'yo," Keegan said. Ngumiti lang ako sa kanya at patuloy nang naglakad. Ayaw ko na siyang pansinin pa kasi nakakasakit na siya ng sobra. Ayaw kong dumating sa punto na sisihin ko na naman ang sarili ko kung bakit ako iniiwan ng mga nasa paligid ko at kung bakit nila ako sinasaktan. Pagod na pagod na akong mag-self blaming . Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si Keegan. "Gusto ko lang sabihin na mag-ingat ka ngayon at sa susunod pang mga araw." May tumulong luha sa mga mata ko. Nag-bow na lang ako sa kanya. Ayaw kong magsalita dahil baka humagulhol lang ako. Habang naglalakad ako ay nakaramdam na naman ako ng hilo. At hindi ko namalayan na bigla akong napaupo. Naramdaman ko naman na tumakbo si Keegan papalapit sa akin. "Eliha! Okay ka lang ba? T-teka, amoy alak ka." Inalalayan niya ako para makatayo. Pero nang makatayo ako ay inalis ko ang mga kamay niya sa braso ko. Hindi pa rin ako nagsalita. Gusto kong maglakad. Habang naglalakad ako ay pakiramdam ko ay may nakasunod sa akin. Sinusundan niya ba ako? Maya-maya pa ay sumulpot sa harapan ko si Kein. Siya ay seryosong nakatingin sa akin. At lumingon siya sa likod ko at tumango. "Kanina pa kita hinahanap, ano ang mga ginawa mo? Maayos ba ang iyong kalagayan?" "Umuwi na lang tayo, Kein. Salamat dahil nag-abala ka pa na hanapin ako." "Walang anuman, halika na." Mabilis kaming naglaho. At mabilis na nakarating sa palasyo. Humiga na ako sa kama. Teka! Nasusuka pa rin ako. Kaagad akong tumakbo sa bintana at doon sumuka. Ang lakas naman ng tama ng alak na 'yun. Lumabas ako sa kwarto. Ang creepy ng palasyo, pakiramdam ko ay aatakihin ako ng mga ibang bampira. Bababa pa lang sana ako sa hagdan nang bigla kong makasalubong si Kein. "Akala ko ay nagpapahinga ka na. Ano ang iyong nais na gawin sa baba?" "Nais kong magtanim. Mayroon ba kayong hardin dito?" "Mayroon kaming hardin, halika, sasamahan kita." Sabay kaming bumaba. Pagkababa namin ay dinala niya ako sa isang malawak na hardin na ang mga tanim ay mga bulaklak na hindi kulay itim. Ang kulay ng mga bulaklak ay pula. "Kunin mo 'to." Inabot niya sa akin ang isang buto at paso na may lupa. "Kagaya ba 'to ng mga bulaklak dito?" "Oo, Eliha." "Salamat. Ang pangalan nitong tanim na 'to ay Keegan." "B-bakit naman? Lalo mo lang siyang maaalala." "Hindi sa gano'n. Ang gusto ko kasi ay ibaon na sa lupa ang pagmamahal ko sa kanya. Kung ang iniisip mo ay babalikan ko ito dito ay nagkakamali ka." "Gano'n ba? Naiintindihan kita. Huwag kang mag-alala, ang mga katulong dito ang mag-aalaga d'yan." Hindi ko alam pero parang gusto kong umiyak. Ang emotional ko naman yata ngayon. "Kein!" "Ano ang magagawa ko para sa 'yo?" Mayroon lang akong katanungan." "Ano?" "Nagmahal ka na ba?" Nang tingnan ko ang mukha niya ay bigla siyang nag-blushed. "O-oo naman. Pero ang gusto kong pagmamahal at klase ng pagmamahal ay hindi para sa lahat." "Ang lalim naman ng sinabi mo. Wala ba siya rito sa palasyo? O isa sa mga katulong niyo kaya hindi para sa lahat? Alam mo, ipaglaban mo siya. Ako kasi ay wala ng ipaglalaban." Hinawakan niya ako sa ulo. "Huwag na muna tayong lumaban. Magpahinga muna tayo." Napangiti ako sa isinagot niya. Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kanya. At totoo na mabuti ang kanyang kalooban. ** Kinabukasan. Nasa baba na kami ni Kein. Pinapanuod ko siya habang umiinom ng inumin niya pati na rin ang kanyang ama. Biglang sumulpot si Keegan sa harapan namin. "Gusto ko ng maging hari ngayon. Ayaw ko nang patagalin pa ang paghahanap sa aking Eliha." "Ganyan nga! 