Prologue
17 years old pa lang si Tintin ay crush na crush na niya si
Andrew. Nagnurse siya upang mapalapit sa lalaki na noon ay nag-aaral pa lang ng
kursong medisina. Hindi lingid sa kaalaman ni Andrew ang nararamdaman ng dalaga
sa kanya ngunit masyadong bata pa ang tingin niya dito. Samantalang gagawin ni
Tintin ang lahat upang mapa-ibig niya si Andrew ngunit hanggang kailan niya
susuyuin ang binata lalo na ngayon na dumating ng ang ex-girlfriend ni Andrew?
Chapter 1
Tintin POV
"Sige na po ate Beth, last na po talaga to...
promise!"
Kanina pa nakikiusap si Tintin sa charge nurse ng department
nila na siyang nag-aasikaso ng schedule ng mga nurse sa hospital na
pinagtatrabahuhan niya. 1
"Hay naku Kristina, palagi mo na lang sinasabi yan.
Nakailang last ka na sa akin. Ilang beses na rin kitang pinagbigyan."
mariing tanggi ni Beth.
"Hindi naman pwedeng lagi na lang nating papalitan yang
schedule mo, para lang ka-shift mo palagi si dok.' patuloy nito.
"Promise talaga, last na to. Hayaan nyo po kapag
ikinasal kami ni Dok Andrew kayo ang una kong padadalhan ng invitation. Tapos
dun ko pa kayo ipupuwesto sa VIP table." buong kumpiyansang saad ni
Tintin.
Tumawa naman ng malakas sina Beth at iba pang mga nurse na
naroroon ngayon.
"Yan ang gusto ko kay Kristina, lakas ng fighting
spirit. Sige ipagpatuloy mo lang yan." sulsol pa ni Sara, isa sa mga
nurse. Ngumiti si Tintin dito at humarap kay Beth ng taas noo. Tinaasan naman
siya ng kilay ni Beth.
"Nagpapatawa ka ba? Yung maging boyfriend mo nga lang
si dok suntok na sa buwan, kasal pa kaya?" natatawang komento ni Beth.
"Sige makinig ka sa mga yan kung gusto mong tumandang
dalaga." dugtong pa nito.
Bagsak ang balikat na umupo si Tintin. Mukhang hindi nga
talaga siya pagbibigyan ni Beth na ngayon ay may binabasang text message na
kare-received lang nito.
"Ang lakas mo kay Lord, nagtext si Josie,
nakikipagpalit ng schedule niya this week, darating daw ang magulang
niya." anito.
Umaliwalas ang mukha ni Tintin sa narinig.
"O kita mo na ate Beth, mismong langit na yung gumagawa
ng paraan na magkasama kami. Destined kasi kami, hindi pa lang niya
narerealized yun." anito. Napailing lang ang may edad na nurse sa sinabi
niya.
"Oy kayo hindi ko to ginagawa para kay Kristina ha,
nagkataon lang na may nakikipagpalit. Ayokong may maririnig na kinukunsinti ko
siya sa kabaliwan niya." paglilinaw ni Beth sa mga katrabaho.
"Gusto kong malaman nyo na fair ako sa inyong
lahat."
dugtong pa nito.
"Wag kayong mag-alala ate Beth wala namang magrereklamo
kahit gawin nyo yan, sino ba namang hindi nakakaalam na patay na patay tong si
Kristina kay dok. Kahit nga yung mga pasyente dito alam na alam nila."
tumatawang sabi ni Mae, isa sa mga nurse.
Napuno ng tawanan ang nurse station. Sino ba namang hindi? 4
months nang nagtatrabaho si Tintin sa Neumann Hospital at 4 months na ring
siyang vocal sa nararamdaman niya kay dok Andrew.
Si Andrew Rufino ay ang kanyang long time crush. 17 years
old pa lang siya ay crush na crush na nya ito. Kapatid kasi ito ni Drake Rufino
na asawa ng bestfriend niyang si Mutya. Si Drake ang CEO nang kompanyang
nagmamay-ari ng Neumann Hospital. Ilang taon na lang ay isasalin na rin kay Dr.
Andrew ang pamamalakad sa lahat ng hospitals na pagmamay-ari ng pamilya nito.
30 years old si Andrew at ito ang pangalawang taon niya bilang ganap na doktor.
Nung 17 pa lang si Tintin ay pangarap na niya ang makatapos
ng kursong HRM ngunit nang malaman niyang estudyante ng medicine si Andrew ay
biglang nag-iba ang kanyang pangarap. Naging pangarap niya si Andrew... este
ang makatapos ng kursong nursing. 22 years old na siya ngayon at kagagraduate
lang niya ng college.
Nang makagraduate siya ay nag-apply siya sa hospital kung
saan naroon si Andrew. Hindi naman nahirapang mag-apply sa hospital na yun si
Tintin dahil malakas nga ang kapit niya sa itaas.
"Hindi ka ba natatakot na maging biyenan sina Don
Antonio at Donya Agatha? Balita ko nakakatakot daw yung si Don Antonio?"
curious na tanong ni Beth kay Tintin. Sumabat si Sara.
"Ilang beses ko na nakita si Don Antonio, grabe ang
lakas ng awra. Nakaka-intimidate talaga, Nakakatakot at baka mali ang masabi
mo. Si Donya Agatha naman, sobrang sosyal, nagmumukha akong mabaho kapag
lumalapit siya sa amin." salaysay ni Sarah.
"Bakit naman ako matatakot kung maganda naman ang
intensyon ko sa anak nila?" balewalang sagot ni Tintin. Nagtawanan ang mga
naroroon ngayon.
"Isa pa, kinausap ko na kaya si Don Antonio. Ang sabi
ko, pakakasalan ko ang anak niya pagkagraduate ko." ani Tintin.
"Seryoso ka? Paano mo naman siya nakausap?" di
makapaniwalang tanong ni Beth.
"Sa binyag ng apo niya. Isa ako sa mga ninang.
Bestfriend ko kasi yung manugang nila." ani Tintin.
"Talaga? Oh eh anong sagot sayo ni Don Antonio?"
pahabol na tanong ni Beth.
"Sabi niya Goodluck!" ani Tintin.
Muli na namang napuno ng tawanan ang nurse station.
Totoo ang sinabi ni Tintin. Nung tumayo siyang ninang sa
panganay na anak ni Mutya ay kasama nila sa iisang table ang mga Rufino dahil
parang pamilya na rin ang turing ng mga ito sa kanila.
"Andrew, pagkagraduate ko ng nursing, pakakasalan
kita." balewalang sabi ni tintin habang kumakain sila. Napailing na lang
si Andrew sa kanya dahil nasanay na rin ito kay Tintin na palaging nagtatapat
ng damdamin tuwing nagkikita sila.
Dahil dun ay katakot takot na sermon ang natikman nya mula
sa kanyang ina nang makauwi sila. Ganunpaman ay napatawa niya ang supladong si
Don Antonio dahil sa sinabi niya.
"Good luck!" anito na nakangiti sa inosenteng si
Tintin na noon ay first year college pa lang.
"Kapag naging kayo, sagot ko na ang first date
nyo." pabirong tugon ni donya Agatha na cute na cute sa kanya.
Basta may event sa buhay ni Mutya ay palagi silang imbitado.
Kung ilag ang mga tao sa pamilya Rufino, kakaiba itong si Tintin. Hindi kasi
nito narerealized na mga bigating tao ang mga ito dahil napaka-inosente ng
dalaga. Isa pa ay naging normal na sa kanya ang makita palagi ang pamilya ng
mga Rufino.
"Sino na naman ang kinulit mo ngayon para lang
makipagpalit ng schedule sayo?" naiiling na tanong ni Andrew nang makitang
si Tintin na naman ang makakasama niyang nurse ng gabing yun.
"Wala ah. Grabe ka namang magbintang dyan, nakakasakit
ka ng damdamin ah." painosenteng tugon ni Tintin
Bago pa man makapagsalita si Andrew ay naagaw na agad ang
atensyon nila ang isang stretcher na parating at mabilis na itinutulak ng
dalawang nurse. Mabilis na pinuntahan yun ni Andrew upang saklolohan.
Awtomatiko na sinundan siya ni Tintin dahil normal na sa kanila ang eksenang
yun sa emergency room.
Biktima ng pananaksak ang lalaking pasyente. Mabilis naman
yung naagapan ni Andrew. Samantalang si Tintin naman ay kanina pang gustong
masuka dahil sa dami ng dugo. Hindi naman siya palaging ganito.
Dumadaan lang talaga minsan na nakakaramdam siya ng ganun
lalo na at sobrang dami ng dugong dumadaloy.
Mas matindi pa nga siya nung intern pa lang siya sa
probinsya. Mabilis siyang masuka ngunit nakasanayan na rin niya ang makakita ng
dugo kaya kahit paano ay hindi na siya naaapektuhan, subalit paminsan minsan ay
dumadaan talaga na sinasamaan siya ng lasa kagaya ngayon.
Nilalabanan lang talaga niya ito dahil si Andrew ang kasama
niya ngayon, siguradong magagalit na naman ito dahil hindi ito ang unang beses
na masusuka sa harapan nito pag nagkataon. Nung nakaraan ay nagsuka talaga siya
sa harapan nito. Diring diri naman si Andrew dahil pati ang white coat nito ay
natilamsikan ng isinuka ni Tintin.
Laking pasalamat niya ng natapos ang pagtahi sa sugat ng
pasyente na hindi siya nasuka. Naglakad na papaalis si Andrew at kasunod si
Tintin nang unti unting makaramdam ng panghihina ang dalaga at bago pa man siya
tuluyang nawalan ng malay ay agad siyang kumapit sa likod ni Andrew.
***
Tintin POV
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Mukha agad ni
Andrew ang aking nasilayan. Nakaupo ito sa gilid ng hinihigaan ko.
"Umuwi ka na at magpahinga." bungad nito sa akin.
Ramdam ko agad sa boses nito na hindi ito natutuwa sa nangyari.
"Ayos lang ako." tanggi ko.
"Bahala ka. Pasalamat ka at ako lang ang nakakita sayo.
Bakit ba kasi nagnurse ka kung takot ka naman sa dugo?" anito at tumayo.
"Ipalilipat kita sa regular medical ward. Simula bukas
dun ka na naka-aasign." anito.
"Andrew... wag naman!" naiiyak kong sabi.
"Kapag nalaman ng management na takot ka sa dugo baka
mas lalo ka pang mamroblema." ani Andrew.
"Andrew-"
"This conversation is over. If you want to plead, talk
to the higher-ups, but I won't put up with this anymore. Pinalusot na kita
noong una, but it won't happen again." mariing sabi nito bago tuluyang
umalis.
Bagsak ang aking balikat at parang gusto kong maiyak ng mga
oras na yun. Lumabas na rin ako. Nakita kong nagmamadaling lumapit si Liezel sa
akin, ang pinaka close kong katrabaho dahil halos sabay lang kaming natanggap
dito sa hospital.
"Anong nangyari sayong bruha ka? Nakita kong buhat
buhat ka ni dok kanina." pabulong na tanong nito.
"Hinimatay ako. Lintik na dugo kasing yun, kung kelan
duty ako tsaka nagpakitang gilas." inis na sagot ko habang naglalakad
kami.
"Ipapalipat tuloy ako ni dok sa medical ward.
Mahihirapan na tuloy akong mapasagot siya." padabog kong sabi.
"Gayumahin mo kaya?" ani Liezel. Natawa ako sa
sinabi nito.
"Nagpapaniwala ka naman sa ganun." nawala tuloy
ang inis ko.
"Totoo yun, Sabi ng kuya ko, yung kaibigan daw niya
ganun ang ginawa sa nililigawan, ayun asawa na ngayon. Dalawa na ang anak. Sa
albularyo daw yun humingi ng tulong." seryoso sabi ni Liezel.
Napatigil ako sa narinig at nilingon siya.
"Seryoso ka? Baka ginu-gudtym mo lang ako ha"
paninigurado ko.
"Bakit naman kita lolokohin, eh alam kong naman kung
qano mo kagusto si dok." buong sinseridad na sagot ni Liezel.
"Talaga? Samahan mo ko dun sa albularyong sinasabi
mo." parang bigla tuloy akong nabuhayan ng loob.
"Oo ba, pareho naman tayong off sa Thursday, puntahan
natin yung sinasabi ni kuya na albularyo." suhestyon ni Liezel na agad ko
namang sinang-ayunan.
"Okay sige!"
3rd Person POV
"Dadasalin mo lang itong nakasulat sa pulang papel.
Dapat ay kumpleto ang mga gamit na nasa listahan. Pagkatapos ay ipapainom mo sa
kanya yang recipe ng gayuma na tinimpla mo. Nakasulat na rin dyan ang
ingredients." wika ng albularyo.
"Kapag naman gusto mong alisin ang bisa ng gayuma ay
itong asul na papel naman ang dadasalin mo. Pareho lang naman ang recipe ng
gayuma at mga gamit na kokolektahin mo.
Ipinapaliwanag nito kay Tintin ang lahat ng mga dapat niyang
gawin at paano timplahin ang gayuma. Inabot din nito ang listahan ng mga dapat
kolektahin ni Tintin upang makumpleto ang orasyon.
Listahan ng mga dapat kolektahin para sa orasyon:
Kandila
Picture ng taong manggagayuma
Picture na taong gagayumahin
Brief ng taong gagayumahin (Kailangang gamit na at hindi pa
nalalabhan)
Napamulagat sina Tintin at Liezel sa nabasa
"Ay sigurado ga ho kayo dine tatang, kailangan ga
talaga ng brief?!?!" gulat na tanong ni Tintin. Dahil sa pagkagulat ay
hindi na naikubli ang puntong batangas nito.
"Tandaan mo, hindi basta brief, dapat yung ginamit niya
at hindi pa nalalabhan." seryosong tugon ng albularyo.
"Paano ko naman ho makukuha yun? Ano? Sasabihin ko sa
kanya na-Andrew.., pwede ba akina lang yang brief mo tutal marumi na?"
hindi maipinta ang mukha ni Tintin dahil imposible ang hinihingi ng albularyo.
Tumawa naman tumawa si Liezel dahil sa sinabi niya.
"Nasa sa inyo naman yan kung gagawin nyo o hindi. Hindi
ko kayo pinipilit, Kusa kayong lumapit sa akin, ako naman ay tumutulong
lang." pagalit na sagot ng albularyo.
Napabuntong hininga na lang si Tintin. Imposible ang
hinihingi sa listahan ni manong albularyo.
"Sya sige na nga, magkano ga ho at nang kami eh
makalayas na dine." ani Tintin.
"1000 na lang sa yo." tugon ng albularyo.
Napakamot ng ulo si Tintin.
"Ang mahal naman!" pabulong na sabi niya.
"Ano yun?" tanong ng matanda.
"Wala ho, sabi ko aalis na kami." ani Tintin.
Lumabas sila ni Liezel sa bahay ng albularyo na hindi
masaya. Hinatid naman sila ng tanaw ng matandang albularyo.
"Diba sabi mo nurse ang mga yan?" tanong nito sa
asawang babae na umaasiste sa kanya.
"Ay bakit ang tatanga? Hanggang ngayon ay nagpapaniwala
pa rin sa mga gayuma." nakabungisngis na sabi nito. Pinagtawanan ng
mag-asawa ang magkaibigang kaaalis lang.
Samantalang inis pa rin si Tintin dahil sa listahan ng
orasyon..., naghihintay sila ngayon ng masasakyan pauwi.
"Pasensya na, hindi ko naman alam na ganun pala kahirap
mang gayuma." ani Liezel na nakikisimpatya sa kaibigan.
Naglabas ng malalim na buntong hininga si Tintin. Kinuha
niya sa bag ang kanyang cellphone at dinayal yun. Nagring ang phone number na
tinawagan nya.
"Hello." wika ng nasa kabilang linya kaya
nagsalita si Tintin.
"Hello Mutya .., kailangan ko ng tulong mo!"
Chapter 2
Tintin POV
"Nababaliw ka na bestfriend!" hindi makapaniwalang
usal ni Mutya sa kabilang linya..
"Sige na Mutya, promise ngayon lang to. Para sa future
ng mga pamangkin mo, isang brief lang ang kailangan ko." pag-uulit ko.
Narinig kong tumawa ng tumawa si Mutya sa kabilang linya.
Nakakadala ang tawa niya. Kahit naman ako na seryosong
makakuha ng brief ni Andrew ay natatawa na rin sa gusto kong mangyari. Kung
bakit ba naman kasi kailangang nagamit na yung brief na gagamitin sa gayuma?
"May sariling condo si Andrew kaya hindi na siya
nakatira sa mansion pero kakausapin ko yung kaclose kong kasambahay dun na
kapag nagpalaba si Andrew, kunin nila yung brief para sayo." natatawa pa
ring sabi ni Mutya.
"Kelan pa kaya yun? Hindi ba pwedeng lasingin na lang
natin siya tapos saka ko kukunin yung brief nya." suhestyon ko.
Hindi ko man nakikita si Mutya ay parang nakikita ko na ang
reaksyon nito dahil narinig ko ang boses niyang gulat na gulat sa sinabi ko.
"Hoy nakakahiya kaya yun, huhubaran mo yung tao."
"Bakit? Mukhang maganda naman ang katawan niya kaya
wala siyang dapat ikahiya."
Humagalpak ng tawa si Mutya.
"Hindi siya ang tinutukoy ko, baliw ka. Mahiya ka
naman, kababae mong tao huhubaran mo yung lalaki." sita ni Mutya.
"Bakit, ikaw ba hindi mo hinubaran si Drake?'
Sandaling natahimik si Mutya sa kabilang linya.
"Isang beses lang.., nung pikutin ko siya, pero hindi
ko na kailangang gawin yun ngayon. Isang tingin ko lang dun, kusa nang
maghuhubad yun." sagot nito.
"Ay, Sana all."
Sabay na naman kaming nagtanawan pero parang hindi naman
nagbibiro ang bestfriend ko sa sinabi niya dahil taon-taon na lang itong
buntis.
"Sige na Mutya, ngayon lang. Close naman kayong dalawa
ni Andrew eh. Ayaw mo bang maging sister in-law tayo?"
"Walang problema sakin. Ang tanong, okay lang ba kay
Andrew na maging kayo? ilang taon ka nang dumidiskarte sa kanya hindi ka pa rin
nakaka-first base. Naka-ilang girlfriend na nga siya pero hanggang ngayon
friendzone ka pa rin."
"Aray ko naman! Hindi ka masyadong masakit magsalita ha
Sige na Mutya, tulungan mo na ako, one time lang kapag hindi umubra, hinding
hindi na kita kukulitin pa."
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mutya.
"Haaay..., papatayin ako ni Andrew nito pag nagkataon.
Okay sige next week, birthday ko. Yayayain ko siya dito sa bahay. Bahala kang
lasingin siya basta ako hanggang invite lang ha."
"Yes! Thank you Mutya."
"Wag ka munang magpasalamat, dika pa sure kung darating
nga siya. Napaka-busy nung tao."
Sabi nga ng mga kasama ko, malakas ang fighting spirit ko
kaya positive ako ng makakarating si Andrew.., but for the meanwhile,
para-paraan muna habang naghihintay.
Malayo pa lang ay nakikita ko na ang pag-ikot ng mga mata ng
aking inaabangan. Sino pa ba? Wala nang iba kundi ang aking dream boy, si
Andrew. Napapangiti at naiiling na agad ito nang makita niyang kumakaway ako
habang kapapasok pa lang niya ng hospital.
Although lagi niya akong nirereject, never naman niya akong
binastos o pinakitaan ng hindi maganda. As always, gentleman at Mr. nice guy pa
rin siya kaya nga lab na lab ko eh!
Sinalubong ko na agad siya ng matamis kong ngiti.
"Papasok ka pa rin nang lagay na yan? Hindi ka ba
napapagod?" bungad ko sa kanya.
"Bakit naman ako mapapagod, kadarating ko lang?"
tugon ni Andrew.
"Maghapon ka na kasing tumatakbo sa utak ko eh."
nakangiting sabi ko.
Bahagyang napatawa at napailing na lang ito. Hindi na kasi
siya nagugulat sa mga baong pick-up lines ko.
"May lakad ka ba bukas? Off ako." tanong ko sa
kanya.
"And?" anito habang tuloy tuloy sa paglalakad kaya
sinundan ko siya.
"Sweldo ko bukas at iti-treat kita kung wala kang
gagawin."
"Ipunin mo na lang yang sahod mo, o kaya ibili mo ng
Viagra ang tatay mo. Para naman hindi na niya ako sinisimangutan tuwing
magkikita kami." pabiro nitong sabi.
Dati kasi ay nangako si Andrew kay tatay na dadalhan niya
ito ng viagra, umasa naman si tatay pero ginugudtaym lang naman siya ni
Andrew.., kaya ang resulta, galit na galit si tatay sa kanya dahil paasa daw
ito.
"Basta bukas dadaanan kita dito, 3 pm, tamang tama
merienda time."
"Hindi pa ako umo-oo." anito.
"Bayad mo yun kasi may kasalanan ka pa sakin, dahil
inilipat mo ako ng ward." pagpapa-alala ko sa ginawa niya sa akin.
Tumingin sa akin si Andrew na naiiling.
"San mo naman ako dadalhin?" usisa nito?
"Kahit saan mo gusto. Sky's the limit." malawak
ang ngiti ko. Kahit ano basta para kay Andrew.
"Walang rules?" tanong nito.
"Wala rules basta walang indyanan." paniniguro ko.
"Magdala ka ng maraming pera." anito.
Tuloy tuloy ito sa paglalakad papunta sa duty niya
samantalang nagpaiwan na ako dito. Pauwi na kasi ako dahil tapos na kanina pa
ang duty ko. Inabangan ko lang talaga si Andrew para nga yayaing syang lumabas.
Gusto kong maglulundag sa tuwa dahil finally pumayag na rin siya. Medyo
napapaindak pa nga ako sa saya.
"Yes!" mahinang usal ko at hindi mawala wala ang
ngiti sa aking mga labi habang naglalakad.
"Mukhang naka-iskor ka ngayon ah." ani ate Beth
nang mapadaan ako sa nurse station.
Tanaw kasi kami mula dito nung nag-uusap kami ni Andrew.
Narito din ang ibang mga nurse at kanina pa kami pinapanood.
"May date kami bukas." nakangiti kong sabi habang
pinakukulot ko pa ang boses ko.
"Yiiieeee" sabay sabay nilang sabi. Sinabayan nila
ako ng kilig kaya lalo pa akong napangiti ng maluwang.
"Dati crush ko rin yang si dok Andrew, kaso nawalan na
ako ng gana dahil dito kay Kristina." ani nurse Judith
"Ako rin, pano naman ako makakasabay sa kabaliwan
niyan." si nurse Nancy naman.
Hindi ko alam kung bakit pero wala pa akong nae-encounter
dito sa hospital na nabubwisit sa panunuyo ko kay Andrew. Lahat sila
ipinagtsi-cheer pa ako, todo support.
"Pag napasagot mo si dok, ikaw pa lang ang unang nurse
na magiging girlfriend niya." ani ate Beth. Nilingon ko siya at tinanong.
"Talaga po?"
"Lahat ng naging girlfriend ni dok Andrew, puro med
student or doktor din." tugon ni ate Beth.
4 months pa lang ako dito kaya wala pa akong masyadong alam
tungkol sa lovelife niya.
"Playboy po ba si dok?" tanong ni nurse Liezel ang
kasama kong nagpunta sa albularyo.
"Hindi naman, normal na binata lang siya pagdating sa
mga ganyang relasyon-- nagkaka girlfriend, naghihiwalay.
Marami na siyang naging girlfriend pero never niyang
pinagsabay, so hindi ko matatawag na playboy yun. Ang alam kong playboy ay yung
kapatid niyang panganay na si sir Drake, pero si dok Andrew talaga ang dream
boyfriend, dahil good boy."
Si Drake, palikero? Parang diko maimagine. Eh, ideal husband
ko pa nga yun dahil sobrang loyal kay Mutya at devoted father pa sa mga anak.
Si Andrew naman, walang duda na Mr. Nice Guy talaga. Lahat
ng katrabaho ko dito sa hospital ay kasundo niya dahil marunong makisama sa
lahat.
"Parang hindi naman tumatagal ng isang taon ang mga
nagiging girlfriend ni dok Andrew, isa pa lang yung alam kong tumagal, siguro
doktor na rin siya ngayon." patuloy ni ate Beth.
Bigla naman akong nagka-interest sa sinabi nito.
"Sino naman yun?"
"Nakikita ko kasi sila dito noon. Mga estudyante pa
lang. 3 years din sigurong naging sila. Balita ko nag-aral daw sa abroad yung
babae kaya naghiwalay. Ano nga bang pangalan nun..... Am... ah... Natalia
Santos, sobrang ganda pa." ani ate Beth sabay tingin sa akin.
Tumaas naman ang kilay ko.
"Bakit, maganda rin naman ako ah? Sorry na lang siya.
Past na lang sya at ako naman ang future." wika ko. Kita kong napatawa si
ate Beth.
"Ang lakas mo talaga" nakangiting biro nito.
"Pano ba yan guys. Kailangan ko nang umuwi para
magpahinga. Kailangan kong mag beauty rest para sa date namin bukas."
sabay lakad palayo.
"Mag-ahit ka." pahabol ni nurse Judith. Nagtawanan
sila sa sinabi nito. Napaikot naman ako pabalik sa kanila.
"Kalma lang guys, darating tayo dyan. Sa ngayon, stand
by lang muna si kiffy, baka mabigla si Andrew." ganting biro ko sabay
talikod.
Malulutong na tawanan ang narinig ko sa kanila bago ako
tuluyang lumabas ng hospital.
Chapter 3
Tintin POV
Hindi ako nagbibiro ng sabihin kong magbe-beauty rest ako.
Pagkagaling sa hospital ay dumiretso agad ako sa condo unit na ipinagamit sa
akin nang mag-asawang Drake at Mutya. Pag-aari daw ito ng mga Rufino. Nung una
ay nahihiya pa ako pero sila na rin ang nagsabi na matagal na raw walang
gumagamit nito kaya pinatuloy muna nila ako rito pansamantala. Kapag nakaipon
na ako ay saka ako maghahanap ng bagong malilipatan.
Kinabuksan ay sobrang excited ako kaya maaga pa ay inihanda
ko na agad ang aking isusuot. Naglagay pa ako ng facial mask para fresh ako
mamaya.
Bagong biling summer dress ang isinuot ko at light make-up
para naman hindi ako maputla mamaya kapag nagkaharap kami ni Andrew. First date
namin kaya dapat, mukhang fresh. Kanina pa akong nakaharap sa salamin at
pinapractice kung paano ako ngingiti mamaya. Praktisado lahat ng mga ikikilos
ko para naman hindi nakakahiya kay Andrew, baka sabihin nito wala akong
manners. Ginoogle ko pa nga kanina ang First Date 101 at nag take notes ako ng
mga pwede kong magamit sa date namin.
Tumawag ako ng taxi at nagpahatid sa hospital dahil sinabi
ko kay Andrew na dun ko siya pupuntahan. Pagkababa ko ng taxi ay natanaw ko na
agad si Andrew na kalalabas lang ng hospital. Natanaw rin niya agad ako.
Nakita kong napakunot ang noo nito habang pinapasadahan ako
ng tingin mula ulo hanggang paa. Nagagandahan siguro siya.
"Wow, para kang pupunta sa blind date ah."
pabirong sabi nito.
"Hindi ah, dahil para kang G00gle." tugon ko.
"Ha?" kumunot ang noo nito.
"Kasi nakilala na kita, the search is over."
malawak ang ngiting ibinigay ko.
"Mais ka ba?" tanong nito.
"Ha?"
"Kasi ang corny mo.... Tigilan mo na nga yang
kapipick-up line." naiiling na sabi ni Andrew.
"San ka pala pupunta? Tatakasan mo ba ko?" tanong
ko sa kanya dahil dito ko siya inabutan sa labas.
Napatawa lang ito.
"May nakalimutan lang ako sa sasakyan. Wait."
anito at nagmamadaling nagtungo sa nakaparada nitong sasakyan.
Hindi ba dapat yayain nya akong sumakay dahil magde-date
kami? Hinintay ko na lang siyang bumalik.
"Tara na." anito ng makalapit sa akin.
"Saan mo ba gustong kumain?" tanong ko. Excited na
kasi ako sa date namin.
"Basta sumunod ka na lang. Sabi mo sky's the limit di
ba, nagdala ka ba ng maraming pera?" tanong nito.
"Oo naman, dala ko buong sahod ko." pagmamalaki ko
pa. Natawa ito ng pagak habang nakatingin sa akin.., at saka naglakad kaya
sinabayan ko siya.
Nagtataka talaga ako kung saan kami pupunta dahil tinutumbok
namin ang gilid ng hospital at narating namin ang simpleng kainan na paboritong
puntahan ng mga empleyado sa hospital.
"Dyan tayo kakain?" nakangiwing tanong ko. Ang
ganda ganda pa naman ng suot ko tapos sa karinderya lang pala nya ako dadalhin.
Hindi sumagot si Andrew, ngumiti lang ito sa akin. Di bale
na, ang mahalaga ay mag date kami ngayon.
Pagdating ko sa loob ay nagulat ako dahil naroon ang iba
pang mga nurse. Usually ay wala masyadong empleyado dito sa ganitong oras.
"Sigurado ka bang nagdala ka ng maraming pera?"
bulong ni Andrew.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sabi mo sky's the limit. Diko naman kayang ubusin ang
sahod mo kaya isinama ko sila para masaya ang lahat."
Bumagsak ang aking panga sa sinabi ni Andrew.
"Guys, get what you want, Minsan lang manlibre si
Tintin." ani Andrew at naupo.
"Salamat Kristina, birthday mo ba?" tanong ng
isang nurse. Napangiwi ako.
"Hindi.., birthday ng aso ko." Mapakla kong sagot.
Inis na naupo ako sa tabi ni Andrew.
"Date natin to. Bakit isinama mo silang lahat?"
pabulong kong tanong sa kanya.
"Wala kang sinabing date, sabi mo lang treat mo dahil
bagong sahod ka." anito.
Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Hoy Andrew, hindi ka tanga. Nananadya ka noh?"
Hindi sumagot si Andrew, bagkus ay tumawa lang ito.
Bad trip ako ngayon hindi lang dahil sa hindi ko pala siya
masosolo, kundi dahil ubos sigurado ang pera ko nito. Napakamot na lang ako ng
ulo. Mukhang hahaba ang listahan ko ng utang dito sa karinderya ah.
Alam kong sinasadya lang ito ni Andrew para inisin ako.
Akala siguro niya ay susuko na ako basta basta sa panliligaw
sa kanya, pwes nagkakamali siya.
"Bakit yan lang ang kinakain mo?" tanong nito.
Tubig at pansit lang kasi ang inorder ko. Paano naman ako
makakakain ng ayos kung alam kong ubos mamaya ang pera ko?
"Busog pa'ko." pagsisinungalin ko. Natawa na naman
ito at mukhang hindi naniniwala sa akin.
Sa halip na mainis ay inenjoy ko na lang na magkatabi kaming
kumakain tutal andito na rin naman ako sa sitwasyong ito. Saka ko na lang
poproblemahin ang pambayad.
Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ni Andrew at sinagot
yun. Pagkatapos sagutin ang tawag ay bumulong ito sa akin.
"Una na'ko, kailangan ko nang bumalik sa loob."
paalam nito sa akin at tumayo.
Yumuko ito para ilapit ang kanyang mukha sa aking teynga.
"Salamat, marami kang napasaya ngayon. I'm so proud of
you." nakakaloko nitong sabi.
"Kung hindi lang kita mahal..." naka-labi kong
sagot. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito bago umalis.
Tumayo naman agad ako at lumapit sa kahera dahil kanina pa
akong kating kati malamang kung magkano ang babayaran ko.
"Wala po. Naka charge pong lahat sa account ni dok
Andrew."
Napamulagat ako sa sinabi nito. Napalingon ako kay Andrew na
ngayon ay nasa labas na. Tanaw ko pa rin siya kaya nakita ko nang lumingon ito
sa akin at saka pasimpleng ngumiti.
Tumakbo ako papalapit sa kanya ngunit pagdating ko sa
pintuan ay medyo malayo na ang narating nito dahil sa bilis niyang maglakad.
Napanguso ako. Pinakaba pa niya ako, siya naman pala ang
magbabayad.
Hinabol ko na lang siya ng tanaw. Likod na lang niya ang
nakikita ko. Nakita ko pang itinaas nito ang kanyang kanang kamay at bahagyang
ikinaway habang naglalakad. Kahit nakatalikod sya ay mukhang alam nitong
sinusundan ko siya ng tingin. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti at kiligin.
Nuh ka bah Andrew, sa halip na maturn off ako, mas lalo
tuloy akong naiinlove sayo. Beri wrong moves ka!
Bumalik ako sa loob at umorder ulit ng pagkain dahil ang
totoo ay gutom na gutom na talaga ako. Since hindi naman pala ako ang
magbabayad, magte-take out ako ng marami.
Masaya akong naglakad pabalik sa hospital habang bitbit ko
ang dalawang malalaking plastic bag laman ang mga pinabalot ko. Isang linggo
ako nitong hindi na kailangan bumili o magluto ng pagkain, ilalagay ko na lang
ang mga ito sa fridge at freezer para tumagal.
"Wow! Ganda natin ah..." ani Liezel nang makita
nya ako sa loob ng hospital.
Syempre naman, ang ganda talaga ng suot ko ngayon, mahal
kaya bili ko sa dress na to. Ngumiti ako sa kanya at sa iba pang mga nurse na
naririto ngayon. Sila rin yung mga kausap ko kahapon.
"Ano, napasagot mo ba si dok?" nakatawang tanong
ni nurse Nancy.
Nawala ang ngiti ko at sumimangot nang maalala na hindi ako
nakaporma kay Andrew dahil hindi ko siya na-solo.
"Pano naman ako poporma eh ang dami niyang
chaperon?"
Sabay sabay silang nagtawanan.
"Sayang, hindi ko nakita kung ano itsura mo nung makita
mong isinama ni dok lahat ng taga hospital sa date nyo." ani nurse Judith.
"Duty na kasi kami kaya di kami nakapunta." ani
ate Beth. Nanlaki mga mata ko sa sinabi nito.
"Kayo din, ininvite ni Andrew?" gulat na gulat
kong tanong.
Lalo pa silang nagtawanan.
"Oo, lahat kami ininvite ni dok." natatawang sabi
ni ate Beth.
Napamulagat ako sa narinig. Nakakainis yang Andrew na yan!
Napasimangot na naman ako.
"Pano naman maiinlove si dok sa itsura mo? Ang ganda
ganda ng suot mo, tapos anlaki laki niyang take-out na bitbit mo. Wa' poise ka
naman eh.., kaya dimo mapasagot si dok." ani nurse Liezel.
"Hindi ko kasi siya na-solo kanina. So, dito na lang
ako bumawi sa take out..., at sino namang may sabi na diko siya kayang
pasagutin, Ha? Nagsisimula pa lang kaya ako." confident kong sabi.
"O ayan na pala ang dream boy mo.., labas mo na yung
mga da moves natin dyan." ani ate Beth.
Napatawa ako ng labas sa ilong.
"Watch and learn." pagmamayabang ko sa kanila.
Tumahimik ang mga kasama ko at mukhang panonoorin na naman
ang gagawin kong pagpapalipad hangin.
Malayo pa lang ay nakatingin na si Andrew sa mga plastic bag
na dala ko.
"Parang hinakot mo na yatang lahat ng paninda nila
ah." natatawang sabi nito ng makitang puro lunch box ang laman ng plastic
bag.
"Para naman mabawi ko yung pinambili ko dito sa suot
ko. Ang mahal mahal nito, tapos sa karinderya mo lang pala ako dadalhin."
sagot ko sa kanya.
Ngiti lang ang isinagot nito.
Biala akong mav naalala. Yumuko ako at kinuha mula sa loob
ng plastic bag ang isang lunch box na may lamang pagkain. Inabot ko yun kay
Andrew.
"Para sayo." wika ko.
"Ano yan?"
"Siomai at hopia. Teka lang pala.., intsik ka ba?"
seryosong tanong ko.
Napakunot naman si Andrew sa tanong ko.
"Bakit?" takang tanong nito.
"Kasi i'll SIOMAI love to you and HOPIA love me
too." nakangiti kong sabi.
Napatakip tuloy ako ng aking bibig dahil hindi ko mapigilang
mapatawa sa binitiwan kong linya, lalo na nang makita ko ang reaksyon ni
Andrew.
"Oh God!" umikot ang mga mata nito sabay lakad
palayo at nilagpasan ako.
Hagikhikan naman ang narinig ko mula sa mga nurse na
nanonood. Nakabungisngis akong tumingin sa kanila.
"Kaya ka nababasted eh." naiiling na sabi ni ate
Beth.
Naagaw ng pansin ko ang papalayong si Andrew kaya hinabol ko
ito.
"Andrew!" tawag ko sa kanya.
Ni hindi man lang ito tumigil, marahil ay alam nitong
kukulitin ko lang siya. Kaya naman binilisan ko ang paghabol sa kanya hanggang
sa maabutan ko ito.
"Ano ka ba, tinatawag ka, dika lumilingon?"
"What now?" anito at tuloy tuloy sa paglalakad
habang sinasabayan ko siya.
"Kelan mo ba ako sasagutin?" diretsya kong tanong.
Napatigil naman sa paglalakad si Andrew at tumingin sa akin.
Sumeryoso ang mukha nito at mahinahong nagsalita.
"Look Tintin, kung hindi ka marunong makaunawa ng hint,
didiretsahin na kita. Kung intresado talaga ako sayo, hindi kita dadalhin sa
karinderya at hindi ko isasama ang buong staff ng hospital. Akala ko, magegets
mo- na yun ang ibig kong iparating sayo kanina."
Ilang beses na niya akong nabasted pero ngayon ay mukhang
seryoso na talaga si Andrew.
"Parang kapatid lang ang pagtingin ko sayo, dahil
bestfriend ka ni Mutya. Nakakabatang kapatid ang tingin ko sa inyong dalawa.
Matagal na tayong magkakilala, kung talagang gusto kita, matagal na sana kitang
niligawan. Maraming lalaki dyan, wag mong sayangin ang oras mo sakin."
mahinahon man itong magsalita ay hindi pa rin maiwasan na masaktan ang damdamin
ko dahil sa mga sinabi niya kaya napayuko ako.
"I'm sorry!" ani Andrew at tinapik ako sa balikat
at saka ito naglakad ulit papalayo.
Dinukot ko ang cellphone sa aking sling bag. Dahil din kay
Mutya kaya matagal ko nang alam ang phone number ni Andrew pero never ko siyang
tinext. Kahit naman patay na patay ako sa kanya, hindi ko naman iniinvade ang
privacy nya.., Ngayon pa lang!
Nagsend ako ng text message sa kanya. Ewan ko lang kung
hindi kita mapasagot ngayon!
Matapos kong pindutin ang send button ay nakita kong dinukot
ni Andrew ang phone nya at binasa yun. Napatigil ito sa paglalakad at biglang
pumihit ng direksyon paharap sa akin. Kitang kita ko sa mukha nya ang
pagkatuliro at dali daling naglakad papalapit sa akin.
"What the hell?!?!" balisang sabi nito nang
makalapit siya.
Sinend ko kasi ang picture niya na nakapalda siya ng maigsi.
Kuha yun 5 years ago, napasubo lang siya noon at nagpalda ng wala sa oras dahil
sa isang katuwaan. Ang hindi alam ni Andrew ay patago ko siyang kinunan ng
litrato noon. Malay ko bang magagamit ko pala ito ngayon.
Ang sabi ni Mutya, pilyo daw itong si Andrew pero wag mong
kakantiin ang p@gkalalaki niya dahil nawawala ang pagiging cool nito.
"Why on earth do you have that picture?" bulong ni
Andrew. Halata sa mukha nito na nagpapanic.
Pacute lang akong ngumiti sa kanya.
Aagawin pa sana nito ang cellphone ko ngunit mabilis akong
tumalikod at lumayo sa kanya. Muntik na akong mapasigaw nang mabilis siyang
nakalapit sa akin at dinukwang ang cellphone mula sa aking likuran ngunit
mabilis ko itong naiiwas.
Niyakap niya ako mula sa aking likuran upang agawin sa aking
kamay ang cellphone na pilit kong isinisiksik sa tapat ng aking tyan. Ilang
sandali din kaming nagpangbuno at tuluyan na ngang nawala ang pagiging Mr. Cool
Guy nito ngayon.
"Bitawan mo ko!" angal ko dahil nagawa pa nya
akong iangat sa sahig kaya nagkaka-kawag ako habang mahigpit pa rin ang
pagkakahawak ko sa aking cellphone.
"Give me that f*cking phone!" gigil na sabi nito.
"Ayoko!"
Pinipigilan kong mapatili para di makatawag ng pansin ng
ibang tao pero sigurado akong pinanonood kami nina ate Beth ngayon.
Bago pa man maagaw ni Andrew ang cellphone ko ay ítinago ko
ito papasok mula sa kwelyo ng aking bestida at isinuksok sa loob ng aking
bra.., saka mabilis na kumawala at humarap kay Andrew.
"Oh ayan, kunin mo!" hamon ko sa kanya at iniliyad
ko pa ang aking dibdib.
Napatigil naman ito at wala nang nagawa.
"Delete it right now!" mariing utos nito habang
nakaturo sa dibdib ko kung nasaan ang aking cellphone.
"Okay..., Sa isang kondisyon..., boyfriend na
kita." saad ko at tinitigan siya sa mata.
Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko.
"What the heck Tintin!!!" anito na hindi
makapaniwala.
"Okay. Kung ayaw mo, eh di wag!" ani ko sabay
talikod.
Hinila nya ang braso ko paharap sa kanya.
"What are you doing?" pabulong nitong sabi at
halatang nagtitimpi.
"Narinig mo naman yung sinabi ko, diba? Tayo na.., kung
gusto mong burahin ko yun."
"Are you serious?!?!" hindi pa rin makapaniwalang
sabi nito.
"Matagal na akong seryoso sayo noh." tugon ko
naman.
Napahilamos ng mukha si Andrew. Maya maya pa ay nameyawang
ito at frustrated na tumingin sa akin habang nagkangisi naman ako sa kanya.
Muli siyang nagsalita.
"Okay-- 1 week! 7 days lang, after nun, tantanan mo na
ako!" ánito
Chapter 4
Tintin POV
Binalikan ko ang mga plastic bag na dala ko. Kitang kita ko
sa mukha nina ate Beth at mga kasamahan kong nurse ang pagtataka dahil sa
nasaksihan nila kanina.
"Alis na'ko, see you na lang tomorrow." wika ko.
"Anong nangyari sa inyo ni dok. Ba't ka niya
binuhat?" tanong ni ate Beth.
Napatawa naman ako nang maalala kung paano kami nag-agawan
ni Andrew sa cellphone.
"Wala, nabuhat lang niya ako sa sobrang tuwa kasi
sinagot ko na sya."
"Natuwa? Parang hindi naman. Para kayong magkapatid na
nag-aaway."
"Hindi ganun, masaya lang siya kasi kami na."
binuhat ko ang mga plastic bag.
"Totoo Kristina, kayo na?" tanong ni Liezel na
mukhang siya lang ang sumeryoso sa sinabi ko.
"Kelan ba naman ako nagsinungalin?" wika ko.
Mukhang wala namang naniniwala sa akin. Sino nga bang basta
maniniwala na ganun kabilis ko mapapasagot si Andrew eh kung kani kanina lang
ay sinabutahe niya ang date namin.
"Sige, una nako, Kita kits na lang bukas." paalam
ko sa kanila. Saka na lang ako nagkukwento sa kanila.
Masava akong uuwi dahil kami na ni Andrew kahit pa napilitan
lang ito. Basta sisiguraduhin kong maiinlove siya sa akin bago matapos ang
isang linggo.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng pintuan ng hospital ay isang
lalaking nagmamadali ang sumalpok sa akin kaya tumalsik at napaupo ako.
Nabitawan ko rin ang mga plastic bag na hawak ko.
Napapikit ako habang pinipisil ang aking balakang.
"Aray ko naman..." daing ko.
"I'm sorry Miss!" narinig kong sinabi ng lalaki.
Sinubukan kong tumayo. Nakita kong inilahad nang nakabangga
sakin ang kanyang kamay upang tulungan ako. Tinanggap ko yun para mabilis akong
makatayo. Agad kong pinagpagan ang aking puwitan dahil sa alikabok. Napatingin
ako sa lalaki ng marinig ko itong magsalita.
"Ayos ka lang miss?" tanong nito.
Tumango ako at tumingin sa kanya.
Napapilig ako ng makita ang itsura nito. Nasa romance novel
ba ako, bakit bidang lalaki yata itong kaharap ko?
"Oppa?" usal ko nang makita kung gaano kaguwapo
ang lalaking nasa harapan ko.
"Ha?"
"Wala... ayos lang ak-Naku naman! Yung pagkain
ko!" nanghihinayang na sabi ko ng makita na kumalat ang mga lunch boxes.
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang hindi naman pala
natapon ang laman. Yumuko na lang ako at isa-isang dinampot ang mga yun at
ibinalik sa bag. Napansin kong tumutulong na rin sa pagdampot ang gwapong
lalaki. Hindi ko siya pinigilan dahil kasalanan naman niya kaya natapon yun.
"Salamat!" wika ko nang maisilid kong lahat ng
lunch boxes sa plastic bag.
"Mukhang marami kang pasasalubungan ah." anang
lalaki. Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Hindi, mag-isa lang ako sa bahay. Akin lahat
yan." sagot ko habang ibinubuhol ang bag para siguradong hindi na ito
mabubuksan kahit pa mabitawan ko ulit.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ng lalaki. Nang lingunin ko
siya ay nakatingin ito sa mukha ko na parang amuse na amuse sa aking sinabi.
Hindi siguro siya makapaniwala na ako lang mag-isa ang uubos nitong mga
pagkain.
"Malakas akong kumain." proud ko pang sinabi.
Ngumiti ito na lalo pa nitong ikinagwapo.
"Hindi halata sayo." nakangiting sabi nito.
"Nasa romance novel ba ako?" hindi ko na talaga
mapigilang sabihin ang kanina pang tumatakbo sa isip ko.
"Bakit?" tanong nito.
"Kasi ang gwapo mo!" sagot ko. Wala lang naman sa
akin yun dahil marunong talaga ako mag-appreciate ng magagandang mukha, mapa
babae man o lalaki.
"Pwede bang ikaw na lang ang leading man ng buhay
ko?" Kanina pa kasi ako kating kati na ibato ang pick up line na to.
Nakita kong umaliwalas ang kaniyang mukha at halatang natawa sa aking sinabi.
Ayan, kumpleto na ang araw ko, may bumili na rin ng linya ko.
"Joke lang, may boyfriend nako." sabay bawi ko.
Bigla kong naalala si Andrew. Hay, sana ganito rin siya kung
magreact sa mga banat ko. Binuhat ko ang mga plastic bag at walang sabi sabi na
iniwan ko ang lalaki.., saka ako naglakad papalayo sa hospital para umuwi na.
Pagkarating na pagkarating ko sa condo ay agad kong inilagay
sa fridge ang mga dala kong pagkain. Excited na akong ibalita sa bestfriend ko
na kami na ni Andrew.
"Diko alam kung good news yan Tin. Pwersahan
talaga?" wika ni Mutya sa kabilang linya.
"Sa ngayon lang to Mutya. Sa loob ng 7 days, makikila
niya ako at siguradong maiinlove na siya sa akin. Dun naman nagsisimula yun
diba?"
"Oo pero ewan ko lang sa sitwasyon nyo."
natatawang tugon ni Mutya sa kabilang linya.
Hanggang sa matapos kaming mag-usap ni Mutya ay
napapabuntong hininga na lang ito kapag naaalala kung paano ko binlackmail si
Andrew.
Basta positive ako na makukuha ko ang puso niya. Wala pa
akong nakikilalang tao na ayaw sa akin. Si don Antonio nga na tinatawag nilang
super suplado daw, kapag nakikita ako, malayo pa ay nakangiti na agad sa akin
at palaging kinukumusta kung napasagot ko na daw ang anak niya.
Ngayong kami na ni Andrew ay mapapagtuunan na nya ako ng
pansin at malalaman niyang madali lang naman pala akong mahalin.
"Weh di nga?" dudang sabi ni nurse Maricel na
kasabay ko sa shift habang papunta kami sa kwarto ng pasyente na paiinumin
namin ng gamot.
"Oo nga, kami na talaga kahapon pa." proud kong
pag kumpirma sa kanya.
Pagkapasok ko pa lang kaninang umaga sa trabaho ay
ipinamalita ko na agad na kami na ni Andrew. Lahat ng makausap ko ay
binabalitaan kong kami na kahapon pa. Wala namang hindi nakakaalam na
dinidiskartehan ko siya noon pa. Wala nga lang basta maniwala nang sabihin kong
kami na.
"Ay naku kung ako sayo Tintin, kalimutan mo na yang si
dok. Andrew. Halata namang wala siyang gusto sayo. Ang ganda mo naman,
sinasayang mo lang oras eh ang daming gwapong dyan. Kagaya nung bagong doktor
dito sa hospital, nakita mo na ba?"
"Hindi ko pa nakikita. Mas gwapo pa kesa sa boyfriend
ko?"
Napatawa naman si Maricel nang banggitin ko ang salitang
boyfriend. Ayaw talaga niyang maniwala.
"Mag kasing gwapo." ani Maricel at sinakyan na
lang ako sa pagpupumilit kong boyfriend ko na si Andrew.
"Ah.., eh kung kasing gwapo pala siya ni Andrew, aba eh
gwapo nga." saad ko.
"Lakas talaga ng tama mo kay dok." ani Maricel.
Nasa loob na kami ng silid ng pasyente.
"Good morning po?" halos sabay namin bati ni
Maricel sa matanda. Binati rin naman niya kami.
"San ko ba siya pwedeng yayain kung magde-date
kami?" baling ko kay Maricel. Nag-isip naman ito.
"Yayain mong manood ng sine." ani Mrs. de Leon,
ang matandang Dasvente. Bigla akong napatingin dito.
Tama sa sinehan, bakit nga ba hindi ko naisip yun?
"Lola tama ka dyan." nakangiting tugon ko.
"Makakatsansing ka på paminsan minsan." pabirong
sabi ng matanda.
Nanlaki pareho ang mga mata namin ni Maricel at saka
nagtawanan.
"Lola, kaya ka naha-highblood eh." pabiro kong
tugon sa sinabi niya.
"Siguraduhin mo lang na nakainom na siya ng gatas bago
kayo magsine."
"Bakit naman po?"
"Aba eh baka mauhaw sa sinehan ang boyfriend mo, baka
biglang dumede sayo"
Hagalpakan kami ng tawa ni Maricel dahil hindi namin
inaasahan ang mga salitang lumabas sa bibig ng matanda.
"Ay kung ganun, dalawang araw ko siyang hindi paiinumin
para uhaw na uhaw." ganting biro ko naman. Ngayon ay si Mrs. de leon naman
ang tumawa.
"Ano kayang reaksyon ni dok kapag sinabi mo yan sa
kanya." ani Maricel.
"Titingnan ko mamaya." balewala kong sagot.
"Hindi ka nahihiyang sabihin sa kanya?"
nakangiwing sabi ni Maricel.
"Bakit naman, boyfriend ko naman siya ah, at saka dun
din naman ang punta nun, bakit patatagalin ko pa." Nagbibiro lang naman
ako dahil sinasakyan ko lang ang kapilyahan ng
matandang pasyente.
"Hay naku Kristina, siguradong mawiwindang sayo si dok
niyan kung hindi mo isesensor ang bibig mo."
"Joke lang." natatawa kong sabi.
************************************
NOTE FROM KARA:
Guys, kung naghahanap po kayo ng mapanakit, may thrill at
masalimuot na story -- paki skip na lang po nitong story nina Andrew &
Tintin, baka kasi mabored lang kayo sa story na 'to dahil ROM-COM lang po ito.
Pasensya na po kung hindi ito pasok sa panlasa nyo wala pong pilitan at wag nyo
na lang po itong basahin para hindi kayo mainis sa akin, para bati pa rin tayo.
Isinulat ko ito para magkaroon ng konting break sa mga medyo mabibigat na story
na nababasa nyo. Wag nyo rin pong hanapin or ikumpara ito sa YOUR HERO YOUR
LOVER because I aim to give each story its own uniqueness para hindi ito
magmukhang copycat.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa. God bless
everyone!
SPOILER ALERT: Hindi po mamamatay ang bida.
Yours truly,
KARA NOBELA
Chapter 5
Tintin POV
30 minutes na akong naghihintay ng dumating si Andrew sa
coffee shop na usapan namin ay magkikita kami.
Nananadya talaga ang lalaking to na mag pa late. Alam na
alam ko na ang style ni Andrew. Mamaya pa ang kanyang pasok, samantalang kanina
pa ako nakapag-out kaya mahaba ang oras ko para maghintay.
"Bakit hindi ka pa umorder habang wala ako." yun
agad ang bungad niya sa akin.
Sinadya kong wag muna umorder dahil gusto kong matagal ako
matapos magkape para hindi kami agad matapos sa date namin.
"Hinintay talaga kita. Anong klaseng date ito kung
mag-isa lang akong magme-merienda?"
"Okay." tumalikod ito at naglakad palapit sa
counter para umorder.
Habang umoorder siya ay nagtetext naman ako sa isang
katrabaho ko tungkol sa schedule namin. Itinigil ko lang ang pagtetext nang
bumalik na si Andrew sa lamesa namin bitbit na ang dalawang kape.
Lihim akong napangiwi ng bigyan niya ako ng iced latte.
"Salamat." matamis ko pa rin siyang nginitian.
"Anong pag-uusapan natin?" maayos naman itong
makipag-usap ngunit wala ka talagang makikita kahit konting kilig sa mga mata
niya. Ganun pa rin siya makitungo sa akin, kaibigan pa rin. Professional pa rin
kahit pagdating sa bagong relasyon namin, yun bang parang ginagawa lang niya
ang tungkulin.
"Akala ko ba, marami ka ng naging girlfriend? Dapat
alam mo, na kapag nasa relasyon, hindi mo kailangan ng dahilan para magkita o
magdate."
Hindi nito napigilang mapatawa.
"Alam mo Tintin, kung hindi ka lang cute at nakakatawa,
dapat nabuwisit na ako sayo ngayon dahil sa mga ginagawa mo." anito habang
iniinom ang kape niya.
"Alam mo Andrew, kung hindi ka lang gwapo, hindi ko
pagtya-tyagaan yang ugali mo." ganti ko naman.
Aba at napangiti pa ang mokong ng tinawag ko siyang gwapo.
"Maraming namang gwapo dyan, bakit kasi nagtyatyaga ka
saken. Kung gusto mo ipakilala kita sa mga kakilala ko."
"Ang gusto ko kasi, gwapo na doktor pa."
"Hayaan mo't ipapakilala ko sayo yung kaibigan kong si
Dr.Gray. Gwapo yun bagay kayo."
"Oi Andrew, ipapaalala ko sayo na date natin to. Narito
ka bilang boyfriend ko.., hindi matchmaker."
Sumandal sa Andrew sa inuupuan.
"O bakit hindi mo iniinom yang kape? Ano, bored ka na
sa akin? Pwede mo na akong i-break kung turn off ka na saken." pabiro
nitong puna nang makitang hindi ko ginagalaw ang kapeng bigay niya.
Alinlangan kong ininom ang kape. Kahit ayaw ko nang inorder
niya ay ininom ko pa rin para hindi siya maturn-off sa akin, sabihin pa niya
ang arte-arte ko at hindi girlfriend material.
"Bakit naman ako makikipagbreak sayo eh, eh first day
natin ngayon bilang magboyfriend." sagot ko.
"Correction, it's our 2nd day. Counted na yung
kahapon." anito
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Talagang
binabarat ako ng lalaking ito ah. Hindi na lang ako nagreklamo dahil gagawan ko
na lang nang paraan para mapalapit ang loob niya sa akin sa natitira pang 5
araw simula bukas.
"Okay basta bukas manood tayo ng sine, wag kang
tatanggi dahil alam kong off mo bukas. Alam ko kung anong schedule mo."
"Bakit? Anong merun bukas?"
"3rd daysarry natin." ewan ko ba kung san ko
nakuha yung salitang yun. Basta bigla ko na lang naisip, para-paraan lang para
may maidahilan kung bakit ko siya niyayaya lumabas ulit.
"Tintin, alam kong never ka pang nagka boyfriend, pero
ipapaliwanag ko sa yo na hindi kailangang lumabas ng magboyfriend
araw-araw."
"Iba naman tayo Andrew. 7 days lang ang ibinigay mo sa
akin. Sige, okay lang saken na saka na tayo manood ng sine, basta i-eextend mo
ang pagiging magboyfriend natin eh."
Napakamot naman ng ulo si Andrew.
"Okay, sige bukas." naiiling nitong sabi.
Bigla kong naalala ang sinabi ni Mrs. de leon kanina.
"Uminom ka ng maraming gatas bago tayo manood ng sine
bukas ha."
"Bakit naman?" tanong nito bago humigop ng kape.
Nakangiti na agad ito dahil akala siguro niya ay magbabato na naman ako ng
pick-up line.
"Baka kasi mauhaw ka sa loob ng sinehan, dedehen mo pa
ako." walang patumpik tumpik kong sabi.
Kitang kita ko kung paano nito naibuga ang kapeng iniinom
niya. Mabuti na lang at hindi siya nakaharap sa akin, kung hindi baka nabasa
nako. Napahagalpak ako nang tawa sa naging reaksyon niya. Ang sarap niya
talagang biruin.
Medyo umuubo ubo pa ito ngayon habang pinupunasan ng napkin
ang kanyang bibig.
"Sino bang pinagkaka-usap mo at natututo ka na ng mga
ganyang salita? Ang bata mo pa para magbiro ng mga ganyan."
"Andrew, baka nakakalimutan mo, 22 na ako. Hindi na ako
yung 17 years old na kilala mo. Buksan mo yang mga mata mo para makita mong
dalaga na ako."
"Kahit pa, lalaki ako at hindi ka dapat nagbibitaw ng
mga ganyang jokes sa mga lalaki."
"Nagbibiro lang ako noh. Unless gusto mo rin, hindi
talaga kita tatanggihan."
Nanlaki lalo ang mga mata ni Andrew. Mukhang sesermunan na
naman ako.
"Joke lang, dika na nasanay saken." tuwang tuwa na
naman ako sa reaksyon nito.
Sa bandang huli ay napapayag ko rin siya na sumama sa akin
na manood ng sine bukas. Nang maubos nya ang kanyang kape ay nagpaalam na agad
ito sa akin. Akala mo naman ay palaging nagmamadali, if i know gusto lang niya
akong takasan agad.
"Ihahatid na kita." wika ko.
"What?" gulat na tanong ni Andrew.
"Diba papunta ka sa trabaho ngayon? Sabi ko, ihahatid
na kita. Dyan lang naman sa tapat ang hospital eh."
Napatawa naman si Andrew.
"Kapag nagka boyfriend ka ng totoo, siguradong
mapapasaya mo siya ng todo." anito na hindi mawala wala ang ngiti sa labi.
"Bakit? Totoo namang boyfriend kita ah."
"Okay, sinabi mo eh. May pupuntahan pa ako, kaya dimo
na ako kailangang ihatid." anito habang naiiling na lang at tumayo na sa
kinauupuan
"Para-paraan para umiwas." hindi kasi ako
naniniwala na may daraanan pa siya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko.
"Kailangan kong icheck ang sched ko bukas kaya wag mo
akong kukulitin. Itetext na lang kita what time at kung saang sinehan tayo
magkikita."
Sigurista talaga sa isip-isip ko. Hindi na ako umangal dahil
okay na sa akin na pumayag itong manood kami ng sine. Magni-ninja moves na lang
ako bukas sa sinehan.
"Okay." pagsang-ayon ko.
Agad na itong umalis. Hindi ko naman siya pinigilan at
kinulit pa. Akala siguro ni Andrew ay naniniwala ako na may dadaanan pa siya
ngayon. Kaya lang naman hindi ko siya kinulit dahil, nag-aalburuto na kasi ang
aking tyan ngayon. Yun ang dahilan kung bakit iced coffee lang ang palagi kong
inoorder. Hindi lang dahil sa paborito ko yun. Mahina kasi ang tiyan ko sa
gatas kaya hindi ako umoorder ng latte pero hindi yun alam ni Andrew.
Dali-dali akong tumakbo sa restroom bago pa man ako abutin
dito sa labas. Mabuti na lang at nakaalis na siya at hindi ako inabot sa
harapan niya. Kung nagkataon, nakakahiya baka ibreak niya agad ako.
Chapter 6
Tintin POV
Kainis! Kaninang kanina pa ako naghihintay ng text ni Andrew
hanggang ngayon wala pa rin. Pagkarating na pagkarating ko kanina mula sa
trabaho ay gumayak na agad ako dahil sobrang excited ako na manonood kami ng
sine ngayon. Kaso pasado alas singko na, anong oras pa kaya kami makakapanood
ng sine? Siguro, sinasadya talaga ni Andrew na asarin ako, Para-paraan talaga
siya para ayawan ko siya.
Naka ilang toothbrush na nga ako para hindi ako bad breath
mamaya eh. Tumayo ako mula sa sofa upang kumuha nang maiinom sa kusina nang
marinig kong tumunog ang cellphone ko. Halos liparin ko pabalik ang sofa kung
saan ko ipinatong ang cellphone dahil baka si Andrew na ang nagtext.
Text message nga ni Andrew ang natanggap ko. Sinend niya
kung saang sinehan kami magkikita. Nakalimutan ko na tuloy na iinom nga pala
ako ng tubig dahil mabilis kong kinuha ang aking bag at lumabas na agad ng
condo. Nagkukumahog akong tumawag na taxi para makarating agad sa tagpuan
namin.
20 minutes na akong naghihintay nang makita kong paparating
si Andrew.
"Sh*t, ang gwapo talaga!" sigaw ng puso ko.
Tanaw na tanaw ko siya dahil sa napakatangkad nito. Naka
pantalong jeans lang ito at plain shirt pero sobrang gwapo pa rin at walang
hindi mapapalingon sa kanya dahil nangingibabaw ang dating niya kumpara sa
lahat ng mga taong naririto ngayon.
"Date ko yan!" ang sarap sanang isigaw.
Nakatingin siya sa mga movie posters habang papalapit siya
sa akin.
"Ang tagal mo ha!" nakapamewang kong bungad sa
kanya.
Kahit love ko pa siya, hindi pwedeng hindi siya makatikim
sakin ng sumbat, namuti na kaya ang mga mata ko kahihintay sa kanya. Kaso wala
naman sa akin ang atensyon niya kundi nasa mga posters.
"Alin kayang maganda rito?" anito na mukhang
sarili naman ang kinakausap at dire-diretso sa pagpila para bumili ng ticket.
Habang pumipili siya ng panonoorin namin ay abala naman ako
sa pagreply sa group chat sa mga katrabaho ko tungkol sa schedule namin.
"Bili tayo ng popcorn." narinig kong sabi ni
Andrew.
Hindi ko namalayang nakabili na pala siya ng ticket. Sumunod
na lang ako sa kanya ng magtungo ito sa bilihan ng snacks. Bumili ito ng
dalawang popcorn at sodas. Iniabot niya ang para sa akin at kinuha ko naman
yun.
"Isa na lang sana ang binili mo. Dapat share na lang
tayo para sweet." wika ko nang hawak ko na ang popcorn.
"Sa lakas mong kumain, baka kulang pa nga sa'yo ang
isa. Agawan mo pa ako" anito na nakakaloko ang ngiti kaya inirapan ko
siya.
"Tara na magsisimula na yung palabas." anito.
Sinabayan ko siya papunta sa sinehan. Napangiwi ako nang
makita kung saan kami patungo.
"Horror?!?!" nakangiwi kong tanong.
"Bakit, ayaw mo ba ng horror?" tanong ni Andrew.
Nang makita ko ang reaksyon nya ay bigla ako bumawi. Ang
totoo ay ayaw na ayaw ko nang horror dahil matatakutin ako pero kailangan kong
magpaimpress kay Andrew na ang cool kong maging girlfriend kaya kunyari ay
excited pa ako.
"Horror? Paano mo nalamang paborito ko ang horror? Ang
sweet naman ng boyfriend ko." pagsisinungalin ko pero ubod ng tamis akong
ngumiti sa kanya.
Nakita ko na mariing napapikit at napayuko si Andrew habang
umiiling-iling.., at hindi maitago ang pigil na pagtawa nito.
Habang naglalakad kami papasok sa loob ay may naalala ako.
"Ano Andrew, uminom ka ba ng maraming gatas bago
umalis?" pabiro kong tanong. Mukhang nasanay na si Andrew sa joke na yun
kaya sinakyan na lang niya ito.
"Large ang soda ko kaya hindi ako mauuhaw. Isa pa hindi
naman ako mahilig sa gatas." anito.
"Tatandaan ko yang sinabi mo ha. Kapag ikaw nainlove sa
akin at ako minanyak mo, hindi ka makaka-iskor sa akin." wika ko na may
pagbabanta sa aking boses. Tumango si Andrew.
"No problem." hindi nababahalang sagot nito dahil
hindi naman mukhang interesado sa sinabi ko.
Kahit pa hindi ako mahilig sa horror ay hindi ko pa rin
mapigilang mapatingin sa screen. Takot na takot ako lalo na sa scene na may
humahabol at gustong pumatay sa bida. Ang eksena ay bigla na lang sumulpot ang
killer sa harapan ng screen kaya sobrang nagulat ako.
"Ay kiki ng ina moh!"
Napasigaw ako ng malakas at tumalsik pa kay Andrew ang
popcorn na hawak ko.
"Nakakawala ka naman nang ganang manood. Hinaan mo nga
ang boses mo, nakakahiya sa mga katabi natin." reklamo nito habang isa
isang inaalis ang popcorn na tumapon sa kanya.
Sumimangot ako. Kasalanan naman kasi niya. Dapat kasi
romantic movie ang pinapanood namin dahil alam naman niyang date namin to tapos
horror pa ang napili nyang panoorin.
Ipipikit ko na lang ang mga mata ko para namnamin na katabi
ko siya ngayon sa dilim.
"Akina ang kamay mo." bulong ko sa kanya.
"What?"
"Sabi ko akina ang kamay mo, date natin to. Kahit
horror ang palabas dapat sweet pa rin tayo."
"Stop it Tintin, ang init-init."
"Anong mainit eh kanina pa nga ako nangangatog sa
lamig. Sobrang lakas ng aircon nila."
"Can you just watch and stop talking, hindi ko na tuloy
maintindihan ang pinapanood ko."
"Pag dimo ibinigay ang kamay mo, hahalikan kita."
banta ko pero ang totoo ay hindi ko naman kayang gawin yun. Baka lang naman
makakalusot ang ninja moves ko.
Nilingon ako ni Andrew saglit, maya maya pa ay tumingin
itong muli sa pinapanood at pagkuway balewalang inabot saken ang kamay niya.
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at hinagip ko agad ang kanyang kamay kaya
holding hands na kami ngayon.
Feel na feel ko na talaga na ka-date ko nga siya. Ang init
ng palad niya. Totoo namang nilalamig ako dahil hindi ako nakapagdala ng jacket
kaya nakatulong ang mainit niyang palad para mabawasan ang lamig na
nararamdaman ko.
"Ang lamig ng kamay mo." ani Andrew.
"Sabi ko naman sayo, nilalamig ako eh."
"Hindi natin kailangang tapusin to kung hindi ka
komportable."
"Andito na tayo, tapusin na natin to. Tsaka ang init
naman ng kamay mo, okay na to." tanggi ko.
Ngayon pa ba ako aalis kung kelan hawak kamay na kami.
Feel na feel ko talaga ang moment na to kaya hindi ko
napigilang isandal ang aking ulo sa gilid ng kanyang braso habang hawak ko pa
rin ang kaniyang kamay. Hindi naman ako pinigilan ni Andrew. Sandal lang naman
eh, arte naman niya kung pati yun tatanggihan pa niya.
Ayaw ko nang tumingin sa screen dahil hindi naman ako
nag-eenjoy sa palabas. Mas enjoy pa 'ko ngayon sa pwesto ko.
Haay... ang bango niya, lalaking lalaki ang amoy. Ang laki
pa ng braso niya kaya ang sarap sumandal, dumagdag pa ang init ng katawan nito
na parang ang sarap sumiksik sa kanyang dibdib, pero okay na ako dito kahit sa
braso lang, para tuloy akong ipinaghehele at naging komportable na ang aking
pakiramdam.
Sa sobrang komportable ko ay napahikab pa ako at namigat ang
talukap ng aking mga mata. Hindi ko na namalayan na unti-unti na akong
nakatulog.
"Tin.."
Naririnig ko ang boses ni Andrew ganun din ang mahihinang
tapik sa aking braso.
"Tintin gising na.., tapos na yung palabas."
anito.
Gising na?!?! Tama ba ang narinig ko? Bigla akong
napabalikwas nang marealized na nakatulog pala ako. Pagmulat ng aking mga mata
ay nakita ko si Andrew na malawak ang ngiti at natatawa sa naging reaksyon ko.
"Tapos na agad?" tanong ko.
"Anong agad? Mahigit 2 hours kaya yung pelikula."
"Bakit hinayaan mo akong makatulog?" reklamo ko
dahil nasayang yung 2 hours na kasama at kahawak kamay ko siya.
"Ilang beses kitang ginising..., pero puro hilik lang
ang isinagot mo. Maiinlove na sana ako sayo kaso anlakas mo palang humilik,
parang lalaki." tumatawang sabi ni Andrew. Pinamulahan ako ng mukha.
"Hoy, hindi ako humihilik noh." pinandilatan ko
siya.
"Tara na." yaya nito at tumayo na.
Nagdadabog akong sumunod sa kanya at narinig ko siyang
napatawa.
"See, boring akong boyfriend. Tinutulugan mo lang ako.
Kaya dapat humanap ka na ng iba." anito.
"Kainis, hindi man lang kita natsansingan." wika
ko na siyang nagpatawa pang lalo kay Andrew.
"Better luck next time." pabirong sabi nito.
Chapter 7
Tintin POV
"Ano, hindi ka inihatid ni Andrew pauwi?" gulat at
hindi makapaniwalang sabi ni Mutya sa kabilang linya.
Tinawagan ko kasi agad si Mutya upang ikwento na kagagaling
lang namin ni Andrew mula sa sinehan kaso nauwi naman ang usapan namin sa
reaksyon ni Mutya na hindi makapaniwala sa ginawa ni Andrew.
Nang matapos kaming manood ng sine ay nagyaya na itong
umuwi. Ikinuha niya ako ng taxi, hindi ko naman naisip yung inirereklamo ni
Mutya na dapat daw ay si Andrew ang naghatid sa akin pabalik mula sa sinehan.
Malay ko ba kung paano makipagdate. Basta ang alam ko lang kanina ay masaya ako
kahit pa nakatulog ako.
"Hindi ganyan ang Andrew na kilala ko. Napaka-gentleman
nun at very protective. Hindi ako makapaniwalang hinayaan ka niyang magbyahe
mag-isa kahit gabi na. May sasakyan naman siyang dala." ani Mutya.
"Isa pa, ni hindi ka man lang niya niyayang kumain
pagkatapos nyong manood."
"Hay naku, alam mo namang sinasadya niya yun para
sumuko na ako." balewala kong sabi.
"Yun na nga Tin, ipinamumukha nya sayo na hindi ka
talaga niya gusto. Maghanap ka na lang ng iba, obvious naman na hindi ka
niya-gusto. Ang tanga mo!"
"Oo na, tatapusin ko lang itong 7 days namin. Kapag
wala talagang nangyari, hindi ko na ipagpipilitan. Aleast sinubukan ko di
ba?"
Hindi ako nagsisinungalin nang sabihin ko yun. 4 days na
lang at matatapos na ang kasunduan namin ni Andrew.
Ibubuhos ko sa natitira pang mga araw para ipakita sa kanya
na gusto ko talagang maging kami. Walang kasing sarap sa pakiramdam kung
makakatuluyan ang childhood crush ko pero hindi naman habang buhay na susuyuin
ko si Andrew. May sariling buhay din naman ako.
***************
Out ko na pero dumaan muna ako sa nurse station. Malayo pa
lang ay kita ko na ang kumpulan ng mga nurse at mukhang may pinagtsi-tsismisan
na naman ang mga ito.
"Anong kaguluhan yan?" pangbubulaga ko sa mga
nurse na nagkukwentuhan.
Mukhang hindi naman sila nagulat at tuloy lang sila sa
kanilang pinag-uusapan.
"Sinabi ko na sa inyo, binata nga yun. Halata naman
eh"
"Ay naku lalo tuloy akong inspired na pumasok araw
araw."
"Dati nga ayaw na ayaw ko ng night shift eh. Ngayon
gising na gising talaga ako."
"Pinag-uusapan nyo siguro yung bagong doktor no?"
singit ko sa usapan nila.
"Nakita mo na ba siya Kristina?" ani Liezel.
"Hindi pa, naririnig ko lang kasi palaging laman nang
usapan nung mga kasamahan ko sa umaga yung pangalang Dr. Tuazon." tugon
ko.
"Ay grabe! Parang model ang tangkad, ang gwapo
pa." Kilig na kilig si Liezel.
"Tuazon? Parang hindi naman tunog doktor. Parang
barangay tanod naman." ani Tintin.
"Si Kristina lang yata ang hindi interesado sa
kanya." ani ate Beth.
"Ay naku, wag na siyang makigulo sa atin. Sinira na nga
nyan ang pantasya natin kay Dok Andrew. Ipagpaubaya na niya sa atin si Dr.
Tuazon." ani Judith
Napatawa ako sa sinabi niya.
"Kristina may bad news ako sayo." ani ate Beth.
"Ano naman yun?" tanong ko sa kanya.
"Yung ex ni dok Andrew na si doktora Natalia Santos,
balita ko maa-assign dito."
"Patay! May tulog ka ngayon." ani Liezel.
"Ah yung ex nya." kunyari ay balewala kong sabi.
Ngunit ang totoo ay intresado ako sa balita ni ate Beth.
"Pero siya yung first love ni dok Andrew."
"Ako naman ang present girlfriend niya ngayon."
Tawanan ang isinagot nila sa akin. Wala talagang maniwala sa
mga ito. Isa pa ay hindi rin nila sineseryoso ang mga sinasabi ko dahil tingin
nila ay puro pagbibiro lang ako.
"Ate beth alam mo ba kung bakit sila nagbreak?"
gusto ko talagang malaman kung bakit sila naghiwalay ni Andrew.
"Oo naman! Ang alam ko yung babae ang nakipagbreak
dahil mas pinili niyang mag-aral sa abroad. Mataas kasi ang pangarap niya.
Balita ko, dinamdam talaga yun ni dok Andrew kaya 2 years pa bago siya nagka-
girlfriend ulit pero wala namang tumagal."
Hindi ako makapaniwala na yung babae pa ang nakipaghiwalay.
Ang tanga naman niya. Samantalang ako, hirap na hirap pasagutin si Andrew,
tapos siya ibe-break lang.
"Naku, kung ako sayo Kristina, kalimutan mo na yang si
dok, mukhang tagilid tayo dyan lalo na at magbabalik na ang original. ani
Liezel.
Nagkibit balikat lang ako. Ayokong ipahalata na apektado
ako.
"Okay, eh di si Dr. Tuazon na lang ang pagtutuunan ko
ng pansin. Ano bang schedule niya at nang masimulan ko na ang panliligaw?"
Sabay sabay silang nagtinginan sa akin at mga nagprotesta.
"Hay naku Kristina, ban ka kay Dr. Tuazon. Hindi ka
namin gustong karibal." ani Nancy.
"Mahirap kalaban yang si Kristina. Marami yang baong
pick-up lines." ani ate Beth.
"Pag nagsawa na ako kay dok. Andrew kay dok Tuazon
naman ako." pabiro kong sabi at saka umalis. May pupuntahan pa kasi ako.
Habang naglalakad papunta sa coffee shop na tagpuan namin ni
Andrew ay hindi mawala wala sa isip ko ang sinabi ng mga ito tungkol sa first
love ni Andrew. Babalik siya? Trabaho ba ang babalikan niya o si Andrew?
Nagsisimula na akong makaramdam ng kung ano sa aking dibdib ngayon. May kung
anong sumusundot na kaba pero madali ko rin naman itong pinawi. Ganito naman
talaga ako, ayoko mag-entertain ng negative sa utak. Dapat lang masaya ako
dahil magkikita kami ni Andrew maya-maya lang..
As usual ay nauna na naman akong dumating sa tagpuan namin.
Kagaya ng bilin ni Andrew na wag ko daw siyang itetext at kukulitin kaya yun
ang ginawa ko. Nagkasya na lang akong maghintay sa pagdating niya kahit pa
mayat maya na akong tumitingin sa cellphone ko. Tuksong tukso na rin ako na
tawagan siya.
Napakislot ako ng marinig kong may tumatawag sa telepono.
Dali dali ko itong kinuha upang tingnan kung sino ang tumatawag, ngunit hindi
nakaregister ang number sa phonebook ko. Hindi ko ito pinansin. Muli na namang
tumunog ang aking cellphone yun pa rin ang number ng tumatawag kaya sinagot ko
na ito.
"Hello sino to?" tanong ko agad sa tumatawag.
"Hello, is this Kristina?" boses lalaki ito.
"Ako nga. Sino nga to?"
"Hi..." wika ng lalaki sa kabilang linya-- sakto
ring isang matangkad na lalaki ang huminto sa harapan ng lamesa na tinatambayan
ko.
Tumingala ako at isang matangkad at napaka-gwapong lalaki
ang nakita kong nakangiti habang hawak nito ang cellphone na nakatapat sa
kanyang bibig. Nagsalita ito sa harap ng kanyang telepono.
"I'm Gray!" anang nasa sa telepono ganun din ng
baritong boses mula sa lalaking kaharap ko ngayon.
Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka kung bakit alam niya
ang phone number ko at kung bakit nasa harapan ko ang lalaking ito. Siya kasi
si Oppa, yung gwapong lalaki na bumangga sa akin nung isang araw sa harapan ng
hospital.
Chapter 8
Tintin POV
Ibinaba ko ang telepono at buong pagtatakang tumingin sa
nagpakilalang Gray.
Samantalang isinuksok nito sa kanyang bulsa ang cellphone at
ngumiti sa akin.
"Can I?" anito na humihingi ng permiso na maupo sa
harapan ko. Hindi pa man ako nakakasagot ay naupo na agad ito.
"Hindi makakarating si Andrew dahil may importante
siyang pupuntahan ngayon."
Oh so padala pala siya ng boyfriend kong hilaw.
"Importante? San daw siya pupunta?"
"Merun siyang kailangang sunduin sa airport, biglaan
kasi. it's a long story... pero yun nga hindi na siya makakarating dito kaya
ako ang pinapunta niya rito."
"Ah ganun ba, sige nice meeting you na lang Mr.
Gray." paalam ko rito.
Tatayo pa sana ako pero pinigilan niya ako sa braso.
Napatingin ako sa kamay niya at bigla niyang inalis ang pagkakahawak sa akin.
"I'm sorry... andito na kasi tayo, baka pwedeng
magcoffee muna tayo. My treat."
Tatanggi pa sana ako nang magpatuloy ito sa pagsasalita.
"Ano bang coffee ang gusto mo?"
Saglit akong natigilan. Tinanong niya kung ano ang gusto ko?
Hindi siya kagaya ng isang taong kilala ko na pala desisyon at hindi man lang
nag-aalalang magtanong kung ano ba ang gusto ko.
Bumalik ako sa pagkakaupo.
"Iced coffee." sagot ko..
"As in walang cream or latte?" paniniguro nito.
"Ayoko, nagtatae kasi ako dun."
Pansin ko na pasimple itong natawa. Mukha siyang mayamanin,
hindi siguro siya sanay sa mga kagaya ko kung magsalita. Siguradong puro sosyal
at inglisera ang mga nakakahalubilo nito.
"Yun lang? Gusto mo ba ng sweets? Pastry?"
"Hindi na, salamat. "tanggi ko. Nakakahiya namang
magpalibre sa kanya.
"Okay, sige order lang ako." anito bago umalis.
Naiinis ako kay Andrew, pinaghintay pa niya ako, hindi naman
pala siya darating. Konting konti na lang talaga mauubos na pasensya ko sa
kanya.
At sino itong ipinadala niya sa akin? Ni hindi man lang niya
tinext ang tungkol sa Gray na to. Sandali akong napahinto sa pag-iisip. Gray?
Parang narinig ko na ang pangalan niya.
"Hayaan mo't ipapakilala ko sayo yung kaibigan kong si
Dr.Gray. Gwapo yun bagay kayo."
Aha... Alam ko na. Sinet-up niya ako ng blind date sa
kaibigan niya! Napabuntong hininga ako sa inis. I-boyfriend ko kaya to,
magselos kaya siya?
Natanaw kong papalapit na itong si Gray. Ang gwapo naman
nito. Sira-ulo talaga yang si Andrew, akala yata niya ay madali akong bibigay
porke't gwapo ang ipinadala niya. Hindi lang naman kasi panlabas na anyo ang
nagustuhan ko kay Andrew. Yung ugali naman talaga niya ang nagustuhan ko.
Natuwa kasi ako sa lalaking yun dahil napaka down to earth
niya. Kahit mayaman siya kasundo niyang lahat. Nung magpunta siya sa lugar
namin dati, hindi niya alintana matulog sa isang maliit na silid ng bahay
namin. Kahit anong ihain na pagkain ni nanay sa kanya, kinakain niya.
Bonus na lang yung pagiging gwapo niya, at kung nagkataon na
hindi siya gwapo, ay magugustuhan ko pa rin siya.
"Here's your coffee my lady." nakangiting sabi ni
Gray.
"Salamat." tugon ko. Ginantihan ko siya ng ngiti.
"Pasensya ka na, pati ikaw naabala." wika ko sa
kanya ng makaupo siya. Umiling naman ito.
"No worries, tinawagan ako ni Andrew kanina, right now
nasa airport na siya. Nakiusap siya kung pwedeng puntahan ko daw yung kaibigan
niya dahil baka naghihintay ka. I'm glad I came. Sana pala mas inagahan
ko." anito. Simpatiko itong ngumiti.
Kaibigan? Yun pala pakilala ni Andrew sa akin. Nakaramdam
ako ng konting kirot.
"Magkaklase kami ni Andrew...., So, paano kayo
nagkakilala?"
"Brother in-law siya ng bestfriend kong parang kapatid
ko na rin."
"Ah... kaya pala sabi niya parang kapatid ka na
niya."
May sumundot na namang kirot sa puso ko dahil sa sinabi
niya.
"By the way, I'm Grayson you can call me Gray for
short." anito at inilahad ang kamay. Inabot ko naman yun.
"Kristina Honeylet... or Tintin for short. Nice meeting
you." nakangiti kong sabi.
"Nice meeting you Honey." nakangiting sabi ni
Gray.
"Ha?"
"Sabi mo Honeylet, pero parang mas bagay sayo ang
Honey. So,can I call you Honey?" anito.
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Ngayon lang may tumawag sa akin ng Honey."
"Good, I'm glad I'm your first." sabay ngiti nito
na lalo pa nitong ikinagwapo.
Kabanata 9
Grabe, ang gwapo talaga ng taong to! Swerte naman ng
magiging asawa nito.
"Ilan na anak mo?" tanong ko. Binibiro ko lang
siya. Alam ko namang sine setup kami ni Andrew.
Nakita kong parang nasamid ito.
"Okay ka lang?" sabay abot ko ng napkin sa kanya.
Tinanggap namn nya yun at ipinunas sa kanyang bibig.
Natatawa ako dahil pareho sila ni Andrew, ang sarap gulatin, nasasamid.
"Mukha na ba akong tatay?" anito ng makabawi.
"Ang gwapo mo kasi, imposibleng wala ka pang
asawa."
"Tatawagin ba kitang Honey kung may sabit ako?"
natatawa nitong sabi.
"Kahit naman sino pwedeng tawagin ako sa pangalan
ko." tugon ko. Tumikhim sandali ang lalaki.
"Wala pa akong akong asawa, wala rin akong anak at
higit sa lahat wala akong girlfriend."
"Kung classmate mo si Andrew.., mag-asawa ka na,
tumatanda ka na." wika ko. Nasamid na naman ito at nang makabawi ay muling
nagsalita.
"Mukhang malapit na."
Diko pinansin ang huling sinabi niya dahil patingin tingin
ako sa cellphone ko dahil parang may nag text. Paglingon ko kay Gray ay
nakatingin ito sa akin na nakataas ang sulok ng labi.
"So, may boyfriend ka na? Last time, sabi mo may
boyfriend ka na."
Nagkibit balikat ako.
"Merun, pero hindi niya ako girlfriend."
Napatawa si Gray sa sinabi ko. Natawa na rin ako, dahil
narealized kong parang ganun nga pala talaga ang sitwasyon namin ni Andrew.
Dahil ako lang naman itong may pakialam sa kanya..
"Ngayon lang ako nakarinig ng ganyan." anito.
"Ako lang naman kasi ang may gusto sa kanya."
hindi ako nahihiyang sabihin sa kanya yun. Sigurado akong malalaman din naman
niya dahil magkaibigan sila ni Andrew.
Natawa lang ito sa sinabi ko na parang hindi naman
naniniwala sakin.
Hindi rin nagtagal ay naubos na agad ang kape ko. Nagpaalam
na ako sa kanya na aalis na. Nag-offer ito na ihatid na lang ako ngunit
tumanggi ako.
"Magtataxi na lang ako, pero maraming salamat."
tanggi ko sa kanya. Nahihiya kasi ako na maka-abala sa kanya.
So ganito pala ang pakiramdam kapag natapos kayong magdate
dapat ay ihahatid ka niya. Nakaka-touch pala. Mabuti pa si Gray, naisip na
ihatid ako.
Samantalang si Andrew never siyang nag-abala. Lagi pa nga
siyang nagmamadali para takbuhan ako.
Pagdating ko sa condo ay nakareceived ako ng text message.
Dali dali ko yung tinignan dahil baka si Andrew na yun at finally, naalala niya
ako. Nang basahin ko ay si Gray lang pala ang nagpadala ng message.
FROM UNKNOWN:
Hi Honey, safe kabang naka-uwi?
Medyo nadisappoint ako. Si Gray lang pala.
TO UNKOWN:
Kadarating ko lang, salamat.
FROM UNKNOWN:
Nice meeting you Honey. See you next time.
Hindi na ako nagreply. Naiinis pa rin ako dahil hanggang
ngayon hindi pa ako tinetext ni Andrew. Kainis! Hihingi talaga ako ng
extension, dahil hindi counted ang araw na to.
Nagising ako nang tumunog ang alarm. Una kong hinagip ay ang
aking cellphone upang tingnan kung may mga message ako.
Napakunot ang aking noo nang makita ko ang mga messages sa
number na hindi nakaregister, number ni Gray. Nagmessage pala siya kagabi,
hindi ko na nabasa dahil nakatulog ako ng maaga.
FROM UNKNOWN:
Good night Honey!
FROM UNKNOWN:
Good morning Honey!
FROM UNKNOWN:
Nagbreakfast ka na ba?
FROM UNKNOWN:
Busy?
Hindi siguro siya busy, dami niyang oras para magtext. Wala
na akong nakitang iba pang messages. Hanggang ngayon hindi pa rin nagmemessage
si Andrew. Nakakasama na talaga siya ng loob. Diko naman siya matext at dinako
makapagreklamo dahil alam ko naman kung hanggang saan ang boundaries ko.
Naglabas na lang ako ng malalim na buntong hininga.
Nakita kong biglang may nag pop-up na text message sa aking
cellphone.
FROM UNKNOWN:
:(
Natawa ako sa message na yun ni Gray. Parang high school
lang, may pa-sad emoji pa siya. Natuwa tuloy ako sa effort niya kaya nagsimula
akong magtext.
TO UNKNOWN:
:)
Oh ayan siguro naman ay matutuwa na siya. Pagkasend ko ay
nakareceived agad ako ng reply. Bilis ah!
FROM UNKNOWN:
Kumpleto na ang araw ko, nagparamdam ka na.
Uy! Dumadamoves ba siya? Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti
sa text message niya.
Kabanata 10
Tintin POV
5th day na namin ngayon ni Andrew. Alam kong pang-umagang
shift na siya ngayon. Malapit nang matapos ang shift ko pero hindi pa rin siya
nagtetext sa akin. Gusto ko sana siyang puntahan sa ER kaso busy ako.
Pagkatapos na pagkatapos ng shift ko ay nagtungo agad ako sa
pwesto niya. Narinig ko na busy daw ito kaya hindi muna ako umuwi at hinintay
siya.
"Oh Kristina, anong ginagawa mo rito?" tanong ni
Nancy na kadarating lang.
"Hinihintay ko boyfriend ko." sagot ko. Napatawa
lang si Nancy.
"Okay." tugon nito na parang sinasakyan lang ang
sinabi ko na hindi talaga naniniwala na boyfriend ko na si Andrew.
Lihim na lang akong napangíti. Mamaya pagdating ni Andrew ay
magugulat na lang ang mga ito pag mismong sa bibig ni Andrew manggagaling na
kami na. Kaya sa ngayon hindi ko na muna ipagpipilitan. Excited na akong makita
ang kanilang mga mukha na parang nalaglag ang mga panga.
Unti-unti nang nagdadatingan sa nurse station ang iba pang
mga nurse.
"Oh Kristina, bakit ka naririto? Kanina ka pa dapat out
ah."
"Hinihintay kasi nya ang kanyang boyfriend." sabay
sabay pang sabi ng mga nurse na naroroon at sabay sabay na nagtatawanan.
Napatawa na rin ako.
"Mabuti na lang hindi nagagalit yang si dok na
ipinagkakalat mong magboyfriend kayo." ani ate Beth habang may tinitingnan
sa monitor nito.
"Bahala kayo kung ayaw nyong maniwala. O nasan na yung
Dr. Tuazon nyio?"
"Off siya ngayon." ani Liezel.
"Alam na alam ah." biro ko.
"Syempre, natuto lang ako sayo."pabirong sagot
nito.
O ayan na pala ang dream boyfriend mo." ani ate Beth.
Agad naman akong tumingin sa direksyon na inginuso nito. Si
Andrew, mukhang palabas na ng trabaho. Napangiti ako ng makita siya. Namiss ko
rin naman ito kahit naiinis ako sa kanya kahapon pa. Parang hindi na rin ito
nagulat nang makita ako.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong nito dahil
kumakaway ako sa kanya habang papalapit siya sa akin.
"Dok, totoo bang kayo na?"
Kumunot ang noo ni Andrew na napatingin kay Liezel at
pagkuway tumingin sa akin. Nginitian ko naman siya ng matamis
Ngumiti si Andrew sa mga nurse na nakatingin sa amin.
"Alam nyo namang palabiro lang itong si Tintin."
Napalunok ako sa sinabi ni Andrew. Nang mapasulyap ako sa
mga katrabaho ko ay mga nakatawa ang mga ito na parang nagbato ako ng jokes sa
kanila. Kahit pa alam kong iniisip ng mga ito na nagjojoke lang ako, pahiyang
pahiya pa rin ako sa sarili ko na itinanggi ako ni Andrew.
Nagtuloy sa paglalakad si Andrew at naiwan akong nakatanga.
"Una nako." paalam ko sa mga mga nurses at
sinundan ko si Andrew,
Naabutan ko siya sa labas na ng hospital dahil napakabilis
nitong maglakad.
"Andrew!" tawag ko sa kanya. Nilingon niya ako.
"Sumunod ka sa akin." anito. Sumunod naman ako sa
kanya na nagdadabog.
"Bakit sinabi mong hindi kita boyfriend, ha?"
sermon ko sa kanya habang naglalakad kami.
HIndi naman tumutugon si Andrew bagkus ay tuloy tuloy ito sa
paglalakad hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya. San naman kaya kami
magde-date ngayon, Himala at mukhang pasasakayin niya ako sa sasakyan niya.
Pagsakay ko sa loob ay isinuot ko agad ang seatbelt ko.
"San tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Tumingin
ito sa akin. Bigla kong naalala ang pag deny niya sa akin kanina.
"Bakit nga pala todo tanggi mo kanina ha, napahiya
tuloy ako."
Tumingin sa akin si Andrew at malumanay itong nagsalita.
"Tin, hindi mo dapat ginagawa yun."
"Ang alin?" takang tanong ko. Bakit parang sa tono
ng pagsasalita nito ay ako pa itong mali?
"Alam mong 7 days lang ang kasunduan natin. Ano na lang
sasabihin nila sayo kung ipakilala mo akong boyfriend? Pagtatawanan ka lang
nila dahil isang linggo pa lang ay break na tayo. Isipin mo ang reputasyon mo
bilang babae."
Natigilan ako sa sinabi nito. Oo ngat 7 days lang ang
kasunduan namin, umaasa ako na tatagal pa yun dahil sa pag-asang makukuha ko
ang loob nito. Hindi ko naman masabi kay Andrew ang nasa isip ko ngayon dahil
mukhang iba naman ang plano nito.
"Wala naman akong pakialam sa sasabihin nila."
nakayukong tugon ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Andrew.
"May pakialam ako, dahil inaalala ko ang reputasyon mo.
Isa pa, paano kung makarating ito sa mga magulang mo?"
"Kunyari ka pang nag-aalala. Eh kung kelan naging tayo
saka ka nag-iba. Lahat na lang ginagawa mo para ayawan kita."
"Napakainosente mo at kung hindi ako nag-aalala sayo
baka sinamantala ko na yang kahinaan mo."
"Hindi na ako bata, alam ko kung anong ginagawa
ko." giit ko.
"Mabuti pang tapusin na lang natin to, makakasama lang
to sayo.' ani Andrew at bumuntong hininga pagkuway nagsalitang muli.
"Hindi ka dapat nagmamadali." anito.
"Ikaw nga tong nagmamadali eh. Wala pa tayong seven
days, nakikipagbreak ka na." malakas kong sagot at hindi ko mapigilang
magdabog sa sobrang sama ng loob. Napailing naman si Andrew.
