Chapter 451 JEANN POV
Sabay na kami ni Drake
pumasok ng bahay nang masiguro namin pareho na nakaalis na si Jasmine..
Pagkatapos sa mga nasaksihan ko ngayung araw, himala na gumaan ang pakiramdam
ko. Nalulungkot din naman akong makita ang pagkalugmok ni Jasmine pero mas mahirap
naman yata sa parte ko kung siya ang magwagi sa puso ni Drake. Mas mahirap sa
akin kung siya ang piliin ni Drake kumpara sa akin. Kahit na
pagbabalik-baliktarin pa ang mundo, hindi pa rin mawawala ang katotohanan na
hindi naman siguro ako pakakasalan ni Drake kung hindi ako mahalaga sa kanya.
Mahal ko si Drake at minsan na akong nagparaya. Since nagpakita siya ng effort
sa akin ngayun na muli kaming magkabalikan ito na din siguro ang tamang panahon
para pagbigyan siya. "Umalis na ba ang babaeng iyun?" sa lalim ng
iniisip ko, hindi ko na namalayan pa na nakahawak na pala sa kamay ko si Drake.
Sabay na din kaming pumasok dito sa living area at ang tanong ni Daddy Andy ang
kaagad na sumalubong sa amin. "Nakaalis na Dad! Hindi ko nga alam kung ano
ang gagawin ko kay Jasmine para tigilan niya ang panggugulo." sagot ni
Drake Iginiya niya pa ako paupo sa pandalawahang sofa at halos dumikit na ito
sa katawan ko noong tumabi siya ng upo sa akin. "Bakit ba nanggugulo ang
babaeng iyun? Hindi healthy sa pagsasama niyong mag asawa kung palagi siyang
nagpupunta dito sa bahay. Kailangan siguro bigyan mo siya ng pera para lumayas
na. Para hindi ka na niya guluhin." sagot naman ni Daddy Andy. Isang
malalim na buntong hininga ang narinig ko mula kay Drake bago nito pinisil-pisil
ang aking palad. Nagbigay naman iyun ng kakaibang sensasyon sa buo kong
pagkatao. Para akong napapaso at pilit na binabawi ang palad na hawak niya pero
hindi ako nagwagi. Para kasing biglang nagtayuan lahat ng balahibo ko sa aking
katawan dahil sa kakaibang pakiramdam. Para akong kinakapos sa aking paghinga
na ewan. "Ginawa ko na iyan Dad. Binigyan ko na siya ng 2 Million noong
pinaalis ko siya doon sa bahay na tinitirhan siya. Hindi yata magandang
desisyon ang ginawa ko dahil lalo yatang nalulong sa ipinagbabawal na gamot si
Jasmine." sagot ni Drake. Nagulat naman ako sa aking narinig. Kaya siguro
ang payat ni Jasmine ngayun. Kaya siguro ang laki ng ipinagbago ng kanyang
katawan dahil nalulong pala siya sa bawal na gamot. lyan na nga ang sinasabi ko
eh! Kailangan palang madala sa rehab center ang babeng iyun. Baka kung ano pa
ang maisip niyang gawin lalo at ganitong natutuyo na pala ang utak niyan dahil
sa droga." sagot ni Daddy Andy. Hindi naman nakaimik si Drake.
"Ta-talaga bang nag aaddict si Jasmine? Kailan pa?" hindi ko
maiwasang tanong. Muli kong naramdaman ang pagpisil ni Drake sa palad ko bago
ako nito sinagot. "Matagal na! Bago pa siya nagkunwaring nabuntis ko siya,
lulong na sa drugs si Jasmine. Akala ko talaga magbabago na siya pero hindi
nangyari. Gusto kong isalba ang future ni Jasmine dahil may pinagsamahan din
naman kami noon kaya lang nabigo ako. Hanggang sa nalaman mo na nga ang tungkol
sa pagkakaroon namin ng relasyon na siyang dahilan ng palagi nating pag aaway
noon at humantong pa sa hindi inaasahang pangyayari!" sagot ni Drake. Para
naman akong namamalikmata na napatitig sa kanya. Parang bigla kong nalulon ang
dila ko dahil hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Muli kasing
nanumbalik sa balintataw ko ang mga nangyari noon. Ang sobrang hirap ng
pinagdaanan ko. "Hanggang sa idiniklara niyang nagdadalang tao siya.
Maniwala ka man sa akin or hindi, isang beses lang may nangayari sa aming
dalawa. Lasing pa ako noon at natukso lang talaga ako!" pagpapatuloy na
wika ni Drake. Hindi ko naman napigilan ang unti-unting pagpatak ng luha sa
aking mga mata. Hindi ko alam kung nagsasabi ba talaga siya ng totoo pero isa
lang ang nasisiguro ko, naniniwala ako sa sinasabi niya ngayun. "Kung alam
mo lang kung gaano ako nasaktan noong ibinalita sa akin nila Peanut at Rafael
na wala ka na! Hindi ko matanggap Jeann. Hindi kayang tanggapin ng puso ko na
nagawa mong saktan ang sarili mo dahil sa katangahan ko! Binigo kita! Bigo
akong tuparin ang pangako ko sa mga magulang mo na aalagaan kita at mamahalin.
Sinaktan kita kaya hindi ko masisisi kung galit man ang lahat sa akin. Kung
bakit halos isumpa ako ng buo mong angkan." wika ni Drake sa akin. Lalo
naman akong naluha. Narinig ko pa ang pagtikhim ni Daddy Andy at suminyas sa
akin na maiiwan nya muna kami. Siguro gusto niyang bigyan ng privacy ang pag
uusap naming dalawa ni Drake. "Hindi ko alam! Sorry! Basta ang alam ko
lang, masyadong masakit ang ginawa mong panluluko sa akin Drake. Hindi ko
kayang tanggapin na nagawa mo akong ipagpalit sa ibang babae sa kabila ng mga
effort ko para maging maayos ang pagsasama natin" sagot ko. Kaagad ko
namang naramdaman ang mahigpit na pagyakap nito sa akin. Yumuyugyog na ang
balikat nito palatandaan na umiiyak na din. "No! huwag kang mag sorry sa
akin dahil pagbabalik-baliktarin man natin ang mundo, ako ang nagkasala sa
relasyon natin Sweetheart! Ako ang dahilan kung bakit ka nagdurusa ngayun! Ako
ang dahilan kung bakit ka lumuluha! Sorry! Patawarin mo ako sa lahat ng mga
pagkakamali ko! Patawarin mo kung naging marupok ako sa tukso. Pangako! Hindi
na mauulit ang lahat ng iyun! Isang chance lang at papatunayan ko sa iyo na
nagbago na ako!' sagot nito sa akin. Lalo tuloy akong napahgulhol ng iyak
habang nakasubsob sa dibdib nito. Oo, masakit para sa akin ang ginawa niya noon
pero hindi pa rin pwedeng ikaila ang katotohanan na mahal ko siya. Sa kabila ng
mga kasalanan na nagawa niya sa akin, hindi ko pa rin siya kayang kalimutan
kahit na pilit kong isinisiksik sa isipan ko na hindi siya karapat dapat na
mahalin.
Chapter 452 JEANN POV
Pagkatapos ng masinsinang
pag uusap namin ni Drake parehong may ngiti sa aming labi habang hawak kamay
kaming naglalakad palabas ng living area. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayun
dahil sa wakas, nasabi ko na ang mga gusto kong sabihin sa kanya. Nailabas ko
na sa kanya ang sama ng loob na nararamdaman ko na ilang buwan ko din kinimkim
sa puso ko. Masakit ang maluko pero mas mahirap kung hindi ka marunong
magpatawad. Handa kong kalimutan lahat ng mga pagkakamali na nagawa niya sa
akin basta huwag nya na lang ulitin. Isang beses na pagkakamali ay kaya kong
palagpasin pero kapag maulit pa ito, hindi na talaga siguro kami magkakasundo.
"Sir, Mam, ready na po ang mesa. Pwede na po kayong kumain ng dinner.
" imporma sa amin ni Manang pagkalabas pa lang namin ng living area. Balak
sana naming puntahan si Baby Russell sa kwarto kung saan binabantayan siya ni
Ella pero mukhang kailangan muna namin kumain ng dinner dahil medyo late na.
Gusto ko na din magpahinga. Sa dami ng nangyari ngayung araw, medyo
nakakaramdam na din ako ng pagod. Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ko kay
Manang bilang tanda ng pagsang ayon bago kami sabay naglakad patungo sa dining
area. Naabutan pa namin si Daddy Andy na matiyagang naghihintay sa amin. Kaagad
naman kaming humingi ng paumanhin ni Drake sa kanya at isang nakakaunawang
ngiti lang din naman ang naging sagot nito. Sa kauna-unahang pagkakataon,
masaya kaming nagsalo ni Drake ng hapunan. Ito na din ang kauna- unahang
pagkakataon na nagkasabay kami sa pagkain simula ng naghiwalay kami. "Try
this one Sweetheart! Hindi ba at paborito mo ito?" sambit pa ni Drake sa
akin habang inilalapag niya sa pingan ko ang hinimay na hipon. Hindi ko naman
maiwasan na mapangiti. Hindi niya pa rin pala nakalimutan ang isa sa mga
paborito kong pagkain. Kanina pa siya asikasong asikaso sa akin. Nahihiya na
nga ako kay Daddy Andy na kasabay namin sa pagkain ngayun dahil wala nang
inatupag ang anak niya kundi pagsilbihan ako. "Drake, tama na! Masyado ng
marami itong mga nahimay na hipon. Atupagin mo na din ang pagkain mo."
saway ko kay Drake. Ako na mismo ang personal na kumuha ng pagkain at inilagay
iyun sa kanyang pinngan. Wala yatang balak kumain ang asawa ko dahil wala
siyang ibang inaatupag kundi bantayan ang kinakain ko. "Ayos lang ako,
Makita lang kitang maganang kumain, mabubusog na din ako nito." sagot nito
sa akin. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng kilig. Kung hindi lang namin
kaharap si Daddy Andy, baka kanina ko pa ito n** *****n eh. Nakakakilig naman
kasi ang banat niya eh! Talaga naman! May panahon pa talaga akong bulahin nito
ngayun na hindi naman niya dapat pang gawin dahil napatawad ko na siya sa lahat
ng mga pagkakamali na nagawa niya sa akin. "Hmmmp, tigil ka na nga! Ayos
na itong mga pagkin na nasa pingan ko. Kumain ka na din para makapag ligpit na
at makapag pahinga na din ang lahat!" sagot ko naman sa kanya. Narinig ko
pa ang mahina nitong pagtawa pero hindi ko na binigyang pansin. Nagpasalamat na
din ako dahil kaagad niya namang sinunod ang gusto ko. Itinuon na nito ang
buong attention niya sa pagkain. Masasabi ko na ito na siguro ang pinaka
memorable na dinnner na naranasan ko sa buong buhay ko. Masaya ako na muli kong
nakasabay ang lalaking nagmamay ari ng puso ko at umaasa ako na sana ito na ang
umpisa ng masaya naming pagsasama. Sana wala nang dumating na kahit na anong
unos sa aming buhay. Ayaw ko din naman kasi talagang tumandang mag isa. Mas
maganda pa rin na may katuwang sa buhay at may matawag na kumpletong pamilya
ang anak namin. Kaya dalangin ko na sana wala ng panibagong Jasmine ang
dumating sa pagsasama namin. Sana wala ng makakating babae ang muling pumagitna
sa relasyon namin ni Drake at sirain ang kung ano man ang numpisahan namin
ngayun. "Mam, nasa labas po ang kapatid niyo. Papapasukin ko po ba?"
Kakatapos ko lang uminom ng tubig ng marinig ko ang sinabi ni Manang.
"Kapatid? Si Kenneth po ba ang tinutukoy niyo?" tanong ko kay Manang.
Kaagad naman itong tumango. "Opo Mam! Nasa garden po. Ayaw ko naman pong
papasukin dito sa bahay dahil ngayun ko lang po siya nakita." sagot naman
ni Manang. Napatingin naman ako kay Drake bago ako ngumiti. "Kapatid ko po
siya! Hindi bale po, pupuntahan ko na lang siya." nakangiti ko namang
sagot. "Sasamahan na kita?" tanong naman ni Drake sa akin. Kaagad
naman akong umiling. "No! Ayos lang. Ako na ang bahala! Puntahan mo na
lang si Baby Russell sa kwarto para makakain na din ng dinner si Ella."
nakangiti ko namang sagot sa kanya. Nakakaunawa naman itong tumango. Katulad ng
sabi ni Manang, naabutan ko ang kapatid kong si Kenneth sa garden na may
kasamang babae. Ito siguro ang nabangit ni Mommy Arabella sa akin na girl
friend nito. Well, not bad, maganda naman pala talaga ang babae. Maganda ang
tindig at halatang may sinabi sa buhay. "Jeann, ang tagal mo naman
lumabas! May date pa kami ni Vina eh." kaagad na angal nito sa akin. Hindi
ko naman maiwasan na mapaismid. Hindi pa nga niya personal na ipinakilala sa
akin ang kanyang girl friend isang nakakainis na pananalita ang kaagad kong
narinig mula sa bibig niya. Minsan talaga, napapatanong ako sa sarili ko kung
kapatid ko ba ito eh!. Paiba-iba ang takbo ng pag uugali. Minsan mabait, minsan
naman ang gaspang ng ugali. "Tigilan mo ako Kenneth ha! Kaninang umaga ko
pa ipinapahatid sa iyo ang mga gamit na kailangan ko tapos anong oras na? GAbi
na! Nawalan na nga ako ng pag asa na maihatid mo sa akin iyan eh! Isa pa, siya
ba ang girlfriend mo na nababangit sa akin ni Mommy kanina? In fairness ha, ang
ganda niya! Bilib na din talaga ako sa panlasa mo! Ang galing mong pumili ng
babae." nang iinis ko namang sagot. Napansin ko pa ang pagngiwi nito bago
hinawakan sa kamay ang kanyang girlfriend. "Hehehe! Oo nga pala,
nakalimutan ko! Siya pala si Vina,...girl friend ko! May date pa kami at wala
talaga akong time na mag stay ng matagal. Ipabitbit mo na lang sa mga kasama mo
sa bahay ang mga gamit mo! Aalis na kami!" sagot naman ng magaling kong
kapatid. Kaagad ko naman itong pinagtaasan ng kilay. Hindi pa nga kami
nagbatian ng girl friend niya aalis kaagad sila? Ni hindi rin ako binati ng
magaling na babaeng iyun? Mukhang minus points sa akin ang babaeng iyun ah?
Parang hindi din kasi interesado na makipag kilala sa akin samantalang ako lang
naman ang nag iisang kapatid ni Kenneth.
Chapter 453 JEANN POV
Wala na akong nagawa pa
kundi sundan na lang ng tingin ang paalis kong kapatid na si Kenneth kasama ang
kanyang girl friend. Ewan ko ba. Maganda naman sana ang girl friend ng kapatid
kong iyun pero parang malayo ang loob ko sa kanya. Parang hindi sila bagay ng
kapatid ko. Parang may something sa babaeng iyun na hindi ko maintindihan.
Siguro dahil unang meet pa lang namin ay parang wala lang sa kanya. Meaning to
say, hindi man lang ako binati. Ni hindi niya man lang ako nginitian. Maybe
because, nahihiya lang siya? Ah ewan, bahala na nga! Malaki na ang kapatid ko
para magdesisyon ng mga bagay-bagay kaya hahayaan ko na lang siya. Wala naman
akong karapatan na panghimasukan ang buhay pag ibig niya. Kung saan siya masaya
eh doon siya! Wala sa bokabularyo ko ang manghimasok ng relasyon nang may
relasyon. Mas gugustuhin ko pang itoon ang buo kong attention sa mag ama ko.
Lalo na ngayung nag uumpisa na kami ni Drake na magkabati. Pabalik na ako sa
loob ng bahay ng mapansin ko ang pagdating ni Ella. Hindi ko tuloy maiwasan na
titigan ito mula ulo hanggang paa. Kung tutusin, maganda naman talaga ang
batang ito. Kay liit ng kanyang mukha at kahit na hindi ito marunong mag ayos
ng sarili, lutang pa rin ang nakapaka inosente nitong ganda. "Mam, si Sir
Drake na lang daw po ang bahala kay Baby Russell. May iuutos pa po ba kayo sa
akin?" magalang na tanong nito. Hindi ko maiwasang manangiti. "Wala
na! Bukas mo na lang iakyat ang mga gamit na iyan sa kwarto. Kumain ka na muna
at magpahinga!" sagot ko naman sa kanya. Kimi naman itong ngumiti sa akin.
May pagkamahiyain din pala ang batang ito. Hindi ko lang napapansin noon dahil
siguro sa galit ko sa amo nila. NI hindi pa ako ready na iappreciate ang mga
mababait na tao sa paligid ko kasi iniisip ko noon na hindi naman ako magtatagal
sa bahay na ito. Pero ngayung bati na kami ni Drake, ito na din siguro ang
pagkakataon ko na kilalanin at pakisamahan sila ng maayos. Tinuruan naman kami
ni Mommy Arabella kung paano makisama sa mga kasambahay. Ayaw kong maging
unfair sa kanila at kung maayos ang binibigay nilang serbisyon why not.
Magiging mabait din ako sa kanila. "Teka lang, ilang taon ka na ba
Ella?" tanong ko sa kanya ng akmang tatalikod na ito. Muli itong humarap
sa akin sabay yuko. Mas matangkad ito sa akin ng ilang pulgada pero dahil
mahiyain hindi tuloy nito nabibigyan ng justice ang maganda nitong
pangangatawan. "Eighteen po Mam." maiksing sagot nito. Mahiyain nga!
Hayssst, kawawa naman! Mga ganitong edad niya dapat nasa School siya eh. Well,
gusto ko siyang mas makilala pa at titingnan ko kung may maitutulong ako sa
kanya. SAyang naman kasi kung habang buhay siyang maging kasambahay.
"Okay..pwede ka ng pumasok sa loob at kumain ng dinner. Salamat nga pala
sa pagbabantay kay Baby Russell. Teka lang, may experience ka ba sa pag aalaga
sa mga bata? Since ikaw ang nauna dito at kung marunong ka naman mag alaga ng
bata, kung papayag ka ikaw na lang ang kukunin kong yaya ni Baby Russell.
Kukuha na lang ako ng isa pang kasambahay na gagawa sa mga maiwan mong trabaho.
"Wala ng patumpik tumpik kong wika sa kanya.' Kailangan ko talaga ng
mapagkakatiwalaan na tao para mag alaga kay Baby Russell. Hindi naman sa lahat
ng oras na mababantayan ko ang anak ko. Mas maigi pa rin na may katulong ako na
maalagaan siya. "Ma-marunong naman po Mam. Ako po ang nag aalaga sa tatlo
ko pang maliliit na kapatid kapag nasa bukid sila Nanay at Tatay." sagot
nito. Kaagad namang gumuhit ang ngiti sa labi ko. "Perfect! Well, simula
bukas, ikaw na ang mag aalaga kay Baby Russell. Dadagdagan ko din ang sahod mo
basta alaagan mo lang siya na maayos."sagot ko naman. Nakayuko pa rin ito
kaya naman kailangan ko siguro itong isama sa mga lakad namin para magkaroon ng
self confidence. SAyang naman kung habang buhay itong maging mahiyain.
"Sa-salamat po Mam. Pero pwede ko pa din naman po ituloy ang mga trabaho
ko kapag tulog si Baby Russell. Kaya ko naman po." nahihiya nitong sagot.
Kaagad naman akong umiling. "Hindi ako papyag. Simula bukas, kay baby
Russell mo lang itoon buong attention mo. Kukuha kami ng isa pang kasambahay na
papalit sa mga trabaho mo. Sige na...pumunta ka ng kusina para makakain ka na.
Aasahan ko ang maganda mong serbisyo sa anak ko Ella." seryoso ko namang
sagot. Tumango naman ito at buong kimi na naglakad papasok ng bahay. Nasundan
ko na lang ito ng tingin. Pagbalik ko sa kwarto namin naabutan ko si Drake na
nagtetempla na ng milk ni Baby Russell. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti
dahil mukhang gamay niya na kung paano mag alaga ng bata. Never niya kasi itong
ginawa noong nagsasama pa kami kaya lahat ng mga ginagawa niya ngayun ay bago
sa paningin ko.
Chapter 454 Jeann POV
Nang mapansin ni Drake ang
pagdating ko dito sa kwarto buong tamis ako nitong nginitian. Parang may ibig
sabihin ang mga titig nito sa akin kaya kaagad ko itong tinaasan ng kilay
"Ako na ang bahalang magpatulog kay Baby Russell. Gawin mo na ang mga
gusto mong gawin para maaga tayong makatulog." wika pa nito sa akin. Hindi
ko naman maiwasan na mapangiti. Masarap talaga sa pakiramdam na may katuwang ka
sa buhay. Gumagaan ang mga bagay-bagay. Mukha namang nag matured na ang Drake
na ito kaya dapat lang talaga na bigyan ko din siya ng chance na ipakita niya
iyun sa aming dalawa ni Baby Russell. "Are you sure? Marunong ka talaga
magpatulog ng bata? Baka mamaya wala kayong ibang gagawin kundi ang maglaro
ha?" sagot ko naman. "Trust me Love! Bago matapos ang evening routine
mo, mapapatulog ko na si Baby Russell." Nakangiting sagot nito sa akin
sabay kindat. Tinaasan ko lang ito ng kilay pero sa totoo lang, kanina pa
nagreregudon sa kaba ang puso ko. Ang sarap palang kiligin. Kung wala lang si
Baby Russell, kanina ko pa gustong sugurin si Drake at papakin eh...Hayssst!
"Hmmp...well, let's see!" sagot ko naman sa kanya at kaagad na akong
naglakad patungo sa banyo. Maghapon kami sa labas kaya nanlalagkit ang buo kong
katawan kaya balak kong maligo na lang muna para presko ang pakiramdam at
makatulog ako ng maayos. Pagdating ng banyo, nagtooth brush muna ako habang
pinunupuno ko ng tubig ang bathtub. Balak kong ibabad ang katawan ko sa
maligamgam na tubig gamit ang bathtub kaya kahit na alam kong matagal magpuno
ng tubig sa bath tub willing naman akong maghintay. Gagawin ko na lang ang iba
ko pang nakasanayang beauty routine dito sa banyo para hindi ako mainip.
Pagkatapos kong mag toothbrush, mga pampaganda naman ang inatupag ko. Inapply
ko sa mukha ko ang mga nakasanayan kong iaapply noon. Ito iyung mga ginagawa ko
noong dalaga pa ako kapag tinatamad akong pumunta ng salon para magpa beauty.
Nang halos mapuno na ang tubig sa bathtub naglagay ako ng mabangong showel gel
kaya kaagad na kumalat ang mabangong amoy sa paligid. Pinabula ko muna iyun
para sulit ang pagghihintay ko bago ko inilublob ang hubot hubad kong katawan
sa bathtub kaya kaagad akong nakaramdam ng kaginhawaan ng katawan. "This
is life! Ang tagal ko na din itong hindi ginagawa!" hindi ko maiwasang
bigkas. Hindi ko pa maiwasang mapapikit dahil gusto kong namnamin ang tamang
temperatura lang ng tubig na bumabalot sa buo kong katawan. Relax na relax
akong naliligo ng marinig ko ang pagbukas-sara ng pintuan ng banyo. Natigilan
naman ako at kaagad nanlaki ang aking mga mata ng mapansin ko si Drake.
"Drake, ano ba! Hindi pa ako tapos maligo eh." kaagad kong angal sa
kanya. Nakangiti naman itong naglakad palapit sa akin kaya lalo kong inilublob
ang hubad kong katawan sa bathtub. Buti na lang natatakpan ako ng mga bubbles
kaya hindi masyadong awkward ang sitwayon ko. Imagine, hubot hubad ako tapos
papasok siya na alam niya naman siguro na naliligo ako! "Kanina pa
natutulog si baby Russell kaya hindi na ako nakatiis na pasukin ka dito. Bakit
ba kasi ang tagal mo?" sagot naman nito. Paos ang boses niya kaya hindi ko
maiwasang kilabutan. Mga ganitong boses ni Drake ay alam na alam ko na eh.
Hindi din nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas baba ng kanyang adams apple.
Palatandaan na nagpipigil ito. Palatandaan na may gusto itong mangyari. Sa
halos tatlong taon naming pagsasama, kilalang kilala ko na siya. Hindi nga ako
nagkamali dahil napansin ko na lang na isa-isa na nitong hinuhubad ang lahat ng
kanyang saplot sa katawan. Nag umpisa ito sa kanyang tshirt hanggang sa kanyang
shorts. "Di-Drake...a-ano ka ba! Hi-hindi ka ba makapag hintay?
Na-naliligo pa ako oh!" pautal-utal kong bigkas. Pilit kong nilalabanan
ang kakaibang damdamin na lumulukob sa buo kong katawan. Para akong biglan
nauhaw na ewan lalo na ng mapansin ko na dahan- dahan na nitong tinatangal ang
kahuli- hulihang saplot sa kanyang katawan. "Pwede naman tayong magsabay
diba? Malaki ang bathtub at kasya tayong dalawa diyan." bigkas nito habang
may naglalarong ngiti sa labi. Wala sa sariling napayakap ako sa sarili ko.
Hindi naman pwedeng umahon ako sa bathtub dahil hubot hubad ako. Mas nakakahiya
iyun pero kakayanin ko ba kung sabay kaming maligo? Hayyy! Halos lumuwa ang mga
mata ko ng napansin ko na tuluyan na din nitong nahubad ang kahuli-hulihang
saplot ng kanyang katawan. Tumampad sa mga mata ko ang matigas nang alaga ni
Drake. Actually, matigas na kaagad gayung wala pa nga kaming ginagawa? Ang alam
ko kailangan muna ng foreplay para tumigas iyun! Narinig ko pa ang mahinang
pagtawa ni Drake kaya kaagad kong binawi ang tingin ko sa kanyang matigas na
alaga. Nakakahiya! Huling huli niya ako na titig na titig sa bahaging iyun at
baka akung ano ang isipin niya. "Sa-saglit lang.. Ta-tapos na ako. Aahon
na ako!" pautal-utal ko pang bigkas at akmang aahon na ako nang siya
namang paglapit niya at namalayan ko na lang na nakalubog na ang kanyang
katawan dito sa bathtub. Halos magkadikit ang aming mga katawan kaya ramdam na
ramdam ko ang init na mula sa kanya. HIndi ko tuloy maiwasan na mapalunok ng
sarili kong laway. "Hindi mo abot ang likod mo diba? Hihiluran na kita
Love!" narinig kong bigkas nito. Pumuwesto pa ito sa likurang bahagi ko
kaya naman madali lang sa kanya na idantay ang palad niya sa likod ko.
Humahaplos-haplos ito sa bahaging iyun na kaagad na nagbigay sa akin ng
kakaibang init sa buo kong pagkatao. Swabi ang ginawang paghimas ni Drake sa
bahging iyun hanggang sa lumagpas na na ang kamay nito. Mula sa likuran ko,
tumulay iyun patungo sa aking dalawang bundok at banayad niya iyung minamasahe.
HIndi ko naman maiwasan na mapaliyad kasabay ng mahina kong pag ungol. Walang
hiya...hilod lang sa likuran ko ang inooffer niya kanina eh! Bakit pati dalawa
kong bundok dinamay niya! Para tuloy akong lalagnatin na ewan!
Chapter 455 JEANN POV
"Te-teka lang...Drake
naman! Saglit... hi-hindi pwede! Malili" --hindi ko na natapos pa ang
sasabihin ko ng kaagad nitong inangkin ang labi ko. Kaagad na nanlaki ang mga
mata ko dahil sa pagkagulat. Walang hiya! Talaga bang balak niya akong idaan sa
paspasan? Hindi pa nga ako naka-get over sa ginawa niyang pagmamasahe sa dalawa
kong bundok tapos labi ko na naman ang pinagdiskitahan niya? Tsaka ano ito?
Bakit may matigas at mainit na bagay ang dumudungol sa puwitan ko. Hindi ko
tuloy maiwasan na mapalunok ng sarili kong laway ng marealized ko kung ano
iyun! Hindi naman na ako virgin para hindi ko malaman kung ano iyun! Sabagay,
hindi ko na nga pala namalayan na nakakandung na pala ako sa kanya.
"Ugmmm! Jeann! Love!" narinig ko pang sambit ni Drake ng saglit
nitong pinakawalan ang aking labi. Namumungay ang mga matang tumitig ito sa
akin. Iniwan na ng dalawa niyang kamay ang magkabilaan kong bundok pero patuloy
pa rin naman ito sa paghaplos sa buo kong katawan. "Drake! Gosh! A-ano ang
ginagawa mo? Ba-baka magising si Baby Russell. Hahanapin tayo noon!
Uggghh!" bigkas ko sa kanya at halos mapahiyaw ako ng dumako ang isang
palad niya sa gitna ng aking pagkababae. Humahaplos- haplos ito doon sa bukana
ng aking kweba pero hindi naman nagtagal ang aking perlas naman ang kanyang
pinagdiskitahan. Nakalublob kami pareho dito sa tubig pero parang gusto kong
pagpawisan ng malapot. Nakakaramdam na din ako ng sobrang init gayung sakto
lang naman sana ang temperatura ng tubig noong una akong lumusong. Walang hiya!
Alam na alam talaga ng Drake na ito kung paano gisingin ang natuutulog kong
pagnanasa. Hindi ko na nga namamalayan na napapaungol na pala ako kapag
nasasagi ng daliri niya ang clitoris ko. "Ughh! Ahmm! Drake...ang
sarap!" hindi ko maiwasang bigkas habong patuloy nitong nilalaro ang aking
pagkakababae. Napapaangat na nga ang puwitan ko dahil sa matinding sensasyon na
nararamdaman. Hindi din naman nakaligtas sa pandama ko na parang dumuble na din
ang laki ng matigas na bagay na nakadikit sa pwitan ko. Mainit iyun at parang
pumipintig pintig pa! Lalo tuloy akong nilukob ng matinding init ng katawan.
Para akong mababaliw na ewan at kaagad akong nakaramdam ng excitement sa hindi
malamang dahilan. Nagugustuhan ng katawan ko ang ginagawa niya ngayun at parang
may gustong maabot ang katawan ko na hindi ko din mawari. Init na init na din
ako hanggang sa maramdaman ko ang pagtayo ni Drake mula sa likuran ko. Umalis
ito sa bathtub kaya hindi ko maiwasang titigan ang tayong tayo niya ng
pagkalalaki. Tama nga ang naramdaman ko kanina, halos dumuble ang laki nito
kumpara kanina bago siya lumusong sa bathtub. Halos nanggagalit na iyun at
parang gusto ng lumabas pati ugat. Hindi ko tuloy maiwasan na mapalunok ng
sarili kong laway. "Hey...relax! Kung makatitig ka naman, akala mo ngayun
mo lang ito nakita!" bakas ang panunudyo sa boses na sambit nito. Hindi ko
tuloy malaman kung matatawa ba ako or mahihiya sa sinabi niya. Tama siya, para
naman akong others! Palagi ko naman sana itong nakikita pero bakit sobrang
na-surprised pa ako. Wala tulo sa sariling napaiwas ako ng tingin sa kanya kaya
muli kong narinig ang mahina nitong pagtawa kasabay ng paghawak niya sa kamay
ko. Pilit niya akong hinihila paahon sa bathtub. Parehong puno ng bula ang
aming katawan pero parang hindi iyun naging hadlang kay Drake dahil pagkatapos
ko din umahon sa bathtub binuksan nito ang shower at sabay kaming tumapat doon.
Hindi ko naman maiwasan na mapapikit ng aking mga mata ng maramdaman ko ang
muling paglapat ng labi niya sa labi ko Sa pagkakataon na ito, mas naging
mapusok pa ito. Nadala na din ako sa init at wala sa sarilnig tinugon ko na din
ang halik niya. Naging mapangahas na din ang kamay ko at wala sa sariling
pinagsalikop ko ang aking braso sa kanyang leeg. Lalo namang naging mapangahas
si Drake sa ginagawa niya. Hindi ko na nga namalayan pa ang patuloy na pag agos
ng tubig sa aming mga katawan mula sa shower. Init na init ako at parang may
gustong maabot ang katawan ko na hindi ko maintindihan. Nang pareho kaming
magsawa sa aming lips to lips kaagad na bumaba ang halik ni Drake patunog sa
aking leeg. Naramdaman ko pa na kumakagat -kagat pa siya sa bahaging iyun. May
pasipp-sip pa siya at alam kong mag iiwan iyun ng bakas pero hindi ko na
binigyan pansin pa. Nakakakiliti na masakit pero masarap! Ah, basta, iyun na
iyun! "Jeann, kay tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito! Sobrang na
miss ko ito! Sobrang na-miss kita!" sambit nito kasabay ng pagpatay nito
sa tubig na nagmamula sa shower. Naging sunud-sunuran naman ako sa gusto niyang
mangyari. Naramdaman ko na lang na pinupunasan niya na ng tuyong tuwalya ang
basa kong katawan. Parang gusto kong magprotesta dahil para akong nabitin na
ewan... Hindi ko pa nga maiwasan na tanungin ang sarili ko kung iyun na ba
iyun? Ayaw niya ba akong angkinin dahil pagkatapos niya akong punasan, sariling
katawan niya na naman ang pinatuyo niya gamit ang tuwalya. Pero tayong tayo pa
rin naman ang alaga niya! Kung nabitin ako, alam kong mas nabitin ito!
"Lets go! Sa kwarto tayo! Gusto kong kumportable ka habang inaangkin kita!
Lets go Love!" narinig kong sambit ni Drake sa akin. Hinawakan ako nito sa
kamay at pareho kaming hubot hubad na lumabas ng kwarto. Nadatnan ko pa na
nakahiga sa baby crib! Although, medyo malaki naman ang crib na iyun pero hindi
papayag ang anak ko na mahiga doon hanggang umaga. Tiyak na iiyak siya! Hindi
na ako binigyan ng pagkakataon ni Drake na makapag reklamo. Naramdaman ko na
lang ang pag akay nito sa akin papuntang kama. Patihaya akong napahiga kasabay
ng pagdagan niya sa akin at ilang saglit lang, muling naglapat ang aming labi.
Wala ng inihibisyon pa. Muli kong tinugon ang mainit niyang halik habang ang
mga kamay nito ay abala sa pagalugad sa buo kong katawan. Muli nitong sinalat
ang namamasa ko ng pagkababae at nang maramdaman niya ang kahandaan ko,
iniangat niya ang isa kong hita kasabay ng pagpwesto niya ng sarili niya sa
akin.
Chapter 456 JEANN POV
Mabilis na lumipas ang mga
araw! Masasabi kong naging perfect naman ang pagsasama namin ni Drake. Hindi
ito nagkulang na iparamdam sa akin ang pagmamahal niya. Ibang iba na siya
kumpara noon. Mas gugustuhin nitong manatili sa tabi naming mag ina kapag
weekend or kapag wala itong importanteng trabaho sa opisina. Nagiging abala din
naman ito sa paglipas ng mga araw. Gusto na kasing ilipat ni Daddy Andy sa
kanya ang pagpapatakbo ng negosyo na naipundar niya sa mahabang panahon. Wala
namang ibang magiging tagapag -mana kundi si Drake lang at ngayung maayos na
ang relasyon namin, makakapag focus na daw ito para pag aralan ang naturang
negosyo. Paalis -alis din naman ng bahay namin si Daddy Andy. May sarili din
pala itong tirahan pero mas gustuhin din naman namin ni Drake na sa amin na
lang siya titira tutal matanda na siya. Masyadong malaki ang bahay namin at
nagdagdag pa nga si Drake ng mga kasambahay para mas maging kumportable daw
kami. Sa akin, ayos lang naman basta umuwi lang siya palagi sa akin. Ang bar na
negosyo nito na matagal niya ding pinagyaman ay tuluyan niya ng ipinaubaya sa
kanyang isa sa pinakamatagal niya nang tauhan. May mga branches din kasi ang
bar na iyun sa ibat ibang lugar kaya sayang din kung mapabayaan. Nag aakyat din
kasi Kay Drake iyun ng malaking kita. Nagrereport naman ang manager kay Drake
sa mga kaganapan na nangyayari sa bar at kung minsan binibisita din naman namin
kapag may extra time kami. Masarap ang ganitong klaseng pagsasama. Mas
lalong naging open sa akin si Drake sa lahat ng bagay. Ramdam ko ang kanyang
pagmamahal at paggalng sa akin na siyang nagbigay sa akin ng kapanatagan ng
kalooban. Lalong naging magaan ang pagsasama namin at ready na ulit ako kung
sakaling may mga pagsubok pang dumating sa aming buhay. "Sorry Love...may
dapat akong asikasuhin sa opisina eh. Alam mo naman itong negosyo ni Daddy,
walang pinipilng oras ang mga kliyente. Pwede naman kayong mauna sa mansion,
susunod na lang kaagad ako doon." sabado ng umaga at bihis na bihis si
Drake ng attire niya pang opisina. Family day din ngayun at balak naming
dumalaw sa mansion para makihalubilo sa iba pa naming angkan. Kaya lang,
katulad noong mga nakaraang sabado, busy si Drake dahil may kikitain itong
kliyente. "Ayos lang naman. Naiinitindihan ko naman ang tungkol diyan.
Basta, tapusin mo kaagad ang meeting na iyan ha? For sure, hihintayin ka din
nila Uncle at Peanut!" Nakangiti ko namang sagot sa kanya. Masuyong halik
sa labi ang kasunod kong naramdaman mula sa kanya bago ito sumagot.
"Yes...of course, dont worry, before lunch nasa mansion na ako."
nakangiti nitong bigkas. Hinaplos pa nito ang pisngi ko bago ito naglakad
patungo sa kanyang kotse. Ngiting ngiti naman akong nasundan na lang ito ng
tingin. Ang laki na din talaga ng ipinago ni Drake kung sa pananamit din ang
pag uusapan. Kung dati, naka tshirt at maong na pantalon lang ito, ngayun naka
corporate attire na ito. Akalain mo iyun, ang dating playboy kung manamit,
biglang pang CEO na ang atake ng kanyang attire. Wala na siyang ipinagkaiba
kina Daddy pati na din kina Uncle. May personal driver na din si Drake ngayun.
Matagal na ding tauhan ito ni Daddy Andy kaya palagay na kaagad ang loob namin
sa kanya. Alam naming magiging loyal ito kay Drake gaya ng pagigign loyal niya
kay Daddy Andy. Wala na din akong naging balita kay Jasmine. Ang alam ko mas
lalo itong nalulong sa ipinagbabwal na gamot. Ilang beses pa itong nagtangkang
pumunta dito sa bahay para makausap si Drake pero hindi na ito hinaharap ni
Drake. Pinapalayas din naman kaagad ito ng mga guards kapag napapansin ang
kanyang presensya sa paligid. Hindi naman nagtagal, nagsawa din ito. Siguro
narealized din niyang wala na siyang pag asa kay Drake. "Ella, ihanda mo
si Baby Russell aalis tayo ngayun!" Kaagad kong wika kay Ella ng mapansin
ko itong karga-karga niya si Baby Russell. Mukhang balak nitong paarawan ang
bata. Ito ang gusto ko kay Ella, hindi talaga ako nagsisi na kinuha ko itong
Yaya ni Baby Russell dahil magaling itong mag alaga ng bata. May kusa din ito
at hindi na kailangan pang utusan sa mga dapat niyang gawin. "Hindi ko na
po ba siya paaarawan muna Mam?"magalang naman na tanong nito. Kaagad naman
akong umiling. "No need na. Sa bakuran ng mansion din naman gaganapin ang
party-party kaya maarawan na din si Baby Russell doon. Siya nga pala, ako na
lang pala ang magbibihis kay Baby. Maghanda ka na din at ihanda mo na din ang
mga gamit niya. Aalis na din tayo kaagad after an hour." sagot ko sa
kanya. Balak ko talagang umalis ng maaga ngayun. Kung maaga ako baka mas maaga
pa si Charlotte at balak kong makipagkulitan ngayung araw sa kanya. Sobrang
na-miss ko na din talaga ang babaeng iyun at alam kong malapit na itong
manganak. Tiyak na marami ding ipinahandang pagkain si Grandma kaya gusto kong
sulitin. Isa pa, simula noong nagkabalikan kami ni Drake, ngayun lang ulit ako
makakadalaw ng mansion. Paano naman kasi, masyadong busy si Drake nitong mga
nakaraang araw at kapag nasa bahay ito, mas gustuhin niya pang magkulong kaming
dalawa sa kwarto. Mabuti na lang at hiwalay na ang kwarto ni Baby Russell at sinasamahan
ito ni Ella kaya nagagawa na namin ni Drake ang gusto namin na hindi natatakot
na baka magising ang bata at makita kami sa nakakahiyang sitwasyon. Mabilis na
lumipas ang mga oras. Ako na din ang drive papuntang mansion. Malapit lang
naman ang mansion sa tinitirhan namin kung tutuusin kaya mabilis lang din naman
kaming nakarating. Nagulat pa ako dahil ang nakangitng mukha ni Veronica ang
kaagad na sumalubong sa akin. Halata ang excitement sa mga mata nito kaya hindi
ko maiwasang magtaka. "Anong meron?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Wala! Hindi ba pwedeng maging masaya dahil sa wakas nakadalaw ka din sa
amin? Parang gusto na nga naming magtampo sa iyo eh. Ilang weekend na ba ang
pinalipas mo bago mo kami naisip na dalawin dito?" nakangiti nitong sagot.
Hindi ko naman mapigilan ang matawa Ang akala ko kung ano na eh. Susumbatan
lang pala ako nitong kaibigan ko. "Sorry naman! Naging abala lang kami ni
Drake nitong mga nakaraang araw. Pero heto na ako ohh, hwag mo na akong kantiyawan,
pwede ba?" natatawa kong sagot sa kanya. Sinipat naman ako ng tingin nito
mula ulo hanggang paa at huminto pa ito sa may leeg ko. Bakas na ang panunudyo
sa mga mata nito sabay bawi ng tingin sa akin. "Naiinitindihan ko na kung
bakit hindi ka man lang makapasyal sa amin. Siguro, gusto niyo lang sulitin ang
mga panahon na nagkalayo kayong dalawa ng asawa mo. May laman na ba ang
tiyan?" ngiting ngiti nitong tanong. Kaagad naman nanlaki ang mga mata ko
ng mapagtanto ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Napakapa pa ako sa sarili kong
leeg at hindi ko maiwasang mapangiwi dahil kaagad kong naramdaman ang kissmark
na inilagay sa akin ni Drake sa bahaging iyun kagabi lang. Hayssst! Nakakahiya
talaga ang asawa ko! Bakit ba ang hilig niyang lagyan ako ng kissmark? Iyan
tuloy, huling huli ako ni Veronica at tiyak puro tukso ang makakamit ko nito sa
iba ko pang mga pinsan.
Chapter 457 JEANN POV
"Halika na! Marami
tayong pag uusapan! Naku, mabuti na lang dumating ka! Hindi daw kasi
makakarating si Charlotte eh. Masyado na daw mabigat ang tiyan niya at
nahihirapan na siyang kumilos!" excited na wika ni Veronica sa akin habang
hawak ako nito sa braso. Akmang hihilahin niya na ako ng maagaw ang attention
niya kay Baby Russell na karga-karga ni Ella. "Bagong tagapag alaga ni
Baby?" kaagad na tanong nito sa akin. Si Ella ang tinutukoy niya kaya
kaagad akong tumango "Yes....kahit bata pa, magaling mag alaga ng baby
iyan!" proud ko namang sambit. Sininyasan ko si Ella na lumapit sa amin at
kaagad naman itong tumalima. "Siya si Mam Veronica mo. Asawa siya ng Uncle
ko. Kapag may mga kailangan ka tapos hindi mo ako makita, pwede mo siyang
tanungin. Huwag kang mahiya sa kanya. Mabait iyan" wika ko. Nahihiya
naaman itong ngumiti kay Veronica. "Kumusta po kayo Mam?" kimi nitong
bati. Matamis naman itong nginitian ni Vernonica at sinipat ng tingin mula ulo
hanggang paa. Hindi na ako nagtataka pa dahil maganda naman talaga si Ella.