'Yan ang nais ko! Sige, ngayon pa lang ay ihahanda na ng mga katulong ang pagdiriwang mamaya." Tumayo si Keg sabay kinamayan si Keegan. "Eliha, nais ko sanang magtapat sa 'yo," Kein said. Nagtaka naman ako, "Hindi kita maintindihan." "Gusto ko sanang magtapat sa 'yo na gusto kitang pakasalan. Maaari ba?" Hindi ako kaagad nakasagot. Imbis na tumitig ako kay Kein ay napatitig ako kay Keegan. Siya ay umiwas ng tingin na para bang walang pakialam sa sinabi ni Kein. "T-talaga, anak? Nais mo siyang pakasalan? Kung 'yan ang gusto mo ay pagbibigyan din kita!" masayang sigaw ni Keg. "P'wede bang bukas niyo na lang ihalal si Keegan? Nais ko sanang magkaroon muna ng pagdiriwang sa darating na kasal namin ni Eliha.. kung papayag siya." Bumuntonghininga ako, "Oo naman! Papayag ako." "Paalam, Keg." Mabilis na naglaho si Keegan. At kasunod na naglaho si Keg. Kinurot ko sa tagiliran si Kein. "Totoo ba talaga 'yung sinabi mo?" Tumawa siya nang tumawa, "Oportunidad mo na ito para gawin ang iyong plano. Sana ay magtagumpay ka. Wala akong ibang hiling kung hindi ang maging masaya ka." Tumulo ang aking luha. Hindi ko kasi akalain na siya ang magiging tunay kong kaibigan. "Mamaya ko na gagawin ang aking plano. Paano ang pagdiriwang mamaya?" "Ako na ang bahala na magpalusot o kaya naman kumilos ka na ngayon. Mag-iingat ka." Nag-bow ako sa kanya at kaagad na tumakbo papunta sa labas. Tumalon ako nang mataas nang makita ko ang tambo, nakasakay naman ako. Wala pa ako sa kalagitnaan ng aking paglalakbay pero nakita ko si Eliza sa baba. Siya ay kumukuha ng prutas mula sa puno. Bumaba ako. At habang siya ay nakatalikod ay kinuha ko ang tali sa basket niya. Mabilis ko siyang sinugod at kaagad na itinali sa puno. "Ano bang problema mo?!" "Sasabihin mo ba sa akin kung nasaan ang anak mo o susunugin kita habang nakatali sa puno? Baka nakakalimutan mo na hindi pa nawawala ang ibinigay mong kapangyarihan sa akin? Ngayon mo ako subukan." "Hindi mo ako mapapatay." "Bakit? Dahil pakiramdam mo ay mabuti ang aking kalooban?" Hinagisan ko ng maliit na apoy ang kanyang paa kaya takot na takot siya. "Tumigil ka!" Inilabas ko ang apoy sa dalawa kong kamay. At nakita ko sa mga mata ni Eliza ang takot. Pumikit siya at bumuga ng malalim. "Si Eliha ay si Eli." "A-ano?!" "Tama ang iyong narinig. Ginamit ko ang mukha ng pinsan niya para itago ang kanyang pagkatao." "Kung gano'n ay ibalik mo sa dati ang anak mo kung ayaw mong pati siya ay madamay rito." "Pakawalan mo muna ako!" "Kaya mo namang gamitin ang kapangyarihan mo kahit nakatali ka 'di ba?" Dumura siya sa harapan ko pero kaagad akong nakaiwas. Pumikit siya sabay mayroong violet na usok ang lumabas sa buong katawan niya. Siguro ay ginagawa na niya ang mahika. Sa wakas ay makukuha ko na si Eliha. "Pumunta ka sa mansyon namin, nandoon na ang hinahanap mo. Sana ay maging masaya ka." "Nakakapagtaka naman dahil ang bilis mo siyang ibigay sa akin at kung tutuusin ay kaya mong alisin ang nakatali sa 'yo gamit ang mahika. Bakit?" "Wala ka na do'n." Inalis niya ang tali sa katawan niya at biglang naglaho. Nakakapagtaka. Ano ba kasi ang plano niya? Mabilis akong nakarating sa mansyon nila. At sumalubong sa akin ang.. ang magandang Eliha. Kung ang buhok ko ay straight, ang sa kanya ay kulot. Grabe, ang expensive niyang tingnan. Para siyang si Kein, ang expensive nilang tingnan. "Sino ka? Ikaw ba ay ipinadala ni Keegan dahil ang alam ko ay ngayong araw ang aming kasal," malumanay na sabi niya. Now I know, alam ko na kung bakit mahal siya ni Keegan. Siya pala ay mabuting witch. Biglang kumirot ang puso ko sa katotohanan na hindi siya aware na maraming araw na ang lumipas pero ang alam pa lang niya ay ngayon ang kasal nila. "O-oo, a-ako n-nga, sumama ka sa akin dahil dadalhin kita sa kanya." Ngumiti siya sa akin at mariin akong niyakap. 'Yung mga panahon pala na ikinasal kami ni Keegan ay nagdurusa siya. I think kahit na nasasaktan ako ngayon ay hindi niya rin naman deserve ang ginawa sa kanya ng kanyang ina.

