HIS OBSESSION: The Taste of True Love

0

 



CHAPTER 1

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

Bitbit ang birthday cake, excited akong pumasok sa loob ng elavator! Ngayung araw ang birthday ng boyfriend kong si David Ferrero at gusto ko siyang sorpresahin.

 

Alam kong malaki ang tampo nito sa akin kaya ilang linggo na din nitong hindi ako dinadalaw. Hindi din ito sumasagot sa lahat ng tawag ko na labis kong ikinabahala.

 

Siguro, hanggang ngayun, hindi pa rin nawawala ang sama ng loob nito sa akin.

 

Ilang beses na kasi nitong hiniling sa akin ang pakikipag-sex pero ayaw ko itong pagbigyan! Para kasi sa akin ang pakikipagtalik ay para lamang sa dalawang taong kasal na at hindi pwedeng sa magnobyo at mag nobya pa lang.

 

Iyun ang dahilan kaya sa nakalipas na halos dalawang linggo wala na akong naging balita pa kay David pero ngayung araw, dahil birthday niya ngayun sosorpresahin ko ito!

 

Ibibigay ko ang kung ano man ang nais nito bilang birthday gift at para bumalik na sa dati ang pagsasama naming dalawa! Mahal ko si David at kaya kong gawin lahat ng nais nito para lang maging masaya ito tutal naman dalawang taon na kaming magkarelasyon at panahon na siguro para pagbigyan ko ito sa matagal nitong hiling. Iyun ay ang maangkin ang aking katawan.

 

Pagkabukas ng elavator sa third floor ng condo building kung saan nakatira si David dali-dali na akong lumabas! Naglakad patungo sa room 301 at hindi na nag-abala pang mag door bell! Kabisado ko ang pass code ng condo unit nito kaya naman dali-dali kong pinindot iyun at binuksan ang pintuan.

 

Pagkabukas ng main door, walang pag-alinlangan na kagad kong inilibot ang tingin sa paligid. Pinapakiramdaman ko din kung nandito pa ba si David hanggang sa dumako ang paningin ko sa pintuan ng silid kung saan may narinig akong mahinang ingay dahil bahagyang nakaawang iyun.

 

Excited akong naglakad patungo doon at mabilis na sumilip para lamang magulat sa aking nakita!

 

"Ahhh David! Ahhh! Ughhh! Deeper! Ayan na! ayan na!!" maingay na bigkas nang babaeng kaulayaw nito sa ibabaw ng kama habang walang patid sa pag-ungol. Para akong pinako sa aking kinatatayuan sa nasaksihan kong iyun.

 

Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita kasabay ng pagpatak ng masaganang luha mula sa aking mga mata.

 

Hindi ko inaasahan na maabutan ko si David sa hindi kaaya-ayang gawain! Kaya siguro hindi na siya nagpapakita sa akin nitong mga nakaraang araw dahil abala na siya sa ibang babae!

 

"Ahmmm! Fuck Aurora! Ayan na din ako! Malapit na ako! Ahmnmm!" narinig ko namang sambit ni David na akala mo sarap na sarap siya sa ginagawa niya!

 

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa aking nakita! Pakiramdam ko biglang nanlaki ang ulo ko kasabay ng pagkalaglag ng cake na hawak ko sa sahig na siyang dahilan kaya lumikha iyun ng ingay kaya sabay silang napatingin sa gawi ko.

 

Napansin ko pa nga ang pagkagulat sa mukha ni David nang mapansin niya ang presensya ko at bago pa siya nakapagalita, dali-dali na akong tumalikod at naglakad patungo sa may sofa.

 

Hindi ito ang inaasahan ko dahil ang akala ko ay isang mabait at matinong boyfriend si David! Dalawang taon na kaming magkasintahan at siya ang palagi kong karamay sa mga panahon na kailangan ko ng taong masasandalan! Lalo na ngayung may sakit ang Ina ko!

 

"Amber?" narinig kong tawag ni David sa pangalan ko! Hilam ang luha sa mga matang napatitig ako sa kanya bago ako umiling iling.

 

"Kailan pa? Kailan mo pa ako niluluko, David?" tanong ko. Napansin kong natigilan siya kasabay ng galit sa mga matang tumitig sa akin

 

"Ano ang iniiyak-iyak mo diyan? Lalaki ako at may mga pangangailangan ako na hindi mo kayang ibigay!" seryoso niyang sagot sa akin! Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat kasabay ng galit na biglang umusbong sa puso ko!

 

"Pangangailangan? Niluko mo ako at ikaw pa talagang may ganang manisi sa akin ngayun?" galit kong sagot sa kanya!

 

"Amber...Amber! Ano ba? Sa tuwing magkikita tayo ganito na lang ba palagi?

 

Kung hindi mo kaya ang mga pinanggagawa ko, eh di umalis ka na! Hindi kita kailangan at hindi ko kailangan ang kasing arteng girlfriend na kagaya mo!" galit niya ding sagot sa akin!

 

Hindi naman ako makapaniwala sa naring! Lalong nag-uunahan sa pagpatak ang luha mula sa aking mga mata bago ako napatitig sa babaeng kaulyaw niya kanina sa ibabaw ng kama na ngayun ay kakalabas lang ng silid habang may nang-iinis na ngiti na nakaguhit sa labi.

 

"So, sa dinami-dami ng mga babaeng ipinalit mo sa akin...ang anak pa talaga ng kerida ni Daddy?" malakas ang boses na tanong ko kay David. Napahalakhak naman ito sabay baling ng tingin kay Aurora at walang sabi-sabing nilapitan at sa mismong harapan ko, binigyan niya ito ng malutong na halik sa labi.

 

"YEs...siya nga and I am happy with her! Walang arte sa katawan na kagaya mo and I think natagpuan ko na ang babaeng makapagsatisfied sa lahat ng cravings ko! "nakangisi niyang sagot. HIndi naman ako makapaniwala sa narinig!

 

Hindi ko talaga akalain na may ganitong side pala sa pagkatao ni David at sobrang sakit isipin na mukhang matutuldukan na ang dalawang taon naming relasyon!

 

 

 

CHAPTER 2

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

DAHIL sa walang kwentang paliwanag ni David, no choice na ako kundi ang lumabas na sa condo unit niya! Hilam ang luha sa aking mga mata na naglakad ako patungo sa elevator at pinindot ang button

 

Habang naghihintay ako sa pagbukas ng elevator, dumating naman ang nakangising si Aurora! Wala talagang kahihayan ang babaeng ito! Mana sa kanyang Ina na isang kabit na sumira sa masayang pagsasama ng mga magulang ko noon.

 

"Masakit ba? Sabi ko naman kasi sa iyo noon, kukunin ko ang lahat sa iyo eh!" nakangisi niyang bigkas! Wala sa sariling napatitig ako sa nakasarang pintuan ng condo unit ni David bago ko hinarap si Aurora.

 

"Yeah...hindi nakakapagtaka iyun dahil nasa dugo niyo naman talaga ang pagiging makati!" nakangisi kong sagot sa kanya kahit na ang totoo gusto nang sumabog ang dibdib ko sa matinding galit!

 

Kaagad namang naningkit ang mga mata niya kasabay ng pag-angat ng isa niyang kamay at akmang sasamapalin niya sana ako!

 

Kaya lang mas mabilis ako at nahawakan ko iyun kasabay ng pag-angat ng isa kong kamay at direcho iyung lumagapak sa pisngi niya! Lumikha iyun ng malakas na ingay dahil sa sobrang lakas kasabay ng galit na sigaw na biglang kumawala sa lalamunan niya.

 

"Sinampal mo ako?: galit niyang sigaw sa akin! Bumakat pa nga ang palad ko sa pisngi niya at sobrang pula niyun.

 

"Sino ba ang nauna? Self defense lang ang ginawa ko at hindi ako papayag na basta mo na lang akong saktan!" galit kong sigaw pabalik sa kanya!

 

Hindi naman siya nakaimik pero nanlilisik ang mga matang nakatitig sa akin kasabay ng pagbukas ng pintuan ng elevator at mabilis na akong pumasok sa loob.

 

"Subukan mong sumabay sa akin dito sa loob at hindi lang sampal ang matitikaman mo sa akin!" puno ng pagbabanta sa boses na bigkas ko kaya naman natigilan siya! Hindi na siya gumalaw pa sa kinatatayuan niya hanggang sa sumara ang pintuan ng elevator.

 

 

Sa kabila ng sakit na kalooban na nararamdaman ko ngayun, kahit papaano, lihim namang nagdiwang ang kalooban ko! Sa kauna-unahang pagkakataon, nasindak ko si Aurora at malaking bagay sa akin iyun.

 

Kahit kaunti lang, nakaganti man lang ako sa ginawa niyang pang-aagaw sa akin sa boyfriend ko.

 

Direcho akong lumabas ng vicinity ng condo building kung saan nakatira si David. Alam kong simula ngayung araw, tuluyan na akong tinalikuran ng lalaking akala ko magiging kakampi ko sa lahat ng oras! Kagaya sa sarili kong ama, tuluyan na din siyang nakuha ng babaeng labis kong kinamumuhian at wala na akong magagawa pa kundi ang tangapin na lang!

 

Ganoon talaga siguro ang buhay...hindi sa lahat ng oras kampi sa iyo ang kapalaran.

 

Wala sa sariling naglakad ako patungo sa may sakayan. Sa sobrang sakit ng kalooban na nararamdaman ko ngayun, hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata.

 

"Ano ba? Wala akong payong eh! Bakit ngayun pa umulan?" malakas kong bigkas nang maramdaman ko ang pagbuhos ng malakas na ulan. Wala sa sariling napatingala ako sa langit kasabay ng malakas na busina ng sasakyan sa kung saan. Tulala akong napabaling ang tingin doon at kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang mapansin ko ang sasakyan na parating.

 

Gustuhin ko man umiwas kaya lang parang ipinako naman ang mga paa ko sa aking kinatatayuan. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para hintayin ang pagtama ng sasakyan sa katawan ko pero laking gulat dahil hindi nangyari iyun, bagkos isang baritonong boses ang bigla na lang nagsalilta

 

"Are you crazy? Kung gusto mong mamatay pwede bang huwag kang mamerwesyo ng iba?" galit na bigkas nito. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at hindi ko mapigilan na mapasinghap nang sumalubong sa paningin ko ang seryosong mukha ng isang lalaki.

 

Ang gwapo niya! impression na kaagad na sinisigaw ng utak ko! Mukhang nakakatakot ang kanyang awra dahil matalim ang kanyang mga matang nakatitig sa akin pero ang gwapo niya!

 

Siguro kung hindi lang ako broken hearted ngayun baka nagka-crush kaagad ako sa kanya eh.

 

"Are you done?" seryosong tanong niya sa akin

 

"Huh?" sagot ko naman! Hindi ko gets kung ano ang ibig niyang sabihin pero noong napansin kong nagsalubong ang kilay niya doon na ako biglang kinabahan.

 

"So-sorry po! Sorry!'" mahina kong bigkas gamit ang nanginginig kong boses.

 

Hindi naman kasi oobra kung mangangatwiran ako dahil kasalanan ko! Hindi ko namalayan na nandito pala ako sa gitna ng kalsada at buti nalang talaga at hindi niya ako nabundol.

 

Akmang maglalakad na sana ako paalis nang bigla na naman siyang magsalita.

 

"Miss, bakit ka umiiyak? Money? Luck of money, maybe I can help you as long as mag-eenjoy ako sa serbisyo mo." seryoso nitong bigkas na nagpahinto sa aking paghakhang.

 

Naramdaman ko naman ang paglapit niya sa akin kaya dahan-dahan akong umikot paharap sa kanya kung saan huling huli ko siya kung paano niya ako suyurin ng tingin mula ulo hanggang paa.

 

"Pervert! HIndi ako bayarang babae kaya tigilan mo ako!:" biglang dagsa ang galit sa puso ko kaya hindi ko mapigilan ang mapasigaw

 

Imagine, muntik niya na nga akong mabangga, napagkamalan niya pa akong prostitute.

 

"Basang basa ang damit mong kulay puti at kitang kita ko ang kung ano man ang nasa loob ng damit mong iyan. Willing akong bayaran ka kahit na magkano matikman lang kita just for one night!" garalgal ang boses na bigkas niya na lalong nagpadoble sa init ng ulo na nararamdaman ko ngayun.

 

Gosh, anong klaseng tao siya? Bakit napaka-bastos niya!

 

Pero wala! Wala akong balak patulan ang kamanyakan niya kaya walang sabi-sabing mabilis na akong naglakad paalis! Baka kasi kung ano a ang maisip niyang

gawin sa akin eh!

 

Isa pa, lalong lumakas ang ulan at basang basa na ako.

 

 

 

CHAPTER 3

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

Kahit na broken hearted ako, kailangan kong magpatuloy sa buhay! Hindi uso sa akin ang magmukmok sa isang tabi at umiyak dahil kailangan kong kumilos at magtrabaho.

 

"Ano po? Kailangan nang paunang bayad na kalahating milyon para maoperahan si Mommy?" mahinang tanong ko kay Doctor Santiago.

 

Pakiramdam ko para akong pinagsaklubang ng langit at lupa! Ano ba namang buhay ito, hindi pa nga ako nakakabawi sa hiwalayan naming dalawa ni David may dagdag isipin na naman ako! Iyun ay ang pera na kakailanganin para sa surgery ni Mommy.

 

Pagkauwi ko ng bahay kanina, naligo lang ako at nagbihis at direcho na ako dito sa hospital para bisitahin si Mommy bago ako papasok sa trabaho.

 

Hindi ko naman inaasahan na inaabangan pala ni Doctor Santiago ang pagdating ko para sabihin sa akin ang kondisyon ni Mommy! Ilang buwan nang delay nag surgery nito dahil wala nga akong maipon na pera para dito. Hindi ko alam kung saang kamay ng Diyos ko kukunin ang ganoong kalaking halaga dahil ang kinikita ko sa pagwi-waitres sa isang bar ay kulang pa nga sa pang-araw-araw naming pangangailangan at mga gamot!

 

"I am sorry Miss Rodriguez! Ikinalulungkot kong sabihin na kapag hindi maisagawa ang surgery ngayun buwan, baka hindi na kayanin ng Mommy mo ang sakit at lalo pang malagay sa alanganin ang buhay niya!" seryosong wika ni Doc. Santiago.

 

Hindi ko na tuloy mapigilan pa ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata! Kung hindi sana kami inabanduna ni Daddy at nakiapid sa ibang babae hindi sana ito mangyayari kay Mommy! Hindi sana mapabayaan ang sakit nito.

 

Pagkatapos namin mag-usaping Doctor, laglag ang balikat na naglakad ako patungo sa ward para silipin si Mommy! Sa totoo lang, pagod na pagod na ako! Bente-ono anyos pa lang ako pero feeling ko pasan ko ang mundo. Nag-aaral ako sa araw at nagta-trabaho sa gabi tapos isinisingit ko pa ang pag-aalaga kay Mommy! Para na nga akong mababaliw sa sobrang stress.

 

"Risa...kumusta si Mommy?" pagdating ko sa ward, nadatnan kong tulog si Mommy at ang kababata kong si Risa ang nakabantay dito. Mabuti na lang talaga at mabait ito at minsan nagpe-presenta siya na bantayan ng kahit na tatlong oras lang si Mommy dito sa hospital.

 

"Pagkatapos niyang kumain, nakatulog din naman kaagad siya! Huwag kang mag -alala Amber, ako na muna ang bahala sa Mommy mo!" nakangiti nitong sagot sa akin

 

"Salamat Risa ha? Ang laki na ng utang ko sa iyo! Hayaan mo, makakabawi din ako sa iyo pagdating ng araw!" madamdamin kong sagot sa kanya!

 

"Ano ka ba! Huwag mong isipin ang tungkol sa bagay na iyan! Magkababata at magkaibigan tayo kaya sino ba naman ang magtutulungan kundi tayo-tayo lang. Sige na..pumasok ka na sa trabaho mo! Ako na muna ang bahala dito. Hihintayin ko ang pagbabalik mo para sabay na tayong umuwi! Pwede naman akong magpuyat ngayun dahil wala naman tayong pasok sa School bukas!" nakangiti nitong sagot sa akin! Nagpsalamat ulit ako sa kanya bago ako umalis.

 

Nagtatrabaho ako bilang wairess sa isang high end na bar. Puro mga foreigner at mayayamang tao ang mga customers. Malaki ang tip na natatangap ko kaya pinagtatiyagaan ko. Kahit na masama na ang tingin sa akin ng ilang mga kapitbahay namin sa squaters area kung saan kami ni Mommy ngayun nakatira, ayos lang! Ang importante kumita ako na walang inaagrabyadong tao.

 

Mga bayarang babae lang daw kasi ang nagtatarabaho sa mga bars. Walang mga dignidad at kahiya-hiya. Hindi ko na lang pinansin dahil kailangang kailangan ko talaga ng pera ngayun. Si Mommy ang mas priority ko kaysa dignidad na iyan!

 

Mabuti na lang at nakasakay kaagad ako pagdating sa sakayan ng jeep. Hindi din ganoon ka-traffic kaya mabilis akong nakarating sa bar. Direcho akong naglakad papunta sa locker at mabilis na nagpalit ng uniform.

 

Yes...uniform at super eksi. Kita ang cleavage pati hita ko. Noong una hindi ko masikmurang isuot pero hindi nagtagal, nasanay din ako. Iyun nga lang, hindi na mabilang kung ilang beses na akong nahipuan ng mga manyakis na customers.

 

"Uyyy Amber, nandito ka na pala! Bilisan mo dahil kanina ka pa hinahanap ni Manager." kaagad na wika ng kasamahan kong waitress na si Monique. Nagkukumahog akong inilabas mula sa bag ko ang kikay kit ko para mag-apply ng make up.

 

"Hindi pa naman ako late ah? May five minutes pa ako para mag-start ang work ko oh?" sagot ko naman. Natawa naman ito at naupo sa isang mataas na upuan at tinitigan ako.

 

"Balita ko gipit ka daw ngayun. Gusto mo ba ng raket?" maya-maya tanong ni Monique sa akin. Kaagad naman akong napatitig dito.

 

Raket? Ibig sabihin may offer siya sa akin na trabaho na pwede akong kumita ng malaking pera? Well, ayos din iyun. Open ako sa ganoong trabaho ngayun lalo na at broken hearted ako.

 

 

 

Chapter 4

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Raket? Anong raket? Hindi ba ako lugi diyan?" tanong ko. Natawa ito.

 

"No Dear! Malaking pera ang involved dito. Let say, tumataginting na two hundred thousand pesos..." tatawa-tawa nitong sagot. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito. Gulat ako sa narinig na halaga!

 

"What? As in?" excited kong tanong. Pakiramdam ko biglang nabuhay ang dugo ko sa mga sandaling ito. Pati yata ang mga mata ko ay nagniningning sa matinding antisipasyon. Bigla ko din nakalimutan na broken hearted pala ako.

 

"Yessss! Ganiyan kalaki. Siguro naman pasok ka sa requirements na hinahanap nila. Hind na kasi ako pwede kaya sa iyo ko na lang sinabi ito." nakangiti nitong wika sabay tayo at lumapit sa akin.

 

"Teka lang! Anong klaseng trabaho pala iyun?" tanong ko. Hinagod niya ako ng tingin nito mula ulo hanggang baba bago nagsalita.

 

"May mayamang lalaki na naghahanap ng babaeng berhin na gusto niyang makatalik. One night stand ba kapalit ng pera na nabanggit ko sa iyo kanina. Gusto mo bang itry?" tanong nito habang may ngiting nakaguhit sa labi. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata sa gulat.

 

"What? Virgin?" tanong ko. Kaagad itong tumango.

 

"Yes..birhin ka pa diba? At nangangailangan ka ng pera para sa pagpapagamot ng Mommy mo! Bakit ayaw mong subukan?" tanong nito. Hindi ko mapigilan ang mapalunok ng sarili kong laway.

 

"Wala nang oras. Ngayung gabi nila kailangan ang babaeng birhin. Nag back out ang unang nakasalang at wala silang choice kundi maghanap ng iba." sagot nito.

 

Kung ganon, wala na pala akong time para mag-isip. Malaking pera ang involved at hindi ko alam kong kaya ko bang ipagkaloob ang sarili ko sa isang istranghero kapalit ang pera.

 

"Think about it...Remember, bihira lang na may dumating na offer sa buhay natin. Kung ako sa iyo, grab mo na. Kaysa naman magtiiis ka sa bar na ito na makailang ulit ka ng nabastos diba?" muli nitong pang-uudyok.

 

Saglit akong nahulog sa malalim na pag-iisip. Kaya ko bang ibinta ang virginity ko kapalit ng pagpapagamot kay Mommy? Sabagay, ayos lang siguro na ibenta ko ang virginity ko tutal naman hiwalay na kami ng manloloko kong boyfriend!

 

Kaysa naman kung sinu-sinong mga gago diyan ang makinabang sa virginity ko, eh pagkakitaan ko na! Magagamit ko pa ang pera para maipagamot si Mommy.

 

Kaya lang naguguluhan ako. Natatakot ako! Hindi ko din alam kung kaya ko bang makipag-sex sa isang lalaki kapalit ang pera? Hindi ko alam kung kaya ba ng sikmura ko ang pasukin ang ganoong trabaho. Kung willing lang sana ang walang kwenta kong ama na bigyan ako ng pera para pampagamot ni Mommy, wala sana ako sa ganitong sitwasyon.

 

Kailangan kong mapagamot si Mommy!

 

Siya na lang ang meron ako ngayun at hindi ko talaga siguro kakayanin kung sakaling may masamang mangyari dito.

 

"Okay! Payag ako!" sagot ko sa nanginginig na boses. Kaagad naman gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Monique. Tinitigan ako mula ulo hanggang paa bago tumango.

 

"Isang gabi lang Amber. Pagkatapos nito, kayang kaya mo ng ipagamot ang Mommy mo!" nakangiti nitong sagot at nilapitan ako. Hindi ako nakaimik.

 

Two hundred thousand ang offer at kulang pa iyun sa hinihinging bayad ng hospital para maoperahan na si Mommy! Bahala na!

 

Sabay naming nilisan ni Monique ang Bar. Hind na kami nagpaalam sa aming manager. Absent na muna siguro kami or baka pagkatapos ng gabing ito, hindi na muna siguro ako papasok. Magpapahinga na muna siguro ako dahil pagod na pagod na din kasi ang katawang lupa ko.

 

Dumaan lang kami sa apartment ni Monique. Pinahiram niya ako ng seksing damit at inayusan pagkatapos may isang sasakyan na sumundo sa amin. Dinala kami sa isang private resort na pag-aari umano ng lalaki na nakabili sa akin ngayung gabi.

 

Yes...nakabili ang term. Masakit man isipin na buong gabi niya akong nabili at pwede nyang gawin lahat ng gusto niya sa katawan ko. Kapalit ng two hundred thousand pesos. Nakakalungkot pero may pagpipilian pa ba ako? Siyempre, wala na! Nandito na ako eh...wala nang atrasan.

 

"MIss Amber right? Pagkaakyat mo ng hagdan, unang kwarto left side. Pumasok ka sa loob mahiga sa kama. Hintayin mo ang pagdating ni Master at sundin mo lahat ng gusto niya!" wika ng lalaking sumundo sa akin sa apartment ni Monique. Hindi na sumama si Monique dito sa loob ng Villa kaya naman kahit na natatakot ako pilit kong nilalakasan ang loob ko.

 

"Yes Sir!" sagot ko at halos manginig ang tuhod ko ng nag-umpisa na akong humakbang papasok ng Villa. Ito na marahil ang pinaka-mahabang gabi ng buhay ko. Pakiramdam ko, para akong bibitayin ng mga sandaling ito. Ang hirap isipin na nandito ako sa lugar na ito para ibenta ang dangal ko.

 

Mabilis akong nakarating sa second floor ng bahay. Sinunod ko ang instruction ng lalaking sumundo sa akin. Pumasok ako sa kwarto at kaagad kong nalanghap ang kakaibang amoy sa loob. Madilim ang paligid at tanging pinaghalong amoy ng yosi at pabango ang nalalanghap ko. Kinakabahan man, wala akong choice kundi pumasok sa loob at kaagad na nahiga sa kama.

 

Hihintayin ko ang lalaking nakabili sa dangal ko. Hindi ko maiwasan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata dahil sa nararamdamang lungkot. Aminado ako sa sarili ko na natatakot ako.

 

Halos limang minuto din akong nanatili sa kwarto ng dahan-dahan na bumukas ang pintuan. Kaagad akong napatitig doon ng mapansin ko ang pagpasok ng isang bulto ng tao. Hindi kita ang kanyang mukha dahil madilim ang buong paligid. Babangon sana ako ng pagalit itong nagsalita.

 

 

 

Chapter 5

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"STAY!" malakas at maawtoridad ang boses na wika niya sa akin! Pigil ko tuloy ang sarili ko na maiyak dahil sa matinding takot.

 

Alam kong ito na ang katapusan ko! Ang lalaking ito ang nakabiili sa akin ngayung gabi at wala akong choice kundi sundin nag nais niya

 

"What is your name?" tanong niya sa akin gamit ang baritono niyang boses. Mula sa malamlam na liwanag ng lampshade, naaninag ko na ng kaunti ang kanyang mukha at hindi ko mapigilan ang mapakunot noo nang marealized ko na para bang familiar sa akin ang mukha niya.

 

"Amber! Precious Amber!' mahinang sagot ko at pagkatapos noon, parang gusto kong kutusan ang sarili ko dahil sinabi ko sa kanya ang pangalan ko. Pwede namang alyas lang lalo na at isang gabi lang naman ang serbisyo ko sa kanya.

 

"Precious! So, ikaw pala iyung babae kanina." narinig kong wika niya. Wala sa sariling mabilis akong napabangon ng kama para mas lalo kong matitigan ang mukha niya.

 

God, siya nga! Siya iyung lalaking muntik nang nakabangga sa akin kanina.

 

"Small world Precious! Sino ang nag-aakalang ikaw pala ang makakasama ko ngayung gabi! At least hindi na ako gumastos ng malaking pera para hanapin ka!" mahinang bigkas niya kasabay ng pagdampi ng palad niya sa may hita ko! Bigla naman akong nakaramdam ng panlalamig sa buo kong katawan sa ginawa niyang iyun!

 

Oo, may kasintahan ako at hindi pa kami dumating sa ganitong punto na hawakan ako sa may hita ko. Hndi ko tuloy alam kong ano ang irereact ko ngayun.

 

Tsaka, ano ang sabi niya? Gusto niya akong ipahanap? Bakit, wala naman akong atraso sa kanya ah? Muntik niya lang akong nabundol pero wala naman akong ginawang masama para huntingin niya.

 

Hayyy, lalabas ako dito sa kwarto na hindi na virgin at kailangan kong tangapin iyun.

 

Sana lang talaga kayanin ko ang sakit dahil dinig ko, masakit daw kapag first time.

 

"Akin ka ngayung gabi and I hope na mag -eenjoy ako sa iyo!" muli niyang bigkas! Umakyat ang palad niya pataas sa aking hita hanggang sa makarating iyun sa may garter ng aking panty at hinawakan niya iyun at dahan-dahan na hinila pababa.

 

Hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin ko! Parang gusto nang kumawala ang puso ko dahil sa lakas ng kabog noon! Parang gusto ko nang umiyak at pigil ko ang sarili ko na na bigla na lang bumangon ng kama para lisanin ang silid na ito! Parang hindi ko kasi talaga kaya eh!

 

"Hey, relax! Sigurista akong tao at gusto ko munang icheck kung talagang birhen ka pa!" garalgal niyang bigkas kasabay ng paghagod ng daliri niya sa hiwa ko! Hindi ko na tuloy mapigilan ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata! Medyo masakit kasi eh and at the same time, sobrang nahihiya ako sa sarili ko!

 

Hindi ako ito eh! Hindi ako maruming babae para maranasan ko ang ganitong bagay mula sa mga kamay niya.

 

Kung may choice lang sana ako, hindi ko talaga ito gagawin.

 

Masyado akong nababastusan sa ginagawa niya sa akin ngayun! Imagine, gusto niya daw icheck kung virgin pa ba ako? Paano?

 

Nasagot lamang ang tanong kong iyun nang maramdaman ko ang dahan-dahan na pagpasok ng daliri niya sa may butas ko. Hindi ko pa nga mapigilan ang mapadaing nang makaramdam ako ng sakit! Umusog pa nga ako paatras para iwasan ang daliri niya dahil masakit nga talaga.

 

"Confirm, virgin ka pa nga! Good!:"

 

nakangisi niyang bigkas at laking pasalamat ko dahil sa wakas, tinangal niya na ang isang daliri niya sa butas ko. Gosh, baka kasi kapag tinuloy-tuloy niya pa iyun baka mapaiyak na ako sa sakit.

 

Gayunpaman, hindi ko maiwasan na makaramdam ng self pity! Feeling ko kasi ng mga sandaling ito, napakababa ko na! Kagaya na ako sa ibang mga babae diyan na handang gawin ang lahat para lang sa pera.

 

Pagkatapos niyang i-check kung virgin pa ba ako, napansin kong muli siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Naglakad siya patungo sa may maliit na lamesa at hindi ko mapigilan ang

makaramdam ng matinding pagkaalarma nang mapansin ko na naglagay siya ng alak sa dalawang kopita na nandon.

 

Pareho niyang binitbit ang kopita at muling naglakad pabalik sa akin at iniabot ang isang kopita na may lamang alak sa akin.

 

Gusto ko sanang tangihan kaya lang noong napansin ko ang matiim niyang pagtitig sa akin wala na akong choice pa kundi ang tangapin iyun at dahan-dahan na inilapit sa aking bibig.

 

"Drink it! Bottoms up!" pautos niyang sambit na kaagad ko namang sinunod! Bayad niya ang gabi ko kaya kailangan kong maging masunurin!

 

Mapait na maanghang ang lasa na alak pero kailangan kong ubusin iyun sa isang lagukan lang! Pagkatapos kong maubos, hindi na nakapalag pa nang bigla na lang siyang tumabi sa akin sa ibabw ng kama habang matiim na nakatitig sa aking mukha.

 

"Ready?" nakangisi niyang sagot sa akin sabay dampi ng labi niya sa balikat ko.

 

Kakaibang kilbot ang nararamdaman ng puso ko nang gawin niya iyun kasabay ng muling pagpatak ng luha mula sa aking mga mata.

 

 

Chapter 6

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

NAG-umpisa siyang halikan ako sa aking balikat patungos sa aking leeg kaya hindi ko mapigilan ang mapapitlag! Gusto kong umiwas kaya lang natatakot ako na baka magalit siya.

 

"Hmmm, ang bango mo! Ang sarap mo!" mahina niyang bigkas at parang wala lang na bigla niya na lang ibinaba ang strap ng sleeveless dress ko. Sumisigaw ng pagtutol ang isip ko pero nanatili namang nakasarado ang bibig ko.

 

"Why are you crying? Pinilt ba kita? Hindi naman diba?" naramdaman niya marahil ang mahinang hikbi na kumawala sa labi ko kaya natigilan siya! Tiim bagang niya akong tinitigan sa aking mga mata kaya naman dali-dali akong pinunasan ang luha sa aking mga mata para huwag na siyang magalit

 

Ginusto ko ito at ano ngayun ang iniyak-iyak ko?

 

"Sa lahat ng ayaw ko ay iyung mga babaeng maarte. Nakakawalang gana!" malakas ang boses na bigkas niya kaya kaagad kinain ng takot ang buong sistema ko. Kung kanina ay medyo kalmado siya, nagmumukha na siyang isang mabangis na leon sa harapan ko ngayun.

 

May galit sa mga matang nakatitig siya sa akin kaya naman dali-dali akong napabangon ng kama na lalo yatang nagpainit ng ulo niya

 

"Hubad!" malakas ang boses na sigaw niya

 

"Huh?" takot kong bigkas.

 

"Maghubad ka! Huwag mong kalimutan na binili kita ngayung gabi kaya dapat lang na sulitin mo ang serbisyo mo sa akin!" galit niyang bigkas!

 

Labag man sa kalooban, wala akong choice kundi dahan-dahan na hinawakan ang laylayan ng aking dress at dahan-dahan na hinubad iyun! Pigil ko ang sarili ko na muling mapahikbi dahil natatakot akong baka mas lalo siyang magalit sa akin

 

Pagkatapos kong mahubad ang suot kong dress kaagad na tumampad sa paningin niya ang aking katawan! Napansin ko pa ang pagalaw ng adams apple niya habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin.

 

"Now, muli kang mahiga and spread your legs." malalim ang boses na bigkas niya! Wala na akong choice kundi ang sundin ang utos niya! Alang-alang kay Mommy, susundin ko ang kung ano man ang nais niya.

 

Muli akong nahiga sa kama habang dahan -dahan kong binuka ang hita ko hanggang sa wala na akong maitago pa sa kanya!

 

Dali-dali niya namang hinubad ang kanyang kasuotan. Wala siyang itinira na kahit isa at hindi ko mapigilan ang mapasinghap ng tuluyan nang tumampad sa paningin ko ang nagmamalaki niyang alaga! Alam kong hindi normal ang sukat noon at lagot talaga ako nito

 

Pagkatapos niyang maghubad, basta na lang siyang pumatong sa ibabaw ko! Nakabuka ang aking hita kaya kaagad na kumiskis ang alaga niya sa bukana ng aking perlas ng silangan! Mainit iyun at kumikislot-kislot pa na para bang may sariling buhay.

 

"hmmm, ang bango mo! Ang lambot ng katawan mo!" narinig kong mahina niyang sambit bago walang pag-alinlangan na inangkin niya ang labi ko!

 

Wala na kong nagawa pa kundi ang ang magpaubaya na lang! Hindi ako eksperto sa pakikipaghalikan dahil conservative akong babae at hindi ko alam kung naiinis ba siya dahil bigla niya na lang na kinagat ng marahan ang labi ko pagkatapos noon may galit sa mga matang tinunghayan niya ako

 

"Napipilitan ka lang ba or talagang hindi ka marunong humalik?" seryosong tanong niya sa akin. Napansin niya marahil na wala akong balak na sagutin ang tanong niyang iyun kaya bumaba ang titig niya patungo sa aking magkabilaang dibdib.

 

"It doesn't matter kung hindi ka marunong humalik dahil panalo naman ako sa dibdib mo pa lang!" mahina niyang anas at hindi ko mapigilann ang mapakagat labi nang bigla niya na lang dilaan ang  pasas na pink ko. Wala sa sariling napakapit ako sa bedsheet dahil sa kakaibang damdamin na kaagad na lumukob sa buo kong pagkatao.

 

Nakikiliti ako na para bang nasasarapan! Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko gayung trabaho lang naman ang ipinunta ko dito. Hindi ako dapat makaramdam ng ganito lalo na at isa siyang istanghero sa paningin ko

 

Hindi ko na mapigilan pa ang mapasinghap nang lumapat ang dila at labi niya sa tuktok ng aking  pasas na pink. Sinubo niya iyun habang marahang sumipsip. Damang dama ko ang init na nagmumula sa kanyang bibig na nag-uumpisang bumubuhay sa bawat himaymay ng aking ugat.

 

Mariin kong naipikit ang aking mga mata nang paglaruan ng dila niya ang isa kong  pasas na pink habang nasa loob pa rin ito ng bibig niya.

 

Ramdam ko ang parang kuryente na dumadaloy sa buo kong katawan at sarap ng kanyang patuloy na pagsipsip kasabay ng pagpapaikot-ikot ng kanyang dila sa paligid nito.

 

"Ohhh!" mahina kong anas nang bigla niya na lang pakawalan ang isa kong  pasas na pink at lumipat naman ang bibig niya sa kabila. kagaya ng ginawa niya kanina, masuyo niyang sinisipsip at nilalaro ang korona noon gamit ang kanyang dila. Para tuloy bigla kong nakalimutan ang sitwasyon ko ngayun! Tuluyan ng kinain ang sistema ko ng isang istrangherong damdamin na lumulukob sa buo kong pagkatao.

 

 

Chatper 7

 

PRECOUS AMBER RODRIGUEZ

 

HINDI lang ang labi niya ang naging abala sa pagkakataon na ito kundi pati na din ang kanyang palad! Naramdaman ko na lang kasi na dahan-dahan na iyung naglakbay sa buo kong katawan. Una nitong nilamas ang aking magkabilaang boobs at bumaba iyun patungo sa aking tiyan pababa sa aking perlas ng silangan.

 

"Ahmmm..." muli kong ungol nang mag-umpisa nang laruin ng kanyang daliri ang aking hiyas. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero nagugustuhan ko na ang ginagawa niya.

 

First time ko ito pero feeling ko ang landi -landi ko na. Nakakaradam ako ng pinaghalong kiliti at init ng katawan sa bawat haplos na ibinigay niya sa akin. Trabaho lang dapat pero bakit nasasarapan na ako?

 

"Lucian, My name is Lucian Motefalco Ferrero at gusto kong itatak mo sa isipan mo ang pangalan ko! Huwag na huwag

mong kalimutan iyan, My Precious" mahina niyang bigkas kasabay ng paulit-ulit na paghagod ng daliri niya sa basang basa ko nang lagusan. Wari ba ay sinusukat nya ang kahandaan ko

 

Oo ganoon na nga! Akala ko trabaho lang pero hindi ko naman akalain na mag-eenjoy din pala ako

 

"Moan my name Precious! Gustong gusto ko na marining mula sa bibig mo na binabangit mo ang pangalan ko." pautos ang tono ng boses niya na kailangan kong sundin

 

"Lucian! Yes...Lucian!" mahina kong anas kaya kaagad na gumuhit ang masayang ngiti sa labi niya! Lalo siyang ginanahan sa paghaplos sa buo kong katawan. Lalong pumailalim ang hagod ng kanyang daliri sa aking perlas ng silangan. Ang bawat madaanan ng labi niya ay nag-iiwan ng matinding init na hindi ko maipaliwanag.

 

Sunod ay naramdaman ko na lang na mas lalo niya pang ibinuka ang hita ko kasabay ng pagkiskis ng sandata niya sa bukana ng aking perlas ng silangan.

 

Nagtatalo pa ang isipan ko kung itutuloy ko pa ba pero huli na. Naramdaman ko na lang ang sunod-sunod niyang pag-ulos sa ibabaw ko kasabay ng walang kapantay na sakit na nararamdaman ko sa buo kong pagkatao.

 

Ramdam ko sa kilos niya ang matinding kagustuhan na maangkin ako ngayung gabi at hindi ko na mapigilan pa ang pagtulo ng luha sa aking mga mata nang maramdaman ko ang mabilis na pagbagon ng kanyang naghuhumindig na alaga sa kaila-ilaliman ng perlas ng silangan ko.

 

Para akong binibiyak na hindi ko mawari. hindi ko na nga mapigilan ang mapadaing nang sunod-sunod siyang umulos.

 

"Sa-sandali Lucian! Ma-masakit!:" mahina kong bigkas pero para bang wala siyang narinig! Patuloy siya sa pagalaw sa ibabaw ko na para bang sarap na sarap siya at ako naman itong sobrang hirap na.

 

Napakalaki ng kanya at napakatigas noon! Hindi ko na tuloy mapigilan pa na mapakagat labi para pigilan ang paghikbi na gustong kumawala mula sa lalamunan ko

 

"Ahhh, Fuck Precious! You're so tight! I swear, I' Il fuck you so hard and starting today, you're mine! Akin ka lang at walang pwedeng magmamay-ari sa iyo kundi ako lang!" malakas ang boses na bigkas niya na parang siguradong sigurado siya sa sinasabi niya ngayun.

 

Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya dahil sa sobrang sakit. Napakapit na lamang ako na mahigpit sa kanyang balikat para kumuha ng kahit na kauting lakas mula sa kanya.

 

Masakit, sobrang sakit lalo na nang paulit -ulit ang ginawa niyang marahan na paghugot at marahas na pagbaon. Feeling ko nga hindi ko na maramdaman ang balakang ko sa matinding hirap na nararamdaman ko ngayun

 

Halimaw pala siya pagdating sa kama! Wala siyang pakialam sa nararamdaman ko at ang gusto niya lang ay mailabas ang matinding pagnanasa na nasa kanyang katawan.

 

"Ahhhmmmh! My Precious! My Precious! "paulit-ulit niyang sambit. Hindi pa siya nakontento at lalo niya pang ibinuka ang hita ko! Kasabay ng paglabas masok ng naghuhundig niyang alaga ay ang paghagod ng kanyang dalawang kamay sa magkabilaan kong boobs.

 

Para lang siyang nagmamasa ng gawin niya iyun. Nilalamas ang magkabilan kong boobs at the same time nilalaro niya ang dalawa kong  pasas na pink gamit ang kanyang daliri.

 

Sa makailang ulit niyang paghugot at baon sa pagkakababae ko, hindi ko na mapigilan ang pag-alpas ng mahinang ungol sa aking lalamunan nang bigla ko na lang maramdaman na unti-unting naglaho ang sakit. Pumalit ang kukunting kiliti hanggang sa unti-unti ko nang nararamdaman ang sarap.

 

Hindi ko mapigilan ang maidilat ang aking mga mata nang maramdaman ko na para bang may libo-libong kuryente ang kaagad na dumaloy sa buo kong pagkatao. Wala na ang sakit at puro sarap na ang dumadaloy sa bawat himaymay ng aking ugat,

 

Dinig ko ang salpukan ng aming mga ari na para bang musika sa pandinig ko.

 

"How do you feel? " mahina niyang tanong sa akin habang titig na titig siya sa aking mukha

 

"Ma-masarap! Masarap pala!" mahinang daing ko. Isang makahulugang pagngisi ang kumawala sa kanya bago niya tuluyang isinampay sa balikat niya ang aking binti habang nakabaon pa rin ang kanyang alaga.

 

 

 

Chapter 8

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ.

 

"Ahmmhhh! Ahhhh! Ahhhh, Lucian!" hindi ko na mapigilan pa ang malakas na ungol na biglang kumawala sa labi ko nang maramdaman ko na lalong sumagad ang ari niya sa aking perlas ng silangan!

 

Hindi ko akalain na makakaramdam ako ng ganito. Sa umpisa lang pala ang sakit at hindi ako akalain na mag-eenjoy din pala ako sa pag-angkin niya sa aking katawan.

 

"Yeahhh, ganiyan nga my Precious! Ang sarap pakingan ng pangalan ko habang sinasambit ng bibig mo! Ahmmmmh! Fuck..malapit na ako My Precious! Malapit na!" sambit niya pero hindi ko maintinidihan kung ano ang ibig niyang sabihin

 

May nararamdaman kasi akong kakaiba sa puson ko. May gustong kumawala sa kailaliman ng aking perlas ng silangan na hindi ko mawari. Para akong naiiihi na ewan.

 

"Ahmmmhhh, Lucian, saglit! Saglit lang.....lalabas na! Na---naiihi ako!" hindi ko na mapigilang bigkas. Napansin ko ang seryosong mukha na pagtitig niya akin bago siya sumagot

 

"Well, sabay tayo! Andiyan na din ako... malapit na!" bigkas niya na mas lalo niya pang binilisan ang kanyang paghugot baon. Pakiramdam ko mas lalong dumuble ang laki niya! Punong puno ang perlas ng silangan ko hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagsirit ng kung anong bagay patungo sa kaloob-looban ng aking perlas ng silangan na sinabayan ng paglabas ng kung ano mula sa loob ko.

 

Mainit iyun pero may nararamdaman akong kiliti. Bumagal ang pagalaw ni Lucian mula sa ibabaw ko hanggang sa tumigil siya

 

"Ahmmmhh, Fuck! Ang sarap mo talaga! "mahina niya pang usal bago niya ipinatong ang buo niyang bigat sa katawan ko. Mas pinili kong manahimik na muna habang habol ko pa rin ang akin paghinga

 

Nakakapagod at kahit na wala akong kahit na ginawa, ramdam ng katawan ko ang matinding pagod. Ganoon din naman si Lucian dahil nararamdaman ko sa ngayun ang malakas na tibok ng puso niya na nakapatong pa rin sa akin habang nakabaon pa rin ang alaga niya sa loob ko.

 

Kung kanina, puro ang ungol ang naririnig sa buong paligid, ngayun naman ay hindi maipaliwanag na katahimikan ang bumabalot sa buong paligid.

 

Pinili kong ipikit ang aking mga mata nang bigla kong narealized ang naganap na nangyari sa pagitan naming dalawa ni Lucian! Tuluyan ko nang naisuko ang perlas ng silangan ko sa kanya kapalit ng pera pero hindi ko dapat ito pagsisisihan. Buhay ni Mommy ang kapalit ng pagkawasak ng virginity ko.

 

"HEy...matutulog ka na? Hindi pwede dahil may gagawin pa tayo!" narinig okng sambit ni Lucian sabay mahinang pagtapik niya sa pisngi ko! HIndi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin, pero hindi ko mapigilan ang magulat nang bigla niya na namang lantakan ang boobs ko

 

Nag-umpisa na naman niyang susuhin iyun kagaya kanina. Sinipsip ang  pasas na pink ko kaya naman muling nabuhay ang init ng katawan na nararamdaman ko kagaya ng kanina.

 

"OHhh, Shit! HIndi ako ganito sa iba pero may something talaga sa iyo na hindi ko alam! Gusto kitang angkinin ng paulit-ulit." mahina niyang usal at hindi ko mapigilan ang magulat nang maramdaman ko na unti-unti na namang tumitigas ang alaga niya na nakabaon sa akin.

 

Banayad na naman siyang gumalaw sa ibabaw ko hanggang sa nag-umpisa na namang humugot at bumaon ang anaconda niya sa perlas ng silangan ko.

 

"Round two My Precious! Uuubusin ko ang lakas ko sa iyo ngayung gabi at sisiguraduhin ko na hindi ka makakalakad bukas. Lulumpuhin kita, Precious!" narinig kong sambit niya at hindi niya na ako binigyan ng pagkakataon na makasagot dahil muli niyang inangkin ang labi ko

 

Wala na akong nagawa pa kundi tangapin ang sinasabi niyang round two. Alam kong hindi ko siya mapipigilan sa gusto niyang gawin sa katawan ko dahil siya naman ang masusunod eh.

 

"Ahmmmh! Fuck! You're mine, Precious! Mine!" hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang narinig ang katagang iyun mula sa kanyang lalamunan! Patuloy siya sa kanyang pagsagad at sa pangalawang pagkakataon, muli kaming nilabasan.

 

Kagaya kanina, nagpahinga lang siya ng kaunti bago siya muling bumanat. Binuhat niya pa nga ako mula sa pagkakahiga sa kama at dinala sa may sofa para doong ulit angkinin! Sa round three na sinasabi niya, ramdam ko na ang pagod sa aking katawan pero ayaw niya pa rin tumigil.

 

Round four ginawa namin sa mismong harap ng salaming bintana kung saan kitang kita ko ang malamlam na liwanag na nagmumula sa ilaw sa labas. Tanaw ko din ang malawak ng pool ng bahay niya. Habang inaangkin niya ako, may pagkakataon na napapasigaw ako hindi dahil nasasaktan ako kundi nasasarapan ako.

 

Bago kami humantong sa round five, kusa nang bumigay ang katawan ko. Hindi ko alam kung nahimatay ba ako or tuluyang nakatulog dahil sa pagod na aking nararamdaman.

 

 

 

Chapter 9

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

NAGISING ako kinaumagahan na masakit ang buo kong katawan. Pakiramdam ko, para akong binugbog ng maraming tambay sa kanto dahil kahit na ang pagbangon ko sa kama ay hirap akong gawin.

 

Hindi ko maramdaman ang balakang ko at ngalay din ang likod ko.

 

Wala sa sariling inilibot ko ang tingin sa buong paligid ng silid at nang maalala ko ang nangyari ng nagdaang gabi, hindi ko na napigilan pa ang maluha.

 

Tapos na! Naibenta ko na ang sarili ko sa isang lalaking hindi ko kilala at kailangan ko nang makaalis sa kwartong ito. Wala nang dahilan para magtagal ako sa silid na ito dahil tapos ang serbisyo ko.

 

Kahit na hirap, wala akong choice kundi ang dahan-dahan na bumangon ng kama. Kahit na masakit ang buo kong katawan, hinagilap ko ang damit na suot ko kagabi at isa-isang dinampot.

 

Ang bawat pagalaw ko ay malaking pahirap sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapangiwi sa tuwing nararamdaman ko ang sakit sa aking perlas ng silangan.

 

Mataas na ang sikat ng araw at pinu-problema ko din kung isusuot ko pa ba ang seksi na dress na pinahiram ni Monique sa akin kagabi. Ayaw kong magmukhang prostitute na naabutan ng sikat ng araw sa labas kaya nang makita ko ang isang coat na nakapatong sa sofa, dali-dali kong dinampot iyun. Hihiramin ko muna. Ipapatong ko sa suot kong dress

para hindi masyadong nakakahiya.

 

"Where are you going, Precious?" natigil ako sa akmang paglabas ko ng silid nang may biglang nagsalita sa likuran ko. Wala sa sariling napalingon ako at ganoon na lang ang kaba na nararamdaman ko nang tumampad sa paningin ko ang seryosong mukha ng lalaking kaniig ko kagabi. Si Lucian Montefalco Ferrero.

 

Shit, ngayun ko lang lubusang napagmasdan ang mukha niya. Hindi lang pala siya gwapo, kundi super gwapo niya. Kung hindi ako maaring makamali, nasa 30s pa lang ang edad niya at tindig pa lang panalo na. Tsaka ano ulit ang tawag niya sa akin? Precious???

 

"Miss Rodriguez!!!'" narinig kong tawag niya ulit sa akin kaya naman hindi ko mapigilan ang mapakurap ng makailang ulit. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Nahuli niya yata ako kung paano ko siya pagmasdan.

 

"Huh?" katagang lumabas sa bibig ko at wala sa sariling napaatras ako nang mapansin kong naglalakad siya palapit sa akin.

 

Bagong ligo siya at galing siya sa loob ng banyo kaya hindi ko napansin ang presensya niya pagkagising ko kanina.

 

"Mr. Ferrero. Isang gabi lang ang serbisyo ko at siguro naman pwede na akong makaalis diba?" kinakabahan kong sagot sa kanya. Isang makahulugang ngiti sa labi ang gumuhit sa labi nito habang matiim siyang nakatitig sa akin.

 

"Oh, hindi ko akalain na sobrang istrikto mo pala pagdating sa oras, Ms. Rodriguez. "nakangisi niyang sagot. Kaagad tuloy akong nakaramdam ng pag-iinit ng aking pisngi.

 

Alam kong sa mga sandaling ito, sobrang baba ng tingin niya sa akin. Kahit na siya ang nakauna sa akin, alam kong ang tingin niya sa akin ay isang babaeng bayaran at hindi magbabago iyun.

 

"I am sorry Mr. Ferrero. Tapos na ang serbisyo ko sa iyo at sana payagan mo na akong makaalis." mahinang sambit ko. Isang malakas na pagtawa ang naging

sagot niya sa akin bago siya naglakad patungo sa may katamtamang laki ng lamesa. May shelves iyun at binuksan niya ang unang bahagi at naglabas ng kung hindi ako maaaring magkamali ay isang cheque. Nagsulat siya at ilang saglit lang, muli siyang naglakad palapit sa akin sabay abot sa akin na kaagad ko din namang tinangap at tinitigan ang nakasulat.

 

"Bakit sobra?" nagtataka kong tanong.

 

Dalawang daang libo lang ang usapan namin pero bakit one million ang nakasulat sa cheque? Nababaliw na ba ang lalaking ito?

 

"Tip ko sa iyo ang iba. Sabihin na nating masyado akong nag-enjoy kagabi kaya napasobra ang bayad ko sa iyo, Ms. Rodriguez." nakangisi niyang sagot sabay haplos niya sa pisngi ko na kaagad din akong umiwas. Muli ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

 

"Hindi ko ito matatangap. Dalawang daang libo lang ang usapan natin kaya dapat iyun lang ang ibayad mo sa akin." seryoso ko ding sagot sa kanya.

 

"Paano kung ayaw ko? Miss Rodriguez, hindi bat kailangan mo ng pera para sa may sakit mong Ina? Iyan na iyun...pwede mong gamitin ang pera na iyan para mapagamot mo na ang Ina mo na hindi mo na kailangang pang ibenta kahit na kanino ang katawan mo." seryoso nyang sagot bago niya ako tinalikuran. Muli ay nakaramdam ako ng pagkapahiya sa sarili ko.

 

Mabuti na lang at bago pa ako makasagot ay pumasok siya sa isa pang pintuan kaya naman wala na akong choice kundi ang lumabas na ng silid. Bahala siya...tip pala eh! Sabagay, sa sobrang sakit ng katawan na natamo ko dahil sa ginawa niya kagabi, deserve ko naman siguro na makatangap ng malaking tip mula sa kanya. Hindi biro ang five rounds na ginawa niya sa akin.

 

Halos maubos ang lakas ko pati na din katas ko sa katawan dagdagan pa na ramdam ko ang pamamaga ng aking perlas ng silangan. Feeling ko nga may malaking bagay pa na nakasalpak sa loob eh.

 

Isa pa, alam kong in the future, hindi na muling magkrus ang landas namin ng lalaking iyun kaya naman dapat kong ipagpasalamat ang isang milyon dahil malaking tulong talaga ito para maoperahan na si Mommy.

 

 

Chapter 10

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

KAHIT na masakit ang buo kong katawan lalong lalo na ang aking perlas ng silangan, pinilit ko pa ring maglakad ng maayos. Mabuti nalang talaga at pagkalabas ko ng Villa, nakaabang ang taong sumundo sa amin kagabi ni Monique sa bar at mukhang hinihintay niya talaga ang paglabas ko dahil mabilis itong lumapit sa akin

 

Sinabi nito na ihahatid niya na daw ako kung saan ako nakatira. Dahil hindi maayos ang pakiramdam ko, kaagad na din akong pumayag.

 

Walang lugar ang pag-iinarte dahil kahit na ang paglalakad hirap ako.

 

Walang hiya-hiya, nagpahatid ako sa gilid ng kalsada malapit sa bukana ng eskinita kung saan ako nakatira. Kaunting lakad na lang ang gugugulin ko at mararating ko na ang bahay kong saan kami nakatira ni Mommy sa loob ng halos labing limang taon.

 

Yes, ganoon katagal. Paano ba naman kasi anim na taon pa lang ako noong pinalayas na kami ng walang hiya kong ama. May ibang babaeng dinala sa bahay namin at kaming tunay niyang pamilya ay bigla na lang tinangalan ng karapatan. Napakawalang kwentang ama kaya naman hanggang ngayun galit na galit ako sa taong iyun

 

Kung pwede nga lang maibalik ang kahit na isang patak ng dugo na nagmumula dito gagawin ko eh. Walang kwenta na kahit na makailang ulit na akong nagmakaawa na manghingibng tulong para sa gamutan ni Mommy, deadma siya. Walang konsensya dahil nagawa niyang magpalaki ng anak ng kabit niya samantalang akong tunay niyang anak ay pinagdamutan ng magandang buhay.

 

"SAlamat po!" sambit ko pagkahinto ng sasakyan. Dahan-dahan akong bumaba at pagkatapos noon, walang lingon-likod na direchong tinahak ang isang masikip ng iskinita patungo sa squatters area na naging tahanan na namin ni Mommy ng maraming taon.

 

Magulo at maingay ang lugar na ito. Kung may choice nga lang, ayaw sanang tumira ni Mommy dito. Marumi din ang buong paligid dahil sa mga nagkalat na basura mula sa mga burarang mga kapitbahay tapos ang init pa ng buong paligid. Kaya siguro nagkasakit si Mommy dahil dito.

 

"Amber...saan ka galing? Bakit hindi ka na nakabalik ng hospital kagabi?"

 

napahinto ako sa paghakbang ng tawagin ako ni Risa. Ang kababata ko na pinakiusapan kong bantayan si Mommy kagabi.

 

Kung hindi lang masama ang pakiramdam ko, dapat sa hospital ako didirecho eh. Kaya lang sa sitwasyon ng katawan ko ngayun, kailangan ko talaga ng maayos na pahinga.

 

"Risa, pasensya ka na ha? May event kasi sa bar at pinag overtime kami ng manager namin.'" pilit ang ngiting sagot ko. Napansin kong natigilan ito habang titig na titig sa akin kaya wish ko lang na sana hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako

 

"Ganoon ba? Kaya siguro mukha kang puyat dahil wala ka pang tulog. Sige na, pahinga ka na muna. Uuwi din muna ako ng bahay dahil nautusan ako ni Nanay na magluto ng tanghalian. Pupuntahan na lang kita mamaya sa bahay niyo, Amber.

 

Huwag ka na din magluto ng ulam, magdadala ako." nakangiti nitong wika bago nagpaalam. Isang tipid na pagtango ang naging sagot ko bago ko ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa barong-barong kung saan kami nakatira

ni Mommy.

 

Pagkapasok ko sa loob, tiniyak kong naka-lock ang pintuan. Mahirap na...kahit na kilala kami dito sa lugar, wala pa rin akong tiwala sa mga tambay. Iyung iba kasi nag-aaddict at kapag nakahithit ng ng bato, nag-iiba ang takbo ng utak.

 

Pagpasok ng bahay, hinubad ko lang ang coat na hiniram ko kay Mr. Ferrero tapos hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit, Binuksan ko lang ang lumang electric fan tapos nahiga na ako sa matigas na papag. Ilang salit lang, kaagad na din naman akong nakatulog.

 

Nagising ako sa malakas na tunog ng di keypad kong cellphone. Hindi na ako nag-abala pang tingnan kung sino ang tumatawag at kaagad na ding sinagot iyun.

 

"Hello!" maiksi kong sagot sabay hawak ko sa aking ulo. Sumasakit kasi iyun sa hindi ko malamang dahilan.

 

"Amber, ang Daddy mo ito!" sagot naman ng lalaki na nasa kabilang linya. Kaagad namang nagsalubong ang kilay ko dahil sa gulat. Ano kaya ang kailangan ng magaling kong ama at bakit napatawag. Isang malaking himala ito dahil simulat sapol wala naman talaga siyang pakialam sa akin.

 

"Pwede bang mag-usap tayo? Importante. " seryoso niyang bigkas. HIndi ko naman mapigilan ang mapaismid.

 

"Sorry, wala po akong time. Kung ano man ang kailangan mo, pwede bang sabihin mo sa akin ngayun na?" walang gana kong sagot sa kanya.

 

"Nangangailangan ka ng pera para sa surgery ng Nanay mo diba? Willing akong ibigay iyun pero may mga kondisyones ako." sagot naman nito sa akin. Kaagad na naningkit ang mga mata ko sa galit.

 

Tingnan mo nga naman ang magaling kong ama! Wala nang matinong kataga ang lumabas sa bibig nito. Ano daw... tutulong siya pero may kondisyon? No need! Hindi ko na kailangan dahil tapos na! Naibenta ko na ang katawan ko para sa pera at simula noong last na nireject niya ang tulong na hinihingi ko, naipangako ko na sa sarili ko na hinding hindi na ako lalapit pang muli sa kanya kahit na ano ang mangyari.

 

 

 

 

 

 

©️Sagittarius🌺🌺

 

 

 

Chapter 11

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"HINDI NA PO kailangan! Hindi na namin kailangan ang tulong mo!" seryoso kong sagot sa tatay kong walang kwenta. Hindi ko na din hinihintay pa ang magiging sagot nito at kaagad ko nang pinatay ang tawag!

 

Talagang hindi ko na kailangan ang tulong niya dahil wala na eh! Nakagawa na ako ng bagay na hindi ko dapat gawin! Tapos na at hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na.

 

Babalik sana ulit ako sa aking pagtulog nang muli na namang tumunog ang aking cellphone! Yamot kong tiningnan kung sino ang tumatawag at ganoon na lang ang salakay ng inis na naararamdaman ko nang ang walang kwenta ko na namang Tatay ang tumatawag! Sa sobrang inis ko, ini-off ko ang aking cellphone at muling nagtalukbong ng kumot at muling nakatulog.

 

Nagising ako eksakto alas tres ng hapon at nang maalala ko si Mommy, kahit na masama pa ang aking pakiramdam, dali-dali na akong bumangon sa higaan.

 

Kailangan ko na pala siyang puntahan sa hospital pero bago niyan dadaan muna ako ng banko. Kailangan kong maipa-incash ang cheke na hawak ko. Babayaran ko na lahat ng bills sa hospital at ipapa-schedule ko na ang surgery ni Mommy!

 

Tama....iyun ang uunahin ko sa ngayun! Hindi na muna ako papasok ng bar para maasikaso ko ito!

 

Pagkabangon ko, sa banyo na ako dumirecho para maligo. Mabuti na lang talaga at kahit na maliit lang itong bahay namin, may sarili kaming banyo. Pinagawa ito ni Mommy noong naisangla niya ang wedding ring nila ni Daddy! Hindi naman kasi pwedeng wala kaming banyo lalo na sa sitwasyon namin dito sa squaters area.

 

Pagkahubad ko sa lahat ng aking kasuotan, hindi ko mapigiln ang madismaya nang tumampad sa mga mata ko ang mapupulang marka sa aking katawan.

 

 

Galing iyun sa mga kiss mark ni Lucian kagabi! Kung makakagat sa balat ko, akala mo bampira eh.

 

Hindi ko mapigilan ang mapabuntong hininga nang maalala ko ang nangyari kagabi. Kung paano niya ako paulit-ulit na inangkin.

 

Gosh...hindi ko talaga akalain na masasarapan din ako! Akala ko talaga trabaho lang pero aminado ako sa sariil ko na nag-enjoy din ako!

 

Wala sa sariling napahawak ako sa sarili kong boobs para sana sabunin iyun nang bigla na lang akong napapikit nang maalala ko kung paano ito lamasin kagabi ni Lucian! Kung paano nya ito panggigilan at kung paano niya s******n ng paulit-ulit ang  pasas na pink ko.

 

Sa naisip kong iyun bigla akong nakaramdam ng pag-iinit ng aking katawan. Namalayan ko na lang na paulit-ulit ko nang nilalamas ang sarili kong boobs habang ini-imagine ko na si Lucian ang gumagawa noon.

 

Nababaliw na nga siguro ako pero nang marinig ko na ang malakas na katok sa pintuan ng bahay ay bigla akong nagising. Gosh, ano ba itong ginagawa ko sa sarili ko? Maliligo lang kung saan-saan na nakakarating ang imagination ko.

 

Mabuti na lang at tumigil din ang sino mang kumakatok sa labas! Nagpasya akong ituloy ang paliligo ko para makaalis na! Nakakaramdam na din ako ng gutom pero wala pa akong time na kumain! Hahabulin ko pa ang oras ng bukas ng banko.

 

Isang shampoo at sabon sa katawan ang ginawa ko at tinapos ko na kaagad ang paliligo ko. Hindi na ako nag-abala pang patuyuin ang buhok ko at basta na lang akong nagpalit ng damit na pang-alis. Square pants ang napili kong isuot at mahabang mangas naman ng tshirt. Piste kasi, pati balikat ka may kissmark. Mabuti nalang talaga at wala sa leeg kung hindi yari na. Hindi ko na siguro malaman kung paano itatago ang mga ibedensya meron sa katawan ko dulot sa mga nangyari kagabi.

 

Saktong pagkalabas ko ng bahay nang napansin ko naman ang pagdating ng kaibigan kong si Risa! Napansin ko pa nga ang pagkagulat na kaagad na rumihistro sa mga mata nito nang mapansin niya marahil na paalis na ako.

 

"Aalis ka na? Grabe ka naman, kanina pa ako pabalik-balik dito dahil dadalhan sana kita ng pagkain pero hindi mo ako pinagbubuksan ng pintuan." nakalabi niyang wika sa akin

 

"Naku, pasensya ka na Risa ha? Tulog mantika kasi ako eh! Hindi ko narinig ang pagkatok mo!" kaagad ko ding sagot sa kanya!

 

"Ganoon ba? Naku, ayos lang, Amber! Alam ko naman na ilang araw ka na ding puyat eh. Teka, aalis ka na ba? Sasama sana ako sa iyo kaya lang inutusan pa ako ni Nanay na magsaing para sa hapunan eh!" kaagad niya ding sagot sa akin

 

"Ayos lang! Sunod ka nalang sa hospital mamaya kung may time ka! Wala akong balak pumasok sa trabaho kaya balak kong yayain kang kumain sa labas.!" nakangiti kong sagot sa kanya! Napansin ko naman na kaagad na namilog ang mga mata nito sabay tango.

 

"Naku, totoo b? Sige...sige! kita tayo mamaya!" excited na sagot nito kaya kaagad na din akong nagpaalam! May ngiti sa labi na tinahak ko ang makitid na iskinita patungo sa labasan kung saan pwedeng sumakay ng jeep para pumunta ng hospital.

 

 

Chapter 12

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

SAKTONG pagkalabas ko sa makitid ng iskinita at nag-aabang ng masasakyang jeep ng may biglang tumigil na puting van sa harapan ko.

 

Dideadmahin ko sana iyun nang magulat na lang ako nang may biglang bumaba na mga kalalakihan na sakay noon at basta na lang akong nilapitan at hinila papasok ng van.

 

Sisigaw sana ako para makahingi ng tulong pero hindi ko na nagawa pa nang bigla na lang nilang takpan ng panyo ang bibig ko kasabay ng biglang pagdilim ng buong paligid.

 

Nagising ako na nakaupo na ako sa isang malambot na sofa. Takot akong iminulat ang aking mga mata at ganoon na lang ang galit na nararamdaman ng puso ko nang tumamapad sa paningin ko ang isang tao na ayaw ko na sanang makita pa habang buhay! Ang aking ama na si Gustavo Rodriguez! Katabi niya ang kanyang kerida na sí Rosalinda tapos sa kabilang bahagi naman ng sofa ay ang kanyang anak-anakan na si Aurora.

 

"Ano ang ibig sabihin nito?" kaagad kong tanong! Wala sa sariling napahawak ako sa aking ulo nang bigla na lang akong nakaramdam ng kirot sa bahaging iyun.

 

"Mabuti naman at gising ka na! Ayaw mo akong kausapin kaya wala akong choice kundi gawin ito!" seryosong sagot naman nito sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang maikuyom ang kamao ko.

 

Ang kapal ng mukha niya para pilitin akong madala dito sa pamamahay niya! Imagine, talagang sapilitan ang ginawa niyang paraan dahil nag-utos pa siya ng mga taong kidnapin ako! Gago talaga.

 

"Ano ang kailangan mo? Hindi mo ba alam na hinihintay ako ni Mommy sa hospital ngayun?" seryosong sagot ko sa kanya! Napansin kong natigilan ito bago napangiti

 

"Isa iyun sa dahilan kaya kita pinatawag! May offer ako sa iyo na alam kong malaki ang maitulong noon sa iyo at sa Mommy mo!" nakangising sagot nito sa akin. Kaagad namang napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

 

"Hindi ko na kailangan ang tulong mo! Itinakwil mo na kami diba?" galit kong sagot sa kanya! Napansin kong natigilan siya kasabay ng seryosong pagtitig niya sa akin

 

"Amber...kusa kang sumama sa Nanay mo. Ina mo lang ang pinalayas ko sa bahay na ito noon at dahil matigas ang ulo mo kusa kang sumama sa kanya!" malakas nag boses na sagot nito sa akin. Halatang galit na din kaya mapakla akong tumawa.

 

"si Mommy ang pinalayas mo? siya lang? Nasaan ang konsensya mo at parang wala lang sa iyo ang ginawa mo kay Mommy? Mas pinahalagahan mo pa ang kabit mo kumpara sa aming pamilya mo kaya sinong matinong anak ang gugustuhin na sumama sa iyo? Ha?" galit ko ding sigaw pabalik sa kanya!

 

Mabilis naman itong tumayo at nilapitan ako! Nagulat na lang ako ng tumama ang palad niya sa pisngi ko

 

"Amber! Ganiyan ka ba kabastos na pinalaki ng nanay mo at natuto ka nang sumagot-sagot sa akin ng ganiyan? Nakalimutan no na ba? Kung hindi dahil sa akin, wala ka ngayun sa mundo kaya wala kang karapatan na magmalaki sa akin ng ganiyan!" galit din nitong bigkas.

 

Wala sa sariling napahawak ako sa nasaktan kong pisngi kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng luha mula sa aking mga mata

 

"Hmmmp, deserved! Sige pa Dad! Saktan mo pa ang babeng iyan! Nakita niyo po ba ang pasa ko sa mukha ko? Siya ang may gawa nito kaya naman dapat lang din sa kanya na parusahan ngayun!:" narinig ko namang sambit ni Aurora! Matalim ko naman itong tinitigan

 

"You gave me no choice, Amber! Kung matino ka sanang anak, hindi ka naman sana makakatikim ng kahit na isang pitik sa akin eh! Anak kita at dapat lang na ituring mo din akong ama!" muli niyang bigkas.

 

"Ituring na ama? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Bakit? Matanong nga kita... kailan ka ba naging ama sa akin? Kailan ka ba nagpakaama sa akin?" umiiyak ko nang tanong sa kanya!

 

Napansin ko ang guilt na kaagad na gumuhit sa mga mata nito! Nag-iwas siya ng tingin at muling naupo sa tabi ng kanyang kerida na si Rasalinda!

 

"HIndi ka naging ama sa akin kaya huwag na huwag kang mag-expect na igagalang kita! Kung ano man ang kailangan mo sa akin ngayun, sabihin mo na! Kailangan ako ni Mommy sa hospital!" muling wika ko! Napansin kong nagkatinginan pa silang dalawa ni Rosalinda bago nito ibinaling ang tingin sa akin

 

"Sasagutin ko ang lahat ng gastusin ng nanay mo sa hospital pero sa isang kondisyon! Kailangan mong magpakasal sa lalaking gusto namin para sa iyo!" seryosong wika nito na labis kong ikinagulat!

 

Wow, nahihibang na nga siya! Nababaliw na ang walang kwenta kong ama para utusan akong magpakasal sa lalaking hindi ko alam kung saan niya pinuot!

 

Imagine, siya na nga itong walang kwentang Tatay, Gusto niya pang kontrolin ang buhay ko sa pamamagitan ng pag-uutos na magpakasal kung kani-kaninong anak ng Ponsio Pilato! Gago talaga!

 

Mamatay na lang siguro ako, hinding hindi ko talaga siya mapapatawad sa mga ginagawa niyang ito sa akin! Sa aming ng Mommy ko!

 

 

Chapter 13

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Kung wala na po kayong sasabihin, pwede po bang uuwi na ako?" muling tanong ko sa ama ko na mukhang wala yata akong balak na pakawalan.

 

Anong oras na ba? Tiyak akong sarado na lahat ng banko. Hindi na ako aabot gayung kailangang kailangan ko nang mapa-schedule ang surgery ni Mommy sa lalong madaling panahon. Hindi pwedeng ipagpaliban iyun lalo na at deilkado na ang kalagayan nito.

 

"Hindi pwede. Bukas ng umaga ang kasal mo at hindi ka na pwedeng lumabas pa ng bahay!" seryosong sagot ni Daddy labis kong ikinagulat!

 

Wala sa sariling mabilis akong napatayo para umalis na. Hindi niya naman ako piniigilan pero pagdating ng gate, ayaw naman akong palabasin ng mga bantay.

 

Wala akong choice kundi ang muling bumalik sa living room para muling kumprontahin ang magaling kong ama.

 

"Ano ba! Dad! Wala na bang kahit na katiting na konsensya ang natitira sa utak mo? Sinabi ko naman kasi sa iyo diba? Hindi kita kailangan! Hindi ka na namin kailangan!" galit kong sigaw sa kanya pagkapasok ko. Napansin ko ang galit na kaagad na rumihistro sa mga mata nito at mabilis na naglakad palapit sa akin.

 

"Walang galang! Walang utang na loob!" galit niyang sigaw sa akin at akmang sasampalin na naman niya sana ako pero natigilan ito.

 

"Ano? Sige...saktan mo ako! Diyan ka naman magaling diba? Sige na...saktan mo ako! Ano pa ang hinihintay mo?" galit kong pang-uudyok sa kanya! Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya pa itinuloy ang akmang pagsampal niya sa akin.

 

"Amber! Tumigil ka na! Alam mo mana ka talaga sa Nanay mong walang kwenta! Bungangera at walang binatbat!" galit naman sagot nito sa akin. Lalong sumiklab ang galit sa puso ko dahil sa sinabi niya. Walang hiya talaga! Ang kapal ng mukha niya para sabihin sa akin ang ganitong bagay gayung in the first place, itinakwil niya kami ni Mommy.

 

"Ayos ka din Dad noh? ayos ka din! By the way, mas proud ako na kay Mommy nagmana kaysa sa iyo na para sa akin, wala kang kwenta! Ang kapal ng apog mo na utusan akong ipakasal sa lalaking hindi ko kilala!" galit kong sagot sa kanya!

 

"Hangad ko ang kabutihan mo Amber!

 

Mayaman si Mr. Marcelo! Kaya niyang ibigay lahat ng luho mo!' seryoso niyang bigkas. Mapakla naman akong tumawa.

 

"At ano ang makukuha mong kapalit? KUng totoosin, ilan taon ka nang walang pakialam sa amin eh! Nakalimutan ko na nga na may ama ako! Anong kapalit ng lahat ng ito Dad2Ano?" galit kong tanong.

 

"Simple...dahil sa business! Actually, ako sana ang ipapasakal ni Dad sa matandang iyun kaya lang may fiancee na ako! Si David at nakatakda na kaming magpakasal next month! Since ikaw itong walang boyfriend, ikaw na lang ang magpakasal kay Mr. Marcelo tutal naman, kailangan mo ng pera diba? Kung hindi maoperahan sa lalong madaling panahon ang Mommy mo, iiwan ka noon! Mabubuhay kang ma-isa at baka mapariwara ka lang which is ayaw ni Dad na mangyari lalo na at dala-dala mo ang apelyedo niya!" nakangisi namang sabat ni Aurora.

 

Lalo namang nagpuyos ang galit sa puso ko. Walang hiya talaga! Pera-pera lang ang lahat! Gusto niya pa akong pagkakakitaan gayung kahit na singkong duling, wala siyang naging ambag sa buhay namin ni Mommy simula noong pinalayas niya kami!

 

"No! HIndi ako papayag! Hindi ako magpapakasal sa lalaking iyun kahit na ano ang gawin niyo!" galit kong sagot.

 

"Wala ka nang takas Amber! Sa palagay mo ba, papayag akong lumabas ka ng bahay na ito na hindi nasusunod ang gustot ko? Bukas na ang kasal niyo ni Mr. Marcelo at wala ka nang magagawa pa! Don't worry, pagkatapos ng kasal, ako na mismo ang kakausap sa hospital para ma-schedule ang surgery ng Nanay mo!" seryosong sagot ni Daddy! Hindi naman ako nakaimik at wala sa sariling napaupo sa sofa!

 

Pakiramdam ko biglang na drain ang lakas ko. Kagabi lang, ibininta ko ang virginity ko sa isang lalaki tapos bukas ng umaga ikakasal ako sa isa pang lalaki? Nasaan ang hustisya?

 

 

Chapter 14

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

BUONG GABI na wala akong ibang ginawa kundi ang mag-isip ng paraan kung paano makatakas. Kaya lang, wala eh! Sa mismong labas ng silid ko, may dalawang lalaking nagbabantay. Hindi din ako makalabas dahil mismong pintuan ng kwarto kung saan ako naroroon ay naka-lock.

 

Ganoon sila ka-sigurista! Ganoon ka walang kwenta si Gustavo Rodriguez dahil kahit sarili nitong anak ay kaya niyang ipagkanulo kahit na kanino.

 

Gustuhin ko mang tawagan si Risa para ipaalam dito kung nasaan ako hindi ko din naman magagawa. Kinuha kasi nila ang cellphone ko. Mabuti na lang talaga at hindi nila pinakialaman ang bag ko kung nasaan nakalagay ang cheke na ibinayad sa akin kagabi ni Mr. Lucian.

 

Habang pabaluktot na nakaupo sa kama, hindi ko mapigilan ang maluha. Hindi ko alam kung sadyang malas lang ba talaga ako simula noong ipinanganak ako or minalas lang din talaga ako ng sobra dahil si Gustavo ang naging ama ko. Ano man ang dahilan ay isa lang ang sigurado ako! HIndi ako papayag na maikasal sa lalaking hindi ko gusto!

 

Tama na ang isang beses na pagbenta ko sa katawan ko sa isang lalaki kapalit ng pera na pampagamot ni Mommy. Hindi na mauulit iyun kahit na ano pa ang mangyari.

 

Ang akala ko talaga hindi ako makakatulog sa kinasadlakan kong sitwasyon pero nagulat na lang ako ng sa muling pagmulat ng aking mga mata ay sumalubong sa paningin ko ang dalawang babae na ngayun ko pa lang nakita.

 

Sinabi nila sa akin na kailangan ko na daw ayusan. Kahit na labag sa kalooban, wala na akong choice kundi ang sumunod sa agos ng buhay! Pinagbantaan na naman kasi ako ng magaling kong ama na kapag magmatigas pa raw ako, siya na mismo ang susugod sa hospital para ilabas si Mommy. Siyempre ayaw ko dahil alam kong ikakapahamak ni MOmmy iyun.

 

Pagkapos akong ayusan, para akong robot na dinala nila patungo sa sasakayan.

 

Nakita ko pa nga si Aurora na ngingiti-ngiti sa akin na para bang natatawa siya sa sitwayson ko. Hindi pa nga nakatiis ang bruha at nilapitan ako.

 

"Good luck sa iyo! Tiyak akong lagot ka sa manyakis na Mr. Marcelo na iyun!" nakangisi nitong wika. Pigil ko naman ang sarili ko na sugurin ito para sabunutan. Napipika na talaga ako sa babaeng ito eh! Talagang inuubos niya ang pasensya ko.

 

Garden weddding ang napiling theme na kasal at gaganapin iyun sa isang sikat na hotel dito sa Manila. Ang LMF Grand Hotel. Takot siguro sa simabahan ang mga gago kaya pinili nilang sa hotel na lang.

 

Pagkababa ng sasakyan, nag-umpisa nang maglumikot ang mga mata ko. Hindi talaga ako papayag na maikasal sa lintik na Mr. Marcelo na iyun eh! Kailangan

kong makatakas para mapuntahan si Mommy sa hospital. May pera ako at nasa bulsa ng suot kong maiksing shorts ang cheke ang bayad sa akin ni Mr. Lucian noong nagdaang gabi kaya pwedeng pwede ko na talagang ipagamot si Mommy na hindi na kailangan ng tulong na kahit na sino.

 

"Mam, direcho lang po ng lakad. Malapit na tayo." narinig kong wika ng wedding organiser na nag-aassist sa akin. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kumukuha ako ng tiyempo na makatakas pero walang nangyari. Hindi ko nagawa hanggang sa makating kami sa isang bulwagan kung saan gaganapin ang kasal.

 

Ready na ang lahat at mukhang ako na lang ang hihinintay. Nakita ko pa nga ang kabit nitong si Daddy na si Rosalinda na abot tainga ang ngiti samantalang si Aurora naman ay katabi ang ex boyfriend kong si David. Marami ding mga bisita na kahit Isa, wala akong kakilala. Mabuti pa sila, well informed sa kasalan na ito samantalang ako, kahapon ko lang nalaman at sapilitan na ipinasuot sa akin itong wedding gown para lang matuloy ang nais nila! Daig ko pa ang ibenenta sa lalaking parang goons!

 

Lalo pa yatang dumuble ang galit sa puso ko nang mapansin ko kung paano ako ngisihan ni David na para bang hindi niya ako naging girlfriend noon. Walang kwentang lalaki! Makikita niya talaga... kapag pumabor sa akin ang tadhana, gaganti ako sa kahit na anong paraan!

 

Muli akong napatingin sa may altar at parang gusto kong maiyak nang makita ko ang groom. Isang lalaking pandak tapos ang laki ng tiyan. May malaking hikaw at malakadenang gintong kwentas. Unang tingin hindi ko na talaga siya gusto

 

Nang tumugtog ang wedding march, sininyasan kami ng wedding organiser na maglakad na daw ako patungo sa aking groom. Siyempre, ang wala sa katinuan kong ama ang kasama ko. Siya daw ang maghahatid sa akin sa harap ng altar kung saan naghihintay ang groom ko. God, gusto ko silang takasan pero hindi ko alam kung paano.

 

Lalo na at napansin ko na may bantay din sa mga pintuan ng bulwagan na ito. Kung sakaling tatakbo ako saan naman ako dadaan. Mahuhuli at mahuhuli nila ako at natatakot akong posibleng gagawin n Daddy kay Mommy kapag magtangka akong tumakas.

 

No choice kundi ang sundin ang nais nila habang inumpisahan ko na ang aking paghakbang. Hindi ko na nga mapigilan ang muling maluha. Ang bawat paghakbang ko ay feeling ko dinadala ako patungo sa hukay. Natatakot ako sa posibleng magiging kinabukasan ko sa lalaking naghihintay sa akin sa harap ng altar.

 

"You will be okay kaya huwag na huwag mo akong iyakan, Amber! Huwag na huwag mo akong ipahiya sa mga bisita lalo na sa mapapangasawa mo kung hindi malalagot ka talaga sa akin!" narinig kong muling pagbabanta ni Daddy gamit ang mahina niyang boses! Lalo namang naging pasaway ang luha ko!

 

Litse talaga! Wala na ngang naging ambag sa paglaki, gusto niya pang kontrolin ngayun ang buhay ko!

 

Kahit na patuloy ang pagpatak ang luha mula sa aking mga mata, patuloy lang ako sa aking paghakbang habang walang humpay ang pag-ikot ng paningin sa buong paligid. Hindi pa rin ako susuko. Umaasa pa rin ako na makakatakas ako sa kasalang ito.

 

 

Chapter 15

 

Precious Amber Rodriguez Pov

 

"Mr. Andres Marcelo, do you take MIss Precious Amber Rodriguez to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, in sickness and in heath, in good times and woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto her for as long as you both shall live??" narinig kong sambit ng Pari.

 

Nasa exciting part na kami ng aming kasal at hanggang ngayun, hindi pa rin maampat-ampat ang pagpatak ang luha sa aking mga mata.

 

Iniisip marahil ng nakakarami na luha ito ng kaligayahan kaya walang nangahas na tumulong sa sitwasyon ko ngayun or talagang wala silang mga puso at hinayaan lang nila akong maikasal sa mukhang butanding na nasa tabi ko.

 

"Of course Father! With all my heart...I will accept her to be my beautiful and sexy wife!" proud na sagot ng butanding este ng groom ko na nasa tabi ko na kanina ko pa napapansin na kung makatingin sa akin ay parang gusto na akong lapain ng buhay!

 

Pagkatapos sumagot ng groom, ako naman ang hinarap ni Father para tanungin....

 

"Miss Precious Amber Rodriguez, do you take Mr. Andres Marcelo to be you lawfully wedded husband, to have and to hold, in sickness and in heath, in good times and woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto his for as long as you both shall live?"

 

Hindi naman ako nakaimik. God ano ang isasagot ko? Hindi ko alam.

 

Wala sa sariling napatingin ako kay Daddy na noon ay may nagbabantang tingin na nakatitig din sa akin. Wala sa sariling napalunok ako ng sarili kong laway dahil sa takot.

 

"NO! I am sorry pero No po!'" humihikbi kong sambit.

 

"Amber!" narinig kong sigaw ni Daddy! Sa isang iglap lang, bigla na lang itong lumapit sa akin at galit akong tinitigan.

 

"Mr. Rodriguez? Ano ito? Ano ang ibig sabihin nito!" angal naman kaagad ng groom kong butandeng este ni Mr. Marcelo

 

"Sorry Mr. Marcelo...sorry father, ituloy ang kasal. Naguluhan lang ang anak ko sa tanong." hilaw ang ngiti sa labi na wika ni Daddy habang sinasabi ang katagang iyun.

 

"Hindi! Hindi po ako naguguluhan sa tanong father! Ayaw ko po! Maawa na po kayo sa akin...ayaw ko pong magpakasal sa kanya!" umiiyak kong sambit! Napansin ko ang galit na kaagad na rumihistro sa mga mata ni Mr. Marcelo! Galit nitong hinarap si Daddy at dinuro.

 

"Mr. Rodriguez! Matigas ang ulo ng anak mo at hindi pwede ito! Hindi ako papayag na ganito na lang! Kapag patuloy pang magmatigas ang anak mo sa kasal namyaing ito, I have no choice kundi ang hindi maki-cooperate sa iyo sa negosyo." may pagbabanta sa boses ni Mr. Marcelo habang sinasabi ang katagang iyun. Lalong nagliyab ang galit sa mukha ni Daddy na muling hinarap ako kasabay ng pag-angat ng kanyan palad.

 

Hindi ko mapigilan ang mapapikit ng aking mga mata para hintayin ang paglapat ng palad niya sa pisngi ko pero lumipas ang ilang saglit, hindi nangyari iyun bagkos isang seryosong boses ang narinig ko.

 

"Narinig niyo naman siguro ang naging sagot niya diba? Hindi naman siguro kayo tanga para hindi niyo iyun maintindihan! "galit na wika ng isang boses na familiar sa akin! Hilam ang luha mula sa akin mga mata nang muli akong nagmulat at hindi ko mapigilan ang mapahagulhol ng iyak nang tumampad sa paningin ko ang seryosong familiar na mukha.

 

"Mr. Ferrero, a--a-no nag ginagawa nyo po dito?" narinig kong tanong ni Mr. Marcelo. Napansin kong biglang nawala ang angas nito at biglang parang naging isang mabait na tupa samantalang si Daddy naman ay natigilan habang kita ko ang kaba sa mga mata nito.

 

"Ano ang ginagawa ko? Nagkataon lang na nag-iikot ako sa buong paligid and I heard na may pilitang kasalan na nagaganap dito!" seryosong sagot naman ni Mr. Ferrero habang hindi nito iniaalis ang pagkakatitig sa akin. Kaagad din akong nag-iwas ng tingin sa kanya dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin niya sa akin.

 

"Tama ang narinig ko diba, Precious? Ayaw mong makasal sa lalaking ito?" sa pagkakataon na ito, ako naman ang hinarap niya and God! Kagaya noong nagdaang gabi, Precious na naman ang tawag niya sa akin. Kung ganoon, naalala niya pa ako!

 

"Yes, pinilit lang nila ako!" mahinang sagot ko. Nararamdaman ko na sa pagkakataon na ito, walang sino man ang pwedeng tumulong sa akin kundi siya lang! Si Mr. Lucian Montefalco Ferrero lang.

 

"Mr. Ferrero, nagsisinungaling lang ang babae iyan. Walang pumilit sa kanya and-

 

"Shut up! Hindi kita tinatanong MR. Marcelo kaya walang dahilan para kausapin mo ako! You know me! You know my rules at hindi ko mapapalagpas ito lalo na at ang babaeng hinaharass mo ngayung araw ay pag-aari ko na!"

 

malakas ang boses na sagot ni Mr. Ferrero. Narinig ko pa ang mahinang pagsinghap ng lahat ng mga taong naririto. Kitang kita ko din ang gulat sa mga mata ni Daddy na napatitig sa akin....

 

 

Chapter 16

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ

 

"Uncle, ano ang ginagawa mo dito? Kilala mo si Amber?" narinig ko namang sabat ni David. Hindi ko naman maiwasan na magulat sa naging pagtawag niya kay Lucian? Uncle? Uncle ni David si Lucian Montefalco Ferrero? Kailan pa? Kaya ba pareho sila ng apelyedo?

 

"David! My nephew? Ano ang ginagawa mo dito?Don't tell me na isa ka sa guest ng walang kwentang kasal na ito?" seryosong tanong naman ni Lucian kay David. Kaagad namang naglakad palapit sa amin si David habang kitang kita ko ang matinding pagtataka na nakaguhit sa mga mata nito.

 

"Kilala mo si Amber? I mean...uncle, Amber was my girlfriend." walang paligoy ligoy na bigkas ni David. Hindi ko mapigilan ang maikuyom ang kamao ko. Anong sabi niya, girlfriend? Paano niya nasabing girlfriend niya ako gayung wala siyang ginawa para iligtas ako sa kasalan na ito.

 

"Girlfriend? Kailan pa? Because as far as I know, Precious is mine!" seryoso at walang paligoy-ligoy ding na sagot ni Lucian dito. Ayaw din patalo eh! Napansin kong kaaagad na nanlaki ang mga mata sa gulat ni David habang nakatitig sa akin.

 

"Huwag mong tingnan ng ganiyan ang babae ko dahil alam mo kung paano ako magalit. Now, get out!" seryoso pero puno ng pagbabanta sa boses ni Lucian nang sabihin niya iyun kay David. Kaagad namang napaatras si David at direcho na itong naglakad palabas ng venue. Mabilis din naman itong sinundan ni Aurora.

 

Hindi ko naman maiwasan na magtaka! Ganoon lang? Gaano ba ka-istrikto itong di Lucian at bakit pati si David ay ilag sa kanya?

 

"Now, Mr. Andres Marcelo! Ano na ngayun ang gagawin natin?" pagkaalis ni David, si Mr. Marcelo na naman ang binalingan ng tingin ni Lucian. Mukhang sa mga sandaling ito, lalong nadagdagan ang init ng kanyang ulo.

 

"Mr. Ferrero, I'm sorry! Hi-hindi ko alam! Wa-wala naman kasing nagbabangit sa akin si Mr. Rodriguez tungkol dito." nauutal na sagot ni Mr. Butandeng este ni Mr. Marcelo na wari ba ay bigla siyang natakot sa presensya ni Lucian Montefalco Ferrero. Wala sa sariilng palihim akong napatingin dito pero kaagad ding nagbawi ng tingin nang napansin kong nakatitig pa rin siya sa akin

 

Bigla kasing kabog ng dibdib ko. Kanina niya pa ako tinitigan at nag-aalala ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin ngayun.

 

"So, Mr. Rodriguez, ano ang masasabi mo dito? Sarili mong anak, gusto mong saktan sa harap ng maraming tao dahil hindi niya sinunod ang gusto mo?

 

Ganiyan ka ba magdisiplina sa anak mo?" seryosong tanong ni Lucian kay Daddy. Napansin kong mukhang kabado pa rin si Daddy at napapatingin pa ito sa akin bago sumagot kay Lucian

 

"Hi-hindi naman sa ganoon, Mr. Ferrero. Kung--kung alam ko lang na-- na ikaw pa-la ang boyfriend na anak ko, hi-hindi sana mangyayari ito!" nauutal na sagot naman ni Daddy. Hindi ko na tuloy mapigilan ang mapataas ng kilay.

 

Anong sabi niya? Boyfriend? Sino namang tanga ang nagbigay sa kanya nang maling impormasyon na boyfriend ko si Lucian gayung unang kliyente lang naman siya ng katawan ko dahil kailangan ko ng pera.

 

"Is it true Precious? Hindi mo ako nababangit sa ama mo?" seryosong tanong naman ni Lucian sa akin. Pakiramdam ko tuloy, isa siyang hukom na lahat iniinterview.

 

"Ba-bakit...boyfriend ba kita?" wala sa sariling tanong ko sa kanya pero hindi din mapigilan ang mapangiwi nang marelized ko ang naging sagot ko sa kanya. Napansin ko na muling napatitig si Daddy sa akin na para bang takang taka sa naging sagot ko pero seryoso lang din nnamang nakatitig si Lucian sa akin at naramdaman ko pa nga ang paghapit niya sa baiwang ko bago siya pabulong na nagsalita sa akin

 

"Hindi pa ba? Gusto mo bang ikwento ko sa Tatay mo kung ano ang nangyari sa ating dalawa noong nakaraang gabi, my Precious?" pabulong niyang bigkas. Kaagad naman akong nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi. Akmang kakalas sana ako sa pagkakayapos niya sa baiwang ko nang mas lalo niya pang hinigpitan iyun.

 

"Hi-hindi siya naging mabuting ama sa akin ka-kaya walang dahilan para malaman niya ang tungkol sa atin." mahinang bulong ko din kay Lucian. Napansin ko ang makahulugang ngiti na kaagad na gumuhit sa labi nito, bago nito binalingan ng tingin ang isa sa kanyang kasama.

 

"Mr. Quezon, alam mo na kung ano ang gagawin mo at bukas na umaga, magreport ka sa opisina. May importante tayong pag-uusapan!" seryosong wika ni Lucian sa kasama niya at pagkatapos noon, nagulat na lang ako nang bigla niya na lang akong buhatin.

 

 

 

Chaper 17

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ

 

Binuhat niya ako na bridal style habang blanko ang expression ng kanyang mukha. Narinig ko ulit ang mahinang pagsinghap ng mga bisita habang mabilis na naglakad palabas ng venue si Lucian habang buhat-buhat niya pa rin ako.

 

"Mr. Ferrero, saan mo ako dadalhin?"

 

hindi ko maiwasang tanong kay Lucian.

 

Tuluyan na kaming nakalayo sa venue ng kasal pero wala pa rin yata siyang balak na ibaba ako. Nahihiya na ako sa mga taong nakakasalubong namin.

 

"Somewhere na malayo sa kanila para hindi ka na mahabol ni Mr. Marcelo!" seryoso niyang sagot sa akin. Tinahak niya ang exit ng hotel at pagkalabas namin, direcho siya sa nakahintong itim na sasakyan. BAgo pa kami nakalapit, binuksan naman kaagad iyun ng isa sa kung hindi ako maaring magkamali ay bodyguard niya at ipinasok ako sa loob.

 

Hindi na ako nagsalita pa dahil wala naman din akong ibang gusto kundi ang makalayo sa lugar na ito. Makalayo kay Daddy at makabalik ng hospital para makumusta ang kalagayan ni Mommy.

 

Sumakay din naman kaagad si Lucian at naupo siya sa tabi ko at namalayan ko na lang ang pagalaw ng sasakyan.

 

"Ano ang relasyon mo kay Mr. Marcelo?" seryosong tanong niya nang umusad na ang sasakyan paalis. Hindi ko pa nga mapigilan ang mapalingon sa pinanggalingan naming hotel bago ko siya sinagot.

 

"Hindi ko siya kilala! Ka-kanina ko lang siya nakilala dahil siya ang gusto ni Daddy na maging asawa ko!" mahinang sagot ko sa kanya habang nakatitig sa labas ng bintana ng sasakyan. Ngayung iniligtas niya ako mula sa mga kamay ni Mr. Marcelo, kay laki ng utang na loob ko sa kanya.

 

"Arranged marriage? For business purposes?" seryosong tanong niya.

 

"Hindi ko alam! Wa-wala akong idea. Basta kinidnap ako ni Daddy kahapon para madala ako sa bahay niya at para maisakatuparan niya ang nais niya sa akin." mahinang sagot ko. Napansin kong natigilan ito at napatingin sa malayo.

 

"HIndi kami in good terms ni Daddy! Matagal na kaming hindi konektado sa kanya tapos bigla na lang siyang nagpakita sa akin para ipakasal ako kay Mr. Marcelo!" muling bigkas ko.

 

"Wow, I think parang bigla akong naging interesado sa talambuhay mo, Precious! Don't worry, marami akong time ngayun at willing akong makinig sa lahat ng kwento mo." seryoso niyang sagot sa akin.

 

"Hindi na kailangan! Hindi naman tayo magkaibigan para ikwento ko sa iyo ang talambuhay ko." seryosong sagot ko din sa kanya. Wala naman talagang dahilan para magkwento at siguro magpapasalamat na lang ako sa kanya ngayun dahil iniligtas niya ako mula sa mga kamay ni Daddy

 

"Pwede na ba akong bumaba? Kailangan ko pang pumunta ng hospital. Kagabi ko pa hindi nadadalaw si Mommy at nag-aalala ako sa kalagayan niya lalo na at kailangan nang ma-schedule ang surgery niya." muli kong bigkas.

 

Hindi ko maiwasan na makaramdam ng matinding lungkot nang maalala ko si Mommy! Tiyak akong kagabi pa ako nito hinihintay. Kung hindi sana ako saplitang kinidnap ng sarili kong ama, napa-incash ko na sana ang chekeng hawak ko at napa-schedule na sana ang surgery ni Mommy.

 

"Ano ang sakit ng Mommy mo?" seryosong tanong ni Lucian sa akin. Muli akong napatitig sa labas ng bintana ng kanyang sasakyan bago sumagot.

 

"Ayaw ko nang pag-usapan pa dahil masakit sa kalooban. Sa tagal ng panahon, nagtiis si Mommy sa sakit niya na walang kahit na singkong tulong na nakuha mula kay Daddy!" mahinang sagot ko.

 

"Kaya mo ba nagawang ibenta ang sarill mo dahil sa kanya?" seryoso niyang muling tanong. Hindi ko na namalayan pa ang pagpatak ang luha mula sa aking mga mata sabay tango.

 

"Wala naman akong choice eh! Kulang na kulang ang kinikita ko sa pagwi-waitress sa bar tapos nag-aaral pa ako." mahinang sagot ko. Napansin kong ilang saglit siyang hindi nakaimik. Titig na titig lang siya sa akin na para bang binabasa niya nag takbo ng isipan ko.

 

"Saang hospital siya naka-confine? SAbihin mo at doon ka na lang namin ihahatid." seryosong tanong niya. Wala na akong choice kundi ang sabihin sa kanya iyun. Inutusan niya naman ang driver niya na magdrive patungo doon.

 

Napansin marahil ni Lucian na wala na akong ganang makipag-usap kaya naman nanahimik na din ito na labis kong ipinagpasalamat. Naiilang pa rin akong makipag-usap sa kanya! Although, mukha naman siyang mabait dahil iniligtas niya ako sa pagpapakasal ko kay Mr. Marcelo pero hindi pa rin nawawala sa puso ko ang pagkailang dahil siya ang lalaking nagbayad sa akin ng one million para may pangastos ako sa surgery ni Mommy.

 

 

 

Chapter 18

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

PAGDATING ng hospital, nagpasalamat lang ako kay Lucian tsaka bumaba ng kotse at walang lingon-likod na naglakad papasok ng hospital. Ni hindi ko na nga napasin pa na nakasuot pa pala ako ng wedding gown. Mamaya na ako magpapalit ng damit dahil walang mas importante sa akin ngayun kundi ang makita si Mommy at ma-check ang kalagayan nito.

 

Iyun nga lang, pagkadating ko sa ward kung saan naka-pwesto si Mommy ay ganoon na lang ang gulat ko nang wala na ito doon. Kaagad na bumaha ang matinding kaba sa puso ko at mabilis na lumabas ng ward at ganoon na lang ang laking pasalamat ko nang makasalubong ko si Risa. Napansin ko ang pagkagulat sa mukha nito nang makita niya ako.

 

"Amber...ano ang nangyari sa iyo? Bakit ganiyan ang suot mo?" gulat niyang tanong sa akin. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya at nang mapansin ko na namamaga ang mga mata niya kaagad akong kinain ng matinding pag-aalala.

 

"Mahabang istorya! Si Mommy? Nasaan si Mommy?" kinakabahan kong tanong. Napansin ko ang ilang butil ng luha na nalaglag sa mga mata nito bago niya ako hinila malapit sa may exit area ng hospital.

 

"Amber, ano ang nangyari sa iyo? Kagabi pa kita tinatawagan. Hindi kita ma-contact para sana sabihin sa iyo na wala na si Tiya!" seryosong sagot niya sa akin. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

 

"Hindi na nakaya ni Tiya ang sakit niya! Wala na siya Amber! Iniwan ka na niya!" muling bigkas nito.

 

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Pakiramdam ko bigla akong naging bingi at wala akong ibang naririnig kundi ang echo ng boses ni Risa noong bangitin niya na wala na si Mommy.

 

"A-anong sabi mo? Wa-wala na si Mommy? Paanong---paanong nangyari iyun? Paanong wala na?" umiiyak ko nang bigkas.

 

"Eksakto alas onse kagabi, nawalan na siya ng hininga. Pinilit pa siyang i-revive ng mga Doctor pero wala na eh. Hindi niya na kinaya ang sakit niya at nagpaalam na siya!" seryoso niyang sagot sa akin

 

Pakiramdam ko, bigla akong

 

pinagsakluban ng langit at lupa. Wala sa sariling pasalampak akong napaupo sa sahig habang hindi maampat-ampat ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata.

 

"Wala na si Mommy? Iniwan niya na ako?

 

"mahinang tanong ko.

 

Ni hindi ko na namalayan pa ang malakas kong pagtangis. Ang sakit...sobrang sakit!

 

Hindi ko akalain na sa loob ng isang gabi na hindi ko siya nadalaw, iniwan niya na ako. Lahat ng paraan ginawa ko na para kumita ng pera para ma-schedule na ang surgery nito pero hindi umabot. Hindi ako nakaabot at tuluyan nang sumuko ang pinakamamahal kong Ina.

 

"Amber..tatagan mo ang loob mo. Medyo matagal na panahon na ding nagtiis si Tiya sa sakit niya at tangapin na lang natin ang nangyari sa kanya para makapagpahinga na din siya!" umiiyak na sambit ni Risa sa akin.

 

Hindi naman ako nakasagot. Patuloy lang ako sa pagtangis dahil sobrang sikip ng dibdib ko. Hindi kayang tangapin ng puso at isipan ko na namaalam na siya. Na namatay na ang taong naging karamay ko sa lahat ng oras. Ni hindi ko man lang siya nasamahan sa huling sandali ng kanyang buhay dito sa mundo.

 

"Nasaan siya? Nasaan ang kartawan ni Mommy?" mahinang tanong ko sa kabila ng aking pagtangis.

 

"Nasa morgue na siya. Hindi pa siya mailabas doon dahil hindi pa na-settled ang bills niya! Gumawa na din ako ng paraan para makalikom ng pera pero kulang pa rin. Malaki na din pala ng bills ni Tiya dito sa hospital. Sorry Amber. Sorry sa nangyari kay Tita!" umiiyak na ding sambit ni Risa.

 

Hindi ko mapigilan ang maikuyom ang kamao ko. Sa maraming pagkakataon, wala akong ibang gustong sisihin sa nangyari kay Mommy kundi ang sarili kong ama na si Gustavo Rodriguez! Kung

hindi niya sana ako kinidnap kahapon, hindi sana namatay si Mommy! Baka naihabol pa ang buhay nito kung nakapagbayad ako sa surgery nito.

 

Muli akong napaiyak. Hinang hina akong muling napatayo at dahan-dahan na naglakad. Kailangan kong puntahan si Mommy sa morgue! Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makasama sa huling sandali niya dito sa mundo.

 

Pagdating ng morgue, kaagad na umalingawngaw sa buong paligid ang masakit kong pagtangis. Durog na durog ang puso ko nang masilayan ko na ang wala nang buhay na katawan ng taong nagsilang sa akin.

 

NI sa hinagap, hindi ko akalain na matatapos ang buhay nito sa napakasakit na paraan. Ilang taon siyang nagtiis sa sakit niya at hindi man lang siya nilingon ng sarili niyang asawa para maipagamot.

 

Itinakwil kami ng sarili kong ama at nagpakasasa siya sa kandungan ng ibang babae! Akong sarili nitong laman at dugo ay hindi man lang masuportahan

pagkatapos ang anak ng kerida niya nagawa niyang bigyan ng magandang buhay? Napakasama niya! Napakasama ni Gustavo Rodriguez!

 

"Precious...wala na tayong magagawa pa. Sayang nga lang at hindi nagkrus ang landas natin ng mas maaga! Tahan na... nawala man ang Mommy mo, pakaisipin mo na hindi pa katapusan ng mundo. Kung nasaan man siya ngayun, tiyak akong wala siyang ibang hangad kundi ang mapabuti ka." mahinang wika ng kung sinong tao na nasa tabi ko. Wala sa sariling napatingala ako at kahit hilam ng luha ang aking mga mata, tumampad sa paningin ko ang seryosong mukha ni Lucian. Kitang kita ko ang pakikisimpatiya sa mga mata niya kaya wala sa sariling napayakap ako sa kanya ng mahigpit.

 

Pakiradam ko sa mga sandaling ito, bigla akong nagkaroon ng kakampi. Pakiramdam ko, hindi ako nag-iisa. Ngayun ko higit na kailangan ng taong dadamay sa akin sa matinding dagok ng buhay na narananasan ko ngayun.

 

 

Chapter 19

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ

 

Sa buong proseso ng pagsasaayos ng bangkay ni Mommy hanggang sa madala ito sa isang chapel kung saan ito ibuburol ng ilang araw, tulala lang akong nakatitig sa kawalan. Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko na wala na siya. Na iniwan na ako ng nag iisang tao na naging kakampi ko sa buhay. Isang tao na walang ibang ginawa kundi ang iparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal.

 

Mabuti na lang talaga at kahit papaano nandiyan si Lucian. Mula morgue hanggang sa maiburol si Mommy, siya ang lahat na nag-aasikaso. Siya na din ang nagbayad ng bills sa hospital.

 

Kung wala siya, hindi ko talaga ma-imagine kung ano ang mangyayari. Hindi ako makapag-isip ng tama dahil mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ng puso ko.

 

"Amber, pahinga ka na muna! Ako na muna ang bahala dito." narinig kong sambit ni Risa sa akin. WAla sa sariling napatingin ako sa labas ng chapel. Mabuti na lang talaga at hindi niya ako iniiwan. Madilim na naman sa labas at ito na iyung pangalawang gabi ng burol ni Mommy na hindi ako umaalis sa tabi niya.

 

Gusto kong sulitin ang mga panahon na nakikita siya. Alam kong pagkatapos nitong mailibing, hinding hindi ko na siya makikita ulit.

 

Sa naisip kong iyun, hindi ko mapigilan ang mapahagulhol ng iyak. Sa totooo lang, sobrang nakakaramdam na din ako ng antok at pagod. Nagsusumigaw na ng pamamahinga ang katawan ko pero tumututol naman ang puso at isipan ko.

 

"Ayos lang ako Risa. Kaya ko pa! Dito lang ako!' mahinang sagot ko. Hindi na ako sinagot pa ni Risa, bagkos inabutan niya ako ng isang baso ng juice. Magrereklamo sana ako dahil mas gusto ko ng kape na lang sana pero nang ngitian niya ako, wala na akong choice pa kundi dahan-dahan na inumin ang nasabing juice.

 

Ilang saglit pa lalo akong nakaramdam ng matinding antok. Bago pa tuluyang pumikit ang aking mga mata, napadako pa ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa harap ko at seryosong nakatitig sa akin.

 

"Huwag mong abusuhin ang sarili mo, Precious! Kailangan mo din ng pahinga." narinig kong sambit nito bago ako nilamon ng kadiliman.

 

Muli akong nagising sa maaliwalas na kapaligiran. Hindi familiar na silid na napapabaliutan ng mga mamahaling kagamitan Napabalikwas pa nga ako ng bangon at akmang bababa na sana ng kama nang dumako ang paningin ko sa isang tao na nakatayo malapit sa pintuan at seryosong nakatitig sa akin.

 

"Nasaan ako? Ano ang ginawa mo sa akin?

 

"taranta kong tanong. Mabilis kong pinakiramdaman ang sarili ko at nang mapansin ko na iba na ang damit kong suot biglang tumahip sa kaba ang puso ko.

 

"Tsk...wala akong ginawang masama sa iyo. HIndi ako ganoon kasamang tao para mag-take advantage sa babaeng halos wala na sa ulirat dahil sa pagod at puyat!"seryoso niyang sagot sa akin. Kaagad naman akong nakaramdam ng hiya sabay iwas ng tingin sa kanya.

 

Biglang dagsa ng reyalisasyon sa isipan ko. Wala na si Mommy at siguro sa sobrang puyat sa ilang araw na lamay, bigla na lang akong nahimatay at siya na naman ang unang tumulong sa akin.

 

Si Lucian Montefalco Ferrero.

 

"Sorry!" mahinang sambit ko.

 

"Pwede kang maligo kung gusto mo. Andyan na din ang damit na isusuot mo! Hihintayin kita sa labas." seryoso niyang bigkas at kaagad na naglakad palabas ng kwarto. Naiwan naman akong hindi maiwasan na ilibot ang tingin sa buong paligid.

 

Nasa magara akong silid at hindi ko alam kung saang bahagi ito ng Metro Manila. Gayunpaman, nang bigla kong naalala si Mommy, biglang dagsa ang lungkot sa puso ko.

 

Mabuti na lang at nandiyan si Lucian kung hindi baka kung ano na ang nangyari sa akin. Lalong lalo na sa katawan ni Mommy dahil si Lucian ang gumawa ng paraan para maiburol ito ng maayos.

 

"Sa naisip kong iyun, kaagad na akong bumaba ng kama. Napatingin pa nga ako sa isang malinis na mga damit na nakapatong sa ibabaw ng sofa. Isa iyung kulay itim na dress at itim din na sapatos.

 

Muli akong nakaramdam ng lungkot at kaagad na hinanap ang banyo para makaligo na muna.

 

Lulubos-lubusin ko na ang tulong na ibinibigay ni Lucian sa akin. Tutal naman, babayaran ko din naman siya eh. Balak kong ibalik sa kanya ang isang milyon tutal naman hanggang ngayun, hindi ko pa rin iyun napa-incash. Napagastos na din si Lucian sa burol ni Mommy at hindi ko na din naman kailangan ang pera na iyun.

 

 

Chapter 20

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ.

 

PAGKATAPOS kong maligo at makapag-ayos, lumabas na din naman kaagad ako ng silid. Kaagad na sumulubong sa paningin ko ang elgante at magandang ayos na bahay. Hindi ko pa nga maiwasan na makaramdam ng pagkamangha dahil sa tanang buhay ko, ngayun lang ako nakakita ng ganito kagandang interior design na bahay.

 

Napakaaliwalas ng buong paligid.

 

Kumikinang ang lahat ng mga mwebles at ang sahig, halatang alaga sa linis. Napakabango din ng buong paligid.

 

Hindi ko din alam kung saan ako patutungo dahil sa sobrang lawak at maraming mga pintuan akong nakikita naguguluhan ako kung aling direksiyon ang tatahakin ko. Maabuti na lang talaga at may nakasalubong ako na isang babaeng kung hindi ako maaaring magkamali ay trabahador sa nasabing pamamahay na ito.

 

"Good afternoon Mam. Inaasahan na po kayo ni Mr. Ferrero sa dining area."

 

nakangiti nitong bati sa akin. Isang tipid na ngiti ang naging sagot ko at kaagad na din akong napasunod sa kanya nang igiya niya ako patungo sa may hagdan kung saan muli akong namangha sa kakaibang ayos nito.

 

Tsaka, ang mga railings. Tunay ba? Kumikinang at kulay ginto. Shit...gaano ba kayaman si Mr. Lucian Montefalco Ferrero para maka-afford siyang magpatayo ng ganito kalaki at ka-elegante na bahay.

 

Habang pababa ng hagdan, walang tigil ang mga mata ko sa kakaikot sa buong paligid. Mga naglalakihang chandelier na may mga nagkikislapan na mga bato na akala mo diyamante. Mga kagamitan at mga naka-display na alam kong hindi biro ang halaga...

 

Hindi ko akalain na makakapasok ako sa ganito kaganda na malapalasyong tahahan. Ano kaya ang nag-udyok kay Mr. Lucian Ferrero na dalhin ako dito gayung isa lamang akong hamak na dukha.

 

Ni hindi ko na nga namalayan pa na nakarating na pala kami ng dining area. Sa sobrang haba ng table, kasya yata kahit na bente katao na sabay-sabay na kakain.

 

Nang maramdaman marahil ni Mr.

 

Lucian Montefalco Ferrero ang presensya ko, napabaling ang tingin niya sa akin at kitang kita ko kung paano niya ako suyurin ng tingin mula ulo hanggang paa. Pagkatapos noon, suminyas siya na maupo na daw ako at kaagad naman akong ipinaghila ng mauupuan ng kasama kong kasambahay.

 

"Kumain ka para makaalis ka na." seryoso niyang wika sa akin.

 

"Salamat. Tatanawin kong isang malaking utang na loob ang tulong na ibinigay mo sa akin, Mr. Ferrero." kimi kong sagot sa kanya.

 

"Lucian...you can call me Lucian, Precious!

 

"malamig pero seryoso ang boses na bigkas niya.

 

"Sa-salamat Lucian!" mahinang sambit ko. Pinilit kong gamitin ang pinaka-kaswal kong boses pero hindi talaga kaya. Feeling ko pati boses ko nanginginig na eh.

 

"You're welcome! Now, ano pa ang hinihintay mo...pwede ka nang kumain." seryoso niyang bigkas sabay lapag sa harap ko ang appetizer.

 

Hindi na ako nakaimik pa. Kahit na nahihiya inumpisahan kong kainin iyun. Feeling ko nga, nasa five star restaurant ako eh. Mga naka-plating kasi ang mga pagkain na nasa harapan namin.

 

"Kumain ka nang kumain dahil alam ko na mamaya, magiging matigas na naman ang ulo mo." muli niyang bigkas. Gulat naman akong napatitig sa kanya pero nang mapansin ko na sa pagkain na nakatutok ang kanyang buong attention ay muli akong nagbaba ng tingin at nagfocus sa kinakain ko.

 

Hindi ko pa naubos ang apperizer, inilapag niya na ulit sa harapan ko ang para sa main course. Steak iyun at hitsura pa lang nakakatakam na.

 

"Salamat!" mahing kong muling sambit. Wala akong narinig na kahit na anong response sa kanya kaya naman muli akong nagfocus sa kinakain ko

 

Hindi ko akalain na sa kabila nang pagluluksa sa pagkawala ni Mommy, naging magana ako sa aking kinakain. Sabagay, ilang araw na pala akong walang matinong kinakain. Kung hindi nga ng dahil kay Risa na palagi akong pinipilit na kumain kahit snacks lang, baka patay na ako ngayun sa gutom.

 

Pagkatapos kumain, inutusan ni Lucian ang driver niya na ihatid daw ako pabalik sa burol ni Mommy. Ilang beses pa akong nagsambit ng salitang pasasalamat pero tanging tipid na pagtango lang ang naging sagot niya.

 

Sa totoo lang, napaka-cold ng awra niya. Hindi siya mukhang friendly na tao pero alam ko sa sarili ko na may mabuti siyang puso. Hindi maganda ang unang encounter namin pero tinutulungan niya pa rin ako ngayun.

 

 

Chapter 21

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

PAGKADATING ko sa chapel kung saan nakaburol si Mommy, nagulat na lang ako nang salubungain ako ni Risa na halata sa mukha nito ang matinding pag-aalala.

 

Pagkababa ko pa lang ng sasakyan, mabilis itong naglakad palapit sa akin.....

 

"Amber, mabuti naman at dumating ka na. Nasa loob ang Daddy Gustavo mo!"" seryoso niyang wika sa akin. Kaagad namang nagsalubong ang kilay ko at hindi ko na sinagot pa si Risa at dali-dali na akong naglakad papasok ng chapel kung saan naabutan ko nga si Daddy kasama ang kabit nito na si Rosalinda na nakaupo.

 

"Ano ang ginagawa niyo dito? Sino ang may sabi na welcome kayo dito?" galit kong wika at mabilis na nilapitan si Daddy at Rosalinda.

 

"Amber..ano bang klaseng tanong iyan. Natural, burol ng Mommy mo kaya normal lang naman siguro na pati ako ay magluksa din diba?" sagot naman kaagad ni Daddy. Napansin kong pinagtitinginan na kami ng ilan sa mga nakikiramay kaya naman pagak akong natawa.

 

"Wow....talaga lang? Nakikiramay ka? Pagkatapos ng lahat-lahat na ginawa mo kay Mommy, may gana kang pumunta dito para makiramay? Naririning mo ba iyang sinasabi mo, Mr. Rodriguez?" galit ang boses na bigkas ko. Napansin kong biglang namula ang mukha nito siguro dahil sa pagkapahiya.

 

"Amber...iha! Huwag ka namang ganiyan! Tao kaming pumunta dito sa burol ng Mommy mo at huwag ka naman magalit sa akin. Nakalimutan mo na ba? Ako ang ama mo. Ako ang DAddy mo at huwag ka naman sanang magtanim ng sama ng loob sa akin." kaagad niya din namang sagot. Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Naninibago ako sa ipinapkita niyang pag-uugali sa akin

 

Bigla yatang nagbago ang ihip ng hangin ah? Bigla yatang naging mabait ang walang kwenta? Bakit? Ano ang dahilan niya? Dapat na ba akong kabahan?

 

"Tao ka ngang pumunta dito sa burol na ito pero hindi kita matatangap. ikaw ang dahilan kaya namatay si Mommy kaya huwag kang plastic. Umalis ka na! Umalis ka na kasama ng kerida mo!" galit kong sigaw habang hindi ko na mpagilan pa ang muilng mapaiyak.

 

Kalmado akong dumating kanina dahil kahit papaano, nakapagpahinga ako at nakatulog ng medyo mahabang oras. Busog din ako pero ng makita ulit ang taong naging dahilan kaya hindi ko naihabol ang surgery ni Mommy at hindi ko nakasama ng isang gabi, galit na galit ako. Kahit na nananalaytay sa ugat ko ang kanyang dugo, hinding hindi ko siya mapapatawad. Kasalanan niya kung bakit nangyari ito kay Mommy kaya walang dahilan para maniwala ako sa pagbabait-baitan niya ngayun sa akin.

 

"Amber iha...wala na ang Mommy mo! Sana naman mapatawad mo na ang Daddy mo! Don't worry, since nag-iisa ka na lang, after this...pwede ka nang umuwi

sa bahay. Pwede mo akong ituring na sarili mong Ina kung gusto mo!"

 

nakangiting sabat naman ni Rosalinda.

 

Ang kabit ni Daddy na hindi ko alam kung ginugood time lang ba ako or pinaplastic ako? Kakaiba din ang mga ito eh! Alam kong may dahilan sila kaya sila nandirito pero hindi ko sila bibigyan ng chance na mapaikot ako. Hinding hindi.

 

"Gusto mong maging Ina kita? Ang kapal din ng mukha mo noh? Ikaw ang naging dahilan kaya nagkawatak-watak ang pamilya namin!" nang-iinsulto kong bigkas na sinabayan ko pa ng mapaklang pagtawa.

 

"Hindi! Hindi mangyayari iyun! Kung ano man ang pakay niyo kung bakit kayo nandirito, lumayas na kayo! Umalis na kayo!" galit kong bigkas at mabilis kong nilapitan si Rosalinda. Hinawakan ko siya sa kanyang braso at galit na kinaladkad palabas ng chapel.

 

Bulangan naman ang umalingangaw sa buong paligid. Alam kong nagmumukha na akong palengkera sa mga mata ng

ibang taong nakakakita ngayun sa ginawa ko kay Rosalinda pero wala na akong pakialam. Gusto ko nang umalis sila sa burol ni Mommy dahil hindi ko sila kailangan! HIndi ko kailangan ang pakikiramay nila.

 

Pagdating sa labas ng chapel, kaagad kong binitiwan si Rosalinda at itinulak palayo sa akin. Napaupo ito sa bermuda grass habang kitang kita ko ang galit na nakaguhit sa mukha nito. Matalim din ang mga matang nakatitig sa akin.

 

"Amber, sumusobra ka na talaga! Grabe na ang pangbabastos mo sa amin. Pati ang Tita Rosalinda mo hindi mo na iginalang! " narinig ko namang saway ni Daddy. Sa pagkakataon na ito, galit na ang boses niya.

 

"Sumusobra? Namatay si Mommy noong gabing kinidnap mo ako Dad! Kung hindi dahil sa pansarili mong interes, hindi namatay si Mommy at naagapan pa sana ang sakit niya. Kinamumuhian kita! Hinding hindi kita mapapatawad sa nangyari kay Mommy! Sana ikaw na lang ang namatay. Sarna ikaw na lang tutal wala ka namang kwenta eh!" galit kong sigaw pabalik sa kanya.

 

Tuluyan nang naglaho ang katiting na respito na nararamdaman ko para sa kanya dahil ang mas nangingibabaw sa puso ko ngayun ay matinding galit.

 

Kasabay ng halos paghihistirikal kong iyun ay ang pagtama ng palad ni Daddy sa pisngi ko. Lalong nag-uunahan sa pagpatak ang luha mula sa aking mga mata habang matalim akong nakatitig sa kanya.

 

 

 

Chapter 22

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"WALANG hiya! I hate you! I hate you! Hindi baleng wala akong kikilalaning ama habambuhay ayaw na ayaw na kitang makita kahit kailan!" galit kong sigaw habang hawak ko ang aking pisngi na nasaktan. Napansin ko naman ang guilt na kaagad na gumuhit sa mukha ni Gustavo sabay kuyom ng kanyang kamao.

 

"A-amber iha! Hi-hindi ko sinasadya. I--- ikaw kasi eh! Ma-masyado kang-----"

 

"Umalis ka na! Umalis ka na dahil hindi ka na kailangan ni Mommy! Wala na siya at hindi niya na kailangan ang presensya mo!" galit kong bigkas habang walang humpay ang pagpatak ang luha mula sa aking mga mata.

 

Talagang hindi na namin kailangan ang presesnya niya! Wala na....namatay na si Mommy sa matinding pagdurusa at ngayun lang siya kusang magpakita sa amin sa mahabang panahon na itinkawil niya kami. Saan siya kumukuha ng kapal ng mukha para gawin ito?

 

"Iha! I'm sorry. Hindi ko alam at sana mapatawad mo ako! Alam kong hindi katangap-tangap ang nangyari but still, you are my daughter. Hindi maikakaila--

 

 

"Mr. Rodriguez...narinig mo naman siguro ang sinabi niya diba? Ayaw ka na niyang makausap at you should respect her decision." putol naman kay Daddy sa mga sasabihin niya pa nang biglang dumating si Lucian Ferrero.

 

Yes si Lucian na kagaya sa mga pagkikita namin, hindi ko na naman nakikitaan ng emosyon ang kanyang mukha. Direcho siyang naglakad palapit sa akin at hinawakan niya ang kamay ko na nakatakip sa aking pisngi na tinamaan ng sampal ni Daddy! Pinakatitigan niya iyun bago ko napansin ang kislap ng galit sa mga mata nito

 

"Mr. Ferrero. Mabuti naman at nandito ka na din. Ipagpaumanhin mo pero sa sobrang hirap na kumuha ng appointment sa opisina niyo, hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataon na ito. Gusto ko sanang makausap ka tungkol sa negosyo!" narinig kong bigkas na naman ni Daddy. Sa pagkakataon na ito, punong puno ng pagpapakumbaba ang boses nito at halata din na malaki ang pagalang niya kay Lucian.

 

Kumbaga, biglang nawala ang angas niya na palagi kong nakikita sa tuwing nagmamakaawa ako sa kanya noon na bigyan ako ng pera para sa aking pag-aaral at para sa gamutan ni Mommy.

 

"Nandito tayo sa burol ng babaeng minsan mong naging asawa at iyan ang topic na gusto mong pag-usapan natin Mr. Rodriguez? Sabihin mo sa akin, gaano ka kalinis para pagkatiwalaan kita?" seryosong sagot naman ni Lucian.

 

Hinawakan ako nito sa kamay at hindi na ako nakapalag pa nang sa pangawalang pagkakataon, parang wala lang sa kanya ang bigat ko nang bigla niya na lang akong kargahin.

 

Hindi na din ako nagprotesta pa dahil ayaw ko na din naman makaharap pa si Daddy. Masakit na kasi ang sampal na tumama sa aking pisngi kani-kanina lang at natatakot ako na baka madalawan pa ako. Baka matabingi na ang mukha ko nito dahil noong gabi na nagtalo kami, nasampal niya din ako. Puro sampal na lang ang tinamo ko sa kanya at ayaw ko nang mangyari ulit iyun. Masakit na.

 

"Direcho akong dinala ni Lucian patungo sa nakaparada niyang sasakyan. Ipinasok niya ako sa loob at dahan-dahan na ibinaba pagkatapos pumasok na din siya sa loob at kaagad din namang isinara ng isa sa mga bodyguards nito ang pintuan,.

 

"Hindi ka ba marunong lumaban? Hahayaan mo na lang ba sila an saktan ka ng paulit-ulit?"seryoso niyang tanong sa akin. Pigil ko naman ang sarili ko na muling maiyak.

 

Siguro ang tingin niya sa akin ngayun ay isang babaeng mahina na hindi marunong lumaban sa buhay. Na kung wala siya hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko.

 

"Hi-hindi naman sa ganoon. Ka-kanina ko pa sila pinaalis pero ayaw nila eh! Nagmatigas sila at hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang pumunta gayung matagal na siyang walang pakialam sa amin." mahinang sagot ko kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng luha sa aking mga mata.

 

"Masakit ba?" tanong niya naman sa akin habang hindi niya inaalis ang pagkakatitig sa aking mukha. Hindi ko gets ang kung ano ang ibig niyang sabihin kaya kaagad din naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

 

"Don't worry, kulang lang sa disiplina ang Daddy mo! Ako ang gagawa noon para sa iyo!" muli niyang sambit sabay haplos niya sa nasaktan kong pisngi.

 

Banayad na haplos na sapat na para maramdaman ko ulit ang pag-aalaga niya sa akin. Ang kagustuhan niya na huwag na akong umiyak.

 

Hindi ko alam pero ngayun pa lang unti-unti na akong natatakot sa kanya! Feeling ko kasi, sa maiksing mga oras na nakakasama ko siya, naging palagay na ang loob ko sa kanya at para bang nasanay na ako na ganito siya palagi.

 

Gustong gusto ng puso ko ang pakiramdam na nandiyan siya at dinadamayan ako sa mga oras na

nasasaktan ako. Sa tuwing nasa paligid lang siya feeling ko walang sino man ang pwedeng manakit sa akin.

 

 

Chapter 23

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

ISANG linggo na ibinurol si Mommy bago namin ito inihatid sa huling hantungan. Masakit sa akin na tuluyan na nga ako nitong iniwan pero kailangan kong tangapin iyun. Ganoon talaga siguro ang buhay..may nauuna at may naiiwan.

 

Nakauwi na ang lahat ng mga nakikiramay maliban kay Risa, pero heto pa rin ako. Nakatayo sa harap ng puntod ni Mommy at patuloy pa ring lumuluha.

 

Hindi pa rin mawala-wala ang sakit sa puso na nararamdaman ko hanggang ngayun.

 

"Amber, tama na iyan. Hapon na at kailangan na nating umuwi." narinig kong sambit ni Risa. Kaagad kong pinunasan ang luha mula sa aking mga mata at pilit itong nginitian

 

Mabuti pa itong si Risa...mula umpisa, hindi niya ako iniiwan na labis kong ipinagpasalamat.

 

"Risa...wala na si Mommy! HIndi ko na alam kung ano ang gagawin ko!" umiiyak kong sambit.

 

"Magpakatatag ka Amber. Hindi pa katapusan ng mundo. Tama na iyang pag-iyak. Hindi gusto ng Mommy mo na nakikita kang sobrang nasasaktan kaya tahan na." malumanay ang boses na sagot nito. Tinanguan ko lang siya at muli kong sinulyapan ang puntod ni Mommy at hinawakan sa kamay si Risa at sabay na kaming naglakad palayo sa puntod.

 

Habang naglalakad kami, mula sa kalayuan, natanaw ko ang kotse ni Lucian na alam ko na ako ang hinihintay nito. Dinig ko, isang abalang tao si Lucian pero hindi ko maintindihan kung bakit pagdating sa akin para bang kay dami niyang oras.

 

Siguro dahil sobrang laki na ng na-invest niya sa akin. Nitong mga huling araw ng burol ni Mommy, ichinik-in niya ako sa isang hotel na malapit lang sa location ng chapel para mabils daw akong makapunta at makauwi. Siya din ang nagbayad sa lahat ng mga expenses at baka natatakot si Lucian na hindi ko siya mabayaran.

 

Ngayung nailibing na si Mommy, kailangan ko nang bumalik sa dati kong buhay. Siguro ang una kong gagawin ay ang pumunta sa School na pinapasukan ko at formal na magdrop-out. Sa dami na ng mga absent ko, tiyak akong hindi talaga ako makakapasa ngayung semister na ito. Mag-eenrol na lang ulit ako next year. Ngayung taon, balak kong maghanap na muna ng trabaho para maipagpatuloy ang buhay ko. Mag-iipon ako para naman matupad ang pangarap ni Mommy sa akin. Iyun ay ang makapagtapos sa pag-aaral.

 

"Hop in!" narinig kong sambit ng isang familiar na boses nang mapatapat kami sa sasakyan ni Lucian. Napatitig ako dito at doon ko nakita ang seryosong mukha ni Lucian na nakatitig din sa akin

 

"Ms. Risa right? Doon ka sa kabilang kotse. Ihahatid ka na namin!" narinig kong kausap din ng isa sa mga tauhan ni Lucian kay Risa. Ayaw ko pa nga sanang bumitaw kay Risa kaya lang, niyayaya na ito ng tauhan ni Lucian sa isa pang saaskyan kaya walang choice kundi ang maghiwalay kami.

 

Naglakad siya patungo sa isang sasakyan samantalang ako naman ay naglakad patungo sa sasakyan kung saan nakasakay si Lucian ngayun. Binuksan ng isa sa mga bodyguards nito ang pintuan at pinapasok ako sa loob.

 

"Salamat sa lahat ng mga kabutihan na ipinagkaloob mo sa akin. Ang presensya mo ay isang malaking bagay sa akin para maibasan ang pangungulila at pagluluksa ko dulot ng pagkawala ni Mommy!" mahinang sambit ko kay Lucian!

 

Nanatili siyang tahimik hanggang sa naramdaman ko ang pag-usad ng sasakyan kaya naman dahan-dahan ko nang binuksan ang aking dalang backpack at mula sa loob, inilabas ko ang cheque na never ko pang napa-incash. Iniabot ko iyun sa kanya kaya naman napatitig din ito sa akin.

 

"Hindi ko na magagamit ito kaya hindi ko na kailangan. Marami ka na ding ginastos mula sa hospital bills ni Mommy, morgue at hanggang sa naiburol siya at nailibing kaya sana tangapin mo ito." mahina kong sambit habang nakikipagsukatan ng titig sa kanya.

 

Kaagad ko namang napansin ang unti-unting paguhit ng ngisi sa labi nito. Ang kanina ay seryosong expression ng kanyang mukha ay napalitan iyun ng biglang pagbalasik ng kanyang hitsura kaya naman hindi ko mapgilan ang makaramdam ng agam-agam. Nitong mga nakaraang araw sobrang bait niya sa akin pero bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin ngayun?

 

"Precious, naibigay ko na sa iyo ang pera na iyan at isang malaking insulto sa akin kung ibabalik mo sa akin ang mga bagay na naibigay ko na sa iyo!" seryoso niyang bigkas. Wala sa sariling napatitig ako sa cheque na hawak ko sabay iling.

 

"Pero hindi ko na kailangan ang mga ito. Tsaka, sa laki ng nagastos mo sa akin, isipin mo na lang na isa itong kabayaran sa lahat-lahat para quits na tayo!" sagot ko naman sa kanya sabay kagat ko sa aking pang-ibabang labi.

 

Sa totoo lang, bigla akong nakaramdam ng pagkailang sa ipinapakita niyang pag-uugali sa akin. Nagulat na nga lang ako na imbes na tangapin niya ang cheke na hawak ko, isang malakas na pagtawa niya ang umalingangaw sa buong paligid.

 

Chapter 24

 

THIRD PERSON POV

 

'NO! Keep it! Isipin mo nalang na isa iyang regalo na mula sa akin." seryosong sagot ni Lucian kay Precious Amber.

 

Sa totoo lang, naiinis siya at the same time lalo siyang nakaramdam ng matinding paghanga sa dalaga. Imagine, hindi niya lubos na ma-imagine na hindi pa pala napa-incash nito ang cheke na bigay niya.

 

Sa sitwasyon ngayun ni Precious alam niyang higit itong nangangailangan ng pera. Hindi niya talaga maintindihan kung ano ang pumasok sa isipan nito kung bakit gusto nitong ibalik sa kanya ang isang bagay na kung totoosin ay barya lang sa kanya.

 

HIndi tuloy mapigilan ni Lucian na lalong humanga sa dalaga. Hindi niya din akalain na may ganito pa palang babae na natitira sa mundo. Babaeng walang habol sa pera maipaglaban lamang ang

prinsipyo.

 

"Pero hindi ko na ito kailangan! Sige na, tangapin mo na ito at pagkatapos nito, hayaan niyo, hindi na tayo ulit magkikita! "seryoso namang sagot ni Amber.

 

Isang malakas na pagtawa ang muling namutawi mula sa bibig ni Lucian. KUng sa ibang pagkakataon, baka uminit na ang ulo niya eh. Pero si Precious ito. Ang kanyang nag-iisang Precious na kung hindi lang nakaburol ang Ina nito baka makailang ulit niya na itong dinala sa kanyang kwarto at paulit-ulit na inangkin.

 

Hindi lang hatala sa mga kilos ni Lucian pero katakot-takot na pagpipigil ang ginagawa niya sa tuwing nakikita niya si Precious Amber. HIndi niya alam kung ano ang meron sa babaeng ito at kung bakit hindi ito mawala-wala sa isipan niya.

 

Feeling niya, buong buo na nakuha ni Precious ang kanyang attention at hindi matatapos ang pag-uusap nila ngayung araw. Nag-uuumpisa pa lang siya at minsan na niyang naipangako sa kanyang sarili na hindi niya pakakawalan si Precious.

 

"Bakit hindi mo na ba kailangan ng pera?

 

"seryosong tanong ni Lucian kay Precious Amber. Labag sa kalooban niya na ibalik pa ni Precious sa kanya ang cheke na ibinigay niya dahil hangat maari ayaw niyang mahirapan ito.. Actually, nagsisisi nga siya kung bakit one million lang ang naisulat niya sa cheke eh. Pwede namang ten million....one hundred million or kahit magakano, makita niya lang kung paano ito ngumiti.

 

Sa tuwing nakikita niya kasi ito wala siyang ibang nakikita sa mukha nito kundi ang umiyak nang umiyak. Nag-aalala nga siya na baka ma dehydrate na ito sa kakaiyak eh.

 

"Maghahanap ako ng tabaho! Ang halaga na nakasulat sa cheque ay para talaga sana kay Mommy kaya lang wala na siya kaya hindi ko na kaiangan!" sagot naman kaagad ni Precious.

 

Kaagad namang nagsalubong ang kilay ni Lucian sa naging sagot nito. Lalo siyang humanga kay Precious sa kabila ng inis na unti-unting bumabalot sa kanyang puso. Inayawan nito ang one milliion na bigay niya tapos magtatrabaho daw?

 

"Salamat talaga sa lahat-lahat! Tatanawin kong isang malaking utang na loob ang tulong na ibingay niyo sa akin. Pasensya na po sa abala." muli nitong bigkas. HIndi na sumagot pa si Lucian habang nakatitig lang ang kanyang seryosong mga mata sa harapang bahagi ng sasakyan

 

Hindi naman mapigilan na makaramdam ng kaba si Amber. Feeling niya nagalit sa kanya si Lucian. Kaya lang, wala eh! Ngayung nailibing na ang Mommy niya, ito na din ang tamang oras para huwag niya na itong gambalain pa.

 

"Pwede po bang pakihinto na ng sasakyan? Bababa na ako.. May sakayan ng jeep sa may kanto pauwi sa bahay na tinitirhan namin ni Mommy!" muling sambit ni Amber. Napakurap ng makailang ulit si Lucian bago nito sinenyasan ang driver na sundin ang nais

ng dalaga. Mabilis namang tumalima ang nagmamaneho at ilang saglit lang, huminto ang tatlong magarang sasakyan sa isang kanto. Tinapunan muna ng tingin ni Amber si Lucian bago niya ibinaba sa upuan ang hawak niyang cheke at mabilis na lumabas ng sasakyan

 

Samantalang si Risa naman na nasa kabilang sasakyan ay mabilis na din na lumabas pagkatapos nitong makapagpasalamat.

 

SAmantalng naiwan naman si Lucian na hindi mapigilan ang mapatiim bagang. Dinampot niya ang cheke na iniwan ni Precious Amber kasabay ng makahulugang ngiti na gumuhit sa labi nito.

 

Bibigyan niya muna ng time na makapagluksa si Precious at tsaka niya ito babalikan. Buo na ang kanyang mga plano na magiging kanya ulit si Precious. Hindi siya makakapayag na hindi ito mahuhulog sa kanyang charm.

 

Pagdating ni Lucian sa mala-palasyo niyang tahanan, kaagad niyang kinausap ang kanyang kanyang kanang kamay na tauhan.

 

"Mag-assign ka ng mga tao na mapagkakatiwalaan na pwedeng mabantay kay Precious buong oras. Ireport sa akin ang mga ginagawa niya at siguraduhin ang kanyang kaligtasan sa lahat ng oras.:" seryosong utos ni Lucian dito.

 

 

 

Chapter 25

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

MALUNGKOT ang mamuhay na mag-isa pero kailangan kong sanayin ang sarili ko. Kailangan kong ipagpatuloy ang buhay at gumawa ng paraan para matupad ang pangarap ko na naging pangarap din Mommy para sa akin noong nabubuhay pa ito.

 

Isang linggo akong walang ibang ginawa kundi ang magmukmok sa aming munting bahay at pagkatapos noon, kailangan ko na ulit gumising ng maaga para maghanap ng trabaho. Ngayung wala na si Mommy, kailangan ko nang maghanap ng mas disente na trabaho.

 

Ayaw ko nang pumasok ng bar.

 

Nakakadala na din kasi ang pulit-ulit na pambabastos na natatangap ko mula sa mga pasaway na mga costumers.

 

"Amber, saan ka pupunta?" saktong pagkalabas ko ng bahay, dumating naman si Risa. May dala na naman siyang tupperware na alam kong pagkain na naman ang laman. Nahihiya na talaga ako sa kanya dahil wala na siyang ibang ginawa sa araw-araw kundi dalhan ako ng kung anu-anong mga pagkain. Siguro dahil alam niya na simula noong namatay si Mommy, hindi na ako nagluluto ng pagkain at bumibili na lang ako palagi sa labas.

 

"Magja-job hunting." nakangiti kong sagot sa kanya.

 

"Ha? Naku, bakit hindi mo sinabi kaagad at nang masamahan kita." kaagad niya din namang sagot sa akin. Hindi ko naman maiwasan na magtaka.

 

"Sasamahan mo ako? Bakit, wala ka bang pasok sa School?" nagatataka kong tanong sa kanya.

 

"Meron kaya lang nagdrop out na din ako eh." nakangiti niyang sagot sa akin.

 

"What? Nagdrop out ka? Sayang naman!" sagot ko din naman kaagad sa kanya.

 

Kung totoosin kayang kaya naman itong si Risa paaralin ng mga magulang niya. May pwesto silang tindahan ng mga karne sa palengke at kahit na dito sa squaters area sila nakatira, nakakaangat pa rin naman sila sa buhay. Pareho kasing masipag ang mga magulang niya eh.

 

"Malungkot pumasok mag-isa sa School kaya sasabay na lang ulit ako sa iyo sa pag eenrol mo next year. Tsaka, alam mo naman na tamad akong mag-aral at mas

lalo akong tinatamad ngayun dahil huminto ka na din!" sagot niya naman sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapailing.

 

"Kain ka na muna! Hintayin mo ako at saglit lang iyo. Maliligo lang ako tapos sasama ako sa iyo sa pag-aapply ng work. " nakangiti niyang muling bigkas sabay abot niya sa akin ng hawak niyang tupperware. No choice na ako kundi tangapin na iyun

 

Sino ba naman ako para umayaw sa grasya. HIndi pa nga ako kumakain ng agahan dahil balak kong dumaan sa karenderya ni Manang Marya para doon na sana kakain. Since may dalang pagkain para sa akin itong si Risa, ibig sabihin, makatipid ako ngayung araw ng pagkain ko sa agahan.

 

Mahalaga ang bawat peso sa bulsa ko lalo na sa sitwasyon ko ngayun na hindi pa ako nakakahanap ng trabaho.

 

Pagkaalis ni Risa, muli akong pumasok sa loob ng bahay para kumain na muna habang hinihintay siya. Halos isang oras lang naman ang itinagal at bumalik na din ito at kagaya ko nakapang formal attire na din siya.

 

"Alam mo, sakto itong pag-aapply natin. May nabasa ako sa diyaryo kanina. Hiring daw ang LMF Corporation Inc." seryoso niyang sagot sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiwi.

 

Nasa ikatlong taon pa lang kami sa kurso naming Business Management at hindi ko alam kung anong trabaho ang pwede naming applyan sa LMF Corporation. Isa iyung higanteng kumpanya dito sa bansa na nakaline-up sa Real Estate, Mining, banking at marami pang iba kaya tiyak akong mataas ang mga qualifications nila pagdating sa mga applicant at tagilid kami doon.

 

"Ano ka ba Risa! Doon talaga? Baka naman pagtawanan lang tayo doon! Anong trabaho naman ang pwede nating applayan sa kumpanya na iyan." sagot ko naman sa kanya at hindi ko pa nga mapigilan ang mapakamot ng sarili kong ulo kahit na hindi naman makati.

 

 

"Ano ka ba, Amber! Huwag mong sabihin nawawalan ka na ng confidence sa sarili mo? Kahit na anong trabaho pwede natin applayan. Pwede natin subukan." kaagad niya din namang sagot sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiwi.

 

Hindi ko akalain na ganito pala kalakas ng fighting spirit nitong si Risa. haysst, bahala na nga siya!

 

"Halika na! Balita ko ang dami daw nag-aapply ngayun kaya kailangan na nating pumunta para mauna tayo sa pila. Subukan lang natin. Malay mo naman diba...swertihin tayo! Kapag matangap tayo sa LMF, makakaipon tayo ng malaking pera para maipagpatuloy ang pag-aaral natin next year." excited nitong sagot kaya naman wala na akong magagawa pa kundi ang sumang-ayon na lang

 

Kailangan ko na lang siguro ihanda ang sarili ko sa isang rejection na maririnig namin ngayung araw dahil malabo pa talaga sa sikat ng araw na matatangap kami ng kumpanya na iyun

 

Naririnig ko na ang tungkol sa kumpanya na LMF at ang alam ko mataas ang standard nila pagdating sa pagha-hire ng mga empleyado.

 

 

 

Chpater 26

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ

 

KANINA pa ako hindi mapalagay habang nakapila kami ni Risa kasama ang iba pang mga applicant. Kasuotan pa lang at postura, feeling ko talaga ligwak na kami eh. Dagdagan pa ng kung makatingin sa amin ni Risa ang iba pang mga applicant akala mo mga shareholders ng kumpanya na tingin pa lang gusto nang sabihin sa amin na hindi kami qualified.

 

"Risa, huwag na lang kaya tayo tumuloy. Kinakabahan ako eh!" pabulong kong wika kay Risa na noon ay chill-chill lang na nakaupo at hinihintay na tawagin ang pangalan niya.

 

Kinulekta na kanina ang aming mga resume at hinihintay na lang namin na tawagin ang pangalan namin para pumasok sa loob for interview.

 

"Ano ka ba! Ngayun ka pa ba aatras na nandito na tayo? Relax ka lang diyan. For experience itong ginagawa natin at kung mahire man tayo or hindi ayos lang. At least sinubukan natin diba?" nakangiti nitong sagot sa akin. Wala na akong nagawa pa kundi ang dahan-dahan na tumango na lang.

 

Sabagay, tama siya! For experience na nga lang. Wala namang bayad sa pag-aaply ng trabaho at ayos na din at least minsan kong naranasan ang mag-apply sa isang malaking kumpanya na kagaya ng LMF Corporation.

 

"Menchie de Jesus!" muling nagtawag ng applicant ang babaeng kumuha ng resume sa amin kanina pagkatapos lumabas ng isa pang applicant na

kakatapos lang interviewhin. Pumasok ang isa pa at nasundan ng isa pa. Ganoon palagi nag senaryo at duda ako kung may nahahire na ba. Lahat kasi ng lumalabas galing sa loob ay malungkot ang kanilang mga mukha. Iyung iba naman ay mga nakasimangot na halatang masama ng loob.

 

"Miss Precious Amber Rodriguez?" sa wakas tinawag na din ang pangalan ko kaya bantulot na akong tumayo.

 

"Yes po Mam!" kinakabahan kong sagot. Kaagad na din naman akong tinanguan ng tagatawag ng pangalan at sinenyasan ako na sumunod daw sa kanya. Kahit na kinakabahan, kaagad na din naman akong tumalima.

 

Pumasok kami sa isang pintuan kung saan may isang babaeng medyo may edad na nakaupo. Siya siguro ang taga-interview dahil nabasa ko sa ibabaw ng kanyang mesa ang letra na " Human Resources."

 

"Ms. Precious Amber Rodriguez?"

seryosong tanong niya sa akin

 

"Yes Mam! I am! Precious Amber Rodriguez!" kinakabahan kong sagot.

 

"Have a seat!" sagot nito sa akin. Kimi naman akong naupo sa upuan na nasa harap ng kanyang table.

 

"Congratulations! We're delighted to offer you the position of Personal Secretary to the CEO ng LMF Corporation Inc. "diretsahan at walang paligoy ligoy niyang bigkas na labis kong ikinagulat.

 

"Huh?" wala sa sariling sagot ko. Hindi ko kasi talaga ito inaasahan. Wala pang interview na nagaganap pero tangap na ako? Hindi nga? Ganoon lang kabilis?

 

"You heard it right, Ms. Rodriguez! Matagal nang naghahanap ng secretary si Boss and I think fit sa iyo ang posisyon na iyun." nakangiti nitong sagot sa akin sabay lapag ng isang dokumento sa harapan ko. Dinampot ko iyun at binasa at muling nagulat nang mapansin ko na isa itong kontrata.

 

Bakit ang bilis? Ganito ba talaga sa mga malalaking kumpanya? On the spot ang pagha-hire at may contract kaagad?

 

"Your salary is one hundred twenty thousand plus insurances. Pwede mong ireview ang iyung contract bago pirmahan." nakangiti nitong muling wika. Pakiramdam ko biglang nanlaki ang ulo ko sa mga sinabi niya dahil sa gulat.

 

Hindi ko kasi talaga ito inaasahan. Ang akala ko bokya kami ngayung araw at sa dinami-dami ng mga applicant sa labas, ako pa talaga ang na hire na isang undergraduate.

 

Pero siyempre, sino ba namang tanga ang palalagpasin ang ganitong pagkakataon. Magiging personal Secretary ako ng CEO at ang laki ng sahod kaya hindi ko na tinapos pang basahin ang kontrata at kaagad ko na iyung pinirmahan.

 

Mag-iinarte pa ba ako? Siyempre, hindi na! Ito na iyun eh! Ito iyun tinatawag na swerte dahil sa wakas magkakaroon na ako ng trabaho. Tsaka hindi ito Dipitsuging kumapanya. Isa itong

malaking kumpanya kaya ayaw kong sayangin ang pagkakataon na ito.

 

"Great! Welcome to LMF Corporation Inc., Ms. Rodriguez!" nakangiting wika sa akin ni Ms. San Jose ng mapansin niya na kaagad kong pinirmahan ang kontrata. Isang masayang ngiti sa labi ang kaagad kong pinakawalan at tinangap ang pakikipagkamay niya sa akin.

 

"Bukas ka mag-uumpisa and don't worry, iti-train ka naman ng executive Secretary ni Mr. CEO and I'm sure kayang kaya mo ang trabaho." nakangiti nitong muling wika

 

"Thank you Mam. Asahan niyo po, magiging tapat po ako sa kumpanya at magtatrabaho po ako ng maayos." nakangiti kong sagot sa kanya.

 

Marami pang mga sinabi si Ms. San Jose tungkol sa magiging trabaho ko at pagkatapos noon, hinayaan niya na akong makaalis. Pagkalabas ko ng HR department, hindi ko maiwasan na magulat nang ibalita din sa akin ni Risa

na na hire din daw siya bilang isang office Staff. Noong una nagtaka pa nga ako dahil mas nauna pa yata siyang natapos ma interview kumpara sa akin pero noong sinabi niya ang pangalan ng taong nag interview sa kanya, iniisip ko na lang na baka hindi lang iisang tao ang taga interview. Baka marami sila since ang dami nga naman kasing applicant ng araw na ito,

 

 

Chapter 27

 

Precious Amber Rodriguez POV

 

Bago kami umuwi ni Risa, dumaan pa nga kami sa isang restaurant para kumain.

 

Advance celebration namin sa pagkakahire sa amin ng LMF Corporation Inc. Noong una ayaw ko pa nga sanang pumayag na sa mamahaling restaurant kami kakain pero noong sinabi niya sa

akin na may budget naman daw siya galing sa allowance niya, wala na akong magagawa pa kundi ang pagbigyan ito. Siya naman ang magbabayad eh! Babawi na lang siguro ako sa kanya kapag makasahod na kami

 

Pagkatapos naming kumain, umuwi din naman kaagad kami ni Risa. Nagulat pa nga ako nang pagdating ko ng bahay, ibinalita sa akin ng kapitbahay ko na si Aling Magda na may taong naghahanap daw sa akin. Nagtataka ako kung sino iyun pero noong ilarawan ni Manang Magda ang hitsura ng taong iyun, doon ko napagtanto na ang ex boyfriend kong si David ang naghahanap sa akin kanina.

 

Hindi ko tuloy mapigilan ang magtaka. Himala, naalala yata ako ng David na iyun sa kabila ng panluluko na ginawa nito sa akin.

 

Kung saan naman na naka-moved- on na ako sa kanya, tsaka naman siya nagpapakita sa akin.

