Billionaires True Love Part 3

0

 

Billionaires True Love Part 3

Chapter 101


MIRACLE


Sarap now, iyak later! Iyan ang nangyari sa akin pagkatapos ng mainit na sandali sa amin ni Ninong Roldan. Ngayun ko lang narealized kung gaano ako katanga!


Agad kong pinahid ang luha na dumadaloy sa aking mga mata. Hindi ko akalin na dito hahantong ang lahat. Hindi ko alam kung bakit bigla akong bumigay. Mali ito! Bakit nagpadala ako sa kapusukan naming dalawa ni Ninong. Wala sa hinagap ko na maibibigay ko ang pagkababae ko sa sarili kong Ninong sa isang iglap.ang bilis ng pangyayare.


Pinakiramdaman ko ang aking katabi. Banayad na ang paghinga nito.. Halatang mahimbing na nakatulog pagkatapos ang mainit na sandali sa aming dalawa. Dahan-dahan kong tinanggal ang nakayapos nitong braso sa aking baywang. Nang magawa ko


yun ay unti-unti akong bumangon. Napangiwi pa ako ng maramdaman ko ang pananakit ng aking pagkababae. Pakiramdam ko nagkasugat ako sa bahaging iyun. Nang tuluyan akong makabangon ay nilingon ko pa si Ninong Roldan. Gwapo naman kasi ito sa kabila ng layo ng agwat ng edad namin. May mamula-mulang labi at matangos ang ilong. Dagdagan pa ng maganda nitong katawan na halatang alaga sa gym. Mahimbing pa rin ang tulog kaya naman dali-dali kong hinagilap ang damit ko. Agad kong isinuot pero nagulat ako dahil hindi ko mahanap ang aking underware. Hindi ko alam kung saan ito nailagay ni Ninong kanina. SAbagay hindi ko din kasi namalayan na nahubaran na ako nito. Basta ang naalala ko masyado akong nag-enjoy sa ginagawa namin kanina.


Oo,tanga nga ako pero ito naman ang kapalit. Masakit ang buo kong katawan at puno ng pagsisisi ang aking puso. Kay tagal kung iniingatan ang aking virginity dahil ito ang pangarap kong ireregalo sa aking magiging asawa kapag ikasal kami. Pero wala na. Naibigay ko na sa taong ni sa isang iglap ay hindi ko akalain na papatol ako sa kanya. Nakalimutan ko na hindi iba sa pamilya namin si Ninong Roldan.


Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Baka magising ito at hindi ko alam kung paano pakirapan pagtapos ng may nangyari sa amin. Hindi ko kayang makita kung ano ang magiging reaksyon nito pagkatapos kong magbihis.

ka-ika akong naglakad palabas ng cottage. Hindi ko alam kung anong oras na pero malamig na ang simoy ng hangin. Dagdagan pa na nakadress pa ako at walang underware kaya naman lalo akong gininaw. Kahit masakit ang buong katawan ko lalo na ang aking


pagkababae, pinilit kong maglakad pabalik ng villa. Masyado ng tahimik ang buong paligid na siyang labis kong ipinagpasalamat. Patuloy ang pagtulo ng luha sa aking mga mata hanggang sa makarating ako ng Villa at makapasok sa loob ng aking kwarto. Pasalampak akong naupo sa kama.


Ngayun ko lang narealized kong gaano ako katanga. Sa isang halik at haplos lang ng sarili kong Ninong na bestfriend ng Mommy ko bumigay na agad ako. Hindi ko alam kung epekto lang ba ito ng alak na nainom ko kagabi o dahil sa curiosity ko.


Palibhasa kasi myembro ako ng NBSP kaya ganoon. Isang halik lang para na akong nakarating ng alapaap.


"Naisabunot ko ang aking kamay sa aking buhok. Parang gusto kong iuntog ang aking sarili dahil sa nagawa kong katangahan. Naturingan na matino at matalino akong anak pero sa isang iglap lang naisuko ko kaagad ang aking sarili sa hindi ko boyfriend. ang worst mas hamak na matanda sa akin ng ilang taon at kaibigan pa ng pamilya ko at Ninong ko pa talaga.


Ano na lang ang magiging reaksiyon ng pamilya ko kapag malaman nila ang bagay na ito? Tiyak na magagalit sila sa akin at higit sa lahat baka itakwil nila ako. Baka nga ikahiya pa nila ako eh. Alam kong mataas ang expectations nila sa akin. Alam nila kung gaano ako ka pihikan pagdating sa pakikipagrelasyon. Pero ano ito? Bakit ganoon lang kadali Bakit ang Ninong? ang lahat? bilis kong bumukaka kay ninong.


Impit ang aking pag-iyak habang tinatakpan ko ng kamay ang aking bibig. Hindi soundproof ang kwarto ko at baka marinig ako ni Kuya Christian na nasa kabilang silid lang. Tiyak na magtataka ito kung bakit ako umiiyak.


Pagkatapos kong mahimasmasan ay nagpasya akong pumasok na ng banyo. Nang sulyapan ko ang orasan sa side table ay nagulat ako dahil halos alas kwatro na ng madaling araw. Kaya pala sumasakit na ang ulo ko. Wala pa akong tulog at kailangan ko ng magpahinga. Hindi ako pwedeng umiyak ng umiyak dahil tiyak na mapapansin nila Mommy ang hitsura ko bukas kapag makita nilang namamaga ang aking mga mata.


Agad akong pumasok at hinubad ang aking dress. Nakarating naman ako ng villa ng walang suot na panty kaya naman agad kong tiningnan ang repleksiyon ko sa salamin. Nanlumo ako ng makita kong puro kissmark ang buo kong katawan. Hindi ko man lang napansin na halos tadtarin na pala ng kissmark ni Ninong ang aking leeg papunta sa akin dibdib. Lalo akong napaiyak. Hindi ito pwedeng mapansin nila Mommy. Iniinda ko na nga ang pananakit ng aking pagkababae,


pinuproblema ko pa ngayun kung paano maitago ang kissmark sa buo kong katawan. Nandito pa naman kami sa beach. Paano ako makakapagsuot ng swimsuit. Parang gusto ko na naman batukan ang aking sarili. Ang tanga ko talaga!


Nagpasya na lang akong mag-half bath bago nagbihis ng pantulog. Nagsuot ako ng long sleeve at pajama. Pakiramdam ko kasi matutuluyan akong trangkasuhin. Masakit na ang aking ulo kaya naman ng makapagbihis na ako ay deretso na ako sa aking kama. Nagtalukbong ako ng comforter at agad na nakatulog.


Hindi ko alam kung anong oras na at ilang oras ako nakatulog. Basta narinig ko na lang na may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Nang tingnan ko ang bintana na bahagyang natatakpan ng kurtina ay nakita kong maliwanag na sa labas. Babangon sana ako pero nakaramdam ako ng pagkahilo. Isa pa lalong lumala ang pananakit ng aking pagkababae. Sa sobrang laki ba naman ng sandata ni Ninong Roldan kagabi ewan ko lang kung hindi ako malulumpo kapag nasundan pa ang ginawa naming pagsasayaw kagabi.


"Pwede kang pumasok." Wika ko at itinaas ang comforter hanggang leeg. Ulo na lang ang nakalitaw sa akin. Agad naman bumukas ang pintuan at pumasok ang aming kasambahay na si Elsa. Nagtaka pa ito ng makita ako sa aking ayos. Sabagay, halata naman na hindi ako ok ngayun. Masama ang pakiramdam ko at halatang matutuluyan akong magkakasakit. Kusa na din nagluluha ang aking mga mata.


Mam, hinihintay na po kayo sa dining ng Mommy at DAddy nyo. Nandon na din ang mga kaibigan niyo. Maaga daw po kayong aalis ngayun para mag-ikot sa buong resort." imporma sa akin ni Elsa.


"Elsa, pwede pakisabi kina Mommy at DAddy na hindi muna ako makakasama? Masama ang pakiramdam ko at parang hindi ko kaya lumabas ngayun." sagot ko dito.


"Eh Mam hinahanap din po kayo ng mga friends mo. Nasa dining na din po sila." wika ulit nito.


"Pakisabi na lang na ititext ko na lang sila kapag maayos na ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko kasi nanghihina ako ngayun at hindi ko kayang maglakad." sagot ko dito. Agad naman itong tumango at lumabas na ng kwarto. Nakahinga ako ng maluwag at muling nagtalukbong ng kumot. Ayaw ko munang lumabas ng kwarto. Bahala na kung ano ang iisipin nilang lahat. Basta hindi ko kayang maglakad ng maayos at ayaw kong malaman ng kahit sino kung ano ang nangyari sa amin kagabi ni Ninong Roldan.



CARISSA


"Anong sabi?" agad kong tanong kay Elsa ng makita kong pumasok ito sa Dining area. Kompleto na kaming lahat liban kay Miracle. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayun hindi pa rin ito bumababa. Hindi niya naman gawain ang ganitong bagay noon.


"Eh, nilalagnat po yata si Mam Miracle. Masama daw po ang kanyang pakiramdam. Nakatalukbong nga po siya ng kumot tapos ang pula po ng mukha niya." sagot ni Elsa sa akin. Agad naman akong napatayo dahil bigla akong nag-alala kay Miracle. First time nitong mangyari na nagkasakit pagkatapos ng isang party? At dito pa talaga sa Resort. Malakas ang resestensya nito kaya imposible ang sinasabi ni Elsa.


"Baka naman masyado lang napagod Bestie. Minsan kasi kahit gaano pa natin ka-healthy kapag pagod ang ating katawan tatamaan talaga tayo ng trangkaso. Pero mawawala din yan kapag makapagpahinga siya ng maayos." sagot naman ni Roxie. Hinawakan naman ako ni Gabriel sa kamay. Isa isa kung tinitigan ang mga kaibigan nila Miracle.


"Ano bang nangyari kagabi Christian? Bakit nagkasakit si Miracle? Anong oras ba kayo natapos?" tanong ko kay Christian. Saglit itong nag-isip.


"Hind naman po kami inabot ng hating -gabi. Basta iniwan ko na lang sila noong nakaramdam na ako ng pagkahilo dahil sa tama ng alak.." sagot naman ni Christian. Pagkatapos tumitig ito sa mga kaibigan.


"Maayos pa naman po siya bago kami nakatulog dahil sa kalasingan Tita. Hindi lang namin alam kung natulog na din siya noong nag-black out na kami sa kalasingan. Basta nagising na lang kami kanina na wala na si Miracle.sagot naman ni Adrian.


"Hayaan mo na.  Lagnat laki lang iyan.


Kumain na muna tayo. Kapag hindi pa rin siya bumababa mamaya ng kaunti, dalhan na lang natin ng pagkain sa kwarto para makainom ng gamot." awat naman ni Mommy Moira. Wala na akong magawa pa kundi muling umupo at sumubo. Kahit na nag-aalala sa kalagayan ni Miracle pinilit ko pa rin na maging masigla.


"Itutuloy pa ba natin ang plano natin na pag-iikot? Pwede naman natin i- reschedule. Marami pa namang araw. " wika naman ni Roxie.


"Much better siguro. Unahin muna natin ang kalagayan ni Miracle. Siguro kailangan madala muna siya ng Hospital para matingnan ng Doctor." sagot naman ni Roldan. Bakas sa boses nito ang pag-aalala sa inaanak.


"Ayos lang naman, nandito naman kami ni Ralph para si Miracle. Ituloy niyo lang ang plano niyong pag-iikot. Kami ng ang bahala


sa apo namin." sagot naman ni Mommy Moira.


"Hindi po ba kayo sasama sa amin Ma? tanong ko kay Mommy Moira.


'May edad na kami para sa ganyang bagay Carissa. Dito na lang kami sa resort. Masakit na ang aming mga tuhod para makipagsabayan pa sa inyo. Huwag kayong mag-alala kay Miracle, kami ang bahala sa kanya." sagot naman ni Daddy Ralph. Napatingin ako kay Gabriel.


"Naka-schedule na ang lakad na ito. Ayaw ko naman na sisihin ni Miracle ang sarili dahil hindi natuloy ang lakad natin. Nandito naman sila ni Mommy kaya walang dahilan para hindi natin ituloy ang plano." sagot naman ni Gabriel. Tumango na lang ako tanda ng pagsang-ayon. Pagkatapos ay muli kong binalikan ang pagkain.


Nagulat na ako ng biglang tumayo si Roldan. Isa-isa itong tumitingin sa amin at nagwika.


"Pwede ko bang makita ang inaanak ko? Look, gusto ko kasing makasiguro na ayos siya. Ako ang huli niyang kasama kagabi at mukhang maayos naman siya ng maghiwalay kami." wika nito sabay tingin kay Gabriel. Wala naman akong nakitang kahit na anong dahilan para tumanggi kaya tumango ako. Gayundin si Gabriel. Pagkatapos ay tinawag ko si Elsa para pasamahan si Roldan sa kwarto ni Miracle. Inutusan na din namin ito na magdala ng pagkain.


Agad na lumabas ng dining room si Roldan kasama ang kasambahay na si Elsa. May bitbit na pagkain ang kasambahay habang tahimik na nakasunod kay Roldan. Muli naman naming itinuloy ang pagkain habang nagkukuwentuhan.


"Ang bait ni Roldan noh? Halatang bigla siyang nag-alala sa inaanak niya. " wika ni Roxie.


"Ganyan naman talaga iyan siya noon pa. Hindi ba kapag may sakit ang isa sa atin noon siya ang unang hindi mapakali hanggat hindi niya masigurado na ayos lang tayo? Parang hindi ka pa nasanay diyan sa kaibigan natin." sagot ko naman kay Roxie.


"Sabagay! Kaya nga selos na selos itong si Jonathan ko sa kanya eh. Paano lagi tayong tumatambay sa condo ni Roldan dati. tapos inaabot pa tayo ng gabi." natatawang sagot ni Roxie. Natawa naman ako ng maalala ko ang aming teenage life.


Oo palagi kaming nasa condo ni Roldan noon kapag walang pasok sa School. Favorite tambayan namin ang lugar na iyun dahil maraming stocks na pagkain at naka movie marathon pa. buong araw kaming kumakain at nanonood ng kung anu-anong movies.


Isa pa galante si Roldan. Palibhasa kasi nag-iisang anak at mayaman ang pamilya.


"Uy hindi ako nagseslos noh? Ikaw talaga! Nag-aalala lang ako dahil gabi na hindi ka pa rin umuuwi." depensa naman ni Jonathan sa kanyang sarili. Tinaasan naman ng kilay ni Roxie ang kanyang asawa.


"Anong hindi nagseselos. Kaya pala sakit mong magsalita sa akin. Halos bumulagta na ako sa matatalim mong titig?" sagot naman ni Roxie. Nagkatawanan naman kaming lahat.


"Gay si Roldan before kaya walang dahilan na magselos ako!" asar na sagot ni Jonathan. Muli kaming nagkatawanan.


'HIndi mo alam ang tungkol sa bagay na iyan Jonathan. Kami lang ni Bestie Carissa ang may alam tungkol sa bagay na iyan noon. Kaya umamin ka na.


