JEANN POV
Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang biglang pamumutla ni
Drake habang nakatitig sa akin samantalang si Jasmine naman ay kaagad na
nagsalubong ang kilay habang kita ko ang pagka-digusto sa kanyang mukha. Lihim
namang nagdiwang ang kalooban ko.
Ganiyan nga...magulat kayo sa muli kong pagbabalik.
Pagbabayaran niyong dalawa ang lahat ng mga kasalanan na nagawa niyo sa akin.
Hindi ako
papayag na ganoon-ganoon na lang at basta na lang
mananahimik sa isang tabi at hayaan na maging masaya ang pagsasama nilang
dalawa.
"Jeann, buhay ka? Hindi totoong namatay ka?" gulat
na tanong ni Drake. Sa gulat nito, napatayo pa ito at naglakad palapit sa akin
na hindi inaalis ang pagkakatitig sa aking mukha. Muli akong tumayo at matalim
itong tinitigan.
"Disappointed?" tanong ko sa kanya sabay taas ng
aking kilay. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang biglang pamumula ng mga mata
nito at ang biglang pagtaas ng kanyang kamay sabay haplos sa aking pisngi pero
kaagad ko iyung tinabig.
"Don't touch me with your dirty hands!"
nanglilisik ang mga matang wika ko sa kanya. Hindi ito makapaniwalang napatitig
sa akin.
"Bakit? Bakit mo ako niluko? Bakit mo pinalabas na
wa-wala ka na?" tanong nito na kaagad ko namang ikinaismid. Naglakad ako
ng ilang distansya sa kanya bago ito sinagot.
"Wala lang...trip ko lang! Besides, hindi mo masasabing
panluluko ang ginawa ko sa iyo. Talagang namatay ako Drake....pinatay mo ako sa
panluluko na ginawa mo sa akin!" galit kong sumbat sa kanya. Pigil ko ang
sarili ko na maiyak sa harap nito. Hindi ko na hahayaan pa na umiyak sa harap
niya at magmukhang kaawa-awa. Hindi na ako ang dating Jeann na mahina.
"Kahit ano pa ang sabihin mo, niluko mo ako Jeann.
Pinaniwala mo ako na wala ka na at alam mo bang halos ikamatay ko iyun? Alam
kong malaki ang kasalanan ko sa iyo pero sana man lang hinayaan----"
naputol ang sasabihin nito ng bigla akong nagsalita.
"Oh come on Drake. Ang kapal ng mukha mo para sabihin
sa akin na niluko kita! Baka nakalimutan mo na nasa harap na nating dalawa ang
ibedensya ng panluluko mo sa kasal natin? Ayan ohhh, buntis na nga diba?"
galit kong bigkas sa kanya sabay duro kay Jasmine. Kaagad namang natigilan si
Drake at napasulyap kay Jasmine na noon ay kaagad na napatayo habang galit na
nakatitig sa akin.
"Hindi ka niluko ni Drake. Ako ang una niyang minahal
kaya wala akong inagaw sa iyo!" galit na bigkas nito. Ang kapal ng mukha
para sumabat sa pag uusap naming dalawa. Ganito na ba katapang ang mga kabit sa
panahon ngayun?
"Oh really! Ikaw ang minahal? Well, bakit hindi ka
pinakasalan?" taas noo kong tanong sa kanya habang pigil ko ang sarili ko
na sugurin ito at sabunutan. Kating kati na talaga ang palad ko na saktan ito
pero hindi ko gagawin. Lalo na at nakapukaw na kami ng attention ng ibang mga
customers. Maraming nang mga nakikiusyuso na gustong gusto ko naman. Tingnan
lang namin kung sino ang mas mapapahiya sa aming tatlo.
"Jeann, please huwag dito! Mag usap tayo na tayong
dalawa lang. Magpapaliwanag ako!" si Drake na ang sumagot. Akmang
hahawakan ako nito pero kaagad kong tinabig ang kanyang kamay.
"Bakit? Ito na nga ohhh...magkaharap na tayong tatlo na
hindi ko kayang gawin noon! Bakit pa tayo hahanap ng ibang lugar gayung pwede
namang dito tayo mag usap-usap diba?" nang iinis kong tanong. Kaagad naman
natigilan si Drake at pasimple nitong inilibot ang tingin sa paligid. Peke
akong tumawa.
"Nahihiya ka na malaman ng lahat ang pangangabit mo
Drake?" talagang nilakasan ko pa ang boses ko para marinig ng mga usyusera
at usyusero. Effective naman dahil lalong nakuha namin ang attention ng mga
Marites sa paligid.
Ito ang gusto ko. Ang gumawa ng eksena sa maraming tao para
malaman ko kung sino ang mas may kasalanan sa amin.
"Jeann, hindi kita niluko! Not here! Sumama ka sa
akin...mag usap tayo, iyung tayo lang! Magpapaliwanag ako! " sagot ni
Drake at akmang hahawakan ulit ako nito pero kaagad ng umangat ang isa kong
kamay. Lumagapak iyun sa pisngi ni Drake na siyang lalong nagpalakas sa mga
bulungan sa aming paligid mula sa mga audience namin.
"Sinabi ko na sa iyo na huwag mo akong hawakan! Walang
kasing dumi ang kamay na iyan at nandidiri ako sa iyo!" galit kong singhal
kay Drake. Tulala itong nakatitig sa akin habang mabilis naman na nakakapit sa
kanya si Jasmine.
"Ano ba! Ayaw na nga sa iyo ni Drake diba? Umalis ka na
nga!" galit naman na singhal sa akin ni Jasmine. Kaagad ko naman itong
pinaningkitan ng aking mga mata sabay titig sa kamay nito na mahigpit na
nakahawak sa braso ni Drake.
"Yes...tangGap ko na ayaw ni Drake sa akin and ayaw ko
na din naman sa kanya. Sa iyo na siya hanggat gusto mo at kung pwede, itago mo
siya sa ilalim ng iyung kipay para hindi na maagaw ng iba!." Nang-iinsulto
kong sagot kay Jasmine na kaagad na ikinagalit nito.
Akmang sasampalin ako nito pero maagap kong nahawakan ang
kanyang kamay kasabay ng pagpilipit na siyang dahilan ng malakas na pagsigaw ni
Jasmine.
Todo rescue naman ni Drake at ito na mismo ang humawak sa
kamay ko para mabitiwan ko si Jasmine. Pero hindi ako nagpatinag, sinipa ko si
Drake diretso sa kanyang pagkalalaki at kaagad itong napaupo sa sahig habang
namimilipit sa sakit.
"Hindi pa ipinanganak ang taong pwedeng manampal sa
akin Jasmine. Kabit ka ng asawa ko kaya wala kang karapatan na idapo sa maganda
kong pisngi iyang marumi mong palad!"
nanglilisik kong wika kay Jasmine sabay bitaw sa kanyang
kamay nat sinampal ito. Tulala itong napatitig sa akin habang tuloy tuloy ang
pag agos ng luha sa kanyang mga mata.
Taas noo ko namang tinitigan si Drake na noon ay hindi pa
rin nakakabawi sa ginawa kong pagsipa sa kanya.
"Kung gusto mo ng tahimik na buhay, magfile ka na ng
divorce!" Huling wika ko kay Drake bago ako nagmamdaling nag-martsa
pabalik ng VIP room.
Chapter 402
JEANN POV
Pagkapasok ko sa loob ng VIP room hapong hapo akong napaupo.
Kinuha ko ang isang basong tubig at kaagad na nilagok. Ramdam ko ang lakas ng
kabog ng dibdib ko. Wala sa sariling napatitig ako sa kinaroroonan nila Drake
at kita ko kung paano alalayan ito ni Jasmine na makaupo sa upuan.
Wish ko lang na sana nilakasan ko pa ang pagsipa sa kanya
kanina para tuluyan na nitong hindi mapakinabangan ang kanyang alaga at hindi
na maghasik ng lagim sa sanlibutan.
"Perfect! Alam mo, pinahanga mo ako! Alam mo bang ang
galing-galing mo kanina?" napukaw ulit ang buo kong attention ng biglang
dumating si Beatrice. Malapad ang pagkakangiti sa labi habang nakasunod sa
kanya ang dalawang waitress na may mga bitbit na mga pagkain. Hindi ko tuloy
maiwasan na mapangiti lalo na ng maamoy ko ang masarap na aroma mula sa
pagkain.
Kanina pa ako nagugutom at naudlot lang iyun dahil sa
presensiya nila Drake sa labas. Muli akong napatingin sa kinaroroonan nila at
napansin kong wala na ang dalawa. Umalis na at marahil at gustong takasan ang
kahihiyan na dinulot ko sa kanilang dalawa. Mabuti naman dahil masyadong
masakit sa mga mata ko ang presensya nilang dalawa.
"Ang kakapal ng mukha! Hindi pa ako tapos sa kanila!
Makikita nila!" sagot ko naman habang pinapanood ang mga waitress na
isa-isang inilalagay sa harap ko ang ibat ibang putahe ng mga pagkain.
lisa lang ang inorder ko pero ang daming naka-served. Anong
palagay ni Beatrice sa akin? Masiba??
"Tama lang ang ginawa mo. Nakita mo ba ang reaction ni
Drake kanina?
Para siyang nakakita ng multo. Saglit na nagkulay papel ang
kanyang mukha habang nakatitig sa iyo." nakangiting sagot naman ni
Beatrice. Nagkibit balikat lang ako at kaagad na akong naglagay ng pagkain sa
aking pingan dahil kanina pa nag-aalburuto ang aking mga bituka sa tiyan.
Ngayung maraming masasarap na pagkain sa harap ko, ito na
din ang chance ko na kumain ng marami. Nadagdagan ang gutom ko sa paghaharap
naming dalawa ni Drake kanina kaya dapat lang na magpaka- busog ako ngayun.
Pagkatapos kumain, kaagad na akong
nagpaalam kay Beatrice na umuwi na. Kaagad naman itong
pumayag sa kondisyon na masusundan ang pag uusap naming ito. Masyado daw kasi
siyang nag-enjoy sa presensya ko.
"Sure...dont worry, isasama ko na next time sila
Veronica at Charlotte. Para naman mas masaya!" nakangiting sagot ko kay
Beatrice bago umalis. Sandaling oras lang kaming nagkasama pero palagay na
kaagad ang loob ko sa kanya. Siguro dahil sa mabait nitong awra.
Kasalukuyan akong naglalakad patungong parking nang
maramdaman ko na may humawak sa braso ko. Dali- dali akong napalingon at halos
magdikit ang kilay ko nang mapagtanto ko na si Drake ang nasa harap ko.
"Ano pa ba ang kailangan mo?Bitiwan mo nga ako!"
paangil na wika ko sa kanya sabay hila ko sa sarili kong braso. Feeling ko
nagkapasa ako sa bahaging iyun dahil sa higpit ng pagkakawak nya sa akin
kanina.
"Mag usap tayo! Hindi pwedeng hindi tayo
mag-uusap!" sagot naman ni Drake sa akin at akmang hahawakan ulit ako nito
pero kaagad ko nang tinabig ang kanyang kamay.
"Ano pa bang gusto mong pag usapan natin? Kung tungkol
sa divorce, magfile ka na at ipadala ko sa bahay at pipirmahan ko kaagad!"
galit kong bulyaw sa kanya. Natigilan ito habang hindi inaalis ang pagkakatitig
sa akin
May nababasa akong kakaibang damdamin sa kanyang mga mata
pero ayaw ko nang bigyan ng kahulugan. Masyado ng masakit ang mga nangyari at
ayaw ko ng balikan iyun.
"Jeann, alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo.
Bigyan mo naman sana ako ng chance na makausap ka at maipaliwanag ang side ko!
Please!" nakikiusap na sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na matawa
habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanyang mga mata.
"Talaga lang ha? At ano ang gusto mong ipaliwanag? Ano
pa ang gusto mo? Hindi bat ilang beses na kitang binigyan ng chance noon
makapag- paliwanag sa ginawa mong panluluko sa akin? Sabihin mo sa akin
Drake...ano ang kulang sa akin? Bakit nagawa mo akong lokohin?" halos
pasigaw kong tanong sa kanya. Wala na akong pakialam kung nasaan man kami
ngayun at kung may nanonood man sa amin.
Muling binuhay ng Drake na ito ang sakit ng kalooban ko na
pilit kong itinatapon sa ilang buwan kong paglayo sa kanya! Akala ko naka-
moved on na ako pero heto na naman! Nakakaramdam na naman ako ng awa sa sarili.
"Jeann...sorry! Sorry sa lahat-lahat ng pagkakamali na
nagawa ko! Aminado ako na kasalanan ko ang lahat-lahat at handa kong tanggapin
lahat kahit anong parusa ang gusto mong ipataw sa akin. Mapagbayaran ko man
lang ang mga kasalanan na nagawa ko!" sagot nito. Peke ko naman itong
tinawanan.
"Sorry??? No! Hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa
mo sa akin. Ikaw ang dahilan kung bakit nakunan ako noon. Ikaw ang dahilan ng
lahat ng pagdurusa ko! Hindi mo tinupad ang mga pangako mo na mamahalin mo ako
habang buhay. Na ako lang at wala ng iba!! I hate you Drake at kamumuhian kita
hanggang sa huli kong hininga!" galit kong sigaw sa kanya kasabay ng
pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Tulala namang nakatitig sa akin si Drake habang bakas ang
pait sa mga mata nito. Kaagad kong pinunasan ang luha sa aking mga mata at
galit na nagsalita.
"Masyado ka ng nakakaisturbo sa akin! Kung wala ka ng
sasabihin, aalis na ako!" sagot ko at kaagad itong tinalikuran.
Nakakailang hakbang pa lang ako ng muli ko itong lingunin.
"Hihintayin ko ang divorce papers. Huwag mo nang
hintayin na ako ang magfile noon dahil sisiguraduhin kong hindi lang pangalan
mo ang makaladkad sa iskandalo na ito!"
makaladkad sa iskandalo na ito!" nagbabanta kong wika
sa kanya at mabilis na tinahak ang parking space kung saan naka-park ang aking
kotse.
Chapter 403
JEANN POV
Pagkapasok ko sa loob ng aking kotse tsaka ko ibinuhos ang
lahat ng sama ng loob na nararamdaman ng puso ko.
Hindi ko akalain na hanggang nagyun masakit pa rin pala!
Bakit ba ang hirap niyang kalimutan? Bakit ba sa kabila ng mga panluluko na
ginawa niya sa akin.....bakit siya pa rin ang sinisigaw ng puso ko!
"I HATE YOU DRAKE! Dapat lang na kamuhian kita! Hindi
ka kaibig-ibig dahil manluluko ka!!!" galit kong sigaw sa loob ng kotse
habang patuloy sa pagtulo ang luha sa aking mga mata. Hinampas hampas ko pa ng
sarili kong palad ang aking dibdib dahil pakiramdam ko nahihirapan na akong
huminga dahil sa matinding sakit na nararamdaman.
Akala ko matatag na ako! Akala ko matapang na ako! Pero
bakit ganito? Bakit ang sakit - sakit pa rin!
Ipinikit ko ang aking mga mata habang inaalala ang
paghihirap ko noong mga unang araw na dinala ako nila Mama sa farm. Halos
mabaliw ako noon. Ilang beses ba akong nagtangkang magpakamatay?
Ahhh! Hindi ko na mabilang! Maraming beses at hindi lang
nagpo- prosper dahil sa mga taong nakabantay sa akin. Pero kung hindi lang
siguro kami mayaman..kung wala lang sana kaming pera...baka inu-uod na ang
katawan ko sa ilalim ng lupa.
Gumaling lang ako dahil sa psychiatrist na nag alaga sa
akin.
Sumailalim ako sa ibat ibang klaseng therapy habang hindi
umaalis sa tabi ko sila Mama at palagi din akong binibisita ni Papa at minsan
naman sila Grandma at Grandpa. Noong mga unang mga buwan, lahat ng mga pangaral
nila hindi tinatanggap ng utak ko. Ang utak ko noon ay nakatoon lang sa
kamatayan at wala ng iba.
Pakiramdam ko ng mga sandaling
iyun, nag iisa lang ako kahit na halos lahat ng mga mahal ko
sa buhay ay nasa tabi ko na.
Si Drake lagi ang laman ng isip ko. Ilang beses kong
kinwestion ang sarili ko kung bakit niya ako nagawang saktan ng ganito! Kung
pwede nga lang bumili ng bagong puso at ipalit sa kasalukuyan kong puso, ginawa
ko na sana. Matakasan ko man lang lahat ng paghihirap ng kalooban ko.
Tapos, ngayun! Heto na naman! Masakit pa rin pala dahil
umiiyak pa rin ako kapag nakikita siya!
Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang puso ko.
Hindi ako dapat maging mahina. Hindi ko na dapat pang balikan ang mga masasakit
na alaalang iyun. Maraming nagmamahal sa akin! May kumpleto akong pamilya at
sinusupurtahan ako ng mga relatives ko. At higit sa lahat, may anak na umaaasa
sa akin
"Nang masiguro kong maayos na ako ay kaagad kong
pinaatras ang aking kotse para sana umuwi na
Pero sa hindi inasahan na pagkakataon, bigla akong nakarinig
ng lagabog sa hulihang bahagi ng kotse kaya napalingon ako at napakagat pa ako
sa aking labi ng makita ko na may naatrasan akong kotse.
"Kung mamalasin ka nga naman!" naiinis ko pang
sambit sabay baba. Wala na akong pakialam pa kung namumula man ang mga mata ko
galing sa matinding pag iyak. Ang gusto ko ngayun ay makauiwi na dahil
hinihintay na ako ng anak ko.
"Miss, ano ba iyan! Naatrasan niyo po ako!" kaagad
na salubong sa akin ng lalaking kung hindi ako nagkakamali siya ang nagda-drive
ng kotse.
Hindi ko siya pinansin dahil kaagad kong tsinik ang sarili
kong sasaktan at kaagad akong napasimangot sa yupi na nakita ko. Bagong bili pa
naman ito ni Daddy para sa akin tapos nabanggaan kaagad!
"Ano ba kasi ang ginagawa mo? Bakit ka ba naka-double
parking?" halos pasigaw kong tanong sa lalaking nasa harap ko. Tulala
naman itong napatitig sa akin. Hindi marahil inaasahan ang pagtataray ko.
"Eh Mam! Kasalanan niyo naman po eh. Tahimik po kaming
naghihintay ng mapaparkingan dito pagkatapos bigla po kayong umatras."
paliwanag nito sa akin kaya kaagad ko itong inirapan.
Tinitigan ko pa ang dahan dahan na pagbukas ng passenger ng
kotse na naatrasan ko at mula doon, iniluwa ang isang matangkad at maputing
lalaki. Naka sunglass ito at facemask kaya hindi ko makita ng maayos ang
kanyang mukha.
"Sino iyan?" tanong ko kay Manong driver. Kaagad
naman itong sumagot na Boss niya daw kaya kaagad akong naglakad palapit dito
para makipag- negosasyon.
"Ikaw ang may ari ng kotse na ito?" tanong ko
kaagad sa lalaking naka- shades. Sinipat ko pa ito ng tingin pero negative
talaga. Mukhang may pinagtataguan dahil talagang tinakpan ang mukha. Baka naman
pangit kaya ganito ang attire niya?
'Ako nga! Ikaw ang nakabanga diba? I think liable ka para
ipagawa kung ano man ang damage sa kotse ko." sagot nito. Malalim naman
akong napabuntong hininga at kaagad na naglakad pabalik ng aking kotse at
kumuha ng papel at ballpen. Isinulat ko ang aking cellphone number at iniabot
dito.
"Fine..tawagan mo ako kung magkano ang babayaran
ko." wika ko sa kanya pero kaagad itong umiling. Lalo tuloy akong
napasimangot dahil sa inis.
"Hindi pwedeng ganyan lang Miss. Paano kung takbuhan mo
ako?" sagot nito. Pigil ko naman ang sarili ko na bigwasan ito. Ang dami
niyang arte! Isa pa, ano ang palagay niya sa akin, tumatakbo sa
responsibilidad?
"Kung ayaw mo, tumawag ka nalang ng pulis. Sa presinto
na lang tayo mag usap." naiinis kong sagot sa kanya at muling bumalik sa
aking kotse at pumasok sa loob.
Tanggap ko na sa sarili ko na mali-late ako ng uwi ngayun.
Unang beses kong nag malling at imbes na mag enjoy ako, kunsumisyon pa ang
inabot ko! Hayssst! hanggang ngayun hindi pa nga ako naka-get over sa pagkikita
namin ni Drake, dumagdag pa ito.
Kaagad akong napatitig sa salaming bintana ng kotse nang may
kumatok. Ang lalaking naka shades ang kumatok kaya kaagad ko itong pinagbuksan.
"What?" angal ko sa kanya. Hindi ito sumagot
bagkos dahan-dahan nitong tinangal ang facemask at shades. Nagulat pa ako ng
tumampad sa mga mata ko ang perfect nitong awra habang nakangiti sa akin.
"Nagkita na ba tayo before?" tanong nito. Kaagad
ko itong tinaasan ng kilay. Mga ganitong pautot, basang basa ko na eh...
Chapter 404
JEANN POV
"Naalala ko na! Naalala na kita! Sabi ko na nga ba
nagkita na tayo eh!" muling wika nito habang may masayang ngiti na
nakaguhit sa kanyang labi. Familiar din sa akin ang kanyang awra pero hindi ko
lang maalala kung saan ko ito nakita.
Hindi ko maiwasang mapatitig dito ng tumampad sa mga mata ko
ang gwapo niyang mukha. Nakangiti ito at hindi ko maiwasang ma-amaze ng
matitigan ko ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin na lalong nagpadagdag
sa taglay nitong ka-gwapuhan. Hindi ko tuloy maiwasan na mapaisip kung model ba
ng toothpaste itong kaharap ko ngayun. Napaka-perfect kasi ng ngipin niya.
Nakaka-inggit!
"Nagkita na ba tayo before?"
nagtataka kong tanong sa kanya.
"Hindi ba't pinsan ka ni Charlotte
Villarama? Iyung asawa ni Peanut Smith? Naku, magtatampo na
ako sa inyo ha. Unang kita ni Charlotte sa akin, ganyan na ganyan din ang
reaction niya! Hindi nyo ba talaga ako naalala? Ako iyung isa sa mga pogi na
na-meet niyo sa yate before!" sagot nito na kaagad na nagpakunot ng noo
ko.
"Sa Yate? Kaninong Yate? Sa amin ba? "tanong ko.
Kaagad itong natawa. Parang tanga lang, tirik na tirik ang araw pero nasa labas
siya ng kotse ko at tumatawa na parang baliw.
"Sa Yate ni Peanut. Nakalimutan mo na nga! Sabagay,
sobrang tagal na noon pero never kong makalimutan ang araw na iyun. Malaking
bagay kaya sa akin na na-meet ko ang mga apo ng businessman na si Gabriel
Villarama."
sagot nito. Kaagad naman akong napa- isip at kaagad na
sumagi sa isip ko ang isang partikular na pangyayari ilang taon na ang
nakalipas.
Oo nga. Birthday ni Peanut noon. Iyun din ang kauna-unahang
pagkakaton na inamin ko sa sarili ko na may crush ako sa manlolokong si Drake.
Grabe naman pala ang memory ng taong ito. Pero ano nga ba ulit ang pangalan
nito? Hayy, hindi ko na talaga maalala.
"Naalala mo na? By the way, ako nga pala si Lucas.
Lucas Martinez." nakangiti nitong wika at talagang isiniksik niya pa ang
kamay niya sa mallit na awang ng bintana ng kotse ko para makipag-shake hands
sa akin.
"Jeann...Jeann Villarama Santillan." nag aalangan
kong sagot sabay abot ng kamay niya. Lalong lumapad ang pagkakangiti sa labi ni
Lucas habang titig na titig ito sa akin.
"Nice to meet you ulit Jeann! Sabi ko na nga ba ikaw si
Jeann eh. Mukha ka lang suplada pero alam kong mabait ka. " wika pa nito.
Hindi ko tuloy malaman kung tatawa ba ako or sisimangot sa sinabi niya. Galing
ako sa pag iyak kaya mukha akong suplada ngayun noh!
"Naku, ako yata ang dapat na humingi ng pasensya sa
iyo. Naatrasan ko ang kotse mo." sagot ko naman. Wala namang masama kung
aamin sa pagkakamali. Isa pa mabait naman itong kaharap ko at mukhang
magkakasundo kami. Lalo na at isang beses lang kaming nagkakilala noon pero
naalala niya pa rin ang unang pagkikita namin.
"Ayos na! Walang problema! Ako na ang bahalang
magpagawa ng kotse ko pero in one condition. Dapat ilibre mo ako ng lunch
minsan!'" nakangiti nitong wika. Alanganin naman akong tumango dahil hindi
naman ako sigurado kung mapagbibigyan ko ito.
"Well, isi-save ko na ang number mo ha? Huwag kang
magulat kung isang araw, bigla na lang kitang tatawagan. Paki-kumusta na lang
pala ako kay Ms. Charlotte!" nakangiti nitong wika at naglakad na ito
palayo sa akin.
Nasundan ko na lang ito ng tingin at nagulat pa ako dahil
muli itong lumingon sa gawi ko at malapad na ngumiti bago sumakay sa kanyang
kotse. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti habang sinusundan ng tingin ang
kotse nito paalis.
Pagkatapos ng ilang sandali, mabilis naman akong nagmaniobra
at nagdrive pauwi ng bahay. Sa sobrang dami ng nangyari ngayun, parang ubos na
ubos ang energy ko at gusto kong makapag- pahinga na muna.
Pagkarating ko ng bahay ang nag- aalagang mukha ni Mommy ang
kaagad na sumalubong sa akin. Napansin din nito ang yupi sa likurang bahagi ng
kotse kaya lalo itong nag alala.
"Ano ba ang nangyari? Bakit ngayun ka lang?"
tanong ito. Hinalikan ko muna ito sa pisngi bago ko ito sinagot.
"Marami po akong nakasalubong na kakilala sa labas Mom.
Nag-
kwentuhan at hindi ko na namalayan pa ang oras."
nakangiti kong sagot. Kaagad naman akong tinitigan nito sa mukha bago
napapailing.
"Sige na...maghilamos ka muna. Feeling ko tuloy hindi
ikaw ang kaharap ko ngayun. Bakit ka ba naka- make up ng ganiyan? Siya nga pala
nagpahanda ako ng paborito mong miryenda kina Manang kaya bumaba ka din kaagad
ng dining para makakain. " wika ni Mama sa akin. Hindi ko naman maiwasan
na matawa. Alam ko kung ano nag iniisip nito. Nakikita niya sa katauhan ko ang
tunay nyang Nanay.
Si Ara Perez.
Hayyy, bakit ba kuhang kuha ko ang hitsura ni Ara Perez.
Hindi man masabi ng mga taong nakapaligid sa akin alam kong para kaming
pinagbiyak na bunga ng tunay kong Lola. Minsan nga napapaisip ako kung
reincarnation niya ba ako.
Although, maganda naman talaga si Lola Ara Perez kung
tutuusin. Model and actress nga daw noong nabubuhay pa kaya lang naligaw ang
landas kaya maagang kinuha ni Lord.
Kung saan man siya ngayun, siguro masaya na din siya. Lumaki
si Mommy sa poder ng mga Villarama bilang isang mabuting tao. Ramdam ko din na
hindi naman iba ang trato nila kay Mommy kaya hindi talaga namin ramdam na
outsider kami sa pamilyang iyun. Isa pa, kadugo ko din naman ang mga pinsan ko
dahil kapatid ni Grandma ang tunay na Ina ni Mommy Bella.
"Okay Mom! Thank you!" sagot ko at nagmamadali ng
naglakad papasok ng bahay. Bahala na ang mga kasambahay magbaba sa lahat ng mga
pinamili ko. Magpapahinga muna ako para may lakas ako na lumaban sa buhay.
Chapter 405
DRAKE POV
Pagkatapos ng mainit na kumprontasyon namin ni Jeann, kaagad
akong nagdrive papuntang mausoleum kung saan nakahimlay ang pag aakala kong abo
niya.
Kung ganoon, niluko niya lang pala ako. Pinaniwala niya
akong patay na siya para pagdusahan ko lahat ng mga pagkakamali na nagawa ko sa
kanya.
Hindi ko naman siya masisisi kung iyun ang naisip niyang
gawin sa akin. hanggang langit ang galit niya kaya siguro niya nagawa iyun.
Ang mausoleum na ito ay tanda ng pagtataksil ko kay Jeann.
Ang mausoleum na ito ang naging libingan ng pag ibig na nararamdaman niya para
sa akin. Ito ang din ang simbulo kung gaano ako kawalang kwetang asawa!
Hindi ko maiwasang titigan ang portrait nito. Ibang iba ang
hitsura niya sa portrait na ito kumpara kanina sa restaurant. Wala na ang
nakangiti nitong mga mata sa tuwing tumititig sa akin. Wala na ang maamo nitong
mukha at palaging nakangiting labi sa tuwing nakikita ako.
Ang nakikita ko ngayun sa kanyang mga mata at mukha ngayun
ay puno na ng galit. Ibang iba na siya at alam kong kahit na anong gawin ko
hinding hindi niya ako mapapatawad sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa ko.
Hindi ko mapigilang haplusin ang jar na naglalaman ng
kunwaring abo nito kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Wala siya sa loob ng jar na ito. Buhay siya at nagbalik sya
para ipamukha sa akin ang lahat ng mga pagkakamali na nagawa ko sa pagsasama
namin.
Sinira ko ang sarili kong pamilya! Ako ang dahilan kung
bakit nakunan siya. Ako ang dahilan kung bakit namatay ang pangalawang baby
namin na nasa kanyang sinapupunan.
Gaano ba ako kasamang asawa at ama? Bakit ganito ang
nangyari sa buhay ko? Wala din ba akong ipinagkaiba sa ama ko na basta na lang
kaming iniwan noon at sumama sa ibang babae? Katulad niya rin ba ako?
"Jeann! Jeann!" sambit ko habang umiiyak. Kinuha
ko ang picture frame nito at itinapat sa aking dibdib. Sana pwede pang ibalik
ang mga nangyari na. Sana may rewind pa para naman maitama ko pa lahat ng mga
pagkakamali ko.
Huli na ba ang pagsisisi kong ito? Tuluyan nang lumayo ang
loob niya sa akin. Gustuhin ko man siyang suyuin pero hindi ko alam kung paano
umpisahan. Wala akong mahihingan ng tulong. Alam kong masama ang loob sa akin
ng mga kaibigan ko. Lalo na si Rafael.
Sa totoo lang, hindi ko inaasahan ang pagkikita namin.
Na-surprised talaga ako. Pero aaminin ko man sa sarili ko or hindi, lalong
gumanda ang asawa ko. Lalo siyang naging kaakit-akit kahit wala na ang masayang
ngiti sa labi niya.
Of course para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang
makita ko siya. Buhay si Jeann at may chance pa ako na ipakita sa kanya kung
gaano ako nagsisisi sa lahat ng mga pagkakamli na nagawa ko.
Pagkatapos ng mahabang pagmumuni -muni at pag iyak kaagad na
akong bumalik ng sasakyan. Nagdrive ako papunta sa pag aari kong bar at
dumiritso sa opisina.
Wala pang pumapasok na customer sa bar ko dahil maaga pa
pero gusto ko silang unahan sa pag inom. Gusto kong magpakalasing para kahit
papano, makalimutan ko man ang lahat ng kagaguhan na nagawa ko sa buhay ko.
"Ikuha mo ako ng alak." kaagad na utos ko sa isa
kung mga staff ko. Maaga talaga ang pasok ng ilan para masigurado ang kalinisan
at kaayusan ng bar bago magbukas. Kaagad naman itong tumango at tumalima paalis
para kunin ang iniutos ko sa kanya.
Wala akong ibang ginawa kundi ang magpakalunod sa alak. Oo,
kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko sa isiping buhay pa pala siya pero,
sumasakit ang kalooban ko sa ipinapakitang galit niya sa akin. Lalo na ng
sabihin niya na gusto niya na ng divorce.
Hindi ko akalain na maririnig ko ang katagang iyun sa bibig
mismo ng hahaana walang ibang ginawa noon kundi pagsilbihan ako.
Naging mabait na asawa si Jeann pero ginago ko siya. Ni
hindi ko man lang pinahalagahan lahat ng effort at pag aalaga na ibinigay niya
sa akin. Ipinanganak siyang may gintong kutsara sa bibig pero pilit niyang
pinag aralan lahat ng gawain sa bahay pati ang pagluluto ma-satisfied niya lang
ako. Gusto niyang ipakita sa lahat ng isa siyang ulirang asawa pero nagawa ko
pa rin siyang lokohinl. Nakipag relasyon ako kay Jasmine.
Nang malaman iyun ni Jeann, nakiusap siya sa akin na aayusin
namin ang pagsasama namin. Handa niyang tanggapin ang lahat lahat ng mga
pagkakamli ko basta bumalik lang ako sa kanya. Pero hindi ko siya pinakinggan.
Naging bingi ako sa lahat mga pakiusap niya.
Minsan siyang naging martir sa nagsasama namin hanggang sa
umabot na sa sukdulan ang lahat. Hindi na ako halos nakakauwi sa bahay namin at
nagawa ko pang bumili ng isa pang bahay para doon itira si Jasmine at nagsama
kami.
Tuluyan ko ng hindi inuuwian noon si Jeann. Ni hindi ko nga
alam na nagdadalang tao pala siya at nakunan dahil sa sobrang stress at wala
akong ibang ginawa noon kundi ang magpakasarap sa piling ni Jasmine.
Kinalimutan ko ang sarili kong pamilya dahil makasarili ako.
Ni hindi ko man lang naisip ang mararamdaman niya dahil sa
mga pinang-gagawa ko.
'Gago! Ang tanga-tanga ko! Bakit ba nagawa ko ito sa
kanya" Bakit ko siya niluko?" galt kong sigaw kasabay ng paghagis ko
sa baso na hawak ko. Lumikha iyun ng malakas ng ingay dahil sa pagkabasag.
Hindi ko iyun
pinansin bagkos lahat ng nakapatong dito sa mesa,
pinaghahagis ko.
Hindi ko alam kung paano pa ako makabangon sa ganitong
sitwasyon. Hindi ko alam kung paano ko pa aayusin ang buhay ko. Ako mismo ang
sumira sa sarili kong pamilya kaya dapat lang na magdusa ako ngayun.
Chapter 406
DRAKE POV
Pagkatapos kong magkalat kaagad ko din naman pinalinis sa
staff ko ang mga kalat. Balik ako sa plano ko na maglasing at muling nagpadala
ng alak dito sa loob ng opisina.
Sobrang lungkot ng pakiramdam ko at umaasa ako na sa
pamamagitan ng pag inom maibsan man lang ang sama ng loob na nararamdaman ng
kalooban ko.
"Boss, nasa labas po ang asawa niyo."
tulala akong nakatitig sa kawalan ng ibalita sa akin ng isa
sa mga staff ko ang tungkol sa bagay na ito. Hindi ko tuloy maiwasan na
makaramdam ng excitement.
Alam ko sa sarili ko na tinamaan na ako ng ispiritu ng alak.
Wala na ako sa maayos na huwesyo at gusto ng pumikit ang mga mata ko.
Nasaan na kaya ang mga kaibigan ko? Ni wala man lang akong
matawagan para hilingin na damayan nila ako sa sitwasyon ko ngayun.
"Asawa? Si Jeann? Bakit hindi mo pa siya
pinapasok." naiinis kong sagot sa aking staff. Kailangan pa bang ipaalam
sa akin bago niya papasukin ang asawa ko? Eh asawa ko iyun eh at ano mang oras
pwede niya akong puntahan.
Sa sobrang inis ko pasuray-suray akong tumayo at naglakad
patungong pintuan ng opisina. Sinasabi ko na nga ba eh. Hindi talaga ako
matitiis ni Jeann. Mahal niya ako at nandyan siya palagi para intindihin ako.
Pagkabukas ko ng pintuan kaagad na naglaho ang excitement na
nararamdaman ng puso ko. Bigla akong nakaramdam ng inis. Ang asawa na tinutukoy
ng staff ko ay hindi si Jeann.
"What are you doing here?" malamig kong tanong kay
Jasmine at mabilis na naglakad pabalik at naupo sa swivel chair ko. Nagsalin ng
alak sa baso at inisang lagok iyun. Kaagad naman naglakad palapit sa akin si
Jasmine at malandi akong nginitian.
"Nag alala ako sa iyo. Kanina pa kita hinihintay sa
bahay kaya nagbakasakali akong pumunta dito sa bar. Umiinom ka? May problema ka
ba? " nakangiti nitong tanong. Matiim ko naman itong tinigan bago umiling.
"No! Nothing! Hndi ka na sana pumunta sa lugar na ito.
Alam mo namang buntis ka diba? Makakasama sa bata ang pagpunta mo dito."
seryoso kong sagot. Muli akong nagsalin ng alak sa baso at akmang iinumin ko na
nang biglang agawin iyun sa akin ni Jasmine. Kaagad naman akong nakaramdam ng
inis.
"Drake..marami ka ng nainom!
Chapter 407
Umuwi na tayo!" wika nito sa akin kasabay ng malanding
paghimas nito sa balikat ko. Kaagad naman akong napatayo at tumingin sa salamin
na dingding para tingnan ang mga customers na nagkakasayahan na sa ibaba.
"Umuwi ka na! Bawal kang magpuyat. Hayaan mo muna akong
makapag isip! "malamig kong sagot sa kanya. Natigilan ito at malakas ng
napabuntong-hininga. Nababasa ko na ang pagkainis sa mukha niya pero pilit ko
na lang binabaliwala. Wala ako sa mood ngayun para makipag-talo sa kanya.
"Drake ano ba ang problema? Bakit affected ka ba sa
pagkikita niyong dalawa ng ex-wife mo? Drake naman, huwag mong sabihin mahal mo
na siya kumpara sa akin?" naiinis na tanong nito. Kaagad naman nagpanting
ang tainga ko dahil sa sinabi niya. Masakit marinig sa bibig ng isang tao ang
salitang ex wife gayung hindi pa naman kami divorce ni Jeann.
"Jasmine...I told you, leave me alone!! "galit
kong wika sa kanya. Maang itong napatitig sa akin habang may iilang butil na ng
luha ang nagbabadyang pumatak sa kanyang mga mata. Lalo naman akong nakaramdam
ng inis.
"Mahirap bang intindihin sa iyo ang sinabi ko? Sabi ko,
ewan mo muna ako. Uuwi ako ng bahay kapag gusto ko!" muli kong bigkas at
pahablot kong kinuha sa kamay niya ang baso ng alak at mabilis na tinunga ang
laman. Tulala namang napatitig sa akin si Jasmine.
"Nagbago ka na! Huwag mong sabihin sa akin na mas mahal
mo pa ang babaeng iyun kumpara sa akin? Drake naman, kung saan malapit na
tayong magkaanak, tsaka ka naman nagkakaganito!" galit na wika nito sa
akin kasabay ng tuloy tuloy na pag agos luha sa mga mata.
Lalo naman akong nakaramdam ng inis at dinampot ang bote ng
alak at malakas ng inihagis sa pader. Lumikha ito ng malakas na ingay kasabay
ng pagsigaw ni Jasmine dahil sa mitinding pagkagulat.
"Isa pang salita na lalabas sa bibig mo ay hindi ako
mangingimi na sa iyo na ipatama ang kasunod na bote na ihahagis ko! Umalis ka
sa harap ko Jasmine!" galit kong sigaw sa kanya. Natigilan naman ito at
nang akmang hahawakan ko na ulit ang bote ng alak, halos takbuhin nito ang
pintuan makalabas lang. Matalim ang mga matang nasundan ko na lang ito ng
tingin.
lisang babae lang ang gusto kong
makasama ngayung gabi. Hindi si Jasmine or kahit sino pa
man. Si Jeann lang. Yes...si Jeann, ang asawa ko! Kailangan ko siya. Kailangan
ko ang asawa ko!!!
Hapong hapo akong napaupo sa swivel chair habang hinahayaan
ko na ang muling pagpatak ng luha sa aking mga mata. Kung ito ang karma ko,
malugod kong tatanggapin basta bumalik lang si Jeann sa akin. Handa kong ituwid
lahat ng pagkakamali ko basta maging maayos lang ulit kami.
Miss na miss ko na siya! Miss na miss ko na ang asawa ko!!!
Chapter 408
JEANN POV
Kakatapos lang ng binyag ni Baby Jillian at napagkasunduan
naming lahat na sa bahay na gaganapin ang celebration. Ninong si Uncle Rafael
at iba pang mga pinsan samantang Ninang naman ang mga Titas ko at ilang
malalapit na kaibigan.
Sa bahay lang namin ginanap ang celebration pagkatapos ng
binyag dahil halos kami-kami lang naman at wala namang ibang bisita na
inimbitahan. Simpleng selebrasyon lang naman ang aming ginawa bilang pag
welcome na din sa bagong miyembro ng aming pamilya.
"Ang ganda naman talaga ng Baby Jillian na iyan."
masayang wika ni Veronica habang pinipisil nito ang malusog na pisngi ng batang
karga- karga ko.
Pagkatapos ng binyag, halos ayaw nang humiwalay sa akin ni
Baby Jillian. Akala niya siguro ako ang Mommy nya. Ayos lang naman din dahil
nag-ienjoy din ako sa pag aalaga sa kanya.
Mabuti na nga lang at hindi nagseselos ang anak kong si Baby
Russell. Sabagay, nitong mga nakaraang araw napapansin ko na mas malapit ang
anak ko kay Daddy kaya kapag nasa paligid ito hindi na halos humihiwalay si
Russell sa kanya. Ayos lang naman sa akin iyun at least nagkaroon ng father
figure ang anak ko at umaasa ako na sana hindi na siya maghanap ng ama paglaki
niya.
Wala talaga akong plano na sabihin kay Baby Russell kung
sino ang Daddy niya. Hindi din ako papayag na malalapitan siya ng ama niyang si
Drake. Makasarili na kung makasarili pero buo na ang desisyon ko na susuluhin
ko ang responsibilidad sa
pagpapalaki sa anak ko total naman nandiyan lang ang aking
mga magulang para suportahan ako sa lahat ng desisyon ko sa buhay.
"Kung pwede nga lang, ako na sana ang aampon sa kanya
eh. Ang ganda niya kasi tapos ang lambing pa."
nakangiti ko naman sagot kay Veronica habang isina-sayaw ko
si Baby Jillian. Halatang inaantok na dahil namumungay na ang kanyang mga mata.
Nang mapansin ko na nakatulog na si Baby Jillian sa bisig ko
kaagad ko na siyang iniabot sa yaya niya para dalhin na sa nursery room upang
makapagpahinga ng maayos.
"Siya nga pala Jeann, may lakad ka ba bukas?Magpapasama
sana ako sa iyo sa Villarama Mall. May importanteng meeting kasi bukas si
Rafael at hindi niya ako masasamahan." maya maya
pagyaya ni Veronica sa akin. Hindi ko naman maiwasan na
mapangiti.
Nabitin ako sa pamamasyal sa mall noong nakaraang linggo
kaya ito na din siguro ang chance ko para magliwaliw. Nakakaramdam na din naman
ako ng bored dito sa bahay. Timing talaga itong pagyayaya ni Veronica sa akin.
Balak ko din kasing magshopping ng iba pang mga pangangailangan namin ng mga
bata. Kailangan ko din pala bumili ng mga bagong damit at make up.
Ngayung tanggap ko na sa sarili ko na hiwalay na ako kay
Drake, wala akong ibang gustong gawin kundi ang magpaganda. Mas lalo kong
mamahalin ang sarili ko dahil iyun naman talaga ang tama.
