Chapter 1
Ibinaba ng
beinte y tres anyos na si Zoie Tabilla ang telepono pagkatapos ng tawag mula sa
kaniyang tiyahin. Napabuntong-hininga siya. Napatingin sa kaniya ang kaniyang
mga magulang at ang isang pinsan na siyang naghatid ng balita sa kaniyang
tatawag ang kaniyang Auntie Lerma mula sa Big Island, Hawaii. Kauuwi lang niya
mula sa kaniyang trabaho sa araw na iyon. Dalawang taon na siyang nagtatrabaho
sa isang matayog na kompanya, ang International Software Company (ISC), sa
Manila. Ang mabuti pa nito ay malapit lang ito sa kanilang tirahan na isang
sakayan lamang. Isa pa, napamahal na sa kaniya kahit papaano ang trabahong ito.
Ngunit dahil sa tawag na iyon na natanggap niya ay malamang mapatigil siya sa
pagtatrabaho roon. “Ano’ng sabi ng Auntie Lerma mo?” ang tanong ng kaniyang
tatay na si Mang Junrel. Napatingin siya sa mukha ng mga magulang at pinsan
habang hindi nagbabago ang ekspresyon sa mukha niya mula nang makausap ang
tiyahin sa telepono. Nagtatrabaho ito bilang isang property manager sa Campbell
Ranch. In short, mayordoma lang pero sosyal ang titulo dahil sa malaki nitong
responsibilidad. May tatlong malalaking bahay kasi ang may-ari ng rancho. Kahit
na maliit na pamilya ito ay malalaki rin ang dalawang mansion at isang
katamtaman na tahanan ang mayroon ang mga ito na malayo-layo rin sa rancho. Ang
isang mansion naman ay malapit sa rancho. Ito ang kinatitirhan ng ulo ng
pamilya Campbell at ng tagapangasiwa ng buong rancho at pati na sa financial
matters ng buong pamilya nito⸺at iyon
ang tiyahin niya. Kalimitang wala naman sa rancho ang kapamilya ng amo na may
kani-kaniyang inaasikaso na para lang sa sarili ng mga ito, sa pagkakaalam
niya. Napalulon ng laway si Zoie. Ayaw niyang ipakitang tutol siya sa mga
sinabi sa kaniya ng tiyahin. Kinikilalang pinakamay awtoridad ang sinumang
miyembro ng kanilang pamilya na siyang tagapamahala sa Campbell Ranch. Kahit
sinuman ay walang makapag-ayaw rito. At siya ang magkakaroon ng pagkakataon,
pribilihiyo, at karangalang iyon sa malapit na panahon. Siya ang magiging
pangulo ng kanilang buong angkan. Ngunit may pakiramdam siyang ayaw niyang
sundin ang kaniyang tiyahin nang hindi niya mawari. At hindi niya alam kung
bakit nga ganoon na lang ang kaniyang nararamdaman. Gusto niyang maging malaya
at hindi nakagapos sa isang responsibilidad sa buong buhay niya. “’Tay,
kailangan na raw niyang may hahalili sa kaniya sa rancho,” pagpaalam niya sa
maliit na boses at may bahagyang pag-aalala na pilit niyang itinatago mula sa
mga magulang. Napatingin ang kaniyang Nanay Stephani sa kaniyang ama at saka
napatingin ito sa kaniyang pinsang si Marilou. Nagtatrabaho ito sa isang
kompanyang tinatawag na Garden and Landscapes Corporation. Isang landscape
designer ang pinsan at malimit na ipanapadala sa kahit saang sulok ng Pilipinas
at Asya. Kalimitan, sa trabaho nito ay sakop ang mga seminars, conventions,
contracts, at iba pa kaya sobrang abala ito. “Ano? At ano’ng sabi niya? Bakit
ikaw ang tinawagan niya?” kuryusong tanong ni Marilou kahit na may posibilidad
na iisa lang ang rason kung bakit napatawag ang kanilang tiyahin na nasa Hawaii
halos sa buong buhay nito. “Ako raw… ang… ang napili niyang papalit sa kaniyang
posisyon doon,” marahang sabi niyang ibinaba ang tingin saka napangiwi.
Pagkatapos ay inangat na niya ang kaniyang paningin sa tatlong miyembro ng
kaniyang pamilya. “I-I don’t think it’s making sense! May mga pinsan tayo
riyang wala pang trabaho at magagaling din. Hindi ba, Marilou?” Medyo
natataranta na siya sa huli. Napakurap-kurap ang nag-aalalang pinsan sa kaniya
saka napatingin ito sa mga magulang niya. “Alam din naman niyang may trabaho ka
na mula noong grumadweyt ka na nang dalawang taon na ang nakalipas,” ang sabat
ng kaniyang ina. Alam nilang lahat na ayaw nitong mawalay siya sa kanila. Isa
pa, inaasahan din siyang tumulong sa kaniyang kapatid na lalaki na
magkokolehiyo na. Kahit nga ba ang lahat ng kanilang miyembro sa buong clan
nila ay tinutulungan ng kaniyang Auntie Lerma ay ‘di iyon sapat para sa
kanilang lahat. And she would have to bear that responsibility all her life!
Eventually. Oo nga’t isang pribilihiyo ang mapili at makapagtrabaho sa Campbell
Ranch ayon sa naging tradisyon ng kanilang angkan ngunit ayaw rin naman niyang
mawalay sa kaniyang pamilya rito sa Pilipinas. Kung talagang may kalayaan
siyang makapagpili at siya ang masusunod ay ayaw niyang mapawalay mula sa
kaniyang mahal na pamilya⸺at mga
kaibigan. “’Nay, kahit ayoko man, wala tayong magagawa,” malungkot na pahayag
niya pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan at pag-iisip. Tila sumusuko na
rin siya ngayon sa kaniyang kapalaran nang mapag-isip-isip siya nang malalim.
Tinatantiya niya rin ang kalagayan ng tiyahin doon. Batid niyang nahihirapan
ito pero alang-alang sa kanilang tradisyon ay nagsasakripisyo itong manilbihan
sa malayong lugar. “Oo nga, anak. Alam na natin ang tradisyong ‘yan.
Nirerespeto natin ‘yan mula noon pa. Pero ‘di ako makahagilap ng rason kung
bakit sa dinami-dami n’yong magpipinsan ay ikaw pa ang napili ni Ate Lerma na
papalit sa kaniya sa rancho,” nalilitong ani ama niya. Nakakunot ang noo nito.
Previous Page Lalo naman siyang napasimangot dahil sa katotohanang iyon. Hindi
niya kailanman naisip iyon. Hindi nga niya iyon pinangarap. Hindi lang dahil sa
wala siyang magiging love life ay magiging alila pa siya sa ranchong iyon sa
buong buhay niya! Ibig sabihin, wala siyang magiging sariling pamilya kapag
nandoon na siya. That much was true. Gaya na lang ng kaniyang tiyahin. “Ano ang
isinagot mo kay Auntie Lerma?” ang tanong ni Marilou sa kaniya. “Hindi ako
makatanggi, eh.” Napakamot siya ng kaniyang ulo. “Kahit ayoko man sana, ayokong
mahihirapan siya nang dahil sa akin. Isa pa, baka naman talagang emergency at
importante ‘yon. Hindi pa natin naiisip kung okay lang ba talaga siya roon, ‘di
ba?” “Tama ka, anak. Hindi ko man lang siya nakakausap nang tatlong taon na rin
dahil ayaw niyang may tumatawag sa kaniya roon. Baka ayaw niya lang maistorbo
sa trabaho o kaya ay istrikto ang amo niya ngayon. O kaya naman ay para hindi
siya mapapaisip na masyado tayong malayo na pamilya niya kaya gano’n. Kakaiba
rin kasi ang ugali at pag-iisip ng kapatid kong ‘yon. At ngayon, ikaw lang ang
kinausap niya. Paminsan-minsan ay napapaisip din ako sa kalagayan ng Ate Lerma
ko, ah. Kung iisipin mo naman, ako nga lang ang kaniyang kapatid niya at ang
lahat ay mga pinsan na namin at wala na ang mga magulang namin,” ang mahabang
wika ng kaniyang ama. Medyo pinagsakluban din ng mundo ang ekspresyong
nakaguhit sa mukha nito. Napatingin ang dalaga sa kaniyang pinsan at mga
magulang nang malungkot ang mukha. Hindi niya lubos maisip ang kalagayan ng
tiyahin doon. Paano na kung siya na ang nandoon? Dumating ang kaniyang kapatid
na high school galing sa eskuwelahan nito at napatingin ito sa kanilang lahat
nang may bahid na pagtatanong sa mga mata. “Aalis na ang ate mo,” ang malungkot
na balita ng kaniyang ina sa kaniyang kapatid at napamaang ito sa narinig.
Chapter 2
Naghihintay
si Zoie sa may Kona International Airport (KOA) arrival lobby. Nasa Big Island
na siya. Wala na siyang magagawa ngayon. Wala nang balikan o atrasan. Sabagay,
wala naman siyang return ticket. One-way ticket lang naman kasi ang binili ng
Auntie Lerma niya. Bumuntong-hininga siya. Napalinga-linga siya dahil ang sabi
ng kaniyang tiyahin ay may susundo sa kaniyang isa sa mga empleyado ng Campbell
Ranch na pinakiusapan na nito. Nakita na rin niya ang kaniyang pangalan na
nakasulat sa isang placard na tila ba’y parang magpoprotesta sa gobyerno o ano.
Pilit niyang huwag mapangiti dahil dito at baka maisip pa ng mga tao na isa
siyang baliw na galing sa Pilipinas. Sa kabilang banda, pakialam ba ng mga ito
kung ngingiti siya? Napasulyap siya ulit sa lalaking nakahawak sa placard na
iyon. Kumislap pa ang kaniyang mga mata sa kaniyang nakita. Matangkad ito.
Tanned ang balat. Siguro ay palagi itong naaarawan. Nakasuot ito ng cowboy hat,
blue ragged jeans, at blue denim jacket na siyang nagkukubli sa puting T-shirt
nito sa loob. Napakarumi ng boots nito. Pustahan pa ng lahat ng dolyares na
baon niya at galing ito sa rancho. Nai-imagine pa niyang galing pa siguro ito
sa pakikipag-wrestling ng isang bull doon. Pagkuwa’y may kumpiyansa siyang
lumapit dito. Malinaw na niyang nakikita ang mukha nito. Ang guwapo talaga
nito. Para itong isang Hollywood actor. Siguro kung ikukumpara niya ay mas
guwapo ito kay Keanu Reeves na may dugong Hawaiian. Kahit na guwapo ito ay
mukha naman itong masungit at arogante. Katamtaman ang kapal ng mga kilay
nitong tila inukit, kulay tsokolate naman ang mga mata nito, matangos ang
ilong, may high cheekbones, pero hindi niya nakikita kung malapad o ano ang noo
nito dahil sa suot nitong cowboy hat, at higit sa lahat ay pula ang mga labi
nito at sensuwal kung tingnan. Napaisip tuloy siya kung gaano kaya kasarap nito
humalik pero agad niya iyong iwinaksi sa isip. ‘Bakit ko ba ito iniisip?’ Sa
kabilang banda naman, tantiya niya ay paminsan-minsan lang ito ngumingiti. Pero
bakit naman siya nag-abala pang mag-isip at mag-analisa tungkol dito? Tumikhim
muna siya bago nagsalita. “Hi. I’m Zoie Tabilla,” pakilala niya sa lalaki.
Napaisip tuloy siya kung nakaabala siya sa trabaho nito. Narinig pa man din
niyang napakaistrikto ng may-ari at isa raw itong slave driver. Well, ayon iyon
sa kaniyang mga narinig mula kay Auntie Lerma kahit ‘di iyon ini-spelling nito.
Dahil tila naman loyalista at protective ang tiyahin sa may-ari ng rancho.
Napaisip siya kung bakit at mukhang malalaman na nga niya sa hindi malayong
hinaharap. “I’m this person,” aniya sa lalaking itinuro ang placard. Napatingin
ito sa kaniya mula ulo hanggang paa at pabalik. Alam niyang naka-blue jeans at
sleeveless lang siya at nakalugay ang mahabang buhok na maitim at makintab.
Pero dapat bang maging pormal siya kapag nagta-travel? Dapat casual lang. At
sino ba ito kung makatingin sa kaniya nang ganito? Para kasing feeling niyang
mali ang suot niya ngayon kung ito ay makatingin. Ngunit wala naman itong
salita. Pagkatapos ay ibinasura na nito ang hawak na placard. Pagkatapos niyon
ay tumalikod ito sa kaniya. Kaya siya naman ay hila-hila ang luggage at
nagmamadaling sumunod dito upang maabutan ang malalaking hakbang nito. Ang hahaba
pa naman ng mga biyas nito. Maskulado rin, sa tingin niya. Halatang hindi
kinulang ng ehersisyo ang lalaking ito. Narating nila ang parking area.
Malayo-layo rin ang parking lot para sa kaniya ngunit sisiw lang iyon para sa
kaniya dahil araw-araw siyang nag-jo-jog. Huminto ito malapit sa isang Land
Rover na kulay itim. “Put your luggage in the back.” Iyon ang unang mga salita
nito sa kaniya at pakiwari niya ay daig pa ang boses ng isang DJ sa radyo dahil
sa baritono iyon. Sumunod naman siya nang ‘di nagsasalita. Naisip niya rin na
baka ang lalaking ito ang right-hand ng may-ari at baka iniisip ang naiwang
trabaho at sa posibleng lecture ng amo kapag kikilos silang parang uod. Umupo
siya sa tabi nito sa driver’s seat. Ito na rin kasi ang siyang nagbukas ng pinto
para sa kaniya bago ito pumuwesto sa likod ng manibela, at least. Medyo
“half-gentleman” din ito kahit papaano kahit hindi siya tinulungan sa kaniyang
bagahe kanina. Amoy na amoy niya ang pabango nito. Kahit sa paniniwalang
amoy-araw ito ay mabango pa rin naman ang lalaki. Napatingin siya sa city
landscape na kanilang nadaanan hanggang sa binaybay na nila ang tila parang
probinsya na tanawin. Batid niyang didiretso sila sa mansion sa rancho. Wala
rin silang ibang pupuntahan kundi ang rancho na kaniyang pagsisilbihan kasama
ang kaniyang “driver.” Napaisip pa siya kung ano ang pangalan ng lalaki. ‘Di
man lang ito nagpakakilala sa kaniya. Teka, bakit ba tila napakainteresado niya
sa lalaking ito? Isa lang itong snob na empleyado sa rancho. Dapat lang na iyon
lang din ang isasagot niya sa pakikisama nito sa kaniya. Pakialam ba niya? Wala
siyang dapat pakialam dito dahil wala rin naman siyang tsansa na magkakaroon ng
nobyo o kaya ay asawa kapag magsisilbi siya sa rancho. Iyon ang patakaran ng
kanilang pamilya at ng kanilang tradisyon. Dapat na walang ibang distraksyon
ang alilang katulad niya sa rancho. Iyon ang kasunduan sa pagitan ng may-ari ng
rancho at sa pamilya nila simula pa noong humigit-kumulang dalawang siglo na
ang nakalipas. Well, ganoon na katagal naman ang usaping iyon sa pagitan ng mga
ninuno ng kasalukuyang may-ari ng rancho at ng kaniyang angkan. ‘Kung bakit
kasi sa angkan pang ito ako ipinanganak, eh! Hay! Ang unfair ng kapalaran ko.
Kahit papaano ay gusto ko rin naman sanang magkaroon ng pamilya pero…’
Napapilig siya sa kaniyang ulo. May word of honor din naman siya sa kawawang
Auntie Lerma niya kaya paninindigan na lang niya ito kahit na labag sa kalooban
niya. Malaki rin naman kasi ang utang na loob nila sa kaniyang tiyahin. Ito ang
tumatayong bread winner nilang lahat, lalo na noong nawalan ng trabaho ang ama
niya at siyang tumulong sa kaniyang makapagtapos ng pag-aaral. Huminto ang Land
Rover ng ilang hakbang mula sa porch ng mansion. Napatingin ang dalaga sa
kaniyang paligid nang makababa na siya. Kinuha nito ang kaniyang bagahe at
inilagay iyon sa kaniyang harapan. Saka wala na itong salita na bumalik sa
sasakyan at umalis nang walang paalam o kahit na anumang kumpas ng kamay sa
ere. Basta na lang itong nagmaneho paalis. Iniwan lang sa kaniya ang alikabok
na hatid ng mga gulong ng sasakyan. Napaubo siya tuloy. “O, ‘andiyan ka na
pala, Zoie!”
Chapter 3
Narinig ni
Zoie ang masayang boses ng kaniyang tiyahin mula sa kaniyang likuran. Pumihit
siya at tiningnan ito. Ngumiti siya sa kaniyang payat na tiyahin samantalang
bumukas naman ang mga braso nito upang batiin siya nang mainit. “Auntie Lerma!”
Niyakap niya ito. “Kumusta ka na? Okay lang ba ang biyahe mo?” Mainit ang
pagsalubong nito sa kaniya habang tinitingnan siyang maigi sa mukha. May
ningning sa mga mata nitong nakatitig sa kaniya. “Okay lang po, Auntie Lerma.”
“Mabuti naman. O, siya nga pala. Ang Land Rover ba iyon ang nagdala sa ‘yo
papunta rito?” usisa nito nang mahinahon. Tumango naman siyang nakakunot ang
noo. “Opo, Auntie Lerma. Bakit po?” “May nangyari kaya sa isa sa mga tauhan ni
Master Alem? Kasi si Huapala ang inatasan kong sumundo sa ‘yo sa airport.”
“Baka siya nga po ang sumundo sa akin. Matangkad na lalaki, naka-ragged blue
jeans at cowboy hat⸺” Nabigla
siya nang dahil sa pagbulalas ng kaniyang tiyahin. Kaya naputol ang kaniyang
pagsasalita dahil sa ekspresyon ng mukha nito. “Ha? Totoo ba ‘yang sinasabi
mo?” hindi makapaniwalang tanong nito. Medyo namilog pa ang itim na mga mata.
“Opo.” Napatango naman siya nang may inosenteng ekspresyon sa mukha. Batid
nitong nagsasabi siya ng totoo. Pero ‘di niya maintindihan kung bakit ganito na
lang ang reaksyon nito. “Si Master Alem ang sumundo sa ‘yo sa airport, Zoie!”
biglang pahayag nito. “Ho?” Tuloy kumabog nang husto ang kaniyang puso nang
hindi niya malaman. At hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin niyon. Ngayon
lang siya nakaramdam ng ganito. Natatakot kaya siya sa lalaki at sa may-ari ng
rancho na kaniyang paglilingkuran habang-buhay? “Hindi ko maintindihan. May
nangyari kaya kay Huapala?” nagugulumihanang anang tiyahin niya sa sarili nito.
Hindi makaimik ang dalaga sa sinabi nito. Of course, hindi niya alam ang
anuman. Kararating lang kaya niya. “Halika na nga sa loob. Itatanong ko na lang
mamaya sa isa sa mga mensahero ng rancho. Ipapakita ko sa ‘yo ang kuwarto mo,”
imbita pa nito sa kaniya nang may ngiti. Sumunod naman siya. Napatingin siya sa
kabuuan ng mansion. May asul itong tile roof. Puti ang dingding na gawa sa
concrete. Napakalaki nito at napakalinis. Spotless. Hindi pa siya nakapunta sa
isang napakalaking mansion at napakalinis at mabango pa. Napaisip tuloy siya
kung sinu-sino ang nakatira roon maliban sa may-ari ng bahay at ng kaniyang
tiyahin. Ayaw niyang isipin na siya lang at ang may-ari ng rancho ang titira sa
malaking mansion. Talagang “No way!” ‘Hay, Zoie. Bakit ka ba kinakabahan nang
ganito? Hindi pa ito nangyayari sa ‘yo.’ ‘May sakit kaya ako sa puso nang ‘di
ko alam?’ Napaisip tuloy siya kung bakit bigla lang siyang nagpa-palpitate nang
banggitin ng kaniyang tiyahin ang magiging amo niya habang-buhay. Umakyat sila
sa itaas. So far, wala pa siyang ibang katulong na nakakasalubong. Mukhang sila
pa lang ang mga tao sa loob ng malaking mansion. “Auntie Lerma, may iba po bang
nakatira dito?” Sa wakas ay naitanong din niya bago buksan ng tiyahin ang pinto
ng magiging kuwarto niya simula ngayon. Napatingin ito sa kaniya. “Merong
tagapagluto, tagalinis, at tagalaba. Pati na ang butler ni Master Alem na si
Lihau ay dito rin nakatira. Bakit mo ba naitanong, Zoie?” Ngayon ay binuksan na
ng tiyahin niya ang pinto at ipinakita sa kaniya ang malaking kuwarto. Umiling
siya rito nang nakangiti. “Curious lang po.” Napatingin siya sa loob ng
kuwarto. Mas malaki pa nga iyon kaysa sarili niyang kuwarto sa Manila. Maganda
ang mga kurtinang lace na kulay light green. Puti ang dingding at kisame. Light
green din ang kulay ng bedsheets at unan sa malaking kamang pang-isahan. May
isang malaking closet at isang cabinet para sa ibang mga gamit tulad ng TV at
computer set na nakapuwesto malapit sa isang dingding. “May sarili kang banyo.
Kaya, ‘di mo na kailangang lumabas pa ng iyong kuwarto kapag kailangan mo ito.
Katulad ng lahat ng mga kuwarto rito sa mansion. Ang ilang mga katulong ay
naroroon sa ground floor. At ang kuwarto naman para sa mga bisita ng rancho ay
nasa ikatlong palapag at dito sa pangalawang palapag. Ang pang-apat na palapag
ay para kay Master Alem lang at sa iilang pamilya niyang bibisita rito.”
Napatango naman siya saka inilagay sa isang tabi ang kaniyang bagahe. Iisa lang
ang kaniyang bagahe kung kaya’t ‘di siya nahihirapan dito. Talagang in-born ang
kaniyang pagka-light traveler, hindi katulad ng iba niyang kamag-anak. “Sa araw
na ito, puwede kang magpahinga. Baka pagod ka sa biyahe. Bukas na kita
io-orient sa mga gawain mo rito sa rancho at sa labas. Hindi ka lang property
manager kundi ikaw rin ang mag-aasikaso sa lahat ng financial matters ng
rancho.” Hindi niya inasahan ang balitang iyon. “H-ha? Akala ko ba, Auntie
Lerma…” Hindi siya nakapaghanda. Naisip niyang ang tanging mansion at ang
rancho lang ang sakop ng kaniyang trabaho. “Bukas na tayo mag-usap. Magpahinga
ka na muna. Ihahatid ko na lang ang iyong hapunan mamaya.” Tumalikod at umalis
na ang kaniyang tiyahin nang maisara na ang pinto. Napanganga pa rin siya dahil
sa inihayag nito. Bakit hindi iyon sinabi sa kaniya noong nakaraang buwan
habang nasa Pilipinas pa siya? Ano ba talaga ang kaniyang kapalaran dito?
Mukhang hindi na niya alam. Naisipan niyang tumawag sa mga magulang upang
ipagpaalam na dumating na siya sa rancho at nagkita na sila ng tiyahin.
Chapter 4
Kinabukasan
ay ipinatawag si Zoie ng amo ng rancho. Kinakabahan tuloy siya. Ano kaya ang
sasabihin ng lalaki sa kaniya? Pumasok na siya sa library-slash-office ng
mansion na nasa ground floor. Nakita niyang nandoon ang kaniyang tiyahin sa
isang tabi na medyo nakayuko ang ulo at may kasama itong isang lalaki na
napaka-dark brown na average lang ang hitsura, nasa mid-thirties, hindi
masyadong matangkad, at medyo may katabaan ito. Nakasuot naman ito ng malinis
na itim na jeans at puting T-shirt na naka-tuck in. Napatingin siya sa lalaking
nakatalikod. Hindi niya akalaing makikilala niya ito kahit nakatalikod ito.
Nakasuot ito ngayon ng puting jeans at puting T-shirt. Mukhang totoong tao ito
ngayon kaysa sa isang workaholic cowboy na nakatagpo niya kahapon. “Good
morning,” bati niya. Inignora na lang niya ang dalawa pang kasama na nasa
library-office din. Pumihit ito at nakita niya ang hindi nakangiting mukha ng
lalaki. “I knew you would arrive yesterday.” Tumingin ito sa kaniya. Pagkatapos
ay ibinaling nito ang paningin sa dalawa pang nasa parehong kuwartong
kinaroroonan nila na nakatayo malapit sa bookshelves. Sumenyas ito at tumango
ang dalawa bago umalis. Napasunod siya ng tingin sa dalawang papalabas.
Pagkatapos maisara ng butler, sa tantiya niya. Pagkuwa’y napatingin siya ulit
sa lalaki. “I heard you had an orientation done by your aunt early this
morning, before breakfast, in fact. She also said that you liked your room. I’m
glad to hear that. It is your room from now on.” Pagkatapos nitong tumingin sa
kaniya ay sa mesa naman nito. “I already know about your clan and my family’s
tradition regarding your service,” ang sabi nito. ‘Wow naman. In detail pa.
Pero hindi naman halatang glad siya,’ taray ng kaniyang isipan. “Yes, Master
Alem…” sabi na lang niya nang marahan. Napatitig sa kaniya ang lalaki nang
maigi. Magkahinang ang kanilang paningin nang hindi sinadya. Lumakas ang
pagpintig ng kaniyang puso. Hindi niya iyon inasahan. Bakit ba ito ang kaniyang
nararamdaman? Normal lang namang paminsan-minsan ay magkatitigan ang dalawang
tao. Nang mata sa mata. Nang walang kisapan. Katulad ng kaniyang tiyahin at
siya⸺o ng isang estranghero. Ngunit ito
ay kakaiba sa lahat. Napatitig tuloy siya sa medyo mahabang dark brown hair ng
amo upang kalimutan ang nararamdaman at magkaroon ng distraction. Pero
nagagandahan naman siya sa kulay niyon. Napakurap-kurap na lang siya at
ibinaling sa mesa ang paningin. “I can see from your file that you have worked
for a software company before you got here,” bukas nito sa paksang iyon. Ewan
niya pero ang ganda pakinggan ng boses nito. “I would like you to make a new
program for the ranch and the estate. The details are here. If possible, I
would like to see the initial software in a month. It’s enough time for you, I
gather,” at saka itinuro pa nito ang isang malaking envelop na nasa mesa sa
pagitan nilang dalawa. Mukhang bago ang mahogany desk nito. Ngunit alam niyang
medyo dalawang siglo na ito, sabi ng kaniyang tiyahin noon. Talagang maalaga sa
mga gamit ang amo nilang ito pati na ang ibang nakatatanda nito. Ang lahat ng
bagay na naroroon sa libray ay napakaayos at napakalinis. Kitang-kita niya iyon
sa mga nakahilerang aklat sa bookshelves. “So, can you do it?” tanong nito nang
hindi siya sumagot. Medyo napatda pa siya dahil doon. Ano, may test ba siya
rito? Dapat kayang hindi niya ito ipapasa at baka puwede siyang makauwi sa
Pilipinas? “What if I can’t do it?” tanong naman niya rito. Itinaas pa niya ang
nguso nang bahagya. “Well, in that case, you are going to have some
punishments,” simpleng tugon ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya sa kaniyang
narinig. Napamaang din siya. Ano naman kaya ang punishments ang tinutukoy nito?
Bakit plural? Hindi ba puwedeng isa lang? “W-what are the punishments, if I may
ask?” Napalunok siya pagkasalita. Ngumiti ito sa kaniyang habang lumalapit sa
kinatatayuan niya. Ang lapit-lapit nila sa isa’t isa. Amoy na amoy pa niya ang
mabangong aftershave nito at parang mas gumuwapo itong tingnan sa malapitan.
Naramdaman na lang niyang umiinit ang kaniyang mukha dahil sa malagkit na titig
nito. Umatras siya. “Don’t ask. Curiosity killed the cat.” Bigla naman itong sumeryoso
pero narinig niya ang marahang tawa nito nang umalis ng library. Napamaang siya
saka napatingin ulit sa envelop na nasa ibabaw ng mesa pagkatapos ng ilang
sandali. Narinig niyang may pumasok na naman. Ang kaniyang Auntie Lerma. “O,
alam mo na ba ang gagawin mo? Sinabi na ba niya lahat sa ‘yo?” usisa nito.
“Gagawa raw po ako ng bagong program para sa rancho,” ang tugon niya nang
matabang. Batid niyang mga data ang nasa loob ng envelop na iyon na dapat
niyang i-incorporate sa kaniyang software na gagawin. “O, eh, magaling ka roon.
Kayang-kaya mong gawin iyon. Nagpapasalamat talaga akong magaling ang napili
kong papalit sa akin,” may kumpiyansang sabi ng kaniyang tiyahing nakangiti
nang maluwag. She could not just spoil her aunt’s satisfaction for nothing. Isa
pa, pangalan ng kanilang pamilya ang nakataya rito kaya dapat na ayusin na lang
niya ang kaniyang trabaho. Kung ito nga ba ang kaniyang kapalaran sa mundong
ibabaw, ito na dapat ang kaniyang gawin. At isa pa, alam na niya ang kaniyang
life purpose sa mundo ngayon. Naalala pa niya noon na parati niyang tinatanong
ang sarili kung ano ang kaniyang life purpose sa mundo. At ngayon, nasa harapan
na niya ito. Maninilbihan na siya sa rancho sa tanang buhay niya. No more, no
less. At sumusuko na siya sa kaniyang kapalaran ngayon. “Auntie, hindi ba
parang… exploitation na ‘tong ginagawa niya? Puwede naman siyang magha-hire ng
developer. Tapos, ‘yong sa financial matters, ‘di ba dapat may licensed
accountant siya?” Ngumiti sa kaniya ang tiyahin. “Oo, meron naman siya.
Ginagawa lang naman niya ang lahat ng ito para subukan ka, kung sakaling
kailangan niya ng tulong. Isa pa, hindi siya nagtitiwala kaagad kaya ginagawa
ito ni Master Alem. Kapag nakapasa ka na, makikita mong hindi siya masamang
amo.” Napausli siya ng nguso. “Gano’n po ba?” Duda pa rin talaga siya.
Napangiti lang ang tiyahin niya na tumango sa kaniya. Sa araw na iyon,
ipinakita sa kaniya ng kaniyang tiyahin ang lahat ng mga gawain sa loob ng
mansion. Inilibot na rin siya nito sa rancho sa abot na kanilang makakaya at
kung saan naroroon ang mga baka na siyang inaalagaan ng kanilang amo at ng mga
trabahante roon tulad ng mga handlers. Napakalaki ng rancho at aabot ng ilang
araw bago niya malibot ang lahat upang makita lang ang bawat detalye nito. ‘Hay!
Dito na ba talaga ako maninirahan habang-buhay?’
Chapter 5
Nakatitig
si Alemana sa babaeng lumabas ng KOA Arrival Lobby. Ito agad ang umagaw sa
kaniyang pansin nang hindi niya mawari. Suot lang naman nito ay kaswal na damit
at walang espesyal. ‘Is it something about how she walks? Her hair? Her pretty
face?’ sa loob-loob niya. Kung hindi pa nagkaroon ng disgrasya si Huapala, ang
kaniyang right-hand man sa rancho, dahil sa mga toro ay ito sana ang susundo sa
bago niyang property manager. Hindi niya na-imagine na napakaganda at
napakaseksi pala ng pamangkin ni Lerma. Wala naman kasi itong ipinakitang
larawan sa kaniya at wala siyang interes kung sinuman ang papalit dito basta
ba’t magaling. Batid niyang kamag-anak ng kasalukuyang property manager ang
kukunin nitong hahalili ayon sa nakaugalian na ng dalawang angkan. Pasimpleng
namasyal ang paningin niya sa babae. Dahil sa suot nitong skinny jeans ay
nabigyang-diin ang medyo mahaba nitong legs kahit na katamtaman lamang ang
tangkad ng babae. Ang suot naman nitong sleeveless blouse ay fitting na
nag-e-emphasize sa overall figure ng dalaga. He had never checked out any woman
like the way he did right now. Wala naman kasi siyang interes sa mga babae lalo
na’t napaka-busy niya sa rancho. It had never occurred to him to get involved
with any woman, be it no-strings-attached affair or not. Maganda ang boses nito
nang magsalita ngunit hindi naman niya nagawang kausapin talaga ito. Para kasi
siyang nabatubalani dahil dito kaya napatingin lang siya sa dalaga habang
papalapit ito sa kaniya at nakipag-usap. Batid niyang hindi talaga siya ang
best gentleman sa modernong panahon. He was used to having his way, bagay na
alam niyang dapat na baguhin sa kaniyang sarili. Nagpatiuna na siya upang
sumunod lang ito sa kaniya. Pinagbuksan lang niya ito ng pinto at sinabihan
itong ilagay na sa likod ang bagahe nitong dala-dala. Sa tingin niya ay hindi
naman mabigat iyon. Otherwise, she would have asked help, wouldn’t she? Right
now, he did not want to encourage anything between them. Gusto niyang
obserbahan ang babae. Gusto niyang tingnan at malaman kung ano ang reaksyon
nito sa bawat kilos niya. ‘So far, so good,’ sa isip niya. Nang makapuwesto na
ito sa tabi niya sa passenger seat ay amoy na amoy niya ang tila fresh flowers
sa isang hardin kahit sa mahaba-haba nitong biyahe. Habang nagmamaneho ay para
naman iyong tila tukso sa kaniyang katauhan. Pasulyap-sulyap lang siya rito sa
isang sulok ng kaniyang mga mata. Ano kaya ang flowery perfume na gamit nito at
ito na lang ang kaniyang nararamdaman para sa babaeng ito? Para pigilan ang
sarili, hindi na lang niya ito tiningnan man lang kung nakapasok na ito sa
mansion. Pinilit din niya ang isipang bumalik sa trabaho. Pagagalitan pa niya
sana sina Huapala at Lihau dahil siya ang gumawa sa trabaho sana ng dalawa pero
nadisgrasya ang kaibigan niya samantalang hindi marunong magmaneho ang butler
niya. Bakit ang malas niya? Sabagay, hindi naman niya ni-require ang butler
niya na marunong magmaneho noong nagha-hire siya. Hindi kasi siya sanay na may
ibang magmamaneho para sa kaniya. Alam niyang dalawang linggo pa lang bago
makakabalik sa pagtatrabaho sa rancho si Huapala ayon sa sinabi ng doktor nito.