Aminin mo na din dito na matagal ka ng may pagnanasa sa akin noon kaya noong nakakuha ka ng tyempo hindi mo na ako pinakawalan. "Natatawang sagot ni Roxie. Mukhang nasa mood ito para asarin ang asawa. Lalong sumimangot si Jonathan at hindi na sinagot ang nang-aasar na asawa. Napansin ko naman na muling bumaba si Elsa.


"Naihatid mo na ba si Roldan sa kwarto ni Miracle?" tanong ko dito. Agad naman itong tumango.


"Opo Senyorita." matipid nitong sagot kaya naman muli kong ibinalik ang aking attention sa pagkain. Malaki naman ang tiwala ko kay Roldan. Mabuti na rin at pinuntahan niya si Miracle  para hindi na ako mag-alala pa.



Chapter 102


ROLDAN POV 


"Sige na, ako na ang bahala sa kanya." Wika ko sa kasambahay pagkatapos nitong sabihin kung nasaan ang kwarto ni Miracle. Kinuha ko dito ang pagkain na para sa mahal ko. Hindi naman na din ito nagpumilit pa. Tumango ito at agad akong iniwan. Agad na sumilay ang masayang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa nakasarang pintuan ng kwarto ni Miracle.


Nagising ako kanina na wala na ito sa tabi ko. Para pa akong tanga na hanap ng hanap dito sa buong paligid ng cottage pero walang palatandaan na nasa paligid lang ito. Tiyak na iniwanan ako nito habang mahimbing akong natutulog. Pasaway talaga, hindi man lang ako ginising para sabay na kaming bumalik ng Villa.


Alam kong ako ang unang lalaki sa


buhay ni Miracle. May mga patak ng dugo ang bedsheet na ginamit namin kagabi. Nagtanggal pa ako ng bedsheet kanina dahil gagawin kung souvenir iyun. Iyun ang palatandaan kung gaano kalinis si Miracle kaya dapat lang na mahalin ko siya at alagaan.


Buti na lang at napansin ko din ang panty na suot nito kagabi na basta na lang naiwan sa cottage. Wala naman sigurong nakakita sa akin na dinala ko sa kotse ang lahat ng bagay na iyun. Itatago ko iyun para magiging alaala namin habang buhay.


"Pagtapat ko sa pintuan ng kwarto ay agad akong kumatok. Agad ko namang narinig ang boses ni Miracle. Agad kong binuksan ang pinto ng kwarto at tumampad sa paningin ko ang babaeng mahal ko. Nakatalukbong ito ng kumot at nakapikit. Halatang masama nga ang pakiramdam. Wala man lang itong pakialam kung sino ang dumating. Hindi man lang ito dumilat para tingnan kung sino ang pumapasok sa kwarto.


"Masama ang pakiramdam ko. Sabihin mo na lang kina Mommy na hindi ako makakasama ngayun." wika pa nito habang nakapikit. Agad ko naman isinara ang pinto at ini-lock. Mukhang malubha ang kalagayan ni Miracle. Pagkapasok ko ay tsaka pa lang idinilat ang kanyang mga mata. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito ng makita akong nandito sa silid. Inilibot pa nito ang paningin isa buong paligid at ng mapansin na wala kaming ibang kasama ay agad itong napaupo.


"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka pumasok sa silid ko?" tanong nito sa akin. Bakas sa boses nito ang matinding pagtataka at kaba.


"Hey relax. Huwag kang mag-alala. Nagpaalam ako sa Mommy at Daddy mo. Bakit nga pala basta mo na lang akong iniwan kanina? Hindi mo man lang ako ginising para may kasama kang maglakad pabalik dito." nagtatampo kong sagot dito. Tinitigan muna ako nito tsaka umiling.


"Pwede ba Ninong umalis ka na muna? Ayaw kitang makausap ngayun!" sagot nito sa akin. Hindi ko pinansin bagkos umupo ako sa tabi nito at hinaplos ang kanyang noo. Medyo mainit nga ito. Pumiksi ito pero hindi ko pinansin.


"Dapat kasi hindi ka muna umuwi eh. Tingnan mo ang taas ng lagnat mo. Sa susunod kasi huwag matigas ang ulo. Huwag kang basta alis ng alis ng hindi nagpapaalam sa akin." malumanay kong wika dito. Kumurap kurap naman ito pero seryoso akong tinitigan.


"Lumabas na po kayo. Ayaw kong magduda sila Mommy sa atin. Isang malaking pagkakamali ang nangyari sa atin kanina Ninong!" sagot nito sa akin. Agad naman napakunot ang noo ko sa sagot nito. Anong pagkakamali.


Eh ang pagkakaalam ko pareho kaming nag-enjoy.


"Miracle, hindi malaking pagkakamali ang nangyari sa ating dalawa. Its normal. Pareho natin ginusto iyun at gusto kung panagutan ang ano mang nangyari sa atin. Handa kong harapin ang mga magulang mo. Papanagutan kita!" inis kong sagot dito.


"Nababaliw ka na ba Ninong? Hindi pwede! tiyak na magagalit sila sa atin! Mali ito. Isang malaking pagkakamali ang lahat!!!" bakas sa boses nito ang galit habang sinasabi ang katagang iyun.


"No! Hindi isang pagkakamali ang nangyari sa atin kagabi! Nasa wastong edad ka na para malaman mo na pareho natin gusto iyun. Hindi ako papayag na basta mo na lang baliwalain ang lahat Sweetie. Gusto kita at hindi magtatapos kanina ang lahat. Sa nasabi ko na iyun ang umpisa ng ating relasyon." sagot ko dito. Pinandilatan ako nito ng mata pero hindi ko pinansin. Bagkos lumapit ako dito at inilapag ko sa side table ang pagkain.


"Huwag na muna natin pag-usapan ang bagay na iyan. Sa ngayun kailangan mo na munang kumain para makainom ka ng gamot. Ano ba ang nangyari sa iyo? Bakit bigla kang nilagnat?" nag-aalala kong tanong dito at akmang muli kong hahawakan sa noo pero pumiksi ito. May itinatago nga talagang kamalditahan. Ganitong- ganito ito noong first encounter namin.


"Pwede ba iwan mo na ako! Gusto kong mapag-isa!" bakas sa boses nito ang inis habang binabanggit ang katagang iyun.


"NO! Kailangan mong kumain makainom ka ng gamot. Hindi mo iniingatan ang sarili mo kaya ka nagkakasakit ngayun. "Wika ko dito at habang kinkuha ang kutsara at tinidor.


"Bakit, sino ba ang may kasalanan kung bakit may sakit ako ngayun? Hindi ba ikaw?" galit na sagot nito. Natigilan naman ako. Ano na naman kaya ang ginawa ko at ako daw ang may kasalanan kung bakit ito nagkasakit? Sa naalala ko nasarapan naman ito sa ginawa namin kanina. Pareho kaming nag-enjoy.


"At pwede ba? Huwag mo ng ipaalala sa akin ang mga nangyari kanina! Gusto ko ng kalimutan iyun! Hindi pwedeng malaman ito ng iba kaya pwede bang huwag mo ng mabanggit- banggit kahit kanino ang tungkol sa bagay na iyan dahil iyun na ang last."


"No Sweetie. Hindi iyun ang last na pagniniig natin. Hinding hindi na kita pakakawalan pa. Wala akong pakialam kung ano ang sasabihin sa atin ng ibang tao. Ang importante ay tayo. Na masaya tayo sa mga nangyayari sa pagitan nating dalawa." sagot ko dito. Umiling ito.


'Nababaliw ka na ba? Inaanak mo ako! Bestfriend ka ng Mommy ko! Hindi pwede iyang nasa isip mo." mariin na sagot nito sa akin.


"Wala akong pakialam Miracle. Tandaan mo! Gusto kong masundan ng maraming beses ang nangyari sa atin kanina. Kung hindi mo lang ako iniwan ng cottage, malamang nag-eenjoy pa rin tayong dalawa. Pagkatapos ng nangyari sa atin, huwag kang magtangka na iwasan ako kung hindi sasabihin ko sa mga magulang mo ang nangyari sa atin. Alam kong hindi mo gusto na masaktan ang pamilya mo, lalo na ang Mommy mo kaya sumunod ka sa gusto ko. Huwag matigas ang ulo Sweetie." sagot ko dito. Nakita ko ang biglang pagtulo ng luha sa mga mata nito. Naawa man pero hindi ko pinansin. Ang importante sa akin ay masabi ko ang gusto kong sabihin.


Mahirap na baka iwasan ako nito pagkatapos ng may nangyari sa amin. Hindi ako papayag. Naumpisahan ko na kaya tatapusin ko. Kahit na ang nakataya dito ang pagkakaibigan namin ng mga magulang nito. Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko kay Miracle hanggang sa dulo.


"Nababaliw ka na! Hindi pwede! Ayaw ko!" sagot nito sa akin. Tinitigan ko ito pagkatapos ay malakas ng napabuntong hininga. Pagkatapos ay hinilikan ko ito sa mukha. Natigilan ito. Akmang itutulak ako.at hinawakan ko ang dalawa nitong kamay. 


Pagkatapos ay hinuli ko ang labi nito at marahas na hinalikan. Lalo naman itong nagwala pero wala akong pakialam. Addict na addict ako dito at kung wala lang itong sakit ngayun gusto ko itong muling angkinin. Pero kailangan kong magpigil. Kailangan muna nitong magpagaling.


Parehong habol ang aming hininga ng pakawalan ko ito. Galit itong tumitig sa akin pero hindi ko pinansin.


"Bastos ka!" galit na wika nito. Hindi ko pinansin. Hindi ko dapat patulan ang galit ni Miracle. Baka lalo itong magwala at lalong lumayo ang loob nito sa akin.


"Kumain ka na nga lang. Puro ako na lang ang sinisisi mo eh." sagot ko na lang dito at akmang susubuan pero tumanggi ito. Bagkos ay bumaba ito ng kama at paika-ikang naglakad papuntang banyo. Agad na napakunot ang noo ko sa nakita dito. Pagkatapos ay sumilay ang ngiti sa labi ko.


"OHhh Well, mukhang kasalanan ko nga kung bakit ka nagkasakit." wika ko dito at agad na hinawakan sa baywang upang alalayan sa banyo.Naramdaman ko naman na agad nanigas ang katawan nito pagkahawak ko dito. Hindi marahil inaasahan ang aking gagawin.


"Pwede ba? Lumabas ka na! Hayaan mo akong mag-isa." inis na wika nito. Matalim pa akong tinitigan kaya napailing ako.


"May masakit sa iyo kaya nandito ako para alalayan ka. Tigilan mo na ang pagtataray mo Miracle dahil baka hindi ako makapagtimpi at lalo kitang lulumpuhin." pagbabanta ko dito. Agad naman itong namula at galit akong tinitigan.


"Manyak! galit na wika nito. Natawa naman ako.


"Wala pa nga akong ginawa namamanyakan ka na agad. Ikaw talaga. Sige na magbanyo ka na muna. Hihintayin kita hanggang sa matapos ka. Hindi pwedeng hindi ka kumain." wika ko dito. Padabog akong tinalikuran at paika-ikang naglakad papasok ng banyo. Naiwan naman akong pigil pagtawa. Kaya pala nilagnat. Napuruhan ng sayawin ko. Sa susunod kailangan kong maging gentle para hindi na maulit ang bagay na ito. Sabagay first time pa nito kaya normal lang naman siguro ang lahat. Umupo ako sa kanyang kama at iginala ang paningin sa loob ng kwarto.


Halatang pink ang favorite color nito dahil mula kurtina at bedsheets pink ang color. Maganda na din na may idea ako dahil balak kong magpagawa ng bahay para sa aming dalawa.


Kailangan ngayun pa lang umpisahan ko ng magplano sa aming kinabukasan.


Nakita ko ang pagsimangot ni Miracle ng makitang nakaupo pa rin ako sa kama nito. Hindi ko na lang pinansin at nilapitan ko ito. Pagkatapos ay tinitigan ko sa mukha.


"Lalabas na ako. KUmain ka muna at magpagaling ka. Aalis nga pala kami ngayun. May gusto ka bang kainin para mabilhan kita?" masuyo kong tanong. Hindi ito umimik bagkos tinalikuran ako. Agad ko naman itong hinawakan sa braso at inilapit ang katawan sa akin. Mahigpit ko itong naiyakap. Naramdaman ko ng biglang naninigas ang katawan nito sa ginawa ko. Pero hindi ko pinansin bagkos ay hinalikan ko ito sa ulo.


"Sorry na! Huwag ka ng magalit sa akin! Hintayin mo ako pagbalik namin. Ipagpaalam kita kina Mommy at Daddy mo. Sabay tayong bumalik ng Manila." masuyo kong wika dito at mabilis na hinalikan sa labi. Magpoprotesta pa sana ito pero matamis ko itong nginitian. Pagkatapos ay agad akong bumitaw dito at diritsong lumabas ng kwarto.


Diretso na akong bumalik sa dining area. Baka magtaka ang mga kaibigan ko kung magbabad pa ako sa kwarto ni Miracle. Ayaw kong mag-isip sila ng masama kaya at baka ito pa ang maging dahilan para iiwas nila sa akin si Miracle. Tityempo pa ako para sabihin sa kanila ang totoo. SA ngayun sisiguraduhin ko muna na hindi


makakawala sa akin si Miracle.


"Kumusta siya? Maayos na ba ang kanyang pakiramdam?" agad na tanong ni Carissa sa akin ng makalapit ako sa dining area at muling umupo sa pwesto ko. Halatang nag-aalala pa rin ito sa kanyang anak.


"I think hindi naman serious ang kanyang kondisyon. Nalamigan lang siguro kagabi kaya nagkatrangkaso. Pero kung hindi pa din siya gumagaling hanggang mamayang hapon I suggest na dalhin na siya ng hospital para matingnan at maresetahan ng tamang gamot ng doctor." sagot ko dito.


"Siguro hayaan na lang muna natin siyang magpahinga ngyun. Christian ikaw na ang bahala sa mga kaibigan mo. Huwag na nating pilitin na sumama si Miracle dahil baka lalong mapasama ang kalagayan niya. Magiging maayos din ang kalagayan


niya." wika ni Gabriel kay Christian. Agad naman itong tumango tapos tumingin sa akin.


"Buti hindi kayo tinarayan ni Miracle Ninong. Kapag may nararamdaman kasi sa katawan iyan, ayaw na ayaw makakita ng ibang tao. Mas gusto noon nag-iisa lang. Ayaw din uminom ng gamot." wika sa akin ni Christian.


"Nahihiya siguro dahil Ninong niya ako. Pero pinapasabi niya nga na ayaw niya munang sumama sa atin. Baka daw makahawa pa siya.Magpapahinga na lang daw muna siya sa kanyang kwarto buong araw. Sinigurado naman niya na magiging maayos din ang kanyang kalagayan." pagsisinungaling ko sa mga ito. Agad naman nagsipagtango.


Pagkatapos namin kumain ay agad gumayak paalis. Nagpaiwan naman ang mga magulang ni Gabriel kasama ng ilang kasambahay kaya palagay ang aking kalooban. Kahit papaano may mag-aalaga kay Miracle. Sinabi naman ng kasambahay bago kami umalis na muling nakatulog si Miracle pagkainom nito ng gamot. Kaya lalo akong nakahinga ng maluwag.