"Sure...free naman ako everyday. Mga anong oras ba
?" tanong ko sa kanya. Kaagad naman itong napangiti.
"Before ten ng umaga! Mas maganda na maaga tayo para
makarami tayo. Huwag ka na lang pala magdala ng kotse...dadaanan na lang kita
dito bukas." nakangiti nitong sagot sa akin. Masaya naman akong tumango.
"Well, much better! Noong nakaraang labas ko
nakadisgrasya ako ng ibang sasakyan eh. Mabuti na lang at mabait iyung may ari
at hindi ako pinagbayad. Kaya lang, hindi muna ako pinapayagan ni Daddy na
magdrive ngayun kaya required ka talaga na daanan ako." nakangiti kong
sagot sa kanya.
"Pero naisip ko din. Paano kaya kung yayaain natin si
Charlotte? You know, bonding na din siguro natin ito diba?" tanong nito.
Kaagad naman akong napaisip.
Sabagay, may punto ito. Medyo matagal na din kaming hindi
nakakalabas na kami lang. Masyado kaming naging busy nitong mga nakaraang taon
at wala namang masama kung lalabas kami na kami- kami lang.
Noong mga dalaga pa kami, kami palagi ang magkakasama.
Nahinto lang nang naging asawa ni Uncle itong si Veronica at naging busy na din
ang lahat. Siguro ito na ang chance para muli naming ibalik ang dati naming
samahan.
"Sure, ako na ang bahala magsabi kay Charlotte. Tiyak
na hindi iyun tatanggi. "excited kong sagot sa kanya
Hindi nakarating si Charlotte at Peanut sa binyag ni Baby
Jillian dahil sa mga personal na kadahilanan at naiintindihan naman namin iyun.
Isa pa, mahirap talaga magkikilos kapag buntis.
Kinabukasan, katulad ng napag- usapan namin ni Veronica,
dinaanan niya ako dito sa bahay at diretso na kami ng mall. Pumayag na din si
Charlotte at sa mall na lang daw kami magkikita dahil ihahatid daw siya ni
Peanut doon.
Nadtanan pa nga namin sa meeting place namin si Charlotte na
nagmamaktol na.
"Veronica, Jeann, ang tagal niyo naman! Kanina pa ako
naghihintay sa inyo eh ." angal ni Charlotte pagkalapit namin sa kanya.
Kaagad naman kaming nagkatinginan ni Veronica. As usual hindi pa rin nagbabago
ang pinsan kong ito. Reklamador pa rin.
"Anong matagal? Sakto lang naman ang dating namin
ah?" sagot naman ni Veronica.
"Bawal ang boys ha? Bonding ng mga girls ito kaya
pauwiin mo na muna si Peanut." nakangiti ko namang singit. Araw namin
ngayun kaya dapat kami-kami lang na mag best friends ang magkakasama. Bawal
haluan lalo na ng mga asa-asawa. Tsaka lugi ako noh...sa aming tatlo ako lang
ang hiwalay sa asawa at baka mainggit lang ako kapag isasama nila ang mga asawa
nila sa bonding naming ito. Baka lalabas ng third wheel lang ako at hindi ko
ma- enjoy ang araw na ito.
Kaagad kong napansin ang pag ismid ni Charlotte kaya hindi
ko maiwasan na matawa. Mukhang hindi approved sa kanya ang sinabi ko.
"Kailan ka pa bitter pagdating sa mga lalaki. Buntis
ako noh at wala namang gagawin ang asawa ko kaya hayaan na natin siyang sumama
sa atin."
nakalabi pang sagot ni Charlotte. Kaagad naman akong
umiling.
"Hindi pwede. Kawawa siya eh. Mabo- bored lang siya.
Hayaan mo muna siyang mag day off sa kakulitan mo." natatawa kong sagot na
kaagad namang sinigundahan ni Veronica.
Chapter 409
JEANN POV
"Tama si Jeann. Hayaan mo muna si Peanut makapag
pahinga noh! Puro tayo mga babae at awkward sa kanya na isasama natin siya.
Mabuti sana kung nandito si Rafael at ayos lang na isama mo si Peanut. Pero
wala siya eh.. may importante siyang meeting ngayun sa opisina." natatawa
namang sagot ni Veronica.
Sabay pa naming narinig ang marahas na pagbuntong hininga ni
Charotte bago tumango. Halatang masama pa rin ang loob pero hindi na namin
pinansin pa. Sanay na kami sa ugali niya noh.
"Ingatan niyo ang Misis ko ha? Buntis iyan at tawagan
niyo kaagad ako kung tapos na ang bonding niyo." paalam naman ni Peanut sa
amin. Sabay naman kaming tumango ni Veronica.
"Dont worry Peanut. Kami ang bahala sa kanya. Pag aari
ng Villarama Empire ang mall na ito kaya safe kami dito. Isa pa, may mga tauhan
na inutusan si Rafael na bantayan kami kaya ipagpalagay mo ang kalooban
mo." sagot ni Veronica. Kaagad namang tumango si Peanut at hinalikan pa
nito sa labi ang asawa bago kami iniwanan.
"So, saan tayo ngayun?" kaagad na tanong ni
Charlotte. Kaagad naman kaming napatingin kay Veronica.
"Birthday ni Grandmama Carissa next month. Gusto ko
munang tumingin ng pwede iregalo sa kanya." sagot naman ni Veronica.
Kaagad naman kaming nagkatinginan ni Charlotte.
Mukhang pareho kami na muntik ng makalimutan ang birthday ni
Grandmama. Buti na lang ipinaalala ni Veronica. Sa dami ng nangyari sa buhay
ko, nawala sa isip ko na malapit na pala ang kaarawan ni Grandma.
Hindi naman required magregalo pero iba pa rin ang may
maiiabot na regalo sa mabait at mapagmahal naming abwela.
"Oo nga pala noh? Buti pinaalala mo. Sige, hanap tayo
ng shop. Unahin muna natin ang regalo ni Grandma bago tayo magliwaliw."
sagot ni Charlotte at nag umpisa na kaming humakbang para maghanap ng shop na
pwedeng puntahan para makapamili ng pwedeng iregalo. Isisingit ko na din siguro
ang pagsa-shopping ko para makarami din ako.
"Oh my God! Nakikita mo ba ang nakikita ko?"
nagulat pa ako nang biglang huminto sa paglalakad si Veronica habang seryosong
nakatitig sa isang shop sabay may itinuro. Kunot noo kong nasundan ng tingin
ang itinuturo niya at kaagad na sumalubong sa paningin ko ang isang tao na
hindi ko inaasahan na makikita sa lugar na ito. Walang iba kundi si Jasmine.
Ang kabit ni Drake na abala sa kakasukat ng high heels sa isang katapat ng
store.
Hayy, sobrang liit talaga ng mundo. Akalain mo iyun, nakita
ko naman ang babaeng umagaw kay Drake sa akin.
"Akala ko ba buntis ang bruha na iyan? Bakit high heels
ang gustong bilihin?" tanong naman ni Charlotte. Kaagad naman akong
napaisip. Ano nga ba ang gagawin ni Jasmine sa mga high heels na sinusukat niya
ngayun?
Naiinis kong pinapanood si Jasmine habang aligaga namang
pinagsisilbihan ng staff. Kung anu- anong design kasi ang hinihingi nito kaya
ang ending, tambak na ang ibat ibang design ng sandals sa harap niya at lahat
iyun mukhang rejected sa panlasa ng malanding si Jasmine. Hindi ko na tuloy
napigilan ang sarili ko na lapitan ito.
"Wow! Hindi ko akalain na mapili ka pala pagdating sa
mga bagay-bagay, pero nagawa mong pumatol sa lalaking may asawa na!"
kaagad kong bigkas habang naglalakad palapit sa kanya. Kinuha ko ang isang
sandals na naka- display at kunwari'y kinikilatis iyun sabay sulyap kay Jasmine
na noon ay masama ng nakatitig sa akin.
Parang gusto kong matawa sa hitsura ngayun ni Jasmine. Halos
lumuwa ang mga mata nito sa sobrang galit sa akin habang mahigpit ang
pagkakahawak niya sa high heels na isusukat niya na naman sana.
"What? Galit ka?" nang iinis kong tanong sa kanya.
Padabog na binitawan nito ang kanyang hawak habang hindi inaalis ang
pagkakatitig sa akin.
"Bakit ba napaka-bitter mo? Hindi mo pa rin ba
matanggap na ako ang pinili ni Drake?" maanghang na sagot nito. Kaagad
naman akong napangisi.
"Sino ang nagsabi sa iyo na naghahabol pa rin ako? Sa
iyo na siya at kung gusto mo, isaksak mo siya sa baga mo! Total naman, iyan ang
talent ng mga kabit diba? Cheap na, mang aagaw pa!" nakangisi kong sagot
sa kanya.
Lalo namang nagliyab ang mga mata nito sa galit. Kaagad
namang nagdiwang ang kalooban ko sa sobrang tuwa.
Mukhang nasagi ko ang kanyang pride. Galit na talaga eh.
Gusto nang manakit.
"Walang hiya ka! Hindi ako Cheap at hindi ako mang
aagaw dahil una siyang naging akin!" galit na sagot nito. Mataas na din
ang tono ng boses nito at nakakaagaw na din kami ng attention sa ibang mga
shoppers.
Napasulyap pa ako sa kinaroronan nila Veronica at Charlotte
at kaagad kong napansin na nakatitig sila sa gawi namin ni Jasmine. Pareho pang
nakangiti ang dalawa at halatang excited sa mga susunod na kaganapan na gagawin
ko. Lalo naman akong ginanahan na mang asar.
"Ah talaga lang ha? Bakit hindi ko yata alam iyan?
Paki-klaro nga? Baka naman naging reserba mo lang si Drake sa dami ng lalaking
dumaan sa buhay mo. By the way, kanya ba talaga ang batang nasa sinapupunan mo?
Baka naman sa dami ng mga lalaking dumaan sa buhay mo, hindi mo na nalaman kung
sino ba talaga ang tunay na tatay ng batang iyan." nang iinsulto kong
sagot sabay titig sa umbok ng kanyang tiyan.
"Walang hiya ka! Hindi totoo iyan!;" galit na
bigkas nito at akmang sasampalin ako pero kaagad kong
nahawakan ang braso nito.
"Oopss! Walang ganiyanan! Alam mo bang kahit kurot,
hindi ako nakatikim sa mismong mga magulang ko? Tapos sasampalin lang ako ng
kabit ng asawa ko? Ang unfair naman yata ng mundo kung gagawin mo iyan sa
akin." galit kong wika sa kanya at kaagad itong itinulak. Nawalan ito sa
balanse kaya napaupo ito. Narinig ko pa ang pagsinghap ng mga taong nakapaligid
sa amin kaya natigilan ako.
Oo nga pala, buntis itong kaharap ko. Hindi ko tuloy
maiwasan na makaramdam ng kaba lalo na sa isiping baka mapahamak ang
ipinagbubuntis nito. Malakas ang pagkakatulak ko sa kanya dahil napaupo pa ito
sa sahig.
Chapter 410
JEANN POV
Sa lakas ng pagkakatulak ko kay Jasmine napaupo pa ito sa
sahig na labis kong ipinangamba dahil baka kung mapaano ang baby na nasa
kanyang sinapupunan.
Parang gusto tuloy humiwalay ang kaluluwa ko sa katawang
lupa ko sa matinding kabang nararamdaman. Hindi ako ganoon kasamang tao para
pumatay ng bata sa sipapupunan ng kanyang ina. Oo galit ako sa Jasmine na ito
pero ayaw kong madamay ang ipinagbubuntis niya.
"Walang hiya ka talaga! Bakit ba ayaw mo na lang
manahimik na malinaw naman sa iyo ang lahat! Ako ang pinili ni Drake kaya wala
ka ng magagawa pa! "galit na sigaw nito sabay tayo. Hindi ko naman
maiwasan na magtaka habang nakatitig sa kanyang tiyan.
Parang wala lang sa kanya ang pagkakatulak ko. Parang hindi
man lang ito nasaktan.
"Inaano ba kita? Ikaw nga diyan ang galit na galit
dahil nakita mo ako eh? Natatakot ka ba na baka bumalik sa akin si Drake kaya
ka nagkakaganyan?" sagot ko naman ng makabawi sa pagkabigla. Hindi ko
tuloy maiwasan na mapaisip. Ang galing naman ng bruha na ito, ni hindi man lang
ininda ang malakas na pagkakatulak ko sa kanya.
"Never ng babalik sa iyo si Drake kaya huwag ka ng
umasa pa! Ako na mahal niya kaya tsupi ka na sa buhay niya. Magpa-file na siya
ng divorce sa iyo kaya hintayin mo!" sagot naman nito.
"Eh di wow! Eh ikaw na ang mahal niya! Pakialam ko at
pakisabi sa kanya na bilis bilisan niyang mag file ng divorce dahil kapag ako
ang mainip, pareho ko talaga kayong ipapakulong!" galit kong sigaw sa
kanya. Kaagad naman itong natameme at namutla. Takot pala ang bruha na ito
kapag kulungan ang pag uusapan eh. Oh diba parang nalunok niya ang sarili
niyang laway? Biglang nanahimik eh.
Hindi na sumagot pa si Jasmin kaya itinoon ko na ang buo
kong attention sa mga bagay na nakadisplay dito sa shop. Parang tood na
nakasunod lang ang tingin nito sa lahat ng gagawin ko kaya muli ko itong
binalingan ng tingin at nginisihan. Parang hindi pa rin humuhupa ang inis na
nararamdaman nito sa akin base na din sa kanyang hitsura ngayun. Nasa mode pa
naman ako mang inis kaya pagbibigyan ko talaga siya.
"Wala ka pa bang napipili? Tingin ko kanina mo pa
ini-isturbo ang mga staff dito. Hindi ka ba binigyan ni Drake ng budget pang
shopping?" nang uuyam kong tanong sa kanya. Kaagad kong napansin ang
pamumula ng mukha nito. Hindi ko na naman maiwasang matawa dahil hindi ito
nakasagot.
Halatang napahiya sa sinabi ko kaya kaagad kong binalingan
ng tingin ang staff na nag aassist sa kanya kanina na nasa akin na din ang
buong attention para alalayan ako sa mga bagay na gusto kong bilihin.
"Nasaan ba ang manager dito? Bakit hinahayaan niyo na
may tumambay sa shop niyo na hindi naman pala bibili? Sa dami ng isinukat niya
kanina natakot tuloy ako na baka magkalat siya ng germs ng kakatihan. Kawawa
naman ang mga customers na mahahawa niya." wika ko sa staff.
Nilakasan ko talaga ang boses ko para lalong inisin si
Jasmine. Isa pa, gusto ko din marinig ng ibang mga shoppers ang mga sinasabi
ko. In short, gusto ko talagang ipahiya si Jasmine sa lahat makaganti man lang
ako sa lahat ng sakit ng kalooban na ibinigay nya sa akin noon.
"Walang hiya ka! Wala kang pakialam kung tatambay ako
dito! Isa pa hindi ako makati! Bitter ka lang dahil ipinagpalit ka ni Drake sa
akin!' sagot nito na naging bulong bulongan sa paligid namin. Kapal talaga ng
mukha ng babaeng ito, ipinagmamalaki pa talaga sa lahat ng ang pagiging kabit
niya.
"Ouch! Nag react? Tinamaan ba? Bakit hindi ka na lang
kaya umalis dito? Nagiging kahiya-hiya ka na dito. Wala ka namang budget na
pambili sa mga isinukat mo dahil alam kong hindi ka binigyan ng pera ng ex
husband ko!" Nang-iinsulto kong wika at muling itinoon ang attention sa
mga items na nasa harap ko pero kaagad kong naramdaman ang malakas na paghablot
ni Jasmine sa buhok ko na kaagad ko namang ikinasigaw dahil sa sakit.
Lintik na babaeng ito. Nagawa pa talaga akong sabunutan.
Sinabi ng huwag na huwag niyang idantay sa akin ang marumi niyang mga kamay eh.
Litse talaga! Ang sakit ng anit ko. Gusto pa yata akong kalbuhin ng babaeng ito
eh!
Abala ako sa kakapiglas para tangalin ang kamay ni Jasmine
sa buhok ko ng marinig ko ang galit na boses ng taong biglang dumating. Nagulat
ako dahil hindi ko ito inaasahan.
"Jasmine...stop it! Ano ang ginagawa mo kay
Jeann!" maawtoridad ang boses na wika ni Drake. Kahit sino siguro ang
makakarinig ay kakabahan dahil sa galit nitong boses. Kaagad ko namang
naramdaman ang pagbitaw sa buhok ko ni Jasmine kaya kaagad akong nakahinga ng
maluwag. Akala ko talaga makakalbo na a ko eh. Nasaan na ba iyung mga kasama
ko? Ni hindi man lang sila nagtangkang tulungan ako.
"Drake, kasalanan niya. Masyado niya akong pinahiya
kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Siya ang nauna at gumanti lang
ako." sagot naman ni Jasmine pero hindi iyun pinansin ni Drake. Bagkos
kaagad kong naramdaman ang paghawak nito sa magkabilaan kong balikat at nag
aalala akong tinitigan sa mukha.
"Ayos ka lang? Nasaktan ka ba?" tanong nito sa nag
aalalang boses. Hindi naman ako nakaimik. Hindi ko inaasahan ang mga ganitong
klaseng eksena. Ako talaga ang una niyang pinagtoonan ng pansin instead ang
kabit niya?
Chapter 411
JEANN POV
Parang biglang na-blanko ang utak ko dahil sa ginawa ni
Drake. Paano ba naman kasi kita ko ang sobrang pag aalala sa mga mata niya
habang nakatitig sa akin.
Tunay kaya itong ipinapakita niya sa akin ngayun or baka
naman pakitang tao lang dahil na-realized niya kung gaano kalaki ang kanyang
kasalanang nagawa sa akin. Gayunpaman wala talaga akong balak na makipagbati sa
kanya. Graduate ha ako sa pagiging martir at ayaw ko ng balikan iyun.
Mahirap para sa akin ang makalimutan lahat ng mga
pagkakamali na nagawa niya. Akala ko talaga siya na ang forever ko pero
nagkamali ako. Isang pangarap na lang talaga sa akin ang bumuo ng masaya at
kumpletong pamilya.
Namatay ang magiging pangalawang anak namin dahil
tinalikuran niya ako at ipinagpalit niya ako sa babaeng kung makatingin sa akin
ngayun akala mo papatay ng tao dahil sa selos. Bakit ba kasi may pahawak-hawak
pa itong si Drake. Pagkatapos niyang makipag lampungan ng makailang ulit sa
Jasmine na ito, may gana pa talaga siyang hawakan ako ng ganito sa magkabilang
balikat?
"Bitiwan mo nga ako!" paasik kong wika kay Drake
nang makabawi ako sa pagkabigla. Litse na pamamasyal na ito. Hindi ba pwedeng
mag-enjoy kahit minsan lang sa pamamasyal? Bakit ba napakaliit ng mundo para sa
aming tatlo? Mabuti pa siguro nagpaka buro na lang ako sa farm. Feeling ko mas
tahimik ang buhay ko doon kumpara dito sa Metro Manila.
"Jeann, hwag mo naman sanang masamain ang tanong ko sa
iyo. Nag-aalala ako na baka nasaktan ka!" sagot naman nito sa akin habang
bakas pa rin ang pag aalala sa kanyang mga mata habang masuyong nakatitig sa
akin. Sa hitsura ngayun ni Drake, parang wala siyang nakikitang iba tao kundi
ako lang.
Kung hindi lang ito nakagawa ng malaking pagkakasala sa akin
baka kanina pa ako namimilipit sa kilig. Kaya lang wala na eh...wala ng lugar
sa akin ang kilig-kilig na iyan. Dahil para sa akin, ang kapalit ng kilig ay
walang hanggang pagdurusa.
"Pakialam mo ba kung nasaktan ako? Noon pa man wala ka
ng pakialam sa akin diba? Bakit parang biglang nagbago ang ihip ng hangin?
Huwag mong sabihin na nakukunsensya ka na sa lahat ng mga pinagagawa mo dahil
hindi ako maniniwala." galit kong sagot sa kanya. Kaagad naman itong
natigilan. Kita ko ang pait na nakaguhit sa kanyang mga mata habang hindi pa
rin inaalis ang pagkakatitig sa akin.
"Alam kong hanggang ngayun galit ka pa rin sa at hindi
kita masisisi. Aware ako na masyado akong naging unfair sa iyo. Sana mapatawad
mo ako Jeann at bigyan mo ako ng chance na makausap ka ng masinsinan. Iyung
tayo lang dalawa." sagot nito. Buong lakas ko itong intinulak kaya
nabitawan niya ako. Kaagad naman akong umatras palayo sa kanya.
"No need! Wala ng dahilan pa para mag usap tayo. Simula
ng iniwanan kita, tinapos ko na din kung ano man ang ugnayan natin."
paasik kong sagot sa kanya. Lalong gumuhit ang sakit sa mga mata nito habang
pagkakatitig sa akin. Kaagad naman akong nabutong hininga at akmang tatalikuran
ko na ito ng bigla niya akong hawakan sa kamay.
Nagulat ako pero kaagad akong napapiksi para mabitawan niya
pero mas malakas sa akin si Drake. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin at
mukhang wala itong balak na pakawalan ako.
Sa kabila ng mga nangyari, alam kong malaki pa rin ang
epekto ni Drake sa buo kong pagkatao. Patunay na dito ang biglaang pagkabog ng
dibdib ko sa simpleng paghawak niya sa kamay ko. Para tuloy akong napapaso at
malakas na muling hinila ang kamay ko para lang mabitawan niya. Nakakailang na
din kasi ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.
"Drake! Paano naman ako!" muli akong nagising sa
katotohanan nang biglang nagsalita si Jasmine. Oo nga pala. Saglit kong
nakalimutan na nasa harap pala namin si Jasmine at kanina pa yata nagseselos sa
mga palitan namin ng salita ni Drake.
"Anong paano ka? Jasmine....hindi bat sinabi ko sa iyo
na bawal kang lumabas ng bahay? Ano ito? Ano ang ginagawa mo dito sa
mall?" Naiinis naman na sagot ni Drake sa kanya sabay pisil sa palad ko na
hanggang ngayun mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya. Wala sa sariling
napatitig ako kay Drake para sabihin sa kanya na bitawan niya na ang kamay ko
pero nasa kay Jasmine na ang buo niyang attention. Hindi ko tuloy maiwasan na
mapasimangot.
"Drake naman! Dont tell me na siya pa rin ang
kakampihan mo ngayun gayung siya ang nauna. Pinahiya niya ako sa maraming tao
kaya na-trigger ang galit ko! Wala akong kasalanan!" naiiyak na namang
sabat ni Jasmine. Hindi ko na maiwasan na mapaismid. Feeling ko talaga
nagdadrama ito eh. Gusto niya sigurong siya ang kampihan ni Drake. Well, wala
naman akong pakialam doon. Magsama sila hanggat gusto nila! Kaya lang bakit
ganito?
Bakit ayaw niya pa rin akong bitawan?
"Alangan naman na ikaw ang
kakampihan gayung kabit ka!" nakalabi ko namang sagot
kay Jasmine. Kaagad naman napabaling ang tingin nito sa akin. Kung kanina ay
naiiyak na ito, sa isang iglap lang biglang nagbago ang expression ng kanyang
mukha. Nanlilisik na ang kanyang mga matang tumitig sa akin at kung wala lang
siguro si Drake, baka sinugod na naman ako.
"Jasmine! How many times I told you na iwasan mo si
Jeann. Ano ang ginagawa mo?" galit na wika ni Drake sa kabit niya.
Napansin niya marahil ang galit sa mga mata ng kanyang kabit habang nakatitig
sa akin. Lihim naman na nagdiwang ang kalooban ko.
Tunay man or hindi ang pag aalala na ipinakita ni Drake sa
akin, wala na akong pakialam pa. Masaya ako na nakikitang nagseselos ngayun si
Jasmine. Tama lang iyan dahil gusto ko din maramdaman niya kung ano ang
naramdaman ko noong inagaw niya sa akin si Drake.
"Mag sorry ka sa kanya!" Pautos na wika ani Drake
kay Jasmine. Parang gusto ko namang matawa dahil parang batang napapadyak sa
sahig si kabit. Hahawak pa sana ito sa braso ni Drake pero kaagad itong
nakaiwas. Pigil ko naman ang sarili ko na matawa lalo na ng mapansin ko ang
pagkasdismaya sa mukha ng malanding kabit.
"I am waiting. Mag sorry ka sa kanya. " muling
utos ni Drake Kay Jasmine habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa kamay
ko.
Chapter 412
JEANN POV
Gustuhin ko mang kumawala sa pagkakahawak ni Drake pero ayaw
nya talaga akong bitawan. Bakit ba kailangan niya pang pilitin na mag sorry ang
isang tao kung hindi naman bukal sa kalooban. Isa pa, hindi kayang burahin ng
sorry ang lahat ng mga pasakit na ginawa nila sa akin ng malanding Jasmine na
iyan.
"Drake, No! Wala akong kasalanan na ginawa kaya bakit
ako magso-sorry sa kanya?" nag aalburuto namang sagot ni Jasmine. Matalim
naman itong tinitingan ni Drake sabay hila dito papunta sa harap ko. Mukhang
seryoso talaga si Drake na pagsorihin ang kanyang kabit. Para ano pa? Feeling
niya siguro, mababawasan lahat ng mga pagkakamali na ngawa nila sa akin kung
sakaling sundin siya ni Jasmine.
Kahit na pareho pa silang lumahod sa harapan ko, hinding
hindi ko talaga sila mapapatawad. Minsan ko na siyang inunawa noon. Minsan na
din akong umasa na magiging maayos pa ang pamilya namin pero nabigo ako. Kahit
na magbago pa siguro si Drake, hindi na mabubura pa ang pagtataksil na ginawa
niya sa akin.
"No need! Hindi ko kailangan ang sorry niya. Masyado
nang nang nasayang ang oras ko dahil sa kapritso ng kabit mo! Pagsabihan mo
siya na sa susunod na magkrus ang landas namin, marunong siyang lumugar kung
saan siya nababagay." seryosong wika ko kay Drake kaya muli itong
napatitig sa akin.
"I am sorry sa mga nangyari. Promise, aayusin ko
ito." sagot nito. Kaaagad naman akong napairap.
Ano pa ba ang aayusin nya? Wala na. Sirang sira na ang
pamilya namin at hindi na mabubuo kahit na anong gawin niya.
Galit ko itong tinitigan bago ko malakas na hinila ang kamay
ko. Sa pagkakataon na ito, binitiwan niya na ako kaya naman matalim kong
sinulyapan si Jasmine at taas noo silang tinalikuran. Wala din naman akong
mapapala kung patuloy akong makikipag usap sa kanila. Sinasayang ko lang ang
oras ko sa walang kabuluhang bagay.
Diretso na akong naglakad patungong counter kung saan
naabutan ko pa sila Veronica at Charlotte na nagbabayad na din sa kanilang mga
pinamili.
Parang gusto ko na tuloy magtampo sa kanila. Imagine, nagawa
pa rin pala nilang makapag shopping sa kabila ng struggle na naranasan ko
kani-kanina lang.
"Done?" kaagad na tanong ni
Charlotte ng mapansin niya ang presensiya ko sa likuran
nila. Kung makatanong akala mo simple lang ang ginawa kong pakikibaka. Hindi
man lang nila ako tinulungan. Muntik na nga sana akong nakalbo ng Jasmine na
iyun kung hindi lang dumating si Drake.
"Not yet! Dumating si Drake. Magtutoos pa kami ng
Jasmine na iyan sa mga susunod na araw. HIndi ko siya lulubayan hanggat hindi
ko malalaman kung ano ang sekreto niya!"
makahulugan kong sagot kay Charlotte. Kaagad naman itong
natawa at pasimpleng sumulyap sa kinaroroonan nila Drake at Jasmine na noon ay
parang nag aaway na. Mula sa kinaroroonan namin kitang kita ko ang pamumula ng
mukha ni Drake sa sobrang galit.
"Hmmm, mukhang alam ko na ang ibig mong sabihin ah?
Gusto mo bang tulungan kita na alamin kung ano nga ba ang sekreto ng babaeng
iyan?" nakangiti namang sagot nito. Lalo namang lumapad ang ngiti sa labi
ko.
"Sure...napansin mo naman siguro kung gaano kalakas ang
pagkakatulak ko sa kanya kanina diba? Ni hindi man lang siya umaray kahit
buntis siya? Palagay mo buntis ba talaga ang hitad na iyan?" halos
pabulong ko ng tanong kay Charlotte. Natawa naman ito kaya naman kaagad ko
itong pinandilatan.
"I dont know..pero nakita din namin iyun kanina. Pareho
pa ngang napataas ang kilay naming dalawa ni Veronica eh." sagot naman
nito. Muli naman akong napalingon kina Drake at Jasmine pero napansin ko nang
hila- hila na ni Drake ang kabit niya palabas ng shop. Hindi ko maiwasang
mapataas ang aking kilay. Tama lang na umalis na silang dalawa dahil masyado ng
masakit sa mga mata ko ang presensiya nila.
Hindi ko na muna sinagot pa ang sinabi ni Charlotte. Hahaba
lang ang usapan at hanggat maari, ayaw ko na munang pag usapan namin ang
tungkol sa bagay na ito. Masyadong sensitive at baka may ibang makarinig sa
amin.
Pagkatapos magbayad nila Charlotte at Veronica, ako naman
ang inistima ng cashier. Nang lumabas na ang total ng babayaran ko kaagad kong
hinugot sa bag ko ang wallet at akmang kukunin ko na ang debit card ko, isang
kamay ang kaagad kong napansin na nag abot ng card sa cashier. Nang lingunin ko
ito, nagulat pa ako dahil nasa tabi ko na pala si Drake nang hindi ko
napapansin.
Saglit pa akong nagtaka dahil napansin ko pang hila hila
niya kanina palabas ng shop si Jasmine tapos nandito na kaagad siya sa tabi ko?
Ang bilis naman niyang nakabalik?
"Ako na ang magbabayad sa mga pinamili mo."
seryosong wika nito sa akin. Kaagad namang napataas ang aking kilay at inagaw
sa cashier ang card na iniabot niya. Hindi ako papayag na siya ang magbabayad
sa lahat mga pinamili ko. Kaya kong bayaran lahat ng gusto kong bilihin.
"No need! Kayang kaya kong bayaran lahat ng mga
pinamili ko. Hindi ko kailangan ang pera mo!" sagot ko kay Drake at kaagad
kong iniabot sa cashier ng sarili kong debit card.
"Jeann, bakit ba napakahirap mong pakiusapan. I am your
husband at responsibilidad kong ibigay sa iyo lahat ng mga pangangailangan
mo!"
seryosong wika nito. Peke naman akong natawa habang
ibinabalik ko sa kanya ang card na ibinigay niya kanina sa cashier.
"Asawa? Ang bilis mo namang nakalimot! Hindi bat
naghiwalay na tayo?" naiinis kong sagot.
"Sino ang nagsabi sa iyo na hiwalay na tayo? Bakit
pumayag ba ako?" sagot nito. Kaagad naman akong natameme.
Chapter 413
Jeann POV
Gulat na napatitig ako kay Drake dahil sa sinabi niya. Ano
ba ang pinagsasabi niya na hindi pa kami hiwalay? Ilang buwan ko na nga siyang
nilayasan tapos sasabihin niya ngayun sa akin na hindi pa kami hiwalay? Napaka
unfair naman niya kung nagkataon. Gusto niyang mag stay ako sa kanya as a legal
wife habang harap-harapan na ibinabalandra niya sa harap ko ang kanyang kabit?
"Hindi ko naalala na pumayag ako sa hiwalayan natin
Jeann. Mag asawa pa rin tayo kaya sana naman maintindihan mo lahat ng effort na
ginagawa ko ngayun." sagot nito at muli niyang inagaw ang aking debit card
sa kamay ng cashier. Ibinigay nya ulit ang sarili niyang debit card at inutusan
ang cashier na bilisan dahil nagmamadali daw kami.
Pigil ko naman ang sarili kong murahin ito dahil sa kanyang
mga pinanggagawa. Nahihiya lang ako sa mga customers na nasa likuran namin kaya
pinili ko na lang na manahimik muna.
Pagkatapos nitong bayaran lahat ng mga pinamili ko
nagmamdali na akong lumabas ng store. Siya na din ang nagbitbit ng lahat ng mga
pinamili ko. Hinayaan ko na lang dahil nakakapagod ding makipagtalo sa taong
may sariling gustong gawin sa buhay.
"Akin na ang card ko!" kaagad kong bigkas kay
Drake pagkalabas namin ng shop. Para itong bodyguard ko na nakasunod lang sa
akin. Pagkatapos niyang kunin ang card ko sa cashier hindi niya na iyun
ibinalik sa akin kanina.
"Hindi bat sinabi ko sa iyo na ako ang magbabayad lahat
ng mga gusto mong bilihin ngayung araw. Dont worry, pagkatapos mong
magshopping, ibabalik ko sa iyo ang debit card mo." seryosong sagot nito.
Parang gusto ko namang magpapadyak dahil sa inis. Ano ba talaga ang gustong
mangyari ng Drake na ito. Bakit niya sinisira ang araw ko?
Wala sa sariling napatingin ako sa kina Veronica at
Charlotte. Tahimik lang ang dalawa at mukhang wala talagang balak na makisawsaw
sa problema ko. Talagang iniwanan nila ako at sabay pang pumasok sa katapat ng
shop.
"Pwede ba Drake. Akin na ang debit card ko at lumayas
ka na sa harap ko!" muli kong wika kay Drake. Talagang pinandilatan ko pa
ito para marealized nya na hindi ako masaya sa presesnya niya pero wa epek pa
rin sa kanya. Para lang itong walang nakita bagkos naglakad na ito patungo sa
shop kung saan pumasok sila Charlotte at Veronica. Wala na akong nagawa pa
kundi sundan na lang ito.
Wala akong choice. Mukhang nasa mode talaga si Drake na
sirain ang araw ko. Dalangin ko lang na huwag na munang magpakita ulit ang
kabit niya kung hindi may mangyayari talagang hindi maganda lalo na at mainit
ang ulo ko ngayun.
Pagkapasok ko sa loob ng shop hindi ko na pinansin pa si
Drake. Tahimik naman itong naupo sa isang sofa habang naghihintay sa akin.
Ilang beses akong napapasulyap sa kanya pero hindi ko maiwasang mailang lalo na
ng marealized ko na wala itong ibang ginawa kundi sundan ako ng tingin.
Sa totoo lang first time niya itong ginawa na samahan akong
mag-
shopping. Kung maayos lang sana ang pagsasama namin baka ako
na ang pinakamasayang babae sa mundo. Pero hindi eh. Malabo dahil ang lalaking
nakatitig sa akin ngayun ay ang lalaking nagwasak sa puso ko.
"Uyyy...Jeann, akala ko ba bawal ang asawa isama sa
bonding na ito? Ano ang ginagawa ni Drake dito? Dont tell me nagkabati na
kayo?" sa sobrang lalim ng iniisip ko, nagulat pa ako ng bigla akong
kalabitin ni Charlotte at nagtanong tungkol kay Drake.
"Hindi ah! Hindi pa ako nakikipagbati sa kanya. Kanina
ko pa nga iyan pinapaalis pero ayaw eh. Isa pa, nasa kanya ang debit card ko
kaya wala akong magagawa kundi hayaan na lang muna siya." sagot ko naman
kay Charlotte. Kaagad naman itong napaismid.
"Kung ganoon, papupuntahin ko na
lang ang Peanut ko. Mas palagay ang loob ko kapag kasama ko
siya dito sa mall total nandito din naman ang Drake mo eh...." nakangiting
sagot nito sa akin. Wala na akong nagawa pa kundi tumango na lang. Wala
eh...ako na mismo ang nag break sa rules namin ngayung araw dahil sa presensya
ni Drake na first time kong nalaman na may itinatago din palang kakulitan.
Ano ba kasi ang nakain ng manlolokong iyun at bakit balak
yatang samahan ako kahit saan ako magpunta. Makikita niya talaga, since gusto
niyang bayaran lahat ng isa-shopping ko ngayung araw, bibilihin ko lahat ng
gusto ko.
Sa isiping iyun hindi ko maiwasang mapangiti. Tama! Ang
galing ko talagang mag isip. Ito ang pinaka- sweet revenge na pwede kong magawa
sa kanya. Nabilihan niya nga ng sarilng
bahay ang kabit niya, siguro naman kaya niyang bayaran lahat
ng gusto kong bilihin sa shop na ito.
Kaagad kong inilibot ang tingin sa paligid. Puro mga luxury
items ang nakikita ko. Pagkakataon ko na ito para matapyasan ng malaking halaga
ang bank account ng manluluko kong asawa.
"Miss, pwede patingin ng bag na iyan? "kaagad na
tanong ko sa sales lady na nakatayo sa hindi kalayuan sa akin. Naka-padlock ang
naturang istante at alam kong mamahalin ang bag na nasa loob noon.
"Ito po ang limited edition ng Hermes birkin na
collection namin Mam. "
nakangiti namang sagot sa akin ng sales lady. Hindi ko
maiwasan na mapangisi.
"Okay, add to cart ko na iyan." matamis ang ngiti
kong sagot sa sales lady. Kita ko naman ang pagkagulat sa mukha nito dahil sa
sinabi ko. Sabagay, sino ba naman ang hindi magugulat gayung hindi ko pa nga
nahahawakan ang naturang bag pero gusto ko ng bilihin.
Hindi ako pinalaki nga mga magulang ko na maging maluho at
first time kong bibili ng bag na ganito kamahal kahit na mapera ang pamilya ko.
May collections ako ng mga mamahaling bag pero regalo iyun ng mga Tita's and
Tito's ko kapag may special occations. Pero since, willing naman si Drake
magbayad, talu-talo na lang. Tingnan ko lang kung hanggang saan ang pasensya
niya ngayung araw.
Chapter 414
JEANN POV
"I am done!" anunsiyo ko kay Drake nang mapansin
ko na nasa counter na sila Veronica at Charlotte para magbayad. Mula sa
pagkakaupo, nakangiti itong tumayo habang nakatitig sa akin. Hindi ko naman
maiwasan na makaramdam ng pagkailang. Para kasing may napapansin akong kakaiba
sa mga titig niya.
"Wala ka na bang ibang nagustuhan? Kunin mo na lahat
kung ano man ang gusto mo at hwag kang mag aalala. Kaya kong bayaran lahat
basta maging masaya ka lang." sagot pa nito sabay sulyap sa mga items na
napili kong bilihin sa shop na ito. Nakangisi akong umiiling.
Tingnan ko lang kung hindi siya magugulat sa babayaran nya
mamaya.
Kung hindi ako nagkamali, kasing presyo ng bahay na
iniregalo niya kay Jasmine ang babayaran niya mamaya at madagdagan pa iyan kung
patuloy siyang bumuntot buntot sa akin.
Sabay na kaming naglakad patungong counter para magbayad na.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang nanunudyong tingin nila Charlotte at
Veronica sa akin pero ayaw ko na lang pansinin. Isipin nila kung ano man ang
iisipin nila. Hindi porket magkasama kami ngayun ni Drake, bati na kami.
"Sa iyo lahat iyan?" pabulong na tanong sa akin ni
Charlotte habang pareho naming hinihintay na matapos magbayad si Veronica.
Nakangisi naman akong tumango.
"Yes! Hindi bat sabi ko sa inyo, magsa shopping ako
ngayung araw. Medyo matagal din akong nawala at gusto kong sulitin ang araw na
ito para makapamili. Isa pa, hindi naman ako ang magbabayad noh!"
nakangiti kong sagot. Kaagad naman akong tinaasan ng kilay ni Charlotte at
pigil ang sariling matawa.
"Talaga lang ha?Dont tell me na bati na kayo? Napatawad
mo na ba siya? Paano ang kabit niya? Payag kang dalawa kayo sa buhay
niya?" sunod- sunod naman na tanong ni Charlotte. Kung hindi lang ito
buntis baka kinutusan ko na ito eh. Hindi naman ako ganoon kababaw na babae
para muling bumalik kay Drake at magpaluko ulit.
Kaya nga nilayasan ko ito noon dahil ayaw ko ng kahati eh.
Ang akin ay akin lang at alam kong si Jasmine ang nagmamay ari sa puso ni Drake
kaya nga halos magpakamatay ako noon sa sama ng loob eh. Tapos sa isang iglap
lang, papatawarin ko ang manluluko kong asawa? No Way!!!!
"No and never!" maiksi ko namang sagot. Kaagad
namang napahagikhik si Charlotte. Natigil lang ito nang pareho naming napansin
ang pagdating ni Peanut.
Talaga palang tinutuo niya ang sinabi niya kanina na
papupuntahin niya si Peanut. Sabagay, buntis ang pinsan ko and nasa period pa
yata sya ng paglilihi at isa doon ang ayaw niyang mawalay sa tabi niya si
Penaut kahit saglit lang.
HIndi ko pa naiwasan na mapataas ang aking kilay nang
mapansin ko kung paano nagbatian sila Drake at Peanut. Mag best friend nga pala
silang dalawa kaya normal lang na magbatian sila na akala mo ang tagal nilang
hindi nagkita. Hindi ko na lang pinansin pa bagkos nilapitan ko si Drake para
kausapin.
"Ikaw na ang pumila dito. Upo muna ako doon." wika
ko sa kanya. Walang pagdadalawang isip na tumango ito kaya kaagad akong
naglakad sa waiting area para ipahinga ang paa ko. Alam kong marami pa kaming
pupuntahan at pagkatapos nila magbayad, balak kong yayain muna silang kumain sa
restaurant nila Arthur at Beatrice.
Yes...si Beatrice nga pala. Ngayun ko lang naalala. Dapat
pala dinaanan namin siya kanina para makasama sa amin. Haysst, bakit ba
nakalimutan ko? Baka magtampo sa akin iyun kapag malaman niya na nandito kami
sa mall at hindi namin siya niyaya.
Wala sa sariling napantingin ako sa counter. Napansin ko na
si Drake na ang iniistima ng cashier. Hindi ko maiwasan na mapataas ng kilay
lalo na ng mapansin ko kung paano ang ginagawang pagpapa-cute ng dalawang staff
kay Drake habang hinihintay naman nito ang total ng babayaran.
Ngayun ko lang narealized na mahirap pala talaga magkaroon
ng gwapong asawa. Ang daming gustong umagaw. Hayssst...tama lang talaga ang
desisyon ko na ipursue ang pakikpag-divorce sa kanya. Walang magandang
patutunguhan ang pagiging mag asawa namin ni Drake lalo na at may Jasmine na
ito sa buhay niya at may mga babae pang handang maghubad ng panty sa harap ni
Drake mapansin lang.
"Dont worry, mas maganda ka sa mga iyan. Ipagpalagay mo
ang kalooban mo. "naputol lang ako sa pagmumuni- muni ko ng mapansin ko na
nasa tabi ko na pala si Chalotte. May nanunuksong ngiti sa labi nito habang
nakatitig sa akin."
"Anong sabi mo?" tanong ko naman. Kaagad naman
itong naupo sa tabi ko habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin.
"Masyado ka pa ring halata noh? Siya pa rin diba? Sa
kabila ng mga panluluko na ginawan niya sa iyo, mahal mo pa rin siya?"
tanong nito. Hindi ko naman maiwasan na mapabuntong hininga bago ito sumagot..
"Hind naman kaaagad iyan mawawala diba? Kaya nga
napakasal ako sa kanya noon dahil mahal ko siya. Pero hindi ibig sabihin na
magpapadala ako sa nararamdaman ko ngayun. Hindi na talaga kami pwede dahil
natatakot na akong masaktan ng sobra." malungkot ko namang sagot kay
Chalotte.