Gandang hindi nakakasawa at nanghihinayang talaga ako dito kung habang buhay
siyang ganito ang trabaho. Mabuti na lang din at kami ang naging amo niya kung
hindi delikado para dito kapag magkaroon ng manyakis na amo. Baka mapagsamantalahan
ang pagiging inosente nito. Napaka-inosente pa naman nito kung kumilos.
Mahiyain pero wala akong masabi kapag ang pag aalaga kay Baby Russell ang pag
uusapan. Bata pa pero alam niya na kung ano ang responsibilidad niya.
"Hello! Naku! Napakabata mo pa pala! Mag ingat ka sa mga kabinataan dito
ha? Tiyak na maraming magka crush sa iyo dito." wika ni Veronica na kaagad
ko naman ikinangiti. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang biglang pamumula
ng pisngi ni Ella. Halatang hindi ito sanay na makarinig ng mga papuri mula sa
iba. Naisip ko na ang tungkol dito noon pa man. Maganda si Ella at alam kong
kapag ma exposed ito sa mga kalalakihan marami talaga ang magkagusto dito. Kung
hindi lang talaga magaan ang loob ko sa kanya dahil magaling itong mag alaga ng
bata, hindi ko talaga ito kukuning yaya. Mas gusto ko iyung Yaya na medyo may
edad na. Katulad ni Manang kaya lang umalis na siya. Hindi na siya makakabalik
kaya walang choice kundi maghanap ng iba. "Naku, hindi ako papayag na may
pupurma-purma kay Ella noh! Alam ko ang karakas ng mga pinsan ko kaya hindi
talaga pwede! Tsaka mabait si Ella at wala iyan siyang time sa mga taong
nagkaka-crush sa kanya. May pangarap iyan kaya no muna!" nakangiti ko
namang sagot. Napansin ko pa ang pagtaas ng kilay ni Veronica. Halatang hindi
ito kumbinsido sa sinabi ko. "Oh siya! Pasok na kayo sa loob. Ella, huwag
kang mahiya ha? Feel at home. Maraming mga pagkain na nakahain sa mesa at kapag
nagugutom ka pwede kang kumuha anytime. Pwede mong kainain dito lahat ng gusto
mo." wika ni Veronica at pinisil pa nito ang pisngi ng anak kong si
Russell na mahigpit ang pagkakapit sa kanyang Yaya. Sa maiksing panahon, kaagad
nakuha ni Ella ang loob ni Baby Russell which is magandang senyales para sa
akin. Tahimik lang na nakasunod si Ella sa amin hanggang sa makapasok kami sa
loob ng living room. Walang katao-tao at mukhang kami ang pinakaunang dumating
sa lahat ng Villarama Clan. Sabagay, maaga pa naman talaga! Ayos na din para
makabawi ako sa lahat ng mga absent ko nitong mga nakaraang family day namin.
"Balita ko, gusto ng magpakasal ng kapatid mo ah?" kaagd na bigkas ni
Veronica pagkaupo pa lang namin. Hindi ko naman maiwasan na magulat. Hindi ko
kasi talaga ito alam dahil hindi din naman ako interesado sa girl friend ng kapatid
ko. "Kasal? Si Kenneth? Hindi ko alam iyan ah?" sagot ko naman.
Walang nababangit sa akin si Mommy tungkol dito tuwing tumatawag ako sa kanila.
Kung hindi pa nabangit ni Veronica hindi/ko malalaman. "Yes...noong
nakaraang saturday kasama niya ang girl friend nyang pumunta dito. Hinihingi ni
Kenneth ang approval nila Grandma at Grandpa. Mag aasawa na daw siya kung ayos
lang." sagot naman nito. Hindi ko naman maiwasan na mapasimangot ng muli
kong maalala ang una naming pagkikita ng girl friend ng kapatid kong si Kenneth.
Parang hindi ko kasi talaga type ang ugali ng babaeng iyun. Parang may attitude
na ewan. Haysst, kaya lang hindi ko naman pwedeng panghimasukan ang buhay ng
kapatid ko. Kung saan siya masaya eh no choice..doon siya at tanggapin kung ano
man ang magiging desisyon niya. "Ano ang sagot nila Grandpa?" tanong
ko. "Okay daw! Alam mo naman iyan sila Daddy At Mommy, puro oo lang naman
ang sagot nila. Hindi iyan sila marunong humindi. " sagot nito. Hindi ko
maiwasang mapabuntong hininga. Mabilis na lumipas ang mga oras. Unti -unti na
ding nagsipagdatingan ang iba pang miyembro ng pamilya. Walang katapusang
batian at kumustahan. Before lunch, dumating na din si Drake na labis kong
ipinagpasalamat. Hindi dumating ang magaling kong kapatid pero nabangit nila
Mommy sa akin na totoo daw ang balitang nasagap ko. Mag aasawa na daw si
Kenneth at mamamanhikan na daw sila kinabukasan. "Sure na ba talaga si
Kenneth sa babaeng iyun Mom? Bakit parang ang bilis naman yata nilang
nagplanong magpakasal?" hindi ko maiwasang tanong kay Mommy. Ngayun lang
kami nagkaroon ng time na magkausap ng masinsinan. Si Drake naman ay nag eenjoy
habang kausap sila Uncle Rafael at Peanut. Simula noong nagkalabalikan kami,
maayos na ulit ang pakikitungo ni Uncle sa kanya. Balik pagkakaibigan na sila.
"Iyan ang gusto niya eh. Mabait naman si Vina at mukhang nagmamahalan
naman sila." sagot naman ni Mommy sa akin. Mukhang ayos lang naman sa
kanila na mag aasawa na din si Kenneth kaya sino ba naman ako para kumuntra
pa.
Chapter 458 JEANN POV
Mabilis na lumipas ang mga
araw at buwan. Parang kailan lang pero heto ako ngayun. Abalang abala ako sa
harap ng salamin habang inaayusan ko ang sarili ko. Ngayun ang araw ng kasal ng
kapatid kong si Kenneth at ako pa talaga ang kinuha nilang maid of honor dahil
nag iisang kapatid ako ng groom kaya kahit na mabigat ang dugo ko sa bride wala
akong choice kundi ang pumayag. Actually, may na hire naman silang make up
artist para sa mga kasali sa entourage ng kasal pero kaya ko namang ayusan ang
sarili ko. Ayaw ko kasing maghabol ng oras. Ayaw ko na din dumaan ng hotel para
ayusan dahil balak namin ni Drake na dumiretso na ng simbahan. "Love, tama
na iyan. Sobrang ganda mo na oh! Baka mamaya mapagkamalan ka pang dalaga ng
ibang mga bisita. Hindi talaga ako papayag na may magpapalipad pa ng hangin sa
iyo." si Drake at kanina pa ito nakatayo sa likuran ko. Kanina niya pa ako
pinapanood habang nag aayos ako at hindi ko na mabilang pa ang mga papuri na
naririnig ko mula sa kanya. Sinulyapan ko lang ito habang tinatapos ko ang
paglalagay ng lipstick sa labi ko. "Hayaan mong kainggitan ka ng lahat!
Malas mo, nag asawa ka ng maganda eh! Kaya dapat nga maging proud ka!."
pabiro kong sagot sa kanya habang may nakaguhit na ngiti sa labi ko. Narinig ko
pa ang mahina nitong pagtawa bago ito naglalakad palapit sa akin. Mahigpit
akong niyakap mula sa likuran at hinalikan ako sa leeg. Kaagad naman akong
napakislot at napatapik sa kanyang dalawang kamay na nakapulupot sa baiwang ko.
"Drake ha? Huwag mo akong lagyan ng kiss mark! Baka kung ano ang isipin ng
ibang mga bisita ng kasal kapag makita iyan sa leeg ko." saway ko sa
kanya. Muli itong natawa at malambing na inihilig ang mukha niya sa balikat ko.
Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na dumadampi sa leeg ko na
nagbigay sa akin na kakaibang kiliti. "Drake! Enough na! Mali-late na tayo
oh!" pabulong kong bigkas sa kanya. Binigyan niya muna ako ng mainit na
halik sa pisngi bago niya ako pinakawalan. Muli kong sinulyapan ang sarili ko
sa harap ng salamin bago hawak kamay kaming naglakad palabas ng kwarto.
Naabutan namin si Ella at baby Russell na matiyagang naghihintay sa amin dito
sa garden. Isasama namin sila sa simbahan. Sanay naman na si Ella na isinasama
namin kahit saan kami magpunta kaya ayos na din. Nang masiguro namin na ayos na
kaagad na kaming bumiyahe papuntang simbahan. Halos kasabay lang din namin
dumating sila Mommy Daddy at Kenneth. Kaagad kaming lumapit sa kanila para
bumati. "Hello Mom, Dad!" wika ko at at kaagad na humalik sa pisngi
nila. Nakipag kamay din si Drake kay Daddy at nakipag beso naman kay Mommy.
Pagkatapos nakipag high five ito kay Kenneth. "Ready ka na bang magpatali?
Grabe? Ang bilis ng desisyon mong magpakasal ah? Wala ng bawian ha?" May
halong pang aasar na wika ko kay Kenneth. Masama naman ako nitong tinitigan.
"Jeann, pwede ba? Not now! Kasal ko ngayun at gusto mo pa yatang sirain
ang araw ko eh!" reklamo nito. Kaagad naman akong napaismid. "Nag
aalala lang ako sa iyo! Parang kailan mo lang siya ipinakilala sa amin tapos
kasalan kaagad? Abat, ang bilis naman! Nabuntis mo na ba?" hindi ko naman
paawat na tanong. Naramdaman ko pa ang paghawak ni Drake sa kamay ko
palatandaan na inaawat niya na ako. Inirapan ko lang si Kenneth at mabilis
itong tinalikuran. Nakalimutang kong sabihan si Ella na pasok na muna sila sa
simbahan. Masyadong mainit dito sa labas at baka mapaano si Baby Russell. Naka
stroller ang anak ko dahil ayaw ko na din naman pumayag na palagi nitong karga
ang bata. Bumibigat na si Baby Russell at ayaw kong sanayin ito sa karga. Marunong
ng maglakad ang anak ko at gusto ko siyang sanayin na huwag umasa sa Yaya
niya. Mabilis na lumipas ang ilang sandali. Ready na ang lahat at tanging
bride nalang ang hinihintay para mag umpisa na. Naka-pwesto na nga sa harap ng
altar ang groom. Hindi pa man nag uupisa ang kasal iretable na ako dahil halos
sampung minuto ng late ang bride. "Mom, tanungin mo nga sa mga magulang ng
bride kung nasaan na ang anak nila. Bakit ang tagal?" nagrereklamo kong
sambit. Ako ang maid of honor at dapat kasama ko ito pero since hindi naman
kami closed dito ko na lang siya sa simbahan hintayin. Willing ko naman
gampanan ang papel ko bilang maid of honor sa kasal nila eh. "Saglit lang.
Tatanungin ko! Ito ang ayaw ko eh. Late at nakakahiya sa lahat! " sagot naman
ni Mommy sa akin at mabilis na itong naglakad patungo sa mga magulang ni Vina.
Nasundan ko na lang ito ng tingin at hindi ko mapigilang mapataas ng kilay ng
mapansin ko na parang aligaga ang mga ito. "Wala pa ba? Bakit ang
tagal?" napabaling lang ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Drake.
Hindi siya kasama sa entourage kaya nasa loob ito ng church kasama ang iba pang
miyembro ng pamilya Villarama. Ang ikinakainis ko lang, kung kinuha sana na isa
sa mga abay si Veronica may kasama sana ako ngayun dito sa pwesto ko. Kaya lang
mas priority ng angkan ni Vina ang mga kamag anak nilang maging abay.
"Wala pa nga eh. Ang arte talaga ng babaeng iyun! Hindi ko talaga siya
makakasundo kapag ganito siya!" halata na din ang iretable sa boses kong
sagot kay Drake. Kahit na may aircon dito sa pwesto namin, feeling ko
nanlalagkit na ako dahil sa suot kong gown. "Relax love! Kaunting tiis na
lang at darating din iyun." sagot nito sa akin. Naramdaman ko pa ang
pagdampi ng panyo nito sa noo ko. Pawis na din ako sa bahaging iyun kaya
iretable na talaga ako ngayun. Nakakahilo ang init sa labas kanina.
"Walang bride na darating!" Sasagot pa sana ako kay Drake ng marinig
ko ang salitang lumabas sa bibig ni Mommy. Nakalapit na pala ito sa amin ni
Drake ng hindi ko namamalayan. Halata sa boses nito ang pinaghalong
pagkadismaya at galit. Malakas ang pagkakabigkas niya kaya kaagad na napatingin
sa kanya ang ibang mga bisitang nakarinig sa sinabi niya. "Walang bride na
darating? Bakit daw? Nababaliw na ba ang Vina na iyun?" naiinis kng sagot.
Malaking kahihiyan para kay Kenneth kung sakaling hindi sisipot ang bride.
Kahit naman hindi ko gusto ang ugali ng Vina na iyun, hindi ko din naman gusto
na mapahiya ang kapatid ko at ang pamilya namin. "Nagbago daw ang isip.
Ayaw niya ng pakasal dahil narealzied niya na hindi pa raw siya ready na
magpatali!" sagot ni Mommy at kaagad na iniabot sa akin ang papel na may
nakasulat. Binasa ko ito at kaagad na naningkit ang mga mata ko sa galit. Sulat
galing kay Vina at nakasaad dito ang pag atras niya sa kasal. Wala sa sariling
napatingin ako sa harap ng altar at hindi ko maiwasang maawa sa kapatid ng
mapansin ko ang pagkabalisa sa kilos nito. Alam kong nag aalala na din ito
dahil wala pa ang kanyang bride! Hindi basta -basta ang ginastos ng pamilya
namin sa kasal na ito. Sinigurado namin na engrande at marami din kaming
inimbitahan na mga bisita. Kapag hindi matuloy ang kasal, siguradong malaking
dagok ito sa part ni Kenneth.
Chapter 459 JEANN POV
"Paanong nagbago ang
isip niya? Hindi niya man lang ba naisip kung gaano kalaking kahihiyan itong
ginawa niya sa pamilya natin?" hindi ko maiwasang bigkas habang hindi
inaalis ang pagkakatitig sa kapatid kong si Kenneth. Hindi ko man masyadong
napapansin ang love story nilang dalawa ng girl friend niya, alam kong mahal
niya ito kaya nga niyaya niya itong magpakasal eh. Kaya lang ang mabilisang
nabuong love story nila ay ganoon din naman kabilis na naglaho. "Kurt! Do
something! Ikaw na ang kumausap sa pamilya ng Vina na iyan! Palutangin nila ang
anak nila kung hindi idedemanda ko sila!" narinig kong galit na wika ni
Mommy. Alam ko ang reason kung bakit hindi niya kayang makipag usap ng personal
sa mga magulang ng bride. Mababaw ang temper ni Mommy at alam niyang
magkakagulo lang lalo kaya hanggat maari, umiiwas na ito at gusto niyang si
Daddy ang mag solve sa problemang ito. "Stay here! Ako ang bahala! Jeann,
pakipuntahan ang kapatid mo at sabihin mo sa kanya ang problema. Ikaw naman
Bella, talk to the priest! Sabihin mo na wala ng kasalan na magaganap!" si
Daddy na ang nagsalita. Kaagad naman nanlaki ang mga mata ni Mommy. Halatang
hindi ito sang ayon sa sinabi ni Daddy ngayun. "No! Hindi pwede!
Mapapahiya ang anak natin kapag hindi matutuloy ang kasal." sagot ni
Mommy. Narinig ko naman ang marahas na pagbuntong hininga ni Daddy at seryosong
tinitigan si Mommy. "May magagawa pa ba tayo? Wala ang bride! Ayaw niyang
pakasalan ang anak mo! Hindi pwedeng ipilit kung ano man ang gusto ni Kenneth
dahil lalo lang magiging kumplikado ang lahat!" seryosong sagot ni Daddy!
Napansin ko naman ang pag iwas ng tingin ni Mommy bago dahan-dahan na tumango.
"Makikinig ang kapatid mo sa iyo Jeann. Ikaw na ang magsabi sa kanya at
ako na din ang kakausap sa mga pari at iba pang mga kamag anak natin at mga
bisita. Drake, samahan mo ang asawa mo!" malungkot na wika ni Mommy at
nagpatiuna na itong tumalikod. Kaagad naman kaming nagkatitigan ni Drake.
"This is life. Siguro hindi sila para sa isat isa. Dont worry, ako na ang
bahalang aalalay kay Kenneth! Masakit ang nangyari sa part niya pero kailangan
niyang tanggapin." wika nito. Hindi ko naman maiwasan na mapabuntong
hininga. Hawak kamay kaming naglakad patungo kay Kenneth na noon ay walang
kamay-malay sa lahat ng mga kaganapan. "Jeann, dumating na ba si Vina?
Late na at kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot!"
kaagad na tanong ni Kenneth pagkalapit namin sa kanya. Napatingin pa ako sa
kanyang best man na kamag anak ni Vina bago ko inabot kay Kenneth ang liham na
galing kay Vina na naglalaman ng pag atras nito sa kasal. "A-ano ito? Is
it a prank?" tanong ni Kenneth pagkatapos nitong basahin ang naturang
liham. Kaagad naman akong umiling. "No! Walang lugar ang prank sa mga
ganitong klaseng okasyon. Walang kasalan na mangyayari dahil umatras ang bride
mo." sagot ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagbagsik ng hitsura ni
Kenneth kasabay ng pagpunit nito sa hawak ni papel. "Umaatras siya? Ngayun
pa? Ngayun pang naka ready na ang lahat?" sagot nito habang bakas ang pait
sa kanyang boses. May iilang butil na din ng luha ang unti-unting dumadaloy sa
mga mata nito. Ang kaninang masaya at excited na mukha nito ay napalitan ng
sobrang lungkot. Hindi ko naman maiwasan na hawakan ito sa kamay upang
iparamdam sa kanya na hindi siya nag iisa sa laban na ito. "Ganito talaga siguro
ang buhay. Hindi lahat ng gusto natin, makukuha natin." wika ko.
"Pe-pero Jeann! Mahal ko siya! Mahal na mahal ko si Vina at sa kanya lang
umiikot ang mundo ko nitong mga nakaraang buwan. Kaya nga niyaya ko siyang
magpakasal dahil gusto kong matali siya sa akin habang buhay! Bakit?"
Bakit sa akin pa?" napahagulhol ng iyak na wika ni Kenneth. Para namang
pinipiga ang puso ko dahil sa nakikita kong paghihirap niya ngayun. Kaagad ko
itong niyakap at umaasa ako na maibsan man lang ng kahit kaunti ang sakit na
nararanasan niya ngayun. Kasabay ng pagyakap ko kay Kenneth ay ang pag anunsiyo
ni Mommy Arabella mismo sa lahat ng mga bisita na hindi na matutuloy ang
kasalan. Bulungan ang kaaagad kong narinig sa buong paligid. Ibat ibang
reaction mula sa mga bisita. Halos lahat ay nagpapakita ng pagkaawa sa groom.
"Jeann hindi ko kaya! Hindi ko alam ang gagawin ko! Ang sakit! Sobrang
sakit at sa mismong araw pa talaga ng kasal namin. Pupuntahan ko si Vina.
Kakausapin ko siya. Baka naguguluhan lang siya sa bilis ng pangyayari!"
wika ni Kenneth at mabilis itong kumalas sa pagkakayakap sa akin. Halos
takbuhin nito ang paglabas sa simbahan. Marami kami na tumatawag sa pangalan
niya para sana pigilan ito pero parang wala itong narinig. Kaagad naman akong
napasunod dito habang patuloy sa pagtawag sa kanyang pangalan. "Kenneth!
Where are you going? Hintay!" wika ko. Wala na akong pakialam sa paligid.
Kailangan kong maabutan ang kapatid ko at baka mapahamak ito. "Love dito
ka na! Ako na ang bahalang sumunod kay Kenneth. Tulungan mo sila Mommy na
asikasuhin ang mga bisita." natigil alng ako sa paghakbang ng maramdaman
ko ang paghawak ni Drake sa kamay ko. Napasulyap pa ako kay Kenneth na noon ay
nagalalakad na patungo sa parking area. Mukhang pupuntahan nga nito si Vina.
"Sige...sundan mo siya Drake. Kahit na anong mangyari, huwag mong hayaan
na mapahamak ang kapatid ko!" nag aalala ko namang sambit. Masuyo pa akong
hinalikan ni Drake sa aking noo at nagmamadali na nitong sinundan si Kenneth.
Napansin kong umarangkada na ang sasakyan ni Kenneth paalis kaya walang choice
si Drake kundi gamitin ang sarili naming kotse para sundan ito. "Ano ba
talaga ang nangyari? Bakit hindi sumipot ang bride? Nag away ba sila?"
isang seryosong tanong mula kay Uncle Rafael ang narinig ko kaya napabaling ang
attention ko sa kanya. "Hindi ko din po alam Uncle! Basta, nagpadala ng
letter ang bride na ayaw nya na daw pakasal. Nag aalala ako na baka mapaano ang
kapatid ko!" sagot ko naman. Kaagad namang napailing si Uncle bago ito
nagsalita. "Kaya pala masyado ng late at hindi pa dumadating ang bride.
Masyado nakakahiya at traumatic ito sa kapatid mo kaya gagawa din ako ng paraan
para hindi na kumalat ang balitang ito sa publiko." wika ni Uncle sa akin.
Kaagad naman akong nagpasalamat. Bahagi kami ng alta sa siyudad at lalabas
talaga ang issue na ito sa publiko.
Chapter 460 JEANN POV
"Bakit mo hinayaang
umalis ang kapatid mo? Paano kung mapahamak siya?" kaagad na tanong ni
Mommy sa akin nang mapansin nito ang agarang pag alis ni Kenneth. Naiinis man
sa mga nangyari, pilit pa rin akong nagpaka- hinahon sa harapan ni Mommy.
"Mom! Ayaw niyang papigil. Basta niya na lang din akong tinalikuran.
Pupuntahan niya daw si Vina. Pero walang dapat na ipag-alala. Sinusundan siya
ni Drake ngayun. Hindi naman siguro hahayaan ng asawa ko na mapahamak si
Kenneth eh. Gusto lang siguro ng kapatid ko na makausap ang girl friend
niya." sagot ko naman. Kaagad naman itong napahilot sa kanyang sintido.
Halata sa hitsura nito ang stress dahil sa mga nangyari. Parang gusto ko tuloy
isumpa ang Vina na iyun. "Okay fine...ang mabuti pa tulungan mo na lang
ako sa pag istima sa mga bisita. Naka ready naman ang reception party at
pinapadiretso ko doon ang mga bisita para naman hindi masayang ang mga pagkain.
Dont worry, nagpresenta na si Veronica at Uncle Rafael mo na samahan ka. Hayaan
mo na lang muna ang anak mo at Yaya niya na sumabay kina Mommy at Daddy pauwi
ng mansion." mahabang wika ni Mommy. Hindi ko naman maiwasan na
mapabuntong hininga. May magagawa pa ba ako kung hindi sundin ang sinabi nito.
Kahit hindi natuloy ang kasal, responsibilidad pa rin namin ang mga bisita.
Bonga pa naman ang reception party at sayang naman kung hindi mapakinabangan.
Mabilis na lumipas ang mga oras. Naging maayos naman ang mga nangyari sa
reception party. Of course, walang program at kainan lang talaga. Maliban kay
Uncle Rafael, tumulong na din sila Uncle Christopher sa pag iistima sa mga
bisita pero kaagad din silang umalis ng masiguro nila na nasa ayos na din ang
lahat. Walang dahilan na mag stay dahil majority sa mga bisita ay hindi naman
nila kilala "Hayy, kainis! Ang sakit na ng paa ko. "hindi ko
maiwasang reklamo kay Veronica habang pareho kaming nakaupo dito sa isang
sulok. Mas lalong nadagdagan ang galit ko kay Vina. Hindi ko alam kung ano ang
biglang pumasok sa kukute ng babaeng iyun at bakit hindi siya sumipot sa kasal.
Walang ibang gagawin ang mga bisita na tumuoy dito sa hatel para sa reception
party kundi ang kumain. Ito na siguro ang pinaka-malungkot na party na
nadaluhan ko. Perfect ang lahat at sa unang tingin pa lang ay talagang
pinagka-gastusan ang venue pero sinayang lang ng bride. Cancelled na lahat ng
program dahil hindi naman natuloy ang kasal. Iyun nga lang, hindi ko pa rin
maiwasan na mapagod. Ilang oras din akong nakatayo kanina sa simabahan at hindi
naman kaagad kami makakaupo dito sa venue ng reception dahil iistimahin pa
namin ang mga bisita. "Ano na ang balita kay Kenneth?" tanong ni
Veronica sa akin. Kaagad ko namang tinitigan ang hawak kong phone. Hindi pa
tumatawag sa akin si Drake para ibalita kung nasaan na si Kenneth ngayun. Kung
nasundan niya ba ito or ano na! Kaagad kong nag dial. Tatawagan ko na lang si
Drake para alamin dito kung ano na ang kondisyon ng kapatid ko. Hindi naman ako
nabigo dahil naka tatlong ring pa lang kaagad nang sumagot si Drake.
"Drake, kumusta? Ang kapatid ko? Nahabol mo ba siya?" kaagad na
tanong ko. Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa buong paligid bago
sumagot si Drake. "Patawarin mo ako Jenn. Pero sa bilis ng pagpapatakbo ni
Kenneth ng kotse niya, hindi ko siya nasundan. Kakatapos ko lang kausapin si
Mommy Arabella kanina at kinuha ko ang address ng girl friend ng kapatid mo. On
the way na ako papunta doon. Dont worry, iuuwi ko sa bahay ang kapatid mo ng
ligtas." sagot ni Drake. Parang biglang nanlamig ang buo kong katawan
dahil sa sinabi nito. Kung hindi niya nahabol ang kapatid ko, nasaan na siya?
Baka mapahamak iyun. Sa isiping iyun, kaagad na kumabog ang puso ko dahil
sobrang kaba. Gayunpaman, hindi ko pwedeng sisihin si Drake. Ginawa niya ang
lahat para sundan ang kapatid ko. Pagkababa ko pa lang ng tawag ni Drake ay
muling nag ring ang aking cellphone. Nkaregister ang pangalan ni Daddy kaya
kaagad ko itong sinagot. "Bella, nasaan ka ngayun?" kaagad na tanong
nito sa kabilang linya. "Dad, dito pa po sa hotel. Kumusta po? May balitan
na ba kay Kenneth?" tanong ko. Isang mahabang katahimikan ang namayani sa
pagitan namin bago ito sumagot. "Wala pa rin. Tumulong na din ang iba mo
pang mga pinsan sa paghahanap sa kanya. Kung sakaling may balita ka sa kapatid
mo, tawagan mo kaagad ako. Pauwi na kami ngayun ng bahay dahil biglang sumakit
ang ulo ng Mommy mo." sagot nito. "Okay Dad! Siguro, mga bente
minutos pa at matatapos din siguro kami dito sa hotel. Pakisabi po kay Mommy na
huwag po siyang mag alala masyado." sagot ko naman. Maliban kay Kenneth,
alam kong mas apektado din si Mommy sa mga nangayari. Hindi birong kahihiyan
ang natamo ng aming pamilya. Huwag lang na magpapakita ang Vina na iyun sa akin
kung hindi babalatan ko talaga siya ng buhay dahil sa ginawa niyang kahihiyan
at gulo sa pamilya namin ngayung araw. "Pagkatapos naming mag usap ni
Daddy muling tumunog ang aking cellphone. Si Drake ang tumatawag kaya kaagad ko
itong sinagot. "Love, huwag kang mabibigla... nabangga ang kotse na
minamaniho ni Kenneth!" wika nito. Ayaw man ipahalata ni Drake, pero bakas
sa boses nito ang pagpa-panic "A-anong sabi mo? Nabanga si Kenneth?"
Nag aalala kong tanong. Parang gustong manginig ang tuhod ko dahil sa sinabi
niya. "Patawarin mo ako Jeann kung hindi ko siya naprotektahan. Sinusundan
ko na ang ambulance kung saan siya isinakay papuntang hospital. Tatawagan na
lang kita ulit kapag makarating na kami ng hospital." sagot nito at kaagad
itong nawala sa kabilang linya. Hindi ko naman maiwasan ang pagpatak ng luha sa
aking mga mata. Para akong nauupos na kandila na muling napaupo sa tabi ni
Veronica. "Anong nangyari? Bakit?" napabaling ang tingin ko kay
Veronica ng marinig ko ang tanong nito. bakas sa mga mata nito ang pagtataka
habang nakatitig sa akin. "Si Kenneth! Naaksidente siya!" sagot ko at
hindi ko na napigilan pa ang mapaiyak. Pagkagulat naman ang kaagad na rumhistro
sa mga mata ni Veronica dahil sa narinig. Sininyasan pa nito ang asawang si
Rafael na lumapit sa amin na kaagad namang tumalima. Si Veronica na din ang
nagbalita kay Uncle Rafael sa nangyari kay Kenneth dahil hindi na ako
makapagsalita dahil sa sama ng loob na nararamdaman ko. Muling tumunog ang
aking cellphone pero si Uncle na ang sumagot. Si Drake ang tumatawag at sinabi
nito kung saang hospital dinala si Kenneth. Para naman akong robot na wala
sarili habang inaakay ako nila Uncle Rafael at Veronica palabas ng hotel. Ilang
beses pa akong sinabihin ni Veronica na kumalma at magiging maayos din ang
lahat pero parang bigla akong naging bingi. Minsan parang aso at pusa kami ng
kapatid kong si Kenneth, pero mahal ko iyun eh. Nag iisa ko lang siyang kapatid
at hindi ko talaga matatanggap kong mapahamak siya.
Chapter 461 JEANN POV
Pagkadating namin ng
hospital diretso na kami ng emergency kung saan kaagad na ginagamot si Kenneth.
Naabutan namin si Mommy Arabella, Daddy Kurt at Drake na matiyagang naghihintay
sa labas. Kaagad akong lumapit sa umiiyak na si Mommy at yumakap. Ramdam ko kay
Mommy ang matinding paghihinagpis dahil sa nangyari sa kapatid ko. Namamaga na
din ang mga mata nito palatandaan na kanina pa ito umiiyak. "Jeann, ang
kapatid mo! Hindi ko matatanggap kung sakaling may masamang mangyari sa
kanya." wika nito habang lumuluha. Hindi naman ako nakaimik. Masama din
ang loob ko at ipokrita ako kung sasabihin ko kay Mommy na huminahon siya.
Ilang minuto din kaming magkayakap ni Mommy at parehong umiiyak ng maramdaman
ko ang pananahimik nito. Bumigat din ito at bago ko siya nabitawan, kaagad
namang napalapit sa amin si Daddy. Puno ng pag aalala ang boses nito habang
binabangit ang pangalan ni Mommy. "Bella! Ano bang nangyari sa iyo?
Doctor! Tumawag kayo ng Doctor!" Tarantang wika ni Daddy. Si Uncle Rafael
na mismo ang tumawag ng Doctor. Hindi ko na nga namalayan ang presensya nila
simula noong dumating kami ng hospital. Si Veronica naman ay tahimik lang sa
isang tabi habang matiyaga ding naghihintay ng balita mula sa mga Doctor na
gumagamot kay Kenneth. Hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na nangyari.
Para akong rubot na naging sunod-sunuran hanggang sa pati si Mommy ay ipinasok
na din sa loob ng emergency room. Kaagad itong inasikaso ng mga Doctor at
nilapatan ng paunang lunas. Masyado daw over fatigue si Mommy kaya kailangan
niya ng pahinga. Walang malay itong nilabas ng emergency room at idiniretso sa
isang private room na kaagad na kinuha ni Daddy. Naiwan naman kami ni Drake
matiyagang hinihintay ang paglabas ng Doctor na gumagamot kay Kenneth.
Nagpaalam din kasi sila Veronica at Uncle Rafael na lalabas na muna para bumili
ng makakain. Pakiramdam ko, ito na yata ang pinakamahabang oras ng buhay ko.
Ang bawat pag ikot ng kamay ng orasan ay isang nakakabagot na pangyayari sa
buhay ko. Puno ng takot ang nararamdaman ko ngayun dahil sa kalagayan ng nag
iisa kong kapatid. "Love, Alam kong masakit para sa iyo ang nangyari kay
Kenneth pero magpakatatag ka! Hindi pwedeng maging mahina ka din. Ngayun ka
lubos kailangan ng pamilya mo lalo na ni Mommy." narinig kong wika ni
Drake. Hindi ko naman maiwasan na mapasandal sa dibdib niya. Patuloy lang sa
pagdaloy ang luha sa aking mga mata. "Hindi ko alam Kung kaya ko ba talaga
lahat ng ito! Mahal ko si Kenneth at hindi ko matanggap kung sakaling mawala
siya sa amin." umiiyak kong bigkas. Kaagad ko namang naramdaman ang
paghaplos nito sa likod ko. "Hindi mawawala sa inyo si Kenneth! Ginagamot
na siya ng mga Doctor ngayun at alam kong lumalaban siya! Huminahon ka dahil
hindi din siguro gugustuhin ni Kenneth na nakikita kang nagdurusa dahil sa
kanya." malambing na sambit ni Drake. Hinalikan pa ako nito sa aking noo
at mahigpit ng niyakap. Lalo naman akong napahagulhol sa pag iyak. Pinipilit
naman akong nagpakahinahon pero sa tuwing naiisip ko ang kondisyon ni Kenneth
bumibigat ang kalooban ko. Hindi ko kayang magpakahinahon lalo na at patuloy pa
rin siyang ginagamot ng mga Doctor. "Drake, bakit ang tagal ng mga Doctor?
Masama ba talaga ang tama ni Kenneth?" tanong ko sa kanya. Isang mahabang
katahimikan ang namayani sa aming dalawa bago ito sumagot. "Bumangga siya
sa kasalubong na bus at wasak ang unahang bahagi ng kotse niya. Ipagdasal natin
ang kaligtasan niya Jeann." sagot nito. Lalo naman akong napahagulhol ng
iyak. Natigil lang ako ng mapansin ko ang paglabas ng isa sa mga Doctor na
gumagamot kay Kenneth. Kaagad akong napatayo at sinalubong ito. "Doc,
kumusta ang kaptid ko?" kaagad kong tanong pagkalapit sa kanya. Tinanong
pa ako kung kaanu- ano ko daw ba ang pasyente at sinabi ko namang kapatid ako.
Kaagad naman itong napatango "Critical ang kondisyon ng kapatid mo at
kailangan niya pang obserbahan sa loob ng bente kwatro oras. Masyadong maraming
dugo ang nawala sa kanya at napinsala din ang dalawa niyang paa dahil sa
aksidente." sagot nito sa akin. Mahigpit naman akong napahawak kay Drake para
umamot ng kahit kaunting lakas. "A ano po ang ibig niyong sabihin?"
kinakabahan kong tanong. "Ikinalulungkot kong sabihin sa inyo na baka
hindi na makalakad ang kapatid mo. Durog ang mga buto niya sa binti hanggang sa
kanyang mga paa kaya kailangan ng masinsinang obserbasyon kung makakalakad pa
ba siya ulit or hindi na!" sagot nito. Lalong nag uunahan sa pagpatak ang
luha sa aking mga mata. HIndi ko ma-imagine kung anong buhay ang naghihintay sa
kapatid ko. Ang kapatid kong puno ng pangarap ay sa isang iglap lang ay nasira
ang buhay dahil sa isang aksidente at kasalanan ito ng Vina na iyun! Sa isiping
iyun kaagad na binalot ng galit ang puso ko. Hindi sana naaksidente si Kenneth
kung sumipot lang sa kasal nila si Vina. Hindi sana ito mangyayari. Kaagad na
inilipat sa ICU si Kenneth para obserbahan. Durong na durog ang puso ko habang
pinagmamasdan ang nakaawa nitong kondisyon. Ang dating matikas na si Kenneth ay
parang isang lantang gulay na nakahiga sa hospital bed. Maraming mga aparatu
ang nakakabit dito sa buong katawan. Sobrang putla niya din at bakas sa mukha
nito paghihirap. Marami din itong benda lalo na sa ibabang parte ng kanyang
katawan. "Malakas si Kenneth! Kaya niyang labanan lahat ito Love! Manalig
lang tayo sa maykapal dahil walang imposible sa Kanya!" narinig kong
muling sambit ni Drake. Dahan-dahan naman akong tumango.
Chapter 462 JEANN POV
Pagkatapos kong makita ang
kondisyon ni Kenneth, kaagad kong pinuntahan sila Mommy at Daddy. Naabutan
namin na tulog pa si Mommy kaya kay Daddy ko na lang sinabi kung ano ang napag
usapan namin ng Doctor. Isang malakas na buntong hininga ang naging reaction ni
Daddy pero nakikita ko sa mga mata nito ang sobrang lungkot. "Magiging
maayos din ang lahat." sagot nito habang hindi inaalis ang pagkakatitig
kay Mommy. Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa buong paligid bago namin
narinig ang mahinang katok sa pintuan ng kwarto. Si Drake na ang tumayo para
pagbuksan iyun at kaagad ba tumampad sa amin ang magkamukha na sila Christopher
at Charles. Mga ka- triplets ni Charlotte na anak nila Tita Carmela at Tito
Christian. Kaagad nila kaming binati bago binangit kung ano ang pakay nila
"Tito, Good evening po! Kami na po muna ang bahala dito para makapag
pahinga na muna kayo." si Charles na ang unang nagsalita. Kahit naman
halos magkamukha silang dalawa, kilalang kilala pa rin namin sila. Siguro dahil
sa kanilang personality at gupit ng buhok. Mas matangkad din si Charles ng
kaunti kumpara kay Christopher. "Maraming salamat sa inyo mga tho at
dumating kayo. Pasensya na kayo kung naabala namin kayo ha?" sagot naman
ni Daddy. Kaagad naman napailing si Christopher. 'Wala pong problema Tito.
Pamilya po tayo, at walang ibang magtutulungan kundi tayo-tayo lang din naman.
Kami na po muna ang bahala dito para makapag pahinga na din kayo." wika ni
Christopher. Sinulyapan pa ako nito sabay ngiti.. Napabaling naman ang tingin ni
Daddy sa akin. "Jeann, since nandito na ang mga pnisan mo, umuwi na muna
kayo para makapag-pahinga. Hihintayin ko lang na magising ang Mommy niyo tapos
susunod na din kami." wika ni Daddy. Kaagad naman akong umiling. "No
Dad! Hindi po ako aalis dito hanggat hindi nagigising si Kenneth!": sagot
ko. Kaagad namang sumiryuso ang mukha ni Daddy sabay iling. "Hindi pwede
ang iniisip mo! Masyado nang nakakapagod sa iyo ang araw na ito at kailangan mo
din ng pahinga. Huwag mong hayaan na matulad ka sa Mommy mo na basta na lang
nahimatay dahil sa pagod at stress. Umuwi na muna kayo at bumalik na lang kayo
kapag ayos na ang lahat." seryoso namang sagot nito. Kaagad naman
akong napatingin kay Drake at tanging pagtango lang naman ang naging sagot
nito. "Dont worry Insan. Kami na muna ang bahala kay pinsan Kenneth! Pwede
niyo kaming tawagan anytime kung gusto nyong makibalita sa kondisyon niya. Sa
ngayun, kailangan niyo munang umuwi para makapag pahinga. Huwag mo masyadong
abusuhin ang sarili mo dahil baka ikaw naman ang magkasakit!"wika naman ni
Charles sa akin. Labag man sa kalooban pumayag na lang din ako. Tama naman sila
eh...mas mahirap kung pati ako ay magkasakit. Dadagdag pa ako sa suliranin ng
pamilya. Bago kami umuwi, muli kong sinilip si Kenneth sa ICU. Tinawagan ko din
sila Grandma na sila na muna ang bahala kay Baby Russell. Hindi naman sila
mahihirapan sa pag aalaga dahil kasama naman nito ang kanyang Yaya. Diretso
kami ni Drake sa bahay. Kahit na masama ng loob ko, pinilit ko pa ring kumilos
ng normal. Ayaw ko din naman maging unfair sa asawa ko. Alam kong gumagawa din
ito ng paraan para maibsan ang lungkot na nararanasan ko. Kumain lang kami at
diretso na kami sa aming kwarto para matulog. Dahil sa sobrang pagod sa
maghapong stress at sama ng loob kaagad din naman akong nakatulog habang
nakaunan sa bisig ni Drake. Nagising ako kinabukasan na mataas na ang sikat ng
araw. Halos alas diyes na ng umaga kaya dali-dali akong bumangon. Wala na si
Drake sa tabi ko kaya kaagad kong hinagilap ang aking cellphone. Tinawagan ang
pinsan kong si Christopher at kaagad naman itong sumagot. "Anong balita sa
kapatid ko?" tanong sa kanya. "Huwag kang mag alala. Tinatanggap ng
katawan ni Kenneth ang lahat ng mga gamot na ibinibigay sa kanya. Ayon sa
kanyang Doctor, magandang senyales daw iyun sa kanyang pagaling. Hinihintay na
lang na magising siya at ililipat din kaagad ng private room." sagot nito.
Kaagad naman akong nabuhayan ng loob. Ano man ang maging kondisyon ni Kenneth
ngayun ang importante ligtas siya! Ang balita ng pinsan kong si Christopher ay
malaking bagay sa akin dahil kahit papaano, naibsan ang pag aalala na
nararamdaman ng puso ko. "Mabilis akong nagligpit ng kama bago
nagmamadaling pumasok ng banyo. Maliligo lang ako para ready na ulit ako
pagpunta ng hospital. Gusto kong nasa tabi ako ng kapatid ko bago siya
magising. Madaliang ligo lang naman ang ginawa ko at kaagad na nagbihis.
Kasalukuyan kong pinapatuyo ang buhok ko nang pumasok si Drake sa loob ng
kwarto. Puno ng pagtataka ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin.
"Gising ka na pala? Nakabihis ka yata? Aalis na ba tayo?" tanong
nito. Kaagad naman akong tumango. "Pupunta ako ng hospital." sagot
ko. Saglit itong hindi nakaimik bago dahan -dahan na lumapit sa akin.
"Tumawag si Ella! Hinahanap daw tayo ni Baby Russell. Pwede bang puntahan
muna natin ang bata sa mansion bago tayo pumunta ng hospital?" malumanay
nitong tanong. Saglit akong natigilan at kaagad na bumaha ang guilt sa puso ko.
Sa sobrang pag aalala na nararamdaman ko para sa kapatid ko, saglit kong nakalimutan
ang tungkol kay Baby Russell. "Okay, pupuntahan muna natin siya. Pasensya
ka na Drake, sa sobrang dami ng gumugulo sa isipan ko, nawala sa isip ko ang
tungkol kay Baby Russell." sagot ko naman. Nakangiti naman itong tumango.
"Ayos lang. Naiinitindihan kita! Kung tapos ka na, sumama ka na sa akin sa
dining area. Kain muna tayo bago tayo aalis." sagot nito sa akin. Tumango
ako at hawak kamay kamig lumabas ng aming kwarto. Mabilis na lumipas ang oras.
Kasalukuyan kaming nasa mansion nang tumawag si Charles sa akin at ibinalita
nitong gising na daw si Kenneth. Halos maiyak naman ako sa sobrang tuwa. Kaagad
kong ibinalita kina Grandma at Grandpa ang tungkol sa kondisyon ni Kenneth at
pati sila ay para din daw nabunutan ng tinik sa dibdib. Sila pa mismo ang
nagsabi sa amin ni Drake na iiwan muna si Baby Russell sa kanila at puntahan na
daw muna namin ang kapatid ko. Kaagad naman kaming tumalima ni
Drake.