Chapter 103


MIRACLE


Hindi ko alam kung paano nangyari pero nakita ko na lang ang aking sarili na sakay na sa sasakyan ni Ninong Roldan pabalik ng Maynila.


Basta pagkagising ko kanina, sinabi sa akin ni Mommy na bumalik na daw ng Maynila si Christian kasabay nila Jessica at Adrian. May importanteng meeting daw ito bukas ng maaaga kaya nagkukumahog ng bumiyahe pagkadating galing sa pamamasyal. Mahimbing pa daw kasi akong natutulog kaya hndi na ako ginising pa. Sakto naman daw na gusto munang magpahinga ni Ninong Roldan bago bumyahe pabalik ng Maynila. Pero duda ako. Alam kong may plano talaga ito. Kunwari lang ang pahinga-hinga na iyan. Kung bakit naman kasi napasarap ang tulog ko. Plano ko naman talagang sumabay sa mga kaibigan ko o di kaya kay Christian pauwi ng mansion kaya lang hindi ako ginising ng mga ito.


Sila Tita Roxie at Jonathan kasama si Carmela ay nakaalis na din. Balak naman nila Mommy at Daddy kasama na sila Grandmama at Grandpapa na mag-stay pa ng ilang araw sa resort kaya wala akong choice kundi sumabay kay Ninong Roldan pabalik ng Manila. dahil wala naman akong dalang kotse. Ito yung epekto sa pagiging tamad magdrive.


Sinipat ko ang aking relo. Mukhang gagabihin na kami dahil halos alas- syete na ng gabi at masyadong traffic. Buti na lang at mukhang wala sa mood ngayun si Ninong na kausapin ako. Tahimik lang itong nagmamaneho.


Ipinikit ko ang aking mga mata upang kahit papaano ay maiwasan kong mapatingin kay Ninong Roldan. Hindi ko alam pero parang bigla akong


nagkaroon ng interes sa hitsura nito ngayun. Kung tutuusin gwapo naman talaga ito. Nasa 6 feet ang height,


matangos ang ilong, maamo ang mga mata at natural na mapula ang labi. Matso din ito at maganda magdala ng damit. Pwede nga ito ihilira sa mga


models at mga artista dito sa Pilipinas. Halata din sa hitsura nito na galing ito sa hindi basta-bastang pamilya. Balita ko Congressman ang ama nito ngayun.


Nag-iisang anak kaya walang kahati sa kayamanan ng pamilya. Siguro kung ito ang makatuluyan ko hinding hindi na ako maghahabol pa sa kayamanan nila MOmmy at DAddy. Kahit wala akong matanggap na mana ayos lang. Kung mayaman kami mukhang ganoon din sila Ninong Roldan o higit pa.


Balita ko din kasi maraming sariling negosyo si Ninong sa ibang bansa. Kaya nga galante itong magbigay ng regalo. Ipinilig ko ang aking ulo. Nababaliw na nga yata ako. Kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip ko ngayun. Hindi pwedeng maging kami ni Ninong dahil inaanak niya ako. Bakit ba napunta sa asa-asawa ang takbo ng utak ko.


"Pwede kang matulog muna kung naiinip ka na. Masyadong matraffic ngayun at tiyak na late na tayo makarating ng bahay." wika nito.


Hindi ako sumagot. Hindi na din ako nagbigay pa ng kahit na ano pang reaksiyon. Narinig ko ang nitong pagbuntong hininga. 


Nagulat na lang ako ng bigla nitong kinabig ang manibela papunta sa harap ng isang restaurant. Inayos niya muna ang pagkakaparada ng kotse at nilingon ako.


"Sobrang traffic. Ayaw kong makipagsabayan sa dagsa ng tao. Mabuti pang kumain muna tayo dito." wika nito sa akin. Hindi ako umimik. Bagkos humalikipkip lang ako. Wala


akong balak kumain.


"Bumaba na ito ng kotse pero hindi pa rin ako natinag. Wala akong balak sumama dito para kumain. Nagulat na lang ako ng binuksan nito ang pinto ng kotse sa gawi ko.


"Lets go?" wika nito sabay lahad ng kamay. Hindi ko pa rin pinapansin. Ni hindi ko man lang nilingon bagkos lalo akong humalikipkip. Narinig ko pa ang marahan nitong pagbuntong hininga.


"Miracle, I said let's go!! Gutom na ako at mahaba pa ang babyahiin natin. Huwag ng matigas ang ulo." pag- aanyaya ulit nito. Tinaasan ko lang ng kilay.


"Hindi ako gutom! Kumain kang mag- isa kung gusto mo! Hihintayin na lang kita dito!" inis kong sagot. Pero hindi pala ganoon kadali pasukuin ang isang Roldan Valdez. Naramdaman ko na lang na pumulupot ang kamay nito sa


baywang ko at pabuhat akong inilabas ng kotse. bigla akong napatili.


"Ano ba bitawan mo nga ako? Hindi mo ba naiintindihan? Sabi ko ayaw kong kumain." asar na wika ko dito at pilit nagkakawag. Ibinaba naman agad ako nito pagkalabas ng kotse.


"kakain lang tayo sa loob ng restaurant pero pati ba naman iyun ayaw mo? Miracle, please bawas-bawasan mo naman ang katigasan ng ulo. Kung hindi lang kita mahal hindi ako magtatiyaga dyan sa ugali mo." asar na sagot nito pagkatapos ay hinawakan ako sa kamay at pilit na hinihila papasok ng restaurant. Natigilan naman ako. Hindi ko alam pero nakadama ako ng kakaiba sa puso ko ng banggitin niya ang katagang mahal. Hindi na ako nagprotesta pa at kusa na lang din sumama sa loob ng restaurant. Pagpasok sa loob ay agad kaming binati ng mga staff at dinala sa isang


bakanteng mesa. Kaunti lang ang mga customers sa loob pero kapansin-


pansin na mamahalin itong restaurant dahil na din sa mga presyo ng pagkain na nasa menu. Tinitigan ako ni Roldan at ng mapansin na wala akong balak umorder ng pagkain tinawag na nito ang waiter. Hinayaan ko lang siyang umorder ng pagkain at kunyari ay abala ako sa kakatingin sa paligid.


"Isang linggo pa daw mag-stay ang Mommy at Daddy mo sa Resort. Si Christian naman may business tour sa ibang bansa." wika nito sa akin. Hindi ko ito sinagot. Pakialam ko ba? HIndi naman na bago sa amin ang ganyang kaganapan.


"Regarding sa nangyari sa atin... so.." hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil bigla ko itong pinutol.


"Pwede ba Ninong, huwag mo ng ipaalala ang bagay na iyun! tapos na yun at pinagsisihan ko na ang lahat!"


sabe ko dito, Natigilan naman at matiim akong tinitigan.


"Baliwala sa iyo ang bagay na iyun? kahit na ako ang nakauna sa iyo? Hindi ka man lang ba maghahabol para panagutan kita?" tanong nito sa seryosong boses. Masama ko itong tinitigan.


"Bakit pa ako maghahabol eh tapos na nga! Kahit na maglulupasay pa ako hindi na maibabalik ang lahat.! Nakuha mo na ang viriginity ko at pinagsisisihan ko na ang bagay na iyun! pero hindi ibig sabihin na maghahabol ako sa iyo! Ninong kita at hindi maganda sa mata ng lahat na malalaman nila ang tungkol sa bagay na ito kaya pwede bang isekreto na lang natin ito?" seryoso kong wika dito.


"Paano kong ayaw ko sa sinasabi mong iyan? May magagawa ka ba Sweetie? Look! Masaya ako sa nangyari sa atin at hindi mo ako mapipilit na iwasan


kita. Paano kung magbunga ang nangyari sa atin? Ano ang gagawin mo?


tanong nito. Agad naman nanlamig ang buo kong katawan. Paano nga ba kung mabuntis ako? Parang biglang nanginig ang buo kong kalamnan sa reyalisasyon na iyun. Hindi ako nakaimik.


"See? kaya nga hindi basta-basta ang kahilingan mong iyan Miracle. Possible na mabuntis kita dahil hindi ako gumamit ng proteksyon. Ihanda mo na ang sarili mo..sooner or later aaminin ko sa mga magulang mo ang tungkol sa ating dalawa. Pananagutan ko ang nangyari sa atin sa ayaw at gusto mo at ng buo mong angkan." seryoso nitong wika.


"At paano kung hindi ako mabuntis? Titigilan mo na ba ako? Hindi mo na ba ako kukulitin?" matapang na tanong ko dito. Nginisihan naman ako nito, Pagkatapos ay agad na hinawakan ang aking kamay na nakapatong sa lamesa. Akmang hihilahin ko ang aking kamay pero mahigpit ang pagkakahawak nito kaya wala akong nagawa kundi titigan ito ng masama.


"Imposibleng hindi kita mabubuntis Sweetie! Malakas ang sperm ko at tiyak na makakabuo tayo agad. Isa pa balak kong ulitin muli ang nangyari sa atin para siguradong makakabuo tayo.." nakangisi nitong wika. Agad akong namutla. Pakiramdam ko biglang nagtayuan ang balahibo ko sa buong katawan. Ipinilig ko ang aking ulo. Pagkatapos ay buong lakas kung hinila ang kamay ko na hawak nito. Binitiwan naman niya sabay tawa.


"Natakot na naman kita ano? Dont worry Sweetie, sisiguraduhin ko na hahanap-hanapin mo ang nangyari sa atin. Hindi ko hahayaan na iyun ang last." ngisi nito sa akin. Agad kong iniwas ang aking paningin. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa aking sarili. Para akong biglang kinabahan na iwan. Mukhang magkaka-hypertension ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Napalunok ako.


"hindi ko na papayagan pa na maulit uli ang nangyari sa atin Ninong! Pagkabalik na pagkabalik natin ng Manila, gagawin ko ang lahat upang hindi na muling magkrus ang landas natin." sagot ko dito. Agad naman itong natigilan. Pagkatapos ay mariin akong tinitigan. Hindi na ito umimik hanggang sa dumating na ang order namin na pagkain. Natakam naman ako sa mga pagkain na inihain sa amin kaya naman agad akong kumain. Halos maghapon pala akong hindi kumain dahil sumama ang aking pakiramdam. Buti na lang at medyo nakarecover na ako ngayun. Isa pa puro paborito kong pagkain ang inorder ni Ninong Roldan. Ewan ko kung nagkataon lang o baka sinadya niya ito.


Pagkatapos kumain ay agad kaming bumiyahe. Tahimik ulit kami hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng may humaplos sa aking mukha. Pagdilat ko ay nakita ko ang nakangiting mukha ni Ninong Roldan. Agad kong iginala ang aking paningin sa paligid. Agad kong napansin na wala kami sa Villarama Mansion. Ibang bahay itong pinagdalahan sa akin ni Roldan.


"Nasaan tayo?" agad na tanong ko dito. Nakita ko ang matamis nitong pagngiti at inalalayan akong bumaba ng kotse.


"Nandito tayo sa bahay namin. Dito na lang muna kita dinala dahil pagod na ko. Naipit tayo sa traffic kaya bukas na lang kita ihahatid sa inyo." sagot nito sa akin. Natigilan naman ako. Pagkatapos ay inis ko itong tinitigan.


"Dapat kanina mo pa ako ginising kung wala kang balak na ihatid ako. Pwede naman akong magtaxi." GAlit na sagot ko dito. Nawala ang ngiti sa labi nito. Pagkatapos ay seryoso akong tinitigan.


"iyan ang hindi mangyayari. Hindi kita hahayaan na bumiyahe mag-isa. Delikado ang panahon ngayun at baka mapahamak ka." sagot nito sa akin.


"Hmmmp bakit safe ba ako sa iyo? Baka naman lalo akong mapahamak kapag kasama kita." galit na sagot ko.


"Bahala ka kung ano ang iisipin mo. Dito ka sa bahay namin magpalipas ng gabi at wala ng marami pang excuses. Hindi ka pwedeng tumakas dahil binilinan ko na ang guard na huwag kang palabasin dito. ' sagot nito at agad akong tinalikuran. Naiwan naman na nagpupuyos ang aking kalooban. Wala sana akong balak na sumunod pero naramdaman ko na pumapatak ang ulan. Pambihira, pati panahon ayaw makisama sa akin. Kainis talaga!


Kahit labag man sa kalooban ay sumunod na ako kay Ninong Roldan. Wala akong balak magpaulan. Baka mamaya matuluyan akong trangkasuhin. Marami pa namang trabaho ang naghihintay sa akin sa opisina. Tiyak na madidismaya sila Daddy kapag hindi ako makapasok ng office dahil nagkasakit ako. Isa pa ayaw kong sirain ang bakasyon nila Mommy.


"Nakasunod lang ako kay Roldan hanggang sa makapasok kami ng loob ng bahay. Katulad sa aming mansion, kitang kita ang kasaganaan sa loob ng bahay base na din sa mga dekorasyon na nakalagay sa loob. Kulay ginto ang mga nakadisplay. Sobrang ganda din ng kanilang chandelier. Kung maganda ang Villarama Mansion, tingin ko mas maganda ang bahay nila Ninong Roldan. Para akong nasa loob ng palasyo. Kahit saan ako lumingon puro kaalwan sa buhay ang aking nakikita. Sabagay nabanggit naman nila


Mommy at Tita Roxie na mayaman naman talaga ang pamilya ni Ninong noon pa. May ibat iba silang hawak na negosyo at tumanda na sa pulitika ang Daddy nito.


"Oh my God! Sinong magandang dilag ang kasama mo Roldan." Agad akong natigilan ng marinig ko ang boses ng isang babae. Naglalakad ito palapit kay Roldan. Mukhang ito ang kanyang ina dahil may hawig si Ninong dito.


"Mom, Good Evening. Pasensya na po at late na nakauwi. Sobrang traffic kasi. " wika naman ni Roldan sabay halik sa may edad ng babae. Napakaganda nito at napaka-sopistikadang tingnan. Pagkatapos ay tumingin sa gawi ko at nakangiti akong nilapitan.


"You're so beautiful Iha, whats your name?" magiliw na tanong nito sa akin. Napasulyap naman ako kay Ninong Roldan. Nakangisi itong tumitig sa akin Inirapan ko ito at muling hinarap ang ina nito.


"Miracle po." sagot ko dito. Nakita ko na lalong naging magiliw ang ngiti ng Mommy ni Ninong sa akin. Pagkatapos ay agad akong niyakap.


"Finally, dinala ka din ni Roldan dito iha! Alam mo bang matagal ka na namin gustong makilala?" Magiliw nitong tanong at agad akong hinalikan sa pisngi. Nailang naman ako dito. Pagkatapos ay muli akong sumulyap kay Ninong. Mukhang wala itong balak na awatin ang Mommy nito.


"Teka lang. Kumain na ba kayo? Ipaghahanda kita ng pagkain iha." wika nito sa akin.


"Naku, ayos na po. Kumain na kami sa labas kanina Tita." sagot ko naman dito. Ngumiti naman ito at sinulyapan si Ninong.


"Roldan, tatayo ka lang ba diyan?