"Bakit kasi ayaw mo munang subukan na ipaglaban siya. I
mean, feeling ko mahal ka din ni Drake. Tingnan mo nga, nandito siya ngayun.
Sinasamahan ka para magshopping. Ibig lang siguro sabihin nito, may
pagpapahalaga pa rin siya sa iyo. Bakit hindi mo subukang ipaglaban siya?"
sagot ni Charlotte. Nagulat naman ako.
Wala sa sarilin napatitig ako kay Chalortte. Mas bata ito
kumapara sa akin pero hindi ko inaasahan ang lumalabas sa bibig niya ngayun.
Oo, kalog ito at parang hindi seryoso kapag kausap ko pero bakit ang laki yata
ng ipinagbago niya? Dahil ba sa mga naranasan niya din bago naging maayos ang
pagsasama nila ni Peanut?
Chapter 415
JEANN POV
Wala naman akong nakitang pagkadismaya sa mukha ni Drake
pagkatapos nitong bayaran lahat ng mga nagustuhan kong bilihin sa shop na ito.
Inisip ko na lang na baka sanay siyang ipagshopping ang kabit niya sa mga
mamahaling boutique kaya normal na lang sa kanya ang magbayad ng mahal.
Sabagay, hindi lang naman iisang branch ng bar na pag-aari
niya. Maliban sa bar, meron din siyang dalawang jewelry shop dito mismo sa loob
ng Villarama mall at isa naman sa bandang QC. Isang Filam ang ama ni Drake na
naka base sa US pero palagi naman daw umuuwi dito sa Pinas dahil sa negosyo at
nasa Australia naman ang Ina niya na may sarili nang pamilya. Bunga ng isang
broken family si Drake at ang pagkakaalam ko hindi maayos ang relasyon niya sa
kanyang ama at ina. Never ko pa din na-meet ang kanyang mga magulang kaya wala
din talaga akong idea kung ano ang hitsura nila.
"So saan tayo ngayun? Kakain muna tayo? Parating din si
Rafael. Hintayin na lang natin." kaagad na wika ni Veronica ng makabayad
na ang lahat.
"Talaga? Mabuti naman at darating din si Uncle. Awkward
naman kung ikaw lang ang walang partner." sagot naman ni Charlotte kay
Veronica na kaagad na ikinataas ng aking kilay. Ganito talaga siguro ito dahil
buntis. Kung anu anong mga ka-romantikan ang naiisip.
Umiiwas pang tumingin sa akin para sana masenyasan ko sana
na itikom niya muna ang bibig niya. Huwag niya na sana akong idamay sa topic
nila.
Hindi na ako nagasalita pa bagkos kaagad na akong
nagpatiunang naglakad papunta sa restaurant nila Arthur at Beatrice. Pilit na
dumidikit sa akin si Drake habang naglalakad kami pero lumalayo naman ako sa
kanya. Malaki ang kasalanan niya sa akin kaya huwag siyang feeling close sa
akin porket siya ang nagbayad sa mga pinamili ko.
Katulad ng inaasahan, nadatnan namin ang mag asawang
Beatrice at Arthur sa sarili nilang restaurant. Kita ko ang tuwa sa mga mata ni
Beatrice na mapansin nito ang padating namin at nakangiti kami nitong
sinalubong. Isang oras pa bago ang lunch pero marami na ding mga costumers ang
kumakain.
"Wow! Nandito ang mga Villarama ah? Kumusta?"
bigkas ni Beatrice at unang lumapit kay Veronica para makipag beso-beso. Hindi
na nakakapag tataka iyun dahil magka-classmates sila at magkaibigan noong
college.
Pagkatapos nitong makipag kumustahan kay Veronica si
Charlotte naman ang kanyang nilapitan at pang huli ako. Masaya kaming nagbeso
na akala mo matagal ko na siyang kaibigan.
"Uyyy, kasama mo siya? Bati na ba kayo?" tanong pa
nito sa akin na ang tinutukoy ay si Drake. Saglit akong napasulyap kay Drake na
noon ay naglalakad na patungo sa VIP room kasama si Arthur at Peanut. Nakasunod
sa kanila sila Veronica at Charlotte kaya muli kong hinarap si Beatrice na
umandar na naman yata ang pagiging usyusera.
"Hindi ah? Never! Makulit lang talaga ang taong iyan
kaya kasama namin siya. Isa pa, parang may importante silang pinag uusapa ni
Peanut," sagot ko.
"Ganoon ba? Akala ko talaga bati na kayo eh. Pero take
your time lang. Kung ano ang sinisigaw ng puso mo, iyun ang sundin mo."
sagot nito sa akin. HIndi ko naman maiwasan na matawa. Itong mga ganitong payo
ang mahirap sundin. Hindi ganoon kadali ang lahat na magpatawad lalo na at
magkakaanak na sa ibang babae si Drake.
Hanggang dito na lang talaga kami. Hindi na masusundan ang
romantic naming pagsasama kasi nagloko siya.
"Halika na! Pasok na tayo sa loob para maka order ka na
ng gusto mong kainin." nakangiting pagyayaya nito na kaagad ko namang
pinagbigyan.
Pagdating namin sa VIP room nakaupo na sila sa pahabang
mesa. Kaagad akong naghagilap ng mapu- pwestuhan ko pero laking pagkadismaya ko
na ang tabi na lang ni Drake ang bakante Hanggat maari, ayaw ko sanang dumikit
dikit sa kanya pero may choice ba ako? Wala eh...Ayaw ko namang may masabi ang
mga kasama ko kaya wala akong choice kundi ang naglakad patungo kay Drake at
naupo sa tabi niya.,
"So, order na kayo? Malapit na daw ba si Rafael?"
tanong ni Arthur pagkaupo ko pa lang sa tabi ni Drake. Pilit kong iniignora ang
presensya ni Drake sa tabi ko gayung hindi ko maiwasang ma -distract sa amoy
niya. Bakit ang bango ng taong ito? Hindi naman ganito ang amoy niya kanina ah?
Bakit naaamoy ko na naman sa kanya ang paborito niyang pabango na gustong gusto
kong maamoy sa kanya noong nagsasama pa kami?
"Ano ang gusto mong kainin Love?" tanong ni Drake
na kaagad na nagpatayo sa halos lahat ng balahibo ko sa katawan. Noong una
nagtataka pa ako kung sinong 'LOVE' ang tinatawag niya pero noong nasulyapan ko
na nakatitig siya sa akin doon ko lang napagtanto na ako pala ang kinakausap
nya.
Love talaga? Baka naman nagkamali lang siya ng tinawag na
LOVE. Baka naman akala niya si Jasmine ang kasama niya ngayun.
Sa isiping iyun bigla akong nakaramdam ng inis. Mahirap
talaga ang maging assuming. Masyadong masakit at makirot sa puso.
Pahablot kong kinuha sa kamay ni Drake ang menu na iniaabot
niya sa akin. Wala lang, gusto ko lang iparamdam sa kanya na galit ako kaya
huwag siyang feeling closed sa akin at huwag niya akong matawag-tawag na Love.
Habang hinihintay ang mga pagkain na inorder namin pilit ko
namang iniignora sa tabi ko si Drake. Hindi ko alam kung sinasadya niya talaga
pero hindi naiiwasan na nagkasagian ang aming siko. Kapag tinitingnan ko naman
ito parang hindi naman niya sinasadya dahil nasa kay Peanut ang buo niyang
attention.
May mga pinag-uusapan sila na hindi ko naman pinapakingan
dahil hindi ako interesado. Dalangin ko na sana dumating na ang order namin at
makakain na para makalayo na ako kay Drake. Naiilang na talaga akong dumikit
dikit sa kanya. Kinakabahan ako na ewan. Siguro dahil malaki pa rin ang epekto
niya sa akin. Siguro dahil mahal ko pa rin siya.
Bago na-iserve ang mga pagkain dumating din sa wakas si
Uncle Rafael.
Napansin ko pa na hindi nito binati si Drake. Mas gusto ko
ang ganoon dahil kahit ano pa ang mangyari, pamangkin niya ako at niluko ako ng
lalaking katabi ko ngayun.
"Sa wakas, nagkatipon-tipon din tayo. Sana palaging
ganito. Para naman bonding din nating lahat." kaagad na sambit ni Arthur
habang inisa-isa ng inilalagay sa mesa ang mga pagkaing inorder namin. Lalo ko
tuloy naramdaman ang pag aalburuto ng aking tiyan. Gutom na ako at gusto ko ng
kumain.
"Pwede naman natin itong gawin palagi. Kapag hindi
busy. Ayaw ko din kasi maging unfair minsan sa asawa ko. Kapag may time ako mas
gusto kong sulitin iyun para makasama siya. "si Uncle Rafael ang sumagot.
Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. Ang tagal na nilang nagsasama ni Veronica
pero hindi man lang ito nagbago. Hindi kagaya namin ni Drake na kaagad na
naghiwalay dahil sa pangangabit.
"Same here. Buntis ang wife ko kaya malabo pa talaga na
palagi tayong magkakasama. Pero kapag may extra time, why not. Katulad ngayun,
kumpleto tayo." sagot naman ni Peanut.
"At masusundan pa ito for sure. We are planning na
magdaos ng baby shower party. Hope na hindi niyo kami indyanin ni Beatrice
dahil magtatampo talaga kami." sabat naman ni Arthur. Hindi ko naman
maiwasan na mapatingin kay Beatrice na noon ay mahigpit ang pagkakapit kay
Arthur. Larawan siya ng isang kontento at masayang asawa. Sana all nalang
talaga. Hindi kagaya ko na sawi sa pag ibig at pinagsawaan kaagad ng asawa.
Sa buong oras ng kwentuhan, kaming dalawa lang yata ni Drake
ang hindi sumasagot sa pag uusap. Lalo na si Drake na tahimik na simula ng
dumating si Uncle Rafael. Sabagay, wala naman siyang dapat ipagmalaki. Wala din
dapat ikwento dahil nakakahiya ang kanyang ginawa at kahit na sino pa ang yara
ang tanungin mali talaga ang mangabit.
"Love..tikman mo ito. Masarap ito." sa kabila ng
pagiging abala ng mga kaharap namin muling naagaw ni Drake ang attention ko
nang may inilagay itong pagkain sa pingan ko. Hindi niya ito dating ginagawa sa
akin kaya hindi ko maiwasang
makaramdam ng sakit ng kalooban. Ngayun niya pa talaga ito
ginawa kung saan wala nang pag-asa na magiging maayos ang relasyon namin. Hindi
ko din naman siya masaway dahil napatingin sa gawi namin ang aming mga
kasamahan.
"Okay lang..ayos na ako. Busog na ako. "halos
pabulong kong sagot kay Drake sabay tayo. Muli akong nakaagaw ng attention ng
lahat kaya pilit akong ngumiti
"Magsi-CR lang ako." wika ko at hindi ko na
hinintay pa ang sumagot ang isa sa kanila. Nagmamadali na akong tumalikod at
tinahak ang daan patungong CR. Ewan ko ba, parang gusto ko na naman maiyak.
Bigla akong nakaramdam ng awa sa sarili ko lalo na ng mapansin ko kung gaano
ka- sweet sa isat isa ang mga nasa harapan ko.
Failed marriage! Sa aming lahat ako lang ang sawi sa pag
aasawa.
Pagkapasok ko sa loob ng CR kaagad kong pinakawalan ang luha
na kanina pa gustong lumabas sa mga mata ko. Heto na naman ako. Ilang beses ko
ng ipinangako sa sarili ko na hindi na ako iiyak pero hindi ko talaga maiwasan.
Dumadating talaga ako sa time na bigla na lang akong
nakakaramdam ng self pity.
Bakit ba sa kabila ng mga nangyari, ang hirap pa rin
makalimot. Ang hirap pa rin mawala sa puso si Drake. Siya pa rin ang sinisigaw
nito sa kabila ng panluluko na ginawa niya sa akin.
Wala sa sariling napaupo ako sa toilet bowl habang
hinahayaan ko lang ang luha ko na patuloy pa rin sa pagpatak. Kailangan ko
itong ilabas para naman gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko pwedeng pigilan
dahil baka kung ano na naman ang mangyari sa akin.
Sabi nga ni Mommy Arabella, ayos lang naman umiyak eh. Hindi
ibig sabihin na mahina ako. Nasasaktan lang talaga ako kaya ako nagkakaganito.
ilang minuto din akong nanatili sa banyo bago nahimasmasan.
Pagkatapos umiyak at mag self pity kaagad akong naghilamos
pero kahit na anong gawin ko, hindi na mawawala ang pamumula ng mga mata ko.
Siguro kailangan ko ng umuwi muna kaysa naman patuloy akong maiinggit sa mga
kasama ko na masaya sila habang kasama nila ang kani-kanilang mga asa -asawa.
Nagpahid lang ako ng kaunting make up at lipstick bago ako
lumabas ng banyo. Pinilit kong ibalik sa dati ang sarili ko pero alam kong
kahit na na anong pilit kong tago sa mga kasamahan ko, malalaman at malalaman
pa rin nila na galing ako sa pag iyak.,
"Jeann, ayos ka lang ba?" si Veronica na ang unang
nagtanong sa akin pagkabalik ko sa aming table. Pilit ko naman itong
nginitian.,
"Hi-hindi ko nga alam kung ano ang nangyayari sa akin
eh. Bigla na lang kasing sumakit ang ulo ko. Siguro dahil sumumpong na naman
ang migraine ko." pagdadalahilan ko naman. Kaagad ko pang napansin ang
pagkunot ng noo ni Drake habang nakatitig sa akin.
"Migraine? Kailan ka pa nagka- migraine?"
seryosong tanong nito. Kaagad naman akong nag iwas ng tingin bago sumagot.
"Matagal na...hindi mo talaga alam dahil busy ka sa
pangangabit mo!"
diretsahan kong sagot at kaagad na naglakad palapit kay
Uncle Rafael. Sa lahat ng tao dito sa loob ng VIP room kay Uncle Rafael lang
ako hihingi ng pabor sa kanya. Uuwi ako at magpapahatid ako sa driver nila para
maiwasan na muna si Drake.
Chapter 416
JEANN POV
"Mauna na po ako sa inyo Uncle. Bigla pong sumama ang
pakiramdam ko eh." kaagad kong sambit paagkalapit ko kay Uncle Rafael.
Tinitigan muna ako nito bago tumango.
"Why? Okay ka naman kanina ah? Bakit biglang sumama ang
pakiramdam mo?" kaagad naman na sabat ni Charlotte. Bakas sa boses nito
ang hindi maisatinig na pagtutol kaya nakangiti ko itong sinagot.
"Ganito talaga kapag biglang sinusumpong ng migraine.
Hayaan niyo babawi ako next time." sagot ko.
"Wala kang dalang sasakyan diba? Tatawagan ko lang ang
driver at ilang mga tauhan ko para ihatid ka nila sa bahay niyo. Hindi ka
pwedeng mag- commute lalo na at hindi maayos ang pakiramdam mo." si Uncle
Rafael naman ang sumagot na kaagad ko namang ikinangiti.
Kaya ako lumapit sa kanya sa kadahilangang magpapahatid ako
sa driver nila at mabuti na lang at siya na ang unang nag open up sa akin
tungkol dito. Hindi na ako pinahihirapan pang makiusap.
"Dont worry Rafael. Ako na ang maghahatid kay
Jeann." kaagad nmang sabat ni Drake. Hindi ko naman maiwasan na mapalingon
dito at nagulat pa ako dahil nakatayo na ito habang seryosong nakatitig sa
akin.
"NO need! Driver na nila Uncle ang maghahatid sa akin.
Huwag mo ng abalahin pa ang sarili mo." seryoso kong sagot sa kanya.,
"I am still your husband at sana maisip mo din na
nag-aalala ako sa kalagayan mo. Nandito ako para ihatid ka sa kung saan mo
gusto kaya sana pagbigyan mo ako." katwiran naman nito kaya kaagad naman
akong umiling.
"Hiwalay na tayo Drake kaya wala ka ng obligasyon sa
akin. Makakauwi ako ng bahay na hindi na kailangan ang tulong mo kaya pwede
ba...stop pretending na mabuti kang asawa sa akin dahil alam nating lahat kung
ano ang ginawa mo." seryoso kong sagot. Mga ganitong bagay, ayaw ko na
sana sabihin sa kanya lalo na at may ibang nakakarinig. Since makulit siya,
wala akong choice kundi sabihin sa kanya kung ano man ang nararamdaman ko.
Sa sobrang sakit na naranasan ko sa mga kamay niya hinding
hindi talaga ako magsasawa na ipaalala sa kanya kung ano man ang nagawa niya sa
aking pagkakamali. Hanggat may nararadaman pa akong kirot sa puso ko,
ipaparamdam ko sa kanya kung gaano kasakit ang maluko.
"Tama si Jeann. Hiwalay na kayo kaya huwag ka ng
mag-pretend na mabuti kang asawa sa kanya. You didn't keep your promise na
mamahalin at aalagaan mo siya Drake. Huwag mo din sanang kalimutan na pamangkin
ko siya kaya sana lubayan mo na sya dahil masyado ng masakit sa kanya ang mga
nangyari. Nagdusa na siya dahil sa mga pinanggagawa mo at kahit kami na pamilya
ni Jeann, hindi na kami papayag pa na muli siyang bumalik sa iyo." seryoso
namang sagot ni Uncle Rafael habang ramdam ko ang gigil sa kanyang boses. Hindi
maikakaila ang galit nito sa kaibigan at kung wala siguro sa paligid ang asawa
nitong si Veronica baka kanina pa nagkagulo.
Sa totoo lang, nagulat ako sa naririnig ko sa kanya ngayun..
Akala ko talaga walang pakialam sa akin si Uncle Rafael pero sa naririnig ko sa
kanya ngayun, masasabi kong ang swerte ko dahil naging Uncle ko siya.
"Rafael, magkaibigan tayo at iginagalang kita bilang
best friend ko. Pero sana, sa pagkakataon na ito, huwag mo naman akong
husgahan. Huwag mo naman sanang ipaaramdam sa akin kung gaano ako kawalang
kwentang asawa kay Jeann....00, aminado ako na nagkamali ako pero pinipilit
kong ituwid iyun. Kagaya mo, gusto ko din ng masaya at kumpletong
pamilya." sagot naman ni Drake. Bakas ang pait sa boses nito habang
sinasabi ang katagang iyun.
"Drake, mag bestfriend tayo mula pagkabata. Alam mo
kung gaano ka kahalaga sa akin. Alam mong itinuring kitang kapatid pero bakit
nagawa mong magluko. Bakit kay Jeann? Bakit sa pamangkin ko pa?" seryosong
sagot naman ni Uncle.
Para namang may kung anong bagay ang biglang humaplos sa
puso ko dahil sa sinabi ni Uncle. Hindi ko man naramdaman ang pagdamay niya sa
akin noon pero ipinapakita naman niya sa akin ngayun na kaya niya pala akong
ipagtangol kay Drake. Ang sarap lang sa pakiramdam at isipin na marami pa rin
palang nagmamahal sa akin.
Hindi magbabago iyun kaya super grateful pa rin ako at dapat
pa rin na piliin kong maging masaya sa kabila ng mga nangyari.
"I am okay....Uuwi ako dahil ihahatid ako ng driver
nila Uncle. Huwag ka ng mag-abala Drake at sana sa mga susunod na araw, aasa
ako na uumpisahan mo ng magfile ng divorce dahil kung hindi, ako na mismo ang
kikilos para mapawalang bisa kaagad ang kasal natin." sabat ko naman..
"Jeann, No! Hindi ako papayag. Nangako na ako sa iyo na
aayusin ko ang lahat ng problema na ito. Please, bigyan mo naman sana ako ng
time.
Alam kong ako na ang pinakamasamang asawa sa mundo, pero
pangako....bigyan mo lang ako ng chance...aayusin ko ito. Muli nating bubuuhin
ang naumpisahan na nating pagsasama Jeann. Please!" Puno ng pakiusap ang
boses ni Drake habang sinasabi ang katagang iyun pero parang wala na lang sa
akin.
Pagod na akong umasa. Once a cheater always a cheater ika
nga. Nagawa niya na akong ipagpalit sa iba sa kabila ng mga ginawa kong effort
maging maayos lang ang pagsasama namin.
"Okay, alam kong mainit pa ang lahat at wala akong
magagawa kung galit kayong lahat sa akin. Kasalanan ko naman talaga eh. Nasira
ang pamilya ko dahil din sa akin!" malungkot na wika ni Drake at kaagad na
naglakad palapit sa akin. Nagulat pa ako dahil iniabot nito sa akin ang debit
card ko bago laglag ang balikat na naglakad palabas ng VIP room. Para namang
pinipiga ang puso ko habang nasundan na lang ito ng tingin.
Hindi ko din maintindihan ang sarili ko. Sa tuwing nakikita
ko ang lungkot sa mga mata ni Drake, lalo naman akong nasasaktan.
Chapter 417
JEANN POV
"Nakaalis na si Drake. I think, pwede ka ng mag stay at
ipagpatuloy ang pagsa-shopping natin." muling naagaw ang attention ko ng
magsalita si Charlotte. Tama ito, since wala na si Drake, pwede ko ng ituloy
ang pagsashopping ko. Pwede ko ng i-enjoy ang araw ko na malayo sa presensya ng
manloloko kong asawa.
"Yes..iyun lang naman ang gusto ko eh. Ang umalis ang
asungot na iyun. Hindi talaga ako mapalagay kapag nasa paligid sya. Feeling ko,
hindi ako safe sa kabit niya at ano mang sandali bigla na lang lilitaw at
manabunot. Katulad na lang kanina, imagine, nakatikim ako ng sabunot sa hitad
na iyun.
Humanda talaga siya sa akin, gaganti talaga ako." sagot
ko naman at muling naglakad patungo sa dati kong kinauupuan kanina at muling
naupo.
Pilit kong iwinawaglit sa isipan ko ang malungkot na hitsura
ni Drake kanina pag alis niya. Hindi ako mag eenjoy kapag hahayaan ko ang
sarili ko na makaramdam ng awa sa kanya.
"So, dahilan lang pala ang migraine na iyan?"
sabat naman ni Uncle Rafael. Nakangiti naman akong tumango kaya kaagad itong
napailing
"Huwag ka ng gumanti pa sa kabit ng Drake na iyun. Ako
na ang bahala sa kanya." muling wika ni Uncle na kaagad ko namang
ikinagulat.
"Ano ang ibig mong sabihin? Uncle, dont tell me
ipapatay mo siya? Gosh! Kailan ka pa naging kriminal?" hindi ko maiwasang
tanong kasabay ng pag alingawngaw ng tawanan sa paligid. Hindi ko tuloy
maiwasan na mapangiwi nang marealized ko kung anong katangahan ang nasabi ko
ngayun lang.
"Anong ipapatay? Jeann ha, pwede bang itikom mo ang
bibig mo. Baka mamaya may makarinig sa iyo na ibang tao eh, makulong pa ako ng
wala sa oras." naiinis naman na sagot ni Uncle Rafael. Muling umugong ang
tawanan sa buong paligid.
Kung kanina ay sobrang seryoso ng paligid, ibang iba naman
ngayun. Nagawa nang magtawanan ng lahat dahil sa akin. Kahit papaano,
nakatulong iyun para gumaan ang aking pakiramdam.
"Ano ba kasi ang gagawin mo Uncle? Ayaw mo kasing
linawin eh. Isa pa, hindi mo na kailangan pang ipaghiganti ako dahil kaya ko na
ang sarili ko noh!" nagmamalaki kong sagot. Kaagad kong narinig ang
pagpalatak nito. Katunayan na hindi siya kumbinsido sa sinabi ko ngayun lang.
"Kaya? I dont think so! Kalimutan mo na ang Drake na
iyan ha? Maraming lalaki diyan na higit pa sa kanya. Huwag mong sayangin ang
oras mo sa lalaking manluluko dahil hindi mo deserve na basa-basta na lang
paiyakin ng kung sino lang. Marami akong mga business partners na mga binata at
ipapakilala kita sa isa sa kanila." sagot naman nito. Hindi ko naman
maiwasan na mapaismid dahil sa sinabi niya.
Sino ba ang nagsabi sa kanya na may plano pa akong pumasok
sa isang relasyon? Wala na akong planong magpaligaw noh! Pagkatapos kay Drake,
wala na akong balak pang pumasok sa panibagong relasyon kasi nadala na ako.
Nagka trauma na ako. Mas okay ang ganito. Single at pwede kong gawin lahat ng
gusto ko.
Pagkatapos kumain, muli kaming nag ikot sa paligid. Ang mga
pinamili kanina ni Drake sa akin ay dinala na sa kotse ni Uncle Rafael. Sila
din naman ang maghahatid sa akin mamaya kaya ayos lang.
"Guys, CR lang ako ha? Babalik din kaagad ako."
paalam ko sa lahat ng maramdaman ko na parang naiihi ako. Kaagad naman silang
nagsipag tanguan kaya nagmamadali akong naglakad palabas ng shop para maghanap
ng CR.
Pagkatapos kong gumamit ng banyo, kaagad akong naglakad
pabalik ng shop at bago pa ako nakarating nagulat pa ako dahil may tumawag ng
pangalan ko. Nang lingunin ko ito, kaagad na sumalubong sa akin ang isang
familiar na mukha.
"Jeann! Jeann Villarama Santillan... sabi ko na nga ba
eh. Ikaw yung nakasalubong ko kanina." kaagad na sambit nito habang bakas
sa boses niya nag tuwa. Wala sa sariling napatitig ako dito at kaagad din na
napangiti ng maalala ko ang lalaking may ari ng sasakyan na naatrasan ko sa
parking area noong nakaraang lingo.
Wala itong suot na facemask at salamin kaya malaya kong
napagmamasdan ang gwapo nitong mukha.
Yes...super gwapo pala talaga ng taong ito. Hindi ko
masyadong naappreciate ang kapogian niya noong unang kita namin sa parking area
dahil sa facemask at salamin na suot niya pero ngayun para itong isang adonis
sa harap ko.
"Lucas...Lucas Martines right?" tanong ko. Lalong
lumapad ang pagkakangiti sa labi nito dahil sa pagbanggit ko sa pangalan niya.
"Sa wakas! Naalala mo din ako... Masaya ako dahil
nagkita ulit tayo Jeann!" nakangiti nitong wika kasaby ng paglitaw ng
biloy nito sa magkabilaang pisngi na lalong nagpalakas sa nag uumapaw niyang
sex appeal.
Kung hindi lang siguro ako inlove kay Drake, baka sa kanya
na bibigay ang puso ko eh. Sa sobrang gwapo nito, napansin ko pa na sa amin na
banda nakatingin ang halos lahat ng mga kababaihan na nasa paligid namin.
"Ano ang ginagawa mo sa mall na ito? Dont tell me, na
may date ka ngayun?" nakangiting tanong nito kaya kaagad naman akong
umling.
"Wala akong date. Kasama ko ang mga pinsan ko at
nagsa-shopping kami." nakangiti kong sagot sa kanya.
Ewan ko ba. Sobrang gaan ng pakiramdam ko kay Lucas. Ang
sarap siguro nitong maging kaibigan. Para kasing ang bait ng mukha niya at
palagi pang nakangiti. Isa pa, ang bango niya din.
"Talaga! Wow! Pwede ba akong sumama sa inyo. I mean,
nakakalungkot kasi mag ikot kapag mag isa lang eh. Iba pa rin ang may kasama
habang nagsa-shopping." sagot nito.
"Sure...dont worry! Ako ang bahala sa iyong magpakilala
kay Uncle Rafael at sa mga best friend nya na kasama namin. Medyo marami kami
ngayun at tiyak na mag-eenjoy ka!" nakangiti kong sagot sa kanya. Kaagad
naman gumuhit ang excitement sa mukha nito na siyang lalo kong ikinatuwa.
Chapter 418
JEANN POV
Mabilis kong hinila si Lucas patungo sa shop kung saan abala
ang mga kasamahan ko sa pagsa-shopoing. Halatang kilala nila Peanut at
Charlotte si Lucas dahil napansin ko ang pagkagulat sa kanilang mukha ng makita
nila ito.
"Lucas? Magkakilala kayo ni Jeann?" Kaagad na
tanong ni Charlotte ng makabawi sa pagkagulat. Sabay naman kaming dalawa ni
Lucas na tumango.
"Yes...nagkita kami last week sa parking area at small
world dahil nagkita ulit kami ngayun." nakangiti namang sagot ni Lucas
sabay lahad ng kamay kay Peanut. Seryoso ang mukhang tinangap ni Peanut ang
pakikipagkamay at pagakapos, isa isang nilapita ni Lucas sila Uncle Rafael at
Arthur para makipag-kamay na din. Binati niya din sila Veronica, Charlotte at
Beatrice.
"Nice to meet you guys! Wow! Totoo pala talaga ang
sinabi ni Jeann sa akin na marami kayong magkakasama ngayun.." nakangiti
nitong sambit.
"Wow Jeann, kilala mo pala ang sikat na actor/model na
si Lucas. Ang gwapo naman pala niya sa personal eh."
masayang sagot naman ni Beatrice. Kaagad naman itong hinapit
sa baiwang ni Arthur na parang nagseselos. Hindi ko maiwasang muling mapangiti.
"Nice to meet you too Lucas Martinez.
" narinig ko namang wika ni Uncle Rafae. Kaswal ang
pakikiharap nito kay Lucas kaya kaagad akong nakahinga ng maluwag. Ibig sabihin
lang nito ayos lang sa kanya na sasama sa amin si Lucas sa pagsa-shopping.
Naging maayos ang sumunod na
sandali sa aming lahat. Masasabi ko na nag-enjoy din ako
kahit papaano. Ngayun ko lang na-realized na masaya pala talaga lumabas-labas
kapag may sama ng loob kang nararamdaman. Feeling ko talaga mas makaka-moved on
kaagad ako nito sa hiwalayan namin ni Drake eh. Lalo na at napapalibutan ako ng
mga masasayang tao.
"Are you sure na sa kanya ka na magpapahatid?"
tanong ni Uncle Rafael ng ideklara ni Veronica na uuwi na daw kami. Hinahanap
na daw kasi sila ng kanilang mga anak sa mansion.
Willing si Lucas na ihatid ako na kaagad ko namang
pinaunlakan. Iyun nga lang kailangan ko pa rin ng approval ni Uncle Rafael
tungkol dito at sana lang pumayag siya. Gusto kong maging kaibigan si Lucas
dahil mabait naman ito at masayang kasama. Kahit na sikat na artista/model ito,
wala itong ka-kyeme-kyeme sa katawan.
Ang gaan din nitong pakisamahan.
Nauna ng umalis sila Charlotte at Peanut samantalang si
Beatrice at Arthur naman ay bumalik na sa kanilang restaurant.
"Yes Uncle. Ayos naman si Lucas. Isa pa, maganda naman
ang reputasyon niya sa publiko kaya hindi naman siguro ako mapapahamak kung
siya na lang ang maghahatid sa akin." nakangiti kong sagot. Saglit na nag
isip si Uncle bago ito tumango.
"Okay, basta imessage mo ako mamaya kapag nakauwi ka
na.. Huwag ka masyadong magpabagabi dito sa labas." sagot nito. Nakangiti
akong tumango bago ko binalingan si Veronica at nakipag-beso sa kanya. Sinabi
din nito na mag ingat ako at i- enjoy ko lang daw ang oras na kasama ang bago
kong kaibigan.
Pagkaalis nila Uncle at Veronica
instead na umuwi na din kaagad akong niyaya ni Lucas na mag
ikot-ikot pa. Pumayag naman kaaagad ako dahil feeling ko bitin pa ako sa
pamamasyal.
Mas lalo kong napatunayan na masarap pala talaga itong
kasama. Palagi din itong nakaalalay sa akin lalo na kapag gumagamit kami ng
escalator. Hindi ko na feel na bastos siya kaya lalong naging palagay ang loob
ko. Ni hindi ko nga naramdaman na halos maghapon na pala ako dito sa mall eh.
"I think pagod ka na! Hanap muna tayo ng coffee shop
para maipahinga ang mga paa mo." maya-maya
pagyaya sa akin ni Lucas. Muli ko itong pinaunlakan kaya
kaagad kaming pumasok sa isang kilalang coffee shop at umorder ng kape.
"Sorry to ask this, pero kumusta pala ang isang Jeann
Santillan?" maya maya ay tanong nito pagkaupo pa lang namin. Hindi ko
naman maiwasan na mapangiti. Ito na din siguro ang chance na makilala niya ako
ng lubusan ganon din siya sa akin. Total naman isang kaibigan na ang turing ko
sa kanya. Liban kasi sa mga pinsan at kay Veronica wala na akong masasabi pang
kaibigan.
"Ano pa nga ba ang pwede kong ikwento sa iyo. Na
hiwalay ako sa asawa ko dahil nagluko siya?"
diretsahan kong sagot. Kita ko naman ang pagkagulat sa mga
mata nito dahil sa sinabi ko. Hindi ko naman
maiwasan na makaramdam ng pag- aalinlangan. Baka kasi bigla
ako nitong iwasan kapag malaman niya ang status ng marriage ko.
"Kidding? Impossible! Hindi naman yata kapani-paniwala
iyan Jeann. Bulag ba ang asawa mo? Sa ganda mong iyan, nagawa ka pa talaga
niyang ipagpalit sa iba?" tanong nito. HIndi ko naman maiwasan na
mapabuntong hininga.
Hanggat maari ayaw ko talaga sana munang isingit ang tungkol
kay Drake eh. Pero dahil gusto kong maging kaibigan si Lucas at mabait naman
ito wala nang dahilan pa para maglihim sa kanya. Nasa kanya na lang iyun kung
matatanggap niya ako bilang kaibigan niya. Basta ang importante sa akin ngayun,
may mapagsasabihan ako ng sama ng loob.
Malaking tulong din iyun sa akin para gumaan ang aking
pakiradamdam.
"Cheater nga diba? Pero may anak naman kami. Nasa akin
siya at masaya na ako doon." sagot ko naman.
"Hayyy, may isang cheater na naman pala na hindi
makontento sa asawa. pati tuloy kaming matitino, nadadamay eh." nakangiti
nitong sagot. Hindi ko naman malaman kung tatawa ba ko or hindi sa sinabi niya.
Siguro, gusto niyang ihighlight sa akin na hindi siya kagaya ni Drake.
"Ganoon talaga siguro ang buhay... kung successful ang
buhay pag aasawa ng mga kamag anak ko, kabaliktaran naman ang sa akin. Hindi sa
lahat ng oras mawerte pagdating sa pag ibig. Karamihan nagtatapos sa happy
ending ang relasyon pero meron ding sawi..." natatawa kong sagot. Nagulat
naman ako ng maramdaman ko ang paghawak ni Lucas sa kamay ko. Masuyo akong
tinitigan bago ito nagsalita.
"Dont worry! Malalagpasan mo din ang lahat ng iyan.
Darating din ang time na makakalimutan mo din siya."
nakangiti nitong sagot. Hindi ko naman maiwasan na muling
mangiti habang wala sa sariling inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ko pa
maiwasang magulat ng mapansin ko na parang may kumukuha sa amin ng larawan.
Nakatutok kasi banda sa amin ni Lucas ang lente ng camera nito kaya sigurado
ako na kami ang kinukunan nito ng larawan.
Sa pagkataranta ko, wala sa sariling nahila ko ang sarili
kong kamay na hawak pa rin ni Lucas.
Chapter 419
DRAKE DAVIS POV
Hindi naman talaga ako umuwi. Nakasunod lang ko kina Jeann
kanina pa hanggang sa nagsipag-uwian na ang mga kasamahan nito sa pangunguna ng
kanyang Uncle na si Rafael Villarama.
Mula sa pagkikita nila ng lalaking kasama niya ngayun na
kung hindi ako maaaring magkamali ay isang actor hanggang sa kusa silang nag
paiwan sa lahat para magpatuloy sa pamamasyal, matiyaga kong binabantayan iyun.
Kanina pa din ako pigil na pigil sa sarili ko na sugurin sila at ilayo si Jeann
sa lalaking kasama niya.
Yes...ang hirap palang pagmasdan na ang babaeng pilit mong
sinusuyo para muling bumalik sa iyo ay makita mong may kasama ng iba. Iyan ang
nararanasan ko ngayun.
Mabuti pa ang lalaking ito. Naranasan siyang ngitian ni
Jeann ng ubod tamis samantalang kapag ako ang kausap nito, palagi itong
nakasimangot at ipinaparamdam sa akin ang galit niya.
Aminado naman sana ako sa pagkakamli ko at handa naman sana
akong magbago pero malabo na talaga siguro siyang bumalik sa akin. Wala na nga
yata ang pagmamahal na nararamdaman niya sa akin kundi puro galit na lang.
Tahimik pa rin akong nakasunod sa kanila hanggang sa pumasok
sila sa loob ng coffee shop. Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso
ko habang pinagmamasdan ang masayang ngiti ni Jeann tuwing may binibigkas na
kataga ang lalaking kasama niya. Parang gusto kong magwala dahil sa naramdamang
selos.
"Hello Handsome! Pwede maki-share ng table?"
Naputol lang ang pagtitig ko sa gawi nila Jeann ng marinig ko na may nagsalita
sa gilid ko. Nakaukupa ako sa pandalawang mesa at mukhang may gustong
maki-share. Nang titigan ko ang mukha ng babaeng nasa harap ko ngayun hindi
maikakaila na maganda din ito. Gayunpaman alam ko sa sarili ko na mas maganda
si Jeann... ang asawa ko.
"Get lost!" Malamig kong sagot dito habang
pasimple kong inililibot ang tingin sa paligid. Marami pang bakanteng mesa dito
sa loob ng coffee shop kaya bakit siya makiki-share. Wala na akong ganang
makipag flirt kahit kanino kung iyan ang gusto niyang ipahiwatig kaya siya
lumapit sa akin.
"Hmmmp sungit! Makiki-share lang naman eh." sagot
nito at padabog akong tinalikuran. Hindi ko na lang pinansin at muli kong
ibinalik ang tingin sa table nila Jeann at kasama nito.
Kaagad pa akong napatayo ng mapansin ko na nagmamdali na
silang lumabas ng coffee shop. Para silang hinahabol ng kung sino dahil sa
mabilis nilang paghakbang kaya kaagad ko silang sinundan hanggang sa makarating
sila ng parking area.
Kahit papaano, kakampi ko pa rin ang pagkakataon dahil
malapit lang din sa kotse ng lalaking kasama ni Jeann ang kinapaparadahan ng
kotse ko. Mabilis akong nakalipat sa kanila at kaagad na hinawakan sa braso si
Jeann na noon ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat sa mga mata
habang nakatitig na sa akin.
"What are you doing? Bakit nandito ka pa rin?"
naiinis pang wika nito sabay piksi pero hindi ko hinayaan na makawala siya sa
pagkakahawak sa akin. Tama na ang kanina ko pang pagtitimpi. Hindi ko na
hahayaan pang pati sa kotse ng lalaking ito, sasakay si Jeann. Lalaki ako at
wala akong tiwala sa kapwa ko lalaki lalo na kung tungkol kay Jeann ang pag
uusapan.
"Sumama ka sa akin. Dont forget na ako ang asawa mo at
hindi kita binibigyan ng pirmiso para makipag date kung kani-kanino lang."
galit kong sagot.
"Pare..bitiwan mo ang kasama ko. Huwag kang
bastos." sumabat na ang lalaking kasama ni Jeann na lalong nagpa-usbong
galit na kanina ko pa tinitimpi dahil sa selos. Binitiwan ko si Jeann at galit
itong hinarap.,
"Sino ka ba? Nililigawan mo ba ang asawa ko? Pwes hindi
ako papayag dahil ako ang asawa niya!" galit kong singhal sa lalaking
atribido. Wala siyang karapatan na kwestiyunin ako lalo na at kahit na ano pa
ang sabihin ng iba diyan, asawa ko pa rin si Jeann at hindi magbabago iyun.
"Kaibigan ko siya at ayaw niyang makausap ka! Huwag
kang bastos Mister Davis. Maaring ikinasal kayo ni Jeann pero hindi mo pa rin
ba tanggap na hiwalay na kayo? Ayaw niya na sa iyo kaya palayain mo na
siya." sagot naman nito. Kaagad na naningkit ang mga mata ko sa galit at
akmang bigyan ito ng malakas na sapak ng mapansin ko na naglakad na palayo sa
amin si Jeann. Masamang tinitigan ko ang kaharap ko ngayun at mabilis itong
tinalikuran upang sundan si Jeann.
"Jeann, wait. Mag usap tayo. Hindi pwedeng ganito.
Hindi pwedeng hindi tayo magkalinawan. Sino ang lalaking iyun? Bakit masaya ka
habang magkasama kayo? Siya na ba ang gusto mong ipalit sa akin?" tanong
ko sa kanya habang mabilis itong sinusundan. Wala na akong pakialam pa kung may
makakarinig sa akin. Ang importante lang sa akin ay mailabas ang ilang mga
katanungan na kanina pa gumugulo sa isipan ko.
Hindi lumingon si Jeann bagkos mas lalo pa nitong binilisan
ang paglakad. Napansin ko pa ang pag-para nito sa parating na taxi at kaagad na
sumakay pagkahinto noon. Hindi ko na naabutan pa dahil mabilis ng sumibat ang
taxi palayo. Wala na akong nagawa pa kundi ang nasundan na lang ng tingin
hanggang sa mawala sa paningin ko. Laglag ang balikat na muli akong naglakad
pabalik ng kotse. Pigil ang sarili ko na sumigaw dahil sa matinding galit.
Chapter 420
DRAKE DAVIS POV
Sakay ng kotse kaagad akong nagdrive patungo sa bahay ng mga
magulang ni Jeann. Gusto ko lang makasigurado kung nakauwi ba ng ligtas ang
asawa ko. Nag taxi lang ito at sa dami ng luko
-lukong tao ngayun sa mundo mas mabuti na din na i-check ko
muna kung safe ba siyang nakauwi ng bahay.
Saktong approaching ako sa harap ng bahay nila at sakto din
ang pagbaba ni Jeann ng taxi. Kaagad akong nakahinga ng maluwag habang
nakatanaw lang sa kanya. Hindi ako pwedeng lumapit lalo na at galit sa akin ang
kanyang mga magulang. Tiyak na masasaktan lang ako kapag ipilit ko ang gusto
ko.
Masyado pang sariwa ang mga nagyari at tanggap ko na galit
sa akin ang lahat. Kahit nga ang best friend kong si Rafael alam kong hanggang
langit ang galit niya sa akin. Sabagay, hindi ko siya masisisi. Pamangkin niya
si Jeann at nangako ako sa kanya na mamahalin ito ng buong puso. Hindi ko
natupad kaya expected na kamumuhian niya din ako.
Malungkot akong nakatanaw kay Jeann hanggang sa nakapasok
ito sa loob ng gate. Gusto ko din sanang makita ang anak namin pero alam kong
mas lalo itong magagalit kapag malaman nito ang presensya ko dito sa labas.
Ayos na din....ang importante lang naman sa akin ay masiguro ko na ligtas syang
nakauwi dito sa bahay.
Masaya na din ako kahit papaano. Nailayo ko siya kahit
saglit lang sa Lucas Martinez na iyun. Masakit man isipin pero alam kong may
gusto sa kanya ang lalaking iyun base na din sa mga titig niya kay Jeann
kanina.
Aashan na talaga na lalo akong maging praning sa susunod na
araw sa kakaisip kung wala na ba talaga akong halaga sa asawa ko. Kung bakit ba
kasi ang tanga-tanga ko? Bakit ba nagawa ko siyang lukuhin?