Chapter 463 JEANN POV
Kasama si Drake, mabilis
kaming nakarating ng hospital. Excited akong naglakad patungo sa kwarto kung
saan naka-confine ang kapatid kong si Kenneth. Ngayung gising na siya, umaasa
ako na sana tuloy-tuloy na ang kanyang pagaling Malapit na kami sa kwarto nang
sa hallway pa lang kaagad kung natanaw ang bulto ni Mommy Arabella. Tahimik
itong nakaupo sa isang mahabang upuan habang umiiyak. Dumuble tuloy ang hakbang
ko para malapitan kaagad ito. "My, bakit nandito ka? Akala ko ba gising na
si Kenneth?" kaagad kong tanong pagkalapit sa kanya. Isang malungkot na
titig ang ibinigay nito sa akin bago dahan-dahan na tumango. "Oo, gising
na siya. Gising na ang kapatid mo. Puntahan mo na siya." malungkot nitong
bigkas. Kaagad naman kaming nagkatinginan ni Drake. Hindi ganito ang inaasahan
kong reaction mula kay Mommy. Bakit parang ang lungkot niya pa rin? "Sige
po. Pasok muna kami sa loob My! Gusto ko na po talagang makita ang kondisyon ni
Kenneth!" nakangiti kong sagot at si Drake na mismo ang pumihit ng
seradura. Pagkabukas ng pintuan kaagad na akong pumasok sa loob. Matamis ang
ngiting nakaguhit sa labi ko habang inililibot ang tingin sa paligid. Tanging
si Daddy lang ang napansin ko at nakaupo ito sa upuan na nasa gilid ng higaan
ng kapatid ko. Nagmamdali naman akong lumapit. "Kenneth! Bro! Kumusta ka
na?" kaagad kong bigkas. Sabay pa silang napalingon ni Daddy sa akin kaya
nagmamadali akong lumapit. Kaagad na napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang
blankong tingin na ipinukol sa akin ni Kenenth. Although, napansin ko na
bumalik na sa dati ang kulay nito pero bakas pa rin sa katawan niya ang
aksidenteng natamo. Lalo na sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. "Ano ang
ginagawa mo dito? Dapat hindi niyo na ako hinayaan pang mabuhay. Wala na din
namang saysay ang lahat ng ito diba?" salitang lumabas sa bibig ni Kenenth
na dumurog sa puso ko. Nagtatanong ang mga matang tumitig ako kay Daddy at
kaagad naman itong umiling. "Bro! Kenneth! Ano ba ang sinasabi mo?
Nagbibiro ka ba?" tanong ko. Napansin ko ang pag ismid nito bago sumagot.
"Sa palagay mo, may panahon pa akong magbiro? Jeann, look at me! Iniwan na
nga ako ang babaeng pinakamamahal ko, naging inutil pa ako! Sino ang gaganahan
sa ganitong klaseng buhay?" puno ng pait ang boses na bigkas nito.
Natameme naman ako. Magkahalong damdamin ang kaagad na bumalot sa puso ko. Awa
at pag- aalala para sa nag iisa kong kapatid. Kung ganoon, alam niya na ang
kondisyon niya. Alam niya na may tendency na tuluyan siyang malumpo.
"Leave me alone! Kung talagang nag aalala kayo sa kondisyon ko, hayaan
niyo akong mamatay!" salitang lumabas sa bibig nito na nagpatulo ng luha
sa aking mga mata. Pasimple ko naman iyung pinunasan dahil ayaw kong iparamdam
sa kanya na naaawa ako sa kanyang kondisyon. Baka kasi lalo itong mag self
pity. "Ano ba iyang pinagsasabi mo? Bro naman! Ano ba ang nangyayari sa
iyo! Hindi ka naman dating ganiyan ah? Huwag mong sabihin ang mga katagang iyan
dahil nasasaktan kami. Kung ano man ang problema natin ngayung araw, darating
at darating din ang oras na masusulusyunan natin iyan. Nakalimutan mo na ba?
Habang may buhay may pag asa kaya hwuag kang mawalan ng pag asa sa sarili mo!
" sagot ko naman at akmang hahaplusin ko sana ang noo nito pero kaagad
itong umiwas. Matalim ang mga matang tinitigan ako nito. Pag asa? Wala na akong
pag asa Jeann! Inutil na ako at habang buhay na akong magiging pabigat sa
inyo!" bakas ang galit sa boses na sagot nito. Hindi ko na napigilan pa
ang paghagulhol ko ng iyak. Hindi ko inaasahan na marinig ko sa mismong bibig
niya ang mga katagang iyun. Ang dating malambing at mabait na Kenneth ay
biglang naglaho sa isang iglap lang. Ang inaasahan na masayang araw ng kanyang
buhay ay nauwi sa disaster. "Ano ka ba! Hindi mo kami kaaway para magalit
ka sa amin. Kapatid kita at mahal na mahal kita! Siguro, naguguluhan ka lang sa
mga nangyari. Magpagaling ka at hayaan mo kaming alagaan ka!" sagot ko.
Hindi naman ito nakasagot. May ilang butil ng luha ang lumabas sa gilid ng mga
mata nito sabay pikit. Naiinitindihan ko naman eh. Broken hearted siya at napagdaanan
ko din iyun. Walang ibang makakaintindi sa kapatid ko kundi kami lang kaya
kahit na susungitan niya ako, hinding hindi ako magagalit sa kanya dahil pilit
niya din akong inintindi noong mga sandaling kailangan ko ng karamay. Mas
matindi ang pinagdadaanan ni Kenneth ngayun kumpara sa napag daanan ko noon
kaya willing akong tulungan ito para muling makabangon.
Chapter 464 JEANN POV
Mabilis na lumipas ang araw.
Masasabi ko na malaki ang ipinagbago ng ugali ni Kenneth simula noong
naaksidente ito. Naging bugnutin ito at halos ayaw kaming kausapin. Mabilis na
naghilom ang kanyang mga sugat pero hindi siya makatayo dahil malaking bahagi
ng buto sa kanyang binti ang napuruhan dahil sa aksidente. Nakalabas kami ng
hospital na naka- wheel chair ito. Masakit sa aming lahat ng makita ito sa
mahirap na sitwasyon pero wala kaming magagawa kundi ang magdasal na sana
maging maayos ang lahat. Hindi naging cooperative si Kenneth at talagang
ipinapakita nito sa amin na wala na itong ganang magpatuloy sa buhay. Naging
tahimik ito at mas gugustuhin niya pang magkulong sa kanyang kwarto. Kaunting
pagkakamali ng mga . kasambahay lagi itong nakasigaw. Iniintindi na lang namin
dahil alam na alam namin ang kanyang pinagdadaanan. Katulad na lang ngayun.
Nagpasya akong dalawin ito pagkaalis ni Drake para pumasok sa office. Naabutan
ko ito sa kanyang kwarto na binubulyawan ang isa sa mga kasambahay. "Idiot!
Ilang beses ko bang sabihin sa iyo na dagdagan mo ng asin ang pagkain na iyan!
Matabang at bakit ba ang tanga-tanga mo!" Paakyat pa lang ako ng hagdan ng
marinig ko ang galit na pagsigaw ni Kenneth. Para itong may kaaway na ewan.
Napabilis tuloy ang paghakbang ko at naabutan ko ito sa kwarto na nakakalat ang
pagkain sa sahig. Para ding dinaanan ng bagyo ang kanyang kwarto. "Get
lost!" angil pa nito sa mangiyak- iyak na kasambahay. Kaagad naman akong
napalapit para sawayin ito. "Kenneth! Ano ba? Pwede mo namang idaan sa
mahinahon na usapan kapag may gusto ka eh. Hindi mo kailangang manigaw. Ano ba
ang nangyari sa iyo? Hindi ka naman dating ganyan ah?" wika ko at kaagad
na sinenyasan ang mangiyak-iyak na kasambahay na lumabas muna. Mamaya ko na
lang ipalinis ang kwarto nito kapag mahinahon na ito. Mahirap paamuhin ang
taong biglang nawalan ng direksyon sa buhay. "Ano ang kailangan mo? Hindi
ka ba nagsasawang makita ako sa ganitong sitwasyon?" ako naman ang
pinagbuntunan nito ng init ng ulo. Malakas naman akong napabuntong hininga.
Wala na talaga itong pinipiling taong pwedeng awayin. Kapag dinadalaw ito ng
iba pa naming mga pinsan, halos ayaw nitong harapin. Laging salubong ang kilay
nito at never ko na itong nakitang ngumiti "Ken, huwag naman ganiyan!
Hindi mo kami kaaway dito sa bahay. Nakausap namin ang Doctor mo at sinabi niya
sa amin na may tsansa ka pa raw na makalakad basta tulungan mo lang ang sarili
mo!" wika ko. Ni hindi man lang ito nagpakita ng reaction sa sinabi ko.
Parang wala lang sa kanya ang hatid kong balita kaya hindi ko maiwasang
makaramdam ng matinding lungkot. "Huwag niyo na akong bigyan ng false hope
dahil alam kong hindi mangyayari iyan. Habang buhay na akong maging inutil at
kahit na ano pa ang gawin niyo, hindi na ako babalik sa dati!" malamig na
sagot nito. Kaagad naman akong umiling. "Hindi! Hindi ka namin susukuan
dahil bahagi ka ng pamilya na ito. Kailangan mo lang tulungan ang sarili mo na
makalakad ulit. Hihintayin lang natin ang Go signal ng Doctor para muli kang
sasailalim sa operasyon. Sana naman magiging cooperative ka Kenneth!"
seryoso kong wika sa kanya. Kaagad naman itong umiling. "No! Hindi ako
papayag! Hayaan niyo na lang ako! Masyado na akong maraming hirap na
napagdaanan at ayaw ko ng dagdagan pa ang sugat sa katawan ko. Total, wala na
din namang saysay ang lahat. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa
gumaling." seryoso nitong sagot. "Hanggang ngayun pa ba hindi mo pa
rin siya nakakalimutan? Kenneth, wake up! Hindi ka mahal ng babaeng iyun! Nagpa
imbistiga kami ni Drake at alam mo ba kung bakit hindi sumipot ang babaeng iyun
sa kasal niyo? Binalikan lang naman niya ang kanyang ex boyfriend at masaya na
silang nagsasama ngayun!" hindi ko na napigilan pang bigkas. Actually,
wala na sana akong balak pang sabihin sa kanya ang tungkol dito, pero since na
matigas ang ulo niya, mas mabuti pang harapin niya ang tunay na hamon ng buhay.
Para naman huwag na siyang umasa pa na muling bumalik sa kanya ang Vina na iyun
or kahit na magtangka pang bumalik ang babaeng iyun kami na mismo ang haharang
"Hmmpp! Good for her! Good for her! "malungkot na sagot nito. Hindi
nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng mga mata nito palatandaan na
nagpipigili ito sa pag iyak kaya parang gusto kong pagsisisihan na binangit ko
pa sa kanya ang tungkol sa babaeng mahal niya. "Move on Ken! Hindi lang sa
kanya umiikot ang mundo mo. Palagi mong tandaan na nandito lang kami na pamilya
mo na handang umalalay sa iyo sa lahat ng oras.'" sagot ko. Blanko ang
ekspresyon ng mukha na tinitigan lang ako nito. "Pwede bang iwan mo muna
ako? Gusto kong mapag-isa!" sagot nito. Umiling naman ako. "No!
Napag-usapan na namin nila Mommy at Daddy na pansamantala ka muna naming
ikukuha ng personal na tagapag alaga! Lahat ng mga kasambahay natin, takot ng
pumasok dito sa loob ng kwarto mo dahil sinisigawan mo. Sa ngayun wala kaming
choice kundi ikuha ka ng personal nurse mo na mag aalaga sa iyo buong araw at
gabi." wika ko. Kaagad naman nagsalubong ang kilay nito dahil sa sinabi
ko. "No! Hindi niyo pwedeng gawin sa akin yan at wala kayong karapatan na
paghimasukan ang privacy ko!" Galit na namang sagot nito. Hindi naman ako
nagpatinag. Unti-unti na akong nasasanay sa ugali niya kaya walang dapat
na ikabahala. Isa pa, wala naman siyang magagawa kapag ginusto namin.
"Kung ayaw mong panghimasukan namin ang buhay mo, tulungan mo ang sarili
mong gumaling Ken! Huwag kang magkulong sa apat na sulok ng kwartong ito at
asikasuhin mo ang sarili mo!" Naiinis ko namang sagot sa kanya. Oo,
nandoon na ako. Nakakaawa siya pero kung ganito rin lang katigas ang ulo niya,
wala akong choice kundi patulan siya para naman maramdaman niya na may pakialam
kami sa buhay niya. Ilang araw din ang matulin na lumipas. Nasunod din ang
gusto namin na ikuha si Kenneth ng sarili niyang tagapag alaga pero hindi
nagtatagal ang isang linggo at nagreresign din kaagad! Kahit na doblehin pa
namin ang sahod wala talaga eh. Hindi daw talaga nila kaya. Ang matinding
dahilan, hindi nila kayang i-handle ang masamang ugali ng kapatid ko! Basta na
lang daw ito naninigaw ng walang dahilan at nambabato kapag hindi nasusunod ang
gusto.
Chapter 465 JEANN POV
Dahil sa problema kay
Kenneth, tuwing papasok ng opisina si Drake sumasaglit ako sa bahay namin para
tulungan si Mommy na alagaan ang nagsusungit kong kapatid. Hindi na namin alam
ang gagawin sa kanya. Walang nagtatagal na tagapag-alaga nito dahil sinusungitan.
Hindi din namin pwedeng utusan nang utusan ang mga kasambahay dahil takot na
din sa kanya at kapag pilitin namin na pagsilbihan si Kenneth baka pati kami ay
layasan din kaya ang ending kaming dalawa ni Mommy ang salitan na nag aalaga
kay Kenneth Hindi naman kasi pwedeng pabayaan ito. Para itong mabangis na lion
na ayaw magpalapit sa ibang tao. Kahit nga kaming dalawa ni Mommy ay
sinusungitan niya pero hindi naman siya uubra sa katarayan namin. Talagang
pinapatulan narnin siya. Panahon na lang siguro ang makakapagsabi kung
magbabago pa ba ito. Wala itong balak gumaling dahil kahit ang paglabas ng
kwarto para sana makapag paaraw man lang ayaw niyang gawin. Nagmumukmok lang
ito sa loob ng kwarto sa mahigit tatlong buwan pagkatapos niyang naaksidente.
Pati si Daddy Kurt sumusuko na din sa ugali ng anak niya. Hindi niya ito
mapagsabihan dahil kapag kinakausap niya si Kenneth hindi din siya sinasagot.
Laging dinadahilan ni Kenneth na pagod na siya at gusto niyang magpahinga.
Ganitong senaryo ng buhay pamilya namin ay hindi na namin alam kung paano
malulutas. Kung cooperative lang sana si Kenneth, pwede pa siguro siyang
makalakad pero parang wala na talaga siguro itong ganang mabuhay. Napabayaan na
din nito ang sarili. Ang dating clean cut niyang buhok at makinis na mukha ay
wala na. Hanggang balikat na ang buhok nito at puro balbas na din. Ibang iba na
talaga siya simula noong naaksidente siya. Nawala ang Kenneth na puno ng
pangarap sa buhay. "Mam, nakaready na po ang mga gamit na dadalhin ni Baby
Russell!" natigil lang ako sa pagmumuni-muni ng marinig ko ang boses ni
Ella. Dahil weekend bukas, isasama ko silang dalawa ni Baby Russell sa bahay ng
mga magulang ko. Napag usapan na namin ni Drake kagabi pa na pagkatapos niyang
lumabas ng opisina sa bahay na ng mga magulang ko siya didiretso. Balak naming
doon magpalipas ng gabi. Masyadong stress na si Mommy sa mga nangyari. Hindi
niya na nga halos maalagaan ang ampon nilang si Baby Jillian. Nakadepende na
din ito sa Yaya dahil naagaw na ni Kenneth ang buong oras nito. "Okay na
iyan. Aalis na tayo." sagot ko sa kanya. Kaagad naman itong tumango.
Mabilis lang naman kaming nakarating ng bahay. Papasok pa lang ang sasakyan ko
sa gate nang mapansin ko si Mommy na matiyagang nakaantabay sa amin. Mukhang
hinihintay nito ang aking pagdating. "Mabuti naman at dumating ka na!
Hindi ko na alam ang gagawin sa kapatid mo. Kanina pa sya nagwawala at lahat ng
pagkain na ipinapasok sa kwarto niya ayaw niyang kainin." wika nito. Kita
ko sa mukha ni Mommy ang sobrang stress. "Bakit ayaw niya? Sinasaniban na
naman ba siya ng masamang ispiritu? Dapat talaga siguro, tumawag na tayo ng
pari eh. Hindi na normal ang ugaling ipinapakita ni Kenneth. Habang tumatagal,
lalo siyang naging bayolente." sagot ko naman. "Ilang beses ko na
syang kinausap pero ayaw niyang makining. Kagabi, nanghihingi siya ng alak sa
isa sa mga kasambahay pero hindi siya binigyan kaya nagwala. Pinagsisira niya
lahat ng pwedeng masira sa loob ng kwarto niya. Kausapin mo nga iyang kapatid
mo. Kapag magtagal pa siya ng ganiyan, baka bigla nalang akong atakihin sa puso
dahil sa konsumisyon sa kanya." sagot naman ni Mommy sa akin. Wala akong
choice kundi tumango. "Ibig po bang sabihin hindi pa siya kumakain ng
agahan hanggang ngayun? " tanong ko. "Kagabi pa siya walang kain. Pumasok
ng opisina si Daddy mo na kulang sa tulog dahil halos magdamag naming
binabantayan iyang kapatid mo. Kulang na nga lang, itali na namin iyan eh. Baka
sa susunod, sarili niya na ang sasaktan niya dahil sa mga kalokohan na ginagawa
niya." sagot ni Mommy. Parang biglang sumakit ang sentido ko dahil sa
sinabi niya. Ang hirap palang mag alaga ng kapatid na singtigas ng aspalto ang
bungo dahil sa sobrang katigasan ng ulo. "May nakaready nang pagkain sa
mesa. Ikaw na ang bahalang mag akyat. Ako na muna ang bahala kay Baby Russell.
Si Ella na lang ang isama mo dahil lahat ng mga kasambahay dito ay takot na sa
kanya." muling wika ni Mommy. Napapailing na lang ako bago ko sinabihan si
Ella na samahan niya ako. Walang pag aalinlangan na kaagad naman itong tumango.
Sana hindi ito matulad sa ibang kasambahay na na-trauma dahil sa ugali ni
Kenneth. Wala na din kaming makuhang tagapag alaga ng nagsusungit kong kapatid
kaya walang choice kundi kami talaga ni Mommy ang magsasakripisyo. Dinaanan
lang namin ang pagkain na nakalagay na sa tray at kaagad na kaming umakyat ng
second floor para puntahan si Kenneth sa kanyang kwarto. Pagdating sa tapat ng
kwarto ni Kenneth, kumatok lang ako ng tatlong beses bago ko binuksan.
"What!" kaagad na singhal nito bago kami nakapasok ng kwarto. Kaagad
ko naman itong sinamaan ng tingin. Nakaupo ito sa kanyang wheelchair habang may
hawak na libro. "Anong what? Kung kinain mo lang sana itong breakfast mo,
hindi na sana kita iisturbuhin ngayung umaga! Ano ba Ken...ano ba ang ginagawa
mo sa sarili mo? Si Mommy, nadatnan ko ngayun lang na stress na stress! Bakit
ba ang hirap mong intindihin!" hindi ko na napigilan pang bigkas sa kanya.
"Sinabi ko naman kasi sa inyo na pabayaan niyo na ako. Bakit ba
napakahirap para sa inyo na gawin iyun? Kung pagod na kayo, mas pagod na ako!
Umalis ka na sa kwarto ko at hindi ko kailangan ang awa niyo!" galit naman
na sigaw ni Kenneth. Shock akong napatitig sa kanya. Sa totoo lang, sa tanang
buhay ko, ngayun niya lang ako nasigawan ng ganito. Nagbago na nga siya!
Tuluyan nang kinain ng galit ang puso niya. Hindi ko tuloy maiwasan na maluha.
Kita ko naman ang guilt sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.
"BAkit? Ken, hindi mo kami kaaway! Kapamilya mo kami kaya sana huwag ka
namang ganiyan. Hindi mo man lang naisip ang effort na ginagawa namin araw-araw
para sa iyo. Kung ayaw mo akong makita...sige...ayos lang. Pero sana, kainin mo
ang pagkaing dala ko!" sagot ko sa kanya at nagmamadali nang lumabas ng
kwarto. Hilam nag luha sa aking mga mata na bumaba ng hagdan at hindi ko man
lang namalayan na hindi pala nakasunod sa akin si Ella.
Chapter 466 KENNETH VILLARAMA
SANTILLAN POV
Mahirap tanggapin sa akin na
ang inaasahan kong babaeng makasama ko habang buhay ay hindi sumipot sa mismong
araw ng aming kasal. Sa maikling panahon na nakilala at nakasama ko si Vina,
alam kong minahal ko ito. Kaya nga noong nagkaroon ako ng pagkakataon na yayain
itong pakasal sobrang saya ko dahil kaagad itong pumayag. Hindi ko naman
akalain na isang malaking kahangalan ang pagbibigay ko ng buong tiwala ko sa
kanya. Hindi niya ako sinipot sa mismong araw ng kasal at parang gusto kong
malusaw sa sobrang kahihiyan na naramdaman ko. Saksi lahat ng mga mahal ko sa
bahay kung paano akong naghintay sa tapat ng altar pero hindi dumating ang
aking bride. Hindi ko naman alam na wala naman palaga talagang balak na
magpakasal sa akin si Vina. Sobrang hirap. Gusto ko lang naman sana siyang
makausap kaya ako umalis kaagad ng simabahan pero pagkadating ko sa bahay nila,
natanaw ko siya mula sa labas na may kahalikang lalaki. Para akong
pinagsakluban ng langit ang lupa. Ang babaeng gusto kong makasama habang buhay,
niluluko niya lang pala ako. Sa sobrang sama ng loob na nararamdaman ko, kaagad
akong nagdrive paalis. Sinadya ko talagang ibangga nag kotse ko sa kasalubong
na bus. Alam kong kahangalan ang ginawa kong iyun dahil posibleng may mga
inosenteng taong madamay pero wala akong pagpipilian. Pakiramdam ko ng mga
sandaling iyun, wala ng halaga ang buhay ko! Kasalanan ko kung bakit nakaupo
ako ngayun sa wheelchair. Sa mahigit tatlong buwan pagkatapos kong naaksidente,
aware naman ako sa sarili ko na malaki ang ipinagbago ko. Na hindi na ako ang
dating Kenneth. Alam kong nahihirapan na ang lahat sa akin. Lalo na sila Mommy
at Daddy. Pati na din ang nag iisa kong kapatid na si Jeann. Kaya lang kapag
nakikita ko ang awa sa kanilang mga mata, lalong nadadagdagan ang galit sa puso
ko. Kung hindi lang sana ako niluko at pinaasa ni Vina, hindi sana mangyayari
sa akin ito. Alam kong nagiging worst na ako nitong mga nakaraang araw. Takot
na A sa akin ang lahat ng mga taong nakapaligid sa akin. Hindi ko talaga
makontrol ang sarili ko at talagang yamot na yamot ako sa mga taong lumalapit
sa akin at nag eextend ng tulong. Feel na feel ko talaga ang pagigign inutil
ko. Katulad na lang ngayung umaga. Wala naman sana akong balak na sigawan si
Jeann. Kaya lang dahil sa bad temper ko, nagawa ko na naman at huli na para
magsisi at ayaw ko din naman humingi ng sorry. Mataas ang pride ko eh. Parang
mas gusto kong kamuhian na lang nila ako at hayaan na lang na mamatay.
"Tssssk! Ang sungit!" natigil ako sa pagmumuni-muni ng marinig ko ang
bulong ng babaeng kasama ng kapatid kong si Jeann. Kung hindi ako nagkakamali,
yaya ito ng pamangkin kong si Russell na anak ng nag iisa kong kapatid. Kaagad
na naagaw ang attention ko sa kanya. Wala sa sariling tinitigan ito habang
hawak niya pa rin ang tray na may lamang pagkain. "What are you doing
here? Bakit hindi ka pa sumunod sa amo mo! Umalis ka na at dalhin mo ang lintik
na pagkain na iyan dahil wala akong balak na kumain!" bulyaw ko sa kanya.
Parang wala naman itong narinig at naglakad pa talaga sa kalapit na lamesa at
inilapag ang dalang pagkain. Pahalukipkip ako nitong tinitigan. "Ang
pangit niyo na pala talaga Sir! Kaya siguro takot ang lahat ng kasambahay nyo
sa inyo. Para po kasi kayong ermitanyo!" prangkang wika nito na nagpagulat
sa akin. Kahit na binulyawan ko na siya parang wala lang sa kanya. Ibang mga
kasambahay nga, titigan ko lang nanginginig na ang tuhod eh. Pero itong kaharap
ko ngayun, parang matapang ah? Kaya siguro kasundo ito ng kapatid kong si
Jeann. "Hoy! Idiot! Hampaslupa! Lumayas ka ng kwarto at dalhin mo iyang
pagkain na dala mo kung hindi baka may kalalagyan ka sa akin!" nagbabanta
kong wika sa kanya. Matalim ko itong tinitigan pero nagulat ako dahil
pinagtaasan niya lang ako ng kilay. "Haissst! Hilig magbanta! Sino ang
tinatakot mo! Ni hindi ka nga makatayo diyan sa wheelchair mo eh! Kung hindi
lang ako naawa kay Mam Jeann, kanina pa kita nilayasan eh. Hindi naman ikaw ang
amo ko!" sagot nito sabay irap. Tulala naman akong napatitig sa kanya.
Saan ba napulot ang kutong lupa na ito ng kapatid ko? Ang lakas ng loob niyang
sagut-sagutin ako! Hindi ba siya natatakot na mawalan ng trabaho?
Chapter 467 KENNETH POV
Wala sa sariling napatitig
ako sa babaeng nasa harapan ko. Ewan ko ba, kahit na ang galing niyang sumagot-
sagot sa akin ni hindi man lang ako nakakaramdam ng inis sa kanya. Hindi
katulad sa mga naunang na-hire nila Mommy na mag alaga sa akin. Nakikita ko pa
lang na papasok sila dito sa kwarto ko, umaakyat na ang dugo ko sa ulo ko kaya
ang ending palagi ko silang nasisigawan. Pero itong Ella na ito na Yaya ng
pamangkin ko hindi ko mawari kung anong meron sa kanya. Ngayun ko lang din ito
napagmamasdan ng maayos. Although, palagi ko itong nakikita noon pa dahil
isinasama ito ng kapatid ko kahit saan magpunta pero palagi lang itong
nakayuko. Parang hindi ito nag eexxist sa paningin ko. Alam kong wala itong
nilagay na kahit na anong kulorete sa mukha pero ang ganda niya pa rin. Maliit
ang mukha at medyo matangos ang ilong. Ang kilay nito na hindi man lang yata
inayos bumagay naman sa mga mata nito na na may mahahaba at malalantik na pilik
mata. Dagdagan pa ng labi na parang kay sarap halikan dahil sa natural nitong
kulay. Mamula-mula iyun at alam kong walang bahid na lipstick. Ang swerte naman
ng pamangkin ko. Imagine, nagkaroon siya ng magandang Yaya. Bata pa lang,
maganda na ang nag aalagang babae. Paano pa kaya kung lumaki na ito. Sa isiping
iyun parang gusto kong kutusan ang sarili ko. Kung saan-saan na napupunta ang
isipan ko. Bigla ko din nakalimutan kung ano ang sitwasyon ko ngayun. Hindi
dapat ako magpadala sa mga ganitong klaseng pag iisip. Yaya ng pamangkin ko
itong nasa harapan ko kaya hindi ko siya dapat pagpantasyahan "Ehemmm!
Tapos na po ba kayong titigan ako? Baka gusto niyo na pong kumain."
narinig kong wika nito. Nakahalukipkip ito pero nakataas na ang kilay. Bakit
ang cute niya pa ring tingnan? Dapat nga mainis ako dahil parang hindi niya
naman ako iginagalang. Sino ba siya? Ang lakas ng loob nyang utusan akong
kumain! Hindi nga ako mapilit nila Mommy at Jeann siya pa kaya gayung sini-
swelduhan lang naman siya ng kapatid ko! "Ilabas mo na ang mga pagkain na
iyan. Wala akong gana." malamig kong sagot sa kanya at kunwari muli kong
itinoon ang attention ko sa hawak kong libro. Wala akong nakuhang sagot mula sa
kanya kaya muli kong itinaas ang aking paningin at nagulat pa ako dahil nakaupo
na ito sa gilid ng kama ko. Ngingiti-ngiti habang nakatutok ang mga mata sa
kanyang cellphone. Parang gusto manlaki pati butas ng ilong ko habang
pinagmamasdan ito. "What are you doing?" halos dumagundong ang boses
ko dito sa loob ng kwarto kaya hindi nakaligtas sa paningin ko na muntik na
nitong nabitawan ang cellphone dahil sa pagkagulat. Takang taka na tumitig sa
akin habang kumikibot-kibot ang kanyang labi. Hindi ko tuloy maiwasang
mapalunok ng aking laway. "Ano ba iyan! HIndi niyo naman po kailangang
sumigaw Sir! Hindi naman po ako bingi! Tsaka, bakit po ba kayo nagagalit?
Alangan namang habang buhay akong tatayo na pwede namang maupo. Kung kinain
niyo na sana ang pagkain na iyan, kanina pa sana ako naglaho sa paningin
mo!" nakaingos nitong sagot. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig sa
kanya. Hindi ko talaga lubos maisip kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na
sumagot-sagot sa akin. Kung titingnan kasi ito parang napakaamo ng kanyang
mukha. Para din itong mahiyain pero kung sumagot-sagot sa akin parang hindi ako
ang amo ah? Sabagay, hindi pala ako ang amo niya. Yaya ito ni Baby Russell at
si Jeann ang nagpapasahod sa kanya. Kaya siguro walang galang pagdating sa
akin. "Lumayas ka na! Layas kung ayaw mong makatikim ng galit ko!"
pagbabanta kong wika sa kanya. Pinaningkitan ko pa ito ng aking mga mata
katulad sa mga ginawa ko sa mga naunang nag aalaga sa akin. Pero parang walang
effect sa kanya bagkos tinaasan lang ako nito ng kilay bago naglakad patungo sa
pagkain na nakapatong sa mesa. "Hmmmmp! Nagbabanta! Paano niya magagawa
iyung sinasabi niya eh hindi nga siya makatayo!" Halos pabulong nitong
bigkas pero hindi naman ako bingi para hindi marinig iyun. "Anong sabi
mo?" galit kong tanong sa kanya. Talagang sinusubukan ako ng babaeng ito.
Kung may sakit lang ako sa puso, baka kanina pa ako inatake eh. Pambihira,
ngayun lang ako nakakita na kasambahay na sumasagot-sagot at parang hindi man
lang takot na mawalan ng trabaho. "Wala po! Sabi ko kumain na po kayo para
hindi na mag alala sila Mam Jeann at ang Mommy niyo sa inyo. Kagabi pa raw po
kayo hindi kumakain eh. Baka daw po kung ano na ang mangyari sa inyo. Alam niyo
po ba dinig ko, parang gusto na nga po kayong itali eh, dahil sa sobrang galit
niyo sa mundo, baka sarili niyo na naman ang saktan niyo!" nakaismid
nitong wika sa akin. Hindi ko man lang nahihimigan sa boses niya na nag aalala
siya sa akin. Kaswal lang kung magsalita at parang marites sa kanto ang tono ng
kanyang boses. Ni hindi niya man lang naisip na posible akong magdamdam sa
sinabi niya ngayun.... Isa pa, ano ang palagay ng pamilya ko sa akin?Isang
baliw? Ganoon na ba kalala ang tingin nila sa akin? Hindi na tuloy ako
nakasagot sa kaharap ko. Parang gusto ko ng sukuan ang kakulitan nito eh.
"Tsaka Sir! Hindi niyo po ba naaamoy ang kwarto niyo? Ang baho kaya!
Kanina pa nga ako naduduwal, tinitiis ko lang. Kailan ba huling nalinisan itong
kwarto niyo?" muling bigkas nito. Talagang ipinakita niya pa sa akin na
itinakip niya ang kamay niya sa kanyang ilong at parang diring diri na
inililibot ang tingin sa paligid. Kung nakakatayo lang ako, kanina ko pa ito
kinaladkad palabas eh. Lahat napapansin! Buti napagtiyagaan ni Jeann ang ugali
ng kotong lupa na ito. Kasalanan ko naman din kasi. Hindi ko pinapalinis itong
kwarto ko kaya siguro nangangamoy na! Bihira lang din akong maligo dahil nga
hirap akong kumilos at ayaw kong pinagsisilbihan ako. "Akin na ang pagkain
para tumigil ka na!" sumusuko kong wika sa kanya. HIndi nakaligtas sa
paningin ko ang pagkislap ng tuwa sa mga mata nito. Para itong nanalo sa lotto
na ewan. Wala eh, gusto ko ng lumayas ang babaeng ito sa kwarto ko!
Chapter 468 ELLA CRISOSTOMO POV
Masasabi ko na maswerte na
ako sa aking mga amo. Broken hearted pa si Sir Drake noong na hire niya ako
bilang taga-linis ng bahay nila at ilang buwan ang nakalipas, nakilala ko naman
ang asawa niyang mabait na si Mam Jeann. Galing ako sa malayong probensya at
wala akong choice kundi ang makipag- sapalaran dito sa Metro Manila para
maghanap ng trabaho. Kailangan ko kasi tustusan ang pangangailangan ng aking
pamilya na hobby yata ng Nanay at Tatay ko ang magkalat ng lahi sa sanlibutan
dahil mahirap na nga ang buhay, anak pa ng anak at dumating pa sa point na
halos wala na kaming makain. Oo, imbes na nasa School ako sa mga ganitong edad
ko, wala akong choice kundi ang sumama sa kapitbahay namin na lumuwas ng
Manila. Natatakot kasi ako na baka makapag asawa lang ako ng maaga kapag mag
stay ako ng probensya. Ganoon na kasi ang nangyari sa panganay kong kapatid at
ang sumunod sa akin. Kahit minor de edad pa lang, pag aasawa na ang inaatupag
para matakasan ang hirap ng buhay. Pangalawa ako sa labing tatlo naming magkakapatid.
Ang Ate ko na isang taon lang ang tanda sa akin ay nag asawa kaagad noong
fifteen years old pa lang siya at ang sumunod naman sa akin ay nag-asawa naman
last year lang. Ewan ko ba, kababata pa pero masyadong excited na bumuo ng
sariling pamilya. Sabagay, hindi ko sila masisisi dahil gusto lang nila marahil
takasan ang hirap ng buhay Pero iba ako. Ayaw kong sundan ang yapak nila. May
pangarap ako at kaya ako nagtatrabaho dahil gusto kong makakain ng tatlong
beses sa loob ng isang araw ang mga magulang ko pati na din ang mga bata ko
pang kapatid para naman hindi na nila maisip na ang pag aasawa ang solusyon
para matakasan nila ang hirap ng buhay Actually, hindi sila Sir Drake at Mam
Jeann ang una kong naging amo. Bago ako nakapasok sa kanila, una akong
nagtrabaho sa isang pamilya pero tumakas din ako dahil muntik na akong
magahasa. Nagbigay sa akin ng matinding trauma pero kailangan kong magpatuloy
sa buhay. Hanggang sa nag apply ako sa isang agency na nagdedeploy ng mga
kasambahay sa mga mayayaman na pamilya at swerte ako dahil kay Sir Drake ako
napunta. Wala akong masabi sa ugali nito. Mabait sila sa aming mga kasambahay
at hindi masyadong nakakapagod ang trabaho. Noong dumating si Mam Jeann,
inofferan ako nitong maging Yaya ng kanilang anak. Tinanggap ko kaagad dahil
sisiw lang naman sa akin ang mag alaga ng bata. Sa dami ng kapatid ko na
naalagaan ko na, parang wala na lang sa akin ang ganitong trabaho. Tinaasan din
nito ang sweldo ko na siyang kaagad ko namang pinapadala sa mga magulang ko tuwing
sahod kaya nasisiguro ko na nakakakain na ng tatlong beses sa isang araw sila
Nanay at Tatay pati na din ang sampu ko pang kapatid na nasa poder nila.
"Hello! Naririnig mo ba ako? Sabi ko iabot mo sa akin ang pagkain!"
natigil lang ako sa aking pagbabalik tanaw ng marinig ko na naman ang boses ng
kapatid ni Mam Jeann na si Sir Kenneth. Naaksidente ito dahil hindi sinipot ng
girl friend niya sa kasal nila kaya mainitin ang ulo. Pati si Mam Jeann,
apektado na sa ugali nito eh. Talo pa ang tigre kong magalit. Simula noong
naaksidente ito, ngayun lang ulit ako nakalapit sa kanya at masasabi ko na ang
laki na ng ipinagbago ng ugali nito. Oo, hindi ako malapit sa kanya noon pero
hindi ko naman ito narinig kahit na isang beses na sumigaw or magalit. Ngayun
lang talaga! Kung noon, gwapong gwapo ako dito, iba na ngayun. Sobrang haba na
kasi ng buhok niya at parang hindi man lang nadaanan ng suklay dagdagan pa ng
balbas niya na tumatakip na sa kanyang bibig. Para na talaga siyang ermitanyo!
Sa totoo lang, natatakot din ako sa kanya. Kapatid siya ng amo ko at dapat ko
siyang igalang pero dahil sakit na ito ng ulo at alam kong palalayasin niya din
ako sa kwarto niya na hindi siya kumakain, tinatagan ko na lang ang kalooban
ko. Nagkukunwari lang naman akong matapang sa harap niya para hindi niya ako
mapalayas katulad ng ginagawa niya sa mga naunang nag aalaga sa kanya.
"Heto na po Sir! Saglit lang." sagot ko naman sa kanya. Pigil ko ang
sarili kong mapangiti. Mukhang ako ang nagwagi ngayung araw. Napilit ko siya
kumain na hindi nagawa nila Mam Jeann at Madam Arabella. Parang gusto ko tuloy
purihin ang sarili ko habang kinukuha ang isang bowl ng oatmeal at iniabot sa
kanya. "Subuan mo ako!" pautos na wika nito sa akin. Matalim ang mga
matang nakatitig sa akin kaya pilit ko itong nginitian. Kailangan ko pa rin
dumistansya sa kanya at baka kung ano ang gawin niya sa akin. Kanina pa naman
ito naiinis sa akin. Baka mamaya bigla niya na lang akong saktan. Hindi ko pa
naman nababasa kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. "Ha? Teka, ang alam
ko po paa lang naman ang naapektuhan sa inyo? Bakit kailangan pa ng
subo-subo?" sagot ko sa kanya. Halos magdikit na ang kilay nito
palatandaan na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. "Susunod ka ba or
kakausapin ko ang kapatid ko na sisantihin ka na lang. Ang dami mong rason
imbes na sumunod ka sa utos ko! Tsimay ka lang naman ah bakit ba ang arte
mo?" maanghang nitong wika sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi.
Na real talk pa ako ng masungit na ito. Masakit iyun ha, pero wala akong time
na magdamdam. "Hmmmp! Fine...pero dapat bigyan mo ako ng extra bayad ha?
Hindi kita amo kaya walang dahilan na pagsilbihan kita!" sagot ko naman
pero sa totoo lang, sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Gusto ko talagang
ipakita sa kanya na palaban ako para huwag niya na akong pilitin na lumabas ng
kwarto hangat hindi pa siya nakakakain. Ang ginagawa kong ito ay tulong ko na
lang sa mabait kong amo na si Mam Jeann! Pinaiyak na naman kasi ng Kenneth na
ito eh...
Chapter 469 KENNETH POV
Pigil ko ang sarili kong
mapangiti dahil sa sinabi niya. Bigyan ko daw siya ng extra bayad? Ewan ko ba
kung bakit bigla na lang lumabas sa bibig ko ang salitang subo. Dapat nga
ipakita ko sa kanya na galit ako at naiinis ako sa presensya niya pero habang
tumatagal siya dito sa loob ng kwarto ko, lahat ng pagdaramdam at galit sa puso
ko unti- unting nalulusaw. Dahil ba sa angkin nitong ganda or sa pagiging
palaban nito kung sumagot sagot sa akin or dahil sa innocent look nito pero may
itinatago din palang kapilyahan? Kung una ko lang siguro itong nakilala kay
Vina baka sa kanya ako nagkagusto eh. Baka siya na lang ang niligawan ko. Hindi
ko na naman maiwasan na makaramdam ng matinding lungkot ng muli kong maalala si
Vina. Lahat ng pangarap ko sa babaeng iyun biglang naglaho. Manloloko pala at
dahil sa kanya kaya ako nakakulong ngayun sa wheelchair. "Ahhhhh...."
automatiko akong napanganga habang iniumang na ni Ella ang isang kutsarang
oatmeal sa bibig ko. Susunod din naman pala sa utos ko na subuan ako dami pang
sinasabi. Sabagay, may bayad nga pala ito kaya dapat kong sulitin. Gaano kaya
kalaking pera ang kailangan ng babaeng ito at bakit pati ako gusto niyang
hingan ng bayad. Gayunpaman, wala naman akong nakitang mali doon. Cute nga eh
at mahirap ang buhay. Kailangan talagang kumita. "Bakit ang tabang?"
reklamo ko pagkatapos kong lunukin ang isinubo nitong oatmeal. Napansin ko na
kaagad na nalukot ang mukha nito. Bumulong- bulong pa bago niya ako peke na
nginitian. Para naman akong nahihipnotismo lalo na ng lumitaw ang biloy niya sa
magkabilaan niyang pisngi. "Aba ewan! Nakaready na ito kanina noong kinuha
ko sa dining table eh. Hindi ko naman alam kung ano ang lasa nito eh hindi
naman ako kumakain nito. Para kasing cerelac. Iyung pagkain ng baby?"
sagot nito. Hindi ko alam kung matatawa or maiinis ba ako sa sinabi niya.
Pagkain ng baby? Simula noong naaksidente ako iyan na iyung kinakain ko
eh. Iyung nga lang, hindi nila makuha-kuha ang lasa ng gusto ko kaya naiinis
ako. "Nganga!" hindi pa nga ako nakakabawi ng akmang muli niya na
naman akong subuan. Tinabig ko ang kutsara na may lamang oatmel kaya nabitawan
niya iyun at lumanding sa kandungan ko. Kinuha kong pagkakataon para muling
magalit-galitan. Kahit gaano pa kaganda at ka-sweet ang babaeng nasa harapan ko
ayaw ko ng magkaroon pa ng connection kahit papaano. Ayaw ko ng magtiwala pa
kahit kanino. "What have you done? Tingnan mo nga ang ginagawa mo dahil sa
katangahan mo? Gusto mo ba akong paliguan ng lintik ng oatmeal na iyan?
Idiot!" galit kong bulyaw sa kanya. Taranta naman itong kumuha ng tissue
at gamit ang nanginginig na kamay ipinunas niya iyun sa kandungan ko. Naka
cotton pajama lang ako kaya ramdam ng alaga ko ang pagdampi ng kamay niya sa
bahaging ivun. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya.
"Na-naku! Naku! Sorry po! Kasalan niyo naman po kasi eh. Bakit niyo kasi
tinabig ang kamay ko?" natataranta nitong bigkas. Nakayuko ito ngayun
habang patuloy nitong pinupunasan ang kandungan ko na natapunan ng oatmeal.
Lalong nadagdagan ang kakaiba kong naramdaman ng aksisente kong nasilip ang
dalawa niyang bundok. Nakayuko siya ngayun habang taranta akong pinupunasan na
siyang dahilan ng pagbuka ng neckline ng suot niyang t-shirt kaya nasilip ko
tuloy ang hindi dapat masilip. hindi ko maiwasang bigkas. Unti-unti ko kasing
naramdaman ang pagtayo ng alaga ko. Napapalunok pa ako ng sarili kong laway.