Puntahan mo ang ama mo sa kwarto. Pasunurin mo sa living area dahil tiyak na matutuwa iyun kapag makita si Miracle." utos nito sa anak. Lalo naman akong kinabahan. Mukhang wala akong lusot sa pamilyang ito ngayung gabi. Mukhang hindi ako makakauwi ng mansion ora mismo.


"By the way Iha, you can call me Mommy Ofelia. Huwag ng Tita dahil sooner or later magiging bahagi ka na ng pamilya namin. Hindi ko akalain na ganito ka pala kaganda! Kaya pala patay na patay sa iyo ang anak namin." wika nito sa akin. Agad naman akong namula sa hiya. Hinawakan ako nito sa kamay at marahan na hinila papunta sa isa pang silid. Agad akong pinaupo sa sofa.


"Sabihin mo sa akin Iha, kailan niyo balak magpakasal ni Roldan? Buti na lang talaga at sumama ka sa kanya dito sa bahay namin. Matagal ka na namin gustong makita. Sa wakas, dininig din ng Diyos ang aming panalangin.


Mukhang natagpuan na nag anak namin ang makakasama niya habang buhay." natutuwa nitong wika. Hindi ko naman kung ano ang aking magiging reaksiyon sa sinabi nito. Maraming mga katanungan ang tumatakbo sa isip ko. Mukhang hindi nabanggit sa kanila ni Ninong Roldan na inaanak niya ako. Mukhang napagkamalan pa akong girlfriend.


"Ito na ba si Miracle? Nice to meet you Iha!" agad akong napatayo sa gulat ng biglang nagsalita ang isang may edad na lalaki pagkapasok pa lang dito sa loob ng living room. Mukhang ito ang Congressman na ama ni Ninong Roldan. Katulad na Ina nito, mukhang masaya ito sa pagdating ko kanilang bahay.


Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Napatingin ako kay Ninong Roldan.


pero mukhang hinahayaan lang ako na kilatisin ng mga magulang nito. Walang -hiya talaga! Wala ba talaga itong balak na ipakilala ako sa mga magulang nito bilang inaanak niya?


"Alam mo bang gusto na namin mamanhikan sa inyo? Hinihintay lang namin ang GO signal ni Roldan. Hanggat maari ayaw namin siyang pangunahan sa mga desisyon sa buhay. Pero sa nakikita ko ngayun, mukhang nagkakamabutihan na talaga kayo! Sana mabigyan niyo agad kami ng apo dahil iyun ang matagal na naming pinapangarap ni Ofelia." natutuwang wika ni Congressman. Biglang naumid ang aking dila. Hindi ako makasagot.


"DAD, hindi pwedeng ura-urada na manghihingi kayo ng apo. Gusto muna namin ienjoy ni Miracle ang isat-isa." sa wakas sumagot din ang magaling kong Ninong. Lumapit pa ito sa akin at inakbayan ako. Pigil na pigil naman


ako sa sarili kong sigawan ito dahil sa matinding inis.


"Of course iho, alam ko ang ibig mong sabihin. Pero hindi mawawala sa amin ng Mommy mo na ma-excite at madaliin kayo na makabuo agad. Alam mo naman na ilang taon na din kaming naghihintay na makita ang aming magiging apo sa inyo. Bilis-bilisan niyo ng makabuo hanggat maari Iho. Matanda na kami at ayaw naming mawala sa mundo ng hindi man lang nasisilayan ang aming mga apo.' sagot uli ni congressman.




Chapter 104


MIRACLE POV


"Bakit wala pa ba kayong balak magpakasal? Aba, bilisian mo Roldan! Baka ma-expired na iyang sperm sa katawan mo ng hindi mo pa rin ako nabibigyan ng apo! Huwag kang babagal-bagal dahil ang bilis tumakbo ng panahon!" wika ulit ni Congressman. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya sa mga lumalabas sa bibig nito. Halatang pinipilit na nito na mag-asawa si Ninong. Pero bakit sa akin? Isa pa gusto pala nilang magkaapo bakit hinintay pa nila na umabot ng kwarenta ang edad ng anak nila bago pilitin mag-asawa? Kung nag-asawa agad ito noon eh di sana hindi ako ang kinukulit nito ngayun. Baka nagkaroon na sila ng sangkatutak na apo. Afford naman nila bumuhay ng maraming bata. Kahit na isang dosena pa.


"Dad, aabot din tayo sa ganyang bagay. Baka kapag magkaapo kayo sa akin kayo ang susuko sa pag-aalaga ha? Ayaw kong may maririnig akong reklamo na napupuyat kayo sa pagbabantay sa mga bata." pagbibiro naman na sagot ni Roldan sa kanyang ama.


"Sige, may deal ako sa iyo Roldan, kapag mabigyan mo ako ng apo, magreresign na ako sa pulitika. Titigil ako ng bahay at ako mismo ang mag- aalaga sa mga anak mo!" natatawang sagot naman ni Cong. Napapailing na lang si Misis Valdez sa takbo ng usapan ng kanyang mag-ama. Pagkatapos ay binalingan niya ako at nginitian.


"Gusto mo na bang magpahinga iha? Sigurado ka ba na hindi na kayo kakain? tanong nito sa akin.


"Ayos lang po ako Tita. Busog pa po." sagot ko naman.


"Naku! Naku! Roldan, hindi mo ba nasabihan itong nobya mo na Mommy at Daddy na ang itatawag sa amin?" sabat naman ni Congressman Valdez. Napatingin naman ako kay Ninong Roldan na halatang masaya sa takbo ng usapan nilang mag-ama.


"Naninibago lang po siguro si Miracle Dad. First time niya kayong nakita at nakausap kaya nahihiya pa siguro." sagot nito sa ama. Pagkatapos ay binalingan ako.


"Narinig mo ang sabi ni DAddy, Sweetie? Pwede mo na silang tawagin na Mommy at DAddy. Huwag kang mahiya sa kanila. Mukhang botong- boto sila sa iyo." natutuwang wika ni Roldan. Pagkatapos ay lumapit sa akin at tumabi. Bigla naman akong naalarma ng magdikit ang aming katawan lalo na ng akbayan ako ni Ninong Roldan. Papalag sana ako pero hindi ko na itinuloy ng nakita kong nakatingin sa amin ang mga magulang nito at halatang natutuwa sa aming dalawa.


"Sa--salamat po Mommy at Daddy!" sagot ko naman sabay yuko. Diyos ko, hindi na ko alam kung paano lalabasan ang ganitong sitwasyon. ito naman kasing si Ninong Roldan, mukhang wala talaga itong balak na sabihin sa mga magulang na hindi niya ako kasintahan. Inaanak niya lang ako. Although may nangyari na sa aming dalawa pero wala kaming relasyon.


"Walang problema. Basta ikaw ang makakatuluyan ng nag-iisa naming anak, buong puso ka naming tatanggapin sa pamilyang ito Miracle. Gustong gusto ko na makausap ang iyong mga magulang para pormal ng mapag-usapan ang inyong kasal. Sana huwag niyo ng patagalin pa dahil doon din naman ang inyong patutungo." sagot naman ni Congressman.


Napayuko naman ako.


"Tama nga muna itong pag-uusap natin, mukhang inaantok na si Miracle. Magpahinga na muna tayo. "Awat naman nia Misis Valdez. Nakahinga naman ako ng maluwag. Buti na lang at naisipan nito ang bagay na iyun. Baka kung saan pa mapupunta ang pag- uusap namin. Baka lalong iinsist ng Daddy ni Roldan na kausapin sila Daddy Gabriel at Mommy Carissa. Tiyak na malaking gulo kapag mangyari ang bagay na iyun.


"Ok Mom, Dad! ako na ang bahala kay Miracle. Buti pa nga at magpahinga na muna tayo. Pagod kami sa byahe at bukas na lang natin ituloy ang pag- uusap."Sagot naman ni Roldan at tumayo na. Hinawakan ako nito sa kamay kaya naman wala na akong nagawa pa kundi tumayo na din. Pagkatapos ay tumingin ako sa mga magulang nito na magiliw na


nakatingin sa aming dalawa.


"Welcome to our family Iha!" nakangiting wika ni Congressman Valdez. Tipid naman akong ngumiti sabay tingin kay Misis Valdez. Buong lugod naman itong tumango sa akin. Pagkatapos ay naramdaman kong hinila na ako ni Ninong Roldan. Sumunod na lang ako dito. Umakyat kami sa hagdan at dinala niya ako sa isang silid. Hindi na ako nagtanong at inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Hindi hamak na mas malaki ang silid na ito kompara sa silid ko sa aming mansion.


"Pwede kang gumamit ng banyo bago matulog. Nasa loob na ang iyong mga kailangan. Huwag kang mahiya magsabi kong may iba ka pang gusto." wika nito sa akin at agad akong iniwan. Tahimik naman akong pumasok ng banyo. Kailangan ko munang maligo


bago matulog. Nanlalagkit kasi ang buo


kong katawan. Pakiramdam ko hindi din ako makatulog kapag hindi ako makapag shower kahit sandali lang.


Tulad ng kwarto, napakalaki din ng banyo. Kompleto na ito sa gamit. May malaking bathtub. Agad akong naghubad ng damit at tumapat sa shower. Nakaramdam ako ng kaginhawaan. Hindi naman na ako nagtagal pa sa pagsashower. Agad kong binalot ng roba ang hubad kong katawan at pinatuyo ang buhok gamit ang hairdryer dito sa loob ng banyo. Pagkatapos ay nagmamadali akong lumabas ng banyo. Nawala sa isip ko na wala pala akong damit na pampalit. Pero nagulat ako ng paglabas ko ng banyo, naabutan ko si Ninong Roldan na prenteng nakaupo sa sofa. Nakapikit ito at halatang hinihintay ang aking paglabas.


"Anong ginagawa mo dito sa silid ko?" tanong ko dito. Agad naman itong


dumilat at tinitigan ako. HInapit ko naman sa katawan ko ang suot kong roba. Nakita ko ang pagngisi nito at tumayo. Pagkatapos ay kinuha nito ang isang paper bag at inabot sa akin.


"Nandiyan ang damit mo. Magbihis ka na dahil magsashower lang ako." kaswal na sagot nito. Nanlaki ang aking mga mata lalo na ng patungo sa banyo dito sa loob ng kwarto ang direksyon nito.


"Bakit dito? Pwede namang sa ibang kwarto ah? Siguro naman may iba pang silid ang bahay na ito?" tanong ko dito. Natigilan ito pagkatapos ay nilingon ako.


"Kwarto ko ito Sweetie. Magbihis ka na! sagot nito sa akin. Inis naman ko naman itong tiningnan.


"Wala bang guest room ang bahay na ito? Bakit dito mo ako sa kwarto mo dinala? Ayaw kitang makasama sa iisang silid." prangka kung wika. Muli itong natigilan at nilingon ako.


"Tabi tayong matutulog ngayung gabi. Huwag ka ng magreklamo dahil pagod ako!" wika nito sabay pasok sa loob ng banyo. Naiwan naman akong nanggagalaiti sa sobrang inis. Pagalit kong tiningnan ang loob ng paper bag. Puro mga damit ang laman nito at underware. Agad akong naghanap ng pampatulog. Buti na lang at meron.


kaya agad ko itong isinuot. Isang kulay pulang night gown. Spaghetti strap at hakab na hakab sa katawan ng maisuot ito. Napailing ako. Hindi ko alam kung sinadya ito Ninong pero bahala siyang maglaway. pagod na din ako at wala na akong panahon pang makipagtalo dito. Agad akong humiga sa kama. Malaki ang kama nito at kasya kahit limang tao. Marami din unan kaya agad akong naglagay na harang sa pagitan naming dalawa para hindi kami magkadikit kung may balak itong tumabi sa akin.


Agad akong nahiga at nagtalukbong ng comforter. Ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi pa rin lumalabas ng banyo si Ninong. Kailangan makita nitong tulog na ako paglabas nito ng banyo para hindi na ako kulitin pa. Ayaw ko ng makipag-usap pa dito.


Nagmumuni-muni pa ako ng bumukas ang pinto ng banyo. Agad kong ipinikit ang aking mga mata. Pinakiramdaman ko kung ano ang ginagawa nito. Nagkuwari akong tulog na.


"Sweetie, Tulog ka na ba?" tanong pa nito sa akin habang nakatayo sa tagiliran ko. Lalo naman akong nagtulug-tulugan. Narinig ko pa ang marahan nitong pagbuntong-hininga. Pagkatapos ay narinig ko ang yabag nitong palayo. Bahagya kong idinilat ang aking mga mata at nakita kong walang kahit na anong damit si Ninong? Dahil nakatalikod ito sa akin ay malaya kong napagmamasdan ang


buong likod nito. Grabe, mas matambok pa yata ang puwet nito kaysa akin? At ang balat...sobrang kinis!


Parang gusto kong batukan ang aking sarili ng mawala ito sa paningin ko at tuluyan ng makapasok sa loob ng walk in closet. Pakiramdam ko kasi biglang nag-init ang buo kong katawan ng makita ko ang hubad na katawan nito. Natikman ko lang ang katawan ni Ninong, naging manyak na yata ako. Hindi pa nga masyadong magaling ang aking perlas dahil may nararamdaman pa rin akong kaunting kirot kaya hindi ako dapat gumawa ng ano mang bagay na lalo kong ikapapahamak. Diyos ko, grabe naman kasi, sobrang yummy naman kasi ng katawan ni Ninong.


"Haysssssst!" Mahina kong bulong habang pabaling-baling sa higaan. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng matinding alinsangan. Malakas naman ang buga ng aircon kaya


imposible naman na mainit sa kwartong ito. Kainis talaga! Bakit ba ako nakakaramdam ng ganitong bagay. ANong meron sa sarili kong Ninong? Bakit pakiramdam ko pinagnanasahan ko na ito ngayun?


Nang maramdaman ko na muling lalabas na si Ninong ay muli akong pumikit. Pagkatapos ay naramdaman ko ang paglundo ng isang bahagi ng kama. Marahil ay nasa tabi ko na si Ninong. Grabe talaga! Balak talaga nitong magtabi kaming matulog magdamag? Bigla akong kinabahan sa isiping baka masundan ulit ang nangyari sa amin.


Nakiramdam ako. Ilang minuto ng nakalipas ng tumabi sa akin si Ninong at mukhang tulog na ito. Idinilat ko ng kaunti ang kabila kong mata.


Malamlam na ang liwanag sa loob ng silid dahil tanging lampshade na lang ang bukas na ilaw. Mukhang tulog na nga din si Ninong. dahil hindi na ito gumagalaw sa pagkakahiga. Nakahinga ako ng maluwag. Mukhang safe naman ako ngayung gabi. Masyado lang siguro akong napapraning, kaya kung anu- ano na ang naiiisip ko.


Sumasakit na ang talukap ng aking mga mata. dahil sa kakapikit hindi pa rin ako madalaw-dalaw ng antok.