Mayroon itong sugat sa tagiliran dahil sa nasungay ito ng isa sa mga toro na
kararating lang sa rancho. Kahit papaano naman ay naawa siya rito. Buti na lang
hindi grabe ang natamo ng kaibigan. Nabuwisit siya sa sarili habang nasa
opisina. Palaging pumapasok sa isipan niya ang dalagang bagong dating lang⸺ ang napakagandang dilag na
pamangkin ni Lerma. Kung bakit ito ang laman ng isip niya gayong kakakilala
niya lang dito. Maybe it was just his testosterone acting up. Matagal naman na
kasi siyang walang aksyon sa kama dahil puro trabaho lang ang inaatupag niya.
Kinagabihan ay hinanap niya ang babae ngunit ipinagpaalam sa kaniya ni Lerma na
pinagpahinga na nito ang pamangkin dahil sa pagod ito sa biyahe kaya kailangan
niyang maghintay ng umaga upang makita itong muli. He could not almost wait for
morning to come and lay his eyes on her once again. Plano niyang subukan ang
galing ng babae ayon sa pagmamalaki ni Lerma. Kailangan niya ring makita ang
iba pa nitong kalidad bilang property manager niya sa rancho at sa iba niyang
ari-arian. Kaya naman ay pinapagawa niya ito ng software para magagamit sa
rancho. Kunsabagay, kailangan nang i-update o kaya ay palitan iyon upang mas
lalong efficient, mabilis, at organisado. ‘Ika nga, killing two birds with one
stone. “Master Alem, look!” Ininguso ni Lihau ang direksyong gusto nitong
ipatingin sa kaniya. Nagsalita ito ng Hawaiian dahil sa patakaran din ng rancho
bilang universal language nila. Nais ng angkan niyang hindi mawawala nang basta
ang lengguwaheng iyon kahit na Ingles ang gamit sa Hawaii. “Why? Did something
happen to the cattle?” naitanong niya. Tumigil siya sa pagtse-tsek ng
inventory. Sinunod niya ang direksyong ininguso sa kaniya ng kaniyang butler.
Nakita na lang niya si Zoie na naglalakad sa rancho kasama si Lerma. Batid na
niyang ipinagpaalam ng may edad na babae ang lugar at kung ano ang ginagawa
roon. Nakasuot ito ng boots para sa rancho, skinny jeans, sleeveless blouse sa
ilalim ng manipis na floral jacket, at naka[1]sunglasses
pa ito dahil sa sinag ng araw. Para naman itong bagay na bagay sa rancho dahil
alam nito ang isusuot at akma ito roon. Bigla niyang nahagip ang hininga. ‘She
looks amazing!’ sa isip ng binata na humahanga. Hindi niya mawari na para bang
proud siya rito. Bakit naman kaya? Property manager lang naman niya ito.
Gayunpaman, hindi pa nakakita ng ganoon kaganda ang rancho nila. Gayon din ang
paghanga niya ritong hindi siya nakakita ng mas maganda pa kaysa sa dalaga. At
tila ba ay naisip niyang napakabagay nitong tumira sa rancho niya. Pero bakit
parang ayaw niyang aminin iyon? Ang isang sulok ng kaniyang isipan ay nagsasabing
isang property manager lang niya ang babae at wala nang hihigit pa roon ang
pagiging bagay nito sa kaniyang rancho. Sa kabilang banda naman ay alam niyang
nasa parehong pahina ang kaniyang isipan at puso dahil sa babae. “Alemana, what
are you looking at?” Narinig niya ang boses ni Huapala mula sa kaniyang
likuran. Lumingon siya rito pero hindi nagsalita, kahit na nagtataka kung bakit
ito nandoon gayong injured ito. “Ah, such treasure to behold!” Ngumiti pa sa
kaniya ang cowboy. Alam na niya ang nasa isipan ng kaibigan slash right-hand
man sa rancho. Nakita rin pala nito ang kaniyang tiningnang maigi. Ito lang ang
tanging servant niyang tinatawag siya ng kaniyang buong pangalan at walang
“master” na title niya sa rancho bilang nakasanayan na simula sa mga ninuno
niya. Kababata niya si Huapala kung kaya’t ito ang best friend niya simula noon
pa. Magkatulad sila ng paningin at paniniwala sa buhay at magkapareho rin ang
tipo nilang babae. Iyon nga lang ay alam niya ring mas guwapo siya kaysa sa
kaniyang kaibigan. Si Huapala ay katamtaman lang ang kapogian at may dugong
pure Hawaiian, katulad ng kaniyang bulter na si Lihau. Hindi tulad niyang
kalahati dahil ang ina nila ng kaniyang kapatid ay Hawaiian at ang ama ay
purong Amerikano. Dahil sa pagiging magandang lalaki, isa iyon sa rason kung
bakit mas maraming babaeng nagkakandarapa sa isang bata at napakayamang
bachelor na katulad niya sa buong Hawaii at Polynesia. “Is that your new
property manager?” ang pagpatuloy pa ni Huapala na hindi rin inihiwalay ang
paningin mula sa babae.
Chapter 6
Hindi agad
nakasagot si Alemana sa kaibigan. Walang nakaligtas na impormasyon mula kay
Huapala. Siguro na rin ay dahil sa kaniyang butler na matabil ang dila. Medyo
kasali ito sa pinagmumulan ng grapevine sa rancho, kung hindi man ito ang ugat.
Napatingin siya kay Lihau na umiwas naman ng tingin mula sa kaniya at sa
dalawang Pilipina. Halatang guilty itong tingnan. Siguro ay nasabi nitong
magsisimula na ang babae sa araw ding iyon. “Lihau, you go to my office and
face the wall,” marahang sabi niya sa kaniyang butler. Napaasim ang mukha ng
butler. Kapag hindi nagustuhan ng amo ang mga ginagawa nito ay pinapaharap na
ito sa anumang dingding upang huwag din niyang marinig ang gusto nitong
sasabihin o kaya ay paliwanag man lang. “Master Alem…” simulang protesta ng
butler. Ngumuso lang si Alem dito at sa direksyon ng one-story building na gawa
sa kongkreto at bricks. Napatawa naman si Huapala at tinapik sa balikat ang
butler habang ang isa nitong kamay ay nakasuporta sa tagiliran nitong may
malaking sugat dahil sa pakikipag-away nito sa toro kahapon na kararating lang
sa rancho, katulad ni Zoie. Lumayo na si Lihau na may kaunting sama ng loob sa
amo kapag ito ang nangyayari. “Why are you here anyway?” puna pa niya sa
kaibigan. “The doctor said⸺” “I was
also very curious about your new property manager. That’s why I’m here,”
diretsahang anito sa kaniya. “What? And why are you curious about her? Besides,
you saw her already,” tila naiinis na aniya rito sabay kumpas. “Now, why don’t
you go back home and rest your damn injury?” Nagmartsa na ang binata papalayo
sa kaibigan. Narinig niyang napa-tsk nang nakangisi si Huapala. “Why are you
being like this?” Binigyan niya lang ito ng masamang tingin. Paparating na sina
Lerma at ang pamangkin nito. Batid niyang babatiin ng kaibigan ng “Aloha!” at
“E como mai!” (Welcome!) ang dalaga. Para naman hindi akalain ng babae na
bastos ang mga locals ng Big Island. Siguro ay may ideya na ito kung bakit
ganito na lang ang kaniyang reaksyon sa bago niyang property manager. Kung wala
lang sakit si Lerma ay magtatagal pa ang singkuwenta anyos na napakaloyal na
alila ng binata. Walang ibang nakakakuha sa mood swings niya kundi ang
malalapit na mga tauhan niyang sina Lerma, Huapala, at Lihau. Kung hindi pa,
matagal nang iniwan ang may masamang ugaling amo ng Campbell Ranch. “Lerma! Is
that your niece?” Narinig ni Alemana na usisa ng kaibigan niya kahit sa hindi
magandang ayos nito dahil sa sugat sa tagiliran. ‘Such a piece of work!’ sa
isip na lang niya. May kunwari’y inaasikaso ang binata habang panakaw na
pasulyap-sulyap sa mag-tiyahin. Alam niyang naintindihan ni Lerma ang inasta ng
kaibigan niya dahil sa tagal na nitong paninirahan sa Big Island. Trenta y uno
anyos na itong naninilbihan sa pamilya nila katulad ng kaniyang edad. “Yes,
Huapala. I heard what happened yesterday. I never thought something like that
would happen to you,” ang mahinahong tugon ni Lerma rito. Sa tagal ba namang
isang cowboy at handler ng kaibigan niya ay nadisgrasya pa ito kahapon. Kung
bakit kasi ang laki ng kumpiyansa nito sa sarili tuloy ay nasugatan ito. Buti
na lang ay nakatakas ito sa tiyak na kamatayan. Pinaglalamayan na sana nila ito
ngayon kung hindi pa ito masuwerte kahit papaano. *** Napatingin si Huapala kay
Zoie. Pati na rin ang dalaga ay napatingin sa guwapong Native Hawaiian. Kung
‘di niya alam na isa itong lokal ay iisipin niyang isa itong Pinoy. Ngunit iba
naman ang amo nila. Mas mukha itong tanned American. Tuloy napadili-dili siya
kung ang puti at makinis na kutis niya ay masusunog din sa araw katulad ng
kaniyang among si Alemana Campbell. Malamang magiging gaya nga siya sa mga ito
sa katagalan lalo na’t aaraw-arawin niya ang paglabas sa mansion. “Accidents
happen when we don’t think of them. By the way, can I have a word with your niece
alone? Later maybe? I’ll just give her some tips while she’s here.” Kumindat pa
ito sa Auntie Lerma niya. “It’s going to be her home from now on, after all.”
Tumango si Lerma nang nakangiti. Mukhang may magandang kalooban naman ang
Native Hawaiian na ito. And he was charming in his own way. Iniwan sila nito
nang saglit upang kausapin sandali ang among abala sa pag-iinspeksyon sa bakod
na mukha namang matibay sa paningin niya. Naaamoy na niya kanina pa ang
libo-libong baka sa rancho. Alam niyang ang mga nakikita niya ngayon ay hindi
pa kalahati sa lahat ng kabuuan ng mga bakang inaalagaan sa rancho upang
ipagbibili sa local at international markets. Isa sa mga beef and milk
suppliers ng America at ilang mga bansa ang Campbell Ranch kaya hindi na nakapagtataka
na ang may mahigit isang daang ektarya na rancho ay may marami ring mga baka.
Napakalapad din ng damuhan para sa pagkain ng mga baka. Hindi masyadong
nahihirapan ang mga tagapangalaga roon lalo na ang may-ari. Pero ano nga ba ang
alam niya sa rancho? Baka sa malao’t hindi ay malalaman niyang hindi pala
madali ang pamumuhay roon. Kanina ay nakita niya ang tatlong kalalakihang
seryoso sa pag-uusap at umalis ang butler ng lalaki at nakikipag-usap ito sa
isang lalaki at iniwan ito nang makita silang mag-tiya na papalapit. Saglit na
nag-usap ang Native Hawaiian at ang kaniyang tiyahin. Hindi niya maintindihan
ang lengguwaheng gamit ng mga ito. Kung kaya’t tuturuan muna siya ng kaniyang
tiyahin bago ito babalik sa Pilipinas. Kahit na English ang ginagamit dito ay
dapat niya ring matutunan ang Hawaiian language, which was basically taught in
schools, upang makaintindi at makapagsalita naman siya kapag kailangan lalo
na’t ito ang isa sa mga patakaran sa rancho. ‘Hay! Makakaya ko kaya ito kung
maraming gawain dito?’ Mapaisip lang siya ay parang gusto na niyang lumangoy
pabalik ng Pilipinas.
Chapter 7
Lumayo ang
kaniyang tiyahin at nakikipag-usap kay Zoie ang lalaking kanina’y kausap ng amo
nila. “I’m Huapala. I was supposed to pick you up yesterday but something…
inevitable happened,” umpisa nito at napatango naman siyang nakipag-shake hands
dito. “I’m Zoie. Nice to meet you.” Tumango itong nakangiti nang matamis. “So,
you’ve met our great master on the ranch, eh?” Nakita ng dalaga na ngumiti pa
ito sa kaniya nang mapakla. “Yes,” limitadong tugon niya rito. “Well, I’ll give
you some tips about our master.” He said it conspiratorily. “Aha. That’s...
very thoughtful of you.” Ngumiti pa siya rito nang matipid. Pansin niya ang
dark brown na mga mata ni Huapala. “In fact, I am.” Tumawa naman ito bago
nagpatuloy sa pagsasalita, “You must be careful with his tongue.” “Huh?”
nalilitong aniya. Ngumisi ito. “His tongue lashes more than his actions. You
see, when he speaks or merely coughs, the entire family and the ranch will
tremble in fear.” Napaawang ang mga labi ng dalaga dahil sa narinig. “Really?”
Naisip niyang baka naman ay exaggeration lang iyong narinig niya mula rito.
“Really! He is an ill-mannered and devious man most of the time. You should be
careful.” Saka kinindatan pa siya nito. Naalala niya tuloy ang nangyari kahapon
sa airport at kanina sa library. Mukhang totoo ang sinasabi ng lalaking ito.
After all, bago lang siya rito at alam na alam siguro nito ang kalibre ng
kanilang amo. “You’re the right-hand man of Master Alem, aren’t you?” hula
niya. Tumawa ito sa kaniya at napasinghot. “Alem? His name is Alemana Campbell.
I wonder why his parents gave him that name? Perhaps because it means ‘powerful
man’?” Tuloy ay napadili-dili ito nang malakas. Napakurap-kurap ng mga mata ang
dalaga. ‘No wonder he’s acting like his name,’ napaisip tuloy siya. ‘Pero teka
lang. Baka sinisiraan lang ng lalaking ‘to ang amo namin kasi sabi ni Auntie
Lerma ay mabait naman daw si Master Alem.’ Tinitigan niyang mabuti si Huapala,
tinatantiya. ‘Baka naman ay siraulo lang ang lalaking ‘to at kung anu-ano lang
ang pinagsasabi. Pinagti-trip-an lang yata ako nito dahil bagong salta ako,
eh!’ “Hey! What did you tell her?” Sumabat si Alemana sa kanilang dalawa at
kasama nito si Lerma. Nagsalita ito sa native Hawaiian language kung kaya’t ‘di
niya naintindihan iyon. “Well, I just told her how bad you are. Is there
something wrong with that? I had to warn her in advance.” Narinig pa niyang
sabi nito sa parehong lengguwahe kaya wala pa rin siyang maiintindihan na
pag-uusap ng dalawa. Sumulyap siya sa tiyahin. Wala naman itong reaksyon na halatang
nasasanay na sa dalawa. “I called at least three people to get you out of here.
Just rest your damn wound! I don’t want to buy you a damn coffin, Huapala!” ang
tugon naman ni Alemana sa kaibigan na naiinis. Hindi nagtagal ay dumating na
ang tatlong tauhan ng lalaki sa rancho at inakbayan ang kaibigan nitong may
sugat at halos kaladkarin na ng mga ito upang makauwi na sa bahay nito. Hindi
man lang ito nakapagpaalam sa kaniya nang maayos na tila namimilipit sa sakit.
“I’ll see you later, Zoie!” anito. Hindi talaga maintindihan ng dalaga ang
sinasabi ng mga ito kaya napasimangot siya. “What’s with you? He didn’t do
anything wrong!” ang wika niya sa amo nang medyo may pag-aalala kay Huapala.
“Must you have him dragged away from here?” Hindi siya napigilan ni Lerma sa
kaniyang biglang pagkagalit sa kanilang amo. At lalong wala itong nagawa sa
naging reaksyon ng kanilang amo. Napasimangot ang lalaki sa kaniya. Nanatili
naman si Lerma sa kinatatayuan at baka pagbubuntunan naman ito ng galit ng amo.
Alam ng lahat kung paano magalit ang lalaki at walang ibang makakaawat dito
kapag nagkataon. “Did you just say something to me?” Humakbang papalapit sa
dalaga ang binatang amo. Para siyang kandilang itinulos doon. Magkalapit na
magkalapit ang kanilang mukha sa isa’t isa. Nalanghap pa ng lalaki ang
mabangong hininga ng dalaga at ang fresh flower perfume nito na parang
nag-aahon ng pananabik sa kaniyang dibdib. Minabuti niyang kontrolin ang
damdamin at ipinakita rito ang nag-aapoy niyang mga mata sa likod ng sunglasses
na suot ng babae. Pansin niya ang paglunok nito. Saglit na napunta sa leeg nito
ang paningin niya na animo ba’y namimighani sa kaniya. “I told you that he
didn’t do anything wrong! He was just⸺” simula pa nitong magpaliwanag. “Save your breath.
I don’t want to hear anything from you. You know nothing about me or my men or
anything about the ranch! You’re just new here. Act like one!” Pagkasabi’y
umalis na siyang walang paalam. Napasunod naman ng tingin ang magtiya sa
lalaki. Ano kaya ang gagawin nito sa taong pinapakaladkad nito? Hindi alam ni
Zoie ang kasagutang nasa utak niya. “Auntie Lerma, ano po bang gagawin niya sa
taong iyon?” ang tanong niya sa lumalapit na tiyahin. Napabuga ng hangin ang
tiyahin. “Bakit ka ba nagagalit? Pinapauwi lang ni Master Alem si Huapala dahil
may sugat siya. Kailangan niyang magpahinga. Hindi ko pa nakikita si Master
Alem na pinapagalitan ang bagong salta rito sa rancho nang ganoon, ah!”
Napaawang siya ng mga labi at napatingin siya sa likod ng among papalayo at
pumasok na sa opisina nito sa rancho. Nanunuyo tuloy ang lalamunan niya. Tama
nga naman ang kaniyang tiyahin. Wala siyang karapatang magalit. At tama rin ang
amo niyang wala siyang alam tungkol dito, sa mga tauhan nito, at sa rancho!
Napasapo siya sa kaniyang noo. Her first day on the ranch was terrible, and it
was totally a disaster! Hinila na siya ng tiyahin upang bumalik sa mansion.
Isang kilometro din ang nilakad nila pauwi. Hanggang ngayon ay hindi pa niya
nakalilimutan ang eksenang iyon sa pagitan nilang dalawa ng kaniyang amo. Ang
tanga-tanga kasi niya. Kung bakit pa siya nakialam sa amo niya. Ano na kaya ang
iniisip nito sa kaniya ngayon? Napangiwi siya tuloy at napakagat-labi
pagkatapos.
Chapter 8
Hindi
lumabas ng kaniyang kuwarto si Zoie sa gabing iyon para maghapunan. Alam niyang
kumakain nang sabay ang mga tauhan ng lalaki pagkatapos nitong kumain ng
sariling hapunan sa dining room. Natatakot siyang baka palayasin siya nito at
mapahiya ang kaniyang tiyahin. Kahit gusto man niyang umuwi sa Pilipinas ay
batid niyang hindi na iyon pupuwede. Nakapirma na siya ng kontrata.
Napag-isipan na lang niyang simulan na ang pagtatrabaho sa ibinigay sa kaniya
ni Alemana, ang tungkol sa pag-design ng bagong program na gusto nito. Iyon ang
unang official assignment niya sa rancho. Alam niyang matatapos niya rin iyon
nang ilang linggo lang basta’t wala siyang ibang iniisip at naka-focus lang.
Simple lang ang mga detalyeng gusto nito base sa mga dokumento na ibinigay nito
sa kaniya at alam niyang kayang-kaya niyang gawin iyon. Sa loob ng dalawang
taong pagtatrabaho sa ISC bilang junior programmer ay may marami naman na
siyang natutunan. Gising siya at nagtatrabaho hanggang madaling-araw.
Napatingin siya sa resulta ng Windows Form at sa C# codes na kaniyang ginawa.
Mas madali para sa kaniyang gawin iyon sa Visual Studio 2022. Una niyang ginawa
ay ang pag-aralan ang dokumento saka sinimulan niya ang registration at
login/logout form. Pagkatapos niyon ay ang main menu kung saan nandoon ang
iba’t ibang actions na gagawin ng user, katulad ng bookkeeping, ranch record
keeping, employee record, at iba pa. Malaki rin ang proyektong ibinigay sa
kaniya ng amo. Ang dami ng dapat niyang isaalang-alang. Sa bookkeeping pa lang,
dapat nandoon ang assets, sales, debit, credit, at iba pa. Sa ranch record
keeping naman, dapat nandoon ang individual animal record kung kailan
pinanganak o namatay, breeding season, production record, at iba pa. Hindi niya
napansin ang mabilis na pagtakbo ng oras ngunit wala pang one-fourth sa
proyekto ang nagawa niyang codes. Pinatakbo niya ang initial codes at napangiti
sa kaniyang achievement sa gabing ito dahil sa maganda naman ang kinalalabasan.
May ilan siyang katanungan pero naisip niyang saka na lang iyon itatanong kapag
may functional application na siya para baguhin na lang niya kung sakali.
Narinig na lang niyang nagpoprotesta ang kaniyang sikmura. Oo nga pala, ‘di
siya kumain ng hapunan upang iwasan lang ang amo sa dining room. Napasulyap
siya sa orasan. Alas tres y media na iyon ng umaga. Nandilat tuloy ang mga mata
niya dahil doon. Tumayo siya kaagad at dahan-dahang lumabas ng kuwarto upang
huwag siyang makalikha ng ingay. Dumiretso siya sa kusina. Tiningnan niya ang
refrigerator kung mayroon pang mga tirang pagkain sa hapunan. Nakita niyang may
pork steak pa. Kinuha niya ito at dali-dali siyang kumakaing nakatayo lamang
malapit sa lababo. Biglang lumiwanag ang kusina. Nanlaki at halos tumirik ang
kaniyang mga mata saka lumakas ang pagkabog ng kaniyang dibdib sa kabiglaan.
Para bang luluwa na ang kaniyang kaluluwa mula sa kaniyang magandang katawan
nang mga sandaling iyon. Para kasi siyang magnanakaw na nahuli sa akto. Napaubo
siya at nilulon na lamang ang pagkaing nasa kaniyang bibig nang makita niya ang
amo. Ito man ay nabigla rin nang makita siya pero agad naman itong nakabawi at
nakasimangot na nakatingin sa kaniya. “What are you doing?” sita pa nito. “I’m
eating, can’t you see?” tugon naman niya at tinapos ang kinain saka inilagay sa
lababo ang platong wala nang laman. Itinago ng pagkamataray niya ang
pagkapahiya. “Why are you eating so early in the morning?” Binago nito ang
tanong. “You look like a homeless person starving.” Hindi naman niya alintanang
napakaganda ng heart-shaped face niya nang mga sandaling iyon. “Are you afraid
to face me after what you said while we were out on the ranch?” ‘Busted!’
naisip ng dalaga. ‘Ba’t ang galing niyang manghula?’ Hindi siya sumagot sa
kausap. Hindi niya talaga alam kung paano nito nalaman ang totoong rasong iyon.
Grabe. Isa ba itong mind reader? Inis na inis siya sa lalaki. Parati na siyang
napapahiya rito at parati siyang nasa awkward position. “By the way, what did
Huapala tell you yesterday?” Hindi na nito hinintay ang kasagutan niya.
Napatingin din ito sa loob ng malaki at puting refrigerator na ilang hakbang
lang mula sa lababo kung saan siya malapit nakatayo. “Why do you want to know?”
tanong niyang nagsasahod ng tubig sa gripo ng lababo. Pumihit ito upang tingnan
siya na umasim ang mukha. “Did you forget that I’m your boss here?” Isinara
nito ang pinto ng fridge. Hindi siya makasagot. Sa halip ay pilit niyang
kumalma habang umiinom ng tubig. Iniwasan niya talaga ang mapatingin dito nang
diretso. “Do you want to go home?” biglang tanong nito habang nakamasid ito sa
bawat kilos niya. Hinuha niya ay tinatantiya siya nito. “Yes. But I have no
choice,” tahimik niyang tugon. Nakatingin ang dalaga sa baso na inilagay sa
lababo. Hindi siya tumingin sa kaniyang amo. Kumurap-kurap siya habang iniisip
ang pamilya niya sa Pilipinas at kung paano ang lungkot na nadarama nila nang
maghiwalay sila sa NAIA. Parang kinuyumos ang puso niya dahil sa kaniyang
paglayong ito mula sa kanila. “Do you think working for me on this ranch is so
bad? I never heard your aunt raise her voice at me. And from what I heard,
you’re nothing like your family who served the previous masters of the Campbell
Ranch. So, I wonder if you’re really Lerma’s family…” anitong tinantiya ng
tingin. Medyo pinasingkit nito ang mga mata. Namilog ang mga mata niya. “What
do you mean?” Bigla siyang napapihit upang tingnan ang amo sa mukha. “She took
an imposter? If you want to check my father’s birth certificate and hers, you
will find out that they’re brother and sister. Besides⸺” Napatawa ang lalaki dahil sa
sinabi niya kaya naudlot ang pagsasalita niya. Patuloy siyang nakatingin sa
binata. Ngayon niya lang napansing suot pala nito ang working clothes nito sa
rancho. Naka-jeans, T-shirt, at boots ito. Napaisip tuloy siya kung ganito ba
kaaga ito gagala sa rancho. “You’re so witty but so overly defensive. What’s
wrong with you? Have you been always teased like that in your life?” anito sa
kaniya.
Chapter 9
Napakuyom
ng mga palad niya si Zoie. Bakit pa kasi siya magiging isang alila sa katulad
nito? Masaya sana siya sa trabaho niya sa ISC. Bakit siya pa talaga ang napili
ni Auntie Lerma? Tuloy, galit siya sa clan na kaniyang pinanggalingan. Kung
bakit pa kasi noong 1850 ay tinulungan ng pinaka-lolo ng lalaking ito ang
pinaka-lolo niya. Isang ship trader ang kapatid ng
great-great-great-grandfather niya at lumubog iyon malapit sa Big Island,
Hawaii. Naisalba ito ng great-great-great-grandfather ni Alemana at nangako ang
ninuno niya at ang susunod na mga henerasyon ng kamag-anak nito ay magiging
alila sa Campbell Ranch. Noon ay hindi binigyan ng pasuweldo ang mga ninuno
niya pero sa huling tatlong henerasyon ay sinimulan ang pasuweldo dahil sa
napaka-loyal ng Tabilla clan sa mga Campbell. Isa pa, sinunod nito ang batas
dahil bawal na ang magkaroon ng mga alila. Mas minabuti ng kaniyang Lolo Manolo
na pagsilbihan si Master Michael Campbell kaysa ang mga banyagang Espanyol na
siyang sumakop noon sa Pilipinas kaya ito ang nangyari noon. “Do you think you
would feel better if you mock me like that?” balik niya rito. Tumawa ang lalaki
at pinaandar ang coffee maker. Nagsalin ito sa coffee mug pagkatapos.
Tinitingnan naman siya nito habang nagkakape ang lalaki at siya ay naghuhugas
ng pinagkanan. “Why are you up so early in the morning?” tanong pa nito na
inignora ang kaniyang tanong. Hindi niya alam kung gaano rin kaganda ang
kaniyang back view na siyang tinitingnan ng amo. “I was actually up the whole
night to start the program you asked. I-I wasn’t able to have my supper because
of it. So, here I am at this early hour,” paliwanag pa niya rito. ‘White lie,’
sigaw ng isip niya. ‘Coward!’ Binalewala naman niya ito. Hindi niya inaming
natatakot siyang harapin ito pagkatapos ng nangyari kahapon sa rancho sa
pagitan nilang dalawa. Masama iyon sa kaniyang pride. Baka aasta na lang ito
nang basta-basta kapag nalaman nitong medyo natatakot siya rito. Ayaw niyang
gatungan ang ego nito. Tama na iyong alam niyang may awtoridad ito sa buong
rancho at kahit sa buong pamilya nito. At kahit sa kaniya. Lalo na sa kaniya.
“Perhaps, we should remedy that,” anang lalaki. Napamaang siya sa kaniyang
narinig mula rito. “You and I should share our everyday meals. That way, you’re
not going to skip a meal,” simpleng sabi nito. “We don’t want you to get
skinny, do we? Otherwise, people might think I’m abusing you.” Inilagay pa nito
ang walang lamang mug sa lababo at napatingin siya sa mukha nito na malapit
lang sa kaniya. May kung anong dahilan kung bakit grabe ang pagdadabog ng
kaniyang dibdib ngayon. Pinigilan niya ang paghinga hanggang sa makaalis ito at
humakbang patungo sa kitchen back door. Batid niyang pupunta na ito sa rancho
para alagaan ang mga baka kasama ang mga tauhan nito. Pero, napakaaga pa yata.
Siguro nga ay ganoon sa rancho. Dapat na siyang masanay. Napabuntong-hininga na
lang siya at saka tiningnan ang mug na iniwan ng lalaki. Inamoy pa niya iyon at
bigla siyang tila natauhan. Bakit ba niya inamoy iyon? ‘You’re so gross, Zoie!’
pinagalitan niya ang sarili. Mabilis niyang hinugasan iyon at bumalik na sa
kaniyang kuwarto upang makaidlip kahit sandali. Nagising siya nang mga alas
otso ng umaga dahil sa katok ng kaniyang tiyahin. “O, ba’t ‘andyan ka pa? Dapat
gising ka na nang alas singko ng umaga. Alas siyete naman kumakain ng almusal
si Master Alem. Kaya dapat tiningnan mo na ang kusina bago mag-aalas singko y
media. Naiintindihan mo ba?” Inaantok pa siya. Para siyang zombie habang
tumatango sa tiyahin. Hindi na siya nag-abala pang magpaliwanag kung ano ang
ginawa niya at baka sa halip ay lalo lang siyang pagaglitan. Nakaupo pa rin
siya sa kaniyang kama. Hinila na siya ng tiyahin patungong banyo at nang
mahimasmasan siya sa shower. Medyo napatili pa siya dahil doon. Sa ganoong ayos
naman siya iniwan ng kaniyang tiyahin. Naalala niyang mag-tse-tsek na ito sa
mga katulong doon na gagawa ng kani-kaniyang trabaho sa loob at labas ng
mansion. Nakabihis na siya ng saya at sleeveless. Ang perk habang nagtatrabaho
sa rancho ay walang uniporme roon kaya kahit papaano ay hindi niya
nararamdamang alila talaga siya. Presko na ang pakiramdam niya kahit sa ikli ng
tulog niya pagkatapos niyang mag-shower at magbihis. Noon ay nasanay siya sa
kanila nang walo o siyam na oras na tulog. Kung kaya’t maganda ang kutis at
magaling ang utak niya dahil sa tamang pahinga. Ewan na lang niya sa mga
susunod pang mga araw. Wala naman siyang jetlag kahit sa eighteen-hour
difference sa pagitan ng Pilipinas at Hawaii kaya laking pasalamat niya.
Dumiretso na siya sa kusina. Naratnan niya si Alemana roon na umiinom ng tubig.
Para siyang cartoon character na napatigil. Pumihit naman ito at nakita siya.
Nahuli pa niya ang tila look of approval sa mga mata nito nang makita siya
ngunit hindi naman iyon gumuhit sa mukha nito. Pagkuwa’y inilagay nito ang baso
sa lababo. “We’ll have lunch together later⸺in five hours,” sabi pa nitong tiningnan ang relong
pambisig na halatang mamahalin bago ito umalis nang wala man lang paalam.
Napamaang siya habang napasunod ng tingin sa lalaki. Bakit, sinabi ba niyang
sumang-ayon siya sa arrangement na iyon? ‘Napaka-over confident naman ng taong
‘to,’ nasa isip niyang naaasar. Mukhang kailangan niya talagang sumunod sa
lalaking iyon. He was her employer, after all. “Ah, can I get my breakfast?”
ang tanong niya sa kusinerang pumasok ng kusina. Tumango ito at kinuha ang isang
platong may pagkain na. Bread, butter, orange, and coffee. Tinanggap niya ang
mga iyon na nakalagay sa tray at nagtungo sa dining room ng mga katulong upang
makakain na. Napaisip siya sa susunod niyang gagawin.
Chapter 10
Nire-review
ni Zoie ang mga dokumentong ibinigay sa kaniya ni Auntie Lerma niya nang
pumasok siya sa library. Doon na rin siya sa sofa nakaupo at pinagtitiyagaang
basahin ang mga iyon. Mga accounting books, ledgers, at iilang mga records ng
mga nakaraang buwan sa taong iyon. Doon nakalog ang lahat bago ini-encode sa
computer. Para sa kaniya ay redundant iyon pero baka iyon na nga ang patakaran
sa rancho. Alam niya ang accounting dahil sa nagpa-tutor siya nang isang taon.
Requirement iyon sa kanilang clan. Kung kaya’t lahat sila’y alam ang
accounting. Ang sabi kasi ay dapat may alam sila roon upang may mapagkikitaan
silang extra. Kahit ‘di man magiging Certified Accountant ay maigi nang may
alam sila tungkol doon, lalo na sa basic bookkeeping. Kung kaya’t marami siyang
mga kamag-anak na nagti-teach ng part-time ng Accounting sa iilang public at
private universities. Okupado siyang nagbabasa sa mga libro’t records nang
pumasok ulit ang kaniyang tiyahin. “O, pinatawag ka ni Master Alem. Sabay raw
kayong kakain?” Para namang nagtipon-tipon ang lahat ng dugo niya sa kaniyang
pisngi dahil sa tanong na yaon. Napansin pa niyang maigi siyang tiningnan nito
sa mukha. “P-pakisabing busy ako, Auntie Lerma.” Iniwas na niya ang mukha mula
rito. “I really thought you’d say that, and I’m not mistaken.” Para namang
nag-tumbling ang puso niya nang marinig ang boses na iyon. Ang boses na iyon na
napakagandang pakinggan. ‘Naintindihan niya ang sinabi ko? Ah, baka dahil sa
‘busy’ word na ginamit ko. Hmm… Mukhang matalino ang rancherong ‘to, ah.’
Napatutok tuloy siya ng mga mata sa may pintuan at nandoon nga ang lalaki.
Hindi niya lang imahinasyon. Nakita naman niyang umalis ang kaniyang tiyahin
upang bigyan sila ng pagkakataong makapag-usap nang sarilinan. Ipininid na ng
amo ang dahon ng pinto at saka lumapit sa kaniya habang umupo ito sa mesa upang
makaharap sa kaniya na nasa sofa pa rin nakaupo. “I thought you understood my
meaning,” pagpatuloy nito sa mahinahong boses na tila nagsusumamo sa kaniya.
Nag-somersault ulit ang puso niya. Hindi niya alam kung bakit ito ang reaksyon
niya sa kaniyang amo sa tuwina. “I’m merely your servant. I have no right to
eat with⸺” umpisa niya. “I don’t see you as
my servant. However, I want to use you whenever I see you,” pagtatapat nito.