 

Kagaya ng mga nagdaang gabi, sinamahan ulit ako ni Risa dito sa bahay na matulog. Nag-aalala daw kasi siya sa kalagayan ko na mag-isa lang dito sa bahay. Pabor naman sa akin ang pagsama niya sa akin dito sa bahay kapag gabi dahil mas lalo lang akong malulungkot kung mag-isa lang ako.

 

Kinaumagahan, maaga pa lang gumayak na kami ni Risa para sa unang araw ng pagpasok namin sa aming trabaho. Suot ng isang formal attire, excited kami pumasok sa LMF Corporation at kaagad din naman kaming inaassist ng isang staff.

 

Briefing at ipinaliwanag sa amin ang kung ano ang magiging trabaho namin. May mga iba pa pala silang mga na-hire pero hiwa-hiwalay kami ng Department. Si Risa ay sa Finance Department at ako naman ay sa office daw ng CEO.

 

Pagkatapos ng halos dalawang oras, isa-isa na kaming sinamahan sa kung saang department kami maa-assign. Sa aming lahat, ako lang yata ang nakakuha ng mataas na posisyon. Direkta kasi ako sa Office ng CEO at ako din ang pinakahuli na inihatid doon.

 

Pagdating sa top floor, ang nakangiting mukha ng Isa pang Secretary ang sumalubong sa akin. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan pang maghire ng isa pang Secretary gayung ang alam ko maliban sa akin may dalawa ng Secretary ang CEO.

 

Gayunpaman, ipinagkibit balikat ko na lang iyun. Baka naman kasi marami talagang trabaho kaya kailangan pa nilang mag hire ng isa pang empleyado na direkta sa CEO.

 

"Hi! My name is Mayette Laurente!" pakilala pa nito sa akin sabay lahad ng kamay. Nag shake hands kami at kaagad na din naman akong nagpakilala sa kanya.

 

"Precious Amber Rodriguez po!" sagot ko naman

 

"Nice to meet you Ms. Amber. Hinihintay ka na pala ni Boss sa loob ng office niya. Pumasok ka na lang sa loob at magreport sa kanya." nakangiti nitong sagot. Isang tipid na pagtango ang naging tugon ko at kaagad na ding sinonod ang sinabi niya.

 

Kakaba-kaba akong naglakad patungo sa isang nakasarang pintuan. Actually, salamin ang dingding ng opisina ng CEO pero hindi kita ang loob dahil tented ito. Siguro, sinadya ito ng CEO para makita niya kung nagtatrabaho ba talaga ang mga staff niya dito sa labas. Hindi siya kita sa loob, pero sure ako na nakikita niya ang mga staff niya dito sa labas.

 

Pagdating sa pintuan, kumatok ako ng tatlong beses bago ko dahan-dahan na binuksan iyun. Kinakabahan akong pumasok sa loob ng opisina pagkatapos ay dahan-dahan na isinara ang pintuan.

 

Wala sa sariling inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kaba nang dumako ang tingin ko sa isang lalaki na nakaupo sa swivel chair at nakatalikod sa gawi ko

 

"Good Morning Sir. My name is Precious Amber Rodriguez. Your new Personal Secretary." kinakabahan kong bigkas lalo na at bigla kong naisip kung ano nga pala ang pangalan ng CEO ng kumpanya na ito. Sa sobrang excited ko, nakalimutan kong itanong sa HR at kay Ms. Mayette kanina sa labas

 

"Nice to meet you again, Precious...."

 

sagot naman sa akin ng isang baritono na boses. Nagtaka pa nga ako nang bigla kong naisip na para bang napaka-familiar ng boses niya.

 

Nasagot lang ang katanungan ng isipin ko nang mula sa pagkakaupo sa swivel chair tumayo ito at umikot paharap sa akin.

 

"Mr. Lucian Montefalco Ferrero?" hindi ko mapigilang bulalas dahil sa matinding pagkagulat.

 

"Nagkita ulit tayo, Precious! How are you?

 

" nakangiti nitong sagot sa akin na siyang dahilan kaya lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko talaga akalain na sa dinami-dami ng pwedeng maging Boss bakit siya pa?

 

 

Chapter 28

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Mr. LUCIAN Montefalco Ferrero, anong... paanong--" sa sobrang gulat ko hindi ko tuloy malaman kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko akalain na sa dinami-dami ng pwede kong makaharap ngayung araw, siya pa talaga.

 

Ang taong akala ko hindi na muling magku-krus ang aming landas.

 

"Masyado ba kitang nagulat? Kumusta ka, Precious?" nakangiti nitong wika sabay hakbang palapit sa akin. Kinakabahan na napaatras naman ako para sana iwasan siya.

 

Ewan ko ba...hindi ko talaga alam kung bakit siya? I mean, sa dinami-dami ng pwedeng maging Boss, si Lucian Montefalco Ferrero pa talaga?

 

Lucian? Lucian Montefalco Ferrero? LMF Corporation Inc?" Shit, bakit ngayun ko lang naisip ito?

 

Kaya ba kay bilis kong natangap dahil siya ang may ari ng kumpanya na ito? Pero bakit ako? I mean, maraming mas deserving diyan na pwede niyang ihire bilang personal secretary niya bakit ako pa na walang experience sa ganitong trabaho tapos undergraduate pa. Hyasst, bakit feeling ko ang tanga ko?

 

"Pwede bang mag back out? I mean, wala po akong experience sa pagiging secretary at baka hindi ko magampanan ng maayos ang trabaho ko." kinakabahan kong bigkas. God, nakakapanghinayan ang laki ng offer na sahod pero kung siya din lang ang maging Boss ko, hindi ko yata kaya.

 

Hindi nga kasi maganda ang reputasyon ko sa kanya kasi nga sa mga nangyari sa una naming pagkikita. Hindi ko yata kayang makasama siya araw-araw.

 

"What do you mean? Aayaw ka na kaagad gayung hindi ka pa nga nag-uumpisa? Hmmm, Precious?" nakangiti nitong tanong sa akin.

 

Tumigil na din naman siya sa tangkang paglapit sa akin at naupo sa kanyang swivel chair. May inilabas siyang mga papeles at sininyasan akong lumapit sa kanya.

 

Nag-aalangan man, wala akong choice kundi ang sundin siya. Nang sininyasan niya ako na maupo, kaagad na din naman akong tumalima

 

"Kakapirma mo lang kahapon ng contract. Actulally, five years contract ang pinirmahan mo at kung sakaling aatras ka, kailangan mo akong bayaran or else, idedemanda kita ng breach of contract case." seryoso niyang sagot sa akin

 

Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ko kasi talaga ito inaasahan.

 

"Ha? Anong---Paanong? Hindi! Wala akong perang pambayad tsaka bakit ako magbabayad eh wala naman akong utang sa iyo." sagot ko kaagad.

 

Ano ba ang sinsabi ng taong ito. Kung aayaw akong magtrabaho sa kanya pwede naman sana siyang maghire ng iba. Sa dami ng mga applicant nila kahapon, imposible naman na wala silang makita na magiging kapalit ko agad-agad.

 

"This is not utang my Precious. Itong hawak kong mga papeles ay mahalaga at pirmado mo ito. Sa kumpanya ko, hindi ka pwedeng magterminate ng contract lalo na at nakapirma ka." nakangiti nitong sagot.

 

Pakiramdam ko biglang nanginig ang tuhod ko sa matinding pag-aalala. Kung kahapon sobang excited ako na pirmahan ang contract, iba naman ngayun. Hindi ako pwedeng umayaw dahil magbabayad ako? Saan naman ako kukuha ng perang pambayad sa kanya?

 

"Ma-magkano ba ang dapat kung bayaran?" kinakabahan kong tanong. Muli itong napangisi.

 

"Your monthly salary multiply in five years." nakangisi nitong sagot.

 

Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Wala sa sariilng napakamot ako ng aking ulo dahil sa matinding pagkadismaya.

 

Saan ako kukuha ng ganon kalaking halagang pera? Haysst, problema na naman! No choice nga siguro ako kundi ang mag stay sa kumpanya niya.

 

Eh ano naman kung hindi maganda ang una naming encounter? Ano naman kung siya ang lalaking nakakuha ng Virginity ko. Iba naman noon at iba ngayun. Secretary niya ako at tungkol sa trabaho dito sa opisina ang gagawin ko.

 

Kaya lang five years contract pala itong pinirmahan kong kontrata? Ang tagal pang matapos. Haysst, siguro kailangan ko na lang i-enjoy ang pagtatrabaho sa kanya. Mabilis lang naman ang araw at matatapos din kaagad ang limang taon na kontrata ko at sure ako na after five years marami na akong ipon noon.

 

"Wa-wala akong pera na pambayad kaya magtatrabaho na lang po ako sa inyo!" mahinang sagot ko. Napansin ko pa nga ang kislap ng tuwa sa mga mata niya habang nakatitig sa akin.

 

"Great! Mabilis ka lang naman palang kausap eh. Don't worry, hindi naman masyadong mahirap ang gagawin mong trabaho sa akin." nakangiti nitong sagot.

 

"A-ano po ba ang gagawin ko? I mean anong task ang gagawin ko?" sagot ko naman.

 

"Simple lang, since wala ka pa namang table dito sa loob ng opisina ko, maupo ka muna doon at hintayin mong matapos ako sa aking ginagawa. After nito, may pupuntahan tayo." sagot niya naman. Hindi ko naman mapigilan ang magtaka at napatingin sa isang mahabang sofa na itinuro niya.

 

Tsaka, ano ang sabi niya, dito mismo sa loob ng opisina niya ako pi-pwesto? May ganoon ba? Hindi ba pwedeng sa labas gayung doon din naman nakapwesto ang secretary niya at iba niya pang mga empleyado?

 

 

Chapter 29

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

KANINA pa ako pasulyap-sulyap kay Mr. Lucian Montefalco Ferrero na abala sa santambak na mga mgapapeles na nasa harapan niya samantalang ako naman ay kanina pa nakatunganga na nakaupo pa rin dito sa malambot na sofa at walang ginagawa.

 

Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na akong napahikab. Nakakaantok pala ang ganito at para bang gusto kong matulog na muna dahil wala naman akong ginagawa.

 

Nahihiya naman akong isturbuhin ang bago kong Boss dahil halata talaga na sobrang busy niya. Nag-aalangan na din akong magtanong sa kanya ng mga bagay -bagay at baka magalit siya sa akin.

 

Parang kay sarap tuloy mahiga dito sa sofa at matulog na muna. Fully aircondition ang buong paligid at sakto lang ang temperature kaya talagang hinihila ako ng matinding pagkaantok.

 

Nasaan na ba ang table na sinasabi niya para mabigyan niya na ako ng trabaho? Haystt, kay hirap ng ganito. Sobrang nabobored na ako.

 

Nasa ganoon akong kalagayan ng narinig kong may kumatok sa pintuan ng opisina. Napansin kong napasulyap pa nga sa akin si Sir Lucian bago ito nagsalita at pinapasok ang kung sino man ang nasa labas.

 

Pagkabukas ng pintuan, wala sa sarilng napaayos ako ng upo ng bumungad sa paningin ko ang ex boyfriend kong si David. Kasama nito ang step sister kong si Aurora na napansin kong nagulat din ng makita niya ako. Acually, hindi lang naman siya ang nagulat kundi pati na din ang taksil kong ex boyfriend na si David.

 

Tsaka ano kaya ang ginagawa nila dito sa opisina ng bago kong amo?

 

"What do you want"" walang ganang tanong ni Sir Lucian nang tuluyan nang nakapasok si David sa loob ng opisina.

 

Sa expression ng mukha nito, halatang kakilala niya naman si David.

 

"Uncle..." narinig kong sambit ni David na labis kong ikinagulat.

 

Uncle? Tiyuhin...teka lang. Hindi lang ba nagkataon na pareho ang last name ni David kay Mr. Lucian Montefalco Ferrero? Tama, isang Ferrero din si David at posibleng magkadugo silang dalawa ni Sir Lucian?

 

Uncle nga diba? Uncle ang tawag ni David kay Sir Lucian at ngayun pa lang parang gusto ko nang kilabutan. Walang hiya, huwag nilang sabihin na magkadugo itong si David si Mr. Lucian Montefalco Ferrero? Haysst ang gulo.

 

"Uncle, ano ang ginagawa ng ex girlfriend ko dito? I mean ni Amber?" narinig kong tanong ni David. Napansin kong muling napasulyap si Sir Lucian sa akin bago muling hinarap si David.

 

"Ex-girlfriend mo st Precious? Well, I think wala ka sa posisyon para tanungin ako sa mga ganiyang bagay." seryosong sagot naman ni Sir Lucian. Napansin ko naman ang makahalugang pagtitig ni David sa akin na para bang may gusto siyang sabihin sa akin.

 

Gayunpaman, pinilit ko siyang ignorahin. Kung tiyuhin niya man si Sir Lucian, eh ano naman ngayun? Siguro, wala na akong pakialam doon!

 

"What do you want? Kung pumunta ka dito para tanungin kung ano ang ginagawa ni Precious dito sa loob ng opisina ko, wala akong time na magpaliwanag sa iyo. Kung may kailangan ka, sabihin mo na dahil marami pa akong dapat na tapusin." seryosong sagot naman ni Sir Lucian.

 

PIgil ko naman ang sarili ko na mapangiti. Tingnan mo nga naman....kung paangasan ang pag-uusapan, mukhang mas maangas si Sir Lucian kumpara sa walang kwentang si David.

 

Muli akong napatingin kay Aurora at nang napansin kong titig na titing pa rin ito sa akin kaaagad ko siyang inirapan.

 

Nagsalubong ang kilay nito sa ginawa kong iyun at akmang maglalakad sana palapit sa akin nang muling nagsalita si Sir Lucian

 

"Where are you going lady? Hindi ko pinahihintulutan ang kahit na sino na pumasok dito sa loob ng opisina ko without appointment kaya lumabas ka na! "istrikto nitong bigkas.

 

Napansin ko ang pagkapahiya na kaagad na gumuhit sa mga mata ni Aurora at napakapit pa nga sa braso ni David na para bang nanghihingi ng simpatiya dahil sa sinabi ni Sir Lucian

 

"Uncle naman...bakit ba ang init ng ulo mo? Pamangkin mo ako at huwag niyo naman po sanang bastosin ang girlfriend ko." depensa naman ni David.

 

"Girlfriend? Girlfriend? Wow, ang lakas ng loob mo na iharap sa akin ang girlfriend mo gayung lahat ng nakikita mo sa katawan mo ay galing sa akin!" galit na wika ni Lucian. Sa sobrang lakas ng boses nito umalingangaw iyun sa buong paligid.

 

"Uncle! Oh come on...pwede bang tsaka na natin pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan? alam niyo naman po na noon pa man, gustong gusto ko nang magtrabaho kaya lang gusto niyo akong ilagay sa pinakamababang posisyon gayung pwede naman na direcho na ako sa mataas na posisyon sa kumpanya dahil pamangkin mo ako!" sagot naman kaagad ni David.

 

"Mataas na posisyon? Ano ang akala mo sa kumpanya ko, isang kindergarden School na pwede kang maglaro kung gusto mo? No! Kung gusto mong magtrabaho sa kumpanya ko, mag-umpisa ka sa mababang posisyon and that is final!'" seryosong wika ni Sir Lucian sabay turo sa pintuan ng opisina indikasyo na pinanapabalas na nito si David at Aurora.

 

 

Chapter 30

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Kung ang sadya mo dito sa opisina ay isturbuhin ako, mabuti pang umalis ka na. "muling bigkas ni Lucian. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni David sabay upo sa upuan na nasa harapan ng table ni Sir Lucian. Kapanasin pansin naman kay Aurora ang hindi mapalagay.

 

"Uncle, may isang dahilan pa ako kaya ako nandito. Kilala niyo naman po siguro si Mr. Gustavo Rodriguez diba? Sila ang may ari ng Rodriguez Furniture Holdings and itong present girlfriend ko na si Aurora ang nag-iisa nilang tagapagmana.

 

"halata ang pagiging proudesa boses ni David habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi ko naman mapigilan ang mapataas ng kilay.

 

Ang negosyo ng ama kong si Gostavo ay naka base sa pagawa ng mga furniture. May sariling store at warehouse at nag-eexport din sila ng mga produkto abroad.

 

Kaya ang sarap ng buhay ni Aurora pati na din ang Ina nito dahil sila ang nagpakasasa sa negosyo na minsan ding pinaghirapan ng aking Ina. Sila ang nakinabang ng lahat-lahat at kaming tunay na pamilya ay basta na lang pinalayas ni Gustovo at nakisama sa kerida nito na Ina ni Aurora.

 

Mabuti pa itong si Aurora, hindi tunay na anak pero siya pala ang magmamana sa negosyo ng biological father ko? Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Napaka-unfair ng tadhana. Napaka-unfair ni Gostavo.

 

"So, ano naman ngayun kung anak siya ni Mr. Rodriguez or let's say adopted daughter ni Mr. Rodriguez?" seryosong tanong ni Sir Lucian habang huling huli ko ang muling pagsulyap niya sa akin.

 

Halata din sa boses nito ang kawalang interes sa topic nila at pinagbibigyan niya Inag marahil si David dahil pamangkin niya ito.

 

"Ganito kasi iyun, Uncle! Narinig kasi ni Tito Gustavo na nag-uumpisa na din kayong pasukin ang negosyo ng furniture at ngayun pa lang, nag-aalala na sila na baka ito pa ang ikabagsak ng negosyo nila. "seryosong sagot ni David.

 

Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti. Babagsak ang negosyo ni Gustovo? Well, mabuti nga sa kanila! Iyan na iyung karma na hinihintay ko.

 

"So, Ano naman ang kinalaman ko diyan? Bago ko pinasok ang furniture business, alam ng halos lahat na nasa business world na nalulugi na ang Rodriguez Furniture Holdings." sagot naman ni Sir Lucian.

 

"Iyun nga Uncle! Kaya nga nandito kami ni Aurora dahil gusto sana namin makiusap sa iyo. Pwede bang makipag tie-up ang kumpanya nila Aurora sa bago mong negosyo? I mean, pamangkin mo ako ang since si Aurora ang tagapagmana ng Rodriguez Furniture Holdings, magkakaroon na din ako ng karapatan sa kumapanya nila kapag maikasal kami." nakangiting sagot ni David.

 

Isang malakas na pagtawa naman ang naging sagot ni Lucian sa sinabing iyun ni David. Mula sa pagkakaupo sa swivel chair naglakad ito patungo sa akin.

 

"NO! Hindi pwede dahil sa mga ganitong klaseng negosyo, never akong nakikipag sosyo kahit na kanino." seryoso niyang sagot. Ilang dipa ang layo mula sa akin huminto ito sa paghakbang at muling hinarap sila David na kitang kita ko ang pagkagulat sa kanyang hitsura. HIndi marahil nila inaasahan ang magiging sagot ni Sir Lucian.

 

"Ang besides, isang malaking insulto sa kumpanya ko kung makikipag sosyo ako sa isang maliit na kumpanya ng Rodriguez Furniture. Hindi sila mag-aakyat ng malaking pera sa akin dahil noon pa man, kakapirangot lang ang kita nila. Baka dagdag trabaho at sakit ng ulo pa iyan sa panig ko." muling bigkas ni Sir Lucian.

 

"But Uncle! Bakit naman ganiyan? Girlfriend ko si Aurora na anak ng may ari ng Rodriguez Furniture at malaking bagay din kung tulungan natin sila. Malay mo naman kapag makipag deal ka sa kanila, tataas na ang income nila at magandang bagay iyun para sa akin lalo na at nagbabalak na kaming magpakasal. " sagot naman ni David

 

"Nonsense! Ang sagot ko ay manantiling hindi kaya lumabas na kayo! Ang dami niyong nang sinayang na oras sa akin. Wala akong pakialam kung maging bahagi ka man ng pamilya Rodriguez! And David, ayaw ko nang pag-usapan pa ang tungkol dito. Alam mo ang ugali ko, hindi mo ako mapipilit sa isang bagay na alam mong ayaw ko!" seryoso nitong bigkas.

 

Napansin ko ang kaba sa mga mata ni David bago dahan-dahan na tumango.

 

"Naiinitindihan ko Uncle! Pero sana, ireview niyo din po ang proposals ko sa inyo! Kinabukasan namin ni Aurora ang nakasalalay dito tsaka hindi po ba't gusto niyo din magtagumpay ako sa larangan ng negosyo? Ito na iyun Uncle at sana suportahan niyo ako." sagot nito sabay tayo at dahan-dahan na naglakad patungo sa may pintuan ng opsina habang nakasunod si Aurora. Bago sila lumabas, napansin kong tumitig muna sa akin si David.

 

"Ano pa ang tinitingin-tingin mo diyan David? Out..." seryosong wika ni Sir Lucian

 

"Uncle, curious lang ako, ano ang ginagawa ni Amber dito sa loob ng opisina mo? Bakit siya nandito?" tanong nito

 

"Huwag mo nang pakialaman ang mga bagay-bagay na hindi mo na linya. Isipin mo ang magiging kinabukasan mo at huwag mo akong galitin dahil alam mo na ang mangyayari sa iyo kapag sumuway ka sa nais ko!" puno ng pagbabanta sa boses ni Sir Lucian habang sinasabi ang katagang iyun.

 

Laglag ang balikat na tuluyang lumabas ng opisina si David at Aurora at nang tuluyan na silang nakalabas, dali-dali namang naglakad palapit ng pintuan si Sir Lucian at ganoon na lang ang matinding pagtataka ko ng inilock niya iyun..

 

 

 

 

 

©️Sagittarius🌺🌺

 

 

Chapter 31

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Ahmmm Sir, ano na po ang gagawin ko ngayun? I mean, wala pa po ba kayong trabaho na ibibigay sa akin?" kinakabahan kong tanong.

 

Bakit ba kasi kailangan niya pang maglock ng pintuan gayung nakaalis naman na sila ni David. Imposibleng babalik pa ang mga iyun dahil pinalayas niya na nga diba?

 

Nakasimangot na naman siya pero kailangan ko na talagang magtanong sa kanya. Baka kasi nakalimutan niya na kaya ako nandito sa loob ng opisina niya para magtrabaho. Hindi para maupo at tumunganga lang habang tulala na nakatitig sa kawalan

 

Concern lang din naman ako! Sayang naman ang ipinapasahod niya sa akin kung wala akong gagawin. Hindi naman matawag na trabaho ang maupo lang dito sa opisina niya na walang ginagawa!

 

"On the way pa lang. Feeling bored? Kung ganoon, bumaba ka muna! May mga coffee shop sa ibaba at ibili mo ako ng kape. Cafe Americano at bumili ka na din ng sa iyo." seryoso niyang bigkas at naglakad palapit sa akin sabay abot ng isang card.

 

Kaagad naman akong tumayo at tinangap iyun. Mabuti at inutusan niya na ako. Kahit ang pagbili ng kape ay malaking bagay na sa akin iyun. Masasabi kong kasama iyun sa trabaho ko lalo na at ako ang pesonal secretary niya.

 

"Sir ito po ba ang gagamitin ko sa pagbili ng kape? Ano po ang password nito? Hindi po ba pwedeng cash na lang?" sunod-sunod kong tanong sa kanya! Napansin ko ang pagtaas ng kabilang gilid ng labi niya at muling naupo sa kanyang swivel chair.

 

"Birthday mo! Birthday mo ang password ng card at malaya kang gamitin ang card na iyan kahit saan mo gusto." seryoso niyang sagot.

 

 

Nagtataka tuloy akong napatitig sa hawak kong card at lalong nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang mapansin ko ang pangalan ko sa nasabing card.

 

Account ko pa ito? Imposible naman! Kahapon lang ako na-hire tapos may debit card na kaagad siyang ibinigay sa akin ngayun? Ano ito, dito ba idadaan ang sweldo ko?

 

"Sir, ano po ang ibig sabihin nito?" nagtataka kong tanong. Gusto kong makarinig ng paliwanag sa kanya at kung bakit sa akin nakapangalan itong card.

 

"Precious, sa lahat ng ayaw ko, iyung maraming tanong. Now, sundin mo ang utos ko. Bumili ka na ng kape ngayun din! " seryoso niyang bigkas. Wala na akong nagawa pa kundi ang sundin siya.

 

Bahala na nga siya! Kung ano ang gusto niya eh di doon siya! Kay hirap niyang pakisamahan!

 

"Ahmm, okay po. Liban sa kape, may iba pa po ba kayong gusto?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

 

"Samahan mo na din ng mga sweets. And bumili ka na din ng para sa iyo." seryoso niyang sagot at muling itinoon ang buo niyang attention sa mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa.

 

Kaagad na din akong lumabas. Pagkalabas ko, napansin ko pa nga halos lahat ng empleyado na nakapwesto dito sa labas ng opisina ni Sir Lucian ay busy sa harap ng ng computer. Bale, limang mga empleyado sila at ang alam ko ay halos buong building na ito ay okupado ng LMF Corporation.

 

Gayunpaman, nagpaalam pa rin ako kay Ms. Mayette! Siya kasi ang executive secretary ni Sir Lucian at dapat lang na makipag-kaibigan din ako sa kanya.

 

Mamayang uwian, aalamin ko din kung saang department naasign si Risa.

 

Direcho ako sa elevator at pinindot ang ground floor. Mabuti na lang talaga at inutusan ako ni Sir Lucian na bumili ng kape dahil kanina pa ako antok na antok.

 

Bakit ba kasi sobrang tagal maideliver ng table na gagamitin ko.

 

Pagdating ng ground floor, may nakita kaagad akong isang coffee shop. Dali-dali akong naglakad patungo doon at pumasok sa loob.

 

Medyo maraming costumers kaya pumila kaagad ako habang patuloy ang pag-ikot ang paningin ko sa buong paligid.

 

Iyun nga lang, hindi ko mapigilan ang magulat nang mapansin ko sila Aurora sa isa sa mga table. May kape at sweets sa harapan nila at abala ang dalawa sa paglalampungan.

 

liwas ko na sana ang paningin ko sa kanila kaya lang, napansin kong nakita naman ako ni David. Napansin kong parang may ibinulong pa si David kay Aurora tsaka tumayo at naglakad palapit sa akin.

 

"Hey, Amber! Kumusta? Ano bga pala ang ginagawa mo sa office ni Kuya? Don't tell me na isa ka na sa mga babaeng kinahuhumalingan niya? Pampalipas oras kapag pagod na siya sa trabaho?"

natatawa nitong wika at halatang sinadya niya pa talagang lakasan ang boses niya para siguro ipahiya ako sa iba pang mga costumers.

 

"Watch your language, David. Isa pang maling salita at makakarating ito kay Sir Lucian." seryoso kong sagot sa kanya. Isang malakas na tawa ang namuntawi sa bibig nito bago ako sinipat ng tingin mula ulo hanggang paa.

 

"What? Wow, hindi ko alam kung saan ka kumuha ng lakas ng loob para pagbantaan mo ako ng ganiyan, Amber. Isa lamang kitang hamak na ex girlfriend at nang hiniwalayan kita, sa Uncle ko naman ikaw dumikit-dikit? Ang kapal din naman ng mukha mo!" seryoso niyang bigkas. Bulungan ang mga naririnig ko sa buong paligid kaya hindi ko mapigilan ang makaramdam na din ng matinding inis.

 

"Hindi ako dumikit sa Uncle mo at wala akong balak na pumatol sa kanya. Masama na ba ngayun ang maging empleyado ng LMF? Palibhasa kasi ang kitid ng utak mo kaya ka ganiyan!" galit kong sagot sa kanya.

 

"Ikaw? Empleyado na ng LMF? Nagpapatawa ka ba? I know Uncle Lucian, mahilig siya sa mga babaeng magaganda at virgin kaya ka siguro niya kinuha? Magkano? Magkano ang ibinayad niya sa iyo at tatapatan ko para sa akin ka na lang pumatol?" seryoso niyang tanong sa akin.

 

Lalo namang nagpuyos sa galit ang kalooban ko dahil sa sinabi niya

 

"Sa mahigit dalawang taon tayong magkarelasyon, ni halik ayaw mo tapos malalaman ko na lang na kasama mo si Uncle ngayun? I think, kulang ka lang sa pera eh. Palibhasa kasi, dukha ka kaya siguro ginamit mo ang charm mo para mapalapit kay Uncle Lucian!" seryoso niyang wika na sinabayan niya pa ng nakaka-insulto na pagngisi.

 

 

Chapter 32

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

KAAGAD na naningkit ang mga mata ko sa galit dahil sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha para sabihin niya ang katagang iyun gayung sa aming dalawa, siya itong nagluko.

 

"Talaga? At saan ka naman kukuha ng pera kung sakali na pambayad sa akin? Sa Uncle Lucian mo? Ang lakas ng loob mong magmalaki sa akin gayung kahit na sarili mo hindi mo kayang buhayin." galit ko ding sagot sa kanya.

 

Yes, dinig na dinig ng dalawa kong tainga ang pag-uusap nila kanina at kanina ko lang din nalaman na wala naman palang binatbat ang David na ito. Nakaasa naman pala sa Uncle niya pero ang lakas ng loob na magmalaki sa akin.

 

Kaagad ko namang naramdaman ang paglapit ni Aurora! Galit siya at ganoon na lang ang gulat ko nang bigla niya na akong hawakan sa buhok at sabunutan. Naramdaman ko pa nga na para bang kinalmot niya din ako sa aking pisngi dahil bigla din akong nakaramdam ng hapdi sa bahaging iyun.

 

Hindi ko napaghandaan iyun kaya hindi ko mapigilan ang mapaigik sa sakit.

 

"Walang hiya kang babae ka! Ang kapal ng mukha mo para pagsalitaan ng hindi maganda ang fiance ko!" galit niyang wika! Kaagad ko din namang hinawakan ang kamay niya at pilit na tinatangal sa buhok ko. Wala akong balak na magpakalbo at mabuti na lang talaga mahaba ang kuko ko kaya ibinaon ko iyun sa balat ni Aurora. Nabitiwan niya naman ako kaya mabilis akong dumistansya sa kanya.

 

"Walang hiya ka talaga!" galit niyang sigaw sa akin. Pagak naman akong natawa.

 

Talaga yatang gusto ubusin ng babaeng ito ang pasensya ko. Galit ko siyang tinitigan sa mga mata at mabilis akong naglakad palapit at binigyan siya ng malakas na sampal. Makaganti man lang ng kahit na kaunti sa ginawan iyang panananabunot sa akin.

 

"Ako na ngayun ang lumalabas ng walang hiya gayung kung totoosin, anak ka lang ng kabit ng tatay ko?" galit kong sigaw. Natigilan ito. Kitang kita ko ang pagkapahiya sa mukha niya lalo na at nag -umpisa na namang magbulungan ang mga tao sa paligid namin.

 

"Ang nanay mo at ikaw ang dahilan kaya nagkahiwalay ang mg magulang ko tapos inulit mo na naman sa akin ngayun. Bumukaka ka sa harap ni David and congratulations, nagtagumpay ka din! Pero ayos lang...wala na din naman akong pakialam sa lalaking iyan. Sa iyong sa iyo na siya dahil bagay naman kayo. Isang malandi at isang fuckboy!" galit kong bigkas.

 

"Amber! Sumusobra ka na talaga! Makikita mo, makakarating ito kay Uncle! Kung empelyado ka man sa kumpanya niya, sisiguraduhin ko na ito na ang huling araw mo!" galit namang sabat ni David. Kaagad ko naman siyang tinaasan ng kilay.

 

Sino ang tatakutin niya? Ako? Eh, kanina nga lang gusto ko na ngang mag quit kaagad sa trabaho eh!

 

"Eh di gawin mo! Bumalik ka doon sa opisina at kausapin mo siya! Sabihin no na sesantihin ako para makita ko din kung gaano ka kalakas sa Uncle mo!" galit kong sagot sa kanya at walang lingon-lingon na naglakad palabas ng coffee shop.

 

Babalik na lang ako ng opisina na walang nabili na kahit ano! Bahala na kung magalit si Mr. Lucian Ferrero. Kung sakaling pakingan niya ang baliw niyang pamangkin na si David bahala siya! Basta ako, wala din naman akong pakialam kung hindi na ako makakabalik dito sa ospisina bukas. Mas maganda nga iyun. Kung wala akong mahanap na ibang trabaho, pwede naman akong bumalik sa bar. Pwede pa rin naman akong magtrabaho doon

 

Ngayun pa ba nila ako tatakutin gayung ako na lang mag-isa? Sarili ko lang ang binubuhay ko ngayun kaya pwede talaga ako kahit saan!

 

Napansin ko pa nga ang pagkagulat sa mga mata ng executive secretary na si Ms. Mayette Laurente nang mapansin niya na parating ako. Bago ako umalis kanina, nagpaalam pa ako dito na bibili lang ng kape.

 

"Ms. Rodriguez, ano na nangyari sa iyo? Ano iyang nasa pisngi mo? Bakit may galos ka?" nagtataka niyang tanong sa akin. Wala sa sariling napahawak ako sa aking pisngi at hindi ko mapigilan ang mapangiwi nang maramdamam ko na mahapdi iyun.

 

Nakalmot nga pala ako ng mahabng kuko ni Aurora kanina. Lintik na babaeng iyun. Makikita niya talaga...sa susunod na encounter namin lalabanan ko na talaga siya ng patayan.

 

"Ayos lang ako Ms. Mayette. Si Sir Lucian, nasa loob pa ba ng opisina?" mahinang tanong ko. Kaagad namang siyang tumango

 

"OO naman! Hindi pa naman siya lumalabas simula kaninang umaga!" sagot niya sa akin sabay kuha ng tissue paper at iniabot sa akin.

 

"Pagkatapos mong magreport kay Sir Lucian, bumalik ka dito. May first aide kit naman tayo dito sa loob ng opisina at ako na ang gagamot sa sugat mo sa pisngi." nakangiti nyang sagot sa akin.

 

Isang alanganing pagtango ang naging sagot ko sa kanya at naglakad na patungo sa pintuan ng opisina ni Sir Lucian.

 

Kumatok lang ako ng tatlong beses tsaka ko dahan-dahan na binuksan iyun at pumasok sa loob

 

Nang maramdaman marahil ni Sir Lucian ang presensya ko, kaagad din naman siyang nag-angat ng tingin at direkatang tumitig sa akin. Napansin kong kaagad na napakunot ang noo niya habang nakatitig sa aking mukha.

 

"Ano ang nangyari sa iyo? Saang giyera ka galing at bakit ganiyang ang hitsura mo?" malakas na may halong galit sa boses na tanong niya.

 

Ewan ko kung ano ang ikinagagalit niya. Siguro, napansin niyang wala akong bitbit na kape kaya biglang uminit na naman ang kanyang ulo.

 

 

Chapter 33

 

PRECIOUS Amber Rodriguez POV

 

"SORRY, hi-hindi ako nakabili ng kape dahil---dahil napa-trouble ako sa ibaba! " mahinang sagot ko sa kanya!

 

Wala naman akong balak na itago sa kanya ang mga nangyari kanina lalo na at alam kong magsusumbong din naman ang David na iyun sa kanya eh.

 

Napansin kong mabilis naman siyang napatayo sa kanyang swivel chair!

 

Mahaba ang hakbang na naglakad palapit sa akin habang salubong ang kanyang kilay.

 

"Sino ang nanakit sa iyo? Bakit may sugat ka sa pisngi?" sa sobrang lakas ng boses niya hindi ko mapigilan ang mapapitlag Kitang kita ko ang galit sa mukha niya sa hindi ko malamang dahilan.

 

"A-ano kasi eh! Nagkita kami nila David, Aurora sa baba at nagkasagutan kami.

 

Nagkaroon ng kaunting phsicalan at hindi ko namalayan na nakalmot yata ni Aurora ang pisngi ko." kinakabahan kong sagot sa kanya! Wala sa sariling napahawak din ako sa aking buhok at ngayun ko lang din napansin na pati pala buhok ko, gulo-gulo na din. Maayos na nakatali ang buhok ko kanina bago ako pumunta sa coffee shop.

 

Pero teka lang! Bakit nakikita ko sa mga mata niya na galit talaga siya?

 

Parang gusto ko tuloy pagsisisihan ngayun kung bakit hindi ko pa siya binilhan ng kape gayung nandoon na nga ko sa coffee shop eh. Ayan tuloy, mukhang matutupad ang gusto ko na sesantihin niya na lang ako.

 

"Nagkita kayo ni David? Binully ka nila, ganoon ba?" seryoso niyang tanong.

 

"Pa-parang ganoon na nga. Pinagbintangan lang naman ako ng baliw mong pamangkin na babae mo daw ako. Eh siyempre, nagalit ako kaya naman sinagot-sagot ko sila hanggang sa pinagtulungan nila ako!" kaagad ko ding sagot sa kanya.

 

Kailangan ko talagang magpaliwanag sa kanya para hindi sa akin mapunta lahat ng sisi. Masama pa naman ang ugali nitong si Sir Lucian at baka dahil hindi ako nakabili ng kape, ikaltas niya pa ito sa sweldo ko.

 

Napansin kong lalong naningkit ang mga mata mata niya sa galit habang dahan-dahan niyang inaangat ang isa niyang kamay patungo sa aking pisngi. Sa matinding pagkagulat ko, kaagad akong napaatras para iwasan siya.

 

Ewan ko kung guni-guni lang ba ang lahat pero kaagad kong napansin ang matinding pagkadismaya na kaagad na

gumuhit sa kanyang mukha.

 

Naglakad siya patungo sa kanyang table at dinampot ang kanyang cellphone. Mula sa kinatatayuan ko, dinig na dinig ko kung paano niya utusan ang kanyang kausap na i-cancel umano lahat ng credit cards ni David. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko dahil sa matinding pagkagulat.

 

"I want you to cancel all his credit cards. Pati na din ang mga sasakyan na ginagamit niya ngayun ay i-pull out niyo din!" galit na utos ni Sir Lucian sa kanyang kausap habang hindi niya inaalis ang pagkakatitig sa akin

 

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero hindi ko maiwasan ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Bakit feeling ko, hindi naman siya nagalit sa akin dahil hindi ako nakabili ng kape. Parang nagalit yata siya noong nalaman niya kung paano ako i-bully nila David at Aurora sa ibaba.

 

Sa naisip kong iyun parang may kung anong bagay akong naramdaman na biglang humaplos sa puso ko. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa may sofa at naupo.

 

Hindi naman nagtagal, natapos din ang pakikpag-usap niya at ilang saglit lang na naibaba niya ang telepono, siyang pagpapasok naman ng executive secretary niya na si Ms. Mayette dito sa loob ng opisina. May bitbit itong firs aide kit naglakad palapit sa akin

 

"Ilapag mo lang iyan diyan sa table at ako ng bahalang gumamot sa kanya! And Ms. Mayette, bilihan mo din kami ng kape sa ibaba!' narinig kong utos ni Sir Lucian dito.

 

"Yes Sir!" nakangiting sagot naman ni Ms. Mayette at mabilis na itong lumabas ng opisina.

 

Isang minuto lang yata nag lumipas pagkalabas ni Ms. Mayette, nilapitan naman ako ni Sir Lucian. Dinampot niya ang first aide kit tsaka siya naupo sa tabi ko

 

"Humarap ka sa akin. Kailangan nating gamutin iyang galos mo at baka ma-impection!" pautos niyang bigkas. Wala sa sariling napahawak ako sa nasaktan kong pisngi sabay iling.

 

"Naku, ayos lang ako Sir Lucian! Maliit na bagay!" sagot ko din naman kaagad!

 

Nakakahiya kaya! Siya pa talaga ang gagamot sa galos ko sa pisngi? Siya ang Boss ko at bakit niya naman gagawin iyun?

 

Tsaka nag-volunteer na sa akin kanina si Ms. Mayette na siya na daw ang bahalang gumamot eh...

 

"Precious! Huwag matigas ang ulo! Gusto mo bang magalit ako sa iyo?"seryoso niyang tanong sa akin. HIndi ko naman mapigilan ang mapangiwi.

 

"Sa lagay mo po bang iyan Sir, hindi pa ba kayo galit?" lakas loob kong sagot sa kanya! Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hawakan sa magkabilaan niyang pisngi at matiim akong tiniitigan sa mga mga mata.

 

"Yeah..galit ako! Galit na galit ako sa ginawa nila sa iyo at ipapakita ko sa iyo kung paano ko sila pagbabayarin" seryoso niyang bigkas na labis kong ikinagulat

 

Hindi ko siya maintindihan! Ano kaya ang ibig niyang sabihin?

 

 

Chapter 34

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

""Ouch!" mahina kong daing habang nilalagyan niya ng gamot ang galos ko sa pisngi. Wala lang, hindi naman talaga ganoon kasakit pero kailangan kong lagyan ng kaunting pag-iinarte lalo na at kung makatitig siya sa akin ay para bang gusto niya akong tunawin.

 

Besh, halos idikit niya na din ang mukha niya sa mukha ko kaya amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. Ako lang itong nag-aalangan dahil medyo matagal -tagal na akong hindi nakakabisita sa dentist para magpalinis ng ngipin. Baka mamaya nangangamoy imburnal na ang hininga ko.

 

"Masakit ba? Kaunting tiis na lang, malapit na ito." mahina niyang wika sa akin. Hindi na din ako nag-abala pang sagutin siya.

 

Hindi naman masakit eh. Mas masakit pa nga ang naranasan ko sa mga kamay niya noong unang gabi na inangkin niya ako. Ilang araw at gabi ko din ininda ang sakit na iyun at itong nangyari sa akin, maliit na galos lang ito. Malayo sa bituka.

 

"Done!" narinig kong sambit niya nang sa wakas natapos din siya. Halos ilang minuto niya ding may kung anong pinahid sa pisngi ko. Maliit lang naman ang galos pero ang tagal niyang natapos.

 

"Thank you! Pasensya ka na sa nangyari Sir Lucian. Pati tuloy ikaw na-isturbo dahil sa akin." nahihiya kong sagot sa kanya! Pasimple na akong umusog palayo sa kanya dahil hindi ko talaga siya maintindihan. Bakit wala yata siyang balak na dumistansya sa akin ng kahit kaunti lang? Hindi niya ba alam na nakaka suffocate ang presensya niya.

 

Kung ako ang tatanungin, mas hamak na gwapo si Sir Lucian compare kay David. Nitong huli kong lang narealized na napaka plain ni David. I mean, oo gwapo pero sobrang nag-uumapaw ang kayabangan sa katawan gayung wala naman palang utak. Walang binatbat kay Sir Lucian na hindi na kailangan pang magsalita dahil sa posura pa lang nito, masasabi mong hindi siya basta-bastang tao.

 

Tsaka, feeling ko ang tali-talino niya din.

 

Parang kay sarap tuloy magpalahi sa kanya dahil sa ngayun, no way and No--No! Wala na akong balak pang pumatol sa mga lalaki. Wala na akong balak na pumapag-ibig. Nakaka- trauma kaya ang nangyari sa relasyon naming dalawa ni David.

 

Tsaka, feeling ko wala na akong karapatan na umibig pa. HIndi na ako virgin eh. Wala na akong maipagmamalaki pa sa magiging boyfriend ko.

 

Sa naisip kong iyun hindi ko mapigilan ang mapangiwi. Ngayun ko lang lubusang narealized na kung saan-saan na pala ako inabot ng aking imagination. Masyado na akong nakakahiya.

 

"Are you okay? Masakit pa rin ba?" hindi ko pa nga mapigilan ang mapapitlag sa gulat nang bigla na naman siyang nagsalita. Wala sa sariling naptitig ako sa kanya sabay iling

 

"Ha? Ah...eh, wala! A-ayos lang ako! I swear, ayos na." hilaw ang ngiti sa labi na sagot ko. Gosh, bakit, ano ba ang nakikita niya sa akin? Bakit nya kaya naitanong iyun.

 

"I can help you in my little way para mawala ang sakit. Just close your eyes." nakangiti niyang bigkas habang malagkit siyang nakatitig sa akin. Kung ako kanina pa iwas na iwas na mapatingin sa kanya siya naman ay kung makatitig sa akin ay hayagan at wagas.

 

"Ha? Naku, hindi naman ako naniniwala sa magic eh. Kung---kung ano ang nararamdaman ko ngayun, hindi magbabago iyun hangat hindi pa gumagaling ang galos ko." alanganin kong sagot sa kanya. Napansin kong bigla na lang nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi kong iyun at sa takot ko na baka mag ala dragon na naman siya, no choice ako kundi ipikit ang aking mga mata.

 

Pipikit lang naman pala eh. Pagbigyan ang taong may tupak dahil baka bigla na namang magsungit. Medyo bumabait na siya kanina sa akin dahil siya pa talaga ang gumamot sa galos ko. hehehe!

 

"Okay Sir, sige...pwede ko namang subukan na pumikit. Pwede ko pong subukan ang magic mo kung gumagana ba talaga!" alanganin kong bigkas sabay pikit ko sa aking mga mata.

 

Hindi ko akalain na may itinago din palang pagiging isip bata itong si Sir Lucian. Teka lang, ilang taon na nga pala siya. Twenty-five? Thirty?

 

Hindi ko na natuloy pa ang panghuhula sa isipan ko tungkol sa edad niya nang bigla na lang akong napadilat nang maramdaman ko ang dalawa niyang kamay na nasa likod ng ulo ko kasabay ng pagdampi ng labi niya sa labi ko.

 

 

Chapter 35

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

SA ginawang biglang panghahalik ni Sir Lucian sa akin pakiramdam ko biglang naging blanko ang isipan ko. Bigla kong naramdaman ang malakas na kabog ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan.

 

Supposed to be magpupumiglas ako dahil sa ginagawa niyang ito sa akin pero iba naman ang sinisigaw ng kalooban ko.

 

MORE! MORE pa nga ang sigaw ng isipan ko at ilang saglit lang, hindi ko na namalayan pa na napapikit na naman ang mga mata ko para namnamin ang halik niya. Medyo malandi ako sa mga oras na ito pero masarap eh. Ang sarap ng labi ni Sir Lucian.

 

Malambot at mainit-init pa. Tapos ang sweet!

 

"Hanggang ngayun pa ba naman, hindi ka pa rin marunong tumugon sa halik ko?" narinig kong sambit niya habang dahan-dahan akong naimulat ang aking mga mata.

 

Bigla akong nakaramdam ng pag-iinit ng aking pisngi nang mapanasin ko na titig na titig na naman siya sa akin. Nagsusumigaw din ang kalooban ko dahil nabitin ako. Gusto ko pa! Bitin pa ako sa halik niya.

 

Hindi marahil siya nag-enjoy sa paghalik sa akin dahil para yata akong tood.

 

Naninigas ang katawan ko na sinabayan pa ng labi ko na hindi man lang marunong kung paano magresponse. Eh, ano ang magawa ko? Kulang pa yata ako sa training eh....

 

"Sorry!" mahinang bulong ko at mabilis na naman dumistansya palayo sa kanya. Sobrang nakakaramdam ako ng pag-iinit ng aking pisngi dahil sa matinding hiya sa kanya.

 

Yes...kabaliktaran yata ang

 

nararamdaman ko. Imbes kasi na magalit ako dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin, sobrang nahihiya ako ngayun dahil nga nalaman niya na hindi pa rin ako marunong kung paano tugunin ang halik niya.

 

"It's okay! I'm glad na turuan ka." nakangiti niyang sagot sa akin at akmang uusog na naman siya palapit sa akin pero mabilis na akong tumayo.

 

Anong turuan? Hindi ah? Hindi pwede!

 

Nakakailang kaya iyun. Dapat may limitations kami sa pagitan namin dahil siya ay Boss at ako ay kanyang secretary.

 

Baka mamaya masanay ako sa halik-halik niyang iyan at baka hahanap-hanapin ko. Hindi iyun maaari.

 

Mabuti na lang at sa pagtayo kung iyun, biglang may kumatok sa pintuan ng kanyang opisina. Napansin kong makahulugan pa akong tinitigan ni Sir Lucian bago ito tumayo at paglakad patungo sa pintuan at binuksan iyun.

 

Kinandado niya kasi iyun kanina kaya hindi siya makapag-demand sa kung sino man ang kumakatok na pumasok na. Ewan ko ba sa taong ito...gagamutin lang ang sugat ko, may pa-lock-lock pa ng pintuan.

 

"Sir your coffee po!" narinig kong bigkas ng kung sino sa labas ng pintuan. Napatitingin pa nga ako doon at nang mapansin ko na si Ms. Mayette pala ang nasa labas hindi ko mapigilan ang mapangiti. Dumating din ang coffee na pinabili ni Sir Lucian dito..

 

"Thank you Ms. Laurente. You can go back to your work now! And please, pakisabi sa Finance dept na kailangan ko na ang mga dokumento para sa mga bonuses ng mga emleyado." narinig kong seryosong utos ni Sir Lucian kay Ms. Mayette.

 

Hindi niya na pinapasok pa si Mayette dito sa loob ng opisina at kusa niya nang kinuha sa kamay nito ang plastic na bitbit na hindi ako maaaring magkamali, ito na iyung kape na pinabili niya dito kanina.

 

"Yes Sir! I will follow-up them po." sagot din naman kaagad ni Ms. Mayette at mabilis na itong naglakad pabalik sa kanyang table. Kaagad na din naman isinara ni Si Lucian ang pinto ng kanyang opisina at muling naglakad pabalik sa akin sabay patong ng plastic bag sa center table.

 

"Here is your snacks Sweetheart!" narinig ko pa ngang sambit niya na labis kong ikinagulat.

 

Ewan ko kung sobrang nabibingi lang ba ako pero ano ang tawag niya sa akin? Sweetheart? Bakit Sweetheart gayung sa naalala ko, Precious ang tawag niya sa akin?

 

Ah, baka nagkamali lang siya. Baka naman Sweetheart ang pangalan ng dati niyang Personal Secretary?

 

Pero infairness ha? Napaka- maalaga naman pala nitong si Sir Lucian sa personal Secretary niya. Wala pa nga akong nauumpisahan na trabaho pero may pa snacks na siya kaagad.

 

Hindi na yata talaga ako magki- quit sa trabahong ito. Kapag ganito palagi, sisiw na lang yata sa akin ang five years contract ko sa kanya. Malalagpasan ko siguro iyun ng walang kahirap-hirap dahil sa nakikita ko ngayun, mukhang mabait naman si Sir Lucian. Baka front niya lang talaga ang pagsusungit eh.

 

Tsaka, iyang halik-halik na iyan baka hindi na din naman mauulit. Kaya lang naman niya ako hinalikan kanina dahil may galos ako. Baka iyun lang iyung normal niyang paraan para ipakita sa akin na nothing to worry!

 

 

 

Chapter 36

 

PRECIOUS AMBER RODRGIGUEZ POV

 

PAGKATAPOS ng 'gamutan' portion sa pagitan naming dalawa muling itinoon ni Sir Lucian ang buo niyang attention sa kanyang trabaho samantalang ako naman naging abala sa mga snacks na nasa harapan ko.

 

Hindi naman ako na-inform ni Ms. Mayette na ng dami niya namang binili na mga sweets. Sinabi naman sa akin ni Sir Lucian kanina nang alukin ko siya na para daw talaga sa akin ang mga ito. Coffee lang daw sa kanya dahil hindi naman daw siya mahilig sa sweets.

 

Dahil sayang naman kung hindi ko kakainin, nilantakan ko na lang. Iniisip ko na lang na baka suhol ito sa akin ni Sir Lucian dahil ang pamangkin niya ang dahilan kaya may maliit na galos ako sa aking pisngi.

 

Hyasst, nasaan na kaya iyung table ko na sinasabi niya? Malapit na kasi mag lunch time pero wala pa rin akong nagagagawang kahit na isang trabaho.

 

Ayaw ko nang magtanong tungkol doon dahil baka magalit na naman siya eh.

 

Sabihin niya na naman pinangungunahan ko siya. Baka masira ang araw niya at pag-initan niya na lang ako bigla. Kay sarap ng buhay ko na ganito, eh di sulitin ko nalang. Baka bukas or makalawa, magiging abala na din naman ako sa trabaho eh. Since wala pa iyung table ko, chill chill na lang muna ah.

 

HIndi niya naman siguro ako pag-iisipan ng tamad dahil sila itong hindi ready eh. Alam pala nila na magha-hire sila ng bagong empleyado, hindi na sila kaagad

nagready ng bagong table.

 

Habang abala ako sa mga pagkain na nasa harapan ko, napapansin ko din ang walang katapusan na paglabas pasok ng ibang mga empleyado dito sa loob ng opisina. May mga bagay silang dini-discuss kay Sir Lucian na hindi ko naman maintindihan. Iba't ibang topic at ibat-ibang solusyon ang pinag-uusapan at napapansin ko na may mga time na bigla na lang naninigaw si Sir Lucian.

 

Napakahigpit niya pala pagdating sa mga report. Kagaya na lang ngayun, dumating na ang taga finance department at hindi nagusutuhan ang format ng report nito at basta niya na lang iyung inihagis sa harapan nito. Nagkalat ang mg papel sa sahig habang panay naman sorry ang kawawang taga finance department.

 

"How many times I told you na i-double check niyo muna ang mga reports niyo bago ipasa sa akin?" malakas ang boses na sigaw niya sa kawawang taga finance.

 

Tahimik lang akong naonood habang humihigop ng frappuccino ko. Hindi ko nga din mapigilan ang maawa sa empleyado pero since mali pala ang trabahong nagawa niya, kailangan niya talagang ulitin. Kaya lang may emotional damage na dahil nasigawan na siya.

 

"I want it now! Bago matapos ang araw na ito gusto kong ibalik mo sa akin ang report na iyan ng maayos at walang mali. "galit na bigkas ni Sir Lucian. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiwi.

 

Kung lahat babaguhin ang hawak ngayun na mga dokumento ng taga finance department, mahihirapan siya. Sa kapal ba naman ng hawak na mga papeles niya ngayun, ewan ko lang kung matatapos niya kaagad.

 

"Noted Sir! Sorry po sa nangyari. Asahan niyo po na hindi na mauulit." halata ang kaba sa boses ng kawawang empleyado habang sinasabi ang katagang iyun.

 

HIndi na sumagot si Sir Lucian at parang stress na stress na sumandal ito sa kanyang swivel chair. Lumabas naman kaagad ang taga finance department habang hindi nakaligtas sa paningin ko ang pangingilid ng luha sa mga mata nito.

 

Sa nakikita ko ngayun kung paano itrato ni Sir Lucian ang ilan sa mga empleyado niya, parang gusto ko na tuloy bawiin ang sinabi ko kanina na mabait siya. Parang hindi naman eh! Kung makasigaw kasi, wagas.

 

'Ehremmm! Ehermmm! Sir, may maitutulong po ba ako?" hindi ko mapigilang tanong kay Sir Lucian nang mapansin ko na halos ilang minuto na isyang nakapikit. Dahan-dahan naman siyang nagmulat ng kanyang mga mata at direktang tumitig sa akin.

 

"How do you feel? Masakit pa rin ba?" seryoso niyang tanong sa akin.

 

"Ha? Ang alin po?" natatanga ko namang sagot.

 

"Iyang sugat mo sa pisngi. Masakit pa rin ba?" seryoso niyang tanong. Dali-dali naman akong umiling.

 

Shit, bakit ba kasi hindi niya kaagad nilinaw. Malay ko ba naman kung ano ang masakit na tinutukoy niya. Kapag ganitong busog na ako sa mga snacks na nasa harapan ko, para bang kay sarap na lang matulog kaysa makipag-usap sa kanya.

 

 

Chapter 37

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"NO Sir! Hindi na po. Parang magaling na nga po eh!" nakangiti kong sagot sa kanya!

 

"Good! It's almost lunch time na and sumama ka sa akin.:" seryoso niyang sagot sabay tayo. Mabilis ko ding inayos ang mga kalat na nasa ibabaw ng center table. Wala na nga akong ginagawa, tapos hindi ko pa malinis-linis ang mga pinagkainan ko, baka iisipin niya na burara ako.

 

Hindi uyyy! Kung sa palinisan ang pag-uusapan, magaling ako doon.

 

"Saan po tayo pupunta Sir?" nakangiting tanong ko. Baka alam niyang busog na ako at ito na iyung time para magtrabaho ako kaya pinapasama niya ako kung saan man kami pupunta.

 

Iyun nga lang, sa tanong kong saan kami pupunta, hindi niya man lang sinagot. Bagkos, naglakad siya patungo sa pintuan ng opisina kaya mabils na din akong napasunod sa kanya.

 

"Miss Laurente, tawagan mo si Rodney. SAbihin mong pinapareport ko siya."

 

seryosong utos niya kay Ms. Mayette na kaaagad namang sumagot ng noted habang tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Wala naman akong isasabat dahil kahit ang Rodney na iyan, hindi ko naman kilala.

 

Gusto ko pa nga sanang tanungin si Ms. Mayette kung sino si Rodney kaya lang mamaya na lang siguro. Ang haba kasi ng hakbang ni Sir Lucian eh. Nandoon na kaagad siya sa harap ng elevator.

 

Sa takot na baka maiwan ako at ako naman ang pagalitan niya halos takbuhin ko ang pagitan namin. Sakto naman na pagkalapit ko sa kanya ay bumukas na ang elevator kaya naman mabilis na din akong napasunod sa kanya sa loob.

 

Habang nasa loob kami ng elevator, katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Napansin kong seryoso ang mukha ni Sir Lucian habang direcho ang tingin. Salubong na naman ang kilay nito na para bang galit.

 

'Ano na naman kaya ang problema niya? Minsan, mabait naman siya pero mas malaking porsyento talaga na nagsusungit siya eh. Ang hirap niya talagang ispilingin.' katagang gumugulo sa isipan ko habang pasulyap-sulyap dito.

 

Siguro, ngayun pa lang, kailangan ko nang pag-aralan ang ugali niya. Para naman hindi ako mabulaga diba?

 

Five years! Limang taong kontrata at medyo mahaba-haba din iyun. Marami ang mangyayari sa loob ng limang taon at dapat lang na maging ready ako sa lahat ng oras.

 

Sa basement na kami lumabas ng elevator kung saan naglakad kami patungo sa isang mamahaling sasakyan. May sumalubong naman kaagad sa amin na limang kalalakihan na kung hindi ako maaring magkamali ay mga body guards ni Sir Lucian. Ang lalaki ng mga katawan at pare-pareho din sila ng suot. Kulay gray na trousers and suit tapos lahat sila ay nakakulay itim na sunglasses.

 

"Hindi pa ba nakabalik ang ibang mga tao?" seryosong tanong ni Lucian sa mga ito pagkatapos siya nitong batiin.

 

"Hindi pa po Boss! Nagmatigas din po pala si Sir David na ibigay ang mga sasakyan niya. Pumagitna na din ang Mommy niya at ayaw kaming pagbuksan ng gate. Nagbanta di sila na kapag ipilit mo daw ang gusto mo, tatawag daw sila ng mga pulis dahil harassment daw itong ginagawa niyo." seryosong sagot naman ng lalaking kausap niya.

 

"Tsk...tawagan mo si Ike! Wala akong pakialam kung tatawag man sila ng pulis. Ang gusto ko bago matapos ang araw na ito, masunod na nila ang kung ano ang utos ko." seryosong utos ni Sir Lucian.

 

Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. TAlaga palang seryoso siya na kunin lahat ng mga sasakyan meron si David? Bakit...dahil ba sa nangyaring away namin kanina? Pero imposible naman yata iyun.

 

"Noted Boss! Asahan niyo po na matatapos namin ang mission na ito bago gumabi." seryosong sagot naman ng kausap niya. Tumango naman si Lucian at hindi na ako nakapalag pa nang bigla niya na lang akong hawakan sa aking kamay at iginiya patungo sa isang nakaparadang magandang sasakyan.

 

 

Chapter 38

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Busog pa ako. Pwede bang take na muna?

 

"kahit na nakakahiya, pinili kong baliwalain masabi ko lang ang kung ano ang nasa isipan ko. Hindi naman kasi ako na-informed na kakain pala kami ng lunch eh di sana naghinay-hinay ako kanina sa pagkain ng snacks.

 

Pagkatapos niyang makausap kanina ang mga bodyguards niya, direcho na kami dito sa restaurant na halos ilang minuto lang naman ang layo sa opisina.

 

Hindi ko talaga akalain na isasama niya ako sa pagkain niya ng lunch.

 

Halos pumutok na kasi ang tiyan ko sa kabusugan dahil sa mga snacks na kinain ko kanina tapos ang dami niya pang inorder na mga pagkain ngayun. Kanina nang makita ko ang menu, halos mahimatay ako sa gulat nang makita ko ang presyo. Libo ang presyo ng bawat isang pingan nang pagkain na may kakarampot lang na serving.

 

Yes...ganoon kamahal at sobrang

nanghihinayang ako. Gustuhin ko mang kumain, pero hindi na talaga kaya ng bituka ko. Sobrang sikip ng din ng suot kong skirt dahil bago kami umalis kanina ng opisina, busog na din talaga ako.

 

"Bakit, ayaw mo ba sa mga pagkain nila dito? Hindi ba masarap?" seryoso niyang tanong sa akin. Hindi niya ba nahalata? Nagpabili nga siya ng sweets kanina kay Ms. Mayette sa coffee shop pero sa akin niya din naman lahat ibinigay. Feeling ko nga suhol iyun eh dahil sa ginawa ni David kanina sa akin.

 

"Naku, hindi naman Sir Lucian. Mukha naman talagang masarap kaya lang busog na kasi ako eh. Ang dami kong nakain na sweets kanina tapos hindi mo naman sinabi na isasama mo ako ngayun na kumain ng lunch." nahihiya ko na namang bigkas.

 

Isang mahinang buntong hininga ang pinakawalan niya bago niya muling sinenyasan ang waiter na nakaantabay lang sa medyo kalayuan sa amin. Kaagad naman itong lumapit.

 

"Green tea at kung ano ang nasa mesa namin ngayun, bigyan mo ako ng tig iisang set for take out!'" seryosong wika niya sa waiter.

 

Hindi ko na pinansin pa dahil baka trip niya lang ang mag-take out ng mga foods. Siguro masarap talaga ang mga pagkain at hihintayin ko na lang na may tira siya tapos iyun din ang iti-take out ko para sa sarili ko.

 

Tiyak naman ako na may sosobra talaga eh. Sayang din. Pwede na din naming maging dinner iyun mamaya ni Risa.

 

Ang speaking of Risa, kumusta na kaya siya? Kumain na kaya siya ng lunch?

 

Haysst, hindi na kami nagkita simula noong naghiwalay kami kaninang umaga. Siguro baka busy sya. Sino kaya ang mga boss niya? Mababait kaya ang mga kasama niya?

 

Mabait at caring nga boss talaga si Sir Lucian dahil ilang saglit lang, dumating na din ang green tea na inorder nito para sa akin. Paunti-unti ko din namang ininom iyun. Makakatulong daw kasi ang green tea para maibsan ang kabusugan na nararamdaman ko.

 

Kagaya nga ng inaasahan, hindi nga naubos ni Sir Lucian ang mga foods na inorder niya. Kaagad akong nagpaalam sa kanya na kung pwede iti-take out ko pero ganoon na lang ang lungkot ko nang sinabi niya na hindi pwede.

 

Eh, samantalang wala pa naman sanang bawas ang ibang mga putahe. Medyo nakakaramdam ako ng paghimutok dahil talagang nanghinayang ako. Sa inis ko, kahit na siya ang Boss ko, hindi na ako nagpresenta pang bitbitin ang take out food nya. Manigas siya! Sayang ang mga pagkain na iyun tapos iniwan niya lang samantalang ang daming nagugutom na mga tao.

 

Kagaya ko, gusto kong kainin para hindi masayang kaya lang wala na eh. Wala nang space sa bituka ko.

 

Pagdating sa kanyang sasakyan, tahimik akong sumakay ng kanyang kotse. Direcho kami sa kanyang opisina kung saan pagdating namin doon, naabutan pa nga namin si David na kausap ang executive secretay na si Ms. Mayette. Halata sa hitsura nito ang pagiging aligaga sa hindi malamang dahilan. Nang mapansin ni David ang pagdating namin, kaagad itong lumapit kay Sir Lucian

 

"Uncle! Mabuti naman at dumating ka na! I just want to talk to you! Please!" seryoso nitong bigkas. Parang walang narinig na naglakad papasok ng opisina niya si Sir Lucian at hindi ko naman malaman kung susunod ba ako. Hanggang sa nagulat ako nang bigla akong hinarap ni David.

 

"Ano ang ginawa mo? Ano ang sinabi ko kay Uncle?" seryoso niyang tanong. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin kaya naguguluhan akong napatitig sa kanya.

 

"Ano ang ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan." naiinis kong bigkas at akmang ihahakbang ko na sana ang mga paa ko para pumasok na din sa loob ng opisina ni SIr Lucian nang maramdaman ko ang paghawak ni David sa braso ko.

 

"Siguro, ikaw ang dahilan kaya nagalit si Uncle sa akin! Siguro ikaw ang dahilan kaya pinaparusahan niya kami ngayun!" galit niyang wika. Malakas naman akong pumiksi mula sa pagkakahawak niya at galit siyang hinarap.

 

"Ano ba ang pinagsasabi mo? David, huwag ka ngang mambintang! Kung ano man ang problema ng pamilya mo huwag

mo akong idamay dahil labas na ako doon. Wala akong kugnayan sa Uncle mo dahil Boss ko siya at empleyado niya lang ako at imposible mangyari iyang tumatakbo sa utak mo!" galit kong bigkas at malakas na tinabig ang kamay niyang nakahawak s braso ko.

 

Nabitawan niya naman at ginawa kong pagkakataon iyun para makapasok na din sa loob ng opisina ni Sir Lucian. Nababaliw na itong si David at kailangan ko nang umiwas sa kanya!

 

 

Chapter 39

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"UNCLE naman! Ano ba ang kasalanang nagawa ko sa iyo? Bakit niyo po iniutos sa mga tauhan niyo na i-pull out lahat ng mga sasakyan ko? Tsaka ang mga credit cards ko kinancel niyo din. Wala na akong magamit. Paano na ako? Saan na ako ngayun pupulitin?" katagang lumabas sa bibig ni David pagkapasok niya din dito sa loob ng opisina ng Uncle Lucian niya.

 

Halata sa boses nito ang matinding frustration kaya naman hindi ko mapigilan ang mapaismid.

 

Sino ang lolokohin niya? Mabuti nga sa kanya! Kung ano man ang nangyari sa kanya ngayun karma niya na iyun. Ang lakas ng loob na magyabang eh nakaasa lang din naman sa Uncle niya.

 

"May isang sasakyan ka pa na pwedeng gamitin diba? Hindi mo din kailangan ang mga credit cards na iyan dahil kumpleto at pinu-provide ko naman lahat mga basic needs niyo! Ano pa ang kulang David? Nasa tamang edad ka na at hindi habang buhay nakasandal ka sa akin!'" seryoso at malakas ang boses na sagot naman ni Sir Lucian.

 

"Naiinitindihan ko naman po iyun Uncle! alam ko naman po na kailangan ko na din magtabaho pero kasalanan niyo din po kasi! Ayaw niyong ibigay sa akin ang posisyon na nais ko!" sa pagkakataon na ito, maluha-luha na si David.

 

"Do you think deserved mo ang posisyon na iyun? You know me very well David. Hindi uso sa akin ang palakasan at kung gusto mo talaga tulungan ang sarili mo na

makapagtrabaho, mag-umpisa ka sa ibaba! HIndi mo ako madadala sa paawa effect mong iyan sa akin. Kung wala ka nang kailangan, Get out!" seryosong sagot naman ni Sir Lucian. Sa pagkakataon na ito, halatang napipikon na din talaga siya kay David

 

"Pero Uncle, please huwag niyo naman itong gawin sa amin. Alam niyo naman po na lahat ng kotse ko, mahal ko. Mga collections ko ang mga iyun eh. Hindi niyo po pwedeng kunin ng basta-basta sa akin iyun." muling wika ni David. Talagang ipinaglalaban niya talaga ang mga sasakyan na hindi naman pala galing sa paghihirapan niya.

 

"Give me a good reason para pakingan kita ngayun, David! Alam mo, kung nakinig ka lang sa sinabi ko noong nakaraang linggo sa iyo, hindi naman sana tayo aabot sa ganitong senaryo eh. Tsaka, ano ang ginawa niyo kanina sa coffee shop? Ha?" seryosong tanong ni Sir Lucian. Sa pagkakataon na ito, tuluyan na siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair at nakapamulsang hinarap ang pamangkin niya.

 

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila!

 

Para akong nanonood ng live na teledrama at kahit na katiting wala akong kahit na nararamdamang awa kay David kahit na sa eksena na ito, para bang siya iyung aping api.

 

Buti nga sa kanya! Kung makapagmalaki siya sa akin akala mo kaya niyang buhayin ang sarili niya. Nakaasa lang naman sa Uncle niya eh! Hmmmp!

 

"Nang dahil ba kay Amber kaya po kayo nagagalit ng sobra sa akin ngayun, Uncle? " narinig kong tanong ni David na labis kong ipinagtaka. Paano na naman ako nasama sa usapan na ito? Ang labo din ng taong ito eh.

 

"Uncle, Kung iyun ang dahilan, sorry po, hindi ko na uulitin. Hindi ko na ulit gagawin ang ginawa ko kanina sa coffee shop. Basta po patawarin niyo lang ako." muli niyang wika.

 

"Tapos na ang pag-uusap nating ito. Hindi mo ako madadala sa mga pangako mong iyan, DAvid. Maging leksyon na ang ginawa ko sa iyo ngayung araw para ayusin mo na ang buhay mo. Hindi na magbabago ang desisyon ko. Makipag-cooperate ka na lang sa mga tauhan ko para hindi na lumalala pa ng init ng ulo ko at kung ano pa ang maisip kong gawin na pareho nating pagsisisihan bandang huli, "seryosong wika ni Sir Lucian.

 

Napansin kong kaagad namang natahimik si David. Kita ko ang lungkot sa mga mata nito na napasulyap pa nga sa akin bago laglag ang balikat na naglakad palabas ng opisina. HIndi ko tuloy malaman kung maawa ba ako sa kanya or hindi.

 

Dalawang taon ko ding naging boyfriend si David at sa loob ng dalawang taon na iyun naging mabait naman siya sa akin. Hindi kami magtatagal kung puro lang din naman siya yabang.

 

Kaya lang wala eh. Pumatol ba naman sa step sister ko kaya ekis na siya sa akin at ganoon din ako sa kanya.

 

Kung totoosin, quits na kaming dalawa. Pumatol siya kay Aurora at ako naman ay minsang ibinenta ang katawan ko sa Uncle Lucian niya kapalit ng pera.

 

Wala na talagang dahilan pa para muli kong lingunin ang nakaraan namin dahil tapos na iyun. Hindi na masusundan pa at wala nang kasunod na kabanata.

 

Ang kailangan ko na lang talaga gawin ngayun ay magfocus sa kung ano man ang magiging kapalaran ko sa hinaharap. Lalo na at mag-isa na ako at wala nang pamilya or kadugo na masasandalan.

 

Sa paglabas ng opisina ni David, katahimikan ang bumalot sa buong bahagi ng opisina. Balik trabaho si Sir Lucian na para bang wala lang ako sa paligid. Mukhang lilipas talaga ang buong maghapon na wala kong ibang ginawa kundi ang tumunganga lang.

 

 

 

Chapter 40

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

Halos alas tres na ng hapon nang dumating ang table na sinasabi sa akin ni Sir Lucian. Kahit na taliwas sa kagutuhan ko, wala akong nagawa nang ipwesto niya iyun mismo sa loob ng opisina niya.

 

Nilagyan kaagad nila ng computers at ilan pang mga office supplies na kakailanganin ko daw sa aking trabaho.

 

Eksakto alas sinko din silang natapos at saktong uwian na so wala talaga akong nagawang trabaho buong araw.

 

"Sir, out ko na po!" lakas loob kong wika kay Sir Lucian. Narinig kong nagpaalam na din si Ms. Mayette sa kanya kanina so ginaya ko din. Napaalam na din ako sa kanya ngayun.

 

"Okay...get your take out foods and see you tomorrow, Precious!" seryoso niyang wika sabay turo sa paper bag na may lamang pagkain galing sa kinainan naming restaurant kanina. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

 

"Pa-para sa akin po iyan, Sir?" nagtataka ko ding tanong.

 

"Hindi ka kumain kanina, so for sure para sa iyo iyan.:" seryoso niyang sagot. Isang matamis na ngiti sa labi ang pinakawalan ko bago ako naglakad patungo sa may paper bag at kaagad na kinuha iyun

 

Wala akong planong tumanggi sa grasya kaya naman hindi ko mapigilan ang makaramdam ng tuwa.

 

 

"Thank you, Sir! See you tomorrow po!'" nakangiti kong bigkas. Isang tipid na pagtango ang naging sagot niya sa akin at mabilis na akong lumabas ng opisina

 

Sa paglabas ko, naabutan ko pa si Ms. Mayette na nag-aayos sa mga table niya. Nang makita niya ako, kaagad syang ngumiti sa akin.

 

"Nagpaalam ka na kay Sir?" tanong niya.

 

"OO eh. Paano ba iyan Miss. Mayette, wala talaga akong nagawang trabaho ngayun. Tsaka ikaw ba ang magti-train sa akin bukas?" tanong ko naman kaagad.

 

"Actually, first time mag hire ng personal secretary si Sir Lucina so wala din akong idea sa magiging trabaho mo!" nakangiti nitong sagot sa akin

 

Tumayo na siya at humakbang na patungo sa may elavator kaya kaagad na din akong napasunod sa akin

 

"First time niya? So ako pa lang ang naging personal secretary niya?"

 

nagtataka kong tanong. Kaagad naman siyang tumango sabay pindot ng button ng elevator.

 

"Hmmm, yes. Ikaw pa lang. Pero may kanang kamay siya dito sa opisina. Si Mr. Rodney Quezon. Siya ang personal na nag-aasikaso ng lahat ng mga personal na kailangan ni Sir. Pero alam mo, maraming natuwa noong nalaman ng ibang staff na may personal secetary na si Sir Lucian. ibig daw sabihin, hanggang loob na lang ng opisina ang init ng ulo niya." nakangiti niyang sagot sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang ipahiwatig kaya naman nagtataka akong napatitig sa kanya.

 

"Ano ang ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong.

 

"Ganito kasi iyan....si SIr Lucian ay isang taong may maiksi ang pasensya. palaging nakasigaw kaya takot sa kanya ang halos lahat ng empleyado. Kung hindi lang maganda magpasahod at magbigay ng benipisyo ang LMP Corporation naku, baka matagal nang nilayasan iyang si Sir Lucian ng mga empleyado niya."

 

natatawa nitong sagot sa akin.

 

Bigla ko tuloy naalala kanina. Oo nga pala...may nasigawan palang empleyado si Sir Lucian kanina. TAga finance department dahil mali-mali ang report.

 

Hindi pa ako nag-start ng trabaho kaya hindi ko pa naranasan ang masigawan. Kaya lang ano ba ang trabaho ng isang personal secretary? Hyasst, hindi ko alam. Wala din palang idea itong si Ms. Mayette dahil first time daw maghire ni Sir Lucian ng ganitong posisyon.

 

Haysst, siguro kailangan ko ding maging maingat simula bukas. Kailangan ko din palang iready ang sarili ko sa istriktong pag-uugali ni Sir Lucian. Halata naman din talagang perfectionist ang lalaking iyun pagdating sa trabaho.

 

Pagbukas ng elevator, kaagad na din kaming pumasok sa loob ni Ms. Mayette. Direcho kami ng ground floor kung saan sakto talaga ng uwian na dahil marami kaming mga empleyado na nakita na palabas na. Kaagad kong hinanap si Risa at nang mapansin ko na nasa labas na siya ng building, kaagad na din akong nagpaalam kay Ms. Mayette

 

"See you tomorrow, Ms. Amber!"

nakangiti pa nitong wika sa akin.

 

"See you tomorrow din. Thank you."

 

sagot ko naman at mabilis ang hakbang na lumabas ng building.

 

Naabutan ko si Risa na may kausap na isang babae at isang lalaki pero nang mapansin niya ako ay kaagad siyang nagpalaam sa dalawa niyang kausap at naglakad na din siya pasalubong sa akin

 

"Kumusta ang unang araw ng trabaho?" nakangiti niyang tanong sa akin.

 

"ahmmm, ayos naman. Eh ikaw? Kumusta ang unang araw mo?" nakangiti kong tanong.

 

"Medyo pagod. Daming tambak na mga papeles ngayung araw." sagot kaagad niya sa akin.

 

"Ganoon ba? Eh di uwi na tayo. Siya nga pala, may food ako dito oh?" nakangiti kong ding sagot sabay taas ng paper bag na hawak ko.

 

"Talaga? Wow, ikaw na talaga Amber. Teka lang, saan galing iyan? Don't tell me na may admirer ka kaagad na nagbigay sa iyo ng foods?" halata ang panunudyo sa boses niya habang sinasabi ang katagang iyun.

 

"Sira...hindi wala noh. Isinama ako kanina ni Sir Lucian kumain sa resto pero dahil hindi ako nakakain dahil busog pa ako, pinagtake out niya na lang ako ng mga pagkain." nakangiti kong sagot sa kanya.

 

 

 

Chapter 41

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

'Wow, talaga? Ang sweet naman ni Sir." nakangiti niyang sagot. Hindi ko naman mapigilan ang matawa at kaagad ko na din siyang niyaya na maglakad patungo sa sakayan ng jeep.

 

Gusto ko na din kasing makauwi at makapagpahinga. Maaga pa ang pasok namin kinabukasan kaya naman wala na sa bokabularyo ko ang magpuyat. Isa pa, simula bukas, bakbakan na ang magiging trabaho ko kaya naman kailangan ko ng maraming energy.

 

Iyun nga lang, habang nasa jeep kaming dalawa ni Risa, isang tawag naman ang natangap ko. Biglang tumunog ang aking cellphone at nang tingnan ko kung sino ang tumatawag kaagad na napakunot ang noo ko nang makita ko na walang iba kundi si Gustavo. Ang walang kwentang si Gustavo. Ang aking ama.

 

Hindi ko na din sinagot. Bahala siya sa buhay niya. Tumawag siya hangat gusto niya dahil wala talaga akong balak na kausapin siya. Simula noong nalibing si Mommy, Kasama ko na ding inilibing ang lahat ng pwede kong maging ugnayan kay Gustavo. Hindi siya naging mabuting ama sa akin kaya walang dahilan para makipag -usap sa kanya.

 

Maayos naman kaming nakarating ni Risa sa squatters area kung saan kami nakatira. Dumirecho muna si Risa sa bahay nila para makapagbihis at direcho naman ako sa maliit naming bahay ni Mommy. Pagkapasok sa loob, inilock ko kaagad ang pintuan ng bahay at direcong naglakad patungo sa kusina. Inilapag ko sa ibabaw ng maliit na mesa ang paper bag na dala ko na may lamang pagkain pagkatapos, inilibot ko na ang paningin ko sa buong paligid

 

Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng lungkot. Ngayung wala na si Mommy, nakakabingi ang katahimikan sa buong paligid. Sanay akong kasama siya at hanggang ngayun, masakit pa rin para sa akin ang pagpanaw niya. kaya lang wala eh. Ganito talaga siguro ang buhay. Kailangan kong magpatuloy na mag-isa lang ako.

 

Paiyak na naman sana ako nang makarinig ako ng mahinang katok sa pintuan ng bahay. Sa pag-aakala ko na baka si Risa ang kumakatok, dali-dali akong naglakad patungo doon at binuksan ang pintuan.

 

Hindi ko maiwasan na magulat nang imbes si Risa ang mabungaran ko, walang iba ang nasa harapan ko kundi si Gustavo.

 

Hindi ko tuloy mapigilan ang magulat. Paano niya nalaman ang bahay na ito gayung simula noong pinalayas niya kami ni Mommy, wala na siyang naging pakaialam sa amin.

 

"Ano ang kailangan mo at paano mo nalaman ang bahay na ito?" malamig at walang gana kong tanong.

 

"Amber, iha....kanina pa ako tumatawag sa iyo pero hindi mo ako sinasagot. Nag-aalala ako kaya napasugod ako. Kumusta ka na, iha?" nakangiti nitong tanong sa akin. Hindi ko alam kung tunay na ngiti ba ang nakikita ko sa kanya pero parang hindi naman. Wala na akong tiwala sa kanya dahil minsan na din siyang nagtangka akong ipahamak sa pamamagitan ng gusto niya akong ipakasal sa lalaking kasosyo niya sa negosyo.

 

"HIndi ko kailngan ang pag-aalala mo. Labing limang taon kitang hindi kasama at kaya ko na ang sarili ko." malamig ang boses kong sagot sa kanya habang titig na titig sa kanya.

 

"Iha, matagal ko nang pinagsisisihan ang mga pagkakamali na nagawa ko sa iyo. Anak kita at ama mo ako. Hindi ba pwedeng kalimutan mo na lang ang galit mo sa akin at magsimula tayo ulit? Wala namang ibang magkakampihan sa mundong ito kundi tayo-tayo lang lalo na at pamilya tayo." nakangiti niyang sagot sa akin

 

Hindi ko naman mapigilan ang mapaismid. Saan kaya siya humuhugot ng kapal ng mukha para sabihin ang katagang iyun?

 

"Pamilya? Huhh? Nananaginip po yata kayo? Sa naaalala ko matagal mo na kaming itinakwil at kahit na ano pa ang gawin mo, hindi na mababago pa ang katotohanan na isa kang walang kwentang ama. Hindi mo mabibilog ang ulo ko kaya kung wala ka nang iba pang kailangan, umalis ka na." seryoso kong sagot sa kanya.

 

Napansin ko naman ang biglang pagbabago ng expression ng kanyang mukha. Mula sa pagiging mahinahon kanina, napalitan iyun ng bangis. Halatang nag-uumpisa na namang uminit ang ulo nya sa akin.

 

Sinasabi ko na nga ba eh, kahit na galing ako sa sarili niyang laman at dugo, hindi ko siya dapat pagkatiwalaan.

 

 

 

 

 

©️Sagittarius🌺🌺

 

 

Chapter 42

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Thirty percent. Tama, thirty percent na share ibibigay ko sa iyo basta bumalik lang tayo sa dati anak. Miss na miss na kita. Ikaw din naman ang magmamana sa negosyo ko pagdating ng araw kaya bakit kailangan mo pang makipagmatigasan sa akin? I am your father at hindi na magbabago iyun kahit na ano pa ang mangyari.'" seryoso niyang bigkas.

 

"Father? No Dad! Nagawa mo na kaming itakwil ni Mommy noon kaya wala nang dahilan pa para magpakaama ka sa akin ngayun. Hindi na kita kailangan. Na kaya naming mabuhay ni Mommy noon na wala ka at kakayanin ko pa rin mabuhay ngayun na wala ka!" galit kong sigaw.

 

Hindi ko naman napaghandaan ang sunod niyang ginawa. Naramdaman ko na lang kasi ang pagtama ng palad niya sa pisng ko. Ramdam ko ang malakas na pwersa at sa sobrang sakit, hindi ko na namalayan pa ang maluha ako.

 

Pakiramdam ko biglang namanhid ang pisngi ko. Feeling ko nga, mag-iiwan iyun ng pasa sa balat ko eh.

 

"Ungrateful child! Ano pa ba ang pwede kong gawin para magbalik loob ka sa akin? Ha?" galit niyang sigaw. Sa pagkakataon na ito, lumitaw na naman ang tunay niyang ugali. Masama talaga siya. Mas maayos pa ang pakikitungo niya sa mga taong hindi niya kaano-ano kaysa sa akin na tunay niyang kadugo.

 

Mas mahal niya si Aurora noon pa man at lahat ng resources niya at pera niya ay ibinuhos niya sa mga ito.

 

Tapos ang lakas ng loob niyang magpakita sa akin ngayun para tanungin ako kung pwede daw ba akong magbalik loob sa kanya? Ano iyun? Ganoon na lang ba kadali sa kanya ang lahat-lahat?

 

"Alam mo, kung hindi lang nalulugi ang negosyo ko, never akong aapak sa basurang lugar na ito para kausapin ka! Wala kang kwentang anak. Ikaw na nga lang ang kaisa-isang pag-asa ko para muling makabangon ang negosyong matagal ko nang pinaghirapan, tatablahiri mo pa ako?" galit niyang sigaw sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapaiyak.

 

"Negosyo? Negosyo mong palugi na? Pakialam ko ba diyan? Bakit sa akin ka lalapit gayung wala akong maitulong diyan. Wala akong alam sa negosyong ikaw at ang kabit mo lang ang nakikinabang!' galit kong sigaw pabalik sa kanya!

 

Matalim ang mga matang tinitigan ko ang kasama niyang si Rosalinda na wala man lang kahit na anong linya na namutawi sa bibig nito. Para bang biglang naging bingi ang hitad gayung noong nabubuhay pa si Mommy puro din anman basura ang lumalabas sa bunganga nito.

 

"Amber! Wala ka talagang kwentang anak! Wala kang modo! Tama lang talaga ang ginawa ko sa inyo noon na itinakwil kayo dahil wala man lang kayong kahit na anong naging ambag sa buhay ko. Ayaw mong bumalik sa poder ko, pwes gawin mo. Hindi ko kailangan ang anak na kagaya mo na sobrang tigas ang ulo! Mula ngayun kalimutan mo na may ama ka dahil kakalimutan ko din na minsan kitang naging anak." galit niyang sigaw.

 

"Go! Matagal ko nang kinalimutan ang tungkol sa iyo Mr. Gustavo Rodriguez. Huwag kang mag-aalala gagawa ako ng paraan para kahit na ang apelyed mo, bburuhin ko na sa pangalan ko. Matagal ko na din namang itinatak sa isipan ko na wala ka na! Na wala na akong ama at matagal na siyang patay!" galit ko ding sigaw pabalik sa kanya.

 

Ang kaninang matinding pagtitimpi ko ay biglang naglaho. Napalitan iyun ng matinding galit at wala na akong pakialam pa kung sasaktan niya man ako ulit.

 

"Walang hiya ka talaga!" galit na sigaw ni Daddy at hindi ko mapigilan ang mapapikit nang mapansin ko na muilng umangat na naman ang isa niyang palad. Hihintayin ko na lang na tatama sa pisngi ko ang palad niya pero hindi nangyari iyun. Bagkos, isang malalim na boses ang narinig ko na biglang nagsalita.

 

"Mr. Rodriguez! Dalaga na ang anak mo para saktan." seryoso nitong bigkas. Wala sa sariling napamulat ako ng aking mga mata at unang sumalubong sa akin ang tatlong kalalakihan. Lahat sila ay nakasuot ng kulay itim at hawak ng isa sa kanila ang kwelyo ni Daddy na noon ay kitang kita ko ang pagkasindak sa kanyang mukha.

 

 

"Si-sino kayo? A-ano ang kailangan niyo? " ramdam ko ang kaba sa boses ni Daddy samantalang hindi naman ako makapaniwala sa nasaksihan.

 

Wala din ni isa sa kanila ang sumagot sa tanong na iyun ni Daddy bagkos pareho nilang kinaladkad paalis ang dalawa. Hawak si Daddy ng dalawang lalaki samantalang si Rosalinda naman ay tinutukan ng baril kaya nahintakutan itong kaagad na sumunod na din.

 

Naiwan naman akong tulalang nasundan na lang sila ng tingin.

 

 

 

Chapter 43

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ

 

Sino sila? Sino ang mga taong iyun?" katanungang gumugulo sa isipan ko habang hawak ko pa rin ang nasaktan kong pisngi.

 

 

Kidnapping ba ang naganap? Hindi ko kilala ang mga taong iyun pero parang gusto kong magpasalamat sa kanila dahil dumating sila.

 

Hindi ko mapigilan ang mapahawak sa nasaktan kong pisngi at kaagad ding napaaray ng maramdaman ko kung gaano kasakit iyun. Mabuti na lang talaga at malakas yata ang kapit ng mga ngipin ko at walang natangal na kahit na isa. Kaya lang, alam kong mag-iiwan pa rin ito ng pasa sa pisngi ko kaya naman dali-dali na akong pumasok sa loob ng bahay.

 

Maghahanap ko ng yelo para ilagay ko sa aking pisngi. Hindi ako pwedeng magkapasa sa bahaging ito lalo na at may pasok pa ako bukas sa opisina.

 

Kaya lang bago ko naisara ng tuluyan ang pintuan ng bahay, siyang dating naman ni Risa. Humahangos ito at halata sa histura nito ang pag-aalala.

 

"Amber, totoo ba? Sumugod dito ang TAtay mo?" seryoso niyang tanong habang titig na titig sa akin. Kaagad ko namang tinangal ang kamay ko na nakapatong sa aking pisngi para tanungin siya.

 

"Risa, sa palagay mo ba, magkakapasa ako nito?' seryosong tanong ko. Napansin kong kaagad nanlaki ang mga mata niya habang titig na titig siya sa akin

 

"Diyos ko! Alam mo ba kung ano ang kulay ng pisngi mo ngayun? Sinaktan ka na naman ba ng Tatay mo?" seryoso niyang tanong

 

Lalong nag-alab ang galit sa puso ko sa naging tanong na iyun ni Risa sa akin. Yes, sinaktan na naman ako ni Gustavo Enrigquez. Wala na ngang naging ambag sa pagpapalaki sa akin kay gaan pa ng kamay para manampal

 

"I think kailangan matingnan ng Doctor ang pisngi mo, Amber. Para naman maresitahan ka ng gamot bago pa mamaga iyan ng tuluyan?" seryoso niyang bigkas. Hindi ko naman mapigilan ang malakas na mapabuntong hininga.

 

"Huwag mo nang isipin ang tungkol dito. Malayo sa bituka at yello lang ang katapat nito." seryoso kong bigkas at akmang tuluyan ko na sanang isasara ang pintuan ng bahay pero maagap niya akong nahawakan sa aking kamay

 

"Sandali. HIndi pwede! Magbest fiend tayo at hindi ko kayang makita ka sa ganiyang kalagayan, Amber. Sumama ka sa akin. Pupunta tayo sa hospital para matingnan iyang pisngi mo.'" seryoso niyang bikgas. Malakas niya pa nga akong hinila kaya wala na akong naging choice pa kundi ang tumang-ayon sa nais niya. Alam ko kasing sa pagkakataon na ito, hindi talaga ako mananalo sa kanya.

 

Hawak ako sa braso ni Risa na tinahak namin ang makipot na daan ng iskinita. Squatters area itong kinaroroonan namin kaya expected talaga na maraming tambay sa buong paligid. Maingay at magulo ang buong paligid dagdagan pa ng mga batang nagkalat.

 

Kaagad namang kaming nakarating ni Risa sa labasan. Nag-aabang kami ng masasakyang jeep nang isang mamahaling kulay itim na sasakyan ang huminto sa harapan namin.

 

HIndi ko na lang sana papansinin pa iyun kaya lang, noong dahan-dahan na bumaba ang salaming bintana ng naturang saakyan hindi ko maiwasan na magulat nang tumampad sa mga mata ko si Sir Lucian Montefalco Ferrero. Mula sa liwanag ng poste ng ilaw, kitang kita ko ang madilim nitong awra.

 

"Sumakay ka na! Ako na ang bahalang magdadala sa iyo sa hospital" malamig pero seryoso niyang wika. Nagtatakang napatingin naman ako kay Risa.

 

"Alam niya ba kung ano ang nangyari kanina?" pabulong kong tanong kay Risa. Alanganing pag-iling naman ang naging sagot nito sa akin

 

"Siguro, sumama ka na lang sa kanya, Amber! HIndi na pala kita masasamahan sa hospital dahil may nakasalang pala ako sa kalan at baka hindi narinig ni Tatay ang sinabi ko na bantayan niya!" sagot din naman kaagad nito sa akin. Hindi ko pa nga maiwasan na magtaka nang mabilis ako nitong iniwan at halos patakbong pumasok sa loob ng madilim na iskinita. Akmang susundan ko na sana si Risa nang isang kamay ang mahigpit na humawak sa braso ko.

 

Paglingon ko sumalubong sa paningin ko ang matalim kung makatitig na mga mata ni Sir Lucian at walang sabi-sabing basta niya na lang akong hinila patungo sa kanyang sasakyan at saplitan na ipinasok sa loob.

 

 

Chapter 44

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"SIR, ano po ang ginagawa niyo?"

 

nagtataka kong tanong kay Sir Lucian habang magkatabi kami dito sa likurang bahagi ng sasakyan.

 

Malaya niya akong naipasok dito sa loob ng kanyang sasakyan at basta na lang akong iniwanan ni Risa. Hidi ko siya maintindihan. Bakit bigla na lang siyang sumusulpot kanina? Bakit feeling ko alam niyang may hindi magandang kanais-nais na nangyayari sa buhay ko?

 

Ganito na lang kasi palagi. Tuwing nasa alanganin akong sitwasyon bigla na lang siyang sumusulpot.

 

"Ano ang nangyari? Bakit may pasa ka sa pisngi mo?" seryoso niyang tanong habang titig na titig sa akin. Binuksan niya pa nga ang ilaw dito sa loob ng sasakyan at pinakatitigan niya ako.

 

Wala sa sariling napahawak ako sa nasaktang kong pisngi at kaagad na nag-iwas ng tingin sa kanya.

 

"Malayo po ito sa bituka Sir. Maliit na bagay." kinakabahan kong sagot habag itinutok ko ang paningin ko sa labas ng bintana. Hindi siya sumagot pero naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa kamay ko na nakatakip sa aking pisngi at pilit na tinagangal iyun

 

"Maliit na bagay? Sa ganiyan kalaking pasa sa pisngi mo, maliit na bagay sa iyo iyan?" seryoso niyang tanong sa akin. HIndi naman ako nakaimik.

 

Hindi ko siya maintindihan. Bakit ba ramdam ko sa boses niya ang matinding pagkadismaya. May nahihimigan din akong tinitimping galit sa hindi ko malaman na dahilan.

 

Tska ano ang ginagawan niya dito sa paligid? Huwag niyang sabihin na napadaan lang siya at nakita niya kaming dalawa ni Risa na nakatayo sa gilid ng kalsada kaya hinintuan niya kami?

 

"Pakitawagan si Doctor Castro at sabihin niyong dadaan tayo sa clinic niya." hindi ko pa nga mapigilan ang muling mapatingin sa kanya nang bigla siyang nagalita. Sa pagkakataon na ito, may kausap na siya sa kanyang cellphone habang salubong pa rin ang kilay niya.

 

"A-ayos lang po ako Sir. Kaya pa sigurong tapalan ng yello itong pisngi ko." mahina kong sambit. Hindi siya sumagot bagkos napansin kong naging abala na siya sa kanyang cellphone. Pinili ko na lang ang manahimik

 

Aware naman ako na kahit na anong pangngatwiran ang gawin ko kay Sir Lucian ay hindi talaga ako mananalo sa kanya. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit para bang bigla ko na lang siyang naging saviour ngayun?

 

Bigla na lang din kasi siyang sumusulpot sa kapag nasa gipit akong sitwasyon. Nagkataon lang ba ang lahat or baka naman may iba siyang dahilan

 

Dahli medyo masakit talaga ang

nasampal kong pisngi, pinili ko na lang na ipikit ang aking mga mata.

 

Balak ko pa naman sanang matulog ng maaga ngayun. Tsaka ang mga take out food na bigay din nitong si Sir Lucian tiyak akong masisira ang mga iyun dahil hindi nailagay sa ref.

 

Haysst, kailangan ko talagang makabalik kaagad na bahay. Kakausapin ko na lang si Sir Lucian at magpapaalam na lang ako sa kanya mamaya.

 

Mabilis lang din naman kaming nakarating ng hospital. Pagdating ng hospital, kaagad din naman akong inasikaso ng mga doctor. Niresetahan ng cream na panglagay sa mukha ko at pagkatapos noon, umalis din naman kaagad kami

 

Pagbalik namin sa sasakyan, napansin kong lalong naging tahimik si Sir Lucian. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatitig sa kawalan.

 

Akmang magmamaniobra na sana ang driver nito paalis ng parking area ng hospital nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ni Sir Lucian. Nahuli ko pa  kung paano ako nito titigan bago niya sinagot ang tawag nang naka loud speaker.

 

"Boss, ayos na! Nagawa na nahin ang utos niyo." narinig kong wika ng kung sino na nasa kabilang linya.

 

"Good! Good! Siguraduhin niyo na maging abo lahat ng mga gamit nila. Walang kahit na isang itira." seryoso nitong sagot. Hindi ko naman mapigilan ang mapakunot noo sa naging takbo ng usapan nila gayunpaman pinilit kong huwag nang pansinin. Wala akong karapatan na magtanong dahil empleyado niya lang naman ako.

 

Naging mabilis lang naman ang pag-uusap at ibinaba kaagad nito ang tawag. Kinuha ko ding pagkakataon iyun para masabi kay Sir Lucian ang kanina pa tumatakbo sa isipan ko

 

"Pwede bang makauwi na ako? I mean, gusto ko nang makauwi para makapagpahinga." mahina kong sambit. Sa pagkakataon na ito, tumatakbo na ang sasakyan palabas ng parking area ng hospital at hindi ko alam kung ano ang plano nitong si Sir Lucian.

 

HIndi ko din alam kung ano pa ba ang pakay niya sa akin kung bakit nandito pa rin ako loob ng kanyang sasakyan

 

"NO need! Sasama ka sa akin ngayung gabi." seryoso niyang sagot sa akin. Hindi ko naman maiwasan ang ng magulat. Bigla din akong nakaramdam ng kaba sa hindi malamang dahilan

 

"Eh, Sir! May-may pasok pa po ako ng opisina bukas. Hindi po ako pwedeng magpuyat." katwiran ko din naman kaagad sa kanya.

 

"Yeah...hindi ka pwedeng magpuyat pero nakalimutan mo na ba ang trabaho mo sa akin? You are my personal secretary at nakasaad sa kontrata mo na sa tuwing kailangan kita, on call ka!" seryoso niyang bigkas na labis kong ikinagulat.

 

"Huh? Ka-kahit alanganing oras po?" gulat kong bigkas. Isang ngisi ang pinakawalan niya sa akin at akmang hahaplusin niya sana ang pisngi ko pero mabilis akong nakaiwas.

 

"Yeah...kahit na anong oras." seryoso niyang bigkas habang matiim na nakatitig sa akin. Kaagad naman akong nag-iwas

ng tingin sa kanya.

 

 

 

Chapter 45

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

Hindi ko maiwasan na mapaupo ng tuwid nang mapansin ko ang pagpasok ng kotse na sinasakyan namin sa isang familiar na lugar.

 

Hindi ko alam kung ano bang 'trabaho' ang ipapagawa niya sa akin gayung dis-oras na ng gabi. Ramdam ko na din ang gutom at ngayun ko lang din narealized na mahirap pala ang maging presonal secretary. On call daw sa lahat ng oras at wala din sa oras ang trabao ko. Kaya siguro kanina, maghapon akong walang trabaho dahil posibleng sa gabi ang trabaho ko?

 

"Sir, ano po ang gagawin natin dito?"

 

wala sa sariling muling tanong ko. Kanina pa umiikot ang paningin ko sa buong paligid at hindi ko din maiwasan na makaramdam ng kaba.

 

Paano ba naman kasi, nandito lang naman kami sa Villa kung saan una niya akong inangkin. Hindi ko alam kung bakit niya ako dinala dito.

 

lyun nga lang, wala naman akong nakuhang sagot sa kanya dahil pagkahinto pa lang ng sasakyan sa may parking area ng Villa ay bumukas naman kaagad ang pintuan ng sasakyan at mabilis naman siyang bumaba. Naiwan naman akong hindi malaman ang gagawin ko.

 

May trauma ako sa lugar na ito eh. Muntik na akong hinid makalakad kinaumagahan dahil sa kagagawan niya.

 

"Mam, baba na po kayo diyan. Pumasok na po kayo sa loob." narinig kong wika nang kung sino kaya kaagad akong napaangat ng tingin. Sumalubong sa mga mata ko ang familiar na mukha. Siya iyung lalaking sumundo sa akin sa bar at nagdala din dito sa Villa noong gabi na ibinenta ko ang katawan ko kay Sir Lucian

 

"Sir, ano po ang ginagawa ko dito? May--may idea po ba kayo kung ano ang kailangan ni Sir Lucian sa akin?"

 

mahinang tanong ko. Napansin nakangiti itong umiling.

 

"NO po Mam pero para malaman niyo, sumunod na kayo sa kanya sa loob." nakangiti nitong sagot. Wala na akong choice pa kundi ang bumaba na lang ng kotse. Mahina ang hakbang na naglakad papasok ng Villa habang umiikot ang paningin ko sa buong paligid.

 

"Bakit ang tagal mong sumunod? Hindi mo ba nabasa sa contract mo na bawal kang makipag-usap kahit na kanino at kung may gusto kang itanong dapat sa akin lang?" hindi ko pa nga mapigilan ang mapahawak sa aking dibdib sa gulat nang pagkapasok ko pa lang sa loob ng bahay, ang seryosong boses na ni Sir Lucian ang sumalubong sa akin

 

"Ahmmm, sorry po! Nag-nagtataka lang po ako kung a-ano ang ginagawa ko sa bahay na ito? At-at kung ano po ang kailangan niyo sa akin." kinakabahan kong tanong.

 

"Huwag mo nang isipin ang mga bagay na iyan. Sumunod ka sa akin!" seryoso niyang bigkas at naglakad patungo sa kung saan. Tahimik naman akong napasunod sa kanya at nagulat na lang ako nang pumasok kami sa isa pang pintuan kung saan may mahabang dining table na may mga pagkain na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

 

"Kumain ka muna at pagkatapos mong kumain, may pupunta sa iyo dito para iguide ka kung saan ka matutulog." seryoso niyang wika. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

 

Ang akala ko kasi ay may trabaho siyang ipapagawa sa akin pero bakit ang pagtulog ko ang sinabi niya ngayun?

 

"Naku, ayos na po ako Sir. Sa bahay na po ako kakain. Aalis na po ako." kaagad ko ding sagot at akmang ihahakbang ko na sana ang mga paa ko paalis ng maagap niya akong hawakan sa aking kamay.

 

"Saan ka pupunta? Nakalimutan mo na ba? I am your Boss at dapat lang na sundin mo ang nais ko. Kapag sinabi ka na kumain ka. kumain ka at kapag sinabi ko

na dito ka matutulog, dito ka matutulog." malalim at nakakatakot ang tono ng boses niya habang may kislap ng galit sa mga mata na wika niya kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba.

 

Anong klase ba talagang pag-uugali meron siya? Minsan, okay siya minsan naman para bang bigla na lang tinutupak. MInsan, sobrang bait niya pero kadalasan nakakatakot siya kung tumitig. HIndi ko tuloy malaman kung paano siya pakibagayan.

 

"Sorry po Sir! Si-sige po kung ano ang nais niyo masusunod po." mahina ang boses na sagot ko sa kanya habang hindi ako makatitig ng direcho sa kanya.

 

Nakakatakot kasing tumitig sa mga mata niya eh. Parang may something na hindi ko maintindihan.

 

Chapter 46

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

KAHIT pala gaano pa kasarap ang mga pagkain na nakahain sa harapan mo at kung maraming gumugulo sa isipan mo, hindi mo din pala halos malalasahan at mai-enjoy.

 

Iyun ang nararamdaman ko ngayun. Kumain ako dahil gutom ako at wala ng iba. Nakailang subo lang din ako at umayaw na din kaagad ako sabay tayo

 

Saktong pagkatayo ko, may lumabas na kung saan na isang babae na naka-uniform at sinabi sa akin na sasamahan niya daw ako sa aking silid. Isang tipid na pagtango ang naging sagot ko kaya naman kaagad niya na din akong iginiya patungo sa second floor ng Villa

 

"Mam, ito pong kwarto ang gagamitin niyo at lahat po ng mga gamit na kakailanganin niyo ay maayos pong nakalagay sa ibabaw ng kama." nakangiti nitong wika sa akin nang makapasok na ako dito sa loob ng silid. Bago pa ako nakasagot sa sinabi ng kasambahay, napansin kong walang sabi-sabi na basta na lang itong umalis at iniwan akong mag -isa.

 

Walang choice kundi ang mabilis kong isinara ang pinturan ng kwarto at siniguradong nakalock iyun bago ako naglakad patungo sa may kama. Napansin ko pang may nakapatong na tela doon na kung hindi ako maaring nagkamali ay ito iyung tinutukoy ng kasambahay kanina.

 

Dali-dali kong dinamot iyun at tiningnan at kaagad nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang mapansin ko na isang itong seksing nighties dress. Kulay pula at sobrang seksi ng cut.

 

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapalunok ng sarili kong laway. Never ko pang naranasan na magsuot ng ganito kaseksi na pananamit na pantulog pero wala naman na akong nakita pa na kahit na ano pa man dito sa loob ng silid. Ang kasuotan ko ngayun ay ang suot ko kanina pang umaga noong pumasok ako ng opisina.

 

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko muling inilibot ang paningin sa buong paligid. Aware ako na kapag ganitong mga kwarto ay may sariling banyo kaya iyun ang dapat kong hanapin. Nanlalagkit na ako at gusto kong maghalf bath na mun bago matulog

 

Nang mapansin ko ang isa pang nakasarang pintuan ay dali-dali akong naglakad patungo doon at hindi ko maiwasan na mapangiti nang ito nga ang banyo na hinahanap ko. Walang patumpik -tumpik na pumasok sa loob at walang pag-alinlangan na hinubad lahat ng kasuotan.

 

Mula toiletries at iba ko pang mga kakailanganin ay meron dito sa loob ng banyo kaya nagawa ko ang lahat ng nais ko. Nagawa ko lahat ng evening routine ko at kung hindi nga lang ako sobrang inaatantok, baka naligo na din ako eh.

 

Sa muling paglabas ko ng banyo ay wala na akong nagawa pa kundi ang isuot ang nighties dress na nandito sa ibabaw ng kama. Pwede na din pagtiyagaan kaysa

naman sa wala akong maisuot.

 

Pagkasuot ko ng nighties dress, hindi ko mapigilan ang mapangiwi nang tumapad sa mga mata ko ang seksi kong katawan.

 

Sumakto talaga ang sukat at humakab iyun sa korte na aking katawan

 

Dahil wala naman na akong gagawin at kailangan ko na ding matulog, nagpasya na din akong mahiga ng kama. HInila ang makapal na comforter at itinakip iyun sa aking katawan. Malamig ang temperatura ng buga ng aircon at sa sobrang nipis ng suot kong pantulog na halos wala nang maitago kailangan ko talaga ang makapal na kumot para hindi ako lamigin.

 

Ilang minuto lang ang lumipas at kaagad na din akong nakatulog

 

Iyun nga lang, hindi ko alam kung panaginip lang ba ang lahat nang bigla ko na lang naramdaman nang may kung sino na humahaplos sa aking balat. Mula sa aking paanan, paakyat sa aking tuhod hanggang sa makarating iyun sa aking legs.

 

Dala ng matinding pagkagulat at kaba, dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at muli ding napapikit nang tumampad sa paningin ko ang mukha ni Sir Lucian.

 

YEs, si Sir Lucian ang nandito sa aking silid na humahaplos sa hita ko. Hindi ko nga alam kung nahuli niya ba ang pagdilat ko pero dinig na dinig ko ang malakas niyang paghinga na para bang hinihingal siya.

 

Mula sa aking legs, tumaas pa ang pasaway niyang kamay at ipinasok sa loob ng panty ko at bigla na lang pinuntarya ang hiwa ko. Sinalat salat niya ang perlas ko at ilang saglit lang walang sabi-sabing dumaosdos iyun papasok sa aking lagusan ko.

 

Wala sa sariing napakagat ako ng aking labi para pigilan ang kahit na isang salita na lumabas sa bibig ko. Ano ba itong ginagawa niya? Bakit ganito tsaka paano siyang nakapasok dito sa loob ng silid?

 

Gosh, bakit ang sarap? Dapat makaramdam ako ng galit dahil sa ginagawa niya ngayun pero bakit iba yata ang gusto ng katawan ko? Sobra bang na-miss ng katawan ko kung paano niya ako angkinin noon?

 

HIndi na din ako nakaangal pa nang tuluyan niya na ding hubarin ang panty ko. Ibinuka niya ang hita ko at isang mahinang ungol ang kumawala sa lalamunan ko nang maramdaman ko ang patuloy na paglabas-pasok ng daliri niya sa loob ng butas ko.

 

 

 

Chapter 47

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Umhhh!" mahinang ungol na kumawala sa bibig ko habang abala si Lucian sa ginagawa niya sa hiyas ko. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa niya pero aminado ako sa sarili ko na nasasarapan ako.

 

Dapat kanina pa ako umalma eh. Umpisa pa lang dapat pinigilan ko na siya pero nanatili akong tahimik hanggang sa hindi ko na makonrol ang sarili ko. Kusa ko nang imulat ang aking mga mata at direkatang tumitig sa kanya.

 

"Masarap ba?" narinig kong bigkas niya pagmulat pa lang ng aking mga mata. Hindi ko akalain na nakatitig din pala siya sa aking mukha kaya aware siguro siyang kanina pa ako gising. Umpisa pa lang, alam kong alam niya din na nasasarapan ako sa ginagawa niya sa akin.

 

"Hin-di ito ang ta-ma!" mahina kong sambit at hindi ko mapigilan ang mapaawang ang aking bibig nang lalo niyang pinag-igihan ang paglabas pasok ng daliri niya sa pwerta ko.

 

Nararamdaman ko na malapit na akong labasan at nakita marahil iyun ni Lucian kaya kaagad niyang hinugot ang daliri niya at ipinalit niya ang bibig niya sa aking hiyas.

 

"Ohhh, Lucian! Umhhhhhh! Ang sarap niyan!" malakas kong bikas. Parang walang narinig na mas lalo niya pa yatang pinag-igihan ang pagkain sa perlas ng silangan ko. Nandiyan na kinakagat-kagat niya ang perlas ko at pinapalandas niya ang pinatigas niyang dila sa aking butas.

 

Halos manginig naman ang buo kong laman sa ginawa niyang iyun sa akin at ilang saglit lang, naramdaman ko na lang ang isang bagay na biglang kumawala sa kaloob-looban ko. Ang aking katas na walang pag-alinlangan na hinigop yata lahat ni Lucian.

 

Malakas ang kabog ng dibdib ko pagakatapos kng makaraos. Para akong galing sa mabilisang pagtakbo sa lakas ng hingal ko at ilang saglit lang, naramdaman ko na lang ang pagapang ni Lucian paitaas sa akin. Ipinatong niya ang bigat niya sa aking katawan at walang sabi -sabing inangkin niya ang labi ko.

 

Mapusok niya akong hinalikan na para bang gusto niyang lamunin ang labi ko. Ginalugad ng pasaway niyang dila ang bawat kasuluk-sulukan ng aking bibig na para bang may hinanahanap siyang hindi ko mawari.

 

"Ahmmmhhh, ganiyan nga My Precious! Kiss me back! Ngayung pa lang, dapat matuto ka na kung paanong humalik dahil simula ngayung gabi, akin ka na! Akin ka lang!" mahina niyang bigkas. HIndi ko naman pinansin ang sinabi niya bagkos pinag-aralan ko ang bawat galaw ng labi niya at pilit na ginagaya iyun.

 

Narinig ko na ang mahina niyang ungol nang bigla kong hulihin ang dila niya at s* *****n. Ginawa niya din naman sa akin ito kanina kaya gagawin ko din sa kanya ngayun.

 

"Fuck! Gumagaling ka na ah?" mahina niyang sambit at biglang bumaba ang halik niya patungo sa aking leeg. Hindi ko naman mapigilan na maipikit ang aking mga mata para damhin ang ginagawa niyang ito sa katawan ko.

 

Wala din naman akong plano na sawayin siya sa ginagawa niyang ito sa akin kaya bahala na. Minsan niya na din naman akong naangkin kaya lubos-lubusin na namin. Wala nang dailan para tumtutol dahil nakuha niya na din naman ang katawan ko.

 

Hang saglit alng, mas lalong naging mapusok si Lucian. Lumipas pa ang ilang sandali at tuluyan niya nang pinag-isa ang aming katawan. Hindi ko din inaasahan na makakaramdam ako ng matinding kaligayahan. Kakaibang sarap ang naramdaman ko compare noong unang gabi niya akong inangkin. HIndi na ako nakaramdam pa ng sakit bagkos puro sarap na lang.

 

"Uhhh, fuck! Ang sarap mo talaga, Precious!" hindi ko na din mabilang pa kung hilang beses nang nabangit ni Lucian ang katagang iyun habang patuloy siya sa pagtaas baba sa ibabaw ko.

 

Ramdam ko ang paulit-ulit na paglabas pasok ng malaki niyang sandata sa lagusan ko. Ang bawat paghugot at pagbaon na ginagawa niya ay sinasabayan ng malalakas na ungol na hindi ko mapigilan kumawala sa lalamunan ko.

 

Kagaya noon, ilang beses niya akong inangkin bago kami parehong hinila ng antok. Hubot-hubad kaming nakatulog habang magkayakap sa ibabaw ng kama.

 

Nagising ako kinaumagahan na mag-isa na lang akong nakahiga sa kama! Wala sa sariling napabangon ako ng kama at muli ding napahiga dahil feeling ko pagod na pagod pa rin ako. Ilang beses nga palang may nangyari sa aming dalawa ni Lucian kaya feeling ko naubos na naman ang lakas ko.

 

Nasa ganoon akong sitwasyon nang marinig ko ang pagtunog ng mumurahin kong cellphone. Wala sa sariling kaagad kong dinampot iyun at hindi na nag-abala pang tingnan ang tumatawag at kaagad kong sinagot iyun

 

"Amber, nasaan ka?" seryosong wika ng familiar na boses sa kabilang linya. Wala sa sariling dali-dali akong napabangon ng kama habang mahigpit na nakahawak sa phone ko.

 

Ang aking ama na si Gustavo Rodriguez na namang tumatawag!

 

"Ano ang kailangan mo? HIndi ba't sinabi ko na ayaw ko na kayong makausap?" galit kong sagot.

 

"Precious Amber! Huwag na huwag mong paintin ang ulo ko lalo na ngayung nahaharap sa matinding krisis ang negosyo ko!" galit niyang sagot sa akin.

 

 

Chapter 48

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Krisis? Palagi naman diba? Ilang ulit niyo ng sinasabi sa aki ang krisis na iyan at wala akong pakialam. Negosyo mong kayong dalawa ng kerida mo ang nakikinabang kaya huwag na huwag mo akong idamay sa problema mo!" galit ko ding sagot sa kanya!

 

"Amber! Bastos ka talaga ah? Wala kang kwentang anak! Ilang ullt na akong humingi ng sorry sa iyo pero bakit ba napakatigas mo pa rin?" ramdam ko din ang galit sa boses niya kaya naman hindi ko mapigilan ang mapasimid.

 

"Tigilan mo na ang kakahingi ng sorry dahil hindi na kita mapapatawad! Tinangap ko na sa sarili ko na wala na akong ama kaya utang na loob! Tigilan mo na ako! Wala kang mapapala sa akin at wala akong pakialam kung tuluyan mang malugi iyang negosyo mo1" galit ko ding sagot sa kanya!

 

"Hindi pwede! Kahit na ano pa ang sasabihin mo, hindi maari! Anak lang kita at dapat lang na tulungan mo ako sa problema ko ngayun!" galit niyang sagot sa akin. Wala sa sariling napahilot ako sa aking sintido. Pakiramdam ko, biglang sumakit ang ulo ko! Ano na naman kayang drama ito? Bakit ba ayaw niya pa rin akong tigilan?

 

"Nasunog kagabi ang warehouse! Naubos lahat ng stocks ko at kailangan kong makahanap ng karagdagang investors na magsasalba sa negosyo ko!" galit niyang wika sa akin. Hindi ko naman malaman kung ano ang maramdaman ko.

 

Sa furniture business galing ang pera ni Daddy na pantustos niya sa kedira niya at sa anak ng kerida niya. Kung nasunog man ang warehouse niya, talaga namang mas lalo silang malulugi. Mahihirapan na silang makabangon kung ganoon.

 

Sa naisip kong iyun, hindi ko mapigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko.

 

Dumating na yata ang karma nila at excited na akong panoorin kung paano sila maghirap kagaya ng naranasan naming dalawa ni Mommy noong walang awa na basta niya na lang kaming pinalayas sa poder niya.

 

"Balita ko nagta-trabaho ka daw sa LMF Corporation bilang secretary ng CEO.

 

Gusto kong i-book mo ako ng appointment sa kanya! Ngayun din!" demanding nitong muling wika. HIndi ko naman mapigilan ang mapataas ng kilay.

 

Tingnan mo nga naman. Kung makapag-utos akala mo naging mabuti siyang ama sa akin. Well, manigas sila. Wala akong gagawin at wala din talaga akong balak na makipagbati sa kaniya. Mas gustuhin ko pang tuluyang malugi ang negosyo niya para naman quits na kaming ahat!

 

Natiis niya nga si Mommy na namatay sa sakit na hindi man lang siya nagbigay ng tulog pampagamot kaya titiisin ko din sila ngayun para patas lang.

 

Tsaka malay ko ba sa appointment-appointment na iyan. Wala akong idea diyan dahil hindi pa naman ako nag-uumpisa sa trabaho.

 

"NO! Hindi ko trabaho iyan at kung gusto mo ng appointment, tumawag ka sa hotline ng SMF. Sa executive secretary ka kumuha ng appointment at huwag sa akin. "naiinis kong sagot.

 

"Amber!!" alam kong sa pagkakataon na ito, nakasigaw na siya kaya nakasimangot na kaagad ko na ding pinatay ang tawag.

 

Ayaw kong stressin ang sarili ko sa mga taong walang naging ambag sa buhay ko. Solo lang ako ngayun na namumuhay kaya naman pipilitin kong maging masaya.

 

"HEy...ang aga noon ah? Sino ang kausap mo?" taranta kong hinila ang makapal ng comforter para itakip sa aking katawan nang marinig ko ang seryosong boses ni Lucian na bigla na lang nagsalita.

 

Kaagad akong napatitig sa kanya at hindi ko mapigilan ang mapalunok ng aking laway nang tumampad sa mga mata ko ang walang saplot niyang katawan

 

"Mukhang galing siya ng banyo at kakatapos lang maligo. Nakangiti siyang naglakad palapit sa akin at basta niya na lang hinablot ang makapal na comforter na nakatakip sa aking katawan

 

"Si Daddy! I mean...si Daddy ang kausap ko." mahinang sagot ko sa tanong niyang iyun kanina.

 

"Ang ama mo? Bakit parang mainit ang ulo mo? Ano ang pinag-uusapan niyo?" mahina ang boses na tanong niya sabay patong ng isa niyang palad sa balkat ko.

 

HInila niya ang comforter na nakatakip kanina sa aking katawan kaya malaya niya na namang napagmamasdan ang katawan ko. Ilang beses ko ding nahuli ang makailang ulit na pagalaw ng adams apple niya hanggang sa bigla na lang bumaba ang mukha niya patungo sa mukha ko at naglapat ang aming labi.

 

"Hmmm, hayaan mong pahupain ko ang mainit mong ulo ngayung umaga." mahina niyang sambit. HIndi naman na din ako nagtangkang sumagot dahil lunod na lunod na din naman ako sa ginagawa niya ngayun sa akin.

 

Shit, ito iyung sinasabi na kakaibang breakfast in bed. Hindi nga lang pagkain ang nilalantakan ni Lucian ngayun kundi ang boobs ko habang patuloy na naman sa pagdama ang dalawa niyang palad sa buo kong katawan.

 

 

Chapter 49

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Stay here! Pwede kang magpahinga hangat gusto mo, may aasikasuhin lang ako at babalik din kaagad ako mamaya!" katagang namutawi sa labi ni Lucian habang abala siyang nagbibihis.

 

Kakatapos lang ng mainit na sandali sa aming dalawa at kitang kita ko ang pagmamadali sa bawat kilos niya. Hindi naman ako nakaimik

 

Sa totoo lang, naguguluhan ako. Kay bilis kang bumukaka sa harap niya na para bang normal lang sa aming dalawa ang mga nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at bakit kay bilis kong nagpadarang sa init ng katawan.

 

Pagkatapos niyang magbihis, walang lingon-likod na iniwan niya na ako dito sa loob ng silid. Dali-dali naman akong bumangon at naglakad patungo sa banyo para maligo.

 

Pagkatapos kong maligo, pinakialaman ko na din ang mga damit niya. Namili ako ng pwede kong isuot na-tsirt. Ayos naman dahil ang t-shirt niyang napili kong isuot ay nagmumukhang dress ko na lang din. Kumuha na din ako ng boxer shorts at isinuot iyun para mgsilibing aking underware.

 

Kasalulukuyan akong nagsusuklay ng aking buhok nang marinig ko ang mahinang katok ng pintuan ng silid. Dali-dali akong naglakad patungo doon at bumungad sa harapan ko ang isang kasambahay.

 

"Mam, ready na po ang breakfast niyo." nakangiti nitong wika sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti. Gutom na din kasi talaga ako kaya naman walang patumpik-tumpik akong sumama sa kanya patungo sa dining area.

 

Pagkatapos kumain, nagpasya akong maglakad-lakad ng garden. Habang nasa garden ako, napansin ko ang pagdating ng isang sasakyan kaya wala sa sariling napatitig ako doon.

 

Pagkahinto ng nasabing sasakyan. isang medyo may edad na babae ang bumaba. Maganda ito, sopistikada at halata talagang mayaman.

 

Napansin ko pa ngang tumingin ito sa gawi ko kaya hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kaba. Nagtatalo din ang isipan ko kung iiwasan ko ba siya ngayung naglalakad na siya palapit sa akin.

 

"Who are you?" seryoso ang boses na tanong niya sa akin pagkalapit niya. Lalo namang dumagundong sa kaba ang puso ko. Napansin ko kasi na para bang hindi siya masaya sa presensya ko.

 

"Amber po. Ako po si Amber-

 

"Bagong laruan ng anak ko? Pwede ka nang umalis!" seryoso niyang wika na labis kong ikinagulat.

 

Hindi ko ito inaasahan. Hindi ko alam kung susundin ko ba siya gayung hindi ko naman alam kung sino ba talaga siya.

 

"Po?" mahinang tanong ko.

 

"Narinig mo ba ang sinasabi ko? Umalis ka na! Isa ka lang sa mga babaeng naging laruan ng anak ko at huwag kang umasa na magseseryoso siya sa iyo. Ngayun, maaring ikaw ang kinahuhumalingan niya at maaring bukas iba naman. Huwag kang umasa na magseryoso siya sa iyo dahil malabong mangyari iyun. And besides, may fiancee na ang anak ko at malapit na silang ikasal." seryoso niyang bigkas na para bang isang bomba na sumabog sa pandinig ko.

 

Bigla akong nagising sa katotohanan. Ano ba nga ba talaga ako sa buhay ni Sir Lucian? May nangyari sa amin kagabi pero walang malinaw na pagpapaliwanag kung ano nga ba ang posibleng magiging papel ko sa buhay nito.

 

Sa naisip kong kong iyun, wala sa sariling napaatras ako. Hindi ko malaman ang gagawin ko at hindi ko din maiwasan na makaramdam ng hiya sa babaeng kaharap ko ngayun. Ina pala siya ni Lucian at pinapaalis niya na ako. Feeling ko din sobrang baba ng tingin niya sa akin.

 

Tsaka, anong sabi niya? Isa lamang ako sa mga babaeng naging laruan ng anak niya? GAnoon na ba talaga kababaero si Sir Lucian? Kung ganoon, kailangan ko na nga talaga siguro siyang iwasan. Nakakatakot!

 

Natatakot ako na baka magising na lang ako isang umaga na baliw-baliw na ako sa lalaking iyun. HIndi ako pwedeng sumugal sa isang relasyon na badang sa huli, maaaring ako ang magiging talo.

 

Sa naisip kong iyun, wala sa sariling naihakbang ko ang aking mga paa paalis. Patungo sa gate at lumabas.

 

Pagkalabas ko ng gate, hindi ko alam kung saan ako patutungo. Wala akong dala na kahit na magkano. Wala akong kapera-pera at paano ako makakauwi nito.

 

Litong lito akong binaybay ang gilid ng kalsada. Tulala akong naglalakad hanggang sa maramdaman ko na may humintong sasakyan sa may tagiliran ko.

 

"Amber?" tawag ng kung sino sa pangalan ko kaya wala sa sariling

napalingon ako. Isang familiar na mukha ang sumalubong sa akin habang nakangiti siyang nakatitig sa akin.

 

"Jared?" mahinang bigkas. Si Jared ay minsan kong naging classmates sa Isa sa mga subjects ko two years ago. Two years ago dahil pahinto-hinto naman ako sa aking pag-aaral dahil sa sakit ni Mommy at kapos din sa financial

 

"Saan ka galing? Sakay na! Ihahatid na kita kung saan ka man pupunta." nakangiti nitong wika pero hindi ko naman malaman ang gagawin ko. Nahihiya ako kay Jared lalo na at hindi kaaya-aya ang hitsura ko ngayun.

 

"Look Amber! Ihahatid lang kita! Mahihirapan kang makahanap ng masasakyan sa lugar na ito lalo na at minsan lang kung may pumasok na mga taxi dito. Halika na!" nakangiiti nitong muling pagyayaya sa akin kaya wala na akong choice kundi ang maglakad palapit sa kanyang sasakyan.

 

Mabilis naman itong bumaba ng kotse at pinagbukasan niya ako ng pintuan. Kahit na nahihiya, mabilis na din akong sumakay.

 

Tama siya, wala akong masasakyan na taxi sa lugar na ito at kung sakaling may dumaan man, hindi din naman ako pwedeng sumakay. Wala kasi akong dalang pera.

 

 

Chapter 50

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

Kahit na nahihiya sa dati kong ka-classmate na si Jared, wala na akong choice pa kundi ang makisabay sa kanyang kotse. TAma siya, malabo talaga akong makasakay ng taxi sa lugar na iyun lalo na at masyadong malayo sa lahat at bihira lang kung may dumaang sasakyan.

 

"So, kumusta ka na? Ang tagal ko ding walang naging balita sa iyo ah?" nakangiting tanong sa akin ni Jared habang nakatutok ang kanyang mga mata sa harap ng kalsada.

 

"Ayos lang. Pasensya ka na ha? Ngayun lang ulit tayo nagkita pero naabala na kaaad kita." hingi kong paumanhin sa kanya! Isang mahinang pagtawa ang naging sagot nito bago tumango tango.

 

"Ayos lang! No problem. Maliit na bagay." natatawa nitong bigkas. Wala sa sariling napatitig ako kay Jared. Sa totoo lang, noon pa man kilala na ito sa School sa pagiging mabait. Ni minsan hindi ko man lang narinig na nakipag-basagulero ito kahit na ang totoo galing din ito sa mayamang angkan.

 

Marami kaming mga ka-classamates niya ang nalilibre niya ng mga pagkain kapag nakakasabay namin siyang kumain sa canteen. Iyun nga lang dahil pahinto-hinto ako sa aking pag-aaral, hindi na ako nakasabay sa kanya hanggang sa napag -iwanan na ako. Twenty two years old na ako ngayun pero nasa third year pa rin ako sa kurso kong business management.

 

Minsan, parang gusto ko nang sumuko. Ang hirap ng ganito. Pahinto-hinto sa pag -aaral at minsan aminado ako sa sarili ko na nawawalan na din ako ng gana na mag -aral.

 

Kung hindi lang siguro sa pangarap ni Mommy na makapagtapos ako bago siya mamatay, baka matagal na akong kinalimutan ang mag-aral at magtrabaho na lang para kumita ng pera.

 

"So kumusta ka na? Pasensya ka na kung late ko nang nalaman ito pero nakikiramay ako sa pagkawala ng Mommy mo." narinig kong muli niyang bigkas. Pilit naman akong ngumiti

 

"Hanggang ngayun masakit pa rin sa kalooban ko ang pagkawala ni Mommy kaya lang kailangan kong tangapin iyun. Wala eh...talagang nakatakda siguro akong mamuhay mag-isa." malungkot kong bigkas. Hindi naman siya nakaimik.

 

Inihatid ako ni Jared sa may bukana ng iskinita kung saan ako nakatira. Muli akong nagpasalamat sa kanya at akmang bababa na sana ako ng kotse nito nang matigilan ako. Sakto kasing palabas din ang ama kong si Gustavo Rodriguez mula sa loob ng iskinita. Nakasunod sa kanya si Aurora pati na din ang kabit niyang si Rosalinda.

 

Nag-aalangan tuloy akong bumaba ng kotse ni Jared. Hangat maaari, ayaw ko na sanang makaharap ang makulit na si Gustavo. Hindi ko alam kung bakit ako itong palagi niyang kinukulit

 

"Pwede kang mag stay sa condo ko kung gusto mo." narinig kong sambit ni Jared sa akin. Napansin niya marahil na nag-aalangan akong bumaba kaya naman kusa na niya akong inalok ngayun

 

"Ha? Naku, nakakahiya sa iyo Jared. Masyado na kitang naabala. I think sa kabilang kanto mo na lang ako ibaba. Mukhang aalis na din naman sila eh." nahihiya kong sagot sa kanya.

 

"NO! I insist, Amber! Aware ako kung ano ang relasyon mo sa ama mo kaya naman mas maganda siguro na sa condo ka na muna. Para naman makapagpahinga ka at makapag-relax ng maayos." nakangiti nitong sagot sa akin.

 

Muli akong napatingin kina Gustavo at nang mapansin ko na mukhang wala silang balak na umalis sa may bukana ng iskinita, wala na akong choice kundi ang pumayag sa nais ni Jared. Mamayang hapon na lang siguro ako uuwi.

 

Halos bente minuto din bago namin narating ang condo niya. Bumungad sa paningin ko ang maayos at malinis nitong kapaligiran. Muli akong nagpasalamat kay Jared lalo na nang kusa niyang ipinagamit sa akin ang isa sa mga silid ng condo unit niya.

 

"Magpahinga ka muna dito, Amber! Aalis lang ako saglit." nakangiti pa nitong wika bago niya ako tuluyang iniwan dito sa unit niya. Muli akong nagpasalamat sa kanya bago siya tuluyang nakaalis.

 

 

 

 

 

©️Sagittarius🌺🌺

 

Chapter 51

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

HALOS mahigit isang oras din ang lumipas bago bumalik si Jared dito sa condo unit niya na may bitbit na mga plastic na kung anu-ano.

 

Hula ko namili siya ng mga pagkain pero mas nagulat ako nang iabot niya sa akin ang isa pang plastic na dala-dala niya.

 

"Para sa iyo. Mga damit iyan. Para naman makapagpalit ka na." nakangiti nitong wika sa akin

 

Sa hindi ko malaman na dahilan, muli akong nakaramdam ng matinding hiya sa kanya. Hindi nagtatanong si Jared kung bakit ganito ang suot ko ngayun pero alam kong may idea na din siya. Sino ba naman ang hindi magduda kung ang kasuotan ko ngayun ay damit ng isang lalaki tapos nadaanan niya pa ako sa isang alanganin na lugar na bihira lang daanan ng isang public transpo.

 

"Salamat! Hayaan mo, kapag nakaluwag-luwag ako, babayaran ko ito." pilit ang ngiting sagot ko sa kanya.

 

"Don't mention it! Sige na, magpalit ka na muna ng damit habang hinahanda ko sa table ang mga pagkain. Kumain ka muna bago ka muling matulog." nakangiti nitong sagot.

 

"Salamat Jared! Kaya lang, hindi na siguro ako magtatagal. Kailangan ko na din sigurong umuwi." bigkas ko naman kaagad sa kanya. Natigilan ito habang may pilit na ngiti na kumawala sa labi niya

 

"Amber, dumaan ako kanina sa lugar niyo at nandoon pa rin ang mga taong iniiwasan mo. I think, hindi magandang idea na umuwi ka ngayung araw doon. Nag -aalala ako at baka may masamang mangyari sa iyo." seryoso niyan sagot.

 

Hindi naman ako makapaniwala. Hindi ko akalain na ganoon ka disperado ang sarili kong ama na si Gustavo na makausap ako. Hindi ko talaga alam kung ano ba talaga ang pakay niya at bakit niya pa ako ginugulo ngayun gayung malinaw naman sana dito na hindi talaga ako interesado sa negosyo nito. Malugi na siya kung malugi, wala akong pakialam.

 

Noon pa man, alam kong wala nang pakialam sa akin ng tanong iyun. Hindi anak ang turing sa akin kaya alam kong kaya ako nitong ipahamak sa isang iglap lang.

 

"Pwede ba ako dito kahit isang gabi lang? I mean, promise magbabayad na lang ako ng parang renta para---"

 

"Amber, ano ka ba! Kung ano man ang ginagawa ko ngayun isipin mong tulong ko ito sa iyo. Sa totoo lang, matagal nang bakante ang unit na ito. Walang ibang nakatira kaya pwede mo itong gamitin hangat gusto mo. Kung naiilang ka sa akin, pagkatapos nating kumain, aalis din naman kaagad ako. Hindi ko nga pala nabangit sa iyo pero ini-expect ako nila Mommy sa bahay lalo na at kakarating ko lang galing sa US." nakangiti nitong sagot sa akin

 

Muli akong nakaramdam ng hiya sa kanya. Buti pa itong si Jared napakabait. Kung sino man ang babaeng mapupusuan nito, tiyak akong napakaswerte nito. Napaka-perpekto kasi talaga ng pag-uugali nito eh.

 

Kagaya ng sinabi ni Jared, pagkatapos namin kumain kaagad na itong nagpaalam sa akin na aalis na daw.

 

Nangako pa ito sa akin na babalikan niya daw ako bukas ng umaga at siya na daw ang maghahatid sa akin para makauwi na din ng bahay. Labis ang pasasalamat ko sa kanya dahil sa malaking tulong din talaga sa akin itong ginagawa niya.

 

Nagpalipas ako ng buong gabi sa condo ni Jared na may peace of mind. Alam ko kasi na ligtas ako sa lugar na ito kaya naman hindi na din nakakapagtaka na nakatulog ako ng maayos.

 

Nagising ako kinaumagahan na mas magaan ang pakiramdam ko. Masarap talagang gumising sa umaga kapag may nakakuha ka ng sapat na tulog. Nagpasya na din akong naligo at saktong kakatapos ko lang magbihis, dumating naman si Jared na may bitbit na namang mga pagkain.

 

"Good Morning. Kumusta ang pag-stay mo dito?" magiliw na bati niya sa akin. Kaagad naman akong napangiti

 

"Perfect! Nakatulog ako ng mahimbing! Thank you Jared ha? The best ka talaga." may halong biro kong sagot. Natawa naman ito at niyaya na akong kumain.

 

Pagkatapos namin kumain, nagpresenta an din siya kaagad na ihatid ak sa bahay. Kaagad na din naman akong pumayag. Habang nasa biyahe kami, bigla kong naisip na kailangan ko nga palang pumasok ng trabaho. Bigla ko din naalala na baka hinihintay na ako ng amo ko na si Lucian.

 

Shit...oo nga pala! Si Sir Lucian..bakit ko nakalimutan na kailangan ko nga palang pumasok ng trabaho ngayung araw?

 

Halos alas otso na ng umaga at mukhang malalagot yata ako nito eh.

 

 

Chapter 52

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

EKSAKTO alas otso ng umaga nang huminto ang kotse ni Jared sa tapat mismo ng masikip na iksinita kung saan ako nakatira. Pagkatapos kong makapagpasalamat dito, dali-dali na akong bumaba ng kanyang kotse. Isang tango at matamis na ngiti ang naging tugon nito sa akin bago ito umarangkada paalis.

 

Akmang maglalakad na sana ako papasok ng iskinita para sumilip muna ng bahay bago pumasok sa trabaho nang nakasalubong ko naman si Risa. Nang makita ako nito, hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pag-aalala sa mukha nito

 

"Amber..saan ka ba galing? Alam mo bang kahapon pa kita hinahanap?" seryoso niyang tanong sa akin. Natameme naman ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

 

"Pinapahanap ka din ni Sir Lucian.

Kagabi, halos magdamag ka niyang inabangan dito sa may labasan. Ano ba ang nangyari sa iyo? Bakit hindi ka ma-contact?" seryoso nitong tanong.

 

"Mahabang istorya, Risa. Pasensya ka na talaga! Hayaan mo, magkikwento ako kapag may mahaba tayong oras. Sa ngayun kailangan ko munang umuwi ng bahay para kumuha ng perang pamasahe para makapasok din ako ng trabaho ngayung umaga." sagot ko din naman kaagad sa kanya.

 

"NO need na! Huwag ka nang umuwi ng bahay. May extra naman akong dalang pera. Ililibre na lang kita sa pamasahe." seryoso niyang sagot. Walang pagdadalawang isip na pumayag din kaagad ako.

 

Tama siya! Late na nga kami at kapag umuwi pa ako ng bahay, mas lalo kaming mali-late.

 

Mabuti na lang at may dumaan din kaagad na pampasaherong jeep sa harapan naming dalawa ni Risa kaya mabilis na din kaming sumakay. Kagaya ng inaasahan, sobrang late na talaga namin. Eksato alas nuebe na kami nakarating ng opisina kung saan nagkanya-kanya na kami ni Risa na dumirecho sa kanya-kanyang department.

 

Si Risa ay sa third floor at ako naman ay sa top floor kung saan matatagpuan ang opisina ng CEO na si Sir Lucian.

 

"Amber, bakit ngayun ka lang?"

 

nagtataka pa ngang kaagad na tanong ni Ms. Mayette nang mapansin niya nag pagdating ko. Pilit naman akong ngumiti sa kanya.

 

"Si Sir Lucian, nasa loob ba?" kinakabahan kong tanong. Alam ko kasing mukhang malalagot ako dahil na-late ako.

 

"Yes. Nasa loob siya. Kaya lang mainit ang ulo eh. Teka lang, bakit ka nga pala late?"

 

seryosong tanong niya sa akin. Akmang sasagot na sana ako nang pareho naming narinig ang pagtunog ng kanyang telepono. Sinagot naman kaagad ito ni Ms. Mayette habang nakatitig sa akin

 

"Yes Sir! Nandito na po siya! Noted po!" narinig ko pang sambit niya bago niya muling ibinaba ang telepono.

 

"Ini-expect ka na ni Sir Lucian sa loob ng opisina niya kaya pumasok ka na sa loob, Amber." seryoso niyang bigas. Kahit na medyo kinakabahan, no choice ako kundi ang dahan-daan na naglakad patungo sa pintuan. Pagkadating ko doon, hunninga muna ako ng malalim bago ko pinihit ang seradura at dahan-dahan na binuksan ang pinto.

 

"Where have you been? Come inside and let's talk!" isang seryoso at may halong galit na boses ang kaagad na sumalubong sa akin pagbungad ko pa lang sa pintuan ng opisina ni Sir Lucian.

 

Kinakabahan naman akong kaagad na pumasok at isinara ang pintuan habang malakas ang kabog ng dibdib ko

 

"Sorry po kung late ako ngayun----" hindi ko natuloy pa ang sasabihin ko nang bigla kong maramdaman ang madiin na paghawak niya sa braso ko

 

"Saan ka galing? Bakit ngayun ka lang nagpakita? Alam mo bang kahapon pa kita pinapahanap?" galit niyang muling tanong sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at hindi ko mapigilan ang makaramdam ng takot nang mapansin ko ang galit sa kanyang mga mata.

 

"Lucian, nasasaktan ako." mahinang daing ko. Masakit naman talaga eh. HIndi yata siya aware na sobrang diin ang pagkakahawak niya sa braso ko. Feeling ko nga magkakapasa ako eh.

 

"Mas masasaktan ka kapag hindi ka magsasabi ng totoo sa akin, Precious Amber Rodriguez!" sa pagkakataon na ito, malakas na ang boses niya at nagbabaga na ang mga mata niya na nakatitig sa akin.

 

"Lumandi ka ba? Naghanap ka ba ng ibang lalaki na willing kang bayaran kapalit ng katawan mo? Bakit, hindi pa ba ako kontento sa iyo?' galit niyang sigaw. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

 

 

Ni sa hingap, hindi ko kasi talaga akalain na maririnig ko ang katagang iyun mula sa bibig niya.

 

"Pinagbibintangan mo ba ako? Ganoon na lang ba kababa ang tingin mo sa akin, Sir Lucian?" naiiyak kong tanong sa kanya.

 

Napansin ko ang pagtaas ng kabilang sulok ng labi niya bago niya ako mariin na hinawakan sa aking baba at iniangat ang mukha ko pataas.

 

"Bakit? Gaano ka kalinis para tanungin mo ako ng ganiya, bitch!" galit niyang sigaw kaya hindi ko na napigilan pa ang paglandas ng luha sa aking mga mata.

 

Sa kauna-unahng pagkakataon, may tumawag sa akin ng katagang 'bitch'.

 

Porket minsan niyang naangkin ang katawa ko kapalit ng pera, ganito na lang ba kababa ang tingin niya sa akin?

 

 

Chapter 53

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"LUCIAN, ano ang ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan. Bakit ka ba nagagalit?" naiiyak kong tanong sa kanya.

 

"Hindi mo ako maintindihan? Gaano ba kapurol ang utak mo para hindi mo ako maintindhan, Precious?" galit niyang sigaw sa akin. Nanlilisik pa rin ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin na siyang naging dahilan kaya naman lalo akong nakaramdam ng matinding takot

 

"Ano ang sabi ko sa iyo kahapon? Hintayin mo ako sa Villa dahil babalik kaagad ako. Pero ano ang ginagawa mo ha? Sino ang sumundo sa iyo kahapon?" galit niyang bigkas. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

 

Paano niya nalaman na kasama ko kahapon si Jared? Nakita niya ba?

 

"Akala ko iba ka sa lahat pero nagkakamali ako. Isa ka din palang walang kwentang babae. Isa kang babae na pwedeng tapalan ng pera para bumukaka." nakangisi nitong wika pero ramdam ko ang pait sa boses niya.

 

"Now! Okay fine....kung gusto mo ng pera, ibibigay ko sa iyo. Ako na lang muna ang maging kliyente mo hanggang sa magsawa ako sa iyo. Wala kang ibang gagawin kundi ang paligayahin ako sa mga oras na gusto ko." galit niyang wika at ganoon na lang ang gulat ko nang bigla niya na lang haklitin ang suot kong blouse na siyang dahilan kaya napunit kaagad iyun. Kaagad akong napayakap sa sarili ko para takpan ang hubad kong katawan na malaya niya nang napagmamasdan ngayun.

 

Lalo naman akong nahintakutan at wala sa sariling napayakap sa sarili ko.

 

"Sir Lucian, ano b? Hindi ako kagaya sa mga babaeng iniisip mo. Nagmagandang loob lang si Jared na isakay ako ng kanyang kotse dahil---"

 

"Jared? Well, siya ba ang kasama mo mula kagabi hanggang sa magdamag? Nakailan kayo? Na satisfied mo ba siya.? Well, ako naman ngayun! Ako naman ngayun ang pagsilbihan mo, Precious!:" galit niyang sigaw sabay bitaw niya sa mariing pagkakahawak niya sa braso ko.

 

Hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ang luha mula sa aking mga mata. Imbes na maawa siya sa akin, nginisihan niya lang ako at walang sabi sabing kinalas niya ang sinturon ng kanyang suot na trousers at hinubad iyun. Lalo naman akong nahintakutan at napaatas.

 

"Afraid? Alam mo, kung makaasta ka sa akin ngayun akala mo napakalinis mong babae eh. Now, it's my turn. Suck it!" galit niyang bigkas. Hindi ko na napigilan pa ang mapahagulhol ng iyak.

 

"Sir Lucian...no! hindi! Ayaw ko!"

umiiyak kong bigkas pero impit akong napatili nang bigla niya na lang akong hawakan sa aking magkabilaang balikat. Pinilt niya akong paluhurin sa harapan niya kaya wala na akong nagawa pa. Mas malakas pa rin siya kumpara sa akin.

 

Sa pagkakaluhod ko sa harapan niya, halos ipagduldulan niya sa mukha ko ang tayong tayo niya nang alaga.

 

"Huwag mo akong bigyan ng dahilan para mas lalo kang saktan, Precious! Do it!" galit niyang sigaw sa akin. Naramdaman ko pa nga ang halos pasabunot na paghawak niya sa buhok ko at masakit iyun. Feeling ko hihiwalay na sa anit ko ang buhok ko.

 

Labag man sa kalooban ang lahat, wala na akong nagawa pa kundi sundin ang nais niya. Gamit ang nanginging kong kamay, hinawakan ko ang alaga niya at inumpisahang dilaan ang ulo ng pagkalalaki niya.

 

HIndi ako eksperto sa mga ganitong bagay pero kailangan kong gawin. Alam kong hindi nagbibiro itong si Sir Lucian. Alam kong kaya niya akong saktan kung gugustuhin niya.

 

Pinaikot-ikot ko muna ang dila ko sa ulo ng kanyang pagkalalaki habang patuloy ang pagpatak ang luha sa aking mga mata. Wala akong naramdaman na kahit

na reaction sa kanyang katawan pero mahigpit pa rin siyang nakakapit sa buhok ko.

 

"Suck it! Dilaan mo muna ng buo tapos s* *****n mo ang ulo." ramdam ko ang gigil sa boses na utos niya. Sinunod ko din naman siya kaagad. Wala naman talaga akong choice kundi sundin ang nais niya eh.

 

Dinilaan ko ang niyang pagkakalaki bago ko sinipsip ang pinaka-ulo noon. Narinig ko pa nga ang impit na ungol na kumawala sa kanya kasabay ng pagkaluwag sa pagkakahawak niya sa buhok ko.

 

"Fuck, ganiyan nga Precious! Ang init ng bibig mo ah? Ang sarap mo!" bigkas niya kasabay ng bigla niyang pagkadyot. Hindi ko napaghandaan iyun kaya naman halos mabilaukan ako nang sumagad ang sandata niya sa lalamunan ko.

 

Kaya lang halimaw yata itong si Sir Lucian. Ginawa niyang puke ko ang bibig ko at wala na ng humpay ang ginawa nivang pagkadyot. Halos kapusin naman ako sa aking paghinga sa ginawa niyang iyun. Tumutulo na din ang laway sa aking bibig kasama ang aking luha

 

Hindi ko akalain na mas mahirap pala ang ganito. HIndi ko akalain na magagawa akong lapastanganin ng sobra nitong si Sir Lucian.

 

 

 

Chapter 54

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Oh shit! fuck! Ang sarap ng bibig mo! Malapit na ako!" narinig kong sambit ni Sir Lucian na para bang sobra siyang nasisiyahan sa ginagawa niyang ito sa akin. Halos sumasagad hanggang sa lalamunan ko ang alaga niya at hindi niya man lang naalala na nahihirapan ako.

 

Ilang beses na din akong napaduwal pero wala pa rin siyang pakialam. Ni kahit na katiting na awa, wala akong nakita sa kanyang mukha.

 

ILANG pagkadyot pa ang ginawa ni Sir Lucian sa bibig ko bago sumabog ang katas niya. Direcho iyun sa lalamunan ko kaya ang iba doon ay nalunok ko pa nga talaga! Lalo naman akong napaiyak.

 

Pagkatapos niyang makaraos, hinila niya ako patungo sa may sofa.

 

"Sir Lucian, tama na! Please..maawa ka sa akin. Ayaw ko na!:" halos maghalo na ang sipon at luha ko sa matinding pagmamakaawa sa kanya. Sabog-sabog na din ang buhok ko pero halimaw talaga siguro siya. Basta niya na lang akong pinahiga sa sofa at walang sabi-sabing ibinaba niya ang pambaba kong kasuotan.

 

WAla siyang itinira na kahit na isa at pagkatapos noon, basta niya na lang ibinuka ang hita ko at walang sabi-sabing itinutok sa butas ko ang matigas niya na naman na alaga.

 

Hindi ko mapigilan ang mapadaing sa sakit noong una siyang bumaon. Tuyong tuyo pa ang kweba ko kaya masakit talaga. Pilit na p********k ang ginagawa niyang ito sa akin kaya ang bawat paghugot at pagbaon niya ay para bang isang malaking parusa sa akin

 

"Ahhh, Sir Lucian tama na! Tama na sabi eh!" nakikiusap kong bigkas. Kahit papaano, sa makailang beses na paghugot at pagbaon niya sa akin ay nag-uumpisa na din namang mamasa ang aking pwreta. May kaunting kiliti na din akong naramdman kaya ipinikit ko na lang ang aking mga mata.

 

Ayaw ko nang mag-isip ng kahit ano pa man. Alam ko na kapag patuloy akong magmatigas sa kanya ay mas lalo lang akong masasaktan

 

Ilang beses na pagkadyot niya sa ibabaw ko ay mas lalong dumulas ang perlas ng silangan ko. Ramdam ko na ang swabeng paghugot at baon niya kaya naman hindi ko na mapigilan pa ang mapakagat ng labi. Baka kasi mamalayan ko na lang na umuungol na ako sa

ginagawa niya sa akin eh

 

Kung bakit naman kasi napakalaki ng alaga niya. Tinatamaan nito ang aking G-spot na nagdudulot sa akin na kakaibang sarap. Ilang beses na pagbaon niya pa ay naramdaman ko na malapit na akong labasan.

 

IYun nga lang, laking pagkadismaya ko nang bigla niya na lang hugutin ang alaga niya. Ang akala ko tapos na siya pero noong utusan niya ako na tumuwad daw ako kaagad ko din naman siyang sinunod.

 

Pagkatuwad ko, walang sabi-sabing muli niyang isinagad ang alaga niya sa basang basa ko nang hiyas. Madiin ang bawat pagkadyot niya sa likod ko kaya naman hindi ko na napigilan ang mapahalinghing sa sarap.