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako
nagdrive pauwi ng bahay. Sa bahay kung saan ko siya itinira noon. Nitong mga
nakaraang araw doon ako naglalagi imbes sa bahay na binili
ko para kay Jasmine
Yes..si Jasmine...akala ko siya talaga ang babaeng para sa
akin. Kaya ako nagluko dahil akala ko mahal ko pa rin siya. Pero nagkamali ako.
Sobrang mali ang ginawa kong panluluko kay Jeann. Walang kapatawaran iyun at
habang buhay kung pagdudusahan.
Kung hindi ko lang sana nabuntis si Jasmine, baka
hiniwalayan ko na din ito eh. Kaya lang magkakaanak na din ako sa kanya at
hindi ako ganoon kasamang tao para pabayaan siya.
Marami ding mga masasayang alaala na nangyari sa aming
dalawa at mahirap para sa akin na talikuran iyun.
Pagkadating ng bahay didiretso na sana ako sa kwarto namin
ni Jeann para sana magmukmok. Kaya lang bigla akong hinarang ng isa sa mga
kasambahay ko at sinabi nito na may naghihintay daw sa akin sa living area.
Wala akong inaasahan na kung sinong bisita kaya kaagad akong naglakad papunta
doon at nagulat pa ako dahil kaagad kong naabutan ang isang tao na hindi ko
inaasahan na bibisitahin ako. Walang iba kundi ang aking ama na si Andy Davis
na kahit matagal kong hindi nakita, kilalang kilala ko pa rin siya dahil sa
kanya ako nanggaling.
"What do you want?" walang gana kong tanong sa
kanya.. Mula sa pagkakaupo, kaagad itong tumayo at lumapit sa akin. Isang
mahigpit na yakap ang kasunod kong naramdaman mula sa kanya.
"Drake...kumusta ka na anak? Sa tagal na panahon na
hindi tayo nagkita, galit ka pa rin ba sa akin? Hindi mo pa rin ba napapatawad
ang Daddy?" tanong nito. Kaagad akong kumawala sa pagkakayakap niya at
parang hapong hapo na napaupo sa sofa.
"Simula ng naghiwalay kayo ni Mommy, tinanggap ko na sa
sarili ko na mag isa na lang ako." malamig kong sagot sa kanya. Kaagad
naman sumeryoso ang mukha nito at naupo sa katapat ng sofa habang bakas ang
pait sa mga mata nito.
Kahit papaano, hindi ko din naman maiwasan na makaramdam ng
konsensya. Ngayun ko lang na-realized na tumatanda na pala si Daddy. Maputi na
ang kanyang buhok at kulubot ang balat. Mukhang malabo na din ang mga mata
dahil sa mataas na grado ng
eyeglass na suot nito ngayun.
"I know! Malaki ang pagkukulang na nagawa ko sa iyo
anak. Hindi kita masisisi kung bakit ganyan ngayun ang pakikiharap mo sa akin.
Pero maniwala ka man or hindi..ilang beses akong nagtangkang lapitan ka pero
ikaw mismo ang lumalayo sa akin....Iyung nangyari sa amin ng Mommy mo pareho
naming ginusto at hindi namin naisip na ikaw pala ang mas magiging
apektado...." naluluha nitong wika sa akin. Hindi naman ako nakaimik.
"Drake, anak ko. Matanda na ang Daddy mo. Hayaan mong
makabawi ako sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa ko sa iyo."pagpapatuloy
na wika nito. Blanko ang mga matang tinitigan ko ito habang hinihintay ang mga
susunod pa niyang sasabihin.
"Sa kabila ng hiwalayan namin ng Mommy mo, never akong
nagpakasal sa ibang babae. Hindi din ako nagkaanak. Hindi man ako naging
ulirang ama sa iyo, sana tanggapin mo kung ano man ang regalo na ibibigay ko sa
iyo." muling wika nito. Hindi ko naman maiwasan na magtaka sa sinabi niya.
"Alam mo naman siguro na nasa real estate ako diba? Ang
negosyong iyan ang dahilan kaya nawalan ako ng oras sa Mommy mo at dahilan ng
paghihiwalay namin. Masyado kong ibinuhos oras ko sa itinayo
kong kumpanya noon at kasabay ng pag- angat ko sa mundo ng pagnenegosyo ay ang
pagkasira ng pamilya natin...Drake.. matanda na ako. Ikaw lang ang nag iisa
kong anak at gusto kong iiwan sa iyo lahat ng mga pinaghirapan ko!"
Madamdaming wika nito sa akin. Hindi ko naman maiwasan na
magulat.
Chapter 421
DRAKE DAVIS POV
"Ikaw lang nag nag iisa kong tagapagmana because you
are my only child. Whether you agree or not, I will leave all my property and
businesses under your name. Nasa sa iyo iyan kung palalaguin mo lalo or
hahayaan mong bumagsak." muling wika nito. Para namang naumid ang dila ko
dahil sa sinabi niya.
Bigla ko tuloy naitanong sa sarili ko kung naging perpekto
din ba akong anak sa kanya or hindi. Kung tutuusin nga, mas matindi ang ginawa
ko sa sarili kong asawa na si Jeann kumpara sa ginawa niya kay Mommy. Hindi
niya niluko si Mommy kaya sila naghiwalay. Masyado lang talaga siyang naging
obsess noon sa negosyo nya kaya nawalan siya ng time sa amin na siyang naging
dahilan kung bakit naghanap ng iba si Mommy.....
Hindi niya kami niluko. Hindi nya din ako pinabayaan.
Ibinigay niya sa akin lahat ng mga pangangailangan ko habang lumalaki ako.
Nagkaroon ako ng mga negosyo dahil sa kanya pero sa kabila ng lahat ng mga
effort na ginawa niya, nagawa ko pa rin siyang tikisin gayung kahit gaano siya
kaabala sa pagpapayaman, naging mabuti din naman siyang ama sa akin. Hindi ko
man siya nakakasama pero may mga tao naman siyang binayaran para alagaan ako.
Hindi siya naging masamang ama sa akin. Hindi din siya
naging masamang asawa kay Mommy. Mas masahol pa nga ako eh. Mas masahol pa ang
ginawa ko sa sarili kong pamilya lalo na kay Trexie. Sinaktan ko ang asawa ko
kaya kami nagkahiwalay ngayun. Kaya ako nagdurusa.
"Da-Dad! Sorry!" Mahina kong sambit at hindi ko na
napigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Wala ng dahilan pa para maglagay ako ng mataas na harang sa
pagitan naming dalawa. Pagbabali-baliktarin ko man ang mundo, ama ko pa rin sya
at kung tutuusin wala siyang ibang ginawa kundi ang mahalin ako.
Tama ito. Sa kabila ng hiwalayan nila ni Mommy never kung
narinig na nagpakasal ito sa ibang babae. May narinig akong mga naging ka live
in niya noon pero lahat iyun hindi nagtagal ang pagsasama nila.
Naghihiwalay din sila siguro dahil nga sa pagiging abala
nito at ang lahat ng mga pinaghirapan at sakripisyong
ginawa niya noon gusto niya pa ring iiwan sa akin sa kabila
ng pagiging walang kwenta kong anak sa kanya.
Napakasama ko naman pala talagang anak sa kanya. Lahat
ginawa nito para mabigyan ako ng magandang kinabukasan. Lahat ng meron ako
ngayun ay galing sa kanya. Kaya siguro nagkalitse-litse ang buhay ko ngayun
dahil sa pagiging makasarili ko. Nakaya kong tikisin ang taong walang ibang
ginawa kundi mahalin ako. Nagawa kong talikuran ang sarili kong ama dahil sa
pagiging makasarili ko.
"Dad! 1 am sorry!" umiiyak kong bigkas kasabay ng
pagluhod sa harap niya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang iilang butil ng
luha na biglang tumulo sa mga mata nito.
"Son! God! its okay...its okay. Hindi mo kailangang
lumuhod sa harap ko. Naiinitindihan kita anak!" wika nito kasabay ng
pagdampi ng palad niya sa balikat ko. Kaagad ko naman iyung hinawakan at
hinalikan.
Para akong batang paslit na umiyak sa harap niya habang
mahigpit ang pagkakahawak sa kamay niya. Pinilit niya naman akong itayo kaya
nagpatianod na lang din ako at mahigpit na yumakap sa kanya.
"Dad...patawad po! Naging swail akong anak sa inyo. Ni
hindi ko man lang nainisp na lahat ng mga ginagawa niyo ay para din pala sa
akin. Patawad Daddy!" Paulit-ulit kong hingi ng kapatawaran niya. Ilang
tapik sa likuran ang naramdaman ko bago ito bumitaw sa pagkakayakap sa akin.
"Its okay son! Inisip ko na lang na hindi ka pa nga
siguro nagma- matured. Lahat ng mga ginagawa mo ay never akong nagalit sa iyo.
Anak kita. Karugtong ka na ng puso ko. Mahal kita at malaking bagay na sa akin
ang marinig kang tinatawag mo akong Daddy." nakangiti nitong wika. Hindi
ko naman maiwasan na mapangiti.
Sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman ko sa sarili ko na
hindi pala ako nag iisa. Na may nagmamahal pala sa akin. May ama ako na
masasandalan ko sa lahat ng oras.
"Thank you Dad! Promise, babawi po ako sa inyo."
sagot ko naman. Kaagad ko naman narinig ang masayang pagtawa nito.
"Bawing bawi ka na anak. Masaya na ako na kasama kita
ngayun. Masaya na ako na hindi ka na galit sa akin. Walang ibang importante sa
buhay ko maliban sa negosyo na pinaghirapan kong itayo kundi ikaw lang. Ikaw
lang na nag iisa kong anak." sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na
mapangiti kasabay ng pagpahid ng luha sa aking mga mata.
Ang sarap pala sa ganitong pakiramdam. Ang sarap pala kapag
hindi mo hahayaan na magalit sa taong naging dahilan kaya nandito ako ngayun sa
mundo. Sa kabila ng sama ng loob na nararanasan ko ngayun,
masasabi ko na maswerte pa rin ako dahil may isang ama pala
ang handa akong damayan.
Chapter 422
DRAKE POV
"Dad, maraming bakanteng kwarto dito sa bahay. Medyo
gabi na po, pwede kayong mag stay dito hanggat gusto niyo." pagkatapos ng
masinsinang pag uusap kanina at pagpapatawaran kaagad akong nagpahanda ng
dinner sa aking cook. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ko, muli kong
nakasabay sa pagkain ang aking ama.
Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. Mas masarap pala
talaga ang magpatawad at kalimutan ang samaan ng loob na nangyari sa aming
nakaraan.
"Hindi pa rin ba kayo nagbabati ng asawa mo? Drake,
huwag kayong gumaya sa amin ng Mommy mo. Hanggat kaya pa, ayusin mo ang pamilya
mo." maya-maya ay muling wika ni Daddy. Natigilan naman ako at muling
bumaha ang lugkot na nararamdaman ng puso ko ng maalala ko si Jeann at ang anak
namin.
"Dad, kasalanan ko kung bakit niya ako iniwan. Niluko
ko siya, sinaktan ko siya kaya naman hanggang langit ang galit niya ngayun sa
akin." malungkot kong sagot. Natigilan naman si Daddy Andy at seryoso
akong tinitigan.
"Apo ni Gabriel Villarama ang napangasawa mo
diba?" tanong nito. Kaagad naman akong tumango at hindi maiwasang magtaka
ng napansin ko ang paguhit ng masayang ngiti sa labi nito.
"Bakit po? Kilala niyo po ba personally si Mr. Gabriel
Villarama?" nagtataka kong tanong. Kung tutuusin ngayun ko lang din
napansin na halos kasing edad lang pala ni Daddy ang ama ng best friend kong si
Rafael. Late nang nag asawa si Daddy kaya hindi na din ako nagtataka kung hindi
na ako nasundan pa kahit na kabi-kabilaang babae ang pinatulan nito pagkatapos
ng hiwalayan nila Mommy.
Gayunpaman kahit na halos kasing edad lang ni Daddy si Mr.
Gabriel Villarama di hamak na mas batang tingnan si Mr. Gabriel Villarama sa
kanya. Siguro dahil tumanda siyang may masaya at kumpletong pamilya unlike kay
Daddy na tumandang mag isa at walang pamilyang nag aalala sa kanya.
"Yes, best friend ko siya noong kabataan namin. Apat
kaming magkakaibigan...Si Jonathan, Gabriel, Kyzer at ako. Kaya lang nag
umpisang mawala ang communication namin sa isat isa noong nag migrate ako sa US
at noong bumalik naman ako naging abala na ako sa negosyo ko." nakangiti
nitong sagot pero nang pagmasdan ko ang kanyang mga mata, nababakas ko ang
labis na lungkot. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng awa sa kanya.
Ngayun ko lang narealized na ayaw kong tumanda na kagaya
niya na nag iisa. Kailangan talaga akong gumawa ng hakbang para mapatawad ni
Jeann.
Sure naman na ako sa sarili ko na siya na ang babaeng mahal
ko. Na siya lang ang gusto kong makasama habang buhay.
"Hindi naman sila lumipat ng bahay Dad. Nasa mansion pa
rin sila nakatira kaya pwede kang dumalaw doon." nakangiti kong sagot.
"Iyan din ang balak kong gawin. Huwag kang mag aalala
anak, gagawa ako ng paraan para muling bumalik sa iyo ang mag ina mo. Basta
ipangako mo lang sa akin huwag mo ng ulitin lahat ng pagkakamali na nagawa mo
sa kanya. Ayusin mo ang tungkol sa babaeng na-involved sa iyo dahil ayaw kong
magaya ka sa akin. Hangad ko para sa iyo ang magkaroon ka ng masaya at
kumpletong pamilya." mahabang wika nito. Para namang may kung anong bagay
ang biglang humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya.
"Promise Dad! Aayusin ko ang lahat at ipapakilala kita
sa apo mo." sagot ko.
Pagkatapos kumain ng dinner kaagad kong inihatid si Daddy sa
kwarto kung saan pwede siyang mag stay hanggat gusto niya. Ngayung napatawad ko
na siya gagawin ko ang lahat para mabawi ang mga araw na hindi ko siya kasama.
Nasa dapit hapon na siya ng kanyang buhay kaya ito na din ang chance ko para
iparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin. Kung gaano ko siya
kamahal.
Naligo muna ako ako at nagsuot ng boxer short bago nahiga sa
kama. Gusto ko munang ipahinga ang puso at isipan ko ngayung gabi para makapag
isip ako ng maayos kung ano ba talagang hakbang ang pwede kong gawin para
muling mapaamo si Jeann.
Paidlip na ako ng marinig ko ang biglang pag ring ng aking
cellphone. Nagtataka akong iniabot ang cellphone ko sa night stand at tiningnan
kung sino ang tumatawag at kaagad na nagsalubong ang aking kilay ng pangalan ni
Jasmine ang nakarehistro sa screen. Naiinis akong bumangon.
"What!!!" paangil kong sagot. Hikbi ang isinagot
nito sa akin kaya hindi ko maiwasang mapasabunot sa aking buhok.
"Jasmine, pagod ako. Pass muna sa mga drama mo pwede
ba?" galit kong usig sa kanya. Lalo naman lumakas ang paghikbi nito na
lalo kong ikinairita.
"Drake...nasaan ka? Kanina pa kita hinihintay."
umiiyak na sagot nito.
Kaagad ko namang naikuyom ang aking kamao bago ito sinagot.
"Huwag mo na akong hintayin na umuwi. Matulog ka
na!" walang buhay kong sagot sa kanya.
"Pero...hindi ako makatulog hanggat wala ka sa tabi ko.
Look, masama ng pakiramdam ko at nakakaramdam na din ako ng kirot sa aking
tiyan. Pwede bang umuwi ka muna dito? Please Drake, natatakot ako. Baka kung
mapaano ang baby natin kung hindi ka umuwi ngayun." umiiyak na bigkas
nito.
"Jasmine, stop it! Huwag mo ng idahilan pa sa akin ang
pagbubuntis mo para masunod lang ang gusto mo. Uuwi ako diyan kung gusto ko at
huwag mo akong pilitin." galit kong angil sa kanya kasabay ng
pagdisconnect ko sa tawag. Ilang beses pang nag ring ang aking cellphone pero
hindi ko na sinagot pa bagkos tuluyan ko ng inooff iyun at muling bumalik sa
pagtulog.
Chapter 423
DRAKE POV
Muli akong nagising sa mahinang katok sa pintuan ng aking
kwarto. Naiinis akong bumangon habang wala sa sariling sinulyapan ang orasan na
nasa night stand. Halos alas sais pa lang ng umaga at first time sa buhay ko na
may nang isturbo sa aking pagtulog simula noong naghiwalay kami ni Jeann.
"Who is that naiinis kong tanong habang hinagilap ng
tingin ang aking tshirt at shorts para isuot bago pagbuksan kung sino man ang
kumakatok.
"Drake, please open the door." narinig kong sagot
ng boses babae sa may pinatuan. Kaagad na napakunot ang noo ko at nagmamdaling
naglakad patungong pintuan pagkatapos kong maisuot ang aking damit.
Pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto kaagad na tumampad sa
paningin ko ang mukha ni Jasmine. Malandi itong nakangiti sa harap ko.
"Drake, babe...bakit hindi ka umuwi kagabi sa bahay?
Dont tell me na naaalala mo pa rin ang ex wife mo kaya dito ka umuwi?"
kaagad na tanong nito at ak?mang idadantay nito ang kanyang palad sa dibdib ko
kaya kaagad ko itong hawakan sa braso. Napansin ko pa ang pagkatigagal sa mukha
nito at maang na napatitig sa akin.
"What are you doing here? Sino ang may sabi sa iyo na
pwede kang pumunta dito?" galit kong tanong sa kanya habang halos
pilipitin ko na ang braso nito dahil sa matinding galit.
Kung saan pinilit kong magpalapad ng papel kay Jeann para
sana muli na siyang bumalik sa akin tsaka naman pumunta sa bahay na ito si
Jasmine. Paano na lang kapag malaman ito ni Jeann? Baka lalo niya akong iwasan.
"Drake, ano ba! Nasasaktan ako!" halos
mangiyak-iyak na wika nito sa akin. Halos pilipitin ko ang braso nito dahil sa
matinding inis na nararamdaman ko.
"Umalis ka dito! Hindi mo ba naiintindihan kagabi ang
sinabi ko na pupuntahan kita ng bahay kapag gusto ko?" halos pasigaw kong
tanong sa kanya. Kita ko ang pagkatigagal sa mukha nito habang nakatitig sa
akin. Ang ilang butil ng luha na napansin kong unti-unting pumapatak sa kanyang
mga mata ay lalo pang nadagdagan. Lalo naman akong nakaramdam ng iritasyon.
"Drake naman! Dont do this to me! Bakit ka ba nagagalit
sa akin? Nakalimutan mo na ba na buntis ako at hindi ako pwedeng mag-stress?
Napilitan lang naman akong pumunta dito dahil masyado kitang
na-miss. Hindi na ako sanay na wala ka sa tabi ko!" patuloy ito sa pag
iyak habang sinasabi ang katagang iyun. Parang gusto ko naman iuntog ang sarili
ko sa pader para matapos na itong konsumisyon na nararanasan ko ngayun.
Hindi ko na kaya ang ganitong buhay. Masyado nang
nakaka-stress. Wala akong ibang gusto ngayun kundi ang bumalik sa akin si Jeann
pero ano ba ang pwede kong gawin kay Jasmine? Nabuntis ko ito at hindi naman
ako ganoon kasamang tao para basta na lang itong talikuran.
"Umalis ka na! Uuwi din ako ng bahay mamaya."
walang gana kong sagot sa kanya. Kaagad naman itong umiling
"No! Hindi ako aalis dito hanggat hindi kita
kasama!" seryoso nitong sagot. Lalo namang nagpanting ang tainga ko at ang
inis na naramdaman ko sa kanya ay napalitan na ng galit. Wala sa sariling
hinablot ko ito sa braso at halos kaladkarin ko ito pababa ng hagdan. Kaagad
namang napatili si Jasmine at pilit na nagpupumiglas sa pagkakahawak ko pero
parang bingi na ako. Wala na akong pakialam pa kung nasasaktan man siya. Ang
gusto ko lang ay makaalis siya sa bahay namin ni Jeann.
"Drake, ano ba bitawan mo ako! Nasasaktan ako! Hindi
ako aalis sa bahay na ito hanggat hindi kita kasama!' "galit na sigaw ni
Jasmine kasabay ng pagkagat niya sa kamay ko na nakahawak sa braso niya kaya
nabitawan ko siya.
"Shut up! Pwede ba? Tumigil ka na Jasmine! Hindi kita
mahal para magdemand ng sobra sa pwede kong ibigay sa iyo!" galit kong
sigaw sa kanya. Natigilan ito pero bakas ko na ang galit sa mga mata niya
habang nakatitig sa akin.
"Hindi mo ako mahal? Bakit? Dahil ba sa walang kwenta
mong ex wife?
Narealized mo na ba na mas mahalaga siya kumpara sa
akin?" galit na tanong nito sa akin. Hindi ko na napigilan pa ang sarili
ko. Kaagad na lumapat ang isang palad ko sa pisngi niya na siyang dahilan ng
pagkawala nito ng balanse at tuloy-tuloy itong dumaosdos pababa ng hagdan.
Gulat naman ako sa nasaksihan.
"Jasmine...Fuck!" nag aalala kong sigaw at mabilis
itong dinaluhan. Mabuti na lang at nasa ikatlong baitang na lang kami ng
hagdan. Hindi ganoon kataas kaya alam kong hindi naman ito nasaktan ng sobra
pero paano ang baby namin? Tama, buntis ito at baka may masamang mangyari sa
anak ko.
"Ouchhh! Drake! Fuck you!" galit ng sigaw nito sa
akin habang hawak niya ang kanyang paa. Mukhang napuruhan siya sa bahaging
iyun. Hindi ko malaman kung saan siya hahawakan dahil sa matinding pag aalala
ko sa sangol na nasa kanyang sinapupunan.
"Jasmine, sandali...dadalhin kita sa hospital. Relax ka
lang at baka mapaano ang baby natin." nag aalala kong wika at akmang
bubuhatin ko na ito ng marinig ko ang boses ni Daddy.
"Sandali! May personal Doctor ako. Tatawagan ko siya
ngayun din para matingnan ang bisita mo. Huwag mong buhatin at baka mas lalong
makasa?na sa kanya.." wika nito. Wala sa sarilng nabitawan ko si Jasmine.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Wala akong pakialam sa babaeng ito pero
mas may pakialam ako sa baby namin.
"Dad, nagdadalang tao siya. Baka mapaano ang apo
niyo." sagot ko.
Kaagad ko namang napansin ang pagkunot ng noo ni Daddy.
Mataman nitong tinitigan si Jasmine bago umiling.
"Nagdadalang tao? Delikado nga sa kanya ang nangyari
kanina. Ilang buwan na ba ang tiyan niya?" tanong nito.
"Sevenmonths! Seven months na po!' 'nag aalala kong
sagot. Kaagad kong napansin ang pag upo ni Daddy at akmang hahawakan nito ang
tiyan ni Jasmine pero kaagad itong pumiksi.
"What are you doing? Drake, sawayin mo nga ang
matandang iyan!" galit na sigaw ni Jasmine.
Kung titingnan ng maigi, maliban sa dinadaing nito sa sakit
ng paa, wala na akong napapansin na kakaiba sa kanya. Hindi man lang ito
nagreklamo na masakit ang kanyang tiyan. Malakas ng pagkakabagsak niya kanina,
pero bakit parang ayos lang naman siya?
Chapter 424
DRAKE POV
"Tatawagan ko ang personal Doctor para matingnan
siya." narinig kong wika ni Daddy at nagmamadali itong umakyat ng second
floor. Nagulat pa ako dahil mabilis akong hinawakan ni Jasmine sa kamay.
"Do--doctor? No...hindi pwede! Hi- hindi naman ako
napuruhan eh. Iuwi mo na lang ako ---" hindi na natuloy pa ang sasabihin
niya ng bigla akong sumabat.
"No! Hindi pwede! Kailangan mo munang matingnan ng
Doctor para malaman natin kung ayos lang ba ang sanggol na nasa sinapupunan mo.
Hindi maganda ang pagkakabagsak mo kanina kaya natatakot ako na baka mapaano
ang anak ko." seryoso kong sagot. Kaagad naman itong umiling at mahigpit
akong hinawakan.
"Drake..Look! Hi-hindi pwede! Ayoko! " sagot nito.
Ramdam ko ang tense sa boses niya kaya hindi ko maiwasang magtaka. Kailan pa
siya takot sa Doctor?
"At bakit?Bigyan mo ako ng magandang dahilan kung bakit
ayaw mong magpacheck up? Alam mo naman siguro na walang ibang mas mahalaga sa
akin kundi ang batang nasa sinapupunan mo Jasmine. Nanatili ako sa tabi mo
dahil diyan kaya huwag ka ng umangal. Hintayin mo ang Doctor bago kita iuwi sa
bahay. "seryoso kong sagot. Mangiyak-iyak naman itong umiling.
"Hi-hindi! Ayaw ko...hindi ko kaya!" sagot nito at
akmang tatayo pero muli itong napaupo dahil sa nasaktan niyang paa. Mukhang
napilayan ito kaya naman hindi ko maiwasang mapabuntong hininga.
Sa totoo lang...kanina pa ako
nagtataka dito. Wala naman siyang dapat ikatakot sa doctor
kong totoosin. Titingnan lang naman ang kondisyon niya at ng bata na nasa
kanyang tiyan kaya wala naman dapat siyang ikabahala. Hindi naman siya
kakatayin ng Doctor.
Gayunpaman, hinayaan ko na lang. Kilalala ko sa pagiging
madrama ang ugali nitong si Jasmine pero ang kagustuhan ko pa rin ang
masusunod. Ang gusto ko lang masiguro ngayun ay ligtas ang anak ko. Wala ng iba
dahil wala naman akong pakialam pa sa kanya.
"Parating na si Doctor Shen. Isa siyang magaling na
Doctor at matagal ko na siyang kilala." maya-maya ay wika ni Daddy.
Naglalakad na ito pababa ng hagdan habang may hawak na cellphone.
"Salamat Dad. Masakit daw po ang ankle niya kaya hindi
siya makatayo. Pero sana ayos lang si baby." sagot ko. Kaagad namang
tumango si Daddy habang hindi inaalis ang tingin nito kay Jasmine.
"Ilang buwan na nga ulit ang ipinagbubuntis niya? Seven
months?" narinig kong tanong ni Daddy. Muli akong napasulyap kay Jasmine
at kaagad kong napansin ang pagiging uneasy nito. Namumutla na din ito at
parang gusto ng maiyak.
"Si-sinabi ko na naman kasi sa inyo na hindi ko
kailangan ng Doctor! May sarili akong OB na tumitingin sa akin. Sure naman na
ayos lang si Baby dahil nararadaman kong sumisipa siya ngayun!" naiinis na
sagot ni Jasmine. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
Sinabi niyang sumisipa daw si Baby. Kung ganoon gusto kong
maramdaman iyun. Gusto kong iparamdam dito na kahit hindi ko mahal ang kanyang
ina, mamahalin ko pa rin siya ng buong puso. Naalala ko pa nga noong
ipinagbubuntis ni Jeann si Baby Russell, hilig kong haplusin ang tiyan nito at
ibayong saya ang nararamdaman ko tuwing nararamdaman ko ang pagalaw ng baby sa
kanyang sinapupunan.
"Gumagalaw si Baby? Talaga? Teka, pahawak nga!"
bigkas ko at kaagad na idinantay ang isang palad ko sa tiyan ni Jasmine.
Hinaplos haplos ko pa ang kanyang tiyan pero kaagad na napakunot ang noo ko ng
wala naman akong naramdaman. Nang pisilin ko ang kanyang tiyan napansin kong
medyo matigas iyun. Ibang iba sa tiyan ni Jeann noong nagdadalang tao sya.
"No---no---need! Huminto na siya sa pagalaw." wika
nito na halata ang kaba sa kanyang mukha. Pansin ko din ang panginginig ng
kanyang kamay ng humawak sa kamay ko at pilit na inaalis sa tiyan niya. Hindi
ko naman maiwasan na makaramdam ng pagdududa.
"May itinatago ka ba sa akin?" seryoso kong tanong
kay Jasmine. Lalo itong namutla sabay iling. Sa sobrang inis ko kaagad kong
itinaas ang maternity blouse niya at doon tumampad sa paningin ko ang lihim na
halos pitong buwan niya ding itinago sa akin.
"Anong ibig sabihin nito Jasmine?" galit kong
tanong kanya? Kaagad na nangatal sa takot ang kanyang labi kasabay ng pag iyak.
"Drake...let me explain....please! I love you! I love
you very much kaya nagawa ko ito sa iyo!' umiiyak na sagot nito. Halos hindi
kayang tanggapin ng sistema ko ang natuklasan ko ngayun lang. Hindi ko pa rin
inaalis ang pagkakatitig ko sa tiyan niya at umaasa ako na sana panaginip lang
ang lahat.
"Hi-hindi ka buntis? Niluluko mo lang ako?" galit
kong sigaw sa kanya kasabay ng pagtulak dito. Kaagad itong nawalan ng balanse
kasabay ng pagkatihaya nito sa sahig habang umiiyak. Nilapitan ko ito at
pahaklit na tinangal ang parang belt na nakalagay sa kanyang tiyan para
papaniwalain ang lahat ng buntis siya. Parang gusto kong magwala sa galit ng
kaagad na tumampad sa aking paningin ang impis niyang tiyan.
"Niluko mo ako? Pinaniwala mo ako sa isang
kasinungalingan?" galit kong sigaw sa kanya.
Simula noong iniwan ako ni Jeann, never na akong
nakipagtalik kay Jasmine. Katunayan nga nakipaghiwalay na ako sa kanya pero
idinaklara niyang buntis siya at hindi ako ganoon kasama para talikuran siya.
Pagkatapos ito lang pala ang malalaman ko? Hindi naman pala talaga siya buntis
at niluluko niya lang ako! Sobrang sakit lalo at marami na akong magiging plano
sa anak namin.
"Drake! Sorry! Mahal kita! Ayaw kong mawala ka sa
akin.." patuloy ang pag iyak na sagot naman nito. Kaagad ko itong
nilapitan at mahigpit na hinawakan sa leeg.
"Papatayin kita! Ilang buwan mo akong niluko at
pinaniwala sa mga kasinungalingan mo!" galit kong sigaw habang sinasakal
ito. Pilit naman na inaalis ni Jasmine ang kamay ko dahil nahihirapan na siyang
huminga pero bigo siya. Wala siyang panama sa lakas ko at sa sobrang galit ko
ngayun mas gugustuhin ko pang paglamayan siya para mapagbayaran niya lahat ng
mga kasalanan na nagawa niya sa akin.
"Drake, Iho Tama na iyan! Baka mapatay mo siya."
nabitawan ko lang ang pagkakasakal sa leeg ni Jasmine ng hilain ako ni Daddy
kasama ng isang lalaki palayo kay Jasmine. Para naman akong nahimasmasan at
wala sa sariling napatiningin kay Jasmine na noon ay habol pa rin ang kanyang
paghinga dahil sa matagal kong pagkakasakal sa kanya kanina.
Chapter 425
DRAKE POV
"Umalis ka na at huwag na huwag ka ng magpakita sa akin
kahit kailan!" galit kong sigaw kay Jasmine habang nakaupo na ako dito sa
sofa. Tapos na ding gamutin ng Doctor ang na-injured niyang paa pero kahit
hirap pa rin itong tumayo wala na akong pakialam pa. Para sa akin, walang
kapatawaran ang ginawa niyang pagpapaikot sa akin sa halos pitong buwan naming
pagsasama.
Ngayun ko lang narealized kung gaano ako katanga! Kaya pala
mas gusto nitong si Jasmine na sa guest room matutulog kapag inuuwian ko siya
dahil may itinatago pala ito sa akin. Isang fake na womb ang koleksiyon niya at
inilalagay nya lang sa tiyan niya para paikutin ako.
Well, wala din naman talaga akong
balak ng makipag talik sa kanya simula noong akala ko
namatay na si Jeann. Katakot-takot na sundot ng konsensya ang naranasan ko noon
at kahit pakikipag sex sa ibang babae hindi ko nagawa. Nabawasan lang lang
naramdaman kong sundot ng konsensya noong nalaman ko na buhay naman talaga si
Jeann at nag umpisa akong muling mangarap na makasama siya.
"Drake, hindi na ba magbabago ang isip mo? Bumalik ako
ng bansa dahil sa iyo. Nangako ka sa akin na aalagaan mo ako habang
buhay!" umiiyak na muling wika ni Jasmine. Kaagad naman akong napiling.
"Iyan ang pangako ko sa iyo noon bago mo ako niluko.
Dahil sa iyo nagkasira kami ni Jeann kaya hinding hindi kita mapapatawad.
Umalis ka na sa harap ko at lisanin mo na din ang bahay kung saan ka nakatira
ngayun."
sagot ko. Kita ko naman ang pagtutol sa mga mata niya sabay
iling.
"NO! Kung---kung paaalisin mo ako doon saan ako titira?
Drake alam mo naman na wala akong ni isang pamilya dito sa Pinas. Hwag mo naman
sana itong gawin sa akin...Oo, inaamin ko na nagkasala ako pero sobra ka naman
yata kung tuluyan mo akong talikuran sa kabila ng pagmamahal na ibinigay ko sa
iyo." umiiyak na sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na mapangisi.
"Mahal? Talaga bang mahal mo ako or baka naman gusto mo
lang ako dahil alam mong mabubuhay ka ng sagana kapag nasa tabi mo ako?"
seryoso kong tanong sa kanya. Nagulat naman ito. Hindi niya marahil inaasahan
ang salitang lumabas sa bibig ko ngayun.
"Hindi mo ako mahal Jasmine. Talagang sanay ka lang na
dumikit dikit sa mga mapeperang lalaki. Hindi lang naman ako ang lalaking
sinabihan mo na mahal diba? Nakalimutan mo na? High School pa lang tayo dumikit
ka na kay Rafael at noong nalaman mo na hindi siya interesado sa iyo, dumikit
ka din kay Arthur. Naging kayo pero ipinagpalit mo siya sa isang
matandang mayaman na taga ibang bansa na siyang dahilan ng
pag alis ng buong pamilya mo dito sa bansa. Tapos ngayun, sasabihin mo na mahal
mo ako? Bakit? Balak mo ba talagang tikman lahat kaming magbe-best
friend?" mahaba kong wika sa kanya. HIndi ito nakaimik.
"Tama na ang minsang naluko mo ako. Umalis ka na sa
buhay ko bago pa kita mapatay. Maraming mas mayaman sa akin na kaya mong
paikutin. Hwag ako dahi natuto na ako sa buhay." galit kong wika at kaagad
na tumayo.
"Lumayas ka na sa buhay ko at huwag na huwag ka ng
magpakita pa sa akin kahit kailan!" panghuli kong wika bago ko ito iniwan.
Narinig ko pa ang pagmamakaawa nito ng makailang ulit sa akin pero hindi ko na
pinansin pa. Masyadong nasaktan ang ego ko dahil sa panluluko niya sa akin.
Tama ang mga kaibigan ko. Ang tanga-tanga ko. Ipinagpalit ko ang asawa ko sa
maruming babae na walang ibang habol kundi ang magkaroon ng maalwan na buhay sa
pamamagitan ng pakikipag-relasyon sa mga mayayaman.
Mabilis akong bumalik ng kwarto at nagmukmok. Ilang beses
din kumatok si Daddy sa kwarto ko para kausapin ako pero hindi ko na pinansin
pa. Feeling ko, ako na yata ang pinaka- miserableng tao sa mundo. Ito na nga
siguro ang karma ko dahil sa panluluko ko kay Jeann.
Halos dalawang araw din akong
walang ibang ginawa kundi ang magmukmok. Hindi umaalis si
Daddy sa tabi ko at pilit akong kinakausap pero wala itong nakuhang reaction sa
akin. Masyado kong dinamdam ang lahat-lahat at feeling ko, useless ng lumaban
sa buhay
"Drake, iho. Hindi pwedeng ganito. Halos hindi ka na
kumakain at natutulog. Pinapatay mo na ang sarili mo niyan eh. Alalahanin mo,
hindi pa katapusan ng mundo. May tsansa pa na muling bumalik sa iyo ang asawa
mo!" narinig kong wika ni Daddy.
"Paano DAd? Galit siya sa akin. Halos isumpa niya
ako." sagot ko kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata. Kahit gaano
pa katapang ng isang lalaki kapag usapang puso ang pag uusapan, talagang
manghihina at iiyak na lang sa isang tabi kagaya ko.
"Nakalimutan mo na ba na kaibigan ko ang Lolo ng asawa
mo na si Gabriel Villarama? Pwede ko siyang puntahan at personal na kausapin
tungkol sa inyong dalawa ni Jeann." sagot nito.
"Paano? May ibang lalaki na ang aali- aligid sa asawa
ko at posible siyang ma -inlove sa gagong iyun." malungkot kong sagot.
"Hahayaan mo lang ba ng mangyari iyun. Drake, iho ikaw
pa rin ang asawa niya sa batas ng tao at ng Diyos.
Ikinasal kayo kaya huwag mong hayaan na ma inlove sa ibang
lalaki ang asawa mo. Huwag mo akong gayahin Drake na hinayaan kong ma inlove
ang Mommy mo sa ibang lalaki kaya tumanda akong mag isa." malungkot na
sagot nito.
Para naman akong binuhusan ng tubig sa sinabi niya. Talagang
tagos sa puso ko ang pangaral niyang ito at para akong sinampal ng makailang
ulit sa isiping ako ang nagkasala sa relasyon namin ni Jeann kaya dapat lang na
akong ang mas gumawa ng effort para muli siyang bumalik sa akin.
Chapter 426
JEANN POV
"Good Morning Mom, Dad!" bati ko sa mga magulang
ko ng maabutan ko sila dito sa dining area. Himala, late na at wala yatang
balak pumasok ng opisina si Daddy samantalang hindi ko na mahagilap ang
presensya ng nag iisa kong kapatid na si Kenneth.
"Good Morning! Mabuti naman at maaga kang bumaba.
Hinihintay ka talaga ng Daddy mo." sagot naman ni Mommy Arabella sabay
sulyap kay Daddy Kurt. Hindi ko naman maiwasan na magtaka lalo na ng mapansin
ko kung gaano sila ka-seryoso ngayun lalo na si Daddy. May hawak itong news
paper na inilapag niya sa isang tabi bago seryosong tumitig sa akin.
"Totoo bang boyfriend mo na ang Lucas Martiniez na
iyun?" kaagad na tanong ni Daddy. Nagulat naman ako.
Hindi ko pa nga nai-kwento sa kanila ang tungkol kay Lucas
tapos tatanungin nila ako ngayun kung nobyo ko ba siya? Why oh why? Sino ang
nag-tsismis? Alangan namang si Charlotte or Veronica eh hindi naman tsismosa
ang mga iyun.
"Dad! No! Paano ko naman maging boyfriend si Lucas
Martinez gayung hindi naman nanliligaw sa akin iyung tao! Friend ko lang po
siya at wala pa ngang isang buwan noong na-meet ko siya eh." sagot ko
naman. Napasin ko pang nagkatinginan sila Mommy at Daddy bago kinuha ni Mommy
ang news paper na binabasa ni Daddy kanina at inilapag sa harapan ko. Kaagad na
nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat lalo na ng mapansin ko ang isang familiar
na kuha ng larawan sa news paper.
"A-ako ito ah?" hindi ko maiwasang sambit habang
hindi inaalis ang tingin ko sa larawan na nasa news paper. Nasa coffee shop
kami ni Lucas at hawak nito ang kamay ko. Kung ganoon, tama nga ang napansin ko
noong nasa coffee shop kami.. May kumukuha ng larawan para gawan kami ng
tsismis ni Lucas.
"Mom, Dad hindi po totoo iyang nakikita niyo. Hi-hindi
po totoo ang nakasulat diyan sa news paper. Hindi po ako girl friend ni
Lucas." nakangiwi kong sagot habang binabasa ko ang caption ng nakasulat
sa larawan namin ni Lucas. May nakalagay na non showbiz girl friend daw ako ni
Lucas at kuha daw ang larawan sa isang lugar kung saan makikita kung gaano kami
ka-sweet sa isat isa. Sabagay, kahit sino ang makakita sa picture na ito iispin
talaga na may relasyon kami dahil sa mga ngiting nakaguhit sa labi namin ni
Lucas habang nakatitig sa isat isa.
Parang gusto ko tuloy sugurin kung sino man ang pangahas na
taong kumuha ng larawan at talagang ipinablish niya pa sa news paper para lang
may mapag usapan.
"Kalat na kalat ang balitang iyan hindi lang sa diyaryo
kundi pati na sa telebisyon. Jeann anak, wala kaming pakialam kung ma inlove ka
man ulit. Kaya lang, masayado pang maaga! Huwag mong kalimutan na kasal ka pa
rin kay Drake at baka ikaw pa ang mabaliktad ng sitwasayon. Baka isipin ng mga
nakakabasa nito na ikaw ang nagluko kaya kayo naghiwalay ni Drake. "
mahabang wika ni Mommy. Hindi ko naman maiwasan na mapakamot ng ulo.
Mahirap palang makipag kaibigan sa isang artista. Lahat
ginagawan ng issue ng mga paparazzi. Porket magkasama kami sa isang coffee shop
girl friend kaagad? Hayssst!
"Ayusin mo ito Jeann. Hindi pwedeng kumalat ang tungkol
dito dahil tiyak na madidismaya ang Grandpa mo. Ayaw na ayaw nilang masangkot
sa iskatandalo ang kahit na sinong miyembro ng pamilya. Lalo na at babae ka pa
man din at lalabas dito na lalakero ka dahil may asawa ka na! Hanggat hindi pa
napapawalang bisa ang kasal niyo ni Drake, iwasan mo muna ang makipag date
kahit kanino dahil hindi magandang tingnan." wika naman ni Mommy. Hindi ko
naman maiwasan na mapangiwi lalo na ng marinig ko sa kanya ang salitang
lalakero. Ang sagwa pakingan. Hindi kayang tanggapin ng pride ko. Nakakababa ng
dignidad pakingan.
Tsaka bakit ako ang pagbibintangan ng mga taong walang
nagawa sa buhay? Si Drake ang unang nagluko kaya kami naghiwalay. Porket
nakipag usap ako sa iba pagbibintangan na nila kaagad ako ng hindi maganda?
"A-ano po ang gagawin ko Mom? Naguguluhan po ako. Ayaw
ko pong ako ang magiging dahilan na makaladkad ang pangalan ng pamilya natin sa
kontorbersya." sagot ko naman. Narinig ko pa ang malalim na pagbuntong
hininga ni Daddy bago ito sumagot.
"Mahirap pigilan ang pagkalat ng mga ganitong tsismis
dahil na din sa power ng social media. Kalat ng kalat na ito sa internet lalo
na at sikat na actor ang nali-link sa iyo. Kahit pa siguro gamitin ko ang
koneskyon ko, hindi kaagad mapapatay ang issue kaya simula ngayung araw
paki-iuwasan mo muna ang Lucas na iyun." wika nito. Hindi ko naman
maiwasan na mapayuko.
Sa totoo lang, nagi-guilty ako sa mga nangyari. Tama si
Mama, ang alam ng lahat may asawa akong tao tapos lalabas sa peryodiko na
nakipag relasyon ako sa isang actor. Kasiraan ito hindi lang sa akin kundi pati
na din sa buong angkan.
Hindi uso ang divorce sa pamilya namin. Hindi din uso ang
pangangaliwa. Iniingatan namin ang dangal namin kaya nakakahiya talaga lalo na
kapag malaman ito nila Grandpa. Ngayun pa lang parang ayaw ko na munang dumalaw
ng mansion.