‘Ano raw?’ Nanlaki ang mga mata niya at parang naalala pa niya ang cartoon
character na parang lumabas ang mga mata niya sa sobrang kabiglaan. Pakiramdam
niya ay iyon ang hitsura niya ngayon. Lalo pang lumakas ang pagtahip sa
kaniyang dibdib. Na naman. Ewan na lang niya kung magkaka-heart attack siya
rito sa ikli ng panahong paninirahan niya sa mansion ng mga Campbell nang dahil
sa lalaking ito. Batid niyang mababasa nito ang nasa isipan niya. Pero parang
wala siyang kontrol sa kaniyang nararamdaman, sa kaniyang utak, at sa kaniyang
mga kilos kapag ito na ang nasa harapan niya. Ano’ng meron ang lalaking ito at
para siyang laging nawawala sa kaniyang sarili, sa kaniyang dating sarili? At
ano naman ang ibig sabihin nito sa mga salitang iyon? Para kasing may double
meaning na dapat na ikabahala niya. Napatawa ang lalaki sa kaniya. Ngunit
umasta siyang pormal lang ang usapang iyon at walang malisya. “Did you just
mean that you’re going to use me until my bones turn to dust?” pagtatama niya.
Ngunit iyon ay higit sa sarili at hindi sa double meaning na ibig sabihin nito.
Oo, baka nag-o-overthink lang siya. Hindi sexual ang ibig nitong sabihin. Gusto
niyang kumbinsihin ang sarili. Of course, trabaho ang meaning nito at hindi⸺hindi ang pagkababae niya. Bakit
ba? Bakit ba parang napaka-defensive niya sa sarili lalo na’t sa kaniyang puri
sa harapan nito? Natatakot ba siyang bibigay siya kung saka-sakali man? Subalit
hindi, hindi niya hahayaan iyong mangyari. Nais niyang ipakita rito na hindi
siya isang easy-to-get kind of woman. Oo nga’t mayroon na siyang dalawang nobyo
dati. Isa noong nasa college pa siya at isa noong nasa unang taon siya sa
kaniyang trabaho sa ISC. Ngunit ni minsan ay hindi naman siya naging intimate
sa mga iyon. At ni minsan ay hindi niya naisip na maging intimate sa mga iyon.
Pero bakit itong sa amo niyang ito ay parang inihain sa harap niya ang mga
intimate thoughts? At the back of her mind, bakit parang gusto niyang ito ang
mangyari sa kanila ng kaniyang amo? Para siyang nababaliw sa taong ito kahit
kakakilala pa lang niya rito at tatlong araw pa lang siya rito sa mansion nito.
Ayaw mang isipin ay para itong kampon ng isang demonyo na tila pinapagising ang
natutulog niyang diwa’t pangangailangan bilang isang tao at lalong-lalo na
bilang isang babae. ‘Hindi ito tama. Hindi ito pupuwede!’ sigaw ng utak niya.
Isa talaga iyong kahibangan! Para sa kaniya, dapat lang siyang magiging
intimate sa kaniyang future husband, ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay siya
sa kaniyang mga naging nobyo na nag-demand sa kaniya ng intimacy nang hindi pa
kasal. Sa kabilang dako ay imposible na iyong mangyayari dahil nasa rancho na
siya ng mga Campbell kung saan hindi puwede ang magkaroon ng sariling pamilya
ang property manager at kailangan ibibigay ang dedikasyon niya sa buong buhay
niya rito. Wala na nga siyang pag-asa sa pag-i-pag-ibig na iyan. Wala na siyang
magiging love life kahit kailan! Talagang wala siya nito at kailanman ay hindi
na siya magkakaroon ng ganito sa buong buhay niya. Dapat na alalahanin niya
iyon palagi. Ngunit bakit ba parang ang layo na ng narating ng kaniyang diwa
tungkol sa pagiging intmate? May hidden desire na ba siya sa kaniyang among
medyo masungit at arogante?
Chapter 11
Walang
nagawa si Zoie kundi ang sundin ang “remedy” ni Alemana upang huwag siyang
lumaktaw sa pagkain. Sa mahabang mesa sa dining room nito, may mga candlelights
pa sa tanghaling iyon. Tuloy napaisip siya kung natural lang iyon o kaya ay
ganito rin ang ginagawa nito sa tuwing mayroon itong babaeng bisita sa mansion.
Hindi pa nga niya pala alam kung may love life na ang lalaking ito. Dapat
kayang itanong niya kay Auntie Lerma? Ngunit napapilig siya ng ulo. Baka hindi
tama ang gawin niya iyon. Dapat isarili na lang niya ang personal na
katanungang iyon. Hindi naman siya natural na tsismosa. Pero naisip niyang
siguro magaganda ang tipo nito. He looked like he was that kind of guy. At
siguro ay mga tanga lang at iyong tipong nagpapaganda lang dahil mukhang hindi
oobra ang mga matatalino rito dahil sa matalino at arogante namang tao ito.
Malamang magka-clash lang ang mga ito. ‘Ika nga nila ay laging opposites ang
nagkakatuluyan. Siguro ang bagay sa lalaking ito ay isang maganda, prim, and
proper at saka mabait na ‘di masyadong may katalinuhan. Iyong tipong
sunud-sunuran sa gusto nito. ‘Tama. Iyon na nga siguro.’ “Why do you keep on
staring at me?” biglang tanong nito sa kaniya habang kumakain sila. “H-huh?”
Napakurap-kurap tuloy siya. Hindi niya namalayang kanina pa pala siya nakatitig
sa lalaki na nasa kabilang dulo nakapuwesto sa mahabang parihabang mesa at siya
naman ay nasa kabilang dulo. Gawa sa salamin ang mesa at nakadisenyong paa ng
baka ang mga paa nito samantalang mahahaba ang likod ng upuan na animo’y pang-royalty.
Napatingin tuloy siya sa kaniyang pagkain at hindi kaagad nakasagot sa amo. ***
Ngumiti si Alemana sa babaeng kasama sa hapag-kainan. Hindi naman niya
mapigilan ang sarili. Para kasing natutuliro itong nakatingin sa kaniya. Ano
kaya ang tingin nito sa kaniya? Puwede kayang naisip nitong isa siyang guwapong
Greek God kung kaya’t natutulala ito? Napangisi siya sa kaniyang naisip. “Do
you think I’m like a Greek god?” mahinahong tanong niya sa babae kahit wala
iyon sa plano niya. Basta lumabas lang iyon sa bibig niya. Zoie scoffed at him.
“What? A Greek god? Greek gods are overrated.” Napangiti siya sa kaniyang
narinig. “Women are used to seeing or thinking of their lovers like a Greek
god, aren’t they?” Muli itong napatawa. “To me, that’s merely an illusion.
Blame it to the Greek myth influence.” Napangiti siya. “I must agree. There’s
Eros, the Greek god of love and sex; and the Erotes, a group of winged love
gods. Also, Valentine’s Day’s roots and symbols were actually borrowed from the
Romans, and the Romans borrowed their ideas and stories from who?” “Greeks.”
“So, there’s that reason.” Kumibit pa siya ng balikat. “And you’re not my
lover. There’s that, too,” pahabol nito. Nang mapagtanto nito ang sinabi ay
napatago ito ng bibig at napaiwas ng paningin sa kaniya. He snorted a little,
so amused by what she said. Hindi niya alam pero naaaliw siya sa sinabi ng
dalaga kahit hindi nito sinadya ang pagkasabi niyon. “Have you imagined me as a
lover, Zoie? Your lover?” Bumaba ang tono ng boses niya sa huling dalawang
salita iginiit niya. Hindi nakapagsalita ang babae. Magkahinang lamang ang
kanilang mga mata. Sa tingin niya ay hindi nito sasagutin ang tanong niya.
Malamang hindi nito papatulan iyon. “Why didn’t you want to join me for lunch?”
tanong na lang niya rito, iniba ang paksa. “I-I don’t have much appetite. I
just ate my breakfast,” paliwanag nito. Gayunpaman, may narinig siyang mas
mahigit na rason nito sa likod ng mga salitang iyon. “Really? Or are you just
tired?” Naalala nga niyang nakatirik na ang araw nang magising ito. Narinig
niya ang usap[1]usapan
ng ibang katulong niya sa mansion na kesyo tamad ang pamangkin ni Lerma. Hindi
kasi alam ng mga ito ang pinapagawa niya sa babaeng bagong salta sa rancho.
“Hmm… Not really…” “Don’t get tired easily. I plan to use you for a long time,”
paalala niya rito nang misteryoso. Napangisi siya nang makita itong nalilito sa
kaniyang sinasabi ngunit kitang-kita naman niya mula sa kaniyang kinauupuan na
pinamulahan ito ng pisngi. He was enjoying himself in taunting her, in one way
or another. Gusto niya rin kasing makilala ito nang mas mabilis. Hindi pa siya
nakaramdam ng ganito. At lalong hindi siya umakto ng ganito dati. Dahil dito,
napapatanong siya sa sarili paminsan-minsan kung bakit siya nagkakaganito. Sa
tingin niya ay malalaman niya rin sa mga susunod na araw. Sigurado siyang
masisiguro na niya sa kaniyang isip iyon. “Uh… By the way, there are things
that I need to clarify with you with regards to the Campbell Ranch System
you’re asking me to create,” pormal na anito. Tumango siya. “What is it?”
Inilahad ng babae ang bawat concern nito at sinagot naman niya nang maayos.
Ngayon ay alam na niya kung bakit ito ang inirekomenda ni Lerma na hahalili sa
posisyon nito sa rancho at natuwa siyang hindi iyon kinuwestiyon man lang.
Chapter 12
Natapos na
ni Zoie ang program na ipinagawa sa kaniya ng kaniyang amo. Ipinakita niya ang
system habang sa library sila. Nakaupo siya sa swivel chair habang nakaupo sa
tabi niya gamit ang isang silya. Maya’t maya ay nagkakabungguan ang kanilang
braso o kaya’y nagkikiskis ang kanilang likod-kamay habang nagpe-present siya.
“So, here, you’ll register your name or whatever username you’ll use and enter
your password. The password is encrypted in the database, so it’ll not be
easily stolen or hacked. And then, once you’re in the menu, you’ll choose here
what you’re going to do next, like accounting, entering a new employee record,
or ranch record keeping. So, if you click here, on accounting, you’ll see these
fields to be filled out,” wika niya habang naka-display ang lahat ng dapat
i-fi-fill out sa form para sa bookkeeping. “Once you’re done with it, you click
Add, and the information will be automatically recorded in the database. Let me
show you the database. Da-da-da,” dagdag niya at nag-click sa display button.
Nakita nga nila ang table kung saan nakahilera nang maayos ang bawat detalye ng
mga impormasyong inilagay nila sa form. “That’s great!” anang binatang
natutuwa. “So, if I want to delete something, will it disappear for good?
There’s nothing I can do to retrieve it?” Napalingon siya sa lalaki at noon
niya lang napansin na sobrang lapit pala ng mukha nito sa kaniya. Naghinang ang
kanilang paningin nang ilang saglit at lumukso ang kaniyang puso. Bigla siyang
napaatras ng ulo niya. Na-conscious siyang bigla dahil naamoy ang mabangong
hininga nito. Napalunok siya bago sumagot, “Well, in that case, there’s the
prompt that shows first if you really want to delete the record or not,” aniya
sabay balik ng tingin sa monitor ng laptop na gamit. “So, if you have already
deleted it after the confirmation popped up, there’s a log where every action
is recorded. You can copy it from there and enter it in the form again, just in
case.” “I see.” “But I’ll see what I can do with the auto-retrieval of the
deleted record,” wika niya. “Maybe I’ll just add another Stored Procedure for
that,” she murmured. “All right. Show me the ranch record keeping,” anang
lalaki pagkatapos niyang i-demonstrate ang sa employee record system. Ipinakita
nga naman ng dalaga ang nais nito. “Here’s the criteria with the drop-down list
of Status, whether the cattle is sold or not yet, the Animal Type, whether it’s
a bull, a calf, or a cow, the Birth Date of each…” Nagpatuloy pa siya sa
pagsasalita habang nakatitig sa kaniyang mukha ang amo. Nang matapos siyang
magsalita ay napalingon siyang muli rito. Hindi ito nagsalita kaya napatikhim
siya. “Master Alem? What do you think?” untag niya. “I think… you and I should
have a… special dinner.” Napakurap-kurap siya. “Right now?” aniyang sinulyapan
ang orasan sa laptop. Mag-aalas siyete na iyon ng gabi. Ngumiti ito at saka
tinawagan si Lihau sa cell phone nito para bigyan ng instruksyon sa wikang
Hawaiian. Overall, nagustuhan ng kaniyang amo ang disenyo at functionalities ng
kaniyang simpleng program na ginawa para sa rancho. At siyempre, natutuwa rin
siya dahil dito. Nakita niya ang magandang ngiti ng lalaki. Naisip pa niyang
mas pumogi ito kapag nakangiti kahit na guwapo pa rin ito kahit madalas na
nakasimangot. Parang nagsiliparan ang paru-paro sa kaniyang tiyan habang
nakatitig sa lalaking kausap ang butler pero pinilit na lang niyang ignorahin
iyon. Kahit na palagi siyang kumakain kasama ito ay tila hindi pa rin siya
nasasanay. Nakaka-conscious din naman kasi. Subalit kinailangan niyang gawin
iyon kahit na ba ay ‘di naiintindihan ng lahat iyon ng mga kasambahay nila.
Pagkatapos nitong kausapin ang butler, hinayaan niya ang lalaking mag-explore
sa ginawa niyang program. Ilang gabi rin siyang nagpuyat dahil dito. Kaya naman
ay hindi siya pinagalitan kapag late siyang bumangon at paminsan-minsan hindi
nakakasabay rito ng almusal. Pinasigurado lang ng binata sa tagaluto na
kumakain siya. Si Auntie Lerma pa niya ang ginawa nitong taga-report kung
kumain nga ba siya o hindi. Wala pang kalahating oras ang nakalipas ay nasa
dining room na sila at may candlelights pa roon. May isang bouquet ng makukulay
na bulaklak sa puwesto niya na siyang nagpapangiti sa kaniya. Mga paborito
niyang pagkain ang nakahain doon. “You had this in mind before you asked me,
hadn’t you?” aniya nang marahan sa among nasa kabilang dulo ng mesa. Dahil
hindi naman kalahating oras lang ang gugugulin para mayroon siyang adobong
manok, bistek, at iba pa. Ngumiti ang lalaki sa kaniya. “Just enjoy it. You
deserve it.” Napatawa siya nang marahan. “Don’t I get a big bonus for it or
something, not just this?” birong pakli niya. “Do you need to remind me of
that? Of course, it’s all taken care of. You can check your account now if you
want.” Kumibit ang lalaki sabay kumpas ng isang kamay. Nalaglag ang panga niya.
Biro lang naman niya iyon pero pinaghandaan na pala talaga ito ng amo niya.
Iyon na nga ang ginawa niya. Tsinek niya ang kaniyang bank app. Pitong digits
din ang nasa bangko niya na ikinasiya niya dahil solved na ang pang-college ng
kaniyang kapatid. “Thank you, Master Alem. You’re so generous! I don’t need to
worry about my brother’s college tuition anymore,” emosyonal na aniya. “You’re
welcome, but you don’t really need to thank me. It was time to get a new a
software that’s more convenient and more updated, anyway. Remember that I will
use you in anyway I can?” makahulugang anito. Itinago na lang ng dalaga ang
kaniyang bibig at hindi na sinalubong ang nakakatunaw na paningin ng amo. ***
Natutunan na rin ni Zoie ang halos lahat ng pamamahala sa buong rancho at pati
na ang financial matters nito. Nalaman niya rin ang dahilan kung bakit siya ang
napili ng kaniyang tiyahin na siyang magmana sa serbisyo nito sa mga Campbell.
“Auntie Lerma, bakit hindi mo po sinabi kina itay ang sakit mo? Baka magamot pa⸺” Umiling si Auntie Lerma. Nasa
kuwarto niya silang dalawa isang araw at napag-usapan ang bagay na iyon nang
tinanong niya kung bakit siya ang pinili nito. “Pinatingnan na ako ni Master
Alem sa mga doctor dito at pati na sa iba’t ibang states ng America. Wala nang
solusyon ang brain tumor ko, Zoie. Hindi ako siguradong mabubuhay kung
ooperahan ako ulit at ayoko rin namang mag-a[1]undergo
ng chemotherapy. May marami pa akong gawain dito sa rancho. Ayoko ring dagdagan
pa ang sakit na nararamdaman ko tuwina. Pasensiya ka na.” “Auntie…” “Wala akong
ibang mapili bukod sa ‘yo. Ikaw ang pinakaresponsable at pinakamay-alam sa mga
bagay-bagay kumpara sa lahat ng mga pinsan mo. Alam ko kung ano ang resulta ng
pagpili ko sa ‘yo, Zoie. Pero… ayokong bigyan ng sakit ng ulo si Master Alem
nang pumili ako sa pagitan ninyong magpipinsan.” “Auntie…” “Oo, alam kong ‘di
ka puwedeng magkanobyo o kaya’y makapag-asawa sa sitwasyon mo rito. Pero, Zoie⸺” “Auntie, tanggap ko na. Huwag ka
nang mag-aalala sa akin.” Pilit niyang nginitian ito at nang hindi naman ito
magsisisi o makokonsensiya sa pagpili sa kaniya. “Alam ko namang ayaw ng ni isa
sa ‘ting gustong baliin kung ano na ang naging tradisyon ng pamilya natin. Kung
wala ‘yon, wala sana tayo ngayon sa kinalalagyan natin. Kung hindi natin
tutuparin iyon, parang ipinapahiya na rin natin ang sarili nating angkan. Oo,
matagal nang panahon magmula ang pangakong iyon at siguro… malay natin, may
makapagpapabago nito sa hinaharap, ‘di ba? Ang importante ay nandoon pa rin ang
dignidad natin upang ipagpapatuloy ito, Auntie. Tama po ba?” Niyakap naman siya
nito at napaluha si Auntie Lerma. Inapuhap na lang niya ang likod nito, inaalo.
Kahit siya man ay napatulo ang luha dahil sa awa sa sitwasyon ng tiyahin.
Chapter 13
Ipinakita
ni Auntie Lerma kay Zoie, ilang araw ang nakalipas, ang mga photo albums ng mga
ninuno nila at ng mga Campbell⸺pati na
ang pamilya ng mga ito. Ngayon na niya nalaman ang buong detalye ng tradisyon
ng kanilang angkan at ng mga Campbell. Nakita niya rin ang kapatid na lalaki at
ang mga magulang ni Alemana. Pati na rin ang stepmother nito at nakababatang
babaeng kapatid. Dahil sa patay na kapwa ang ina’t ama nito ay si Alemana ang
halos nagmana sa lahat at nagpapatakbo ng rancho sa tulong ng mga Tabilla. Pero
may kahati naman ang pamilya ng lalaki sa mana niya. Ibinigay sa binata ang
lahat ng karapatan sa rancho at ng iba’t ibang ari-arian. “Pero, Auntie paano
po kapag walang anak si Master⸺?” “Hindi
mangyayari iyon. Kailangang may isang Campbell na susunod sa kaniya. Kung
hindi, mawawala ang rancho at pati na ang ibang ancestral homes at lupain ng
mga Campbell. Dahil walang pakialam ang kaniyang mga kapatid at stepmother niya
rito. Wala silang interes sa pagpapatakbo sa rancho. Naoobserbahan mo naman
siguro. Wala rito sa rancho nakatira ang kaniyang kapamilya. Naroroon sila sa
labas ng rancho nakatira. Sa isang katamtaman na bahay nakatira ang kaniyang
stepmother at half-sister at sa isang mansion naman nakatira ang kaniyang
nakababatang kapatid na isang engineer na katatapos lang sa pag-aaral sa
Maryland.” “Gano’n po ba?” ang tanong niyang napatingin sa family pictures ng
kasalukuyang mga Campbell. “Ilang taon na po ba iyong mga kapatid niya?” “Si
Domenic ay beinte y dos at magbi-birthday sa November. Si Adrienne naman ay
dise siyete pa. Mababait na mga bata naman sila. At si Andrea, ang stepmother
ni Master Alem, ay kuwarenta y singko na.” “Ah, mas bata pa pala sa akin ang
mga kapatid ni Master Alem.” “Oo. ‘Di ba’t sa October 15 ang birthday mo? Sa
November 15 naman ang birthday ni Domenic.” “Eh… ‘yong kay… Master Alem po?”
naitanong niya. Napatingin ang kaniyang tiyahin sa kaniyang napatungong ulo.
Kunwari ay napatingin lang si Zoie sa ibang mga larawan nina Alemana, Domenic,
at ng mga magulang ng mga ito noong bata pa ang dalawa. “Si Master Alem,
magti-thirty-two na sa August, next month na ‘yon.” Napa-ah na lamang ang
dalaga at pinakli na ang sumunod na pahina ng album. ‘Bale almost nine years
pala ang gap namin,’ sa isip niya. Mayroon pa siyang mga tanong ukol sa rancho
at sinagot naman ang mga iyon ng kaniyang tiyahin. *** Sa sumunod na buwan,
ika-labing dalawa ng Agosto, ginanap ang traditional-Western birthday party ni
Alemana sa rancho. Abala ang mga tauhan nitong gumawa ng isang plataporma at
tents sa buong lawn na malapit sa mansion. Inimbitahan ang lahat ng mga tauhan
at mga pamilya ng mga ito, pati mga kaibigang pamilya at kasosyo sa negosyo.
Nalaman ni Zoie na darating sa okasyon ang mga kaibigan at kapamilya ng lalaki,
ayon pa ng Auntie Lerma niya. Unang pagkakataon niyang makikilala sa personal
ang tatlong miyembro ng pamilya nito. Hapon pa lang ay nagsidatingan na ang mga
bisita sa rancho. Mga opisyal ng Big Island at mga kasosyo sa negosyo ng rancho
ang unang dumating. Napakaabala ng lahat sa kusina at ng caterer. Si Auntie
Lerma pa ang nag-aasikaso sa mga ito roon samantalang si Zoie naman ang
nag-a-usher sa mga bisita. Pinaupo niya ang mga politiko at mga may-ari ng
kasosyong negosyo sa designated tables ng mga ito. Bigla na lang siyang
nabangga sa isang parang matigas na dingding na katawan nang tumalikod siya sa
mga ito. Mabilis naman itong humawak sa kaniyang kamay upang hindi siya mabuwal
at mapaupo sa lupa dahil sa impact. Napalunok siya at nakilalang si Alemana
pala iyon. Ang isa niyang kamay ay nasa matigas pa naman nitong dibdib. Napaatras
siya kaagad nang maramdaman niya ang tila banayad na elektrisidad na gumapang
sa kaniyang katawan at nasamyo ang mabango nitong amoy na kabigha-bighani.
Tuloy ay tumahip ang kaniyang dibdib, hindi mawari ang nararamdaman. “S-sorry,
Master Alem…” hinging-despensa niya sa lalaki. Ngumiti ito sa kaniya nang
matipid at binitiwan na siya nang makuha niya ulit ang kaniyang panimbang.
Napatingin siya sa tuxedo, slacks, at footwear nito. Hindi ito naka-cowboy look
ngayon, bagay na nagpapaiba sa dating nito. Pero para sa kaniya, kahit ano’ng
isusuot nito ay lalo lang nagpapapogi rito at magaling pa itong magdala ng
damit na animo’y isang Hollywood celebrity. “Be careful. I don’t want you to
bump onto any other person. I’m just going to greet my visitors. You wait up
and look for my family when they arrive. Tell them that I’m with my business
partners. They’ll know what to do. Okay?” Napatango siya sa lalaki ngunit
iningatan niyang huwag mapatingin sa mga labi o kaya ay sa mga mata nito. Or
else, lalong kakabog ang kaniyang puso na parang isang baliw. Halos ‘di na nga
niya ito makontrol. Bakit ba kasi hindi siya nag-iingat sa mga kilos niya at
marami pang mga tao ngayon dito? “And, oh! Before that, you may change into a
formal dress. I gave Lerma your dress for the party,” pahabol ng lalaki bago pa
siya makalayo. Natigilan siya dahil dito. Napapihit siya upang harapin ito
ngunit umalis na ang lalaki at may nakita siyang isang babaeng nakipagbeso-beso
rito na may Westerner na dating at napabuntong-hininga siya. Napakaganda naman
ng babaeng iyon. Blonde na parang Barbie doll at maganda rin ang figure ng
katawan at saka height nito. Kung tutuusin, lamang na lamang ito sa beauty
niya. Napatingin naman siya sa ibang direksyon. ‘Di niya nakitang napatingin sa
kaniya si Alemana nang bumitiw na ito kay Claire Wilson.
Chapter 14
Ang akala
ni Zoie ay okay na ang suot niyang pulang blouse at itim na slacks na pinaresan
ng closed high-heeled shoes. Iyon pala ay pagbibihisin siya ng kaniyang amo.
Hindi niya alam kung importante ba talaga iyon o hindi dahil sa tingin niya ay
ayos naman sana ang suot niya. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya kung
inutusan siya ng amo na magbihis? Pumanhik na sa itaas si Zoie upang tingnan
ang damit na sinasabi ni Alemana na isusuot niya dapat para sa party. Dapat
magmamadali na siya kung ayaw niyang ma-late. Medya ora na lang ay mag-uumpisa
na ang kombinasyong tradisyonal na Hawaiian at Western birthday party ng mga
Campbell. Kahit papaano ay napapahanga siya sa pamilya Campbell dahil hindi
nito kinalimutan ang tradisyon. Nagmamadali muna siyang mag-shower at pumasok
na si Auntie Lerma upang mag-assist sa kaniyang magpalit ng damit. Ito na rin
ang nagme-make-up sa kaniya’t nag-hairdo. Nakalugay ang kaniyang mahabang buhok
at sa magkabilaang bahagi ay pinakulot nito gamit ang curling iron. Isinuot
naman niya ang exotic dangling earrings na gumamela ang design. Napapihit siya
nang tapos na ang lahat. Sinipat-sipat niya ang kaniyang sarili sa salaming
nasa dresser at napahanga sa sarili kahit papaano. Hindi niya inasahang
magaling pala ang tiyahin sa ganito. Namangha naman siya sa pagkuha ni Auntie
Lerma sa isang kahong nakapatong sa kaniyang kama at binuksan iyon. Isang
strapless gold satin, empire dress ang nakita niyang inilabas nito. May mga
beads ito na nagtatago sa bodice. Napakapormal nga naman talaga. Kung sa bagay,
pormal din naman ang suot ng mga bisita ng rancho dahil sa okasyon ngayon.
“Akin po ba talaga ito?” hindi makapaniwalang tanong niya sa tiyahin. Minasdan
niya ang bawat detalye ng damit nang pabalik-balik. “Oo naman. In-order talaga
‘yan ni Master Alem para sa ‘yo. I-a-announce niya ang iyong posisyon dito sa
rancho sa gabing ito.” Lumayo ito sa kaniya upang kunin ang isa pang kahon at
binuksan iyon sa kaniyang harap. “Huh? Hindi ko alam ang planong ‘yan, ah. Ba’t
hindi n’yo sinabi sa ‘kin?” “Sorpresa lang. O, ‘eto nga pala ang wedges para
diyan. Mahirap kasi ‘pag cigarette high heels dahil sa lupa sa may lawn.”
Napatingin siya sa gold-colored wedges na kapares ng damit. Isinuot niya rin
ang mga ito at napatingin siya ulit sa salamin. She felt beautiful and elegant.
Hindi pa siya nakasuot ng ganito dati. Habang nakapanalamin ay tila napapahanga
siya sa sariling kagandahan. Hindi naman siya narcissistic pero kahit papaano
ay nagustuhan niya ang kaniyang nakita. “O, ang ganda-ganda mo na. Parang hindi
kita nakikilala, ah,” nakatawang pahayag ng kaniyang Auntie Lerma. Napangiti
rin siya rito sa salamin at pinasalamatan ito. Umalis na sila nang makabihis na
rin si Lerma ng isang elegant pant suits at blouse na pinaresan ng flat shoes.
Nag-selfie sila para magkaroon ng larawang ipapadala sa kaniyang pamilya.
Matutuwa ang mga iyon kapag nakita silang ganito. Natigilan sila nang may
pumasok sa bulwagan ng mansion. Dalawang babae at dalawang lalaki. Namukhaan ni
Zoie si Huapala at namukhaan niya rin ang tatlong ngayon niya lang nakita sa
personal. Ang stepmother ni Alemana na si Andrea, ang anak nitong si Adrienne,
at ang kapatid ng amo niyang si Domenic. Elegante rin ang pormal na kasuotan ng
mga ito. Nakasuot ng pulang damit na cocktail length si Adrienne at nakasuot
naman ng asul na mahabang damit si Andrea. Samantalang naka-black tuxedo naman
at slacks ang nakababatang kapatid ni Alemana at si Huapala. ‘Nagmukhang mga
tao ang mga cowboys sa rancho,’ naisip ni Zoie na natutuwa. “Hello, beautiful!”
ang nakangising bati ni Huapala sa wikang Ingles. “Who is she?” tanong ni
Domenic sa wika ring Ingles with American accent and all. Napatingin ito kay
Huapala na may pagkaintriga sa anyo nito. Napatitig na rin sa dalaga ang
mag-inang Amerikana. “She’s Lerma’s next in line, don’t you know?” ang sagot ni
Huapala nang nakangiti nang tila asong ulol. Napatitig naman sa kaniya ang
lahat ng pares ng mga mata. “I didn’t know you’re such a beautiful⸺” ang umpisa ni Domenic na
ngumiting lumalapit kay Zoie. *** “Here you are!” ang sabat ni Alemana nang
nakangiti sa kapatid bago nito matapos ang gustong sabihin sa dalaga. Tinapik
pa ng lalaki ang isang balikat ng kapatid saka napatingin siya sa direksyong
tiningnan ng mga kapatid, kaibigan, at stepmother. Parang tumigas ang kaniyang
pagkakangiti nang makita si Zoie at ang tila pagbabagong-anyo nito. Animo’y
nasa fairyland sila. Wala siyang maapuhap na salita upang ilarawan sa
kagandahan at alindog ng dalaga na parang diyosang bumisita sa kaniyang
kasalukuyang dimensyon. “Yes, that’s Zoie. Shall we go to the venue? The
visitors are looking for you,” ang sabi ni Alemana na tila ‘di na pinansin sina
Zoie at Lerma. Ayaw niyang may makakaalam sa kung anuman itong nadarama niya
ngayong paghanga para sa dalaga. Sumunod kaagad si Lerma sa pamilya Campbell
nang ‘di pa rin nakaimik.
Chapter 15
Naisip
tuloy ni Zoie na may dinaramdam ang tiyahin. Ayaw lang nitong sabihin nang
dahil sa okasyon ngayon. Ayaw nitong sirain iyon. “Shall I escort you?” ang
untag na tanong ni Huapala sa kaniya. Ngumiti siya at tumango rito ngunit sa
isipan niya ay nag-aalala siya kay Auntie Lerma. Napaisip din siya tungkol sa
reaksyon ng kaniyang mga amo dahil sa kaniyang hitsura. Lalo na ang reaksyon sa
mukha ni Alemana. “How do I look tonight?” biglang tanong ni Huapala sa kaniya,
na halos naitanong niya rin ang parehong tanong sa sarili. Napatingin siya sa
mukha at kasuotan nito. “You look good tonight,” aniyang may pag-aproba sa
kaniyang mukha at nginitian ito. Napatingin sa kanilang dalawa si Domenic saka
narinig nila ang isang Hawaiian emcee na nagsasabing dumating na ang panganay
na anak ng Campbell na si Alemana at sinundan ng pamilya nito at ng mga
malalapit na mga manggagawa, sa wikang Ingles. Nagsipalakpakan ang mga bisita.
Nang makaupo na sila sa kanilang designated table, ipinakilala ng emcee ang
isang grupo ng hula dancers na siyang parte rin ng Hawaiian traditional
birthday party. Sina Domenic at Huapala, na nasa magkabilang tabi ni Zoie, ang
siyang nagta-translate sa kaniya tungkol sa rituwal ng alamat ng mga Hawaiian
na nagpe-perform ng drama sa plataporma. Kasama na ang mga pangkaraniwang
trabaho, pagsamba sa mga diyos, at ang tradisyon ng pamilya Campbell sa Hawaii⸺ang pagra-rancho. Dahil dito,
naintindihan ng dalaga ang bawat istoryang ginanap sa plataporma. Sumulyap sa
kaniya si Auntie Lerma at napangiti ito dahil nalaman nito ang pagta-translate
ng dalawang binata para sa kaniya. Pagkatapos niyon ay nag-umpisa naman ang
Western-style party. Nag-toast ang lahat sa kaarawan ni Alemana. Napasulyap ang
dalaga sa among katabi ang babaeng yumakap dito kanina at ang half-sister nito.
May mga kuwentuhan at halakhakan sa bawat grupong nasa kani-kanilang designated
tables. Tumayo si Zoie upang i[1]check
ang caterer dahil alam niyang parte iyon sa trabaho niya at kahit tumutulong sa
kaniya ang tiyahin ay kailangang isaisip niya ang kalagayan nito ngayon. Naisip
niyang parang kakaiba ang pagkatahimik nito ngayon. Hindi siya mapalagay at
baka may sakit itong pilit iniinda sa ngayon. “Ayos ka lang ba, Auntie?” tanong
niya nang nilapitan ito. “Huh?” “Wala ka bang nararamdamang sakit?” alalang
tanong niya pa rin. Ngumiti ang mas matandang babae at hinawakan ang kaniyang
kamay. “Ayos lang ako. Uminom naman ako ng gamot. Sige, i-check mo muna ‘yong
buffet table para makasigurado tayong ayos lang ang lahat. Medyo abala rin si
Lihau sa pag-aasikaso sa mga bisita, eh.” “Sigurado ka po bang ayos ka lang,
Auntie? Baka kailangan mong magpapahinga. Ako na ang bahala rito,” wika niya.
“Kaya ko na ‘to, Zoie. Kung hindi, pupunta na ako sa kuwarto ko at magpapahinga
na.” Napilitan siyang tumango at iniwan ang tiyahin sa upuan nito. Nagtungo na
siya sa buffet table upang tingnan ang chocolate fountain, pati na ang
champagne fountain na nakapatong sa isang tabi ng magkatabing dalawang
mahahabang buffet tables. May nagbabantay roon na tig-dadalawang personnel ng
catering service company na kanilang binayaran para sa gabing ito. Ang mga ito
ang nag-a-assist sa mga bisita ng gustong kumuha ng champagne o kaya ay
chocolate para naman sa mga batang bisita. Ayon pa kay Auntie Lerma ay ito ang
lagi nilang tinatawagan sa tuwing may party sa rancho at sa ibang tirahan ng
mga Campbell sa labas ng rancho. Suki na nila ito simula’t simula pa.