 

"UHmmm!" mahina kong usal. Muli akong napakagat ng aking labi pero siya naman itong naging maingay.

 

"Ughhh! Fuck, Precious! Nakakabaliw ka! Ang sikip mo pa rin talaga!" malakas niyang usal. HInampas niya pa ang puwitan ko gamit ang kanyang palad na siyang lalong nagpasiklab sa init na nararamdaman ko.

 

Ilang beses pang pagkadyot ang ginawa niya bago ko naramdaman na malapit na akong labasan. Naramdaman marahil yata ni Lucian iyun kaya naman mas lalo niya pang diniinan ang pagkadyot niya.

 

"UHmmm! Ughhh!" mahina kong usal nang walang anu-ano ay naramdaman ko na nilabasan na ako. Halos manginig ang aking laman sa matinding sarap

 

Akala ko talaga hindi ako masisiyahan sa p ********k namin ito pero hindi ko akalain na mag-eenjoy din pala ako. Siguro nga, nagiging traydor na din ang katawan ko. Siguro nga, hinahanap na din ng sistema ko ang sex simula noong ipinatikim niya iyun sa akin.

 

"I'm cumming. Malapit na din ako!"

 

mahinang usal ni Lucian at mas lalo pa yatang dumuble ang kanyang laki bago ko naramdaman ang pagsabog ng kanyang katas. Mainit-init iyun at sobrang sarap sa pakiramdam.

 

 

Chapter 55

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

PAGKATAPOS ng mainit na saridali sa pagitan naming dalawa ni Lucian, tulala akong napaupo sa sofa. Siya naman ay parang wala lang na naupo sa kanyang swivel chair at nagtrabaho ulit.

 

Wala naman siyang ibinigay na office works sa akin. Gusto ko na nga sanang umuwi dahil mukhang wala na naman akong gagawin ngayung araw kaya lang nahihiya naman akong lumabas ng ospina. Punit-punit kasi ang suot kng blouse.

 

Muli akong napatitig kay Sir Lucian nang maramdaman ko na mula sa pagkaka-upo sa kanyang swivel chair, bigla itong tumayo. Naglakad ito sa pinakadulong bahagi ng opisina at may pinindot siya at kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa matinding pagtataka nang bumukas iyun na para bang pintuan. Parang isang secret door.

 

"Halika ka dito. Magpahinga ka muna! pautos na wika niya! Kahit na dalawang beses na siyang nakaraos, mainit pa rin ang ulo niya kaya mabiliis na din akong tumayo at naglakad palapit sa kanya.

 

Doon ko napagtanto na may secret door nga pala itong opisina niya. Pumasok siya sa loob kaya sumunod na din kaagad ako kung saan bumungad sa paningin ko ang isang kama. Para itong isang kwartong tulugan.

 

"Mahiga ka muna diyan. Kung gusto mong matulog, gawin mo!" malamig niyang bigkas habang nakatitig sa akin. Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya at naglakad patungo sa may bed

 

"Ano ba talaga ang magiging trabaho ko sa iyo, Sir Lucian? Isang Secretary ba talaga ang hanap mo?" seryosong tanong ko sa kanya! Napansin ko na naman ang pagtaas ng kabilang sulok ng labi niya at matiim akong tinitigan.

 

"Alam mo ba na ang squatter's area na tinitirhan mo ngayun ay pag-aari ko na?" seryoso niyang tanong.

 

"Ano? Ibig mong sabihin, ang lugar na tinitirhan ko ay pag-aari mo na?" nagtataka kong tanong sa kanya.

 

"Yes...nadali mo. And soon, gagamitin ko na ang lupa na iyun at palalayasin ko na kayong lahat. Pero, kung magiging masunurin ka sa akin hindi ko muna gagawin iyun." seryoso niyang wika.

 

"A-ano ang ibig mong sabihin?"

 

naguguluhan kong tanong.

 

"Simple..manatili ka sa tabi ko. Satisfied me in bed at magiging safe ang mga kapitbahay mo sa lugar na iyun.

 

Ipagpaliban ko muna ang project na gusto kong gawin doon as long as masatisfied mo ako sa kama." seryoso niyang bigkas. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

 

"Bina-blockmail mo ba ako? SA palagay mo ba, matatakot ako kung sakaling palayasin mo silang lahat?" naiinis kong tanong sa kanya. Isang malakas na pagtawa ang kaagad na namutawi sa bibig niya at seryoso akong tinitigan.

 

"Gusto ko lang naman malaman kung ano ang kahinaan mo pero dahil hindi ka naman pala takot, ibang strategy na lang. How about si Jared na lang?" seryoso niyang tanong

 

"A-ano ang ibig mong sabihin?"

 

"Simple, kapag hindi ka sumunod sa gusto ko, si Jared ang pagbabalingan ko ng pansin. Kayang kaya kong pabagsakin ang lalaking iyun sa isang iglap lang, Precious." nakangisi niyang wika sabay hugot niya ng kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa. Pumindot siya ng makailang ulit bago niya iyun iniabot sa akin

 

May naka-play na isang video at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa gulat nang makita ko na binubogbog si Jared ng tatlong kalalakihan.

 

"Siguro, sa mga sandaling ito, nasa hospital na siya. Ginagamot ng mga Doctor at ilang linggo din na hindi makakalakad dahil sa mga fractured niya sa buto!" nakangisi niyang sambit. Hindi

naman ako makapaniwala sa naring. Hindi ko akalain na pati pala si Jared ay tinarget niya. Si jared na walang ibang ginawa kundi ang tulungan ako.

 

"Ang sama mo! Bakit ba sobrang sama mo!" galit kong bigkas. Wala sa sariling napaupo ako sa gilid ng kama. Hindi ko akalain na sa simpleng pagsama ko kay Jared kahapon ay magdudulot iyun ng matinding kapamahakan dito.

 

"Ganiyan ako magprotekta sa babaeng gusto ko, Precious! Hope na maging lesson na sa iyo ang mga nangyari. Kaya kong pumatay at magpapatay ng tao kapag gusto ko kaya tandaan mo iyan, Precious!" seryoso niyang bigkas bago niya ako iniwan dito sa silid. Hindi ko naman mapigilan ang mapahagulhol ng iyan.

 

Hindi ko akalain na may ganitong kasama na pag-uugali itong si Sir Lucian.

 

Ngayun ko lang lubos na narealized na wala naman pala talagang office works na naghihintay sa akin. Hindi nya ako tinangap dito sa kumpanya niya para maging empleyado. Tinangap niya ako biglang isang sex slave or parausan.

 

Pinapahiwatig niya sa akin kanina na pwede niyang gamitin ang katawan ko kung kailan niya gusto at wala siyang pakialam sa nararmdaman ko.

 

Ngayun pa lang, natatakot na ako sa kanya! Alam kong mahirap siyang kalabanin. Sa dami ng pera at koneksyon niya, alam ko na kahit na gustuhin ko siyang takasan ay hindi pwede!

 

Mahahanap at mahahanap niya pa rin ako at baka ang mga kaibigan ko pa ang mapagdiskitahan niya kung sakaling mas lalo ko pa siyang galitin.

 

 

 

Chapter 56

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

NANG mapag-isa ako dito sa loob ng secret room ng opisina, hindi ko na napigilan pa ang mapahaghulhol ng iyak.

 

Feeling ko, isa akong napakaruming babae. Ni sa hinagap, hindi ko akalain na mararanasan ko ito mula sa mga kamay ni Lucian.

 

Pero hindi. HIndi ako papayag na habambuhay akong lapastanganin ni Lucian. Hindi ako papayag na magawa niya ang lahat ng nais niya sa akin.

 

Pero ano nga ba ang laban ko sa kanya?

 

Paano ako makakawala sa kanya?

 

Wala sa sariling hinila ko ang kumot at itinakip sa aking katawan. Ang blouse ko ay sinira ni Lucian kanina kaya ang suot ko ngayun ay tanging bra lang sa pag-itaas. Mabuti na lang talaga at hindi niya sinira ang skirt ko. Gayunpaman, paano ako lalabas sa opisina na ito na ganito ang hitsura ko?

 

Sa naisip kong iyun muli akong napahaghulhol ng iyak. Hindi ko din maiwasan na maawa sa aking sarili.

 

Mali pala talaga ang pumasok sa isang maling gawain. Dapat pala hindi na lang ako pumayag pa na makipagtalik kay Lucian kapalit ng pera noon. Sana talaga hindi ko na lang siya nakilala para hindi ko nararasan ang kalbaryo na ginagawa niya sa akin ngayun.

 

Ang akala ko talaga mabait siyang tao. Siya itong palaging nasa tabi ko noong nagdadalamhati ako sa pagkawala ni Mommy. Tapos, siya pala ang dudurog sa buo kong pagkatao ngayun.

 

Wala sa sariling tuluyan akong napahiga ng kama. Tulala na tumitig sa kawalan habang patuloy sa pagluha hanggang sa hindi ko na namalayan pa na nakatulog na pala ako.

 

Nagising ako sa kiliti na nararamdaman ko sa bandang gitna ng aking hita. Wala sa sariling naimulat ko ang aking mga mata at ganoon na lang ang gulat ko nang mapansin ko na wala na ang kumot na itinakip ko sa aking katawan kanina.

 

Nang ibaba ko ang aking paningin, doon sumalubong sa akin ang bulto ni Lucian. Abala siya sa kakamukbang sa aking hiyas.

 

Hindi ko mapigilan ang mahigpit na mapakapit sa bedsheet ng kama. Lalo na nang maramdaman ko kung paano niya paulit-ulit na laruin ang perlas ko.

 

Nakakangilo na hindi ko maintindihan kaya kahit na masama pa rin ang loob ko hindi ko na napgilan pa ang pag-alpas ng ungol mula sa aking bibig.

 

Galit ako sa ginawa niya sa akin kanina pero kabliktaran naman ang nagiging reactiong ng katawan ko sa tuwing ginagawa niya ito sa akin. Wala sa sariilng lalo ko pa ngang ibinuka ang aking hita nang maramdaman ko na inumpisahan niya nang ilabas pasok ang kanyang daliri sa aking hiyas.

 

Ang sarap! Sobrang sarap na nakakawala sa katinuan.

 

"Umhhh! Ughhh! Lucian!" mahina ko nang sambit. Ni hindi ko na nga namalayan pa na mariin ko nang naipikit ang aking mga mata para mas lalong madama ang ginagawa niyang pagpaligaya sa akin.

 

Makailang ulit niyang inilabas pasok ang kanyang daliri sa aking perlas ng silangan nang maramdaman ko ang pagpatong niya sa akin.

 

Muli kung naramdaman ang matigas niyang sandata sa bukana ng aking pagkbabae. Bigla niyang ibinaon iyun na siyang dahilan kaya napaungol ako ng malakas.

 

"Ughhh! Lucian!

 

"Yes...that's it. Moan my name! Only my name, Precious!" seryoso nyang sambit habang walang humpay ang kanyang paglabas pasok.

 

"Ughhhhh!

 

"Look at me Precious! Look at me!" pautos niyang sambit kaya naman kaagad kong naimulat ang aking mga mata.

 

Sumalubong sa aking paningin ang kanyang seryosong mukha habang nakatitig sa akin. Nababasa ko din sa kanvang mukha ang matinding pagnanasa.

 

"Akin ka lang! Tandaan mo! Akin ka lang! "malakas niyang sambit. Kitang kita ko sa mga mata niya ang determinasyon kaya kaagad akong tumango.

 

"Umhhh! Luciann...yes! Yes! I'm yours!" malakas kong sambit na sinabayan ko na paulit-ulit na pag-ungol. Ito ang mahirap sa akin!

 

Sa tuwing nagtatalik kami, aminado ako na nagugustuhan din naman ng katawan ko ang lahat-lahat. SAbagay, masarap din naman kasi! Sobrang sarap ni Lucian,.

 

Ilang beses na pagkadyot ang pinakawalan ni Lucian nang sabay naming narating ang rurok. Sa mismong loob ng opisina niya, hindi ko na nabilang pa ang makailang ulit niyang pag-angkin sa akin.

 

Ayaw kong umalma. Lalo na at ngayun pa lang, unti-unti ko nang nakikilaal ang tunay na ugali niya. Siya iyung tipo ng lalaki na hindi pwedeng kontrahin ang gusto. Siya iyung tipo ng lalaki na hindi

pwedeng galitin.

 

Pahinga lang naming dalawa ang pagkain ng lunch. Ni halos ayaw niya akong iwan dito sa loob ng secret room ng opisina niya.

 

Ngayun ko lang din mas napatunayan kung gaano kahilig si Lucian sa pakikipagtalik. Walang kasawa-sawa. Walang kapagod-pagod! Napaka-active niya pagdating sa kama.

 

 

Chapter 57

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

GABI na nang sabay kaming lumabas ni Sir Lucian sa loob ng kanyang opisina. Bago na ang aking kasuotan. Mabuti na lang talaga at binilhan niya ako ng bagong damit kung hindi, hindi ko talaga ma-imagine ang sarili ko na maglakad palabas na sira-sira ang aking kasuotan.

 

Pareho na din kaming nakaligo.

 

Nakaakbay si Sir Lucian sa akin na para bang ayaw niya na talaga akong pakawalan. Ramdam ko ang pananakit ng buo kong katawan kaya kailangan kong gumawa ng paraan para makauwi muha ako ng bahay. Gusto kong magphinga. Gusto kong matulog ng mahaba.

 

"Ammmh, Sir Lucian pwede bang sa bahay na muna ako?" mahina kong wika nang makarating kami ng kotse. Napansin kong natigilan siya habang seryosong nakatitig sa akin.

 

"Why?" seryosong tanong niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako sumagot

 

"Alam niyo po ba kung bakit ako napilitang umalis na Villa kahapon? Dumating ang Mommy mo at pinaalis niya ako." seryoso kong bigkas. Kailangan kong ipagtangol ang sarili ko at ipaalam sa kanya ang punot dulo kung bakit kasama ko si Jared kahapon.

 

"What" Dumating si Mommy sa Villa?" seryoso niyang tanong. Wala sa sariling napatango ako.

 

"Wala daw kasing karapatan na mag stay sa lugar na iyun ang mga babaeng parausan lalo na at ikakasal ka na." mahinang sagot ko.

 

Lalo kong napansin ang pamumula ng mukha niya. Nagtagis ang kanyang bagang bago niya ako pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan at pinapasok sa loob.

 

Kaagad naman akong tumalima. Sumakay na din siya sa tabi ko at inutusan ang driver na magmaneho.

 

"Iyung...iyung cellphone at iba ko pang mga gamit, nandoon pa rin sa kwarto. Kung tinatawagan mo ako, hindi mo talaga ako ma-contact dahil hindi ako binigyan ng Mommy mo ng chance na umakyat ng silid para kunin ang mga iyun. "muli kong bigkas. HIndi niya ako sinagot pero ramdam ko sa expression ng mukha niya na galit siya.

 

Nagpasya na lang akong manahimik hanggang sa mapansin ko ang pagtigil ng kanyang sasakyan sa harapan ng isang mamahaling restaurant.

 

"Kumain muna tayo ng dinner bago umuwi ng bahay." seryoso niyang sambit at mabilis na bumaba ng sasakyan. Hinawakan niya pa nga ako sa aking kamay at inalalayan din na makababa ng kotse.

 

Actually, nakikita ko dito kay Lucian na sweet naman siyang tao. Gentleman din. Iyun nga lang, masyadong mainitin ang ulo. Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi niya ako kinukulong. Hindi niya din ako sinasaktan physically. Pinapaligaya pa nga sa kama eh. Shocks!

 

Traydor talaga ang pakiramdam ko minsan. Nakalimutan ko na kaagad ang ginawa niyang pang-iinsulto sa akin kaninang umaga dahil lang maayos ang pakikitungo niya sa akin ngayun?

 

Pagdating sa loob ng restaurant, hinayaan ko na siyang siya na ang umorder ng makakain ko. Hindi ko din naman kabisado ang menu kaya useless lang kung makikialam ako.

 

Pagka-serve ng mga pagkain, magana akong kumain. Ni deadma na nga lang ako sa kaharap kong si Lucian eh.

 

Nakakapagod kaya ang pinanggagawa niya sa katawan ko knina kaya kailangan ko talaga ng energy ngayun. Deserve ko talaga ba kumain ng msarap na pagkain ngayun. Tsaka, para mamaya, matutulog na lang ako.

 

"You want more? Dessert?" seryoso niyang tanong sa akin

 

"Pwede bang take out na lang ang dessert? Busog na ako eh." nakalabi kong tanong. May narinig akong mahinang tawa mula sa kanya kaya kaagad akong napataas ng tingin kung saan napansin ko na may ngiti na nakaguhit sa labi niya habang titig na titig sa akin.

 

Yes...nakangti nga siya? Bakit? Anong meron? Akala ko pa naman papanindigan niya ang palaging nakasimangot?

 

"Okay.....lahat ng gusto mo, bibigay ko. Since aminado ako sa sarili k na nagkamali ako" seryoso nyang bigkas bago niya tinawag ang waiter.

 

"What do you want for your dessert?"

 

tanong niya sa akin

 

"Two slice of cheesecake!" nakangiti kong sagot. Two slice para kapag pumayag siya na sa bahay niya ako ihahatid, tag isa kami ng friend kong si Risa.

 

"Isang buong cheesecake at sabayan niyo ng mga best seller niyong pasta.." seryosong wika ni Lucian. May iba pa siyang mga pagkain na itinuro na nasa menu pero hindi ko na binigyan pansin. Baka naman para sa maldita niyang Mommy iyun. Pasalubong...

 

Hinintay lang namin saglit ang take out food pagkatapos noon, muli kaming bumalik ng kotse at sumakay. Bumiyahe, hanggang sa napansin ko ang paghinto ng sasakyan sa tapat ng makipot na eskinita pauwi ng bahay ko.. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng tuwa.

 

YEs...sa wakas, pinakingan niya din ang hiling ko. Pumayag din siya ng umuwi ako ng bahay.

 

"Huwag kang ma-late bukas sa pagpasok sa opisina." seryoso niyang sambit. Isang alanganing pagtango ang pinakawalan ko bago ako bumaba ng kotse.

 

Pagkababa ko, nagulat na lang ako nang bigla din siyang bumaba. Iniabot niya sa akin ang mga pagkain na tinik-out niya kanina. Alanganin ko namang tinangap iyun.

 

"Bakit ang dami? Cheesecake lang naman an request ko kanina ah?" nagtataka kong tanong.

 

"For you! Para sure na hindi ka mali-late bukas. Good night! Sweet dreams." bigkas niya sabay haplos niya sa pisngi ko bago siya bumalik sa pagkakasakay sa loob ng kotse.

 

Tulala tuloy akong napahakbang. Papasok na sana ako patungo sa loob ng iskinita ng makasalubong ko ang nakangting si Risa.

 

"Nag-overtime ka?" nakangiti pa nitong tanong. HIndi ko tuloy malaman kung ano ang isasagot ko

 

Saan naman niya nakuha ang idea na overtime? Hayssst,

 

 

Chapter 58

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"OVERTIME? Oo eh!" labas sa ilong na sagot ko. Kung hindi lang nakakahiya sa kaibigan kong ito, parang gusto ko na sanang ikwento sa kanya ang mga nangyayari sa akin.

 

Kaya lang, hindi pwede! Hindi maari. HIndi ko pa kayang makita ang magiging reaction niya.

 

Baka kasi kapag malaman niya na ginawa akong parausan ng boss namin, baka bigla na lang akong iwasan nitong si Risa. Hindi pwede iyun lalo na at siya lang ang tunay at tapat na kaibigan meron ako ngayun.

 

Siya lang din ang kaisa-isang taong nakaka-intindi sa akin kaya kahit na ano ang mangyari, gusto ko na lang ilihim sa kanya ang kung ano man ang nangyayari sa akin ngayun. Ayaw ko na siyang idamay sa mga problema ko!

 

Sabay kaming naglakad ni Risa pauwi ng bahay. Sa bahay ko daw siya matutulog at talagang inabangan niya daw pala ang pagdating ko. Sakto naman na pagkalabas niya mula sa iskinita, dumating daw ako. Bibili lang naman daw Sana siya ng fishball sa kanto habang hinihintay niya ako.

 

Kay hirap pala walang cellphone. Kahit na luma iyung cellphone ko parang gusto ko pa rin iyun makuha sa Villa ni Lucian. Regalo pa kasi ni Mommy sa akin iyun eh.

 

"Risa, kumain na ako. Kung hindi ka pa kumakain, may dala akong mga pagkain. Heto ohhh!" nakangiti ko pang alok sa kanya pagdating namin bahaya. Ipinatong ko ang dala kong paper bag sa ibabaw ng maliit na mesa.

 

Kaagad niya naman iyung binuksan at napansin ko pa ang kaagad na pamimilog ng mga mata niya nang tumamapad sa paningin niya ang mga pagkain na nasa loob ng bag.

 

"Wow, ang dami nito ah? Tsaka ang babango..'" nakangiti nitong wika.

 

"Kumain ka muna kung gusto mo." nakangiti kong wika.

 

"Eh, bakit ako lang? Ikaw, kumain ka na ba?" seryosong tanong niya.

 

"Busog pa ako! Bago ako inihatid ni Sir Lucian kanina, kumain muna kami at napansin niya marahil ang pagiging patay gutom ko kaya nag take out din siya ng para sa akin." nakangiti kong sagot sa kanya.

 

Isang malakas na pagtawa naman kaagad ang kumawala sa lalamunan nito nang sabihin ko iyun. Nakaka-miss din ang ganito. Mabuti pa itong si Risa. Kahit na mahirap ang buhay, nagawa niya pa ring tumawa ng ganito. Samantalang ako, feeling ko pasan ko ang mundo.

 

"Ah..talaga? Wow naman! Ang bait naman ni Sir!" tuwang tuwa nitong bigkas. Pilit naman akong ngumiti.

 

Mabait nga ba si Sir Lucian? Hindi din ako sigurado lalo na at naranasan ko na kung gaano siya kahalimaw sa kama. Kung gaano ka-obsessed ang lalaking iyun sa katawan ko

 

Yes, mukhang obsessed nga yata si Sir Lucian sa akin. Sa tuwing nagkakasama kami, wala na siyang ibang ginawa kundi angkinin ang katawan ko. Paulit-ulit at walang kapaguran.

 

Kaya nga din siguro binilhan niya ako ng maraming mga pagkain kanina dahil gusto din marahil nito na magiging malakas ako. Para may energy ako sa tuwing gagamitin niya ang katawan ko.

 

Ngayun pa lang, sobrang naguguluhan na ako. Parang kay bilis lang kasi kay Sir Lucian na ihiga ako at angkinin. Minsan, parang hindi ko na din kilala ang sarili ko. Parang napaka-normal na lang din kasi sa akin na makipag-sex sa kanya eh.

 

"Hoyyy, Amber! Ano na! Tulala ka na diyan..." hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala pero muli akong bumalik sa hwesyo ng kalabitin ako ni Risa.

 

"Ha? May sinabi ka ba?" natatawa kong tanong sa kanya.

 

"Hala! Ano ang nangyayari sa iyo? Ikaw talaga! Mukhang pagod ka na ah? Sige na...kung ayaw mong kumain, magpahinga ka na. Mukhang pagod na pagod ka ohhhı" nakangiti nitong sagot. Nahihiya naman akong kaagad na nag-iwas ng tingin sa kanya.

 

Kung alam niya lang. Oo, pagod ako.

 

Pagod na pagod ako. Masakit ang katawan ko hindi dahil sa trabaho kundi sa walang humpay na pag-angkin sa akin ni Lucian.

 

"Ahmmm, oo nga eh. Sige na Risa...

 

mauna na ako sa iyo. Kain ka lang diyan ha...." pilit ang ngiting sagot ko sa kanya,. Tumango naman ito kaya mabiis na din akong naglakad patungo sa maliit na silid.

 

Pagkapasok ko sa loob, tulala akong napaupo sa aking higaan. Gusto ko nang matulog pero nakakaramdam naman ako ng tawag ng kalikasan. Wala akong choice kundi ang tumayo at nagpasya munang pumasok ng banyo. Ginawa ko ang dapat kong gawin sa ibabaw ng toilet bowl pagkatapos noon, nagpasya na din akong mag-half bath. Naligo na ako kanina sa opisina pero feeling ko kulang pa iyun.

 

Lalo na at sabay kaming naligo ni Sir Lucian at sa loob mismo ng banyo, nag sex ulit kami.

 

Dali-dali kong hinubad lahat ng kasuotan ko. Pagkatapos noon, binuksan ko ang gripo at hinagilap ang sabon. Naghilamos ako at pagkatapos noon, binasa ko ang aking katawan gamit ang tabo. Wala kaming shower dito kaya tiis-tiis lang muna.

 

Mainit din dito sa loob ng bahay kaya dapat talaga maligo or kahit na mag half bath muna bago matulog. IYun nga lang, habang sinasabon ko ang aking katawan, hindi ko mapigilan ang maalala ang ginawa sa akin ni Sir Lucian.

 

Bigla akong nakaramdam ng pag-iinit ng aking katawan. Hindi ko pa nga mapigilan ang mapapikit habang sinasabon ko ang aking boobs. Bigla kong na-imagine na si Sir Lucian ang gumagawa nito sa akin. Bigla kong na-imagine na si Sir Lucian ang humahagod sa katawan ko ngayun.

 

Ewan ko ba! Nababaliw na din yata ako. Nakakatakot din isipin na baka magising na lang ako isang umaga na addict na din ako sa sex at hinahanap-hanap na ng katawan ko ang haplos at presensya ni Lucian.

 

 

 

Chapter 59

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

MAAGA pa lang kinabukasan, gising na kami ni Risa. Maaga kaming papasok ng opisina kaya inagahan na namin ang aming pagising.

 

Sabay na din kaming kumain ng breakfast. Marami pa namang natira na mga pagkain last night kaya iyun na din ang kinain namin.

 

Nag-aabang na kami ng masasakyan na jeep sa may labasan ng isang familiar na sasakyan ang huminto sa harapan namin. Wala sa sariling napaatras ako para sana umiwas ng biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan at iniluwa ang walang iba kundi ang taksil kong ex boyfriend na si David.

 

Yes, si David at hindi ko alam kung ano ang nakain niya at nagpakita na naman sa akin. Nakakabahala isipin na baka gulo na naman ang hatid niya. Hindi ko talaga akalain na ang dati kong boyfriend na napalambing dati ay bigla na lang ding nagbago ang pakikitungo sa akin nang dahil kay Aurora.

 

"Ano ang kailangan mo?" seryosong tanong ko sa kanya nang makalapit siya sa akin.. Kahit na bumalik ako ng bahay, alam kong susundan niya pa rin ako.

 

"Can I talk to you? Kahit sandali lang?" seryosong sagot niya sa akin.

 

"NO! Ano pa ba ang pag-uusapan natin? Wala na diba? Umalis ka na!' seryoso kong sagot sa kanya! Napansin kong natigilan siya habang hindi niya inaalis ang pagkakatitig sa akin.

 

"Amber, alam kong galit ka dahil sa mga kabobohan na ginawa ko sa iyo noon at kaya ako nandito ngayun para humingi ng sorry. Tinalikuran ko ang dalawan taon na relasyon natin at pinatulan ko ang step sister mo.." seryoso niyang sagot.

 

"Sorry? David...nangyari na ang mga hindi dapat mangyari at hindi na maibabalik pa ang lahat. Hiwalay na tayo kaya magfocus ka na lang kay Aurora." balewala kong sagot sabay hawak ko sa kamay ni Risa. Hinila ko ito paalis. Sa kabilang kanto na lang siguro kami mag-aabang ng masasakyan dahil ayaw ko nang patagalin pa ang pag-uusap naming dalawa ni David. Wala nang kwenta pa kung mag-uusap kami ngayun. Pareho lang kaming magsasayang ng oras.

 

"Si Uncle ba ang dahilan kaya ayaw mo akong kausapin ngayun? Pinagbawalan ka ba niya?" seyosong tanong niya na nagpatigil sa paghakbang ko. Wala sa sariling napalingon ako sa kanya at kaagad na sumalubong sa paningin ko ang seryoso niyang mukha.

 

"Kung si Uncle ang dahilan, sana, huwag mong hayaan ang sarili mo na ma-inlove sa kanya! Kilala ko siya! Hindi siya marunong magmahal na babae at baka masaktan ka lang.:" seryoso niyang bigkas. Hindi ko naman malaman kung ano ang ire-react ko dahil sa sinabi niya

 

"Isa pa, may babae nang nakatakda para sa kanya. Babalik na ng Pinas si Lauren at magpapakasal na sila." seryoso niyang muling bigkas.

 

Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. Ang Lauren ba na tinutukoy niya ay ang fiancee na sinabi din sa akin ng Mommy ni Lucian noong nakaraang araw? Talaga bang ikakasal na siya sa isang babae?

 

"Hindi ako interesado na alamin ang tungkol sa bagay na iyan dahil hindi ako interesado sa Uncle mo. Walang nangyayari sa amin kaya tantanan mo na ako, David!" seryosong sagot ko sabay

para sa parating na sasakyan. Mabuti na lang at huminto kaya kaagad na kaming sumakay ni Risa.

 

Pagkasakay namin ng Jeep, pinili ko ang manahimik. Hanggang sa makarating kami pareho ng opisina.

 

Mas nauna akong nakarating ng opisina kumpara kay Sir Lucian kaya naupo na muna ako ng sofa at naghintay. Iyun nga lang, lumipas na lang ang oras at halos alas diyes na ng umaga, walang Lucian ang dumating. Hindi ko tuloy maiwasan ang makaramdam ng bored. Muli akong lumabas ng opisina para sana tanungin si Ms. Mayette kung darating pa ba si Sir Lucian.

 

Ilang araw na akong pumapasok dito sa opisina na ito pero wala pa ring malinaw na dahilan kung bakit ako na hire. Iniisip ko na lang sa ngayun na baka kaya ako tinangap dahil gusto lang akong gawing parausan ni Sir Lucian.

 

IYun nga lang pagkalabas ko ng pinto ng opisina, napansin kong abala si Ms. Mayette. Nahihiya naman akong isturbuhin ito dahil tutok na tutok talaga ang mga mata nito sa kanyang computer

kaya no choice ako kundi ang muling pumasok sa loob ng opisina ni Sir Lucian.

 

"Nasaan na kaya siya? Papasok pa ba siya or uwi na lang kaya muna ako?" mahinang bulong ko sa sarili ko. Pasandal akong nauop sa sofa habang inililibot ko ang tingin sa buong paligid.

 

Naglalaro sa isipan ko kung ano an gagawin ko ngayun nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina. Wala sa sariling mabilis akong napatayo nang mapansin ko na si Sir Lucian ang dumating.

 

Chapter 60

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"GOOD Morning, Sir!" bati ko kaagad sa kanya. Hindi na ako nagulat pa ng mabilis siyang naglakad palapit sa akin at hinapit ako sa aking baiwang sabay halik niya sa labi ko.

 

HIndi an ako pumalag pa. Ini-expect ko na ang ganitong bagay mula sa kanya kaya wala nang dahilan pa para magulat ako.

 

"I missed you!" narinig ko pang bigkas niya pagkatapos niyang pakawalan ng labi ko. Hindi naman ako nakaimik. Hindi ko din naman alam ang kung ano ang isasagot ko at lalong hindi ko din alam kung ano ang mararamdaman ko. Miss niya daw ako? Ako ba talaga or ang katawan ko?

 

Eh ako, na-missed ko rin ba siya? Ewan.. siguro dahil kanina pa ako matiyagang naghihintay sa kanya eh.

 

"Sir..a-ano po bang posible kong maging trabaho sa kumpanya mo?" lakas loob kong tanong sa kanya. Mukhang nasa mood naman siya ngayun na makipag usap kaya kukunin kong chance ito ngayun para makausap ko siya ng masinsinan. Pasimple pa akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at dumistansya ng kaunti.

 

"Bakit ayaw mo ba ng ganito? Walang ginagawang paper works pero sumasahod ka?" seryoso niyang tanong.

 

"Precious, alam mo ba kung bakit kita tinagap agad-agad? Na walang interview? Because, I need you! You satisfied my desire at hinahanap-hanap ka ng katawan ko." seryoso niyang sagot. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya.

 

Eh totoo nga ang naisip ko kanina pa. Gusto niyo ang katawan ko. Gusto niyo akong gawing parausan?

 

"Bakit ako? Marami namang iba diyan pero bakit ako?" seryosong tanong ko. Isang makahulugang ngiti sa labi ang pinakawalan niya habang sinisipat ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

 

"Pagod na akong magpapalit-palit ng babae.. I will give you anything! Everything! Kung gusto mong bumalik ng School para mag-aral ulit... ako ang bahala sa lahat ng mga pangangailangan mo,. Hindi mo na kailangan pang magpakahirap sa pagtatrabaho dahil ipoprovide ko naman lahat ng mga pangangailangan mo." seryoso niyang sagot sa akin.

 

"Paano kung ayaw ko? Ano ang gagawin mo?" kinakabahan kong tanong sa kanya. Aware ako na mahirap talaga siyang takasan at aware din ako na mahirapan din akong makawala pa sa galamay niya pero kailangan ko pa rin alamin mula mismo sa bibig niya ang kasagutan kung sakaling hindi ako papayag sa nais niyang mangyari

 

Natatakot kasi akong tuluyang malubog sa kanya. Natatakot ako na baka sa larong ito ako iyung lalabas na talo.

 

"Simple...palalayasin na kita sa lupain na pag-aari ko kasama ang mga squatters mong mga kapitbahay at kapag malas-malasin ka pa pati ang libingan ng Mommy mo, baka ipahukay ko din. Tutal naman ako ang----"

 

"No! Please, huwag mong gawin iyan. HIndi pwede." putol ko kaagad sa sasabihin niya. Matatangap ko na palalayasin niya kami sa lupa na pag-aari niya pero hindi ko matatangap na pati ang Mommy ko na nananahimik na ay idadamay niya sa kagaguhan niya para lang makuha niya ang gusto niya.

 

"Katawan ko lang ang gusto mo diba? Sige..pumapayag ako! " seryosong sagot ko sa kanya.

 

"Okay deal! Hindi ka naman pala mahirap kausap eh. Actullay, may contract ka na pinirmahan sa akin diba? Kahit na hindi ka pumapayag sa gusto kong mangyari, wala ka pa rin namang choice kundi ang pumayag pa rin sa tuwing gagamitin ko ang katawan mo. Bakit hindi mo na lang ienjoy ang lahat. HIndi kita irerequired na pumasok ng opisina araw-araw pero gusto kong sa isang bahay ka tumira kung saan malaya kitang mapuntahan kung kailan ko gusto." seryosong sagot niya.

 

Now, i know! Maliwanag na sa akin ang lahat. Katawan ko lang talaga ang habol nitong si Lucian. Hindi siya intersadong bigyan ako ng office works. Kaya pala hanggang ngayun wala pa ring training na nagaganap sa magiging trabaho ko dito sa opisina niya dahil wala naman pala talaga siyang balak na kunin akong empleyado.

 

Makakawala pa ba ako sa kanya? Siya na din ang may sabi sa akin ngayun lang na kapag gusto niyang gamitin ang katawan ko, gagawin niya. Hindi ako pwedeng humindi dahil pipilitin niya lang din ako. Hindi ko siya matatakasan kahit na gusto ko.

 

"Ilang taon? Ilang taon tayong manantili sa ganitong kontrata?'" seryosong tanong ko.

 

"Hanggang sa magsawa ako sa iyo." seryosong sagot niya sabay haplos niya sa pisngi ko.

 

Hindi ko mapigilan na mariin na maipikit ang aking mga mata. Hanggang sa magsawa siya sa katawan ko? God, ang sakit noon. Ni sa hinagap hindi ko akalain na aabot ako sa ganitong sitwasyon

 

"Don't worry, hangat kasama mo ako, sisiguraduhin ko ang safety mo. Hindi ba't ayaw na ayaw mong nilalapitan ka ng biological father mo? Mangyayari ang gusto mo. Kahit na ang dulo ng buhok mo ay hindi niya na mahahawakan pa simula ngayung araw." seryoso niyang muling bigkas. HIndi naman ako nakaimik

 

"Okay...sige. Payag ako. Kung iyan ang gusto mong 'ibigay' na trabaho sa akin, pumapayag ako." seryosong sagot ko. Isang ngiti ang kaagad na gumuhit sa labi nito bago niya hinawakan ang laylayan ng aking blouse.

 

"Good! Very good, Precious! Actually, wala ka naman talagang ibang pagpipilian kundi ang pumayag diba? Don't worry, sisiguraduhin ko naman na hindi ka madedehado sa kontrata na it Sisiguraduhin ko na magiging masaya ka habang nasa piling kita." seryosong bigkas niya sabay dampi ng labi niya sa may punong tainga ko.

 

 

 

Chapter 61

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

PIKIT mata akong pumayag sa nais ni Lucian. Pumayag akong ibahay niya ako sa kanyang isa sa mga penthouse niya at kagaya ng pangako niya provided naman daw lahat ng mga pangangailangan ko.

 

"Dito ako titira?" mangha kong bigkas habang inililibot ko ang aking paningin sa buong paligid.

 

Aminado ako sa sarili ko na napakaganda ng buong paligid. Puro mamahalin ang mga nakikita kong mga kagamitan at hindi ko din ma-imagine na titira ako sa ganito kagandang penthouse.

 

"Yeahh...simula ngyaung araw, dito ka na titira. Ito ang ating magiging nest at ang lugar na ito ang magiging saksi sa laha ng mga masasayang mangyayari sa pagitan nating dalawa." seryosong bigkas nito at hindi ko pa nga mapigilan ang mapaiktad nang bigla na lang siyang yumapos mula sa likuran ko.

 

HInayaan ko na siya. Masasanay din ako.

 

Tama, masasanay din ako sa ganitong set -up natin. Masasanay din ako sa mga ganitong gesture niya sa akin.

 

Ang importante, huwag niya na akong i-harasss. Ang importante, huwag niya na akong pahirapan.

 

Iisipin ko na lang siguro na trabaho ito.

 

Isang trabaho na alam kong hindi maganda sa paningin ng ibang tao. Tiyak akong tataas ang kilay kapag malaman ng mga kakilala ko ang pinasok kong buhay pero ayos lang. Ang importante, nasa maganda na akong kalagayan. Hindi na ako malalapitan ng aking biological father. Wala na ding mang-aapi sa akin dahil may pera na din ako. Pera na si Lucian ang magpo-provide.

 

Nang hilahin ako ni Lucian patungo sa may sofa nagpatianod ako. Inalalayan niya pa nga akong makaupo sa malambot na sofa at pagkatapos noon, naupo na din siya sa tabi ko.

 

May dinapot siyang mga papeles na nasa center table at pagkatapos at pagkatapos ay ibinigay niya iyun sa akin.

 

"For you! Gift ko sa pagpayag mo."

 

seryoso niyang bigkas. Wala sa sariling tinangap ko ang ibinigay niya at ganoon na ang ang panlalaki ng mga mata ko sa gulat nang mabasa ko ang nasabing dokumento. Isa itong papeles kung saan mababasa ang pangalan ko na nagsasabi na sa akin na daw ang penthouse na ito?

 

"Lucian? A-ano ito? Mahal ito ah?" seryosong tanong ko sa kanya. Isang matamis na ngiti ang naging sagot niya sa akin bago niya hinaplos ang pisngi ko.

 

"Maliit na bagay. Walang mahal or mura sa akin basta para sa iyo, My Precious." nakangiti niyang sambit.

 

"Bakit mo ba ito ginagawa? Bakit ako?" seryosong tanong ko

 

"Bakit ikaw? Maybe because una pa lang nabighani na ako sa ganda mo. Sinabi ko naman sa iyo diba? Once na maging masunurin ka sa akin, magiging mabait ako sa iyo. Ibibigay ko lahat ng nais mo at sisiguraduhin kong magiging masaya ka sa piling ko." seryoso niyang bigkas.

 

Wala sa sariling napatitig ako sa mukha niya. Gwapo naman talaga sana siya eh. Nasa 30s pa lang ang kanyang edad at sure ako na marami talaga sigurong mga babaeng naghahabol sa kanya!

 

Hindi ba siya marunong manligaw? I mean...bakit kaya siya ganito? Bakit niya dinadaan sa dahas at pera ang lahat mapasakanya lang ang babaeng gusto niya!

 

Siguro kung nagkakilala lang kami sa ibang pagkakataon, payag akong ligawan niya eh! Payag din akong maging boyfriend siya.

 

Kaya lang, mas nauna ang bayaran portion. Nauna ang sex sa aming dalawa dahil sa pagiging disperado ko noon na nasayang lang. Hindi ko din naman naipagamot si Mommy gamit ang pera na ang kapalit ay ang katawan ko. Kusang sumuko na kasi si Mommy eh.

 

Pero kung sa tamang pagkakataon kaya kami nagkakilala, liligawan niya kaya ako? Paiibigin niya kaya ako bago niya ako ibahay?

 

Ang nangyayari kasi sa aming dalawa ngayun ay lumalabas na parang sugar Daddy ko siya. Kaya niya din maglabas ng malaking pera ma-impress lang ang babaeng nagugustuhan niya gayung kung totoosin, pwede naman niyang hindi sana gawin iyun

 

Kung marunong lang naman siguro siyang manuyo ng babae, makukuha niya naman siguro ang lahat ng nais niya eh. Sa gwapo niyang ito at kung mabait lang siya baka lahat ng mga babae ay magkakandarapa mapansin niya lang.

 

"Bakit ganiyan ka makatitig sa akin? Hindi ka ba masaya dito? HIndi ka ba masaya sa regalo ko?" muli akong bumalik sa huwesyo nang muli siyang nagsalita.

 

"Hi-hindi naman sa ganoon. Na-surprised lang kasi talaga ako. Sobrang na -surprised ako sa regalo mong ito, Lucian. "seryosong sagot sa kanya.

 

"Na-surprised ka lang? Pero hindi ka masaya?" kunot noo niyang tanong.

 

"Naku, siyempre kasama na din iyun. Kasama na din ang tuwa. May--may penthouse na ako na nakapangalan sa akin. Investment din ito. Tumataas ang value habang tumatagal." pilit ang ngiting sagot ko sa kanya.

 

Isang mahinang pagtawa naman ang kumawala sa lalamunan niya bago niya kinuha mula sa mga kamay ko ang dokumento.

 

Pagkatapos noon, hinawakan niya ako sa magkabilaang pisngi bago dahan-dahan na lumapit ang mukha niya sa mukha ko.

 

Ilang saglit lang naramdaman ko na naman ang muling pagdikit ng labi namin.

 

Sa pagkakataon na ito, ramdam ko na ang pagbabago ng halik niya. Hindi na ganoon ka-agrisibo na para bang nagmamadali. Hindi na ganoon ka submissive.

 

Iba na..masuyo na kaya naman wala sa sariling nasalikop ko na din ang dalawa kong palad sa kanyang leeg.

 

Walang pag-iinarte na nagpasya akong tugunin ang halik niya hanggang sa naramdaman ko na lang ang pag-angat ko sa eri. Binuhat niya ako at naglakad siya patungo sa isang silid at pagkapasok namin sa loob, dahan-dahan niya akong inihiga sa malambot na kama habang magkalapat pa rin ang aming mga labi.

 

Chapter 62

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

NAKARATING kami ng kama at nauwi na naman sa isang mainit na p********k ang namagitan sa aming dalawa.

 

"Ride my dick, My Precious! Dapat matuto ka na ding magtrabaho sa ibabaw ng kama simula ngayun." pautos na wika niya. Pareho na kaming hubot hubad

 

Tumihaya siya sa ibabaw ng kama kaya no choice ako kundi ang pumwesto sa ibabaw niya. Inalalayan niya akong upuan ang kanyang naghuhumindig na pagkalalaki. Iyung upo na sakto lang sa perlas ng silangan ko at hindi ko mapigilan ang mapapikit nang dahan-dahan iyung pumasok sa hiyas ko.

 

Pagkatapos noon, nag-umpisa akong magtaas baba. First time ko ito kaya nanantiya ang galaw ko. Baka kasi mahugot eh. Mabuti na lang talaga at naka-alalay ang dalawang kamay ni Lucian. Nakahawak siya sa magkabilaan kong baiwang habang inaalayaan niya akong magtaas baba sa ibabaw niya.

 

Masarap pala ang ganito. Nako-kontrol ko ang bawat paghugot at pagbaon ng mahaba at mataba niyang pagkalalaki sa hiyas ko. Ilang saglit lang, namalayan ko na lang na nag-eenjoy na pala ako.

 

Bumilis nang bumilos ang pagalaw ko sa ibabaw niya. Hanggang sa namalayan ko na lang na na mula sa aking baiwang, lumipat na ang dalawa niyang palad patungo sa aking boobs. Sa bawat pag-indayog ko ay sumasabay din sa pag-alog ang dalawa kong boobs. Kitang kita din naman na nasasayahan siya sa ginagawa ko.

 

Titig na titig sa Lucian sa akin habang walang humpay ang pag-indayog ko. Para akong naksakay na sa kabayo. Shit...ang sarap! Ang sarap ng matigas niyang sandata.

 

"ahhh! ahhh! Ohhh! shit...ang galing mo, Precious! Ang bilis mo palang matuto eh!" narini kong sambit niya. Tinitigan ko siya at nang mapansin kong mukha naman siyang nasasarapan sa performance ko lalo ko pang pinag-igihan.

 

Gumiling ako sa ibabaw niya at sabay kaming napaungol sa sobrang sarap. Sa sobrang tigas ng pagkalalaki niya at sa sobrang sarap na nararamdaman ko, parang ayaw ko nang matapos pa ang sandaling ito. Hanggang sa nagpasya siyang magpalit daw kami ng pwesto

 

Bumangon siya at inutusan akong tumuwad na siyang kaagad ko namang ginawa. Ilang saglit lang, abala na siya sa kakaatras abante mula sa likuran ko.

 

Sagad na sagad at buong gigil siyang naglabas pasok mula sa likuran ko. Walang inihibisyon sa katawan na patuloy lang ako sa pag-ungol.

 

"Ahhh! Ughhh! Lucian...sige pa! Sige pa!" malakas kong sambit hanggang sa sabay naming narating ang rurok. Wala siyang

sinayang na katas. Lahat iyun ay ipinasok niya sa kaloob-looban ng aking perlas ng silangan.

 

Pagkatapos ng mainit na sandali sa pagitan naming dalawa pareho kaming may ngiti sa labi na nakatulog. Kontento at masaya sa isat isa.

 

Bininyagan lang naman namin ng p***** ***k ang penthouse kung saan simula ngayung araw, ito na ang magiging tahanan ko. Sana lang talaga hindi ko pagsisisihan ang naging desisyon kong ito.

 

Sa ginawa kong pagpayag na ibahay niya ako alam ko sa sarili ko na wala na itong atrasan. Alam kong makakawala lang ako sa kanya kapag tuluyan na siyang magsawa sa akin

 

Sa ngayun, mukhang kailangan ko na lang munang i-enjoy ang lahat. KUng maayos naman ang magiging pakikitungo niya sa akin, why not naman diba?

 

Dahil sa pagod, hindi ko na napigilan pa ang mahimbing na matulog. Muli akong nagising na sakto lang na kakalabas lang ng banyo ni Lucian. Mukhang nakaligo na siya dahil basang basa na ang kanyang buhok.

 

"Nakapagpahinga ka ba ng maayos? Magbihis ka...aalis tayo" nakangiti niyang wika. Mabilis naman akong napabangon ng kama at muli ding napahiga nang maramdaman ko na hubot hubad pala ako. Wala akong ni isang saplot sa aking katawan at kahit na makailang ulit niya nang nakita ang katawan ko, nakakahiya pa rin na ibuyangyang ko sa harapan niya ang hubad kong katawan.

 

Hindi pa rin ako sanay at porket normal nalang sa aming dalawa ang magsex hindi na ako magkaroon pa ng kahit na kaunting respito sa sarili ko.

 

"Tsk! Hanggang ngayun pa ba naman nahihiya ka pa rin sa akin?" narinig kong sambit niya bago siya naglakad palabas ng kwarto. Kinuha kong pagkakataon iyun para mabilis na bumangon ng kama at halos patakbong pumasok sa loob ng banyo.

 

Nagpasya na din akong maligo. Isang mabilisang pagligo dahil baka mainip sa paghihintay sa akin si Lucian. Lalabas daw kami at excited din naman ako kung

saan niya ako dadalhin.

 

Iyun nga lang, pagkatapos kng maligo, biglang dagsa ng reyalisasyon sa isipan ko. Wala pa pala akong kahit na isang damit dito sa penthouse. Dinala lang ako. ni Lucian para tingnan daw ang bago kong tirahan kaya wala talaga akong bitbit na kahit na isang damit.

 

Mabuti na lang talaga at may mga tuwalya na dito sa loob ng cabinet na matatagpuan din mismo dito sa loob ng banyo. Dali-dali akong kumuha ng isa at itinapis iyun bago lumabas.

 

Iyun nga lang, pagkalabas ko ng banyo, sumalubong naman sa paningin ko si Lucian. Bihis na bihis na ito at mukhang ako na lang ang hinihintay niya.

 

"Aalis ba tayo? I mean, wala pa pala akong pamalit na damit. Saan tayo pupunta?" kaagad kong tanong sa kanya. Napalingon naman ito sa akin sabay hagod ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

 

"Of course, alam ko ang tungkol sa bagay na iyan. No worries...may mga damit kang pwedeng isuot. Mamili ka lang."nakangiti niyang wika sabay turo sa kabilang bahagi ng kwarto kung saan may nakita akong mga paper bag na maayos na nakapatong sa isang Sex chair? Sex chair dahil kakaiba ang hugis nito. Hindi naman ako ipinanganak kahapon para hindi ko malaman kung anong klaseng sofa iyun at para saan

 

Sex chair? Shit, meron nga dito sa loob ng silid? Kakapasok lang ba nito kasama ng mga nakapatong na mga paper bags na nasa ibabaw at gilid nito? Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Bigla din akong nakaramdam ng pagkailang.

 

Ano kaya ang tumatakbo sa isipan nitong si Lucian? Bakit may ganito sa kwarto namin?

 

 

 

Chapter 63

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

SA isang mall ako dinala ni Lucian. Sky the limit daw at lahat daw ng gusto ko, bibilihin niya since happy daw siya dahil sa pagpayag kong ibahay niya.

 

Regalo niya daw sa akin and since kailangan ko din talaga ng mga gamit para sa paglilipat ko sa bago kong tahanan, pumayag ako.

 

Bumili ako ng mga gamit na kailangan ko. Lalong lalo na ng mga damit ko

 

Iyun nga lang, wala sigurong balak si Lucian na magtipid. Sa mga high end shop niya ako dinala. Mga damit pambahay lang naman ang bibillihin ko sana at ilang pirasong mga pang-alis pero ang presyo, halos malula ako. Ayos lang naman daw, as long as kasya sa akin, bibilihin niya daw.

 

Nagmumukha talaga tuloy siyang sugar Daddy! Isang napaka-gwapong sugar daddy. Gayunapaman, dahil nandito na din ako at kaysa maghubad naman ako dahil wala akong pamalit na damit, nagsukat ako nang nagsukat ng mga damit. Mula sa sapatos, mga underwares at mga damit. Lahat ng mga gamit sa katawan na alam kong kailangan ko, kinuha ko na. Hindi naman ako ang magbabayad eh. Gagalingan ko na lang siguro ang performance ko ng kahit na kaunti para naman makabayad kahit na

papaano.

 

lyun nga lang, habang nag-iikot kami, hindi talaga maiwasan na may mga kontrabida kang makakasalubong. Kagaya sa mga pelikula, may mga epal talaga. Kagaya na lang ngyaun, bigla na lang kaming sinalubong nila Daddy kasama nito si Aurora at ang Nanay nitong si Rosalinda. Mukha silnag mga yagit na mabilis na lumapit sa amin ni Lucian

 

"Amber, anak! Mabuti naman at nagpakita ka din." nakangiti nitong wika sa akin. Wala sa sariling naptingala ako kay Lucian at nang mapansin ko ang seryoso nitong mukha, kaagad kong hinarap si Daddy.

 

"Ano na naman ba ito, Mr. Rodriguez? Ilang beses ko bang ipaintindi sa inyo na wala na tayong kaugnayan sa isat isa. Pinutol ko na iyun kasabay ng paglibing kay Mommy kaya tigilan niyo na ako. Hindi ako interesado sa mga offer mo. Sa iyo na ang negosyo mo dahil kahit na sinkong duling, alam kong wala akong mapapakinabangan diyan." seryoso kong wika.

 

"Amber, ano ka ba? Ikaw na lang ang nag-iisang kadugo ko nandito sa mundo. Kaya mo ba akong tiisin anak?" naluluha nitong sagot.

 

"Natiis niyo po kami noon ni Mommy kaya naman kayang kaya ko din po kayong tiisin ngayun. Nasa kanila na ang kaligayahan mo diba? Ibigay mo na sa kanila lahat ng time mo dahil noon pa man, wala na akong pakialam pa." seryoso kong sagot.

 

"Amber naman! Huwag ka namang magsalita ng ganiyan. Alam kong bitter ka pa rin sa mga nangyari dahil sa hiwalayan ninyong dalawa ni David pero pwede bang moved-on na? May pang rebound ka na diba? Pakatapos kay David, sa Uncle ka pumatol at ano pa ba ang----" Hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Aurora nang biglang umangat ang palad ko at sinampal ito

 

"Sino ka para kausapin ako? Kinakausap ba kitang malandi ka?'" galit kong sigaw sa kanya! Naramdaman ko naman ang paghawak ni Lucian sa kamay ko. Tinitigan niya ito bago niya sininyasan ang isa sa mga tauhan niya na sampalin si Aurora.

 

"HIndi mo na kailangan pang dungisan ang palad mo sa mga ganitong bagay, Precious. Kung gusto mong manakit, ipaubaya mo sa mga tao ko." narinig kong seryoso niyang bigkas kasabay ng malakas na hiyaw ni Aurora. Binigyan lang naman ito ng mag-asawang sampal ng Isa sa mga bodyguards ni Lucian.

 

"Ano ba? TAma na? Sino kayo para saktan ang anak ko. Gustavo, do something. Naging demonyita na iyang anak mo." narinig kong wika ng kabit na si Rosalinda. Hawak nito ang nasaktang anak na nag-umpisa nang umiyak. Bakat sa mukha nito ang palad mula sa pagkakasampal.

 

Iyun nga lang, hindi ko mapigilan ang mapasinghap nang si Rosalinda naman ang pagbalingan ng mga bodyguards ni Lucian. Siya naman ang binigyan ng mag-asawang sampal. Hindi ko tuloy malaman kung ano ang iisipin ko ngayun.

 

Gaano ba kalupit si Lucian para gawin ito in public area. Pinagtitinginan na din kami ng iba pang mga shoppers ng nasabing mall kaya wala sa sariling napahawak ako sa braso nito at hinila siya paalis

 

"Mr. Gustavo Rodriguez. Kapag may kailangan ka, pwede kang dumalaw sa opisina ko. Mag-usap tayo na hindi kasama ang mga alipores mo." seryosong wika ni Lucian. Napansin ko ang tuwa na kaagad na rumihistiro sa mukha ni Daddy at nakangiting tumango

 

"Salamat, Mr. Ferrero. Sinasabi ko na nga ba eh. Isa po kayong tao na may mabuting puso at naiiintindihan ang saloobin ng kapwa niyo negosyante." nakangiti nitong sagot.

 

Hindi ko naman maiwasan na mapaismid. Nasaktan na lahat-lahat ang pamilya na itinuring niya sa mahabang panahon, masaya pa rin siya sa isang pabor na walang kasiguraduhan kung ibibigay ba ni Lucian. Well, bahala na nga sila. Ang importante lang naman sa akin ngayun ay nag-enjoy ako sa shopping.

 

Naranasan ko man lang minsan ang may pera at nabibili lahat ng nais ko. Maransan ko man lang din minsan ang makasuot ng mga mamahaling gamit.

 

 

Chapter 64

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Lucian, kalabisan na ito. Ang dami mo nang ibinili sa akin.'" hindi ko mapigilang reklamo kay Lucian habang nandito kami sa loob ng isang Jewelry shop.

 

Pagkatapos ng medyo mahabang oras na pamimili sa ibat-ibang shop, nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilain papasok dito sa nadaanan naming Jewelry Shop.

 

Mismong ang manager ang nasa harapan namin at inilapag nito ang mga latest collections diumano nilang mga jewelry. halos malula ako sa mga nakita kong presyo.

 

Feeling ko tuioy, hindi lang katawan ko ang gustong bilihin ni Lucian kundi pati na din ang yata kaluluwa ko. Bakit ba kailangan niya pang gumastos ng ganito kalaki gayung nakuha niya naman na ang lahat sa akin.

 

"Pumili ka na ng napupusuan mo, Precious, Hindi tayo aalis dito hangat wala kang magugustuhan. Magrerequest ako na ilabas nila lahat ng collections nila or kung gusto mo bilihin na lang natin lahat itong mga nasa harapan natin? Mukhang bagay naman sa iyo eh."

 

nakangiti niyang wika sabay dampot ng isang white diamond necklace.

 

Sinipat niya iyun ng tingin at siya na din mismo ang naglagay sa leeg ko. Napansin kong pinakatitigan niya muna ito bago niya dinampot ang earrings at ibinigay sa akin

 

"Hindi ko masyadong kabisado ang paglalagay ng earrings kaya sige na. Ikaw na ang bahala." nakangitin niyang wika. Wala na akong nagawa pa kundi sundin ang nais niya. Inilagay ko iyun sa tainga ko habang hindi niya inaalis ang pagkakatitig sa akin

 

Sa totoo lang, nakakailang itong ginagawa ni Lucian eh. Nakasunod ang mga mata niya sa bawat kilos ko. Nakakatakot din kasi dahil feeling ko kaunting pagkakamali, masisigawan niya ako eh.

 

"Perfect! Bagay sa iyo. Ang ganda!" nakangiti niyang bigkas.

 

Muli siyang dumapot ng isa pa at hinawakan ang kamay ko. Hindi na ako nakapalag pa nang isuot niya sa palasingsingan ko ang isang kulay pink na tiffany pink diamond ring na sobrang ganda.

 

Parang gusto ko tuloy maluha. Kahit naman papaano, alam ko ang mga ganito eh. Isa itong mamahaling engagement ring na may presyo na milyones.

 

Ano ba? Ganito ba ako kamahal sa paningin ni Lucian. Parang gusto ko na tuloy matakot sa mga pinanggagawa niya eh. Sobra-sobra na kasi at willing talaga siyang gumastos kahit na magkano para sa akin

 

Ang akala ko talaga katawan lang ang habol niya sa akin pero bakit ganito? Wala na ba siyang balak na pakawalan ako? Gusto niya bang manatili ako sa tabi niya habambuhay?

 

Well, may choice ba ako? WAla din naman akong ibang mapuntahan kaya ayos lang din naman

 

"I like it! I really love it!" narinig kong wika ni Lucian. Hindi niya na pinahubad sa akin ang mga alahas na nasa katawan ko na. Babayaran niya na daw.

 

Alam kong kahit na tangihan ko pa ang napaka-expensive niyang regalo, hindi niya din naman ako pakikingan. Bago siya nagbayad, nagturo pa siya ng iba pang mga alahas. Hindi na ako umapela dahil iniisip ko na baka hindi naman para sa akin.

 

Pagkalabas namin sa Jewelry shop, kaagad na akong nagyaya kay Lucian na umuwi na kami. Nagdahilan ako na pagod na ako which is hindi naman. Wala lang, gusto ko nang umuwi dahil baka kung ano pa ang maisip niyang bilihin para sa akin. Nakakahiya na.

 

Hindi naman ako gold digger para sulitin ang pagkakataon na willing siyang gumastos. Pumayag naman siya na uuwi na kami pero may dadaanan pa daw kami bago kami umuwi ng penthouse

 

"Saan?" nagtataka kong tanong

 

"Malalaman mo mamaya. Gusto kong ipakilala ka kina lolo at Lola. Tiyak na makakasundo mo sila." nakangiti niyang sagot sa akin. Hindi na ako sumagot pa.

 

 

Sa isang malapalasyong bahay kami nakarating. Kagaya ng Villa ni Lucian, napapaligiran din ito ng mga gwardiya.

 

Mataas ang gate at marami din akong nakitang mga kasambahay na nagkalat sa buong paligid.

 

"Uncle, mabuti naman at dumating ka na. Kakausapin ka daw ni Grandpa." nakangiting salubong sa amin ni David.

 

Yes, nandito din si David na kung makatingin sa akin ay para bang may gustong sabihin.

 

Hawak ang aking kamay, mabilis akong hinila ni Lucian papasok ng bahay. Ni hindi niya man lang pinansin si David na lihim kong ipinagpasalamat

 

Alam kong aware si Lucian kung sino at ano si David sa buhay ko bago kami nagkakilala. Ang ipinagtataka ko lang bakit parang mainit ang ulo niya sa pamangkin niya? HIndi sila magkasundo.

 

Sa second floor ng bahay kami dumirecho.

 

Huminto sa tapat ng isang silid at kumatok ng tatlong beses bago niya dahan -dahan na binuksan.

 

Pagkabukas ng pintuan, muli akong hinila ni Lucian papasok sa loob kung saan naabutan namin ang dalawang matanda. Halatang hinihitay nila ang pagpasok namin.

 

"Lo, La! Good afternoon." bati ni Lucian sa kanila. Isa-isa niya itong nilapitan at hinalikan sa pisngi

 

"Lucian, iho. Mabuti naman at napadalaw ka." nakangiting wika ng matandang babae. Kung hindi ako maaraing magkamali nasa 80s na ito gayudin naman ang matandang lalaki.

 

May magiliw na ngiti na nakaguhit sa labi kaya naman hindi ko tuloy malaman ang gagawin ko. Lalapit ba ako sa kanila para magmano bilang tanda ng pagalang or hihintayin ko na lang si Lucian na pormal akong ipakilala sa kanila?

 

 

 

Chapter 65

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Iho, may kasama ka?" nakangiting

tanong ng matandang babae. Muli akong hinawakan ni Lucian sa kamay bago nagsalita

 

"Yes....Lo, La meet may fiancee, Precious Amber!" nakangiting pakilala ni Lucian. Hindi ko naman maiwasan na magulat.

 

Fiancee? Wala sa usapan namin ito. Bakit ganoon? Bakit bigla niya na lang akong ipinakilala sa Lolo at Lola niya na fiancee niya?

 

God! Ilang nakakagulat pa ba na rebelasyon ang pagdadaanan ko para mas maintindihan ko pa ang mga bagay-bagay sa buhay ni Lucian.

 

Maliban sa pagiging partner in bed niya, ano pa ba ang mga bagay or trabaho na gusto niyang ipaako sa akin?

 

Bakit ba walang briefing bago ako sumalang sa isang pangmalakasang pag acting?

 

Yes...para sa akin, isa itong drama sa buhay. Ginagamit ako ni Lucian para sa sarili niyang interes at kapakanan.

 

Napansin ko pang nagkatinginan ang dalawang matanda bago sabay ng ngumiti.

 

"Wow! Sa wakas! Naiisipan mo din na ipakilala sa amin ang babaeng nagpapatibok ng puso mo, apo?"

nakangiti nitong wika. Wala sa sariling napatitig ako kay Lucian at nang suminyas siya sa akin na lumapit daw ako sa dalawng matanda, wala na akong nagawa pa kundi ang sundin siya.

 

Una akong lumapit sa matandang babae at akmang magmamano ng bigla na lang siyang tumayo at buong galak na nakipag-beso sa akin. Wala na kong nagawa pa kundi ang sumunod sa agos ng buhay.

 

Sunod kong nilapitan ang matandang lalaki. Nagmano lang ako sa kanya at naramdaman ko pa ang pagtapik niya sa aking balikat bago nagsalita.

 

Welcome to our family iha.

 

Nararamdaman ko na isa kang mabait na bata at gusto kita para sa apo ko." nakangiti nitong wika. Wala sa sariling napatingin ako kay Lucian na noon ay nakangiti na din.

 

"Salamat po. Ikinagagalak ko din po kayong makilaa, Sir and Mam." nakangiti kong wika. Isang malakas na pagtawa ang naging sagot ng Lolo ni Lucian bago ito

nagsalita.

 

"Anong Sir and Mam? You can call us Lolo and Lola since sooner or later, magiging bahagi ka na din ng pamilya namin." nakangiti nitong sagot sa akin. Wala sa sariling muli akong napalingon kay Lucian at nang tumango ito sa akin, muli akong napaharap sa dalawang matanda.

 

"Okay po. Lolo at Lola, ikinagagalak ko po kayong makilala." nakangiti kong bigas.

 

"Perfect! Gusto namin si Amber! Alagaan mo siya para sa amin sana mabigyan niyo kami ng apo sa lalong madaling panahon. " nakangiting wika ni Lolo kay Lucian. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng kaba.

 

Apo? Apo daw? I don't think so. Hindi ko alam kung kaya ba akong buntisin nitong si Lucian gayung ang papel ko sa buhay nito ay isa lamang parausan.

 

Masasabi ko na mabait naman ang mga Lolo at Lola nitong si Lucian. Magaan ang pakikiharap nila sa akin.

 

"Kailan nga ba kayo magpapakasal? Aba't bilis-bilisian niyo na hangat kaya pa namin tumayo at nang masaksihan

naman namin ang pag-iisang dibdib niyo? "wika pa nga ni Lola.

 

Muli akong napatingin kay Lucian. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya bahala siya.

 

"Soon Lola! May mga pina-finalized lang kami at pag-uusapan din namin ni Precious ang pagpapakasal sa simbahan." nakangiting wika ni Lucian sabay hawak sa kamay ko

 

"See, engaged na po kami ni Precious Masyado lang po kasi talaga akong busy kaya hindi pa namin napag-uusapan ang schedule ng aming pagpapakasal pero kapag mangyari iyun, promise po. Kayo ang unang makakaalam." nakangiting wika ni Lucian

 

Parang gusto ko tuloy kilabutan. Paano niya maatim na paasahin nag dalawang matanda?

 

Now, gets ko na kung bakit niya ako binilhan ng mga mamahaling alahas. Gusto niya palang ma-impress sa kanyang Lolo at Lola. Ang galing niya talaga! Ang bilis ng isip niya.

 

Pero bakit ako? I mean, akala ko talaga may fiancee na itong si Lucian?

 

Nagsisinungaling ba si David sa akin noong sabihin niya iyun?

 

Oh, well, wala akong pakialam

 

Halos isang oras din kaming nanatili sa loob ng silid nila Lolo at Lola bago nagpaalam si Lucian sa kanila na magpapahinga na muna kami.

 

Nagpahabol kasi ang mga matatanda na kung pwede dito na din kami kumain ng dinner na kaagad naman pinagbigyan ni Lucian. Hindi niya talaga siguro mahindian ang Lolo at Lola niya kaya ganoon.

 

Iyun nga lang, pagkalabas namin ng silid nila Lolo at Lola, sumalubong naman sa paningin ko ang seryosong mukha ng Mommy ni Lucian na halatang nakaabang dito sa labas ng silid. Seryoso ang mukha at halatang hindi galit.

 

Yes, ang Mommy niya. Kilala ko siya dahil minsan ko na siyang nakaharap sa Villa at pinalayas niya nga ako pagkataos niya akong pagsabihan ng masasakit na salita.

 

"Ano ang ginagawa ng babaeng iyan dito? Bakit mo sya ipinakilala sa Lolo at Lola mo?" kaagad niyang tanong ka Lucian. Sa kaba na nararamdaman ko, mahigpit akong napakapit sa braso ni Lucian

 

Gosh, ayan na! Gyera na yată ito. Kung kanina, mainit ang pagtangap sa akin ng dalawang matanda, iba yata ang mangyayari dito sa Mommy ni Lucian. Mukhang mainit talaga ang dugo niya sa akin eh.

 

 

 

 

 

©️Sagittarius🌺🌺

 

 

 

Chapter 66

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Lucian, alam mo naman na wala akong ibang babaeng gusto para sa iyo kundi si Lauren lang!" seryosong wika ng Mommy ni Lucian sa kanya.

 

"Mom, please stop it! Kilala niyo po ako noon pa. Alam niyo po na hindi niyo ako mapipilit na gumawa ng mga bagay na ayaw ko." seryosong sagot naman ni Lucian sa kanyang ina.

 

"Pero alam kong si Lauren ang dahilan kaya hanggang ngayun hindi ka pa nag-aasawa. For God sake Lucian, stop doing this. Tigilan mo na ang kakapatol sa kung kani-kaninong babae.:" muling bigkas nito.

 

Pigil ko naman ang sarili ko na magreact. Feeling ko talaga, ang baba ng tingin nitong Mommy ni Lucian sa akin eh. Kung sinu-sinong babae daw. Pakialamera.

 

"I changed my mind. Hindi na kami pwede ni Lauren dahil may iba na din siyang kinakasama sa US. You know my rules Mom, ayaw na ayaw ko sa isang babae na basta na lang pumapatol sa kung kanin-kaninong lalaki." seryosong sagot nito sa kanyang Ina.

 

"How abaut that that lady na kasama mo ngayun? Ano ang tingin mo sa kanya? Hindi ba't girlfriend din siya ng pamangkin mo na pinatulan mo? Ano ang pinagkaiba nilang dalawa ni Lauren?" seryosong sagot nito. Pinukol pa ako ng masamang tingin na lalong nagpadagsa ng kaba sa puso ko.

 

Kung saan naman maayos na ang pakikitungo sa akin ni Lucian tsaka ko naman nakahalubilo itong Mommy niya. Grabe naman ang kapalaran sa akin. Hindi na nauubusan na magbigay ng kontra-bida. Masyadong masakit sa ulo at kalooban.

 

"Mas malayo ang agwat ni Precious compare kay Lauren kaya huwag niyo po syang i-compare. Masyadong nakakasakit na sa damdaming ng fiancee ko ang mga katagang binitiwan niyo kaya aalis na po kami. Pakisabi na lang kina Lolo at Lola na hindi na kami makakasabay sa pagkain ng dinner." malamig at seryosong wika ni Lucian sa kanyang ina sabay hila sa akin paalis.

 

"Lucian! Ano ba? Ganiyan na ba talaga katigas ang ulo mo? Hindi mo ba naiinitindihan? Para sa iyo din naman itong ginagawa ko eh. Stop doing this dahil walang ibang babae na mas bagay sa iyo kundi si Lauren lang." pahabol pa nitong wika pero parang walang narinig si Lucian. Dire-direcho lang ang hakbang paalis habang mahigpit ang hawak niya sa kamay ko.

 

Wala na akong nagawa pa kundi ang magpatianod na lang. Hanggang sa makalabas kami ng bahay at kaagad namang sumalubong sa amin si David.

 

"Uncle! Nabangit na ba ni Lolo sa iyo na kailangan niyo na pong ibalik ang credit cards ko?'" nakangiting tanong nito kay Lucian pero matalim lamang niya itong tinitigan.

 

"This is your fault! Ano ang mga

pinagsasabi mo kay Mommy?" seryosong tanong niya dito

 

Natigilan naman si David. Napatitig muna ito sa akin bago niya ibinaling ang tingin sa kanyang tiyuhin.

 

"Wala naman po sigurong masama sa sinabi ko kay Tita diba? Totoo naman talaga na naging girlfriend ko si Amber sa loob ng dalawang taon. Hindi gawa-gawa iyun at kaya iyun i-confirm ni Amber sa mismong harapan natin.'" nakangiti niyang sagot. Hindi ko naman mapigilan ang mapairap.

 

"Shut up! Shut up! Kung gusto mong ibalik ko pa sa iyo ang credit cards mo at kotse mo, manahimik ka! Ayaw na ayaw ko nang makarinig pa ng ganiyang bagay" galit na singhal ni Lucian dito.

 

"Or baka naman pati bahay na tinitirhan niyo ngayun ng Nanay mo ay kunin ko din! " muling bikgas ni Lucian. Napansin ko ang kaagad na pamumutla ng mukha ni David sabay iling

 

"Uncle....ano ba? Bakit ba ang init ng ulo niyo? Nagbibiro lang naman ako noong sabihin ko iyun kay tita eh. Promise, hindi na mauulit." ramdam ko ang kaba sa boses na bigkas ni David.

 

"Good! Next time watch your words. Kung may nakaraan man kayo ni Precious, kalimutan mo na iyun dahil akin na siya ngayun." seryosong wika ni Lucian bago niya ako hinila patungo sa sasakyan. Wala na ulit akong choice pa kundi ang parang robot na nagpatianod sa bawat paghila sa akin nitong si Lucian

 

Hindi ko maintindihan pero sa bawat kilos at pananalita ni Lucian ramdam ko ang pagiging obsessed niya sa akin. I mean, nakipagtalo siya kanina sa Mommy niya nang dahil sa akin tapos nakipagtalo na naman siya kay David ngayun lang dahil sa akin.

 

Dapat na ba akong magpasalamat dahil sa pagtatangol ni Lucian sa akin or dapat na ba akong kabahan dahil sa obsession na ipinapakita niya?

 

Hindi ko alam pero isa lang ang sigurado ako ngayun. Dapat akong mag-ingat sa bawat kilos ko dahil nakakatakot siya kung magalit. Minsan ko na iyung naranasan kaya dapat talaga na mag-ingat ako.

 

Ibinibigay niya naman lahat ng mga kailagan ko eh. Sapat na iyun. Dapat na akong makontento doon.

 

Chapter 67

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"LUCIAN, galit ka pa ba? Mommy mo pa rin sya at sana maintindihan mo siya sa gusto niya." lakas loob kong wika habang nasa biyahe kami.

 

Pauwi na kami ng penthouse at hanggang ngayun ramdam ko pa rin ang tension sa kanyang katawan. Nakakatakot siyang tingnan. Salubong ang kilay niya at matalim kong tumitig.

 

"Yeah...nanay ko siya at bawat anak ay may kanya-kaniyang pinagdadaanan sa mismong kamay ng kanyang mga magulang." seryosong sagot ni Lucian sa akin. Naguguluhan naman akong napatitig sa kanya.

 

"Kung ang tingin mo sa Mommy mo ay isang hero iba ang tingin ko sa sarili kong Ina. She's a devil at huwag na huwag kang magtiwala sa kanya. Hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin makapanakit lamang ng kapwa." muli niyang bikgas. Hindi naman ako nakaimik.

 

Devil daw? Eh kung ganoon sa Mommy niya siya nagmana. Aware din naman siguro siya na masama ang ugali niya diba?

 

Imbes sa mansion ng Lolo at Lola niya kami magdinner, dumaan na lang muna kami sa isang restaurant para kumain bago umuwi ng penthouse.

 

Naging maayos naman ang buong gabi naming dalawa ni Lucian. Buong gabi kami halos na magkasundo sa kama kaya ang ending tanghali na kami nagising kinabukasan. Nagpabili ulit siya ng makakain sa labas at pagkatapos noon, nagpaalam na siya sa akin. May importante daw siyang aasikasuhin sa ospisina pero bago siya umalis, iniabot niya sa akin ang isang familiar na debit card.

 

"Ano ito?" nagtataka kong tanong sa kanya.

 

"Para sa iyo. Wala akong balak na ikulong ka dito sa penthouse. Malaya ka pa ring gawin lahat ng gusto mo basta sa isang kondisyon. Ayaw kong mag-entertain ka ng kahit na sinong lalaki." seryoso niyang wika.

 

"Salamat! Promise, hindi ako mag-eentertain ng kahit na sino at kahit na hindi mo ako bigyan ng pera ayos lang.

 

Provided naman na lahat ng mga kailangan ko dito sa loob ng penthouse eh. Wala na akong ibang kailangan sa ngayun." nahihiya kong sagot sa kanya.

 

"Nope! I insist! Kunin mo ito. Kulang pa iyung mga pinamili natin kahapon. Alam kong may mga nakaligtaan ka pang bilihin." seryoso niyang wika sabay hawak niya sa kamay ko at ipinatong niya

ang nasabing debit card

 

Wala na akong nagawa pa kundi ang tangapin iyun. Siyempre, nagpasalamat ako pero yakap lang at halik sa labi ang naging tugon niya bago niya ako iniwan mag-isa dito sa penthouse.

 

Nang mapag-isa ako, nagpasya akong ayusin lahat ng mga pinamili niya sa akin kahapon. Maayos kong inilagay sa walk-in closet. Ang mga alahas na binili niya kahapon ay itinago ko na din. Mukhang para sa akin talaga siguro ito dahil kasama itong naipasok dito sa loob ng sarili kong penthouse.

 

Sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwala sa biglang pagbabago ng buhay ko. Parang kailan lang, hirap akong kumain ng tatlong beses sa isang araw pero ngayun naman nag-uumapaw ang blessings sa buhay ko. Dahil iyun kay Lucian.

 

Unti-unti ko nang nakikilala ang ugali niya at alam kong mabait siya. Lahat naman ng tao ay may tupak eh. Lahat ng tao may itinatago na masamang pag-

uugali at sa umpisa pa lang naging vocal na si Lucian sa akin kung ano ba talaga ang kailangan niya.

 

Dahil masyado akong nalibang sa pag-aayos ng aking mga gamit, hindi ko na namalayan pa ang oras. Bago maglunch, may nagdoor bell sa pintuan ng penthouse kaya naman dali-dali akong naglakad patungo doon. Inopen ko pa ang isang maliit na gadget na nasa gilid ng pinto at sinilip ko kung sino ang nasa labas.

 

"Sino iyan? Ano ang kailangan?" tanong ko kaagad nang makita ang dalawang babaeng nakatayo.

 

"Food delivery Mam!" sagot naman nito. Hindi ko mapigilan ang mapakunot noo. Nagpadeliver ba ako ng food? Hindi naman eh.

 

"Si Sir Lucian Montefalco Ferrero po ang umorder nito Mam." narinig kong wika ng isa pa kaya naman dali-dali ko nang binuksan ang pintuan. Tinangap ko lang ang mga paper bag na dala nila at nagpasalamat

 

'Thank you! Bayad na ba ito?" seryosong tanong ko.

 

"Yes po Mam! Enjoy your lunch po." nakangiti nilang wika bago sila naglakad paalis. Muli ko namang sinara ang pintuan at siniguradong naka-lock iyun.

 

Bitbit ang dalawang paper bag naglakad ako patungo sa dining area. Ipinatong ko muna ng mga pagkain sa mesa bago ko kinuha ang aking cellphone sa kwarto. TAtawagan ko si Lucian at iku-confirm ko muna sa kanya kung galing ba sa kanya ang mga pagkain na kakadeliver lang. Mahirap din kayang magtiwala sa panahon ngayun.

 

"Hey, napatawag ka? Na miss mo na kaagad ako?" ilang ring palang sinagot niya naman kaagad ang tawag ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ang lahat pero may kalakip kasi talagang lambing sa boses niya eh.

 

"Well, a little bit! Uuwi ka ba mamaya dito? Magluluto ako." nakangiting kong sagot sa kanya!

 

'Well, tumawag ka ba para tanungin ko kung uuwi ako mamaya, My Precious?" seryosong tanong niya.

 

"hmmm, kasama na din iyun. Pero kaya talaga ako napatawag dahil may mga foods na dumating ngayun lang. Gusto kong i-confirm kung ikaw ba ang nagpadeliver nito?" tanong ko sa kanya!

 

"Hmmm, dumating na ba? Well, enjoy your lunch, My Precious. Uuwi ako mamaya at huwag ka nang magluto. Ayaw kong mapagod ka dahil gusto ko, akin lang ang buo mong energy." sagot niya din kaagad sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiwi.

 

Grabe siya. Napaka-bulgar niya talaga! Well, bahala siya! Kung ayaw niyang ipagluto ko siya eh di huwag! Tsaka, prito lang din naman ang alam kong iluto kaya nakakahiya din kung ipagluto ko siya. Pansin ko kasi puro masasarap ang kinakain niya eh.

 

 

 

Chapter 68

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

NAGING mas makulay ang mundo ko sa piling ni Lucian sa nakalipas na mga araw. Ramdam ko ang maayos na pagtrato niya sa akin.

 

Feeling ko nga, hindi na lang katawan ko ang habol niya eh. SA tuwing inaangkin niya kasi ako sa ibabaw ng kama, hindi na lang kasi puro libog ang nararamdam ko sa kanya. May kasama nang pagmamahal ang bawat paghaplos niya sa katawan ko.

 

Kagaya na lang ngayun. Magkaniig kami sa ibabaw ng kama at hindi na lang puro pagnanasa ang nakiita ko sa mga mata niya. May nakikita na akong kakaibang kislap. Kislap ng pagmamahal.

 

"Let's have a baby, Precious! Bigyan mo ako ng anak." seryoso niyang bigkas habang patuloy sa paglalabas-pasok ang sandata niya sa naglalawa kong hiyas. Nakakapit ako sa kanyang braso at hindi magkamayaw sa kakaungol

 

"Baby? Yes. okay lang! As long as magkasama tayong dalawa walang problema. Ibibigay ko ang gusto mo, Lucian.Ughhh! ahhh!" mahiną kong usal na sinabayan ko pa nga ng pag-ungol

 

Grabe, halos tumirik na ang aking mga mata sa sobrang sarap na nararanasan ko sa mga piling niya. Ang galing niya talaga sa kama. Kuhang kuha niya talaga ang kiliti ko

 

"Shit...ang sarap mo, Precious! Ang sarap mo talaga! i really like you!" mahina niyang sambit sabay angkin niya sa labi ko.

 

Ilang pag-ulos pa ang iginawad niya sa akin bago namin sabay na narating ang rurok. Parehong habol namin ang aming paghinga pagkatapos naming makaraos.

 

Muli kaming nakatulog ni Lucian sa ibabaw ng kama na magkayakap pagkatapos namin makaraos. Kinaumagahan, nagising kami pareho sa malakas na tunog ng doorbell kaya naman kahit na inaantok pa, sabay pa

kaming napabangon.

 

"May ini-expect ka bang bisita?"

 

seryosong tanong niya sa akin. Kaagad naman akong umiling

 

"Si Risa lang ang dumadalaw sa aking dito at imposibleng pupunta siya ngayun dahil may pasok siya sa opisina diba?" seryosong sagot ko sa kanya! Kaagad niya namang hinagilap ang kanyang mga kasuotan at dali-dali na isinuot iyun. Samantalang ako naman ay hinagilap ang bathrobe at iyun na lang ang isinuot ko.

 

Balak ko din kasing maligo eh. Actually, balak kong maligo kasabay ni Lucian para tipid sa tubig! hehehe!

 

"Si Lucian na din ang lumabas ng kwarto para pagbuksan ang kung sino man ang nagdo-doorbell. Nakaka-iirita na din kasi. Ayaw huminto sa kaka-doorbell na akala mo emergency.

 

Pagkatapos kong maibuhol sa katawan ko ang bathrobe, kusa na din akong lumabas ng kwarto kung saan sakto naman na nabuksan na ni Lucian ang pintuan.

 

Napahinto pa nga ako sa paghakbang nang mapansin ko ang babaeng kausap niya sa pintuan at kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang walang sabi-sabing basta na lang itong yumakap kay Lucian

 

"Lucian! I missed you! I really miss you!" narinig kong sambit nito. Pakiramdam ko para akong ipinako sa aking kinatatayuan. Sino ang babaeng ito? Bakit hinayaan ni Lucian na yakapin siya?

 

"Lauren, Ano ang ginagawa mo dito? Stop it!" narinig kong sambit na Lucian. liyak na sana ako sa sobrang panibugho na nararamdaman nang walang sabi-sabing basta na lang siyang itinulak ni Lucian na siyang dahilan kaya napabitaw ang babaeng hitad sa pagkakayakap kay Lucian. Buti nga sa kanya!

 

"Lucian, ano ba? Ako ito, si Lauren.... don't tell me na nakalimutan mo na ako? Nang ganoon-ganoon lang?" naiiyak nitong sambit.

 

"Of course..hindi kita nakalimutan at lalong hindi ko din makakalimutan ang mga kawalang hiyaan na ginagawa mo sa akin. Now, umalis ka na! Alis!" mataas ang boses na wika ni Lucian

 

Lihim namang nagdiwang ang kalooban ko. Sinuklay ko pa nga ang mahaba kong buhok gamit ang aking daliri at walang sabi-sabing naglakad palapit sa kanila.

 

"Lucian...sino ang dumating?" ра-inosente kong tanong. Sabay pa silang napalingon sa akin. Kitang kita ko din ang gulat sa mga mata ng babae nang makita niya ako samantalang si Lucian naman ay kaagad na napangiti.

 

"Precious, wala ito. May napadaan lang na isang kakilala." si Lucian na ang sumagot

 

"Who is she? Sino siya Lucian?" mataas ang tono ng boses na babae na tanong nito. Actually, narinig kong bangitin ni Lucian ang pangalan niya kanina. Siya pala si Lauren. Ang babaeng gusto ng Mommy nitong si Lucian na makatuluyan niya.

 

Maganda naman pala eh. Tindig pa lang yayamanin na. Sexy din. Mas malaki ang boobs niya kumpara sa akin pero sa katawan mas maganda yata ako sa kanya. May pwet ako samantalang ang kanya ay flat. Medyo laylay na din ang kanyang boobs at mas payat siya compare sa akin.

 

"My fiancee, She's my fiancee kaya tigilan mo na ang kabaliwan mo. Bumalik ka na kung saang bansa ka man galing at huwag na huwag ka nang magpakita pa sa akin kahit kailan!" seyosong sagot ni Lucian kay Lauren. Napansin kong mangiyak-iyak itong napatitig kay Lucian. Pigil ko naman ang sarili ko na mapangiti.

 

Parang gusto ko na tuloy mai-confirm sa sarili ko na mahal n talaga ako nitong si Lucian eh. Ramdam ko kasi na proud talaga siya sa akin at talagang ipinakilala niya pa ako kay Lauren bilang fiancee niya...

 

Kilig to the highest level tuloy ang nararamdaman ko.....

 

 

Chapter 69

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"WOW, iba ka na talaga ngayun best friend. Hindi ko talaga akalain na ganon kapatay na patay sa iyo si Sir Lucian at talagang ibinigay niya na lahat ng kailangan mo.:" nakangiting wika sa akin ni Risa.

 

Araw ng linggo. Wala siyang pasok ng opisina at dahil nasa ibang bansa si Lucian para sa isang conference, niyaya ko si Risa na magkita kami. Nandito kami ngayun sa isang mall para mamasayal at para mag unwind.

 

May basbas ni Lucian itong pamamsayal ko dahil lahat naman ng kilos ko ay sinasabi ko sa kanya! Gusto kong maging tapat sa kanya sa lahat ng oras. Ayaw ko siyang mag-isip ng kahit na ano pa man sa akin dahil alam ko din naman na buo ang tiwala niya sa akin.

 

Isa pa, may mission ako at iyun ay tuluyan siyang mapaibig sa akin.

 

Halos limang buwan na din kaming nagsasama at aminado ako sa sarii ko na tuluyan nang nahulog ang loob ko sa kanya. Kulang na lang sa amin ang kasal at magkaroon ng anak at matatawag na isa kaming pamilya.

 

"Kinukulit ka pa ba din ba ng ama mo?" seryosong tanong sa akin ni Risa. Hindi ko naman mapigilan ang mapakunot noo.

 

Sa sobrang lunod na lunod ako sa pag-aalaga at atensiyon na ibinigay sa akin ni Lucian, sa kanya na lang umiikot ang mundo ko. Ni wala na akong panahon pa na makiblalita sa mga nangyayari sa paligid ko.

 

"Alam mo bang nag-uumpisa na namang makabangon ang furniture business niya? Dahil iyun sa tulong ni SIr Lucian." wika ni Risa sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapakunot noo. Wala kasing nababangit sa akin si Lucian tungkol dito

 

"Huhhh? Talaga? Good for them. Kung tinutulungan man sila ni Lucian na makabangon, dapat nilang ipagpasalamat iyun. Wala na akong pakialam pa sa kanila. Pinutol ko na kung ano man ang kaugnayan ko sa kanila." seryoso kong bigkas.

 

"Kaya nga eh at tama lang iytung ginawa mo. Kasi, dinig ko nagkabalikan na sila Aurora at David. Si David yata ay kasama na sa furniture business na iyun at balak na yata nilang magpakasal next year ni Aurora!". seryosong sagot naman ni Risa.

 

"Okay! Mabuti na din iyun para manahimik na sila. Teka lang, bakit nga pala sila ang pinag-uuspan natin? Halika na! Shopping tayo!" nakangiti kong pagyayaya sa kanya!

 

Kaagad namang tumalima si Risa. Nakangiti kaming pumasok sa isang mamahaling shop at nagtingin-tingin ng kanilang mga latest collections. Kapag may nagustuahan kami, walang pag-aalinlangan na ad to cart na kaagad.

 

Malaki ang allowance na natatangap ko mula kay Lucian monthly at bihira lang naman akong lumabas ng penthouse. Mas gusto ko kasing mag stay sa loob ng penthouse kapag wala ito at mag movie marathon na lang.

 

"Hmmm, gold digger! Ano ang ginagawa ng gold digger sa shop na ito?" abala kami ni Risa sa pamimili nang mapukaw ang attention ko sa isang babae na bigla na lang nagsalita. Wala sa sariling napabaling ang tingin ko dito at hindi ko maiwasan na makaramdam ng inis nang sumlubong sa paningin ko ang mommy ni Lucian

 

Yes....si Carmina! The one and only atribida at kontrabida sa buhay ko ngayun na Ina ni Lucian at kasama niya ang walang iba kundi si Lauren.

 

Ayaw ko siyang patulan dahil Ina pa rin siya ng lalaking mahal ko kaya sana tigilan niya na ako. Lalo na at pinagtitinginan na kami ng iba pang mga shoppers.

 

"Walang kahihiyan. Mukhang peral Makikita mo Lauren....sisipain din iyan ng anak ko. liwan din siya at babalik din siya sa iyo." muli niyang bigkas. Kaagad kong nilapitan si Risa at niyaya nang umalis.

 

Kailangan ko talaga ng medyo mahaba-habang pisi ng pasensya para hindi patulan ang babaeng ito eh. Ako na lang ang iiwas kaysa naman pansinin pa siya. Nonsense lang na patulan ko ang kagaya nilang alam kong gulo lang ang posibleng hatid sa buhay ko.

 

"Hep! Hep! Saan ka pupunta babae ka? Aba't ang kapal din naman ng mukha mo na magpakita dito sa mall at magwaldas ng pera ng anak ko!" sa pagkakataon na ito, mas mataas na ng tono ng boses niya. Galit na siya sa lagay na iyan kaya naiinis na akong tinitigan siya.

 

"Ako ba ang kinakausap mo? Sorry, hindi ako pumapatol sa mga walang breeding!" nakataas ang kilay na sagot ko. Bakit siya lang ba ang marunong mang-insulto? ako din kaya.

 

"Aba't walang hiya kang babae ka! Pinulot ka lang ng anak ko sa putikan at ginawang parausan pero kung makasagot-sagot ka sa akin akala mo kung sino ka ah?" galit niyang sigaw at halos inilang hakbang lang ang pagitan niya sa akin. Pagkalapit niya, hindi na ako nakaiwas pa nang tumama ang kanyang palad sa pisngi ko

 

Shit...kahit pala may edad na ang babaeng ito ang sakit niya pa rin pala manampal. Makikita niya, isusumbong ko siya kay Lucian.

 

"HIndi ako papayag na ikaw ang makakatuluyan ng anak ko. Over my dead body! Maghihiwalay at maghihiwalay kayo ni Lucian." galit niyang sigaw. Hindi naman ako nakaimik. Pigiil na pigil ko ang sarili ko na gantihan siya lalo na at aware ako na Ina pa rin siya ng lalaking mahal ko na ngayun. Si Lucian.....

 

 

Chapter 70

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

PAGKATAPOS akong masampal ng Mommy ni Lucian, mabilis na akong naglakad paalis. Patuloy pa rin siya sa pagdadakdak at gusto ko talaga siyang iwasan. Wala akong time para pakingan

ang kung ano man ang mga nakakinsultong sinasabi niya.

 

Mas lalo lang masasaktan ang kalooban ko at ayaw kong dumating sa punto na patulan ko siya. Na kailangan pang mag bastusan kaming dalawa para lang ipakita sa mga tsismosa kung sino ba talaga ang tama sa aming dalawa.

 

"Ano ba iyang hilaw mong biyanan. Ang sama ng ugali." narinig kong sambit ni Risa sa akin. Direcho na kami sa labas para mag-abang ng taxi na masasakyan. Uuwi na lang kami ng penthouse dahil nawalan na ako ng gana sa pamamasyal.

 

"Hayaan mo na. Wala tayong magagawa! Ayaw niya sa akin! Mababang uri na babae ang tingin iya sa akin." mahinang sambit ko. Ramdam ko pa rin ang pamamanhid ng pisngi ko dahil sa tinamo kong sampal. Mamayang gabi pa naman uuwi si Lucian at tiyak akong magtatanong iyun kung napaano ang pisngi ko

 

"Haysst, naku! Kung ganiyan din lang ang maging biyanan ko, habang buhay ko talaga siyang hindi kikibuin. Sama ng ugali eh." seryosong muling bigkas ni Risa. Halata talaga sa boses nito ang inis kaya naman hinayaan ko na lang

 

Kahit naman ako nalinis dimeh. Nasira ang pamamsyal namin dahil sa babeng lyun. Pero ano pa nga ba ang magagawa namin kundi ang magmoved-on na lang. Tutal nandito na din lang eh.

 

Dumaan lang kami ng drive thru para bumili ng pagkain at direcho na kami ng penthouse. Pagdating namin, nag stay lang ng halos isang oras si Risa at nagpaalam na din na aalis na daw. Nang mapag-isa ako, nagpasya na din akong matulog para makapagpahinga na.

 

Nagising na lang ako sa mahinang haplos sa pisngi ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at hindi ko mapigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko nang masiilayan ko si Lucian. Nakauwi na pala siya.

 

"Lucian...naku pasensya na! Nakatulog pala ako. Kanina ka pa ba?" magiliw kong tanong sa kanya. Dahan-dahan akong bumangon ng kama habang napapansin ko na hindi niya inaalis ang pagkakatitig niya sa aking mukha.

 

"Masakit ba?" seryosong tanong niya.

 

"Huh?" nagtataka kong sagot.

 

"I said, masakit ba? Iyang pisngi mo? Nilagyan mo na ba ng gamot iyan?"

 

paglilinaw niya

 

"Ahhh, yeah...Okay na. Maliit na bagay." nakangiti kong sagot.

 

"Stay away from her. Kapag makita mo kahit anino niya, iwasan mo na siya. Once na ayaw niya sa isang tao, ayaw niya talaga at hindi natin siya mapipilit." seryosong wika niya. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya.

 

Alam niya kaya? I mean, alam niya ba na ang Mommy niya ang may gawa sa pasa ng mukha ko meron ngayun?

 

"Hayaan mo na! Gagaling din kaagad ito." pilit ang ngiting sagot ko.

 

Nagulat na lang ako nang bigla niya na lang akong yakapin. Pagkatapos noon, mapusok niya akong hinalikan sa labi na kaagadko din namang tinugon.

 

Kakagising ko lang at kakarating lang din nitong Lucian pero nauwi na naman sa mapusok at mainit na p********kang namagitan sa aming dalawa.

 

Ganito kami palagi. palaging sabik sa isat-isa at sana lang talaga mabuntis niya na ako. Alam ko kasing gustong gusto niya nang mabuntis ako. Palagi niya itong nababangit sa akin kaya naman excited na akong bigyan siya ng anak.

 

Pagkatapos ng mainit na sandali sa pagitan naming dalawa ni Lucian, sabay na din kaming kumain ng dinner. May mga dala din pala siyang mga pagkain na masaya naming pinagsaluhan. Pagkatapos kumain, sinamahan niya ako na mag movie marathon bago kami natulog.

 

Kinaumagahan. maaga pa lang gumayak na si Lucian para pumasok ng ospisina. Tahimik lang akong nakamasid sa kanya nang bigla na lang siyang nagsalita.

 

"Sweetheart...Golden wedding anniversary nila Lolo at Lola mamaya at kailangan natin umattend. Don't worry sa susuotin mo, may darating mamaya na damit for you. Maghanda ka before 7pm, dadaanan kita dito penthouse." nakangiti niyang imporma sa akin.

 

Nagulat man sa biglaang party na pupuntahan namin, masaya na din akong tumango. Siyempre, excited akong dumalo sa party na iyun dahil ibig lang sabihin, proud sa akin si Lucian. Na hindi lang talaga pangkama ang tingin niya sa akin ngayun.

 

Pagkaalis ni Lucian, nagpasya akong maglinis na muna ng buong penthouse. Pampalipas oras. Mahirap din kasi ang walang ginagawa eh.

 

Eksakto alas dos ng hapon, dumating ang gown na isusuot ko mamaya sa party. Excited kong sinukat iyun at ganoon na lang ang tuwa ko nang bumagay iyun sa akin

 

Ayaw ko din naman na mapahiya si Lucian sa mga iba pang mga bisita na ako ang kasama niya kaya kahit na alam kong nandoon ang Mommy niya na kontrabida sa buhay ko, pipilitin kong deadmahin na muna ito. Tutal naman, kasama ko si Lucian at alam kong hindi niya ako magagawan ng masama once na nasa paligid lang ang anak niya.

 

Chapter 71

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ

 

KUNG gaano kainit ng pagtangap ni Lolo at Lola ni Lucians akin sa mismong party nila, kabaliktaran naman ang ipinapakitang pag-uugali ng Mommy nito. Hayag-hayagan nitong ipinapakita sa lahat na ayaw niya talaga sa akin.

 

Nadagdagan pa ang kontrabida ng buhay ko nang bigla na lang dumating si David kasama si Aurora. Ayaw ko sana silang pansinin pero itong si Aurora na mismo ang lumapit sa akin at naunang bumati

 

"Hi, Amber!" nakangiti nitong sambit.

 

Pinakatitigan ko siya at hindi ko maiwasan na magtaka dahil wala man lang akong nabasang kahit na anong kaplastikan sa pagmumukha nito. Genuine ang ngiti sa labi at nagmumukha siyang anghel sa harapan ko.

 

"HI!" malamig ang boses na bati ko sa kanya. Sa muling pag-ikot ng aking paningin, isang tao na naman ang nakita ko na ayaw ko sanang makita. Walang iba kundi si Lauren na magiliw na sinalubong ng Mommy ni Lucian.

 

Hindi ko na lang pinansin pa at sakto naman na nag-umpisa na ang program. Nagsalita ang Lolo at Lola ni Lucian para magpasalamat sa mga bisitang dumalo. Pagkatapos, nag-umpisa na ang masayang party.

 

Hindi naman ako iniiwan ni Lucian sa lahat ng oras. Palagi siyang nakaalalay sa akin. Nababasa niya marahil sa mga mata ng Mommy niya na kulang na lang ay tuklawin ako. Nahuhuli niya marahil kung paano ako tingnan ng masama nito.

 

"Lucian, I'm tired na. Gusto ko nang umuwi." hindi ko na mapigilan pang wika sa kanya pagkalipas ng halos dalawang oras. Hindi talaga ako mahilig sa mga ganitong pagtitipon at kung hindi lang dahil kay Lucian, never talaga akong pupunta sa mga ganitong party.

 

"Ganoon ba? Sige, magpapaalam lang tayo kina Lolo at Lola tapos aalis na tayo." nakangiti niyang sagot sa akin at inakay niya na ako papasok ng bahay.

 

Nasa kwarto na daw ang dalawang matanda. Pagkatapos nilang magpsalamat kanina sa mga bisiita, tumaas daw an presyon ng dugo ni Lolo kaya kailangan daw nitong magpahinga muna. Hindi tuloy nila na-enjoy ang party.

 

"Iyun nga lang habang naglalakad kami papasok ng bahay, narinig namin ni Lucian na may biglang tumawag sa pangalan niya

 

"Ayos lang ako. Puntahan mo na muna siya. Hihintayin na lang kita sa loob." nakangiti kong wika sa kanya. Napansin kong alanganin pa akong iniwan ni Lucian pero nakinig din naman siya sa akin. Sinabi niya na hintayin ko daw siya sa loob ng living room na kaagad ko namang sinang-ayunan.

 

Nakipag kumustahan si Lucian sa lalaking tumawag sa kanya samantalang ako tuluyan nang pumasok sa loob ng mansion. Iyun nga lang, pagkapasok ko sa loob, isang impit na pagtili ang narinig ko at mula sa hagdan at nagulat na lang ako nang makita kong pagulong-gulong pababa si Mrs. Carmina Ferrer. Ang malditang Mommy ni Lucian

 

Pagbagsak niya sa ibaba, kaagad na umagos ang dugo nito sa ulo. Biglang kinain ng kaba ang puso ko at napatingin ako sa kung sino ang nasa sa hagdan at nakita ko si Lauren. Namumutla ito at halatang takot na takot.

 

"A-ano ang ginawa mo?" malakas ang boses n tanong ko sa kanya. Sunod-sunod naman ang ginawa niyang pag-iling. Patakbong bumaba ng hagdan at pagkaptapat sa akin, hinawakan ko siya sa braso

 

 

"Saan ka pupunta? Ano ang ginawa mo sa kanya?"

 

"Hindil A-aksidente ang lahat! Kasalanan niya kaya siya nahulog sa hagdan kaya bitiwan mo ako." galit niyang wika at nabitawan ko din siya kaagad nang bigla niya na lang tabigin ang kamay ko. Pagkatapos noon, mabilis na siyang naglakad palabas ng mansion

 

"Naiwan naman akong hindi malaman ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Tatawagin ko ba si Lucian para sabihin sa kanya ang nangyari sa Ina niya or titingnan ko ba muna ng kalagayan ng Mommy niya? Hindi ako alam!

 

Sa huli nagpasya akong umalis na muna para puntahan si Lucian kaya lang bago ako nakaalis, isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong paligid.

 

Sigaw iyun ng kung hindi ako maaaring magkamali ay ang kasambahay na kakarating lang din. Pagkatapos noon, nagtatakbo na ito palabas ng mansion. Mabilis akong napasunod sa kanya pero bago ko siya naabutan, napansin kong nakalapit na siya kay Lucian. Napansin kong kaagad na napalingon si Lucian sa gawi ko at mabilils na naglakad palapit sa akin

 

"Lucian,...ang Mommy mo. Ang Mommy-"hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang bigla niya nalang akong lagpasan. Direcho ang kanyang lakad at nakita ko na lang kung paano niya dinaluhan ang kanyang Ina.

 

Mabilis naman akong nagkalad palapit sa kanya para sana sabihin kung ano ang nakita ko pero nagulat na lang ako nang mula sa pagkakaupo sa gilid ng katawan ng kanyang Ina, bigla siyang tumayo at itinulak ako.

 

"Ano ang ginawa mo? Ano ang ginawa mo sa kanya?" nanlilisik ang mga matang tanong niya sa akin

 

Pakiramdam ko biglang nagdilim ang buo kong paligid. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya.

 

'Sir, kitang kita ko po. siya po ang dahilan kaya nahulog sa hagdan si Mam. Itinulak niya po." narinig ko namang sambit ng kasambahay sabay turo sa akin.

 

"Hi hindil Lucian...hi-hindi ako!"

 

kinakabahan ko ding kaagad na dipensa sa sarili ko. Kaya lang, isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko. Biglang nagdilim ang buong paligid ko kasabay ng pagkatumba ko sa malamig na sahig ng mansion.

 

 

 

Chapter 72

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

NANG muli kong imulat ang aking mga mata ay nasa isang madilim na lugar na ako. Pinilit kong pakaisipin kung ano ba talaga ang nangyari at nang biglang dagsa sa isipan ko ang lahat bago ako nawalan ng malay ay wala sa sariling dali-dali akong napabangon pero muli ding napahiga nang maramdaman ko ang kirot sa aking pisngi.

 

"Lucian! Lucian!" tawag ko sa pangalan niya. Sobrang dilim ng buong paligid at wala akong makita na kahit na ano. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak.

 

"Lucian. Lucian, nasaan ka?" tawag ko ulit sa pangalan niya. Napansin ko ang dahan-dahan na pagbukas ng pintuan ng silid kasabay ng pagbaha ng liwanag sa buong paligid. Nang mapatingin ako sa pintuan ay ganoon na lang ang tuwa na nararamdaman ko nang masilyan ko si Lucian

 

"Lucian..nasaan ako? Nakakatakot ang lugar na ito. Bakit ang dilim?" sunod-sunod kong tanong sa kanya! Seryoso ang mukhang naglakad siya palapit sa akin at ganoon na lang ang gulat ko nang bigla niya na lang akong sampalin.

 

"Sinadya mo iyun diba? Inihulog mo si Mommy sa hagdan dahil galit ka sa kanya?" galit niyang sigaw sa akin. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

 

"No! Hindi! Hindi totoo iyan. Hindi ko ginawa iyun! Si Lauren! Tama si Lauren ang ...."

 

"Shut up! Magsisinungaling ka pa ba? Hanggang ngayun pa ba naman magsisinungaling ka pa rin ba sa akin?" galit niyang sigaw at walang sabi-sabing bigla niya na lang akong hinawakan sa aking leeg.

 

Idiniin iya ang kanyang kamay sa leeg ko kaya nahirapan akong huminga. Pilit akong kumakawala sa kanya pero mas malakas siya kumpara sa akin

 

"Alam mo ba kung ano ang sitwasyon ni Mommy ngayun? Kritikal! Kritikal siya dulot ng pagkakahulog sa hagdan!" galit niyang sigaw sa akin

 

Hindi ko na mpigilan pa ang maluha! Nagdidlim na ang paningin ko at ano mang sandali ay alam kong malalagutan na ako ng hininga sa ginagaawa niyang pagsakal sa akin ngayun.

 

"Lucian...tama na! Baka mapatay mo siya! Hayaan mo nalang kasi ang batas na lumitis sa kanyal Hindi mo dapat bahiran ng dugo ang mga kamay mo dahil lang sa

walang kwentang babae na iyan.' narinig ko namang sambit ng isang boses na babae. Sa nanlalabo kong paningin napansin ko si Lauren na kasunod si Aurora habang nakasunod din si David sa kanila.

 

Ilang sigundo na lang at alam kong katapusan ko na nang biglang bitiwan ni Lucian ang pagkakasakal sa leeg ko. Sunod -sunod na pag-ubo ang kumawala sa lalamunan ko ng gawin niya iyun. Habol ko din ang aking paghinga.

 

"WAla akong kasalanan. Lucian, maniwala ka sa akin. Hindi ko itinulak ang Mommy mo. Imposibleng ako ang nagtulak sa kanya gayung pagkapasok ko sa loob ng mansion nakahandusay na siya sa sahig." umiiyak kong sambit. Umaasa pa rin ako na sana paniwalaan niya ako pero nang titigan niya lang ako ng masama, lalo akong napahagulhol ng iyak.

 

"Huwag kang maniwala sa kanya Lucian. Nakita ko! Tama, nakita ko kung paano niya itinulak si Tita kagabi." sabat naman ni Aurora. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

 

"Hindi! Hindi totoo iyan! Galit ka lang sa akin kaya gusto mo akong idiin sa kasalanan na hindi ko nagawa. Lucian makinig ka sa akin. Kahit kailan, never akong nagsinungaling sa iyo. Naging tapat ako sa iyo kaya sana maniwala ka sa akin. Please! Please Lucian!" umiiyak kong sambit pero isang malakas na pagsipa ang iginawad niya sa akin. Lupaypay akong napahiga sa malamig na semento ng silid.

 

"Hanggang ngayun pa ba naman magsisinungaling ka pa rin sa akin?

 

Hanggang ngayun pa ba naman, gagamitin mo pa rin sa akin ang inosente mong mukha para paniwalaan kita? Ha?" galit niyang sigaw at muli akong napaigik sa sakit nang muli niya akong sipain.

 

"Ito ang tandaan mo Amber...kapag may masamang mangyari kay Mommy, una kitang ibabaon sa libingan." galit niyang sigaw bago mabilis nag hakbang na iniwan niya ako dito sa silid. Kaagad naman akong napahagulhol ng iyan.

 

"Tingnan mo nga naman! Hindi ko akalain na aayun pa rin pala sa akin ang pagkakataon. Sabi ko naman sa iyo eh, makakaganti din ako sa iyo, Sis!" narinig kong sambit ni Aurora. Pa squat itong naupo sa tabi ko sabay haplos sa pisngi ko

 

"Ngayun mo gamitin ang ganda mo kay Lucian. Tingnan ko lang kung pakikingan ka pa niya." nakangisi nitong muling bikgas. Pagkatapos noon, hinawakan niya ako sa aking buhok at walang sabi-sabing iniuntog ang ulo ko sa sahig.

 

Malakas na tawanan sa buong paligid ang narinig ko bago ako nawalan ng ulirat.

 

Chapter 73

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ

 

Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan na malay at muli akong nagising na namamanhid ang aking katawan.

 

Nakahandusay ako sa malamig na semento ng silid na ito at kadiliman ang kaagad na sumalubong sa akin.

 

Wala sa sariing napahawak ako sa aking tiyan. Sa kabila nang sakit ng katawan na nararanasan ko, ramdam ko ang gutom. Hindi ko na alam kung anong oras na at nasaan ako. Hindi ko din alam kung ilang oras na akong nawalan ng malay.

 

Hindi ko mapigilan ang muling mapahagulhol ng iyak. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng awa sa aking sarili. Hindi ko inaasahan na dadanasin ko ang ganitong kasakit na parusa ng kapalaran sa akin.

 

Hindi ko din inaasahan na basta na lang akong talikuran ni Lucian.

 

Gamit ang natitira kong lakas, dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahandusay sa malamig na semento ng silid. Pagkatapos noon, dahan -dahan akong naglakad patungo sa pintuan.

 

Pagkadating ko doon, kaagad kong pinihit ang seradura at ganoon na lang ang panlulumo ko nang mapansin ko na nakalock iyun.

 

Paano ako makakalabas sa silid na ito. Paano ko matatakasan ang bangungot na nangyari sa buhay ko?

 

Umaasa ako na sana panaginip lang ang lahat. Umaasa ako na sana lalabas din ang katotohanan.

 

Pero panaginip lang ba talaga ang lahat? Hindi ito isang panaginip dahil ramdam ko ang pananakit ng aking katawan.

 

Hindi ko na mapigilan pa ang mapahagulhol ng iyak. Naglakad ako patungo sa pinakasulok ng bahagi ng silid at patalungko na naupo.

 

Masakit ang buo kong katawan at gutom na gutom na ako. Kung hindi ako babalikan ni Lucian, tiyak akong mamatay ako sa mismong silid na ito.

 

Lalo akong napahagulhol ng iyak. Kung maibabalik ko lang ang lahat sana hindi na lang ako umalis sa tabi ni Lucian nang gabing iyun. Wala sana ako ngayun sa kalagayan kong ito ngayun.

 

Muli akong napatingin sa pintuan ng dahan-dahan iyung bumukas. Kahit na papaano, muling nabuhay ang pag-asa sa puso ko nang iniluwa ang pigura ni Lucian. May mga kasama siya at nang mapatingin siya sa akin kitang kita ko ang galit sa mga mata niya.

 

"Nasa ICU si Mommy at kailangan niya ng dugo. Kasalanan mo ang nangyari sa kanya and since pareho kayo ng blood type ni Mommy, sa iyo ko kukunin ang dugo na kailangan niya." seryoso niyang bigkas. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Sunod-sunod na pag-iling ang naging sagot ko.

 

Sa sitwasyon ko ngayun, tiyak akong ikamamatay ko kung sakaling kunan niya pa ako ng dugo. Hindi maayos ang kalagayan. Ramdam ko din ang panghihina ng katawan ko

 

"Lucian, maawa ka sa akin. Huwag mo naman itong gawin sa akin ito. Wala akong kasalanan. Hindi ko siya tinulak sa hagdan." nakikiusap at umiiyak kong sambit.

 

Pero nagmistula siyang parang bingi.

 

Hindi niya ako pinakingan bagkos sininyasan niya ang mga kasama niya na igapos ako. Gustuhin ko mang pumalag pero walang panama ang lakas ko kumpara sa lakas nila.

 

"Ang sama mo. Ang sama-sama mo! Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?" umiiyak kong sambit. Nagawa nilang iturok sa akin ang karayom sa aking ugat. Ramdam ko na din ang pamamanhid ng braso ko kung saan nakaturok ang karayom na kung saan naging daanan para maitransfer ang dugo ko sa isang blood bag.

 

"Hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa akin, Lucian. Pagsisihan mo ito at siguraduhin mong mamamatay ako kung hindi babalikan kita. Babalikan ko kayong lahat.:" nanghihina kong bigkas

 

Sa bawat minuto na nagdaan ay ramdam ko na ang pamamanhid ng aking katawan. Bumibigat na din ang talukap ng aking mga mata.

 

"Sir...sapat na po ang dugo na nakuha natin sa kaniya. Kapag ituloy-tuloy pa po kasi natin ito, baka mag collapse na ang ilang internal organs niya at maging dahilan pa ito ng kamatayan niya." narinig kong sambit ng taong nag facilitate sa pagkuha ng dugo ko.

 

"Ituloy-tuloy niyo lang. Hayaan mo siyang mamatay. Isa siyang kriminal at wala siyang karapatan na mabuhay dito sa mundo." narinig kong bigkas ni Lucian na parang isang matalim na bagay na sumugat sa puso ko

 

Kung nanghihina ako ngayun dahil sa ginawa nilang pag extract sa dugo ko, mas nakakapanghina ang katagang binitiwan niya. Hanggang sa muli kong naramdaman ang pagdilim ng buo kong paligid.

 

Alam kong katapusan ko na. Well, mas mabuti na din siguro ang ganito. Kaysa naman magtagal pa ako at patuloy kong dadanasin ang kalupitan mula sa mga kamay ni Lucian.

 

Gamit ang nanlalabo kong mga mata, tinitigan ko ang galit na mukha ni Lucian. Hindi ko mapigilan ang paguhit ng

malungkot na ngiti sa labi ko

 

Nagkamali ako na nagtiwala ako sa kanya. Kay bilis niya akong husgahan. Kay bilis niyang naniwala sa mga taong nakapaligid sa kanya!

 

Kung ngayun man ang maging katapusan ng buhay ko....kung sakaling may susunod pang buhay, siya ang taong gusto kong Iwasan. Siya ang taong ayaw ko nang makadaupang palad pa kahit kailan.

 

...

 

HINDI ko alam kung nananaginip lang ba ang lahat dahil feeling ko nakalutang ako sa alapaap. Nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa aking pisngi. Gusto kong imulat ang aking mga mata pero feeling ko hinang hina ako.

 

"Amber.....hold on okay. Ililigtas kita! Promise, ililigtas kita!" narinig kong wika ng isang familiar na boses na halata sa boses ang pagkataranta.

 

Gustuhin ko mang imulat ang aking mga mata pero hindi ko kaya. Gustuhin ko mang igalaw ang aking katawan pero parang wala akong lakas. Hanggang sa namalayan ko na lang ang pagsayad ng likod ko sa isang matigas pero malamig na bagay. Pagkatapos noon, puro kadiliman na ang sumalubong sa akin.

 

 

 

Chapter 74

 

THIRD PERSON POV

 

"PATAY na ba?" seryosong tanong ng isang maganda at sexy na babae habang nakikipag-usap gamit ang kanyang cellphone.

 

"Yes Mam. Sinigurado namin na sa pagbalik ni Sir Lucian sa warehouse, wala na siyang maabutan kundi abo na lang." proud na sagot ng kausap nito.

 

"Good! Very good! Sabi ko na nga ba at maasahan ka eh. Ang bayad sa iyo ay ita-transfer ko nalang sa bank account mo. Magpalamig muna kayo at tatawagan ko na lang kayo ulit kapag kailangan ko pa ang serbisyo niyo." nakangising sagot naman ng babae na walang iba kundi si Lauren

 

Yes...siya nga! Ang nag-iisang Lauren na walang takot na pumatay mapasakanya lang ulit si Lucian.

 

May inutusan lang naman siyang mga hired killer para sunugin ang warehouse kung saan nakakulong si Precious Amber. Ayaw niya na kasing magbakasakali pa. Gusto niyang mamatay ang babaeng iyun para wala na siyang kaagaw pa kay Lucian

 

Naniniwala siya na ang feelings ng tao ay nagbabago. Maaring galit ngayun si Lucian sa babaeng iyun, maaaring bukas ay magbabago ang pagtingin niya dito. Mas mabuting unahan niya na ang lahat at patayin na lang si Amber kaysa naman kakaba-kaba pa siya. Advance kaya siyang mag-isip. Ayaw niyang magkaroon pa ng balakid ang muli niyang pag-angkin kay Lucian.

 

Kaagad na gumuhit ang nakakatakot na ngisi sa labi ni Lauren. Hindi niya akalain na kagaya pa rin ng dati si Lucian.

 

Matapang pero kay bilis utuhin.

 

Ngayung patay na si Amber, masosolo niya na ito. Kahit na gumaling ang Ina ni Lucian na nasa ICU ngayun at kahit na malaman pa nito na siya ang nagtulak dito sa hagdan, mapapatawad siya nito dahil simula noon pa man, boto na sa sa kanya ang Ginang. Baka matuwa pa ito sa kanya kapag ibalita niya dito na patay na ang baaeng gusto nitong burahin sa landas ng kanyang anak.

 

"Bayad na ang hitman? Paano naman ako?

 

"nasa masayang pag-iisip ang dalagang si Lauren nang biglang dumating si Aurora. Nakangiti niya itong tinitigan sabay labas ng isang tseka sa loob ng bag niya at iniabot sa dalaga.

 

"Ikaw na ang bahalang magpa-incash. Basta, ipangako mo sa akin na isarado mo iyang bibig mo at kahit kay David, huwag na huwag mo itong babanggitin.

 

Nagkakainitindihan ba tayo, Aurora?" nakataas ang kilay na tanong niya.

 

"Of course! Maaasahan mo ako sa mga ganitong klaseng sekreto. Alam mo naman ako...matagal na din akong naiinis sa babaeng iyun eh. Imagine, feeling ko nga bumabalik ang feelings ng David ko sa kanya kaya dapat lang na mamatay siya. Masyadong salot ang babaeng iyun.

 

Ang lakas na appeal sa mga lalaki."

 

nakangising sagot naman ni Aurora.

 

Muling napangisi si Lauren.

 

"Yeah..wala na siya. Patay na ang babaeng iyun at ang kailangan mong gawin ngayun ay ipagtirik siya ng kandila. Malay mo naman diba...baka mamaya balikan ka.

 

"natatawa niyang biro kay Aurora.

 

"Lauren..grabe ka naman sa akin. Ang creepy mo. Hindi totoo ang multo noh at kung totoo man iyang for sure, kahit multo ng Amber na iyun, matatakot nang magpakita sa atin." natatawa niyang sagot.

 

Napahalakhak naman ng tawa si Lauren. Pagkatapos noon, mabilis siyang tumayo at naglakad palabas ng kanyng condo unit.

 

Balak niyang puntahan si Lucian para ipakita dito ang pagdamay niya sa emotion nito. Alam niya kasing sa pagkakataon na ito, alam na ng lalaki ang nangyari sa warehouse at ang nangyari sa pinakamamahal niyang si Amber.

 

Ang kawawang si Amber na mismong ang lalaking iniibig niya ang unti-unting kumitil sa buhay niya. Well, unti-unti lang naman dahil kahit saang angulo tingnan, alam ni Lauren sa sarili niya na siya ang pumatay sa Amber na iyun at hinding hindi niya pagsisisihan ang ginawa niyang iyun

 

Para lang sa kanya si Lucian at kahit na sino pang babae ang aali-aligid dito, hindi din siya mangingimi na patayin ito. Naumpisahan niya na ang pumatay mapasakanya lang si Lucian kaya ituloy-tuloy niya na ito.

 

Tama si Lauren...pagdating niya nga sa Villa ni Lucian, sakto naman na paalis ito.

 

Halata sa bawat kilos nito ang pagkataranta kaya kaagad niya itong nilapitan

 

"Lucian...sa hospital ka ba pupunta? Sama ako. Gusto ko ding makita si Tita." mabait niyang wika dito. Tinitigan lang siya ni Lucian at mabilis na sumakay ng kotse.

 

Ni hindi man lang siya pinansin pero hindi siya apektado. Ngayung patay na si Amber, alam niyang sa kanya pa rin ang huling halakhak.

 

Sa kanya pa rin babagsak si Lucian at sisiguraduhin niya na sa pagkakataon na ito, hindi na makakawala pa sa kanya ang lalaki.

 

Bubuo sila ng masaya at malaking pamilya. Bibigyan niya ito ng maraming anak.

 

Sa naisip na iyun ni Lauren, muli siyang napangiti. Napahaplos siya sa kanyang tiyan bago bumulong

 

"Walang kang ibang kikilalaning ama kundi si Lucian lang, anak." mahina niyang bulong kasabay ng paguhit ng masayang ngiti sa labi niya.

 

 

Chapter 75

 

LUCIAN MONTELFALCO FERRERO

 

Kahit na hindi naman ako ganoon ka closed sa sarili kong Ina hindi ko pa rin naman maipagkaila sa lahat na sobrang nag-aalala ako sa kalagayan niya.

 

Masyadong masakit sa akin ang makita siyang nakahandusay sa malamig na tiles ng mansion at umaagos ang dugo sa kanyang ulo.

 

Ni sa hinagap, hindi ko akalain na magagawa ni Precious iyun. She's gentle, kind at ang tingin ko sa kanya noon ay hindi niya kayang manakit ng tao. Pero sa ginawa niya kay Mommy, lahat ng paghanga na nararamdaman ko dito ay napalitan ng galit at pagkadimaya sa isang iglap lang.

 

Feeling ko hindi siya ang babaeng para sa akin. Sa lahat ng ayaw ko iyung mas bayolente pa sa akin. Walang sino man ang pwedeng manakit sa mga taong mahalaga sa akin. Ako lang ang pwedeng magsiga-sigaan at wala nang iba.

 

"Doc, kumusta? Kumusta ang kalagayan ni Mommy?" kaagad kong tanong sa Doctor na tumitingin ka kay Mommy pagkalabas niya ng ICU.

 

"She's okay. Stable na ang kanyang kondisyon at hintayin na lang natin na magising siya para malaman natin kung wala bang malaking epekto sa memorya niya pagkabagok ng ulo niya." nakangiti niyang sagot sa akin.

 

Kaagad naman akong nakahinga ng maluwag. Nagpasalamat lang ako kay Doctor Cruz at mabilis na naglakad paalis.

 

Hinugot ko ang cellphone sa aking bulsa at tinawagan ang taong nagbabantay kay Precious. Ngayung nalaman ko nang ligtas na si Mommy, kahit papaano, nabawasan na ng kaunti ang galit ko sa kanya.

 

"Kumusta ang kalagayan niya?"

 

seryosong tanong ko sa taong kausap ko pagkasagot niya ng tawag ko.

 

"Tahimik siya sa loob ng silid, Boss. Wala pa rin po siyang malay tao." sagot naman kaagad ng taong nasa kabilang linya.

 

Kaagad naman akong nakaramdam ng lungkot. Alam kong hindi biro ang pinagdaanan ni Precious mula sa mga kamay ko pero kahit na katiting ayaw kong pagsisisihan iyun. Iisipin ko na lang na dinidisiplina ko lang siya. Na babawi din naman ako sa kanya once na bumuti ang lagay ni Mommy.

 

Hihitayin ko lang pala na magising siya at makakain tapos susunduin ko na siya sa kinalalagyan niya. Iuuwi ko na siya sa penthouse. Tutal naman ayos na si Mommy kaya papatawarin ko na siya.

 

Ganoon lang ang kasimple ang buhay at sana magtanda na siya at huwag na siyang umulit. Ang pagiging maldita niya ay dapat niyang ilagay sa lugar.

 

Binilinan ko lang ang bantay ni Mommy na tawagan ako once na magising na ito at mabilis na akong naglakad palabas ng hospital. Nagpahatid ako ng Villa dahil gusto kong magpahinga na muna. Ilang araw na din akong puyat at stress kaya naman itutulog ko muna ito kahit na

dalawang oras lang.

 

Pagkadating ng Villa hindi na ako kumain pa at direcho na ako ng kwarto. Medyo malalim na din ang gabi at kailangan ko na talaga itong itulog. Bukas ng umaga ko na lang susunduin si Precious. Para panibagong umaga at panibagong buhay sa para sa kanya ang lahat.

 

Iyun nga lang, hindi pa yata ako nakaidlip nang marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Kaagad na uminit ang ulo ko sa kung sinong isturbo na tumatawag kaya kaagad ko na din sinagot

 

"Who's this? Alam nyo ba na sa lahat ng ayaw ko ay iyung iniisturbo ang tulog ko? "galit kong singhal.

 

"Boss, sorry po! Sorry kung naisturbo namin kayo. Na-nasusunog po ang---ang

 

"Anong sabi mo? Linawin mo nga? Anong nasusunog?" seryosong tanong ko

 

"Pagbalik namin ng kasama ko galing bumili ng pagkain, nadatnan namin na nasusunog na ang kwarto kung saan nakakulong si Mam.'" seryosong sagot niya. Pakiramdam ko lahat ng antok ko ay biglang naglaho sa balintatataw ko. Bigla akong nakaramdam ng panlalamig sa buong katawan kasabay ng pagsalakay ng matinding kaba sa puso ko.

 

"Anong sabi mo? Si-Si Precious? Kumusta siya?" galit kong tanong habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking cellphone.

 

Ngayun lang ako nakaramdam ng sobrang pag-aalala para sa kalagayan ng isang tao.

 

"Hi-hindi na po namin kayang pumasok sa loob Boss. Kay bilis kinain ng apoy ang buong paligid at----" hindi ko na pinakingan pa ang susunod na sasabihin ng kausap ko at mabilis ko nang pinatay ang tawag.

 

Basta ko na lang hinablot ang jacket at isinuot iyun pagkatapos mabilis akong naglakad palabas ng silid. Naabutan ko ang mga bodyguards ko na nakaabang na sa akin nagkalabas ko ng Villa

 

"SA lumang bahay tayo." seryosong bigkas ko. Napansin ko pa nga ang presensya ni Lauren pero hindi ko na siya pinagtoonan pa ng pansin. Mabilis akong sumakay ng kotse at ilang saglit lang ay laman na kami ng maluwang na kalsada.

 

Nakatitig ako sa kawalan habang abot-abot ang kaba sa puso ko. Biglang naglaro sa isipan ko ang hitsura ni Precious. Nagmamakaawa ito sa akin at paulit-ulit na sinasambit na wala siyang kasalanan.

 

Of course, hindi ko siya pinaniwalaan.

 

May dalawang testigo na siya ang nagtulak kay Mommy kaya nga mas lalo akong nagalit kay Precious eh. Sa lahat ng ayaw ko ay iyung taong nagsisinungaling.

 

Gusto ko lang naman na aminin niya ang pagkakamali niya at patatawarin ko naman siya eh. Hindi ko naman siya matitiis eh! Alam kong malaking bahagi ng puso ko ay pag-aari niya na kaya mahalaga din naman siya sa akin.

 

 

 

Chapter 76

 

LUCIAN MONTEFALCO FERRERO POV

 

PAGDATING ko sa location ng lumang bahay kung saan ko ikinulong si Precious, naabutan kong tuuyan nang naapula ang apoy. Dali-dali kong nilapitan ang aking tauhan para tanungin at hanapin kung nasaan na si Precious.

 

"Kumusta? Nasaan siya? Nasaan si Precious?" seryoso kong tanong. Isang malungkot na pag-iling lang ang naging sagot sa ng kanyang tauhan na nagbigay ng labis na takot sa puso ko.

 

Hindi ako makapaniwala. Ang dating matayog na lumang bahay na nakatayo ay biglang naglaho sa isang iglap lang.

 

"Inutil! Ano ba ang ginawa niyo? Bakit nagkasunog at bakit hindi niyo binantayan ang buong bahay?" galit kong sigaw at hindi na ako nakapagpigil pa. Sinipa ko siya na siyang dahilan kaya kaagad itong natumba sa lupa.

 

Bakas ang takot sa mukha ng kasama nito at siya naman ang nilapitan ko.

 

"Boss! Patawad! Umalis lang kami saglit para bumili ng pagkain ni Mam pero pagbalik namin nasusunog na ang bahay. "kinakabahan nitong sagot.

 

"Paanong nasunog ang bahay? Hindi ba't pinagbawalan ko ang kahit na sino ang magluto sa loob pero bakit nasunog? Paano nangyari iyun?" galit kong sigaw.

 

"Iyun din po ang malaking palaisipan sa amin Boss. Pero noong pabalik na kami, may nakasalubong kaming kulay itim na sasakyan. Sigurado po kami na dito galing iyun at baka sila ang nagsunog sa bahay. Baka-baka pinasok nila ang bahay at tinangkang pagnakawan." takot nitong bigkas.

 

Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. Mariin kong naikuyom ang aking kamao dahil sa matinding galit at sakit ng kalooban. Hindi pwedeng basta na lang mamatay si Precious. Kailangan ko siya! Hindi pa ako ready na mawala siya sa piling ko.

 

"Walang titigil. Gusto kong makita ang katawan ni Precious." galit kong wika sa mga tauhan ko sa kabila nang pait na nararamdaman na puso ko.

 

Umaasa ako ng buhay pa siya. Umaasa ako na nakaligtas siya sa sunog at nasa paligid lang.

 

Nakatitig ako sa makapal ng usok sa harapan ko nang marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Dali-dali kong sinagot iyun lalo na at nakita ko na ang bantay ni Mommy ang tumatawag sa akin.

 

"Sir...gising na po si Madam. Gising na po siya at hinahanap kayo." kaagad na balita nito mula sa kabilang linya kaya mabilis ang hakbang na naglakad ako pabalik sa kotse.

 

Kahit na nag-aalala ako sa kalagayan ni Precious kailangan ko din unahin si Mommy. Kailangan ko siyang makausap at makumusta ang kalagayan niya.

 

Bago ako umalis, inutusan ko pa ang mga naiwan kong mga tao na halughugin ang buong paligid at hanapin ang katawan ni Precious. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Ramdam ko na buhay pa si Precious.

 

Pagdating ko ng hospital, sakto naman na inilapat na si Mommy sa isang private room. May malay tao na ito kaya kaaagd ko itong nilapitan.

 

"Mom, masyado mo kaming pinakaba. Kumusta ang pakiramdam mo?" seryosong tanong ko sa kanya.

 

"Ayos na ako. Huwag mo akong alalahanin. Sadyang hindi ko pa siguro katapusan kaya hindi pa ako kinukuha ni kamatayan." seryoso niyang sagot sa akin.

 

"Huwag kayong magsalita ng ganiyan. Ang sabihin niyo po, masyado pa po kayong bata para mamatay." seryosong sagot ko sa kanya.

 

"Kailan ka pa naging concern at naging malapit sa akin? Dati naman wala kang pakialam sa akin ah? Well, it doesn't matter. Siguro lumalabas talaga ang

condern ng isang anak kapag alam nilang nasa trahedya ang taong nagluwal sa kanila"

 

"Mom, tama na! Iwasan niyo muna ang magsalita ng mga ganiyang bagay. Ang magandang gawin ay magpahinga na muna kayo. Magpalakas dahil balak kong itreat kayo ng trip to Europe once na gumaling na kayo ng tuluyan." seryosong sagot ko.

 

"Hindi ko na kailangan ang mga ganiyang bagay. Sawang sawa na ako sa mga ganiyan. Ituturing kong pangalawang buhay ko ito kaya naman pahahalagahan ko. Pipiliin ko na din ang mga taong dapat kong pagkatiwalaan." seryoso niyang sagot sa akin.

 

Ramdam ko sa boses niya ang lungkot which is very unusual. Nabagok lang ang ulo niya bigla nalang siyang naging mahinahon magsalita. Which sobrang nakakapanigo. Anak niya ako at kabisang kabisado ko kung anong klaseng pag-uugali meron itong si Mommy.

 

"Don't worry Mom. Hindi ako papayag na hindi maparusahan ang taong naging dahilan kaya ka nandito ngayun sa hospital. Ang taong naging dahilan na muntik nang kumitil sa buhay mo,. Kahit naman siguro hindi kayo magkasundo, wala naman sigurong dahilan para itulak ka niya diba?" mahina pero seryoso kong bigkas.

 

Napansion kong natigilan si Mommy. Malalim itong nag-isip bago umiling-iling.

 

"Hindi ko akalain na itutulak ako ng malditang iyun. Hindi ko akalain na magagawa niya akong traydurin sa kabila ng mga pabor na ibinigay ko sa kanya." seryoso niyang bigkas na nagpakunot ng noo ko.

 

Kahit kailan, alam kong ayaw niya kay Precious pero bakit taliwas sa inaasahan ko ang lumabas sa bibig niya ngayun?

 

"Hindi ko na ipipilit pa na kayong dalawa ni Lauren ang magkatuluyan. Wala siyang kwentang babae. Kaya pala biglang bumalik ng Pinas dahil nabuntis at ayaw nanagutan ng lalaking nakabuntis sa kanya. Ang kapal ng mukha niya para utuhin ako at itulak sa hagdan." bakas ang galit sa boses ni Mommy habang sinasabi ang katagang iyun na labis kong ikinagulat.

 

Pakiradam ko biglang nanlaki ang ulo ko sa naring. Feeling ko biglang huminto ang oras at biglang nag flash back sa isipan ang ginawa ko kay Precious.

 

"Si Lauren? Si Lauren ang-

 

"Oo! Ang babaeng iyun! Siya ang nagtulak sa akin sa hagdan. Siya ang dahilan kaya muntik na akong mamatay kaya gusto kong maparusahan siya. Hindi ako papayag na hindi niya mapanagutan ang ginawa niya sa akin." kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Mommy habang sinasabi ang katagang iyun. Mariin kong naipikit ang aking mga mata at nanghihinang napaupo sa visitors chair.

 

Nagkamali ako! Alam kong sobrang nagkamali ako sa ginawa ko kay Precious. Kaya pala todo tanggi siya sa bintang na siya ang nagtulak kay Mommy dahil hindi

naman pala talaga siya ang may gawa!

 

God, paano ko maitutuwid ang pagkakamaling iyun gayung hanggang ngayun hindi ko alam kung kumusta na ang kalagayan ni Precious?

 

 

 

Chapter 77

 

LUCIAN MONTEFALCO FERRERO POV

 

"Walang titigil. Hanapin niyo si Precoius!" halos dumagundong ang boses ko sa buong paligid dahil sa sobrang lakas ng pagkakasabi ko. Frustrated at pagkatapos kong makausap si Mommy, muli akong bumalik dito sa dating bahay.

 

Tuluyan nang naapula ang apoy, naglaho na ang usok pero kasabay noon ay naglaho din ang katawan ni Precious. Sinuyod na din nila ang mga lugar kung saan ito posibleng napadpad kung sakaling nakatakas man ito sa nagngangalit na apoy pero negative.

 

Walang Precious silang nakita at halos mabaliw na ako sa sobrang pag-aalala.

 

"Boss, pasensya na po talaga pero hindi po talaga namin mahanap ang katawan ni Mam." Kaagad na balita sa akin ng kanan kong kamay na si Ike. Ang takot na nararamdaman ng puso ko ay lalong nadagdagan. Hindi kaya napasama si Precious sa nasusunog na bahay? Na hindi siya nakaligtas at ang labi niya ay kasama na sa mga tumpok na mga abo na nakikita ko?

 

SA kondisyon ng katawan niya bago namin siya iniwan, malabo talagang makatakas siya sa nagngangalit na apoy. Wala itong malay tao at halos walang lakas.

 

Hindi ko mapigilan ang maikuyom ang kamao ko. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa lugar kung saan nakatirik ang lumang bahay na ngayun ay puro abo na lang.

 

Hungkag ang puso na inilibot ang tingin ko sa buong paligid. Ni hindi ko na nga napigilan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.

 

Sobrang init pa rin ng buong paligid. Dahil tuluyan nang naapula ang apoy wala na akong iba pang nakikita pa sa dako pa roon kundi kadiliman.

 

Hindi ko mapigilan ang maikuyom ang kamao ko. Oo, aminado ako na kasalanan ko pero kung hindi dahil sa mga taong nasa paligid ko na nagsisinungaling, hindi ito mangyayari. Si Lauren. Si Aurora. Ang kasambahay ng mansion na si Petra. Hinding hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nilang pagsisinungaling sa akin.

 

Pagbabayaran nila ito. Kung hindi dahil sa kasinungaling nila, maaaring hanggang ngayun, buhay pa rin si Preicous. Ang nakakaawang si Precious.

 

Lalaki ako at sa tanang buhay ko, never pa akong umiyak dahil lang sa isang babae. Kasabay ng pagtititg ko sa dako pa roon av ang matinding galit na nararamdaman ng puso ko. Naikuyom ko ang aking kamao bago ako nagsalita.

 

"Ike...iharap mo sa akin ang tatlong babae na iyun. Si Lauren, Aurora at ang kasambahay na si Petra. Ngayun din." Malamig ang boses na utos ko dito habang may luha sa aking mga mata.

 

"Masusunod Boss!" sagot naman kaagad ni Ike. Kaagad kong naramdaman ang pag -alis nito sa tabi ko at nang mapag-isa ako, dahan-dahan akong napaupo habang patuloy sa pagluha.

 

Ano ang nagawa kong kasalanan? Bakit hindi ko man lang naisip na possible palang mapahamak si Precious sa nagawa ko? Nagkamali ako. Aminado ako na sobrang nagkamali ako.

 

"Uncle!" nasa ganoon akong pag-iisip nang marinig ko ang pagtawag ng kung sino sa pangalan ko. Wala sa sariling kaagad akong napalingon at sumalubong sa paningin ko ang mukha ng pamangkin kong si David.

 

"What are you doing here?' malamig ang boses na tanong ko sa kanya sabay tayo.

 

"I heard na gising na si Tita. Kumusta siya? Nabangit niya na ba kung sino ang nagtulak sa kanya sa hagdan?" seryoson tanong niya.

 

"Lauren. Nabangit niya na si Lauren." Seryosong sagot ko. Katahimikan ang sumunod na namayani sa buong paligid. Hind na nagsalita pa si David kaya naman dahan-dahan kong inihakbang aking mga paa sa dako pa doon.

 

Umaasa ako na kahit na ang katawan niya man lang ang matagpuan ko. Alam ko naman sa sarili ko na malabong makaligtas si Precious sa pagkasunog ng bahay eh pero gusto ko pa rin magbakasakali. Kakapit ako sa katiting na pag-asa na nararamdaman sa puso ko.

 

Nang muli kong naramdaman ang pagsunod sa akin ni David, muli akong nagsalita.

 

"Kasalanan ko kung bakit napahamak si Precious pero hindi ako papayag na hindi maparusahan ang naglaglag sa kanya para mapahamak siya.' Muli kong bigkas.

 

Isang mahinang buntong hininga ang narinig ko mula kay David bago siya muling nagsalita.

 

"Yeah, kasalanan mo kung bakit napahamak si Precious pero may ibang tao na gusto na siyang mamatay. Imposibleng masunog ng ganoon kadali ang bahay na ito kung hindi sinadyang sunugin." Narinig kong sambit ni David. Wala sa sariling mulli akong napalingon sa kanya.

 

"Ano ang ibig mong sabihin?"

 

"Uncle, mas matalino po kayo kumpara a akin. I don't care kung madadawit dito si Aurora. Hindi ko siya mahal. Umpisa pa lang hindi ko na siya gusto. Siya din ang sinisisi ko kung bakit nagalit sa akin ng sobra si Precious Amber at nilayuan ako. Hindi ako makikialam kung ano man ng gusto mong gawin sakanya! Pero mangako ka sa akin Uncle, bigyan mo ng katarungan ang nangyari sa kanya...kay Precious!" seryoso nitong bigkas. Ramdam ko ang lungkot sa boses nito habang sinasabi niya ang katagang iyun,.

 

Lalo tuloy dumuble ang sakit ng kalooban na nararamdaman ko ngayun. Feeling ko, ako na yata ang pinakawalang kwentang lalaki sa balat ng lupa at kahit na magsisisi pa ako, hindi na maibabalik pa ang buhay ni Preciuos.

 

Pero isa lang ang sigurado ako ngayun, hindi na maibabalik pa tulad ng dati ang saya na nararamdaman ng puso ko. Hindi na ako makakahanap pa ng babaeng kagaya ni Precious kung saan sa kanya ko lang naramdaman ang tunay na kaligayahan at kumpletong saya na nararamdaman ng puso ko.

 

 

 

Chapter 78

 

LUCIAN POV

 

Bago sumikat ang araw sa silangan, natupad ang utos ko sa tauhan kong si Ike na dalhin sa harap ko ang tatlong katao. Una si Lauren, sumunod si Aurora at pangatlo ay ang kasambahay na si Petra.

 

Lahat sila ay kitang kita ang takot sa mga mukha.

 

"Lucian, ano ito? Ano ang ibig sabihin nito?" nahintakutang tanong ni Lauren sa akin. Nakatali silang tatlo sa isat isa.

 

"Tinatanong mo ako kung ano ang ginagawa niyo dito? Kailangan niyo pa bang itanong sa akin iyan imbes na ikumpisal niyo sa akin ang mga kasalanan niyo?" galit kong sigaw.

 

"Hi-hindi ko alam kung ano ang sinasabi niyo. Hi-hindi ko maintindihan!' ramdam ko ang panginginig sa boses ni Aurora na bigkas niya.

 

"Hindi mo alam? Talaga bang hindi mo alam ang mga kalokohan na ginawa niyong dalawa ni Lauren? Ha?" galit kong sigaw sabay abot ko kay Ike ng hawak niyang latigo at walang sabi-sabing basta ko na lang iyun inihampas sa balat ni

Lauren.

 

"Lucian...No! Huwag! Huwag!" nahintakutang sigaw ni Lauren kasabay ng pagtama sa katawan niya ng unang hagupit ng latigo.

 

"Ahhhh, Lucian! Hindi! Huwag! Masakit." Umiiyak nang reklamo nito. Ang unang hagupit ng latigo sa balat niya ay nag-iwan iyun ng pulang marka kasabay ng paglabas ng dugo sa balat niya. Hindi ko naman mapigilan na mapangisi.

 

"Masakit? Masakit ba? Nice to hear that! Iyan naman talaga ng gusto ko eh. Ang makita kang nasasaktan." nakangisi kong bikgas.

 

Napatingin ako sa takot na takot na si Aurora at nang muli kong itaas ang hawak kong latigo, umiiyak siyang nagsalita.

 

"Aamin na ako! Aamin na ako!" umiiyak nitong bigkas. Isang makahulugang pagngisi ang kaagad na gumuhit sa labi ko habang titig na titig sa kanya.

 

"I am waiting. Ano ang sasabihin mo sa akin?" seryosong tanong ko.

 

"Na kasalanan ni Lauren ang lahat! Na siya ang may pakana nitong lahat at-ahhhh!" hindi niya na natuloy pa ang sasabihin niya nang tumama din sa balat niya ang latigo. Kagaya ng naging epekto sa balat ni Lauren, kaagad ding nagmarka ang kulay pula na bakat ng latigo sa balat nito kasabay ng pag-agos ng dugo. Hindi ko mapigilan ang mapangisi.

 

"Walang hiya ka Aurora! Huwag na huwag mo akong ilalaglag gaga ka dahil kung totoosn, kasama ka sa nagplano na patayin si Amber."galit na sigaw ni Lauren.

 

"Hindi! Ikaw lang! Ikaw lang ang may matinding galit sa kanya! Gusto mo siyang mamatay na kaya nga nagbayad ka ng tao na sunugin ang bahay na ito diba? Dahil gusto mong matuluyan na si Amber at masolo mo na si Lucian! " galit na sigaw naman pabalik ni Aurora kay Lauren

 

Hindi ko mapigilan ang mapangisi. I think hindi ko na kailangan pang magtanong. Kusa nang lumabas sa bibig nila ang mga impormasyon na gusto kong malaman.

 

"Sir, sorry po! Patawad po kung bakit ko nilaglag si Mam! May sakit kasi ang Nanay ko kaya ko nagawa iyun pero maniwala po kayo. Nagsisisi na po ako! Pinagsisisihan ko na po ang lahat!" umiiyak na wika ni Petra. Nilapitan ko naman siya at pinakatitigan.

 

"Hindi ko akalain na may ahas palang naninirahan sa mansion nila Lolo at Lola. Ahas na hindi na dapat pang pamarisan." Seryosong bigkas ko. Pagkatapos noon, kinuha ko ang baril na nasa kamay ni Ike at itinutok dito

 

"Maawa po kayo Sir! Huwag po! Huwag po!" umiiiyak nitong sambit. Kitang kita ko ang panginginig niya.Isang makahulugang pagngisi ang naging sagot ko bago ko kinalabit ang gatilyo nang baril. Napasigaw ang tatlong babae na nasa harapan ko dahil sa matinding takot.

 

""Don't worry, ladies. Let's have fun!

 

Hindi ako ganoon katanga para kitilin ang buhay niyo nang ganoon-ganoon na lang. Nagdusa si Precious sa pinakamasakit na paraan at gusto ko na dubleng sakit ang mararanasan niyo kumpara sa narananasan niya." Nakangisi kong wika.

 

"A-ano ang ibig mong sabihin? Lucian... No! Hindi pwede! Huwag mo naman sanang kalimutan na buntis ako. Kung ano man ang iniisip mo, huwag mo naman sanang idamay ang baby ko! Maawa ka!" umiiyak na bigkas ni Lauren. Malakas naman akong natawa.

 

"Maawa? Bakit naawa ka ba kay precious noong nakikita mo kung paano ko siya pinahihirapan. No, hindi ka naawa sa kanya kaya kahit na katiting, wala din akong awa na nararamdaman sa iyo. Kung sakali man na may masamang mangyari diyan sa ipinagbubuntis mo, kasalanan mo iyan!" galit kong sigaw sa kanya.

 

Malakas na napahagulhol ng iyak si Lauren. Umiling iling ito habang puno ng pamamakaawa ang nababasa sa pinagpapawisang mukha niya. Tuluyan nang nahulas ang make-up na palaging nakamarka sa pisngi nito kaya naman kitang kita ko na ang tunay niyang hitsura. Wala siyang panama kahit na kailan kay Precious kung ganda ang pag-uusapan.

 

"Ike, dalhin niyo siya sa casa. Siguraduhin niyo na pipilahan sila ng mga kalalakihan araw-araw at ang kita mula sa kanila ay i-donate mo sa Home for the aged." Nakangisi kong bigkas.

 

Kaagad namang nanlaki ang mga mata nila sa gulat.

 

"Hindi! Hindi mo ito magagawa sa akin, Lucian! Hindi maari!"nahintakutang sigaw ni Lauren

 

"At bakit hindi maari? Bigyan mo ako ng magandang dahilan kung bakit hindi ko ito magagawa sa iyo? Tandaan mo Lauren, hindi lang iisa ang kasalanan mo sa akin. Ikaw ang nagtulak kay Mommy sa hagdan at si Precious ang pinagbintangan mo. Ngayun, pagbayaran mo ang ginawa mong iyun dahil kung paano nagdusa si

 

Precious, dobleng pagdurusa ang ibibigay ko sa iyo. Tandaan mo iyan." Seryosong bigkas ko. Kaagad naman itong napahagulhol ng iyak.

 

 

 

Chapter 79

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

""Precious, bumalik ka dito! Kahit saan ka pa magpunta hindi ka makakawala sa anino ko! Hindi mo ako matatakasan! Gawin mo ang gusto ko kung gusto mo pang mabuhay ng matagal!" narinig kong sigaw sa akin ng kung sino. Nanghihina man ang buo kong katawan pero wala na akong pakialam pa. Patuloy lang ako sa pagtakbo na parang wala ng bukas.

 

"Habulin niyo ang babaeng iyan! Iharap niyo sa akin sa ayaw at gusto niya!" narinig ko pang sigaw ng kung sinong lalaki. Parang gusto ko ng panawalan ng ulirat. Pawis na pawis na ako at wala na akong pakialam pa kung nasaan na ako.

 

Hindi ko kabisado ang lugar. Mapuno at wala na akong pakialam pa kung may makakasalubong man akong mababangis na hayop. Ang gusto ko lang makatakas sa malupit na lalaking iyun! Pagod na ako... pagod na pagod na!

 

Natigil ako sa pagtakbo ng mapansin ko na bangin na ang nasa harap ko. Takot akong napalingon at gusto kong panawan ng ulirat ng mapansin ko na nakasunod pa rin sa akin ang lalaking humahabol sa akin. Ayaw nila akong tantanan. Gusto talaga nila akong pahirapan.

 

"Tired? Akala mo ba ganoon lang kadali para sa iyo na takasan ako? Tandaan mo pag-aari ko ang buhay mo, Precious Ako lang ang may karapatan na magsabi sa iyo kung pwede ka nang kumawala sa akin."

 

"Maawa ka sa akin! Ano pa ba ang gusto mo? Makailang ulit ko bang sabihin sa iyo na wala akong kasalanan. Hindi ko siya Itinulak" umiiyak kong bigkas.

 

"Pagod na akol Pagod na pagod na!" umiiyak kong muling sambit. Pakiramdam ko durog na durog ang puso ko sa mga nangyari. Wala akong kasalanan pero bakit ako pinaparusahan oques Bu

 

"ha? Pagod? Nagbibiro ka ba? Kung ayaw mong mas lalong matikman ang galit ko sumama ka sa akin. Sinasayang mo ang oras ko, Precious!." galit na sigaw nito. Lalo naman akong nakaramdam ng takot. Muli kong nilingon ko ang likuran ko. Bangin na at wala na akong kawala pa.