"Tin.., para ka namang bata. Tingnan mo, kahit biruan
lang ito, hindi na nagiging maganda ang epekto sayo."
Biruan! Simula sa unang araw, nagpaka girlfriend na ako sa
kanya, pero biruan lang pala ito sa para kanya?
"Yung ex mo ba ang sinundo mo kahapon sa airport?"
tanong ko na pumipiyok pa.
Natigilan si Andrew sa narinig. Kumunot ang noo nitong
napatingin sa akin. Hindi agad ito nakapagsalita.
"Y-yes..." may pag-aalinlangan sa sagot nito.
Parang sinaksak ni Andrew ang puso ko. Ang sakit! Hindi ko
na mapigilang mapaluha.
"Oh God!" biglang natuliro si Andrew ng makita ang
pagluha ko. Sa tuliro ay nagamit tuloy nito ang kanyang hinlalaki para punasan
ang mga luha ko.
"Hindi na dapat ako pumayag sa una pa lang eh. Ayan
tuloy nasasaktan na kita." nag-aalala nitong sabi. Lalo pa akong napaiyak
dahil sa sinabi nito.
"I'm sorry.." anito habang patuloy na pinapahid
ang mga luha ko.
Nang mapansin niya na mas kumakayat pa ang luha ko sa aking
pisngi ay dinukot nito ang panyo mula sa kanyang bulsa at ibinigay sa akin
"Tahan na." mahina nitong sabi.
Tinanggap ko ang panyo at pinunasan ko ang aking mga luha.
"Bababa na ako." yun lang ang nasabi ko sabay
bukas ng pintuan ng sasakyan at mabilis na naglakad.
"Tintin!" narinig kong tawag niya ngunit hindi ko
siya nilingon.
Kahit nakatalikod ako ay dinig ko ang mabilis na hakbang
niya papalapit sa akin. Mabilis itong humarang sa harapan ko. Mabilis din
niyang nahagip ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Tin, bumalik na tayo sa loob. Hindi pa tayo tapos
mag-usap." patuloy nito.
"Tapos na tayong mag-usap. Basta hindi ako pumapayag sa
gusto mo!" umiiyak na sabi ko.
"Tin.., mahirap din para sakin-"
"Dalawang araw na lang hindi mo pa maibigay, Ang damot
mo!" umiiyak kong sabi habang nakatingin sa kanya.
Kumawala ako sa pagkakahawak niya at saka mabilis na
tumalikod. Patakbo akong lumayo sa kanya habang patuloy ang pagpatak ng aking
mga luha.
Kabanata 11
Tintin POV
Walang puknat ang aking pag iyak kahit kanina pa akong
nakauwi dito sa condo. Ang sakit ng puso ko ngayon. Bakit ba naman kasi na sa
lahat naman ng tao, kung sino pa yung mahal ko siya pa ay siya pang dahilan
kung bakit ako nasasaktan ngayon.
Tumayo ako at nagtungo sa banyo. Pagdating ko sa loob ay
humarap ako sa salamin. Maganda naman ako ah.., bakit hindi niya ako
magustuhan? Kasalanan ko bang hindi pang beauty queen ang height ko kaya mukha
pa rin akong bata sa paningin niya? Sa loob ng 5 days hindi man lang siya
nag-aksayang pagmasdan at kilalanin ako, so paano niya ako magugustuhan? Ni
hindi ko nagkaroon ng pagkakataong ipakita sa kanya ang Tintin bilang isang
babae, ang side ko na hindi pa niya nakikilala.
Hinubad ko ang aking damit at walang itinirang saplot.
Umikot ikot ako at pinagmasdan ang aking hubad na katawan sa harapan ng
salamin.
Sinapo ng mga palad ko ang ibabang parte ng aking dalawang
dibdib at saka itinaas baba. Malulusog naman ang dibdib ko.
Ibinaba ko ang aking mga kamay at nameywang saka tumagilid
pa. Maliit din ang aking bewang at bilugan ang aking pang-upo. Saka makinis din
ang aking balat, kaso wala namang ibang nakakakita ng mga ito kundi ako.
Alangan namang ipakita ko kay Andrew ang katawan ko para
lang patunayan sa kanya na isa na talaga akong ganap na babae. Eh kung picturan
ko kaya ang katawan ko at ipadala sa kanya para makita niya? Kaso, never ko
namang gagawin yun noh. Hindi pa ako ganun kadesperada.
Ano bang dapat kong gawin para makuha ang atensyon niya at
tingnan ako bilang babae?
Dumiretso ako sa panliligo. Medyo nawala na ang pamamaga ng
aking mga mata nang matapos akong magshower at nagbihis ng pantulog. Balak ko
sanang matulog na nang marinig kong may tumatawag sa aking cellphone. Nang
tingnan ko ito ay nakita ko ang number ni Mutya.
"Ininvite ko si Andrew dito sa bahay, ano balak mo pa
ba siyang lasingin?" tumatawa na agad ang boses nito.
"Sa isang araw pa naman ang birthday mo ah."
"Ngayon lang kasi available si Andrew kaya tayo tayo
lang. Ang hirap nga niyang kumbinsihin. Daming alibi, mabuti na lang pumayag
din."
"Akala ko ba tutol ka sa balak ko?"
"Matitiis ba naman kita." ani Mutya.
Napangiti ako sa sinabi niya. Muli siyang nagsalita.
"Magready ka na, ipapasundo kita sa driver namin."
anito.
"Okay, salamat."
Mabilis akong nagpalit ng damit. May 2 days pa kaming
natitira dahil hindi ako pumayag sa gusto ni Andrew. Kapag nag tagumpay ako na
makuha ang brief ni Andrew mamaya, ipapainom ko talaga sa kanya ang gayuma bago
matapos ang kasunduan namin.
Ang totoo ay nakalimutan ko na yung tungkol sa gayuma dahil
naging kami na ni Andrew. Diko rin naman sigurado kung totoo ba yun o hindi.
Since, nabanggit ulit ito ni Mutya at sure ball na naroon si Andrew mamaya ay
biglang nagbago ang isip ko. Bakit nga ba hindi? Tutal ay gustong gusto nang
tapusin ni Andrew ang kasunduan namin, baka wala na talaga akong pag-asa sa
kanya. Etong gayuma na lang ang pag-asa ko. Although, sinasabi ng utak ko na
hindi naman ito totoo ay wala namang mawawala kung susubukan ko.
Napailing na lang ako sa aking sarili habang iniisip na
nanakawin ko ang suot niyang brief. Kasasabi ko lang kanina sa sarili ko na
hindi naman ako desperada pero ano itong binabalak kong gawin? Bahala na, now
or never na 'to.
Walang pang 30 minutes ay dumating na ang family driver nina
Mutya. Kanina pa ako nakaready kaya agad na akong nakaalis. Habang nasa
sasakyan ay nakakaramdam ako ng kaba at tinatanong ko ang aking sarili kung
kaya ko ba talaga ito. Iniisip ko pa lang na huhubaran ko si Andrew ay
napapapikit na ako. Basta huhubarin ko lang hindi naman ako titingin.
Pumasok kami sa isang eksklusibong subdivision. Halatang
puro mayayaman lang ang nakatira sa lugar na ito. Bago ipanganak ni Mutya ang
kanyang panganay na anak ay lumipat sila sa mas malaking tirahan. Sobra naman
ito sa laki na parang isang mansion na. Ang swerte talaga ng bestfriend ko.
Bukod sa napakayaman na nga ng napangasawa ay mahal na mahal pa siya nito. Ako
kaya, kailan mamahalin ni Andrew? Okay lang sa akin kahit sa maliit na bahay
lang nakatira basta siya ang kasama ko.
Pagpasok ko sa bahay ay sinalubong na agad ako ni Mutya.
Masayang masaya ito nang makita ako. Hindi pa rin siya nagbabago. Napakasimple
pa rin nito, simpleng shorts at tshirt lang ang kanyang suot kagaya ng palaging
niyang isinusuot noong nasa probinsya pa kami. Pareho kaming tumakbo palapit sa
isa't isa na akala mo naman ay miss na miss ang isa't isa gayung last week lang
nang huli kaming nagkita. Higit pa sa magbestfriend ang turingan namin sa isa't
isa dahil parang magkapatid na rin kami habang lumalaki.
"Ano, nagbaon ka ba ng maraming lakas ng loob?"
pabirong tanong nito.
"Marami ako niyan." tugon ko. Natatawa at naiiling
na lang si Mutya.
"Pasenya na, dipa ako nakakabili ng regalo, kala ko
kasi sa Sabado pa ang celebration mo eh." wika ko.
"Sa Sabado pa nga, pero diba may usapan tayo na
lalasingin natin si Andrew. Etong birthday ko lang ang nakikita kong alibi para
mapainom siya." pabulong nitong sabi at ngumiti ng pilya.
"Best friend talaga kita!" tawang tawang sabi ko
at naghampasan pa kami ng mga kamay dahil sa kalokohang pinaplano namin. Kahit
noong mga bata pa kami ni Mutya ay partners in crime na kami, kaya pag
napapahamak ang isa ay siguradong suspek din ang isa.
"Akala ko hindi ka na papayag eh." pagkatapos
naming magtawanan.
"Pwede ba yun? Isa pa marami na ring atraso saken ang
Andrew na yan. Nakakailang prank na rin saken yan pero hindi pa ako
nakakaganti. Babawian ko siya ngayon ng isang matindi. Siguraduhin lang niyang
hindi butas ang brief na suot nya ngayon dahil pag nagkataon ipapa-frame ko
talaga yan sa mansion ng mga biyenan ko." nakangising sabi ni Mutya.
Kabanata 12
Tintin POV
Mahina kaming nagbubulungan ni Mutya habang naglalakad kami
papunta sa mini bar na nasa basement ng bahay nila.
"Bakit ba kailangan yung brief pa ni Andrew at yung
nagamit na?"usisa ni Mutya.
Napasimangot naman ako.
"Aba ay malay ko ga sa albularyong yun. Basta nakalagay
sa listahan nya eh."
"O tapos? Anong gagawin?" tanong pa nito.
Nagbubulungan na kami pero mas inilapit ko pa ang aking
bibig sa kanyang teynga para siguradong walang makakarinig.
"Amuyin ko raw sa loob ng isang oras tapos ihilamos ko
sa mukha ko."
Nanlaki ang mga mata ni Mutya.
"Anooo?!?! Gagawin mo yun?" gulat at malakas na
sabi nito.
Humagalpak naman ako ng tawa.
"Joke lang.., ano ka ba?" namimilipit ako sa
katatawa habang nakaturo sa mukha ni Mutya na ngayon ay gulat na gulat.
"Para kang tanga! Kadiri yang imagination mo." ani
Mutya na hindi maipinta ang mukha ngunit kalaunan ay tumawa na rin ng tumawa.
Halos manakit ang tiyan namin kaya't hindi na namin
namalayan na kanina pa pala kami pinapanood nina Drake at Andrew.
"Nakakatakot na kapag nagbubulungan na yang dalawang
yan." narinig kong sinabi ni Drake.
Nang lingunin ko ang direksyon nito ay hindi sinasadyang
nagkasalubong ang tingin namin ni Andrew. Biglang nawala ang mga ngiti ko.
Hindi ko magawang ngumiti sa kanya kagaya ng palagi kong ginagawa dati dahil
masama pa rin ang loob ko sa kanya. Kitang kita ko sa mga mata ni Andrew na
parang pinag-aaralan kung anong saloobin ko.
Muli kong ibinalik kay Drake ang tingin ko.
"Kumusta Drake?" bati ko sa kanya.
"Andrew." tipid kong bati dito saka ako sumunod
kay Mutya na natitingin ng bote ng wine na pwedeng inumin.
"Anong merun?" tanong ni Mutya habang inihahanda
ang tray.
"Ha?" tugon ko. Inginuso ni Mutya si Andrew.
"Kayong dalawa. Bakit parang hindi kayo
nagbatian." anito na abala pa rin sa kanyang ginagawa.
"Binati ko kaya. Busy ka lang dyan sa wine mo"
tanggi ko.
"Weh, dati rati nagbubungisngisan na agad kayo pero
ngayon parang may LQ. Talo nyo pa ang nag break dyan sa dedmahan nyo."
"Kung hindi mo paghuhusayan yang panlalasing mo sa
kanya malamang magbreak nga kami." pabulong kong sabi. Ngumiti si Mútya at
sinenyasan akong lumapit sa kanya.
"Sa sulok tayo uupo. May inihanda na akong maliit na
timba dun. Hindi nila makikita yun. Kunyari umiinom tayo pero pasimple nating
itatapon sa gilid, para sila lang ni Drake ang malasing."
"Bakit pati asawa mo lalasingin mo?"
"Gusto ko ring hubarin ang brief niya."
sarkastikong tugon ni Mutya. "Nuh ka ba.., syempre kapag gising yan, baka
mahuli tayo." anito.
"Sabagay..." tumatango tangong sabi ko. Nilingon
ko ang dalawang lalaki. Nag-uusap ang mga ito. Biglang napadako ang tingin ni
Andrew sa akin at nanlaki ang mga mata ko.
"Huy!" nakuha agad ni Mutya ang aking atensyon.
"Wag kang pahalata. Obvious na obvious kang may
masamang binabalak."
Napabuntong hininga ako.
"Kinakabahan ako eh." wika ko. Natatawa na lang si
Mutya.
"Hay naku, alam mo ba kung ano ang birthday wish
ko?" ani Mutya.
"Ano?"
"Sana makapag-asawa ka na kasi tumatanda ka na."
biro niya sa akin.
"Yan din dasal ko gabi gabi."
"Mukhang mahina ka talaga kay Lord." pabirong sabi
ni Mutya.
Pumikit ako at ipinagdikit ang aking mga palad na parang
nagdarasal.
"Lord, kung di nyo pa po alam kung sinong destiny
ko..., may kakilala po ako." usal ko sabay tingin kay Andrew.
"Dika nya maririnig. Gabi na, tulog na si Lord...,
Pumayag man si Lord, ewan ko lang kung papayag ang tatay mo. Diba hanggang
ngayon bad shot pa rin si Andrew sa kanya. Nakausap ko nga pala si ate Nimfa
kanina. Muntik na akong madulas sa relasyon nyo ni Andrew."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Nalaman ni inay?" kinakabahan tanong ko.
"Hindi, mabilis akong nakaisip ng palusot kaya ayun
hindi na niya pinansin."
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Mutya.
"Mag-ingat ka naman sa susunod Mutya. Kapag nalaman ni
inay siguradong pababalikin niya ako sa Batangas. Lalo na si tatay, ayaw na
ayaw pa naman nun kay Andrew."
"Oo na, sori..., Tara na at baka makahalata pa yung
dalawa." ani Mutya habang bitbit ang tray. Hawak ko naman ang dalawang
bote na inabot nito sa akin.
Naglakad kami patungo sa pwesto ng magkapatid. Ipinatong ni
Mutya ang tray sa lamesa, ganun din ang ginawa ko sa mga bote na hawak ko.
Kabanata 13
"Minsan lang ako magyaya ha, bawal ang hindi
malasing" bungad ni Mutya sa dalawa.
"Babe, may pasok pa kami bukas." ani Drake.
Pinandilatan ni Mutya ang asawa.
"Kayo may-ari ng kumpanya, anong kinakatakot mo? Sige
di bale na lang. Tulog na tayo." tumayo ito at tumingin sa amin ni Andrew
"Kayong dalawa magsi-uwi na kayo." inis ang tono
ng boses ni Mutya.
Halatang natuliro si Drake at agad na sinuyo ang asawa.
"Okay sige, kung gusto mo hanggang magdamag tayong mag
-inuman eh." malambing na wika ni Drake habang nakayakap agad kay Mutya.
Napailing na lang si Andrew na mukhang hindi na rin makakatanggi dahil sa
nakitang reaksyon ng hipag.
Muling bumalik sa pagkakaupo sina Drake at Mutya.
Pagharap ni Mutya sa akin ay kumindat ito. Lihim akong
natawa.
"Galing umakting ah!" sa isip isip ko. Eto namang
si Drake, anlaking tao, takot na takot sa asawa.
Inabutan kami ni Mutya ng baso na may lamang alak. Irninom
ko agad yun, napangiwi ako dahil sa lasa. Hindi naman kasi ako marunong
mag-inom eh.
"Andrew, okay lang bang uminom ang nurse mo, wala ba
siyang pasok bukas?" tanong ni Drake sa kapatid. Naniningkit ang mga mata
ni Andrew na tumingin sa akin
"Matanda na siya, alam na niya ang ginagawa niya."
malamig na anito.
Nakatingin lang ito habang iniinom ko ang alak.
Napasimangot na lang ako. Wala talaga siyang pakialam sa
akin. Muli akong uminom dahil sa inis. Matapos kong ilapag ang baso ay
nagkasalubong ang aming mga mata at saka ito umiling iling.
Hindi na ako muling uminom pa dahil baka malasing ako. Si
Drake at Andrew naman ay walang tigil sa kwentuhan at tawanan. Mukhang ang saya
saya pa ng loko. Palibhasa dumating na ang ex niya kaya buhay na buhay. Ilang
beses na nagsalubong ang mga tingin namin ni Andrew habang tuloy tuloy lang ito
sa pakikipagkwentuhan sa kapatid at nagagawa pang tumawa kaya sa tuwing
magtatama ang aming paningin ay iniirapan at sinisimangutan ko sya.
Kagaya ng sabi ni Mutya ay pasimple naming itatapon ang alak
sa bucket na nakatago sa sulok. Nakailang baso na ang dalawang lalaki pero kami
ni Mutya ay patuloy lang sa pasimpleng pagtapon ng inumin para hindi malasing.
Ganunpaman ay umiinom inom pa rin ako kahit konti para naman hindi masyadong
halata. Sinisiguro ko lang na hindi ako malalasing dahil ayaw kong mapurnada
ang plano namin ni Mutya.
Tumayo at nagpaalam ako upang gumamit nang banyo dahil
naiihi na ako kanina pa. Pagtingin ko sa salamin ay namumula ng bahagya ang
aking mukha. Hindi na nga ako iinom at baka tuluyan pa akong malasing. Lumabas
na ako ng banyo upang bumalik sa mga kasama ko.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo ay naabutan kong
nag-aabang na sa akin si Andrew.
"Galit ka pa ba sa akin?" tanong agad nito.
Kumunot ang noo ko.
"Oo, dahil hindi ka marunong tumupad sa usapan."
pairap kong sagot.
"Tintin, Pwede bang tapusin natin ito ng walang samaan
ng loob?"
"Paano kung ayaw ko?"
"Pero hindi magiging maganda ang epekto nito
satin." ani Andrew.
"Hindi ka kasi nag-effort habang tayo pa." giit ko
at napakunot ang noo si Andrew.
"Anong hindi nag-effort? Sinamahan naman kita sa mga
gusto mo ah."
"Kulang kasi ang effort na ginawa mo." sumbat ko.
Napasuklay naman ng buhok si Andrew.
"Pero sinunod ko naman lahat ng request mo. Anong
effort pa ba ang gusto mo?" frustrated nitong tanong.
Nais kong isigaw sa kanya na hindi siya nag effort na
tingnan ako bilang isang babae ngunit aabutin kami hanggang umaga para
ipa-intindi sa kanya yun dahil hanggang ngayon ay isang Tintin na 17 years old
pa rin ang tingin niya sa akin.
Wala na akong ibang maisip na paraan para ipa-intindi sa
kanya ang ibig kong sabihin kundi ang gawin ito-,
Mabilis kong hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi at
hinila ito palapit sa aking mukha. Tumingkayad pa ako para mas lalong mapalapit
kami sa isa't isa. Hindi niya inaasahan nang bigla ko siyang halikan sa labi.
Hindi ako marunong humalik ngunit siniil ko pa rin siya.
Hindi ito tumutugon ngunit hindi rin ito tumutol. Patuloy ko lang siyang
hinalikan sa kanyang mga labi.
Ilang saglit pa ay naramdaman kong kumibot ang mga labi ni
Andrew sabay hawak sa aking batok na nakapagpagising sa aking kahibangan. Bigla
akong kinabahan at mabilis ko siyang itinulak saka ako nagtatakbo pabalik kina
Mutya.
Kabanata 14
Tintin POV
Bigla kong narealized ang aking katangahang ginawa dahil
baka isipin niyang ang cheap ko naman.
Yikes! Ang cheap naman talaga ng ginawa ko. Hindi rin ganito
ang first kiss na pinapangarap ko.
Matapos ko siyang itulak ay tumalikod agad ako at tumakbo
papalayo sa kanya. Patakbo akong bumalik sa aking inuupuan ngunit bago pa man
ako makita nina Mutya ay huminto ako at marahang naglakad upang hindi nila
mahalata na nagmamadali ako, baka magduda pa ang mag-asawa.
Katakot takot na kabog ang nararamdaman ko ngayon dahil sa
halo halong emosyon. Naiparating ko nga kay Andrew ang nais kong sabihin ngunit
nais ko namang kutusan ang aking sarili, dahil sa kahihiyan. Ngayon ako biglang
nagsisi sa aking ginawa. Lalo tuloy ako nitong tagilid kay Andrew, baka kung
ano pa ang iisipin nito at maturn off siya sa akin. Nakakahiya!
Napahawak ako sa aking labi at hindi mawala wala sa
pakiramdam ko ang paglapat ng kanyang labi sa akin.
Parang nararamdaman ko pa rin na magkalapat ang mga ito kaya
napakagat ako at siya namang dating ni Andrew kaya aksidente akong napatingin
sa kanya. Nakatingin ito sa akin at huling huli niya ang pagkagat ko sa aking
ibabang labi. Nag-init ang aking mukha dahil sa hiya. Napayuko ako upang umiwas
ng tingin.
Nang marahang naglakad si Andrew ay mga paa lang nito ang
aking nakikita. Hindi ito bumalik sa kanyang inuupuan kanina bagkus ay
humakbang pa ito hanggang makarating sa nais pwestuhan at saka huminto. Marahan
ito naupo at sa mismong harapan ko pa, mas malapit na siya ngayon sa akin.
Kokomprontahin niya ba ako? Ilang minuto na ang nakalipas ay wala naman akong
narinig mula sa kanya.
Nakinig na lang ako sa usapan nina Drake at Mutya. Kanina pa
kami nakabalik ni Andrew ngunit ang mag-asawa na lang ang siyang salita ng
salita ngayon. Hindi ko na naririnig pa ang boses ni Andrew at hindi na rin ito
nakikipagbatuhan ng kwento sa kapatid.
Siguro ay sobrang guilty lang talaga ako kaya pakiramdam ko
ay kanina pa nakatingin si Andrew sa akin. Nang tumunghay ako ay paling na
paling ang aking tingin sa direksyon ni Mutya upang huwag aksidenteng
mapasulyap kay Andrew. Basta mukha lang ni Mutya ang focus ko at wala ng iba.
"Andrew, baka naman matunaw ang bestfriend ko
nyan." bigla na lang na sinabi ni Mutya.
Dahil sa sinabi ni Mutya ay aksidente akong napatingin kay
Andrew. Pakiramdam ko ay namula ang aking mukha nang makitang nakatingin ito sa
akin.
"Lasing ka na siguro kaya nagagandahan ka na sa
kanya" pabiro namang sabi ni Drake na ngayon ay medyo sumisinok na.
Parang hindi sila naririnig ni Andrew. Matiim lang itong
nakatingin sa akin kaya napalunok ako. Galit ba siya? Kinabahan ako ng matindi
sa pag-aalala na baka ibisto at sermunan niya ako sa harapan nina Mutya at
Drake dahil sa ginawa kong paghalik sa kanya. Kaya bago pa man siya
nakapagsalita ay inunahan ko na siya.
"L-lasing na yan, wag nyo na lang pansinin." wika
ko.
Hindi man lang nagreact si Andrew sa mga narinig. Baka
hinuhusgahan na niya ako sa mga oras na ito dahil ilang beses ko siyang
nakitang sumulyap sa akin saka umiiling -iling.
Bumalik naman agad sa pagkukwento si Mutya at nagsimula na
naman silang magtawanan na mag-asawa. Tuloy tuloy lang sila sa pagkukuwento at
nakikinig na lang ako.
Para alisin ang pagkailang ay kinuha ko ang bote ng alak at
nagsalin sa aking baso upang uminom. iaangat ko pa lang sana ang baso nang
hawakan ni Andrew ang aking kamay upang pigilan akong iangat ito. Para akong
nakuryente sa pagkakahawak niya kaya mabilis kong hinila ang aking kamay.
"May pasok ka pa bukas." anito na nakatingin sa
akin.
"Kaya ko." sagot ko.
"Hayaan mo na siya Andrew. Kaya na ni Tintin yan..
Kasasabi mo pa nga lang kanina diba, matanda na yan kaya
alam na niya ang ginagawa niya." ani Mutya na tumigil muna sa
pagkukuwento.
Umigting ang panga ni Andrew.
"Hindi siya sanay uminom!" mariing sabi nito.
Kapal naman niyang pakialaman ako matapos na ilang beses
niyang tangkain na makipagbreak sa akin ngayon araw na to.
"Eh di ikaw ang uminom niyan." pabalang kong sabi
sa kanya.
Lakas loob kong sinalubong ang tingin niya at saglit na
nakalimutan ang nangyari sa pagitan namin kani-kanina lang. Akala mo naman ay
kung sinong concern eh ilang beses na nga nya akong sinaktan ngayong araw na
ito. Nagulat ako ng walang sabi sabi na ininom at inubos ni Andrew ang alak sa
aking baso. Pagkuway ibinalik ang tingin sa akin. Sinimangutan at inirapan ko
lang siya.
Muli kong dinukwang ang bote ng alak at muli akong nagsalin
sa aking baso. Nagulat ako ng bigla na naman yung agawin ni Andrew at inumin.
Napatingin ako kay Mutya na ngayon ay nakatingin din sa
akin. Makahulugan itong ngumiti sa akin na parang may namumuong kalokohan sa
utak. Sumenyas si Mutya at inginuso ang bote ng alak sabay tingin sa baso ko.
Kilalang kilala ko si Mutya. Tinginan pa lang ay alam na namin ang tumatakbo sa
isip ng isa't isa kaya nagets ko na agad ang ibig niyang ipahiwatig.
Mabilis kong kinuha ulit ang bote ng alak at nagsalin muli
sa aking baso at pinuno ko pa yun. Ewan ko lang kung dika pa naman malasing!
Tulad ng inaasahan ay inagaw yun sa akin ni Andrew at
tinungga sa isang inuman lang.
"Ano ba Andrew, wag mo nga akong pinapakialaman!
Kunyari ka pang concern dyan. " singhal ko sa kanya.
Kunyari ay nagagalit ako pero ang totoo ay lihim akong
nagdiriwang. Tumingin ito sa akin na parang may gustong sabihin ngunit umiling
iling lang.
Maluwang ang ngiti ni Mutya nang magsalubong ang aming mga
mata. Pinisil ko pa ang magkabilang sulok ng aking bibig dahil pigil na pigil
ako na mapangiti sa kalokohan namin ni Mutya.., dahil kanina pa titig na titig
si Andrew sa akin at nag-aalala ako na baka nakakahalata na ito sa amin. Malay
ko ba kung ano ang tumatakbo sa isip niya.
Lihim kong sinulyapan si Andrew na ngayon ay mapungay na ang
mga mata at namumula na ang mukha. Si Drake naman ay namumula na rin dahil
kanina pa dinidiskartehan ni Mutya kung paano lalasingin ang asawa.
Magsasalin pa sana akong muli ng alak sa baso ko nang
hawakan muli ni Andrew ang aking kamay.
"Tin.., tama na yan! Baka malasing na ako, may pasok pa
ako bukas." pigil nito sa akin na sumisinok sinok na. Nakayuko na ito at
pulang pula na ang mukha pati na ang mga mata. Maging ang mga labi nito ay
namumula na rin.
"Sino ba kasing may sabing inumin mo yan? Para sa akin
naman ito eh, hindi sayo." painosente kong sagot at itinuloy ang
pagsasalin ng alak sa baso sa pag-asang iinumin nya ito. Hindi ko rin
maintindihan kung bakit niya iniinom lahat ng ilagay ko sa baso eh wala namang
nag-uutos sa kanya, pero hindi na importante yun. Ang mahalaga ay nakikita kong
nalalasing na ito.
Sa mga oras na ito ay mas malakas pa ako sa kanya at hinding
hindi niya maa-agaw sa akin ang baso kung gugustuhin ko ngunit sa tuwing
aagawin niya sa akin ang alak ay nagkukunwari akong mas malakas pa rin ang
pwersa nya upang maagaw at inumin niya ito.
Sa itsura pa lang niya ngayon ay sigurado akong
napakahimbing nang tulog nito mamaya.
Hindi ko akalaing ganitong kadali ko lang pala siyang
malalasing. Ilang beses ko pang pinainom si Andrew kaya naman wala pang isang
oras ay tumba na agad ito.
"Yes! This is it pansit.., undies in a twist..."
Hindi ko mapigilang mapangiti nang mapadako ang aking
paningin sa naka-umbok na zipper ng pantalon nya...
"See you later daddy!"
Kabanata 15
Tintin POV
"Ang bigat niya talaga!"
Kanina pa namin sinusubukang akayin si Andrew pero hindi
namin magawa ni Mutya. Hindi lang dahil mabigat kundi dahil napakatangkad nito,
samantalang hindi naman kami katangkaran ni Mutya.
"Dito ko na lang kaya siya hubaran" suhestyon ko.
Nanlaki naman ang mga mata ni Mutya
"Dito? Baka biglang magising si Drake. Di naman ganun
kadami ang nainom ng asawa ko." ani Mutya. Tumahimik ito at mukhang
nag-iisip, pagkuway biglang umaliwalas ang mukha.
"Alam ko na, tatawagin ko lang yung driver namin."
anito at nagmamadaling umalis.
Ilang sandali pa ay bumalik na ito kasama ang driver nila.
"Lasing na lasing ah." puna ni mang Berting nang
makitang bulagta ang magkapatid sa sofa.
Mukhang nasabihan na agad ito ni Mutya ng gagawin dahil
dumiretso agad ito kay Andrew. Naitayo niya agad ito at ikinawit sa kanyang
batok ang braso ni Andrew ng walang kahirap hirap. Itinuro ni Mutya kung saan
dadalhin si Andrew. May kwarto namang malapit, ilang hakbang lang ang layo at
dun dinala si Andrew. Maya maya pa ay lumabas na ang matanda.
"Salamat po kuya Berting." ani Mutya sa driver
nila. Wala nang ibang inutos si Mutya kaya umalis na agad ito.
"Eh pano ang asawa mo?" tanong ko.
"Hayaan mo siya dyan, sanay yang matulog sa sofa."
anito.
"Natutulog siya sa sofa?" tanong ko.
"Oo pag nabubwisit ako sa kanya, sa sofa ko siya
pinapatulog." bale wala nitong sabi habang inaayos ang pagkakahiga ng
asawa. Kinumutan din ito ni Mutya at saka hinalikan sa noo.
Napatingin ako sa kaibigan ko. Natatawang, naiiling na lang
ako. Napakasweet nito sa asawa pero parang tigre naman kung magalit.
Pagkatapos niyang asikasuhin ang asawa ay nagtungo na kami
sa silid na pinagdalhan kay Andrew.
Binalingan ako ni Mutya.
"O hubaran mo na." anito sa akin habang
nakapameywang at umiiling iling itong nakatingin sa tulog na si Andrew na nasa
kama na ngayon.
"Tulungan moko." sabi ko. Pinandilatan naman ako
nito.
"Baliw ka ba, hindi ko huhubaran ang bayaw ko
noh." nagpo-protestang sabi nito.
Napakamot na lang ako ng ulo. Kaya ko ba talaga to?
"Sige, habang hinuhubaran mo, dyan lang ako sa may
pintuan para makita ko agad kung magigising si Drake." ani Mutya at
naglakad palapit sa may pinto.
Tiningnan ko ang natutulog na si Andrew, bigla akong
kinabahan.
"Kinakabahan ako Mutya." wika ko habang mabilis na
tumatahip ang aking dibdib sa tindi ng kaba.
"Anlakas ng loob mong lasingin siya tapos ngayon
nababahag ka na." natatawang sabi nito
"Bilisan mo na at baka magising na ang asawa ko."
patuloy niya at parang kinakabahan na rin ito.
"Kala ko ba dika takot sa asawa mo?" puna ko.
"Kung wala akong kasalanan, oo. Pero kapag nahuli ako
nito, siguradong malilintikan ako..., Ano na? Kukunin mo ba ang brief niyan o
mag-uusap na lang tayo?" ani Mutya at balisang nakamasid sa labas ng
kwarto.
Tiningnan kong muli si Andrew at nagbitaw ako ng malakas ng
buntong hininga.
"Sorry Andrew..." usal ko.
Yumuko ako at dumukwang papalapit sa katawan nito.
Alinlangan kong inalis ang pagkakabutones ng kanyang
pantalon. Parang may naghahabulang daga sa aking dibdib ng mga oras na ito.
Sunod kong hinagip ang zipper nito. Napapikit na lang ako
habang unti unting ibinababa ito. Nagmulat ako ng mga mata ng maibaba ito.
Nasilyan ko sa loob ng pantalon ang kanyang suot na black brief. Napakagat ako
ng labi,
"Sh*t! Nakabukol." hiyaw ng utak ko.
Maingat ko hinawakan ang beywang ng kanyang pantalon at
dahan dahang ibinaba yun.
"Bakit kasi jeans pa ang isinuot nito. Sana sinabi mong
magshort na lang siya." wika ko kay Mutya.
"Nanakawan mo na nga, magrerequest ka pa? Sa lahat
naman ng magnanakaw ikaw tong demanding" sarkastikong tugon ni Mutya na sa
labas ng kwarto nakatingin.
Habang ibinababa ko ang pantalon niya ay panay ang lunok ko
ng laway. Hindi naman pwedeng hindi ako mapapatingin dito, unless pumikit ako
kaso aabutin naman ako ng siyam-siyam bago siya mahubaran.
Naibaba ko na ang pantalon hanggang sa gitna ng kanyang mga
hita kaya kitang kita ko na ang kabuuan ng brief niya.
Kabanata 16
May bukol talaga eh!
Pabulong kong daing. Hindi tuloy ako makapagconcentrate.
"Ano na? natulala kana dyan." inip na tanong ni
Mutya at sumulyap sa akin. Nakita niyang natitigilan ako.
"Nakakadistract eh.., may pusa kasi."
"Anong pusa ang pinagsasasabi mo dyan?" anito
"Si Felix..., Felix Bakat." kagat labi kong tugon.
"Huy!!! Focus lang sa goal." nakabungisngis na
sabi ni Mutya.
Naiiling na lang ako sa mga naiisip ko habang tuloy ang
paghila ko sa pantalon niya. Nang nasa hita na nito ang beywang ng pantalon ay
hindi na ako nahirapan na hilahin ito hanggang sa mahubad ko na.
Ngayon ay brief naman nito ang huhubarin ko. Kinuha ko ang
kumot at itinakip sa katawan ni Andrew dahil hindi pa ako ready na makakita
nang sawa. Bukol pa nga lang. parang nakakabuntis na, sawa pa kaya.
Sa isip isip ko ay madali namang hubarin ang brief kesa
jeans. Kaya kahit di ako nakatingin ay hindi ako mahihirapang hubarin ito.
Hinawakan ko ang garter ng brief ni Andrew at unti unting
ibinaba yun. Ang parte palang mahirap ay yung kailangan mo itong hilahin sa
ilalim ng puwitan dahil nadadaganan., kaya kailangang pabigla ang hila ko dito
at yun nga ang aking ginawa. Ngunit sa di inaasahan ay aksidenteng napadikit
ang aking hinlalaki sa sawa ni Andrew. Bigla tuloy akong napabitaw at na-off
balance.
"AY!" malakas kong nasabi. Biglang nabalisa si
Mutya nang marinig ako.
"Ano ka ba Tin? Gigisingin mo naman yung dalawa
eh!" singhal ni Mutya na kanina pa ring kinakabahan.
"Bes.., nahawakan ko si Junjun." mangiyak ngiyak
kong sabi.
"Eeeew... hindi mo na dapat sinasabi saken yan."
angal ni Mutya.
"Mutya, hindi na virgin ang kamay ko..."
"Tumigil ka nga sa kangangawa, bilisan mo na. Mamaya ka
na umiyak!" kinakabahang sabi ni Mutya.
Nangangatog na tuloy ang kamay ko dahil sa nangyari. Muli
akong bumalik sa aking ginagawa at di rin nagtagal ay tuluyan ko nang nahubad
ang brief ni Andrew. Hinila ko ito mula sa loob ng kumot. Tumayo ako sa kama at
lumapit kay Mutya.
"Best friend, may ganito bang brief si Drake? Kailangan
nating palitan to." tanong ko. Dapat ay kaparehong kapareho ang ipalit
namin para hindi mahalata..
Alinlangan man ay napilitang humarap si Mutya para tingnan
ang brief na hawak ko. Mapakla ang mukha ni Mutya nang tumingin sa brief ni
Andrew.
"Mainit init pa." pilya kong ngiti.
"Kadiri." ani Mutya na mas lalo pang pumakla ang
mukha.
Nagkatinginan kami at di namin mapigilan ang mapatawa sa
kalokohang pinaggagagawa naming dalawa.
"Maraming stock niyan si Drake.. Sige dito ka muna,
kukunin ko lang mabilis." anito pa bago umalis.
Nilingon ko si Andrew. Himbing na himbing ito sa pagtulog
habang nasa ilalim ng kumot. Mapapatay talaga kami ni Andrew kapag nabisto niya
kami.
Maya maya pa ay humahangos na bumalik si Mutya bitbit ang
kaparehong brief ni Andrew, halatang bago pa ito. Ang problema naman ngayon ay
kung paano ko ito isususot sa kanya ganun din ang pantalon.
Lumapit ako pabalik sa kama. Sa ilalim ng kumot ay isinuot
ko mula sa mga paa ni Andrew ang kanyang brief. Hindi ako nahirapan sa bandang
binti nito. Nagsisimula na lang ulit maging mahirap sa bandang hita dahil
anlalaki ng mga hita ni Andrew.
Napasinghap ako nang bigla na lang kumilos ang tulog na
tulog na si Andrew at hinawi ang kumot. Nanlaki ang mga mata ko ng tumambad ang
jumbo hotdog sa aking harapan. Huli na para hindi makita yun. Napapikit ako ng
mariin, at pagkuway mabilis kong hinila ang kumot upang itakip sa katawan niya
at saka nagmulat.
"Mutya akala ko ba maliit pag tulog?"
"Ha?"
"Bakit yung kay Andrew, ga-braso?"
"Eeew! Kadiri ka talaga. Ayoko ngang marinig yan, ang
kulit mo naman eh" inis na inis na sabi ni Mutya.
Samantalang ako ay lipad ang isip at di agad maalala ang
sunod na gagawin.
Haay.. asan na nga ba 'ko? Nawala tuloy ako sa sarili. Pano
ko ba yun idedelete sa utak ko? Ipinilig ko ang aking ulo at bumuntong hininga.
"Focus Tintin.., Focus!" bulong ko sa sarili.
Kabanata 17
Tintin POV
"Yan na ba talaga yun?" pabulong na tanong ni
Liezel at sinisipat ang hawak kong maliit na bote.
"Oo. kailangang maipainom ko agad ito sa kanya bago
matapos ang araw na to, kundi mawawala ang bisa." mahina kong tugon.
"Basta hintayin mo lang yung text ko, ibig sabihin nun
nasa opisina na niya si dok." ani Liezel.
"Okay, basta wag na wag mong kakalimutan ha. Sayang
naman ang effort ko pag nagkataon. Kung alam mo lang ang mga pinagdaanan ko
para lang makumpleto 'to."
"Kinuha mo talaga yung brief ni dok?" namimilog
ang mga mata ni Liezel habang nagtatanong. Agad ko siyang sinaway.
"Ssshh.. Hinaan mo yang boses mo. Oo kagabi, kaya
pag-uwi ko ginawa ko agad ito." gayuma ang aking tinutukoy.
"Eh di nakita mo?" pilyang tanong nito.
Pinamulahan ako ng mukha at hindi nakasagot. Nanlaki pang lalo ang mga mata ni
Liezel.
"Oh my gosh! Nakita mo nga." halos patiling sabi
nito. Mabilis kong tinakpan ang bibig niya at baka may ibang makarinig.
"Ang ingay mo!" saway ko sa kanya.
"Sana all." ani Liezel. Panay ang hampas niya sa
aking balikat.
"Bilib na talaga ako sayo, idol. anito at sumaludo pa.
Tumahimik ito at pagkuway tumingin sa akin. Naningkit pa ang
mga mata nito.
"Daks ba si dok?" anito sa napakapilyang ngiti.
Nginitian ko siya at saka tumango.
"Amen!" tugon ko.
Pigil ang tili namin at nag-apir. Para naman kiti kiti si
Liezel sa kanyang kinatatayuan.
"Aminin... dika nakatulog no?" ani Liezel.
"Slight." sagot ko at mas lalo pa kaming
nagtawanan habang naghahampasan ng mga kamay.
"Teka, pano mo nga pala ipapainom yan, basta ganyan na
lang? Inumin naman kaya niya yan?"
"Ibibili ko siya ng iced coffee mamaya,dun ko ihahalo.
Kaya pag nagtext ka, bibili agad ako ng kape."
"Oh okay, basta pagtext ko bilisan mong dumating ha at
baka umalis agad siya."
"Sige na, kita kits na lang mamaya ha. Basta message mo
ko pag free na siya." mahigpit kong bilin sa kanya.
Nagpaalam na ako kay Liezel. Kailangan ko na kasing bumalik
sa trabaho. Nasa karinderya kami ngayon at nanananghalian. Nakipag-usap lang
ako sa kanya para sabihing nagawa ko na ang gayuma. Hanggang bukas na lang ang
kasunduan namin ni Andrew at ramdam kong hindi ko na talaga kayang makuha ang
loob nito kaya tanga na kung tanga, aasa na lang ako sa gayuma. Diko rin naman
sure kung totoo nga ito pero wala namang mawawala. May 2 days pa kami ni Andrew
at hindi naman ako pumayag sa gusto nyang mangyari na tapusin na namin ito.
Habang naglalakad ako ay nakita ko ang sasakyan ni Andrew,
nakilala ko agad ito. Syempre lahat ng konektado sa kanya alam na alam ko.
Hindi pa sya nagtetext sa akin kaya lalapitan ko siya at yayayain na magkape,
baka hindi ko na kailanganin ang tulong ni Liezel.
Nakita ko siyang bumaba kaya napangiti ako.
Ang gwapo talaga ng mahal ko!
Bibilisan ko sana ang paglapit sa kanya ng may naunang
lumapit dito na babaeng naka pink na blouse at ang ganda niya. Nakangiti ito
kay Andrew. Hindi ko naman nakikita ang reaksyon ni Andrew dahil nakatalikod
siya sa akin. Kumabog ang dibdib ko nang makita ang kakaibang ngiti ng babae sa
kanya. Hindi yun basta simpleng ngiti para sa kaibigan, alam kong may
something.
Sabay na naglakad ang dalawa papasok ng hospital. Nakita ko
pang tumawa ang babae, maya maya si Andrew naman ang tumawa. Bakit nakakaramdam
ako ng matinding selos?
Mabigat ang paa ko na naglakad papasok sa loob ng hospital.
Napadaan ako may nurse station at natanaw ko si ate Beth. Lumapit ako dahil
sigurado akong may mahahagilap akong balita mula dito. Siguradong nakita niyang
pumasok sina Andrew at ang babaeng kasama nito.
"O Kristina, mukha kang nalugi dyan." bati agad ni
ate Beth.
"Po? Masakit po kasi ang ulo ko, medyo nakainom kasi
kagabi." pagsisinungalin ko pero ang totoo ay iniisip ko pa rin kung sino
ang kasama ni Andrew.
"Ah, akala ko nagseselos ka at bumalik na si Dra.
Santos." pabirong sabi ni Nancy. Naalala ko, Santos ang apelyido ng ex ni
Andrew.
"Bakit naman ako magseselos? Kilala nyo naman
ako." dinaan ko na lang sa biro.
"Joke lang, alam naman naming malakas ang fighting
spirit mo." ani Nancy.
"Grabe mas gumanda lalo si Dra. Santos ngayon."
ani ate Beth
"Ah yung naka pink po ba?" kunyari ay balewala
kong tanong. Mukhang sya nga talaga ang ex ni Andrew
"Oo, kaya ikaw bawas bawasan mo na yang pagbibiro mo at
baka ma-misinterpret pa ni doktora." si Judith naman.
Kabanata 18
Bahagya akong nasaktan dahil hindi lang si Andrew ang hindi
sumeseryoso sa akin. Akala nila ay joke lang lahat ito para sa akin. Kahit mga
katrabaho ko, hindi nila nakikita na may future kami ng lalaking gustong gusto
ko.
"Sige po." matamlay kong sagot at tumalikod.
Narinig kong tinawag ako ni ate Beth kaya hinarap ko ulit siya.
"Sayo na itong orange juice, para mawala na yang
hang-over mo. Hindi kami sanay na hindi ka tumatawa."
"Salamat dito. Sensya na, naparami kasi ang inom
eh." pagdadahilan ko at tuluyan ng umalis.
Nagdiretso ako sa locker room. Nawalan na tuloy ako nang
ganang ituloy pa itong katangahang gayuma na to. Natanaw ko ang basurahan at
inihagis ko dun ang bote ng gayuma na hawak ko.
Wala akong gana maging sa trabaho ko, at napansin agad yun
ng aking mga kasamahan. Hindi sila sanay na matamlay ako. Kilala kasi nila
akong masiyahin. Kagaya ng sinabi ko kina ate Beth, nag-alibi na lang ako sa
aking mga kasamahan na nakainom ako kagabi para hindi sila magtaka. Pero paano
na bukas? Anong sunod na idadahilan ko?
Tapos na ang aking duty at naghahanda na akong umuwi nang
marinig kong tumutunog ang aking cellphone, si Liezel tumatawag.
"Uy, si dok hindi na busy, nasa office niya, bilisan
mo." excited na sabi nito.
Dahil sa sinabi niya ay biglang nabuhay ang aking dugo at
nawala bigla sa isip ko ang lungkot. Dali dali akong bumalik sa locker room at
binalikan ang basurahan. Mabuti na lang at nandun pa rin ang bote ng gayuma.
Pagkakuha ko nito ay tumakbo agad ako sa canteen na nasa loob ng hospital at
bumili ng kape.
Ang balak ko sana ay sa coffee shop sa labas bumili ng kape
kaso baka makaalis agad si Andrew sa opisina nya kaya dito na lang ako sa
canteen bumili.
Bago ako magtungo sa opisina ni Andrew ay pumasok muna ako
sa banyo. Nang masiguro kong walang ibang tao maliban sa akin ay mabilis kong
inihalo ang gayuma. Agad din akong lumabas ng banyo para dumiretso sa opisina
ni Andrew. Kailangan ko siyang maabutan bago pa ito maging busy ulit.
Nakasalubong ko si Liezel na hinihintay ako sa labas ng
opisina. Sinesenyasan nya ako na bilisan ko ang paglalakad. Kaya halos patakbo
na akong lumapit sa kanya.
"Umalis lang ako saglit, pero sa tingin ko nasa loob pa
rin siya." anito
"Ganun ba, sige wait mo ko dito." habol ang aking
hininga.
Nakasarado ang pintuan kaya dahan dahan kong binuksan yun.
Palibhasa sina Andrew ang may-ari ng hospital kaya malaki ang opisina nito.
Pagbukas ko ay hindi ko agad siya nakita. Humakbang pa ako papaloob ng makita
ko ang dalawang tao sa loob malapit sa may bintana sa bandang dulo ng silid.
Kahit nakatalikod ang lalaki ay alam kong si Andrew ito.
Nanlaki ang aking mga mata ng makita na kadikit dito ang
babaeng naka pink na blouse. Magkadikit ang kanilang mga mukha. Hindi ko man
nakikita ang mukha ni Andrew ay alam kong naghahalikan sila dahil nakatingkayad
ang babae at nakakawit ang kamay sa batok ni Andrew.
Parang tinulos ako sa aking kinatatayuan at hindi inaasahan
ang aking nasaksihan. Parang sinaksak ng isang matalim na kutsilyo ang aking
dibdib kaya napaatras ako.
Hindi sinasadyang natabig ko ang mga gamit na nakapatong sa
may lamesa kaya gumawa yun ng ingay para makuha ang atensyon ng dalawa na
parehong napalingon sa direksyon ko. Bago pa man ako nakatakbo papalayo ay
mabilis na nagsalubong ang mga mata namin ni Andrew.
Tumakbo ako papalabas at nadatnan ko si Liezel na
naghihintay sa akin sa labas ng opisina. Inabot ko sa kanya ang kapeng hawak
ko, at wala sa loob na tinanggap yun ni Liezel na nagtatakang nakatingin sa
akin.
"Pakitapon na lang." yun lang ang tanging nasabi
ko at mabilis akong umalis sa lugar na yun. Madadaanan ko ang locker room kaya
mabilis akong nagtungo dun upang kunin ang aking mga gamit at mabilis na
lumabas ng hospital.
Walang tigil ang pagpatak ng aking mga luha. Mabilis din
akong nakapara ng taxi. Kinuha ko agad ang aking cellphone at ang pinaka-una
kong ginawa ay hanapin ang number ni Andrew at i-binlock yun.
Pinahid ko ang aking mga luha at saka bumulong sa aking
sarili.
Ngayon lang ako iiyak sayo Andrew.., pero simula bukas ay
hinding hindi na kita pag-aaksayahan ng panahon.
Kung ayaw mo saken.., ayaw ko na rin sayo!
Ayaw mo? Wag mo!!!
Kabanata 19
Tintin POV
Kahit anong pilit kong iwaksi sa isipan ang nakita ko sa
opisina ni Andrew ay hinding hindi talaga siya mawala sa utak ko. Alam ko
namang na kaibigan lang ako para kay Andrew, alam ko rin kahit paano ang
tungkol sa ex girlfriend nito pero iba pala talaga kapag sinampal ka na ng
katotohanan sa harapan mo. Pakiramdam ko ay kinalog ng malakas ang aking ulo
para magising sa aking kahibangan.
Tama si Andrew. 22 years old na nga ako pero hindi pa rin
ako nakakawala sa 17 years old Tintin na na-inlove sa kanyang ultimate crush.
Hindi ako nag grow at nabubuhay pa rin ako sa isang fairy tale na binuo ko at
si Andrew ang aking prince charming. Mapakla akong napangiti nang marealized
ang aking kahibangan.
Okay Andrew, masakit mang aminin pero tama ka.
Napaka-childish ko. Tama ka na sa una pa lang ay hindi ka na dapat pumayag..,
at hindi ko rin dapat ipinagpilitan ang aking sarili.
Habang nasa biyahe ay tumutulo ang aking luha. Hindi rin
nakatulong ang malulungkot na kanta na pinatutugtog sa radyo ni kuya driver.
Tahimik lang akong umiiyak kaya hindi yun napapansin ng driver.
Nagpasalamat ako at natapos na rin ang malungkot na kanta.
Napalitan naman ito ng kanya ni Miley Cyrus na Flowers. Dati ko pang gusto ang
kanta na ito dahil sa beat ngunit ngayon ay parang biglang bumabaon ang bawat
lyrics na binabanggit ng singer. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at pinatuyo
ang aking mga mata at pisngi na nabasa ng luha. May napansin ako sa labas kaya
pinara ko ang sasakyan at dito na ako nagpababa.
Pagbaba ko ng sasakyan ay tiningnan ko ang tindahan sa
harapan ko at ngumiti ako.
I can buy myself flowers ......
Isang magandang flower shop ang nasa harapan ko ngayon. Mula
sa labas ay makikitang punong puno ng ibat ibang bulaklak. Pumasok ako at
parang idinuduyan ang aking puso dahil ang gaganda ng mga bulaklak. Inikot ko
ang paligid at hinanap ang pinakamagandang bulaklak sa aking paningin. Naagaw
ng aking atensyon ang isang bouquet ng assorted Tulips.
"Miss, magkano po yang tulips?"
"4,899 pesos po ma'am." sagot ng empleyada.
"Sige, bibilhin ko." walang patumpik tumpik kong
sabi sa kanya.
Matapos kong bayaran ay iniabot sa akin ng empleyada ang
bouquet. Isang matamis na ngiti ang namutawi sa aking bibig.
Kaya ko naman pala bumili ng sariling bulaklak at mapasaya
ang aking sarili.
Ni katiting ay wala akong nakapang panghihinayang sa halaga
na binayaran ko. I deserve this! Magandang bulaklak para magandang kagaya ko.
Lumabas ako at alam ko na kung saan ako sunod na magtutungo.
Tumawag ulit ako ng taxi at nagpahatid sa address na ibinigay ko. Huminto ang
sasakyan sa parking lot ng isang malaking mall. Tinahak ko ang loob at nagtungo
sa aking pakay. Pumasok ako sa loob ng isang sikat na salon na pag-aari ng
isang celebrity.
"Ganung hairstyle ang gusto ko." itinuro ko ang
shoulder length bob haircut.
Ilang taon ko ring hindi pinaputol ang buhok ko. Sobrang
haba na nito. Tutal ay hindi ko rin naman nailulugay dahil sa nature ng trabaho
ko kaya hindi ko na rin siguro kailangan ng ganitong kahabang buhok.
Pinakulayan ko rin ng Caramel and Honey Highlights
kagaya ng celebrity model na nasa poster nila.
Nang matapos ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.
Masaya ako sa kinalabasan. Hindi ko ito ginagawa para kay
Andrew o para magpapansin. Ginagawa ko ito para sa aking sarili. Nakalimutan ko
na dapat ay ako muna ang maka-appreciate sa sarili ko bago pa man ako
mag-expect mula sa ibang tao.
I can love me better than you can ......
Palagi ko na lang hinahanap ang pagmamahal mula sa kanya.
Sinayang ko ang aking oras upang manghingi ng pagmamahal sa taong akala ko ay
magpapasaya sa akin gayung konting pag-aalaga ko lang sa aking sarili ay
magiging masaya naman pala ako. Ngayon ay alam ko na-kaya ko naman palang
maging masaya ng hindi namamalimos ng atensyon at pagmamahal sa kanya.
Kabanata 20
Bitbit ang bouquet ng bulaklak ay naglakad ako patungo sa
sinehan ng mall. Pumili ako ng romantic movie, ito ang klase ng mga palabas na
gusto ko at nag-eenjoy ako. Tubig lang ang binili ko dahil hindi naman ako
mahilig sa popcorn at soda.
Sobra kong na-enjoy ang pelikula dahil nakakatawa at
nakakakilig. Masiyahin akong tao kaya ganitong klaseng mga palabas ang gusto
ko. Dalawang oras ang itinagal ng pelikula pero ni minsan ay hindi ako nabagot
at higit sa lahat ay hindi ako nakatulog. Iba talaga kapag gusto ko ang aking
ginagawa, pati katawan ko ay nakikisama, walang oras ang gustong sayangin.
Bitbit ko pa rin ang aking bulaklak na kahit walang amoy ay
mayat maya kong sinisinghot. Nagtungo ako sa isang restaurant na nasa loob din
ng mall. Umorder ako ng Carbonara dahil yun ang paborito ko. Matagal tagal din
akong hindi nakakatikim dito. Nahihiya kasi akong pumasok dito mag-isa dahil
parang ang weird na kakain ako dito na walang kasama. Sarap na sarap ako sa
aking kinain. Mabuti na lang talaga at nagpunta ako rito dahil kahit mag-isa ay
nagenjoy pa rin ako at walang panghihinayang kahit pa medyo may kamahalan ang
presyo.
Madilim na kaya nagtaxi na lang ako pauwi. Pagkarating ko sa
condo ay iniligay ko agad ang bulaklak sa flower vase.
Nagdiretso ako sa kwarto, upang hubarin ang lahat ng aking
suot. Magshoshower muna ako bago matulog. Nilagyan ko ng shower cap ang bagong
kulay kong buhok. Hindi ko pa ito pwedeng basain.
Binuksan ko ang shower ngunit walang lumalabas na tubig.
Nung isang araw pa ito nagloloko, mukhang natuluyan na nga
talaga. Kumuha ako ng towel at itinapis sa aking katawan. Yung banyo malapit sa
salas ang gagamitin ko.
Napakasarap sa pakiramdam na magbabad sa hot shower
pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho at paglalakad sa mall. Matapos kong
patuyuin ang aking katawan gamit ang towel na dala ko ay inalis ko naman ang
shower cap. Ngayon ko lang napagmasdan muli ang aking buhok na hanggang balikat
na lang ngayon. Inikot ikot ko pa ang ulo ko na parang feeling ko ay nasa
commercial ako dahil feel na feel ko talaga ang bagong buhok ko. Ganda.., I
love myself na talaga! Napatawa akong mag-isa.
Bago lumabas ay naisipan ko munang umihi. Matapos ko i-flush
ay saka ko lang napansin na napatubog pala sa toilet bowl ang towel ko.
"Yuck!" kadiri naman. Bakit kasi diko napansin
agad.
Agad ko inalis ang towel sa aking katawan at inilapag yun sa
sahig. Binuksan ko ang closet sa loob ng banyo ngunit wala namang kahit anong
gamit dito. Maliban sa mga face towel, shampoo, sabon at tissue.
Di bale na lang tutal ay mag-isa lang ako dito kaya walang
problema kung lalabas akong hubot hubad. Ang problema lang ay napakalamig dahil
naka on ang aircon. Anlamig pa naman sa pakiramdam kapag bagong ligo at naka on
ang aircon, nakakapangatog hanggang buto. Tatakbo na lang ako dahil sobrang
lamig talaga.
Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ng banyo ay tumakbo ako
ng mabilis papunta sa aking silid. Sa aking pagmamadali ay huli na bago ko
namalayang mababangga pala ko sa isang katawan ng tao na nakaharang sa aking
daraanan kaya na off balance ako at ramdam kong babagsak ang aking katawan sa
sahig ngunit automatiko ang naging reaksyon nang aking nakabangga na tulungan
ako pero nahila ko siya sa kaya sa huli ay bumagsak din ito, mabuti at may sofa
kaya dun kami bumagsak ngunit dumausos pa kami pababa sa carpet.
Ramdam ko ang mabilis nitong pag-hawak sa aking ulo upang
hindi tumama sa sahig. Napailalim ako at nasa ibabaw naman siya. Nakaramdam ako
ng sakit ngunit mas nanaig ang pagkagulat nang makilala ang nasa ibabaw ko.
"Andrew?!?!"
"Tintin?!?!"
Kitang kita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Andrew.
Pareho lang kami ng reaksyon at hindi malaman kung paano
magrereact. Hindi ako makatayo dahil makikita niya ang katawan ko, wala pa
naman akong suot kahit ano. Mukhang ganun din ang inaalala nito kaya pareho
kaming na-estatwa sa aming posisyon.
Kabanata 21
Hindi ako makapagsalita habang magkahinang ang aming mga
mata. Para akong nahiptomismo sa mga mata ni Andrew na para may gustong sabihin
sa akin. Unti-unting kumilos ang kanyang mga mata. Lumipat ang tingin nito sa
aking mga labi, napalunok naman ako. Dahan dahang bumababa ang kanyang mukha
papalapit sa akin at nararamdaman ko na ang paglapat ng kanyang hininga sa
aking balat.
Hahalikan nya ba ko? Hindi ako sure pero nang ga hibla na
lang ang layo ng labi namin sa isat isa ay mabilis ko siyang itinulak. Dahil sa
pagkabigla nito ay napahiwalay agad ang katawan nito sa akin.
Wala sa sariling napa-upo ako upang lumayo sa kanya.
Dumako naman ang kanyang mga mata sa aking kahubaran. Hindi
tuloy ako magkaintindihan kung alin ang una kong tatakpan. Si kiffy ba, o si
boobie? O ang mukha ko dahil sa matinding kahihiyan.
"Wag kang tumingin!" singhal ko dito dahil kanina
pa itong hindi kumukurap habang nakatitig sa katawan ko.
Para namang nagising ito sa sigaw ko at saka pa lang inalis
ang pagkakatingin sa aking katawan. Laking gulat ko ng maghubad ito ng tshirt
sa harapan ko kaya bigla akong nagpanic.
"Wag kang lalapi-"
Bigla nitong inihagis sa akin ang hinubad niyang damit.
Hindi ako nagdalawang isip na kunin yun at iniyapos sa aking hubad na katawan.
"Pumikit ka. Tatayo ako. "utos ko sa kanya.
Agad naman itong pumikit. Nang masiguro kong pikit na nga
siya ay saka ako tumayo at nagtatakbo papasok sa aking silid.
Abot abot ang kaba sa aking dibdib nang makapasok ako.
"Nakakahiya!" sigaw ng utak ko. Ngayon lang ako
nagsimulang pamulahan ng mukha dahil sa kahihiyan.
Anong ginagawa niya rito? Alam naman niyang dito ako
pansamantalang tumutuloy. Ayaw ko pa naman siyang makita, tapos ganito pa ang
mangyayari. Makikita niya ako sa ganitong itsura.
Nakakahiya!
Nakakainis!!!
Magaling sana kung naghahabol pa rin ako sa kanya, kikiligin
pa sana ko. Kaso nawala nang lahat yun nang makita ko ang ginawa niyang
kababalaghan sa opisina. Kapal naman ng mukha niya nang tangkain akong halikan.
Ibang bibig ang kahalikan niya kaninang umaga, tapos hahalik siya sa akin?
Kanya na ang halik niya!
Nakakita lang ng tahong, gusto na niyang umiskor? Neknek
niya, maglaway sya! Hinding hindi niya 'to matitikman!
Mabuti na lang at wala na si Andrew sa condo nang magising
ako. Hindi ko alam kung kelan siya umalis, kung kagabi ba o kanina lang.
Nahihiya at naiinis pa rin ako kapag naaalala ang nangyari. Ano pang
ipagmamalaki ko kay Andrew? Nakita na nyang lahat. Napabuntong hininga na lang
ako ng malakas. Kung kelan wala na kami saka pa nagkaganito.
Mabuti naman at hindi nagparamdam sakin si Andrew pagkatapos
ng nangyari kagabi. Marunong di naman pala siyang makaramdam, na napaka-awkward
kung mag-uusap agad kami. Hindi ko naman siya pwedeng sisihin dahil ako naman
itong tumakbong walang saplot. Saka nabanggit na rin sa akin ni Mutya na si
Andrew daw talaga ang gumagamit nitong condo noon pa man.
Malamang ay kanina pa nasa hospital si Andrew. Papunta na
rin ako doon ngayon. Bago ako umalis ay hinugot ko muna sa charger ang
cellphone ko. Kanina ko lang nalaman na drain na pala ang battery ko. Sa dami
ng nangyari kahapon ay ni hindi ko naalala na i-check kung may tawag or text
messages para sa akin.
Habang naglalakad sa parking lot ng hospital ay saka ko
naisipang buksan ang aking cellphone. Baka nga pala tumawag sina inay sa akin.
Mapapagalitan ako ng mga ito pag nagkataon dahil hindi agad ako nakapagreply.
Nakahinga ako ng maluwag nang wala akong makitang message
mula sa aking mga magulang.., pero may 32 missed calls at ilang text messages
akong nareceived yesterday afternoon. Nung una akala ko ay galing kay Gray
dahil galing ang mga ito sa Unknown number. Ngunit hindi pamilyar sa akin ang
phone number na ito at ang weird ng mga messages.
FROM UNKNOWN:
Where are you?
FROM UNKNOWN:
It's not what you think.
FROM UNKNOWN:
Can we talk?
FROM UNKNOWN
I can explain. Mag-usap tayo.
Kabanata 22
Tintin POV
Kunot noo akong nakatingin sa cellphone. Sino naman kaya
itong prankster nato?
"Kristina!" malakas na sigaw ang pumukaw sa
pag-iisip ko. Si nurse Maricel.
"Sabay na tayo." anito.
"San ka nagpunta kahapon, bigla ka na lang nawala?
Usually tumatambay ka pa pagka-out mo na." tanong nito habang naglalakad
kami papasok ng hospital.
"Nainip ako kaya umuwi na agad ako."
"Ngayon ka pa nainip kung kelan sabay na ang shift nyo
ni dok Andrew."
"Eh ano naman kung sabay kami? Balewala kong sagot.
"Wow ha, kunyari ka pang hindi excited kay hashtag
boyfriend mo.... Teka, bagong kulay ba yang buhok mo?" anito at sinipat
sipat ang buhok kong nakapusod. Nakatali palagi ang buhok ko sa trabaho kaya
wala namang makakapansin ng pagbabago.
"Oo nagpagupit din ako, sobrang haba na eh."
Nasa tapat na kami ng locker room.
Natanaw ko si Andrew sa di kalayuan. May kausap itong
pasyente. Napatingin siya sa akin, samantalang dire-diretso lang ako papasok sa
locker room.
Kung dati rati ay hindi ako magkamayaw sa pagkaway sa kanya
o kaya ay tatakbo ako palapit, ngayon ay wala na akong nararamdamang kahit
anong excitement sa pagkikita namin. Kahit ako ay nagtataka sa naramdaman ko.
Ibinaba ko ang aking pride para sa kanya tapos makikita ko
lang na nakikipaghalikan siya sa babaeng nang-iwan sa kanya sa napakahabang
panahon. Ganung kabilis lang na bumigay siya sa ex niya, samantalang halos
magmakaawa na ako at kung ano-anong kabaliwan na ang ginawa ko para lang
pansinin niya.
Tama si Andrew, sinasayang ko lang ang oras ko sa kanya!
He's not worth my time!
Hindi naman magic na basta na lang mawawala ang pagtingin ko
para sa kanya ng ganung kabilis pero napagod na rin ako na suyuin siya.
Ipinasok ko ang aking mga gamit sa locker room at saka
lumabas upang magtungo na sa nurse station. Paglabas ko ng pintuan ay nadatnan
ko si Andrew na nakatayo sa labas. Nilagpasan ko siya at dire-dretso lang ako
sa paglalakad.
"Tin, pwede ba tayong mag-usap?" anito.
"Yes dok, anong kailangan mo?" magalang kong
tanong sa kanya.
Hindi nakawala sa aking paningin ang pagkabigla nito nang
magsalita ko.
"About sa nakita mo kahapon sa opisina ko-"
"Dok, wag kang mag-alala dahil hindi naman ako
tsismosa. Hindi ko ipagkakalat ang nakita ko. Hindi rin ako nanghihimasok sa
private life ng ibang tao." saad ko at tinalikuran ko siya. Maglalakad pa
sana ako ng hawakan niya ako sa braso.
"Tin..,"
"Nasa trabaho tayo dok, baka mamaya tayo naman ang
matsismis nyan. Ayokong ma-issue sa katrabaho... Pwede pakitanggal ng kamay mo
sa braso ko?"
Kitang kita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Andrew at wala
sa sariling binitawan nya ang aking braso. Sinamantala ko yun at tuloy tuloy na
humakbang palayo sa kanya.
Napakasarap sa pakiramdam na nawala na ang kahibangan ko sa
kanya. Mahal ko pa rin si Andrew pero hindi na ako nasasaktan dahil
pinakakawalan ko na siya. Pati ang sarili ko ay pinapalaya ko na.
Nakakapag-isip na ako ngayon nang tuwid. Narealized ko kung
gaano ako naging childish at immature sa pakikitungo kay Andrew. Kung isa akong
character sa telenovela, ako yung obsessed na kontrabidang habol ng habol sa
bidang lalaki, pero dahil buhay ko ito, syempre ako ang bida at sa isip ko ako
yung kawawa. Pero ngayon ay bukal na sa loob kong tanggapin ang desisyon niya.
Kung tutuusin ay wala naman siyang naging kasalanan.
Hindi niya ako niloko dahil sa una pa lang ay naging tapat
naman talaga siya sa akin. Nagpapasalamat nga ako dahil hindi niya sinamantala
ang kahinaan ko, kaya naman wala akong makapang galit o bitterness para sa
kanya at mamaya kapag may pagkakataon ay magso-sorry ako sa mga ginawa kong
pamimilit at pangba-blackmail sa kanya.
Basta masaya lang ako para sa aking sarili na finally,
nakawala na ako sa kanya, napakagaan pala sa pakiramdam. Parang gusto ko tuloy
magcelebrate.
"Wow mukhang masaya ka yata ngayon ah." bungad ni
ate Beth. Umaga na rin ang shift nila ngayon. Maluwang akong ngumiti sa kanila.
"Naman, talo ko pa ang tumama sa lotto." masaya
kong sabi.
"Bakit, napasagot mo na ba si dok Andrew?" tanong
ng isa sa kanila.
"Hindi noh, nagjojoke lang naman ako tungkol kay dok,
kayo naman sineseryoso nyong masyado." tugon ko.
Kita ko sa mukha ng mga ito na parang nalaglag ang mga panga
nila. Mukhang nagulat na maririnig sa akin ang mga salitang binitiwan ko.
"At dahil masaya ako ngayon, manlilibre ako ng lunch
mamaya. Pero tayo tayo lang ha, hanggang dito lang ang budget ko eh."
"Oi Kristina, wala nang bawian yan ha."
"Oo naman. See you mamaya sa karinderya ha."
Nagtungo ako sa aking trabaho. Mabilis lumipas ang oras at
maya maya lang ay tanghalian na. Katulad ng napagkasunduan ay ililibre ko sina
ate Beth at apat ko pang katrabaho ng lunch sa karinderya sa labas ng hospital.
Halos sabay sabay kaming dumating doon at umorder nang
kakainin. Palibhasa'y tanghalian na kaya maraming empleyado ng hospital ngayon
ang kumakain. Ito ang pinaka busy na oras sa kainang ito.
Kabanata 23
"Kristina, yung dream boyfriend mo, dito rin kakain
oh" ani Nancy.
Sabay sabay kaming napatingin sa inginuso nito. Si Andrew
papasok ngayon dito sa loob.
"Hindi kami talo noh, magkaibigan lang kami ni
dok." pagtatama ko.
"Umamin ka nga Kristina, may boyfriend ka na ano?"
tanong ni ate Beth. nagtataka naman akong napatingin sa kanya.
"Anong boyfriend?" tanong ko sa kanya.
"Dati okay lang sayong magjoke tungkol kay dok pero
ngayon parang..., natatakot ka siguro na makarating sa boyfriend mo yang mga
pajoke-joke mo."
"Ate Beth, no boyfriend since birth po ako." tugon
ko. Hindi ko pwedeng iconsider na boyfriend si Andrew. Biruan lang yung
namagitan sa amin dalawa at hindi matatawag na relasyon.
Napakislot ako ng umupo si Andrew sa tabi ko at inilapag sa
lamesa ang tray ng pagkain na dala nito.
"Hi dok." bati ng mga kasamahan ko sa kanya.
'Hi dok." naki bati na rin ako. Pansin ko na ilang
segundo itong napatingin sa akin pagkuway ibinalik ang atensyon sa pagkain.
"Ang humble talaga ni dok. Kahit sobrang yaman dito pa
rin kumakain sa simpleng kainan." ani Judith.
Naagaw nito ang atensyon ni Andrew at lumingon sa kanya ang
lalaki.
"Sinasabayan ko lang kumain ang girlfriend ko."
balewala nitong sagot habang tuloy lang sa pagkain.
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito. Natahimik naman
ang paligid at lahat sila ay nagtinginan sa akin.
"Seryoso ka dok, hindi ka nagbibiro?" hindi
makapaniwalang tanong ni ate Beth.
"Bakit naman ako magbibiro?" kaswal na tugon ni
Andrew.
"Ikaw Kristina ha, kaya ka pala nanlilibre dahil kayo
na ni dok. Nagce-celebrate ka nang hindi mo man lang sinasabi kung bakit."
ani Nancy.
"Hindi-" itatanggi ko sana ngunit pinutol ito ni
Andrew.
"Nilibre mo sila?"
"Oo, pero-
"Okay, eat all you can. It's my treat." saad ni
Andrew.
Nang tingnan ko siya ay nasa pagkain nang muli ang atensyon
nito.
"Nagjojoke lang siya, magkaibigan lang kami."
pagtutuwid ko sa sinabi ni Andrew.
"Patawa na naman itong si Kristina, nagdedeny pa."
"Hindi talaga, magkaibigan lang kami." giit ko.
Walang pumapansin sa akin. Mas madali silang maniwala kay
Andrew kesa sa akin. Hindi naman ako natutuwa sa ginawa ni Andrew. Kung kaming
dalawa lang dito ay baka nahampas ko na siya. Hindi ako bastos para murahin
siya sa harap ng mga kasamahan ko.
"Kumain ka na hon, lalamig yang pagkain mo." ani
Andrew na tuloy tuloy pa rin sa pagkain.
Hon?!?! Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.
"Ang sweet!" kinikilig na sabi ni Nancy.
"Hindi niya ako hon!" mabilis kong tugon at
nilingon ko si Andrew.
"Wag mo nga akong tawaging ganyan." protesta ko
kay Andrew na ni hindi man lang ako sinusulyapan.
Nahagip ng mga mata ko ang ngitian ng aking mga kasamahan.
Napabuntong hininga na lang ako. Kahit siguro mamilipit ako sa katatanggi ay si
Andrew lang talaga ang paniniwalaan ng mga ito.
Nang matapos kaming kumain ay si Andrew nga ang nagbayad ng
lahat. Sabay sabay kaming bumalik sa hospital ngunit napansin ko na lang na
humiwalay talaga sa paglalakad ang mga kasamahan ko. Gusto ko sanang sumabay sa
kanila ngunit ipinagtutulakan nila ako pabalik kay Andrew.
"Ano ka ba Kristina, kung kelan napasagot mo na si dok
saka ka pa nahihiya." ani ate Beth.
"Hindi naman kasi totoo. Nagpapaniwala naman kayo sa
kanya."
"Kilala namin si dok, hindi siya nagbibiro sa mga bagay
na ganyan. Sige na at baka magalit pa samin ang boyfriend mo, sabihin ay
inaabala ka namin." sabay tulak sa akin ni ate Beth na may panunukso sa
mga mata.
Paglingon ko ay nasa likod ko na si Andrew at mabilis nitong
nahawakan ang kamay ko. Hindi na ako nagmatigas. Nagpaiwan na lang ako para
kausapin na rin ng masinsinan si Andrew.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" galit na
baling ko sa kanya.
"Alin dun?"
"Lahat! Hindi tayo magboyfriend at wag na wag mo akong
tatawaging hon kahit kelan!" mariing sabi ko dito.
"May kasunduan tayo.., baka nakakalimutan mo."
"Nung isang araw ka pa nakipagbreak saken.., baka
nakakalimutan mo!"
"Hindi ka pumayag.., baka nakakalimutan mo!
"Bahala ka nga sa buhay mo, pang pitong araw na ngayon.
Enjoy while it last!" sarkastikong sabi ko at tinalikuran siya.
"I'm not ending it yet, hanggat hindi ako umaayaw ako
pa rin ang boyfriend mo!"
Napahinto ako sa sinabi nito. Kapal ng mukha! Nilingon ko
siyang muli. Sarkastiko akong ngumiti sa kanya.
"Ah parang kayo ng ex mo? Kahit ilang taon ka nang
hiniwalayan, hindi ka pa rin umaayaw?"
Natigilan ito sa sinabi ko.
"I told you.., I can explain." anito nang
makabawi.
"No thank you.., wala naman akong paki." wika ko.
Tatalikuran ko pa sana siya ng may pumukaw sa usapan naming
dalawa. Pag lingon ko ay nakita ko si Gray na papalapit. Kumaway pa ito.
"Honey!" malakas na tawag nito sa akin.
"Honey?!?!" Gulat na sabi naman ni Andrew.
Kabanata 24
Tintin POV
"Honey?!?!" Gulat na bigkas ni Andrew.
Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin kay Gray na ngayon
ay nakalapit na, sunod ay tumingin ito sakin. Inirapan ko sya pagkuway ngumiti
ako kay Gray.
"Hi Gray." bati ko sa kanya ng makalapit na ito sa
amin.
"Hi Honey!" maaliwalas ang mukha nitong nakangiti
sa akin. Saglit itong sumulyap kay Andrew nang marinig ang boses nito.
"What did you say? Bakit tinatawag mo syang
honey?" kunot noong tanong ni Andrew kay Gray.
"Eh ano naman ngayon sayo?" masungit kong sabi.
Ano bang pakialam niya?
"Why!" giit ni Andrew na mukhang hindi titigil
hanggat hindi nasasagot ang tanong niya.
Tumawa ni Gray sa naging reaksyon ni Andrew.
"Her name is Honeylet." ani Gray.
"And?" si Andrew na kunot noo pa rin.
"I asked her if I can call her Honey.., and she said
yes!" paliwanag ni Gray. Bumaling ito sa akin at ngumiti.
Kunot na napatingin saken si Andrew. Hanggang kelan ba niya
ako kukunutan ng noo. Kung tutuusin ay ako naman dapat ang gumagawa nun.
"Dyan na kayo." paalam ko sa dalawa.
"Honey, sabay na tayo, shift ko na rin naman."
pahabol ni Gray. Nagtaka ako sa sinabi nito. Dito rin siya nagta-trabaho?
"Dito ka nagta-traba-" hindi ko naituloy ang
sasabihin ko ng malakas na nagsalita si Andrew.
"Stop calling her honey!"
Pareho kaming napatingin ni Gray kay Andrew. Madilim ang
mukha nito. Ano bang problema nitong kapal muks na to?
"She's my girlfriend, ayaw kong tinatawag mo siyang
ganun."
Napangiwi ako sa sinabi nito. Napatingin naman saken si
Gray, pagkuway kay Andrew naman naman ito tumingin.
"You said she's like your baby sister." ani Gray.
"She's my girlfriend!" mariing sabi ni Andrew.
"Wala na kami." saad ko at muli na akong naglakad.
"So siya pala yung sinasabi mong boyfriend mo na walang
gusto sayo." ani Gray na nakasunod sa akin.
"Dito ka ba nagtatrabaho?" taka kong tanong. Nasa
kanang side ko na siya ngayon at sumasabay sa aking paglalakad.
"Yup, kasisimula ko lang." wika ni Gray.
"Who said I don't like her?" boses ni Andrew na
nasa kaliwang side ko na pala.
Napapikit ako dahil ayaw nya kaming tantanan kaya mas lalo
ko pang binilisan ang paglalakad.
Napatigil lang ako sa paglalakad ng hawakan niya ang aking
kamay. Mabilis ko namang binawi yun.
"Ilayo mo nga yang kamay mo sakin. Baka kung saan mo pa
inihawak yan pagkatapos ko kayong iwanan ng girlfriend mo kahapon sa opisina
mo. Kadiri!" pagpoprotesta ko.
Mabilis na hinawakang muli ni Andrew ang braso ko upang
ilapit sa kanya saka mabilis na bumulong.
"Wala akong ibang hinawakan kahapon.., maliban na lang
kagabi nang magshower ako, pagkatapos kong makapanood ng live show sa condo
mo." pabulong na sabi nito.
Gets ko na agad ang ibig nitong sabihin. Pinamulahan ako ng
mukha. Mabuti na lang at mahina pagkakasabi nito kaya hindi narinig ni Gray.
Malakas kong itinulak si Andrew.
"Utang na loob Andrew, hindi na nakakatuwa yang mga
pinagagagawa mo!" matalim ang tingin na ibinato ko sa kanya.
Patakbo akong lumayo sa kanilang dalawa at bumalik na sa
loob ng hospital. Pilit ko na ngang kinakalimutan yung nangyari kagabi, tapos
ipapaalala pa niya. Hindi ba siya marunong makaramdam?
Hindi ko alam kung ano ba talaga itong kaweirdohang ginagawa
ni Andrew ngayong araw na ito? Nung isang araw lang ay pinapaiyak niya ako.
Ngayon naman ay iniirita at ipinapahiya nya ako.
Mabuti na lang at hindi ko na siya muling nakita pa hanggang
sa matapos ang shift ko. Sabagay lagi naman itong busy. Bukod sa pagiging
doktor ay tumutulong din ito sa pamamalakad ng mga hospitals ng pamilya nila.
Nang matapos ang shift ko ay dumiretso na ako ng labas.
Hindi na ako dumaan pa sa pwesto nina ate Beth. Iba naman talaga yung pwesto
nila, dun lang ako dumadaan dati dahil kay Andrew kaya kahit malayo at iba ang
daan nito ay sinasadya ko pa rin araw araw. Ngayong nagising na ako sa
kahibangan ko ay wala na akong dahilan para magtatambay pa sa lugar na yun.
Iniba ko man ang aking direksyon ay nakasabay ko naman ang
grupo nina ate Beth sa labas ng hospital habang nag-aabang ng masasakyan.
Malayo pa lang ay masaya na ang mga ito na naka-abang sa akin. Natatawa na rin
ako kahit wala pa man silang sinasabi dahil mukhang hinihintay talaga nila ako
para gawin akong pulutan sa kanilang biruan.
"Tumabi kayo, baka mayapakan nyo ang buhok ng Kristina,
Haba ng hair nyan ngayon." kantyaw ni Liezel pagkalapit na pagkalapit ko.
"Akalain mo nga naman, sa sobrang tyaga mo, napasagot
mo rin si dok Andrew. Shampoo reveal naman dyan oh." dugtong pa ng isa sa
mga nurse.
"Magbabaon na rin ako ng maraming pick-up lines,
mukhang effective eh. Baka magamit ko kay Dr. Tuazon." ani Judith. Sabay
sabay pa silang nag-apiran at kinilig nang banggiting ang pangalan ng doktor na
hinahangaan.
"Kristina, congrats ha. Akala ko talaga joke joke mo
lang na napasagot si dok." ani Nancy.
"Hindi naman kasi totoong kami na." muli kong
pagtatama sa mali nilang akala. Sinubukan ko pang magseryoso para alam nila na
hindi ako nagjojoke lang.
"Bakit ba dinedeny mo. lantaran ka ngang manligaw dati
tapos ngayon todo deny ka naman kung kelan kayo na." tanong ni ate Beth na
mukhang hindi man lang binili ang aking pagseseryoso.
"Kasi hindi po talaga totoo. Nagbibiro lang naman ako
dati. Magkaibigan lang talaga kami at imposible pong maging kami." giit
ko.
Nakakatawa lang dahil dati-rati ay ipinagpipilitan ko sa
kanila na kami na ni Andrew. Hindi ba talaga kapani-paniwala kapag ako yung
nagkukwento?. Samantalang si Andrew, isang sabi lang ay paniwalalang paniwala
na silang lahat. Mahirap din pala na nakilala nila akong masiyahin at palabiro,
lagi na lang nilang iniisip na nagjo-joke lang ako.
"Judging sa itsura ni dok kanina, mukhang hindi siya
nagbibiro." patuloy ni ate Beth.
"Ganun lang po talaga ang mukha nun, busangot. Akala mo
seryoso." sagot ko.
Natawa si ate Beth sa sinabi ko. Magsasalita pa sana ito ng
dumating na ang jeep na sasakyan nila. Nauna nang umalis ang mga ito.
Naiwan akong mag-isa na nag-aabang ng masasakyan. Ilang
sandali pa ay natatanaw ko na ang paparating na jeep kahit malayo pa ito.
Kabisado ko na ang mga pampasaherong sasakyan na dumaraan dito araw-araw, kaya
alam kong ito na ang hinihintay ko. Huminto ito sa kabilang kanto upang magbaba
at sakay ng mga pasahero.
Sa puntong yun ay may magarang sasakyan na huminto sa di
kalayuan. Kilalang kilala ko yun, ito lang naman ang sasakyan ng lalaking dati
kong kinahuhumalingan.
"Ako ba ang sadya niya?" sa isip-isip ko.
Hindi naman sa nag-aassume ako. Pero dahil sa mga
pinaggagagawang kaweirduhan ni Andrew ngayon araw na to, ay hindi na ako
magtataka kung ako ba talaga ang sadya niya kaya siya naririto ngayon.
Naagaw naman ng pansin ko ang jeep na huminto sa aking
tapat, ito na yung hinihintay ko kaya agad akong sumakay. Dahil ako lang naman
ang pasaherong nag-aabang ay agad na rin itong umalis.
Muli akong napalingon sa sasakyan ni Andrew at nakita ko
siyang kalalabas lang mula sa pintuan ng kanyang sasakyan. Habol nito ng tanaw
ang jeep na aking sinasakyan. Sa pinakalikod ako nakaupo kaya kita ko siya at
alam kong kita rin niya akong nakatingin sa kanya.
Napa-isip na lang ako, ano ba talaga ang nangyayari sa
kanya? Dumating lang ang ex-girlfriend, nabaliw na itong si Andrew.
Kabanata 25
Andrew POV
Saglit akong tumingin sa aking relo, may 30 minutes na akong
naka-park di kalayuan sa condominium. Sa tingin ko ay sapat na ang oras na 'to
para paghintayin siya.
Kinuha ko ang aking cellphone at nagtype. Nang matapos na
ako ay pinindot ko ang send button. Napangiti ako dahil ilang segundo pa lang
ay nakareceived na agad ako ng reply. Pababa na daw siya.
Hindi ko muna itinago ang aking cellphone dahil may
kailangan pa akong tawagan, may hinihintay lang ako. Wala pang limang minuto ay
lumabas na sa building ang taong inaasahan ko. Halatang nagmamadali ito at
kitang kita ang excitement sa kilos at mukha nito. Hindi ko mapigilang
mapangiti muli.
May tinawagan muna ako at mabilis naman itong sinagot.
"Andyan na siya. Yung nakadilaw na tshirt." wika
ko sa aking kausap.
"Okay boss." sagot sa kabilang linya.
Matapos kong marinig ang sagot nito ay tinapos ko na ang
tawag. Nakita kong pumarada sa harap condominium ang taxi na minamaneho ng
driver na kausap ko sa cellphone, Maya maya pa ay sumakay na ang taong itinuro
ko sa kanya at saka sumibat ang sasakyan.
Sinundan ko ang taxi hanggang sa makarating ito sa
destinasyon. Maya maya pa ay bumaba na ang sakay nito. Pumarada ako sa hindi
kalayuan. Nang masiguro kong nakapasok na ito sa loob ng mall ay bumaba na rin
ako upang hindi siya mawala sa aking paningin. Hindi niya ako namalayan dahil
nakadistansya ako sa kanya at natatakpan din ako ng iba pang mga tao na
naglalakad sa mall.
Dire-diretso siya sa paglalakad hanggang sa makarating na
ito sa kanyang pupuntahan. Luminga linga ito kaya mabilis akong nagkubli upang
hindi niya ako makita. Nang hindi niya makita ang hinahanap ay naupo ito sa
malapit na bench.
Makikita ang excitement sa kanyang mukha kahit ilang sandali
pa ay mukhang naiinip na rin ito. Naghintay ako ng 20 minutos saka pa lang ako
lumapit sa kanya. Natanaw niya agad ako. Umaliwalas ang mukha nito at nangislap
ang mga mata. Nakakahawa ang pagiging positibo ng awra nito.
Nang mas malapit na ako ay nameywang ito at halatang halata
ko na nagpapanggap na galit. Alam ko namang sobrang excited ito kanina pa dahil
napaka obvious niya. Gusto ko tuloy matawa.
"Ang tagal mo ha!" ani Tintin.
Nilagpasan ko siya at nagpanggap akong abala na tumitingin
sa mga movie posters sa harap ng sinehan upang hindi mapatingin sa kanya at
mapatawa. Kailangan kong ipakita kay Tintin na hindi niya kuha ang aking
atensyon.
Naging abala ito sa kanyang telepono at hindi namalayan na
nakabili na akong movie ticket. Sinadya kong horror ang pelikula na panonoorin
namin dahil narito ako hindi para magpa-impress sa kanya. Kailangan kong
ipakita kay Tintin na hindi ako intresado na palalimin kung ano mang merun
kami. Hindi ito makakatulong sa kanya.
Kahit direkta ko siyang tanggihan ay hindi niya ito
nakukuha. This time ay kailangan na niyang maramdaman na kahibangan lang ang
ginagawa niya.
Nakakapanghinayang kung sasayangin lang ng isang kagaya ni
Tintin ang kanyang oras para sa lalaking kagaya ko na walang ibang interest
kundi ang career at magpatakbo ng kompanya. Kahit 30 years old na ako ay wala
pa akong balak pumasok sa isang seryosong relasyon. Oo ngang nagkakaroon ako ng
mga girlfriends, lahat yun ay alam kong panandalian lamang at hindi magtatagal.
Walang ligawang nagaganap, basta nagiging kami na lang. Sa panahon ngayon,
hindi na uso ang ligawan.
Isa pa sa dahilan kung bakit pilit kong dinidiscourage si
Tintin ay kaibigan o nakakabatang kapatid lang talaga ang tingin ko sa kanya.
She's too young for me. Hindi lang dahil sa edad at itsura nito, kundi para din
itong bata kung umasta. Baka sa halip na girlfriend ang makuha ko ay mag-alaga
lang akong ng nakababatang kapatid.
Napapagtyagaan ko lang ang kanyang kabaliwan dahil
napapatawa niya ako palagi. Sino ba namang hindi natutuwa sa kanya? Everybody
thinks she's very funny and adorable. Para siyang keycain na pwede mong ibulsa
dahil sa kakyutan. I really like her coz she's bubbly, cute & funny pero
hanggang dun lang talaga ang tingin ko sa kanya.
Halatang halata ang pagkadismaya sa mukha niya nang malamang
horror ang panonooring namin.
"Horror?!?!" nakangiwi nitong tanong.
"Bakit, ayaw mo ba ng horror?" painosente kong
tanong
Matapos kong magtanong ay biglang nag-iba ang reaksyon ng
mukha niya.
"Horror? Paano mo nalamang paborito ko ang horror? Ang
sweet naman ng boyfriend ko." ani Tintin na halatang napipilitan.
Nais kong bumunghalit na tawa dahil sa nakuha pa nitong
ngumiti ng ubod ng tamis. Ayaw niya talagang sumuko. Akala naman nya ay ang
magaling syang magpanggap pero halatang halata siya. Napapikit na lang ako at
pigil na pigil ako sa pagtawa. Para talaga siyang bata.
Habang nanonood ay ilang beses siyang sumigaw at nagbitaw ng
mga unfiltered words kapag nagugulat. Nang sitahin ko siya ay tumahimik na
lamang ito ngunit ako naman ang kinulit niya.
"Akina ang kamay mo." anito na ikinagulat ko.
Binantaan pa niya ako na hahalikan ako na alam ko namang hindi niya gagawin.
Kabanata 26
Ayaw kong samantalahin ang kanyang kainosentihan ngunit
hindi talaga siya titigil hanggat hindi niya ako napapapayag na hawakan siya sa
kamay. Kaya sa huli ay pumayag na rin ako. Holding hands lang naman, at hindi
ito makakabawas ng kanyang pagkababae.
Noong una ay napakalamig ng kanyang kamay, hindi ko alam na
nilalamig pala talaga siya. Wala pa naman akong dalang jacket upang ipahiram sa
kanya. Sa kagustuhan niyang makasama ako ay nagtitiis ito ng lamig. It's
heartwarming how she genuinely makes me feel important, not just because of my
status. She's so pure kaya mas lalong gusto ko syang ingatan at protektahan.
Maya maya pa ay naramdaman kong bumibigat na ang aking
braso. Nang tingnan ko siya ay himbing na himbing na ito sa pagtulog. Hinayaan
ko na lang siyang matulog dahil alam kong pagod ito dahil sa trabaho. Napailing
na lang ako. Katakot takot na pangungulit ang ginawa niya para lang matuloy ang
panonood ng pelikula pero matutulog lang pala siya.
Mula sa linawanag na nagmumula sa screen ng sinehan ay
naaaninag ko ang mukha nitong payapang natutulog. Gotta admit, Tintin is both
beautiful and innocent, she's just too adorable. Hindi ko namalayang hinahaplos
ko na pala ang pisngi niya habang nakangiti kong pinagmamasdan ang inosente
niyang mukha.
Napaka-inosente ni Tintin kaya ganun na lang ang pag-aalala
ng mga magulang nito. Bigla ko tuloy naalala ang naging usapan namin ng kanyang
ina na si aling Nimfa.
6 months ago..
Birthday ni Luke, panganay na anak nina kuya Drake at Mutya.
Syempre, hindi mawawala ang pamilya ni Tintin. Hinila ako ni aling Nimfa sa
sulok upang kausapin. Nasa di kalayuan si mang Carding ang ama ni Tintin na
alam kong naririnig ang usapan namin. Hindi lang ito lumalapit dahil may tampo
pa rin ito sa akin.
"Siguro ay alam mo nang dito sa Maynila si Tintin
magttrabaho sa susunod na buwan." bungad nito sa akin.
Tumango ako. Panong hindi ko malalaman? Pagkakitang
pagkakita pa lang ni Tintin sakin kanina ay yun na agad ang ibinalita nya. Sa
halip na sabihing excited na siyang magtrabaho, ay "Malapit nang maging
tayo" ang sinabi nito.
"Ayaw ko talagang dito siya sa Maynila mag trabaho
dahil marami namang hospital sa probinsya na malapit pa samin. Pero inunahan
ako nitong si Tintin, dumiretso agad kay don Antonio kaya hindi na ako
nakatanggi pa sa ama mo ng sabihin niyang ipinasok niya si Tintin sa hospital
nyo dito. Sigurista talaga yang batang yan dahil alam niyang hindi ko siya
papayagan kaya dumiretso na sa big boss." naiiling na sabi ni aling Nimfa.
Pareho pa kaming natawa sa kalokohan ni Tintin.
"Ikaw lang ang mapapagkatiwalaan ko kaya kung pwede,
sayo ko inhahabilin si Tintin tutal ay magkatrabaho naman kayo. Hindi ko naman
maaasahan yang si Mutya, dahil isa pa yang napakapilya. Magkakutsaba palagi ang
dalawang yan ni Tintin."
"Wag ho kayong mag-alala, babantayan ko si Tintin sa
trabaho. seryoso kong tugon kay aling Nimfa.
"Malaki ang tiwala ko sayo dahil alam kong matino kang
lalaki pero wala akong tiwala dyan kay Tintin. 22 na pero isip bata pa. Kapag
ginapang ka niyan wag mo sanang papatulan." walang prenong ani aling
Nimfa.