 

 

 

Chapter 26.

ELIHA Ipinagpabukas na ang pagdiriwang ng engagement party sana namin ni Kein. Pero sinabi ko kay Kein na may bago kaming plano na imbis na sa amin ay para na lang kay Eliha at Keegan. ** "Para sa akin ba talaga itong magandang bestida na ito?" Eliha asked. Ang inosente ng boses niya at siya mismo. Nandito kami ngayon sa kwarto na tinutuluyan ko. Ang gagawin ko lang naman sa kanya ay ang ayusan siya. Si Kein naman ay nasa labas dahil inaasikaso niya ang pagdiriwang mamaya. "Oo para sa iyo 'yan. Alam ko na magiging masaya ka kapag nakita mo ang iyong magiging asawa." Hinimas ko ang maganda niyang buhok habang nakatingin sa bintana. "Salamat!" Masaya niyang sabi habang nakatingin sa salamin. Hindi siya bampira kaya mayroon siyang repleksiyon sa salamin. Kinausap ko kagabi si Kein, itinanong ko kung mayroon bang maayos na hiwalayan gamit ang papel o batas nila para sa aming kasal. Ang sabi niya ay wala naman daw, depende raw kung iiwan na ng asawa. Kaya siguro wala ng pakialam sa akin si Keegan dahil p'wede niyang pakasalan si Eliha kahit kailan niya gusto. Bakit naman kasi ako masasaktan? Extra lang naman ako sa pagmamahalan nila. At wala akong karapatan na humadlang. Tsaka mabuti ang mangkukulam na kasama ko ngayon, hindi kaya ng konsensya ko na pagtaksilan siya. Nahihirapan na magbihis si Eliha kaya tinulungan ko siya. "Ang ganda! Bagay na bagay sa 'yo." "Salamat. Pero ano ba ang iyong pangalan?" "Ako si Eliha." "Talaga?! Parehas pala tayo ng pangalan at.. medyo magkamukha tayo." Hindi ako sumagot. Ipinagpatuloy ko na lang ayusin ang kolorete sa mukha niya. Pero hindi ko matiis ang katahimikan, "Alam mo, ako na ang pinakamasaya na nilalang ngayon dahil magiging masaya si Keegan.. at syempre, ikaw." "Ako rin! Nakakatuwa na nandito ka kahit na hindi pa tayo magkakilala masyado. P'wede ba akong magtanong?" "O-oo naman, ano 'yun?" "Ikinasal ka na ba? Ano ang pakiramdam? Nakakakaba ba?" sunod-sunod na tanong niya habang nakangiti ng malaki. Ang totoo niyan ay oo. Lahat na yata ng emosyon ay naramdaman ko. Kahit na alam ko sa sarili ko na hindi ko lubusang kakilala si Keegan ay masayang-masaya ako noong unang araw na ikinasal kami. "H-hindi pa ako ikinakasal." "Gano'n ba? Sana ay dumating ang araw na ikaw naman ang ikasal! Mabuti kasi ang iyong kalooban." "S-salamat." Patuloy kong inayos ang buhok niya. Nilagyan ko pa ng mga bulaklak. Pagkatapos ng ilang minuto ay maayos na ang kanyang makeup pati na rin ang kanyang bestida. "Halika na sa baba, Eliha. Ihahatid na kita sa kanya. Handa na ang lahat." Tumango lang siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Nakalimutan ko palang i-describe ang kasuotan ng mga nasa dipsa chupar vampire world. Sa katunayan, medieval clothing ang kanilang araw-araw na isinusuot. Hinawakan ko sa kamay si Eliha para alalayan pababa sa hagdan. Habang kami ay bumababa ay sumasabay sa aming paglakad ang musika. Makalipas ang ilang segundo ay natanaw ko na sila Keegan at Kein. At syempre, ang mga kawal na saksi sa kasal na gaganapin. Kitang-kita ko sa mga mata ni Keegan ang kinang na simbolo na siya ay masayang-masaya. Napangiti ako sa katotohanan na ninakaw ng sumpa iyong kinang sa mga nata niya na inilaan sa akin noong kami ay ikinasal. At ngayon, ay ibabalik na sa kanya. Nang makababa kami ay sinalubong ako ni Kein. Si Eliha naman ay dahan-dahan na naglakad papalapit kay Keegan. Tumingin sa akin si Kein na para bang naaawa siya sa akin. Pero pinakitaan ko siya ng isang malaking ngiti. Nagtagpo na si Keegan at Eliha. Sila ngayon ay nakaharap na sa lalaking nakaitim. Hinawakan ni Keegan sa pisnge si Eliha habang nanginginig ang kanyang mga kamay. "Ang tagal kong naghintay sa 'yo, aking pag-ibig." "Bakit naman matagal? 'Di ba nga ay kahapon lang pumayag ang aking ina?" Hindi sumagot si Keegan, bagkus mariin niyang hinalikan sa labi ang kanyang minamahal. "Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw ng lalaki. Masayang humarap sa amin ang mag-asawa. Ang mga bulaklak na nagmula sa taas ay tila ba'y ulan na bumabagsak sa kanila. Ang lahat ng nandito ay nagpalakpakan. Nanginginig ang aking katawan, pakiramdam ko ay hindi ko kaya na humarap sa likod. Gusto ko na lang kasing umiwas. Nagsimula na rin na manginig ang aking mga kamay. At nararamdaman ko na tutulo na ang aking luha pero kailangan kong pigilan dahil wala akong karapatan. Sa totoo lang, masakit palang magmahal. Mas gusto ko na lang na sinasaktan ako ni Dad keysa sa ganito ang nangyayari dahil at least si Dad ay kahit gano'n ay mahalaga pa rin ako sa kanya. Mayroon lang naman siyang disorder. Pero kailangan ko ba talagang sabihin 'to sa sarili ko? Sila ba ay naisip man lang ang nararamdaman ko? Ang hirap kasi sa akin ay hindi ako selfish pagdating sa nararamdaman ng iba. Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Kein. Naramdaman ko na lang na magkadikit na ang aming katawan. Hinimas niya ang likod ko. Alam ko na kahit wala siyang sinasabi ay alam niya ang nararamdaman ko. Hinayaan ko na ang luha ko na tumulo dahil hindi naman makikita ng mga nilalang dito ang aking mga mata dahil sinakop na ng balikat ni Kein. Gumagalaw ang aking balikat dahil humahagulhol na ako. Sa totoo lang ay hinahayaan ko na lang na gumalaw ang balikat ko keysa naman marinig nila ang tunog ng iyak ko. Ang hirap palang umiyak ng walang tunog dahil mas masakit. Si Kein ay hinimas ang balikat ko. "Nandito lang ako para sa 'yo." "Eliha!" masayang sigaw ni Eliha. Lilingon na sana ako pero pinigilan ni Kein ang ulo ko. "Bakit? Nag-uusap pa kasi kaming dalawa," palusot ni Kein. "Gano'n ba? Sige! Salamat nga pala sa inyong dalawa! Aalis na rin kami!" masayang wika niya. "Mag-iingat kayo," saad ni Kein. "Ano ang nangyayari sa kaharian ko?!" galit na tanong ni Keg. Napabitaw ako kay Kein at palihim na tumingin sa bagong kasal. Si Eliha ay gulat na gulat samantalang si Keegan naman ay masaya lang na nakangiti. "Ama, hindi na magiging hari si Keegan dito dahil nahanap na niya si Eliha. Sa katunayan ay kakakasal lamang nila ngayon," paliwanag ni Kein. "Ano?! Mga lapastangan kayo!" "Haring