Samantalang pagala-gala naman ang butler ng kaniyang amo upang maasikaso ang
lahat ng mga bisita. “What are you doing here?” ang tanong ng boses mula sa
kaniyang likuran. Napalingon siya at nakita ang birthday boss. Pansin niyang
humingi ito ng isang basong champagne at napasulyap ito sa kaniya. Iniwas naman
niya ang paningin sa bowl ng cordon bleu. “I-I’ll get some more of these from
the kitchen.” At dali-dali siyang umalis. Ewan ba niya kung bakit parang nais
niyang iwasan ito. Iyon ay dahil siguro sa kaniyang nararamdaman tuwina, kapag
nakikita ito at nasa malapitan lang ito. Kailangang patayin niya ang umuusbong
na damdaming ito bago pa man mahuli ang lahat dahil alam niyang hindi ito tama.
*** Napangisi ang lalaking nakatingin sa magandang back view ng kaniyang bagong
property manager. Alemana could not help but admire her even more. He thought
she was even more stunning tonight. “Hey, I was looking all over the place for
you,” ang malambing na sabi ni Claire nang malingunan ito ng binata. Napasunod
din ito ng tingin sa direksyong tiningnan niya. “Who was it?” kuryusong tanong
nito. “Never mind. Why are you looking for me?” usisa niya. Binawi na ng babae
ang paningin mula sa property manager ng rancho upang tingnan siya sa mukha.
Ngumiti ito sa kaniya nang matamis. “I wanted to show you the gift I bought you⸺but let’s go to your library. I
feel stuffed with all these people.” Pinarikit pa nito ang pagkangiti sa kaniya
na nanghahalina sa kaniya. “Really? You bought me a gift?” Nanantiya ang
kaniyang paningin dito. Kumapit na ito sa kaniyang braso at sabay na silang
nagtungo sa loob ng mansion. Pumasok silang dalawa sa library at napansin iyon
ni Zoie na papalabas lang mula sa malaking kusina.
Chapter 16
Napakapa
ng isang kamay sa kaniyang dibdib si Zoie. Biglang kumirot ang kaniyang puso
nang ‘di niya mawari. Naninibago siya sa kaniyang nararamdaman. Parang matindi
kasi iyon ngayon. Hindi pa niya ito nararamdaman noon. At ito ang paulit-ulit
na kaniyang napagtanto nang mahigit dalawang buwang pamamalagi sa mansion.
Paano ba ginawa ng boss niya ang ganitong pagparamdam sa kaniya ng damdaming
hindi man lang niya naranasan noon? Alam ba nito kung ano ang hatid nito sa
puso niya? Alam ba nito kung ano ang epekto nito sa kaniya? “Hey, we’ve been
looking for you,” ang untag ni Huapala sa kaniya. Napalingon ang dalaga sa
may-ari ng boses. Nakita niyang kasama pala nito si Domenic na nakapamulsahan
sa dark pants nito at malagkit ang titig sa kaniya. “Ah, I just got these.”
Ipinakita pa niya ang cordon bleu sa mga ito. “I noticed that we are almost
running out of them.” “That’s for the caterer to worry about. It’s their job,
Zoie, not yours. Why do you have to literally do that?” ang puna ni Domenic na
nakatingin nang ‘di sang-ayon sa kaniyang ginagawa. Kumunot pa ang noo nito.
Ngumiti lang siya rito at nagsimulang maglakad para umalis. Napalingon naman
sina Huapala at Domenic sa direksyon ng kaniyang tiningnan kanina at
nagkatinginan ang dalawang lalaki bago sumunod sa dalaga. “Let me help you with
that,” ang saad ni Domenic sa dalaga. “No. You’re my boss’ brother.
Technically, you’re also my boss, so no,” ang pagsalungat niya sabay lihis ng
hawak na bowl ng cordon bleu. “Seriously, I don’t usually offer help just to anyone,”
dagdag ni Domenic at inagaw na ang bowl mula sa kaniyang kamay. Umawang na lang
ang mga labi ng dalaga. “Right. You’re the brightest star tonight. You don’t
have to do something like that as mortals do,” ang sabi ni Huapala na kumindat
sa kaniya. “That’s nonsense!” balik niya. Gustong agawin ng dalaga ang bowl
mula kay Domenic pero iniwas nito yaon. Ngumiti na lamang siya nang hilaw kay
Huapala. “Seriously, why are you doing this?” tanong niya sa dalawang lalaki.
“Just as Huapala said, you’re the brightest star tonight. We shouldn’t ruin
your beautiful dress,” ani Domenic na nakangisi. Nagpatiuna na ito patungo sa
buffet table. Sinalubong ito ng isang kasambahay at ito na ang nag-abot sa isa
sa mga empleyado ng catering service company. Ewan niya pero naaalala niyang
muli ang amo at ang sweet-looking Barbie lady guest na pumasok sa library.
Walang ibang naroroon sa loob ng mansion kundi ang ilang kasambahay at staff ng
caterer na nasa kusina. “Hey, is something bothering you?” ang tanong ni Domenic
sa kaniya nang makitang iniayos na sa buffet table ang bowl ng cordon bleu.
Tila hinila naman siya sa kasalukuyan at reyalidad. “A-ah. No. Nothing,”
pagsinungaling niya at ngumiti nang pilit. Bumalik na sila sa kanilang mesa at
nakita niyang nag-uusap ang stepmother ni Alemana at ang kaniyang tiyahin.
Napalinga-linga siya upang hanapin si Adrienne at nakita niya itong kausap ang
iilang cowboys sa rancho, ang mga handlers. “That little bitch. I told her to
keep her distance from those men,” ang mahinang sabi ni Domenic na
nakatiim-bagang na nakatingin sa nakababatang kapatid. “Why?” tanong ni Zoie na
wala sa loob. Dumako na naman kasi sa library ang isip niya. ‘May ginagawa kaya
sila roon?’ ‘Hay, Zoie. Pakialam mo ba? Buhay nila ‘yon at wala kang karapatang
magselos.’ ‘Huh? Ako nagseselos? Hindi, ah! Wala nga akong pakialam do’n. Amo
ko lang siya.’ “Huy, mali! Property manager ka lang niya, ‘yan ang dapat mong
sabihin.’ Napapilig na lang siya sa kaniyang ulo dahil sa sariling debate sa
kalooban. Para na siyang baliw nito. “Domenic, your sister is young. Perhaps
it’s better for her to know whether she’s doing the right thing or not.” Si
Huapala ang narinig niyang sumagot. “It’s because she’s not your sister, and as
you said, she’s still young,” ang nababanas na tugon ni Domenic dito. Hindi na
umimik si Huapala. Kumibit naman ito kay Zoie na napatingin sa binata. “I think
I can just remind her after this, if she’s not going to do anything stupid
tonight,” pabulong-bulong na wika ni Domenic sa sarili. Kahit papaano ay
napapahanga ang dalaga sa lalaki. He cared a lot about his sister. ‘Sana all
may kuyang kasing-thoughtful niya.’ *** “What’s your gift for me, Claire? Why
do we have to come here in my library?” tanong ni Alemana kay Claire nang
maisara na ang pinto. Sa isip niya ay hindi naman talaga kailangan pang pumasok
sila rito para lang ibigay nito ang regalo para sa kaniya pero pinagbiyan niya
lang ito. Ngumiti sa kaniya ang babae nang nakatutukso. Kinuha nito ang isang
kahon mula sa handbag na kulay-abo na siyang nag-match sa silver cocktail dress
na suot nito. Isang kahon na kulay asul na may silver ribbon ang inilabas nito.
Ibinigay sa kaniya iyon nang nakangiti. Tinanggap niya ang regalo nito at
binuksan ang kahon. Nakangiti pa rin ang babae na nakamasid sa kaniyang
ginagawa. Nakita niya ang bagong Rolex na waterproof. Pagkatapos ay napatingin
siya sa magandang Briton. “Do you like it?” malambing na tanong ni Claire na
sadyang inilapit ang mukha sa kaniya. Nang-aakit ang mga mata nito. “You didn’t
need to do this, Claire. You know⸺” “I’m asking you if you like it,” giit pa nito.
“Well, why won’t I like it? Since I bought my watch two years ago, I never
bought one after that.” Kumibit siya. “That’s great, then. So, will you promise
me you’re going to wear it everyday?” Ngumiti siya sa magandang Briton. Kumibit
naman siya ng balikat. “Why not?” Bigla na lang siya nitong hinalikan sa labi
nang hindi niya inaasahan. Nabigla ang lalaki at naitulak niya ang babae.
Nagulat naman ito sa ginawa niya. “Did I do something wrong?” Nagtatanong ang
asul nitong mga mata. “I never allowed you to do that,” inis na sabi niya rito.
“This is the second time I’m warning you, Claire!” Kapwa nila naalala ang
nangyari noon sa kaarawan ng babae. Hinalikan din siya nito noon nang bigla
basta’t naiwan lang silang dalawa, walang kasama. Napasimangot tuloy siya at
iniwan na ito, pati na ang regalo nitong nahulog sa sahig. Napamaang ang babae
sa lalaking lumabas ng library. Napatingin ito sa regalong nasa sahig at iniwan
itong tila basura ni Alemana. Nagmumura ang babae sa galit. Narinig iyon ng
lalaki bago pa niya naisara ang pinto. Alemana scoffed, and his eyes roamed
everywhere to find that one person he longed to gaze at. He was going to
introduce that special woman to all his guests.
Chapter 17
Pagkatapos
ng party sa gabing iyon, nagpahinga na sa kani-kaniyang kuwarto ang mga tauhan
at kamag-anak ng may[1]ari
ng rancho. Umuwi ang karamihan sa kani-kanilang bahay pero sa mansion na
magpapalipas ng gabi ang ilan dahil sa kalasingan. ‘Di pa rin makatulog si Zoie
hanggang sa dalawin na siya ng gutom. Alas kuwatro na iyon ng umaga. Dalawang
oras na siyang nakahiga sa kama ngunit ‘di pa rin siya makatulog. Laging
bumabalik sa kaniyang alaala ang among pumasok sa library kasama ang isang
bisita nitong napakagandang babae. Pa-iba-iba na siya ng puwesto sa kama niya
ngunit ‘di pa rin siya dinalaw ng antok. Maya’t maya ang pagbiling at
pagbuntong-hininga niya. Naisipan niyang bumaba na lang at magtungo sa kusina.
Nag-iingat siya upang hindi makaistorbo sa ibang natutulog kahit na
soundproofed ang mga kuwarto. Sinadya niyang huwag buksan ang ilaw katulad
noong ginawa niya noon. Naka-adjust naman na ang mga mata niya sa dilim. Saka
nagtungo na siya sa malaking fridge at tiningnan kung ano’ng puwede niyang makakain.
May cordon bleu pang naiwan, halos isang bowl din iyon. Naisipan niya na ito na
lang ang kaniyang kakainin. Naglagay siya ng dalawang piraso sa isang plato
dahil medyo malaki-laki rin ang mga iyon at isinara na ang pinto ng fridge nang
muntik na siyang mapalundag dahil sa isang aninong biglang lumitaw sa kaniyang
paningin. Hindi niya agad nakilala iyon dahil sa dilim. “Zoie?” Ang boses iyon
ni Domenic. Napahinga nang maluwag ang dalaga at nagtungo papuntang lababo,
kung saan siya sumandal. Buti at hindi iyon ang boss niyang si Alemana. Baka
kung ano na naman ang sasabihin niyon sa mga oras na ito. “I’m just hungry,”
paliwanag niya at kumakain sa dilim. “Why didn’t you turn the lights on?” usisa
pa nito. “I might disturb the others in their sleep. Did I disturb you?” aniya
habang kumakain. “I’m sorry.” “Not at all. I woke up thirsty, that’s why I’m
here.” Kumuha ito ng isang boteng tubig na nasa kabilang fridge na para lang sa
mga liquids. Uminom na ito ng tubig. Halatang uhaw na uhaw ito dahil sa bilis
nitong lumagok. Napa-ah lamang ang dalaga. Natahimik na siya, pati na rin si
Domenic at saka lumapit ito sa kaniya nang dahan-dahan. Napaisip tuloy siya
kung ano ang gusto nitong sabihin sa kaniya. “Zoie, do you have a boyfriend?”
tanong nito. Medyo natigilan siya sa tanong na iyon. Napakiling pa siya ng
kaniyang ulo. “Huh? Why are you asking me that?” “I’m just wondering. Don’t
take it the wrong way,” mabilis namang dagdag nito. “Hmm… I had two in the
past, but not anymore. And since I’m going to serve your family for life, then
I don’t think I’m going to have one again,” turan pa niya rito nang walang
gatol. “Do you wish to get married in the future?” tanong pa ni Domenic
pagkatapos uminom ng tubig. Natigilan na naman ang dalaga sa tanong na iyon.
Ano ba talaga ang gusto nitong sabihin sa kaniya? Napasapo tuloy siya sa
kaniyang dibdib. ‘Di naman siya kinakabahan o kung ano man. Normal lang ang
tibok ng kaniyang puso. Ngunit nang maisip niya ang kapatid nito ay biglang
tumahip ang kaba sa kaniyang dibdib. ‘Bakit ba? Bakit siya pa?’ “Well, I didn’t
wish⸺” umpisa niya. Biglang lumiwanag
ang buong malaking kusina. Napalingon si Domenic at napatingin din si Zoie sa
direksyon ng switches ng mga ilaw. Si Alemana ang kanilang nakita na matiim ang
ekspresyon ng mukha habang nakatitig sa kanilang dalawa. Nalilito naman ang
dalawa sa ekspresyong nakita sa mukha ni Alemana. Napatingin si Domenic sa
relong pambisig at napatango. Alam din pala nito kung anong oras gumigising ang
kapatid nito. “What are you two doing here?” May bigat ang mga salitang
binitiwan nito at halatang nag-iingat na huwag sumigaw dahil napakaaga pa.
Naisip naman iyon ng dalaga. Biglang may bahid na takot sa mukha ni Domenic
nang mapatingin kay Zoie. Ang dalaga naman ay nalilito dahil sa inasal ng
magkapatid. Bigla tuloy niyang naalala ang sinabi sa kaniya ni Huapala noon na
lahat ng miyembro ng pamilya Campbell ay takot sa ulo ng pamilya nito. ‘Ba’t
naman siya matatakot? Wala naman kaming ginawang masama,’ sa isip niya. ‘O
kaya’y natatakot siyang may maisip na masama ang kapatid niya habang kasama
ako?’ “I was hungry, and your brother was thirsty,” kalmante at maikling
paliwanag niya. Inilagay na niya sa lababo ang platong wala nang laman.
Minasdan ni Alemana si Domenic nang hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa
mukha nito. “Get back to your room now, Domenic. I have something to say to
this woman.” Saka na lang ito bumaling sa kaniya pagkasabi niyon. Nagkatinginan
muna ang dalawang magkapatid. Nakita ng dalaga na napalunok si Domenic at
tumalima sa utos ng nakatatandang kapatid. Kunsabagay, ito naman ang master ng
buong rancho at ang ulo ng pamilya nito. Kahit saan man mapadako ang tingin ng
isang tao ay ito ang teritoryo ni Alemana. Agad naman siyang nilapitan ni
Alemana. Hinawakan nito ang kaniyang braso at halos kinaladkad siya patungong
library, kung saan ay soundproofed din katulad ng ibang kuwarto sa loob ng
malaking bahay. Binuksan muna nito ang ilaw bago isinara ang pinto. Humarap ito
sa kaniya at kinompronta siya. “Why do I always see you with different men?”
Nakasimangot pa rin itong nakatingin sa kaniya. Kita niya ang pagkiskis nito ng
mga bagang at nang-aakusa ang mga mata. Napakunot-noo naman ang dalaga sa
sinabi ng amo. Ano bang gusto nitong palabasin? Na isa siyang malanding babae?
Parang iyon kasi ang tono nito. Napakuyom ang kaniyang mga palad at napataas
ang kaniyang ngusong napatitig dito. Humahangos siya sa inis. “Excuse me?”
“Don’t you get it? You’re not going to marry with just anyone around here. I
forbid it! And you already know that in your position, you are not allowed to get
involved with any man!” Napamaang siya at napalunok. “Did I ever say that I
want to marry? I know very well what my position means to your ranch! I am very
well informed about it, even though I’m against it!” Nagbabaga ang mga mata
niyang sumagot sa amo.
Chapter 18
Natigilan
si Alemana. Kitang-kita pa niya ang nag-aapoy na mga mata ng dalaga. Alam
niyang sa kaibuturan ng puso nito ay nagsasabi ito ng totoo. Pero bakit nga ba
siya nagagalit? Nagseselos nga ba siya nang makitang halos magkadikit sina Zoie
at Domenic kanina sa kusina nang maratnan niya? Mukhang nawala siya sa katinuan
pagdating kay Zoie at hindi niya alam ngayon kung paano lumabas sa sitwasyong
ito nang hindi niya pinag-iisipan nang maayos. Ineksamin niyang muli ang
sarili. Nagseselos ba siya kay Domenic na nakipag-usap kay Zoie sa dis-oras ng
umaga? Nagselos na ba siya noon nang makipag-usap ito kay Huapala at nakangiti
pa nang matamis? ‘Maybe. I don’t want her to smile at other men!’ Naghihimagsik
ang kalooban niya. “You’re against it? You mean, you do really want to get
married,” ang wika niya sa babae. Her eyes wavered. Kita niya rin ang paglunok
nito habang nagtaas-baba ang dibdib. Sa suot nitong pantulog ay pansin niyang
hindi ito nakasuot ng bra. Biglang uminit ang katawan niya bilang reaksyon dito.
Parang gustong abutin ng kaniyang mga kamay ang babae. Gusto niya itong yakapin
at lamukusin ng halik hanggang sa wala na itong ibang maisip na lalaki o bagay
kundi siya. Siya lang! Humakbang siyang papalapit sa babae ngunit umatras ito.
“Fine! But I’m warning you. If I see anything like that again, you better be
ready for your punishments, Zoie,” babala pa niya rito. Pagkatapos niyon ay
nag-walk out na siya ng library. Dahil kung hindi, baka kung ano pa ang magawa
niya na baka pagsisisihan niya sa huli. He had to take care of this libido that
was raging inside him. It was not right or appropriate. *** ‘Ano raw?
Punishments? Lagi na lang niya akong binabalaan, ah!’ Napasunod na lamang ng
tingin si Zoie sa lalaking papalabas ng library. Inis na inis siya sa kaniyang
amo. Gusto niyang sumigaw sa galit. Bakit tila pinagdidiskitahan siya nito?
Wala naman siyang ginawang masama kasama ang kapatid nito o ang kung sinumang
lalaki sa rancho. Kumain lang siya. Uminom lang ng tubig si Domenic. Iyon lang.
Pero parang ipinalabas ng amo na may ginagawa siyang milagro kasama si Domenic
sa mga oras na iyon. “Huh! That evil... hateful man! Wala na nga siyang pruweba
at sinisisi pa ako? Huh! Makikita mo! I’ll make a Book of Death for all those
evil people, and I’ll list you down as number one! Ipakukulam kita, Alemana!
Galit ako sa ‘yo!” Humihingal siya sa inis at galit sa lalaking ‘di na narinig
ang kaniyang pagmumura. “Ang kapal ng mukha mong pagbintangan akong malandi
ako! Kainis ka talaga!” tiim-bagang na dagdag niya. Patuloy na nagtaas-baba ang
kaniyang dibdib. Umupo siya sa sofa nang pabagsak. At dahil siguro sa busog
siya ay ‘di niya namalayang nakatulog na siya roon sa pagod at galit.
Nakasandal lang siya sa mahabang sofa. *** Alas siyete na ng umaga ay bumalik
si Alemana sa mansion pagkatapos ng trabaho niya sa kada umaga sa rancho.
Inatasan na niya si Huapala na mag-take over sa ilang kailangang gagawin habang
kumakain pa siya ng almusal. Pagkatapos ng kaniyang daily routine sa umaga at
pagkatapos niyang mag-almusal ay sasama sa kaniya ang butler na siyang
mag-a-assist sa kaniya at sa kaniyang mga kailangan sa rancho. Alam na nito ang
pasikot-sikot sa rancho at alam na rin nito ang kaniyang ugali at mood. “Is
Domenic⸺?” umpisa pa niyang tanong sa
butler na siyang naglagay ng pagkain sa harap niya. “As you know very well
know, Master Alem, he’s going to have his breakfast late together with your
sister and your second mother,” pagpaalam pa nito sa kaniya na alam na ang
itatanong niya kaya pinutol na nito iyon. “After brunch, I heard they will
leave the mansion.” “How about my⸺?” Pinutol na naman nito ang kaniyang katanungan.
“Oh, I haven’t seen Zoie yet, Master Alem. Do you want me to look for her all
over the mansion?” pormal pang anito. “No, I’ll look for her myself. Prepare
her food.” “Yes, Master Alem. I will do that.” Tumayo na si Alemana at nagtungo
sa second floor ng mansion. Kinatok niya ang kuwarto ng dalaga ngunit nang
buksan niya ang pinto ay wala ito roon o kaya ay sa banyo. Nanaog na lang siya
at naalalang iniwan niya ito kanina sa library kaya doon na siya dumiretso.
Pagpasok niya sa library ay nakita nga niyang nandoon ang dalagang nakatulog sa
sofa. Bahagya pa siyang naiiling at saka isinara ang pinto nang marahan at
walang ingay. Nakadungaw siyang nakatunghay sa babaeng halatang hindi
komportable sa posisyon nito ngayon. Kalahati ng katawan nito ay halos mapahiga
na sa sinandalan. Humakbang pa siya papalapit dito at napatitig nang husto sa
natutulog na dalaga. Nakatingin siyang maigi sa maganda nitong mukha. Parang
hindi niya nakikinitang marunong itong magalit dahil sa kalmanteng ekspresyon
ng mukha nito ngayon. Marahan siyang napasingasing nang maalala ang paghaharap
nila kanina bago siya pumunta sa kaniyang opisina sa rancho. Alam niyang puro
naman tahol ang ginagawa niya at walang kagat. Lagi naman siyang ganoon. Umupo
siya sa isang sakong at tinititigan pa rin ang natutulog na dalaga. Mahaba at
pakurba ang mahabang pilik-mata nito. Ang cute ng ilong nito at nakaawang nang
bahagya ang mapupulang labi nito na walang bahid na lipstick. Bigla tuloy
nanunuyo ang kaniyang lalamunan habang nakatitig sa mapupula nitong labi na
medyo nakaawang. Napaisip-isip siya tuloy kung gaano kalambot o kaya’y katamis
nitong hagkan. Matagal na ring panahon nang may nakaniig siyang babae. Kaya
paminsan-minsan ay napaisip siyang baka mababaw na pagnanasa lang itong
nararamdaman niya para sa hahaliling property manager niya. ‘But then again, I
haven’t felt anything like this before,’ bulong ng kaniyang isip. Bumilis ang
tibok ng kaniyang puso sa isiping iyon at si Zoie ang nakikita sa kaniyang
balintataw. Napasinghap pa siya sa mabangong amoy nito. Ang perfume na gamit
nito. Pagkatapos ay napababa ang kaniyang paningin sa inosenteng naka[1]display
na cleavage nito dahil sa isang butones na nakawala. Napalunok ang binata.
Gusto niya sanang takpan iyon pero baka magising ito at iba ang iisipin.
Natigilan na lang siya nang may sinambit ito nang mahina. “Master Alem…” “What?
Are you dreaming about me now?” Napangisi pa siya. Hindi niya alam kung ano
itong kasiyahang nagpalundag sa kaniyang puso. Patuloy siyang nakatunghay sa
babaeng tulog pa rin. Marahan itong gumalaw kaya tumikhim na lang siya at
tumayo. Ipinasok niya ang mga kamay sa kaniyang bulsa at sinipa ang sofa. Noon
pa ito nagising. “What?” disoriented na anito. “Breakfast. Follow me right
away,” matabang na tugon niya rito at nagpatiuna na. Nang lingunin niya ito ay
nakita niyang umunat pa ito. Napangiti na lang siya sa kaniyang sarili.
Chapter 19
Napangisi
nang mapakla si Zoie nang maalalang nag-away pa sila kaninang madaling-araw. At
ngayon, gusto nitong makipagsalo sa kaniya ng almusal? ‘Huh! Ang weird niya.’
Napaismid na lang siya habang nakasunod sa lalaking tiningnan ang magandang
back view nito. Lalaking-lalaki talaga ito. Maganda ang pang-upo at ang mga
biyas na mahahaba saka maskulado. Amoy rancho man ito pero may nananaig pa rin
itong bango. Ewan niya. Kung iba pang lalaki ang naaamoy niya ay baka hindi
niya magugustuhan. Pero bakit iba ang dating ng amoy nito sa kaniya? Bakit
parang gusto niyang⸺? ‘Hep,
hep, hep! Brake, brake lang. Please! Huwag tayong pumunta sa R18+ part,’
pagpigil niya sa sarili. Ngumuso siya. Inis pa rin siya rito kahit na may
atraksyon siyang nadarama para sa amo. Paano naman kasi ay siya lagi ang
nakikita at pinagagalitan nito. Bigla niyang naaalala ang kaniyang panaginip.
Bakit ganoon iyon? Bakit masaya silang naghahabulan sa kung saang kaparangan?
‘Ang cheesy no’n, ha?’ Napalunok na lang siya at pumasok na sa dining room kung
saan naghihintay si Lihau na siyang kalimitang nag-aasikaso sa kanila ng
kaniyang amo kada meal nila. Kahit papaano ay gusto niya rin ang kaniyang
posisyon bilang property manager nito. May mga perks din naman at napangiti
siya sa sarili. Pansin niya ang pagsulyap sa kaniya ng amo nang makaupo na sila
at nagsimulang kumain. Umalis na si Lihau dahil pinaalis ito ni Alemana. “Why
are we still doing this?” naitanong niya pa. “What do you mean?” tanong nito
nang nagulumihanan. Kita ng dalaga kung paano ito tumingin sa kaniya nang
malagkit. Tuloy ay pilit niyang nilunok ang bacon na nginunguya niya. Ikinumpas
ng dalaga ang kutsilyo at tinidor na hawak. “This,” aniya. Kuryuso siyang
malaman kung bakit ito pa ang sumundo sa kaniya sa library para sabihing kakain
na silang dalawa nang sabay. Puwede naman siyang ipatawag ng isang katulong o
kaya ni Lihau. Uminom ang amo ng fresh apple juice. She thought he really took
his time in answering her question. Para sa kaniya ay importante niyang malaman
kung bakit ganito ito kung itrato siya. Hindi ba ito galit o naiinis sa kaniya?
“Have you forgotten? You just scolded me earlier, so why? You could’ve told
Lihau to tell me we’re not doing these meals together anymore,” dagdag niya at
sumubo ng pagkain. Tiningnan siya nitong pabalik habang nanantiya ang kaniyang
paningin sa lalaki. “I’m getting used to it. Just like couples do, we fight and
make up.” Muntik nang mabulunan ang dalaga. Agad niyang inabot ang baso ng
apple juice at nilagok iyon. Uminit ang kaniyang dalawang pisngi at tumalbog
ang puso niya nang paulit-ulit. “In our case, we’re employer and employee. We
have our differences now and then, but we still work together. Don’t you
agree?” kalmanteng dagdag ng lalaki na may mapanuksong mga mata sa kaniya. “Why
don’t you fire me instead? I talk back to you and⸺” “Firing you is not an option. It will never be,
remember that. You’ll stay here on the ranch for good, Zoie. Do you hear me?
You’ll stay here with me until one of us or both of us breathe our last,” ang
wika ng lalaki. Napalunok ang dalaga sa kaniyang narinig. Lalo lang lumakas ang
pagpintig ng kaniyang puso habang nakamasid sa seryosong ekspresyon na nasa
mukha ng lalaki. Hindi niya inasahan ang bawat salitang namutawi sa mga labi
nito. Kung love proposal ito ay baka napasagot na siya nang malakas na “Yes!”
Subalit hindi. Trabaho lang ang ibig sabihin nito. Walang labis, walang kulang.
‘At bakit masakit sa heart ko ‘to? Bakit? Dahil hanggang amo at empleyado lang
talaga ang relasyon naming dalawa hanggang sa huli?’ Gusto niyang magprotesta
sa Kaitaas-taasan. Gusto niyang sabihin na sobrang unfair naman ng kaniyang
buhay. ‘Sabagay, may Claire naman na siya kaya saan pa ba ako lulugar? Ultimong
mayordoma niya lang ako,’ anang isip niya. Ramdam niyang parang pinipiga ang
kaniyang puso ngayon. Parang gustong kumawala ng mga luhang nagbabadyang umagos
sa kaniyang mga mata. Napababa siya ng tingin at napakurap-kurap upang pigilan
sa pag-alpas ang mga butil ng luha sa kaniyang mga mata. Ayaw niyang umiyak sa
harap nito kahit na sobrang nasasaktan ang kaniyang damdamin. Wala naman kasi
siyang karapatan para masaktan o para magreklamo. Dapat tanggap na niya ang
kaniyang kapalaran. Sinabi na niya iyon sa binata, ‘di ba? Kailangan niya lang
paalalahanan ang kaniyang sarili sa tuwing nakakalimutan niya ito. ‘Mayordoma
lang ako. Mayordoma niya lang ako, wala nang iba pa.’ “So, what if you got
married, Master Alem? I’m sure your wife wouldn’t like me having to eat meals
with you, would she?” Nakita niya ang pagkapatda sa reaksyon ng amo pero wala
itong sinabi sa kaniya. “Right. Just what I thought,” mapait na dagdag niya
nang mahina saka nagpatuloy na sa kaniyang pagkain. Pilit lang. Itinulak niya
ang pagkain sa bibig niya gamit ang juice. Ang hirap pa namang kumain nang may
masamang dinaramdam. Katulad na lang ngayon. Parang dama niya pa rin ang
paghiwa ng libo-libong kutsilyo sa kaniyang puso. Halos ‘di pa siya makahinga
dahil sa bumabarang pagkain sa lalamunan niya. Maisip lang niyang may iba nang
babae na siyang asawa ni Alemana, parang hindi na niya kakayanin pa ang sakit.
Kaya kaya niyang tiisin ito nang dahil sa lintek na tradisyon nila? Hanggang
kailan pa ba nila tutuparin ang mapait na tungkuling ito sa buhay ng kanilang
angkan? ‘Ang sobrang unfair! Unfair talaga!’ Mapaisip lang siya na may iba pang
magiging katulad niyang masasaktan sa susunod na mga henerasyon ay masasabi
niyang isa itong sumpa, hindi kabayaran sa kabutihang nagawa ng angkan ng
Campbell sa Tabilla. Hindi ito karangalan na makapagsilbi sa isang pamilya sa
ibayong karagatan mula sa Pilipinas na malayo sa mga Kastila noon. Iba na ang
panahong ito pero alam niyang wala na siyang kawala…
Chapter 20
Nag-jo-jog
si Zoie katulad ng nakagawian niya pagka-adjust niya sa buhay at mga gawain sa
rancho. Pansin man niya si Alemana na may ginagawa ay binalewala lang niya ito.
Kalimitang kasama nito sina Lihau at Huapala. Lagi siyang binabati ng huli at
kinakawayan niya lang ito pabalik at hindi kinakausap. Nag-sho-shower siya
pagkatapos mag-jog dahil sa init at pawis. Pagkapresko na ang pakiramdam niya
ay gumagaan ang kaniyang loob. Bumabalik din siya sa trabaho pagkatapos niyon.
Tsinitsek niya ang mga gawain ng bawat kasambahay kung ginagawa ng mga ito nang
maayos ang mga iyon; tinitingnan niya ang mga kailangan sa mansion at rancho;
naglilista ng mga kailangang bilhin sa susunod na grocery shopping; nire-review
kung nabayaran na ang lahat na kailangang bayaran; at marami pang iba, kasama
na ang pagdo-double check sa bookkeeping at ranch record keeping. May checklist
siya sa bawat gawain niya araw-araw upang hindi niya makakaligtaan ang mga ito.
May daily logs din siya sa cloud para sa sarili upang may sarili siyang record
sa lahat ng mga ginagawa niya. Kung may bulilyaso, madali niya itong
ma-backtrack. “Tingin ko, naka-adjust ka na sa lahat dito, Zoie,” natutuwang
anang Auntie Lerma ng dalaga habang nag-ii-snack sila sa kusina isang maulang
hapon. May cookies at tea sa harap nila, sa ibabaw ng mesa. Napakurap-kurap ang
dalaga. “Bakit, Auntie? Gusto n’yo nang umuwi?” Parang gusto niyang mataranta.
Nasasanay na kasi siyang nasa malapit lang ang tiyahin. Sa parehong pagkakataon
ay nag-aalala siya at baka lumala na talaga ang sakit nito at nais nang
magpahinga. Biglang kinurot ang puso niya at uminit ang mga sulok ng kaniyang
mga mata. Ayaw pa niyang mawala ang tiyahin. Alam niyang sobrang bait nito kaya
pakiramdam niya ay sobrang unfair ng tadhana para dito. “Iyon naman talaga ang
plano ko, ‘di ba? Uuwi na ako sa Pilipinas. Gusto kong doon ako mamamatay at
ililibing, hindi rito. Dahil kahit dito ako nakatira halos buong buhay ko,
kahit na itinuring akong kapamilya ni Master Alem, hindi pa rin ito ang tahanan
ko, Zoie.” Biglang kumawala ang mga butil ng luha sa mga mata ni Zoie nang
marinig ito. Parang hindi siya makahinga. “Auntie!” Ngumiti ito nang may
lungkot sa mga mata at ginagap ang kaniyang kamay na nasa ibabaw ng mesa.