Para akong nabilaukan sa sinabi ng ginang. Napa-ubo ako at
nang makabawi ay sinagot ko ang habilin niya.
"Makakaasa ho kayo, para na tayong isang pamilya.
Hinding hindi ko pagsasamantalahan ang kainosentehan ni Tintin."
paniniguro ko sa mag-asawa.
Parang bigla akong nagising nang maalala ang pangakong
binitiwan ko kay aling Nimfa at narealized kong kanina ko pa pala hinahaplos
ang mukha ni Tintin
What the heck am I doing right now?
Napatigil ako sa pagngiti at mabilis kong inalis ang aking
kamay sa kanyang pisngi at itinuon ang atensyon sa pelikula hanggang sa
matapos. Disappointed si Tintin ng magising. Sinisisi pa ako kung bakit daw
hindi ko siya ginising.
Hindi ko na siya niyayang kumain pa. Alam kong hindi ito
makakatulong at baka bigyan pa yun ng ibang kahulugan ni Tintin kaya nagyaya na
akong umuwi. Tumawag ako ng taxi na masasakyan niya. Nang makasakay na ito ay
mabilis akong sumakay sa aking kotse at sinundan ko agad ang taxi na sinasakyan
nito hanggang makarating sa tapat ng condominium.
Hinintay ko muna siyang bumaba. Nang makapasok na ito sa
loob ng building ay saka ko pinaandar ang aking sasakyan at saka umalis.
Dumaan muna ako sa mansion para kunin ng isang papeles sa
opisina ni dad. Wala pa sila ngayon ni mommy, kagagaling lang ng mga ito sa
abroad at malamang ay kalalapag lang ng eroplanong sinakyan nila. On the way na
rin si mang Isko, ang aming driver para sunduin sila.
Paalis na sana ako nang mapansin kong naupo sa sofa si mang
Isko, itiningala nito ang kanyang ulo na parang sumasakit ang ulo. Nag-aalala
ko siyang nilapitan.
"Ayos lang po ba kayo?" tanong ko sa kanya.
Nakapikit lang ito.
"Medyo, nalulula yata ako." ani mang Isko.
Agad kong tiningnan ang kanyang blood pressure. Napakataas
nito. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at mabilis ko siyang inalalayan
papasok sa aking kotse at isinama ang isa pang kasambahay. Dinala ko agad siya
sa pinakamalapit na hospital. Nang masiguro kong okay na siya ay iniwan ko na
sila sa hospital upang dun na muna magpahinga hanggang sa maging stable na ang
blood pressure nito. Iniwanan ko ang kasamabahay upang bantayan si mang Isko.
Inabutan ko sila ng cash, para pambili nila ng pagkain o kung ano mang
kakailanganin nila. Pag-aari namin ang hospital kaya sa VIP room siya ipinasok
kaya nasisiguro kong doble asikaso ang gagawin ng mga nurse sa kanya.
Kabanata 27
Bago ako umalis ay pinakabilin bilin ni mang Isko na sunduin
ko sa airport ang aking mga magulang. Susunduin sana sila ni mang Isko kung
hindi lang sumama ang pakiramdam nito. Pwede akong tumawag ng ibang driver ng
kompanya pero malapit na silang dumating at nagkataong mas malapit ako sa
airport kaya ako na lang ang nagdrive para sunduin sila.
Habang nasa biyahe ay bigla kong naalala si Tintin.
"Sh*t" napamura ako sa sarili.
Hinihintay nya ako sa coffee shop. Habang red light ay
tiningnan ko ang oras sa aking cellphone. Napabuntong hininga ako nang makitang
20 minutes na akong late sa usapan namin. Binuksan ko ang phonebook ko at
tinawagan ang isa sa mga nasa contact list ko na si Gray, classmate at kaibigan
ko. 1 week pa lang itong natransfer sa hospital kung saan ako naka-assign.
"Pwede ba akong humingi sayo ng pabor? Paki-puntahan mo
naman yung kaibigan ko. May usapan kami sa coffee shop kaso may emergency lang
na nangyari. May susunduin lang ako sa airport."
"Nasa hospital pa ako, kaa-out ko lang, hindi ko alam
kung makakarating agad ako sa kaibigan mo."
"The coffee shop is just across from the hospital.
Pakipuntahan naman siya baka kanina pa yung naghihintay."
"Wow naman mukhang napaka-importante naman nitong
KAIBIGAN mo." pabirong sagot ni
Gray at ipinagdiinan pa ang salitang kaibigan.
"Babae ba? Maganda ba?" nanunuksong tanong nito.
"Hey, parang kapatid ko na yan kaya umayos ka. She's
off limit!" banta ko rito. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Gray.
"Whoah... overly protective ha."
"Isesend ko sayo ang phone number niya. Baka
magkasalisi kayo, pakitawagan na lang kapag dimo siya makita."
Huminto muna ako sa gilid ng kalsada upang itext kay Gray
ang pangalan at phone number ni Tintin. Nang ma-isend ko ito ay nagdrive na
agad akong muli. Sa mga oras na ito ay nakababa na ang eroplanong sinakyan nina
dad at malamang ay nagche-check out na ang mga ito kaya nag-aalala akong baka
ma-late ako ng dating.
Hindi naman ako nahuli dahil sakto lang ang dating ko,
kalalabas lang nila. Nang makasakay na sila sa sasakyan ay saka pa lang ako
nakahinga ng maluwag. Masyado kasi akong nag-alala dahil sa nangyari kay mang
Isko at alalang baka maipit ako sa traffic at maghintay nang matagal ang akin
magulang.
Kumusta na kaya si Tintin? Bigla ko siyang naalala.
Nakaramdam ako ng guilt nang maisip na pinaghintay ko siya
nang matagal at sa huli ay hindi ko siya sinipot. Oo ngat sinasadya kong
magpahuli sa tuwing magkikita kami, naroon naman ako at binabantayan siya ng
palihim.
Siguradong mabubwisit ito sa akin.
Pero hindi bat yun naman talaga ang plano ko? Ang
idiscouraged siya upang mawalan siya ng gana sa akin.
Bigla ko naalala si Gray. He's a casanova. He's slick and
knows how to smoothly talk to women and make them fall in love with him easily,
which is something I'm seriously lacking.
Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nagsisi na
ipinadala ko pa si Gray upang tagpuin nito si Tintin. Napabuga na lang ako ng
malakas na buntong hininga.
"Andrew..." narinig ko ang boses ni mommy. Para
akong nagising nang marinig ang boses niya.
"Are you okay? Kanina pa kita kinakausap, hindi ka
sumasagot."
"I'm okay..., What are you asking me?"
"Kumusta na si mang Isko, hanggang kelan siya sa
hospital?"
"Mukhang okay naman siya. Pwede na nga siyang umuwi,
pinagstay ko na lang muna siya dun para mas maalagaan. Bukas pwede na siyang
umuwi. Company driver na lang muna natin ang pansamantalang driver nyo from now
on".
"I'll arrange for him to stay with his family in the
province until he's ready to go back to work. If not, he can choose to retire
early. I have already arranged his retirement and pension."
Kanina pa sila nagsasalita pero parang wala akong
naiintindihan. Ang inaalala ko ay kung ano nang ginagawa nina Tintin, nakauwi
na kaya ito? Hindi mawala wala ang aking pag-aalala na baka kung anong
pambobola na ang ginagawa ni Gray dito. Nagpakawala na naman ako ng malakas ng
buntong hininga.
I don't know why, but I think I fücked up!
Kabanata 28
Andrew POV
I had a meeting with the hospital's board members and
directors. Pagkatapos nito ay ipinakilala ang bagong doktor na si Dr. Natalia
Santos- the girl I used to date in college, almost a decade ago.
Hindi na ako nagulat ng ipakilala siya bilang pinakabagong
doktor sa aming hospital. This news has been circulating among the hospital
staff over the past few weeks.
Schoolmate ko siya noong high school but we started dating
during college days. She isn't my first girlfriend pero siya pinaka seryoso at
pinakamatagal kong nakarelasyon dahil umabot din kami ng 3 taon. We were deeply
in love, but she made the sudden decision to pursue her studies overseas after
receiving a scholarship.
When she left, I cried a river and begged her not to leave.
Sinundan ko pa siya sa Amerika para lang kumbinsihin na bumalik ng Pilipinas
ngunit bigo ako dahil mataas ang kanyang pangarap. Bago kami tuluyang
maghiwalay ay sinabi kong hihintayin ko siya because I was so in love with her.
Hindi ko alam kung sinabi lang ni Natalia na babalikan din niya ako, para lang
lubayan ko na siya.
After 1 year ay muli akong pumasok sa isang relasyon at
nasundan pa yun ng ilang beses dahil wala namang nagtatagal. Walang courtship
na nagaganap dahil wala rin naman akong oras para sa mga ligawan. Mostly are
mutual understanding. Walang formality maging sa mga breakups.
At this stage of my life, my priorities are solely focused
on my career and family business. Wala na ako masyadong panahon para sa ibang
bagay kaya naman, being in a romantic relationship that requires commitment is
my least concern.
Ipinakilala ng director si Natalia sa lahat ng mga nasa
silid.
"Good morning, team. I'd like to introduce Dr. Natalia
Santos, a new addition to our department. She was endorsed by a renowned
hospital in the United States. Please give her a warm welcome." wika ng
director at tumingin sa dalagang doktor.
Elegante at puno ng confidence na nakaharap ito sa aming
lahat. Ang kanyang mahabang buhok ay sleek na nakapusod, at ang suot na white
coat ay tila mas lalong nagbigay-diin sa kanyang propesyonalismo.
"Good morning, everyone," bati ni Natalia habang
tinitignan ang bawat isa.
"It's a great honor to be here and to join such a
prestigious institution. I've dedicated the last ten years to improving my
abilities in different American hospitals, and I am excited to bring my
expertise here. I look forward to working with all of you." pagpapakilala
nito at ngumiti sa lahat.
Mababanaag ang paghanga ng mga nakarinig tungkol sa mga
achievements ni Natalia. Sa mura niyang edad ay marami na siyang napatunayan sa
larangan ng medisina kaya naman sa bawat galaw nito makikita ang kumpiyansa.
Tuwid ang kanyang tindig at nagpapakita ng tiwala sa sarili. Natupad na nga
niya ang kanyang mga pangarap.
Matapos ang maikling speech ni Natalia, sinimulan na ang
small talk at mga pagbati mula sa aming mga kasamahan. Nakangiting lumapit sa
akin si Natalia.
"Andrew, it's been a while," bati nito.
"Dr. Santos," tugon ko at gumanti ako ng ngiti.
"It's good to see you again."
"Ikaw din," ani Natalia.
"Welcome to the team" pormal kong bati
"Thank you!" anito.
"I missed the Philippines and I'm glad to be
back." isang matamis na ngiti pa ang ibinigay nya sa akin.
Isa sa mga doktor ang sumunod na bumati rito. Lumabas na ako
ng conference room at nagtungo sa parking lot upang puntahan ang aking
sasakyan. Merun lang akong nakalimutang document at muli na akong humakbang
pabalik sa hospital. Papasok pa lang ako ng building ay nakasalubong ko na si
Natalia.
"Ang hirap mo palang hanapin kahit nasa iisang building
na tayo. Are you hiding from me?" nakangiti na agad at maaliwalas ang
mukha ni Natalia.
Napatawa naman ako sa sinabi nito.
"In the next few days, you'll be the one preoccupied.
May importante ka bang sasabihin?" tanong ko sa kanya habang patuloy kami
sa paglalakad papasok sa hospital.
"Yes pero hindi naman ako nagmamadali, kapag hindi ka
na busy."
"Okay, ipapahanap na lang kita kapag available na ako.
Talk to you later. paalam ko rito nang makapasok na kami na kami sa loob.
Natanaw ko ang nurse station. Hinanap ng mga mata ko si
Tintin ngunit wala siya dun. Asan na ba siya? Kanina ko pa siya gustong makita,
pero kung kelan hinahanap ay saka naman siya wala.
Pinagtataguan niya ba ako dahil sa ginawa niyang paghalik
sakin kagabi sa bahay ni Mutya?
"That kiss...." Lihim akong napangiti.
Gagawa gawa ng kalokohan hindi naman pala kayang panindigan.
Pagkatapos nya akong nakawan ng halik, ngayon naman ay magpapa-miss siya.
"Miss?!?!"
Miss agad, hindi ba pwedeng baka nahihiya lang sya?
Napapikit na lang ako at napailing.
Kabanata 29
Okay, I have to admit. Kanina ko pa siya gustong makita
dahil namimiss ko na siya! At yung halik nya, I can't get that kiss out of my
head. She's my girlfriend, ano bang masama kung ganun ang maramdaman ko?
Normal lang naman sa mga magkarelasyon ang maghalikan, but
it would have been better if I had kissed her first, and I don't mind sharing
another kiss with her again.
Naalala kong bigla ang pangako ko kay aling Nimfa na hindi
ko papatulan ang kanyang anak. Napapailing na lang ako habang labas sa ilong na
napatawa, at saka parang baliw na nagsalitang mag-isa.
"Pasensya na po aling Nimfa.., but I think, I've
changed my mind!"
Pagkatapos ng almost 2 hours na surgery sa isa sa mga
pasyente ko ay nagtungo agad ako sa aking opisina upang magpahinga sandali.
After 15 minutes na nakahiga ay tumayo ako at nagtungo sa may bintana. Routine
ko na ito kapag gusto kong magrelax. Tinatanaw ko ang labas ng hospital at
kitang kita ko rito ang view ng harapan ng hospital. I find it rewarding to
watch our patients and and their families enjoy their time relaxing outside.
"So, dito ka pala tumatambay?"
Napapitlag ako ng marinig ang pamilyar na boses. Nagtataka
ako kung anong ginagawa ni Natalia rito.
"Oh I'm sorry kung nagulat kita." anito at
ngumiti.
"It's fine, paano mo nalamang narito ako?" kunot
noo kong tanong dito.
"Your nurse told me where you are. Bukas yung pintuan
kaya hindi na ako kumatok." paliwanag nito.
Tumango tango na lang ako.
Akala ko ay may sasabihin siya pero ilang sandali na ang
nakalipas, hindi pa rin ito nagsasalita.
"I thought you have something to-"
"I missed you!" ani Natalia na puno ng emosyon ang
mga mata nitong nakatingin sa akin.
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahang maririnig
mula sa kanya ang mga salitang yun, out of nowhere.
"I'm sorry kung kinailangan kong piliin ang mag-aral sa
abroad-"
Mabilis kong pinutol ang sasabihin niya.
"Look Natalia, that was almost 10 years ago. Ni hindi
ko na nga naiisip yun." saad ko.
"Andrew, I made a mistake letting you go, and I'm here
to make things right. Iniwan ko ang career ko sa Amerika para sayo. This time
ikaw naman ang pinili ko. Hindi ba't sabi mo hihintayin mo ako?"
salaysalay ni Natalia habang nakatingala at titig na titig sa akin.
Nais ko matawa sa narinig at hindi makapaniwala.
"Hindi kita pinapipili at wala na rin akong balak
makipagbalikan sayo. Naririnig mo ba ang sarili mo?"
Hindi ako makapaniwala na kadarating lang nito ay ito na
agad ang ibubungad niya. Kinain na ba sya ng sistema sa liberated na pamumuhay
sa Amerika?
"Hindi mo naman kailangan na magdesisyon agad. I'm just
letting you know that the reason I'm back is because of you, dahil nangako tayo
sa isa't isa na babalikan kita at hihintayin mo ako. Yun naman ang usapan natin
diba?"
"Mga bata pa tayo noon at may mga sarili na tayong
buhay ngayon. I just want to remind you that our relationship now is strictly
professional, nothing more." parang sasakit yata ulo ko dahil sa
pinag-uusapan namin.
Hindi ko inaasahan nang ikawit nya ang kanyang kamay sa
aking batok. Tumingkayad ito at tinangka akong halikan.
"Stop it!" mariin kong saway.
Halos ga hibla na lang ang agwat ng aming mga labi. Kita ko
ang pagkagulat at disappointment sa kanyang mukha nang harap harapan ko siyang
tanggihan. Para itong na-estatwa sa kanyang kinatatayuan.
Sa tagpong yun ay nakarinig ako ng ingay sa likod na parang
may nahulog. Paglingon ko ay nakita ko si Tintin. Saglit na nagtapo ang aming
mata ngunit mabilis itong tumalikod. Bago ko pa siya mahabol ay pinigilan ni
Natalia ang aking kamay.
"Andrew..." nagsusumamo ang mga mata nito.
Matiim kong tiningnan ang kanyang kamay na pumipigil sa
akin. Sa mga oras na ito ay si Tintin ang aking inaalala. Baka kung ano pa ang
isipin niya sa tagpong nadatnan.
Binitiwan ni Natalia ang aking kamay ng makita niyang
madilim ang aking mukhang nakatingin sa kanyang pagkakahawak. Mabilis ko siyang
tinalikuran para habulin si Tintin ngunit hindi ko na siya inabutan. Humahangos
akong nagtungo sa locker room ngunit wala siya dun.
Nang ipagtanong ko sa mga nurse ay nakita daw nila si Tintin
na nagmamadaling umalis. Napahilamos ako ng mukha at napasuklay ng buhok.
Dinukot ko ang cellphone sa aking bulsa upang tawagan si
Tintin pero naka-blocked na agad ako. Hindi ko tuloy mapigilang mapamura ng
malakas.
"F*ck! F*ck! F*ck!"
Wala na akong ibang maisip na paraan upang maka-usap si
Tintin kundi ang puntahan siya sa condo kung saan ako dating tumutuloy.
Kabanata 30
Tintin POV
Pagkalabas ko sa silid ng pasyente, malayo pa lang ay tanaw
ko na agad aking mga kasamahang nurse na tila may pinagkukumpulan sa nurse
station. Kita sa kanilang mga mukha ang excitement at kasiyahan. Bigla akong
nacurious kung anong nangyayari kaya lumapit ako para maki-usyoso. Nang makita
nila akong papalapit sa kanila ay sabay-sabay silang ngumiti. Sinenyasan nila
ako na bilisan ko ang paglalakad. Kaya naman, patakabo akong lumapit.
"Ano kayang merun?" excited na tanong ko
"Eto na ang babaeng sobrang haba ng buhok." sabi
ni Maricel, na may hawak na kahon ng donuts.
"Oi, para sa'yo ito," sabi pa ni Nurse Jeff, na
may bitbit na tray ng kape.
"May nagpadala ng donuts at cafe latte dito sa
department natin. anito pa.
"Saken?" nagtataka kong tanong habang papalapit sa
kanila.
"Sino naman ang nagpadala nito?" tanong ko habang
sinisipat ang mga donuts at kape.
"May note na kasama, dali basahin mo." sagot ni
Maricel, iniabot nya sa akin ang isang maliit na card.
Inaabangan nila ang aking magiging reaksyon dahil mukhang
nabasa na yata ng mga ito ang nakasulat sa note. Kaya naman mas lalo akong
nacurious. Dahan-dahang kong binuksan ang card at mahinang binasa ang mensahe:
"For all the hard working nurses, especially to my
beautiful Tintin. Thank you for your hardwork. - Dr. Andrew"
Napatigil ako at bahagyang namula. Hindi ko inaasahan na
makakatanggap nito mula kay Andrew. Ang mga kasamahan ko naman ay nagtawanan
dahil sa pamumula ng aking pisngi. Kinikilig pa ang mga ito lalo na't alam
nilang lahat kung gaano ako kapatay na patay kay Andrew- Dati!
"Uy, Kristina nagbunga na rin sa wakas yung panliligaw
mo "tukso ni Nurse Analyn habang kinikindatan ako.
"Hindi naman. Nakalagay sa note, hardworking nurses
eh." tugon ko.
"Eh bakit may special mention ka?" biro pa ni
Jeff, na ngayon ay umiinom na ng kape.
"Naku, kumain na lang kayo" pag-iiba ko.
Abala ako sa pagpili ng flavor ng donut na nasa box dahil
maraming flavor ang pagpipilian.
"Thanks dok Andrew sa donuts at pa-kape." narinig
kong halos sabay sabay na nagsalita ang mga kasamahan ko. Nang tumingala ako ay
nakita kong nakalapit na pala si Andrew sa amin at nakatingin sa akin. Hindi ko
mapigilang magtaka sa mga ikinikilos niya. May kakaiba talaga sa kanya ngayon.
Pati kung paano siya tumingin. Hindi ko lang maintindihan kung ano ba yun?
"Ehem..." nakuha ni Maricel ang aking atensyon na
marinig ko itong tumikhim. Hindi ko kasi namalayan na kanina pa pala ako
nakatitig kay Andrew habang pinag-aaralan ang mukha nito.
Narinig ko tuloy ang iba't ibang himig panunukso ng mga
kasamahan ko. Hindi rin nakaligtas sa akin ang mga pasimple nilang sikuhan sa
isat isa na parang kilig na kilig sa aming dalawa ni Andrew.
Hindi ko naman magawang kiligin dahil hanggang ngayon ay
naalala ko pa rin ang halikan nina Andrew at ex nito. Eto ba ang paraan niya
para humingi ng sorry dahil alam niyang nasaktan niya ako? Aanhin ko naman ang
sorry niya kung sila na ulit ng ex niya. Anyway, wala naman na akong pakialam
ngayon.
Pagod na akong maghabol sa kanya, pero yung donut gusto ko
kaya hindi ko ito tatanggihan. Matapos ko itong ilagay sa paper plate ay
nagpaalam na ako.
"Salamat sa donut dok." paalam ko sa kanya at saka
tumalikod na.
Maya maya pa ay narinig kong tinawag ako ni Andrew. Nilingon
ko siya at nakita kong may hawak na itong kape.
"Kape mo." nakangiting sabi nito.
"Pasensya na, hindi kasi ako umiinom ng latte. May
lactose intolerance kasi ako, nagtatae ako kapag nakakainom ng gatas."
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng Andrew.
"Akala ko..." anito na parang nag-iisip. Maya maya
pa ay napasabunot pa sa buhok at frustrated na napailing.
"Pero uminom ka ng latte nung magkasama tayo..
Panong-"
"Nagtae lang naman ako nung makaalis ka."
Tumalikod ako at iniwan siya sa kinatatayuan niya. Mabuti na
lang at hindi na niya ako sinundan dahil talaga namang susumbatan ko pa siya ng
todong todo at baka ilarawan ko pa sa kanya kung anong itsura ng ebak na
lumabas sa akin nung araw na yun.
Balewala naman talaga sakin yun dahil haling na haling pa
ako sa kanya noong mga panahong yun. Pero ngayon ay inis ang aking nararamdaman
nang maalala ko ulit.
Unti-unti ko nang nakikita ang aking mga kagagahan. Habang
binabalikan ko ang mga araw na baliw na baliw pa ako sa kanya ay naalala ko
kung paano ako nagpakumbaba na nagmukhang tanga at napahiya sa harapan ng mga
katrabaho ko para lang ibaling niya sa akin ang kanyang pagtingin ngunit sa
huli ay makikita ko lang itong may ibang kahalikan habang kami pa. Ay oo nga
pala, hindi nga pala naging kami, dahil biruan lang ito para sa kanya. Ngayon
ay malinaw na sa akin kung paano niya ako binalewala.
Dumiretso ako sa canteen at dun ko dinala ang donut.
Inilapag ko muna ito sa table para bumili sana ng maiinom nang makita ko si
Gray. Naka white coat ito. Kunot noo akong tumingin sa kanya. Habang siya naman
ay nakangiting lumapit sa akin.
"Doktor ka?" tanong ko agad sa kanya. Parang
nagulat pa ito sa tanong ko.
"Nung isang araw pa tayo magka-usap, ngayon mo lang
nalaman?" pabiro nitong sabi.
"Akala ko pagala-gala ka lang kaya ka naririto."
tugon ko at nilagpasan siya para bumili ng kape.
Kabanata 31
"Kuya Tony, isang black coffee nga po." wika ko sa
taong nasa kabilang counter ng canteen.
Agad naman itong tumalima.
"Make it two please. Charge it to my account." ani
Gray na kasunod ko na pala.
Hindi na pinabayaran sa akin ni kuya Tony ang kape dahil
inilagay na daw niya ito sa account ni Gray.
"Salamat." wika ko kay Gray.
"No problema." anito.
"Kelan ka pa rito? Bakit diko yata naririnig ang
pangalan mo?" tanong ko sa kanya.
"I'm Dr. Grayson Tuazon-"
"Ikaw si Dr. Tuazon?" Gulat na tanong ko.
"Ikaw pala yun."
Kumunot noo naman ito.
"Anong ako pala yun?"
"Ikaw yung palagi kong naririnig na pinagkukwentuha ng
mga nurses dito. Dami mong fans ah." nakangiti kong kwento.
Naalala ko ang itsura ng mga katrabaho kong kilig na kilig
tuwing babanggitin si Dr. Tuazon. Si Gray lang pala yun.
Kumislap naman ang mga mata nito sa narinig. Tumingin ito sa
akin.
"Ganun ba? Eh ikaw ba isa sa mga fans ko?" anito
na namumungay pa ang mga mata.
"Hindi." sagot ko at saka uminom ng kape.
Nakita kong bigla na lang itong nag-uubo.
"Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya pagkuwa'y
humiwalay na ako ng lakad sa kanya dahil papunta ako sa table kung saan ko
iniwan ang aking donut.
Napahinto ako sa paglalakad ng makita kong nasa harapan ko
si Andrew na may hawak na coffee cup. Nakatingin ito sa akin, sunod ay tumingin
sa taong nasa likod ko, si Gray. Muling bumalik ang tingin nito sa akin.
""Ibinili kita ng black coffee." ani Andrew.
"Salamat pero-"
"I've already bought her one." si Dr. Tuazon ang
sumagot. Yun din sana ang sasabihin ko.
Nilagpasan ko si Andrew at nagtungo sa may lamesa para kunin
ang donut. Sa break room na lang ako kakain. May table naman dun.
Pagdating ko sa break room ay sinimulan ko nang kainin ang
donut. Siya namang dating ni Andrew na hawak pa rin ang kape. Wag nyang
sabihing ipagpipilitan pa rin niya ang kape niya? Lumapit siya sa akin at
ipinatong ang kape sa table.
"Tanggapin mo na, binili ko talaga yan para sayo."
nakatingin ito sa akin. Nakikiusap ang mga mata. Napakamot na lang ako ng
kilay.
"Salamat." tinanggap ko na rin para umalis na
siya. Isa pa ay sayang din yung kape, masarap pa naman ang timpla sa coffee
shop na binilhan ni Andrew.
Itinuloy ko ang pagkain ng donut ngunit nang mapansin kong
hindi umaalis si Andrew sa harapan ko ay tiningala ko ito.
"Pasensya ka na kung latte ang binigay ko sayo last
time. Hindi ko kasi alam." anito.
"Ayos lang."
Inis ako sa kanya pero hindi naman ako bastos. Oo nga't
sinaktan ni Andrew ang puso ko, alam ko namang hindi siya masamang tao para
bastusin. Matagal ko na siyang kilala at alam kong napakabait talaga nito. Yung
nga lang, hindi siya ideal boyfriend."
"Tin.."
Tiningnan ko siya nang patanong.
"May gagawin ka ba mamaya after ng trabaho?" anito
"Wala." maikli kong sagot at ipinagpatuloy ko lang
ang pagkain.
"Pwede ba kita yayaing lumabas?" patuloy ni
Andrew. Nagulat man ay hindi ko yun ipinahalata.
"Pasensya na, puyat kasi ako kagabi kaya gusto ko
matulog ng maaga." palusot ko.
Hindi naman ako puyat pero ayaw ko lang lumabas na kasama
siya.
"Bukas? May gagawin ka ba?" hindi pa siya
tumitigil sa pagbabaka-sakali.
"Hindi bat busy ka palagi? Bakit parang madami ka
yatang oras ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Pwede ba tayong lumabas bukas? Gusto lang sana kitang
makausap." anito sa halip na sagutin ang tanong ko.
"Bakit bukas pa? Pwede mo namang sabihin ngayon kung
ano man yun."
"Please!" may pagsusumamo sa boses ni Andrew.
"Bakit nga?" Sinalubong ko ang kanyang mga mata at
pilit na pinag-aaralan kung bakit siya kumikilos ng ganun.
"I just wanna talk about us." wika ni Andrew na
hindi nagbabawi ng tingin. Aaah.. yun pala. Sus, akala ko tapos na kami sa
isyung yun bakit bubuksan pa niya? Nagmo-move on na nga ako eh, ipapaala pa.
"Walang us. Tapos na yung seven days natin di ba. Hindi
na kita kukulitin pa kagaya ng kondisyon mo na dapat tantanan na kita
pagkatapos ng kasunduan. Salamat at pinagtiyagaan mo ako ng pitong araw kahit
pa nga pilit na pilit ka. Pasensya ka na't pinaabot ko pa ng 7 days ang
paghihirap mo. Sana pala ay pumayag na lang ako nung ika-5th day pa lang na
nakikipaghiwalay ka. Wag kang mag-alala, tapos na ang kalbaryo mo sa akin.
You're free as a bird."
Nagpapasalamat ako na nasabi ko lahat ng yun ng hindi
umiiyak, para hindi niya isipin na apektado pa rin ako. Natigilan at natahimik
si Andrew nang marinig lahat ng aking sinabi, basta nakatingin lang siya sa
akin.
Tumayo na ako at sinalukop ang aking mga dala.
"Time in ko na, mauna nako." paalam ko sa kanya.
Lalabas na sana ako nang bigla akong may naalala.., Yun ay
nung sinabihan niya ako nang "Kapag nagka boyfriend ka ng totoo,
siguradong mapapasaya mo siya ng todo."
"Oh, salamat nga pala sa pagiging gentleman at hindi mo
sinamantala ang kagagahan ko. Matutuwa sayo ang mapapangasawa ko o kaya pag
nagka boyfriend na ako ng totoo."
Saad ko at saka ko siya tinalikuran.
Kabanata 32
Tintin POV
Katatapos ko lang manggaling sa silid ng mga pasyente ay
narinig kong may nag-page ng pangalan ko at ipinapatawag ako sa front desk.
Mabilis naman akong tumalima at nagtungo dun. Malayo pa ay tanaw ko na ang mga
tao sa front desk na parang nag-aabang sa aking pagdating.
Pansin ko agad ang isang delivery man na may dala-dalang
malaking bouquet ng mga bulaklak.
"Nurse Tintin, para po sa inyo. Pakipirmahan na lang
po." sabi ng delivery man habang iniabot ang resibo at bouquet ng red
roses ganun.
Nagulat ako at hindi ko napigilan ang mapangiti.
"Kanino naman kaya galing to?" tanong ko sa aking
sarili.
Matapos kong pirmahan ay nagpaalam na ang delivery man.
Mabilis akong pinagkumpulan ng mga kasamahan ko at
nakiusyoso na rin habang binabasa ko kung saan galing ang mga bulaklak.
"From Andrew!" tumitiling sabi ni Leah isa sa mga
front desk.
Napatakip naman ako ng teynga. Sobrang lapit niya sa akin
dahil halos isubsob nito ang mukha sa tagiliran ko para basahin kung kanino
galing ang bulaklak kaya halos matulilig ang teynga ko sa tili niya. Kasunod
namang nagtiliian ang iba pang naririto nang marinig ang pangalan ni Andrew.
"Oh my God, kayo na ni dok!" wika pa ng isang
kilig na kilig at kinakalog ang balikat ko. Hindi ko mapigilang mapatawa dahil
para akong bolang pinagtulakan dahil sila pa itong mas kinikilig kesa sa akin.
Wala naman kasing hindi nakakaalam sa hospital na patay na patay ako kay
Andrew.
"Ang saya naman dito." narinig namin ang boses ng
isang babae kaya sandali natahimik ang lahat.
Sabay sabay kaming napalingon sa nagsalita. Nawala ang aking
ngiti ng makita ko ang babaeng kasama ni Andrew sa parking lot at ang kahalikan
nito sa opisina.
"Dra. Natalia..." wika ng isa sa mga nasa front
desk.
Biglang tumahip ang aking dibdib ng marinig ang pangalang
binanggit nito. So, siya nga si Dra. Santos..., or Natalia Santos..., ang
girlfriend ni Andrew.
Ang ganda ng pagkakangiti nito sa amin. Ang ganda rin niya
sa malapitan, parang modelo. Kaya siguro hindi siya malimutan ni Andrew. Parang
piniga naman ang aking puso habang iniisip yun.
"Ano bang merun dito at parang ang saya saya nyo
naman?" nakangiti pa rin ito at labas ang pantay pantay nitong ngipin.
Lahat ng angulo ng mukha niya ay napakaganda, wala kang maipupula. Para siyang
Dyosa na bumaba sa lupa. Napakasopistikada rin niya, at mukha siyang matalino.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng panliliit at hiya. Ang kapal
ko palang maghabol kay Andrew gayung ganitong mga babae pala ang tipo niya.
"Dok, si Kristina po kasi. Pinadalhan ni dok Andrew ng
bulaklak." kinikilig na sabi ni Leah.
Nakita ko ang biglang pagpihit ng mukha ni Dra. Natalia
patungo sa direksyon ko. Nang makita niya ang hawak kong bulaklak ay umangat
ang tingin nito sa aking mukha. Kitang kita ko ang pagkawala ng kanyang mga
ngiti.
"You mean..., Dr. Andrew Rufino?" tanong nito.
"Yes dok. Kahapon nga pinadalhan pa ni dok Andrew ang
department nila ng kape at donuts. Kainggit dahil sila lang ang merun."
walang prenong kwento ni Leah.
Nagulat naman ang iba pang naririto.
"Ano? Ay ang daya naman.., sana pala nagpunta ako dun
kahapon." wika ng isa
"Ang sweet naman ni dok Andrew." sagot pa ng isa.
Kitang kita ko sa mukha ni Dra. Natalia na natigilan ito at
titig na titig sa aking mukha. Napalunok naman ako.
"Ang sarap namang maging boyfriend ni dok Andrew.
Swerte mo naman Kristina." ani Leah. Napatingin ako kay Leah.
"Hindi ko siya boyfriend. Para ko lang siyang
kuya." sawata ko dito.
Pakiramdam ko ay kailangan kong klaruhin ang bagay na yun,
hindi lang para sa akin, kundi para na rin sa babaeng doktor. Baka kung ano
pang isipin nito tungkol sa akin.
"Sige na, alis na ko." paalam ko sa kanila at saka
ako mabilis na naglakad papalayo.
Habang naglalakad ako patungong locker room ay katakot takot
na tili at kantyaw ang naririnig ko mula sa mga katrabahong makakasalubong ko.
Alinlangang ngiti ang ibinabato ko sa kanila. Hindi ako komportable na
makatanggap ng bulaklak galing kay Andrew. Bakit ba sya magpapadala ng
bulaklak? Para sa akin ba talaga ito?
Ngayon ko lang napansin na may kasama pala ito ng note. Kaya
binasa ko yun.
Tintin,
I'm so sorry!
Andrew
Sorry? Para saan? Dahil kaya sa sinabi ko kahapon?
Bakit may pabulaklak pa? Baka kung ano pang isipin ng mga
kasamahan namin sa trabaho at baka mamaya sabunutan pa ako ng girlfriend niya.
Nais ko sanang itapon sa basurahan ang bulaklak, ngunit baka
maging dahilan po ito para lalo kaming pag-usapan ng mga katrabaho ko kaya
inilapag ko na muna ito sa lamesa. Palabas na sana ako ng locker room nang
bigla akong may naalala. Muli kong binalikan ang bulaklak. Tinanggal ko ang
note na kasama nito. Dinala ko ito sa silid ng isa sa mga pasyente na
nagpapagaling.
"Ay ang ganda ng mga ito nurse Kristina." ani Mrs.
Marquez.
"Magandang bulaklak po para sa magandang kagaya
nyo." nakangiti kong tugon sa kanya.
Kabanata 33
"Maraming salamat dito. Ilalagay ko agad ito sa flower
vase pag-uwi namin maya-maya" anito at nilingon ang kasama nitong
nagbabantay sa kanya.
"Anak, pakilagay nga nito sa katabi ng mga gamit natin
para hindi natin malimutan." utos nito sa anak at sumunod naman agad ang
anak nito. Maya-maya pa ay lumabas na rin ako.
Paglabas ko ng silid ay nakasalubong ko ang isa sa mga
nurse.
"Thanks Kristina!" nakangiting sabi nito at
dire-diretso sa paglalakad.
Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Anong sinasabi niya?
Itinuloy ko ang aking paglalakad. Dalawang nurse naman ang nakasalubong ko na
nakangiti na agad sa akin.
"Kristina, wag ka ng magpapalipat ng department ha.
Dito ka na lang palagi para araw-araw may pa-kape." wika ng isa sa mga
ito.
Nun ko lang napansin na may hawak ang mga itong kape at
donut naman sa kabilang kamay. Bigla akong kinutuban. Tinanaw ko ang nurse
station at tama nga ako.
Nagkukumpulan na naman ang mga nurse dun dahil kahit malayo
pa ay nakikita ko na ang mga tray ng kape at kahon ng donuts.
Dali-dali akong lumapit upang masiguro kung kay Andrew pa
rin ito galing.
"Grabe! Inlab na talaga si dok Andrew sayo." ani
Maricel.
"Prayer reveal naman dyan Kristina." ani Judith
habang umiinom ng kape.
Peke ko silang nginitian. Hindi ko alam kung anong
mararamdaman sa ginagawa ni Andrew. Pinaprank niya ba ako? Dahil kung sorry
lang ang habol nito, ay madali lang namang pag-usapan yun. Hindi niya kailangan
pang gumawa ng ganitong eksena.
Tumalikod ako para hanapin si Andrew.
"Kristina hindi ka ba kukuha ng para sayo?"
pahabol ni Judith.
"Katatapos ko lang kumain. Baka sumakit ang tiyan
ko." pagsisinungalin ko at tuluyan na ako umalis.
Nagpalinga linga ako habang naglalakad at nagbabakasakali na
makita si Andrew ngunit hindi ko siya makita. Muli akong nagpalinga-linga
hanggang sa mapalingon ulit ako sa mga kasamahan kong nagkukumpulan pa rin sa
kape at donuts. Dun ay nakita ko si Dra. Natalia na nakatayo sa grupo ng mga
ito habang nakatanaw sa akin. Mabilis akong pumaling sa ibang direksyon.
Natapos na ako't lahat sa trabaho ay hindi ko pa nakikita si
Andrew. Di bale na lang, saka ko na lang siya kakausapin.
Kalalabas ko lang ng hospital at naglalakad na ako papunta
sa abangan ng sasakyan ng marinig kong may tumatawag sa akin. Paglingon ko ay
nakita ko si Andrew na mabilis naglalakad papalapit sa akin.
Binagalan ko ang paglalakad, para magpang-abot kami. Kanina
ko pa rin naman siya gustong maka-usap.
Sasabihin ko sana na itigil na niya ang pagpapadala ng kung
ano-ano pero naunahan nya ako sa pagsasalita.
"Bakit mo ibinigay ang bulaklak sa pasyente?"
tanong agad ni Andrew.
"Bakit masama ba?"
"Binili ko yun para sayo."anito
"Bigay mo na yun kaya pwede kong gawin kahit anong
gusto ko."
Natahimik ito at napatingin na lang sa aking mukha.
"Ano ba kasing drama mo? Itigil mo na yang mga
pagpapadala mo. Promise, wala akong galit o hinanakit sayo kaya wag mo na akong
alalahanin, okay? Hindi mo kailangang maguilty. Mas lalo lang akong nabubwisit
dahil dyan sa mga pa-bulaklak at pa-kape mo. Nami-misinterpret tuloy ng mga
tao. Sinabi ko na, ayokong ma-issue sayo." mahinahon kong paliwanag.
"Ano bang masama dun? Alam naman ng lahat na tayo
na." anito
"Yun na nga ang issue na sinasabi ko. Hindi naman
tayo." saad ko
"Hindi pa tayo tapos." ani Andrew
"Pwede ba Andrew. Gusto ko nang kalimutan yun. Hindi ba
yun din naman ang gusto mo? Hindi ko maintindihan bakit pabalik balik na lang
ang usapan natin tungkol dun." tugon ko.
"Gusto kong itama ang relasyon natin. Gagawin ko ang
gusto mo..., mas mag-eeffort na ako-"
"Hindi na kita gusto."
Namumutawi ang katahimikan habang magkahinang ang aming
paningin.
"Hindi na kita gusto Andrew. Napagod na ako." saad
ko nang hindi kumukurap. Well, mahal ko pa rin naman siya pero totoong napagod
na lang talaga ako.
"Tintin kung iniisip mo pa rin yung nakita mo sa
opisina, hindi ko siya hinalik-"
"Wala akong pakialam kahit ano pang gawin nyo. Bahala
kayo, buhay nyo yan. Basta wag mo na rin akong pakikialaman." tinalikuran
ko na siya dahil nasabi ko na ang gusto kong sabihin ngunit hinawakan nito ang
pupulsuhan ko at pinigilan nya ako.
"Tin.., please..., let's give it a chance. Pangako
gagawin ko lahat ng gusto mo."
"Ang gusto ko, tantanan mo na ako."
Hindi man yun ang sinasabi ng puso ko pero yun naman ang
tamang gawin para hindi na ako masaktan. Kung noon ngang wala pa akong karibal,
hirap na hirap nakong makuha ang puso niya, eh ano pa kaya ngayong nagbalik na
ang girlfriend niya. Sigurado akong wala na talagang chance kahit subukan ko pa
ulit. Ako lang itong kawawa sa huli.
Medyo malapit na kami sa may waiting shed nang matanaw ko
ang paparating na jeep. Mabilis akong tumakbo upang abutan ito. Agad naman
akong nakasakay. Habang papaalis ang jeep ay nakita ko si Andrew na nakatayo pa
rin sa pwesto kung saan ko siya iniwan at nakatanaw sa akin.
Kabanata 34
Tintin POV
Kung dati-rati ay nauubos ang oras ko para magpaganda bago
magtungo sa anumang event merun sa pamilya nina Mutya, ngayon naman ay nag
pulbos lang ako at manipis na lipstick para lang wag maputla ang labi ko.
Inilugay ko lang ang aking bagong gupit na buhok. Hindi na rin ako bumili ng
bagong damit. Nag-suot lang ako ng simpleng dress na ginamit ko na dati. Dati
kasi ay todo pustura pa ako para kay Andrew ngunit iba na ang sitwasyon ngayon.
Basta siniguro ko lang na mukha akong presentable ngayon para sa birthday ni
Mutya. Simpleng dinner lang naman ito kasama ang pamilya niya sa isang
restaurant. Sa pagkakakilala ko sa mga biyenan ni Mutya, kahit sila-sila lang
ay siguradong sa mamahaling restaurant nila ito ise-celebrate.
Dahil sa traffic ay 5 minutes akong late. Nahihiya tuloy
akong lumapit sa table nila pagdating ko. Kumpleto na ang buong pamilya nila.
Magkatabi sina Mutya at Drake. Ang mga anak nilang napaka-cute ay nakaupo sa
kani-kanilang high chair. Magkatabi sina donya Agatha at don Antonio. Malapit
sa kinauupuan ng mga ito si Andrew na ngayon ay nakatingin sa akin.
Kagaya ng nakasanayan ko ay dumiretso muna ako sa mga
biyenan ni Mutya upang lapitan sila. Magiliw naman akong binati ng dalawa.
"Bagay sayo ang bagong haircut mo." bulong ni
donya Agatha. Kinikilig naman akong ngumiti sa kanya. Syempre, ikaw ba naman
ang purihin ng sosyal na si donya Agatha.
Nakita kong tatayo si Andrew.., alam ko na kung ano ang
gagawin nito. Dati kasi ay umuupo agad ako sa tabi niya para makatabi siya.
Nung una ay nagsisipagtawanan sila at naiiling na lang si Andrew, hanggang sa
makasanayan na nang lahat na magkatabi kami palagi at naging routine na namin
na sa tuwing magkikita kita kami kagaya ngayon ay sa tabi ni Andrew ako mauupo.
Bago pa man makatayo si Andrew at hilahin ang upuan ay
lumapit na agad ako kay Mutya at umupo sa tabi nito. Kita ko kung paano ako
habulin ni Andrew ng tingin dahil nilagpasan ko siya. Para hindi nila mahalata
na umiiwas ako kay Andrew ay dinaan ko na lang sa pagbati kay Mutya na kunyari
ay super excited lang akong makatabi ito.
"Happy birthday Mutya!" Nakangiti kong sabi dito
habang iniaabot ang regalo sa kanya.
"Salamat."
"Pasensya na po kung late ako, natraffic po kasi
ako." wika ko na nakatingin sa matatandang Rufino.
"Sabi ko naman sayo, dadaanan ka namin ayaw mo
naman." ani Mutya.
"Next time na lang."
Siya namang dating ng mga pagkain.
"Tintin bakit parang anlayo mo yata kay Andrew
ngayon." pabirong sambit ni donya Agatha.
Palagi kasi ako nitong tinutukso sa anak nya dahil alam
nilang type na type ko si Andrew. Aliw na aliw ito sa tuwing pinapanood ang
itsura ni Andrew na umiikot na lang ang mga mata kapag nagpapapansin ako.
"Ay, hindi ko po napansin. Excited po kasi akong
maiabot kay Mutya ang regalo ko."
"Lipat ka na dun." ani Mutya.
"Ayoko nga!" malakas kong nasabi. Lahat naman sila
ay napatingin sa akin.
Alinlangan ko silang nginitian at saka nagdahilan.
"Sabi po kasi ng mga matatanda samen, dadami daw ang
asawa kapag palipat lipat ng upuan habang kumakain." palusot ko.
Kita ko sa sulok ng mga mata ni don Antonio ang pagngiti
dahil sa sinabi ko. Aksidente namang napatingin ako kay Andrew na nakatingin sa
akin. Una akong nag-iba ng tingin.
Habang kumakain ay nagkukwentuhan ng kung ano ano na lang
ang pamilya Rufino. Ako naman ay tahimik lang na nakikinig. Paminsan minsan ay
may itinatanong si donya Agataha sa akin, katulad ng kumusta na ako sa trabaho,
kumusta naman ang mga katrabaho ko, at kung ano-ano pa. Hanggang sa mauwi ito
sa pagtatanong tungkol kay Andrew.
"Hindi mo pa ba napapasagot si Andrew iha?" tanong
nito. Muntik na akong masamid dahil sa narinig.
Dati naman ay balewala lang sa akin kapag tinatanong nila
ako nang ganito. Wala naman akong kahiya-hiya na sasagutin ang tanong nila na
"Malapit na po."
Tumikhim muna ako bago sumagot.
"Hindi na po ako nanliligaw kay Andrew. Kota na po kasi
ako sa pambabasted niya. Ayoko pong tumandang dalaga." kunyari ay masaya
pa rin akong nagkukwento.
Kita ko ang paglingon ni Andrew sa akin.
"Pagpasensyahan mo na yang anak kong manhid. Hayaan mo
at ihahanap kita ng blind date." ani donya Agatha.
"Sige po. Gusto ko yan." kunyari ay excited kong
sabi para mailayo ang usapan namin kay Andrew.
Kabanata 35
"Ano bang gusto mo sa lalaki?" tanong ng donya.
"Gusto ko po yung lalaking lalaki. Yung medyo malago
yung buhok at dark skin. Yung balat ay halatang sunog sa araw at masasabi mong
matagal ang ginugol niya sa ilalim ng init ng araw habang nag-aararo ng lupain
at nag-aalaga ng mga baka kaya medyo marumi yung kanyang damit. Tapos ang
kanyang mga kamay ay may kalyo, dahil sa walang patid na trabaho. Para po
kasing ang sarap nilang magmahal" wika ko habang nakatingin sa kawalan na
parang nangangarap ng gising.
Ang totoo ay isang karakter sa nobelang nabasa ko ang aking
idini-describe. Yun kasi ang naisip kong sabihin para ibang iba sa itsura ni
Andrew na makinis at mukhang anak mayaman dahil sa ganda ng kutis na halatang
babad sa aircon.
Bigla namang sumingit si Mutya sa usapan.
"Promdi pala ang gusto mo eh. Bumalik ka na lang sa
Batangas kung ganyan ang mga tipo mo. Andami kaya nyan sa barangay natin."
ani Mutya.
Napa-ismid naman ako sa sinabi ni Mutya. Basag naman itong
bestfriend ko. Hindi man lang sinakyan ang drama ko.
"Dugyot naman yung mga sinasabi mo eh." nakanguso
kong sabi kay Mutya.
Gusto ko siyang pandilatan kaso abala naman ito sa
pagpapakain sa kanyang anak. Kainis dahil nakita kong mahinang tumawa si
Andrew. Panira naman itong si Mutya. Nasira tuloy ang moment ko.
"Oh.., So cowboy or haciendero pala ang hinahanap mo.'
ani donya Agatha.
Umaliwalas ang aking mukha dahil sa sinabi nito.
"Tumpak!" malakas ko sabi at napaturo pa sa donya.
Bigla ko namang natutop ang aking bibig dahil nakalimutan
kong sosyal nga pala ang kausap ko.
"Yes po, yun nga po ang ideal man ko." sabay bawi
ko at pinalambing ko pa ang aking boses.
"Ipakikilala kita kay Alejandro De la Vega, tagapagmana
ng isa sa mga hacienda sa Laguna na malapit sa farm namin. Amiga ko ang mga
magulang niya. Isasama ka namin next time na bibisita kami sa farm."
nakangiting wika ni donya Agatha.
"Hindi siya pwedeng sumama. Maraming trabaho sa
hospital ngayon. Mahihirapan siyang kumuha ng vacation break." ani Andrew
habang nakatuon ang tingin sa plato nito.
"Shush! Pwede ko siyang bigyan kahit one month vacation
pa." nakairap na tugon ng donya at muli akong tiningnan.
"Para naman magka-lovelife na itong si Tintin natin.
Sayang naman ang beauty nya, mas lalo pa naman siyang gumaganda ngayon dahil sa
buhok niya. Dapat ganyan palagi iha para mas maraming nakakakita ng beauty mo.
Hindi yung palagi ka na lang nakapusod."
"Hindi bagay sa kanya, parang pugad ng ibon. Itali mo
palagi yan." kontra ni Andrew sa sinabi ng kanyang ina.
Sinimangutan ko siya at binigyan ng matalim na tingin.
"Pugad ng ibong pinagsasasabi mo?" mahina kong
sabi. Kahit hindi malakas ay alam kong naririnig niya yun. Hindi naman siya
nakatingin sa akin dahil tutok ito sa plato niya.
"Don't mind him. Naiinggit lang yan dahil wala siyang
lovelife ngayon. Halika rito sa tabi ko para hindi niya marinig ang pag-uusapan
natin tungkol sa ipapakilala ko sayo." natatawang sabi ni donya Agatha.
Tumayo naman ako at habang naglalakad ay may sinabi ako kay
donya Agatha.
"May lovelife po siya ngayon. Ang sweet nga nila
eh."
"Talaga?" gulat na tanong ni Mutya.
Artista talaga ito, kunyari pa siyang nagulat eh alam naman
nya ang tungkol sa pagdating ng ex ni Andrew. Naikwento ko na kasi sa kanya sa
telepono na nagkabalikan na sina Andrew at ang ex nito.
Naupo ako sa tabi ni donya Agatha.
"Nakita mo?" maikling tanong ni Mutya.
"Kitang kita ko." sagot ko dito at tumingin ako
kay Andrew na ngayon ay nakatingin na pala sa akin na nakakunot ang noo at
naka-buka ang bibig.
"Ah, kaya pala nagpapaligaw ka na sa iba." kunyari
ay balewalang sabi ni Mutya. Nais kong matawa ng lihim dahil sa sinabi nito.
Bestfriend ko nga talaga ito. Talagang gumawa pa ito ng kwento para lang hindi
akong magmukhang kawawa sa paningin ni Andrew.
Kagaya ng sabi ni donya Agatha ay kinausap niya ako at
niyaya nya akong sumama sa kanila sa susunod na bibisita sila sa Laguna. Mahina
lang itong magsalita kaya kaming dalawa lang ang nagkakarinigan. Si Andrew
naman ay abala sa pagsagot sa mga tanong ni don Antonio tungkol sa mga problema
sa hospital.
Nang matapos na kami ay nagpaalaman na ang lahat sa isa't
isa. Buhat ko ang bunsong anak ni Mutya habang naglalakad kami papalabas.
Habang silang mag-asawa naman ay akay ang kanilang dalawa pang mga anak. Kina
Mutya ako sasabay, idadaan muna nila ako sa aking tinutuluyan. Papasok na ako
ng sasakyan ng pigilan ako ni Andrew sa braso.
Kabanata 36
"Sakin ka na sumabay." anito.
"Okay lang, sa kanila na lang ako sasabay." tanggi
ko.
"Inaantok na yang mga bata oh. Mapapalayo ang biyahe
nila kung ihahatid ka pa nila." anito.
Kinunsensya pa talaga ako. Paano pa ako makakatanggi?
"Okay." tugon ko at inabot ko kay Mutya ang
kanyang anak at nagpaalam na ang mga ito sa amin. Hinintay ko muna silang
makaalis bago ako tumalikod. Nasa likod ko si Andrew na naghihintay.
"San ang kotse mo?" walang gana kong tanong.
"Wait here." anito at mabilis na humakbang
papalayo.
Ilang saglit pa ay nakita ko ang sasakyan nito papalapit sa
akin at saka pumarada sa tapat ko. Nakita kong papalabas ito sa pintuan ng
driver's seat pero mabilis kong binuksan ang pintuan sa passenger seat at
sumakay sa loob. Naiiling na lang na pumasok ulit sa loob si Andrew.
Ipinikit ko ang aking mga mata habang nagbibyahe hanggang sa
makarating kami sa tapat ng condominium building. Tinanggal ko agad ang
seatbelt.
"Salamat." mahina kong sabi sa kanya at binuksan
ko ang pintuan ng kotse ngunit naka-lock ito.
Nilingon ko si Andrew para sabihin sa kanya na i-unlock ang
pintuan.
"Anong pinag-usapan nyo ni mom kanina?" seryoso
ang mukha nitong nagtatanong.
"Kailan ka pa naging tsismoso?" natatawa kong
tanong pero labas sa ilong.
"Totoo ba ang sinabi ni Mutya na nagpapaligaw ka?"
tanong nito muli.
Nagtataka akong napatingin sa kanya. Akala ko ay busy ito sa
pakikipag-usap sa ama niya kanina tungkol sa negosyo, yun pala ay busy ito sa
pagmamarites sa usapan namin.
"Paki-buksan ng pintuan, bababa na ako." wika ko
sa halip na sagutin ang tanong nya.
"Hindi ka pwedeng makipagkita o makipagdate sa iba
Tintin."
"Sino ka naman para pagsabihan ako?"
"Gusto kong ayusin ang relasyon natin, paano natin
maaayos kung mag-eentertain ka ng iba?" ani Andrew.
"Ayoko nang bumalik sayo..."
Tumaas ang kilay ko at maarteng nagsalita.
"....alam mo parang libro lang yan eh. Kapag nabasa ko
na, hindi ko na ulit babalikan at babasahin pa. Bakit pa, kung alam ko na kung
ano ang kwento, at hindi na yun magbabago pa."
"Sinabi ko na sayo, I'm not ending our relationship.
Ako pa rin ang boyfriend mo kaya hindi ka pwedeng magpaligaw sa iba."
pagtutol ni Andrew.
"Well, tinatapos ko na-"
"No you can't!" malakas at mariing sabi nito.
Bigla akong napalunok ng marinig ang galit na boses nito.
"Nananahimik ako dito sa Maynila pero ginulo mo ang
utak ko kaya panindigan mo yang sinimulan mo. Kasalanan mo kung bakit ako
nagkakaganito ngayon..., kaya sa ayaw at gusto mo, girlfriend pa rin kita. Ayaw
kong makikita na may kasama kang ibang lalaki. Don't you even dare or you're
absolutely not gonna like what I'm gonna do!"
Natahimik ako at medyo nagulat dahil sa tono ng kanyang
boses. Ngayon ko lang siya nakita sa ganitong itsura. Ibang iba sa Andrew na
kilala ko. Para siyang sinapian ni don Antonio na nakaka-takot ang presensya at
may diin ang bawat salitang binibitiwan. Kinabahan akong bigla, pakiramdam ko
tuloy ay hinahalukay ang aking tiyan dahil sa kaba. Nagkakaganito talaga ako
kapag natetense.
"P-pakibukas na ng pintuan. Bababa na ako."
alinlangan kong winika.
Naningkit lalo ang mga mata ni Andrew dahil sa sinabi ko.
Muli kong narinig ang ma-awtoridad niyang boses.
"Stop running away from me kapag nag-uusap tayo. Hindi
pa tayo tapos mag-usap at-"
"Natatae ako. Lalabas na, nasa tumbong ko na."
putol ko sa kanya.
"What the-"
Hindi makapaniwalang sabi ni Andrew nang marinig ang sinabi
ko.
Dahil parang wala siyang balak na buksan ang pintuan ay
dumukwang ako sa kanyang harapan at ako na mismo ang pumindot ng un-lock button
sa pintuan na nasa gilid ng kanyang upuan.
Napataas na lang ang dalawang kamay nito nang mabilis akong
dumukwang sa ibabaw ng kanyang kandugan habang pinipindot ko ang button. Ilang
segundo lang naman yun at pagkatapos ay mabilis akong bumaba ng sasakyan. Hindi
na ako nagpaalam at patakbo kong tinungo ang loob ng condo unit para jumebs.
Sobrang sakit ng tyan ko, lalabas na talaga.
©️Intëll🍃♋
Kabanata 37
Tintin POV
"Excited ka na ba, next week ililipat na tayo sa OB-GYN
ward. "ani Liezel habang naglalakad kami patungo sa break room para
magmeryenda.
"Excited na nga ako eh, pero medyo kinakabahan din.
Hindi ba mataas ang expectations sa ward na iyon?" tanong ko.
"Oo lalo na't si Dra. Natalia Santos na daw ang bagong
head sa ward. Balita ko pa naman marami daw yung mga achievements sa abroad.
Tapos tayo.., mga bagong graduate lang na nurse." salaysay ni Liezel at
kitang kita ang paghanga sa boses nito sa doktor na ikinukwento.
"Siguro naman alam niya ang pakiramdam ng isang
baguhan." ani ko.
"Tama, pero parang ang hirap namang i-compare ang
sarili natin sa kanya. Sa dami ng awards nun at achievements ay parang
napakalayo niya sa level natin." wika ni Liezel. Mukhang marami na itong
nasagap na information tungkol sa bagong doktor namin.
"Alam mo bang maraming nurses dito na gustong
makatrabaho si Dra. Santos? Syempre sa laki ng achievements nya, yung iba nga
nag prisinta pa talaga na makatrabaho siya." patuloy pa nito.
"Talaga?"
Aaminin ko, nakakaimpress naman talaga yun. Tumango si
Liezel.
"Swerte nga natin eh, dahil hand pick tayo ni doktora?
samantalang yung ibang mga nurses dito, gustong gusto na sila ang mapili."
anito. Napakunot naman ako ng noo.
"Anong ibig mong sabihing handpick?" nagtatakang
tanong ko.
"Siya mismo ang pumili sa atin. Marami siyang kinuhang
nurses galing sa ibat ibang level ng experiences at tayong dalawa ang rookies
na makakasama niya." tuloy tuloy na paliwanag ni Liezel.
"Excited na ako!" kinikilig pa na sabi nito.
Halata na excited talaga si Liezel. Ibang iba naman sa
nararamdaman ko. Hindi ako makaramdam ng kahit konting excitement. Ewan ko ba
pero parang hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Bakit ako pa sa dinami rami
ng nurses dito.
Aaminin ko, wala ako sa listahan ng may
pinakamagagandang performance dito sa hospital. Mas okay pa
nga si Liezel eh, kaya dina nakakapagtaka na makuha siya- pero ako? Bakit? Ang
dami ko ngang palpak eh, so bakit ako ang pipiliin ng isang successful doctor
at isang achiever.
Hayst! Eto na naman ako, masyado na yata akong
nag-ooverthink. Pinaiiral ko na naman ang personal feelings ko. Mukha naman
professional si Dra. Santos, siguro ay nag-aalangan lang ako at natatakot na
magkamali sa harapan ng ideal girl ng dreamboy ko.
"Ang saya sana kung si Dr. Tuazon na lang ang
makakasama ko sa shift." ani Liezel.
Napatawa naman ako sa sinabi nito. Kanina lang ay sobrang
excited ito na makatrabaho si Dra. Natalia, tapos ngayon naman ay si Gray ang
mas gustong makatrabaho.
"Oy, wag ka nga dyan. Patawa tawa ka nalang dyan dahil
napana mo na ang puso ni dok Andrew. Gawin ko din kaya lahat ng da moves mo
para mapa-ibig ko rin si Dr. Tuazon."
"Naku wag. Mahirap ipilit ang sarili sa taong dika
mahal."
"Naks, expert yarn?" ani Liezel.
Bago pa man kami makarating sa break room ay natanaw na agad
namin na may nagkukumpulan na naman sa nurse station. Mukhang meryenda na naman
ang pinagkakaabalahan ng mga ito. Bigla kong naisip kung galing na naman ba kay
Andrew ang mga yun. Sinabihan ko na siya na wag na siyang magpapadala ng
pagkain.
Paglapit namin sa kanila ay hindi kape at donuts ang
naririto ngayon, kundi meal na may kasamang soda mula sa kilalang fast food.
Nagsisikuha na nang kanya kanya ang mga mga empleyado. Walang tanong tanong na
kumuha si Liezel para sa aming dalawa. Inabot niya ang isa sa akin at tinanggap
ko naman yun. Hindi na ako nag-alangang tanggapin yun tutal gutom na rin ako.
"Akala ko galing na naman kay dok Andrew ang mga
yan." ani Liezel.
"Sinabihan ko na siya na itigil na nya ang pagpapadala
ng pagkain."
"Kill joy naman itong si Kristina." nakangusong
kantyaw ng mga nurses na nakarinig.
"Kanino ba ito galing?" tanong ko.
"Ah, para sa lahat, galing kay Dr. Tuazon. Ang
gagalante talaga ng mga doktor natin, ampopogi pa. ani Maricel
"Weh di nga? May note ba? Patingin nga at baka para sa
akin naman pala ito." nagbibiro at kinikilig na sabi ni Liezel.
"Oh.." inabot ni Maricel kay Lizel ang note na
kasama ng pagkain. Mukhang hindi pa ito nababasa ng kahit sino. Malakas naman
yung binasa ni Lizel.
"To all the incredible nurses, especially Honey. From:
Dr. Tuazon"
"Woah! Sinong Honey yun? Nuh ba yan, wala na agad akong
pag-asa." ani Liezel.
Parang bigla akong kinutuban. Ilan ba ang empleyado dito sa
hospital na Honey ang pangalan? Parang ang kapal ko naman yata para isiping ako
ang Honey na tinutukoy sa note.
"Si Dr. Tuazon!" Kilig na saad ni Maricel.
Sabay sabay kaming napatingin sa direksyon na tinitingnan
nito. Lahat kami ay natahimik ng makita si Gray na papalapit sa pwesto namin.
Parang nahipnotismo naman ang mga nurses dahil sa ngiti ng gwapong doktor.
"Dok thank you po sa treat!" wika ng isa.
Kabanata 38
"Welcome ladies." nginitian nya ang bawat isa at
pagkuway tumigil ang tingin nito sa akin. Napalunok naman ako at nanalangin na
sana ay mali ang iniisip ko.
"Kumuha ka ba nang para sayo Honey?" baritonong
boses nito na nakatingin pa rin sa akin.
Gusto ko sana syang pigilan ngunit narinig na siya ng lahat.
Hindi nakawala sa paningin ko ang panlalaki ng mga mata ng lahat na nasa
paligid ko. Eto yung ayaw kong mangyari eh. Paniguradong katakot takot na
interrogation na naman ang aabutin ko nito sa kanilang lahat.
Napangiwi ako at alinlangan na ngumiti.
"Y-yes po dok." sagot ko habang kamot ang aking
ulo.
Umaliwalas ang mukha ni Gray at gwapo pa itong ngumiti.
"Binili ko talaga yan para sayo. Nagpapapansin lang..,
baka sakaling magreply ka na sa mga text messages ko."
"Pasensya na po." tangi kong nasabi. Ngumiti lang
si Gray sa akin, pagkuway tumingin ito sa lahat.
"Maiwan ko na kayo. Enjoy the food." paalaman nito
at saka naglakad palayo sa amin.
Pagkaalis na pagkaalis nito ay sabay sabay na naglingunan sa
akin ang mga katrabaho ko. Kunyari ay tiningnan ko ang hawak kong pagkain.
"Ang sarap nito, sige kain muna ako sa break
room." sabay talikod ko ngunit nahawakan agad ako ni Liezel sa braso para
pigilan.
"Teka lang..., Ano yun... ha?"
"Wala yun, kaibigan siya ni Andrew kaya kaibigan ko na
rin." palusot ko at ngayon ay si Andrew pa talaga ang ginamit kong
palusot.
"Parang hindi naman ganun ang nakita ko." ani
Maricel na duda sa aking sinabi.
Magpapaliwanag pa sana ako nang makita kong si Andrew naman
ang papalapit sa pwesto namin.
"Bahala kayong mag-isip dyan. Basta kakain na ako.
Sige, bye." dali-dali kong sabi at mabilis na umalis saka nagtungo ng
break room.
Inilapag ko muna ang pagkain at soda sa lamesa. Nagpunta ako
sa may lababo upang maghugas ng kamay. Matapos kong patuyuin ang aking mga
kamay ay binalikan ko sa lamesa ang aking pagkain.
Muntik na akong mapalundag nang makita ko si Andrew sa may
lamesa na ngumunguya. Napatingin ako sa stryofoam container ng pagkain na
nakaangat na ang takip. Muli akong napatingin kay Andrew at bigla akong
nagduda. Dali dali kong nilapitan ang container at sinilip ang nasa loob. Hindi
nga ako nagkamali, may kagat na ang burger na nasa loob.
"Bakit mo kinagatan? Akin yan eh." reklamo ko sa
kanya.
"Tinikman ko lang kung masarap." Balewala nitong
sagot.
"Memeryendahin ko pa yan."
"Para isang kagat lang. Hindi naman masarap."
tugon nito na ngumunguya pa.
Laglag ang aking panga sa sinabi nito. Nakita ko pang
nilunok nito ang nasa bibig at saka hinawakan ang softdrink na kasama.
"Wag!" malakas kong sabi ngunit sinipsip na agad
nito ang straw.
Napapikit ako sa inis at napabuntong hininga.
"Bakit mo ba pinapakialaman ang pagkain ko, ano nang
kakainin ko ngayon?"
"Marami pa namang tira oh. Hindi naman masarap. ikaw na
ang umubos."
"Pano ko pa kakainin yan eh nalawayan mo na?" inis
kong sabi dito.
"Sus, para namang hindi mo pa natitikman ang laway
ko." balewala nitong sabi.
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito at balisa akong
napatingin sa paligid upang tingnan kung may ibang tao sa loob ng break room.
Nakahinga ako ng maluwag ng masigurong kaming dalawa lang dito ngayon.
Pinandilatan ko siya ng mata.
"Ang bastos ng bibig mo!" galit na sabi ko at
nilayasan ko na siya.
Dire-diretso ako sa locker room upang doon muna magmukmok.
Pagdating ko dun ay may tatlong nurse na nasa loob. Naagaw agad ng atensyon ko
ang plastic bag na nasa lamesa.
"Para sayo daw yan. Galing sa boyfriend mo."
Boyfriend ko?
"Si Andrew?" wala sa sariling naitanong ko.
Napailing na lang ako ng marealized ang aking sinabi. Para
ko na ring kinompirma na kami na nga ni Andrew. Kainis!
Binuksan ko ang plastic bag upang tingnan kung anong nasa
loob. Lunch box ito na may lamang sushi. Bigla tuloy akong natakam. Kumuha ako
ng isa at isinubo yun. Ang sarap! Kelan pa niya to dinala rito? Lihim akong
napangiti.
Lumabas ako bitbit ang box ng sushi at naglakad pabalik sa
break room. Siguro naman ay wala na dun si Andrew.
Bago pa man ako makapasok ay nakasalubong ko na si Andrew.
Nakita nya ang hawak kong box ng sushi at saka ito ngumiti. Inirapan ko lang
siya at nilagpasan. Mabuti na lang at umalis na ito nang tuluyan.
Pagpasok ko sa break room ay sinimulan ko nang kainin ang
sushi. Nang matapos ako ay nagtungo ako sa basurahan upang itapon ang
disposable box na pinaglagyan ng aking kinain.
Nang buksan ko ang takip ng trash can ay nakita ko ang
hamburger na may isang kagat. Yun ang burger na inagaw ni Andrew sa akin
kanina. Pagkatapos niyang agawin sa akin ang pagkain ko, itatapon lang nya ng
ganun ganun lang. Ang laki talaga ng saltik ng lalaking yun!
©️🍃♋
Kabanata 39
Tintin POV
Halos magkasunod lang kaming dumating ni Mutya sa tagpuan
namin dito sa isang mamahaling restaurant. Hindi ko naman afford ang mga presyo
dito pero hindi naman ako ang gagastos.
Ngayon kasi ang araw na sinabi sa akin ni donya Agatha na
sinet-up nyang blind date para sa akin. Eto ang pinag-usapan namin nung
birthday ni Mutya. Hindi ko akalaing seryoso talaga si donya Agatha. Nung una
ay ayaw ko naman talagang pumayag dahil nahihiya akong makipagkita sa taong
hindi ko naman kilala, pero nung sinabi ni Mutya na sasamahan nya ako at sa
kabilang lamesa lang daw siya magmamatyag ay pumayag na rin ako. Kaya andito at
magkasama kami ngayon. Isinama ni Mutya ang kanyang bunsong anak na si Kyle,
isang taong gulang na. Iniwan naman nya sa kanyang mga biyenan ang dalawa pang
anak. Inagahan talaga namin ng 1 oras para daw magkapagready ako emotionally.
Lumapit ang waiter sa amin at hiningi ang aming order.
Drinks lang muna ang inorder naming dalawa.
"Dalawang Cappuccino." ani Mutya sa waiter.
Pinandilatan ko ng mata si Mutya. Tumawa naman ito.
"Joke lang." anito.
"Miss, isang cappuccino nga at apple juice para sa anak
ko." ani Mutya.
"Black coffee sakin." sabi ko sa kumukuha ng
order.
Nakabungisngis pa rin si Mutya.
"Gusto mo yata akong magtae sa harapan ng blind date ko
ah." nakairap kong sabi.
"Para binibiro ka lang eh, grabe ka namang magreact.
Lalo na siguro kay Andrew nung bigyan ka ng latte sa date nyo." anito.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko naman nabanggit
sa kanya yung tungkol sa pagbili ni Andrew ng latte sa akin.
"Pano mo nalamang binigyan niya ako ng latte."
"Tumawag siya sakin. Tinatanong kung anong favorite
mong inumin dahil nagyaya ka daw sa coffee shop, sabi ko latte." ani Mutya
at humagikhik ng tawa
Mas lalo pa akong napakunot sa sinabi nito. Defensive namang
tumawa si Mutya nang makitang naniningkit ang aking mga mata.
"Gumaganti lang naman ako sa mga pangpa-prank nya saken
dati eh. Naiimagine ko na yung itsura nya nung binungangaan mo siya."
"Ikaw pala ang salarin kaya ako nagtae." nakangiwi
kong sabi.
"Ano?"
"Oo, ibinili nga nya akong latte, kaya ayun nagtae ako
sa date namin."
"Eh bakit mo naman ininom, sunga ka ba?"
"Syempre nagpapa impress pa ako sa kanya noong mga
panahong yun. Alangan namang tanggihan ko."
Kaya pala ganun na lang ang itsura ni Andrew nung malamang
nagtae ako sa latte, parang inis na inis ito kung kanino. Kay Mutya pala ito
nabubwisit.
"Babe?" ani Mutya. Napalingon ako sa direksyon na
tinitingnan nito. Nakita ko ang asawa niyang si Drake na papalapit sa aming
direksyon.
Agad itong lumapit kay Mutya at hinalikan sa labi. Kinuha
naman nito ang anak at binuhat saka hinalikhalikan sa pisngi.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Mutya sa
asawa.
"May meeting ako sa kliyente namin. Eh kayo?"ani
Drake habang nakatingin sa aming dalawa.
"Si mommy kasi sinet-up ng date itong si Tintin, kaya
sinasamahan ko. Mamaya pa naman ang usapan nila, mga isang oras pa. Dumating
lang kami nang mas maaga para makapagbonding muna."
Tahimik lang na tumango tango si Drake habang paminsan
minsan ay papalit palit ang tingin niya sa aming dalawa. Bahagyang lumayo si
Drake habang karga pa rin nito ang anak at nakita kong may kinakausap sa
telepono. Maya maya pa ay bumalik ito sa pwesto namin upang inabot kay Mutya
ang anak at saka nagpaalam para puntahan na ang mga ka meeting.
Kung saan saan na napapapunta ang usapan namin ni Mutya sa
loob ng kalahating oras. Nauwi na naman kay Andrew ang usapan namin nang
kumustahin ni Mutya kung ano na ang ganap sa aming dalawa. Umasim lang ang
mukha ko.
"Ewan ko, nababaliw na yata yun. Kung ano-anong
pinaggagagawa."
Naikwento ko sa kanya yung nangyari kahapon na inagaw ang
pagkaing galing kay Gray. Natawa naman si Mutya sa sinabi ko.
"Magkapatid nga sila ni Drake. Parehong pareho ng
style. Wag ka nang magugulat kapag bigla na lang yan susulpot kung saan
saan." ani Mutya na parang siguradong sigurado sa sinasabi.
"Speaking of the devil..." anito. Napatingin tuloy
ako sa tinitingnan nito.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Andrew na kapapasok
lang ng restaurant at palinga linga ito na parang may hinahanap. Ilang sandali
pa ay nagsalubong ang mga mata namin. Iniba nito ang tingin at dire-diretso
lang sa paglalakad na parang hindi niya ako nakita. Siguro ay may iba itong
sadya dito. Bakit ko nga ba ini-expect na ako ang hinahanap niya. Bahala siya
sa buhay nya.
"Sigurado ka Mutya, wala akong muta o kung anumang
nakasabit sa ilong ko?" tanong ko at inilapit ko ang aking mukha.
"Wala, ikaw naman masyado kang tense." sagot nito
na hindi naman nag-abalang tumingin saken.
Maya maya pa ay bigla na lang sumulpot si Andrew sa harapan
naming dalawa ni Mutya.
"Andito pala kayo, anong merun?" bati nito sa
amin.
Napataas naman ang kilay ko. Kunyari pa siya eh nakita naman
nya kami kanina.
Saglit nya akong tinapunan ng tingin at saka dumiretso ito
sa kanyang pamangkin upang halikan ang bata.
"Wala naman, may date lang itong si Tintin."
Kabanata 40
"Umm.." parang hindi nagulat na tugon ni Andrew.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Mutya.
"May kameeting kami ni kuya." anito at naupo sa
tabi ni baby Kyle.
"Eh bakit naririto ka pa?" nagtatakang tanong ni
Mutya, maging ako ay nagtataka.
"Kaya na ni kuya yun." tipid nitong sagot at abala
sa pakikipagharutan sa pamangkin.
"Nagpunta ka pa." nakataas ang kilay na sabi ni
Mutya at humarap sa akin.
Nagkatinginan na lang kami ni Mutya at pareho kaming nailing
kay Andrew. Pinaikot-ikot pa ni Mutya ang kanyang hintuturo sa tapat ng kanyang
sintido. Sumesenyas ito na parang sinasabing malaki ang topak ng bayaw.
Akala ko ay hindi na talaga ako papansinin ni Andrew ngunit
tumingin ito sa akin.
"Nasan na ang ka-date mo?" tanong nito habang
kinikiliti si Kyle na tawa nang tawa dahil sa kanyang ginagawa.
"Maya-maya lang andito na." si Mutya ang sumagot.
Tumango tango lang si Andrew at malawak ang ngiti nito
habang nakikipagkulitan sa pamangkin.
"Parang bata." sa isip isip ko dahil parang siya
pa itong mas masaya kesa sa pamangkin. Si Kyle ang kinikiliti nya pero parang
siya pa itong mas nakabungisngis.
Nawala ang atensyon ko sa kanilang dalawa nang biglang
nag-vibrate ang aking telepono sa mesa. Nakita ko ang isang hindi pamilyar na
number na nakaflash sa screen. Bahagya akong napakunot-noo nang mabasa ang
nakasulat.
Kristina,
We urgently need you to report to the hospital today. The
Detailed Patient Safety and Care Compliance Report you prepared for the quality
control audit scheduled at 3 PM is missing. Your immediate assistance is
crucial to resolve this issue before the audit.
Please come in as soon as possible today
- Hospital Admin
Bigla akong naalarma sa nabasa. Napaka-importante ng report
na yun pero inayos at sinubmit ko na yung report na yun noong makalawa pa.
Bakit sasabihin nilang wala? Hindi ko rin alam na ngayon ang audit, ganunpaman
hindi naman dapat maging problema yun kung hindi lang nawawala ang report ko.
"Mutya, pasensya na kailangan kong umalis, Nawawala
yung report ko, napaka-importante nito dahil may audit mamaya."
"Paano ang date mo?" nag-aalalang tanong ni Mutya.
"Pwede bang ikaw na lang ang magpaliwanag kay tita
Agatha na may emergency lang talaga."
"Ha?... eh... s-sige." wala nang nagawa si Mutya.
"Paki contact na lang kamo dun sa ka-date ko para wag
na siyang pumunta dito. Nakakahiya naman. Babawi na lang ako sa susunod."
Dali dali akong nagpaalam at umalis ng restaurant na
nag-aalala na sana ay umabot ako bago magsimula ang audit.
"Tin!" narinig ko ang malakas na tawag ni Andrew
mula sa likuran ko.
Saglit ko siyang sinulyapan pero mas nakatuon ako sa mga
dumaraang sasakyan para makakuha agad ng taxi na masasakyan.
"Ihahatid na kita." ani Andrew. Hindi na ako
nagpakipot pa dahil kailangan ko talagang makarating agad sa hospital.
"Hintayin mo ako rito." ani Andrew bago ito
umalis. Ilang sandali pa ay huminto na ang sasakyan nito sa harapan ko at
mabilis akong sumakay at ikinabit agad ang seatbelt.
"Salamat Andrew." bukal sa loob na sambit ko.
"No problem." anito habang tutok sa pagddrive.
"Pwede bang pakibilisan mo?" paki-usap ko sa kanya
dahil nababagalan ako sa patakbo niya.
"Baka naman ma-overspeeding ako. Mas lalo tayong
male-late."
Napabuntong hininga ako. Tama si Andrew, hindi ko lang
talaga magawang hindi mag-alala.
"Hey, relax. Ano bang ikinakatakot mo, eh boyfriend mo
ang may ari-ng hospital." anito.
Nilingon ko siya para pandilatan sana ngunit nakatutok ang
mga mata nito sa kalsada.
Dahil sa sobrang traffic ay inabot din kami ng halos isang
oras sa byahe. Halos patakbo akong pumasok ng hospital, samantalang si Andrew
naman ay kalmado lang na nakasunod sa akin.
Nagtungo agad ako sa admin upang klaruhin kung anong
problema.
Nakakunot ang noo ng empleyadang nakausap ko.
"Walang audit ngayon, next Tuesday pa. Hindi ba sinabi
sa inyo? At saka wala namang akong narereceive notice na may nawawalang
report."
"Eh ano itong text message na nareceived ko?"
ipinakita ko sa aking kausap ang aking cellphone at ipinabasa sa kanya.
"Hindi naman yan number ng admin."
Parang nalaglag ang aking panga sa narinig. Ngumiti ang
empleyada.
"Ay bagong nurse ka nga lang pala rito. Spam lang
siguro yan. Next time tumawag ka muna para maconfirm mo kung valid yan. Saka
automatic na magreregister a cp mo ang pangalan ng hospital natin, hindi yung
ganyang private number lang."
Hindi ko mainitindihan kung matutuwa ako na wala naman
palang problema or mabubwisit ako dahil sa nag-alala ako nang wala naman palang
dahilan. Hindi pa natuloy ang blind date ko.
Nakakainis talaga ang mga prankster at spam na yun. Bakit
nga ba hindi ko naisip na tumawag muna.
Haaay.. beginner's mistake, lesson learned!
Eto namang si Andrew ang tagal tagal na sa hospital ni hindi
man lang ako sinabihan, I'm sure hindi na ito bago sa kanya. Gusto ko tuloy
siyang sisihin kahit hindi naman niya kasalanan.
Nang lingunin ko siya ay nakasandal ito sa pader malapit sa
may pintuan at nakahalukipkip na komportableng komportable sa kanyang pwesto.
Habang stress na stress ako, siya naman ay sobrang aliwalas ng mukha at parang
nagniningning pa ang mga mata.
©️Intëll🍃♋
Kabanata 41
Tintin POV
Kinabukas pagkarating ko sa hospital ay inilagay ko agad ang
aking mga gamit sa locker room at nagdiretso na ako sa nurse station. Parang
kinurot ang puso ko nang matanaw mula sa aking kinatatayuan na magkausap sina
Andrew at Dra. Natalia sa receiving area. Nakita ko pang hinawakan ng babae ang
braso ni Andrew.
"Ang touchy nila ha." sa isip isip ko.
Napa-ismid ako at nagpatuloy sa paglalakad.
May pa-donut pa siyang nalalaman pero lantaran naman kung
paano sila maglandian. Pinagbabawalan nya akong sumama sa ibang lalaki, pero
sila pwedeng maghawakan?
Ang aga-aga parang masisira yata ang araw ko. Kaya inabala
ko na lang ang aking sarili sa pag-aayos ng mga gamot na dadalhin para sa
pasyente. Tsinek ko isa-isa kung kumpleto ang mga gamit ko. Isa-isang
nagsi-datingan ang iba ko pang mga kasamahang nurse.
Pagtunghay ko ay kakaibang ngiti ang ibinato ng mga ito sa
akin. Mga nakahalukipkip pa sila at naniningkit ang mga mata.
"May pa-burger at pa-soda si Dr. Tuazon nung
makalawa..., anong merun ha?" ani Judith.
Ang totoo ay hindi ko rin alam dahil hindi ko pa nakaka-usap
si Gray kaya hindi ko pa naitatanong kung para saan ang pagkain na ipinadala
nito.
"Malay ko." sagot ko. Hindi ko naman talaga alam
eh.
"Magkakilala pala kayo, wala kang binabanggit eh palagi
naman natin siyang pinag-uusapan." pag-uusisa pa nila.
"Diko naman alam na si Dr. Tuazon pala si Gray."
"Wow, first name basis pa. Tapos siya, Honey ang tawag
sayo. Ganun ba talaga kayo kaclose?"
"Baka magselos nyan si Dok Andrew."
Mukhang uulanin pa yata ako ng tanong ng mga ito ah.
"Bakit naman siya magseselos eh siya naman itong
nagpakilala sa amin?" mabilis kong sagot pero sandali akong napa-isip kung
bakit yun ang sinabi ko.
Pwede ko namang sabihin na hindi totoong kami ni Andrew kaya
walang selosang magaganap.
Nang tumunog ang alarm ko hudyat na malapit nang painumin
ang pasyente ay nag-paalam na ako sa kanila. Sa hallway ay nakasalubong ko si
Dr. Gray.
"Good morning Honey." bati agad nito sa akin.
Ginantihan ko siya ng ngiti.
"Good morning dok." bati ko rin.
"Salamat nga pala sa paburger nung isang araw, birthday
nyo ba?" patuloy ko.
Narinig kong napatawa si Gray.
"Nagustuhan mo ba?" tanong nito.
"Ay.., kay dok Andrew nyo po itanong, dahil siya itong
kumain ng burger ko."
"What?"
"Inagaw niya sa akin kaya hindi ko natikman."
pagkukuwento ko.
Kita ko sa mukha ni Gray na napangiwi ang mukha nito.
Natatawang hindi makapaniwala, at parang nag-iisip. Maya maya pa'y ngumiti nang
maaliwalas.
"Sige dok, una nako." paalam ko rito at nilagpasan
ko siya.
"Honey... Wait..." tawag nito sa akin.
Bago pa man ako nakalingon sa kanya ay nasa tabi ko na siya.
"Pwede ba kitang yayain mamayang maglunch?" tanong
nito.
"Po? May trabaho pa kasi ako mamaya eh." tanggi
ko.
"Dyan lang naman sa Osteria restaurant sa tapat ng
hospital, hindi tayo lalayo." pangungumbinsi pa nito.
Napaisip ako sa sinabi niya. Balita ko masarap nga ang mga
pagkain dun pero hindi pa ako nakakapasok sa loob dahil medyo may kamahalan.
Napangiti ako sa alok ni Gray. Mahihiya pa sana ako pero I change my mind
agad-agad. Tutal alam naman niyang malakas akong kumain eh, at saka sayang ang
grasya.
"Sige ba dok, see you mamaya." yun lang at umalis
na ako.
"Itetext kita." narinig ko pang pahabol nito.
Tumango naman ako na sigurado kong nakita niya.
Nang makalayo ito ay si Andrew naman ang nakita kong
papalapit sa akin. Nakakunot ang noo nito. Ano na naman kaya ang problema ng
lalaking toh? Hindi siguro siya nakakiss sa dreamgirl niya ngayong umaga.
"Anong pinag-usapan nyo?" bungad nito sa akin.
Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Siya kaya ang
tanungin ko kung anong pinag-usapan nila ng sweetheart nya. Kesyo aayusin daw
ang relasyon namin pero umagang umaga iba na agad ang kinukumpuni nya.
"Wala ka na dun." inis na sagot ko sa kanya at
tuloy tuloy ako sa paglalakad.
Hinawakan niya ako sa kamay upang pigilan sa paglalakad.
"Ano nga?" ulit nito sa mas mariing boses.
Nilingon ko siya at tingnan sa mata.
"Secret." nakangisi kong sagot.
Mas diniinan pang lalo ni Andrew ang pagkakahawak sa akin.
Kabanata 42
"Tin! Sasabihin mo ba o -"
"May date kami. Oh... okay na? Bitawan mo na 'ko."
tugon ko.
Inigkas ko ang aking braso upang bitawan niya. Lumuwag naman
ang pagkakahawak nito kaya mabilis akong lumayo.
"Hindi kita pinapayagang makipagdate kahit kanino.
Pinalagpas ko lang ang blind date mo kahapon dahil late ko na nalaman. Kung
hindi pa itinawag ni kuya saken-"
"Ah kaya ka pala nandun kahapon? Kunyari ka pang may
kameeting. Stalker ka!" talak ko sa kanya.
"Anong stalker? Boyfriend moko-"
"Boyfriend mo muka mo!" sabi ko at tinalikuran
siya. May boyfriend bang umagang umaga nakikipaglandian sa ex?
"Subukan mong sumama kay Gray.., makikita mo."
pahabol ni Andrew na parang nagbabanta.
"Okay, gusto kong makita yang sinasabi mo."
naghahamon kong tugon at mabilis na naglakad papalayo sa
kanya.
Siya namang dating ni Maricel na humahangos papalapit sa
akin dahil makakasama ko sa siya pagroround.
"Saya mo ah." bati nito.
"Syempre may date ako eh." nilakasan ko pa para
marinig ni Andrew.
"Talaga?" tanong ni Maricel.
"Joke lang" bulong ko sa kanya.
"Sus, akala ko pa naman may date kayo ni dok
Andrew." ingos nito
"Bakit naman kami magde-date nun?" nakanguso kong
tanong.
"Hindi ba talaga kayo? Nung isang araw lang
ipinagkakalat mong kayo na."
"May sapi lang ako nun."
Nang oras ng tanghalian ay nagtungo ako sa locker room upang
kunin ang aking bag. Binuksan ko ang aking cellphone at nabasa ko ang message
ni Gray na magkikita kami sa Osteria restaurant na sinasabi nito.
Habang nagbabasa ay nakareceived muli ako ng text message
mula sa kanya, nasa Osteria na daw ito. Kaya dali-dali akong lumabas.
"Kristina, sabay na tayo." ani Maricel.
"Naku pasensya na, may kausap kasi ako eh. Kailangan ko
siyang puntahan." hingi ko nang paumanhin dito.
"Ah ganun ba? Sige kita na lang mamaya wag ka
magpakalayo baka ma-late ka." anito.
"Dyan lang naman kami sa bagong tayong Italian
restaurant sa tapat.., sa Osteria. Ililibre daw ako ng kaibigan ko. Sige na,
una nako, naghihintay na kaibigan ko eh."
Mabilis akong naglakad papalabas ng hospital. Nagmamadali
ako dahil nahihiya ako na paghintayin si Gray. Kahiya naman, libre na nga ako,
late pa.
Humahangos akong pumasok sa restaurant. Nakita ko agad si
Gray na naka-upo na. Kumaway ito sa akin. Kinawayan ko rin siya at nginitian.
"Pasensya na, pinaghintay yata kita.., bakit kasi ang
aga mo?" wika ko pagka-upong pagka-upo. Natawa naman si Gray sa sinabi ko.
"Wala naman akong ginagawa kaya dumiretso na ako
dito." tugon ni Gray.
Dumating ang waiter at iniabot sa amin ang menu at umorder
na rin agad kami. Nagkwentuhan kami tungkol sa trabaho at mga katrabaho namin
habang naghihintay ang aming inorder. Masayang kausap si Gray. Hindi siya
boring kasama, at ang pinakagusto ko sa lahat at binibili niya lahat ng jokes
ko.
Okay na sanang lahat pero hindi pa man dumarating ang aming
appetizers ay tumunog na ang telepono ni Gray. Saglit siyang nag-excuse sa akin
at sinagot ang tawag. Sinundan ko siya ng tingin at hindi nakawala sa akin mga
mata ang pagbabago ng kanyang reaksyon. Kanina lang ay relax pa ito ngunit
bigla itong naging seryoso at napuno ng pag-aalala ang kanyang mukha.
"Sigurado ka? What's his current statûs?"
Kahit maingay sa loob ng restaurant ay rinig ko pa rin ang
boses ni Gray. Tumingin ito sa akin at tila nag-iisip ng malalim. Ilang saglit
pa ay huminga ito ng malalim at bumalik sa pwesto namin habang hawak pa rin ang
kanyang telepono.
"Pasensya na talaga Honey, kailangang kailangan ko lang
talagang bumalik sa hospital," sabi nito. Hindi mawala wala ang
pagkabahala sa kanyang mukha.
"Yung pasyente ko kasing si Mr. Lopez, kalalabas lang
niya ng ICU, biglang nagkaroon ng complication. Napansin nilang parang may
fluid overload and shortness of breath. Diko basta pwedeng ipagsawalang bahala
yun."
Naunawaan ko naman agad ang sitwasyon.
"Ano ka ba, pareho lang tayong nagtatrabaho sa
hospital, trabaho natin to. Sige na, puntahan mo na siya, baka kung mapaano pa
siya."
"Thanks for understanding. Pasensya na talaga.
Babalitaan na lang kita mamaya kapag okay na."
Bago ito umalis ay tinawag nito ang waiter ay binayaran niya
agad ang mga inorder namin at saka tuluyang umalis.
Kabanata 43
Habang naglalakad siyang palabas ng restaurant ay nakahinga
ako nang maluwag. Kala ko talaga ay ako na ang magbabayad ng inorder namin.
Buti na lang at binayaran niya.
Ilang minuto pa lamang mula nang umalis si Gray,
pinag-iisipian ko kung anong gagawin sa mga inorder nito. Habang nakatingin pa
ako sa appetizers na mukhang hindi ko kayang ubusing mag-isa ay may pumasok sa
loob ng restaurant na napaka-pamilyar na mukha-si Andrew.
Nagapalingalinga ito at alam kong nakita niya agad ako.
Nang makalapit ito sa pwesto ko ay parang nagulat pa ang
kanyang mukha nang makita ako. Late reaction lang?
"Tin, anong ginagawa mo ditong mag-isa?" tanong
nito na parang nagtataka. Mas lumapit pa siya sa akin.
"Ikaw, anong ginagawa mo rito?" ganting tanong ko.
"Merun sana akong ka-meeting dito, pero na-cancel. May
kasama ka ba?"
"Oo si Gray," sagot ko at bahagya akong
napabuntong hininga.
"Kaso kailangan na niyang bumalik agad sa hospital.
Merun daw emergency ang pasyente niya."
"Ah gánun ba? Tutal nándito na rin naman ako, samahan
na lang kita para hindi ka naman mag-isa dyan. Sayang masarap pa naman ang
pagkain dito."
Nag-aalangan man ako ay hinayaan ko na lang siya. Hindi ko
naman pag-aari ang restaurant. Tutal hindi ko rin mauubos ang pagkain.
Dumating ang order ko, ganun din ang inorder ni Gray.
"Kakainin ko na lang yan, sayang naman." presinta
ni Andrew. Mukhang hindi na rin namang darating si Gray kaya hindi ko na siya
pinigilan. Napailing na lang ako habang tinitingnan siyang kumakain.
Nagtataka ako dahil iba na ang reaksyon nito ngayon. Parang
ang ganda ng kanyang mood kahit alam niyang si Gray talaga ang kasama ko.
Samantalang kaninang umaga lang ay pinagbabantaan nya ako na wag sasama kay
Gray. Tapos heto, parang kaming dalawa pa ngayon ang nagde-date. Ang lakas
talaga kay Lord ng lalaking 'to.
Pagkatapos naming kumain, ay bumalik na agad kami sa
ospital. Pagkarating naming dalawa sa hospital ay nakasalubong namin si Gray na
tila nagmamadali at mukhang naïirita. Hindi nakawala sa aking paningin ang
matalim na tingin na ibinato nito kay Andrew na may halong iritasyon. Mabilis
lang yun pero kitang kita ko. Kunyari na lang ay hindi ko yun napansin. May
problema kaya sa hospital?
"Gray!" bati ni Andrew.
Kabaliktaran ni Gray-malawak ang ngiting ibinigay ni Andrew
sa kanya.