"Grabe naman po kayo Sir! Bastos niyo po! Kasalanan niyo naman kaya kayo
natapunan ng oatmeal eh. Kakain na nga lang dami nivo pang seremonya. Alam niyo
po ba na ang swerte niyo pa rin? Inaayawan niyo ang pagkain tapos hindi niyo
man lang naisip na halos wala ng makain ang ibang tao diyan." parang
naninirmon ang boses na bigkas nito. Umayos na din ito ng tayo kaya kaagad
akong nakahinga ng maluwag. Hindi ko naman alam ang ibig niyang sabihin. Iyung
salitang bastos lang kasi ang tumatak sa isipan ko eh. Hindi ko tuloy maiwasang
mag isip ng baka naramdaman niya ang pagtigas ng alaga ko kaya sinabihan niya
akong bastos. "Out!" naiinis kong bigkas sa kanya. Wala lang, gusto
ko lang na umalis siya dahil feeling ko, umiinit na ang buong paligid.
Nakakaramdam ako ng matinding pagnanasa na ngayun ko lang muling naramdaman
pagkatapos kong maaksidente. "Agad-agad? Hindi ka pa nga tapos kumain
eh." sagot naman nito. Napansin ko pa ang pagsipat nito ng tingin sa akin
kaya muli akong napalunok ng sarili kong laway. "Sir..bakit po kayo
namumula? May masakit po ba sa inyo?" tanong nito. Bakas talaga sa mukha
nito ang pagiging inosente. Kaagad kong inilipag sa kandungan ko ang hawak kong
libro para itago sa mga mata niya ang matigas ko nang anaconda. Shit...ang
gusto ko lang naman lumabas muna siya habang pinapalambot ko pa ang pasaway
kong alaga. "Wala! Wala na akong ganang kumain kaya lumabas ka na!"
sagot ko. Hindi na ako nakapalag pa ng mabilis itong lumapit sa akin at sinalat
ang noo ko. Gusto yatang icheck ang temperatura ng katawan ko para siguro
masiguro kung may sinat ba ako or ano. Dali-dali ko namang hinawakan ang
kanyang kamay at inialis sa aking noo. "Anong ginagawa mo? Hindi porket
pinayagan kitang subuan ako, pwede mo ng gawin lahat ng gusto ko. Hindi ko
pinapahintulutan ang kahit na sino na hawak-hawakan ako!" galit kong
singhal sa kanya. Natigilan naman ito at mabilis na hinila ang kamay na
hawak-hawak ko pa rin. Lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya kaya
naman kaagad kong napansin sa mukha nito ang pagpa-panic. "Naku, sorry po
Sir! Hindi na mauulit! Bigla po kasi kayong namula kaya hindi ko napigilan ang
sarili ko na salatin ang noo mo! Sorry po talaga!" taranta nitong bigkas.
"Alam mo ba na hindi ako tumanggap ng salitang 'sorry'?" seryoso kong
tanong sa kanya. Kaagad naman itong namutla at nanlalaki ang mga matang tumitig
sa akin. Patuloy din nitong hinahablot ang kamay niya na hawak ko pa rin pero
kahit naman nakaupo ako dito sa wheelchair, mas malakas pa rin ako sa kanya.
"Po? Gu-gusto niyo po akong parusahan?" inosente nitong tanong. Pigil
ko na naman ang sarili ko na matawa. Bakit ba nakakalibang siya? Bakit ibang iba
siya sa lahat? May something talaga sa kanya na hindi ko alam dahil ang bilis
niyang mapawi ang init ng ulo ko....
Chapter 470 ELLA POV
Ano ba naman itong
katangahan na ginawa ko? Bakit ko ba sinalat ang noo niya? Ayan tuloy, gusto
niya daw akong parusahan. Hayssst! Bakit ba ang hirap ispelingin ng ugali ng
lalaking ito. Kakain lang eh, dami pang seremonya. Tsaka mali na ba ngayun ang
mag alala? Bigla na lang siyang namula kaya sinalat ko ang noo niya sa pag
aakalang baka nilalagnat eh. Para may maireport ako mamaya sa Mommy niya at kay
Mam Jeann. Kanina pa ako dito sa kwarto niya at wala kaming ginawa kundi ang
magbangayan lang. Hayssst! Hirap pala mag alaga ng taong matigas ang ulo. Mas
okay pa talaga na mag alaga ng bata eh. Kaya siguro ito inaayawan ng mga nag
aalaga sa kanya dahil sa masama niyang ugali. "Ano? Tatanga ka na lang ba
diyan? Sabi ko, akin na iyang pagkain!" napukaw lang ako sa pagkatulala ko
ng muli kong narinig ang boses niya. Sa wakas, binitiwan niya na din ang kamay
ko. Hayssst! Bakit kaya may pahawak- hawak pa siya ng kamay. Nakakakaba tuloy.
Tsaka ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ang init ng kamay niya kanina? Parang
may kuryente eh. Ah...ewan! Kung anu-ano ang naiisip ko. Sa susunod, hindi na
talaga ako magpapaka-hero. Hindi na ako magpapaiwan dito sa room ni Sir Keneth
kapag isasama ulit ako ni Mam Jeann. Hirap palang pakiusapan ang lalaking ito.
Kaagad kong kinuha ang bowl na may lamang oatmeal na kanina niya pa sana naubos
kong wala siyang maraming arte sa katawan. Kakain lang eh, pinapahirapan pa
ako. Talaga naman! Tahimik ko lang siyang pinapanood habang kumakain. Magana
naman siya kumain pero hindi ko lubos maisip kong sapat na ba sa kanya ang
oatmeal lang? Meydo pumayat itong si Sir Kenneth simula noong huli ko siyang
nakita pero alam ko pa rin sa sarili ko na hindi sapat sa kanya ang oatmeal.
Napatingin ako sa tray at ng mapansin ko na may tinapay kinuha ko iyun at
iniabot sa kanya. Wala naman akong reklamo na narinig mula sa kanyang bibig.
Patuloy lang ito sa pagkain. Hinayaan ko na lang hanggang sa naubos niya lahat
ng pagkain na dala ko. Mabait naman pala eh. "Very good Sir Kenneth!
Naubos niyo ang pagkain niyo!" Nakangiti kong wika. Wala lang. Masaya ako
eh. Tiyak na matutuwa nito sila Mam Jeann. Sa wakas, kumain din ang masungit
niyang kapatid. Sunod kong iniabot sa kanya ang jiuce. Ininom niya ulit iyum.
Ubos at last ang tubig. Sold out ang dala ko kaya ngiting ngiti ako.
"Thank you Sir Kenneth. Ganiyan dapat eh! Kung kanina ka pa kumain, kanina
pa tayo tapos." ngiting ngiti kong wika sa kanya habang inaayos ko ang mga
pinagkainan nito sa tray. Tapos na at lalabas na ako. Baka hinahanap na ako ng
alaga ko eh. "And saan ka pupunta? Sinabi ko ba na pwede ka ng
lumabas?" biglang wika nito. Natigilan ako at muling humarap sa kanya.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng takot ng mapansin ko na seryoso itong
nakatitig sa akin gayun. Ano pa kaya ang kailanga niya? Wala na akong gagawin
dito sa kwarto kaya pwede na siguro akong lumabas. "Bakit po Sir? May
iuutos pa po ba kayo?" pilit ang ngiting tanong ko. "Huwag mong
sabihin nakalimutan mo na ang sinabi ko sa iyo kanina na paparusahan kita sa
paghawak sa akin? "sagot nito sa akin. Parang gusto ko tuloy pagpawisan ng
malapot dahil sa sinabi niya. Nagpaliwanag na ako kung bakit ko siya hinawakan
tapos uungkatin niya ulit? Bakit hindi ba talaga siya pwedeng hawakan? Ang
selan niya naman! "Ano po bang parusa iyun? Bilisan mo na dahil
nagmamadali ako." sagot ko naman. Sinenyasan ako nito na lumapit daw sa
kanya kaya wala akong choice kundi sundin ito para matapos na. Hindi niya naman
siguro ako sasaktan diba? "May boyfriend ka na ba?" tanong nito na
nagpanganga sa akin dahil sa pagkagulat. Anong klaseng tanong iyun? Bakit pati
personal na buhay ko nasali na? Ang weird niya. "Ha? Po? Naku, wala
po!" sagot ko naman habang umiiling. Sinipat ako nito ng tingin mula ulo
hanggang paa kaya wala sa sariling napayakap ako sa sarili ko. Hindi naman
mukhang manyakis si Sir Kenneth pero bakit ganito siya makatingin?
"Sigurado ka? Sa lahat ng ayaw ko iyung sinungaling!" diskumpyado
nitong sagot. Hindi ko tuloy alam kung iiling or tatango ba ako eh. Ano ba!
Bakit nauwi sa ganitong katanungan ang lahat? "Wala nga po! Virgin pa po
ako Sir pero muntik na akong na-rape ng dati kong amo. Pero promise, virgin pa
po talaga ako!" wala sa sarili kong sagot pero kaagad ko din natakpan ang
bibig ko ng dalawa kong kamay nang marealized ko kung ano iyung mga pinagsasabi
ko. Ang tanga-tanga ko! Bakit kailangan ko pang sabihin ang katagang iyun? Paki
niya ha kung virgin na ako. Pero wala na eh, nasabi ko na at hindi nakaligtas
sa paningin ko ang pigil na pagtawa nito. Hayyys, pwede bang humiling na sana
bumuka na lang ang lupa para kainin ako? Kasalanan ng bunganga ko. Walang preno
kung magsalita eh.... "Muntik kang ma-rape? Sino iyun?" seryoso
nitong tanong. Heto na naman! Lahat ba ng sasabihin ko may kasunod na tanong.
"Na-naku! Sorry! Wa-wala po Sir! Pasensya na po kung madaldal ako."
nahihiya kong wika at akmang tatalilis na ng alis ng muli itong nagsalita.
"Tulungan mo akong makapaligo. Simula ngayung araw, gusto kong ikaw na ang
mag alaga sa akin." wika nito na nagpagulat sa buo kong sistema. Ano ito,
nasa isang demo ako at nagustuhan niya kaya hire ako? Pero hindi naman ako nag
aapply ng trabaho ah? Kontento na ako sa sahod na ibinibigay ni Mam Jeann sa
akin. "Naku Sir! hindi pwede! Patulong na lang po kayo sa ibang mga
kasambahay dito. Baka po kasi hinahanap na ako ng alaga ko eh." taranta
kong sagot sa kanya at nagmamadali na akong lumabas ng kwarto. Sobrang lakas ng
kabog ng dibdib ko at hindi ko na din napigilan pa ang panginginig ng tuhod
ko.
Chapter 471 ELLA POV
Halos wala ako sa sarili ko
habang inihahakbang ko ang aking dalawang paa pababa ng hagdan. Hindi ko
akalain na oofferan ako ni Sir Kenneth na ako na lang daw ang mag aalaga sa
kanya. Tapos papaliguan ko daw siya? Kaya ko bang makakita ng hubad na katawan?
Yikes! Hindi ko kaya! Bata lang ang kaya kong alagaan noh! Tsaka, hindi pwede
dahil sa ilang oras ko siyang nakakausap wala kaming ibang ginawa kundi ang
magbangayan. Isa pa, kontento na ako sa sweldo na ibinibigay sa akin ni Mam
Jeann kaya no-no talaga sa akin ang offer ng masungit na si Sir Kenneth. Marami
namang mga tao diyan na willing siyang alagaan eh. Hindi nga lang nagtatagal
dahil sa ugali niya. "Kumain siya?" natigil ako sa aking paghakbang
ng marinig ko ang masayang boses ni Madam Arabella. Hindi ko na nga namalayan
pa na nakababa na pala ako ng hagdan at nasa harapan ko na pala siya. "Opo
Madam. Kaya lang, ang dami pang sinasabi bago niya kainin!" sagot ko.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paguhit ng masayang ngiti sa labi nito
habang nakatitig sa akin. Hindi ko na naman tuloy maiwasan na makaramdam ng
kaba. "Alam mo bang sa dinami-dami ng mga na-hire kong mag aalaga sa
kanya, ikaw pa lang ang nakapilit sa kanya na kumain? Ikaw lang din ang
nagtagal sa kwarto niya." nakangiti nitong wika sa akin. Hindi ko naman
maiwasan na makaramdam ng hiya sa kanya. Baka kasi kung anong negative ang
isipin niya sa akin eh. Hindi niya naman ako inutusan pero ako itong bida-bida
na basta na lang gumawa ng desisyon na magpaiwan kanina sa kwarto ng anak niya.
Dapat pala talaga sumunod na ako kay Mam Jeann noong lumabas siya kanina eh.
Hinayaan ko na sana si Sir Kenneth kung kakain ba siya or hindi.
"Baka---baka nakulitan lang po siya sa akin kaya napilit ko siyang kumain
Madam." nahihiya kong sagot. "Whatever the reason, masaya ako dahil
napilit mo siyang kumain ngayung araw. Kagabi pa hindi kumakain nag batang iyan
kaya masyado na kaming nag aalala sa kanya. Wala akong ibang hiling ngayun sa
Diyos kundi na sana bumalik na sa dati ang pag uugali niya." malungkot na
sagot nito sa akin. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng awa dito. Kung sa
kabaitan, mabait din naman itong si Madam Arabella. Hindi matapobre ang
kanilang pamilya at maayos silang makisama sa katulad kong kasambahay. Kaya
hangat kailangan ni Mam Jeann ang serbisyo ko, hindi talaga ako aalis sa
kanila. "Mabait naman po si Sir Kenneth Madam. Siguro, sariwa pa sa isipan
niya ang mga nangyari kaya parang galit siya sa mundo." sagot ko naman.
Ewan ko ba, kung tutuusin hindi naman nila kailangan ang payo ko pero bakit
ginawa ko na naman ngayun? Siniswelduhan lang nila ako kaya dapat na lumugar
ako kung saan nararapat. Pero since, kinakausap ako ngayun ni Madam Arabella,
no choice ako kundi sabihin sa kanya kung ano ang laman ng isipan ko.
"Sana nga Ella. Siya nga pala, nasa kwarto ang alaga mo at si Jeann.
Ilagay mo lang sa kusina iyang mga pinagkainan ni Kenneth at magpahinga ka
muna." nakangiti nitong wika sa akin. Masaya naman akong tumango. Ito ang
gusto ko eh. Hindi pagod sa trabaho. Pwede na akong magpahinga kapag ganitong
wala namang lakad si Mam Jeann dahil kadalasan nasa tabi niya si Baby Russell.
Siya mismo ang nag aalaga sa anak niya at back up lang talaga ako. Pero ganoon
pa man, hindi na nila ako pinapayagan na gumawa ng mga gawaing bahay. May iba
nang gagawa dahil nagdagdag naman sila ng mga kasambahay. "Salamat po
Madam!" sagot ko kay Madam Arabella at tanging ngiti lang naman ang sagot
nito tsaka ako tinalikuran. Palabas ito ng bahay kaya naman dumiretso na din
ako ng kusina para hugasan itong mga pinagkainan ni Sir Kenneth. Nakakahiya
naman kung itambak ko lang ito gayung wala naman na akong gagawin. "Ella!
Nandito ka lang pala! Bakit ikaw ang naghuhugas niyan!" Kakatapos ko
hugasan ang mga pinagkainan ni Sir Kenneth ng marinig ko na may nagsalita sa
aking likuran. Kaagad akong napalingon at tumampad sa mga mata ko ang isa sa
mga kasambahay. Hingal na hingal ito kaya takang taka akong napatitig sa kanya.
"Kaunti lang naman po ito kaya hinugasan ko na! Bakit po? Hinahanap po ba
ako ni Mam Jeann?" nakangiti kong tanong. Nagulat pa ako dahil kaagad ako
nitong hinawakan sa kamay at halos kaladkarin ako palabas ng kusina. Nagtataka
man, nagpatianod na lang ako. "Ano ka ba! Pinapatawag ka ni Madam
Arabella. Pumunta ka daw sa kwarto ni Sir Kenneth dahil may iuutos sa
iyo." sagot nito. Kaagad naman akong napahinto sa paglalakad at seryoso ko
itong tintigan. "Sa kwarto ni Sir Kenneth? Kakatapos ko lang makausap si
Madam Arabella kanina pero wala naman siyang nababangit ah?" nagtataka
kong tanong sa kanya. Umiling ito at akmang hihilahin na naman ako pero kusa na
akong bumitaw sa kanya. Bakit ba tarantang taranta siya? Epekto ba ito sa
pagiging masungit ni Sir Kenneth sa kanila? "Ah basta! Sumama ka na kasi!
Baka magwala na naman si Sir Kenneth eh! Sige na Ella!" Wika nito. Ewan ko
ba, mas hamak na mas matanda naman sana itong si Ate Armely pero siya itong
tarantang taranta. Haysss, ano na naman kaya ito? Nawala lang ako saglit tapos
heto na naman! "Sige na nga! Pero relax ka lang. Baka madapa tayo
eh." sagot ko sa kanya. Kaagad na gumuhit ang ngiti sa labi nito sabay
turo sa akin sa hagdan. Kunot noo ko naman itong tinitigan. "Hindi na kita
sasamahan! Nagka- trauma na ako kay Sir Kenneth eh." wika nito. Pigil ko
ang sarili kong matawa. Wala akong choice kundi ang muling umakyat ng hagdan
para bumalik sa kwarto ng masungit na si Sir Kenneth. "Ella!" papunta
pa lang ako sa kwarto ni Sir Kenneth ng marinig kong tinatawag ako ni Mam
Jeann. Dali-dali akong lumapit sa kanya. "Pasensya ka na ha? Ewan ko ba
pero nirequest ng kapatid ko na paliguan mo daw siya. Parusa niya daw sa iyo.
Ano ba ang ginawa mo kanina?" nagtatakang tanong nito sa akin. Nagulat
naman ako. "Po? Parusa? Papaliguan ko siya? Pero humindi na po ako
eh." naguguluhan kong sagot. Hindi ko kasi talaga kaya na magpaligo ng
lalaki. At hindi basta-bastang lalaki. Gwapong balbas sarado na
lalaki!
Chapter 472 ELLA POV
Hindi nakaligtas sa mga mata
ko ang nang-aarok na tingin sa akin ni Mam Jeann. Nahihiya naman akong
napayuko. "Ano ba kasi ang nangyari? Bakit bigla kang ipinatawag ng
kapatid ko? Ano ang nangyari kanina noong iniwan kita sa kwarto niya?"
tanong nito. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng tensiyon. Baka ito pa ang
dahilan ng pagkakasisante ko eh. Bakit ba kasi kailangan pang gawan ni Sir
Kenneth ng issue ang nangyari kanina? Bakit kailangan niya pa akong ipatawag
para daw paliguan siya? May ganito bang kaparusahan? "Ba-baka nakulitan po
siya sa akin kanina Mam. Hindi ko po kasi siya tinantanan kanina hangat hindi
niya kinain ang dala nating pagkain." mahina kong sagot habang nakayuko.
Hindi ko talaga kayang titigan si Mam Jeann. Natatakot ako na baka magalit siya
sa akin. Sobrang hirap pala maging pakialamera. May tendency pala na
mapapahamak ako. "Talaga? Napilit mo siyang kumain kanina?" bakas sa
boses ni Mam Jeann ang tuwa habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi ko naman
maiwasan na mapatitig sa kanya. Para kasing hindi galit eh. Ibig sabihin, safe
ako. Safe ang trabaho ko sa kanya at tuloy-tuloy ang sahod ko at safe din ang
padala ko monthly sa mga magulang ko. "Hindi po kayo galit Mam? Hindi niyo
po ako papagalitan dahil kinulit ko ang kapatid niyo?" nagtataka kong
tanong habang titig na titig sa mukha nito. May ngiting nakaguhit sa labi nito
habang nakatingin din sa akin. "Of course not! Bakit naman ako magagalit
sa iyo? Alam mo bang sa dinami-dami ng mga na-hire namin na mag-aalaga sa kanya
ikaw pa lang ang pinakingan niya!" nakangiti nitong wika. Natameme naman
ako. "The search is over. Mukhang malapit nang matapos ang problema namin
kay Kenneth ah?" muling bigkas nito na labis kong ipinagtaka. Hinawakan pa
ako nito sa kamay at hinila niya pa ako patungo sa kwarto ni Sir Kenneth.
Nagtataka man, wala naman akong lakas ng loob para magtanong. Naabutan pa namin
si Madam Arabella sa kwarto ni Kenneth. Mukhang pinapangaralan nito ang anak
pero kaagad ding ngumiti ng mapansin niya ang pagdating naming dalawa ni Mam
Jeann. Samantalang si Sir Kenneth naman, kung ano ang expression ng mukha nito
kanina, ganoon pa rin ngayun. Blanko at kay hirap basahin ng iniisip.
"Mabuti naman at dumating ka na Ella. Pasensya ka na kung hindi muna
matutuloy ang pagpapahinga mo ngayun. Gusto kasing magpatulong ni Kenneth sa
iyo para makaligo siya." nakangiti nitong wika sa akin. Hindi naman ako
nakaimik habang nakatitig kay Sir Kenneth na noon ay biglang nagbago ang
expression ng mukha. Nakatitig din ito sa akin habang nakangisi. Wala sa
sariling kaagad ko itong inirapan na hindi naman nakaligtas sa paningin nila
Madam Arabella at Mam Jeann na makahulugan pang nagkatinginan. "Sorry po
Madam, pero wala po akong experience sa pag aalaga ng matanda na." Hindi
ko maiwasang bigkas kay Madam Arabella. Nahihiya man pero kailangan kong
magsabi ng totoo. Wala talaga akong alam. Marunong akong mag alaga ng bata,
pero hindi ko yata kayang mag alaga ng binata na bugnutin. "What did you
say? Matanda? Sinong matanda?" hindi pa man nakasagot si Madam Arabella,
boses na ni Sir Kenneth ang umalingawngaw sa buong paligid. May mali na naman
yata akong nasabi dahil nag aalburuto na naman! "Kayo po! Sino pa ba? Mas
matanda po kayo kay Baby Russell at hindi ko po talaga alam kong paanong alaga
ba ang gagawin ko sa iyo. Hindi ko po kayo kayang buhatin. Malaki na po kayo at
kaya niyo na ang sarili niyo!" sagot ko sa kanya. Huli na ng ma-realized
ko na nasa harapan pala namin ang Mommy nito at ang kanyan kapatid. Bakit ba
pagdating kay Sir Kenneth, hindi ko talaga ma-kontrol ang pagiging palasagot
ko! Baka kung ano ang isipin nila Madam Arabella at Mam Jeann sa akin eh. Baka
sabihin nila bastos ako. "For your information kutong lupa, matanda lang
ako ng ilang taon sa iyo at hindi pa ako uugod-ugod para tawagin mo akong
matanda! Ano ba! Malabo ba ang mga mata mo?" galit naman na sagot sa akin
ni Sir Kenneth. Nasagi ko na naman yata ang ego niya kaya umuusok na naman ang
ilong sa sobrang pagkainis sa akin. "Exactly! Mas matanda ka sa akin kaya
matanda na ang tingin ko sa iyo!" sagot ko naman at hindi ko na naman
napigilan pa ang sarili ko na irapan ito. Kaunting english lang din ang baon ko
na napanood ko lang din sa isang teledrama at nagamit ko ngayun kay Sir
Kenneth. Dapat siguro dalas- dalasan ko ang panonood noon para matuto ako ng
kahit kaunti. "Ang matanda, uugod-ugod na! Hindi ako matanda! Idiot!"
halos sumigaw na ito habang sinasabi ang katagang iyun. Sa totoo lang, ano ba
ang ibig sabihin ng idiot? Parang pangalawang beses ko ng narinig sa kanya eh.
Hayssst! Baka mamaya minumura na ako nang hindi ko pa alam. "Hep! Hep!
Tama na iyan! Sigurado ka ba Kenneth na gusto mong si Ella ang mag alaga sa
iyo?" si Madam Arabella na ang umawat sa aming dalawa. Nagtataka na
nagpapalipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Sir Kenneth. Oo nga
naman! Sure ba talaga ang ermitanyong Kenneth na ito na ako ang mag alaga sa
kanya? Baka naman wala na kaming ibang gagawin kundi ang magbangayan! Mukhang
hindi talaga kami magkasundo kaya hindi talaga pwede! "Yes Mom! Siya lang
ang pwede at wala ng iba! Gusto kong ako mismo ang didisiplina sa kutong lupa
na iyan! Ilang oras ko pa lang siyang nakakausap pero ang dami niya nang
nagawang kasalanan sa akin!" sagot ni Kenneth sa kanyang Ina. Hindi ko
naman maiwasan na mapangiwi. Kutong lupa talaga? Nakakasakit ng kalooban iyun
ha? Tsaka anong sabi niya? Didisiplinahin niya daw ako? Paano niya kaya gagawin
iyun eh lumpo na nga siya diba? Hindi niya na kayang tumayo although gagaling
pa naman daw sana ito kung magpapagamot lang....
Chapter 473 KENNETH POV
Parang gusto kong matawa
habang pinagmamasdan ang naging reaction ni Ella. Ewan ko ba, ilang oras ko pa
lang siyang nakakasama at nakakausap pero aaminin ko sa sarili ko na natutuwa
ako sa kanya. Lahat ng mga alalahanin ko biglang nawala lalo na kapag nakikita
ko sa mukha nito na naiinis siya sa akin. Parang may something sa kanya na
hindi ko maintindihan. Gumagaan kasi talaga ang kalooban ko tuwing
pinagmamasdan ito. "Naku Madam, hindi po talaga ako marunong mag alaga ng
kagaya ni Sir Kenneth." sagot na naman nito. Hindi naman ako nababahala
dahil wala naman itong pagpipilian eh. Ilang buwan nang sumasakit ang ulo nila
Mommy at Daddy pati na si Jeann sa kakahanap ng taong pwedeng umalalay sa akin.
At ngayung nagpakita ako ng interes kay Ella, alam kong hindi nila sasayangin
ang pagkakataong ito. "Pasensya ka na Iha ha? Wala na kasi talaga kaming
ibang makuha na pwedeng mag alaga sa kanya eh. Sige na, pumayag ka na. Hindi
naman mahirap alagaan si Kenneth. Aalalayan mo lang naman siya sa lahat ng kilos
niya at wala ka nmang ibang gagawin kundi ang bantayan siya."
pangungumbinsi ni Mommy dito. Napansin ko pa ang pagsulyap ni Ella sa akin pero
hindi ko na naman napigilan pa ang sarili ko. Kinindatan ko siya kaya kaagad na
nanlaki ang mga mata niya sabay iwas ng tingin sa akin. Pigil ko na naman ang
sarili kong matawa lalo na nang mapansin ko na pinamulahan ito ng mukha. Lalo
tuloy siyang naging cute sa paningin ko. "Dont worry Ella, kapag may
ginawang kabulastugan iyang si Kenneth sa iyo, ako na mimso ang babawi sa iyo.
Sa ngayun, sana pagbigyan muna natin ang hiling ni Mommy. Kahit na hindi ka na
nagtatrabaho sa akin, tuloy-tuloy ka pa ring makakatangap ng sahod mula sa
akin. Isipin mo na lang na part time itong ginagawa mo at i-enjoy mo lang.
"sabat naman ng kapatid kong si Jeann. Tama, i-enjoy niya lang dahil alam
kong mag-ienjoy din ako sa presensya niya sa buhay ko. "Sige po! Susubukan
ko!" narinig kong sagot ni Ella sabay yuko. Hindi na naiwasan pa ang
paguhit ng masayang ngiti sa labi ko. Simpleng sagot mula sa cute na cute na si
Ella, parang kaagad na napawi ang galit na nararamdaman ng puso ko sa hindi
pagsipot ni Vina sa kasal namin. Ewan ko ba, nararamdaman ko ngayun sa sarili
ko na malaki ang ipinagbago ko. "Thank you Iha! Sinasabi ko na nga ba at
mabait kang bata eh.!" narinig kong sagot ni Mommy dito habang nakatitig
sa akin. Huling huli niya marahil ang pangiti ko. Pilit kong ibinabalik sa
pagiging seryoso ang awra ko pero hindi ko pala kaya. Parang bigla na din
kasing naglaho ang galit sa puso ko eh. Parang gusto ko na tuloy makipag-
cooperate sa kanila na magpagamot para gumaling na ako at muling makalakad.
"So ayos na pala eh. Ipapahiram ko muna si Ella sa iyo Bro ha and oras na
mabalitaan ko pinapahirapan mo siya, hindi talaga ako magdadalawang isip na
bawiin siya sa iyo." si Jeann naman ang sumagot. Hindi ko na ito sinagot
pa bagkos, sininyasan ko na ito na pwde na silang lumabas. Gusto ko nang masulo
si Ella eh. Gusto ko din subukan kung hanggang saan ang pasesnya nito. Nasunod
naman ang gusto kong mangyari at lumabas na din sila Mommy at Jeann ng kwarto.
Nagpaiwan naman si Ella na hindi malaman kung ano ang gagawin niya. Kung saan
siya nakatayo kanina noong nandito pa sila Mommy nandoon pa din siya. Pigil ko
na naman tuloy ang sarili ko na matawa "Tatayo ka na lang ba dyan? Hindi
ka sinasahuran dito para maging tood at walang gagawin." pukaw ko sa
kanya. Nakuha ko naman ang attention nito at tumitig sa akin. "Wala naman
po kayong iniutos at hindi ko alam ang gagawin ko. Utusan niyo kasi ako."
sagot nito. Ibang iba na ang tono ng boses nito ngayun. Kung kanina, handa
itong makipagbangayan sa akin, ngayun naman napaka-formal niya na. Titingnan ko
kung hanggang saan ang pasensya nito. "Paki-check ng banyo dahil maliligo
ako." utos ko sa kanya na kaaagad namang tumalima. Pumasok ng banyo at
halos wala pang isang minuto lumabas din kaagad. Puno nang pagtataka sa mukha
nito na naglakad palapit sa akin. "Ano po ang ihahanda ko Sir? Gusto niyo
po bang punuin ko ng tubig ang bathtub?" tanong nito. Kaagad akong
umiling. Init na init na ako at gusto ko ng maligo. Enough na ang shower sa
akin ngayung araw. Kung gusto kong magababad sa tubig, pwede naman sana sa
pool. Siguro gagawin ko iyun sa mga susunod na araw. Parang bigla tuloy akong
nakaramdam ng pagkabagot dito sa loob ng kwarto ko. Imagine, sa loob ng ilang
buwan pagkatapos kong naaksidente wala na akong ginawa kundi ang magmukmok sa
kwartong ito. Napaka-miserable kong tingnan at mula ngayung araw, gusto ko ng
baguhin iyun. Hindi ko na sinagot pa si Ella, bagkos pinagulong ko na ang
wheelchait ko patungong banyo. Kailngan ko na talagang sigurong tulungan ang
sarili ko na gumaling. Kay hirap ng ganitong sitwasyon.
Chapter 474 ELLA POV
Nag-aalangan man sa bago
kong trabaho ngayun wala naman akong choice kundi ang kumilos ng normal sa
harap ni Sir Kenneth. Simula ngayung araw, siya na muna ang amo ko at ako ang
aalalay sa kanya sa lahat ng oras. Mukhang maayos naman ito dahil pagkaalis
nila Mam Jeann at Madam Arabella kaswal na ang pakikitungo namin sa isat isa.
Amo siya at katulong niya ako. "Ella, I need your help!" narinig kong
sigaw ni Sir Kenneth. Nasa loob na ito ng banyo samantalang nandito ako sa may
pintuan. Hindi ko kasi talaga alam kong ano ang gagawain ko. Maliligo daw siya
at ano ba ang pwede kong maitulong? "Sir? Andiyan na po!" sagot ko
naman at mabilis itong nilapitan. Nakaupo pa rin ito sa kanyang wheelchair pero
may isang upuan din akong nakikita sa may shower area. lyun yata an uupuan niya
mamaya habang naliligo siya. "Tulungan mo akong makaupo sa upuan na iyan.
Tulungan mo akong makapaligo at huwag mo nang hintayin na tawagin pa
kita!" sagot nito. Nababakas ko na naman sa boses niya ang pagkayamot.
Kung kanina ay ayos na ito pero biglang nagbago na naman ngayun. Mabilis talaga
uminit ang kanyang ulo kaya dapat lang na mag ingat ako. "Po? baka mabigat
po kayo Sir? Baka hindi ko po kaya!" sagot ko naman! Kahit naman na medyo
pumayat itong si Sir Kenneth, di hamak na malaki pa rin ang pangangatawan niya.
Kahit naman medyo pumayat siya, macho pa rin siyang tingnan at parang kay sarap
tangalan ng balbas para lalong lumitaw ang taglay na kagwapuhan nito.
"Bakit ba nagrereklamo ka kaagad? Hindi mo pa nga sinabukan diba? Isa pa,
hindi mo naman ako totally bubuhatin. Alalayan mo lang ako na maka-transfer sa
lintik na upuan na iyan!" yamot nitong bigkas. Hindi ko maiwasang
mapangiwi. Kailangan ko talaga magbaon ng maraming pasensya sa taong ito. Ayaw
ko na siyang patulan sa pagiging suplado niya para hindi niya din ako
pahirapan. Siya na nga kasi ang amo ko. "Sige po! Kapit kayo ha? Hindi ko
kasalanan kung bumagsak kayo sa sahig!" sagot ko sa kanya at akmang
hahawakan ito sa kanyang kamay para sana igiya ito patayo pero kaagad itong pumiksi.
Hindi ko naman maiwasan na mapasimagot. Nagpapatulong siya diba pero bakit may
ganyang klaseng gesture. Hayssst, hirap niyang intindihin. Feeling ko, last day
ko na ngayun sa trabaho. "Sa baiwang mo ako hawakan!" pautos nitong
wika. Tumututol ang kalooban ko pero ero wala akong choice kundi sundin ang
sinabi niya. Awkward tingnan ang posisyon naming dalawa ngayun dahil feeling ko
halos nakayakap na ako sa kanya pero wala akong choice kundi tiiisin iyun.
narinig kong bigkas nito habang halos nakayakap na din ito sa akin. Hindi naman
siya ganoon kabigat dahil tinutulungan niya naman ang sarili niya na
makatransfer sa upuan pero ramdam ko na may kakaiba sa kanya. Para kasing may
isang matigas ng bagay na sumundot sa tiyan ko eh. Galing kay Sir Kenneth iyun
at hindi ko mawari kung ano.... Successful naman siyang nakatransfer sa isang
parang upuan na nasa tapat ng shower area. Kahit na naiilang tinulungan ko pa
rin itong hubarin ang t-shirt niya noong napansin ko na dahan-dahan niya nang
itinataas iyun. Baka uminit na naman ang kanyang ulo kong hindi ko siya
tutulungan. "Hmmm, Sir..siguro kaya niyo na pong maligo noh? Pwede ko na
siguro kayong iiwan dito..." wika ko sa kanya pagkahubad ko ng tshirt
niya. Lalo kasi akong nakaramdam ng pagkailang ng tumampad sa mga mata ko ang
mabalbon nitong dibdib. Tama ang hinala ko, macho pa rin si Sir Kenneth sa
kabila ng sitwasyon niya ngayun. "At sino ang magpapaligo sa akin kung
aalis ka? Kaya ka nandito dahil paliliguan mo ako tapos iiwan mo ako dito?"
sagot nito. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Talaga palang seryoso
siya sa sinabi niya kanina pa na ako ang magpapaligo sa kanya. Sa inis ko
walang pasabi na pinihit ko ang shower. Kaagad na lumagaslas ang tubig mula sa
shower at direktang bumuhos kay Sir Kenneth. Isang malutong na mura ang narinig
ko sa kanya pagkatapos noon. What are you doing?" galit na singhal nito sa
akin. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng takot dahil kita ko ang
nagpupuyos ito sa galit. "Sabi niyo po, ako ang magpapaligo sa inyo. Bakit
po ba kayo nagagalit? Natural na mababasa kayo kung bubuksan ko na ang
shower!" sagot ko naman at hindi ko maiwasang mapakagat sa aking labi ng
marealized ko ang sinabi ko ngayung lang. Ano ba? Ang tanga-tanga ng sagot ko
dahil lalong naningkit ang mga mata nito dahil sa galit. "Papaliguan mo
ako na suot-suot ko pa rin ang pajama ko?" singhal nito. Kaagad namang
nanlaki ang aking mga mata ng ma-realized ko kung ano ang ibig niyang sabihin.
Huhubaran ko daw siya sa pang ibabang bahagi ng kanyang kasuotan. So, ibig
sabihin, makikita ko ang potutuy niya? Shocks... kaya ko ba? "Po?
Huhubarin ko ang pajama mo?" parang nanghihina kong tanong kay Sir
Kenneth. Napansin ko naman ang kaagad na pagbabago ng expression ng mukha nito
habang nakatitig sa akin. "Natural! May naliligo ba na balot na balot ang
katawan?" sagot nito. Hindi ko tuloy maiwasan na mapalunok ng sarili kong
laway. Pang itaas ng bahagi ng katawan niya palang ang walang saplot,
nakakaloka na nga sa panig ko, how much more pa kaya sa pang ibabang bahagi?
Kaya ko bang makita ang hindi dapat makita sa kanya? "Pe-pero Sir!
Sigurado po kayo? Virgin pa ang mga mata ko at hindi pa ako ready na makakita
ng hu-hubad na katawan ng tao." walang pag aalinlangan kong sagot sa
kanya. Nagulat naman ako dahil kaagad itong ngumisi. "Hindi pa ba? Well,
sanayin mo na ang sarili mo ngayun dahil simula ngayung araw, ito na ang
trabaho mo!" "nakangisi nitong sagot sa akin. Hindi ko mapigilang
mapalunok ng laway at gamit ng nanginginig kong kamay, hinawakan ko ang garter
ng kanyang pajama at dahan-dahan na ibinaba. Nagdadasal ako na sana walang
halimaw na bumulaga sa inosente kong mga mata.
Chapter 475 ELLA POV
Grabe ang konsentrasyon ko
habang dahan-dahan kong ibinababa ang pajama ni Sir Kenneth. May papikiit-
pikit pa ako ng aking mga mata dahil natatakot ako na baka kung ano ang
sumalubong sa aking inosenteng paningin. First ko itong gagawin kaya natatakot
talaga ako. "Hoy! Bakit may papikit-pikit? Ayusin mo ang trabaho mo!"
Kaagad akong napamulat ng aking mga mata ng maramdan ko ang daliri ni Sir
Kenneth na dumudunggol sa noo ko. Hindi ko maiwasang mapasimangot habang
tinititigan ito. "Ano ba? Bakit ka ba nang-aano?" naasar kong tanong
sa kanya. Tinaasan lang ako nito ng kilay kaya tuluyan ko ng hinubad ang
kanyang pajama. Nakahinga ako ng maluwang ng liban sa pajama may suot pa pala
itong boxer shorts. Hindi bumulaga sa mga mata ko ang inaasahan kong halimaw.
Pero ang tanong, huhubarin ko din ba ang boxer shorts niya? Tsaka ano kaya
iyung nakikita kong bumubukol sa manipis na tela ng boxer shorts niya? Wala
naman akong narinig na kahit na anong salita kay Sir Kenenth kaya sunod kong
hinawakan ang garter ng kanyang boxer shorts. Maliligo siya at expected kong
dapat hubot hubad siya diba. Pero nagulat na lang ako ng bigla niyang hawakan
ang aking kamay at inilayo sa garter ng kanyang boxer shorts. "Anong
ginagawa mo, Ella?" tanong nito. Kaagad naman akong napabitaw sa
pagkakahawak niya. Para kasing may nararamdaman akong kakaiba sa kanya. Parang
may kung anong mainit na kuryente ang biglang tumulay mula sa kanyang kamay
papunta sa akin. Tsaka, bakit parang biglang nag iba ang titig sa akin ni Sir
Kenneth? Lalong naging matiiim na para bang may ibig sabihin "Huhubarin ko
po! Pa-para makaligo na kayo!" sagot ko sa kanya habang hindi ko na naman
mapigilan pa na kagatin ang sarili kong labi. Napatitig ito sa akin at napansin
ko ang pagalaw ng adams apple nito. "Hindi mo alam kung ano ang gusto mong
mangyari. 1-on mo na ang shower dahil gusto ko nang maligo." garalgal ang
boses na wika nito kasabay ng pag iwas ng tingin sa akin. Napansin ko din na
namumula ang kanyang magkabilaang tainga. Tatanungin ko sana siya kung masama
ba ang pakiramdam niya kaya lang naunahan na ako ng hiya. Wala na akong choice
kundi ang paliguan na siya. Ako na ang nag- shampoo ng kanyang buhok at
nagsabon ng halos buo niyang katawan. Tumutulong naman siya kaya lang ang hindi
niya kayang abutin kaya ako ang gumagawa. Ang labis ko lang na ipinagtataka
masyadong nang tahimik si Sir Kenneth. Hindi niya na din ako sinisita at ang
bukol sa boxer shorts niya kanina ay lalo pa yatang domuble. "Sir, ayos na
po! Tapos na po!" wika ko sa kanya habang inio-off ko na ang tubig sa
shower. Kumuha ako ng malinis na towel at ipinunas sa kanyang basang katawan.
Parang gusto ko din sanang ahitin ang balbas nito kaya lang baka mabulyawan
niya ako eh.... "Pwede bang lumabas ka na muna? Balikan mo na lang ako dito
after ten --minutes!" sagot nito sa akin. Nagtataka naman akong napatitig
sa kanya. Ano kaya ang gagawin niya sa banyong ito sa loob ng ten minutes
gayung tapos naman na siyang maligo. Dont tell me na iibak siya? Ang tanong,
kaya niya naman kayang lumipat papuntang toilet bowl mag isa? "PO? Naku,
hindi po pwede Sir! Basa na po ang sahig at baka kung mapaano kayo kung iiwan
ko kayong mag isa dito sa banyo." sagot ko naman sa kanya. Matalim ang mga
matang tinitigan ako nito bago itinuro ang pintuan ng banyo. "Get out!
Lumabas ka na muna at hayaan mo akong mag isa! Now!" galit na sigaw nito
sa akin. Gusto ko na talaga siyang patulan eh. Nakakarami na siya! Nag aalala
lang naman ako sa kalagayan niya kaya ayaw ko sana siyang iiwan dito sa banyo,
pero since na nagsusungit na naman siya, wala akong choice kundi hayaan na muna
siya. Bahala na nga siya. Maghahalungkat na lang siguro ako sa walk in closet
niya na pwede niyang isuot. Hindi pa ready ang damit niya eh.. "Okay,
fine! Huwag magalit! Mabilis lang naman akong kausap eh." sagot sa kanya
at inilapag sa kandunga niya ang towel na ginamit kong pamunas sa kanya kanina.
Wala na akong narinig na sagot mula sa kanya kaya diir- diretso na akong
lumabas ng banyo. Bahala na nga siya. Baka may unfinished business siya na gustong
gawin na ayaw niyang ipakita sa akin. Baka kailangan niya ng kahit kaunting
privacy. Well, kung ano man iyun, malalaman ko din siguro sa mga susunod na
araw lalo na at simula ngayung araw, ako na ang tagapag- alaga niya.
Pinakailaman ko na ang mga damit niya dito sa kanyang walk in closet. Kumuha
ako ng pajama, boxer shorts at puting t-shirt bilang pamalit. Balak kong sa
banyo na lang siya bihisan dahil medyo malamig pala dito sa kwarto niya dahil
sa malamig na buga ng hangin na mula sa aircon. Pagkalabas ko ng walk in
closet, inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Malawak at maayos naman
ang kwarto ni Sir Kenneth at kahit masungit ito, mukhang nalilinisan din naman.
Magulo nga lang ang mga beddings ng kanyang kama kaya inayos ko na din muna. Inamoy
ko pa nga kung marumi na para sana palitan pero ayos pa naman pala. Amoy Sir
Kenneth nga eh. "Haysst, ano kaya ang ginagawa niya sa loob ng banyo.