 

Dalawa lang ang pwede kong pagpilian. Ang tumalon sa bangin para tuluyan itong matakasan or sumama ng matiwasay sa kanya. Kung gusto ko pang mabuhay ng kahit ilang araw lang.................

 

Muli kong tinitigan ang lalaking nasa harap ko. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang lahat. Hindi ko akalain na buhay ko ang maging kapalit ng lahat.

 

"Ano pa ang hinihintay mo? Sasama ka ba o sasama ka sa akin pabalik? Bilisan mo Precious at huwag mong ubusin ang pasensya ko!" galit na sigaw nito. Halos mag echo ang boses nito sa buong paligid. Lalo naman akong natakot at napaatras.

 

"Hindi! Hindi ako sasama sa iyo! Pagod na ako! Hindi ko na kaya pa ang mga pinangagawa mo sa akin! Maawa ka! Tantanan mo na ako....Maawa ka!" umiiyak na wika ko. Kaagad kong napansin ang pagngisi nito at ang tangkang paglapit sa akin. Muli akong umatras kaya natigilan ito.

 

"Ano ba ang ginawa mo? Nababaliw ka na ba? Gusto mo bang magpakamatay?" galit na sigaw niya.

 

Tama ito...kung ang kamatayan ang paraan para makalaya ako sa kalupitan niya, why not!

 

"Malinis ang konsensya ko at hanggang sa huling hininga ko, paninindigan ko na wala akong nagawang kasalanan sa iyo.. Pero kung ang kamatayan ang kabayaran para mawala ang nararamdaman mong poot sa akin, gagawin ko." mahina kong sagot. Nakakaramdam na ako ng panghihina..Ngayun ko lang napansin na nakayapak lang pala ako at may mga dugo na tumatagas sa mga paa ko.

 

Wala na manhid na ako! Simpleng sugat lang iyan at hindi na ako nakakaramam pa ng sakit. Muli akong napatitig sa lalaking kaharap ko ng marinig ko ang malakas nitong pagsigaw.

 

"Tama na ang drama! Sawang sawa na ako sa paiyak-iyak mong iyan. Halika na! Umuwi na tayo!" mahinahon nitong wika. Himala, bigla itong naging mahinahon ngayun. Mapakla akong napangiti sabay iling.

 

"Sorry...pero hindi na ako sasama sa iyo. Pakawalan mo na ako Lucian...Utang na loob!"nakikiusap kong sambit.

 

"At ano ang gusto mong gawin? Tatalon ka sa bangin na iyan? Oo, makakatakas ka sa akin pero hindi mo matatakasan si kamatayan! Mag isip ka nga Precious!" galit na naman nitong sigaw. Muli akong napapikit.

 

"Kung ang kamatayan ang paraan para matakasan ko ang kalupitan mo, why not! " umiiyak keng wika sa kanya. Natigilan Ito habang titig na titig sa akin.

 

"Kung ito na ang katapusan ko dito sa ibabaw ng mundo hinihiling ko na kung sakaling muli akong mabuhay sa susunod na mga henerasyon, sana hindi na muling magkrus ang landas natin. Ayaw na kitang makita kahit kailan!" wika ko sa kanya sabay atras ng makailang ulit habang hindi inaalis ang pagkakatitig dito. Ilang beses pa itong umiling at patakbong lumapit sa akin pero huli na.

 

"Precious-"huling sigaw na nararamdaman ko kasabay ng pagbulusok ko pababa-

 

"Amber? Precious Amber?" narinig kong tawag ng kung sino sa pangalan ko. Dahan dahan akong nagmulat na aking mga mata at hindi ko mapigilan na magulat nang kaagad na sumalubong sa paningin ko ang maliwanag na kapaligiran.

 

Patay na ba ako? Namatay ba ako sa mga kamay ni Lucian????

 

 

 

Chapter 80

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Amber....God! Thank you! Sa wakas, nagising ka din." narinig kong muling sambit ng isang boses. Muli akong nagmulat ng aking mga mata at kaagad na sumalubong sa paningin ko ang nag aalalang mukha ni David.

 

Si David? Ano ang nangyari sa akin? Nananaginip ba ako kanina?

 

"Nagdedeliryo ka na naman sa sobrang taas ng lagnat mo." muling sambit niya. Tulala naman akong napatitig sa kanya.

 

Nakakaramdam ako ng matinding panghihina sa aking katawan. Wala din akong maramdaman na kahit na anong lakas.

 

"Nandito ka sa hospital. Teka lang, narinig kong umuungol ka kaninan. Nightmare? Panaginip? Huwag mo nang pansinin. Ligtas ka na at sisiguraduhin ko na walang sino man ang pwedeng manakit sa iyo. Amber.." seryosong bigkas nya.

 

"Si Lucian...Si Lucian... David...maawa ka sa akin. Ilayo mo ako sa kanya! Ilayo mo ako kay Lucina." unang kataga na lumabas sa bibig ko.

 

Si Lucian ang dahilan kaya nandito ako sa hindi kaaya-ayang sitwasyon. Si Lucian din ang napanaginipan ko kanina. Hanggang sa panaginip, hina-hunting niya ako. Hanggang sa panaginip, gusto pa rin niya akong patayin.

 

""Yes..promise...hindi ka na niya mahahanap pa. Ako ang bahala sa iyo. Gagawin ko ang lahat para mailigtas ka Amber." seryoso niyang bigkas.

 

Hindi ko naman mapigilan ang mapahagulhol ng iyak. Sariwa pa sa isipan ko ang mga pahirap na dinanas ko mula sa mga kamay ni Lucian at hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang makaharap muli

 

"Tahan na, Amber. Ligtas ka na. Wala nang dapat pang iyakan. Isipin mo ang kalusugan mo. Tulungan mo ang sarili mo na gumaling kaagad. Para naman mailayo na kita ng tuluyan sa lugar na ito." seryosong bigkas ni David.

 

'Ano ang ibig mong sabihin? Hinahanap ako ni Lucian? Gusto niya akong patayin diba? David...maawa ka! Huwag mo akong isumbong sa kanya! Itago mo ako.... please...itago mo ako!" nagmamakaawa kong sambit. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa takot.

 

Dala ng matinding takot at bugso ng damdamin, nagpumilit akong bumangon sa higaan. Basta ko na lang din hinila ang dextrose na nakakabit sa akin. Kaagad ko din namang naramdaman ang mahigpit na pagyakap sa akin ni David.

 

"Amber..hey! Relax! Relax lang. Walang dapat na ikatakot. Nandito ako. Po-protekthan kita sa abot ng aking makakaya." narinig kong sambit niya pero isang malakas na pag-iyak lang ang naging sagot ko.

 

Pilit akong kumakawala sa kanya. Paano ako magtitiwala sa kanya ng lubusan gayung tiyuhin niya si Lucian?

 

Yes..tama! Kung gusto ko pang mabuhay ng matagal, hindi ako dapat magtiwala kahit na kanino. Baka iyun pa ang ikapahamak ko eh.

 

Hindi ako pwedeng mamatay ng ganoon-ganoon na lang. Gusto ko pang mabuhay para tuparin ang pangarap ni Mommy sa akin na makapagtapos ng pag-aaral

 

Sa naisip kong iyun, buong lakas kong itinulak si David. Kaagad naman itong napakalas sa pagkakayakap sa akin at kinuha kong pagkakataon iyun para

 

tuluyang makaalis sa higaan. Bumaba ng kama at dahil hindi ko pa natantiya ang lakas na meron ako, bumagsak din ako sa malamig na tiles ng hospital

 

Walang lakas ang mga paa ko? Bakit walang lakas ang mga paa ko?

 

Muli akong napatitig kay David na noon ay binubuhat niya ako pabalik ng kama. Gustuhin ko mang tumanggi sa ibinigay niyang tulong sa akin ngayun pero saan ako kakapit? Sinong tutulong sa akin?

 

"Amber..hindi ako kaaway. Kakampi mo ako dito kaya huminahon ka." narinig kong sambit niya. May luha sa mga mata na tinitigan ko siya sabay iling.

 

"Ano ang nangyari? Bakit hindi ko maramdaman ang mga paa ko? David, ano ang nangyari sa akin?" umiiyak kong tanong sa kanya!

 

"Relax ka lang. Nasa healing process pa ang lahat at magiging maayos din ang lahat. Makakalakad ka ulit, magtiwala ka lang." seryosong bigkas niya. Kaagad naman akong napailing.

 

Ayaw ko na! Ayaw ko nang magtiwala pa kahit na kanino.

 

"Umalis ka na! Hindi ko kailangan ang tulong mo! Umalis ka na!" umiiyak kong sambit. Natigilan naman nito

 

"Hanggang ngayun pa ba naman galit ka pa rin sa akin? Hanggang ngayun hindi mo pa rin ba ako napapatawad?" seryosong tanong niya. Hindi ko siya sinagot bagkos muli akong nagpumilit na bumangon ng higaan.

 

"Umalis ka na sabi eh! Umalis ka na!" umiiyak kong sambit. HIndi pa ako nakontento at pinagsusuntok ko siya sa kanyang dibdib habang umiiyak. Wala naman akong nakitang kahit na reaction mula kay David. Hinayaan niya lang ako sa ginagawa ko kaya lalo akong nakaramdam ng frustrations.

 

Gusto ko din na makita siyang nasasaktan. Hindi iyun ako lang ang nasasaktan. Dapat siya din.....

 

Habang nagwawala ako, bigla kong naramdaman ang paghawak ng kung sino sa braso ko. Lalong akong kinain ng matiding takot nang mapansin ko ang isang karayom na nakaumang sa braso ko

 

"Hindi! Hindi! Ayaw ko na! No! Maawa ka. Masakit nal Masakit!" umiiyak kong sambit. Pinilit kong makawala sa pagkakahawak nila sa akin pero hindi ko magawa. Hanggang sa muli kong naramdaman ang pagbaon ng karayom sa balat ko kasabay ng naramdaman kong pamamanhid ng aking katawan.

 

Bago ako nawalan ng malay, ang nag-aalalang mukha ni David ang huli kong nasilayan.

 

 

Chapter 81

 

DAVID POV

 

Ramdam ko ang unti-unting pagkadurog ng puso ko habang pinagmamasdan ang walang malay na si Amber.

 

Kailangan pa itong turukan ng

pampakalma para lang tumigil sa pagwawala. Alam ko kung gaano kahirap ang pinagdaanan nito mula sa mga kamay ng aking tiyuhin kaya naiintindihan ko kung bakit ganito na lang ang naging reaction ni Amber nang makita niya ako.

 

"Doc, hanggang kailan siya maging ganito?

 

"muling tanong ko sa Doctor na tumitingin kay Amber habang abala ito sa pagche-check ng vital signs ng dalaga.

 

"Masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya kaya normal lang talaga na makaramadam siya ng matinding panghihina. Ang sobrang pag extract ng dugo niya ay nakakaapekto iyun sa kanyang blood vessel at number of iron sa kanyang katawan." sagot din naman kaagad ng Doctor.

 

"At tatapatin na din kita Mr. David..sa pinapakita niyang pag-uugali, nakakaranas ng matinding depression ang pasyente kaya kailangan ng extra care sa kanya."

 

Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. Muli akong napatitig sa walang malay na si Amber.

 

Sa halos isang linggo na pananatili niya dito sa hospital ang laki na kaagad ng ibinagsak ng katawan nito.

 

Sa tuwing nagigising ito, paulit-ulit ang senaryo na nangyayari. Palagi itong nagwawala at takot na takot.

 

Kahit wala itong malay tao, paulit-ulit ko ding naririnig mula sa bibig niya ang pangalan ni Uncle Lucian. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba siya or sadyang mahal niya lang talaga si Uncle Lucian at ito lang ang palaging laman ng isipan niya

 

"Hindi pa rin po bumaba ang lagnat niya. Kailan pa po ba siya tuluyang maging stable?" muling tanong ko sa Doctor

 

"Pasensya ka na Mr. David Ferrero. Mahirap talagang pababain ang lagnat niya lalo na at may tama ang kidney niya. "seryosong sambit ng Doctor sa kanya.

 

Lalo naman akong nakaramdam ng panlulumo. Dumagdag pa sa problema ng kalusugan ni Amber ang sakit niya sa bato..

 

Hindi ko alam kung alam ba nito ang sarili nitong kalusugan. May sakit sa kidney si Amber tapos nagkaroon pa ng kumplikasyon ng kunan siya ng sangkatutak ng dugo.

 

Kung hindi ko siya naitakas sa lumang bahay, baka patay na ito ngayun.. Naabutan ko siya noon na nagdedeliryo sa sobrang taas ng lagnat kaya no choice ako kundi itakas ito. Binayaran ko pa ng malaking halaga ang mga tao ni Uncle Lucian para pumayag sa nais ko.

 

Sabagay, nang makita nila ang hitsura ni Amber, naawa din naman sila. Binigyan ko sila ng malaking halaga para tulungan akong mailabas si Amber sa lumang bahay at maisakay sa sasakyan.

 

Iyun nga lang habang nasa biyahe ako palabas ng Metro Manila, tumawag sa akin ang mga tauhan ni Kuya at ibinalita nito sa akin na nasusunog daw ang lumang bahay. Hindi ko alam kung coincidence lang ba iyun pero laking pasalamat ko dahil bago nasunog ang bahay nailigtas ko na si Amber. Nailabas ko na ito.

 

Muli akong napatitig kay AMber.

 

Hanggang ngayun, nagatatalo pa rin ang isipan ko kung sasabihin ko ba kay Uncle na ligtas ito. Sa sobrang daming problema ni Amber sa kalusugan niya, alam ko sa sarili ko na limited lang ang maitulong ko dito

 

Unlike kay Uncle, marami siyang koneksyon. Marami siyang kilala na magagaling na Doctor para matugunan ang medical na pangagailangan nito. Unlike sa akin na hindi ko alam kung hanggang saan ang kailan ang kaya kong maitulong.

 

Lalo na ngayun at nagpapakita ng senyales ng depression si Amber. Alam ko din sa sarili ko na hindi ko siya kayang bantayan bente kwatro oras. Paano kung sa sobrang lala ng depression na nararamdaman sa sarili nito ay hindi na nito makontrol ang sarili at makagawa ng isang malaking pagkakamali. Like iyung bigla na lang niyang saktan ang sarili niya

 

Sa naisip kong iyun, lalo tuloy bumigat ang pakiramdam ko. Ayaw kong isuko si Amber kay Uncle Lucian pero kung hindi ko gagawin iyun baka lalo itong mapahamak.

 

Nakita ko naman na nagsisisi na si Uncle eh. Mahigit isang linggo na din nangyari ang trahedyang iyun at mahigit isang linggo na din dito sa hospital si Amber. Lumalaki ang bills nito at wala din naman akong malaking halaga para mabayaran ko ang lumulubo nitong hospital bills. Lalo na at hanggang ngayun, limited lang ang pera na meron ako. Hindi pa rin kasi binabalik ni Uncle ang mga credit cards ko.

 

"I am sorry, Amber! Para sa kabutihan mo kaya ko ito gagawin at alam ko naman na mas magiging safe ka kay Uncle. Sa mga kamay ka niya napahamak pero ang mga kamay niya din ang magliligtas sa iyo." mahina kong sambit bago ko inilabas ang aking cellphone. Pikit matang tinawagan ang number ni Kuya Lucian at kaagad din naman itong sumagot sa kabilang linya.

 

"Yes...tungkol na naman ba ito sa mga credit cards mo? Dumaan ka bukas ng Villa, ibibigay ko ang mga iyun sa iyo." seryosong kaagad na sagot nito. halata sa boses nito ang pagkalasing kaya naman mas lalong naging buo ang puso ko na sabihin sa kanya ang katotohanan.

 

"Uncle....nandito ako sa Cavite. Pwede ba tayong magkita or pwede bang puntahan mo ako dito?" seryosong tanong ko.

 

"Bakit...ano ang nangyari sa iyo diyan? Napatrouble ka at wala kang pambayad? Don't worry, papupuntahin ko diyan si Ike." seryosong sagot nito.

 

"Kasama ko si Amber. Kung gusto mo pa siyang iligtas, puntahan mo na kaagad siya dito." walang paligoy-ligoy kong sambit.

 

 

 

Chapter 82

 

LUCIAN MONTEFALCO FERRERO POV

 

"ANO ang balita sa tatlo?" seryosong tanong ko kay Ike habang nakatayo ako dito sa Verandah ng Villa. Nakatiitig sa kawalan habang nakakaramdam na ako ng pagsakit ng aking ulo.

 

Nararamdaman ko na sa sistema ko ang epekto ng alak sa halos maghapon na pag-inom. Pero heto pa rin ako...dilat na dilat at hindi makatulog.

 

Mahigit isang linggo na ang mabilis na lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, mukha ni Precious ang aking nakikita. Umiiyak ito at nagmamakaawa sa akin.

 

"Nasunod po ang nais niyo Boss. In demand sila sa Casa." sagot naman kaagad ni Ike. Hindi ko mapigilan ang mapaismid,.

 

"Bagay sa kanila iyun. Doon muna sila hangat wala pa akong maisip na panibagong parusa sa kanila." seryosong bigkas ko.

 

"Kaya lang Boss, may problema.

 

Hinahanap na ni Mr. Gustavo ang anak-anakan niya, Si Aurora. Nagpa-blotter na siya sa kapulisan at nagpalathala na sa diyaryo at nananagawan ng pagkawala ni Aurora." muli nitong bigkas. Hindi ko mapigilan ang maikuyom nang muli ang aking kamao.

 

"Wala talagang kwenta ang Gustavo Rodriguez na iyan. Mas nauna niya pa hanapin ang anak ng ibang tao kumpara sa anak niya." seryosong bigkas ko. Matalim ang mga matang nakatitig ako sa kawalan bago muling hinarap si Ike.

 

"Gusto ko, bukas na bukas din wala na silang matitirhan pa. Kausapin mo ang Banko at bibilhin ko na ang bahay nila. Pati na din lahat ng mga ari-arian meron sila. Lahat ng pag-aari nila kukunin ko na. "seryosong utos ko kay Ike. Buong pagalang naman itong tumango bago ako

 

tuluyang iniwan dito sa Verandah

 

Muli akong napatitig sa kawalan nang mapag-isa ako. Hanggang sa marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone.

 

Alanganin ko pang sinagot iyun lalo na nang mapansin ko na si David ang tumatawag.

 

"Hello?" walang gana kong bigkas.

 

Akala ko napa-trouble na naman kaya naisipang tumawag sa akin pero nagkamali ako. Hindi ko mapigilan ang magulat nang sambitin niya ang pangalan ni Precious.

 

"Anong sabi mo? Buhay siya? Buhay si Precious?" gulat kong tanong dito.

 

Bigla akong nakaramdam ng panlalamig ng buo kong katawan kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko. Sa isang iglap lang, bigla din akong nabuhayan ng loob.

 

"Uncle...nandito kami sa hospital ng Cavite. Pwede bang puntahan mo siya? Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. She needs help at alam kong ikaw lang ang makakatulong sa kanya para gumaling siya." seryoso nitong bigkas.

 

Ni hindi ko na nga namalayan pa ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.

 

Kusang humakbang ang mga paa ko paalis ng Verandah at nagtuloy-tuoy patungo sa Parking area kung saan naghihintay sa akin ang ilan sa mga bodyguards at driver ko.

 

"DArating ako. Asahan mong darating ako." seryosong sagot ko kay David.

 

Nang mapansin ng driver ang presensya ko, kaagad nitong pinaandar agn kotse at pinagbuksan naman ako ni Ike ng pintuan. Mabilis akong sumakay at kaagad na inutusan ang driver na magdrive patungo sa Cavite.

 

Kung saan ang lugar na sinasabi ng pamangkin kong si David na makikita ko si Precious.

 

"Bilisan mong magdrive. It's urgent." seryoso ko pang utos sa driver ko. Kaagad naman siyang tumalima at halos paliparin na nito ang sasakyan makarating lamang kaagad kami sa destinasyon na aming pupuntahan

 

Mabuti na lang ang medyo malalim na ang gabi. Wala nang traffic pang susuungin kaya naman wala pang isang oras narating na namin ang hospital na tinutukoy ni David.

 

Pagkahinto pa lang ng sasakyah sa mismong entrance ng hospital building mabilis na akong bumaba. Nakita ko naman si David na nakatayo sa mismong entrance na halatang hinihintay ako.

 

"Nasaan si Precious? Kumusta siya?" seryosong tanong ko sa kanya pagkalapit ko.

 

"Kakatapos niya lang turukan ng pampakalma. Nagwawala siya sa tuwing nagigising siya Uncle. Hindi maganda ang kalagayan ni Amber at kailangan niyang mailipat sa isang hospital na matutukan ang kanyang kalagayan." seryosong sagot nito. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig.

 

Gaano ba kalala si Amber para masabi niya ang tungkol sa bagay na ito?

 

"Anong ibig mong sabihin? Ano ba talaga ang kalagayan niya ngayun?""

 

"She's under medication dahil sa lumalala na kalagayan ng kidney niya. Plus malaking epekto din sa kalusugan niya ang ginawang pagkuha sa dugo niya, uncle." seryosong sagot nito. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

 

"HIndi lang iyan. Nakikipaglaban din siya sa matinding depression kaya sa tuwing nagigising siya, nagwawala siya. Nagagalit siya at may tendency na sinasaktan niya ang sarili niya. Kaya no choice ang doctor niya kundi ang bigyan siyang ng pampakalma. But it not last forever, Uncle. Makakasama din lalo sa kalusugan ang gamot na iyun kay Amber kaya nga hindi ko na kaya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala naman kong ibang hangad kundi ang mapabuti si Amber eh. Kaya nga kaagad ko siyang kinuha noong naabutan ko siya sa lumang bahay na nagdedeliryo sa sobrang taas ng lagnat." mahabang wika nito.

 

Pakiramdam ko biglang nawalan ng lakas ang tuhod ko. Sobrang sakit isipin dahil mismong mga kamay ko ang nagparusa kay Precious.

 

 

Chapter 83

 

LUCIAN MONTEFALCO FERRERO POV

 

DINALA ako ni David sa isa sa mga private room ng hospital kung saan naabutan ko ang nakahigang si Amber sa isang hospital bed.

 

Hindi ko na mapigilan pa na maluha nang tuluyan ko nang masilayan ang kanyang kalagayan. Maputla at halatang ang laki ng ipinayat nito. Halatang may matindi din itong pinagdadaanan.

 

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Sa bawat hakbang ko ramdam ko ang pagkadurog ng aking puso. Napakasakit makita siya sa ganitong kalagayan. Feeling ko ako ang mas nahihirapan.

 

"Precious...MY Precious?" mahinang sambit ko. Wala itong kahit na anong reacition. Nakapikit lang ito habang may ilang butil ng luha akong nakikita na dumadaloy mula sa kanyang mga mata. May narinig din akong mumunting ungol mula sa bibig niya kaya wala sa sariling napatingin ako kay David.

 

"Ano ang nangyari? Tawagin mo ang Doctor. Bilisan mo!" utos ko dito.

 

"Normal na lang sa kanya ang ganiyan, Uncle. Siguro, nananaginip na naman siya. "seryosong sagot ni David. Lalo naman akong naguguluhan.

 

"May mga pagkakataon na hindi lang ungol ang lumalabas sa bibig niya habang wala siyang malay. Minsan, napapasigaw pa siya na akala mo may nananakit sa kanya." muli nitong bigkas. Lalong bumaha sa puso ko ang matinding pagsisisi. Ano ang ginawa ko? Bakit ko pinahirapan ng sobra si Precious?

 

Hindi ko natupad ang pangako ko sa kanya na aalalagaan ko siya. Kay billis ko siyang hinusgahan.

 

"And, alam niyo din po ba na nagdadalang tao si Amber?" muilng bigkas ni David. Natigilan ako. Tulala akong napatitig sa kanya.

 

"Naabutan ko siya sa lumang bahay na nanginginig sa sobrang taas ng lagnat. Alam mo bang nagkaroon siya ng miscarriage? Nakunan siya at iyan ang isa pang balita na hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya." seryosong bigkas nito. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

 

Muli akong napatitig kay Precious na wala pa rin malay tao kasabay ng pagkuyom ko ng aking kamao.

 

"Anong sabi mo? Buntis siya? Nabuntis siya at nakunan din dahil sa kagagawan ko?" mahinang tanong ko. Feeling ko, ako na yata ang pinakawalang kwentang tao sa balat ng lupa. Sinaktan ko ng sobra si Precious at ako din ang dahilan kaya nawala ang anak namin.

 

"I am sorry, Kuya. Pero h'wag niyo na masyadong sisihin ang sarili mo tungkol sa bagay na iyan. Sa kondisyon ng pangangatawan at kalusugan ni Amber, malabo din na maituloy-tuloy niya ang pagbubuntis niya. Lalo na sa kondisyon ng kidney niya ngayun." muli nitong bigkas.

 

Laglag ang balikat na naglakad ako palayo kay Precious. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko at para bang hapong-hapo akong napaupo sa isang tabi. Umiiyak at puno ng pagsisisi ang nararamdaman ng puso ko

 

"Kasalanan ko! Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa lahat ng mga pagkakamali ko. Kasalanan ko! Kasalanan ko!" umiiyak kong sambit at hindi ko na napaigilan pang mapasabunot sa sarili kong buhok

 

"Uncle, pwede pa naman tayong bumawi diba? Huwag niyo pong sisisihin ang sarili niyo sa mga nangyari. Nakita ko naman po kung gaano mo siya kamahal, kaya nga nagpasya na din akong magparaya at ayusin ang sarili kong buhay. Kaya lang may mga tao talagang hindi masaya sa kaligayahan ng ibang tao. At iyun ang nangyari kay Amber. Naging biktima lang siya ng pagkakataon at ito na din siguro ang tsansa mo para makabawi sa kanya." muili niyang bigkas.

 

"Paano? Paano pa ako makakabawi sa kanya kung ako ang dahilan ng paghihirap niya ngayun, David? Paano?" lumuluha kong sambit at muling napatitig nang marinig ko ang boses ni Precious. Sumisigaw ito kaya dali-dali akong napatayo para lapitan ito

 

"Lucian...Luciann....help! Nooo!!!" malakas na sambit nito. Hindi na ka nakapagpigilan pa ang sarili ko. Mahigpit ko siyang niyakap.

 

"Heyyy, Precious... Relax! I'm here na! Promise, hinding hindi kita pababayaan. Nandito na ako...nandito na ako!" parang batang humahagulhol kong bigkas.

 

Wala na akong pakialam pa kung makita man ako ng iba kung paano ako umiiyak ngayun. Wala na akong pakialam pa sa pride at ego ko. Walang mas importante sa akin ngayun kundi ang matulungang muling manumbalik sa dati itong si Precious.

 

"Lucian, maawa ka! Ayaw ko pang mamatay. Maawa ka!" umiiyak nitong sambit.

 

Tama si David. Nananaginip lang si Precious. Wala pa rin itong malay tao pero hanggang sa panaginip, sinusundan pa rin yata siya ng alaala ng kalupitan ko.

 

 

Chapter 84

 

LUCIAN POV

 

WALA akong ibang gusto kundi ang mapabuti si Precious kaya naman mula sa Cavite, nagpasya akng ilipat siya ng hospital dito sa Metro Manila. Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat lahat para sa agaran niyang pagaling. Gusto ko nang bumalik siya sa dati.

 

Mluli siyang sinuri ng mga kilalang Doctor. Wala namang nabago sa mga findings ng mga Doctor sa dati niyang hospital. Ganoon pa rin naman. Kailangan niyang magpalakas ng katawan para sa

agarang operasyon. Iyun ay ang kidney transplant para mas mapabuti pa ang kalagayan nito

 

Sising sisi ako sa mga nangyari. Sobrang nagkulang ako sa pag-aalaga ko kay Amber. Ni hindi ko man lang napansin na may problema ito sa kalusugan. Tapos pinarusahan ko pa siya ng sobra-sobra na lalong nagpalala sa sitwasyon

 

Halos apat na oras na din siyang pagkatapos nailipat dito sa Metro Manila pero never pa rin siyang nagigising. Inaabangan ko siyang muling magising. Gusto ko siyang makausap. Gusto ko ding makita ang tunay na kalagayan niya kapag gising siya.

 

Sabagay, sinabi naman ng Doctor niya na magigising din daw naman ito anytime soon. Hihintayin ko na lang iyun lalo na at wala naman ding akong balak na umalis sa tabi niya

 

Gusto kong personal siyang alagaan hanggang sa gumaling siya.

 

Hawak ang kamay na tinitigan ko ang mukha niya. Although sa kabila nang pagiging maputla niya hindi pa rin nababawasan ang angkin nitong ganda. Siya pa rin ang Precious na kinababaliwan ko.

 

"Precious, ganiyan ka na ba palagi? Gumising ka na. Mag-usap tayo.'" mahina kong sambit. Dumukwang pa ako para bigyan siya ng masuyong halik sa kanyang noo.

 

Pagkatapos noon, muli akong naupo at ang kamay niya na naman ang pinagdiskitahan ko. Pinisil-pisil ko iyun at hinalik-halikan. Hanggang sa muli kong narinig ang mahina niyang pag-ungol kasabay ng dahan-dahan na pagmulat niya ng kanyang mga mata at direktang tumitig sa akin

 

"A-ano ang ginagawa mo dito? Hindi! David...David! Nasaan ka!" nagpapanic ang boses na kaagad niyang sigaw. Hinahanap niya si David habang takot na takot siyang nakatitig sa akin

 

"Ayaw ko sa iyo. Umalis ka! Umalis ka!" malakas niyang sigaw sa akin. Pilit niya ding hinila ang kamay niyang hawak ko. Naging malikot din ang katawan niya at pilit na bumabangon sa higaan

 

"Precious, hey relax! Huwag kang matakot sa akin dahil nandito ako para alagaan ka. Hindi kita sasaktan....promise, hinding hindi na kita sasaktan." mahinahon kong bigkas. Pinilit ko siyang pakalmahin pero parang walang epketo. Hanggang sa nagpasya na akong bitawan sya. Kaya lang, hindi ko naman Inaasahan ang sunod niyang ginawa.

 

Walang sabi-sabing basta niya na lang binunot ang karayom ng dextrose.

 

"Ayaw ko na sa iyo. Alam kong papatayin mo ako kaya ka nandito. Papatayin mo ako!" hilam ang luha sa mga mata na sambit niya. Napansin kong pilit na siyang bumabangon sa higaan kaya dali-dali ko siyang niyakap. Gusto kong iparamdam ang init ng aking katawan at ang aking sinsiradad na hindi ko siya sasaktan.

 

"Precious maniwala ka sa akin. Hindi kita sasaktan. Hinding hindi na kita sasaktan kahit kailan." umiiya ko ding sambit.

 

Naramdaman ko ang pwersa mula sa katawan niya na pilit na kumakawala sa yakap ko. Pero wala akong balak na bitawan siya. Natatakot kasi akong isipin na baka kapag pakawalan ko siya, mas lalong may hindi magandang mangyari.

 

Nagawa niya nang hugutin ang dextrose na nakakabit sa kanya at kapag pakawalan ko siya baka may iba pa siyang gagawin na mas lalo niyang ikakapahamak.

 

"Bitawan mo ako! Bitawan mo ako sabi eh!" galit na din niyang sambit.

 

Naramdaman ko pa nga ang pagkalamot niya sa likod ko at ang pagbaon ng ngipin niya sa braso ko. Siguro gusto niya talagang makawala sa akin kaya ginagawa niya ito pero hindi! Kaya ko ang sakit! Kahit na mapuno pa ako ng kagat at kalmot niya hindi ko siya pakakawalan

 

Hanggang sa dumating ang mga medical staff dito sa loob ng kwarto. Kaagad na din naman nila akong tinulungan at sila na din ang humawak pa kay Precious.

 

"Karayom? Ayaw ko na! Please..please! Ayaw ko!" parang batang nanginig sa takot si Precious nang makita niya ang karayom ng hawak g isa sa mga nurse. Masuyo ko namang pinunasan ang luha sa kanyang mga mata.

 

"Para sa kaayusan mo ang lahat ng ito, Precious. Hindi naman masakit eh. Ginagamot ka nila kaya may karayom." mahina kong bigkas. Naramdaman ko naman ang mahigpit na pagkapit niya sa braso ko

 

"Ayaw ko na! Lucian..please..maawa ka sa akin. Wala akong kasalanan! Wala na akong dugo...inubos mo na eh." nagmamakawa niyang sambit na parang punyal na dahan-dahang bumabaon sa puso ko.

 

Takot siya sa karayom dahil naalala niya kung paano siya kunan ng maraming dugo noon.

 

"Hindi na! Hindi na kailangan! Basta... basta magpakabait ka lang at maging masunurin...hindi ka na nila tuturukan pa ng karayom, Precious!" lumuluha kong sambit.

 

"Talaga? Promise ba iyan? Hindi na talaga? Kung ganoon, naniniwala ka na sa akin na wala naman talaga akong kasalanan?" parang bata nitong tanong sa akin. Pilit ang ngiti sa labi na kaagad akong tumango

 

"Of course...naniniwala na ako sa iyo. Napansin mo ba...nakangiti na ako ngayun oh. Ibig sabihin, hindi ako galit sa iyo. Simula ngayun, ako na din ang mag-aalaga sa iyo hanggang sa gumaling ka, Precious!" mahina kong sambit. Napansin ko naman ang dahan-dahan na pagbitaw niya sa braso ko kaya naman inalalayan ko siyang muling makahiga ng maayos.

 

 

Chapter 85

 

LUCIAN FERRERO MONTEFALCO POV

 

MAY napapansin akong kakaiba sa ugali ni Precious pero umaasa ako na mababago din iyun sa paglipas ng mga araw.

 

OO, nakikipag-usap siya sa akin pero ramdam ko ang pagkailang at takot niya. Nahuhuli ko din na palagi siyang umiiyak.

 

Kagaya na lang ngayun, iniwan ko lang sya saglit para kausapin ang doctor niya pero nadatnan ko siya dito sa loob ng kanyang silid na lumuluha. Nang mapansin niya ang presensya ko dali-dali nitong pinunasan ang luha sa mga mata at nagkunwaring nagtutulug-tulogan.

 

Alam kong may mali at sa bawat araw na nagdaaan lalo akong nasasaktan sa nakikitang malamig na pakikitungo niya sa akin. Gayunpaman, aminado ako sa sarili ko na malaki ang pagkakamali ko sa kanya kaya dapat lang na intinidihin ko siya.

 

Pinakatitigan ko siya. Bumabalik na ang dati niyang kulay. Tumataba na din siya at ang kidney donor na lang ang hinihintay para ma-schedule na ang kanyang operasyon.

 

Wish ko lang na sana maging maayos ang kalusugan niya para naman makapag-umpisa na din kami. Medyo mahirap din ang magparoon at parito sa hospital.

 

Alam kong inip na inip na din si Preciuos dito sa loob ng hospital kaya balak ko na pagkalabas niya, dadalhin ko siya sa private island na nabili ko five years ago.

 

"Precious, nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain?" nakangiti kong tanong sa kanya.

 

Kaagad itong nagmulat ng mga mata at bumangon

 

"Yes...nakakabangon na siya. Malakas na siya pero hindi pa kami pwedeng umuwi dahil sa kondisyon niya ngayun.

 

"Busog pa ako. Kakakain ko lang." sagot niya naman kaagad sa akin. HIndi naman ako nakaimik. Naglakad ako palapit sa kanya at naupo sa visitors chair. Masuyo

ko siyang tinitigan

 

"Lucian...kailan ba ako lalabas dito sa hospital? I mean...nagsasawa na ako dito.. "seryoso niyang bigkas.

 

"HIndi pa pwede! Pero promise, malapit na. Malapit na malapit na, Precious." nakangiti kong sagot sa kanya.

 

Napansin kong ang lungkot na kaagad na gumuhit sa mga mata niya.

 

"Nanaginip na naman ako. May matandang lalaki na galit na galit sa akin at sinasaktan ako. Gusto niya akong isumpa kaya natakot ako ng sobra sa kanya." malungkot na wika niya sa akin. Hanggang ngayun hindi pa rin siya tinatantanan ng masasamang panaginip.

 

Kaagad ko naman siyang hinawakan sa kanyang kamay.

 

"Panaginip lang iyan. Walang katotohanan kaya ipagpalagay mo ang kalooban mo." nakangiti kong sagot sa kanya

 

"Pero, kahit na! Ayawnilang lahat sa akin.

 

Si Lauren, si Aurora! Sinungaling sila. Idiniin nila ako sa kasalanan na hindi ko naman ginawa" muling bigkas niya kasabay ng pagpatak ang luha sa kanyang mga mata.

 

Muli na naman akong nakaramdam ng sakit ng kalooban. Hindi lang sila Lauren at Aurora ang may malaking kasalanan sa kanya. Ako din. Mas masahol pa sa hayop ang ginawa ko sa kanya at habambuhay kong dadalhin sa konsensya iyun.

 

"Ano ang gusto mong parusa na gagawin ko sa kanila dahil sa pagiging sinungaling nila?" seryosong tanong ko sa kaniya. Masuyo ko ding pinunasan ang luha mula sa kanyang mga mata.

 

Napansin ko namang natigilan siya. Titig na titig sya sa akin na bakas ang pagkalito sa kanyang magandang mukha.

 

"Talaga? PUmapayag kang makaganti ako sa kanila?" nakangiti niyang tanong. Pinili ko ang palad niya at tumango

 

"Of course. Payag ako. Actually, pinaparusahan ko na sila ngayun pero kung may gusto ka pang idagdag na parusa para sa kanila, sabihin mo lang sa akin." nakangiti kong bigkas.

 

"Hindi na kailangan. Nangyarina ang lahat at wala na din akong planong gumanti sa kanila. Ipagpapasa- Diyos ko na lang ang lahat." malungkot na sagot niya naman sa akin.

 

HIndi ko tuloy mapigilan na pakatitigan siya. Lalo akong humanga sa mga katagang binitiwan niya. Mas lalo akong nakaramdam ng guilt lalo na at naisip kong hindi pala talaga niya deserve ang mga bagay na nagawa ko sa kanya noon.

 

Isang mabait at malinis na babae si Precious at alam kong wala na akong mahahanap pa na babaeng kagaya niya.

 

Simula noong na-confine siya dito sa hospital, ngayun ko lang siya nakausap ng matino at umaasa ako na sana tuloy-tuloy na ang pagaling niya.

 

Makalabas lang siya dito sa hospital at maging maayos ang kalusugan niya, ibibigay ko na talaga ang lahat ng nais niya. Magiging spoiled din siya sa akin.

 

"Precious, pwede Kang humiling sa akin. lahat ng makakagpaligaya sa iyo, ibibigay ko." masuyo kong bigkas at hindi ko na napgilan pa ang sarili ko na haplusin ang pisngi niya para iparamdam ko sa kanya na sensiro ako sa katagang binitiwan ko ngayun lang.

 

Hindi ko na hahayaan pa na masaktan siya. Hinding hindi na.

 

"Talaga? As in lahat-lahat?" seryosong sagot naman niya habang titig na titig siya sa akin. Pilit naman akong ngumiti

 

"Yeah...lahat-lahat! Bakit, may gusto ka bang hilingin sa akin? Sabihin mo lang, as long as makakapagpaligaya sa iyo, ibibigay ko." seryosong sagot k sa kanya!

 

"Kung ganoon, kung sakali bang hihilingin ko sa iyo na pakalawan mo na ako, papayag ka ba, Lucian?" seryosong tanong niya.

 

Gulat naman akon napatitig sa kanya. Pilit kong inaarok kung gaano siya kaseryoso sa sinabi niyang salita ngayun at nang mapansin ko ang kung paano din siya nakatitig sa akin ngayun, feeling ko biglang may kung anong matalim na bagay ang sumaksak sa puso ko.

 

"Gusto ko nang tahimik na buhay.

 

Masyado nang maraming nangyari sa pagitan nating dalawa. Kung talagang gusto mo akong maging masaya, pwde bang sa pagkakataon na ito, ibigay mo ang kalayaan ko?" seryosong muli niyang bigkas.

 

 

Chapter 86

 

LUCIAN MONTEFALCO FERRERO

 

"Iyan ba ang nais mo? I mean....hindi mo ba talaga ako mapatawad sa ginawa kong pagkakamali ko sa iyo at ito ang hiling mo sa akin ngayun?" tanong ko naman kaaagad sa kanya. Kaagad naman siyang nag-iwas ng tingin sa akin habang nababanaag ko sa mga mata niya ang ang matinding kalungkutan.

 

"Napatawad na kita. Masyado nang mabigat sa puso kung magtatanim pa ako ng galit sa iyo. Ang gusto ko na lang ngayun ay makawala sa masakit na nakaraan kaya ito ang gusto kong hilingin sa iyo. Kung ayaw mo naman, wala naman akong magagawa eh. Aware naman ako noon pa na pag-aari mo ako at wala akong karpatan na magdesisyon para sa sarili ko." malungkot niyang sambit sa akin

 

Wala sa sariling napatayo ako. Naglakad ako patungo sa may bintana at tumitig sa labas.

 

Sa totoo lang, hindi ito ang inaasahan kong salita na marinig mula sa bibig ni Precious. Ang akala ko talaga na kapag magaling na siya, sasama na siya sa akin pabalik ng penthouse at ibabalik namin ang masaya naming pagsasama kagaya ng dati. Hindi pala. Mas gugustuhin niya

palang lumayo sa akin para tuluyang maghiwalay ang landas namin.

 

Gusto ko sanang palagi siyang nasa tabi ko. Kaya lang, hindi na yata kaya ng konsensya ko na kontrolin pa siya. Sa dami ng mga pagkakamaling nagawa ko sa kanya, gusto kong makabawi. Gusto kong ibigay ang makakapagpasaya sa kanya kahit na ang kapalit ay ang unti-unting pagkadurog ng puso ko.

 

"Okay...sige! Kung iyan ang gusto mo, ibibigay ko." mahina kong sambit. Sapat lang iyun para marinig niya.

 

'Talaga? Wala nang bawian pa?" kaagad niya ding sagot sa akin. Ramdam ko ang excitement sa boses niya kaya naman nakangiti akong tumango

 

"Yes...of course! Wala nang bawian pa. Pero sa isang kondisyon..." pilit ang ngiting bigkas ko. Seryoso naman siyang napatitig sa akin

 

"Bago kita pakawalan, gusto kong masegurado na maayos ang kalusugan mo. Gusto kong sumalilim ka muna sa kidney transplant para sigurado akong healthy ka kapag wala ka na sa poder ko." seryosong bigkas ko. Napansin kong natigilan naman siyal

 

'Wala akong pera pambayad sa iyo. Malaki ang gagastusin mo at nakakahiya na sa iyo, Lucian.'" kaagad niya ding sagot sa akin

 

'SA dami ng mga kasalanan na nagawa ko sa iyo, kulang pang kabayaran iyan, Precious. Sa ngayun wala akong hangad kundi ang maging masaya ka." seryoso ko ding sagot sa kanya!

 

Napansin kong saglit siyang nanahimk,. Tumitig sa kawalan bago dahan-dahan na tumango

 

"Okay...sige! Pero kapag makabangon na ako, babayaran ko pa rin ang lahat ng nagastos mo sa akin." seryosong bigkas niya. Wala na din naman akong choice kundi ang dahan-dahan na tumango

 

"Sure...walang problema." pilit ang ngiting sagot ko kahit ramdam na ramdam ko ang pagkadurog ng puso ko.

 

Nagpasya akong lumabas na muna ng silid para hindi niya makita ang pait na nakaguhit sa mga mata ko. Dumirecho ng kotse at doon ko pinakawalan ang luha na kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko

 

Ngayun ko lang lubos na naiinitindihan kung bakit marami ang nababaliw sa pag-ibig. Ganito pala kasakit kapag mabigo ka sa babaeng gustong gusto mo. Alam kong simula ngayung araw....hindi na magiging akin si Precious. Malabo nang maging kami dahil ang tingin niya sa akin ay isang delikadong lalaki at ayaw niya na sigurong maulit pa ang mga nangyari noon kaya mas gugustuhin niya na lang lumayo sa akin ngayun.

 

 

 

***********

 

*****

 

Mabilis na lumipas ang mga araw.

 

Pagkatapos nang masinsinang pag-uusap naming dalawa ni Precious at ang pagpayag kong palayain siya ay napapansin ko ang unti-unting pagbabago ng kanyang awra. Napapansin ko din na nagiging masayahin siya kaya naman mas pinili ko na lang na kuhaan siya ng mag-aalaga sa kayang hurse.

 

Kapag nasa paligid kasi ako, ramdam ko pa rin na hindi siya kumportable sa presensya ko. Siguro nga, hindi niya na talaga ako feel na makasama.

 

Hanggang sa dumating ang araw na para bang ayaw ko na munang dumating. Ang araw ng kidney transplant ni Preciuos.

 

KANINA pa ako paroon at parito sa hallway ng operating room at hindi ako mapalagay. After ng surgery at once na lumakas na si Precious, iyun na din ang time na aalis na siya sa poder ko.

 

Hindi ako relehiyosong tao pero sa pagkakataon na ito, napapadasal na ako. Na sana ligtas si Preicious na makalabas ng operating room at maging successful ang kanyang operation.

 

Hindi naman nagtagal, lumabas na ang isa sa mga Doctor na nag-opera kay Precious. Ibinalita nito sa akin na successful umano nag operasyon na labis kong ikinatuwa.

 

Pinaghalong damdamin ang biglang lumukob sa buo kong pagkatao. Masaya ako at the same time malungkot ako dahil malapit nang dumating ang araw nang pag-alis niya sa poder ko

 

 

 

Chapter 87

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ

 

"CONGRATULATIONS, Ms. Precious. Ngayun ang huling araw mo sa hospital at masaya kami sa tuloy-tuloy mong pagaling." nakangiting wika sa akin ng nurse na nag-aalaga sa akin sa nakalipas na halos dalawang buwan.

 

Pagkatapos ng matinding trahedya na nangyari sa buhay ko, heto ako ngayun. Lalabas na ng hospital na malusog at malakas na kagaya ng dati.

 

Napag-usapan na namin ito ni Lucian at masaya ako dahil pumayag siya. Sa wakas, makakalaya na din ako sa isang toxic na relasyon. Makakilos na ako ng maayos na walang iniisip na baka may magalit sa akin.

 

"Thank you nurse Edna. Mamimiss ko kayo!" nakangiti ko ding sagot sa kanya!

 

"Ganoon din kami. Basta ang mga gamot mo..huwag na huwag mong kalimutan na inumin." nakangiting sagot din nito sa akin. Isang masayang pagtango ang naging sagot ko hanggang at sabay pa kaming napantingin ni Nurse Edna nang bumukas ang pintuan ng private room na naging tahanan ko din sa halos dalawang buwan

 

Pumasok ang isang matangkad na lalaki na ang natatandaan ko ay isa sa mga tao ni Lucian. Si Rodney Quezon. Ang kanyang executive secretary.

 

"Good Morning Ms. Precious Amber! Nandito kami para i-settled ang bills mo para sa paglabas mo ngayung araw."

 

magalang na pagbati niya sa akin.

 

Napatitig pa ako sa pintuan ng kwarto at umaasa na sana dumating din si Lucian. Kahit na hindi naging maganda ang naging experience ko sa mga kamay niya, gusto ko pa ring magpasalamat sa kanya. Gusto ko pa din siyang makita sa huling pagkakataon.Lalo na at alam kong hindi birong halaga ang nagastos niya sa pagkaka-confine ko dito sa hospital

 

"Thank you, Mr. Quezon. Siya nga pala..si Mr. Lucian Ferrero pala? Hindi mo ba siya kasama." nakangiti ko ding tanong sa kanya.

 

"One week na pong nasa Europe si Mr. Ferrero Mam! May Business meetings siyang dadaluhan at baka sa susunod na buwan pa ang balik niya dito sa Pilipinas. Pero huwag po kayong mag-aalala. Ibinilin niya po sa akin ang mga bagay na dapat ibigay sa iyo pakalabas mo dito sa hospital." nakangiti nitong sagot sa akin sabay abot ng isang brown envelop.

 

Kaagad ko din namang iyung tinangap at binuksan iyun

 

Ano ang ibig sabihin nito? Bakit may card at susi?" nagatataka kong tanong

 

"Mam, ang nasa loob ng card na iyan ang sahod mo sa loob ng ilang buwan na pagta -trabaho mo kay Mr. Ferrero atnang susi naman ay susi ng penthouse na regalo niya sa iyo. Sana po huwag niyo nang tangihan pa ang mga bagay na ibinigay ni Mr. Ferrero." nakangiti nitong sambit.

 

Pagkatapos noon, kaagad na din naman siyang nagpaalam sa akin

 

Naiwan naman akong naguguluhan. Napatitig ako sa hawak kong card at sa susi ng penthouse na nasa kamay ko.

 

Aminado ako sa sarili ko na natatakot akong lumabas ng hospital dahil walang wala din ako. Kahit na singkong duling wala akong hawak at ang laman ng debit card na binigay sa akin ngayun ni Mr. Quezon ay malaking bagay para makapagsimula ako ng panibagong buhay.

 

Pero hindi ang penthouse. Hindi ko kailangan ang isang magarang tahanan. Lalo na at wala naman akong balak na tumira na dito sa Metro Manila. Mas gusto kong lumayo na muna. Malayong malayo sa posibleng magiging anino ng nakaraan ko nang sa gayun tuluyan ko nang makalimutan ang nakaraan.

 

"Ms. Precious, settled na ang bilis mo at pwede ka nang lumabas." nakangiting imporma sa akin ni Nurse Edna. May mga papel siyang ibingay sa akin na kaagad ko din namang tinangap.

 

Discharge papers ito at malaya na akong makalabas dito sa hospital. Kasabay ng paglabas ko dito sa hospital ay ang tuluyan ko ding paglaya mula sa mga kamay ni Lucian.

 

Ipokrita ako kung hindi ko aaminin sa sarili ko na hindi ako nalulungkot sa paglayo kong ito sa kanya! Naging bahagi nang buhay ko si Lucian at simula noong nag live in kami, naging mabait naman siya sa akin. Nagbago lang talaga ang lahat noong party sa mansion. Naranasan ko sa mga kamay niya ang kalupitan at  hanggang ngayun, patuloy pa ring naging laman ng panaginip ko ang masakit na pangyayaring iyun.

 

Ang paglayo mula sa anino niya ang alam kong paraan para tuluyang makalimot.

 

Mag-uumpisa ulit ako ng panibagong buhay. Gusto kong mag focus na muna sa pag-aaral para matupad ang hiling ng namayapa kong Ina. Iyun ay ang makapagtapos ng pag-aaral.

 

 

Chapter 88

 

LUCIAN MONTEFALCO FERRERO POV

 

Tahimik akong nakaupo dito sa loob ng sasakyan habang nakatanaw kay Precious na nasa gillid ng kalsada na nag-aabang ng masasakyan.

 

Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko na lapitan siya. Na isakay siya sa kotse para hindi na siya mahirapan pa at iuwi sa penthouse..

 

Ngayung araw ang paglabas niya sa hospital at simula din ngayung araw, hindi ko na siya pwedeng lapitan. Iyun ang hiling niya sa akin na kailangan kong sundin para mapagbayaran ng kahit na kaunti ang kasalanan na nagawa ko sa kanya.

 

Masakit sa kalooban. Sobrang sakit at ngayun ko lang ito naramdaman sa isang babae.

 

Siguro nga, mahal ko na siya. Mahal na mahal ko na siya at hangat maari, ayaw ko na sana siyang mawala pa sa piling ko.

 

Pero, masyado nang masakit sa kanya ang mga nangyari sa amin at lalabas na wala akong kwentang lalaki kung pipilitin ko pang manatili siya sa tabi ko na hindi naman pala siya masaya na.

 

Masakit man sa damdamin pero kailangan ko na syang pakawalan. Para sa sarili niyang kaligayahan

 

"Tinangap niya ba ang mga pinapabigay ko sa kanyang mga regalo?" seryosong tanong ko kay Ike.

 

"Yes Boss! Pero iyung susi ng penthouse, gusto niya sanang ibalik sa iyo dahil wala naman daw siyang balak na tumira doon. Hinananp niya din kayo sa akin pero sinabi kong nasa Europe kayo para sa business tour." sagot naman kaagad ni Ike. Malungkot naman akong napangiti.

 

"Anong sabi ng Doctor niya?" tanong ko naman kaagad.

 

"Nasa maayos na kalusugan na si Ms. Amber pero kailangan niya pa ring ituloy-tuloy ang pag-inom ng mga gamot niya. I think aware naman si Miss Amber tungkol doon kaya walang dapat na ipag-aalala." sagot naman niya sa akin

 

Hindi ko pa nga mapigilan ang mapatuwid ng upo nang mapansin ko na tuluyan nang sumakay si Precious sa taxi na huminto sa harapan niya. Dali-dali kong inutusan ang personal driver na sundan na nasabing taxi na kaagad namang tumalima.

 

"Mag-hire ka ng mga taong pwedeng magbantay Kay Preciious buong oras.

 

Kahit na wala na siya sa poder ko gusto ko pa ring malaman ang mga ginagawa niya. Gusto ko pa ding may magbabantay sa kanya para sa kaligtasan niya buong oras.

 

"seryosong sambit ko.

 

Masusunod po, Boss!' kaagad na din namang sagot ni Ike

 

Imbes na sa Penthouse dumirecho si Amber, nagulat na lang ako nang patungo sa dati niyang tahanan ang tinatahak na daan ng taxi na sinakayan niya. Tahimik lang kaming nakasunod hanggang sa huminto ang taxi na sinsakyan nito sa mismong tapat ng makipot na iskinita patungo sa dati niyang bahay.

 

"Boss, mukhang walang balak na bumalik ng penthouse si Mam Amber." narinig kong wika ni Ike. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tumango-tango

 

"Kung ganoon, aalis na tayo. Pero bago iyan, mag-iwan ka ng mga taong magbabantay sa kanya sa lugar na iyan.

 

Masyadong magulo ang area na iyan at baka mapahamak si Precious." seryoso kong utos dito. Kaagad namang itong tumalima.

 

Bumaba ng kotse si Ike at lumipat sa kabilang sasakyan. Kaagad ko namang inutusan ang driver ko na magdrive pauwi ng Villa.

 

Masyadong mahaba ang araw ko. Halos alas tres na ng hapon at simula kaninang umaga nasa hospital na ako. Nagbabantay sa paglabas ni Precious. Katakot-takot na pagpipigil din ang ginawa ko na lapitan siya.

 

Pagdating ng Villa, direcho ako ng wine bar at kumuha ng alak. Pagkatapos noon, bitbit ang bote ng alak, direcho akong naglakad ng kwarto at nag lock ng pintuan

 

Gusto kong mapag-isa. Gusto kong damdamin ang unang kabiguan ng pag-ibig.

 

Ngayun ko lang din lubos na napatunayan na kay hirap pala ng ganito. Nandiyan lang sa paligid ang babaeng iniibig ko pero napakahirap niya nang lapitan. Napakahirap niya nang angkinin.

 

Saksi ang apat na sulok ng kwarto ko sa malakas kong panaghoy. Hinayaan ko ang sarili ko na umiyak nang umiyak.

 

Hinayaan ko ang sarili ko na maramdaman ang sakit ng damdamin dulot ng kabiguan.

 

Nagpakalunod ako sa alak hanggang sa hindi ko na namalayan pa ang oras. Ni hindi ko na nga din namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa matinding kalasingan.

 

Basta na lang akong nagising na maayos na akong nakahiga sa kama at ang unang bumungad sa pagdilat ng aking mga mata ay ang nag-aalang mukha ni Mommy.

 

"Ano po ang nangyari?" nagatataka kong tanong kasabay ng pagkirot ng sintido ko

 

"Nadatnan kitang lasing na lasing dito sa loob ng kwarto mo. Lucian...ano ba ang nangyayari sa iyo? Sinabi sa akin ng mga

kasambahay mo na ilang araw ka na daw walang ibang ginawa kundi ang magpakalango sa alak." seryoso niyang tanong sa akin. Hindi naman ako nakaimik.

 

"Dahil ba ito kay Precious Amber?" serysong tanong niya sa akin. Tulala naman akong napatitig sa kanya

 

"Kung siya ang dahilan, bakit mo hinahayaan ang sarili mo na malunod sa kalungkutan? Bring her back!" utos niya sa akin. Malungkot naman akong napangiti.

 

 

 

Chapter 89

 

LUCIAN MONTEFALCO FERRERO

 

BRING HER BACK? Yeah...madaling sabihin pero mahirap gawin. Lalo na at

sobrang nasaktan ko si Precious.

 

'Mom, ano ang ginagawa niyo dito?" seryosong tanong ko.

 

"Dinadalaw ka. Lucian, anak pa rin kita at siguro naman may karapatan ako para alamin ang kalagayan mo." seryoso niyang bigkas.

 

"Lilipas din ito Mom. Hayaan niyo muna akong masaktan at magdusa sa mga pagkakamali na nagawa ko." seryosong sagot ko

 

"Hayaan? Halos patayin mo na ang sarili mo sa kakainom ng alak tapos iyan lang ang sasabihin mo sa akin? Na hayaan ka?" seryosong sagot niya.

 

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tuluyang bumangon ng kama. Naglakad patungo sa may bintana at hinawi ang makapal ng kurtina. Pagkatapos noon dinampot ko ang aking sigarilyo at nagsindi

 

"Iyan tayo. Kakagising mo lang pero iyang bisyo na kaagad ang inaatupag mo.

 

Lucian naman, hindi pwedeng ganiyan ka palagi." muling bigkas ni Mommy. Tumitig ako sa kawalan bago malungkot akong napangiti.

 

"Yeah...bisyo! Bisyo--- at ito alng ang masasandalan ko sa ngayun. Hindi siya mawala sa isipan ko hanggang ngayun. Nagsusumigaw pa rin sa puso at isipan ko ang katotohanan na labis ko siyang sinaktan." seryosong bigkas ko. Hindi naman nakaimik si Mommy. Nakatitig lang siya sa akin bago tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at naglakad patungo sa pintuan ng silid.

 

"Magpapahanda ako ng pagakin. Ayusin mo ang sarili mo at bumaba ka. Ang laki na ng ibinagsak ng katawan mo dahil sa ginagawa mong iyan. Kung talagang pinagsisihan mo ang nangyari, tangapin mo na lang sa sarili mo na hindi na kayo pwede." seryoso niyang bigkas bago siya naglakad palabas ng silid.

 

Muling gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi ko. Nagpasyang patayin ang hawak kong sigarilyo gamit ang ash tray at pagkatapos noon, dinampot ko ang aking

cellphone. TAtwagan ko si Ike at tatanungin ko ang kalagayan ni Precious.

 

"Good Morning Boss!" kaagad din naman niyang sagot.

 

"Ike, kumusta? Ano ang ginagawa ni Precious ngayun? Nasaan siya?" seryosong tanong ko

 

"Yes Bos...kagabi ko pa nga sana gustong sabihin sa iyo na umalis din pala si Ms. Precious. Kumuha lang siya ng ilang mga gamit sa luma niyang bahay tapos nagpahatid sa isang bus station. Sakay ng bus ay dumirecho sila ng pier. Nasa biyahe siya ngayun patungo sa isang probensya na matatagpuan sa visayas."

 

kaagad na sagot niya sa akin

 

"Ano? Saan siya pupunta?' seryosong tanong ko

 

"Nakausap po namin ang kaibigan niya. Lalayo daw si Ms. Precious. Pupunta daw sa lugar na malayo sa anino mo para makalimot." seryosong sagot nito

 

HIndi ko naman mapigilan ang

maikuyom ang kamao ko.

 

Lalayo siya? Kung ganoon, useless din pala ang penthouse. Ayaw niyang tirhan at mas gusto niya pang talikuran ang lahat.

 

Gaano ba ako kasama sa mga mata ni Precious para magawa niya sa akin ito? Wala na talagang pag-asa na mapatawad niya ako?

 

Sa naisip kong iyun, hindi ko na naman mapigilan ang maluha. Sobrang nalulungkot ako sa mga nangyari

 

"May tao bang nakasunod sa kanya?" seryosong tanong ko.

 

"Yes Boss! Nag hire ako ng dalawang taong pwedeng sumunod-sunod sa kanya kahit saan siya magpunta. Huwag po kayong mag-aalala. Malakas si Ms. Precious at alam niya ang ginagawa niya." sagot din naman kaagad nito sa akin.

 

"Okay..sige. From time to time balitaaan mo ako kung saan sya nakarating. Maraming salamat sa impormasyon."seryosong sagot ko.

 

Kaagad ko na din namang pinatay ang tawag. Pagkatapos naming mag-usap ni Ike, direcho ako sa banyo para maligo.

 

Buo na ang desisyon ko. Kahit na saan pa magpunta si Precious, susundan ko siya. Hindi ko hahayaan ang sarili ko na mawalay siya sa paningin ko

 

Magmukha man akong baliw sa pananaw ng ibang tao, wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang sa ngayun ay ang muling makuh ang tiwala niya sa akin. Ang gusto ko lang ngayun ay ang makasama siya habambuhay.

 

Hindi ko kayang tuparin ang pangako ko sa kanya na hayaan na siya at palayain. Hindi ko yata kakayanin kung tuluyan siyang mawala sa akin. Kailangan ko siya. Kailangan ko si Precious sa buhay ko.

 

Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako ng kumportableng damit. Pagkatapos noon, dali-dali na akong lumabas ng kwarto at direcho sa labas ng bahay.

 

"Ihanda ang kotse. Aalis tayo ngayun." seryosong utos ko pa sa driver pagkalabas ko. Kaagad namang itong tumalima

 

"Lucian...teka lang! Saan ka pupunta?

 

Ready na ang mga pinaluto kong mga pagkain. Pwede bang kumain ka na muna? " mula sa likuran ko, narinig ko ang seryosong boses ni MOmmy. Malungkot ko siyang nilingon

 

"Susundan ko si Precious at baka ilang araw din akong hindi makakauwi."

 

kaagad ko ding sagot sa kanya! Napansin ko ang pagkadismaya na kaagad na gumuhit sa mga mata ni Mommy pero hindi ko na pinansin pa iyun. Walang lingon likod na tuluyan an akong sumakay ng kotse.

 

 

 

Chapter 90

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

TAHIMIK akong nakatanaw sa malawak na karagatan habang dinadama ko sa aking balat ang paghampas ng mabining simoy ng hangin.

 

HIndi ko alam kung masaya ba talaga ako sa paglayo kong ito. Naguguluhan ako. Alam kong sa pag-alis kong ito ay may tsansa din na hindi na muling magku-krus ang landas naming dalawa ni Lucian.

 

HIndi na kami magkikita at dapat masaya ako. Pero bakit kabaliktaran ang nararamdaman ko ngayun? Bakit sobrang lungkot ang nararamdaman ng puso ko?

 

Hindi ko mapigilan ang mapabuntong hininga. Mariin kong naipikit ang aking mga mata para pakalmahin ang sarili.

 

HIndi ko alam kung anong buhay ang naghihintay sa akin sa lugar na pupuntahan ko. Pero hindi ako natatakot. Ang pera na ibinigay sa akin n Lucian ay sapat na para mabuhay ako ng ilang taon

na hindi na kailangan magtrabaho.

 

Pero hindi...wala akong balak na tumambay. Pagdating sa lugar na kung saan ako mapapadpad ay ang una kong hanapin ay ang iskwelahan kung saan pwede akong mag-enroll. Pagkatapos, maghahanap ako ng pwede kong mapasukang trabaho.

 

Mag-isa na lang ako ngayun. Wala na akong ibang aasahan pa kundi ang sarili ko lang.

 

"Juice?" wala sa sariling napabaling ang tingin ko nang may biglang nagsalita sa tagiliran ko. Isang babae at isang bading na kung hindi ako maaaring magkamali ay halos kasing edad ko lang. Paeho silang may hawak na pagkain sa kanilang kamay. Ang isa ay isang umuusok na cup noodles samantalang ang isa naman ay naka-plastic pa na napapansin ko na may nakabalot na dahon ng saging

 

"Naku, thank you! Ayos lang po ako." nakangiti kong sagot sabay iwas ng tingin. Uso pa naman ang budol sa panahon ngayun kaya hindi ako dapat magtiwala sa kahit kanino. Baka mamaya budol ito at sa kangkungan ako pupulutin.

 

"Ako nga pala si Sapphire, siya naman si Ruby." nakangiting pakilala sa akin ng babae sabay ipinakilala niya na din ang lalaking kasama niya.

 

"Amber." sagot ko din naman kaagad.

 

"Wow, puro klase ng bato ang pangalan natin ah? Ang galing naman." nakangiting kaagad na sagot naman ng baklang si Ruby. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti

 

Mukhang makulit sila. Pero ang tanong mababait kaya sila. Haysst, bakit ayaw pa nilang umalis? Ayaw ko munang makipag -usap kahit kanino.

 

"Tikman mo ito, Amber. Masarap ito." nakangiting muling wika ni Sapphire.

 

Napatingin ako sa hawak niyang plastic at hindi nga ako nagkamali. Mga pagkain ang laman noon na nababalutan ng dahon ng saging.

 

"Naku, nakakahiya naman sa inyo. Hwag na lang. Busog pa ako." pilit ang ngiting sagot ko

 

"Ganoon ba? Sige...mamaya na lang tayo kakain. Siya nga pala....kaya kami lumapit sa iyo dahil gusto sana namin magtanong ni Ruby. May alam ka bang matitirhan pagdating sa desitinasyon natin?"

 

nakangiting tanong niya sa akin. HIndi ko tuloy mapigilan ang magtaka. Natawa naman si Ruby.

 

"Mag best friend kaming dalawa ni Sapphire at pareho din kaming naglayas.

 

Paano ba naman kasi, sobrang toxic na ng mga magulang namin sa Manila. Imagine, nahuli lang kaming magkatabi nitong si Seperina sa kama, gusto na kaagad kaming ipakasal. Eh, hindi ko nga siya type diba?" mahabang paliwanag ni Ruby.

 

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapakunot noo dahil sa matinding pagtataka.

 

Seperina daw? So, Seperina talaga ang pangalan ni Sapphire? hmmm!

 

"Tumigil ka nga diyan Robinhood. Kung hindi ka sana lalasing - lasing kang ugok ka at tumabi sa akin sa kama, wala sana tayo sa sitwasyon ngayun." angal din naman kaagad ni Seperina...este Sapphire or whatever.

 

Well, Robinhood pala at naging Ruby dahil bading nga. Hyassst, mukhang kagaya ko, mangangapa din yata sila pagdating namin sa lugar na pupuntahan namin.

 

Pare-pareho pala kaming dayo eh.

 

"How about you, Amber. Baka naman may alam kang paupahan pagdating natin sa lugar na iyun?" seryosong tanong na naman ni Sapphire. HIndi ko naman mapigilan na pakakatitigan siya. Mukha naman siyang mabait at pwede ko naman siguro silang pagkatiwalaan

 

"Ahmmm, wala din eh. Magiging dayo lang din ako sa lugar na iyan." pilit ang ngiting sagot ko

 

"What? As in dayo? Gosh, naglayas ka din ba?" namimilog ang mga matang tanong ni Ruby. Hindi ko naman mapigilan ang matawa sa naging hitsura nito.

 

"Hindi naman. Iba ang kwento ko sa kwento niyo pero huwag niyo na akong tanungin dahil wala akong balak na sabihin sa inyo." nakangiti kong sagot.

 

Well, tuluyan na nga sigurong nakuha ng dalawang ito ang tiwala ko at wala naman sigurong masama. Mag-iingat na lang ako. Hindi ako pwdeng pakampante sa panahon ngayun.

 

 

 

Chapter 91

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ

 

"Alam niyo girls, kinakabahan ako. Paano kung hindi mag work out? I mean...paano kung hindi tayo makakahanap ng bahay na titirhan sa lugar na pupuntahan natin? Balita ko pa naman marami daw aswang sa lugar na iyan?" narinig kong wika ni Ruby. Nakasandal siya sa upuang kahoy habang nakatitig sa karagatan. Ako naman ay pilit na inuubos ang iniinom kong fresh juice na hawak ko.

 

Tuluyan na ngang nagkapalagayan ang loob namin. kusa akong binilhan nitong si Ruby ng pagkain at juice. Friends na daw kami at wala daw akong karapatan na tumanggi.

 

"Haysst, magtiwala ka lang. Makakahanap din tayo.' balewalang sagot naman ni Sapphire sabay labas ng kanyang cellphone. Pagkatapos noon, nagyayaya ito ng selfie. Hanggang sa nauwi sa picture-picture ang lahat.

 

Habang nagtatagal ang biyahe, nakakaramdam na din akong bored. Kahit na nakaupo lang kami at nakatitig sa malawak na karagatan, nakakaramdam na din ako ng pagod. Parang gusto ko tuloy pagsisisihan kung bakit nag-barko pa ako. Pwede namang mag eroplano na lang

 

Isa pa sa pinag-aalala ko, gabi ang dating namin sa nasabing lugar. Paano kami makakahanap ng mauupah kung ang pagdaong nitong barko ay gabi? Haysst, hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa kong ito.

 

"Wala sa sariling napasandal na din ako sa aking upuan. Hanggang sa hindi ko na namalayan pa na nakatulog na pala ako.

 

Muli akong nagising nang maramdaman ko ang pagkalabit ng kung sino sa braso ko. Nang imulat ko ang mga mata ko tumampad sa paningin ko ang nakangiting mukha ni Sapphire.

 

"Amber.....nandito na tayo. Maghanda ka na. May mga bagahe ka bang dala? Tutungan ka na namin." nakangiti niyang wika. Iniibot ko ang tingin at nang mapansin ko na naghahanda na din ang iba pang mga pasaherong kasama namin, pasimple akong napasuklay sa aking buhok gamit ang aking kamay. Pagkatapos noon, tinuro ko ang bag na nasa gilid ng upuan ko

 

"Mga damit lang naman ang laman niyan at kaya ko na." nakangiti kong sagot

 

"Ako na ang bahalang magbitbit niyan Amber. Iyang handbag mo ang ingatan mo. Hindi natin kabisado ang lugar at baka maraming masasamang loob sa paligid. Lalo na at pier ito at halo-halo ang mga tao." sagot naman kaagad ni Ruby. Dinampot na nito ang itinuro kong bag at inilagay sa kandungan niya. Paroon at parito na din ang mga pasahero at excited nang bumaba.

 

"Huwag na muna tayong makipagsabayan sa maraming pasahero. Mamaya na tayo bababa. Tutal naman, hindi natin alam kung saan talaga tayo pupunta." suggest naman ni Sapphire na sinang-ayunan naman kaagad namin ni Ruby.

 

Habang naghihintay kami sa aming tuluyang pagbaba, napansin kong walang kahit na anong bitbit ang dalawa kung hindi parehong maliit na backpack lang. Well, mga naglayas nga pala sila at wala nga talaga siguro silang bitbit na kahit na anong gamit.

 

Naging maayos naman ang sumunod sandali. Hindi nga kami sumabay sa dagsa ng maraming pasahero pababa. Nang mapansin namin na maluwang na ang daaan, dali-dali na din kaming bumaba ng barko

 

Pagkalabas namin, naglakad pa kami ng ilang metro. Mabuti na lang talaga at nakilala ko sila Sapphire at Ruby. Kung hindi lagot na.

 

Sa dami ng mga tao sa buong paligid at sa dami ng mga nag-alok ng kung anu-ano hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko din alam kung saan ako patutungo

 

Mabuti na lang talaga at marunong magtanong-tanong si Ruby. Itinuro kami ng isa sa napagtanungan niya na sumakay daw kami ng tricycle at may hotel daw dito lang malapit sa pier. Gabi na at wala talagang choice kundi sa hotel kami magpalipas ng gabi

 

"Magsama na lang tayo sa iisang silid, Amber. Ikaw naman Ruby, kuha ka na lang ng sariil mong room dahil kahit na kilos babae ka, lalaki ka pa rin noh." direktahang wika ni Seferina nang tuluyan na kaming nakababa sa tricycle. Kaagad akong nag-abot ng pambayad. Dinagdagan ko na since, unang apak namin sa lugar na ito.

 

"Okay, sabi mo eh. Wala naman akong magagawa diba?" kaagad din namang sagot ni Ruby. Pigil ko naman ang sarili kong mapataas ang kilay. Wala naman talaga siyang magagawa. Sa akin ayos lang na makasama siya sa iisang silid pero dahil ayaw ni Seferina, kailangan kong igalang iyun. Lalo na at sampid lang ako sa pagkakaibigan nilang dalawa.

 

Buti nga nakilala ko sila eh. HIndi ko talaga ma-imagine sa sarili ko kung mag-isa lang ako. Feeling ko nga ngayun, nakasandal na ako sa kanila eh

 

Mabait pa rin naman pala ang langit sa akin dahil may nakilala akong mga taong pwede ko sigurong mapagkatiwalaan.

 

Chapter 92

 

LUCIAN MONTEFALCO FERRERO

 

"Kumusta si Precious?" seryosong tanong ko kay Ike. Gabi na at nandito pa rin ako sa loob ng opisina. Hindi para magtrabaho kundi ang tumambay habang hinihintay ang balita tungkol kay Precious.

 

Kung kumusta na ito at ano ang ginagawa nito ngayun. Kumain na kaya siya? Kumusta kaya ang kalagayan niya? Ininom niya kaya ang mga gamot niya? Mga katanungan sa isipan ko na naghahanap ng agarang kasagutan.

 

"Nakadaong na ang barko na sinasakyan nila, Boss. Kasalukuyan silang nasa isang hotel ngayun." seryosong sagot naman kaagad ni Ike.

 

Sila...dahil kasama na ni Precious ngayun ang dalawang tao na magiging kasa-kasama niya sa lahat ng oras. Sila Seferina at Robinhood na ilang taon ko na din palang bodyguards. Nagbago na ang isip ko...hindi baguhang tauhan ang pinasunod ko kay Precious. Para naman maging palagay ang loob ko sa lahat ng oras.

 

"Heto nga po pala ang mga larawan ni Ms. Amber habang kasama nila Boss. Medyo aloof si Ms. Amber noong nilapitan nila pero nakuha din nila ang loob nito. Siguro, nag-aalala din si Ms. Amber kung ano ang mangyayari sa buhay niya pagdating niya sa hindi niya kabisadong lugar." mahabang wika ni IKe sabay abot sa akin ng cellphone. Dali-dali kong tinangap iyun at hindi ko mapigilan ang mapangiti nang tumampad sa paningin ko ang larawan nito.

 

Nakikita ko ang pagod sa mukha niya pero nakangiti siya. Siguro, masaya din talaga siya sa paglayo niyang ito sa akin.

 

"Regarding nga po pala kina Lauren, Aurora at Petra....nakausap ko na ang pamunuan ng casa na pakawalan na sila. Bukas na bukas din lalabas na sila, Boss." seryosong muling wika ni Ike. Napatitig ako dito bago tumango-tango.

 

"Alam mo na kung ano ang gagawin mo sa kanila. Hindi pa tapos ang parusa na gusto kong igawad sa kanila. Nag-uumpisa pa lang kami." seryosong bigkas ko. Kaagad namang tumango si Ike pero hindi na siya muling nagsalita pa.

 

Isa-isa kong muling tinitigan ang mga larawan ni Precious. Sa ngayun, magkasya na lang siguro ako sa kakatitig sa mga larawan niya. Or di kaya ang panoorin siya habang nasa malayo ako. Iyun lang ang tangi kong magagwa ngayun kay Precious dahil ayaw ko siyang pilitin na gawin ang isang bagay na ayaw niya. Ayaw ko na siyang makita pang umiyak at magdusa nang dahil sa akin.

 

Mukhang okay naman siya pero kitang kita na sa mukha niya ang pagod. May mga kuha ng larawan na kumakin siya, natutulog siya habang nakasandal lang sa upuan. Iba-iba at sapat na para sa akin na kahit papaano, mapanatag ang kalooban ko.

 

"Naka-ready na din po ang bahay na titirahan ni Ms. Amber kasama sila Robinhood at Seferina. Pati na din ang iskwelahan na pwede niyang enrolan. Sila Robinhood at Seferina na ang bahala sa lahat lahat. Kahit sa loob ng iskwelahan, makakasama niya sila Ruby at Sapphire dahil no choice sila kundi ang kunwari ay mag-enroll din." muling wika ni Ike. Muling gumuhit ang masayang ngiti sa labi ko

 

Alam kong waste of time and money ang ginagawa kong ito kay Amber dahil kailangan kong maglabas ng malaking halaga para dito. Nag-donate lang naman ako ng isang library at ilang pirasong computers at table sa nasabing iskwelhan. Biglang nagin philanthropist ako dahil kay Precious.

 

Ito lang din kasi ang naisip kong paraan para masiguro ko na nasa maayos siyang kalagayan. Hindi ko kayang mawalay siya sa paningin ko kaya ko ito ginagawa. Gusto kong safe siya sa lahat ng oras.

 

"Ihanda ang chopper. Gusto kong sundan siya sa lugar na iyun at masigurado kung nasa maayos ba siyang kalagayan." seryosong utos ko kay Ike. Kaagad naman itong tumalima.

 

Pagkatapos kong isa-isang titigan ang mga larawan ni Precious, wala sa sariling napasadal ako sa swivel chair,. Ilang linggo ko pa lang siyang hindi nakikita sa personal, pero miss na miss ko na siya.

 

Hindi ko alam kung hanggang saan at kailan ako makakaramdam ng matinding kalungkutan. Hindi ko din alam kung kakayanin ko ba ang lahat-lahat. Basta ang alam ko, miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na ang pinakamamahal kong si Precious.

 

 

Chapter 93

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

Siguro, dahil sa matinding pagod, kaagad na din akong nakatulog sa hotel kung saan kami nag check - in tatlo nila Ruby at Sapphire. Kinaumagahan, nagising ako sa amoy ng halimuyak na pagkain.

 

Dali-dali akong napabangon mula sa kama at kaagad na sumalubong sa paningin ko ang nakangiting mukha ni Sapphire.

 

"Mabuti naman at gising ka na. Hindi ko na natiis ang gutom, umorder na ako ng makakain natin." nakangiti nitong wika sa akin. Dali-dali naman akong bumaba ng kama at naglakad patungo sa banyo para makapaghilamos at mumog muna

 

Nakakahiya namang makipag-usap kay Sapphire gayung halatang nakaligo na siya samantalang ako, tulog mantika pa rin pala.

 

Pagkatapos kong gumamit ng banyo, dali-dali na din akong lumabas. Naabautan ko si Sapphire na nakaupo sa kama niya habang nakakatutok ang mga mata niya sa telebisyon

 

"Pasensya ka na Sapphire ha..napasarap yata ang tulog ko. Kumain ka na ba?" nakangiti kong tanong sa kanya! Dali-dali namang lumingon siya sa akin kasabay ng paguhit ng ngiti sa labi.

 

"Hindi pa! Hinihintay talaga kita para sabay na tayong kumain." sagot niya naman din kaagad at mabilis na tumayo. Naglakad sa maliit na mesa kung saan nakapatong ng mga pagkain na inorder niya

 

"Naku, dapat kumain ka na. Nakakahiya naman sa iyo." nahihiya kong bigkas.

 

"Naku, huwag ka nang mahiya. Simula ngayung araw, magkaibigan na tayo." nakangiti nitong sambit. Iniabot niya sa akin ang isang paper plate na kaagad ko din namang tinangap.

 

Mukhang galing pa sa isang mamahaling restaurant ang mga pagkain na nakahain. Hindi ko lang din alam kung coinsedense lang ba ang lahat pero lahat ng mga pagkain na nasa harapan namin ay puro mga paborito ko. Ito iyung mga pagkain na palaging inoorder sa akin ni Lucian tuwing kumakain kami sa labas.

 

Sa naisip kong iyun, hindi maipaliwanag na lungkot ang nararamdaman ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito pero bigla kong na-miss si Lucian. Ako ang kusang lumayo sa kanya at dapat masaya ako pero bakit may nararamdaman pa rin akong kirot sa puso ko?

 

"Kain na tayo, Amber? Teka lang, tulala ka na diyan ah? Hindi mo ba gusto ang mga pagkain?" bumalik lang ako sa hwesyo nang biglang nagsalita si Sapphire. Nahihiya tuloy akong napayuko

 

"Naku, pasensya ka na, Sapphire. May -may bigla lang kasi akong naalala." nakangiti kong sagot kasabay ng paghugot ko ng malalim na buntong hininga.

 

Hindi ako pwedeng magpadala sa nararamdaman ko. Dapat ko nang kalimutan si Lucian. Dapat ko nang kalimutan ang nakaraan para sa katahimikan ng lahat.

 

Mui akong napatingin sa mga pagkain.

 

Aware ako sa sarili ko na kailangan kong magshare sa lahat ng mga expenses namin.

 

"Siya nga pala Amber, nagpaalam kanina sa akin si Ruby na lalabas daw siya. Uumpisahan na daw niya ang paghahanap ng bahay na pwede nating tirhan." nakangiti nitong wika sa akin.

 

Hindi ko naman mapigilan ang

mapakunot noo

 

"Naghahanap na siya? Nang siya lang? Naku, baka naman kung mapaano si Ruby, Sapphire. Dapat pala ginising niyo na lang ako kanina para masamahan natin siya." nahihiya kong bigkas.

 

"Ano ka ba! Ayos lang. Huwag kang mag-alala, matalino at madiskarte iyun si Ruby. Babading-bading lang iyun pero malakas iyun." nakangiti niyang sagot sa akin. Hindi na ako nakaimik pa at itnoon ko nalang ang buo kong pansin sa mga pagkain na nasa harapan namin

 

Gusto ko sanang tanungin si Sapphire tungkol sa mga personal na buhay niya pero nahihiya naman ako. Pero feeling ko, galing siya sa mayamang pamilya. Lalo na at itong kinakain namin ngayun ay mukhang galing sa mamahaling restaurant.

 

Pagkatapos namin kumain, nagpahinga lang ako ng kaunti at kaagad na ding naligo. Samantalang si Sapphire naman ay muling bumalik sa higaan habang bitbit ang kanyang cellphone. Mukhang may kapalitan siya ng mensahe dahil tutok na tutok ang mga mata niya sa kanyang cellphone

 

Pagkatapos kong maligo, kaagad akong nagsuot ng kumportableng damit. Hihintayin lang namin si Ruby at magtsi-check out na din kami.

 

"Amber, ready ka na ba? Check out na daw tayo. Nakahanap na ng bahay si Ruby. "nakangiting kaagad na balita sa akin ni Sapphire pagkalabas ko ng banyo. Kaagad naman akong nakaramdam ng tuwa.

 

Mabuti na lang talaga at nakahanap kaagad ng bahay si Ruby. Mas makakatipid kasi kami kung mangupahan kami ng bahay kaysa mag stay sa isang hotel.

 

 

 

Chapter 94

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

DITO tayo titira? Hindi ba mahal dito?" hindi ko mapigilang sambit haban inililibot ko ang tingin sa paligid

 

Isa itong two story house na may dalawang bathroom at tatlong bedroom. Tag-isa daw kami kada kwarto. May malaking sala at malaking kusina. Gayunpaman, para sa akin hindi advisable na dito ako titira lalo na at kailangan kong magtipid.

 

"Ano ka ba? Ito na iyung pinakamura sa lugar na ito, Amber. Tsaka diba sabi mo gusto mong bumalik sa pag-aaral? May malapit na University sa lugar na ito kaya very convenient sa atin kung dito tayo titira." paliwanag ni Sapphire sa akin.

 

"Ganoon ba? Sige...pero siguro pansamantala lang ako sa bahay na ito, Sapphire. Baka kasi hindi talaga kakayanin ng budget ko eh." nakangiti kong sagot.

 

Nahihiya na ako sa kanila. Kanina sa hotel, nilibre nila ako. Pati na din sa pagkain. Ang expenses ko lang simula noong nagkakilala kami ay ang bayad sa tricycle na sinakyan namin kagabi.

 

Although, may pera naman ako pero kailangan kong tipirin iyun lalo na ngayung hindi pa ako nakakahanap ng trabaho.

 

"Don't worry, kung hindi kaya ng budget, kami ang bahala sa iyo. Kahit na hindi ka namin kasama, ganitong bahay pa rin naman ang kukunin namin. Para kasing napakaganda ng lugar at tahimik." nakangiting wika ni Sapphire. No choice na ako kundi ang pumayag na lang.

 

Ang pinakamaliit sa tatlo ang pinili ko. Pinilit pa nga nila ako na doon na lang daw ako sa masters bedroom pero hindi na ako pumayag. Nakakahiya na din kasi talaga sa kanila. Nag-abot ako kanina ng share ko sa downpayment pero sinabi sa akin ni Ruby na binayaran niya na daw. Magsasabi daw sila sa akin kung kailan ako magsi-share which is nagtataka na din ako.

 

Halos kasi ilibre na nila ako eh. Siguro babawi na lang ako pagdating sa paglilinis ng bahay at expenses sa pagkain.

 

Tama, iyun na lang ang gagawin ko. Makabawi man lang ng kahit kaunti sa kanila.

 

Nagkanya-kanya na kami pasok sa aming mga silid. Mabuti na lang talaga at malinis ang buong paligid. Mabango ang kwarto at may sapin na din ang kama.

 

Kaagad ko na ding inayos sa isang kabinet ang iilan kong mga gamit. Saktong pagkatapos kong mag-ayos, isang katok sa pintuan ang narinig ko.

 

"Amber...lalabas kami. Sama ka sa amin. Bibili kami ng mga gamit namin at the same time, kakain na din." nakangiting pagyayaya sa akin ni Sapphire na kaagad naman din akong pumayag.

 

Marami pa akong mga kailangang bilihin na mga personal na gamit. Kahit nga mga toiletries wala ako eh. Ang init pa naman ng panahon at parang gusto kong maligo

 

"Sige...sama ako." nakangiti kong sagot. Pumasok lang ako sa saglit sa aking silid para kunin ang aking handbag.

 

Ilang saglit lang, sakay ng isang tricycle, bumiyahe kami sa kalapit na mall. Tama nga si Ruby, convenient nga siguro ang bahay na nakuha namin dahil nang papunta kami sa mall, nadaanan din namin ang isang University na pag eenrolan namin. Malaki ang nasabing iskwelahan at sana lang talaga makapasok din ako.

 

Pagdating namin sa mall, kanya-kanya na kami bili ng mga kailanganin namin. Medyo maraming tao kaya naman feeling ko ang sikip ng buong paligid

 

Kasalakuyan akong naghahanap ng tsinelas ng mula sa kinatatayuan ko may nahagip akong isang familiar na bulto. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako dahil feeling ko talaga, mula sa peripheral vision ko, para talagang nakita ko si Lucian eh. Nakita ko siyang nakatayo malapit sa may elevator kaya naman dali-dali akong naglakad patungo doon

 

Pagkalapit ko, wala naman akong nakitang Lucian. Oo, maraming mga taong nasa paligid pero walang Lucian akong napansin. Pero kung totoo man si Lucian iyun ano ang ginagawa niya sa ganitong lugar?

 

Ipinilig ko ang aking ulo. Imposible talaga na makita ko si Lucian gayung ang layo ko na sa Metro Manila. BAka nga hindi niya alam kung nasaan na ako ngayun eh

 

"Amber, tapos ka na bang mamili? Ano ang ginagawa mo dito?" abala pa rin ako sa kakasuyod ng tingin sa buong paligid nang marinig ko ang tanong na iyun ni Ruby. Dali-dali akong napapapihit paharap sa kanya habang may pilit na ngiti na nakaguhit sa labi

 

Hmmn, patapos na. Teka lang, nasaan si Sapphire?" nagtataka kong tanong.

 

"Nagbanyo lang saglit. Nasaan nga pala ang mga pimaili mo? Magbayad na tayo para makakain na tayo. Marami pa tayong gagawin. Mago-grocery pa tayo ng mga kailangan natin." nakangiti iyang sagot.

 

Kaagad na din naman akong pumayag. Nabili ko na ang mga personal kong mga pangangailangan at sana lang talaga wala akong nakalimutan..

 

Nagkanya-kanya na kami bayad ni Ruby sa mga pinamili namin. Sakto naman na kakatapos lang namin magbayad dumating din si Sapphire. Pawis na pawis ito na akala mo galing sa labas.

 

"Ano ang nangyari sa iyo? Akala ko ba galing kang banyo? Bakit pawis na pawis ka?" nagtataka ko pang tanong dito

 

"Ha? Ah, oo eh. Ano kasi, ang pangit ng banyo nila dito. Walang aircon. Ang init." nakangiti niyang sagot.

 

Hindi na ako nakasagot pa dahil sa hindi na namang inaasahan na pagkakataon, parang may nahagip na naman ang paningin ko. Si Lucian. HIndi talaga ako maaring magkamali. Si Lucian iyun......

 

 

 

Chapter 95

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

NAKAPAMILI at muli kaming nakabalik ng bahay ng matiwasay. Pagod na pagod ang pakiramdam ko pero kailangan kong tumulong sa pag-aayos ng mga pinang-grocery namin. Ang mga binili ko na mga personal kong mga pangangailangan ay tsaka ko na lang aayusin.

 

"Siya nga pala Amber, Ruby. Bukas, try nating pumunta sa School para makapag enroll na tayo. Next month, pasukan na at excited na ako." nakangiting wika ni Sapphire sa aming dalawa ni Ruby. Sabay na din kaming tumango.

 

Kinabukasan maaga pa lang nakaligo na ako. Balak ko din sanang magluto ng aming breakfast pero pagbaba ko ng

kusina, naabautan ko si Ruby na abala na sa pagluluto. Wala sa sariling napatingin ako sa orasan na nasa wall at nang mapansin ko na halos alas sais pa lang ng umaga, hindi ko tuloy maiwasan na magtaka.

 

"Ehemmm, Good Morning! Ang aga mo naman gumising, Ruby?" nagtataka kong tanong. Mabilis naman siyang pumihit paharap sa akin.

 

"Good Morning din sa iyo, Amber. Oo eh... namamahay kasi ako kaya nagboluntaryo na akong magluto. Si Sapphire, tulog na tulog pa. Ikaw, bakit ang aga mo naman yatang gumising?" nagtataka niyang tanong.

 

"Tuloy-tuloy ang tulog ko kagabi kaya maaga akong nagising ngayun. Naku, dapat ako na ang nagluto eh. Nakakahiya na sa iyo, Ruby." sagot ko din naman kaagad sa kanya.

 

"Huwag ka nang mahiya. Teka lang, malapit na ito. Gusto mo na bang kumain?. "nakangiting tanong niya sa akin.

 

"Maaga pa. Teka lang, labas muna ako. Titingnan ko kung anong trabaho ang pwedeng gawin sa labas." sagot ko din naman kaagad sa kanya at pagkatapos noon, mabilis na akong naglakad paalis. Dire-direcho ako sa labas ng bahay.

 

Hindi ko mapigilan ang paguhit ng ngiti sa labi ko nang bumungad sa paningin ang tahimik na kapaligiran. Maunlad na lungsod ang lugar na kinaroroonan namin, pero damang dama ko pa rin ang probensya vibes. Ibang iba ang katahimikan ng umaga kumpara sa Metro Manila.

 

"Parang ang sarap mag jogging."

 

mahinang bulong ko sa sarili. Naglakad ako patungo sa gate at walang sabi-sabing lumabas. Isang subdivision ang kinaroroonan namin at sa katapat naming bahay ngayun ko lang din napansin na para bang may nakatira na. May tatlong itim na kotse ang nakaparada sa harapan ng bahay niya. Dalawa sa loob ng gate at ang isa naman ay nasa harapan lang. Sa gilid ng kalsada.

 

"Siguro mayaman ang nakatira sa bahay na iyan. Homeowners siguro." mahina kong bulong. Kumpara sa bahay na tinitirhan namin, mas hamak na malaki ang bahay na nasa harapan namin. May mga cctv din akong napapansin na nagkalat sa buong paligid.

 

Tahimik lang akong nakamasid nang mapansin ko ang biglang pagbukas ng pintuan. Mula sa loob, may lumabas na isang lalaki. Isang matangkad at matikas na lalaki na para bang familiar sa akin ang mukha.

 

"Good Morning, Amber." sinusundan ko ng tingin ang nasabing lalaki hanggang sa makasakay na ito ng kotse nang marinig ko ang masayang pagbati ni Sapphire. Kaagad din naman akong napalingon sa kanya.

 

"Hi! Good Morning. Ngayun ko lang napansin, may nakatira na din pala diyan sa kabila?" nagtataka kong tanong. Napatingin naman sa gawi na iyun si Sapphire sabay ngiti

 

"Ngayun ko lang din napansin. Teka lang, halika na. Pasok na tayo sa loob, ready na ang pagkain. Nakaluto na ang cook natin.: "natatawa niyang sagot sabay hila niya sa akin papasok sa loob ng bahay

 

. Kaagad din naman akong napasunod sa kanya pero bago iyun, napalingon pa ako sa nasabing bahay at hindi ko mapigilan ang malakunot nooo nang biglang nahagip ng paningin ko ang pagalaw ng kurtina sa second floor ng nasabing bahay.

 

Kitang kita ko din ang biglang pag-alis ng taong nakadungaw doon kanina. Hindi ko siya masyadong namukhaan dahil ang bilis ng pangyayari pero alam kong lalaki siya.

 

Chapter 96

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

NAGING maayos ang sumunod na mga araw at buwan sa buhay ko. Nakapasok kami sa iskwelahan kung saan kami unang nag enroll at hindi matatawaran ang tuwa na nararamdaman ng puso ko.

 

Alam kong nag-uumpisa na akong muling makabangon. Habang nagtatagal din ang pagsasama naming tatlo nila Sapphire at Ruby sa iisang bubong lalo din kaming naging closed sa isat isa.

 

Hindi ko nga alam kung coincidence lang ba ang lahat dahil pare-pareho pala kami ng kurso na kinukuha. Magkapareho din kami ng year. Noong una nagtataka ako pero noong nakita ko naman na masigasig din sila kagaya ko sa kani-kanilang pag-aaral, noon ko napatunayan sa sarili ko na kagaya ko lang din sila. Isang tao na walang ibang gusto kundi ng makapagtapos sa pag-aaral

 

Mabuti na lang talaga at nakilala ko sila. Siguro, bumabawi ang pagkakataon sa akin ngayun. Noong akala ko na walang wala ako at feeling ko nag-iisa lang ako, tsaka naman sila dumating sa buhay ko

 

"Anong sabi mo? Gusto mong maghanap ng part time job?" seryosong tanong sa akin ni Sapphire. Inopen-up ko kasi sa kanila na gusto kong isingit ang pagta-trabaho. Malayo pa ang lalakbayin ng pag-aaral ko at natatakot akong baka maubos ang pera na nasa account ko.

 

Although, malaking halaga pa naman ang laman niyun pero habang tumatagal, lumalaki din ang gastusin ko. Mas maganda na din siguro na ngayun pa lang, maghanap-hanap ako ng trabaho bilang pandagdag sa lumalaki kong gastusin. Nahihiya na din kasi ako dito kina Sapphire at Ruby eh. Sila na lang palagi ang nanlilibre sa akin

 

"OO eh. Actually, noon ko pa ito gustong gawin kaya lang nag-aalangan din ako lalo na at bago sa mga mata ko ang lugar na kinaroroonan natin. Pero ngayun, gusto ko na ulit subukan. Idedeclare ko naman sa mapapasukan ko na working student ako at baka sakaling pumayag sila sa time na available ako." nakangiti kong sagot

 

"Kaya lang, Amber....kaya mo ba? Teka lang kung gipit ka pwede ka naman namin tulungan ah? HIndi lang namin nabangit sa iyo pero sobra-sobra ang allowance na binibigay sa amin ng parents namin. Hindi ba, Sapphire?"

nakangiting wika ni Ruby.

 

"Oo naman. Actually, hindi niyo lang alam pero nakaipon na din ako sa mga allowances na bigay ni Daddy sa akin." nakangiting kaagad namang sabat ni Ruby.

 

"Sa inyo iyun. Tsaka sa dami nang libre na ibinigay niyo sa akin, nahihiya na din ako eh. Sorry talaga guys pero kailangan kong gawin ito. Hanggang alas tres lang naman ng hapon ang subjects ko buong linggo except thursday kaya naman kayang kaya ko ito. Siguro, mula alas sinko hanggang alas diyes na work ay kayang kaya ng oras ko." nakangiti kong wika

 

'What? Hindi pwede, Amber. Mahirap iyun. Baka naman sa ginagawa mong iyan mapabayaan mo ang pag-aaral mo. Tsaka, paano ang tulog mo niyan." seryosong sagot ni Saphire.

 

"Kaya ko iyan. Hindi ko pa ba nababangit sa inyo na sanay na sanay ako sa puyatan? Huwag kayong mag-aalala. Mag-iingat naman ako eh tsaka kung hindi ko naman kaya, hihinto din naman kaagad ako." nakangiti kong sambit

 

"Haysst, mukhang buo na talaga ang loob mo. Well, ano pa nga ba ang magagawa namin kundi ang suportahan ka sa gusto mo." seryosong sagot ni Ruby.

 

Pagkatapos nga naming pag-usapan tungkol sa paghahanap ko ng trabaho, naging supportive naman sila sa akin. Si Ruby pa nga ang nagsabi sa akin na may isang coffee shop daw siyang alam na naghahanap ng crew. Dali-dali din naman akong nag-apply at mabuti na lang talaga at na-hire ako.

 

Bukas ang nasabing coffee shop mula alas siete ng umaga hanggang alas diyes ng gabi. Open daw sila sa mga working students na kagaya ko kaya naman ang kinuha kong schedule ay alas sinko ng hapon hanggang alas diyes ng gabi. Kapag thursday naman, alas siete ako papasok dahil hanggang alas sinko noon ang huling subject ko. Linggo ang day off ko kaya may time pa talaga para makapag pahinga ako sa loob ng isang linggo.

 

Para naman sa akin, sisiw lang ang ganitong schedule compare noong nasa Manila ako na halos hindi na natutulog.

 

Lalo na noong kasagsagan ng pagkakasakit ni Mommy.

 

Naging smooth naman ang mga sumunod na sandali sa buhay ko. Naging routine ko ang bahay, school at trabaho. Noong mga unang linggo medyo hirap pa ang katawan ko sa bago kong schedule pero hindi naman naglaon nasanay na din ako.

 

Lalo na at kuntudo support sa akin ang mga kasama ko sa bahay na sila Sapphire at Ruby.

 

"Amber.....ready na ang mga orders ng table 5. Ano ba iyan, ayaw nilang tumayo kahit na kanina pa naka flash ang number nila sa screen. Pwede bang ikaw na lang ang maghatid kasi tambak pa ang mga orders natin eh." abala kaming lahat dahil dagsa talaga ang mga costumers dito sa coffee shop ngayung araw. Paano ba naman kasi, weekend bukas at mukhang hindi kami makakapagsara nito sa tamang oras.

 

Well, willing naman akong mag-overtime dahil Sabado kinabukasan at wala din akong pasok sa School. Kapag weekends talaga medyo mahaba ang pahinga ko. Sunday naman ay day off ko.

 

"Okay.....ako na ang bahala." nakangiti kong wika sabay bitbit ng order ng isang costumers na nasa isang tray na ayaw daw lumapit sa counter para kunin ang order. Iyun nga lang, nang makalapit ako, hindi ko mapigilan ang mapakunot noo sa gulat nang makilala ko ang nasabing costumer.

 

Walang iba kundi ang Mommy ni Lucian na si Mrs. Carmina Ferrero.

 

 

 

Chapter 97

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"YOUR orders po Mam." buong pagalang kong sambit sabay lapag ng mga inorder nila sa kanilang mesa. Umaasa ako na sana huwag syang tumingin sa akin at huwag niya akong makilala.

 

Siya lang naman kasi ang Mommy ni Lucian at hindi ko alam kung bakit nandito siya sa lugar na ito. Masyado nang malayo ang Metro Manila sa lugar na ito.

 

Tsaka, sino itong kaharap niya? Isang babae na halos kasing edad ko lang na halatang closed siya sa Mommy ni Lucian.

 

"Tita, may iba pa ba kayong gustong orderin. Sakto, nandito ang waitress. Pwede pa tayong umorder nang anything na gusto niyo po habang hinihintay natin si Lucian." narinig kong sambit ng babae. Hindi ko naman maiwasan na magulat. Bigla ding dagsa ang kaba sa puso ko nang marinig ko ang katagang yun.

 

Darating si Lucian? Pero bakit dito? I mean, sa dami ng mga coffee shop sa lugar na ito dito pa talaga? Tsaka ano ba ang ginagawa nila s lugar na ito?

 

"NO, nothing. Enough na muna ito. Anytime naman pwede pa tayong umorder kung gusto natin." narinig kong bigkas ni Mrs. Carmina gamit ang seryoso niyang boses. Akmang aalis na sana ako sa table nila nang muli na naman siyang

nagsalita.

 

"Thank you! And Miss, padagdag na lang din ng tissue." muling bigkas nito. Ni isang sulyap ay hindi niya ginawa sa akin kaya laking tuwa ko. Mas maganda nga yun para may dahilan talaga para hindi niya ako mamukhaan.

 

Muli akong bumalik ng counter para kumuha ng tissue at muling bumalik sa table niya at inlapag iyun.

 

"Anything else Mam?" pormal kong tanong sa kanya nang maibigay ko na ang request niya pero umiling lang siya at hindi na nagsalita. Kaya lang bida-bida talaga siguro ang kasama niya dahil bigla itong sumabat.

 

"No! Nothing! Pero gusto kong paantabay na lang kami para sa karagdagang orders. Sabihin mo din sa manager mo na VIP costumers kami at dapat lang na ibigay niyo ang serbisyo na nararapat sa amin.:" may katarayang wika niyo. Nakangiti naman akong tumango

 

"Jolina, enough! Don't forget na ayaw na ayaw ni Lucian ng mga ganyang pag-uugali. Miss, you can go now! Huwag mo na lang kaming pansinin." seryosong sabat ni Mrs. Carmina. Sa pagkakataon na ito, nakatitig na siya sa akin kaya mabilis na din akong umalis sa harapan nila habang ramdam ko pa rin ang kabog ng dibdib ko

 

Nakilala kaya niya ako? Sana hindi! Hangat maari, ayaw ko nang magkrus ang landas namin. Masyado nang maraming nangyari at ayaw ko nang maulit iyun.

 

Pagdating ng counter, pasimple akong muling lumingon sa gawi nila Mrs. Carmina Ferrero at nang mapansin ko na nakatitig din siya sa akin, dali-dali akong naglakad patungo sa pinaka-loob na bahagi ng coffee shop. Sa lugar kung saan hindi niya na ako matatanaw pa.

 

"Amber, are you okay? Namumutla ka ah? "nasa ganoon akong sitwasyon ng i-approach ako ng kasamahan ko sa trabaho na si Marvin. Kagaya ko, working student din siya.

 

"Ha? Ah, oo! Okay lang ako! Teka lang, nasaan nga pala si Manager? Pa-parang masakit kasi ang ulo ko eh. O-okay lang kaya kung mag-early out ako?" nauutal kong bigkas. Mula sa kinatatayuan ko, kitang kita ko ang muling pagbukas ng pintuan ng coffee shop at ang pagpasok ng isang matangkad at gwapong lalaki.

 

Walang iba kundi si Lucian. Yes, siya nga! Sa nakalipas na maraming buwan na nagdaan ganoon pa rin siya. Na hindi pa rin nagbabago ang awra niya.

 

Nandoon pa rin ang supalado at matapang niyang appearance. Tindig pa lang parang nakakatakot na siyang lapitan

 

"GAnoon ba? Nasa opisina si Sir. Gusto mo bang samahan kita na magpaalam? Parang hindi nga talaga maganda ang kalagayan mo. Namumutla ka oh." wika ni Marvin pero hindi ko na siya pinakingan pa. Tuluyan ko nang tinahak ang daan patungo sa opisina ng Manager on duty.

 

Nagpaalam ako na kung pwede mag early out ako sa trabaho dahil masama ang pakiramdam ko at mabuti na lang talaga pumayag siya. Napansin niya marahil ang pamumutla ko eh

 

"Uminom ka ng gamot at i-update mo ako sa magiging kalagayan mo, Ms. Amber." seryosong wika niya sa akin. Tanging tango lang ang naging sagot ko at mabilis na ding nagpaalam.

 

Sa likod na bahagi ng coffee shop ako dumaan. Iyung nga lang, ang problema pala ay nasa kabilang bahagi ang pila ng mga tricycle na dapat kong sakyan pauwi ng bahay. Kailangan ko pa rin palang umikot at dumaan sa harapan ng coffee shop.

 

No choice ako kundi ang tatagan ang kalooban ko. Nasa loob ng coffee shop si Lucian pero ang mga bodyguards niya ay nakabantay sa labas. Idinaan ko na lang sa pagyuko ng aking ulo habang naglalakad ako patungo sa may tricycle. Nadaanan ko pa ang mga bodyguards ni Lucian pero deadma sila. Sabagay, kung ang iba sa kanila ay kilala ako noon, baka ngayun hindi na. Baka nakalimutan na nila ako.

 

Maayos naman akong nakarating ng bahay. Iyun nga lang, pagkadating ko, wala sila Ruby at Sapphire. Mukhang lumabas yata ang dalawa at naghappy-happy. Sabagay, understandable naman iyun dahil sabado bukas at walang pasok sa School

 

Sinigurado kong naka lock ang mga pintuan at mga bintana bago ako dumirecho ng kwarto. Pagkapasok ko sa loob ng kwarto, parang hapong hapo ako na napaupo sa ibabaw ng aking kama.

 

Patuloy pa rin na naglalaro sa isipan ko ang hitsura ni Lucina. Ilang months na ba ang mabilis na lumipas? Eight months na! Yes, eight months na simula noong huli ko siyang nakita at wala pa ring ipinagbago ang tindig niya. Siya pa rin ang dating Lucian na kilalang kilala ko.

 

Chapter 98

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

KINAUMAGAHAN...

 

MAAGA akong nagising pero mas may maaga pa pala. Si Ruby na nasa kusina at abala na sa pagluluto samantalang si Sapphire naman ay nag jogging daw sa labas.

 

"Amber, dumaan kami kagabi sa coffee shop kung saan ka nagta-trabaho pero maaga ka daw umalis. May sakit ka daw? Kumusta na ang pakiramdam mo ngayun?

 

"seryosong tanong sa akin ni Ruby. Naglakad ako patungo sa ref at nagsalin ng tubig sa braso at ininom iyun.

 

"Oo eh. Biglang sumama ang pakiramdam ko. Pero huwag kang mag-alala, ayos na ako ngayun.:" nakangiti kong sagot

 

"Kaya mo ba talaga? I mean, baka naman epekto na iyan sa kakapuyat mo. Itigil mo na kaya ang pagpapartime mong iyan? Kung ubos na ang pera mo, willing naman kaming dalawa ni Sapphire abunuhan ang mga pangangailangan mo eh. Pwede mo kaming bayaran once na maka-graduate at makahanap ka na ng trabaho na may mas malaking sweldo." nakngiti nitong wika sa akin

 

"Naku, mahirap iyang sinasabi mo. Tsaka, huwag kang mag-aalala kaya ko naman eh." nakangiti kong sagot.

 

"Naku, bahala ka na nga. Basta, palagi mong tandaan na nadito lang kaming mga kaibigan mo." nakangiti nitong sagot.

 

"OO, alam ko iyun and super duper thankful ako dahil nakilala ko kayo. Siya nga pala, ako na ang bahalang maglinis ng buong bahay ha?" nakangiti kong bigkas.

 

"Ha? Naku, huwag na! Kayang kaya na namin iyan ni Sapphire. Ang gawin mo, magpahinga ka. Hindi ba't may pasok ka pa mamaya sa coffee shop?" sagot niya naman kaagad sa akin

 

"Mamayang hapon pa iyun. Mamayang tanghali na lang siguro ako matutulog. Tsaka, sabihin mo kay Sapphire na ilabas ang mga marurumi niyong damit. Ako na din ang maglalaba." nakangiti kong sambit bago ko siya iniwan dito sa kusina.

 

Naglakad ako patungo sa sala at inumpisahan na ang maglinis.

 

Pinunasan ko ang mga dapat punasan at nagwalis na din ako. Saktong nagma-mop na ako nang biglang dumating si Sapphire.

 

"Amber, ano ang ginagawa mo? Hind mo naman kailangan maglinis eh." kaagad na wika nito. Nagulat na nga lang ako nang bigla niyang agawin sa akin ang mop na hawak ko.

 

"Bakit hindi? Teka lang, ang weird niyo ha? Ngayun nga lang ako nagkaroon ng time na maglinis ng bahay, gusto niyo pa akong pagbawalan?" nakangiti kong tanong.

 

"HIndi naman sa pinagbabawalan ka namin. Alam naman nating lahat na sa ating tatlo, ikaw itong busy. May partime job ka tapos kami wala. Kaya na namin ang mga gawaing bahay. Relax ka lang diyan." nakangiting sagot niya sa akin

 

Pero ganoon pa man, hindi ko pa rin maiwasan na magtaka. Simula kasi nang tumira kami sa bahay na ito, halos ayaw nila akong pakilusin na kung totoosin, mas marami nga silang gastos sa bahay na ito kumapara sa akin eh.

 

"Marami akong time ngayun kaya pwede kong gawin ito. Pero kung ayaw niyo akong maglinis, ako na lang ang maglalaba ng mga damit natin. Nasaan na ba iyung mga marurumi niyong damit, ilabas niyo na at nang maumpisahan ko nang labhan." nakangiti kong bigkas. Akmang maglalakad na sana ako patungo sa second floor ng bahay pero mabilis niya akong pinigilan

 

"Hep! Hep...tapos na! I mean, nadala na namin sa laundry shop kahapon kaya wala na kaming labahin." nakangiti nitong bigkas. HIndi ko naman mapigilan ang matawa.

 

"Ganoon ba? Eh, kung ganoon, mga damit ko na lang pala ng lalabhan ko.:" sagot ko

 

"Oo naman! Yes, mga damit mo na lang! Ang mabuti pa nga siguro, isalang mo na ngayun na. Para mamaya pagkatapos natin kumain ng agahan, pasyal tayo."

 

nakangiti nitong wika na kaagad ko din namang sinang-ayunan.

 

Muli akong bumalik ng kwarto para kunin ang mga marurumi kong mga damit. Dahil kukunti lang naman ang labahin ko, nagpasya na din akong magpalit ng bed sheets pati na din kurtina dito sa aking silid.

 

Habang abala ako pagtatangal ng kurtina ng aking kwarto, napatingin ulit ako sa katapat na bahay namin. Hindi ko mapigilan ang mapakunot noo nang mapansin ko na para bang may mga tao na naman sa loob. Ilang buwan ko din kasing napansin na nabakante ang bahay at ngayun nakita ko na naman ang mga familiar na sasakyan. Tatlong itim na sasakyan at mula sa kinaroronan ko, tanaw ko ang ilang mga kalalakihan na nasa loob.

 

"Sino kaya ang amo nila? Siguro mayaman? Feeling ko kasi mga bodyguards niya iyung mga nakatambay sa labas eh" mahina kong bulong sa sarili ko habang hindi ko na namalayan pa na unti-unti na pala akong kinakain ng

curiosity.

 

Sa halos walong buwan na pagtira ko sa lugar na ito, never ko pang nakita ang mukha ng may-ari ng bahay na iyan.

 

Iyung iba naman na nakatira sa subdivision na ito ay halos namumukhaan ko na eh. Kapag linggo kasi, naglalakad-lakad kaming tatlo nila Sapphire at Ruby sa buong paligid at nakakasalubong din namin ang iba pa naming mga kapitbahay. Pero itong katapat na bahay namin, masyadong pribado.

 

Kahit isang beses, hindi ko man lang nakita ang mukha. Kadalasan din, walang tao sa nasabing bahay. Bilang lang kasi sa daliri ko na nkikita ko ang mga sasakyan na nasa labas eh....

 

 

 

Chapter 99

 

LUCIAN MONTEFALCO FERRERO POV

 

"My Precious!" mahina kong bulong sa sarili ko habang nakatanaw kay Precious Amber na ngayun ay abalang abala sa kakapalit ng mga kurtina. Napansin ko din na napatitig siya dito sa gawi ko pero walang dapat na ipangamba. Masyadong tinted ang glass kung saan ako nakatayo at hindi niya ako makikita.

 

Kanina pa ako nakatanaw dito sa may bintana at inaabangan talaga siya. Ngayung nasilayan ko na siya, ibayong tuwa ang nararamdaman ng puso ko. Feeling ko sulit ang halos isang oras kong pagtayo dito sa may bintana makita lang siya.

 

Lalo siyang gumanda. Bumalik na din sa dati ang pangangatawan niya. Siguro nga masaya siya sa buhay niya na wala ako. Na hindi niya ako nakikita.

 

'I really missed you, Precious. Sana lang talaga maghilom na ng sugat sa puso mo at mapatawad mo na ako sa lahat ng mga pagkakamali ko." mahina kong sambit.

 

Alam kong magsisisi man ako, hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na. Nasaktan ko na siya ng sobra and worst muntik pa siyang mamatay dahil sa maling akala.

 

Sa isipin kong iyun, muli akong nakaramdam ng matinding kalungkutan. Alam ko na hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na. Pero babawi ako. Kahit na alam akong nagkamali ako, wala din naman akong planong isuko siya. Desidido pa rin akong muli siyang maging akin.

 

Nandoon ako kagabi sa coffee shop kung saan siya nagtatrabaho. Talagang sinadya kong pumunta doon para makita siya pero hindi ko na siya naabutan. Ang sabi ng manager na nakausap ko, maaga daw umuwi dahil masama ang pakiramdam.

 

Pero sa nakikita ko ngayun sa kanya, mukhang okay naman siya. Baka dahilan niya lang iyun dahil nakita niya si Mommy. Tsaka, siya yata ang nagserve ng orders kina Mommy sa table nito at narinig niya mula kay Jolina na parating ako.

 

Siguro nga, hindi pa siya ready ulit na makita ako.

 

"Kinamumuhian mo ba ako, Precious?" mahina kong bulong sa sarili ko. Pagkatapos noon, dinampot ko ang aking cellphone at may tinawagan.

 

"Seferina, bakit nakita ko si Precious na nagtatrabaho?" seryoso ang boses na tanong ko pagkatapos nitong sagutin ang tawag ko.

 

Ang Seferina na tinutukoy ko ay ang Sapphire na palaging kasama ni Precious kahit na saan man siya magpunta.

 

"Sir, sorry po! Ayaw po kasi ni Mam magpatulong. I mean, mas gusto niya pong siya na lang daw po at nahihiya na daw siya sa amin dahil palagi nalang daw namin siya nililibre." kaagad din naman nitong sagot sa akin.

 

Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti. Hindi pa rin nagbabago ang Precious ko. Ganoon pa rin ang ugali niya. Hangat maaari ayaw niya talagang mag take advantage kahit na kanino.

 

"Help her! Huwag niyo siyang hayaan na mapagod. Kumain na ba siya?" seryosong tanong ko.

 

"Not yet, Sir! Pero ready na po ang mga foods. Yayayain na po namin siya." sagot din naman kaaagad nito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tumango-tango.

 

"Okay." maiksing sagot ko bago tuluyang pinatay ang tawag

 

Pagkatapos kong makausap si Seferina, binuksan ko ang monitor na nasa sa harapan ko. Hindi ko na matatanaw si Precious sa may bintana. Tapos na marahil siya magpalit ng kurtina kaya pinagkasya ko na lang ang sarili ko na panoorin siya sa pamamagitan ng kuha ng cctv.

 

May mga hidden camera sa loob ng bahay at nakikita ko ang bawat kilos niya. Sa loob ng bahay na ngayun ay kausap niya na si Seferina.

 

Halatang gustong tulungan si Precious ni Seferina na siya na ang mabitbit ng mga dala-dala nito pero ayaw ni Precious. Medyo matigas din talaga ang ulo nito. Ni

hindi niya man lang naisip na pakawala ko ang dalawang taong kasama niya ngayun. Mga taong binayaran ko para bantayan siya at portektahan sa lahat ng oras.

 

Hindi ko mapigilan ang paguhit ng malungkot na ngiti sa labi ko. Ano kaya ang maramdaman ni Precious kapag malaman niya na hanggang ngayun nakasubaybay pa rin ako sa kanya.

 

Magagalit kaya siya sa akin?

 

Kamumuhian niya kaya ako?

 

MIss na miss ko na siya. Gusto ko na ulit siyang makasama. Gusto ko na ulit siyang mahawakan.

 

Hindi ako magsasawang titigan siya sa malayo. Kahit papaano, masaya ako na makitang muling bumalik sa dati ang sigla niya. Pero hindi ko maipapangako kung hanggang saan at kailan kaya kong magtiis. Lalo na at inirereport sa akin nila Robinhood (Ruby) at Seferina (Sapphire) na marami daw lalaking aali-aligid dito

 

Nahaharang lang nila kaagad kaya hindi sila makalapit kay Precious. Of course, kaya nga sila nasa tabi ni Precious hindi lang para protektahan ito kundi para na din harangin ang posibleng mga manliligaw na lalapit dito.

 

"Sir, sorry to disturb you pero sa Monday na daw po ang ribbon cutting ng library building na idinonate niyo sa Iskwelahan kung saan pumapasok si Ms. Precious.

 

Ang mga pangako niyo din sa kanila na mga computers ay bukas na ang dating sa iskwelahan nila." imporma sa akin ni Mr. Rodney Quezon. Ang aking executive Secretary.

 

"Okay. Mabuti naman kung ganoon."

 

seryosong sagot ko. Pagkatapos noon, muli akong napatingin sa monitor kung saan nakikita ko nang nag-uumpisa nang kumain si Precious. Mukhang palagay na din talaga ang loob niya kina Seferina at Robinhood.

 

"Pakisabi sa driver na ihanda ang sasakyan. Ini-expect ako ni Mommy ngayun sa hotel kung saan siya naka-check-in." seryosong utos ko.

 

Yeah, si Mommy na hindi ko alam kung bakit nandito din siya sa probensya.

 

Nagulat na lang ako kahapon nang bigla na lang siyang tumawag sa akin at gustong makipag usap.

 

Chapter 100

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ

 

Masarap magluto si Ruby. Iyun ang napatunayan ko sa araw-araw kong natitikman ang niluluto niya. Hindi pahuhuli sa lasa sa mga mamahaling restaurant na kinakainan namin dati ni Lucian.

 

Nagtataka nga ako kung bakit hindi na lang siya nag culinary eh. Tapos magtayo siya ng sarili niyang restaurant.

 

"Ruby, saan ka nga pala natutong magluto?" kasalukuyan kong nilalantakan ang dessert nang hindi ko na talaga mapigilan pa ang sarili ko na tanungin siya. Curious na kasi talaga ako eh.

 

"Ha? Ah...sa Mommy ko. Yeah...sa Mommy ko. Bata pa lang ako tinuruan niya na ako na magluto." nakangiti niyang sagot sabay iwas ng tingin sa akin. SA ilang buwan na magkakasam kami sa iisang bubong, kilalang kilala ko na din ang ugali nila. Alam na alam ko din kung kailan sila kumportable or hindi. Sa nakikita ko ngayun kay Robinhood, mukhang hindi siya kumportable sa tanong kong iyun.

 

Pagkatapos namin kumain, nagpasya akong muling lumabas ng bahay habang hinihintay ko na matapos ang nakasalang kung labahin sa washing machine. Automatic ang gamit na washing machine namin kaya naman hindi mahirap maglaba. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan pang magpa-laundry sila Ruby at Sapphire eh.

 

"Amber, saan ka pupunta?" kasalukuyan akong naglalakad patungo sa gate ng marinig kong muling nagsalita si Sapphire. Hindi ko man lang namalayan na nakasunod pala siya sa akin.

 

"Ha...diyan lang sa labas. Parang ang sarap ng sikat ng araw. Parang gusto kong maglakad-lakad para pagpawisan." nakangiti kong sagot.

 

'Ganoon ba? Sige, samahan na kita." nakangiti niyang bigkas. Hindi ko naman mapigilan ang magtaka.

 

Ang alam ko kasi nagjogging na siya kanina eh. HIndi pa ba siya pagod?

 

Gayunpaman, hinayaan ko na lang. May balak yata si Sapphire na magpasexy pa lalo.

 

Sakto naman na pagkalabas naming dalawa ni Sapphire, may lumabas na tatlong lalaki mula sa loob ng bahay, Direcho sila sa kotse na nakaparada sa labas lang din ng gate.

 

Napatigil tuloy ako paghakwang at buong pagtataka na napatitig sa gawi ng nasabing bahay. Lalo na nang mapansin ko din ang dahan-dahan na pagbukas ng malaking gate kung saan magkasunod din na lumabas ang dalawa pang itim na sasaktan.

 

"Sapphire, nakita mo na ba ang nakatira diyan?" pabulong kong tanong kay SApphire habang hindi ko inaalis ang pagkakatitig sa mga sasakyan. Mukhang paalis na naman sila.

 

"Ha? Ah, hindi pa din eh. Hindi naman kasi lumalabas ang may ari. Mga bodyguards niya lang ang nakikita ko." sagot din naman kaagad ni Sapphire sa akin.

 

"GAnoon ba? Siguro ang yaman ng may ari ng bahay na iyan. Afford niyang mag hire ng maraming bodyguards eh." mahinang sambit ko. Hindi nga ako maaring magkamali. Mga bodyguards nga ang nakikita kong mga naka uniform ng mga kalalakihan na nakikita ko.

 

"Siguro...." sagot naman din ni Sapphire sa akin. Ang akala ko ay aalis na ang mga itim na sasakyan pero nagtaka pa nga ako nang magkahilira lang naman silang tumigil sa harap ng bahay. Sa gilid din mismo ng bahay nila.

 

Wala namang bumababa kaya naman nagpasya na kong ihakbang ang aking mga paa paalis. Nakakahiya naman kung sino man ang nakasakay sa sasakyan na iyun kung makita nilang nakasamasid kaming dalawa ni Sapphire. Baka kung ano pa ang isipin nila sa amin.

 

Wala naman akong balak na magjogging. Lakad lang talaga ang pakay ko kaya lumabas ako ng bahay. Gusto ko din kasing magpaaraw at pagpawisan kahit na kaunti lang

 

Habang naglalakad kami ni Sapphire, napansin ko ang tatlong itim na sasakyan na paalis na. Patungo sa gawi namin ang way nila kaya muli akong tumigil sa paghakbang. Pasimple akong tumitig sa tatlong sasakyan

 

Masyado naman ma private ang taong nakatira sa katapat na bahay namin. Ayaw magpakita at siguro alam niya din naman na kami ang nakatira sa kabila pero wala man lang yatang balak na batiin kami. Kahit simpleng hi or hello lang

 

Well, siguro matapobre sila. Or baka naman hindi lang din talaga nila feel na makipag friends sa mga kagaya namin na mga renter.

 

Nang tuluyan nang lumagpas ang tatlong itim na sasakyan ay ipinagpatuloy ko na din ang paglalakad. Inabot din kami ng halos tatlumpong minuto ni Sapphire sa walking namin bago kami nagpasyang umuwi ng bahay.

 

HIndi na namin itinuloy pa ang balak naming mag malling. Bigla kasi akong tinamad. Parang gusto kong matulog na muna dahil may pasok pa ako sa coffee shop mamayang gabi.

 

 

 

 

 

 

©️Sagittarius🌺🌺

 

Chapter 101

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

Kinalunisan, balik iskwelahan na naman. Sulit ang weekends ko kasi nakapagpahinga ako ng maayos. Wala naman kasi kaming ibang ginawang magkakaibigan kundi magkulong sa bahay at abala sa movie marathon.

 

Kakagaling ko lang ng banyo nang hindi ko mahagilap sila Sapphire at Ruby. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta kaya no choice ako kundi ang magtanong sa Isa pa naming classmates na malapit lang din sa akin

 

"Melanie, napansin mo ba sila Sapphire at Ruby?"

 

Hindi ako close sa iba ko pang mga classmates maliban kina Ruby at Sapphire kaya kita ko ang gulat sa mukha ni Melanie nang bigla ko siyang lapitan.

 

"Ang dalawa mong mga bodyguards na sila Sapphire at Ruby ba?" nakangiting tanong niya sa akin. Gulat naman akong

napatitig sa kanya. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya or hindi lalo na at nakakahiya kung marinig nila Sapphire at Ruby ang salitang binitiwan nitong si Melanie. Imagine, napagkamalang mga bodyguards ko ang mga taong walang ibang ginawa kundi ang libre ako.

 

"Kidding aside. Nakita ko sila kanina na bigla nalang umalis habang may kausap si Sapphire. Teka lang friends mo ba talaga sila? I mean, grabe kasi sila kung magprotekta sa iyo eh. Palagi mo silang kasama tapos lahat ng mga gustong manligaw sa iyo hinaharang nila." nakangiti nitong tanong sa akin.

 

HIndi ko naman mapigilan ang matawa. Siguro na mis-interpret na naman nila ang mga kilos at closeness naming tatlo. Hindi lang naman kasi magkakasama sa bahay ang turingan naming tatlo nila Ruby at Sapphire kundi parang magkapatid na din.

 

"Hindi naman siguro ganoon. Tsaka, tungkol naman sa mga manliligaw, ayaw ko din naman talaga. Wala pa sa isip ko ang tungkol sa bagay na iyan dahil mas gusto kong magtapos na muna sa pag-aaral bago pumasok sa isang relasyon." nakangiti kong sagot.

 

"Ganoon ba? SAbagay, baka ganoon nga talaga siguro sila sa iyo. By the way, nagmiryenda ka na ba? SAbay na tayong pumunta ng canteen habang wala pa ang mga friends mo." nakangiti niyang wika. Isang tipid na pagtango ang naging tugon ko at sumabay na sa kanya patungo sa canteen.

 

Habang naglalakad kami, hindi ko mapigilan ang mapalingon sa isang sasaktan na kakarating lang. Napatigil din sa paghakbang si Melanie at napatingin din doon.

 

"Kilala mo ba si Jolina?" narinig kong sambit niya. Parang familiar sa akin ang pangalan niya pero hindi ko maalala kung saan ko narinig.

 

"Hindi..'" puno ng pagtataka kong sagot.

 

"Hindi mo siya kilala? Sabagay, transferee ka nga pala kaya hindi mo pa siya kilala. Tsaka, accountancy ang course niya samantalang ang sa atin naman ay business management." bigkas niya. Hindi naman ako nakaimik. Ano naman ngayun kung kung hindi ko kilala si Jolina?. Sino ba siya?

 

"Tsaka, anak siya ng Director dito sa School natin." muling bigkas ni Melanie.

 

"Ha? Talaga?" sagot ko.

 

"Yes tsaka usap-usapan din dito sa School na boyfriend niya daw ang nagdonate para sa pagpapatayo ng library. "muli niyang sambit. Wala sa sariling napatitig ako sa sasakyan na noon ay kakabukas lang ng pintuan at kitang kita ko ang halos magkasabay na lumabas sila Jolina at ang lalaking kasama nito at hindi ko mapigilan ang magulat nang mamukhaan ko ang lalaking iyun. Walang iba kundi si Lucian

 

Yes...hindi nga ako maaaring magkamali. Si Lucian nga.

 

Si Jolina ba ang dahilan kaya siya nandito sa lugar na ito. Kung ganoon, siya din ba ang nagdonate sa kakatapos lang na library?

 

God, bakit sobrang liit ng mundo sa pagitan namin? Wala pang isang taon noong umalis ako ng Manila pero heto na naman! Nandito na naman siya sa paligid.

 

"Ang gwapo niya noh? Kakaingit talaga ang Jolina na iyan. Balita ko, isang business tycoon si Mr. Lucian Ferrero. Naka base daw sa Manila ang taong iyan pero talagang dumayo dito sa Visayas para lang kay Jolina. Nakakakilig. Ang haba ng hair ni Jolina diba?" narinig kong sambit ni Melanie. Ramdam ko sa boses ang kilig kaya pilit akong napangiti.

 

"Oo nga eh." sambit ko naman. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero parang gusto kong umiyak. May nararamdaman din akong kirot sa puso ko na makita siyang may kasamang ibang babae.

 

Siguro nga, baka nakalimutan na ako ni Lucian. May bago na naman pala siyang babae na kinahuhumalingan. Siguro baka hiwalay na sila ni Lauren. May bago na kasi siya eh. Si Jolina.

 

Tama nga siguro ang narinig ko tungkol kay Lucian. Na hindi talaga siguro niya kayang makontento sa isang babae lang.

 

Sa naisip kong iyun, mabigat kong naihakbang ang aking mga paa. Tama lang pala talaga ang naging desisyon ko na lumayo sa kanya! Tama lang talaga na hindi na ako nakinig sa dikta ng puso ko.

 

Malapit na! Kaunting kaunti na lang talaga at makaka-moved on na ako. Ang kailangan ko ngayun ay magpursige para makatapos. Nang sa ganoon, magawa ko na ang gusto ko. Tsaka, parang gusto ko na lang mag abroad or pumunta sa mga bansa kung saan hindi na muling magkrus pa ang landas namin.

 

"Oh my Gosh! Tama ba itong nakikita ko? Nakatitig sa gawi natin si Mr. Ferrero, Amber." naringi kong sambit ni Melanie. Wala sa sariling napatingin ako sa gawi ni Lucian at nang makumpirma ko nga na nakatitig siya sa gawi namin, walang sabi-sabing mabilis ko nang inihakbang ang mga paa ko paalis.

 

Hindi pwedeng makita niya ako sa lugar na ito. Baka kasi kung ano na naman ang gagawin niya sa akin eh. Kahit na malaking bahagi ng puso ko ang pag-aari niya, wala din naman akong balak na muling mahulog sa kanya.

 

Ayaw ko na! Ayaw ko nang muling maulit pa ang mga masasakit na naranasan ko sa mga kamay niya noon. Nagawa ko na siyang itaboy sa buhay ko at gusto ko nang lubos-lubusin iyun.

 

 

 

Chapter 102

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

Nakita niya ba ako? Feeling ko, hindi naman siguro. Normal lang naman na ilibot niya ang tingin sa paligid at hindi porket tumitig siya sa gawi namin ni Melanie kanina, nakita niya na ako.

 

Iyun ang naglalaro sa isipan ko habang mabilis ang hakbang na naglakad ako paalis. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Melanie habang tinatawag ang pangalan ko.

 

"AMBER. sandali." Tuloy-tuloy lang ang mabilis kong paghakbang palayo. Ayaw ko nang bigyan ng chance na mamukhaan pa ako ni Lucian. Ayaw kong malaman niya din na nandito lang din ako sa iskwelahan na ito.

 

Nang makarating kami ng canteen, tulala akong naupo sa pinakasulok na bahagi. HIndi ko mapigilan ang mapahawak sa aking dibdib nang maramdaman ko ang malakas na tibok nito.

 

"Amber, grabe ang bilis mo namang maglakad." narinig kong sambit ni Melanie. Naupo siya sa katapat na upuan habang kapansin-pansin sa mukha niya ang matinding pagtataka habang nakatitig sa akin.

 

"Nauuhaw na kasi ako. Teka lang, ano nga pala ang gusto mo? Oorder na ako." nakangiti kong sagot sa kanya sabay tayo. Gusto kong mailigaw ang pag-uusap namin. Hangat maari, ayaw ko nang pag-usapan pa ang tungkol kay Lucian.

 

"Carrot cake and orange juice na lang.

 

Here is my bayad." nakangiti nitong sagot sa akin..

 

"LIbre ko na." sagot ko din naman at kaagad na din akong naglakad patungo sa counter para umoder. Pareho nang order ni Melanie ang inorder ko din para sa sarili ko. Pagkatapos kong makuha ang mga orders ko muli na akong bumalik sa table kung saan napansin kong may iba nang kausap si Melanie. Si Gerald, kapareho din namin ng kurso. SA mukha at pangalan ko lang siya nakilala pero hindi ko siya nakakausap. Sila Sapphire at Ruby lang kasi ang palagi kong kasa-kasama at kausap eh. Itong si Melanie naman, ngayun lang din.

 

"Hi! Nandito na pala si Amber."

nakangiting wika ni Melanie. Pagkadating ko sa table namin, inilapag ko ang bitbit kong pagkain sa mesa at naupo ka din sa bakanteng upuan.

 

"Naku, pasensya ka na Gerald. Hindi kita napansin. Dapat pala umoder pa ako ng isa pa." hinging paumanhin ko dito. Sa nasabi ko na, hindi kami closed pero magkakilala kami. Lalo na at magka-classmates kami sa lahat ng subject.

 

"It's okay, Amber. Kakatapos ko lang din naman magmiryenda." nakangiting sagot ni Gerald. Lumabas tuloy ang biloy magkabilaan niyang pisngi pati na din ang pantay-pantay nitong ngipin.

 

Varsity player si Gerald at dinig ko maraming mga babaeng nagkakagusto dito.

 

"Ano nga ulit ang sabi mo kanina Gerald.... may activities na gaganapin mamaya sa Stadium? Para saan?" narinig kong tanong ni Melanie dito. Ito marahil ang pinag-uusapan nila bago ako dumating.

 

"Yeah! Nandito daw kasi sa School natin ang nag-donate sa pagpapagawa ng library building at dahil bubuksan na daw ang nasabing library may kaunting program daw mamaya para sa formal na turn-over. HIndi lang pala library ang idinonate ni Mr. Ferrero. Kasama na din pala ang mga computers and books."

nakangiting wika ni Gerald.

 

Gulat naman ako sa narinig. Si Lucian ang tinutukoy ni Gerald. Kung ganoon totoo nga pala talaga ang nabangit na sa akin nitong si Melanie. Si Lucian ang sponsor sa pagpapatayo ng library kaya siguro siya nandito sa iskwelahan na ito.

 

Sa isiping iyun, parang biglang sumakit ang ulo ko.

 

Wish ko lang din na sana hindi na magtagal pa si Lucian sa School na ito at sana hindi magkrus ang landas namin.

 

"Kung ganoon, kailangan nating pumunta mamaya sa stadium. Kailangan din nating manood." nakangiting sagot ni Melanie.

 

"Oo daw eh. Required daw talaga na pumunta ang mga istudyante. Bilang pagpapakita ng pasasalamat kay Mr. Ferrero." sagot naman ni Gerald.

 

HIndi ko tuloy mapigilan ang mag-aalala. Kung ako ang papipiliin ayaw kong pumunta. Ayaw ko din manood. Baka kasi makita ako ni Lucian eh

 

"Amber, nasaan nga pala sila Ruby at Sapphire? Kung wala sila, tayong tatlo na lang ni Gerald ang sabay-sabay pumunta ng stadium." narinig kong sambit ni Melanie. Pilit naman akong ngumiti

 

"Hindi ko alam kung saan nagpunta ang dalawang iyun. Pero sige...kung wala sila sasabay na ako sa inyo ni Gerald." nakangiti kong sagot.

 

"Iyan oh! Siya nga pala, Amber. Kaya nga din pala ako lumapit dahil may gusto sana akong sabihin sa iyo. Naghahanap kasi ng muse ang team namin. Inirekumenda kita sa team namin at nakausap ko na din si Coach. Pumayag siya. Sana okay lang sa iyo." nakangiting wika ni Gerald. HIndi ko naman maiwasan ang magulat.

 

"Ha? Ako...muse? Naku, hindi ba nakakahiya, Gerald?" nahihiya kong bigkas. Sa dati kong iskwelahan, inalok din ako na maging muse pero hindi ako pumayag. Kulang kasi talaga ako sa self confidence eh. Tsaka, masyado din akong busy. Kaya din ako bumalik sa pag-aaral dahil gusto kong makatapos. Ayaw ko sanang sumali sa mga ganitong bagay.

 

"Hindi naman nakakahiya ang maging muse, Amber. Dapat nga maging proud ka pa eh. Maganda ka at bagay nga sa iyo ang maging muse." nakangiting sabat naman ni Melanie. Hindi ko tuloy malaman kung ano ang isasagot ko. Lalo na nang mapansin ko sa mukha ni Gerald na seryoso talaga siya sa alok niyang iyun sa akin.

 

"Sana hindi mo kami bibiguin, Amber. Malapit na ang laban namin at kailangan talaga namin ng muse eh. Sana ayos lang sa iyo.'" muling bigkas nito.

 

Ngayun pa lang, parang gusto ko nang pagsisihan kung bakit sumama pa ako kay Melanie dito sa canteen. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon si Gerald na lapitan ako at kausapin tungkol dito.

 

Haysst, nasaan na ba kasi sila Ruby at Sapphire? Bakit bigla nalang silang umalis na hindi man lang nagpapaalam sa akin?

 

 

Chapter 103

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

HINDI ko na talaga nakita pa sila Sapphire at Ruby hanggang sa kasunod naming subject kaya naman no choice ako kundi ang sumabay na kina Melanie at Gerald patungo sa stadium kung saan sasaksihan namin ang maiksing program para sa pag-turn over ng at pagbukas ng bagong library na si Lucian daw ang nagdonate.

 

Kanina pa ako kinakabahan. Nagdarasal na sana hindi ako mapansin ni Lucian. Pinanghahawakan ko ngayun na sa dami ng mga istudyante na manonood, hindi niya naman siguro ako mapapansin.

 

Ang alok naman ni Gerald tungkol sa pagiging muse ko sa team nila ay sinabi kong pag-iisipan ko muna. Titingnan ko muna ang magiging reaction nila Sapphire at Ruby.

 

Tatablahin ko na sana ang offer ni Gerald na maging muse kaya lang noong sinabi niya sa akin kapag pumayag daw ako, pwede daw maging free ang tuition ko sa susunod na School year, nagbago na ang isip ko. Parang gusto ko nang pumayag.

 

Graduating na ako next year at kapag makalibre ako ng tuition, pwede na akong huminto sa pagpapartime. Malaking pera din ang masi-save ko.

 

Pagdating namin sa stadium, medyo marami na ding mga istudyante ang nakaabang. Pinili nila Melanie at Gerald ang panglimang row mula sa stage para daw makita namin sa malapitan si Lucian Montefalco Ferrero. Kung ako ang papipiliin, parang mas gusto ko sa pinaka - likod na lang. Para safe na safe ako at hindi niya ako makita.

 

Kaya lang nakakahiya naman kung tumanggi ako. Baka kung ano pa ang isipin nila Melanie at Gerald sa akin. Ngayun ko nga lang sila nakakasama tapos mag-iinarte pa ako diba? Nakakahiya iyun.

 

Siguro, kapag tumingin sa gawi ko si Lucian, yuyuko na lang ako. Tsaka, sa dami din ng mga istudyante, baka ni isang sulyap, never niyang gagwin sa akin eh.

 

"Amber, nandito ka lang pala. Alam mo bang kanina ka pa namin hinahanap?"

 

hinihintay na lang namin na mag-umpisa na ang program nang marinig ko ang boses ni Sapphire. Wala sa sariling napabaling ang tingin ko at hindi ko mapigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko nang makita ang naglalakad na palapit ang dalawa sa akin

 

Saan kaya sila galing? Bakit ngayun lang sila?

 

'Sapphire, Ruby, dito na kayo maupo." nakangiti kong sagot. Sakto may bakante pa sa hilira namin kaya pwede pa nilang okupahin.

 

"Saan ka nagpupunta? Alam mo bang kanina ka pa namin hinahanap?" tanong naman kaagad ni Ruby sabay abot niya sa akin ng isang fresh juice. Kaagad ko namang tinangap iyun pagkatapos kong magpasalamat.

 

Sanay na ako dito kay Ruby. Ganito naman siya palagi. Kapag lumalabas siya, palagi talaga siyang may pasalubong sa akin na kung anu-anong mga pagkain.

 

"Sa Canteen ako galing kanina. Siya nga pala, sila Gerald at Melanie. Sila ang kasama ko habang wala kayo." nakangiti kong bigkas.

 

Getleman si Gerald at kaagad itong nakipagkamay sa dalawa. Samantalang si Melanie naman, kumaway lang habang nagpakawala ng sweet na ngiti sa labi.

 

Ilang saglit lang, dumating na din ang mga professors at iba pang mga officials ng School. Mag-uumpisa na ang program.

 

Tahimik lang akong nanonood. Nagbigay ng speech ang School Director. Hanggang sa tinawag na nila si Lucian.

 

Nakita kong umakyat naman kaagad ito ng stage. Dinig ko pa nga ang bulungan ng kapwa ko istudyante nang makita nila si Lucian. Karamihan mga babae na nagpapakita ng matinding paghanga dito.

 

Sabagay, sino ba namang babae ang hindi maiwasan na mahumaling sa kanya.

 

Matikas siyang nakatayo sa stage. Lalo siyang naging gwapo sa paningin ko

 

"Shit, ang gwapo niya talaga, Amber. Crush ko na siya." narinig ko pang bulong ni Melanie sa akin. Hindi ako nakaimik. Tahimik lang akong nakatitig kay Lucian na nasa stage at kausap ang School Director namin.

 

Ilang saglit lang, tuluyan nang ibinigay ng School Director ang microphone dito.

 

Magbibigay ng speech si Lucian pero wala doon ang attention ko. Nagmistula akong bingi habang ang mga mata ko ay hindi inaalis ang pakakatitig sa kanya.

 

"OH MY GOD! Sa akin ba siya nakatingin?

 

"narinig kong sambit ni Melanie. Kung hindi niya pa ako kinalabit baka hindi pa ako bumalik sa hwesyo at tulala pa rin akong nakikipagtitigan kay Lucian

 

Teka, ako nakikipagtitigan kay Lucian? Shit...ako ba ang tinitingnan niya ngayun?

 

Sa naisip kong iyun, dali-dali akong napayuko. Bigla ding lumakas ang pagkabog ng dibdib ko

 

Bakit ko ba nakalimutan. HIndi niya pala ako pwedeng makita.

 

Sa naisip kong iyun, wala sa sariling napabaling ang tingin ko kina Ruby at Sapphire.

 

"Ma-masakit ang tiyan ko. Mauuna na ako sa inyo!" mahina kong bulong. Hindi na ako nagpaawat pa. Walang lingon likod na naglakad ako paalis.

 

Direcho ako sa labas ng stadium.

 

Naririnig ko pa rin ang boses ni Lucian na patuloy sa pagbibigay ng speech pero hindi ko na pinakingan pa. Wala akong ibang gustong gawin sa ngayun kundi ang makalayo sa kanya. Hindi pwede ito!

 

Hindi ako pwedeng muling mahulog sa kanya. Tapos na ang kabanata ng buhay ko sa piling niya at kailagan kong mag-focus sa ibang bagay lalo na sa pag-aaral ko.

 

 

 

Chapter 104

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ

 

PAGKALABAS ko ng stadium, direcho akong pumasok ng banyo. Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan. Parang nagpa- palpitate din ang puso ko sa lakas ng kabog nito.

 

Bakit ba naakaliit ng mundo? Hindi ba pwedeng time out muna? Ayaw ko na siyang makita eh. Hindi ko na kaya.

 

Mariin kong naipikit ang aking mga mata. Parang eksena sa pelikula na biglang naglitawan sa balintataw ko ang mga paghihirap na naranasan ko mula sa mga kamay niya.

 

Hanggang ngayun, sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat. Minsan, napapanaginipan ko pa nga eh.

 

Pinilit kong maging okay pero ngayung muli ko na naman siyang nakita, feeling ko muli na naman akong bumalik sa dati.

 

Malalim akong napabuntong hininga. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi pa nga ako nakatiis at naghilamos na ako. Para magising ako sa katotohanan na hindi na talaga pwede. Na kailangan kong maging matatag sa lahat ng oras.

 

Nasa ganoon akong kalagayan nang bumukas ang pintuan ng banyo. Magkasunod na pumasok sila Sapphire at Ruby.

 

"Amber, ayos ka lang ba? Ano ang nangyari? May masakit ba sa iyo?" magkapanabay pa nilang bigkas. Kaagad din naman akong umiling.

 

"HIndi! Ayos lang ako. Huwag niyo akong alalahanin." seryosong sambit ko.

 

"Bigla ka na lang umalis kanina habang nasa kalagitnaan ng speech niya si Mr. Ferrero. Kilala mo ba siya? Natatakot ka ba sa kanya?" seryosong tanong ni Sapphire sa akin. Napakurap pa ako ng makailang ulit bago sunod-sunod na umiling

 

"Hi-hindi! Wa-wala! Hindi ko siya kilala. "seryosong sambit ko.

 

"HIndi mo siya kilala? Eh, bakit ka ganiyan ngayun? Parang takot na takot ka ah?" seryosong tanong naman ni Ruby. Mabuti na lang talaga at walang ibang tao dito sa loob ng banyo. Pambabaeng banyo ito at may sarili ding banyo ang mga kagaya niyang gay.

 

"Hindi! Hindi ako natatakot sa kanya! Talagang bigla lang sumama ang pakiramdam ko kaya nagpasya akong umalis na." seryosong sagot ko.

 

Pagkatapos noon, muli akong naghugas ng aking kamay at nagpatiuna nang naglakad palabas ng banyo. Kaagad din naman silang napasunod sa akin.

 

"Hindi na ako aattend sa kasunod na subject. Uuwi na ako." muli kong sambit. Napansin ko pa nga na nagkatinginan ang dalawa bago sabay na tumango

 

"Okay, pero bago iyan, daan muna tayo sa canteen. Bili muna tayo ng tubig.." wika ni Sapphire. Pagkatapos nito, hinawakan niya ako sa aking kamay at iginiya patungo sa canteen.

 

Tahimik lang din naman akong nagpaubaya. Siguro nga, malaking epekto sa akin ang makita si Lucian ngayung araw. Siya pala ang nag sponsor para maipatayo ang library. Philanthropist ba siya na kahit dito sa probensya nakarating siya?

 

Sa sobrang gulo ng isipan ko, hindi ko na nga namalayan pa na nakarating na kami ng canteen. Kaagad na bumili ng tubig si Ruby at ilang mga snacks.

 

"Kumain muna tayo." wika pa nga nito nang makabalik sa table natin. Ayaw ko sana pero dahil naibili niya na ako ng pagkain kaya wala na akong nagawa pa kundi ang pagbigyan sila

 

"Kaya ko nang umuwi mag-isa. Hindi niyo naman ako dapat samahan lalo na at may isa pa tayong subject na dapat pasukan." pilit ang ngiting wika ko

 

"Aabsent ka, so aabsent na din kami. Amber, magkaibigan tayo at ang magkaibigan, walang iwanan."

 

nakangiting sagot ni Sapphire. Tanging tipid na ngiti lang ang naging sagot ko bago ko itinoon ng attention ko sa aking pagkain

 

'Teka lang, ano nga pala ng kailangan ni Gerald? I mean, nakita namin kanina na kausap ka." muling tanong ni Ruby.

 

"Ahmmm, oo nga pala. Buti nabangit mo. Ininvite ako ni Gerald na kung pwede daw akong maging muse sa team nila. Actually, kapag pumayag daw ako, pwede daw akong malibre sa tuition ko next school year." nakangiti kong sagot

 

""And pumayag ka?" seryosong tanong ni Sapphire.

 

"Nope! Hindi pa! Pag-iiisipan ko muna. Para kasing nahihiya ako eh. Kulang ako sa self confidence pagdating sa mga ganiyang bagay."

 

"Well, tama! Pag-isipan mo. Kung free tuition lang naman ang habol mo, pwede naman namin abunuhan, Amber. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na gawin ang mga bagay na hindi mo naman talaga gusto." seryosong bigkas ni Sapphire. Nakangiti naman akong tumango.

 

Pagkatapos namin ubusin ang mga pagkain na na inorder ni Ruby, nagpasya na din kaming umuwi na. Nakaramdam pa nga ako ng guilt dahil pati sila nadamay pa sa pag absent kong ito.

 

Kaya lang naman din ako nagpasyang umuwi na dahil hangat nandito lang sa paligid si Lucian, hindi din kasi ako mapalagay.

 

Pagkalabas namin ng campus, kaagad na din kaming nag-abang ng tricycle na masasakyan pauwi ng bahay. Iyun nga lang, imbes na tricycle ang huminto sa harapan namin, isang magarang sasakyan.

 

Noong una, hindi ko na sana papansinin pa pero noong bumukas ang bintana ay ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang bumungad sa paningin ko ang seryosong mukha ni Lucian. Blanko ang expression ng mukha niya na nakatitig sa akin.

 

"Get in!" seryosong bigkas niya habang titig na titig pa rin sa akin. Wala sa sariling napahawak ako sa braso ni Sapphire dahil biglang dagsa na naman ang kaba sa puso ko. Hindi ko din malaman kung ano ang gagawin ko.

 

 

 

Chapter 105

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

Walang duda! Napansin nga siguro ni Lucian ang presensya ko kanina sa stadium kaya nandito siya ngayun sa harapan ko

 

God, sana hindi ito ang umpisa ng pangungulit niya sa akin. Minsan na siyang nangako sa akin na hindi niya na ako guguluhin pero ano ang ginagawa niya ngayun sa harapan ko? Bakit bigla na naman siyang sumulpot sa buhay ko?

 

"Come on, Precious sumakay ka na! Don't worry, gusto lang kitang makausap." seryosong muling bikgas ni Lucian

 

Mariin kong naipikit ang aking mga mata! Ayan na naman! Narinig ko na naman mula sa bibig niya ang pagtawag niya sa aking pangalan na Precious. Sa lahat ng mga taong nakakilala sa akin, tanging siya lang ang tumatawag ng Precious sa akin. Kadalasan kasi Amber talaga!