"Akalain mo, nagkita kami ng GIRLFRIEND ko..., nang
hindi sinasadya. Parang destiny. Nakakätuwa, hindi ba?" nakangiting saad
ni Andrew.
Nilingon at tiningnan ako ni Gray.
"Okay na problema ng pasyente ko." anito sa
mababang tono.
"Normal ang naging resulta ng ABG test niya. Wala
palang dapat ikabahala." patuloy nito.
Nginitian ko naman siya bilang pahiwatig na natutuwa ako na
wala palang masamang nangyari.
Muling binalingan ni Gray si Andrew.
"Mabuti at nagkita kayo, What a COINCIDENCE!" ani
Gray sa kaibigan pero halata ang pagkairita sa kanyang boses nang humarap ito
kay Andrew.
Napansin kong nagbatuhan ng tingin ang dalawa at sa
sandaling yun ay parang nag-uusap ang kanilang mga mata. Parang may tensyon sa
hangin na tila napakabigat pero hindi ko naman nauunawaan. Marahil ay may
problema talaga.., na silang mga doktor lamang ang nakakaalam. May mga ganito
kasing pangyayari na sila sila lang mga doktor ang nakakaalam, at kaming mga
nurse naman ay huli palagi sa balita.
Hindi na ako nagpaalam sa dalawa tutal may sariling mundo na
sila, naa- out of place lang ako. Feeling ko tuloy, ako ang third wheel sa
aming tatlo. Hindi ko na alam kung ano ang kanilang pinag-uusapan dahil
nilayasan ko na sila.
Sinalubong naman ako ng ni Maricel na ngayon ay nakalapit na
sa akin.
"Huy, nakita ka ba ni dok Andrew? Tinatanong kasi niya
kung saan ka naglunch kaya sabi ko nagpunta kayo ng kaibigan mo dyan sa
Osteria." anito.
Kunot noo akong napatingin kay Maricel. Nilingon ko ulit ang
dalawang doktor. Parang ngayon lang yata nila namalayan na nakalayo na ako at
mukhang nagulat pa sila na wala na ako sa tabi nila. Sabay pa nga silang
napatingin sa akin bago ako tumalikod at sumabay kay Maricel pabalik sa duty
namin.
©️Intëll🍃♋
Kabanata 44
Andrew POV
"Alam kong hindi ka interesado kay Tintin but I'm just
letting you know, mom set up a blind date for her, and she's here at the
restaurant."
Napabalikwas ako sa kama ng marinig ang sinabi ni kuya
Drake. Wala akong pasok ngayon at minabuti kong magpahinga ngayon dahil ilang
araw na rin akong halos walang tulog dahil sa trabaho sa hospital at mga
business meeting na kailangang daluhan.
"Damn it!"
Napapamura ako habang nagmamadaling nagbihis. Talagang
tinotoo ni mommy ang sinabi nito kay Tintin.
Ito namang si Tintin talagang pumunta pa. Binalaan ko na
siyang hindi siya pwedeng magpaligaw o makipagkita sa ibang lalaki. Inuubos nya
talaga ang pasensya ko!
Halos paliparin ko ang sasakyan para makarating agad sa
address na sinabi ni kuya Drake. Kapag nakita kong nakikipag blind date siya ay
hihilahin ko talaga siya palabas ng restaurant na yun. Wag niyang sabihing
hindi ko siya binalaan.
Matapos kong i-park ang sasakyan ay nagmamadali kong tinahak
ang loob ng restaurant. Sila agad ni Mutya ang nakita ko. Mukhang hindi pa
dumarating ang blind date nito. Lihim akong nagdiwang. Pinakalma ko ang aking
sarili. Naglakad ako nang normal, na kunwari ay hindi ko sila nakita.
Nilagpasan ko sila at nagtungo ako sa restroom. Natawa ako sa aking sarili
dahil nagmamadali akong nagpunta rito sa restaurant ng walang kaplano-plano.
Ang balak ko lang ay hilahin si Tintin palabas ng restaurant wag lang matuloy
ang lintik na blind date na yun, pero nadatnan ko sila ni Mutya na nagtatawanan
kaya napadiretso na lang ako dito sa loob ng restroom.
Paglabas ko ay nakasalubong ko ang isang waiter na muntik ko
na nang makabangga. Bigla akong may naisip. Tinawag ko ang waiter at kinausap.
"Babayaran kita ng 10,000 pesos. All you have to do is
just send a text message."
Nanlaki ang mga mata ng waiter at agad na pumayag.
Itinayp ko agad ang fake message na kunyari ay galing sa
admin ng hospital na sinasabing nawawala ang report nya at kailangang kailangan
ito ngayon dahil may surprise audit.
"Isesend mo lang yan sa number na to." saad ko.
Ibinigay ko ang number ni Tintin sa waiter.
"Yun lang po ba sir?" tanong ng binatilyong
waiter.
"Yun lang, pero siguraduhin mong isesend mo yan 5
minutes after kong lumapit sa table na yun."
Itinuro ko sa kanya ang pwesto nina Mutya at Tintin.
Sinundan naman yun ng waiter ng tingin.
"Areglado boss. Yun lang pala, yakang yaka."
malawak ang ngiting ibinigay ng waiter.
Binayaran ko muna ito ng 5,000.
"Kapag nagawa mo ng tama, saka ko ibibigay ang
natitirang 5000"
"Copy sir." anito.
Iniwan ko na ito at nagtungo ako kina Tintin. Nagkunwari pa
akong nagulat na nakita sila at nang tanungin kung anong ginagawa ko rito ay
sinabi kong kasali dapat ako sa business meeting ni kuya Drake. Ngayon pa lang
ay natatawa na ako na hindi matutuloy ang blind date ni Tintin. Hindi ko
mapigilang matawa kaya nagkunwari na lang akong kinikiliti si baby Kyle at
nakikipagtawanan dito.
Kitang kita ko ang pag-aalala ni Tintin nang mabasa ang text
message na nareceived. Nang mapalingon ako sa direksyon ng binatilyong waiter
ay sumenyas ito ng thumbs up at ngiting ngiti. Nagmamadaling nagpaalam si
Tintin kay Mutya upang magpunta sa hospital kaya sinundan ko siya. Nang
madaanan ko ang waiter ay pasimple kong iniabot ang pahuling bayad na 5,000.
Worth it ang halagang ibinayad ko dahil hindi natuloy ang blind date na
sinet-up ni mommy.
Kinabukasan maaga akong pumasok sa trabaho. Una kong
ginagawa sa aking routine ay binabasa ang medical reports ng mga pasyenteng
nasa listahan ko sa opisina. Nang matapos ay lumabas muna ako para bumili ng
kape sa coffee shop malapit sa hospital. Agad din naman akong bumalik.
Nakasalubong ko si Natalia sa lobby na nakangiti na agad sa akin.
"Good morning Andrew!"
"Good morning." kaswal kong sagot. Lalagpasan ko
na sana siya nang hawakan niya ako sa braso para pigilan.
"Wait." pigil nito sa akin kaya huminto ako at
hinarap siya.
"Malapit na ang high school reunion natin, pupunta ka
ba?" tanong nito sa akin.
High School classmate ko si Natalia at dun kami unang
nagkakilala. Transferee siya nung mga graduating na kami, at naging kami lang
nung college.
"I'm not sure." tugon ko. Hindi naman ako
uma-attend ng mga reunion. Masyado akong busy at wala na akong time para sa mga
ganung event.
"I Hope you can join the reunion, everyone's really
looking forward to seeing you there." tumingin siya sa akin at may
pagsusumamo sa mga mata nito.
"Pag-iisipan ko, pero hindi ako nangangako." tugon
ko. Umaliwalas naman ang mukha nito.
"Kapag hindi ka nagpunta, siguradong ako ang kukulitin
nila at tatanungin kung nasaan ka. Alam kasi nilang magkatrabaho tayo at naging
tayo." anito at matamis na ngumiti.
Sa isang sulok ng mata ko ay parang natanaw ko si Tintin.
Binalingan ko si Natalia.
"Titingnan ko muna schedule ko. Kung pupunta man ako,
isasama ko ang girlfriend ko." yun lang at nagpaalam na ako.
Nagmamadali akong naglakad para sundan si Tintin dahil
parang nakita ko talaga siya.
Tinumbok ko ang daan patungo sa nurse station at siguradong
dun lang siya pupunta. Hindi nga ako nagkamali. Malayo pa lang ay natanaw ko na
agad siya pero kausap nito si Gray.
"Itetext kita!" narinig kong isinigaw ni Gray
habang papalayo si Tintin na nakapag painit ng aking dugo. Mas lalo pa akong
nainis nang tumango pa itong si Tintin.
Kabanata 45
"Anong pinag-usapan nyo?" agad ko siyang tinanong
ngunit pinagtaasan lang nya ako ng kilay.
Ayaw niyang sabihin sa akin kung anong pinag-usapan nila
ngunit narinig kong sinabi nito kay nurse Maricel na may date daw ito. Kung
wala lang ako sa hospital ay baka nagwala na ako sa galit dahil ilang beses ko
nang sinabi kay Gray na girlfriend ko si Tintin pero panay pa rin ang bantay
salakay nito. Ipinilig ko ang aking ulo. Magde-date kamo sila? Yun ay kung
papayagan kong matuloy.
Humanap ako ng tiyempo na makausap si nurse Maricel upang
tanungin kung saan pupunta si Tintin. Agad namang sinabi ni Maricel na nasa
Osteria Restaurant na daw si Tintin.
Alam kong kalalabas lang ng ICU ng pasyente ni Gray.
Nagkaroon ito ng slight shortness of breath kagabi, pero bumuti rin naman agad.
Nag-text ako kay Dr. Carl, isang resident doctor na naka-duty kagabi.
"Dr. Carl, mukhang bumalik ang shortness of breath ni
Mr. Lopez sa Room 203. Baka kailangang ipa-ABG (Arterial Blood Gas) test and
let Dr. Tuazon knows about it. Huwag nyong balewalain baka may fluid overload
na."
Ilang sandali pa ay tanaw ko nang nagmamadali si Gray
papasok ng hospital, saka ko naman pinuntahan si Tintin sa Osteria.
Kagaya nang gusto kong mangyari ay hindi natuloy ang date
nila ni Gray. Bonus pa na kami ni Tintin ang magkasamang kumakain ngayon.
Nang hapon ding yun ay hinintay ko ang paglabas ni Tintin.
"Ihahatid na kita Tin." saad ko habang naglalakad
na kami sa labas ng hospital.
"Salamat na lang." malamig na anito.
"Bakit sa iba sumasama ka, pero sa akin ayaw mo eh ako
naman itong boyfriend mo? Isang yaya lang sayo ni Gray, umoo ka na agad"
Pinagtaasan lang ako ng kilay ni Tintin.
"At sino namang yayayain ko, ikaw? Nung huli kitang
niyaya anong ginawa mo? Sinira mo lang ang date nating dalawa. Bukod sa isinama
mo lang naman ang buong hospital, sa karinderya mo lang ako dinala. Samantalang
si Gray sa Osteria pa nanlibre." panunumbat ni Tintin.
Hindi agad ako nakasagot dahil guilty naman talaga ako.
Tinalikuran ako ni Tintin at muli itong naglakad.
"Babawi ako!" malakas na sabi ko. Tuloy tuloy lang
si Tintin sa paglalakad.
"Bukas.., kumain ulit tayo sa Osteria!" halos
pasigaw kong sabi dahil mabilis itong nakalayo sa akin.
Nakita kong huminto si Tintin sa paglalakad. Marahan itong
lumingon sa akin. Naniningkit ang mga mata nito at parang pinag-aaralan kung
seryoso ba talaga ako.
"Bukas dun ulit tayo maglunch!" malakas kong sabi
para marinig niya.
Tumalikod lang si Tintin at nagpatuloy sa paglalakad.
Sumakay ito sa nakaparadang jeep.
"Ano Tin?" pahabol kong tanong.
"Oo na!!!" malakas nitong tugon bago tuluyang
umalis ang jeep na sinasakyan.
"YES!" sigaw ng utak ko.
Kinabukasan ay hindi ko mahagilap si Tintin. Hindi ko naman
siya mapuntahan sa ward nito dahil busy rin ako sa ngayon. Nagtext na lang ako
sa kanya.
To Tintin:
Tuloy ba tayo sa lunch date natin?
After 10 minutes ay nakareceived ako ng sagot mula kay
Tintin.
Fom Tintin:
Oo nga!!!
Hindi ko mapigilang mapangiti. Kunyari pa siyang galit,
sasama din pala. Mga babae nga naman.
12:23 PM nang makareceived ako ng text message mula kay
Tintin. Nasa Osteria na daw ito. Akala ko pa naman ay sabay kaming pupunta dun.
Mabuti na lang at hindi na ako busy kaya nagmamadali akong nagtungo sa
restaurant.
Pagpasok ko sa restaurant ay kapansin pansing mas maraming
tao ngayon kesa kahapon. Pansin ko lang na karamihan ay parang mga taga
hospital ang mga kumakain dito ngayon.
Nagulat ako ng biglang may pumutok na birthday confetti sa
harapan ko. Biglang nagkantahan ang mga tao.
Happy Birthday FELIX
Happy Birthday FELIX
Happy Birthday, Happy Birthday
Happy Birthday FELIX
Nagtataka ako kung bakit parang sa akin sila lahat
nakatingin habang kumakanta.
"Dok happy birthday po sa alaga nyo, animal lover din
po pala kayo." wika ni nurse Beth. Nagtataka naman akong napatingin sa
kanya.
"Sabi po ni Kristina, birthday daw ng alaga nyo ngayon
kaya iti-treat nyo kami dito." ani nurse Liezel na ngiting ngiti.
Sunod sunod na bumati at nagpasalamat ang iba pang mga
nurses. Alinlangan akong tumango at ngumiti. Nagsi-upuan na ang mga ito at
nagpatuloy sa pagkain.
Hinanap ng mga mata ko si Tintin. Nakita ko ito sa isang
lamesa katabi ang iba pang nurses, bising busy ito sa pagkain. Hindi ako
makapaniwala sa kanya. Abalang abala ito sa pagnguya na parang walang ginawang
kalokohan. Napailing at napatawa ako ng labas sa ilong.
Nilapitan ko siya, at nang papalapit na ako ay napatingin
ito sa akin. Kumaway at ngumiti pa ito ng maluwang.
"Dok!" anito habang walang puknat ang
pagkakangiti.
Napabuntong hininga ako at lumapit sa kanya.
"Dok, thank you sa treat ha." anito. Hindi talaga
ako makapaniwala na parang wala lang dito ang kanyang ginawa.
"Ikaw ba ang nagpapunta sa kanila dito?" pabulong
kong tanong para kaming dalawa lang ang magkarinigan.
Tumigil si Tintin sa pagnguya at saka uminom.
"Nung yayain kitang magdate, hindi bat isinama mo halos
lahat ng mga empleyado ng hospital? Baka naman sabihin mong hindi ako fair..,
kaya isinama ko rin sila. Pasensya ka na dok, konti lang ang nakarating
eh." nakangiting sabi nito na nagpapa-cute pa.
"At sinong Felix naman yung sinasabi nilang alaga ko
raw?" usisa ko.
Malawak ang ngiting ibinigay ni Tintin sa akin.
"Si Felix.., Felix bak- Felix the Cat"
Kabanata 46
Tintin POV
Maliit na maleta ang dala ko na itinago ko muna sa loob ng
locker room. Ngayon kasi bibista ang buong pamilya Rufino sa Liliw Laguna. Eto
yung ipinangako sa akin ni donya Agatha na isasama niya ako. Limang araw na
vacation leave ang ipinaalam ko sa hospital.
Eto rin yung sinasabi ni donya Agatha na ipakikilala niya
daw ako sa kakilala nitong haciendero sa susunod na bibisita sila sa Laguna,
alam ko namang nagbibiro lang siya. Sumama ako hindi naman dahil dun- kundi sa
pangungulit ni Mutya dahil maganda raw sa farm ng mga Rufino at gusto niyang
makita ko ito.
Dito nila ako sa hospital dadaanan pagkatapos ng shift ko.
Hapon na kami magbi-biyahe dahil ganun din naman ang asawa nitong si Drake na
hapon na rin makakalabas ng trabaho. Sa locker room na rin ako nagpalit ng
damit. Summer sando at shorts lang ang aking isinuot para komportable ako sa
byahe. Naka tsinelas lang din ako dahil pagdating nina Mutya ay didiretso na
agad ako sa sasakyan nila.
Maya maya pa ay nakareceived na ako ng text message mula kay
Mutya.
From Mutya:
Bes, kay Andrew ka na lang sumabay. Sobrang traffic papunta
dyan.
Hindi ko pa naibababa ang cellphone ay nakita ko na agad si
Andrew sa harapan ng locker room.
"Ready ka na?" tanong nito.
Tiningnan at pinagmasdan ko siya. Pormal pa rin ang suot
nito at mukhang walang balak magpalit ng damit. Samantalang ako naman ay
mukhang nakapambahay lang.
Nang tumayo ako ay pinasadahan niya ako ng tingin.
"Ganyan suot mo?" anito. Hindi maipinta ang mukha.
"Dapat ba naka-gown?" sarkastiko kong tanong.
"Magpalit ka:" anito
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Humakbang ako at
hinila ang maleta papalapit sa kanya.
"Tara na." yaya ko sa kanya.
"Ang sabi ko, magpalit ka!" ulit ni Andrew sa mas
mariing tono.
"Ikaw tong dapat magpalit. Pupunta tayo sa farm pero
naka formal ka. Bakit, magfa-fine dining ba kayo ng mga kambing nyo?"
sarkastiko kong sabi dito ngunit parang hindi naman niya ako narinig.
"Ang ikli ng shorts mo." anito nang nakakunot ang
noo.
Kinunutan ko din siya ng noo. Ano namang problema niya sa
shorts ko, eh lagi naman niya akong nakikitang ganito dati pa kapag nasa bahay
ako nina Mutya. Butas butas pa nga minsan ang sando na suot ko na
pinagtatawanan lang niya.
"Lagi namang ganito suot ko sa bahay ah. Para ka namang
bago nang bago."
Lalagpasan ko sana siya pero pinigilan niya ako sa braso.
"Sa bahay yun. Maraming lalaki dyan sa labas."
anito.
"Sino? Yung mga naka-swero?" natatawa kong
tanong....
....pero indi siya natawa. Sa halip ay binigyan nya ako ng
isang matalim ng tingin.
"Oo na, sige na." sabi ko na lang para tumigil na
siya.
Pagkasabi ko nun ay binitiwan na niya ako. Sinamantala ko
naman yun at mabilis akong tumakbo papalabas ng locker room. Tinatamad na akong
magpalit ng damit at hindi niya ako basta pwedeng utos-utusan kung hindi naman
tungkol sa trabaho.
"Tin!" sigaw nito.
Hindi ko siya pinansin. Dun ko na lang siya hihintayin sa
sasakyan niya sa may parking lot.
"Tin, bumalik ka rito!" galit na sabi nito. Tuloy
lang ako sa pagtakbo habang hila hila ko ang aking maleta.
Habang tumatakbo ako sa may hallway ay nadaanan ko pa si
Dra. Natalia na kalalabas lang sa silid ng mga pasyente kasama ang tatlong
nurses na kakilala ko.
Kita ko sa mukha nila ang pagtataka nang makita akong
humahangos.
"Napano ka Kristina?" tanong ng isa sa kanila.
Huminto ako dahil nakalayo naman na ako kay Andrew.
"Wala.., may humahabol kasi saken na kapre."
natatawa kong sabi habang habol ang aking hininga.
"Tin!!!"
Sabay sabay kaming napalingon nang marinig ang malakas na
boses ni Andrew. Nanlaki ang mga mata ko dahil akala ko ay nakalayo na ako sa
kanya. Malay ko bang hahabulin niya ako. Hindi nga ito tumatakbo pero mabilis
at malalaki naman ang mga hakbang nito.
Hindi ko na magawang tumakbo dahil nasa harapan ko si Dra.
Natalia. All of a sudden ay parang hindi ko magawang kumilos nang magaspang sa
harapan ng sosyal na girlfriend ni Andrew.
Mabilis na nakalapit si Andrew sa amin. Tinapunan niya akong
matalim na tingin at hinawakan niya agad nang mahigpit ang aking braso at
inagaw ang maletang hawak ko.
"Excuse us." anito sa mga babaeng kaharap bago ako
hinila papalayo. Napasunod na lang ako ng maglakad ito dahil ayaw niya akong
bitawan kahit pa anong gawin kong pagkabig sa aking braso. Binitiwan lang nya
ako nang makarating kami sa bukana ng locker room.
"Magpalit ka na." anito
"Ayoko!"
Wala kasi akong makitang dahilan kung bakit kailangan kong
makinig sa kanya. Basta ang alam ko ay walang masama sa suot ko, at kung may
mali man, wala siyang karapatan na pakialaman ako.
Kabanata 47
"Magpapalit ka ba o gusto mong ako pa ang magbibihis
sayo?" malakas at mariing sabi nito. Halatang nagtitimpi ng galit.
"Sige.. try mo kung kaya mo!"
Mataray kong sagot habang tinititigan siya nang mapanghamon.
Naningkit ang mga mata nitong tumingin sa akin.
Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinawakan ang aking
beywang at parang hihilahin pa nito pataas ang aking sando. Aba't mukhang
tototohanin nga nito ang banta niya.
Pinigilan ko siya at pilit kong ibinababa ang laylayan ng
aking sando na itinataas naman nito. Tumatama pa ang kanyang mga daliri sa
aking tadyang kung saan malakas ang aking kiliti. Hindi ko na mapigilang
magtatawa kahit nalinis ako sa kanya.
"Hahaha... Aray.., Aray- wag dyan - nakikiliti
ako!"
namimilipit ako sa pagtawa habang nagpapangbuno at nag
-aagawan kami sa laylayan ng sando ko.
"Ehum..."
Sabay kaming natigilan ng marinig ang boses ng taong
tumikhim. Nang lingunin namin ang boses ay noon pa lang namin namalayan na
hindi lang pala kami ang tao sa loob ng locker room. Nasa loob ang mga nurses
na naghahanda na para sa night shift. Nagkukumpulan sila sa sulok na nasa
kabilang side kaya hindi namin sila napansin. Pinamulahan ako ng mukha at para
akong matutunaw sa sobrang kahihiyan.
Nang mapatingin akong muli kay Andrew ay nakatingin lang ito
sa akin.
"Go change, I'll wait outside." anito. Binitiwan
nito ang aking maleta at agad na tumalikod.
Napayuko ako at hindi kayang salubungin ang tingin ng mga
nurses na nasa loob.
"Ang landi mo!"
Mahinang tili ni nurse Sarah na nakalapit na agad sa akin at
kinalogkalog pa ang aking balikat. Nagtilian din ang iba pang mga nurse na
waring kilig na kilig dahil sa nasaksihan. Hinihintay lang pala ng mga ito na
makaalis si Andrew bago sila magreact.
"Ang lagkit..," tudyo pa ng isa.
"Ang wild ni dok ha. Walang pinipiling oras at lugar.'
Kung ano ano pa ang aking mga narinig na panunukso mula sa
kanila. Hindi ko na rin mapigilang matawa kahit nahihiya ako sa nangyari.
Hanggang sa matapos akong magbihis ay hindi ako tinantanan ng mga nurses sa
loob.
Nang lumabas ako ng locker room ay naabutan ko si Andrew na
naghihintay lang sa labas. Pinasadahan nya ako ng tingin.
"Happy?" nakasimangot kong sabi.
Hindi na ito nagreklamo nang makitang lampas tuhod ang
simpleng white summer dress na suot ko. Ayan, mukha na tuloy kaming magsisimba
nito.
"Let's go." anito at kinuha niya sa akin ang
maleta.
Nagdiretso kami sa kanyang sasakyan at tuloy tuloy na sa
biyahe. Hindi ko siya iniimikan upang ipakita na hindi ako natutuwa sa ginawa
niya.
Inis na tinawagan ko si Mutya para awayin. Sinagot naman
nito agad ang tawag ko. Naka-loud speaker ang usapan namin. Wala naman akong
paki kahit marinig pa ni Andrew. Mabuti na nga yun para marinig niya, baka
isipin pa kasi nito na patay na patay pa rin ako sa kanya at pinlano ko na
makasabay siya sa byahe.
"Kainis ka, sabi mo susunduin nyo ako." bungad ko
kay Mutya.
"Traffic nga kasi. Baka abutin kami ng gabi bago pa
makarating dyan sa hospital nyo. Eh anong oras pa tayo makakarating ng Laguna?
Kawawa naman ang mga babies ko." boses ni Mutya.
Napabuntong hininga ako, ginamit pa talaga ang mga anak nya.
"Nandyan naman si Andrew, magaling yan magdrive."
ani Mutya.
"Kung alam ko lang na siya ang makakasama ko sa biyahe,
hindi na lang sana ako umoo kay tita."
Ipinarinig ko talaga yun kay Andrew, pero tutok lang ito sa
pagda-drive at parang walang naririnig.
Nagpaalam na lang ako kay Mutya. Wala na rin naman akong
magagawa dahil narito na ako. Panalangin ko na lang na sana ay hindi ako
mapa-utot sa byahe. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at hindi ko na
namalayang nakatulog na pala ako.
Medyo madilim na nang maalimpungatan ako. Nasa byahe pa rin
kami. Tiningan ko ang aking relo at mahigit isang oras na rin pala kami sa
byahe. Nakatuon lang sa kalsada ang paningin ni Andrew. Tumingin ako sa labas
at naaliw ako sa tanawin. Ang ganda dito, parang napakapresko sa labas.
Pakiramdam ko ay paakyat kami ng paakyat sa napakataas na lugar. Ganitong
ganito rin nung minsan na isinama ako nina Mutya sa Antipolo para puntahan ang
napakagandang bahay bakasyunan ng mga Rufino.
Habang tumatagal ay napapansin kong parang walang tigil yata
ang pagtaas ng daan na animoy nasa bulubunduking lugar. Inilapit ko pa ang
aking mukha sa bintana.
Sandali! Parang Antipolo naman ito eh.
Hindi pa ako nakakarating ng Liliw pero malakas ang kutob
kong Antipolo ang lugar na ito. Naguguluhan kong tiningnan si Andrew.
"Andrew.." tawag ko dito.
Alam kong dinig niya ako pero hindi ito tumutugon.
"Bakit parang Antipolo itong lugar na to?"
nakatingin ako sa gilid ng kanyang mukha.
Kabanata 48
Hindi pa rin siya sumasagot.
"Hoy!!! Sabi ko, bakit parang Antipolo ito?!?!"
malakas kong sabi.
Saglit itong sumulyap sa akin at nakita ko ang makahulugan
nitong pagngiti.
"Hindi ko alam na mabilis ka palang makatanda ng
daan." anito.
"Anong- nasa Antipolo nga tayo?" gulat kong tanong
at napatingin akong muli sa bintana at nagpalinga linga sa labas. Binalingan
kong muli si Andrew.
"Bakit tayo nandito, hindi ba't sa Liliw tayo
pupunta?" nagtataka kong tanong.
Unti-unting humina ang patakbo ni Andrew ng sasakyan at
inihinto niya sa gilid ng kalsada.
Tumingin ito sa akin at saka ngumisi.
"Bakit naman kita dun dadalhin, kung ipapakilala ka ni
mommy sa iba? Ano ako tanga?"
Hindi ako makapaniwala sa narinig mula kay Andrew.
"Bumalik na tayo! Kung ayaw mo, uuwi na lang akong
mag-isa." singhal ko sa kanya.
Humarap sa akin si Andrew na nakakaloko pa rin ang ngiti.
"Gabi na..., wala ka nang masasakyan. No choice ka
kundi samahan ako buong gabi" anito.
Gumapang ang kilabot sa buong katawan ko nang hagurin ni
Andrew ang kabuuan ko. Napa-cross ang mga braso ko sa tapat ng aking dibdib.
"Anong binabalak mo? Pagsasamantalahan mo ba
ako?!?!" kinakabahan kong tanong.
Panong hindi ako matatakot eh parang manyakis makatingin
itong si Andrew. Na sa halip sagutin ang tanong ko ay nakakaloko pa itong
tumawa.
"Andrew, bababa na talaga ako!" pagbabanta ko
ngunit nakatingin lang ito sa akin at tinitigan pa ako sa labi. Kaya tinakpan
ko ang aking bibig. Sinubukan kong buksan ang pintuan pero naka-lock ito,
ganunpaman ay pinipilit ko pa rin itong buksan.
Narinig ko na naman ang pagtawa ni Andrew na
nakapagpakilabot lalo sa akin. Nilingon ko siya at nakita kong kampante lang
itong pinapanood ako habang nakapatong ang braso nito sa manibela
"Isusumbong kita kay tito, sasabihin ko kinidnap
mo'ko!" banta ko dahil alam kong takot ito kay don Antonio.
"Sure! Tapos makakarating sa mga magulang mo..., at
pag-uwi natin siguradong Mrs. Rufino ka na kinabukasan. Uunahin nga lang nating
ang pulo't gata ngayong gabi." nakangisi nitong sabi kaya nanlaki ang
aking mga mata na nakatingin sa kanya.
Hindi ko alam kung nagbibiro o seryoso ba si Andrew sa mga
sinasabi nito, pero kinakabahan ako nang sobra. Kahit naman may pagtingin ako
kay Andrew, ni hindi ko iniisip na ipag-alukan ang aking katawan sa kama para
lang magustuhan niya. Mas gusto ko pa ring humarap sa altar na buo ang aking
pågkababae.......
pero bakit ganito kumilos si Andrew ngayon? Anong nangyayari
sa kanya, sinapian ba siya ng masamang espiritu?
Ngingiti-ngiting ibinaling muli ni Andrew ang atensyon sa
manibela. Inistart nito ang sasakyan pero hindi yun gumana. Ilang beses pa
nitong sinubukan i-start pero bigo ito. Nakita ko ang unti unting pagkabahala
sa mukha nito at narinig ko na lang na napamura ito.
"Sh*t!!!" anito at hinampas pa ang manibela.
Namilog ang aking mga mata at bibig nang marealized kong
nasiraan pa pala kami. Dinukot ko ang aking cellphone sa loob ng aking bag
upang tawagan si Mutya at sabihin kung anong nangyayari. Magpapasundo ako sa
kanila o kaya tatawag ako ng taxi, uber o kung anumang pwede kong sakyan para
makalayo sa lugar na ito.
Hindi ko napaghandaan nang bigla na lang hablutin ni Andrew
ang aking cellphone.
"Akina na yan!" galit kong sabi at inagaw sa kanya
yun ngunit hindi niya ito ibinigay bagkus ay pinatay pa nito ang cellphone ko.
Mas lalo pa akong nagulat ng makita kong isinuksok niya ito sa loob ng kanyang
pantalon-ay hindi-sa loob ng kanyang underwear. Napanganga ako sa kanyang
ginawa.
"Sira-ulo ka ba?" singhal ko sa kanya.
Tumingin at ngumiti lang ito sa akin ng nakakaloko.
Bumuka ang mga braso nito at ipinatong ang kaliwang siko sa
manibela, samantalang ang kanan siko nito ay ipinatong sa sadalan ng kanyang
inuupuan.
"Oh-kunin mo kung gusto mo." anito na nakangisi.
Mukhang gumaganti ito nung iblackmail ko siya sa picture
nyang nakapalda, noong isinuksok ko sa aking bra ang cellphone ko para hindi
niya makuha.
"Nababaliw ka na Andrew, hindi ka naman ganyan ah!
Bakit para kang may sapi dyan?"
Crush na crush ko si Andrew dahil Mr. Nice Guy siya sa
paningin ko. Mala anghel ito sa kabaitan kaya lahat ng tao ay gusto at kasundo
siya, pero bakit ibang iba ang Andrew na kaharap ko ngayon?
Napawi ang ngiti ni Andrew at tinitigan ako.
"Mukhang hindi ka yata masyadong na-orient ni Mutya
kaya hindi mo pa talaga ako kilala. Hindi niya yata nasabi sayo kung sino
talaga ako."
Pagkatapos nitong magsalita ay ngumisi na naman ito.
Pagkuway binuksan ang pinto ng sasakyan saka bumaba-at naiwan akong nakatanga.
Kabanata 49
Tintin POV
Kanina pa nakababa ng sasakyan ang baliw na si Andrew at
naririto pa rin ako sa loob. Madilim na sa labas at saktong sa liblib at
madilim na lugar pa nasira ang sasakyan nito. Ayokong lumabas dahil baka
hilahin pa niya ako sa kakahuyan at pagsamatalahan ang pinagkakaingat-ingatan
kong puri.
"Ay!" napasigaw ako ng bumukas ang pintuan sa
gilid ko.
Binuksan pala ito ni Andrew at yumukod sa harapan ko.
"Hindi ka ba bababa dyan?" tanong nito.
Lumapit pang lalo ang mukha nito sa akin na parang hahalikan
na niya ako. Medyo napa-usod ako para ilayo ang aking mukha.
"Dito lang ako."
"Bahala ka, baka mamaya pasukin ka ng mga lasing na
mapadaan dito." anito at tumalikod.
Kinabahan naman ako sa sinabi niya kaya dali dali akong
bumaba at sumunod sa kanya.
Nagpalinga-linga ako sa paligid, sobrang dilim na talaga.
Ang daming puno at sobrang taas ng mga damo sa paligid. Pwedeng pwede akong
hilahin ni Andrew sa damuhan at pagsamantalahan nang walang kahirap hirap.
Dyos ko day! Never kong naimagine na sa ganitong lugar
mawawala ang virginity ko. Napa-igtad ako ng bigla akong hawakan ni Andrew sa
pupulsuhan.
"Wag Andrew! Ayoko dito! Pwede bang kahit sa kotse na
lang natin gawin, mas malambot dun." pagsusumamo ko sa kanya.
"Anong pinagsasabi mo dyan? Diko kayang matulog
magdamag sa kotse, siguradong may makikita tayong paupahan dito." anitong
naglalakad.
"A- eh.." naumid ako dahil para akong napahiya sa
sarili dahil sa iniisip ko. Tumigil si Andrew sa paglalakad at humarap sa akin.
"Bakit? Ano bang iniisip mo na gagawin natin?"
pilyo ang ngiti na ibinato nito sa akin.
Naglumikot ang aking mga mata at nagpatuloy sa paglalakad
upang lagpasan siya.
"San naman tayo makakakita ng paupahan dito eh bundok
ito?" pag-iiba ko. Narinig kong natawa si Andrew.
"Merun siguro dyan. Nagkataon lang na nasiraan tayo sa
bakanteng lugar." anito.
"Tumawag ka na lang kaya ng taxi. May cellphone ka
naman."
"Walang signal. Remember highland dito."
Napabuntong hininga na lang ako.
"Sandali." Tumakbo ako pabalik sa sasakyan.
"San ka pupunta?" takang tanong ni Andrew.
"Kukunin ko maleta ko!" sagot ko habang tumatakbo.
Sumunod si Andrew at kinuha rin nito ang isang maliit na gym
bag. Inagaw ni Andrew ang maleta ko para siya na ang humila nito at ipinatong
dito ang kanyang gym bag.
Nagsimula na ulit kaming naglakad lakad. Hahawakan sana niya
ako sa kamay pero umiwas ako. Napailing na Jang ito at tuloy tuloy lang sa
paglalakad.
Medyo malayo pa kami sa poste ng ilaw kaya liwanag lang ng
buwan ang nagsisilbi namin ilaw. Dahil hindi masyadong maliwanag ay hindi ko
napansin ang bato sa aking daraanan. Natisod ako at nadapa sa kalsada. Para
akong palaka na sumalampak sa kalsada. Dali daling lumapit sa akin si Andrew at
tinulungan akong tumayo.
Hiyang hiya ako dahil sa nangyari. Nakakasira kasi ng poise.
Bakit kasi sa harapan pa ni Andrew ako nadapa.
"Bakit kasi ayaw mo humawak sa akin." anito na
parang sinisisi pa ako.
"Ayoko nga, baka mamaya tigasan ka pa. Kung ano pang
magawa mo saken." tugon ko habang pinapagpagan ang mga tuhod ko.
Tumawa naman ng malakas si Andrew.
"Ibig mong sabihin... Sëx?"
"Bastos ka!" tinakpan ko ang aking teynga.
Nakakatawa naman kasi yun kung babae ang kabiruan ko.
Ngayon ko lang narealized na iba pala sa pakiramdam kapag
yung lalaking crush mo na ang nakipagbatuhan ng grin jokes sayo. Malaswa nang
pakinggan.
Mukhang napansin ni Andrew na hindi ako komportable sa
salitang yun.
"Sex!" nananadyang inulit pa nito kaya napa tili
ko.
"Wag mo nang ulitin!" sita ko sa kanya.
"Ikaw tong nagsimula eh. Alam mo Tin, wag kang
magsisimula nang isang bagay kung hindi mo naman kayang tapusin. Papunta ka pa
lang, pabalik na ako."
"Eh di wag ka nang bumalik." sagot ko at inirapan
ko siya.
Napatigil ako sa pagsasalita nang may makita akong liwanag
sa di kalayuan. Napatakbo ako dahil parang may natanaw akong bahay. Nakasunod
lang si Andrew sa akin.
"Dahan dahan ka baka madapa ka na naman." anito.
Tumigil ako sa pagtakbo at baka nga madapa na naman ako.
Binilisan ko na lang ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa bahay na
natanaw ko. Huminto ako at nilinga-linga ang bahay. Nilagpasan ako ni Andrew
para lumapit sa gate ng bahay at pinindot nito ang doorbell.
Nananalangin ako na sana ay pagbuksan kami ng may-ari ng
bahay dahil kanina pa ako kamot ng kamot dahil sa kagat ng lamok. Maya-maya pa
ay may lumabas na matandang lalaki.
©️Intell♋🍃
Kabanata 50
"Magandang gabi po." magalang na bati ni Andrew.
"Pasensya na, sarado na ang tindahan namin." wika
ng matanda.
"Sir, nasiraan po kasi kami ng sasakyan. May malapit po
ba ditong paupahan?" paliwanag ni Andrew.
Hindi sumagot ang matanda. Nagpalipat lipat lang ang tingin
nito sa aming dalawa.
"Malayo pa ang mga paupahan dito, pero halikayo dito sa
bahay namin at mukhang nilalamok na yang asawa mo." wika ng matanda.
Binuksan at pinapapasok kami sa loob ng gate.
Lumapit si Andrew sa akin at kinabig ako sa beywang.
"Halika na asawa ko." pabulong na sabi nito at may
pilyong ngiti. Hindi ko magawang tumutol dahil baka makita kami ng matanda.
Hindi ako binitawan ni Andrew hanggang sa makarating kami sa
loob. Namangha ako sa loob ng bahay, napakasimple lang ng loob pero napakalinis
at maganda ang pagkakadisenyo.
"Magandang gabi po." bati ko sa matandang babae na
nadatnan namin sa loob ng bahay. Ngumiti ito sa amin, mukha siyang mabait. Siya
daw si nanay Myrna at tatay Delfin daw ang pangalan ng matandang lalaki.
Napansin ko agad na napakaraming kandila sa loob. Yung
malalaki at magaganda ang design ng mga kandila kagaya nang mga nakikita sa
malalaking mall.
"Paninda namin yan." ani nanay Myrna nang mapansin
niyang manghang mangha kong pinagmamasdan ang mga kandila.
"Kayo rin po ang gumagawa?" tanong ko sa kanya.
Tumango ito at ngumiti.
"Halina kayo at kumain muna." boses ng matandang
lalaki na nagbukas ng gate sa amin kanina.
"Wag na po, nakakahiya naman. Pinatuloy nyo na nga
kami." nahihiya kong sabi.
"Wag kayong mag-alala sisingilin ko naman kayo
bukas." ani tatay Delfin.
Bigla kong nilingon si Andrew.
"May bayad naman pala eh, halika ka na Andrew wag ka
nang mahiya." excited kong yaya dito.
Naiiling at nahihiyang napatingin si Andrew kay tatay
Delfin.
Tumawa naman ang matanda.
"Biro lang, wag kayong mag-alala at hindi ito ang unang
beses na may nanghingi ng tulong sa amin. Daanan kasi ng mga turista itong
lugar namin." wika ng matandang lalaki.
Matapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng pinggan.
Pinatuloy nila kami sa isang bakanteng silid na may sariling banyo na rin.
Pagpasok namin sa kwarto ay nakaramdam ako ng pagkailang
nang kami lang ni Andrew sa loob. Wala namang ibang furniture dun na pwedeng
higaan kundi ang isang kama. Napatitig ako sa kama, kaya ko bang matulog na
katabi siya? Nilingon ko si Andrew na ngayon ay nakangiting pinagmamasdan kung
paano ako nag-aalalang nakatingin sa kama.
"Matulog ka sa sahig." sabi ko agad sa kanya.
"Umupo ka" anito. Hindi ko siya pinansin bagkus ay
dire-diretso lang ako sa paghila ng maleta ko.
"Umupo ka, lilinisin ko yang sugat mo." anito
Oo nga pala, may gasgas ang tuhod ko dahil nadapa ako
kanina. Hindi naman yun kalakihan pero may mga namuong dugo.
"Kaya ko na to, nurse ako." tanggi ko.
"Mas alam ko to, doktor ako." ganting tugon niya
sa akin. Hawak na nito ang medical kit na kinuha niya mula sa kanyang gym bag.
Naupo ako sa kama. Lumuhod siya sa harapan ko at sinimulang
linisin at lagyan ng ointment ang gasgas. Sa halip na sakit ang maramdaman ay
parang katakot takot na boltahe ng kuryente ang gumapang sa aking buong katawan
dahil sa paghawak niya sa aking tuhod at binti.
Ilang minuto pa ay mukhang tapos na si Andrew pero hindi pa
rin ito umaalis sa pagkakaluhod.
"Tapos ka na ba?" inip kong tanong nang mukhang
wala pa yata itong balak umalis sa harapan ko.
"Puting puti yang bestida mo pero bakit itim na panty
ang isinuot mo?" tanong nito sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Buong akala ko ay
sincere siyang nag-aalala sa sugat ko. Yun pala ay busy siya sa pamboboso.
Mahina itong natawa nang makita ang naging reaksyon ko lalo na nang mamula ako.
"Kunyari ka pang concern, namboboso ka lang pala."
sinipa ko siya pero mabilis siyang nakailag. Hinawakan pa nito ang paa ko nang
subukan ko siyang sipain ulit.
"Hindi ko na kailangang bosohan ka, nakita ko nang
lahat yan." nakatawang sabi nito.
Muli na naman akong pinamulahan. Hindi pa ako nakakabawi
nang tumayo ito, sabay hubad ng pang-itaas nyang damit sa aking harapan.
Kabanata 51
Tintin POV
"Anong ginagawa mo?" kinakabahan ko tanong.
Oo nga't nakita ko na ang buong katawan ni Andrew nung
lasing siya, pero iba pa rin kapag hubad ito at gising, tapos walang kakurap
kurap na nakatitig sa akin ang mga abs niya... este ang mga mata niya.
"Magsho-shower." anito at binuksan ang kanyang gym
bag.
Kinuha sa loob ang isang towel at ipinatong sa kanyang
balikat. Huminto ito at pilyong tumingin sa akin.
"Kung gusto mo, sumabay ka na sakin para tipid sa
tubig, para hindi naman nakakahiya sa may-ari ng bahay."
Inirapan ko siya.
"No thanks, hindi ako maliligo..., para hindi mo 'ko
gapangin mamaya. Amoy kimchi na'to." sagot ko habang binubuksan ang aking
maleta para maghanap ng damit na pantulog.
"Okay lang sakin kahit tatlong araw kang hindi
maligo." ani Andrew at pumasok na ito sa banyo.
Narinig ko ang pagclick ng pintuan ng banyo. Marahang kong
sinulyapan ang nakasarang pintuan at nang masiguro kong nasa loob na nga si
Andrew ay nagbuga ako nang malakas na hininga. Saka pa lang ako nakahinga ng
maluwag.
"Kiffy kalma!"
Nagpapanggap lang naman ako na dedma saken ang mga
panlalandi ni Andrew pero ang totoo ay kanina pa nagwawala ang aking kaluluwa
nang makita ko ang pumuputok nitong mga abs. Pakiramdam ko nga ay kanina pang
humiwalay ang maharot kong kaluluwa at sumunod ito sa banyo para panooring
maligo si Andrew.
Napatingin akong muli sa kama. Magkatabi kaming matutulog
dito mamaya? May kung ano akong nararamdaman na hindi ko maintindihan. Basta
ibinulong ko sa aking sarili na "Hindi ka kinikilig Tintin."
Korek, hindi ako kinikilig. Kinakabahan lang ako.
Parang bumagsak ang panga ko ng lumabas si Andrew na tanging
towel lang ang nagtatakip sa kanyang beywang pababa. Nakita ko na yung mga abs
na yun pero iba talaga kapag gising-buhay na buhay!
At si Felix mukhang nag take a nap yata kaninang umaga dahil
gising na gising pa rin ito ngayon kahit gabi na.
"Hindi ka ba naguguwapohan sa akin?" para akong
nagising nang marinig ang boses ni Andrew.
"H-ha?"
"Ayaw mo kasing tumingin sa mukha ko. Ano bang
tinitingnan mo sa baba?" pilyo ang ngiting ibinato nito sa akin sabay
tingin sa towel niyang nakatapis sa kanya.
Wala akong maisagot kaya inirapan ko na lang siya. Tumayo
ako, bitbit ang mga inihanda kong panligo.
"Maliligo ka ba?" tanong nito.
"Obvious ba?" sagot ko na hindi siya nililingon.
"Sumabay ka na lang sana saken kanina." ani
Andrew.
Hindi ko alam kung nagbibiro lang siya o nilalandi na naman
ako. Kaya sinagot ko na lang ito.
"Ayoko, baka mautot ako. Eh di narinig mo." wika
ko sabay sara ng pintuan ng banyo.
Dinaan ko na lang sa biro ang mga pasaring ni Andrew upang
itago ang kabang nararamdaman ko. Ipinalangin ko na lang na sana ay tulog na
ito paglabas ko ng banyo. Dito na rin ako nagbihis ng pantulog bago lumabas.
Paglabas ko ng banyo ay gising pa rin ito at parang
inaabangan talaga ako. May suot itong lightweight gray pajama pero walang suot
na pang-itaas. Haaay.... magkakasala na naman ang mga mata ko nito.
"Bakit gising ka pa?" nakataas ang kilay kong
tinanong siya.
"Hindi kasi ako uminom ng gatas sa bahay kanina...,
gusto ko nang dumede." malawak ang ngiting ginawa ni Andrew.
Natigilan ako sa sinabi niya. Ako dati ang nagbabato ng joke
na yun pero bakit parang ako itong naputukan ngayon?
"Joke lang, nabasa yang sugat mo, lalagyan ko lang ulit
ng ointment."
"Akina, ako na ang gagawa." inilahad ko ang aking
kamay at ibinigay naman nya yun sa akin.
Mabilis kong inapply sa tuhod ko ang ointment habang
nakamasid lang si Andrew. Nang matapos ako ay ibinalik ko na ulit sa kanya.
Lumapit ako sa malaking kandila na nasa malaking glass jar
sa ibabaw ng coffee table na isang dipa ang layo sa kama.
"Anong ginagawa mo?" takang tanong ni Andrew.
"Diba sabi ni nanay Myrna, sindihan daw ang kandila
kung gusto nating may ilaw tayo sa gabi, para tipid sa kuryente? Di ako sanay
matulog ng madilim, natatakot ako."
paliwanag ko at sinindihan ang malaking kandila na ubod ng
ganda. Nakakapanghinayang na gamitin ito, ang ganda ganda, matutunaw lang.
Kabanata 52
"Mmm... Ang bango.." napasinghap ako nang maamoy
ang mabangong scent ng kandila.
"Mapapasarap tulog ko nito." wala sa sariling
nasabi ko.
"I doubt it." narinig kong sinabi ni Andrew.
"Ha?" nilingon ko siya.
Hindi naman ito sumagot at mukhang hihiga na sa kama.
Napahinto ito nang ihagis ko ang isang unan sa gitna na kama.
"Hati tayo sa kama, bawal ang lumampas sa linya."
wika ko.
Kumunot ang noo ni Andrew na tumingin sa akin.
Hindi ko na hinintay ang sagot nya at agad akong humiga sa
kama patalikod sa kanya. Pumasok ako sa kumot at nagtalakbong.
Maya maya pa ay naramdaman ko nang humiga si Andrew. Hindi
ko alam kung paano makakatulog kung alam kong katabi ko ang lalaking ilang taon
kong pinapangarap. Oo ngat tinitiis ko siya pero andun pa rin naman ang
pagtingin ko sa kanya kaya ganito na lang ang epekto sakin na katabi ko siya.
Nagpanggap akong nakatulog agad. Naninigas ang buong katawan
ko para huwag kumilos. Pinakiramdamam ko si Andrew, kanina lang ay pabaling
baling ito sa pagkakahiga pero ngayon ay hindi na ito kumikilos. Malamang ay
nakatulog na ito. Sa tantsa ko ay mahigit isang oras na bago ako nakaramdam ang
pamimigat ng talukap ng aking mga mata at tuluyan na nga akong nakatulog.
Malalim na ang aking tulog nang maramdaman kong may mainit
na hininga na gumagapang sa aking leeg dahilan para magising ako.
Pagmulat ko ay nakita ko si Andrew na nakasubsob sa aking
leeg at nararamdaman ko ang mainit nitong mga labi na humahalik sa aking balat.
Nararamdaman ko rin ang mainit na palad na humahaplos sa aking dibdib.
Nakasuksok na sa loob ng aking bra ang kamay nito.
"Andrew?" usal ko. Pinoproseso ko pa kung totoo ba
ito o nananaginip lang ako.
"Hmmm?" tugon nito na tuloy tuloy lang sa
ginagawa.
Itinulak ko siya ngunit napakabigat niya. Kapag itinutulak
ko siya ay mas lalo pa itong nagsusumiksik sa aking leeg.
"Andrew, ano bang-"
Naputol ang sasabihin ko nang siilin niya ako ng halik sa
labi. Ni hindi ko magawang magprotesta dahil sa pagkagulat. Dilat na dilat ang
aking mga mata dahil bukod sa pagkabigla ay hindi ko alam kung ano ang gagawin.
Unti-unting umangat ang mukha ni Andrew at masuyong tumingin
sa akin, pagkuway bumulong sa tapat ng aking teynga.
"I wanna make you mine tonight."
Nangilabot ang aking buong katawan nang maramdaman ko ang
hininga niya sa aking teynga. Inalis nito ang kanyang bibig sa tapat ng aking
teynga at muling tumitig sa aking mga mata na ngayon ay namimilog pa rin dahil
sa pagkagulat.
Dahil sa liwanag na nagmumula sa kandila ay naaninag ko ang
malalim nitong tingin at pagnanasa sa kanyang mga mata.
Nanigas ang buong katawan ko nang muli nyang sakupin ang
aking mga labi. Marahan niyang inangkin ang aking ibabang labi at pagkuway
sinimsim niya ito. Nakapikit si Andrew habang hinihigop pa niya ang aking
ibabang labi, samantalang ako naman ay dilat na dilat pa rin dahil hindi ako
makapaniwala na minumukbang na niya agad ako.
Hindi ganito ang ineexpect kong unang halik na ibibigay niya
sa akin. Pero dahil si Andrew naman ito ay hindi na ako magrereklamo kaso
nahihirapan naman ako sa aking pwesto dahil dalawa ang unan ko kaya medyo
masakit sa batok. Habang patuloy niya akong hinahalikan ay pasimple kong hinila
ang unan mula sa aking ulo at saka inihagis upang maging komportable na ako ng
tuluyan.
"Andrew!" tulirong sabi ko nang makita ang
katangahang ginawa ko.
Natigilan ni Andrew sa kanyang ginagawa nang marinig niya
ang nag-aalalang boses ko. Saktong pagmulat nito ay biglang lumiwanag sa sulok
ng kwarto. Sabay kaming napalingon sa pinanggagalingan ng liwanag.
"Sh*t!" malakas na nasabi ni Andrew nang makita
namin ang unan na inihagis ko ay tumama pala sa kandila at mabilis itong
nagliyab.
Kana 53
Tintin POV
Dali-dali kaming tumayo. Mas nauna ako kay Andrew na lumapit
sa nagliliyab na unan. Hindi ko ito mahawakan dahil nag-aapoy na ito. Nagpanic
ako kaya mabilis kong sinipa ang unan para mailayo sa kandila. Pagsipa ko ay
aksidenteng nasipa ko rin ang kandila kaya bumagsak ito sa sahig.
Natulala na ako sa sobrang takot at hindi ko na alam ang
gagawin. Nakita ko na lang na inihagis ni Andrew ang isang basang towel sa
ibabaw ng nag-aapoy na unan. Mabilis na naapuhap ang apoy dahil dun.
Binuksan ni Andrew ang ilaw sa loob ng silid.
Samantalang nakaupo pa rin ako sa sahig. Nakahinga na ako ng
maluwag, ganunpaman ay ninenerbyos pa rin ako dahil sa takot na naramdaman ko.
Sapo ko ang aking dibdib na walang tigil sa pagkabog habang habol ko pa rin ang
aking hininga.
Nakatayo sa harapan ko si Andrew na naka boxer na lang
habang nakapameywang ang kaliwang kamay, at ang isang kamay naman ay
nakasabunot sa buhok. Nakatingin ito sa akin na parang hindi makapaniwala sa
nangyari.
"Really.., Tin?" frustrated na sabi nito.
"Hindi ko naman sinasadya eh....
...kasalanan mo kasi minamanyak mo'ko." paninisi ko sa
kanya.
Totoo naman kasi na hindi na ako nakapag-isip ng tama kanina
dahil sa bilis ng mga pangyayari. Gisingin ba naman niya ako na pinipisil na
ang dede ko, pano pa kaya ako makakapag-isip ng tuwid nun?
Nang mawala na ang apoy ay nilapitan ko ang unan. Sunog na
ito ngunit hindi yun ang problema ngayon-kundi ang wax na natapon sa sahig.
Kumayat ito at ngayon ay natutuyo na. Yari pa naman sa kahoy ang sahig kaya
madali itong sumiksik. Sinubukan kong gamitin ang towel para tanggalin ang wax
ngunit hindi gumana.
Tiningala ko si Andrew.
"Pano na 'to?" nag-aalala kong tanong. Tumalikod
si Andrew at pumasok sa banyo, maya maya pa ay may dala na itong hair blower.
"Try mo 'to, para madaling matunaw.." Isinaksak
niya ito sa outlet at iniabot sa akin.
Pagkabukas na pagkabukas ko ay mabilis ko din itong pinatay
dahil napakaingay ng tunog nito.
"Hindi pwede, baka magising sila." wika ko sa
mahinang boses.
Napahilot si Andrew sa kanyang sintido at halatang
naii-stress na rin ito sa mga nangyayari. Nakita kong nagsusuot na ito ng
pajama at saka lumabas ng silid. Nagtataka ako kung saan siya pupunta. Maya
maya pa ay nagbalik ito na may dala dalang dalawang spatula.
Umupo ito sa sahig, sa mismong tapat ko. Inabot niya sa akin
ang isang spatula.
"Magsimula ka nang kumayod ng sahig dyan." Ramdam
ko ang nagtitimping inis sa boses nito.
Kinuha ko ang spatula, naiinis din ako sa kanya. Siya pa
itong may ganang magalit eh may kasalanan din naman siya. Nagsimula na akong
i-scrape ang wax. Maingat ang pagkayod ko para hindi magasgasan ang sahig.
May isang oras na kaming nagtatanggal ng wax at
nangangalahati na rin kami. Napapahikab pa ako dahil sa antok.
Kainis, sarap sana ng tulog ko kung hindi lang nangyari ito.
Lihim kong sinulyapan si Andrew na seryoso sa pagkayod ng wax. Wala itong
kaimik imik at halatang iritable ang mukha. Siguradong sa akin siya naiinis,
kanino pa ba?
"Bakit parang ikaw pa itong galit? Parang kasalanan ko
pa." hindi ko na matiis na hindi pansinin ang ikinikilos niya.
Huminto ito sa pagkayod at tumingin sa akin.
"Kelan ko sinabing sinisisi kita?" halata talagang
naiinis ang boses nito. Muli nitong ibinalik ang atensyon sa pagtanggal ng wax.
Tumahik na lang muna ako. Ilang sandali pa ay tinanong ko
siyang muli.
"Eh bakit parang galit ka? Eh ako lang naman ang kasama
mo ah. Hindi ko naman talaga sinasadya. Nagpanic lang ako kaya ko nasipa yang
kandila." patuloy lang ako sa pagpapaliwanag.
Para lang akong tangang salita ng salita dahil hindi siya
tumutugon. Obvious namang ibinabaling ni Andrew sa pagkayod ang nararamdaman
nito. Ilang minuto ko siyang lihim na pinapanood. Nagsisisi na siguro siya na
isinama pa ako. Siya naman kasi itong nagpumilit na isama ako eh.
"Sabihin mo na kung galit ka kesa sinisimangutan mo
ako." muli akong nagsalita pagkaraan ng ilang minutong puno ng katahimikan
sa pagitan naming dalawa.
"Hindi mo na kasi dapat ako isinama." mahina at
nakanguso kong sabi.
©️Intêll♋🍃
Kabanata 54
Ibinaba ni Andrew ang spatula at matiim na tumingin sa akin.
Bigla akong kinabahan sa tingin nito dahil mukhang sesermunan na niya ako.
"Look, panong hindi ako mabubwisit. Tingnan mo nga kung anong ginagawa natin ngayon. Alas tres
na nang madaling araw but we're still scraping this stupid floor. Sobrang sakit
ng puson ko dahil nabitin ako. Madaling araw na pero nagkakayod pa rin ako ng
sahig- ikaw dapat ang kinakayod ko sa mga oras na to kung hindi dahil sa lintik
na kandilang yan!"
Hindi ko napaghandaan ang mga sinabi nito. Bigla tuloy akong
nagsisi dahil sa pangungulit ko. Hindi na pala dapat ako nagsalita. Tumahimik
na lang ako at baka kung anong mali na naman ang aking masabi. Malay ko bang
masakit pala sa mga lalaki ang mabitin.
Mag-aala singko na ng umaga ng matapos kami. Hindi namin
kayang tanggalin lahat ng wax dahil sumiksik ang iba sa mga singit singit ng
kahoy.
"Hanggang dito na lang ang magagawa natin. Babayaran ko
na lang sila sa nasira natin." ani Andrew at saka tumayo. Inilahad nito
ang kanyang kamay sa akin.
"Tara na, matulog na tayo." anito.
Inabot ko ang kanyang kamay upang mabilis akong makatayo.
Hindi na ako nag dalawang isip pa dahil antok na antok na talaga ako at gustong
gusto ko nang matulog. Humiga agad ako sa kama at pumasok sa kumot.
Biglang dumilim dahil pinatay ni Andrew ang ilaw. Wala na
akong paki kahit madilim pa, basta gusto ko nang matulog. Humiga na rin si
Andrew sa kama, alam kong pagod na rin ito dahil kanina pa siyang humihikab.
Mula sa aking likuran ay naramdaman kong yumakap ito sa
aking beywang. Sa sobrang antok at pagod ay hindi ko na nagawang magprotesta
pa. Pakiramdam ko nga ay mas mapapabilis pa na makatulog ako dahil sa init ng
yakap niya. Hindi ko namalayang nakatulog na nga ako sa ganung posisyon.
Tanghali na nang magising ako. Bago pa man ako magising ay
naayos na ni Andrew lahat ng problema. Nakausap na niya ang matatanda tungkol
sa aksidenteng nangyari kagabi. Hindi naman nagalit ang mag-asawa dahil
binayaran na lang sila ni Andrew ng malaking halaga. Yung sasakyan naman niya
ay namatayan lang pala ng baterya at kinargahan na rin kaya pwede na ulit itong
gamitin. Bago kami umalis ay pinag-almusal muna nila kami.
"Andrew, akina cellphone ko please." pakiusap ko
sa kanya habang naglalakad kami patungo sa kanyang sasakyan. Wala namang
kahirap hirap na iniabot niya ito sa akin. Mabuti na lang at ibinigay niya at
hindi na namin kailangang mag-away pa para ibalik lang niya ito sa akin.
"Na-unblocked ko na ang personal number ko dyan sa
cellphone mo, kaya wag mo na ulit akong ibo-block." anito. Hindi ko siya
sinagot, sa halip ay may iba akong nais sabihin sa kanya.
"Pwede bang dumiretso na lang tayo sa Liliw? Gusto kong
magbakasyon kasama si Mutya" pakiusap ko habang inii-start niya ang
sasakyan.
Tumingin ito sa akin.
"Dadalhin kita sa Liliw pero wag na wag kang sasama sa
kahit na sinong lalaki na ipapakilala sayo ni mommy."
"Hindi naman ako nagpunta dun para sa lalaki 'noh.
Gusto ko lang magbakasyon kasama ang bestfriend ko."
"Good!" anito at pinasibat na ang sasakyan.
Sobrang haba ng biyahe namin. Hindi ko alam kung saan
kumukuha nang enerhiya si Andrew para makapagdrive nang ganung katagal.
Samantalang buong biyahe ay tulog na naman ako, kahit pa tinanghali na akong
gising kaninang umaga.
Pahapon na nang makarating kami sa Liliw. Yung akala kong
simpleng farm lang ay hindi naman pala ganung kasimple. Hacienda naman pala ito
kung tutuusin. At ang bahay nila, mansion pala at napakarami ng mga kasambahay
sa loob. Ang sabi ni Mutya, mas marami pa raw ang nagtatrabaho sa farm. Bukas
ay ipapasyal nila ako para makita ang maliit na community sa loob kung saan
maraming pamilya ang naninirahan at nagtatrabaho. Bukas na lang daw nila ako
ipapasyal dahil malapit ng dumilim.
Pagkarating namin kanina ay sinalubong na agad ako ni Mutya
at hindi na kami naghiwalay kaya hindi ko na alam kung nasaan si Andrew.
Inihatid agad ako ni Mutya sa magiging kwarto ko.
Kana 55
"Wow, ganda naman dito Mutya. Grabe, guess room pa lang
ang bongga na!" namamangha kong sabi habang minamasdan ang kabuuan ng
silid.
"Pasensya na kung nag-alala kayo. Nasiraan kami ng
sasakyan. Walang signal kagabi kaya hindi na kami nakatawag nang taxi or
uber." patuloy ko.
"Anong walang signal? Tumawag kagabi si Andrew para
sabihing uumagahin na kayo. Gusto mo na daw magpahinga dahil napagod ka sobra
sa trabaho."
"Ha?!?!"
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mutya. So, ginugudtaym
lang pala ako ni Andrew nang sabihin nitong hindi kami makakatawag ng taxi
dahil walang signal. Bigla tuloy akong may naalala.
"Hoy! Kahapon bakit hindi mo ako dinaanan sa hospital
ha. Ang ganda ganda pa naman ng usapan natin na isasabay nyo ako sa sasakyan
nyo." nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.
"Diba sabi ko traffic nga. On the way na nga kami para
sunduin ka pero tumawag si Andrew, sabi niya may banggaan daw malapit sa
hospital kaya sobrang traffic. Mabuti nga at siya na itong nagprisintang
ipagdrive ka kahit wala siyang balak na magpunta dito."
Anong traffic at banggaan ang pinagsasasabi ni Andrew? Nasa
hospital din kaya ako kahapon pero wala naman akong nabalitaang ganun, dahil
kung merun man, dapat ay nasa group chat na namin agad yun para warningan ang
mga kasamahang uuwi o papasok sa trabaho.
Ayaw ko man pero parang gusto ko na talagang magduda dito
kay Andrew, pero ang mala-anghel na si Andrew ay imposibleng gumawa ng
kalokohan.
Bigla akong may naalala.
"Mutya, tapatin mo nga ako, ano ba talaga ang ugali
nyang si Andrew?"
"Diba sabi ko sayo, pilyo yang si Andrew."
"Iba kasi yung pagkakaintindi ko sa pilyo eh. Parang
cute ang dating. Anong level ba ang kapilyuhan niyan?"
Tumingin si Mutya sa akin pagkuway tumawa.
"Yung tipong halos mabaliw ang asawa ko dahil sa mga
kalokohan niya." ani Mutya.
"Ano?"
"Nung una ko siyang makilala, sobrang weird nyan. Kapag
masaya kami, bigla yang nagseseryoso. Kapag sobrang seryoso naman ang
nangyayari sa paligid saka naman yang nakangiti."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mutya.
"Don't worry, hindi yan nangangagat." mas lalong
nanlaki ang mga mata ko.
Lumakas ang tawa ni Mutya nang makita ang aking reaksyon.
"Wag kang mag-alala bes, sobrang bait niyang si Andrew
kung alam mo lang. Siya ang umalalay sa akin nung mga panahong lugmok na lugmok
ako. Kaya parang tunay na kapatid na talaga ang turing ko sa kanya."
seryosong sabi ni Mutya.
"Pero sabi niya, hindi ko pa raw siya kilala."
"Wag kang mag-alala hindi lang ikaw. Kahit kapatid at
mga magulang niya, hirap hulaan ang iniisip niyan. Yung asawa ko, masungit lang
yun pero sunud sunuran yun sa mga magulang nya. Si Andrew, mala anghel nga ang
dating pero kahit ama nila hindi siya kayang pasunurin." salaysalay ni
Mutya.
Tahimik lang ako na iniintindi ang mga sinabi ni Mutya.
"Eh bakit sabi niya, hindi ko pa raw kilala kung sino
talaga siya?"
Biglang ngumiti si Mutya at namimilog ang mga mata.
"Siguro ang mas tamang tanong ay kung sino ba talaga
sila."
"Ano? Diko gets."
Pinalapit niya ako sa kanya, agad naman akong sumunod.
Bumulong si Mutya sa akin nang makalapit ako.
"Hindi ba nasabi ko sayo na baliw na baliw sa akin ang
asawa ko?" mahinang sabi nito.
Marahan akong tumango at naghihintay sa mga sasabihin pa
nito, Patuloy sa pagbulong si Mutya.
"Ikinuwento sa akin nung pinakamatandang kasambahay
nila rito..., na ang biyenan kong si don Antonio, obsessed daw kay mommy
Agatha. Simula daw nung makakilala ay hindi na daw nilubayan hanggat hindi siya
tuluyang napangasawa." Sobrang hina ng pagkakasabi ni Mutya pero
detelyado. Marites na marites lang ang dating.
"Talaga?!?!" Nanlaki ang aking mga mata at
napatakip ako ng bibig dahil sa tsismis na nasagap.
Nakangiting tumatango si Mutya na parang kinukumpirma ang
sinabi. Tumitig ito sa akin habang nanlalaki ang mga mata at humahaba pa ang
nguso para sa susunod na tsismis na ibubulong.
"Kung si don Antonio at si Drake ay parehong
na-obsessed sa babae..., kadugo nila si Andrew kaya humanda ka- susunod ka
na!"
Kabanata 56
Tintin POV
Pansin ko lang na kanina ko pa hindi nakikita si Andrew
simula ng dumating kami sa farm. Narinig ko sa usapan nina donya Agatha at
Mutya na umalis ang mag-aama para silipin ang farm.
Maya maya pa ay dumating na ang tatlo. Agad na sinalubong ni
donya Agatha ang asawa. Dire-diretso naman si Drake papalapit kay Mutya at
masuyo itong hinalikan sa labi na parang ang tagal nilang hindi nagkita. Akala
mo naman ay palaging bagong kasal ang dalawang ito.
Habang pinapanood ko sila ay naisip kong ang sarap siguro na
may asawa kang kasundo mo at mahal na mahal ka. Yung sasalubungin mo ang
pagdating niya at miss na miss nyo na ang isa't isa. Nakaramdam tuloy akong ng
inggit sa dalawang pares na nasa harapan ko.
Napalingon ako sa may pintuan at nakita ko si Andrew na
nakatingin sa akin. Kitang kita niya na pinapanood ko ang mga nasa harapan ko.
Nakataas ang sulok ng mga labi nito at nakangiti ang mga mata. Siguro ay
nababasa niya ang aking iniisip kaya pinagtatawanan niya ako. Nahiya tuloy ako
kaya umiwas ako ng tingin.
"Tamang tama ang dating nyo, dinner is ready." ani
donya Agatha.
Umalis lang saglit ang mga lalaki para maglinis ng katawan.
Kami naman nina Mutya ay nagtungo na sa kusina. Gabi na kaya tulog na ang mga
anak niya.
Magkakasunod na pumasok sa kusina ang mag-aama. Ang swerte
talaga ng mga anak ni Mutya, ang ganda ng lahi ng tatay nila. Kahit may edad na
si don Antonio ay matikas pa rin ito. Kahawig nga nito si Drake na isa pa ring
ubod ng gwapo. Ilang beses ko na ring narinig sa usapan ng mga nurses kung
paano nila hangaan ang CEO na asawa ni Mutya, kaso lang ay ubod daw ito nang
suplado kapareho ni don Antonio.
Ibang iba sila kay Andrew na nakamana naman kay donya
Agatha, na malakas ang karisma. Mabilis siyang magustuhan ng mga tao sa paligid
hindi lang dahil sa pisikal na anyo kundi maging sa kanilang pag-uugali.
Gentleman, mabait, maalalahanin at marunong makisama kahit kanino. Walking
green flag kumbaga.
Nagsi-upo na ang mag-aama. Si don Antonio at Drake ay naupo
sa tabi ng kanilang mga asawa, samantalang si Andrew ay dire-diretsong naupo sa
aking tabi. Ayaw ko mang aminin pero lihim akong kinilig. Feeling ko tuloy ay
parte na rin ako ng pamilya Rufino, at si Andrew ang partner ko.
Haaay..., eto na naman ako. Nagsisimula na namang mangarap
ng gising.
"Tintin iha, bukas ipapakilala kita dun sa sinasabi ko
sayo. Bibisita ako sa hacienda ng amiga ko, ipapakilala na kita sa anak nilang
si Alejandro. Kaya maghanda ka bukas at isasama kita." ani donya Agatha.
"Po? Mutya sasama ka?" baling ko agad sa kaibigan
ko.
"Hindi. Ayokong makaabala sa inyo, malay mo magustuhan
mo yung ipapakilala ni mommy eh di, diretsong date na kayo. Isasakay ka nya sa
kabayo habang nasa unahan ka, tapos nakakulong ka sa mga braso niya...
Yieee...." kinikilig na sabi ni Mutya.
Hindi nakawala sa paningin ko ang lantaran nitong pagsulyap
kay Andrew, na sinasadya lang talagang magpasaring. Matiim naman siyang
tiningnan ni Andrew. Naalis lang ang tingin nito kay Mutya ng kunin ni Drake
ang atensyon nila.
"Andrew, diba magaling kang mangabayo? Naalala ko nung
kabataan natin, hindi manalo-nalo si Alejandro sayo kapag nagkakarera
kayo." singit ni Drake.
Sinimangutan siya ni Mutya.
"Dati pa yun, siguradong hasang hasa na ngayon si Mr.
Haciendero." ani Mutya.
"Dapat lang, para hindi na siya ulit mahulog sa kabayo
nya kagaya nung nangyari sa kanya last year. Mabuti na lang at nagkataong
naroon si Andrew para gamutin siya kaya naagapan." saad ni Drake na
obvious namang ipinopromote ang kapatid. Ngiting panalo naman ang namutawi sa
mga labi ni Andrew dahil sa sinabi ng kapatid.
Matalim ang tingin na ipinukol ni Mutya sa asawa at kitang
kita ko ang paglunok ni Drake ng makita ang mga mata ng bestfriend ko.
Mukhang napansin naman ni donya Agatha ang tensyong
nagaganap sa mag-asawa kaya nagsalita ito upang iliko ang usapan.
"After lunch ay isasama kita Tintin kaya magready ka
before noon, okay."
"Sige po." Nakakahiya naman kasing tumanggi.
Narinig ko na lang ang kalampag ng kubyertos sa lamesa
kasunod ang pag-usod ng upuan ni Andrew kaya napatingin kaming lahat sa kanya
nang tumayo ito.
"San ka pupunta?" tanong ni donya Agatha sa kanya.
"Busog na'ko." ani Andrew
"Hindi ka pa tapos kumain." anang ina nito.
"Nawalan na'ko ng gana." si Andrew at nilayasan
kami.
"Andrew!" napapitlag ako nang magsalita si don
Antonio.
Nuh ba yan katakot naman siyang magsalita. Isang salita lang
yung sinabi niya pero para kang sinisentensyahan. Mukhang hindi lang yata ako
ang kinabahan sa boses ng don, dahil lahat kaming nasa lamesa ay natahimik.
Kabanata 57
Mukhang isang tao lang yata ang hindi apektado... Ang Mr.
Nice Guy na si Andrew.
Habol ko ng tingin si Andrew na ni hindi man lang napakislot
ni katiting matapos marinig ang boses ng ama. Lihim kong sinulyapan si don
Antonio. Nakatanaw lang ito kay Andrew na mukhang siya na mismo ang sumuko. So,
totoo nga ang sinabi ni Mutya. Hindi nito kayang diktahan o pasunurin si
Andrew.
"Tintin, sigurado bang hindi kayo ni Andrew?"
Titig na titig si donya Agatha sa akin. Hindi ko inaasahan
na itatanong niya yun.
"P-po? Hindi po kami." hindi naman talaga dahil
tapos na ang kasunduan namin ni Andrew, pero pakiramdam ko ay nagsisinungalin
ako sa harapan ng donya.
"Eh bakit siya selos na selos? Sigurado ka bang walang
nangyari sa inyo ni Andrew kagabi habang magkasama kayo?"
Muntik ko nang maibuga ang aking nginunguya dahil sa sinabi
ni donya Agatha. Napalunok ako nang makitang nakatingin silang lahat sa akin.
Bigla tuloy akong nabalisa at natuliro.
"Sigurado po. Virgin pa po ako, buong buo... intact pa
po ito. Brand new, factory sealed, original packaging and never-been-used"
Lahat na yata ng termino ay nagamit ko na para lang maniwala
siya na hindi ako nagalaw ni Andrew. Hindi naman talaga nya ako nagalaw pero
sobrang guilty ang nararamdaman ko kaya exaggerated at defensive ako sa
pagkakasagot. Totoo naman ang mga sinabi ko.....
....pero hindi ko masabi sa kanila ang parteng
"Nasilayan pero hindi natikman."
Mukhang naniwala naman silang lahat sa akin dahil hindi na
nila ako tinanong pa.
Matapos maghapunan ay nagkwentuhan muna kami ni Mutya sa
aking silid. Nang marinig niyang umiiyak ang isa sa kanyang mga anak ay
nagpaalam na rin ito. Tutal medyo lumalalim na ang gabi ay napagpasyahan ko na
ring matulog.
Naligo muna ako at saka humiga sa kama. Iniisip ko yung
sinabi ni donya Agatha tungkol sa lalaking ipapakilala niya sa akin. Medyo
nag-aalala ako para bukas. Alam kong hindi naman kami ni Andrew pero feeling ko
ay nakatali ako sa kanya at parang mali na makipagkilala ako sa ibang lalaki.
Oo ngat panay ang tanggi ko sa kanya pero iba naman ang
sinasabi ng puso ko. Nalilito talaga ako, kasi puro paramdam lang naman itong
si Andrew pero wala namang kompirmasyon mula sa kanya kung gusto niya. ako.
Yung lang naman ang hinihintay ko eh. Lagi nyang sinasabi na gusto niyang
ayusin ang relasyon namin pero hindi naman siya nagtatapat ng damdamin para sa
akin. Ni hindi ko nga alam kung bakit gusto niyang ayusin ang relasyon namin,
dahil ba gusto na niya ako o nakokonsensya lang siya.
Alam nyang mahal ko siya. Eh ako, mahal nya ba ako? Pano
kung mahal pa pala niya si Dra. Natalia? Kahalikan pa nga nya ito nung isang
araw eh.
Haay.., ang gulo, sumasakit ang ulo ko. Inabot na ako ng
midnight dahil sa pag-iisip at saka pa lang ako nakaramdam ng antok. Pagkatapos
magbanyo ay dire diretso ako sa kama para maupo, matutulog na sana ako nang
marinig kong may nagbubukas ng pinto.
Bago pa man ako makapag-isip ng kung ano ano ay bumukas na
ang pintuan at niluwal nun ang pamilyar na bulto ng isang lalaki.
"Andrew?"
Kahit dim light lang ang nagbibigay liwanag sa buong silid,
ay alam kong si Andrew ang pumasok. Hindi ito sumagot sa halip ay dire-diretso
lang ito palapit sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya ng
mabilis itong nakalapit sa aking inuupuan.
Hinawakan niya ako sa batok at ang isang kamay nito ay nasa
isang pisngi ko habang malamlam ang tingin niya sa akin.
"We didn't finish what we started last night, but this
time, I'll make sure you're mine."
Pagkasabi nun ay siniil na niya akong halik habang hawak ako
sa aking ulunan. Kung kagabi ay dilat na dilat ako habang hinahalikan niya,
ngayon naman ay kusa na akong napapikit at ninamnam ang init at tamis ng
kanyang mga labi. Kusa na ring umangat ang aking mga kamay upang ikawit ito sa
kanyang batok.
Marahan akong inihiga ng Andrew sa kama habang patuloy niya
akong hinahalikan. Napadilat ako ng bigla niyang ipasok ang kanyang dila sa
loob ng aking bibig habang umuungol ito. Mas lalo pa akong nagulat ng higupin
pa niya ang aking dila. Bahagya ko siyang naitulak kaya naghiwalay ang aming
mga mukha.
"Hindi ako makahinga." daing ko.
Hindi sumagot si Andrew ngunit punong puno ng pagnanasa ang
nakikita ko sa kanyang mga mata. Umangat ito saglit upang hubarin ang kanyang
pang-itaas na damit, pagkuway muli niya akong siniil ng halik kaya napapikit
ako:
Kabanata 58
Naglakbay ang mga halik nito pababa sa aking panga hanggang
sa makarating ito sa aking leeg. Hindi ako makapaniwala na nasa leeg ko na
naman ang mga labi ni Andrew, ang lalaking kay tagal ko nang pinapangarap.
Panaginip lang ba ito? Kung panaginip lang ito sana ay mas humaba pa ang tulog
ko.
Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Andrew sa ibabaw ng
aking suot na damit sa tapat ng aking kanang dibdib. Napasinghap ako ng pisilin
niya ito. Habang ginagawa niya yun ay naramdaman ko ang matigas na bagay sa
ibabaw ng aking hita. Hindi ako pwedeng magkamali, si Felix yun! At hindi na
lang siya basta bakat ngayon. Nararamdaman kong buhay siya, ilang beses pa nga
itong idiniin ni Andrew sa aking katawan habang naririnig ko paulit ulit na
pag-ungol niya.
Nawala ang kamay nito sa aking dibdib. Lumipat naman sa
aking hita. Gumapang ito papasok sa aking pantulog na bestida. Nagpatuloy ang
kamay niya hanggang sa marating nito ang aking suot na panty. Hindi ako tumutol
nang hilahin niya ito pababa hanggang sa mahubad na nya ito ng tuluyan at
ihagis na lang basta kung saan.
Muling bumalik ang kanyang kamay sa loob ng aking bestisa at
dumiretso sa aking balakang. Gumapang ito sa aking pang-upo at pinisil pisil
niya yun. Lumipat ang kanyang kamay sa aking hita. Unti-unting gumagapang
pataas at nahuhulaan ko na kung saan ito sunod na magtutungo. Bahagya ko pang
ibinuka ang aking mga hita at inihanda ko ang aking sarili upang malaya nyang
marating ang nais nyang tumbukin.
REE-REE-REE-REE-REE....
Nakakabingi at ubod nang lakas na tunog ng fire alarm ang
gumulantang sa aming dalawa dahilan para maghiwalay ang aming mga labi.
Nagkatinginan pa kaming dalawa. Napatalon naman kaming pareho sa kama ng
maramdaman ang pagbagsak ng tubig na nagmumula sa fire sprinklers.
Ilang saglit lang ay basang basa na kaming dalawa.
Tatakbo sana ako sa banyo upang kumuha ng towel ngunit
pinigilan ako ni Andrew sa pupulsuhan.
"May sunog - lumabas na tayo." tarantang sabi
nito.
Nang marinig ko ang sinabi niya ay sumunod na lang ako sa
kanya at dali dali kaming lumabas. Ansakit ng tainga ko dahil sa sobrang lakas
ng fire alarm.
Magkahawak kamay kaming tumakbo pababa ng hagdan.
Pagbaba namin ay marami na ring tao sa salas na nagkakagulo.
Naroon ang nagulat na mga kasambahay at buong pamilya Rufino. Nag-iiyakan na
rin ang mga bata.....
.....ngunit wala ni isa sa kanila ang basa. Maliban lang sa
aming dalawa ni Andrew.
Biglang huminto ang tunog ng fire alarm ngunit napalitan
naman yun ng malalakas na iyakan ng mga anak ni Mutya.
Ganunpaman ay para akong nabingi at walang naririnig dahil
lahat ng tao sa salas ay nakatingin sa aming dalawa ni Andrew na magkahawak pa
ang mga kamay at parang mga basang sisiw na panay ang patak ng tubig mula sa
aming buhok at sa suot na damit.
Nang lingunin ko si Andrew ay sleeping pants na lang ang
suot nito at walang pang-itaas. Mabuti na lang at nakabestida pa rin ako pero
bigla kong naalala na wala na nga pala akong suot na panty. Inihagis ito kanina
ni Andrew at dahil sa pagmamadali ay nakalimutan ko na itong isuot, hindi man
yun mahalata ng mga tao sa paligid ay hindi pa rin komportable sa pakiramdam.
Walang sinuman ang nagsalita. Tumahimik na rin ang mga anak
ni Mutya kaya napuno ng katahimikan ang paligid.
"Bakit - hindi kayo nabasa?" alinlangan at takang
tanong ni Andrew.
"Naka-off lahat ng fire sprinkler maliban sa silid ni
Tintin." si Drake ang nagsalita na naka-ngisi na ngayon.
Dumilim ang mukha ni Andrew. Parang unti-unti na niyang
naiintindihan ang mga nangyayari.
"Walang sunog, pero bakit tumunog ang fire alarm?"
tanong nito kahit mukhang alam na niya ang sagot.
"Para kasing may nakita akong naglalaro ng apoy kaya
sinubukan ko lang kung gagana ang fire alarm. Mukhang magaling yung kompanyang
kinuha ni dad ah. Hindi pumalya." malawak ang ngiting ibinato ni Drake sa
kapatid.
Nagdilim pang lalo ang mukha ni Andrew at akmang susugurin
ang kapatid, ngunit napahinto ito nang kunin ni Drake ang bunsong anak mula kay
Mutya. Ang dalawa pa nitong mga anak ay nakayakap sa magkabila nitong binti.
Muling ngumisi si Drake sa kapatid.
"Para ka namang nahulog sa puno niyan kung magalit- eh
para nabasa ka lang naman ng konti."
Kabanata 59
Tintin POV
"Wala po talagang nangyari sa amin. Kahit ipa-medical
nyo pa po ako, virgin pa po talaga ako." paulit ulit kong paliwanag kay
donya Agatha.
Nakapameywang ito ngayon sa harapan namin ni Andrew habang
nakaupo kami sa sofa. Nakapagpalit na kami ng damit at nagsibalikan na rin ang
mga tao sa kani-kanilang silid. Kaming apat na lang ang naririto sa salas
kasama si don Antonio na nakamasid lang at hinahayaan si donya Agatha na
sermunan kami.
"Kung hindi kayo nabisto, baka kung anong kababalaghan
na ang ginawa nyo! At ikaw naman Andrew, anong ginagawa mo sa kwarto ni
Tintin?" anito at humarap kay Andrew.
"Nag-uusap lang po kami." ako ang mabilis na
sumagot sa kanyang tanong. Tumaas lang ang kilay ni Donya Agatha.
"Pasado alas dose na nang madaling araw nag-uusap pa
rin kayo? Ano naman kaya ang pinag-uusapan nyo habang walang suot na pang-itaas
si Andrew? Last time I checked, gumagana naman ang aircon, so imposibleng
naiinitan lang siya kung yan ang sunod mong ia-alibi." sarkastikong sabi
ng donya habang pinandidilatan ako. Napayuko na lang ako dahil naunahan na niya
ako sa isasagot ko.
"Hindi ako pinanganak kahapon. Akala ko ba hindi kayo,
eh bakit pinapasok mo ang kwarto niya?" kay Andrew siya nakatingin.
"Girlfriend ko si Tin!"
"Wala na po kami."
Sabay naming sagot. Biglang natigilan ang donya sa narinig
sa amin at nanlalaki ang mga mata.
"So naging kayo?!?!" anitong hindi makapaniwala
"Kami pa." ani Andrew.
"Nakipagbreak na po siya sa akin." mabilis kong
tugon. Nilingon ako ni donya Agatha.
"Anong sabi mo?" gulat na tanong nito.
"Mom, kami pa." singit ni Andrew.
"Hindi ikaw ang tinatanong ko!" singhal ng donya
sa anak at muli akong nilingon.
"Pinagbigyan lang po niya ako dahil sa pangungulit ko,
tapos nakipagbreak na po siya saken after 5 days. Kaya wala na po talaga
kami"
Pagsulyap ko kay Andrew ay nakita ko kung paano halos
bumagsak ang panga nito dahil sa sinabi ko. Naningkit naman ang mga mata ng
donya na nilingon ang anak.
"You're such a jérk! Paano mo nagawa kay Tintin
yun?" halos manlaki ang butas ng ilong.
Kalmadong nagsalita si Andrew.
"Mom, siya nga itong gustong gustong tapusin ang
relasyon namin. I'm doing everything I can to pursue her, but she keeps turning
me down." nanatili itong kalmado sa pagpapaliwanag. Samantalang matinding
pressure ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Mas lalo pa yatang nainis ang donya sa kay Andrew.
"So dadaanin mo sa pwersahan kaya -"
"There's no way I'd do that I love her!" saad ni
Andrew.
Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Para akong
nabingi sa narinig. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang huli niyang sinabi
dahil baka nagkakamali lang ako ng pandinig. Maging si donya Agatha ay
natahimik dahil sa sinabi ni Andrew.
"Mahal ko si Tintin!" pag-uulit ni Andrew. Para
tuloy natunaw ang puso ko..
"Pinasok ko nga siya sa kwarto pero hindi ko siya
pinilit. God mom! Ang tatanda na namin, hindi ko maintindihan kung bakit parang
mga teenager kung pagsabihan nyo kami."
"Walang nangyari?"
"Unfortunately wala, pero wag mo siyang irereto kung
kani-kanino dahil girlfriend ko nga si Tintin."
Kanina pa silang mag-ina na nagbabatuhan ng linya. Parang
wala naman akong naiintindihan sa mga pinag-uusapan nila dahil nandun pa rin
ang utak ko sa- Mahal niya daw ako.
"Naiintindihan mo ba Tintin!!!" nagulat ako sa
malakas na boses ni donya Agatha.
"Po?" napatingala ako sa kanya.
"Ang sabi ko, wag na wag mo na ulit papapasukin ang
lalaking yan sa kwarto mo kung ayaw mong isauli kita sa mga magulang mo! Ano na
lang ang sasabihin nila pagkatapos ka nilang ipagkatiwala sa amin? Kailangan ko
sigurong ipaalam sa kanila ang nangyari ngayon."
Bigla akong napatayo dahil sa sinabi ng donya.
"Tita, pakiusap... wag nyo pong sabihin kina tatay.
Ibababalik po talaga nila ako sa Batangas."
pagsusumamo ko sa kanya at tuluyan na akong napaiyak dahil
sa takot.
Agad na tumayo si Andrew at mula sa aking likuran at
inalalayan nya ako sa aking magkabilang braso.
"Tin..." mahinang alo nito.
"Don't touch her!" Singhal ni donya Agatha sa
anak.
Napabitiw naman bigla si Andrew sa akin dahil sa lakas ng
boses ng kanyang ina.
"Dati gustong gusto kong maging kayo, pero kung ganyang
may kababalaghan nang nagyayari sa inyo dalawa habang nasa atin si Tintin,
hindi na ako papayag. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa mga
magulang ni Tintin kung mabuntis mo siya ng wala sa oras. Maghiwalay muna
kayo."
"Mom, hindi pwede yan. Mahal ko si Tintin at hindi ako
makikipaghiwalay sa kanya." seryosong ani Andrew.
Sandaling namutawi ang katahimikan. Ilang sandali pa ay
tumayo na si don Antonio at tinalikuran na kami. Samantalang si donya Agatha
naman ay malakas na nagbuntong hininga.
"Wag na wag mo siyang gagalawin!" anito kay Andrew
at ang sunod na binalingan ay ako.
"Umakyat ka na sa kwarto mo Tintin, sumigaw ka kapag
pinasok ka na naman nya. Naiintindihan mo ba?"
Kabanata 60
"Opo." tugon ko at saka ako umalis upang umakyat
sa aking silid na tulong tulong na pinatuyo at nilinis ng mga mga kasambahay.
Hindi ko magawang lingunin si Andrew dahil nakamasid pa rin ang ina nito.
****************
Namimilipit si Mutya sa katatawa sa ibabaw ng kama habang
inaalala ang nangyari kagabi. Nasa kwarto nila ako ngayon habang ang tatlong
anak nito ay naglalaro sa sahig.
"Grabe naman yang asawa mong magbiro. Kasalanan nya,
nakakahiya talaga." panunumbat ko at sinisisi si Drake sa nangyari. Mas
lalong tumawa si Mutya.
"Hay naku, kung alam mo lang kung anong mga kalokohan
ang ginawa niyang si Andrew sa kapatid niya. Wala pa ngang binatbat yung ginawa
ni Drake kagabi, harmless pa nga yun eh. Yung mga prank dati ni Andrew sa
kanya, buwis buhay talaga. Hay naku, kawawa ka naman bestfriend, pati ikaw
nadamay."
""Hindi nakakatawa." nakasimangot kong sabi
sa kanya.
"Sinilip ko kayo kagabi habang sinesermunan ni mommy,
ganung katindi rin ang sermon na inabot ko sa kanya noon - dahil diyan sa
Andrew mo." nakabungisngis nitong sabi.
"Diko alam kung pano siya nakapasok dito, eh inilock ko
nga yun pagka-alis mo eh." wika ko.
"Duh, bahay nila 'to. Maraming access yan o malamang
binayaran niya yung hawak ng susi." ani Mutya.
Narinig kong tumutunog ang aking cellphone. Si Liezel ang
tumatawag kaya sinagot ko agad yun.
"Hello." bungad ko.
"Kristina, naalala mo si nanay Naty, yung pasyente sa
301, hindi bat ikaw ang nagtago nung naiwan niyang bag, san mo ba inilagay?
"anito.
"Ibingay ko kay Maricel, siya kasi ang pumalit saken
kaya tinur-over ko na lang sa kanya." sagot ko.
"Oh okay... Uy, kelan balik mo?" tanong ni Liezel.
"3 days pa, bakit?"
"Wala naman miss ka na namin. Miss ko na rin ang
pa-kape at pa-donut ni dok." humahagikhik na sabi nito.
"Sira, hindi na masusundan yun. Pinagbawalan ko na
siya." natatawa kong sagot.
"Grabe, nainlove na talaga si dok Andrew sayo
'no." anito pa.
"Ewan ko ba dun, kung umasta parang nakainom ng
gayuma." saad ko.
"Anong para ka dyan. Nakainom talaga yun. Mukhang
effective talaga yun gayuma nung albularyo ah." wika ni Liezel sa kabilang
linya.
"Hindi siya nakainom, remember ipinatapon ko
sayo." pag papaalala ko sa kanya.
"Sira, hindi ko tinapon yun. Sabi mo pinaghirapan mo
talaga yun, kaya ibinigay ko kay dok Andrew. Sayang naman ang effort mo kung
itatapon lang, pero mukhang maganda naman ang resulta." anito.
"Ha!!!" gulat na gulat kong tugon.
****************
Kanina pa nakapagpaalam si Liezel pero parang nakalutang pa
rin ako. Ininom ni Andrew ang gayuma?
So, kaya ba siya nagkakaganun dahil sa gayuma, hindi dahil
sa mahal nya talaga ako?
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Buong akala ko
ay natutunan na talaga kong mahalin ni Andrew. Hindi naman ako lubos na
naniniwala sa gayuma, pero sa sitwasyon ni Andrew ngayon ay nasisiguro kong
totoo nga ito.
Naalala ko na noong 5th day ng kasunduan namin ay
nakikipaghiwalay na ito sa akin.
Noong 6th day ay nahuli ko syang kahalikan si Natalia at
noong araw na yun din ay ininom nito ang kapeng may gayuma.
Noong 7th day ay bigla na lang itong nag-iba at parang
stalker na sunod ng sunod sa akin.
Kaya pala.., kelan lang ay napaka-intimate nila ng ni Dra.
Natalia, tapos ay bigla na lang niya akong susuyuin.
ilusyon lang pala ang nararamdaman nito para sa akin. Kaya
pala bigla na lang siyang nagbago. Naalala ko pa na halos mangisay na ito sa
pakikipaghiwalay sa akin, tapos bigla bigla ay para siyang asong ulol na habol
nang habol sa akin.
Napahilamos ako ng mukha. Ano ba itong nagawa ko? Mahal ko
si Andrew pero, hindi ito ang gusto kong mangyari. Ayoko nito.
"Mutya, pwede mo ba akong tulungan?"
Ipinaliwanag ko kay Mutya ang nangyari.
"Sigurado ka bang totoo nga yang gayuma na yan? Parang
hindi naman kapani-paniwala. Sinakyan ko lang yung gusto mo noong una, pero
parang imposible naman yata yan." anito na nag-aalangan.
"Hindi ko rin alam, pero mas imposible naman na isang
araw lang magbabago na agad ang nararamdaman nya para sa akin. Isang araw lang
eh nakikipaghiwalay siya sa akin at nakikipaghalikan sa ex-girlfriend niya.
Next day patay na patay na siya sa akin. Sige nga, isipin mong mabuti."
Napaisip naman si Mutya sa sinabi ko.
"Ewan ko..." alanganing anito.