Hindi naman ako pwedeng gumalaw dahil baka mahalata ni Ninong na gising pa ako. Kailangan kong panindigan ang pagtulog-tulugan kong ito. Pero nagulat ako ng biglang umuga ang kama. Naramdaman ko nalang na isa-isang tinanggal na Ninong ang mga unan na nakaharang sa aming pagitan. Pagkatapos ay naramdaman ko ang pagdantay ng braso nito sa katawan ko. Agad na kumabog ang dibdib ko. Pagkatapos ay muli kong idinilat ang aking mga mata. Nagulat pa ako dahil nakatunghay na ito sa akin at seryosong nakatitig. Muli akong napalunok ng sarili kong laway.


"Sabi ko na nga ba at gising ka pa eh." malambing nitong wika sa akin sabay haplos sa mukha ko. Babangon sana ako kaya lang bigla ako nitong dinaganan. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa nito. Lalong nadagdagan ang pagkabog ng dibdib ko. Pakiramdamdam ko, kaunting-kaunti na lang at aatakihin na yata ako sa puso. Grabe naman kasi kong makatitig sa akin si Ninong. Parang gusto akong kainin ng buo.


"Ano ba Ninong. Umalis ka nga diyan! Ang bigat mo!" Reklamo ko dito. Nakita ko ang pagngisi nito.


Pagkatapos ay unti-unting bumaba ang mukha nito patungo sa mukha. Unti-unting naglapat ang aming labi. Parang may libo-libong bultahe ng kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan ng lumapat sa labi ko ang labi ni Ninong. Lalong nag-init ang aking pakiramdam. Napapikit ako.


Naramdaman kong lalong naging mapusok ito. Nagiging mapaghanap na ang paraan ng paghalik nito sa akin. Unti-unti na din tinatanggal ang comforter na nakatakip sa katawan ko. Nagiging malikot muli ang kamay nito. Nag-uumpisa na namang haplusin ang hita ko na siyang lalong nagpasiklab sa init na aking nararamdaman.


"Sweetie, nakakabaliw ka!" sabe nito sa akin ng dumako ang labi nito papunta sa aking leeg. Napahalinghing naman ako. Tumutol ang isip ko pero hindi ang buo kong katawan. Pakiramdam ko wala akong lakas para tanggihan si Ninong. Alam ko kung saan patutungo ang halikan naming ito. Muling nagningas ang init na nararamdaman ng aming mga katawan.


Muli akong napaliyad ng maramdaman ko na dumako ang labi nito sa aking sOSo. Katulad noong una nitong ginawa sa resort ay salitan nitong sinipsip ang nipple ko. Napaliyad ako ng maraming beses. Hindi ko na namalayan na wala na pala sa katawan ko ang suot kong pantulog. Grabe, ang bilis ng mga kamay nito.


"Sweetie, your so Sweet! I love you so much!" paulit-ulit na sabe nito sa akin. Para naman akong mababaliw sa sarap sa ginagawa nito sa akin. Idinilat ko ang aking mga mata. Pagkatapos ay tiningnan ko ang ginagawa nito sa dibdib ko. Salitan pa rin nitong dumedede sa  magkabilaan kong nipple at nilalapirot ng kanyang kamay. Nang mapansin nito ng nakatingin ako sa ginagawa nito sa katawan ko ay matamis itong ngumiti sa akin. Muli akong napapikit. Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa pagkatapos ay muling binalikan ang kanyang ginagawa.




Chapter 105 (WARNING SPG)


MIRACLE POV


Nataranta ako ng dumako ang bibig ni Ninong sa magkabilaan kong hita. Agad akong napatingin dito ng sipatin niya ng titig ang aking pagkababae. Nakabukaka ako sa harap nito at parang tuwang-tuwa si Ninong na tinititigan ang aking perlas. Ngayun ko lang din napansin na tinanggal pala ang pag-itaas na sout nito sa katawan. Tanging boxer na lang ang suot nito at kitang kita ko ang bukol sa gitna. Napalunok ako. Nahawakan ko na at nasilayan ang bagay na iyun pero parang gusto ko ulit makita ito ulit ngayun. Gusto kong sukatin kung gaano ito kalaki at kahaba dahil ng ipinasok niya ito sa kabibe ko noon ay napasigaw ako sa sakit.


"Hindi ko mapigilan na mapaungol ng


sumayad ang dila ni Ninong sa hiwa ko. Para akong mababaliw sa sobrang kiliti at sarap. Lalo ng ng puntaryahin nito ang clit ko. Napahawak ako sa ulo nito at lalo kong idiniit ang kabibe ko sa kanya. Natigilan naman si Ninong dahil sa aking ginawa. Alam kong nagulat ito sa naging reaksiyon ko pero wala na akong pakialam. Pakiramdam ko mababaliw ako kapag titigil ito ngayun. Init na init na ako at parang may kung anong gustong kumawala mula sa kaloob-looban ko.


"HHhmmmm, Ahhhhhhh....ugghhhh!" ungol ko habang hindi ko alam kong saan ibabaling ang ulo ko. Nagiging malikot na din ako sa kama buti na lang at hawak ni Ninong ang magkabilaan kong hita kaya patuloy lang ito sa pagdila at pagsipsip sa aking pagkababae.


ilang sandali lang ay naramdaman kong para akong naiihi. Lalong


humigpit ang paghawak ko sa buhok nito at napaliyad ako.


"Awwww shit! Umalis ka muna diyan Ninong, naiihi na ako!" wika ko dito habang abot-abot ang paghinga. Lalo naman nitong idinikit ang bibig sa pagkababae ko. Lalong nilakasan ang pasipsip sa kabibe ko. Hindi na ako nakapagpigil pa at inilabas ko ang gustong kumawala mula sa aking sinapupunan. Naramdaman ko naman na dinilaan at sinipsip ni Ninong lahat ng iyun. Wala itong sinayang na kahit kaunting katas na lumabas mula sa akin. Nagulat ako! Hindi man lang ito nandiri? Nilunok niya lahat?


"Ooooh ang sarap ng juice mo Sweetie. "Narinig ko pang wika nito


pagkatapos na iniwan ang aking kabebe na kumikislot kislot pa. Para namang biglang nanghina ang aking tuhod dahil sa matinding pagod. Hingal na hingal ako. Hindi ko alam kung bakit pagod na pagod ako gayung wala naman akong ginagawa. Nakahiga lang naman ako habang ninanamnam ang ginagawa ni Ninong sa buo kong katawan.


Nakatitig lang ako sa kanya ng tumayo ito. Hindi din nito inaalis ang titig sa hubad kong katawan habang unti-unti nitong hinubad ang suot niyang boxer short. Agad na nanlaki ang aking mga mata ng biglang kumawala ang iniingatan nitong sandata. Napalunok ako lalo na ng makita ko kung gaano ito kalaki at kahaba. Pagkatapos ay nakaramdam ako ng takot lalo na ng maalala ko ang nangyari sa amin sa resort. Halos mamatay ako sa sakit ng gabing iyun ng tuluyan ng pinag-isa ni Ninong ang aming katawan. Ayaw ko ng maulit iyun dahil baka iyun pa ang ikamatay ko.


"Dont worry. I will gentle this time." bulong nito sa akin at agad akong

dinaganan. Muling akong hinalikan sa labi kaya naman biglang nawala ang aking agam-agam. Alam kong mali ang muling may mangyari sa amin, pero ewan ko ba. Nagkareresponse na ang katawan ko sa bawat haplos ni Ninong. Hindi ko na nga namamalayan na malakas na akong napapaungol tuwing nasasalat nito ang aking maselang bahagi ng katawan.


Naramdaman ko na lang na ikinikiskis na Ninong ang kanyang pagkalalaki sa aking pagkababae. Mahigpit na akong nakayakap dito at halos tumirik ang aking mata ng naramdaman ko na pilit na nitong pinapasok ang kanyang makamandag na ahas sa akin. Napaungol ako dahil sa pinaghalong sakit at sarap na nararamdaman. Ito ang ikalawang pagkakataon na may nangyari sa amin at hindi na ito katulad ng dati na masakit. Masarap na at para akong idinuduyan sa alapaap. Hanggang sa maisagad na niya at buong gigil na nagtataas baba sa ibabaw ko. Napapasigaw naman ako sa sarap lalo na ng muling salitan na sinipsip ng labi nito ang aking pagkabilaang nipple.


"Uggghhhh..Gosh! Anong ginagawa mo? BAkit ang sarap!" sabe ko habang hindi magkakamayaw sa pag-ungol.


"tell my name Sweetie...From now on, stop calling me Ninong!" Wika nito at habang titig na titig sa mga mata ko.


"Yes! Roldan! Roldan! Hmmm! ahhhhghhh!" sambit ko naman. Nakita ko ang matinding ligaya sa mga mata ni Ninong Roldan. Parang ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa kapag tinitigan ako nito.Mahigpit akong napakapit dito ng maramdaman ko ng kung may anong namuo sa puson ko na gusto na namang lumabas.


"Your so beautiful and sweet Miracle. Akin ka lang Sweetie! Huwag ka ng tumanggap pa ng kahit na sinong manliligaw dahil akin ka lang..hmmhh? " wika nito habang titig na titig sa akin at walang humpay na pagbayo sa ibabaw ko. Agad naman akong tumango. Masaya itong ngumiti at marahang kinagat ang labi ko.


"Malapit na ako Sweetie. Your so tight and I love it...I love you Sweetie!" bulong nito sa akin ng paulit-ulit. Napapikit naman ako dahil parang musika sa pandinig ko ang bulong at anas nito sa akin. Pakiramdam ko ako ang pinaka-masayang babae sa mundo.


Hanggang sa sabay kaming labasan.


Pagod itong umalis sa ibabaw ko at buong ingat na isiniksik ang katawan ko sa katawan nito. Pareho kaming habol ang hininga. Napapikit ako dahil nakaramdam ako ng matinding pag- aalala. Pakiramdam ko gustong-gusto na ng isip at puso ko ang mga nangyari sa amin ni Ninong.


Nagulat ako ng bumangon ito sa higaan. Pagkatapos ay pumasok ito sa loob ng banyo at ilang saglit lang ay lumabas ito na may bitbit na basang towel. Umupo ito sa paanan ko at buong ingat na ibinuka ang hita ko.


"Teka! Anong gagawin mo?" nagtataka kong tanong dito. Babangon sana ako pero pinigilan niya ako.


"Stay....lilinisan lang kita para maayos kang makatulog." wika nito sa akin. Napabuntong hininga ako at hinayaan na lang ito sa gusto niyang gawin. Kung tutousin, wala na dapat akong ikahiya dito. Nakita niya na buo kong katawan, nahawakan at naangkin pa nga. At hindi ako ipokritang tao para sabihin na hindi ko gusto ang nangyari sa amin. SA katunayan gustong-gusto ko at hindi ko alam kung ano ba ang status ng relasyon naming dalawa. Ayaw ko na itong tawaging Ninong dahil awkward na iyun. May mag- ninong ba na nagsesex?


Napipikit ako ng lumapat ang towel sa pagkababae ko. Buong ingat na pinupunasan ni Roldan ang aking pagkababae pababa sa aking hita.


Nang tingnan ko ito ay seryoso lang ang mukha nito habang ginagawa ang bagay na iyun, Pero hindi nakaligtas sa paningin ko na napapalunok ito ng bahagya. Sabagay, sino ba naman ang hindi mapapalunok kong nakabuyangyang ang pagkababae ko sa kanya. BAhala siya, ginusto niyang linisan ako kaya magtiis siya.


Pagkatapos akong linisan ay ibinalot niya ang hubad kong katawan sa comforter. Mabuti na lang at ginawa niya ang bagay na iyun dahil nakakaramdam na din ako ng lamig. Hubot-hubad ako at wala yata akong balak nitong bigyan ng damit.


"Hindi ba tayo magbibihis muna?" tanong ko dito. Natigilan naman ito. Katulad ko hubot hubad din ito kaya. kitang kita ko ang mala-adonis nitong katawan. Kung hindi lang ako pagod baka ako na mismo ang gagawa ng first move para maulit ang nangyari sa amin kanina-kanina lang. Pero ng marealized ko ang bagay na iyun parang gusto kong batukan ang sarili ko. Nagiging malibog na din yata ako. Hihih!


"Hindi na natin kailangan pang magsuot ng damit! Sagabal lang iyan sa ating dalawa. Gusto kong damhin ang katawan mo magdamag Sweetie." Wika nito sa akin sabay kindat.


Pagkatapos ay pumwesto na ito sa aking tabi. Pareho kaming nagtalukbong ng kumot at niyakap niya ako. Pinaunan niya pa ako sa kanyang braso. Oh diba sobrang sweet?! Damang-dama ko ang kahubadan nito sa ilalim ng Ang init ng katawan nito at comforter. nakaramdam ako ng kapanatagan ng kalooban. Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang yakap- yakap nito.


Nagising na lang ako na parang may kung sino na humahaplos sa hita ko. Pataas hanggang sa mapunta sa pagkababae ko. Napaliyad ako dahil sa sobrang kiliti na nararamdaman.


"Sweetie, buti gising ka na! God! Hindi ko na kaya!" sabe ni Roldan at muli akong dinaganan. Pagkatapos ay itinaas nito ang aking hita at walang sabi-sabing malakas na umulos. Nagulat ako ng biglang bumulusok ang pagkalalaki nito sa loob ko. Sabay kaming naapaungol.


"Roldan, ano ba, kakagising ko lang tapos ito agad ang ginawa mo sa akin?" wika ko dito habang mahigpit na nakayakap dito. Hinalikan muna ako nito bago sumagot.


"Nakakagigil ka kasi Sweetie. Gustong-gusto lagi ng Anaconda ko na manuklaw. Hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili. Pakiramdam ko mamamatay ako kapag hindi ka muling maangkin." sagot nito sa akin. Hindi na ako sumagot dahil ramdam na ramdam ko ang bawat baon at hugot nito sa pagkababae ko. Kaya pala hindi na kami nagdamit dahil may balak pala itong angkinin ako. HIndi ko alam kung anong oras na pero pareho kaming natigilan ng sabay namin narinig ang katok sa pintuan ng kwarto. Tumigil naman si Roldan sa pagalaw sa itaas ko pagkatapos ay tumikhim muna bago nagtanong kong sino ang kumakatok.


"Sino iyan? Masyadong maaga pa para mang-isturbo." Sigaw nito na may halong pagkayamot. Pagkatapos ay tinitigan ako. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin dahil nakasalpak pa rin sa pagkababae ko ang matigas na anaconda ni Roldan.


"IHo, lumabas muna kayo dahil kakain na ng almusal. Kanina pa nagpapabalik -balik ang kasambahay natin dito sa kwarto. pero mukhang napasarap ang tulog niyo. Bumaba muna kayo diyan." Pareho kaming natigilan ng marinig ang boses ng Mommy ni Rodan. Namula ako dahil sa hiya. Anong oras na ba at mukhang ginawa naming breakfast ang pagsi-sex?


"Yes Mom, susunod na kami... Gigisingin ko lang si Miracle."sabe ni Roldan sa kanyang Ina. Hindi ko alam kung matatawa ako sa dahilan nito.Paanong gigisingin eh kanina pang dilat ang mata ko at breakfast ba kamo? Mukhang mas gusto ni Roldan na ako ang gawing breakfast ngayung araw.