Bakit kaya kailangan niya pa akong palabasin. Ten minutes daw eh! Ten minutes
bago ko siya balikan ulit? Haysst, ilang minutes na nga ba ang lumipas?"
sigaw ng isipan ko habang maayos na tinutupi ang comforter ng kanyang kama.
Nakalimutan kong minutuhan si Sir Kenneth at baka kanina niya pa ako
hinihintay. Sa isiping iyun, kaagad kong dinampot ang pamalit niyang mga damit
at diretsong naglakad patungong banyo. Binuksan ang pintuan at hindi ko
maiwasang mapanganga ng makita ko kung ano ang ginagawa ng magaling kong amo.
"Si--Sir?" tawag ko sa kanya. Gulat itong napalingon sa akin. Pulang
pula ang kanyang mukha pero kaagad ding dumako ang aking mga mata sa kanyang
kandungan. Hawak-hawak niya pa rin ang kanyang matigas na putotoy at kaya niya
siguro ako pinalabas ng banyo kanina dahil may kababalaghan nga itong gustong
gawin.
Chapter 476 POV
Nasa kalagitnaan na ako ng
kasarapan sa pagsasarili ng maramdaman ko ang biglang pagbukas ng pintuan ng
banyo. Gusto ko lang naman ilabas ang namuong init ng aking katawan dahil din
sa babaeng tulalang nakatitig sa akin ngayun pero bakit kay hirap?
"A-anong ginagawa mo? Sino ang may sabi sa iyo na pwede ka nang
pumasok?" singhal ko kay Ella. Kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat
habang nakatutok pa rin ang kanyang tingin sa naghuhumindig ko pa rin
pagkalalaki. Yes...... Nagsasarili ako at malapit na sana akong labasan pero
bigla naman itong pumasok. Huling huli niya ako sa akto at hindi ko tuloy
malaman kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Mabilis kong hinablot ang puting
towel at kaagad na itinakip sa galit kong alaga. Kaya ko nga siya pinalabas
muna pagkatapos ako nitong paliguan dahil kanina pa galit na galit ang alaga
ko. Sa bawat haplos na ginawa niya kanina sa katawan ko habang sinasabon ako,
katakot-takot na pagpipigil ang ginagawa ko. Simula noong naaksidente ako,
ngayun lang ulit nagreact ng ganito ang junior ko at kay Ella lang talaga.
Ngayun ko lang din lubos na napatunayan na hindi naman pala naapektuhan ang
junior ko sa aksidenteng iyun. Tumitigas pa rin naman pala. "So--sorry po!
Hi-hindi mo kasi sinabi na nag--nag- -a-ano pala kayo eh." pautal-utal na
sagot nito. Pulang pula ang kanyang mukha dahil na-shock siguro siya sa nakita
niya kani-kanina lang. "Kailangan ko pa bang sabihin sa iyo na nag aano
ako para huwag mo akong istubuhin?" sagot ko naman sa kanya. Natameme naman
ito. Parang gusto ko namang kastiguhin ang sarili ko. Inosente nga pala itong
kaharap ko at baka isipin niya na manyakis ako. "Pakilagyan lang ako ng
lotion at tulungan mo akong makapag bihis." pautos kong wika sa kanya.
Kaagad naman itong tumalima pero ramdam ko sa kanyang kilos ang pag
aalinlangan. Parang gusto ko tuloy matawa. Feeling ko, natatakot ito sa akin eh
gayung hindi ko naman siya sasakmalin. Kung naiilang siya sa akin, mas lalong
nag iinit naman ako sa bawat pag- dampi ng kanyang palad sa balat ko habang
nilalagyan niya ako ng lotion. Seryoso ang kanyang mukha pero curious din ako
kung anong pabango ang gamit niya. Ang sarap sa ilong. Parang amoy baby! At ang
labi niya.... , parang kay sarap halikan. Sabi ko na eh, hindi ito gumagamit ng
lipstick pero mamula-mula pa rin. Tinulungan niya nga akong magsuot ng t-shirt
pero pagdating sa under pants muli ko itong pinalabas. Kaya ko naman eh. Hindi
lang ako makapaglakad pero kaya kong bihisan ang sarili ko. Gusto ko lang
sanang bwisitin si Ella pero tama na muna ngayung araw. Baka mamaya, bigla niya
na lang akong layasan. Gagawin ko pa naman sana siyang motivation para muli
akong makalakad. Natutuwa kasi talaga ako sa kanya. Nang masiguro ko na maayos
na ang aking pananamit muli ko itong tinawag. Nagpatulong ako sa sa kanya na
makatransfer sa wheelchair. Mukhang kailangan ko nang kausapin ng masinsinan
ang doctor ko. Gusto ko nang kalimutan ang mga masasamang nangyari sa akin at
magfocus para makalakad ulit. May ilang pursyento pa naman daw na natitira para
makalakad ako at gagamitin ko ang porsyento na iyun para muling manumbalik ang
dating ako. Kay hirap din pala ng ganitong sitwasyon. Hindi ko na nagagawa ang
kung ano man ang gusto ko. Katulad kanina, mahigpit ang kapit sa akin ni Ella
habang inalalayan niya ako na makalipat sa aking wheelchair. Amoy na amoy ko pa
rin ang mabangong samyo na galing sa kanyang katawan. Nakaka-adict at parang
gusto ko tuloy siyang tanungin kung anong klaseng pabango ang gamit niya.
Nakaka-relax kasi sa part ko eh. Ako na mismo ang nagpagulong ng wheelchair ko
pabalik ng kwarto. High tech itong wheelchair ko pero hindi ko na pangarap pa
na magtagal sa pagamit nito. "Mabuti naman at nakaligo ka na! Gusto mo
bang bumaba muna ng garden? Medyo tanghali na pero makulimlim ang kalangitan.
Hindi din ganoon kainit." Si MOmmy ang kaagad na sumalubong sa akin
pagkalabas ko ng banyo. Ilang beses niya na akong niyayaya noon na magpaaraw
kahit saglit lang at lumanghap ng sariwang hangin sa garden pero palagi ko
siyang tinatangihan. "Okay po! Gusto ko din po kayong makausap ng
masinsinan tungkol sa kondisyon ko ngayun." sagot ko. Hindi nakaligtas sa
paningin ko ang kaagad na paguhit ng masayang ngiti sa labi ni Mommy.
"Talaga? Kung ganoon, tatawagan ko ang driver mo pati na din ang guard
para tulungan kang makababa. Naku, tiyak na matutuwa ang kapatid mong si Jean
pati na din ang Daddy mo!" tuwang tuwa nitong sagot sa akin. Tipid kong
nginitian si Mommy hanggang sa muling naagaw ang attention ko sa paglabas ni
Ella mula sa banyo. May ilang butil ng pawis ang namuo sa noo nito at kaagad
nitong binati si Mommy. "Sige na Ella. Magpahinga ka muna at ako na muna
ang bahala sa alaga mo. Iyung kwarto mo pala ay ang nasa right side. Iyun muna
ang gamitin mo para mabilis mong mapuntahan itong si Kenneth kapag kailangan ka
niya." narinig kong wika ni Mommy. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang
kwarto na tinutukoy ni Mommy ay ang katabi lang ng kwarto ko. Pwede ko pala
talagang makita si Ella kapag gustuhin ko.
Chapter 477 ELLA POV
Pagkababa ni Sir Kenneth ng
garden, kaagad ko ding inihanda ang pagkain niya for lunch. Hindi siya sumabay
kina Mam Jeann at Madam Arabella sa pagkain. Mas gusto niya daw sa garden
kumain kaya naman pinagbigyan na lalo na at iniiwasan nilang masira ang mood ni
Sir Kenneth. Simula noong naaksidente ito, nagiging moody na daw kasi kaya
hangat maaari, ayaw nilang kuntrahin kung ano ang gusto nito. First time daw
kasi itong lumabas ng kwarto at sumilip ng garden kaya kailangan nilang
pagbigyan. Baka magsungit na naman daw eh. Ako na lang ang kumuha ng pagkain
nito sa kitchen. Medyo dinamihan ko na ayun na din sa kagustuhan nila Madam
Arabella. Binilinan pa nila ako na habang kumakain daw si Sir Kenneth, pwede ko
naman daw ito iiwan para makakain na din daw ako. Kaagad naman akong
nagpasalamat sa kanila dahil kahit papano, naiisip pa rin ng mga amo ko ang
kalagayan ko. Bawing bawi sila kung kabaitan ang pag-uusapan kahit na palagi pa
akong susungitan ni Sir Kenneth. "Heto na po ang food niyo Sir." pukaw
ko kay Sir Kenneth habang bitbit ko ang isang tray ng pagkain. Naabutan ko
itong tulala na nakatingin sa kawalan. Para itong may malalim na iniisip at
saglit pa itong napakurap ng maramdaman niya ang aking presensiya. Ilang saglit
pa kasi ako nitong tinitigan sabay tango. Para itong nagising sa isang malalim
na panaginip. Ipinatong ko ang dala kong pagkain sa kalapit na table.
Pinagulong naman nito ang kanyang wheelchair palapit kaya inayos ko na ang mga
pagkain sa mesa para makakain siya ng maayos. "Sabayan mo na ako!"
sagot nito na ikinagulat ko naman. Tinitigan ko pa ito dahil gusto kong arukin
kung seryoso ba ito pero nang mapansin ko na seryoso ang mukha nito ay pilit
akong ngumiti. "Naku, huwag na po Sir! Nakakahiya! " sagot ko sa
kanya. Kahit saang angulong tingnan, hindi ko talaga kayang sumabay sa kanya sa
pagkain. Hindi ko kaya! "Sa sobrang dami nitong pagkain na dala mo,
palagay mo ba mauubos ko ito? Maupo ka na diyan at sabayan ako sa
pagkain!" masungit nitong wika. "Pe-pero, busog pa po ako eh!"
naiilang kong sagot sa kanya pero ang totoo, nag aalburuto na ang mga bituka
ko. Kanina pa ako nagugustom dahil halos hindi naman ako kumain ng agahan
kanina at medyo late na din. Ala -una na ng tanghali. "Ella! Stop it!
Huwag mo nang hintayin na mawalan pa ako ng gana dahil dito. Maupo ka na at
sabayan mo akong kumain." muling wika nito kaya wala na akong choice kundi
ang maupo na din. Para kasing bubuga na naman ng apoy ang dragon kaya walang
choice kundi pagbigyan ito. Nilagyan ko ng pagkain ang pingan niya at muli
akong tumayo. Kunot noong tumitig ito sa akin. Pilit ko naman itong nginitian.
"Kukuha lang po ako ng isa pang pingan Sir!" wika ko sa kanya.
Alangan namang magsalo kami sa iisang pingan diba? Foul na iyun! Sobrang
nakakahiya na talaga iyun lalo na kapag may makakita sa amin. "Sit down!
Ako na ang bahala!" saogt naman nito sa akin sabay senyas sa isa sa mga
kasambahay sa hindi kalayuan sa amin. Nag aalangan naman itong lumapit kaya
kaagad itong inutusan ni Sir Kenneth na kumuha ng isa pang pingan sa kusina.
Tahimik lang naman akong nakikinig dahil nahihiya talaga ako. Hindi naman
nagtagal ang inutusan ni Sir kenneth at kaagad din itong bumalik na may dala
nang pingan at dagdag na pagkain. "Kumain na tayo!" wika nito. Tango
lang ang naging sagot ko at wala akong choice kundi ang pagbigyan siya. Since,
nag insist siya pwes, ibigay kung ano ang nais niya! Gutom na din naman ako eh!
Mabait naman pala itong bago kong amo lalo na kung tungkol sa pagkain ang pag
uusapan. Ayaw niya din sigurong magutom ang tagapag- alaga niya. Tahimik lang
naman din si Sir Kenneth sa buong oras ng pagkain namin na siyang labis kong
ipinag- pasalamat. Pabor sa akin iyun dahil unti-unti din namang nawala nag
hiya ko sa kanya. Nakakain din naman ako ng maayos. Pagkatapos namin kumain,
muli nitong inutusan ang malapit na kasambahay na iligpit ang aming
pinagkainan. Tututol pa sana ako dahli msayado nang nakakahiya at kaya ko
namang magligpit pero muli akong pinigilan ni Sir Kenneth Gusto niya na daw
kasi umakyat na ng kwarto. Kaagad ko namang tinawag ang guard pati na din ang
drvier nito para buhatin na siya paakyat. Pagdating ng kwarto, sila na din ang
inutusan ni Sir Kenneth para ma- itransfer sa kama. Hinayaan ko na lang at nang
masiguro na nilang maayos na si Sir Kenneth, sabay-sabay na silang
lumabas ng kwarto. Naiwan naman ako na hindi malaman ang gagawin.
"Magpahinga ka na din! Ipapatawag na lang kita mamaya!" pautos na
wika nito. Llhim naman akong umusal ng pasasalamat dahil kanina pa talaga ako
nakakaramdam ng pagod. Tsaka, kapag ganitong busog ako ay parang ang sarap
matulog. Kaagad akong lumabas ng kwarto ni Sir Kenneth at binuksan ang katabing
kwarto na sinabi ni Madam Arabella na magiging pansamantalang kwarto ko habang
inaalagaan ko si Sir kenneth. Swerte ko pa din pala dahil pagkapasok ko sa loob
ng kwarto, saglit pa akong namangha. Ang ganda kasi talaga at may sarili pang
banyo. Nag-survey pa ako sa banyo at laking tuwa ko dahil kumpleto na sa gamit.
May mga gamit na kasi panligo at pang personal hygiene. Since ako ang gagamit
sa kwartong ito, may karapatan na din akong gamitin ang lahat ng gamit na
nakikita ko dito sa loob ng banyo. Sa totoo lang, hindi pa rin ako naka moved
on sa nasaksihan ko kay Sir Kenneth kanina pagkatapos nitong maligo.
Gayunpaman, kailangan ko pa ring pilitin ang sarili ko na kalimutan ang lahat
nang iyun. Baka normal lang naman talaga sa kanya ang gumawa ng ganoon dahil
lalaki siya. Baka hinahanap-hanap ng katawan nya ang nangyari sa kanila noong
girlfriend niya. Walang sabi-sabi na kaagad kong inihiga ang pagod kong katawan
sa malambot na kama. Kung tutuusin, may maids quarter naman sana ang bahay na
ito pero since gusto siguro nilang malapit lang ako sa anak nila, ito na munang
kwartong ito ang pinagamit nila sa akin. Pabor naman sa akin para hindi na din
ako mahirapan. Mabilis ko lang mapuntahan si Sir Kenneth kapag kailangan niya
ako. Hindi ko na namalayan pa na nakatulog pala ako. Nagising nalang ako sa
mahinang katok ng pintuan. Pupungas-pungas akong bumangon at kaagad akong
napatalon ng aking kama ng mapansin ko na madilim na sa paligid. Napasarap ang
tulog ko at hindi ko man lang namalayan ang oras.
Chapter 478 ELLA POV
Pagkababa ko ng kama halos
takbuhin ko ang pintuan at kaagad na binuksan. Laking pasalamat ko dahil isa sa
mga kasambahay ang nabungaran ko. Nakakahiya kasi kung si Madam Arabella pa ang
kakatok sa akin dahil sa mga ganitong oras, alam kong umuwi na si Mam Jeann sa
sarili nitong tirahan. Kung bakit naman kasi napasarap ang tulog ko.
"Ella, hinanahanap ka na ng alaga mo! "kaagad na balita sa akin ni
Manang Ising. Isa siya sa maraming kasambahay sa bahay na ito. Tipid ko naman
itong nginitian. "Ganoon po ba? Pasesnya na po, nakatulog ako. Teka lang
kanina pa po ba kayo kumakatok Manang?" tanong sa kanya. Tumango naman
ito. "Pangatlong balik ko na dito sa kwarto mo Ella. Umalis nga pala sila
Madam at Sir. May dadaluhan daw na party!" sagot nito sa akin na labis
kong ipinagpasalamat. Nakakahiya din kasi sa kanila kapag malaman nilang
napabayaan ko si Sir Kenneth dahil nakatulog ako. "Gusto na nga sana
kitang pasukin eh kaya lang naka-lock iyang pintuan mo. Kanina ka pa hinahanap
ni Sir Kenneth. "muling wika nito. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam
ng kaba dahil sa sinabi niya. Kung kanina pa ako hinahanap ni Sir Kenneth tiyak
na mainit na naman ang ulo nito. Lagot na naman siguro ako nito. Hindi ko na
sinagot pa si Manang at mabilis na akong naglakad patungo sa kalapit ng
pintuan. Ang kwarto ni Sir Kenneth. Kumatok lang ako ng tatlong beses at
binuksan na din ang pintuan at tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob. Naabutan
ko itong abala sa kanyang binabasang libro at nang mapansin niya marahil ang
pagpasok ko ng kwarto niya ay dahan-dahan itong nag angat ng tingin at
direktang tumitig sa akin. "Bakit ngayun ka lang?" seryoso nitong
tanong. Lalo tuloy akong kinabahan. Mukhang sisante na yata ako at kailangan ko
nang tawagan si Mam Jeann para magpasundo. "Sorry po Sir...nakatulog po
kasi ako! Hindi ko po namalayan ang oras." nahihiya kong sagot sa kanya
sabay yuko. Ewan ko ba, parang hindi ko na kasi talaga kayang makipagtitigan sa
kanya. Parang may something talaga kay Sir Kenneth na hindi ko maintindihan.
Katahimikan ang namayani sa aming dalawa bago ko narinig ang mahina nitong pag
tikhim. Unti-unti naman akong nag-angat ng tingin at nahuli ko siyang titig na
titig sa akin. "Okay...pero ayaw na ayaw ko nang maulit ito ha? Gutom na
ako at ikuha mo ako ng pagkain." seryoso nitong wika. Kaagad naman akong
tumango at mabilis na lumabas ng kwarto niya. Nagulat pa ako ng maabutan ko si
Aling Ising sa labas ng kwarto. Mukhang hinihintay nito ang paglabas ko base na
din sa expression ng kanyang mukha. "Kumusta? Napagalitan ka ba? Naku,
masungit talaga iyang si Sir Kenneth! Simula noong naaksidente siya at hindi
natuloy ang kasal nila ng fiance niya ang laki na din ng ipinagbago ng ugali
niya. Parang hindi na siya ang dating mabait na si Sir Kenneth na palaging
nakangiti." Kaagad na wika nito sa akin. Sininyasan ko naman siya na
sumunod sa akin. Baka kasi marinig kami ni Sir Kenneth eh. Tiyak na mas lalong
magalit sa akin iyun. "Talaga po? Kung ganoon, ngayun lang pala talaga
siya nagsusungit." sagot ko sa kanya habang tinatahak namin ang daan
patungong kusina. Ikukuha ko ng pagkain si Kenneth kaya wala sana akong panahon
na makipagtsismasan kay Aling Ising pero dahil game ito magkwento hahayaan ko
na lang. Ang importante, kumikilos pa rin naman ako. "Pero alam mo ba kung
ano ang mas totoo? Hindi boto sila Madam Arabella at Sir Kurt sa babaeng iyun?
Pinilit na nga lang nilang magustuhan alang- alang kay Sir Kenneth pero hindi
naman sumipot sa kasal. Sumama pala sa ibang lalaki ang bruha!" pagki-
kwento pa ni Manang Ising. Napahinto tuloy ako sa paglalakad dahil sa sinabi
niya. Nagpalinga-linga sa paligid bago ito hinarap. "Talaga po? Hindi boto
sila Madam kay Vina? Bakit daw?" tanong ko. "Sino namang mga magulang
ang matutuwa kung ang babaeng napupusuan ng kanilang anak ay isang bilmoko at
gold digger!" sagot nito. Hindi iko naman maiwasan na mapakunot ang noo ko
dahil sa sinabi niya. Hindi ko gets kung ano ang ibig sabihin ng salitang
'BILMUKO'. Ngayun ko lang narinig kaya kaagad kong hinila si Manang sa isang
tabi at seryosong tinitigan. "Bilmuko? Ano po iyun?" tanong ko sa
kanya. Tuluyan niya nang nakuha ang buo kong attention. Biglang nawaglit sa
isipan ko ang utos sa akin ni Sir Kenneth na ikuha ko siya na makakain. Hassst,
kapag ganitong tsismis, lumalapad din ang antena ng pandinig ko. Wala naman
sigurong masama since ako ang nag aalaga kay Sir Kenneth, dapat lang na malaman
ko din kung ano ang past niya. "Hindi mo alam ang salitang iyun? Bilmuko,
means BILI MO AKO NG GANITO AT GANIYAN! Sa gwapo ni Sir Kenneth gusto niya yatang
gawing sugar Daddy? Alam mo ba kung magkano ang ginastos nila Madam noong kasal
nila na hindi man natuloy?? Milyones tapos inisnab lang ng Vina na iyun!
Nagsayang lang sila ng pera at panahon sa gagang Vina na iyun kaya halos isumpa
siya nila Madam at Sir!" sagot naman ni Manang Ising. Kaagad namang
nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Talaga naman! Hindi naman ako
tsismosa pero kaagad nabuhay ang dugo ko sa kwento sa akin ngayun ni Manang
Ising. Imagine, pumayag si Sir Kenneth na perahan siya noong Vina na iyun?
Akala ko ba matalino siya? "Atin-atin lang ito Ella ha? Huwag na huwag
kang magkwento nito sa iba pang mga kasambahay. Mahigpit na ipinagbawal sa
pamamahay na ito ang pagbangit ng pangalang Vina. Naka ban ang gaga na iyun sa
bahay na ito kaya in the future, kapag makita mo siya sa labas, iwasan mo siya
ha? huwag ba huwag mong hayaan na makalapit siya kay Sir Kenneth!" muling
wika ni Manang Ising. Wala sa sariling napatango ako.
Chapter 479 ELLA POV
Pakialam ko ba kung muling
magpakita ang Vina na iyun kay Sir Kenneth! Hayyy and speaking of Sir Kenneth,
halos takbuhin ko ang kusina nang maalala ko na hinihintay pala nito ang
kanyang pagkain. Pahamak na Manang Ising ito. Mabuti na lang at hindi niya na
ako sinundan pa. Ang galing kasi magkwento kaya nadadala ako. Mabilis akong
kumuha ng pagkain at inilagay sa isang food tray. Sinamahan ko na din ng
malamig na tubig at juice at nagmamdalali nang bumalik ng kwarto ni Sir
Kenneth. Naabutan ko itong abala pa rin sa kanyang binabasa kaya kaagad akong
nakahinga ng maluwag. "What takes you so long? Kanina pa kita hinihintay
ah?" kaagad na tanong nito sa akin habang inilalapag ko ang mga pagkain sa
mesa. Hindi naman ako nakaimik. Alangan namang sasabihin ko sa kanya na
nakipag- tsismisan ako diba? Mukhang gutom na ito kaya siguro naiinis na naman.
Hahayaan ko na lang na magalit siya sa akin dahil kasalanan ko naman. Late na
nga akong nagising tapos ang tagal ko pang bumalik para dalhan siya ng makakain.
Naging maayos naman ang mga sumunod na araw ko sa bahay ng mga Santillan.
Kaswal din ang pakikitungo sa akin ni Sir Kenneth. Bihira na lang kami kung
magtalo dahil iniiwasan ko na din. Hangat maari, pinag- papasensyahan ko talaga
siya. Hindi din naman ako mananalo sa kanya kung sasagot-sagutin ko siya eh.
"Nabawasan na din naman ang pagiging bugnutin nito. Nagiging cooperative
na din ito sa lahat ng bagay at lalo na kapag kalusugan niya ang pag uusapan.
Noong nakaraang araw nga lang, galing kami ng Doctor at katulad ng inaasahan ng
buong pamiya kailangan daw munang sumailalim sa panibagong operasyon si Sir
Kenneth para maisaayos daw ang mga tissues at boto na napinsala sa kanyang
binti. Nalaman ko din na isang binti lang pala nito ang mas napuruhan. Iyung
isa naman, kaunting exercise at therapy, makaka-recover din naman agad- agad.
Unlike sa isa pa na kailangan talaga ng surgery para magiging maayos na ang
lahat. Nagpa-schedule na kaagad si Sir Kenenth ng surgery at gaganapain iyun sa
susunod na lingo. Kung excited ang lahat, mas excited ako. Kapag muling
makalakad si Sir Kenenth,. ibig lang sabihin nito, pwede na akong bumalik kay
Mam Jeann. Matatahimik na ulit ang buhay ko. Kahit naman medyo umayos ang
pakikitungo ni Sir Kenneth sa akin hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng
pagkailang sa mga titig niya. Para kasing may ibig sabihin eh. Dagdagan pa na
ilang beses ko itong nahuhuli na nakatitig sa akin. Minsan, nangingiti ito at
minsan naman seryoso. Hindi ko na din naman ito nahuli na nagsasarili na siyang
labis kong ipinagpalasamat. Siguro ginagawa niya iyun kapag gabi. Mga panahon
na hindi ko siya mahuhuli. Hehehe! "Sir, pinapatawag po kayo ni Madam
Arabella. Kakain na daw po!:" kaagad na wika ko kay Sir Kenneth habang
naglalakad ako palapit sa kanya. Nandito ulit siya sa garden. Tahimik na
nakatitig sa kawalan. Pumwesto ako sa likurang bahagi ng kanyang wheelchair
para sana personal na itulak iyun. Kahit naman automatic itong wheelchair niya
gusto ko siyang pagsilbihan. Hinahayaan niya naman ako. "Ella, ano sa palagay
mo? Makakalakad pa kaya ako?" tanong nito sa akin na siyang labis kong
ikinagulat. First time niya kasing nagtanong sa akin tungkol sa mga ganitong
bagay. "Oo naman po! Nakalimutan niyo na po ba ang sinabi sa inyo ng
Doctor niyo? Kaunting tiis na lang at makakalakad daw ulit kayo. Kaya lang,
kailangan niyo pa ring tulungan ang sarili niyo Sir!" sagot ko naman sa
kanya. Hindi na ito umimik pa kaya tuluyan ko ng itinulak ang kanyang
wheelchair papasok ng bahay. Diricho sa dining area at naabutan namin ang Mommy
Arabella at Daddy Kurt nito na halatang si Kenneth na lang ang hinihintay para
makakain na. Ipinuwesto ko si Sir Kenneth at kaagad na inasikso ang mga
kakainin nito. Hinahayaan niya ako na ang maglagay ng pagkain sa pingan niya at
inuubos niya naman iyun kaya naman nakasanayan ko ng gawin sa kanya.
"Pagkatapos niyan Ella, maupo ka na din at sumabay ka na sa pagkain."
narinig kong wika ni Madam Arabella. Kaagad naman akong namutawi ng salitang
pasasalamat. Sanay na akong sumabay sa kanila sa pagkain dahil na din kasi kay
Sir Kenneth. Pagkatapos kasi nitong kumain, aalalayan ko pa ito sa kanyang mga
evening routine bago matulog. Meaning, ito lang din ang time na makakain ako ng
medyo maaga. "Siya nga pala Mom, Dad, simula mamaya sa guest room na muna
ako." narinig kong wika ni Kenneth. Ang guest room na tinutukoy nito ay
ang kwarto na matatagpuan laman dito sa unang palapag ng bahay. Sawang sawa na
daw siyang magpabuhat sa mga kasama namin dito sa bahay kaya nagrequest ito
last week pa na iyun na muna ang gagamitin niya habang nagpapagaling siya.
Nagkaroon lang ng kaunting renovation ng kwarto kaya medyo na-delay pero
mukhang naayos na ang naturang kwarto. "Of course, malinis na ang kwarto
at pwede mo nang gamitin ngayung gabi. "narinig kong sagot no Madam.
Panibagong set up na naman at mukhang kailangan ko din lumipat ng kwarto na mas
malapit kay Sir Kenneth.
Chapter 480 Ella POV
Pagkatapos kumain, kaagad na
din nagpahatid si Sir Kenneth sa bago nitong kwarto. Pabor naman sa akin ang
tungkol sa bagay na ito dahil hindi ko na kailangan pang magtawag ng tulong sa
mga kasamahan namin dito sa buhay para buhatin ito para lang maiaksyat at
maibaba ng hagdan. Ngayung pansamantala muna niyang gagamitin ang kwarto dito
sa baba, mas mapibilis ang mga bagay-bagay kapag may naiisip itong gawin.
Mabilis ko din siyang mailabas-pasok ng bahay para makapag-paaraw at makapag-
relax ng garden. Habang nagpapa-antok si Sir Kenneth, nagpaalam naman ako sa
kanya para kumuha ng ilan niyang mga gamit sa dati niyang kwarto. Magbaba ako
ng ilang pirasong damit niya para hindi ako mahirapan kapag kailangan niyan
nang magpalit ng damit at para naman hindi na din ako mag-akyat baba ng kwarto
niya sa tuwing may mga kailangan siya. Saktong pagkalabas ko ng kwarto, siya
namang pagdating ni Madam Arabella. Kasunod niya si Manang Ising at ang dalawa
pang kasambahay at may bitbit silang kung anu-ano. "Ella, saan ka pupunta?"
tanong sa akin ni Madam Arabella habang may ngiting nakaguhit sa kanyang labi.
Nahihiya naman akong nagbaba ng tingin bago ito sinagot. "Kukuha lang po
ako ng mga gamit ni Sir Kenenth sa dati niyang kwarto Madam!" magalang
kong sagot sa kanya. Nagulat pa ako dahil hinawakan ako nito sa kamay at
matamis na nginitian. "Ganoon ba? Kung ganoon, iready mo na lang muna ang
mga kailangan ni Kenneth at bahala na ang mga kasama natin dito sa bahay ang
magbaba ng mga gamit na iyun para naman hindi ka mahirapan" sagot nito sa
akin. "Naku, kaya ko naman na po Madam! " nahihiya kong sagot sa
kanya. Maliit na bagay at kaya ko naman kaya walang dapat na ipag alala sa akin
si Madam. "Bahala ka na nga! Pero huwag ka nang magbaba ng mga damit mo.
Ibinili na kita ng mga bago mong gamit. Kunin mo na lang ang kabilang bahagi ng
walk in closet ng kwatro ninyong dalawa ni Kenneth!" sagot nito na kaagad
ko namang ipinagtaka. "Po? Kwarto?" tanong ko. Ibig niya bang
sabihin, magsasama kami ni Sir Kenneth sa iisang kwarto? Aba, hindi yata
magandang pabor sa akin iyun. "Kung hindi mo kayang mahiga sa kama kasama
ni Kenneth, magpapadala ako ng isa pang higaan. Napag usapan na namin ito ni
Kurt, hanggang nasa stage ng pagpapagaling si Kenneth, gusto namin na samahan
mo muna siya twenty four seven sa kwarto niya. Ella, tinapat na kami ng Doctor
ni Kenneth, kahit na maisagawa ang operasyon sa napinsala niyang binti, wala pa
ring kasiguraduhan kung babalik siya sa dati. Kung makakalakad pa ba siya
ulit...kaya sana maintindihan mo ang ibig naming sabihin." mahabang wika
ni Madam Arabella. Hindi ko naman maiwasan na magulat. Ang alam ni Sir Kenneth,
pagkatapos ng oprerasyon, 100% na makakalakad siya ulit. Pero bakit iba naman
yata ang sinasabi ni Madam Arabella ngayun. "Puro positive ang sinasabi
namin kay Kenneth ngayun dahil ayaw namin siyang mawalan ng pag asa. Sa iyo
lang din siya umamo ng ganito kaya sana tulungan mo kami Ella. Tulungan mo si
Kenneth na matangap niya lahat ng mga posibleng mangyari after the operation."
Bakas sa boses nito ang pakiusap habang sinasabi ang katagang iyun. Wala naman
akong choice kundi dahan-dahan na tumano. Bigla akong nakaramdam ng awa kay Sir
Kenneth. Nararamdaman ko na kasi sa kanya na gusto niya na din talagang
makalakad. Kaya lang, wala pa rin palag kasiguraduhan ang lahat. May
posibilidad pa rin pala na tuluyan itong matali sa wheel chair habang buhay.
"Kung hindi sana sa babaeng iyun, hindi sana magkakaganito ang anak ko.
Kaya lang, wala na akong time na mang usig ng tao ngayun. Wala kaming ibang gusto
ngayun kundi ang makitang muling maging masaya ang anak namin kaya sana,
tulungan mo kami Ella. Huwag mong sukuan ang anak namin at manatili ka sa tabi
niya hanggang kailangan ka niya." muling wika nito. Wala sa sarilling muli
akong napatango. Tama ito. Hindi ko talaga susukuan si Sir Kenneth. Kailangan
niya ang kalinga at pang unawa mula sa mga taong nakapaligid sa kanya kaya
kahit na nagusungit siya sa akin, hinding hindi ko talaga siya susuukuan.
Gagamitin ko ang maliit na porsyento na iyun para muli siyang makalakad.
"Sige po Madam! Ibibigay ko po ang best ko para mapagsilbihan si Sir
Kenneth ng maayos!" sagot ko naman. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang
paguhit ng masayang niti sa labi nito. Nilingon niya si Manang Ising at sinabi
niyang ipasok na sa loob ng kwarto ang mga dala-dala nilang paper bags.
"Maliit na bagay na regalo mula sa amin. Malaking kaginhawaan sa aming
lahat ang presensya mo dito sa bahay Ella." nakangiti nitong sagot sa akin
bago nito binitiwan ang aking kamay at pumsok na din ito sa loob ng kwarto.
Nasundan ko na lang ito ng tingin. Hanggang ngayun, hindi ko pa rin lubos
maisip na nagkaroon ako ng mababait na amo kaya naman susuklian ko din ito ng
kabutihan. Malaki ang sahod ko sa kanila at malaking tulong iyun sa mga
magulang at mga kapatid ko. Plus, may mga regalo na dala si Madam Arabella para
sa akin, pero mamaya ko na siguro kakalkalin ang mga iyun. Sa ngayun, pupunta
muna ako sa dating kwarto ni Sir Keneth para kumuha ng ilang gamit nito.
Mabilis na lumipas ang oras. Maayos nang nakahiga ng kama si SIr Kenneth pero
hindi niya pa rin binibitawan ang hawak niyang libro. Napakahilig talaga nitong
magbasa. Ang mga dala-dalang regalo nila Madam Arabella sa akin kanina hindi ko
pa rin nabubuksan. Bukas nalang siguro dahil inaantok na ako. Iyun nga lang,
hindi ko alam kung saan ako pi-pwesto ngayun. Dito daw ako matutulog
eh...hayasst parang wala pa namang idea si Sir Kenneth sa gusto nang mga
magulang nito na simula ngayung araw, sasamahan ko siya sa kwartong ito twenty
four seven "Ano pa ba ang ginagawa mo? Hndi ka pa ba matutulog?"
hindi ko maiwasang mapapitlag sa gulat nang bigla itong nagsalita. Nakatitig na
ito sa akin ngayun habang punong puno ng pagtataka ang nakalarawan sa mukha.
"Sa sofa na lang po ako Sir!" sagot ko sa kanya at mabilis na kinuha
ang isang unan at comforter na maayos na nakasalansan sa gilid ng kama nito at
akmang maglalakad na paputang sofa ng bigla itong nagsalita. "Nabangit na
ni Mommy sa akin kanina ang tungkol dito. Mas malaki ang kamang ito kumpara sa datin
kong kwarto at pwede mong okupahin ang kabilang bahagi." sagot nito. Hindi
naman ako makapaniwalang napatitig sa kanya.. Alam niya pala pero bakit hindi
niya man lang nabangit kanina pa? Tsaka, ayos lang ba talaga na tatabi ako sa
kanya?
Chapter 481 ELLA POV
"Naku Sir, ayos lang po
ako. Kumportable naman po ako sa sofa eh. Kasya naman po siguro ako."
nakangiti kong sagot kay Sir Kenneth. Matiim ako nitong tinitigan na para bang
inaarok nito pati ang pagkatao ko. Heto na naman ang pakiramdam ko na parang
humihilab ang tiyan ko kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko. Naiilang
din ako sa mga titig niya. Ewan ko ba, simula nang halos araw- araw naming
pagsasama sumasabay naman ang pag usbong na kakaibang pakiramdam sa tuwing
tinititigan niya ako ng ganito. Para akong nakakaramdam ng nerbiyos na ewan na
una kong naramdaman kay Sir Kenneth sa tanang buhay ko. "I insist. Tsaka
sino ba ang amo sa ating dalawa? Ang gusto ko ang sundin mo! Bakit ba ang hirap
mong pasunurin?" Bakas na naman ang inis sa boses nito habang sinasabi ang
katagang iyun. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi habang dahan -dahan na
naglakad patungo sa kabilang bahagi ng kama. Inayos ang unan na gagamitin ko at
kiming naupo. Tama naman siya...kung tutuusin, malaki talaga ang kama. Halos
doble ng laki ng kama nito sa second floor. Kasya nga ang halos pitong katao
eh. Iyung sapin nito, alam kong pinasadya pa nila Madam eh. Kung tatabi ako sa
kanya, malabo pa sa sikat ng araw na magkasagian kami kaya wala naman siguro
akong dapat na ipag-aalala diba? Tsaka, mabait naman si Sir Kenneth. Mukhang
hindi naman din siya manyakis. Sa isiping iyun parang gusto kong kutusan ang
sarili ko. Kung saan-saan na kasi nakakarating ang imagination ko. Ako lang din
ang nagpaphirap ng sitwasyon gayung alam ko naman na malabong pumatol sa kagaya
ko si Sir Kenneth. Ang mga type ni Sir Kenneth na babae ay iyung kagaya ni
Vina. Matangkad, mistisa at payat. Hindi kagaya ko na hindi na nga ganoon
katangkaran, hindi din ganoon kaputi at walang special sa hitsura ko. Kung nakakatayo
lang siguro itong si Sir Kenneth, feeling ko nga hanggang balikat niya lang
ako. Mag mimistula akong unano kung sakaling magkasama kami. Unlike ni Vina na
pang model ang tindig at feeling ko mahal pa rin siya ni Sir Kenneth kasi
tuwing tinitigan ko itong amo ko, kita ko pa rin sa mga mata niya ang lungkot.
Sa isiping iyun malungkot akong napabuntong hininga. Muli kong na- realized ang
mga naiisip ko ngayun. Bakit ba kailangan kong i-compare ang sarili ko kay
Vina? Mahal ko na ba siya? Mahal na ba ang amo ko? Sa isiping iyun wala sa
sariling napahiga ako ng kama. Hindi ko na muliing tiningnan si Sir Kenneth.
Tahimik na din kasi ito kaya feeling ko ayaw niya din ako makausap. Sabagay, sa
ilang lingo kong pinagsisilbihan siya, amo at katulong ang turingan namin. Siya
ang amo at ako ang katulong niya kaya kung ano man ang feelings ang unti-unting
umuusbong sa puso ko ngayun, hindi ko dapat i- entertain dahil hindi talaga
kami bagay at malabong magustuhan niya ang kagaya ko. Naging mailap ang antok
sa akin ng gabing ito. Hindi ako makatulog kahit na anong pilit ko. Sabagay,
sino ba naman ang nakakatulog gayung sa kauna-unahang pagkakataon, may katabi
akong lalaki sa isang malambot na kama and worst amo ko pa. Isang masungit pero
ubod ng gwapong lalaki. Wala sa sariling napatagilid ako ng higa paharap kay
Sir Kenneth. Kaagad na sumalubong sa mga mata ko ang payapa nitong mukha.
Mukhang tulog na tulog na siya dahil naririnig ko na din ang mahina nitong
paghilik. "Hayyst, buti pa siya. Nakatulog na habang ako, tiyak na bangag
na naman nito bukas dahil sa puyat." mahina ko pang sambit habang titig na
titig sa mukha ni Sir Kenneth. Kung wala lang siguro itong balbas, lalo talaga
sigurong lulutang ang taglay nitong ka- gwapuhan. Matangos ang ilong at mas
mahaba pa yata kumpara sa akin ang pilik mata niya. Kung pareho lang kami ng
istado ng buhay, ang sarap siguro nitong mahalin. Wala sa sariling napabangon
ako ng kama at napasabunot sa sarili kong buhok. Feeling ko nababaliw na ako
dahil pinag-papantasyahan ko na ang amo ko! Para na akong tanga! Haayyst! Dahil
hindi ako makatulog, bumaba na lang ako ng kama at pumasok sa loob ng banyo.
Para akong tanga na tinitigan ang sarili kong reflexion sa salamin. Nag uumpisa
nang mamula ang mga mata ko dahil dis oras na ng gabi gising pa rin ako! Umihi
lang ako, naghugas ng kamay at muling lumabas ng banyo. Mahinang hilik ni Sir
Kenneth ang naririnig ko sa buong paligid kaya kaagad kong kinuha ang unan at
comforter ko sa pwesto ko kanina. Pumwesto ako ng sofa at kaagad na nahiga.
Nagtalukbong na din ako ng comforter at hindi nagtagal, nakatulog na din ako.
Nagising ako kinaumagahan sa galit na boses mula kay Sir Kenneth. Naramdaman ko
ang pagbagsak ko sa carpet na sahig dahil sa matinding gulat. "What are
you doing? Bakit nasa sofa ka?" ani nito. Dahan-dahan naman akong naupo
sabay sulyap sa orasan. Alas singko pa lang ng madaling araw at nag iingay na
siya! "Sir, hindi po kasi ako makatulog kaya nagtransfer na muna ako
kagabi dito sa sofa!" paliwanag ko sa kanya. Napansin ko na nakaupo na ito
ng kama kaya dali-dali akong tumayo at nilapitan siya. "Maaga pa po.
Gagamit po ba kayo ng banyo?" tanong ko sa kanya. Sanay na ako sa
pasigaw-sigaw nito minsan kaya hindi ko na dinamdam. "Hindi ka ba nasaktan?"
tanong nito sa akin na labis kong ipinagtaka. Ibang salita kasi ang lumabas sa
bibig niya imbes na sagutin ang tanong ko kaya hindi ko din'gets.
"Po?" nagtataka kong tanong. "Sabi ko hindi ka ba nasaktan sa
pagkakalaglag mo sa sofa?" tanong nito. Hindi ko naman maiwasan na
mapakagat sa sarili kong labi. All of the sudden bigla kasi itong naging
concern sa akin. Nasaktan nga ba ako sa pagkakalaglag ko ng sofa kanina? Parang
hindi naman! Carpet ang binagsakan ko tsaka mababa lang naman kaya hindi
masakit.
Chapter 482 ELLA POV
Pero bakit kaya biglang
naging concern sa akin itong amo ko? Ano kaya ang nakain nito at bigla na lang
naging mabait? Ah, baka naman maganda lang ang gising niya. Kung ano man ang
reason niya, bahala na nga siya. Basta ako, kailangan kong gawin ang best ko
para mapagsilbihan ko siya ng maayos. "A-ayos lang po ako Sir! Hindi po
masakit!'" sagot ko sa kanya habang hinihintay ko kung ano ang gusto
niyang iutos sa akin. Maaga pa at gusto ko pang matulog. Seven in the morning
talaga ang palaging gising nito pero mukhang napaaga yata ngayun. Baka naman
nanibago din sa kwarto niya. "Mabuti naman kung ganoon. Tulungan mo
ako...gusto kong mag- banyo muna!" sagot naman nito sa akin. Kaagad naman
akong tumalima. Inilapit ko ang kanyang wheel chair sa kanyang kama at
tinulangan itong maka-transfer. Kung noong una ay naiilang pa ako sa paghawak
sa kanya, well, hanggang ngayun naiilang pa rin naman ako. Walang ipinagbago.
Lalo na kapag dumadampi sa balat ko ang kamay nitong si Sir Kenneth. Minsan
kasi sa baiwang ko siya humahawak eh. Nang maayos ko na itong naipwesto sa
kanyang wheel chair ako na din ang nagtulak sa kanya papasok ng banyo. Alam na
alam ko na kung ano ang gagawin nito sa umaga. Magto- toothbrush at ako ang
maglalagay ng toothpaste bago ko iabot sa kanya. Tapos maghihilamos din ito at
pagkatapos noon lalabas muna ako para hayaan siyang gumamit ng toilet bowl.