"Kokontrahin ko ang gayuma. Mabuti na yun para
sigurado. Ayoko nung naghahabol nga siya sa akin, pero under the spell naman
siya. Hindi kaya ng konsensya ko. Wala namang mawawala kung ita-try ko
diba."
"So, anong gagawin mo?" tanong ni Mutya.
"May ibinigay na pangontra sakin yung albularyo. Pareho
lang nang dati pero iba lang ang dadasalin ko."
"Ibig sabihin kailangan mo ulit ng brief ni
Andrew?" natatawa na agad na tanong ni Mutya.
Tiningnan ko si Mutya nang may pagsusumamo.
"Bes, tulungan mo ulit akong kunin ang brief niya...
please!"
Kabanata 61
Tintin POV
"Gapangin mo na lang saka mo kunin yung brief nya,
tutal patay na patay naman yun sayo ngayon. Siguradong isang sabi mo lang,
maghuhubad na agad yun sa harapan mo."
"Ayoko, aalisin ko nga ang spell eh. Paano kung magalaw
niya ako tapos next day di na nya ako gusto. Eh di kawawa naman ako,
nganga."
Bigla akong nakaisip ng maganda idea.
"Maganda sana kung ngayon ko na gawin, tutal narito na
tayong lahat." suhestyon ko.
Malalim na nag-isip si Mutya.
"Sige na nga, mamaya gawan natin ng paraan."
anito. Napangiti ako sa sinabi ni bestfriend.
"Diba babalik mamaya dito ang driver nyo? Pwede bang
padaanin mo sa tinutuluyan ko. Madali namang makita yun, nasa loob ng bag na
pula, nakapatong malapit sa TV sa salas."
"Hindi ba pwedeng pag-uwi mo na lang gawin ang orasyon.
Basta mamayang gabi kukunin natin ang brief."
"Ang bilin kasi ng albularyo kailangan sa loob ng 24
hours kailangan maisagawa ang orasyon."
Kumibot kibot ang bibig ni Mutya. Tinawagan agad nito ang
driver para papuntahin ito sa tinutuluyan ko upang kunin ang bag na pula.
"Alam mo mas delikado itong pinaplano mo ngayon.
Maraming CCTV dito, tapos andito pa mga biyenan ko. Bad shot ka na nga kagabi,
tapos baka mamaya mahuli ka pa."
"Hindi naman ako magpapahuli, sisiguraduhin ko."
pangungumbinsi ko sa kanya.
"Baka ibitin tayo patiwarik ni mommy Agatha pag
nagkataon." ani Mutya
"Wag mong sabihing natatakot ka?" tanong ko sa
kanya.
Ngumiti ng maluwang si Mutya at naningkit ang mga mata.
"Sus, tayo pa ba? Para saan pa at lagi tayong napapalo
noon. Nakalimutan mo na ba ang motto natin nung high school tayo?"
Dahil sa sinabi niya ay lumuwang ang aking pagkakangiti.
Sabay kaming bumigkas. "Mutya at Tintin, hindi titigil
hanggat hindi nabubuking!"
Nag-apir pa kaming dalawa at burnunghalit ng tawa.
Tama, napakarami naming ginawang kalokohan ni Mutya nung mga
bata pa kami kaya lagi kaming napapalo. Kahit nga principal namin sumusuko,
lalo na dito kay Mutya na reyna ng kamalditahan. Sisiw lang ang pagkuha ng
brief ni Andrew. Nagawa na nga namin dati, siguradong magagawa ulit namin yun
ng walang kahirap hirap.
Nakabuo agad ng plano si Mutya. Mamamasyal kami sa farm
ngayon. Sabi ni Mutya ay hindi na raw ako isasama ni donya Agatha sa hacienda
ng kaibigan nito, hindi ko alam kung bakit pero suspetya ko ay dahil na rin kay
Andrew. Mabuti na rin yun, para maisagawa namin ni Mutya ang binabalak namin.
Nang bumaba kami para mag-almusal ay doon ko na lang ulit
nakita sa Andrew. Obvious naman na inaabangan nya ako. Iba ang ningning sa
kanyang mga mata habang nakatingin sa akin nang bumababa ako ng hagdan. Para
bang ang ganda ganda ko. Ang sarap sanang namnamin nun kung hindi ko lang alam
na nainom pala niya ang gayuma, sa halip ay nagi-guilty at naaawa ako sa kanya.
Under the spell siya at hindi niya alam ang kanyang ginagawa.
Sinalubong niya ako at agad niya akong hinapit sa beywang.
Hinaplos niya ang aking mukha habang masuyong nakatingin sa akin.
"Nakatulog ka ba ng maayos?" malambing nitong
tanong.
Tipid akong ngumiti at marahan akong tumango. Bittersweet
ang nararamdaman ko ngayon.
Haay... Sayang! Kung sana ay totoo lang itong nararamdaman
niya para sa akin, ang saya saya ko sana ngayon.
"Uhum!" boses ni donya Agatha mula sa likod.
Lumayo ako kay Andrew dahil nahiya naman ako sa donya.
"Since ayaw mong pasamahin si Tintin sa akin sa mga
kaibigan ko, ipasyal mo na lang siya sa farm mamaya." anito.
"Kahit hindi nyo sabihin ipapasyal ko talaga siya
dun." tugon ni Andrew.
"Halina kayo't mag-almusal." aya samen ng donya.
Hinawakan ako ni Andrew sa kamay at niyaya papuntang kusina.
Kitang kita ko ang mga mata ni donya Agatha na habol ang tingin sa magkahawak
namin mga kamay ngunit wala naman itong sinabi.
Naiilang naman ako sa sobrang pagka-clingy ni Andrew. Maging
sa pagkain ay asikasong asikaso niya ako na ako na ang nahihiya sa mga
kasamahan kong napapangiwi na lang sa mga ikinikilos niya. No doubt ramdam na
ramdam ko ang pagmamahal niya pero hindi ko naman makuhang magdiwang. Kailangan
ko na talagang makuha ang brief niya, agad agad.., para matapos na itong
kahibangan niya.
Nang matapos kaming kumain ay nagkaroon kami ni Mutya ng
pagkakataong magkasarilinan pagkatapos kong maligo at ihanda ang aking sarili
sa pagpunta sa farm.
"Tinanong ko yung maglalaba dito, ang sabi hindi daw
nagpapalaba si Andrew sa kanila. Dinadala niya daw sa laundry service. Bawal
naman silang pumasok sa silid nito dahil ayaw nitong may nakikialam ng mga
gamit niya." salaysay ni Mutya. Napakamot na lang ako ng ulo.
"Eh di dun tayo sa original plan mo." tugon ko.
"Oo, pagpunta natin sa farm, didiskartehan ko na lang
ang mga trabahador na maglabas ng tuba. Mahilig gumawa ng tuba yung mga
trabahador dito. Ibinebenta kasi nila yun sa bayan para extra income nila. Yun
ang ipapainom natin sa magkapatid."
Kabanata 62
"Paiinumin mo ulit si Drake?" tanong ko.
"Syempre, alangan namang si Andrew lang. Eh di halatang
halata." katwiran ni Mutya.
Napangiti na lang ako sa kanya. Ang likot talaga ng utak
nitong bestfriend kong 'to.
"Ready?" boses ni Andrew. Sabay kaming napalingon
ni Mutya sa kanya.
Nakajeans ito at simpleng tshirt na puti na yumayapos sa mga
muscles nito. Tumalon na naman ang puso ko ng makita kung gaano ito kagwapo
kahit napakasimple lang ng suot.
"Baka naman matunaw nyan ang bayaw ko."
Napaigtad ako ng marinig ang mahinang kantyaw ni Mutya.
Nakangiting lumapit si Andrew.
"Ready ka na ba?" muli nitong tanong. Marahan
akong tumango.
"Tara na, sige Mutya una na kami sa inyo." paalam
ni Andrew. Napasunod na lang ako sa kanya dahil hawak niya ang kamay ko.
"Susunod na lang kami." pahabol ni Mutya.
Dire-diretso kami ni Andrew sa labas ng bahay. Nadatnan
namin ang isang napakalaking kabayo na hawak ng isang lalaki.
"Dok, ready na po, naka-conditon na si Biscuit."
anang lalaki habang hinahaplos nito ang kabayo. Medyo kinabahan ako, wag niyang
sabihin dito kami sasakay?
Tumingin si Andrew sa akin.
"Wag kang mag-alala mabait itong si Biscuit. Saka ako
naman ang kasama mo." anito na mukhang napansin yata ang pag-aalala sa
aking mukha.
"Nakakatakot naman dyan baka mahulog ako."
nag-aalala kong sabi.
Lumapit si Andrew sa akin at hinawakan ako sa magkabilang
beywang. Ngumiti ito at masuyo akong dinampian ng halik sa labi. Mabilis lang
yun ngunit pakiramdam ko ay tumigil ang pag-ikot ng oras.
Parang napaka epektibo nun dahil nawala agad ang aking
pangamba.
"Ready?" anito. Tumango ako.
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa aking beywang at maingat
akong inalalayang sumakay sa kabayo. Nang nakaupo na ako ay siya naman itong
sumakay at pumwesto sa aking likuran. Hinila nito ang tali ng kabayo kaya
pakiramdam ko ay yakap yakap niya ako. Para akong nasa alapaap sa mga oras na
ito kahit pa alam ko na ang pagmamahal na ipinapakita niya ngayon ay epekto
lang ng gayuma.
Kapag naisakatuparan ko na ang orasyon mamayang gabi at
naipainom ko na sa kanya ang pangontra, ibig sabihin ay babalik na ang lahat sa
dati- ang pagtingin niya sa akin bilang isang kaibigan lang.
Kaya kahit ngayon man lang ay susulitin ko na ang mga huling
oras na mahal pa niya ako. Naramdaman ko na lang ang malamig na dumaloy sa
aking pisngi. Hindi ko na namalayang lumuluha na pala ako. Mabilis ko yung
pinahid upang hindi makita ni Andrew.
Malawak ang lupain na dinaanan namin. Ibat ibang klase ng
mga puno at tanim ang naroroon. May mga trabahador din na abala, ibat iba ang
kanilang mga ginagawa. Huminto kami sa manggahan. Unang bumaba si Andrew at
maingat niya akong inalalayan. Hawak niya ang aking kamay habang naglalakad
lakad kami sa buong manggahan. May mga trabahador kaming nadatnan na namimitas
at ang iba naman ay isinasalansan ang mga mangga sa loob ng mga kaing.
Oo ngat napakaganda sa paligid ay hindi naman yun ang
dahilan kung bakit ako nag-eenjoy ngayon. Masaya ako dahil kasama ko si Andrew.
"Hon..."
Parang bigla akong nagising ng marinig ang boses ni Andrew.
"H-ha?"
"Kanina pa kita kinakausap hindi ka sumasagot."
anito.
"Andrew?" sumeryoso ako ng tingin sa kanya.
Nagtatakang siyang tumingin sa akin ng mapansin niyang sumeryoso ako.
"Mahal mo ba ako?" tanong ko sa kanya. Ngumiti
naman si Andrew sa akin at sumeryoso rin ang tingin. Hinawakan nito ang mga
kamay ko.
"Mahal kita Tin. Pasensya na kung medyo late na
ako." anito habang nakatingin sa mga mata ko.
"Kelan pa? Diba sabi mo kaibigan lang o kapatid ang
tingin mo sa akin? Bakit biglang nagbago?"
"Hindi ko alam. Basta nagising na lang ako na mahal na
pala kita."anito.
"Alam mo ba yung eksaktong date ka nainlove sa
akin?"
Natawa si Andrew sa itinanong ko.
"Hindi ko nga alam basta naramdaman ko na lang na mahal
na kita." ulit nito.
"Kelan yung araw na sinasabi mong nagising ka na
lang?"
"Bakit ano bang meron at kailangang may eksaktong date
pa?" anitong nakangiti pero halatang nagtataka sa pagtatanong ko.
"Please, sagutin mo na lang. Diba nung 5th day nang
kasunduan natin ay nakikipagbreak ka na sa akin? Tapos nung 7th day natin
kinukulit mo na ako." patuloy ko.
"Hon, Mahalaga ba kung kelan kita minahal at-"
"Oo, mahalaga para sa akin na malaman ko." saad
ko.
Nang makita ni Andrew ang kaseryosohan sa akin ay bumuntong
hininga ito.
"Siguro dahil sa pangungulit mo..., nahuhulog na ako
unti-unti nang hindi ko namamalayan....."
Huminto ito at mukhang nag-iisip.
".... but it was on the 6th day - later in the day.
That's when I've finally realized that I'm seeing you as a woman.., and I'm
already in love with you."
6th day?!?!
Yun ang araw na ininom niya ang gayuma.
Kabanata 63
Tintin POV
Bigla akong nanlulumo dahil sa narinig. So, dahil nga sa
gayuma. Totoo nga talaga ang gayuma.
Hindi ko mapigilan ang pamumuo ng luha sa aking mga mata.
Nais kong maiyak. Hindi nga totoo ang pagmamahal ni Andrew sa akin. Tumalikod
ako para hindi niya makita ang pagbagsak ng aking mga luha.
"Hon?" ani Andrew.
Mabilis na nagpunta si Andrew sa harapan ko. Huli na para
itago sa kanya ang aking mga luha. Hinawakan nya ang aking baba at iniangat nga
ang aking mukha. Ubod ng tamis na ngumiti siya sa akin. Akala yata nya ay
umiiyak ako dahil sa sobrang saya.
"Salamat at kinulit mo ako. Sorry kung nagpa-hard to
get pa ako sayo. Promise, babawi ako. Mula ngayon ikaw naman ang susuyuin
ko."
Mas lalo pa akong napaluha dahil sa sinabi niya, alam kong
simula bukas ay hindi na mangyayari ang ipinangako niya.
Kinabig niya ako sa aking beywang at masuyo niya akong
hinalikan sa aking mga labi. Napapikit ako at tinanggap ang kanyang halik.
Napakatamis nun, at walang kasing sarap, ngunit wala ring kasing pait.
Narinig namin ang paparating na sasakyan kaya humiwalay kami
sa isa't isa. Mabilis kong pinahid ang aking mga luha. Nilingon namin ang
sasakyan na huminto sa di kalayuan. Bumaba si Drake, kasunod ay si Mutya.
Lumakad ako papalapit sa kanila.
"Nasan ang mga anak mo?" tanong ko kay Mutya.
"Isinama ng mga biyenan ko. Ipagmamayabang na naman sa
mga amiga nila." natatawang sabi ni Mutya.
"Buti, sumasama sa kanila yung mga bata."
"Panong hindi sasama eh, spoiled sila sa mga lolo't
lola nila. Saka may mga yaya naman silang kasama dun. Mabuti nga yun, madali
nating magagawa ang pinaplano natin." pabulong at pilyang sabi ni Mutya.
Nawala lang ang pag ngiti nito ng mapansing nakakunoot ang
noo ni Drake na nakatingin sa kanya.
"Ano yun?" dudang tanong ni Drake sa asawa.
Painosente namang tumingin si Mutya sa kanya.
"Anong ano yun?" maang-maangang sabi nito. Ngumiti
ito kay Drake at niyakap ang asawa.
"Babe, pasyal mo naman kami sa tubaan. Gusto ko lang
ipakita kay Tintin kung paano ginagawa ng tuba."
malambing nitong sabi kay Drake. Si Drake naman ay hindi
nawawala ang pagkakakunot ng noo. Kilalang kilala na nga talaga nito ang asawa.
Ramdam siguro nito na may kalokohan sa utak ni Mutya
"Wag na lang Mutya, sa Youtube na lang ako manonood.
Pareho lang naman yun." dugtong ko.
Kailangang back-upan ko ang drama para mawala ang atensyon
ni Drake kay Mutya na mukhang diskumpyado talaga sa asawa.
"Bakit gusto mong makita ang pagawa ng tuba?" si
Andrew naman ang nagtatanong.
"Ah... eh... si tatay kasi gusto gumawa ng tuba at
suka, diba andaming niyog sa likod ng bahay namin. Nasasayang lang."
"Hindi mo agad sinabi, dun sana tayo nagpunta."
Pacute akong ngumiti kay Andrew.
"Ha? Hindi naman importante yun. Kahit wag na."
tanggi ko pero ang totoo ay nananalangin ako na si Andrew na ang magyaya.
"Tara." anito.
Hinawakan ako ni Andrew sa kamay at napasunod ako sa kanya
nang magtungo kami pabalik sa kabayo niya.
Lihim ako napangiti ng makita ang kabayo. Gustong gusto kong
sumakay dito dahil sa yakap ni Andrew na baka bukas ay hindi ko na maranasan
pa.
Dinala ako ni Andrew sa napakaraming puno ng niyog. Nandun
na rin sina Mutya at Drake pagdating namin. Ipinakita sa akin ni Andrew pwesto
kung saan ginagawa ang tuba. Hindi ako intresado dun. Ang iniisip ko ay kung
paano ko siya malalasing.
"Inuman na!" narinig kong sinabi ni Mutya.
Paglingon ko ay may bitbit na itong dalawang bote ng tuba sa makabilang kamay.
Nais kong matawa sa itsura niya. Umasim naman ang mukha ni na Drake at Andrew
nang makita siya.
"Babe, tanghali pa lang, papainumin mo na agad
kami?" reklamo ni Drake sa asawa.
Ibinaba ni Mutya ang tuba. Binalingan nito si Drake at
malagkit na tiningnan. Tumabi pa si Mutya sa asawa ay may ibinulong, na may
kasamang napakalanding ngiti na sumilay sa mga labi. Napalunok naman si Drake
at napatingin sa asawa. Naroon pa rin ang malanding ngiti ni Mutya at saka
tumango tango kay Drake. Umaliwalas ang kaninang nakakunot na noo ni Drake at
saka lumuwang ang ngiti sabay tingin sa tuba, pagkuway inalis ang takip ng
bote.
Kabanata 64
"Okay, simulan na natin." ani Drake. Nilingon nito
si Andrew.
"Ano pang itinatayo tayo mo dyan, tara tagay."
yaya ni Drake sa kapatid.
Nakangiwi naman ang mukha ni Andrew nang magkatinginan kami.
"Kung ayaw mo, ako na lang." wika ko at saka ako
umupo sa tapat ng mag-asawa.
"Stop it Tintin, hindi ka marunong mag-inom."
saway ni Andrew.
"Ayaw mo kasi, eh di ako na lang." kunyari ko pang
sabi. Bumunot ng malalim na buntong hininga si Andrew.
"Okay." anitong napipilitan.
Habang nag-iinuman ay dumating ang ilang trabahador at
inabutan sila ng pulutan. Nakita kasi nilang nag-iinuman na ang magkapatid kaya
nagkusa na ang mga ito. Si Mutya naman ay nakakuha ng tyempo para hilahin ako
sa tabi at kausapin habang abala ang magkapatid sa pakikipag-usap sa mga
lalaki.
"Iuuwi natin sila kapag lasing na. Ako na ang
magdi-drive. Marami namang trabahador dito na tutulong satin para akayin
sila." dire-diretsong salaysay ni Mutya.
"Ang galing mo. Teka, paano mo napapayag si Drake na
painumin siya?"
"R-18, bawal sabihin." nakabungisngis na sabi ni
Mutya.
"Sana all." natatawang sabi ko.
"Oh eh di wag mo nang kontrahin ang gayuma kay Andrew.
Sabihan mo lang yan siguradong ia-unli ana-ana ka na nyan." pagbibiro ni
Mutya.
"Joke lang, preserved mo yang si kiffy mo." anito.
"Syempre. Sisiguraduhin kong walang gasgas ito kapag
ikinasal ako." taas noo kong pagsang-ayon kay Mutya.
Nilingon namin ang magkapatid. Nakatingin ang dalawa sa
amin.
"Tara na, baka makahalata na yang mga yan." yaya
ni Mutya.
Kunyari at kaswal kaming naglakad pabalik ni Mutya. Mas
naging masaya ang inuman dahil nakisali na rin ang iba pang mga trabahador.
Aliw naman ako sa usapan nila dahil napakarami nilang nakakatawang kwento.
Hindi rin nagtagal ay parehong lasing na ang magkapatid.
Hindi ko akalaing ganun kabilis na malalasing ang mga ito. Malakas siguro ang
sipa ng tuba.
Nang magkatinginan kami ni Mutya ay hindi namin maiwasan ang
lihim na matawa. Tagumpay na naman. Tulad ng plano ay nagpatulong kami sa mga
trabahador na isakay ang mga ito sa sasakyan at si Mutya ang nagdrive pabalik
sa malaking bahay.
Sakto, hindi pa umuuwi ang matatandang Rufino kaya mas
umaayon sa amin ang pagkakataon. Muli kaming nagpatulong sa mga lalaking
trabahador sa bahay. Inihiga nila si Drake sa silid nila ni Mutya. Si Andrew
naman ay sa silid nito.
Nagpalinga-linga ako sa loob ng silid niya at
nagbabaka-sakali na makikita ko ang mga hinubad na damit ni ni Andrew. Baka
sakaling may makita akong brief na nagamit na niya. Pero wala akong makita.
"Baka inilagay na niya sa sasakyan niya. Sa labas kasi
yun nagpapalaba. Bilisan mo na lang na hubaran yan para makaalis na tayo rito.
Isa pa, baka dumating na ang mga biyenan ko." ani Mutya na ngayon ay
nakatayo na naman sa may pintuan upang bantayan kung may paparating.
"Kinakabahan ako Mutya." nangangatog kong sabi.
"Ngayon ka pa ba kakabahan, nagawa mo na nga yan dati
eh. Dalian mo na kasi.." ani Mutya na isa pang kinakabahan din.
Malakas akong napabuntong hininga.
"Sorry ulit Andrew!" usal ko habang nakatingin
dito.
Dahan dahan akong naupo sa tabi nito. Nangangatog ang mga
kamay ko na unti-unting inalapit sa pantalon ni Andrew. Hinawakan ko ang metal
button at unti unting inalis ang pagkakakawit.
Dahan dahan kong ibinaba ang zipper niya. Marahań na marahan
upang hindi siya magising. At nang tuluyan ko nang maibaba yun ay nasilayan ko
ang itim nitong boxer. Nakadungaw na naman si Felix kaya napalunok ako.
"Mutya, naghe-hello si Felix."
"Baliw! Bilisan mo at wag puro Felix Bakat yang
inaatupag mo." sita ni Mutya na napapatawa.
Bibitawan ko na sana ang zipper ng pantalon.., nang biglang
hablutin ni Andrew ang aking kamay.
Halos himatayin ako nang makitang gising na gising siya at
nakatitig sa akin.
Napakahigpit nang pagkakahawak nito sa kamay ko.
"What do you think you're doing?!?!"
Kabanata 65
Tintin POV
"What do you think you're doing?!?!"
Nanlalaki ang aking mga mata nang makitang gising na gising
si Andrew habang mahigpit ang hawak nito sa aking kamay.
Halos himatayin ako sa sa sobrang gulat at matinding kaba
ang nararamdaman ko ngayon. Nais kong tumakbo papalayo sa kanya, kaya hinila ko
ang aking kamay pero ayaw niya itong bitawan. Ilang beses ko pang tinangkang
hilahin para makawala pero hinihila lang niya ang kamay ko.
Mula sa pagkakahiga ay umupo pa ito at hinarap ako.
Napasinghap ako nang halos magdikit ang aming mga mukha. Parang gusto kong
kainin na lang ako ng lupa ng mga oras na'to. Nilingon ko si Mutya para humingi
ng tulong ngunit isa pa rin itong gulat na gulat at parang tinusok sa kanyang
kinatatayuan. Hindi rin ito makapaniwala na hindi naman pala lasing si Andrew.
Bigla na lang ay natuliro si Mutya.
"Nay ko po!" namumutlang sabi nito.
Bigla na lang nagtatakbo si Mutya papasok ng silid at hindi
malaman kung ano ang gagawin. Tatakbo dito, tatakbo doon. Tulirong tuliro ito
at sa huli ay parang dagang nasukol at napaupo na lang sa sulok ng maliit na
sofa na tila takot na takot.
"Tapos na ba kayong maglaro, ha Mutya!!!" galit na
boses ni Drake ang dumagundong sa silid ni Andrew. Hinahanap ⚫ng
mga mata nito ang kanyang asawa.
Kaya pala ganun na lang ang naging reaksyon ni Mutya. Nakita
nya palang paparating na ang asawa kaya ganun na lang ang takot nito. Ngayon ko
lang nakita si Drake sa ganung itsura-nakakatakot. Kagaya nang kung paano
ilarawan ng mga empleyado sa hospital ang CEO na kilala nila.
Hawak pa rin ako ni Andrew at titig na titig siya sa akin.
Matiim ang tingin niya na nanghihingi ng paliwanag.
"Andrew..." mahina kong sabi.
Napayuko na lang ako dahil sa sobrang hiya.
"Wala ka bang balak magpaliwanag Mutya?" mariing
tanong ni Drake.
Napapikit naman ako nang narinig kong tinawag na naman nito
sa pangalan ang bestfriend ko at hindi "Babe." Siguradong
maliliíntikan si Mutya nito, ganun na rin ako.
Buong akala ko pa naman ay tagumpay na ang plano naming
dalawa. Kami pala itong naisahan ng magkapatid. Kaya pala ambilis malasing,
nagpapanggap lang pala ang mga ito.
"Sumunod kayo sa opisina."
Tinapunan muna ni Drake ng matalim na tingin ang asawa bago
ito tumalikod.
"Gayuma?!?!"
Halos sabay na bulalas na sabi ng magkapatid na Drake at
Andrew, hindi makapaniwala sa sinabi namin ni Mutya.
"Babe, ano ba talagang kalokohan 'to?" tanong ni
Drake sa asawa. Nakayuko lang si Mutya, parang anghel ngayon.
"Kaya pala nakakapagduda yang mga ikinikilos niyong
dalawa kanina. Sinasabi ko na nga ba't may binabalak kayo. Halos ipagduldulan
nyo sa mukha namin yung tuba." si Drake pa rin.
Pakiramdam ko ay ako ang siyang dapat magpaliwanag kaya
nagsalita ako.
"Kasalanan ko.., kinulit ko lang si Mutya na tulungan
ako."
Walang nagsasalita at naghihintay ang magkapatid sa sunod na
sasabihin ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang tingnan si Andrew.
"Sa kagustuhan kong mainlove sa akin si Andrew,
pinainom ko siya ng gayuma...."
Lumunok muna ako bago nagsalita muli.
"....nung birthday ni Mutya nilasing namin siya. Kasi
-ano.., kailangan sa orasyon yung... b-brief ni Andrew-yung gamit na."
Napapikit ako ng mariin habang nakangiwi ang aking bibig,
naghihintay ng sermon mula sa magkapatid..
Narinig kong sabay na nagtawanan ang dalawa.
Dahan dahan kong iminulat ko ang aking mga mata.., at nang
tingnan ko si Drake ay hilot hilot nito ang sariling noo at pigil na ngayon ang
kanyang pagtawa.
Samantalang si Andrew na nakasalampak sa single sofa ay
nakapatong ang siko sa armrest. Hinahagod nito ang ibabang labi dahil hindi
mawala-wala ang pinipigilang pagngiti habang panay ang kalog ng balikat nito.
Nakakainis itong si Mutya..., at nakuha pa talagang makitawa
sa dalawa.
Itinuloy ko ang pagpapaliwanag.
"Kinabukasan ipinainom ko kay Andrew yung kape. Naalala
mo nung 6th day natin, nung madatnan ko kayo ni Dra. Natalia sa opisina? May
dala akong kape noon kaya ako nagpunta sa office mo pero ibinigay ko kay
Liezel. Siya ang nag-abot sayo....."
".... Kaya ayan, nainlove ka saken. Hindi totoo yang
nararamdaman mo, under the spell ka, kaya akala mo mahal mo 'ko." Nakayuko
kong sabi at pasimpleng tumingin kay Andrew.
Sumandal ito sa sofa. Ini-angat ang kanyang mga braso at
ipinagsalikop ang dalawang kamay sa likod ng kanyang batok. Prenteng prente ito
sa pagkaka-upo at napaka gwapo nito sa kanyang pagkakangiti na waring aliw na
aliw sa sinasabi ko.
"Sabihin na nating totoo yan, ngayong inlove na ako
sayo bakit balak mo na naman akong hubaran? Balak mo ba akong pikutin? Pwede mo
namang sabihin na lang sa akin, alam mo namang hindi kita tatanggihan."
anito sa pilyong ngiti.
Pinamulahan ako ng mukha dahil sa sinabi nito. Muli itong
nagsalita.
"Hindi kita tatanggihan. Under the spell nga ako-
diba?" mas lumawak pang lalo ang ngiti nito na halatang sinasakyan lang
ang mga sinabi ko at hindi naniniwala sa gayuma.
"Gagawa kasi ako ng pangontra, para mawala na ang
epekto ng gayuma." sagot ko.
"So, ayaw mo nang mahalin kita?" tanong ni Andrew.
Marahan akong tumango.
"Nagi-guilty kasi ako. Mali na mainlove ka sa akin
dahil sa gayuma. Hindi tama yun."
Ilang sandali na namuo ang katahimikan sa loob ng opisina.
Narinig ko ang malakas na buntong hininga si Drake.
Kabanata 66
"Walang kwenta ang usapan na'to. Para akong
nakikipag-usap sa mga preschool students. Mas matino pa yatang kausap ang
panganay ko." anito at kay Mutya nakatingin.
Tumayo si Drake at umiiling-iling na naglakad. Huminto ito
sa tapat ni Mutya na kanina pang walang imik. Kahit naman may kapilyahan si
Mutya ay alam nito kung kelan siya mali at kung kelan mananahimik.
"C'mon babe, dun tayo mag-usap sa kwarto natin."
baling ni Drake sa asawa at inilahad ang kamay.
Tumunghay si Mutya at tinanggap ang kamay ng asawa. Tumayo
ito at sumunod kay Drake na lumabas na ng opisina, kaya kaming dalawa na lang
ni Andrew ang naiwan sa loob.
Ilang na ilang ako dahil hindi mawala wala ang pagtitig ni
Andrew sa akin. Hindi ko magawang tumingin sa kanya pagkatapos ng mga
ipinagtapat ko.
"So.., gusto mong alisin ang epekto ng gayuma sa akin
para hindi na kita mahalin?" basag ni Andrew sa katahimikan. Nahihiya
akong tumango.
"Pano kung inumin ko yang pangontra mo, pero mahal pa
rin kita pagkatapos?" tanong ni Andrew.
Napatingin ako sa kanya at nagsalubong ang aming mga mata.
"Sige, kusa kong ibibigay sa'yo ang brief ko. Gawin mo
na yang pangontrang sinasabi mo." anito
Namilog ang aking mga mata sa sinabi nito.
"Sa isang kondisyon..." anito. Takang napakunot
ang noo ko.
"Anong kondisyon?" tanong ko.
"Kapag bukas, inlove pa rin ako sayo - Hindi ka na
pwedeng tumanggi saken. Officially tayo na. Ibig sabihin, kahit sa trabaho
hindi mo na pwedeng itangging tayo na. Hindi ka na makikipagkita o
makikipagdate pa sa iba. Boyfriend mo na ako at girlfriend na kita. In short,
akin ka na!" seryosong winika ni Andrew.
********
Ginawa ko agad ang orasyon pagkarating na pagkarating ng
driver nina Mutya at dala na nito ang aking bag kung saan nakalagay ang
listahan galing sa albularyo. Mag-isa ko yung ginawa sa aking silid.
Sa harapan mismo ni Andrew ay inihalo ko ang pangontra sa
inumin nito. Walang tigil ang kanyang pag ngiti habang pinapanood akong
hinahalo ang laman ng baso. Nakikita ko pa ngang napapailing ito paminsan
minsan. Habang natatawa siya, ako naman ay nalulungkot dahil malapit nang
mawala ang pagmamahal niya sa akin.
"Anong gagawin mo kapag nawala ang pagmamahal ko?"
tanong ni Andrew pagkatapos inumin yun.
Nagkibit balikat ako.
"Hindi na kita kukulitin kagaya ng dati. Siguradong yun
din naman ang gugustuhin mo bukas pagising mo at mabubwisit ka na ulit sa akin.
Ako naman, tuloy lang ang buhay kagaya nang dati- na wala ka."
Lihim akong nasasaktan sa aking isinagot. Tinitigan ako ni
Andrew.
"Sasagutin mo na si Gray?" tanong nito.
"Hindi naman siya nanliligaw." sagot ko.
"Hindi pa...." anito.
"...at hindi mangyayari yun." patuloy nito.
Bigla niyang kinabig ang aking beywang at hinapit akong
papalapit sa kanya. Akmang hahalikan niya ako nang pigilan ko siya, sabay kalas
sa yakap niya. Parang nagulat naman ito sa aking ginawa.
"Andrew, pwede bang wag ka masyadong clingy lalo na sa
harapan ng ibang tao, naiilang kasi ako. Isa pa, hindi naman totoo yang
nararamdaman mo. Bukas pagising mo, baka pagsisihan mo yang mga pinaggagagawa
mo ngayon. Sisihin mo pa ako." saad ko.
Muli na naman itong napatawa.
"Okay pero kapag kaharap lang sila. Simula bukas- kapag
tayong dalawa na lang, hindi ka na pwedeng tumanggi sakin." kampanteng
sabi nito.
Tumalikod na lang ako at iniwan siya sa kusina.
*********
Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa tawag ni inay.
Kagaya ng dati ay nangungumusta lang sila. Medyo naging mahaba ang usapan namin
hanggang sa maputol na ito dahil nalowbat na ako. Kaya nagcharge muna ako at
naglinis ang katawan saka lumabas ng silid.
Parang ayaw ko pa ngang lumabas dahil natatakot ako sa
kinalabasan ng pangontra. Nawala na kaya ang pagmamahal ni Andrew sakin? Kung
ganun ang mangyayari, paano kapag nagising na siya sa kahibangan niya at
nagkaharap na kami.., magalit kaya siya?
Saktong pagbaba ko ay nakasalubong ko si Mutya.
"Susunduin pa sana kita. Tara na, mag-almusal na
tayo." yaya nito.
Bigla akong kinabahan. Parang may paru-parung nagliliparan
sa aking dibdib. No choice naman ako kundi harapin sila. Mabigat ang aking mga
paa na nagtungo sa kusina: Naron na silang lahat pwera kay Andrew. Naupo ako sa
nakasanayan kong pwesto, sa tabi ng inuupuan palagi ni Andrew. Nasa online
conference daw ito ngayon kaya hindi makakasabay mag-almusal.
Patapos na kaming kumain ng pumasok si Andrew sa kusina.
Nanlalamig ang aking mga kamay habang sumusubo. Pinagpapawisan pa nga ako ng
sobra. Ni hindi ko siya magawang tingnan.
Tahimik lang ito at naupo. Hindi na kaya niya ako mahal?
Sandali pa lang itong nakakaupo nang tumayo ito at lumabas ng kusina dahil may
tumatawag dito.
Tutal ay tapos na rin naman ang lahat kaya tumayo na rin
ako. Hindi ko maintindihan pero parang may humihila sa akin na sundan ko si
Andrew. Nasa may veranda ito at may kausap sa telepono. Hindi ko masyadong
marinig kaya mas lumapit pa ako para mas maintindihan ang sinasabi nito.
"Can't wait to be there.. Okay.... Bye Natalia."
nakangiting tinapos ni Andrew ang tawag. Nanatili itong nakatingin sa cellphone
at maaliwalas ang mukha.
Parang sinaksak ang aking puso at kusang pumatak ang aking
mga luha. Wala na.., hindi na niya ako mahal. Pinunasan ko ang aking luha at
maingat akong lumakad palayo. Expected ko na ito. Masakit man pero tanggap ko
na.
Kabanata 67
Tintin POV
"Dalian mo, sasama tayo kina mommy." ani Mutya
habang kinakalog niya ako sa balikat. Nakadapa kasi ako sa kama at sobrang
bigat ng aking katawan dahil wala ako kagana ganang tumayo.
"Saan?" walang gana kong tanong habang nakasubsob
ang aking mukha sa unan.
"Sa kabilang bayan, sa mga kaibigan nya. Sa La
Pâtisserie Royale. Masarap daw ang mga pastries dun." excited nitong sabi.
"Sige." napipilitan kong tugon at saka tumayo.
Nakakahiya namang mag-inarte sa imbitasyon nina donya
Agatha.
"Problema mo?" ani Mutya na nahalata yata na
matamlay ako.
"Tinatamad kasi akong sumama, nakakahiya naman kay tita
na wag sumama." tugon ko habang naghahanap ng maisusuot.
"Mabuburaot ka lang dito, wala kang kasama. Lahat kami
pupunta. Si Andrew naman kanina pa umalis."
Napakislot ako ng marinig ang pangalan ni Andrew.
"San siya nagpunta?"
"Ewan ko dun. May sarili kasing mundo yun, kaya kapag
umaalis yun wala nang nagtatanong."
Malamang bumalik na sa ex niya. Hindi na siguro
makapaghintay na magpaliwanag sa nobya. Buti pa sila, magkakapaliwanagan na ng
totoong nangyari. Ako siguro ang kontrabida sa storya nila. Ang saya-saya-and
they lived happily ever after.
**************
Sa sasakyan nina Mutya ako sumabay nang magtungo kami sa
sinasabi niyang pastry shop. Ang ganda pala sa lugar na'to. Akala ko ay
simpleng bakery lang. May kalakihan ito at pwede kang magdine -in. Pagpasok
namin ay todo asikaso agad ang mga tauhan sa pamilya Rufino. Sinalubong din
kami agad ng may-ari ng pastry shop na si Mrs. Dela Vega daw. Parang si donya
Agatha rin ito, sobrang sosyal.
Umorder ako ng kape at pastry na ni hindi ko man lang
maalala kung anong tawag dahil tunog French. Maya-maya pa ay isang
napakagwapong lalaki ang pumasok sa shop at naglakad papalapit sa amin.
"Grabe ang gwapo naman ng lalaking yan, parang
aparisyon." pasimple kong bulong ko kay Mutya. Para kasing siya yung
naiimagine kong bidang lalaki sa mga romance novel.
"Mas gwapo pa sa Andrew mo?" himig panunukso nito.
Hindi ko siya sinagot. Ang sabi ko lang ay gwapo. Syempre sa
paningin ko wala nang iba pang mas gagandang lalaki pa kesa kay Andrew.
"Ayan na pala ang anak kong si Alejandro."
nakangiting sabi ni Mrs. dela Vega.
Ah, siya siguro yung Alejandro na sinasabi ni donya Agatha
na haciendero at ipapakilala sa akin. Hmmm.. Gwapo nga. Mukhang yummy!
Sinimulan muling ipakilala ni donya Agatha sa lalaki ang mga
apo nito at si Mutya.
"Siya si Mutya, asawa ni Drake."
Tumayo si Mutya at nakipagkamay sa lalaki, ganun din ang
lalaki. Mukhang gentleman naman ito.
"Finally, nakilala ko na rin ang babaeng bumihag sa
puso ng mailap na si Drake." nakangiting sabi nito at tumingin kay Drake.
Tumayo si Drake at nakipagkamay sa lalaki at nagkumustahan.
Sa usapan pa lang nila ay halatang matagal nang magkakilala ang mga ito. Nang
naupo si Drake ay sumulyap sa akin itong si Alejandro kaya nagsalita si donya
Agatha.
"She's Kristina..."
Tumayo ako para makipagkamay.
".... girlfriend ni Andrew." patuloy ni Donya
Agatha.
Napatingin tuloy ako sa kanya. Nakuuu... magagalit si Andrew
nito. Para tuloy gusto kong kontrahin ang sinabi niya. Nang muli akong lumingon
kay Alejandro ay nakangiti at magalang naman itong nakipagkamay sa akin.
Ang sarap sanang pagmasdan nang kagwapuhan nito pero mas
napapatingin ako kay donya Agatha dahil sa kung paano niya ako ipinakilala.
Habang nakikipagkamay ako sa kanya ay nakita ko ang papalapit na si Andrew na
hindi ko napansing nakapasok na pala ng shop. Akala ko ay umalis na ito ng
Laguna.
Nang maupo ako, ay sina Alejandro at Andrew naman ang
nagbatian. Pagkatapos ay naupo na agadsi Andrew sa tabi ko. Nakakaramdam na
tuloy ako ng hiya ngayon dito. Kahapon lang ay napakaromantic ng mga nagaganap
sa amin. Ngayon ay hindi ko na alam kung paano ko siya pakikitunguhan-ngayon na
bumalik na siya sa normal.
Hanggang sa magpaalam na ang pamilya Rufino ay tahimik lang
itong naka-upo sa tabi ko. Binuhat ko agad si baby Kyle bago kami lumabas
hanggang sa makarating kami sa sasakyan ni Drake. Papasok na sana ako ng
sasakyan nang pigilan ako ni Andrew sa kamay.
"Ba't dyan ka sasakay?" anito. Kunot ang noong
nakatingin sa akin.
"Sa kanila ako sumabay kanina-"
"Andito na'ko. Tara na." naglakad ito kaya
napasunod na lang ako dahil hawak pa rin niya ako sa kamay.
Naglakad kami hanggang sa marating namin ang sasakyan niya.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan at nagtungo naman ito sa driver's seat. Ilang
saglit na siyang nakaupo pero hindi pa rin nito inii-start ang sasakyan.
"So, kumusta naman ang ideal man mo?" ani Andrew.
Anong ideal man ang sinasabi niya? Humarap siya sa akin.
"Isinama ka ni mommy para ipakilala kay Alejandro at
sumama ka naman kahit alam mong may boyfriend ka na?" madilim ang mukha
nitong nakatingin sa akin.
Hindi ako sumagot sa halip ay taka lang akong napatingin sa
kanya. Pilit kong inaalam kung anong saloobin nito. Sinong boyfriend ba ang
tinutukoy niya? Siya ba? Boyfriend ko pa rin ba siya?
"Tayo?" alinlangang tanong ko.
Naguguluhan kong itinuro ang aking mukha, kasunod ay siya.
Muli ay itinuro ko ang sarili ko.
"Tayo? Ikaw, boyfriend ko?" pagsisiguro ko kung
tama nga ang aking pagkakaintindi.
Kabanata 68
Gumuhit ang linya sa mga noo nito na parang ito naman ang
nagtataka dahil sa sinabi ko. Humugot ito ng hangin bago mapaklang natawa.
"Are you kidding me? So, anong laro mo naman ngayon?
Kunyari nakalimot ka at hindi mo na maalala ang kasunduan natin kahapon para
makaiwas ka?"
Isa lang naman ang kasunduan namin. Ibig bang sabihin....
Humarap siya sa akin. Isinandal niya ang isang balikat sa
upuan habang nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib.
"Pa'no ba yan, inlove pa rin ako sayo. Ibig sabihin
officially tayo na." anito na nakaangat ang magkabilang sulok ng labi.
"Ibig mo sabihin hindi gumana yung..."
Tumawa ng malakas si Andrew.
"Hindi naman totoo yang mga gayuma. Ang tanda mo na,
nagpapaniwala ka pa rin sa mga ganyan. Nurse ka pa naman." anitong malawak
ang ngiti.
"Akala ko umalis ka na dahil pupuntahan mo si Dra.
Natalia.., dahil nawala na yung spell." medyo alangan pa rin ako.
Kumunot ang noo ni Andrew.
"Bakit ko naman siya pupuntahan?" takang tanong
nito.
"Narinig ko kasing kausap mo siya sa telepono, sabi mo
pa dika na makapaghintay na magpunta dun."
Parang nag-isip pa si Andrew pagkatapos kong magsalita,
pagkuway natawa ulit.
"Ah..., Kinukulit kasi ako ng mga kaklase namin na
umattend ng High school reunion. Tumawag siya kanina para tanungin kung aattend
daw ba ako. Wala talaga akong balak pumunta, boring dun, pero sabi nila pwede
naman daw magsama ng date, kaya pumayag na rin ako at isasama kita."
Paliwanag nito. Ganunpaman ay nag-aalinlangan pa rin ako.
"Eh san ka nagpunta kanina? Saka ni hindi mo nga ako
kinakausap kanina sa bahay."
"Anong hindi kinakausap? Eh ikaw nga itong iwas na iwas
ang tingin sa akin. Ni hindi mo ako tinapunan ng tingin, kahit good morning
wala. Akala ko may topak ka na naman. Tapos sinabihan mo pa ako kagabi na wag
akong clingy sayo kapag kaharap sila." hindi makapaniwalang sabi nito.
Dumukwang ito sa backseat na tila may inaabot. Pagharap niya
ay may hawak na itong bouquet ng bulaklak.
"Para sayo. Unang araw natin bilang magboyfriend kaya
umalis muna ako para ibili ka nyan. Hindi na ako nagpaalam, may surprise bang
nagpapaalam?"
Napanganga na lang ako at walang salita na lumabas agad.
Totoo ba talaga ito? Alinlangan kong tinanggap ang bulaklak. Agad naman
inilapit ni Andrew ang kanyang mukha sa akin at para halikan ako. Pinigilan ko
siya sa dibdib at inilayo ko ang aking mukha.
"Andrew, baka naman hindi pa lang gumagana yung-"
"Hindi ko ininom yung kapeng ibinigay mo sakin."
putol ni Andrew sa sasabihin ko.
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Totoo man o hindi ang gayuma, hindi na importante yun.
I didn't even drink it to begin with." anito at muling tinangka na halikan
ako ngunit itinulak ko ulit siya. Sa oras na ito nasa issue pa rin ng gayuma
ang utak ko.
"Pero sabi ni Liezel ibinigay daw niya sayo yung
kape." nais ko talagang makatiyak kung talagang hindi nga niya yun ininom.
"May ibinigay siya sa akin pero hindi ko naman nainom
dahil aksidenteng natabig ko kaya natapon lahat."
"Sigurado ka?" pagsisiguro ko pa.
"Oo nga." nakukulitan nang anito.
"Eh bakit hindi mo agad sinabi sa akin kahapon, para
hindi ko na ginawa yung orasyon?" tanong ko.
Tumawa lang ulit ito.
"Dahil nakakatawa yung mga pinag gagagawa mo, para kang
bata. Hindi ko akalaing naniniwala ka pa rin sa mga ganun. Isa pa, gusto kong
makipagkasundo sayo para tayo na." anito pa.
"Eh bakit-"
Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang siilin nya ako
ng halik. Sa sandaling ito, tila huminto ang oras. Napapikit ako at walang
pag-aalinlangan na tinanggap ang kanyang halik.
Nang maghiwalay ang aming mga labi, hindi kaagad ako
dumilat. Nais ko pang namnamin ang halik na yun, hindi ako makapaniwala sa
nangyayari. Nang magmulat ako, nakita ko ang malalim na titig ni Andrew.
"Ang dami mong tanong. Bakit ba ayaw mo maniwala na
mahal nga kita?"
"Syempre, ilang beses mo kaya akong binasted kaya
parang hindi kapani-paniwala na sasabihin mong mahal mo ako." tugon ko.
"Hindi ko alam kung bakit manggagayuma ka pa, eh ang
galing mong manligaw. Wala ka bang tiwala sa mga pick-up lines mo?" anito
na nangingiti.
Bigla akong may naalala.
"Baka magalit sina tatay kapag nalaman nila, at sina
tita Agatha."
"Ako nang bahalang magpaliwanag sa parents ko. Kapag
maluwag na ulit ang schedule natin pupuntahan natin ang mga magulang mo."
Sa mga sinabi nito, lahat ng takot at pag-aalinlangan ko ay
biglang nawala. Sumilay ang kinang sa kanyang mga mata kasunod ang isang
pilyong ngiti at inilapit niyang muli ang kanyang mukha sa akin.
Pumikit ako sa pagaakalang hahalikan niya ako ulit pero
dumiretso ang bibig niya sa aking teynga. Napapilig ako ng maramdaman ang
kanyang hininga at saka may ibinulong.
"So, kumusta naman ang ratings mo kay Felix?"
anito sa mapang-akit na boses.
Bigla akong napamulat sabay tulak sa kanya. Pilyo ang ngiti
nito habang sapo niya ang mga kamay kong tumutulak sa kanyang dibdib, at saka
nagsalita...
"Nagpalit na nga pala ng pangalan ang alaga ko. Ilang
beses na kasi siyang nabitin, kaya ngayon- Angry Bird na sya."
Kabanata 69
Tintin POV
First day of work ko ngayon after ng bakasyon namin sa
Laguna. Nasa parking lot pa lang ako ay abot hanggang tenga na ang aking mga
ngiti. Hindi pa rin ako makapaniwala na kami na talaga ni Andrew. Nayayakap...,
nahahalikan..., at kung wala nga lang mga matang nakamasid samin ni Andrew sa
Laguna ay baka naka-smile na rin sa wakas si Angry Bird ngayon. Kaso wala eh,
bantay sarado kami, lalo na ni donya Agatha.
"Mukhang metikuloso ang bago nating doktor ah.
Kailangan talaga may meet and greet pa?" saad ko habang naglalakad kami
patungo sa opisina kung nasaan si Dr. Natalia Santos.
Dahil sa masaya kong bakasyon ay nakalimutan ko nang ngayon
din nga pala ang unang araw ko sa OB-GYN ward.
"Hay, parang kinakabahan ako dito sa bago nating doktor
ah. Balita ko mataas ang standard niya." ani Liezel sabay pakawala ng
malakas ng hininga.
"Kahit daw sa Amerika, bihasa na talaga siya. Sana lang
hindi tayo pumalpak, unang araw pa naman natin." dugtong pa ni Liezel.
Habang nag-uusap kami ay ramdam namin pareho ang pinaghalong
excitement at kaba. Pakiramdam ko ay ibang level ang dapat naming asahan kay
Dra. Natalia, base na rin sa mga naririnig ko mula sa ibang nurse.
"Come in." boses mula sa loob ng silid.
Pagbukas ng pintuan, agad na bumungad sa amin ang modernong
opisina na puno ng mga libro at dokumento. Ang wall niya ay maraming kasabit na
mga awards and achievements. Nakaupo si Dra. Natalia sa kanyang table, mukhang
abala ito sa pagbabasa. Tumingin ito sa amin at bahagyang ngumiti, ngunit may
halong pormalidad.
"Good morning. I suppose you are the fresh graduates
who are set to assist me. Liezel and... Kristina right?" anito na sa akin
nakatingin.
"Yes po, Dra. Santos. Ako po si Liezel, siya naman po
si Kristina."
Si Liezel ang nagsasalita ngunit sa akin siya nakatingin.
Kaya nagsalita na rin ako.
"Good morning po, Dr. Santos. Natutuwa po kami na
makatrabaho kayo." wika ko sa mababang tono.
"That's interesting.... I was just reviewing your
resume and it stated that you attended a small school in the province 1 hope
both of you are ready for my expectations. "
mahinahon pero professional ang tono ng boses ni Dra.
Natalia.
"Yes po doktora. Excited na nga po kaming matuto at
mag-improve." si Liezel ang sumagot.
"That's good to hear. This morning, we're going to
visit newly born patients. I want to see how you will interact and take care of
them and make sure you'll follow all my instructions." anang doktora at
tumayo mula sa kanyang mesa.
"Yes po ma'am." tugon ko.
Tumigil sa paglalakad ang doktora. Pumihit ito at nilingon
ako.
"It's Dra. Santos.., not ma'am. I've worked hard for
that title. I didn't go through med school for a 'ma'am or to be called
anything less. " malumanay ngunit may diin sa mga salita nito.
"Sorry po.., Dra. Santos." pagtatama ko.
Naglakad itong mula. kami naman ni Liezel ay tahimik na
nakasunod sa kanya papunta sa silid ng mga pasyente. Habang naglalakad, ay
nagsisimula na rin akong makaramdam ng matinding kaba. Kung bakit ay hindi ko
alam. Kilos at pagsasalita pa lang nito ay mukhang mataas nga talaga ang
standards at ayaw ko namang magkamali sa unang araw namin na katrabaho siya.
Pagpasok namin sa silid ay huminto ito at nilingon kaming
dalawa ni Liezel.
"Stay behind me and watch closely. If I need your help,
I expect you to assist efficiently." anito.
"Opo, Dok." halos sabay namin sagot ni Liezel.
Nilapitan ni Dra. Natalia ang nakahigang pasyente sa kama na
may hawak na bagong panganak na baby. Tahimik lang kaming nakamasid mula sa
kanyang likuran.
"Good morning, Mrs. Abad. Kumusta na ang pakiramdam mo
ngayon?" ani Dra. Natalia. Nakangiti ito pero nandun pa rin ang pagiging
sopistikada nito.
"Magandang unaga po, Dok. Eto medyo pagod, pero
masaya." masayang sagot ng ginang.
"I'm glad to hear that." tugon ng doktora dito.
Kabanata 70
Tahimik lang kaming nagmamasid habang patuloy na kinakausap
ni doktora si Mrs. Abad. Naghihintay lang kami na bigyan ng anumang
instructions. Nang makita nitong maayos ang pasyente ay nilingon niya kami.
"Nurse Kristina, kindly take Mrs. Abad's vital
signs." anito.
"Okay po, Dok." alerto kong tugon.
Agad kong kinuha ang stethoscope at blood pressure cuff at
nilapitan ang pasyente. Tutok na nakamasid si Dra. santos habang kinukuha ko
ang vital signs ni Mrs. Reyes. Nakaramdam tuloy ako ng pagka-ilang.
Inilagay ko ang cuff sa braso ng ginang. Ngunit bago pa man
ako magsimulang magpump ay biglang nagsalita si doktora sa mahinahong tono,
ngunit may halong pagdududa.
"Kristina, Napansin ko lang ha.., that you didn't
position the cuff correctly. It should be 2 fingers above the antecubital fossa
for accurate readings so in this position, it's easier to hear the Korotkoff
sounds so you can get more accurate results." anito. Kahit gaano kahinahon
ang kanyang pagpapaliwanag, naroon ang pahiwatig nito na kulang pa ako sa
kaalaman tungkol sa proper method.
Napalunok na lang ako habang ina-adjust ang cuff. Muli akong
nagpump, at saka sinunod ang instruction nito.
"Kristina, this is just a basic and simple procedure
that all our nurses are expected to know well. It's very important to be extra
careful with each step. We cannot afford any inaccuracies kahit sa mga simpleng
sitwasyon."
Neutral lang ang mga salita niya, pero parang nakakainsulto
lang kasi. Ang simpleng pagkakamali ko ay parang ipinapangalandakan pa kaya
nagmumukhang napakabigat na issue sa mga nasa harapan namin. Pero ang galing ng
pagkakadeliver niya, parang concern teacher na gusto lang turuan ang
aanga-angang estudyante.
Napatingin ako kay Liezel, na mukhang nakikisimpatya sa akin
ngunit hindi naglakas-loob na magsalita. See, kahit si Liezel dama ako, so
hindi lang dahil sa nag-ooverthink ako ngayon.
"Okay dok... Aayusin ko po." tangi kong nasabi.
"It's okay, nurse Kristina. We're all here to learn. Sa
susunod just make sure na you'll do it correctly so there won't be any problems
with the readings. Napaka-importante nito, lalo na sa mga critical na pasyente.
Lagi nyong tatandaan, accuracy is the key..., especially in a field as delicate
as ours." ani Natalia. Habang nagsasalita ito ay ramdam ko ang diin ng
bawat salitang binibitawan niya.
Nais ko pa ring bumawi at i-tama ang aking pagkakamali,
afterall superior ko pa rin siya at gusto kong maging maayos ang aking trabaho sa kanyang paningin.
Alam ko namang marami pa akong dapat matutunan.
Matapos kong makuha ang readings, ipinakita ko kay Doktora
ang resulta.
"Dok, ito na po yung blood pressure at heart rate ng
pasyente."
Tiningnan niya ito at saka tumango at muling tumingin sa
akin.
"Good..., Now, make sure to accurately document and
closely monitor the patient."
Ilang sandali pa ay tumayo ito at muling hinarap ang
pasyente.
"Mrs. Abad, everything looks good....., Magpahinga ka
lang ng maayos and follow our postnatal care instructions."
Pagkatapos ay nilingon niya kami ni Liezel.
"Let's proceed to our next patient."
Tahimik lang kaming sumunod ni Liezel sa kanya patungo sa
silid ng kasunod na pasyente. Napakabigat ng aking bawat hakbang dahil parang
ito na yata ang pinaka nerve racking experience ko mula nang magtrabaho ako, eh
ni wala pa nga kami sa operating room.
Palagi rin naman akong nasisita ng ibang doktor at senior
nurses dati. Kung tutuusin ay mas malaki pa nga ang mga nagawa kong pagkakamali
noong sila ang kasama ko pero ngayon lang ako nakaramdam na parang ang tindi ng
aking nagawa.
Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip ng kung ano ano. Bakit
parang ang simpleng pagkakamali ko ay ginagawang big deal ni Dra. Natalia? Iba
kasi ang dating ng pagkakasabi niya. Iba talaga ang pagkakadeliver niya.
Hindi kaya pinepersonal lang niya ako dahil ako ang
nababalitang girlfriend ni Andrew? Hindi man ako kasing talino niya, hindi
naman ako ganun kamanhid para hindi maramdaman ang tensyon at awkwardness sa
pagitan naming dalawa sa una pa lang. Sana lang talaga ay mali ako ng iniisip.
Kabanata 71
Tintin POV
Mabigat ang loob kong lumabas ng locker room para umuwi na.
Nakita ko si Andrew na inaabangan ako sa labas ng pintuan.
Ang pogi talaga ng boyfriend ko. Nuh ba yan, kinikilig pa rin ako. After 5 long
years pag-aari ko na ang yummy na 'to. Parang nabawasan kahit paano ang bigat
sa dibdib ko.
"Out nako, una nako sayo." nakangiti kong paalam
sa kanya. Alam ko kasing may trabaho pa ito.
"Ikukuha na kita na taxi. Mamaya pa ang labas ko."
alok niya sa akin.
"Magji-jeep na lang ako, hindi naman ako
nagmamadali." tanggi ko.
Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil.
"May problema ba?" tanong nito.
Gariun ba ako katransparent eh nakangiti na nga ako or ganun
nya ako kakilala? Binato ko siya ng pairap na tingin.
"Yang sweetheart mo kasi, pinag-iinitan yata ako.
Kaliit liitang bagay pinupuna saken, may masabi lang." sagot ko.
Nagsalubong ang mga kilay ni Andrew.
"Anong sweetheart?" anitong nagtataka.
"Sino pa ba eh di si Dra. Natalia." sagot ko. Mas
lalo pang nagsalubong ang kilay ni Andrew.
"Could you please stop that? We have nothing to do with
each other." mariing sabi nito habang tumititig nang diretso sa aking mga
mata.
Napalunok ako nang nakita ang reaksyon ni Andrew. Medyo
insensitive yata yung nasabi ko.
"Sorry." nagsisisi kong tugon. Lumamlam ang tingin
ni Andrew sa akin. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking palad.
"Anong nangyari?"
Napabuntong-hininga ako bago sumagot.
"Nagkamali kasi ako sa pagkuha ng vital signs ng
pasyente sa harapan ni Doktora Natalia. Nakakahiya talaga! Basic procedure di
ko pa nagawa ng tama."
"Wag mo masyadong iniisip yun. Lahat ng nurse at doktor
nagkakamali, lalo na sa umpisa. Isipin mo na lang na it's part of learning
process." malambing nitong sabi.
Biglang kumislap ang mga mata ni Andrew
"Kung gusto mo, practice tayo. Para next time,
confident ka nang magagawa mo ng tama."
"Talaga, sasamahan moko?"
"Para saan pa at naging doktor ang boyfriend mo?"
Niyaya nya ako papunta sa isang bakanteng examination room.
Hindi ko naman kailangan yun pero sumama pa rin ako dahil gusto ko rin siyang
makasama. Nang makapasok kami ay agad akong sumalampak ng upo sa silya
Bigla ko na namang naalala ang nangyari. Sa totoo lang hindi
ito ang unang beses na sinita ako ng isang doktor pero never ako nakaramdam ng
ganito, iba lang talaga ang approach at pagkakadeliver ni Dra. Natalia kanina.
Napatingin ako kay Andrew at hindi ko maiwasang pasadahan ng
tingin ang kabuuan niya. Ang gwapo niya talaga napapaisip tuloy ako.
"Sigurado ka bang malinaw sa kanya na wala na kyo? Baka
naman kaya nya ako pinag-iinitan eh dahil sayo." saad ko habang sinusundan
siya ng tingin sa pagtulak nito ng mobile blood pressure monitor stand palapit
sa akin. Hinila nito ang isa pang silya at naupo sa tapat ko.
Sumilay ang ngiti sa mga labi nito.
"Init naman ng ulo nito. Nagseselos ka lang eh."
nakangiting anito.
"Malay ko ba kung nabitin siya sa halik mo nung isang
araw." pahaging ko. Nagseselos pa rin kasi ako kapag naaalala yung nakita
ko sa opisina niya na magkasama sila.
Huminto si Andrew sa kanyang ginagawa. Tumingin siya ng
diretso sa aking mga mata at saka huminga ng malalim.
Dinukot nito ang kanyang cellphone. Parang may hinahanap ito
at pagkuway iniharap sa akin ang kanyang telepono. May ipinakita siya sa aking
video.
Sa video ay makikita na nakatayo si Andrew sa may bintana ng
kanyang opisina. Pumasok si Dra. Natalia. Parang nagulat pa si Andrew ng makita
ang doktora. Sandali silang nag-usap. Kumulo ang dugo ko nang makitang
tinangkang halikan ni Natalia si Andrew, ngunit parang may sinabi si Andrew sa
kanya kaya hindi ito tumuloy. Sa eksenang yun ay siya namang pagpasok ko at
mabilis din akong umalis at sinundan naman ako ni Andrew.
Matapos kong mapanood yun ay saka ko lang naintidihan na
mali pala ang paratang ko sa kanya. Napatingin ako kay Andrew na kanina pa pala
ako pinagmamasdan.
"Alam mo ba kung anong sunod na nangyari?" tanong
ni Andrew habang nakatingin sa akin.
Hindi agad ako makasagaot dahil pinoproseso ko pa rin sa
aking utak ang video na napanood ko.
"Ayaw mo na saken, binlocked mo pa ako sa cellphone
mo." nakatitig pa rin ito sa akin.
Hindi ko masalubong ang tingin niya dahil guilty ako.
Hinawakan ni Andrew ang aking baba at iniangat ang aking
mukha. Sumilay ang ngiti sa labi nito at marahan niya akong dinamplan ng halik.
"Bakit may video ka nyan sa cellphone mo?" tanong
ko pagkatapos nya akong halikan.
"Alam kong kakailanganin ko 'to isang araw. Hindi ako
magaling magpaliwanag. Mas mapapadali kung ipapanood ko na lang sayo."
Hinila nito ang mobile blood pressure monitor stand, nandun
na rin ang regular na stethoscope at blood pressure cuff.
"Alam ko namang master mo na itong procedure kaso
mukhang affected ka talaga. Baka bukas lalo kang hindi makapagtrabaho niyan.
Try nating ulit ibalik yang confident mo."
"Pwede bang magpalipat na lang ako ng ward? Ikaw naman
ang may-ari ng hospital, isang sabi mo lang..." tanong ko sa kanya.
Kabanata 72
Napatingin naman si Andrew sa akin.
"Isang araw pa lang, sumusuko ka na?" anito.
Natahimik ako at napakibot na lang ang aking bibig.
Bumalik si Andrew sa plano nitong gawin. Ipinakita sa akin
ni Andrew ang tamang posisyon ng blood pressure cuff, ganun din ang tamang
paraan ng paghawak ng stethoscope. Pati na rin kung paano basahin ng tama ang
mga resulta ng readings.
Hindi naman bago sa akin lahat nang yun dahil napaka basic
lang naman nun. Minsan lang talaga ay nagkakamali ang tao. Ganunpaman ay
aminado ako na hindi yun katwiran dahil kapakanan ng pasyente ang nakataya.
Pero basta.., iba talaga kutob ko sa bruhang Natalia na yun.
Para tuloy first day ko ngayon sa college dahil tinuturuan pa rin ako ni Andrew
ng pinaka basic na trabaho ng isang nurse na kahit 12 years old na bata ay
kayang kayang gawin. Kainis, nakaka-offend.
Nang matapos ay tatayo na sana ako nang pigilan ako ni
Andrew.
"Sandali, nagpapa-annual check-up ka ba? Suriin ko nga
yang health status mo." anito. Hindi naman ako sumagot dahil hindi pa kasi
ako nagkakapagpachheck-up ngayong taon.
Naghintay lang ako habang ini-adjust ni Andrew ang earpieces
sa kanyang teynga. Ang diaphragm na isang malaking pabilog na bahagi ng
stethoscope ay ipinosisyon niya sa gitna ng aking dibdib, tahimik niya itong
pinakikinggan.
"Inhale... exhale.." ilang beses niyang sinabi.
Iniba niya ang posisyon ng diaphragm, ngayon ay nakapatong
na sa aking kaliwang dibdib. Inikot-ikot niya ito sa ibabaw ng dibdib ko.
Napakunot ang aking noo at napatingin sa seryoso niya mukha. Naramdaman ko na
lang ang mga daliri nito na siyang naglulumikot sa palibot ng aking dibdib at
may papisil pisil pa itong nalalaman, kaya hinampas ko ang kanyang kamay.
"Manyak ka! Kunyari ka pang nagtuturo, kamanyakan lang
pala ang binabalak mo."
Maluwang ang ngiting inalis ni Andrew ang stethoscope at
ibinalik sa stand.
"Pwede ba akong matulog mamaya sa condo mo?"
tanong nito at tumingin sa akin nang malagkit. Alam ko kung anong nais nitong
ipahiwatig. Kinikilig si kiffy pero di ako nagpahalata.
"Bawal nga diba, nangako tayo kay tita Agatha."
Labas sa ilong na napatawa si Andrew habang inaayos ang mga
medical tools.
"Hindi ako nangako, nag-assume lang siya." anito.
Tumayo ulit ako at nameyawang.
"Saka diba sabi ko sayo dati nung iniisnab isnab mo
'ko, kapag ikaw nainlove sa akin at minanyak mo ako, hindi kita
pagbibigyan." nakataas pa ang aking kilay
"Hindi talaga?" ani Andrew sabay tayo at bigla
akong hinapit sa beywang, halos magdikit ang aming mga mukha. Itinulak ko siya
ngunit mas lalo nya akong hinapit.
"Lumayo ka nga, nasa trabaho tayo!" pigil ko sa
kanya kahit pa ang totoo ay gustong gusto ko naman ang kanyang ginagawa.
Nakikiliti talaga ako dahil kapag hinahawakan niya sa aking
beywang ay tinatamaan ang aking tadyang kaya naman tawa ako na tawa. Malakas
talaga ang kiliti ko dun. Mas lalo pa niya akong hinahapit kaya mas lalo ko pa
siyang itinutulak sa dibdib nito. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at
akmang hahalikan ako.
Biglang bumukas ang pintuan kaya pareho kaming napatigil ni
Andrew, sabay lingon sa kung sino ang pumasok. Si Natalia...
Maging siya ay natigilan sa naabutan niyang eksena namin ni
Andrew na hanggang ngayon ay nakapulupot pa rin ang kamay sa aking beywang at
nakatuon naman ang aking mga karnay sa malapad na dibdib ni Andrew.
"Oh, merun pala kayong masayang pinag-uusapan
dito." anito na may halong pagka-sarcastic.
"We just had a brief session about vital signs."
kaswal na tugon ni Andrew.
"Your intention is good, but as the head ng OB-GYN
ward, sana lang ay maiwasan natin ang pagiging masyadong personal sa oras ng
trabaho lalo na ward na hawak ko."
paninita nito, ngunit nananatiling propesyonal ang tono ng
boses. Mabilis niya akong tinapunan ng tingin na may kakaibigang kahulugan.
"Excuse me." anito pa at lumabas na ng silid.
Napaismid naman ako. Iwasan daw ang pagiging masyadong
personal, eh siya nga itong nagtangkang tumuka kay Andrew.
Itinulak ko si Andrew kaya ngayon pa lang kami kumalas sa
isat isa.
"Ayan, hindi mo kasi inilulugar yang kamanyakan mo,
nakita tuloy tayo ng ibang tao." angil ko sa kanya ngunit deep inside ay
nagdiriwang ang aking puso.
Buong araw nga akong iniistress ng mahaderang ex ni Andrew
pero at the of the day, uuwi pala akong tagumpay.
Kinapa-kapa ko ang aking ulo na parang may hinahanap sa
aking buhok. Napakunot noo at nagtatakang tumingin sa akin si Andrew.
"Anong ginagawa mo?" takang tanong nito.
"Inaayos ko lang yung hairpin ko.., baka kasi mahulog
yung korona ko eh."
Kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha dahil hindi nito
naintindihan ang aking sinabi. Napangiti na lang ako at lumakad palabas ng
pintuan.
"San ka pupunta?" tanong ni Andrew.
Binalingan ko siya at muli akong nagsalita...
"San pa, eh di uuwi na. Tara na may nanalo na."
Kabanata 73
Tintin POV
Kinabukasan....
Apat kaming nurse na naatasang dumalo sa case discussion na
pamumunuan ni Dra. Natalia na gaganapin dito sa conference room. May tatlong
pang OBGYN doctors na narito din ngayon. May mga doktor mula sa iba't ibang
espesyalisasyon, Chief Nursing Officer, hospital administrator at iba pang mga
empleyado ng hospital. Ang diskusyon ay para sa kaso ng isang pasyente na
kailan lang ang nakakaranas ng seryosong complication pagkatapos ng
panganganak.
Si Dra. Natalia, ang nagpapaliwanag ng kaso ng pasyente.
Kaming mga nurse naman ay tahimik na nakikinig. Ang pasyenteng pinag-uusapan ay
nakakaranas ng postpartum infection na may mataas na lagnat at abnormal results
sa mga test, kaya't kinakailangan ang isang comprehensive review ng case nito
upang matukoy ang pinaka-angkop na procedure para sa paggamot.
Ang goal ng discussion na ito ay para mag palitan ng iba't
ibang opinyon at recommendation mula sa mga experts at namamalakad sa hospital,
upang tiyakin na ang lahat ng aspect ng conditon ng pasyente ay nasuri ng
mabuti at para mapanatili na rin ang pinakamagandang kalidad ng pangangalaga.
Habang nagdi-discuss si Dra. Natalia, lahat ng mga tao na
nasa silid ay binabasa ang records at monitor ng pasyente.
Hindi ko alam kung anong ginagawa ko sa lugar na ito at kung
bakit sa dinami rami ng nurse ay ako pa talaga ang pinapunta rito. Basta
pagdating ko sa trabaho ay ipinatawag na agad ako para dumalo rito. Mga senior
nurse ang tatlong kasama ko na hindi ko naman masyadong kilala.
Habang tahimik na nakikinig at binabasa ang record ng
pasyente ay nahagip ng aking mga mata ang pagpasok ni Andrew sa loob ng
conference room. Kasali pala siya. Hindi ko alam kung nakita niya ba ako dahil
nasa may bandang sulok at nasa likuran kami. Naupo ito sa unahan sa tabi ng
ibang doktor. Hindi nakawala sa paningin ko ang paghabol ni tingin ni Natalia
dito at umaliwalas pa ang mukha ng babae.
"Nurse Kristina, Do you have opinion about this
observation?" ani Dra. Natalia.
Hindi agad ako nakapagsalita. Ako ba talaga ang tinatanong
nya? Ako pa talaga sa dinami rami ng tao dito? Akala ko ay magte-take lang ako
ng notes.
At bakit kung kelan narito pa si Andrew saka niya ako
naisipang tanungin? Nakakahiya tuloy sa boyfriend ko kung mali ang isasagot ko.
"Nurse Kristina?" muling nagsalita si Dra.
Natalia.
Siniko naman ako ng nurse na katabi ko. Kaya napapitlag ako.
Alinlangan akong tumayo. Buti na lang at binasa ko ang record at halos kapareho
din ito ng isang kaso sa Batangas nung nago-OJT pa lang ako kaya medyo may idea
na rin ako kahit paano.
"Pansin ko po na mataas ang white blood cell count at
may lagnat din po ang pasyente. Baka po may underlying infection siya na hindi
pa po nadedetect. Baka pwede pong magsagawa ng blood culture para matukoy ang
bacteria?" kinakabahang sagot ko.
Ngumiti ng bahagya ang doktora, ngunit hindi nakawala sa
paningin ko ang pagtaas ng kilay nito.
"Ah, Nurse kristina, medyo napakabigat naman yata ng
suggestion mo. Ang blood culture, hindi yan basta-basta ginagawa dahil lang
mataas ang WBC count. In this case, mas kailangan nating pagtuunan ng pansin
ang immediate recovery ng pasyente mula sa postpartum complications, hindi agad
ang infection."
"Yes po, pero iniisip ko lang po na baka magka-"
Mabilis siyang sumingit at nagsalita nang may awtoridad.
"Nurse kristina, naiintindihan ko ang iyong concern,
pero may mas malalim na clinical judgment ang kailangan dito. Hayaan mong ako
na ang mag-decide sa mga ganyang bagay."
Napatungo na lang ako at bahagyang napahiya.
"Opo, Dra. Santos." tangi kong naisagot.
Habang nag-uusap ang iba pang mga doktor, muli nya akong
binalingan.
"Yung mga ganitong suggestions kahit pa maganda ang
intension, it's smart to avoid if you're unsure. Pwedeng makadagdag lang ito sa
unnecessary procedures na pahirap sa pasyente. Dapat alam din natin ang ating
mga limitations bilang mga nurse." ani Dra. Natalia at napakaprofessional
nang pagsasalita nito. Matalinong matalino ang dating.
Umupo na ako na pahiyang pahiya. Bakit nagtanong pa siya
kung di naman pala niya tatanggapin ang sagot ko? Nakaramdam ako ng panliliit
habang abala ang mga ito sa pagbabasa ng report. Wala lang sana yun kung kami
lang dalawa ang naririto ngunit may ibang nakakarinig, lalo na at andun si
Andrew. Siguradong kitang kita niya kung gaano kalaki ang agwat ni Natalia
saken, na sobrang lamang sa napakaraming bagay.
Kabanata 74
"I agree with you, Dra. Santos." boses ni Andrew.
Kita ko ang biglang pag-aliwalas ng mukha ni Natalia habang
nakikinig sa mga sasabihin pa ni Andrew.
"Mahalaga ang immediate recovery like you said- But you
know, habang binabasa itong mga findings, may punto rin si nurse Kristina sa
kanyang observation. Mataas naman talaga ang WBC count ng pasyente at may
lagnat din ito, which is possible symptoms of infection. I undertsand na
mahalaga ang lahat ng aspeto ng pangangalaga sa pasyente. If you will ask me, I
think it's reasonable na magsagawa ng blood culture, bilang preventive
measure."
Parang nagulat si Dra. Natalia sa sinabi ni Andrew.
"But Dr. Rufino..., I think it's a very aggressive
approach."
Nakangiti at confident ito sa pagsasalita.
"I understand your concern Dr. Santos...., but in cases
like this, hindi naman masama kung maging proactive. Blood culture is not
invasive, and if there's no infection, then great, we're clear. But if there
is, we can catch it early. At the end of the day, pinakamahalaga pa rin ay ang
kaligtasan ng pasyente."
"All of us here have specialization in perspective. As
a surgeon, madalas akong tutok sa mga surgical interventions, pero
naiintindihan ko pa rin na every detail ng pangangalaga is very important. I
just want to remind na mahalaga rin ang input ng mga nurses dahil sila ang may
pinakamalapit na interaction sa mga pasyente. Just like what I said, sa
ganitong mga kaso, walang masama kung ikoconsider ang lahat ng anggulo."
Ngumiti si Dra. Natalia.
"Well, if you think it's best, Dr. Rufino, then let's
consider and discuss if we should proceed with the blood culture." anito
pero kita ko ang pasimpleng pagkibot ng bibig na parang pigil sa pagsimangot.
"Salamat, Dr. Santos. Teamwork is really important in
this case." ani Andrew.
Nagpatuloy ang discussion at ilang sandali pa ay natapos na
rin ang conference.
Naiwan pang nag-uusap usap ang mga doktor nang magsilabasan
na kami at iba pang mga nurse. Laking pasalamat ko na lang dahil narito si
Andrew.
Iniligtas niya ako sa kahihiyang ipinaparamdam sa akin ni
Natalia.
Pakiramdam ko tuloy ay knight and shining armor ko si
Andrew. Subukan lang niyang gapangin ako mamaya sa condo, makikita niya hindi
ko talaga siya tatanggihan!
Nang matapos ang maghapon ko sa trabaho ay lumabas na agad
ako nang hospital. Sa text message na lang ako nagsabi kay Andrew na uuwi na
ako. Alam kong busy siya ngayon kaya hindi ko na siya hinanap.
Pagkalabas na pagkalabas ko sa main door ay natanaw kong
pumarada ang sasakyan ni Andrew sa harapan. Nakita kong bumaba ito, tumayo at
sumandal sa gilid ng sasakyan habang nakatingin sa akin na parang ako nga
talaga ang hinihintay.
Dahil sa nangyari kanina ay mas naging gwapo pa syang lalo
ngayon sa paningin ko. Napansin yata niyang titig na titig ako sa kanya kaya
ngumiti ito sa akin. Hinawi ko ang aking buhok at inipit sa likod ng aking
tainga. Enebe! Kinikilig tuloy si Kiffy.
"Kala ko busy ka?" tanong ko nang makalapit sa
kanya. Kahapon din ay sobrang busy nito kaya hindi na rin ako naihatid.
"Hindi na ngayon. Magdinner tayo sa labas." aya
nito sa akin.
Binuksan nya ang pintuan ng sasakyan at agad akong sumakay.
Iniisip ko kung saan masarap kumain. Siguradong sky's the limit to dahil si
Andrew ang taya. Binuksan ko ang aking phone at nagsearch ng mga restaurant na
pwedeng puntahan.
"San kaya masarap kumain?" wika ko habang
isa-isang tinitingnan ang mga nakikita ko online. Mabilis lang akong sinulyapan
ni Andrew at itinuon na nitong muli ang atensyon sa pagdadrive.
Parang gusto ko ng Korean food ngayon kaya yun ang hinanap
ko. Medyo nahirapan pa ako sa pagpili at maya-maya pa ay may nakita na akong
Korean restaurant na malapit. Inalis ko sa cellphone ang aking tingin upang
kausapin si Andrew.
Napatingin ako sa daan. Ibang direksyon pala ang tinatahak
namin. Sayang lang ang pagsesearch ko. Sumandal na lang ako sa inuupuan ko at
hinayaan siyang magdrive at dalhin ako sa restaurant na gusto nito.
Kabanata 75
Akala ko ay kakain kami malapit sa tinutuluyan ko dahil
natatanaw ko na ang condominium building ngunit dire-diretso papasok sa parking
garage ng condominium ang sasakyan ni Andrew. Taka akong napatingin sa kanya.
"Oh, bakit inihatid mo na akong pauwi, kala ko ba
kakain pa tayo?" tanong ko sa kanya.
Saktong katatapos lang mag park ni Andrew at inihinto na ang
sasakyan.
Pagkuway nilingon niya ako.
"Oo nga, pero may iba muna akong gustong kainin sa
ngayon." anito at pilyo ang ngiti na pinakawalan.
Hindi naman ako ignorante para hindi magets ang ibig niyang
sabihin. Biglang kumabog ang aking dibdib. Kinabahan ako hindi dahil sa takot
kundi parang excitement na ang nararamandaman ko ngayon. This is it na talaga.
Mukhang magmi-meet and greet na sa wakas sina Kiffy at Felix. Finally, malapit
na ring magsmile si Angry Bird.
Mabilis na nakababa si Andrew at hindi pa man ako nakakababa
ay nauna na itong pagbuksan ako. Nang makababa ako ay maaliwalas na mukha ni
Andrew ang sumalubong sa akin. Mukhang excited na rin siyang kagaya ko.
Hinawakan nya ako at napasunod na lang nang mabilis itong naglakad hanggang sa
makarating kami sa loob ng elevator. Kaming dalawa lang sa loob.
Nang magsara ang pintuan ay kinabig niya ako sa beywang at
hinahalik halikan sa gilid ng aking ulo. Hindi naman ako tumutol at hinayaan ko
lang siya dahil gustong gusto ko rin naman ang ginagawa niya. Tumigil lang ito
ng magbukas ang pinto. Muli nya akong hinawakan sa kamay at nagmamadaling
maglakad patungo sa unit.
Nasa labas pa lang kami ng pintuan ay hinapit na nya ang
katawan ko at mabilis na siniil ng halik, ramdam ko ang kasabikan sa kanyang
mga labi. Sa unang pagkakataon ay gumanti na rin ako. Ilang beses na rin naman
niya akong n* ******n kaya nagagamay ko na kung paano siya humalik kaya
nakakasabay na rin ako sa kanyang ginagawa.
Habang hinahalikan ako ay kinakapa nya ang pintuan upang
buksan gamit ang kanyang fingerprints.
Nagtagumpay naman siyang mabuksan yun kahit pareho kaming
pikit habang ninanamnam namin ang labi ng isat isa. Hindi niya nilubayan ang
aking labi hanggang sa makapasok kami sa loob.
Sinipa nito ang pintuan upang isara at marahas niya akong
isinandal sa likuran ng pintong yun. Ikinawit ko ang aking mga kamay sa kanyang
batok. Naririnig ko pa ang pag-ungol niya kaya mas lalo akong nadala. Hindi na
ako nagreklamo ng ipasok na naman niya ang dila sa loob ng aking bibig. Nang
tangkain niyang laruin ang dila ko ay nagpaubaya ako kahit pa nung higupin niya
ito. Nakipag-espadahan na rin ako sa kanya.
Dahil sa ilang beses na naudlot ang aming pagniniig noong
mga nakaraang araw, kaya siguro pareho kami ngayong sabik na sabik sa isa't
isa.., lalo na si Andrew- pakiramdam ko ay para siyang mabangis na hayop na
hindi na makapaghintay na kainin ang kanyang biktima.
Hindi magkamayaw ang mga kamay nito sa paghagod sa aking
likod at batok. Sabik na sabik pa rin ang mga halik nito habang pabaling baling
ang kanyang mukha. Mabilis na gumapang ang labi nito sa aking panga, at huminto
sa aking leeg. Naramdaman ko ang mariing pagsipsip nito sa aking balat, medyo
nakakakiliti kaya napamulat ako.
Laking gulat ko na lang nang makita ang dalawang tao na
nakatayo na pinapanood kami. Mabilis kong naitulak ng malakas ni Andrew. Muntik
pa itong ma-off balance sa lakas ng pagkakatulak ko. Nagtataka itong napatingin
sa akin. Mas lalo pa itong nagtaka ng makita ang reaksyon kong parang nakakita
ng multo.
Dahan dahan niyang nilingon ang direksyon na tinitingnan ko.
Laking gulat niya nang makita si donya Agatha at ang isa pa nitong kasama na
nakatayo malapit sa amin na nanlalaki ang mga mata at parang naestatwa sa
kinatatayuan nila.
Kabanata 76
Tintin POV
Parang gusto kong kainin na lang ako ng lupa sa mga oras na
'to. Ito na yata ang pinaka nakakahiyang pangyayari sa buong buhay ko. Mas
nakakahiya pa ito kesa sa nangyari sa Liliw nung tumunog ang fire alarm.
"I knew it! Alam kong mangyayari ito kaya nagdala ako
ng kasama ni Tintin dito sa condo." mahinahon man ngunit matalim ang tono
ng boses ni donya Agatha.
Napatingin ako sa kanya kasunod ay sa kasama nitong babae na
nasa 40's na siguro.
"What?!?!" gulat na nasabi ni Andrew.
"Mula ngayon, dito na si Linda. Sasamahan niya dito si
Tintin para-"
"No!" malakas na sambit ni Andrew.
Pareho kami ni donya Agatha na nagulat sa reaksyon ni
Andrew.
"You can't do that!" protesta nito. Hilaw na
napatawa ang kanyang ina.
"Bakit ikaw itong nagrereklamo eh hindi naman ikaw ang
nakatira dito?" nakataas ang kilay na tanong ng nito. Hindi naman
nakasagot si Andrew.
Ilang minuto rin kaming tinalakan ni donya Agatha bago ito
nagpasyang umalis.
Bago ito lumabas ay nilapitan muna niya ako at may
ibinulong.
"Ayokong mapahiya sa mga magulang mo. Last warning ko
na ito." mahinahong ngunit malaman ang kanyang pagkakasabi.
Hiyang hiya at marahan akong napatango. Tuluyan ng umalis
ang donya.
Iniwan nito si aling Linda na ngayon ay nagpupunas ng lamesa
sa kusina kahit malinis naman yun. Halatang halata na minamatyagan kami ni
Andrew.
Pagkasara ng pinto ay nagkatinginan kami ni Andrew. Pareho
kaming napangiti at sabay pang napatawa. Nakakatawa naman kasi, lagi na lang
kaming butata. Umiiling-iling ito ngunit nakangiting lumapit sa akin.
"Sa susunod, paplanuhin ko na talaga. Yung wala nang
makakapigil satin kahit lumindol pa." mahina nitong sabi. Inilapit niya
ang kanyang bibig sa aking teynga.
"I'm gonna make sure it's an experience you'll never
forget." anito habang ang labi ay sumasayad pa sa aking tainga kaya
napapilig ako habang gumagapang ang kilabot sa aking buong katawan.
Lumayo din naman agad ito at dinukot ang kanyang cellphone.
Narinig kong umooder na ito ng pagkain. Nang matapos makipag-usap sa telepono
ay nilingon niya ako.
"Umorder na ako ng pagkain, dito na lang tayo kumain.
Uuwi din agad ako pagkatapos." anito.
"Sige, magpapalit lang ako ng damit." paalam ko at
agad akong nagtungo sa silid. Pambahay na shorts at sando ang aking isinuot.
Paglabas ko ng silid ay nakita ko si Andrew na nakahiga sa
sofa. Nakahalukipkip ang mga braso nito at mukhang nakatulog na yata. Ang gwapo
talaga at kung wala lang ibang tao ay baka tumalon na akong sa ibabaw nito.
Nilapitan ko si aling Linda at hindi ko magawang tumingin ng
diretso. Kilala ko siya, isa siya sa mga kasambahay sa mansyon nina donya
Agatha.
"Pasensya na po kayo kanina sa nakita nyo."
nahihiya kong sabi dito.
"Wala yun, hindi naman kita masisisi, napakagwapo naman
kasi ni dok. Babaerong panget nga may mga nahuhumaling, si dok pa kaya na gwapo
na-mabait pa..." anito. Mahina akong natawa sa sinabi niya.
"Pero alam mo na siguro kung bakit ako pinadala rito ni
donya Agatha." nangingiting sabi nito. Pinamulahan ako ng mukha dahil sa
sinabi niya.
Sinulyapan ko Andrew, hindi ko na inabala ang kanyang
pamamahinga, nagising na lang ito dahil sa tunog ng doorbell. Dumating na ang
pagkain namin. Matapos naming kumain ay nagpaalam na rin agad si Andrew.
Ginawaran niya ako ng isang mainit at matamis na halik.
Itutulak ko sana siya dahil alam kong nakamasid si aling Linda.
"Hayaan mo siya, para halik lang naman. Hindi to
makakabuntis." anito at itinuloy ang paghalik bago tuluyang umalis.
Officially, ay kami na nga ni Andrew. Hindi ko na siya
itinatanggi kapag may nagtanong sa hospital tungkol sa totoong relasyon naming
dalawa. Siguro naman ay hindi magagalit sina tatay kung malalaman nila ang
tungkol sa amin dahil simula ng mahuli kami ni donya Agatha sa condo ay hindi
na nasundan ang landian naming dalawa. Mabuti na lang din at busy si Andrew
nitong mga nakaraang araw dahil sa trabaho at negosyo kaya wala itong panahong
lumandi. Mas kampante ang loob ko dahil alam kong wala kaming ginagawang
kababalaghan.
Ngayon lang nabakante ang oras ni Andrew, pero nakaschedule
naman itong umattend ng high school reunion nila at isinama niya ako. Para
ngang ayaw ko pang sumama dahil siguradong magkikita kami sa reunion ni
Natalia. Halos araw-araw ko na nga siyang nakikita pati ba naman sa pahingang
oras ko eh makikita ko pa rin siya. Nakaka-stress siyang kasama, kagaya ng
dati, kaliit liitang bagay ay napupuna nito, na hindi naman niya ginagawa sa
iba. Pinapalampas ko na lang yun, hanggat harmless ang mga ginagawa niya.
Simpleng casual dress lang ang isinuot ko dahil ang sabi ni
Andrew ay hindi naman daw formal ang theme ng reunion na gaganapin sa isang
restaurant.
Sinundo ako ni Andrew sa condo at sabay na kaming nagtungo
sa venue. Sa tantya ko ay mahigit 30 din ang mga dumalo dahil kasama ng iba ang
kanilang mga asawa at mga kasintahan kagaya naming dalawa ni Andrew.
Ipinakilala niya akong girlfriend sa mga ka-batch niya.
Kabanata 77
"Finally, may ipinakilala ka na ring girlfriend."
bati ng isa sa mga lalaking naroroon.
Mukhang friendly naman ang mga kaibigan nitong lalaki, ganun
din ang mga kapartner nila. Yung mga kabatch lang niyang mga babae ang medyo
nakataas ang kilay nang ipakilala ako ni Andrew sa kanila. Pansin ko rin na mas
marami sa mga kabatch nilang babae ang single kesa sa mga lalaki.
Maya-maya pa ay naagaw ang pansin nang lahat na naroroon
dahil sa bagong dating na babae- si Natalia.
Napakaganda nito sa suot nitong damit na napakaseksi pero
elegante pa rin. Para siyang modelo habang naglalakad papalapit sa amin. Kitang
kita ko sa mga mata lalo na ng mga lalaki ang paghanga sa magandang doktora.
Akala ko ay casual lang ang theme, pero mukhang pinaghandaan talaga ito ng
doktor- Or baka naman bilang babae ay na-iinsecure lang ako dahil alam kong
ex-girlfriend siya ni Andrew kaya natatakot ako na matutulala siya sa ganda ng
ex niya at makalimutang ako ang kasama niya.
Para kasi siyang bidang babae sa nobela, kung saan kasama ni
bidang lalaki ang bagong girlfriend nito at yun ay ako. Tapos heto si bidang
Natalia na parang pinakitaan yata ni fairy godmother at ginawa siyang
pinakamagandang babae sa gabing ito. Sunod na eksena ay mapupukaw ng bidang
babae ang atensyon ng bidang lalaki si Andrew naman yun. Magkakasalubong ang
kanilang mga mata at muling manunumbalik ang pamilyar na damdamin sa pagitan
nilang dalawa. iko-comment naman ng mga readers ay "Maglaway ka ngayon, dahil
napakaganda ng babaeng sinayang mo noon!" At si bagong girlfriend which is
ako ay unti-unti nang mawawala sa eksena. Mawawalan na ako ng papel dahil
umiikot na lang ang istorya sa pagbabalikan nina Andrew at Natalia.
"Ang sabi ko, gusto mo ba ng dessert?"
Narinig ko ang boses ni Andrew. Hindi ko namalayang kanina
pa pala niya ako kinakausap.
"Ha?"
"Kanina pa kita tinatanong kung gusto mo ng
sweets?" ulit ni Andrew.
"S-sige." sagot ko. Parang ngayon lang ako
nagising dahil sa pagdating ni Natalia.
Wala naman akong ibang ginawa kundi ang makinig sa
kumustahan ng dating mga magkakaklase at simula ng dumating si Natalia ay ito
na ang naging paksa ng usapan nila. Kung prom night lang ito ay siguradong siya
na ang tatanghaling prom queen.
"Sa buong batch natin parang kayo na yata ni Andrew ang
pinaka successful sa lahat. Grabe!" wika ng isang babae, ngunit ang boses
nito at halatang may halong kilig para sa dalawa. Yung hindi masyadong obvious
pero may pasarin ng panunukso. Kung wala lang siguro ako dito, baka tinukso na
nila ang dalawa sa isa't isa.
Naramdaman ko ang pag vibrate ng aking cellphone kaya kinuha
ko ito sa aking purse. Tumatawag sina tatay. Nagpaalam muna ako kay Andrew at
lumayo upang maghanap ng tahimik na lugar upang marinig ko ang boses sa
kabilang linya. Nangungumusta lang sila kaya tumawag. May sampung minuto rin
ang naging usapan namin at nagpaalam na rin ako.
Bago bumalik sa tabi ni Andrew ay nagtungo muna ako sa banyo
para umihi.
Ifu-flush ko na sana nang marinig ko ang boses nang mga
bagong pasok.
"Sayang, hindi kayo ni Andrew ang nagkatuluyan. Balita
ko pa naman naging kayo pala nung college." narinig kong sinabi ng isang
babae. Nagsalita ang isa pang babae.
"Paano mo naman nasabing hindi sila ang magkakatuluyan,
eh girlfriend pa lang naman ni Andrew yung kasama niya no. Ano kayang
nagustuhan ni Andrew sa kanya eh di hamak naman mas maganda ka Natalia."
wika ng isa.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Natalia.
"I know her. Nurse siya sa pinatatrabahuhan naming
hospital. Nung dumating ako from US sila na." malaman na ani Natalia.
"Ah... kaya pala. Kasi kung hindi ka nawala sa eksena,
imposibleng pansinin yun ni Andrew. Duh, tingnan mo naman kung gano kaganda
itong si Natalia natin compare sa babaeng bitbit ni Andrew."
Muling tumawa si Natalia.
"Guys, ano ba kayo? Wag nga kayong ganyan. Give her a
chance, kilalanin nyo muna siya bago nyo i-judge. Wala naman sa itsura yun..,
malay nyo mabait pala siya. Kilala nyo naman si Andrew, kahit noon pang mga
highschool tayo, maawain na talaga." tila isang mapang-unawang tono ang
pagkakasabi niya. Wow, pang female lead talaga ang dating, napaka-maunawain.
Wala sa itsura?!?! Lihim akong natawa ng mapakla. Anong
pinalalabas niya, na pangit ako? Ayus din tong gurang na ' to ah. Pasimple rin
kung bumanat.