 

"Lucian...hindi ako sasakay. Sorry, pero ayaw ko nang makipag-usap sa iyo." mahina kong sambit! Pilit kong nilalabanan ang takot sa puso ko. Naramdaman kong nag-umpisa nang pagpawisan ang aking kamay dahil sa namuong matinding tensiyon sa puso ko

 

"Precious, kilala mo naman ako diba? Masama akong magalit kapag hindi napagbibigyan ang gusto ko." seryoso niyang bigkas.

 

Lalo naman akong napakapit kay Sapphire. Ano ba ang ginagawa nila? Akala ko ba matapang sila pero bakit hindi nila ako maipagtangol kay Lucian?

 

"Amber, mukhang kilala ka niya. At si Mr. Ferrero lang iyan. Baka naman may importante siyang sasabihin sa iyo kaya gusto kang makausap," narinig kong sambit ni Ruby. Wala sa sariling napatitig

ako sa kanila.

 

Yeah...I know! Masamang magalit si Lucian at baka pati sila ay idamay nito. Sa ilang buwan na nakasama ko itong si Lucian, kilalang kilala ko na siya. Alam na alam ko kung anong klaseng pag-uugali meron siya.

 

"Sumakay ka na! Kausapin mo na siya! Hindi mo ba napapansin, dumadami na ang mga tsismosa at tsismoso sa buong paligid. Kilala si Lucian sa iskwelahan natin at hindi naman siguro siya gagawa ng mga bagay na labag sa kalooban mo." mahabang sambit ni Sapphire.

 

HIndi ko mapigilan ang mapatingin sa paligid. Tama si Sapphire, dumadami na nga ang mga tsismosa sa paligid. Lahat gustong makiusyoso at kapag patuloy pa akong magmatigas baka kung ano pa ang mangyari.

 

Alam kong hanggang nasa harapan ako ni Lucian, pipilitin at pipilitin niya talaga ako. Kaya kahit na kinakabahan, wala akong choice kundi ang bumitaw sa pagkakahawak kay Sapphire at dahan-dahan na naglakad patungo sa sasakyan ni Lucian.

 

Bago ako makalapit, mabilis na binuksan ng isa sa mga bodyguards nito ang pintuan ng kotse. Bago ako sumakay, napalingon pa ako kina Sapphire at Ruby at nang mapansin ko ang ngiting nakaguhit sa labi nila, hindi ko tuloy maiwasan na magtaka.

 

Feeling ko kasi, parang wala lang sa kanila ang pamimilit sa akin ni Lucian. Or baka naman dahil alam nilang hindi basta - bastang tao si Lucian kaya ang bilis nila akong ipagkatiwala dito

 

Pagkasakay ko ng kotse, kaagad na din namang isinara ng bodyguards ang pintuan ng sasakyan. Pati na din ang bintana.

 

Ilang saglit lang, naramdaman ko na ang pag-usad ng sasakyan. Muli pa akong napalingon kina Sapphire at Ruby at hindi ko pa nga maiwasan na magtaka nang mapansin ko na sumakay din sila sa itim na sasakyan. Ang alam ko mga bodyguards ni Lucian ang sakay doon

 

"So, kumusta ka na?" hindi ko mapigilan ang mapapitlag nang bigla siyang nagsalita. Blanko ang expression ng mukha na napatingin ako sa kanya at nang mapansin kong nakatitig siya sa akin, kaagad akong nag-iwas ng tingin.

 

"May usapan tayo na hayaan mo na ako." mahina kong sambit sa kabila ng malakas na pagkabog ng dibdib ko.

 

Hindi ako dapat magpkita ng takot sa kanya! Isa pa, siya itong may kasalanan sa akin kaya dapat lang na siya itong mahiya sa akin.

 

Sabagay, wala pala siyang hiya. Wala din siyang kinatatakutan. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya sa kahit na anong paraan.

 

"Precious, galit ka pa ba sa akin? HIndi mo pa rin ba ako napapatawad sa mga nangyari?" narinig kong sambit niya. Hindi naman ako nakaimik.

 

"Hindi ka na nakasagot. Ibig ngang sabihin, hanggang ngayun, galit ka pa rin sa akin. Sabagay, hindi kita masisisi. Alam ko din na walang kapatawaran ang nagawa ko sa iyo kaya nga hanggang ngayun, dala-dala ko pa rin ang bigat sa puso ko." muli niyang bigkas.

 

"Huwag na nating pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan. Tapos na ang lahat ng iyun at hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na." seryosong sagot ko sa kanya.

 

Sa isang iglap lang, muli ko na namang naramdaman ang bigat ng kalooban. Pinilit ko naman ang sarili ko na kalimutan na ang mga nangyari sa nakaraan pero wala eh. Hindi ko talaga kaya! Nahihirapan talaga ako!

 

"Yes, tapos na ang lahat! Nagkamali ako at sana bigyan mo ako ng chance na makabawi sa iyo, Precious." mahina niyang sambit. Sapat lang iyun para marinig ko kaya wala sa sariling napatitig ako sa kanya.

 

"Makabawi? NO! Mga kamay mo ang halos kumitil sa buhay ko noon pero ang mga kamay mo din na iyan ang nagligtas sa akin.I think quits lang iyun.

 

Pinagbigyan mo din ako sa hiling ko sa iyo noon, iyun ay huwag nang magkrus ulit ang landas natin. Umaasa ako na sana tuparin mo pa rin iyun. Ang pagkikita nating ito ay aksidente lang at pagkatapos nito, sana hayaan mo na ako. Pinalaya mo na ako at sana lubos-lubusin mo na, Lucian." seryoso kong bigkas. Pigil ko din ang maluha habang sinasabi ko ang katagang iyun.

 

 

 

Chapter 106

 

LUCIAN MONTEFALCO FERRERO POV

 

HINDI ko mapigilan ang maikuyom ang aking kamao sa katagang narinig ko mula kay Precious.

 

Ang mga salitang binitiwan niya ay parang isang matalim na punyal na bumabaon sa puso ko. Katabi ko lang siya ngayun pero para bang nakapahirap niya pa ring abutin.

 

Hanggang ngayun, nakikita ko pa rin sa mga mata niya ang pait.

 

SAbagay, masyado pang maaga ang lahat. Hindi pa dapat ako magpakita sa kanya pero hindi ko na talaga kaya. Miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na ang Precious ko

 

"Yeah...ang pagkikita nating ito ay aksidente lang and since magkakilala naman tayo before, hayaan mo akong i-treat ka." seryosong sagot ko. Ibinaling ko na ang tingin ko sa unahang bahagi ng sasakyan dahil nakikita ko na sa mga mata niya ang pagkailang sa tuwing napapatingin siya sa akin.

 

"Busog pa ako. Sorry, Mr. Ferrro pero pwede bang pakibaba na lang ako sa gilid ng kalsada?" seryosong bigkas niya.

 

"Precious, kaninang umaga pa ako walang matinong kain. Malungkot kumain mag-isa kaya sana sa pagkakataon ng ito, mapagbigyan mo ako. "seryosong bigkas ko

 

"Bakit hindi si Jolina ang yayain mo? HIndi ba't siya ang bago mong natitipuhan na babae? Sana hindi mo nakalimutan ang pangako mo sa akin. Despite sa pagkikita natin ngayun, sana tuparin mo pa rin iyun, Lucianm" seryosong sambit ko.

 

HIndi ko tuloy mapigilan ang magulat. Paanong nasali sa usapang ito si Jolina? Iniisip niya ba na may relasyon kami ng babaeng iyun? Nagseselos ba siya?

 

"Paano naman nasali sa usapan na ito si Jolina?" seryosong sagot ko. Hindi naman siya nakaimik kaya naman nagpasya na akong huwag na din umimik pa. Para hindi na siya masyadong mailang sa akin.. Hanggang sa makarating kami sa isang restaurant.

 

Mabilis akong bumaba ng kotse. Pagkababa ko, akmang alalayan ko sana siya pababa pero nakita ko naman ang pagtutol sa mga mata niya. Wala sa sariling napaatras ako.

 

Ayaw niya talaga! Siguro, malayo na talaga ang loob niya sa akin. Siguro hanggang ngayun, malaki pa rin ang galit niya sa akin.

 

Gayunpaman, wala akong planong sumuko. Kung kinakailangan na ligawan ko siya para lang makuha ulit ang tiwala niya sa akin, gagawin ko. Lahat nakukuha sa tiyaga at dedikasyon.

 

Hinayaan ko na lang na makababa siya mag-isa sa sasakyan. Mabuti nga at hindi na siya tumanggi na samahan akong kumain dito sa restaurant. Magandang senyales pa rin iyun sa akin.

 

Kung hindi lang talaga ako nag-aalangan, gusto ko na talaga siyang yakapin eh. Gusto ko na siyang dalhin sa lugar na kung saan walang ibang makakakita sa kanya kundi ako lang. Aware ako na maraming nagkakagusto kay Preciuos sa pinapasukan niyang iskwelahan. Nakikita ko iyun sa mga titig at pasulyap-sulyap sa kanya ng ilang mga kalalakihan habang nag-i-speech ako kanina.

 

Hindi ko lang kung aware ba doon itong si Amery. Or baka nga siguro nasanay na din siya. Sabagay, hindi din naman kasi maka -porma ang mga lalaking iyun dahil mabilis din silang naitataboy nila Robinhood at Seferina.

 

Maayos naman ang naging report nila Sapphire at Ruby sa akin. May mga aali-aligid na lalaki daw kay Precious pero lahat sila hanggang titig lang. Tşaka, talagang aloof daw talaga itong si Precious pagdating sa mga kalalakihan.

 

Pagkapasok namin sa loob ng restaurant, binati at may nag-assist din naman kaagad sa aming staff. PInili ko ang table na medyo may privacy. Mamahalin ang restaurant na ito at iilan lang ang mga costumers nila.

 

Pagkadating namin sa table, kaagad kaming naupo ni Precious. Binigyan din kami ng menu booklet ang waiter. Dalawa iyun, isa kay Preicious at isa sa akin.

 

"Ano ang gusto mong kainin?" masuyo kong tanong sa kanya! Napansin kong napatingin muna siya bago napasulyap sa akin. Pagkatapos noon, dahan-dahan niyang ipinatong ang menu book sa mesa sabay iling.

 

"Ikaw na ang bahala." mahinang sagot niya sabay iwas ng tingin sa akin. Plgil ko naman ang sarili ko na mapangiti.

 

Siya pa rin pala ang dating Precious. Walang ipinagbago. Ganito siya palagi sa tuwing kumakain sa restaurant. Hindi siya nakakapagdecide kung ano ang gusto niyang kainin.

 

Sinipat ko ng tingin ang menu. Sa ilang buwan na nagsama kaming dalawa, kabisadong kabisado ko na kung ano ang gusto niya. Mahilig siya sa mga seafoods kaya iyun ang karamihan sa inorder ko. Tapos sinamahan ko na din ng steaks at salad.

 

Talagang dinamihan ko ang order ko. Kilala ko itong si Precious, nanghihinayang siya sa mga pagkain na hindi nauubos. HIndi din naman ako pumapayag na i-take out namin na siyang dahilan kaya natatagalan kami sa loob ng restaurant.

 

At iyun ang gagawin ko ngayun. Gusto kong sulitin ang pagkakataon na kasama ko siya ngayun. Gusto ko pang makasama siya ng mas matagal kahit man lang sa pagkain.

 

Pipilitin kong makontento sa ganitong bagay. Malaki ang naging kasalanan ko sa kanya kaya dapat lang na ako ang umintindi sa kanya sa lahat ng oras.

 

Pagkatapos kong masabi sa nakaantabay na waiter ang mga orders ko, muli kong hinarap si Precious. Abala ang mga mata nito sa kakalibot sa buong paligid.

 

Kilala ko siya. Alam kong nililibang niya lang ang sarili niya at iniiwasan niya din na mapatingin sa akin.

 

Hindi ko mapigilan ang muli siyang pagmasdan. Tuluyan nang bumalik sa dati ang pangangatawan niya. At mas lalo din siyang gumanda sa paningin ko.

 

Napakasimple ng mukha niya. Lalong lumutang ang ganda niya kahit na kapansin-pansin na wala siyang kahit na isang ipinahid na pampaganda sa kanyang mukha. Ibang-iba talaga siya kumpara sa kahit na kaninong babae.

 

Kaya nga nahulog ako sa kanya eh. Kaya nga hanggang ngayun, baliw na baliw pa rin ako sa kanya!

 

Masyado akong abalang tao at kaya kong isingit sa schedule ko itong si Precious makita at makasama ko lang siya palagi.

 

Handa ko din gawin ang lahat mapatawad niya lang ako.

 

Chapter 107

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

Kagaya ng inaasahan, puro mga paborito kong pagkain ang inorder ni Lucian. Ang alam ko hindi niya naman talaga paboritong pagkain ang mga seafoods eh. Palagay ko din, hindi din siya gutom dahil kanina pa naka-serve ang mga pagkain, wala siyang ibang ginawa kundi ang tumunganga at titigan ako.

 

"Lucian, akala ko ba gutom ka?"

 

seryosong tanong ko sa kanya. Inilapag ko ang hawak kong kutsara at tinidor at seryoso siyang tinitigan.

 

"It's okay! Kumain ka lang! Makita ko lang na busog ko, parang nabubusog na din ako." nakangiti niyang sagot. Hindi ko naman mapigilan ang mapakunot noo dahil sa sinabi niya. Ngayun ko lang kasi siya narinig na magbigkas ng mga ganitong kataga.

 

Tsaka, hindi bagay sa kanya ang magsalita ng ganoon. Malayo sa personality niya kaya feeling ko, nagkamali lang ako ng dinig.

 

"Dinig ko masarap ang mga seafoods nila dito. Talagang fresh at magaling din magluto ang chef nila.:" muli niyang bigkas. Hindi ko pa nga mapigilan ang magulat nang bigla niyang damputin ang malaking sugpo at gamit ang mismong dalawa niyang kamay, binalatan niya iyun sa mismong harapan ko.

 

Kailan pa siya natutong magkamay. Or baka naman paborito niya lang ang sugpo? Hindi ko na sana papansinin pa kaya lang ng ilapag niya ang binalatan niyang sugpo sa pingan ko, doon na talaga ko sobrang nagulat.

 

Wala sa sariling tulala akong napatitig sa kanya! Anong nangyari kay Lucian? Bakit parang hindi na siya ang dating Lucian na kilala ko?

 

"Kainin mo na." nakangiti niyang wika sa akin pagkatapos niyang magbalat ng limang sugpo at lahat iyun ay inilagay niya sa pingan ko.

 

"Paano ka? I mean...hindi mo dapat ginawa iyun." seryosong sagot ko

 

"Ang alin?" natatawa niyang bigkas habang titig na titig siya sa akin. Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin habang hindi ko maiwasan na mapatitig sa madumi niya nang kamay.

 

"Ang ipagbabalat ako ang sugpo. I mean, kaya ko na ang sarili ko." mahinang bigkas ko sabay kuha ko sa aking bag na nasa gilid ko lang. Binuksan ko iyun at mula sa loob, naglabas ako ng wet wipes. Kumuha ako ng tatlong piraso at iniabot sa kanya.

 

"Punasan mo iyang kamay mo para makakain ka na din or di kaya maghugas ka ng kamay sa hand washing area."

 

seryosong bigkas ko.

 

"It's okay! I preferred wet wipes kaysa naman iwan kita dito sa table natin." bigkas niya sabay abot niya sa wet wipes na nasa kamay ko. Hindi ko na siya sinagot pa at muli ko nang itinoon ang buo kong pansin sa mga pagkain na nasa pingan ko.

 

Nanamihik na din naman siya at saktong kakatapos niya lang punasan ang kanyang kamay, may dumating pa na isa pang order. Grilled Salmon with Broccoli. Dalawang order iyun at ang isa ay iyun na din ang kinain ni Lucian at ang isa naman ay ibinigay niya sa akin.

 

Naging tahimik ang sumunod na sandali sa pagitan naming dalawa. Parehong nakatoon ang buo naming attention sa aming kinakain.

 

Lumipas ang ilang sandali, sa wakas, natapos din kami sa pagkain. Kahit papaano, nabusog din naman ako. Sabagay, sa dami ng inorder niyang mga pagkain, talagang no choice ako kundi ang kumain ng marami.

 

Kilala ko itong si Lucian. Ayaw na ayaw niyang magtake out ng mga left over na mga pagkain. Nakakapanghinayang kung hindi ubusin dahil kung makaorder siya talagang walang limit.

 

"Lucian, thank you sa masarap na pagkain. Ngayung tapos na tayong kumain, pwede bang umuwi na ako?"

 

lakas loob kong tanong sa kanya! Dinner lang naman ang usapan namin at wala nang iba. Isa pa, wala din akong balak na magtagal na makasama siya. Pinabigyan ko lang siya sa paanyaya niya kanina kaya kami magkasama ngayun.

 

"Yeah...pwede. And thank you nga pala dahil pumayag kang samahan akong kumain." seryosong sagot niya.

 

Ilang saglit lang, magkaagapay na kaming naglalakad palabas ng restaurant.

 

Tahimik lang naman si Lucian kaya pinili ko na lang din ang manahimik. Iyun nga lang, nang makarating kami sa pinakalabas ng restaurant, muli akong nagsalita para magpaalam na sa kanya!

 

Wala akong balak na magpahatid sa kanya hanggang sa bahay na tinitirhan ko. Ayaw ko kasing malaman niya kung saan ako nakatira at baka muli na naman niya akong kulitin. INiiwasn ko nang mangyari ang mga nangyari noon at ayaw ko na din talagang magkaroon ng mahabang komunikasyon sa kanya.

 

"Ahmmm, Lucian...maraming salamat sa dinner." mahinan kong sambit. Narinig niya naman yata dahil napatigil siya sa paghakbang at dahan-dahan akong hinarap.

 

"You're welcome. So, dito mo na ba talaga gusto? I mean, wala ka na bang balak na bumalik ng Manila?" seryosong tanong niya. Kaagad naman akong tumango

 

"OO, dito na ako! At least dito, malayo sa sakit ng ulo. Malayo sa gulo at mas tahimik ang buhay ko." seryoso kong bigkas.

 

"I understand. Alam kong mahirap kalimutan ang nakaraan pero nagpapasalamat pa rin ako sa iyo dahil pinaunlakan mo ang alok ko na samahan akong kumain." seryosong bigkas niya.

 

"You're welcome Lucian. Pero sana, hanggang dito na lang tayo.

 

Pinanghahawakan ko pa rin ang pangako mo sa akin noon na hahayaan mo na ako. Tahimik na ang buhay ko ngayun at mas masaya din ako ngayun kumpara sa dati. Sana maintindihan mo ang ibig kong sabihin." lakas loob ko ding wika sa kanya!

 

Napansin kong natigilan siya kasabay ng lungkot na kaagad na gumuhit sa mga mata niya. Ilang saglit pa, pilit siyang ngumiti sa akin sabay tango

 

"Of course, naiintindihan ko. Hayaan mo, tutuparin ko ang pangakong iyun, Precious. Ipagpalagay mo ang kalooban mo dahil hindi na magiging kagaya ng dati ang magiging buhay mo. Sisiguraduhin ko na hindi ka na masasaktan ulit.." seryosong sagot niya.

 

 

 

Chapter 108

 

 

 

 

Chapter 100

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

PAGKATAPOS ng pag-uusap naming iyun ni Lucian, pumayag na din naman siya noong sabihin ko sa kanya na huwag niya na akong ihatid pa sa bahay.

 

Kaagad akong pumara ng tricycle. Habang daan, panay pa ang lingon ko sa pag-aalalang baka sundan niya ako. Ayaw ko din kasing malaman niya kung saan ako nakatira eh.

 

Hangat maari, ayaw ko na ng gulo. Tapos na ang kabanata sa buhay ko na kasama siya at ayaw ko nang bumalik pa sa dati.

 

Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi na muling nagkrus ang landas naming dalawa ni Lucian. Mukhang napagawi lang talaga siguro siya dito sa School namin dahil sa pag sponsor niya para maitayo ang library.

 

Simula din noong nagkausap kami ni Lucian, mas nagkaroon na din akong confidence sa sarili ko. Tuluyan na ding nawala ang takot sa puso ko sa isiping hindi niya na ako guguluhin. Alam na ni

Lucian kung nasaan ako at ni minsan, hindi na siya nagpapakita sa akin. Siguro nga, tuluyan niya na din akong pinalaya.

 

Kahit naman papaano, bumilib din ako sa kanya. May isang salita din naman pala siya eh. Ang huling naging balita ko ay bumalik na daw ito ng Manila.

 

Ang alok ni Gerald sa akin noon na maging muse ng team nila ay tinangihan ko na din. Bigla kasing nag-alok ang iskwelahan ng full time scholarship sa mga piling istudyante. Basta maipasa lang ang exam at isa ako sa mga istudyante na sinwerte.

 

Gayunpaman, kahit na tumanggi ako na maging muse ng team nila, naging magkaibigan din naman kami. Maliban kina Sapphire at Ruby, naging kaibigan ko na din sila Melanie at Gerald.

 

Maayos naman silang kasama. Mababait din naman sila at kasundo ko.

 

Iyun nga lang, kasabay ng pagiging magkaibigan namin nila Melanie at Gerald ay ang biglang pagdrop out naman nila Sapphire at Ruby. Ayaw na daw nilang ipursige ang pag-aaral nila dahil tinatamad na daw sila. Mas gusto na lang daw nilang magtrabaho para kumita ng salapi.

 

"Sayang naman! Sure na ba kayo?"

 

seryosong tanong ko pa nga sa kanila.

 

Umaasa ako na sana magbago pa ang isip

 

nila. Sobrang nanghinayang kasi ako eh. Kung saan Isang taon na lang at gagraduate na kami, tsaka naman sila hihinto.

 

"Alam na nila Mommy ang School na pinapasukan ko at may balak daw silang puntahan ako doon kaya naman hindi na muna ako lalabas ng bahay." seryosong sagot ni Sapphire sa akin. Sin Ruby naman ang hinarap ko

 

'Same! Magpapalamig lang ako ng kaunti at baka maghahanap na lang din ako ng trabaho. Pinutol na kasi ni Daddy ang allowance ko eh." malungkot na sagot naman ni Ruby sa akin.

 

Hindi ko tuloy maiwasan na mag-aalala. Kung hihinto sila ibig bang sabihin nito na babalik na din sila ng Manila? Kung ganoon, kailangan ko na din sigurong maghanap ng ibang matitirhang bahay. Hindi ko kasi kakayanin ang renta kung sakaling aalis na silang dalawa.

 

"Okay, basta kapag kailangan niyo nang bumalik ng Manila, sabihan niyo ako ng advance ha? Para naman makahanap ako ng ibang bahay na matutuluyan." seryosong sagot ko.

 

"Don't worry, Amber...wala kaming balak na umalis ng bahay. Wala din kaming balak na bumalik ng Manila. Dito lang kami, hihintayin ka namin na maka-graduate. " nakangiting wika ni Sapphire sa akin na labis kong ipinagpasalamat.

 

Tuloy pa rin naman pala ang pagsasama namin sa iisang bubong. Kahit papaano, naging palagay na din ang loob ko.

 

Sabagay, palagi din kasi nilang bukambibig na walang iwanan. Sabay daw kaming dumating sa lugar na ito at sabay din kaming aalis.

 

Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Sa wakas, dumating na din ang pinakaaasam-asam ko. Ang aking graduation.

 

Taas noo akong umakyat ng stage.

 

Walang pagsidlan ang tuwa na nararamdaman ng puso ko. Ang diploma na natangap ko ay gusto kong ialay sa mismong puntod ni Mommy. Sa wakas, natupad ko din ang hiling niya sa akin noon. Iyun ay ang makapagtapos ng aking pag-aaral.

 

"Congratulations, Amber!" nakangiting bati nila Sapphire sa akin. Niyakap pa ako nito ng mahigpit. Ramdam ko ang tuwa sa mukha niya samantalang si Robin naman ay tahimik lang.

 

Actually, kung hindi lang siguro sila huminto sa pag-aaral, kasama ko sana silang nakapagtapos ngayung araw. Kaya lang hindi ko naman sila pwedeng pilitin kung ano ang nais nila. Ang labis ko lang na ipinagpasalamat ay sa kabila ng lahat ng paghinto nila sa pag-aaral, hindi din talaga nila ako iniwanan. Hanggang ngayun magkasama pa rin kami sa iisang

bubong

 

"Thank you, Sapphire. Sa wakas, nakuha ko na din ang diploma na pangarap ni Mommy sa akin. Pwede na akong bumalik ng Manila." nakangiti kong sagot.

 

"TAlaga? Wow, good news iyan. Naunahan mo lang kami magsabi. Balak na din kasi namin ni Ruby na bumalik na ng Manila" nakangiting sagot naman ni Sapphire sa akin.

 

"Wow, ang galing naman ng kapalaran. Mukhang sabay-sabay na naman tayo nitong sasakay ng barko ah?" natatawa kong bigkas.

 

"Oo nga eh. Dalawang taon na din ang mabilis na lumipas at miss na miss ko na ang ingay ng Manila." natatawang sagot ni Ruby

 

"Ganoon din ako! Kahit naman hindi maganda ang naging buhay ko sa Manila, handa na din ulit kang sumugal ngayun. Ngayung may diploma na ako, balak kong umpisahan na din ang mag job hunting sa Manila." excited kong bigkas.

 

Dalawang taon! Yes, ang bilis ng panahon at feeling ko, ready na ako. Kasabay ng pagkakaroon ko ng diploma ay ang pangako ko sa sarili ko na kakalimutan ko na ang nakaraan. Ibabaon ko na sa limot ang lahat ng masasakit ng alaala para makapag-focus na ako sa bagong karera ng buhay ko.

 

Chapter 109

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

PAANO ba iyan, kanya-kanya na muna tayo?" nakangiting bigkas ni Sapphire sa aming dalawa ni Ruby. Kakababa lang namin sa sinakyan naming barko dito sa port nang bigla niyang sabihin ang katagang iyun. Kanya-kanya, ibig sabihin, bahala na kami sa kanya-kanya naming sarili. Uuwi na sila sa bahay nila samantalang ako, hindi ko alam kung saan patutungo

 

Gayunpaman, pilit akong ngumiti.

Dalawang taon din kaming magkasama sa iisang bubong at nasanay na ako sa presensya nila pero kailangan kong initindihin ang sitwasyn. HIndi habambuhay, kasama ko sila.

 

"Oo naman! Kanya-kanya na tayo pero text-text pa rin tayo. HIndi porket nandito na tayo sa Manila, hindi na tayo magkaibigan ha?" nakangiti kong sagot.

 

"OO naman, kahit na anong mangyari, friends pa rin naman tayo." sagot din naman kaagad ni Ruby. Ilang saglit lang, nagkanya-kanya na din kami ng landas.

 

Sumakay ako ng bus patungo sa pinaka-centro ng Metro Manila. Balak kong maghanap ng mumurahing hotel habang iniisip ko kung ano ang gagawin ko.

 

Balak kong icheck ang dating bahay namin ni Mommy. Titingnan ko kung pwede pang tirhan at kung hindi na baka maghanap na lang ako ng mauupahang kwarto bago maghanap ng trabaho

 

Malaki pa ang pera na meron ako sa banko. SA loob ng dalawang taon, hindi ko naman naubos ang pera na ibibigay sa akin ni Lucian dati dahil naging matipid ako. Nakatulong din talaga sa akin ang mag partime job habang nag-aaral plus palagi din akong niliilbre ng mga kaibigan kong sila Sapphire at Ruby

 

Ang kailangan ko na lang gawin ngayun ay muling kontakin si Risa. Yes..ang kababata kong si Risa. Tiyak akong nagtatampo na iyun sa akin.

 

Dalawang taon akong hindi nagpakita sa kanya! Wala ding komunikasyon at baka galit na siya sa akin.

 

Sa mismong tapat ng isang mumurahing hotel ako bumaba ng bus. Hapon na at kailangan ko nang makapag check in. Wala kasi akong balak na magpagala-gala sa labas. Medyo matagal akong nawala dito sa Metro Manila at iba ang buhay dito kumpara sa probensyang pinangalingan ko.

 

Feeling ko tuloy ngayun, muli akong nag-umpisa sa buhay. Feeling ko ngayun muli akong bumalik sa dati. Gayunpaman, ganado naman akong muling umpisahan ang buhay.

 

Pagkacheck-in ko sa hotel, nagpasya na din akong maligo na muna. Mahaba ang oras ng biyahe namin kanina nila Sapphire at Ruby at medyo nakakaramdam na din ako ng panlalagkit ng aking katawan

 

Pagkatapos kong maligo at magbihis ng kumportableng damit tsaka ko naman inilabas ang aking bagong cellphone. Binili ko talaga ito bilang gift sa sarili ko tsaka sa nasabi ko na, may malaking amount pa na pera ang natira na nasa account ko.

 

Tsaka, medyo matagal din akong hindi gumamit ng cellphone. Noong nag-aarala ako, laptop ang naging gamit ko at never ko nang binuksan ang social media account ko. Iyun din ang dahilan kaya nawalan ako ng komunikasyon kay Risa.

 

Pero ngayun kailangan ko nang harapin ang tunay na takbo ng buhay. Ang mga posibleng paparating na pagsubok sa akin. Nandito na ulit ako sa Metro Manila at alam kong may chance na muli kong makakasalubong ang landas namin ng mga taong naging dahilan sa mga pasakit ko noon..

 

Isa na doon ang aking ama na si Gustavo Rodriguez kasama ang kanyang asawa na si Rosalinda at ang anak-anakan niyang si Aurora.

 

Simula noong umalis ako dito sa Manila, wala na din akong naging balita sa kanila at hanggang maaari, ayaw ko na din talagang muling magkrus ang landas namin.

 

Inopen ko ang kaka-create ko pa lang ng social media account ko. Sila Ruby, Sapphire, Gerald at iba pang mga classmates ko pa lang ang mga friends ko.

 

Maraming tag photos noong graduation namin.

 

Pero mas lalong kumislap ang tuwa sa mga mata ko nang sa wakas, inaaccept na ni Risa ang friends request ko. Nagreply din siya sa message ko and as usual, puro tanong ang ibinato niya sa akin.

 

Kung kumusta na daw ako at nasaan na ako ngayun. Hindi na ako nakapaghintay pa. Kusa ko nang pinindot ang call button.

 

"Risa...:" masigla kong bigkas nang sa wakas, sinagot niya din kaagad ang tawag ko.

 

"Amber, ikaw ba talaga iyan? Nasaan ka? KUmusta ka na? Ang daya mo naman, bakit ngayun ka lang nagpakita?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.

 

""Awww ano ba iyan. Ang dami namang tanong...." natatawa kong sagot.

 

"Oo, marami talagang tanong dahil ang tagal mong nawala. Teka lang, nasaan ka ba ngayun? Pupuntahan kita...magkita tayo. Alam mo bang sobrang na-miss kita? All this years, saan ka ba nagtatago kang babae ka?" seyoso niyang muling bigkas.

 

Muling gumuhit ang ngiti sa labi ko. masaya ako dahil kahit papaano, sa pagbabalik kng ito dito sa Manila may isang tunay pa rin palang kaibigan ang naghihintay sa akin.

 

"Nandito sa hotel. Kakabalik ko lang dito sa Manila." seryosong sagot ko sa kanya

 

"Sang hotel? Naku, makukurot talaga kita eh. Ano ba ang ginawa mo sa sarili mo, Amber! Ang tagal mong nawala." seryosong bigkas niya.

 

"Malapit lang ako sa mall na paborito nating tambayan noon. Kung may time ka, magkita tayo para makapg-usap tayo ng maayos. Miss na miss na din kita my friend, Risa." nakangiti kong bigkas.

 

"OKay, sige! magkita tayo! On the way na ako. Naku, humanda ka sa akin, makukurot talaga kita sa singit kang babae ka." seryosong bigkas niya bago niya tuluyang pinatay ang tawag.

 

Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti pagakapos naming mag-usap. Mabilis na din akong gumayak para makipagkita sa kanya!

 

Two years din kaming hindi nagkita ng isa sa mga taong kaisa-isang kakampi ko noong mga panahon na lugmok na lugmok ako.

 

 

Chapter 110

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"AMBER, ikaw nga!:" nakangiting wika ni Risa sa akin nang magkita kami dito mismo sa harapan ng paborito naming mall. Walang pag-aalinlangan na mahigpit niya akong niyakap.

 

"Risa...ang ganda mo! Kumusta ka na? Teka, ikaw ba talaga iyan? Mukha ka na talagang asensado ah?" nakangiti kong sagot.

 

Totoo naman talaga kasi eh. Ibang iba na ang awra ni Risa ngayun. Ang damit na suot niya ngayun ay halatang mamahalin. May makapal na hikaw at kwentas na din siya. Sa loob ng dalawang taon ang laki ng ipinagbago ng appearance niya.

 

Ano ka ba...mas maganda ka pa rin kumpara sa akin. Teka lang kumain ka na ba? Saan ka ba nakarating ha? Bakit ngayun ka lang?" seryosong tanong niya.

 

Mahabang istorya. Pero ngayung nagbalik na ako dito sa Metro Manila, gusto ko nang umpisahan ulit ang magiging buhay ko." seryosong tanong ko

 

"Haysst, thank you naman at sa wakas nalagpasan mo din ang mga pagsubok mo, Amber. Masaya ako dahil nagbalik ka na." nakangiting bigkas niya at pagkatapos noon, hinawakan niya ako sa kamay at iginiya papasok sa loob ng mall.

 

Direcho kami sa isang kilalang restaurant. Isang fine dining restaurant at kaagad na din kaming umorder.

 

"So, kumusta na? Saan ka na ngayun nagtatrabaho?" nakangiti kong tanong sa kanya.

 

"Well, sa dating kumpanya pa rin. Sa LMF Corporation Inc. pa rin. Hindi ko maiwan-iwan dahil malaki ang sahod plus ang bilis din ng promotion ko." nakangiti niyang sagot.

 

"Wow, talaga? I am so happy for you, Risa. "nakangiti kong sagot. Napatitig naman siya sa akin

 

"So, ikaw? Kumusta ka? Ano ang plano mo ngayun?" seryosong tanong niya din naman sa akin.

 

"Ayos na ayos lang ako. Actully, three hours pa lang ako dito sa Manila. BAlak ko kasing dito umpisahan ang karera ko eh. Tsaka may balak din akong lumabas ng bansa." nakangiti kong sagot

 

"What? Meaning to say, gusto mong mag-abroad?" seryosong tanong niya sa akin. Nakangiti akong tumango

 

"Yes...pero baka matagal pa. Maghahanap muna ako ng trabaho para naman maka-survived ako sa hirap ng buhay." nakangiting sagot ko sa kanya.

 

"Wow, tamang tama! Kung trabaho ang pag-uusapan, pwede kitang irekumenda sa LMF. Maraming bakante ngayun. What do you think?" nakangiti niyang tanong. HIndi ko naman mapigilan ang mapangiwi.

 

Ang LMF ay pag-aari ng lalaking gusto ko nang iwasan habambuhay. SI Lucian Montefelco Ferrro.

 

"Hindi na siguro! Ibang company ang target ko. Actually, any company basta huwag lang sa LMF." seryoson sagot ko

 

"Amber, ano ka ba! Hind porket magtatrabaho ka sa LMF makakasalubong mo na si Sir Lucian palagi. Alam mo bang dalawang taon na si Sir Lucian sa abroad naninirahan? Ni hindi na nga siya nakikita sa opisina eh." seryosong sagot niya. Hindi ko naman maiwasan ang magulat.

 

"Maraming negosyong hawak ang LMF at hindi porket siya ang may-ari ng kumpanya na iyan magku-krus na palagi ang ladas niyo. Ten thousands of employees meron sila at tiyak akong hindi ka naman mapapansin na ni Sir Lucian eh. Lalo na at dinig ko, wala na siyang balak pang manirahan dito sa Pinas." seryosong bigkas ni Risa.

 

"Kahit na! I mean..susubukan ko sigurong mag-apply muna sa ibang company tapos kung wala talaga...no choice na din siguro ako kundi ang mag-apply sa LMF.' nakangiti kong sagot.

 

"Ikaw ang bahala. Basta, palagi mong tandaan. Magkaibigan tayo at handa akong tulungan ka sa lahat ng oras." seyosong bigkas niya din naman sa akin.

 

Marami pa kaming napag-usapan ni Risa. Napag-alaman ko din na tuluyan nang idinimolish ang dating tinitirhan namin. Lahat naman daw ng nakatira ay binigyan ng relocation House Sayang nga lang dahil hindi ako napasamang nabigyan dahil wala ako noong mga panahon ng demolition. Gayunpaman, tangap ko na din ang lahat at no choice kundi ang mag move-on.

 

"Kung gusto mo, sa bahay ka na lang namin muna tumira, Amber." alok niya pa nga sa akin pero umiling lang ako. Wala akong balak na makipisan sa kanila. Nakakahiya sa mga magulang niya.

 

Maghahanap na lang siguro ako ng mauupahang maliit na kwarto kung saan magiging kumportable ako

 

"Hindi ba't may niregalo sa iyong penthouse si Sir Lucian noon? Kung ayaw mo sa bahay namin, baka pwede ka doon.

 

Remember, nakapangalan sa iyo ang penthouse na iyun at pwede kang tumira doon hangat gusto mo!" muli niyang bigkas.

 

Muli din naman akong umiling. Wala na akong balak pang balikan ang mga bagay na matagal ko nang ibinaon sa limot. Ang penthouse na regalo ni Lucian sa akin ay hindi ko talaga matatangap. Hindi bale na lang makipagsiksikan ako sa mga paupahang kwarto huwag lang ulit ako magkaroon ng komunikasyon pa kay Lucian kahit kailan..

 

"Hayssst, ano ba iyan.....lahat na lang ng suggestion ko, ayaw mo." narinig kong reklamo ni Risa. Hindi ko naman mapigilan ang matawa.

 

"Naka-moved on na kasi ako eh. Basta, lahat ng kaugnayan kay Lucian..ayaw ko nang balikan pa.:" seryosong bigkas ko

 

"How about your Dad?" seryosong tanong niya. Hindi ko naman magilan ang magtaka.

 

"Ha? Sino? Si Gustavo? HIndi ko siya ama.

 

Pinutol ko na ang ugnayan namin sa isat isa."

 

"Kahit na sabihin ko sa iyo na mag-isa na lang siya sa buhay?" seryosong bigkas niya.

 

"Amber, sa loob ng dalawang taon na wala ka, marami ding mga nangyari na mahirap pigilan. Namatay na ang asawa niyang si Rosalinda at nasa home for the aged na din ang Daddy mo. Si Aurora naman ay nasangkot sa kasong kidnapping at nakakulong ngayun." seryosong bigkas niya.

 

Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. Kung totoo ang sinabi nitong si Risa, isa lang ang masasabi ko. Dumating na ang karma nila.

 

Chapter 111

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

PAGKATAPOS naming kumain at mag-usap mabilis na din akong nagpaalam kay Risa na babalik na ako ng hotel. Balak kong magpahinga dahil bukas ng umaga, uumpisahan ko nang maghanap ng mauupahan kahit maliit na kwarto lang.

 

"Are you sure na hindi ka sasama sa akin sa bahay? Pwede ka naman doon ah? Welcome na welcome ka sa bahay namin, Amber." nakangiting wika ni Risa sa akin. Asensado na talaga siya dahil may sarili na din siyang kotse. Nagpresenta pa nga siyang ihatid ako dito sa hotel kung saan ako naka-check-in.

 

"Ayos lang talaga ako, Risa. Huwag mo akong alalahanin. Kaya ko na ang sarili ko. "nakangiti kong sagot.

 

"Ikaw...sige, bahala ka. Pero kapag may kailangan ka, huwag kang mahiya na tawagan ako ha? Regarding nga pala sa paghahanap mo ng bahay, magtatanong-tanong din ako." nakangiti niyang bigkas.

 

"Thank you, Risa. Sige, kapag kailangan ko ng tulong mo, tatawag ako sa iyo." nakangiti kong bigkas.

 

"Mag-ingat ka dito ha? Siya nga pala, kita tayo sa sunday. Pasyal lang tsaka kain sa labas. Kagaya noong dati.:" muli niyang wika na kaagad ko namang sinang-ayunan. Pagkatapos ng kaunti naming pag -uusap, kaagad na din akong nagpaalam sa kanya na papasok na ako sa hotel.

 

Naging maayos naman ang buong gabi ko sa pananatili ko sa hotel. Naging maayos ang pagtulog ko at sinadya ko talagang gumising ng mas maaga kinabukasan para maumpisahan na ang paghahanap ng mauupahang maliit na kwarto

 

Sakto naman dahil noong palabas pa lang ako ng hotel, biglang tumawag sa akin si Sapphire. Tintatanong ako nito kung nasaan na daw ako at kung nakahanap na daw ba ako ng kwartong marerentahan at noong sinabi ko na wala pa, sinabi niyang may alam daw siyang paupahan.

 

Susunduin niya daw ako dito sa hotel kaya hinintay ko na siya. Nagcheck out na din ako dahil kaunti lang naman ang mga dala kong gamit. Isang handbag lang naman at isang medyo may katamtamang laki ng luggage na puro mga damit ko lang naman ang laman.

 

Pagkacheck out ko, naghintay lang ako ng ilang saglit sa lobby ng nasabing hotel at dumating din naman kaagad si Sapphire. Napa-wow pa nga ako dahil nakakotse na ito. Sabagay, walang dapat na ipagtaka dahil noon pa man, alam kong galing siya sa mayamang angkan

 

"Sapphire, thank you ha? Alam mo bang hindi ko talaga alam kung paano mag-umpisang maghanap ng bahay." seryosong wika ko sa kanya.

 

"Walang problema. Para ano pa at magkaibigan tayo diba? Nadaanan ko lang naman ang paupahan na iyun at tiyak akong magiging kumportable ka doon." nakangiti niyang sagot sa akin.

 

"Haysst, sana lang talaga pasok sa budget ko ang renta." mahina ko ding bigkas. Bigla namang natawa si Sapphire.

 

"Ano ka ba? Iyan pa talaga ang iniisip mo. Of course, pasok na pasok sa budget mo noh. Hindi ko iaaalok sa iyo kung hindi mo naman kayang bayaran" nakangiti nitong sambit. HIndi ko din mapigilan ang mapangiti

 

Hindi ko alam kung coincidence lang ba ang lahat dahil ang tinutukoy na paupahan ni Sapphire ay ang isang building na matatagpuan malapit lang din sa LMF Corporation. Tanaw din mula sa building na ito ang penthouse kung saan ako dating itinira ni Lucian.

 

"Sapphire, sure ka ba dito? Bakit dito?" nagatataka kong tanong. Duda din kasi ako kung makakakuha ako ng murang kwarto sa lugar na ito. Puro kasi matatayog na building ang mga nakikita ko eh. Ibig sabihin, nandito kami sa mga high class na mga condominium unit.

 

"Why? Ayaw mo ba dito? Mura ko lang naman talaga ibibigay sa iyo ang renta eh! "natatawang wika niya. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

 

"Anong sabi mo? Ano ang ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong.

 

"Amber, pag-aari ko ang condo unit na tinutukoy kong parerentahan ko sa iyo. Medyo matagal ko nang pag-aari at kaysa naman sa nakabuyangyang lang at walang nakatira mabuti pang ikaw na lang ang magrenta. Kahit magkano, basta ang importante, malibre lang ako sa bayarin ng homeowners association na binabayaran ko monthly." natatawa niyang bigkas. Hindi naman ako nakaimik

 

Hangat maaari, ayaw ko talagang i-take advantage ang kabaitan niya sa akin. Ang laki na ng naitulong niya sa akin noon pa man at hanggang ngayun pa ba naman, ganoon pa rin siya?

 

"Nanghihinayang din kasi akong ibenta ito eh. Lalo na at regalo pa ito nila Lolo at Lola sa akin noong nabubuhay pa sila. Ayaw ko din naman paupahan sa iba maliban lang sa iyo." muli niyang bigkas.

 

Bigla din akong napaisip. Pabor din kasi talaga sa akin itong alok niya eh. Imagine, titira ako ng condo kaysa naman makipagsiksikan ako as mga masisikip na paupahan.

 

"Sige... magkano mo ba?" seryosong tanong ko

 

"Ten thousand lang. Pwede mong tawaran kung gusto mo." nakangiti niyang bigkas.

 

Actually, ang hanap kong kwarto ay iyung tag five thousand lang pero dahil mas magiging kumportable naman ako sa condong ito, why not. Hindi ko na palalagpasin pa ito. Maghahanap na lang kaagad ako ng mapapasukang trabaho.

 

"Okay...deal! Ihanda ang contract!" pabiro kong sagot. Isang malakas na tawa naman ang kaagad na namutawi sa labi ni Sapphire.

 

 

Chapter 112

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

Nang tuluyan na akong nakalipat sa condo ni Sapphire, kinabukasan, pinili kong dalawin si Mommy sa puntod niya.

 

May kirot pa rin akong naramdaman sa puso ko dulot ng pagkawala niya pero kailangan kong tangapin iyun. Namamahinga na si Mommy at tanging dasal na lang ang maiaalay ko sa kanya.

 

Naging maayos naman ang sumunod na sandali ng buhay ko. Ilang araw pagkatapos kong makalipat sa condo ni Sapphire, nag-start na din kaaad akong mag job hunting. Lahat ng mga nakikita kong hiring ay pinapasahan ko na ng resume. Kay lang, sadyang mahirap talaga sigurong makapasok sa trabaho sa mga panahon na ito, dahil hindi man lang ako nahahire.

 

May mga pagkakataon din naman na naiinterview ako. Kaya lang, pagkatapos ng interview, sinasabi nilang tatawagan daw nila ako. Pero negative pa rin. Namuti na lang ang mga mata ko sa kakahintay pero walang tawag na dumating sa akin.

 

Napapaisip tuloy ako minsan kung tama ba ang desisyon kong bumalik ng Manila.

 

Sumuko na ako sa kakaapply sa mga office jobs hanggang sa sinubukan kong mag-apply sa isang sikat na fine dining restaurant. Laking tuwa ko dahil natangap naman ako. Hindi ito ang dream job ko dahil gusto ko talaga office works para mai-apply ko ang natapos kong kurso pero ayos na din ito. Kukuha lang ako ng experience at kapag mabigyan ng pagkakataon patuloy pa rin akong mag-aaply ng office job.

 

Pagkatapos kong maipasa lahat ng requirements ng nasabing restaurant, kaagad na din akong nag-umpisa. Waitress ang trabaho ko at masasabi kong okay naman. May mga money tips din kaya naman hindi lang sweldo ang aasahan namin na kitaan

 

Naging maayos naman ang lahat.

 

Mababait at kasundo ko ang iba pang mga staff kaya naging smooth ang lahat. Hanggang sa isang gabi may isang hindi inaasahang costumers ang biglang nag dining sa amin. Ako ang naatasan na magtake ng order kaya no choice ako kundi gawin ang trabaho ko. Urong sulong akong lumapit sa table nila habang ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko.

 

"Good evening Sir! Can I have your order please!'" nakangiti kong sambit. Napansin kong sabay pang napatitig ang dalawa sa akin habang halata sa mga nila ang gulat.

 

"Amber?" seryosong sambit ng isa sa kanila sa pangalan ko. Ang mag-tiyo lang naman na sila David at Lucian ang nasa harapan ko at ewan ko ba, sa dinami-daming mga restaurant dito sa paligid dito pa talaga nila naisipang kumain. Tsaka, ako pa talaga ang naatasan na mag serve sa kanila.

 

"Amber, ikaw nga! How are you? Ang tagal din nating hindi nagkita ah?" puno ng galak sa boses na tanong ni David. Wala sa sariling napatingin ako kay Lucian na noon ay tahimik lang din na nakatitig sa akin.

 

"Ahhmmm, okay lang po Sir! Pe-pwede ko na po bang makuha ang orders niyo?" pilit ang ngiting bigkas ko. Pinilit kong magpaka-kaswal sa harapan nila pero parang hindi ko yata kaya.

 

Bakit kasi sila pa ang naging costumers ko?

 

"Right....gusto kong subukan kung naaaalala mo pa ba ang mga paborito kong pagkain. Ikaw nalang ang umorder para sa akin noon, Amber." nakangiting wika ni David. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiwi.

 

Ano ba...bakit ganito si David? Kung umasta akala mo naman hindi kami nag-away noon eh!

 

"Ha...naku, hindi po pwede Sir. May menu naman po kaya kayo na lang po ang bahalang pumili ng mga pagkain na gusto niyong kainin." pinilit ko pa ring panatilihin ang postura ko kahit na ang totoo kanina ko pa gustong umalis sa harapan nila. Gusto ko na sanang tapusin namin ang pag-uusap naming ito eh. Hindi ko na kaya pang tagalan ang mga titig ni Lucian.

 

Yeah, hindi nagsadalita si Lucian pero kung makatitig siya sa akin ngayun, wagas Nakakailang na para bang pati kaluluwa ko ay binabasa niya.

 

"Grabe ka naman sa akin Amber. Alam mo kung ganiyan ka, parang gusto ko na tuloy isipin na hanggang ngayun, galit ka pa rin sa akin." nakangiting wika ni David. Pigil ko tuloy ang sarili ko na mapasimangot.

 

"Kung hindi pa po kayo ready na umorder, babalikan ko na lang po kayo." pag-iiwas ko.

 

"One medium rare wagyu beef steak... ahmmm and a Caesar Salad...." seryosong wika ni Lucian. Sa wakas, nagsalita na din siya. Nagdagdag pa nga siya ng pinaka-expensive na wine meron kami sa aming winery.

 

Kaagad ko namang inilista ang order niya. Hindi pa rin ako makatitig ng direcho sa kanya. Nahihiya pa rin kasi ako eh

 

"Ang sa akin naman ay same lang din kay Uncle, Amber. And by the way, pwede bang magrequest sa manager mo na sumabay ka na sa amin sa pagkain. Wala lang, sa tagal nating hindi nagkita parang masarap makipagkwetuhan sa iyo. Alam mo iyun...sobrang na-miss kita."nakangititn wika ni David. Ayaw niya talagang paawat gayung salubong na nga ang kilay ng kasama niya.

 

"Naku, hindi po pwede iyun Sir. Bawal po.

 

"nakangiti kong sagot. Pagkatapos noon, dali-dali na akong nagpaalam sa kanila. Sinabi kong aasikasuhin ko na ang mga orders nila.

 

Kung hindi kasi talaga ako aalis sa harapan nila, ayaw din kasi paawat nitong si David eh.

 

"Amber, kilala mo ba iyung nasa table four?" nakangiting salubong pa nga sa akin ni Annie habang papunta ako sa counter para i-punch na ang order nila Lucian at David. Once na mai-punch na kasi iyun sa aming POS tsaka pa lang ipi-prepare ng aming chef ang mga orders.

 

"Hindi eh. Bakit, kilala mo sila?"

 

nagtataka kong taong

 

"Ano ka ba? HIndi mo kilala si Sir Lucian Montefalco Ferrero?" sabat naman kaagad ng isa ka pang kasamahan na si Lesley. Hindi naman ako nakaimik.

 

"Siya ang may ari ng LMF. Isang super duper na mayamang negosyante na walang ibang ginawa kundi ang magparami nang magparami ng pera." bigay todong bigkas ni Annie. Halata din sa boses niya ang kilig kaya naman hindi ko mapigilan ang mapangiti

 

"Sorry, wala akong idea kung sino sila." nakangiti kong bigkas. Paninidigan ko talaga ang pagkukunwari ko na hindi kilala sila Lucian at David dahil ayaw ko na talagang magkaroon ng kaugnayan sa kanila.

 

"Ayyy grabe siya. Saang bundok ka ba galing at bakit hindi mo siya kilala? Tsaka, hindi na lang yaman niya ang pinag-uusapan natin dito noh! Alam mo ba, kahit siguro anakan ako niyang si Mr. Lucian Ferrero, hindi ako maghahabol ng sustento. Ang importante, matikaman ko man lang siya kahit isang gabi lang."

 

mahinang bulong naman ni Lesley. Pigil ko tuloy ang sarili ko na matawa habang hindi ko maiwasang mapadako ang tingin ko sa table nila Lucian kung saan huling huli ko talaga na nakatitig pa rin siya sa akin.

 

 

Chapter 113

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"AMBER, ready na ang order nila." parang kiti-kiting bigkas ng kasamahan ko sa trabaho na si Lesley. Ready na ang order nila Lucian at David at kailangan ko iyung i-serve sa kanila. Nauna ko nang ibigay sa kanila kanina ang kanilang drinks at appetizer. Iyun nga lang, hindi ko talaga maiwasan na makaramdam ng pagkailang lalo na at kakaiba ang approach ni David sa akin kanina.

 

Friendly approach na akala mo wala kaming away noong mga nakaraang taon samantalang si Lucian naman ay tahimik lang pero palagi ko siyang nahuhuli na kakaiba kung tumitig sa akin.

 

"Gusto mo tulungan ka na namin na iserve sa kanila ang mga pagkain, Amber?

 

"ngiting ngiti na tanong sa akin ni Lesley.

 

Walang pag-aalinlangan na kaagad naman akong tumango

 

Pabor na pabor sa akin iyun. Kung gusto nila sila na din ang mag serve eh. Tutal naman, sobrang naiilang na din talaga ako sa tuwing nakakaharap ko si Lucian.

 

"Talaga? As in ayos lang sa iyo?"

 

nakangiting tanong ni Annie. Kitang kita ko ang kislap ng tuwa sa mga mata niya.

 

"Kung gusto niyo kayo na lang ang magserve sa kanila tapos ako na lang ulit ang mag take ng order sa costumers na kakarating lang." nakangiti kong sambit. Sumakto kasi na may bagong pasok na costumers eh. Tamang tama wala pang nag-aassist sa kanila dahil ang dalalawa naming kasamahan ay naka-break pa.

 

"Teka, pabor sa amin iyan. Annie, lets go! Tayong dalawa an mag-serve sa dalawang pogi na iyan. Tag isahan natin." halata ang kilig sa boses ni Lesley habang sinasabi ang katagang iyun kaya hinayaan ko na. Tuluyan na nga nilang binuhat ang mga orders nila Lucian at David samantalang ako naman ay pinuntahan ang kakapasok lang na mga costumers para kunin ang kanilang order.

 

Iyun nga lang, habang nasa kalagitnaan ako ng pakikipag-usap ko sa dalawang costumers na kakarating lang, bigla naman akong nilapitan ni Annie.

 

Nakasimangot ito at halatang masama ang loob. Tinapos ko munang kunin ang mga orders ng costumers bago ko siya hinarap.

 

"Ano ba iyan? Bakit ganiyan ang hitsura mo? Bakit para kang nalugi diyan?" seryosong tanong ko sa kanya. Hindi na ako nakapalag pa nang bigla niya nalang akong hilahin patungo sa counter kung saan nadatnan namin si Lesley na todo simangot din. Ang mga orders na supposed to be ay naihatid na nila kay Lucian ay napansin kong nasa tray pa rin.

 

Hindi pa nila nai-serve?

 

"Ikaw ang gusto nilang magserve ng mga iyan. Bakit hindi mo naman sinabi sa amin na masungit pala ang mga iyan? Kaya pala hinayaan mong kami na ang magdala ng orders sa kanila dahil nambubulyaw pala ang Lucian Ferrero na iyan?" halata ang inis sa boses ni Annie habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi.

 

Akmang sasagot pa sana ako sa sinabi niya nang pareho naming narinig ang galit na boses ni Lucian. Hinahanap na nito ang kanyang orders. Bakit daw ang tagal i-serve.

 

"Tingnan mo. Ang sama ng ugali. Kanina, isinerved na namin ang orders niya ayaw tangapin tapos sisigaw-sigaw siya diyan? Hayssst, kung gaano kagwapo ng mukha siyang kapangit naman ng ugali." naiinis na sambit ni Annie. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya bagkos iniabot ko na lang sa kanya ang orders ng bagong costumers.

 

"Fine, ako na ang bahala. Ikaw na ang magpunch nito sa POS at ako na ang bahalang magserve sa mga orders nila." seryoso kong sambit. Kaagad namang tumango si Annie sabay kuha niya sa iniabot kong maliit na booklet.

 

"Good luck! Mukhang masama ng ugali ng Mr. Ferrero na iyan." seryoso nitong bigkas. Hindi ko na siya pinansin pa bagkos dinampot ko na ang tray na naglalaman ng mga pagkain na inorder nila David at Lucian para i-served na sa kanila.

 

"Your order, Sir!" pormal kong sambit pagkalapit ko sa table nila. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang matiim na pagkakatitig sa akin ni Lucian. Hindi ko na sana papansinin pa kaya lang lang nagulat nalang ako nang bigla siyang tumayo at tinulungan niya akong i-transfer ang mga pagkain na nasa tray patungo sa may mesa.

 

"Where is your manager? I want to talk to him or her!'" seryoso niyang tanong sa akin. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng kaba. Pasimple pa nga akong napalunok ng aking laway at wala sa sariling napatingin kay David.

 

"Bakit pa Uncle? Nandito na si Amber. No big deal! Pwede mo siyang kausapin kung gusto mo. Huwag mo na kasing idaan sa sindak ang lahat para hindi lumayo ang loob niya sa iyo." narinig kong sambit ni David. Hindi ko naman maiwasan magtaka. Hindi ko kasi alam kung ano ang ipinapahiwatig niya eh.

 

Parang may laman ang mga katagang binitiwan niya kaya lang hindi kayang arukin ng utak ko.

 

 

 

Chapter 114

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Hey...can you please call your manager, now!" seryosong bigkas ni Lucian nang biglang napadaan si Lesley sa harapan namin. Hindi pa nga nakaligtas sa paningin ko ang biglang pamumutla ng mukha ni Lesley. Nasindak yata siya sa taas ng boses ni Lucian

 

Pambihirang Lucian na ito. Ano ba talaga ang gusto niya? Bakit siya gumagawa ng eksena ngayun? Ganito ba talaga siya kahirap pagsilbiihan?

 

I mean...oo, palagi kaming kumakain sa mga restaurant noong kami pa pero hindi

naman ganito kasama ang pakikitungo niya sa mga waiter at waitress na nagseserve sa amin? Bakit ngayun ang arte-arte niya na?

 

"Okay Sir...noted!" sagot naman kaagad ni Lesley. Halata sa boses nito ang panginginig. Mukang natakot nga talaga siguro siya kay Lucian

 

Sabagay, kapag may call the manager pa naman na issue tiyak kaming costumers complain ito kaya lagot kami nito.

 

"Sir..a-no po ang problema? Ku-kulang po ba ang naibigay namin ng order sa inyo?" kinakabahan ko ding tanong. Kay David ako nakatingin at hindi kay Lucian kaya naman si David sumagot

 

"Pretty Amber...walang problema sa akin. Si Uncle Lucian nalang ang tanungin mo kung ano ang problema niya. Hindi ko alam kung bakit ang init na ulo niya." nakangiting wika ni David. Pagkatapos noon, parang wala lang na nag-umpisa na siyang kumain.

 

Samantalang alanganin naman akong ibinaling ang tingin ko kay Lucian. NO choice kundi siya naman ang tatanungin ko.

 

"Sir, kung may problema man po sana huwag niyo po akong i-complain sa manager namin. Dalawang buwan pa lang po ako dito." mahinahon kong sambit.

 

Napansin ko naman ang kaagad na pagtaas ng kabilang sulok ng labi niya dahil sa sinabi ko

 

"Umalis ka two years ago para mag-aral. Ngayung nakapagtapos ka na, hindi ko akalain na mas gugustuhin mo pa pala ang pumasok sa isang restaurant imbes na mag-apply ng trabaho sa kumpanya ko." seryoso niyang bigkas.

 

"I am sorry, Mr. Ferrero. Kahit na nakapagtapos na ako, choice ko po ang h'wag mag apply sa kumpanya niyo. Masaya po ako sa trabaho ko ngayun. " seryoso kong bigkas.

 

Hindi ko alam kung ano ang nakain nitong si Lucian at kung bakit feeling ko nag-uumpisa na naman siya sa dati niyang gawain. Feeling ko gusto na naman niyang pakialaman ang buhay ko.

 

"Mr. Ferrero? Wow, very formal! You can call me, Lucian instead of Mr. Ferrero tutal naman may pinagsamahan din naman tayo dati diba?" seryoso niyang bigkas.

 

"A-ano po barng pinagsasabi niyo. Hindi ko po kayo maintdihan. Kung--kung hindi po kayo satisfied sa service ko, sige na nga. Kalayaan niyo pong ireklamo ako sa manager ko. Maghananap na lang siguro ako ng ibang trabaho or di kaya, babalik na lang ako sa dating bar na pinapasukan ko bago pa tayo nagkakilala. "seryoso kong sambit. Pagakapos noon, walang sabi-sabing basta na lang akong umalis sa harapan nila.

 

Ang pangit ka-bonding ni Lucian. Napakasama pa rin ng ugali niya. Pakialamero pa rin!

 

Naglakad ako direcho ng banyo. Gusto kong irelax ang sarili ko. Hindi ko na din siguro kailangan pang magtrabaho lalo na at feeling ko tangal na ako eh. Tiyak akong ako na naman ang target nitong si

Lucian at nagcomplain na na siya sa manager namin.

 

Hayssst, ano ba? Akala ko ba nakawala na ako sa anino niya? Bakit ba ang liit ng mundo? Kung saan tahimik na ang buhay ko tsaka naman siya muling nagpakíta sa akin. Kailan ba ako magakakaroon ng kapanatagan ng kalooban?

 

Halos isang oras din akong walang ibang ginawa kundi ang tumunganga dito sa loob ng banyo. Wala akong balak na lumabas. Bahala na nga...tangap ko na ang kapalaran ko na sesante na ako sa trabaho ko.

 

"Uyyy, Amber! Nandito ka lang pala? Ano ang nangyari sa iyo? Bakit ganiyan ang hitsura mo?" Para akong tanga na nakatitig sa kawalan nang bigla na lang pumasok si Lesley dito sa loob ng banyo.

 

"Lesley...sabihin mo nga sa akin? Sesante na ba ako?" seryosong tanong ko sa kanya! Napansin kong kaagad namang nagsalubong ang kilay niya

 

"Sesante ka na daw ba kaya bigla kang nawala? Bakit, kinumplain ka ba ng Mr. Ferrero na iyun? Shit...masama nga pala talaga ang ugali niya. HIndi ko na siya crush. Ayaw ko nang magkagusto sa ganoong lalaki." seryoso niyang bigkas.

 

"Parang ganoon na nga. Hayssst, kailangan ko na sigurong maghanap ng bagong trabaho. Malas talaga sa buhay ko ang Lucian na iyan." naghihimutok kong sambit. Pagkatapos noon, tulala na akong naglakad palabas ng banyo.

 

"yun nga lang, pagakalabas ko ng banyo, sakto naman na nakasalubong ko ang manager namin na si Mr. Alvarado. Napansin ko pa ang pagkagulat sa mukha nito nang makita niya ako.

 

"Ms. Rodriguez? Bakit nandito ka pa?"

 

seryoso nyang tanong sa akin.

 

"Sir...kukunin ko lang po ang mga gamit ko tapos aalis na po ako. Siya nga po pala Sir...paano pala ang sahod ko?' seryosong tanong ko sa kanya. Napansin ko ang pagkagulat na kaagad na rumihistro sa mga mata nito

 

"Anong sahod? Natural, may sahod ka talagang matatangap every cut off. Teka lang, kumain ka na ba?" kunot noo nitong tanong. Alanganin naman akong umiling

 

"Tapos na ang shift mo. Pwede ka nang umuwi." bigkas nito at mabilis akong tinalikuran. Tulala naman akong nasundan na lang siya ng tingin.

 

Hindi ba ako kinumplain ni Lucian? Ibig bang sabihin nito, tuloy-tuloy pa rin ang trabaho ko?

 

Haysst mukhang tinatakot ko lang yata ang sarili ko eh!

 

Sa naisip kng iyun, hindi ko mapigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko. Nag clock out lang ako pagkatapos noon magaan ang mga habang na naglakad palabas ng restaurant

 

Iyun nga lang, saktong pagkalabas ko ng restaurant, isang itim na sasakyan naman ang biglang tumigil sa harapan ko. Iiwas sana ako sa pag-aakala kong costumer lang, pero ganoon na lang ang gulat ko nang biglang bumukas ang pintuan at biglang inuluwa si Lucian. Seryoso ang kanyang mukha at mabilis ang hakbang na naglakad palapit sa akin

 

"Let's talk!" narinig kong bigkas niya. Kaagad ko namang naramdaman ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.

 

Chapter 115

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Precious, I am serious! Sakay na!" muling bigkas ni Lucian kaya wala na akong choice kundi ang sumakay na sa kanyang kotse.

 

Wala eh. Kilala ko siya at alam kong hindi niya talaga ako titigilan hangat hindi niya masunod ang gusto niya.

 

"Ano ang kailangan mo sa akin?" seryoso kong tanong sa kanya nang makasakay na ako sa kotse niya. Direcho lang ang tingin ko sa unahang bahagi ng sasakyan. Ewan ko kung ano ang kailangan niya sa akin at kung bakit kailangan niya pa akong paglaaanan ng oras gayung kung totoosin, masyado naman na siyang abalang tao

 

"Nagha-hire ang kumpanya ko ng bagong staff at pwede kang mag apply." diretsahan niyang bigkas. Hindi ko naman maiwasan ang magulat.

 

TAlaga lang ha? Ito ba talaga ang sadya niya? Kaya niya ako inabangan sa labas ng restaurant dahil lang dito?

 

"May trabaho na po ako. Hindi ko na kailangan pang maghanap ng iba pang trabaho.'" seryoso kong sagot sa kanya!

 

Actually, kaya kong talikuran ang pangarap kong magtrabaho sa opisina kung sa kanya lang din naman ako magtatrabaho. Ayaw ko na din kasi siyang makasama eh

 

"Trabaho? Sa isang restaurant bilang isang waitress? Hindi ka ba nanghihinayang sa pinag-aralan mo?" seryosong tanong niya sa akin. HIndi naman ako nakaimik.

 

"Look, kung iniisip mo na kagaya ng dati na kukulitin na naman kita kaya ayaw mong mag apply sa kumpanya ko, nagkakamali ka. Hindi na mangyayari ulit. Nangako na ako sa sa iyo noon pa na hindi ko na uulitin at sana maniwala ka sa akin." seryoso niyang bigkas.

 

Hindi ko naman mapigilan ang mapaisip. Mukhang sensiro naman siya sa sinasabi niya ngayun kaya bakit hindi ko nga pala susubukan. Malaki ang LMF Corporation at may posibilidad din naman na hindi kami magkikita kung sa ibang department ako maa-assign

 

Kaya din siguro niya ako kinakausap ng ganito dahil gusto niyang makabawi sa lahat ng mga pagkakasala niya sa akin noon. Okay din naman iyun. At least may assurance na ako ngayun na hindi niya na ako guguluhin.

 

"Beside, baka next year, ikakasal na ako. Mas gusto ko nang magpakatino ngayun para sa magiging pamilya ko. Gusto ko na din ibaon sa limot ang mga nangyari noon kaya ko ito ginagawa. " muli niyang

bigkas na labis kong ikanagulat.

 

Wala sa sariling napabaling ang tingin ko sa kanya at nang mapansin ko kung gaano siya kaseryoso ngayun, bigla akong nakaramdam ng paninikip ng aking dibdib. Alam kong hindi ako masaya sa narinig kong kataga mula sa kanya!

 

Sinabi ko naman noon pa na ayaw ko na! Na hindi na ako babalik pa sa kanya pero bakit ganoon? Nakakaramdam ako ng sakit ng kalooban sa narinig kong kataga na balak na pala niyang magpakasal. Sino naman kaya ang babaeng iyun?

 

Si Jolina ba? Last year, narinig kong may relasyon siya kay Jolina. Hind ko lang alam kung hanggang ngayun sila pa rin dahil itinigil ko na ang makibalita tungkol sa kanya. Hindi ko rin kasi maiwasan na masaktan sa tuwing naiisip ko na may iba na namang babae siyang kinalolokohan.

 

"Good for you! Ngyaun pa lang, binabati na kita sa nalalapit mong pagpapakasal."

 

mahina kong sambit. Pinilit kong patatagin ang boses ko. BAka kasi biglang pumiyok eh at baka kung ano pa ang iisipin niya sa akin.

 

Hindi naman siya nakaimik. Seryoso lang din siyang nakatitig sa unahang bahagi ng sasakyan kaya naman muli na din akong nagsalita.

 

"Diyan na lang ako sa kanto. Maraming salamat sa paghatid niyo sa akin, Mr. Ferrero." muli kong sambit. Hindi niya ako sinagot bagkos inutusan niya ang driver na itabi ang sasakyan.

 

Pagkahinto ng sasakyan, wala akong imik ng bumaba ng kotse. Paglabas ko, muli akong nagpalasamat kay Lucian pero wala pa rin akong narinig na sagot mula sa kanya! Hanggang sa tuluyan nang umarangkada ang sasakyan nila palayo.

 

Nasundan ko na lang ng tingin ang papalayong sasakyan. May nararamdaman akong kirot sa puso ko na ayaw kong i-entertain. Ayaw ko na kasi talagang bumalik sa dati. Ayaw ko nang masaktan ulit.

 

Hindi ko maiwasan na mapabuntong hininga. Hanggang ngayun, parang gusto ko pa ring kwestiyunin ang sarili ko kung tama ba itong deisisyon ko na muling bumalik dito sa Manila.

 

Kung may maganda nga lang na opportunity sa mga probensya doon na lang sana ako eh. Or di kaya kung mabilis lang sana makapag-apply ng trabaho abroad gagawin ko na sana. Wala akong ibang gusto kundi ang makalayo sa mga mata ni Lucian. Ayaw ko na kasi talaga sanang magkaroon pa ng kaugnayan sa lalaking iyun.

 

 

 

Chapter 116

 

THIRD PARTY POV

 

"UNCLE!" tawag ni David sa tiyuhin niya. Ngayun ang karaawan ng kanilang abuelo at as usual, late na naman ang kanyang tiyuhin. Kung saan patapos na ang party at nagsi-uwian na ang mga bisita tsaka naman ito dumating.

 

"What?" paasik na tanong ni Lucian sa pamangkin niya. Nagmamadali na siyang bumaba kanina ng kotse dahil alam niyang nagtatampo na naman sa kanya ang Lolo niya.

 

"Late ka na naman! Kanina ka pa hinihintay ni Lolo!" sagot naman kaagad ni David.

 

"Bakit, hindi ba pwedeng umpisahan ang party kung wala ako?" masungit na tanong ni Lucian sa pamangkin niya. Hindi naman maisan na matawa ni David.

 

"Naumpisahan na nga at tapos na din kaya lang kanina ka pa hinahanap nila lolo at Lola! Saan ka ba galing, uncle?" seryosong tanong ni David sa tiyuhin niya.

 

May idea na siya kung saan galing ang tiyuhin niya at kung bakit ngayun lang ito dumating pero gusto niya pa ring marinig mula sa bibig nito ang katotohahan.

 

"Wala ka na doon. Nasaan sila Lolo at Lola?" seryosong tanong ni Lucian sa pamangkin niya.

 

Simula noong iniligtas ni David si Precious two years ago, naging maayos an ang relasyon nilang dalawang magtiyuhin. Bilang pagtanaw ng utang ni loob ni Lucian kay David sa pagkakaligtas nito noon kay Precious, tinulungan niya din itong makapagpatayo ng sarili nitong negosyo. Iyun ay ang makaroon ng dalawang branch ng automobile company. Isa sa Makati at isa naman sa Quezon city.

 

Naging matino naman si David kahit papano. Nagiging seryoso ito sa buhay at sa ngayun, naghahanda na din nitong buksan ang isa pa nitong branch sa Cavite.

 

"Galing ka na naman sa Precious mo ano?

 

Hay naku Uncle, sa panahon ngayun bawal ang babagal-bagal at baka maunahan ka pa ng iba diyan. Maganda si Amber at tiyak akong maraming mga lalaking nagkakagusto sa kanya." pang-asar na muling bigkas ni David.

 

Aware naman si David na hindi na talaga masusundan pa ang romance nilang dalawa ni Amber. Niluko niya ito noon at kahit na may kaunti pa siyang pagkagusto sa dalagang si Amber, wala siyang choice kundi pilit na supilin iyun. Ayaw niyang maging karibal ang Uncle niya sa isang babae dahil alam niyang malalagot talaga siya nito. Kilala niya kung anong klaseng pag-uugali meron ang Uncle niya at nakakatakot ito kung magalit.

 

Samantalang hindi naman maiwasan ni Lucian na maikuyom ang kamao niya. Hindi siya papayag na mangyari iyun. Walang sino mang lalaki ang pwedeng lumapit lapit kay Precious kundi siya lang.

 

Kumukuha lang siya ng magandang tiyempo para muling maangkin ang dalaga.

 

"Shu up! Kapag patuloy ka pang mag-iingay diyan, ipapasara ko talaga iyang negosyo mo." pananakot niya kay David. Mukhang epektibo naman ang sinabi niya dahil nakita niya kung paano alanganing ngumiti si David.

 

"Si Uncle naman...hindi na mabiro. Alam ko naman din na hanggang ngayun may gusto pa rin si Amber sa iyo eh. Kilala ko siya dahil naging kami sa loob ng halos dalawang taon at bawat kilos niya ay medyo kabisado ko na." natatawa pa nitong bigkas. Kaya lang hindi talaga oobra kay Lucian ang mga ganoong palusot.

 

Aware siya kung anong relasyon meron sila David at Precious at hangat maaari ayaw niya na din sanang umeksena ang pamangkin niya at ayaw niya ding mapag -usapan ang tungkol dito.

 

"Talk to you later. Pupuntahan ko muna sila Lolo at Lola." seryoso niyang wika sa pamangkin niya bago siya naglakad papasok ng mansion.

 

Alam niyang sobrang late na niya sa party na ito.. Inabangan niya pa kasi si Precious sa restaurant. Gusto niya sana itong yayain na umaattend sa birthday party ng kanyang abuelo kasi ilang beses na nitong hinahanap si Precious kaya lang nag-aalangan naman siya. Ayaw niya kasing mag-isip ito ng kung ano pa man.

 

Direcho na si Lucian sa kwarto ng kanyang Lolo at Lola. Naabutan niya ang mga ito na nagpapahinga na sa kwarto at nang makita siya ng kanyang Lolo, bigla itong napasimangot

 

"Dumating ka pa? Lucian, ano ba ang nangyayari sa iyo? Bakit ngayun ka lang?" seryosong kaagad na tanong nito.

 

"Lo, I am sorry! May pinuntahan lang ako kaya ngayun lang ako nakarating. Pero promise po, babawi ako sa mga susunod na okasyon." seryosong sambit niya sa Lolo niya.

 

"Lucian, hindi na ako bumabata pa. Ilang taon na lang ang bibilangin at mawawala na ako sa mundo. Ilang taon ka na ba? Lagpas kalendaryo na iyang edad mo at wala ka pa bang balak na mag-asawa?" seryosong tanong naman nito.

 

"Lolo naman. Balik na naman po ba tayo sa topic na iyan?" pilit ang ngiting tanong ni Lucian sa abuelo niya.

 

"At bakit hindi? Alam na alam mong matagal na namin itong hinihiling sa iyo ng Lola mo. Kailan mo ba kami mabibigyan ng apo?" seryosong tanong nito.

 

"Lo, sa tamang panahon po. Kapag pumayag na ang babaeng gusto ko na magpakasal sa akin, iyun na din po iyung tamang pagkakataon na mabigyan ko po kayo ng apo." nakangiti niyang sagot sa Lolo niya

 

Alam niyang hindi siya nito titigilan at dito lang iikot ang pag-uusap nila kaya kailangan niyang medyo mahaba-habang pasensya.

 

"Hmmp, ewan ko sa iyo bata ka. Dalawang taon na ang lumipas at hanggang ngayun pa rin ba hindi pa rin kayo nagkabati ni Amber? Aba't Lucian, bilis-bilisan mo na. Natatakot akong isipin na baka maputol ang lahi natin sa mga pinanggagawa mong iyan.'" seryosong sagot nito. Pilit naman siyang napangiti.

 

"Promise po. Hindi po mangyayari iyun. Kukuha lang po ako ng tiyempo at magiging maayos din po ang lahat." seryosong sagot naman niya sa Lolo niya.

 

 

Chapter 117

 

Tinapos lang ni Lucian ang makipag-usap sa kanyang Lolo at Lola bago siya nagpasyang umuwi ng Villa. Pagod na siya at gusto niya nang matulog

 

Kaya lang, pagkalabas niya ng silid ng kanyang Lolo at Lola, ang Mommy Carmina naman ang sumalubong sa kanya. Seryoso ang mukha nito at halatang may gusto itong sabihin sa kanya.

 

"Mom...good evening." bati naman niya kaagad sa Mommy nya. NIlapitan niya pa ito at hinalikan sa pisngi.

 

"Lucian, bakit ngayun ka lang? Hindi ka ba talaga titigil diyan sa ginagawa mo?" seryosong tanong nito.

 

Alam niya na kung ano ang ibig sabihin ng kanyang Ina kaya hindi mapigilan ni Lucian ang mapabuntong hininga

 

"Hindi po ako mag-aasawa kung hindi din lang si Precious ang papakasalan ko." seryoso niyang sambit.

 

"But, Lucian. Naririnig mo ba iyang sinasabi mo? Paano kung ayaw nang bumalik ang babaeng iyun sa iyo? Tatanda kang binata? Iyan ba ang balak mong gawin?" seryosong tanong ni Ginang Carmina Ferrero sa anak niya.

 

Saksi siya sa paghihirap ng kalooban ng anak niya nitong mga taong lumipas. Kung may magagawa lang sana siya para matapos na ang paghihirap ng kalooban nito, ginawa niya na sana.

 

Kahit siya ang Ina ni Lucian, gusto niya sanang makausap di si Precious Amber kaya lang, ilang beses siyang pinagbawalan nito na huwag na huwag nang lumapit sa dalaga. Para hindi na daw lumala pa ang sitwasyon.

 

"Kung ang pagtanda mag-isa ang magiging kapalaran ko, tatangpin ko po iyun ng buong puso. Huwag po kayong mag-alalala Mom. Nandiyan pa naman si DAvid. Siya na lang ang bahalang magpatuloy sa lahi natin." seryosong bigkas ni Lucian sa kanyang Ina bago siya tuluyang nagpasyang umalis.

 

Nasundan na lang ni Mrs. Carmina Ferrero ng tingin ang anak niyang paalis.

 

Alam niya sa sarili niya na deep inside, naghihirap ang kalooban ng anak niya kaya siguro, ito na ang tamang pagkakataon na manghimasok siya.

 

Kailangan niyang makausap ang Amber na iyun para matigil na ito

 

Samantalang si Lucian naman direcho na sa kanyang kotse. Ilang saglit lang, tinatahak niya na ang tahimik na kalsada patungo sa kanyang Villa.

 

Habang nasa biyahe, nakatitig lang si Lucian sa kawalan. Malalim ang kanyang inisip at naguguluhan na din siya. Hindi niya na malaman pa kung ano ang gagawin niya.

 

"Ike, paki-contact sila Ruby at Sapphire. Sabihin mo na mag report sa akin bukas ng umaga sa opisina." utos niya sa head ng mga security niya. Nasa unahang bahagi ito ng sasakyan nakaupo. Katabi ng driver.

 

"Yes Sir." sagot naman kaaad ni Ike sa boss niya.

 

Hindi naman natagal, nakarating na din naman kaagad sila sa Villa. Direcho si Lucian sa wine bar at kumuha ng isang bote ng mamahaling alak.

 

Nagsalin lang siya sa baso at inisang lagok iyun. Pagkatapos nagsalin ulit siya ng isa pa bago siya tuluyang umalis sa wine bar bitbit ang basong may lamang alak.

 

Direcho siya sa roofrop ng kanyang Villa. Naging paborito niyang tambayan ang nasabing rooftop simula two years ago. Nakakaramdam kasi siya ng kaginhawaan ng kalooban habang nakatitig siya sa kawalan.

 

Pagdating ng rooftop, inisang lagok niya lang ang laman ng baso niya bago siya nagsindi ng sigarilyo. Tumitig sa kawalan bago malakas na napabuntong hininga.

 

"Precious, kailan mo ba ako mapapatawad? Kailan ka ba ulit maging akin? Ano ba ang mga dapat kong gawin para mapatawad mo ako? I miss you, My precious! I really miss you so much!" mahina niyang bulong sa hangin. Patuloy siya sa paghithit at buga ng sigarilyo.

 

Hindi siya smoker pero nitong mga nakaraang taon, mas napapadalas na ang paninigarilyo niya. Siguro dahil sa matinding stress sa nangyayari sa buhay niya.

 

Sana lang talaga maayos na ang lahat. Hirap na hirap na ang kalooban niya. Sana, muling bumalik si Precious sa buhay niya. Kapag mangyari iyun, hindi talaga siya magdadalawang isip na pakasalan ito kahit na saang simbahan. Para tuluyan na itong matali sa kanya habambuhay.

 

Kung maibabalik lang sana niya ang mga nangyari noon, hindi niya sana sinaktan ng sobra si Precious. Hindi sana nangyari ito kung hindi niya pinagtangkaan ang buhay nito. Ngayun, aminado siya sa sarili niya na nahihirapan siyang suyuin ito. Hindi na kasi oobra pa ang santong paspasan. Ayaw niyang mas lalong lumayo ang loob sa kanya ng pinakamamahal niyang si Precious. Gusto niya sana itong turuan na muli siyang mahalin pero hindi niya naman alam

kung paano umpisahan

 

Napapansin niya kasi na parang ayaw na din ni Preicious na makita siya nito. Sabagay, halata pa rin naman kasi talaga dito ang trauma dahil sa ginawa niyang pagkakamali, two years ago.

 

 

 

Chapter 118

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

KAKAGISING ko lang at maghahanda na sana ako sa pagpasok sa trabaho nang biglang may nag door bell. Imbes na sa banyo ang direcho ko, no choice ako kundi dumirecho sa main door ng nasabing condo unit para tingnan kung sino ang nasa labas.

 

Sumilip muna ako sa maliit ng butas ng pintuan at nang makita ko na si Sapphire pala ang nasa labas, dali-dali ko na ding binuksan ang pintuan.

 

"Good Morning!" nakangiting bati din naman kaaagad nito sa akin. Automatiko naman akong napangiti.

 

"Good Morning, Sapphire. Ang aga mo yata ah? May lakad ka?" nagtataka kong tanong. Tuluyan ko na din siyang pinapasok dito sa loob ng unit at hinayaan na maupo sa sofa.

 

"Oo eh. Mag-aapply ako ng work. Gusto mo bang sumama sa akin?" nakangiti nitong tanong. Hindi ko naman maiwasan na magtaka.

 

Kaya siguro nakapang formal attire siya ngayun dahil mag-aapply siya ng trabaho. Pero bakit? I mean, ang akala ko talaga mayaman ang pamilya na pinagmulan niya pero bakit kailangan niya pang mag-apply ng work sa ibang company?

 

"Ha? Ahmmm, may work na ako eh. Actually, nagre-ready na nga ako sa pagpasok sa trabaho." nakangiti kong sagot. Napansin kong kaagad namang napataas ang kilay nito

 

"Saan? Sa resto? Akala ko ba dream mong magtrabaho sa mga opisina? Don't tell me kontento ka na sa restaurant?" seryoso niyang tanong sa akin.

 

"Well, hindi naman sa ganoon. Hindi ko pa rin anmant kinakalimutan ang pangarap kong magtrabaho sa isang malaking kumpanya. Pero alam mo naman na nagtry na akong mag-apply pero walang tumangap sa akin. Ayaw nila ng fresh graduates." malungkot kong sagot sa kanya.

 

"Well, sumama ka kaya sa akin? Try mo din mag-apply sa aapplyan ko ngayun. Malay mo naman, baka ma-hire ka din diba?" nakangiti nitong sagot sa akin. Hindi naman ako nakaimik.

 

Pilit kong tinitimbang ang sinasabi niya. Kung sakaling sasama ako sa kanya ngayun na mag-apply ng trabaho, eh di kailangan kong umabsent sa resto. Eh no work, no pay pa naman ang drama sa resto na pinapasukan ko ngayun.

 

"Sige na...sama ka na lang sa akin. Malay mo, baka swertehin tayo pareho. Eh di magkasama tayo sa trabaho." ngiting ngiti nitong bigkas. Hindi naman ako nakaimik. Pilit kong iniisip kung worth it ba talaga ng time ko na sumama sa kanya na mag apply ng work. Baka mamaya magsasayang lang ako ng oras tapos rejection na naman ang makukuha ko.

 

"Hmmm, okay! Sige..." mahinang sagot ko. Nahihiya din kasi akong tangihan siya eh. Kitang kita ko din naman sa mga mata niya na gusto niyang samahan ko siya sa pag-apply kaya sige na nga. Isakripisyo ko na lang ang isang araw kong sahod para sumama sa kanya.

 

"Great! Excited na akong makasama ka sa work, Amber." nakangiti niya pang bigkas. Hilaw naman akong napangiti. Masyadong advance mag isip itong si Sapphire. Hindi pa nga sure kung matatangap kami pareho eh.

 

"Okay...pero kailangan ko pang i-edit ang resume ko. Baka matagalan tayo nito? Anong oras ba tayo aalis?" seryosong tanong ko sa kanya.

 

"Actually, mamaya pa namang alas diyes. Pwede naman na ako na ang mag-edit ng resume mo. Maligo or magprepare ka na para makaalis na kaagad tayo." nakangiti niyang sagot sa akin.

 

No choice na ako kundi ang i guide siya patungo sa PC ko. Ini-on ko muna at binuksan ang file kung saan naka save ang aking CV pagkatapos noon, hinayaan ko na siya. Edit lang naman ang gagawin at ichecheck ko din mamaya bago ko i-print.

 

Nagpasya na din akong maligo. Dahil ayaw kong maghintay ng matagal sa akin sa labas si Sapphire, binilisan ko talaga ang aking pagkilos. Nakakahiya naman din kung paghintayin ko siya ng matagal. Nagmagandang loob na nga siya na hintayin at yayain ako eh.

 

Mabilis na lumipas ang isang oras. Sa wakas, natapos din ako sa aking preparation. Uminom lang ako ng kape at sinabayan ko ng pagkain ng biscuit at ilang saglit lang, umalis na din kami kaagad ni Sapphire.

 

Dala nya ang kanyang kotse kaya hindi na kami nahirapan pa sa biyahe. Iyun nga lang, pagka-park niya ng kotse niya sa mismong parking area ng isang mataas ng building na aapplyan daw namin, hindi ko mapigilan ang magtaka.

 

Familiar kasi sa akin ang lugar eh. Ito iyung kumpanya na iniiwasan kong applyan kahit na alam kong nagha-hire sila ng mga bagong empleyado.

 

"Ang LMF Corporation Inc. ang pangarap kong kumpanya na mapasukan noon pa. Malaki mag pasweldo tapos ang ganda pa mga benefits nila." nakangiting wika ni Sapphire sa akin. Kaagad namang namilog ang mga mata ko sa gulat.

 

Shit..dapat pala nagtanong ako sa kanya kanina eh. Kung alam ko lang na dito pala sa LMF Corporation ang punta namin, kinapalan ko na sana ang mukha ko at tinangihan itong si Sapphire na samahan siya sa pag-aapply. Maiintindihan niya naman siguro ako eh.

 

"Sa LMF ba? I mean....ayos na ako Sapphire. Ikaw na lang siguro ang mag-apply. Uuwi na lang ako.:" mahina kong sambit. Napansin kong gulat namang napabaling ang tingin niya sa akin

 

"Bakit? I mean, ano ka ba Amber, nandito na tayo oh. Try mo na din mag-apply.

 

Kung hindi man tayo papalarin eh di hanap ng iba." nakangiti niayng wika sa akin. Pagkatapos noon, mabilis na siyang bumaba ng kotse bitbit ang envelop ng naglalaman ng aming CV. No choice na ako kundi ang sumunod sa kanya. Wala eh, nandito na rin lang ako kaya walang choice kundi ang sumunod sa agos ng buhay.

 

Chapter 119

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"AMBER, ikaw ba iyan? Naku, sure ako, hire ka na niyan." habang nasa waiting area kaming dalawa ni Sapphire kasama ng iba pang mga aplikante, hindi ko mapigilan ang magulat nang bigla akong lapitan ni Risa. Ngiting ngiti ito na halatang tuwang tuwa na makita ako na kasama sa iba pang mga aplikante na matiyagang naghihintay sa pila for interview.

 

"Risa...Hi! Nandito ka din?" nakangiti kong sagot.

 

"Napadaan lang ako para tingnan ang mga applicant pero hindi ko naman akalain na makikita kita dito. Kumusta ka na? Naku, sana ma hire ka para magkasama na tayo sa iisang kumpanya." nakangiti nitong sagot.

 

"Sana nga. Pero kung hindi naman, ayos lang din. Originally, sinamahan ko lang din talaga ang friend kong si Sapphire." nakangiti kong wika.

 

Napasya na din akong ipakilala sila sa isat isa.

 

"Hi! Ikaw pala iyung nababangit sa akin ni Amber na friend niya na nakasama niya sa Visayas. Naku, sana talaga matangap din kayo. Para naman sama-sama na tayo dito sa LMF." nakangiting wika ni Risa.

 

"Sana nga eh. Well, baka naman pwede mong ibulong sa interviewer ang pangalan namin ni Amber para hindi kami pahirapan sa interview." halata ang pagbibiro sa boses ni Sapphire habang sinasabi ang katagang iyun na hindi naman nakaligtas sa pandinig ng iba pang mga applikante. Karamihan sa kanila ay kaagad na napasimangot na halatang hindi natutuwa sa narinig.

 

"Hindi kasi pwede iyan dito sa kumpanya eh. Gustuhin ko man kayong tulungan pero pagdating kasi talaga sa mga applicant, fair ang LMF. Wait niyo na lang ang turn niyo ang for sure naman mahahire kayo eh. Kailangan namin ng maraming bagong staff." nakangiting imporma ni Risa. Pilit naman akong ngumiti.

 

Kung ako din lang ang papipiliin, mas mabuti pang ireject na lang ang application ko eh. HIndi ko talaga pangarap na magtrabaho dito sa LMF lalo na at alam kong pag-aari ni Lucian ang kumpanya na ito.

 

Ilang saglit din nakipag-usap sa amin si Risa bago niya kami iniwan. Nag-uumpisa na din magtawag ng mga pangalan ang secretary for interview. Pila talaga kami at sa daming mga applicant, umaasa na din talaga ako na hindi na kami maha-hire.

 

Kanina pa ako pigil na pigil sa sarili ko na yayain si Sapphire na umuwi na kami eh. Kaya lang, nakakahiya din naman kasi. Baka kung ano ang isipin niya sa akin.

 

"Precious Amber Rodriguez." wala sa sariling napatayo ako nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Turn ko na for interview at hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba

 

"Good luck, Amber. Sana ma-hire ka." nakangiting wika ni Sapphire sa akin. Hindi ko naman malaman ang magiging reaction ko. Kinakabahan na excited ako sa hindi ko malaman na dahilan.

 

This is it! Nandito na din lang ako bakit hindi ko na lang seryosohin ang pag-aapply kong ito. Gusto ko din naman patunayan sa sarili ko na may mararating ako eh. Kung ma-hire ako sa LMF ibig sabihin, qualified ako. Sadyang maaarte

lang talaga ang mga naunang kumpanya kung inapplayan kaya ayaw nilang i-hire ang isang fresh graduate na kagaya ko.

 

"This way, Ms. Amber Rodriguez."

nakangiting wika sa akin ng babaeng naka assign na magtawag ng mga pangalan.

 

Napasulyap pa ako sa name badge niya at doon ko nabasa ang pangalan niya. Siya si Jessica Tamayo.

 

"Unang pinto sa kanan, pumasok ka." nakangiti nitong sambit pagkatapos niyang iabot sa akin ang resume ko.

 

"Thank you!" kinakabahan kong bigkas.

 

Kahit pala hindi ako seryoso sa pag-aaply kong ito, nakakakaba pa rin pala talaga.

 

"Pagdating ko sa nasabing pinto, kumatok lang ako ng tatlong beses bago pumasok sa loob. Kaagad na bumungad sa paningin ko ang isang medyo may edad nang babae. Seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa akin.

 

"Good Morning Mam." puno ng pagalang na bati ko. Lalong dumuble ang kaba sa puso na nararamdaman ko.

 

"Good Morning! Miss Precious Amber Rodriguez? Come inside and sit down." wika niya sa akin. Kaagad naman akong tumalima.

 

"Tell me about yourself Miss. Rodriguez."

 

seryosong wika nito. Kagaya lang din pala ang LMF sa ibang company na naapplayan ko. Palaging may tell me about yourself ang question.

 

Since basic lang naman ang tanong niya walang kahirap-hirap kong sinagot iyun.

 

Kagaya ng mga interview na napagdaanan ko sa ibang company, sinabi ko na fresh graduate ako kursong Business Management sa isang private School sa Visayas.

 

 

Chapter 120

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

TULALA akong naglalakad palabas ng buliding ng LMF Corporation. Kakatapos

lang ng interview at hanggang ngayun, hindi pa rin ako makapaniwala na isa ako sa mga maswerteng applicant na natangap sa trabaho.

 

Take note, on the spot ang pagkaka- hire sa akin dahil kailangang kailangan daw talaga nila ng mga bagong empleyado. Hindi ko tuloy malaman kung matutuwa or malulungkot ba ako

 

Matutupad na ang pangarap kong makapagtrabaho sa loob ng opisina sa isang malaking kumpanya. Sa dami ng mga rejections na natangap ko noon sa pag-apply ng trabaho, mahirap na din talagang pakawalan ang oportunidad na ito.

 

Alam kong walang kamalay-malay si Lucian sa nangyaring pagkakatangap sa akin sa kumpanya niya. Masyado siyang abalang tao kaya alam kong pati ang paghahire ng mga bagong employee ay ipinagkatiwala niya na sa kanyang mga empleyado.

 

Kaya naman, ang pagkaka-hire ko ngayun ay legit at hindi idinaan sa palakasan. Ibig sabihin, talagang qualified ako sa trabahong ito. Hindi ako na hire dahil nasa likod ko si Lucian. Iba na ang nangyari noon at iba naman ngayun.

 

Dati kasi, na-hire ako sa trabaho dahil gusto akong gawing parausan ni Lucian. Ngayun naman, natangap ako dahil qualified ako at kaya ko ang mga office works.

 

Nasa ganoon ako kalalim sa pag-iisip nang muntik na akong matumba sa mainit na seminto ng daan nang maramdaman ko na lang ang pagbanga ng kung sino sa akin. Mabuti na lang talaga at hindi ako ganoon kalampa kung hindi, nasira sana ang poise ko.

 

Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng inis. Sino ba itong tanga ang bigla na lang bumangga sa akin?

 

"Amber?" hindi pa nga ako masyadong nakakabawi sa pagkabigla nang may bigla na lang tumawag sa pangalan ko

 

"Amber?A--Amber, ikaw nga. Naku,

sorry! Nasaktan ba kita?" seryosong wika ng familiar na boses at nang mapatingin ako sa kung sino ang nasa harapan ko kaagad nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang sumalubong sa paningin ko si David.

 

Yes...siya nga! Ang ex-boyfriend kong si David na pamangkin ni Lucian. Ang ex boyfriend kong ipinag-palit ako noon kay Aurora.

 

Shit, ilang taon na ang nakalipas pero kay hirap pa rin kalimutan.

 

Sabagay, hindi na ako nagtataka pa kung ano ang ginagawa nitong si David sa lugar na ito. Malamang, dinadalaw niya ang tiyuhin niya. Mukhang bati na sila eh. Kitang kita ko iyun kagabi habang kumakain sila sa restaurant na pinagta-trabahuan ko.

 

''David? Naku, ayos lang ako. No problem. "seryosong sambit ko at akmang maglalakad na sana ako palayo sa kanya nang bigla siyang nagsalita.

 

"Ano ang ginagawa mo dito, Amber? Teka lang, alam ba ni Uncle na nandito ka?

 

Nakausap mo ba siya?" nakangiti nitong tanong sa akin. Wala sa sariling napatitig ako kay David.

 

Mula sa pagiging happy go lucky nito noon mukang mas tumino-tino siya ngayun.

 

"Hi-hindi! Hindi si Lucian ang pakay ko kaya ako nandito ngayun." seryosong sagot ko.

 

"Then what? I mean...busy ka ba? Ang mabuti pa, sama ka kaya sa akin. Coffee tayo...libre ko since ang tagal din nating hindi nagkita." nakangiti niyang wika. Dali-dali naman akong umiling

 

"Naku, huwag na David. Salamat na lang. May mga aasikasuhin pa kasi ako eh kaya hindi talaga pwede." sagot ko din naman kaagad sa kanya at mabilis na naglakad palayo sa kanya. Hangat maari ayaw na ayaw ko nang pati si David ay lalapit-lapit sa akin. Bahagi na lang sila ng masakit kong nakaraan na gusto ko nang kalimutan.

 

Mukhang hindi pa yata tapos

interviewhin si Sapphire kaya naman nagpasya akong hintayin siya sa pinakamalapit na pasfood chain. Lunchtime na at nakakaramdam na ako ng gutom. Tiyak din akong tatawagan ako ni Sapphire once na tapos na ito ma-interview. Sana lang talaga kagaya ko, ma -hire din siya.

 

Pagkapasok ko sa loob ng pasfood chain mabilis na din akong umorder ng makakain. Umoder na din ako ng para kay Sapphire. Tatawagan ko na lang siya once na makahanap na ako ng bakanteng mesa.

 

Yes....tama..Medyo marami pa namang costumers kaya naman idamay ko na si Sapphire sa order mo. Alam ko din kasing gutom na din ito eh.

 

Saktong kakatapos lang ma-prepare ang order ko nang mapansin ko na may biglang nabakanteng mesa. Bitbtlit ang tray na may lamang mga pagkain, mabilis na din akong naglakad patungo doon. Mabuti na lang talaga at naunahan ko ang babaeng gusto din i-ukupa ang nasabing nabakanteng table.

 

Inilapag ko sa ibabaw ng mesa ang tray na may lamang pagkain bago naupo. Pagkaupo ko, kaagad kong kinuha ang phone ko sa aking bag. tatawagan ko si Sapphire at tatanungin ko kung tapos na ba ang interview niya.

 

Iyun nga lang, habang abala ako sa aking phone, bigla kong naramdaman ang paghinto ng kung sino sa gilid ng mesa ko. Familiar din sa pang-amoy ko ang amoy niya kaya gulat akong napaangat ng tingin at kaagad na namilog ang mga mata ko nang sumalubong sa akin ang seryosong mukha ni Lucian.

 

Yes, si Lucian nga! Ano ang ginagawa niya sa mga ganitong kainan? Sinusundan niya ba ako?

 

 

 

 

 

©️Sagittarius🌺🌺

 

 

Chapter 121

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

KAKAIN na sana ako pero ano na naman ang ginagawa ni Lucian? Huwag niyang sabihin na mag-uumpisa na naman siya sa bisyo niya na kulitin ako? Na wala naman talaga siyang plano na tigilan niya ako?

 

"Balita ko nag-apply ka daw ng trabaho ah? Kumusta?" seryoso niyang tanong. Parang wala lang din sa kanya na basta na na lang siyang naupo sa tapat ko. Pangdalawahan katao ang mesa na napwestuhan ko kaya naman medyo malapit kami sa isat isa. Lalo na at malaking tao itong si Lucian.

 

"Mr. Ferrero, ano ang ginagawa mo dito? Akala ko ba titiigilan mo na ako? Ano na naman ito?" seryoso kong tanong sa kanya. Kaagad namang gumuhit ang ngiti sa labi niya habang titig na titig sa akin.

 

"Ano ba ang ginagawa ko? Wala naman ah? Look, Precuios, magkakilala tayo at Dangit naman sigurong tingnan kung hindi tayo magpapansinan diba?" seryosong tanong niya sa akin. Hindi naman ako nakaimik. Lalo na nang mapansin ko na napapatingin na sa amin ang iba pang mga kumakain dito sa loob ng restaurant.

 

Sabagay, hindi ko sila masisisi. Malaking tao at gwapo si Lucian kaya naman alam kong marami talagang mga babae ang magakakagusto dito.

 

"Pero nangako ka sa akin na hindi mo na ako guguluhin.:" mahinang tanong ko sa kanya. Napansin kong kaagad namang gumuhit ang makahulugang ngiti sa labi iya at parang wala lang na basta niya na lang dinampot ang softdrinks ko at ininom. Hindi naman ako makapaniwala sa nasaksihan. Kailan pa siya natutong uminom ng softdrinks?

 

"Hindi naman kita ginugulo ah? Ano ba ang ginagawa ko ngayun? Look, kaya ako nandito dahil nakita kita. Kakain din sana ako pero since sobrang dami ng mga costumers at kay hirap maghanap ng table at sakto naman na mag-isa ka lang, wala naman sigurong masama kung makihati ako dito sa table mo diba? Hindi naman siguro ipinagbabawal ng management?" seryoso niyang tanong.

 

Alanganin naman akong napatitig sa kanya. Sino naman ang pinagluluko niya? Kailan pa siya natutong kumain sa mga past food restaurtant?

 

"Dito ka kakain? Are you sure? Walang steak dito. Puro din mga fried ang mga pagkain nila. Past food chain ito at hindi ganoon ka-healthy ang foods nila dito.'" seryoso kong sambit.

 

"I don't care. Maraming nagsasabi na masarap daw ang bawal kaya pwede ko din sigurong subukan." nakangiti niyang bigkas at kaagad nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang bigla niya na lang dinampot ang fried chicken ko at walang pag-aalinlangan na isinubo niya iyun sa kanyang bibig.

 

"Lucian..ano ang ginagawa mo? Friend chicken ko iyan eh." nakasimangot kong wika

 

"Eh, ano ang ginagawa ng nasa supot na iyan? Gutom na ako at sa haba ng pila baka mahimatay na ako sa gutom bago maka-order. Share na lang tayo." balewala niyang bigkas. Lalo naman akong napasimangot.

 

Kailan pa siya naging patay gutom?

 

Kailan pa siya natutong mang-agaw ng pagkain? hayssst

 

"Masarap pala dito. Kumain ka na bago ko pa maubos itong akin." nakangiti niyang muling bigkas. Wala na akong nagawa pa kundi ang kaininin na lang ang para kay Sapphire. Wala eh...kung gutom itong si Lucian, mas gutom ako noh. Biscuit at kape lang ang inalmusal ko kanina.

 

"Siya nga pala...inirokemenda ko sa HR na gawin kang isa sa mga staff ng mismong opisina ko." seryoso niyang bigkas. Nabitin tuloy ang akma kong pagsubo.

 

Na naman? Nag-uumpisa na naman ba itong si Lucian? Ito talaga ang isa sa mga dahilan kaya ayaw kong mag-apply sa LMF Corporation eh! Masisira lang talaga ang buhay ko.

 

"Hindi ko na itutuloy ang pag-aapply. Kahit na hire ako, irereject ko na iyun. Ako na mismo ang aatras." seryoso kong sambit. Napansin kong kaagad na napataas ang kilay nito.

 

"Hindi ka naman maging secretary ko eh. Iba na ang magiging posisyon mo. Don't worry, marami kang makakasama na mga staff kaya naman wala kang dapat na ikatakot. Hindi na mangyayari pa ang mga nangyari na noon. Nagbago na ako at pinili ko nang maging mabait." seryoso niyang sambit. Kaswal lang din ang tono ng boses niya. Mukha din namang wala siyang balak na bastusin ako eh.

 

"Ang pagkaka-hire din sa iyo ay hindi ko sariling desisyon iyun. HR ang nagdecide kaya talagang qualified ka sa posisyon na ibinigay nila sa iyo, Precious. Huwag kang matakot sa akin. Ang kailangan mong isipin ngayun ay ang iyung kinabukasan. TAlikuran mo na ang nakaraan dahil walang magandang maidulot iyun sa buhay mo." seryoso niyang bigkas. HIndi pa rin ako nakaimik. Sobrang naguguluhan kasi ako eh.

 

Si Luician ba talaga ang kaharap ko ngayun? Bakit feeling ko, may nagbago talaga sa kanya?

 

"Welcome to LMF Corporation, Precious. Huwag kang mag-alala, hindi din naman tayo palaging magkikita. Bukas nasa Europe ako. Business trip at mga isang buwan ako doon kaya hindi talaga magku-krus palagi ang landas natin." seryoso niyang bigkas sabay tayo.

 

Ilang saglit niya din akong tinitigan bago niya ako tuluyang iniwan. Hindi ko naman mapigilan na sundan na lang siya ng tingin.

 

Himala..mukang bumait na nga talaga siya. Wala na kasi ang dati niyang angas eh. Matino na din siya kung makipag-usap sa akin ngayun.

 

Dati kasi, tuwing magkasama kami, napaka-dominante niya pagdating sa akin. Palagi din siyang nakahawak sa akin na para bang gusto niyang ipakita sa lahat

na pag-aari niya ako. Pero ngayun, iba na...mukhang wala na nga din sigurong amor sa akin si Lucian. Kaya lang niya siguro ako ngayun kinakausap para ipakita niya sa akin na nagsisisi siya sa ginawa niya sa akin noon. Na gusto niya lang makabawi sa akin.

 

 

Chapter 122

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

Pagkatapos kong kumain, tinawagan ko na din kaagad si Sapphire. Kinumusta ko siya kung kumusta ang application niya at nang sinabi niya na natangap din siya hindi ko maiwasan na makaramdam ng tuwa.

 

"Talaga? Wow, congratulations to us, Sapphire." excited kong bigkas.

 

"OO nga eh! Feeling ko ikaw ang swerte ko. Hindi ko din akalain na matatangap ako gayung undergraduate naman ako." sagot niya naman kaagad sa akin mula sa kabilang linya.

 

Kung kanina, urong sulong pa ako kung tatangapin ko ba ang work ko sa LMF ngayun sigurado na ako. Magreresign na ako sa restaurant na pinapasukan ko at lilipat na ako sa LMF.

 

"Nasaan ka nga pala ngayun? Teka lang, may time pa tayo. Gusto kong magshopping nga mga damit na gagamitin natin pagpasok sa LMF." excited na wika ni Sapphire

 

Lalong lumapad ang ngiti sa labi ko. Ngayung may naghihintay na sa akin na magandang trabaho at mas malaking sweldo, pwede na talaga siguro ako gumastos nang gumastos. Mabibili ko na lahat ng gusto ko.

 

"Oo bah. Naku, gusto ko iyan. Nasaan ka ba ngayun?" excited kong bigkas.

 

"Nandito pa ako parking area ng LMF. Eh ikaw, nasaan ka?" tanong niya naman din kaagad.

 

Sinabi k na sa kanya ang kinaroroonan ko at sinabi niya na dadaanan niya na lang daw ako. Pumayag na din ako kaysa naman maglakad ako pabalik sa LMF eh ang init pa naman.

 

Naging maayos naman ang sumunod sa sandali. Direcho na kami ni Sapphire sa mall para magshopping. Binili ko na lahat ng mga kailangan ko. Mula sa bag, sapatos, mga formal na kasuotan at kung anu-ano pa. Hindi na ako ngayun nanghihinayang na gumastos tutal naman may maganda na akong trabaho.

 

Halos suyurin namin ni Sapphire ang buong mall. Kung hindi pa siguro magsasara ang mall, hindi pa kami lalabas eh. Pareho kaming excited. eh.

 

KINABUKASAN, maaga akong pumasok sa restaurant para formal na magpasa ng resignation letter. Nakakahiya man sa management at mga kasamahan ko sa trabaho pero kailangan ko itong gawin. Nakapag-isip na din ako. Hindi ko din pala kayang baliwalain ang magandang opportunity na dumating sa buhay ko.

 

Marami diyan na naghahangad na makapasok sa LMF Corporation dahil sa magandang pasahod nila at magandang benepisyo.

 

Mabuti na lang talaga at tinangap kaagad ng restaurant ang ipinasa kong resignation. Hindi na din ako nahirapan pang mag explain. Naiintindihan daw nila ang sitwasyon ko.

 

Pagkalabas ko ng restaurant, direcho ako ng condo unit. Gusto kong magpahinga. Mag-uumpisa na bukas ang training ko sa LMF Corporation Inc at gusto ko nasa kondisyon ako.

 

Kaya lang, pagkadating ko ng condo, hindi ko inaasahan na naghihintay pala sa akin si Sapphire. Niyaya niya ako na magpa-salon kaya naman pumayag na din ako. Gusto ko din kasing magpa-make over. Magpagupit ng buhok at magpa facial na din. Lahat yara ng offer ng salon, kinuha na namin. Pati manicure at  pedicure at foot-spa hindi na din namin pinalagpas. Para naman presentable kami tingnan pagpasok namin ng opisina kinabukasan.

 

Hindi ko pa nabalita kay Risa ang tungkol sa pagkaka-hire ko at gusto ko siyang isurpresa.

 

"Amber, excited na ako bukas. Imagine, office girls na tayo." ngiting ngiti na wika ni Sapphire sa akin. Magkatabi kami dito sa loob ng salon kaya tuloy ang kwentuhan namin.

 

"Oo nga eh. Sana magkasama pa rin tayo ng department. Nakapasok na ako before sa LMF pero hindi ko masyadong na-explore kaya mangangapa pa rin talaga ko nito bukas." mahina kong sambit.

 

"Don't worry, feeling ko naman hindi naman mahigpit ang LMF pagdating sa mga empleyado eh. Tsaka balita ko, mawawala daw ang big boss sa loob ng isang buwan. May travel daw patungo sa Europe kaya naman hindi masyadong nakaktakot. Lalo na at suplado daw si Mr. Ferrero." seryosong wika naman ni Sapphire.

 

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapabaling ang tingin ko sa kanya. Kung ganoon, kilala niya pala si Lucian. Sa halos dalawang taon naming magkasama sa probensya never kong inopen-up sa kanila ang tungkol sa pagkakaroon ko ng relasyon kay Lucian noon.

 

"Talaga? Mabuti naman kung ganoon." pilit ang ngiti sa labi na bigkas ko. Mabuti pa nga siguro na habambuhay na maging lihim ang tungkol sa aming dalawa ni Lucian. Para hindi na ako magkaroon pa ng issue sa bago kong trabaho.

 

Pagkatapos namin magpaganda, inihatid lang ako ni Sapphire sa condo tapos umalis na din siya. Sinabi niya sa akin na susunduin niya daw ako kinabukasan at sabay na kami papasok ng opisina. Kaagad na din naman akong pumayag.

 

KInabukasan, araw ng pagpasok ng opisina at maaga talaga akong gumising para maghanda. SA totoo lang, kinakabahan ako. Paano na lang kaya kung may makakakilala sa akin? Iniisip ko din kasi na baka maging issue ang relasyon ko kay Lucian noon.

 

"Amber, ready ka na ba?" kakatapos ko lang ilagay ang final touch ng lipstick ko ng biglang tumawag si Sapphire. Nasa ibaba na daw siya kaya naman dinampot ko lang ang aking bag at bumaba na din ako.

 

Mabilis kaming nakarating ng LMF kung saan kaagad na tinipon ang mga bagong hire. Sa iba't ibang department kami ma-aassign pero laking pasalamat ko dahil makakasama ko si Sapphire.Mula sa conference hall, hindi ko maiwasan na magulat nang bigla kaming lapitan ng taong kilalang kilala ko. Walang iba kundi si Ms. Mayette Laurente. Ang executive secretary ni Lucian

 

Kahit na mahigit dalawang taon ko siyang hindi nakikita, kilalang kilala ko pa rin siya.

 

"Hi, kayong dalawa ang bagong hire na ma-aassign sa mismong office ng CEO? "

 

nakangiti nitong tanong. Hindi naman ako nakasagot. Feeling ko biglang naumid ang dila ko. Bigla akong kinabahan.

 

Ano na naman ito? Talaga palang seryoso si Lucian sa sinabi niya sa akin kahapon na sa office niya ako ma-aasign! Ano na naman kayang drama ito?

 

"Teka lang, Ms. Precious Amber Rodriguez? You looks familiar? Nagkita na ba tayo before?" pahabol pang wika ni Ms. Laurente. Hindi naman ako makasagot. Hindi ko kasi alam kung tatango or iiling ako eh.

 

Tsaka talaga bang hindi niya ako naalala?

 

Mukhang hindi dahil sa dami siguro ng mga babaeng dinadala ni Lucian sa mismong loob ng opisina, mahirap na yata para kay Ms. Mayette na maalala kung sinu-sino sila.

 

 

Chapter 123

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Ahmm, never mind! Maybe, nagkita lang tayo before somewhere tapos hindi ko na maalala kung saan." nakangiti muling bigkas ni Ms. Mayette pagkatapos noon, niyaya niya na kami sa top floor. Doon kami ma-aasign malapit sa opisina ng CEO.

 

Kagaya pa rin ng dati, wala pa ring ipinagbago ang top floor. Ang kaibahan ng lang, mukhang mga bago ang mga mukha ng mga empleyado na naka-assign dito

 

May walong table ang makikita dito sa top floor maliban sa opisina mismo ng CEO kaya malawak ang buong paligid. HIndi kagaya sa ibang floor na wala ka masyadong maikutan dahil marami sila at halos puro opisina mula sa ibat ibang department.

 

"Ms. Amber, dito ka at doon ka naman Ms. Sapphire." muling wika ni Ms. Mayette. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa salamin na opisina ni Lucian. Naalala ko dati na kapag nasa loob ka ng opisina niya makikita mo ang mga kaganapan sa labas.

 

Ito yata ang disadvantage kapag naka-asign ka malapit sa opisina ng CEO. Bawal ang lalamya-lamya dahil baka naka monitor lang din siya sa amin.

 

"Siya nga pala...galingan niyo ha? Hindi naman sa nananakot ako pero hindi ko na mabilang kung ilang empleyado na na ang nag- ressign dito at napatalsik mismo ni Mr. CEO. Medyo mahigpit kasi talaga siya pagdating sa trabaho eh." nakangiting muling bigkas ni Ms. Mayette. HIndi ko siya nakakausap masyado dati pero alam kong mabait siya. Hindi naman siguro siya magtatagal bilang executive secretary ni Lucian kung hindi eh.

 

"Don't worry, Ms. Mayette, gagalingan namin." nakangiting sagot naman kaagad ni SApphire.

 

Ipinakilala na din kami ni Ms. Mayette sa mga kasamahan namin dito sa department. Lahat naman sila mukhang mababait at welcome naman daw kami.

 

Kaagad kaming sumabak sa training. Puro lang naman paper works. Pagawa ng reports, review ng mga reports galing sa ibat ibang department at kung anu-ano pa. Medyo masakit sa ulo pero alam kong masasanay din ako.

 

"Meron tayong cafeteria sa ibaba kung gusto niyong kumain. Kung may baon naman kayo, may mini- kitchen din dito. Pwede kayong kumain doon basta siguraduhin lang na malinis ang area. Bawal magkalat dahil minsan, tsini-check ni Mr. Ferrero ang area na iyun." nakangiting muling wika ni Ms. Mayette. Almost lunch time na at sinabi ng isa sa mga kasamahan namin na sumabay na daw kami sa kanila pagbaba ng cafeteria para makakain ng lunch.

 

"Sabay na kayong dalawa. Enjoy your meal. Nasanay kasi akong magbitbit ng baon kaya hindi ko na kailangan pang bumaba doon." nakangiting wika ni Ms. Mayette sa amin.

 

"Are you sure, Ms. Mayette? Hindi ba malungkot kumain mag-isa?" tanong naman ni Sapphire dito

 

"Sanay na ako. Alam mo naman, dapat palagi akong malapit kay Sir Lucian dahil kahit lunch time, may bigla siyang inuutos sa akin. Kaya nasanay na akong magbaon para hindi ko na kailangan pang bumaba." nakangiti nitong sagot.

 

"Pero, wala naman si Mr. Ferrero ah? Sama ka na sa amin, Ms. Mayette. Kumpleto tayo ngayun oh...para masaya." nakangiting sabat naman ni Bernie. Isa sa mga kasama namin dito

 

Actullay, tatlong lalaki at lima kaming babae. Ngayun lang kami nakakapg-usap ng ganito dahil nga lunch break naman na at wala daw si Mr. Ferrero kaya pwedeng mag-ingay. Kapag nandito daw kasi iyun, bawal daw kasi talaga ang mag-usap ng kung anu-ano. Ayaw daw ni Mr. Ferrero.

 

"Ahmmm, sayang naman ang baon ko. Pero since you insist, sige na nga."

 

nakangiting sagot ni Ms. Mayette. Lahat naman kami ay nagpahayag ng pagkatuwa.

 

Sama-sama kaming bumaba patungo sa cafeteria. Ngayun ko lang din naranasan ang kakaibang feeling na lumukob sa buo kong pagkatao. Ngayun ko lang naranasan na nagkaroon ng maraming kasama and looking forward din ako na sana maging friends ko din sila.

 

Maraming pagkain ang cafeteria at marami din kaming naabutan na mga kumakain na mga empleyado. Galing sa ibat ibang department at lahat nila ay kilala ang executive secretary na si Ms. Mayette. Sabagay, siya ang malapit sa boss kaya talagang kilalang kilala siya.

 

"Ms. Mayette, ganoon ba talaga si Mr. Ferrero? Medyo masama angugali?

 

Feeling ko kasi, kagaya ng iba pang mga kasama namin na nagresign na, hindi din ako makakatagal sa ugali niya." seryosong bigkas ni Mary. Kung hindi ako maaaring magkamali, bago lang din siyang empleyado. Nauna lang daw siya ng ilang linggo sa amin.

 

Tsaka, anong sabi niya? Naninigaw daw si Lucian? Hindi ko naman napapansin iyun dati ah?

 

"Sa department natin, bawal ang balat sibuyas. Lahat naman nasisigawan ni Mr. Lucian Ferrero ah? Ako din, nasisigawan din naman ako pero immune na ako.

 

Pasok sa isang tainga labas sa kabilang tainga. Tandaan niyo, hindi na tayo makakahap pa ng kumpanya na kagaya ng LMF na maayos magpasahod at maganda din ang benepisyo."

 

nakangiting wika ni Ms. Mayette. Pinilit ko namang ngumiti.

 

00, tahimik ngayun ang mundo ko dahil wala si Lucian pero sana sa pagbalik nito, tutuparin sana nito ang pangako na hindi niya na ako pakikialaman. Para naman tuluyan ng tumahimik ang mundo ko ng tuluyan.

 

 

Chapter 124

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

NAGING maayos ang susunod na mga araw ng buhay ko. Kahit papano, nasanay na din ako sa bagong routine ng buhay ko. Medyo gamay ko na din ang trabaho sa LMF Corporation

 

Hanggang sa dumating na ang araw ng pag -uwi ni Lucian. Abala ako sa harap ng aking computer nang marinig ko ang sunod-sunod na pagbati ng mga kasamahan ko.

 

"Good Morning, Mr. CEO!" narinig kong sambit nila. Wala sa sariling napaangat ako ng tingin at ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko sa gulat nang sumalubong sa paningin ko ang formal na mukha ni Lucian

 

"Good Morning, Mr. CEO." bigkas ko din sabay tayo. Nakatayo kasi ang mga kasamahan ko habang nagbibigay sila ng pagalang kay Lucian. Nakiki-Mr. CEO na din ako.

 

Bahala na. Teka lang, ngayun na ba ang araw ng uwi ni Lucian? Wala pang isang buwan ah?

 

"Good Morning everyone!" formal na sagot ni Lucian. Nahuli ko na tinapunan lang ako ng tingin nito bago mabilis na pumasok sa loob ng opisina. Nanghihina naman akong muling napaupo habang ramdam ko ang kabog ng dibdib ko.

 

"Lucian..bakit ba ang pogi mo pa rin? Bakit ba nakapa-attractive mo sa iyung kasuotan?" katagang nagsusumigaw sa aking isipan habang nakatitig ako sa monitor ng aking computer.

 

Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit muli ko na namang naramdaman ang familiar na tibok ng puso ko para kay Lucian? Hindi ito pwede eh. Hinding hindi talaga pwede

 

"Amber..napansin mo ba kanina...kakaiba kung makatitig sa iyo si Mr. CEO." hindi ko mapigilan ang mapakislot nang may biglang nagsalita sa tagiliran ko. Kaagad akong napaangat ng tingin at hindi ko  mapigilan ang magtaka ng sumalubong sa paningin ko si Anne. Ano kaya ang kailangan sa akin ng babaeng ito? Huwag niyang sabihin na kaya siya lumapit sa akin para makitsismis porket tiningnan ako kanina ni Lucian.

 

"Ano ba iyang pinagsasabi mo? Tsaka, bakit ka nandito? Hindi ba't bawal daw ang tsimis kapag nandito si Mr. CEO?" nagtataka kong tanong. HIndi ko pa ng mapigilan ang mapasulyap sa nakasarang pintuan ng opisina ni Lucian sa pag-aalala na baka bigla itong lumabas.

 

"Hindi naman tayo magti-tsisimisan eh. May ibibigay akong papeles sa iyo."

 

nakangiti nitong sagot sabay abot sa akin ng hawak niyang mga papeles. Dali-dali kong tinangap iyun.

 

"Ikaw na ang bahalang magbigay kay Ms. Mayette para maipasa na sa CEO."

 

nakangiti nitong wika. Kaagad naman akong tumango kaya naman nagmamadali na itong bumalik sa kanyang table.

 

Muli kong itinoon ang buo kong attention sa aking trabaho. Pinilit ko ding iwaglit sa isipan ko si Lucian pero hindi ko talaga kaya! Ang kulit ng utak ko. Parang tanga dahil feeling ko nakaukit sa balintataw ko ang hitsura ni Lucian eh.

 

"Ms. Amber, nasaan na daw ang report mo? Ikaw na ang maunang mag-submit ng report kay Mr. Ferrero." muli akong napaangat ng tingin nang magsalita si Ms. Mayette.

 

Ako ba ang magpapasa ng sarili kong report? Hindi ba siya since siya itong executive secretary?

 

"Ha? Hindi ba pwedeng si Sapphire na lang muna. "pilit ang ngiting tanong kay Ms. Mayette. Hindi ko pa nga maiwasan na mapatingin kay Sapphire at huling huli ko siya kung paano siya napasimangot. Mukhang kagaya ko, takot din yata siya kay Mr. CEO.

 

"Hindi pa ako tapos sa report ko kaya ako na lang ang last." kaagad din nitong bigkas.

 

"HIndi pwedeng magturuan kayo. Sige na, ikaw na muna baka uminit pa ang ulo ni Mr. CEO kung paghitayin pa natin siya ng matagal." nakangiting sambit ni Ms. Mayette. No choice na ak kundi ang tumayo na para sundin ang utos niya.

 

Bahala na nga! Professional naman ako tsaka professional din naman si Lucian at wala naman sigurong mangyayaring masama. Magsa-submit lang naman ako ng report at wala nang iba.

 

"Good luck, Amber!" narinig ko pang magkapanabay an sambit nila Anne at Susan. Pilit naman akong ngumiti sa kanila.

 

Sabi ko na nga eh..magigin friend ko din sila. Mababait naman kasi talaga sila eh.

 

Dinampot ko na ang mga reports na dapat kong ipasa kay Lucian at lakas loob na ako nang naglakad patungo sa pintuan ng opisina nito. Humugot pa ako ng malalim ng buntong hininga bago ako kumatok ng taltong beses.

 

"Come in!" narinig kong kaagad na wika mula sa loob. Boses ni Lucian iyun kaya no choice ako kundi dahan-dahan na itulak ang nasabing pintuan para mabuksan na.

 

Pagkabukas, kinakabahan akong pumasok sa loob. Kumpara sa labas, mas malamig ang temperatura ng aircon dito sa loob. Kaagad na sumalubong sa pang-amoy ko ang familiar na halimuyak ng amoy ng nasabing opisina. Amoy na unti-unting nagpapaalala sa aming nakaraan. Shocks!

 

"Good Morning Sir!" kimi kong pagbati dito. Napansin kong kaagad na napataas ang isang kilay ni Lucian habang nakatitig sa akin. Hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin ko

 

First time kong magpasa ng report at ano ba ang gagawin ko?

 

"Yes, Ms. Rodriguez? Tatayo ka na lang ba diyan at titigan ako?" seryosong tanong ni Lucian kaya naman hindi ko mapigilan ang mapakurap ng makailang ulit. Tinititigan ko ba siya? Nanangapa pa ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Huwag siyang assuming!

 

"Ahhh..yes Sir. He-heto na nga po pala ang mga nagawa kong reports since day one ko dito sa trabaho." pilit ang ngiting bigkas ko. Tuluyan na akong naglakad palapit sa kanya at ipinatong ko sa table niya ang dala-dala kong mga papeles.

 

'Sit down!" seryoso niyang bigkas. Feeling ko parang may naghahabulang daga sa sistema ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? Para akong ewan!

 

Si Lucian lang ito noh! HIndi ako dapat kabahan porket may nakaraan kami.

 

"So, how's your work? HIndi ka ba nahirapan?" seryosong tanong niya sa akin. Imbes na icheck niya ang reports na dala ko, sumandal siya sa kanyang swivel chair at seryoso akong tinitigan.

 

"Ha..ahhh, ayos lang naman Sir. Nangangapa pero kaya naman!" mahina kong sambit. Isang makahulugang ngiti ang kaagad na gumuhit sa labi ito sabay lapag sa ibabaw ng mesa ng isang maliit na kahon. Hindi ko maiwasan na

mapatitig doon

 

"For you! Paslubong ko para sa iyo." seryoso niyang bigkas. Mula sa pagkakatitig sa maliit na kahon, kaagad akong nag-angat ng tingin dahil sa matinding pagkagulat.

 

Pasalubong? Hindi nga? May pasalubong siya sa akin?

 

 

 

Chapter 125

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Pa-para sa akin po?" nagtataka kong tanong. Ano ang nakain niya, bakit pati ako may pasalubong daw mula sa kanya?

 

"Bakit, may iba pa bang tao dito maliban sa ating dalawa? Keep it! Masyado akong nagandahan sa bagay na iyan kaya binili ko. Since, wala naman akong ibang

mapagbigyan, sa iyo na lang." baliwala niyang bigkas. Pagkatapos noon, binuklat niya na ang dala kong mga reports at isa-isa niya nang tiningnan. Hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin ko.

 

Nagtatalo ang isipan ko kung tatangapin ko ba ang pasalubong niya daw. Para kasing hind normal kung papasalubungan mo ang empleyado mo eh. Para bang masyadong nakakahiya. Tsaka ano na lang ang iispin ng mga kasamahan namin kapag malaman nila ito? HIndi talaga maganda

 

"Ano pa ang hinintay mo? Bakit hindi mo pa tinitingnan ang pasalubong ko sa iyo? Don't tell me na ayaw mong tangapin? Malaking insulto sa akin iyan at alam mo naman siguro kung paano ako magalit diba?" seryoso niyang bigkas. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapalunok ng sarili kong laway. Bigla akong kinabahan sabay dampot sa maliit ng box na nasa ibabaw ng mesa niya.

 

Natigil naman siya sa pagti-check ng dala kong report at seryosong tumitig sa akin.

 

"You can open it." seryoso nyang muling bigkas. Wala na akong nagawa pa kundi dahan-dahan ko nang binuksan ang maliit na kahon at hindi ko maiwasan na magulat nang tumampad sa paningin ko ang isang kumikinang na diamond necklace.

 

Shit, hitsura pa lang alam kong mahal na ito. Para akong biglang napaso na mabilis itong muling ipinatong sa ibabaw ng kanyang office table.

 

"Hindi ko matatangap iyan." walang pagdadalawang isip kong bigkas. Talaga namang hindi ko kayang tangapin eh. Ano ba ang pumasok sa isipan niya at bakit bigla nalang niya akong nireguluhan ng ganitong bagay?

 

Masyadong mahal at baka kung saan pa patutungo ang regalo na binigay niya sa akin

 

Tsaka, bakit ba ang hilig niyang magregalo? Iba naman ang noon at iba na ang ngayun. Tsaka, ang mga regalo na ibinigay niya sa akin noon, wala akong kinuha na kahit isa. Lahat iyun iniwan ko sa penthouse kung saan niya ako ibinahay noon.

 

"This is for you! Binili ko para sa iyo. Hindi pwedeng hindi mo tatangapin ang lahat ng bagay na bigay ko sa iyo kung gusto mong patuloy akong maging mabait sa iyo." seryoso niyang bigkas sabay tayo sa pagkakaupo niya sa kanyang swivel chair. Dinampot niya ang box na naglalaman ng necklace at naglakad patungo sa likuran ko. Ilang saglit lang, naramdaman ko na ang kamay niya sa leeg ko kaya mabilis na din akong napatayo at dumistansya sa kanya.

 

"I am sorry Mr. Ferrero, pero hindi ko po matangap ang regalo niyo. Ibigay niyo na lang po iyan sa iba." kinakabahan kong bigkas. Napansin kong natigilan siya kasabay ng biglang pagsalubong na kilay niya. Na para bang hindi talaga siya natutuwa sa pagtangi ko sa pasalubong niya.

 

"Well, hindi ako makapaniwala na ganito na pala katigas ang ulo mo, Precious.

 

Feeling ko mali ang pagpayag ko sa hiling mo noon na lumayo ka sa akin." seryoso niyang bigkas. Dahan-dahan ang hakbang na naglakad siya palapit sa akin kaya naman hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Halos patakbo na akong naglakad patungo sa pintuan ng kanyan opisina at mabilis na lumabas. Dumadagundong sa kaba ang puso ko at pati yata ang tuhod ko ay nanginginig na din.

 

Nababaliw na naman si Lucian. Kakaiba na naman yata ang pumasok sa isipan niya. Feeling ko, balik na naman sa dati ang ugali niya

 

"Ano na? Amber, anong nangyari? Ang putla mo ah? Nasigawan ka ba ni MR. CEO? Sabi ko sa iyo naninigaw iyan eh?" narinig kong tanong ni Anne. Tulala naman akong naglakad patungo sa aking table.

 

Hanggang ngayun, hindi pa rin ako nakakabawi. Shit....feeling ko talaga hindi tama ang pagpayag ko na mag-apply at magtrabaho dito sa kumpanya niya eh. Nag-uumpisa na naman yata si Lucian.

 

 

"Ayos lang iyan! Masasanay ka din.

 

Naalala mo ba iyung sinabi ni Ms. Mayette noon? Kapag mapagalitan ng Boss, huwag pansinin. Narinig ng isang tainga tapos ilabas sa kabila. No hard feelings!"

 

nakangiting sambit naman ni Sapphire. Inabutan pa ako nito ng bottled water na dali-dali ko namang ininom.

 

"Anne Villegas..ikaw na ang next!"

 

narinig kong wika ni Ms. Mayette. Si Anne na ang susunod na magsubmit ng report. Nang mapatingin nga ako dito, halatang halata talaga ang kaba sa mukha nito.

 

Siguro, inisip nilang lahat na nasigawan or napagalitan ako ni Lucian kanina kaya ganito ang mga reaction nila.

 

"Relax lang, Amber! Masyado kang halata! Ang putla mo. Teka lang, gusto mo bang bilhan kita ng maiinom sa ibaba?" muling sambit ni Sapphire. Tulala naman akong napatitig sa kanya.

 

"Sure ka? I mean..hindi pa breaktime at gusto mo bang masabon ni Mr. Ferrero?'" seryoso kong tanong sa kanya. Napansin

kong saglit itong natigilan at hilaw na ngumiti

 

"Awww, oo nga pala! Nakalimutan ko na nandiyan na pala ang Boss natin." bigkas niya. Hindi ko na siya nasagot dahil natoon na din ang attention ko sa paglabas ni Anne mula sa loob ng opisina ni Lucian. Bitbit nito na dala niyang report kanina at namumula ang mga mata na halatang nagpipigil na maiyak

 

Ito yata ang literal na napagalitan. Naiyak eh. Siguro nga, masama talaga ang ugali ni Lucian. Pinangingilagan ng mga empleyado eh.

 

 

 

Chapter 126

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

SA lahat yata ng nagpasa ng report kay Lucian, si Sapphire lang ang hindi napagalitan. Siya lang din kasi ang bukod tangi na lumabas na nakangiti eh

 

Sabagay, matapang si Sapphire. Malakas din ang loob nito at hindi naman talaga siguro niya kailangan ang magtrabaho since para namang may kaya ang pamilya nito kaya siguro easy-easy lang sa kanya ang makiharap kay Lucian

 

"Ms. Rodriguez, pakiulit daw lahat ito." abala ang mga mata ko sa harap ng computer nang bigla akong lapitan ni Ms. Mayette. Inilapag niya sa ibabaw ng table ang familiar na mga dokumento. Iyun iyung reports na ipinasa ko kanina kay Lucian

 

"Bakit daw po, Ms. Mayette?" nagtataka kong tanong

 

"Sinabi ni Mr. CEO na marami daw mali. Reviewhin mo daw ulit at ipasa sa kanya within a day." seryoso niyang bigkas. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat

 

Seryoso? Rereviewhin ko? Titingnan ko daw ang mga mali? Paano? I mean..hindi ko gets dahil para sa akin walang mali sa ginawa kong report.

 

Tsaka sa aming walo parang report ko lang yata ang bumalik ah?

 

"Okay po, Ms. Mayette. Thank you!' mahina kong sambit. Wala naman akong magagawa eh. Kailangan sundin ang utos ng Boss dahil alam kong bad shots na ito sa akin. Inumpisahan ko nang buklatin ang mga papeles at kahit na anong review ko wala talaga akong makitang mali eh. Tsaka, kung talagang may nakitang mali din si Lucian, dapat binilugan niya para alam ko din. Haysst, bakit feelign ko, pinag-iinitan niya ako? Dahil ba iyun sa ginawa kong pagtangi sa pasalubong niya? Hayssst

 

"Ms. Mayette, lunch time na." narinig kong imporma ni Bernie kay Ms. Mayette. Lunch time na nga pala at hindi ko alam kung makakasabay ba ako sa kanila sa cafeteria. Sa dami ba naman na dapat kong ireview ngayung araw, duda ako kung matatapos ko ba kaagad ito ngayun

 

"Ms. Amber, lets go na. Kain muna tayo." pagyayaya pa sa akin ni Susan. Lahat sila naghahanda na sa pag-alis. Wala sa sariling napatingin ako kay Sapphire at nang ngumiti ito, no choice na ako kundi isalansan ko muna ng maayos ang mga papeles. Dalian ko na lang siguro ang pagkain para makabalik din kaagad ako dito sa opisina.

 

Masaya na akong sumama sa kanila. Si Ms. Mayette kasama pa ang tatlo sa mga kasamahan namin ay nagpaiwan. Sa mini -kitchen na lang daw sila kakain since may dala daw silang baon.

 

Ang ending kaming apat na lang nila Martin, Susan at Sapphire ang bumaba ng Cafeteria para kumain ng lunch.

 

Iyun nga lang pagdating namin ng cafeteria dami na namang mga empleyado. Kailangan pa naming maghintay ng halos limang minuto para makaukupa ng table. Mabuti na lang talaga at pumayag na makisahre kami sa dalawang lalaking empleyado na ang pakilala sa amin ay taga finance

department daw.

 

"Hi...sa office kayo ng CEO?" nakangiti pang tanong sa amin ng isa sa kanila. Si Susan na ang bahalang makipag-usap sa kanila dahil sumama na ako kina Martin at Sapphire patungo sa counter para maka -ordet ng pagkain. Ioorder na lang namin si Susan ng makakain dahil kailangan niyang bantayan ang table namin.

 

Mabilis lang naman ang pag-order.

 

Marami din kasing staff ang cafeteria na ito kaya wala pang limang minuto nakabalik na kami sa aming table.

 

"Amber, gusto ka daw makilala ni Diego."

 

saktong pagkabalik namin ng table iyun naman kaagad ang salubong sa akin ni Susan. Gusto daw makipag-kilala sa akin ang isa sa mga lalaking taga finance department?

 

"Hello, Amber. Ganda ng name mo. Bagay sa iyo! By the way, my name si Diego."hindi na yata nakatiis at kusa nang nagpakilala. Naglahad pa ito ng kamay na nag-aalangan naman ako kung tatangapin ko ba Sa huli no choice kundi ang tangapin na din ang pakikipag-kamay niya.. Ayaw ko din naman magmumukhang bastos sa harapan nila eh

 

"Nice to meet you Diego!" pilit na ngiti sa labing sagot ko. Nagpakilala na din ang isa sa mga kasama nito. Joshua daw ang pangalan. Parang meeting each other ang naganap pati sila Sapphire at Martin nakipagkilala at nakipagkamay na din. Ang ending, sabay-sabay na kaming kumain. Nakisali na din sa usapan sila Diego at Joshua na akala mo closed na sa amin.

 

"Bago lang ba kayo, Amber? Kaya pala kailan ko lang kayo napapansin dito sa cafeteria eh." nakangiting wika ni Diego. Makikinig lang sana ako sa usapan nila pero panay naman bangit itong si Diego sa pangalan ko. Ako talaga ang gusto niyang kausapin gayung nananahimik na nga ako eh.

 

"Oo eh. Magwa- one month pa lang kami ni Sapphire." pilit ang ngiting sagot ko.

 

"Ah, kaya pala eh. Sayang, sa CEO kayo na-assign. Ang layo niyo sa department namin. Third floor kami tapos kayo nasa twenty fourth floor." nakangiting wika ni Diego. Madaldal at feeling closed na talaga siya sa amin.

 

Ayos na din sa akin. At least, lumawak ang mundo ko. Gusto ko din madagdagan ang mga kakilala ko dito sa LMF. Para naman masaya.

 

"Ms. Precious Amber Rodriguez?" hindi pa nga ako nakakangalahati sa kinakain ko nang sabay-sabay kaming nagulat nang may isang lalaking lumapit sa amin.

 

"Yes po?" kunot noo kong tanong habang hindi ko maiwasan na mapatitig dito. Nagulat ako nang makilala ko si Rodney Quizon. Ang personal Secretary ni Lucian.

 

Yes, kilala ko ang taong ito. Ilang beses ko na siyang nakikita na palaging nakabuntot kay Lucian noon. Saan kaya galing ang lalaking ito? Bakit ngayun ko lang siya nakita?

 

"Pinapatawag po kayo ni Mr. Ferrero sa opisina niya. Urgent daw po." seryosong bigkas nito. Hindi ko naman maiwasan na magulat.

 

"Ha? Bakit daw? Tsaka, breaktime ko naman eh." hindi ko maiwasang angal. Ano na naman kaya ang drama nitong si Lucian? Ano na naman kaya nag kailangan niya sa akin?

 

"I am sorry, Ms. Rodriguez. Kailangan niyo pong sumama sa amin lalo na at hinihintay kayo ni Mr. Ferrero sa opisina niya." seryosong bigkas ni Rodney. Hindi ko naman maiwasan na mapasimangot.

 

Sayang naman itong pagkain na inorder ko kung hindi ko mauubos. Hindi ba talaga makapaghintay si Lucian matapos akong kumain? Kailangan ura-urada kung magpatawag?

 

 

Chapter 127

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Mr. Rodney, pwede po bang pakisabi kay Mr. CEO na tatapusin ko lang ang food ko. Sayang kasi eh." hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Makikiusap at makikiusap pa rin ako at baka mapagbigyan. Baka naman magbigay sila ng consideration since break time ko naman

 

"I am sorry Madam pero hinihintay na kayo ni Sir. Alam niyo po kung paano sya magalit kaya sumama na po kayo sa akin. "nakangiti namang sagot niya sa akin.

 

Hindi ko tuloy mapigilan ang magulat nang tawagin niya akong Madam. HIndi ko alam kung sadya ba iyun or baka lutang lang itong Personal Secretary ni Lucian?

 

Wala sa sariling napatingin ako kay Sapphire at nang mapansin kong nakayuko lang ito wala na akong choice kundi ang tumayo na. Umaasa kasi ako kanina na tutulungan niya ako na kumbinsihin si Mr. Quizon na kung pwede mamaya ko na pupuntahan si Lucian. Kaya lang, pati yata si Sapphire takot sa big Boss namin eh.

 

Pati ang iba pang mga kasamahan namin dito sa table deadma din. Hindi ko alam pero parang takot nga talaga sila kay Lucian. Wala na kasing ni isa sa kanila ang nagsalita eh.

 

Ang kaninang medyo maingay na table namin ay biglang nanahimit. Lahat sila ay nakatoon ang mga attention sa kanilang mga kinakain. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapabuntong hininga. Wala talaga siguro akong choice kundi ang sumama na lang kay Mr. Quizon. Wala akong aasahan sa mga kasama ko eh.

 

"Guys, mauna na ko sa inyo. Kita na lang tayo mamaya sa opisina." masama ang loob ng bigkas ko. Pagkatapos kusa ko nang inihakbang ang aking mga paa paalis.

 

Ano na naman kaya ang drama nitong si Lucian? Bakit kailangan niya pa akong ipatawag gayung alam niya naman na lunch break eh.

 

Haysst, nakakainis na ang lalaking iyun! Feeling ko wala talaga siguro siyang balak na tantandan ako.

 

Wala akong imik habang paakyat kami sa top floor. Masama ang loob ko dahil feeling ko nag-aksaya ako ng pagkain ngayung araw. Ano kaya ang kailangan ni Lucian? Huwag niyang sabihin na kukunin niya na sa akin ang reports na pinaulit niya kaya niya ako ipinatawag? Gusto niya yata akong pahirapan eh.

 

"Nasa loob po si Boss Ferrero Madam. Pumasok na po kayo sa loob." narinig kong sambit ni Mr. Quizon. Kunot noo tuloy akong napatitig sa kanya! Bakit ba Madam na naman ang tawag niya sa akin? Anong meron?

 

Kukumprontahin ko sana siya kaya lang binuksan niya naman kaagad ang pintuan ng opisina ni Lucian. No choice na ako kundi ang dahan-dahan nang pumasok. Itong mga ganitong gawain ni Lucian, wish ko lang talaga na sana bigyan ako ng medyo mahaba-habang pasensya para naman hindi ako magresign ng mas maaga sa kumpanya na ito eh.

 

Pagkapasok ko sa loob ng opisina ni Lucian kaaad ko itong nakita na prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair. Nakapikit ang mga mata na akala mo pagod na pagod habang sa ibabaw ng kanyang table ay napapansin ko na may mga pagkain na nakapatong.

 

"Boss, nandito na po si Madam." narinig kong wika ni Mr. Quizon. Hindi pagkakamali ang lahat! Ngayun ko lang napatunayan na Madam talaga ang tawag niya sa akin.

 

Pero bakit? Bakit Madam? Pwede namang Miss Rodriguez dahil dalaga pa naman ako.

 

Napansin kong kaagad na nagmulat ng mga mata si Lucian at direktang tumitig sa akin. Kaagad naman akong napayuko. Ayaw kong makipagtitigan sa kanya dahil feeling ko hinihigop pati ang kaluluwa ko eh.

 

"Sit down, Precious!" seryoso bigkas ni Lucian sa akin. Kaagad namang lumabas ng opisina si Mr. Quizon sabay sara sa pintuan.

 

"Pinapatawag mo daw ako. I am sorry Mr. Ferrero pero inisturbo niyo po ang pagkain ko ng lunch." walang paligoy-ligoy kong sambit. Gusto kong magpakatotoo sa harap niya. Hindi din naman siguro kabastusan ang sinabi ko dahil totoo naman eh. Dapat igalang niya ang break time ng kanyang empleyado.

 

Mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair, tumayo ito at seryoso akong tinitigan.

 

"Yes at sino ang nagbigay sa iyo ng pirmiso na pwede kang kumain ng cafeteria kasama ang iba pang mga empelyado?" seryoso niyang tanong sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang magtaka.

 

May rules ba ang cafeteria na hindi ko alam? Kung meron bakit wala namang sumisita sa akin? Simula noong pumapasok ako dito sa kumpanya nya wala naman akong narinig na bawal.

 

Itong Lucian lang naman na ito ang nagsasabi eh.

 

"Hindi ko po kayo maintindihan, Sir. Ano po ang ibig niyong sabihin?" nagtataka kong tanong.

 

Hindi ko mapigilan na mapaigktad nang maramdaman ko na lang ang paghawak niya sa siko ko at iginiya niya ako patungo sa kanyang swivel chair.

 

"A-ano ang ginagawa mo?" mahinang tanong ko. Biglang salakay ng kaba sa puso ko at hindi ko din maiwasan na mapapiksi para makawala sa pagkakahawak niya sa akin

 

"Hey, relax. Kakain lang naman tayo eh. Kaya kita pinatawag dahil gusto kitang makasabay sa pagkain at wala nang iba." halos pabulong niyang sambit.

 

 

Chapter 128

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Nandoon pa po sa cafeteria ang pagkain ko at kung hindi naman importante ang kailangan mo pwede bang bumalik ako doon?" seryosong tanong ko sa kanya.

 

Napansin kong kaagad namang nagsalubong ang kilay niya. Hindi yata siya masaya sa sinabi ko

 

"No! Simula ngayung araw, hindi ka na sa cafeteria kakain. "Seryosong bigkas niya.

 

Kung hindi ako pwedeng kumain sa cafeteria saan ako kakakin kapag lunch.

 

Hindi naman ako pwedeng magbaon dahil tamad na akong magluto. Feeling ko waste of time lang dahil mag-isa lang naman ako.

 

"Hindi kita maintindihan! Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin?" seryosong tanong ko. Napansin ko naman ang makahulugang paguhit ng ngiti sa labi niya.

 

"No! Nothing! Gusto lang kitang alagaan at portektahan sa lahat ng oras kaya ko ito ginagawa." seryoso niyang sambit. Hindi ko naman maiwasan na mapailing.

 

"Protektahan? Bakit? Nangako ka sa akin noon na hindi mo na ako pakikialaman pero ano itong ginagawa mo?" seryoso kong sambit.

 

"Bakit ano ba ang ginagawa ko? Wala naman diba? Gusto ko lang naman na sabay tayong kumain ng lunch kaya kita pinasundo kay Mr. Quizon kanina. Wala naman sigurong masama diba?"

 

Hindi naman ako nakaimik. Hindi ko alam pero feeling ko may something talaga eh. Feeling ko dahan-dahan niya na namang kinu-kontrol ang bawat kilos ko. Nag-uumpisa na naman yata siya kaya hindi ko na naman mapigilan ang makaramdam ng pagkabalisa.

 

"Sit down." pautos niyang bigkas kaya naman dahan-dahan na akong naupo sa kanyang swivel chair. Nararamdaman ko na naman ang kakaibang kabog ng dibdib ko. Alam kong may mali peto natatakot naman akong suwayin siya at tangihan ang mga pagkain na inilagay niya mismo sa harapan ko

 

Isa sa mga paborito kong pagkain kapag kumakain kami sa isang restaurant. Bake salmon with mashed potato plus green salad. Nabitin ako sa pagkain ko kanina sa cafeteria kaya hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng pagkatakam.

 

"Eat it at pakatapos nito, pwede ka nang lumabas ng opisina ko.'" seryoso niyang bigkas sabay abot niya sa akin ng kutsara at tinidor. Wala na akong magagawa pa kundi ang tangapin iyun.

 

Inukupa niya na din ang isa pang upuan na nasa harap ng kanyang office table at nag-umpisa na din siyang kumain. Wala na din akong nagawa pa kundi ang pagbigyan siya.

 

Nandito na din lang ako sa loob ng opisina niya kay lubos-lubusin ko na lang. Kaysa naman ako pa ang magutom. Alam kong pipilitin niya lang ako kung sakaling tangihan ko siya.

 

Katahimikan ang bumalot sa loob ng opisina niya habang kumakain kami.

 

Walang ni isa man sa amin ang nangahas na magsalita kaya naman nanatili na din akong tahimik. Hanggang sa matapos kaming kumain.

 

Mabilis na akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair. Kaagad naman siyang napatitig sa akin habang blanko ang expression ng kanyang mukha.

 

"Saan ka pupunta?"seryosong tanong niya.

 

"Tapos na ang break time at babalik na ako sa pwesto ko. Maraming salamat sa pagkain, Mr. Ferrero. May mga papeles na nasa table ko na dapat kong tapusin ngayung araw." Seryosong bigkas. Alam niya naman kung ano ang tinutukoy ko kaya wala naman sigurong dahilan para pigilan niya ako.

 

Tsaka wala akong balak magtagal dito sa loob ng opisina niya. Mahirap na. Baka kung ano pa ang maisip niyang gawin sa akin eh.

 

"Okay...you can go now and finish your work. Hindi ka pwedeng umuwi hanggang hindi mo matatapos ang report mo " seryoso niyang bigkas. Hindi ko tuloy maiwasan na mapasimangot at direcho na akong naglakad palabas ng kanyang opisina.

 

Naabutan ko na ang mga kasamahan ko na abala sa kani-kanilang mga trabaho. Kahit nga si Ms. Mayette busy din eh. Ni hindi niya man lang napansin ang paglabas ko mula sa loob ng opisina ni Lucian..

 

Direcho na ako sa aking table. Hindi ko pa nga maiwasan magtaka lalo na mapansin ko ang kakaibang pagtitig sa akin ni Anne.

 

"Ano ang nangyari? Bakit ka niya pinatawag?" nagtataka nitong tanong.

 

Umiling lang ako pagkatapos inumpisahan ko nang tingnan ang mga reports na sinabmit ko kay Lucian kanina.