Hightech naman ang toilet bowl niya at kaya niya na din...Hindi ko din carry na
makitang wala siyang salawal kung sakali. Baka kasi makita ko na naman ang
hindi dapat makita. Maliban sa suot niyang boxer shorts, sanay na akong
nakikita siyang n***** **d. Ako din kasi ang nagpapalit ng damit niya kay naman
wala ng problema. Pero tulad nang nabangit ko na, nakakaramdam pa rin ako ng
pagkailang. Lalo na at minsan nahuhuli ko ito na kakaiba kung tumitig. Parang
may gusto ipahiwatig. "Pagkatapos nito, ihatid mo na muna ako ng garden.
Dalhan mo lang ako ng kape at pwede ka na munang bumalik sa pagtulog kung gusto
mo." narinig kong wika nito habang naghihilamos siya. Tango lang ang
naging tugon ko. Nakabantay ako sa kanya habang hawak ko ang malinis na puting
towel na gagamitin niya mamaya para punasan ang mukha niya. "Ella, hindi
ka ba nahihinrapan sa pag aalaga sa akin?" narinig na namang tanong niya.
Hindi ko tuloy alam kung ngingiti or seseyoso ba ako. Kakaiba kasi talaga
ngayung umaga itong si Sir Kenneth! Kakaiba din ang mga tanong niya.
"Sanay na po ako Sir!" sagot. Napansin ko pa ang pagtaas ng kilay
nito at sa pamamagitan ng reflexion ng salamin, napansin kong nakatitig ito sa
akin. "So, ibig sabihin, mahirap akong alagaan at nasanay ka na
lang?" sagot nito. Kaagad naman akong umiling. "Ikaw po ang nagsabi
niyan Sir Kenneth kaya walang samaan ng loob." sagot ko sa kanya. Sa
kauna-unahang pagkakataon nakita ko itong ngumiti. Yes...nakangiti nga siya
habang nakaharap sa salamin. Shocks ang gwapo niya pala kahit balbas sarado
siya! Sana, wala na lang ang balbas na iyan para makita ko din ang kissable
lips niya. Hayssst! "Oo at hindi lang naman ang isasagot mo pero ang dami
mong pasakalye. Ilang taon ka na nga ulit?" natatawa na nitong wika. Para
naman akong biglang napatanga habang nakatitig sa kanya. Para kasi talagang may
nabago kay Sir Kenneth ngayung umaga eh. Nagagawa na din itong tumawa na hindi
niya naman ginagawa dati. Palagi kaya itong nakasimangot sa akin noon.
"Ella...Ano na! Tulala ka na diyan!" napakurap pa ako ng makailanga
ulit ng marinig ko ang boses nito. Sa pagkakataon na ito, nagawa niya nang
humarap sa akin kahit nakaupo pa rin siya sa wheel chair "Bakit pulang
pula ang mukha mo? may masakit ba sa iyo?" tanong na naman nito sa akin.
Naka-ilang tanong na ba siya at anu-anong tanong ba iyun at nang masagot ko na?
Tsaka, bakit ganito...bakit nag iinit ang pisngi ko? "Ha...Ah...ehh, wala
po Sir! Nakakagulat po kasi ang kadaldalan niyo ngayung umaga. Hindi po ako
sanay!" nahihiya kong sagot sa kanya. Ano ba self! Bakit ako
nagkakaganito! Ang aga-aga! Para akong sira na kinikilig sa harap ni crush!
Teka lang... may garter ba itong panty ko? Para kasing malalaglag na
eh...Charrr! Kung anu-ano ang naiisip ko at parang gusto ko nang kaltukan itong
sarili ko eh. Para akong tanga na ewan..haysst! "Talaga lang ha? Siguro
nasusungitan ka sa akin noon noh? Well, pasensya ka na Ella ha? Pero teka hindi
mo pa pala sinasagot ang tanong ko...ilang taon ka na ba ulit?" tanong
nito. "Eighteen po! Eighteen years old na po ako Sir!" kaagad kong
sagot sa kanya. Oo nga pala, iyun ang parang narinig kong tanong mula sa kanya
kanina pa "Good, ibig lang sabihin nito, hindi ako makakasuhan ng child
abuse kung nagkataon." sagot nito na kaagad kong ipinagtaka. Hindi ko na
naman gets ang ibig niyang sabihin. "Po? A-ano po ang ibig niyong sabihin
Sir? Tsaka, bakit po kayo makakasuhan?" nagtataka kong tanong. Muli itong
tumawa na siyang muli ko namang ikinatanga sa harap niya. "Sir..ayaw niyo
po ba talaga na ahitin iyang balbas mo? Kung gusto niyo po ako ang
gagawa!" Wala sa sarili kong bigkas. Huli na nang ma-realized ko kung ano
ang sinabi ko ngayun lang. Narinig na ni Sir Kenneth at bigla na namang nagbago
ang expression ng kanyang mukha. Kung kanina tumatawa ito, ngayun naman ay
seryoso na ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin. Sabi ko na, ang pagiging
pakialamera ay wala talagang magandang maidulot.
Chapter 483 ELLA POV
"Na--naku! Sorry po
Sir! Hindi ko po sinasadya! Sadyang madaldal lang po ako minsan kaya hindi ko
napigil ang sarili ko na sambitin ang katagang dinidikta ng isipan ko na hindi
ko masyadong pinag-iisapan." hilaw ang ngiting wika ko. Ewan kung
nainitindihan niya ang sinsabi ko pero iyun na iyun. Ano ba naman! Pati balbas
gusto ko pang pakialaman! Nasa mood pa naman sana si Sir Kenneth kanina pero
sinira ko lang! Bakit ba itong bunganga ko hindi mapigilan minsan. Nauunang
kumuda bago ma-realized ng isipan kung tama ba or mali ang nasabi ko. Hayssst!
"Well, why not! Marunong ka bang mag-ahit? Kaya mo ba?" tanong nito.
Hindi naman ako makapaniwalang napatitig sa kanya. "Po? Ako? Bakit ako..eh
balbas niyo naman iyan. Kaya niyo nga po mag- toothbrush at maghilamos ng kayo
lang tapos pag ahit hindi niyo po kaya? " Hndi ko na naman mapigilang
sagot. Muli akong napakagat ng aking labi ng maramdaman ko na halos
nagreregudon na ang puso ko sa sobrang pagkabog. Ano ba naman... bakit habang
tumatagal, feeling ko lumalala itong nararamdaman ko! Bakit ba ako kinakabahan
ng ganito? Na-sobrahan ba ako sa 3 in 1 na kape na paborito kong inumin tuwing
umaga? Masarap naman kasi kaya hindi ko pwedeng tigilan. Isa pa, libre at wanto
sawa at buhay na buhay ang dugo ko kapag nakakainom ako noon. "Ikaw ang
nag-suggest kaya ikaw ang gumawa! Siguraduhin mo lang na hindi mo ako
masusugatan kung hindi lagot ka sa akin." sagot nito na may halong
pagbabanta sa boses nya. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi. Ito na talaga
ang resulta ng pagiging pakialamera eh. Hindi porket maayos ang mood ni Sir
Kenneth, pwede na akong magpapa-kampante. Moody pa naman ito at baka masigawan
na naman ako kapag hindi niya magustuhan ang gagawin kong pag ahit sa kanya.
"What are you waiting for? Umpisahan mo na para maaga tayong
matapos." muling bigkas nito. Bantulot naman akong pumunta sa cabinet at
binuksan iyun. Maghahanap ako ng Gillette or ano pa man na pwedeng gamitin
pangtangal ng bigote.. Pero saan nga ba ako mag uumpisa? Ano ang first step?
"Eeerr Sir! Hindi po talaga ako marunong. Hindi ko po alam kung
paano." muling kong bigkas habang isa - isa kong tinitingnan ang laman ng
cabinet. Totoo naman kasi wala akong kahit isang idea kung paano ba. "Ang
lakas ng loob mong mag suggest hindi ka naman pala marunong." narinig kong
bigkas nito. Pinagulong na nito ang wheelchair patungo sa akin at ito na ang
naghalungkat sa loob ng cabinet. May iilang gamit siyang inilabas na ngayun ko
lang din nakita at hindi ko alam kung paano gamitin kaya tahimik ko lang siyang
pinapanood. "Dalhin mo itong mga inilabas ko doon sa sink. Ikaw na lang
ang assistant ko since sa iyo galing ang idea na ito." narinig kong wika
nito at muli nitong pinagulong ang wheelchair patungong lababo. Tahimik kong
dinampot ang mga gamit na inilabas niya mula sa cabinet. Sa totoo lang, excited
ako. Sa wakas, mag aahit na siya at makikita ko na ang totoong gandang lalaki
ng amo ko. Gwapo naman siya kahit may balbas pero alam kong mas gwapo siya kung
wala na siyang buhok sa kanyang mukha at bibig. Kapag successful ang ahit
portion namin ngayun, buhok niya na naman ang susunod kong isa- suggest sa
kanya. Tahimik ko lang na pinapanood si Sir Kenneth habang inuumpisahan na nito
ang proseso ng pag aahit. Naghilamos ulit ito pagkatapos may inilagay siyang mabulang
bagay sa kanyang bigote. Ilang saglit lang, ini- on niya na ang isang machine
na may blade at inumpisahan niya nang tangalin ang bigote niya. Hindi ko
maiwasang mapangiti habang pinapanood ang buong proseso ng pagtatangal niya ng
balbas. SA bawat pagbagsak ng buhok sa sahig ay ang kislap ng tuw tuwa sa aking
mga mata. Hindi din ako makapaniwala na papakingan ni Sir Kenneth ang
suggestion ko. Nagtagal lang naman ng ilang minuto at tuluyan na nga nitong
natangal ang balbas niya. Ang matagal ko nang pangarap na makita ang buong
mukha ni Sir Kenneth na wala nang buhok ay natupad na. Pero bakit ganito? Bakit
feeling ko lalo siyang pumugi. Tumampad na kasi sa paningin ko ang
mamula-mamula nitong labi. Ang mala -Leonardo Di Carpio nitong hugis ng mukha
at ang matangos nitong ilong. Shit na malagkit...para siyang artista na
nakikita ko lang sa cover ng notebook nang mga ka-classmate ko noong nag aaral
pa ako ng elementary... Kahit naman palagi ko itong nakakasalubong si Sir
Kenneth noong hindi pa ito naaksidente, iba pa rin talaga ang impact niya sa
akin ngayun. Bakit parang ang sarap panggigilan ang gwapo niyang mukha? Kahit
na medyo mahaba pa rin ang buhok nito hindi iyun kabawasan sa ganda nitong
lalaki. Kapag mag artista itong si Sir Kenneth, mag aapply pa rin talaga ako
kahit alalay niya. Parang Love ko na nga siya eh..shocks! "Ella...Ella!
Hello!" napakurap ako ng makailang ulit ng bigla ako nitong sabuyan ng
tubig. Bigla akong nagising sa katotohanan na nagdi-day dreaming na pala ako.
Parang gusto ko naman tuloy sapukin ang sarili ko dahil hindi ko na naman
napigilan ang sarili ko. Para na naman akong tanga sa harap ni Sir Kenneth.
Nakakaiinis! "Sir...ano po iyun? Haysstt, bakit po ba kayo nangsasaboy?
Wala pa po akong balak maligo eh... " nakasimangot kong sagot habang
pinupunasan ko ang nabasa kong mukha. "Kanina pa kita tinatawag pero
parang wala ka sa sarili mo. Ano ba ang nangyari sa iyo? Puyat ka ba at
nakatulog nang nakatayo?" tanong nito. Hindi ko tuloy maiwasan na
mapangiwi. No! Hindi ako aamin na pinag- papantasyahan ko siya! Nakakahiya
iyun! "Eh...ang tagal niyo po kasi natapos. Nagugutom na ako!"
pagdadahilan ko Kaagad kong napansin ang biglang pagsalubong ng kilay niya.
"So iyun lang...pagkatapos mo akong himukin na mag-ahit wala man lang
akong narinig na kahit anong salita mula sa iyo? Gutom ka at gusto mo nang
umiskapo?" naiinis na sagot nito. Napatanga naman ako dahil sa sinabi
niya...Ano raw...bakit, ano ba ang dapat kong sabihin pagkatapos niyang mag
ahit liban sa lalo siyang pumugi? "Ha....ehh bagay naman po sa inyo Sir.
Para po kayong naging tao...hindi na po kayo mukhang ermitanyo!"
kinakabahan kong sagot. Sa gulat ko, bigla nitong ibinato ang hawak niyang
towel sa akin. Mabilis na pinagulong ang kanyang wheel chair palabas ng banyo
at naiwan naman akong naguguluhan. "Ano na naman? Bakit nagalit? May mali
na naman ba akong nagawa or sinabi?" hindi ko maiwasang bigkas at kaagad
ko itong sinundan. Mamaya ko na lilinisin ang kalat niya dito sa banyo. Uunahin
ko munang suyuin ang tinutupak ko na namang amo.
Chapter 484 ELLA POV
"Sir, saglit lang naman
po! Huwag naman kayong magalit sa akin!" wika ko pa at mabilis na din na
lumabas ng banyo para sundan ang nagta- tantrums ko na naman na amo. Naabutan
ko siyang palabas na ng silid kaya kaagad ko itong sinundan. Nandito na pala
kami sa ibabang bahagi ng bahay at makakalabas na siya ng bahay nang hindi na
kailangan ng alalay. Wala akong choice kundi sundan ito pero napahinto din nang
marinig ko ang boses ni Madam Arabella. Pababa ito ng hagdan kaya natigil na
din si Sir Kenneth sa pagpapagulong ng kanyang wheel chair. "Good Morning
Madam!" ako na ang naunang bumati. Hindi kasi nakaligtas sa paningin ko
ang gulat sa mga mata ni Madam Arabella habang nakatitig sa anak. BAka
naninbago dahil wala nang bigote si Sir Kenneth eh. Wish ko lang na sana matuwa
din siya. "Kenneth, anak. Ikaw ba iyan! Abat, bagay sa iyo ah? SA wakas,
mabuti naman at naisipan mong ahitin na iyang balbas mo! Ang pogi ng anak ko
ah?" masiglang wika ni Madam Arabella. Tuwang tuwa ito sa hitsura ni Sir
Kenneth kaya hindi ko na din maiwasan na mapangiti habang naglalakad na din
palapit sa kanila. "Good Morning Mom! Wala namang nabago. Kailan lang ako
nagpatubo ng balbas tapos kung maka-react kayo parang first time niyo akong
nakitang walang balbas." sagot naman ni Sir Kenneth. "Ah basta,
masaya ako! Kung pwede nga lang na ako na ang aahit sa lintik na bigote mong
iyun eh, matagal ko na sanang ginawa!" sagot naman ni Madam Arabella.
"Oo nga po Madam! Lalong pumugi si Sir Kenneth noong tinangal niya na ang
bigote niya. Hindi na po siya mukhang dugyot!" hindi ko maiwasang sabat na
ikinatawa naman ni Madam Arabella. Napatingala pa sa akin si Sir Kenenth at
masama akong tinitigan. Pilit ko naman itong nginitian at nag peace sign pa.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kanina pa mainit ang ulo niya sa akin.
Wala naman akong naisip na dahilan dahil wala naman akong nagawang pagkakamali.
Malinis ang konsensya ko kaya sana m*****i na kami. "Ibig mong sabihin,
mabaho ako noong may balbas pa ako?" bakas ang inis na tanong nito sa akin.
Tingnan mo nga naman imbes na ang Mommy niya ang kausapin niya, ako itong
pinagbalingan ng pansin. Quite na nga lang siguro ako. Parang mainit na naman
ang ulo nitong amo ko at tiyak na maghapon na naman itong nakabusangot sa akin.
"Hindi naman po kayo mabaho Sir. Pero promise, mas maayos po kayo tingnan
ngayun kumpara noon. Siguro, bawas-bawasan niyo lang po ang kasungitan niyo
para hindi po kayo kaagad tumanda. Ang gwapo niyo pa naman sana pero ang
sungit-sungit niyo po!" nakangiti kong sagot. Hindi nakaligtas sa pandinig
ko ang mahinang muling pagtawa ni Madam Arabella. Nakuha niya tuloy ang
attention ko at hindi ko na napansin pa ang paguhit nang matamis na ngiti sa
labi ni Sir Kenneth. Baka may nasabi akong ikinatuwa niya. "Kayo talaga!
Kayo na nga lang itong palaging magkasama, palagi pa kayong nagbabangayan. Ano
na naman ba ang pinag aawayan niyo?" tanong ni Madam. Ang gaan talaga
kausap ng amo kong ito. Parang nakikipag usap lang ito sa isang kaibigan at
hindi sa isang kasambahay. Hindi ko talaga ramdam sa kanila ang layo ng agwat
ng istado ng buhay namin. Kaya nga kahit palagi akong sinusungitan nitong si
Sir Kenneth, hindi ko talaga ito susukuan. Mananatili ako sa pamilyang ito
habang kailangan nila ang serbisyo ko. "Hindi kami nag-aaway Mom.
Nagkataon lang na maagang tinupak itong assistant ko kaya sira din ang umaga
ko. Pero ayos na ako ngayun. Maaga akong tatambay ng garden para naman makapag
relax." narinig kong sagot ni Sir Kenneth. Parang gusto ko itong barahin.
Ako pa ngayun ang tinupak gayung siya itong bigla nalang nagsungit. Gayunpaman,
pinalagpas ko na lang. Baka lalong magalit sa akin kung sagot-sagutin ko pa
siya eh. Tsaka, mukhang okay na ang mood niya ngayun. Hindi ko na ramdam ang
inis sa boses niya eh. Hmmm baka naman dahil sa presensya ng Mommy niya.
"Well, ang mabuti pa, sumabay ka na sa amin sa pagkain ng agahan. Maya-
maya bababa ang Daddy mo. Maaga siya papasok ngayun ng opisina dahil may
meeting daw siya kay Mr. Choi." nakangiting sagot ni Madam sa kanyang anak.
Kaagad ko namang napansin ang pagtango ni Sir Kenneth kaya ako na mismo ang
nagtulak ng kanyang wheelchair papuntang dining area. Hindi naman nagtagal
dumating na din si Sir Kurt na bakas ang tuwa sa kanyang mga mata nang mapansin
nito ang presensiya ng kanyang anak. Tamang tama daw dahil medyo matagal niya
nang hindi nakakasama si Sir Kenneth sa pagkain ng breakfast. Kung noon,
oatmeal at isang slice bread lang ang kinakain ni Sir Kenneth, kumain na ito ng
inahain na sinangag, egg at bacon. Magana itong kumain ng breakfast na
kauna-unahan niyang ginawa simula noong inaalagan ko siya. Narinig ko din na
nagtatanong ito sa kanyang ama tungkol sa takbo ng negosyo na malugod namang
sinagot ni Sir Kurt. "Parang bigla kong na-miss ang pumasok ng
opisina." wika pa ni Sir Kenneth. Nagkatinginan naman sila Madam at Sir
Kurt na may ngiting nakaguhit sa labi. "Kailangan mo munang magpagaling.
Huwag kang magmadali, darating din ang oras na muli kang makakapasok ng
opisina. Miss na miss ka na nga ng mga empleyado natin. Hinahanap ka na nila sa
akin." sagot naman ni Sir Kurt. "Hayaan niyo Dad, pagkatapos ng
operation na ito, makakapasok din po ako kaagad ng opisina. Pwede po kayong mag
bakasyon anywhere ni Mommy ay ako na muna ang bahala sa negosyo natin.."
puno ng pag asa ang boses ni Sir Kenneth habang sinasabi ang katagang iyun.
Hindi ko naman maiwasan na mapangiti. IYun naman talaga ang hangad ng lahat eh.
Ang muli siyang makalakad at muling manumbalik sa normal ang buhay niya. Sana
lang maging successful ang lahat.
Chapter 485 ELLA POV
Mabillis na lumipas ang
isang lingo. Araw ng operasyon ni Sir Kenneth at kita ko sa mga mata ng mga
magulang ni Sir ang labis na pag aalala. Muli kasing sinabi ng Doctor na wala
pa rin daw kasiguraduhan kung 100% successful ang operasyon at may tendency pa
rin na hindi na muling makakalakad si Sir Kenneth. Depende pa rin daw iyun sa
response ng katawan ng pasyente. Pagkatapos ng operasyon kaagad din naman itong
inilipat sa isang private room. Mananatili ito sa hospital hanggang sariwa pa
ang kanyang sugat dulot ng operasyon. Siyempre, hindi ko siya pwedeng iwanan
dahil ako ang tagapag-alaga niya. "Mom, bakit hindi ko pa rin nararamdaman
ang paa ko? Bakit pakiramdam ko wala pa rin akong lakas?" ilang araw nang
naka-confine dito sa hospital si Sir Kenneth pero sa halos araw-araw na nagdaan
ito palagi ang tanong niya sa kanyang Mommy. Bakas na din sa hitsura nito ang
pagkayamot! Ako ang kinakabahan sa mga ganitong tanong eh. "Iho, huwag
kang magmadali! Nakausap ko ang doctor mo kanina as sinabi niya sa akin na hindi
basta- basta ang proseso na pagdadaanan mo. Kailangan mo pang dumaan sa therapy
para muling makalakad. Huwag kang mag-alala, magha-hire kami ng magaling na
therapist para sa iyo. Ang kailangan nating gawin ngayun ay pagalingin muna ang
sugat mo para maumpisahan na ang proseso." mahabang paliwanay ni Madam
Arabella. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang unti-unting pagbabago ng hitsura
ni Sir Kenneth. Titig na titig ito sa kanyang Ina habang nababanaag ang sobrang
lungkot sa mga mata nito. "Sinasabi niyo po ba na wala pa ring
kasiguraduhan na muli akong makalakad? Na posible akong maging lumpo habang
buhay?" tanong nito sa INa. Hindi naman nakaimik si Madam Arabella.
"Alam ko naman MOm eh. Nararamdaman ko sa sarili ko na walang ipinagbago
ang katawan ko. Wala pa ring nararamdaman ang binti ko at alam kong may mga
bagay kayong inililihim sa akin!" galit na bigkas ni Sir Kenneth. Bakas na
sa boses nito ang matinding pagdaramdam kaya kaagad akong napalapit sa kanila.
"Ehhh Sir...hwag naman po kayong magsalita ng ganiyan. Akala ko po ba wala
kayong balak na sumuko? Nandito na po tayo, nag uumpisa na kayo at sana naman
huwag po kayong mawalan ng pag asa." sabat ko sa pag uusap nilang mag ina.
Napansin ko kasi na may namuong luha na sa mga mata ni Madam Arabella at nag
aalala ako na baka kung ano pa ang masabi nito kay Sir Kenneth. Baka may masabi
ito na mas lalong maging dahilan para pang hinaan ng loob ang anak niya.
"Nararamdaman ko na wala na akong pag asa. Alam ko iyun dahil katawan ko
ito. Sana man lang, sa umpisa pa lang, hindi niyo na ako pinaasa pa. Sana man
lang sinabi niyo sa akin na habang buhay akong maging inutil." halos
sumigaw na si Sir Kenneth habang sinasabi ang katagang iyun. Sa isang iglap
biglang naging mabangis ang kanyang awra. Pareho kaming hindi nakasagot ni
Madam Arabella. "Useless ang pananatili ko sa hospital na ito. Useless ang
operasyon na ito kaya iuwi niyo na ako!" muling wika nito. "No, anak
huwag kang mawalan ng pag asa. May ilang porsyento ang ibinigay ang Doctor mo
para makalakad ka ulit. Kaya nga nandito tayo sa hospital eh. Kaya nga--"
"Mom! Please, tama na! Huwag niyo na akong bigyan ng false hope. luwi niyo
na ako sa bahay at gusto ko na lang ng tahimik na buhay!" galit nitong
sagot sa Ina. Napatitig sa akin si Madam Arabella sabay tango.
"Sir...hindi---- "Shut up! Hindi ko kailangan ang opinyon mo kaya
itikom mo na iyang bibig mo!" Galit na sigaw sa akin ni Sir Kenneth.
Natameme naman ako. Sa kauna-unahang pagkakaon simula nang pinagsilbihan ko
siya, ngayun niya lang ako napahiya ng ganito. Biglang naumid ang dila ko at
hindi ako nakapagsalita kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata.
"Ken! Anak! Huwag ka namang ganiyan kay Ella. Hindi mo ba alam na sa
dinami-dami na dumaan na taga pag alaga mo siya lang itong nakatagal? Huwag
kang magalit sa kanya..." saway naman ni Madam Arabella sa anak. Parang
walang narinig si Sir Kenneth bagkos matalim akong tinitigan. "Gusto ko ng
umuwi ng bahay! Pakiasikaso na lang ng release paper ko. "Malamig na sagot
nito sa Ina. Wala nang nagawa sila Madam Arabella kundi iuwi si Sir Kenneth ng
bahay. Nagwawala na din kasi talaga ito sa hospital at pati Doctor na gustong
kumausap sa kanya ay nasigawan nya na. Feeling ko nga bumalik na naman ito sa
dati or lumala pa nga eh Mahigit anim na buwan ang matulin na lumipas. Balik sa
dati si Sir Kenneth at hindi na muli itong lumalabas ng kwarto. Nakabantay
naman ako buong oras sa kanya dahil baka kung ano ang gawin niya sa sarili
niya. "Sir, ikukuha ko lang po kayo ng makakain. Dito lang po kayo."
isang umagang wika ko sa kanya. "Get lost! Sa palagay mo ba makakaalis ako
sa lintik na silid na ito kung wala ang lintik na wheel chair na iyan? Ayaw na
ayaw kong makikita ang pagmumukha mo sa silid na ito." malamig ang boses
na sagot nito. Halos araw-araw kong naririnig sa kanya ang katagang iyun kaya
wala ng epekto sa akin. Hindi ko na pinapansin dahil sanay na ako bagkos
mabilis na akong lumabas ng kwarto para kumuha ng pagkain niya. May mga gamot
kasi itong iniinom kaya kailangan niya talagang kumain sa tamang oras.
Pagkatapos kong makakuha ng pagkain nito ay muli akong bumalik ng kwarto. Hindi
ko maiwasang mapasigaw ng mapansin ko na wala na sa kama si Sir kenneth.
Nakahiga na ito sa sahig at namimilipit sa sakit! "Ahyyyy! Sir, ano ang
ginawa niyo? Bakit? Ano ang nangyari?" Taranta kong wika at kaagad na
inilapag sa ibabaw ng mesa ang pagkain nito. Mabilis ko siyang dinaluhan at
pilit na inaalalayan na makatayo para maibalik ng kama. Pero hindi ko kaya, ang
bigat niya pala! \ Inutil! Inutil!" Narinig kong bigkas niya. Pumiksi pa
ito sa pagkakahawak ko kaya sa inis ko binitawan ko siya at galit na tinitigan.
Kung hindi ka lang sana duwag, baka nakakalakad ka na ngayun!" galit ko
namang sigaw sa kanya. Abat, huwag niya akong ma-ballshoot- ballshoot ngayung kaunting
kaunti na lang ang reserba kong pasensya para sa kanya. Papatulan ko na talaga
siya sa pagsusungit niya!
Chapter 486 ELLA POV
"Anong sabi mo?
Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdadaanan ko ngayun kaya wala kang karapatan
na pagsalitaan ako ng ganiyan.!" galit na naman na sigaw ni Sir Kenneth sa
akin. Nagtatagis na naman ang kanyang bagang habang galit na galit na nakatitig
sa akin kaya naman kaagad na akong tumayo at dumistansya sa kanya. Mahirap na.
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya at baka kung ano ang magawa
niya sa akin "Ang alin po? Na ballshoot ka nga or iyung sinab ko na duwag
po kayo? Totoo naman ah? Duwag po kayo dahil imbes na subukan niyo lahat ng
payo ng doctor para gumaling na kayo mas gugusutuhin niyo pang magmukmok sa
kwartong ito na mag-tantrums araw -araw na parang paslit!" sagot ko naman
sa kanya. Pinamaywangan ko pa ito pero lalong naningkit ang mga mata nitong
nakatitig sa akin dahil sa galit. Ang lakas na loob mong sumagot sagot sa akin.
Hindi ko na kailangan nag seribisyo mo kaya lumayas ka sa harapan ko!
Out!" galit na sigaw nito sabay turo ng pintuan. Parang walang narinig at
naupo lang ako sa kalapit na sofa habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa
kanya. "ooops, hindi ikaw ang magdedesisyon kung sisante ba ako or hindi.
Siya nga pala, wala sila Mommy at Daddy mo. Nasa resort sa Visayas kaya wala
kang choice kundi pagtiyagaan muna ang maganda kong pagmumukha!" ngiting
ngiti kong sagot sa kanya. Napansin ko naman na natigilan ito habang titig na
titig sa akin. Hindi na ito sumagot pa pero may kakaiba akong nababasa sa mga
titig niya. Parang may something na hindi ko mawari kaya muli kong naramdama
ang malakas na pagkabog ng puso kasabay ng pag iwas ng tingin ko sa kanya.
Tumayo na din ako para sana iwasan ang titig niya. Naglakad ako patungo sa mesa
kung saan nakalagay ang kanyang pagkain at muli ko itong sinulyapan. Napansin
ko na nagpupumilit na itong makatayo kaya naman mabilis akong napalapit sa
kanya. "Ano ang ginagawa mo? Alam mo bang pwede kang mabagok sa mga
ginagawa mong iyan." sagot ko sa kanya at mabilis ko itong hinawakan sa
baywang. Pilit ko isyang iniangat para sana maibalik siya sa kama. Naging
cooperative naman ito at mahigpit din ang pagkakapit niya sa akin kaya kahit na
sobrang bigat niya maayos naman siyang naibalik ng kanyang kama. Iyun nga lang
halos maputol ang ugat ko ko dahil sa bigat niya at akmang lalayo na ako sa kanya
nang maramdaman ko ang biglang paghawak nito sa braso ko. "Where are you
going Amozana?" seryoso ang boses na tanong nito. Halos maduling na din
ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya hindi ko maiwasang
mapalunok ng sarili kong laway. "Te-teka lang Sir! Harassment iyan.
Hin-hindi na po ito kasa---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang
maramdaman ko ang biglang paglapat ng labi niya sa labi ko. Kaagad na nanlaki
ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Para akong naging tood at hindi
nakakilos. Pati yata utak ko biglang nag freeze at hindi na nakapag isip ng
tama. Basta ang alam ko, s********p ni Sir Kenneth ang bibig ko. Sobrang init
ng kanyang hininga na dumadampi sa pisngi ko na nagbigay sa akin ng kakaibang
sensasyon sa buo kong katawan na ngayun ko lang naramdaman sa tanang buhay ko.
SAbagay, first kiss ko nga pala ito! First kiss ko at feeling ko nangangapal na
ang labi ko sa ginagawa sa akin ngayun ni Sir Kenneth. Para itong gutom na
halimaw sa ginagawa niya lalo na at bigla kong naramdaman ang isa niyang palad
na humahaplos sa kaliwa kong dibdib. Kahit na medyo makapal itong t -shirt na
suot ko ramdam ko pa rin ang init na nagmumula sa palad niya kaya napasinghap
ako at kaagad na napalayo sa kanya. "Te-teka lang..First kiss ko iyun eh!"
Wala sa sariling bigkas ko habang hindi hindi makatingin ng diretsho kay Sir
Kenneth. Sobrang init ng mukha ko dahil sa hiya at parang gusto kong maiyak.
"Sabi ko nga, first kiss mo iyun! Kaya pala para kang tood eh. WAlang
kabuhay-buhay!" narinig kong sagot nito. Napasulyap ako sa kanya at kaagad
kong napansin ang kakaibang ngiti na nakaguhit sa labi nito. Hindi na siya
galit at parang masaya na siya ngayun. Bakit kaya? "Sir...bakit niyo po
iyun ginawa? Hindi po iyun kasama sa kontrata!" Parang naiiyak kong sagot
sa kanya. Feeling ko talaga namamaga ang labi ko dahil sa ginawa niya. Hanggang
ngayun ramdam ko pa rin ang init ng kanyang labi na humaagod sa bibig ko.
"Hindi din naman kasama sa kontrata ang pagsagot-sagot mo sa akin, may
narinig ka bang reklamo sa akin? Wala diba? Kaya quits na tayo!" ngiting
ngiti nitong sagot sa akin. Hindi naman ako nakaimik. "Kakain na ako and
after this, samahan mo ko sa labas. Gusto kong maligo sa pool!" muling
wika nito. Kaagad akong napaangat ng tingin at tinitigan siya. "Po?
Maliligo kayo ng pool? Marunong po ba kayong lumangoy?" nagtataka ko
namang tanong sa kanya. Muli ako nitong nginisihan bago sinagot. "Hindi mo
naman siguro ako hahayaan na malunod diba?" makahulugan nitong sagot.
Hindi ko maiwasang mapalunok ng sarili kong laway. Bakit parang naging iba na
naman siya ngayun? Sa kauna-unahang pagkakataon, gusto niyang maligo sa pool?
Tapos, ano ang magiging papel ko sa kanya... babantayan ko ba siya or sasamahan
na magtampisaw sa pool? Ang tanong kaya ko ba siyang sagipin kung sakaling
hindi siya marunong lumangoy. Hayssst, parang gusto kong magsungit na lang siya
kaysa naman may pa-ganitong eksena pa siya. "Ano na? Tatanga ka na lang
ba? Its getting late kaya iabot mo na sa akin ang pagkain. And, gusto ko subuan
mo ako para naman sulit ang pagpapa- sweldo sa iyo ni Mommy." muling
bigkas nito na labis kong ikinagulat. Ano daw? Susubuan ko daw siya? Mahabaging
langit, baka epekto ito sa pagkakalaglag nya sa sahig kaya ganito na siya mag
isip ngayun.
Chapter 487 ELLA POV
Hindi pa nga ako
nakakarecover sa pagsipsip niya sa labi ko tapos gusto niyang subuan ko siya
ngayun? Gosh... ano ba, bakit naging ganito si Sir Kenneth? "Ella, bilis.
Gutom na ako!" demanding na wika nito. Wala akong choice kundi ang kunin
ang kanyang pagkain at muling lumapit sa kanya. Iniiwasan kong tumingin sa
kanyang mga mata dahil feeling ko nalulunod ako sa mga titig niya. "1-ito
na po Sir!" sagot ko sa kanya sabay abot ng isang bowl ng oatmeal.
Tinitigan niya lang ako at sininyasan na maupo sa tabi niya. Pilit ko naman
itong nginitian. "Kaya niyo na pong kumain mag-isa Sir. Hindi naman po
siguro napuruhan ang kamay niyo para magpasubo pa kayo sa akin diba?"
hilaw ang ngiti sa labi ko habang sinasabi ang katagang iyun. Tinaasan ako nito
ng kilay bago ito nagsalita. "Sino ba ang amo sa ating dalawa? Inuutusan
kita kaya sundin mo ang sinabi ko. Gutom na ako Ella ha at kapag hindi ka pa
kikilos, ikaw talaga ang kakainin ko!" seryosong wika nito habang may
pagbabanta sa tono ng kanyang boses. Hindi ko naman maiwasan na magtaka. Ano
daw? Kakainin niya ako? Ano siya, cannibal? Kumakain ng tao? Wala din naman sa
hitsura ng pamilya nila Madam Arabella na may pagka- aswang ah? Lalong hindi
aswang itong si Sir Kenneth dahil hindi ko pa ito napapansin na nagbabago na
anyo. "Po? A-ako? Kakainin niyo? Bakit po, bampira po ba kayo?"
nagtataka kong tanong. Kaagad naman umalingawngaw sa buong paligid ang malakas
nitong pagtawa. Kaagad na nagsalubong ang kilay ko. Hindi ko maintindihan kung
bakit siya tumatawa. Hindi ko din alam kung matutuwa ba ako dahil ito ang
kauna- unahang pagkakataon na tumawa siya simula noong nakalabas siya ng
hospital pagkatapos ng operasyon niya or malulungkot dahil alam ko naman sa
sarili ko na ako ang pinagtatawanan niya eh. Pero ano man ang reason, kailangan
ko siyang sakyan dahil baka sungitan na naman ako. "Bampira? Are you
kidding me? Saan ka bang lupalop ng planeta galing at hindi kayang intindihin
ng utak mo ang sinasabi ko?" tawang tawa pa rin na sagot nito sa akin.
Iningusan ko ito. Mukhang lumuwag yata ang turnilyo ng amo ko dahil sa
pagkakahulog niya sa kama. Biglang nag iba ang ugali eh. Nitong mga nakaraang
buwan, galit ito sa mundo pero iba na ngayun. Tawa na nang tawa na parang
baliw. "Hmmmp! Ano ang hindi ko naintindihan? Sa susunod po kasi, huwag
kang magsalita ng mga bagay- bagay na mahirap paniwalaan. Hindi naman po siguro
kayo aswang para kaya niyo akong kainin." nakalabi kong sagot. Lalo naman
itong napahalakhak ng tawa. Puno ng patatakang tinitigan ko lang siya. Ano ba?
Ano ang nangyari sa kanya? Kailangan ko na bang tawagan ang mga magulang niya
para ibalita na nababaliw na ang anak nila? Wala na kasing ginawa kundi ang
tumawa eh. Ngiti lang ang request ko sa kanya nitong mga nakaraang araw pero
sobra -sobra naman yata ang ibinigay niya sa akin ngayun! "Si-Sir....a-ano
po ang nakakatawa?" Hindi ko mapigilang tanong sa kanya. Sumenyas naman
ito sa akin na lapitan ko daw siya kaya kaagad naman itong tumalima. Hindi ko
pa maiwasang mapangiti ng kunin niya sa kamay ko ang bowl na naglalaman ng
pagkain at inilapag sa isang maliit na table na nasa gilid lang ng kayang kama.
Matutuwa na sana ako pero impit akong napatili ng hawakan niya ako sa dalawa
kong kamay at malakas na hinila palapit sa kanya. Dahil sa gulat, nawalan ako
ng balanse at diretsong napasalmpak sa katawan niya na siyang dahilan ng
pakabuwal nito sa kama kasunod ako. "Ahhhyy! Sir! Ano ba ang ginagawa
niyo!" nagrereklamo kong wika sa kanya at pilit na umaalis sa pagkakadagan
ko sa kanya ng maramdaman ko ang mala-bakal nitong braso na nakapulupot sa
likuran ko. Sa higpit noon hindi ako makakilos sa ibabaw niya kaya hindi ko
maiwasang makaramdam ng kaba. "Stay still! Hayaan mong ikaw na lang ang
kainin ko ngayung umaga! Total naman simpleng instructions hindi mo kayang
sundin eh." malat ang boses nito habang sinasabi ang katagang iyun. Puno
ng pagtataka sa isipan ko habang hindi inaalis ang pakakakatitig ko sa kanyang
mga mata. Para kasing nangungusap iyun na hindi ko maintindihan. Parang may
gustong ipahiwatig na hindi ko mawari. "Kakainin niyo ako? Pa-papatayin
niyo po ako?" hindi ko maiwasang tanong. Gumuhit ang ngiti sa labi nito
habang may napansin akong kakaibang kislap sa kanyang mga mata habang
dahan-dahan na lumalapit ang mukha nito sa mukha ko. Hindi ako nakakilos sa
pinaghalong damdamin na lumulukob sa pagkatao ko hanggang sa naramdaman ko na
lang ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Sa ikalawang pagkakaon ngayung
umaga, uling lumapat ang labi nito sa labi ko. Banayad ang ginawa niyang
paghalik sa akin na parang nanunudyo. "Sundin mo ang galaw ng labi ko
Sweetheart! Kiss me back!" utos pa nito sa akin ng saglit niyang pakawalan
ang labi ko pero kaagad din namang bumalik pagkatapos niyang sabihin ang
katagang iyun. Hindi ako marunong kaya hindi ko talaga alam ang gagawin ko.
Hanggang sa naramdaman ko na lang na dinudungol na ng dila niya ang bibig ko.
Napaawang naman ang bibig ko dahil sa ginawa niya kasunod noon ang pagpasok ng
dila niya sa bibig ko. Ginalugad niya ang bibig ko gamit ng kanyang dila. Para
namang mauubusan ako ng hininga dahil sa ginawa niya. Hindi kasi ako makahinga
ng maayos dahil dito. Naramdaman ko pa ang pagsisip niya sa dila ko na siyang
nagbigay sa akin ng kakaibang sensasyon sa buo kong pagkatao. Ewan ko ba pero
ang halik na ito ang nagbigay sa akin ng kakaibang init sa buo kong katawan.
Namalayan ko na lang na ginagaya ko na ang bawat galaw ng labi niya. Kusa ko
ding inpinasok sa loob ng bibig niya ang dila ko kaya hindi nakaalpas sa
pandinig ko ang mahinang ungol mula kay Sir Kenneth. Nag umpisa na ding gumalaw
ang palad nito sa buo kong katawan. Unang humahaplos iyun sa likuran ko
hanggang sa naramdaman ko ang pagtaas niya sa suot kong blouse at pumaloob sa
damit ko ang isa niyang palad. Ang bawat madaanan ng palad niya ay nagbigay sa
akin iyun ng kakaibang init na ngayun ko lang naramdaman sa tanang buhay ko.
Patuloy ang ginawa naming halikan at hindi maiwasang makaramdam ng excited sa
mga susunod na kaganapan na mangyayari sa aming dalawa. Aminado kasi talaga ako
na nag enjoy ako sa ginagawa naming dalawa. Ang sarap pala! Ang sarap ng labi
ni Sir Kenneth.. Para akong idinuduyan sa alapaap.
Chapter 488 ELLA POV
Bago sa akin lahat ng mga
ginagawa sa akin ngayun ni Sir Kenneth. Para akong lalagnatin na ewan. Hindi ko
na nga napigilan pa ang mapaungol ng dumampi ang isang palad nito sa tuktok ng
aking bundok. Yes...ang aking bundok. Sinisimulan niya nang masahin na nagbigay
sa akin ng kiliti sa buo kong pagkatao. Bigla akong nagising sa katotohanan at
wala sa sariling napaigtad ako kasabay na pag-alis ko mula sa ibabaw niya.
Nagmamadali akong bumangon at bumaba ng kama habang kinakastigo ang sarili ko
na hindi dapat mangyari ang mga nangyari sa amin kani-kanina lang. "Hey,
where are you going Sweetheart? Hindi pa tayo tapos!" narinig kong reklamo
ni Sir Kenneth. Hindi ko maiwasang mapakagat sa aking labi. Hindi ko na ito
sinagot bagkos patakbo akong pumasok sa loob ng banyo. Nakakahiya at feeling ko
nabawasan ng ilang porsyento ang dignidad ko dahil sa pagpayag ko na magpahalik
kay sa kanya. 'Ella! Ang tanga mo! Ang tanga-tanga mo!" impit kong sigaw
habang sinasabunutan ko ang sarili ko. Hindi ko ma-imagine na nakipag-laplapan
ako sa sarili kong amo. Ano nalang kaya ang iisipin niya? Na pakawala akong
babae at basta na lang nagpadala sa halik at haplos niya! "Nakakahiya!
Nakakahiya talaga!' Paulit-ulit kong bigkas at nagmamadaling humarap sa
salamin. Medyo namamaga ang labi ko kaya wala sa sariling nahaplos ko iyun
sabay pikit. Hanggang ngayun, nararamdaman ko pa rin ang labi ni Sir Kenneth na
nakadikit sa labi ko. Kakaibang sarap na noon ko lang natikman sa tanang buhay
ko "Wala na ang first kiss ko! Kinuha niya na! Hyassst, wala na akong
itatago sa amo ko. Nakapa niya na din ang bulkan ko at nahimas niya pa.