Keg, mayroon daw po kayong gaganapin na pulong sa ibang mga bampira," sabat ng isang kawal. "Gano'n ba? Sige," tumingin siya sa amin. "Hindi ko pa nakakalimutan ang pagtataksil ninyo!" Mabilis siyang naglaho. "Keegan, maaari ba tayong mag-usap?" seryosong tanong ni Kein. "Oo, halika. Mahal, maupo ka muna d'yan, hintayin mo ako." Naglakad si Keegan papalabas. Kaagad namang sumunod sa kanya si Kein. "Eliha!" Lumapit sa akin ang asawa ni Keegan at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Excited na ako para mamaya! Alam mo na, iyong ginagawa ng mag-asawa para magkaroon ng anak! Alam mo, pangarap ko talaga ang magkaanak. Tsaka mabuti na lang talaga dahil pumayag na si ina sa aming pagmamahalan." Tumawa ako, "Masaya ako para sa iyo!" "Bakit parang sapilitan ang 'yong tawa? Tsaka namumugto pa ang iyong mga mata," malungkot na wika niya. Hinimas ko ang balikat niya. "Hindi 'no, okay lang ako. Gusto mo ba ng tubig? Teka lang, kukunan kita." Nagbigay galang siya sa akin sa pamamagitan ng pag-bow. Ang totoo niyan ay pupuntahan ko si Kein at Keegan. Sumilip ako ng kaunti sa pintuan. Nagulat ako nang biglang suntukin ni Kein si Keegan. "A-ano bang suliranin mo sa akin?!" nagtatakang tanong ni Keegan. "Wala ka na ba talagang nararamdaman para kay Eliha? Kahit kaunti! Wala ba? Ang kapal naman ng mukha mo na humarap pa sa kanya! Gusto ko man siyang pigilan pero ayaw niya!" "H-hindi ko naman gusto na masaktan siya. Para sa akin ay siya ay importante sa buhay ko at hindi 'yun magbabago. Si Eliha ay naging parte ng buhay ko at hindi ko siya makakalimutan." "Pero nasasaktan mo pa rin siya, alam mo ba?! Para lang hindi ka maging hari ng kasamaan dito sa palasyo ng aking ama ay si Eliha pa ang gumawa ng paraan para mahanap ang iyong minamahal! Oo! Gano'n ka niya kamahal! Alam niya kasi na ayaw mo rin ang trono ng aking ama. At mahal na mahal ka niya kaya niya 'yun nagawa." Hindi sumagot si Keegan, yumuko lang siya. Mabilis akong tumakbo papunta sa kusina para kumuha ng tubig ni Eliha. Pagkalabas ko ay magkahawak na ng kamay si Keegan at Eliha. At mukhang nagpapaalam na sila kay Kein. Pumasok na lang ulit ako sa kusina dahil ayaw ko na silang makita pa. Ang tanging hiling ko lang sa buwan at sa mga bituin ay ang maging masaya sila. Sumulpot sa harapan ko si Kein. I was shocked when he carried me. We quickly disappeared. I just saw that we were already in the room. "Magpahinga ka na muna," he whispered. "Oo ikaw rin." "P'wede ba na dito muna ako sa kwarto mo? Nais ko kasing patulugin ka." "Oo naman, pero kung okay lang sa 'yo. Hindi ka ba naiilang sa akin, Kein?" "Hindi naman, para sa akin kasi ay ikaw ay babae kong kaibigan." Inalalayan niya ako para makahiga sa kama. At siya siya ay umupo sa tabi ko. Sinimulan niyang himasin ang buhok ko. "Alam mo ba, Eliha, buong buhay ko ay itinatago ko kung sino nga ba ako." Na-curious ako kaya humarap ako sa kanya. "Ano ang ibig mong sabihin? Nandito lang ako para makinig." "Maiintindihan mo ba ako?" "Oo naman! Hindi kita huhusgahan." "Eliha, hindi babae ang aking gusto o nais na mahalin." "Naiintindihan ko, ang gusto mo ay lalaki, tama ba?" Tumango siya at yumuko. Oo nagulat ako kasi hindi halata na gay si Kein. Masculine kasi ang kanyang gender expression. "Alam mo, masaya ako kasi inamin mo sa akin ang iyong kasarian. Kung iniisip mo na huhusgahan kita ay nagkakamali ka, masaya ako para sa 'yo." "Pasensya na, pakiramdam ko kasi ay na-disappoint ka sa akin." "Oo nagulat ako pero ang ma-disappoint? Hindi. Bakit? Kasi ikaw 'yan, ikaw na ikaw 'yan na nararapat lamang na mahalin at pahalagahan. Kung ako man ang unang nakaalam nito ay huwag kang mag-alala dahil ako ang unang tatanggap sa 'yo. Hayaan mong yakapin kita, simbolo na ikaw ay karapat-dapat na irespeto." Niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan ko siya sa noo. "Ano ka ba?! Nakakaiyak!" sigaw niya sabay hinawi ang kanyang buhok kahit na hindi mahaba. 'Yung sigaw na katulad sa mga karaniwan na gay na nakakasalamuha ko sa aming mundo. He is so cute. Masaya ako na nailabas na niya ang totoong siya. "Hinahangaan kita!" Tinulak ko siya sabay tumawa ako nang tumawa. Ang ending ay nagkurutan kaming dalawa at nagbatuhan ng unan. Naghabulan kami sa kwarto habang masaya. At natawa ako nang mas naging wild si Kein dahil kumuha siya ng pambabae na kasuotan sa cabinet at isinuot niya 'yun. Tumitig ako sa kanya habang masaya siyang umiikot. Masayang-masaya siya habang suot ang isang nagandang bestida. Woah, he is so amazing. Hindi ko akalain na sa kabila ng lahat, may mga nilalang pala talaga na may itinatagong kaligayan na hindi nila mailabas dahil sa mapanghusgang mundo. Sinabayan kong umikot si Kein. "Magpakasaya tayo ngayon!" "Oo, dahil nararapat iyon sa mga katulad natin na mabuti ang kalooban!" sigaw niya sabay sumayaw nang sumayaw. Nakakatuwa talaga siya. "Kein, nararamdaman ko na hindi pa alam ng iyong ama ang iyong kasarian. Handa ka na bang sabihin sa kanya?" "Alam na niya, kahit hindi niya sabihin. Kaya nga ayaw niya akong maging hari dahil nais niya ay lalaki talaga ang mamuno." "Hindi naman makatuwiran ang kagustuhan ng iyong ama. Kahit sino ay p'wedeng mamuno kahit na ano pa ang kasarian nila. Lahat naman tayo ay pantay-pantay sa ating mga responsibilidad. Sana ay maisip 'yun ng iyong ama." "Tama ka. Saan ka nga nagmula? Sa mundo ng mga tao?" "Oo, bakit?" "Sa mundo niyo ba ay mayroon din na ganitong pagtrato kapag hindi naaayon sa gusto nila ang kasarian?" "Ang totoo niyan ay oo. Tsaka ang mas malala pa ay grabe manakit ang ilan sa kanila ng dahil lang sa hindi nila kaparehas ng kasarian. Pero mayroong edukasyon sa aming mundo, ang layunin no'n ay turuan at ibahagi ang kaalaman ng bawat guro sa kanilang estudyante ang tungkol sa ibat-ibang kasarian, ang kahalagahan nito, ang mga karapatan nila, at iba pa na makakabuti sa bawat isa." "Nakakamangha naman pala sa mundo niyo. At sana ay maiwasan na ang maling pagtrato ng dahil lang sa kakaiba sa pananaw at paningin nila." Kinurot niya ang ilong ko. Hindi ko alam pero biglang sumagi sa isip ko si Keegan sa ginawa ni Kein.