“Magiging maayos din ang lahat, Zoie. Maniwala ka lang.” “Huh? Ano’ng magiging
maayos, Auntie? Eh… ikaw na nga po ang nagsasabi tungkol sa kamatayan. Bakit
naman gano’n kasi?” Pumiyok ang boses niya. “Doon naman talaga tayo lahat
pupunta, Zoie. May hangganan ang lahat,” turan nito. Suminok siya. “Eh… tama ka
nga po, Auntie, pero kasi… ang unfair naman po, ‘di ba? ‘Di ka pa nakakaranas
magmahal. Hindi⸺” Naudlot
ang nais niyang sabihin nang biglang tumawa ang tiyahin kahit sa gitna ng
pagluha nito. Pinahid nito ang mga luha at tumitig sa kaniya. “Sino ba’ng may
sabing hindi ako nakaranas magmahal?” “Eh?” Parang umatras ang luha ng dalaga
dahil sa narinig. Napatingin sa malayo ang tiyahin niya. “May naging nobyo rin
ako rito, Zoie. Kaya lang… pumanaw siya dahil nalunod ang yate niya.” “Y-yate?
Ibig sabihin, ang yaman-yaman ng naging boyfriend mo, Auntie?” Namilog ang mga
mata niya. Tumango ito. “Oo. At alam niya ang posisyon ko rito sa rancho. Sa
katunayan, hiningi niya ang kamay ko sa amo ko, sa ama noon ni Master Alem.
Pero…” “Hindi siya pumayag dahil sa tungkulin mo at ng pamilya natin sa
kanila?” hula niya. Tumingin sa kaniya ang umiling na tiyahin. “Hindi.
Kabaliktaran ang nangyari. Pumayag ang amo ko pero ako ang umayaw.” Umawang ang
mga labi ng dalaga. “Huh? Bakit po, Auntie? ‘Di ba tsansa mo na ‘yong umalis
dito? Puwede ka naman sanang magpahalili, ‘di ba?” Umiling ang may edad na
babae. “Hindi, dahil nangako ako sa pamilyang ito na pagsisilbihan ko habang
ako ay nabubuhay. Hindi maaaring magbago ang priority ko. Ayokong mamili balang
araw sa pagitan ng sarili kong pamilya at sa pamilya ng amo ko. Ayokong baliin
ang pangako ko at talikuran ang tungkulin ko. Ayokong ipahiya ang angkan natin,
Zoie.” “Pero… kapalit no’n ay kaligayahan mo, Auntie,” punto niya. “Mas
mahalaga po ba talaga ang tungkulin at pangako kung may iba namang puwedeng
gumawa sa gawain mo rito? May mga pinsan kayong wala naman talagang ginagawa
para sa sosyedad at sa pamilya natin at willing na hahalili sa ‘yo.” “Batugan
at iresponsable?” Umiling ito at napatawa nang mapakla. “Hindi. Hindi ko
hahayaang ipahiya ang pamilya natin, Zoie. Hinigpitan ko talaga ang sinturon ko
para gawin ang lahat ng ito.” Napabuntong-hininga ang dalagang pinahid ang
luha. May punto rin naman ang tiyahin niya. “Kaya nga ikaw ang napili ko, ‘di
ba? Kasi ikaw ang nakikita kong tamang tao para humalili sa ‘kin dito, Zoie.
May magagaling ka ngang mga pinsan pero hindi ko nakikinita ang kanilang
dedikasyon. Kahit na sabihin pang isang karangalan ito ng angkan natin, iba pa
rin ang nasa isip nila. Pera lang ang mahalaga at hindi dignidad. Kung pera
lang ang pagbabasehan at magiging dahilan, maaaring hindi ito magtatagal nang
dahil sa maraming responsibilidad dito. Oo, sobrang laki ng suweldo pero paano
kung hindi nila matatagalan ang tungkuling ito at aatras na lang sa kalagitnaan
at iwanan sa ere ang rancho? Wala pang Tabilla na umaatras sa tungkuling ito
para sa mga Campbell, Zoie. Wala pa.” Napalunok ang dalaga. “Ano’ng… pakiramdam
mo noon, Auntie, nang ikaw ang napiling hahalili sa uncle n’yo ni Tatay?”
Alanganin ang naging tawa ni Auntie Lerma. “Ang sobrang istrikto no’ng pinsan
ng ama namin, ah. Hindi ko nakita ‘yong nakangiti ni minsan no’ng nasa
Pilipinas siya… pero ngumiti ‘yon sa ‘kin nang dumating ako rito. Hinding-hindi
ko nakalilimutan ang sinabi niyang, ‘Hindi tayo nagsisilbi ng estranghero,
Lerma. Pamilya natin ang pinagsisilbihan natin. Kaya alang-alang sa pagmamahal
at dignidad natin, hindi natin ‘to susukuan hanggang sa huli.’ Kaya no’ng may
nag[1]propose
sa ‘kin, tinanggihan ko. Ayoko kasing biguin at traydurin ang pamilya natin
kahit mahal ko ‘yong tao.” “Auntie…” nasambit na lang ng dalaga. “Kaya ikaw,
Zoie, may tiwala ako sa ‘yo. Buo ang tiwala ko sa ‘yo kaysa sa mga pinsan mo.”
“Pero, Auntie… paano mo naman nalaman ‘yon kung hindi mo sinubukan?” Hindi
nakasagot ang tiyahin. Bumuga lang ito ng hangin at umiling. “Ayaw n’yong
ipagbabaka-sakali ito,” anang Zoie na sinagot ang sariling katanungan.
“Naiintindihan po kita, Auntie. Pangako, hinding-hindi ako magpapabaya sa
tungkulin ko.” Ngumiti sa kaniya ang tiyahin, kita ang pagpapasalamat sa kaniya
sa mga mata nito. “Iyong… pagkalunod ng yate ng nobyo mo, Auntie, iyon ba ay
dahil sa tinanggihan mo siya?” Naisip niyang itanong dito. Umiling ang tiyahin.
“Hindi. Hindi naman iyon suicidal. Nirespeto naman niya ang naging desisyon ko.
Kahit masakit iyon para sa ‘ming dalawa. Rinig ko, may gusto siyang pakasalan
na ibang babae nang pumalaot siya.” Namilog ang mga mata ng dalaga. “Agad-agad?
May iba na siya pagkatapos mo siyang tinanggihan?” Tumawa si Auntie Lerma sa
kaniya. “Hindi. Mga dalawa o tatlong taon din iyon.” Bumuga ito ng hangin.
“Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin siya. Nakokonsensiya ako dahil binigo ko
siya. Pero gano’n talaga ang buhay. Paminsan[1]minsan
masaya, paminsan-minsan mahirap at nakakalungkot, sobra.” Napatango na lang si
Zoie. Tama nga naman ang tiyahin.
Chapter 21
Lumipas
ang mga buwan. Umuwi na si Auntie Lerma sa Pilipinas. Nagpadala ng pasalubong
si Zoie para sa kaniyang pamilya at sa kanilang mga kamag-anak. Batid niyang
hindi malayong papanaw na ang tiyahin at parang nilamukos ang puso niya dahil
dito. Ngunit wala silang magagawa na magkapamilya dahil sa ayaw naman nitong
mag-undergo ng chemotherapy o kaya ay surgery. Tapos na ito sa mga iyon nang
ilang taon na ang nakalipas at ayaw na nitong ulitin pa iyon nang mag-relapse
ang cancer nito. Paminsan-minsan ay nagtatawagan sila ng pinsan niyang si
Marilou na malapit sa kaniya kaysa sa ibang mga pinsan niya. Palagi naman
silang nagkukumustahan at naikuwento niya ang amo rito. “Hayy… Baka may
problema lang iyong tao. Dahil sabi naman ni Auntie Lerma mabait ang amo n’yo.”
Narinig pa niyang sabi ng pinsan sa kabilang linya, isang gabi sa kuwarto niya.
“Ay, iba talaga siya, ano? At ‘di ko siya maintindihan, Marilou!” “Hmm… talaga
bang wala kang pagnanasa sa amo mo? Ha?” biro pa nito. “Marilou naman, eh…”
Ayaw niyang aminin. “Nakita ko na ang picture niya, ano? At guwapo siya! Pero…
maganda ka naman. Hindi imposibleng hindi siya mabibighani sa kagandahan mo.
Ang dami kayang nagka-crush sa ‘yo rito sa atin, ‘no? Hanggang ngayon nga ay
tinatanong ka pa nila sa ‘kin kung kumusta ka na at kung nasaan ka na o kaya ay
nakapag-asawa ka na ba. Siyempre, sinabi ko sa kanilang hindi ka na available
kasi nandiyan ka na sa Big Island.” “Pinagagaan mo lang ba talaga ang loob ko o
ano?” Napangiti rin siya kahit papaano sa sinabi ng pinsan. Tila kinikiliti pa
siya. Tuloy, ini-imagine niyang may crush sa kaniya ang amo pero bigla siyang
napapilig ng ulo. Hindi puwede. Imposible iyon. Amo niya ito at sosyal na
mayordoma lang siya sa mansion nito. Walang patutunguhan ang kaniyang buhay
rito. Habang-buhay na siyang tagapangasiwa sa mansion at sa mga ari-arian nito
at amo niya lang ang lalaki. Iyon na iyon. Iyon lang iyon. “Ay, ano ka ba? Baka
kung ako rin ang nasa kalagayan mo, magka-crush ako sa amo kong ‘yan. Baka
maisip ko pang gapangin siya, ano?” Saka tumawa pa ito. Naiiling na lang siyang
nakangiti dahil sa sinabi ng kaniyang pinsan. “Ikaw talaga, para kang adik. Ang
lalaswa ng iniisip mo, eh. Sige na nga, bye na!” *** Sa bawat libreng oras
naman ni Zoie ay tinuturuan siya noon ni Auntie Lerma niya ng Hawaiian
language. Kada araw ay nag-jo-jogging naman siya sa rancho. Kung hindi sa umaga
ay sa hapon naman niya ginagawa iyon. May mga Native siyang nakakausap para
sanayin ang sarili. Dahil dito ay natututo rin siyang magsalita ng lengguwaheng
halos kalimutan na ng mga lokal na mga tao dahil sa wikang Ingles. May mga
naiintindihan na siya kahit papaano. Kahit para siyang batang natututong
magsalita ay pinipilit niya upang maturuan siya nang husto ng mga Hawaiian na
mga trabahador sa rancho at mansion. Naging malapit siya sa mga ito at
napahanga ang mga ito sa kaniyang pagsisikap. May ginawang salo-salo ang Auntie
Lerma niya nang mag-birthday siya. Nagkataon naman iyong wala si Alemana dahil
umalis papuntang siyudad dahil sa appointment nito. Papanhik na siya noon sa
kaniyang silid para magpahinga sa gabing iyon nang tinawag siya ng humahangos
na si Lihau. “Zoie!” Nakatingala ito sa kaniya na nasa pang-apat na baitang ng
malapad na hagdan. Nakahawak naman ang kamay niya sa kahoy na bannister na may
ribeteng silver. “Yeah?” ang sagot niya sabay pihit para harapin ito. “Master
Alem said you go to the fourth floor now.” “What? Why?” nalilitong aniya.
Kumibit ang butler saka umalis na itong hindi nagpaliwanag. Sa direksyong
pinuntahan nito ay alam niyang papunta na ito sa sariling silid. Nagpatuloy na
lang ang dalaga sa pagpanhik sa fourth floor na siyang pribadong palapag ng
amo. Ni hindi niya napansing nakauwi na pala ang amo. Nang sinilip niya sa
labas, nakita nga niyang nandoon ang sasakyan nito. Siguro ay dahil abala siya
sa pakikipag-usap sa mga kapwa kasambahay kaya hindi niya iyon napansin. Agad
siyang napasinghap sa nakita roon. Maraming balloons ang nakadikit sa kisame.
Naamoy niya ang bango ng maraming bulaklak na pikake na nakalatag sa sahig na
parang carpet. Patungo ito sa living room area ni Alemana kung saan naghihintay
sa tabi ng isang pabilog na mesa ang amo. May dalawang wood horse statue sa
magkabilang panig ng kaniyang nilalakaran, nakaharap sa naghihintay na si
Alemana. “Hauʻoli lā hānau, Zoie,” ang marahang bati nito sa
kaniya sa kaniyang kaarawan. Humakbang itong papalapit sa kaniya. May cake
itong nakalapag sa mesa at isang champagne na nakalubog sa isang maliit na
baldeng puno ng ice. Hawak naman ng isang kamay ng lalaki ang isang regalong
nakabalot sa paborito niyang kulay na lavender. Umawang ang mga labi niya
habang nakatitig sa amo. Wala siyang masabi nang mga sandaling iyon. Hindi niya
talaga inasahan ang ginawa nito at wala talaga siyang inaasahan mula sa binata⸺dahil ayaw niyang masaktan. Nang
halos dalawang hakbang na lang ang layo nila sa isa’t isa ay iniabot nito sa
kaniya ang regalo. “T-thank you,” aniyang halos hindi makahinga. Todo ang
pagrigudon ng puso niya ngayon habang tinatanggap ang regalo nito. “My
pleasure, ku’uipo.” Natigilan siya sa kaniyang narinig na endearment mula sa
lalaki. ‘Sweetheart? Sinabi niya ba talaga ‘yon?’ ‘Hindi, hindi. Baka nagkamali
lang ako ng narinig,’ kumbinsi niya sa sarili. “I thought you’re still at your
appointment.” “I cut it short to give you a little surprise,” ang wika ng
lalaking ngumiti sa kaniya. May kasiyahan sa mga mata nitong nakatitig sa
kaniya. ‘Ano raw? Para talaga sa birthday ko?’ Gusto niyang makilig pero
nagpigil lang siya. Napalunok ang dalaga at napaiwas ng tingin. Para kasing
nanlalambot na ang mga tuhod niya sa titig pa lang nito. “I don’t want you to
miss this special day, to have a memorable one on your first birthday on the
ranch,” ang dagdag na wika ng lalaki. Sa loob-loob ng dalaga ay nangisay na
siya sa kilig. Napakagat na lang siya ng labi. “Would you mind?” ang aniyang
dinukot ang cell phone mula sa bulsa ng kaniyang suot na jeans at nakangiting
kinunan ng larawan ang setting. She wanted to treasure it forever. “I think the
cake is overboard. It should be shared with the others,” ang wika niyang
napahiya sa lalaking nakatitig sa kaniya. “Aren’t you going to take a picture
of me and you?” ang anitong tila hindi narinig ang sinabi niya. Halos hindi
mapuknat ang paningin nito sa kaniya. Tumikhim siya at itinago ang ngiti.
Nag-selfie na rin sila at tuwang-tuwa siya dahil maganda ang kuha niyon. Halos
magkadikit ang kanilang mukha at kuha ang mga kabayo at ang mesa na may cake,
pati na ang mga bulaklak sa sahig. “Come on, just make a wish and blow your
birthday candle.” Hinawakan siya nito sa siko at naglakad na sila papunta sa mesa.
Umupo na silang magkatapat sa mesa. Iyon na nga yata ang pinakamemorableng
birthday sa buong buhay niya. Masaya siyang kasalo sa pagkain ng cake at
pag-inom ng champagne ang amo. Pakiramdam niya ay nagde-date sila. ‘Hep, hep,
hep. Hindi ito date, Zoie! Birthday celebration lang ‘to. Kita mo nga, wala
siyang ginagawa para akitin ka, eh.’ ‘Pero panay ang titig niya sa ‘yo. At
tingnan mo ang ngiti niya, o.’ Napapilig siya ng ulo. Hindi na niya pinatulan
ang nasa utak niya. Ang importante ay masaya siyang kapiling si Alemana sa gabi
ng kaniyang kaarawan. Kahit na una’t huling selebrasyon niya iyong kasama ang
lalaki dahil hindi siya umaasang may kasunod pa iyon.
Chapter 22
Parating
na rin ang araw ng birthday ni Domenic. Alam niyang naghahanda na rin si
Alemana para rito lalo na’t nagtatrabaho na sa isang construction company ang
kapatid nitong engineer. At bilang congratulatory party nito, pabobonggahin ito
ng kapatid upang matuwa naman ito sa nakatatandang kapatid. Kapwa tila nasa
cold war pa ang mga ito simula noong kaarawan ni Alemana. Hindi maintindihan ng
dalaga ang amo niya dahil din sa mood swings nito at pati na ang kaniyang mood.
Parang palaging in parallel dito. Kahit sa frictions sa pagitan nila ay
nagsasabi naman ito ng mga magagandang bagay paminsan-minsan at lalo na sa
kaniyang work performance sa rancho at sa mansion. May magaganda pa nga itong
sorpresa para sa kaniya, which she least expected from him, katulad na lang
noong birthday niya. Madalas naman ay napapansin niyang bumibisita ang babaeng
Briton na nagngangalang Claire, na napag-alaman niya mula sa butler ng amo.
“She’s head over heels in love with my Master Alem. And my master is quite fond
of her. She studied at the same university as my master had in New York. That’s
how they met,” kuwento ni Lihau. “Ah, so they’ve known each other for a long
time now,” kongklusyon niya. Ito ang laging naaalala ng dalaga sa tuwing
nakikita niya ang sexy na blonde. Bigatin talaga ang babaeng ito dahil kasosyo
din ito sa negosyo ng kaniyang amo at ito ang tumutulong na mag-export ng beef
sa UK galing sa rancho nila. Paminsan-minsan ay pinapatawag siya ng British sa
living room sa mansion upang tanungin kung kumusta ang amo niya. “Why do you
always ask me? Ask him yourself,” pakli niya sa malamig na tono. “You can even
visit him at his office, can’t you?” “I’m asking you, Zoie, so that you can
take care of your boss. Isn’t it right for an employee to make his boss happy? You
should know that, right?” “I’m not a clown. I’m the Campbells’ property
manager. I’m busy enough with several tasks, and so with that, I can keep him
happy. Don’t you think so?” “What I think is that you’re not the right person
for this job!” Saka tinalikuran siya ng babae. ‘What? How dare you!’ Binigyan
siya ng hostile look ng Briton at sak tinalikuran na siya. Sumimangot siya nang
maalala ang eksenang iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit para siyang
middleman nito at ng employer niyang sobrang sungit at sobrang strikto, lalo na
sa mga huling araw na ito. Ayaw niyang maging bridge ng dalawa. Naaasar siya sa
babaeng iyon! Napakuyom tuloy siya ng mga palad at hindi napunang nakuyumos na
niya ang isang dokumentong tinitingnan. Mabilis naman iyong pinalantsa ng mga
palad niya nang mapagtanto niya. Napakagat-labi siya at nagbabaga ang mga mata.
“Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ‘yon! Bakit, may nagtatanong ba sa
opinyon niya kung karapat-dapat nga ba ako sa posisyon ko, ha? Ang kapal niya!
Kasosyo lang naman siya sa negosyo, ah! Ang epal niya. Nagtatanong pa naman
siya tungkol sa amo ko, tapos iyon ang sasabihin niya sa ‘kin? Huh! Kapal,
kapal, kapal, kapal!” *** Habang nasa tabi si Zoie ni Alemana na nagmamaneho,
tahimik na nakamasid ang dalaga sa kanilang dinaanan. Kahit medyo natatrapik ay
walang sinumang namumusina na mga kotse roon, hindi katulad sa Pilipinas na
kapag naiipit sa trapiko ang mga tao ay panay busina, napakaingay. Lalong
nakakainis. Masayahin at palakaibigan ang mga tao sa Hawaii, napansin niya.
Paminsan-minsan ay kumakaway ang mga tao kapag nakikita ang Land Rover ni
Alemana at ito ang nagmamaneho. Kumakaway din ang lalaki sa mga taong kakilala
nito. Napapaisip ang dalaga na okay talagang kasama ito kapag hindi ito
nagsusungit. Ngunit nakilala na bilang masungit ang lalaki sa buong pamilya
nito at sa rancho. Istrikto ito sa trabaho ng mga manggagawa nito.
Paminsan-minsan ay pinagagalitan nito ang ilang handlers tulad na lang nina
Huapala at ang mga kasamahan nitong mga Spanish, American, at Native Hawaiian
kapag nagkamali. Ilang saglit lang ay nahuli siyang nakatitig sa binatang
nagmamaneho. Seryoso itong nakatingin sa kaniya at parang malamig ang
ekspresyon ng mga mata nito. Bumawi naman siya ng tingin at napamasid ulit sa
kalsada. Unang pagkakataon iyon na umalis siya ng mansion, sa labas ng rancho
mismo. Ito ay dahil sa kaarawan ni Domenic. “Why were you staring at me?”
tanong ni Alemana sa kaniya. Napatingin sa kaniya ang butler na nasa backseat
kasama si Huapala. Tila abala sa cell phone si Huapala kung kaya’t hindi nito
napansin ang kanilang eksena. ‘Dahil guwapo ka at nililito mo ako.’ “No, I
wasn’t,” ang pagsinungaling niyang ‘di pa rin nakatingin sa amo. “Don’t lie,
Zoie. I saw you stare at Master Alem,” ang sabat ni Lihau mula sa likuran na
may pilyong ngiti. “Shut up, Lihau! Don’t butt into other people’s
conversation,” ang saway ng lalaking nagmamaneho. “Face the window!” galit na
dagdag nitong nakatingin sa butler sa pamamagitan ng rearview mirror. “Y-yes,
Master Alem…” Tumalima naman ang butler. Napangiti si Zoie dahil doon. “And why
are you smiling?” tanong ni Alemana sa kaniya. Parang bata ito kung magalit.
‘Di talaga tinatantanan ang taong pinag-iinitan kaya iniwas niyang muli ang
mukha upang tumingin sa labas. “Don’t I have any right to smile at all?” maktol
niya. “What did you say? Could you say it again?” nakasimangot na tanong nito.
“I said, don’t I have any right to smile at all? Do you hear me now?” Humarap
siya sa amo. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay. Natapos na si Huapala sa
pakikipag-usap sa kung sinuman sa cell phone at napatingin kay Zoie na tumaas
ang boses. “Are you both fighting again?” Ang boses nito ay tila nababato na.
Ganoon na lang kasi sila halos araw-araw at alam iyon ng mga taga-rancho. Kahit
papaano, nagkaroon ng respeto sa kaniya ang mga tauhan ng binata dahil siya
lang ang puwedeng kumakalaban dito nang hindi nasesesante dahil sa matandang
usapan ng dalawa nilang pamilya tungkol sa serbisyo sa rancho at alam ng lahat
iyon. Kaya, may invisible bind sila na hindi matanggal-tanggal kailanman.
“Don’t butt in, Huapala,” ang babala ni Alemana sa kaibigan nito. “Don’t
worry,” ang sabi naman ni Zoie at sabay iyon kay Alemana nang magsalita siya. Nagkatinginan
ang dalawa at napaisnab ang dalaga sa lalaking napatingin sa kalsada nang
galit. Napabuntong-hininga si Huapala at ngumisi rito ang butler. Sinapak naman
ito ni Huapala sa batok at napatingin ito ulit sa bintana ng Land Rover. *** Sa
hapong iyon, dumating sila sa mansion ng mga Campbell na halos nasa sentro ng
siyudad. Nag-aaway pa rin sina Alemana at Zoie. Hinayaan na lang sila nina
Huapala at Lihau. Nauna nang pumasok sa malaking bahay ang mga ito. Naiwan sila
sa loob ng Land Rover. Napatingin ang dalaga sa malaking lawn na sobrang inayos
at inalagaan. Magaganda ang mga bulaklak na Hawaiian sa hardin at
kapansin-pansin ang isang malaking swimming pool na napakalinis. Nakita rin
niyang nag-umpisa nang mag-ayos ang catering service na kaniyang pina-reserve
para sa party mamaya. “Aren’t you going out?” tanong ng lalaki sa kaniya nang
tila nababagot. Napatingin siya rito. “Do I still have to join the party? I
don’t have a dress for this, and I can’t use that dress again. The one you gave
me on your birthday?” balik pa niya rito nang bahagyang naiinis pa rin. “Then,
just come as you are. Who’s telling you to dress up specially for this
occasion?” pagsusungit nitong may himig pang-iinsulto. O sa pandinig niya lang
iyon? Napamaang ang dalaga sa kaniyang suot na bestida na floral na pink at
puti na pinaresan ng puting sandals. Napakasimple niyon para sa isang party. At
sa nasaksihan na niyang mga bisita ng mga Campbell ay bonggang-bongga ang suot
ng mga ito. “This is your brother’s party! I haven’t been gone to any boutique
or dress shop to buy a dress for this party, because I was and I’m too busy on
the ranch,” giit pa niyang ipinaalala rito ang bagay na iyon. “Why do you have
to choose something carefully for this party? I even just brought my old suit
and slacks.” “What? You didn’t even tell me to bring any extra clothing!” Lalo
siyang napasimangot dito. Hindi man lang siya sinabihan nito kung ano ang
gagawin sa party basta’t sinabi lang nitong sumama siya. “We are going to a
party. What did you expect? And why do you really want to look like⸺?” “I want to look human. Can’t I?
Don’t I even deserve that, even though I’m just your property manager?” taray
pa niya rito.
Chapter 23
“Who said
you don’t look like a human? You’re the most human-person I’ve ever seen and
met in my life!” Napasimangot din si Alemana nakatingin kay Zoie. “If you’ll
tell me someone said otherwise, I’ll break his bones, so he’ll need to set them
back together his whole life!” Napalunok na lang ang dalaga. Walang maysabi
noon kundi siya. “Ay, grabe naman nito. Violence kaagad?” Inis siya tuloy kung
bakit laging siniseryoso nito ang sinasabi niya. Pero parang gusto niya ring
matawa dahil sa sinabi nito. May pagka-OA rin pala ito. Napatingin tuloy siya
sa labas ng sasakyan at nakita niyang lumabas ang half-sister at stepmother
nito. “They’re here. We must come out now,” nasabi na lang niya. Pinigilan pa
siya nito sa braso bago makababa. “What?” Sinimangutan niya ito. “I’ll ask my
sister to let you borrow one of her party dresses. But you have to ask me first
if it’s good enough, all right?” Laglag ang panga ni Zoie nang marinig ang
sinabi ng amo. Nalilito rin siya sa inakto nito ngayon. Kahit kailan ay hindi niya
ito maintindihan⸺sala sa
init, sala sa lamig. Hindi na lang siya umimik na nakatingin dito at sabay na
silang lumabas ng sasakyan. Nagbeso-beso ang magkapamilya at hinila na siya ni
Adrienne sa kuwarto nito upang makapili siya ng maisusuot sa party mamayang
gabi nang magpaliwanag ang kapatid nito. Mukhang mas excited pa ito sa kaniya
para pumili ng damit. Parang gusto niyang matakot at baka kung ano ang maisip
nitong ipasusuot sa kaniya. Maganda at iba ang interior at design ng mansion na
ito kumpara sa mansion sa rancho. Mas comfy rito. Naitanong niya tuloy sa
sarili kung paano mag-isang nakatira doon si Domenic. Paminsan-minsan lang
nakikitira rito ang kapatid na babae at kahit si Alemana ay hindi niya
ma-imagine kung mag-isa ito rito na kasama lamang ang ilang katulong. Sa
walk-in closet ay nakita niya ang daming party dresses at pati casual wear ni
Adrienne. Dahil sa magkalapit lang ang kanilang figure ay sigurado silang
dalawa na may magkakasya rin sa kaniya. Kumpleto ng iba’t ibang design at kulay
ang mga damit nito, pati na rin mga sapatos. “How about this powder pink
dress?” ang suhestiyon ni Adrienne sa kaniya nang nakangiti. Nalaman na ni Zoie
na gusto ni Adrienne na maging fashion designer balang araw. Kung kaya’t ang
mga damit nito ay gawa nito o kaya ay galing sa Paris, Rome, Florence, at sa
iba’t ibang fashion capitals sa buong mundo. Nakita na rin niya ang mga gawa
nito at napahanga siya sa mga iyon. Mukhang professional na kasi ang mga
disenyo nito. Napaka[1]talented
ng batang dalaga, naisip pa niya. “Hmm… All right. I think I like the empire
cut.” Naisip pa niya ang kulay-gintong damit na bigay sa kaniya ni Alemana para
sa kaarawan nito ilang buwan na ang nakalipas. “That’s good then. But let’s see
the others if they fit you, and we’ll check out the right footwear that goes
with it. I’ll make you the most beautiful woman tonight!” excited na anito.
Kinindatan pa siya pagkatapos. Napangiti naman siya rito at saka napaisip kay
Alemana. Isa iyong nakagawian na niyang hindi niya mabali-bali. Lagi siyang
napapaisip sa lalaki sa anumang gawain niya at sa anumang pagkakataon. Wala na
nga yata siyang cure. May nadarama na nga ba siyang pagmamahal sa lalaki at
itinatago niya lang iyon sa pakikipag-away rito tuwina? Dahil frustrated siya?
Gayunpaman ay gusto niya talagang supilin ito dahil alam niyang walang
patutunguhan ang damdaming ito. Si Adrienne ang nag-makeup at nag-hairdo sa
kaniya. Gamit lang ang cell phone ay inuutusan niya ang mga katulong at caterer
kung ano ang gagawin. Isinuot na niya ang backless na damit na may kombinasyong
kulay-itim at kulay-abo. May heart neckline na nagbibigay riin sa kaniyang
cleavage. Ang laylayan naman ay kumikinang dahil sa mga sequins. Nakapulupot
ang pagkakaayos ng buhok niya at ilang hair strands ang iniwan sa magkabilang
panig ng pisngi niya. Isinuot na rin niya ang silver high-heeled shoes na
pinapagamit sa kaniya ni Adrienne na nagkasya sa kaniya. “I’ll give you a
hibiscus flower, but I’ll let you wear it when the party starts. Okay?”
nasisiyahang anang hair dresser at clothing designer niya sa gabing iyon.
Napatango siya kay Adreinne na tuwang-tuwa. Tinulungan din niyang makabihis ito
at mag-hairdo. Pagkatapos niyon ay napatingin silang dalawa sa salamin. “I’ll
go get my brother. I’m sure he’ll approve, and I’ll also go get the hibiscus
ready.” Excited na lumabas si Adrienne. Maluwag ang ngiti sa maganda nitong mga
labi. Ilang sandali pa siyang napatingin sa kaniyang sarili sa salamin nang
lumitaw ang lalaki sa likuran niya at nakita niya iyon sa salamin. Suot nito
ang isang itim na slacks at suit at puting shirt na nasa ilalim niyon. Bagay
rin ang necktie nitong silver na silk. At sobrang makintab ang suot nitong
dress shoes. Napalunok siyang napaiwas ng tingin mula sa lalaking nakatitig sa
kaniya sa salamin nang may paghanga at pagnanasa sa mga mata nito. Bakit naisip
niyang bagay silang dalawa habang nakatingin siya sa salamin? Isa pa, hindi
niya alam kung ano’ng iniisip ni Alemana sa pagkakataong iyon. “Is this fine?”
napatanong na lang siya habang pilit na pinatatag ang boses. “It’s not fine,”
mabilis nitong tugon. Minasdan siya nito mula ulo hanggang paa at pabalik.
Napamaang siyang pumihit upang humarap dito. Napakalapit nila tuloy sa isa’t
isa at amoy na amoy niya ang pabango nito na tila nagpapahina sa kaniyang mga
tuhod, nagpapatibok nang husto sa kaniyang puso, at dahilan ng pagsigaw ng
kaniyang puso na napamahal na pala siya kay Alemana. Muntik pang magkahinang
ang kanilang mga labi habang magkalapit ang kanilang mukha sa isa’t isa. Sa
nararamdaman niya ay tila biglang huminto ang oras at puno ng pangalan at mukha
ni Alemana ang utak niya. “Hey, Zoie! Here’s the flower!” ang natutuwang sabi
ni Adrienne na siyang bumasag sa katahimikan at sumira sa magandang sandaling
iyon sa pagitan nilang dalawa ng amo. Natigilan ang kapatid nito nang sandali
habang nakamasid sa kanilang dalawa. Bahagyang bumalik sa Earth ang dalawa na
parang pinilit hilahin ng gravity. Patingin-tingin sa kanilang dalawa si
Adrienne nang nakangisi. Ang isang kamay ay may hawak ng sisibol pang hibiscus
samantalang ang isang kamay ay may hawak ng namumukadkad na na inilagay pa nito
sa kanang tainga. “Hibiscus?” ang ani Alemana sa kapatid na nakataas ang kilay
sa kapatid. Tila pagmumura ang salitang iyon sa tono nito. “Right!” kumpirma pa
ni Adrienne sa kapatid nito at inilagay rin ang isang bulaklak sa kanang tainga
rin niya. Nakita niya ang pagsimangot ni Alemana dahil sa ginawa nito ngunit
‘di niya maintindihan kung bakit. Tinampal pa ng lalaki ang kamay ng kapatid
nito. “Master Alem…” Sabay namang reklamo ni Zoie sa kaniyang amo. “Alem…” ani
naman Adrienne na nalilito sa ginagawa ng kapatid. “Why did you tuck it there?
It should be behind her left ear,” ang anang lalaki na inilagay ang bulaklak sa
kabilang tainga niya.
Chapter 24
Nakangangang
napakurap-kurap si Zoie dahil sa inakto ng amo. Nasamyo na naman niya ang
pabango nito. Nang matapos na ito sa ginagawa ay humarap ang lalaki sa kapatid
nito at binigyan ito ng babala. “Don’t ever touch that flower again!” Bumaling
naman ito sa kaniya. “And you, too. Leave it there!” ang mariing utos nito sa
kaniya at umalis na pagkatapos. “What’s with him?” ang tanong niya kay Adrienne
na nalilito. “I’ve never seen him so serious about any flower like hibiscus,
Zoie. I think I know why,” misteryosang sabi naman ni Adrienne na ngumisi sa
kaniya. At ‘di na ito nagsalita pagkatapos niyon. Ayaw niya ring magtanong dito
at baka kung ano pa ang kaniyang marinig. Mahirap na. Naisip na nilang lumabas
na sa kuwarto nito. Makiki-party na sila. Handang-handa na sila. Napamangha
naman halos ang lahat nang lumabas ang dalawang dalaga. Lumapit kaagad sina
Huapala at Domenic sa kanilang dalawa habang nakamasid naman si Alemana sa may
‘di kalayuan, napansin pa ni Zoie. “What’s with the flower behind your left ear?”
ang nakangising tanong ni Domenic sa kaniya. “Who placed it there?” ang sunod
namang tanong ni Huapala sa kaniya. Ngunit hindi siya makasagot. “Alem,” ang
sagot naman ni Adrienne para sa kaniya nang medyo may pag-aalala. Nakita niyang
nagkatinginan sina Domenic at Huapala sa isa’t isa. Nalilito naman siya sa
inakto ng mga ito. What was the big deal with the hibiscus flower tucked behind
her left ear, anyway? Wala namang nagsasabi sa kaniya kung ano ang ibig sabihin
niyon. May espesyal kaya? “What’s going on?” inosenteng tanong niya sa mga ito.