"Sige po. Iiwas na po ako sa kanya. Baka po sa susunod
mas higit pa diyan ang magiging chismis eh." nahihiya kong sagot. Kaagad
naman napatango si Mommy habang mataman akong tinitigan.
"Tumawag pala kanina si Grandma Carissa mo. Kailangan
mo daw sumama sa amin sa mansion ngayung weekend. Kakausapin ka daw ni
Grandpa." muling wika ni Mommy.
"Ba-bakit po? Alam na din po ba nila ang tungkol sa
issue na ito?" tanong ko. Kaagad naman napabutong hininga si Mommy.
"I dont know. Malalaman mo ngayung weekend. Basta sa
ngayun, iwsan mo munang maglabas-labas. Mahirap na... baka makuyog ka ng mga
reporters." sagot ni Mommy. Malungkot naman akong napatango.
Chapter 427
JEANN POV
Kaagad kong sinunod ang payo nila Mommy at Daddy na huwag
munang maglalabas-labas para makaiwas sa kung ano pang issue. Ilang beses din
akong tinawagan ni Lucas pero lahat iyun ay hindi ko na sinagot. Parang gusto
kong iwasan na muna siya para hindi na lalala pa ang kontrobersiya sa pagitan
naming dalawa.
Tahimik ako habang tinatahak namin ang daan patungo ng
mansion. Weekend at nakatakdang magkita-kita ang Villarama clan kaya hindi ko
maiwasang makaramdam ng kaba habang iniisip ko kung ano ang idadahilan ko kina
Grandma at Grandpa tungkol sa kontrobersya na kinasasangkutan ko ngayun.
Mabait naman sila Grandma at Grandpa kaya lang nakakahiya pa
rin.
Ako na riga itong pinakamalas pagdating sa pag aasawa
nasangkot pa ako sa kontrobersya. Hayssst, kainis!
Hindi ko namalayan na napalakas pala ang pag buntong hininga
ko. Kaagad ko namang napansin ang paglingon ni Mommy sa akin. Tinaasan pa ako
nito ng kilay habang kandong niya si Baby Sofia samantalang si Daddy naman ay
katabi ng personal driver at hawak niya din ang anak kong si Baby Russell.
Mga ganitong eksena ayos na talaga sa akin eh. Kahit nasa
bahay kami hindi humihiwalay kay Daddy ang anak ko kaya hindi ako hirap mag
alaga. Para na ngang sila ang tumatayong mga magulang ng dalawang bata dahil sa
maiksing panahon kaagad na din namapamahal kina Mommy ang ampon ng kapatid kong
si Kenneth na si Baby Jillian. Bunsong anak na nga talaga ang turing nila dito.
Siguro dahil
medyo matagal din na panahon na walang baby sa bahay namin
kaya ganito sila kaalaga sa bagong miyembro ng aming pamilya.
"Anong problema?" Tanong ni Mommy sa akin. Muli
akong napabuntong hininga.
"Palagay mo My, papagalitan kaya ako nila Grandpa?
Natatakot po ako eh. " sagot ko naman. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa
ni Mommy bago ito sumagot
"Bakit ka natatakot? Wala ka namang ginawang masama
diba? Hindi ka naman nakipag boyfriend sa Lucas na iyun?" tanong nito.
Kaagad akong napasimangot sa isiping hindi pa rin pala ito naniniwala sa ilang
beses kong pagsabi sa kanila na never nanligaw sa akin si Lucas at kahit na
ligawan niya pa ako, wala akong balak na sagutin iyun.
Mas lalong gugulo ang buhay ko sa taong iyun. Si Drake nga
na hindi masyadong exposed sa mga babae nagawa akong lokohin eh...kay Lucas pa
kaya na artista at napapaligiran ng magaganda at mga sexy na mga babae.
Isa pa, hindi ko type si Lucas...masyado siyang makinis
tingnan kumpara sa akin.
Mas gusto ko pa rin ang mga kagaya ni Drake na lalaking
lalaki tingnan. Iyun bang kahit saan kayo mapadpad kaya kang ipagtangol.
Muli akong napabuntong hininga.
Paano ko nga pala makakalimutan ang Drake na iyun kung
palagi ko siyang kinukumpara sa iba? Kahit na manloloko ang gagong iyun siya pa
rin ang nagmamay ari ng puso ko eh. Kahit siguro humilira pa sa harap ko lahat
ng mga gwpong lalaki sa buong mundo, hindi ko pa rin magugustuhan dahil si
Drake lang ang mahal ko.
Kung hindi lang sana ito nagloko masaya pa sana kami eh.
Dalawa na din sana ang anak namin. Hindi ko tuloy maiwasan na mainggit kay
Charlotte at Veronica. Mabuti pa sila, perfect ang pamilya nila samantalang ako
malapit ng maging deborsiyada.
"Jeann! Jeann!" napaksilot pa ako ng maramdaman ko
ang pagkalabit ni Mommy sa akin. Tulala akong napatitig dito at kaagad na
sumalubong sa paningin ko ang nagtataka nitong hitsura.
"Ano ba ang nangyari sa iyong bata ka? Bakit tulala ka
diyan? Bumaba ka na dahil nandito na tayo sa mansion. Dont tell me na wala kang
balak na bumaba ng kotse dahil hanggang ngayun iniisip mo pa rin na baka
pagalitan ka nila Grandpa at Grandma? "nagtatakang tanong ni Mommy sa
akin. Wala sa sarilng nailibot ko ang tingin sa paligid at nagulat pa ako dahil
nandito na pala kami sa parking area ng mansion. Hindi ko man lang namalayan na
nakarating na pala kami dahil siguro sa lalim ng iniisip ko.
"sorry po! Bababa na po!" sagot ko naman. Hindi na
umimik pa si Mommy bagkos nagtatanong ang mga matang tumitig ito sa akin. Pilit
ko naman itong nginitian para ipakita s kanya na ayos lang ako.
Naglalakad na kami papunta sa main door na mansion ng kaagad
kaming salubungin ng isa sa mga kasambahay. Sinabi nito na nasa Gazebo daw sila
Grandma at Granpa kaya nagpasya kami ni Mommy na doon na muna dumiretso para
bumati sa kanila.
"Good morning Dad, Mom!" narinig kong kaagad na
bati ni Mommy kina Grandma at Grandpa pagkadating namin sa Gazebo kaya gumaya
na din ako a lumapit pa nga kaming dalawa ni MOmmy sa kanila para humalik sa
pisngi.
"Mabuti naman at dumating na kayo. May mga bisita pala
kami. Kilala niyo naman na siguro ang mga magulang ni Carmela diba?"
nakangiting wika ni Grandma. Kaagad naman gumuhit ang ngiti sa labi ko. Oo
naman, kilala ko sila Lola Roxie at Lolo Jonathan. Nakiki - Lolo at Lola na din
kami sa kanila lalo na at family friend sila ng Villarama at present sila sa
lahat ng importanteng okasyon ng Villarama clan. Kaagad akong lumapit sa kanila
at binati sila sabay halik sa kanilang pisngi.
"Ito na ba si Jeann? Aba lalo yatang gumanda ah?"
narinig ko pang wika ni Lola Roxie. Hindi ko maiwasang mapangiti. Mabuti pa
ito, palagi niyang sinasabi na maganda ako. Nadadagdagan tuloy ang self
confidence ko.
"Kanino pa ba magmamana iyan kundi sa amin din! Lahat
naman ng mga apo ko ay magaganda at gwapo. Hayy ang bilis talaga ng panahon.
Parang kailan lang at heto na, isa isa na silang bumubuo ng sariling pamilya.
"narinig ko namang sagot ni Grandpa Gabriel. Lalong lumapad ang
pagkakangiti ko sa aking labi.
Kung tutuusin wala akong dugong Villarama pero hindi na
talaga iba ang turing nila sa amin. Never kong naramdaman sa tanang buhay ko na
sampid kami sa pamilya nila. Isa pa rin ito sa maraming bagay na dapat kong
ipagpasalamat. Hindi man naging successful ang pag-aasawa ko hindi naman
nagbago ang pakikitungo nila sa akin. Nasa tabi ko sila sa mga panahong
kailangang kailangan ko ng karamay noon.
Chapter 428
JEANN POV
Kaagad akong nakahinga ng maluwag ng hindi naman inungkat
nila Grandpa ang tungkol sa issue na kinasangkutan ko. Siguro dahil sa
presensya nila Lola Roxie at Lolo Jonathan.
"So, kumusta ka na? Ikaw ha, hindi ka pala umuwi kaagad
noong nag- shopping tayo. Iyan tuloy nagka-issue ka na kaagad."
nakangiting wika ni Charlotte sa akin. Nandito kami sa garden kung saan nakaupo
kami sa mahabang mesa na puno ng pagkain. Kanina pa kami nanginginain dito
habang nagki-kwentuhan. Si Veronica naman ay nasa kwarto pa daw at inaasikaso
ang mga anak samantalang ang iba pa naming mga pinsan ay nasa gilid ng pool at
abala sa pag uusap.
Ganito palagi ang senaryo kapag family day. Kanya-kanya
kaming umpukan. Nakahiwalay ang mga magulang at magpipinsan. Ibat iba ring mga
pagkain ang nakalatag sa mesa at talagang sinisigurado nila Grandma Carissa at
Grandpa Gabriel na naihahain ang lahat ng paboritong pagkain ng mga anak pati
na din ng mga apo.
"Nagyaya pa kasi si Lucas. Iyan tuloy, nakuhaan kami ng
larawan ng taong walang magawa sa buhay." hindi ko mapigilang himutok kay
Charlotte. Kaagad ko namang narinig ang malakas nitong pagtawa.
"Ayaw mo pa ba noon? iisipin ng lahat ng nakakakilala
sa iyo na naka moved on ka sa hiwalayan niyong dalawa ni Drake. Nagawa mo ng
makipag date sa ibang lalaki." bakas ang panunudyo sa boses nito habang
sinasabi ang katagang iyun. Hindi ko naman maiwasan na mapasimangot. Sana
ganoon lang kadali ang lahat. Pero hindi eh..ayaw ko din naman magbigay ng
false information at isa pa sikat si Lucas, ayaw kong makaladkad ang pangalan
ko sa kontrobersya.
"Hindi bale na lang. Hindi ko din naman type si Lucas
eh. Para kasing ang lambot niya at ang kinis. Hindi siya lalaking lalaki
tingnan. Hindi katulad ni Drake." wala sa sarili kong sagot. Lalong
lumakas ang pagtawa ni Charlotte na siyang nakakuha ng attention ng iba pa
naming mga pinsan. Kaagad ko itong sinenyasan na itikom niya ang kanyang bibig.
"Sorry...hindi ko lang maiwasan na matawa. Talaga
naman! Sa kabila ng mga pinanggagawa ng Drake na iyun, nagawa mo pa talaga
siyang isingit sa usapan natin? Love mo pa rin pala talaga siya. Sabagay,
mahirap talagang maka-moved on lalo na at mahal mo iyung tao." Nakangiti
nitong sagot. Hindi naman ako nakaimik.
"Pogi ang mga napili nating asawa. Hindi talaga
nakakaligtas sa mga makakating babae. Naransan ko din kung ano man ang
naranasan mo kung ano man ang naranasan mo ngayun, kaya lang strong ako at
mabilis lang naming nalagpasan ni Peanut lahat ng iyun.." muling wika
nito. Hindi ko namang maiwasan na mapatitig dito.
Nabalitaan ko kung ano ang nangyari sa kanila ni Peanut
noon. Isa nga iyun sa ginamit kong motivation na kahit na anong pagsubok ay
malalagpasan ko basta magiging matapang lang ako. At lalong walang pagsubok na
hindi kayang lagpasan sa tulong ng mga mahal sa buhay.
Bilib din ako kay Charlotte. Kinaya niya ang lahat ang mga
pagsubok na iyun at kita ko na ang matinding kaligayahan sa kanyang mga mata
ngayun. Hindi kagaya ko na hanggang ngayun feeling ko kulang na ang buhay ko.
Hindi ko na kayang ngumiti ng tagos sa puso. Kailan kaya ako maging masaya?
Habang buhay na lang ba akong mag iisa?
Hayyy ang lungkot siguro noon. Lalo na kung lumaki na si
Baby Russell at mag aasawa na din. Tiyak na mag isa akong mamuhay hanggang sa
mamatay ako. iisipin ko pa lang ang ganitong bagay para na akong hindi
makahinga. Naninikip ang puso ko dahil hindi ko siguro kayang mag isa hanggang
sa tumanda ako.
"Bakit ayaw mong bigyan ng chance si Drake na
magpaliwanag. Siguro naman may dahilan siya kung bakit siya nangbabe diba? Sa
nakikita ko, para naman siyang nagsisisi na eh. Panay nga ang buntot sa iyo
noong nasa mall tayo. Tsaka ikaw ang kinampihan niya noong nagkumprontahan kayo
ni Jasmine." maya-maya ay wika ni Charlotte. Blanko ang tingin na ipinukol
ko sa kanya.
Hanggang ngayun, nagtatalo pa rin ang puso at isipan ko kung
kaya ko bang patawarin si Drake. Kung kaya ko bang pakingan ang mga paliwanag
niya. Haysst, ang hirap ng ganito. HIndi ko talaga alam ang gagawin ko.
*Masakit isipin na mas mahal niya ang Jasmine na iyun
kumpara sa akin. Narinig ko mismo sa bibig niya ang katagang iyun noong
nagsasama pa kami. Nakaka-trauma at natatakot akong baka muli kong marinig sa
bibig niya kung sakaling bigyan ko man siya ng chance na mag usap kami. BAka
mamaya ang anak lang namin ang habol niya at hindi ako. Mas nakakatakot iyun.
Si Baby Russell na nga lang ang isa sa mga lakas ko para magpatuloy sa buhay
eh.
Si Baby Russell ang lahat sa akin at hindi talaga ako
papayag na malapitan siya ni Drake. Baka mahawaan ang anak ko sa ugali ni Drake
na manluluko.
"Oh my God! Nakikita mo ba ang nakikita ko? Hindi bat
si Drake iyan?
Ano ang ginagawa niya dito? Sino iyang kasama niya?"
narinig kong sambit ni Charlotte na muling nagpapukaw ng aking attention. Wala
sa sariling napatingin ako sa mga bisitang kakarating lang at kaagad na
nagsalubong ang kilay ko ng mapansin si Drake.
Hindi ko maiwasan na maikuyom ang aking kamao. Ang kapal ng
mukha ng Drake na ito na magpakita dito sa mansion. Akmang lalapitan ko sana
ito para kumprontahin ng mapansin ko ang biglang pagsalubong ni Grandpa Gabriel
at Lolo Jonathan sa kanila. Malapad ang pagkakangiti sa kanilang mga labi at
mabilis na hinawakan ang matandang lalaki na kasama ni Drake.
"Pare! Andy...Ikaw na ba iyan? Aba at akala ko matagal
ka ng hindi na nag- eexist dito sa mundo! Kumusta ka na?" narinig kong
bigkas ni Grandpa. Bakas sa boses nito ang galak.
"Pareng Gabriel... Pareng Jonathan, abat parang hindi
lang kayo tumanda ah? Iba na talaga kapag successful ang marriage. Hindi uso
ang pagtanda!" sagot naman ng bagong dating. Hindi ko maiwasang mapatingin
kay Drake na noon ay nakatitig na din sa gawi ko. Bakas sa mga mata nito ang
lungkot kaya kaagad ko itong inirapan sabay lihis ng tingin sa kanya.
Hindi ko kayang makikipag titigan kay Drake. Para akong
nalulunod na ewan dahil sa lakas ng kabog na dibdib ko.
Chapter 429
JEANN POV
"Jeann, sino iyang lalaki na kasama ni Drake? Bakit
parang closed sila ni Grandpa?"narinig kong tanong sa akin ni Charlotte.
Kaagad naman akong umiling. Hindi ko alam dahil simula ng maging mag asawa kami
ni Drake wala siyang ipinakilala sa amin na pamilya niya. Basta ang palagi niya
lang nababangit noon na ulila na siya at mag isa na lang sa buhay.
"Hi-hindi ko alam eh." sagot ko. Napansin ko na sa
kanila nakatingin ang halos lahat ng miyembro ng pamilya at lahat ay nagtataka.
Maliban na lang kay Uncle Rafael na masama ang tingin kay Drake.
Sabagay, hindi ko ito masisisi. Ayaw na din talaga niya
magkaroon ng kahit na kaunting ugnayan sa dati niyang best friend. Kakampi ko
kaya ang Uncle
ko at alam kong masama talaga ang loob nito sa kaibigan
dahil sa panluluko na ginawa sa akin. Kung baga nagkasaulian na sila ng kandila
simula noong niluko ako ni Drake.
"Anak mo si Drake? Abat, kailan pa...I mean, bakit
hindi namin alam?"
narinig kong tanong ni Grandpa na nagpagulat sa akin. May
ama si Drake? Pero bakit inilihim niya iyun sa amin? Wala sa sariling napalapit
tuloy ako kay Uncle para tanungin ito. Para kasi bigla akong kinain ng
curiosity. Simula pa lang hindi na pala naging proud sa akin si Drake dahil
never niya akong ipinakilala sa kanyang pamilya. Nagsinungaling siya sa akin ng
sabihin niya na ulila na siyang lubos.
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang kaagad na pagyaya ni
Grandpa Gabriel sa mga bagong bisita papasok sa loob ng mansion. Tulala ko
naman silang nasundan ng tingin hanggang sa nawala sila sa paningin ko.
"Uncle, Tatay ni Drake iyung matanda?" kaagad na
tanong ko kay Uncle habang nakatitig pa rin sa pintuan ng mansion. Feeling ko
lalong nadagdagan ang sakit ng kalooban ko. Simula pa lang ng pagsasama namin,
inilihim na sa akin ng manloloko na iyun ang tungkol sa pamilya niya.
"Hindi ko din alam na siya ang ama ni Drake. Ngayun ko
lang din nakita ang ama niya. Ang alam ko hiwalay ang mga magulang niya at
pareho daw walang time sa kanya hanggang sa lumaki siya at nakapatayo ng
sariling negosyo." sagot naman ni Uncle Rafael. Hindi naman ako
makapaniwala.
Grabe namang lihim iyun? Inabot ng dalawang dekada? Pero
bakit? Dahil ba hiwalay ang mga magulang niya at dahil sa galit kaya pinili na
lang ni Drake na mamuhay mag isa? Haysst, ang gulo!!!
And small coincidence. Kakilala pala ni Grandpa Rafael ang
ama niya? Kitang kita ko naman kasi ang galak sa mga mata ni Grandpa Gabriel
habang nakipag kumustahan sa bagong dating kanina.
Wala sa sariling naglakad ako pabalik kay Charlotte. Bumalik
ako ng upo sa pwesto ko at tulalang napatitig sa mga pagkain na nasa harapan
ko. Mukhang marami pa akong hindi alam sa tunay na pagkatao sa lalaking
pinakasalan ko.
Lumipas ang ilang oras. Hindi ko na mabilang kung ilang
beses na akong nagpasulyap-sulyap sa main door ng mansion. Hinihintay ko ang
paglabas ni Drake at ang ama nito pero wala talaga. Saan na kaya nakarating ang
pag uusap nila?
"Jeann, pinapatawag ka ng Grandpa mo." narinig
kong wika ni Mommy Arabella. Kagagaling niya lang sa loob dahil sinilip niya si
Baby Jillian at Baby Russell sa nursery room ng mansion kung gising na ba.
"Ba-bakit daw po? Nasa loob pa po si Drake diba?"
hindi ko maiwasang tanong. Lalo akong nakaramdam ng kaba.
"I dont know. Binanggit lang sa akin ni Grandma mo.
Nasa library daw sila ngayun kasama ang ama mo. Puntahan mo na lang."
sagot ni Mommy. Wala sariling tumayo ako at sa mahinang hakbang kaagad akong
naglakad patungo sa library.
Samut saring katanungan ang tumatakbo sa isipan ko habang
naglalakad. Ano ba ang kailangan nila at bakit kailangan pa ang presensiya ko.
Haysst naman...nakakainis! Kaka recover ko pa nga lang sa stress tapos heto na
naman. Kailan kaya matatapos itong mga pinagdadaanan ko? Kailan kaya ako
magkaroon ng peace of mind.
Pagkatapat ko sa pintuan ng library kumatok lang ako ng
tatlong beses bago ko pinihit ang seradura. Kaagad na tumampad sa mga mata ko
ang seryosong mukha ni Grandpa at Grandma pati na din si Daddy na direktang
nakatingin sa akin. Nang sumulyap ako sa kabilang bahagi, kaagad kong napasin
ang presensya ni Drake at ang ama niya.
"Hello po Grandpa. Pinatawag niyo daw po ako?"
kinakabahan kong tanong.
"Maupo ka muna Jeann. May importante lang akong
itatanong sa iyo. " sagot naman ni Grandpa. Kaagad naman akong naglakad
patungo sa tabi ni Daddy at naupo. Pigil ko ang sarili kong muling mapasulyap
kay Drake.
"A ano po ang itatanong niyo Grandpa?" kinakabahan
kong tanong. Sa tanang buhay ko ngayun ko lang ito nakitang ganito kaseryoso.
Baka pagalitan na ako nito sa mismong harap ni Drake dahil sa kontrubersiyal na
nangyari sa akin itong mga nakaraang araw.
"Ano nga ba ulit ang dahilan kung bakit mo nilayasan
noon si Drake?" si Daddy na ang nagsalita. Kaagad naman akong napaangat ng
tingin dahil sa pagkagulat. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Drake na noon ay
titig na titig pa rin sa akin. Kaagad ko naman itong sinimangutan.
"Jeann, huwag kang mahiya. Since nandito na din ang ama
ni Drake willing siyang pakinggan ang side mo para naman makastigo niya ang
anak niya.. Sige na, sabihin mo na sa amin ang dahilan mo. Dont worry, ano man
ang sasabihin mo ngayun, maiintindihan namin." mahinahon namang sabat ni
Grandma Carissa.
"Eh ano po kasi...nangbabae po siya!"
sagot ko. Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa
paligid bago binasag ?yun ni Grandpa.
"May dahilan ang apo ko Pare kaya hiniwalayan niya ang
anak mo. Kung ano man ang magiging desisyon niya, hindi namin paghihimasukan
iyun lalo na at binibigyan namin sila ng kalayaan na magdesisyon ng mga bagay
-bagay na makakapag-paligaya sa kanila" wika ni Grandpa. Kahit papaano,
kaagad akong nakaramdam ng kapanatagan ng kalooban dahil sa sinabi ni Grandpa.
Wala naman pala akong dapat na ikatakot dahil tungkol sa hiwalayan namin ni
Drake ang pag uusapan namin ngayun.
"Pero, pinagsisisihan na ng anak ko ang mga nangyari.
Katunayan nga hiniwalayan niya na ang babaeng iyun dahil niluko lang din
siya." sagot ng ama ni Drake na kaagad na nagpakuha ng attention ko.
Chapter 430
JEANN POV
Naguguluhan akong napatitig sa ama ni Drake ng marinig ko
ang sinabi niya ngayun lang. Paano niya nasabing niluluko ang anak niya ni
Jasmine? May mga bagay ba na dapat kong malaman? Kung totoosin ang Jasmine na
iyun ang isa sa mga dahilan kung bakit nararanasan ko ang ganitong kalbaryo sa
buhay ko. Hindi pa ako nakakaganti sa babaeng iyun pero sana soon!
"Aware ako sa mga kasalanan na nagawa ng anak ko sa apo
niyo Pare.. pero maniwala man kayo or hindi.... nakita ko sa anak ko ang
matinding pagsisisi at nangako na siya sa akin na magbabago na siya. Lalo na
ngayung tuluyan niya nang hiniwalayan ang babaeng iyun." muling wika ng
ama ni Drake. Hindi ko naman maiwasan na magulat. Napatitig pa ako kay Drake at
kaagad ko ding iniwas ang tingin ko sa kanya ng mapansin ko na nakatitig din
pala sa akin ang nangungusap niyang mga mata.
"Hindi ganoon kadali sa amin ang patawarin ang anak
nyo. Pasensya na po kayo pero kung ako lang ang masusunod hindi ko na hahayaan
pa na muling bumalik sa anak mo si Jeann. Masyadong sinaktan ni Drake ang anak
namin at ayaw na naming maulit pa iyun!" seryosong sagot naman ni Daddy
Kurt.
"Nasa kay Jeann na kung pagbibigyan niya ang anak mo
Pare. Hindi namin siya pwedeng pilitin kung ayaw niya na talaga. Isa pa, malaki
ang kasalanan na nagawa ng anak mo. Hindi basta-basta mabubura iyun ng simpleng
sorry lang. Kahit sino sa amin, galit diyan sa anak mo dahil sa ginawa
niya." sagot naman ni Grandpa.
"Sorry po Grandpa, Daddy Kurt! Pangako po, babawi ako
sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa ko. Basta po, bigyan niyo lang ako ng
chance na makausap muna si Jeann ng masinsinan." sagot naman ni Drake.
Kaagad ko itong pinukol ng masamang tingin. Mangangatwiran pa eh. Kahit mahal
ko siya, hinding hindi niya ako madadala sa mga ganitong klaseng drama niya.
"Sorry po....pero buo na ang loob ko. Makikipag divorce
na po ako kay Drake. " sagot ko naman. SAbay-sabay pa silang napatingin sa
akin dahil siguro sa gulat. Hindi nila marahil inaasahan ang sasabihin ko.
Since nasabi ko na, paninidigan ko na lang talaga. Wala ng
bawian at saksi silang lahat na nandito sa library kung ano ba talaga ang hatol
ko sa nasirang relasyon namin ni Drake.
"Jeann, No! Hindi ako papayag sa
gusto mo! Walang divorce na mangyayari! May anak tayo at
sana isipin mo ang kapakanan niya." sagot naman ni Drake. Kaagad ko naman
itong pinagtaasan ng kilay.
"Talaga lang Drake ha? Iniisip mo talaga ang anak
natin? Bakit noong nagluko ka at ilang gabi mo din kaming hindi inuwian, naisip
mo ba na may asawa at anak na naghihintay sa iyo? Nawala ang pangalawang anak
natin dahil sa kagaguhan mo pagkatapos ngayun, tututol ka sa gusto kong
mangyari? Ganiyan na ba talaga kakapal ang mukha mo?" galit kong sagot sa
kanya.
Sa biglang pag usbong ng galit sa puso ko, saglit kong
nakalimutan na nasa harapan ko pala sila Grandma at Grandpa. Mataas ang respito
ko sa kanila at ayaw kong nakikita nila ako sa ganitong sitwasyon. Kaya lang,
sinusubok talaga ako ng pagkakataon.
Inuubos talaga ng Drake na ito ang pasensya ko. Ano pa ba
ang kailangan niya? Bakit ba ayaw niya pa akong patahimikin kung saan pinipilit
ko na ang sarili ko na maka-moved on sa pagkabigo ko sa kanya.
"Sorry, aminado ako na naging masama akong asawa at ama
sa anak natin. Aminado ako sa mga nagawa kong pagkukulang. Pero sana naman, sa
pagkakataon na ito, bigyan mo ako ng chance na ipakita sa iyo na pinagsisisihan
ko na ang lahat. Handa kong gawin ang lahat, basta mapatawad mo lang ako
Jeann." sagot naman ni Drake. Bakas sa boses nito ang lungkot kaya kaagad
akong napaismid.
"Kung talagang pinagsisisihan mo lahat ng mga
pagkakamali mo, palayain mo na ako! Ayaw ko na Drake. Masyado ng masakit ang
mga nangyari sa atin. Mas gugustuhin ko pang mabuhay mag isa kaysa makasama ka
na alam kung hindi naman ako ang nagmamay ari ng puso mo." sagot ko naman
kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata.
Litse talaga! Ayaw ko na nga sanang umiyak eh pero heto na
naman! Muli na namang nanariwa sa isipan ko ang mga bagay na gusto ko ng
kalimutan. Hindi talaga magandang idea na palagi kong nakikita si Drake. Walang
magandang maidulot sa akin ang presensya niya.
"No! Nagkakamali ka Jeann. Mahal kita! Mahal na mahal!
Alam kong ako na siguro ang pinaka-tangang lalaki sa mundo dahil masyado akong
nabulag sa presensya ni Jasmine, pero maniwala ka man sa akin or hindi...
pinagsisishan ko lahat iyun at handa kong gawin ang lahat,
mapatawad mo lang ako." sagot naman ni Drake.
Ramdam ko sa boses niya ang
katapatan at ng titigan ko ito, kita ko na nag uumpisa na
din mamula ang kanyang mga mata. Palatandaan na nagpipigil na ito sa pag iyak.
Para namang tinusok ng libo-libong karayom ang puso ko.
Bakit parang gusto ko ng bumigay sa nakikitang paghihirap
ngayun ni Drake? Kung talagang mahal niya talaga ko, bakit late niya ng
nalaman? Bakit hinayaan niya akong saktan ng makailang ulit hanggang sa ako na
mismo ang sumuko.
Chapter 431
JEANN POV
"No! Hi-hindi mo ako mahal! Hindi ko iyan naramdaman sa
iyo Drake!" malungkot kong sagot. Kaagad namang napatayo si Drake at
akmang lalapit sa akin ng kaagad itong hawakan ng kanyang ama sa kamay.
Natigilan naman ito at nagtatanong ang mga matang tumitig sa ama. Umiling ang
ama kaya walang choice si Drake kundi ang muling bumalik sa pagkakaupo.
"I am sorry! Sa harap ng mga mahal natin sa buhay na
nandito sa harapan natin, ipinapangako ko na hindi na kita lolokohin. Na hindi
na kita sasaktan at magiging tapat ako sa iyo habang buhay!" Madamdaming
sagot ni Drake.
"Promises meant to be broken Drake.
Minsan na tayong nangako sa isat isa noong araw ng ating
kasal na
magsasama tayo sa hirap at ginhawa hanggang kamatayan pero
binigo mo ako. Niluko mo ako at hinding hindi ko makakalimutan iyun. Nakatatak
na sa puso at isipan ko ang lahat kaya saksi ang lahat ng naririto, hindi na
ako babalik sa iyo. Hindi ko na hahayaan pa ang sarili ko na masaktang muli
dahil maayos na ako ngayun. Na overcome ko na ang sakit ng kabiguan kaya sana,
huwag mo ng ipilit pa kung ano ang gusto mo! Palayain mo na ako Drake tutal,
ikaw naman ang nag umpisa nito eh." mahaba kong sagot.
"I am sorry Jeann, buo na din ang desisyon ko, kahit na
patayin mo pa ako, hindi ako papayag na ipawalang bisa ang kasal natin."
sagot naman ni Drake. Hindi ko maiwasang maikuyom ang aking kamao. Kung wala
lang sigurong ibang tao sa harap namin baka kanina ko pa ito sinugod at
pinukpok ang ulo eh. Para sana magising siya sa katotohanan na hindi na
madudugtungan pa kahit kailan ang pagsasama namin biglang isang tunay na mag
asawa.
"Kung ayaw mo, bahala ka! Basta makikipag hiwalay na
ako sa iyo para malaya mo ng maidisplay ang Jasmin mo kahit saan man kayo
magpunta!" nanlilisik ang mga matang sagot ko sa kanya. Aba, ayaw kong
magpatalo sa kanya noh...matira ang matibay dahil bukas na bukas din
aasikasuhin ko na ang pagpa-file ng divorce namin. Ayaw niyang kumilos, pwes
ako ang gagawa noon!
"Wala na si Jasmine, hiniwalayan ko na siya. Dapat noon
pa nga eh, kaya lang, bigla niyang sinabi sa akin na nagdadalang tao siya kaya
na delay." sagot nito. Kaagad naman napataas ang kilay ko dahil sa sinabi
niya.
Kanina, sinabi ng ama niya na niluko ang Drake na ito ng
Jasmine na iyun, tapos sasabihin naman ni Drake ngayun na hiwalay na sila.
Something fishy!
"Nagkunwaring buntis ang babaeng iyun para mahawakan
niya sa leeg ang anak ko kaya bilang ama...ako na mismo ang personal na
lumalapit sa inyo para makiusap na bigyan ninyo sana ng chance ang anak ko na
makapagpaliwag. Pareng Gabriel, bilang ama ni Drake, hiyang hiya ako sa ginawa
niya sa apo niyo. Kaya nga nandito ako ngayun sa harapan niyo at nakikiusap na
sana isang chance lang... hayaan niyong makausap ng anak ko ang apo niyo."
mahabang wika naman ng ama ni Drake.
Hindi ko naman maiwasan na magulat sa sinabi niya?
Nagkunwaring buntis si Jasmine? Paano niya nagawa iyun?
"Nagkunwari siyang buntis? Paano?" wala sa sarili
kong tanong.
Pakiramdam ko bigla akong nawalan ng lakas dahil sa mga
narinig. Paanong napaikot ng Jasmine na iyun si Drake?
"Paanong? Imposibleng hindi niya man lang nahalata na
fake ang pagbubuntis nya? Hindi mo ba sinasamahan ang babaeng iyun na
magpacheck up? Never mo din nakita ang tiyan niya sa loob ng ilang buwan?
"sabat naman ni Grandma. Bakas sa boses nito ang
matinding pagtataka.
"Hi-hindi ko po napapansin dahil sa loob ng mga buwan
na iyun, never na akong tumabi kay Jasmine. Iniiwasan ko na din na magkaroon
kami ng physical contact sa isat isa dahil bigla kong narealized na si Jeann po
talaga ang mahal ko!" sagot naman ni Drake.
Kaagad naman napatingin sa akin si Grandma pero kaagad akong
umiling. Kahit na ano pa ang sasabihin ni Drake ngayun, pursigido na talaga
akong
makipag hiwalay sa kanya. Wala daw physical contact eh doon
na nga siya halos umuuwi sa bahay kung saan niya itinira ang babaeng iyun eh.
Hindi niya na ako maluluko. Hanggat hindi personal na makikita ng dalawa kong
mga mata ang tiyan ni Jasmine, hindi ako maniniwala sa mga naririnig ko ngayun.
Malay ko ba kung binibilog lang ni Drake ang ulo ko.
"Sorry po! Pero ayaw ko na! Hindi ko na kaya pang
makipag balikan sa manluluko niyong anak. Patawad!" wika ko sa ama ni
Drake sabay tayo. Hindi ko na matagalan pa ang pag uusap naming ito. Para na
akong nasu- suffocate. Kapag magtagal pa ako dito baka mahimatay na ako sa
labis na tention na nararamdaman.
"Grandpa, Grandma, Dad...mauna na po ako! Maraming
salamat po dahil nainitindihan niyo ako!' sagot ko at kaagad na naglakad
palabas ng library.
Ang luha na kanina ko pa pinipigilan na lumabas ay tuluyan
ng nalaglag mula sa aking mga mata patungo sa aking pisngi. Impit akong
napaiyak habang mabilis ang hakbang palayo sa library.
"Jeann, please, mag usap tayo. Iyung tayong dalawa
lang....." natigil ako sa paghakbang ng marinig ko ang boses ni Drake.
Nagawa niya pa talaga akong sundan. Talagang umiral na naman ang kanyang
kakulitan na siyang nagustuhan ko sa kanya noon.
Lintik kasi eh...ang umpisa lang kami sa one night stand
noon tapos ito ang balik sa akin. Hindi talaga maganda ang makipag mabutihan ka
sa lalaki na walang basbas mula sa mga magulang. Basta na lang kasi akong
nagpabuntis kay Drake noon kaya ito ang naging kabayaran ngayun. Nasasaktan ako
ng todo dahil sa katigasan ng ulo ko.
Pasimple kong pinunasan ang luha sa aking mga mata bago ko
ito hinarap. Siguro ito na din ang time para magkalinawan kami. Ito na din
siguro ang time para mapagbigyan siya na mag usap kami ng masinsinan. Iyung
kaming dalawa lang at walang ibang nakakarinig.
"Ano pa ba ang gusto mong sabihin Drake? Hindi ka pa ba
pagod sa larong ito? Kailan ka ba titigil?" galit kong sigaw sa kanya.
Hindi naman nakaligtas sa mga mata ko ang lungkot na nakalarawan sa kanyang
mukha. Nagulat pa ako dahil halos inisang hakbang niya lang ang pagitan namin
at ng makalapit sa akin, kaagad itong lumuhod sa harap ko. Para naman akong
naistatwa sa kinatatayuan ko dahil sa gulat.
Chapter 432
JEANN POV
'Never akong mapapagod! Hinding hindi ako susuko hanggang sa
makamit ko ang kapatawaran mo." sagot nito sa akin. Lalo namang hindi ko
napigilan ang aking pagluha.
Kung ganoon lang sana kadali ang magpatawad ginawa ko na
sana. Pero paano? Masyado ng maraming nangyari at masyado na akong nasaktan.
HIndi ko na talaga kaya pang magtiwala sa kanya.
"Kaya naman kitang patawarin kung gugustuhin ko Drake
eh. Pero may kapalit iyun dahli wala ng libre ngayun sa mundo. Ayusin mo ang
divorce natin at kakalimutan ko na kung ano man ang mga pasakit na naranasan ko
sa iyo." sagot ko. Mula sa pagkakaluhod kaagad itong napatingala siya sa
akin habang bakas na ang luha sa kanyang pisngi. Para namang tinutusok ng libo-
libong karayom ang puso ko dahil sa nakikita ko sa kanya.
"Jeann, pwede bang iba na lang ang hilingin mo? Kaya
kong ibigay lahat ng gusto mo, huwag ka lang makipag hiwalay sa akin ng
tuluyan. Hindi ko kaya. Hindi ko na kaya pang mawala ka sa akin." sagot
nito. Kaagad naman akong umiling.
"Hindi kaya pero nagawa mo akong lokohin? Ang sakit ng
ginawa mo sa akin Drake! Hindi mo ako masisisi kung ito ang naging desisyon ko.
Kasalanan mo ang lahat! Hindi ka nakontento sa akin noon." umiiyak kong
sagot sa kanya. Hindi naman ito nakaimik pero bakas sa mga mata nito ang pait.
"Divorce lang ang susi kung gusto
mong magkaroon tayo ng katahimikan.
Hindi ko na kaya pa ang lahat Drake.
Kung masakit sa iyo ang mga nangyari, mas masakit sa akin
iyun. Ako ang naluko! Ako ang nawalan ng anak. Kaya tama na please...tumigil ka
na!" sagot
ko naman habang tuloy tuloy ang pagpatak ng luha sa aking
mga mata. Nag uumpisa na ding manikip ang dibdib ko dahil sa sobrang sama ng
loob na nararamdaman ko.
"Hindi mo na ba ako mahal Jeann? Bakit ba ang hirap
mong pakiusapan? Hindi ka naman dating ganiyan! Hindi naman ganiyan katigas ang
puso mo! " sagot nito.
"Lahat ng tao nagbabago kapag masyado ng nasakan. Lahat
ng pag intindi binigay ko sa iyo Drake. Sa iyo lang umikot ang mundo ko noon
kaya hayaan mo sana ako ngayun. Hindi ko na kaya pang bumalik sa iyo dahil sa
tuwing nakikita kita, lalong nananariwa sa isipan ko lahat ng mga panluluko na
ginawa mo sa akin."
umiiyak kong sagot.
"I know! Nagkamali ako! Isang chance lang ang hinihingi
ko Jeann. Isa lang!!! Hiniwalayan ko na si Jasmine. Wala ng balakid sa
pagsasama natin. Babawi ako Jeann. Pipilitin kong maging masaya ang pamilya
natin. Hindi na ako titingin pa sa ibang mga babae. Please, isa pang
pagkakataon...isa na lang at kapag magkasala ulit ako, pwede mo na akong
talikuran habang buhay." sagot nito. Kitang kita ko ang sunod sunod na
pagptak ng luha sa kanyang mga mata. Kaagad naman akong umiling.
"Sorry, hindi ko kaya. Hindi na kita gusto!" sagot
ko at tuluyan na siyang tinalikuran. Mabilis ang hakbang ko paalis pero nagulat
na lang ako ng maramdaman ko ang pagyapos nito mula sa likuran ko. Para namang
biglang naninigas ang buo kong katawan dahil sa pagkagulat.
"Jeann, Love, hindi ko kaya! Mahal kita at ayaw kong
mapunta ka sa ibang lalaki." wika nito habang ramdam ko ang higpit ng
pagkakayakap niya sa akin. Para naman akong naistatwa sa kinatatayuan ko. Hindi
ako nakaimik.
"Kung kinakailangang gumawa ako ng dahas para muli kang
bumalik sa akin, gagawin ko Jeann. Hindi ako papayag na tuluyan kang mawala sa
akin.." muling bulong nito. Ramdam ko sa boses niya ang pagiging seryoso
kaya hindi ko maiwasang mapalunok ng sarili kong laway. Para ko namang nalulon
ang dila ko dahil hindi na ako nakasagot pa sa kanya.
"Alam kong hindi mo na ako mahal kaya ganoon na lang sa
iyo kahirap na muli akong pagkatiwalaan. Pero hindi ako papayag na mapunta ka
sa ibang lalaki. Mag asawa pa rin tayo sa batas ng tao at Diyos at ako lang
dapat ang mahalin mo." muling bigkas nito. Napakislot pa ako ng maramdaman
ko ang mainit nitong hininga sa aking leeg.
"Isa ba iyang pagbabanta Drake? Ganiyan ka na ba
kawalang hiya para sabihin sa akin ang tungkol sa bagay na iyan?" sagot ko
naman habang pilit na nagpupumiglas mula sa mga bisig niya. Kaagad naman ako
nitong binitiwan kaya mabilis akong naglakad paalis. Para kasing bigla akong
kinabahan sa sinabi ni Drake ngayun. May gusto siyang ipahiwatig na hindi ko
maarok.
"Tandaan mo Jeann. Akin ka lang! Kung kinakailangan na
papatay ako ng tao para muli kang bumalik sa akin gagawin ko!" muling
bigkas nito pero hindi ko na binigyan pa ng pansin. Hindi mamatay tao si Drake
kaya malabo ang sinasabi niya. Tinatakot niya lang ako!
Chapter 433
JEANN POV
"Ayos ka lang ba?" kaagad akong napaangat ng
tingin ng marinig ko ang boses ni Veronica. Pagkatapos ng pag uusap naming
dalawa ni Drake dito sa likod ng mansion ako dinala ng aking mga paa para
makalanghap ng sariwang hangin.
Nakakaramdam na din kasi ako ng paninikip ng dibdib dahil sa
matinding tension na nararamdaman ko kanina. Pakiramdam ko, nahihirapan na
akong huminga kaya kaagad akong naghanap ng lugar kung saan pwede akong
makalanghap ng sariwang hangin at itong likurang bahagi ng mansion ang napili
kong lugar puntahan para makapag muni-muni na din.
"O-okay lang ako. Masyado lang akong na stress sa pag
uusap naming dalawa ni Drake kanina." sagot ko.
Isang mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa bago
muling nagsalita si Veronica.
"Magiging maayos din ang lahat. Kasama sa buhay natin
ang napakaraming pagsubok kaya huwag kang panghinaan ng loob Jeann. Nandito
lang kaming mga mahal mo sa buhay na handang umalalay sa iyo at kung ano man
ang magiging desisyon mo, ibibigay namin ang buo naming suporta sa iyo."
nakangiting wika ni Veronica. Pigil ko naman ang sarili ko na muling maluha.
"Sa palagay mo ba magiging masama akong ina kay Baby
Rusell kung sakaling tuluyan ko syang ilayo sa ama niya?" mahina kong
tanong.