 

Wala naman talagang mali eh at hindi ko alam kung ano ang babaguhin ko dito.

 

"Gusto niya talaga akong pahirapan." mahina kong sambit habang hindi ko mapigilan ang napasabunot sa sarili kong buhok. Ano ba ang babaguhin ko sa Isang report na alam ko na wala namang mali. Haysst, hindi ko pa nga matatangap ang una kong sweldo pero parang gusto ko nang magresign.

 

Lumipas ang buong maghapon na wala naman talaga akong ginagawa. Para sa akin perfect itong report ko eh

 

"Amber, hindi ka pa ba uuwi?" hindi ko pa nga maiwasan na magulat nang biglang magsalita si Susan sa likod ko. Wala sa sariling napatingin ako sa kanila at doon ko napagtanto na uwian na pala. Mag-uuwian na pero hindi ko pa nai-submit ang report na pinaulit ni Lucian sa akin

 

"Mauna na kayo. May tatapusin pa ako eh. "malungkot kong sambit. Pagkatapos noon mabilis na akong tumayo at isa -isang dinampot ang report ko. Bahala na... isa-submit ko ulit ito kay Lucian. Uuwi na ako. Tangapin niya man or hindi ang report na ito, bahala siya. Hapon na at wala akong balak na mag stay ng

magdamag dito sa opisina na nakatunganga lang.

 

 

Chapter 129

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

MALAKAS ang kabog ng dibdib na kumatok ako sa pintuan ng opisina ni Lucian. Dala-dala ko pa rin ang report na ni-reject niya kaninang umaga pero wala namang kahit ni isa akong nabago. Para sa akin, wala namang talagang mali kaya walang dapat na baguhin. Gusto lang talaga akong pahirapan ni Lucian.

 

Ang mga kasamahan ko ay nagsipag-uwian na kasama si Ms. Mayette. Ako na lang ang mag-isang nandito sa labas dahil kahit na si Sapphire iniwan na din ako. Ang unfair ng babaeng iyun.

 

Napapansin kong hindi na siya kagaya ng dati na halos ayaw akong iwan.

 

"Come in!" narinig ko ang boses ni Lucian mula sa loob ng opisina kaya naman humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago ko dahan-dahan na binuksan ang pintuan. Kaagad kong napansin si Lucian na nakaupo sa kanyang swivel chair habang abala sa harap ng kanyang computer. Peke akong tumikhim para makuha ang attention niya.

 

"Ehemmm! Sir!" tawag ko pa sa kanya! Nag-angat naman ito ng tingin at direktang tumitig sa akin.

 

"Oras na po ng uwian. Isa-submit ko lang po sana ang report ko." pilit ang ngiti sa labi na bigkas ko. Kaagad naman siyang sumenyas na lumapit daw ako sa kanya at kaagad naman akong tumalima.

 

Naglakad ako patungo sa kanya at ipinatong ko ang dala-dala ko sa ibabaw ng kanyang table.

 

"Good! Marunong ka naman palang tumupad sa usapan eh. Sit down." seryoso niyang bigkas. Unlike kanina, seryoso siya at kaswal ang pagsasalita. Naramdaman ko ang malaking agwat sa pagitan namin. Empleyado ako at siya ang Boss.

 

Dali-dali naman akong naupo. Nagdadasal na sana wala na siyang tupak at huwag niya nang i-reject ang report na dala ko lalo na at nag-umpisa na siyang buklatin iyun.

 

"Ahmmm, may binago ka ba talaga dito, Ms. Rodriguez? Ano ang ginawa mo maghapon?" seryoso niyang tanong sa akin. Muli ko na namang naramdaman ang malakas na kabog ng dibdib ko. Shit, ang galing niya!

 

"Ahmmm, Sir, nireview ko po ang report na iyan at wala naman po akong nakitang mali." mahina ang boses kong sagot. Napansin ko pa nga ang pagtaas ng kabilang sulok ng labi niya na para bang hindi siya kumbinsido sa sinasabi ko

 

"Are you sure about this, Ms. Rodriguez? Wala akong nakitang may nabago sa report na ito? Are you kidding me?" seryosong tanong niya sa akin. Kaagad

naman akong natameme.

 

Huling huli ako eh. Wala nang dapat na ipaliwanag at baka madagdagan lang ang kasalanan ko.

 

Tsaka, ano daw? Ms. Rodriguez na ang tawag niya sa akin. Hindi na Precious.

 

"Ulitin mo ito! Lahat-lahat at hindi ka pwedeng umuwi hangat hindi mo maayos ang simpleng report na iyan.'" seryoso niyang bigkas. Kaagad namang namilog ang mga mata ko sa gulat. Seryoso ba siya? Anong oras na? Eh, halos alas sais na ng hapon eh.

 

"Ehhh, Sir..pwede bang bukas nalang?" mahina kong sambit sabay yuko. Hindi ko mapigilan ang mapasalikop ang dalawa kong palad dahil sa nerbiyos. Unfair kung mag stay ako na ako lang dito sa opisina.

 

"NO! Ako ang Boss dito at ako ang masusunod." seryoso niyang sambit. Hindi ko naman mapigilan ang mapasimangot. Sobrang sama ng ugali ng taong ito. Imagine, hindi niya man lang naisip na pagod na ako at gusto ko na din magpahinga.

 

"Wala kang choice kundi sundin ang gusto ko, Ms. Rodriguez. Now, go back to your table at umpisahan mo na ang dapat mong umpisahan." seryoso niyang muling bikgas. Labag man sa kalooban, wala na akong nagawa pa kundi muling damputin ang mga papeles at laglag ang balikat na naglakad ako palabas ng ospisina niya.

 

Hayassst, masama talaga pala ang ugali ng Lucian na ito. Kanina, kasama ko siyang kumain ng lunch at maayos naman ang pakikitungo niya sa akin pero ngayung hapon biglang nagbago. Parang may split personality lang ang peg. Hayssst!

 

Muli akong naupo sa harap ng aking computer at isa-isang tiningnan ang report ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang nireview pero wala talagang mali eh. Parang gusto ko na tuloy maiyak. Feeling ko, pinaparusahan ako ng Lucian na ito.

 

Hindi ko tuloy mapigilan ang

mapangalumbaba habang nakatitig lang sa aking monitor. Nakakapagod pala ang ganitong klaseng trabaho. Magreresign na lang kaya ako?

 

Mabilis na lumipas ang mga minuto, isa or dalawang oras. Gosh, alas otso na ng gabi pero heto pa rin ako. Tulala at nakakaramdam na ng pagkalam ng aking sikmura dahil gutom na.

 

Nakasimangot akong napatingin sa pintuan ng opisina ni Lucian. Nandiyan pa kaya siya? Takasan ko na lang kaya siya? Tapos absent ako bukas para hindi niya ako masabon.

 

Dinig ko, palagi siyang nag-a-out of town. Baka bukas or makalawa, aalis din siya so ibig sabihin, hindi din naman magku-krus ang landas namin.

 

Nasa ganoon akong sitwasyon nang mapansin ko ang pagbukas ng pintuan ng opisina ni Lucian. Dali-dali kong ibinaling ang tingin ko sa ginagawa ko.

 

Muling nagbisi-bisihan at kunwari hindi siya napapansin.

 

Uuwi na siguro siya at maghintay lang ako ng ilang saglit at uuwi na din ako. Bahala siya...wala akong babaguhin sa report na ito dahil wala naman talagang nali

 

"Precious, hindi ka pa rin ba tapos diyan? "narinig kong tanong niya. Hindi na Ms. Rodriguez ang tawag niya sa akin kundi Precious na naman. Feeling ko talaga may dalawang personality ang nakabalot sa kanyang pagkatao eh.

 

 

Chapter 130

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"HINDI pa po Sir." mahina kong bigkas. Pinilit ko siyang huwag lingunin ulit dahil ayaw kong makita niya na kanina pa ako naiiyak dahil sa sama ng loob. Makikita niya. Aabsent talaga ako bukas. Bahala siya kung tangalin nya ako. Wala na akong pakialam pa.

 

"We need to go home. You can continue your work tomorrow." narinig kong bigkas niya. Hindi ko siya pinansin bagkos lalo kong inilapit ang mukha ko sa monitor ng aking computer. Para naman ipakita sa kanya kung gaano ako ka-hardworking.

 

"Precious, I said tama na iyan. Marami pang araw para matapos mo ang trabahong iyan.'" narinig kong muli niyang bigkas. Hindi ko naman mapigilan ang maikuyom ang kamao ko. Marami pa palang araw pero bakit ayaw niya akong pauwiin kanina? Sabi niya tapusin ko daw eh.

 

"Sir kayo na din po ang nagsabi kanina na kailangan ko pong tapusin ito bago ako uuwi. Kung wala na po kayong importante na sasabihin pwede po bang iwan niyo na ako?" seryosong bigkas.

 

"Tsk! Sino ba ang dapat na masunod sa ating dalawa? Palagay mo ba, kaya mong tapusin ang trabahong iyan buong magdamag?" seryosong tanong niya sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapakagat labi. Kaunting kaunti na lang talaga at iiyak na ako eh. Feeling ko down na down na ang puso ko.

 

"Eh di tapusin! Iyan ang utos mo eh."

 

malamig ang boses na bigkas ko. Hindi ko mapigilan ang mapaangat ng tingin nang bigla kong maramdaman ang dalawa niyang kamay na pumatong sa balikat ko. Kaagad akong napapikisi para ipaalam sa kanya na hind ko gusto ang ginagawa nyang paghawak sa akin pero nang mag-umpisa niya na akong masahain sa bahaging iyun kaagad na nanlaki ang mga mata ko gulat.

 

"Ano ba iyang ginagawa mo?" kunwari naiinis kong bigkas. Akmang tatayo na sana ako pero mabilis niya akong pinigilan

 

"Mukhang mas stress ka pa kumpara sa akin ah? Bakit, galit ka pa rin ba sa akin? Nagtatampo at pagbabawalan mo na naman akong makita ka?" seryoso pero may halong diin sa boses na bigkas niya. Hindi ko naman maiwasan na mariin na maipikit ang aking mga mata.

 

"Lucian..nangako ka sa akin na tatantanan mo na ako. Ano na naman ba? Ano na naman itong ginagawa mo?" seryoso kong sambit.

 

"Bakit, ano ba itong ginagawa ko? May mali ba? Wala naman ah? Pinipilit ba kitang makipag-sex sa akin kagaya ng dati?" seryoso niyang bigkas. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi. Shit... bakit napakabulagar niya. Nakakakilabot ang katagang lumabas sa bibig niya ngayun lang.

 

"Gusto kong tapusin ang trabaho ko kaya pwede bang iwan mo na ako dito? Please? "seryosong bigkas ko. Naramdaman ko ang pagkatangal ng dalawa niyang kamay sa balikat ko kaya naman kinuha kong pagkkataon iyun para tumayo. Kaya lang, muli niya kong pinigilan at sunod ko na lang na naramdaman ay ang pagdampi sa leeg ko ng isang malamig na bagay.

 

"Ayaw mong tangapin ang pasalubong ko. Gusto mo din na ituring kitang empleyado ko. Tapos, ngayung pinapa-correct ko sa iyo ang mali mong report, nagagalit ka sa akin. Bakit? Gaano na ba kasama ang tingin mo sa akin, Precious? Hanggang ngayun, hindi mo pa rin ba ako napapatawad sa nagawa kong pagkakamali noon?" seryosong tanong niya. Habang nagsasalita siya, ramdam ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko na nagbigay sa akin ng kakaibang kilabot.

 

"Bagay sa iyo ang pasalubong kong kwentas. Asahan ko na hindi mo ito tatangalin sa iyung leeg kung ayaw mong bumalik sa dati ang pakikitungo ko sa iyo. Tandaan mo, mabilis akong magalit at baka hindi mo magugustuhan ang sunod kong gawin kapag patuloy pa rin na maging matigas ang ulo mo." seryoso niyang muling bigkas.

 

"Ano ang ibig mong sabihin?" mahinang tanong ko

 

"Well, gabi na at alam kong gutom ka na. Hindi mo na kailangan pang gawin ang report na iyan ngayung gabi." seryoso niyang muling bigkas at hindi ko pa nga maiwasan na mapaiktad ng bigla niya na lang akong hawakan sa aking kamay at sapilitang pinatayo.

 

"Let's go! Samahan mo muna kong kumain pagkatapos nito, ihahatid na kita sa tinitirhan mo." seryoso niyang wika. Wala na akong nagawa pa kundi sundin ang kung ano ang nais niya.

 

Kaming dalawa na lang ang nandito sa ospisina at kapag patuloy pa akong magmatigas, alam kong totohananin niya ang kung ano ang banta niya sa akin kanina. Kilala ko siya. Kilalang kilala ko itong si Lucian.

 

Chapter 131

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ OPV

 

"BAKIT DITO?" nagtataka kong tanong kay Lucian nang huminto ang sasakyan niya sa harap ng isang night club.

 

Kusa na akong sumama sa kanya kanina nang yayain niya akong magdinner pero hindi ko naman akalain na sa ganitong lugar niya ako dadalhin. Although, alam kong mamahaling night club ito pero natatakot pa rin akong pumasok sa loob.

 

Baka kasi kung anu-ano ang makikita ng mga mata ko eh. Tsaka, kung dito pumunta itong si Lucian, ibig sabihin may balak siyang uminom ng alak

 

"Why? Hindi mo gusto dito? Bakit?" seryosong tanong niya.

 

"Ahmm, wala naman! Akala ko kasi kakain lang tayo eh." mahina kong sambit.

 

"Believed me, Precious...mag-eenjoy ka dito." nakangiti niyang sambit. Mabilis na siyang bumaba ng sasakyan at hindi na ako nagprotesta pa nang bigla niya na lang din akong alalayan pababa.

 

Noon pa man, sanay na sanay na akong hawakan niya kaya no big deal na sa akin ang mga ganitong bagay.

 

Hindi niya na binitiwan ang kamay ko habang naglalakad kami papasok ng bar. Nakasunod sa amin ang anim niyang mga bodyguards kaya kung kaligtasan ni Lucian ang pag-uusapan wala talagang problema.

 

"Lucian, good evening! Sa wakas, nagpakita ka din!" kaagad na salubong ng isang lalaki. Malaki ang pangagatawan nito at halatang kilalang kilala niya si Lucian base na din sa approach niya dito

 

"Theodore, kasama ko si Precious i-serve mo sa amin ang pinaka the best of the best niyo." seryosong wika ni Lucian dito. Nakangiti namang tumango ang kausap niya. Napansin ko din na saglit itong sumulyap sa akin at muling itinoon ang attention niya kay Lucian

 

Ang lalaking nagngangalang Theodore na din ang nag-assist sa amin patungo sa isang parang kwarto. VIP room ang tawag dito kung saan may mahabang mesa at mga alak nang nakaready sa ibabaw nito. May malaking screen ng television at mga speakers. In short, parang pwedeng mag videoke.

 

Simula pagbaba namin kanina ng kotse hanggang sa makapasok kami dito sa loob ng VIP room, hindi man lang binibitawan ni Lucian ang kamay ko. Kusa ko na lang hinila ang kamay ko na hawak niya at nagkunwari na dinampot ang isang menu book sabay upo sa malabot ng couch. Nahagip pa ng pandinig ko ang mahinang pagbuntong hininga ni Lucian.

 

"Si Brylle at Simeon, wala pa ba?" narinig kong seryosong tanong niya kay Theodore. Napangiti naman ito

 

"Papunta na daw. Dinaanan pa kasi nila ang mga girlfriend nila kaya ganoon." nakangiti nitong sambit. Nagkibit balikat si Lucian at muling itinoon ang attention sa akin.

 

"Ano ang gusto mong kainin? Of course, hindi kita papayagan na uminom ng alak ngayung gabi. Kaya lang kita dinala dito dahil gusto kong makilala ka din ng mga kaibigan ko. Siya nga pala si Teodore or Theo....siya ang may ari ng night club na ito." masuyong wika ni Lucian. Muli akong napatingin kay Theo at tipid itong

nginitan.

 

"Wow, mabuti naman at sa wakas, dinala mo din si Amber dito, Pare. Para naman mag-enjoy siya kahit papaano at para din makilala siya ng iba nating mga kaibigan at para din lumawak ang mundo niya." nakangiting wika ni Theo. Hindi naman ako nakaimik bagkos hindi ko mapigilan ang muling mapatingin kay Lucian

 

"Yeah...isa sa mga pinagsisisihan ko noon ay ang hindi siya pinakilala sa inyo noon. Isa sa mga pinagsisisihan ko noon ay inangkin kong parang pag-aari siya at hindi siya pwedeng umayaw sa lahat ng gusto ko." narinig kong sambit ni Lucian na labis kong ipinagtaka. Hindi ko gets ang ibig niyang sabihin at hindi pa naman siya lasing para magsalita siya ng ganitong bagay.

 

"Pwede naman bumawi. Marami pang time para bumawi kaya naman pag-igihan mo na, Pare." nakangiting wika ni Theo. Muli ko nang itinoon ang attention ko sa menu book dahil mukhang sila lang naman ang nagkakaintindihan.

 

"I want this...and this!" wika ko kay Lucian nang sa akin na naman niya itinoon ang attention niya. Kaagad namang nagtawag si Theo ng waiter na mag-aasikado sa order ko.

 

"Iyan lang ba? Baka may iba ka pang gusto, sabihin mo lang." muling wika ni Lucian. Talagang umusog pa siya palapit sa kinauupuan ko at inakbayan niya pa ako. Na para bang gusto niya na namang ipakita sa kaharap namin na pag-aari niya ako.

 

Gosh, ayan na naman siya. Nag-uumpisa na naman niyang gawin ang mga bagay na kagaya ng dati.

 

"No! Wala na. Ayos na iyan." pilit ang ngiti sa labing sagot ko. Tumango naman si Lucian at siya na din ang nagsabi sa waiter ng order ko. May dinagdag pa siya pero hindi ko na pinagtoonan pa ng pansin. Muli ko kasing inilibot ang paningin ko sa buong paligid.

 

Tama nga ako kanina, pang mayaman ang bar na ito. Ang mga alak na nakapatong sa ibabaw ng mesa ay halatang mamahalin.

 

Pagkatapos makaorder ni Lucian, siyang pagbukas naman ng pintuan ng VIP room at pumasok ang apat na tao. Dalawang babae at dalawang lalaki at hindi ko pa nga maiwasan na magulat nang mamukhaan ko ang isa sa mga babae.

 

Walang iba kundi ang kaibigan kong si Risa.

 

Akbay siya ng isa sa mga lalaki at kung titingnan para talaga silang may relasyon.

 

 

 

Chapter 132

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

""Amber!" kaagad na din namang tawag sa akin ni Risa nang makita niya ako. Tipid naman akong ngumiti at hinayaan ko na lang siya na makalapit sa aking kinauupuan at hinawakan niya ako sa aking kamay.

 

"Risa, kumusta ka?" masaya kong bigkas. Hindi kami nagpapang-abot nitong si Risa kahit sa iisang kumapanya kami nagtatrabaho dahil hindi ko naman alam kung saang department siya. Isa pa, palaging ang mga ka office mate ko ang kasama ko sa tuwing kumakain kami lunch. Hindi ko din naman siya nakikita sa cafeteria.

 

"Ayos lang. ikaw, kumusta ka na? Naku, bati na ba kayo ni Sir Lucian?" nakangiti nitong tanong sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi sabay sulyap kay Lucian na noon ay nakikipag-usap na sa dalawang lalaking kasama nitong si Risa na dumating.

 

"No...Boss ko siya at niyaya niya akong magdinner at hindi ko naman akalain na dito niya ako dadalhin." nakangiti kong sagot.

 

"Ganoon ba? Naku, Sana m*****i na kayo. Dalawang taon din iyang si Sir Lucian na walang ibang ginawa kundi ang i-stalk ka.' natatawa nitong sambit. Hindi ko naman maiwasan na magtaka.

 

Ini-stalk? Hindi nga? Imposible!

 

"Siya nga pala Amber, meet my boyfriend si Brylle! nakangiti niyang sambit pagkatapos tinawag niya ito at ipinakilala sa akin.

 

"Wow, sa wakas, nandito na din pala ang babaeng kinalolokohan ng kaibigan namin. Nice to meet you, Amber." nakangiting wika naman ni Brylle. Napansin kong makikipag kamay sana ito sa akin pero nagbago yata ang isip. Napansin niya marahil ang seryosong mukha ni Lucian na tahimik na nakamasid sa amin.

 

"Siya naman si Simeon at ang kasama naman niya ay girlfriend niyang si Maureen. "nakangiting muling wika ni Risa. Automatic naman na gumuhit ang ngiti sa labi ko bilang tanda ng pagbati.

 

Mukhang nadagdagan na naman ngayung gabi ang mga bago kong kakilala ah? Well, hindi ko sila pwedeng maging friends dahil mga kaibaigan silang lahat ni Lucian

 

Pagkatapos naming magbatian dalawa ni Risa, bumalik ito sa pagkakaupo sa tabi ng kanyang nobyo. Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala. Ang kaibigan ko noon ay pumapag-ibig na pala ngayun at mukha naman siyang masaya.

 

"Precious, anything else? May gusto ka pa bang kainin?" tanong ni Lucian sa akin nang sa wakas, nai-served na din ang pagkain na inoder ko kanina. Kaagad naman akong umiling

 

Wala na. Wala na akong kailangan pa at ayos na. Actually, dinagdagan niya pa nga ang pagkain na inorder ko kanina kaya marami na din talaga at duda ako kung mauubos ko ito.

 

Nag-umpisa nang mag-inuman ang mga kalalakihan. Hindi ko pa nga maiwasan na magulat nang mapansin kong game na din pala sa inuman ang kaibigan kong si Risa. Ganoon din si Maureen. Sa aming pito ako lang ang hindi umiinom. Ayaw ni Lucian tsaka wala din naman akong balak

na uminom.

 

Habang lumalalim ang gabi, parami din nang parami ang naiinom nilang alak. Namumala na din si Lucian na halatang tinamaan na ito ng ispiritu ng alak.

 

"Amber, nakita mo na ba ang dati nating kakilala na nagta-trabaho sa bar na ito?" maya-maya nakangiting tanong sa akin ni Risa. Nagtataka naman akong napatitig sa kanya. Wala akong idea kung ano itong sinasabi niya kaya hindi ko alam kung ano ang isasagot ko

 

"Gusto mo bang ipatawag natin sya? Kahit saglit lang. Just for fun or gusto mo tingnan natin ang ginagawa niya ngayun. Tama, why not, panoorin na lang natin siya habang nagtatanghal sa intablado" muling bigkas ni Risa. Wala sa sariling napatingin ako kay Lucian at nang napansin kong nakatitig din siya sa akin, kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kanya

 

"Kung curious ka, pwede mong alamin kung ano ang tinutukoy ni Risa. Hindi nakakatakot ang bar na ito. Safe ka at walang sino man ang mangahas na gumawa ng masama sa iyo." seryoso niyang bigkas.

 

"A-ano ba ang ibig niyong sabihin. Hindi ko maintindihan." naguguluhan kong tanong.

 

"Ang mabuti pa, sumama ka sa amin. I think mag-uumpisa na ang show. Manood tayo." nakangitin bigkas ni Risa. Muli akong napatingin kay Lucian at nang tumango siya sa akin wala na akong nagawa pa kundi ang tumayo na.

 

Lalabas kami ng VIP room dahil may titingnan daw kami. Kung ano man ang ibig nilang sabihin, makikita ko din mamaya.

 

"Wear this and don't give me a reason na makapatay ako ng tao ngayung gabi." akmang sasama na sana ako kay Risa at Maureen palabas ng VIP room nang maramdaman ko ang pagsayad ng kung anong bagay sa balikat ko. Nang mapatingala ako, nagtama ang paningin naming dalawa ni Lucian habang inaayos niya sa pagkakasampay sa balikat ko ang kanyang coat.

 

"Enjoy the show." nakangiti nitong bigkas sa akin. Wala sa sariling napahakbang ako paatras sa kanya at hindi na nag-iwan pa ng kahit na anong salita. Mabilis na akong sumama kay Risa at Maureen palabas ng VIP Room.

 

CHAPTER 133

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

MULA sa VIP room, dumirecho kaming tatlo patungo sa may stage na kasalukuyan na may nagpe-perform. Hindi ko tuloy malaman kung itutuloy ko pa ba ang pagsama sa kanila gayung parang alam ko na kung ano ang gagawin namin. Manonood kami ng isang maharot na palabas sa stage.

 

""Risa, sure ka ba dito? I mean...sorry pero hindi ako interesado." mahina kong

sambit. Tumigil na nga ako sa paghakbang habang inililibot ko ang paningin ko sa buong paligid

 

"Ano ka ba Amber, hindi pa tayo nag-uumpisa tapos aayaw ka na kaagad? Come on...halika na! Tiyak na matutuwa ka sa makikita mo.;" nakangiti nitong sambit.

 

"Yes...totoo ang sinabi ni Risa, Amber. I think kilala mo ang magpe-perform ngayung gabi kaya tara na. Saglit lang naman tayo." nakangiting wika din ni Maureen. Wala na akong nagawa pa kundi ang sumama sa kanila.

 

Wala naman sigurong mawawala kung pagbibigyan ko sila eh. Ngayung gabi lang naman at isa pa may basbas naman ni Lucian ang gagawin namin.

 

Hyast, anong oras na ba? Paano pa kaya ako nito makakapasok ng opisina bukas gayung tiyak akong mapupuyat ako nito ngayung gabi. Bahala na nga.

 

Kilala daw naming ang magpe-perform kaya pinili naming okupahin ang table na malapit sa stage. Hindi ko alam kung ano

ang meron kaya nanahimik na lang din ako.

 

Umorder si Maureen ng tatlong ladies drink. Ayaw ko sanang uminom pero dahil alam kong mamahalin ang bar na ito at alam kong mahal ang alak kaya pinagbigyan ko na sila.

 

"Siya nga pala Amber, nadalaw mo na ba ang Dad mo sa home for the aged? Balita ko lumala daw ang kalagyan ni Aurora ah? "maya-maya tanong sa akin in Risa. Kaagad naman akong umiling at hindi na din nagkomento pa.

 

Hangat maaari ayaw ko na sana pang pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito. Ayaw ko nang marinig pa ang tungkol sa kanila. Lalo na ang tungkol kay Aurora na ngayun ay nasa isang mental institution.

 

Sa dami ng mga masasakit na nangyari noon, hindi pa ako ready na patawarin sila.

 

Hindi pa namin nauubos ang ladies drink na iniinom namin nang wala sa sariling napaangat ako ng tingin nang marinig ko

ang isang maharot ng tugutugin. Mula sa back stage may lumabas na mga dancer na nag-uumpisa nang umindak sa saliw ng maharot na tugtugin.

 

"Hindi ko akalain na magiging career ni Lauren ang ganitong klaseng trabaho." narinig kong sambit ni Risa.

 

"Ha? Anong sabi mo? Paano naman nasama sa usapan natin ang babaeng iyun?" nagtataka kong tanong. Hangat maari, ayaw ko na sanang marinig pa ang pangalan ng babaeng iyun or kahit na sino na naging bahagi ng malungkot at masakit kong nakaraan.

 

Pero paano ko nga ba makakalimutan ang lahat gayung alam ko sa sarili ko na nag-uumpisa na naman si Lucian na makialam sa buhay ko.

 

Although, hindi niya naman ako dinadaan sa dahas pero natatakot pa rin ako. Paano kung mahulog ulit ang loob ko sa kanya? Anong kinabukasan ang naghihintay sa akin?

 

"Paano nasali sa usapan natin si Lauren?

 

Well, siya lang naman ang isa sa mga in demand na dancer at entertainer ng club na ito." nakangiting sagot ni Risa. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig.

 

Muli akong napatingin sa stage nang bigla akong makarinig ng hiyawan. Mula sa back stage, may lumabas pa na isang babae at isang lalaki. Halos n*******d na silang dalawa habang sumasayaw sa maharot na saliw ng tugtugin. Hindi ko naman maiwasan na mapatulala sa aking nakita.

 

Lalo na nang mapansin kong hindi lang sayaw ang ginagawa nila sa stage. Nag-umpisa silang maghalikan na akala mo nasa loob sila ng private room at walang nanonood sa kanila

 

Aware ako na may mga bar na nagpapalabas ng ganitong show pero hindi ko naman akalain na isa pala ang bar na ito ang gumagawa noon. Show na hinahayaan nilang halos mag sex or nagsi -sex ang magkapareha sa mismong stage.

 

Pakiramdam ko, biglang nanlamig ang katawan ko sa aking nasaksihan. Hindi ko kayang manood sa ginagawa nila sa ibabaw ng intablado pero nang ibaling ko naman ang tingin ko sa mga audience parang gusto kong kilabutan dahil marami na din sa kanila ang naghahalikan. Na para bang normal lang sa kanila ang ginagawa nila.

 

Paano naatim ng kaibigan ni Lucian na magtayo ng ganitong klaseng negosyo?

 

Hindi ko kaya silang panoorin kaya naman wala sa sariling napatayo ako.

 

Pakiramdam ko kasi babaliktad ang sikmura ko sa aking nakikita.

 

 

Chapter 134

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

HINDI ko na kaya! Hindi ko kayang tapusin ang show kaya nagpasya akong umalis na. Mabilis akong tumayo pero nagulat din nang maramdaman ko na may biglang humawak sa akin. Kaagad na nanigas ang aking katawan sa sobrang nerbiyos at akmang magpupumiglas na sana ako nang bigla kong narinig ang boses ni Lucian mula sa likuran ko

 

"Where are you going? HIndi ka ba nag-i-enjoy sa show? Ayaw mong manood?" narinig ko ang baritono niyang boses sa may tainga ko. Nakayapos siya sa akin habang hindi ko na mapigilan na maipikit ang aking mga mata. Lalo na nang marinig ko ang malakas na halinghing ng nagso-show sa intablado.

 

Shit, talagang may microphone? Gaano ba ka-exclusive ang bar na ito at bakit sila nagpapalabas ng ganitong kabastusan. Siguro may sakit sa utak ang may ari nito

 

"Hindi ko kaya! Gusto ko nang umuwi na. "mahina kong sambit. Gusto kong takpan ang tainga at mga mata ko dahil ayaw kong marinig ang makita ang mga kaganapan sa buong paligid. Paano din naatim nila Risa na manood ng mga ganitong bagay? Siguro nga sobrang dami nang mga nangyari sa loob ng dalawang taon na nasa probensya ako.

 

"Okay....your wish is my command. Let's go!" seryoso niyang bigkas. Ikinawit niya sa baiwang ko ang kanyang braso at nag-umpisa na kaming naglakad paalis.

 

Direcho lang ang aking tingin. Ayaw kong titigan ang ibang mga guest na ginagaya na yata nila ang kung ano man ang ginagawa ng magkapareha sa stage.

 

"Anong klaseng bar ito? Bakit sila nagpapalabas ng ganitong bagay?"

 

mahinang tanong ko kay Lucian. Hindi ko mapigilan na mapatakip sa aking tainga nang marinig ko ang hiyaw ng familiar na boses. Si Lauren. Gosh, pakiramdam ko lahat ng balahibo sa katawan ko ay biglang nagtayuan.

 

"Tsaka, hindi ba't si Lauren iyang nasa stage? bakit mo siya hinayaan na gumawa ng ganiyan?" seryosong tanong ko.

 

"That is her job at masaya siya diyan." kaswal na sagot niya sa akin na labis kong ikinagulat. Sa tono ng boses ni Lucian halatang wala na siyang pakialam sa dati niyang girlfriend.

 

Bigla akong nakahinga ng maluwag nang tuluyan na kaming nakarting sa unang pintuan ng bar.

 

Dalawang pintuan ang papasukin bago makarating sa pinaka may show. Ang pinakaunang pintuan mula sa pinaka-entrance ay normal lang naman ang ginagawa ng mga costumers. May tumutugtog na banda at masaya ang mga costumers na nagsasayawan at nag-iinuman.

 

Yes, ngayun ko lang ito napansin. Kung ganoon, special show ang ginagawa sa parte ng bar na ito kung saan kami galing. Sadyang itinago sa mga mata ng ibang guest para hindi masyadong bulgar. Siguro magkaiba ang bayad kaya ganoon.

 

"Her job? Kailan pa naging trabaho ang gumawa ng p**n sa harap ng maraming mga tao?" nagtataka kong tanong sa kanya.

 

"Maybe because that is her karma. Very bad karma sa ginawa niya sa iyo noon." seryosong muling sagot niya sa akin.

 

Hindi naman ako nakaimik. Hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas ng bar kung saan kaagad kaming sinalubong ng ilang sa mga bodyguards niya.

 

Direcho na kami ng kotse at inalalayan niya pa akong makasakay. Hindi pa rin ako nakabawi sa sobrang gulat kaya pinili kong manahimik na muna hanggang sa maramdaman ko na lang na nag-umpisa nang umusad ang aming sasakyan

 

Nang mapasulyap ako kay Lucian, tahimik na din siya. Nakapikit ang kanyang mga mata at ngayun ko lang napagtanto na sobrang pula ng pisngi niya. Siguro ang dami niyang nainom ng alak dahil naamoy ko iyun sa katawan niya ngayun.

 

Hindi na din ako nangahas pang magsalita bagkos itinoon ko na lang ang attention ko sa labas ng sasakyan.

 

Malalim na nga ang gabi dahil mangilan-ilan na lang ang napapansin kong sasakyan ang dumadaan sa kalsada.

 

Wish ko lang na sana makatulog kaagad ako mamaya. Feeling ko kasi hindi ko makakalimutan ang mga nakita ko kanina sa club. Hanggang ngayun hindi ko pa rin lubos na maisip na nagawang pumasok ni Lauren sa ganoong trabaho.

 

Kung totoo man ang karma, siguro sinisingil na siya ngayun.

 

Ayaw ko din naman sabihin na deserved niya ang ganoong bagay dahil kahit na gaano pa kalaki ang kasalanan ng Lauren na iyun sa akin, hindi ko din naman kayang makita siya sa ganoong sitwasyon. Well, baka naman easy money din ang kailangan niya niya kaya nagawa niyang pumasok sa ganoong trabaho? Isang trabaho na hindi katangap-tangap ng lipunan...

 

 

Chapter 135

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

Maayos naman akong naihatid ni Lucian sa condo kung saan ako nakatira. Tahimik siya buong biyahe which is very unusual. Hindi na siya ang dating siya at laking tuwa ko dahil tinupad niya ang sinabi niya na ihahatid niya ako sa condo unit kung saan ako nakatira.

 

"Thank you, Sir." mahina kong sambit bago ko binuksan ang pintuan ng sasakyan. Hindi ko alam kung tulog ba talaga siya dahil nakapikit ang kanyang mga mata.

 

Wala din akong nakuhang tugon mula sa kanya kaya nagmamdali na akong lumabas ng kanyang kotse. Bahala siya kung ayaw niyang magsalita. Walang mas mahalaga sa akin kundi ang naihatid niya ako ng safe at maayos dito sa condo kung saan ko nakatira.

 

Hindi na ako nag-abala pang lumingon hanggang sa makapasok ako sa loob ng condominium building.

 

Pagkadating ko ng condo unit, direcho na ako sa banyo para makapaglinis ng katawan. Gusto nang pumikit ang mga mata ko dahil sa sobrang antok.

 

Masyadong late na para sa oras ng tulog ko. Sana lang talaga hindi na mauulit pa na magyaya si Lucian sa akin na lumabas ng dis-oras ng gabi at sana lang talaga magawa ko na nang maayos ang pending na trabaho na ipinapagawa niya sa akin.

 

Pagkatapos kong maglinis ng katawan, direcho na ako ng kama para matulog na.

 

Iyun nga lang, pagkalapat ng likod ko sa malambot na kutson ng kama, naging mailap naman ang tulog ko. Na para bang biglang nawala ang antok ko lalo na nang muling sumagi sa isipan ko ang mga nasaksihan ko kanina sa bar.

 

Ang tungkol kay Risa. Girlfriend niya ng kaibigan ni Lucian? Si Lauren...ano ang nangyari sa kanya? Bakit niya pinasok ang ganoong trabaho? Ano siya, gipit at wala na ba talagang pakialam sa kanya si Lucian?

 

Malas niya kung ganoon. Ang yabang niya pa nga noon eh at siya ang dahilan kaya muntik na akong mapahamak.

 

Napakasinungaling na babae at kung karma man ang nangyayari ngyaun sa babaeng iyun, hindi din naman nakakatuwa. Babae din ako at hindi ako masaya na makita ang kagaya kong babae na nagbebenta ng aliw para lang kumita ng salapi.

 

Tsaka si Lucian...wala ba siyang pakialam sa dati niyang kasintahan? Ayos lang ba talaga na makita niya ang dati niyang kasintahan sa ganoong sitwasyon?

 

Last but not the least...bakit nga pala biglang nagbago ang pakikitungo ng Lucian na iyun sa akin. Naging gentleman na siya at ibang iba na ang pagtrato niya sa akin ngayun.

 

Hindi kagaya dati na sa tuwing nagkikita kami, wala kaming ibang ginawa kundi ang mag sex. Walang kapaguran at palagi niyang itinatak sa isipan ko na ako daw ang cravings niya.

 

"Haysst...hindi na ba ako attracted sa paningin niya?" sa naisip kung iyun hindi ko mapigilan ang mapangiwi. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ba ito na naman ang iniisip ko? Don't tell me na nagkakagusto na naman ako sa kanya? Hayssst, hindi pwede! Nangako na ako sa sarili ko na hindi na ako magiging marupok. Na iiwasan ko na si Lucian

 

Kaya lang, paano ko ba siya iiwasan kung siya naman itong lumalapit sa akin.? Paano ko siya maiiwasan kung siya ang Boss ko? Haysst, mali talaga! Sobrang maling mali talaga na nagtrabaho pa ako sa kumpanya niya.

 

Nasa ganoon akong pag-iisip nang marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Nagtataka man sa kung sino ang tumatawag sa akin ng ganitong oras, wala na din akong inaksayang oras. Dali-dali kong sinagot iyun kahit na unregistered number ang tumatawag sa akin

 

"Hello?" kaagad na bikgas ko. Hinila ko ang kumot at itinakip sa aking katawan. Tatapusin ko lang ang pakikipag-usap sa kung sino man ang tumatawag sa akin tapos matutulog na talaga ako

 

"Bakit gising ka pa?" sagot naman kaagad nang nasa kabilang linya. Wala sa sariling napabangon ako nang ma-bosesan ko kung sino ang nasa kabilang linya.

 

Walang iba kundi si Lucian? Shocks, ano na naman kaya ang kailangan ng taong ito sa akin? Kanina noong nasa sasakyan kami sobrang tahimik niya na para bang ayaw niya akong kausapin tapos ngayung may gana siyang tumawag sa akin nang halos madaling araw na?

 

"Precious, bakit gising ka pa?" muling tanong niya sa akin. HIndi ko naman mapigilan ang mapangiwi. Npaka-nonsense naman kasi talaga ng tanong niya eh.

 

"Ako? Kailangan mo pa bang itanong iyan. Natural, tumatawag ka at sinagot kita kaya talagang gising pa ako, Sir."

 

naiinis kong sagot sa kanya.

 

Ayos din ang Lucian an ito eh. Ang lakas mang-asar.

 

"Okay, good answer...now open the door. Nandito ako sa labas ng unit mo." muli niyang bigkas na labis kong ikinagulat.

 

Wala sa sariling mabilis akong napababa ng kama at direchong lumabas ng kwarto.

 

Walang pag-aalinlangan na naglakad ako patungo sa main door para silipin sa maliit ng butas kung may tao ba sa labas at nang mapagtanto ko na meron nga, dali -dali akong naglakad pabalik ng aking silid.

 

"Nasa labas ka ng pintuan ng unit ko? Sorry, inaantok na ako. Kung ako sa iyo, umalis ka na dahil walang magbubukas sa iyo ng pintuan. Good night Sir Lucian!'" seryosong bigkas ko at dali-dali kong ini-off ang tawag.

 

Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong damdamin. Kinakabahan ko at the same time, may kaunti akong takot na nararamdaman sa puso ko.

 

Ano kaya ang ginagawa ni Lucian sa labas ng unit ko? Ano ang kailangan niya sa akin?

 

 

Chapter 136

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

KAHIT late na akong nakatulog, nagawa ko pa rin naman bumangon sa takdang oras ng gising ko. Wala akong balak na lumiban sa trabaho ko lalo na at malapit na ang sahod. First salary ko iyun at gusto kong makatangap ng buo at walang kaltas dahil lang sa absent ako.

 

Pagkatapos ko kasing makausap si Lucian kagabi, hindi din naman ako nakatulog kaagad. Halos umaga na ako nakatulog kaya feeling ko nangangalumata ako sa puyat. Gayunpaman, kailangan kong tatagan ang kalooban ko. Kailangan kong pumasok ng opisina.

 

Kagaya ng nakagawian, pagkatapos kong naligo, tsaka naman ako uminom ng kape at pagkatapos mag-ayos, kaagad na din akong lumabas ng condo unit. Nag-abang ng masasakyang taxi at direchong nagpahatid sa pinapasukang kumpanya.

 

Padating ng opisina, kaagad akong dumirecho sa table ko. Hinanap ko din ang hindi matapos-tapos na report na pinapagawa ni Lucian sa akin kahapon at nang hindi ko makita iyun, dali-dali akong naglakad palapit kay Ms. Mayette

 

"Iyung report sa table mo ba? Wala na. Maagang dumaan kanina si Sir Lucian dito at kinuha niya na." nakangiti nitong bigkas pagkatapos kong tanungin sa kanya ang tungkol sa report. Hindi ko naman maiwasan na magulat.

 

Kinuha ni Lucian? HIndi nga? Ibig bang sabihin, ligtas na ako sa report na iyun? Mabuti na lang! Wala pa naman ako sa mood ngayun dahil sobrang inaantok ako. Parang gusto kong ipikit ang aking mga mata at matulog kahit saglit lang.

 

Nagpaalam na din naman kaagad ako kay Ms. Mayette na babalik na akong table. Iyun nga lang bago ako nakabalik, kaagad naman akong sinalubong ni Sapphire para tanungin.

 

"Amber, bakit ganiyan ang hitsura mo? Saan ka galing kagabi?" nakangiti niyang tanong sa akin.

 

"Wala ah. Sa condo lang." pagkakaila ko. Alangan naman sabihin ko sa kaniya na kasama ko si Lucian. Hindi pwede dahil alam kong hindi sila maniniwala sa akin.

 

"Sa condo? I don't think so..'" nakangiti nitong sagot sa akin bago siya nagmamadaling bumalik sa kanyang table. Nasundan ko na lang siya ng tingin. Bahala siya kung ayaw niyang maniwala.

 

Muli kong itinoon ang attention ko sa harap ng computer pero talagang inaantok ako. Hindi ko magawa-gawa ang trabahong nasa harapan ko. Para akong hinila sa sobrang antok kaya pinabigyan ko na ang sarili ko na sumandal na muna sa swivel chair ko at ipikit ng kahit sandali ang mga mata ko. Sandaling-sandali lang naman at wala naman sigurong masama iyun diba?

 

Iyun nga lang ang sandaling sinasabi ko ay hindi ko na namalayan pa na tuluyan na pala akong iginupo sa matinding antok. Basta nagising na lang ako na nasa ibabaw na ako ng kama. Wala sa sariling napabalikwas ako ng bangon at nang ilibot ko ang paningin sa buong paligid, tska naman tumampad sa mga mata ko ang isang familiar na silid.

 

"Shit, ano ang gingawa ko dito?"

 

naguguluhan kong tanong sa aking sarili at mabilis na bumaba ng kama. Kinurot-kurot ko pa nga ang pisngi ko sa pag-aakala ko na nananginip lang ako pero totoo talaga.

 

Nandito lang naman ako sa secret room ni Lucina dito mismo sa loob ng opisina niya. Halos naging tulugan ko ito noong okay pa kami kaya kabisadong kabisado ko ang buong silid.

 

Sabagay, wala naman kasing ipinagbago ang mga decorations. Ganoon pa din naman pero hindi na ako pwdeng magtagal dito. Kailangan ko nang makalabas bago pa ako pasukin ni Lucian dito sa loob.

 

Shit, bakit ba ako nakatulog kanina? Pipikit lang naman ako eh pero bakit ako nagpadaig sa antok? Hindi pwede ito. Masyadong nakakahiya at ano na lang ang iispin ng mga kasamahan ko?

 

Tsaka, binuhat ba ako ni Lucian? Bakit hindi ko man lang naramdaman?

 

Nasa ganoon akong pagmumuni-muni nang mapansin ko ang pagbukas ng pintuan ng silid. Mula sa labas, pumasok ang seryosong si Lucian at direktang tumitig sa akin.

 

"Maaga pa. May meeting pa akong pupuntahan kaya matulog ka lang diyan." kaswal ang boses na bigkas niya.

 

"Ajhmmm, Sir..paano po ako nakarating dito?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Napansin kong natigilan siya habang titig na titig sa akin.

 

"Paano nga ba? Natural, binuhat kita. Sa sobrang lakas ng hilik mo kanina sa labas, hindi na makapag concentrate ang mga kasamahan mo sa trabaho kaya no choice ako kundi ang buhatin ka at ipasok dito sa loob silid." seryoso nyang bigkas.

 

Lalo naman akong nakaramdam ng matinding pagkapahiya.

 

Ano na lang ang iisipin ng mga kasamahan ko? Masyado na yata akong nakakahya.

 

 

Chapter 137

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Okay na po, Sir! Sa-sa labas ha po ako." mahina kong sambit bago ako nagmamadaling lumabas ng kanyang secret room

 

Ni hindi ko nga pinakingan pa kahit na tinatawag niya ang pangalan ko. Masyado nang nakakahiya at ayaw ko nang magtagal pa kahit na ilang minuto dito sa loob ng opisina niya

 

Ano ba kasi ang nangyari? Gaano ba kahimbing ang tulog ko kanina na kahit ang pagtransfer ko ng kwarto ay hindi ko man lang namalayan.

 

Masyado na akong nakakahiya at hindi ko na tuloy alam kung ano ang magiging reaction ng mga kasamahan ko sa akin.

 

Pagkalabas ko ng opisina ni Lucian, nakayuko akong naglakad patungo sa aking table at tahimik na naupo. Nahihiya ako sa mga kasamahan ko.

 

"Amber, kumusta? Success ba?" akmang i -o-on ko na sana ang computer nang bigla akong lapitan ni Susan. Gulat naman akong napatingala sa kanya.

 

"Ang alin?" nagtataka kong tanong sa kanya. Napasulyap pa ako sa mga kasamahan namin na noon at patingin-tingin din sa gawi naming dalawa ni Susan.

 

"Ang alin? Ikaw ha, in denial ka pa. Well, hindi ko akalain na ganiyan ka pala. Pasimple pero kapansin-pansin." nakangiti nitong bigkas. Hindi ko naman maiwasan na mapakunot noo dahil sa sinabi niya

 

Hindi ako ganoon ka-tanga para hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Alam ko ang tinutukoy niya. Tungkol yun sa ilang oras kong nasa loob ng opisina ni Lucian.

 

Wala sa sariling napatingin muli ako sa iba pa naming mga kasamahan at nang mapansin ko na halos lahat sila at makahulugan ang paraan ng pagtitig sa akin, hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pag-aalinlangan. Alam ko ang iniisip nila. Basang basa ko iyun sa paraan ng pagkakatitig nila sa akin.

 

"A-ano ka ba? Puyat kasi ako kagabi kaya nakatuog ako kanina." mahina kong sambit.

 

"Puyat? Sabagay, kayo nga palang dalawa ni Mr. CEO naiwan kahapon dito sa opisina kaya hindi nakakapagtaka na napuyat ka. Grabe, hindi ko akalain na gagamitin mo ang ganda mo para akitin siya." nakangiti nitong sambit na labis kong ikinagulat. Wala sa sariling napatayo ako at seryosong hinarap siya.

 

"Susan, no! Ano ka ba? Kung ano man ang iniisip niyo sa akin, walang katotohanan iyan." kaagad ko din namang bigkas.

 

"Wala naman kaming iniisip na masama sa iyo ah? Nagtataka lang talaga kami. Imagine, nahuli ka ng Boss natin na nakatulog diyan sa upuan mo tapos imbes na magalit siya, parang wala lang at binuhat ka pa niya papasok ng kanyang opisina. Hindi bat nakakakilig iyun?" nakangiti nitong sambit pero ramdam ko sa boses niya ang inggit. Hindi naman ako nakaimik.

 

"Ano ka ba, Amber. Magka-office mate at magkakaibigan naman tayo at walang dahilan para ilihim mo ito sa amin. Kitang kita naman sa mga kilos niyo eh. Don't worry, ngayung alam na namin kung anong klaseng babae ka, medyo, iiwas na kami sa iyo." nakangisi nitong sambit bago ito nagmamadaling bumalik sa kanyang table.

 

Parang nanlalata na muli akong napaupo. Pakiramdam ko, biglang sumakit ang ulo ko sa mga narinig ko mula kay Susan. Hindi ko akalain na huhusgahan niya ako ng ganoon kabilis.

 

Ganoon pa man, kailangan kong ituloy ang trabaho. Pinilit kong iwakasi sa isipan ko ang mga pinag-uusapan namin ni Susan. Walang magandang maidulot sa akin iyun at hndi ko din naman sila masisisi na mag-isip ng hindi maganda sa akin lalo na at galing nga ako sa loob ng opisina ni Lucian. Natulog ako ng ilang oras sa loob mismo ng opisina nito.

 

Kahit na kakaiba ang pagtitig sa akin ng mga kasamahan ko, pinilit ko pa rin na itutok ang buo kong attention sa trabaho. Iyun nga lang, hindi pa nga ako nakaka-isang oras sa pagkakaupo, nilapitan naman ako ni Miss Mayette at sinabi nitong pinapatawag daw ako ni Lucian. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng kaba at wala sa sariling napasulyap sa mga kasamahan ko at nang mapansin ko na nakatitig din sila sa akin, hindi ko mapigilan ang mapakagat labi

 

Shit, hindi ko akalain na may ganito pala silang pag-uugali. Ang pangit nilang ka-bonding. Ayaw ko na yatang makipag-closed sa kanila lalo na at ngayun pa lang, para bang hinuhusgahan na nila ako sa mga titig pa lang nila.

 

"Bakit daw po, Miss Mayette?" nagtataka kong tanong sa kanya. Isang tipid na ngiti ang naging tugon niya sa akin bago siya umiling.

 

"HIndi ko din alam eh. Basta, puntahan mo na lang. Baka importante ang kailangan sa iyo." nakangiti nitong bigkas. Wala na akong choice pa kundi ang tumayo na din at naglakad patungo sa pintuan ng opisina. Abot-abot ang kaba sa puso ko. Ano kaya ang kailangan ni Lucian sa akin? Hindi niya pa ba gets kanina na gusto ko na siyang iwasan? Bakit feeling ko, lapit pa rin siya nang lapit sa akin? Hayssst!

 

"Ganoon pa man, nagpasya na akong kumatok ng tatlong beses sa pintuan ng opispina dito bago ko dahan-dahan na binuksan.

 

Iyun ng lang, bago ako nakapasok sa loob, narinig ko pa ang boses ni Mary na nagbangit nang hindi kanais-nais na salita.

 

"Hmmp! malandi pala iyan eh. Ginamit ang ganda para makalapit kay Mr. CEO." narinig kong sambit nito pero kaagad din naman itong sinaway ni Sapphire.

 

Hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng lungkot. Parang iba na ang tingin sa akin nga mga kasamahan ko at hindi ko talaga sila masisisi.

 

Kasalanan ko ito. Dapat pala umabsent na lang ako ngayung araw kaysa gumawa ng hindi kanais-nais na eksena ngayung araw. Dapat pinigilan ko ang antok ko at hindi ako natulog. Wala sana ako sa ganitong sitwasyon at hindi sana ganoon kababa ang tingin sa akin ng mga kasamahan ko ngayun dito sa trabaho ko.

 

 

Chaper 138

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

PINAPATAWAG niyo daw po ako, Sir." mahinang tanong ko kay Lucian pagkapasok ko sa loob ng kanyang opisina. Kaagad naman itong nag-angat ng tingin at direchong tumitig sa akin,.

 

"Kumusta ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?" seryosong tanong niya sa akin. Wala sa sariling kaagad naman akong tumango

 

"Pa-pasensya na po kayo kung nakatulog ako kanina. Hindi ko po sinasadya." mahina kong sambit. Hindi ako makatingin ng direcho sa kanya dahil nahihiya pa rin ako. Oras ng trabaho, nakatulog ako and imbes na pagalitan niya ako, ni hindi niya man lang ginawa bagkos, nagawa niya pang ipagamit sa akin ang kanyang secret room para maging kumportable ako.

 

"Ayos lang. Walang problema. Napuyat ka kagabi at hindi ko din ini-expect na  papasok ka ngayung araw." seryosong sambit niya. Hindi naman ako nakaimik.

 

"Siya nga pala, kumain ka muna. Pasado alas dos na ng hapon at nalipasan ka na ng lunch time." muling bigkas niya gamit ang malumanay niyang boses sabay turo sa mga pagkain na nasa ibabaw ng mesa niya.

 

Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pagkatakam: Kape lang ang laman ng sikmura ko simula kaninang umaga kaya talagang gutom na talaga ako.

 

"Sir, nakakahiya naman po. Malapit naman na ang uwian kaya mamaya na lang po ako kakain.:" mahinang sagot ko. Napansin kong kaagad namang nagsalubong ang kilay niya na para bang hindi siya masaya sa katagang narinig niya sa akin.

 

"Malapit na sng uwian? For God Sake, Precious, alas dos pa lang ng hapon?

 

Palagay mo ba kaya kong tingnan kang nagugutom?" seryosong sambit niya.

 

Hindi naman ako nakaimik. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit naririnig ko na naman ang mga katagang ito ngayun sa bibig niya. Hindi ko maintindihan kung bakit feeling ko, napaka special na naman ng pagtrato niya sa akin.

 

"Now, kumain ka na. HIndi ka lalabas dito sa loob ng opisina ko hangat hindi ka kumakain.:" seryoso niyang sambit.

 

Wala na akong nagawa pa kundi ang dahan-dahan nang naglakad patungo sa kanyang table kung saan nakapatong ng mga pagkain. Pagkalapit ko, muli akong tumitig sa kanya bago ako nagsalita

 

"Pwede bang doon ko na lang ito kainin?" seryosong tanong ko sa kanya sabay turo sa isa sofa na may center table. Alangan naman dito ako sa harap niya kakain habang abala siya sa mga papeles na nasa harapan niya. Mas nakakailang iyun.

 

"Sure..kahit saan mo gusto walang problema basta bawal lang lumabas dito sa loob ng opisina ko hangat hindi ka tapos kumain." seryosong sambit niya kaya hindi ko mapigilan ang mapangiti. Maayos din naman pala siyang kausap eh.

 

"Salamat po!" sagot ko din naman kaagad sa kanya sabay dampot sa mga pagkain na nasa ibabaw ng mesa. Pagkatapos noon, naglakad ako patungo sa may couch at naupo. Isa-isa kong tiningnan ang mga pagkain na nasa loob ng tupper ware na may logo ng isang sikat na restaurant at nang mapansin ko na puro paborito ko ang laman noon, hindi ko mapigilan ang makaramdam ng matinding tuwa.

 

Sa kabila ng hindi magagandang nangyari sa aming dalawa ni Lucian noon, naging maayos pa rin ang pagtrato niya sa akin ngayun. Hindi ko alam pero para bang memorized niya din yata ang mga pagkain na paborito ko.

 

Dahil sa gutom, kaagad ko nang nilantakan ang mga pagkain na nasa harapan ko. Ganado akong kumain at nang muli akong napatingin kay Lucian, nabitin pa ang pagsubo ko nang mapansin ko na nakatitig pala siya sa gawi ko.

 

"Ka-kain po tayo, Sir!'" mahina kong sambit. Ngumiti lang ito sa akin at muling itinoon ang attention sa nga papeles na

nasa harap niya. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti at muli kong itinoon ang attention ko sa mga pagakin na nasa harapan ko.

 

Alam ko sa sariil ko na unti-unti na namang nahuhulog ang loob ko sa kanya lalo na sa ginagawa niyang pag-aalaga ngayun sa akin. Nakakatakot mang isipin pero duda din naman ako sa pagiging mabait niya ngayun sa akin.

 

Ilang saglit lang, natapos din ako sa aking pagkain. Iniligpit ko ang mga pinagkainan ko bago ako nagpaalam sa kanya na babalik na ako sa trabbaho ko

 

"Mag mga toiletries sa loob ng banyo na pwede mong gamitin." seryoso niyang bigkas.

 

"Naku, huwag na po Sir! May banyo din naman kaming mga empleyado at doon na lang po ako mag-aayos! Salamat po ulit sa food, Sir!" nakangiti kong sambit bago ako nagmamadaling lumabas ng opisina niya.

 

Dahil busog, maganda ang mood ko na bumalik sa aking table kung saan ako naka -pwesto. Iyun nga lang bago ako naupo, napasulyap pa ako kay Susan na noon ay masamang nakatitig sa akin. Hindi ko na lang pinansin pa bagkos muli kong itinoon ang buo kong attention sa aking computer. Mamaya na lang ako gagamit ng banyo.Magtatrabaho muna ako dahil baka kung ano pa ang isipin ng mga kasamahan ko sa akin. Baka sabihin nila, wala akong ginawa buong maghapon kundi ang magpapansin kay Lucian. Mukhang masama pa naman ang loob nila sa akin.

 

 

 

 

-

 

©️Sagittarius🌺🌺

 

Chapter 139

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"UWIAN na!" narinig kong sambit ng isa sa mga kasamahan kong si Anne habang tutok na tutok pa rin ang mga mata ko sa harap ng computer. Wala sa sariling napasulyap ako sa orasan at doon ko napagtanto na alas sinko na nga pala ng hapon.

 

Kay bilis ng oras at feeling ko wala pa akong nagawang matinong trabaho ngayung araw. Gayunpaman, kailangan ko nang magligpit para makauwi na.

 

"Hindi ka pa ba uuwi, Amber?" narinig kong tanong sa akin ni Sapphire kaya kaagad kong nag-angat ng tingin

 

"Uuwi na! Pwede ba akong sumabay sa iyo?" nakangiti kong tanong sa kanya. Tumango naman kaaagad ito.

 

Mabuti na lang talaga, sa kabila nang mga nangyari at issue na kinakaharap ko ngayun, mukhang hindi naman nagbago ang pakikitungo sa akin ni Sapphire. Malugod pa rin na nakikipag-usap siya ngayung sa akin. Hindi kagaya ng iba pa naming kasamahan na akala mo may ginawa akong kasalanan sa kanila dahil ramdam ko sama ang loob nila sa akin na akala mo may nagawa akong pagkakamali.

 

"Ano ka ba Sapphire...huwag mo nang isabay iyan. Baka mamaya mahawaan ka pa niyan eh." narinig kong sambit ni Susan. Sa pagkakataon na ito, hindi ko na mapigilan pa ang makaramdam ng inis. Ano ba ang problema ng Susan na ito? Gusto niya ba ng away?

 

"Ayan ka na naman, Susan! Nag-uumpisa ka na naman! Ano ba ang nangyayari sa iyo? Bakit ba ang init ng ulo mo kay Amber maghapon?" sabat naman ng isa sa mga kasamahan namin na si Patrick. Napansin kong kaagad nman na napairap si Susan samantalang sila Mary at Anne ay kaagad na napasimangot at pinukol ng masamang tingin si Patrick

 

"Suss, ang sabihin mo, crush mo lang iyang si Amber kaya ganiyan ka! Hayyy naku Patrick, ipapaputol ko ang darili ko sa kamay ko kung papatulan ka niyang si Amber. Mataas ang lipad niya eh."

nakasimangot na bigkas ni Anne. Hindi naman ako nakaimik. Nakakainis na sila. Bakit ba nila ginawang issue ang tungkol sa amin ni Lucian. Hmm

 

"Ewan ko sa inyo. Ang dami niyong hanash sa buhay. Buhay nang may buhay harap-harapan niyong pinag-uusapan?

 

Eh ano naman ngayun kung magkagustuhan sila Sir Lucian at Amber?

 

Wala naman sigurong masama diba lalo na at binata naman si Sir at dalaga naman si Amber?" sabat naman ni Sapphire.

 

Halata na din sa boses nito ang pagkainis.

 

"Tsk, ang sabihin mo, s********p ka lang. Hayyy naku Sapphire! Huwag kami.

 

Kabisadong kabisado na namin ang galawang gold digger. Tsaka malabong papatulan ni Sir Lucian si Amber lalo na at may girlfriend na iyan. Mas mahamak na maganda at mayaman at bagay sila."

 

nakaingos na sagot naman ni Mary.

 

HIndi ko tuloy mapigilan ang mapabuntong hininga. Ini-off ko ang aking computer at kinuha na ang aking bag. Wala akong time para makipagsagutan sa kanila at wala din akong balak na patulan sila. Ayaw kong magsayang ng oras sa mga walang kwentang bagay.

 

"Hindi ako s****p. Tsaka kung wala na kayong ibang sasasbihin, umalis na nga kayo. Balita ko pa naman, ang lakas ng ulan sa labas." nakataas ang kilay na wika ni Sapphire. Napansin kong nakasimangot namang kaagad na naglakad paalis ang tatlo kasunod ng iba pang mga kasamahan namin dito sa aming department. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng lungkot

 

"Huwag mo na silang pansinin! Mas maigi na ngayung pa lang, alam na alam na natin ang ugali nila. Hindi sila mapagkakatiwalaan kaya dumistansiya ka na din sa kanila ha?" seryosong wika sa akin ni Sapphire. Pilit naman akong ngumiti at tumango na din.

 

Sabay na kaming lumabas ng opisina ni Sapphire. Hindi ko na napapansin pa si Lucian at siguro nasa loob ito ng kanyang opisina or baka naman nakaalis na din na

hindi ko napapansin.

 

Hayssst, ngayun pa lang siguro, kailangan ko na talaga siyang iwasan para hindi na lumaki ang issue sa pagitan naming dalawa. Nakakahalata na din kasi talaga ang mga kasamahan ko at mukhang hindi sila masaya. Na para bang malaking kasalanan porket napapansin nila na kinakausap ako ni Lucian.

 

Pagkalabas namin sa building ng LMF Corporation, tama nga si Sapphire.

 

Malakas ang ulan at mabuti na lang may sarili itong kotse. Inihatid niya lang ako ng condo at umalis na din naman kaagad ito. Baka daw kasi tumaas pa ang tubig at abutin siya ng baha sa kalsada

 

 

Chapter 140

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

NAGHAHANDA na ako para matulog nang marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Dali-dali kong sinagot iyun na hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag.

 

"Hello?" seryosong sagot ko

 

"Precious, kumusta ka? Nasa condo ka na ba?" sagot naman kaagad ng nasa kabilang linya. Hindi ko maiwasan na mapakunot noo nang mabosesan ko siya. Walang iba kundi si Lucian at halata naman na siya talaga dahil siya lang naman ang tumatawag sa akin ng pangalang Precious

 

"O-oo! Kanina pa. Inihatid ako ni Sapphire." sagot ko din naman kaagad sa kanya!

 

"Good, siya nga pala, may pinadeliver akong mga pagkain para sa iyo. Baka parating na iyun kaya abangan mo na lang ha? Medyo masama ng panahon at

kailangan mo ng stocks. Kapag hindi bumuti ang panahon bukas, huwag ka na lang munang pumasok ng opisina. Wala din ako sa opisina bukas dahil may meeting akong dadaluhan sa bandang norte." seryosong bigkas niya.

 

"Ahmm, okay! Kapag kaya naman ang panahon bukas, papasok pa rin ako. Salamat! mahina kong sambit.

 

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Bakit ba napakabait niya sa akin? Talagang personal niya pa akong tinawagan para kumustahin?

 

Nagbago na ba siya? Magbabago na ba ang pakikitungo niya sa akin? Hindi kagaya dati na ramdam ko ang pagiging obsessed niya sa akin. Sa araw-araw na nagdaan, ibang iba na ang pag-uugali na ipinapakita niya at ibang iba na din ang pakikitungo niya sa akin

 

"Good night! Save this number at kapag may kailangan ka, don't hesitate to call me, okay?" seryosong sambit niya pero may kalakip na lambing akong nahihimigan sa boses niya. Ni hindi ko na napigilan pa ang pagsilay ng ngiti sa labi ko

 

Sino ba naman ang hindi mangingiti na ang Lucian na tinitingala ng lahat ay heto. Tinatawagan ako na para bang isa siyang mabait na boyfriend na nag-aalala sa kalagayan ng kanyang girlfriend

 

"Precious, I said good night! Nandiyan ka pa ba? HIndi ka na nakasagot ah?" narinig kong muling sambit niya kaya hindi ko na napigilan pa ang mapatikhim. Bigla din akong nakaramdam ng pag-iinit ng aking pisngi. Nakakaramdam din ako ng kilig sa hindi malamang dahilan

 

"Yes....nandito pa ako. Ahmm, ano nga ulit iyun?" nakangiti kong tanong sa kanya.

 

"I said good night! Sige na...mukhang mahina yata ang signal ah? Ano nga pala ang gusto mong pasalubong sa pagbalik ko?" seryosong tanong niya sa akin

 

"Na-naku! Huwag na po Sir! Salamat na lang po!" sagot ko naman at hindi ko na hinintay pa na makasagot siya. Kusa ko

nang pinatay ng tawag.

 

Pagkatapos noon, wala sa sariling patihaya akong napahiga sa ibabaw ng kama. May ngiting nakaguhit sa labi at napatitig sa kawalan.

 

Haysst, ano ba ang nangyayari sa akin?

 

bakit ko ba ito nararamdaman?

 

Nasa ganoon akong huesyo nang marinig ko ang pagtunog ng door bell. Dali-dali kong hinablot ang aking roba at lumabas ng kwarto at naglakad patungo sa main door ng condo unit. Sumilip pa ako sa maliit na butas at nang mapansin ko ang tatlo katao ng nasa labas, dali-dali ko nang binuksan ang pintuan.

 

"Miss Precious Amber Rodriguez?"

 

nakangiting tanong sa akin ng isa sa kanila. Dali-dali naman akong tumango

 

"Yes?" sagot ko

 

"Delivery po Mam." sagot din naman kaagad ng mga ito. Wala sa sariling napatingin ako sa hawak nilang ibat ibang klaseng paper bag. Delivery? Bakit ang

dami at parang galing sa ibat ibang shop yata? Iyun kasi ang nababasa ko at nakikita kong logo sa hawak nilang mga paper bag.

 

GAnoon pa man, hindi ko na pinagtoonan pa ng pansin. Kusa ko na lang silang pinapasok sa loob para sila na maglagay ng mga dala-dala nila dito mismo sa loob ng unit. Pagkatapos nilang mailagay lahat, kaagad na din naman silang nagpaalam

 

Nang makaalis na ang mga nagdedeliver, muli kong isinara ang pintuan ng condo unit. Sinigurado kong naka-lock iyun for my safety na din dahil mag-isa lang ako dito sa unit ko at pagakatapos noon, isa-isa ko nang tiningnan ang mga items na kakadeliver lang.

 

Galing ang lahat ng ito kay Lucian at hindi maipaliwanag na damdamin ang kaagad na lumukob sa puso ko habang isa-isa kong tinitingnan ang mga bagay na nasa loob ng paper bag.

 

Hindi lang kasi mga pagkain ang laman kundi meron ding mga damit. Maraming damit, bags at mga sapatos and sandalas na alam kong hindi basta-basta ang mga presyo.

 

"Ano na naman ang nakain niya? Bakit niya ako binibigyan ng mga ganitong bagay? Ano na naman ba ang gusto ni Lucian?" mahinang bulong ko sa sarili ko. Lahat ng items na ipinadala niya sa akin ay naaayun sa panlasa at gusto ko.

 

Siguro nga, kilalang kilala pa rin ako ni Lucian. Naaalala niya pa rin kung ano ang gusto at ayaw ko.

 

 

 

Chapter 141

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

HINDI ako materialistic na tao kaya naman itinabi ko na muna ang mga pinadeliver na mga items sa akin ni Lucian. Maliban sa mga pagkain, wala akong balak na pakialaman ang mga bagay na ibinigay niya sa akin. Gusto kong isauli sa kanya lahat iyun dahil hindi ko matatangap. Ayaw ko din kasing isipin nito na gustong gusto ko ang ginagawa niya at natutuwa ako

 

Naging maayos na ang panahon kinabukasan kaya naman maaga pa lang gumayak na ako papasok ng opsina. Sumisikat na din naman ang araw na para bang nagdahilan lang ang langit kahapon ng hapon at gabi dahil sa lakas ng ulan.

 

Nag grab na lang ako at mabilis akong nakarating ng opisina. Kaagad akong pumasok sa loob nang hindi ko maiwasan na magtaka dahil habang naglalakad ako patungo sa elevator, napapansin ko ang kakaibang tingin sa akin ng ibang mga

empleyado ng ibat ibang department.

 

"Siya ba iyun napapabalita na bagong apple of the eye ni Mr. Ferrero? Sabagay, maganda naman pala eh. No wonder na gusto siya ni MR. CEO." narinig kong sambit ng isa pa. Hindi ko na lang pinansin pa bagkos mabilis ang hakbang na naglakad na ako patungo sa may elevator.

 

"Oo nga...maganda nga siya pero alam naman natin ang ugali ni Mr. CEO. Mabilis magsawa sa mga babae at tiyak akong baka hindi abutin ng isang buwan, pagsasawaan siya kaagad. Pwera nalang kung magaling siyang magperform sa harap ni Mr. CEO.'" narinig kong sambit ng isa pa na sinabayan pa nito ng pagtawa.

 

Pinilit kong huwag pansinin ang pag-uusap nila pero kung ganitong dinig na dinig ng dalawa kong tainga ang pag-uusap at alam kong ako ang pinag-uusapan nila, hindi ko mapigilan ang makaramdam ng lungkot.

 

Bakit ba kasi ang tagal bumukas ng elevator? Feeling ko kasi matutunaw na ako sa hiya eh. Mas pinili ko na lang tuloy na yumuko para deadmahin ang mga salitang kumakalat sa buong paligid

 

Halos isang buwan pa lang ako dito sa trabaho ko pero na-tsismis na kaagad ako. Hayssst!

 

"Amber?" mula sa pagkakayuko, wala sa sariling napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang isang familiar na boses.

 

"Amber, ikaw nga? Kumusta ka na?"

 

nakangiting muling tanong ng walang iba kundi si David. Yes, ang ex-boyfriend kong si David ang nasa harapan ko ngayun at hindi ko na alam ang gagawin ko. Lalo na at nakatingin sa amin ang mga tsismosang mga staff.

 

"David, ayos lang. Ikaw, kumusta ka?"

 

pilit ang ngiting sagot ko sa kanya! Parang gusto ko nang mag walk out. Lalo na at napapansin ko na ang kakaibang pagtitig sa akin ng mga taong kasabayan kong naghihintay sa pagbukas ng elevator.

 

"Ayos lang! Teka, doon tayo sa kabila. Masyadong crowded dito at para makapag-usap tayo ng maayos. Grabe, ang tagal nating hindi nagkita ah? Saang department ka pala na-aassign?"

 

nakangiting tanong nito sa akin at hindi na ako nakapalag pa nang bigla niya na lang akong hawakan sa aking kamay at hinila patungo sa isa pang elevator.

 

Ang elevator na alam kong bawal gamitin ng mga normal ng mga empleyado. Para lang iyun sa mga CEO at mga VIP na mga tao.

 

"David....sa kabila nalang ako sa sasakay. Tsaka, pwede bang bitawan mo muna ako? " mahinang sambit ko. Pilit kong hinihila ang kamay kong hawak niya at kaagad naman akong nakahinga ng maluwag nang sa wakas ay binitiwan niya din naman kaagad ako.

 

"Sorry! Na overwhelm lang kasi talaga ko nang makita kita dito sa LMF. Grabe, hindi man lang nabangit ni Uncle na dito ka na pala nagtatrabaho?" nakangiti nitong tanong.

 

"OO eh. Mag-wa-one month na." sagot ko din naman kaagad sa kanya! Pinilit kong deadmahin nag mga titig na ipinupukol sa amin ng ilan sa mga empleyado. Lagot na at mukhang madadagdagan pa yata ang issue tungkol sa akin.

 

"Great! So, pwede kitang yayain ng kumain ng lunch mamaya? Don't worry, treat ko! Gustp pa kasi kitang makausap eh! Iyun ay kung ayos lang sa iyo?" nakangiti nitong bigkas. Pigil ko naman ang sarili ko na mapangiwi

 

"Ba-baka hindi pwede! Marami akong tatapusin na trabaho at baka sa cafeteria lang ako kakain." pilit ang ngiting sagot ko

 

"Come on, Amber. Bihira lang ako magyayaya kaya sana naman pagbigyan mo naman ako. Tsaka, sandali lang naman tayo eh. Diyan lang tayo sa kalapit na resto. Susunduin na lang kita sa department mo before lunch. Ayos ba?" nakangiti nitong sagot sa akin.

 

Wala na akong nagawa pa kundi ang tumango na lang. Nasa dugo na yata ng mga Ferrero ang pagiging makulit. Isang Ferrero itong ex boyfriend kong si David at tiyuhin niya si Lucian.

 

God, gusto ko silang iwasan pero bakit sila itong lapit nang lapit sa akin? Naka-moved-on na ako eh. Naka-moved -on na ako sa lahat ng pait at sakit na naranansan ko dulot ng nakaraan.

 

 

 

 

 

©️Sagittarius🌺🌺

 

Chapter 142

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

HINDI ko na lang pinansin ang mga patutsada ng mga kasamahan ko dito sa department namin na sila Anne, Mary at Susan. Iniisip ko na lang na siguro inggit lang talaga sila sa akin. Nandiyan naman si Sapphire na noon pa man kaibigan ko na never akong hinusgahan.

 

"Lunch time! Let's go!" narinig kong sambit ni Susan. Wala sa sariling nag-angat ako ng tingin at napatingin sa kanila. Napansin kong naghahanda na sila sa pagbaba sa cafeteria para kumain ng lunch.

 

"Ikaw Sapphire, sasama ka ba sa amin?" nakangiting tanong ni Anne kay Sapphire. Napansin kong naptingin din sa akin si Sapphire kaya naman kaagad na din akong nagsalita.

 

"Sumama ka na sa kanila, Sapphire." nakangiti kong bigkas.

 

"Paano ka? HIndi ka ba sasabay sa amin?"

 

nagtatakang tanong nito sa akin. Sasagot sana ako kaya lang siyang pagdating naman ni David.

 

"Amber, lunch time na. Let's go!" narinig kong sambit nito. Napansin kong lahat ng mga kasamahan ko napatingin sa kanya. Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha ng mga ito.

 

"Hala, si Sir David..." narinig ko pang sambit ni Mary. Kung ganoon, kilala din pala nila si David. Sabagay, pamangkin siya ni Lucian kaya hindi malabo iyun.

 

"Ahmm, Okay! Sapphire kay David na lang muna ako sa sasabay sa pagkain ng lunch. See you later nalang.'" nakangiti kong sambit at hindi ko mapigilan ang mapasulyap sa mga kasamahan kong mga inggitira at doon ko napagtanto na feeling ko mas hinuhusgahan na nila ako ngayun.

 

Lahat sila ay makahulugang nakatitig sa akin. Alam ko na kung ano ang iniisip nila. Malandi ako dahil pagkatapos kay Lucian, kay David naman ako sasama ngayun.

 

Hyasst, ang hirap ng ganito. Ang hirap magkaroon ng mga kasamahan sa trabaho na sa bawat galaw mo, akala mo bawat kilos ay nakasunod ang mapanghusga nilang mga mata.

 

"Ha? Ahhh, sige Amber. Enjoy!' nakangiting sagot naman ni Sapphire. Kitang kita ko din ang pagkagulat sa nakangiti nitong mukha. Kaagad na din akong sumama kay David.

 

Mabuti na lang talaga at wala si Lucian kung hindi, hindi siguro ako makakasama nito kay David eh. Ganoon pa man, kailangan kong itatak sa isipan ko na wala namang masama ang pagsama ko kay David kaya bahala na sila kung gusto nila akong husgahan. Basta ako, malinis ang konsensya ko.

 

Sa isang restaurant malapit sa opisina kami nakarating ni David. Umorder kaagad kami ng makakain since one hour lang naman ang break time ko

 

"So, kumusta ka na?" nakangiting tanong sa akin ni David pagkatapos namin makaorder. Hinihintay na lang namin na mai-serve ang mga pagkain.

 

"Ayos lang naman. Ikaw, kumusta? Nabalitaan ko ang tungkol kay Aurora-

 

"She deserved it! Sinira niya ang relasyon natin noon kaya bagay lang sa kanya ang nangyari sa kanya ngayun." seryoso niyang sambit. Wala sa sariling napatitig ako kay David at doon ko napagtanto ang lungkot na nakaguhit sa mga mata niya. Hindi ko naman malaman kung ano ang sasabihin ko.

 

"Alam mo, kung hindi sana ako nagpadala sa pag-aakit sa akin ni Aurora noon, siguro hanggang ngayun, masaya pa rin tayo. Hindi sana nangyari ang mga nangyari na. I am sorry, Amber." seryoso nitong sambit.

 

"David, ano ka ba? Nangyari na ang lahat at hindi na maibabalik pa. Hindi na natin kailangan pang pag-usapan ang nakaraan." seryoso kong sambit.

 

"But, I can't help ito, Amber. Hanggang ngayun, nasasaktan pa rin ang kalooban ko sa mga nangyari. Sinira ko ang relasyon natin. Sinayang at sinaktan kita. "seryoso nitong sambit.

 

Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. HIndi ko din akalain na ito ang magiging topic namin ngayun

 

"David...kalimutan mo na ang lahat. Oo, masakit ang mga nangyari. Halos lumuha ako ng dugo noon pero pinatawad na kita. Ayaw ko nang mabuhay sa nakaraan kaya nandito ako ngayun. Kahit nasa paligid lang si Lucian na isa sa mga dahilan kaya durog na durog ako noon, pinilit kong pakisamahan siya sa trabaho." seryoso kong sambit.

 

Napansin ko ang kaagad na pamumula ng mga mata niya na para bang nagpipigil siyang maiyak.

 

"Amber, kung saan napakahirap na ng sitwasyon ng lahat-lahat....bakit tsaka ko na-realized na mahal pala kita." seryoso nitong sambit. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

 

Alam ko kung ano ang nangyayari sa pagitan ninyong dalawa noon ni Uncle Lucian. Hindi mo lang alam na sa tuwing nakikita kong magkasama kayong dalawa ni uncle, durog na durog ako. Tsaka ko na-realized ang kahalagahan mo pero wala na akong nagawa pa. Pag-aari ka na ni Uncle Lucian..." muli niyang bigkas. SA pagkakataon na ito, may pumatak ng luha mula sa kanyang mga mata. Tulala akong napatitig sa kanya.

 

CHAPTER 143

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"SA--sana hindi na lang kita niluko.

 

Siguro, kung hindi sa maling desisyon ko, hanggang ngayun masaya pa rin tayo. Nangako ako sa iyo noon na ikaw lang pero hindi ko natupad iyun." muli niyang sambit habang puno ng emosyon ang kanyang mukha at patuloy sa pagpatak ang luha mula sa kanyang mga mata.

 

"Kung maibabalik ko lang ang lahat... hindi sana kita sinaktan." muli niyang sambit.

 

"David, please...tapos na ang lahat ng iyun. Napatawad na kita." seryoso kong sambit. Isang malungkot na ngiti ang kaagad na gumuhit sa labi niya habang nakatitig sa akin

 

"Yeah...napatawad mo na ako pero hindi ibig sabihin noon na mahal mo pa rin ako diba?" seryosong sambit niya. Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya!

 

"Gusto ko nang kalimutan ang lahat-lahat! Hindi ako ang babaeng karapat-dapat sa iyo kaya dapat lang na kalimutan mo na ako." seryoso kong bigkas. Napansin ko ang pait na nakaguhit sa mga mata niya habang hindi niya pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin

 

"Dahil ba kay Uncle?" seyosong tanong niya. "siya pa ba ang mahal mo?"

 

"U refused to answer, David. Masyado nang personal." seryosong bigkas ko.

 

"I understand! I understand, Amber.'" malungkot na sagot niya sa akin at nang sa wakas, dumating na din ang mga inorder namin na pagkain.

 

Habang kumakain kami, nanahimik na din si David pero nahuhuli ko siya palagi na panay ang sulyap niya sa akin. Hindi ko na lang pinansin pa. Kung nagsisisi man siya sa nagawa niyang pagkakamali noon, hanggang doon na lang iyun.

 

Ilang saglit lang, matiwasay din naman kaming natapos sa pagkain. Muli akong inihatid ni David ng opisina kung saan naabutan ko ang mga kasamahan ko na abala na sa kanilang mga trabaho pero nang mapansin nila ang pagdating namin ni David, kaagad din naman silang napatingin sa amin.

 

"Amber, mabuti naman at dumating ka na. Tumatawag si Sir Lucian at hinahanap ka." nakangiting kaagad na salubong sa akin ni Ms. Mayette. Wala sa sariling napatingin ako kay David. Hindi ko alam kung ano ang kailangan ni Lucian at bakit ito tumatawag sa akin.

 

"Siguro naman, walang nag tsismis sa inyo kay Uncle na ako ang kasama ni Amber kumain na lunch diba?" singit naman ni David sa usapan.

 

"Alam niya po Sir David. Tumawag siya kanina at tinanong kung nakabalik na daw po si Ms. Amber galing break time." nakangiting sagot naman ni Ms. Mayette.

 

"Ganoon ba? Oh, okay, paano ba iyan. Mauna na ako sa inyo, Amber."

 

nakangiting wika ni DAvid at tuluyan na itong naglakad paalis. Samantalang si Ms. Mayette naman ay napansin kong muling

may tinawagan kaya naman nagpasya na akong bumalik na lang sa aking table.

 

"Hmmm...malandi. Balak yatang tuhugin ang magtiyuhin." narinig kong bigkas ni Susan. Kaagad akong napatingin dito at seryoso siyang tinitigan.

 

"May problema ba tayo, Susan?" seryosong tanong ko dito. Nakakapika na ang babaeng ito eh. Ang dumi ng takbo ng isipan.

 

"Ano ba ang problema mo. Bakit ba masyado kang guilty?" sagot din naman kaagad nito. Ayaw din pala patalo. Imbes na mag sorry dahil sa pagiging tsismosa niya, siya pa itong matapang ngayun.

 

"Walang problema sa akin. Baka sa iyo, meron?" nakataas ang kilay ko. Hindi ito nakaimik pero matalim ang mga matang tinitigan ako.

 

"Ms Amber, tatawag daw si Lucian sa phone mo." muling wika naman sa akin ni Ms. Mayette.

 

Kaagad ko namang kinuha ang cellphone ko sa aking bag at doon ko nga nakita na tumatawag sa akin si Lucian kaya kaagad ko itong sinagot

 

"Hello, Sir." seryosong sambit ko.

 

Napansin kong nagkatitigan pa ang tatlong tsismosa at sabay nila akong pinukol nang mapanghusgang tingin. Tumayo ako para lumayo ng kaunti sa kanila habang kausap ko si Lucian. Alam kong gagawin na naman nilang issue ang pagtawag na ito sa akin ni Lucian kaya sumasakit na talaga ang ulo ko sa kanila.

 

"Balita ko, diyan galing si David ah?"

 

direkta at walng paligoy-ligoy nitong sagot mula sa kabilang linya.

 

"Amm, opo. Lunch break po kanina nang yayain niya akong mag lunch sa labas."

 

kaswal kong sagot dito. Kailan pa nahawaan itong si Lucian sa pagiging tsismoso?

 

"And sumama ka naman kaagad? Nang ganoon-ganoon lang kabilis, Precious?" seryosong tanong nito sa akin. Halata din sa boses nito na mainit ang ulo kaya hindi ko malaman kung ano ang isasagot ko.

 

Ano bang problema ng lalakingi ito? Bakit pati ang pagsama ko kay David na kumain ng lunch, gusto pa yatang gawing issue?

 

"Wala naman po sigurong masama kung sasama ako sa kanya para kumain ng lunch diba?" mahinang sambit ko dahil bigla akong nakaramdam ng kaba. Sa maiksing panahon na magkasama kami ni Lucian noon, kilala ko siya. Kilalang kilala ko na siya at kahit sa boses, alam ko kung kailan siya galit or hindi.

 

"Pabalik na ako ngayung ng Manila. Hintayin mo ako sa opisina....mag-usap tayo.'" sing lamig ng yelo ang boses nito kaya naman hindi ko maiwasan na makaramdam ng pangamba.

 

God, kailan pa maging mali ang i-accpet ang invitation ng isang dating kakilala na kumain ng lunch sa labas?

 

 

 

 

 

©️Sagittarius🌺🌺

 

 

Chapter 144

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

PAGKATAPOS namin mag-usap ni Lucian sa phone, hindi na ako makapag concentrate muli sa aking trabaho. Bigla kasi akong nakakaramdam ng pag-alala sa posibleng mangyari mamaya pagdating ni Lucian.

 

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang naging reaction niya noong nalaman niya na sumama ako kay David na kumain ng lunch.

 

Kung totoosin, wala na dapat siyang pakialam pa sa buhay ko dahil matagal naman na kaming hiwalay at nangako na din ito sa akin na hindi niya na ako pakikialaman pa.

 

"Amber, Amber, dumating na si Sir Lucian." hindi ko alam kung ilang minuto na akong tulala na nakatitig sa monitor ng aking computer. Bigla na lang kasi akong kinalabit ni Sapphire at tulala akong napatitig sa kanya

 

"Ha?" gulat kong bigkas. Natawa naman ito

 

"Ano ba ang nangyayari sa iyo? Bakit ka ba tulala?" nakangiti nitong sambit. Hindi naman ako nakaimik.

 

"Ayos lang iyan. Hayaan mo iyang mga kasamahan natin na kainggitan ka. Palibhasa kasi napapansin lang sila ni Sir Lucian kapag pagalitan sila kaya ang laki ng inggit sa iyo." nakangiti nitong muling bigkas. Pigil ko naman ang sarili ko na matawa sa sinabi nito. Lalo na nang mahahip ng tingin ko ang nanlilisik na mga mata ni Susan na nakatitig sa akin.

 

Haysst, ang laki nga ng inggit at alam kong mahirap gamutin iyun. Sa totoo lang, nawawalan na ako ng amor sa mga kasamahan namin dito sa trabaho. Noong una lang sila mabait sa akin.

 

Kasalanan ko ba kung bakit iba ang pagtrato ni Lucian sa akin kumpara sa kanila! Kasalanan ko din ba kung yayain ako ni David na kumain ng lunch kasama ito?

 

"Ms. Amber, pasok na daw kayo sa loob ng opisina ni Sir." nasa ganoon kaming pag-uusap ni Sapphire nang bigla na lang lumapit sa akin si Ms. Mayette at sinabi nito na hinihintay na ako ni Lucian sa loob ng opisina nito.

 

Haysst dumagdag pa talaga sa isipin ko itong si Lucian eh. Kung makaasta kasi akala mo wala na akong karapatan pa na magdesisyon sa sarili kong buhay.

 

Bumabalik na naman yata siya sa dati.

 

Wala sa sariling napasulyap ako sa monitor ng computer para tingnan ang orasan at nang makita ko na halos alas kwatro na ng hapon, dali-dali na akong tumayo para matapos na ito. Para naman alam ko kung galit ba talaga ito sa akin or hindi.

 

"Okay, Ms. Mayette. Thank you.."

 

seryosong bigkas ko.

 

"Fighting, Amber. Kaya mo iyan."

nakangiting sabat naman ni Sapphire sa akin kaya naman tipid ko siyang nginitian. Mabuti pa itong din Sapphire laging pinapalakas ang loob ko noon pa man. Ni hindi talaga nagbago ang pagtrato niya sa akin. Bigla ko din tuloy na miss si Ruby. Kumusta na kaya ang baklita na iyun? Silang dalawa lang talaga ni Sapphire ang nakakaintindi sa akin eh

 

Mula sa pagkakaupo, mabilis na akong tumayo para puntahan na si Lucian sa loob ng opisina nito. Kumatok lang ako ng tatlong beses bago ko dahan-dahan na binuksan ang pintuan at pumasok sa loob.

 

Pagkapasok ko sa loob, bumungad sa paningin ko ang seryosong mukha ni Lucian na halatang hinihintay ako

 

"Gusto niyo daw po akong makausap, Sir.

 

" mahinang sambit. Mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair mabilis naman itong tumayo at naglakad patungo sa may malaking salaming dingding kung saan mula sa kanyang kinatatayuan, tanaw niya ang naglalakihang mga buildings sa buong paligid.

 

"Saan ka dinala ni David kanina?"

seryosong tanong niya sa akin.

 

"Nabangit ko na po kanina na kumain lang kami ng lunch." mahinang sambit ko. Isang katahimikan ang namayani sa buong paligid bago ito dahan-dahan na humarap sa akin.

 

"Alam mo bang hindi ako natutuwa sa pagsama mo sa pamangkin ko, Precious?" seryosong tanong niya. Hindi ko naman malaman kung ano ang isasagot ko. Wala akong idea kung bakit galit siya gayung wala naman akong ginagawang masama.

 

"Precious, alam mong sa lahat ng ayaw ko ay iyung hindi nasusunod ang gusto ko! Pinilit kong sundin lahat ng gusto mo pero kung ganitong may ibang lalaking aali-aligid sa iyo, hindi ko kayang magsawalang kibo. Nasasaktan ako!" walang paligoy-ligoy niyang sambit. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya.

 

Ano na naman ba ito? Ano na naman ba ang gusto niya? Bakit siya nasasaktan gayung wala naman akong ginagawang masama.

 

"Hi-hindi ko po maintindihan. Matagal na kaming magkakilala ni David at wala naman sigurong masama kung sumama ako sa kanya na kumain ng lunch diba?." naguguluhan kong tanong sa kanya.

 

"Yes, matagal na kayong magkakilala pero ayaw kong bigyan ka ng chance na muling mahulog sa kanya. Why? Just because hanggang ngayun hindi ko pa rin kayang makita na may lalaking gusto kang agawin sa akin. Hindi ko kayang makita na may ibang lalaking aali-aligid sa iyo liban sa akin." seryosong sambit niya habang kitang kita ko sa mga mata niya ang matinding determinasyon.

 

Pakiramdam ko bigla akong nabingi sa sinabi niya. Pakiramdam ko muli na naman kaming bumalik sa dati

 

"David is my nephew at hindi ako mangingimi na itakwil at talikuran siya kapag gumawa siya ng mga bagay na labag sa kalooban ko!" seryosong muling sambit niya. Kagaya noon, kitang kita ko sa mga mata niya ang kislap ng galit...

 

Ganito siya sa akin noon. Ayaw na ayaw niyang nakikita na may ibang lalaking lumalapit sa akin

 

"Lucian, nakalimutan mo na ba? Nangako ka sa akin na hindi mo na ako pakikialaman. Boss kita at empleyado mo ako at wala naman sigurong masama kung makikipagkaibigan ako sa opposite sex ko diba?" seryosong sambit ko

 

"No....hindi pwede! Nakalimutan mo na ba ang makailang ulit kong sinabi sa iyo noon? You're mine Precious at willing akong hintayin ang panahon kung kailan ka ulit maging ready para tangapin ulit ako sa buhay mo." seryosong bigkas niya na labis kong ikinagulat.

 

 

Chapter 145

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

PARANG bomba na sumabog ša pandinig ko ang sinsabing iyun sa akin ni Lucian. Hindi ako makapaniwala sa narinig kong muli sa kanya.

 

Kung ganoon, may dahilan talaga siya kung bakit siya ganito ngayun sa akin. May plano na naman siya Akala ko talaga tuluyan niya na akong papalayain pero hindi pala. Nagbago na naman ang lahat at alam kong mahirap siyang iwasan.

 

"Hi-hindi na mangyayari ulit ang mga nangyari na noon, Lucian. Wala na akong balak pang muling balikan ang mga nangyari na noon " lakas loob kong sambit. Kailangan kong panindigan ang lahat -lahat para sa katahimikan ng buhay ko. Nakakaramdam lang ako ng tunay na katahimikan simula noong pinalaya niya ako.

 

"Why? Because of David? Nagkabalikan na ba kayo?" seryosong tanong niya. Nahihimigan ko din sa boses niya ang pait at lungkot. Kaagad naman akong umiling.

 

 

"Walang kinalaman si David sa kung ano mang desisyon na gagawin ko sa buhay ko kaya huwag mo siyang idamay." seryosong sambit ko.

 

Isang malungkot na ngiti sa labi ang kumawala sa kanya at halos inihakbang ang pagitan namin dalawa at hinawakan niya ako sa magkabilaan kong balikat

 

"Madadamay dito si David dahil alam kong may balak siyang i-pursue ka para magkabalikan kayong dalawa. Alam kong may balak siyang agawin ka sa akin." seryosong sambit niya sa akin. Sa pagkakataon na ito, ramdam ko na sa boses niya ang panganib. Kagaya ng noon, balik na naman siya sa dati.

 

Sa naisip kong iyun hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kilabot. Dahan-dahan akong umatras palayo sa kanya. Pigil ko din ang sarili ko na maiyak dahil nag-uumpisa na naman akong nakakaramdam ng takot sa kanya

 

"Lucian, hindi kita maintindihan m Bakit ako pa? Akala mo ba ayos na tayo pero bakit biglang nagbago na naman ang takbo ng isip mo?" garalgal ang boses na tanong ko sa kanya

 

"Just because, ipinanganak ka na para sa akin lang at simula ng nakilala kita, pinangako ko na sa sarili ko na walang ibang magmamay-ari sa iyo kundi ako lang Precious. Ilang taon din akong naghintay. Pinagbigyan kita sa gusto mo pero hindi ibig sabihin na isusuko kita sa iba. Dapat akin ka lang... naiinitindihan mo ba? Akin ka lang, Precious."seryosong sambit niya. Ang kabog na nararamdaman ng puso ko ay mas lalo pa yatang dumuble.

 

Pakiramdam ko biglang nanginig lahat ng laman ko sa aking katawan. Kung alam ko lang na magiging ganito na naman, pinanindigan ko na lang sana ang huwag mag-apply sa kumpanya nito. Para habambuhay na hindi na kami magkikita at hindi ko siya nakaka-interact ng kagaya sa ngayun.

 

"Hindi kita gusto. Ayaw ko na at sana huwag mo akong bigyan ng dahilan para mas lalo kang kamuhian." seryosong sambit ko. Pagkatapos noon, walang sabi-sabing basta ko na lang siyang tinalikuran. Naglakad ako palabas ng kanyang opisina habang ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan..

 

Tulala akong naglakad pabalik sa aking table. Ni hindi ko na nga pinansin pa ang makahulugang pagtitig sa akin ng mga kasamahan ko sa trabaho.

 

"Amber, ayos ka lang ba?" pigil ko ang sarili ko na maluha sa tindi ng emosyon na nararamdaman ko nang marinig ko ang boses ni Sapphire at ang mahinang pagkalabit nito sa akin. Wala sa sariling napaangat ako ng tingin at direktang tumitig sa kanya.

 

"Mauna na akong mag-out, Sapphire." Seryosong sambit ko. Napansin ko ang pagkagulat na kaagad na rumihistro sa mga mata nito bago tumango.

 

"Sasamahan na kita. Early out na din ako "seryosong sambit niya. Hindi na ako umimik at basta ko na lang dinampot ang aking bag. Pagkatapos noon, nag-umpisa

na akong naglakad paalis.

 

Muli narinig ko ang mahinang bulungan ng mga kasamahan ko. Nagtataka sila kung saan daw ako pupunta. Na ang lakas ko daw sa Boss namin dahil kahit hindi pa oras ng uwian, aalis na daw ako

 

Lahat ng iyun pinalagpas ko lang dahil ayaw ko nang dagdagan pa ang mga isipin ko lalo na at alam ko na kung ano man ang mga pinagsasabi ni Lucian kanina ay gagawin niya talaga.

 

Alam ko din na simula ngayung araw, mag uumpisa na naman siyang guluhin at pakialaman ang buhay ko...

 

 

 

 

 

 

©️Sagittarius🌺🌺

 

Chapter 146

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

ARE you sure ayos ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Sapphire habang nandito kami sa loob ng kanyang kotse. Pauwi na ako ng condo at nagboluntaryo na naman ito na ihahatid niya daw ako.

 

"No...hindi ako okay. Siguro, kailangan ko nang magresign sa trabaho." seryosong sambit ko.

 

Oo...iyan ang plano ko ngayun kaysa naman patuloy kong titiisin ang ginagawang panggugulo ni Lucian sa buhay ko. Ayaw ko nang dumating sa punto na baka mamalayan ko na naman na muli niya akong nabihag.

 

"Ha? bakit naman? Sayang naman kung basta ka na lang aalis ng trabaho, Amber." seryosong sambit niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tumitig sa kawalan.

 

"Hindi ako titigilan ni Lucian." seryosong sambit ko.

 

"Si Sir Lucian? Teka lang...bakit siya ang dahilan? May ginawa ba siyang mga bagay -bagay na hindi mo nagustuhan?" seryosong tanong niya sa akin

 

"Wa-wala naman kaya lang kilala ko siya noon pa man. Alam ko kung anong klaseng ugali meron siya." seryosong sambit ko. Hindi naman nagsalita ulit si Sapphire kaya nanahimik na din ako.

 

Inihatid lang ako ni Sapphire sa condo at mabilis na din siyang umalis. May pupuntahan pa daw kaya hinayaan ko na.

 

Pagkapasok ko sa loob ng condo, kaagad na din akong nagpalit ng damit pambahay. Pagkatapos, inabala ang sarili sa paghahanda ng makakain.

 

Bihira lang ako kung magluto ng pagkain dito sa loob ng condo dahil kadalasan umu -order lang ako sa labas. Since wala naman akong umiling balak na pumasok ng trabaho bukas, magluluto ako ng maraming pagkain dahil wala akong ibang gagawin kinabukasan kundi ang mag relax at matulog.

 

Naging abala ang sumunod na oras sa akin hanggang sa hindi ko mapigilan ang magtaka nang marinig ko ang tunog ng doorbell.

 

Nagtataka man dahil wala naman akong ini-expect na bisita pero nagmamadali na din akong naglakad patungo doon. Sumilip muna ako sa maliit na butas para tingnan kung sino ang nagdodorbell at hindi ko pa nga maiwasan na magtaka nang makitab ko si David

 

Yes...si David lang naman ang nasa labas at hindi ko alam kung ano ang kailangan nito sa akin. Hindi ko din alam kung papaano nito nalaman ang tinitirhan ko.

 

Ganoon pa man, nagpasya na din akong pagbuksan siya ng pintuan.

 

"David, napadalaw ka. May kailangan ka ba?" seryosong tanong ko sa kanya. Hindi ko pa nga maiwasan na magtaka nang bigla niya na lang iniabot sa akin ang isang bugkos ng bulaklak na hawak niya.

 

"Ano ang ibig sabihin nito?" seryosong tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung tatangapin ko ba ang bulaklak na pilit niyang binibigay sa akin ngayun or hindi. Hindi ko din maintindihan kung bakit may pabulaklak pa siya para sa akin.

 

"For you. Wala naman sigurong masama kung bibigyan kita ng bulaklak diba?!"

 

nakangiti nitong tanong sa akin. Wala na akong choice pa kundi ang tangapin ang bulaklak na binigay niya at mas niluwagan ko pa ang pagkakabukas ng pintuan para papasukin siya dito sa loob.

 

Maayos niya naman akong pinuntahan dito sa bahay kaya maayos ko din siyang tatangapin.

 

"Thank you." narinig kong sambit niya pero isang tipid na ngiti ang kumawala sa labi ko. Pagkatapos noon, hinayaan ko siyang maupo sa Salas at binalikan ko ang aking niluluto.

 

"May maitutulong ba ako sa iyo, Amber?" narinig ko pang sigaw niya mula sa Salas.

 

"Ayos na ako dito David. Saglit lang. Tatapusin ko lang itong niluluto ko."

 

sigaw pabalik ko din sa kanya. Since nandito na rin lang siya, yayayain ko na din siyang sabayan ako na kumain ng dinner.

 

Sa totoo lang, mas palagay ang loob ko kay David compare kay Lucian. Naging mabait kasi siyang boyfriend sa akin noon. Kung hindi lang siguro siya natukso kay Aurora baka hindi kami naghiwalay eh.

 

Haysst, sayang ang relasyon naming iyun pero kailangan kong tangapin ang katootohanan na ang feelings ng tao ay nagbabago. Na hindi lahat ng gusto natin ay nasusunod.

 

Naka moved-on na ako kay David at kung may balak man siyang ligawan ulit ako, sorry na lang. Wala na akong balak pang makipagbalikan sa kanya. Natapos ang relasyon namin noon sa hindi maayos na paraan kaya walang dahilan para bigyan siya ng chance na muling bumalik sa buhay ko.

 

Saktong tapos na akong magluto at maghahain na sana ako para makakain nang marinig ko ang muling pagtunog ng doorbell. Hindi ko tuloy maiwasan na magtaka. Sino na naman kaya ang nasa labas?

 

"Amber, may ini-expect ka bang bisita?" narinig kong tanong ni David sa akin. Bago pa ako makalapit sa main door. naunahan niya na ako. Binubuksan niya na ang pintuan na hindi man lang sinilip kung sino ang nasa labas.

 

"What are you going here?" pagkabukas pa lang ni David ng pintuan ng condo unit, ang seryoso at galit na boses na kaagad ni Lucian ang umalingawngaw sa buong paligid.

 

Para akong ipinako sa aking kinatatayuan nang basta niya na lang bigwasan si David.

 

"Uncle...." narinig kong sambit ni David. Halata sa boses nitong nasaktan ito sa bigwas na ibinigay sa kanya ng kanyang tiyuhin. Dali-dali naman akong napakapit sa kanila

 

"Lucian, ano ba? Ano ang ginawa mo?" seryosong sambit ko. Ako naman ang pinagbalingan ng galit niyang mga tingin kaya naman hindi ko maiwasan na makaramdam ng takot.

 

"Ano ang ginawa ko? Tell me Precious, ano ang ginagawa ng lintik na lalaking iyan dito sa loob ng condo unit ko?" galit niyang sigaw sa akin. Para namang bomba na sumabog sa pandinig ko ang katagang binitiwan niya

 

Condo niya daw? Paanong nangyari iyun gayung ang alam ko si Sapphire ang nagmamay-ari ng unit na ito?

 

 

Chapter 147

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"CONDO mo? Ano ang ibig mong sabihin? "nagtataka kong tanong kay Lucian. Paanong naging condo niya gayung ang alam ko si Sapphire ang dahilan kaya ako tumira dito.

 

"Kakasabi ko lang sa iyo kanina na hindi ka pwedeng mag entertain ng kahit na sinong lalaki, Precious. Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko, akin ka lang at walang ibang magmamay-ari sa iyo kundi ako lang." seryosong bigkas niya.

 

"No! Hindi ako pumapayag. Nangako ka sa akin noon na hindi mo na ako pakikialaman pa. Na papalayain mo na ako at hindi mo ako guguluhin kahit kailan." seryosong sambit ko.

 

Isang makahulugang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi at seryoso niya akong tinitigan.

 

"Noon iyun, nagbago na ang isip ko ngayun. Lalo ka at alam kong balak kang ligawan ng gagong ito!" galit niyang sambit at muli niya na namang sinapak si David na siyang dahilan kaya mahilo-hilo itong napahiga sa sahig.

 

"Lucian, ano ba? Pamangkin mo si David bakit mo ba siya sinasakyan?" halos. pasigaw kong bigkas. Nakikita ko ang galit sa kanyang mga mata habang titig na titig siya sa nakahandusay na si David.

 

"Basta tungkol sa iyo Precious, kaya kong pumatay ng kadugo ko kapag malaman kung gusto ka niyang agawin sa akin." seryosong sambit niya. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig.

 

God, malinaw na sa akin ang lahat. Bumalik na naman ang obsession niya sa akin. Ipinakita niya na naman sa akin ang dati niyang pag-uugali. Submissive at gusto niya na namang itatak sa isipan ng lahat na walang ibang pwedeng magmamay-ari sa akin kundi siya lang.

 

"Uncle, hindi mo pwedeng pilitin si Amber sa gusto mo. Tandaan mo, hindi natuturuan ang puso. Hindi mo pwedeng idaan sa dahas ang lahat" seryosong wika naman ni David. May malay tao pa rin pala siya kaya mabilis ko siyang dinaluhan nang bigla na lang siyang sipain ni Lucian sa tagiliran.

 

"Fuck you! Kilala mo kung ano at kung paano ako magalit David. Pamangkin kita at hindi ko akalain na ang babaeng gusto ko, gusto mong agawin sa akin." galit niyang sambit

 

"Uncle, hindi ko siya inaagaw sa iyo. In the first place nauna kong naging girlfriend si Amber compare sa iyo." seryosong sagot ni David dito. Kaagad namang napangisi si Lucian.

 

"Yeah, nauna kang naging boyfriend niya pero ako ang nakaangkin sa kanya. Now, kung hindi mo pa ititigil iyang kahibangan mo at ipilit pa iyang gusto mo, hindi ako mangingimi na gawin ulit ang ginawa ko sa iyo noon." seryosong bigkas ni Lucian sa pamangkin niya. Hindi ko naman mapigilan ang maikuyom ang kamao ko

 

Alam kong sa isang pitik lang kayang kaya niyang makuha lahat ng nais niya. Kagaya ng dati, hinding hindi siya mangingimi na pahirapan ang lahat masunod lang ang gusto niya.

 

"Ganiyan ka naman Uncle eh. Hindi ka marunong lumaban ng patas at lahat idinadaan mo sa dahas. Sige, kung ano ang gusto mo, gawin mo pero hindi mo ako mapipigilan na lapitan si Amber at suyuin ulit." Seryosong bigkas niya. Lalo namang nagsalubong ang kilay ni Lucian dahil sa narinig. Galit nitong tinitigan ang pamangkin bago ako hinawakan sa braso.

 

"Okay, gawin mo lahat ng nais mo dahil simula ngayung araw, hindi ka na makakalapit pa kay Precious. Hindi na ako papayag pa." seryosong bigkas niya at impit akong napatili nang walang sabi-sabi isinampay niya ako sa kanyang balikat.

 

"Lucian, ano ba! Bitiwan mo ako!" galit kong sigaw pero parang walang narinig itong si Lucian. Bagkos mabilis ang hakbang na naglakad siya paalis habang nakasampay ako sa kanyang balikat.

 

"Binalaan na kita noon Precious na hindi ka pwedeng makipag-usap sa kahit kaninong lalaki kundi sa akin lang pero ang tigas ng ulo mo. Now, huwag na huwag mo akong sisisihin kung makakagawa man ako ng mga bagay-bagay na hindi mo magugustuhan." seryoso niyang sambit. Hindi naman ako nakaimik hanggang sa tuluyan na kaming nakarating sa kanyang kotse at sapilitang ipinasok niya ako sa loob.

 

 

 

 

 

 

©️Sagittarius🌺🌺

 

 

Chapter 148

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"SAAN mo ako dadalhin? Ihinto mo ang sasakyan at bababa ako!" paasik na wika ko kay Lucian. Bahala na siya kung mas lalo siyang magalit sa akin. Wala na akong pakialam pa.

 

Pagod na ako sa kakaibang ugali ng lalaking ito eh. Bakit ba nagbago na naman ang isip niya? Tahimik na ang dati kong buhay tapos heto na naman. Balik na naman ba kami sa dati? Haysst!

 

"Sa lugar kung saan alam kong walang ibang lalaki na magtatangka na agawin ka sa akin."seryosong sambit niya. Hindi ko naman mapigilan ang mapasimangot. Nababaliw na nga talaga siguro ang lalaking ito.

 

Sa totoo lang, kanina pa ako naguguluhan eh. Kanina ko pa iniisip kung gaano katotoo ang sinabi niya sa akin kanina na pag-aari niya daw ang condo unit na tinitirhan ko. Imposible kasi talaga dahll ang alam ko si Sapphire ang nagmamay-ari noon eh.

 

 

Wala sa sariling muli akong napatingin kay Lucian. Nakapikit ang mga mata niya pero salubong ang kilay niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapabuntong hininga at muling mag-alala na baka maging impyerno na naman ang buhay ko mula sa mga kamay niya. Sana lang talaga, huwag na dahil ayaw ko nang balikan ang dating buhay nang kagaya sa dati.

 

Haysst parang si David din yata ang nagpahamak sa akin eh. Siguro kung hindi ito pumunta ng opisina at niyaya ako na kumain ng lunch, hindi sana mangyayari ito. Hindi sana parang baliw na naman itong si Lucian eh.

 

Nasa ganoon ako kalalim na pag-iisip nang napansin kong pumasok ang sasakyan sa isang mataas na bakud. Alam ko ang lugar na ito. Villa ito ni Lucian at hindi ko alam kung ano na naman ang pumasok sa utak niya at kung bakit niya na naman ako dinala dito.

 

Sa totoo lang, ang ganda ng Villa na ito.

 

May malawak na swimming pool, malawak na garden na halatang alagang alaga base na din sa nakikita ko kung gaano kalusog na mga pananim at may fountain pa sa pinakaharap. Iyun nga lang, ginagawa lang yata ito ni Lucian na parang motel. Ilan na kaya ang nadala niyang babae dito?

 

Seryoso ang expression ng aking mukha nang tuluyan nang huminto ang sasakyan sa mismong pinakaharap ng Villa. Napansin kong kaagad na din namang bumaba si Lucian noong pagbuksan siya ng pintuan ng kotse ng isa sa kanyang mga bodyguards.

 

"Let's go!" narinig kong bigkas niya. Napansin niya marahil na wala akong balak na bumaba kaya naman inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko.

 

"Ibalik mo ako sa condo." seryoso kong bigkas sabay halukipkip. Napansin kong kaagad siyang napatiim bagang..

 

"Precious, I'm tired. Maghapon ako sa trabaho at sana maki-cooperate ka naman sa akin." seryosong bigkas niya.

 

"Cooperate para saan, Lucian? Hello, ikaw ang dapat makinig sa akin. Iuwi mo na ako dahil bukas na bukas din magreresign na ako ng trabaho. Ayaw na kitang makita lalo na at nakakagalit itong ginawa mo.

 

Hindi ka na naman sumunod sa usapan!"

 

galit kong bigkas sabay halukipkip. Napansin kong lalong nagsalubong ang kilay niya. Tiim bagang niya din akong tinitigan.

 

"Resign? I don't think so!" seryosong bigkas niya at walang sabi-sabi na basta niya na lang hinila palabas ng sasakyan. Mas malakas siya kumpara sa akin kaya mabilis niyang naisakatuparan ang nais niya.

 

Parang sako ng bigas niya akong isinampay sa kanyang balikat at mabilis ang hakbang na naglakad papasok ng Villa. Pinilit kong pumalag pero hindi niya ako pinansin. Hanggang sa namalayan ko na lang na paakyat na kami ng second floor ng Villa.

 

"Lucian, ano ba? Bitiwan mo sabi ako eh." galit kong sigaw sa kanya pero parang biglan siyang naging bingi. Hindi nya ako pinansin hanggang sa nakarating kami sa isa sa mga kwarto at walang sabi-sabing basta niya na lang akong hinagis sa kama. Wala sa sariling napamura ako dahil sa gulat

 

"Fuck you, Lucian! Ano ba itong ginagawa mo, ha?" galit kong sigaw sa kanya. Mabilis akong bumangon ng kama para sana mas makumpronta ko pa sana siya kaya lang parang wala lang na naglakad siya patungo sa pintuan ng silid.

 

"Rest habang pinapahanda ko pa ang pagkain natin. Don't worry, I will fuck you later!" seryosong bigkas niya na mas lalo kong ikinagulat. Wala sa sariling mabilis kong nadampot ang isa sa mga unan at buong panggigigil na ibinato sa kanya.

 

"Lucian! I hate you!" galit kong sigaw pero parang walang narinig at tuloy-tuloy lang siyang lumabas ng silid. Naiwan naman akong nagngingitngit ang kalooban sa sobrang inis.

 

 

 

Chapter 149

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

PAGKATAPOS ng ilang minuto pagkalabas ni Lucian ng silid, dali-dali akong bumaba ng kama at may pagmamadali sa kilos na naglakad ako patungo sa pintuan ng silid at dahan-dahan na pinihit ang door knob at laking tuwa ko nang mapansin ko na hindi iyun naka-lock.

 

Kung ganoon, mukhang wala naman yatang balak si Lucian na gawin akong bihag eh. Hinayaan nitong bukas ang pintuan so ibig sabihin, pwede akong lumabas at iyun na mga ang ginawa ko.

 

Lumabas ako ng silid at direchong tinahak ang hagdan pababa para lang matigilan nang may biglang nagsalita sa likuran.

 

"Saan ka pupunta?" wika ng isang seryosong boses. Napatigil ako sa paghakbang at kinakabahan na napalingon at hindi maiwasan na makaramdam ng kaba nang tumampad sa paningin ko ang seryosong hitsura ni Lucian

 

"Sa ibaba. Maghahanap....I mean iinom sana ako ng malamig na tubig." kinakabahan kong sagot sa kanya. Napansin kong seryoso lang itong tumitig sa akin at mabilis na naglakad palapit.

 

"Since, nandito ka na din lang.... maghanda ka. Aalis tayo." seryoso niyang bigkas at hindi ko pa nga maiwasan na magtaka nang magpatiuna na itong naglakad pababa ng hagdan. Kaagad ko naman itong nasundan ng tingin.

 

"Aalis daw kami? Nang ganitong oras? Saan na naman kami pupunta?

 

Hindi ko naman mapigilan na mapasimangot at sinundan siya. Well, mas mabuti nga ang ganito. Walang dahilan na magtagal dito sa Villa so ibig sabihin, safe ako. Wala naman talaga siguro siyang balak na gawan ako ng masama kagaya na lang sa kung ano ang iniisip ko

 

Marumi lang yata ang takbo ng isipan ko at nakakahiya iyun. Masyado lang yata akong assuming lalo na at kilala ko itong

si Lucian. Kung may balak talaga siyang gawan ako ng masama, kanina niya pa sana ginawa iyun.

 

Imbes na sa kitchen ako pupunta para kumuha ng malamig na tubig, sinundan ko na si Lucian patungo sa kanyang kotse. Hindi ko na nga hinintay pa na yayain niya akong sumakay dahil kusa na akong

 

sumakay sa loob.

 

"Saan tayo pupunta?" seryosong tanong ko sa kanya. Magkatabi na naman kami dito sa likurang bahagi ng sasakyan dahil may personal driver naman siya.

 

Iyun nga lang, ang tanong kong iyun ay walang nakuhang kasagutan kaya naman nanahimik na lang din ako at inabala ang sarili ko sa kakatitig sa labas ng bintana ng sasakyan kung saan mukha yatang alam ko na kung saan kami patutungo.

 

"Bakit dito?" hindi ko pa nga mapigilang tanong sa kanya nang kusang huminto ang sasakyan sa parking area ng Isang bar. Ito din iyung bar na pinuntahan namin kailan lang kung saan nakasama namin ang kanyang mga kaibigan.

 

"Bakit, ayaw mo ba dito?" seryosong tanong niya sa akin

 

"Ayaw....masyadong bastos ang mga palabas sa bar na iyan." nakaingos kong sagot sabay halukipkip. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa bago niya inutusan ang driver na magdrive paalis.

 

Sa Isang restaurant kami napunta na labis kong ipinagpasalamat. Habang hinihintay namin ang aming order hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba ng mapatingin ako sa kabilang table. May napansin kasi akong isang familiar na mukha

 

Yes...kung hindi ako maaring magkamali si Lauren iyun....Si Lauren nga at kitang kita ko ang gulat sa mukha nito nang napatingin din ito sa gawi naming dalawa ní Lucian.

 

"So, nandito din pala ang babaeng iyan." narinig kong sambit ni Lucian. Hindi lang pala ako ang nakakita kay Lauren kundi siya din.

 

"Sino iyang kasama niya? Daddy niya?" seryosong tanong ko pa nga dito habang nakatitig ako sa kasama ni Lauren na kumakain. Isa iyung matandang lalaki, kalbo at malaki ang tiyan.

 

"Dalawa lang iyan. Costumer niya or din kaya sugar daddy niya." seryosong sagot niya sa akin..Hindi ko naman mapigilan ang mapataas ng kilay.

 

Sa tono kasi ng boses niya ngayun, mukhang wala na talaga siyang pakialam kay Lauren. Sabagay...hindi naman siguro siya papayag na magtrabaho si Lauren sa bar kung may pagtingin pa siya sa babaeng iyun.

 

Mukhang ang dami na nga sigurong nagbago sa nakaraan. Kagaya na lang nitong si Lucian, minsan matino siya minsan naman lumalabas din talaga ang pangit na pag-uugali.

 

Naging maayos naman ang sumunod na nangyari sa pagitan naming dalawa ni Lucian. Mukhang hindi na yata mainit ang ulo niya dahil maayos na ulit ang pakikitungo nito sa akin.

 

Well, kung ganito naman palagi ang ipinapakitang pag-uugali, tiyak akong magkakasundo din kami.

 

Simple lang naman ang gusto ko sa buhay ko eh. Iyun ay maging malayo sa gulo at sakit ng ulo. Ayaw na ayaw ko din na iparamdam niya sa akin na pag-aari niya ako.

 

 

 

 

 

©️Sagittarius🌺🌺

 

 

Chapter 150

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

NAPANSIN Kong napaangat ng tingin si Lucian sa akin nang bigla na lang akong tumayo. Kakatapos lang namin kumain at gusto kong magbanyo.

 

"What?", seryosong tanong niya. Pigil ko naman ang sarili ko na mapasimangot.

 

"Magbabanyo ako. Gusto mong samahan ako?" pabalang kong sagot sa kanya. Napansin ko pa nga ang pagtaas ng kabilang sulok ng labi niya habang titig na titig siya sa akin.

 

"Okay, pero bumalik ka kaagad. Huwag kang magtagal sa loob ng banyo kung ayaw mong sundan kita doon." seryosong sambit niya. Hindi ko naman mapigilan ang mapairap dahil sa sinabi niya at mabilis na naglakad paalis

 

Kailan pa ba naging OA si Lucian?

 

Hmmppp whatever! Bahala siya sa buhay niya!

 

Mabilis akong pumasok ng banyo at ginawa ko kung ano ang gusto kong gawin. Kaya lang habang naghuhugas ako ng aking kamay siyang pagbukas naman ng pintuan ng banyo. Hindi ko na sana papansinin pa nang mula sa reflection ng salamin napansin kong si Lauren pala ang pumasok

 

"Amber? Ikaw nga! Kung ganoon, hindi ako namamalikmata kanina. Buhay ka nga!" seryosong tanong niya. Hindi ko naman mapigilan ang mapataas ng kilay dahil sa sinabi niya.

 

Ano ba ang akala ng babaeng ito sa akin? Patay na ako? Hmmppp, tanga ba siya?

 

"Ano sa palagay mo sa akin? Na isa akong multo?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Napansin ko ang biglang pagbabago ng expression ng kanyang mukha.

 

Matalim ang mga matang tinitigan niya ako at hindi na nakakagulat iyun. Alam kong noon pa man, mainit na ang ulo nito sa akin. At alam ko din na siya ang dahilan kung bakit muntik na akong napatay ni Lucian noon.

 

Kung hindi dahil sa kasinungalingan nitong si Lauren, hindi ko sana masyadong naranasan ang kalbaryo ng buhay.

 

"Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit ako nakakaranas ng hirap ng buhay ngayun?" galit niyang tanong sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapataas ng kilay.

 

*At bakit naging kasalanan ko pa gayung sa naalala ko, ikaw itong may atraso sa akin." seryosong tanong ko sa kanya.

 

Tama naman diba, kailan ko pa naging kasalanan kung nagkakanda-litse-litse ang buhay niya gayung sa naalala ko siya itong may kasalanan sa akin.

 

"Tsaka, bakit ako ang sinisisi mo kung naging pakawala kang babae ngayun? Ginusto mo iyan dahil hindi mo kayang mabuhay na walang lalaki, diba?"

 

seryosong tanong ko sa kanya. Wala na akong pakialam pa kung masaktan man siya sa sinabi ko. Ang importante sa akin ngayun ay ang masabi ko kung ano ang gusto ko

 

"Tsaka, tigilan mo nga ako Lauren. Wala akong atraso sa iyo para sisihin mo ako sa mga bagay-bagay na hindi ko ginawa " seryosong muli kong wika sa kanya. Napansin kong mabilis siyang humakbang palapit sa akin kaya napaatras naman ako.

 

Baka kung ano na naman ang maisip na gawin ng babaeng ito sa akin. Maganda na iyung alerto ako sa lahat ng oras.

 

"Kasalanan mo! Sobrang kasalanan mo! Dumating ka lang sa buhay ni Lucian, nagkanda-litse-litse na ang buhay ko! Nawala ang lahat sa akin at naging pakawala akong babae!" galit niyang bigkas. Sa pagkakataon na ito, bigla na lang nawala ang poise niya. Kitang kita ko sa mukha niya ang matinding pagkasuklam.

 

"Nang dahil sa iyo natikman ko ang kalupitan ni Lucian. Nang dahil sa iyo, nasira ang buhay ko!" muli niyang bigkas at kaagad na nanlaki ang mga mo sa gulat

nang bigla na lang niyang itinaas ang kanan niyang palad at akmang sasampalin niya sana ako pero laking pasalamat ko nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo. Pumasok arig seryosong mukha ni Lucian sabay hawi kay Lauren bago siya nagmamadaling lumapit sa akin.

 

"Precious, ano ang nangyari? Nasaktan ka ba?" seryosong tanong niya sabay sipat ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Talagang tsinek niya kung nasaktan ba talaga ako or hindi at hindi ko naman malaman kung ano ang sasabihin ko.

 

"Lucian, ayos lang ako. Dumating ka sa tamang oras kaya hindi natuloy ang tangkang pagsampal niya sa akin." seryosong bigkas ko. Tinitigan ko pa ng masma si Lauren na noon a kitang kita ko ang pait sa mga mata habang nakatitig sa aming dalawa ni Lucian.

 

"Lauren! How many times I told you na bawal mong lapitan at kausapin si Precious? Ano ito? Ano na naman ito? Hindi ka ba talaga titigil? Gusto mo bang ipalumno kita sa mga tao ko?" halos pasigaw na tanong ni Lucian kay Lauren. Kung gaaano siya kanina kamahinahon habang tinatanong niya ang kalagayan ko siyang kabaliktaran naman ang naging approach niya kay Lauren.

 

"Lucian, buhay siya. Buhay si Amber pero bakit mo ako pinapahirapan ng ganito? Alam mo bang sobrang nagdusa ako dahil sa ginawa mo sa akin? Pinatapon mo ako sa casa na siyang dahilan kaya nakunan ako tapos heto siya. Buhay si Amber. Buhay na buhay siya habang ako nagdurusa!" umiiyak na wika ni Lauren kay Lucian.

 

"Kung hindi ka gumawa ng mga bagay na muntik nang ikinapahamak ni Precious noon, hindi mo mararanasan ang mga ganitong bagay. Kulang pa ang parusang binigay ko sa iyo para mabura ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Lauren." seryosong sagot naman ni Lucian dito. Lalo namang napahagulhol ng iyak si Lauren.

 

"Hangat sariwa sa isip ko ang ma pahirap na ginawa mo noon, hindi kita titigilan.

 

Hangat hindi ko nakikita ang pagbabago mo, patuloy kitang pahihirapan." seryosong muling bigkas ni Lucian bago nito hinawakan ang kamay ko at hinila niya ako palabas ng banyo.

 

Bago ako tuluyang nakalabas, narinig ko pa ang malakas na pag-iyak ni Lauren.

 

Sobrang sakit sa pandinig. Babae din ako at kahit papaano, nakakaramdam din naman ako ng awa kay Lauren. Kaya lang, muntik niya akong sinampal kanina so ibig sabihin, matindi pa rin talaga ang galit nito sa akin....

 

 

Chapter 151

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

AYOS ka lang ba?" nakatitig ako sa kawalan nang biglang nagsalita si Lucian sa tabi ko. Nandito na kami sa kotse at binabaybay namin ang daan pauwi ng Villa.

 

"Si Lauren ang may kasalanan noong nahulog ang Mommy mo sa hagdan at alam mo na ang tungkol doon?" seryosong tanong ko sa kanya. Napansin kong napabaling ang tingin niya sa akin at kitang kita sa mga mata niya ang galit.

 

"Yeah, nalaman ko ang tungkol doon pero huli na. Pinarusahan na kita na muntik nang naging dahilan ng pagkawala ng buhay mo!" seryosong bigkas niya. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya.

 

Sa totoo lang, sobrang hirap tangapin sa kalooban ang sinabi niya ngayun sa akin. Oo, muntik na akong namatay dahil sa kagagawan ni Lauren. Ang bilis niya kasi talagang naniwala sa mga kasinungalingan ng babaeng iyun eh. Ni hindi man lang siya nagpa-imbistiga at basta niya na lang akong pinarusahan.

 

"Si Lauren din ang may pakaną kung bakit nasunog ang bahay kung saan kita ikinulong noon kaya kung ano man ang pahirap na nararanasan niya ngayun, deserve niya iyun." muli niyang bigkas

 

"A-ano ang ibig mong sabihin? Tsaka, totoo ba ang sinabi ni Lauren kanina tungkol sa casa?"" seryosong tanong niya. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin at tumitig sa kawalan

 

"Alam mo ba kung bakit hindi ko siya ipinakulong kahit gusto ko? Iyun ay dahil gusto kong maranasan niya ang mga naranasan mo noon, Precious. Alam mo bang hanggang ngayun, mabigat pa rin sa kalooban ko ang mga nangyari sa iyo noon? Feeling ko, ako na ang pinaka-masamang tao sa balat ng lupa. Walang kwenta ang pagparusa ko sa iyo noon dahil inosente ka naman pala talaga sa nangyari kay Mommy." seryosong bigkas niya. Ramdam ko ang pait sa boses niya kava hindi ako nakaimik.

 

"Wala akong balak na humingi ng tawad sa iyo dahil alam ko sa sarili ko na walang kapatawaran ang nagawa kong pagkakamali ko sa iyo noon, Precious pero maniwala ka man sa akin or hindi, sobrang nagsisisi ako." muli niyang bigkas.

 

Sa pagkakataon na ito, hindi ko na napigilan pa ang maluha. Hindi ako makapaniwala na maririnig ko ang mga ganitong kataga mula sa bibig ni Lucian. Hindi ko akalain na ang Isang kagaya niya na akala ko isang matapang na tao ay natutulong umamin sa pagkakamaling nagawa niya.

 

"Alam ng Diyos kung gaano ka kahalaga sa akin, Precious. Actually, gusto na kitang palayain dahil alam kong hindi mo deserve na manatili sa tabi ko. Kaya lang, hindi ko kaya! Hindi ko pala kaya na mawala ka sa akin." muli niyang bigkas. Sa pagkakataon na ito, hinawakan niya ako sa aking kamay at marahan iyung pinisil.

 

"Hayaan mo lang na patuloy kitang

mahalin. Hayaan mo lang na iparamdam ko sa iyo ang pagsisisi ko!" mahina niyang bigkas. Sapat lamang iyun para marinig ko.

 

"Alam kong masyado na akong obsessed sa iyo but I can't help it! Mahal kita. Mahal na mahal kita at ayaw kong mawalay ka sa akin, Precious." seryosong muling sambit niya

 

Hindi ko naman malaman kung ano ang isasagot ko. Sa totoo lang, sobrang naguguluhan ako. For the first time, nagtapat ng pag-ibig si Lucian sa akin...

 

Totoo kaya ito? Parang totoo lalo na at kitang kita ko sa mga mata niya ang sensiridad.

 

"Sa dinami-dami ng mga babaeng dumaan sa buhay ko, sa iyo lang ako nakakaramdam ng ganitong klaseng damdamin. Sa iyo lang at hindi ko alam kung ano ang meron sa iyo at kung bakit kita minahal ng sobra. Dalawang taon akong nagtiis na hindi ka palaging nakikita at ngayung nagbalik ka na...hindi na ako papayag pang muli kang mawalay sa akin. Kamuhian mo man ako sa ginagawa kong ito sa iyo ngayun, wala na akong pakialam pa. Walang mas mahalaga sa akin kundi ang palagi kang kasama, Precious." seryosong sambit niya.

 

Lalo naman akong naguluhan sa sinabi niya.. Ang akala ko talaga noon wala siyang ibang habol sa akin kundi katawan ko lang pero para bang biglang nagbago ang ihip ng hangin ngayun..

 

Ibang iba na siya sa dating Lucian na nakilala ko. Nakikitaan ko na siya ng pagsisisi habang nagsasalita siya.

 

"Sapat na sa akin ang manatili ka sa tabi ko, Precious. Promise, pipilitin kong baguhin ang lahat sa akin basta huwag mo lang akong Iwan. Pwede na iyun, Precious?" seryosong muli niyang sambit. Seryoso naman akong napatitig sa mga mata niya.

 

Gusto kong makita sa mga mata niya kung gaano siya kaseryoso sa sinasabi niya ngayun sa akin.

 

 

 

 

 

 

©️Sagittarius🌺🌺

 

 

Chapter 152

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"KUNG GUSTO mong maging maayos ulit ang lahat, pwede bang pakingan mo din ang kung ano ang gusto ko, Lucian?" seryosong tanong ko sa kanya! Sa pagkakataon na ito, mas naging mahinahon na ako at medyo nawala na ang mga agam-agam na bumabalot sa puso ko.

 

"Yeah...of course! I am willing na makinig sa kung ano man ang nais mo, Precious. Everything...anything, ibibigay ko sa iyo basta mangako ka lang sa akin na hindi mo ako iiwasan at manatili ka sa tabi ko kahit na ano ang mangyari." seryoso niyang bigkas.

 

Sa totoo lang, ramdam ko ang sensiridad sa boses niya. Siguro nga, nagbago na din siya. Siguro nga nagbago na din naman siya lalo na at nakita ko kung paano niya ako pinagtangol kanina kay Lauren.

 

"Kung talagang concern ka sa akin, pwede bang payagan mo akong mabuhay nang malaya?" seryosong tanong ko sa kanya

 

"Ano ang ibig mong sabihin?" seryosong tanong niya sa akin.

 

"Kung talagang concern ka sa akin, pwede bang habang nagtatrabaho ako sa kumpanya mo, ibigay mo ang kalayaan na nais ko? I mean, kung ano ang turing mo sa mga kasamahan ko sa trabaho, ganoon din sana sa akin. Nakakainis na kasi eh... pinagtsitsimisan na ako ng lahat porket babae mo daw ako." seryosong wika ko sa kanya!

 

Alam kong imposible itong hinihiling ko sa kanya pero gusto ko pa rin subukan kung papayag ba siya. Gusto kong subukan kung sincere ba talaga siya sa sinasabi niya kanina na aayusin niya na daw ang pagtrato sa akin.

 

"Sure...pero may kondisyon din ako bago ako papayag---" sagot din naman kaagad niya sa akin habang may kakaibang kislap akong nakikita sa mga mata niya.

 

"Ano iyun?" nagtataka kong tanong sa kanya. Kung may kondisyon ako, meron din pala siya.

 

"Hindi ka pwedeng tumangap ng manliligaw. Hindi din pwedeng may aali-aligid na lalaki sa iyo at baka maging kriminal ako at mapatay ko sila." seryoso niyang bigkas.

 

Well, ano pa nga ba ang ini-expect ko sa isang kagaya niya. Ganito naman siya palagi eh. Bawal ako magpaligaw sa iba lalo na at naitatak niya na sa isipan ko na walang ibang lalaking magmamay-ari sa akin kundi siya lang.

 

"But don't worry, hindi kita pipilitin na gawin ang isang bagay na ayaw mo. Pipilitin kong baguhin ang lahat para sa iyo, Precious." seryoso niyang bigkas.

 

"Deal!" nakangiti kong bigkas. Napatitig na ako sa kanya at kitang kita ko din ang paguhit ng masayang ngiti sa labi niya.

 

"Deal!" seryosong bigkas niya sabay lahad ng kanyang kamay sa harapan ko. Dali-dali ko naman tinangap iyun at nang magdaop ang aming mga palad, hindi ko

maiwasan na makaramdam ng pagkailang lalo na nang maramdaman ko kung gaano kainit ng palad niya.

 

Parang may kung anong mainit na bagay ang biglang dumaloy sa puso ko patungo sa bawat himaymay ng aking ugat. Lalo na nang maramdaman ko ang bahagya niyang pagpisil niya sa palad ko.

 

"Ngayung okay na tayo....pwede ka na bang bumalik ng penthouse?" seryoso niyang muling tanong sa akin. Wala sa sariling kaagad kong nabawi ang ang kamay kong hawak niya.

 

Pambihira, hindi pa nga naisakatuparan ang una naming kasunduan, may bago na naman siya? Hmmp!

 

"Penthouse?" seryosong tanong ko. Kaagad niya namang itinaas ang hawak niyang susi.

 

"Masyadong maliit ang condo para manatili ka doon. Isa pa...pag-aari mo ang penthouse na iyun at sayang naman kung hindi mo titirhan." seryoso niyang bigkas.

 

"Lucian, kakatapos lang eh. Hindi ba't nagkasundo na tayo na hindi mo ako papakialaman? Ano na naman ito?"

 

kunwari nakairap kong tanong sa kanya!

 

"Ano na naman ba iyang nirereklamo mo?

 

Wala namang masama sa sinabi ko diba?

 

Gusto ko lang naman makita na kumportable ka sa tinitirhan mo at isa pa...nándoon sa penthouse ang mga gamit mo. Intact pa rin naman at sayang naman kung hindi mo gagamitin." nakangiti niyang sagot sa akin. Muli akong napairap.

 

Ewan ko ba....sa pagkakataon na ito, ramdam ko na payapang kalooban habang kausap siya. Sana lang talaga magtuloy-tuloy na para naman wala nang sakit ng ulo. Wala din naman akong ibang hangad kundi ang maging maayos at tahimik na buhay eh at ngayung inioffer niya na iyun sa akin, sino ba naman ako para tangihan siya diba?

 

"Okay, pero tulungan mo akong maghakot ng mga gamit ko. Tsaka tandaan mo, Lucian, once na hindi ka tumupad sa usapan natin, lalayasan kita.

 

Nagkakaintindihan ba tayo?" seryosong wika ko sa kanya!

 

"Deal!" natatawa niyang sagot. Hindi ko naman maiwasan na mapaismid at ako na din mismo ang naglahad ng sarili kong kamay sa harapan niya.

 

"So, paano ba iyan...friends na tayo?"

 

nakangiti kong sagot. Napansin kong kaagad namang nagsalubong ang kilay niya na para bang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.

 

"Friends?" kunot noo niyang tanong.

 

"Yeah...ano ba ang dapat?" sagot ko naman kaagad sa kanya!

 

"Well, okay....deal ulit!" bigkas niya na halata sa boses niya na napipilitan lang siya. Lihim naman akong natawa.

 

Ewan ko sa lalaking ito kung hanggang saan at kailan nya mapanindigan itong pag-uusap naming ito. Basta ang mahalaga ngayun, nagkasundo na kami.

 

Ayos na iyun at sana simula ngayung araw, magiging tahimik na ang buhay ko.

 

 

Chapter 153

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

KUNG gusto mo daw na maging maayos at tahimik ang buhay mo, makipagkasundo ka sa taong akala mo malaking banta sa buhay mo at sa taong wala na yatang ibang gustong gawin kundi ang itatak sa isipan mo na pag-aari ka niya.

 

Iyun ang ginawa ko kay Lucian at mukhang epektibo naman. Naging maayos din ang lahat-lahat at pumayag na din akong tumira sa penthouse na niregalo nya sa akin noon.

 

Naging maayos naman ang lahat.

 

Naramdaman ko ang pagalang ni Lucian sa akin. Never ko na din naramdaman na pag-aari niya ako. Hindi ko na din masyadong naramdaman ang pagiging obsessed niya sa akin.

 

Kaswal ang pakikitungo ko sa kanya at ganoon din siya sa akin. Palagi niyang sinasabi sa akin na nagsisisi siya sa mga nagawa niyang pagkakamali at babawi

daw kaya naman palagay ang loob ko na susundin niya ang kung ano man ang pangako niya sa akin.

 

"Tomorrow morning, ipapahiram ko sa iyo ang isa sa mga kasambahay ko para ayusin ang mga gamit mo." seryoso niya pang wika sa akin. Kaagad naman akong umiling

 

"Kaya ko na lahat basta bigyan mo lang ako ng kahit na dalawang araw na vacation leave." sagot ko din sa kanya. Well, lubos-lubusin ko na nag kakapalan ng mukha ko since ideya niya naman ang paglipat ko dito sa penhouse.

 

"Okay, make it one week. No salary deduction." nakangiti niyang sagot bago siya naglakad palabas ng penthouse.

 

"Are you sure? Talagang hindi ako papasok bukas." nakangiti kong tanong sa kanya! Sa isang iglap para bang nakuha niya ang tiwala ko sa kanya. Na ang tingin ko kay Lucian ngayut ay hindi na lang isang amo or taong walang ibang ginawa dati kundi ang iparamdam sa akin na pag-aari niya ako.

 

"Yeah...bukas papasok na ang first salary mo at dapat ilibre mo ako. Matikman ko man lang ang katas ng una mong sahod." nakangiti niyang sagot sa akin na para bang normal lang sa amin ang mag-usap ng ganito.

 

"Talaga? Okay...bukas kakain tayo sa labas. Ako ang taya." nakangiti kong sagot

 

Gosh, ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ganito ako kasaya habang kausap siya? Na para bang bigla akong nakahanap ng isa pang kaibigan sa katauhan ni Lucian

 

Ang mga luha sa aking mga mata ay bigla na lang napalitan ng ngiti. Ang dating takot na nararamdaman ko sa para sa kanya ay bigla na lang naramdaman ng bagong pag-asa at pagtitiwala.

 

Well, posible nga talaga sigurong magbago ang ugali ng isang tao. At isa na doon si Lucian kaya sobrang proud ako sa kanya kung ganitong magtuloy-tuloy ang magaan niyang pakikitungo sa akin.

 

"Good night, Precious! Tomorrow

morning asahan mo ang presensya ko dahil tutulong ako sa paghahakot ng nga gamit mo." nakangiti niya pang paalam sa akin bago siya tuluyang lumabas sa pintuan ng penthouse.

 

YEs, nandito na ako sa penthouse pero ang iba pang mga gamit ko ay nasa condo pa at bukas ko pa hahakutin patungo dito.

 

Ayos din naman! Tama si Lucian, mas maging kumportable ako dito sa penthouse lalo na at mas hamak na malaki ito.

 

Pagkaalis ni Lucian, sinigurado kong naka -lock ang main door bago ako naglakad patungo sa kwarto. Halatang alaga sa linis ang buong paligid. Wala kasi akong nakitang kahit na isang kalat eh,

 

Well, knowing Lucian, walang imposible sa kanya! Can afford siyang magbayad ng kahit na ilang tagalinis kung gugustuhin niya.

 

Pagdating ko ng kwarto, direcho ako ng walk in closet kung saan kaagad na tumampad sa paningin ko ang dati ko pang mga gamit. Lahat ay maayos na nakasalansan sa closet. Mula sa mga mamahaling bags, sapatos pati na din mga jewelries. Parang wala man lang nabawas at feeling ko nga nadagdagan pa eh.

 

Kung totoosin, hindi ko na kailangan pa ang mga gamit ko na naiwan sa condo dahil mas hamak na mas marami akong gamit sa dito sa penthouse. Habang tinitingnan ko ang mga gamit ko na nasa closet ko, hindi ko maiwasan na makaramdam ng kurot sa puso.

 

Kung hindi kaya ako siniraan ni Lauren noon, saan na kaya nakarating ang pagsasama naming dalawa ni Lucian ngayun? Malaki na siguro ang anak namin.

 

Sa naisip kong iyun, wala sa sariling napahawak ako sa impis kong tiyan. Yes... nabuntis ako ni Lucian noon pero nakunan din dahil sa mga pahirap na naranasan ko.

 

Kung hindi siguro sa mga taong walang ibang gustong gawin noon kundi sirain ang buhay ko, siguro malaki na din ang anak ko ngayun.

 

Sa naiisip kong iyun, hindi ko mapigilan ang maluha. Alam ko din naman sa sarili ko na isang sugal ang pakikipagbati ko kay Lucian eh pero may pagpipilian ba ako? Makikipagbati man ako sa kanya or hindi, alam ko din naman na magiging anino ko siya habambuhay.

 

 

 

 

 

 

©️Sagittarius 🧚🏻🧚‍♂️

 

 

Chapter 154

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

KINAUMAGAHAN, saktong kakagising ko lang nang narinig ko ang sunod-sunod na pagtunog ng door bell. Wala sa sariling napabangon ako at muli ding napahiga nang maramdaman ko na sobrang inaantok pa talaga ako.

 

"Ano ba iyn? Ang aga-aga pa! Sino ba iyang isturbo na iyan." naiinis kong bigkas. Wala sa sariling napasabunot ako sa sarili kong buhok at muling napabangon. Paano ba naman kasi, mukhang walang balak na tumigil ang kung sino ang nasa labas at panay ng pindot ng door bell.

 

"Sadali. Sino ba iyan? Ang aga-aga pa eh. "naiinis kong bigkas. Wala na akong nagawa pa kundi ang basta na lang hablutin ang roba at isinuot iyun bago ako naglakad palabas ng kwarto. Direcho ako ng main door at pinindot ang gadget para makita kung sino ang nasa labas at ganoon na lang ang pagtataka ko nang makita ko ang presensya ni Lucian sa labas.

 

Panay pa rin ang pindot nito sa door bell butoon habang kitang kita ko sa mukha nito ang pagkainip. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapasimangot.

 

Ano na naman kaya ang ginagawa ng lalaking ito? Bakit kay aga-aga niya? Akala ko ba wala nang pakialamanan pero ano itong ginagawa niya dito sa penthouse ng ganito kaaga?

 

Wala talagang balak na tigilan ni Lucian ang kakapindot ng door bell kaya naman mabilis ko nang binuksan ang pintuan. Pagkabukas ko, nakasimangot akong tinitigan siya.

 

"Finally!" nakangiti niyang wika sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapataas ng kilay.

 

"Anong finally? Hmmp, Mr. Ferrero, alam mo ba kung anong oras pa lang?" serysong tanong ko sa kanya

 

"Why, anong oras pa lang ba?" kunot noong tanong niya sa akin. Pagkatapos noon, sinipat niya ako mula ulo hanggang paa sabay ngisi.

 

"Mukhang kakagising mo pa lang ah? May muta ka pa ohh?" bigkas niya at ganoon na lang ang gulat ko nag dumampi ang daliri niya sa gilid ng mata ko. Mula doon, ramdam ko ang pagtangal niya ng kung anong bagay sa gilid ng mga mata ko kaya gulat akong napatitig sa kanya.

 

Shit, muta iyun. Siya pa talaga ang nagtangal ng muta ko? Shocks, nakakahiya!

 

"Bakit ba ang aga mo?" para mapagtakpan ang pagkapahiya ko, kunwari nagalit-galitan ako. Pagkatapos noon, dumistansya ako ng ilang hakbang sa kanya at tuluyan na din naman siyang pumasok dito sa loob ng penthouse.

 

"Well, walang importanteng trabaho sa opisina kaya naman balak kong tulungang kang maghakot ng gamit mo ngayung araw." nakangiti niyang sagot sa akin

 

 

Tama siya, ngayung araw ko hahakutin ang mga gamit ko galing condo papunta dito a penthouse pero hindi ko naman ini-expect na ganito kaaga. Nag movie marathon ako kagabi kaya puyat ako lalo na at balak kong sa hapon na maghakot.

 

"Pero matutulog pa ako eh." reklamo ko sa kanya! Sa isang iglap, ang mataas na pader na namagitan sa aming dalawa ay para bang biglang naglaho. Mas lalong naging palagay ang loob ko sa kanya simula noong nakapag heart to heart talk kami kahapon.

 

"Ano ba ang ginawa mo kagabi at bakit ka puyat? Don't tell me iniisip mo ako kaya hindi ka nakatulog?" natatawa niyang tanong sa akin. HIndi ko naman mapigilan ang mapairap.

 

"Ang kapal naman ng mukha mo para tanungin ako ng mga ganiyang bagay. For your information walang dahilan para isipin ka kaya stop dreaming, Mr. Ferrero! "nakanguso kong sagot sa kanya! Isang malakas na pagtawa naman naman ang naging sagot niya sa akin kaya wala sa sariling napatitig ako sa kanya!

 

Minsan, napapaisip tuloy ako. Si Lucian ba talaga ang kaharap ko ngayun? Bakit ibang iba na siya kumpara sa dati?

 

Siguro nga nagbago na talaga siya. HIndi ganito kapalagay ang loob ko sa kanya kung hindi diba?

 

"Ako pa talaga ang makapal ang mukha gayung ako itong nag-aalala sa iyo kung bakit ka napuyat? Well, hindi pa ako kumakain ng agahan. Ano nga pala ang makakain sa bahay na ito?" seryoso niyang tanong sa akin. Alanganin naman akong umiling.

 

"Wala pa! Ano ba ang pwedeng kainin dito gayung kagabi lang pa lang naman ako dito?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

 

"Bakit, pwede naman umorder ng online ah? Ahmm, don't tell me na nagtitipid ka? "nakangisi niyang tanong sa akin.

 

"Marami akong pagkain sa condo na hindi pa nahakot patungo dito kaya wala akong balak na bumili. Kung gutom ka, lumabas ka na muna at kumain. Balikan mo na lang ako dito mamaya." nakalabi kong sagot sa kanya! Pagkatapos noon, muli akong naglakad patungo sa kwarto.

 

BAhala na siya Maliligo na muna ako tapos aalis na dim kami para umpisang hakutin ang inga gamit ko

 

Haysst, masarap pala ang ganito Kailangan lang pala ng masinsinang pag uusap para maging maayos ang lahat. Sana lang talaga tuloy tuloy na ito at wala nang problemang darating pa.

 

Sana lang talaga magtuloy tuloy na ang pagiging mabait ni Lucian. Para naman iwas sakit ng ulo.

 

 

Chapter 155

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

PAGKATAPOS kong maligo at makapag-bihis ng kumportableng damit, muli akong lumabas ng silid kung saan naabutan ko si Lucian na nasa dining area na at nag-iimpisa nang kumain.

 

"Let's eat!" nakangiti nitong pagyaya sa akin. Mabilis na din akong naglakad palapit sa kanya at naupo sa katapat ng upuan niya

 

"Umorder ka ng mga foods?" nakangiti kong tanong. Sinipat ko ng tingin ang mga pagkain na nasa mesa at hindi ko maiwasan na makaramdam ng tuwa nang mapansin ko na may sinangag. I mean, filipino breakfast ang nasa hapag kainan namin ngayun.

 

"Pinabili ko ang isa sa mga bodyguards ko. Mabuti na lang talaga at malapit sa lahat itong penthouse mo. Hindi na tayo mahirapan sa pagkain lalo na mukhang tamad ka pa namang magluto." nakangisi nitong wika sa akin. Wala sa sariling kaagad ko din naman siyang pinandilatan.

 

Bakit kasama siya sa hindi mahihirapan sa paghahanap ng pagkain? Bakit dito ba siya titira kasama ko? Hindi ako papayag.

 

"Hindi ako tamad. Nagkataon lang na wala akong time magluto." katwiran ko sa kanya. Napansin kong kaagad na napaangat ang kabilang sulok ng labi niya na para bang hindi siya kumbinsido sa naging sagot ko. Ipinakibit balikat ko na lang iyun. Bahala na siya.

 

"Okay, sabi mo eh. Kumain ka na diyan bago pa uminit ang ulo mo." natatawa niyang sagot sa akin. Muli akong napairap at inumpisahan ko na din ang kumain.

 

Naging maayos naman ang sumunod na sandali sa pagitan naming dalawa ni Lucian. Saktong kakatapos lang namin kumain nang biglang tumunog ang doorbell. Nagtatanong ang mga matang napatitig ako sa kanya. Maliban dito kay Lucian, wala akong inaasahan na pwede kong maging bisita dito sa penthouse.

 

"I think dumating na ang mga gamit mo."nakangiti niyang sambit. Lalo naman akong nagtaka.

 

Ano na naman kaya ang ibig niyang sabihin? Dumating na daw ang mga gamit ko? So ibig sabihin nagdesisyon na naman siya ng mga bagay-bagay na hindi niya sinasabi sa akin. Tingnan mo ang taong ito, akala ko ba hindi niya na ako pakikialaman?

 

Well, may magagawa pa ba ako? I think wala na! Tuluyan nang nabuksan ni Lucian ang main door at isa-isa niya nang pinapasok ang mga taong inutusan niya na magdala ng mga gamit ko dito sa penthouse. Nakasya na lang akong panoorin sila.

 

Kaunting gamit lang naman. Mga damit lang din naman karamihan kaya mabilis lang naman. Fully furnish ang nasabing condo at talagang damit lang ang dala ko nang tumira ako doon.

 

HIndi pa pala ako nakapag paaalam kay Sapphie kaya talagang lagot ako nito sa kaibigan kong iyun.