Napatingin ang tatlo kay Alemana na nakikipag-usap sa British lover nitong si
Claire Wilson. Invited na naman pala ito. Hindi alam ni Zoie iyon kahit na siya
ang nag-asikaso sa guest list. Naisip niyang baka idinagdag lang iyon ng
kaniyang amo at ngayon lang niya iyon nalaman⸺at ngayon lang din niya napansin ang babaeng
napakaseksi sa suot nitong maikling cocktail dress at halos iluluwa na ang
malalaki nitong boobs. “Tell her,” ang utos ni Adrienne sa dalawang lalaki.
Napabuntong-hininga pa itong napasulyap sa kapatid. “I’m not sure if Zoie would
like it, though.” Saka dumako ang paningin nito sa kaniya. Napatingin ang
dalawang lalaki kay Zoie nang may pag-aalala sa kanilang mukha. “Just tell me.
What’s bothering you? And what’s the importance with the flower that is particularly
tucked in my left ear?” ang usisa pa niya sa mga ito. Paulit-ulit na lang siya.
Nagkatinginan muna sina Domenic at Huapala at sabay na nagsalita. “You’re just
in a relationship with Alemana.” “What?” Hindi niya namalayang napasigaw siya
dahil sa kabiglaan at napatingin sa kaniya ang lahat ng mga bisita at mga
personnel ng catering service. Halos luluwa ang mga mata niya sa narinig. “Calm
down, Zoie,” mahinang alo ni Domenic sa kaniya at pangiti-ngiti pa ito sa mga
bisita. Hinila siya nito pabalik sa loob ng bahay at isinara ang sliding door
na tinted glass. Sumunod naman sa loob sina Adrienne at Huapala. Pagkatapos ay
ang butler na nginusuhan lang ni Alemana sa labas. “What? Why? Why should I
calm down? How can I calm down?” ang hindi mapakaling aniya at halatang
pinigilan siya nina Huapala at Domenic na huwag lumabas ng bahay para
komprontahin ang amo. Marami pa namang mga bisita roon at baka magkakaroon ng
hindi kanais-nais na eksena. “My brother must have his own reasons, Zoie.
Besides, we all know that your position is not to get involved with any man,”
paliwanag naman ni Domenic sa kaniya nang mahinahon. “Huh! So what? I know it
already! But he didn’t even bother to explain it a while ago. I feel like I’m
conned!” paliwanag pa niya sa kapatid ng amo. Napatawa sina Adrienne at Huapala
sa kaniya. Nakasimangot siyang tiningnan ang mga ito. “What’s so funny?” may
inis namang tanong niya sa mga ito. Para kasing pinaglalaruan siya ng
magkapatid na Campbell. “He’s not the kind of man who tells anyone any of his
reasons,” ang paliwanag ni Huapala. “I’ve known him since we were in the crib!
I know what’s on his mind, even though he wouldn’t say so,” kumukumpas na sabi
nito habang nagpapaliwanag naman sa kaniya. Napalunok naman siya, mga tatlong
beses. “And do you really know his reasons that relate to the hibiscus?” ang
tanong pa niya rito na bahagyang humupa na ang bagyo sa kaniyang dibdib. “Zoie,
it’s plain and simple. Our employer doesn’t want you to be wooed, and he
doesn’t want anyone to get near you,” ang tugon ni Huapala sa kaniya nang may
paglilinaw sa intensyon ng amo nila. “Why?” tila nagsusumamong tanong niya
rito. Gusto niyang maintindihan pero hindi lang iyon. May gusto siyang malaman
na isang rason na parang magpapagaan ng loob niya⸺na tila ay magiging sandigan niya… na sana… sana…
Bigla niyang pinigilan ang sariling mag-isip ng ganoon. Umiling siya. Ayaw
niyang umasa kahit gustuhin man niya. Pero sa kabilang banda ay sana hindi ito
ginawa ni Alemana upang walang manligaw sa kaniya kundi ay may gusto ito sa
kaniya at ipinalabas lang na ang intensyon ay ang pagiging property manager
niya na hindi puwedeng magkaroon ng nobyo o asawa sa hinaharap. “Well, I’m sure
he’ll tell you in the near future. Just don’t press this matter to me or to Domenic
anymore,” ang wika ni Huapala na parang nagpaparaya ang tono ng boses. Bakit
parang wala siyang mapapala? Talaga bang ganito ka-best of friends sina Huapala
at Alemana? Pakiramdam niya ay bigo siya at para siyang pinagkaisahan ng mga
ito. Ngunit naisip niyang ginagawa lang ng mga ito iyon upang hindi magkaroon
ng away kay Alemana na palaging nasusunod sa anumang pagkakataon. “Right. My
brother will tell you soon about his reasons. We cannot say anything to you
right now. Just let him be, and you might even recall that my sister didn’t say
anything to you at all, right?” dagdag pa ni Domenic nang mahinahon ang boses.
Ngunit may ekspresyon sa mga mata nitong hindi niya mababasa. “Do all these
people know what this flower means?” “More or less,” tugon naman ni Adrienne.
Napatingin na lang ang dalaga kay Adrienne at napatango rito. Pagkatapos niyon
ay lumabas na silang lima. Nagsimula na ang Western party. Nagbigay pa ng
speech at toast si Alemana para sa kapatid nitong may kaarawan at may bagong
trabaho, sa pamilya, at sa mga bisita. Binigyan naman ito ng isang maliit na
brown envelop ang nakababatang kapatid na alam ng dalaga na naglalaman ng
dalawang milyong dolyar. Iyon ay para ipakita ritong ipinagmamalaki nito ang
kapatid dahil sa achievement nito.
Chapter 25
Natapos
ang party nang alas tres ng umaga. Sinusuri pa ni Alemana kung nalinis na ang
lawn. Pagkatapos niyon ay nagtungo siya sa swimming pool at nakatingin sa
paiba-ibang kulay ng ilaw na nasa ilalim ng tubig. At iisang tao lang ang nasa
kaniyang isipan. Si Zoie. “Alem, why are you still here?” ang tanong ni Domenic
sa kaniya na may dalang baso ng red wine sa dalawang kamay. Nakita kasi siya
nitong nasa labas pa at malinaw na naisipan nitong bigyan din siya ng wine.
Napuna yata nitong may malalim siyang iniisip habang nakamasid sa tubig ng
pool. Tinanggap ni Alemana ang wine glass. Uminom muna siya bago sumagot sa
kapatid. “I can’t sleep yet.” “Is something bothering you?” kuryusong tanong
ulit ni Domenic sa kaniya. Napatingin si Alem sa kapatid. “Am I a good brother
to you, Domenic?” bigla niyang tanong dito. Napatingin sa tubig ang kapatid
niya. “At times, you are. And at times, I think you are not,” ang seryosong
tugon nito. “But I’m perhaps just being a spoiled brat for thinking the worst
of you. Most of the time.” “I see,” marahang sabi ni Alemana sa kapatid at
sumimsim na naman mula sa wine glass na hawak. “So, you think that’s how
Adrienne feels for me, too?” “I cannot say on her behalf, Alem. But you must
remember that I understand you very well. I know how hard it is for you to
carry on the family business that’s been with us for over two centuries.”
Napatitig ito sa kaniya. “Even though I sometimes hate the way you are, I do
understand. I keep reminding myself that you’ve taken the responsibilities when
you barely finished your master’s degree, and you had dreams of your own.”
Tumigil ito ulit at uminom din bago nagpatuloy sa pagsalita. “I knew that you
wanted to pursue your medical degree afterwards. And yet, our dad died from an
illness. I never even thought that our stepmother would bring us the
two-year-old Adrienne while she was too saddened by our father’s death. But you
were there for me and for her and for Adrienne. You were always there for all
of us even though we didn’t do the same for you when you are anxious about the
ranch and the cattle… and some stuff related to them—I understand you very
well, Alem. But we can’t… and we don’t do anything…” Parang naninikip ang
lalamunan ni Alemana dahil sa kaniyang narinig mula sa kapatid. Parang nag-iinit
din ang sulok ng kaniyang mga mata. Totoo iyon. Nababasa nga ng kapatid niya
ang nasa isipan niya at kung ano ang nasa puso niya noon. Medyo galit pa siya
sa kanilang ama dahil siya ang itinurong tagapagmana ng lahat at hindi ang
kanilang stepmother. Dahil dito, siya ang nagpapasan ng krus para sa kanilang
pamilya. His brother read his thoughts and mind well when he was younger. Noon
ay nakalimutan niya ang tradisyon ng kanilang pamilya. Ngunit dahil kay Lerma
ay naging responsable siya at wala siyang tigil sa pag-aasikaso sa rancho. Wala
na nga siyang seryosong karelasyon dahil sa sobrang pagtatrabaho. Ngunit iyon
ay nagbago. Dahil kay Zoie. Parati na itong iniisip niya sa loob ng maraming
buwan. Pakiramdam niya ay nagseselos pa siya sa kahit na sinong lalaking
nakikipag-usap dito. Kahit pa ang kapatid at ang kaniyang best friend,
pinagseselosan niya rin. Alam niyang hindi tama pero hindi naman niya
mapipigilan ang sarili. “And now, you are torn between our family and Zoie’s
family’s tradition. Am I wrong, Alem?” Inungkat pa ni Domenic iyon. Umiling si
Alemana. Inubos na niya ang laman ng kaniyang wine glass at inilagay iyon sa
ibabaw ng malapit na mesa sa may swimming pool. “I don’t want to talk about
it.” “But you surely have something in your mind—and heart—when you did what
you did earlier this evening,” pambubuko pa nito. Napatingin si Alem sa
kaniyang kapatid na nakasimangot. “I just did what I had to do, Domenic. She’s
not supposed to be prancing around with that hibiscus tucked behind her ear. All
the men would flock—” “Of course,” putol pa ni Domenic na nakangiti sa kaniya.
“Of course, you don’t want to see her fall in love with someone else besides
you…” “Don’t say something like that.” Umiiling si Alemana. In denial pa rin.
Pareho sa kapatid at sa kaniyang sarili. “Alem, I know where your heart lies.
I’m your brother.” Hindi naman makatinag si Alem. Para siyang mababaliw sa
tuwing naiisip si Zoie. Iyon ay dahil sa posisyon nilang dalawa bilang mag-amo.
Isa pa, parang ayaw naman nito sa kaniya at palagi silang nag-aaway kahit sa
maliit na mga bagay. Katulad na lang kanina. Ang ultimong damit nito ay
pinag-awayan pa nila, pati na ang bulaklak. Sabagay, malaking bagay para sa
kaniya ang hibiscus. Kahit wala siyang sinasabi ay alam ni Domenic kung ano ang
dahilan niya. “If you’re going to be slow, then I’ll snatch her away from you,
Alem, and I wouldn’t even care about our family tradition,” babala nito sa
kaniya na may panunudyong ngiti sa mga labi. Napatitig si Alem nang masama sa
kapatid habang nakangisi pa rin ito sa kaniya. Napaisip tuloy siya nang malalim
at matagal dahil sa mga salitang binitiwan ng kapatid. Pagkatapos niyon ay
tinapik siya nito sa balikat para mauna nang pumasok sa mansion. Naiwan siyang
nakatulala habang ang mga mata ay nakapako sa tubig ng swimming pool.
Chapter 26
Dalawang
araw nang nakabalik sa rancho ang apat na nagtungo sa siyudad. Walang imikang
sabay na kumakain sina Alemana at Zoie habang nakabantay sa kanila si Lihau.
Kalimitang pasulyap-sulyap ito sa kanilang dalawa ngunit kapag nagsasalita ito
ay pinapatalikod ng binata at pinapaharap sa dingding ang kawawang butler.
“Master Alem, why are you doing this to me?” ang maktol pa ni Lihau sa binata
habang kumakain ng dinner ang dalawa, isang gabi. “I don’t want to hear your
voice, and I don’t want to see your ugly face. I’ll lose my appetite,” ang
matabang na sagot ng binata. “Master…” Parang maiiyak si Lihau. “Are you
digging your own grave?” banta pa ng binata. Hindi na umimik ang kaniyang
butler na ngumuso at nag-puppy eyes. Sinulyapan na lang ni Alemana si Zoie na
nakapako ang mga mata sa plato nito at marahang ngumunguya. ‘What could she be
thinking right now?’ *** Sa loob-loob ni Zoie ay napatawa siya dahil sa ginawa
ni Alemana kay Lihau. Ngunit ‘di naman siya umimik upang tulungan ang kawawang
si Lihau. Ninakawan niya lang ng tingin ang lalaking seryosong kumakain ng
hapunan nito. Mukhang wala ito sa mood para makipagtalo sa kaniya kung
saka-sakali mang may violent reaction siya sa pagtrato nito sa butler.
Kinabukasan nang mga alas tres ng umaga ay nagising na lang si Zoie nang tila
may gulong nangyayari sa mansion. Kahit na hindi narinig ang komosyon sa silid
ay nakita naman niyang nakabukas ang mga ilaw na kalimitang patay kapag tulog
ang mga tao sa mansion. Kung kaya kahit sa suot na nightshirt ay hindi na niya
naisipan pang magbihis dahil baka naman may emergency. Nanlaki na lang ang mga
mata niya nang makita ang kalahating dosenang mga cowboys na nasa living room
at nagsalita ang mga ito nang may pag-aalala kasama ang kanilang amo. Parehong
napatigil sa pagsasalita ang mga ito nang napatingin ang lahat sa kaniya sa may
hagdan. “Turn around and close your eyes, sons of bitches!” sigaw ni Alemana sa
mga ito. Matiim ang ekspresyon sa mukha nito at matalim na tiningnan ang
dalaga. Tumalima ang mga cowboys sa sinabi ng amo. Agad namang lumapit sa
kaniya ang galit na amo. “What’s with you, Zoie? Go back to your room! Didn’t
you realize that you’re just wearing your nightshirt?” Napatiim-bagang ito
pagkatapos magsalita. Napamaang pa siya dahil sa realisasyong iyon.
Pang-ibabang underwear lang kasi ang suot niya kaya aninag ang dalawang
mayayaman niyang dibdib. Napakuros siya ng kaniyang mga braso sa kaniyang
dibdib at tumalikod na para takbuhin ang sariling kuwarto. Isinara niya iyon at
ini-lock kaagad habang ang lakas-lakas ng pagkabog ng kaniyang dibdib.
Pinamulahan talaga siya ng mukha dahil sa kaniyang kahihiyang iyon. ‘Aba! Hindi
ko alam na sobrang conservative pala niya,’ sa isip ng dalaga. Nanunuyo ang
lalamunan niya. Pagkatapos ng eksenang iyon ay pumunta na lang siya sa banyo
para mag-shower at mabilis na nagbihis. Gusto niyang malaman kung may
nangyayari sa rancho. Tumakbo pa siya patungo sa rancho. Nakita niyang itinabi
ng ibang handlers ang mga baka sa isang malaking parte ng lupain na may
nakatabong tela. Hindi niya nakita ang mga iyon kahapon. Ano ba talaga ang
nangyari ay wala siyang ni isang ideya. “Lihau!” tawag pa niya sa butler nang
makita itong papuntang opisina ng rancho. Napatigil naman ito at tumakbo itong
nilapitan siya. “Zoie, why are you here? You have to go back to the mansion.”
Tila may pagmamadali sa tono ng boses nito. Pagkatapos ay napalinga-linga pa
itong parang kriminal at baka may awtoridad na makakakita sa kanila. “What?
Why?” naguguluhan na tanong niya rito. “Master Alem told me that you shouldn’t
come. You must stay there inside the mansion until he says otherwise.” “I’m
asking you why! Didn’t you hear me?” giit pa niya rito na parang ayaw
intindihin ang sinasabi nito ukol sa utos ng amo nilang hindi naman niya alam.
Wala kasi itong sinabi kanina bago siya bumalik sa kaniyang kuwarto. Bakit ba
siya pinagbabawalang pumunta rito kung gayong naririto naman siya sa rancho
araw-araw? Ano ba talaga ang nangyayari? “I-it’s foot and mouth disease, Zoie.
Master Alem told me that you should not come.” “But I want to help,” mabilis at
matigas namang aniya rito. “No, Zoie.” Umiiling pa ito. “I didn't know about it
before I came here. But I’ll help with the vaccination or—” “But—” Umalis na
ang dalaga at iniwan ang butler na naudlot sa pagsasalita. Hinahanap niya si
Alemana. Sa halip ay nakita niya si Huapala kasama ang ilang cowboys and
handlers na isinakay sa isang malaking kariton ang wala nang lakas na baka.
“Huapala!” “Zoie, get back to the house now!” ang agad na utos ng lalaki na may
pag-aalalang nakaguhit sa mukha. “I want to help, Huapala!” paalam niya rito.
“Lihau! Take her back to the house, now!” ang sigaw ni Huapala sa sumunod sa
dalaga na butler. “I told her—” umpisa pa ng butler. “Just don’t stand there!
Take her away!” Tila nagmamadali ang tono ng boses ni Huapala. Hinila ni Lihau
ang dalaga. Kahit anong pagpupumiglas niya ay mas malakas sa kaniya ito. Ngunit
pinilit hagilapin ng kaniyang mga mata si Alemana pero ‘di niya makita ito.
“Where is he? Where is Master Alem?” tanong niya sa butler habang tumatakbo
sila papalayo. Ewan niya pero nag-aalala siya sa amo.
Chapter 27
“Master
Alem? He went to the city to speak with the one responsible for the Department
of Agriculture,” ang tugon ng butler. “But why aren’t you with him?” takang
tanong ni Zoie rito. Alam niyang lagi itong nakabuntot sa amo para may madaling
utusan ang binata. “He told me to look out for you, and here you are,” ang
tugon nito. Natigilan naman siya. Napahinto na rin lang si Lihau. Hindi niya
inasahan ang sagot ng butler. “How many are affected?” ang tanong niya sa
kausap. “Look, Zoie. You’re not supposed to even get out of the house, and you
should not ask me that question. I’m sure Master Alem will tell you later. The
cowboys and handlers will take care of the cattle. So, you just have to wait
there for the news,” mahaba-habang paliwanag ng butler sa kaniya. Halatang
gusto lang nitong sundin ang habilin ng amo nila. “Lihau, did something like
this happened before?” Iniba na niya ang paksa. Kuryuso rin siyang malaman ang
ibang detalye tungkol sa rancho at sa kasong ito. Napatitig sa kaniya si Lihau.
“I don’t remember, really… Since I served Master Alemana in his first year on
the ranch—” “I see. Just go back, Lihau,” pagputol niya. “I’ll go back to the
mansion as you said,” napagpasyahan niya rin sa wakas. Tumango ang butler na
may pagpapasalamat sa mga mata. Mukhang nabunutan ito ng tinik sa naging
desisyon niya. *** Palakad-lakad si Zoie sa bulwagan ng mansion. Hindi siya
mapakali. Nag-aalala siya para kay Alemana at para sa mga baka. Bigla niyang
naisip na mag-browse sa internet tungkol sa FMD. Tiningnan niya ang phonebook
upang may matawagang veterinarian sa area nila. Naalala kasi niya ang
taga-tingin sa mga baka sa rancho, saka naisipan niyang tawagan ang doktor ng
mga hayop. “Hello, Dr. Johnson?” aniya sa telepono nang marinig ang boses ng
doktor nang sinagot ang tawag niya. “Yes? Who’s this?” Parang galing pa itong
natutulog dahil dis-oras pa iyon ng madaling-araw. “I’m so sorry for waking you
up. It’s Master Alem’s property manager, Zoie. Have you heard from him?”
naitanong niya rito. “No. Why? Is there something wrong?” Nag-aalala ang boses
nito sa kabilang linya. Nakikinita ni Zoie na bumangon ito mula sa kama. “Could
you up come here and help us, doctor? Unfortunately, we have the first signs of
foot and mouth disease.” “What?” bulalas pa nito. “All right. All right. I’ll
be there in less than an hour.” “Thank you, Dr. Johnson.” Ibinaba na niya ang
telepono at bumuntong-hininga. Nag-research siya ulit sa internet. Gusto niyang
malaman kung ano ang puwedeng gawin para hindi kakalat ang FMD. Hindi kasi siya
informed kung ano iyon. Hindi man lang iyon nabanggit sa kaniya ng tiyahin
noon. Siguro ay hindi naman ito madalas na nangyayari sa Campbell Ranch. Nasa
ganoon siyang kalagayan, nagbo-browse sa net, nang maratnan ni Alemana na
nakabihis na ng damit nitong pang[1]rancho,
katulad ng nakasanayan nito at katulad ng kaniyang suot ngayon. “Zoie, I heard
you called Dr. Johnson to help us. Thank you for that.” Narinig niya ito mula
sa kaniyang likuran. Pumihit siya at tumayo mula sa swivel chair na kaniyang
kinauuupuan, which was originally her employer’s furniture in the library. ***
Napasulyap si Alemana sa screen ng laptop. Napansin niyang tungkol sa FMD ang
search results doon. Parang lumubo ang puso niya dahil sa ginawa ng dalaga at
sa concern nito sa rancho niya. Pinigilan niya ang sariling huwag itong yakapin
o kuyumusin ng halik kahit touched na touched na siya talaga. “I just did what
I had to do,” paliwanag nito na bahagyang kumibit ng isang balikat. “So,
how’s—?” “Currently, there’s one-eighth of the population of the cattle on the
ranch that is affected. This is the second time it happened on the ranch since
1966. But it’s a bit of a relieft that Dr. Johnson is now there to help out.”
Tila nanlumo siyang napaupo sa mahabang sofa. Malalim ang iniisip. Malaki ang
mawawala sa kanila kapag lalala ang sitwasyong ito. Marami ang maaapektuhan,
kasama na ang lahat sa rancho. *** Napatingin si Zoie sa amo. Halatang pagod
ito at nag-aalala sa rancho. Kahit siya man ay ganoon din. Alam niyang malaki
ang mawawala sa rancho at sigurado siyang iniisip din nito iyon ngayon. Tuloy
ay napadili-dili siya kung ibabahagi nito ang kapaguran at pag-aalala sa
kaniya. Hinayaan na lang niya ito. Alas siyete na iyon ng umaga. Batid niyang
may maraming gagawin. Ang mailigtas ang mga baka sa rancho ay parang malayo
pang mangyari. Wala naman siyang ibang maitutulong bukod sa nagawa na niya at
ang huwag dagdagan ang pag-aalala ni Alemana sa krisis na ito. Lumapit siya sa
lalaki. Kahit walang salitang namutawi sa mga labi nito ay nararamdaman niya
ang bigat na dinadala nito sa ngayon. Napasinghap naman siya at napamulagat ng
mga mata nang bigla na lang siya nitong hinila sa tabi nito at magkadikit pa
ang kanilang katawan. Grabe ang paglakas ng pagpintig ng kaniyang puso. Para
nang sisirain nito ang kaniyang tadyang. Halos hindi siya makahinga. “Just stay
here by my side, will you, Zoie?” halos pabulong na hiling ng lalaki sa kaniya.
Napalunok siya at napakurap-kurap habang nakatingin sa nakapikit nitong mga
mata. Inihilig pa nito ang ulo sa kaniyang balikat at napaawang ang mga labi
niya. Tulog na pala ito dahil sa sobrang pagod nang lingunin niya. ‘Pambihira!
Ginulat mo pa ako kanina, ah!’
Chapter 28
“Master
Alem!” ang sigaw ni Lihau na pumasok sa library. Nasa ganoon pa rin silang ayos
at nakatulog na nang ilang minuto nang sumulpot ang butler. Kung kaya naman ay
nakita sila na ganoon ni Lihau. Napanganga naman ito sa nasaksihan. Napadilat
ng mga mata si Alemana ngunit ‘di pa rin nagising ang dalaga. Marahan siyang
umupo nang matuwid at bahagyang napaunat. Sinenyasan niya ang butler na umalis.
Tumalima naman ito kaagad nang walang salita. Napatitig siya sa mukha ng
dalaga. Parang gusto niyang haplusin ang makinis na pisngi nito. Naaalala pa
niya tuloy ang nangyari kaninang madaling-araw habang suot lang nito ang
nightshirt. Naasar talaga siya dahil nakita ng mga trabahador niya sa rancho sa
ganoong ayos ang dalaga. Wala man lang itong kaalam-alam na nakakahalina itong
tingnan sa pantulog nito. Siguro kung sila lang dalawa kanina ay niyakap at
hinalikan na niya ito at baka higit pa ang ginawa niya roon, minus the FMD
crisis sa rancho. Napabuntong-hininga siya at saka tumayo nang maingat upang
hindi ito magising. Isinara rin niya ang pinto ng library nang marahan bago
hinarap ang butler. “What is it?” tanong niya rito sa wikang Hawaiian. “Dr.
Johnson said that we can save the rest of the cattle even at this rate,” ang
tugon ni Lihau sa kaniya sa parehong lengguwahe. “So, we need to burn all those
dead cows as soon as possible.” “You’re saying there’s no way to save them?”
nakasimangot na tanong niya sa butler. Nakasimangot siya. Sinuklay ng mga
daliri niya ang kaniyang buhok. “It’s better to burn them, Master Alem. It’s
better to play safe at this point and be sorry later,” mahinahong tugon naman
nito. Nabuga siya ng hangin at marahang tumango. “You’re right. Have you heard
if Ranch Monteverde is also affected by this disease?” bigla niyang tanong sa
butler. “We haven’t heard about it yet, Master Alem.” Umiling naman itong
nakatingin sa kaniyang mukha. Napaisip-isip ang binata. Hindi malayong hindi
maaapektuhan ang nasa kabilang rancho. Kailangan niyang bigyang babala ang
kapwa may-ari ng ranchong iyon. Kahit na magkakompetensiya sila ay dapat na
pahalagahan niya ang FMD upang huwag kumalat at papatay sa lahat ng kanilang
mga baka. Kung hindi, baka mas lalaki pa ang mawawala sa kanila kapag hinayaan
lang iyon. Ang FMD ang pinakanakakatakot na sakit para sa mga livestock sa
buong mundo. Maaaring masalanta ang livestock sector dahil dito. Inutusan niya
ang butler na tawagan ang kabilang rancho sa Big Island. Kailangan din nilang
maging alerto nang mga ilang linggo pa, bago sila makakampanteng wala na ang
virus. Napasulyap siya sa nakapinid na pinto ng library. Hindi pa lumabas ang
kaniyang property manager. Baka tulog pa rin ito dahil napakaaga nitong
nagising kanina at nag-research ng mga impormasyon upang makatulong sa rancho.
Naisip niyang hindi na muna niya ito iistorbohin para makabawi naman ito ng
tulog. Napangiti siya habang naaalala ang pabango nitong tila palaging
nang-aanyaya sa kaniya. Naisipan na lang niyang magtungo sa shower at inutusan
ang mga katulong na sunugin ang lahat ng kaniyang damit pati na ang isinuot ni
Zoie dahil nagtungo sila sa rancho kanina. Kailangan din nilang mag-disinfect
nang ekstra sa araw[1]araw
sa halip na isang beses lang sa bawat araw na normal nang ginagawa sa mansion
ayon sa utos ni Zoie sa mga ito. Panalangin lang niyang magiging maayos ang
lahat. *** Naging abala sila sa mga sumunod na linggo. Halos naubos na ang mga
damit ng dalaga sa kasusunog ng mga ito kapag nanggaling siya sa rancho. Mainam
nang mas maingat sila upang hindi kumalat ang virus kung saka-sakaling may
naiiwan pa. Nakatuon na rin ang pansin ang mga opisyal sa Big Island sa rancho.
Pati na ang mga doktor sa mga hayop na siyang binabayaran ni Alemana ay panay
ang pagmo-monitor sa mga nalalabing baka. Nalaman nilang ang karatig-rancho ay
naapektuhan din at mas nauna raw kaysa Campbell Ranch nang halos isang araw.
“I’ll go to Hilo downtown tomorrow,” ang pagpaalam ni Zoie sa binata habang
naghahapunan sila isang gabi. “I’ll go with her, Master Alem,” sabat naman ni
Lihau nang nakangiti habang nagpepresinta sa sarili. Napatingin si Alemana sa
butler nang nakasimangot. Ilang saglit niya rin itong tinitigan. “Why, Lihau?
Do you know how to drive now?” balik naman niya ritong pinagsalikop ang mga
daliri habang nakatukod ang siko sa mesa. Napahiya tuloy ang butler. Napayuko
ito ng ulo. Iyon ang isang skill na hindi natutunan ng butler sa loob ng mga
taong pagseserbisyo sa kaniya. Kahit anong turo ng binata rito ay ‘di pa rin
ito marunong hanggang ngayon. Sobra kasi itong nerbiyoso kapag nasa main road
na sila. Ewan niya kung bakit. Talaga yatang ipinanganak na duwag si Lihau.
Duwag sa kalsada. “You’ll come with us tomorrow, though,” ang sabi pa ng binata
rito. Pambawi para sa butler. Nagliwanag ang mukha nito. Para itong bata.
“Thank you, Master Alem! I know you care for me, too,” anitong sinundot[1]sundot
ang dalawang hintuturo. Napatawa ang dalaga sa inasal ng butler. Alam nila ni
Zoie na gusto rin nitong makapamili ng mga damit. Dahil katulad ng sa kanila ay
sinusunog ang mga iyon pagkagaling sa rancho. “You’ll carry the shopping bags,
of course, that’s why you’re coming with us,” ang sabi ni Alemana sa butler.
Napanguso ang butler at tumango na lang sa amo. Napahagikhik si Zoie. “Don’t
worry, Lihau. I’ll treat you tomorrow.” Kumunot ang noo ng binata. “What will
you treat him with?” sabat niya. Tumaas ang kilay ng dalaga. “I don’t know yet,
but I’ll see.” Kumibit ito. He snorted. “What about me?” “What about you?”
sukli ng dalaga. Dahan-dahang nakatiyad si Lihau para lumabas ng dining room
upang iwanan sila. Halatang ayaw nitong madamay dahil halatang papunta na sa
pag-aaway ang paksa nila ni Zoie ngayon. “Aren’t you going to treat me, too?”
pagsusubok niya sa dalaga. “Why would I? You have money,” nakangusong anito.
Napatawa siya. “It’s not about money, Zoie. It’s about being thoughtful. Why are
you so thoughtful to other people and not to me?” Napanganga ito sa narinig.
“Wait, are you telling me you’re envious because I’m going to treat your butler
and not you?” He scoffed. “I’m not. I’m just saying⸺” Nagtaas ng palad ang dalaga sa
direksyon niya. “Cut it out! You’re not a five-year-old kid, are you?” Siya
naman ngayon ang napamaang sa narinig mula rito. Wala sa sariling tumayo siya
at nilapitan ito. “Come here. I’ll show you that I’m definitely not a kid and
that I’m a full-grown man who’s desire always flares up whenever you’re around,
Zoie.” Kita niya ang pagkamangha sa mukha ng dalaga. Hinawakan niya ang baba
nito at inilapit niya ang mukha rito.
Chapter 29
Nang
lumapat ang mga labi ni Alemana sa mga labi ng dalaga ay parang nakarinig siya
ng musika ng mga lira at harpa. Kay lambot ng mga labi ni Zoie at kay tamis.
Kapwa sila napaungol nang maghinang ang kanilang mga labi. Nilaliman niya ang
paghalik dito at tila nawalan ito ng lakas. Hindi man lang ito nakapalag sa
kaniya. Sa halip, sinuklian nito ang bawat paggalaw ng kaniyang mga labi. “Oh,
Zoie!” anas niya at lalong inangkin ang mga labi ng dalaga. Sinipsip niya ang
pang-ibaba nitong labi. Gigil na gigil siya. Inilandas niya ang panlasa sa mga
labi nitong nakabuka para sa kaniya. Parang nang-eengganyo ito sa kaniya.
Ngunit nang tila natauhan ang babae ay itinulak siya nito. Pagkatapos ay
mabilis itong umalis ng dining room. Siya naman ay napatulala habang
hinihingal. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ngayon kundi ay gusto
niyang muling matikman ang babaeng kaaalis lang. *** Kinabukasan ay sinamahan
si Zoie nina Lihau at Alemana. Pinilit niyang huwag isipin ang ginawang
paghalik sa kaniya ng amo kagabi. Kahit na iyon ang pabalik-balik sa kaniyang
utak, ayaw niyang magpakagaga dahil doon. Batid niyang nahamon lang niya ang
lalaki kaya nito ginawa iyon. Walang halaga iyon, ito ang isiniksik niya sa
kaniyang utak. Habang namimili si Lihau ng sariling mga damit ay tinulungan ni
Alemana si Zoie na mamili ng mga bagong damit niya. Pinapasukat pa nito ang mga
iyon at labas-masok tuloy siya sa dressing room. Ito ang nagpapatagal sa oras
sa kaniyang pamimili. Hindi niya alam na sobra pala nitong pihikan pagdating sa
damit na isusuot niya. Kasalukuyang nakadamit siya ng isang maikling casual
dress na may maiikling manggas. “Master Alem, my body is on fire!” bulong ni
Lihau sa binata habang nakaupo sila kapwa sa isang couch. Pasulyap-sulyap ito
kay Zoie. “What did you say? Do you want me to bury you alive right now?” galit
na anito sa butler. “M-Master⸺” “Go and
face the wall. Don’t you ever look at her again. Do you understand?” babala pa
ng binata rito. Biglang napahiya ang dalaga sa saleslady na bumulong sa
kaniyang, “You have a jealous boyfriend.” Napabungisngis pa ito sa kilig. Kahit
napahiya ay ayaw niya itong pansinin. Tiningnan niya lang nang matalim si
Alemana na umiwas din ng tingin at doon sa direksyon ng mga cocktail dresses
ibinaling ang mga mata. Nagmartsa tuloy ang dalaga pabalik sa dressing room.
‘Sana ako na lang ang nag-sho-shopping, eh! Kainis! Daming arte nito!’ Marami-rami
na rin siyang napili, or rather, marami-rami na rin ang napili ni Alemana para
sa kaniya at ito na ang nagbayad sa lahat ng mga damit at accessories saka mga
sapatos niya. Si Lihau naman ang siyang nagbuhat ng mga iyon na nasa shopping
bags at inilagay sa backseat ng bagong Land Rover dahil sa pinasunog din ng
binata ang sasakyan nito kasama ang mga baka as safety precaution sa rancho.