Ilang sandali pa ay naglabasan na rin silang lahat at nang
alam kong nakalayo na sila ay saka ako lumabas ng cubicle. Napabulong na lang
ako sa aking sarili. Sige Natalia, panalo ka ngayong gabi, ikaw ang may hawak
ng korona ngayon kasi napaghandaan mo. Halatang halata naman na sinadya niyang
magpahuli para nasa kanya ang spot light at dumating na kabugerang kabugera ang
outfit. Gumastos pa talaga ng malaki dahil mukhang mamahalin ang suot nitong
damit. Samantalang ang suot ko, parang aattend lang ng first communion.
Kabanata 78
Tintin POV
Inis akong lumabas ng restroom at bumalik sa dating pwesto
ko sa tabi ni Andrew.
Pansin ko na parang hindi magkandatuto ang mga babae sa
pwesto nila na animoy kilig na kilig.
"Anong merun?" pabulong kong tanong kay Andrew.
"May artista daw." anito at nagkibit balikat.
"Patay na patay sa kanya ang kapatid ko." narinig
kong sabi ng babaeng katabi ni Natalia. Malamang isa ito sa mga babaeng nasa
banyo kanina. Kaboses eh.
"Nakita ko na siya sa malapitan sobrang gwapo
talaga." saad naman ng isa pa nitong kasama.
Naputol ang usapan tungkol sa celebrity nang magsalita ang
kabatch nilang lalaki na kadarating lang.
"Ngayon ko lang nalaman na magkatrabaho pala kayo. So
doktor din pala si Natalia sa hospital nyo." anitong nakatingin kay
Andrew.
"Yes, she's our new doctor." tugon ni Andrew.
"Wow! Magkatrabaho kayo. Galing!" impressed na
sabi nito. Humigop muna ng wine si Natalia at saka nagsalita.
"Actually, kaming tatlo ng girlfriend nya. We're all
working in the same hospital." anito.
Lumingon ang lalaki sa akin na gulat na gulat.
"Doktor ka rin? Ang bata mo namang doktor!" anito.
Sasagot pa sana ako pero naunahan ako ni Natalia.
"Oh.. No, isa siya sa mga nurses na hawak ko."
anito na pina sopistikada pa ang pagsasalita.
Wow! Ako pa talaga ang ginamit para magmukha siyang
magaling.
"Nakaka-impress naman itong si Natalia, hindi ka
magpapahuli kahit sa mga lalaki." puri ng isang babae na nakaupo malapit
sa kanya.
Naputol ang usapan nang biglang umugong ang bulungan sa loob
ng restaurant. Isang grupo ang natanaw naming padaan malapit sa amin.
"Siya na yan, sana pwedeng magpapicture." kilig na
sabi ng isa sa mga asawa ng kabatch ni Andrew.
Lahat ng babae ay nagsipaglabasan ng kani-kanilang
cellphone. Nagtataka ako kung sino bang celebrity ang pinag-uusapan ng mga ito.
Hindi ko naman matanaw kung sino yung artistang yun dahil napapalibutan ito ng
maraming bodyguard. Nakontento na lang ang mga ito na kunan ng picture ang
artista sa malayo kahit hindi naman namin halos makita dahil natatakluban ito
hanggang sa lampasan kami.
"Sayang, blur yung kuha ko, ang layo pa."
nanghihinayang na wika ng nasa harapan ko.
Ilang saglit pa ay muling bumalik ng grupo ng celebrity.
Huminto ito sa tapat ng table namin. Malapit sa pwesto nina Natalia.
Tumingin ako kay Andrew.
"Sino ba yun?" tanong ko sa kanya.
Hindi pa nakakasagot si Andrew ay may narinig na akong
malakas na boses ng lalaki na tumawag sa pangalan ko.
"Tin!"
Nilingon ko ang direksyon ng taong tumawag sa akin. Gumilid
ang bodyguards upang bigyan daan ang lalaking tumawag sa akin, si Jared. Ah,
siya pala ang sinasabi nilang celebrity. Napatayo ako ng makita siya. Mabilis
itong lumapit sa akin. Nagulat ako nang agad niya akong yakapin. Kumalas din
naman agad ito.
"Tin, anong ginagawa mo rito sa Manila?" masayang
sabi nito.
"Dito na 'ko nagtatrabaho." masayang tugon ko,
hindi ako makapaniwalang dito pa kami magkikita.
Sumingit ang isa sa mga babae.
"Magkakilala kayo?" tanong nito.
Tumawa at nagkamot ng ulo si Jared.
"Oo, isa ako sa binasted ni Tintin." pabirong
sagot nito.
Half truth naman talaga ang sinabi niya. Totoong nanligaw
siya pero hindi naman ganun kaseryoso kasi mga bata pa lang kami noon. Nanligaw
siya nung first year college kami sa Batangas, noong Jejemon days pa nito.
Hindi pa ito ganung ka gwapo noon, ubod pa ng baduy. Barkada ko siya, dahil sa
biruan ay nanligaw sya sakin pero binasted ko rin. Ganun pa man ay magkaibigan
pa rin kami pagkatapos. Pinagtatawanan na lang namin ang pagkabasted nito. Mga
bata pa kasi kami noon at hindi pa kami mga seryoso sa buhay. Balita ko ay
nagtransfer ito sa Manila nung sumunod na taon. Nagulat na lang ako na
nag-artista na ito at sikat na sikat na.., at sobrang gwapo na ngayon. Grabe
ang glow-up nito.
Pinasadahan ako ng tingin ni Jared habang maluwang pa rin
ang pagkakangiti.
"Hindi ka pa rin nagbabago Tin, ang ganda mo pa
rin." anito at halata ang excitement sa boses nito kagaya kung paano kami
dati mag-usap bilang magkaibigan. Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Sinong kasama mo?" tanong nito.
Nilingon ko si Andrew at hinawakan siya sa braso.
"Boyfriend ko." nakangiti kong sagot.
Saglit na natigilan si Jared.
"Ganun ba?" anito sa mababang boses at hinarap si
Andrew, halos magkasing tangkad lang silang dalawa. Inilahad nito ang kamay at
saka ngumiti.
"Nice meeting you, swerte mo ikaw pala ang naging
boyfriend ni Tintin." wika nito kay Andrew.
Nakipagkamay naman si Andrew sa lalaki at tipid na tumango.
"Jared, pwede bang magpapicture sa'yo ang mga kasama
ko?" pakiusap ko sa kanya.
Napahinto ito nang mapansing kanina pa nakamasid at
nakikinig ang mga nasa paligid namin.
"Sure." anito at saka ngumiti.
Tuwang tuwang naglapitan ang mga kasamahan kong babae sa
kanya at isa-isa silang nagpapicture dito. Magiliw na nagpaalam si Jared sa
aming lahat.
"Tin, message mo 'ko kapag nagbreak kayo!" malakas
nitong sabi noong medyo nakalayo na.
Alam kong biro lang yun. Ganun kaming magbiruan noon, kapag
may kadate ang isa sa mga kabarkada namin, hindi pwedeng hindi aalaskahin o
ipapahiya. Tipikal na biruan at alaskahan ng mga magkakaibigan.
Nakangiti akong kumaway dito dahil masaya akong makita
siyang matagumpay na ngayon.
Paglingon ko kay Andrew ay nawala ang aking ngiti dahil
napansin kong kunot na kunot na pala ang noo nito.
"Manliligaw lang ba talaga?" mahina nitong sabi.
Alam kong may ibig sabihin ang tono ng pagtatanong niya.
"Oo naman, ikaw lang naman ang naging boyfriend ko
ah." pabulong kong sagot.
"Manliligaw pero hinayaan mong yumakap sayo?"
nanliliit ang mga matang nakatingin sa akin.
Natuliro ako sa sinabi nito. Hindi ko akalaing bibigyan niya
yun nang masamang kahulugan.
"Malay ko bang yayakapin niya ako. Saka wala lang naman
yun, barkada lang kami nun." hindi ako magkandatuto sa pagpapaliwanag.
Buwisit na Jared kasi yun, bigla na lang kasing nangyayakap
eh hindi naman ako celebrity kagaya nya.
Naiiling na tumuwid ng upo si Andrew. Madilim ang mukha
nitong humarap sa lamesa saka tinungga ng isang inuman lang ang wine sa baso
niya. Gumawa pa yun ng ingay ng lumapat sa lamesa ang basong hawak ni Andrew
dahil medyo napalakas ang paglapag niya nito.
Pasimple ko siyang kinakalabit ngunit ayaw niya akong
pansinin. Gusto ko sanang magpaliwanag pa pero nakakahiya naman sa mga
kasamahan namin dahil natahimik na rin ang mga ito. Medyo naging awkward ang
sitwasyon para sa kanila dahil nahahalata yata ng mga ito na may tensyon sa
pagitan namin ni Andrew.., dahil bigla ay ayaw na ako nitong kausapin. Madilim
na rin ang mukha nito kaya tumahimik na lang ako.
Mamaya na lang ako magpapaliwanag kapag kaming dalawa na
lang. Nagtatampururot lang naman ito, at alam ko namang hindi niya ako
matitiis.
Aksidente naman akong napatingin kay Natalia.
Nasa direksyon namin ni Andrew ang tingin nito at mukhang
kanina pa yata kami pinanonood.
Pasimpleng tumaas ang kilay ko na may kasamang ngiti sa
sulok ng aking labi. Okay Dra. Natalia, ikaw na ang maganda....
...pero mas mahaba naman ang hair ko kesa sayo.
Kabanata 79
Tintin POV
Pakiramdam ko pagkatapos ng reunion na yun ay mas lalo pa
akong pinag-iinitan ng mahaderang ex ni Andrew. Parang lagi na lang siyang
nakaabang na magkamali ako para sitahin niya sa harap ng mga katrabaho namin.
Pati trabaho ko parang dinadagdagan niya pero hindi ko hinahayaan ang sarili ko
na mastress sa kanya. Siya lang naman kasi itong bitter at hindi ako.
Ang mas mahalaga ay kami ni Andrew at masaya ako. Yun nga
lang, dahil sa napaka busy nito palagi ay ngayong na lang ulit kami nagkaroon
ng pagkakataon na magdate.., as in romantic date.
Gusto kong matapos na agad ang aking ginagawa dito sa nurse
station para hindi ko na kailanganing mag-overtime. Mabilis kong inayos ang mga
gamit at ni-review ang mga documents para sa mga darating na patient rounds sa
next shift. Ang mga files na nasa harapan ko ngayon at napaka importanteng
detalye. Ito yung mga results ng mga tests, patients record at mga plan para sa
mga scheduled na operasyon.
Kanina pa nagba-vibrate ang cellphone ko na nakapatong sa
tabi ng aking workspace.
"Huy, si Hon mo tumatawag?" ani Liezel na
nakatingin sa screen ng cellphone ko.
Saglit akong napatingin kay Liezel. Kinuha ko ang telepono
at sinagot yun, si Andrew.
"Oo tuloy tayo... hindi naman masyadong busy dito
ngayon. Tapusin ko lang itong ginagawa ko... okay.... I love you too!"
Matapos kong ibaba ang telepono ay nakita ko ang kilig sa
mukha ng Liezel. Ngumiti ako sa kanya.
"First date namin mamaya bilang magboyfriend."
saad ko kahit hindi siya nagtatanong.
"Ang sweet!" anito na kumikinang ang mata. Biglang
nag iba ang direksyon ng mga mata nito.
"Hi, Doktora." nakangiting bati ni Lizel sa nakita
nito.
Hindi ko napansin na nakalapit na pala si Dra. Natalia sa
amin dahil sa focus ako sa aking ginagawa. Tipid itong ngumiti, very
professional pa rin.
"Nurse Kristina, can you facilitate the OR prep
ASAP?" anito.
Nagkatinginan kami ni Liezel. Ngayon pa lang ay napapaisip
na ako kung gaano katagal bago ko matapos ang pagpeprepare ng Operating Room na
inuutos nito. May date pa naman kami ni Andrew.
"Dok, ako na lang po." pagpiprisinta ni Liezel na
tila nauunawaan ang aking inaalala.
"No, may iba akong ipapagawa sayo." wika ni Dra.
Natalia na parang walang emosyong mababanaag.
Kahit medyo naguguluhan ako sa biglaang utos, ay agad din
akong umalis mula sa nurse station at nagtungo sa OR habang hawak ang mga
dokumentong ibinigay ni Dra. Natalia.
Mabilis akong kumilos upang ihanda lahat ng nasa listahan ng
mga kinakailangang gamit kagaya ng sterile gowns, at iba pang mga importanteng
bagay na parang wala na yatang katapusan. Nagmamadali man ay nagawa ko ng
maayos ang lahat. Ang problema lang ay babalikan ko pa ang ginagawa ko kanina
sa nurse station bago ako inutusan ni doktora.
Pagdating ko sa nurse station ay naroon na ang iba pang mga
nurse. Itinuloy ko lang ang aking trabaho.
"Kapag nakita nyo si Dra. Natalia pakisabi okay na yung
OR na ipina facilitate niya." ani ko habang abala sa aking ginagawa.
Tiningnan ako ni Maricel.
"Ha? Parang wala namang naka-sched si Dok sa OR ngayon.
Nasa admin siya ngayon kasi kasali siya sa meeting tungkol sa patient care
policies. Hinihintay ko nga siya kasi nagpapasama siya sa medical supply room.
Iche-check nya yung mga bagong equipment na kasali sa bagong project na
ipinadala para sa ibang wards." anito.
Lihim akong napabuntong hininga. Nangyayari naman talaga
ito, ilang beses na rin akong biglaang inutúsan ng ibang doktor para i-prep ang
OR dahil may mga emergency na operasyon. Pero itong si Natalia mukhang wala
naman pala ang OR sa sched nito. Ano yun, pinaayos niya sa akin pero hindi
naman pala gagamitin? Ang sabi pa niya kanina ASAP daw pero hanggang ngayon
wala namang emergency. Namumuro na talaga ang bruhang yun ah.
Kainis! Male-late tuloy ako nito sa date namin ni Andrew
kung hindi pa ako magmamadali ngayon. Pinakalma ko ang aking sarili, ayokong
ma-stress dahil may date pa kami.
Nag-inat inat muna ako nang matapos ko ang trabaho. Tumingin
ako sa relo, mabuti na lang hindi pa late, sakto lang. Magpapaalam pa sana ako
ng mapansin naming papalapit si Dra. Natalia, may kasama itong dalawang nurse
at mukha silang nagmamadali. Lahat kaming nasa nurse station ay napalingon sa
kanila. Pagtapat ng mga ito sa amin ay huminto ang doktora. Pinasadahn niya
kami ng tingin. Nasa likuran ako ng mga nurse dahil mag-a-out na sana ako.
Kabanata 80
"Kristina, sumama ka sa amin." anito at mabilis na
naglakad.
Hindi ko na nagawang magtanong dahil mukhang nagmamadali
sila kaya napasunod na lang ako sa kanilang tatlo. Sinabayan ko ng lakad ang
dalawang nurse, na hindi ko masyadong kilala.
"Anong merun?" tanong ko dahil halata ang
pag-aalala sa mukha ng mga ito.
"May VIP patient tayong pupuntahan. Isinugod daw,
ngayon ngayon lang. Andun sa VIP room."
Napaisip naman ako kung sinong VIP yun at masyado silang
nagmamadali. Kalimitan kasi sa mga VIP na pasyente namin ay galing sa pamilya
ng mga politiko o kaya naman ay mga bigating businessman. Ngayon lang ako
napasama sa ganitong duty kaya medyo kinakabahan ako, si Natalia pa naman ang
kasama ko. Dyos ko naman, bakit pakiramdam ko ay hindi ako makakalabas mamaya
ng VIP room nang hindi umiiyak.
Unang pumasok ng silid si Doktora at nasa likod lang kami.
Para lang akong tanga na napapunta sa lugar na wala akong ka ide-ideya.
"Sinong VIP ba yun?" pabulong kong tanong sa
kasama kong nurse.
Kapapasok lang namin ng silid.
"Asawa daw ng CEO natin." anito.
Namilog ang mga mata ko.
CEO?
Hindi ba't si Drake ang CEO ng kompanyang nagmamay-ari ng
hospital na'to?
Asawa ng CEO?
SI MUTYA?!?!
Pagtingin ko sa hospital bed ng pasyente at nakita ko si
Mutya na nakahiga. Nag-alala akong bigla pero mukhang okay naman ito.
Nagkasalubong ang aming mga mata habang naglalakad ako papalapit sa kama niya.
Bubuka pa sana ang bibig nito nang senyasan ko siya na wag maingay. Itinapat ko
ang aking hintuturo sa aking bibig.
"Mrs. Rufino, kumusta na po pakiramdam nyo?"
magalang na tanong ni Dra. Natalia.
"Okay na dok." komportableng sagot ni Mutya.
"Hindi nyo po ba alam na buntis kayo?" anang
doktor.
Umiling si Mutya. Buntis si Mutya?
Na naman?!?!
"Kailangan namin kayong kabitan ng IV drip para
maiwasan ang dehydration."
"Akala ko, hindi naman masama yung pagdurugo ko.
Kailangan ba talagang kabitan ako nyan?" tanong ni Mutya.
"Medyo mababa ang blood pressure nyo kaya nakakaramdam
kayo ng pagkahilo. Ginagawa po talaga namin ito para masiguro na stable ang
inyong kalagayan, makakatulong ito para mamaintain na tama ang daloy ng dugo sa
katawan nyo. Kailangang din namin kayong obserbahan muna. Kung sakaling lumala
ang symptoms, mas madali namin kayong mababantayan dahil nasa hospital na po
kayo. Ito rin kasi ang order mula sa itaas. Tumawag ang CEO para sabihing wag
muna kayong palabasin." paliwanag ni Dra. Natalia. Parang ang bait ah, sa
isip isip ko.
Lihim lang kaming nagsusulyapan ni Mutya. Pero kanina pa ako
nag-aalala sa kanya. Pasimple siyang ngumiti sa akin para iparating na okay
lang siya.
Pumasok ang isa pang nurse na may bitbit na IV kit. Nilingon
ako ni Doktora.
"Kristina, could you kindly set up an IV for Mrs.
Rufino." anito.
Ako na naman? Kaasar, palaging ako na lang ang nakikita
niya. Eh mukhang mga senior nurse naman itong kasama namin. Hindi ba dapat ang
mga ito ang gumawa kung VIP ang pasyente, sa halip na isang baguhan ang uutusan
niya.
Balak na naman ba niya akong ipahiya? At sa VIP patient pa?
Lihim akong natawa. Kahit umutot pako ng mabaho ngayon,
hindi ako mapapahiya kay Mutya.
Wala akong nagawa kundi ang ang buksan ang pakete ng IV
supplies at ayusin ang mga kagamitan sa tray. Gumamit ako ng alcohol swab para
linisin ang lugar ng paglalagay.
Nakaantabay naman ang ibang nurse para tulungan ako. Sisiw
lang naman ito para sa akin dahil lagi ko naman itong ginagawa. Nahagip ng mga
mata ko si Dra. Natalia na matiim na nakamasid, naghahanap na naman siguro ng
mali.
Hinawakan ko ang kamay ni Mutya na tahimik lang na nakamasid
sa akin.
Tiningnan kong maige upang tiyakin ang tamang posisyon.
Gamit ang isang sterile technique, hinawakan ko ang IV catheter at dahan-dahan
yung itinusok sa vein malapit sa kamay ni Mutya., ngunit hindi ko mahanap ang
ugat kaya maingat ko itong inalis.
Ngayon ko lang ulit naalala na mahirap nga palang hanapin
ang ugat ni Mutya. Ganito rin kasi ang nangyari noong nasa Batangas pa kami at
ma-ospital ito. Hirap na hirap ang mga nurse na hanapin kung saan itutusok ang
needle. Nakatatlong nurse pa nga ang nagsubok bago nila nahanap ang tamang
ugat. Kaya matyaga lang na naghihintay si Mutya sa akin ngayon, dahil hindi ito
ang unang beses na nangyari ito sa kanya.
Kabanata 81
Huminga ako ng malalim at muli kong tinusok ang IV catheter,
ngunit hirap pa rin akong hanapin. Sinubukan ko pa ng isa.
Sa pangatlong attemp ay hindi ko pa rin nahanap ang tamang
vein. Dito na nagsalita si Dra. Natalia.
"Kristina, Seriously, you're struggling with a basic IV
insertion? Even a college student could handle it with ease. We don't want the
patient to suffer just because you don't know what you're doing, do we?"
mahinahon ngunit malaman ang mga sinabi nito.
Tahimik akong nagtitimpi dahil ramdam ko ang banayad na
pangungutya na nagmula sa mga sinabi ni Dra. Natalia. Kanina pa talaga niya ako
iniimbyerna.
"Pasensya na po Mrs. Rufino, baguhan pa lang kasi ang
nurse na kasama ko kaya kulang pa sa experience." hinging paumanhin ni
Natalia kay Mutya.
Sa sulok ng mga mata ko ay kitang kita ko ang pag-arko ng
mga kilay ni Mutya. Mukhang napindot yata ni Dra. Natalia ang beast mode button
ng bestfriend ko.
"Ganun ba, pwedeng ikaw na lang ang gumawa para makita
nya kung paano ba dapat." anito sa mahinahong boses.
Kilalang kilala ko si Mutya, kabahan ka na kapag ganito
kalambing ang tono ng boses niya at sinamahan pa ng matamis na ngiti ng walang
dahilan.
Gumanti ng ngiti si Dra. Natalia at pinalitan ako sa pwesto
ko. Agad akong tumabi upang bigyan daan siya.
Professional ang galaw ni Natalia at kalmado nitong
hinawakan ang IV catheter. Tumingin muna ito sa akin.
"Watch closely, Kristina." anito. Marahan akong
tumango at pinanood siya, baka nga naman may matutunan ako.
"It's very important to remain calm and precise, even
if this simple task seems difficult for you."
Hinawakan nito ang kamay ni Mutya at sinimulang itusok ang
dulo ng matulis na karayom.
"ARAAAY!!!"
Malakas na daing ni Mutya na tila nasaktan. Pahablot nitong
binawi ang kamay palayo kay Natalia na nagulat sa reaksyon niya. Ganun din
kaming mga nurse na nasa loob.
Kita ko na parang tinakasan ng dugo ang mukha ng doktora at
namimilog pa ang mga mata.
Habang si Mutya naman ay hinihipan ang balat na tinamaan ng
karayom. Nilingon nito ang isa sa mga kasama naming senior nurse na si
Michelle.
"Ikaw na lang ang magtuloy." ani Mutya.
Alinlangan man ay sumunod ito sa utos ni Mutya. Naramdaman
ko ang awkward na tinginan ng mga kasamahan ko nang umatras si Natalia at
pinalitan ni Michelle.
Apat na beses na sinubukang itusok ni Michelle ang catheter
bago pa ito matagumpay na natapos ang dapat gawin.
May ilang minuto pa kami sa loob ng silid pagkatapos ng
nangyaring awkward na pangyayari dahil may mga protocol pang sinabi at ibinilin
si Natalia kay Mutya. Nang okay na ang lahat ay nagpaalam na ang doktora kay
Mutya. Ngunit bago kami tuluyang umalis ay nagsalita si Mutya.
"Miss.." anito.
Sabay sabay kaming napalingon. Napatingin pa kami sa isat
-isa. Inaalam kung sinong miss ang tinutukoy ng bestfriend ko, ngunit kay
doktora lang ito nakatingin. Kita ko ang pagtigas ng mukha ni Natalia.
Siguradong hindi nito nagustuhan na tinawag siyang miss. Sinabon nga nya ako
dati dahil tinawag ko siyang ma'am...kasi nga sabi niya, she worked hard for
that title daw.. ngunit ngayon ay kailangan nitong magpigil dahil asawa lang
naman ng CEO ang kaharap niya.
Muling nagsalita si Mutya, nakatingin pa rin sa doktora.
"Alam mo miss, bago mo punahin yang kasama mo,
siguraduhin mo munang alam mo rin kung anong ginagawa mo. Pareho lang naman
pala kayo. Lamang mo lang sa kanya-Edad." nakataas ang kilay na saad ni
Mutya.
Muli ay parang namutla si Dra. Natalia nang makita ang
mataray na mukha ni Mutya.
"Yes ma'am." anito sa mababang tono bago tuluyang
lumabas ng silid.
Sumunod kami sa kanya papalabas. Nang nasa may pintuan na
ako ay nilingon ko si Mutya. Pagtingin ko sa kanya ay kinindatan niya ako sabay
pagpapakawala ng nakakalokong ngiti.
Kabanata 82
Tintin POV
Out na sana ako pero pasimple muna akong bumalik sa silid ni
Mutya. Yumuko ako at marahang binuksan ang pintuan ng silid nito upang matiyak
kung walang empleyado ng hospital sa loob.
Napatalon ako nang bigla na lang may pumisil sa puwitan ko.
"Ay titi ng kabayo!" gulat na sabi ko ng ubod ng
lakas.
Paglingon ko ay si Andrew ang nakita ko na malawak ang
pagkakangiti.
"Bastos 'to!" inismidan ko siya at saka ako
pumasok kwarto.
"Bakit kasi para kang magnanakaw dyan?" anito na
ngingiti-ngiting sumunod sa akin papasok.
Mabilis kong nilapitan si Mutya na nakaupo sa kama nito at
kausap ang asawang si Drake
"Kumusta ka na Mutya, ayos ka lang?" nag-aalala
kong tanong dahil sa pagdurugo niya.
Tinaasan lang niya ako ng kilay
"Ako ayos lang palagi, eh ikaw? Kumusta naman yung
gurang mong doktora?" anito na beast mode pa rin.
Parehong napatingin sina Drake at Andrew kay Mutya na waring
nagtataka sa sinabi nito.
"Sino ba kasi yun?" tanong pa ni Mutya.
"Si Dra. Nathalia yun, ex ni Andrew." mahina kong
sagot.
Kunot noong napatingin si Andrew nang marinig ang kanyang
pangalan.
"Ohw..." namimilog pa ang mga mata at bibig ni
Mutya na binalingan ng tingin si Andrew.
Nagkasalubong ang tingin ng dalawa. Rumehistro ang
pagpoprotesta sa mukha ni Andrew.
"Bakit nadamay ako sa usapan nyo?" ani Andrew at
tinapunan ng asar na tingin si Mutya.
Hindi siya inintindi ni Mutya sa halip ay ako ang
pinagtuunan nya ng pansin.
"Alam mo Tintin, hindi tayo dapat nagpapatalo sa mga
ex. Wag mong bigyan ng pagkakataong masalita, hilahin mo na agad sa
buhok....."
Iniangat ni Mutya ang kanyang kamay at umaktong parang may
sinasabunutan at may kasamang gigil sa pagmumukha.
isubsob mo ang mukha sa lupa...."
Ibinaba nito ang kamay na para ngang may isinusubsob habang
nanlalaki ang butas ng kanyang mga ilong.
"....kaladkarin mo ng padapa para walang laban at saka
mo pagsisipain sa likod!"
Itinaas pa nito ang paa na para nga talagang may sinisipa.
Parehong napatda ang magkapatid na Drake at Andrew sa itsura
ni Mutya na kung umasta, akala mo ay hindi dinugo kani-kanina lang.
Napailing na lang ako sa sinabi niya. Makulit lang ako pero
hindi ako kasing tapang ni Mutya. Si Andrew lang naman ang kaya kong awayin,
dahil alam kong hindi siya lalaban sakin.
"Buti hindi ka pinagsasabihan ng asawa mo, dyan sa
kagaspangan mo." natatawa kong sabi na ikinatawa lang ni Mutya. Nagsalita
itong muli.
"Hindi pa 'ko tapos. Pagkatapos mo sa ex niya, yung
boyfriend mo naman ang sunod mong sapakin." dugtong pa nito.
Umiiling-iling na tumalikod si Drake at umupo sa may sofa.
Samantalang napangisi naman si Andrew habang nakatanaw sa
kapatid. Mukhang may bugbugan pala ng asawa na nangyari dati ah. Naalala ko na
nga pala.., nung unang beses kong makita si Drake, may malaking pasa ito sa
mukha. Ang natatandaan ko lang kasi ay ang kwentong ginulpi ni Mutya ang ex ni
Drake na ayaw tumigil sa panlalandi.
Binalingan ni Mutya si Andrew na ngayon ay ngingiti ngiti.
"Tawa-tawa ka dyan, bantayan mo yang ex mong senior
citizen, mukhang pinag-iinitan pa yata ang bestfriend ko.
Kapag yang si Tintin bumalik sa Batangas na umiiyak, humanda
ka kay kuya Carding, siguradong T-back ang aabutin mo. Kaya ngayon pa lang
magpa-ahit ka na." banta ni Mutya.
Tinawanan lang siya ni Andrew.
"Hindi mangyayari yun." confident na sabi nito.
"Eh di bantayan mo yang ex mo." ani Mutya.
Galit kasi si Tatay kay Andrew dahil hindi nito tinupad ang
pangako niyang mamumudmod ng Viagra sa mga kabarangay namin kaya pinagbantaan
ni tatay na pagsusuotin si Andrew ng T-back sa oras na bumalik ito sa barangay
namin. Malakas lang naman ang loob ni Andrew na mangako dahil wala siyang balak
na bumalik sa probinsiya namin nung panahon yun.
Hindi nagtagal at nagpaalam na rin ako kay Mutya.
"ilipat mo na kasi ako ng ward." panunuyo ko kay
Andrew habang nag-aabang ako ng taxi sa labas ng hospital.
Ngumiti ito sa akin at kinulonh ako sa braso niya.
Kabanata 83
"Hindi na kailangan yun, andito naman ako palagi. Gusto
mo ba talagang ipakita sa lahat na quitter ka lalo na sa kanya?" anito
habang nakayakap.
"Hindi talaga kasi ako komportable na katrabaho
siya." mahina kong sambit.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan naman ako
sa magkabilang pisngi at saka dinampian ng halik sa labi.
"Para makampante ka, pangako sabay tayo palagi ng shift
para kapag kailangan mo ako, andito lang ako sa loob ng hospital kasama mo.
Isang tawag mo lang sa akin, andyan na ako para sayo. Hinding hindi ko
hahayaang mapahamak ka."
"Sana nga wala siyang gawin sakin na masama. Nakita mo
naman kung pano niya ako ipinahiya sa conference. Kung hindi ka pa dumating
naku, pahiyang pahiya na ako."
" I don't think she would do anything to harm your
work. She has her own reputation to protect too."
Naglabas na lang ako ng buntong hininga.
"Kapag ako talaga ipinahamak niyang ex mo, wag mong
sasabihin saken na hindi ako lumapit sayo."
"Pangako sabay palagi ang shift natin. Kapag narito ka,
narito din ako. Kaya isang sigaw mo lang, pakinig ko na." anitong
nakangiti. Kahit paano ay gumaan ang aking pakiramdam sa sinabi ni Andrew.
************
Araw araw na lang na pumapasok ako ay ipinapanalangin ko na
wag sana si Dra. Natalia ang doktor na makakasama ko.
Ngayon ay pupuntahan ko si Mrs. Almazan para painomin ng
kanyang gamot. Nanganak siya kagabi. Pagpasok ko sa kuwarto ay katatapos lang
nyang patulugin ang anak.
"Kumusta po Mrs. Almazan?" nakangiti kong tanong
dito. Ngumiti naman ito sa akin.
"Sherly na lang, mukhang magkasing edad lang naman
tayo." nakangiti nitong sabi pero halatang hindi ito komportable.
"May problema ba Sherly?" tanong ko.
"Gusto ko na kasing maglinis ng katawan, kaso antagal
namang dumating ni mama. Pakiramdam ko tuloy sasakit ang ulo ko. Medyo
nanlalagkit na rin ako." anito.
"Gusto mo bang tulungan kita habang tulog pa ang anak
mo?" alok ko sa kanya.
"Naku wag na, nakakahiya naman sayo."
"Okay lang, lagi ko naman itong ginagawa. Para maging
presko na yang pakiramdam mo." pangungumbinsi ko.
Nahihiya man ay nagpatulong na rin siya sa akin sa loob ng
banyo habang ang asawa naman nito ang nagbabantay ng kanilang anak. Palagi ko
naman talaga itong ginagawa kaya hindi na ito bago sa akin. Sobrang pasasalamat
nito ng matapos linisin ang sarili, saka ako umalis ng kanilang silid.
At kapag minamalas ka nga naman, nakatoka ako ngayong sumama
kay Dra. Natalia na mag rounds sa mga pasyente nya. Hanggang ngayon kasi ay
pinag-iinitan pa rin niya ako lalo na nung mapahiya ito dahil kay Mutya.
Dadaanin niya ako sa mga pasimpleng banat. Yung mga komentong pagmumukhain
akong tanga. Ang husay nga nya eh, hindi siya halata kaya hindi ko magawang
magreklamo dahil baka ang mangyari ay ako pa itong magmukhang maarte. Kailangan
ko ring mag-ingat sa mga ikinikilos ko dahil boyfriend ko si Andrew. Ang ganda
ng reputasyon niya at ayokong ako pa ang dahilan para mapahiya ito.
Ako at si nurse Martha ang sumama kay Dra. Natalia na
magrounds ngayong araw. Nagtungo kami sa pasyenteng si Sherly, yung pasyenteng
nilinisan ko. Nadatnan namin siyang may nakakabit na dextrose at medyo
nilalagnat.
"So, tama nga ang suspetsya ko na may endometritis ka
kaya medyo mataas ng temperature mo at nananakit ang tiyan mo. Yan din ang
reason kung bakit medyo may amoy discharge mo. According dito sa test mayroon
kang inféction sa lining ng matris.
"Ano po ang endo- endomet..."
"Endometritis - infection sa loob ng matris. Nangyayari
ito minsan after manganak, lalo na sa kagaya mo na dumaan sa cesarean section.
Because of this symptoms, kailangan natin itong gamutin agad para maiwasan ang
complications."
"Ganun po ba? Ano pong mangyayari sa akin?"
nag-aalalang tanong ng pasyente.
"There's nothing to worry. Bibigyan kita ng malakas na
antibiotics para labanan ang infection. Imomonitor ka namin para siguraduhin na
gagaling ka. Kailangan lang natin nang konting time and proper care.
Kabanata 84
"Makakasama po ba ito sa asawa ko, doktora?
"Maaga nating nadetect so maaagapan agad natin ito.
Karamihan sa mga cases na ito, mabilis naman gumagaling basta maaga nating
nai-intervene."
"Thank you po doktora. Susundin namin lahat ng
sasabihin nyo."
"Kung may nararamdaman kang kakaiba, ipaalam mo agad sa
akin o sa mga nurse."
Lumingon sa akin si doktora.
"Kriština, administer 2 grams of Ceftriaxone via IV to
Mrs. Almazan, three times per day for 7 days. Prepare it promptly.
"anito.
Medyo nag-taka ako sa narinig, kaya nag-alinlangan akong
nagtanong.
"Doktora, ang usual dosage po ba ng Ceftriaxone ay 2
grams tatlong beses sa isang araw? Di po ba masyadong mataas-"
"Nurse Kristina, I know bago ka pa lang nurse, but I
don't need your second opinion. Gawin mo na lang ang inutos ko. Naiintindihan
mo ba?"
Matigas at malamig ang tingin na ibinato niya sa akin. Ano
pa bang magagawa ko kung doktor na ang ang-utos.
"Yes po doktora."
Tango na lang ang aking nagawa. Bumuntung hininga na lang
ako, sabagay bakit ko nga ba kukwestyunin ang order ng tinitingalang doktor sa
hospital na ito, ano bang alam ko. May pag-aalinlangan man ay sinunod ko na
lang ang order niya.
Pagkalabas ay nagdiretso ako sa nurse station. Saktong
narinig kong tumutunog ang aking cellphone, tumatawag si inay. Alam ko na kung
bakit siya napatawag. Kahapon pa niya ako kinukulit na umuwi.
"Uuwi ka ba sa Anniversary ng Rosario sa
makalawa?" wika ni inay sa kabilang linya.
"Diko po sure inay, nagamit ko kasi yung bakasyon ko sa
Liliw." paliwanag ko. Alam din niya ang pagpasama ko sa pamilya Rufino sa
Laguna.
"Tagal mo nang hindi umuuwi. Maganda sana kung
makakarating ka at Sinumaknian Festival pa naman yun." ani inay.
Napakamot na lang ako ng ulo.
"Tanong ko po muna sa HR kung pwede pa akong mag leave
ka kahit 2 days lang. Tawagan ko na lang po kayo kapag okay na." yun na
lang ang aking naging tugon bago ko ibaba ang tawag.
Didiretso na sana ako sa nurse station nang makaramdam ako
ng pananakit ng tiyan kaya tumakbo muna ako sa restroom. Nag-aalburuto na naman
ang aking tiyan dahil may nakain yata akong hindi nagustuhan ng aking tiyan
kaninang tanghalian.
************
Kinabukasan, nagtataka ako dahil pagkadating na pagkadating
ko sa ospital, agad akong ipinatawag ni Dra. Subido, ang Chief Medical Officer
(CMO)ng buong OB-GYN department. Hindi pangkaraniwan ang ipinapatawag nang
ganito kaaga, lalo na sa opisina ng CMO.
Pagpasok ko sa opisina ni Dra. Subido, nakasalubong ko ang
seryosong tingin ng doktora.
"Kristina, maupo ka," anito at tila nagpapahiwatig
ang boses nito na may mahalaga kaming pag-uusapan kaya mas lalo akong
kinabahan.
"May problema po ba?" tanong ko.
Huminga nang malalim si Dra. Subido bago nagsalita.
"May problema tayong kinakaharap ngayon. Kani-kanina
lang si Mrs. Almazan, yung pasyenteng binigyan mo ng antibiotics kahapon,
nagkaroon ng side effect dahil sa sobrang dosage ng Ceftriaxone na ibinigay sa
kanya.
Nakaranas siya ng pagduduwal at pagkahilo. Nagsimula rin
siyang makaramdam ng kaunting pananakit ng tiyan. Ito yung mga symptoms na
adverse reaction matapos ang maling dosage ng antibiotics na naibigay sa kanya.
Nakalagay sa isinulat mong record na 3 times a day ang
pag-administern ang Ceftriaxone IV dapat, isang beses lang sa isang araw dahil
2g ang dosage nito."
Napahawak ako sa aking bibig. Napalunok ako dahil ito na ang
sitwasyon na kinatatakutan ko kahapon nang sundin ko ang order ni Dra. Natalia.
"Pero doktora, tinanong ko naman po si Dra. Natalia
tungkol sa dosage, kaso-"
Pinutol agad ako ni Dra. Subido.
"According sa statement ni Dr. Natalia Santos, once a
day lang ang 2g Caftriaxone IV ang order niya sayo, at dahil walang signature
yung Doctor's order - I'm sorry Kristina pero ikaw ang mapuputukan sa
nangyaring ito."
Kabanata 85
Tintin POV
Sobrang kinakabahan ako, eto na nga yung sitwasyon na
kinatatakutan ko.
"Tinanong ko naman po si Dra. Natalia about sa dosage
kasi medyo diskumpyado nga rin po ako sa order niya kaso sinabi niya saken na
basta gawin ko na lang daw po ang ipinag-uutos niya."
Tiningnan ako ni Dra. Subido na tila naiintindihan naman ang
aking kalagayan.
"Kristina, alam kong madalas na ginagawa natin dito
yang mga verbal orders, at kahit ako guilty sa ganyang practice minsan.
Nakasanayan na natin 'yan dito sa ospital, lalo na sa mga urgent
situations-hindi na natin minsan nasusunod ang protocol ng hospital."
Nagbuntong hininga muna si Dra. Subido bago muling
nagsalita.
"Pero ngayon, ibang usapan na ito dahil nagkaroon ng
problema. Lalo pa't nagalit kanina yung asawa ng pasyente. Kapag ganitong may
adverse effect nang nangyari, every detail iimbestigahan yan ng administration,
at dahil walang pirma si Dra. Santos sa order na 'yun, I'm sorry to say pero
baka malagay sa alanganin ang sitwasyon mo."
Napalunok ako at bumigat ang aking pakiramdam. Unti-unti
nang namumuo ang mga luha sa sulok ng aking mga mata.
Alam kong nagkamali talaga ako dahil hindi ko pinapirmahan
kay Dra. Natalia ang order nito.
Papipirmahan ko naman talaga yung doctor's order kaso nag
-alburuto ang tiyan ko hanggang sa mawala na ito sa isip ko.
Gusto kong tuktukan ang sarili ko dahil sa aking katangahan.
Nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga si Dr. Chavez.
"Bilang Chief medical officer, kailangan kong sundin
ang protocol para sa investigation. Dahil may nangyaring complications, we have
to be careful hanggat hindi pa tapos ang imbestigasyon."
Tiningnan niya ako.
"Mukhang sobrang stress ka na ngayon, mabuti pa ay wag
ka na munang pumasok at baka hindi ka lang makapagtrabaho ng maayos. Umuwi ka
na muna at hintayin mo ang tawag ko. Bukas makalawa baka may result na rin mula
sa admin."
Hindi na rin ako nakatanggi dahil para ngang hindi ko kayang
magtrabaho sa mga oras na ito. Parang ano mang oras ay babagsak na ang mga luha
ko.
"I'm sorry Kristina, pero kailangan nating sumunod sa
tamang proseso." sagot ni Dr. Subido, na may halong pagka-awa.
Tumango ako kahit mabigat ang aking loob.
"Nauunawaan ko po.."
Laglag ang aking balikat na lumabas ng silid na yun at
naglakad patungo sa locker room at kinuha ko ang aking gamit saka lumabas na ng
hospital. Hindi ko alam kung saan pupunta sa mga oras na ito. Dapat ay
nagtatrabaho ako pero heto at mukhang malapit na akong mawalan ng trabaho.
Naisipan kong magtungo sa coffee shop sa tapat ng hospital.
Pagdating ko loob ay kinuha ko ang aking cellphone para tawagan si Andrew.
Sigurado akong alam na nito ang nangyari at malamang ay nag-aalala na ito para
sa akin. Tinipa ko ang kanyang numero at tinawagan ngunit hindi ito sumasagot.
Sinubukan ko pa siyang tawagan muli ngunit nakaapat na attempt na ako ay hindi
pa rin ito sumasagot. Tinext ko na lang siya upang sabihin kung anong nangyari.
Mahigit sampung text messages na ang nasend ko ngunit naka isang oras na ay
hindi pa rin ito nagrereply. Bakit kung kelan kailangan ko siya ay saka pa ito
hindi mahagilap.
Kung alam ko lang na mangyayari ito sana pala ay
ipinagpilitan ko na lang kay Andrew na alisin na niya ako sa OB-GYN ward kahit
may masabi pa tungkol saken ang ibang empleyado. Kesa naman ganito na nasa
bingit ng alanganin ang propesyon ko. Hindi ako makapaniwal na itinanggi ni
Dra. Natalia ang ginawa niya. Matapos niya akong pagsabihan kahapon, hindi
naman pala niya kayang panindigan ang mga salita niya.
Narinig kong tumutunog ang aking cellphone. Dali-dali ko
yung sinagot ngunit si inay pala ang tumatawag.
"Makakarating ka ba bukas?" tanong ni inay sa
kabilang linya.
Tinatanong nga pala nya kanina kung makakauwi ako bukas.
Nakalimutan ko nang magreply dahil sa masamang balitang bumungad sa akin sa
hospital.
"Sige po." sagot ko.
Hindi rin nagtagal ang usapan namin ni inay. Iniisip ko pa
rin kasi ang problema ko. Wala naman talaga akong balak umuwi dahil ubos na nga
ang bakasyon ko pero sa tingin ko ay uuwi na lang muna ako.
Kabanata 86
Muli kong tinawagan ang numero ni Andrew. Magpapaalam ako sa
kanya na uuwi muna ng Batangas tutal hindi rin naman ako makakapasok sa trabaho
hanggat hindi ako pinababalik ng admin. Isang araw lang at babalik din agad ako
sa makalawa
Gusto ko rin siyang makita muna bago ako umalis para mawala
kahit paano ang bigat sa dibdib ko. Hindi niya kailangang magsalita, nais ko
lang ay hawakan niya ang mga kamay ko at ikulong ako sa kanyang mga braso para
maramdaman kong magiging maayos ang lahat.
Nagulat lang ako kanina sa balita ni Dra. Subido pero ngayon
ay kalmado na ako. Mas inaalala ko ay ang pasyente, sana naman ay maging okay
na ito at hindi na lumala pa. Alam kong may pagkukulang din ako sa aking
trabaho pero malinis ang aking konsensya at yun ang nagpapatibay sa akin ngayon
para lumaban sa kasong haharapin ko.
Nakailang tawag na ako ay hindi pa rin sumasagot si Andrew.
Siguro ay busy ito sa ER kaya nagpasya akong lumabas na ng coffee shop at
bumalik sa hospital upang puntahan siya.
Medyo busy na sa buong hospital kaya wala akong makitang
kakilala na pwedeng pagtanungan kung nasaan si Andrew kaya dumiretso na lang
ako sa opisina nito pero wala din siya dun.
Umuwi na lang kaya muna ako sa condo upang dun maghintay ng
sagot mula sa kanya bago bumiyahe pa-Batangas para kumuha na rin ng mga damit.
Itetext ko na lang siya upang malaman niya kung nasaan ako. Ayaw ko rin siyang
mag-alala para sa akin kapag nalaman niya ang nangyari.
Habang naglalakad ako papalabas ng hospital ay napadaan ako
sa opisina ni Natalia. Siguro ay kailangan ko rin siyang harapin upang
kausapin. Tatanungin ko lang siya kung bakit niya idini-deny ang order na sa
kanya naman mismo nanggaling. Never naman akong natakot sa kanya, hindi ko lang
siya pinapatulan kahit gigil na gigil na ako dahil superior ko pa rin siya.
Hindi naman ako kagaya niyang unprofessional.
Bukas ang pintuan ng kanyang opisina kaya hindi na ako
kumatok at sumilip na lang ako sa loob. Para akong pintukan ng bomba nang
makitang nakatayo ito at may kayakap na lalaki-walang iba kundi si Andrew!
Nakasubsob si Dra. Natalia sa dibdib nito habang hinahagod
naman ni Andrew ang likod ng dating kasintahan, tila inaalo upang tumigil sa
pag-iyak. Parang sinaksak ng kutsilyo ang puso ko dahil sa aking nakita.
Nakakatawa lang dahil siya pa itong may ganang magdrama at
umiyak sa harapan ni Andrew gayung pakana naman nya ang lahat. Very well done
doktora, well played dahil pati si Andrew paniwalang paniwala sayo.
Kaya pala hindi ko siya mahagilap kung kelan ko siya higit
na kailangan. Yun pala ay kayakap nito ang babaeng nagdulot sa akin ng
kapahamakan. Ang sabi niya ay isang sigaw lang ay darating na agad siya- hindi
pala para sa akin, kundi para sa ex niya. Sa halip na hanapin muna niya ako at
mag-alala para sa akin ay mas inuna pa nitong puntahan at damayan ang dating
nobya. Mapait akong napatawa, mukhang may magkakabalikan yata ah.
Sa sobrang sakit ng nakikita ko ngayon sa aking harapan ay
mabilis na pumatak ang aking mga luha. Nais kong tumakbo ng mabilis at lisanin
ang lugar na ito upang hindi ko makita ang pagtataksil sa akin ng lalaking
mahal na mahal ko, ngunit bago pa man ako nakatalikod ay napatingin sa
direksyon ko si Andrew at nagsalubong ang aming mga mata.
Napakabilis kong tinakbo ang daan papalabas ng hospital.
Saktong may taxi na nakaparada kaya mabilis akong nakasakay.
Nang papaalis na ang taxi ay nilingon ko ang pintuan ng hospital at nakita ko
si Andrew na tumatakbo papalapit.
"Taksil!" sigaw ng utak ko.
"Manong pakibilisan po!" utos ko sa driver at
pinaharurot naman niya ito.
Habang papalayo ang sasakyan ay tanaw ko mula sa side mirror
ang reflexion ni Andrew na tumatakbo nang mabilis at hinahabol ang taxi na
sinasakyan ko ngunit hindi na niya kami nahabol.
"Ma'am saan po tayo?" tanong sa akin ng taxi
driver.
Inalis ko ang bara sa akin lalamunan at saka nagsalita.
"Sa istasyon po ng bus- papuntang Batangas."
Kabanata 87
Tintin POV
Narinig kong tumutunog ang aking cellphone. Tumatawag ang
taksil. Pinatay ko ang tawag at diretsong blocked agad. Sa dami ng text at
tawag ko sa kanya kanina ay ngayon lang niya naisipang sumagot, bakit? Dahil
tapos na silang mag heart to heart ng babae niya?
Agad akong nagpadala ng text message kay aling Linda para
ipaalam rito na hindi ako uuwi ng condo, para hindi ito mag-alala at baka
tawagan pa niya si donya Agatha. Pagkatapos ay ini-off ko ang aking telepono.
Naka-uniform pa akong ng pang nurse at wala akong ibang dala
kung ang handbag ko na ginagamit sa trabaho. Mabuti na lang at dala ko ang
aking wallet, andito lahat ng pera ko.
Ayokong bumalik sa condo at baka puntahan ako ni Andrew sa
lugar na yun. Ayoko kong makita ang mukha ng taksil na yun. Naki-usap ako sa
kanya na ilipat ako ng ward pero hindi niya ginawa sa pangakong poprotektahan
niya ako pero sa huli ay ang dating nobya pala nito ang kanyang unang
dadamayan. Siguro kapag napatahan na niya ito ay saka pa lang niya ako
maaalala. Magsama silang dalawa! Pareho lang silang sinungalin, bagay silang
magsama.
Mahigit dalawang oras din ang itinagal ng aking biyahe
hanggang Batangas. Ngayon ay nasa tapat na ako ng aming bahay at kabababa ko
lang ng tricycle.
"Tintin?!?!"
Sabay sabay na sabi ng mga nakatambay sa labas ng malaking
terrace ng bahay namin. Kapitan ng aming barangay ang aking ama. Nagpagawa
talaga si tatay ng terrace na ubod ng lawak at naging tambayanan na nga sa
lugar namin. Sa tapat naman bahay namin ay ang barangay hall.
Pasado ala una pa lang ng tanghali pero marami na ang
nagbibingo rito. Ang iba naman ay nagka-karaoke. Wala pa akong anim na buwan sa
Manila pero miss na miss ko na ang tanawing ito.
"Oh eh bakit dika nagsabing ngayon na ang uwi mo? Akala
ko ga eh bukas pa?" gulat na tanong ni inay na naglalaro ng binggo. Tumayo
siya at nilapitan ako.
"Eh pagkagaling ko ho sa duty, dumiretso na agad ako sa
terminal ng bus para hindi maipit sa traffic. Kaya hindi na rin ho ako
nakapagdala ng gamit." pagsisinungalin ko.
Yumakap at nagmano ako kay inay ng makalapit ito.
Nakipagkumustahan muna ako sa mga kabarangay ko.
Kanina ko pa talaga gustong pumunta sa aking silid, pero
ayokong mahalata nila na may problema ako kaya bigla akong umuwi.
Pagkapasok ko sa aking silid ay nakatulog agad ako dahil sa
pagod sa biyahe. Nang magising ako ay mag-aalas dose na pala ng madaling araw.
Awtomatikong hinanap ko ang aking cellphone. Ngayon ko lang naalala na pinatay
ko nga pala ito kanina. Kaya naman pala wala akong naririnig na tunog.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng cellphone ay napakaraming text messages at
missed calls akong natanggap mula sa number na hindi pamilyar. Nahuhulaan ko
nang galing kay Andrew yun. Ganito rin ang ginawa niya nung unang beses ko
siyang i-blocked. Gumamit lang siya ng ibang number para kontakin ako. Hindi ko
pinag-aksayahan na basahin ang mga text messages niya o kahit na kanino pang
messages na natanggap ko, pwera na lang ang galing kay Mutya.
Mukhang alam na nito na wala ako sa condo, malamang ay
sinabi sa kanya ni aling Linda.
TO MUTYA:
Umuwi muna ako ng Batangas.
Text message lang ang ginawa ko dahil baka natutulog na ito.
Papatayin ko na sana ulit ang cellphone ko nang biglang tumunog ito. Tumatawag
si Mutya.....
"Hoy bruha ka, bakit ka umuwi nang walang
sabi-sabi.?" bungad nito.
"Long story." sagot ko.
"Okay, mahilig ako sa long story." ani Mutya na
mukhang hindi titigil hanggat hindi ko ikinukwento ang nangyari.
Bumuntong hininga muna ako saka sinimulang magkwento.
Ikinuwento ko ang nangyari tungkol sa antibiotics.
"Sinasabi ko na nga bat walang mabuting gagawin ang
gurang na yun!" ani Mutya na tunog tigre ang boses.
"Sinabi mo pa." walang buhay kong sagot.
"Anong sabi ng magaling mong boyfriend? Sinabi ko na sa
kanyang bantayan niya ang bruhang yun." ani Mutya. Napasimangot lang ako
sa sinabi nito.
"Nakinig naman sayo, ibang level nga lang yung
pagbabantay na ginawa niya sa ex niya- bantay sarado." sarkastikong sagot
ko.
"Anong-"
"Naabutan ko silang magkayakap. Kitang kita mismo ng
mga mata ko ang kataksilan ng Andrew na yan. Mahigit isang oras akong tumatawag
sa kaniya pero wala siyang panahon na sagutin yun, pero may oras siya para
makipagyakapan sa iba. Kaya nga umuwi muna ako dito eh, ayokong makita ang
pagmumukha ng bayaw mong ubod ng taksil." pagsusumbong ko kay Mutya, with
feelings.
Kabanata 88
"Bakit ka pumayag at tumakbo na lang?!?! Sana
nginudngod mo sa lupa ang mukha ng malanding yun at kinaladkad sa buong
hospital para nakita lahat ng tao kung gaano siya kalandi. Hindi ka sana umuwi
ng walang black eye si Andrew. Tanga moh!" gigil na gigil na sabi ni
Mutya.
Kahit masama ang aking loob ay napatawa niya ako. Nasisiguro
kong wala talagang babaeng nakakalapit sa asawa nito. Nakakatakot kapag ganito
ang aagawan. Manghihiram ng mukha sa aso kung sino man ang magtangkang lumandi
kay Drake.
"Makulit lang ako pero alam mo namang hindi ako kasing
tapang mo." tugon ko.
"So ano, break na kayo?"
"Tinatanong pa ba yun? Natural, break na kami. Hindi
man kasing bigat ng kamay mo ang kamay ko, hindi naman ako basta madaling
masusuyo ni Andrew noh." sigurado kong sagot.
"Weh! Talaga lang ha. Baka mamaya, isang ngiti lang nun
bibigay kana, ikaw pa!" pabirong sabi ni Mutya.
"Ano siya, sinuswerte? Teka.. pano mo nga pala nalaman
na wala ako sa condo?" pag-iiba ko.
"Hinahanap ka ni Andrew?"
"Neknek niya! Wag na wag mong sasabihin sa kanya na
umuwi ako ha. Sabihin mo naghotel- ganun. Sige na, tumulog ka na. Kakain muna
ako, nakatulog kasi ako sa pagod, ngayon lang ako nagising."
At nagpaalalaman na nga kami ni Mutya. Bago ko pinatay ang
cellphone ay naisip kong magpadala ng text message sa bagong number na ginamit
ni Andrew para tawagan ako pagkatapos ko siyang i-blocked.
To Unknown:
Break na tayo! Ayoko nang makita yang pagmumukha mo!
Click "Send" and then "Block" ulit,
sabay hagis ng cellphone sa kama.
"Aaaaargh!!!" malakas na sabi ko. Nais ko lang
alisin ang galit na namumuo sa dibdib ko.
"Ang ingay!!!" boses kung saan.
"Ay pukingina!!" gulat na sambit ko.
Napalundag pa ako nang makita ang isang kamay na lumabas
mula sa ilalim ng kama at ang mahabang buhok na gumagapang papalabas mula sa
ilalim ng kama. Sapo-sapo ko ang aking dibdib dahil sa sobrang pakagulat.
Mabilis kong hinagip ang malaking unan at malakas na
hinampas ang gumagapang na yun.
"Aray ko!" angil nito na tila nasaktan.
"Gigi!!!" sambit ko nang tuluyan na itong
nakalabas sa ilalim ng kama.
"Bakit ga pagkaka-ingay mo? Natutulog yun tao,
eh." reklamo nito habang tumatayo.
"Anong ginagawa mo sa bakit dyan ka natutulog?"
taka kong tanong.
Mumukat mukat pa si Gigi at magulo ang mahabang buhok. Siya
ang nag-iisa kong kapatid, 15 taong gulang na ito ngayon.
"Nagtatago ka na naman kina tatay noh?" may
pagdududang tanong ko.
Malamang ay may kasalanan na naman ito at nagtatago, kaya sa
ilalim na ito ng kama nakatulog.
Inirapan lang niya ako at naglakad papuntang pintuan.
Nilingon muna ako nito saka ngumisi.
"Tatay, may boyfriend na si ate." mahina pero
nangangantyaw at pakanta pa ang pagkakasabi nito na tila tinatakot ako. Para
itong malditang bata na gustong magsimula ng away.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nito.
"Anak ka ng-"
"Boyfriend mo si kuya Andrew, lagot ka kay tatay."
sabi nito, nakanguso at kumekembot kembot pa.
"Halika nga rito!" banta ko sa kanya at akmang
susugurin, ngunit dumila lang ito at saka mabilis na tumakbo pababa ng hagdan.
Kapag minamalas ka nga naman. Sa dinami-rami ng pwedeng
makarinig sa usapan namin ni Mutya, bakit ang pasaway na kapatid ko pa?
Wala akong nagawa kundi ang habulin siya. Kailangan ko
siyang pigilan bago niya ako isumbong. Alam ko namang pera lang ang katapat ng
katahimikan nito. Dali-dali akong lumabas ng silid upang sundan siya.
Pagbaba ko sa salas ay gising pa si inay, sinesermunan si
Gigi. Nagcutting classes daw ito kanina kaya pala nagtatago.
Nandun din si tatay na ngayon ko lang ulit nakita.
Malamang ay naka-toka si tatay na magbantay ng barangay hall
ngayong gabi. Mamaya ay sasama din ito sa mga tanod na magronda sa barangay.
Naka-upo silang tatlo sa sofa. Si Gigi naman ay komportable lumapit at umupo sa
tabi pa mismo ni tatay na parang hindi siya pinagalitan ni inay. Nakarehistro
sa mukha nito ang malditang ngiti at nakakaloko pang nakatingin sa akin.
Tinapunan ko siya ng mabilis na tingin ngunit siniguro kong
nakita niya ang talim nun.
"Bakit gising ka pa? Matulog ka na." sabi ko kay
Gigi.
Pasimple ko syang ipagtatabuyan para bumalik na ito sa silid
niya. Pag dating niya sa kwarto ay saka ko ito tatapalan ng pera sa mukha. Baka
kasi kung ano pang masabi nito kapag nagtagal pa ito dito sa salas.
Kabanata 89
"Walang pasok bukas. Huli ka na sa balita, anniversary
ng bayan ng Rosario. Sinukmani festival po. " anitong nanghahaba ang leeg
at lumuwang ang ngiti nito.
Nilapitan ko naman si tatay para magmano.
"Ate, bakeyn ga biglaan yang pag-uwi mo? Para kang may
tinatakbuhan ah." malaman na tanong nito at ngayon ay nakabungisngis pa.
Napapikit ako at nagtagisan ang aking mga ngipin. Nginitian
ko siya ng ubod ng tamis.
"Namiss kasi kita! Di na nga ako makapaghintay na
pisiiiil..... pisilin ka. Nanggigigil ako sayo-sobra!"
"Ay bakeyt nga ga biglaan yang uwi mow? Kala ko ga'y
bukas pa? Baka kung anong kalokohan yang ginagawa mo sa Maynila ha." sunod
sunod na tanong ni tatay. Ayan, naiimpluwensyahan na nga ito ni Gigi.
"Sinurprise ko nga ho kayo, may surprise ga namang
ina-announce?" tugon ko na kunwari ay wala akong iniisip na problema.
Nakatingin lang sila sa akin na tila inaalam kung nagsasabi
ako ng totoo, o baka naman guilty lang ako kaya feeling ko ay nadududa sila
saken.
"Sinukmanian nga ho bukas diga, miss ko na ang
sinukmani kaya ako umuwe." palusot ko pa.
Tumayo si Gigi papuntang kusina. Naghintay ako ng ilang
sandali at sinundan ito. Pagpasok ko pa lang ng kusina ay nagsalita na agad
ito.
"Two thousand." anito habang naghahap ng makakain.
Alam ko na agad ang ibig nitong sabihin. Humihingi ito ng
two thousand kapalit na pananahimik niya.
"Ang laki naman." protesta ko.
"Eh di laptop." anito na ngayon ay nakaupo na at
handa ng kumain.
Napaawang ang aking bibig dahil sa sinabi nito.
"Laptop talaga ang gusto ko, kaso alam ko namang dukha
ka kaya two thousand na lang." ani Gigi na nagsisimula ng kumain.
Napalakas ang aking buntong hininga na lumabas sa ilong.
"Okay, basta itikom mo yang bunganga mo!" pabulong
pero nagpipigil nang inis ang aking boses.
"Money down muna." relax na ani Gigi at inilahad
pa ang palad. Ngumiti pa sa akin.
"Mamaya pag-akyat ko." saad ko.
"Ngayon na, baka kasi pumasok dito sa kusina si tatay
at kusa na lang bumuka ang bibig ko, sige ka."
Bwisit talaga itong kapatid ko. Inis akong lumabas ng kusina
at nagtungo sa silid upang kumuha ng two thousand pesos sa aking wallet at
muling bumalik sa kusina. Ipinatong ko yun sa gilid ng lamesa, malapit kay
Gigi.
"Siguraduhin mo lang na ititikom mo yang bibig mo kung
ayaw mong ako mismo ang puputol dyan sa dila mo." pagbabanta ko.
Masayang ngumiti si Gigi sa akin habang kumakain, at
nagthumbs up pa. Nakahinga ako ng maluwag.
"Kain ka na." alok nito sa akin.
Napangiti naman ako dahil, ipinaghain na pala niya ako ng
pagkain. Gutom na gutom na talaga ako. Sabay na kaming kumain kahit madaling
araw na.
Iniisip ko pa rin ang aking problema. Alam kong malalaman at
malalaman ni inay ang tungkol sa trabaho ko dahil magtataka ang mga ito kapag
hindi na ako pumapasok. Pero hindi ko pa alam kung pano ko sisimulan. Bukas ko
na lang siya iisipin yun. Eenjoyin ko muna ang unang araw ko dito.
Kumain muna ako at saka nagtungo sa terrace. Naroon ang
ilang mga barangay tanod na nakatambay at nakikinig ng radyo. Masaya silang
nagkukwentuhan habang umiinom ng kapeng barako. Hindi ko na rin namalayan na
mag-aalas tres na pala ng madaling araw. Napasarap ako ng pakikinig at
pakikipagtawaan sa mga ito.
Namiss ko ang biruan ng aking mga kabarangay. Nakakailang
hikab na ako ng magdecide akong matulog na. Papasok na sana ako ng bahay, nang
sabay sabay na tumingin sa labas ng gate ang mga nakatambay dito dahil
nakatawag ng pansin namin lahat ang mapakaliwanag na ilaw, na nanggagaling sa
head lights ng isang sasakyan.
Sunod sunod ang kabog ng aking dibdib nang makilala ang
pamilyar na sasakyan yun. Wag naman sana, bigla kong naidasal. Nais ko sanang
tumakbo papasok ng bahay pero para akong tinulos sa aking kinatatayuan, lalo na
nang bumaba ang sakay nito- si Andrew!
Kabanata 90
Tintin POV
Kitang kita ko ang pagkunot ng noo ni itay nang unti-unti
nitong nakikilala ang lalaking bagong dating at papalapit sa bahay namin.
Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Galit man ako kay Andrew ay hindi ko magawang tumakbo papasok ng bahay para
pagtaguan siya- naroon pa rin kasi ang pag-aalala ko para dito.
Mag-aalas tres pa lang ng madaling araw, bakit siya
naririto? Ano bang tumatakbo sa utak ng lalaking 'to, hindi ba niya alam na
para siyang pumasok sa lungga ng mga leon?
Ban pa siya sa lugar namin. Limang taon niyang ginost ang
mga kabaranggay ko pagkatapos niyang mangako na mamumudmod siya ng Viagra sa
mga tambay dito, at isa sa mga pinaka-umasa ay ang tatay ko. Kung tutuusin ay
madali lang naman para kay Andrew na tuparin ang pangako niya, pero hindi nito
ginagawa dahil nag-eenjoy itong panoorin kung paano umirap at sumimangot si
itay sa kanya tuwing magkikita ang mga ito.
Naglingunan ang mga tambay at tanod na naririto ngayon sa
direksyon ni Andrew.
"Si Dok Bayagra yan ah!" wika ni mang Kanor sabay
tayo.
Sa gwapo at tangkad kasi nitong si Andrew, ay hindi madaling
kalimutan ang itsura nito. Minsan lang may mapadpad na ganitong nilalang sa
barangay namin, kaya tandang tanda pa rin siya ng mga tambay dito.
Sa narinig ay biglang nagsitayuan ang iba pang mga tambay at
nagsipameyawang.
"Ah ah.. aba'y pagkalakas naman ng loob ng bayagrang
yan na magpakita pa dito!" ani mang Ador.
"Hawakan mo sa kamay, ako sa paa. Tatalupan natin yan
ng buhay!" wika pa ng isa.
Bigla akong natakot sa pwede nilang gawin kay Andrew kaya
mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya. Nakatingin siya sa akin habang
tumatakbo ako papalapit sa kanya.
"Hon" anito nang makalapit ako sa kanya.
Dali-dali ko siyang hinila sa kamay, papalayo sa bahay.
Hindi ito kumikilos para sumunod dahil nakatingin siya sa
bahay namin. Kaya itinulak ko siya para dalhin sa sasakyan niya. Medyo na-o-off
balance pa itong napapaatras dahil ayaw pa nitong humakbang.
"Dali.., umalis ka na kung gusto mo pang sikatan ng
araw."
pagpupumilit ko at buong pwersa ko siyang itinutulak para
mailayo sa bahay namin, ngunit parang wala talagang balak na kumilos si Andrew.
"Tin, mag-usap muna tayo magpapaliwanag ako."
anito at hinagip pa ang dalawang kamay ko.
Mabilis kong iniwas ang kamay ko dahil baka pati yun ay
makita pa ni itay.
"Umalis ka na, saka na lang tayo mag-usap."
patuloy kong pagtataboy sa kanya.
"Pero hindi mo naman sinasagot ang tawag ko,
nakikipagbreak ka pa nga sa akin." anito.
Ngali-ngali ko nang takpan ang bibig niya dahil baka marinig
pa siya ni itay.
"Shhhh... wag ka ng maingay! Sige na, tatawagan na lang
kita. Umalis ka na." saway ko sa kanya. Itutulak ko pa sana siya ulit nang
marinig ko ang boses ni itay.
"Tin, papasukin mo ang magaling nating
bisita."" tawag niya.
Napapikit ako ng mariin at napakagat ng labi. Sa tono pa
lang ng boses ni itay ay ramdam ko nang hindi magiging maganda para kay Andrew
ang pagpunta niya rito.
Umiiling iling akong napatingin kay Andrew.
"Hindi mo alam kung anong pinasok mo?" bagsak ang
balikat ko dahil huli na, ngayon pa lang ay naaawa na ako para sa kanya.
"I'll be fine." confident na sabi nito at akmang
lalapit sa bahay namin.
"Wala kang sasabihin sa kanila tungkol satin."
pabulong kong babala sa kanya.
Hindi ito sumagot bagkus ay dire-diretso lang na naglakad
patungo sa terrace, nasa likod lang ako nakasunod sa kanya.
Nadaanan namin ang mga tambay na masama ang tingin na
ipinukol kay Andrew. Kung nakakamatay lang ang tingin ng mga lalaking ito ay
baka natigok na si Andrew ngayon. Itinaas ni itay ang kanyang kamay at
sinenyasan sila na maghintay muna.
Nakita ko pang ngumiti pa si itay kay Andrew. Ngiting hindi
mapagkakatiwalaan.
"Tintin, papasukin mo ang ating magaling na bisita,
siguradong pagod pa yan sa haba ng byahe." nakangiting sabi ni itay.
Nagtataka ako sa mga ikinikilos nito. Kani-kanila lang ay
kunot na kunot ang noo nito, pero ngayon ay napaka-kalmado. Parang mas lalo
yata akong kinakabahan ah.
Tumingin si Andrew sa akin na parang nagtataka rin.
"M-magandang gabi ho." bati ni Andrew na may
halong pag-aalinlangan.
"Upo, upo." kinukumpas pa ni itay ang kanyang
kamay para paupuin si Andrew. Nasa terrace na kami.
Nang makaupo ito ay nilapitan siya ni itay.
Tumayo si itay sa gilid ni Andrew at inakbayan ito. Kitang
kita ko ang madiin na paghawak nito sa balikat. Napatagilid at medyo napangiwi
pa nga si Andrew, na mukhang iniinda ang pagpisil ni itay ngunit hindi ito
nagsalita.
"Napadalaw ka dok." ani tatay na nakangiti pa rin.
"A-"
Magsasalita pa lang si Andrew ay pinutol ko na agad ang
kanyang sasabihin.
"May ipinabibigay lang po si Mutya sa akin, saktong
bibisita po siya sa hospital nila sa Lipa ngayon kaya sa kanya na ipinadala.
Pauwi na po siya, dumaan lang. Sige na dok, uwi ka na. ako na ang sumagot dahil
baka mali pa ang masabi ni Andrew.
"Eh bakeyt ga pinapauwi mo na agad ang bisita nating
pandangal?" mariing tanong ni itay at ang mga mata ay hindi inaalis kay
Andrew. Masama talaga ang pakiramdam ko.
"Kuya Andrew!!!" masayang bati ni Gigi na galing
sa loob ng bahay katabi ang aking ina.
"Aba Andrew, napadalaw ka?" gulat na sabi ni inay.
"Aalis na din po siya, may ipinapaabot lang po si
Mutya." ako na muli ang sumagot.
"Mamaya ka na umalis kuya Andrew, kwentuhan muna
tayo." ani Gigi. Naku po naman, kinakabahan ako sa tiyanak na 'toh.
"Matulog ka na gabing gabi na, may kasalanan ka pa ah,
dapat nga nasa kwarto ka lang." sabi ko rito para manahimik na.
Ngunit mali yata ang naging diskarte ko. Huli na dahil
pinandilatan ako ni Gigi.
"Ang yabang mo naman! Eh mas malaki nga ang kasalanan
mo kesa sa akin, kaya ka nga biglang umuwi." malakas na palatak ni Gigi.
Sabay na napatingin si inay at itay dito.
"Anong kasalanan?" tanong ni inay.
"Wala nay, nagpapaniwala naman kayo dyan. Lakad na,
pumunta ka na sa kwarto mo." singit ko.
Mabilis akong lumapit kay Gigi at hinila siya sa kamay para
sabay na kaming magtungo sa silid.
"Sandali!" malakas na pigil ng aming ina.
"Gigi, anong kasalanang sinasabi mo? Bakit umuwi ang
ate mo?" patuloy ni inay na naka-kunot na ang noo.
Nakita kong marahang tumatayo si Andrew at mukhang alam na
ang susunod na mangyayari. Napapikit na lang ako ang mariin.
"Umuwi po si ate kasi nagbreak sila ni kuya
Andrew." walang pag-aalinlangang sagot agad ni Gigi.
Pakiramdam ko ay tumigil ang takbo ng oras at lahat sila ay
nagpalipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Andrew.
"Ayan oh-sinundan pa nga siya. Baka gustong
makipagbalikan." dugtong pa ni Gigi na palagi na lang may dagdag ang
kwento.
Nanlalaki ang butas ng ilong ni inay na tumingin sa akin. Si
itay naman ay mas lalo pang sumama ang tingin kay Andrew.
"Totoo ga yun, Kristina?" tanong ni itay.
Napayuko ako at hindi sumagot bilang pagkumpirma sa tanong
nito.
Hindi nakawala sa aking paningin ang paghawak ni inay sa
isang mahabang kahoy na malapit sa kanya.
"Inay..." usal ko nang makitang papalapit siya.
Sa isang iglap ay nasa harapan ko na si Andrew para
humarang, sabay yakap sa akin ng mahigpit.
Kabanata 91
Andrew POV
"Pangako, sabay palagi ang shift natin. Kapag narito
ka, narito din ako. Kaya isang sigaw mo lang, pakinig ko na."
Niyakap ko ng mahigpit si Tintin at saka hinalikan bago ito
sumakay sa taxi, para kahit paano ay mawala ang kanyang pag-aalala. Hindi rin
natuloy ang date naming dalawa. Nagkaroon na naman ng emergency sa hospital at
hindi ako pwedeng umalis. Kanina sana, kaso isinugod si Mutya at matagal din
ang iginugol dun ni Tintin. Nang paalis na sana kami ay ako naman itong may di
inaasahang pasyente.
Saka ko lang inalis ang tingin sa taxing sinasakyan nito
nang medyo nakalayo na ito. Pagbaling ko sa bukana ng hospital ay nakita ko si
Natalia. Nakatayo ito at mukhang ako talaga ang inaabangan.
"Bakit hindi mo ako nahintay?" may kirot sa mga
mata nito habang nakatingin sa akin. Mukhang kanina pa yata niya kami
pinapanood ni Tintin.
"Walang kwenta ang usapan na'to." naiiling kong
sabi at lalagpasan sana siya.
"Ginagamit mo ba sya para pasakitan ako? Andrew,
aminado naman ako. I'm jealous, tagumpay ka kung yan ang plano mo. Kaya pwede
mo nang itigil yang laro mo."
Humugot ako ng malalim na bungtong hininga. Kita ko na
unti-unti nang namumula ang mga mata nito.
"Kilalang kilala kita Andrew, alam ko kung gaano mo ako
kamahal. I'm sorry kung nasaktan kita. Nandito na ulit ako para-"
"Mahal ko ang girlfriend ko!" putol ko sa kanya.
"Dahil nawala ako, kung susubukan lang natin na-"
"I haven't thought about you in ages, way before Tintin
came into the picture. Kung hindi ka pumunta ng US, baka naghiwalay din tayo
just like my previous girlfriends. Acquaintances come and go, at isa ka na
dun."
"How about that girl?"
"She is not just an acquaintance and I'm warning you,
keep your distance from her." mariin kongpaalala at nilagpasan siya.
Narinig ko pa siyang nagsalita.
"I still remember kung paano ka nagmakaawa sa akin sa
Amerika, para lang balikan kita. Nangako tayo sa isa't isa, and I'm here to
keep our promise and correct everything that's out of place." anito.
Non sense makipag-usap sa taong sarado ang utak. Naiiling
lang akong nagpatuloy sa paglalakad at nagtungo ako sa loob.
Agad kong hinanap ang head nurse na si Matilda.
"Yes dok?" anito ng lapitan ko siya.
"Kelan ba sunod na magpapalit ng schedule?" tanong
ko dito.
"This Thursday po dok, Three days from now."
"Kapag nagpalit kayo ng sched, alisin mo na si Kristina
sa OB -GYN ward, dalhin mo siya sa General Ward. Kung may magtanong,
paki-sabing ako na lang ang kausapin."
"Yes po dok." mabilis na tugon ni nurse Matilda.
Kilala naman nila kung sinong Kristina ang tinutukoy ko.
Sino ba namang hindi makakakilala sa girlfriend ko. Sigurado naman akong
balitang balita na ang relasyon naming dalawa sa hospital lalo pa't lagi nila
kaming nakikitang magkasama.
After two days...
Katatapos ko lang operahan ang isang pasyente at
ipinapahanap na agad ako ni Dra. Subido, ang Chief medical officer ng buong
OB-GYN department. Umagang umaga pa lang ay sinalubong na agad ako ng masamang
balita at involve si Tintin. Mula kay Dra. Subido ay nalaman ko kung ano ang
problema. There was confusion in the dosage administration protocol between Dr.
Natalia and Tintin.
Mabilis ako kumilos para ayusin agad ang gusot na ito.
Mahihirapan si Tintin lalo na at itinanggi na ni Natalia na order nya ang
maling dosage. Malalagay pa rin Tintin sa alanganin kahit pa nga mapatunayan na
order talaga yun ni Natalia.
Hindi sinunod ni Tintin ang protocol na kailangang
papirmahan muna sa doktor ang medication order bago ito i-administer ng nurse.
Alam kong hindi nagsisinungaling si Tintin. She's so pure and innocent at hindi
siya yung tipong gagawa ng kwento para lang iligtas ang sarili niya.
Hindi ko rin alam kung paano ko ito aayusin pero kailangan
kong makausap ang mga involve sa insidente.
Sinalubong ako ng hospital admin na si Marie. Siya ang
incharge sa mga schedule ko. Hindi siguro niya ako makontak kaya siya na ang
nagpunta rito. Palagi ko kasing iniiwan ang opisina ko ang cellphone kapag may
inooperahan ako.
"Dok may meeting po kayo in 30 minutes with directors
about sa projects sa Cavite.
"Please cancel all my meetings today." tugon ko.
"Yes po dok." anito. Tatalikod na sana ito ng muli
kong tawagin.
"Marie, paki report mo nga si nurse Martha Cruz sa
opisina ko.
Si Martha, ang nurse na kasama nina Tintin na nagrounds
kahapon.
Ilan sandali lang ay nasa opisina ko na ito.
"Ano bang nangyari kahapon?" tanong ko agad nang
pumasok siya sa opisina ko. Walang pag-aalinlangang nagkwento ang nurse.
"Eh dok, sisingit sana ako sa usapan nila kaso nung
sitahin ni Dra. Santos si Kristina kasi kinuwesyon niya yung dosage, hindi na
lang din ako nagsalita. Baka po kasi mali rin ako eh. 2 months pa lang akong
nurse, baka kako marami lang talaga akong hindi pa alam."
"So anong narinig mo?" tanong ko.
"Kung anong sinabi ni doktora kay Kristina, yun din po
eksakto ang isinulat niya. Binigyan niya agad ng 2g yung pasyente, then bago
umuwi si Kristina nung hapon, siya na rin po ang nagbigay ng 2nd dose sa
pasyente since naka 8 hours na po. Gusto nga po sana naming itanong sa iba,
kaso nawala na sa isipan namin ni Kristina kasi medyo hectic po kahapon, ayun
nakalimutan na namin. Saka parang hindi yata maganda pakiramdam ni Kristina
kahapon, pabalik pabalik kasi siya sa banyo." paliwanag nito. Tila
nag-iisip ito ng malalim at saka muling nagsalita.
"Nagmamadali nga po pala kahapon si Dra. Natalia na
umalis. Bigla na lang po kasi siyang nawala kaya ayun, hindi na po napapirmahan
ni Tintin yung order. Hanggang sa makalimutan na rin po siguro niya hanggang sa
mag-uwian na kami." dagdag pa nito.
Kahit naconfirm ko kay nurse Martha ang nangyari, hindi pa
rin yun makakatulong sa kaso ni Tintin. Iisa lang ang pupuntahan ng kwento,
hindi napapirmahan ni Tintin ang order.
Nagtungo ako sa silid ng pasyenteng si Mrs. Almazan upang
tingnan ang kalagayan nito. Bilang may-ari ng hospital ay isa sa mga
pinaka-ayaw kong mangyari ay may pasyenteng mapapahamak.
Pagpasok ko sa silid nito ay nagpakilala agad ako.
"Kumusta na po ang pakiramdam mo?" tanong ko sa
ginang na mukhang talubata pa rin.
"Ayos na po, mabuti na lang at hindi na lumala ang side
effect." anitong tipid na ngumiti.
Pagkatapos kasing kakitaan ng side effect ang pasyente ay
agad din yung nawala. Mabuti na lang at hindi ganun kalala ang naging epekto
dito.
"Kinausap ko na ang billing department, wala na kayong
gagastusin dahil sagot na nang hospital lahat ng medical bills nyo."
Nagkatinginan ang mag-asawa at halatang masayang masaya sa
balitang narinig.
"Ako na po ang humihingi ng dispensa sa maling dosage
na naibigay ng nurse namin." hinging paumanhin ko. Kumunot naman ang noo
ng pasyente.
"Dok, hindi ko naman po sinisisi yung nurse.
Napag-utusan lang naman siya." anito sa kalmadong tono. Napakislot ako sa
narinig.
"Sigurado po kayo?"
"Actually, tinanong pa nga nya kung 3 times a day ba
talaga, pero sinita siya ni doktora." anang ginang.
"Incase po ba na may magconduct ng investigation dito
mula sa admin, masasabi nyo yang info na sinabi nyo sa akin?" tanong ko.
Mabilis na tumango ang pasyente.
"Opo naman. Naku baka nag-aalala na yung nurse, kawawa
naman ang bait pa naman niya. At saka nga pala dok hindi na kami magsasampa ng
kaso, tutal okay na rin naman ako. Nagpanic lang kasi ang asawa ko kanina kaya
medyo naghysterical siya, pero okay na siya ngayon."
Nang lingunin ko ang asawa ng pasyente ay marahan lang itong
tumango. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa narinig. Ngayon ay may isang tao pa
ang gusto kong maka-usap. Si Natalia.....
Kabanata 92
Andrew POV
Nadatnan ko si Natalia sa loob ng opisina nito. Halata sa
mga mata niya na nag-iiyak ito. Buong akala ko ay dahil sa kaso sa pagitan nila
ni Tintin. Isinukbit nito ang bag at mukhang paalis na.
"May pupuntahan ka?" tanong ko sa kanya.
Tumago ito at pumatak ang mga luha.
"May inaasikaso lang akong mga papel. Kailangan kong
umalis. My mother passed away yesterday." malungkot na anito.
Hindi agad ako nakapagsalita. Nabalitaan ko nga pala ang
tungkol sa pagkamatay ng ina nito ngunit nakalimutan ko na dahil sa pag-aalala
kay Tintin. Paano ko siya kokomprotahin kung nagluluksa ito. Tumikhim muna ako
bago nagsalita.
"Pasensya ka na kung kailangan kong klaruhin ang
nangyari bago ka umalis."
Saglit na tumigil si Natalia at seryosong tumingin sa akin.
"Is it about your girlfriend?" anito.
"Yes." tugon ko.
"I already gave my statement and I'm done-"
"Sa kaso nya, baka magkaron lang siya ng few days
suspension dahil sa hindi niya pagsunod sa protocol lalo na't hindi na
magsasampa ng kaso si Mrs. Almazan. Both nurse Martha and the patient herself
are claiming that you ordered the wrong dosage. Ligtas ka man sa disciplinary
action, you'll end up with a bad reputation among our colleagues because of
your denial. Kahit pa anong galing mo, walang gugustuhin na makatrabaho ang
doktor na nang-iiwan ng katrabaho sa ere, mailigtas lang ang sarili. Lahat ng
achievements na ipinagmamalaki mo kukwestyunin lang ng lahat. Wag ka nang
magtaka kung pagdudahan din nila kung ilang katrabaho mo na ang nagsacrifice
para lang marating yang pwestong kinalalagyan mo ngayon." dire-diretso
kong saad.
Nakita kong natigilan ito sa mga sinabi ko.
"Nakay Dra. Subido pa rin ang statement mo kaya hindi
pa yun official. Hindi pa nagko-conduct ng investigation ang administrative
office, at kapag nasimulan na yun, kakalat na ang incident sa buong hospital.
Sinadya mo bang maling dosage ang ibigay sa pasyente para lang pahirapan ang
girlfriend ko? Are you that desperate?"
Nakita ko na ang matayog na awra ni Natalia ay unti unting
napalitan ng matinding pag-aalala. Umiling ito at mabilis na pumatak ang niga
luha.
"I swear, I never intend harm to any of my patients.
I'm a doctor, my job is to save lives." anitong gumagaralgal na ang boses.
"Bago ako magpunta sa silid ni Mrs. Almazan,
nakatanggap ako ng tawag na namatay si mommy. Hindi na siguro dapat akong
nagtrabaho pa dahil wala ako sa sarili kahapon, kaya siguro maling dosage ang
nasabi ko. "
"Noong kwestyuhin ni Kristina ang order ko..., yun
aaminin ko that I snap at her, pero hindi ko intensyon na saktan ang pasyente
ko. I love my profession, if it had been a different nurse questioning me
yesterday, I would have definitely listened but it was Kristina. Kaya hindi na
ako nakapag-isip ng tuwid. I'm so insecure of her because of you." tuloy
tuloy na salaysay nito.
"Natalia, I dont think you're inlove with me. Pride
lang yang nararamdaman mo, dahil hindi mo lang matanggap na ayaw ko nang
makipagbalikan sayo. You think so highly of yourself na akala mo, makukuha mo
lahat ng gusto mo. You're too proud to admit that you can't always get what you
want."
Pansin ko ang paglikot ng mga mata ni Natalia, na mukhang
tinamaan sa mga sinabi ko.
"Look at you, ibinababa mo yang sarili mo, for what? Ni
hindi nga nag-eeffort yung girlfriend ko na patulan ka. Hindi siya lumalaban
pero hindi mo pa rin siya matalo. Lahat na ginawa mo para lang
makipagkompitensya sa kanya, pero sa huli sarili mo lang ang sinisira mo."
Tuluyan nang pumatak ang mga luha ni Natalia na kanina pa
nito pinipigilan. Malamang ay nagising ito nang sa mismong bibig ko na nagmula
ang katotohanang pilit niyang itinatanggi. Ang babaeng sobrang taas ng tingin
sa sarili ay hindi ko na makita ngayon. Para siyang bumalik sa realisasyon na
nakaapak din ang mga paa niya sa lupa kagaya naming nasa paligid niya, too bad
that she had to hear those harsh words from me to realize it.
"I'm sorry!" anito.
Ramdam ko sa iyak niya ang halo halong emosyon. Bukod sa
problema dito sa hospital ay sinabayan pa yun nang pagkawala ng kanyang ina. Ni
katiting ay wala na talaga akong mararamdamang pagmamahal para dito. Bilang
katrabaho at dating kaibigan ay nakaramdam naman ako ng awa para dito.
Nilapitan ko siya at tinapik sa balikat upang iparating ang
aking simpatya sa pagkawala ng ina nito.
"I'm sorry for your loss!" mahina kong sambit.
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at saka ito humagulhol.
Nais ko sanang kumawala ngunit hindi ko magawa. Paano ko gagawin yun sa taong
nagluluksa. Kahit sinong nasa harapan ko ngayon at ganito ang itsura ay hindi
ko basta matatalikuran.
Being a doctor, I've encountered countless moments of pain
due to loss and death, and all I can do is provide comfort kagaya ngayon.
Katulad nang ginagawa ko sa pamilya ng mga pasyenteng umiiyak sa aking harapan,
marahan ko rin siyang hinagod sa likod bilang tanda ng aking pakikiramay. It's
a reflection of both empathy and professional ethics.
Hindi pa nagtatagal ay nakita ko si Tintin na nakatayo sa
may pintuan at tumutulo ang mga luha. Kita ko ang sakit na nakarehistro sa
kanyang mukha. Mabilis akong kumalas kay Natalia at hindi na ako nakapagpaalam
dahil hinabol ko na si Tintin. Nag-aalala akong baka mali na naman ang
pagkakaintindi niya sa nakita.
Napakabilis ng takbo ni Tintin, malapit ko na sana siyang
abutan....
"Tin!" tawag ko sa kanya.
......ngunit mabilis itong nakasakay ng taxi.
Hinabol ko pa yun ngunit tuluyan nang nakalayo ang sasakyan.
Napasuklay ako ng buhok nang itigil ko ang pagtakbo habang habol ang aking
hininga.
Dinukot ko ang aking bulsa upang kunin ang cellphone ngunit
wala ito. Naalala ko, iniwan ko ito sa opisina bago ko operahan ang isang
pasyente. Dali-dali akong nagtungo sa opisina upang kunin ang aking cellphone
para tawagan si Tintin.....
Kabanata 93
ngunit mukhang binlock na naman niya ako. Nakita ko rin na
napakarami missed calls na galing sa kanya. Napahilamos ako ng mukha nang
mabasa ang mga text messages ni Tintin. Nag-aalala daw siya na baka may
masamang mangyari sa pasyente. Siguradong nagdaramdam ito ngayon saken.
Mabuti na lang at wala na akong pasyente ngayon. Tinakbo ko
ang aking sasakyan at halos paliparin yun papunta sa condo ni Tintin. Pagdating
ko doon ay ang kasambahay lang ang naroroon. Naghintay ako sa condo maghapon
ngunit hindi ito dumating. Una ko siyang hinanap kay Mutya ngunit wala itong
alam.
Nakatanggap ako ng tawag mula kay Dra. Subido, ipinaalam
nito na binawini Natalia ang unang statement nito. Inamin na rin niya sa wakas
na siya ang nagbigay ng maling order ng gamot kay Tintin.
Mukhang tama ang hinala ko na three days suspension ang
ibinabang hatol kay Tintin, kahit pa may statement na ni Natalia. Ang
suspention na yun ay dahil sa hindi niya pagsunod sa protocol ng hospital.
Ilang araw din ang suspension na ibinigay nila kay Natalia. Mababa lang ang
natanggap ng dalawa dahil hindi naman naging malaking kaso yun. Hindi na rin
kasi nagreklamo ang pasyente. Nalaman ko rin na nagresign na si Natalia, ngunit
dahil sa nauna ang pagbaba ng desisyon ng admin sa kaso ni Mrs. Almazan ay nasa
record na ito ni Natalia bilang doktor. Between Natalia and Tintin, mas malaki
ang negative impact nito sa career ng doktora.
Maghapon kong hinintay si Tintin sa condo niya ngunit hindi
ito umuwi. Sa kahihintay ko ay hindi ko na namalayang nakatulog na ako sa sofa
dahil sa sobrang pagod. Ilang araw na rin kasi akong wala halos tulog dahil sa
trabaho,
Dahil binlock niya ako ay sinubukan kong muling tawagan si
Tintin, gamit ang landline nitong condo unit. Busy ang number nito, siguro ay
may kausap ito ng mga oras na yun. Nang maka isang minuto ay muli ko ng
tinawagan ang kanyang numero, ngunit busy pa rin ito.
Hindi kaya nagpunta siya sa bahay nina Mutya?
Tinawagan ko muna ang number ni Mutya ngunit busy rin ito.
Siguro nag-uusap ngayon ang mag bestfriend.
Maya-maya pa ang naka tanggap ako ng text message sa
cellphone ko. Napakislot ako ng mabasang mula ito kay Tintin. Finally
nagmessage na din siya!
From My Love:
Break na tayo! Ayoko nang makita yang pagmumukha mo!
Natuliro ako at dali-daling tinawagan ang number niya ngunit
block na naman ako. Siguradong kahit anong tawag ang gawin ko ay hindi nito
sasagutin kaya tinawagan ko na lang ang number ni Mutya. Sinagot naman yun
agad.
"Ano na lover boy?" sarkastikong bungad ni Mutya.
"Nasa bahay nyo ba si Tintin?"
"Secret!" anito.
"Mutya, please... Nasan si Tintin?"
"Secret nga!" anito at basta na lang pinatay ang
tawag.
Napapikit ako sa panggigigil kay Mutya, kahit kelan-napaka!
Namalayan ko na lang ang sarili kong nagda-drive patungo sa bahay ng aking
kapatid.
"Grabe ka namang makapag doorbell." reklamo ni
Mutya.
Kasambahay ng mga ito ang nagbukas, at kasunod nito si
Mutya. Dumiretso ito sa labas ng pintuan at sinipat sipat ang pinto.
"Wawasakin mo ba ang pintuan namin?" anito.
Ang tagal nilang lumabas kaya pinagsisipa ko ang pintuan
nila,
"Hobby nyo bang magkapatid ang manira ng pinto?"
patuloy ni Mutya.
"Nasan si Tintin? Nandito ba siya?" tanong ko at
tuloy tuloy akong pumasok sa bahay nila.
"Wala." si kuya Drake ang sumagot na kaba-baba
lang ng hagdan. Tiningnan ko si Mutya.
"Sabihin mo nå Mutya kung nasaan si Tintin, naghotel ba
sya?" gigil kong tanong dito.
"Sabi kasi ni Tintin, wag kong sabihin sayo."
kamot nito ang ulo at alinlangang ngumiti.
Napatimbagang ako at mariin siyang tinitigan. Namuo ang
katahimikan bago ako muling nagsalita.
"Kahit minsan..., hindi ako nanumbat sa lahat ng ginawa
ko para sayo. Ngayon lang ako hihingi ng pabor Mutya-ngayon lang!"
Hindi ko napigilan ang pagpiyok ng aking boses. Unti-unti na
ring nag-iinit ang aking mga mata dahil sa pagpipigil ng aking emosyon. Mukha
lang akong kalmadong tao pero matinding pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon
dahil alam kong galit si Tintin sa akin. Napakababa ng loob ng babaeng mahal ko
at hindi ito basta nagagalit. Kaya kapag ganitong sumasama ang loob niya ay
nag-aalala na ako ng sobra.
Nakita ko kung paano unti-unting nag-iba ang ekspresyon ng
mukha ni Mutya na napalunok pa.
"Nasan si Tintin?" ulit ko.
"Umuwi sa Batangas." mabilis na tugon ni Mutya sa
mababang tono.
Pagkarinig na pagkarinig ko sa sagot nito ay agad akong
tumalikod at mabilis na lumabas ng bahay nila upang bumalik sa aking sasakyan.
Bago pa man ako nakaalis ay kinatok ni kuya Drake ang
bintana ng aking sasakyan. Sumunod pala ito nang hindi ko namamalayan dahil
wala akong ibang iniisip ngayon kundi ang makita si Tintin. Ibinaba ko ang
bintana upang pakinggan ang sasabihin ni kuya.
"Sandali..., umalis ka kasi agad, may ibibigay pa 'ko
sayo." seryosong sabi nito.
"What is it?" takang tanong ko.
"Wait here. Mabilis lang 'to." anito at mabilis
nga itong naglakad pabalik sa loob ng bahay nila.
Ilang sandali pa ay tumatakbo na ito pabalik sa pwesto ko.
Nang makalapit si kuya Drake ay may inabot siya sa akin na
plastic bag. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Bahagya siyang tumango.