 

Pagkatapos maipasok lahat ng mga gamit ko, muli kaming naiwan dalawa ni Lucian dito sa loob ng penthouse. Nang muli akong napatingin sa kanya, napansin kong ngingiti-ngiti na naman siya.

 

"Hmmp, ano iyan? Akala ko ba walang pakialamanan? Ano ang ginagawa ng mga gamit ko ngayun dito sa penthouse? Inutusan ba kita na hakutin ang mga iyan? " seryosong tanong ko sa kanya. Muli na naman siyang napangiti habang naglalakad siya palapit sa akin.

 

"Ayaw kitang pahirapan kaya kusa ko nang pinakuha ang mga gamit. Tsaka, hindi ba't sabi mo, puyat ka?" nakangiti niyang tanong sa akin.

 

"Pero hindi kita inutusan?" giit ko.

 

"I know, pero ako na mismo ang nagkusa kaya ayos na siguro." nakangiti niyang sagot.

 

"OO nga pero hindi mo sinabi sa akin." yamot kong sagot sa kanya

 

"Okay, sorry, hindi na mauulit. Ano ba ang pwede kong gawin para mapatawad mo ako?" nakangiti niyang sagot sa akin na para bang isa siyang maamong tupa.

 

Hindi kagaya ng dati kay bilis niyang magalit. Sa isang iglap, biglang nagbago ang lahat-lahat. Bigla siyang naging mabait sa akin

 

"Wala, pero next time huwag mo nang ulitin ha?" seryosong wika ko sa kanya.

 

"Opo...masusunod po, Precious." nakangiti niyang sagot. Muli akong napaismid.

 

"Friends?" nakangiti niyang bigkas sabay lahad ng kamay niya sa harapan ko. HIndi ko tuloy mapigilan ang matawa lalo na nang makita ko kung gaano ka-seryoso ang hitsura niya ngayun.

 

"Friends pero sa isang kondisyon. Ikaw ang magligpit niyan." nakangiti kong bigkas sabay turo sa mga pinagkainan namin. Muling gumuhit ang ngiti sa labi niya na siyang dahilan na para bang na starstruck akong napatitig sa kanya.

 

Shit, kapag mabait pala siya mas lalo siyang naging yummy. I mean, sana ganito na lang siya palagi. Sana hindi na magbago ang ugali niya para naman hindi na ako matakot pa sa kanya.

 

Mas gusto ko na ganito niya ako pakitunguhan. Mas gusto ko ganito siya kabait para hindi ako mailang sa kanya!

 

 

Chapter 156

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

MAS naging magaan ang buhay ko sa paglipas ng mga araw. Masasabi ko na malaki talaga ang naitulong sa akin sa pagkakasundo naming dalawa ni Lucian. Sa isang iglap, biglang naglaho ang takot ko sa kanya! Sa isang iglap, bigla din akong nagkaroon ng kaibigan sa katauhan niya.

 

Ininsist niya na isang linggo daw na bakasyon ang ibibigay niya sa akin dahil pumayag akong bumalik sa penthouse kung saan kami nakatira dati pero mas pinili ko ang tatlong araw na leave lang. Wala din naman akong gagawin sa penthouse liban sa tumunganga at maghintay ng oras.

 

Alam na din ni si Sapphire ang tungkol sa paglipat ko at sinabi niya sa akin na masaya daw siya sa naging desisyon ko. Dapat lang daw na tirhan ko ang penthouse dahil akin naman daw ito. Regalo sa akin ni Lucian noong maayos pa ang pagsasama namin.

 

Kaasalukuyan akong nag-aayos para sa pagpasok sa opisina nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell. Maliban kay Lucian at Sapphire, wala naman akong ibang inaasahan na dadalaw sa akin dito kaya dali-dali akong naglakad patungo sa pintuan at binuksan iyun.

 

"Yes?" seryosong tanong ko sa lalaking napagbuksan ko. Naka suot ito ng itim na suit at sa totoo lang, namumukhaan ko siya. Isa siya sa mga driver ni Lucian

 

"Good Morning, Ms. Amber. Inutusan po ako ni Boss Lucian na sunduin ka para ihatid sa opisina." wika nito sa akin na labis kong ikinagulat.

 

Wala sa usapan namin ito ni Lucian. Pumayag ako na tumira dito sa penthouse pero hindi nya nabangit sa akin na kailangan niyang mag-utos ng tao para sunduin ako at ihatid sa work. Masyado naman na yata niya akong ini-spoild!

 

"Nasaan po si Lucian?" nagtataka kong tanong. Gusto kong makasigurado bago ako sasama sa kanya! Baka mamaya nasa kotse tapos sabay kaming papasok sa opisina? Yari na naman ako nito sa mga tsismosa kong mga ka-officemates.

 

"Maaga pong umalis kanina ng bahay si Boss Lucian, Ms. Amber. May maaga siyang meeting kay Mr. Sy sa hotel De Ferrero. Inutusan niya po ako na sunduin kayo dahil bigla na lang bumubuhos ang ulan sa mga hindi inaasahang oras. Nag-aalala po si Boss Lucian na baka maabutan kayo ng ulan habang naghihintay ng masasakyan." nakangiti nitong paliwanag sa akin.

 

"Ganoon ba? Kung ganoon po, ready na ako. Alis na tayo." wika ko at muli akong pumasok sa loob ng penthouse para kunin ang handbag ko.

 

Tama ang driver nitong si Lucian. Pagkalabas kasi ng sasakyan sa kalsada, napansin ko ang manaka-nakang pag-ulan. Mukhang masama talaga ang panahon at mabuti na lang din at naisipan ni Lucian na ipasundo ako. Mahirap pa naman mag-abang ng taxi sa mga ganitong panahon.

 

Habang nasa biyahe, narinig ko ang pagtunog ng phone ko kaya dali-dali kong sinagot iyun lalo na nang mapansin ko na si Lucian ang tumatawag.

 

"Yes, Mr. Ferrero?" nakangiti kong sagot. SA ilang araw na nakakausap ko siya na para bang isa kaming magkaibigan, tuluyan nang naging palagay ang loob ko sa kanya! Wala na ang boundaries bagkos parang normal na lang sa aming dalawa ang mag-usap ng ganito ka-casual. Pero siyempre, kapag nasa opisina kami, ibang usapan na iyun. Kailangan ko siyang ituring na Boss ko. Kailangan kong ipakita sa lahat ng mga kasamahan namin sa trabaho na itinuturing kong Boss itong si Lucian.

 

"Nasa kotse ka na ba?" tanong niya naman kaagad sa akin. Ramdam ko din sa boses niya ang lambing kaya feeling ko kay ganda ng umaga ko.

 

"Ahmm, Yes. Medyo umaambon kaya thank you dahil pinasundo mo ako sa isa mga driver mo." nakangiti kong sagot sa kanya!

 

"Well, I have no choice, Hangat maari, ayaw kong mahirapan ka. By the way, after lunch pa ako makakapunta ng opisina kaya pahahatiran na lang kita ng pagkain. Huwag ka nang bumaba ng cafeteria para kumain ng lunch." seryoso niyang wika sa akin.

 

"Ha? Bakit naman? Tsaka, nag-abala ka pa talaga? Lucian, kaya ko na ang sarili ko. Hindi mo na dapat pang problemahin pati ang pagkain ko ng lunch." seryosong sagot ko sa kanya!

 

Sa tatlong araw na naka-leave ako wala din siyang ibang ginawa kundi ang padeliveran ako ng mga lutong mga pagkain. May mga stocks na ako na mga pagkain galing sa condo pero hindi ko maluto-luto dahil panay ang orders niya ng mga lutong pagkain sa mga sikat at mamahaling restaurant.

 

"I insist. Naorder ko na iyun at sayang naman kung hindi mo kakainin. Yayain mo na lang si Sapphire para may kasabay kang kumain mamaya." seryosong sambit niya bago niya pinatay ang tawag. Wala na akong nagawa pa kundi ang hayaan na siya. Bahala siya, masyado siyang maraming pera para gumastos nang gumastos sa mga pagkain ko.

 

 

Chapter 157

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"UYYY, dumating na ang bakasyonista. Imagine, three days nawala sa opisina? Ang lakas mo boi!" saktong pagkaupo ko sa aking pwesto nang marinig ko na naman ang patutsada ni Susan sa akin.

 

Alam kong ako ang pinaparingan niya dahil ako lang naman ang nagleave ng three days sa aming lahat dito.

 

"Naglipat ako ng tirahan at nagpaalam ako sa HR na magli-leave ako at pinayagan nila ako kaya wala naman sigurong problema iyun diba?" sagot ko din naman kaagad. Pagkatapos noon, parang wala lang na binuksan ko na ang computer na nasa harapan ko.

 

"Ang sabihin mo, masyado ka lang s**** p kaya lahat ng gusto mo, nasusunod. Sabagay, garida pala ng puhunan mo para makuha mo lahat ng gusto mo." sabat naman ni Anne.

 

Ang laki na talaga ng inggit nila sa akin.

 

Grabe ang mga ito. Hindi inaano pero parang gusto nilang ubusin ang pasensya ko.

 

"Tama na nga iyan. Ano ba kayo, Bakit si Amber na lang ang palagi niyong nakikita? Hindi niya kasalanan kung na-aapproved ang leave niya. Kung gusto niyo din mag-leave mag file din kayo. Malay niyo naman, maapproved din kayo.: "sabat naman ni Sapphire na ikinangiti ko.

 

Mabuti na lang talaga at may natira pang isang Sapphire na willing akong ipagtangol eh. Kung hindi, naku, lagot ako nito. Magkabati na nga kami ni Lucian tapos ayaw naman sa akin ng mga kasamahan ko dito sa department.

 

"Hayy naku, Sapphire. Kaya lumalaki ang ulo ng babaeng iyan dahil kinakampihan mo. Nakikipag-closed ka diyan baka mamaya mahawaan ka pa sa pagiging s** **p niyan." muling wika ni Susan.

 

"Hindi s****p si Amber. Ano ka ba Susan. Hindi ka naman inaano pero ang laki ng problema mo. Magtrabaho na nga tayo.

 

Baka mamaya makarating pa kay Mr. Ferrero na wala kayong ibang ginawa kundi ang magtsismisan, malilintikan pa tayong lahat eh." seryosonng wika ni Sapphire. Napansin ko pang sabay na napairap si Anne at Susan pero hindi ko na pinansin pa. Ayaw ko ng gulo kaya iiwas ako hangat kaya ko.

 

Mahigit isang buwan palang ako dito sa trabaho at isang beses pa lang akong sumahod at wala na din akong balak mag resign lalo na at magkasundo na kami ni Lucian.

 

Yes, sumahod na ako noong nakaraang araw at nangako ako kay Lucian na ililibre ko siya. Hindi ko lang alam kung kailan. Baka sa weekend na lang.

 

Mabuti na lang at hindi na nagsalita ulit sila Anne at Susan kaya naman itinoon ko na ang buo kong attention sa aking trabaho. Ganado ako ngayung magtrabaho dahil nakapag-pahinga ako ng three days.

 

Sa sobrang tutok ng mga mata ko sa harap ng computer, ni hindi ko na nga namalayan ang paglipas ng oras, Napaangat na lang ako ng tingin nang bigla na lang tawagin ni Ms. Mayette ang pangalan ko.

 

"Ms. Amber, may delivery ka." nakangiti nitong wika sa akin. Mabilis naman akong napatayo at naglakad palapit dito kung saan nasa harap ng table niya mismo ang delivery rider.

 

"Ms. Precious Amber Rodriguez po? Paki-received nalang po Mam. Bayad na po ito. " nakangiti nitong wika sa akin. Kaagad ko din pinirmahan ang papel na hawak niya.

 

"Thank you." nakangiti kong wika. Tuluyan ko na ding tinangap ang delivery. Ito iyun sinabi ni Lucian sa akin kanina na kakainin ko ngayung lunch time kaya naman hindi ko na kailangan pang bumaba ng cafeteria mamaya. Balak ko din itong i-share kina Sapphire at Ms. Mayette.

 

Sa muling pagbalik ko sa aking table, napansin ko pa ang nang-aarok na pagtitig sa akin nila Anne, Mary at Susan.

 

Wala nang ibang ginawang mabuti ang tatlong ito kundi bantayan ang kilos ko. Napansin ko din na sabay silang napa-ismid habang nakatitig sa hawak kong paper bag na may lamang pagkain.

 

Lalo ko kaya silang inggitin tapos isumbong ko sila kay Lucian? Hmmp, ang sasama ng mga ugali.

 

"Sapphire, sabay na tayong kumain ha? I have food oh?" nakangiti ko pang wika kay Sapphire sabay taas ng paper bag na hawak ko.

 

"Wow, talaga? Sige...pero kanino galing iyan? Umorder ka ba?" nakangiti nitong sagot sa akin.

 

"Nope! May nagbigay lang, Isang mabait na kakilala." nakangiti kong sambit..

 

"Mabait na kakilala or baka naman isang lalaking naakit niya na naman?" sabat naman ni Sušan. Talaga naman.

 

"Whatever! Basta may free food ako at masarap ito." nakalabi kong sagot sabay upo sa aking swivel chair. Naku, kaunting kaunti na lang talaga at papatulan ko na sila

 

 

Chapter 158

 

PRECIOUS AMBER RODRGIEUZ POV

 

KAGAYA ng naging plano ko, sila Sapphire at Ms. Mayette ang kasabay kong kumain ng lunch. Marami naman din kasi itong mga pagkain na binili sa akin ni Lucian at sobra-sobra pa nga sa amin. Kung naging mabait sana sila Mary, Anne at Susan sa akin, baka pati sila naambunan eh.

 

After namin kumain ng lunch, dumating din naman si Lucian galing sa labas. Napansin kong medyo stress ang mukha nito at nakasimangot.

 

Mukhang wala siya sa mood. Mukhang mainit ang ulo niya na labis kong ipinagtaka. Kanina lang, kausap ko siya tapos ngayun biglang nagbago na naman ang ihip ng hangin

 

Puntahan ko kaya siya sa office niya at tanungin? BAka kasi bigla na naman bumalik sa dati ang ugali niya eh. Hehehe!

 

Nasa ganoon akong pag-iisip nang bigla akong lapitan ni Ms. Mayette. Sinabi nito sa akin na pinapatawag daw ako ni Lucian.

 

Hindi ko tuloy mapigilan ang matuwa.

 

Kanina lang, iniisip ko na puntahan si Lucian sa loob ng opisina niya pero kusa niya na akong pinapatawag ngayun which is ver pabor sa akin. Matatanong ko siya kung bakit nakasimangot siya kanina.

 

"Sige po, Ms. Mayette. Thank you!" nakangiti kong wika. Ni hindi ko na pinansin pa na nang-aarok na pagtitig sa akin ng mga kasamahan kong tsismosa. Wala akong pakaialam sa kanila. Huwag na huwag nilang ubusin ang pasensya at kapag mainis ako sa kanila ng sobra, isusumbong ko talaga sila kay Lucian...

 

Direcho na akong naglakad patungo sa opisina ni Lucian. Kumatok lang ako ng tatlong beses bago ako tuloy-tuloy na pumasok sa loob kung saan naabutan ko siyang nakasndal sa kanyang swivel chair at nakapikit.

 

"Lucian.." tawag ko sa pangalan niya. Kaagad namang napadilat ang mga mata at direkta siyang tumitig sa akin.

 

"Precious!" sambit niya gamit ang seryoso niyang boses. Walang pag-aalinlangan na naglakad ako palapit sa kanya

 

"Ano ang nangyari? Bakit parang ang lungkot mo? May problema ba?" nakangiti kong tanong. Muli siyang pumikit sabay hilot niya sa sarili niyang sintido.

 

"Yeah, sobrang sakit ng ulo ko" seryoso niyang sambit. Parang may kung sino namang nagtulak sa isipan ko na maglakad patungo sa kanyang likuran at ako na mismo ang nagkusa na hilutin ang kanyang sintido.

 

Yes...ewan ko ba! First time ko itong gagawin sa tanang buhay ko kaya bahala na. Wala naman sigurong masama kung gagawin ko ito sa kanya diba? Makatulong man lang kahit na kaunti para maibasan ang stress na nararamdaman niya ngayun.

 

"Ahhh, ang sarap!" narinig kong mahina niyang sambit. Inumpisahan ko nang hagurin ang kanyang ulo gamit ang aking

dalawang kamay. Pinisil pisil ko din ang kanyang sintido.

 

"You like it?" malambing ang boses na tanong ko sa kanya!

 

"Super, I really love it" mahinang anas niya habang nakapikit siya. Hindi ko naman mapigilan ang muling mapangiti.

 

"Lucian, bakit ba sumakit ang ulo mo? Baka naman nalipasan ka ng gutom kaya ka ganito ngayun? Health is wealth kaya dapat ingatan mo ang sarili mo." muli kong sambit.

 

"Yeah...nag-iingat naman ako. Nagkataon lang kasi talaga na nagtalo kaming dalawa ni DAvid kanina." seryoso niyang bigkas. Natigilan naman ako.

 

Kung ganoon, may nakaaway nga siya. Kaya pala todo simangot siya kanina noong dumating siya.

 

"Si David? Bakit?" nagtataka kong tanong. Naramdaman ko ang paghawak niya sa dalawa kong palad gamit ang dalawa niyang kamay kaya naman natigil ako sa pagmamasahe ko sa kanya!

 

"Kinausap niya ako kanina, lalaki sa lalaki at nagpaalam siya sa akin na kung pwede ka ba niya daw ligawan ulit." seryoso niyang bigkas. Kaagad namang namilog ang mga mata ko sa gulat. Hindi ko kasi talaga inaasahan na marinig ko ito mula sa bibig niya eh.

 

"Of course, hindi ako pumayag. No and never!" muli niyang bigkas. Parang may kung anong mainit na bagay na biglang humaplos sa puso ko sa katagang binitiwan niya. Wala din naman akong balak na magpaligaw eh. Kahit na kay David or kahit na kaninong lalaki. Wala na akong balak pang pumasok sa isang seryosong relasyon. Sapat na sa akin na may isang Lucian na nag-aalaga sa akin ngayun....as a friend. hehehe!

 

 

 

 

 

©️Sagittarius 🧚🏻🧚‍♂️

 

 

Chapter 159

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ

 

"Mabuti naman at hindi ka pumayag dahil wala din naman akong balak na magpaligaw pa kahit na kanino. Mas gusto ko na kaya ang ganito, single at walang sakit ng ulo." nakangiti kong sagot kay Lucian! Mas lalo ko nang pinag-igihan ang pagmamasahe sa ulo niya para naman ma-impress din siya sa akin.

 

Tsaka, sa ganitong bagay lang ako makakabawi sa kanya. Sa sobrang dami niya nang naibigay sa akin, ito ang pagkakataon kong makabawi. Massage lang ang kaya kong ibigay sa kanya ngayun.

 

"Ahmmm, Tama ka! Huwag na huwag kang magpaligaw kahit na kanino. Hindi ka din pwedeng malapitan ng kahit na sinong lalaki maliban sa akin." narinig kong sambit niya. Hindi ko naman mapigilan ang matawa.

 

"Opo. Promise po..mas maganda kaya ang ganito..kaunti lang din ang kaibigan para walang sakit ng ulo." seryosong sambit ko.

 

"Yeah. Hindi mo kailangan ng maraming kaibigan para maging masaya. Kahit ako na lang, sasapat na." nakangisi niyang sambit.

 

Sa pagkakataon na ito, ramdam kong hindi na yata mainit ang ulo niya ah? Aba't parang nagdahilan lang yata ang Lucian na ito eh.

 

"Teka lang, kinain mo ba ang mga pagkain na pinadala ko kanina?" seryosong tanong niya. Nakangiti naman akong tumango.

 

"Yes...pero nag-share ako. Kina Sapphire at Ms. Mayette." nakangiting sagot ko.

 

"Good! At least may kasama ka kanina. Next time, kapag may biglaan akong meeting, isasama na kita." muli niyang bigkas. Wala sa sariling napahinto ako a pagmamasahe sa kanyang ulo at mabilis na humarap sa kanya!

 

"No! Hindi pwede! Mas lalo akong ma-tsismis diyan sa gagawin mong iyan eh."

 

reklamo ko sa kanya. Napansin kong kunot noo niya akong tinititigan.

 

'What? Tsismis? What do you mean?"

 

salubong ang kilay na tanong niya sa akin. Pilit naman akong ngumiti.

 

"Ah...ahmmm, Wala! Hehehe! Wala.... nagbibiro lang ako." natatawa kong sambit. Pagkatapos noon, inukupa ko ang upuan na nasa harap ng table niya sabay patong ng kamay ko sa ibabaw ng table.

 

"Ahmmn, akala ko kung ano na eh. Kung may problema, huwag kang mag-atubili na sabihin sa akin. Hindi ko pinapayagan ang kahit na sino na i-bully ka." seryosong sambit niya. Nakangiti naman akong tumango

 

"Opo! Malakas po ako sa inyo kaya walang dahilan para ilihim ko sa iyo ang mga ganiyang bagay." nakangiti kong sagot sa kanya. "Isa pa, wala din akong balak na magpa-bully kahit na kanino noh. Aba't sa sobrang lakas ko sa iyo, tanga na lang ako kung hindi ko papatulan ang mga taong gusto akong i-bully." dagdag ko pa.

 

 

"Mabuti at alam mo iyan. Parang tumatalino ka na yata ngayun, Precious ah?" natatawa niya namang sagot sa akin. Muli din akong natawa dahil sa sinabi niyang iyun.

 

Kay sarap pala niyang maging kaibigan kaysa maging live-in partner. Mas maganda pala ang ganito. Mas gentle din siya at ramdam ko ang pag-aalaga niya sa akin.

 

Actually, wala akong balak na lumabas ng opisina niya ngayun. WAla masyadong trabaho at ayos lang naman siguro kung tumambay ako dito sa loob. Kaya lang, wala sa sariling napalingon ako nang may biglang kumatok pintuan ng opisina nitong si Lucian.

 

"Yes?" narinig kong tanong ni Lucian sa kung sino ang nasa labas. Dahan-dahan naman bumukas ang pintuan at iniluwa si Ms. Mayette.

 

"Sir, nandito po sa labas si Ms. Jolina. Gusto daw po kayong makausap." wika ni Ms. Mayette. Napansin kong kaagad na nagsalubong ang kilay ni Lucian kaya naman hindi ko mapigilan ang mapataas ang kilay.

 

Si Jolina...noong nasa probensya pa ako at nag-aaral, nababalitaan ko na ang tungkol sa Jolina na iyan. Nali-link na siya kay Lucian pero wala namang matibay na basehan. Sa mahigit na isang buwan kong pagtatrabaho dito sa kumpanya ni Lucian, ngayun ko lang din narinig na dumalaw ang babaeng iyun dito sa ospisina niya.

 

"Nasa appointment list ko ba siya?"

 

seryosong tanong ni Lucian kay Ms. Mayette. Tahimik lang din naman akong nakaupo at hinihintay ang mga sumunod na kaganapan. Nagmumukha na akong tsismosa sa kanto dahil excited ako na makita din si Jolina ng malapitan.

 

"Wala po Sir. Hindi po siya kasama sa appointment list niyo ngayung araw." sagot naman ni Ms. Mayette. Ramdam ko ang kaba sa boses nito kaya at hindi ko siya masisisi. Lalo na at bigla na namang sumeryoso ang mukha ni Lucian habang kausap siya.

 

"Kung wala sa appointment list..hindi ko siya mahaharap at alam mo iyan noon pa, Ms. Mayette!" sa pakakataon na ito, mataas na ang boses ni Lucian. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiwi.

 

Bubuga na naman yata ng apoy ang dragon eh. Hayssst, dahil kay Jolina, mukhang kay bilis nagbago ng mood niya samantalang ayos naman sia kanina.

 

"Ahhmm, sorry po, Sir. Pasensya na po." sagot naman kaagad ni Ms. Mayette at mabilis na itong nagpaalam. Mabilis ang hakbang na naglakad ito palabas ng opisina.

 

Samantalang, kaagad namang dinampot ni Lucian ang telephone na nasa harapan niya at may tinawagan.

 

"Next time, huwag na huwag kayong magpaakyat ng kahit na sino sa opisina ko without any coordination of my Secretary. Naiintindihan niyo ba?" pasinghal na wika ni Lucian a kausap niya sa kabilang linya.

 

Mukhang direkta niyang tinawagan ang reception area sa ibaba. Hmmm, hindi pala welcome si Jolina dito sa opisina pero ang lakas ng loob ng umakyat.

 

 

Chapter 160

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"JOLINA, is your girlfriend, right?"

 

nakangiti kong tanong kay Lucian pagkatapos nitong makipag-usap at magalit habang kausap sa telepono ang nasa reception area.

 

"No! Sino naman ang nagsabi sa iyo na girlfriend ko ang babaeng iyun?" nakataas ang kilay na sagot niya. Hindi ko naman mapigilan ang matawa.

 

Kung kanina, galit na galit siya habang kausap ang receptionist bigla yatang nagbago ang ihip ng hangin. HIndi ko na siya nakikitaan ng galit bagkos kalmado na siya.

 

"Wala lang, Minsan ko kayong nakita na nagdi-date doon sa restaurant kung saan ako nagpa-partime before kaya akala ko talaga dyowa mo siya." natatawa kong sagot.

 

Ewan ko ba, bigla akong nakaramdam ng kaginhawaan ng kalooban sa kaalaman na wala siyang relasyon kay Jolina. So ibig sabihin, walang umaali-aligid na ibang babae dito kay Lucian kundi ako lang. Ako lang din yata ang friend niyang babae.

 

"Malabo kong maging girlfriend ang babaeng iyun dahil sa pangalan ko lang siya kilala. HIndi ko din siya nakakausap kaya tigilan mo na ang kakaisip ng kung ano pa man." salubong ang kilay na sagot niya sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapaismid.

 

"HIndi mo siya girlfriend pero may nangyari sa inyong dalawa?" lakas loob kong tanong. Ang magkakaibigan ay dapat open book. Walang sekre-sekreto dapat sa isa't isa.

 

"Nope. Wala! Wala! Teka lang, bakit ka nagtatanong ng mga ganitong bagay? Bakit parang interesado ka yata sa sex life ko?" puno ng pagtataka sa boses niya na tanong sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang matawa.

 

"Bakit nga ba? Kasi po, kilalang kilala kita. HIndi mo kayang mabuhay na walang babae sa paligid mo." sagot ko din naman na nilakipan ko pa ng tono ng pang -aasar ang boses ko. Muling napataas ang kilay niya sa sinabi kong iyun.

 

"Ahhh, ganoon. Kaya pala. Wel, Preicious, dati iyun. Nagbago na ako na ako ngayun. Hindi na ko mahilig sa mga babae at presenya mo lang, sapat na sa akin." nakangiti niyang wika sabay kindat. HIndi ko naman mapigilan ang matawa sabay tayo.

 

Shit, kinikilig ako sa sinabi niya at wala na akong balak pang magtagal dito sa loob ng opisina niya. Baka kasi kung saan pa mapunta itong pag-uusap naming ito eh.

 

"Hmpp, ewan ko sa iyo. Hindi kapani-paniwala." sagot ko naman at naglakad na ako patungo sa pintuan ng kanyang opisina.

 

"Hey, where are you going? Don't tell me na lalabas ka na kaagad?" nakataas ang kilay na tanong niya. Muli na naman akong akong natawa.

 

"At ano naman ang gagawin ko dito sa loob ng opisina, Mr. Ferrero? Hindi ako pwedeng tumambay dito maghapon dahil baka kung ano ang isipin ng mga kasamahan ko. Baka mamaya laman na ako ng tsismis sa buong paligid dahil dito ako nakatambay sa loob ng office mo." nakalabi kong sagot sa kanya.

 

"To hell that tsismis. Ako ang boss kaya ako ang masusunod. Now, sit down. Dito ka lang sa loob ng opisina ko." seryosong wika niya. Muli akong umiling.

 

"Sorry Boss, lalabas na ako. Ayaw kong maging unfair sa mga kasamahan ko. Tsaka ayaw ko din malugi ang kumpanya mo dahil sa akin. Imagine, dito lang ako sa loob ng ospina mo na walang ginagawa? Aba't masyado naman yata akong siniswerte noon." mahaba kong litanya. Kaagad naman siyang napailing.

 

"Whatever! Wala akong ibibigay na work sa iyo kaya wala ka din namang gagawin eh. Stay here. Stay beside me para naman may makakausap ako." seryosong wika niya pero hindi ko na siya pinakingan pa.

 

Direcho ko nang binuksan ang pintuan ng kanyang opisina, kumaway sa kanya bago tuluyang lumabas. Bago ko naisara ang pintuan, tinawag niya pa ang pangalan ko pero hindi ko na pinakingan pa. Ngingiti-ngiti akong naglakad patungo sa aking table kung saan bago ako naupo, nahuli ko pang tulala na nakatingin sa akin ang mga kasamahan kong mga tsismosa.

 

"Amber, ayos ka lang ba? Balita namin, galit daw si Mr. Ferrero. Pati yata si Ms. Mayette nasigawan kani-kanina lang." si Sapphire ang unang nagsallita.

 

"Ha? Ahmm, oo nga mainit ang ulo ni Sir. Pati nga ang taga reception area napagalitan eh. Paano ba naman kasi, pinaakyat nila si Jolina dito sa taas without the knowledge ni Ms. Mayette. Ayun, damay-damay sila. Mainit pa naman ang ulo ni Sir." nakangiti ko ding sagot.

 

Muli akong napatingin sa tatlong babaeng mainit din ang ulo sa akin at huling huli ko kung paano nila ako titigan. Na para bang may mali sa akin.

 

"Ako din napagalitan. Hayssst, parang gusto ko na ngang magresign eh. Hindi ko na kaya ang ugali ng boss natin. Basta na lang nagagalit na walang dahilan." muli kong bigkas pero sa pakakataon na ito, nilakipan ko na ng lungkot ang boses ko.

 

"Naku, huwag naman! Hindi ba't nasabi na ni Ms. Mayette na kapag pagalitan n Boss, ipasok sa isang tainga at ilabas sa kabila?" sagot ulit ni Sapphire sa akin.

 

"Oo nga pero hindi ko na kaya. Hirap na hirap na ako..." muli kong sagot. Kailangan kong galingan ang pagda-drama para hindi ako kaingitan ng mga kasama ko. Paano na lang kaya kung malaman nila na wala akong ibang ginawa sa loob ng opisina ni Lucian kundi ang maupo at makipag-kwentuhan lang. Tiyak akong tataas ang kilay nila.

 

"Ms. Precious, in my office! Now!" ganado na sana akong umakting nang biglang lumabas si Lucian at malakas ang boses na tinawag ang pangalan ko.

 

Narinig ko pa nga ang malakas na

pagsinghap ng mga kasamahan na palatadaan na nagulat din sila sa biglang paglabas ni Lucian sa lungga niya. Pigil ko tuloy ang matawa.

 

 

 

 

 

©️Sagittarius 🧚🏻🧚‍♂️

 

 

Chapter 161

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Miss Precious, do you hear me? In my office! Now!" muling wika ni Lucian gamit ang ma-awtoridad niyang boses na siyang naging dahilan kaya kanya-kanyang bisi-bisihan ang mga kasamahan ko sa harap ng computer nila.

 

Ni ang paglingon kay Lucian ay hindi na nila kayang gawin. Bigla din tumahimik ang buong paligid kaya naman hindi ko mapigilan ang mapasimangot na napatingin kay Lucian na noon ay nakatayo pa rin sa may pintuan ng kanyang opisina at nakahalukipkip na nakatitig sa akin.

 

"May tatapusin pa po akong trabaho, Sir. Pwede po bang mamaya na lang?" sagot ko din naman kaagad.

 

"NO! Kapag hindi ka pa tumayo diyan, sisisantehin ko lahat ng mga kasama mo! "seryoso niyang wika. SA nasabing iyun ni Lucian, sabay-sabay silang napatingin sa akin kaya pigil ko ang sarili kong

matawa.

 

Kaagad na din naman akong napatayo. Actually, wala naman talaga akong gagawin eh. Kunwari lang naman iyun para naman hindi ako pag-isipan ng hindi maganda ng mga kasamahan ko. Ayaw kong isipin nila na may favoritism ang Boss namin at ako iyun.

 

Kaswal akong naglakad patungo kay Lucian na noon ay nagmamadali nang pumasok sa loob ng kanyang opisina.

 

Ano kaya ng problema ng lalaking iyun?

 

Ang lakas ng tupak ha?

 

"Amber, pumasok ka na. Bakit ang init ng ulo ni Boss? Ang dami niya nang napagalitan ngayung araw kaya umayos ka. Madadamay pa kami niyan eh." narinig kong angal ni Susan. Natigil ako sa paghakbang at seryoso siyang hinarap.

 

"Kung gusto mo, ikaw ang pumasok sa loob. Gawin mo ang lahat para lumamig ang ulo ni Boss tutal naman mukha kang magaling eh." nakaingos kong wika. Ngayung nila subukan kung gaano sila katapang. Ngayun nila ipakita sa akin kung gaano sila ka-astig.

 

Takot naman pala mawalan ng trabaho tapos kapag maka-tsismis at maka deadma sa akin, wagas.

 

"Ikaw ang tinatawag ni Boss kaya ikaw ang dapat na pumunta sa kanya. BAka naman kasi palpak ka kaya mainit ni Boss sa iyo." nakaingos na sagot ni Susan sa akin. Hindi pa rin papigil ang bruha.

 

Sabununtan ko kaya tutal naman malakas ako kay Lucian. Kung sakaling manabunot ako ng kasamahan ko sa trabaho, hindi naman siguro ako sisisantihin ni Lucian eh. Friends na kaya kami at inaalagaan niya ako ngayun.

 

"Nagbago na ang isip ko. Ikaw na lang ang pumunta kay Boss, Susan. Tutal naman mukhang ang galing-galing mo!" nakasimangot kong wika.

 

"Ano ba? Kanina pa naghihintay si Boss sa iyo. Bakit ba ang arte mo? Puntahan mo na kasi siya." si Anne naman ang sumagot.

 

"Ayaw ko! Ayos na sa akin ang masi-sante sa work na ito. Hindi ko din naman feel ang environment kaya bukas na bukas din maghahanap na ako ng ibang trabaho." seryoso kong bikgas at muling naupo.

 

"Ano ba ang ginagawa mo, Amber? Kung hindi mo mahal ang trabahong ito, huwag mo kaming idamay. Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Boss kanina? Hindi siya nagbibiro. Tatangalin daw tayong lahat." sabat naman ni Mary. Hindi ko naman maiwasan na mapangisi.

 

"Eh, kung tangalin, di tangalin. Hanap ng ibang trabaho. Problema ba iyun!" nakataas ang kilay na sagot ko.

 

Naša mood ako ngayun para mang-asar kaya naman humanda sila. Tatakutin ko muna sila.

 

"Mabilis para sa iyo na sabihin iyan dahil mabilis ka lang makahanap ng trabaho? Paano naman kami?" seryosong sagot ni Susan. Sa pagkakataon na ito, kitang kita ko na ang kaba sa mukha niya.

 

Lihim naman akong natawa. Nang

mapatingin naman ako kay Sapphire, nag thumbs up pa ito sa akin kaya naman hindi ko na mapigilan ang mapangiti.

 

"Ms. Amber, tumawag ulit si Sir Lucian. Kanina ka pa hinihintay sa loob ng opisina. Puntahan mo na baka mas lalong uminit ang ulo." sabat naman ni Ms. Mayette. Mukhang nakabawi na ito kanina sa pananabon ni Lucian at ayos na ulit ngayun. Haysst, mahilig pa rin si Lucian manigaw ng mga empleyado niya. Akala ko talaga nagbago na siya eh.

 

Dahil si Miss Mayette na ang nagsalita, muli akong tumayo at naglakad patungo sa pintuan ng opisina ni Lucian. Hindi na ako kumatok pa at direcho na akong pumasok sa loob. Alam ko naman kasing kanina pa ako ini-expect nitong pasaway na si Lucian eh. Ano na naman kaya ang pag-uusapan namin? Hindi ba siya busy? Wala ba siyang importanteng trabahong gagawin at ang dami niyang oras para makipag-usap sa akin?

 

 

Chapter 162

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"LUCIAN, ano na naman ito? Bakit ba puro ka na lang tawag nang tawag?" seryosong tanong ko kay Lucian pagkapasok ko dito sa loob ng ospisina niya.

 

Nakaharap siya sa kanyang computer at halatang may trabaho siyang ginagawa pero nang marinig niya ang boses ko, kaagad siyang nag-angat ng tingin at direktang tumitig sa akin.

 

"Akala ko hindi ka susunod sa gusto ko eh. Dito ka lang sa opisina ko. Nakita mo ba ang mini-ref na iyan...maraming pagkain diyan. Mag-miryenda ka muna habang hinihintay ang mga pagkain na pinabili ko kay Ms. Mayette." seryoso niyang wika sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapataas ng kilay.

 

Pinapasok niya lang ako dito sa loob ng opisina niya para pa-miyendahin. Tsaka anong sabi niya...nagpabili na naman siya ng pagkain kay Ms. Mayette gayung

feeling ko nga hindi pa natunaw ang mga pagkain na kinain ko kanina eh.

 

Aba't masama ito! Bakit feeling ko gusto yata akong palubuhin nitong si Lucian ah?

 

"Busog pa ako eh. Lalo akong aantukin sa ginagawa mong iyan, Lucian eh." reklamo ko sa kanya.

 

'Eh di matulog ka. Problema ba iyun." seryosong sagot niya naman sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan na mapasimangot.

 

"Oras ng trabaho tapos patutulugin mo ako? Ang sama ng ugali mo. Kung alam ko lang na wala naman pala akong gagawin ngayung araw, ini-extend ko nalang dapat ang leave ko eh." reklamo ko sa kanya!

 

"Alam mo, ikaw lang yata ang taong kilala ko na gustong gusto magtrabaho kahit ayaw pagtrabahuin. Malapit na ang oras ng uwian at alanganin na kung papasahan pa kita ng trabaho. Baka hindi mo matapos on time. Ayaw mo naman siguro mag overtime diba?" seryosong tanong

niya sa akin. Kaagad naman akogng umiling.

 

"Ayaw ko talaga! Uuwi ako ng maaga ngayun. Gusto kong tapusin ang pelikula na pinapanood ko kagabi kaya hindi ako pwedeng mag overtime ngayung araw." nakalabi kong sagot sa kanya.

 

"The, sundin mo ang sinabi ko kani-kanina lang. Dito ka lang sa loob ng office ko, hintayin mong matapos ang oras ng work para makauwi na." nakangiti niyang sagot sa akin.

 

"Okay, sabi mo eh. Basta, walang kaltas sa sahod ito ha?" seryosong sagot ko. Kaagad naman siyang tumango.

 

"Walang kaltas sa sahod. Ako ang bahala sa iyo. Malakas ka sa akin eh." nakangiti niyang sagot kaya naman kaagad akong naglakad patungo sa mahabang sofa na nandito lang din sa loob ng opisina niya at naupo.

 

"Doon ka sa secret room para makatulog ka. Don't worry, wala akong balak na gapangin ka kaya wala kang dapat na ipag-aalala." natatawa niyang muling sambit. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiwi dahil sa sinabi niya.

 

Parang hindi CEO kung makapagsalita ng mga ganitong bagay eh.

 

"Dito na lang ako." sagot ko sa kanya,.

 

"Ma-iisturbo ka kapag may biglaang dumating na bisita. Tatapusin ko lang itong work ko tapos aalis din naman kaagad tayo kaya doon ka na sa secret room magpahinga." nakangiti niyang sagot sa akin.

 

"Bakit, saan tayo pupunta?" seryosong tanong ko.

 

"SA bahay nila Lolo at Lola. Doon tayo kakain ng dinner kaya ihanda mo ang sarili mo." nakangiti niyang sagot sa akin. Kaagad namang namilog ang mga mata ko sa gulat.

 

"What? Bakit doon? Tsaka, bakit kasama ako?" seryosong tanong ko.

 

"Bakit, bawal ba? Ikaw lang ang pwede kong isama doon kaya walang dahilan para tangihan mo ako. Sige na...pahinga ka na muna. Gigisingin na lang kita mamaya kapag alis na tayo." nakangiti niyang sagot sa akin.

 

"Hmmpp, kaya pala ayaw mo akong patrabahuin may iba ka pa lang balak eh. Bahala ka na nga!" nakasimangot kong wika at kaagad nang naglakad patungo sa secret door na sinasabi niya.

 

Dahil gusto ng Lucian na ito na magpahinga daw ako, eh magpapahinga talaga ako. Bahala na kung wala akong matinong trabaho na natapos ngayun., Tutal, siya ang Boss kaya dapat kong sundin ang kung ano ang nais niya.

 

Ayaw ko pa noon, present ako dito sa kumpanya tapos wala naman akong ginagawa.

 

Ibang klase din pala magmahal ng kaibigan itong si Lucian. Parang katulad lang sa dati...parang kagaya lang ang set-up namin ngayun noong mga panahon na magka-live-in pa kami. Habang oras kasi ng trabaho noon, hinahayaan niya akong matulog dito sa secret room niya.

 

Pagkatapos magigising na lang ako minsan na minumukbang niya ang hiyas ko.

 

Sa naisip kong iyun, wala sa sariling napahinto ako sa paghakbang. Parang gusto ko tuloy iuntog ang ulo ko sa mga naisip ko.

 

"Ano ba? Bakit ba naisip ko ang tungkol sa nakaraan namin? Gosh, iba naman ang noon at iba ang ngayun? Bakit ba ang tungkol sa mukbang ang biglang pumasok sa isipan ko? Ang laswa ko. Ang laswa ng takto ng utak ko. Nakakahiya!

 

 

 

 

 

 

©️Sagittarius 🧚🏻🧚‍♂️

 

Chapter 163

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

HINDI NAMAN ako nakatulog dahil kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isipan ko habang nandito ako sa secret room ni Lucian.

 

Hindi talaga ako comfortable lalo na at saksi itong secret room sa mga ginagawa namin ni Lucian dati.

 

Halos isang oras din akong nag stay dito sa loob ng secret room bago ako nagpasyang lumabas na. Kaya lang, akmang lalabas na sana ako nang matigilan ako dahil narinig kong may kausap si Lucian. Familiar sa akin ang boses ng kausap niya ngayun kaya muli kong isinara ang pintuan at nag-iwan lang ng kaunting awang para marinig ko ang kung ano man ang mga pinag-uusapan nila.

 

"Get lost! Hindi ba't sinabi ko sa iyo na huwag na huwag ka nang pumunta dito sa opisina ko? Hindi ka ba talaga titigil, David?" halata ang galit sa boses ni Lucian habang sinasabi ang katagang iyun.

 

"SAbihin mo sa akin kung nasaan si Amber para tumigil na ako, Uncle. Ano ba...kailan mo ba matatangap sa sarili mo na mahal ko si Amber!" seryosong sagot naman ni David. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapasinghap. Lalo na at mukhang ako yata ang topic nila ah?

 

"I don't care about your feelings, David. Hindi na pwede sa iyo si Precious kaya tumigil ka na. Tiigilan mo na siya..." seryosong sagot naman ni Lucian dito.

 

"At sino ang bagay kay Amber? Ikaw, Uncle? Pagkatapos ng lahat-lahat na ginawa sa kanya noon, balak mo na naman bang itali siya sa iyo? Balak mo na naman ba siyang ituring na isang bagay na pag-aari mo?" seryosong sagot naman ni David dito.

 

"Shut up! Sino ka para sabihin sa akin ang bagay na iyan? Ha???' galit na sigaw ni Lucian kasabay ng paghampas gamit ng kanyang kamay sa table nito. Sa boses nito halatang nasagad ni David ang pasensya nito.

 

"Nagsasabi lang ako ng totoo, Uncle. Tigilan mo na si Amber. Hindi mo siya pwedeng itago sa akin. Bakit ba ganiyan ka? Bakit mo idinadaan ang lahat sa dahas? Bakit hindi mo hayaan si Amber na magdesisyon ng sarili niya. Hayaan mo siyang pumili. Huwag mo siyang itago sa akin or kahit na kanino!" galit na wika din ni David. Ayaw niya din talagang patalo kaya hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng kaba.

 

Ayaw ko silang mag-away or magkasikatan dahil sa akin. Pero ano ba ang pwedeng gawin? Lalabas ba ako para awatin sila? Haysst, kay hirap magdesisyon.

 

"Hindi ko siya itinatago. Hindi ko din hinaharaas si Precious. Aware din ako sa mga pagkakamali na nagawa ko sa kanya noon kaya hindi mo na kailangan pang ipaalala sa akin ang isang nakaraan na labis kong pinagsisisihan. Ngayun, kung wala ka nang iba pang sasabihin, umalis ka na." seryoso pero puno ng panganib ang tono ng boses ni Lucian habang sinasabi ang katagang iyun.

 

"No Uncle! HIndi ako aalis hangat hindi mo inilalabas si Amber. Gusto ko siyang makita. Hayaan mong makausap ko siya. Huwag mo naman sana siyang kontrolin at huwag mo siyang gawing bilango para lang masunod ang nais mo!" galit na sigaw din pabalik ni David. Matapang din talaga! Ayaw din paawat.

 

"Pwede mong kunin sa akin lahat nang naibigay mo pero hindi ako susuko hangat hindi maging akin ulit si Amber. Kukunin ko siya sa iyo, Uncle. Gagawin ko ang lahat para matutunan niya ulit akong mahalin. Kagaya ng dati...mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya at sana huwag ikaw ang maging hadlang ng lahat-lahat!

 

"seryosong wika ni David.

 

Kasunod noon, katahimikan ang bumaha sa buong paligid. HIndi na sumagot pa si Lucian pero ramdam ko pa rin ang tension sa buong paligid. Alam kong nandito pa rin sa loob ng opisina si David dahil hindi ko pa naririnig na bumukas at sumara ang pintuan ng opisina.

 

Well, hindi naman nagtagal ang katahimikan sa buong paligid dahil narinig kong muling nagsalita si Lucian. Sa pagkakataon na ito, mahinahon na ito na labis kong ipinagpasalamat.

 

"Okay, fine! Gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin. Pero isa lang ang sinisigurado ko sa iyo, David! Hindi ko siya isusuko sa iyo. Kung mahalaga sa puso mo si Precious, ganoon din ako sa kanya at ipaglalaban ko siya. Makasarili na kung sa makasarili pero hindi ko hahayaan na makalapit ka sa kanya!" seryosong wika ni Lucian dito.

 

Hindi ko tuloy malaman kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niya ngayun. Gosh, talaga bang pinag-aagawan nila ako? Ah eh di ang haba pala ng hair ko ngayun?

 

 

 

Chapter 164

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"May the best man win, Uncle!" huling katagang narinig ko mula kay David bago ko narinig ang pagbukas sara ng pintuan ng opisina. Palatandaan na umalis na siya. Mabuti na din kung ganoon. Baka kasi kapag magtagal pa siya dito sa opisina ni Lucian, magkasikatan pa silang mag tiyuhin.

 

Haysstt, hindi yata nakakatuwa ang ganito. Ano ba ang nakain nitong si David at bakit gusto niya na naman ako ngayung ligawan? Hiwalay na kami tapos gusto niyang ibalik ang relasyon namin na malabo nang mangyari.

 

Ayaw ko na sa kanya! Simula noong naghiwalay kami, tuluyan na ding naglaho ang pagtingin na nararamdaman ko sa kanya. Hindi na kami pwede at wala na din akong balak pang tumangap ng manliligaw.

 

Naku, talaga naman! Kay hirap ng ganito. Siguro, didikit na lang ako palagi kay Lucian para hindi na ako na malapitan pa ng David na iyun kahit kailan. At least kay Lucian, naging palagay na ang loob ko sa kanya at nangako na siya sa akin na hindi niya na uulitin ang mga nagawa niyang pagkakamali noon.

 

Tsaka, ngayun pa ba ako iiwas kay Lucian gayung ramdam ko ang pag-aalaga niya sa akin? Ayaw ko nang mag-isip pa ng mga negatibong bagay at sa lahat ng mga lalaki dito sa mundo, si Lucian pa rin ang pipiliin ko. Sinaktan niya man ako noon, pero nagbago naman siya ngayun at pinaramdam niya sa akin kung gaano ako kahalaga.

 

Sa naisip kong iyun, dali-dali akong bumalik ng kama at nahiga. Mamaya na lang ako lalabas para isipin ni Lucian na hindi ako aware sa pagdating ni David kanina. Ayaw ko nang magtanong pa tungkol doon at ayaw ko na ding pag-usapan pa iyun.

 

Sa paghiga ko ng kama, hindi ko na tuloy namalayan pa na nakatulog na pala ako. Muli akong nagising na feeling ko hindi

na ako nag-iisa sa silid at nang imulat ko ang aking mga mata hindi ko pa nga maiwasan na magulat nang una kong masilayan si Lucian.

 

Dali-dali tuloy akong napabangon sa gulat.

 

"Hala, anong oras na? Napasarap yata ang tulog ko!" bigkas ko at dali-dali kong tiningnan ang suot kong relo at ganoon na lang ang gulat ko nang mapansin ko na halos alas siyete na ng gabi.

 

Yes, gabi na pala at hindi ko man lang namalayan. Napahimbing ako sa pagtulog which is sobrang nakakahiya dito kay Lucian.

 

"I'm glad dahil nakatulog ka ng maayos." nakangiit nitong wika sa akin.

 

"Naku, sorry Lucian. Napasarap ang tulog ko. Teka lang, hindi ba't may pupuntahan tayo?" seryoso kong tanong sa kanya. Sobrang nagi-guilty talaga ako. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ba naging palagay ang loob ko sa silid na ito at napahaba pa ang tulog ko?

 

"It's okay. Cancelled na iyun kaya naman hindi na kailangan." nakangiti niyang sagot sa akin. Hindi naman ako nakaimik. Sobrang nagi-guilty pa rin ako dahil alam kong late na siguro kaya cancelled na. Sabagay, bakit kasi hindi niya ako ginising?

 

"Cancelled na? Kung ganoon, wala na tayong pupuntahan ngayung gabi?" kaswal kong tanong sa kanya. Kaagad naman siyang tumango

 

"Kung ganoon, pwede ko na palang tuparin ang pangako ko sa iyo na ililibre kita?" tanong ko sa kanya. Napansin kong kaagad namang nagsalubong ang kilay niya.

 

"What do you mean?" seryosong tanong niya sa akin.

 

"Naisip ko lang..hindi ba't nakapangako ako sa iyo na ililibre kita sa unang sweldo ko? Sumweldo na ako kaya pwede na kitang ilibre ngayun." nakangiit kong sagot.

 

"Well, talaga? Aba at hindi ko tatangihan iyan." nakangiting sagot niya.

 

Hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng kilig. Imagine, pumayag siya. Nang ganoon kabilis?

 

"Kung ganoon, ano pa ang hinihintay natin? Tara na?" ngiting ngiti kong sagot sa kanya.

 

May idea na ako kung saan ko siya dadalhin at excited na akong makita kung ano ang magiging reaction niya.

 

"Well, let's go! Excited na ako. Kung nagkataon, first time ko itong maranasan na may nanglibre sa akin." nakangiti niyang sagot.

 

Nagpatiuna na akong naglakad sa kanya palabas ng secret room. Mukhang kaming dalawa na lang ni Lucian ang naiwan dito sa opisina. Napansin ko pa nga ang bag ko na nakapatong sa ibabaw ng table niya kaya dali-dali kong dinampot iyun at nagpatiuna nang naglakad palabas ng opisina.

 

Katahimikan ang bumungad sa akin.

 

Nakauwi na nga lahat ng empleyado at kaming dalawa nalang yata ni Lucian ang naririto.

 

Yes..imagine, kaming dalawa na lang ni Lucian ang naririto pero ni kahit na kaunti, wala akong naramdamang takot. Alam ko sa sarili ko na hangat kasama ko siya, safe ako. Alam kong hindi ako papabayaan ni Lucian at hindi siya gagawa ng mga bagay na muli akong masasaktan.

 

Panghahawakan ko ang pangako niya sa akin na babawi siya sa lahat ng mga kasalanan na nagawa niya sa akin noon at alam kong tutuparin niya iyun....

 

 

 

 

 

©️Sagittarius 🧚🏻🧚‍♂️

 

Chapter 165

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"TRY THIS!" buong pagkasabik kong bigkas kay Lucian sabay subo sa kanya ng hawak kong binalatan kong balot. Hindi talaga siya nakailag nang bigla ko na lang isinalpak sa bibig niya kaya naman kaagad na nagsalubong ang kilay niya sabay takip sa sarili niyang ilong.

 

Nandito kami sa isang park kung saan makikita ang mga pami-pamilyang namamasyal. Ang iba pa nga ay naglatag ng banig sa damuhan habang may mga pagkain sa harapan nila. Pami-pamilya ang naririto pero may ilan din sa mga magkasintahan yatang naliligaw.

 

Alam kong first time ni Lucian ang pumunta sa mga ganitong lugar. Pero wala siyang nagawa nang sabihin ko sa kanya kanina pagkalabas namin ng opisina na dito ko gustong pumunta.

 

May nabili kaming parang plastic na inilatag din namin sa damuhan kung saan nasa harapan din namin ang iba't i bang street foods na binili namin kanina. Nakiki picnik din kami kasama ng iba pang mga tao na naririto.

 

"Ahhh. God! What is this? Smell like a rotten something? Eeewww!" narinig kong reklamo ni Lucian. Hindi na siya nakatiis pa at dali-dali siyang kumuha ng tissue at iniluwa ang balot na nasa bibig niya. Buo na nga ang sisiw at nang titigan nito ang kung anong isinubo ko sa kanya kanina, gulat siyang nakatitig sa akin.

 

"That is balot! Ano ka ba? Nasaan ka ba noong mga kabataan mo? Huwag mong sabihin na hindi ka nabigyan ng chance na magbulakbol kasama ang mga barkada mo?" natatawa kong sagot. Kumuha ako ng isang stick na isaw at mabilis iyung isinubo. Napansin kong lalo siyang napapangiwi habang nakatitig sa akin.

 

"Ano ba iyang kinakain mo, Precious? Hindi ba sasakit ang tiyan mo niyan?"

 

seryosong bigkas niya. Sa bawat pagkagat ko sa isaw na nasa stick kitang kita ko ang pagkamangha sa hitsura niya.

 

"Masarap kaya! Actually, iyung una kong sinubo sa iyo kanina, balot iyun. Meaning, fertilized developing egg emboryo. Don't worry, safe pa kainin iyun pero hindi ko din kayang kumain ng ganoon kaya ibinigay ko na sa iyo." natatawa kong sagot sa kanya.

 

"That's disgusting, Precious. Oh come on, don't do it again." seryosong sambit niya. Nginitian ko lang siya sabay abot sa kanya ng tokneneng na kasama ko sa mga nabili kanina.

 

"Try this. Masarap ito. This is egg lang naman. Luto ito kaya tikman mo." nakangiti kong wika sa kanya!

 

"Sorry, ayaw ko. Hindi ko kaya! Kung gusto mong tumambay sa ganitong lugar, ayos lang. Mapapadala na lang ako ng matinong pagkain dito." seryosong sambit niya. Hindi ko naman mapigilan ang mapasimangot

 

"Hmp, supposed to be ako ang manlilibre sa iyo pero hindi mo gusto. Nakakalungkot naman. Nag effort pa naman ako tapos ayaw mo pala."

 

nakaingos kong bigkas. Napansin kong natigilan naman siya habang titig na titig siya sa akin.

 

"Hindi ako sanay kumain ng mga ganiyang pagkain. Lumaki at nagkaisip ako sa Australia kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na magbulakbol kasama ang mga kasing edad ko and kumain ng mga street foods sa tabi-tabi." seryosong wika niya sa akin. Natigilan naman ako. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya at nang mapansin ko ang lungkot na nakaguhit sa mga mata niya, hindi ko mapigilan ang magtaka.

 

"Ganoon ba? Pero masaya naman ang naging teenage life mo?" nakangiti kong tanong sa kanya.

 

"Nope! Lumaki ako na walang ibang inaasahan kundi sarili ko lang. Look, bata pa lang ako, hiwalay na ang mga magulang ko. Ilang beses din nag-asawa si Mommy pero laging failure. Hanggang sa nagsawa na siya sa papalit-palit ng lalaki at umuwi na siya dito sa Pinas.

 

Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. Wala akong idea sa buo niyang pagkatao. Basta ang alam ko lang na isa siyang Ferrero at isa siyang business tycoon. Isang Ferrero na hindi basta-basta malapitan ng kahit na sinong ordinaryong tao dahil sa kanyang weatlh, influence at powerful impact sa business world.

 

Kahit ako...hindi ko din masabi kung swerte bang matawag na nakalapit ako sa kanya. Nag start sa pagbenta ko ng sarili kong katawan sa kanya ang lahat-lahat at ngayung friends na daw kami. Pagkatapos ng masasakit na mga pinagdaanan ko sa mga kamay niya, heto ako...kasama pa rin siya pero hindi na kagaya ng dati.

 

Ramdam ko na ang respito mula sa kanya na never kong naramdaman noong bayad ang katawan ko.

 

"How about your Dad?" seryosong tanong ko sa kanya.

 

 

Chapter 166

 

PREICIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"HOW about your Dad? I mean, sorry sa tanong ko. Okay lang naman sa akin kung ayaw mong magkwento eh. Walang problema. Nagkataon lang kasi talaga na curious ako lalo na at nag start ka nang magkwento." seryosong bigkas ko. Muli siyang napatitig sa malayo habang nababanaag ko pa rin sa mga mata niya ang matinding lungkot.

 

"Ganoon din si Dad! Kung sinu-sinong babae ang inasawa niya dati hanggang sa isang araw, nahawaan siya ng isa niyang babae ng sakit at naging dahilan ng kanyang maagang pagpanaw." seryosong sagot niya sa akin. Lalo naman akong nagulat dahil sa narinig.

 

"Palekero kasi eh. Hindi kayang panindigan ang binuong pamilya at hindi makontento sa iisang babae kaya maagang na-karma at maagang namaalam dito sa mundo." seryoso niyang bigkas.

 

"Sorry...hindi ako alam." seryosong bigkas ko. Hindi ko naman din talaga alam ang tungkol dito dahil kahit na gaano pa kayaman at kakilala sa lipunan ang pamilya nila, walang napapabalitang mga ganitong bagay.

 

"Yeah...maliban sa buong pamilya, walang ibang nakakaalam nito kundi ikaw pa lang." nakangiti niyang sagot sa akin.

 

"Ha? A-ano ang ibig mong sabihin?" seryosong tanong ko.

 

"Congratulations, Precious! Ikaw pa lang ang nag-iisang walang dugong Ferrero ang nakakaalam ng sekreto ng pamilya namin. Talagang itinago sa media at sa lahat ang dahilan na pagkamatay ni Daddy dahil malaking kahihiyan iyun sa pamilya namin.

 

Yeah...nasa amin na ang lahat...ang akala ng lahat isa kaming perpektong pamilya na tinitingala ng lipunan pero hindi nila alam na may malaking sekreto pala ang nakatago sa amin. Sekreto na isinama na namin sa hukay ni Daddy." seryosong

muling bigkas niya. Hindi naman ako nakaimik.

 

Gosh, naisip ko lang, talaga bang pinagkakatiwalaan ako ni Lucian? Paano niya naatim na sabihin sa akin ang tungkol dito? Paano kung mag leak ang kwentong ito? Eh, ako ang mapagbintangan kasi ako lang pala ang outsider na nakakaalam?

 

"I am sorry. Dapat pala hindi mo na lang kinwento sa akin. Bigla tuloy akong natakot." wala sa sariling sambit ko habang hindi ko maalis-alis ang pagkakatitig sa kanya! Napansin kong muli siyyang napatitig sa akin kasabay ng paguhit ng ngiti sa labi niya.

 

"Bakit mo naman nasabi ang tungkol sa bagay na iyan? Look, kaya ko ito naikwento sa iyo dahil hindi ka na iba sa akin. Ikaw ang nag-iisang Precious ng buhay ko at masaya ako sa tuwing kasama ka." nakangiti niyang bigkas. HIndi ko naman mapigilan ang mapangiti dahil sa sinabi niya.

 

Grabe siya...kinilig ako doon ah.

 

"Okay...pero promise, safe sa akin ang sekreto ng pamilya mo kaya wala kang dapat na ipag-alala." nakangiti kong wika at itinaas ko pa ang kanan kong kamay na para bang nanunumpa.

 

Hindi ko pa nga maiwasan na magulat nang natatawa niyang hinawakan ang kamay kong nakataas at ibinaba iyun.

 

"Hindi mo kailangang gawin iyan. Wala akong pakialam kung kakalat man ang sekreto ng pamilya namin. Pwede mong ikwento kahit kanino kung gusto mo." nakangiti niyang sagot. Hindi ko naman mapigilan ang matawa.

 

"Sira! Ano ang palagay mo sa akin, tsimosa?" nakataas ang kilay na tanong ko.

 

"Hindi ba?" seryosong sagot niya. Hindi ko naman mapigilan ang mapasimangot

 

"Wala akong ibang close friends maliban sa iyo, kay Sapphire at kay Risa. Si Ruby naman hindi na nagpapakita sa akin. Si Ms. Mayette naman although nakakausap ko siya sa opisina pero hindi ko masabi na friends kami. Iyung mga kasamahan ko sa department, feeling ko ayaw nila sa akin dahil napapansin yata nila na favorite mo ako." pabiro kong bigkas. Natawa naman ito habang seryoso siyang nakatitig sa akin.

 

"Binu-bully ka ba nila?" tanong niya.

 

"Sino? Iyung mga kasamahan ko sa department? Hindi pa naman pero palagi nila akong pinaparingan." sagot ko naman kaagad sa kanya

 

"Like what?" tanong niya.

 

"Like, inaakit daw kita." nakangiwi kong sagot. Nagulat na lang ako nang malakas siyang tumawa. Tawa na akala mo hindi siya isang CEO ng isang multi million company.

 

"Lucian, ano ang nakakatawa sa sinabi ko? Sira ka talaga!" nakangiti kong bigkas. Nakakahawa ang tawa niya. Actually ngayun ko lang siya nakita na tumawa ng ganito at nakakagaan pala ng kalooban.

 

Imagine, napatawa ko lang naman ang CEO ng kumpanya kung saan ako nagtatrabaho. Ang taong halos kinatatakutan ng lahat. Aba't malaking achievement sa akin iyun.

 

"Sino ang may sabi na nilalandi mo ako?" nakangiti niyang tanong sa akin. Kahit na nakangiti siya, hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng kaba. Ayaw kong may masesante dahil sa akin noh. Hindi ako ganoon kasamang tao para ipahamak ang kapwa ko.

 

"Ha? Naku, huwag na! Ayos lang naman! Kaya ko pa naman i-handle eh." nakangiti kong sagot sa kanya.

 

"Precious, sabihin mo sa akin...sino siya? Para naman aware din ako lalo na at nasa loob pala siya ng kumpanya ko." seryosong bigkas niya.

 

"Bakit ba kasi? Ano ba kasi ang gagawin mo kung sakaling malaman mo kung sino siya?" tanong ko din naman kaagad.

 

Hindi niya ako sinagot bagkos makahulugan niya akong nginitian.

 

Sisesantihin mo siya?" namimilog ang mga matang tanong ko.

 

"Nope...ipo-promote ko siya." nakangisi nitong sagot na labis kong ikinagulat.

 

 

 

 

 

 

©️Sagittarius 🧚🏻🧚‍♂️

 

 

Chapter 167

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"LUCIAN....ang sama mo!" angal ko kaagad sa kanya. Pabiro ko pa siyang nahampas sa kanyang balikat dahil sa labis kong pagkagulat.

 

Imagine, ipo-promote niya daw sa posisyon? Akala ko ba ako ang mas mahalaga sa kanya? Akala ko pa naman ayaw niyang may mang-api sa akin pero bakit ganito ang naging sagot niya sa akin?

 

"Hey, nagbibiro lang ako. Of course, hindi ako papayag na may mang-api sa iyo. Sabihin mo sa akin kung sino iyang nang tsismis sa iyo para madisiplina ko." nakangiti niyang sagot sa akin.

 

"Talaga? Hmp, mabuti at sinabi mo kaagad sa akin ngayun na nagbibiro ka lang kung hindi, hindi na talaga ako makikipagbati sa iyo" nakaingos kong sagot sa kanya. Pagkatapos noon, buong paglalambing na humawak ako sa kanyang braso at inihilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

 

 

Haystt, hindi ko akalain na darating ako sa ganitong punto. Na muli akong magtiwala ulit sa taong labis na nanakit sa akin noon.

 

"Mas masarap palang magmahal si Lucian bilang kaibigan kaysa bilang karelasyon. Sana lang talaga tuloy-tuloy kaming ganito. Sana lang talaga wala nang problema pa na dumating sa buhay namin.,

 

Ayaw ko na ng gulo. Mas gusto ko na lang ng tahimik na buhay. Kakaunting mga kaibigan pero lahat sila ay tunay na mga tao at tapat sa akin. Iyung hindi ako pina-plastic.

 

Naramdaman ko naman ang pagkabig ni Lucian sa akin kaya lalo akong napasiksik sa kanya. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kalangitan. May mangilan-ilan akong nakikitang mga bituin na nagkalat sa kalangitan kaya hindi ko mapigilan ang mapangiti.

 

"May out of the country ako ngayung end of the month. Gusto mo bang sumama sa akin?" maya-maya, narinig kong tanong niya sa akin gamit ang malumanay niyang boses. Wala sa sariling napaayos

ako ng upo at tumitig sa kanya.

 

"Talaga? Saang bansa?" excited kong tanong sa kanya.

 

"Japan." maiksing sagot niya sa akin kaya kaagad na namilog ang mga mata ko sa dahil matinding excitement. Iyan pa naman ang bansang pangarap kong pasyalan. Haysst, seryoso kaya siya sa pagyayaya niya sa akin na isama ako? Sana seryoso siya. Tiyak kasi ako na kapag itong si Lucian ang kasama ko, libre ako sa lahat.

 

"Gusto kong sumama kaya lang wala pa akong passport eh." nakalabi kong sagot sa kanya.

 

"Well, kung gusto mong sumama walang problema sa passport. Pwede kong ipa-process kaagad iyan sa abogado ko." nakangiti niyang sagot sa akin.

 

Lalong bumaha ang tuwa sa puso ko. HIndi ako makapaniwala na ganito siya kabilis kausap.

 

"Talaga? As in, seryoso?" excited kong bigkas. Nakangiti naman siyang tumango.

 

"Bakit, kailan ba ako nagbiro sa iyo? Of course, seryosong seryoso ako. Actually, nag-aalala nga ako na baka hindi ka papayag na sumama sa akin eh. Kailangan ko talaga ng isa pang staff na sasama sa akin dahil may mga business meetings/conference akong pupuntahan." nakangiti niyang sagot.

 

"Eh, bakit hindi mo isama si Ms. Mayette? Secretary pala ang kailangan mo eh. Kinakabahan na ako. Baka kasi hindi ko makayanan ang responsibilidad ng isang secretary." seryosong sambit ko.

 

"Don't worry! Kayang kaya mo iyan. Ako ang bahala sa iyo. Tsaka, hindi pwede si Ms. Mayette dahil starting next week, effective na ang resignation niya dahil kailangan niyang asikasuhin ang nalalapit niyang kasal." nakangiti niyang sagot.

 

"Talaga? I mean..ikakasal na si Ms. Mayette?" gulat kong tanong.

 

"Yeah...bakit hindi niya ba nababangit sa inyo?" kunot noo niyang sagot sa akin. Kaagad naman akong umiling.

 

"Ikakasal na siya. Namumroblema nga ako ngayun kung sino ang papalit sa pwesto niya eh. Ikaw na lang kaya, Precious." nakangiti niyang wika na labis kong ikinagulat.

 

Nakikita ko kasi kung gaano kaabala si Ms. Mayette araw-araw kaya alam kong hindi biro ang trabaho ng isang Secretary nitong si Lucian. Natatakot akong baka hindi ko kayanin.

 

"Kaya ko ba? Naku, baka naman papalpak ako sa trabahong iyan. Hanap ka na lang kaya ng iba. Iyung mas hamak na professional at may experience sa ganiyang trabaho." seryosong sagot ko na sinabayan ko pa ng sunod-sunod na pag-iling.

 

Ayaw kong maging Secretary niya dahil baka pumalpak lang ako. BAka sa trabaho pang iyan magkakasira ang maayos na samahan namin ngayun. Siyempre, kung papalpak ako, tiyak akong kagaya ng ibang mga empleyado diyan, masisigawan din niya ako kapag may mali sa trabaho ko tapos sasama ang loob ko. Hanggang sa hindi ko na siya kikibuin at tuluyan nang masira ang pagkakaibigan namin.

 

"Kayang kaya mo iyan. Don't worry, ako ang bahal sa iyo." seryosong sagot niya din naman sa akin. Hinawakan niya pa ako sa aking kamay at pinisil iyun.

 

"Walang ibang mas qualified na maging secretay ko kundi ikaw lang. Tsaka, kung hindi mo kaya ang trabaho pwede naman akong kumuha ng isa pa. Huwag kang mag -alala hindi din naman ako papayag na mahirapan ka sa trabahong iyan eh. Pangako, aalalayan kita sa abot ng aking makakaya." nakangiti niyang sagot sa akin.

 

Wala na akong nagawa pa kundi ang pikit matang pumayag. Well, may magagawa pa ba ako? Mapilit siya eh. Kung maging secretary ako nitong si Lucian, tiyak akong tataas din ang ranggo ko sa kumpanya at higit sa lahat, tataas din ang sahod ko....

 

 

Chapter 168

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Kakausapin ko si Ms. Mayette na simula bukas, kailangan ka na niyang turuan sa mga trabaho na dapat mong matutunan."

 

nakangiti niyang muling bigkas pagkatapos kong magpahayag ng pagpayag sa alok niyang maging secretary niya. Nakangiti naman akong tumango.

 

"So, I think we need to go! Kakain pa tayo..." muli niyang bigkas. Wala sa sariling napatitig ako sa mga street foods na binili ko kanina bago ako tumango. Ayaw ko nang pilitin si Lucian na kainin ito. Baka kasi sumakit ang tiyan niya at ako pa ang masisisi sa bandang huli. Kailangan ko din irespito ang gusto niya kagaya ng ipinapakita niyang respito sa akin ngayun.

 

"Okay." nakangiti kong sagot at nauna na nga siyang tumayo tapos inalalayan niya pa nga ako na makatayo. Siya na din ang dumampot sa mga street foods na binili ko kanina tapos tinawag niya ang tagalinis at iniabot niya iyun kasama ang ilang pirasong papel.

 

"Sa amin na ito, Sir? Naku, thank you Sir.

 

"narinig ko pang wika ng taga linis pero tanging pagtango lang ang naging sagot ni Lucian. Pagkatapos, hinawakan niya sa aking kamay at sabay na kaming naglakad patungo sa parking area ng nasabing park.

 

Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasan na makaramdam ng proud kay Lucian. Mabait naman pala talaga siya eh. Mukha lang siyang masungit dahil palaging seryoso ang mukha niya pero alam kong may mabuti siyang kalooban.

 

Pagkasakay namin ng kotse, dumaan muna kami sa isang restaurant para kumain pagkatapos noon, inihatid na ako ni Lucian sa aking penthouse. Hanggang pintuan ng penthouse ang ginawa niyang paghatid sa akin. Hindi na siya pumasok sa loob dahil gusto niyang makapagpahinga na din ako.

 

Oh diba, ang sweet niya. Kaya nga tuluyang nakuha niya ang tiwala ko dahil sa mga ginagawa niyang ito sa akin eh. Feeling ko, super special ko sa kanya.

 

 

Magaan sa kalooban na natulog at nagising kinabukasan na may ngiti sa labi. Dali-dali akong gumayak para pumasok ng opisina. Ngayun ang unang araw ng training ko at hindi ko bibiguin si Lucian. Magiging isa akong magaling na secretary.

 

Isang slice ng white bread na nilagyan ng cheese spread at isang tasang kape ang kinain kong almusal at ilang saglit lang, nagkukumahog na akong lumabas ng aking penthouse. Hindi na ako nagulat pa nang pagkalabas ko, tumampad sa paningin ko ang isa sa mga driver ni Lucian na matiyagang naghihintay sa akin. Kailangan ko na yatang sanayin ang sarili ko na tuwing umaga, may susundo sa akin dito sa penthouse na tao ni Lucian para ihatid ako ng opisina.

 

Aminado ako na mas lalong naging magaan ang buhay ko simula noong nagkabati kami ni Lucian kaya naman alam kong wala akong dapat pagsisisihan sa mga desisyon ko ngayun. Nagbago na si Lucian at hindi niya ako sasaktan pa kahit na ano ang mangyari.

 

Dahil may sundo ako, maayos akong nakarating ng opisina. Actually, ako ang pinakauna na dumating kaya pumwesto na muna ako sa aking table. Kagabi lang namin napag-usapan ni Lucian ang tungkol sa pagiging secretary ko at hindi pa alam ni Ms. Mayette iyun kaya naman maghihintay ako ng formal na order mula kay Lucian ngayung araw

 

Dahil maaga ako at ako ang pinakaunang dumating sa aming department, inabala ko ang sarili ko sa kaka browse ng mga files na nasa harapan ko. Nasa ganoon akong gawain nang biglang nagsidatingan sila Mary, Anne at Susan.

 

"Uyyy, himala...ang aga natin ngayun ah?

 

"narinig ko pang sambit ni Susan. Wala sa sariling kaagad akong nag-angat ng tingin at napatitig sa kanilang tatlo.

 

"Maaga akong nagising kaya maaga akong nakapasok ngayun. Good Morning sa inyo." nakangiti kong bigkas.

 

Kaya lang, wala akong nakuhang sagot kahit na isa sa kanila dahil nagkanya-kanya na sila pwesto sa kanilang mga table. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapataas ng kilay at hindi ko din maiwasan na makaramdam ng kaunting pagka insulto dahil sa ginawa nila. Nakaka bastos na talaga ang tatlong ito.

 

Ang aga-aga gusto na nilang sirain ang araw ko.

 

"Ahmnm, maaga daw siya ngayun. Baka naman dyan na siya sa loob ng opisina ni Mr. CEO tumambay magdamag." narinig kong wika ni Mary. Alam kong ako na naman ang pinag-uusapan nila pero pinilit ko na lang na deadmahin iyun. Wala akong mapapala kung papatulan ko pa sila. Magiging secretary na ako ni Lucian kaya dapat lang na maging mahinahon ako sa lahat ng oras.

 

"Feeling ko, ang ilong ng babaeng iyan, retoke. Tapos nagpa enhance din siya ng mukha kaya ganiyan ka perfect ang mukha niya. Malandi nga talaga, gusto yatang makabingwit ng CEO kaya todo s** **p ngayung kay Mr. Ferrero." narinig kong sagot naman ni Susan. Sa kanilang tatlo, si Susan ang may pinakamasamang

tabas ng dila.

 

Alam kong ako na naman ang pinag-uusapan nila. Harap-harapan at kung anu -ano na lang ang naging topic nila tungkol sa akin.

 

"Sino ang pinag-uusapan niyo? Hello, nandito lang ako ha? Baka pwede niyo akong isali sa tsismis niyong iyan." singit ko naman sa pag-uusap nila. Napansin kong nagkatitigan pa ang tatlo bago sabay -sabay na tumawa. Kaagad namang napaangat ang isa kong kilay dahil sa ginawa nilang iyun.

 

"No need na Amber! Hindi mo din naman maintindihan eh. Ganda lang ang meron ka pero mapurol naman ang utak mo. Ni hindi mo nga yata gets ang pinag-uusapan namin ngayun eh tapos sabat ka nang sabat." natatawang wika ni Anne sa akin.

 

Ouch, dobleng dagok iyun ha? Nakakababa ng self confidence. Lintik, talaga yatang gusto nilang ubusin ang pasensya ko ah?

 

 

 

 

 

©️Sagittarius 🧚🏻🧚‍♂️

 

Chapter 169

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"GRABE ka naman sa akin, Anne. Hindi naman siguro ako iha-hire ng LMF Corporation kung hindi ako qualified sa posisyon ko." sagot ko din naman kaagad sa kanya.

 

Nakakasama na ng loob ang babaeng ito. Akala mo kung sinong matalino ang nagsalita. Utusan ko kaya si Lucian na araw-araw siyang sigawan at bigyan ng mahirap ng trabaho? Makikita ng mga ito. Kapag ako na ang magiging secretary ni Lucian, lahat ng trabaho nila irereject ko. Pahihirapan ko din sila

 

"Ouch...masakit ba? Sorry ha? My bad... ganito kasi talaga ako minsan eh. Taklesa pero lahat naman ng sinabi ko, totoo." nakangiti nitong sambit.

 

'Tsaka, kaya ka lang naman siguro na hire ng LMF dahil nga sa pleasing personality. You know, balita namin mahilig talaga si Sir sa bata at magaganda. Kagaya mo..." sabat naman ni Mary.

 

"Hmp...kapag ako ang ma-promote, who you talaga kayo sa akin." nakalabi kong sagot.

 

"What? Hahahah! Kidding aside?

 

Talagang nangarap ka pang ma-prmote eh wala ka ngang natatapos na trabaho eh. Mahigit isang buwan ka pa lang pero puro palpak na ang trabaho mo."

 

natatawang sabat naman ni Susan.

 

"Eh kung palpak, sesante na sana ako. Eh, nandito pa rin ako eh. So, ibig sabihin, kontento si Sir Lucian sa performance ko.

 

"nakataas ang kilay na sagot ko sa kanila.

 

"OO nga...kontento nga sa performance mo pero ibang performance naman yata ang tinutukoy mo eh. Come on, Amber.. alam namin ang mga galawan mo kaya hindi mo na kailangan pang magamalinis sa amin. I-enjoy mo lang dahil kapag magsawa sa iyo si Sir...itsapwera ka din niya kagaya na lang ng ibang mga babae na dumaan sa buhay niya." nakangising muling bigkas ni Susan.

 

Hindi ko tuloy mapigilan ang maikuyom ang aking kamao. Haysst, kung hindi lang ako closed kay Lucian, ang sarap na talagang makipag sabunutan sa kanila. Hindi bale na matangal sa trabaho basta mapadugo ko lang ang bunganga nila.

 

"Tama na iyan. Kayo talaga, ang aga-aga si Amber na naman ang laman ng usapan niyo. Hindi naman kayo inaano eh pero pinag-iinitan niyo siya." sabat din kaaad ni Sapphire. Kakarating lang nito kasunod ang iba pang mga empleyado.,

 

"Sino ba ang nagsabi sa iyo na pinag-iinitan namin siya? HIndi kaya. Ikaw talaga Sapphire, kakampihan mo pa eh alam niyo naman kung anong klaseng babae iyang si Amber.'" sagot naman ni Susan.

 

"Hmp, Susan..tumigil ka na nga. Putak nang putak eh. Nagpapahalata ka masayado na ang laki ng insecurities mo kay Amber." asik ni Sapphire.

 

"Excuse me! Bakit naman ako mai-insecure sa kanya? Sino ba siya?" kaagad na sagot naman ni Susan. Ayaw talagang patalo.

 

"Tumigil ka na nga. Ang aga-aga. Parating na si Boss at kapag malaman niyang wala kayong ibang ginawa kundi ang makialam sa buhay nang may buhay, tiyak akong may kalalagyan kayo." naiinis na wika ni Sapphire.

 

Mabuti na lang talaga at dumating na siya. Isa talagang tunay na kaibigan itong si Sapphire eh. Ipinagtatangol niya ako palagi.

 

And tungkol kay Lucian, sa wakas dumating na din siya. Halos magkasunod lang silang dumating ni Ms. Mayette. Mabuti naman kung ganoon. Para naman matigil na ang tsimis dahil gahibla na lang talaga ang pasensya na naiwan sa katawan ko.

 

"Good Morning, Sir." narinig ko pang sabay-sabay na bati ng mga kasamahan ko. Kasama na doon ang iba pang mga kasama namin dito sa department na tahimik lang na nakikinig sa pinagsasabi ng mga tsimosa. Buti hindi nakisali kung hindi baka mas lalo lang dumami ang nakakasamaan ko ng loob dito sa opisina.

 

"Ms. Mayette, please in my office. May importante akong idi-discuss sa iyo. Ang you, Ms. Rodriguez, kindly check your e-mail. May isesend na mga documents sa iyo ang HR department at kapag ma-received mo na, iprint mo and dalhin sa loob ng office ko." seryosong bigkas ni Lucian. Ni hinndi man lang siya nagresponse sa pagbati sa kanya ng mga empleyado.

 

Hmp, kunwari masama ang ugali pero alam kong mabait siya. Aloof lang talaga siyang tingnan para siguro ma-maintain niya ang kanyang pagiging tigasin at respitadong Boss na kinakaatakutan ng lahat.

 

Kakarating niya lang at hindi pa siya nakakapaosok ng opsina pero ang dami niya nang sinabi.

 

"Yes, Sir!" sagot ko din naman kaagad. Sinunod ko naman ang utos niya at agad kong binuksan ang aking e-mail at doon ko napagtanto na may message nga ako galing sa HR Department. Ito iyun napag-usapan namin kagabi ni Lucian tungkol sa pagiging Executive Secretary niya.

 

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti.

 

Formal at official na. Pirma ko na lang ang kailangan at mag-uumpisa na ako sa bago kong trabaho. Imagine, mahigit one month pa lang ako sa kumpanya pero promoted na kaagad ako. Iba na talaga kapag malapit ka sa Boss.

 

Sinunod ko ang nais ni Lucian. Prinint ko muna ang mga dokumento at pagkatapos noon, nangingiti kong hinarap si Sapphire.

 

"Sapphire, hulaan mo? nakangiti kong bigkas sabay wagayway ko sa dokumento ng hawak ko.

 

"Ano iyan? Aba't mukhang masaya ka ah? "nakangiting sagot naman ni Sapphire.

 

"Tingnan mo. Tingnan mo...dali!"

 

talagang nilakipan ko ng excitement ang boses ko para maingit sila. Ipinatong ko sa table nito ang mga documents na kakaprit ko lang para mabasa niya din.

 

"Ano ba iyan...teka lang...ano ito..wow!

 

Amber...ikaw na ang bagong executive secretary ni Mr. CEO Lucian Ferrero?" nakangiti nitong tanong sa akin.

 

 

Chapter 170

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"YES! Ang galing! Ang bilis kong mapromote." pang-iinggit ko sa mga kasamahan ko. Nagtagumpay naman ako dahil kaagad kong nakuha ang attention nila.

 

"Talaga? Wow, congratulations, Amber." tuwang tuwa na bigkas ni Sapphire. Isang malapad na ngiti ang naging sagot ko bago ako naglakad para sundin ang sinabi ni Lucian kanina sa akin na kailangan ko na daw pumasok sa opisina niya dala ang Printed copy ng contract galing sa HR

 

"Shit...talaga ba? Na promote siya? Eh, paano na si Ms. Mayette?" narinig kong tanong ni Susan. Halata sa boses nito ang hindi makapaniwala. Halata din na nagseselos ito dahil hindi marahil inaasahan na mapo-promote ako dahil nabangit nito kanina na ganda lang daw ang meron ako pero wala akong talino.

 

Well, ewan ko lang kung may lakas ng loob pa sila para pag-initan ako ngayung ako na ang bagong executive secretary ni Lucian

 

Kumatok lang ako ng tatlong beses bago ako tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng opisina ni Lucian. Nagdatnan ko pa nga silang dalawa ni Ms. Mayette na seryosong nag-uusap. Narinig ko din ang utos nito na kailangan na daw maumpisahan ang training ko.

 

"Congratulations, Amber." nakangiting wika ni Ms. Mayette sa akin. Isang matamis na ngiti ang naging sagot ko bago ako naglakad palapit sa kanila.

 

"Thank you, Ms. Mayette. And, Best Wishes din pala sa iyo. Ikakasal ka na pala. " nakangiti ko ding sagot

 

"OO eh. Tsaka, kailangan ko na talagang mag resign dahil isang AFAM ang asawa ko at after ng kasal namin, ipa-process din kaagad ang mga papeles ko para maisama niya ako sa bansa niya." nakangiti nitong sagot sa akin.

 

"Talaga? Wow! Congratulations. Sa wakas, makakasama mo na din ang forever mo." nakangiti kong sagot.

 

"Yes...for how many years ng long distance relationship namin, this is it na talaga!"

 

"Siya nga pala, attend ka sa kasal ko ha? Kayong dalawa ni Sir Lucian." nakangiti nitong sagot. Alanganin naman akong tumango habang hindi ko mapigilan ang mapasulyap kay Lucian na noon ay abala sa mga papeles na nasa harapan niya

 

"Ah, teka lang...ano ba iyan. Dito na tayo nagtsismisan. Sige, Amber hihintayin na lang kita sa labas ha? Kakausapin ka pa yata ni Sir." nakangiting muling wika ni Ms. Mayette bago ito nagmamadaling lumabas ng opisina. Naiwan naman akong kaagad na naupo sa upuan na nasa tapat ng table ni Lucian

 

"Nandito na ako...." nakangiti kong wika kay Lucian. Kaagad naman itong nag-angat ng tingin.

 

"Tapos na ang tsismis?" natatawa niyang sagot. Hindi ko naman mapigilan ang mapasimangot

 

"Hind ako nakikipag-tsismisan. Nag-uusap lang kami." nakasimangot kong sagot sa kanya.

 

"Whatever. Naprint mo na ang documents na isinend ng HR sa iyo?" seryosong tanong niya. Tumango naman ako at ipinatong iyun sa table niya.

 

"Well, good! Very good! Siya nga pala.... pirmahan mo na and mag start ka na sa training mo. Tinawagan ko ang lawyer ko at siya na ang bahala na mag asikaso sa passport mo." seryosong sagot niya sa akin.

 

"Talaga? Well, tuloy na talaga ang pagsama ko sa iyo sa Japan?." excited kong bigkas. Natawa naman ito.

 

"Wala akong balak na bawiin iyun kaya ipagpalagay mo ang kalooban mo. Pirmahan mo na ang mga iyan. HR department na ang bahalang kumuha lahat ng mga papeles na iyan mamaya. Hindi mo na kailangan pang pumunta sa office nila." seryosong wika niya.

 

"Ang tungkol sa sahod ko nga pala-----"

 

"Oo na! Oo na. Siyempre, kasabay ng pagtaas ng posisiyon mo ay ang pagtaas din ng sahod mo. Sigurista." may halong biro sa boses na bigkas niya kaya hindi ko mapigilan ang matawa.

 

"Naninigurado lang ako. Aba't mahirap na. Baka mamaya, hindi porket closed tayo tapos palagi mo akong ililibre, hindi mo na tataasan ang sahod ko. Mahirap kaya maging Secretary mo." nakalabi kong sagot sa kanya.

 

Napatitig naman ako sa kanya nang bigla na lang siyang natawa. Malakas iyun na para bang may nakakatuwa sa sinabi ko.

 

"Wala akong balak na pahirapan ka kaya ipagpalagay mo ang kalooban mo. HIndi ako masamang boss kaya hindi ka dapat matakot sa akin." seryosong sagot niya.

 

"HIndi ako takot sa iyo. Tsaka, trabaho lang..walang personalan." nakangiti kong sagot. isa-isa ko nang pinirmahan ang mga papeles na ibinigay niya tsaka iyun muling ibinalik sa kanya.

 

"Magti-training na ako. Hinihintay na ako ni Ms. Mayette sa labas." wika ko sabay tayo pagkatapos kong pirmahan ang mga papeles na nasa harapan ko.

 

"Bakit, pinapaalis na ba kita?" seryosong tanong niya. Awtomatiko namang napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

 

"Bakit, may gagawin pa ba ako dito sa loob ng opisina mo liban sa magtsismisan tayo? Tsaka, na tayo mag-usap. Kailangan ko nang magtraining para hindi ako kakapa-kapa sa bago kong trabaho noh! Ayaw kong masigawan mo ako pagdating ng araw dahil palpak ako!" nakanguso kong sagot sa kanya.

 

Muli na naman siyang natawa na akala mo tuwang tuwa na naman siya sa sinabi ko.

 

Napansin ko lang, kay bilis niyang patawanin nitong mga nakaraang araw.

 

 

Chapter 171

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

MABILIS na lumipas ang mga araw.

 

Naging puspusan ang training ko.

 

Talagang very cooperative din naman ako at interesado din akong matuto. Ayaw kong biguin si Lucian.

 

Kasalukuyan kaming abala ni Ms. Mayette sa harap ng computer nang mapansin ko ang pagdating ng dalawang babae. Noong una, hindi ko sana papansinin pero nang mamukhaan ko sila ay dali-dali akong natigil sa aking ginagawa.

 

Kaagad tuloy akong napayuko dahil doon.

 

Gosh, ano ang ginagawa ng Mommy ni Lucian dito sa opisina. Mainit pa naman ang dugo sa akin ng Mommy nito at tiyak akong malalagot ako kapag malaman nitong dito ako nagta-trabaho.

 

Haysst, hindi pa man ako nag-uumpisa sa trabaho ko bilang secretary ni Lucian, may nagbabdyang kontrabida na dadating sa buhay ko.

 

"Si Lucian. Nandiyan ba siya?" kaagad na tanong sa amin ng isa sa kanila. Walang iba kundi si Mrs. Carmina Ferrer at kasama niya si Jolina.

 

Gosh, naka ban ang babaeng ito dito sa opisina ni Lucian at kaya siguro siya nakapasok dahil sa kay Mrs. Ferrero.

 

"Yes Ma'am, nasa loob po. Kaya lang may kausap pa po siya." si Ms. Mayette na ang sumagot samantalang tudo iwas naman ako sa aking mukha. Baka kasi makilala ko nitong si Mrs. Carmina Ferrero eh. Hindi pa naman kami in good terms dahil sa natatandaan ko, ako ang pinabintangan dati ni Lauren na tumulak sa kanya.

 

"Sabihin mo sa kanya na nandito ako. Gusto ko siyang makausap." seryosong sagot ni Mrs. Carmina Ferrer.

 

"Yes Mam." sagot naman kaagad ni Ms. Mayette sabay dampot ng telepono na nasa gilid ng kanyang table. Samantalang, pilt ko namang binabaliwala ang lahat. Pinilt kong itago ang pagmumukha ko kaya lang sadyang umiikot ang mga mata ni Ms. Carmina Ferrero sa paligid hanggang sa dumako ang paningin nito sa akin.

 

"Teka lang, kilala kita ah?" seryosong tanong nito.. Bigla namang kabog ang dibdib ko.

 

"Amber?" tanong nito sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapangiwi. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at natatakot na tumitig sa kanya,.

 

"You know her, Mom?" narinig kong tanong naman ni Jolina. Mom as in Mommy? Gosh, don't tell me na may niluluto na namang love team itong si Mrs. Carmina? Feeling Cupid na naman ang mataray na Mommy ni Lucian.

 

"What are you doing here?" seryosong tanong sa akin ni Mrs. Carmina. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapatikhim para pakalmahin ng kahit kaunti ang sarili ko.

 

Nakakatakot siya. Sobrang seryoso ng boses niya.

 

"Mahigit one month na po akong

nagtatrabaho dito." mahinang sagot ko sa kanya. Napatingin ako kay Ms. Mayette na noon ay kakatapos lang makipag-usap kay Lucian mula sa kabilang linya para sabihin dito na nandito ang Ina nito sa labas.

 

Hindi pa man nakakasagot si Mrs.

Carmina, bumukas na ang pintuan ng opisina ni Lucian at iniluwa ito. Para itong hari na direchong naglakad palapit sa amin.

 

"Mom, what are you doing here?" seryosong tanong niya sa Ina niya.

 

"What I am doing here? Lucian, itinuturing mo pa akong Ina mo? Ilang buwan ka na bang hindi nagpapakita sa akin?" seryosong tanong niya. Napansin kong napatingin muna si Lucian sa akin bago ito seryosong tumitig sa Ina niya.

 

"Sa loob tayo ng office kung gusto niyo akong makausap ng maayos." malamig ang boses na sagot ni Lucian dito.

 

Napasulyap pa ako sa akin si Mrs.

Carmina bago ito sumunod sa anak at akmang susunod sana si Jolina sa kanila nang muling tumigil sa paghakbang si Lucian

 

"Hindi siya kasama! Tumawag na ako ng security para mag scort sa kaibigan mo palabas ng building na ito." seryosong wika ni Lucian. Napansin kong kaagad na nanlaki ang mga mata ni Jolina at nagmamakaawang tumitig kay Mrs. Carmina.

 

"Mom....ang sama ni Lucian. Ayaw niya pa rin akong makita." bigkas nito. Sa pagkakataon na ito, basag na ang boses marahil sa pagkapahiya. HIndi lang naman ako ang nakakakita sa mga kaganapan kundi pati na din ang mga kasamahan ko na saksakan ang pagiging tsismosa.

 

"Jolina is with me. Huwag mo naman sana siyang bastusin, Lucian." seryosong sagot ni Mrs. Carmina sa anak niya. Muling umiling si Lucian.

 

"Outsider not allowed inside my office." maiksing sagot ni Lucian sa Ina niya. Pagkatapos noon, nagmamadali na siyang naglakad papasok sa ospisina.

 

Mommy---"tawag naman ni Jolina kay Mrs. Carmina. Pigil ko naman ang sarili ko na mapataas ng kilay.

 

Bakit kaya ang hilig nitong si Mrs.

Carmina na pakialaman ang love life ng anak niya? Noong una kay Lauren ngayun naman kay Jolina. Tsk.

 

"Hintayin mo na lang ako sa ibaba iha.

 

Hindi ko alam kung ano ang problema ni Lucian at kung bakit ka pinagbawalan dito sa loob ng kumpanya niya. Sa ngayun, respituhin na muna natin ang gusto niya.

 

"seryosong wika ni Mrs. carmina dito at mabilis na itong naglakad papasok ng opisina ni Lucian. Mangiyak-iyak naman na naiwan si Jolina habang kitang kita ko sa mukha nito ang matinding pagkadismaya,.

 

 

 

 

 

©️Sagittarius 🧚🏻🧚‍♂️

 

Chapter 172

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Ano ang tinitingin-tingin niya diyan?" pagkapasok ni Mrs. Carmina sa opisina ni Lucian, kami naman ang pinagbalingan ni Jolina. Mukhang kami yata ang gusto niyang pagbuntunan ng galit niya eh.

 

Well, ikaw ba naman na medyo napahiya sa iba pang mga empleyado dito sa deparment namin, talagang maiinis ka. At ito na nga ang nararamdaman ni Jolina ngayun.

 

"Ikaw babae? Amber, right? Ano ang ginagawa mo dito? Hindi ba't ikaw iyung ex ni Lucian?" seryosong tanong niya sa akin na labis kong ikinagulat.

 

May narinig akong bulungan sa buong paligid. Gosh, mukhang bibig pa yata ni Jolina ang magbubulgar sa nakaraan naming dalawa ni Lucian ah?

 

"Ano? Hindi ka nakasagot ah? Hindi ba't ikaw iyung naging babae ni Lucian noon? Naging parausan ka niya diba? Naging bayaran?" malakas ang boses na wika nito. Sa pagkakataon na ito, ramdam ko  na ang mapanghusgang titig na ipinupukol sa akin ng mga kasamahan ko. Pati si Ms. Mayette ay napatitig din sa akin.

 

"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Jolina. Pinapaalis ka na ni Sir Lucian kaya pwede bang umalis ka na?" mahinahong kong wika pero sa totoo lang, nag-uumpisa nang kumulo ang dugo ko

 

Bakit ba hindi na lang pinapasok ang babaeng ito sa opisina ni Lucian? Tingnan mo, nagkalat pa tuloy. Hindi sana ako napahiya ng ganito sa kung anu-ano ang pinagsasabi ng babaeng ito eh.

 

"Hindi ka pa ba kontento? Kulang pa ba ang perang nahuthot mo kay Lucian at para ka na namang linta na dumidikit ngayun sa kanya?" muli nitong bigkas. Hindi ko naman mapgilan ang maikuyom ang kamao ko.

 

Grabe ang kahihiyan na idinulot sa akin nitong si Jolina. Ang sarap niyang bangasan sa totoo lang.

 

"Mam, tumawag si Mr. Ferrero. Kailangan niyo na daw pong lumabas." wika naman ni Sapphire. Hindi ko napansin ang paglapit niya dahil sa matinding kahihiyan na nararamdaman ko ngayun.

 

Bakit siya? I mean, siya ang naatasan ni Lucian na itaboy itong si Jolina? Dapat mga security diba? Nasaan na ba ang security guards at bakit ang tagal nila?

 

"Ano ba ang pakialam mo ha? Sino ka ba para paalisin ako? Hindi ako aalis dito. Hindi mo ba nakita, kasama ko si Mommy at sabay kaming aalis." sa pagkakataon na ito mataas pa rin ang boses ni Jolina.

 

Talagang Mommy ang tawag niya sa Mommy ni Lucian? Well, hindi nakakapgtaka. After kay Lauren, mukhang si Jolina na naman yata ang gusto ni Mrs. Ferrero para kay Lucian

 

Bilib din naman ako kay Mrs. Carmina. Hindi tumitigil na mag feeling cupid. Buti na lang talaga at tapos na ang relasyon namin ni Lucian. Hindi ko din kasi talaga feel na magkaroon ng byanan na ang ugali ay kagaya sa ugali ni Mrs. Carmina Ferrero. Buti na lang talaga at friends na lang kami ni Lucian ngayun. Tsaka, secretary din pala.

 

Kontento na ako sa ganoong bagay. At least kapag ganito, ramdam ko ang pag-aalga ni Lucian sa akin diba?

 

"Tsaka, hindi pa ako tapos sa babaeng iyan. Sa babaeng malandi na walang ibang ginawa kundi akitin ang fiance ko. Ang kapal ng mukha. Kaya siguro ayaw na ni Lucian na pumunta ako dito dahil kung anu-anong pang-aakit ang ginawa ng babaeng ito sa kanya." galit na muling bigkas ni Jolina.

 

"Mam, parating na po ang mga security. Huwag niyo na pong hintayin na sila mismo ang hihila sa iyo palabas ng opisina. Huwag niyo na pong hintayin na mas lalo kayong mapapahiya. Tsaka, wala pong katotohanan ang kung ano man ang sinasabi niyo ngayun. Mag-ingat po kayo...baka malaman ito ni Mr. Ferrero at hindi lang ikaw ang malagay sa alanganin. Kung kilala niyo po talaga si Mr. Ferrero, alam niyo po kung paano siya magalit." seryosong wika ni Sapphire.

 

Akmang hahawakan sana nito si Jolina pero mabilis itong pumalag. Tumaas ang isang palad nito at akmang sasampalin sana si Sapphire pero naging maagap ang huli. Nahawakan niya sa kamay si Jolina at patulak niya itong binitiwan na siyang dahilan kung bakit muntik na itong sumadsad sa mesa.

 

Narinig ko pa ang mahinang pagsinghap ng mga kasamahan ko sa paligid. Hindi siguro sila makapaniwala sa ginawa ni Sapphire kay Jolina.

 

Kahit ako, nagulat din ako. Noon pa man, nagiging tagapag-tangol ko na si Sapphire. Hindi niya talaga ako iniiwan. Nasa tabi ko siya palagi sa tuwing nasa alanganin akong sitwasyon.

 

"Walang hiya ka! Sino ka ba akala mo ha? Mahal mo ba ang buhay mo at ang trabaho mo, babae ka?" galit na sigaw ni Jolina sabay duro kay Sapphire. Mabilis naman akong napatayo para sana harapin si Jolina pero bigla na lang bumukas ang pintuan ng opisina ni Lucian at lumabas ito.

 

"Ano ang nangyayari dito? Ano ang ibig sabihin nito?' galit na tanong nito. Halos umalingawngaw ang boses nito sa buong paligid na siyang dahilan kaya kaagad na nagkanya-kanya ang mga staff na bumalik sa kanilang trabaho. Bigla din tumahimik ang buong paligid at nang mapatingin ako kay Jolina, napansin kong umiiyak na ito habang nakasalampak na sa sahig.

 

"Lucian, tingnan mo ang ginawa nila. Itinulak nila ako. Pinagtulungan ako ng dalawang babaeng iyan." umiiyak nitong wika na halata namang nagpapaawa lang siya.

 

 

Chapter 173

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

NOT AGAIN! Don't tell me na mapagbibintangan na naman ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa? Ang gusto ko lang naman ay tahimik na buhay pero bakit ba napakalapitin ko ng gulo? Noong una si Lauren tapos ngayun naman itong si Jolina.

 

"Tinulak nila ako. Porket hindi ako welcome dito sa loob ng kumpanya mo, kung bastosin nila ako, ganoon ganoon na lang?" umiiyak na muling wika ni Jolina.

 

Ang galing niyang umarte. Pang FAMAS din at feeling ko mas magaling siyang umarte kumpara kay Lauren?

 

Itong si Jolina naman ang nauna pero kung makapalahaw ng iyak ngayun akala mo siya itong aping api.

 

"Sige pa...galingan mo pang magdrama. Iyung kapani-paniwala. Iyung drama na sigurado kang madadala kami sa kulungan." hindi ko na mapigilang sabat. Nakakaumay na.

 

Ganito na lang palagi. Kung iiyak ako at magmamakaawa at ipaliwanag ang side ko, papaniwalaan ba ako ni Lucian? Dati hindi kaya sure ako na hindi din siguro ngayun.

 

"Tingnan mo, Lucian. Bastos siya. Bastos ang p****k na----" hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Jolina nang walang kaabog-abog na sinampal ito ni Sapphire. Sa gulat ko, nanlalaki ang mga matang napatitig ako kay Sapphire.

 

Paano ba naman kasi, hindi lang isang sampal ang ibinigay niya kay Jolina kundi dalawa talaga. Mag-asawang sampal talaga na siyang dahilan kaya dumugo ang bibig at ilong ni Jolina.

 

Sabagay, ang lakas kasi ng pagkakasampal ni Sapphire eh. Dinig ko pa nga ang tunog eh. Gigil na gigil at para bang gusto niyang sirain ang mukha ni Jolina.

 

Pero bakit ito ginawa ni Sapphire? Sawa na ba siya sa buhay niya? Sa harap mismo ni Lucian, walang kaabog-abog na sinampal niya si Jolina.

 

"Pasensya na Boss. Masyadong masakit sa tainga at sinabi niya at hindi kaya ng sikmura ko na marinig mula sa bibig niya na nilalait niya si Amber porket hindi siya nito nilalabanan." seryosong wika ni Sapphire.

 

"Good job. This is a reason kung bakit ipinagkatiwala ko sa iyo si Precious. Alam kong kaya mo siyang protektahan sa lahat ng oras." seryosong sagot naman ni Lucian na labis kong ipinagtaka.

 

Sa sobrang gulat ko sa nangyari, parang huminto din yata ang pag function ng utak ko. Bigla akong naguluhan.

 

Ano ang sabi ni Lucian? Ipinagkatiwala niya daw ako kay Sapphire? Ano ang ibig niyang sabihin?

 

Tsaka sa sinabi din ni Lucian kanina, lumalabas na ako ang kanyang kinakampihan. Tama...ako talaga eh. Walang duda dahil kung naniwala ang lalaking ito na ako ang may kasalanan, hindi ganito ang magiign reaction niya.

 

"Mommy, tingnan mo? Tingnan niyo po. Sinaktan nila ako. Huhuhu!" umiiyak na wika ni Jolina. Tuluyan na ding lumabas mula sa loob ng opisina si Mrs. Carmina Ferrero.

 

"Kasalanan mo din naman. Hindi mo sinunod ang utos sa iyo kanina na umalis ka na. Matigas ang ulo mo kaya iyan ang napala mo ngayun." seryosong sagot naman ni Mrs. Carmina Ferrero.

 

Hindi ko maiwasan na lalong magtaka. Mahinahon kasi ang boses niya na para bang hindi man lang siya nag-alala sa nangyari kay Jolina.

 

Ano ba talaga ang nangyayari? Normal pa ba ang pag-ikot ng mundo? Bakit parang kakaiba naman yata ang mga nangyari sa kapaligiran?

 

"Lucian, mauna na ako. Huwag mong kalimutan ang kung ano man ang pinag-usapan nating dalawa kanina. Mag-utos ka na din ng tao na magdadala kay Jolina sa hospital" muling wika ni Mrs. Carmina Ferrero at ilang saglit lang ako nitong sinulyapan bago ito naglakad paalis. Tulala namang napasunod ang tingin ko dito.

 

Ganoon lang? Iyun lang ang nasabi niya? Ang inaasahan ko din na ipagtatangol  niya si Jolina ay hindi nangyari. Na para bang ayos lang sa kanya na nasaktan ang alaga niya.

 

"Tawagan mo si Ike." utos ni Lucian kay Sapphire. Pagkatapos noon, naglakad ito palapit sa akin at hinawakan ako sa aking kamay.

 

"In my office. Mukhang hindi ka pa rin nakakabawi sa gulat ah?" seryosong wika ni Lucian sa akin. Hindi naman ako nakaimik

 

Talagang sobrang nagulat ako. Ang daming mga katanungan na naglalaro sa isipan ko. Samot sari at hindi ko alam kung paano mag-umpisanag magtanong.

 

"Everyone, kung ano man ang makita niyo ngayun, ayaw ko nang maging issue pa. Go back to your work at ayaw kong marinig kahit na kaninong bibig na pinag-uusapan ang nangyari ngayun. Understand?" dumadagundong ang boses ni Lucian sa buong paligid habang nagsasalita.

 

"Yes Sir!" sabay-sabay na sagot ng lahat.

 

Muli akong hinila ni Lucian papasok ng opisina niya at dahil hanggang ngayun lutang pa rin ang isipan ko, kaagad na din naman akong nagpatianod.

 

Bago ako tuluyang nakapasok sa loob ng opisina ni Lucian, napalingon pa ako kay Sapphire na kaagad namang nag thumbs sign sa akin sabay ngiti.

 

 

 

 

 

©️Sagittarius 🧚🏻🧚‍♂️

 

Chapter 174

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"AYOS ka lang ba?" seryosong tanong sa akin ni Lucian pagkapasok namin sa loob ng opisina niya. Alanganin naman akong tumango

 

"May bago ka na naman yatang ka love team ah?" pabiro kong sagot sa kanya. " Galit yata siya sa akin kanina. Kung anu-ano ang mga pinagsasabi niya sa harap ng marami. Tungkol sa nakaraan natin." muli kong bigkas.

 

Wala eh. Wala akong ibang pagpipilian. Kailangan kong sabihin kung ano ang totoo. Feeling ko kasi, hindi na healthy ang lahat lahat. Lalo na at nabulgar na sa lahat ang nakaraan naming dalawa nitong si Lucian.

 

"Ako ang bahala. Huwag mong isipin ang tungkol sa bagay na iyan. And regarding naman kay Jolina, nakausap ko na si Mommy tungkol diyan. HIndi na muling magku-krus ang landas niyong dalawa." seryosong sagot niya.

 

 

"Ayos lang naman sa akin, Lucian. I mean...nasa tamang edad ka na. Siguro, gusto na talaga ng mommy mo na mag-asawa ka na." wika ko

 

"Ano ang ibig mong sabihin? No! I mean... kung iniisip mo na papatulan ko si Jolina at susundin ko kung ano ang gusto ni Mommy, nagkakamali ka. Hindi mangyayari iyun. Never." seryosong sagot niya habang titig na titig siya sa akin.

 

"Labas na ako tungkol sa bagay na iyan. Well, personal mo na iyan at ayaw ko nang pag-usapan pa." seryosong sagot ko sa kanya.

 

"Yeah, I think, gusto na ni Mommy na mag-asawa na ako. Matagal na kasi nila akong inaawitan ng apo. Lalo na sila Lolo at Lola. Gustong gusto na nila akong makita na may asawa at mga anak na. Matagal na nila itong hinihiling sa akin, Precious." seryosong bigkas niya habang matiim pa rin siyang nakatitig sa akin

 

"So, ano pa ang ginagawa mo? Nandiyan si Jolina. I think she's very much willing na magpakasal sa iyo lalo na at boto sa kanya ang Mommy mo." nakangiti kong bigkas kahit na ang totoo, may kaunti akong kirot na nararamdaman sa puso ko.

 

Ewan, siguro dahil hindi pa rin ako ready na makita siyang ikasal sa ibang babae. Kapag mangyari iyun, ibig sabihin, hindi na pwedeng maging closed ako sa kanya kagaya nito. Sure ako na may magseselos na eh at ayaw ko naman na ako ang dahilan para masira ang married life nilang dalawa ng magiging asawa niya.

 

"Ayaw ko kay Jolina. Hindi ko siya gusto." maiksi niyang sagot sa akin. "May iba akong gustong babae, Precious." muling anas niya. Medyo mahina ng boses niya nang sabihin niya ang katagang iyun pero dinig na dinig ko pa rin. Tsaka, hindi niya pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin kaya biglang kabog naman ng dibdib ko.

 

"Ha? Sino? Kilala ko ba siya?" pilit ang ngiting tanong ko sa kanya gayung sa totoo lang parang alam ko na kung sinong babae ang tinutukoy niya. Nakikita naman kasi iyun sa mga mata niya eh.

 

"Ikaw....Hindi ba pwedeng ikaw na lang?" seryosong sagot niya sa akin. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Wala sa sariling mabilis akong napatayo.

 

"Lucian, hindi magandang biro iyan. Hindi nakakatuwa." seryosong sagot ko.

 

"Why...pwede naman diba? Single ka, ganoon din ako. Pwedeng pwede naman diba, Precious?" seryosong tanong niya sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapalunok ng sarili kong laway. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

 

Hindi ko ito inaasahan. Normal days lang ito para sa akin pero bakit umabot sa ganitong topic ang lahat-lahat?

 

"Magpakasal tayo, Precious para matigil na ang lahat-lahat. Mula noon, hanggang ngayun walang iba kundi ikaw. Aware ako sa mga pagkakamali ko at handa akong bumawi sa lahat-lahat. Sa araw-araw na nagdaan, pinipilit ko ang sarili kong magbago." seryosong sambit niya. Hindi naman ako nakaimik.

 

"Sa loob ng ilang taon na nawalay ka sa akin, doon ko mas lalong napatunayan kung gaano ka kahalaga sa akin, Precious. Mahal kita. Mahal na mahal kita at hindi ko kayang mawalay ka sa akin." seryosong muling bikgas ka.

 

Sa mga sandaling ito, feeling ko nakalutang ako sa alapaap. Wala ding pumapasok na kahit na anong impormasyon sa utak ko. Bigla akong nablanko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Sobrang nagulat kasi ako eh. Akala ko malinaw na sa kanya ang usapan namin noon. Na friends na lang kami at no more intimate relasionship.

 

Kaya lang, nagkamali yata ako eh. HIndi ko akalain na maririnig ko pa ang katagang ito ngayun mula sa bibig niya. Na mahal niya daw ako. Hindi ko tuloy alam kung kaya ko bang paniwalaan ang sinasabi niya ngayun.

 

"Sana, bigyan mo ako ng chance at sana hindi ka magalit sa akin dahil sumuway na naman ako sa usapan natin, Precious."

muling bigkas ni Lucian. Kumurap-kurap ako ng makailang sabay iling. Hindi ko alam. Naguguluhan ako.

 

"Lalabas na ako, Lucian. I am sorry, pero sobrang nabigla ako sa mga sinabi mo ngayun. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat? Hindi ko alam...."" mahina kong sagot sa kanya tsaka ako nagmamdaling naglakad palabas sa opisina niya. Narinig ko pa ang maawtoridad na pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko na pinansin pa. Tuloy-tuloy akong lumabas at pagkalabas ko, kaagad kong hinagilap ang aking bag at direchong umalis.

 

Magulo ang isipan ko. Wala akong ibang gustong gawin sa ngayun kundi ang makalayo na muna sa presensya ni Lucian. Feeling ko kasi, nahihirapan akong huminga dahil sa matinding tension na nararamdaman ng puso ko.

 

 

Chapter 175

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"AMBER, saan ka pupunta? Ayos ka lang ba?" habang naglalakad ako paalis, narinig ko pa ang pagtawag ni Ms. Mayette sa pangalan ko. Tumigil ako ako sa paghakbang at pilit ang ngiti sa labi na hinarap ko siya.

 

"Nagpaalam na ako kay Sir Lucian na magha-half day lang ako ngayun. Pasensya na, Ms. Mayette." mahinang bigkas ko. Ilang saglit itong natigilan bago dahan-dahan na tumango.

 

Pagkatapos kong sabihin ang katagang iyun, direcho na ako sa elvator. Pinindot ang button at hinintay na lang na bumukas ng maramdaman ko ang paglapit sa akin ni Ms. Mayette.

 

"Tungkol ba ito sa nangyari kanina? Ms. Rodriguez or Amber....naalala kita." seryosong wika niya sa akin. Nagtataka akong muling napatitig sa kanya.

 

"First day mo pa lang dito sa work,

naalala na kita. Ikaw ang kaisa-isang babae na nakita ko na labis na kinababaliwan ni Mr. Ferrero." seryosong wika niya sa akin na labis kong ikinagulat.

 

"Naaalala mo ako? Ang dating ako? Kung ano at sino ba ako sa buhay ni Lucian?" mahinang tanong ko sa kanya.

 

"Yes...siyempre naman. Noong naghiwalay kayo ni Sir Lucian at umalis ka....alam mo bang halos mabaliw si Sir Lucian sa sobrang sama ng loob? Kahit diyan sa loob ng opisina niya, umiinom siya ng alak. Halos patayin niya ang sarili niya sa alak at dumating pa nga sa punto na isinugod at na confine siya sa hospital dahil sa dami ng alcohol na na consume ng katawan niya." seryosong sagot niya sa akin. Hindi naman ako nakaimik. Hindi ko ito alam. Wala akong alam.

 

"Sana, bigyan mo siyang time na magpaliwanag. Isa ako sa naging saksi kung gaano ka kahalaga sa kanya. Amber, huwag mo ulit bigyan ng chance si Lucian na muling malulong sa alak. Mahina na ang tiyan niya pagdating sa alcohol at ilang ulit na siyang pinaalalahanan ng doctor niya na iwasan nang uminom ng alak at baka iyun pa ang dahilan para mapaiksi ang buhay niya." muli niyang bigkas.

 

"Ms. Mayette, hindi ko alam. Naguguluhan ako. Kung alam mo lang... sobrang nahirapan ako sa sitwasyon ko noon. Noong mga panahon na feeling ko isa lamang akong laruan sa kanya." seryosong bigkas ko.

 

"Pero mahal ka niya, Amber. Mahal na mahal ka niya. Siguro nagtataka ka kung bakit ko ito nasabi ngayun. Palagi man akong nasisigawan ni Sir Lucian pero siya naman ang dahilan kung bakit gumanda ang buhay ng buo kong pamilya. Siya din ang dahilan kung bakit nakapag-aral ang mga kapatid ko. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kung masama man siya sa paningin ng nakakarami, sa akin hindi. Para sa akin, isa siyang hero kaya ko ito ginagawa." seryosong wika niya. Hindi naman ako nakaimik,

 

"Noong muli kitang nakita dito sa

opisina, alam mo bang tuwang tuwa ako? Sa isip-isip ko, sa wakas, makakangiti na naman ng totoo ang amo ko. At nangyari nga iyun, Amber. Oo, alam ko, nagkamali si Sir Lucian noon sa iyo. Sobang laki ng pagkakamali niya at wala ako sa lugar para makiusap sa iyo na sana bigyan mo pa siya ng second chance. Sa nasabi mo na, ikaw ang nagdusa...pero kaya mo bang makita si Sir Lucian na mas lalong malugmok? Ikaw lang ang nag-iisang dahilan kaya hanggang ngayun patuloy na lumalaban sa buhay si Sir Lucian..." mahaba niyang bigkas sa akin.

 

"Amber, pag-isipan mo ng mabuti ang mga bagay-bagay. Everybody deserved a second chance lalo na at nagbago na ito.

 

Wala ako sa lugar para sabihin ito pero alam mo ba noong mga panahon na umalis ka...patuloy ka niyang sinusubaybayan. Sinisigurado niya na okay ka. Na nasa maayos kang kalagayan.

 

Sa kagustuhan niyang sundin ang pangako niya sa iyo, nagkasya siyang tanawin ka mula sa malayo. Naging masaya siyang makita ka kahit sa malayuan lang." muli niyang bigkas.

 

 

Hindi ko na namalayan pa ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata.

 

Sa hindi ko malamang dahilan, bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Hindi ko alam kung ano ba ang tama at mali. Nangingibabaw pa rin kasi talaga sa puso ko ang takot. Paano kung mangyari ulit ang mga nangyari noon?

 

Ano na lang ang mangyayari sa akin?

 

"Huwag na huwag kang gumawa ng mga desisyon na labis mong pagsisisihan sa bandang huli, Amber. Pag-isipan mo ang lahat. Wala akong ibang hangad kundi ang maging maayos kayong dalawa ni Sir Lucian. Ako ang saksi sa samahan niyong dalawa noon at mas magiging masaya siguro ako kung makikita kong magkasundo kayong dalawa ngayun." muli niyang bigkas. Hindi naman ako nakaimik.

 

Pagkatapos sabihin ni Ms. Mayette ang katagang iyun, dali-dali na siyang naglakad pabalik sa kanyang table. Naiwan naman akong hindi ko malaman ang gagawin ko. Napatitig muna ako sa nakasarang pintuan ng opisina ni Sir Lucian bago ako dahan-dahan na pumasok sa loob ng nakabukas na elevator. Bago sumara ang elevator, nagulat na lang ako nang bigla na lang pumasok dito sa loob si Sapphire.

 

"Saan ka pupunta, Ms. Amber?" seryosong tanong niya. Dali-dali kong pinunasan ang luha sa aking mga mata tsaka ko siya hinarap.

 

"Gusto ko munang mapag-isa. Gusto kong makapag-isip. Sobrang gulo ng takbo ng utak ko ngayun, Sapphire." seryosong sagot ko sa kanya.

 

"Aalis ka? Ng ganoon-ganoon lang? Paano naman ang Boss ko? Baka magpakalasing na naman iyun at sa hospital na naman ang bagsak niya." seryosong wika niya.

 

Kunot noo ko siyang tinitigan. Ano ang ibig niyang sabihin? Sinong Boss? Sino ba talaga si Sapphire? Bakit sa loob nitong mga nakaraang taon, nagmistula siyang anino ko?

 

 

 

 

 

©️Sagittarius 🧚🏻🧚‍♂️

 

Chapter 176

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"AALIS muna ako. Undertime muna sa work. Gusto kong magpalamig na muna. Gusto kong makapag-isip na muna. Sobrang naguguluhan na kasi ako sa sitwasyon ko ngayun eh." seryosong sagot ko kay Sapphire. Tuluyan na din siyang pumasok dito sa loob ng elevator. Gusto niya yata akong samahan kahit saan ako magpunta.

 

"Well, tamang tama. Gusto ko din mag undertime. Ayos lang naman siguro. Bihira ko lang naman itong gawin kaya ayos lang naman siguro." nakangiti niyang sagot sa akin. Hindi ko siya pinansin bagkos tuluyan ko nang pinindot ang Ground floor button.

 

"Sapphire, sino ka ba talaga?" maya-maya seryosong tanong ko sa kanya. Hindi na ako nakatiis pa. Gusto ko nang malaman kung ano man ang gumugulo sa isipan ko. Sa tuwing nasa alanganin akong sitwasyon, nasa tabi ko siya palagi.

 

 

HIndi niya ako iniiwan at para siyang bantay ko na palaging nakaantabay sa akin.

 

"A-ano bang klaseng tanong iyan? Of course, kaibigan mo ako. Nakalimutan mo na ba? Sabay tayong bumiyahe noon papuntang probensya. Pareho din tayong naglayas noon at nagkakilala lang tayo sa barko at naging friends tayong dalawa." seryosong sagot niya sa akin.

 

"Iyun ba talaga ang dahilan? Hindi ka ba related kay Lucian?" seryosong tanong ko. Napansin kong natigilan siya. Kumibot -kibot ang kanyang bibig at kaagad na nag -iwas ng tingin sa akin.

 

"Hindi kita maintindihan. Ano ka ba? Ano bang klaseng taong iyan?" tanong niya sa akin.

 

"Iyung condo na tinitirhan ko, sa iyo ba talaga iyun, Sapphire? SAbihin mo sa akin, talaga bang kaibigan kita?" seryosong muli kong bigkas.

 

Kailangan ko ng katotohnan. Ano ba ang mga ginagawa nitong si Lucian sa loob ng nakalipas na mga taon? Talaga bang tahimik siyang nakabantay sa akin kaya feeling ko ang dali-dali lang ng lahat sa akin?

 

Napaka smooth ng pamumuhay ko noon.

 

Mula sa bahay, hanggang sa mga tapat na kaibigan ay kasama ko palagi.. Lalong lalo na itong si Sapphire at Ruby.

 

"Sabihin mo na sa akin ang totoo. Hindi mo na kailangan pang ilihim ang lahat. Alam ko na. Hindi naman ako ipinanganak kahapon para hindi ko maiintindihan ang mga nangyari ngayun.

 

"muli kong bigkas.

 

"Amber, palagi mong tandaan. May bayad man or wala ang pagpo-protekta ko sa iyo naging totoo at tapat akong kaibigan sa iyo. Oo, inaamin ko. Bayad ako ni Sir Lucian. Isa ako sa miyembro ng security niya at hindi coincidence ang pagkikita natin sa barko. Sinundan ka namin ni Ruby ayon sa utos ni Sir Lucian at ang bahay na tinitirhan natin noon, si Sir Lucian din ang may plano noon. Pati sa School na pinapasukan mo, si Sir Lucian din ang nasa likod ng lahat para makapasok ka ng walang kahirap-hirap." seryosong sagot niya na labis kong ikinagulat.

 

"Kagaya ni Ms. Mayette, noon pa man, kilala na kita. Palagi na kitang nakikita. Hindi mo lang ako napapansin dahil marami kaming mga bodyguards ni Boss Lucian." muli niyang wika. Hindi ko na naman napigilan ang sunod-sunod na pagpatak ang luha mula sa aking mga mata.

 

Imagine, napaniwala ko ang sarili ko noon na akala ko nakawala na ako kay Lucian pero hindi pa pala. Patuloy pala siyang nakasunod sa akin kahit saan ako magpunta. Kung ganoon, totoo ang sinabi ni Ms. Mayette. Na si Lucian ay nasa paligid lang palagi. Nakatanaw at naghihintay ng tamang pagkakataon para malapitan ako.

 

"Amber, mahal na mahal ka ng amo ko.

 

Kahit naman binabayaran niya ang serbisyo ko, naging totoo akong kaibigan sa iyo. Saksi ako sa lahat ng mga paghihirap mo noon. Babae din ako, nagalit din ako kay Boss Lucian sa mga ginawa niya sa iyo. Pero alam mo ba, noong nakita ko siya kung paano siya umiyak at nagsisisi, doon ko din narealized na pwede palang magbago ang isang tao dahil sa pag-ibig." muli niyang sagot sa akin

 

"Kung talagang naging tunay kitang kaibigan, bakit ngayun mo lang ito sinabi sa akin, Sapphire? Bakit?" umiiyak kong tanong sa kanya.

 

"Kung sinabi ko ba kaagad sa iyo, hindi mo ba ako iiwasan? HIndi ka ba lalayo sa amin ni Ruby? Hindi ka ba tatakas?" seryosong tanong niya.

 

"I am sorry kung nagawa naming maglihim sa iyo. I am sorry, Amber. Sana maging maayos na ang lahat. Sana buksan mo ang puso mo at matuto kang magpatawad." muli niyang wika. Tuluyan na din namang bumukas ang elevator kaya naman kaagad na din akong humakbang palabas. Nang maramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Sapphire,

huminto ako sa paghakbang at seryoso siyang hinarap.

 

"Tapos na ang trabaho mo. Huwag mo na akong sundan. Gusto kong mapag-isa." seryosong wika ko. Natigilan naman ito habang bakas sa kanyang mukha ang matinding pag-aalala.

 

Hindi kita pwedeng pabayaan. Alam kong hindi ka okay at kailangan mo ang isang kagaya ko na handa kang damayan." seryosong sagot niya.

 

"No! HIndi kita kailangan. Hindi ko kailangan ang isang peke na kaibigan na kagaya mo, Sapphire. Ikaw na din ang nagsabi sa akin kanina na bayad ka at kasama sa trabaho mo na bantayan ako. Kailangan ko ng tunay na kaibigan at hindi ikaw iyun." umiiyak kong wika at mabilis na akong naglakad paalis.

 

 

Chapter 177

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

Direcho na akong lumabas sa building ng LMF Corporation. Wala pa ring patid ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata.

 

Sobrang nagulat kasi talaga ako sa mga natuklasan ko ngayun. Mahirap isipin na kahit na anong gawin ko, hindi pa rin pala ako makakawala sa galamay ni Lucian.

 

Pagkalabas ko ng building ng LMF Corporation, direcho akong naglakad patungo sa kalsada. Mag-aabang ako ng taxi at bahala na kung saan man ako mapadpad. Gusto kong mapag-isa na muna at makapagmuni-muni. Sa mga natuklasan ko ngayun, iyun ang mas maigi kong gawin kaysa naman bigla na lang akong mag break down.

 

Iyun nga lang habang nag-aabang ako ng taxi hindi ko maiwasan na matakot nang may biglang huminto na sasaktan sa harapan ko. Gulat akong napatitig doon at ganoon na lang ang pagdoble ng takot na nararamdaman ko nang dahan-dahan na bumukas ang salaming bintana ng nasabing sasakyan at nakita ko ang seryosong mukha ni Mrs. Carmina Ferrero. Ang Mommy ni Lucian

 

"Pwede ka bang makausap?" seryosong tanong niya. Kaaad kong pinahid ang luha sa aking mga mata sabay iling

 

"Hindi na po kailangan. Lalayuan ko na po siya. Hindi po ako magiging banta sa kung ano man ang plano niyo para sa anak niyo." seryosong sagot ko sa kanya. Napansin kong lalong sumeryoso ang mukha nito. Tuluyan na din nitong binuksan ang pintuan ng sasaktan at bumaba siya.

 

"Silly girl. Hindi iyan ang pakay ko kaya gusto kitang makausap ngayun. Don't worry, hindi mangyayari ang kinatatakutan mo. Everything changed kaya wala kang dapat na ipag-aalala." seryosong wika niya. Hindi na ako nakapalag pa nang bigla niya akong hawakan sa aking kamay at hinila patungo sa kanyang sasakyan. Wala na akong nagawa pa kundi ang sumakay na.

 

Mas maigi na din siguro ang ganito. Wala din naman akong mapapala kung takbo ako nang takbo eh. Walang mangyayari sa akin kung patuloy akong magpadala sa takot.

 

Pagkasakay ko sa kotse, mabilis na pinaarangkada ng driver nito ang sasakyan paalis. Nandoon pa rin ang takot, kaba at pag-aalala pero nang mapansin ko na sa isang familiar na mansion ang aming destinasyon, doon ako nakaramdam ng kaunting peace of mind.

 

"bakit po dito?" nagtataka kong tanong. Tuluyan nang pumasok sa isang mataas na gate ang sasakyan at kaagad na bumungad sa paningin ko ang matayog at magandang mansion ng mga Ferrero.

 

"Saan ba dapat? Matagal ka nang gusto makita ng Lolo at Lola ni Lucian pero hindi ko maintindihan ang lalaking iyun kung bakit napakahirap sa kanya na iuwi ka dito sa mansion." seryosong sagot niya sa akin. Lalo naman akong nagulat.

 

Hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari sa buong paligid. Ang isang tao na labis akong kinamumuhian noon ay naging mabait na sa akin ngayun., Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago yata ang ihip ng hangin.

 

"Bakit niyo po ito ginagawa? Ayaw niyo po sa akin pero bakit dito po?" nagtataka kong sagot sa kanya.

 

"Noon iyun. Noon, ayaw ko sa iyo. Si Lauren talaga ang gusto ko para kay Lucian pero noong minsan kaming nagtalo at itinulak niya ako sa hagdan, nagbago ang lahat lahat. Muntik nang naging mitsa ng buhay ko ang pakikialam sa gusto ng anak ko. Amber, alam ko ang mga nangyari sa iyo pagkatapos kong nahulog ng hagdan. Pasensya ka na kung huli ko nang nalaman iyun. Nagdusa ka at hanggang ngayun, inuusig pa rin ako ng aking konsesnya." seryosong wika niya.

 

Mangha naman akong napatitig sa kanya.

 

Hindi ko ito inaasahan. Ni sa hinagap hindi ko akalain na, maririnig ko ang katagang ito mula sa bibig ni Mrs. Carmina Ferrero.

 

"Mas dumagdag pa sa bigat ng kalooban na nararamdaman ko noong nalaman ko na ang mismong dugo na nagligtas sa akin ay galing sa iyo. I am sorry, Amber. Wala akong nagawa noon para iligtas ka sa mga kamay ni Lucian. Hindi ko kaagad nai-correct ang isang pagkakamali." muli niyang bikgas.

 

Sa hindi malamang dahilan, hindi ko na naman napigilan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Talaga bang totoo itong narinig ko ngayun? Humihingi ng tawad sa akin si Mrs. Ferrero?

 

"Sabi ko noon, ayaw ko nang makialam pa sa love life ng anak ko. But, I can't help it. Hindi ko kayang magsawalang kibo. Lalo na at sa tuwing nakikita ko ang anak ko kung gaano siya kalungkot. Iha, mula bata pa, hindi man lang nakaramdam ng tunay na tuwa ang anak ko. Bunga siya ng isang magulo at broken family kaya siya ganiyan." muli niyang sambit.

 

"Ikaw na lang ang pag-asa ko, Amber.

 

Alam kong ikaw lang ang kaisa-isang babae na pwedeng magpasaya sa anak ko. Please..nakiki-usap ako sa iyo...hayaan mong mahalin at alagaan ka ni Lucian. Promise, hindi na ako makikialam pa. Hindi na din ako maghihimasok pa sa kung ano mang meron sa inyong dalawa ngayun. Basta, mangako ka lang sa akin.... huwag kang umalis sa tabi ng anak ko. Huwag na huwag mo siyang iwan iha." seryosong muling wika niya.

 

Hindi naman ako nakaimik. Hindi ko din alam kung ano ang sasabihin ko. Sobrang nagulat kasi talaga ako sa mga katagang narinig ko mula sa bibig mismo ni Mrs. Ferrero.

 

 

 

 

 

©️Sagittarius 🧚🏻🧚‍♂️

 

Chapter 178

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"STAY ka na muna dito. Teka lang, kanina pa tayo nag-uusap. Dito aka muna, papahandan kita ng makakain. Tiyak akong gutom ka na iha." nakangiting wika ni Mrs. Carmina Ferrero sa akin. Marami na din siyang mga magagandang salita na nabitawan at hindi ko na din namalayan pa ang takbo ng oras.

 

Dinala niya na ako dito sa magarbong living room. Wala akong ibang nakikita sa buong paligid kundi ang nagsusumigaw na karangyaan. Parang magic na maayos din ang pakikitungo sa akin ni Mrs. Ferrero na siyang nakakapagtaka.

 

Parang biglang nagbago ang ihip ng hangin. Kung dati, makita pa lang ang anino ko nito hanggang langit na ang galit sa akin pero kabaliktaran naman ngayun. Maayos niya akong inistema na akala mo isa akong mahalagang bisita ng pamilya nila.

 

Parang gusto ko na ngang maniwala na pwedeng magbago ang isang tao. Kagaya na lang ngayun kay Mrs. Ferrero. Parang

ang bait-bait niya.

 

"Huwag na po. Sa bahay na lang po ako kakain. Aalis na din po kasi ako eh." pilit ang ngiting sagot ko sa kanya.

 

"Amber, maaga pa. Tsaka, mag-isa lang ako dito sa mansion. Wala kasi dito ang Lolo at Lola ni Lucian. Umuwi na probensya dahil na miss na daw nila ang buhay sa farm. Dito ka na muna para naman may kasama ako." nakangiti nitong wika sa akin. Hinawakan pa ako nito sa kamay sabay pisil

 

"Huwag kang mag-aalala. Magbabago na ang lahat. Hindi ko na hahayaan pa na mangyari ulit sa iyo ang mga nangyari na noon, Amber." nakangiti niyang muling wika sa akin. Tipid naman akong ngumiti.

 

Mukhang nasobrahan yata sa pagiging mabait si Mrs. Ferrero ah? Hindi ako sanay na ganito ang ugali niya. Gayunpaman, wala akong magagawa kundi ang pagbigyan siya. Mamaya na lang siguro ako aalis pagkatapos kumain.

 

Maaring bored lang yata si Mrs. Ferrero sa buhay niya kaya gusto niyang mag stay ako dito. Sabagay, wala naman sigurong

masama kung mag stay ako ng kahit isa or dalawang oras pa. Pagkatapos nito, hindi na ulit ako babalik pa sa mansion na ito. Hindi na ulit ako aapak sa lugar na ito.

 

"Dito ka na muna ha? Saglit lang ako, iha.

 

"nakangiti pa nitong paalam sa akin at tuluyan na siyang naglakad paalis.

 

Naiwan naman akong pasimpleng inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Grabe, sobrang ganda ng mansion na ito. Iyun nga lang nagmumukhang walang nakatira. Nakakabingi ang katahimikan sa buong paligid. Kahit na gaano pa kaganda ang nakikita ng mga mata ko alam kong malungkot tumira sa mga ganitong lugar lalo na kung nag-iisa ka lang.

 

Abala ang paningin ko sa kakaikot sa buong paligid nang wala sa sariling mabilis akong napatayo nang dumako ang paningin ko sa lalaking nakatayo sa hindi kalayuan. Gulat na gulat akong napatitig dito at nang mapansin kong nakatitig din siya sa akin, kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kanya sabay hakbang paalis.

 

"Precious, saan ka pupunta?" seryosong tanong ng walang iba kundi si Lucian.

 

Yes...siya lang naman ang nandirito.

 

Hindi ko akalain na uuwi siya dito sa mansion gayung ang alam ko bihira lang siyang pumasyal dito. Ayun na din iyun sa Mommy niya kanina na si Mrs. Carmina Ferrero.

 

"Alam kong ayaw mo akong makita. Alam kong galit ka sa akin pero pwede bang mag stay ka na muna? Kung ayaw mo akong makita at makausap, aalis ako. Hindi ako magpapakita sa iyo." seryoso niyang bigkas. Ramdam ko din sa boses niya ang matinding lungkot na parang isang kurot sa puso ko. Hindi ako sanay na makita siyang ganito

 

Kaya lang, ano ba ang pwede kong sabihin sa kanya? Aasta na lang ba ako na parang walang nangyari at muling ibalik ang dating kami? Hindi ba awkward iyun sa paningin ng lahat?

 

Paano kung muli akong masaktan? Ano nalang ang mangyayari sa akin? Kaya ko pa kayang bumangon ulit kapag muli akong mabigo? Hindi ko alam. Naguguluhan ako.

 

"Hindi! Hindi mo naman kailangang umalis eh. Pwede kang mag stay kahit saan mo gusto. Bisita lang ako sa lugar na ito at wala akong karapatan na pagbawalan ka sa kahit na saan mo gustong tumambay." seryosong sagot ko din sa kanya!

 

Paalis na nga sana siya pero muli siyang natigilan. Muling tumitig sa akin habang bakas sa mga mata niya ang lungkot.

 

"Ayos lang, Lucian. Matagal nang nangyari iyun at pagod na pagod na din ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tama pero pwede naman siguro akong sumugal ulit diba? Pwede naman siguro akong maniwala ulit sa sinabi mo at ng Mommy mo na hindi na ulit ako masasaktan pa ng kagaya ng dati." seryosong wika ko sa kanya. Napansin kong unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi niya at halos inisang hakbang ang pagitan naming dalawa.

 

Pagkalapit niya sa akin, naramdaman ko na lang na nasa bisig niya na ako. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin na para bang ayaw niya na akong pakawalan pa.

 

"Of course...hindi ko na hahayaan pa na mangyari ang mga nangyari kagaya ng dati, Precious. Hindi ko na hahayaan pa na muli kang masaktan. Pangako ko iyan sa iyo." seryosong sagot niya sa akin.

 

Naramdaman ko pa ang pagdampi ng labi niya sa tuktok ng ulo ko. Hindi ko naman maiwasan na mapapikit kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata.

 

 

Chapter 179

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ

 

"AASAHAN ko iyan. Talagang aasahan ko iyan, Lucian." seryosong sagot ko sa kanya. Lalo namang humigpit ang pagkakayapos niya sa akin.

 

"Oo naman. Precious, kung sakaling mapansin mo na muli akong nalihis ng landas, pwede mo akong sampalin. Pwede mo akong tadyakan or kahit na ano. Pwede mong gawin lahat sa akin iyun. Hindi ako lalaban basta manatili ka lang sa tabi ko. Huwag ka nang umalis at huwag mo akong iiwan." seryosong sagot niya sa akin.

 

Lalo naman akong napahagulhol ng iyak. Sa ngayun, kakapit na muna ako sa lahat ng mga pangako niya. Bahala na...kung sakaling muli man akong mabigo, siguro iyun na din ang palatandaan na kailangan ko nang sumuko.

 

Na muli akong aalis at magpakalayo-layo sa kanya. Pupunta ako sa lugar na alam kong hindi niya na ulit ako masusundan pa. Sa lugar na hindi niya na din ulit ako makikita kahit na sa malayuan or malapitan man iyan.

 

Pero sa ngayun, gusto ko munang ibigay ang isa pang tsansa dito kay Lucian. One last chance. Hindi lang pala para kay Lucian kundi para na din sa sarili ko. At least...sumubok akong magpatawad. At least sinubukan ko ulit na sundin ang kung ano man ang sinisigaw ng puso ko.

 

Kung sakaling mabigo man ulit ako, no more regrets akong maramdaman sa sarili ko. At least naging matapang ako at muli kong sinubukan ang isang bagay na alam kong walang kasiguraduhan kong magtatagumpay ba ulit ako.

 

Masarap pa rin kasi talaga sa pakiramdam habang nasa bisig niya. Ito ang pinaka na miss ko sa kanya. Ito ang pinaka gusto kong muling maramdaman sa piling niya.

 

"Mahal kita, Precious. Sa laki ng pagkakamali na nagawa ko sa iyo, hindi mo lang alam kung paano ko din pinagdusahan iyun. Gabi-gabi akong dinadalaw ng matinding konsensya at pangungulila sa iyo. Nangako ako sa sarili ko na basta bumalik ka lang, hindi ko na hahayaan pa na mawalay ka sa akin. Lahat gagawin ko para muli kang magtiwala sa akin. Gusto kong maging akin ka muli. Mahal kita. Mahal na mahal kita, Precious." madamdamin niyang bigkas. Lalo namang nag-uunahan sa pagpatak ang luha mula sa kaing mga mata,.

 

"The feelings is mutual naman eh. Mahal ko din naman siya. Mula noon hanggang ngayun, siya pa rin. Kung katangahan man ang gagawin kong pagbibigay sa kanya ng second chance, tatangapin ko iyun. Buong puso kong tatangapin iyun at kung sakaling muli akong mabigo, wala nang ibang sisisihin kundi ang sarili ko lang din.

 

"Amber..iha...ready na----"wala sa sariling mabilis akong napakalas sa pagkakayakap ni Lucian nang marinig ko ang boses ni Mrs. Ferrero. Kakapasok lang nito dito sa loob ng living room at kita ko ang pagkagulat sa mukha nito nang mabungaran nito na magkayakap kaming dalawa ni Lucian. Hindi ko naman mapigilan ang makaramdam ng hiya dahil doon. Pasimple ko na ding pinunasan ang luha mula sa aking mga mata.

 

"Aba't Lucian, h'wag mong sabihin na pinalipad mo na naman ang sasakyam mo pauwi dito sa mansion? Ang bilis mo naman?" gulat na tanong nito sa anak. Nagtatanong ang mga matang tumitig ako kay Lucian. Totoo kaya ang sinabi nitong si Mrs. Ferrero?

 

"Mom, masyado po kayong nag-oover think. Hindi totoo iyan...maingat ako sa kalsada at sumusunod na po ako sa batas trapiko." nakangiti naman nitong sagot sa Ina. Gayunpaman, hindi ako kumbinsido. Kilala ko itong si Lucian. Alam ko na kapag ginusto nito, wala talagang imposible.

 

"Hayyy naku, ewan ko sa iyong bata ka. Ayusin mo iyang sarili mo. Hindi nakukuha ang lahat ng bagay sa pabilisan. Teka lang, mabuti na din at dumating ka na. Nagpahanda ako na pagkain. Sumabay ka nang kumain sa aming dalawa ni Amber" seryosong sagot naman ni Mrs

Ferrero. Pagkatapos noon, mabilis na itong naglakad paalis. Muli kaming naiwan ni Lucian dito sa living room at nakangiti na muli niya akong hinarap.

 

"Pagpasensyahan mo na si Mommy. Minsan talaga, madaldal siya na akala mo galit. Pero ugali nya na talaga iyan." nakangiti nitong wika.

 

"Nakapag usap na kami at mabait na siya sa akin. Tsaka, siya din ang dahilan kung bakit nakapag desisyon ako na makipagbati na sa iyo. Sabi niya sa akin kanina, sa akin na daw siya kakampi simula ngayung araw." nakangiti kong sagot.

 

Napansin kong matamis na napangiti si Lucian sabay haplos niya sa pisngi ko gamit ang isa niyang palad.

 

"Thank you, Precious. Pangako, sa pagkakataon na ito, hindi na ulit ako muling magkamali. Hindi ko na hahayaan pang muli kang masaktan." madamdaming niyang bigkas.

 

"Ayaw ko nang salita lang, Lucian. Dapat gawin mo din. Mahirap na para sa akin ang magtiwala ulit pero dahil mahal kita pipiliin ko na lang muna nag mag stay sa tabi mo." seryosong sagot ko sa kanya.

 

Lalo namang lumawak ang ngiti sa labi niya. Muli niya akong niyakap nang mahigpit. Actually, hindi na pala yakap ito dahil umangat na ako sa ere at para bang sobrang gaan lang na inikot-ikot niya ako ng ilang sigundo. Pagkatapos noon, seryoso niya akong tinitigan sa aking mga mata.

 

"Promise, hindi ka magsisisi Precious. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayun. I will be a better person. Hinding hindi na kita bibiguin pa kahit na ano ang mangyari. Hinding hindi ko na hahayaan pa na muli kang umiyak." madamdamin niyang bigkas sa akin.

 

Hindi ko naman mapigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko. Sa wakas, nakakaramdam na din ako ng kapanatagan ng kalooban. Alam kong magiging maayos na ang lahat. Kung ano man ang mga naririnig kong kataga ngayun mula sa bibig ni Lucian, alam kong susundin at gagawin niya iyun.

 

Masalimoot man ang naging umpisa namin noon, at least, gusto niya namang bumawi ngayun. Kakapit ako sa ngalan ng pag-ibig. Susugal ulit ako dahil malaki din naman ang tiwala ko na sa bandang huli, ako din ang magwawagi.

 

 

 

 

 

 

©️Sagittarius 🧚🏻🧚‍♂️

 

Chapter 180

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"HERE! Kumain ka pa iha. Teka lang, may gusto ka pa bang kainin? Sabihin mo lang para maipaluto kaagad natin." nakangiting wika ni Mrs. Carmina Ferrero sa akin.

 

Kasalukuyan kaming nandito sa harap ng hapag kainan at kumakain at hindi ito magkanda-ugaga sa kaka offer sa akin ng kung anu-ano. Ang dami ding mga pagkain na nakahanda sa harapan namin.

 

"Naku, ayos na po, Mam. Uubusin ko po muna itong mga pagkain na nasa pingan ko tapos kukuha na lang po ulit ako." nakangiti kong sagot.

 

"Mam? Ano ang tawag mo sa akin, Iha? Mam, naku, teka lang, Lucian...hindi mo pa ba nasabihin itong si Amber kung sino ako sa ano ako sa buhay mo?" seryosong tanong naman ni Mrs. Ferrero.

 

Kinakabahan naman akong napatitig kay Lucian.

 

"Mom, huwag niyo naman po takutin si Precious." nakangiting wika ni Lucian.

 

Ang alam ko noon pa man, hindi magkasundo ang mag-ina na ito pero sa ngayun, nakikita ko namang medyo clolsed na yata sila sa isa't isa.

 

"Hindi ko siya tinatakot. Nagtataka lang ako kung bakit hanggang ngayun, Mam pa rin ang tawag niya sa akin." sagot naman nito sa anak nito. "Iha, you can call me, Mom or Mommy? Sooner or later, magiging asawa ka na nitong si Lucian at wala naman sigurong masama kung tatawagin mo akong Mommy diba?" muling wika ni Mrs. Ferrero pero sa pagkakataon na ito, ako naman ang kanyang kinakausap.

 

Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. Sa totoo lang, sobrang nagulat din talaga ako. Hindi ko din kasi maimagine sa sarili ko kung ano nga ba ang feeling kung sakaling tatawagin ko siyang Mommy.

 

Tsaka, ano ba ang sinasabi nito magiging asawa daw ako nitong si Lucian? Hmm, mukhang nag-uumpisa na naman yatang gumawa ng love story si Mrs. Ferrero ah?

 

"Alam kong masyadong mabilis ang mga nangyari. Alam kong naiilang ka din iha. Pero seryoso ako ngayun sa sinasabi ko. Gusto kong magpakasl na kayo ng anak ko sa lalong madaling panahon. Para naman maumpisahan niyo na ang pagbuo ng pamiya at siyempre, para naman mabigyan niyo na din ako ng apo." nakangiti nitong muling sambit.

 

Wala sa sariing sunod-sunod tuloy akong napasubo sa aking kinakain. Nakakagulat naman itong si Mrs. Ferrero. Kung anu-ano na yata nag mga sinasabi.

 

"Mom...kumain ka na muna. Kung saan-saan na tayo nakarating ah?" nakangiting awat naman ni Lucian sa Mommy niya.

 

Pero mukhang wala yatang balak na magpaawat si Mrs. Ferrero dahil muli na naman itong bumanat.

 

"Iha, dito na kayo matulog ha?

 

Masyadong malungkot ang mansion lalo na at mag-isa lang ako dito." muli nitong wika. Muli akong napatingin kay Lucian at pasimple akong umiling.

 

"Mom, kailangan ko pong ihatid si Precious sa tirahan niya. HIndi siya sanay matulog sa ibang bahay kaya baka mapuyat lang siya kapag pilitin natin siyang dito matulog sa mansion." kaagad na sagot ni Lucian sa Mommy niya. HIndi ko naman mapigilan ang makaramdam ng tuwa. Napatunayan ko na ngayun sa sarili ko na kaya palang sundin ni Lucian ang nais ko kaya lang wala yatang balak na sumuko si Mrs. Ferrero.

 

"Maliit na bagay. Mamaya, bibigyan kita ng tea na binili ko na galing pa si Middle east. Magada ang tea na iyun at nakakatulong para malabanan ang pamamahay at makakatulog ka ng mahimbing iha." nakangiting sagot naman kaagad nito. Hindi ko naman mapigilan na mapangiwi.

 

Wala na yata akong lusot eh. Lahat ginawa na ni itong si Mrs. Ferrero para lang mag stay ako dito sa mansion nila.

 

Well, ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang pumayag na lang din. Lahat yata ng idadahilan ay may panlaban siya eh.

 

"Ga-ganoon po ba? O-okay po Ma---Mommy. dito na lang po ako matutulog. Para po may makakasama kayo." pilit ang ngiting sagot ko.

 

Napansin kong kaagad namang gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito. Mukhang tuwang tuwa talaga siya sa pagpayag ko kaya muli akong naptingin kay Lucian na huling huli ko din na may matamis na nakaguhit na ngiti sa labi.

 

"Perfect! Sige na...kumain na muna kayo diyan. Magpakabusog kayo." nakangiti nitong wika at mabilis na itong naglakad paalis. Nang tuluyang makaalis si Mrs. Ferrero, muli namang nagsalita si Lucian sa tabi ko

 

"Kung hindi ka kumportable na kasama ako, pwede naman natin kumbinsihin si Mommy na kailangan nating umalis. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo kung ayaw mo. Precious." seryosong wika ni Lucian. Kaagad din naman akong umiling

 

"Ayos na Lucian. Naka-oo na ako sa Mommy mo at nakakahiya naman kung magdadahilan ulit tayo sa kanya. Ayos lang talaga...walang problema sa akin." nakangiti kong sagot dito.

 

"Talaga? Are you sure na ayos lang sa iyo? "nakangiting tanong niya sa akin. Kaagad naman akong tumango

 

"Walang problema. Sanay naman ako sa presensya mo noon pa kaya ayos lang." nakangiti kong sagot.

 

"Ahmm, thank you, Precious. Don't worry, hindi ako gagawa ng mga bagay na hindi mo magugustuhan." seryosong wika niya sa akin

 

"Alam ko naman iyun, Lucian. Malaki ang tiwala ko sa iyo at alam kong safe ako palagi sa tuwing kasama ka." nakangiting sagot ko din sa kanya.

 

Wala naman talagang mawawala kung magsasama kami sa iisang silid na matulog dahil dati naman namin itong ginagawa. Tsaka, gusto ko din makita at maramdaman kung talaga bang nagbago na itong si Lucian. Gusto kong makita kung hanggang saan ang pagalang na kaya niyang ibigay sa akin.

 

 

Chapter 181

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Sa kama at ayos na ako dito sa sofa."