Nakakainis!" sambit ko sa sarili kong reflexion sa salamin. Para akong
tanga habang titig na titig ako sa sarili ko. Feeling ko tuloy ang laki nang
nabago sa buo kong pagkatao. Hindi ko alam kung ilang minuto na ako nanatili sa
loob ng banyo. Nahihiya na akong lumabas dahil wala na akong mukha na ihaharap
pa kay Sir Kenneth. Bakit ba kasi ang bilis kong nagpaubaya? "Hayst
kainis! Pero kasalanan ko ba talaga? Hindi naman siguro diba? Hindi naman ako
ang naunang humalik. Si Sir Kenneth ang naunang humalik sa akin kaya bakit nga
pala ako mahihiya? Pero hindi eh....dapat pinigilan ko siya. Dapat umpisa pa
lang hindi na ako pumayag! Ang tanga ko! Paano pala ako makakahindi gayung nag
enjoy din naman ako? Na gusto ko din naman ang ginawa niya sa akin?"
parang tangang kausap ko sa sarili ko. Parang gusto nang sumakit ang ulo ko sa
kakaisip kaya nagpasya na lang muna akong maghilamos para kahit papaano
mahimasmasan sa mga nangyayari. Simula ngayung araw, dapat na talaga siguro
akong magbigay ng boundary sa pagitan naming dalawa. liwasan ko nang sasagot-
sagutin siya para hindi niya ako maparusahan. Kaya lang naman niya siguro ako
hinalikan dahil gusto niya akong parusahan. Grabe kasi kung sumagot- sagot ako
eh. Kapag nag uutos siya, hindi ko masyadong sinusunod. Naubos na siguro ang
pagtitimpi niya sa akin kaya nya siguro ako n******* n. Kaya niya siguro ginawa
sa akin iyun. Sa isiping iyun hindi ko maiwasang mapasimangot. Hindi din kasi
ako kumbinsido eh. Pero hindi naman ako pwedeng magtagal dito sa banyo. Kanina
pa ako dito eh at baka hinahanap na ako ng kumag na iyun. Kailangan ko pa pala
siyang painumin ng gamot at lagot talaga ako nito kapag malaman nila Madam
Arablella na pinapabayaan ko ang anak nila. Tama, hindi dapat ako magpaapekto.
Hindi ko kasalanan. Nadala lang ako ng curiosity at hindi na mauulit iyun.
Hindi na talaga dahil baka makikiusap nalang ako kay Madam Arabella na
magreresign ako. Kakausapin ko na lang siguro si Mam Jeann kung pwede pa ba
akong bumalik sa kanila. Magdadahilan na lang siguro ako para pumayag sila
total alam naman nila kung anong klaseng pag uugali meron ang kadugo nila eh.
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako dahan-dahan na
lumabas ng banyo. Nagulat pa ako dahil naabutan ko si Sir Kenneth na nakaupo na
ng kama habang kinakain ang oatmeal niya. Saglit na tumitig ito sa akin sabay
iling. "Bakit ang tagal mo sa banyo?" kaswal na tanong nito. Kaagad
ko naman siyang sinimangutan. Magre-resign na ako kaya huwag niya akong
susungit- sungitan. "Wala po! Nag isip-isip lang." malamig na sagot
ko sa kanya. Nag angat ito ng tingin at direktang tumitig sa akin. Nag iwas
naman ako ng tingin sa kanya. "Sir....mag---magreresign na po ako!"
mahinang wika sa kanya. Sapat lang iyun para marinig niya. Sa totoo lang, nag
aalanga din naman ako. Sayang kasi ang sinasahod ko tapos mabait naman sila
Madam. Kaya lang paano naman ang dignidad ko? Nakadalawang halik na sa siya
akin ngayung araw lang at ayaw ko ng masundan iyun. Nakakahiya hindi lang sa
kanya kundi sa lahat ng mga taong nakapalibot sa amin. Lalo na sa kanyang mga
magulang na labis akong pinagkatiwalaan. "Resign? Why?" tanong nito
habang dahan-dahan na inilalapag sa bedside table ang bowl na walang ng laman.
Hindi ko naman maiwasan na mapairap. Why daw? Ramdam ko pa ang pamamga ng lips
ko ngayun tapos tatanungin niya ako ng why? May topak ba siya?
"Basta!" Sagot ko dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang isasagot
ko. Nakakahiya naman kung sabihin ko na ang halik niya ang dahilan kaya
magreresign na ako. Baka pagtawanan na lang ako nito bigla dahil napansin ko sa
kanya na parang wala lang naman sa kanya ang nangyari sa aming dalawa
kani-kanina lang. "Paano kung ayaw kong pumayag? Magpupumilit ka pa rin
ba?" tanong nito. "Bakit ayaw niyo? Hindi bat ayaw niyo naman na may
mag aalaga sa inyo? Ilang beses niyo nga po akong itinataboy eh." nakalabi
kong sagot. Mahina itong tumawa na ikinagulat ko. "Magbabago na ako. Hindi
na kita sisigawan! Huwag ka nang umalis. Ang bilis mo naman magtampo!"
seryosong sagot nito na labis kong ipinagtaka. Hindi niya na ako sisigawan so
ibig sabihin, bati na kami? Pero ang tanong...kaya ko pa ba talaga siyang
alagaan?
Chapter 489 ELLA POV
"Bati na tayo at
magbabago ka na? Magiging mabait ka na ba hindi lang sa akin kundi pati na din
sa mga kasama natin dito sa bahay?" nag aalangan kong tanong. Isang ngiti
ang gumuhit sa labi nito bago tumango. "Yes...magbago na ako. Hindi na ako
magagalit. Mag stay ka lang please!" sagot nito na may kalakip pa na
lambing sa kanyang boses. Hindi ako umimik at kunwari malalim na nag isip.
"Kung papayag ako, may isa pa akong kondisyon na gustong i-set sayo. At
kapag hindi ka pumayag, magre- resign na talaga ako!" pananakot kong wika
sa kanya. Natigilan ito habang titig na titig sa akin. "What is it? Dagdag
sahod? Kung sa pera walang problema. Magkano ba ang kailangan mo?" tanong
nito. Hindi ko naman mapigilan ang pagtaasan siya ng kilay ko. Ngayung
pinipigilan niya ako ayos na din siguro na ibalik ko din sa dati ang trato ko
sa kanya. Nasanay na kasi ako eh at mahirap pigilan ang sarili kapag hindi ko
ma- express ang mga gusto kong sabihin sa kanya. "Pera agad? Hoy! Mr
Kenneth Villarama Santillan, hindi sa lahat ng oras pera-pera lang. Oo mahirap
ako pero mas gusto kong kumita galing sa pinagpaguran ko noh!" nakalabi
kong sagot sa kanya. Isang mahinang pagtawa ang narinig ko mula sa kanya bago
ito sumagot. "Okay. fine! Ano ba ang kondisyones mo?" tanong nito.
Napatitig muna ako sa kanya. Nagtataka kasi ako dahil ang bait niya ngayun eh.
Sana lang wala nang expiration ang kabaitan niya para naman everybody happy.
"Kailangan mong tulungan ang sarili mo na gumaling! Ibig kong sabihin,
pumayag ka na ipagamot ka para muli ka ng makalakad." diretasahan kong
sagot sa kanya habang titig na titig sa kanyang mukha. Interesado kasi akong
makita kung ano ang magiging reaction niya. Bahagya akong kinabahan ng kumunot
ang noo nito at naningkit ang mga matang tumitig sa kin. "Kung ayaw mo di
h'wag mo! Aalis na lang ako!" inunahan ko na siya kaysa naman pagalitan na
naman niya ako. Isang malakas na buntong hininga ang narinig kong muli sa kanya
bago ito malungkot na tumitig sa kawalan. "Bakit ko pa ita-try gayung alam
ko naman sa sarili ko na mabibigo din naman ako. Wala na akong pag asa pa Ella
kaya humiling ka na lang ng iba." malungkot na sagot nito. Kaagad naman
akong napasimangot. Napaka-negative niya talaga. Dinig ko kay Mam Jeann
matalino naman daw ito pero bakit bobo pagdating sa mga ganitong bagay?
"Iyan ang mahirap sa iyo. Hindi mo pa nga sinusubukan, sumusuko ka na
kaagad! Ikaw lang naman ang nagsasabi na hindi ka na gagaling eh. Hindi din
naman sinabi ng doctor mo na isang daang porsyento na hindi ka na gagaling.
Ginagawa mo lang na kumplikado ang lahat gayung kaya niyo namang mag hire ng
pinaka- magaling na eksperto para muli kang makalakad!" sagot ko sa kanya.
Natigilan naman ito habang titig na titig sa akin. Isang kiming ngiti ang
pinakawalan ko sa kanya bago ulit ako nagsalita. "Patunayan mo sa lahat na
hindi pa katapusan ng mundo Sir Kenneth. Hindi mo ba naiisip ang mga pangarap
mo? Ayaw mo na bang i-pursue ang mga nasimulan mo na?" muling wika ko.
Malungkot itong napailing at muling tumitig sa akin. "Paano kung mabigo
ako? Nagsasayang lang tayo ng oras." sagot nito. "Makakalakad ka
ulit! Nakalimutan mo na ba ang payo sa iyo ng Doctor mo. Ikaw lang ang
makakakagawa ng paraan para muli kang makalakad. Kailangan mong tulungan ang
sarili mo Sir Ken. Dont tell me na naduduwag ka?" sagot ko sa kanya. SA
nasabi ko na gusto kong sabihin sa kanya kung ano man ang laman ng isipan ko.
Nakakapanghinayang naman kung habang buhay siyang magmumukmok dito sa kwarto.
Ang pogi niya tapos siya ang first kiss ko. Kaya naman dapat talaga muli siyang
makalakad at bumalik sa normal ang buhay niya. "Maliit na porsyento. Mas
malaki ang porsyento na mabibigo lang ako." sagot nito. "Bahala ka na
nga! Bakit ba ang hirap mong kausapin? Kung ayaw mo eh di aalis na lang ako.
Ang bigat mo kaya! Hirap na hirap na ako sa kakaalalay sa iyo mula kama
hanggang wheel chair. Tapos kiniss mo pa ako kanina!" walang preno kong
sagot at mabilis na naglakad patungong pintuan ng kanyang kwarto. Bahala na nga
siya, magpapalaming muna. "Okay, fine! Susubukan ko! Susubukan
natin!" bago ko naipihit ang seradura ng pintuan ng kanyang kwarto muli
itong nagsalita. Natigilan ako at dahan-dahan na muling humarap sa kanya.
"Ibig mong sabihin, magpapagaling ka na? Papayag ka nang dumaan sa mga
proseso para muli kang makalakad?" nakangiti kong tanong. Dahan-dahan
naman itong tumango. Lalo namang lumawak ang pagkakangiti ko sa kanya.
"Yes! Dapat ganiyan! Positive lang palagi! walang mangyayari kapag hindi
kikilos. Walang mangyayari kapag uupo ka lang diyan at magta-tanrums palagi na
parang bata!" ngiting-ngiti kong wika sa kanya. "Kapag hindi ako
magtagumpay, hindi mo ba ako susukuan?" tanong nito. Walang pag
aalinlangan na nilapitan ko siya at hinawakan sa magkabilaang balikat.
Pinisil-pisil ko pa iyun na parang minamasahe. "Tagumpay or hindi
tagumpay, nasa tabi mo lang ako palagi hanggang kailangan mo ako Sir."
nakangiti kong sagot sa kanya. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa bago ko
naramdaman ang paghapit niya sa baiwang ko. Parang bigla naman akong nanigas sa
kinatatayuan ko. Wrong move! Bakit nga pala ako lumapit sa kanya? At bakit
ganito ako itrato ni Sir Kenneth. Naramdaman ko pa ang pagdikit ng pisngi niya
sa tiyan ko habang naririnig ko mula sa kanyang bibig ang salitang pasasalamat.
Siguro, kung may ibang nakakakitang tao sa amin, baka iisipin nila na may
relasyon kami eh. Pero tama ba talaga itong nangyayari sa amin? Nag kissing
kami kanina, tapos heto na naman. Kung makayakap siya para talaga kaming mag
jowa!
Chapter 490 ELLA POV
"Hmm, Sir pwede bang
bitaw muna. Kukunin ko lang ang gamot na dapat mong inumin." kinakabahan
kong wika sa kanya. Ano ang nangyayari? Bakit may ganito na sa pagitan naming
dalawa? "Okay!" narinig kong sagot nito sabay bitaw sa akin. Kaagad
naman akong lumayo sa kanya at kinuha ang isang baso ng tubig at gamot at
kaagad na iniabot sa kanya. Walang sabi-sabing kaagad naman niyang ininom iyun.
Hindi katulad noon na pahirapan pa ang pagpapainom ng gamot sa kanya. Sana
ganito palagi. "Kumain ka na ba ng breakfast?" tanong nito sa akin.
Natigilan naman ako. Oo nga pala, hindi pa ako kumakain. Ganito naman palagi
ang senaryo tuwing umaga...aasikasuhin ko muna siya bago ako pupunta ng kusina
para kukuha ng makakain. "Hindi pa po Sir. Mamaya na lang siguro."
nakangiti kong sagot sa kanya. Kaagad naman nagsalubong ang kilay nito.
"Bakit hindi pa? Alas nweba na tapos hindi ka pa kumakain?" bakas ang
inis sa boses nito habang sinasabi ang katagang iyun. Natameme naman ko. Bakti
parang galit na naman siya eh hindi naman siya ang nagugutuman. Magalit siya
kung hindi ko siya napagsilbihan ng maayos. Nagtaka pa ako ng napansin ko na
dinampot niya ang kanyang celllphone at may tinawagan. Lalo akong nagulat ng
napagtanto ko kung sino ang kanyang kausap. "Manang, mag akyat kayo ng
pagkain ni Ella dito sa kwarto!" utos nito kay Manang. Hindi ko naman
maiwasan na mapaawang ang bibig ko dahil sa gulat. "Ano daw ang gusto mong
kainin!" nahimasmasan lang ako sa pagkagulat ng marinig ko ang tanong
niya. Kaagad naman akong umiling. "A--ako na lang po ang bababa para
kumuha ng pagkain. Hindi niyo na po kailangan iutos Sir." taranta kong
sagot sa kanya. Nakakahiya! baka kung ano ang iisipin sa akin ng mga kasamahan
ko. "Kung anong availble na pagkain diyan sa kusina iyan ang iakyat niyo
dito. Bilisan niyo!" narinig kong utos ni Sir Kenneth sa kausap niya at
kaagad na pinatay ang tawag. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi. Talaga bang
seryoso siya? Gusto niya akong padalhan ng pagkain dito sa kwarto gayung pwede
naman akong bumaba. Hindi ako amo para pagsilbihan ng mga kasamahan ko.
Nakakahiya sa kanila. "Nex time ayaw ko ng marinig pa na hindi ka kumakain
sa tamang oras. Paano kung ikaw naman ang magkasakit?" kastigo nito sa
akin. Hindi ko naman maiwasan na mapakagat ng sarili kong labi. "Sanay
naman po ako sa ganitong oras ng kain Sir. Sa probensya nga namin, kape lang
ayos na eh. Tapos mas mabigat kumpara dito ang trabaho ko." sagot ko sa
kanya. "Bakit, ano ba ang ginagawa mo sa probensya niyo? Ano ba ang trabaho
mo doon bago ka lumuwas dito sa Manila?" tanong nito. "Tumutulong po
kina Nanay at Tatay para makitanim ng palay sa mga magsasaka na may sariling
lupa. Arawan ang sahod at sayang din kasi. Pambili din ng bigas ang kikitain
ko." nahihiya kong sagot sa kanya. Kunot noo ako nitong tinitigan.
"Nagtatanim ka ng palay? Hindi ba mahirap para sa iyo ang trabahong
iyun?" tanong nito. Bakas sa boses nito ang hindi makapaniwala.
"Kapag mahirap ka lahat gagawin mo malagyan lang ng laman ang kumakalam
naming sikmura. Sa dami ng mga kapatid ko, kailangan ko talagang tulungan sila
Nanay at Tatay para kumita ng pera." nakangiti kong sagot sa kanya. Hindi
ito nakaimik. Ilang saglit pa ako nitong tinitigan na para bang may malalim na
iniisip. Ilang saglit na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa bago ito
muling nagsalita. "bakit, ilan ba kayong magkakapatid? "Interesadong
initeresado nitong tanong. "Labing tatlo po." sagot ko. Kita ko ang
gulat sa kanyang mga mata habang titig na titig ito sa akin. Parang hindi ito
makapaniwala "Labing tatlo? Are you kidding mo? Kabisado pa ba ng mga
magulang mo ang pangalan ng mga kapatid mo?" tanong nito. Hindi ko
maiwasang mapangiwi. Sabagay, sino ba naman kasi ang hindi magulat. Ang hirap
na nga ng buhay, anak pa ng anak si Nanay. Buti na nga lang at menopause na
siya eh. Wala ng kakayahan na magbuntis si Nanay ngayun. "Kabisado naman
po. Ewan ko nga ba kila Nanay, masyadong yata silang nag enjoy sa kakagawa ng
bata. Hindi nila naisip kung gaano kahirap ang buhay." wala sa sarili kong
sagot. "Well, mas marami, mas masaya! Baka nakalimutan lang nila ang mag
family planning." nakangiti nitong sagot. "Mahal ko naman lahat ng
kapatid ko pero kung hindi sana nag-anak ng nag anak ang mga magulang ko hindi
sana kami nakakaranas ng ganito kahirap ng buhay. Dumating pa sa point na halos
wala na kaming makain. Ang dami kasi namin at nag sipag-asawa na nga ang iba
kong kapatid para matakasan nila ang hirap ng buhay." parang nagsusumbong
Kong wika kay Sir Kenneth. "So totoo pala ang sinabi sa akin ni Jeann na
kapag araw ng sahuran ipinapadala mo lahat sa mga magulang mo ang sweldo mo?
Hindi ka nagtitira ng para sa iyo?" tanong nito. Nahihiya naman akong
tumingin sa kanya. "Mas kailangan po kasi nila iyun Sir. Hindi ko naman
kailangan ng pera dahil libre naman ako lahat ng mga pangangailangan ko
dito." sagot ko sabay sulyap sa kanya. Titig na titig pa rin ito sa akin
habang may nababasa na akong kakaiba sa mukha niya. "You're in a million!
Hindi ako nagkamali na pagkatiwalaan ka." narinig kong bigkas nito. HIndi
naman ako makapaniwalang napatitig sa kanya. Hindi ko kasi gets kung ano ang
ibig niyang sabihin eh.
Chapter 491 KENNETH POV
Sa totoo lang, hindi ko
maintindihan ang sarilli ko kung bakit nagawa kong halikan si Ella kanina. Para
kasing may nag udyok sa akin na gawin iyun. Para akong biglang nahipnostimo sa
angkin nitong ganda at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Simula nang
dumating siya sa buhay ko alam ko sa sarili ko na malaki ang ipinagbago ko
dahil sa presensya nya. Tinikman ko ang labi niya at hindi nga ako nagkamali
dahil iyun na yata ang pinaka-masarap ng labi na natikman ko sa tanang buhay
ko. Yes...amindo ako na bigla akong nawala sa sarili ko kanina. Kung may lakas
lang siguro ang paa ko baka hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Baka
naangkin ko na siya ng paulit-ulit! Nakakagigil naman kasi ang angkin niyang
ganda at ka-inosentehan. Pinilit kong itago sa kanya ang nararamdaman ko dahil
natatakot ako na baka ma-basted lang ako dahil sino ba namang tanga ang papatol
sa isang inutil na kagaya ko. Pero hindi eh... hindi ko pala talaga kayang
magtimpi. Hindi ko pala kayang supilin ang nararamdaman ng puso ko. Habang
tumatagal lalong yumayabong ang paghanga na nararamdaman ko para sa kanya.
Aminado ako na kakaiba siya sa lahat ng mga babaeng nakilala ko! Napaka-
natural niya at kung magsalita siya ramdam kong hindi niya ako pinaplastik.
Sinasabi niya kung ano man ang laman ng isipan niya at mahilig siyang pumatol
sa akin kapag alam niyang galit ako. Amazona kung minsan at ayaw mag- patalo na
siyang una kong napansin sa kanya. Isang napakagandang amazona minsan. Para
akong kinikiliti kapag iniirapan niya ako. Ewan ko ba....lalo kasi siyang
naging cute sa paningin ko eh. Sa kabila pala ng hirap ng buhay na naranasan
niya napaka-positibo niya pa rin. Ilang beses niya akong hinikayat na
magpagamot at huwag mawalan ng pag asa sa buhay pero ako itong palaging
nagmamatigas. Mabuti na lang at mahaba ang pasensya niya at hindi niya ako
sinukuan. Nandyan pa rin siya kahit palagi ko siyang nasisigawan at
nasusungitan. Parang walang epekto sa kanya ang galit- galitan ko eh bagkos ang
lakas pa ng loob niyang sagot-sagutin ako. Parang tama yata ang palagi niyang
sinasabi sa akin. Para akong isang batang nagta-tantrums dito sa loob ng kwarto
ko habang hinahayaan ko ang sarili ko na malugmok. Ayaw kong tulungan ang
sarili ko na gumaling at manumbalik ako sa dati. Tama naman kasi talaga
siya....silang lahat, walang sino man ang makakatulong sa akin para makalakad
ulit kundi ako lang. Kailangan kong maging positibo sa lahat ng bagay kung
gustong bumalik sa dati ang buhay ko at kung gusto kong maangkin ang babaeng
nagpapatibok ng puso ko ay hindi dapat ako magpabaya at pang-hinaan ng loob. Si
Ella na habang tumatagal lalong gumaganda sa paningin ko at habang tumatagal
malaking bahagi ng puso ko ang inuukupa niya na. Namalayan ko na lang na
tuluyan nang nahulog ang loob ko sa kanya. Tama siya bakit hindi ko pala
subukan magpagamot? Wala namang mawawala diba? Kung gumaling ako, eh di mas
mabuti pero kung hindi, kailangan ko na talaga sigurong tanggapin ang
katotohanan na makukulong na ako sa upuang gulong habang buhay. Muli akong
napasulyap kay Ella. Magana na nitong kinakain ang pagkaing iniutos ko kay
Manang kanina. Kumakain pala siya ng late para lang sa akin. RAmdam ko din na
ibinibigay niya ang best niya para mapagsilbihan ako. I think kailangan ko nang
kausapin ang doctor ko. Gusto kong malaman ang next step para maumpisahan na
ang proseso para makalakad ako ulit. Promise, simula ngayung araw... gagamitin
ko ang maliit na posyento na natira sa akin para makalakad ulit. Hindi lang
para sa sarili ko kundi para na din kay Ella. Yes, kay Ella na naman! Siya na
lang palagi! Ang makulit na si Ella na nagpapangiti sa akin araw-araw. Ang
taong nagbigay sa akin ng lakas para lumaban. Ang babaeng nagbigay sa akin ng
reyalisasyon na hindi pa katapusan ng mundo. Aminado naman ako na tinamaan
talaga ang ego ko nung sabihin niya sa akin kanina na masyado daw akong
mabigat. Kawawa naman pala talaga ang mahal ko. Ni hindi ko man lang napapansin
dahil abala ako sa kakaself- pity. Promise, simula ngayung araw...hindi nalang
sarili ko ang palagi kong iisipin. Si Ella na! Gagawin ko siyang matovation sa
pang araw-araw kong buhay. Sa isiping iyun hindi ko maiwasang mapangiti na
hindi naman nakaligtas sa paningin niya. Habang kumakain kasi napansin kong
pasulyap-sulyap pa rin ito sa akin. Kanina niya pa ako inaalok na saluhan ko
daw siya pero tumangi ako. Kaunti lang kasi ang dala ni Manang na pagkain at
nagluluto pa raw sila. Rice pala ang gustong kainin ni Ella kapag umaga kaya
ayaw ko na isyang agawan para mabusog naman siya. "Sir Ken...ang cute niyo
po kapag nakangiti kayo!" narinig ko pang wika nito. Hindi ko alam kung
binubula niya lang ako dahil natatawa siya habang sinasabi niya ang katagang
iyun pero nag marka pa rin sa puso ko ang sinabi niya. Simpleng salita na
nakakatulong para gumaan ang pakiramdam ko.. "Bilisan mo nang kumain.
Mamaya na ang daldal." kunwari istrikto kong sagot sa kanya. Hindi
nakaligtas sa paningin ko ang pagsimangot nito sabay irap sa akin. Napansin ko
pa na kikibot kibot ang labi nito na alam kong may sinasabi siya pero ayaw
niyang iparinig sa akin. Napapailing na lang ako habang pinipigilan ko ang
muling mapangiti. Ang cute talaga! Ang sarap niya sigurong panggigilan. Ang
sarap niya sigurong ihiga dito sa kama ko at paliguan ng halik ang buong
katawan? Haysst, sana lang talaga gumaling na ako para magawa ko na iyun. Sana
lang talaga bigyan pa ako ng isa pang pagkakataon ni Lord para makalakad
ulit.
Chapter 492 ELLA POV
Habang kumakain ako hindi
nakaligtas sa panginin ko ang pangiti- ngiting si Sir Kenneth. Ilang beses ko
din siyang nahuhuli na pasulyap- sulyap sa akin pero kahit na pilit kong
ignorahin iyun hindi ko talaga kaya. Feeling ko talaga may mali sa kanya eh.
Baka tuluyan ng lumuwag ang turnilyo sa utak niya at napasukan ng hangin ang
pag iisip. Para kasing ang laki ng ipinabago niya eh. Hindi tuloy ako
makaka-concentrate sa kinakain ko. "Sir...anong nakakatawa? Baka gusto
mong kumain? Huwag ka lang mahiya magsabi dahil hindi ko naman po ito kayang
ubusin." muling alok ko sa kanya. Baka kasi gutom eh. Feeling ko nga
binabantayan niya ang bawat pagsubo ko dahil patingin-tingin siya sa akin.
Hindi ko tuloy nalalasahan ang pagkain ko. Nahihiya ako sa kaniya dahil baka
kasi isipin niya na masiba ako. Kung bakit naman kasi nagpumilit pa siyang
padalhan ako ng pagkain dito sa kwarto. Pwede naman akong bumaba ng kusina
anytime para kumain. Ewan ko ba kung ano na naman ang drama nitong amo ko.
Kakaiba talaga kung mag isip minsan. Baka mamaya kung ano ang iisipin ng mga
kasamahan kong katulong dito sa bahay. Ilang beses pa naman nagpaparinig sa
akin ang ibang mga katulong dito na kung ano daw ba ang sikreto ko. Bakit ko
daw napapaamo si Sir Kenneth "Bilisan mong kumain Ella. Naiinip na ako.
Gusto kong pumunta ng garden para makapag paaraw!" sagot nito. Hindi ko
maiwasang mapasimangot. Bilisan ko daw...eh paano kung mabulunan ako. Isa pa,
bakit kailagan niya pa akong hintayin gayung kaya niya naman na sana lumabas ng
bahay kahit mag isa siya. High tech ang wheelchair niya at kaya niyang ioperate
kahit mag isa lang siya. "Ayan na po! Dapat kasi tinulungan niya ako para
maubos kaagad eh.". reklamo ko sa kanya. Hindi niya na siya sumagot pa
dahil biglang tumunog ang cellphone nito. Si Mam Arabella ang tumatawag kaya
muli kong itinoon ang buong attention ko sa kinakain ko. Iniiwasan ko na din na
mapasulyap sa kanya. Nakakalunod kasi talaga ang mga titig niya eh. Parang may
gustong ipaabot sa akin. Habang abala si Sir Kenneth sa pakikipag usap sa
kanyang Ina, binilisan ko na din ang pagkain. Nang matapos ako kaagad akong
sumenyas sa kanya na lalabas muna bitbit ang aking pinagkainan ko. Abala pa rin
kasi talaga ito sa pakikipag usap sa kanyang Ina. Inopen up na nito kay Madam
Arabella ang balak niyang magpagamot at nagpapatulong siya para papuntahin ang
doctor dito sa bahay para makausap niya at makahingi ng payo para sa susunod na
step na gagawin niya. Huli kong narinig ay ang assurance ni Madam Arabella na
uuwi daw mamayang hapon para personal nilang maasikaso si Sir Kenneth.
Siyempre, alam kong walang mas excited sa lahat ng desisyon ni Sir Kenneth
kundi ang buong pamilya. Masaya akong lumabas ng kwarto habang bitbit ko ang
mga pinagkainan ko. Nakasalubong ko pa si Marites, ang labandera. Nagulat pa
ako ng napansin ko ang pag irap niya sa akin. "Hmmp! Akala mo kung sinong
Mahinhin! Malandi din naman pala!" narinig kong bulong nito. Bigla naman
akong makaramdam ng inis. Feeling ko, ako ang pinaparingan niya dahil kaming dalawa
lang naman. Walang ibang tao sa paligid "Anong sabi mo? Sino ang
malandi?" inis kong kumpronta sa kanya. Kahit saan talaga siguro, may
kontrabida eh. Sa lahat ng katulong itong si Marites lang ang hindi namamansin.
Palagi kasing busy sa nga labahin niya at alam kong noon pa man mainit na ang
dugo niya sa akin. Siya lang kasi ang hindi kumakausap sa akin eh. "Anong
pinagsasabi mo? Ako ba ang kausap mo?" Asik nito habang pailalim akong
tinitigan. Parang gusto nang manlaki pati butas ng ilong ko. Hindi ako pinalaki
na palaaway pero parang sinusubukan yata ako ng Marites na ito ah? "May
sinabi ka kanina at dinig na dinig ko iyun! Sino ang malandi?" mataas na
ang boses na tanong ko sa kanya. Muli ako nitong inirapan. Kung hindi lang ako
takot na baka pabayaran sa akin itong hawak kong pingan baka naibato ko na sa
tagihawatin niyang pagmumukha eh. Ang sama ng ugali niya. "Bakit tinamaan
ka ba? Sapol ka ba? HIndi ka nakailag noh?" sagot naman nito sa akin.
Kaagad ko itong pinaningkitan ng mga mata. Talagang gusto akong subukan ng
babaeng ito. "Hindi ka na nakaimik kasi guilty ka! Palibahasa kasi s****p
ka kaya lahat ng pabor ibinibigay sa iyo.. Kaya pala di hamak na mas malaki ang
sahod mo kumpara sa sahod namin dahil may extra service kang ibinibigay sa
inaalagaan mo. Akala mo hindi ko kayo nakita! Humanda ka sa akin, isusumbong
talaga kita pag uwi nila Madam Arabella" nang iinis na sagot nito sa akin.
Kaagad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi niya man
direktang sabihin alam kong may nakita itong hindi kanais- nais sa pagitan
naming dalawa ni Sir Kenneth. Shocks...anong eksena kaya iyun? Iyung unang
paghalik ba ni Sir Kenneth or ang pangalawa? Gagi... paano niya nakita? Huwag
niyang sabihin na naninilip siya gayung palagi namang sarado ang pintuan ng kwarto
ni Sir. "Hindi ako s****p! Tsaka kung ano man ang sinasabi mo hindi totoo
iyan. Masyado ka lang talagang atribida dahil malaki ang ingit mo sa akin dahil
mas malaki ang sahod ko kumpara ng sa iyo!" inis kong sagot sa kanya at
mabilis itong tinalikuran. "Hindi ako naiingit! Malandi ka lang talaga
kaya napapaikot mo si Sir Kenneth! Pero huwag kang pakaka-kampanti kung ano man
ang nangyayari sa inyong dalawa ni Sir, hindi ka niya sisiryosohin. Gagawin ka
lang niyang parausan dahil walang wala ka sa kalingkingan ng girlfiriend niyang
si Vina." sagot nito. At talaga naman, ikinumpara niya pa ako kay Vina.
HIndi na ako nakatiis pa at inilapag ko na ang dala kong pingan sa sahig at
mabilis itong sinugod. Kung kay Sir Kenneth, mahaba ang pasensya ko pero sa
katulad kong tsimay na ang galing manghusga, wala akong time para pahabain ang
pisi ko noh! "Ano! Ano! Lalaban ka! Gusto mo sabunutan na lang eh. Para
maingudngud ko iyang malandi mong mukha sa sahig." nanghahamon din na wika
nito at binitiwan niya na din talaga ang bitbit niyang labahin.
Chapter 493 ELLA POV
Aba at nanghahamon pa ang
bruha! Akala niya siguro papatulan ko siya. No! No! Hindi ako pinalaki ng mga
magulang ko para makipag away. Nakakahiya sa amo namin kung makipag-rambulan
ako kay Marites dito mismo sa loob ng bahay ng mga Santillan. Baka ito pa ang
dahilan na pagkakasisante ko sa trabaho ko. Kung nakaligtas ako sa
pasagot-sagot kay Sir Kenneth baka sa pakikipag away sa kasamahan ko, hindi na
ako makakaligtas. "Anong pinagsasabi mo? Waka akong panahon para
makipag-sabunutan sa iyo Marites kaya umayos ka diyan. Maglaba ka na dahil
pauwi mamaya sila Madam at baka mapagalitan ka pa dahil hindi mo matapos-tapos
ang trabaho mo sa takdang oras." nang- iinis kong sagot sa kanya at akmang
dadamputin ko ang mga pingan na inilapag ko kanina ng maramdaman ko ang paghila
ng kung sino sa buhok ko. Hindi ko maiwasang mapahiyaw dahil sa sakit ng anit
ko. Walang hiya! Tinutuo niya talaga ang banta niya sa akin kanina. Hindi ako
nakapagready kaya halos makaladkad niya ako dahil sa lakas ng pagkakahila niya sa
buhok ko. "Marites...ano ba! Nababaliw ka na ba? Ano ba ang problema
mo?" galit kong sigaw ko sa kanya at pilit na hinahawakan ang kanyang
kamay. Ito pa yata ang magiging dahilan ng pagkaka-kalbo ko. Hindi ko naman
akalain na ganito kalaki ang galit niya sa akin. Hindi ko naman akalain na
susugod siya. Hindi ako nakapaghanda. "Malandi ka kasi kaya ito ang bagay
sa iyo. Alam mo, matagal na akong nagtitimpi sa iyo eh. Kung umasta ka akala mo
kung sino ka eh inaakit mo lang naman si Sir Kenneth!" sagot nito sa akin habang
mahigpit niya pa ring hawak ang buhok ko. Naramdaman ko pa ng ang pagkabunot ng
ilang hibla ng buhok ko kaya natatakot ako na baka pagbitaw niya kalbo na ako.
Ano na lang ang mangyayari sa akin? Hindi ako sanay sa physical na away at
first time din itong nangyari sa akin sa tanang buhay ko. "Diyos
ko...Marites, anong ginagawa mo?" laking pasalamat ko dahil sa wakas
dumating si Manang. Mabilis itong lumapit sa amin at kaagad nitong hinampas ang
kamay ni Marites na mahigpit pa rin na nakahawak sa buhok ko kaya naman kaagad
niya akong nabitawan. Kaagad naman akong nakahinga ng maluwag at kinapa ang
buhok ko kung naubos ba at laking pasasalamat ko dahil marami pa ring natira
although may ibang strands ng buhok na napapansin ko sa sahig at alam kong galing
sa akin iyun. "Marites, ano ba ang ginawa mo kay Ella? Bakit mo siya
sinasabunutan?" kastigo ni Manang kay Marites. Mabuti na lang closed kami
kaya alam kong ako talaga ang kakampihan niya. "Huwag mo na nga siyang
kampihan Manang. Tama lang sa kanya iyan dahil malandi siya. Inaakit niya si
Sir Kenneth kaya maghintay siya pag uwi nila Madam at Sir dahil isusumbong ko
talaga siya!" galit na sagot ni Marites at matalim pa akong tinitigan.
Hindi ko siya maintindihan. Ang laki ng galit niya sa akin. Bakit ba
nanggagalaiti siya sa akin at ano ngayun sa kanya kung totoong nilalandi ko si
Sir? Ang importante napagsilbihan ko ng maayos si Sir Kenneth at kontento siya
doon! "At palagay mo ba matutuwa sila Madam kapag malaman nila na
sinabunutan mo si Ella? Hindi ka ba nag iisip? Gawin mo ang trabaho mo at
iwas-iwasan mong bantayan ang kilos ng ibang tao. Mas malalagot ka kapag
malaman ito nila Madam kaya umayos ka!" sagot ni Manang. Hindi naman
nakaimik si Marites pero matalim pa rin ako nitong tinitigan. "Ano ang
nangyayari dito? Ella...hindi bat sinabi ko sa iyo na bilisan mo dahil gusto
kong magpa-araw sa garden? Bakti ang tagal mo?" sabay-sabay pa kaming
napalingon ng marinig namin ang naiinis na namang boses ni Sir Kenneth. Hindi
na marahil ito nakatiiis sa sobrang tagal kong bumalik kaya kusa na itong
lumabas ng kwarto habang nakaupo sa kanyang wheel chair. Nakakunot pa ang noo
nito habang sinisipat ako ng tingin bago nito seryosong tinitigan si Manang.
"Ano ang nangyari dito Manang at ano iyung naririnig kong sigawan kanina?
Bakit may kalmot si Ella?" seryosong tanong nito kay Manang. Hindi
nakaligtas sa paningin ko ang takot at pag-aalinlangan sa mga mata ni Manang
pati na din ni Marites kaya naman nagtaka ako. Hanggang ngayun pa ba takot pa
rin sila sa kasungitan ni Sir Kenneth? "Eeeer Sir! Ano po kasi eh...si
Marites, sina "hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Manang ng i- interrupt
ito ni Sir Kenneth at seryosong hinarap si Marites at dinuro. "You're
fired! Ayaw na ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo sa bahay na ito!'"
galit na sigaw ni Sir Kenneth na sabay na nagpaigtad sa gulat kay Manang at kay
Marites. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. "Fired agad at hindi
niya man lang binigyan ng pagkakataon na makapag- paliwanag si Marites?
Sabagay, ano pa bang paliwanag ang dapat? Ang sakit ng anit ko at parang
nakakaramdam din ako ng hapdi sa kaliwa kong pisngi. Napuruhan yata ako sa
simpleng pagsabunot ni Marites sa akin kanina. "Eeerr Sir! Maawa na po
kayo! Huwaag po! Kailangan ko po ang trabahong ito." nagmamakaawang sagot
ni Marites. Biglang naging maamong tupa ito. Biglang nawala ang tapang. Matalim
nitong tinitigan ni Sir Kenneth si Marites bago nito ibinaling ang tingin kay
Manang. "Siguraduhin niyong makaalis ang babaeng iyan ngayun ding araw na
ito. Ikaw na din ang bahalang kumuntak sa agency para magpadala ng magiging
kapalit niya." utos nito kay Manang. "O-opo Sir! Masusunod po!"
Sagot ni Manang kay Sir Kenneth. Halata sa boses nito ang panginginig kaya
naman parang gusto kong matawa. Hanggang ngayun yata may trauma pa rin si
Manang sa pagiging masungit ni Sir Kenneth. "Sir...hindi po pwede! Wala po
akong mapupuntahan. Hihingi na lang po ako ng sorry kay Ella huwag niyo lang po
akong palayasin. HIndi na po mauulit" nagmamakaawang wika ni Marites kay Sir
pero parang wala itong narinig. Sininyasan lang nito si Manang na pwede na
silang umalis sa harap namin na kaagad namang tumalima. Hila- hila nito si
Marites at naiwan kaming dalawa ni Kenneth na hindi ko naman malaman kung ano
ang gagawin ko. "Hindi ka ba marunong lumaban? Bakit hinayaan mo ang
babaeng iyun na saktan ka?" galit na sita nito sa akin. Tulala tuloy akong
napatitig sa kanya. "Bakit niyo siya tinangal sa trabaho? Hindi po ba kayo
naaawa sa kanya?" tanong ko. Umiling ito at mabilis akong hinawakan sa
kamay. "Sa kwarto tayo. Gagamutin ko iyang sugat mo sa pisngi at baka kung
ma- infection pa iyan." naiinis nitong bigkas sa akin.
Chapter 494 ELLA POV
"Aray! Dahan-dahan
naman po Sir!" impit kong hiyaw sa bawat pagdampi sa pisngi ko ng cotton
na may alcohol. Kaliit nang sugat pero ang hapdi. "Bakit kasi hindi ka
lumaban? Iyan tuloy muntik ng masira itong pisngi mo!" naiinis naman
nitong bulyaw sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya itong galit na galit
gayung hindi naman siya ang nasaktan. "Hindi ko naman akalain na susugod
siya eh. Malay ko ba naman na aatake pala siya sa akin ng patalikod."
nakalabi kong sagot sa kanya. Isang malakas na buntong hininga ang narinig ko
sa kanya habang hindi nito inaalis ang pagkakatitig sa akin. "Ano ba ang
dahilan? Bakit ka niya sinaktan?" tanong nito. Hindi naman ako nakaimik.
Alangan namang sabihin ko sa kanya ang totoong sinabi sa akin ni Marites.
Alangan namang ipaalam ko sa kanya na pinagbintangan ako ni Marites na malandi
daw ako. "Masakit ba? Pagkatapos nito magbihis ka dahil pupunta tayo ng
hospital. Kailangan matingnan ang sugat mo dahil mahirap na kapag ma-
infection." sagot nito sa akin. "Po? Hospital? Naku, hindi na po
kailangan Sir! Heto na nga po oh, ginagamot niyo na ako. Ayos na iyan. Maliit
na bagay at gagaling din kaagad iyan." nakangiti kong tanggi sa kanya. Ang
OA ng mga mayayaman, kaunting galos hospital kaagad. Masyadong nagsasayang ng
pera. "Huwag ka ng magdahilan. Pupunta tayo ng hospital at ayaw kong
makarinig ng pagtangi mula sa iyo. Bilisan mo na!" yamot nitong sagot sa
akin. Wala na akong nagawa pa kundi ang tumayo na lang. Diretsong naglakad sa
walk in closet para magpalit ng damit. Mamaya na lang siguro ako maliligo dahil
baka mabulyawan na naman ako ng amo ko. Ang bilis niyang magdesisyon ng mga
bagay-bagay na hindi niya man lang kinokunsulta sa akin. Sinabi ko ng ayos lang
ako pero ang kulit niya. Bahala na nga siya. Wala naman sigurong mawawala kung
pagbibigyan ko siya. Siya naman ang gagastos eh. Isa pa after niya ding
maoperahan six moths ago ngayun lang pala ulit nagyaya si Sir Kenneth na aalis
ng bahay. Parang gusto ko tuloy itong yayain na mamasyal muna kami ng mall
pagktapos namin sa hospital. Para makakita naman siya ng ibang tao. Hindi iyung
palagi nalang siyang nagmumukmok dito sa bahay. Pagkatapos kong magpalit ng
damit sakto namang narinig ko na may kumakatok sa pintuan ng kwarto. Abala si
Sir Kenneth sa kanyang binabasang libro kaya diretso na akong naglakad patungo
sa pintuan para silipin kung sino ang kumakatok pero nagulat ako dahil hindi
familiar sa akin na mukha ang bumungad sa akin. Isang mtangkad at gwapong
lalaki. Sobrang seryoso ng kanyang awra kaya wala sa sariling napatitig ako sa
kanya. "Si-sino po sila?" nagtataka kong tanong. Bakit kaya basta na
lang siyang pinapasok sa loob ng bahay? Kakilala ba siya ng pamilya Santillan?
"Ang who are you? Ikaw ba iyung nababangit nila Tita Arabella na nag
aalaga sa pinsan ko? Elijah nga pala. Pinsan niya." seryoso nitong sagot
sa akin at naglahad pa ng kamay sa harap ko. Hindi ko tuloy malaman kung
tatanggapin ko ba ang pakikipag - kamay niya or hindi. Nakakahiya dahil kamag
anak pala siya no amo ko. "Pasensya na po Sir. Ngayun ko lang po kasi kayo
nakita kaya hindi ko kayo nakilala." hinging paumanhin ko at imbes na
tanggapin ang pakikipag- kamay niya niluwagan ko na lang ang pagkakabukas ng
pintuan ng kwarto para makapasok ito na siyang kaagad naman nitong ginawa.