"What? Hindi ako pwedeng mabitin Sweetie. Hinihintay na tayo sa baba kaya bilisan na natin."sabe nito at muling gumalaw sa itaas ko. Mabuti na lang at mukhang umalis na ang Ina nito. Pagkagapos ay hindi pa ito nakontento at iginiya ako paupo. Pagkatapos ay pinatalikod ako at hinawakan sa baywang, Agad nitong itinutok ang kargada sa perlas ng silangan ko at swak, diritso pasok dahil basang basa pa rin ako. Lalo akong napaungol sa bagong posisyon na aming ginagawa. Hanggang sa pareho kaming labasan. HIngal na hingal kami pareho at agad na bumagsak ang katawan ko sa kama ng nakadapa. Grabe, halimaw talaga itong si Roldan. Hindi ko akalain na pwede pa lang magsex na nakatalikod sa kanya.


"Come on Sweetie. Mamaya ka na magpahinga. Hinihintay na tayo sa ibaba." Wika nito sa akin at inalalayan akong bumangon. Pakiramdam ko nanginginig pa ang aking tuhod. Pero wala akong choice kundi ang sumunod dito. Nakakahiya sa mga magulang nito kung hindi pa kami bababa. Baka kung ano ang isipin nila sa amin.


Naghimalamos, nagtooth brush at naghugas lang ako ng aking pagkababae bago ko isinuot ang ibinigay na damit sa akin ni Roldan. Wala na akong time pa para maligo. Mabilisang kilos ang aming ginawa dahil masyado na kaming natagalan dito sa kwarto. Baka kung ano na ang iisipin sa amin ng mga magulang nito. Nang sulyapan ang relo sa side bed table nito ay nagulat ako sa nakitang oras. Halos alas-nyebe na ng umaga at lagot na. Dapat nasa opisina na din ako ng ganitong oras. Parang gusto kong tuktukan ang aking sarili. Hindi ko man lang namalayan ang oras.


"Agad akong hinawakan sa kamay ni Roldan ng mapansin nitong tapos na akong mag-ayos. Naka-white dress ako at simpleng sandal. Fresh na fresh akong tingnan pero ang totoo lang namamaga ang aking perlas dahil sa ginawang pagsisid sa akin ni Roldan. Naka-simpleng pajama at tshirt lang naman si Roldan. Pero gwapong- gwapo ako dito.


"Pagdating sa dining area ay sabay pa kaming nagulat ng makitang may bisita pala kami. Masaya namin kaming binati ng mag-asawang Valdez at ganoon din ang ginawa namin ni Roldan. Pagkatapos ay pinaupo kami at agad naman inasikaso ni Roldan ang aking kakainin. Tatanggi sana ako kaya lang nakangiting nanonood sa amin ang mga magulang nito.


"Mana talaga sa akin ang anak ko. Tama iyang ginagawa mo Iho, dapat lang na pagsilbihan mo ang iyong asawa. Kumain na muna kayo bago natin umpisahan ang seremonya ng inyong kasal." natutuwang wika ni Congressman Valdez. Gulat naman akong napatingin dito. Nang tingnan ko si Roldan ay parang hindi naman narinig nito ang sinabi ng ama. Seryoso pa rin ito sa paglalagay ng pagkain sa aking pinggan.


"Mas maganda ng ikasal na kayo ngayun kahit sa judge na lang muna. Para 'sigurado ng walang sino man ang pwedeng magpapahiwalay sa inyo. Nasa tamang edad na kayo pareho at alam niyo na kung ano ang tama at mali. Hindi ba Attorney Castro?' baleng ni Congressman sa lalaking kanilang bisita. Agad naman itong tumango.


Para naman akong binuhasan ng malamig na tubig sa aking narinig. Pagkatapos ay muli kong binalingan si Roldan. Hindi na ito tumitingin sa akin ngayun kaya kinalabit ko na ito. Ngumiti ito sa akin at iniabot ang kutsara at tinidor. Wala na akong nagawa pa kundi ang mag-umpisa ng kumain kahit na ang totoo ay halos wala akong malasahan sa aking kinakain. Maraming gumugulo sa aking isipan. Ang bilis naman? Gusto na nilang ikasal kami agad agad? Paano ang pamilya ko? Tiyak na magugulat silang lahat kapag malaman nila ang tungkol sa bagay na ito.


Chapter 106


CARISSA


"Ano? Paanong hindi pa nakakarating ang kapatid mo eh sumabay iyun kahapon kay Ninong Roldan niyo?" tanong ko kay Christian habang kausap sa cellphone. Hindi daw pumasok ng opisina si Miracle at hindi daw sumasagot sa mga tawag. Bigla akong kinabahan.


"I dont know Ma. Hindi ko siya napansin kaninang umaga sa mansion dahil maaga ako umalis dahil may maagang meeting ako kay Mister Lee. Pagkatapos dumiritso na ako dito sa opisina at hinanap siya sa kanyang secretary. Hindi pa daw siya dumadating ng opisina ayon dito. Ilang beses ko na siyang sinubukang tawagan, pero hindi niya ako sinasagot. Tumawag na din ako sa mansion pero wala din siya sa kanyang kwarto ayon sa kasambahay." sagot naman ni Christian. Biglang nanlamig ang buo kong katawan dahil sa narinig. Pagkatapos ay binalingan ko si Gabriel. Nilalaro nito si Rafael.


"Sige Christian. Tatawagan ko muna si Ninong Roldan niyo. Baka kung ano na ang nangyari sa kanila kahapon. Magbalitaan na lang tayo. Mag-iingat ka." wika ko kay Christian at agad na ibinaba ang tawag. Naiiyak naman akong dinadial ang number ni Roldan.


Lalo akong kinabahan ng hindi ito sumasagot sa aking tawag. Sinubukan ko din tawagan si Miracle pero naka- off na ang cellphone nito. Lalong nadagdagan ang kaba na aking naramdaman. Anong nangari sa kanila kahapon?


Napagdesisyonan kong tawagan si Roxie. Baka may alam ito tungkol kina Roldan at Miracle. Imposibleng hanggang ngayun hindi pa sila nakakarating ng Manila. Imposible din na hindi sumasagot sa tawag ko si Roldan. Napalunok ako. May mga bagay na tumatakbo sa isipan ko pero hindi maari.


"Hello Bestie, napatawag ka?" agad na sagot ni Roxie sa akin. Tumikhim muna ako bago nagsalita.


"Bestie, alam mo ba ang telephone number ng bahay nila Roldan? Kasama niya kasi kahapon si Miracle at hanggang ngayun hindi pa nakakauwi ng mansion ang anak ko." nag-aalala kong tanong kay Roxie.


"Ha? Bakit anong oras ba sila umalis diyan sa resort kahapon? Teka lang, alam ko kung ano ang number nila sa bahay. Tawagan mo na lang baka may alam sila kung nasaan si Roldan.


Nakakatakot naman kung hindi pa pala nakauwi ng mansion si MIracle. Baka naaksidente sila ng hindi natin nalalalaman. "Walang preno ang bibig ni Roxie na wika nito. Lalo namang inalon ng kaba ang puso ko sa sinabi nito.


"Sige Bestie. Salamat talaga! Sana ayos lang sila. Hindi ugali ni MIracle na magpatay ng cellphone kaya nag- aalala ako kung bakit naka-off ang cellphone niya ngayun. Baka kung napaano na sila Roxie." sagot ko dito ng hindi mapigilan ang pag-iyak. Narinig ko naman ang malakas na pagbuntong-hininga ni Roxie.


"Hindi naman siguro pababayaan ni Roldan ang inaanak niya. Alam natin kung gaaono siya ka-responsableng tao Carissa. Ipagpalagay mo lang ang iyong kalooban. Baka naman may dinaanan lang sila kaya hindi agad nakauwi si Miracle sa mansion." naman ni Roxie sagot.


"hindi ko alam pero kinakabahan ako. Sana nga may dinaanan lang sila at lowbat lang si Miracle. Paano kung napahamak na ang anak ko Bestie?


Hindi ko matatanggap iyun. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Miracle...hindi ko matanggap na may mangyaring masama sa kanya,." naiiyak kong wika. Kung bakit naman kasi hindi sumasagot sa tawag ko si Roldan.


"Tawagan mo na lang muna ang number na naisend ko sa iyo Bestie... Baka naman inuwi lang muna ni Roldan si Miracle sa bahay nila. Baka napasarap ang tulog kaya hindi nasasagot ang tawag mo." wika ni Roxie at agad na nagpaalam.


Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito. Pagkatapos ay tiningnan ko ang number na isinend sa akin ni Roxie. Number ng bahay nila Roldan. Inilagay ko muna ito sa aking phonebook bago muling tinanawagan si Gabriel. Sakto naman at kinawayan ako nito kaya lumapit muna ako dito.


"Anong nangyari sa iyo? Bakit parang problemado ka? May hindi bang magandang nangyari?" agad na tanong nito ng makalapit ko.


"Nag-aalala ako kay Miracle Gab.


Tumawag sa akin si Christian ngayun lang. 'Hindi pa daw nakauwi ng mansion ang anak natin at wala din daw ito sa opisina." agad kong sagot dito. Nakita ko sa mukha ni Gabriel ang gulat pagkatapos kung sabihin ang tungkol sa bagay na iyun. Pagkatapos ay biglang itong umint ang ulo.


"Paanong hindi pa siya nakakauwi eh kasama niya kahapon ang Ninong niya? Huwag mong sabihin na itinanan ni Roldan ang anak natin?" bakas sa boses ang galit habang binabanggit ang katagang iyun. Gulat na napatitig ako dito. Kahit sa hinagap hindi ko maisip ang bagay na iyun. Imposible!


"Gab, hindi naman siguro. Kilala ko si Roldan. Marespeto siyang tao at imposibleng gawin nya ang bagay na iyun sa anak natin. Lalo na kay Miracle. " sagot ko naman.


"Sana mali ang naiisip ko Sweetheart. Pagbalik-baliktarin man natin ang mundo, lalaki pa rin si Roldan. Wala siyang asawa at malaki ang posibilidad na mabighani siya sa anak natin." giit ni Gabriel. Biglang nanginig ang aking kalamnan sa sinabi nito. Lalong lumakas ang kaba ang puso ko dahil alam kong posibleng mangyari ang bagay na iyun. Maganda si Miracle at malaki ang posibilidad na magkagusto dito ang aking bestfriend.


"Hindi, hindi ko matatanggap kung sakaling mangyari ang bagay na iyan Gab. Ayaw ko! Best friend ko si Roldan at hindi pwedeng traydurin niya ako. Ipinagkatiwala ko sa kanya si Miracle.... hindi niya pwedeng patusin ang anak ko." naiiyak kong sagot kay Gabriel. Napailing naman ito. Bakas sa mukha nito ang tinitimping galit at pag-aalala para kay Miracle.


"Anong gusto mong gawin natin ngayun? Gusto mo na bang bumalik ng Manila? Gusto mo na bang ireport na natin sa mga pulis ang pagkawala niya?tanong ni Gabriel. Pumikit ako.


"Hayaan mo munang tawagan ko ang bahay nila. Baka nagkamali lang tayo ng iniisip. May number na ibinigay sa akin si Roxie."




MIRACLE


Hindi ko man lang nalasahan ang aking kinakain kanina. Para akong nakalutang sa alapaap. Basta nakita ko na lang ang aking sarili na tapos na ang seremonya ng kasal namin ng Ninong ko. Diyos ko! Paano ko ito ipagtapat sa mga magulang ko na ikinasal na ako sa Bestfriend nila. Sobrang bilis ng pangyayari.


Tulala ako hanggang sa matapos na namin pirmahan ang marriage certificate. Napakurap pa ako ng marinig ko ang masayang palakpakan ng mga mag-asawang Valdez. Tuwang tuwa sila sa kasalang naganap.


"Dont Worry Iha! Isusunod agad natin ang kasal niyo sa simbahan sa lalong madaling panahon. Mas maigi na din na ikasal kayo ngayun agad-agad para wala ng hadlang sa pagmamahalan niyong dalawa ng anak ko. Isa pa para hindi na kayo makakawala sa isat isa."


masayang wika ni Congressman Valdez. Parang gusto kong maiyak lalo na ng sipatin ko ang singsing na suot ko. Wedding ring namin ni Roldan at alam kong hindi basta-basta ang presyo nito. Bagay na bagay sa palasingsingan ko at hindi ko alam kung paano umpisahang sabihin kina Mommy at DAddy ang lahat.


Sobrang bilis ng mga pangyayari. Wala pang tatlong araw pagkatapos ng party sa resort ay ikinasal agad ako sa sarili kong Ninong. Grabe! As in Grabe talaga! Wala man lang ibang seremonyas na nagaganap. Nagsex lang kami ng gabing iyun tapos ikinasal agad kami ngayun?


"Masaya ako para sa inyo Iha. Sana i-set na natin agad kung kailan kami pwedeng pumunta sa inyo at makausap ang iyong mga magulang." wika naman ni Misis Valdez.


"Huwag na muna nating biglain si Miracle Mommy. PAreho pa kaming naghahanap ng lakas ng loob para masabi ito kina Carissa at Gabriel. Komplekado pa ngayun ang sitwasyon pero maayos din ang lahat. Magtiwala lang muna kayo sa akin at ako ang bahala sa lahat." sagot naman ni Roldan. Parang gusto ko namang maiyak.


MAbuti na lang at napaalam na ang judge na nagkasal sa amin. Iniwan naman kami ng mga magulang ni Roldan. Magpapahinga na daw muna sila. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa ng kami na lang ang naiwan ni Roldan dito sa garden.


"Paano na ito ngayun? Bakit hindi ka tumutol sa kasal na ito?" agad na kompronta ko kay Roldan. Natigilan naman ito.


"Gusto mo bang kausapin ko na ngayun ang mga magulang mo?" tanong nito. Nanlaki ang mga mata ko.


"Sa palagay mo matutuwa sila kapag malaman nila ang tungkol sa ating dalawa? Ninong kita at hindi ko alam kung bakit nangyari ang lahat ng ito.


Sobrang bilis ng pangyayari. Pareho lang tayong nakalimot ng gabing iyun tapos heto mag-asawa na agad tayo?" sagot ko naman. Natigilan naman si Roldan. Pagkatapos ay mariin akong tinitigan.


"Maiintindihan din nila tayo Sweetie. Huwag kang mag-alala ako ang bahalang magpaliwanag sa kanila. Handa akong harapin ang galit ng mga magulang mo kung kinakailangan. Asawa na kita ngayun at may karapatan akong ipaglaban ka sa kanila. seryosong sagot nito.


"Pero hindi pa rin maitatago na Ninong kita! Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito. pero sana pinag-isipan muna natin ng maraming beses bago natin ito ginawa. Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap kina Mommy. Naturingan akong mabait na anak pero ganito ang ginawa ko?" naiiyak kong sagot dito. Ngayun lang

tuluyang pumasok sa isip ko ang gulo na posibleng mangyari sa aming pamilya. Tiyak na pagtatawanan ako ng mga nakakakilala sa amin kapag malaman ng lahat ng pumatol ako sa sarili kong Ninong.


"Mahal kita Miracle at ipaglalaban kita kahit kanino." Natigagal ako sa sinabi nito. Tulala akong napatitig dito.


"Ma---mahal mo a-ako?" Paanong-- ---Paanong nangyari iyun?' puno ng pagtatakang tanong ko dito.