May tendency kasing puwedeng madadala ng mga transportasyon ang sakit nang
hindi nila alam. Nasasayangan nga ang dalaga sa sasakyan pero wala silang
mapagpipilian. Nagtungo na sila sa isa sa mga magagandang hotels sa Big Island
upang kumain ng kanilang late lunch⸺sa Royal Kona Hotel. Sadyang pinaupo sa may ibang
mesa ng binata ang butler upang makapagsarilinan silang dalawa ni Zoie. Hindi
naman iyon agad napagtanto ng dalaga. Napatingin lang siya sa magagandang
dekorasyon at sa mga ilaw pati na sa mga mesa at mga upuan na may mga unique
designs. Nakaribete ang gold sa edges ng mga ito kaya tila lahat ng mga gamit
doon ay kumikinang. “Why is he seated there?” ang tanong ni Zoie sa lalaki nang
makaalis na ang waitress na naghatid sa kanilang pagkain. “Ah, he wants to be
alone. He doesn’t want show us how big his mouth is when he eats,” ang mabilis
na tugon ng binata. Napataas lang ng kilay ang dalagang napasulyap sa butler.
Nasa mga apat na metro ang layo nito mula sa kanilang mesa. Napalinga-linga ang
dalaga sa restaurant ng hotel nang makita niyang paparating si Claire. Bigla
namang kumulo ang kaniyang dugo nang makita ang babaeng Briton. Ang luwag
talaga ng ngiti nito nang makita sila ni Alemana. ‘Did he call her to come and
join us for our late lunch?’ naisip ng dalaga na napasulyap sa amo. Pero mukha
namang nasorpresa ito nang makita si Blondie. Nagda-drama lang kaya ito o ano?
Hindi niya tuloy alam kung ano ang iisipin. ‘Huh! And to think that he just
kissed me last night? Tapos heto siya ngayon? Kaasar!’ Napakuyom siya ng mga
palad at napatiim-bagang. “Hi! I called Lihau to know where you are,” ang bukas
pa ni Claire at umupo ito kaagad sa tabi ng binata. ‘That explains it,’ nasa
isip ng dalaga. Subalit napapormal ng ekspresyon sa mukha niya si Zoie. Ayaw
niyang masabi ng amo na ayaw niya sa lover nito at baka kung ano pa ang
maisipan nito sa kaniyang reaksiyon lalo na’t tumugon pa naman siya sa halik
nito kagabi. ‘Bakit? Bakit kasi ako humalik pabalik sa kaniya? Bakit hindi ko
siya agad pinigilan? Ang gaga ko talaga! Wala lang iyon para sa kaniya dahil
may blondie naman siya, ‘di ba? Pinaglaruan niya lang ako kagabi dahil nahamon
ko lang siya.’ “I see,” nasabi ng lalaki na napasulyap kay Lihau na enjoy na
enjoy sa pagkaing in-order nito para sa butler. “So, I heard you went
shopping,” ang saad ng babaeng kararating lang. Nakatingin ito kay Zoie na may
plastik na ngiti. “Yes. We enjoyed it, thank you,” ang mabilis namang sabi ni
Zoie sa babae. Hindi man lang niya ito binigyan ng plastik na ngiti dahil hindi
naman siya plastik katulad ng Briton na ito. Iniwasan naman niyang sumulyap kay
Alemana at kung kaya hindi niya napansin ang tila nagniningning sa tuwa na mga
mata nito.
Chapter 30
Tahimik
lang si Alemana habang hinahayaang mag-usap ang dalawang babae, o kaya naman ay
mas maiging sabihing nag-aaway ang mga ito sa harapan niya—kahit subtle lang.
Napasandal pa siya sa kaniyang upuan at ikinuros ang mga braso habang nanonood
sa dalawa. “Why are you here, anyway? Aren’t you busy?” malumanay na tanong ni
Zoie kay Claire habang naghihiwa ng pork steak na nasa plato nito. He could
very well imagine that his property manager was wishing it was Claire’s throat
she was slicing at the moment. Napatawa siya nang lihim dahil dito. Iba iyon sa
normal na paghihiwa nito ng karne sa tuwing kumakain sila nang sabay sa
mansion. Napabaling siya ng tingin kay Claire nang aktong tumingin sa kaniya si
Zoie. “I’m busy, but I always have a spare time to meet Alem whenever he’s
around the area.” Bumaling ito sa binata pagkatapos. “Could you come with me to
the house after lunch, Alem?” “Ah, I want to, but I have to return to the ranch
immediately,” suwabeng tanggi ni Alemana sa Briton. “You can visit me there anytime,
though, and you know it.” Ngumiti sa kaniya nang matamis si Claire. *** ‘May
pa-visit-visit pa? Kainis! Buwisit!’ asar na sabi ng isip ni Zoie. Lagi na lang
na hindi niya mapigilang huwag mainis sa dalawang ito. Property manager lang
naman siya ng lalaki at hindi ano pa man. Kahit na hinalikan siya nito ay wala
pa rin iyong kuwenta. It did not mean she had a hold on him. Wala naman itong
sinabi sa kaniya maliban sa “desire” nito. She must admit, she was flattered by
it, and she imagined a little more than that. Pero alam niya sa sariling
hanggang doon lang iyon. Walang mamamagitan sa kanila dahil amo at empleyado
lang ang relasyon nila dapat. Wala nang iba pa. At hindi na hihigit pa. Kaya
wala siyang pakialam sa blondie na ito. Oo nga’t aminado naman na siyang may
damdamin siya para sa lalaki pero ayaw niyang aminin na napamahal na talaga
siya rito sa loob ng maraming buwan na pagtatrabaho sa rancho. Never in all her
life would she admit it⸺until her
dying minute. Napagpasyahan na niya iyon. After all, hindi puwedeng magkaroon
siya ng relasyon sa isang lalaki ang mayordoma ng Campbell Ranch dahil sa
kanilang tradisyon. “You can go with her, and I’ll just go get a taxi to return
to the ranch,” ang pagtatabuyan pa niya sa lalaki nang may matipid na ngiti sa
labi. Pero sarkastiko iyon. *** Napatiim-bagang naman si Alemana dahil sa
sinabi ni Zoie. Kinuyom pa niya ang mga palad na nakapatong sa hita niya. Hindi
niya inasahang sasabihin iyon ni Zoie. And yet, she was different, he reminded
himself that. “It’s too far, Zoie. And I don’t think any cab driver would not
double the price, as they would come back to the city without any passenger.”
“I have some money with me. It would be enough, I guess,” nasabi pa ng dalaga
na itinaas ang nguso. Nakikinig lamang si Claire sa banatan nilang dalawa.
Batid niyang alam nitong walang ibang babae o taong sumasagot sa kaniya kundi
si Zoie lang. “Look, Zoie. You have lots of things in the car, and do you think
I have time to take them out and transfer them to the cab?” palusot naman niya.
‘Doesn’t she get it? I don’t want to go with Claire for Pete’s sake! Why is she
pushing me now? Did the kiss not mean anything to her at all?’ It was a blow to
his ego. Hindi ba siya marunong humalik at parang nakalimutan na iyon ni Zoie?
Kinalawang na nga ba ang mga labi niya para hindi nito magustuhan iyon? Parang
may malamig na bagay na dumaan sa kaniyang gulugod. Hindi niya matanggap ito.
Hindi niya matanggap na balewala lang kay Zoie ang halik na iyon! It was his
best kiss ever, yet. Kung alam lang nito. Napatingin ang dalaga sa kaniya. “I’m
not an invalid, Master Alem.” Ini-emphasize pa nito ang titulo niya. “I can get
all those out of your car on my own.” Itinaas pa nitong muli ang nguso habang
nanghahamong nakatingin sa kaniya. “If... I would go with Claire, it would take
time if you do it alone. Just think rationally, Zoie.” “All right! Just go back
to the ranch, all of you!” inis na sabi ni Claire sa kanilang dalawa at pati na
kay Lihau na napatigil sa pagkain at napamaang. “I’ll visit you one of these
days, Alem,” ang dagdag na anito sa lalaki at umalis na nang walang
lingon-likod. Mukhang napahiya rin ang babae dahil sa biglang pagtaas ng boses
nito at napatingin din ang ibang mga kustomer dito. Halos matawa si Alemana sa nangyari
pero nagpigil lang siya. *** Napasunod ng tingin si Zoie sa blonde na babaeng
umalis. Napatingin naman si Alemana sa kaniya. Tuloy nagkatitigan silang
dalawa. Nagsusukatan sila ng tingin. “It’s a pity you didn’t agree with me. You
would miss the fun,” sarkastikang aniya sa amo. Pinalandas niya pa ang dila sa
kaniyang labi. “Watch where your tongue is licking, ku’uipo,” paangil na sagot
naman nito at tumayo na. “Or… do you want me to show you where it should lick
right here, right now?” dagdag ng binatang amo. Napamaang ang dalaga nang
saglit at uminit ang kaniyang mukha. Napalunok siya pagkatapos ng pagsusukatan
nila ng tingin ng binata. Hindi man lang nito kinain ang pagkaing in-order nito
para sa sarili. Napasunod din ng tingin si Lihau sa amo nilang lumabas ng
restoran na madilim ang awra. Napabuntong-hininga siya at ibinaba ang hawak na
kubyertos. Sinundan na rin lang niya ang lalaki. Bakit ba kasi sinusungitan
niya ang sariling amo? Ang lakas talaga ng loob niya. “You pay the bill,”
habilin niya sa butler. Napasimangot si Lihau sa kaniya pero tinawag na nito
ang waitress. “Charge the bill to the Campbell Ranch. You know who you can
reach there.” Narinig pa niyang sabi ng butler na nag-iwan ng calling card.
Tumango naman ang waitress na kilala si Alemana at saka umalis na rin ang
butler nang napakamot sa batok nito. Halatang gusto na ng dalawang bumalik sa
rancho pagkatapos ng pag-aaway nila. Sa tingin nito ay malaking bagay ang
pinag-aawayan ng dalawang ito ngayon. Napasimangot itong lalo dahil sa lagi na
lang itong nadadamay kapag ganoon na lang ang mood ng dalawa. ‘Talagang bagay
na bagay ang mga ito,’ naisip pa ng butler. Wala namang salitang namutawi sa
kanilang mga bibig habang papauwi sila sa rancho. Napatingin lamang ang dalaga
sa daan, sa mga kahoy, sa mga palm trees, at sa mga gusaling kanilang dinaanan.
Inilagay pa niya ang siko sa bintana at ipinatong ang baba roon. Naramdaman
niya ang masarap at malamig na simoy ng hangin sa kaniyang braso at mukha.
Pagkatapos ay inilabas niya ang kamay upang mas maramdaman ang hangin.
Chapter 31
Habang
nakamasid si Alemana sa dalaga nang ganito ay para namang humupa ang bagyong
nararamdaman niya sa kaniyang dibdib. Ang gandang tingnan habang nilaru-laro ng
hangin ang buhok ng babae habang binabaybay nila ang daan patungong rancho.
Iniwan naman niya ang butler at ang dalaga na kunin ang mga pinamili sa kotse
at dumiretso na siya sa kuwarto niya upang mag-shower bago mag-dinner. Parang
pinaginhawa ng maaligamgam na tubig ang kaniyang tensed muscles pagkatapos
niyang magmaneho. Hinayaan niyang bumagsak sa kaniyang mukha ang tubig habang
nakatukod ang mga kamay niya sa tiled na dingding. Nasa isip naman niya si Zoie
habang nakipaglaro ito sa hangin kanina. May pagnanasa siya sa dalaga, aminado
siya roon. At sadyang hindi pa niya ito nararamdaman para sa ibang babae. Kahit
kay Claire na minsan niyang naging fling. Ito lang ang masyadong clingy sa
kaniya simula noong nag-aaral sila. Naging honest naman siya sa babae at sinabi
ritong walang patutunguhan ang relasyon nila kay pinutol niya ito habang maaga
pa. Kaya lang ay gusto pa rin daw makipag-ibigan sa kaniya ng babae at
nakipagsosyo pa ito sa negosyo kaya hinayaan na lang niya. Pero si Zoie…
Naramdaman niya ang malakas na pagkabog ng kaniyang dibdib habang iniisip ang
kagandahan nito, ang alindog nito nang nakatayo lang ito sa may hagdan na suot
ang nightshirt, ang pagkainis na tuwing rumerihistro sa maganda nitong mukha,
at ang kaakit-akit na inosente nitong tingin sa kaniya paminsan-minsan. “I have
to stop this,” saway niya sa sarili. But who was he kidding? Malakas talaga ang
hatak ng babae sa kaniyang puso at damdamin. *** Nakapag-shower at nakapagbihis
na si Zoie ng isang kaswal na damit na binili kanina. Nag-apply lang siya ng
manipis na makeup at ginamit ang paboritong perfume katulad ng dati. Nagkatagpo
naman sila ni Alemana sa may hagdan. Hindi siya nakapagsalita. Tila ganoon din
ito. Sabay na lang silang dalawa na nagtungo sa dining room, nang tahimik.
Hindi naman lumitaw si Lihau sa hapunan pagkatapos nitong inihanda ang lahat
para sa kanila upang bigyan sila ng privacy kung sakaling mag-aaway na naman
sila. Sariwa pa kasi ang nangyari kanina sa hotel kaya minabuti nitong huwag
maipit sa pagitan nilang dalawa. “Why did you do it?” tanong ng lalaki
pagkatapos nilang kumain.. “What did I do?” tanong niya rito nang may
pagkalito. ‘Ang alin kasi?’ sa isip niya. “You were trying to push me to
Claire. I can see it very clearly. So, tell me why you did it.” Nakahawak ang
kamay nito sa wine glass na may lamang white wine habang ang isa ay nasa ibabaw
ng mesa. “I don’t know what you mean by—” “Stop beating around the bush,” putol
pa nito. “I know that your head is not only for decoration, Zoie. You know what
I mean. So, tell me.” “I never did such a thing,” pagkaila naman niya. “You’re
lying!” Ipinatong nito ang hawak na wine glass sa mesa at tumayo ito upang
lapitan siya sa kaniyang kinauupuan. Biglang sumirko ang puso niya at hindi
siya makahinga nang normal. Naaalala na naman niya ang ginawa nitong paghalik
sa kaniya kagabi. Umiwas siya rito ng tingin pero pakiramdam niya ay na-trap
siya sa kaniyang kinauupuan. Lalo na’t sumandal ito sa mesang bahagyang
nakadukwang at nakaharap sa kaniya. Malapit pa sa kaniyang mukha ang mukha nito
na sobrang nagpapakaba sa kaniyang dibdib. “Tell me honestly why you did it,
ku’uipo,” kulit pa rin nitong idinidiin ang bawat kataga. “I told you—”
Hinawakan nito ang baba niya at nagtama ang kanilang mga mata. “Keep lying,
Zoie, and I will punish you,” banta pa nitong titig na titig sa mga mata niya.
Hindi tumaas ang boses nito. Sa halip ay bumaba. Naging husky. ‘Por dios, por
santo. Punish na naman daw? Eh, hanggang salita ka lang, eh,’ sa isip ng babae.
Ngunit napalunok siya. She was trapped somehow. Parang kakaiba ito ngayon. Alam
na niya ngayon kung ano ang damdamin ng isang daga na nahuli ng pusa. She was
mentally blank. Literal iyon. At lahat ng kaniyang naiisip ay ang kaniyang puso
na parang gustong lumabas sa kaniyang dibdib at ang mabangong amoy nitong tila
dahilan ng pagwawala ng kaniyang puso’t isipan. ‘Ang bango niya talaga,’ naisip
pa niya. ‘Huy! Hindi iyan ang importante ngayon. Umiwas ka na ngayon na!’ Lalo
pang lumapit ang mukha nito sa kaniya at parang hindi siya makagalaw o
makahinga man lang. Bakit biglang nawala ang hangin? Gusto niyang huminga pero
parang hindi niya magawa… *** Hindi na niya mapipigilan pa ang umaalpas na
damdaming halikan si Zoie. Nag-iinit ang katawan ni Alemana at todo ang kabang
nararamdaman niya sa kaniyang dibdib. Una’y tinikman niya ang mga labi ng
dalaga ngunit kalaunan ay hindi na niya magawang bumawi pa at sa halip ay
lalong lumalim at dumiin ang kaniyang paghalik dito. Hinimas pa niya sa balikat
at braso ang dalaga. At nang hindi magkasya ay hinila niya ito patayo at
isinandal sa dingding nang hindi inihiwalay ang mga labi mula sa mga labi ng
babae. *** Parang nawala sa kaniyang sarili si Zoie nang matikmang muli ang
halik ni Alemana. Bakit ba ang sarap ng halik nito? Para siyang nililo nito sa
sarap at hindi pa niya alam kung ano ang ginawa niya basta’t napatugon din siya
rito. Kalaunan ay naramdaman na lang niya ang dingding sa kaniyang likuran
habang naglikot ang mga kamay ng lalaki sa katawan niya, sa bawat kurba…
Napaungol siya nang mahina. Ngayon niya lang napagtantong nakakaadik pala ang
halik ni Alemana. Ngunit hindi pa siya nahalikan nang ganito kalalim noon.
Hanggang smuck kiss lang mula sa kaniyang mga naging nobyo. Hindi rin niya alam
na ang halik nito ay nagpapainit sa kaniyang katawan at hindi niya rin kayang
pigilan ang sariling huwag tugunin ang masarap, ang mainit, at ang matamis na
halik ng lalaki. Sa halip ay nakapulupot ang mga braso niya sa leeg nito
samantalang patuloy na namamasyal ang kamay nito sa kabuuan ng katawan niya.
Narinig niya ang nakakabaliw na mahinang ungol ng lalaki na parang nagpapalobo
sa kaniyang puso. Ibig bang sabihin nito ay masyado rin itong nasasarapan sa
pagtugon niya rito? Dahil dito, parang may pag-asang umahon sa kaibuturan ng
kaniyang puso na mahal din siya ni Alemana sa kabila ng halos lahat ng oras
nilang pagtatalo sa kahit kaunting bagay. “I want you so bad, Zoie ku’uipo,”
pabulong na anito at dumako ang halik ng lalaki sa kaniyang baba at leeg. Wala
siyang lakas na tumanggi. At lalong ayaw niyang tumanggi. Iyon ay dahil
gustong-gusto niya rin ang mga haplos at halik nito. Ngunit walang mga salitang
humulma sa kaniyang isipan kundi ay ang lalong paglapit ng katawan niya sa
matigas na katawan ng binata. Gusto niyang damhin ito. Napaungol siya sa
ginawang pagmasahe nito sa kaniyang kanang dibdib. Pinisil-pisil nito ang
tuktok ng kaniyang globo. Pakiramdam niya ay may mainit na likidong dumaloy sa
pagitan ng kaniyang mga hita. Pero saan nga ba siya pupulutin pagkatapos nito?
Wala siyang maisip. Ngunit wala siyang pakialam sa kasalukuyan. Bahala na.
Gusto rin naman niyang mangyari ito. Hanggang sa lalong mapusok ang bawat halik
at haplos nito sa kaniyang katawan na tila ba ay ayaw na siyang tantanan…
Chapter 32
“Master
Alem! There’s a call for you!” ang sigaw ni Lihau mula sa labas ng dining room.
Biglang parang binuhusan ng malamig na tubig sina Alemana at Zoie. Awtomatiko
silang bumalik sa kani-kaniyang upuan. Pinamulahan naman ng mukha si Zoie nang
tingnan niya ito kung kaya’t nagpanggap itong may pinulot sa ilalim ng mesa
nang dumating si Lihau. Si Alemana naman ay minumura sa isipan ang kaniyang
buwisit na butler na mapunta ito sa kailaliman ng impyerno dahil sa inis niya
rito. Kung hindi dahil kay Lihau ay siguro naangkin na niya si Zoie. Pakiramdam
niya ay nag-iinit pa rin siya habang napapaisip sa dalaga at sa halikan nila.
Hindi pa rin humupa ang pagnanasa niya sa dalaga. Gusto ng puso niyang ipakita
rito kung gaano niya ito kamahal. Oo, aminado na siya roon. Kaya kakaiba ang
nararamdaman niya para sa dalaga ay dahil mahal niya ito. Subalit natatakot
siyang hindi iyon tatanggapin ng babae dahil sa posisyon nito sa rancho. At
kahit papaano ay ayaw niya ring mapahiya o kaya ay masaktan. In short, he was in
a big dilemma. “Who is it?” galit na tanong ni Alemana sa butler. “I-it’s Miss
Claire…” “From now on, don’t disturb my dinner. Tell her that I’m busy and that
I don’t want to talk to her!” simpleng tugon niyang nakatingin pa rin kay Zoie
na hindi naman makatingin kahit sa direksyon niya kundi sa plato lang nito.
Sumulyap ang butler niya sa property manager. Umayos din ito sa pag-upo at
mukhang may pagdududa sa mga mata nito pero binalewala na lang nito dahil
nakatitig si Alemana sa mukha nito ngayon. Bahagya pang tumaas ang kilay niya
sa kaniyang butler kung bakit nakatayo pa ito roon na tila may hinihintay. “Get
back to her and tell her what I just said,” sumenyas na siyang paalisin ito.
“Yes, Master Alem,” ang tugon ng butler sa wakas at tumalima na. *** Ngayon ay
silang dalawa na lang ang nasa dining room. Hindi makatingin si Zoie sa
kaniyang amo. Hindi niya rin alam kung paano niya ito haharapin at kakausapin
sa hinaharap, pagkatapos ng nangyari sa pagitan nila kanina. ‘Second base na ba
‘yong matatawag?’ sa isip niya. Sa tingin niya kasi naka-first base na ito
noong nakaraang gabi. Malakas pa rin ang tibok ng kaniyang pusong nagsisigaw sa
pangalan ni Alemana pagkatapos ng maiinit na halik at haplos na pinagsaluhan
nila kanina. Mula ngayon ay alam niyang maaalala ang pangyayaring iyon sa
tuwing papasok siya rito sa dining room o kahit saan man siya pumunta. Espesyal
ang namagitan sa kanila kanina. At siguro’y iingatan niya iyon habang panahon
at iisipin niyang minsan, she was the object of desire of her beloved Alemana,
her boss. She would treasure it for the rest of her life. ‘Kahit na mag-asawa
na sila ni Claire…’ “I-I’ll go ahead, Master Alem…” umpisa niyang sabi sabay
tayo. “A-all right,” sang-ayon na lang nito. Alam niyang napilitan lang ito.
Nakahakbang na siya nang tinawag nito ang pangalan niya. “Zoie… I’m sorry…”
Hindi naman siya sumagot dito. Pinoproseso pa iyon ng kaniyang utak. Hindi niya
kasi alam kung para saan ang paghingi nito ng kapatawaran. Ang paghalik sa
kaniya? Ang pagsabi sa kaniyang kailangan siya nito? O ang dahilan ng agad na
natapos ang maikli ngunit mainit na yugto na iyon sa pagitan nila? Hindi niya
lubos maisip kung alin sa mga ito ang inihingi nito ng sorry sa kaniya. Tuloy,
parang may galit na umahon sa kaniyang dibdib. Hindi naman niya narinig ang
pagmura ng lalaking naiwan sa dining room. “Damn it! Why was I even sorry?”
Saka uminom na lang ito ng isang boteng wine upang lunurin ang lungkot na
nararamdaman nang hindi man lang lumingon sa kaniya ang babae. “I wasn’t sorry
for what happened! I was sorry that it was cut short because of that damn call!
What is she thinking now?” *** Hindi makatulog si Zoie. Pabalik-balik sa
kaniyang isipan ang nangyari sa kanilang dalawa ni Alemana sa dining room. Ni
hindi man lang sumagi sa isipan niya ang tradisyon ng dalawa nilang pamilya ni
Alemana. Hindi iyon tama. At dapat na hindi iyon mangyayaring muli. Pero mahina
siya. Hindi niya kayang pigilan ang pagmamahal na iniuukol ng kaniyang puso
para sa kaniyang amo. Sa rasyonal niyang isipan, kinailangan niyang huwag umasa
bago pa man siya lalong masaktan at kainin nang buhay dahil sa lungkot at pagdurusa
na kailanman ay hindi magiging sila ni Alemana. Dapat harapin niya ang
katotohanang iyon ngayon pa lang. *** Pabiling-biling sa kaniyang higaan si
Alemana. Hindi siya makatulog. Nasa isip pa rin niya si Zoie at ang kanilang
mainit na halikan kanina sa dining room. Parang hindi siya makapaniwalang totoo
ang nangyari kanina. Hindi siya makapaniwala hanggang ngayon. Nahalikan niya
nang buong init, may pagmamahal, at walang inhibisyon ang dalaga. At naramdaman
pa niya hanggang ngayon ang makinis at malambot nitong katawan na hindi
ipinagkaila sa kaniya. Kinabukasan ay nagising na lang siya dahil sa panaginip
niyang yakap-yakap at hinahalikan niya si Zoie. Ngayon lang siya nagkaroon ng
ganoong panaginip na tila totoo. Mahal niyang talaga kasi ito at kahit sa
panaginip ay nais niya itong makapiling. Ngunit bumangon na lang siya at
nagtungo sa shower. Nag-iinit pa rin ang katawan niya dahil sa erotikong
panaginip na iyon. Nagbihis naman siya kaagad ng kaniyang dating ranch clothing
bago bumaba. Nagkape na lang siya bago nagtungo sa rancho. Naghabilin na lang
siya sa tagaluto na magpahatid siya kay Lihau ng pagkain sa opisina niya sa
rancho dahil sa dami niyang gawain sa araw na ito. Ngunit ang katotohanan ay
ayaw niya munang makita si Zoie at baka kung ano pa ang magawa niya nang hindi
gusto ng babae. Ayaw niya munang magkaroon ng distraction habang iniisip pa
niya ang tamang gagawin sa property manager niya. Hanggang sa magkaroon na siya
ng lakas ng loob na harapin ang babae at ikukumpisal dito ang totoo niyang
nararamdaman. Once and for all.
Chapter 33
Para
namang nabunutan ng tinik sa tagiliran ang dalaga nang hindi niya nakita si
Alemana sa araw na ito. Hindi niya kasi alam kung paano ito haharapin
pagkatapos ng nangyari kagabi sa dining room. Isa pa, nalaman niya ring
dinalhan lang ni Lihau ng pagkain ang amo sa opisina nito sa rancho. Ngunit sa
kabilang banda ay may pangamba siyang nadarama. Ayaw na kaya ni Alemana sa
kaniya at nagkamali lang ito kagabi kaya ayaw siya nitong makita ngayon at
makasalo sa almusal? Nagsisisi nga ba talaga ito sa ginawa nito ayon sa
paghingi nito ng despensa bago sila naghiwalay kagabi sa dining room? Naisip
kaya nitong mali ang lahat at si Claire lang ang para rito? Gusto niyang
malaman ang totoo ngunit natatakot naman siya sa maaaring marinig na sagot mula
sa binata. Upang hindi niya masyadong maiisip ang binata ay nagbesi-besihan
siya. Lalong ‘di siya dapat patatalo sa kaniyang nararamdaman lalo na’t
palaging bumibisita si Claire sa rancho upang makita ang kaniyang amo. May
ilang beses nang habang nag-uusap sila ni Huapala ay nasaksihan niyang masaya
namang nag-uusap sina Alemana at Claire, with matching tawanan pa. Naiinis man
siya ay itinago niya lang iyon sa likod ng matatamis na ngiti para kay Huapala.
Katulad ng nakasanayan niya ay suot ang isang shorts, spaghetti strapped top,
at running shoes. Nag-jo-jog siya sa rancho. Pagkatapos ay nakasandal siya sa
bakod habang nagti-take notes ng mga dapat gagawin sa rancho. Ang isang paa
niya ay nasa ibabang bahagi ng bakod habang lumalapit si Huapala sa kaniya
upang kausapin siya. Mula sa hawak na notebook ay napaangat siya ng paningin sa
matangkad na lalaki na halos kasing-tangkad ni Alemana. “The sun shines
brightly everywhere, don’t you agree?” bukas pa nitong nakangisi sa kaniya.
Ngumiti siya rito. Hindi na niya pinansin ang ibang mga matang nakatingin sa
kanila. Kasama na roon ang mga tingin nina Alemana at Claire na napahinto sa
pag-uusap nang ilang saglit upang sulyapan sila. Nakatayo ang mga ito malapit
sa pintuan ng opisina ng lalaki nang mga sandaling iyon. “Yes, it’s so bright
today as ever,” ang nakangiting tugon niya sa lalaking napasandal din sa bakod,
sa tabi niya. Napatingin din siya sa asul na kalangitan at maaliwalas ang
panahon ngayon. “Do you think he’s still watching us?” Nakangiti pa rin si
Huapala sa kaniya habang itinanong iyon. Hindi naman niya ibinaling ang
paningin sa direksyon ng amo. Alam niyang nakatingin pa rin sa kanila ang
binata at ang bisita nitong Briton ngunit wala siyang pakialam. Pilit niyang
sabihin iyon sa sarili niya. Dahil ang totoo ay parang pinipiga ang puso niya
sa tuwing nakikitang magkasama at masaya pang nagtatawanan ang dalawa.
Kailangan niya ring tiisin ito dahil wala naman siyang karapatang magalit at
magselos. After all, nandito siya para sa trabaho niya at wala na siyang magagawa
pa. Ito na nga ang sinasabing masaklap na kapalaran niya. “Why? Do you think it
matters?” Binigyan din niya ng matamis na ngiti si Huapala. Alam niya ang
ginagawa nito ngunit ayaw niyang ipahiya si Huapala o ano pa man dahil sa ito
na ang isa sa mga naging kaibigan niya sa rancho. Biglang sumeryoso si Huapala
nang nakatingin sa kaniyang mukha. Ramdam pa niyang parang nagpipigil itong
mapaiyak para sa kaniya dahil sa awa. Biglang natunaw ang kaniyang ngiti ngunit
‘di iyon nakita nina Claire at Alemana dahil pumasok na ang mga ito sa opisina
ng binata. “You do really wish to be with him, don’t you?” biglang tanong ni
Huapala sa kaniya. Napalunok si Zoie at napakurap-kurap. Ibinaling niyang muli
sa kalangitan ang paningin para iwasan itong tingnan. Nag[1]iinit
na ang sulok ng kaniyang mga mata at pinilit na kumurap-kurap nang maraming
beses upang itago iyon sa kausap. Ayaw niyang kaawaan nito kahit na alam na
nito ang kaniyang nararamdaman. “I don’t wish to talk about it, Huapala. I hope
you understand.” Sa wakas ay nasabi niya rin dito na hinarap ito. “If you
really want to be beside him, Zoie, can’t I be by your side as well?”
“Huapala…” “I know I hid my feelings well from you, Zoie. But seeing you like
this, I can’t seem to go on like nothing has happened to you. The first time I
saw you, I already have feelings for you. I tried so hard to get you away from
Alemana, but I was and still am afraid to hurt you. And so, I just stopped
seeing you whenever I can⸺but my
feet just walk on their own toward you whenever my eyes see you. Because of
that, I try so hard to hide my feelings, and I never gave you any hint. But I
must tell you how worried I am to know your heart, Zoie. And yet, I just can’t
stop anything from hurting you badly,” napailing na kumpisal nito sa kaniya.
Nakatingin ito sa kaniya nang seryoso. Napalunok naman siya. “Huapala, I’m
sorry…” “Don’t say that. After all, we’ll both spend our lives here on the
ranch, right? And after all, we’ll see our loved one fade away from our very
eyes…” Umiling naman siya rito. “Huapala, please don’t put it that way.”
Napangiti ito sa kaniya nang malungkot at napatingin ito sa langit. “Zoie, you
have a good heart. I just wonder why my friend doesn’t see it well.” “Huapala,
I don’t deserve your heart. And your friend? Who cares?” pilit na aniya. “No
one can say that—even you, Zoie. I always think that any woman who owns my
heart deserves it. You may say otherwise, but that is the truth... and that’s
my truth,” mahinahong saad pa nito. Hindi nakaimik ang dalagang nakatingin sa
magandang mukha ng lalaki. Isang butil na luha ang nakawala mula sa kaniyang
mata at naglandas ito sa kaniyang pisngi. Pinahid niya ito kaagad upang huwag
itong makita ng binata. She already felt bad for him. How could she not love
him first? Why did it have to be her employer? How could it be Alemana who was
like a devil to her na siyang tumutukso sa kaniya para mapaibig dito nang
husto? Sinamahan siya ni Huapala na bumalik sa mansion at saka nagpaalam na
itong laylay ang mga balikat. Napasunod lang ng tingin ang dalaga sa binata at
tumalikod na siya upang makapasok sa loob. *** Sa gabing iyon ay kumain siya
nang sabay sa ibang mga katulong sa mansion, sa sariling dining room ng mga ito
na malapit sa kusina. Masayang nakipag-usap ang dalaga sa mga ito at tinanong
kung anu-ano ang mga kailangan ng mga ito. Gusto niyang mapasaya ang mga ito
katulad na lang ng ginawa ng kaniyang tiyahin para sa mga ito noon. Pumanhik na
siya sa itaas patungo sa kaniyang kuwarto. Nanonood siya ng TV. Ngunit
papalit-palit na lang siya ng estasyon, wala siyang makitang interesante sa mga
ito. Hindi pa rin siya makatulog. Kinuha niya ang notebook na dala kanina at
saka nakita ang mga isinulat niya roon katulad ng pangalan ni Alemana, “Love,”
“Enemy,” at iba pa. Pinunit niya ang mga pahinang iyon at itinupi ang mga iyon
na ginawang eroplano habang naglalarong tila nasa elementarya.
Chapter 34
Paroo’t
paritong naglalakad sa loob ng kaniyang kuwarto si Alemana na parang isang
hayop na nakabilanggo. Naalala pa niyang ang sayang nakipag-usap ni Zoie kay
Huapala kanina sa rancho. Naalala niya ring may gusto nga rin dito ang sarili
niyang kapatid na si Domenic. Inilahad pa nito iyon noong birthday nito habang
nag-uusap sila sa swimming pool. Sabi pa nito ay aagawin nito si Zoie kung wala
siyang gagawing hakbang. Sinuklay ng kaniyang mga daliri ang kaniyang bahagyang
kulot na dark brown hair. Naisipan niya tuloy na kailangan niya ng haircut.
Ngunit hindi iyon importante. Mas importante sa kaniya si Zoie at kung ano ang
gagawin niya sa babae. Para siyang mababaliw sa kaiisip sa mga bagay na dapat
gagawin para kay Zoie. Humiga na lang siya at saka ipinatong ang isang braso sa
noo habang napapaisip nang malalim. Kinabukasan ay inutusan niya si Lihau na
ibigay ang mensahe para kay Zoie. Kahit gusto nitong magtanong kung bakit huwag
na lang itong ipatawag ay ‘di ito nagsalita at sa halip ay nag-deliver lang ng
mensahe para sa dalaga. *** Natagpuan ni Lihau si Zoie sa kusina. “What? He
wants to prepare the Christmas decors?” tanong ng dalaga sa butler ng amo.