Sinilip ko ang lamang ng bag. Napakunot ako ng noo nang
makita ang isang bagay sa loob. Dinukot ko ito at inilabas.
Napapikit ako ng mariin ng mapagtanto kung ano iyon.
Pagmulat ko ng mga mata ay kitang kita ko ang malawak na
ngiti ni kuya Drake sa akin.
Pang-ahit lang naman ang ibinigay nitong magaling kong
kapatid.
Nakangising nagsalita si kuya Drake.
"Kakailanganin mo yan-Good luck!"
Kabanata 94
3rd person POV
Naka-upo na sina Tintin at Andrew ngayon sa harapan ng
mag-asawa. Buong akala nila ay hahampasin ni aling Nimfa si Tintin nang
makitang hawak nito ang isang kahoy kaya agad na humarang at yumakap si Andrew
kay Tintin. Nais lang palang tumukod ng ginang sa kahoy dahil pakiramdam niya
ay mabubuwal siya dahil sa natuklasang may relasyon ang dalawa.
"Para akong sasamaan ng lasa dahil sa mga pinag
gagagawa nyo!" galit na anito.
"If I know, gusto nyo laang magyakapan ni kuya Andrew.
Para-paraan pa eh." sulsol pa ni Gigi.
Hindi pinansin ni Tintin ang kapatid na kanina pa siya
inaasar.
"Bakit ga ho kayo nagagalit nay? Matanda na naman ako,
may trabaho na nga ako eh. Nagbabayad na kaya ako ng tax." lakas loob na
binigkas ni Tintin pero sa mababang tono.
Pinandilatan lang ito ng kanyang ina.
"Hindi yan ang ikinagagalit ko. Si Andrew na nga yang
nabingwit mo, magrereklamo pa ga ako?" ani aling Nimfa.
"Araw-araw tayong nag-uusap, araw-araw din kitang
tinatanong kung may boyfriend ka na. Anong sabi mo? Wala!" patuloy nito.
Wala namang maisagot ni Tintin dahil guilty ito.
"Ikaw naman Andrew, kung hindi pa biglaang umuwi si
Tintin dito, hindi mo pa kami kakausapin." baling ni aling Nimfa kay
Andrew.
"Pasensya na po aling Nimfa." ani Andrew sa
mababang tono.
Balak naman talaga nyang kausapin ang mga ito, wala nga lang
siyang pagkakataon. Hinihintay sana niyang mabakante siya para kausapin ang mga
ito.
Sumingit sa usapan si kapitan Carding.
"Sinabihan na kita Kristina, shutain mo nang lahat wag
laang ang lalaking yan, paasahin ka lang nyan kagaya ng bayagra nya."
anito na masama ang tingin kay Andrew. Hindi mo tuloy maintindihan kung dahil
ba kay Tintin kaya siya nagagalit o dahil sa bayagrang pinapangarap niya.
"Kelan pa kayo naglilihim, may nangyari na ba sa inyo?
Nagalaw mo na ba ang anak ko?" sunod sunod na tanong ni aling Nimfa. Agad
naman sumagot si Tintin.
"Nay, wala pa po. Virgin pa po ako." anito.
"Tintin, hindi ikaw ang tinatanong ko, hoy lalaki
ginalaw mo ga ang anak ko?" mataray na tanong ng ina ni Tintin.
"Kung virginity po- eh.. tama po si Tintin, virgin pa
po ang anak nyo." tugon ni Andrew.
Nais mainis ni Tintin kay Andrew, dahil parang gusto pa yata
nitong bigyan ng level kung anong klaseng intimacy ang nagawa na nila. Alam
niyang hindi ito ang tamang oras para maging honest.
"Mabuti naman, kung hindi ay baka nagpatong patong na
ang atraso sa akin ng lalaking yan. Hindi mo na nga ibinigay yung ipinangako
mong bayagra., dadagdagan mo pa ang kasalanan mo." nakapaweyawang na sabi
ni mang Carding.
Samantalang si aling Nimfa naman ay tumahimik muna at
pinakatitigan ang magkasintahan. Mukhang inaalam kung nagsasabi sila ng totoo.
"Malaman laman ko laang na may nangyari na pala sa
inyo, ipapakasal ko talaga kayo!" banta ni aling Nimfa.
"Handa ho akong pakasalan si Tintin kahit wala pang
nangyayari sa amin." mabilis na tugon ni Andrew.
Sumabat naman si Tintin.
"Wala na po kami, kaya walang kasalang magaganap.
Matutulog na po ako." anito.
Tumayo ito para magpaalam na aakyat na sa silid. Hinarap
muna niya si Andrew.
"Umuwi ka na." malamig nitong winika at
tinalikuran ang lalaki.
"Tin..." ani Andrew at akmang lalapitan ang babae
subalit hinarang siya ni mang Carding.
"Hep.. Hep.. Wag mong lalapitan ang anak ko. Dadaan ka
muna saming mga unang inatraso mo bago mo mahawakan ang anak ko." pigil
nito kay Andrew.
Bigla namang napabalik si Tintin sa pag-aalalang baka kung
ano ngang gawin ng kanyang ama kay Andrew. Naupo siyang muli sa tapat nito.
Tumingin naman si Andrew sa kanya at saka tumayo. Nilingon ng binata si aling
Nimfa at saka sumersyoso ang mukha.
"Aling Nimfa, mang Carding..., Pakakasalan ko ho si
Tintin." walang pag-aalinlangang sambit nito.
Hindi agad nakapagsalita ang mag-anak dahil sa narinig.
"Mahal na mahal ko po si Tintin, payagan nyo po akong
maikasal sa kanya."
Nabigla ang mag-asawa at hindi agad nakapagsalita dahil sa
itsura ngayon ni Andrew na napakaseryoso.
Pinasadahan ni aling Nimfa ng tingin si Andrew. Hindi siya
makapaniwala na ang kagalang galang na lalaking ito, ubod pa ng gwapo at walang
pangit na anggulo ay nakikiusap sa kanila na pakakasalan ang kanyang anak.
Halatang mamahalin lahat ng suot nito mula ulo hanggang paa.
Malinis din ang pagkakaayos ng buhok nito. Kahit ilang dipa
ang layo niya kay Andrew ay amoy niya ang mamahaling pabango nito. Ang kutis ng
binata ay halatang galing sa marangyang pamilya, at kung magsalita ay hindi mo
maitatangging matalino at pwede mong iharap kahit kanino.
Kabanata 95
Habang pinapasadaan ni aling Nimfa nang tingin ang binata ay
napadako ang tingin niya kay Tintin. Naagaw kasi nito ang pansin niya, nang
humikab ito. Naabutan pa niya kung gaano kalaki ang bibig ni Tintin habang
humihikab.
Ang suot nito ngayon ay ang pinaglumaan niyang daster na
hiniram ng kanyang anak at butas butas pa. Napangiwi pa si aling Nimfa ng
kamutin ni Tintin ang magulong buhok na hindi pa sinusuklay mula ng magising.
Mapakla ang mukhang tiningnan muli ni aling Nimfa si Andrew.
"Sigurado ka gang gusto mo talaga ang anak ko?"
dudang tanong ni kay Andrew.
Nang tingnan niya si Andrew ay sinalubong nito ang kanyang
mata na tila nais ipakita ang sinseridad sa sasabihin.
"Mahal na mahal ko po." sagot ni Andrew at
tumingin pa kay Tintin
Nakita ni aling Nimfa kung paano nagsalubong ang tingin nina
Andrew at Tintin. Nais nyang matawa nang si Tintin pa itong may ganang
sumimangot at umirap sa binata.
"Hoy Tintin, umamin ka nga, sigurado ka gang hindi mo
ginayuma itong si dok?"
Nanlaki ang mga mata ni Tintin na parang nahuli sa akto.
Hindi ito nakapagsalita.
"Carding, tumawag ka nga bukas ng albularyo at
patingnan natin areng si Andrew, baka-
"Nay naman, nakaka offend ka ha. Hindi ga pwedeng
nagandahan laang siya sakin." protesta ni Tintin. Hindi siya pinansin ng
ina, sa halip ay si Andrew ang binalingan.
"Wala naman akong tutol sayo Andrew, ang tanong eh ayos
lang ga sa mga magulang mo?" tanong ni aling Nimfa.
"Wala pong problema sa kanila. Gustong gusto nga po
nila sila Tintin."ani Andrew.
"Eh ikaw? Talagang sigurado ka?" paniniguro ng
ginang. Tumango naman ang binata.
Doon na sumingit si Tintin.
"Ako? Hindi nyo ba tatanungin kung gusto ko? Paano kung
ayaw ko?" singit ni Tintin.
"Wag ka nang mag-inarte dyan, pasalamat ka nga at
nagustuhan ka ni Andrew. " asik ni aling Nimfa sa anak.
Tumawa ng malakas si Gigi nang hindi na makatiis.
"Choosy pa si ate, akala mo naman kagandahan."
anito na patuloy sa pagtawa. Binato ni Tintin nang matalim na tingin ang
kapatid.
"Andrew, talaga bang gusto mong pakasalan ang anak ko?
Wala bang sira yang mga mata mo?" hirit ni aling Nimfa.
Napangiwi naman ang mukha ni Tintin. Tumayo ito pagkuwan.
"Hindi ho ako magpapakasal," anito sa malamig na
boses.
Hindi ako magpapakasal sa taksil na yan! Yun sana ang gusto
niyang sabihin, ngunit hindi naman niya masabi sabi dahil mas lalo pang hahaba
ang usapan.
Lalagpasan niya si Andrew ngunit pinigilan siya nito sa
braso.
"Tin, mag-usap naman tayo. Mahal na mahal kita. Sige
na, pumayag ka nang magpakasal. Payag na nga si aling Nimfa oh" panunuyo
ni Andrew.
"Umalis ka na, ayaw ko nang makipag-usap sayo."
Sinalubong ni Tintin ng tingin ang kasintahan. Mahal niya
ito pero galit siya dito. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit nauwi sa
kasalan ang usapan. Sa isip niya ay parang ang bilis naman yata. Hindi pa nga
niya ito napapatawad, tapos yayayain na agad siya nitong magpakasal? Parang
kahapon lang ay kayakap pa nito si Natalia.
Nang muling maalala ni Tintin ang ex nito, ay parang umakyat
ang dugo sa ulo niya sa sobrang pagka-inis.
"Ikaw kasi kuya Andrew, bakit kasi niyayakap mo pa yung
ex mo. Ayan tuloy beast mode si ate sayo." sabat ni Gigi.
Mas nadagdagan pa lalo ang inis ni Tintin dahil sa sulsol na
yun ni Gigi. Nanlaki naman ang mga mata ni mang Carding dahil sa narinig.
"Aba't pati pala anak ko niloloko at pinapaasa
mo!" galit na pumagitnang sabi nito.
Nang marinig at makita ni Tintin ang reaksyon ng kanyang
ama, ay hinarap niya si Andrew.
"Kakausapin lang kita kapag napapayag mo si itay."
yun lang at saka nilayasan ang mga kasama upang bumalik sa silid. Bahala na si
itay sa kanya, aniya.
Marahang napalingon si Andrew kay mang Carding na ngayon ay
tutok ang tingin sa kanya. Unti-unti rumehistro ang kaba sa mukha ni Andrew, at
bumalik ang ala-ala kung saan binantaan siya ng ama ni Tintin na kapag bumalik
siya dito ay pagsusuotin siya nito ng T-back. Bigla siyang kinabahan, dahil
nararamdaman na nya ngayon ang realisasyon sa binitiwan nitong banta.
Kung alam lang niyang maiinlove siya sa anak nitong 17 years
old pa lang noon, hindi na sana niya pinagtripan ang kapitan.
Walang tigil ang paglunok ni Andrew, dahil abot hanggang
tenga ang ngisi ni kapitan Carding habang sa kanya mariing nakatingin.
"Kumusta naman dok, nag-ahit ka ga?"
Kabanata 96
Tintin POV
"Tay san nyo po ba talaga dinala si Andrew?"
nag-aalala kong tanong habang nag-aalmusal kami.
Nang magising kasi ako ay hindi ko na makita ito. Nasa labas
naman ang sasakyan nito. Ini-unblock ko na ang number niya para itext ito
ngunit hindi naman nagrereply. Naka-ilang tawag na rin ako pero panay lang ang
ring.
"Wag kang mag-alala, nagpapahinga laang yang boypren mo
kaya wag mong kulitin." relax na sagot ni tatay. Kita kasi niyang panay
ang tawag ko sa number ni Andrew.
"Kaninang madaling araw laang eh ipinagtatabuyan mo yun
tao, tapos ngay-on kung makapag-alala ka, talo mo pa ang ina niya." saad
ni inay.
"Baka po kasi kung ano nang ginawa ni itay sa
kanya." nag-aalala kong sambit.
"Eh ano naman sa palagay mo ang gagawin ko sa taong
yun?" maktol ni itay.
"Malay ko ho sa inyo. Baka pinagsuot nyo ng
Tback." naiiyak kong sagot.
Sabay sabay na bumunghalit ng tawa ang tatlo dahil sa sinabi
ko, lalo na si Gigi.
"Nandun... sa likod ng bahay. Pina-akyat ni tatay sa
puno ng niyog naka Tback." tumatawang sabi nito.
Bigla ko tuloy naibuga ang kape na iniinom ko.
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi ni Gigi at
napatingin ako kay itay na tawa ng tawa ngayon. Mabilis akong tumayo at tumakbo
sa likod ng bahay. Kinakabahan akong nagtatakbo sa niyugan at hinanap si
Andrew.
"Andrew!!!"
"Bumaba ka na dyan!"
Panay ang sigaw ko habang hinahanap siya, ngunit
napakatahimik at parang wala namang tao doon.
Bumalik ako sa loob ng bahay at nakita kong nagtatawanan pa
rin ang tatlo.
"Naniwala naman si ate." humahagalpak na sabi ni
Gigi nang makita ako.
"Nagpapapaniwala ka dyan sa kapatid mo, eh alam mo
namang baliw yan." natatawang sabi ni inay.
Padąbog akong bumalik sa upuan. Naiiyak na talaga ako sa
sobrang pagkapikon at sobrang pag-aalala. Hindi ko na tuloy mapigilang maiyak.
"Humanda talaga kayo sa akin kapag may ginawa kayong
masama kay Andrew." umiiyak kong sabi habang pinupunasan ang mga mata ko.
Tinawanan lang ako lalo ng mga kasama ko. Alam kasi nilang
mababa ang luha ko kaya ako palagi ang pinagti-tripan ng mga ito.
"Pagod na pagod pa naman yun sa trabaho tapos baka kung
anu-anu nang ipinapagawa nyo sa kanya." patuloy ako sa pagpahid ng aking
mata.
"Wag ka ngang mag-alala. Nagpapahinga laang yan boypren
mo ngay-on. Diga sabi mo eh sobrang pagod sa trabaho-kaya pinagbeauty rest ko
muna." nakangiting sabi ni itay.
Ngiti pa lang ni itay ay parang ang hirap nang
pagkatiwalaan.
"Peksman." anito pa at nagcross ng daliri sa tapat
ng kanyang dibdib.
Hindi ako naniniwalang wala siyang gagawin kay Andrew, ganun
na rin ang mga kabarangay kong lalaki. Limang taon din nilang hinintay ang
pagkakataon ito, imposibleng palagpasin nila ang pagkakataong makaganti kay
Andrew.
Ito namang kasing si Andrew, sinasadya pa talaga na asarin
ang aking ama dahil kung tutuusin ay madali lang para dito na magbigay at
magpadala sa barangay namin ng taong pwedeng magreseta ng Viagra kung
gugustuhin niya, ngunit mas pinili talaga ni Andrew na wag yun gawin dahil
enjoy na enjoy itong panoorin ang itsura ni itay, dahil sa tuwing magkikita
sila kapag dumadalaw kami kina Mutya ay sambakol ang pagmumukha ni itay at irap
na irap sa kanya.
Oo nga't masama ang loob ko kay Andrew, mahal ko pa rin siya
kaya hindi talaga mawala ang pag-aalala ko para dito. Alam na alam ko kung
paano magbiro ang mga kalalakihan dito sa amin, may pagka-harsh.
"Siguraduhin nyo lang na hindi nyo gagawin sa kanya
yung ginawa nyo noon kay Drake." saad ko.
Tumawa naman si itay ng ubod ng lakas.
"Aba eh si Mutya naman ang may pakana nung kay Drake
ah. Ibahin mo ako kay Mutya, iba style ko sa kanya." malawak ang ngiti ni
itay kaya mas lalo ako nanghihinala.
"Mas kabogera si tatay. bungisngis ni Gigi na mas
lalong ikinasimangot ko. Binato ko ng matalim na tingin si Gigi.
"Balang araw, pag nag-uwi ka ng boyfriend dito sa
bahay..... sisiguraduhin kong hinding hindi niya makakalimutan ang barangay
natin." banta ko rito at saka sila tinalikuran.
Kailangan ko talagang makita si Andrew bago pa may gawing
kalokohan si itay sa kanya. Tumayo ako at lumabas ng bahay. Siguradong marami
nang nakatambay ngayon sa terrace, magtatanong tanong na lang ako sa kanila
tutal marami namang Marites sa mga ito.
Sa aking pagkadismaya ay mga tanod lang at mga konsehal ang
naririto ngayon.
"Bakit wala po mga tambay at mga marites dito
ngayon?" taka kong tanong kay mang Kanor, isa sa mga tanod na umagang
umaga ay hinahaplos ang kanyang manok na panabong.
"Eh nasa bayan na, Sinukmani Festival ah. Dinala nila
yung sinukmani na ambag ng barangay natin sa festival."
"Nakita nyo po ba si Dok Andrew?" tanong ko rito.
"Nagreready sa-"
"Wala --namamahinga." putol ni mang Ador, barangay
konsehal.
Ano bang namamahinga? Si tatay kasi yun din ang sabi kanina.
"Wag kang mag-alala Tintin, alagang alaga namin si Dok
Bayagra. Pamper na pamper." nakangiting sambit ni mang Ador.
Laglag ang aking balikat dahil mukhang wala talaga silang
balak na sabihin sa akin kung nasaan si Andrew.
Papasok na sana ko ng bahay ng makita kong may malaki at
magarang sasakyan na pumarada sa tapat ng bahay namin.
Sasakyan ito nina Mutya. Anong ginagawa nila rito?
Isa-isa silang nagsibabaan. Nakita ko agad si Drake na
bumaba ng sasakyan at pinagbuksan ang mga nasa likod. Kasama nila ni Mutya ang
mga cute na anak nila.
"Nay! Sina Mutya po andito." malakas kong sigaw.
Mabilis na nagsitakbuhan palabas sina inay at itay. Si Gigi
naman ay tumitili at dire-diretsong tumakbo palapit sa mga bata at agad na
binuhat si Isabela-ang anak na babae ni Mutya, saka inakay ang panganay na si
Luke. Sumama naman agad ang mga bata sa kanya dahil gustong gusto siya ng mga
ito.
Kabanata 97
Isa-isang pinagbless ang mga bata kina inay at itay., na
pinupog naman nila ng halik. Ang ku-cute naman kasi ng mga ito, ang lulusog at
ang gaganda ng kutis. Tulog naman ang bunsong si Kyle na buhat buhat ni Drake.
"Anong ginagawa nyo rito?" tanong ko agad kay
Mutya.
"Pinapunta kami ni Andrew. Alas nuwebe pa lang ng umaga
tumatawag na."
"Bakit?"
"Bakit hindi mo alam eh ikaw itong girlfriend, ano yun
siya lang ang aattend ng pamamanhikan?"
"Ano?!?!"
"Sabi niya mamanhikan daw siya. Bukas darating sina
mommy at daddy para mamanhikan. May dinala lang kasi si Drake kaya nauna
kami."
"Anong pamamanhikan ang sinasabi nyo?"
naguguluhang tanong ko dito. Lumingon ako kay itay. Mukhang hindi naman ito
nagulat.
"Pumayag kayong magpakasal kami?" tanong ko.
"Dika sure." ani itay.
"Bakit sabi ni Mutya-"
"Depende kung magagawa nya ang kasunduan namin."
ani itay
"Ano pong kasunduan?" taka kong tanong
"Malalaman mo mamaya?
"Ano nga po yun, baka pinilit nyong gumawa yun nang
kung anong kalokohan?" pangungulit ko sa kanya.
"Bakit naman ako mamimilit, eh siya nga itong nanunuyo.
Lahat ng gagawin niya, kagustuhan niya. Saka may pagpipilian naman siya."
salaysay ni itay.
"Basta ang sabi nya, may isang salita daw siya."
anito pa at nagkibit balikat. Iniwan ako nito at nakipagkulitan na lang sa mga
anak ni Mutya na nagsisitakbuhan sa terrace.
Hinila ko si Mutya sa sulok para magkasarilinan kami.
"Alam mo ba kung anong ginawa ni itay kay Andrew?"
tanong ko agad sa kanya. Nagkibit balikat ito.
"Hindi, palagay mo ba sasabihin niya sa akin?"
natatawang anito.
"Mukhang okay naman si Andrew kasi siya pa nga itong
tumawag kay Drake eh. Kanina lang magkausap sila. Tinatanong kung nasaan na
kami."
"Nakailang text at tawag na ako sa kanya pero hindi
niya sinasagot." nag-aalala kong sabi.
"Hayaan mo na yun, mukhang okay naman siya nung marinig
ko ang boses niya." ani Mutya.
Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Mutya,
nagtataka pa rin ako kung bakit hindi niya sinasagot ang mga text at tawag ko.
"Akala ko ba hindi ka niya madaling masusuyo?"
sarkastiskong tanong ni Mutya na may halong panunukso.
Lumabi ako at umiba ng tingin. Pinagtawanan ako ni Mutya sa
naging reaksyon ko.
Maghapon na ang lumipas ay wala pa rin akong naririnig mula
kay Andrew. Nagsawa na rin akong magtanong dahil wala namang akong nakukuhang
matinong sagot. Maging si inay kasi ay wala rin alam.
Alas singko pa lang ay pinaghahanda na kami ni inay para daw
magtungo sa bayan. Hindi pa kasi tapos ang festival. Pupunta daw kami dun.
Pagbaba ko ay nakita kong nag-hihintay ang mag-asawang Drake
at Mutya.
"Sasama kayo?" tanong ko agad sa mga ito.
"Si Drake lang, magpapaiwan ako, hindi ko pwedeng iwan
ang mga bata sa gabi." tugon ni Mutya.
Ipinaayos ni Mutya ang dati nitong bahay na ngayon ay
napakalaki na, para tuwing dadalaw sila ay doon sila mamamalagi nang kanyang
pamilya. May mga kasamang yaya din sina Mutya tuwing umuuwi ng probinsya. Dahil
prominenteng pamilya ang mga Rufino ay hindi pwedeng walang kasamang mga
bodyguards ang mga ito tuwing kasama ang mga bata. Yun ang utos ni don Antonio.
Sumakay kami sa sasakyan ni Drake. Hindi na nito pinasama
ang driver nila at ito na rin ang nagdrive papuntang bayan. Medyo madilim na
pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong naririnig mula kay Andrew. Sinubukan
kong tawagan muli ang number nya ngunit nagriring lang ito. Ilang sandali pa ay
may nareceived akong text message. Biglang lumukso ang aking puso ng makita ang
text message ni Andrew.
From My Love:
I love you Tintin! Wag ka na sanang magalit, I'll explain
everything later. Lahat gagawin ko para patunayan sa lahat na mahal na mahal
kita. Don't worry, okay lang ako. Aayusin ko lang atraso ko sa tatay mo. Gabi
na, matulog ka na. Wag ka nang lumabas ng bahay, okay. I love you!
Agad ko siyang tinawagan ngunit hindi naman niya ito
sinagot. Ano ba naman kasi ang nangyayari sa kanya?
"Tara na ate." boses ni Gigi kaya naputol ang
iniisip ko.
Hindi ko na namalayang huminto na pala ang sasakyan at nasa
kabayanan na kami ng Rosario. Nang bumaba kami ay natanaw ko ang plaza.
Maraming tao at hindi na ako nagtataka, festival ngayon at maraming ganap dito.
Nasa hindi kalayuan ang peryahan dahil natatanaw ko ang ferris wheel sa malayo.
Puno ng tao ang night market at napakarami ding nagtitinda sa sidewalk.
Kita ko ang excitement sa mukha ni Gigi habang hila-hila
niya ako. Kasabay namin si inay. Nasa likod naman namin si itay at Drake na
magka-usap. Sumunod na lang ako kung saan ako dalhin ni Gigi. Huminto kami sa
gitna na plaza kung saan nakatayo ang entablado. Mukhang merun programa dahil
napakarami ng taong nag-aabang.
"San ba talaga tayo pupunta?" taka kong tanong kay
Gigi.
"Diba gusto mong makita si kuya Andrew?"
"O-oo." kunot noo kong tugon.
"Andito siya." excited na saad ni Gigi.
Nandito siya? Eh kung ganun bakit pinapatulog na nya ako at
ayaw nya akong palabasin ng bahay. Bakit hindi na lang niya ako isinama?
"Mamaya lalabas na rin siya... kasali kasi siya dyan.
Sya ang representative ng barangay natin." ani Gigi sabay turo sa
entablado.
Kunot noo kong tinapunan ng tingin ang stage na puno na
dekorasyon. Nanlaki ang aking mga mata ng mabasa ang malalaking letra na
nakapaskil sa stage.
MISS GAY ROSARIO, BATANGAS
Kabanata 98
3rd Person POV
Nang umakyat na si Tintin sa silid nito kagabi ay isinama
naman ni mang Carding si Andrew sa bahay nina Mutya at Drake upang doon
patulugin. Sinabing babalikan siya nito kinabukasan.
Alas otso pa lang ng umaga ay gising na si Andrew. Nakaligo
at nakapagbihis na rin siya. Nagulat pa siya ng makita si mang Carding sa salas
na nagkakape.
"Magandang umaga po." magalang niyang bati dito.
Binati naman siya ng kapitan. Tumayo ito at naglakad
papuntang kusina. Sinundan ito ni Andrew. Pagpasok ni Andrew ay may mga pagkain
na sa lamesa.
"Mag-almusal ka na." anang kapitan na naka-upo na
sa may dining table habang patuloy ang pag-inom ng kape.
Lihim namang napa-isip si Andrew. Pakiramdam niya ay para
siyang bibitayin. Bubusugin muna bago tigokin. Ganunpaman ay nagpasalamat pa
rin siya dito at nagsimula na ring sumandok ng kakainin.
"Kain po tayo." alok niya kay mang Carding.
Tumanggi naman ang matanda. Tinikman ni Andrew ang kape, at nasarapan siya.
Tamang tama lang ang pagkakatimpla.
"Hindi ako kagaya mong walang isang salita. Kapag
sinabi kong magti-Tback ka, magti-Tback ka."
Biglang naibuga ni Andrew ang iniinom na kape dahil sa
pabigla biglang pagsasalita ng kaharap. Agad niyang hinagilap ang table napkin
at pinunasan ang bibig.
"Alam kong anak mayaman ka, pero marunong ka gang
umakyat sa puno ng niyog?" tanong ni kap.
Tumango agad si Andrew kahit bahagya pang nauubo dahil hindi
pa rin siya nakakabawi sa pagkakasamid.
"Marunong ho" sagot ni Andrew
Hindi siya nagsisinungaling dahil inaakyat naman talaga nila
ng kanyang kapatid na si Drake ang mga puno sa kanilang farm kapag umuuwi sila
sa Laguna.
"Mabuti, sige ipanguha mo ako ng buko. Paborito yun ni
Tintin." ani mang Carding.
"Sige ho." walang alinlangang sagot ni Andrew.
Para kay Tintin, kahit ilang buko pa, kaya mas lalo siyang ginanahang sumubo.
"Nang naka Tback."
Muli ay naibuga naman ni Andrew ang laman ng bibig dahil sa
narinig. Narinig niya ang malakas na pagtawa ni mang Carding.
"Sabi ko naman sayo, may isang salita ako. Kapag nasabi
ko na, hindi ko na babawiin pa. Hindi kagaya ng Bayagra mo, Paasa!" anito
matapos tumawa ng tumawa.
"Pero may kausap na ho akong doktor na pupunta dito
bukas para magreseta ng libreng Viagra." ani Andrew habang pinupunasan pa
rin ang bibig.
"Hay kahit pa. Ang nasabi'y nasabi na."
Napahilot na lang sa batok si Andrew. Hindi maintindihan
kung ano ba itong sitwasyong pinasok niya.
"Kapag po ba nagawa ko yan, payag na kayong maging kami
ni Tintin?" tanong ni Andrew. Bukod sa pagiging doktor ay businessman di
siya kaya hindi pwedeng hindi siya papayag na walang mapapala kung sakaling
pumayag siya sa kahihiyang sasapitin.
Sumilay ang ngiti sa mga labi ni mang Carding nang makitang
palaban ang lalaking kaharap, at parang minamani lang ng batang doktor ang
hamon niya.
"Kapag nagawa mo, payag na akong maging kayo ng anak
ko." nakangiting anang matanda.
Lumuwang naman ang mga ngiti ni Andrew at mas ginanahan pang
kumain.
"Kung gusto mo-kahit nga pakasalan mo pa." anang
kapitan.
Naging marahan ang pagnguya ni Andrew dahil sa narinig at
tumingin sa kaharap. Tinintingnan kung seryoso ito sa sinabi.
"Hindi mo na rin kailangang magTback at umakyat sa puno
ng niyog." nangingiting ani mang Carding dahil kita niya ang kasabikan sa
mukha ni Andrew.
"Sa isang kondisyon..." patuloy ng matanda at
sinalubong ng tingin ang doktor.
Sa puntong yun ay huminto sa pag nguya si Andrew. Kahit
anong hamon ay kakayanin niya makatuluyan lang si Tintin. Ngayon pa ba siya
susuko, eh mukhang papayag na ang ama nito.
"Sumali ka mamayang gabi sa Miss Gay."
Muli ay naibuga na naman ni Andrew ang laman ng kanyang
bibig.
******************
Tintin POV
Nanlalaki ang aking mga mata nang muling binasa ang
nakasulat sa stage. Miss Gay talaga ang nakasulat dun.
Nilingon ko si Gigi na ngayon ay excited na nakaabang sa
stage. Sunod kong nilingon si tatay na nagpipigil ng tawa at pasulyap sulyap pa
sa akin. Nahagip din ang aking mga mata si Drake. Bagsak ang panga nito habang
namimilog ang mga mata.
"Tay, sabihin nyo- nagbibiro laang areng si Gigi,
diga?" tanong ko at umaasang tama ako.
"Wag kang mag-alala, gusto rin naman ni Andrew."
"Anong gusto? Napilitan lang yan!" asik ko.
Dali-dali akong lumakad papalapit ng stage para puntahan at
hanapin si Andrew upang hilahin ito para wag na niyang ituloy ang pagsali,
ngunit hindi pa ako masyadong nakakalayo sa pwesto nina itay ay nagsalita na
ang host para simulan na ang programa.
Napahinto na lang ako sa aking pwesto nang magsimulang
tawagin at magpakilala na ang mga kalahok. Sa likod ng aking isipan ay umaasa
akong hindi lalabas sa entablado si Andrew.
Malalaki ang talsik ng balakang ng mga baklang unang tinawag
habang suot ang kanilang pambabaeng casual dress. Mapang-akit ang kanilang mga
kilos na parang mga totoong babae.
Kabanata 99
Abot langit ang aking kaba habang hinihintay na tawagin ang
barangay Sta. Maria. Nang tinawag na nga ang barangay namin, halos hindi ako
makahinga habang naghihiyawan naman ang mga tao.
"Walang magkasyang sandals kaya pinag sneakers na laang
siya." bulong ni Gigi na nakalapit na pala sa akin. Kasama rin nito si
inay na lumapit sa pwesto ko.
"Bakit siya sumali dyan?" takang tanong ko.
"Pinapili kasi siya ni itay. Aakyat sa niyog na
nakaTback at hahayaan na kayong mag-usap OR sasali sya dyan at bukas din ay
pwede na silang mamanhikan para pag-usapan ang inyong kasal."
"Ano?!?" hindi ako makapaniwala sa narinig.
"Pwede naman nyang piliin ang umakyat sa puno ng niyog.
tutal sa kasalan din naman ang punta nuon balang-araw kaso mukhang hindi na
makapaghintay si kuya Andrew na makasal sayo." malawak ang ngiti ni Gigi
habang nagkukwento.
Tumigil ito sa pagsasalita nang lumabas ang kandidata ng
aming barangay.
Natutop ko ang aking bibig nang isang matangkad na nilalang
ang lumabas na may mahaba at kulot na buhok. Naka-spaghetti strap at mini skirt
ito. Anlalaki ng mga muscles at walang kalambot lambot ang katawan. Naka wig at
makapal ang make-up.
"Good evening ladies and gentleman, my name is Dorothy
Ramos ang hiyas ng barangay Sta. Maria. Naniniwala po ako sa kasabihang- Hindi
man ako kasing kinang ng bituin, pero shine bright like a diamond pa rin!"
Si Donatelo yun, kaklase at kababata ko. Napahawak ako sa
dibdib at nakahinga ako nang maluwag ng makitang hindi si Andrew ang nasa
entablado.
Nilingon ko ang pwesto nina itay at kitang kita ko na
pinagtatawanan ako ng mga ito dahil sa reaksyon ko. Napapikit ako at matalim
silang tinapunan ng tingin. Naisahan na naman nila ako.
"Nasan si Andrew?" inis na tanong ko sa mga ito.
Bago pa man sila makasagot ay narinig kong binanggit ng host
ang pangalan ni Andrew bilang isa sa mga judges.
"Ayan kasi napapala mo sa pagsisinungalin nyo. Padeny
deny ka pa na hindi kayo. So, anong pakiramdam ng niloloko?" ani Gigi na
malawak ang pagkakangiti.
Sumimangot ako at inirapan ko siya. Mukhang ginagantihan
lang talaga ako nina itay dahil sa paglilihim namin ni Andrew. Ganunpaman ay
nagpapasalamat talaga ako na hindi si Andrew ang nasa stage ngayon.
"Pwera biro ate, tinanggap talaga ni kuya Andrew ang
hamon ni itay. Siya dapat ang sasalang dyan."
Kunot noo akong tumingin kay inay na ngayon ay nakangiti sa
akin.
"Hindi ko akalaing papatusin nya talaga ang hamon ng
itay mo. Maghapon na yang nakaready para sumali.
Sinusubukan lang naman siya ng itay mo pero ang totoo,
inimbita siya ni mayor na magjudge ng malamang narito siya ngayon." si
inay na ang nagpaliwanag kaya naniniwala ako.
"Sayang, hindi ko tuloy makikitang mag swimsuit si kuya
Andrew." nakabungisngis na sabi ni Tintin.
Kaya siguro pinapatulog na ako ni Andrew dahil buong akala
niya ay kasali talaga siya at ayaw nyang makikita ko siya sa ganung itsura.
Nagpatuloy pa ang programa hanggang sa tawagin na ang mga nanalo. Walang
titulong nasungkit ang barangay namin. Kahit runner-up man lang-wala.
"Boo!! Boo!!!" malakas na sigaw ni Gigi. Panay pa
ang sigaw niya na luto raw ang resulta ng contest.
"Luto!!!!"
Gigil na sabi ni Gigi at hindi maipinta ang mukha.
Nakikipagsagutan pa ito sa mga kabataan mula sa kabilang
barangay na nanalo. Hindi kaya ampon lang ako at si Mutya talaga ang kapatid
nito? Kung hindi pa kasi siya inawat ni inay ay baka napaaway na ito.
May ilang minuto rin kaming naghintay sa pagdating ni Andrew
dahil tapos na ang programa. Nakakauhaw kaya nagpaalam muna ako na bibili ng
maiinom. Bumili ako ng anim na bote ng mineral water para sa aming lahat.
Pagbalik ko sa aming pwesto ay natanaw ko si Andrew na papalapit sa pwesto nina
itay.
Nakita ko kung paano niya sinalubong ng tingin si itay na
may ngiti sa sulok ng bibig, ganun din si itay dito. At nang magkalapit ang
dalawa ay tuluyan nang sumilay ang malawak na ngiti sa dalawa.
Inilahad ni Andrew ang kamay kay itay, walang patumpik
tumpik na tinanggap yun ng aking ama at nagkamay pa ang mga ito, animoy may
naisarang deal para sa isang malaking proyekto. Tinapik ni itay ang likod ni
Andrew pagkuway lumayo sa isa't isa.
"Muntik ka na dun ano? Sana pala eh sumali kana lang at
baka nanalo pa ang barangay namin." saad ni itay sa kaniya.
Nagtawan ang mga ito. Nameyawang si Andrew at iiling iling
habang tumatawa. Sa pag-iling nito ay napagawi ang kaniyang tingin sa aking
direksyon.
"Tin?" gulat na anito.
Kabanata 100
Tintin POV
"Tara na, uwi na tayo. May paghahandaan pa tayo para
bukas." yaya ni itay.
Nauna na itong naglakad kasunod ay si Drake. Nakapulupot
naman si Gigi kay inay habang naglalakad patungo sa sasakyan. Naiwan kami sa
likod ni Andrew.
Hanggang ngayon ay nakatingin lang kami ni Andrew sa isa't
isa. Hindi ko alam, pero parang bigla na lang natunaw lahat ng sama ng loob sa
aking dibdib. Ano ba kasi ang iniiisip ko at nakuha ko pang magalit sa kanya?
Bakit ko ba siya pinagdudahan, eh kahit kelan naman puro magaganda lang ang
ipinakita niya sa akin.
Sana naisip ko yung Andrew na kilala ko bago ako nagpadalos
dalos ng desisyon. Ang lalaking ito-nasa kanya na halos ang lahat, isang pitik
lang ng daliri niya ay makukuha niya kahit sinong babaeng magustuhan, pero heto
siya gagawin ang lahat para sa akin, kahit pa magmukha siyang katawa-tawa sa
lahat. Simula't sapul ay wala siyang ibang ipinakita sa akin kundi kabutihan,
hindi niya deserve na basta basta ko na lang siya huhusgahan.
Nahiya tuloy akong bigla, ako ba ano bang pwede kong i-offer
para sa kanya? Pagtitiwala lang ay hindi ko pa maibigay. Ako pa itong may
ganang mag-inarte at magpabebe. Ngayon lang ako parang natauhan at yung lahat
ng akusasyon ko, puro kathang-isip ko lang. Alam kong may dahilan lahat ng
ginagawa ni Andrew. Ang sabi nga ni Mutya, merun itong sariling mundo, at ang
dapat ko lang gawin ay magtiwala sa kanya.
"Sorry!" nahihiya kong sabi. Feeling ko tuloy ay
diko deserved ang mga effort niya.
Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Andrew, lumapit ito at
kinulong ako sa mga bisig niya. Gumanti ako ng yakap at sumubsob sa kanyang
dibdib, hinigpitan pa nitong lalo at naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi
sa aking buhok.
"I love you!" bulong nito at ramdam na ramdam ko
ang sinseridad. Napapikit ako dahil parang dinuduyan ang aking puso.
Hay napakaswerte ko talaga!
"Hoy, love birds tara na!" narinig kong sigaw ni
Gigi.
Kumalas kami ni Andrew sa isat isa at nilingon sila.
Pinapanood at hinihintay pala nila kaming dalawa. Nang makita ni itay na nakuha
na nila ang atensyon namin ni Andrew ay nagpatuloy ito sa paglalakad.
Tumingin kami ni Andrew sa isa't-isa at sabay pang
napangiti, dahil alam naming dalawa na wala na kaming dapat ipag-alala sa aking
pamilya, na mukhang wala naman pala talagang balak kumontra. Hinawakan niya ang
aking kamay at saka kami naglakad upang sumunod sa mga ito.
Hawak kamay kami sa buong biyahe hanggang sa makauwi.
Pagkatapos kaming ibaba ni Drake sa tapat ng bahay at sumibat na ito papunta sa
bahay nila.
Malayo pa lang ay kita at dinig ko na ang mga taong tila
abala sa likod at harap ng bahay namin. Nakalayo na ang mga kasama namin, kami
naman ni Andrew ay naiwan pa rin dito sa labas.
Unang nagsalita si Andrew.
"Tin, yung nakita mo sa hospital-"
"Hindi na kailangan." putol ko sa kanyang
sasabihin. Alam kong nais nitong klaruhin ang nakita kong yakapan nila ni
Natalia.
"Alam kong may dahilan ka sa lahat ng ginagawa mo.
Pasensya ka na, nagselos agad ako."
"Gusto ko pa ring linawin sayo ang lahat." anito.
"Hindi na importante yan, saka na lang natin
pag-usapan. Hindi ko rin alam na ikaw pala ang pupuntahan namin sa parke. Akala
ko kakain lang kami ng sinukmani. Akala ko rin kasali ka talaga sa Miss Gay at
sinisinok mong mani ang makikita ko."
Naniningkit ang mga mata ni Andrew na tiningnan ako.
"Really?" hindi makapaniwalang bibiruin ko siya ng
ganun. Ngiti lang ang iginanti ko.
"Baka gusto mong kainin ko yang mani m-"
Mabilis kong tinakpan ang bibig niya.
"Wag kang maingay!" saway ko sa kanya at saka ko
inalis ang aking kamay sa kanyang bibig.
"Teka nga pala, nung akala mong kasali ka, nag-ahit ka
ba?" hindi ko mapigilang matawa sa aking itinanong. Akala ko ay mapipikon
si Andrew ngunit pilyo itong ngumiti.
"That's for you to find out." anito.
Naagaw ang atensyon namin sa pagtawag ni inay.
"Pumasok na kayong dalawa dito!" malakas na sabi
ni inay.
Awtomatiko akong lumakad palapit sa bahay.
"I'm not kidding, kakainin ko talaga yan." narinig
kong sinabi ni Andrew. Nilingon ko siya at nakita ko ang pilyong ngiti niya.
Ginantihan ko rin siya ng mas pilyang ngiti.
"Ang yabang, eh lagi ka namang butata."
Nanlaki ang mga mata ni Andrew. Nanlaki at namilog rin ang
mga mata ko nang marealized ang aking sinabi. Bigla akong nabalisa at mabilis
na tumakbo papasok sa loob ng bahay.
Nadaanan ko ang mga tao waring naghahanda ng lulutin para sa
isang malaking salu-salo.
Dire-diretso ako sa kusina kung saan ay naabutan ko sina
inay na nagkakape at may kapartner na sinukmani.
"Nay bakit parang may handaan?" usisa ko.
"Mamamanhikan bukas ang mga magulang ni Andrew para
hingin ang kamay mo."
"Po?!?!" gulat ko sambit.
"Bakit parang ako lang yata ang hindi nakakaalam."
usal ko. Oo nga't narinig ko yun kina Mutya at Gigi, pero hindi pa naman yun
kumpirmado. Hindi naman sa ayaw ko, pero hindi ba dapat alam ko rin?
"Yan ang naging kasunduan ni Andrew at ng itay mo.
Kapag sumali sa contest na yun eh bukas na bukas din ay pag-uusapan na ang
kasal nyo."
Kabanata 101
Tintin POV
Maya-maya pa ay pumasok na rin sa kusina si Andrew.
Makahulugan ang tingin nito sa akin na mukhang hindi pa siya tapos sa huling
usapan namin. Ako ang unang nagbawi ng tingin at itinuloy ang pagkain ng
sinukmani.
"Kape?" alok ni itay kay Andrew nang sumunod ito
sa kusina.
"Sige po." sagot ni Andrew. Nilingon ako ni itay.
"O Tintin ikuha mo nga ng kape areng boyfriend
mo." utos nito. Tumayo agad ako upang sumunod.
"Baka hindi ka makatulog Andrew, hindi ka yata sanay
magkape sa gabi. Dito naman sa Batangas eh parang tubig na namin ang kape,
hindi kami nakakatulog kapag hindi kami nakakainom."
"Sanay na ho ako, laging puyatan ang trabaho
namin." tugon ni Andrew.
Nakaupo na ito sa tabi ng silya ko, at saka ko inilapag ng
kape sa tapat nya.
"Kape mo." wika ko.
"Tintin, masanay ka nang pinagsisilbihan yang si
Andrew, mamamanhikan na bukas ang pamilya nya, ibig sabihin malapit na kayong
maging mag-asawa kaya pag-aralan mo nang inaasikaso yang nobyo mo, hindi yang
mukha mo lang ang binubusog mo." saad ni itay.
Nalulon ko tuloy ang sinukmani na kanina ko pa nginunguya.
Tama si itay, kung bakit kasi hindi ko agad naisip na alukih si Andrew
samantalang panay ang kain ko. Sanay kasi ako na sarili ko lang ang aking
iniintindi. So, simula ngayon pag-aaralan ko nang maging Mrs. Rufino? Lihim
akong kinilig. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.
Nahinto ako sa pagngiti ng mapatingin ako kay Andrew na
nakatingin sa akin kaya bumalik ako sa pagkakaupo-sa tabi nito.
"Gigi! Nasan ga ang batang yun?" narinig kong
tinatawag ni inay ang aking kapatid sabay labas nito sa kusina.
"O siya akoy lalabas na rin para silipin ang mga
nagkakatay ng baboy." ani tatay. Lumabas na rin ito kaya kaming dalawa na
lang ngayon ni Andrew.
Mabilis na idinikit ni Andrew ang kanyang inuupuan sa akin
at kinabig agad ako sa beywang.
"Anong butata ang sinasabi mo kanina? Hintayin mo ako
mamaya sa kwarto mo nang makita mo pati na batuta ko." mapang-akit na
bulong nito sa teynga ko. Napapilig ang aking ulo dahil nakikiliti ako sa
hininga niya. Kinikilig man ay itinulak ko siya.
"Binibiro ka lang eh." tugon ko.
"Ayoko nang hinahamon ako, Miss Gay nga kinasa ko, ikaw
pa kaya ang tanggihan ko." mahinang sabi ni Andrew. Napahampas pa ako sa
kanyang braso nang dilaan nito ang teynga ko.
"Ano ka ba, baka may makakita." kinikilig na saway
ko.
Kita ko ang pilyong ngiti ni Andrew, dahil siguro halatang
halata niya na kinikilig ako. Ngayon pa ba ako mag-iinarte, eh dati rati nga
nagmamakaawa pa ako sa atensyon niya.
"Basta mamaya... magready ka, kakainin kita."
mainit na bulong nito kaya napapilig na naman ako at hanggang tainga ang aking
ngiti.
"Maraming tao." pag-aalala ko.
"Busy sila sa labas... sige na please!" bulong
nito. Tiningnan ko siya at kita ko sa mga mata nito ang pagnanasa ganun na rin
ang pagsusumamo.
"Sige na nga." pabebe kong sagot.
Tumayo na ako, kailangan ko pang linisin ang aking sarili.
Baka mamaya kainin nga ni Andrew ang Petchay ko, kaya dapat prepared.
"San ka pupunta?" tanong nito.
Medyo nahiya naman akong sabihin ang binabalak ko. Baka
sabihin niya masyado naman akong atat. Pinigilan niya ako sa aking kamay at
tiningnan ako na tila nagtatanong kaya napilitan akong sumagot.
'M-maliligo." namumula akong sumagot, halos hindi
makatingin sa kanya. Sumilay na naman ang pilyong ngiti ni Andrew sabay kagat
ng ibabang labi.
"Basta hintayin mo 'ko, t-tyempo lang ako." anito
habang hinahagod ang mga daliri ko, kaya nagtaasan ang mga balahibo ko sa
braso.
May kung anong kilabot akong naramdaman kaya medyo umatras
ako. Sobra-sobrang kilig na talaga ito. Kailangan ko nang umalis at baka
mangisay pa ako sa harapan niya.
"Sige." yun lang at mabilis akong naglakad
papalayo.
Nang nakatalikod na ako ay malaya at maluwang akong
napangiti. Binilisan ako ang pagpasok sa aking kwarto at padapa akong tumalon
sa aking kama. Doon ako nagpagulong gulong, nagpapadyak at pigil na pigil ang
tili sa sobrang kilig. Kulang na lang ay mangisay habang iniisip ang pwedeng
mangyari mamaya.
Nang mailabas ko nang lahat ang kilig sa aking katawan ay
saka ako kumuha ng towel at malinis na damit saka nagtungo sa banyo sa ibaba.
Lumang style ang bahay namin, mas matanda pa sa akin. Nung ipinatayo kasi ito
ay hindi pa uso ang banyo sa itaas.
Siniguro kong malinis at nasabon ko lahat ng kasingit
singitan. Ilang beses ko pa ngang sinabon ng feminine wash ang Perlas ng
Silanganan. Sa loob na rin ng banyo ako nagpatuyo at nagpalit ng damit dahil
madadaanan ko ang salas. Minsan ay may mga tao sa terrace at baka matanaw pa
ako.
Nagmamadali akong bumalik sa silid ngunit nakita ko si
Andrew sa may pintuan ng salas at nakatingin sa akin kaya napahinto ako.
Malagkit ang tingin na ipinukol niya sa akin, napakagat naman ako ng labi kaya
mas lalo pang lumagkit ang tingin nito. Kimi akong ngumiti sa kanya at saka
nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa itaas.
Pagbukas ko ng pintuan ay nadatnan ko si Gigi na nakahiga sa
kama.
"Bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya.
"Sabi ni inay sa kwarto ko raw matutulog si kuya
Andrew. Yung isang kwarto kasi ginawang bodega. Biglaan kasi yang pagdating nyo
kaya hindi agad nalinisan." paliwanag ni Gigi.
Kabanata 102
Bigla tuloy akong nadismaya sa narinig. Kainis!
Haaay butata na naman kaming dalawa ngayon ni Andrew.
Pinatay ko ang ilaw at walang gana akong nahiga sa tabi ni Gigi.
Mahigit sampung minuto na akong nakahiga ay hindi pa rin ako
dalawin ng antok. Kanina pa ako pabaling baling dahil naiisip ko si Andrew na
naghihintay sa baba. Itetext ko na lang siya na wag na akong hintayin dahil
kasama ko si Gigi - pero biglang nagsalita ang kapatid ko.
"Ano ba ate, ang likot mo!" asik nito.
Hindi ko siya sinagot dahil naiinis ako. Bigla na lang
tumayo si Gigi at binuksan ang ilaw.
"Alam ko na yang style mo, hinihintay mo siguro si kuya
Andrew na gapangin ka nya ano?" walang prenong sabi nito.
Napabagon ako para pandilatan siya.
"Hindi noh!" mariing tanggi ko.
"Two thousand!" anito na nakalahad ang palad.
"Ha?" gulat na tanong ko.
"Sabi ko two thousand, lalabas na lang ako at
makikipagpalit kay kuya Andrew." balewala nitong sagot.
Hindi ko alam pero hindi ako nakaramdam ng inis sa
pangongotong ni Gigi ngayon. Dali dali kong kinuha ang wallet ko at dumukot ng
tatlong tig-iisang libo. Buhay na buhay ang loob kong iniabot yun kay Gigi.
"Ayan, three thousand basta itikom mo yang bibig mo
ha." mariing bilin ko dito.
Tinanggap ni Gigi ang pera at abot-tenga ang ngiti saka
walang sabi-sabing lumabas.
Maya-maya pa ay may pumasok sa pintuan at buong akala ko ay
si Andrew na yun ngunit si Gigi ulit.
"Oh ayan." anito at may inihagis sa kama. Kunot
ang noo akong napatingin sa inihagis nito.
"Lingerie yan, gamitin mo. Nakakahiya yang suot mo eh,
mukha kang reindeer dyan sa pantulog mo." anito.
Suot ko kasi ngayon ang pajamang binili ko last year,
Reindeer kasi ang design nito dahil ito ang isinuot ko noong nakaraang pasko.
"Saan mo kinuha to?" taka kong tanong nang makita
ko kung gaano ka-revealing ang lingerie na ibinigay niya sa akin.
"Kay inay yan, may balak pa yatang sundan ako... hindi
pa niya nagagamit." ani Gigi.
Wagas na wagas ang pagkakangiti nito. Umasim naman bigla ang
aking mukha.
"Kay inay? Kaya naman pala mabaliw baliw si itay sa
Viagra." hindi makapaniwalang sambit ko habang natatawa.
"Sige na. Bye." ani Gigi at tuluyan na ngang
umalis at hindi na bumalik.
Nagmamadali kong isinuot ang lingerie pagkaalis ni Gigi.
Pinatay ko ang ilaw at saka humiga. Mga limang minuto rin akong naghihintay
nang may pumasok sa kwarto.
"Tin.." boses ni Andrew. Bigla tuloy napakislot si
Kiffy.
"Andrew..." sagot ko at mabilis akong tumayo.
Kitang kita ko ang bulto niya kahit patay ang ilaw dahil sa
liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana.
"Patayin mo!" reklamo ko ng buksan ni Andrew ang
ilaw.
Huli na para maitago, ngunit nakita na niya ang aking suot.
Rumehistro ang pagnanasa sa mga mata ni Andrew na humahagod
sa kabuuan ko. Nilapitan niya ako at agad na siniil sa labi. Napakatamis nun at
napapikit na lang ako. Kumalas siya sa akin at bumulong.
"Kapag ganyan ang suot mo, wala dapat nito." anito
at ang tinutukoy ay ang aking bra.
Mukhang eksperto si Andrew sa mga ganitong bagay dahil
napakabilis niyang nahubad ang aking bra. Hinubad din niya ang aking suot na
lingerie at wala nang natirang saplot sa akin. Pinasadahan niya ang aking
kahubaran. Mabilis din niyang dinakot ang aking magkabilang dibdib at hinimas
himas yun habang pinakakatitigan niya, waring isinasaulo ang bawat anggulo.
Umatras bahagya si Andrew at nagsimula nang maghubad habang
nakatayo. Para akong itinusok sa aking pwesto nang makita ang kaniyang
ginagawa. Nakatitig siya sa aking katawan habang isa-isang inaalis ang kanyang
kasuotan. Ibang iba ang Andrew nakikita ko ngayon. Hindi ko na mabanaag ang
maamong niyang mukha. Para itong may sariling mundo at tanging pagnanasa lang
ang nakarehistro sa kanyang mukha-tila isang mabangis na lobo na handa nang
umatake.
Napanganga ako ng hubarin nito ang kanyang huling saplot.
Naghahabulan ang aking hininga nang tumambad sa aking harapan ang naghuhumindig
nitong pagkalalaki. Tayong tayo ito at nakaturo sa akin.
Sabay kaming napalingon sa direksyong ng pintuan nang makita
naming umiikot ang seradura. Mukhang butata na naman kami ngayon gabi.
Ngunit eksperto na kaming dalawa sa ganitong sitwasyon.
Ilang ulit ba naman kaming napurnada kapag ginagawa ito. Mabilis na lumapit sa
akin si Andrew at hinila ang kumot para ipulupot sa katawan naming dalawa.
"Mukhang hindi na naman tayo matutuloy." bulong
niya sa akin.
Napayakap na lang ako sa kanya sa loob ng kumot.
Napapikit ako ng mariin nang tumusok ang napakatigas na
sandata nito sa aking tiyan. Yun ang posisyon namin ni Andrew na inabutan ng
mga taong niluwal ng pintuan, sina inay at itay.
"Dyos ko po!" malakas na wika ni inay na sapo ang
bibig.
Tumitig si itay kay Andrew.
"Tawagan mo ang mga magulang mo. Sabihin mo, wala nang
pamamanhikang magaganap." seryosong winika ni itay.
"Tay."
"Mang Carding."
Sabay naming nasambit ni Andrew. Sandaling napuno ng
katahimikan. Ilang saglit pa ay tumalikod na si itay. Akala ko ay hahakbang ito
palayo ngunit muli niya kaming hinarap.
"Bukas na bukas din ay magpapakasal kayo!"
Kabanata 103
1 HOUR AGO.....
Gigi POV
"Bakit po nay?"
Kinakabahan kong tanong ng hilahin ako ni inay pagkagaling
nito sa kusina. Naku naman, baka nabisto na niyang pinakialaman ko ang
alkansiya niya. Para 500 lang, babayaran ko naman talaga yun, lalo na at
binigyan ako ni ate ng two thousand.
"Pumunta ka kay Mutya, kunin mo yung lingerie na
hinihingi ko." pabulong na sabi ni inay. Napatingin ako sa kanya at hindi
ko mapigilang matawa.
"Si inay lumalandi pa-"
Kaltok sa ulo ang inabot ko.
"Para sa ate mo yun." mahinang sabi ni inay.
Napakamot ako ng ulo. Lumapit si inay sa akin upang idikit
ang kanyang bibig sa aking tenga.
"Pagkakuha mo ng lingerie, gumawa ka ng paraan para
maisuot yun ng ate mo ngayong gabi. Gumawa ka rin ng paraan para pasukin siya
ni Andrew."
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni inay, napatakip pa
ako ng bibig. Tama ba ang naririnig ko?
"Nay, ayos ka lang? Naiintindihan nyo ga ho ang inuutos
nyo?" paniniguro ko.
"Basta sumunod ka na laang." ani inay.
"Nay kawawa naman si ate, bakit nyo naman gagawin sa
kanya yun? Tsaka baka kung anong gawin sa kanya ni kuya Andrew."
"Hindi natin paabutin sa ganun. Pagkapasok na
pagkapasok ni Andrew, gugulatin na natin sila. Kunyari mahuhuli natin sa akto.
Para sa kanya rin naman yun. Para makasal na agad sila. Baka kasi mauntog pa
yan si dok, sayang naman."
"Eh di parang pinikot na rin natin si kuya Andrew kung
ganun."
"Sssshhh Hinaan mo nga yang boses mo. Hindi pikot tawag
dun, patay na patay nga siya sa ate mo eh. Dun din naman ang punta nun,
pabibilisin laang natin."
Napakamot na lang ako ng ulo at nag-aalinlangan kung susunod
ako sa gusto ni inay.
"Dadagdagan ko ang baon mo." alok ni inay. Biglang
lumiwanag ang paligid ko sa sinabi niya.
"Doble." hirit ko. Napatingin naman si inay sa
akin at mukhang desperada itong tumango.
"Sige, dodoblehin ko ang baon mo." anito
"Sige po nay alis napo ako."
Mabilis pa sa alas kwatrong kinuha ko ang aking bisikleta at
nagtungo sa bahay nina ate Mutya. Mukhang inaasahan na nga talaga ako nito.
"Kaya naman pala taon-taon kang buntis kasi ganito
isinusuot mo." ngiting wagas na sabi ko habang tinitingnan ang nakaladlad
na sexy lingerie mula kay ate Mutya. Diko magets bakit nagdamit pa kung halos
wala rin namang maitatago.
"Diko akalaing, may asim pa pala si ate Nimfa."
nakabungisngie na wika ni ate Mutya. Alinlangan akong ngumiti at ngumiwi.
"Kadiri." mapakla kong sabi. Tumayo na ako at
nagpaalam sa kanya.
"Sandali.." pigil nya sa akin. Tiningnan ko siya
nang nagtatanong.
Hindi agad nagsalita si ate Mutya ngunit halatang halata na
may importante itong gustong sabihin. May inabot siya sa akin na bote, na
kasinglaki ng maliit na softdrinks. Parang may mga ugat pa yun sa loob.
"Ahm... Pwede bang ipainom mo yan kay Andrew, pero
secret lang ha." inabot niya sa akin ang bote.
"Ano to?" tanong ko habang sinisipat sipat ang
laman. Lumapit si ate Mutya ay may ibinulong.
"Pampainit." pabulong nitong sabi.
Nagulat ako sa sinabi niya. Kahit 15 pa lang ako ay alam ko
na agad kung anong ibig niyang sabihin. Ilang beses ko na yatang napapanood ito
sa Kdrama.
"Ayoko nga! Bakit ko naman gagawin yun? Mabisto pa
ako." tanggi ko.
"Galing yan kay mommy Agatha. Gusto kasi niya makasal
na yung dalawa. Kaya ibigay mo yan kay Andrew, at gumawa ka ng paraan para
makapasok siya sa silid ni Tintin. Tapos ikaw na rin ang bahala kina kuya
Carding para maabutan silang magkasama sa kwarto. Ang gusto kasi mommy, wag
nang mamanhikan. Diretsong kasal na bukas."
Gulat na gulat ako sa narinig. Dyos ko day, akala ko si inay
lang ang may masamang pinaplano. Pati pala si ate balak pikutin ng mga Rufino.
Grabe, mas wild pa pala itong si donya Agatha kesa kay inay. Hindi halata ah,
nakapasosyal nito pero may kapilyahan din palang itinatago.
Pinalungkot ko ang aking mukha......
"Naku ate Mutya, mukhang mahirap yang ipinapagawa mo.
Mapapahamak lang ako tapos wala naman akong mapapala dyan. Baka maparusahan pa
ako kapag nagkabistuhan, baka mapatay ako ni inay. Hindi ko pa naman nakikita
si Jungkook sa personal."
Tinitigan ako ni ate Mutya at naningkit ang mga mata nito,
saka umiling iling.
"Sige, sabihin ko kay mommy na ibili ka ng ticket sa
concert ng BTS, balita ko magkokoncert sila sa Singapore. Siya na bahala sa
lahat ng gastos."
Namilog ang mga mata ko sa narinig. Para akong baliw na
nagtatatalon at nagtititili.
Haaay... ansarap ng may kakilalang madadatung. Ganun lang
kadali sa kanilang bumili ng tiket samantalang kailangan pa yata naming
magbenta ng lupa para makabili lang ng tiket na yun.
Kapag sinuswerte ka nga naman. Eto na yata ang luckiest
night ko. Babayaran nila ako ng mahal, eh sisiw lang naman ang mga ipinapagawa
nila.
Masaya kong pinedal ang aking bike pauwi dala ang lingerie
at ang bote.
"Hoy, san ka ba nagsususuot na bata ka! Kanina pa kita
hinahanap ah. Bakit gabing gabi na nagba-bike ka pa rin?" malakas na sabi
ni itay nang huminto ako sa kalsada sa tapat ng bahay namin.
"Nagpunta lang po ako kina ate Mutya, nag good night sa
mga bata." pagdadahilan ko.
"Ikaw! Gabing gabi na nang-iistorbo ka pa sa mga
yun." sita nito sa akin. Napakamot na lang ako ng ulo at itinulak ang
aking bike.
"Gigi..."
Nilingon ko si itay. Biglang nag-iba ang itsura ni itay.
Parang bigla itong sumeryoso.
"May iuutos ako sayo."
"Po?"
"Magagawan mo ga nang paraan na sulsulan si kuya Andrew
mo na puntahan ang ate mo sa kwarto niya?" mahinang saad ni itay.
Napaikot ang mga mata ko. Wag nyang sabihing may plano rin
si itay na pikutin si kuya Andrew?
"Bakit tay, balak nyo bang pikutin si kuya Andrew?
Ansama nyo!"
"Ano gang masama dun, eh gusto naman niya ang ate mo
ah. Nahihiya laang yun dahil gentleman. Alam ko namang walang wala sa isip nun
na gapangin ang ate mo. Yang ate mo kasi walang kalandi-landi sa katawan,
palibhasa pareho silang conservative. Alam mo namang matagal ko nang pangarap
na magkaanak ng doktor. Kaya ikaw na gumawa ng paraan."
Kabanata 104
"Bakit tay? Para libre na ang rasyon ng bayagra
mo?" tugon ko.
Tinuktukan lang ako ni itay at napakamot na lang ako ng ulo.
"Akala ko po ba, ayaw nyo kay kuya Andrew. Galit na
galit pa nga kayo kagabi nung dumating siya." tanong ko. Ngumisi naman si
itay.
"Sus, acting lang yun. Nakakatakot ga?" ani itay.
Napangiwi ako sa sinabi niya. Anong nakakatakot dun, exag at
nakakairita kaya siya kagabi dahil puro bayagra na lang ang bukambibig niya.
"Ang baduy ng acting nyo 'tay!" sagot ko.
"Basta gawin mo na lang yung inuutos ko sayo."
"Tay, kawawa naman si ate, paano kung magalaw siya ni
kuya Andrew."
"Sira, hindi natin paaabutin sa ganun. Oras na pumasok
siya sa kwarto ng ate mo, bubuksan ko agad ang pintuan para huli agad. Kaya
dapat bantayan mo sila, tapos itext mo ako kapag nakita mong pumasok na si
Andrew sa kwarto ng ate mo."
Pinalungkot ko ang aking mukha......
"Ayoko po itay. Baka magkabistuhan, kawawa naman ako.
Mapapagalitan ako ni inay, baka parusahan ako at samsamin niya ang cellphone
ko. Paano na ako? Luma pa naman yung cellphone ko? Antagal ko na ngang gustong
bumili kasi sobrang luma na nung ginagamit ko."
Natahimik si itay at saka bumuntong hininga.
"Sige, kapag nagawa mo ng tama yang inuutos ko, įbibili
kita ng cellphone na gusto mo."
"Talaga tay? Pangako yan ha-Sige po. Kahit hindi madali
yang ipinapagawa nyo, gagawin ko kahit pa habang buhay akong patayin ng
konsensya ko dahil sa gagawin natin kina ate at kuya Andrew." kunyari ay
napipilitan kong tugon.
🎵🎶Smooth like
butter, like a criminal undercover 🎶🎵
Masaya akong pumedal muli para pumasok sa aming bakuran at
pakanta kanta pa ng BTS. Bagay! Criminal undercover talaga ang pakiramdam ko
ngayon, at smooth like butter ko itong magagawa. Walang kahirap hirap. Ako pa!
Habang inaayos ko ang aking bike ay natanaw ko na agad si
kuya Andrew sa may terrace.
Pano ko kaya siya didiskartehan? Pano ko ipapainom itong
laman ng bote? Paano ko rin siya papupuntahin sa silid ni ate eh hindi naman
siya mukhang manyak?
Kaya siguro kailangan pa siyang painumin ni donya Agatha ng
pampainit dahil hindi ito mahilig. Tama si itay, mukhang gentleman ang isang
ito, hindi makabasag pinggan at hindi gagawa ng mga makamundong bagay.
Habang naglalakad ako papalapit sa kanya ay nag-iisip na ako
ng paraan, kaso wala talaga. Mukhang dito ako kay kuya Andrew mahihirapan ah.
Kung si kuya Drake lang sana, madali ang magiging trabaho ko, tatahi-tahimik
lang yun pero mukhang palaban din ang isang yun.
Nang makita ako ni kuya Andrew ay ngumiti ito ng alanganin.
Naku po naman ngumiti pa, para tuloy akong nakokonsensya.
"Gigi, pwede ba tayong mag-usap?" bungad nito.
"Oo ba teka igagawa kita ng tsaa, magandang may iniinom
habang nag-uusap?" sagot ko.
Nakita kong magandang pagkakataon ito, para painumin siya ng
dala ko.
"Hindi na, mabilis lang 'to, saka marami na akong
nainom na kape, baka hindi na ako makatulog niyan." tanggi niya.
Tsk! Parang hindi ko yata makikita si JungKook ko ah.
"Ahm..." parang hirap na hirap ito na simulan ang
sasabihin.
"Kailangan ko ng tulong mo." anito
Gumuhit ang linya sa noo ko. Ano naman kaya ang kailangan ng
isang doktor sa kagaya ko?
"Pwede bang dun ka na lang matulog sa kwarto mo, dun
naman ako sa ate mo."
"Ha?!?!"
Tama ba ang narinig ko? Si kuya Andrew gagapangin si ate?
Napanganga ako at hindi ko mapigilang mapangiti ng ubod ng
tamis habang naniningkit ang aking mga mata. Para tuloy akong lilipad anuman
oras sa sobrang saya. Kapag sinuswerte ka nga naman! Tingin ko ay hindi na nya
kakailanganin ang bote galing sa ina nito.
Hindi naman pala anghel itong si kuya Andrew eh. May
itinatago din pala itong landi sa katawan.
Hindi naman kailangang malaman ni ate Mutya na hindi na-inom
ni kuya Andrew yung laman ng bote. Tutal nagkape naman ito kanina, sabihin ko
na lang na dun ko inihalo. Ang mahalaga lang naman ay mapasok nito ang silid ni
ate. Confirmation na yun.
"Please!" nagsusumamo ang mukha ni kuya Andrew.
Pinalungkot ko ang aking mukha......
"Kuya, mahirap yang ipinapagawa mo. Baka mahuli ako,
kawawa naman ako. Baka bawiin ni inay yung pangako nyang laptop sakin. Kapag
nagalit siya, eh di gudbay laptop na ako." wika ko sa napakalungkot na
boses.
"Ako na lang ang magbibigay sayo ng laptop." wika
nito.
Muntik na akong matumba dahil sa narinig.
"Naku naman kuya Andrew, wag na nakakahiya naman sayo.
Baka Apple pa ang bilhin mo tapos yung pinaka-latest pa ang piliin mo,
nakakahiya talaga!" tugon ko.
"Papasukin mo lang ako sa silid ng ate mo, bibilhin ko
ang pinakamahal na laptop para sayo. Please!" pagsusumamo pa nito.
"Sige na nga kuya Andrew, kahit sobrang hirap niyang
ipinapagawa mo." kunyari ay napipilitan kong sagot.
"Salamat!" masayang sambit ni kuya Andrew. Parang
walang pagsidlan sa tuwa ah.
"Basta ikaw kuya Andrew. Tandaan mo ako ang kakampi mo
dito. Sagot kita!" naka-thumbs up na wika ko at nagpaalam na ako sa kanya.
Ini-angat ko ang aking mga braso at paulit ulit na ikinampay
habang tumatalon talon ako na parang lumilipad patungo sa kwarto namin ni ate
dahil sa sobrang saya ko. Para akong lumilipad sa langit. Mukhang hindi pa
natatapos ang taon, makukuha ko na lahat ng wishlist ko.
Si ate na lang ang kulang, pero hindi ako nag-aalala dahil
konting drama at bola ko lang sa kanya, para isuot niya ang lingerie ay bibigay
na agad yun- with matching bayad pa.
Bwahahaha!!!!!
Kabanata 105
3rd Person POV
Masayang binibilang ni Gigi ang perang inabot ng kanyang ate
Tintin nang makasalubong si Andrew sa salas. Mabilis niyang ibinulsa ang pera
upang hindi ito makita ng lalaki.
"Okay na kuya Andrew, palit na tayo ng kwarto."
malawak ang ngiting anito sa future bayaw sabay thumbs up.
Naiiling na nilagpasan ni Gigi ang lalaki nang makita niya
kung gaano ito kasaya habang nagpapasalamat sa kanya, na akala mo'y nanalo sa
lotto. Muli niyang sinulyapan si Andrew at nakita niyang nagkukumahog itong
umakyat sa hagdan para puntahan ang ate niya.
"Ano kayang ipinakain ni ate at patay na patay si kuya
Andrew sa kanya?" bulong niya sa sarili.
Naupo siya sa sofa at saka nag-inat-inat. Muli siyang tumayo
upang kunin ang cellphone na ipinatong niya kanina sa tabi ng telebisyon.
Pumunta siya sa kusina upang magtimpla ng kape at saka muli siyang bumalik sa
pagkakaupo sa sofa. Sinimulang niyang itipa ang keyboard ng cellphone at
nagtext sa kanyang mga magulang ng magkabukod.
OKAY NA PO. NASA KWARTO NA SI KUYA ANDREW.
Komportable siyang naupo sa sofa habang humihigop ng kape.
"Siguro dapat popcorn ang inihanda ko dahil siguradong
magandang palabas itong mapapanood ko." natatawa niyang sabi sa isipan.
Samantalang şi kapitan Carding naman ay kasalukuyang nasa
barangay hall dahil isa siya sa mga nakatokang magbantay dito ngayong gabi.
Napabalikwas siya sa pagkakaupo nang mabasa ang text ni Gigi. Nasa silid na daw
si Andrew. Malapad na ngiti ang naging reaksyon nya.
"Sandali lang ha, may importante lang akong pupuntahan
sa bahay. hindi na niya hinintay ang sagot ng mga iniwang kasamahan at
nagmamadaling lumabas ng barangay hall
Si aling Nimfa naman ay halos mahulog sa kanyang kina-uupuan
nang mabasa ang message ni Gigi. Narito siya sa malawak na likod bahay nila at
tumutulong sa mga naghahanda ng mga lulutin para sa kasal bukas, pero ang
mismong mga ikakasal ay walang kaalam-alam.
"Sandali lang, may importante lang akong pupuntahan sa
bahay. anito at mabilis na tumayo. Lakad takbo siyang nagtungo sa bahay nila.
Kumukuya-kuyakoy pa ang mga paa ni Gigi habang hinihintay
ang magandang palabas na inaatabayanan, at hindi nga siya nabigo. Sabay na
nagkukumahog pumasok ang kanyang mga magulang sa loob ng bahay. Ang kanyang ama
ay nanggaling mula sa harapan ng bahay, samantalang ang kaniyang ina naman ay
nagmula sa kusina dahil galing ito sa likod ng bahay nila.
Nagkasalubong pa ang mga ito ngunit parang hindi nila
nakikita ang isa't isa na waring may mga sari-sariling mundo at nag-uunahang
pang umakyat ng hagdan.
Abot hanggang tenga ang ngiti ni Gigi nang ilang sandali pa
ay narinig na niya ang malakas na sigaw ng kanyang ina ngunit hindi niya
maintindihan kung anong sinabi nito
Isa lang ang tumtakbo sa isipan niya
"Nahuli na ang mga daga!" aniya at lumapad ang
ngiti
Maya-maya pa ay magkasunod na bumababa ng hagdan ang kanyang
mga magulang na parehong nakakunot ang mga noo. Nang tuluyang makababa ang mga
ito sa salas ay saka unti-unting nagbago ang itsura ng kanilang mga mukha.
Kitang kita ni Gigi ang halos abot batok na ngiti ng kanyang
amangiting tagumpay.
"Yes! Magkakaron na rin ako ng anak na doktor!"
malakas nitong sabi at biglang nitong itinaas ang kamay sabay tiklop ng kamao
saka nag fist pump sa ere, habang umiindak-indak pa
Si aling Nimfa naman ay parang kiti-kiting lumapit kay Gigi
at niyakap ang anak.
"Ang galing galing talaga ng bunso ko!" naggigigil
na sabi nito at pinupog ng halik si Gigi. Napapapilig naman ang dalagita.
"Nay, baka po matapon yung kape ko." reklamo nito.
"Magkakaasawa na rin ang ate mo eh." walang
pagsidlan ang kasiyahan ng ginang.
"Nay halos lahat naman ng tao, nag-aasawa. Anong bago
dun?"
"Iba to, magkaka-asawa ng sobrang gwapo ang ate mo!
Pangarap ko talagang magkaroon ng anak na mukhang artistahin. Eto na yun!"
walang pagsidlan ang kasiyahan ng ginang. Biglang umasim ang mukha ni Gigi.
"Aray ko nay ha-hindi ka masyadong nakaka-offend."
sarkastikong ani Gigi.
Tumunog ang cellphone ni aling Nimfa at nang makitang si
donya Agatha ang tumatawag ay agad nitong sinagot yun.
"Balae!!!" masigla at abot abot ang saya nang
sumagot ito sa kausap habang naglakad papalayo.
*****************
Tintin POV
Maaga akong nagising kinabukasan. Wala pang alas sais ng
umaga ay bumangon na ako. Sumalubong sa akin ang ingay na nagmumula sa labas.
Napakaraming tao na abala lahat sa paghahanda ng lulutuin. Malalaking kawali na
may mga putahe ang nakahilera sa labas habang hinahalo ng mga kalalakihan.
Bakit sobrang dami naman?
"Aba at gising na pala ang ikakasal." bati ni
aling Garci, may edad ng kabarangay ko. Mabilis ko siyang nilingon at
alinlangan akong napangiti sa kanya.
"Magandang umaga po." nakangiti kong bati.
Nagpalinga-linga ako at hinanap ng aking paningin si inay.
Nakita ko siyang nakikipagtawanan sa mga grupo ng mga
marites.
©️Intell♋🍃
Kabanata 106
"Nay.." pasimple ko siya inilayo sa mga kausap
nito.
"Nay, ano po 'to, anong merun?"
"Diba pinag-usapan na natin kahapon na kailangan nyong
magpakasal ni Andrew."
"Bakit po andami ng niluluto?" takang tanong ko.
Nakakapagtaka kasi dahil para sa isang biglaang okasyon ay
masyado naman yatang mabilis kumilos ang mga tao dito nang ganitong kaaga at
marami na agad nailuto. Yung iba ngang ikinakasal, ilang buwan o taong
pinaghahandaan. Oo ngat nagreready na kahapon pa, pero para sa pamamanhikan
lang naman dapat yun. Pero yung ganitong
kadami? Para namang masyado yatang prepared. Para bang
alam na alam nina inay na ikakasal talaga ako ngayon.
"San po nanggaling ang mga ito, bakit parang ambilis
naman? Parang pinaghandaan ah. Saka san kayo kumuha ng pera, para sa ganito
kalaking handaan?"
"Hay naku, si Drake, hindi pumayag na hindi sila ang
gagastos. Napakagalante talaga ng bayaw mo."
"Engagement lang naman ang usapan kahapon, bakit
magpapadala sila ng ganung kadami? Ano yun, napredict nila na ikakasal pala
kami ngayon?" sarkastiko kong tanong.
Parang medyo natigilan si inay. Naglumikot ang mga mata
nito, pagkuway pinaalis na ako.
"Wag mo nang isipin yun, pumasok ka na sa loob at
magpahinga."
"Kagigising ko pa lang, magpapahinga na?"
"Para maganda ka mamaya sa kasal nyo, para hindi na
magbago pa ang isip ni Andrew."
Speaking of Andrew...
"Asan po pala si Andrew?"
"Dun siya natulog kina Mutya, Ikakasal na kayo kaya
hindi muna kayo pwedeng magkita o mag-usap at baka hindi matuloy. Saka may
kasama silang doktor para magreseta ng Viagra sa mga kalalakihan dito. Tinupad
na ni Andrew yung pangako niya."
Kaya pala wala si itay dito, sa isip isip ko.
Gusto ko sanang makita at maka-usap si Andrew kaso natakot
akong bigla sa pamahiing sinabi ni inay. Hindi naman ako dati naniniwala dun,
pero ngayong ako na ang ikakasal medyo nakakatakot palang hindi sumunod sa
pamahiin, kaya wala na akong nagawa kundi ang maghintay na lang sa loob ng
bahay hanggang sa maikasal kami.
"Parang nabibilisan naman akong masyado sa mga
nangyayari." kinakabahan kong sabi kay Mutya nang magka -usap kami.
Suot ko ang simpleng white dress at katatapos lang din na
make-upan ako ng isang make-up artist na hindi ko kilala.
"Ayos lang yan, nagmamahalan naman kayo at sa kasalan
din naman ang punta nyo." pagpapagaan niya ng loob ko.
"Nasa baba na ang mga biyenan natin." masayang
balita pa nito.
"Kinakabahan ako." aniya ko ng sabihin niya yun.
"Bakit naman, ang saya-saya ko kaya. Hindi mo ba
naiisip na hindi na lang tayo basta magbestfriend, totoong sisters na
tayo." ani Mutya.
Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Nang tingnan ko si
Mutya ay kita ko ang namumuong mga luha nito sa sulok ng kanyang mga mata.
Naramdam ko rin bigla ang panunubig ng aking mga mata. Tama, kapag naikasal na
kami ni Andrew, magiging totoong pamilya ko na ang bestfriend ko.
Niyakap ko sya ng mahigpit at ganun din siya sa akin at
sabay pa kaming nag-iyakan.
Biglang bumukas ang pintuan kaya naghiwalay kami ni Mutya,
niluwal nun si inay.
"Akala ko eh kung ano nang nangyari, para kayong mga
baka na umaatungal dyan." wika ng aking ina.
"Teka, wag mong hahawakan ang mukha mo, akong
magpupunas nyang luha mo baka mabura ang make-up." ani Mutya. Kumuha ito
ng facial tissue na nasa ibabaw ng tokador at marahang pinatuyo ang aking
mukha.
'Sus, okay lang mabura, Civil wedding lang naman ito. Kahit
nga walang make-up ayos lang eh."
"Hoy, ang gwapo-gwapo ng mapapangasawa mo tapos hindi
mo man lang aayusin yang sarili mo. Baka kapag kiss the bride na, hindi ka
mahalikan nun dahil sa itsura mo." saway ni inay.
Dahil biglaan ang kasal ay si mayor muna ang magkakasal sa
amin. Mabilis na pumayag si mayor ng tawagan siya nina inay kahit sobrang busy
nito. Kilala kasi nila ang pamilya Rufino. Mula ng mapangasawa ni Mutya si
Drake ay marami nang nai-donate ang mga Rufino sa bayan namin. Relief goods,
mga ambulasiya na idinonate sa mga barangay, at mga kagamitan sa public
hospital. Marami na rin silang naipatayong library sa mga public schools at
kung ano-ano pa. Ngayon lang humingi ng pabor ang mga Rufino kay mayor kaya
hindi na ito nagpatumpik tumpik pa. Tuwang tuwa pa nga raw ito sabi ni inay
nang malamang siya pa ang magkakasal sa bunsong anak ng mga Rufino.
Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko agad ang aking mga
magiging biyenan na nakaupo sa salas. Nahihiya tuloy ako bigla sa kanila dahil
napakasimple ng bahay namin. Hindi naman ito ang unang beses na nagtungo sila
dito sa ngunit ngayon lang ako tinubuan ng hiya, syempre pakakasalan ko na ang
anak nila.
Agad akong yumakap sa kanilang mag-asawa.
"Tita, tito... pasensya napo napasugod tuloy kayo ng
wala sa oras." nahihiya kong sabi.
Kabanata 107
"Masanay ka nang tawagin kaming mommy at dad."
nakangiting sabi ni tita Agatha- este mommy pala.
"Opo.." nahihiya kong tugon.
"Welcome to the family. Matagal ko nang alam na
mangyayari ito." nakangiting saad ni don Antonio- este dad pala.
**************
Sa barangay hall daw gaganapin ang seremonya. Malaki naman
ang barangay hall namin at siguradong magkakasya kami dun, tutal ay pamilya
lang naman namin ni Andrew ang dadalo. Ang gusto lang nilang mangyari ay
maikasal agad kami at saka na isusunod ang church wedding kung saan mas
maraming kaibigan at kakilala ang makakadalo.
Ang reception naman ay gaganapin mamaya sa bakuran namin na
kagabi pa naayusan at napaghandaan. Nang mapadaan nga ako kanina ay medyo
nagulat pa ako.
Nakapagtataka talaga dahil parang hindi biglaan ang kasal na
ito. Ang pagkakadecorate sa paligid at sobrang dami ng inihanda ay parang
napaghandaan at pinag-isipan talaga, samantalang engagement party lang sana ang
magaganap ngayon.
Nilakad lang namin ang barangay hall dahil nasa tapat lang
ng bahay namin ito. Nasa itaas na daw sina Andrew at dun naghihintay para sa
pagdating ko.
Hindi kagaya ng simbahan, mga beach wedding, kasal sa mga
hotel or ibang dream wedding ay wala akong magarang wedding entourage.
Sa halip ay ang hagdan paakyat kung saan palaging ginaganap
ang pagpupulong ng mga konsehal ng barangay ang lalakaran ko. Walang mga
bridesmaids at mga flower girls, sa halip ay mga tanod at barangay officials na
duty ngayon.
Pag pasok ko sa conference room ay si Andrew agad ang nakita
kong nakatayo sa unahan hinihintay na talaga ako. Ang gwapo niya sa suot na
white polo at itim na dress pant. Nang magsalubong ang aming mga mata ay
binigyan niya ako ng matamis na ngiti at ramdam ko ang pagmamahal na kaakibat
ng mga ngiting yun.
Maraming babae, na ang pinapangarap ay maganda at bonggang
wedding ceremony, ngunit mula simula ay isa lang, ang tanging pinapangarap ko-
Si Andrew lang, ang aking napakagwapo at napakabait na groom. Napakaswerte ko
talaga dahil hindi lahat ng babae at nakakatuluyan ang kanilang ultimate crush.
Lumakad ako palapit sa kanya. Parang wala akong ibang taong
nakikita kundi si Andrew lang. Nang makalapit ako ay matamis pa rin ang ngiti
nito sa akin. Hindi naghihiwalay ang aming mga mata. Hinapit niya ako sa aking
beywang upang mas lalo pang ilapit sa kanya. Unti-unting bumaba ang kanyang
mukha sa akin upang angkinin ang aking mga labi.
"Ehem.."
Parang bigla kaming nagising nang marinig ang pagtikhim ni
mayor. Noon ko lang naalala ang mga tao sa paligid ko na dinig kong
nagtatawanan.
"Mr. & Mrs. Rufino, sa huli pa yan."
nakangiting biro ni mayor.
Pinamulahan tuloy ako ng mukha, samantalang si Andrew naman
ay buong buo ang ngiti nang marealized ang kanyang ginawa.
Mabilis lang ang naging seremonya at maya-maya pa ay narinig
ko na ang aking pinakahihintay.
"Maaari mo nang halikan ang iyong asawa."
Walang pagsidlan ng sayang ang aking nararamdaman ngayong
ganap na akong asawa ng aking ultimate crush. Nagharap kami ni Andrew at punong
puno ng pagmamahal na tumingin ako sa kanya nang magtagpo ang aming mga mata.
Dahan dahan niyang hinawakan ang aking mga kamay.
Tahimik lang na nakamasid ang mga tao na nasa loob ng silid.
Gumalaw ang mga kamay ni Andrew at gumapang sa aking mga braso, kasunod ay ang
malambing niyang pagyakap sa aking beywang. Dahan dahang lumapit ang kanyang
mukha at sabik kong hinintay ang kanyang paparating na halik. Marahan kong
isinara ang aking mga mata. Kasunod nun ay ang pagdampi ng kanyang mga labi at
ramdam ko sa halik na yun ang kanyang panghabang buhay na pangakong iingatan
niya ang aking puso.
Habang nakapikit ay mabilis na bumalik ang mga ala-ala kung
paano ko siya hinabol habol at sinuyo noong una. Hindi ako nagsisisi, sapagkat
dahil doon ay pinagsasaluhan namin ngayon ang walang kasing tamis na halik - At
alam ko na sa oras na buksan ko ang aking mga mata ay siya na ring simula at
katuparan ng aking matagal nang ipinagdarasal, ang maging kabiyak ng lalaking
matagal ko nang minamahal.
Hindi man pang Telenovela ang love story namin ni Andrew,
dahil wala namang masyadong drama at ganap ang aming pag-iibigan... para sa
akin sa lahat ng kwentong pag-ibig, ang pinakamaganda at pinakamatamis sa lahat
ay ang aming pagmamahalang dalawa.
-Wakas-
KARA NOBELA: "...and they Lived Happily Ever Af-
ANDREW: Teka lang-sandali!!! Yun na yun? Parang may mali
yata. Natapos na't lahat ang story ko, pero wala man lang ana-ana? Si kuya
Drake, sa simula pa lang kotang quota na pero ako hanggang ngayon nganga. Ano
to, may favoritism? Hindi maaari, dapat lang may Special Chapter' to!!!
**********
Haaay sige na nga, pagbigyan na. ABANGAN po ang ANA-ANA...,
este ang PAGTATAPOS!
Kabanata 108
To my wonderful readers,
Maraming salamat po at nakarating kayo hanggang dito.
Samahan nyo po ako sa natitira pang mga chapters para sa
pagtatapos ng love story nina Dok Andrew at Tintin!
Sa mga hindi pa po nakakabasa ng Your Hero Your Lover (
Drake & Mutya lov story) paki-add naman po sa library nyo. Promise, mas
magugustuhan nyo siya.
Abangan nyo rin po ang susunod kong akda na PLANNING HIS
WEDDING, light drama po siya. Pahinga muna tayo sa comedy, naaamoy ko na kasi
ang mga utot nyo.
Medyo busy po ako this month kaya sisimulan ko siya sa unang
linggo ng January 2025. Paki-abangan na lang po sa inyong mga inbox. Sa
promotion ay madali naman pong makikilala ang aking book cover dahil iisa lang
ang frame ng book covers ng aking mga storya.
This is your author KARA NOBELA, I write romantic comedies
and heartwarming love stories. My writing focuses on blending love, humor and
comforting warmth that make readers fall in love, smile, laugh and feel deeply
connected to the story.
From the bottom of my heart, thank you for reading and
embracing my stories. Here's to many more adventure Let's keep falling in love
together!
Ituloy na po natin ang pagbabasa ng CHASING DR.
BILLIONAIRE....
Kabanata 109
Andrew POV
Panaka-naka kong sinusulyapan ang aking maybahay. Himbing na
himbing ito sa pagkakatulog habang nagmamaneho ako. Nilisan na namin ang
reception sa kagustuhan kong masarili agad ang aking asawa. Didiretso kami sa
hotel dito sa Batangas, na pinabook ni kuya Drake sa kanyang sekretarya upang
doon kami tumuloy sa unang gabi namin ni Tintin bilang mag-asawa.
Kasal na kaming dalawa at wala nang makapipigil sa amin na
gawin ang matagal na naming hindi magawa-gawa. Sa tagal ng aking pagpipigil ay
nakasisiguro akong buntis agad si Tintin sa susunod na buwan dahil isasagad ko
talaga ng todo at wala itatapon- lahat pasok sa asawa ko.
Nakababa na ako't lahat ng sasakyan ay tulog pa rin ito.
Tinungo ko ang pintuan sa gilid nya at marahang binuksan
yun. Yumukod ako at dinampian siya ng halik sa labi. Hindi pa rin ito
gumigising kaya muli ko siyang h******n, mas matagal. Saka pa lang siya
nagising.
"Andrew" anito at mapungay ang mga matang tumingin
sa akin, tila inaantok pa. Kapag ganitong mga mata ang bubungad sa akin
pagising ko siguradong palagi na lang akong male-late sa trabaho ko.
"Andito na tayo." malambing kong bulong sa kanya.
Dumiretso siya ng upo at saka lumabas ng sasakyan.
Dumiretso naman ako sa likuran upang kunin ang maleta namin.
Samantalang si Tintin naman ay humakbang papalayo sa sasakyan upang pagmasdan
ang water view na hindi nalalayo sa hotel na tutuluyan namin.
Napakunot ang aking noo ng may mapansin sa kanyang damit.
Unti-unti akong kinakabahan dahil sa aking hinala. Hay, wag naman sana!
Lalapitan ko pa sana siya pero humarap sya sa akin na nakangiti.
"Ang ganda dito Andrew!" masayang sabi nito at
tumatakbo papalapit sa akin. Alinlangan akong ngumiti sa kanya.
"Hon.." usal ko.
Nagtataka siyang tumingin sa akin nang mapansin ang reaksyon
nakarehistro sa aking mukha.
"Tin, merun ka ba ngayon?" tanong ko. May kulay
pula kasing mantsa sa likod ng paldang suot niya.
Nanlaki ang mga mata nito at hinila ang laylayan ng kanyang
palda at sinipat yun. Napatingin siya sa akin sabay takip sa laylayang may
mantsa ng dugo.
"Napaaga!" nag-aalalang anito at hindi
komportable.
"Wala pa naman akong dalang napkin." aniya.
Napapikit at napatingala ako out of frustrations at saka ako
naglabas nang malakas na buntong hininga.
Malapit kami sa public restroom dahil nasa beach kami
ngayon. Nasa likod niya ako nang maglakad kami upang takpan siya. Nang
makarating kami sa restroom ay ibinigay ko sa kanya ang maleta.
"Dito ka muna, maghanap ka ng pamalit mo, may
pupuntahan lang ako mabilis."
"San ka pupunta?" tanong nito.
"Ano pa, eh di ibibili kita ng napkin mo."
'Sorry!" nahihiyang sagot ni Tintin.
Hinalikan ko siya bago ako umalis. May nakita akong
convenient store sa malapit kanina kaya nagdrive ako papunta dun. Kapag
minamalas ka nga naman, pulot gata sana namin ngayon pero heto ako at bumibili
ako ng napkin ng babaeng kanina lang ay pinakasalan ko. Dinampot ko ang
pinaka-unang napkin na nakita ko.
Agad kong binalikan si Tintin dahil ayaw ko siyang maghintay
ng matagal at ibinigay ko agad sa kanya ang nagpkin na binili ko. Abot langit
ang pasasalamat nito na may kasamang hiya. Tumango lang ako bilang tugon at
hinintay siyang makapagbihis.
Ilang minuto rin akong naghintay sa labas.
"Tara na." ani Tintin paglabas nito.
Humarap ako sa kanya at nagsalubong ang aking mga kilay.
Nang makita ang suot nito.
"Magpantalon ka." utos ko sa kanya. Nakita ko ang
pagpoprotesta sa mukha nito.
"Ang init-init magpapantalon ako, ang hirap kaya nun
lalo na kapag merun." anito
"May summer dress ka naman siguro, yun na lang ang
isuot mo.
"Bakit? Ano bang problema sa suot ko? Nasa beach tayo,
ang simple pa nga ng suot ko, shorts at sando."
"Nakikita ko yang legs mo, tinitigasan ako."
Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Tintin. Napaawang ang
bibig nito.
"Alam mo namang hindi pa pwede kaya kung maaari takpan
mo yang katawan mo kung ayaw mong manakit ang puson ko." malamig kong
tugon.
Nang maunawaan niya ang aking pinupunto ay saka pa lang siya
bumalik sa loob ng banyo para magpalit.
***********
Nag file kami ng emergency leave kaya 1 week pa kaming
bakante.
Hindi naging dahilan ang walang sex upang hindi maging
masaya ang bakasyon namin. Mahal ko si Tin at hindi lang naman katawan ang
minahal ko sa kanya. In-enjoy na lang namin ang aming bakasyon.
Nauunawaan din niya kung bakit mas pinili kong sa sofa na
lang matulog. Hindi ko kayang matulog na magkatabi kaming dalawa, pakiramdam ko
ay tinotorture ako kapag katabi ko siya pero wala akong magawa.
"Pagbalik natin sa trabaho magiging busy na ulit tayo
lalo ka na. Mamimiss ko yung ganito." malungkot na ani Tintin habang
naglalakad kami.
"Hindi mo naman kailangang bumalik pa sa trabaho Tin.
Alam ko namang hindi talaga nursing ang pangarap mo." wika ko.