"Mahal kita simula ng una kitang nakita Miracle. Kaya nga hindi ko itinuloy ang planong pagpapakasal kay Bianca. Kaya nga agad ko siyang hiniwalayan. Ilang buwan ko ring itinago ang nararamdaman kong ito sa iyo dahil natatakot ako. sa magiging reaksiyon ng mga magulang mo. kapag malaman nila ang nararamdaman ko sa iyo. Pero hindi ko na kaya pang patagalin ang sarili ko. Habang tumatagal lalong lumalakas ang nararamdaman ko para sa iyo." Malambing nitong wika sabay hawak sa kamay ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kilig sa sinasabi nito sa akin.


"Naiintindihan ko kung wala ka pang nararamdaman na kahit ano sa akin ngayun Sweetie. Pero sisiguraduhin ko na matutunan mo din akong mahalin pagdating ng araw. Ikinasal na tayo at walang sino man ang pwedeng makapag-hihiwalay sa ating dalawa." wika nito sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata. Hanggang sa naramdaman ko na bigla akong yakapin nito. Hindi na nako nagprotesta pa. hinalikan pa ako nito sa labi na siyang malugod ko naman na tinugon. Kitang kita ko ang tuwa sa mga mata ni Roldan ng pakawalan nito ang labi ko. Nahihiya naman akong napatingin dito.


"Sir, may naghahanap po sa inyo." napabitaw pa ako sa pagkakayakap ni Roldan ng biglang sumulpot sa harap namin ang kasambahay. May hawak itong wireless telephone. Agad nitong inaabot kay Roldan at tinanggap niya naman agad. Pagkatapos ay muli kaming iniwan ng kasambahay.


"Hello?.....Bestie?...... Si Miracle?---yes kasama ko siya ngayun---dont worry ayos lang siya---No Bestie...." narinig kong sagot ni Roldan.. Nakompirma kung si Mommy ang kausap nito base sa mga sagot nito. Kinabahan ako. Lalo na ng biglang sumeryoso ang mukha ni Roldan at tinitigan ako.


"I love her Bestie at pananagutan ko ang nangyari sa amin." nanlaki ang mga mata ko ng sabihin ito ni Roldan kay Mommy. Pakiramdam ko namutla ako dahil sa matinding kaba. Hindi ko akalain na aaminin ng ganoon kadali ni Roldan ang nangyari sa amin.


"Hindi mo ako mapipigilan kung ano ang gusto ko Bestie. Its too late!


Minahal ko na ang anak mo!" seryosong sagot nito. Hindi ko na mapagilan pang tumulo ang luha sa aking mga mata. Pagkatapos ay inabot ni Roldan ang telepono na hawak nito.


Nag-aalangan pa akong sagutin ito pero ng ngitian ako ni Roldan ay kinuha ko na din ng tuluyan ang phone upang sagutin si Mommy.


"He--hello MOm!" bakas ang panginginig sa boses ko habang nagsasalita.


"Miracle! Anong ginawa mo? Anong ginawa niyo ng Ninong mo?" Narinig kong halos sumisigaw na si Mommy sa kabilang linya. Kung kaharap ko lang siguro ito ngayun baka sinabunutan na ako sa matinding galit. Agad na pumatak ang luha sa aking mga mata.


"Mommy, Im sorry! Im sorry!" umiiyak na sagot ko dito.


""Mag usap tayo! Umuwi ka ng mansion ngayun din at mag-usap tayo ng masinsinan. Hindi pwede ang ginagawa mong ito Miracle!" Galit na sagot nito. Napahagulhol naman ako sa sinabi nito. Parang ngayun pa lang gusto ko ng manliit sa mga nangyari. Alam kong mas masakit sa kanila ang nangyari sa amin ni Roldan, pero wala na akong magagawa pa. Hindi ko na pwedeng talikuran ang lahat dahil kasal na kami.


"Mom, please, huwag po kayong magalit sa amin! Ka-kasal na po kami ." hindi ko na natuloy pa ang aking sasabihin ng sumabat ulit si Mommy?


"Wa---what? Naririnig mo ba ang sarili mo Miracle? Nagpakasal ka sa taong hindi na iba sa pamilya natin? Ano ba ang nangyayari sa iyo??? Bakit? Bakit????" galit na sigaw ni Mommy sa kabilang linya. Napahagulhol naman


ako ng iyak. Naramdaman ko na lang na muli akong niyakap ni Roldan.



Chapter 107


CARISSA


"Paanong hindi mo inuwi ang anak ko sa mansion Roldan? Alam mo bang nag -aalala na kami sa kanya? Hindi mo man lang kami tinawagan kagabi kung nasaan na kayo. Kumusta siya? Kumusta ang anak ko?" agad na tanong ko kay Roldan ng sagutin nito ang tawag ko.


"Si Miracle? Pasensiya ka na. Inuwi ko siya dito sa bahay namin dahil...dahil.... paputol-putol nitong wika. Agad na nagsalubong ang kilay ko.


"Dahil? Roldan, sabihin mo nga sa akin? May hindi ba magandang nangyari kagabi kaya hindi mo naihatid si Miracle ng mansion? Sabihin mo! Kaibigan kita at pinagkatiwala ko siya sa iyo kaya sana naman huwag kayong maglihim sa


akin.!" bakas ang inis sa boses habang sinabi ang katagang iyun.


"Ayos lang naman siya. Huwag kang mag-alala ako ang bahala sa kanya Bestie." sagot nito sa akin.


"Kung ganoon bakit hindi pa siya inuuwi ng mansion? Hindi din siya pumasok? Hindi naman dating ganyan ang batang iyan. Hindi din iyan mahilig tumambay sa ibang bahay. Pwede bang pauwiin mo na siya sa mansion Roldan? Baka kasi masyado ng nakaabala sa iyo ang batang iyan." nakikiusap kong wika dito.


"No Bestie...HIndi ko na siya pwedeng iuwi ngayun sa inyo." diritsang sagot ni Roldan. Muling napakunot ang noo ko.


"At bakit hindi? Magtapat ka nga sa akin? Bakit mo nasasabi ang bagay na ito Bestie? Look, hindi ko alam pero pakiramdam ko may itinatago ka sa


akin. Tapatin mo na ako..huwag niyo kaming gawing tanga. Kasama mo ba talaga si Miracle ngayun?" puno ng pag -aalala kong tanong dito.


"I love her Bestie at handa kong panagutan ang nangyari sa amin." seryosong sagot ni Roldan. Para naman akong nabingi sa sinabi nito. Hindi ako tanga para hindi alam ang ibig sabihin ni Roldan. Biglang kumabog ang dibdib ko. Ilang sigundo din akong hindi nakasagot dito.


"Anong sabi mo? Mahal mo ang anak ko at may nangyari na sa inyong dalawa?" para akong biglang nawalan ng lakas sa sinabi ni Roldan kanina.


"Yes, may nangyari sa amin ni Miracle. Mahal ko ang anak mo Carissa. Ayaw kong mawala sya sa akin,. kaya hindi ko na hahayaan pang makauwi siya sa bahay niyo." sagot nito sa akin. Agad na tumulo ang luha sa aking mga mata dahil sa sinabi nito. Nagtataka namang tumitig sa akin si Gabriel.


"Imposible! Imposible ang sinabi mo! Roldan, sabihin mo sa akin...nagbibiro ka lang diba? Inaanak mo si Miracle at imposibleng magkagusto ka sa kanya!" halos pasigaw kong sagot dito.


"Im sorry Carissa! Pero totoo ang sinasabi ko ngayun. Alam kong mahirap sa part niyo ito. pero wala na kayong magagawa pa. May nangyari na sa amin at mahal na mahal ko siya." sagot nito. Napaupo ako dahil sa sinabi nito.


"Ibigay mo ang phone sa anak ko! Gusto kong makausap ang anak ko Roldan!" galit na sagot ko dito. pakiramdam ko bigla akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa mga sinabi ni Roldan sa akin. Hindi ko matanggap na tinatrydor ako nito. Akala ko safe sa kanya si Miracle pero ano ito? Bakit niya nagawang patusin ang anak ko?


Narinig ko ang marahan nitong pagbuntong hininga at sandali itong nawala sa kabilang linya. Pumalit ang nanginginig na boses ni Miracle.


He--hello Mom!" sagot nito. Agad na uminit ang ulo ko sa katotohanang nagsasabi ng totoo si Roldan kanina. Hindi ako ginugood time nito.


"Miracle! Anong ginawa mo? Anong ginawa niyo ng Ninong mo?" sumisigaw kong tanong dito. Parang gusto kong magwala sa sobrang sama ng loob na nararamdaman. Agad naman na hinaplos ni Gabriel ang likod ko. Pilit niya akong pinapakalma. Narinig ko naman ang pag-iyak ni Miracle.


"Mommy, Im sorry! Im sorry!" paulit ulit nitong sagot.. Lalong tumulo ang luha sa aking mga mata.


""Mag usap tayo! Umuwi ka ng mansion ngayun din at mag-usap tayo ng masinsinan. Hindi pwede ang ginagawa mong ito Miracle!" Galit na wika ko dito. Lalo naman itong napaiyak.


"Mom, please, huwag po kayong magalit sa amin! Ka-kasal na po kami at....at...." parang bomba na sumabog sa pandinig ko ang binitawang salita ni Miracle. Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso sa sobrang galit na nararamdaman.


"Wa---what? Naririnig mo ba ang sarili mo Miracle? Nagpakasal ka sa taong hindi na iba sa pamilya natin? Ano ba ang nangyayari sa iyo??? Bakit? Bakit????" sigaw ko dito.


"Saan kami nagkulang sa iyo MIracle! sa dinami dami ng lalaki sa mundo bakit sa Ninong mo pa? Aware ka ba sa ginagawa mong iyan Miracle? Hindi naman kita pinagbabawalan na makipagrelasyon ah? Malaya kang


gawin lahat ng gusto mo pero bakit sa


kanya pa? Bakit sa sarili mo pang Ninong?" umiiyak kong wika dito. Lalo naman itong humagulhol.


"Im sorry Mom. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko. Pero mahal ko na siya. Kinasal na kami kani- kanina lang kaya please, huwag na po nating pang pahirapan ang lahat. Mom, gusto ko na din si Ninong na sya ang makasama ko habang buhay." umiiyak na sagot nito. Naitigilan naman ako. Pagkatapos ay nilingon ko si Gabriel na noon ay tahimik lang na nakatingin sa akin.


"Umuwi ka muna ng mansion. Mag- usap tayo!" seryosong wika ko kay Miracle. Naririnig ko pa ang boses ni Roldan na inaalo nito ang umiiyak na si Miracle. Ikinuyom ko ang aking kamao sa matinding galit.. Pagkatapos ay muli kong narinig ang boses ni Roldan.


"Carissa, please huwag kang magalit kay Miracle. Kasalanan ko ang lahat


kaya nangyayari ito. Sana mainitindihan mo kami. Haharap ako sa iyo, sa inyo, pero huwag naman kayong magalit sa kanya. Mahal na mahal ko si Miracle at handa akong harapin ang galit niyo." wika ni Roldan. Tumulo ang luha ko sa sinabi nito.


"Bakit hindi mo nasabi noon ang bagay na ito sa akin Roldan? Magkaibigan tayo pero hind mo man lang nabanggit na na-inlove ka na pala sa anak ko?


Alam mo ba kung gaano kasakit ito? Nagising na lang ako isang umaga na itinanan mo na ang anak ko at worst, sasabihin niyo sa akin na kasal na kayo? HIndi mo man lang nirespeto ang pamilya namin? Ang pagkakaibigan natin? Pinagkatiwala ko siya sa iyo! Pero bakit ganito ang ginawa mo?" Umiiyak na wika ko dito.


"Im sorry! Natatakot akong ilayo niyo sa akin si Miracle kapag malaman


nyong may gusto ako sa kanya. Pero siya ang babaeng tinutukoy ko noon sa inyo Bestie. Siya ang babaeng nakita ko sa unang pagkakataon na agad kong minahal. TAtanggapin mo man ito o hindi wala akong magagawa. Sorry! Pero mahal ko siya at hindi ako papayag na ilayo niyo siya sa akin." seryosong sagot ni Roldan.


"Kung talagang mahal mo siya, iuwi mo muna siya ng mansion Roldan. Makipag -usap ka ng maayos sa amin. Bilang magulang ni MIracle wala kaming ibang hangad kundi ang kaligayahan niya. Tinatanaw namin na malaking utang na loob. ang mga ginawa mo noon sa pamilya namin kaya masakit sa akin ang ginawa mong ito. Ayaw kong magalit sa iyo. Pero hayaan mo muna kaming makapag-usap ng maayos. Iuwi mo muna siya. Iuwi mo muna ang anak ko Roldan!' nakikiusap kong wika dito.


"Kailan ang balik niyo ng mansion? Huwag kang mag-alala pupunta agad kami ng mansion kapag nandon na kayo. Im sorry kung nasaktan ko kayo Carissa. Im sorry kung naging makasarili ako ngayun. Pero ipinapangako ko na magiging isa akong mabuting asawa sa anak mo. Hinding-hindi ko siya sasaktan at mamahalin ko siya habang buhay." sagot ni Roldan. Hindi na ako sumagot pa at pinatay na ang cellphone. Agad naman akong niyakap ni Gabriel.


"Sssshhhh, its ok. Alam kong mahirap itong tanggapin pero wala na tayong magagawa pa. Nasa tamang edad na si Miracle at kung kanino siya masaya wala tayong karapatan na pigilan siya Sweetheart. Alam kong hindi ito ang ini -expect mo para sa kanya. Pero sana naman pakinggan natin ang mga sasabihin nila. Huwag tayong magpadala sa galit. Ngayon tayo higit na kailangan ng anak natin." wika ni Gabriel. Lalo naman akong napaiyak. Wala naman akong ibang gusto kung hindi magiging masaya ang mga anak ko..


"Gab, wala akong ibang hangad kundi magiging masaya ang anak natin. Pero masakit isipin na sa dinami-dami ng lalaki sa mundo. bakit ang ninong niya pa?" masama ang loob ko na tanong dito.


"Wala tayong magagawa pa Carissa. Nangyari na ang lahat. Hindi ko akalain na ganoon ka-sigurista ang bestfriend mo. Inangkin at pinakasalan niya agad ang anak natin bago nagtapat. Masama din ang loob ko, oo pero ano pa nga ba ang magagawa natin kundi suportahan sila. Ayaw ko na ma-stress pa tayo Carissa. Nasa tamang pag-iisip na sila at wala na tayong magawa pa kundi gabayan sila sa lahat ng gusto nila. Ang gusto ko lang masigurado ngayun na hindi sasaktan ng Roldan na iyun ang anak natin. Dahil oras na mabalitaan ko na saktan niya si Miracle baka ako mismo ang huhukay ng sarili niyang libingan. "seryosong wika ni Gabriel.


"Ayos lang ba sa iyo na si Roldan ang makatuluyan ng anak natin? Hindi ba awkward iyun? Baka pagtawanan nila ang anak natin Gabriel. Ayaw kong mapahiya si MIracle. Ayaw kong makarinig siya ng hindi magandang salita mula sa ibang tao. Alam naman natin kung ilang taon ang agwat ng edad nila sa isat isa. Baka pareho lang silang ma-stress at imbes na maging masaya ang pagsasama nila mai-stress lang sila sa mga maririnig nila sa ibang tao." nag-aalala kong wika.