 

 

Chapter 26. 1

** Si Kein ay mapayapang natutulog sa kama. Bumangon ako para buksan ang maganda at malaking bintana. Bumungad muli ang tambo sa akin na nakalutang. Ang kahulugan ba nito ay dapat akong maglakbay? Saan naman ako pupunta? Wala na akong hahabulin pa. Siguro ay ito na ang ending ng aking buhay. Pero at least, masasabi ko na masaya ako. Pagkatingin ko sa baba ay nakita ko si Pluma na nakaupo at nakatingin sa akin. "P-Pluma?!" Sumakay ako sa tambo para makababa. "Ano ang ginagawa mo rito? Kumusta ka? Okay ka lang ba?!" Gumalaw ang kanyang buntot sabay kiniskis ang kanyang ulo sa mukha ko. Napangiti ako sa ginawa niya. "Alam mo, para sa akin ay sapat ka na, Pluma. Salamat kasi pinuntahan mo ako. Sana ay hindi ka nalito dahil hindi ako ang totoong Eliha. At sana ay hindi mo ako makalimutan." "Paano ko makakalimutan ang isang katulad mo?" tanong niya. Bigla akong napaatras. "Nagsasalita ka pala?!" "Oo, ako si Pluma Vampyres, ang lion na bampira na pagmamay-ari ng mga Vampyres." "H-hindi k-ko lubos maisip na nagsasalita ka." "Isa akong lion kaya hindi mo na ako makikilala." "Ano ang ibig mong sabihin? Sino ka ba talaga?" "Many years ago, iniwan ka ng isang tao na mahal na mahal mo dahil mayroong siyang sakit. Akala niya ay 'yun ang makakabuti sa sitwasyon, pero hindi pala." "A-ano bang sinasabi mo?!" tumulo na ang aking luha. "Alam ko kung sino ang nasa isip mo." "Isa lang naman ang taong iniwan ako, siya ay ang aking ina. Huwag mong sabihin na kilala mo si Lirpa Fair?" "H-hindi mo ba ako nakikilala, anak?" Natulala ako sa itinanong niya. Biglang nanginig ang aking buong katawan and at the same time ay kinilabutan ako. Naalala ko ang matanda sa alak store. Ang sabi niya ay isa sa mga Vampyres ang makakasagot ng katanungan ko. Ang ibig niya bang sabihin ay si Pluma ang tulay? "M-Mama, i-ikaw b-ba 'y-yan? B-bakit s-sa l-lugar n-na i-ito t-tayo n-nagtagpo?" Napaluhod ako sa harapan niya. Mabilis na dumaloy ang luha sa mga mata ko. Kaya pala noong tinitigan ko ang mga mata niya noon ay lumabas ako habang nakakulong sa kulungan ko. "Alam ko na wala akong karapatan na sabihin 'to pero.. a-anak, p-patawarin mo ako." Yumuko lang ako. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko pa kaya na magsalita ng kung anu-ano dahil naguguluhan pa rin ako. "Anak, ako ay patay na kaya ako nandito sa dipsa chupar vampire world." "Alam ko po 'yun. At alam ko na hindi kayo namatay sa cancer dahil namatay kayo dahil sa tao, pinatay kayo, Ma. Sino ang may gawa no'n sa 'yo?!" "Ang sabi ng dalawang lalaki na pumatay sa akin ay naghiganti raw sila sa akin dahil sa 'yo na gangster leader noon. Ang grupo niyo raw ay pinatay ang ilan sa mga ka-group nila at para masaktan ka ay ako raw ang kapalit." Niyukom ko ang aking dalawang kamao. "Ang kapal ng mukha nilang maghiganti samantalang sila ang nag-abang sa amin sa kanto para saktan kami. Ang ginawa lang namin ay self-defense. Bakit ikaw ang pinuntahan nila?! Sana ay ako na lang! Ang totoo kasi niyan ay mayroon akong napatay na ka-group nila. Ma, paumanhin kung nadamay ka pa." Kiniskis niya ang ulo niya sa akin. "Ako ang dapat na humingi ng tawad sa 'yo, anak, kasi dahil sa akin ay nagdusa ka noong bata ka pa. Sorry kung noong mga panahon na kailangan mo ako ay wala ako. Sorry kung iniwan ko kayo ng Papa mo. At sorry kung wala ka man lang natanggap na moral support mula sa akin. Anak, hindi ko deserve na matawag na Mama mo dahil hindi ako naging mabuting ina. Ako ay makasarili, anak." "Tama ka, Mama, makasarili ka po. Alam niyo ba? Hindi mo po alam kung gaano kahirap na magkulong sa kwarto na nag-iisa habang umiiyak ng walang tunog. At ang sakit na habang lumalaki ako ay wala kayo sa tabi ko. Pero kahit gano'n, gusto ko pa rin na bumalik kayo sa bahay. Alam mo ba, Ma? Si Dad ay may disorder, sinasaktan niya ako. Hinihiling ko na sana ay dumating ka para iligtas ako pero patay ka na po pala," hindi ko na napiglan na humagulhol. Nakita ko na dumaloy ang luha sa mga mata niya. "Eliha, kalimutan mo na lang ako. Hindi mo deserve na masaktan ng ganito ng dahil lang sa akin." "Ma, paano kita makakalimutan kung mahal na mahal kita? Kahit na galit ako sa 'yo ay mahal pa rin kita! Gusto ko nga na hanapin ang pumatay sa 'yo pero bigla naman akong napunta sa mundo na ito!" "Anak, ang ibig sabihin ba nito ay patay ka na rin?" "Ha?! Ano ang ibig mong sabihin, Mama?" "Sa Dipsa chupar vampire world kasi ay isa sa mga tapunan ng mga patay na tao. Sa mundo na ito ay mabibigyan ulit sila ng bagong buhay. Alam mo ba na hindi lang ito basta tapunan ng mga patay na tao? Maaari kasi na tumawid ang isang makapangyarihan na bampira sa mundo ng mga tao at sila mismo ang kumuha ng bangkay sa sementeryo. Ang ibig kong sabihin ay sa mundong ito, ang mga nakakapasok o mga nakakapunta lang ay mga patay na. At kaya sila napunta rito ay dahil sila ay may nagawa na mali habang nabubuhay pa." Hindi ako nakasagot. Naguguluhan pa rin ako. "Alam mo ba kung bakit ako nandito, anak? Kung bakit ako'y muling nabuhay rito? Dahil sa mundo natin ay isa akong masamang ina. Hindi ba nga ay iniwan kita? 