 

narinig kong wika ni Lucian pagkapasok pa lang namin ng kwarto. Ito kaagad ang unang kataga na lumabas sa bibig niya. SAbagay, ipokrita ako kung hindi ko aaminin sa sarili ko na kanina ko pa rin iniisip ang mga posibleng mangyari kapag magkasama na kami sa iisang silid.

 

Aminado din ako na kanina pa ako kinakabahan. Feeling ko bumalik kami sa dati. Kagaya noong mga panahon na maayos pa ang pagsasama namin.

 

"Lucian, ayos lang. Bakit ka pa sa sofa kung pwede ka naman dito sa kama. I mean, malaki ang kama at sobra-sobra sa ating dalawa ito." nakangiti kong sagot sa kanya. Napansin kong saglit itong natigilan. Ilang saglit din na napatitig sa akin na para bang inaarok niya kung seryoso ba ako sa sinabi ko pero noong ngumiti ako sa kanya, napansin ko ang kislap ng tuwa sa mga mata niya.

 

"Thank you. Well, kung ano ang mas makakabuti between us...doon tayo." sagot niya. Hindi ko naman mapigilan ang matawa.

 

"Feel at home, Precious. Malaya mong gawin lahat ng gusto mong gawin.

 

Matulog ka na. May mga bagay pa akong dapat na tapusin at lalabas na muna ako." muli niyang wika at hindi na nito hinintay pa ang maging sagot ko at mabilis na itong lumabas ng kwarto.

 

Nagtatakang nasundan ko na lang ng tingin itong si Lucian. Akala ko kasi talaga matutulog na din ito lalo na at halos alas diyes na ng gabi. Napasarap kasi ang kwentuhan namin sa labas at hindi na namin namalayan pa ang oras.

 

Muli kong inilibot ang paningin ko sa buong paligid. Nagsusumigaw ang karangyaan sa buong paligid. May malaking paintings na nakasabit sa wall at isang malaking frame na mukha ni Lucian ang nasa larawan.

 

Kung ganoon, may sarili din palang kwarto itong si Lucian dito sa mansion ng mga Ferrero. Never niya pa akong dinala dito dati para matulog. Ito din ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok ako sa naturang silid at masasabi ko na hindi ito nalalayo sa silid ni Lucian sa Villa kung ganda at karangyaan ang pag-uusapan.

 

Gayunapaman, ipinagkibit balikat ko na lang iyun. May damit pantulog nang maayos na nakapatong sa ibabaw ng kama na gagamitin ko kaya naman nagpasya na akong pumasok muna ng banyo para maglinis ng katawan bago matulog.

 

Mabilis lang naman ang pagamit ko ng banyo. Pagkalabas ko ng banyo, wala pa rin si Lucian kaya naman nagpasya na akong mahiga sa kama nito. Pagkasayad ng likod ko sa kama, hindi ko maiwasan na makaramdam ng katiwasayang ng kalooban. Sobrang lambot ng kama at kay bango ng mga beddings. Pati unan na ginagamit ko ay mabango din kaya naman para akong hinihele at ilang saglit lang, nakatulog din naman kaagad ako.

 

Kinaumagahan, nagising ako na walang Lucian akong nakita dito sa loob ng silid. Puno ng pagtataka akong bumangon ng kama at muling inilibot ang paningin sa buong paligid at nang mapansin ko na wala talaga si Lucian mabilis na din akong bumaba ng kama at nag-ayos ng sarili.

 

Nag toothbrush, naghilamos at nagsuklay lang ako ng buhok bago ako nagmamdaling lumabas ng kwarto. Hindi na din ako nag-abala pang palitan ang damit pantulog ko tutal isa lamang iyung blouse at pajama. Desente namang tingnan.

 

Pagkalabas ko ng kwarto, katahimikan ang bumungad sa akin sa buong paligid. Sa sobrang laki nitong mansion, feeling ko mag-isa lang ako dahil wala naman akong naririnig kahit na anong ingay. Sobrang nakakabingi ang katahimikan at feeling ko talaga hindi ako magiging masaya sa lugar na ito. Oo, sobrang ganda ng buong paligid pero nakaka bored naman.

 

Direcho kong tinahak ang hagdan at akmang lalabas sana ng mansion nang matigilan ako. Saktong pagkababa ko kasi ng hagdan, nagulat na lang ako nang bumungad sa paningin ko ang isang lalaki. Yes, isang lalaki at walang iba kundi si David.

 

Napansin kong nagulat din ito nang makita ako. Nagtatanong ang mga matang tumitig ito sa akin kasabay ng lungkot na kaagad na gumuhit sa mga mata nito

 

"Amber, ano ang ginagawa mo dito?" nagtataka pero seryoso ang boses na tanong nito sa akin.

 

"David, good Morning." sagot ko din naman kaagad sa kanya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano siya pakikiharapan at kung paano ko sasagutin ang tanong niya. Ano nga ba ang ginagawa ko dito sa mansion? Nasaan si Lucian?

 

 

Chapter 182

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Nagkabalikan na ba kayo ni Uncle?"

 

seryosong tanong sa akin ni David. Kitang kita ko sa mga mata nito ang lungkot kaya hindi ko alam kung paano ko ba sasagutin ang tanong niyang ito ngayun na hindi ito masasaktan.

 

"David...ano bang klaseng tanong iyan. Tsaka bakit---"

 

"Sagutin mo ako, Amber. Nagkabalikan na ba kayong dalawa?" muling tanong nito sa akin. Natameme naman ako. Lalo na nang mapansin ko na nag-uumpisa nang mamula ang mga mata nito na halatang nagpipigil na itong maiyak.

 

"Hindi ka makasagot? Kung ganoon, bumalik ka na ulit sa kanya? Na muli kang nagtiwala sa kanya sa kabil ng mga ginawa niya sa iyo noon?" seryosong muli niyang wika. Hindi naman ako nakaimik.

 

"Amber, alam mo bang mahal pa rin kita? Mahal na mahal kita at kumukuha lang ako ng tiyempo para maagaw ka ulit sa kanya. Pero bakit....bakit gusto mo pa rin siya? Una akong dumating sa buhay mo. Naging magkasintahan tayo ng ilang taon pero bakit si Uncle pa rin? Bakit siya pa rin ang pinili mo?" muli niyang bigkas.

 

"David, I am sorry! Sorry kung hindi na kita kayang mahalin. Si Lucian...si Lucian ang mahal ko at kahit na nagkasala siya sa akin, naging marupok ako. Siya pa rin... siya pa rin ang mahal ko, David."

 

seryosong sagot ko sa kanya. Napansin ko ang tuluyang pagpatak ng luha sa mga mata nito palatandaan na sobra itong nasaktan sa sinabi ko

 

Pero wala akong magagawa. Sa pagkakataon na ito, gusto kong magpakatotoo. Ayaw ko nang umasa siya at masaktan ng sobra. Simula noong naghiwalay kami nitong si David at sumama ako kay Lucian, tuluyan ko na din siyang nakalimutan. Hindi ko na siya mahal at hindi ko din alam kung talaga bang minahal ko siya.

 

"Amber...alam mo bang sobra mo akong sinaktan ngayun? Ang akala ko kasi talaga ay pwede pa. Na mahahabol pa ang lahat. Sobra kong pinagsisisihan ang lahat ng mga pagkakamali na nagawa ko sa iyo noon. Mahal kita. Mahal na mahal kita at wala akong ibang gusto kundi ang mahalin mo ulit ako." seryosong bigkas niya.

 

"I am sorry, David. Maraming mga babae diyan na mas karapat-dapat na mahalin mo. Huwag ako. Huwag ako dahil hindi na pwede." seryosong sagot ko sa kanya. Sa pagkakataon na ito, kitang kita ko na ang luha sa mga mata nitong si David. Hindi naman ako makapaniwala sa nasaksihan.

 

Na sa hinangap, hindi ko akalain na iiyak ng ganito si David sa harapan ko. Isa siyang lalaki na mataas ang pride at hindi nagpapakita ng pagiging talunan pero sa nakikita ko ngayun, mukha siyang isang batang paslit na nakikiusap na mahalin din.

 

"Bakit si Uncle pa? Siguro, kung ibang lalaki, kayang kaya kong tangapin agad. Pero bakit siya pa? Bakit siya pa, Amber?"

 

seryosong tanong niya sa akin

 

"I love him! Sa kabila ng mga nangyari, mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya David at hindi ko siya kayang tiisin." direktang sagot ko. Tulala naman itong napatitig sa akin. Makailang ulit na umiling at halos inisarng hakbang ang pagitan naming dalawa at hinawakan ako sa aking braso.

 

"HIndi! Galit ka kay Uncle diba? Hindi ako maniniwala na mahal mo siya. Napipilitan ka lang. Sabihin mo sa akin, Amber....tinakot ka ba ulit ni Uncle kaya ka bumalik sa kanya? Pinagbantaan ka ba ulit? Sabihin mo sa akin. dahil ipagtatangol kita laban sa kanya. Itatakas kita at lalayo tayo." seryosong sambit niya. Mabilis naman akong umiling.

 

Pinilt ko ding kumawala mula sa mahigpit na pagkakahawak niya sa akin. Mukhang disperado na yata si David at walang balak na tumangap ng pagkatalo

 

"NO! Hindi! Hindi niya ako pinilit. Sarili ko itong desisyon dahil mahal ko siya. Naiintindihan mo ba ako, David? Mahal ko ang tiyuhin mo at handa akong sumugal ulit sa ngalan ng pag-ibig." seryosong sagot ko.

 

"NO! Hindi totoo iyan. Amber, sumama ka sa akin. Itatakas kita sa kanya! Lalayo tayo! Tama...lalayo tayo! Pupunta tayo sa lugar na hindi niya tayo masusundan. Please....please Amber. Pumayag ka na!" seryosong wika nito. Sa pagkakataon na ito, pinipilit niya na akong hilain pero patuloy din akong nagpupumiglas sa kanya.

 

"No! No David. Hindi ako sasama sa iyo. Bitawan mo ako! Bitawan mo ako, David.' " nakikiusap kong bigkas lalo na nang maramdaman ko na ginagamitan niya na ako ng pwersa. Pilit niya akong hinihila pero pilit din akong nagpupumiglas. Hanggang sa

 

"David!" isang malakas at maawtoridad na boses ang biglang nagpatigil dito.

 

Natigilan si David at halos sabay kaming lumingon sa pinangalingan ng boses na iyun at hindi ko mapigilan ang makaramdam ng tuwa nang sumalubong sa paningin ko ang seryosong mukha ni Lucian. Mabilis ang hakbang na naglalakad ito palapit sa amin.

 

"Isasama ko na si Amber, Uncle. Mahal ko siya at hindi ko kayang mabuhay na wala siya." seryosong wika ni David.

 

"Bitiwan mo siya. Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan na i-harass siya?" galit na sigaw ng galit na Lucian sabay hawi nito sa kamay ni David na mahigpit na nakahawak sa braso ko.

 

Kaya lang, noong mapansin yata ni Lucian na wala akong balak na bitawan nitong si David, malakas niya itong sinapak sa pisngi na siyang dahilan kaya kaagad na bumagsak si David sa malamig na sahig.

 

"I already told you na hwag mo nang isturbuhin si Precious pero ang tigas talaga ng ulo mo, David!" galit na muling sigaw ni Lucian at akmang susugurin ulit nito ang nakahandusay na si David pero mabilis ko na siyang pinigilan.

 

 

"NO! Lucian, No! Please....huwag na.

 

Tama na. Huwag mong idaan ang lahat sa dahas. Please..."seryosong wika ko.

 

Natigilan naman ito at ilang saglit lang, malamalam ang mga matang tinitigan ako.

 

 

 

 

 

©️Sagittarius 🧚🏻🧚‍♂️

 

Chapter 183

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Hayaan mo na si David. Please....pwede ba? Kahit na ano ang mangyari, pamangkin mo pa rin siya kaya sana huwag mo siyang saktan." nakikiusap kong wika.

 

Matalim ang mga matang tinitigan n Lucian si David bago ako nito hinawakan sa kamay at hinila paalis.

 

"Lucian saglit lang. Paano si David? I mean, I think kailangan niyang matingnan ng doctor. Dumudugo ang bibig niya." seryosong wika ko. Hindi ko din kasi kayang iwanan si David sa ganitong sitwasyon eh. Naawa ako dito at kahit papaano, naging mabait din naman itong si David sa akin sa kabila ng mga nangyari sa amin noon.

 

"Tatawagan ko ang doctor para matingnan siya or kung kinakailangan na dalhin natin siya sa hospital, iyan ang gagawin natin." seryosong sagot ni Lucian. Muli akong hinila nito pero natigil din nang bigla na lang nagsalita si David.

 

"Sana lang talaga panindigan mo na si Amber sa pagkakataon na ito dahil kung hindi, hindi ako mangingimi na agawin siya at ilayo siya ng tuluyan sa iyo, Uncle." seryoso nitong wika. Natigilan naman ako. Hindi ko alam kung naghahanap ba talaga ng sakit ng katawan itong si David dahil nagawa niya pa talagang magsalita ng ganitong bagay.

 

"Hindi mangyayari iyan. Mahal ko si Precious at handa kong ibigay lahat ng bagay na makakapag-pasaya sa kanya." seryosong sagot nito. HIndi naman ako makanapaniwala sa narinig.

 

Sa tuwing naririnig ko mula sa bibig ni Lucian ang salitang pagmamahal, hind maipaliwanag na tuwa ang nararamdaman ng puso ko.

 

"Patunayan mo, Uncle. Sana mapanindigan mo na siya sa pagkakataon na ito dahil hindi ako susuko. Kapag makita ko na muli mo siyang pinaiyak, ipaglalaban ko na siya ng tuluyan, Uncle." muling wika ni David. Dahan-dahan din itong bumangon at naupo sa malamig na tiles ng mansion.

 

"Huwag ka nang umasa pa na mangyayari iyun. Kung gusto mong maging maayos ang pagsasama nating magkakapamilya... huwag ka nang gumawa ng mga bagay na hindi ko magugustuhan. Noon pa man, alam mong hindi na pwedeng maging sa iyo si Precious. Sana malinaw na sa iyo ang tungkol sa bagay na iyan." seryosong muling bigkas ni Lucian. Pagkatapos niyang sabihin ang katagang iyun, muli niya akong hinila paalis. Nagpatianod naman kaagad ako

 

Tinahak namin ang daan palabas ng mansion. Pagkadating namin sa labas, direcho na kami ng kotse. Pinagbuksan muna ako ni Lucian ng pintuan at inalalayan na makasakay bago ito pumwesto sa manibela.

 

"Lucian, paano mo nga pala naging pamangkin si David?" nagtataka kong tanong dito. Hindi ko kasi talaga ma-imagine eh tsaka noon pa man, halatang hindi na sila magkasundo ni David.

 

"Anak siya ng kapatid ko sa labas." seryosong sagot nito. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

 

"Ha? I mean...talaga?" bigkas ko sabay tutop sa bibig ko. Nagmumukha yata akong tsisosa sa mga ginagawa kong ito eh.

 

Tsaka, hindi ko din kasi talaga alam na may kapatid pa itong si Lucian eh. Ang akala ko talaga nag-iisa siyang anak.

 

"Yeah....may isa akong kapatid. Kaya lang, nasa sinapupunan pa lang si David ng Mommy niya, namatay ang kapatid ko.

 

Car accident! Lango sa alak habang nagmamaneho dahil noong mga panahon na iyun, gustong makipaghiwalay ng Mommy ni David sa kanya." seryosong wika nito. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. HIndi ko ito inaasahan.

 

"Solong anak ka ng Mommy at Daddy mo tapos ang Daddy mo ay nagkaanak sa labas, ganoon ba?" seryosong tanong ko.

 

Kaagad namang tumango si Lcuian.

 

"Ganoon na nga. Hindi ba't sobrang gulo ng pamliya na ito?" sagot niya naman kaagad sa akin. Hindi naman ako nakasagot.

 

00 nga. Sobrang gulo ng pamilya nila. Haysst, napaka kumplekado ng lahat.

 

lilan na nga lang sila, ang aga din nagkamatayan ng miyembro ng pamilya nila.

 

"Now, alam mo na kung bakit medyo malayo ang loob ko kay David. Iyun din ang dahilan kung bakit sa dami ng mga babaeng dumaan sa buhay ko, iniiwasan ko na magkaanak sa kanila. Ayaw kong maging kumplikado ang lahat. Ayaw ko din maging magulo ang buhay ng magiging anak sa babaeng mahal ko." muling wika ni Lucian kasabay ng muling paghawak niya sa kamay ko.

 

"Lucian, alam mo bang posible na hindi na din kita mabigyan ng anak kung sakaling ako pa rin ang pipiliin mo?" seryosong tanong ko din sa kanya. Napansin kong saglit itong natigilan.

 

Tumitig sa malayo bago nagsalita.

 

"I don't care. Mabibigyan mo man ako ng anak or hindi, wala akong pakialam, Precious. Ang importante lang sa akin ngayun ay ang makasama ka habambuhay." seryosong sagot niya sa akin kasabay noon ay ang pagdukot ng

kung anong bagay mula sa bulsa niya.

 

Isa iyung maliit na kahon na kulay pula at nang ilabas niya iyun kaagad na namilog ang mga mata ko sa gulat nang tumampad sa mga mata ko ang isang kumikinang na singsing.

 

"Lucian----"

 

"Will you marry me, Precious? Please... gustong gusto na kitang makasama habambuhay kaya sana pumayag ka." seryosong sambit niya.

 

HIndi ko naman namalayan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Pakiramdam ko, nakalutang ako sa alapaap sa sandaling ito. Hindi ko inaasahan na magpo-proposed siya sa akin ng kasal.

 

"Lucian...paanong--

 

"Marry me, Precious. Ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama habambuhay at sa pagkakataon na ito, hinding hindi ka na hahayaan pa na masasaktan ka ulit. Please, Precious..." mahinang sambit niya. Patuloy pa rin ang sunod-sunod na pagpatak ng luha mula sa aking mga mata kasabay ng dahan-dahan kong pagtango.

 

 

 

Chapter 184

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"OO naman. Siyempre...ngayun pa ba ako magpapakipot gayung sa nakalipas na mga taon, alam kong nandiyan ka palagi at never mo akong iniwan?" umiiyak kong sambit. Hindi ko na din napigilan pa ang sarili ko at mahigpit akong napayakap sa kanya.

 

Kahit na meydo masikip dito sa loob ng kotse wala akong pakialam basta ang mahalaga sa akin ngayun ay ang maiparamdam sa kanya kung gaano ako kasaya sa proposal niyang ito sa akin ngayun.

 

"Talaga? Talaga ba Precious? Pumapayag ka na? Magpapakasal ka sa akin?" seryosong sagot niya. Ramdam ko din sa boses niya ang tuwa kaya naman nakangiti akong tumango

 

"OO! Oo, Lucian. Susugal ulit ako dahil alam kong sa pagkakataon na ito wala nang maging balakid sa pagsasama natin. Mahal kita....mahal na mahal din kita,

Lucian." umiiyak kong sagot. Hindi ko na nga napigilan pa ang mapahagulhol ng iyak habang sinasabi ko ang katagang iyun

 

Hindi ko din kasi akalain na darating kami sa ganitong sitwasyon. Ang akala ko talaga wala na kaming pag-asa pa at mamumuhay akong mag-isa pero nagkamali ako. Nandito ulit si Lucian sa harapan ko. Nag-proposed din siya ng kasal sa akin at sino ba naman ako para biguin siya.

 

"Oh, Precious! Thank you! Thank you! Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayun." seryosong sagot niya sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti at kusa na din akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya. May mumunting ngiti na nakaguhit sa labi ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.

 

"This ring symbol of my everalasting love for you, Precious. Thank you sa muling pagtangap mo sa akin sa buhay mo sa kabila ng mga nangyari noon." madamdaming niyang wika. Pagkatapos niyang sabihin ang katagang iyun, dahan-dahan niyang ipinasok sa daliri ko ang naturang singsing.

 

Muli na naman akong naluha habang pinagmamsdan ko iyun na maayos ng nakasuot sa aking daliri. Hindi pa rin ako makapaniwala.

 

Talaga ba? Talaga bang ready na itong si Lucian na pakasalan ako at bbuuo kami ng isang pamilya?

 

"Don't cry Precious! Simula ngayung araw, ayaw ko nang makita kang umiiyak. Ayaw ko nang makita pang lumuha ulit." malambing niyang wika sa akin.

 

"I can't help it, Lucian. Hanggang ngayun, hindi pa rin kasi talaga ako makapaniwala na nangyayari ito sa pagitan nating dalawa. Hindi mo lang alam kung gaano din ako kasaya ngayun." umiiyak kong sambit.

 

Hindi ko mapigilan ang mapapikit nang maramdaman ko ang pahaplos ng kamay niya sa pisngi ko. Pilit niyang pinupunasan ang luha mula sa aking mga mata.

 

"I love you, Precious. Promise, babawi ako sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa ko sa iyo at hindi din ako magsasawa na paulit-ulit na hihingi ng sorry sa mga kasalanan na nagawa ko sa iyo."

 

seryosong wika niya. Muli akong napailing

 

"Kalimutan na natin ang lahat ng iyun.

 

Yes...mas maigi pa nga na ibaon na natin sa limot ang mga hindi magandang nangyari ng nakaraan natin. Tapos na iyun at napatawad na kita. Wala nang mas mahalaga sa akin ngayun kundi ang magkasama tayong dalawa, Lucian.

 

Mahal kita...mahal na mahal kita at kung hindi man lang ikaw ang lalaking para sa akin, mas gustuhin ko na lang sigurong mamuhay mag-isa habambuhay." mahaba kong paliwanag sa kanya.

 

Napanasin ko naman ang pagsilay ng matamis nangiti sa labi niya. Ilang saglit na magkahinang ang aming mga paningin bago ko napansin ang dahan-dahan na pagbaba ng labi niya sa labi ko.

 

Hindi ko mapigilan ang maipikit ang aking mga mata nang tuluyan nang maghinang ang aming labi.

 

Ahh, kagaya pa rin ng dati. Walang ipinagbago. Walang kapantay na sarap ang halik na pinagsaluhan namin. Muling akong binalot ng isang familiar na damdamin na dito lang kay Lucian ko naramdaman sa tanang buhay ko.

 

"I love you! I love you, Precious." narining kong mahina niyang sambit. Saglit lang ang halik na pinasaluhan namin pero feeling ko nakalutang pa rin ako sa alapaap. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ulit ako sa tabi ni Lucian ngayun. Magkasama kami ngayun pero wala na ang dating takot na nararamdaman ng puso ko. Alam ko kasing panghabambuhay na ito eh at masaya ako dahil doon.

 

"I love you too, Lucian. Ikaw lang at wala ng iba." madamdamin ko ding bigkas. Buong pagmamahal na niyakap niya ako ng mahigpit.

 

Alam kong simula ngayung araw, magiging masaya na ako sa piling ni Lucian.. Magiging masaya na kami dahil ramdam ko na ang respito at pagmamahal niya sa akin.

 

Nag-umpisa man kami sa isang masalimoot na relasyon, bumabawi naman ang kapalaran sa amin ngayun. Hindi na ako lilingon pa sa mga nangyari ng nakaraan bagkos, itotoon ko ang buo kong attention sa mangyayari sa amin sa kinabukasan.

 

Muli kong ipagkakatiwala kay Lucian ang puso ko. Alam ko din kasi sa sarili ko na sa kanya lang ako liligaya.

 

 

 

 

©️Sagittarius 🧚🏻🧚‍♂️

 

Chaper 185

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

KANINA pa ako pabiling baliktad sa ibabaw ng kama. Hindi ako mapakali. Para akong tanga na kanina pa nakatitig sa kumikinang na singsing na nasa daliri ko. Hanggang ngayun, hindi pa rin ako makapaniwala na nagproposed sa akin si Lucian kanina.

 

Pagkatapos ng madamdaming proposal kanina sa loob ng kotse, kumain lang kami ni Lucian sa labas at inihatid niya na ako dito sa penthouse. May improtanteng trabaho na naghihintay sa opisina at hindi kailangang i-cancel kaya kahit na labag sa kalooban nito, inihatid niya ako dito sa penthouse para daw makapagpahinga daw ako. Gusto ko nga sanang sumama sa kanya pero tumutol ito. Mas kailangan ko daw magpahinga. Susunduin niya din kasi ulit ako mamaya dahil magdi-date kami.

 

Of course, kailangan naming i-celebrate ang lahat lahat. Umuo na ako sa proposal niyang kasal at marami kaming pag-uusapan tungkol sa bagay na iyun.

 

Pero duda din ako kung

makakapagpahinga ba ako sa ginagawa ko ngayun. Para akong isang pusa na hindi mapanganak at hindi ako mapalagay. Para akong isang teenager na excited na muling makasama si Lucian.

 

Gusto ko na ngang hilain ang oras eh.

 

Para puntahan niya ako dito sa penthouse at makasama ko na siya ulit.

 

Nababaliw na din siguro ako. Hindi ko alam kung bakit ganito pa rin kalaki ang epekto sa akin ni Lucian at sa kabila ng mga nangyari walang kadala-dala at muli akong nagtiwala sa kanya.

 

Nasa ganoon akong kalagayan nang marinig ko ang biglang pagtunog ng aking cellphone. Lutang pa rin ako sa sobrang tuwa na kaagad na sinagot ang tawag na hindi ko man lang tinitingnan kung sino ang nasa kabilang linya.

 

"Hello?" seryosong sagot ko. Nakatitig pa rin ako sa daliri ko na may suot na diamond ring nang marinig ko ang boses na nasa kabilang linya.

 

"Amber...anak ko!" bigkas nito. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa gulat at napatitig sa cellphone ko kasabay ng malakas na kabog ng puso ko.

 

Si Gustavo Rodriguez lang naman ang nasa kabilang linya. Ang aking ama!

 

Pinindot ko ang loud speaker at mariin kong naipikit ang aking mga mata nang muling nagsalita ang nasa kabilang linya.

 

"Alam kong galit ka sa akin, dahil sa mga nangyari. Tumawag lang ako sa iyo dahil gusto kong marinig ang boses mo. Amber, alam kong para sa iyo, ako na ang pinakamasamang ama at hindi kita masisisi tungkol sa bagay na iyan. Hindi sapat ang salitang patawad para mapagbayaran ko ang lahat ng mga kasalanan at kapabayaan na ginawa ko sa iyo, noon. Ganunpaman, humihingi pa rin ako ng patawad sa lahat ng mga nangyari.

 

"malungkot ang boses na wika nito kasabay ng malakas nitong pag-ubo.

 

 

Mariin kong nahawakan ang aking cellphone. Hindi ko na din mapigilan pa ang maluha. Hindi ko akalain na magawa pa nitong tumawag sa akin para lang humingi ng tawad sa mga nangyari.

 

"Kayo na din po ang nagsabi na walang kapatawaran ang nagawa niyong kasalanan sa amin ni Mommy noon. Ano ang kailangan mo? bakit ka pa tumawag? "seryosong tanong ko dito. Ramdam ko pa rin sa puso ko ang matinding hinanakit dahil sa mga nangyari. Isa ito sa dahilan kung bakit nagkanda-litse-litse ang buhay ko.

 

"Alam ko at hindi na ako umaasa pa na mapatawad mo ako, anak. Alam kong sa mga mata mo ako na ang pinakamasamang tao sa balat ng lupa pero kakapalan ko na ang mukha ko. Pwede ba kitang makita kahit saglit lang? "seryosong tanong nito sa akin.

 

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ni hindi ko na nga mapigilan pa ang mapalakas ang aking paghikbi.

 

"Amber...kahit saglit lang. Nakikiusap ako sa iyo anak. Kahit na limang minuto lang. Hayaan mo akong makita ka. Please... anak." nakikiusap nitong bikgąs.

 

"So, naalala mo na--na ako ang anak mo pagkatapos ng lahat-kahat? Pagkatapos ng maraming rejections na ginawa mo sa akin noon, tsaka ka ngayun tatawag para humingi ng tawad sa akin?" umiiyak kong tanong dito. Ramdam pa rin ng puso ko ang matinding hinanakit para dito.

 

"I am sorry, Amber. I am sorry!" ramdam ko ang matinding lungkot sa boses nito habang nagsasalita ito kaya hindi ko mapigilan ang maipikit ang aking mga mata.

 

Masama na ba akong anak kung sakaling hindi ko siya pagbibigyan sa hiling niya ngayun sa akin? Aware ako na mag-isa na lang ito sa buhay at nasa home for the aged na ito ngayun. Iniwan na ito ng kabit nito at pati ng anak-anakan nitong si Aurora ay nasa mental hospital daw.

 

"Hindi ko po maipangako sa inyo kung kaya ko pa bang makipagkita sa inyo. Kayo po ang may kasalanan kung bakit maagang nawala si Mommy sa mundo. Kung hindi sana kayo naging makasarili, hindi sana siya namatay sa sakit niya." umiiyak kong sambit.

 

"Alam ko! Alam ko iyun, Amber at labis kong pinagsisisihan ang lahat-lahat. Bawat minuto ay sinisingil ako ng matinding konsensya sa mga nangyari. Naging selfish at pabaya akong ama at asawa! Hindi ko man lang inisip ang mga consequences na nagawa ko dati." mahina nitong sambit.

 

Lalo naman akong napahagulhol ng iyak. Ramdam ko din kasi sa puso ko ang pangungulila para sa isang ama.

 

Pero hindi! Amg sakit na idinulot ng pagtakwil nito sa amin noon ay nanatili na yatang malaking sugat sa puso ko.

 

Kaya lang, ayaw ko din kasing magdesisyon ng mga bagay-bagay na baka pagisisihan ko din bandang huli.

 

Matanda na si Gustavo at kahit na

pagbabalik-baliktarin man ang mundo, ama ko pa rin siya.

 

 

Chapter 186

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

MAGA ang aking mga mata sa kakaiyak nang dumating si Lucian dito sa penthouse. Pagkatapos kasi naming mag-usap ng aking ama na si Gustavo Rodriguez, wala na akong ginawa kundi ang umiyak nang umiyak.

 

Muli kasing nanumbalik sa alaala ko ang mga nangyari noong nakaraan. Kung paano kami nito itinaboy ni Mommy na parang basahan.

 

Nakalimutan ko na sana ang lahat-lahat ng iyun pero dahil muli ko itong nakausap, muling nanumbalik as isipan ko nag mga masasakit na nangyari ng nakaraan

 

"Hey, anong nangyari? Teka lang umiiyak ka ba?" nag-aalalang tanong ni Lucian sa akin pagkatapos ko itong pagbuksan ng pintuan ng penthouse. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napahagulhol ako ng iyak na napayakap dito.

 

"Precious, bakit ka umiiyak? Teka, may nangyari ba habang wala ako?" seryosong tanong niya sa akin. Kaagad naman akong umiling.

 

"Bakit ganoon? Bakit kung saan nakalimutan ko na ang lahat-lahat tsaka naman siya muling bumalik?" umiiyak kong sambit kay Lucian.

 

"Who?" seryosong tanong niya. Naramdaman ko pa ng paghaplos niya sa likuran ko na para bang inaalo niya ako.

 

"Si Gustavo. Ang ama kong si Gustavo Rodriguez!" umiiyak kong sagot sa kanya. Hindi nakasagot si Lucian pagkatapos kong sabihin ang katagang iyun. Hinayaan niya lang din akong umiyak nang umiyak sa bisig niya.

 

"Siya ang dahilan ng maagang pagpanaw ni Mommy pero bakit parang hindi ko siya kayang tiiisin? Sa kabila ng mga nangyari, bakit gusto ko pa rin siyang makita? Kahit na galit ako sa kanya, ramdam ko pa rin puso ko na gusto ko pa rin siyang makaharap, Lucian." umiiyak kong sambit.

 

"Sshshh, tahan na! Precious, kung ano man ang sinisigaw ng puso mo, sundin mo. Sasamahan kita sa kanya kung kinakailangan. Para sa katahimikan, sundin mo kung ano ang dikta ng puso mo." seryoso niyang sagot sa akin. Wala sa sariling napatingala ako sa kanya dahil sa sinabi niyang iyun sa akin.

 

"Okay lang ba? I mean, hindi ba awkward? Hindi siya naging mabuting ama sa akin. Dapat, magalit ako sa kanya dahil sa ginawa niya eh!" umiiyak kong sambit.

 

"Bakit naman awkward! Kahit na ano pa man ang mangyari, ama mo pa rin siya. Kung sakali ba na baliwalain mo siya magiging masaya ka ba? Precious, nandito lang ako sa tabi mo na handa kang suportahan sa lahat ng oras." seryosong bigkas niya. HIndi ako nakaimik. Pilit kong tinitimbang sa puso ang mga sinabi niya ngayun.

 

"Precious, para sa kapayapaan ng puso mo, I think ito na din ang tamang time para kausapin mo siya. Please?" seryosong bigkas niya. Napatitig ako sa mga mata niya at nang mapansin ko ang sensiradad sa mga titig niya kaya tipid akong napangiti.

 

"okay...samahan mo ako sa kanya. Mas maganda na din siguro na once and for all, magkausap na din kami. Para sa kapanatagan ng kalooban ko. Gusto ko din siyang makausap. Gusto kong ilabas sa kanya ang hinanakit sa puso na kay tagal kong inipon dahil pinabayaan niya kami!. "seryosong sagot ko.

 

"Okay. Your wish is my command. Bukas na bukas din, sasamahan kita sa kanya. Sa ngayun, kailangan muna nating mag date. Hindi pwedeng hindi!" nakangiting bigkas niya. Awtomatiko na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ko at patingkayad ang ginawa ko para maabot ko ang labi niya.

 

Yes, ako ang kusang humalik sa kanya na kaagad niya din namang tinugon.

 

Mainit namin na pinagsaluhan ang mainit na halik at kung hindi pa nga kami parehong kinapos ng paghinga, hindi pa kami maghihiwalay. Masuyo at puno ng pagmamahal ang makikita sa mga titig ni Lucian bago niya hinaplos ang pisngi ko.

 

"Magbihis ka na para makaalis na tayo.

 

Huwag mo akong bigyan ng dahilan na hindi matuloy ang lakad nating ito at magkulong nalang tayo ng kwarto hanggang sa makatulog tayo pareho."

 

nakangiti niyang bigkas. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napakalas sa pagkakayakap sa kanya,.

 

"Magbibihis na ako. Maghapon na ako dito sa penthouse at kailangan ko nga palang lumabas at maglakad-lakad." nakangiti kong sagot sa kanya.

 

Pagkatapos kong sabihin ang katagang iyun, patakbo akong pumasok ng kwarto habang narinig ko naman ang malakas na pgtawa ni Lucian.

 

 

 

 

 

©️Sagittarius 🧚🏻🧚‍♂️

 

Chapter 187

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Lucian, are you sure about this? I mean, hindi mo kailangang gawin ito. Ayaw ko. Hindi ko naman kailangan ang mga iyan ah? Nakalimutan mo na ba, ang dami ko nang mga ganitong gamit sa penthouse. Hindi ko naman nagagamit at nakatago lang." seryosong wika ko kay Lucian. Nandito kami sa isang mall at nasa loob kami ng isang mamahaling shop.

 

Shopping na naman. Hindi talaga ako mahilig sa mga mamahaling gamit. Particular na sa mga mamahaling bags at kung anu-ano pang luho.

 

"Precious, luma na iyun. Tsaka, hindi ba't ang pagsa-shopping ang isa sa kaligayahan ng mga kababaihan?" nakangiting sagot niya sa akin

 

'"But, Lucian...hindi ko kailangan ang mga iyan. Sobrang nanghihinayang ako sa pera dahil baka masira lang iyan sa taguan tapos hindi ko naman magagamit. "seryosong sagot ko

 

"I insist. Ilang taon din nating hindi ito ginawa. Sige na...mamili ka na. Kunin mo ang lahat ng gusto mo." nakangiting sagot niya. Hindi ko naman mapigilan ang mapalunok ng laway.

 

Napatitig ako sa mga bags na nasa harapan namin. Nag level up na ang paraan ng pagsa-shopping. Nakaupo na lang ako ngayun sa isang malambot na couch habang isa-isang ipinapakita ng mga staff ang kanilang mga collections na mga bags na posible ko daw magustuhan

 

Take note...hindi basta-bastang mga bags ito. Mga luxury bags at umaabot ng hanggang million ang presyo ng isa. Ayaw ko talaga. Gusto kong panindigan na ayaw ko kaya lang si Lucian na mismo ang nagturo. Nahalata marahil nito na hindi niya ako mapipilit

 

"We will take that...and that...and that!" seryosong wika nito. Nagturo na nga at hindi ko mapigilan ang mapangiwi nang makita ko ang presyo ng mga naturang items. Millions iyun at hindi ko alam kung bakit parang gusto yatang gumastos nang

gumastos ni Lucian ngayun

 

"Lucian, are you sure? No! I mean, mahal iyan. Sayang ang pera." halos pabulong kong wika dito. Hangat maari, ayaw ko din naman marinig ng mga staff ang sinabi ko. Nakakahiya.

 

"Yeah...I am sure, Precious. Nandito tayo sa labas para magshopping kaya pumili ka na." nakangiting sagot niya.

 

"Pero, may nakuha ka nang tatlo. Tama na iyun." sagot ko din naman kaagad.

 

Magaganda din naman iyung mga napili niya. Sabagay, magaganda talaga lalo na at mamahalin. Gosh, millions na bags? Hindi naman siguro ako magmumukhang gold digger diba?

 

Walang sabi-sabing binayaran kaagad ni Lucian ang tatlong bags na napili gamit ang card nito. Parang wala lang sa kanya samantalang ako naman ay sobrang nanghihinayang sa pera.

 

Pagkatapos ng transaction namin, lumipat naman kami sa isang jewelry shop. Ayaw ko na sanang pumasok kami lalo na at may mga jewelry naman ako na nasa penthouse din. Lahat kasi ng mga gamit ko na naiwan ko sa penthouse noon bago ako naglayas ay nandoon pa rin. Maayos na nakatago at kahit na isang mga gamit, wala man lang nawala.

 

"Lucian, tama na. Ayaw ko na." pabulong kong muling wika nito. God, ini-spoiled niya ba ako?

 

"Relax! Kaya tayo nandito dahil magsa-shopping tayo. Bibili lang tayo ng ibang mg items tapos kakain muna tayo ng dinner bago tayo maglibot ulit."

 

nakangiting sagot niya sa akin. Hawak niya ako sa kamay at kaagad naman kaming sinalubong ng mga staff ng naturang jewelry shop.

 

"Good evening, Sir, Madam!" sabay-sabay pa nga nilang bati. Tango lang ang naging sagot ni Lucian samantalang hindi ko naman malaman kung ngingiti ba ako or hindi. Nahihiya ako at the same time, sobrang kinakabahan ako.

 

Noong nagsasama pa kami Lucian, palagi din akong binibigyan nitong si Lucian ng mga jewelries. Kadalasan, pasalubong niya sa tuwing galing siya sa biyahe. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok ako sa isang mamahaling jewelry shop at lahat ng mga nakikita ng mga mata ko ay kumikinang.

 

"This way, Sir, Madam." narinig kong muling wika ng staff na nag-aassist sa amin. Wala sa sariling napakapit ako sa braso ni Lucian habang patuloy kaming naglalakad.

 

Hanggang sa pumasok kami sa parang isang kwarto. Naupo kami ni Lucian sa malambot na couch habang magkahawak kamay pa rin.

 

Lalo akong na-amaze dahil may pa-complimentary drinks pa pala sila. Nakalagay sa isang kopita pero wala akong balak na inumin or tikman iyun. Ninerbiyos kasi ako sa mga nakikita kong mga alahas eh.

 

"Hi Sir...thank you for coming. Actually, nakaready na po ang mga new collections na nirequest niyo po kanina sa amin via phone call." umpisang wika ng nag-aassist sa amin pagkatapos noon, may kinuha ito sa isang salamin na cabinet at inilapag nito sa harapan namin ang tatlong iba't ibang katamtamang hugis ng box kung saan makikita sa loob ang mga kumikinang na mga alahas. Iba-ibang design at ibat-iba di ang hugis ng mga diyamante.

 

"What do you think, Precious?"

nakangiting baling ni Lucian sa akin.

 

Parang namamagnet ang mga mata ko at hindi maalis-alis ang pagkakatitig sa mga nagagandahang alahas na nasa harapan ko. Talaga palang nag-eexist ang mga ito eh.

 

"Ang ganda! Sobrang gaganda!'" bulalas ko.

 

"Well, okay, gusto ng mahal ko kaya kukunin na namin lahat iyan."

 

nakangiting wika ni Lucian na labis kong ikinagulat.

 

Ang akala ko kasi ay pipili lang ako ng isa pero hindi ko naman akalain na lahat pala? Gosh. nagbabawas ba ng pera itong si Lucian?

 

"Oh, Thank you Sir! Thank you so much. We will wrap it right a way, Sir."

 

nakangiting sagot naman ng staff. Isa-isa nitong inayos ang mga items sa harapan namin.

 

"Lucian, are yo sure about this? I mean, hindi ka ba nagsasayang ng pera niyan?" pabulong kong tanong dito. Talagang inilapit ko pa ang bibig ko sa tainga niya para marinig niya ako ng maayos.

 

Iyun nga lang, wala akong nakuhang sagot sa kanya dahil matamis lang ako nitong nginitian sabay halik niya sa kamay ko.

 

Muli nagulat ako sa gesture na iyun sa akin ni Lucian. Grabe ang lalaking ito. Palagi niya na lang akong ginugulat.

 

 

Chapter 188

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

PAGKALABAS namin sa jewelry shop, pinilit ko na lang si Lucian na kumain na lang. Hindi ko na kaya. Baka kasi kung saan nya pa ako yayain at mas mapapagastos pa siya ng sobra.

 

Ibang shopping ito. Wala pang dalawang oras pero milyones na ang nagastos niya sa akin. Nakakalulula ang mga presyo ng mga pinamili niya na ngayun ay bitbit ng mga bodyguards nito na tahimik lang na nakasunod sa amin.

 

Tahimik kaming pumasok sa isang restaurant. Umorder ng makakain at saktong pagka-serve pa lang ng pagkain sa harap namin. narinig ko ang pagtunog ng cellphone ni Lucian.

 

"Lucian, may tumatawag yata."

 

seryosong wika ko. Kaagad naman nitong inilabas ang naturang cellphone at tinitigan.

 

"Yeah...meron nga. Excuse me, Precious.

 

Sasagutin ko lang." nakangiting sagot nito. Tumayo ito at naglakad palabas ng restaurnt. Wala sa sariling nasundan ko ito ng tingin.

 

"Amber? Amber, ikaw nga?" mabilis na napabaling ang tingin ko nang marinig ko ang familiar na boses na biglang nagsalita sa tagiliran ko. Nagtatakang kaagad akong napaangat ng tingin at hindi ko mapigilan ang magulat nang mamukhaan ko si Lauren.

 

Yes, sa Lauren nga. Ano ang ginagawa niya sa lugar na ito? Tsaka, anong nangyayari sa babaeng ito? Bakit habang tumatagal, palala yata nang palala ang hitsura niya?

 

Tsaka, kaninong anak itong hawak niya? Gosh...

 

"Amber, sa wakas, natiyempuhan din kita. Alam kong malaki ang pagkakamali ko sa iyo at nandito ako sa harapan mo para humingi ng tawad. Alam kong hindi na maibablik pa ang mga nangyari na. Sobrang laki ng kasalanan ko sa iyo kaya lang wala na akong pagpipilian pa.

 

Amber...hindi ko na kaya. Tulungan mo ako!" umiiyak nitong wika sa akin. Hindi naman ako nakaimik

 

Sa totoo lang, naguguluhan ako.

 

Malayong malayo kasi siya sa Lauren na nakilala ko eh. Ang Lauren na mayabang at mata-pobre ay hindi ko na nakikita ngayun sa mukha niya.

 

"A-anong ibig mong sabihin? HIndi kita maintindihan." seryosong tanong ko sa kanya

 

"Amber....masakit itong gagawin ko pero wala na kong pagpipilian pa. Alam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal at alam kong masyadong malaki itong ipapakiusap ko sa iyo pero pwede bang sa iyo na lang siya? Ikaw na lang ang mag-aalaga sa kanya?" umiiyak niyang sambit. Kaagad namang nanlaki ang mga mata sa gulat nang bigla niya na lang iniabot sa akin ang sangol na hawak nya.

 

"Ayaw ko sanang idamay ang anak ko sa gulong ito. Pero...pero kung hindi ko ito gagawin, baka may masamang manyari sa kanya. May sakit siya at wala akong pera na pampagamot sa kanya at sa kondisyon ko ngayun, mahihirapan na akong makahanap ng trabaho." umiiyak nitong sambit

 

"Lauren...sino ang batang iyan? Anak mo? Bakit gusto mong ipamigay? HIndi siya isang tuta na basta mo na lang ipagkatiwala kahit na kanino." seryosong tanong ko sa kanya.

 

"I Know..I know pero wala na talaga akong pagpipilian eh. Alam kong kapag ikaw ang kikilalanin niyang Ina, mabibigyan mo siya ng magandang kinabukasan. Pangako, after this, hindi na ako magpapakita sa iyo. Ipinagkakatiwala ko na sa iyo ng buong puso ang sarili kong laman at dugo." umiiyak nitong sagot sa akin.

 

Naguguluhan ako. Napatitig ako sa sangol na hawak nito. Napaka payat nito at feeling ko nga malnourished na eh. Kulang sa sustansiya kagaya dito kay Lauren na nanlalalim at nangingitim ang paligid ng mga mata.

 

"Bakit ako? Paano ka nakakasiguro na mabibigyan ko siya ng magandang buhay? Hindi mo man lang ba naisip na baka pagmalupitan ko siya knowing na ang laki ng kasalanan mo sa akin?" seryosong tanong ko sa kanya.

 

"No! Alam kong hindi mo kayang gawin iyan. Alam kong may mabuti kang puso at ituturing mo siyang parang tunay na anak. Please Amber...pagbigyan mo naman ako oh? liwan ko sa iyo ang bata at simula ngayung araw hindi mo na ako makikita pa. Please!" umiiiyak nitong sambit. Pagkatapos noon, kusa nitong inilapag ang sangol sa bisig ko.

 

Hindi naman ako nakaimik, Pinakatitigan ko ang bata na nasa kandungan ko na at parang may kung anong mainit na bagay akong nararamdaman ng puso ko. May mumunting saya akong naramdaman habang nakatitig sa maamo nitong mukha.

 

"Ano ang pangalan niya?" seryosong tanong ko kay Lauren

 

"NO! Ikaw na ang bahala magbigay ng pangalan sa kanya. Amber...mangako kasa akin. Alagaan mo ang anak ko ha? Siya na lang ang meron ako ngayun kaya sana alagaaan mo siya." umiiyak nitong sambit.

 

"Lauren, ano ba talaga ang nangyari? Bakit ka nagkaganiyan? Kung siya na lang ang natitira sa iyo, bakit kailangan mo siyang ibigay sa akin?" seryosong tanong ko dito.

 

"Dahil alam kong magiging maganda ang kinabukasan niya kapag ikaw ang magpalaki sa kanya. Hindi ko kayang ibigay ang lahat ng mga pangangailangan niya at ayaw kong magdusa sa mga kamay ko ang sarili kong anak." umiiyak niyang sambit. Pagkatapos noon, mabilis itong humakbang paalis pero kaagad ko din naman siyang nahawakan sa kamay

 

"Saglit lang. May-may ibibigay ako sa iyo. "seryosong wika ko. Gamit ang isa kong kamay, binuksan ko ang aking bag at naglabas ng limang pirasong tig lilibohing papel

 

"Para sa iyo. Kumain ka." seryosong wika ko. Isang malungkot na ngiti ang kaagad

na gumuhit sa labi nito bago umiling

 

"No! Hindi na kailangan. Ang pagtangap mo sa anak ko ay malaking bagay na sa akin. God Bless, Amber. Hangad ko ang kaligayahan mo sa piling ni Lucian." umiiiyak nitong sagot sa akin bago ito nagmamadaling naglakad paalis.

 

Napansin ko pa ang pagyugyog ng balikat nito palatandaan na umiiyak ito habang naglalakad palayo.

 

 

Chapter 189

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

Saktong pagkaalis ni Lauren, siyang pagdating naman ni Lucian na kitang kita ang pagtataka sa mga mata habang nakatitig sa batang hawak ko.

 

"Precious, kaninong anak iyan?"

 

seryosong tanong niya.

 

"Kay Lauren....'" seryosong sagot ko dito

 

"What? Lauren? Si Lauren? Nandito siya?

 

"seryosong tanong niya. Dahan-dahan naman akong tumango

 

"Anak niya daw ito at gusto niyang ipaampon sa atin, Lucian. Actually, ayaw ko sana, kaya lang ipinilit niya sa akin. Basta niya na lang iniwan ang sangol habang walang humpay ang pag-iyak ng babaeng iyun." seryosong sagot ko dito

 

Napansin kong natigilan si Lucian. Tiim bagang ang mga matang tinitigan nito ang batang nasa bisig ko bago nagsalita.

 

"Hindi natin siya pwedeng ampunin.

 

Precious." seryosong wika niya.

 

'What? Kung hindi pwede...paano na ang batang ito? Saan natin dadalhin?" seryosong tanong ko sa kanya

 

"Well, may mga government institutions na pwede nating pagdalahan sa kanya. Precious, we can have our baby! Hindi natin kailangang mag-ampon ng isang paslit lalo na at ang Nanay ng batang iyan ay si Lauren." seryosong wika niya.

 

Muli naman akong napatitig sa batang hawak ko. Sa hindi malamang dahilan bigla akong nakaramdam ng lungkot para dito

 

Nireject na nga ito ng sariling Ina tapos irereject ko din ba ito? Kawawaang bata. Paano na lang ang magiging kinabukasan nito kung sakaling isusuko namin ito sa isang institutions?

 

"Lucian, hindi ko kaya. Kawawa siya." mahinang wika ko habang titig na titig sa bata. Mahimbing ang tulog nito at wala man lang itong kamuwang-muwang na iniwan na ito ng sariling Ina sa ibang tao.

 

No! Hindi ko kayang pakawalan ang batang ito. Oo, malaki ang kasalanan ni Lauren sa akin pero hindi ko kayang biguin ang hiling nito sa akin, Lalo na at may isang anghel na involved.

 

"Precious, Lauren is Lauren. Alam mo naman siguro ang ugali ng babaeng iyun diba? Mapagpangap siya at baka ito na naman ang umpisa ng panggugulo niya sa atin kung sakaling nasa atin ang anak niya." seryosong wika niya.

 

Tuluyan na itong napupo sa bakanteng upuan na katapat ko.

 

"Nangako siya sa akin na hindi siya manggugulo. Lucian, naawa ako kay Lauren. Siguro, kung nakita mo lang ang hitsura niya kanina, tiyak akong maawa ka din. Nanlalalim ang mga mata niya na para bang may sakit siya." seryosong wika ko.

 

"But---

 

"No more "But'! Kung ayaw mo sa batang ito, bahala ka. Basta ako, gusto ko siya. Gusto ko sivang alagaan at ako mismo ang magpapalaki sa kanya, Lucian. Hindi ko iiwan at ipamigay ang kaawa-awang sangol na ito." seryosong wika ko. Hindi naman nakaimik si Lucian pero kitang ko sa mga nito ang pag-aalangan.

 

"Naiinitindihan ko naman kung ayaw mo sa kanya eh. Kaya lang, gusto ko siya. gustong gusto ko ang batang ito at gusto ko siyang alagaan.'" seryosong wika ko.

 

"Precious, huwag mo namang gawing kumplekado ang lahat. Hindi naman sa ayaw ko pero anak siya ni Lauren at alam mo naman siguro ang ugali ng babaeng iyun diba? Nag-aalala lang ako na baka muli siyang magbalik at guluhin tayo. Oo, nangako sa iyo ang babaeng iyun na hindi na manggugulo pero paano kung biglang magbago ang isip? Paano kung dumating ang time na kunin niya sa iyo ang batang iyan?" seryosong tanong niya sa akin

 

"Hindi pa naman dumadating ang time na iyun kaya walang dapat na ikabahala. Lucian, buo na ang desisyon ko. Ako na ang magiging Ina ng batang ito at kung ayaw mo naman, bahala ka na!" naiinis

kong bigkas at mabilis na tumayo. Wala na kaming dapat na pagdebatehan pa. Kahit na magalit pa itong si Lucian sa akin, panininidgan ko ang kung ano ng gusto ko.

 

"Precious, saan ka pupunta? Sit down! Hindi pa tayo nag-uumpisang kumain pero aalis ka na? Mas gusto mo pa bang makipag-away sa akin dahil lang sa batang iyan?" seryosong tanong niya sa akin. Sa pagkakataon na ito, ramdam ko na sa boses niya ang pagpipigil ng inis.

 

"Sa simpleng bagay, hindi na tayo nagkasundo pa. What more pa kung magsasama na tayo sa iisang bubong? Hindi tayo compatible Lucian and I think, ngayun palang itigil na natin ito."

 

seryosong sagot ko

 

Kaagad namang nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko. Halatang hindi nito nagustuhan ang katagang lumbas sa bibig ko

 

"Precious, not like that! I mean..paano kung dumating ang time na magbuntis ka? Na magkaanak tayo? Is it unfair para

sa magiging anak natin na may nauna sa kanila na outsider?" seryosong tanong niya.

 

"He will never be an outsider Lucian. Baka nga mas matuwa pa ang magiging anak natin eh. May Kuya na sila, Lucian." seryosong sagot ko. Hindi naman ito nakaimik

 

"I think, hindi ka in favor sa gusto ko kaya wala na akong magagawa pa. Hindi mo maintindihan ang gusto ko at hindi ko din maintindihan ang nais mo. I think, tapos na ang pag-uusap nating ito." muli kong bigkas at akmang maglalakad na sana ako paalis nang mabilis niya akong mahawakan sa aking braso

 

"Wait..Precious, okay! Fine..payag ako. Kung gusto mo talagang ampunin ang batang iyan...susuportahan kita." seryosong bigkas nito Kaagad naman akong umiling

 

"Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo kung ayaw mo talaga, Lucian. Ayos lang. Naiinitindihan kita." seryosong  bigkas ko bago ako naglakad paalis karga ang sangol na nasa bisig ko.

 

 

 

 

 

 

©️Sagittarius 🧚🏻🧚‍♂️

 

Chapter 190

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Precious, wait! Hinatayin mo ako, plase... mag-usap tayo. Sorry, kung meron man akong nasabi na hindi kanais-nais, patawarin mo ako." seryosong wika sa akin ni Lucian.

 

Napahinto naman ako sa paghakbang at hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ngayun ko kasi napatunayan na hindi niya pala ako kayang tiisin.

 

"Precious, I am sorry! Kung may nasabi man akong hindi mo nagustuhan kanina, pasensya ka na. Okay....pumapayag na ako. Kung gusto mo talagang ampunin ang batang iyan, susuportahan kita sa gusto mo huwag ka lang magalit sa akin.." seryoso nitong wika. Tuluyan na siyang nakalapit sa akin at nasa likuran ko na siya. Naramdaman ko pa nga ang pagdantay ng palad niya sa balikat ko kaya dali-dali akong pumihit paharap sa kanya.

 

"Sigurado ka na ba diyan? Wala nang bawian?" tanong ko naman kaagad dito. Actually, alam ko din naman sa sarili ko na hindi ko din naman kayang iwan siya.

 

Mahal na mahal ko itong si Lucian at pagod na pagod na din ako sa kakaiwas sa kanya,

 

"Hindi na! Walang bawian. Gusto mo ang baby na iyan...pwes, simula ngayung araw tayo na ang magiging magulang niya. Tayo na ang mag-aalaga sa kanya at tayo na din ang ituturing niyang mga magulang." nakangiting sagot nito sa akin.

 

"Talaga? Thank you, Lucian. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayun. "puno ng galak sa boses na bigkas ko.

 

"Basta para sa iyo, handang handa akong tangapin ang lahat-lahat, Precious. Hindi ko kayang mawala ka sa akin kaya ko ito ginagawa." bigkas niya din naman kaagad. Pagkatapos noon, tinitigan nito ang baby na nasa bisig ko at muling ngumiti.

 

"Ituturing ko siyang anak ko. Palalakihin natin siya ng maayos at dadalhin niya ang apelyedo ko." nakangiting muli niyang wika sa akin. Lalo namang nagningning ang mga mata ko sa tuwa.

 

Iyun lang kasi ang gusto kong marinig mula dito kay Lucian eh. Hindi ko kayang hayaan ang inosenteng anghel na ito. Kahit na anak pa ito ni Lauren, gusto ko pa rin itong alagaan at mapalaki ng maayos.

 

Hindi kasalanan ang batang ito na si Lauren ang kanyang maging Ina at dahil kusang ibinigay siya sa akin ni Lauren, tatangapin ko siya ng buong puso.

 

"Tulog naman si Baby, kumain na muna tayo tapos dadalhin natin siya ng hospital para matingnan siya ng doctor. Gusto kong masigurado ang kalusugan ng bata." muling bikgas ni Lucian sa akin. Pagkatapos noon, iginiya niya ako pabalik sa aming table. Maayos pa rin namang nakalapag ang mga pagkain sa ibabaw ng mesa kaya naman pagkaupo namin, kaagad na din naming inumpisahan ang pagkain

 

Naging tahimik naman ang baby sa kandungan ko habang kumakain kami.. Panak-nakang sinusubuan din ako ni Lucian kaya naman nakakain din ako ng maayos kahit na karga ko si Baby.

 

Pagkatapos namin kumain, sinunod ni Lucian ang sinabi niya sa akin kanina na dadalhin namin si Baby sa hospital lalo na at pagkasakay namin sa sasakyan, nag-iiyak na ang bata. Hindi namin ito mapatahan kaya sobrang nag-aalala ako.

 

"Ayos naman siya kanina habang nasa resto tayo ah?" seryosong wika ni Lucian. Nababakas sa mukha nito ang pag-aalala para sa bata at kahit papaano, naging palagay din ang kalooban ko.

 

Alam ko kasing darating din ang araw na mapapamahal din siya sa batang ito.

 

Walang imposible iyun lalo na at simula ngayung araw, kami na ang tatayong mga magulang ng bata.

 

"Baka naman hinahanap niya ang presensya ng Mommy niya?" sagot ko din kay Lucian

 

"Maybe..pero kailangan niyang masanay sa atin. Hindi pwedeng iiyak siya ng ganiyan. baka kung ano ang mangyari sa kanya." wika nito pagakatapos noon, inutusan nito ang driver na bilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan para makarating kaagad kami ng hospital

 

Pagdating ng hospital...direcho kami ng emergency room. Inasikaso din naman kaagad si baby. Kulang nga ito sa timbang at malnourished. Nakitaan din ito ng infection sa dugo kaya naman inirekumenda ng doctor na ma-confine muna ang bata for monitoring na kaagad naman naming sinang-ayunan ni Lucian

 

Naiinitindihan ko na din ngayun kung bakit pinili ni Lauren na ibigay ang batang ito. Marami nga pala talaga itong problemang medical at maaring wala nang capacity si Lauren na maipagamot ito.

 

 

Chapter 191

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

Pumayag kami sa suggestion ng Doctor na i-confine muna ang baby sa hospital sa loob ng ilang araw.

 

Kinabukasan, inasikado na din namin ni Lucian ang tungkol sa pakikipagkita ko sa aking ama. Kay Gustavo Rodriguez sa isang home for the aged.

 

Noong una, bantulot pa ako pero nang makita ko ng kalagayan nito, parang biglang nadurog ang puso ko.

 

Malayong malayo na kasi ang hitsura nito kumpara sa dati. Si Gustavo Rodriguez ay isang payat at matanda na. Kitang kita sa hitsura nito na pinaglipasan na ito ng panahon at kitang kita ko sa mga mata nito ang lungkot habang nakatitig sa akin.

 

"Amber, anak." lumuluhang sambit nito. Naramdaman ko ang pagpisil ni Lucian sa palad ko kaya napabaling ang tingin ko dito

 

"Ewan ko na muna kayo. Talk to him, heart to heart. Sabihin mo sa kanya ang gusto mong sabihin pero huwag na huwag mong kalimutan na ama mo pa rin siya." seryosong bigkas niya. Isang malungkot na ngiti ang naging tugon ko sabay tango.

 

Binigyan muna ako nito ng masuyong halik sa noo bago ito tumalikod. Nang tuluyan nang nakaalis si Lucian, muli akong napatitig sa ama kong si Gustavo at naglakad palapit dito.

 

"Anak, sa wakas...dinalaw mo din ako. Magkakaroon na akong peace of mind dahil nandito ka na.." muling sambit ni Gustavo sa akin. Pinakatitigan ko ang kalagayan nito. Ang dating matikas at malupit na tao ay nakaupo na sa isang wheel chair. Mahina na at halatang may iniindang sakit.

 

"Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo? Gusto mo akong makausap, sabihin niyo na po." seryosong wika ko.

 

"Iha...alam kong galit ka sa akin dahil sa mga nangyari. Patawarin mo ako kung bakit humantong sa ganito ang lahat. Alam kong nagiging masama akong ama sa iyo, anak." muli nitong sambit. Sa pagkakataon na ito, kitang kita ko ang pagkalaglag ng luha mula sa mga mata nito. Hindi naman ako nakaimik.

 

"Nitong mga nakaraang taon ko lang na realized na hindi pala sa lahat ng oras, malakas ka. Na ang mga taong inaasahan mo na dadamay sa iyo sa mga panahong mahina ka na ay iiwan ka din pala nila. Kagaya na lang ng nangyari sa akin..."

 

"Nagmamadali po ako. Kung hindi din lang importante ang sasabihin ninyo, aalis na po ako." seryosong sagot ko sa kanya.

 

Hangat maari, ayaw ko nang pag-usapan ang tungkol sa kung anu-anong mga bagay lalo na kung tungkol sa kabit nito at kay Aurora ang topic. Mas lalo lang nanumbalik sa alaala ko ang mga pinagdaanan namin nila Mommy sa mga kamay nila.

 

"I am sorry, anak. Isang malaking pagkakamali ang lahat-lahat. Gustuhin ko mang bumawi sa iyo, pero hindi na talaga kaya. Matanda na ako at alam kong malapit na din akong mawala dito sa mundo." muli nitong wika.

 

"Lahat po tayo ay darating sa ganoong bagay. Pinili niyo po ang maging masamang ama sa akin. Masakit sa parte ko ang tungkol doon pero ano pa nga ba ang magagawa ko kundi tangapin ang katotohanan na sa panahon na ito, never akong nagkaroon ng isang mabuti at huwarang ama. Kung pwede nga lang ibalik sa iyo and sarili mong dugo na nananalaytay sa sarili kong ugat, ginawa ko na sana para hindi na ako magkaroon pa ng kaugnayan sa iyo, Mr. Rodriguez.

 

Kung pwede nga lang, huwag ko nang gamitin ang apelyedo mo....ginawa ko na din sana iyun...." wika ko kasabay ng pagpatak ng luha mula sa aking mga mata

 

Hindi ko na napigilan pa ang magigig emotional. Gusto kong ilabas sa kanya lahat ng hinanakit ko kaya lang kung gagawin ko iyun, baka abutin kami ng ilang araw bago matapos. Gusto kong sabihin sa kanya lahat ng hinanakit ko kaya lang, masyado na siyang matanda at baka lalabas na ako pa ang maging masama.

 

"Alam ko ang tungkol sa bagay na iyan anak at sobrang nahihiya ako sa iyo. Naging isa akong masamang ama at dapat lang na kamuhian mo ako ngayun. Mahina na ako at wala ng oras para

makabawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa iyo pero maniwala ka man sa akin, mahal kita. Mahal na mahal kita, anak." madamdaming sagot naman nito sa akin.

 

"Mahal? Talaga bang minahal mo ako kahit na kaunti lang? Kung talagang mahal mo ako, bakit mo ako, natiis? Bakit mo ako iniwan sa ere, Dad?" uimiiyak kong sambit.

 

"Dahil isa akong gagong ama na nagpauto sa mga taong akala ko magiging karamay ko hanggang sa takip silim ng aking buhay. "mahinang sambit nito. Ramdam ko sa boses nito ang matinding pagsisisi kaya naman lalo akong naluha.

 

"Precious, anak ko. Sana mapatawad mo ako sa lahat-lahat ng mga pagkakamali ko. Nahihiya ako sa lahat-lahat. Gusto kong bumawi sa kahit na maliit na paraan na alam ko kaya kita tinawagan." muli nitong sambit. Tahimik lang din naman akong lumuluha habang nakakuyom ang kamao ko.

 

 

 

Chapter 192

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Hindi na ako aasa pa na mapatawad mo ako, anak. Pero tandaan mo, mahal kita. Mahal na mahal kita. Ikaw lang ang nag-iisa kong anak dito sa mundo at kung totoo man ang susunod na buhay, iiwasan ko na ang magkamali ulit. Sana ikaw pa rin ang magiging anak ko para makabawi man lang ako sa lahat ng pagkakaamali na nagawa ko sa iyo sa buhay an ito.' seryosong wika niya sa akin. Kaagad naman akong umiling.

 

"Kung sakaling may susunod mang buhay na darating...ayaw ko na pong maging ama ko kayo. Masyado nang unfair para sa akin lalo na at sa buhay na ito, hindi ka naging mabuting ama sa akin." seryosong sagot ko sa kanya.

 

Napansin ko ang pait na kaagad na gumuhit sa mukha nito dahil sa sinabi kong iyun pero wala na akong pakialam pa., Para sa akin, hindi ko siya ama. Isa lamang siyang istranghero sa paningin ko

lalo na at wala man lang kahit na anong good memories akong naalala sa pagitan namin.

 

Puro pasakit ang lahat-lahat ng mga naalala ko. Hindi ko din maalala kung kailan ba siya naging mabuti sa akin at kung kailan siya nagpakaama sa akin.

 

"Kung wala na po kayong ibang sasabihin, aalis na po ako. Mag-ingat kayo po kayo dito at ito na din po siguro ang huli nating pagkikita." seryosong sagot ko bago ko inihakbang ang dalawa kong paa paalis. Kaya lang natigilan din ako nang muli niyang tinawag ang pangalan ko

 

"Amber, anak ko. Saglit lang....."

 

"Lagpas na sa limang minuto ang pag-uusap nating ito at baka kapag magtagal pa ako dito, baka kung ano pa ang masabi ko sa inyo, Mr. Rodriguez." seryosong sagot ko sa kanya.

 

"And I am willing to listen, anak. Ako ang may mali kaya dapat lang na magdusa ako." sambit nito. Pigil ko naman ang sarili ko na mapaismid.

 

Sobrang bait naman yata ngayung ng Gustavo na ito. Siguro dahil alam nitong malapit na siyang magpaalam dito sa mundo. Haysst, kung noon napaka yabang nito, ibang iba na ngayun. Sabagay matanda at mahina na siya at wala na itong maipagmalaki pa.

 

"ANAK, here, tangapin mo. Para sa iyo, iyan." muling wika sa akin ni Gustavo Rodriguez sabay abot sa akin ng isang susi.

 

"What is it?" seryosong tanong ko dito.. Napatitig ako sa hawak nitong susi at hindi ko mapigilan ang makaramdam ng matinding pagtataka.

 

"Sa loob ng library ng bahay, may isang vault. Ang password ay ang buwan at taon ng kapanganakan na Mommy mo. Buksan mo para makita mo kung ano ang inihanda ko sa iyo, anak." seryoso nitong sambit.

 

"NO! Hindi ko kailangan ang mga iyan. Ano mang mga bagay na mula sa iyo ay hindi ko na gusto. Ibigay mo na lang iyan sa ibang tao dahil hangat maari, ayaw ko nang magkaroon pa ng kaugnayan sa iyo. "seryosong sambit ko.

 

Pagkatapos kong sabihin ang katagang iyun, mabilis na akong naglakad paalis. Hindi ko na pinansin pa ang muling pagtawag nito sa pangalan ko.

 

Walang patutunguhan ang pag-uusap na ito at baka mas lalo lang akong magkasala kung patuloy ko siyang sumbatan ng nakaraan. Hindi siya naging mabuting ama sa akin kaya dapat lang na huwag ko siyang kaawaan ngayun.

 

"Good bye, Gustavo Rodriguez!" mahina kong sambit kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mg ama. Ama ko siya eh. Dugo at laman niya ang nanalaytay sa aking ugat pero hindi ko na din siya kayang mahalin. Hinding hindi na.

 

Dire-derecho akong naglakad paalis. Hindi na din ako nagtangka pang lingunin ito kahit na patuloy nitong tinatawag ang aking pangalan. Bahala na siya. Ayaw ko na siyang makausap pa ulit.

 

"Precious....." pagkalabas ko, siyang pagsalubong naman ni Lucian sa akin. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala kaya naman kaagad ko din namang pinunasan ang luha sa aking mga mata.

 

"Uwi na tayo." seryosong bigkas ko.

 

"Bakit ang bilis naman yata? I mean.... tapos na ba kayong mag-usap?" seryosong tanong niya.

 

"Wala nang dahilan pa para magtagal ako dito. Gusto ko na munang umuwi para makapagpahinga na muna." seryosong sagot ko sa kanya.

 

"Okay...sige. Uuwi na muna tayo." sagot naman kaagad nito sa akin sabay hawak niya sa kamay ko. Sabay na kaming naglakad patungo sa parking area at ilang saglit lang, nilisan na namin ang vicinity ng home for the aged na may nakakapa akong lungkot sa sarili ko.

 

Parang gusto kong kwestiyunin ang sarili ko kung naging masama ba akong anak kay Gustavo Rodriguez? Ewan...basta ang alam ko, galit ako sa kanya dahil hindi siya naging mabuting ama sa akin.

 

 

 

 

 

©️Sagittarius 🧚🏻🧚‍♂️

 

Chapter 193

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Are you okay?" seryosong tanong sa akin si Lucian. Kakatapos lang namin mag-usap ni Gustravo at pauwi na kami ngayun. Gusto ko na munang magpahinga dahil balak kong dalawin ang anak ni Lauren mamaya sa hospital.

 

Binabantayan ito ngayun ng isa sa mga kasambahay ni Lucian.

 

"Okay lang. At least nakausap ko na din siya at nasabi ko na din ang mga gusto kong sabihin sa kanya." seryosong sagot ko na ang tinutukoy ko ay SI Gustavo Rodriguez..ang aking ama.

 

Naramdaman ko naman ang pagpisil ni Lucian sa palad ko. Napaangat naman ako ng tingin at nagtagpo ang aming paningin.

 

"Precious, kung ano man ang mga desisyon mo sa hinaharap, nandito lang ako. Handa kitang suportahan sa lahat ng oras." seryosong sagot nito sa akin.

 

"Thank you, Lucian. Gusto kong umuwi na muna. Gusto kong matulog at makapag -isip." seryosong sagot ko sa kanya.

 

"Of course. Pahinga ka na muna.

 

Masyadong maraming nangyari at kailangan mo talaga ng tamang pahinga." nakangiting sagot nito.

 

Kinabig ako nito na siyang dahilan kaya napansandal ako sa balikat nito. Hindi na din naman ako gumalaw pa at ipinikit ko na lang din ang aking mga mata.

 

Sa nangyaring pag-uusap naming dalawa ni Gustavo kanina, hindi ko alam kung masaya nga ba ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayun. Basta ang alam ko, nasasaktan ako na makita ang sitwasyon niya ngayun. HIndi naman ako naging masamang anak sa kanya eh pero naging masama siyang ama sa akin. Wala akong memories na nakasama ko siya ng masaya.

 

Sa kakaisip ko, hindi ko na namalayan pa na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako na para bang idinuduyan ako sa alaapap. Nang imulat ko ang aking mga mata sumalubong sa paningin ko ang mukha ni Lucian

 

"Lucian...." mahina kong sambit sa pangalan nito. Nang ibaling ko ang aking paningin, napagtanto ko na karga niya ako ngayun.

 

"Mahimbing ang tulog mo kanina kaya hindi na kita ginising pa. Close your eyes dahil malapit na tayo sa kwarto." pabulong niyang sagot sa akin. Isan matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ko pagkatapon noon, pinagsalikop ko na ang dalawa kong braso sa may leeg niya. Kumapit ako sa kanya na para bang ayaw ko na siyang mawala pa sa tabi ko

 

Hanggang sa makarating kami ng kwarto.

 

Buong ingat na inilapag niya ako sa kama habang hindi ko mapigilan ang ilibot ang tingin ko sa buong paligid. Hindi ito ang Villa at lalong hindi ito ang kwarto ko sa Penthouse. Kung ganoon, nasaan na naman ba kami?

 

"Nasaan tayo?" nagtataka kong tanong.

 

"Nandito tayo sa isa sa mga bahay ko." nakangiting sagot niya.

 

"Bahay? Saang bahay na naman ito? Teka lang, bakit parang ang dami mo naman yatang bahay, Lucian?" nagtataka kong tanong sa kanya.

 

Kung ako noon, halos walang matirhan na bahay, ito namang si Lucian, hindi yata malaman kung saang bahay, uuwi. Iba na talaga ang maraming pera. Lahat nagagawa.

 

"Ang bahay na ito ay magiging bahay na natin habang buhay. Dito na natin bubuuhin ang pamilya natin, Precious." seryosong sambit niya. Pagkatapos may dinampot ito sa ibabaw ng night stand at iniabot sa akin. Isa iyung brown envelop.

 

"For you." nakangiting wika niya. Kunot noo na kaagad ko din namang tinangap ang naturang envelope at binuksan at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang tumampad sa paningin ko ang isang bagay na hindi ko inaasahan.

 

"Lucian, ano ito?" nagtatakang tanong ko dito. Hindi ako makapaniwala sa nakita at nakasaad sa naturang documento

 

"Ipinangalan ko sa iyo ang bahay na ito bilang regalo ko sa nalalapit nating kasal, Precious." nakangiting sagot niya sa akin.

 

""A-ano? Teka lang...ba-bakit sa akin? I mean---"

 

"Mahal kita. Mahal na maha kita at ito lang ang alam kong paraan para mabawasan ng kahit na kaunti ang guilt na nararamdaman ng puso ko dahil sa nangyari noon, Preciuos. Lahat ng meron ako, handa kong ibigay sa iyo, manatili ka lang palagi sa tabi ko. Ganoon ka kahalaga sa akin at ganoon kita kamahal."

 

seryosong sagot niya. HIndi naman ako makapaniwala sa narinig

 

"Noong bigla ka na lang nawala sa tabi ko, doon ko narealized na walang saysay ang kahit na anong material na bagay na meron ako. Narealized ko na walang ibang makakapagpasaya sa akin kundi ikaw lang. Precious...please, manatili ka sa tabi ko, mahal ko." seryosong muli niyang sambit.

 

Hindi ko na napigilan pa ang maluha dahil sa sinabi niyang iyun sa akin. Namalayan ko na lang na dahan-dahan na akong tumayo at naglakad palapit sa kanya.

 

"Lucian, paano ba kita matatangihan gayung ramdam ko sa sarili ko kung gaano din kita kamahal. Of course, I am willing to stay. Kahit na wala itong mga mamahaling regalo, hindi ako aalis sa tabi mo. Pagmamahal mo lang sapat na at hindi ko din kayang maging masaya kung hindi din lang naman ikaw ang aking kasama." Umiiyak kong sambit.

 

"I love you, Lucian. Tanga na sa kung tanga dahil kahit na gaano mo pa ako sinaktan noon, hindi pa rin kita kayang baliwalain ngayun. Hindi ko pa rin kayang talikuran ka. Hindi ko pa rin kayang magalit sa iyo ng tuluyan." umiiyak kong sambit kasabay ng mahigpit na pagyakap ko sa kanya

 

"I love you too, Preciuos! Promise, sa pagkakataon na ito, hindi ko na hahayaan pa na muli kang masaktan. Habang buhay akong babawi sa iyo. Maraming salamat

dahil binigyan mo ako ng tsansa na muli kang makasama. Maraming salamat, Preciuos." madamdamin nitong wika kasabay noon ay naglapat ang aming labi.

 

 

Chapter 194

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

Sa mga oras na ito, muli naming pinagsaluhan ni Lucian ang init ng pagmamahal. Hindi lang isang mainit na halik ang pinagsaluhan naming dalawa kundi mas naging mapusok pa kami sa isa't isa. Namalayan ko na lang na nasa ibabaw na kami ng kama, walang saplot at pinagsasaluhan ang init na pagmamahal.

 

"I love you!" hindi ko na mabilang pa kung ilang beses ko nang narinig ang katagang iyun mula sa bibig ni Lucian. Ang bawat haplos nito sa aking katawan ay nag-iiwan ng walang hanggang init at kiliti. Ni hindi ko na din mapigilan pa ang mapaungol lalo na nang maramdaman ko ang kahabaan niya sa aking aking perlas ng silangan.

 

Labas pasok iyun na siyang dahilan kaya hindi ko mapigilan ang malakas na mapahalinghing. Ramdam ko ang init nagmumula sa kaibuturan ng aking puso. Hindi na lang ito isang simpelng p******

**k. HIndi na ito kagaya pa ng dati. We love each other at alam kong simula ngayung araw, magiging mas masaya pa kami sa piling ng bawat isa.

 

Sinulit na naming dalawa ni Lucian na magkasama kami. Ni hindi ko na nga mabilang pa kung ilang beses niya akong inangkin. Walang kasawa-sawa at ramdam ko ang pananabik niya sa akin.

 

Hanggang sa hindi ko na namalayan pa na nakatulog na pala ako sa pagod. Basta, nagising na lang ako na masakit ang buo kong katawan.

 

Yes..sobrang sakit. Feeling ko nabugbog ako eh. Pero ayos lang. Walang pagsisisi at hindi ako galit. Normal lang ang sakit ng katawan na nararamdaman ko ngayun dahil bunga iyun kung gaano kami kasaya ni Lucian kagabi.

 

Nasa tabi ko ito ngayun. Naririnig ko ang mahina nitong hilik kaya nakangiti ko itong tinungahayan para matitigan ng maayos. Napakaamo ng mukha nito ngayun. Mabait pala itong tingnan kapag tulog. Kapag gising kasi ito, akala mo napakatapang ng awra eh.

 

Hindi ko na nga napigilan pa ang aking sarili na haplusin ang mukha nito. Muli akong napangiti hanggang sa mapansin ko ang dahan-dahan na pagmulat ng mga mata nito

 

"Hey...bakit hindi ka natutulog? Anong oras na ba?" malambing nitong tanong sa akin. Wala sa sariling napatitig ako sa orasan at ganoon na lang ang gulat ko nang mapansin ko na halos alas dos pa lang pala ng madaling araw.

 

"Naku, sorry. gabi pa pala." sagot ko din naman kaaagad ito. Dali-dali kong tinangal ang palad ko sa pisngi nito pero maagap niya namang nahawakan iyun. Dinala niya iyun sa kanyang dibdib at ipinatong.

 

"Ayos lang. I think, gutom ka na noh?

 

Hindi tayo nakakain ng dinner kagabi, Precious." nakangiting sagot niya.

 

Walang sabi-sabing basta na lang itong bumangon mula sa pagkakahiga ng kama at nang tumampad sa mga mata ko ang hubo't -hubad nitong katawan, kaagad din akong nag-iwas ng tingin dito

 

"Lucian, ano ang ginagawa mo?" nakalabi kong tanong dito. Isang malakas na pagtawa ang naging sagot nito sa akin bago nito hinagilap ang aming mga kasuotan na nagkalat sa buong kwarto

 

"Ngayun ka pa ba maiilang sa akin, Precious? Wala na akong maitago pa kaya naman titigan mo na lang hangat gusto mo." nakangisi nitong bigkas na may halong pang-aasar sa boses nito.

 

"Hmp, ayaw ko nga!" nakalabi kong sagot. Napansin kong saglit itong natigilan at walang sabi-sabing basta na lang itong humarap sa akin kaya naman kitang kita ko ang alaga nitong nakatirik na para bang handa na namang manuklaw.

 

"Lucian. magdamit ka nga!" kunwari naiinis kong sagot dito. Kunwari tinakpan ko ang aking mga mata gamit ang dalawa kong kamay pero huwag ka, nakasilip pa rin ako noh. Hindi ko kayang iwasan ng tingin ang maganda niyang katawan. Ang mapipintog niyang mga muscle na para bang kay sarap pisilin.

 

"Ikaw anng nagpasimuno nito, Precious. Tsaka, tatayo ako sa harap mo ng ganito ang hitsura habang hindi mo sinasagot ang tanong ko kanina." natatawa nitong bigkas.

 

"Ang alin ba kasi iyun?" kunwari nakasimangot kong tanong dito

 

"Ang alin? Ikaw ha...huwag mo akong idaan sa mga ganiyan. Alam kong alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin? Tungkol sa iyun sa sinabi mo na ayaw mo akong titigan ng n*******d? Why, ganoon na ba kasama para sa iyo ang katawan ko? Sabagay, nitong mga nakaraang araw hindi na ako nakapag work out dahil sa hectic kong schedule." mahabang wika niya.

 

"NO! Hindi iyun. Ano ka ba...ito naman oh. Ang ibig kong sabihin sa sinabi ko kanina ay ayaw kong titigan dahil mas gusto kong hawakan." natatawa kong bigkas pero huwag ka. Sobrang init na ng pisngi ko. Nahihiya ako kay Lucian dahil feeling ko napaka-bulgar ko na!

 

"Iyun ba? Aba't pareho pala tayo ng gusto, Precious!" nakangiting sagot niya at ganoon na lang ang gulat ko nang walang sabi-sabi na marahan niya akong intulak ng kama na siyang naging dahilan kaya napahiga ako. Pagkatapos noon, walang sabi-sabing pinupog niya ako ng halik sa aking leeg. Hindi ko naman mapigilan ang mapahalakhak dahil sa ginawa niyang iyun sa akin.

 

"Lucian..ano ba? Akala ko ba kakain tayo? Ano na naman iyan?" natatawa kong sambit habang pilit kong iniiwasan ang halik niya.

 

"Later, Precious! Sa ngayun, ikaw muna ang kakaainin ko." nakangising sagot nito at ilang saglit lang, muling napuno ng ungol naming dalawa ni Lucian ang buong palibot ng silid.

 

Sige na nga....alas dos pa lang naman ng madaling araw. Masyado pang maaga para kumain ng breakfast. Sa ngyaun, kaming dalawa muna ni Lucian ang magkainan. Hihihi!

 

 

 

 

Chapter 195

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

Ang plano namin na gigising ng maaga para makakain ay hindi nangyari. Nang magising kami ni Lucian ay eksakto alas diyes na ng umaga. Tanghali na kaya naman sabay na din kaming naligo, nag-ayos ng sarili at sabay na din kaming lumabas ng silid.

 

Mabuti na lang talaga at nagkusa ang tagaluto nitong si Lucian. Pagbaba kasi namin ng dining area, may mga pagkain nang nakahanda sa mahabang dining table kaya naman kaagad kaming kumain.

 

Habang kumakain kami, walang ni isa man sa amin ang nagsalita. Concentrate kami sa aming kinakain dahil sa gutom hanggang sa mabusog kami.

 

Saktong pagkatapos naming kumain nang marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Dali-dali kong sinagot iyun para lang magulat sa naging balita ng taong tumawag sa akin.

 

Walang iba kundi ang home for the aged institution kung nasaan ngayun ang aking ama. Ibinalita nito sa akin na natagpuan na lang daw si Gustavo sa silid nito na wala nang buhay.

 

HIndi ako makapaniwala sa aking narinig. Namalayan ko na lang ang unti-unting pagpatak ng luha sa aking mga mata dahil sa nasabing balita.

 

"A-ano ang nangyari? Bakit ka umiiyak?"

 

seryosong tanong ni Lucian sa akin. Halata sa boses nito ang matinding pag-alala.

 

"WAla na siya. Patay na siya." umiiyak kong sambit. Hindi naman ito nakaimik.

 

"Sa palagay mo ba naging masama akong anak sa kanya, Lucian? Kahapon lang kami nagkausap. Sinumbatan ko siya at--

 

"WAla kang kasalanan. Normal lang sa isang anak na may hinanakit sa puso ang sabihin mo sa kanya ang mga salitang binitiwan mo kahapon. Naging totoo ka lang sa sarili mo, Precious." seryosong sagot niya sa akin. Hindi naman ako nakaimik. Patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata.

 

Kung saan kasi okay na ako, tsaka naman ito dumating. Wala na siya so ibig sabihin, hindi ko na siya masisilayan pa habang buhay.

 

"Gusto ko siyang bigyan ng maayos na libing, Lucian. Hindi man siya naging mabuting ama sa akin at least gusto ko pa rin namang magpaka- anak sa kanya." umiiyak kong sambit.

 

"Of course. Lahat ng gusto mo, masusunod. Nandito lang ako sa tabi mo, palagi Precious. Aalalayan kita. Pwede kang umiyak sa mga bisig ko hangat gusto mo." nakangiting sagot nito sa akin

 

"Salamat! Maraming salamat, Lucian. Ang presensya mo ay malaking bagay na sa akin." seryosong sagot ko sa kanya.

 

Pagkatapos naming kumain ni Lucian, muli kaming bumiyahe patungo sa home for the aged. Nadatnan ko nga ang wala nang buhay na si Gustavo Rodriguez kaya naman kaagad kong inasakiso ang bangkay nito.

 

"Miss. Rodriguez...bago namatay ang Daddy mo, may iniwan siyang mga sulat para sa iyo." seryosong wika sa akin ng head ng home for the aged. Kasalukuyang nasa morgue si Daddy at inaayos ang katawan nito..

 

"sulat?" nagtataka kong tanong dito. Kausap ko lang siya kahapon tapos may sulat na naman siya sa akin ngayun?

 

Ikaw na ang bahalang mag check. I think importante ang sulat na iyun dahil sinabi sa akin ng taga pag alaga niya na bago malagutan ng hininga ang ama mo, makailang ulit nitong sinambit na siguraduhin na maibigay sa iyo ang mga bagay na iniwan niya." sagot naman kaagad nito sabay patong sa ibabaw ng mesa ang isang may katamtamang laki ng kahon.

 

"Salamat po. Maraming salamat din po sa pag-aalalaga niyo sa kanya dito."

 

seryosong sagot ko

 

"Walang problema, Iha. Tungkulin namin iyun sa lipunan at isa pa, ang magiging asawa mo na si Mr. Ferrero ang isa sa mga sponsor namin kaya naaalagaan namin ng maayos ang mga elders na hindi na namomroblema pa sa financial na aspeto. "nakangiting sagot nito. Nagulat naman ako.

 

"Po? Si Lucian po?" gulat kong bigkas.

 

"Yes...si Mr. Lucian Ferrero." nakangiti nitong sagot sa akin. Hindi naman ako makapaniwala. Hindi ko akalain na marunong din palang magkawang gawa ang magiging asawa ko. Sa nalaman ko ngayun, mas lalo ko tuloy hinangaan si Lucian.

 

Pagkatapos kong makipag-usap, lumabas ako ng opisina na bitbit ang kahon na galing umano kay Gustavo.

 

Tsaka ko na lang ito tingnan. Sa ngayun, uunahin ko na muna ang labi ni Gustavo. kahit na ano ang mangyari, ama ko pa rin naman siya at deserved niya din na mabigyan ng maayos na libing.

 

Nakakalungkot nga lang dahil hindi siya naging mabuting ama sa akin.

 

Gayunpaman, handa kong kalimutan ang lahat-lahat. Ibibigay ko na ang katahimikan para sa kanya at pipilitin ko na ang sarili ko na ibaon sa limot ang mga masasamang alaala tungkol kay Gustavo Rodriguez. Ang Daddy Gustavo.......

 

 

 

 

 

 

©️Sagittarius 🧚🏻🧚‍♂️

 

Chapter 196

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

Habang nakatitig ako sa walang buhay na katawan ng aking ama, hindi ko din mapigilan ang makaramdam ng sobrang lungkot. Kahit papaano masakit din para sa akin na makita siya na nasa loob na ng kabaong.

 

Parang kailan lang, sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat-lahat. Hindi man naging maganda ang naging relasyon naming mag-ama, alam ko din namang sa kahuli-hulihang araw nito sa mundo ay nagsisisi ito. Katunayan na doon ang mga huling salita na binitiwan nito noong huli kaming nagkausap

 

"Rest in Peace Dad! Hangad ko pa rin ang katahimikan mo sa kabilang buhay.

 

Huwag po kayong mag-aalala, pinapatawad ko na po kayo sa lahat ng mga kasalanan na nagawa niyo sa akin." madamdamin kong bigkas.

 

Wala eh. HIndi naman pwedeng habang buhay akong magtanim ng sama ng loob para sa kanya. Mas pipiliin ko na lang siguro ang katahimikan ng puso ko kaysa magkimkim ng galit at hinanakit. Tapos na iyun, nakalipas na at dapat nang ibaon sa limot ang lahat-lahat.

 

Pagkatapos kong mag-alay ng maiksing panalangin, inasikaso ko na din ang mga nakikiramay. Sa susunod na araw na ang libing ni Daddy at alam ko sa sarili ko na magiging abala ako. Mabuti na lang talaga at hindi umaalis sa tabi ko si Lucian.

 

Yes...nasa tabi ko siya palagi. Ni minsan hindi niya ako iniwan.

 

"Amber, nakikiramay ako sa pagkawala niya." si Risa...ang kaibigan kong si Risa na naging karamay ko noong mga panahon na down na down ako.

 

"Risa...hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya." malungkot kong bigkas.

 

"Ganoon talaga siguro ang buhay. At least kahit na hindi kayo okay ng Tatay mo, ginawa mo pa rin ito sa kanya kahit na sa kahuli-hulihang sandali." seryosong sagot niya sa akin.

 

"At iyun naman ang tama diba? Kahit na ano ang mangyari, ama ko pa rin siya at dapat lang siguro ibigay ko sa kanya ang tamang respito sa huling sandali." pilit ang ngiting sagot ko.

 

"Yes..and I admire you so much, Amber. Hindi ka lang mabait na kaibigan kundi napakabait mo ding anak." nakangiting sagot niya.

 

"Naku, mukha yatang inuuto mo na ako niyan ah?"

 

"Halata ba?" sagot niya din naman.

 

"Ah ewan. Basta ang alam ko, super thankful ako dahil mayroon akong isang kaibigan na kagaya mo. Thank you!" madamdamin kong wika dito

 

Naging maayos naman ang mga sumunod na sandali. Hanggang sa tuluyan nang nailagak ang katawan ni Daddy sa huling hantungan. Kahit papaano, panatag ang kalooban ko at pagkatapos mismo ng libing, tsaka ko na lang din binuksan ang kahon na iniwan nito sa akin.

 

Hindi ko pa nga maiwasan na magulat nang bumungad sa akin ang ilang pirasong alahas. Dokumento ng bahay at lupa at dalawang sasakyan na nakapangalan din sa akin. May nakalakip din na sulat kung saan patuloy itong humihingi sa akin na kapatawaran.

 

Malungkot akong napangiti. Kung noon pa sana ito ginawa ni Daddy sa akin siguro ang saya ng buhay ko. Ngayun niya pa ako binigyan ng ganito gayung hindi ko na kailangan.

 

Malungkot akong napatitig sa papel na hawak ko. Hindi ko kayang tumira sa bahay na iniwan niya na naging saksi sa malungkot na kabanata ng buhay naming dalawa ni Mommy noon. Ang bahay kung saan niya din itinira ang kerida niya na si Rosalinda at ang anak-anakan nitong si Aurora.

 

Pero hindi ko naman pwedeng ibenta ito. Ito na lang din kasi ang nag-iisang alaala na posibleng maiwan sa akin.

 

Hindi din ito naibenta ni Daddy kahit na naghihirap na ito nitong huli. Kaya naman hahayaan ko na lang siguro ang bahay na ito hanggang sa kahuli-hulihang sandali. Bahala na, siguro lahat ng naiwan niya ay itatago ko na lang muna. Magpapakasal na din naman kami ni Lucian at titira din ako sa bahay na regalo nito

 

Kinabukasan, niyaya ko si Lucian na samahan ako naturang bahay. Ilang taon na din akong hindi nakaapak dito at ibayong lungkot ang nararamdaman ko.

 

Bago kasi namin ni Mommy nilisan itong bahay noon, napakaganda nito. Buhay na buhay ang garden dahil mahilig si Mommy sa mga bulaklak noon pero ngayun, kay laki na ng ipinagbago. Ang dating magandang garden ay tinubuan na ng mga talahib. Ang buong paligid ay napakalungkot. Ang dating maliwanag na bahay ay wala na.

 

Malungkot kong inilibot ang buong bahay. Lalo akong nalungkot nang wala na ang mga dating kagamitan. Maaaring naibenta na or di kaya pinambayad ng mga utang.

 

Nagpasya na din akong tingnan ang second floor. Kagaya ng first floor, halos ubos na din ang mga gamit. Ang mga mamahaling paintings na nakasabit noon ay wala na. Para na itong bakariteng bodega sa paningin ko.

 

"Gusto mo bang ipaayos natin ang bahay na ito?" kanina pa ako tahimik at mabuti na lang talaga at nagsalita si Lucian. Nakangiti kong ibinaling ang tingin dito at pilit na ngumiti.

 

"Huwag na lang. Wala pa akong kahit na anong plano sa bahay na ito lalo na at wala din akong balak na tirhan dahil ayaw ko nang maalala pa ang bangungot ng nakaraan." malungkot kong sagot sa kanya.

 

 

Chapter 197

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

PAGKATAPOS ng isang buwan na kamatayan ni Daddy, nagpasya akong magbalik opisina. Wala eh...napapansin ko kasi kay Lucian na para bang hindi na din ito dumadalaw sa opisina. Palagi itong nasa tabi ko. Nakaalalay at sa tuwing sinasabi ko na ayos lang ako at pwede niya nang asikasuhin ang mga negosyo niya, ayaw talagang makinig.

 

Wala pa sana akong balak na magbalik opisina lalo na at gusto kong alagaan na lang sana ang ampon naming baby. Kaya lang dahil naman kay Lucian wala na akong nagawa pa kundi ang magtrabaho ulit at ipagkakatiwala ang pag-aalaga kay Baby Francis sa Yaya nito. Yes, pinangalanan namin ni Lucian na Francis ang anak ni Lauren na iniwan sa amin.

 

"Are you sure na okay ka lang?" seryosong tanong ni Lucian sa akin.

 

Magkatabi kami dito sa loob ng sasakyan at hindi ko na mabilang kung ilang beses niya na akong tinanong kung okay lang daw ba ako.

 

Siyempre, okay na ako. Kailangan ipagpatuloy ang buhay lalo na at nangako na ako sa sarili ko na hindi na ako magpapagapos pa sa madilim na nakaraan.

 

"Lucian, ilang beses mo nang naitanong iyan sa akin. Tsaka, alam mo, papasok nga ako ngayun sa trabaho pero ano nga bang trabaho ang pwede kong gawin? Resigned at wala na si Ms. Mayette at feeling ko, wala akong natututunan sa mga itinuro niya." nakanguso kong sagot sa kanya.

 

"No worries. May pumalit na sa kanya kaya wala kang dapat na ipag-aalala. Ang trabaho mo lang naman ay maupo sa harapan ko or samahan ako sa loob ng aking opisina." nakangiting sagot niya sa akin. Awtomatiko namang napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

 

"May ganoon bang trabaho?" nagtataka kong tanong.

 

"Yes, meron at iyun ang magiging

trabaho mo simula ngayung araw." hindi ko naman mapigilan ang matawa. Buong paglalambing na naihilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat bago ako muling nagsalita.

 

"Alam mo, feeling ko sobrang swerte ko sa iyo. Imagine, hindi ka nagsasawa sa akin at never mo akong iniiwan." malambing kong bigkas.

 

"Just because I love you, Precious. Your are my everything at hindi ako mabubuhay kong wala ka." nakangiting sambit niya.

 

Mabilis lang naman kaming nakarating ni Lucian sa opsina. Kaya lang, pasakay na sana kami ng elevator nang may bigla akong naisip. Parang gusto kong uminom ng something na mainit eh.

 

"Lucian, mauna ka na sa office. Susunod na ako. Parang gusto kong bumili na muna ng drinks eh." nakangiting paalam ko sa kanya.

 

"Ha...okay. Sasamahan na kita." sagot din naman niya kaagad sa akin.

 

"NO! Huwag na. Saglit lang naman ako tsaka hindi naman ako lalabas ng building eh. Tambak ang trabaho na naghihintay sa iyo kaya sige na. Mauna ka na sa opisina mo." nakangiting sagot ko.

 

Napansin ko ang pag-aalinlangan sa titig niya bago ito dahan-dahan na tumango sa akin

 

"Okay, your wish is my command. Hihintayin kita sa loob ng office, Precious ko." nakangiting sagot niya sa akin kasabay ng mabilisang paghalik niya sa labi ko.

 

"Mag-ingat ka ha?" muli nitong bigkas. Nakangiti naman akong tumango

 

"Ahmm....ano nga pala ng gusto mong coffee para maibili na din kita." matamis kong wika.

 

"Well, anything. Ikaw na ang bahala. Kabisado mo naman na ang paborito ko diba?" nakangiting sagot niya na sinabayan niya pa ng pagkindat.

 

"Yes...." sagot ko din naman kaagad at mabilis na akong naglakad paalis.

 

Direcho ako sa coffee shop na dito lang din matatagpuan sa building ng LMF Corporation. Nagsi-serve sila ng masarap na kape pati na din cookies and cakes.

 

Umorder ako ng dalawang kape at isang hot chocolate. Ibibigay ko kay Sapphire ang isa.. Bigla ko tuloy na-miss ang babaeng iyun. Dumating din ito sa burol ni Daddy pero hindi kami nagkausap ng matagal. Sobrang busy ko kasi talaga noon eh.

 

"Take out please!" nakangiting wika ko sa cashier pagkatapos kong sabihin ang aking order. Pagkatapos noon, naghintay lang ako ng halos limang minuto at naibigay na din naman kaagad nito ang order ko

 

Mabilis na akong lumabas ng coffee shop.

 

Magaan ang pakiramdam na naglakad ako patungo sa elevator. May mga nakasabayan ako pero hindi ko na binigyang pansin pa. Abala kasi ang isipan ko sa kakaisip kung ano kayang trabaho ang pwede kong gawin sa opisina

ni Lucian

 

Habang paakyat nang paakyat ang elevator, pakunti nang pakunti naman kaming naiwan na nakasakay, hanggang sa pagdating ng 6th floor, bumaba na ang halos lahat at dalawa na lang kaming naiwan. Isang babae na naka kulay pula na blazer na pinarisan ng above the knee na pencil cut skirt.

 

"Hi, bago ka dito? Saang department ka naka-assign?" nagulat pa nga ako nang bigla itong nagsalita. Pilit naman akong ngumiti dito.

 

"Sa top floor ako. Sa tanong mo kung bago ako, well, medyo bago pa lang." nakangiting sagot ko sa kanya. Mukha itong friendly kaya kahit papaano, gusto ko siyang pakisamahan ng maayos

 

"Top Floor? Sa office ng CEO?" nakataas ang kilay na tanong nito sa akin. Nakangiti naman akong tumango

 

"Yes...sa office ng CEO. Bakit may problema ba?" nagtataka kong sagot. Napapansin ko kasi na habang patagal nang patagal, paangas yata ng paangas ang pakikipag-usap ng babaeng ito sa akin ah?

 

 

Chapter 198

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"Eh, ikaw saan ka naka-assign?"

nakangiti ko namang tanong dito.

 

Napansin kong automatic na napataas ang kilay nito habang sinusuyod ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

 

"I am the new secretary of the CEO."

 

nakangiting sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na magulat. Pasimple kong tinitingan ito mula ulo hanggang paa at hindi ko din maiwasan na makaramdam ng panibugho.

 

Shit...bakit parang sobrang sexy naman yata ng bagong secretary ni Lucian?

 

"Ahmm, ganoon ba? Ikaw pala pumalit kay Ms. Mayette?" seryosong tanong ko dito.

 

"Yes, I am and I think sooner or later baka magiging Mrs. pa ako ng CEO eh."

 

nakangiti nitong sagot. Pigil ko naman ang sarili ko na mapataas ng kilay. Ang lakas ng loob ng babaeng ito na sabihin sa

akin ang ganitong bagay. Grabe...nag-uumapaw ang self confidence ha?

 

"Eh, ikaw, ano ang papel mo sa CEO office? Alam mo, mahigit one week na ako sa kumpanya pero ngayun lang kita nakita." nakataas ang kilay nito sa akin. Pilit ko naman itong nginitian.

 

Kung kilala mo sila Sapphire, Mary, Anne at Susan, sila ang ka-level ko." sagot ko din naman kaagad dito

 

"Shocks! Ang cheap naman pala ng posisyon mo girl. Isa ka lang palang hamak na office clerk." sagot nito sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiwi.

 

Akala mo naman kung sino. Ngayun lang din pumasok ng opisina si Lucian simula noong namatay si Daddy at feeling ko, hindi pa ito nasigawan ni Lucian

 

Well, makikita ng babaeng ito. Tingnan ko lang kung hanggang saan ang angas niya kapag matikman niya ang sigaw ng lalaking mahal ko.

 

Sa naisip kong iyun, hindi ko mapigilan ang mapangiti. Parang gusto ko tuloy paglaruan nag babaeng ito. Tutal naman, ayaw kong ito ang maging sekretarya ni Lucian. Gosh, baka walang ibang gagawin ang babaeng ito kundi ang akitin ang lalaking mahal ko. Hinding hindi ko talaga iyun matatangap.

 

"Ano ang nginingiti-ngiti mo diyan?" nakataas ang kilay na tanong nito sa akin pero hindi ko na ito pinansin pa. Bumukas na kasi ang elevator at nauna na akong lumabas.

 

"Babae! Abat, bastos ka ah? Kinakausap pa kita at ang lakas ng loob mo para talikuran ako? Hindi mo ba alam na ako ang bagong sekretarya ng boss mo?" wika ng babaeng ewan pagkalabas ko. Ano nga ba ang pangalan nito. Ah, ewan...hindi ako interesado!

 

"Ano ba? Huwag ka ngang bastos! Kinakausap pa kita eh!" halos sumigaw na bruha dahil ang lakas ng boses nito. Napatingin tuloy sa amin ang mga dati kong kasamahan ang of course kasama na doon si Sapphire na mabilis pa ngang napatayo sa kinauupuan nito nang mapansin ako.

 

"Si Amber!" narinig ko pang sambit ni Susan. Sa lahat ng mga ka-officemate ko, ito ang pinaka tsismosa. Kaya lang, hindi ko maiwasan na magataka nang napatitig ako dito, mabilis itong nagbaba ng tingin. Ganoon din sila Anne at Marry.

 

"Bingi ka ba or sadyang nagbibingihan lang. Well, kung ganiyan katigas ang ulo at ka-bastos, hindi ako magdadalawang isip na i-request sa HR dept. na sesantihin ka. Walang puwang ang mga bastos at walang modo na empleyado sa LMF Coporation." mayabang nitong wika sa akin.

 

"Naku, Alma, tama na iyan. Kung-----"

 

"Shut up! Hindi ka kasali sa pag-uusap. Gusto mo ba na pati ikaw, isasama ko sa request na sesantihin din?" aba't ang bruha...Alma pala ng pangalan at mukhang mas matapang pa yata kay Lucian ah?

 

Gosh, I can't take it anymore...

 

"Hoy, Alma! Kilala mo ba kung sino iyang nasa harap mo ngayun? Iwasan mo nga iyang angas mo. Nasa loob ng opisina niya si Mr. Ferrero at alam mo bang kanina ka pa niyang hinahanap?" nakataas ang kilay na si Sapphire.

 

"I don't care kung sino ang babaeng ito at hindi ako late noh? Sakto lang ang dating ko! Tsaka, ako ang executive secretary ng CEO kaya pwede kong gawin lahat ng nais ko." pagmamayabang pa na wika ni Alma. Pinagtaasan ko lang ito ng kilay, tinitigan mula ulo hanggang paa bago ako naglakad patungo sa pintuan ng opisina ni Lucian

 

Grabe na talaga! Ang lakas ng hangin.

 

Maybe, ako na lang yata ang magrecommend ngayun kay Lucian na tangalin niya na ang mayabang na ito ora mismo. Daig pa ang Boss kung tapang ang pag-uusapan eh!-

 

"Hoy! Saan ka pupunta? Aba't gusto mo pa talagang pumasok sa loob ng opisina ng boss ha?" muling wika ni Secretary girl

sabay hawak nito sa braso ko na siyang dahilan kaya nabitawan ko ang hawak kong kape. Bumagsak ito sa sahig at natapon.

 

"Kung kanina, mahinahon pa ako, pero ngayun bigla yatang umakyat ang dugo ko sa aking utak. Ang kape ko. Ang kapeng pinaghirapan kong bilihin, natapon lang dahil sa kagagahan ng babaeng ito.

 

"Gaga! Nagkalat ka pala talaga! Linisin mo

 

Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil mabilis akong pumihit paharap kasabay ng pagtaas ng palad ko at lumagapak iyun sa pisngi nito. Narinig ko pa nga ang sabay -sabay na pagsinghap nila Sapphire pero wala na akong pakialam pa.

 

"How dare you! Ikaw babae ka ha...kanina pa kita pinagpa-pasensyahan!" galit kong wika dito. Napahawak naman ito sa pisngi habang tulala na napatiitig sa akin. Hindi marahil nito inaasahan na makakatangap ito ng sampal mula sa akin eh.

 

"Walang hiya kang ba---" hindi na

natuloy pa ang sasabihin nito nang bigla na lang bumukas ang pintuan at iniluwa si Lucian. Salubong ang kilay nito habang nakatitig sa nagkalat na mga inumin sa sahig.

 

"Ano ang nangyayari dito? Ano ang ibig sabhin nito?" halos dumagundong sa buong paligid ang boses na tanong nito sa amin.

 

"You're new Secretary, natapon ang binili ko dahil sa kanya kaya nasampal ko siya." sagot ko naman kay Lucian.

 

"No! NO Sir, look at my face! Sinampal niya po ako----" umiiyak na sagot naman ni Alma. Nagkalat ang eye liner at make-up nito sa pisngi kaya mukha na itong bruha. Dumagdag pa talaga ang bakat ng palad ko na naka-drawing sa pisngi nito

 

"Then, you're fired!" galit naman na sigaw ni Lucian sabay lapit at hawak sa kamay ko. Napansin ko pa ang pagkalito na gumuhit sa mga mata ni Alma pero nang mapansin nito na hawak na ni Lucian ang mga kamay ko, halos mamilog ang mga mata nito na napatitig sa akin

 

"You are---"

 

"Yes, She is! Ms. Precious Amber Rodriguez. The fiancee of our CEO, Mr. Lucian Montefalco Ferrero!" sabat naman ni Sapphire.

 

 

 

 

 

 

©️Sagittarius 🧚🏻🧚‍♂️

 

Chapter 199

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"AYOS ka lang ba? Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Lucian sa akin samantalang si Alma naman ay napansin ko ang pagkagulat sa mga mata nito. Bigla itong nahinto sa pag-iyak at hindi na makatingin ng direcho sa akin.

 

"Ayos lang. Sorry, nakakainis na kasi siya eh. Ang yabang kasi, tsaka natapon tuloy ang kape ko dahil sa kanya.." kunwari nakasimangot kong wika kay Lucian. Mahina naman itong natawa at muli ntong hinarap si Alma

 

"You're my new secretary? Then, you're fired! Magreport ka sa HR deparmant ngayun at dahil sa ginawa mo, banned ka na sa lahat ng kumapanya na may kaugnayan na LMF. I will not allowed anybody to humiliate my fiancee."

 

seryosong wika ni Lucian

 

"Sir...Sir! No po...patawad po. Hi-hindi ko naman po kasi alam na si Mam pala ang fiancee niyo eh. Patawarin niyo po ako Sir. Ako lang po ang inaasahan sa pamilya namin." umiiyak namang sagot ni Alma. Hindi ko naman mapigilan ang mapaismid.

 

Kung siya lang ang inaasahan sa pamilya, bakit ang lakas ng loob nito na awayin ako. Bakit ang lakas ng loob nito na ipakita ang kagaspangan ng ugali?

 

"You heard it right, Miss. This a big lesson for you. Next time, don't do it again." seryosong wika ni Lucian sabay hila sa akin papasok ng opisina. Kaya lang bago kami nakapasok sa loob, huminto ito sa paghakbang at hinarap si Sapphire.

 

"Sapphire, tawagan mo ang gwardiya at pa escortan mo ang babaeng iyan patungo sa HR office. Ang after that, bumaba ka at bilihin mo ang mga pagkain na kagaya ng nasa bag na iyan."

 

"Yes Boss!" sagot naman kaaad ni Sapphire. Tuluyan na akong hinila ni Lucian papasok ng opisina nito at inalalayan na makaupo sa sarili nitong swivel chair.

 

"Ito ang dahilan kaya hangat maari, ayaw kitang mawalay sa tabi ko. Nasa paligid lang ang bullying at natatakot akong wala sa tabi mo para ipagtangol kita."

 

seryosong wika nit sa akin,

 

"Lucian, ayos lang ako. Hindi ka dapat mag-isip nang kung kahit na ano pa man. Wala kang dapat na ipag-aalala. Kayang kaya kong ipatanggol ang sarili ko."

 

nakangiting sagot ko sa kanya,.

 

"Alam ko naman iyun pero siyempre, iba pa rin kung kasama mo ako palagi. Preciuos, kaya ko ito ginagawa dahil ayaw kong nakikita na nahihirapan ka."

 

seryosong sagot niya sa akin.

 

"Okay, so nandito tayo ngayun sa opisina. Hindi naman pwedeng mag-usap na lang tayo diba? Ano nga pala ang magiging work ko?" nakangiting tanong ko at pagatapos noon, kusa na akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair. Kailangan niya nang magtrabaho.

 

Masyado ko na siyang naisuturbo eh.

 

"Balak kong huwag nang mag hire ng babaeng secretary!" nakangiting sagot niya. Natigil naman ako sa paghakbang patungo sa sofa para sana doon muna maupo. Muli akong napapihit paharap sa kanya habang may ngiting nakaguhit sa labi

 

"Talaga? Well, parang pabor yata sa akin ang plano mong iyan ah?" sagot ko

 

"Hmmm, okay...iyan ang plano. No more babae na secretary at magpapahanap kaagad ako sa HR department. Sa ngayun, pwede bang ikaw na muna ang secretary ko habang wala pang naha-hire na bago?

 

" sagot niya naman kaagad.

 

"Sure..pero, doon ako sa table ni Miss Mayette. Nag-aalala kasi ako eh. Baka wala tayong magawang trabaho kung dito ako sa loob ng opisina mo mag stay."

 

"Papatulungan kita kay Sapphire sa mga trabaho. Medyo maraming resposibilidad ang pagiging executive Secretary at ayaw kitang mapagod. " bigkas nito.

 

"BAhala ka. Tsaka, namimiss ko na ang mga tsismosa sa labas eh." bigkas ko na nilakipan ko pa ng malakas na pagtawa.

 

"Okay, pero kapag may mambully ulit sa iyo kahit na isa sa kanila, don't hesitate to tell me. Ilang araw lang naman ito at kapag may ma hire na bagong secretary, hindi ko na hahayaan pa na magtrabaho ka." seryosong wika niya

 

"Lucian, masaya akong makasama ka palagi. Tsaka, ayos na din sa akin na magtrabaho ako. Hindi naman pwedeng tutunganga lang ako tapos walan ginagawa! Ayos lang ako..hayaan mo akong magtrabaho dito sa kumpanya para may pakinabang naman ako." pabiro kong sagot. Isang malakas na pagtawa ang kumawala mula dito kaya naman nakitawa na din ako.

 

Pwede din naman akong stay ng bahay para alagaan ang baby na inampon na namin pero parang mas gusto ko munang itoon ang pansin kay Lucian. Maayos naman na ang anak ni Lauren at sisiguraduhin ko na mabibigyan namin ito ng magandang kinabukasan.

 

 

Chapter 200

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"HELLO, Miss Amber." nakangiting bati sa akin ng halos lahat pagkalabas ko ng opisina ni Lucian. Himala, ang bait na yata nila ngayun. Ang mga dating tsismosa ay mga nakangiti na ngayun.

 

"Hi! Kumusta kayo?" sagot ko din naman kaagad. Wala naman akong nakapa kahit na katiting na sama ng loob sa kabila nang mga nangyari noon. Wala eh...ayos naman na sila at may mga pamilya din silang binubuhay kaya ayaw ko nang palakihin pa ang issue.

 

"Kapag need mo ang help namin, huwag kang mag-alinlangan na lumapit ang magtanong sa amin ha? Kami ang bahala. "sabat naman ni Mary.

 

"Uyy, grabe..s****p yarn? Dati, hate na hate mo si Ms. Amber tapos ngayun, mukhang nagbago na ang ihip ng hangin ah?" sabat naman ni Anne habang may halong pang-aasar sa boses nito

 

"Ano ka ba Anne, gusto mo ng away or gusto mo ng gulo?" ani Mary. Hindi ko naman mapigilan ang matawa.

 

'Balik na tayo sa trabaho guys! Hindi na kailangan pang ungkatin ang mga nangyari noon dahil wala na sa akin iyun. Oras ng trabaho kaya naman kailangan na nating itoon ang buong pansin sa mga task na dapat nating gawin." nakangiting bigkas ko. Pagkatapos kong sabihin iyun, naupo na ako sa swivel chair at binuksan ko na ang computer.

 

Hindi pa man nag-iinit ang puwet ko sa pagkakaupo nang dumating si Sapphire. Dala na nito ang mga pagkain na kagaya ng mga inorder ko kanina. Nakangiti nitong ibinigay sa akin.

 

"Thank you. Iyung isang coffe sa iyo iyan Sapphire at ang isa naman ay kay Lucian. "nakangiti kong wika dito

 

"Wow? Talaga! Naku, ang lakas ko talaga sa iyo, Ms. Amber." bigkas nito. Pabiro ko naman itong nahampas sa balikat

 

"Ano kamu? Miss Amber? Aba't kailan ka pa naging magalang sa akin? Ha?" natatawa kong tanong. Natawa naman ito

 

"Siyempre naman po. Magiging asawa ka na ng amo namin eh." halata ang kllig sa boses na sagot nito. Muli akong natawa.

 

"Tumigil ka na nga diyan. Sya nga pala, dalawa tayong magtutulungan sa trabaho ng isang secretary kaya dito ka na din pumwesto. Nakalimutan ko na yata ang mga itinuro ni Ms. Mayette at hindi ko na malaman pa ang gagawin ko eh."

 

"Well, okay. Ako ang bahala.." ngiting ngiti nitong sagot kaya naman kahit papaano, gumaan din ang trabaho

 

Naging maayos naman ang paglipas ng mga oras. Kahit papano, nagamapanan din naman namin ni Sapphire ng maayos ang aming trabaho. Pero siyempre, open pa rin sa pagha-hire ni Lucian ng secretary nito. Ayaw daw akong mahirapan kaya sige na nga. Tsaka nalaman ko din na hindi naman talaga pang office itong si Sapphire eh. Kasama pala siya sa mga bodyguards ni Lucian. Silang dalawa ni Ruby actually at kaya

pala hindi sila umaalis sa tabi ko dahil nga gusto ni Lucian na masigurado ang kaligtasan ko.

 

Oh diba...hindi nakakapagtaka na kahit na malayo pala ako kay Lucian, may access siya sa mga nangyayari sa buhay ko. Grabe..ang galing ng lalaking iyun Kahit pala minsan, never akong nakawala sa galamay niya. Hindi niya man ako nalalapitan pero may mga tao din pala itong inuutusan para bantayan ako.

 

Mabilis na lumipas ang mga araw. Sa bawat araw na nagdaan lalong tumitibay at mas lalo kong naramdaman ang pagmamahal sa akin ni Lucian. Walang araw na hindi namin pinaparamdam sa isa't isa ang aming pagmamahal.

 

Hanggang sa dumating na ang pinakahihintay naming araw. Ang aming kasal.

 

Yes...parang kailan lang. Parang isa panaginip lang ang lahat. Kay bilis lumipas ng mga buwan at namalayan ko na lang na inaayusan na ako ng make up artist

 

"Wow! Bongga! Ang ganda niyo talaga Mam!" nakangiting bigkas ng make up artist pagkatapos akong ayusan at pagkatapos kong isuot ang aking wedding gown.

 

Kasama ko dito sa loob ng silid si Sapphire na kinuha kong maid of honor.

 

Wala naman kasi akong ibang makuha eh kasi si Risa..hindi ko alam kung nasan ito. Biglang nag decline sa invitation ko na siya na lang sana ang kukunin kong maid of honor. Parang gusto kong magtampo pero nang malaman ko ang mabigat nitong problema, hindi na ako nag-inisist pa.

 

"Ang ganda mo talaga, Amber! Ikaw yata ang pinaka magandang bride na nakita ko.

 

"nakangiting sabat naman ni Sapphire.

 

'Sige pa. Utuhin mo pa ako, Sapphire. Siya nga pala, mamaya imbes na ihahagis ko ang bouquet kusa ko na lang sigurong iaabot sa iyo para sure na ikaw na ang susunod na ikakasal." ngiting ngiti kong sagot dito

 

"Naku, talaga? 1 mean..no na lang pala. Naalala ko, wala pa pala akong boyfriend. "nakangiti nitong sagot kaya hindi ko mapigilan ang mapataas ng kilay.

 

Maganda si Sapphire. Hindi nga lang mahilig mag-ayos dahil may pagka boyish ito kung kumilos pero maganda ito.

 

Nasa ganoon kami kasayang pag-uusap nang sa hindi inaasahan, may biglang dumating na bisita na hindi ko inaasahan. Actually, wala siya sa guest list dahil ayaw ni Lucian na dumalo ito. Hanggang ngayun, hindi pa rin kasi sila magkasundo ehh.

 

"David!'" gulat kong sambit sa pangalan nito. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nito habang nakatitig sa akin.

 

Samantalang mabilis naman itong nilapitan ni Sapphire para sana pigilan.

 

'Sir David, hindi ka pwede dito. Ngayun ang araw ng kasal ni Amber at baka kapag

 

"Saglit lang...Please, kahit sandali lang. Pwede bang hayaan mo akong kausapin siya? Kahit ngayun lang..please!" seryoso nitong wika. Hindi naman ako nakaimik. Pinakatitigan ko siya at hindi ko mapigilan ang makaramdam ng awa sa kanya.

 

"Tungkol saan?" seryosong tanong ko.

 

Wala eh. Nandito na din lang siya at hindi naman siguro ito gagawa ng ano mang bagay na ikakapahamak ko lalo na at may mga kasama ako.

 

 

Chapter 201

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"IKAKASAL KA NA PALA SA KANYA!"

 

wika ni David sa akin habang ramdam ko sa boses nito ang pait.

 

"David, mahal ko siya. Nagmamahalan kaming dalawa ni Lucian at kung ano man ang meron tayo noon, ibaon mo na sa limot. Marami pang mga babae diyan na mas deserved mong mahalin." seryosong sagot ko din naman sa kanya. Hindi naman ito nakaimik

 

"Ibaon mo na sa limot ang lahat-lahat. Siguro, hindi talaga tayo para sa isa't-isa kaya nangyayari ito. I am sorry, David." muli kong bigkas.

 

"I know..I know! Nasa mga kamay na kita noon pero pinakawalan pa kita. Kung saan naman na-realized ko kung gaano kita kamahal, tsaka naman nagkaroon ng conflict ang lahat-lahat. Alam mo Amber, gusto ko pa sanang ipaglaban ka sa kanya eh. Kaya lang, noong nakita ko na masaya ka na sa kanya, tumigil na ako. Kahit na masakit, kailangan kong tumigil at ipaubaya ka sa kanya." maluha-luha nitong sagot sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang makaramdam ng awa para dito

 

"Ang laki ng mga kasalanan ko sa iyo, Amber. Sobrang laki at alam kong kahit na paulit-ulit kong sisisihin ang sarili ko, hindi ka na babalik pa sa akin. Hindi na tayo pwedeng maging tayo ulit. Kagaya noon, kagaya ng dati." muli ay bigkas niya

 

"David, moved-on! Alam mo naman siguro na hindi sa lahat ng oras, makukuha mo ang gusto mo diba? Marami pa diyan. Alam kong mahahanap mo din ang babaeng para sa iyo na mas makakapagpasaya sa iyo ng lubusan." muli kong bigkas.

 

"Sa mga nangyari ngayun, hindi ko alam kung kaya ko pa bang magmahal. Ang alam ko lang kasi ay masyado akong nasasaktan na makita kang ikakasal na sa kanya. Kung pwede nga lang na agawin kita sa kanya, ginawa ko na sana. Kaya lang, no! Amber, para sa kaligayahan mo, handa na akong magparaya. Wish you all the best and happiness in life...mahal ko!" madamdamin nitong wika kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata nito

 

Hindi naman ako makapaniwala. Ang nakikita ko kasi sa mukha ngayun ni David ay labis na pagsisisi.

 

"Thank you, David. Thank you so much! Hayaan mo....ipagdarasal ko na matagpuan mo din ang babaeng para sa iyo." genuine ang ngiti sa labi na sagot ko sa kanya

 

"Thank you. Pakisabi na lang kay Uncle na sorry. Hindi ako manggugulo. Wala akong masamang intentions. Sa ngayun, kailangan ko munang magpakalayo-layo para hanapin ang sarili ko. Wish you all the best, my first love." malungkot nitong wika at tuluyan na itong naglakad paalis. Malungkot na nasundan ko na lang ito ng tingin.

 

Ramdam ko ang bigat ng kalooban ni David. Naging masaya din naman ang relasyon namin noon kaya lang hindi  talaga kami para sa isat isa. Unpredictable ang kapalaran at sino ba naman ang makakapagsabi na kay Lucian pala ako nakatakdang ikasal.

 

"Miss Amber, kailangan na nating pumunta ng church." naputol ang ako sa pagmumuni-muni nang biglang nagsalita si Sapphire. Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa labi ko sabay tango

 

"Okay...excited na din ako makita ang gwapo kong asawa." sambit ko at habang alalay ako ni Sapphire, lumabas na ako ng silid. Direcho kami sa bridal car at ilang saglit lang, binabaybay na namin ang daan patungo sa simbahan.

 

Nakikisama ang panahon. Walang kahit na anong ulap ang kalangitan. Hindi din ganoon kainit ang panahon kaya perfect talaga sa wedding naming dalawa ni Lucian ang lahat-lahat.

 

Alam kong ito na iyun. Sa wakas, ano mang sandali, magiging ganap na akong Mrs. Ferrero.

 

Parang kailan lang. Nasaktan, umiyak at halos mawalan ng pag-asa pero heto ako. Patuloy na bumabangon at ngayun ay ikakasal na sa lalaking ang akala ko ay katawan ko lang ang habol pero ngayun ay alam kong bihag ko na din ang puso nito.

 

"Mr. Luican Montefalco Ferrero. Wait for me. Parating na ako. Ano mang sandali, sabay kaming manunumpa sa harap ng altar na magsasama sa hirap at ginhawa."

 

 

 

 

 

 

©️Sagittarius 🧚🏻🧚‍♂️

 

Chapter 202

 

"Ano ang ginagawa mo dito?" seryosong tanong ni Lucian sa pamangkin niyang si David. Nandito na siya ngayun sa simbahan at hinihintay na lang ang pagdating ng bride para maumpisahan na ang seremonya ng kasal.

 

"Uncle, binabati kita!" sagot naman kaagad ni David sa tiyuhin iya. Halata sa mga mata niya ang lungkot habang sinasabi ang katagang iyun

 

Palagi niyang naiisip na siguro kung hindi siya nagluko noon, baka silang dalawa ni Precious ang ikakasal ngayun eh. Nag-umpisa ang lahat sa panluluko niya kaya naiwan siyang luhaan ngayun.

 

"You know what...I know that you love her very much! Pero mahal ko din siya at ako ang pinili niya. David, kahit na ano ang mangyari, magkadugo pa rin tayo. Alam kong nasasaktan ka sa mga nakikita mo ngayun pero sana...tangapin mo na ang katotohanan na hindi kayo para sa isa't -isa." seryosong sagot ni Lucian sa pamangkin niya.

 

"I know, Uncle at tangap ko na ang lahat-lahat! Paalis na din ako. Lalayo na muna ako dahil gusto kong makalimot. Pero bago ako aalis, gusto kong sabihin sa iyo na binabati kita, Uncle. Binabati ko kayong dalawa ni Precious Amber. Pero may gusto lang akong ipakiusap sa iyo, ikaw ang pinili niya kaya sana mahalin mo siya ng buong puso." seryosong wika ni David.

 

"David, aware ako sa mga pagkakamali ko na nagawa ko noon at bumabawi na ako sa kanya ngayun. Regarding sa pakiusap mo..kahit na hindi mo sabihin iyan...alam ng puso ko kung ano ang gagawin ko.

 

Wala akong ibang hangad kundi ang maging masaya si Precious sa piling ko. Hindi ko na hahayaan pa na muli siyang umiyak. Ibibigay ko ang pag-aalaga na deserved para sa kanya." seryosong sagot naman ni Lucian sa pamangkin niya.

 

"Thank you, Uncle. Thank you so much! Iyun lang naman eh. Sa sinabi mo ngayun, magaan ang loob ko na umalis. At least, panatag na ang kalooban ko at alam kong magiging masaya na siya sa piling mo." seryosong sambit ni David. Isang ngiti naman ang kaagad na gumuhit sa labi ni Lucian bago nito tinapik ang balikat ni David.

 

"Makakahanap ka din ng babaeng para sa iyo. Magtiwala ka lang. Kung gusto mong magbakasyon na muna...okyya...you can go! Ako na muna ang bahala sa lahat-lahat. Pero kung ready ka nang bumalik, huwag kang mag-atubili na lumapit sa akin. Marami pa tayong pag-uusapan, David." seryosong sagot ko

 

"I know..and thank you Uncle! Again, congratulations sa inyong dalawa ni Precious Amber. Hindi ko na hihintayin pa na mag-umpisa at matapos ang kasal niyo. Baka kasi ma-late ako sa flight ko eh. " sagot naman kaagad ni David.

 

"I understand. Kung saan ka man pupunta, mag-iingat ka David. Huwag mo din kalimutan na may pamilya na naghihintay sa iyong muling pagbabalik." seryosong sagot naman ni Lucian sa pamangkin niya.

 

"Thank! Thank you, Uncle..." sagot

naman kaagad ni David at humakbang na ito paalis.

 

Samantalang hindi naman maiwasan ni Lucian ang makaramdam ng lungkot habang sinusundan niya ng tingin ang kanyang pamangkin. Napakatapang nito para tangapin ang kabiguan sa pag-ibig.

 

Hindi niya akalain na kaya nitong humarap sa kaya ngayun para magpaalam.

 

Sa ngayun, wala na din siyang ibang hangad kundi ang maging masaya ito sa hinaharap. Alam niya sa sarili niya na makakahanap din si David ng babaeng mamahalin. Ng babaeng makakasama nito sa buhay.

 

HIndi man sa ngayun pero baka sa mga susunod na buwan or taon. Sana nga! Sana lang talaga....

 

Samantalang si David naman ay direcho na airport. Wala naman siyang balak na lumabas ng bansa. Nitong mga nagdaang taon, naging masinop siya sa pera. Nakaipon siya at nakabili ng malaking lupain sa Visayas. Doon siya pupunta ngayun. Doon na muna siya mamalagi. Ayaw niya na sa magulong siyudad. Mas gusto niya na lang ng tahimik na buhay.

 

Taxi itong sinakyan niya paturigo sa airport. Lahat ng collections niyang mga sasakyan ay binenta niya na. Ginawang pera para makapag-umpisa siya ulit sa probensya.

 

Ekta-ektaryang lupain ang nabili niya doon. May mga iba't-ibang mga produkto na din naman kaya alam niyang kahit na doon na siya mamalagi, kikita pa rin siya ng pera. Mabubuhay pa rin naman siya ng maalwan. Isa pa, patapos na din ang bahay na pinapatayo niya doon.

 

Habang nasa loob ng taxi si David, wala sa sariling nailibot niya ang paningin sa buong paligid. Hindi niya pa nga maiwasan na mapakunot noo nang mapansin niya ang isang familiar na bulto. Hindi siya maaring magkamali, kahit na madungis ang nasabing babae alam niyang si Aurora iyun,

 

Yes..si Aurora nga! Ano ang ginagawa ng babaeng ito dito sa gilid ng kalsada? Ang huli niyang naging balita kay Aurora at nasa isang mental institution ito. Pero bakit nakikita niya ito ngayun sa gilid ng bangketa? Nakaupo habang nanghihingi ito ng limos at sobrang dungis.

 

"Manong, pakitabi na muna ng taxi. May gusto lang akong kausapin." seryosong utos niya sa driver. Tumalima naman kaagad ito at huminto din ito sa gilid ng bangketa. Malapit sa kinaroroonan ni Aurora.

 

"Pakihintay lang po sandali, Manong. Huwag po kayong mag-alala, dadagdagan ko po ang bayad sa inyo mamaya." wika niya pa sa driver.

 

"Areglado Boss!" saad naman ng driver kaya pagkalabas niya ng taxi, kaagad na din naman niyang nilapitan si Aurora.

 

Mula sa kanyang backpack, kumuha siya ng ilang pirasong tiglilibuhin at inilagay iyun sa basong hawak ni Aurora kung saan nilalagay ang mga barya-baryang limos.

 

Chapter 203

 

"Salamat po----" hindi naman natuloy ni Aurora ang sasabihin niya dahil sa pag-angat ng kanyang tingin, sumalubong sa paningin niya ang gwapong mukha ni David. Pagkagulat ang kaagad rumihistro sa mga mata nito

 

"David?" mahina nitong sambit

 

"Ano ang nangyari sa iyo? Paano ka humantong sa ganitong bagay?" seryosong tanong naman ni David dito. Naluha naman si Aurora.

 

"Patawad! Patawad, David!" umiiyak nitong sambit

 

"Aurora, hindi ka sa akin nagkasala para humingin ka ng tawad. Life is so hard at sana natuto ka na din ng lesson kagaya ko. Ayusin mo ang buhay mo dahil hindi pa huli ang lahat." seryosong sagot naman ni David sa dalaga.

 

"Paano? Paano ko aayusin ang isang bagay na sira na, David? Kinarma ako sa mga kasalanan na nagawa ko noon. HIndi ko na alam kung paano mag-uumpisa." umiiyak nitong sambit

 

"Kaya mo iyan! Matapang ka diba? Kayang kaya mo iyan Aurora at walang ibang makakatulong sa iyo kundi sarili mo lang!" seryosong sagot naman ni David sa dalaga. "Itago mo na ang pera na iyan at sana gamitin mo sa tamang paraan." pahabol niya pang bigkas bago siya naglakad pabalik sa taxi.

 

Narinig niya pa ang pagtawag ni Aurora sa kanya pero hindi niya na pinansin pa. Pumasok sa loob ng taxi at kaagad naman ding umarangkada paalis. Bago siya nakalayo, nilingon niya pa si Aurora at nang mapansin niyang umiiyak pa rin ito, hindi na mapigilan pa ni David ang mapailing.

 

Kung noon sobrang taas ng tingin nila sa mga sarili nila, iba na ngayun. Mga talunan sila. Mga luhaan. Talaga nga palang walang magandang maidulot kapag mapaglamang ka sa kapwa. Isang malaking lesson sa buhay nila.

 

Pagdating ng airport, direcho check-in na si David. Ilang saglit lang, lulan na siya ng eroplano pa Visayas. Halos dalawang oras lang naman at nakarating din kaagad siya at paglabas niya ng airport, nakita niya din naman kaagad ang kanyang sundo.

 

Ang taong pinagkakatiwalaan niya sa kanyang lupain. Si Mang Boy.

 

"Senyorito, maligayang pagbabalik po." nakangitin salubong nito sa kanya! Isang ngiti ang kaagad na gumuhit sa labi ni David bago tinanguan si Mang Boy.

 

"Salamat po, Mang Boy!" bigkas niya.

 

Samantalang sa Manila naman ay kakatapos lang ng seremonya ng kasal nila Lucian at Precious Amber. Hindi magkamayaw ang mga dumalo sa pagbati sa bagong mag-asawa. Lahat ay nakikiisa sa kakatapos lang na pag-iisang dibdib ng bagong mag-asawa.

 

"Salamat po! Marami pong salamat sa inyo." halos magkapanabay nilang sagot.

 

Kahit ang Ina ni Lucian na si Mrs. Carmina Ferrero ay masayang masaya din. SA wakas, naitama na din ang pagkakamali ng nakaraan. May naging ambag siya kung bakit naging magulo ang relasyon ng anak niya at ni Amber at kung hindi siguro ang dalawa ang nagkatuluyan, baka habang buhay niya iyun pagsisisihan.

 

"IHo, iho...congratulations sa inyong dalawa!" nakangiting wika ni Carmina pero ang mga mata niya ay nakatutok sa bride. Hindi na siya nagtataka pa kung bakit patay na patay ang anak niya sa dalaga. Ang ganda kasi talaga at sure siya na magaganda din ang magiging apo niya.

 

Tama...tapos na ang kasal at sa ngayun, kailangan niya sigurong i-push na mag-anak na ang bagong mag-asawa. Excited na din kasi siyang mag-alaga ng mga apo eh.

 

"Maraming salamat po, Madam!" nakangiting sagot naman ni Amber sa kanyang biyanan, kaya lang ang ngiti niyang iyun ay bigla na lang naglaho nang mapansin niya ang seryosong pagtitig nito sa kanya. Na para bang may mali

siyang nasabi.

 

"Here we go again? Balik na naman ba sa dati?" hindi maisatinig na bigkas ni Amber pero hindi din niya mapigilan ang mapangiti nang marinig niya ang katagang binigkas ni Carmina.

 

"Madam? God....hindi ba pwedeng Mommy na lang, Amber? Ina ako ni Lucian at ako ang biyanan mo!"

 

"Ha? Ahmm, sorry po. Opo...Ma---Mommy!" nakangiting kaagad na bigkas ni Amber.

 

"That's my daughter in law! Siya nga pala, ano pa ang hinihintay natin. Direcho na tayo sa second part ng kasal niyo!

 

Gutom na yata ang mga bisita and kainan na!" pa kwela pa na wika ni Carmina kaya naman hindi na mapigilan pa na matawa ni Lucian at Precious Amber. Parehong hindi nila akalain na marunong din palang magpa-kwela ang socialite na si Carmina.

 

Ang akala kasi talaga ni Amber ay mataray ito eh. Pero sa nakikita niyang ngiti sa labi nito ngayun, alam niyang sa pagkakataon na ito, magkakasundo na silang magbiyanan.

 

 

 

 

 

 

©️Sagittarius 🧚🏻🧚‍♂️

 

Chapter 204

 

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

 

"MOM, kumusta na po kayo? Sorry po kung ngayun na lang ulit ako nakadalaw sa inyo." mahina kong usal pagkatapos kong ipatong ang dala kong isang bugkos ng bulakalak sa puntod nito. Samantalang si Lucian naman ay kusa na din itong nagsindi ng kandila. Pagkatapos noon, tahimik itong tumayo tabi ko habang hindi ko inaalis ang pagkakatitig sa puntod ni Mommy.

 

Parang kailan lang. Kay bilis ng panahon. Halos anim na taon ko na siyang hindi kasama pero sariwa pa rin sa alaala ko noong magkasama kaming nilalabanan ang hirap ng buhay.

 

"Mom, nakita niyo po ba? Ikinasal na po ako. Ikinasal na po ako sa lalaking hindi ko akalain na kaya din pala akong mahalin. I am so happy, Mom! At least, hindi ko man kayo nakakasama na, alam kong may isang tao na handa akong alagaan kailanman!" muli kong sambit.

 

HIndi ko na napigilan pa ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.

 

Sobrang namimiss ko na siya pero alam ko na kung nasaan man siya ngayun, alam kong tahimik na din si Mommy at alam kong nakikita din nito kung gaano ako kasaya ngayun sa piling ng lalaking iniibig ko. Kay Lucian.

 

"Huwag po kayong mag-aalala, kagaya ng makailang ulit na pangako ko po sa inyo, hinding hindi ko po pababayaan si Precious. Mamahalin ko siya ng buong puso hanggang wakas." narinig ko namang sambit ni Lucian. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti.

 

Sa loob ng mahigit dalawang taon pagkatapos naming ikasal, hindi ko na mabilang kung ilang beses na kasama ko siyang dinadalaw ang puntod ni Mommy at ganito palagi ang pangako niya. Na aalagaan daw ako nito hanggang wakas.

 

Ibayong galak sa puso ang nararamdaman ko sa tuwing naririnig ko ang katagang iyun sa bibig niya.

 

Pakiramdam ko ako na ang pinaka-maswerteng babae sa balat ng lupa.

 

Sa loob ng dalawang taon na pagsasama naming dalawa ni Lucian bilang mag-asawa, hindi ito nabigo na ipadama sa akin kung gaano ako kahalaga sa kanya. Pinanindigan nito ang pagiging asawa sa akin. Ibinigay niya ang lahat sa akin, lalong lalo na ang oras at pagmamahal.

 

Nag-alay pa ako ng maiksing dasal bago namin nilisan ang puntod ni Mommy. Bago umuwi, dumaan na din ako sa puntod ni Daddy. Nag-alay na din ako ng bulaklak at nagtirik ng kandila.

 

Nagbigay na din ako ng maiksing dasal bago namin tinahak ni Lucian ang way pabalik ng kotse.

 

"May iba ka pa bang gustong puntahan pagkatapos dito? Marami akong time para samahan ka?" nakangiting tanong ni Lucian sa akin pagkasakay namin ng kotse. Kaagad naman akong umiling.

 

Kahit saan kami pumupunta, may driver at bodyguards kaming palaging kasama at sanay na ako doon.

 

"Kawawa naman si Lance kung hindi kaagad tayo uuwi. Baka mamaya hinahanap na tayo ng bata." sagot ko din naman kaagad dito.

 

Ang Lance na tinutukoy ko ay ang anak ni Lauren na iniwan sa amin noon. Simula noong nag-hire ng lalaking secretary si Lucian, nag stay na lang ako ng bahay. Naging full time Mom ako ni Lance at hindi din ako nagsisisi dahil napaka sweet niyang bata.

 

Anak na ang turing namin sa kanya ni Lucian. Well, sa dalawang taon na pagsasama naming dalawa ni Lucian, sad to say, hindi pa rin ako nabubuntis. Pero hindi naman kami nagmamadali. Alam kasi namin na kung para sa amin, ibibigay sa amin iyun ni Lord.

 

Walang dapat na ikabahala. Walang dapat na ipagmadali as long as masaya kaming dalawa ni Lucian na magkasama, kontento na ako doon. May anak naman na kami eh. Iyun ay si Lance nga na ipinagkatiwala sa amin ni Lauren.

 

Simula noong iniwan ni Lauren sa amin ang bata, wala na din kaming naging balita tungkol dito. Gusto ko nga sana siyang ipahanap kay Lucian kaya lang huwag na lang. Hindi na kailangan. Kusa nang lumayo si Lauren at kailangan namin iyun igalang.

 

Napatawad ko na sila. Silang lahat na mga taong naging sanhi ng mga masasakit nanangyari sa buhay ko. Masaya na ako ngayun at wala nang dahilan pa para magkimkim ng sama ng loob.

 

Habang tinatahak namin ang way pauwi ng bahay, hindi ko mapigilan ang mapatitig sa isang babaeng naglalakad sa gilid ng kalsada. Kunot noo akong napatitig dito lalo na at para bang familiar siya sa akin.

 

"Hey, Precious. bakit?" nagtatakang tanong ni Lucian sa akin. Napapansin niya marahil na nagkakandahaba na ang leeg ko sa kakatanaw sa naturang babae eh. parang kilala ko siya pero parang hindi din naman. Imposible kasi na siya iyun eh.

 

"Ha..ah, wala!" nakangiti kong sagot kay Lucian. Naramdaman ko naman ang paghawak nito sa kamay ko at marahan niyang pinisil iyun.

 

"INutusan ko nga pala ang secretary ko na i-book tayo ng ticket patungo sa Switzerland. Parang gusto ko munang magbakasyon na muna tayo." wika niya. Namimilog ang mga matang napatitig ako kay Lucian

 

"Talaga? As in, sure na ba iyan? Teka lang, dapat kasama si Lance at ang yaya niya ha?" nakangiti kong sagot

 

"Of course, kasama talaga siya. Look, Precious, simula nong dumating sa buhay natin si Lance, itinuring ko na siyang hindi iba sa atin. Anak natin siya kaya kung saan man tayo magpunta, dapat nandoon din siya.'" nakangiting sagot niya sa akin

 

"Wow! Thank you, Lucian. Oo naman, hindi man galing sa ating laman at dugo si Lance, anak natin siya..." nakangiting sagot ko sa kanya.

 

Isang masuyong halik sa noo ko ang ibinigay niya sa akin bago niya ako kinabig palapit sa kanya. Naisandal ko naman ang aking ulo sa kanyang balikat.

 

Chapter 205

 

LUCIAN FERRERO POV

 

Hawak kamay kaming dalawani Precious Amber na naglalakad papasok ng bahay. Kakarating lang namin galing sa pagbisita sa puntod ng mga magulang nito at ramdam ko sa kilos nito ang sigla.

 

Masaya ako na nakikita ko sa mga mata nito na kontento na ito sa pagsasama namin. Sabagay, wala din naman akong ibang hangad kundi ang maging masaya siya sa piling ko.

 

Si Precious ang lahat sa akin at kahit na walang kasiguraduhan kung mabubuntis ba ito, wala akong pakialam. Kasalanan ko din naman kung bakit hirap siyang mabuntis ngayun. Dahil iyun sa pagiging pdalos-dalos ko sa nakaraan namin.

 

Minsan ko nang nabuntis si Preciuos nang hindi ko alam. Iyun iyung pagkakataon na pinapahirapan ko siya. Nakunan siya at iyun ang dahilan kung bakit tinapat na ako ng doctor na baka hindi na daw mabubuntis ang asawa ko at kung mabuntis man ito, maliit na tsansa lang.

 

Well, hindi na ako umaasa pa. Wala namang mas mahalaga sa akin kundi siya lang. Isa pa, wala din akong karapatan na humiling ng anak dahil kasalanan ko ang lahat-lahat kung bakit hirap siyang mabuntis ngayun.

 

"Mam! Sir!" natigil kaming dalawa ni Precious sa paglalakad nang bigla na lang kaming sinalubong ni Manang Tasyon. Isa sa mga matagal na naming kasambahay at hindi pa nga namin maiwasan na magtaka dahil may karga itong isang sangol

 

"Manang? Ano iyan? Kaninong anak iyan?

 

"nagtatakang tanong ni Precious dito. Samantalang gulat din akong napatitig sa baby na nasa bisig ni Manang.

 

"Mam, may isang babae na pumunta dito. Akala ng guard manghihingi lang ng tubig pero noong nalingat siya bigla na lang umalis ang babae tapos iniwan niya ang batang ito doon sa may gilid ng bakod.

 

Malayo sa guardhouse kaya hindi napansin kaagad." sagot naman kaagad ni Manang. Napansin ko ang pagkagulat sa mukha ni Precious samantalang hindi ko naman mapigilan ang mapatingin sa sangol

 

Halatang wala pang isang buwan ang bata dahil nakapikit pa ito. Baby na baby pa at sinong tangang Ina ang basta na lang nag -iwan dito?>

 

"Babae? Sinong babae? Namukhaan ba?" seryosong tanong naman ni Precious. Hinawi pa nito ang lampin na nakatakip sa katawan ng kawawang sangol at pinakatitigan iyun.

 

"Pwede natin i-check sa cctv. Sa ngayun, kailangan sigurong madala sa doctor ang baby na iyan lalo na at mukhang wala pa siyang isang buwan. Baka kung ano ang mangyari sa kanya." seryosong sagot ko naman.

 

Hindi naman nakaimik si Precuios pero nagtatanong ang mga matang tumitig ito sa akin.

 

"Tatawagan ko si Doctor Guevarra at hayaan na muna natin si Manang at ang driver na magdala sa hospital sa baby na iyan. Susunod na lang tayo pagkatapos natin mai-check ang kuha sa cctv." seryosong wika ko. Kaagad namang tumango si Precious kaya kaagad ko nang inutusan sila Manang at ang driver sa gagawin nila.

 

Pagkaalis nila Manang, direcho kami ni Precious sa library. Mula sa Personal computer ko naa-access ko ang mga footages ng mga cctv kaya iyun kaagad ang tinitingnan ko. dahil bago pa lang naman nangyari, nakita din kaagad namin ang babaeng nag-iwan sa sangol at ganoon na lang ang gulat naming dalawa ni Precious nang pareho naming namukhaan ang isang babae.

 

"Aurora?" narinig kong sambit ni Precious. Halata sa boses nito ang pagkagulat.

 

Si Aurora nga. Walang duda. Kahit na sobrang layo ng hitsura nito kumpara noon, si Aurora nga.

 

"Grabe..siya nga! Walang hiyang babae... paano niya naatim na iwan ang bata ng ganoon-ganoon lang?" halata ang frustrations sa boses ni Precious habang sinasabi ang katagang iyun

 

"Ano ang plano mo? Ano ang gagawin natin sa bata?" seryosong tanong ko din naman sa kanya.

 

"HIndi ko alam. Pero I think, kailangan muna nating ireport ang mga nangyari sa government Institutions. Gustuhin ko mang alagaan ang bata kaya lang wala akong tiwala kay Aurora. Alam ko ang ugali ng babaeng iyun." seryosong sagot ni Precious sa akin.

 

Well, pabor din naman ako sa sinabi niya. Maganda nga siguro na isuko na muna namin ang bata sa gobyerno. Mahirap na... baka kasi may plano ang babaeng iyun na maging dahilan pa ng sakit ng ulo namin sa hinaharap.

 

Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging maayos naman ang kalagayan ng bata. Kami na din ang gumastos sa pagkaka-hospital nito ng ilang araw. Kulang kasi sa nutrition ng sangol. Hindi na din naman bumalik si Aurora at sa paglipas ng ng ilang buwan, napagpasyahan na din naming dalawa ni Precious na ampunin na din ang bata.

 

Legal na pag-aampon iyun dahil dumaan kami sa tamang proseso. Open ako sa pag-aampon lalo na at hindi ko na din talaga inaasahan kung magkakaanak pa ba kami.

 

Hanggang sa isang umaga, nagulat na lang ako dahil naalimpungatan akong wala na si Precious sa tabi ko. Kapag umaga kasi, mas nauuna akong nagigising dito pero ngayun, nagiging kakaiba yata. Mas nauna pa itong gumising sa akin na labis kong ipinagtaka.

 

"Precious? Mahal ko? Nasaan ka?" tawag ko dito pero walang sumagot. Hanggang sa nagpasya akong tingnan ito sa banyo at ganoon na lang ang gulat ko nang maabutan ko ito doon. Sumusuka kaya naman mabilis ko itong dinaluhan.

 

"Precuios, anong nangyari? Teka lang masama ba ang pakiramdam mo? Bakit hindi mo ako ginising para maalalayan kita?" seryosong wika ko. Abot-abot ang kaba sa puso ko habang nakikita ko kung

paano siya sumuka nang sumuka. Feeling ko, ako ang mas nahihirapan sa sitwasyon niya ngayun eh.

 

"Lucian...relax! Relax!" wika ni Precious nang medyo kumalma na ito. Hindi naman ako nakaimik. Paano ako makaka-relax kung makikita ko siya sa ganitong sitwasyon?

 

"Relax? Precious naman. Alam mo naman siguro na----" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang may bigla na lang siyang iniabot sa akin. Nagtataka akong tinangap iyun at pinakatitigan at ganoon na lang nag panlalaki ng mga mata ko habang nakatitig sa nasabing bagay.

 

"Lucian...magiging ganap na Daddy ka na. I am pregnant!" maluha-luhang bigkas nito sa akin. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. Pakiramdam ko biglang namanhid ang buo kong katawan habang nakatitig sa dalawang kulay pulang guhit ng PT.

 

"Ha? Buntis ka? Talagang buntis ka?" mahinang tanong ko. Ni hindi ko na nga napigilan pa ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata.

 

"Yes! Yes...buntis ako. Sa wakas, nabuntis din ako, Lucian." umiiyak nitong sambit. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Mahigpit ko na siyang niyakap

 

"God! Sobrang saya ko! HIndi mo lang alam kung gaano ako kasaya sa magandang balitang mo iyan, Precious. Tangap ko na sa sarili ko na kahit na hindi tayo magkaanak, ayos lang. May dalawa na tayong ampon eh. Pero ngayun, ngayung buntis ka...doble-dobleng tuwa ang nararamdaman ng puso ko. Sobrang bait ni Lord sa atin, Precious." lumuluha kong sambit.

 

"I love you, Lucian! Salamat dahil kahit papaano, mararanasan ko din ang magiging isang tunay na Ina. Maraming salamat dahil kahit na medyo natagalan ang mabuntis ako, nandiyan ka palagi sa tabi ko. Hindi ka din nagkulang na iparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga. Salamat! Maraming salamat!" umiiyak ding sambit ni Precious.

 

Well, siguro mas kailangan ko pang maging isang mabuting tao simula ngayung araw Bukas na bukas din, magpapadala ako ng donations sa mga charity institutions. Tanda ng pasasalamat ko sa paparating na bagong miyembro ng pamilya namin.

 

 

*************END*************

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

*

Post a Comment

0 Comments

Post a Comment (0)
3/related/default