"Kenneth! Kumusta? Long time no see!" masaya pa nitong bati kay Sir
Kenneth kaya kaagad naman napaangat ng tingin si Sir at direktang tumitig sa
bagong dating. "Elijah? Sa wakas, nagpakita ka din! KUmusta?" tanong
nito. Isang mahinang pagtawa ang naging tugon ni Elijay at mabilis na nilapitan
ang pinsan at nakipag high five. "Heto, nangangapa pa rin! Malungkot ang
buhay at hindi ko na alam kung paano ko ba maibalik sa dati ang lahat. "
sagot naman ni Sir Elijah. Hindi ko naman maintindihan ang pinag uusap nila
kaya kunwari, nagliligpit-ligpit na lang ako ng mga kalat dito sa kwarto. Hindi
ako pwedeng lumabas dahil baka may iutos sa akin si Sir Kenneth at isa pa,
aalis daw kami ngayung araw. "Hindi mo pa rin ba siya nahanap? Ilang taon
na pero wala ka pa ring clue kung nasaan siya?" tanong naman ni Sir
Kenneth sa kanyang kausap. Napansin ko pa ang pag iling ni Sir Elijah kaya
kaagad tuloy napukaw nila ang attention ko. Hindi naman ako tsismosa pero kapag
ganitong bored ako maganda yata sumagap ng tsismis mula sa ibang tao. "WAla
eh. Tinanong ko na din si Veronica kung nasaan na si Ethel pero hindi niya din
daw alam. Kaya nga nagpasya akong sa america na lang muna ituloy ang pag aaral
para makalimot pero hindi naman ako nagkaroon ng katahimikan ng kalooban.
Hinahanap talaga siya ng puso at isipan ko Ken!" Damang dama ko ang
lungkot sa boses ni Sir Elijah habang sinasabi ang katagang iyun. Mukhang
katulad sa aking amo, broken hearted din ito. "Ano ba kasi ang nangyari sa
inyo? Sa ating magpipinsan ikaw ang kauna- unahang nagkaroon ng love life pero
ikaw din ang nawalan. Naunahan ka pang magpakasal nila Charlotte at
Jeann." sagot naman ni Sir Kenneth. Tuluyan na nitong inilipag ang kanyang
hawak na libro sa mesa at seryosong tinitigan ang bagong dating na si Elijah na
kita ang sobrang lungkot sa mga mata habang nakatitig sa kawalan. "Hindi
ko nga alam eh. Ang gago ko kasi! Akala ko talaga laro lang ang lahat noon eh.
Akala ko talaga hindi naman siya ang babaeng para sa akin dahil masyado pa
akong bata noon pero nagkamali ako. Nagising na lang ako isang umaga na
iniwanan niya na pala ako. Na sinukuan niya na ako dahil sa pagiging walang
kwenta kong partner sa kanya noon." himutok na sagot ni Sir Elijah. Hindi
naman ako makapaniwala sa narinig mula sa kanya. Imagine, sa gwapo niyang iyan,
nagawa siyang iwanan ng babaeng gusto niya? Bakit bulag ba ang babaeng iyun at
nagawa niyang sayangin ang kagaya ni Sir Elijah or baka naman may mas malalim
pang dahilan kaya sila naghiwalay? Baka malaki ang pagkukulang ni Sir Elijah
kaya sumuko na ang babaeng pinag uusapan nila? "Kaya ikaw pinsan kapag
magmahal ka ulit...huwag na huwag mo nang pakawalan dahil ang hirap pala kapag
sila na mismo ang susuko. Mahirap nang ibalik ang tiwala kapag tuluyan ng
naglaho iyun. Huwag na huwag mo akong gagayahin na hanggang ngayun nangangapa
pa rin at patuloy siyang hinahanap!" malungkot na wika ni Sir Elijah kaya
hindi ko na tuloy maiwasan pa na makaramdam ng awa sa kanya.
Chapter 495 ELLA POV
Game pa sanang makipag-usap
si Sir Elijah sa pinsan niyang si Sir Kenneth at ayos lang naman sa akin iyun
pero mukhang hindi nakalimutan ng amo ko ang pangako niya sa akin na dadalhin
niya daw ako sa hospital para matingnan ang galos ko. Kaya kahit na labag sa
kalooban ko, kaagad na din akong pumayag kaysa naman sa kulitin niya ako nang
kulitin. Mukhang hindi busy si Sir Elijah dahil sinamahan na din kami nito.
Liban sa driver, kaming tatlo ang magkakasama at wala naman silang ginawa dito
sa loob ng kotse kundi ang mag usap. lisang babae ang palaging bukambibig ni
Sir Elijah...iyun ay ang babaeng nagngagalang Ethel na sana ay muling magkrus
ang landas nilang dalawa dahil mukhang mabait naman itong si Sir Elijah eh.
Pagkadating ng hospital, tiningnan lang ng doctora ang galos ko at niresitahan
lang ako ng pampahid. Maliit na bagay pero mukhang hindi naman kami nagsayang
ng oras dahil nagyaya na din si Sir Kenneth sa clinic ng kanyang Doctor para
makausap ito. Katulad ng inaasahan, ang naging topic ay tungkol sa pagpapagamot
ni Sir Kenneth para makalakad ulit. May mga bagay silang pinag usapan na hindi
ko naman masyadong naintinidhan pero ang mas tumatak sa isipan ko ay kailangan
na daw ni Sir mag umpisa sa session ng therapy. Kailangan mag hire ng
professional na tao na siyang gagabay sa pang araw- araw na gawain ni Sir
Kenneth. Number 1 ang exercise at ang pagpisil ng mga ugat niya sa binti para
muli daw mabuhay ang mga natutulog ng mga ugat or joints. Ano man ang gagawin
sa kanya sa mga susunod na araw, tahimik na lang siguro akong magmamasid dahil
aabot daw ng ilang buwan ang session bago makita ang resulta. Kita ko ang tuwa
sa mga mata ni Sir Kenneth nang lisanin namin ang hospital. Naging possitive
ang kanyang pagtangap sa mga payo at sinasabi ng doctor niya sa kanya. Sana
lang talaga tuloy-tuloy na ang pagiging cooperative niya para wala nang
problema. "May gusto pa ba kayong puntahan after this?" narinig kong
tanong ni Sir Elijah. Nakaupo ito katabi ng driver at magkatabi naman kami ni
Sir Kenneth dito sa likurang bahagi. "May gusto ka bang puntahan?"
imbes na sagutin ni Sir Kenneth ang tanong ni Sir Elijah ako pa ang tinanong
nito. Wala akong choice kundi ang sabihin sa kanya ang kanina ko pang plano.
"Kung gusto niyo po mag mall na lang tayo. Medyo matagal na din po kayong
hindi nakakalabas." excited kong sagot. Gustong gusto ko din talagang
mamasyal dahil simula noong nagtrabaho na ako kay Sir Kenneth hindi na ako
nakakalabas. Hindi katulad noong kay Mam Jeann pa ako na palagi akong nasa mall
dahil isinasama nila ako sa tuwing namamasyal sila. "Good Idea! Sa mall na
lang tayo at doon na lang tayo kumain. Gutom na din ako eh." sagot naman
ni Sir Elijah. Hindi nakaligtas sa pandama ko ang pananahimik ni Sir Kenneth
kaya napatingin ako sa kanya. "Ayos lang po ba sa inyo Sir? Ayaw niyo po
ba?" hindi ko maiwasang tanong. Tumitig ito sa akin tsaka bumuntong
hininga bago dahan-dahan na tumango. "May magagawa pa ba ako? 2 is to 1
ang butohan at talo ako." sagot nito na nagpangiti sa akin. Daming sinabi.
Pwede niya namang sabihin kung gusto or ayaw niya. Hindi iyung parang
nangungunsensya pa siya. Pagdating ng mall, si Sir Elijah na ang nagpresenta na
magtulak ng wheel chair ni Sir Kenneth. Napansin ko na pinagtitinginan kami ng
mga taong nadadaanan namin. Siguro nagwapuhan sila sa hitsura nila Sir Kenneth
at Sir Elijah. Kahit naman nakaupo lang sa wheel chair itong si Sir Kenneth
hindi nakakabawas iyun sa taglay niyang gandang lalaki. Bakit sa atin sila
nakatingin?" narinig ko pang bulong ni Sir Kenneth. Parang nag uumpisa na
namang uminit ang ulo nito pero walang magawa dahil nandito na kami eh. Hindi
din siguro papayag si Sir Kenneth na babalik kami ng kotse dahil mukhang gutom
na din ito. "Masyado daw po kasi kayong pogi mga Sir kaya hindi nila
mapigilang mapatitig sa inyo!" nakangiti kong sagot kaya kaagad namang
napatingala sa akin si Sir Kenneth. Nakakunot ang noo nito kaya kaagad akong
nag-peace sign sa kanya gamit ang dalawa kong daliri. Pero nagulat na lang ako
ng itinaas niya ang isa niyang kamay. Parang iniaabot niya sa akin iyun kaya
kahit nag aalangan, wala akong choice kundi abutin ang kanyang kamay at nagulat
ako dahil mahigpit niya iyung hinawakan. Para tuloy kaming mag shota habang
naglalakad dito sa mall. Tulak-tulak ni Sir Elijah ang wheelchair niya tapos
magkahawak kamay kaming dalawa ni Sir Kenneth. Bigla tuloy akong kinabahan
kasabay ng pinaghalong damdamin ang lumukob sa buo kong pagkatao. Nahihiya ako
na kinikilig na ewan. Kasama pa naman namin si Sir Elijah at baka kung ano ang
isipin niya sa aming dalawa ni Sir Kenneth. Gustuhin ko mang hilahin ang kamay
ko na hawak hawak nito pero nag aalala naman ako na baka magalit siya. Kaya
kahit na nahihiya, pinilit ko na lang na magpatay-malisya hanggang sa nakapasok
na kami sa isang restaurant. Kaagad kaming inasikaso ng mga staff. Kilala nila
si Sir Elijah at Sir Kenneth na siyag labis kong ipinagtaka. Lumabas pa nga ang
manager at binati kami at ito na din mismo ang kumuha ng orders namin na presyo
pa lang ng mga pagkain, nalula na ako. Hindi ko na naman napigilan na ilibot
ang tingin sa paligid. Sobrang cozy at ganda ng buong paligid at unang tingin
pa lang alam kong mga mayayaman lang ang may kakayahang kumain sa mga ganitong
klaseng restaurant. Sabagay, ang mga katulad nila Sir Elijah at Sir Kenneth ay
hindi siguro papasok sa isang mumurahing restaurant. "Ano ang plano mo
after this? I think, tama ang Doctor mo, kailngan mong tulungan ang sarili mo
na makalakad ulit! Para naman mapakasalan mo na ang babaeng nagppatibok ng puso
mo ngayun." dinig kong wika ni Sir Elijah na may halong panunudyo ang
boses. Wala sa sariling napatitig ako sa kanilang dalawa at huling huli ko si
Sir Kenneth na titig na titig sa akin. Parang gusto ko na lang tuloy lamunin ng
lupa sa hiya na nararamdaman ko lalo na nang mapansin ko ang nanunudyong tingin
ni Sir Elijah sa aming dalawa. Kahit na hindi nito sabihin, alam kong iniisip
niya na may something sa aming dalawa ng pinsan niyang si Sir
Kenneth.
Chapter 496 ELLA POV
"Ulol! Ano pa nga ba
ang ginagawa ko ngayun diba? Tsaka huwag iyung lovelife ko ang pakialaman mo
dahil sa pagkakataon na ito, hindi ko na hahayaan pa na makawala sa akin ang
babaeng gusto ko!" narinig kong sagot ni Sir Kenneth at nahuli ko pang
sumulyap siya sa akin. Bigla tuloy lumakas ang kabog ng dibdib ko Ano kaya ang
ibig niyang sabihin? Bakit parang bigla akong kinabahan sa topic nila ngayun?
"Tsk! Oo na! Bilis-bilisan mo lang ang magpagaling para naman matulungan
mo din ako sa paghahanap sa kanya." narinig kong sagot ni Sir Elijah at
malungkot itong tumitig sa kawalan. "Ayun! Lumabas din ang tunay na
dahilan kaya naisipan mo akong dalawin. Bakit ka pa kasi nagpapakahirap! For
sure, may kakilala sila Uncle Rafael na magaling na imbistigador. Magpatulong
ka para mahanap mo na kaagad ang babaeng naging dahilan kaya ka malungkot
ngayun." natatawang sagot ni Sir Kenneth. Kung titingnan, kaswal na lang
ang pakikipag usap nya ngayun kay Sir Elijah. Parang hindi niya dinidibdib ang
sarili niyang kalagayan. "Plano ko din iyan. Pero alam mo naman si Uncle
Rafael...aasarin ka muna bago ka tutulungan. Tsaka kailangan ko din kausapin si
Veronica... masama din ang loob niya sa akin dahil sa ginawa ko sa kaibigan
niya." sagot ni Sir Elijah. Natawa naman si Sir Kenneth kaya hindi ko
maiwasang mapatitig sa kanya. SAna ganito na lang siya palagi. Tumatawa at
hindi nagsusungit. Lalo tuloy siyang naging gwapo sa paningin ko. Mabilis na
lumipas ang ilang sandali. Kahit gaano pa kasarap ng mga pagkain na nasa harapan
ko hindi ko talaga malasahan. Paano ba naman kasi, simula nang dumating ang
pagkain, itinigil na din ni Sir Kenneth ang pakikipag usap niya sa kanyang
pinsan at sa akin niya itinoon ang buo niyang pansin "Hindi mo ba gusto
ang mga pagkain? Bakit tamilmil ka yata?" narinig ko pang tanong nito.
Para siyang boyfriend ko na todo asikaso sa akin na first time niyang ginawa.
Halos mapuno na nga ang pingan ko sa kakalagay niya ng ibat ibat klaseng
pagkain eh. "Gusto po! Kaya lang ang dami na po nito eh. Hindi ko kayang ubusin
ito." sagot ko sa kanya na may halong reklamo sa aking boses. "Hayaan
mo na kasi siyang kumain. Nako-conscious sa iyo si Ella eh." natatawang
sabat naman ni Sir Elijah. Lalo namang nag iinit ang pisngi ko dahil sa sinabi
niya. Ano ba kasi ang nakain ng amo ko? Bakit bigla na lang siyang naging
ganito? Hiyang hiya man sa mga nasa harapan ko wala akong choice kundi ubusin
ang mga pagkain na ibinigay sa akin ni Sir Kenneth. Sayang din kasi lalo na at
alam kong sobrang mahal ng mga pagkain. Pagkatapos kumain, nagyayaya kaagad si
Sir Elihjah na maglibot-libot pa daw sa paligid para daw magpababa muna ng
kinain namin bago umuwi. Kaagad naman pumayag si Sir Kenneth. Wala naman daw
problema dahil nakaupo lang naman siya sa wheel chair. "Ella, pili ka na
ng mga kailangan mo! "biglang wika ni Sir Kenneth pagkatapat namin sa
isang mamahaling boutique. Napahinto kaming dalawa ni Sir Elijah sa paglalakad
at sabay na tumingin kay Sir Kenneth. "Ipagsa-shopping mo si Ella?"
kaswal na tanong ni Sir Elijah dito. Tumingin naman si Sir Kenneth sa akin
sabay tango. "Matagal na niya akong inaalagaan at wala pa akong kahit na
anong regalo na naiibigay sa kanya. Since nandito na rin lang tayo, why not
diba?" nakangiting sagot ni Sir Kenneth. Kaagad naman akong umiling tanda
ng pagtutol "Naku, ayos lang po ako. Nakalimutan niyo na po ba na ang dami
nang ibinigay sa akin ng Mommy mo na mga gamit? Ayos na po iyun Sir. HIndi ko
naman po masyadong nagagamit eh." sagot ko at umaasa ako na sana makinig
siya sa akin. Ayaw kong mang abuso ng kabaitan ng amo ko. Nakakahiya.
""Lets go inside!" sambit ni Sir Kenneth at aumatic naman na
itinulak ni Sir Elijah ang wheel chair nito papasok sa loob ng boutique. Wala
na akong choice kundi ang sumunod na lang sa kanila. Alangan namang magpaiwan
ako dito sa labas. Wala pa naman akong kahit ni isang singkong duling sa bulsa
ko. Wala akong kapera-pera. Paano kung malingat ako at bigla na lang nila akong
iiwan dito sa mall? Ano na lang ang mangyayari sa akin? Pagkalapit ko sa kanila
napansin ko na kausap na nila ang isa sa mga staff. Sabay-sabay pa silang
napatingin sa akin kaya pilit akong ngumiti. "Ibigay mo sa kanya lahat ng
mga damit na bagay sa kanya." narinig ko pang utos ni Sir Kenneth sa isa
sa mga staff. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat at akmang
tatangi pa sana ako nang bigla akong hinarap ng staff at buong tamis na
nginitian. "Sa VIP room po tayo Mam, Sir. Marami po kaming mga bagong
collections na dumating at tiyak na magugustuhan lahat ni Mam iyun."
nakangiting pagyayaya ng staff sa amin. "Siya na lang ang isama mo sa
loob." seryosong sagot ni Sir Kenneth at sininyasan pa akong sumama na sa
staff. "Pero, ayos lang po talaga" hindi ko na natuloy pa ang
sasabihin ko ng muling nagsalita si Sir Kenneth. "Ella, para sa iyo itong
ginagawa ko! Please...pumayag ka na! Isipin mo na lang na paraan ko ito para
magpasalamat sa iyo sa lahat ng kabutihang ginawa mo sa akin kaya huwag ka ng
tumangi please...." sagot nito sa akin. Nag aalagan man, wala akong choice
kundi ang sumama na lang sa mag-a-assist sa akin. Pumasok kami sa isang room at
isa- isang dinala sa harap ko ang ibat ibang klaseng collections ng mga damit.
Isukat ko daw lahat. Noong una tumangi pa ako pero dahil magaling silang
mamilit at mag sales talk nadala na din ako. Sukat lang naman ang gagawin at
nasa kay Sir Kenneth pa rin naman ang huling desisyon kung bibilhin
niya.
Chapter 497 ELLA POV
Pagkatapos kong isukat ang
halos hindi ko na mabilang na mga damit, blouse, dress, sandals, shoes ako na
din ang kusang sumuko dahil sa pagod. Feeling ko, pinaparusahan ako nitong si
Sir Kenneth ehl. Hindi niya naman sinabi sa akin na halos buong laman ng store
pala ang ipapasukat nila sa akin. "Mam, ayaw niyo na po ba? May last batch
pa po sana." narinig kong wika ng staff sa akin. Kung kanina, nag iisa
lang siya ngayun lima na sila. "Ayos na po iyun. Ang dami na eh. Next time
na lang siguro ulit dahil baka naiinip na ang mga kasama ko." sagot ko sa
kanila at akmang lalabas na sana ako ng pigilan ako ng isa sa kanila.
"Last na lang po talaga ito Mam. Palitan niyo na po ang damit niyo. Ito na
lang po ang isuot niyo tapos aayusin natin ang buhok mo para mas lalo po kayong
gumanda." nakangiting wika sa akin at talagang hinawakan pa ako sa braso
hindi lang ako makalabas. Wala akong choice kundi ang tumango na lang. May
magagawa pa ba ako? Wala na eh. "Ito na lang po Mam. Ito na lang ang isuot
niyo." exctied na wika sa akin ng isa sa mga staff at iniabot niya sa akin
ang isang kulay na pink ng dress. Naisukat ko na iyun kanina at lagpas tuhod
siya. Magaan sa katawan at nagustuhan ko din. Dali-dali akong pumasok sa loob
ng fitting room. Ang fitting room na hindi ko na mabilang kung ilang beses na
akong naglabas pasok. Hindi ko na nga maiwasan ang muling paguhit ng masayang
ngiti sa labi ko ng bumagay sa akin ang suot kong dress. Parang isinukat sa
aking katawan at nagmukha din yata akong mamahalin. Umikot-ikot pa ako sa harap
ng salamin bago nagpasyang lumabas. Naabutan ko pa ang ilan sa mga staff na
nagkakatuwaan habang tinutupi ang mga damit na naisukat ko kani kanina lang.
Inilalagay nila iyun sa isang paper bag kaya hindi ko na lang pinagtoonan pa ng
pansin. Ang gusto ko lang sa mga sandaling ito ay ang makalabas na at
mapuntahan si Sir Kenneth. "Wow! Bagay talaga sa iyo Mam. Itong sandals na
ito ang gamitin niyo po." masayang wika ng staff at siya na mismo ang
umupo at naghubad ng suot kong tsinelas para ipalit ang sandals na gusto niyang
ipasuot sa akin. Hinayaan ko na lang kaysa naman magtagal pa ako sa silid na
ito. Tiyak na naiinip na sa kakahintay sa akin si Sir Kenneth. Pagkalabas ko sa
tinatawag nilang VIP room kaagad kong hinagilap ng tingin si Sir Kenneth.
Kaagad kong napansin na may kausap na itong babae habang wala sa sa tabi niya
si Sir Elijah. Sa sobrang pag-aalala na naramdaman ko mabilis akong naglakad
palapit sa kanila at napahinto ulit ng marinig ko ang pangalan na binangit ni
Sir Kenneth "Hindi na kita kailangan pa sa buhay ko Vina. Wala ng dahilan
pa para magpakita ka ulit." dinig kong sambit ni Sir Kenneth. Bakas sa
kanyang boses ang sobrang lungkot kaya parang tinutusok ng libu-libong karayom
ang puso ko dahil sa narinig ko mula sa kanya. "I am sorry Ken! Alam kong
nagkamali ako. Patawarin mo ako sa hindi ko pagsipot sa kasal natin.
Pinagsisisihan ko na lang lahat...lalo na nang malaman ko ang nangyari sa iyo.
Hayaan mo naman sana na muli akong makabawi sa iyo. Please!" nakikiusap na
sagot ni Vina. Kahit na nakatalikod siya sa akin, alam kong wala akong panama
kung ganda ang pag uusapan. "Hindi na kita kailangan pa sa buhay ko kaya
umalis ka na. Baka makita ka pa ng kasama ko at magselos pa siya sa iyo. Umalis
ka na at ayaw ko nang makita ka kahit kailan!" salitang namutawi sa labi
ni Sir Kenneth na naging hudyat para tuluyan ko na silang lapitan. Walang mas
mahalaga sa akin kundi ang kagustuhan ng amo ko pero since narinig ko na mula
sa kanyang bibig na ayaw niya nang makausap si Vina may dahilan na para
i-interrupt ko ang pag uusap nila. "Tapos na akong magsukat. Uuwi na ba
tayo?" kaagad kong bigkas habang naglalakad palapit sa kanila. Nagulat pa
ako dahil kaagad na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Sir Kenneth habang
titig na titig siya sa akin. Sinipat pa ako nito ng tingin mula ulo hanggang
paa habang bakas sa mga mata niya ang paghanga. Para tuloy akong biglang nawala
sa sarili ko at hindi malaman kung ano ang gagawin. "Oh here she is! My
fiance Ella!" narinig kong bigkas ni Sir Kenneth habang may masayang ngiti
na nakaguhit sa kanyang labi. Inilahad niya pa ang kamay niya sa gawi ko at
wala sa sariling tinangap ko iyun. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang
gulat na rumihistro sa mga mata ni Vina nang tuluyan ko nang matitigan ang kanyang
mukha. Parang gusto ko pang manliit sa sarili ko. Ang ganda niya kasi talaga.
Walang wala ako sa kalingkingan niya.
Chapter 498 ELLA POV
"Kenneth, are you
kidding me? Fiance mo? May fiancee ka na?" bakas ang sobrang gulat sa
expression ng mukha ni Vina habang sinasabi ang katagang iyun. Parang gusto ko
matawa sa hitsura niya. Namumutla siya at kita ko ang pagkuyom ng kamao niya.
Pero bakit? Huwag niyang sabihin na nasasaktan siya sa kaalamang tuluyan na nga
siyang nakalimutan ng amo ko? "Bakit parang nagulat ka yata? Hindi ba
kapani-paniwala na tuluyan na kitang itinapon sa buhay ko? Vina...life must go
on. Iniwan mo ako sa mismong araw ng kasal natin, napahiya ako, naaksidente at
hanggang ngayun hindi ko pa alam kung babalik ba sa dati ang lahat-lahat sa
akin, pagkatapos hindi ko ba deserve na magmahal ulit para sumaya naman
ako?" mahinahong wika ni Sir Kenneth at lalo pa nitong hinigpitan ang
pagkakahawak sa aking kamay. Hindi ko naman malaman kung ano ang ire-react ko.
Hindi ko alam pero parang pinipiga ang puso ko sa isiping ginawa akong panakip
butas ni Sir Kenneth ngayung araw. Kung totoo siguro ang sinasabi niya ngayun
na ako na ang mahal niya baka ako na ang pinaka-masayang babae sa buong mundo.
Masakit pala ang ganito. Sabagay, sino ba naman ako para umasa na magugustuhan
ako ng kagaya ni Sir Kenneth. Isang hamak na katulong lang ako at kaya nasa
tabi niya ako ngayun dahil kailangan niya ang serbisyo ko. Hindi ko dapat
hahayaan ang sarili ko na tuluyang mahulog sa kanya. "Impossible! Ken,
nangako ka sa akin na ako lang ang mamahalin mo pero bakit ang bilis mo naman
yatang nakakita ng ipinalit sa akin?" puno ng hinanakit ang boses ni Vina
habang sinasabi ang katagang iyun. May ilang butil na din ng luha ang nakikita
kong nagbabadyang pumatak mula sa kanyang mga mata. Hindi ko maintindihan.
Bakit nasasaktan siya ngayun kung siya naman ang naunang tumalikod sa relasyon
nilang dalawa ni Sir Kenneth? "Impossible? Vina, walang imposible kapag
mahal mo ang isang tao. Alam mo bang sa kabila ng mga nangyari, nagpasalamat pa
rin ako sa mga nangyari dahil hindi ko akalain na makakahanap pa pala ulit ako
ng babaeng mamahalin ko ng sobra at higit pa sa pagmamahal na ibinigay ko sa
iyo noon. Isang babaeng karapat dapat na mahalin at ipagmalaki sa kahit
kanino!" sagot naman ni Sir Kenneth at masuyo ako nitong tinitigan. Hindi
naman ako nakaimik. Pinaghalong damdamin ang biglang lumukob sa buo kong
pagkatao. Natutuwa ako na nalulungkot na ewan. Basta hindi ko maintindihan.
"Hindi totoo iyan. Galit ka lang kaya nasabi mo ang tungkol sa bagay na
iyan. Ken, alam kong malaki ang pagkakamali na nagawa ko sa iyo pero alam kong
hindi pa huli ang lahat sa atin. Nandito na ako. Nagbalik na ako at handa na
akong pagsilbihan ka dahil alam kong kasalanan ko ang lahat kung bakit nasa
ganiyang kalagayan ka ngayun. Mahal kita! Mahal na mahal kita!" Umiiyak na
bigkas nito. Hindi ko naman maiwasan na mapatitig kay Sir Kenneth. Parang
nadudurog ang puso ko nang mapansin kong titig din ito kay Vina. Sabagay, hindi
ganoon kabilis kalimutan ang pinagsamahan nila. Kahit na pagbabalik-baliktarin
man ang mundo alam kong mahal pa rin ni Sir Kenneth itong si Vina. Hind siya
magsasayang ng oras na kausapin ito kung hindi niya na ito mahal. Hindi niya na
sana ito kakausapin kung wala ng halaga sa kanya ang babaeng ito. Hindi talaga
pwede! Kung ano man ang nararamdaman ko ngayun, kung nasasaktan man ako sa mga
nasasaksihan ko ngayun, kasalanan ko din yata. Hinayaan ko ang sarili ko na
mahulog ako sa kanya. Hindi ako bagay kay Sir Kenneth. Amo ko siya at katulong
niya ako at hindi pwedeng maging kami. "TApos ka na bang mag shopping
Sweetheart?" Akmang babawiin ko na sana ang kamay ko na mahigpit na hawak
ni Sir Kenneth ng bigla itong tumingala sa akin at buong tamis akong nginitian.
Nagawa niya pa akong tawaging Sweetheart na siyang labis kong ikinagulat.
Gayunpaman alam kong walang dahilan para kiligin. Palabas lang ang lahat nang
ito. Walang katotohanan at gusto niya lang papaniwalain si Vina na may iba na
siya. "Ha? Ah...Hmmm, oo tapos na!?" sagot ko sa kanya. Isang
mahinang pagtawa ang naging sagot nito sa akin kasabay ng pagdampi ng labi niya
sa aking kamay. Sa gulat ko nahablot ko tuloy ang kamay ko na mahigpit niyang
hawak na siyang dahilan kaya nabitawan niya iyun. "Okay..fine. I think
tapos na nilang i- compute kung magkano ang dapat nating bayaran."
nakangiti nitong sagot at sininyasan ang isa sa mga staff na malapit sa amin.
Tinanong niya kung tapos na bang i-punch ang mga damit na nagustuhan ko kasabay
ng pag abot niya dito ng kanyang card. "Wala ka na bang ibang nagustuhan?
Baka may nakaligtaan ka pa. Sabihin mo lang dahil magiging abala na tayo simula
next week. Matatagalan ulit bago tayo makabalik dito sa mall." muling wika
nito gamit ang malambing niyang boses. Kaagad naman akong umiling. Kung sa
actingan, hindi talaga ako siguro papasa. Sa mga kilos ko ngayun hindi malabong
mahalata ni Vina na nagkukunwari lang si Sir Kenneth. Na tagapag-alaga lang ako
ni Sir Kenneth at walang special na namamagitan sa aming dalawa. "Ayos na!
Sakto na lahat iyun." sagot ko pero wala akong idea kung alin ba sa mga
isinukat ko kanina ang bibilihin niya. Basta niya na lang kasi ibinigay ang
card niya sa isa sa mga staff and then umalis na. Muli akong napatingin kay
vina. Mukhang wala itong balak na umalis pero wala na sa kanya ang attention ni
Sir Kenneth. Para ngang gusto niya pang makipag usap pero hindi na siya
pinapansin ng amo ko. Mabuti na din iyun. Salawahan naman kasi ang Vina na ito
at kung ako kay Sir Kenneth, iwasan niya na ang magpa- uto sa babaeng ito.
Sumama na pala sa ibang lalaki eh tapos ang kapal ng mukha niya para bumalik.
Naputol lang ang pagmumni-muni ko ng muling bumalik ang staff na inabutan ni
Sir Kenneth kanina ng card niya. Muli nitong iniabot sa amo ko ang card kasama
na ang isang mahabang resibo. Puno ng pagtataka akong napatitig kay Sir Kenneth
habang ngiting ngiti din itong nakatitig sa akin. Ilang saglit din na magkahinang
ang aming mga paningin kasabay ng malakas na pagtibok ng puso ko.
Chapter 499 ELLA POV
Hindi na sumabay si Sir
Elijah sa amin pauwi. May dadaanan pa raw kasi ito at bibisita na lang daw ulit
sa bahay kapag may free time siya. Nagpasalamat naman si Sir Kenneth sa kanyang
pinsan dahil sa time na ibinigay sa kanya. Sakay ng kotse, tahimik ako sa tabi
ni Sir Kenneth. Hanggang ngayun hindi pa rin ako makapaniwala dahil halos
mapuno ang kotse ngayun sa dami ng mga pinamili ni Sir Kenneth. Actually, hindi
naman para sa kanya ang mga iyun kundi para sa akin. Huli na nang malaman ko na
ang lahat pala ng isinukat ko kanina na mga damit na kasya sa akin ay
inihihiwalay ng mga staff. Kaya pala ang dami nilang nag assist sa akin. Kaya
pala masayang masaya sila dahil halos ubusin na ni Sir Kenneth ang laman ng
boutique nila. Gustuhin ko mang umalma pero tapos na! Nabayaran niya na pala at
kaya pala sobrang haba ng resibo dahil sa dami ng mga items na binili niya.
Hindi ko akalain na kayang gumastos ng ganoon kalaki si Sir Kenneth para sa
akin na isang hamak na tagapag-alaga niya lang. Feeling ko tuloy napaka-special
ko. Hindi nga nakaligtas sa paningin ko ang inggit sa mga mata ni Vina kanina
habang isa-isang inilalabas sa shop ang mga paper bags na naglalaman ng mga
pinamili ni Sir Kenneth para sa akin. Nagsisisi na talaga siguro ang bruha sa
ginawa niyang pag iwan kay Sir Kenneth sa mismong araw ng kanilang kasal.
Sabagay, totoo talaga yata ang tsismis sa akin Manang, materialistic daw talaga
ang babaeng iyun. Mahilig magpabili ng kung anu-ano at parang ginagawang sugar
Daddy ang gwapong si Sir Kenneth. Ang lubos na bumabagabag sa isipan ko ay kung
ano nalang ang iisipin nila Madam Arabella at Sir Kurt. Sa dami nitong ipanang
shopping sa akin ni Sir Kenneth tiyak na malalaman nila at natatakot akong baka
magalit sila sa akin. Baka kasi mag isip sila ng masama eh. Ayaw ko pa naman ng
ganoon. Ipinanganak akong mahirap pero hindi ako materialistic na tao. Marunong
akong makontento sa mga bagay-bagay. 'Hey...anong nagyari sa iyo. Bakit sobrang
tahimik mo yata ngayun? Parang hindi ka naman dating ganiyan ah?" napukaw
lang ako sa aking pagmumuni-muni ng marinig kong nagsalita si Sir Kenneth.
Hindi ko tuloy maiwasan na mapabuntong hininga sabay titig sa kanya.
"Bakit nagawa mo iyun? Bakit mo ako ipinamili ng maraming gamit?"
tanong ko. Isang malakas na tawa ang narinig ko mula sa kanya. Masuyo akong
tinitigan kasabay ng marahang pagpisil niya sa magkabilaan kong pisngi gamit ng
dalawa niyang kamay. Ilang saglit din akong natigilan dahil sa kanyang ginawa.
"Nakakatuwa ka talaga Ella! Ikaw na nga itong ipnagshopping ikaw pa itong
parang problemado? Bakit hindi mo ba nagustuhan ang mga nabili mo sa shop na
iyun?" nakangiti nitong tanong sa akin at bahagya akong nakahinga ng
maluwag ng sa wakas binitiwan niya din ang magkabilaan kong pisngi. "Hindi
naman sa ganoon. Nagulat lang ako. Ang mahal kaya ng mga damit na iyun. Tsaka
imposible na magamit ko ang mga iyun noh... nakalabi kong sagot sa kanya.
"Bakit naman hindi mo magagamit? Preferred mo bang maghubad kapag tayong
dalawa lang ang magkasama sa loob ng kwarto?" nakangiti nitong tanong sa
akin. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko nang ma- realized ko kung ano ang
ibig niyang sabihin. "Ang bastos mo!" hindi ko maiwasang bigkas.
Imbes na magalit ito sa sinabi ko, lalo itong natawa. Takang taka tuloy akong
napatitig sa kanya. Ano na naman ito? Bakit ang saya- saya niya na naman yata?
Hindi naman siguro dahil kay Vina dahil halos ipagtabuyan niya iyun kanina.
Pero para kanino ang tuwa sa mga mata niya na nakikita ko ngayun? "Anong
bastos? Ikaw ha..wala pa akong ginawa para sabihan mo ako ng ganyan!"
tatawa-tawa pa rin nitong sagot sa akin. Hindi ako nakaimik dahil sa
pinaghalong damdamin na kaagad na lumukob sa buo kong pagkatao. "Dont
worry, ikakaltas ko na lang sa sahod mo lahat ng nagastos natin ngayung araw.
Tama, ganiyan na lang ang gagawin ko total naman parang hindi ka masaya sa mga
regalo na ibinigay ko sa iyo eh. Simpleng pasasalamat wala akong narinig sa
iyo. Bagkos parang galit ka pa yata eh.." muling wika nito na kaagad na
ikinanalaki ng mga mata ko. Sa sobrang mahal ng mga damit na binili niya sa
akin malabong mabayaran ko siya kaagad. Isa pa, bakit niya pinapabayaran gayung
hindi ko naman alam na gusto niya palang bilihin lahat para ibigay sa akin.
"Bakit mo ikakaltas? Hindi ko naman sinabi sa iyo na bayaran mo ang mga
iyan eh!" naghihimutok kong sagot. Tinaasan lang ako nito ng kilay habang
seryoso na akong tinitigan. "Wala kang planong bayaran ako?" tanong
nito. kaagad akong umiling "Pwede pa bang isauli natin ang mga iyan?"
tanong ko. Kaagad itong umiling "Bawal! No return no exchange policy
sila." sagot nito. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot "Pero
kung ayaw mo na may kaltas ang sahod mo, pwede mo naman ako bayaran sa ibang
paraan!" nambibitin na muling wika nito. Wala sa sariling napatitig ako sa
kanya. "Kiss lang at quits na tayo!" tanong nito na lalong ikinalaki
ng mga mata ko at pati yata butas ng ilong ko.
Chapter 500 ELLA POV
"Kidding! IKaw talaga
hindi kita maintindihan! Masyado kang seryoso nitong mga nakaraang oras. Ano ba
ang nangyari sa iyo?" natatawa na naman nitong wika sa akin. HIndi naman
ako makapaniwalang napatitig sa kanya. Talaga lang ha? Marunong na siyang
magbiro ngayun? Napapadalas na din ang kanyang pagtawa. Eh di magandang
senyales talaga ito na magiging mabait na siya. Grabe naman, kinabahan talaga
ako. Akala ko talaga sisinigilin niya ako eh. Mabuti na lang at biro lang ang
lahat dahil wala din naman akong pambayad isa pa, hindi ko kayang mag-benta ng
kiss noh.... Hindi ba talaga? Pero ilang beses na ba akong n*******n ni Sir
Kenneth? Hindi nga halik eh kundi lapa talaga ang ginawa niya sa akin dahil
hanggang ngayun ramdam ko pa rin ang labi niya sa labi ko. Feeling ko nga,
hanggang sa pagtulog ko, mapapanaginipan ko pa rin eh. Sa isiping iyun parang
gusto ko na namang kaltukan ang sarili ko. Kung saan-saan na naman kasi
nakakarating ang isipan ko. Ang halay kung minsan. Hindi ako ito eh. Lintik na
halik iyun, dahil doon biglang nagulo ang sistema ko. "Hmmmp! Kinabahan
naman ako doon! Buti nalang binawi niyo kung hindi kayo po talaga ang mag
susuot ng mga damit na iyan." pabiro ko namang sagot sa kanya. Napansin
kong kaagad na nawala ang ngiti nito at seryoso akong tinitigan. "Anong
sabi mo? Ako ang magsusuot? Ano ang palagay mo sa akin, bading?" tanong
nito. HIndi ko na napigilan pa ang mapahagalpak ng tawa. Sa totoo lang, hindi
naman iyun ang ibig kong sabihin. "Hindi po! Hindi naman sa ganoon! Tsaka,
porket nagsusuot ng damit pambabae ang isang lalaki bading na kaagad. Hindi ba
pwedeng trip-trip lang?" sagot ko naman. Lalo namang sumeryoso ang kanyang
mukha. Hindi na din ito sumagot pa kaya nanahimik na din ako. Pikunin pala eh.
Napaka-liit na bagay napipikon kaagad siya. Hayssst, parang gusto ko na naman
tuloy kabahan. "Halos isang oras din ang ginugol namin sa daan bago kami
nakarating ng bahay. Sobrang traffic din kasi kaya ang ending madilim na ng
dumating kami ng bahay at bago pa naibaba ng kotse si Sir Kenneth napansin
kaagad namin ang presensya nila Madam Arabella at Sir Kurt. Parehong may ngiti
sa labi at n*******n pa nga sa pisngi ang kanilang anak na si Sir Kenneth.
"Oh come on guys! Malaki na ako para sa ganyang pa-welcome niyo!"
angal ni Sir Kenneth. Hindi yata masaya sa pa -kiss ng mga magulang kaya
nagrereklamo na naman. Pero kung maka-kiss sa akin akala mo wala nng bukas.
"Abat! Maarti ka na ngayun ah? Bakit sino ba ang gusto mong mag kiss sa
iyo? Hindi ba pwedeng ikiss ka namin lalo na at masaya kami dahil sa wakas
nagawa mo ding lumabas at mamasyal? " sagot naman ni Madam Arabella. May
tonong pagmamaldita ang boses nito at imbes na mag aalala ako hindi ko maiwasan
ang paguhit ng ngiti sa labi ko dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi para
sa akin ang pagmamadita niya eh. Para iyun kay Sir Kenneth at buti nga sa
kanya. "Hindi naman sa ganoon Mom. Feeling ko kasi, turing niyo sa akin ay
parang seven years old pa rin eh. Malaki na ako and soon bubuo na din ako ng
sarili kong pamlya at bibigyan ko kayo ng maraming apo." angal pa rin ni
Sir Kenneth. Nagulat man sa sinabi ng amo ko pero hindi din nakaligtas sa
paningin ko kung paanong nagkatinginan ng makahulugan sila Madam at Sir. Siguro
para kay Vina ang mga salitang binitiwan ni Sir. Nagkita na sila at baka
willing siguro siyang patawarin ang hitad na iyun. Pero bakit ganito ang
nararamdaman ko? Bakit parang sumisikip ang puso ko? Bakit parang masakit sa
kalooban? Hayssst, siguro ayaw ko lang sa Vina na iyun dahil siya ang dahilan
kaya naaksidente si Sir. Masyado lang akong naawa kay Sir Kenneth kaya hangat
maari ayaw ko na din sana na magkabalikan sila. Pero iyun ba talaga ang
dahilan? Tsaka ano ang pakialam ko kung sakaling magkabalikan man sila? Wala
naman talaga diba? Nandito ako sa bahay na ito para pagsilbihan siya at hindi
dapat pakialaman ang love life niya! "So, saan kayo nakarating? Nag enjoy
ba kayong dalawa?" Kung hindi pa ako tinanong ni Madam, hindi pa ako
magising sa malalim na namang pag iisip. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam
ako ng ganito. Nalulungkot ako sa isang bagay na hindi ko naman mawari.
"Ha? Ah opo! Ka-kasama po namin si Sir Elijah kanina Madam." nauutal
kong sagot. Muling gumuhit ang masayang ngiti sa labi ni Madam Arabella at
napatango-tango. "Yup, at ipinagshopping ko din si Ellla pero hanggang
ngayun never pa akong nakarinig ng pasasalamat mula sa kanya. Parang kasalanan
ko p§Ã‘ §Ã¢§Ã kung bakit ko siya ibinili ng maraming mga gamit." sabat naman
ni Sir Kenneth. Parang gusto ko tuloy munang umalis sa harapan nila dahil sa
naramdamang pagkapahiya. Pati ba naman iyun kailangan pang sabihin sa mga
magulang niya? Porket hindi ako nakapag-pasalamat, hindi na kaagad ako masaya
sa mga bigay niya? Ang saklap naman! Grabe siya! Sama ng ugali. "Talaga!
Mabuti naman at ipinag- shopping mo si Ella. Ang tagal ka na niyang inaalagaan
hindi mo man siya naisip bigyan ng regalo." nakangiting sagot ni Madam.
Taliwas sa inasahan kong maging reaction niya, parang masaya pa siya na
gumastos ang anak niya para sa akin. Ganito ba talaga kabait ang pamilyang ito?
Ang swerte ko pala talaga dahil nagkaroon ako ng amo na kagaya nila. "Mom,
dami pang sinabi eh. Ayan na nga oh, binilhan ko na siya. Bumawi na nga ako
eh...kaya sana mahanapan niyo kaagad ako ng magaling na taong makakatulong sa
akin para makalakad ulit. Magaling na therapist actually dahil nakausap ko si
Doctor Mendez kanina at sinabi niya sa akin na siya na daw ang bahalng
mag-monitor sa bawat session ko." sagot naman ni Sir Kenneth sa kanyang
ina. "OF course, may nahanap na kami. Pipirma na lang siya ng contract at
next week mismo mag uumpisa na siya. Kailangan niya din kasing pag aralan ang
kondisyon mo bago siya gagawa ng mga hakbang. Kailangan din kasi nilang mag
usap ng doctor mo kaya naman next week ang pinaka- idial na araw para makapag
umpisa na. "nakangiting sagot naman ni Madam sa kanyang anak. Wala pa
man..sobrang excited na ako. Naniniwala akong magiging successful ang lahat at
makakalakad ulit si Sir Kenneth.