'Yun ang parusa ko kaya ako ngayon ay isang bampirang lion." Napaatras ako sa aking narinig. "H-huwag mong sabihin na kaya ako nandito ay dahil sa patay na ako? At dahil sa mayroon akong napatay noon sa laban sa pagitan ng isang gangster group?! Ma, napunta ako rito dahil sa sumpa! Pero hindi dahil sa patay na ako. Ang alam ko ay natulog lang ako, Ma! Kaya p'wede pa yata akong bumalik sa mundo natin. Tsaka paano si Dad? Kahit naman gano'n siya sa akin ay may balak pa akong ipagamot siya kaya hindi pa ako patay." "May posibilidad na patay ka na nga dahil mayroon kang napatay dati na sabi mo ay isa sa mga miyembro ng kalaban niyo." "Pero isinumpa po ako!" "Paano kung nagsabay ang sumpa at kamatayan mo, anak?" "Wala ka bang kakayahan ma maipakita sa akin ang nangyari noong matulog ako? Ma! Gumawa ka naman ng paraan!" "Sige, susubukan ko. Tumitig ka lang sa mga mata ko." Tumitig ako sa mga mata ni Mama. Nagulat ako nang makita ko ang sarili ko sa mga mata niya habang nakahiga at ang unan ko ay libro na bukas. Makalipas ang ilang segundo ay nakita ko na pumasok si Dad sa kulungan ko. Pilit niya akong ginigising pero hindi ako magising. Hindi ko alam pero mas lalo akong humagulhol, patay na ba talaga ako? Tinawag ni Dad ang mga tauhan niya. At biglang nagbago ang lugar, nasa hospital na ako. Nakita ko na lang na tinakpan ng doctor ang buong katawan ko. At si Dad ay umiyak na nang umiyak. Napaatras ako sa katotohanan na patay na nga pala talaga ako. "Mama, patay na nga ako!!" humagulhol ako nang humagulhol. Gamit ang paa ng lion ay hinimas niya ang ulo ko at pinunasan ang mga mata ko. Bumilis ang pangyayari na nakikita ko sa mga mata ni Mama. Nakita ko na mayroong dala si Dad na bulaklak. Nakita ko na lang na nasa sementeryo siya. Teka, nakita ko na ang pangyayari na ito, ah? Noong may pagsubok si Eliza. Kaya pala nagpaparamdam si Dad sa akin. Nakita ko na umiyak nang umiyak si Dad at narinig ko na sinisisi niya ang sarili niya sa pagkawala ko. "Kung hindi na ako makakabalik, paano na si Dad? Sino na ang mag-aalaga sa kanya?!" "Kaya na niya ang sarili niya, sa tingin ko naman ay nagbabago na siya. Nakakalungkot lang na kung kailan ka nawala ay tsaka siya nagpagamot at nagbago." Hinilamos ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko. At sumigaw ako nang sumigaw. Nais ko kasing ilabas lahat ng sama ng loob na mayroon ako. Kaya ba ako nagdurusa ng ganito sa mundo na 'to dahil sa kasalanan ko noon?" "Anak, ang ibig mo bang sabihin ay ang pag-reject sa 'yo ni Keegan? Anak, nais ko palang malaman mo na mahal na mahal kita." "Isa lang 'yun, Ma. Ang ibig kong sabihin ay dito pa talaga kita nakilala. Ikaw kasi ang pinakamasakit na nangyari sa akin. Sinisisi ko ang sarili ko na kasalanan ko kung bakit mo kami iniwan pero wala pala akong mali. Sinaktan mo ang buong pagkatao ko. Pero alam mo ba? Kahit na gano'n ay mayroon ka pa ring space sa puso ko." Mas maraming luha ang dumaloy sa mga mata ni Pluma. "Ang sakit lang isipin na kahit sa bawat graduation ko ay wala ka. At alam mo ba ang mas masakit?! Noong mga panahon na mayroon akong sakit ay ikinukulong pa ako ni Dad! Alam mo ba kung gaano kasakit na mayroon nga akong tatay pero hindi ko naman nararamdaman?! Bakit hindi mo na lang kasi hinayaan na alagaan ka namin? Sabihin mo nga sa akin, naging masaya ka ba sa ginawa mo? Masarap bang mamuhay habang dinadala ang konsensya mo? Ako kasi ay kahit na wala naman akong kasalanan ay palagi akong nakokonsensya at palagi kong sinisisi ang aking sarili sa pagkakamali niyo ni Dad!" Nagtaka ako nang biglang ginamit ni Pluma ang kanyang isang paa at sinimulan na niyang magsulat sa lupa. Pagkatapos niya ay kaagad kong binasa. 'Wala na akong kakayahan na makapagsalita. Binigyan lang ako ng pagkakataon para makahingi ako ng tawad sa 'yo. Kahit kailan ay huwag mong sisisihin ang iyong sarili dahil bago ako namatay ay wala akong ibang dinasal kung hindi ang maging payapa ang iyong puso.' Hinawakan ko ang ulo niya. "Mahal kita, Ma." Si Pluma ay bigla na lang naglaho. Siguro ay hinahanap na siya ni Keegan o kung sinuman. Bumalik na ako sa kwarto. Sumandal ako sa bintana. "Hindi ko akalain na patay na pala ako. Hindi na pala talaga ako tao. Kung iisipin kong mabuti ay isa na akong mangkukulam dahil nagkaroon ako ng kapangyarihan mula kay Eliza. Kung mangkukulam ang sumumpa sa akin, automatic na ako ay mangkukulam na rin." Hindi ko pa rin nakakalimutan 'yung araw na masaya kami ng mga ka-group ko habang naglalakad sa isang madilim na street. Ang saya pa namin noon dahil kinakantahan nila ako na ang owned lyrics nila ay 'Eliha, best leader!'. Hanggang sa pagkadating namin sa isang kanto ay mayroon kaming nakita na mga estudyante na katulad din namin na mga gangster. Natatandaan ko pa kung paano kami dahan-dahan na umatras dahil maraming mga lalaki ang nakaabang sa amin samantalang kami ay mga babae lamang na wala man lang dala kahit na anong armas. Ang mga lalaki kasi ay may dala na mga baseball bat. Ang pinakamasakit na nangyari noon ay kung paano ako hawakan ng mga babae kong ka-group, sila ay nanginginig sa takot. Pero wala na kaming choice kung hindi ang lumaban dahil kung hindi kami lalaban ay kami ay mamamatay. Natatandaan ko rin na halos isang oras ang paglalaban namin sa pagitan ng mga lalaki. Mayroon ng mga namatay at ilan na nga roon ay mga ka-group ko at sa mga lalaki. Hanggang sa napatay ko ang isang lalaki na nakamaskara dahil tinangka niyang hampasin sa ulo ang kasama ko pero hindi natuloy dahil inunahan ko na siyang pukpukin sa ulo. Pagkatapos no'n ay halos mabaliw ako dahil hindi ko naman talaga sinasadya ang nangyari. At walang araw ang lumipas na hindi ako nakokonsensya. Ang totoo niyan ay walang nakulong sa amin at sa mga lalaki dahil maimpluwensiya ang mga lalaki. Hindi ko naman alam na sa kabila ng pananahimik nila at ang isa na umamin na kasalanan nila ay 'yun pala'y idadamay nila ang aking ina. Kung sino man 'yung napatay ko noon ay sana ay mapatawad niya ako kahit na wala naman talaga akong kasalanan sa kanya. Pero alam ko na mali ang aking nagawa. Sa ngayon kasi ay ang gusto ko na lang ay maging payapa ang aking isip at puso. At less stress at sakit sa puso na lang sana dahil hindi na ako tao. Pero bakit kung kailan ako namatay ay mas lalong humirap at sumakit ang aking sitwasyon?