"I dont know! Masyado pang bata ang anak mo para
maintindihan niya ang nangyayari sa inyong dalawa ni Drake. Ikaw ang Ina at
nasa iyo ang lahat ng karapatan para magdesisyon kung ano
ang mas makakabuti sa anak mo. Pero Jeann, payong kaibigan
lang, dapat maging handa ka rin sana kung sakaling dumating ang panahon na
hahanapin ng anak mo ang ama niya." mahaba nitong sagot. Wala sa sariling
napatitig ako kay Veronica.
Parang bigla kasi akong sinampal ng katotohanan. Tama ito,
darating at darating ang time na maghahanap ng ama ang anak ko at ngayun pa
lang dapat ko ng paghandaan iyun. Habang lumalaki si Baby Russell, magiging mas
kumplikado ang lahat kung sakaling ngayun pa lang, iiwas ko na siya sa kanyang
ama.
Hindi ko maiwasang mapapikit. Napakahirap ng sitwasyon ko
ngayun. Gustuhin ko mang maging makasarili pagdating sa kustudiya ng anak namin
ni Drake natatakot naman ako sa posibleng maging consequences nito sa
hinaharap. Minsan lang maging bata at
kapag hindi ko hahayaan si Baby Russell na maka-bonding niya
ang kanyang ama hanggang sa paglaki niya, baka ako pa ang lumabas na masama.
"Hindi ko na talaga alam kung ano
ang gagawin ko. Gulong gulo na ang isipan ko sa mga nangyari
sa buhay ko.
Gusto ko lang namang makalimot pero bakit ayaw pa rin akong
tantanan ni Drake? BAkti ayaw niya pa rin akong patahimikin?" sagot ko
naman. Kaagad
ko namang naramdaman ang
paghawak ni Veronica sa kamay ko kaya napatitig ako sa
kanya.
"Kailangan mong timbangin ang sarili mong nararamdaman
Jeann. Hindi porket galit ka ngayun hindi mo na kayang patawarin pa ang taong
nanakit sa iyo. Kung gusto mong magkaroon ng katahimikan ng kalooban, matuto ka
din minsan magpatawad." sagot nito
"Ibig mo bang sabihin. patatawarin ko si Drake? Kahit
na sinaktan niya ako noon? Kahit na siya ang dahilan kaya nakunan ako
noon?" sagot ko kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata.
"Hindi kita pwedeng utusan sa kung ano ang pwede mong
gawin. Pero sana, piliin mo ang landas kung saan ka maging masaya Jeann.
Mahirap mabuhay kapag puro galit ang pinapairal sa puso. Kasama na sa buhay
natin ang napakaraming pagsubok na dumating kaya dapat lang na maging handa
tayo sa lahat ng oras." muling bigkas nito kasabay ng pagbitaw niya sa
kamay ko. Tipid niya akong nginitian bago ito dahan-dahan na naglakad palayo sa
akin. Nasundan ko na lang siya ng tingin.
Nang muli akong mapag isa, hindi ko mapigilang mapatitig sa
kawalan. Samut saring mga bagay ang gumulo sa isipan ko kaya naman nagpasya na
akong bumalik sa loob ng mansion. Sakto naman dahil papasok ako ng mansion
siyang paglabas naman ni Drake kasama ang ama nito. Parehong malungkot ang
kanilang mga awra kaya kaagad akong nag iwas ng tingin ng mapansin ko na pareho
silang napatitig sa akin.
"Iha, hindi pa kita masyadong kilala pero alam kong
mabait kang bata. Sana maging maayos na ang lahat para naman may pagkakataon na
din akong masilayan ang apo ko." Malungkot na wika ng ama ni Drake.
Napatigil naman ako sa paghakbang at hindi ko maiwasang mapatitig kay Drake na
noon ay kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata habang nakatitig din sa akin.
"Sorry po, alam kong nagiging madamot ako kapag si Baby
Russell ang pag uusapan. Masakit man sa akin ang mga nangyari, pero kung gusto
niyo po talagang makita ang apo niyo, pagbibigyan ko po kayo." sagot ko.
Tama si Veronica, para sa kapakanan ni Baby Russell handa
akong mabigay ng daan kay Drake para maging ama nito. Papayag akong makasama
niya ang anak namin dahil gusto kong bigyan ng masayang childhood memories ang
bata. Minsan lang dumaan sa pagiging bata kaya ibibigay ko kung ano ang pinaka
the best para sa anak ko.
"Talaga Jeann? Pumapayag ka na makita namin at makasama
ang anak ko? God! Thank you very much! Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya
ngayun." sabat naman ni Drake at nagmamadali pa itong naglakad palapit sa
akin. Hinawakan ako nito sa kamay kasabay ng pagdampi ng labi niya sa kamay ko.
Wala sa sariling nahila ko ang kamay ko dahil sa pagkataranta.
"Ikaw pa rin ang ama niya kaya may karapatan ka sa
kanya. Pagod na akong magalit Drake! Masyado ng masakit sa dibdbi ang mga
nangyari sa atin at gusto ko ng maka-moved on." malungkot kong sagot.
Chapter 434
DRAKE POV
Sa totoo lang, nawawalan na ako ng pag asa pa na makuha kung
ano ang nais ng puso ko. Sa nakikita kong galit sa mga mata ni Jeann alam kong
malabo talagang mapatawad ako nito. Pagsisisihan ko man lahat ng mga
pagkakamali na nagawa ko sa kanya, huli na. Naging bato na ang puso niya at
hindi ko siya masisisi tungkol sa bagay na iyun.,
Wala namang nangyari sa pag uusap kaya kaagad na din kaming
nagpaalam ni Daddy sa mga Villarama. Ayaw pa nga sanang pumayag ni Grandpa
Gabriel pero nag insist na din akong umalis na. Maaaring welcome ang ama ko sa
bahay na ito pero kabligtaran iyun sa akin. Wala akong lugar sa mansion na ito
dahil halos lahat ng mga taong nasa paligid ay galit sa akin. Kasama na doon
ang mga kaibigan ko lalong lalo na si Rafael.
"Pwede kayong magpa iwan dito Dad para makasama mo pa
ang mga kaibigan mo! Susunduin ko na lang kayo mamaya." sagot ko at kaagad
tumayo. Buong galang akong yumukod sa lahat bago ako nagmamadaling naglakad
patungo sa pintuan ng library. Napahinto lang ako sa pagpihit ng seradura ng
pintuan ng marinig na ang sinabi ni Daddy.
"Mauna na ako sa iyo Pareng Gabriel. Babalik na lang
ako sa susunod na araw para makipag kumustahan sa inyong lahat." wika
nito. Lalo naman akong nakaramdam ng lugkot lalo na ng marinig ko kung paano
pigilan ni Grandpa Gabriel si DAddy na mag stay muna ng kahit ilang oras para
makapag kumustahan sila. Pero nanindigan si Daddy na mas kailangan ko daw ng
karamay.
Pagkatapos ng ilang beses na pagpaalamanan, sabay na kami ni
Daddy lumabas ng library. Sobrng lungkot ng puso ko pero wala akong choice
kundi tanggapin iyun at magpakatatag. Hindi pa katapusan ng mundo at alam kong
dadating din ang oras na muli kong makasama si Jeann at ang anak namin.
Palabas na kami ng mansion ng sa hindi inaasahan
nakasalubong naman namin ang babaeng inaasam ko na mayakap muli. Si Jeann
namamaga ang kanyang mga mata at alam kong galing ito sa matinding pag iyak.
Pigil ko naman ang sarili ko na yakapin ito dahil baka ma- mis interpret niya
at lalo siyang magalit sa akin.
Akala ko nga ayaw na nitong makausap kami pero nagulat ako
dahil sa ilang palitan ng salita nila ni Daddy, bigla itong pumayag na makita
namin ang anak ko. Siguro nga lucky charm ko si Daddy ngayung araw dahil bigla
nitong napa-lambot ang puso ni Jeann.
"Ikaw pa rin ang ama niya kaya may karapatan ka sa
kanya. Pagod na akong magalit Drake! Masyado ng masakit sa dibdib ang mga
nangyari sa atin at gusto ko ng maka-moved on."
maungkot na sagot nito bago nya kami sinabihan na sundan daw
siya.
Maghintay lang daw kami sa harden at kukunin niya daw ang
anak namin para makilala ni Daddy. Bago tumalikod si Jeann hinawakan ko pa ito
sa kamay para makapag pasalamat.
"Jeann, thank you so much! Hindi mo lang alam kung
gaano ako kasaya ngayun." seryoso kong wika sa kanya. Naramdaman ko pa ang
dahan-dahan na pagbawi niya sa kamay niya na hawak ko kaya kaagad ko na din
itong binitawan.
"Pumapayag ako na makita mo ang anak natin hindi dahil
gusto kong pagbigyan ka. Ginagawa ko ito dahil gusto kong mabigyan ng masayang
childhood memories ang anak natin. Ayaw kong maging makasarili. Hindi man
magiging maayos ang relasyon nating dalawa, gusto kong iparamdam sa anak natin
na may kumpleto siyang mga magulang habang lumalaki siya." sagot nito.
Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
Ano man ang maging katwiran niya ngayun, umaasa ako na sana
ito na ang umpisa para magkabati ulit kami.
Gustong gusto ko na talaga silang makasama at maiparamdam sa
kanya na sila na lang ang mas mahalaga sa akin at wala ng iba. SA lahat ng mga
kasalanan na nagawa ko, gusto kong ipakita sa kanya na pinagsisisihan ko ang
lahat -lahat.
"Dito lang kayo. Kukunin ko lang ang bata." wika
nito at nagmamadali ng tumalikod. Nasundan ko na lang ito ng tingin.
Habang naghihintay kami ni Daddy, kaagad naman kaming
nilapitan ni Rafael at ang byanan kong babae na si Mommy Arabella. Seryoso ang
kanilang mga mukha pero hindi na ako nagpaapekto pa.
"Good morning po Mommy!" bati ko pa sa kanya.
Narinig ko pa ang pagtikhim ni Daddy kaya kaagad ko itong ipinakilala sa
kanila.
"Ang ama ko nga pala. Si Daddy Andy... DAd, si Mommy
Arabella po, Mommy ni Jeann at ang best friend ko naman na si Rafael. Bunsong
anak po siya nila Grandpa at Grandma." pagpapakilala ko. Game naman na
kaagad na naglahad ng kamay si Daddy sa kanila na kaagad naman nilang
tinanggap. Masakit din kasi sa akin kung sakaling tangihan nila ang pakikipag
kamay ni DAddy. Tao kaming pumunta dito at nagpapasalamat pa rin ako dahil
kahit na alam kong galit sila sa akin, maayos pa rin ang kanilang pakikiharap.
"Nice to meet you too. Ako ang ina ni Jeann at
malungkot sa amin ang ginawa ng anak nyo kaya hindi mo naman siguro kami
masisisi kung bakit galit kami kay Drake." prangkang wika Mommy Arabella
kay Daddy. Kaagad naman akong napayuko.
Sa totoo lang, nahihiya talaga ako sa mga nangyari. Ngayun
ko lang din narealized kung gaano ako kawalang kwentang tao. Kung maibabalik ko
lang ang lahat, hinding hindi na talaga ako gagawa ng kaparehong kasalanan.
"Sorry Mom! Kasalanan ko po at alam kong hindi sapat
ang salitang sorry sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa ko. Pero sana hayaan
niyo po akong ipakita sa inyo ang pagsisisi ko." Nagpapakumbaba kong
sagot.
"Binigo mo kaming lahat Drake. Hindi ka naging tapat sa
anak ko. Kung ako lang ang masusunod, ayaw ko na sanang makita pa kahit na ang
anino mo. Sinaktan mo ang anak ko na walang ibang ginawa kundi ang mahalin
ka." wika naman ni Mommy Arabella. Lalo naman akong napayuko dahil sa
nararamdaman kong pagsisisi at hiya.
Chapter 435
DRAKE POV
"Saksi ako sa pagsisisi at paghihirap ng kalooban ng
anak ko ngayun. Ang pagtanggap niyo sa amin dito sa mansion ay isang malaking
bagay na sa amin. Ako na mismo ang humihingi ng kapatawaran sa inyo sa lahat ng
mga nagawang pagkakasala ng anak ko." nagpapakumbaba namang sabat ni
Daddy.
Mabuti na lang talaga at sinamahan niya ako dito sa mansion.
Presensya niya ang dahilan kung bakit hindi ako masugod ni Rafael. Kung hindi
ko siguro siya kasama ngayun, baka kanina pa ako nakahiga sa lupa. Baka kanina
pa ako nabugbog ng besf friend ko.
"Tingnan natin kung hanggang saan ang tiyaga ng anak
mo. Kung ano man ang magiging desisyon ng anak namin, hindi namin iyun
pakikialaman.
Patatawarin man ni Jeann si Drake or hindi, hindi namin iyun
panghihimasukan." sagot naman ni Mommy Arabella. Hindi ko naman maiwasan
na mapangiti. Ibigi sabihin nito, kailangan kong magfucus kay Jeann para muli
siyang bumalik sa akin.
Wala ng problema sa mga inlaws ko. Kailangan ko talagang
gumagawa ng paraan para muling mahulog ang loob sa akin ni Jeann.
"Pwede ka bang makausap?" naputol lang ako sa
aking pagmumuni-muni ng marinig ko ang boses ng kaibigan kong si Rafael. Kanana
pa pala ito tahimik kaya naman kaagad na akong tumango
"Sumunod ka sa akin. May sasabihin lang ako sa
iyo." malamig na wika nito. Halata pa rin sa boses nito ang galit sa akin
pero hindi ko na binigyang pansin pa. Masaya na ako sa isiping kaunting kaunti
na lang, alam kong mapapatawad din ako ng mga magulang ng asawa ko. Si Jeann na
lang talaga ang dapat kong pagtoonan ng pansin.
Nagpatiuna ng naglakad palayo si Rafael kaya kaagad ko itong
sinundan. Pagkarating sa likurang bahagi ng mansion huminto ito sa paglalakad
kaya kaagad akong tumayo sa tabi nito. Nagulat na lang ako dahil mabilis itong
humarap sa akin kasabay ng pagtama ng kanyang kamao sa aking panga.
Malakas ang sapak na natamo ko kay RAfael na siyang dahilan
na kaagad kong pagkatumba. Sandali pa nga akong nakaramdam ng paghilo dahil
nakaramdam ako ng pag ikot ng buong paligid.
"Kulang pa iyan sa ginawa mo sa pamangkin ko! Kung
hindi lang sa presensya ng ama mo kanina, baka kanina ka pa nanghiram ng mukha
sa aso eh! Hindi sana kita hahayaan na makapasok ng mansion." galit na
bigkas ni Rafael. Wala akong plano labanan ito kaya naman kaagad akong
humingi ng dispensa sa kanya.
""Sorry Bro! HIndi kita masisisi kung hanggang
langit ang galit mo sa akin ngayun dahil sa mga katangahan kong nagawa. Pero
maniwala ka man sa akin or hindi, labis ko na akong nagsisisi sa lahat ng mga
pagkakamali na nagawa ko." sagot ko naman.
"Nagsisisi? Sa palagay mo ba ganoon lang kadali para
paniwalaan ka? Halos mamatay si Jeann dahil sa mga panluluko mo sa kanya!
Pinagkatiwalaan kita! Itinuring na kitang parang kapatid pero bakit mo nagawa
ang lahat ng iyun?" galit na sagot ni Rafael. Ramdam ko sa boses nito ang
galit kaya kaagad akong napatitig sa kanya.
"Pwede mo akong saktan ngayun. Pwede mo din akong
patayin kung iyan ang paraan para gumaan ang pakiramdam mo. Hindi ako lalaban
Bro. Patawarin niyo ako! Nagkamali ako!" sagot ko naman kasabay ng
pagpatak ng luha sa aking mga mata.
Katulad sa pagka-miss ko kay Jeann, sobrang na miss ko na
din ang mga kaibigan ko. Hindi katulad ng dati ang trato nila sa akin hindi
lang ni Rafael kundi na pati din nila Peanut at Arthur at dahil doon, masyadong
masakit sa akin ang lahat-lahat. Parang magkapatid na ang turingan namin at
magkasama kami noon sa kasiyahan at mga kalokohan.
"Kung talagang nagsisisi ka sa lahat ng mga pakakamali
mo, ipakita mo sa amin iyun. Hindi lang sa salita Drake." sagot naman ni
Rafael. Hindi ako nakaimik kaya muli itong nagsalita.
"Ibalik mo ang dating Jeann! Mahalin mo siya ng buong
puso at huwag mo na siyang paiyakin." sagot nito. Para namang may kung
anong bagay ang biglang humaplos sa puso ko. Para akong batang hindi
mapigil-pigil ang
pagluha. Never akong umiyak dati pero ngayun, bakit parang
napaka- emotional ko. Dahil ba ramdam ko na sarili ko na hindi naman pala ako
kayang tiisin ng best friend ko sa kabila ng mga pagkakamali na nagawa ko?
"Bro...promise! Siya lang at hindi na ako titingin sa
ibang babae. Babawi ako sa kanya..mahal ko siya..Mahal na mahal ko si
Jeann!" sagot ko naman sa kabila ng patuloy na pagluha. Kung may iba lang
sigurong makakita sa amin ngayun, baka kanina pa tumaas ang kilay. Nakasalampak
kasi ako dito sa sahig at parang batang inagawan ng laruan na lumuluha.
"Okay....asahan ko iyan. Pero once na muli mo kaming
biguin Drake, ako na mismo ang gagawa ng paraan para tuluyan ka ng layuan ni
Jeann."sagot ni Rafael kasabay ng paglahad ng kanyang kamay sa akin.
Kaagad ko iyung tinangap kaya mabilis niya akong inalalayan na makatayo.
Tinapik pa ako nito sa balikat bago niya ako iniwanan dito sa likod ng mansion.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako nagmamdaling
bumalik kung saan ko iniwanan si Daddy. Bago pa ako nakalapit sa kanila, kaagad
na gumuhit ang galak sa puso ko ng mapansin ko na yakap-yakap na ni Daddy ang
anak namin ni Jeann.
Chapter 436
JEANN POV
Medyo natagalan ako na makabalik ng harden dahil nanghingi
pa ako ng approval kina Grandma at Grandpa kung pwede ko bang ipakita si Baby
Russell kay Drake at sa ama nito. Sinabi ng mga ito na nasa akin ang lahat ng
desisyon at kung ano man ang magiging pasya ko nasa likuran ko lang daw sila
para suportahan ako na labis kong ipinagpasalamat.
Kinausap ko din si Daddy Kurt tungkol sa desisyon ko pero
sinabi nitong kay Mommy daw ako magpaalam dahil wala naman daw problema sa
kanya. Mas gustuhin daw niya na makilala ni Baby Russell ang kanyang ama habang
lumalaki siya para naman maramdaman ng bata na may kumpleto siyang pamilya.
Hinanap ko si Mommy Arabella pero hindi ko na ito nakita kaya nagpasya na akong
bumalik ng garden dahil baka naiinip na sila Drake sa paghihintay sa akin.
Karga ko si Baby Russell habang naglalakad ako pabalik sa
hardin. Wala naman akong pagtutol na naramdaman sa kalooban ko sa desisyon kong
ipakita sa kanila ang bata. Mas mabuti na din siguro ito dahil alam karapatan
pa din naman ng anak ko na makilala at makasama niya ang kanyang ama.
Pagkadating ko sa hardin kung saan pansamantala kong iniwan
sila Drake at ang ama nito hindi ko na naabutan pa si Drake. Bagkos naabutan ko
si Mommy Arabella na seryosong kausap niya ang ama ni Drake. Kaya pala hindi ko
siya mahanap-hanap dahil nandito pala siya sa garden. Nag aalala pa nga ako
noong una na baka tinarayan niya ang ama ni Drake pero nang marinig ko na
nagkatawanan pa silang dalawa kaagad naman akong nakahinga ng maluwag.
"Oh, nandito na pala si Jeann." narinig ko pang
sambit ni Mommy kaya kaagad na napalingon sa gawi namin ang ama ni Drake.
Actually, byanan ko pala siya dahil kasal pa rin naman ako sa anak nila pero
awkward naman sa panig ko na tawagin itong Daddy gayung hindi na maayos ang
relasyon ko sa anak niya.
"Siya na ba ang apo ko? Ang cute na bata!" narinig
kong bigkas nito at nagmamadaling naglakad palapit sa amin. Napansin ko pa ang
pagtulo ng luha sa kanyang mga mata habang mahigpit na niyakap si Baby Russell.
Takang taka naman ang anak ko na napatingin sa akin kaya kaagad kong hinaplos
ito sa likuran niya habang yakap pa na siya ng kanyang Lolo.
"Its okay Baby! Siya ang Lolo mo. Give him a hug. He
loves you!" mahina ko pang bigkas para naman hindi mabigla ang anak ko sa
kung sino ang bagong mukha na nasa harap niya.
"Ang pogi ng apo ko! Ang cute niya! Mana sa Lolo!'
narinig ko pang bigkas ng Daddy ni Drake. Hindi ko tuloy mapigilan na
mapatingin kay Mommy at kita ko ang pag ismid nito. Hindi ko naman maiwasan na
mag alala na baka magalit ito sa akin dahil hindi ako nakapag paalam sa kanya
tungkol sa desisyon ko.
"Mom!" sambit ko pa kaya napatingin din ito sa
akin. Sininyasan pa ako nito na sumunod daw ako sa kanya kaya napatiitig pa ako
sa anak ko na yakap pa rin ng kanyang Lolo at ng masiguro ko na palagay na ang
loob ni Baby Russell sa Lolo nya kaagad na akong sumunod kay Mommy.
"Mom! sorry! Galit po ba kayo sa akin dahil pinayagan
ko sila na makita si BAby?" kaagad kong bigkas ng huminto ito sa
paglalakad. Kilala ko si Mommy, kaunting pagkakamali nagagalit ito kaagad! Lalo
tuloy akong
kinabahan ng hindi ito umimik.
"Sorry po. BAgo ko ibinaba si Baby Russell, nagpaalam
ako kina Grandma at Grandpa. Pati na din kay Daddy. Pumayag sila. Hinanap kita
kanina para sana magpaalam din sa iyo pero hindi kita nakita." Muling wika
ko. Kaagad itong humarap sa akin at saglit pa akong kinabahan dahil nakataas na
ang dalawa nitong kilay. Mukhang hindi talaga ito masaya sa naging desisyon ko.
"Narinig mo ba ang sinabi kanina ng ama ni Drake?
Kamukha niya daw ang apo ko! Kanino sya kumuha ng lakas ng loob para sabihin
ang katagang iyun sa mismong harapan ko!" wika nito na kaagad ko naman
ikinagulat. Parang gets ko na ang ibig nitong sabihin. Huwag niyang sabihin na
nagseselos siya sa Tatay ni Drake? Sabagay, unang apo nila si Baby Russell at
nakita ko talaga kung gaano nila kamahal ang anak ko.
"Mom naman! Maliit na bagay! Baka naman sa sobrang tuwa
niya kaya nabanggit niya ang katagang iyun. Wala naman akong nakitang mali sa
sinabi niya." sagot ko naman. Kaagad naman itong umiling.
"Anong maliit na bagay? Jeann, tayo ang kamukha ng anak
mo kaya pagsabihan mo iyang byanan mo ha?" wika nito kaya hindi ko
maiwasang mapangiwi. Itong mga katwiran ni Mommy minsan wala sa lugar eh.
Nagseselos sa isang bagay na hindi naman dapat. Kung hindi ko lang kilala ang
ugali nito, baka iisipin kong pinagtitripan ako nito eh.
"Mom, kahit sino pa ang kamukha ni Baby Russell hindi
pa rin mababago ang katotohanan na apo niyo siya! Walang dapat ipagselos dahil
kung unang apo niyo si Baby Russell, ganoon
din ang Daddy ni Drake." sagot ko.
Hayyy si Mommy talaga! M*****a na may pagka childish pa!
Buti na lang talaga at mahaba ang pasensya ni Daddy. Napagtatiyagaan niya ang
ugali nito.
"Ayy ewan! Basta hindi ako papayag ha? Tsaka diba
hiwalay kayo ni Drake? Kapag hiramin nila si Baby Russell dapat kasama kami sa
pag uusap." sagot nito. Tumango na lang ako para matapos na ang usapan.
"Oh sige na...asikasuhin mo muna sila at babalik na ako
sa umpukan namin. Yayain mo silang kumain ha?" wika pa nito at tuluyan na
akong iniwan.
Yayain daw kumain? Eh paano kung magkagulo? Hindi pa naman
pabor si Uncle Rafael sa presensya ni Drake. Baka magkasakitan lang kung
papakainin ko pa sila. Pagkatapos nilang makumusta si Baby Russell, paalisin ko
na sila noh? Kahit apo ako ng mga Villarama, bisita din naman ako dito sa
mansion kaya wala akong karapatan na mag imbita ng kapwa ko bisita.
Pabalik na ako sa kinaroroonan ng ama ni Drake at Baby
Russell ng mapansin ko na nakabalik na si Drake at karga niya na ang anak
namin. Nag aatubili pa ako na lumapit pero hindi naman pwedeng hindi ko sila
lapitan dahil nasa kanila ang anak ko. Nagulat pa ako ng pagkalapit ko kaagad
kong napansin ang pasa ni Drake sa kanyang panga.
Chapter 437
JEANN POV
Napansin kong fresh pa ang pasa ni Drake sa kanyang pisngi
at wala iyun kanina noong iniwan ko sila dito sa garden para kunin si Baby
Russell sa nursery room.
"Ano ang nangyari diyan?" hindi ko pa maiwasang
tanong sa kanya. Tipid itong ngumiti habang titig na titig sa akin kanya kaagad
akong nailang at iniiwas ang tingin sa kanya. Mahirap pa rin pala
makipagtitigan sa taong nagmamay ari ng puso mo. Isa pa, wala akong nakuhang
sagot sa tanong ko sa kanya kaya muli akong nagsalita para naman hindi ako
mapahiya.
"Akin na si Baby Russell! Kumain daw muna? kayo!"
wika ko habang hindi ko pa rin maiwasan na mapatitig sa pasa nito sa kanyang
pisngi. Ano kaya ang nangyari sa kanya? Sino kaya ang sumapak sa kanya? Kaya ba
wala siya kanina dito dahil napaaway siya?
Haysst, bakit ba hindi niya sinagot ang tanong ko kanina?
Kahit papaano, hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng awa
kay Drake. Malaki ang kasalanan niya sa akin pero hindi din naman tama na
saktan ito physically.
"Masaya na ako dahil pinayagan mo kaming makita ang
anak ko Jeann. Pasensya ka na sa mga nangyari ha? Pasensya ka na kung masyado
na kaming nakakaabala sa iyo." sagot nito. Para namang may kirot akong
nararamdaman sa puso ko dahi sa sinabi niya. Hindi naman siya nakakaabala dahil
para naman sa anak namin ang ginagawa ko ngayun. Isa pa, nakakaramdam ako ng
gaan ng kalooban kaya alam kong tama lang itong ginawa ko.
"Ayos lang. Ang importante muli kang nakasama ng anak
natin." sagot ko naman at akmang kukunin ko na si Baby Russell sa kanya
pero kaagad itong humakbang paatras. Halatang gusto niya pa sigurong makasama
ng matagal ang anak namin at sino ba naman ako para pagbawalan siya. Binigyan
ko na siya ng chance na makasama ang anak namin kaya lubus lubusin niya na
dahil hindi ko din naman alam kung kailan ko sya mapagbibigyan ulit.
Nasa ganoon kaming sitwasyon ng mapansin ko ang paglapit ng
isa sa mga kasambahay. Pinapatawag daw kaming lahat ni Grandpa Gabriel at
naghihintay daw ito sa Gazebo. Nagpatiuna ng naglakad ang ama ni Drake kaya
sumunod na din ako.
Naramdaman ko naman ang mga titig ni Drake mula sa likuran
ko pero pilit ko na lang na hindi pinapansin.
Pagod na akong makipag bangayan sa kanya dahil feeling ko
ako din naman ang talo dahil sa huli ako pa rin naman ang iiyak. Lahat kasi ng
lumalabas sa bibig ko na masasakit na salita patungkol kay Drake ay sinasalo ng
puso ko. Nasasaktan akong nakikitang nahihirapan ang manlulukong Drake na ito
tuwing sinusumbatan ko siya.
Pagkadating ng gazebo kaagad na sinalubong ni Grandpa ang
kaibigan niyang si Daddy Andy. Daddy na lang din ang itawag ko sa kanya dahil
legal na mag asawa pa naman kami ng anak niyang si Drake.
"Ikaw na muna ang bahala kay Baby Russell. Kakain muna
ako." baling ko kay Drake. Karga-karga niya pa rin si Baby Russeell habang
hindi niya pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin. minsan nga, nagdududa na
ako sa sarili ko. Feeling ko may mali sa akin kaya ganito kung makatitig sa
akin ang manluluko kong asawa eh.
Nakakailang ang mga titig niya. Para kasing may ibig sabihin
eh. Para kasing nangungusap ang kanyang mga mata.
"Hindi mo ba ako yayayain? Gutom na din ako at isa pa,
kumikirot ang pasa sa pisngi ko." sagot nito. Hindi ko tuloy maiwasan na
makaramdam ng awa sa kanya. Saan nga ba nakuha ang pasa niya? Bakit bigla na
lang siyang nagkaroon ng pasa?
"Ano ba ang nangyari diyan?" muli kong tanong.
Curious talaga ako eh. Nahaplos niya naman ang pasa sa kanyang pisngi bago
tipid na ngumiti.
"Deserve ko ito. Kulang pa nga ito
bilang kabayaran sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa ko sa
iyo eh." sagot nito. Kaagad namang napataas ang aking kilay dahil sa
sinabi niya. Para kasing ipinapahiwatig niya na ako ang dahilan kung bakit siya
nagkapasa gayung hindi ko naman alam kung sino ang sumapak sa kanya.
"Deserved? Well, kung sino man ang gumawa niyan sa iyo,
baka may matinding galit dahil masama kang tao. Deserve mo nga iyan kaya dapat
lang na hindi ka kaawaan." nakalabi kong sagot. Narinig ko naman ang
mahina nitong pagtawa. Para bang
hindi niya naman iniinda kung ano man ang nangyari sa kanya.
Gayunpa man, gusto ko pa rin malaman kung sino ang may gawa noon.
"Sino ba kasi ang sumapak sa iyo? Saan ka ba galing
kanina?" ginamit ko ang pinaka kaswal kong boses para hindi niya mahalata
na nakakaramdam din naman ako ng awa sa kanya. Hindi ako pabor sa physical na
sakitan na pamamaraan dahil kahit na niluko ako nito noon, never niya akong
sinaktan physically. Ni sampal, hindi ko natikman sa kanya. Emotionally drained
lang talaga ako dahil sa mga panluluko na ginawa niya sa akin kaya ako lumayo.
"Huwag mo ng alamin. Hindi mo din naman ako
ipagtatangol sa kanya eh. Dont worry, malayo sa bituka ito."
sagot nito. Kaagad ko naman itong pinagtaasan ng kilay. Wala
na akong masabi. Feeling ko kasi, bigla ng nagbago ang ihip ng hangin.
Nakakaramdam ng saya ang puso ko ngayun dahil sa presensya
nya. Feeling ko, tina-traydor na ako ng sarili kong puso.
"Nakatulong talaga siguro ang sinabi niya kanina na
hindi niya naman pala nabuntis ang Jasmine na iyun. Niluko lang daw siya na
pinatutuhanan naman ng kanyang ama. Pero hindi pa rin ako kumbinsido. Malay ko
ba naman kung pinapaikot lang ako nitong si Drake para makuha niya ulit ang
loob ko. Kailangan ko pa ring makita ng sarili kong mga mata kung talagang
nagdadalang tao ba talaga ang babaeng iyun.
"Bahala ka na nga! Kung gusto mong kumain, kumuha ka ng
pagkain mo. Huwag kang mag alala, walang mang aaway sa iyo lalo na at nasa
paligid lang sila Grandpa." sagot ko sa kanya at kaagad ko na itong
tinalikuran. Wala na din akong pakialam kung susundin niya ang sinabi ko.
Bahala siya. Huwag siyang pakipot dahil may kasalanan siya sa akin. Lunukin
niya ang sarili niyang pride dahil hindi naman lahat ng mga tao dito sa mansion
galit sa kanya.
Chapter 438
JEANN POV
Bati na kayo?" kaagad na tanong sa akin ni Charlotte
pagkabalik ko sa pwesto namin kanina. Si Drake ang tinutukoy nito dahil
napansin marahil na magkasama kaming naglakad papunta dito.
"Porket magkasama bati na kaagad? Hindi ba pwedeng
sumama lang siya sa akin dito dahil nagugutom siya?" sagot ko naman at
naupo na din. Napansin kong nilapitan ni Peanut si Drake at niyaya kung saan
sila naka-pwesto ni Uncle Rafael.
"Diyan naman nag uumpisa ang lahat eh. Sa kunwari
pag-uusap pero hindi magtagal, magiging maayos din kayo." sagot ni
Charlotte. Hindi ko akalain na may pagka manghuhula din pala itong pinsan ko.
Sabagay, tama ito.
Nararamdaman ko din kasing unti-
unti ng lumalambot ang puso ko kay Drake. Lalo na ngayung
halos ayaw ng humiwalay sa kanya ang anak namin.
Sinabi niya sa akin kanina na hindi niya naman daw nabuntis
si Jasmine. Na niluluko lang din daw siya at hiniwalayan niya na daw."
sagot ko kay Charlotte. Napansin ko pa ang pagkagulat sa mukha nito bago
sumagot.
"Ha? Hindi buntis? Paano nangyari iyun? Eh mas malaki
pa nga ang tiyan niya kumpara sa akin eh." nagtataka nitong sagot.
"Fake daw eh. Pero alam mo, feeling ko nagsasabi ng
totoo iyang si Drake eh. Naalala mo ba noong namasyal tayo? Naitulak ko si
Jasmine pero nagulat talaga ako dahil parang hindi man lang siya nasaktan noong
napaupo siya sa sahig. Parang wala lang sa kanya noong tumayo na siya."
pagkiki- kwento ko. Saglit na nanahimik si Charlotte bago sumagot.
"Ahmmm, well, nagsasabi man si Drake ng totoo or hindi,
ikaw pa rin naman ang legal wife niya at nasa sa iyo ang lahat ng karapatan.
Dapat naman talaga m*****i na kayo at ikaw na mismo ang magpatalsik sa kabit
niya eh. Hindi pwedeng kabit ang palaging manaig Jeann. Dapat din nating
ipaglaban ang ating mga karapatan as a legal wife." sagot nito. Hindi ko
naman maiwasan na pagtaasan ito ng kilay.
"Tayo nga ang legal wife, pero paano naman kung hindi
na tayo mahal? Paano kung mas mahal nila ang kabit nila." malungkot kong
sagot.
"At naniwala ka naman! Hindi nila tayo pakakasalan kung
hindi nila tayo mahal. Mas magaling lang talaga humarot ang mga kabit. Ngayung
alam mo na nanloloko lang pala ang Jasmine na iyun, hanapin natin at kapag
mapatanuyan natin na hindi buntis ang bruha na iyun, dapat talaga makipag- bati
ka na kay Drake dahil kawawa ang anak niyo." sagot nito. Wala sa sariling
napatitig ako kay Drake at kita ko kung paano yumapos sa kanya si Baby Russell.
Halata sa bata ang saya habang nasa bisig ito ng kanyang ama.
"Naisip ko din naman iyan. Pero hindi mawawala sa akin
ang matakot lalo na kapag maisip ko na baka lokohin niya ulit ako. Paano kung
muli akong masaktan? Paano kung gawin niya ulit ang ginawa niya dati?"
sagot ko naman. Seryoso naman akong tinitigan ni Charlotte bago ito nagsalita.
"Iyan din ang tumatakbo sa isipan ko noong niluko din
ako ni Peanut. Ang pag ibig ay parang sugal talaga Jeann. May nananalo, may
natatalo. Kaya nga dapat marunong tayong lumaban eh. Pupuntahan ka kaya ni
Drake dito sa mansion kung sakaling hindi ka niya mahal? Susuyuin ka kaya niya
ng ganito kung sakaling wala siyang pagpapahalaga sa iyo? Magkakaroon kaya siya
ng lakas na harapin lahat ng kamag anak natin kung hindi siya seryoso?"
sagot nito. Natigilan naman ako.
Ilang beses ko ng itinaboy si Drake pero pilit pa rin siyang
lumalapit sa akin. Napapansin ko naman sa mga mata niya ang sensiridad tuwing
humihingi siya ng tawad sa akin. Talagang sarado lang ang isipan ko sa tuwing
nagkakausap kami.
Siguro dahil sa trauma na nararanasan ko sa kanya kaya
natatakot na ulit akong magtiwala. Pero tama naman si Charlotte, ano man ang
magiging desisyon ko, dapat kong isaalang- alang palagi ang kapakanan ni Baby
Russell. Hindi talaga pwede na palagi akong makipag bangayan kay Drake. Baka
maapektuhan ang paglaki ng anak namin.
"Mabait naman si Drake eh. Napansin mo ba ang pasa sa
mukha niya? Si Uncle Rafael ang may gawa niyan pero tingnan mo naman, para
namang hindi siya nagtanim ng sama ng loob kay Uncle." muling wika ni
Charlotte. Muli na naman akong napasulyap kay Drake na noon ay seryosong kausap
si Uncle pati na din si Peanut.
"Si Uncle ang may gawa sa pasa ni Drake sa
pisngi?" wala sa sarili kong tanong.
"Ang taong nagsisisi ay hindi basta magpapasapak iyan
kapag hindi talaga malinis ang intentions niya sa taong kanyang sinusuyo.
Tingnan mo nga oh... parang gusto nilang lasingin si Drake. Panay tagay ni
Uncle ng alak at panay naman inom ang tanga mong asawa." sagot ni
Charlotte. Napatayo tuloy ako ng wala sa oras at mabilis na naglakad patungo sa
tatlong magkakaibigan.
"Jeann, mabuti naman at lumapit ka din. Kunin mo muna
si Baby Russell dahil may importante kaming pag uusapan." kaagad na wika
ni Uncle ng makalapit ako. Sinimangutan ko naman ito at pigil ko ang inis ko ng
titigan ko siya.
"Uncle naman. Hindi pa kumakain si Drake eh. Bakit
parang gusto mo siyang lasingin?" tanong ko. Naramdaman ko pa ang paghawak
ni Drake sa kamay ko pero kaagad akong pumiksi. Maraming mga mata ang
nakatingin sa amin at baka kung ano pa ang isipin nila.
"This is what we called celebration! Balik ang
pagkakaibigan namin kaya dapat lang talaga may inuman na magaganap. Sige
na....kunin mo na sa kanya si Baby Russell. Ibalik mo sa nursery room dahil
inaantok na." wika ni Uncle. Pigil ko ang sarili ko na irapan ito. Wala
akong choice eh. Uncle ko siya at mataas ang respito ko sa kanya. Dinidisiplina
niya lang siguro si Drake kaya gusto niyang painumin ng alak. Hindi niya naman
siguro lalasingin.
Kinuha ko na nga si Baby Russell sa bisig ni Drake na noon
ay ayaw pa nga sanang sumama sa akin. Mabuti na lang at naniwala ang bata noong
sinabi ko na kukuha lang kami ng laruan at babalik din kaagad sa ama niya. Kung
hindi, wala talagang choice si Drake kundi ang makipag bonding sa mga kaibigan
niya habang karga-karga ang anak namin.
Chapter 439
JEANN POV
Sinamahan ko muna si Baby Russell dito sa nursery room
hanggang sa makatulog. Pabor naman din sa akin ang dalhin siya dito para naman
makapagpahinga na din muna ako kahit kaunti lang.
Dahil malawak naman ang nursery room at may dalawang
malaking kama, magkatabi kaming nahiga ni Baby Russell. Hindi ko namalayan na
napaidilip na pala ako at nagising na lang ako sa mahinang yugyog sa balikat
ko.
"Jeann, gising! Ano ka bang bata ka! Bakit mo tinulugan
ang mga pinsan mo!" narinig kong bigkas ng kung sino sa akin. Pagmulat ko
ng aking mga mata ang mukha ni Mommy ang kaagad na sumalubong sa akin.
"Mom, bakit po? Inaantok pa ako eh."
wala sa sarili kong sambit. Sa totoo lang, antok na antok pa
talaga ako at parang gusto kong matulog na lang muna.
"Ano ka bang bata ka! Kailangan mong bumaba. Lasing na
si Drake." sagot nito. Napakusot pa ako sa aking mga mata at muling
napatitig kay Mommy.
"Lasing? Bakit po siya nalasing? Kahit may pag-aaring
bar ang taong iyun hindi naman siya masyadong umiinom ah?" sagot ko naman.
Pinilit kong magpaka-kaswal sa harap ni Mommy kahit na ang totoo, kumakabog na
sa kaba ang dibdib ko sa sobrang pag aalala. Ano ba ang gustong palabasin ng
Drake na iyun? Bakit siya naglasing?
Haysst, ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Nakapag-pahinga
nga ako, kunsumisyon naman ang sumalubong sa akin pagkagising ko. Wala akong
choice kundi ang bumangon na dahil bigla din naman nawala ang antok ko.
Pasimple ko pang sinulyapan ang orasan at nagulat pa ako dahil halos alas
singko na pala ng hapon. Baka ang ibang mga Tito's at Tita's ko nagsi- uwian na
eh. Hayssst!
"Puntahan mo muna si Drake. Ako na muna ang bahala kay
baby Russell." muling wika ni Mommy. Natigilan naman ako at sinulyapan ang
baby crib kung saan natutulog kanina si Baby Jillian pero wala na ito.
"Nasaan po si Baby Jillian My?" pag iiba ko sa
usapan namin. Ayaw kong puntahan si Drake. Bahala siya. Ang lakas ng loob
niyang maglasing tapos aasa siya na aasikasuhin ko siya? NO WAY!
"Kinuha ni Kenneth. Nauna na siyang umuwi ng bahay
kasama ang girl friend niya." sagot nito. Nagulat naman ako. Kailan pa
nagkaroon-ag girl friend ang kapatid kong iyun? Pumapag ibig na din pala ang
mokong na hindi man lang nababangit sa akin.
"Girl friend? May girl friend na si Kenneth My?'"
nagtataka kong tanong. Kaagad naman itong tumango.
"Yes...nagulat din kami pero mukhang inlove ang kapatid
mo doon sa babae. Halos ayaw niyang palapitan sa mga pinsan niyong mga lalaki.
Masyadong protective sa girl friend niya." sagot nito. Kaagad namang
napataas ang kilay ko. Talaga lang ha? Sa wakas, nagka girl friend din ang
kapatid ko na pihikan pagdating sa mga babae.
"Kumusta naman ang ugali noong babae? Mapagkakatiwalaan
ba? Baka naman pangit ang ugali ha? Hindi talaga kami magkakasundo." sagot
ko naman. Kaagad naman sumiryoso ang mukha ni Mommy dahil sa sinabi ko.
"Subukan niya lang na mag attitude, ako mismo ang
puputol ng sungay niya. Nakausap ko kanina si Vina at mukhang mabait naman.
Pero hindi pa rin ako sure sa ugali niya. Baka kikilanin ko pa siya ng lubos.
Mahirap ng mapunta ang kapatid mo sa walang kwentang babae." seryosong
sagot niya. Muli pa sana akong sasagot ng muli itong nagsalita.
"Teka lang...bakit ba napunta sa kapatid mo ang pag
uusap natin. Sige na, puntahan mo na si Drake at ako na ang bahala kay Baby
Russell. Sobrang kulit na ni Drake at baka madagdagan pa ang pasa niya kapag
mainis sa kanya ang Uncle mo." balik si Mommy sa totoong pakay niya kaya
nandito siya ngayun. Hindi ko naman maiwasan na muling mapabuntong hininga.