“Right! That’s it! That's what he wants me to tell you.” Tumango si Lihau sa
dalaga. “Fine. I’ll do that,” sumang-ayon na sabi ng dalaga. Ngunit ‘di pa rin
umaalis ang butler. Napataas naman ang mga kilay niya rito. May iba pa kaya
itong sasabihin sa kaniya? “What else do you want to say, Lihau?” “Zoie, are
you having a cold war this time with Master Alem?” usisa pa nito. Umismid lang
ang dalaga. Lumapit naman itong humarap sa kaniya. “Zoie!” “Just go ask your
boss. I don’t have anything to do with it.” Napaasim ang mukha ni Lihau sa
sinabing iyon ng dalaga. Pagkatapos ay napakurap-kurap ito at napatalikod nang
dahan-dahan bago umalis nang napakabagal na tila kay bigat ng dalahin nito.
Sinundan lang ito ng tingin ng dalaga na nakasimangot. Napaisip tuloy siya sa
amo. *** Bumisita si Domenic sa rancho isang weekend. Inimbitahan nito si Zoie
na mangangabayo sila at maglibot sa buong rancho. Gusto nitong gawin iyon. Sa
kasalukuyan ay nasa lawn sila ng mansion. “Well, do you want to accompany me or
not? I want to show you everything, too,” ang anyaya ng makulit na si Domenic.
Ikinuros naman niya ang mga braso habang tiningnan ang boyish and handsome face
ng binata. “And if I do, what will I get in return? I still have a lot of
things to do around here, you know?” Binibilang pa niya ang gawain niya sa
kaniyang mga daliri. Ngumisi si Domenic sa kaniya’t kumindat ito. “I know. I
just want to get you away from here for now. Forget the tons of work you have
to do. Have fun with me!” pamimilit pa nito. “And in return, I’ll give you
something special.” Napangiti ang dalaga dahil dito. “Huh? Something special?”
Tumango ito at ‘di niya maisip kung anong something special ang sinasabi nito
sa kaniya. Pinaglalaruan ba siya nito? Dahil mukhang bagot ito ngayon sa buhay.
O kaya naman ay gusto lang talaga nitong makasama siya? O baka naman ay may
pinaplano itong hindi niya nalalaman? Sana naman hindi masama ang plano nito sa
kaniya. “All right. I’ll come with you,” napagpasyahan niya rin sa wakas.
Nagbihis na sila ng para sa pangangabayo. Nagtagpo sila ulit sa may lawn. Gamit
ang bagong SUV na kulay silver ni Domenic ay nagtungo sila sa rancho. Kapwa ang
mga handlers at cowboys ay napatingin sa direksyon ng sasakyang huminto malapit
sa truck ni Alemana, sa may ‘di kalayuan ng opisina ng amo. Umibis sila mula sa
sasakyan at hindi naman nila nakikita roon si Alemana kaya minabuti na lang ni
Domenic na kausapin ang isa sa mga cowboys na malapit kay Huapala, isang
Spanish na nagngangalang Brillo. “Where is my brother, Brillo?” Ipinasok ni
Domenic ang mga kamay sa suot na pants. Nagsalita ito sa wikang Espanyol. “He
was in the storage area when I last saw him. I think he is still there,” ang
sagot naman ng cowboy na napasulyap kay Zoie. Kilala naman na siya ng lahat
dahil mag-iisang taon na rin siya sa rancho. At alam din ng mga ito ang
kaniyang posisyon bilang property manager ng Campbell Ranch. “Zoie! I’ve never
seen you for days,” sabi naman nito sa wikang Hawaiian. “Ah! Just busy at the
mansion,” tugon pa niya sa parehong lengguwahe. Napangiti sa kaniya sina
Domenic at Brillo. Alam na kasi niya ang lengguwaheng iyon sa pamamagitan ng pakikipag[1]usap
sa mga tauhan sa rancho. Lahat naman ng mga tao roon sa rancho at sa mansion ay
napapahanga sa kaniyang talino, galing, kabutihang-puso, pagkamaalalahanin,
mabuting pakikisama, pagkamatulungin sa panahon ng pangangailangan ng mga ito,
at napakaganda pa niya na kasing-ganda ng sikat ng araw. Iyon din ang nasabi sa
kaniya ni Brillo minsan. Alam din ng lahat ng mga ito ang tungkol sa
nararamdaman ng kanilang amo para sa kaniya ngunit siya lang ang walang alam
doon. Iyon ay dahil hindi naman iyon ipinapakita sa kaniya ng lalaki at hindi
naman niya maintindihan ito kahit na mahal na mahal niya ang amo. “I wish to
tour her around the ranch. I heard she had never toured it since she got here,
so we’ll borrow two of your best horses,” ang paliwanag ni Domenic kay Brillo.
“Sure, Master Domenic. I’ll prepare the horses for you two.” Tumango ang
cowboy. Tumango rin si Domenic at tinapik sa balikat ang cowboy bago ito
umalis. Sumaludo pa ito kay Zoie sa pamamagitan ng paghawak ng sombrerong suot.
Ngumiti naman ang dalaga at tumango rito. Lumapit ulit sa kaniya si Domenic.
“Wow! I think you’re really popular around here, Zoie,” puri ng lalaki sa
kaniya. “Really? I haven’t noticed that. What do you think if I hold an
autograph session?” Napangiti ang dalaga sa lalaki nang pabirong sinabi iyon.
Napatawa si Domenic sa kaniya. Pinisil pa nito ang pisngi niya at iyon ang
naratnan ni Alemana na eksena nilang dalawa.
Chapter 35
“Domenic!”
Nagulat sina Domenic at Zoie sa tila dumagundong na boses na iyon. Napapihit
sila sa may-ari ng boses. “Alem!” Nagtaas ng kamay ang binata sa pagbati sa
nakatatandang kapatid. Tumakbo pa ito papalapit dito na may kasamang handler.
Pansin ni Zoie na kakaibang Domenic ito kaysa sa dati. Wala nang takot sa mukha
ng binata. “Go back instead to the storage house and list down the things
needed for us to buy in two days. I’ll talk to my brother first,” ang
instruksyon ng binata sa handler at tumalima ito. Napatingin siya sa kapatid na
tumakbong papalapit sa kaniya. “Let’s talk in my office.” Sumunod si Domenic
kay Alemana. Kumaway pa ang kapatid niya kay Zoie na nakangiti at napangiti rin
ang dalaga sa engineer. “Why are you here?” ang tanong kaagad ni Alemana sa
kapatid nang maisara na nito ang pinto sa opisina niya. Parang dinaanan ng
bagyo ang opisina niya, napuna pa nito. Nakakalat ang mga papeles pati na ang
ilang upuan doon. Batid niyang hindi pa nito nakikita ang opisina niya sa
ganoong sitwasyon dahil palagi iyong malinis at maayos. “What’s this?” tanong
nito sa kaniya. “I was looking for something. Never mind them. I’ll take care
of them later with Huapala. I’m asking you why you’re here,” patay-malisyang
tugon niya sa kapatid. “Ah, right. I wanted to have a tour around the ranch,”
seryoso namang tugon nito. “It’s been a long time since I’ve done it. I also
wish to familiarize myself on a horse again. And now, I’ll get the company of
Zoie. Brillo is taking care of our horses as we speak. So, I’ll not stay longer
with you. I’m sure you’re busy, and Zoie is waiting for me now.” Lalong
bumusangot si Alemana nang marinig iyon. Napatiim-bagang naman siyang nakatitig
sa kapatid. “Why her?” tanong pa niya rito. Napatingin si Domenic sa kaniya at
ngumisi ito bago nagsalita. “‘Why her’ you ask? I already warned you, brother.
If you’re going to take your time like a turtle, a fox will be eating its prey
in the meantime. Alem, I didn’t warn you for nothing that I’ll snatch her away
from you if you don’t get your head straight. Now, are we clear, brother?”
simpleng tugon nito nang diretso. Hindi makapaniwala si Alemana sa narinig,
hindi na siya nakapagsalita. Tumalikod na ito at iniwan siya sa loob ng
kaniyang magulong opisina. Bigla siyang napakurap-kurap nang maramdaman ang
mainit na luha sa kaniyang mga mata. Napakuyom siya ng mga palad sa galit at
selos. Aagawin na ba ni Domenic ngayong gabi ang babaeng mahal niya? Pumasok
naman si Lihau na nag-aalala ang mukha nang makita ang ekspresyon sa mukha
niya. “M-Master Alem…” “Get out!” sigaw pa niya sa kaniyang butler. “Y-yes,
Master Alem.” Tumalima kaagad ang butler na nalulungkot tulad ng amo kahit
hindi nito alam ang dahilan. Nakita naman nito sina Domenic and Zoie na
nakasakay sa kabayo at nagtungo sa damuhan kung saan kumakain ang mga baka.
Tila naintindihan na nito kung ano ang nararamdaman ng amo. May ideya na ito at
malungkot itong napasunod ng tingin sa dalawang nangangabayo. “Master Alem’s
heart is breaking…” nausal ni Lihau. *** “What is it you’re going to give me?” ang
tanong ni Zoie nang makabalik na sila ni Domenic sa mansion galing sa kanilang
tour sa rancho. Inabutan pa sila ng gabi dahil sa laki ng rancho at hindi
talaga nila nalibot ang kabuuan nito ngunit napatingin lang sa mga borders
nito. Gauge welded wire na galvanized steel netting ang mga bakod nito. Sakop
ang ilang sapa sa rancho kung saan umiinom ang mga kabayo at baka. Amoy baka,
dumi, at damo ang paligid subalit nasanay na si Zoie rito. Pakiramdam niya ay
nabibilang siya sa rancho. Hindi katulad ng sinabi ng Auntie Lerma niyang hindi
ito naging tahanan ng tiyahin. ‘Pero bakit parang pakiramdam ko ay dito ako
nakatira at ito na ang tahanan ko kahit malayo ako sa pamilya ko?’
napadili-dili siya. Halos hindi siya makapaniwala sa reyalisasyong ito. ‘Huh!
Nakatatawa ka, Zoie. Anong tahanan mo na ‘to? Nag-jo-joke ka ba?’ ‘Tama, joke
lang ‘tong nasa isip ko. Dahil ang tahanan ay dapat kung saan ka masaya, ‘di
ba? Eh, dito, hindi naman ako masaya. Nasasaktan lang ako… lalo na kapag
naiisip ko siya.’ Saglit siyang napapikit ng mga mata at humugot ng hininga.
Ayaw na niyang isipin pa ang amo at ang kung anong damdamin niya para rito.
“You’ll see later. Just go on upstairs and change.” Narinig niyang sagot ni
Domenic na humila sa kaniya sa kasalukuyan. Napasunod naman ito ng tingin sa
kaniya sa bawat hakbang niya sa hagdan. Narinig pa niyang tinawag nito si Lihau
ngunit hindi niya alam kung ano ang pinag-usapan ng mga ito. *** Binigyan ni
Domenic ng instruksyon si Lihau na ibigay ang kaniyang regalo kay Zoie. Tumango
lang naman ito. Hindi na ito nagtanong kung bakit hindi siya mismo ang nagbigay
noon gayong magkasama naman silang dalawa kanina. “Where’s my brother?” tanong
niya sa butler ng kapatid. “I-I think he’s still in his office,” ang sagot
naman nito na malungkot ang mukha. “It’s already his dinner time.” Napasimangot
si Domenic na napasulyap sa kaniyang relong pambisig. “Ah, you know your
brother, Master Domenic.” Napataas naman ito ng nguso. “I, as his butler for
over twelve years now, know why he has mood swings, especially as of late. And
I think you know the reason why he is still there.” Napatango si Domenic sa
butler. Napaisip siya nang mabuti. “I’ll be going back home now, Lihau. You
make sure that you give it to Zoie, and I’ll drop by the office of my brother
before I’ll head out back to the city.” Tumango ang butler na napasunod ng
tingin sa binatang papalabas ng mansion. Pagkatapos niyon ay napatingin ito sa
hawak na kahon na may silver ribbon. Hindi nito alam kung ibibigay nga ba nito
ang regalo kay Zoie o hindi.
Chapter 36
Nakita ni
Lihau si Zoie na bumaba ng hagdan. Iniabot naman nito sa kaniya ang hawak
nitong kahon. “For you. Master Domenic gave it as a present before he left,”
pagpaalam nito sa kaniya. Inabot ng dalaga ang kahong may silver ribbon nang
nakatingin sa mukha ng butler. Parang ayaw nitong ibigay sa kaniya ang kahon
kaya naroroong iniaabot ito sa kaniya pero binabawi rin. Mukhang may malalim
itong iniisip sa ngayon kaya medyo nawe-weird-uhan siya rito. “Are you going to
give this to me or not?” “A-ahh…” anito at iniabot din sa kaniya sa wakas ang
regalong mula kay Domenic. “Thanks, but are you all right, Lihau?” alalang
tanong niya rito. “Ah… yes. Yes, I’m all right, Zoie. I’ll go now, to Master
Alem’s ranch office to bring his dinner.” Tumalikod na ito at pumunta sa kusina
bago pa man siya makapagsalita. Napasunod muna siya ng tingin sa butler na
parang talagang weird ngayon bago niya tiningnang muli ang kahong ibinigay sa
kaniya ni Domenic. Ito kaya ang something special na sinasabi nito kanina?
Ngunit bago pa niya malaman kung ano ang nasa loob ng kahon ay nakita naman
niyang pumasok ng mansion na tila may-ari si Claire. Napasimangot siya dahil sa
late na itong naparito ngayon na animo’y nakatira doon. Dali-dali niyang
tinakpan ang box at nilapitan ang kararating lang na bisita⸺o buwisita. “Yes, may I help you?”
Sinalubong niya ito sa malaking bulwagan. “Oh, Zoie! You’re here.” Parang
natutuwa pa itong nakita siya roon. Pero as usual, plastik ang ngiting ibinigay
nito sa kaniya. “Of course, I’m here! I work here, if you need me to stress it
out,” pagtataray pa niya sa babaeng Briton. “Ah, yes!” Ang luwag ng ngisi nito
sa kaniya. Ngayon ay parang totoong ngiti na ito, if she was not mistaken.
Pakiramdam ni Zoie ay may nangyayaring maganda. Bigla siyang kinain ng
pagseselos. Dahil kaya may usapan ito at si Alemana? “Well, I’m here to tell
you that Alem has invited me to stay here for the night.” Para iyong bomba sa
pandinig ng dalaga at noon lang niya napansing may isang evening bag itong
dala-dala. Nanlaki tuloy ang mga mata niya at saka naramdaman na lang niyang
parang pinilipit at pinipiga nang husto ang kaniyang puso. Halos hindi siya
makahinga dahil dito. Ngunit ipinakita naman niya sa kausap na nakabawi siya
kaagad na parang walang kuwenta ang sinasabi nito. “Ah, yes. He told me that.
You may go on to the third floor, and you can choose any room you like.
Everything is fresh there, the bed covers, sheets, pillow cases…” “The third
floor? I think you meant the fourth floor, Zoie,” makahulugang koreksyon pa
nito sa kaniya. Napakurap-kurap naman siya ng mga mata. Parang tinutuya na siya
ng babaeng ito, ah. Naiinis na siya. Kaunti na lang at mauubos na talaga ang
kaniyang pasensiya rito. Subalit pinilit niyang ngumiti rito. “Is that a jest?
The fourth floor belongs to the family of the owner of this ranch. And you’re
far from being a family to them. Well... that is from what I know around here.
Please correct me if I’m wrong, Claire.” Binigyan niya pa ito ng isang matipid
at pilit na ngiti. *** Napahalakhak nang mabini si Claire dahil dito. Hindi
siya makapaniwalang isang tongue-lasher din si Zoie katulad ng amo nito. No
wonder why Alem seemed to had fallen so hard for her. Pero ano ba itong
ginagawa niya ngayon dito? Kung hindi dahil sa pangba-blackmail sa kaniya ni
Domenic ay hindi niya ito gagawin sa gabing ito nang walang mapapala at hindi
na siya magsasayang pa ng oras para galitin at pagselosin ang property manager
ng Campbell Ranch. Kung ayaw niyang mag-pullout sa partnership ang Campbell
Ranch ay hindi niya gagawin ito para kay Domenic. ‘That son of a bitch, he is
so cunning!’ naisip pa ng blondie. ‘But why didn’t I notice him after Alem cast
me aside?’ Napabuntong-hininga siya. It was too late now. If only she had made
her move first on Domenic, then she would not have lost something valuable at
the moment. She had already lost Alem’s affection for good. Iyon ay dahil sa
Pinay na property manager nito. Hhindi man lang niya nakita at inasahan iyong
mangyari. At huli na ang lahat para sa kaniya. “Don’t worry, Zoie. You’ll be
the first one to know about that. Now, tell me where exactly is Alem’s room
located. Or, do you wish me to find it myself?” *** Pinakawalan ni Zoie ang
isang malalim na hininga. Pakiramdam niya ay talo na siya sa isang labanan at
para iyong Battle in Waterloo kung saan ay alam na niyang talo siya. “It’s the
last one on your left. If you need someone to prepare the bed, then I’ll ask
one for you.” “That’s very good then. I’ll leave you now.” Para pa itong
modelong galing sa pagrampa at umikot pa ito bago umakyat gamit ang malapad na
hagdan. Napasunod naman ng tingin ang dalaga sa Briton. “Ha! Alem’s room?
Magsama kayo!” inis na aniya at inirapan pa ito. Napatingin siyang muli sa
babaeng pumapanhik ng hagdan. Tinapunan niya ito ng matalim na tingin bago siya
nagtungo sa kusina na parang gustong mag-amok.
Chapter 37
Sa sumunod
na umaga ay inis na inis si Zoie dahil hindi siya nakatulog kagabi. Palaging
naiisip niyang magkatabi sa kama sina Alem at Claire. Sa katunayan pa nga ay
maraming imaheng sumulpot sa kaniyang isipan. Mga erotikang eksena sa pagitan
ng dalawa. “Grr! Kainis kayo!” sigaw pa niya. Alam naman niyang hindi siya
maririnig ng mga ito. Nag-jo-jog siya sa rancho katulad ng dati. Nakasalubong
pa niya si Huapala sa kaniyang daanan. Tumigil muna siya at nag-usap sila
hanggang sa dumating ang truck ni Alemana at pumarada ito sa harap ng ranch
office nito. “I think I’ll leave you now,” ang sabi ni Huapala nang makita ang
nakasimangot na mukha ng amo. Hinawakan naman ni Zoie ang kamay nito upang
pigilan ito sandali habang nakangiti rito. Ginawa niya talaga iyon nang sadya.
Kahit alam iyon ni Huapala ay napangiti ito sa kaniya kahit papaano. “Zoie.”
Nasabi na lang nito saka napasulyap ito kay Alemana na nakatingin pa rin sa
kanilang dalawa. “Huapala, I thank you for everything. You’re such a good
friend to me. I won’t ever forget that,” taos-puso namang sabi niya rito.
“Zoie, you can count on me anytime. Remember that,” pangako nito sa kaniya.
“Thank you.” Hinalikan pa niya sa pisngi si Huapala at nagpatuloy sa kaniyang
pag-jo-jog pabalik sa mansion. *** Samantalang nakita ni Alemana na napasunod
ng tingin ang kaibigan niya sa babaeng nag-jo-jog habang nakahawak sa pisngi
nitong hinalikan ng dalaga. Nakangiti pa itong parang ulol sa paningin ni
Alemana. ‘That woman! Is she doing this on purpose?’ Nagngingitngit na naman
siya sa sobrang selos at galit. Pagkatapos niyon ay hindi man lang niya binati
si Huapala katulad ng dati kahit na binati siya nito. ‘There’s nothing good in
the morning,’ sa isip niya pa. Nagmartsa na siya patungo sa loob ng kaniyang
opisina. *** Sa gabing iyon ay kasabay ni Zoie sa hapunan ang mga katulong
katulad ng dati. Simula noong may mainit na nangyari sa kanila ni Alemana sa
dining room ay hindi na sila sabay na kumakain. Ipinagpasalamat naman niya iyon
dahil para sa kaniya ay parang torture iyon. Dumating naman ang humahangos na
butler na si Lihau habang kumakain sila ng mga kasambahay sa mansion. “Zoie,
Master Alem wants to talk to you in the library!” ang anunsyo pa nito sa
kaniya. Napatingin siya rito nang magkasalubong ang mga kilay. “Did he say what
he wants?” “No. You must hurry! He’s not in a good mood the entire day,” ang
balita naman nito. ‘Why not? He was just with his lover last night, and only
God knows what they did the whole night! Masaya pa ngang umalis kanina si
Claire, eh!’ gustong sabihin ng dalagang naaasar. “Fine! Tell him I’ll be there
when I finished my dinner.” Nag-aalalang nakatingin ito sa kaniya at tumango.
Umalis na itong tila hinahabol ng kung sinumang demonyo sa mansion. Uminom muna
siya ng juice habang napatingin sa kaniya ang ibang katulong ng mansion. Tumayo
na siya at nag-excuse sa mga ito. Sinundan na niya ang butler. Iniisip niyang
maigi kung ano’ng gusto ni Alemana na pag-usapan nila. Naalala niya tuloy ang
para sa selebrasyon sa Pasko. Dalawang araw na lang ay Pasko na. Iyon kaya ang
pakay sa kaniya ng lalaki? O kaya ay mayroon itong ia-anunsyo sa kaniya? Kasal?
Kasal nito at ni Claire? Nagdilim tuloy ang anyo niya. Grabe ang pagkabog ng
kaniyang dibdib dahil sa isiping iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya
mapigilan ang sariling damdamin para sa lalaki. Mahal na mahal pa rin niya ito
sa kabila ng kanilang cold war ilang linggo na ang nakalilipas. Kinatok niya
ang pinto ng library at pumasok na. Wala roon ang butler nang maisara na ang
pinto. Silang dalawa lang ni Alemana. “Master Alem—” mahinang aniya. “Do you
want me to shave off your head or your eyebrows?” Humarap ito sa kaniya habang
nakasigaw ito sa kaniya. Napakurap-kurap naman siya dahil sa narinig at
napanganga pagkatapos. Hindi niya maintindihan ito. What now? What did she do?
Ito ba ay dahil sa hindi maganda ang pakikitungo niya sa lover nitong si
Claire? Nagsumbong kaya sa amo niya ang kairita much na blondie na iyon? ‘Grr!’
Hindi siya makasagot sa lalaki. Ano naman ang puwede niyang isagot dito? Anyway,
hindi naman niya alam kung paano magsisimula para magpaliwanag dito. Hindi
naman niya alam kung ano talaga ang ipinagpuputok ng butsi nito. “Do you want
me to do it, so that no men would look at you?” galit pa ring patuloy ng
lalaking lumapit sa kaniya. Napalunok siya. Ah, nakuha na niya ito ngayon. Iyon
ay dahil kay Huapala. Ngunit naisip niyang wala lang dito ang pag[1]uusap
nila ni Huapala. After all, palagi naman nitong kasama si Claire. And he even
spent his night with that senseless blondie, to boot! Ano’ng karapatan nitong
magalit ngayon sa kaniya? Hindi naman siya nakipagniig kay Huapala, hindi
katulad nitong kasama si Claire nang buong magdamag! Kung may dapat na
magagalit dito, siya iyon. Pero oo nga pala, wala siyang karapatan. Hindi naman
naging sila at hinding-hindi mangyayaring magiging sila ng kaniyang amo. ‘Ah,
pucha! Kaasar ka talaga, Alemana, kahit kailan! Sinasaktan mo na nga ako tapos
galit ka pa sa ‘kin?’ “Why?” Napailing siya rito. “Do you hate me that much? My
heart will perhaps turn to dust for waiting for you, but you’ll never know
that! Why? It is because you’re my employer, and I’m your servant, bound in
such an outrageous so-called family tradition!” galit na balik niya rito. Hindi
na niya mapigilan pa ang sarili. Iniwan niya itong napipi at walang salitang
makalabas mula sa bibig nito.
Chapter 38
Hindi
lumabas si Zoie sa kaniyang kuwarto kinabukasan dahil sa sakit na nadarama
niya. Oo, malinaw nang hindi siya mahal ni Alemana at palagi lang nitong
ipinamumukha sa kaniya na bawal siyang umibig dahil isa lang siyang alila sa
Campbell Ranch. Umiyak pa siya buong gabi at hindi nakatulog. Ang sama talaga
ng loob niya dahil sa masaklap niyang kapalaran at wala siyang magagawa ngayon.
Hindi niya rin alam kung ano ang gagawin pagkatapos ng kaniyang outburst. Nang
makita naman niya ang kahong ibinigay sa kaniya ni Domenic ay naalala niyang
hindi pala niya nakita ang laman niyon kaya inabot niya ito mula sa mesitang
katabi ng kama niya. Napamulagat naman ang mga mata niya nang makita ang isang
diamond necklace. Napahanga siya sa pagkakagawa niyon. Medyo mabigat iyon nang
kunin niya mula sa kinalalagyan nito upang suriin nang mas mabuti. Nakita na
lang niyang mayroon pala itong kasamang card kaya binasa na niya ito. “My Dear
Zoie, I’m sorry if I’m going to manipulate your life this way. But would you
care to be my sister-in-law? That way, I’ll always get to see you happy with my
brother. Don’t get jealous with Claire. She’s nothing to him, and they’re not a
thing. I blackmailed her to do this stint tonight, by the way. She won’t really
spend her night with my brother. Alem doesn’t know she’s there. And I told him
to not let you go or I’ll snatch you away. I know that he loves you so, so
much! I think he’s still in a denial stage. But he’s just like a bull-headed
person. He’ll come around. You’ll see. Maybe sooner than later. Love always,
your soon-to be-brother-in-law, Domenic.” Napamaang siya habang tumutulo naman
ang mga luha niya mula sa kaniyang mga mata. Ang tanga-tanga naman niya. Kung
anu-ano na nga ang pinagsasabi niya sa lalaki noong nag-away sila. Bigla naman
siyang napalingon sa bintana nang marinig ang tunog ng helicopter. Tiningnan
niya ito habang paikot-ikot sa ibabaw ng mansion. May banner pa iyong nakasabit
na nagsasabing: I don’t hate you. I even wished to propose to you, Zoie. ~
Alem. Napalunok siya dahil dito. Medyo mahaba iyon pero naka-banner pa. ‘Kailan
ba niya pinagawa ‘to?’ Napatawa tuloy siya kahit may luha sa mga mata. Halatang
ipinagpaalam nito sa lahat ang tungkol sa nararamdaman nito para sa kaniya. Na
mahal siya nito. Para namang biglang lumuwag ang dibdib niya at may tuwa sa
kaniyang pusong panay ang tumbling nang mga sandaling iyon. Tumalikod na siya
mula sa kaniyang bintana at napagpasyahang lumabas upang kausapin si Alemana
ngunit bumukas na ang pinto ng kaniyang kuwarto at iniluwa roon ang lalaking
pinakamamahal niya. “Did you do that?” tanong niya ritong nakangiti sa kabila
ng mga luhang patuloy na dumadaloy sa kaniyang pisngi. “Yes! Come here. Don’t
ask any questions. I want to know... to hear that you love me, too, Zoie.”
Halos garalgal ang boses nitong binuksan ang mga braso. Napayakap siya sa
lalaki sa sobrang tuwa. Hindi siya makapaniwalang bati na sila na singbilis ng
kidlat at magiging siya na at ito habang-buhay. Para iyong isang panaginip
hanggang sa maramdaman niya ang mainit nitong labing umangkin sa mga labi niya.
“Aloha wau iā ʻoe, Zoie!” madamdaming kumpisal pa ng lalaki sa
nararamdaman nito. “And because of that, we’ll have one of your relatives to
take your place. I’m not going to let you work your bones to dust, so long that
you’ll promise to make me happy all the days of our lives,” pabirong sabi pa
nito pero seryoso itong nakatingin sa kaniya. “Yes, we’ll do that. And I’ll...
make you happy, Master Alem.” Napatawa ang dalaga at ginawaran din ng halik sa
labi ang lalaking nakayakap sa kaniya nang mahigpit na parang ayaw na siyang
pakawalan kahit kailan. Tila wala silang ibang salitang mahagilap dahil sa
kanilang nararamdaman para sa isa’t isa. “I love you, too, Master Alem… And I
always will… Don’t you dare get jealous with Domenic and Huapala anymore!”
babala pa niya rito bago pa man siya ginawaran nitong muli ng isang maalab na
halik na nagpapahina sa kaniyang mga tuhod. “If you promise to assure me
everyday that you love me, there’s no problem with that, ku’uipo,” saad pa nito
nang pabulong. “I promise,” bulong din niya rito nang masaya at may seguridad.
Next Page Sa labas ng bintana, habang umuulan ng mga talulot ng pulang
hibiscus, nagpatuloy ang paghinang ng mga labi ng dalawang nag-iibigan. Hindi
man lang siya nagprotesta nang simulan siyang hubaran ng binata at gayon din
ang ginawa nito. “Master Alem…” anas niya pa nang sinimsim nito ang isang
tuktok ng kaniyang dibdib. Hindi niya mapigilang huwag mapahaluyhoy dahil dito.
Inihiga siya ng lalaki sa kaniyang kama. Lalong nag-aalab ang kaniyang
pagnanasang nararamdaman gaya ng sa lalaking kaniyang mahal. “Zoie… ku’uipo…
please let me love you…” bulong nito sa kaniyang tainga habang pababa nang
pababa ang isa nitong kamay hanggang sa dumako na ito sa pinakamaselang parte
ng katawan niya. Napaliyad siya at napadaing. “Yes… Master Alem… love me all
you want…” tugon niya. Ramdam niyang pumosisyon ito sa gitna ng mga hita niyang
ipinaghiwalay ng isang tuhod nito. Kapwa sila napapigil ng hininga nang
marahang bumulusok ang matigas na pag-aari ng binata sa kaniyang masikip na
kailaliman habang inaangkin nito ang kaniyang malambot na mga labi. Napaungol
siya at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng lalaki sa kaniyang isip. Wala
nang ibang laman sa utak niya nang mga sandaling iyon kundi ito… at ang
pagmamahal nito sa kaniya. Walang mapaglalagyan ang kasiyahang nasa puso nila
habang magkaniig silang dalawa. Dahil alam na nilang dalawa na magiging sila
rin hanggang sa kanilang huling hininga. “Ohh… Master Alem…” impit na anas niya
nang dumiin ang pagbaon ng lalaki sa katawan niya upang magpunla ng maliit na
Campbell. *** Dumalo sa kanilang kasal ang buong pamilya ni Alemana at ang
lahat ng miyembro ng angkan ni Zoie mula sa Pilipinas, kasama na roon ang
pinsan niyang si Marilou na halatang gusto si Huapala. Ngunit hindi kasama si
Auntie Lerma niya dahil yumao na ito. Hindi man lang nito naabutan ang kasal
nila sa Valentine’s Day pero nagpasalamat siya sa kaniyang asawa na ngayong si
Alemana na sinuportahan siya nito nang pumanaw ito. Umuwi siyang Pilipinas
kasama ito upang ihatid sa huling hantungan ang kaniyang kawawang tiyahin. Ayaw
nang ipakansela ng binata ang kanilang kasal para sa sumunod na taon dahil sa
buntis na si Zoie. Hindi naman ito naniniwala sa sukob, at gayon naman si Zoie.
Alam niya kasing maiintindihan iyon ng kaniyang Auntie Lerma. Isang pinsan niya
na lalaki ang kinuha nila ni Alemana na siyang hahalili sa kaniyang posisyon
bilang property manager sa Campbell Ranch at sa lahat ng ari-arian nito. “How I
wished Auntie Lerma was at our wedding,” naibulong pa niya sa kaniyang asawa
habang nakatingin sa dagat nang magkayakap at nakaupo sa buhangin. Nasa Four
Seasons Resort Hualalai sila para sa kanilang isang linggong honeymoon.
Nakatingin sila ngayon sa papalubog na araw. “I know, ku’uipo. She will always
be missed.” Hinalikan pa nito ang kaniyang pisngi. Napalingon siya rito nang
may ngiti sa labi. “Hindi nga pala kita napasalamatan sa pag-aalaga mo sa
kaniya noon,” sabi pa niya sa wikang Hawaiian. “Sinabi niya sa akin na ginawa
mo ang lahat ng makakaya mo para mapabalik ang lusog niya.” Humigpit naman ang
yakap ni Alemana sa kaniya. “It was just not enough, and it was already too
late. But still, I’m so lucky to have you, to be loved by you, and to be by my
side until we leave this world. I so love you, Zoie!” “And I do love you, too,
Alem... until my dying days.” Ginawaran siya ng halik ng kaniyang Campbell
Rancher na asawa. “I never thought you’re finally mine, ku’uipo. God knows how
much I want you and love you! I never thought you’d feel the same. I know that
we were both bound by our ancestors’ promise, and I thought there was no way
around it. But here we are, together.” Napangiti siya sa asawa. “I never
thought I’d be so lucky to be desired and be loved by you, Master Alem,” aniya.
Iyon pa rin ang tawag niya rito. Kahit gusto nitong alisin niya ang “Master” ay
hindi niya ginawa. Parang kakaibang endearment na rin niya iyon sa asawa. Medyo
“naughty” raw. Napatawa nang mahina ang asawa sa narinig. “I thought you would
end up with Claire, and she would hate us for my eating meals with you. I
wanted to brace myself if you’d one day tell me you’re marrying her, but I was
wrong to believe it. I was wrong to not trust you and those hot kisses in the
dining room. I just thought those were nothing. You had no idea how much I
loathed the idea of you going to end up with that blonde bitch.” Pinahina niya
ang tono sa huling kataga at pinakunot ang ilong. Napatawang muli ang asawa
niya. “What? How could you even think that when I had no marriage in mind when
it comes to Claire? You’re the one I was dying to get hitched with. You’re the
wife I was imagining that I’ll eat meals with in that dining room. No one else.
I just thought you had no interest in me, whenever I saw you with my best
friend or my brother. Now, that was the worst!” Siya naman ang napatawa sa
sinabi nito. “All this while, we’ve been pulling and pushing each other because
of our families’ tradition. But in the end, we just can’t stop what we’re
feeling for each other, Master Alem,” malambing na aniya at napabuntong-hininga
nang masaya. “Love is the strongest thing in the world, ku’uipo. Nothing can
stop it, ever.” “Aloha wau iā ʻoe, Master Alem… far, far deeper
than the Hawaiian Trough.” At muli, naghinang ang mainit na mga labing
nagmamahalan… -- Wakas --