 

 

Chapter 27.

ELIHA "Lumayas ka sa aking palasyo!" Keg shouted. "Oo, ako ay aalis na." Tumalikod ako at patuloy na naglakad papalabas. Si Kein ay wala rito sa palasyo pero hindi ko na siya hihintayin dahil marami na akong utang na loob sa kanya. Nagulat ako nang may biglang dumagit sa damit ko. Pagkalingon ko sa itaas ay si Eliza lang pala. Pinipilit kong kumawala pero hindi ko kaya. Nang tingnan ko naman ang baba ay sobrang taas na ng babagsakan ko kaya nanahimik na lang ako. Maya-maya pa ay ibinaba niya ako sa isang bintana. Ito ang bintana ng kwarto namin ni Keegan noon. Nakita ko si Keegan at si Eliha na mahimbing na natutulog. Sana all, joke. Tumabi sa akin si Eliza. "Ang saya nila 'no?" "Ano naman ngayon? Masaya na ako para sa kanila. At alam ko na gano'n ka rin dahil hinayaan mo na ang anak mo kay Keegan." "Ano bang akala mo sa akin, Eliha? Tanga? Akala mo ba ay gano'n lang kadali sa akin ang lahat?" "Ano bang ibig mong sabihin?! Tsaka bakit mo ako dinala rito?" "Ipinakita ko sa 'yo ang mag-asawa para makaramdam ka ng malaking inggit." "Hindi ako gano'n, Eliza." "Ang gusto ko ay agawin mo si Keegan sa anak ko. Gusto ko kasi ng laro sa pagitan ninyong tatlo." "Ang sama mo talaga! Gusto mo bang masaktan ang anak mo? Tsaka umaasa ka ba talaga na gagawin ko 'yun?" "Alam mo naman siguro na mangkukulam ako 'di ba? Mayroon akong kakayahan na hulaan ang mangyayari sa inyong kasalukuyan. At sa huli, ang aking anak ay hindi rin naman para kay Keegan. Kaya bakit ko pa siya itatago kay Keegan?" "Kung gano'n naman pala ay bakit ang tanga mo? Kung nakikita mo pala ang kasalukuyan ay bakit hindi mo nakita noon pa? Ginamit mo pa ang sumpa mo sa akin!' "Wala akong nakita noon kaya ginawa ko 'yun. Tsaka kung may agawan mang magaganap ay ikaw pa rin ang may laban. Aasa ka ba kung sasabihin ko sa 'yo na minahal ka rin ni Keegan?" "Ano bang sinasabi mo?! Ang mga katulad mo ay walang kakayahan para maramdaman ang nararamdaman niya!" "Sa iyong sagot ay halatang umaasa ka pa. Alam mo ba na mayroon ka pang alas?" "Hindi kita maintindihan. So ang ibig mong sabihin ay kami talaga ang magkakatuluyan ni Keegan? Gano'n ba? So kailangan ko siyang agawin? Para saan? Para saktan si Eliha? P'wede ko namang hintayin 'yung panahon na mapunta siya sa akin!" "Kailan mo pa hihintayin? Kapag ba nanganak ka na?!" "A-ano?!" "Mayroong supling sa iyong tyan. Iyan ay anak ni Keegan. Samantalang ang anak ko namang si Eliha ay alam ko na simula pa lang ay hindi na magkakaroon ng anak. Tingnan mo, doon pa lang ay panalo ka na." "Pero ayaw kong mang-agaw!" "Sabagay, tama ka naman dahil lalo kang magiging kawawa." Napahawak ako sa tyan ko. Totoo ba talaga ang sinasabi niya? "Pumasok ka bilang isang kasambahay sa mga Vampyres," she ordered. "Hindi ako uto-uto." "Ayaw mo ba talaga na malaman ng lalaking mahal na mahal mo ang tungkol sa iyong dinadala na anak niya?!" "Oo, lalayo na lang ako." "Wala ka talagang isip, Eliha! Bawiin mo ang dapat na sa 'yo!" "Maaaring madali na mang-agaw, pero hindi ko iyon talento. Ayaw kong makasakit ng katulad kong babae ng dahil lang sa nagmamahal ako. Kahit kailan ay walang nararapat na dahilan para mang-agaw. Oo, naranasan ko na ang lahat ng pain sa mundo ng mga tao at sa mundo niyo pero hindi ko hahayaan na madala ako ng emosyon ko para maging masama." Pumalakpak siya. "Ikaw ang bahala, kawawa ka naman at ang magiging anak mo." "Hindi kami magiging kawawa dahil hindi ko siya iiwan at hindi ko siya gagamitin para lang makasakit ng iba." Tumalikod siya sa akin sabay sumakay sa tambo niya. Nagulat ako dahil sumulpot sa tabi ko si Keg. "H-haring K-Keg?!" "Bumalik ka na sa palasyo." "Pero bakit po? 'Di ba po ay pinalayas niyo na ako?" "Oo nga pero nagbago ang aking isipan." Hinawakan niya ako sa kamay at bigla kaming naglaho. Nakita ko na lang na nasa palasyo na ulit kami. "Eliha!" masayang sigaw ni Kein. Lumapit ako sa kanya at kaagad ko siyang niyakap. "Saan ka pumunta?" "Sa aking minamahal," he whispered. "Talaga? Kailan mo siya ipakikilala sa akin?!" "Sa palagay ko ay kapag maayos na ang lahat." "Gano'n? Sayang naman! Huwag kang mag-alala, nirerespeto ko naman ang desisyon mo." Ngumiti siya. Pero kumunot ang noo niya. "Buntis ka ba?!" Nagulat ako sa sinabi niya at bigla akong napahawak sa aking tyan. Totoo ba talaga ang sinabi sa akin ni Eliza? Kung gano'n ay ako na ang pinakamasaya sa mundong ito. H-hindi ko alam. Pero 'yun ang sabi ni Eliza. Paano mo naman nalaman na buntis ako?" "Naaamoy ko na mayroong supling sa loob ng iyong tyan. Huwag kang mag-alala, lalaki naman ang iyong tyan makalipas ang ilang araw kaya makikita mo rin." "Talaga?! Salamat naman!" "Kitang-kita ko sa mga mata mo ang ligaya. Tama ba ako na ang ama ng iyong supling ay si Keegan?" "Oo." "Matutuwa siya kapag nalaman niya na magkakaroon na siya ng anak!" "Totoo naman 'yan pero paano si Eliha? Wala siyang alam sa nangyari sa amin ni Keegan. Ayaw kong masasaktan siya ng dahil sa akin at sa magiging anak namin ni Keegan." "Pero mayroong karapatan si Keegan na malaman kung sino ang anak niya. Ayaw mo bang makilala ng iyong anak ang kanyang ama ng dahil lang sa nararamdaman ni Eliha?" "Kung gano'n ang makakabuti ay 'yun ang gagawin ko." "Sa tingin mo ba ay hindi nila 'yan malalaman kapag lumaki na ang iyong tyan?" "Nandyan ka naman 'di ba?" "Ano?! Huwag mong sabihin na ako ang papalabasin mong ama? Hindi ako lalaki!" natatawang sabi niya habang nakatakip ang isa niyang kamay sa kanyang bibig. "Pumayag ka na!!" "Ayaw ko!" "Matitiis mo ba kami?" "Hindi 'no! Oo na ako na ang magpapanggap na tatay ng iyong anak. Ako ang bahala, gusto ko na maging masaya ka." Nagyakapan kaming dalawa. Gusto kong makilala ni Keegan ang anak namin. Pero hindi pa sa ngayon.

 

 

Chapter 28.