Nahihiya pang ngumiti si Tintin dahil totoo ang sinabi ko.
Medicine student kasi ako noong magkakilala kami. Ako ang dahilan kung bakit
siya nagnursing, para daw balang-araw makatrabaho niya ako.
"Sa bahay ka na lang, kagaya nina mommy at Mutya. Saka
ayaw kong napapagod ka sa trabaho para pagdating ko ng bahay, may lakas ka pa
para gumawa ng baby natin." bulong ko sa pilyong boses.
"Wag ka ngang ganyan. Baka mamaya gapangin kita, ikaw
rin." ganting biro ni Tintin.
Ang galing niyang maghamon palibhasa alam niyang wala akong
magagawa sa ngayon. Hintayin lang niya na mawala ang dalaw niya at
sisiguraduhin kong hindi siya makakalakad kinabukasan.
Napagdesisyunan na nga naming mag-asawa na huminto na Jang
siya sa pagttrabaho dahil may panibago na siyang pagkakaabalahan ngayong kasal
na kami. Kagaya nina mommy at Mutya ay pag-aaralan din niya ang in-law
integration in family business. Kailangan niyang malaman ang tungkol sa pasikot
sikot sa kumpanya ng pamilya namin. Dahil bilang mga asawa ay sila ang hahali
sa amin nina dad at kuya Drake kung sakaling may mga sitwasyon na hindi namin
magampanan ang obligasyon bilang shareholders.
Kabanata 110
Tintin POV
"Kahapon pa tapos ang mens ko." masaya kong
pagbabalita kay Andrew habang kumakain kami sa labas ng cottage.
Nasa ibang beach na kami ngayon. Get together nina Andrew at
mga close friend nyang mga lalaki kasama ang kani-kanilang partners.
Siniguro kong walang wala na talaga akong dalaw kaya
naghintay pa ako ng isang araw para siguraduhing tapos na tapos talaga bago ko
sabihin ang magandang balita kay Andrew. Mahirap na baka bumulwak kung kelan
nasa kalagitnaan na kami ng bakbakan.
"Really?" gulat na tugon ni Andrew. Nginitian ko
siya bilang pagkumpirma.
Sandali itong nagpaalam para magbanyo. Di rin nagtagal ay
bumalik na agad ito. Pagkatapos kumain ay nagyaya si Andrew na maglakad lakad
muna kaming dalawa sa dalampasigan. Medyo nadisappoint ako dahil buong akala ko
ay hihilahin niya ako pabalik sa cottage namin upang isagawa na ang matagal na
nitong hinihintay. Excited pa naman akong ibalita sa kanya ang tungkol dito.
Todo sabon pa naman ako ng katawan kanina pagising ko.
Ilang araw na kasi nitong inirereklamo ang pagdating monthly
period ko.
Nakakapagtaka, bakit kung kelan tapos na ang dalaw ko ay
parang hindi naman ito ganung ka-excited, hindi rin ito super clingy kagaya ng
dati. Nagkasya na lang kami sa holding hands while walking sa dalampasigan.
Sinubukan ko pa ngang pumulupot sa kanyang braso at kunyari
pa ay hindi sinasadya na nadidikit ang aking dibdib sa braso niya, pero hindi
nakatakas sakin ang pasimple nitong pag-iwas at pagkalas. Para pa ngang
itinutulak niya ang aking atensyon sa ibang bagay para hindi ko sya pagtuunan
ng pansin.
Hindi kaya nakita niya na maraming nagseseksihang mga
kababaihan sa paligid ng beach kaya medyo nawawalan na siya ng gana sa akin
dahil napagtanto niyang hindi naman pala ako kagandahan?
Nagyaya pa itong pumunta kung saan pero nagpaalam muna ako
sa kanya para bumalik sa cottage. Idinahilan ko lang na kukunin ko ang aking
cellphone pero ang totoo ay gusto kong magkasarilinan kami sa loob. Pumayag
naman ito ngunit nagpaiwan siya sa labas.
Hindi ba't dapat ay excited na siyang masolo ako pero bakit
parang hindi na siya intresado? Ipinagkibit balikat ko na lang ang pagtataka sa
isipan ko. Baka naman gusto nyang sa gabi na lang namin yun gawin. Sige,
maghihitay na lang ako mamayang gabi.
Paglabas ko ng cottage ay kitang kita ko ang pagkunot ng noo
niya nang makita ang aking suot. Naka summer dress kasi ako kanina, pinalitan
ko ito ngayon ng maikling maong shorts at hapit na white sando.
"Bakit nagpalit ka ng damit?" tanong nito na hindi
mawala wala ang pagkunot ng noo.
"Mas komportable kasi ito. Saka wala na akong dalaw so
siguro naman ay pwede na akong magsuot ng ganito." tugon ko.
Gusto ko lang magpakita ng balat para maakit sya sa akin at
baka magising na ulit ang natutulog nitong pagnanasa, at yayain akong ituloy na
namin ang napurnada pulot gata.
Hindi tumugon si Andrew, sa halip ay nilingon nito ang dagat
at saka nagyaya.
"Tara na." anito at naglakad sabay abot ng kanyang
kamay ng hindi man lang tumitingin sa akin.
Hindi ko inabot ang kanyang kamay dahil sumama ang aking
loob. Pakiramdam ko tuloy ay ang pangit pangit ko. Basta naglakad na lang ako
sa likod niya. Nilingon ako ni Andrew nang mapansin napakabagal kong maglakad.
"Parang sumakit bigla ang ulo ko, pwede bang sa cottage
na lang ako. Pasensya na, hindi kita masasamahan sa paglalakad mo."
inunahan ko na siya, bago pa man siya magtanong.
"Kailangan mo ba ng gamot?" nag-aalalang tanong
nito. Parang ngayon ko lang naramdamang may pakialam na siya ulit.
"Kukuha na lang ako sa medicine bag mo. Sige una na
ako." paalam ko sa kanya.
"Idikit mo sa katawan mo ang cellphone, para kapag
kailangan mo ako, matatawagan mo agad ako."
"Okay." maikli kong tugon.
"I love you, pahinga kang mabuti." anito at
dinampian ako ng halik sa labi.
Tumalikod agad ako upang bumalik sa cottage na nasa tapat
lang namin. Hindi ko na nagawang mag "I love you" sa kanya, dahil sa
lihim na sama ng loob.
Wala pa kaming 1 week pero nanlalamig na siya. Nakakita lang
ng mga seksing babae dito sa beach, nawalan na siya ng gana sa akin. Nagsuot pa
naman ako ng sobrang ikling shorts pero ni hindi ko man lang siya nakitaan ng
pangangatal. Ilang segundo nga lang niya ako tinapunan ng tingin.
Inis akong humiga sa kama. Kinuha ko ang aking cellphone at
dinayal ang number ni Mutya.
"Honeymoon na honeymoon nyo, tinatawagan mo ako?"
pabirong sabi nito.
Bumuntong hininga ako ng malakas. Ikinuwento ko kay Mutya
ang nangyari.
"Diba sinabi ko sayong dalhin mo yung mga seksing
pantulog na iniregalo ko nung kasal nyo."
"Dinala ko pero hindi ko pa naisusuot kasi nga ayaw
nyang magpaseksi ako dahil sa monthly period ko."
"Pwede mo na yang isuot ngayon at siguraduhin mong
sobrang bango mo mamaya bago kayo matulog. Baka naman kasi nag-aalangan lang si
Andrew, syempre.... kasi, baka akala nya may tira pa yang mens mo. Pero kapag
ginawa mo yang sinabi ko, ewan ko lang kung makapagtimpi pa yang asawa
mo."
Matapos kong makipag-usap kay Mutya ay medyo nabunutan ako
ng tinik. Baka nga yun ang dahilan. Kailangan lang siguro ng konting push.
Kabanata 111
Tintin POV
Kahit wala akong balak matulog ay kusa na akong napaidlip sa
loob ng cottage na mag-isa. 4pm na nang magising ako.
May text message akong nareceived mula kay Andrew.
Kasama na raw niya ang mga kaibigan niya. Itext ko na lang
daw siya kapag gising na ako at pupuntahan niya ako dito sa cottage para
sunduin. Inayos ko muna ang aking sarili at saka ako lumabas. Natanaw ko ang
mga batang naglalaro ng bubbles at naaliw akong panoorin sila. Nakalimutan ko
na tuloy na itext si Andrew. Malapit lang ako sa nagtitinda ng bubble tea at
natakam akong bigla. Pumila ako para bumili.
"Honey, anong ginagawa mo rito? Bakit hindi mo kasama
ang asawa mo?" mula sa pamilyar na boses ng isang lalaki na nasa likuran
ko.
Mabilis akong napalingon dito. Napangiti ako nang makilala
ang nagsalita- si Gray. Nabanggit nga ni Andrew sa akin na kasama daw si Gray
sa barkada nila.
"Nakatulog kasi ako. Akala ko magkakasama na
kayo." tugon ko.
"Bubble tea?" tanong nito na nakatingin sa
tindahan. Tumango naman ako, pagkuwa'y nakipila na rin ito. Kami na ang kasunod
sa pila kaya mabilis kaming naka-order. Siya ang nagbayad ng binili ko.
"Salamat." wika ko.
"Hindi ka ba pupunta sa asawa mo?" tanong nito.
"Bumili lang ako nito, pero pupunta na rin ako dun.
Tatatawagan ko na lang siya, hindi ko kasi alam kung saan
eh."
"Sumabay ka na sa akin, dun din naman ang punta
ko." alok nito sa akin.
Hindi na ako nagdalawang isip na sumabay kay Gray.
Habang naglalakad kami ay nagkumustahan kami, tungkol sa
hospital ang pinag-usapan namin. Kinumusta ko ang mga katrabaho namin dahil
mula nang makabalik kami ni Andrew mula sa Batangas ay hindi pa ako nakakadalaw
ulit sa hospital. Si Andrew kasi ang personal na nag-asikaso ng resignation ko.
Saka na lang ako bibisita sa kanila pagkatapos ng honeymoon namin ni Andrew.
"Ayun sila." ani Gray at may itinuro.
Sinundan ko nang tingin ang direksyon na itinuturo nito.
Isang pavillion na may katamtamang laki at may grupo ng ilang tao na
nagkakasiyahan habang nakatanaw sa amin.
"Grayson, dumating ka na rin sa wakas!" malakas na
sabi ng isa sa mga ito. Nahagip ng paningin ko si Andrew na gulat na gulat nang
makita ako.
"Girlfriend mo? Mukhang nagseryoso na yata ang bubuyog
ng grupo ah." wika ng isa sa barkada nila, kay Gray nakatingin.
"Anong pinagsasabi nyo dyan? Asawa ko yan." ani
Andrew at mabilis akong nilapitan.
"Nagkasabay lang kami sa daan." ani Gray at
nakangising tumingin kay Andrew na ngayon ay matalim na nakatingin sa kaibigan.
Hinawakan ako ni Andrew sa kamay at saka ako isa-isang
ipinakilala sa mga kaibigan niya at sa mga kasama nilang girlfriend at asawa.
Lahat naman sila ay mabait kaya hindi ako feeling out of place.
"Diba sabi ko sayo, tawagan mo ako kapag gising ka na
para masundo kita." ani Andrew nang magkasarilinan kami.
"Tatawagan sana kita kaso nagkasabay nga kami sa daan-
Teka, bakit ba kailangan kong magpaliwanag eh kaibigan mo naman yun."
tugon ko.
Hindi ito agad na nakapagsalita, pagkuwa'y ngumiti.
"Sorry, nagselos lang ako nang makitang magkasabay
kayo."
"Ano namang ipinagseselos mo eh ni hindi nga nanligaw
sakin yun."
"Hindi nga, dahil bago pa man siya nakaporma, nabakuran
na kita."
Ngayon ang sweet sweet naman nito. Samantalang kanina lang
ay dinededma niya ako. Hindi ko talaga maintindihan ang tumatakbo sa utak ni
Andrew. Para tuloy, siya itong may buwanang dalaw kung umasta.
Inabot na rin kami ng gabi sa pavillion. May mga nakahandang
pagkain na inorder kaya dun na kami nagdinner. Nakilala ko pang lalo ang mga
girlfriend at asawa ng mga kaibigan ni Andrew at madali ko silang nakapalagayan
ng loob. Balik na naman sa pagiging malambing at clingy si Andrew. Palagi itong
nakakawit sa aking beywang sa tuwing magkakadikit kami at padampi dampi ito ng
halik sa aking ulo. Siguro nga ay nag-ooverthink lang ako kanina na nanlalamig
na agad ito sa akin.
Medyo ginabi na rin kami nang makabalik sa cottage dahil
nagkasiyahang masyado ang mga magkakaibigan na matagal nang hindi nagkikita.
"Kung maliligo ka, mauna ka na. Tatawagan ko lang sina
itay." utos ko kay Andrew.
Agad naman itong sumunod. Hindi ko naman talaga kakausapin
sina itay. Medyo kinabahan kasi ako dahil feeling ko ay mawawala na ang
virginity ko ngayong gabi. Isa pa ay kailangan ko rin ihanda ang susuotin kong
silk lingerie na galing kay Mutya. Gusto ko kasing surpresahin si Andrew.
Ngayon pa lang ay ninenerbyos na ako at super excited sa pwedeng mangyari.
Nang lumabas si Andrew ay naka-light sleep pant ito at
walang suot na pang-itaas habang naglalakad itong nagpapatuyo ng buhok gamit
ang towel. Naglakad ako patungo sa banyo kaya nagkasalubong kami. Muntik pa
kaming magkabanggaan kahit nag-iwasan pa kami ng hakbang.
"Sorry..." sabay pa naming sabi na tila pareho pa
kaming hindi mapakali. Hindi rin ako makatingin sa kanya.
Kabanata 112
Kagaya ng sinabi ni Mutya ay siniguro kong malinis at
mabango ako ngayong gabi habang suot ang seksing lingerie. Seksing panty lang
ang suot ko at walang bra, kitang kita ko sa salamin na naninigas ang aking mga
nipples sa tuktok ng aking dalawang bundok. Parang nahiya tuloy ako kaya
sinundot ko yun para lumubog pero mas lalo pa itong nanigas, kaya hinayaan ko
na lang. Nag-ipon muna ako nang lakas ng loob bago huminga ng malalim saka
unti-unting binuksan ang pintuan.
Nakita kong pinasadahan ni Andrew ang aking kabuuan lalo na
ang dalawang nipples na nag-uumalpas sa aking suot.
"S-sagutin ko lang itong tawag." anito at itinapat
sa tenga ang hawak na cellphone.
"Hello.." anito at tumayo. Naglakad ito palapit sa
pintuan pero humarap muna sa akin.
"Wait lang hon..." paalam nito at saka lumabas.
Naiwan tuloy akong mag-isa sa loob. Hindi ko alam kung anong
mararamdaman ko sa mga oras na ito. Para tuloy gusto kong maiyak sa sobrang
kahihiyan sa sarili. Bakit kung kelan kasal na kami saka ko nararamdaman na
hindi na siya attracted sa akin. Akala ko pa naman kanina sa pavillion ay okay
na kami pero ngayong kaming dalawa na lang ulit, bakit parang malamig na naman
siya. Dati ay gagawin niya ang lahat may mangyari lang sa amin. Natauhan na ba
siya na hindi ako kasing ganda ng mga babaeng dumaan sa buhay niya?
Twenty minutes na ay wala pa rin siya kaya sigurado na akong
wala talaga siyang balak na angkinin ako ngayong gabi. Kung ayaw niya, eh di
wag. Humiga na lang ako at humarap sa gilid ng kama. Maya-maya pa ay narinig
kong bumukas ang pintuan. Ipinikit ko ang aking mga mata. Kapag tinawag niya
ang pangalan ko ay hinding hindi ako tutugon, manigas siya. Kahit kalabitin pa
niya ako ay hindi ko siya papansin at paninindigan ko na nakatulog na ako...
...ngunit ilang minuto na ay ni hindi ko naramdamang lumapit
man lang si Andrew para humiga sa kama. Pinatay nito ang ilaw at maya-maya pa
ay narinig kong umungot ang sofa. Mas lalo akong nagngitngit sa inis.
So, bukod sa ayaw niyang makipagtalik sa akin ay wala rin
siyang balak kahit man lang tabihan ako sa kama? Ganun ba talaga ako kapangit?
May isang oras din akong gising ngunit hindi ako kumikilos upang hindi niya
mahalatang nagtutulog tulugan ako, hanggang sa tuluyan na ngang bumigay ang
aking mga mata at makatulog.
Nang magising ako ay wala na sa silid si Andrew.
Bumangon ako at inayos ang aking sarili upang magpalit ng
damit. Nawalan na rin ako ng ganang magpaseksi kaya capri pants na lang ang
isinuot ko at malaking tshirt. Nakakawala lang kasi ng gana. Kesa naman todo
effort ako, tapos hindi rin naman niya papansinin.
Lumabas ako ng silid. Nakita ko si Andrew sa terrace at
nakatuon ang mga kamay sa balustre habang nakatingin sa labas at nanonood sa
mga taong dumaraan. Nang makita niya ako ay ngumiti ito sa akin at nilapitan
ako. Niyakap ako at hinalikan sa labi. Matamis ngunit hindi kasing init kagaya
nung dati.
"Pasenya na hon, hindi na kita nabigyan ng good night
kiss, tulog ka na kasi nung bumalik ako. Ayoko namang abalahin ka, alam kong
pagod ka kahapon." anito habang nakayakap pa rin sabay halik sa aking noo
saka siya kumalas sa akin.
Pagod? Bakit naman ako mapapagod eh maghapon nga akong
natulog eh. Saka bakit hindi nya ako aabalahin? Eh ilang beses na na ngang
muntik nang may mangyari sa amin at kahit tulog na tulog ako noon ay ginapang
pa rin niya ako dahil gusto niyang umiskor? Tapos ngayon pa- gentleman, kung
kelan honeymoon na namin?
"O-oo, pasensya na hindi na kita nahintay."
pagsisinungalin ko para hindi magmukhang kawawa o kahiya-hiya.
Nagyaya si Andrew na mag-almusal kasama nang mga kaibigan
niya. Ang sweet na naman niya, asikasong asikaso at ramdam kong mahal na mahal
niya ako pero may mali eh. Para kasing hindi niya ako minamanyak. Lihim tuloy
akong natawa sa aking iniisip.
Maya-maya pa ay nakabukod na kaming mga babae sa mga lalaki.
Masayang kasama ang mga ito, tahimik lang akong nakikinig at nakikitawa. Ako
ang pinakabata at ako daw ang bunso sa aming lahat. Ako lang din ang naka-capri
pants at lahat sila ay mga naka swimsuit.
"Kristina, sigurado akong may laman na yan." ani
Hazel.
Pinamulahan ako ng mukha dahil sa sinabi nito. Ang tinutukoy
kasi niya ang aking tiyan na malamang daw ay buntis na ako.
"Imposible." nahihiya kong sagot.
"Marami akong kilala na nabuntis agad pagbalik nila
galing sa honeymoon." saad ni Bella.
"Virgin pa 'ko." pag-amin ko.
"Ha?!?!" sabay sabay na bulalas ng mga ito at
halos malaglag ang kanilang mga panga. Natuliro ako at baka kung ano pang
isipin nila sa relasyon namin ni Andrew.
"Katatapos lang kasi ng monthly period ko. Siguro
nag-aalangan lang siya na baka may konti pa" palusot ko ngunit parang
hindi nila nagustuhan ang nalaman.
Kabanata 113
"Hay naku, dapat gawan yan ng paraan. Girls tara,
iready nga natin itong si bunso." wika naman ni Rose.
"Para saan?" takang tanong ko.
"Patutuluin lang naman natin ang laway niyang asawa
mo." pilyang sabi nito.
Nilisan namin ang lugar na yun at sumunod lang ako sa mga
ito. Ibibili pala nila ako ng bikini. 2 piece red string bikini ang binili nila
para sa akin. Napalunok naman ako nang makita yun.
"Hindi ba nakakahiya, sobrang seksi naman nito?"
nag-aalangang tanong ko dahil parang wala na akong itatago kapag isinuot ko
ito.
"Exactly!" ani Rose na maluwang ang pagkakangiti.
Wala akong nagawa sa sulsol ng mga ito. Gusto ko rin namang
maseksihan si Andrew sa akin dahil feeling ko ay nanlalamig nga talaga siya sa
akin, kaya isinuot ko na.
"WOW!!!" sabay sabay na sabi nila matapos nilang
makita na suot ko ang bikini.
"Kapag hindi ka pa naman ginapang ni Andrew, ewan ko na
lang." ani Hazel.
Nagkayayaan na sumakay kami sa bangka pero nagpaalam muna
kami sa mga kalalakihan kaya bumalik kami sa pwesto nila. Dala ko rin kasi ang
paper bag kung saan ko iniligay ang pinaghubaran ko kanina, iiwan ko na lang
muna ito sa pavillion.
Nahihiya ako sa aking suot kaya pumwesto ako sa likuran
nila.
"Andrew!" malakas na tawag ni Rose.
Napalingon naman ito ng marinig ang pangalan niya. Sabay
hila sa akin ni Rose mula sa likuran.
"Hihiramin muna namin ang asawa mo ha, mamamangka lang
kami." anito habang hawak ako sa pupulsuhan.
Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Andrew nang makita
niya ako. Pinasadahan nya ang aking kabuuan nang ilang ulit. Sunod sunod ang
paglunok nito at pag-akyat baba ang kanyang adams apple. Nahihiya naman ako sa
kanya, nag-aalala ako na baka magalit siya dahil ganito ang suot ko na halos
nakabilad na ang aking katawan.
"Andrew, sabi ko hihiramin muna namin ang asawa mo.
Ayos lang ba?" ulit ni Rose.
Hindi sumagot si Andrew sa halip ay marahan lang itong
napatango na hindi mawala wala ang kanyang tingin sa akin.
Mabilis naman akong hinila ni Rose palayo.
"Hayaan mo syang maglaway." pabirong bulong nito
nang makalayo kami.
Naghagikhikan ang mga babaeng kasama ko.
"Nakita nyo ba? Halos bumagsak ang panga ni
Andrew." nag-apiran pa sila na tila tagumpay ang kanilang plano.
"Pustahan tayo, magyayaya na agad umuwi yang asawa
mo."
"Hala, nakatingin pa rin." kilig na kilig na sabi
ni Hazel
Hindi ko tuloy mapigilang mapalingon muli sa pwesto ni
Andrew. Nakatanaw nga ito sa amin. Ngunit hindi ako sigurado sa iniisip nito,
pwede ring hindi nito nagustuhan ang suot ko. Habol nga ang tingin niya pero
malay ko ba kung sinesermunan na niya ako sa utak niya.
May 30 minutes din kaming namangka. Huminto pa kasi kami sa
isang isla saka muling bumalik sa pangpang. Hindi muna kami bumalik sa
pavillion dahil maglalangoy muna kami. Mula sa malayo ay nakikita ko si Andrew
na nakatanaw sa amin. Patay, sa halip na maakit ay mukhang masesermunan nga
yata ako.
"Aray!" daing ko dahil parang may tumusok sa aking
hita.
Para akong napaso at nagmamadaling tumakbo sa pangpang at
napaupo ako sa buhanginan.. Nag-aalalang sinundan ako nina Hazel.
"Naku, nakagat ka yata ng jelly fish." malakas na
sabi nito. Dahil sa narinig ay nagmamadaling silang sumunod sa akin at
pinalibutan ako upang tingnan kung anong nangyari. Mukhang may dalawang
mapupulang pantal sa aking hita, malapit sa singit. Nangangati ito noong una at
ngayon ay parang unti-unti nang humahapdi.
"What happened?" nag-aalalang boses ni Andrew.
Nakalapit na pala agad ito ng hindi ko namamalayan.
"She got stung by jellyfish." ani Bella.
"Hon.." nag-aalalang sabi ni Andrew.
Mabilis niya akong dinaluhan at nasa tabi ko na agad siya.
Kitang kita ko ang matinding pag-aalala sa kanyang mukha.
"Suka kailangan niya ng suka." wika ni Gray na
naroon na rin pala.
Ngunit saan naman kami kukuha ng suka. Malayo pa kami sa mga
restaurant.
"Ako na ang kukuha." prisinta ni Rose at
nagmamadali umalis.
"Ihi." ani Gray.
Sabay sabay kaming napatingin sa kanya.
"Sa probinsiya namin, ihi ang ginagamit." anito.
"That's a myth." ani Andrew.
"Ay, ganun din sa amin, ihi din ang ginagamit."
wika ng isa sa mga babaeng kasama namin.
"Bro, walang masama kung susubukan mo. Habang wala pa
ang suka, subukan mo na lang yun. Tutal mag-asawa naman kayo. Yan lang ang
banyo oh, dun mo na gawin." ani Gray.
Alinlangan man ay binuhat ako ni Andrew dahil sa sobrang
pag-aalala. Parang hindi siya doktor sa mga oras na yun, dahil siguro ako ang
pasyente niya kaya ganun na lang ito kung mag-alala at mabilis akong itinakbo
sa loob. Walang ibang tao doon kundi kami lang.
Pumasok kami sa cubicle at pinaupo niya ako sa toilet bowl.
Nanlaki ang aking mga mata nang bigla nitong ibinaba ang kanyang shorts at
underwear, sabay hugot sa kanyang Anaconda.
Kabanata 114
Andrew POV
"Congrats Andrew! Ginulat nyo kami." bati ni Dr.
Gray.
"Salamat!" tugon ko.
Saglit akong bumisita sa hospital ngunit hindi rin ako
magtatagal. Inaayos ko lang ang pagpa-file ng aking leave at resignation ni
Tintin.
"Hindi mo na talaga ako binigyan ng chance na makalapit
ha. Talagang binakuran mo na agad ang asawa mo." ani Gray. Naningkit ang
aking mga mata na tumingin kay Gray.
Itinaas naman ni Gray ang mga palad.
"Hey, relax, sport naman ako. Marunong akong tumanggap
ng pagkatalo." anito na napangisi dahil sa naging reaksyon ko.
"Bakit ka ba naririto at iniwan ang asawa mo sa
honeymoon nyo? Hindi na ba kaya ng tuhod?" pabirong sabi ni Gray.
"Red tide." mabilis kong sagot.
Hindi ko maitago ang disappointment. Tumawa ng malakas si
Gray dahil sa narinig. Tumawa ito ng tumawa na ikina-iling ko.
"Kaya pala sa lahat ng bagong kasal na nakita ko, ikaw
lang itong mukhang stress."
Maya maya pa ay tumigil na ito sa katatawa.
"Sabagay sa panahon naman ngayon, hindi na kailangang
maghintay ng honeymoon. Yung iba nga buntis na bago ikasal"
"Iba si Tintin, malinis ang asawa ko." buong
pagmamalaking saad ko. Hindi lahat ay nakakapag-asawa ng birhen sa panahon
ngayon.
Napanganga is Gray.
"Ibig mong sabihin, hanggang ngayon hindi ka pa rin
nakaka first based?" hindi makapaniwalang anito.
Hindi ko alam kung dapat bang ipagmalaki yun o ikahiya. Lalo
na at muli na namang tumawa ng tumawa si Gray.
"Ikaw ba talaga yan? Hindi lang napapabalita, pero alam
na alam ko ang pagiging malikot mo sa mga babae." mahinang sabi nito sa
nakakalokong tono.
Totoo ang sinabi ni Gray, hindi ko pinapalagpas ang mga
palay na kusang nagpapatuka sa akin, ngunit ginagawa ko lang ang mga bagay na
yun kapag wala akong girlfriend. Si Tintin lang talaga ang hindi ko sinamantala
ang pagkagusto sa akin dahil malaki ang respeto ko sa kanya.
"Sabi ko naman sayo, iba ang asawa ko. Ako lang ang
naging boyfriend niya kaya inosente yun at malinis na malinis." saad ko.
Saglit na natigilan si Gray at tumingin sa akin.
"Tutal red tide kamo bakit dimo samantalahin yun at
magpa-test ka muna, para siguradong wala kang tama." ani Gray.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kung sinasabi mong malinis pa ng asawa mo, hindi ba
nakakaawa naman siya kung may sakit ka pala tapos mahahawa siya sayo. Sa dami
ng mga babaeng naikama mo, hindi ka sigurado kung lahat sila malinis. Kelan ka
ba huling nagpatingin?" pag-uusisa nito.
"Last year?" sagot ni Andrew. Umiling iling si
Gray.
"Dude, ilang beses rin tayong nag bar since last year,
hindi ka lumalabas na walang bitbit na babae. Pano kung isa sa mga yun may
sakit?"
Napa-isip ako sa sinabi nito.
"Nah, I don't think so." wika ko.
"That's your choice, pero pag-isipan mo." ani
Gray.
Tumango tango ako habang nag-iisip.
"Sige na, kailangan ko nang balikan ang asawa ko."
"Oh wait, pupunta ka ba sa outing, that's two days from
now?" tanong ni Gray. Ang tinutukoy nito ay ang outing naming
magkakabarkada.
"Pag-iisipan ko." sagot ko.
"Pumunta ka na, para makilala na rin ng barkada natin
ang asawa mo, tutal naka-leave ka naman." pangungumbinsi ni Gray.
"Tatawagan na lang kita kung makakapunta ako."
sagot ko bago ako tuluyang umalis.
Agad akong bumalik sa aking condo. Dinala ko rito si Tintin
para dito na kami tumira. Sandali lang akong nawala ay namiss ko na siya agad.
Nadatnan ko siya sa silid namin na bagong ligo at nakatapis lang ng tuwalya.
Kahit malayo ay amoy ko na agad ang sabon at shampoo na ginamit nito.
"Kanina ka pa?" tanong nito sa akin ng makita ako.
Hindi ko siya sinagot, basta dire-siretso akong lumapit sa kanya para kabigin
siya sa beywang at siilin sa halik. Naramdamang kong unti-unti ng nagpaparamdam
ang aking alaga kaya agad na akong kumalas kay Tintin. Talo ko pa ang
tinotorture sa mga oras na ito.
Nagtungo ako sa banyo at doon ko pinakawalan ang aking
pag-iinit. Ganun na lang ang palagi kong ginagawa. Paglabas ko ay nakatowel na
lang ako. Si Tintin naman ay bihis na.
"Ilang araw pa ba yan?" naiinis kong tanong. Red
tide nya ang tinutukoy ko.
Kabanata 115
"Two to three days pa. Depende." ani Tintin.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Sa makalawa, mag-o-outing tayo kasama ang barkada ko,
tutal naman ay naka leave pa ako. Sayang kung hindi ako makakapunta, minsan
lang mangyari to, dahil busy kaming lahat."
Masaya si Tintin sa narinig. Matagal na rin daw siyang hindi
nakakapagswimming sa beach. Kaya ganun na lang ang excitement nito habang
nag-iimpake ng mga damit naming dalawa para sa 3 days at 2 nights stay.
"Kahapon pa tapos ang mens ko."
Muntik na akong masamid dahil sa narinig. Kadarating lang
naming mag-asawa sa beach kung saan gaganapin ang outin. Maaga kaming dumating
dito kaya nagdiretso muna kami sa restaurant para mag merienda.
"R-really?" kinakabahang kong sagot habang
pinupunasan ng table napkin ang aking bibig.
Ngumiti ng matamis si Tintin sa akin. Halos bumagsak ang
puso ko nang masilayan ang maamo at inosenteng nitong mukha. Lalo tuloy akong
kinabahan. Simula kasi nang makausap ko si Gray ay hindi na ako mapakali.
Napapaisip ako sa sinabi nito.
Paano kung tama si Gray, paano kung isa sa mga babaeng
naikama ko ay may nakakahawang sakit?
Nakakatawa lang dahil wala naman akong pakialam sa mga
ganung bagay dati, ramdam ko naman na wala akong sakit pero dahil sa pagmamahal
at respeto ko sa aking inosenteng asawa ay bigla tuloy akong nag-overthinking.
Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Nagiging weakness ang taong pinakamamahal.
"Sandali lang, magsi- CR lang ako." mabilis akong
nagpaalam saglit sa kanya.
Hindi naman talaga ako magbabanyo. Dinayal ko ang telepono
upang tawagan si Gray at sinagot naman nya agad ito. Ngayon pa lang daw ito
mag-o-out sa trabaho at didiretso na sa beach.
"Could you please provide the STI Testing kit for me,
tutal nasa hospital kapa, pakidala na lang pagpunta mo dito." pakiusap ni
Andrew sa kaibigan. Ang tinutukoy niya ay ang Séxually Transmitted Infection
(STI) test. Narinig ko ang pagtawa ni Gray sa kabilang linya.
"Sure no problem! Good decision pare." anito.
Pinatay ko na agad ang tawag dahil alam kong kakantyawan lang ako nito.
Matapos nang aming usapan ay binalikan ko si Tintin. Nagyaya
akong maglakad lakad sa dalampasigan. Ilang araw ko ring hinintay na matapos
ang dalaw ni Tintin at kung hindi lang ako biglaang nagdesisyon na magpa-test,
ay hihilahin ko na agad siya sa loob ng aming tinutuluyan. Sa ngayon, kailangan
ko munang magtiis. Kung maiiwan kaming magkasama sa isang silid ay siguradong
hindi ako makakapagpigil.
Habang naglalakad kami ay pumulupot si Tintin sa aking
braso. Lihim akong napapikit dahil naramdaman kong nagparamdam si Felix.
Pasimple akong kumalas kay Tintin at kunyari ay may itinuro. May mga sinabi ako
para dun mapunta ang atensyon niya upang hindi nito mapansin ang aking
ginagawang pag-iwas kagaya ng magkadikit ang aming mga katawan. Mahirap na baka
magalit na nang tuluyan ang aking alaga.
Maya maya pa ay nagpaalam ito para may kunin sa loob ng
cottage. Nagpaiwan naman ako sa labas, dito lang muna ako dahil delikadong
magkasarilinan kami sa loob. Maya-maya pa ay lumabas na si Tintin. Napalunok
ako ng makitang nagpalit ito ng damit. Napaka-ikli ng shorts nitong maong at
tinernuhan ng white sando na kapit na kapit sa katawan. Ang mabibilog at tayong
tayong dibdib nito ay humuhulma sa hapit nitong sando, na tila hinahamon talaga
ang aking pasensya. Nang humakbang ang aking asawa ay naramdaman ko ang mabilis
na pagtibok ng aking puso-hindi dahil sa kaba kundi sa hindi ko mapigilang
pagnanasa.
"Bakit nagpalit ka ng damit?" tanong ko na pigil
ang hininga.
"Mas komportable kasi ito. Saka wala na akong dalaw so
siguro naman ay pwede na akong magsuot ng ganito." balewala nitong sagot.
Marahan siyang naglakad papalapit sa akin kaya nasundan ko
ang bawat pagalaw ng kanyang makikinis na hita. Sinabayan pa ng mga mata nitong
malamlam na nakatingin sa akin at inosenteng ngiti na lalo pang nakapagpahirap
sa
aking nararamdaman dahil sa biglang pag-igting ng aking
pagkálalaki.
"Shit!" lihim akong napamura at saka tumalikod.
Hindi ko alam kung blessing in disguise ba na sumakit ang
ulo niya kaya natulog na lang ito sa cottage. Hindi niya alam na habang tulog
siya ay pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha. Hindi pa rin ako makapaniwala
na mag-asawa na kami. Ang dating napakabata sa aking paningin ay isa na ngayong
ganap na babae na palaging gumigising at bumubuhay sa aking pagkálalaki.
Marahan ko siyang dinampian ng halik sa noo.
Kabanata 116
"Soon Tintin..., Soon!"
Muli akong lumabas ng silid nang makatanggap ako ng tawag
mula sa mga kaibigan ko. Dumating na ang mga ito. Siniguro ko munang naka-lock
sa loob ang pintuan bago ako umalis. Kailangan lang kasi ng signature ko dahil
sa akin nakapangalan ang pavillion at catering service dahil ako ang sumagot
nito. Kinantyawan kasi ako ng mga kaibigan ko, dahil nagpakasal daw ako ng
hindi man lang nang-imbita. Nagsend ako ng text message kay Tintin upang
sabihin kasama ko ang aking mga kaibigan at kapag nagising siya ay tawagan niya
ako para sunduin siya.
Tulad ng inaasahan ay katakot takot na kantyaw ang natanggap
ko sa mga ito dahil sa aking pagpapakasal. Papalapit pa lang ako ng pavillion
ay nagsisigawan na ang mga ito.
"Akalain mo nga naman, nagpakasal na din sa wakas ang
workaholic nating kaibigan." wika ni Randy isa sa mga naririto ngayon,
napapalakpak pa ito. Tuwing magkikita kita kaming magkakaibigan ay palagi nila
akong binibiro na nabubuhay lang daw ako para magtrabaho.
"Akala ko habang buhay ka na lang na magtya-tyaga sa
patikim tikim sa mga babaeng umaaligid sayo." biro pa ng isa.
Nangingiti na lang ako habang naiiling sa mga kantyaw nila.
"Sino ba yung malas na nagpakasal sayo. Sana naman ay
hindi kasing boring mo." dagdag pa nila. Lihim akong napangiti. Isa sa
pinakasigurado ako, hindi boring ang asawa ko.
Konting kumustahan ang nangyari, kasama nila ang kanilang
mga asawa at girlfriends. Naisip kong magpaalam muna para puntahan si Tintin,
ngunit bago pa magpaalam muna para puntahan si Tintin, ngunit bago pa man
mangyari yun ay natanaw na nila si Gray.
"Oh andito na rin pala ang bubuyog natin." wika ng
isa sa mga kaibigan ko. Bubuyog ang tawag nila kay Gray dahil sa reputasyon
nito sa pagiging matinik sa mga babae.
"Uy, mukhang kasama ang girlfriend ah."
Napatingin ako sa direksyon ni Gray at laking gulat ko nang
makitang kasama nito si Tintin.
"Parang ang bata yata, mukhang estudyante pa."
"Aba at ang gago, mukhang naging DOM na yata, nasilaw
sa ganda."
Nagtatawanang sabi ng mga kaibigan ko. Hindi ko naman pansin
ang biruan ng mga ito dahil na kay Tintin ang atensyon ko. Bakit sila
magkasama?
"Grayson, dumating ka na rin sa wakas!" malakas na
sabi ni June.
Nagsalubong ang tingin namin ni Tintin.
"Girlfriend mo? Mukhang nagseryoso na yata ang bubuyog
ng grupo ah." biro ng isa pa.
"Anong pinagsasabi nyo dyan? Asawa ko yan." saad
ko at mabilis kong nilapitan si Tintin.
"Nagkasabay lang kami sa daan." ani Gray ay
ngingisi ngising nakatingin sa akin. Parang aakyat yata ang dugo sa ulo ko na
makita silang magkasama.
Hinawakan ko ang kamay ni Tintin, titig na titig sya sa
akin. Humarap ako sa mga kaibigan ko.
"Si Kristina, asawa ko." saad ko. Nanlalaki ang
mga mata ng mga ito.
"Yup, nasilaw ako sa ganda." pagbibiro ko. Kitá ko
ang nakakalokong ngiti ng mga ito.
Ipinakilala ko si Tintin sa kanila. Natutuwa ako na kasundo
niya ang lahat ng mga babaeng naroroon. Habang nakikipag-usap ito ay pasimple
kaming nagtungo ni Gray sa tagong lugar upang isagawa ang test sa akin.
"Maya-maya lang ay narito na yung inutusan kong kukuha
nito para madala agad sa lab." ani Gray na ikinapanatag ng aking loob.
Muli kaming bumalik sa pavillion at nilapitan ko si Tintin.
Miss na miss ko na talagang yakapin ang asawa ko. Kaya naman walang oras na
hindi ako nakapulupot sa kanya. Iba kapag maraming tao, nawawala sa kahalayan
ang focus ko.
Pwera na lang nung bumalik na kami sa cottage. Doon ay
muling bumalik ang tensyon sa dibdib ko dahil kaming dalawa na lang ngayon dito
sa loob. Kaya naman ginawa ko ang lahat para iwasan siya kagaya ng kunwaring
may kausap sa telepono kaya kinailangan kong lumabas ng cottage. Mabuti na lang
at tulog na siya nang bumalik ako sa loob.
Kabanata 117
Andrew POV
Nasa pavillion na ang mga kaibigan ko at nag-aalmusal kaya
niyaya ko na rin si Tintin. Masaya ako na kasundo ni Tintin ang mga kababaihang
kasama ng aking mga kaibigan. Kahit naman umiiwas ako ay todo asikaso ko pa rin
ang almusal niya.
Maya-maya pa ay nagpaalam ang mga kababaihan upang
magbonding kung saan at naiwan kaming mga kalalakihan dito sa pavillion.
"What?!?!"
Punong puno ng pagpoprotesta ang tono ng boses ko dahil sa
sinabi ni Gray.
"Oh etong cellphone ko, basahin mo. Nagkasakit daw yung
laboratory technician kaya late na-process yung test mo. So bukas pa darating
ang result." anito at inilapag ang kanyang cellphone para basahin ko.
Napatayo ako sa aking kinauupuan at malakas na napahampas sa
lamesa sa aking harapan.
"F*ck!!!" malakas na mura ko.
Lahat naman ng mga kasama namin ay napatingin sa amin ni
Gray. Takang taka ang mga ito at nilapitan kami. Dahil dun ay nalaman nila ang
nangyayari. Hindi yun nakatulong dahil mas lalo itong nakadagdag nang inis ko
dahil inulan lang naman ako ng kantyaw mula sa mga ito.
"Hindi kasi alam ng asawa nya na walang pinalalagpas na
babae yang si Andrew. Buong akala nung isa, santo ang pinakasalan nya."
biro ni Gray.
"Hey, ayusin mo yang salita mo, kahit minsan hindi ako
nangaliwa ng girlfriend. I only see other women when I'm not involved in a
relationship. Hindi ako kagaya mong pinagsasabay sabay ang mga babae mo."
protesta at paglilinaw ko
"Pero ang hindi niya alam, napakarami mo nang nai-kama.
No choice ka talaga kundi hintayin yung resulta. Kung hindi, kawawa naman ang
virgin wife mo kapag nagkataong may tama ang isa sa kanila."
Lumapit si Randy at inakbayan ako.
"I'm sorry to hear that dude. Ang saklap niyan."
nakangising sabi nito.
Hindi ko maintindihan kung nakikisimpatya ba o nang-aasar
lang. Inis na inalis ko ang pagkaka-akbay nito sa akin. Laglag ang balikat ko
na umiiling iling.
"Okay guys, isang tagay para sa pakikiramay sa séxlife
ni dok Andrew." nakakalokong sabi ni June.
Sabay sabay pang nagsitaasan ang kanilang mga baso, kahit
hindi naman alak ang iniinom.
"RIP!!!" sabay sabay na anang mga ito, sa halip na
cheers.
Naiiling ko na lang na pinanood ang mga palabiro kong
kaibigan. Idinadaan ko na lang sa mapaklang tawa ang kanina pang nagpipigil ko
ng inis dahil sa balitang bukas ko pa maaangkin ang aking asawa. Anong palusot
na naman kaya ang gagawin ko mamayang gabi? Hindi ko naman pwedeng sabihin sa
kanya ang totoo. Anong sasabihin ko? Na dahil sa kalikutan ko sa babae ay
natatakot akong malaman na may sakit ako? Hindi ito ang tamang oras para
ungkatin ang mga ganitong bagay-hindi sa honeymoon namin.
Sana lang ay wag akong gapangin ni Tintin dahil siguradong
hindi ko siya matatanggihan lalo na at ga-hibla na lang ang pagpipigil na
natitira sa akin.
Nasa kasagsagan ng kantyawan nang bumalik ang mga kababaihan
upang magpaalam na mga mamamangka ang mga ito.
"Hihiramin muna namin ang asawa mo ha, mamamangka lang
kami."
Si Rose ang nagsalita, ang asawa ni June. Saka nito hinila
si Tintin mula sa likuran.
Parang bumagsak ang aking panga at hindi nakakilos sa aking
kinatatayuan nang masilayan ko si Tintin suot ang red string bikini. Buong
paghanga kong hinagod ko ang kanyang kabuuan.
"She's hot as f*ck!" Napabuka ang aking bibig
ngunit hindi ako agad na nakapagsalita
"Andrew, sabi ko hihiramin muna namin ang asawa mo.
Ayos lang ba?" ulit ni Rose.
Para akong napipi dahil walang salitang lumabas sa aking
bibig habang patuloy na nakatitig kay Tintin na hindi rin nagsasalita at
mukhang naghihintay sa aking pag-apruba. Marahan akong napatango. Hanggang sa
makalayo sila ay nakatanaw pa rin ako sa aking asawa. Napaigtad ako nang may
biglang umakbay sa aking balikat.
"Ang saklap!" ani Marvin na umiiling iling.
Muli na namang nagsimulang nangantsaw ang mga kaibigan ko.
"Tingnan natin kung hanggang kailan makatiis itong
kaibigan natin." wika ng isa na nauwi pa sa pustahan ng mga ito.
Sh*t! Parang hindi na yata ako makakatagal hanggang mamayang
gabi lalo pa't hindi na mabura-bura sa isipan ko ang magandang katawan ni
Tintin.
Para akong timang na tatanaw tanaw sa direksyong pinuntahan
ng mga nito. Maya't maya akong sumusulyap kung nakabalik na sila. Hindi ko na
iniintindi pa ang pagbibiro ng mga kasamahan ko. Nakakadagdag pa nga ang mga
ito sa pressure na aking nararamdaman dahil paulit-ulit na ipinapaalala ng mga
ito ang hirap na aking pinagdaraanan sa mga oras na ito.
Muli kong natanaw sina Tintin na bumaba ng bangka pagkalipas
ng isang oras ngunit nanatili ang mga ito sa dagat at nagswimming. Kahit malayo
ay tanaw na tanaw ko si Tintin, napakaseksi talaga niya.
Kabanata 118
"Para kang senior citizen, patanaw tanaw na lang."
pabirong sabi ni Gray na nakalapit na pala.
Hindi ko siya nilingon at napailing na lang ako.
"Hindi ka naman siguro nakatingin sa asawa ko ngayon,
tama?" saka ko siya tinapunan ng naniningkit na tingin. Napatingin naman
ito sa akin at tumawa.
"Whoa! Dude, tapos na tayo dyan. Kahit pa nga hindi ka
lumaban sa akin ng patas, asawa mo na siya kaya game over na. I wish you both
all the best." anito at nakataas pa ang mga palad.
Sasagot pa sana ako sa kanya nang makita ko si Tintin na
tumakbo sa buhanginan at ilang saglit pa ay parang pínapalibutan na ito ng mga
kasama niyang babae na waring nagkakagulo. Nagkatinginan kami ni Gray, likas na
siguro talaga sa aming dalawa dahil sa nature nang aming trabaho na makita agad
ang panganib kaya nagkaunawaan na agad kami na may maling nangyayari. Mabilis
namin tinakbo ang direksyon nina Tintin. Napakablis nang aking takbo dahil sa
tindi nang pag-aalala ko sa aking asawa.
"What happened?" nag-aalala kong tanong ng
makalapit ako sa kanila.
"She got stung by jellyfish." ani Bella.
"Hon.." usal ko nang makita si tintin na nakaupo
at nakangiwi ang mukha. Mabilis akong tumabi sa kanya ng paluhod. Kita ko ang
pamumula ng itaas na parte ng hita niya.
Nagprisinta si Rose para kumuha ng suka. Samantalang wala
akong nagawa kundi ang pakinggan ang suhestyon nilang lahat na ihi ang gamitin
dahil sa tindi nang pag-aalala ko kay Tintin. Parang nawala ang aking pagiging
doktor na desperadong kakapit kahit pa sa mga sabi-sabi dahil nakikita ko ang
pag-aalala sa mukha ng aking asawa. Binuhat ko si Tintin at dinala sa loob
restroom na malapit. Mabuti na lang at walang ibang tao dito ngayon dito kundi
kaming dalawa lang.
Dinala ko si Tintin sa loob ng cubicle at pinaupo siya sa
toilet bowl. Nang makita kong maayos na ang pagkakaupo niya ay hindi na ako
nagdalawang isip-at walang pag-aalinlangan kong hinubad ang aking suot na
shorts kasunod ang aking underwear.
Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Tintin nang
makita niya ang aking naghuhumindig na alaga.
"Sure ka ba, gagawin mo ito?" tanong ni Tintin na
namimilog pa rin ang mga mata.
"Wala tayong choice hon, wala namang mawawala kung
susubukan natin." wika ko ng buong pag-aalala.
"Ibuka mo ang hita mo." utos ko sa kanya.
Kailangan ko yung gawin dahil malapit lang sa singit nito
ang pamumula. Napalunok ako nang ibuka ni Tintin ang kanyang mga hita.
Kakapiraso lang ang suot nitong bikini at halos lumabas na ang gilid ng
pinakakatago nitong pägkababae.
Tumingala pa si Tintin upang tumingin sa akin. Hindi
nakatulong nang makita kong kagat labi pa ito. Para akong tinotorture ng mga
oras na ito, lalo na nang yumukod ako para itututok ang aking alaga sa tapat ng
balat nya. Kailangang halos dikit na ang ulo ni Junjun para hindi tumilamsik
kapag umihi na ako. Kumapit si Tintin sa aking magkabilang braso at hinihintay
ang pag-ihi ko.
Kitang kita ni Tintin ang paninigas ng aking alaga dahil
nakatingin din ito habang itinututok ko sa kanyang balat. Kaya naman mas lalo
pa akong pinanigasan.
Dahil sa napakaliit ng cubicle ay hirap na hirap ako sa
aking posisyon, para akong nakasquat na halos padapa na sa kanya kaya para
akong matutumba.
"Hawakan mo." utos ko kay Tintin. Yun lang ang
nakikita kong paraan para hindi ako ma-off balance.
"A-ako? Bakit ako?" kinakabahang tanong ni Tintin.
"Natutumba ako, kailangan kong kumapit at ituon ang
kamay ko sa pader." paliwanag ko.
Kita ko ang panginginig ng mga kamay ni Tintin nang uti-unti
nyang abutin ang alaga kong tigas na tigas na. Napapikit ako nang mariin nang
tuluyan na nya itong mahawakan.
"Oh God!!!" hindi ko napigilang masabi at
mapaungol. Bigla yung nabitawan ni Tintin, buong akala niya ay nasaktan ako.
"Sorry, nasaktan ba kita?' alalang tanong nito.
"Hindi, ituloy mo lang." pikit matang utos ko.
Muling hinawakan ni Tintin ang aking alaga. Marahan niyang
itinutok ang ulo ni Junjun sa tapat ng mga pantal na malapit sa singit nito. At
nang naipwesto na ni Tintin nang tama ay saka ako maingat na umihi para hindi
tumilamsik.
Nang matapos na ako ay marahan kong inagaw ang aking sawa
mula sa pagkakahawak niya at tumuwid ako ng tayo. Nang lumabas kami ng cubicle
ay pareho kaming pulang pula ang mga mukha. Lalo na si Tintin, ni hindi niya
magawang tumingin sa akin. Tahimik kaming naghugas ng mga kamay at saka
lumabas.
"Okay na?" tanong ng mga kasama namin.
Kabanata 119
Umoo kami at hindi ko alam kung napansin nila ang
pagkakailangan namin ni Tintin. Maya maya pa ay natanaw na namin si Rose na
tumatakbo pabalik sa pwesto namin.
"Eto na yung suka. Pasensya na, medyo natagalan, may
nakapagsabi kasing may nabibiling ointment dun sa tindahan dahil may mga dikya
nga talaga daw dito, kaya binili ko na rin." anito nang makalapit.
Muling bumalik si Tintin sa loob ng banyo at sinamahan na
siya ngayon ni Rose. Nang makalabas sila ay mukhang okay na si Tintin.
"Hindi na masyadong makati." anito kaya nawala ang
aking pag-aalala dahil sa sinabi niya.
"Okay na ako Andrew, pwede ka nang bumalik sa mga
kaibigan mo." tipid na ngumiti sakin si Tintin na tila naiilang pa rin.
Niyakap ko siya at dinampian siya nang halik sa labi saka
nagpaalam na sa kanila.
Nang medyo nakalayo na ako sa kanila ay saka pa lang ako
parang nakahinga nang maluwag. Para akong tinotorture ngayon. Napakaganda ng
katawan ng asawa ko, ang kinis pa pero hanggang tingin na lang ako. Kapag
talaga lumabas ang resulta ng test ay ibubuhos kong lahat ang aking pananabik
at sisiguraduhin kong ihi lang ang magiging pahinga ni Tintin.
Wala ako sa mood na bumalik sa pavillion. Naupo ako sa sulok
at basta na lang nakatingin sa kawalan.
"Andrew mukhang may magsisimula na namang mag-asar kaya
hindi ko pinansin
"Wag nyong lokohin yan, mainit ang ulo niyan."
biro ni Gray na mukhang naikwento na sa kanila ang nangyari at kung anong
ginawa naming mag-asawa sa loob ng banyo.
"Aling ulo?" narinig ko pa silang nagtawanan.
Maya-maya pa ay nagsawa na rin sila sa pang-aasar at
nagpatuloy sa kasiyahan. Hanggang ngayon ay mainit pa rin ang aking ulo dahil
sa nangyayari. Napatayo ako at sa inis ay nasipa ko nang ubod nang lakas ang
upuan kaya tumalsik ito. Natahimik silang lahat at nagulat sa akin ginawa. Sa
grupo namin ay ako ang pinaka kalmado sa lahat at ngayon lang nila ako nakitang
naubusan ng pasensya. Bilang mga lalaki ay siguradong nauunawaan nila ang
nararamdaman ko ngayon.
Nilapitan ako ni June.
"Bro, isipin mo na lang na para din naman sa kabutihan
ng asawa mo yan." pakikisimpatiya nito na ngayon ay seryoso na.
"I know, but it's so frustrating and it's killing
me!" daing ko out of frustration.
Narinig kong nagsalita si Gray.
"Lahat ng nangyayari may dahilan." anito na parang
pastor kung magsalita. Nailing na lang ako sa kanya. OA naman niya.
"Andrew, naaalala mo pa ba nung sinabotahe mo ang date
namin ng asawa mo? Ibinulong ko sayo noon na lintik lang ang walang
ganti." wika ni Gray.
Kumunot ang aking noo at pilit iniintindi ang ibig niyang
sabihin. Inihagis sa akin ni Gray ang isang papel. Bumagsak yun sa aking
paanan. Yumuko ako para damputin ito. Binasa ko ang nakasulat dito, at saka
napatingin kay Gray.
"Kagabi pa dumating yang result. Negative ka, ibig
sabihin malinis na malinis ka dok." nakangising sabi nito.
Parang biglang umakyat lahat ng dugo sa aking ulo nang
marinig ang sinabi nito. Namula ang aking mukha sa matinding galit. Mabilis at
hindi na nagawa ni Gray na makaiwas nang lapitan ko siya at kwelyuhan. Isang
napakalakas na suntok ang ibinigay ko sa kanya. Muntik na itong natumba kung
hindi lang ito nasalo ng mga kasama namin.
Mabilis akong tumalikod at malalaki ang aking mga hakbang na
naglakad papalayo sa kanila. Narinig ko silang nagsisigawan at nagsisipulan-
dahil nasisiguro na nila kung saan ako patungo ngayon.
Mabilis kong narating kung nasasaan si Tintin. Nakita kong
nakaluhod ito sa buhanginan at tila nagbubuo ng kastilyong buhangin. Nakita nya
ako at agad siyang ngumiti sa akin.
"Andrew.." masayang bati nito.
Nagulat ito nang mabilis kong hinagip ang kanyang
pupulsuhan, kaya napatayo ito.
"Let's go!" saad ko.
Nagtataka man ay napasunod na lang si Tintin sa akin.
"Andrew bakit ka ba nagmamadali?" takang tanong
nito.
Halos kaladkarin ko na siya sa bilis at laki ng aking mga
hakbang sa kagustuhan kong marating na agad ang aming tinutuluyan. Upang ituloy
na sa wakas ang matagal na dapat namin ginawa.
Sa bilis nang aming paglalakad ay agad naming narating ang
cottage at wala akong inaksayang oras. Binuksan ko agad ang pintuan at hinila
si Tintin sa loob. Isinadal ko siya sa pader at saka ubod nang lakas kong
isinara ang pinto.
Kabanata 120
(SPG)
ANG PAGTATAPOS
Tintin POV
"Andrew?"
Abot-abot ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang niya akong hinihila. Saan ba kami
pupunta at bakit parang galit na galit siya? Ano bang kasalanan ko?
Hindi niya binitiwan ang aking kamay habang patungo kami sa
pamilyar na daan, patungo sa aming tinutuluyang cottage.
"Andrew bakit ka ba nagmamadali?" pakiramdam ko
kasi ang mapapasubsob ako kung hindi kami mag-iingat. Tuloy tuloy lang kami
hanggang sa marating namin ang cottage. Mabilis nabuksan ni Andrew ang pintuan.
Isinandal niya ako sa pader at pasarang tinulak nito ng ubod
nang lakas ang pintuan na nagpaigtad sa akin. Sunod ay ako naman ang kanyang
binalingan.
Nagsalubong ang aming mga mata, kapwa naghahabulan ang aming
mga hininga. Kitang kita ko ang pagtaas baba ng dibdib ni Andrew na titig na
titig sa akin, kaya mas lalong lumalalim ang aking paghinga dahil sa kaba.
Tatanungin ko pa sana siya kung anong nagyayari nang bigla
niyang sapuhin ang aking batok at saka ako walang pakundangang siniil ng halik.
Napapikit ako nang sakupin niya ang aking bibig nang walang
pag-iingat. Marahas at punong puno ng pananabik kaya mabilis niyang nabuksan
ang aking bibig. Agad niyang natagpuan ang aking dila at mapusok na hinigop na
tila may kasamang pag-angkin, walang segundong nais sayangin, animo'y mauubusan
ng oras habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking ulo. Ang kanyang kamay
ay bumabaon sa aking buhok na parang ayaw akong pakawalan. Nauubusan na ako ng
hininga kaya malakas ko siyang itinulak, kaya nagawa kong makawala at saka
hinabol ang aking hininga para mag-ipon ng hangin.
"Andrew, hindi ako makahinga." daing ko sa kanya.
Kita ko ang pagpoprotesta sa kanyang mga mata nang lumayo
ako.
Kahit hindi niya sabihin ay alam ko na kung saan kami
patungo, kung bakit biglaan ay hindi ko alam, ngunit hindi yun ang aking
inaalala - napakaraming buhangin sa balat ko dahil nakasalampak ako kanina sa
buhanginan. Ayoko namang may mangyari sa aming dalawa na ang dumi dumi ko at
ang alat pa ng balat ko.
"Magshoshower lang ako." mahina kong sabi ngunit
parang wala siyang naririnig at muli niya akong siniil ng halik.
Napasinghap ako ng pangkuin niya ako habang patuloy akong
hinahalikan. Naglakad siya patungo sa banyo habang buhat buhat pa rin ako. Saka
lang niya ako ibinaba nang makarating kami sa loob upang buksan ang shower.
Mabilis na nahubad ni Andrew ang lahat nitong saplot habang naghihintay na
lumabas ang maligamgam na tubig mula sa shower head.
Alam kong sa oras na ito ay wala na talagang urungan ang
aming pag-iisa dahil parang hindi na magpapapigil pa ang naghuhumindig nitong
pagkalalaki. Napalunok ako habang iniisip kung paano yun magkakasya sa akin.
Nahinto ako sa iniisip nang bigla niya akong buhatin at itapat sa lagaslas ng
tubig.
Dumiretso agad ang kaniyang labi sa aking leeg at ramdam ko
ang pangigigil niya sa aking balat. Napa-daing ako ng maramdaman ang kanyang
mariing pagsipsip habang ang mga kamay naman nito ay abalang tinatanggal ang
natitira ko pang saplot sa katawan. Nang lumantad ang aking dibdib ay agad niya
itong sinunggaban. Napaliyad ako ng maramdaman kong sinakop ng kaniyang mainit
na bibig ang tuktok ng aking magkabilang bundok at halinhinan niya yung
pinagsawaan.
Sa kabila ng kalikutan ng mga kamay at labi ni Andrew ay
nagawa pa rin niya akong sabunin at banlawan. Nang matapos ay muli niya akong
binuhat at inilabas sa shower. Kinuha niya ang towel at tinuyo niya ang aking
katawan.
"Tapos na tayo?: tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa
akin.
"Magsisimula pa lang." usal niya at muling sinakop
ang aking bibig.
Namalayan ko na lang na naihiga na ako ni Andrew sa kama,
saka siya yumukod palapit sa aking katawan. Napasinghap ako nang dumiretso ang
kanyang labi sa aking puson. Naramdaman kong gumagapang ang kanyang labi
pababa. Sandali siyang huminto sa kanyang ginagawa- hinawakan niya ang aking
magkabilang hita at marahan niya yung pinaghiwalay. Napapikit ako sa hiya.
Bukas pa naman ang ilaw at sigurado akong kitang kita niya ang aking
pagkababae.
Mariin akong napakagat ng labi nang maramdaman kong bumaba
ang kanyang mukha sa pagitan ng aking mga hita. Hindi ko mapigilan ang
mapaungol nang makaramdam ako ng kakaibang sensasyon nang maramdaman kong
hinahagod ng kanyang dila ang aking pagkababae.
"Ooooohhh.." daing ko at hindi ko mapigilang
mapaliyad habang hinahagod ko ang kanyang buhok.
Kabanata 121
"Andrew..." hindi ko mapigilang banggitin ang
kanyang pangalan nang maramdaman kong ipinasok nya ang kanyang daliri sa aking
kalooban. Napangiwi ako ngunit mas nanaig ang sarap na dulot nito.
Hindi ako magkaintindihan kung saan ko ibabaling ang aking
mukha lalo na nang diinan pa niyang lalo ang pagbaon ng kanyang bibig sa aking
hiyas. Pakiramdam ko ay mawawala ako sa aking ulirat. Ramdam kong parang may
sasambulat na hindi ko maintindihan. Malakas kong naisigaw ang kanyang pangalan
ng tuluyan ko na ngang narating ang kasukdulan habang napaangat naman ang buo
kong katawan.
Nanginginig akong bumagsak sa kama at hinang hina na waring
kinuha lahat ni Andrew ang aking buong lakas.
Umangat si Andrew at kumubabaw sa akin.
"Ready ka na?" tanong nito sa akin.
Hindi ko magawang sumagot dahil hinang hina pa ako.
Para akong lutang at wala pa rin sa katinuan dahil nasa isip
ko pa rin ang ginawa niya sa aking hiyas.
Saka pa lang ako parang nagising nang maramdaman kong may
matigas na bagay ang pumapasok sa aking bukana.
"Sandali..., ansakit." pigil ko kay Andrew dahil
parang pinupunit ang aking pagkababae
Agad naman siyang huminto, nang rumehistro ang sakit sa
aking mukha.
Nararamdaman ko na hinahagod nya ang dulo ng kanyang
pagkalalaki sa aking bukana na waring tinutukso ang aking pagkababae. Ramdam ko
ang aking mabilis na pamamasa at siguradong batid yun ni Andrew kaya muli
nitong inaro ang kanyang naninigas na k*****a. Marahan niya itong ipinasok sa
akin. Napapikit ako sa sakit ngunit hindi ko siya pinigilan dahil hindi na rin
talaga ako makapaghintay sa aming pag-iisa.
Dama ko ang animoy isang kahoy na pumasok sa aking kalooban.
Saglit na huminto si Andrew at saka biglang ibinaon ang kanyang sandata nang
walang babala dahilan para bumulusok siya papasok.
"Aaaaahh.." doon na ako napasigaw sa sobrang
sakit. Napakahapdi at parang may napunit sa aking kaloob looban.
Hindi muna siya kumilos. Sa halip ay siniil niya ako ng
halik at tumugon naman ako. Maya maya pa ay nararamdaman ko nang kumikilos
siyang muli. Marahan
siyang umaakyat baba sa aking katawan-pabilis nang pabilis.
Masakit nung unang ngunit habang tumatagal ay malaya na siyang nakakalabas
masok sa akin. Masakit man ay mas nananaig pa rin ang kakaibang pakiramdam na
nagdudulot sa akin ng kakaibang ligaya. Ipinulupot ko ang aking braso sa
kanyang likuran. Habang bumibilis ang kanyang paglabas masok ay mas lalong
hindi ako magkaintindhan kung saan ko ipupwesto ang aking mga kamay.
Parang may sariling utak ang aking mga binti na kusang
pumulupot sa kanyang mga hita habang ang mga kamay ko ay nakakawit na ngayon sa
kanyang balikat. Ang daing na inilalabas ko ngayon ay sanhi na nang malakas na
paghampas ng kanyang katawan sa aking harapan. Ang malalakas at sunod sunod
niyang pagbayo ay nagdudulot na ngayon ng malakas na langitngit sa aming kama.
Ilang minuto rin siyang walang tigil sa kanyang ginagawa na
mas bumilis pa nang bumilis at tila walang kapaguran, hanggang sa marinig ko na
siyang umuungol at tinatawag ang aking pangalan.
"Ooooohh.. Tin..." malakas niyang daing.
Umungol siya na parang nahihirapan at tila kakapusin ng
hininga hanggang sa maramdaman kong naninigas ang kanyang buong katawan dahil
narating na niya ang kasukdulan.
Humihingal siyang napasubsob sa akin kaya naramdaman ko ang
bigat ng kanyang katawan. Dinig ko ang malakas at sunod sunod niyang paghinga.
Ilang saglit pa ay kumalas siya sa akin at tumihaya.
Maya maya pa ay tumagilig ako para sana bumaba ng kama pero
niyakap niya ako mula sa aking likuran kaya ramdam ko ang init nang magkadikit
ang aming mga katawan.
Haharap sana ako sa kanya pero pinigilan niya ako.
"Stay still." anito kaya hindi ako kumibo at
nanatili na lang sa aking posisyon.
"I love you!" bulong nito na may kasamang mainit
na hininga na dumadampi sa aking batok.
Habang nasa ganung posisyon kami at nararamdaman ko ang
kanyang pagkalalaki na nakadantay sa aking puwitan, gising pa rin ito.
Nakakailang, kaya medyo umiba ako ng pwesto, ngunit nadarama ko pa rin ito.
Ramdam ko ang unti unting pagkilos ni Andrew, parang mas
idinidikit pa nga nitong lalo ang kanyang alaga na buhay na buhay pa rin, na
hindi naman yata natulog saka paulit ulit na idinadantay ito sa aking likuran
na waring tinutukso na naman akong muli.
Napapikit ako nang may namumuo na namang kiliti akong
nararamdaman. Ang simpleng pagdantay na ginagawa niya ay mas naging agresibo
pa. Biglang bumalikwas si Andrew at bumaba ito ng kama saka tumayo sa dulo.
Nagulat na lamang ako ng bigla niyang hilahin ang mga paa ko
kaya padapang napadaus-os ako palapit sa kanya.
Kabanata 122
"Tuwad." utos nito sa akin.
Mabilis ko siyang sinunod at tumuwad patalikod sa kanya.
Hinila niya ako sa aking balakang upang mas mapalapit pa sa
kanyang pwesto.
Dama ko ang matigas na bagay na nakatutok sa bukana ng aking
hiyas at pilit na ipinapasok ni Andrew ang bagay na yun. Napasigaw ako sa sakit
nang isang malakas na bayo ang kanyang ginawa upang mabilis maipasok ang
kanyang pagkalalaki.
Nagsimula na naman siyang kumilos habang mahigpit ang
pagkakahawak nya sa aking balakang. Hindi na kasing ingat nung una ang kanyang
galaw at pagbayo sa aking pagkababae. Habang tumatagal ay mas lalo pa itong
bumibilis. Gumapang ang dalawang kamay ni Andrew at nagtungo ito sa aking mga
dibdib. Habang binabayo niya ako ay mahigpit ang kanyang pagpisil at pagkapit
sa aking magkabilang dibdib.
"Oooohhh...."
Sabay kaming umuungol habang walang humpay ang paglabas
masok niya sa aking pagkababae. Habang tumatagal ay nararamdaman kong mas lalo
pang tumitigas ang kanyang pagkalalaki na parang may kahoy na naglalabas masok
sa aking kaloob looban.
Nararamdaman kong malapit na niya ulit marating ang
kasukdulan dahil parang nawawala na naman ito sa kanyang sarili dahil sa ubod
nang bilis at walang kontrol ang kanyang walang humpay na pagbayo. Isinisigaw
na niyang muli ang aking pangalan at mas umiigting pa ang kanyang pagpisil sa
aking magkabilang dibdib.
"Oooohhh.. Tilin.." malakas nitong daing habang
nanginginig ang kanyang buong katawan, hudyat na narating na naman nito ang
kasukdulan.
Hinalikan ako ni Andrew sa aking balikat at dinig ko ang
kanyang malakas na paghinga.
Akala ko ay tapos na kami ngunit itinulak ako ni Andrew kaya
napadapa ako sa kama, kasunod ay ang paglapat ng kanyang katawan sa aking
likod.
Nagsisimula na naman itong gumalaw. So, hindi pa nga kami
tapos.
Sa una ay marahan itong bumabayo hanggang sa bumilis na
naman yun. Sobrang bilis ang pag-akyat baba nito habang naglalabas-masok sa
aking pagkababae. Naririnig ko ang kanyang hininga na tila nagmamadali. Hindi
ko na rin mapigilan ang mapadaing ulit dahil sa lakas ng paghampas ng kanyang
katawan sa aking likod.
Isinubsob ko na lang ang aking mukha sa kama habang
tinatanggap ang bawat pag-ulos ni Andrew.
Narinig kong inuungol na naman niya ang aking pangalan
habang mas bumibilis pang lalo ang kanyang pagbayo. Sa pangatlong beses ay
narating niya ang r***k ng langit, nanigas na naman ang kanyang buong katawan
at umuungol na naimoy sobrang nahihirapan.
Muli ay naramdaman ko na naman ang paglalawa ng aking
pagkababae, samantalang siya naman ay tila namahinga na sa aking likuran kaya
ramdam ko ang kanyang bigat. Nakasubsob siya gilid nang aking batok at mula sa
aking likuran ay dama ko ang malakas na pagtahip ng kanyang dibdib kasabay ang
malalakas niyang paghingal na animoy mauubusan ng hininga. Ilang sandali rin
kaming nanantili sa ganung pwesto.
"I love you Tin!" bulong nito sa akin.
Maya-maya pa ay kumalas ito sa akin at saka tumihaya. Tatayo
sana ako ngunit hinawakan niya ako.
"Nanlalagkit yung ano ko, lilinisin ko lang." saad
ko at saka pa lang niya ako binitawan.
Dahan dahan akong tumayo at saka ko pa lang ulit naramdaman
ang pananakit ng aking pagkababae. Paika-ika akong naglakad patungo sa banyo.
Nagdiretso ako at nilinis sarili. Nang matapos ay tinuyo ko ang aking katawan.
Hirap na hirap akong umihi dahil sa mahapdi ang napunit kong pagkababae. 1
Muli akong bumalik sa kama at hubot hubad na tumabi kay
Andrew na nakahiga pa rin hanggang ngayon. hindi nagbago ang kanyang pwesto.
Mukhang napagod siya nang husto.
Napakagat ako ng labi nang masilayan ang kanyang kahubaran.
Wala yata siyang balak na linisin ang kanyang katawan.
Bumalik ako sa banyo at nagpalinga-linga. Nakakita ako ng
wet wipes at saka muling nagtungo sa kama. Nakahiga pa rin si Andrew kaya umupo
ako sa tabi niya.
"Eto, linisin mo ang sarili mo." sabi ko sa kanya.
"I will, give me a second" anito na nakapikit pa
rin, tila nais munang magpahinga.
Pero hindi ako makatiis, tutal ay nagalaw na niya ako kaya
hindi na ako ganung nahihiya na tingnan ang kanyang kahubaran, slight na lang.
Nagkusa na ako at nilinis ang kanyang hinaharap. Nagulat p siya pero ng ipilit
ko ay hindi naman ito tumutol. Sa puntong ito, ramdam kong hindi na ako ang
dating Tintin. Hindi na lang sarili ko ang inaalala ko, kagaya ngayon. Ang
malaya kong paghawak ko sa bawat parte ng kanyang katawan ay nagpapaalala na
ganap na talaga naming pag-aari ang isa't isa.
Kabanata 123
Pagkatapos ko ay bumalik ako sa banyo upang itapon ang
pinaglinisan.
Muli akong bumalik sa kama at tumabi kay Andrew. Umayos kami
ng pwesto na magkatabi sa ilalim ng kumot at awtomatiko niya akong niyakap.
"I love you hon... kumusta ka, masakit ba?"
nag-aalala niyang tanong habang nakatingin sa akin.
"Oo." nahihiya kong sagot. "Di mo naman ako
dinahan dahan eh."
Ngumiti siya sa akin.
"Sorry..., ikaw ba naman ang mabitin ng
paulit-ulit." natatawang anito. Yumakap ako sa kanya at sumiksik sa
kanyang dibdib.
"Finally, nagawa rin natin." nakangiting sambit
niya at hinalikan ako.
"I love you!" anito.
Kakaibang saya ang nararamdaman ko ngayong naipagkaloob ko
na sa kanya ang aking pagkababae. Basta, masayang masaya ang puso ko ngayon.
"I love you too!" bulong ko.
Niyakap ko siya at dahil sa sobrang pagod ay hindi ko na
namalayang nakatulog na pala ako habang nakayakap sa kanya.
Nagising na lang ako nang maramdaman ang mainit na labi ni
Andrew sa aking leeg at ang kamay nito na marahang humahaplos sa aking
pagkababae.
Napaisip tuloy ako ngayon. Sana pala ay marami akong kinain
kanina dahil mukhang buong gabi ay ihi lang ang aking magiging pahinga!
***********
Andrew POV
10 months later...
"Pakialalayan si dok, namumutla siya." narinig
kong utos ni Dra. Cruz ang doktor na nagpapaanak kay Tintin ngayon.
Dalawang nurse ang lumapit sa akin upang alalayan akong
umupo. Hindi nakawala sa aking paningin ang mahinang bungisngisan ng mga nurse
at doktor sa loob ng delivery room.
"Dok, relax ka lang mas matindi pa nga rito ang mga
nakikita mo sa ER." biro ng isang nurse.
Kahit minsan ay hindi ako pinanghinaan ng loob kapag may
inooperahan ako. Ngayon ko lang naranasan na parang sasamaan ako ng lasa dahil
sa nakikita kong sakit sa mukha ni Tintin at sabayan pa ng paulit-ulit nitong
pagsigaw sa bawat pag-ere. Normal delivery niyang ilalabas ang baby kaya hirap
na hirap siya ngayon.
Habang naka-upo ay hilot ko ang aking sentindo habang
naririnig ang pagdaing ng aking asawa.
Bigla akong napatayo nang ilang saglit pa ay narinig ko ang
pag-uha ng sanggol. Tumakbo ako papalapit kay Tintin.
"Congratulations dok, ang ganda ng baby girl nyo!"
nakangiting wika ni Dra. Cruz, habang hawak ang baby na kalalabas lang.
Habang nakatingin kay baby ay hawak ko ang kamay ni Tintin
na kahit halatang pagod ay napakaganda pa rin ng ngiting namutawi sa mga labi.
Panay ang halik ko sa kanyang pawisang noo. Mabilis lang na ipinakita sa amin
ang aming anak at saka diretso nila itong nilinisan.
Maya maya pa ay muling bumalik ang nurse, bitbit ang baby na
ngayon ay malinis na. Binuhat ko agad ang aking anak nang buong pagkamangha.
Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga mata at unti-unti na ring namumuo ang
aking mga luha.Hindi ako makapaniwalang isang buhay ang nasa aking harapan
ngayon na bunga ng aming pagmamahalan. Ipinatong ko ang aming anak sa tapat ng
kanyang dibdib.
"Ang ganda ng baby natin." ani Tintin na
namumungay ang mga mata. Magkahalong pagod at saya ang mababakas sa kanyang
mukha.
"I love you Andrew!" mahinang bigkas ni Tintin.
Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha ng
titigan ko ang aking mag-ina.
"I love you more mahal ko!" bulong ko sa kanya.
"Salamat!" wika ko pa at dinampian siya ng halik
sa noo.
Salamat dahil hindi siya napagod na suyuin at mahalin ako.
Napakaswerte ko dahil matyaga niyang hinintay na magising
ang aking puso hanggang sa siya ha ang itinitibok nito. Mula ng mahalin ko siya
ay ipinangako ko na sa aking sarili, na siya naman ang aking araw araw na
susuyuin hanggang sa aming pagtanda. Hinding hindi ako magsasawang ligawan siya
at paulit-ulit na iparamdam ang aking pagmamahal- higit pa sa kung paano niya
ako buong tiyaga at buong pagmamahal na hinintay.
-WAKAS-
**** May isang Special Chapter pa po ito. Uploaded na rin
po. Maraming Salamat po! ***
Kabanata 124
3rd Person POV
Hay kung bakit ba naman kasi nakalimutan pa niya ang
cellphone at wallet niya. Paano tuloy niya babayaran ang kinain niya. Hindi
naman ito mahal dahil sandwich at kape lang and inorder niya kaso kahit piso ay
wala siya.
Natanaw niya ang isang lalaking papalabas na tutok sa
cellphone nito habang naglalakad. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang kape at
sinalubong ang lalaki kaya bumangga sila sa isa't isa. Kunyari ay napa-upo sya
at nabitawan ang kanyang kape kaya bumagsak yun sa sahig. Nagulat ang lalaki
nang makita ang itsura niya.
"Miss okay ka lang?" gulat na tanong nito.
Tiningala niya ang lalaki.
"Hindi ka kasi nag-iingat." pagalit na sabi niya.
Kumunot naman ang noo ng lalaki.
"Miss, ikaw ang bumangga sa akin." anitong
nakayuko sa kanya.
Tumititg siya sa lalaki at pinilit niyang wag kumurap
hanggang sa manakit na ang kanyang mga mata at nagsimula nang humapdi. Konting
konti na lang at tutulo na kaya hindi talaga siya kumurap-- at gaya ng gusto
nyang mangyari ay tumulo na nga ang kanyang luha.
"Nakatitig ka sa cellphone mo kaya nabangga mo ako.
Tapos ikaw pa itong galit?" malungkot at parang inapi ang kanyang boses at
nagsimula na ngang humikbi.
"Yan na nga lang ang order ko dahil tinitipid ko ang
baon ko tapos matatapon lang. Ngayon kasalanan ko pa dahil hindi ka tumitingin
sa dinadaan mo?" tinakpan niya ang kanyang mukha at pinakalog ang balikat.
"Hu.. hu.. hu.." patuloy ito sa pag-iyak habang
naka-upo sa sahig.
Lumapit ang isang waiter sa kanila.
"Ano pong nangyari?" tanong nito.
"Si manong po kasi, nagse-cellphone kaya nabangga niya
ako." aniya na naka-upo pa rin sa sahig.
"Ineng halika, tayo ka na, malamig dyan." wika ng
waiter at tinulungan siyang tumayo.
Nagtinginan tuloy sa direksyon nila ang iba pang mga
customer na kumakain.
"Kawawa naman yung bata.." puna ng mga ito sa
estudyanteng umiiyak. Naka-uniprome pa ito na nakasalampak sa sahig.
"Siya na nga yung nakabangga, siya pa yung galit."
wika ng isa na ang lalaking nagse-cellphone ang sinisisi.
"Hindi na naawa sa bata."
Lahat ng mga mata ay masama ang tingin sa lalaki. Nabalisa
ito at dinukot ang wallet sa bulsa. Wala siyang maliit na halaga kaya inabutan
na lang nya ng isang libo ang estudyante.
"O ayan, tumahimik ka na." iritang sabi nito at
mabilis na tumalikod.
Lihim siyang natawa ng makalabas ang lalaki at saka
binayaran ang kanyang kinain.
Malawak ang ngiti habang binibilang pa niya ang sukli ng
lumabas siya ng restaurant nang makarinig siya ng palakpak. Biglang niyang
naitago ang pera sa bulsa niya nang makita ang lalaking nakabangga niya.
"Ang galing mong umakting, dapat sayo
mag-artista." nang-uuyam na sabi nito.
Bahagya siyang kinabahan ngunit hindi siya nagpahalata.
Paninindigan niya ang acting niya magkamatayan man.
"Manong, kasalanan mo naman talaga. Kung hindi ka adik
dyan sa cellphone mo, hindi mo ako mababangga." aniya.
"Nakatingin nga ako sa cellphone ko pero nakatayo lang
ako. Ikaw ang bumangga dahil ikaw ang naglalakad." galit na sabi nito.
Totoo naman ang sinabi ng manong na to kaya nilagpasan na
lang niya ito para mawala na sa landas niya ngunit pinigilan siya nito sa braso
kaya napahinto siya at napatingin sa lalaki.
"Sumama ka sa akin at bumalik tayo sa loob. Gusto kong
sabay nating panoorin ang CCTV." hamon nito.
"Okay sige, kung yan ang gusto mo."
Ganting hamon nya kahit ang totoo ay kinakabahan na siya.
Inigkas niya ang kanyang kamay at binitiwan naman yun ng lalaki. Humakbang ito
pabalik sa restaurant. Sinamantala nya yung at mabilis na nagtatakbo papalayo.
Eto na yata sa palagay niya ang pinakamabilis na takbong nagawa niya sa buong
buhay niya. Siniguro niyang hindi siya maabutan ng lalaki. Laking pasasalamat
niya na nakabalik na siya ng silid ng kapatid niya nang hindi siya naabutan ng
lalaki.
Humihingal siya na parang kabayo sa sobrang pagod nang
makapasok siya sa silid.
"Gigi, anong nangyari sayo?" takang tanong ni
Tintin na naka-upo sa kama.
Nasa hospital sila ngayon dahil nanganak si Tintin kagabi.
Nagmamadali lumuwas ng Manila ang pamilya ni Tintin kaninang umaga kaya
naka-school uniform pa rin si Gigi.
"Para kang hinahabol ni kamatayan dyan." ani
Tintin.
"Nagpapractice ako ng marathon." balewalang sagot
ni Gigi at humihingal pa ring naglakad papalapit sa crib ng kanyang pamangkin.
Sinipat sipat niya ang sanggol.
"Ang ganda talaga ng pamangkin ko, buti na lang sa ama
nagmana." anito.
Hindi na siya pinansin ni Tintin dahil sanay na siya sa 16
years old na kapatid. Isa pa ay totoo naman ang sinabi nito.
Malakas nga talaga ang dugo ng mga Rufino dahil kamukha ng
anak niya si Andrew.
"Hindi pa ba bumabalik sina itay?" tanong ni Gigi
nang ma -upo ito sa sofa.
"Nasa bahay pa." sagot ni Tintin.
Nang magbuntis si Tintin ay lumipat na sila ni Andrew sa mas
malaking bahay upang doon magsimula ng pamilya.
Napagod sa biyahe ang kanilang magulang kaya nagpapahinga
muna ang mga ito sa bahay nila.
Kabanata 125
"Eh si kuya Andrew?" tanong ni Gigi.
"Nandyan lang yan sa labas, may kinakausap." ani
Tintin.
Napangiti si Gigi nang malamang walang ibang tao kundi sila
lang magkapatid.
"Teh, hawakan mo itong cellphone ko, Magtitiktok ako
tapos kunan mo ako habang nagsasayaw ha." ani gigi at inabot ang cellphone
sa kapatid.
Natatawang kinuha ni Tintin cellphone nito at ginawa nga ang
sinabi ng kapatid. Ipinlay nito ang background music at nagsimulang magbreak
dancing.
Tawa ng tawa si Tintin dahil feel na feel ni Gigi ang
pagsasayaw pero hindi naman ito marunong. Ang tigas pa ng katawan. Nang matapos
ay kinuha ni Gigi ang kanyang cellphone at pinanood ang video.
"Ate hindi ka naman marunong kumuha eh. Ang ganda pa
naman nang pagkakaikot ko, dimo nakunan, sinayang mo lang." reklamo ni
Gigi.
Tumawa naman si Tintin sa sinabi nito.
"Ako pa sisisihin mo. Malay ko bang iikot ka sa sahig
nang nakahiga." halos mamilipit si Tintin sa katatawa dahil nagulat siya
kanina nang bigla nalang umikot sa sahig si Gigi habang nakahiga ito.
"Power moves nga eh. Floor moves ang tawag dun. Sige
uulitin ko, basta ayusin mo na ha." ani Gigi.
"Wag na, nakapalda ka baka makita ang panty mo."
tutol ni Tintin.
Itinaas ni Gigi ang suot niyang uniform para ipakita sa
kapatid ang suot nyang shorts sa loob. Lalo pang natawa si Tintin nang makitang
hanggang tuhod ang shorts na maong nito. Muling ibinalik ni Gigi ang cellphone
sa kapatid.
Sinimulan nila ulit i-play ang kanta, mahina lang para hindi
magising ang baby. Feel na feel ni Gigi ang pagsasayaw na akala mo ay
professional. Ibinagsak nito ng patagilid ang kanyang katawan sa sahig.
Idinikit ang balikat at ulo sa sahig at iniangat ang mga paa habang umiikot at
saka nag freeze.
Pag freeze nya ay sa pintuan siya napaharap. Dalawang
matatangkad na lalaki ang nasa pintuan at nakakunot ang mga noo na nakatingin
sa kanya. Laylay ang palda niya dahil nakataas ang kanyang paa. Mabuti na lang
at napakahaba ng suot niyang shorts na maong.
Narinig niya ang paghagikhik ng ate Tintin nya. Dali-dali
siyang tumayo at tumakbo palapit sa kama nito.
"Isa pa nga Tintin." natatawang sabi ni Andrew sa
dalagitang hipag at saka sumilip sa crib.
Nahihiya namang napakamot ng ulo si Gigi. Kung bakit ba
naman kasi hindi niya ini-lock muna ang pintuan.
"May itinatago ka palang talent, hindi mo naman
sinabi." dugtong pang biro ni Andrew.
Ngumiti naman si Gigi sa sinabi ng bayaw. Nawala lang yun ng
marinig nyang may nagsalita.
"Itago mo na lang, wag mo nang ilalabas." malamig
na boses ng isang lalaki.
Nilingon ni Gigi ang nagsalita at laking gulat na lang niya
nang makilala ito. Siya si manong, yung lalaking binudol niya sa restaurant
kani-kanila lang. Nagtataka siya kung anong ginagawa dito ng lalaking to.
"Akala ko nagmo-mop siya ng sahig." nang-uuyam
pang sabi nito.
"Hoy Gray, wag kang ganyan sa hipag ko." ani
Andrew na naka-upo na rin ngayon sa kama, katabi si Tintin.
Pumakla ang mukha ni Gray sa narinig.
"Kapatid mo ang bubwit na yan?" hindi maipinta ang
mukha ni Gray na palipat lipat ang tingin kay Tintin at sa estudyanteng
nanlalaki ang butas ang ilong at matalim ang tingin sa kanya. Hindi siya
makapaniwala na ang cute at sweet na si Tintin ay kapatid ang malditang batang
ito na parang walang gagawing mabuti.
"Magkakilala kayo?" tanong ni Andrew.
"Siya yung ikinukwento ko sayong con-artist na
nakabangga ko sa restaurant kanina." nanggagalaiting saad ni Gray.
Napapikit at napailing si Andrew sa sinabi ni Gray. Nagtaka
naman si Gray sa reaksyon ng kaibigan. Parang hindi na ito. nagulat sa nalaman.
Mukhang hindi na bago sa mga ito ang gawain ng bubwit na hipag.
Napailing siya at tumalikod upang lumabas ng silid.
"Aalis ka na agad?" tanong ni Andrew.
"Mamaya na lang ako babalik kapag wala nang virus
dito." ani Gray at walang lingon lingon na umalis.
Naniningkit ang mga mata ni Tintin na nilingon ang kapatid.
Nanghahaba ang nguso ni Gigi at namimilog ang mga mata na parang takang taka
kung bakit siya tinitingnan ng makahulugan ng kapatid.
"Oh, makatingin ka naman dyan." depensang sabi
nito kahit wala pa namang sinasabi si Tintin sa kanya.
Tumawa naman si Andrew at agad na sinaway si Tintin bago pa
man ito magsalita.
"Hayaan mo na. Mabuti nga yun. Iginanti ako ni Gigi sa
dati mong manliligaw." natatawang sabi nito.
Umirap si Tintin sa asawa.
"Hindi nga siya nanligaw sa akin." asar na saad ni
Tintin.
Nanlaki naman ang mga mata ni Gigi sa narinig.
"Nanligaw sayo ang matandang yun?"
"Aw! Eh di matanda na pala ako.." si Andrew ang
sumagot.
Bago sila naging barkada ni Gray at naging magkaklase muna
sila noong college sa ilang subeject pero mas ahead siya dito ng tatlong taon.
Kabanata 126
"Mas pogi ka naman nang di hamak kesa sa manong na yun
noh." sabay bawi ni Gigi dito.
"Yan ang gusto ko sayo eh. May bagong labas na Iphone
kaya ibibili kita." biro ni Andrew.
Naiiling na lang si Tintin sa dalawa. Close na talaga ang
dalawang ito. Lalo na si Gigi dahil mabilis itong makakaungot ng kung ano-ano
sa bayaw.
Nang mainip si Gigi ay lumabas siya ng silid at naglakad
lakad sa pasilyo ng hospital. Nakarating siya sa nurse station. Kilala na siya
ng mga ito na kapatid ni Tintin. Kaya balewala na sa mga ito ng lumapit siya
habang nagkukwentuha sila.
"Ang gwapo talaga, kaya nga crush na crush ko."
kinikilig na wika ng isa sa mga nurse.
"Kaso babaero naman, lahat na yata ng magandang nurse
dito naging fling niya."
"So ibig mong sabihin hindi ako maganda dahil hindi ko
siya natikman?"
Sabay sabay ang mga itong nagtawanan.
"Kaso wala naman siyang sineseryoso. Lahat
pina-iiyak."
"Okay lang sa akin na paiyakin niya, kahit isang gabi
lang."
Biglang nacurious si Gigi sa pinag-uusapan ng mga ito.
"Sinong bang pinag-uusapan nyo?" tanong nito na
akala mo naman ay makikilala niya kahit pa sabihin ng mga ito kung sino.
"Si Dr. Gray!" kilig na sagot ng isang nurse.
Hindi nila napansin na nakalapit na pala si Gray sa kanila.
"Sino, yung matandang doktor?" nakataas ang kilay
na sabi ni Gigi.
Napatingin tuloy lahat ng nurse sa kanya dahil sa sinabi
niya..., at pag tingin ng mga ito sa direksyon niya ay nakita nila si Gray sa
likod nito. Biglang natahimik ang mga nurse.
"Hindi babaero ang tawag dun. Alam nyo ba kung
ano?" nakangiting tanong ni Gigi sa mga ito ngunit walang sino man ang may
balak sumagot. Hindi naman yun pinansin ni Gigi.
"Easy to get ang tawag dun." ani Gigi na siya na
rin ang sumagot sa sariling tanong at saka sinundan ng malakas na tawa.
Hindi niya napansing isa-isang nag-alisan ang mga nurse at
siya na lang ang natira. Nagkibit balikat na lang siya ng mapansing iniwan na
siya ng mga ito at mag-isa na lang siya. Pagtalikod niya ay muntik na syang
mapatalon nang makita si Gray na kanina pa palang nasa likod niya at madilim
ang mukhang nakatitig sa kanya.
Napalunok si Gigi ng makita ang itsura nito pero hindi
nagpahalatang natakot siya. Kunwari ay balewala sa kanya at lalagpasan ang
doktor.
"Easy to get ha. Atleast lahat sila gusto akong makuha.
Eh ikaw, sigurado akong walang mag-iinterest sa itsura mo maliban sa mga pulis
na gustong magkulong sayo!"
Sarkastikong tumawa si Gigi at pinanlakihan ng mga mata si
Gray.
"Hoy manong na pumapatol sa bata! Wag mong sabihing
lahat nagkakagusto sayo, eh sa akin pa nga lang hindi ka na papasa." ani
Gigi habang nakapameywang.
Napatawa naman si Gray sa narinig.
"Are you out of your f*cking mind, you little sh*t?
Palagay mo naman, papatulan kita? Eh ni wala ka ngang gender. Boses babae ka
nga pero flat naman yang harap mo." nakakalokong sabi ni Gray.
"Hoy tanda, flat po ito kasi bata pa ako-- at kapag
tumubo na ito, laylay na yang sayo. Kaya kahit ikaw na lang ang natitirang
lalaki sa mundo kapag nagdalaga na ako, hinding hindi kita magugustuhan dahil
uugod-ugod ka na!"
Nanlalaki ang butas ng ilong ni Gigi, habang si Gray naman
ay halos sakmalain na siya sa sobrang pagtitimpi sa malditang bata na
kauna-unahang babaeng nang-insulto sa pagkalalaki niya.
**************
2 years later....
"Sakit ng ulo ko!" pikit na daing ni Gigi habang
sabunot ang kanyang buhok. Unang beses niyang nag-inom kaya napakabilis niyang
nalasing. Naparami ang inom niya kagabi at hindi na niya alam kung ano pa ang
mga sumunod na nangyari.
"Ouch.. my head!" daing ng lalaking nakahiga sa
kanyang tabi.
Biglang napamulat si Gigi nang marinig ang boses ng lalaking
nagsalita. Napatitig siya sa kisame habang abot abot ang kaba sa dibdib niya.
Napakapit siya ng mariin sa kumot na tumatakip sa kanyang katawan. Dahan dahan
siyang sumilip sa ilalim ng kumot at nakita niya ang hubot hubad nyang katawan.
Bigla siyang napatingala muli sa kisame.
"Dyos ko po, wag naman po sana!"
Naghahabulan ang tibok ng puso niya na sinasabayan ng
malalim at matinding kaba.
Dahan dahan siyang lumingon sa lalaking nasa tabi niya.
Kagaya niya ay wala rin itong saplot habang nakapailalim sa iisang kumot na
pinagsasaluhan nila....
....at nang magkasalubong ang paningin nila ay pareho pa
silang nagulat at nanlaki ang mga mata.
"Aaaaaaaaaaaaah!!!!!!!!"
Sabay na umalingawngaw sa buong silid ang napakalakas na
sigaw nina Gigi at Gray.