"Kailangan ko ba talaga siyang babain? Marami namang
mga
kasambahay dito na pwedeng umalalay sa kanya ah? Bakit ako
pa gayung hiwalay na kami?" sagot ko naman. Bakit parang feeling ko,
itinutulak ako ni Mommy sa Drake na iyun? Dont tell me, kinalimutan na nila ang
pagkamuhi nila kay Drake. Dont tell me na napatawad na nila ang manluluko na
iyun?
"Jeann, huwag ka na ngang magreklamo. Hindi pa kayo
hiwalay ni Drake dahil hindi pa kayo divorce. Isa pa, wala ka na bang
natitirang kahit concern sa ama ng anak mo? Paano kung mapahamak iyung tao?
Kaya mo bang tingnan sa kabaong ang ama ng anak mo dahil pinabayaan mo
siya?"
sagot naman nito. Para namang gusto kong kilabutan sa
salitang lumabas sa bibig ni Mommy. Talagang kinu- konsensya pa ako sundin ko
lang ang sinabi niya. Wala na.
Mukhang nakuha ulit ni Drake ang
loob ng mga magulang ko.
Advance talaga itong mag isip si Mommy. Nalasing lang si
Drake tapos nasali kaagad sa usapan ang kabaong? Nakakamatay ba kapag nalasing?
Hindi naman siguro dahil malakas naman si Drake. Macho pa rin naman ang
manloloko na iyun at ang ganda pa rin ng katawan. Siguro present pa rin ang
matigas niyang abs na paborito kong haplusin noong nagsasama pa kami.
Sa isiping iyun parang gusto ko naman batukan ang sarili ko.
Kung saan saan na naman ako dinala ng imagination ko. Kung anu-ano na naman ang
naiisip ko.
Dahil sa kakulitan ni Mommy wala akong choice kundi puntahan
si Drake. Naabutan ko pa itong nakayukyok na sa mesa at halatang lasing na.
Parang gusto kong mainis dahil parang si Drake lang ang nalasing samantalang
ang mga kainuman nito na sila Peanut at Uncle Rafael ay wala man lang
kabakas-bakas na uminom sila ng alak.
"Uncle...bakit niyo naman siya nilasing? Hayssst!"
kaagad kong bigkas ng makalapit ako. Napansin ko pa ang pigil na pagngiti ni
Uncle bago nito tinitigan si Drake.
"Hindi namin siya nilasing. Nagkataon lang talaga na
mahina ang alcohol tolerance niya. Iuwi mo na iyan. Hindi siya pwede mag stay
dito sa mansion dahil uuwi kami ng resort mamaya." sagot nito.
"Iuwi? Saan ko siya iuuwi?Tsaka kasama niya ang Daddy
niya diba? Siya ang dapat mag uwi sa anak niya."
Angal ko. Bakit feeling ko para akong pinagkakaisahan ng
lahat. Bakit feeling ko itinutulak nila ako kay Drake.
"Kanina pa umuwi ang Daddy niya. Tsaka, asawa mo pa rin
naman ang gagong iyan. Bahala ka na kung saan mo siya iuwi. Pwede sa bahay ng
mga magulang mo or pwede din sa bahay niyo kung saan kayo nakatira noong maayos
pa ang relasyon niyo. BAhala ka na! Malaki ka na para magdesisyon! sagot naman
ni Uncle. Kung hindi ko lang ito Uncle, kanina ko pa ito binatukan eh. Kaya
lang Uncle ko siya kaya dapat lang na igalang ko siya.
"Naman! Kainis!" bigkas ko at kaagad kong niyugyog
sa balikat niya si Drake. Hindi man lang ito natinag at mukhang napahimbing na
ito sa pagtulog dahi sa kalasingan.
"Tulungan ka na namin na dalhin siya sa kotse. Uuwi na
din maya-maya sila Peanut kaya iuwi mo na din iyang asawa mo!" muling wika
ni Uncle Rafael at halos sabay pa silang tumayo ni Peanut. Pinagtulungan nilang
binuhat si Drake na noon ay wala ng malay. Mukhang kung saan-saan na ito dinala
ng kanyang panaginip dahil sa sobrang pagkakahimbing. Wala akong choice kundi
sundan na lang sila Uncle papuntang kotse kung saan kaagad nilang ipinasok si
Drake.
"Hindi ba pwedeng ipahatid niyo na lang siya sa driver
nyo Uncle. Wala ako sa mood na mag alaga ng taong lasing noh? Paano kung sumuka
iyan? Tsaka hindi kami okay para alagaan siya. Galit ako diyan at baka kung ano
pa ang magawa ko sa kanya eh!" muli kong angal. Umaasa ako na sana mahabag
sa akin si Uncle. Ayaw ko na sanang maglalapit-lapit kay Drake eh.
Baka mamalayan ko na naman na nasa bisig niya na ako dahil
sa traydor kong puso.
"Pwede mong gawin sa kanya lahat ng gusto mo. Ayaw mo
pa niyan, pagkakataon mo na para makaganti sa kanya kaya huwag mong sayangin
ang pagkakataon Pamangkin. Bahala ka na diyan at ako na ang magsabi kina Ate at
Kuya tungkol dito." sagot ni Uncle at nagmamadali na silang umalis sa
harapan ko. Naiwan naman akong nag aatubili pang pumasok sa loob ng kotse.
"Drake! Kainis ka naman! Bakit ka ba naglasing kung
hindi mo naman pala kayang ipagdrive ang sarili mo! Perwisyo ka talaga
eh!" sambit ko pa at kaagad na binuhay ang makina ng sasakyan.
Ihahatid ko lang si Drake sa bahay kung saan niya ako
itinara dati at aalis din kaagad ako. Wala akong balak na magtagal sa tabi niya
at alagaan siya. Kaya niya na ang sarili niya total naman kasama niya naman
siguro ang Daddy niya.
Mabilis kong pinaarangkada ang sasakyan paalis. Dahil wala
naman masyadong traffic, mabils kong narating ang bahay kung saan akala ko,
magiging tahanan ko na habang buhay. Ang bahay kung saan nabuo arig masasaya at
malulungkot na alala ng buhay ko.
Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng lungkot habang
ipinapasok ko ang kotse sa loob ng parking area. Medyo matagal din akong nawala
sa bahay na ito pero halos wala namang ipinagbago. Buhay pa rin ang mga halaman
na inaalagaan ko noon. Maayos at maaliwalas ang kapaligiran.
"Pagkahinto ng kotse kaagad akong bumaba. Binuksan ko
ang pintuan ng kotse kung saan naka-pwesto si Drake at muli itong niyugyog.
Umaasa ako na magigising ito pero wa epek.
"Good evening Mam Jeann!" napabaling pa ang tingin
ko ng may biglang bumati sa akin. Sa suot na uniform nito, alam kong isa itong
kasambahay. Siguro bagong kasambahay ni Drake dahil ngayun ko lang ito nakita.
Himala, kilala niya ako kahit na first time pa lang kaming nagkita.
"Bago ka dito?" kaagad kong tanong. Nahihiya naman
itong tumango. Kung tutuusin, halos kasing edad ko lang siya kaya hindi ko
maintindihan kung bakit kumuha ng napakabatang kasambahay ang Drake na ito.
"Opo Mam. Dalawang buwan pa lang po ako dito. Bale
tatlo po kami na halos sabay-sabay na na hire ni Sir Drake." sagot nito.
Tumango naman ako at
sinabihan ko ito na tawagin ang iba pang mga kasama niya
para tulungan ako na buhatin si Drake papasok ng bahay dahil lasing ito.
Dumating naman ang medyo may edad na babae at isang medyo may edad na din na
lalaki.
Si Aling Pasing na cook at si Mang Henry naman ay gardener.
Samantalang ang dalagang kasambahay ay Ella daw ang pangalan. Himala, nagawa
yatang mag hire ng maraming kasambahay itong si Drake. Noong nagsasama pa kami,
isang katulong lang ang kasama ko at isinama ko din noong naglayas ako.
Nakabakasyon ngayun si Manang pero sa bahay na ng mga magulang ko uuwi dahil sa
kanya ko lang pwedeng ipagkatiwala si Baby Russell.
"Tulungan niyo akong buhatin ang Sir niyo papuntang
kwarto. Lasing siya at hindi ko kaya kung mag isa lang ako."
wika ko. Kaagad naman tumalima-si Mang Henry at inalalayan
si Drake palabas ng kotse.
Chapter 440
JEANN POV
Kaagad naman ibinigay ni Aling Pasing ang request kong face
towel at maligamgam na tubig. Balak kong punasan si Drake para naman
mahimasmasan at maginhawaan siya. Sisiguraduhin ko muna na maayos ang kalagayan
nito bago ko iiwan.
"Hayysst, paano ba mag alaga ng lasing? Kainis
naman!" hindi ko maiwasang bigkas habang dahan- dahan akong naglakad
patungo kay Drake. Amoy alak ito at nag umpisa ng kumalat ang amoy niya dito sa
loob ng kwarto. Hindi ako mahilig uminom ng alak kaya hindi ko din talaga gusto
ang amoy. Masyadong masaktit sa ilong.
"Drake, pupunasan kita ha? Be cooperative!' sambit ko
pa sa nahihimbing nang tulog na si Drake. Susundin ko na lang ang napanood ko
sa pelikula kung paano magpunas sa lasing. Uunahin ang mukha bago ang buong
katawan.
Pagdampi pa lang ng face towel sa pisngi ni Drake kaagad na
itong umungol. HIndi ko alam kung nasasaktan ba ito dahil sa pasa niya o
talagang unti-unti na itong nahihimasmasan. Ano man ang dahilan niya ayaw ko ng
bigyang pansin. Kailangan ko na siyang mapunasan dahil aalis na din ako. Baka
hinihintay na ako nila Mommy sa bahay. Isa pa, gusto kong makilala ang bagong
girlfriend ng kapatid kong si Kenneth.
"Love...My Love! Nandito ka? Sabi ko na nga ba hindi mo
ako matitiis eh."
sambit pa nito kaya napahinto ako sa ginagawa ko. Napatanong
pa ako sa aking sarili kung ako ba talaga ang tinatawag niya sa endearment na
Love. Baka naman assuming lang ako at
ibang babae pala iyun. Baka naman si Jasmine ang hinahanap
niya kaya walang dahilan para kiligin ako.
"Drake. Umayos ka nga. Huwag kang malikot at mahiga
kalang diyan para matapos tayo." kunwari naiinis kong wika. May
pahawak-hawak pa siya ng kamay. Hirap na nga ako sa ginagawa ko tapos ganiyan
pa siya.
Nanahimik naman ito at hindi nagtagal bigla itong tumagilid
at nakita ko na lang na sumusuka na siya. Para akong napapaso na biglang
napalayo sa kanya sa takot ko na baka pati ako masukahan niya!
"Drake! Ano ba! Ang dugyot mo talaga! Bakit ka sumuka
dito sa kwarto? 'halos pasigaw kong bigkas. Kung hindi lang sana ito lasing ang
sarap tuktukan eh. Grabeng pahirap talaga ang ginagawa niya sa akin. Ang hirap
mag alaga ng taong lasing!
Parang gusto kong maduwal sa baho ng suka niya. Naghahalo
doon ang amoy alak at amoy ewan. Basta hindi kaya ng sikmura ko kaya naman
dali- dali na akong lumabas ng kwarto.
Hihingi ako ng tulong sa mga kasambahay. Aalis na sana ako
ng marinig ko ang boses ni Drake. Para itong nahihirapan habang tinatawag ang
pangalan ko kaya wala akong choice kundi ang balikan siya.
"My Love...Jeann! Huwag mo akong iiwan. Masakit ang ulo
ko. Umiikot ang buong paligid ko." sambit nito. Kahit papaano, kaagad
naman akong nakaramdam ng awa sa kanya. Lalo na ng bangitin niya ang pangalan
ko. Na confirm ko na sa sarili ko na Love nga ang endearment niya sa akin
ngayun? Parang gusto kong kiligin tuloy. Parang ginanahan tuloy ako ng
pagsilbihan siya.
Nasobrahan nga talaga ito sa alak kaya wala akong choice
kundi tiisin ang amoy ng buong kwarto at umpisahang linisin ang suka niya.
Diring diri man sa suka wala akong magagawa kundi ang
maglinis. Kung hindi ko kasi gagawin, lalo kaming mangangamoy dito sa loob ng
kwarto. Humanda talaga ang Drake na ito kapag mahimasmasan siya. Sisingilin ko
talaga siya sa lahat mga pahirap na ginawa niya sa akin
Si Drake naman ang hinarap ko ng masiguro ko na nalinis ko
na ang kanyang isinuka. Nag umpisa ako sa umpisa. Pinunasan ko ang mukha nito
papunta sa kanyang leeg. Pero ungol lang naman ang naging sagot kaya hinayaan
ko na lang.
"Umayos ka Drake ha? Huwag kang magpabigat. Huhubarin
ko na iyang t- shirt at pantalon mo!" wika ko pa. Ni hindi ko nga sure
kung magagawa ko. Pero dahil mag asawa namin kami at ilang beses ko ng nakita
ang kabuan niya, dapat nga wala ng malisya eh.
Normal lang itong gagawin ko kay Drake. Pupunasan ko lang
siya at tangalin lahat ng saplot sa katawan para maginhawaan siya.
Ginawa ko na nga ang naisip kong gawin. Gamit ang
nanginiginig kong kamay inumpisah ko ng hubarin ang mga kasuotan niya. Nag
umpisa ako sa tshirt hanggang sa suot pambaba niya.
NO wonder kung bakit hinahabol ang Drake na ito ng Jasmine
na iyun. Ang ganda naman kasi ng katawan ng asawa ko. Nakakapang init kaagad ng
laman at tama nga ang naisip ko kanina. Kumpleto pa rin ang abs niya! Ang kinis
ng balat niya pero lalaking lalaki pa rin tingnan. Lalo na ng mapasulyap ako sa
bumubukol niyang harapan na natatakipan na lang ng kakarampot na underware.
Bukol pa lang ng underware niya parang gusto na akong dalhin
ng imagination ko sa kabilang dimension. Pinipigilan ko lang ang sarili ko
dahil nakakahiya. Hindi ako dapat nananamantala ng taong lasing.
Balak ko din siyang hubaran ng underware pero mamaya na
lang. Pagkatapos ko siyang punasan at baka ma distract ako lalo sa alaga niya.
Hehehe!
Patay malisya na natapos ko din punasan si Drake. Kahit
malamig dito sa loob ng kwarto, tagaktak an pawis sa noo ko. Ito na yata ang
pinaka mahirap na trabaho na ginawa ko.
Pagkatapos ko siyang punasan hindi na ako nag abala pang
palitan siya ng damit. Tinakpan ko na lang ng makapal ng comforter ang kanyang
katawan at hininaan ang temperature ng aircon. Pagod na pagod ako kaya wala
akong choice kundi maupo muna ng sofa habang inililibot ang tingin ko sa
paligid.
Chapter 441
JEANN POV
Wala namang ipinagbago sa kwarto namin maliban na lang sa
isang malaking portrait na nakasabit sa wall. Portrait namin noong ikinasal
kami at hindi ko alam kung kailan inilagay ni Drake iyun. Wala kasi ang
portrait na iyan noong umalis ako. Siguro pinagawa niya noong nilayasan ko
siya! Pero bakit? Huwag niyang sabihin na totoong pinagsisisihan niya ang lahat
ng mga pagkakamli na nagawa niya?
Sa isiping iyun parang gusto kong maluha. Muling nanumbalik
sa alaala ko ang mga masasakit na pinagdaanan ko. Niluko niya ako kaya kung ano
man ang nakikita ko ngayun, hindi dapat ako basta-basta magpapaniwala.
Isang malakas ng buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako
napasulyap sa orasan na nasa bedisde table. Maayos na ang kalagayan ni Drake
kaya uuwi na lang siguro ako. Marami naman siyang mga kasama dito sa bahay kaya
hindi na ako mako- konsensya nito kung iiwan ko na siya.
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at diretsong naglakad
palabas ng bahay. Diretso akong naglakad papunta sa kinapaparadahan ko ng kotse
at kaagad na napakunot ang noo ko ng wala na ang aking kotse sa parking area.
Luminga-linga pa ako pero sa dami ng kotse na naka-park dito sa garahe iyung
kotse ko talaga ang nawawala.
"Mam...nandito po pala kayo. May iuutos po ba
kayo?" natigil lang ako sa pagmumuni-muni ng marinig ko ang boses ni Aling
Pasing. Tinitigian ko ito bago ko ito sinagot.
"Nasaan ang kotse ko Manang? Diyan ko lang iyun ipinark
ah?" sagot ko naman. Saglit itong hindi nakaimik kaya tinitigan ko ito.
"Gi-ginamit po ni Sir Andy Mam."
sagot nito. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi
niya. Sa dami ng kotse na pwedeng gamitin dito sa garahe, kotse ko pa talaga?
Ano ba ang nakain ng byanan kong iyun? Bakit niya pinakialaman ang kotse ko?
Hayysst! Ano ang gagawin ko nito? Paano ako makakauwi kung
wala ang kotse ko. Hindi naman pwedeng mag commute ako dahil mahalaga sa akin
ang kotse na yun. Regalo sa akin ni Daddy iyun at ayaw ko sanang ipagamit sa
iba.
Masamang masama ang loob ko ng muli akong naglakad pabalik
sa kwarto namin ni Drake. Wala akong choice kundi hintayin si Daddy Andy na
muling makabalik. Sinabi sa akin ni Aling Pasing na tatawagin niya daw ako kung
sakaling nakauwi na si Daddy Andy. Kainis...hindi ko akalain na pakialamero
pala sa gamit ang ama nitong si Drake. Hindi ko akalain na sa dinami dami ng
kotse ni Drake na hindi nagagamit, kotse ko pa talaga ang nagawa niyang gamitin
nang hindi man lang nagpapaalam
Wala akong choice kundi ang mahiga muna ng sofa habang
hinihintay si Aling Pasing na katukin ako. Bumili lang naman daw ng gamot si
Daddy Andy kaya makakabalik din daw kaagad. Hindi ko naman akalain na sa
pagkahiga ko pa lang kaagad na akong dinalaw ng antok. Hindi ko na tuloy
namalayan pa na nakatulog na pala ako.
Nang magising ako hindi ko maiwasan mapakunot noo dahil
maayos na akong nakahiga sa kama. Mataas na ang sikat ng araw na pumapasok mula
sa bintana kung saan nakahawi ang makapal na kurtina. Wala sa sariling babangon
na sana ako pero muli ding natigilan ng maramdaman ko na may isang matikas na
bagay ang nakayapos sa akin.
"Love...masyado pang maaga! Matulog pa tayo."
narinig kong sambit ng walang iba kundi si Drake. Paos ang boses nito kaya
nagtataka akong napatitig sa kanya at kaagad na nagkasalubong ang aming mga
paningin
Halata sa kanyang mga mata ang antok at nagising lang siguro
ito noong nagtangka akong bumangon.
"Ano ang ginawa mo sa akin? Pakawalan mo nga ako!"
angil ko sa kanya. Parang wala naman itong narinig at lalong hinigpitan niya pa
ang pagkakayapos sa akin. Parang gusto ko namang mag alburuto habang pilit na
kumakawala sa pagkakayapos niya.
"Drake, ano ba! Tanghali na! Uuwi na ako" naiinis
kong bigkas sa kanya. Parang wala naman itong narinig hangan sa narinig ko na
lang na mahina na itong naghihilik. Gustuhin ko mang kumawala mula sa
pagkakayapos niya pero mas malakas siya sa akin.
Masama man ang loob wala na akong nagawa pa kundi ang muling
ipikit ang mga mata. Bahala na! Hindi naman siguro ako gagawan ng masama ng
Drake na ito. Maano ba naman ang ilang oras na pananatili sa tabi niya kaya
hayaan ko lang muna siya sa trip niya hanggang sa magising siya.
Chapter 442
JEANN POV
Muli akong nagising sa mahinang tapik sa pisngi ko. Nang
imulat ko ang aking mga mata, nagtaka pa ako dahil mukha na ni Mommy Arabella
ang una kong nasilayan. Wala sa sariling napabangon ako habang hindi ko
maiwasan na muling ilibot ang tingin sa buong paligid.
"Jeann, ano ang ginagawa mo? Bakit hindi ka umuwi
kagabi? Dont tell me na nagkabalikan na kayo ni Drake?" tanong ni Mommy.
Saglit naman akong natameme. Pilit na inaabsorb nag utak ko ang sinasabi niya
ngayun.
Ano ang ginagawa ni Mommy dito sa kwarto namin ni Drake at
nasaan na ang Drake na iyun? Bakit hindi niya ako ginising?
"My naman! Sorry po. Nakatulog kasi ako. Kuwan kasi
eh..uuwi sana ako-- "Hindi na natuloy pa ang sasabihin ko ng sumabat si
Mommy.
"Nasa ibaba si Baby Russell, Dinala ko siya dito dahil
simula ngayung araw, dito na kayo titira sa bahay na ito. Tutal naman mukhang
nagkabalikan na kayo ni Drake kaya panindigan niyo na lang." sagot ni
Mommy. Hindi ko maiwasang mapangiwi. Ano ba ang iniisip nila? Porket dito ako
natulog sa kwarto namin ni Drake magdedesisyon na kaagad sila ng mga
bagay-bagay na hindi man lang ako nakapag - paliwanag.
"My naman! Walang nangyari sa amin ni Drake. Inalagaan
ko lang siya kagabi at dito na ako nakatulog. Isa pa, tinataboy niyo na ba ako?
Ayaw niyo na ba akong pauwiin sa bahay natin?" sagot ko naman. Saglit na
natigilan si Mommy at seryoso akong tinitigan sa mga mata.
"Dito ka muna. Kapag hindi ka mabuntis sa loob ng
dalawang buwan pwede ka ng bumalik sa bahay natin at kami na mismo ang mag
aasikaso sa divorce ninyo." sagot nito na kaagad ko namang ikinanganga.
Anong klaseng kondisyones ito? Bakit may buntisan na kaagad na napag uusapan.
"Buntis? Ako? My naman...paano ako mabubuntis gayung
hiwalay na kami ni Drake!' sagot ko.
"Paano ka mabubuntis? Naabutan namin kayong magkatabi
sa iisang kama tapos tatanungin mo ako kung paano ka mabubuntis? Jeann naman,
hinayaan mo ang sarili mo na tumabi ulit sa asawa mo kaya may tendency ka
talagang mabubuntis ulit. Kami ang mga magulang mo at hindi kami papayag na
ikaw na lang ang palaging agrabyado." sagot ni Mommy.
Advance talaga ito mag isip. Gets ko na din. Iniisip niya na
may nangyari sa amin ni Drake kaya ganito ang desisyon niya. Ano ba naman ito!
Bakit ba nakatulog ako kagabi. Haysst, pahamak talaga itong paglalasing
ni Drake kagabi eh. Mukhang mapapasubo na naman ako nito.
"My naman.....ang dumi naman ng isip niyo. Hindi ako
basta-basta bubukaka kay Drake noh? Natulog lang talaga kami. Walang nangyari
sa amin kaya imposibleng mabubuntis ako. Tsaka kung may nangyari man sa amin,
wala naman dapat na ipaglaban eh. Hindi naman na ako virgin at ilang beses ng
may nangyari sa amin. Hindi na din ako dalaga para maging ganito kayo kahigpit
sa akin. Isa pa, niluko ako ng Drake na iyan at wala na akong balak pa na
makipagbalikan sa kanya!" mahaba kong sagot.
Lahat ng gusto kong sabihin nasabi ko na yata makaligtas
lang ako sa gusto nila mangyari. Hindi ko maimagine ang sarili ko na muling
makakasama sa iisang bubong si Drake. Baka kunsumisyon ang aabutin ko nito kung
nagkataon. Lalo na at hindi ko pa na confirm kung talagang hiwalay na silang
dalawa ng Jamine na iyun.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kaagad na pag iling ni
Mommy kaya alam kong wala na talaga akong lusot. Mukhang desisyon nila ang
masusunod sa pagkakataon na ito kaya ano pa nga ba ang magagawa ko?. Halata na
hindi siya naniniwala sa akin. Talagang pinaninindigan niya na ang iniisip niya
na may nangyari sa aming dalawa ni Drake.
"Dont worry! Personal kong imomonitor ang pagsasama
niyong dalawa ni Drake. Hindi naman ako papayag na sa pagkakataon na ito, ikaw
ang maaagrabyado! Oras na malaman ko na muli siyang bumalik sa dati niyang
gawain, ako mismo ang puputol sa kaligayahan ng asawa mo!" muling wika ni
Mommy.
Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi. Kakaiba talaga itong
si Mommy Arabella. Napaka-tapang! Kakaiba ang mindset na parang gusto kong
manahin ang kanyang pag uugali. Parang ina-idolized ko na siya ngayun. How I
wish na sana katulad niya ako mag isip
"Ayusin mo ang sarili mo. Mag uusap tayong lahat
tungkol dito at huwag ka ng umapila. Ako ang bahala sa iyo!" muling wika
nito kaya hindi na ako sumabat pa. Tuluyan na akong bumangon ng kama dahil
nakakaramdam na din ako ng gutom. Hindi talaga ako mananalo kay Mommy kaya
susunod na lang muna ako sa agos ng panahon. Bahala na kung ano man ang
magiging kapalaran ko sa mga susunod na araw.
Naghalungkat ako ng damit na pwede kong isuot sa walk in
closet at parang gusto kong iuntog ang sarili ko kung gaano ako ka-tanga noon.
Kaya pala nagawang tumingin sa ibang babae si Drake dahil nakalimutan ko na
palang mag ayos ng sarili ko. Puro pang manang at hindi naayon sa style ang mga
damit ko na nandito sa loob ng walk in closet. Kinalimutan ko ang ang sarili
kong fashion simula ng maging asawa ako ni Drake. Hayssst, hindi na talaga ito
mauulit. Hindi na ka magpaka losyang at aalagaan ko na ang sarili ko.
Muli akong lumabas ng walk in closet na masama ang loob.
Paano ako
makapag ayos nito kung wala akong nagustuhan sa mga damit
ko? Mabuti pa huwag ng maligo at magpalit ng damit. Mas type ko ang suot ko
ngayun.
"My, nagdala ba kayo ng damit ko?" tanong ko kay
Mommy ng mapansin ko na nadito pa rin siya loob ng kwarto. Abala nag mga mata
nito sa kakatingin sa paligid.
Chapter 443
JEANN POV
"Bakit, wala ka bang damit sa loob ng walk in closet na
iyan? Ano ang kwenta ng closet na iyan kung wala ka naman palang gamit. Aba at
napakawalang kwenta naman pala ng asawa mong iyan. Nakaka-kulo siya ng
dugo!" sagot naman nito. Hindi ko maiwasang mapangiwi. Si Mommy
talaga...walang tatalo dito kung advance sa pag iisip ang pag-uusapan.
"Mommy! Relax! May mga damit ako sa loob ng walk in
closet pero hindi ko type!" sagot ko naman. Natigilan naman ito.
"Bakit iyun ang binili mo kung hindi mo type? Jeann,
bilisan mo na! Hinihintay na tayo ng ama mo sa ibaba! " sagot nito. Halata
na ang inis sa boses nito kaya naman kaagad na akong naglakad patungo sa
pintuan ng kwarto.
"Saan ka pupunta? Mag ayos ka ng muna! Ni paghihilamos
ang pagto- toothbrush hindi mo pa ginawa. Kailan ka pa naging burara?"
muling wika ni Mommy. Sa totoo lang nakakatorete na din itong si Mommy eh.
Lahat na lang napupuna.
"Dont worry Mom! Kahit hindi ako magtoothbrush hindi
ako bad breath. Kung gusto niyo po na maligo ako ngayung araw, pakisabi kay
Kenneth na ihatid niya dito ang mga damit ko. Ayaw kong isuot ang mga dating
damit ko na nasa walk in closet. Ang babaduy at hindi na sakto sa taste
ko." wika ko at nagmamadali ng lumabas ng kwarto. Wala namang choice si
Mommy kundi ang sundan ako.
Kapag mga ganitong usapan, alam niyang hindi niya ako
mapipilit. Gusto nilang bumalik ako kay Drake...pwes, sisiguraduhin ko na si
Drake ang unang susuko. Gagantihan ko ang mokong na
iyun! Humanda talaga siya!
Pagkababa namin naabutan namin sila Drake, Daddy Kurt at
Daddy Andy sa may pool. Seryoso ang kanilang mga mukha habang nag uusap kaya
hindi ko maiwasan na makaramdam ng curiosity.
Sigurado ako, tungkol sa amin ni Drake ang pinag uusapan
nila. Halata naman dahil tumigil sila noong napansin na parating kami ni Mommy.
"Good Morning Dad!" kaagad na bati ko kay Daddy
pagkalapit ko. Humalik pa ako sa pisngi nito bago ako naupo sa tabi niya. Wala
akong balak maupo sa tabi ni Drake noh!
"Good Morning iha." bati naman sa akin ni Daddy
Andy. Tipid na ngiti ang isinagot ko dito. Kung hindi niya sana ginamit ang
kotse ko kagabi, hindi sana ako haharap sa ganitong sitwasyon eh.
"Napag usapan na namin ang tungkol sa inyong dalawa ni
Drake. Siguro nasabi na ng Mommy mo sa iyo ang mga kondisyones namin diba? Wala
kaming ibang hangad kundi ang iyung ikakabuti Jeann. Lahat gagawin namin para
maging maasaya ka!" wika ni Daddy sa akin. Hindi ko naman maiwasan na
mapabuntong hininga. Nakapag desisyon na sila, ano pa nga ba ang magagawa ko?
Naiinitindihan ko naman sila eh. Baka gusto nilang isalba ang sirang sira nang
relasyon namin ni Drake.
"Opo Dad! Naiintindihan ko po!" sagot ko. Ayaw ko
na din naman ng mahabang usapan. Maganda nga ito dahil magkaroon ng challenge
ang buhay ko. Two months lang naman ang hihintayin ko at makakawala din ako sa
problemang ito. Isa pa, hindi naman para sa akin ang pagpayag kong ito. Para
din ito kay Baby Russell.
Parang gusto ko din makipaglaro sa mga babaeng pwedeng ma
link kay Drake eh. Lalo na sa Jasmine na iyun na matagal ng nangangati ang mga
kamay ko dahil gusto ko talagang makaganti sa kanya. Kung nasa tabi ko si
Drake, malakas ang pakiramdam ko na muling magku-krus ang landas naming dalawa
ni Jasmine.
Naging mabilis ang pag uusap sa pagitan nila Daddy Kurt at
Daddy Andy! Pareho ang gusto nang dalawa na wala silang ibang hangad kundi
maging maayos ang pagsasama namin ni Drake. Well, tingnan lang natin. Hindi
talaga ako nangangako! Sa ngayun, wala akong ibang target kung hindi malagpasan
ang challenge na ibinigay sa akin ni Mommy.
"Tumawag nga pala sa akin si Manang kahapon. Hindi pa
daw siya makakabalik dahil may emergency daw sa kanila. Wala tayong choice
kundi maghanap ng ibang yaya para kay Baby Russell." balita sa akin ni
Mommy bago sila umalis. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng lungkot. Si
Manang ang isa sa mga karamay ko noong down na down ako. Sa kanya ko lang din
pwedeng ipagkatiwala si Baby Rusell.
"Ayos lang Mom. Kaya ko namang alagaan si BAby
Russell." sagot ko naman. Hinalikan muna ako ni Mommy Arabella sa pisngi
bago sila tuluyang umalis. Ilang beses pa ako nitong binilinan na tawagan ko
daw siya kapag may hindi magandang mangyari.
Tanging tango lang naman ang naging sagot ko sa lahat ng mga
bilin niya. Iisipin ko na lang na nagbabakasyon lang ako sa bahay na ito.
Susunod ako sa agos ng buhay at matira ang matibay sa aming dalawa ni Drake.
"Ano nga pala ng gusto mong kainin? Magluluto na ng
lunch si Aling Pasing. "pagkaalis ng kotse na sinasakyan nila MOmmy siyang
lapit naman sa akin ni Drake. Nasulyapan ko pa si Baby Russell na kalaro ang
kanyang Lolo Andy bago ko muling itinoon ang buo kong attention kay Drake.
"Hindi naman ako mapili sa pagkain. Kung ano ang gusto
niyang lutuin, iyun na lang." sagot ko. Natigilan naman ito. Bakas sa
mukha niya ang pait habang nakatitig sa akin
"Salamat nga pala sa pag aalaga mo sa akin kagabi. Dont
worry, hindi na mauulit iyun. Hindi na ako maglalasing. " muling wika
nito. Kaagad ko naman itong pinagtaasan ng kilay at seryosong tinitigan sa mga
mata.
"Gawin mo kung ano ang gusto mo dahil wala akong
pakialam. Siya nga pala, kailangan ko ng mga bagong damit. Aalis ako mamaya
para makapag -shopping. Bantayan mo si Baby Russell ha!" maangas kong
sagot sa kanya. Sinadya ko talaga yun para ma feel niya na hindi pa kami bati!
Chapter 444
JEANN POV
Napansin ko ang pagkatigagal ni Drake dahil sa sinabi ko.
Hindi marahil niya inaasahan na aangasan ko siya ngayun. Pakialam ko din ba sa
nararamdaman niya. Kung hindi sana siya naglasing-lasingan kagabi, wala sana
ako ngayung sa harapan niya.
"Nandito naman si Daddy para
bantayan niya si Baby Russell. Sasamahan na kita."
sagot nito. Kaagad ko naman itong pinagtaasan ng kilay at mabilis na naglakad
patungo sa loob ng bahay. Hahayaan ko na muna si Baby Russell na maka-bonding
niya ang kanyang Lolo. Maghahalungkat ulit ako sa loob ng walk in closet para
maghanap ng maisusuot para makaligo muna bago pupunta ng mall para mag
shopping.
Ipapadala naman daw ni Mommy ang iba kong mga gamit dito sa
bahay pero mamaya pa siguro. Hindi na ako makapag hintay kaya guguluhin ko ang
walk in closet namin ni Drake para makahanp ng pwedeng isuot.
Katulad ng plano ko, hinalukay ko ang mga damit na maayos na
nakasalansan. Sa kaloob-looban ng cabinets may nakita naman akong mga damit ko
na ginagamit ko noong dalaga pa ako. Ito iyung mga damit na dala- dala ko bago
ako lumipat dito sa bahay.
Pwede ko na din pagtyagaan. Pwede na akong maligo dahil alam
ko naman na kasya sa akin ang mga damit na ito. Isang sleeveless spaghetti
strap mini dress ang kaagad na nagpapukaw ng attention ko. Regalo pa ito sa
akin noon ni Charlotte noong ikinasal kami Drake. Ibat ibang kulay at ibat
ibang style para daw lalong ma inlove sa akin si drake. Hindi ko naman naisuot
dahil pumayat ako ng sobra noong
nagbubuntis ako tapos tumaba naman ako noong nakapanganak na
ako hanggang sa nakalimutan ko na.
Ito na siguro ang chance para isuot ko ito. Kasyang kasya na
ito sa akin eh dahil bumalik na sa dati ang katawan ko tapos magsa-shopping pa
ako mamaya. Iyang mga tshirt at mahahabang shorts na paborito kong gamitin
noong mag asawa pa kami ni Drake, itatapon ko na lang siguro.. Hindi ko na
kailangan dahil wala na akong balak pa na suutin. Masyadong makaluma at hindi
bagay sa akin at ngayun ko lang din narealized na nakakabaduy pala kapag sobra
kang nabulagan sa pag-ibig.
Hindi na ako nag abala pa na ipasok sa loob ng cabinet ang
mga damit na ayaw ko ng gamitin. Ikinalat ko ito dito sa loob ng walk in
closet. Balak kong ipatapon mamaya sa mga kasambahay. Mamahalin ang mga damit
na iyan
pero wala na akong balak na gamitin. Simula ngayung araw,
mamumuhay ako kagaya noong dalaga pa ako.
Mabilis akong pumasok ng banyo at naligo. Mukhang
pinaghandaan naman ni Drake ang muli kong pagbabalik dahil kumpleto ang mga
gamit ko sa banyo. Naka sealed lahat at mukhang kabibili lang. Mula toiletries
hanggang sa mga personal na gamit na paborito kong gamitin ay nandito.
Mabilis akong naligo. Sasamahan man ako ni Drake or hindi
aalis ako. Magsa- shopping ako ngayung araw. Magliliwaliw ako tutal naman may
willing naman na magbantay kay Baby Russell. Bibigyan ko ng chance si Daddy
Andy na makasama niya ang apo niya.
Itinapis ko lang ang tuwalya sa katawan ko at kaagad na
akong lumabas ng banyo pagkatapos kong maligo. Nagulat pa ako ng pagkalabas ko
naabutan ko si Drake dito sa loob ng kwarto. Abala ito sa kakatupi ng mga damit
na ikinalat ko kanina at hindi nakaligtas sa paningin ko ang matiim na
pagkakatitig niya sa akin ng mapansin niya ang paglabas ko ng banyo. Kaagad
naman kumabog ang dibdib ko ng mapansin ko kung paano niya ako titigan.
"Hindi mo na kailangan pang tupiin ng maayos ang mga
damit na iyan. Itatapon ko din naman ang lahat ng iyan kaya huwag ka ng mag
abala."
kaswal na wika ko sa kanya at mabilis na dinampot ang damit
na isusuot ko. Pilit kong iniignora ang klase ng tingin na ipinupukol niya sa
akin.
"Bakit mo itatapon? Maayos pa naman ang mga gamit na
ito ah? Iyung iba dito hindi mo pa nga naiususuot eh. " sagot nito. Kaagad
naman akong napaismid.
"Simple..hindi ko na type at wala na akong balak na
isuot. Kaya nga gusto kong magshopping mamaya eh. Tsaka simula mamayang gabi,
sa guest room kami ni Baby Russell matutulog." sagot ko naman. Kaagad
naman itong natigilan at kita ko ang pagkunot ng noo niya habang nakatitig sa
akin.
"Sa guest room? Bakit doon? Malaki ang kwarto at kasya
naman tayong tatlo dito sa kama ah? Hindi ako papayag!" sagot nito habang
patuloy ang paglakbay ng mga mata niya sa kabuuan ko. Pasimple akong naglakad
patungo sa loob ng walk in closet dahil nakakaramdam na ako ng pagkailang sa
mga titig niya. Para akong unti- unting natutunaw na ewan.
"Kahit na singlaki pa ng palasyo itong kwarto mo wala
akong pakialam. Ayaw kitang makasama sa iisang silid dahil hiwalay na tayo. Isa
pa, wala na akong balak pa na makipag balikan sa iyo
noh? Kagustuhan nila Mommy kaya nandito ako kaya hwag kang
assuming!! 'sagot ko sa kanya
"Hindi ako papayag Jeann! Para ano pat bumalik ka sa
bahay na ito kung hihiwalay ka din lang naman ng higaan sa akin. Nakalimutan mo
na ba na kasal tayo at may responsibilidad ka sa akin! " sagot naman nito.
Bakas na ang inis sa kanyang boses kaya kaagad naman akong napangiti.
"Kasal? Responsibilidad? Drake naman! Nakalimutan mo na
ba na simula noong bumalik ka sa ex mong makati, kinalimutan ko nang may asawa
ako! Hiwalay na tayo at tatapusin ko lang ang dalawang buwan na ibinigay sa
akin ni Mommy at tuluyan na kitang lalayasan! Aalisin na kita sa buhay ko
forever kaya huwag kang mag demand ng kung anu-ano mula sa akin dahil mabibigo
ka lang!" naiinis kong bigkas at mabilis na
pumasok sa loob ng walk in closet.
Inilock ko pa iyun dahil alam kong susundan ako ng Drake na
iyun at hindi nga ako nagkamali. Napansin ko kasi ang pagpihit ng seradura pero
bigo niyang nabuksan iyun dahil naka lock.
"Jeann, buksan mo ang pintuan. Mag usap pa tayo! Buksan
mo ito!" sigaw pa nito mula sa labas. Hindi ko naman pinansin pa bagkos
kaagad ko ng tinangal ang tuwalya na nakatakip sa katawan ko at mabilis nang
nagbihis. Balak kong umalis kaagad pagkatapos kong mag ayos. Sa mall na din ako
kakain ng lunch.
Chapter 445
JEANN POV
Tama nga ang tantiya ko. Kasyang kasya sa akin ang mini
dress. Hanggang tuhod lang ito at hindi ko mapigilang mapangiti ng mapansin ko
na bagay na bagay sa akin. Lalong lumutang ang angkin kong ganda at magandang
hugis ng katawan.
Dito na din ako sa loob ng walk in closet nag ayos ng
sarili. Naglagay lang ako ng kaunting make up at lipstick. Nagwisik na din ako
ng paborito kong pabango. Pinili ko ang pinakapaborito kong heels bago ako
nagpasyang lumabas ng walk in closet. Napagod na siguro si Drake sa kakakatok
kaya naman pagkalabas ko ng walk in closet naabutan ko ito na nakaupo na sa
kama habang nakaharap sa akin.
Lalong nagsalubong ang kilay nito ng mapansin ako. Sinipat
pa ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa bago nagsalita.
"Aalis ka na ganyan ang suot mo?" tanong nito.
Nang iinis ko naman itong nginitian. Pinamaywangan ko pa ito bago ko dinampot
ang aking cellphone na nasa gilid ng kama.
"Yes...BAkit may mali ba? Maganda naman ah? BAgay sa
akin at ang mga ganitong damit ang type kong isuot." sagot ko naman at
akmang maglalakad na ako papuntang pintuan ng bigla itong tumayo. Mabilis ako
nitong niyapos kaya hindi ako nakapalag.
"No! Hindi ako papayag na ganiyan ang suot mo. Magbihis
ka! Magpalit ka ng damit!' sagot nito. Kaagad akong pumiksi.
"Huwag ka ngang pakialamero Drake! Bakit ka ba
apektadong apektado sa suot ko? Hindi ba bagay sa akin?" sagot ko naman.
Nagpupumiglas ako mula sa
pagkakayapos niya pero mas malakas siya sa akin.
"Of course, bagay sa iyo! ang ganda mo nga eh! Pero
hindi ako papayag na iyan ang isuot mo sa labas. Baka mamaya pagpistahan ka ng
mata ng mga kalalakihan eh. Baka mamaya kung ano ang magawa ko kapag may mang
bastos sa iyo. Magpalit ka ng mas desenteng damit.... please!" wika nito.
Pilit naman akong tumawa.
"Ano ba ang mga pinagsasabi mo? Tsaka huwag ka ngang
pakialamero. Kung nanghinayang ka sa mga damit na itatapon ko, ikaw na lang ang
magsuot!!" pabulyaw kong sagot sa kanya.
"Alam mo! Namumuro ka na eh. Pinilit kong maging mabait
sa iyo pero lalo naman humahaba ang sungay mo! Ano ba ang pwede kong gawin sa
iyo para bumalik ka lang sa dati. MIss na miss ko na ang dating Jeann. Miss na
miss ko na ang mga paglalambing mo! "wika nito kasabay ng pagdampi ng labi
niya sa punong tainga ko. Hindi ko naman maiwasan na mapapikit sa kakaibang
sensasyon na nararamdaman ko.
"Di--Drake! Pwede ba! Huwag ganiyan...ayaw ko!"
sagot ko naman habang pilit na kumakawala sa kanya. Parang biglang nagtayuan
lahat ng balahibo ko sa simpleng pagkakadikit ng aming katawan. Naka spaghetti
strap ako tapos kaunting yuko lang lilitaw na ang cleavage ko.