Makalipas ang ilang linggo ay malaki na ang tyan ko. Medyo nahihirapan na rin akong kumilos dahil pakiramdam ko ay malaking sanggol ang nasa loob ng tyan ko. "Eliha, wala ka bang gustong kainin? O pagmasdan?" Kein asked. "Wala," "Ang sungit mo ha!" "Naiirita lang ako!!!" "At bakit?!" "Ang bigat ng tyan ko. Pero hoy! Alam mo ba? Ang gusto kong pangalan niya ay Keha kapag babae at kapag lalaki naman ay-" "Keho?!" natatawang tanong niya. Hinampas ko siya sa braso. "Hindi! Kapag lalaki ay Kayan." "Ayaw mo sa Keina at Keino? Biro lang!" "Mukhang masaya kayong dalawa, ah? Mamaya ay magkakaroon tayo ng bisita," sabat ni Keg. "Sino, ama?" "Ipapatawag ko na lang kayo." Naglaho siya. "Kailangan ba na humarap ako sa bisita?" nagtatakang tanong ko. "Sa palagay ko ay depende sa sasabihin ni ama." Yumuko na lang ako. "Wala ka bang gustong puntahan?" "Tinatamad akong kumilos, Kein." "'Yun nga ang nakikita ko. Sa palagay ko ay mas may iba ka pang gusto, sino kaya?" "Anong sino? Wala 'no." "Sigurado ka? Ako na lang muna ang pagmasdan mo." Iniharap niya ako sa kanya. Hinawakan niya ang tyan ko sabay hinimas. "Ang sungit ng iyong ina, kung kaya ko lang na ipakita sa kanya ang ninanais niyang makita ay ginawa ko na. Pero hindi maaari." Humikbi ako, "Ano bang sinasabi mo, Kein?" "Wala, magpahinga ka na lang muna." Hindi ko na napigilan na umiyak, "Nakakainis ka!" Hinawakan niya ang pisnge ko sabay niyakap ako. "Hayaan mo na ako ang magmahal muna sa 'yo bilang iyong magandang kaibigan." Natawa ako sa sinabi niya kaya sinuntok ko siya. Pero na-appreciate ko 'yun. "Anak, mayroon ka ng magandang ama," I whispered. "Maganda na guwapo ang iyong ama, anak. Eliha, magpahinga ka na muna sa kwarto mo." Binuhat niya ako at mabilis kaming naglaho. Kung hindi ko lang talaga nakilala at minahal si Keegan ay mahuhulog ako kay Kein. Ang guwapo at mabuti ang puso. Mag-isa na lang ako sa kwarto. Hinawakan ko ang tyan ko, nagulat ako dahil biglang sumipa nang malakas ang baby. "Anak, ang sakit mo namang sumipa, pero ang cute!" masayang sigaw ko. Pero maya-maya ay naiiyak na ako. Mayroon kasi talaga akong gustong makita na mukha pero bawal. Sa totoo lang ay ilang araw ko na siyang hinahanap pero hindi maaari, nakakainis. Sumulpot sa kwarto ko si Keg. Nagulat na lang ako dahil bigla kaming naglaho. Nakita ko na lang na nakaupo na kami sa malaking lamesa. At mas nagulat ako dahil ang kaharap namin ay sila Keegan at Eliha. Nakita kaya nila na malaki na ang tyan ko? Dumating si Kein, tumabi siya sa akin. "Paumanhin ama ngunit ano ang ginagawa ng mag-asawa rito?" "Magandang tanong, anak. Sila ay bisita natin ngayon dahil mayroon akong anunsyo na dapat ay malaman nila!" Nakita ko na niyukom ni Kein ang isa niyang kamay. Teka, ilalaglag ba kami ni Keg? "Eliha, tumayo ka," Keg ordered. "Ama!" nagpipigil na sigaw ni Kein. "Kein, sumunod na lang kayo." "Ang sasabihin niyo ba ay mayroong relasyon si prinsipe Kein at Eliha?" masayang tanong ni Eliha. Girl, kung alam mo lang na ayaw namin ni Kein sa isat-isa haha! Joke. "Higit pa roon! Dahil ang anak kong si Kein ay nabuntis si Eliha. Masaya 'di ba? Pero nakakalungkot lang dahil ang balita ko ay hindi raw kayo nagkakaroon ng anak? Tama ba?" Nakita ko na napatingin sa akin si Keegan. Alam ba niya na siya ang ama? "Ama, tama na 'yung sinabi mo na nabuntis ko si Eliha. Pero hindi na tama na tanungin niyo pa ang pinagdadaanan nilang mag-asawa." "T-tama naman si haring Keg, Kein. Kahit anong gawin namin ni Keegan ay hindi talaga kami nagkakaroon ng anak. Eliha, masaya ako para sa 'yo!" sambit ni Eliha. "Magandang balita, ako rin ay masayang-masaya para sa inyo," Keegan whispered. Nahuli ko na tumingin ulit siya sa akin pero ako na ang umiwas. Ang pakiramdam ko ngayon ay masayang-masaya ako dahil nakita ko siya. At kahit ang baby na nasa tyan ko ay nararamdaman ko rin na masaya. Grabe, ganito pala ang pakiramdam na makita ang gustong makita. Pero may gusto pa akong gawin, gusto ko siyang yakapin. Tumayo ako sabay hinawakan ko ang tyan ko. "Magpapahinga na po ako." Nakita ko na mas lalo akong tinitigan ni Keegan. Ngumiti siya sa akin pero hindi ako ngumiti. Pero sa loob ko ay gustong-gusto ko na nakikita kong ngumingiti siya. Lumapit sa akin si Eliha. "Ang laki na pala ng tyan mo! Sigurado ako na siya ang susunod na prinsipe! Nakakatuwa naman, Eliha. Sana ay mabuntis na rin ako." Hindi ko alam pero imbis na matuwa ako kay Eliha dahil mabait siya ay naiirita ako. Siguro ay dala na rin sa selos na nararamdaman ko. Niyakap ko na lang siya dahil ayaw kong ma-offend siya. Si Keegan ay lumapit sa akin. Lalo akong napangiti dahil kahit papaano ay malapit siya sa akin at sa anak namin. "Nagagalak ako para sa 'yo at kay Kein, Eliha. Mayroon ka bang gustong kainin? Mayroon ka bang gustong gawin? Mayroon ka bang gustong puntahan?" Nahiya ako sa mga itinanong niya at napatingin ako kay Eliha. Pero nakangiti lang siya sa akin. Naaawa ako sa kanya kasi wala siyang alam. "Oo nga naman, Eliha. Mayroon ka bang gusto? Nandito naman si Keegan para sa 'yo. Kein, p'wede mo ba akong samahan sa labas? Magpapahangin lang," aya ni Eliha. Mabilis namang tumayo si Kein para alalayan siya. Si Keg ay naglaho na lang na para bang bula. At ngayon ay kami na lang ni Keegan. "Tumitig ka sa akin ng diretso, Eliha. Ano ang iyong gusto?" Ang lambing ng boses niya, nakaka-miss pero hindi nararapat na porke wala sa harapan ko si Eliha ay para akong linta na kakapit kay Keegan. "Makasarili ba ako kung sasabihin ko na.. gusto ko na yakapin mo ako? Kahit huling yakap na lang, Keegan." Para pa rin akong linta sa request ko, pero huli na 'to. Hindi siya nagdalawang isip na yakapin ako. Masasabi ko na ako na ang pinakamasaya dahil nayakap ko ulit siya. Habang yakap niya ako ay hinimas niya ang likod ko. "Si K-Kein ba talaga ang ama ng iyong dinadala? May kakaiba kasi akong nararamdaman sa 'yo at sa supling na nasa loob ng iyong tyan." Sabi ko na, mararamdaman niya. Pero ayaw ko. "Ano bang sinasabi mo, Keegan? Oo siya ang ama. At nagmamahalan kaming dalawa." "Kahit na sabihin ko sa 'yo na alam ko na lalaki ang gusto ni Kein?" Napabitaw ako ng yakap sa kanya pero mabilis niya akong niyakap ulit. "E-Eliha." "Tama ka naman na lalaki ang gusto ni Kein pero mayroong nangyari sa amin noong mga panahon na wasak ang aking puso." "Sa mansyon ka na lang namin tumira. Alam ko na sa akin 'yan." Humarap ako sa kanya. "Ano bang tingin mo sa akin? Mahal ka pa? Para saan? Tsaka huwag mo namang saktan ang asawa mo ng dahil lang sa nararamdaman mo na anak mo ang dinadala ko." "Gusto mo bang aminin ko na kay Eliha ang lahat? Nais ko na makasama kayong dalawa ng magiging anak ko." "Umalis ka na, Keegan." Tumalikod ako habang hirap na hirap na huminga. Ang sikip sa dibdib. Niyakap niya ako patalikod. "Hihintayin ko ang magiging anak natin." "Wala ka ng hihintayin dahil si prinsipe Kein ang ama niya." "Huwag mo namang ipagkait sa akin ang pagiging ama." "May asawa ka na, sana naman ay mas isipin mo siya." "Pero, Eliha!" "Pero, Keegan, manahimik ka na lang."

Post a Comment

0 Comments

Post a Comment (0)
3/related/default