"No! Stay! Matagal ko ng gusto kang mayakap Jeann!
Bumalik ka na sa dati. Bumalik ka na sa akin...please!" wika nito. Puno ng
pakiusap ang boses niya kyaa sandali akong natameme.
"Sorry! Sorry sa lahat! Hirap na hirap na na ang
kalooban ko Love. Ayaw ko na ng ganito. Ayaw ko na muli kang mawalay sa
akin." muling bigkas nito. Kaagad naman akong nakaramdam ng lungkot.
Ayaw niyang mawalay ako sa kanya pero nagawa niya akong
lokohin. Nasaan ang hustisya?
"Drake...ikaw ang nag umpisa nito. Alam mo naman siguro
kung paano kita minahal kita diba? Kung paano ko inalagaan ang pamilya natin.
Hindi mo ako masisisi kung bakit ako nagkakaganito. Masyado akong nasaktan at
hindi pa talaga ako ready na muling ibigay ang buong tiwala ko sa iyo."
sagot ko naman habang dahan- dahan na kumakawala sa kanya.
Hindi naman na ito nagmatigas pa. Mabilis akong nakawala
mula sa pagkakayapos niya at naglakad patungo sa pintuan ng kwarto. Nang
lingunin ko ito, kaagad kong napansin ang lungkot sa mga mata niya habang
nakatitig pa rin sa akin kaya mabilis na akong lumabas.
Unang araw pa lang ng pagsasama namin ulit pero hirap na
hirap na din ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko matatagalan ang
presensya ni Drake sa paligid pero kailangan ko din talagang kayanin. Hindi
lang para sa sarili ko ang ginagawa kong ito kundi para na din ito kay Baby
Russell. Gusto kong bigyan ng kumpletong pamilya ang anak namin.
"Jeann...sandali! Sasamahan na kita kung saan mo man
gustong magpunta!' "pababa na ako ng hagdan ng muli kong narinig ang boses
ni Drake. Kaagad akong napalingon at hindi ko maiwasang mapatitig sa gwapo
nitong mukha ng mapansin ko kung gaano ito ka-seryoso ngayun.
"Magsa-shopping lang ako Drake!
Kaya ko na ang sarili ko. Isa pa, baka mapagod si Daddy kung
dalawa tayong aalis dito sa bahay. wala siyang kapalitan sa pag aalaga kay Baby
Russell." sagot ko naman. Hindi na ito nagsalita pa bagkos mabilis itong
naglakad palapit sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapabutnogn hininga.
May magagawa pa ba ako? Desisdido na talaga siguro siyang
samahan ako. Since, kailangan ko talagang mamili ng mga gamit ko, wala akong
choice kundi hayaan na lang sya. Ayaw ko pa ba noon, may bodyguard na ako, may
tagabitbit pa. Pwede kong bilihin lahat ng gusto ko.
Si Drake na din ang nagdrive papuntang mall. Makulit at
gusto niya talaga akong samahan kaya wala akong choice kundi pagbigyan.
Nandiyan naman si Daddy Andy na willing mag alaga kay Baby Russell kaya ayos na
din. Tsaka binilinan din ni Drake ang pinakabata na kasambahay na si Ella na
tingnan-tingnan ang mag Lolo at kung sakaling may problema kaagad niya kaming
tawagan.
"Sa Villarama Shopping Center na din kami pumunta.
Itong mall lang din naman na ito ang paborito kong puntahan at pasyalan. Mataas
ang security dito dahil halos mga vip shoppers ang nagsa-shopping sa mall na
ito dahil dito din makikita ang halos lahat ng luxury items na gustong bilihin
or makita ng mga taong nasa alta sa siyudad.
"Saan mo gustong mamili. Baka gusto mong kumain muna
para may energy ka sa pagsa-shopping mo." wika ni Drake sa akin. Mukha
namang full support siya sa shopping galore ko kaya ayos na din talaga na
samahan niya ako. Never niya kasing ginawa ito noong maayos pa ang relasyon
namin. Sabagay, kasalanan ko din naman dahil mas gusto kong mag stay ng bahay
noon kaysa lumabas at mamasyal. Iba na rin talaga kapag may anak ka.
Nakakalimutan ang mga hilig noong dalaga pa.
Wala sa sariling napatingin ako sa suot kong relo. Halos ala
una na ng hapon at wala pa akong matinong kain. Oo, gusto kong i-maintain ang
sexy kong katawan pero hindi naman ibig sabihn na magpapa-butot balat ako.
Pangit na iyun. Iba pa rin ang may kaunting laman.
"Sure!" sagot ko naman at nagpatiuna na akong
pumasok sa pinaka unang restaurant kong nakita. Kaagad ko namang naramdaman ang
pagsunod sa akin ni Drake.
Medyo maraming costumers ang nasabing restarurant kaya
kaagad kong inilibot ang tingin sa paligid para maghanap ng bakanteng mauupuan.
Sakto naman at nilapitan kami ng isang staff at iginiya kami sa pandalawahang
mesa. Kaagad na kaming umupo at tiningnan ang menu para umorder na ng makakain.
Kaagad na din kaming umurder ni Drake. Hindi ko masasabing
date ba namin ito pero ngayun ko lang din napansin na puro lovers or
magpapamilya ang nakapaligid sa amin. Parang gusto ko tuloy maingit sa dalawang
lovers na sweet na sweet sa isang sulok. Halos mag honeymoon na sila dito sa
loob ng restaurant kaya hindi ko maiwasang mapangiti na
hindi naman nakaligtas sa paningin ni Drake. Sinundan niya
ng tingin at tinitingnan ko bago ito nagsalita.
"Ang sweet nila noh? Ganiyan tayo dati....noong bago pa
tayong kasal. Nakalimutan mo na ba?" tanong nito sa akin. Wala sa sariling
napatitig ako sa kanya.
Oo nga. Tama siya. Ganiyan kami dati noong hindi pa nagbalik
sa buhay niya si Jasmine. Noong hindi pa kami nagkaka problema dahil sa
presensya ni Jasmine. Noong mga panahon na akala ko siya na talaga ang lalaking
para sa akin habang buhay. Noong mga panahon na akala ko mahal niya ako kaya
niya ako pinakasalan.
"Yah, ganiyan tayo dati pero mabilis din natapos ang
lahat noong iniwanan mo kami at ipinagpalit sa babaeng iyun. "bakas ang
lungkot sa boses na sagot ko. Hindi naman nakaimik si Drake. Pilit akong
napangiti at muling inilibot ang tingin sa paligid. Kailangan kong libangin ang
sarili ko habang hinihitay namin ang mga pagkain na inorder namin bago pa ako
maiyak.
"Sorry!" Narinig kong bigkas nito kasabay ng
pagdampi ng palad niya sa palad ko na nakapatong sa mesa. Para naman akong
napapaso na kaagad na hinila ang kamay ko na hawak niya na. Hindi na talaga ako
comportable na kasama siya. Siguro dahil sa trauma na naranasan ko sa kanya
noon..
Lumalabas kasi na ako ang talunan. Wala pa ngang three years
ang pagsasama namin ipinagpalit niya na kaagad ako sa iba. Aminado naman ako sa
sarili ko na maganda ako eh. Kaya lang may mga lalaki pala talaga siguro na
hindi kayang makuntento sa iisang babae. May mga lalaki talaga sigurong
maghahanap at maghahanap ng iba. Isa na sa kanila si Drake.
Pagkatapos kumain, diretso na kami sa isang boutique. Kaagad
akong nagsukat ng mga damit na naayon sa aking taste. Walang choice si Drake
kundi ang maghintay ng maraming oras. Hindi ko naman siya nakikitaan ng
pakainip. Wala din itong reklamo kahit na siya ang nagbayad sa lahat ng mga
pinamili ko.
"Hey Miss Beautiful! Ang ganda mo naman! Pwede bang
makuha ang number mo?" abala ako sa kakatingin sa mga naka-display sa
harapan ko ng marinig ko na may biglang nagsalita sa likuran ko. Wala sa
sarilng napalingon ako at kaagad kong napansin ang lalaking ngiting ngiti na
nakatitig sa akin. Gwapo naman sana at halos kasing edad din ni Drake pero
napansin ko na mataas ang kumyansa niya sa kanyang sarili.
Pasimple pa ako nitong sinipat ng tingin mula ulo hanggang
paa bago niya inilahad ang kamay niya sa harap ko.
"Rustom..ako nga pala si Rustom. Pwede ko bang makuha
ang pangalan ng magandang dilag sa harapan ko?" nakangiti nitong wika.
Halata sa mga mata nito na interesado talaga siya na malaman ang pangalan ko.
Pero bakit? Dahil ba nagagandahan siya sa akin?
"I am sorry MIster! Nandito ako para magshopping at
hindi kumulekta ng mga bagong kakilala." malamig kong sagot sa kanya.
Sinulyapan ko lang ang nakalahad nitong kamay bago ko ito muling tinalikuran.
Pero nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko at
malakas akong hinatak. Napaigik naman ako sa sakit dahil sa higpit ng
pagkakahawak niya sa akin at feeling ko talaga nagkapasa ako sa braso dahil sa
ginawa ng istrangherong ito.
Chapter 446
JEANN POV
"Miss, kinakausap pa kita eh. Bakit ba ang bastos mo!
Gusto ko lang naman makipag kilala sa iyo eh." wika pa nito sa akin.
Nanggigigil naman akong kaagad na humarap sa kanya at papiksi kong hinila ng
braso ko na hawak niya pa rin. Masakit ang paraan ng pagkakahawak niya sa akin
at tiyak magkakapasa kaagad ako nito.
Napakaselan pa naman ang balat ko pagdating sa mga ganitong
bagay. Mabilis akong magkapasa kaya nga ingat na ingat sila Mommy noong bata pa
ako na masaktan ako.
"Ano ba Mister! Hindi kita kilala at wala akong balak
na makipag kilala sa iyo kaya pwede bang magkaroon ka naman ng kaunting
kahihiyan?" naiinis kong singhal sa kanya. Wala akong pakialam kung sino
ang kaharap ko ngayun. Nandito ako sa mall na pag aari ng mga abwuelo ko kaya
walang sino man ang pwedeng mambastos sa akin.
"Abat...iyan ang gusto ko sa babae! Matapang na palaban
pa! Ang sarap mo siguro. Ang kinis mo at ang ganda mo! Nakakapag- -" hindi
na natuloy pa ang sasabihin nito ng may isang kamay ang biglang humablot dito
at malakas siyang sinapak sa panga.
Hindi ko naman maiwasan na mapasigaw sa bilis ng pangyayari.
Nakahandusay na sa sahig ang lalaking nambastos sa akin at walang humpay na
pinagsusuntok siya ni Drake.
Yes...si Drake, todo rescue siya sa akin mula sa kamay ng
lalaking bastos. Nagkagulo sa loob ng shop at kaagad na nagsipasukan ang mga
security guard. Pilit nilang inaawat si Drake dahil duguan na ang lalaking
bastos
pero ayaw pa rin siyang tantanan ni Drake.
"Kilala mo ba kung sino ang binastos mo huh? Asawa ko
ang binastos mo kaya papatayin kita!" galit na sigaw ni Drake. Hawak na
ito ng dalawang guard pero patuloy ito sa
nagpupumiglas na parang gusto talaga nitong pumatay ng tao.
Wala sa sariling napalapit ako sa kanya at hinawakan ko siya sa kamay para sana
kumalma siya.
"Drake...tama na! Kumalma ka! Ayos lang ako! Hi-hindi
naman talaga siya nagtagumpay sa gusto niyang gawin sa akin eh..tama na! Isipin
mo ang anak natin kung sakaling makapatay ka!" wika ko. Kaagad naman
napatitig sa akin si
Drake. Ang kaninang galit nitong mga mata ay kaagad na
lumamlam habang nakatitig sa akin.
Dahan-dahan naman itong binitiwan ng mga gwardiya ng
masiguro nilang kalmado na si Drake. Hinawakan naman ako ni Drake sa
magkabilang balikat at sinipat ng tingin bago ako niyakap ng mahigpit.
"Thanks God! Walang nangyaring masama sa iyo. Sorry,
hindi ko kaagad napansin na binabastos ka na pala ng gagong iyan!" wika
nito. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti. Damang dama ko kasi ang sobrang pag
aalala niya sa akin. Sa kauna-unahang pagkakataon na naghiwalay kami ni Drake
muli ko siyang na-aappreciate.
Ngayun ko lang napatunayan na kaya niya pala talaga akong
ipagtangol kahit kanino. Ngayun ko lang din napatunayan na kahit na gaano pa
kagaspang ang pag uugali na ipinakita ko sa kanya, nandiyan pa rin siya para
alagaan ako.
"Ayos lang ako! Hayaan na natin ang mga pulis ang
magbigay ng hatol sa taong iyan!' sagot ko naman kasabay ng pagtapik sa likuran
niya. Kaagad niya naman akong binitiwan at sinipat ng tingin.
"Talaga bang ayos ka lang? Huwag kang matakot. Hindi ko
na hahayaan pa na may mambastos sa iyo ulit..'" sagot nito kaya kaagad
akong napangiti.
Ngiti na walang halong galit. Ngiti na puno ng pasasalamat
para kay Drake.
"Ayos lang talaga ako! Medyo masakit ang braso ko dahil
sa pagkakahawak niya kanina pero alam kong gagaling din kaagad ito." sagot
ko naman.
Kung kanina ay napansin kong kalmado na ito, bigla naman
nangunot ang noo niya. Kaagad niyang sinuri ang braso ko at ng mapansin niya na
may pasa nga ay galit nitong tinitigan ang lalaking nakahandusay at dinuro.
"Sisisguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan!"
galit na sigaw ni Drake. Nahihilo naman na dahan-dahan na bumangon ang lalaking
bastos pero naging maagap si Drake. Sinipa niya ulit ito kaya muli itong
napahiga sa sahig habang sinasambit ang katagang sorry'
Ilang saglit lang dumating na din naman kaagad ang mga
kapulisan at hinuli ang salarin. Lalo kong napansin ang takot sa mga mata ng
lalaking bastos ng malaman nito na apo ako ng may ari ng mall at hindi ko na
din mabilang kung ilang beses siyang humigi ng tawad sa akin pero hindi na ako
binigyan pa ni Drake ng pagkakataon na makalapit sa kanya. HInila niya ako
palayo sa umpukan at ang abogado niya na lang daw ang bahala para masampahan ng
kaso ang lalaking nambastos sa akin.
"Isuot mo ito. Baka makapatay na ako ng tao kapag may
mambastos ulit sa iyo!" wika ni Drake sa akin habang nakaupo ako dito sa
upuan ng boutique. Saglit niya akong iniwanan dahil kailangang ng bayaran ang
mga natipuhan kong bilihin. Gusto niya na nga akong hilahin pauwi kanina pa
pero hindi ako pumayag. Sayang naman iyung mga nagustuhan kong damit kung hindi
ko maiuwi.
Balak ko na din naman namin umuwi pagkatapos nito dahil
aaminin ko man or hindi, labis din kang natakot sa nangyari kanina.
"Pero, ayos naman itong suot ko Drake. Tsaka mainit
iyan eh." sagot ko naman habang sinisipat ko ng tingin ang medyo may
kahabaang jacket na iniabot niya sa akin. Ayaw ko nga. Masisira ang attire ko
noh! Ang ganda ng suot ko tapos patatakpan niya lang sa jacket na iyan.. Hindi
ako papayag! Hindi naman kabastos-bastos ang suot ko sadyang may mga manyakis
lang talagang mga lalaki na hindi mapigilan ang sarili na mambastos ng babaeng
kasing ganda ko.
Chapter 447
JEANN POV
Pagkatapos magbayad, napagpasyahan na naming umuwi na lang.
Nakaka-trauma man ang nangyari kanina, gayunpaman kailangan kong magpakatatag.
Hindi naman pala ako pababayaan ni Drake sa mga ganitong klaseng sitwasyon.
Hanggang ngayun din kasi, ramdam ko pa rin ang tension kay Drake habang
naglalakad kami palabas ng mall.
Gustuhin ko mang ituloy ang pagsa- shopping ko, halos ayaw
niya na din naman humiwalay sa tabi ko. Nagiging istrikto siya pagdating sa mga
taong nakapaligid sa amin. Hindi tuloy ako makapamili ng maayos dahil
nakabuntot ito sa akin palagi kaya ang ending uuwi na lang. Total, ayaw ko din
naman abutan kami ng gabi dito sa labas lalo na at baka hinahanap na kami ni
Baby Russell.
Pagdating ng bahay, sakto namang tulog daw si BAby Russell
sa kwarto ni Daddy Andy. Hinayaan ko na lang muna at akmang tatahakin ko na ang
way papunta sa isa sa mga guest room ng hawakan ako ni Drake sa kamay.
"Sa kwarto ka na lang. Ako na lang ang gagamit ng guest
room." wika nito sa akin. Bakas ang lungkot sa mga mata nito habang
sinasabi niya iyun kaya kaagad akong umiling.
"Hindi pwede! Doon ka na sa kwarto at ako na ang
bahalang maghanap ng magiging kwarto namin ni Baby Russell. Hanggat maaari ayaw
kong makaabala Drake!" seryoso kong sagot. Kaagad naman itong umiling.
"Sino ba ang nagsabi sa iyo na nakakaabala kayo sa
akin? Asawa kita at gusto kong kumportable ka dito sa bahay. Hayaan mong ako
ang mag adjust Jeann." seryosong sagot nito. Kaagad naman akong
napabuntong hininga sabay tango.
"Fine...kung talagang nag iinsist ka, sige! Sa kwarto
kami ni Baby Russell, sa guest room ka!" sagot ko. Pigil ko ang paguhit ng
masayang ngiti sa labi ko. Kaagad naman itong tumango.
Kaagad na akong sumibat. Hindi ko na din kasi talaga kayang
labanan ng tingin si Drake eh. Para na din kasi akong naaawa sa kanya. May
utang na loob na ako sa kanya dahil sa nangyari kanina tapos iba-ban ko pa siya
sa kwarto namin? Hayssst! Masyado na ba akong masama? Masyado na bang OA ang
ginawa kong pagtrato sa kanya?
Si Drake na din mismo ang nag akyat sa lahat mga personal na
gamit na pinang shopping ko. Pwede naman sana niyang iutos iyun sa mga
kasambahay pero ayaw daw niya. Gusot daw niyang personal akong pagsilbihan.
Sino ba naman ako para tatanggi diba? Bahala na siya.
Kung sa tungkol sa effort lang ang pag uusapan, sobra-sobra
na ang ibinigay sa akin ni Drake. Tapos evicted pa siya sa room namin? Wala man
lang siyang natanggap na reward mula sa akin?
Nang naipasok na ni Drake ang last na paper bag na
naglalaman ng mga wardrobe na pinamili ko kaagad ko na itong pinigilan. Hindi
naman ako ganoon kasama para magawang tiisin siya. Mahal ko ang lalaking ito at
hindi ko din naman kayang nakikita na nahihirapan siya. Magsasama lang naman
kami sa iisang kwarto at wala namang mangyayari. Magkatabi na nga kami sa kama
kagabi pero hindi niya naman ako ginawan ng masama. Gentleman pa rin naman ang
asawa ko at wala sa forte nito ang mamimilit ng babae pagdating sa kama.
"Hmmmm Drake..naisip ko lang.... pwede ka naman pala
mag stay sa room natin. Para...para makasama mo din si Baby Russell."
nauutal kong wika. Kagustuhan ko ito kaya dapat lang talaga na panindigan ko.
Nasabi ko na at wala ng bawian pa.
Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang unti-unting
paguhit ng masayang ngiti sa labi nito. Para itong nanalo sa pustahan na ewan.
Mabilis pa nga itong naglakad palapit sa akin at masaya akong tinitigan sa mga
mata.
"Jeann? Sigurado ka ba diyan? Pwede akong mag stay dito
sa kwarto para makasama kayo ng mga bata?" masaya nitong tanong. Kaagad
naman akong tumango.
"Yes! Eh oo naman! pwede talaga! Gusto ko din naman na
palagi kang makasama ng anak natin eh. Tska, hindi ka naman gagawa ng mga bagay
na hindi ko magugustuhan diba?" tanong ko naman. Hindi ko pa nga maiwasan
na mapakagat sa sarili kong labi dahil sa hiya sa kanya. Ewan ko ba... ako
itong nagyaya sa kanya na sa kwarto na siya mag-stay ako pa itong nahihiya.
Hayssst!
"Of course! Of course! Promise, hindi ako gagawa ng mga
bagay na hindi mo magugustuhan! Thank you Jeann! Thank you so much! Hindi mo
lang alam kung gaano ako kasaya ngayun!" nakangiti nitong sagot. Pilit
naman akong ngumiti sa kanya dahil sa sa totoo lang, kanina pa kumakabog sa
kaba ang dibdib ko.
"So, aayusin ko muna ang mga pinamili ko. Bahala ka na
kung ano ang gagawin mo dito sa kwarto. Pwede kang magpahinga or what. Promise,
magdahan-dahan lang ako ng kilos para hindi ka maisturbo sa pagpapahinga
mo." nakangiti kong wika sa kanya. Ngiti na walang halong kaplastikan.
"Sure...kahit na mag ingay ka pa dito sa loob ng
kwarto, ayos lang sa akin. Ang importante, kasama kita ngayun...' ngiting ngiti
naman nitong sagot at tinitigan ako sa mga mata. Pilit naman akong nag iwas ng
tingin sa kanya. Ewan ko ba, sa tuwing titig niya sa akin, para namang gusto
nang kumawala ang puso ko sa sobrang pagkabog nito. Parang gusto ko na tuloy
pagsisisihan ang ginawa kong pagyayaya sa kanya dito sa kwarto. Baka mamaya
hindi ko mapanindigan at ako din ang maging talo sa bandang huli.
"Si---sige! Rest well!" wika ko sa kanya at
mabilis kong binitibit ang iilan sa mga papers bags na nasa harapan ko at
mabilis na akong nagkalakad patungong walk in closet para ayusin na lang muna
ang mga pinamili ko. Hindi ko na din kasi talaga matatagalan pa ang pag uusap
namin ni Drake. Feeling ko, para akong isang teenager na nakikpag usap kay
crush.
Chapter 448
JEANN POV
Pagkatapos kong ayusin lahat ng mga gamit ko mabilis na
akong lumabas ng walk in closet. Naabutan ko pa si Drake na nahihimbing na sa
pagtulog sa kama.
Hindi ko maiwasang lapitan ito para matitigan ng malapitan.
Kaagad na gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi ko ng matitigan ko ang kanyang
gwapong mukha.
Mahal ko naman talaga siya eh.. Mahal na mahal! May mga
bagay lang talaga na mahirap kalimutan. May takot pa rin talaga akong
naramdaman sa puso ko kaya nahihirapan akong muling magtiwala sa kanya.
Sa totoo lang, hindi ko pa naman talaga tuluyang isinasara
ang puso ko sa kanya kaya ako pumayag na bumalik sa bahay na ito. May gusto
lang din talaga akong patunayan kaya nandito ako. Gusto ko lang din naman
masiguro kung talagang wala na silang ugnayan ni Jasmine. Ayaw ko kasing
magbakasakali at sa bandang huli ako din ang masasaktan. Childhood sweetheart
niya ang kalaban ko at wala akong panama doon kasi mas naunang dumating ang
Jasmine na iyun sa buhay ni Drake kumpara sa akin.
Sobrang haba ng pasensya ni Drake sa akin nitong mga
nakaraang araw. Kahit na ilang beses na itong nakarinig ng maangahang na salita
mula sa akin, nandiyan pa rin siya at pilit akong sinusuyo.. Sana nga nagsisisi
na siya sa lahat ng mga pagkakamali na nagawa niya. Sana nga, hindi niya na
ulit ako lolokohin.
"Hmmm Love...nandiyan ka pala? Tapos ka na bang mag
ayos?" kaagad akong napaiwas ng tingin ng biglang dumilat si Drake at
direktang tumitig sa akin.
"Ha? Ah! Eh, tapos na akong mag
ayos. Ka-kanina pa sana kita gu- gustong gisingin dahil
yayayain sana kita nag puntahan si Baby Russell sa kwarto ni Daddy."
pautal-utal kong sagot. Nagmamdali naman itong bumangon habang naghihikab kaya
hindi ko maiwasang makaramdam ng konsensya. Naisturbo ko pa yata nag tulog
niya.
Tsaka ano iyung tawag niya sa akin kanina? 'Love'? Kakamulat
pa lang ng mga mata niya Love kaagad ang tawag niya sa akin? Para sa akin ba
talaga iyun? Ilang beses ko na kasing narinig ang katagang iyun mula sa bibig
niya. Parang normal lang sa kanya na tawagin ako sa ganitong endearment.
"Saglit lang Love, maghihilamos lang ako at mag
toothbrush tapos puntahan na natin si Baby.'" sagot nito at mabilis ng
naglakad patungong banyo. Nasundan ko na lang siya ng tingin habang hindi ko
mapigilan ang unti- unting paguhit ng ngiti sa labi ko. Ewan ko ba! Kinikilig
talaga ako sa tuwing tinatawag niya ako sa ganung endearment.
Habang hinihnitay si Drake nagpasya akong ligpitin na muna
ang kalat sa kama. Tinupi ko ang mga dapat tupiin at inilagay ko sa tamang
lagayan ang mga iilang gamit na nakakalat.
Abala ako sa ginawa ko ng biglang bumukas ang pintuan ng
banyo. Iniluwa si Drake na nakatapis lang ng tuwalya at basang basa ang buhok
nito. Halatang bagong ligo at fresh na fresh tingnan. Parang gusto ko tuloy
siyang yakapin at amuyin ang mabango niyang katawan.
Hindi ko maiwasang sipatin ito ng tingin mula ulo hanggang
paa. Ang gwapo talaga ng asawa ko! Kaya siguro na-inloved ako sa kanya ng
sobra!'
"Ehem...magbibihis lang ako Love. Saglit lang
ito." boses niya ang muling nagpabalik sa aking huwesyo. Kumurap-kurap pa
ako bago ako nakasagot.
"Ha? Ah...Eh sige...hihintayin kita!" sagot ko
naman at kaagad na tumalikod sa kanya. Parang gusto kong sabunutan ang sarili
ko. Nakakahiya ang ginawa kong pagtitig sa kabuuan ni Drake. Baka kung ano ang
isipin niya sa akin! Baka napansin niya ang pagkatulala ko sa harap niya
kanina.
Hindi na din naman nagtagal ang paghihintay ko kay Drake.
Lumabas ito mula sa walk in closet na nakabihis na ng damit pambahay. Naka
cotton short lang ito na lagpas tuhod at puting t- shirt. Gayunpaman, hindi pa
rin nakaligtas sa mga mata ko kung gaano ito kakisig. Hindi pa rin nakaligtas
sa mga mata ko kung gaano kalakas ng kanyang sex appeal at malaking epekto iyun
sa akin.
Naabutan namin si Baby Russell sa kwarto ni Daddy na gising
na. Halata sa mukha ng bata ang tuwa ng makita niya ang pagdating namin ni
Drake. Kaagad naman itong binuhat ni Drake at sabay na namin siyang dinala sa
gaden.
Nag aagaw na ang liwanag at dilim sa kapaligiran kaya hindi
na ganoon kainit. Kaagad nagharutan ang mag ama ko habang tahimik lang akong
nanonood sa kanila. Nag eenjoy ako sa kakapanood sa kanila kaya hindi na namin
namalayan ang paglipas ng oras.
Masaya ako na nakikita kong masaya ang mag ama ko. Dalangin
ko na sana ganito kami palagi. Dalangin ko na sana wala ng problemang darating
para tuluyan na kaming magkabati ni Drake.
Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko nang mapansin ko ang
paglapit kay Drake ng isa sa mga guard na nagbabantay sa gate. Hindi ko tuloy
maiwasan na makiusyuso ng itinuro ni Manong Guard ang gate at mula sa
kinaroroonan ko, kaagad kong napansin ang isang babaeng nakatayo. Bakas sa
mukha ng naturang babae ang galit habang kinakatok ang bakal na gate at parang
gusto niyang pumasok dito sa loob.
Hindi ko maiwasang magsalubong ang aking kilay ng mapag-sino
ang naturang babae. Ang kapal ng mukha niya na pumunta-punta dito sa pamamahay
namin ni Drake. Ang kapal ng mukha niyang sumugod dito gayung siya ang dahian
kung bakit nasira ang pamilyang pilit kong binuo.
"Drake....Babe! Kausapin mo naman ako ohhh! sorry na!
Alam kong nagkamali ako pero pinagsisisihan ko na ang lahat! Sorry Babe!'"
narinig ko pang sigaw nito habang nasa labas ng gate. Kaagad akong tumayo at
mabilis na naglakad para lapitan siya.
Hindi siya pinapapasok ng mga guard kaya obvious na hindi
siya welcome sa bahay ito!
Chapter 449
JEANN POV
"Papasukin niyo siya!" utos ko sa guard pagkalapit
ko sa gate. Kaagad ko namang nakuha ang attention ni Jasmine at kita ko ang
pagkagulat sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Hindi niya marahil
inaasahan ang presensya ko sa bahay na ito. Lihim naman akong natawa.
Ito na ang pagkakataon na hinihintay ko! Sisiguraduhin ko na
pagsisisihan niya ang lahat ng ginawa niyang panggugulo sa pamilya ko. Huwag
lang makialam ang Drake na ito sa posible kong gagawin sa kerida niya kung
hindi maghahalo talaga ang balat sa tinalupan. Unti-unti pa namang bumabalik
ang loob ko sa kanya kaya umayos siya!
"Scared? Gusto mong pumasok diba? Dont tell me na
biglang nabahag ang buntot mo? Pinapasok ka na nga, aayaw ka pa ngayun? Bakit?
Natatakot ka ba?" sunod-sunod kong tanong. Pinilit akong magpaka-hinahon
kahit na ang totoo kanina pa kumukulo ang dugo ko. Gusto ko na siyang
sabunutan. Gusto kong matikman niya ang galit ko na matagal ko ng kinimkim sa
puso ko.
"A-anong ginagawa mo dito? Hindi bat hiwalay na kayo ni
Drake? Ayaw niya na sa iyo bakit nagbalik ka pa?" sagot naman nito. Bakas
sa boses nito ang pagkadismaya kaya hindi ko maiwasan na matawa. Kaagad naman
nagsalubong ang kilay nito dahil sa naging reaction ko.
"Bakit ayaw mong pumasok? So, totoo pala ang balita ko
na fake ang pagbubuntis mo? Nakakaawa ka naman! Hindi ko akalain na nagawa mong
magsinungaling mapaikot mo lang sa palad mo ang asawa ko! Hindi ko akalain na
ganyan ka ka dispirada para lang makuha ang gusto mo!"
nakangisi kong wika sa kanya.
Hindi ito nakaimik kaya tinalikuran ko na ito. Nakakailang
hakbang palang ako palayo ng gate ng marinig ko ang boses ng guard na
kinakausap si Jasmine.
"Papasok po ba kayo Mam? Kung hindi po, isasara na
namin ang gate. Huwag na po sana kayong bumalik dahil naka ban na po kayo dito.
Mahigpit na ibinilin ni Mr. Davis na bawal po kayo sa lugar na ito."
narinig kong wika ng guard. Hindi ko naman mapigilan na mapangisi at napatingin
pa ako sa gawi ni Drake na tahimik lang na nakamasid sa akin. Kandong niya pa
rin si Baby Russell.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or hindi sa naging action
nya kahit na alam niyang nasa labas si Jasmine at for sure siya ang hinahanap.
Parang wala na lang sa kanya si Jasmine ngayun na siyang dahilan ng sobrang
saya na nararamdaman ng puso ko. Totoo nga siguro na tuluyan niya nang binura
sa buhay niya si Jasmine. Totoo nga siguro na napilitan lang siyang pakisamahan
ang babaeng iyun dahil nabuntis niya ng minsang may nangyari sa kanila.
Haysst, hindi kasi marunong magpigil at kahit may asawa na,
nagawa niya pa rin makipag talik sa ibang babae.
Sabagay, baka nabulagan lang din si Drake dahil ex niya nga
si Jasmine at childhood sweetheart pa. Meaning to say, may malalim na silang
pinagsamahan at hindi kaagad iyun mawala-wala sa puso at isipan ni Drake. Pero
mukhang iba na ngayun, kung talagang mahal ng Drake na ito si Jasmine, kanina
niya pa siguro pinapasok dito sa bahay. Hindi niya sana ito ipapa ban sa mga
guard.
"Drake! Ano ba! Kausapin mo naman ako oh! Mahal kita!
Mahal na mahal!"
narinig kong sambit ni Jasmine. Ang kapal talaga ng mukha
niya at nagawa niya pa talagang pumasok. Hindi man lang natakot sa titig ko.
"Hep! Hep! Saan ka pupunta!" kaagad ko namang
sambit at kaagad na sinalubong si Jasmine. Pilit pa itong umiiwas sa akin pero
naging maagap ako. Kaagad ko siyang hinarang habang nanlilisik ang mga matang
tinitigan ito.
"Ang lakas din naman ng loob mo na pumasok sa teritoryo
ko! GAnyan ka na ba kawalang hiyang babae ka? Talaga bang wala ng natitira pa
na kahit kaunting delikadisa sa katawan mo?" galit kong sigaw sa kanya.
Naramdaman ko na lang ang pagtulak ni Jasmine sa akin kaya
saglit akong napaatras. Mabuti na lang at malakas ang reflexes ko at hindi ako
natumba. Naging daan iyun para lalong mag init ang ulo ko at kaagad na gumanti
sa kanya. Nang saglit na makabawi mas
malakas ko siyang itinulak na siyang dahilan kaya napaupo
ito sa lupa. Hindi ko maintindihan pero mas bumagsak ang katawan ni Jasmine
ngayun kumpara noong last kaming nagkita. Para itong nag addict sa sobrang
kapayatan ngayun.
"Drake ano ba! Ako ang mahal mo diba? Bakit hinahayaan
mo ang babaeng iyan na saktan ako? " bigkas ni Jasmine habang umiiyak.
Namalayan ko na lang na nasa tabi ko na pala si Drake. Hindi niya na karga si
Baby Russell kaya kaagad ko itong hinanap at napansin ko na lang na nasa kay
Ella na ito. Naglalakad na sila papasok ng bahay na siyang labis kong
ipinagpasalamat. Hanggat maaari, ayaw kong makita ng anak ko ang kumusyon na
nangyayari dito sa labas.
"Jasmine...ano pa ang gusto mo? Ilang beses ko ng
sinabi sa iyo na tantanan mo na ako! Wala na akong pananguatan sa iyo dahil sa
umpisa pa lang, niluko mo na ako!" si Drake na ang nagsalita. Lalo namang
lumakas ang pag iyak ni Jasmine. Hindi ko nga alam kung tunay na pag iyak ba
iyun dahil pilit niyang kinukusot ang kanyang mga mata para siguro lumabas ang
luha. Hindi ko tuloy maiwasan na mapaismid.
Kung naging artista lang siguro itong si Jasmine, baka
nanalo na itong best actress. Alam ko kasing nagdadrama lang ito eh. Sa hitsura
niya ngayun alam kong naghihirap siya. Ang payat niya at mukhang kulang sa
nurtisyon ang katawan. Ang laki ng ipinagbago niya simula noong last kaming
nagkita sa mall.
"Mahal kita Drake! Pinalayas mo na ako sa bahay kung
saan ako nakatira. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta! Drake naman, huwag
mo naman sana itong gawin sa akin. Alam kong nagkasala ako pero sana naman
pakingan mo ako!" nakikiusap na wika ni Jasmine kay Drake. Kung wala lang
sigurong malaking atraso sa akin ang Jasmine na ito, baka naawa pa ako sa kanya
eh. Kaya lang hindi eh...siya ang isa sa mga dahilan kaya nagkalabo- labo ang
buhay mag asawa namin ni Drake. Kung hindi sana siya umiksena, masaya sana kami
ngayun.
Chapter 450
JEANN POV
"Umalis ka na Jasmine. Wala na akong maitulong sa iyo.
Tapos na ang obligasyon ko at ilang beses na kitang tinulungan pero wala akong
nakikitang pagbabago sa buhay mo. Hayaan mo na ako na ang pamilya ko naman ang
aasikasuhin ko. Nagkasala ako sa asawa at anak ko at pilit akong bumabawi sa
kanila ngayun kaya sana huwag mo ng ipilit ang gusto mo!" narinig kong
wika ni Drake.
"Pero Drake, hindi ko kaya! Alam mo naman siguro na
simula noong bumalik ako dito sa Pinas, nakadepende na ako sa iyo diba? Tapos
pinaalis mo pa ako sa bahay na tinitirhan ko. Hindi ko na alam kung saan ako
pupunta. Hindi ko na alam kung ano nag gagawin ko!"
pagpapaawa ni Jasmine kaya muling napataas ang kilay ko.
Alam na this! Feeling ko pera lang talaga ang habol ng
babaeng ito kay Drake eh. Ramdam na ramdam ko sa mga salitang lumalabas sa
bibig niya.
"Tapos na tayo Jasmine at wala na akong magagawa pa.
Bata ka pa! Ayusin mo na ang buhay mo at itigil mo na ang nakasanayan mo.
Magtrabaho ka! Buhayin mo ang sarili mo! Kaya mo iyan!" sagot naman ni
Drake.
"Drake, alam mo naman siguro na hindi ako marunong
diba? Hindi ako nakatapos at nasanay ako walang ibang ginawa kundi ang
maglakwatsa.
Nasanay na din ako na nasa tabi kita. Akala ko ba hindi mo
ako iiwan? Akala ko ba hindi mo ako susukuan? Ano ito? Porket nagkamali ako,
iiwan mo na lang ako ng basta-basta? Aminado naman ako sa lahat ng mga
kasalanan ko eh. Aminado ako- -" hindi na natuloy pa ang sasabihin nito ng
kaagad akong pumalakpak.
"Magaling! Magaling! And the best actress award goes to
Jasmine! Palakpakan!" pasigaw ko pang bigkas. Malakas akong pumalakpak
kaya nabaling sa akin ang attention ni Jasmine. Inirapan ako nito kaya kaagad
ko naman itong inambahan. Amba lang naman. Gusto ko lang siyang takutin.
"Drake, ano ba! Kung hindi mo pa papalayasin ang
babaeng iyan, kami ng anak mo ang aalis dito at hindi mo na kami makikita pa
kahit kailan!"
seryoso kong wika kay Drake. Masuyo naman ako nitong
hinawakan sa kamay. Nakikiusap ang mga matang tumitig sa akin.
"Sorry, promise last na ito. Hayaan mong kausapin ko
siya at simula bukas, hinding hindi mo na makikita kahit na ang anino niya
kahit kailan." wika naman sa akin ni Drake. Bakas sa boses nito ang
pakiusap kaya hindi ko maiwasang mapabuntong hininga.
"Okay...sabi mo eh!" sagot ko naman at naiinis na
tinitigan si Jasmine. Hindi pa nga ako nakapagpigil at binatukan ko pa ito bago
ako tuluyang umalis. Napasigaw pa ang bruha at halatang nagpaakampi kay Drake
pero hindi naman siya pinansin. Lihim namang nagdiwang ang kalooban ko at
diretso na akong naglakad kung saan naka pwesto si Drake kanina.
Papanoorin ko kung ano ang gagawin nii Drake. Isang
pagkakamali at maghahalo ang balat sa tinalupan. Napataas pa ang kilay ko dahil
kaagad namang napatayo si Jasmine at akmang yayakap kay Drake pero mabilis
nakailag ang asawa ko.
"Umalis ka na Jasmine. Isang malaking pagkakamli ang
pagpatol ko sa iyo noon kaya tumigil ka na!
Patahimikin mo na kami! Wala ka ng aasahan sa akin dahil
nagising na ako sa katotohanan na hindi kita mahal!" narinig ko pang wika
ni Drake. Wala sa sariling napadi kwatro tuloy akong naupo. Sininyasan ko pa si
Manang na nakaantabay sa hindi kalayuan para manghihingi ng maiinom. Para
kasing nanonood ako ng live na palabas eh. Sa parte ni Jasmine, siya ang bida
at ako ang kontrabida.
"Pero Drake, hindi ka ba naaawa sa akin? Wala akong
mapupuntahan! Wala akong pangastos. Walang wala na ako ngayun. Naguguluhan ka
lang eh. Ako naman talaga ang mahal mo diba? Hindi mo naman mahal ang Jeann na
iyan eh. Takot ka lang sa pamilya niya kaya binalikan mo siya diba?"
umiiyak na sagot ni Jasamine. Parang gusto ko tuloy itong sugurin at kalbuhin
gamit ang garden scissors. Ang kapal ng mukha niyang makipag-kumpitensiya sa
akin!
"Nagkamali ka! Mahal ko si Jeann! Mahal ko ang asawa
ko! Umalis ka na dahil wala kang lugar sa puso ko!" wika ni Drake. Lalo
namang napahagulhol ng iyak si Jasmine. Hindi na nga ito nakapagsalita.
"Ang laking pera ang ibinigay ko sa iyo noong pinaalis
kita sa bahay. Ginamit mo man iyun sa mabuti or masamang paraan kaya naubos
kaagad wala na akong pakialam. Tapos na ang obligasyon ko sa iyo Jasmine kaya
umalis ka na. Ano man ang maging buhay mo pagkatapos nito, wala na akong
pakialam." sagot ni Drake at kaagad na sininyasan ang dalawang guard.
Sabay-sabay namang nagsilapitan ang mga ito.
"Ilabas niyo na siya. Kahit ang pagtayo niya sa labas
ng gate ay matindi kong ipinagbabawal. Bukas ng umaga, magdadagdag ako ng isa
niyo pang makakasama dito." wika ni Drake. Patuloy sa pagmamakaawa si
Jasmine hanggang sa bitbitin na ito ng mga guard palabas ng gate pero parang
naging bingi na si Drake. Wala na nga siguro talaga itong pakialam sa kabit
niya at pinaninindigan na nito na talagang hiwalay na sila.
Magkahalong damdamin naman ang kaagad na bumalot sa puso ko
dahil sa nasaksihan. Ano man ang pakay ni Jasmine kaya siya pumunta dito sa
amin, siya na lang ang nakakaalam. Basta sa kaibuturan ng puso ko, galit ako sa
kanya dahil sa pag agaw nya sa attention ni Drake sa amin. Nagbalik siya sa
Pinas para guluhin ang relasyon namin ni Drake kaya kailangan niyang pagbayaran
iyun.
"Pasok na tayo sa loob?" naputol lang ako sa
pagmumuni-muni ko ng mapansin ko na nakatayo na pala sa harapan ko si Drake.
Muli akong napasulyap kay Jamine na hindi pa rin umaalis sa tapat ng gate
namin.
"Hindi ka ba naawa sa kanya?" tanong ko kay Drake.
Saglit itong nanahimik at tinitigan ako.
"Wala na akong obligasyon sa kanya Jeann. Nagkasira
tayo dahil sa pagpatol ko sa kanya at bago siya umalis sa buhay ko binigyan ko
siya na malaking halaga para makapag bagong buhay. Siguro naman, hindi na ako
uusigin pa ng konsensya dahil pinabayaan ko na siya diba?" sagot nito.
Hindi ko naman malaman kung ano ang magiging reaction ko.
Kung pera lang talaga ang habol ni Jasmine hindi ko talaga
siya pwedeng kaawaan. Pero kung umiiyak man siya ngayun sa labas ng gate dahil
mahal niya si Drake hindi ko naman papahintulutan na siya ang piliin ni Drake.
Sa pagkakataon na ito, dapat na akong matutong ipaglaban kung ano ang sa akin.