'Huwag kang mag-isip ng ganyan.... TAma ka...hindi lahat ng tao maiintindihan ang relasyon nila. Pero kaya naman na siguro i-handle iyan ni Roldan. May tiwala ako sa kanya kahit papaano. Para sa akin, ayos na din iyun, at least kilala na natin ang magiging asawa ng anak natin. Hindi na tayo mag-iisip pa na baka saktan ang anak natin Carissa. Hindi na tayo mag-aalala pa kung ano ang magiging buhay niya. Kayang-kaya ibigay ni Roldan lahat ng gusto ni Miracle.


Pwede nga siyang hindi magtrabaho kung tutuusin eh. Mabubuhay na parang reyna si Miracle sa kanya. So, sino ba naman tayo para tumutol diba? Basta para sa kaligayahan ng anak natin, hindi ako hahadlang. Magiging masaya ako...tayo para sa kanya." malambing na wika ni Gabriel. Para naman akong biglang nabunutan ng tinik sa dibdib sa sinabi nito.


SAbagay, sino ba naman ako para tumutol sa kanila. Ayaw kong maging kontra bida sa pag-ibig ng anak ko. Lalo na kay Miracle. Tama si Gabriel. Hindi na maibabalik ang mga nangyari na.


Hindi na namin tinapos pa ang bakasyon sa Resort. Agad kaming bumiyahe pabalik ng Manila. Kailangan namin magkalinawan ni Roldan.


Pagdating ng mansion ay nadatnan na namin si Miracle at Roldan na naghihintay sa amin. Agad naman lumapit sa amin ang umiiyak na si Miracle at unang yumakap sa ama. Seryoso lang si GAbriel samantalang ako naman hindi ay hindi mapigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata. Pagkatapos bumitaw ito sa DAddy niya at yumakap din sa akin.


"Mommy, Im sorry. Hindi ko alam kung paano nag-umpisa pero mahal ko na siya." umiiyak na pag-amin nito sa akin. Pero agad ko itong naitulak ng makita kong nilapitan ni Gabriel si Roldan at agad na sinikmuraan. Gulat naman na napalingon si Miracle at sumisigaw na inawat ang ama. Halos mamutla naman si Roldan dahil sa iniindang sakit sa pagkakasuntok sa kanya ni Gabriel. Hindi pa ito nakontento at sinapak niya pa sa panga si Roldan. Hindi ako nakakilos sa mga nangyari. Umiiyak naman na inawat ni Miracle ang ama. tsaka nilapitan ang natumbang si Roldan dahil knock out ito sa malakas ng suntok ni Gabriel sa panga.


Nang makabawi sa pagkagulat ay nilapitan ko si Gabriel at hinawakan. Gulat naman na napasugod sila Mommy Moira at DAddy Ralph upang pigilan si Gabriel. Baka mamaya kung ano pa ang magagawa nito kay Roldan.


"Daddy, pwede naman kausapin eh. Bakit kailangan niyo pang saktan." umiiiyak na kompronta ni Miracle sa ama. habang tinutulungan na makabangon si Roldan. Hawak-hawak nito ang nasaktang panga.




Chapter 108


MIRACLE


Nagulat ako ng bigla akong itulak ni Mommy pagkatapos kong yakapin ito. Nakita ko pa ang pagkatulala nito na parang may tinitingnan. Nang lumingon ako ay nagulat ako ng nakita kong namimilipit na sa sakit si Roldan.


Hindi pa nakontento si DAddy at sinapak pa sa panga na siyang kanyang ikanatumba. Agad akong napatakbo sa kanilang kinaroroonan para umawat. Buti na lang at nakita ko din na inaawat na ni Mommy si Daddy. Kung hindi baka mapatay niya si Roldan. Kakakasal lang namin kanina mukhang mabibyuda agad ako dahil sa ginawa ni Daddy.


"Daddy, pwede niyo naman kausapin eh, bakit kailangan pang saktan." galit na wika ko dito. Akala ko hindi ito galit dahil hinaplos pa nito ang likod ko ng yakapin ko siya kanina. Pagkatapos ay ngumiti pa sa akin. Iyun pala may balak siyang saktan si Roldan. Kawawa naman ang asawa ko!


"Hayaan mo na Sweetie, mukhang wala namang balak na puruhan ako ng Daddy mo." awat naman sa akin ni Roldan. Pagkatapos ay pilit na itong tumayo kaya inalalayan ko na.


"Papuntahin mo dito ang mga magulang mo Roldan. Hindi pwede ang kasal-kasalan lang kaninang umaga ang magagawa niyo sa anak namin. Kailangan mong pakasalan sa simbahan si Miracle sa lalong madaling panahon." inis na wika ni Daddy. Agad naman napatango si Roldan. Samantalang si Mommy naman ay kita ang inis sa mga mata habang nakatingin sa amin.


"Sumunod ka sa akin Miracle, kitang makausap ng masinsinan."


seryosong wika sa akin ni Mommy. Bantulot naman na bumitaw ako kay Roldan. Pagkatapos at tumigin ako kina Grandmama at Grandpapa na noon ay tahimik lang na nanonood sa amin.


Sumunod ako kay Mommy ng maglakad na ito papuntang garden. Kinakabahan man pero kailangan kong maging matapang. Alam kong nagtatampo ito sa mga nangyari. Pero alam kong hindi niya ako matitiis kaya panatag ang aking kalooban na maiintindihan niya ako.


"Sabihin mo sa akin kung bakit nangyari ito? Bakit sa Ninong mo pa Miracle? Sa sobrang pagiging pihikan mo bakit sa kanya pa?" agad na tanong nito sa akin. Napayuko naman ako. HIndi ako nakasagot dahil kahit ako hindi makapaniwala sa bilis ng pangyayari.


"Alam mo bang ginulat mo kaming lahat? Hindi ko lubos maisip na mangyayari ito. Mahal na mahal kita Miracle at wala akong ibang hangad kundi maging masaya ka! Sabihin mo sa akin, mahal mo ba talaga siya?


Ready ka na ba na mabuhay kasama siya?" seryosong tanong ni Mommy. Napatango naman ako. Hindi ko alam kung paano nag-umpisa pero unang kita ko pa lang noon kay Roldan attracted na ako sa kanya. HIndi ko lang maamin-amin sa lahat dahil nahihiya ako. Kaya noong nasulo ko si Roldan sa resort. hindi ko na napigilan ang sarili ko. Talagang sinadya kong akitin siya dahil habang tumatagal lalong yumayayabong ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya.


"Mommy sorry po! Alam kong kayo ang pinaka-nasaktan sa mga nangyari ngayun, pero mas kailangan ko ang support niyo. Mahal ko na siya MOmmy! Masaya akong kasama siya...


kaya please huwag mo na kaming pahirapan pa. TAnggapin niyo na lang po sana ang kung anong meron kami ngayun...." umiiyak na sagot ko. Naluha naman si Mommy.


"May magagawa pa ba ako? BAby kita Miracle at kung saan at kanino ka man magiging masaya handa akong suportahan ka. Nagulat lang talaga ako...pero mabait naman si Roldan, alam kong hindi ka niya sasaktan. Nagiging mabuti siyang kaibigan sa amin noon, siguro naman magiging mabuti siyang asawa mo ngayun." sagot ni MOmmy sa akin. Agad akong napayakap dito.


"Love is blind talaga anak. Pero hindi kita masisisi! Edad lang ang malaking deperensya sa inyong dalawa. Gwapo din naman si Roldan kaya ka siguro na- inlove sa kanya." natatawang wika ni Mommy.


"Thank you Mom! You're the best Mom in the world talaga! Akala ko bubugbugin mo ako ngayun eh." natatawa kong sagot dito kasabay ng pagluha.


"Kailan ba kita sinaktan? Mahal kita Miracle at hindi ako hahadlang sa kung anong makapagpaligaya sa iyo. Kung masaya ka sa piling ni Roldan, then Gooooo! Pero huwag na huwag kong mababalitaan na inaapi ka ng lokong iyun. Kung hindi ako ang makakaharap niya!" sagot naman ni Mommy sa akin.


"Kung ganoon ayos na po sa inyo na magiging byanan kayo ng bestfriend niyo?" Natatawa kong biro kay Mommy. Agad na sumilay ang ngiti sa labi nito. Pagkatapos ay tumango.


"May magagawa pa ba ako? Siya ang gusto mo kaya tatanggapin namin siya ng buong puso. Hayssst kayo talaga! Hindi niyo man lang hinintay na matapos ang bakasyon namin sa resort. Isipin mo na kung anong month and date ang gusto niyong kasal ni Roldan dahil iyan ang pag-uusapan mamaya pagdating ng mga magulang niya." wika ni Mommy at nagpatiuna ng maglakad pabalik sa kinaroroonan nila DAddy at Roldan na noon ay seryoso din na nag-uusap.


"Pagbalik kina Roldan ay agad na humawak si Mommy sa braso ni Daddy. Pagkatapos ay binalingan nito ang asawa ko sabay binatukan. Gulat naman na napaawat si Daddy samantalang si Roldan naman ay bahagyang natulala.


"Kabayaran iyan sa mga kagagulohan mong ginawa sa amin. Ilang beses tayong nag-uusap pero hindi mo man lang nabanggit-banggit sa akin na na pinagpapatansyahan mo na pala ang anak ko?" wika ni Mommy sa kay Roldan. Napatingin naman sa akin ito na parang nanghihingi ng tulong.


"MOmmy naman akala ko ha ayos na?


Bakit parang galit pa rin kayo?" sagot ko naman. Muli akong binalingan ni Mommy.


"Hindi ako galit. Iyan ang paraan ko sa pagko-congratulate sa magaling kong kaibigan na ngayun ay magiging son in law ko na. Haysst Roldan, ayusin mo ang pagtrato kay Miracle ha? Kung hindi sa akin ka talaga malalagot!" wika ni Mommy.


"Dont worry Carissa, mamahalin ko siya ng higit pa sa buhay ko. Salamat dahil hindi niyo na ginawa pang komplekado ang lahat at pasensiya na kung binigla ko kayo." nakayuko naman na sagot ni Roldan.


'Sige, hintayin muna natin na dumating ang mga magulang mo Roldan. Pagkatapos ay pag-usapan natin ang tungkol sa kasal. Maiwan na muna namin kayo dahil aasikusahin ko pa si Rafael." wika ni Mommy at agad na naglakad palayo. Agad naman na napasunod si Daddy dito. Naiwan kaming dalawa ni Roldan na ngiting- ngiti.


"Masakit ba ang suntok ni Daddy?" baling ko kay Roldan. Hindi ito nakaimik bagkos hinawakan nito ang nasaktang panga. Meron siyang pasa doon at alam kong malakas na sapak talaga ang ginawa ni DAddy dito kanina. Natumba kasi eh. Feeling ko kunting lakas pa at mahihimatay na si Roldan.


"Grabe! Ang bigat ng kamay ng Daddy mo Sweetie. Buti na lang malakas ang kapit ng ngipin ko at walang natanggal. "pagbibiro nitong sagot sa akin. Napabuntong hininga naman ako.


"Sandali lang. Ikukuha kita ng ice pack para naman hindi masyadong mamaga iyang mukha mo. Bakit kasi hindi ka umilag sa sapak ni Daddy. iyan tuloy nasaktan ka." wika ko dito at akmang aalis na ngunit hinawakan ako sa braso.


"Ayos lang ako. Maliit na bagay lang ito. Masaya ako dahil kahit papaano tinanggap nila ang ginawa ko sa iyo Miracle. Hindi pa rin sila nagbabago. Napakabait pa rin nila." sagot ni Roldan sa akin. Agad naman akong napayakap dito.




CARISSA


Kanina pa namin tinatanaw ang nag- uusap na si Roldan at Miracle malapit sa pool. Kahit paano nagiging kalmado na din ang lahat. parating na daw ang mga magulang ni Roldan kaya naman inutusan na namin ang mga kasambahay na ihanda na ang dining area. Doon namin balak pag usapan ang nalalapit na kasalan ng dalawa.


"Walang duda. In love talaga ang anak mo sa bestfriend mo. Tingnan mo naman kung paano makayakap ang anak mo! Akala mo aagawin sa kanya si Roldan eh." wika ni Gabriel habang seryoso na nakatitig sa dalawa. Natawa naman ako dito.


"Mana lang sa iyo ang anak mo. Ganyan ka din naman kung makalingkis sa akin eh." tumatawa ko namang sagot. Agad naman ako nitong tinitigan.


"Syempre love na love kita eh. Binigyan mo ako ng masayang buhay Sweetheart. Kaya lang medyo nag- aalala ako ngayun, kailangan ko na namang bumalik ng opisina. .ngayung mag-aasawa na si Miracle. dahil tiyak na hindi na iyan papayagan ni Roldan na magtrabaho. Hindi din kaya ni Christian na pamahalaan mag-isa ang negosyo kaya walang choice, balik sa dating gawi ang buhay natin...Ha akala ko makakapag-retired na ako pero nagkamali ako. Hihintayin ko pa sigurong lumaki si Rafael bago tuluyang huminto sa pagtatrabaho sa opisina.." sagot nito. Natawa naman ako.


"Dont worry Gab. Lagi ka naman namin dadalawin ni Rafael sa opisina kaya hindi ka mabo-bored." sagot ko dito. Agad naman bumalatay ang tuwa sa mga mata nito ng muli akong tingnan.


"Sure ka Sweetheart? Wow, maganda nga iyang naisip mo! Parang nasa bahay lang ako niyan kung nagkataon. Wala namang problema dahil may kwarto naman ang office ko. Pwede kayo matulog doon ni BAby Rafael. habang hinihintay ako." masayang sagot ni Gabriel. Nagkibit balikat lang ako.


Nasa ganoong pag-uusap kami n mapansin namin na may sasakyan dumating. Nakita namin na agad sumalubong sila Miracle at Roldan. Ito na nga siguro ang mga magulang ni Roldan kaya agad kaming lumabas ni Gabriel. Nakita namin na sumalubong din sila Mommy Moira at Daddy Ralph sa bagong dating.


"Hindi ka pa rin nagbabago Conrad! Sigurista ka pa rin. Akalain mong dinadaan mo pa rin sa paspasan ang lahat? ipinakasal mo agad ang apo namin ng hindi man lang namin nalalaman." agad na wika ni Daddy Ralph sa ama ni Roldan. Pareho naman kaming natigilan ni Gabriel. Mukhang magkakilala pa yata ang dalawa.


"Ralph! Ralph! Sa tinagal tagal na panahon ngayun lang ulit tayo nagkita! Mukhang hindi mo pa rin nakakalimutan ang mga kasalanan ko sa iyo noong mga kabataan pa natin ah? Mukhang hanggang ngayun nagtatanim ka pa rin ng sama ng loob sa akin!" tumatawang sagot ng ama ni Roldan. Sabay naman kaming napalapit sa mga ito at nagpakilala.


"Maligayang pagdating Mister and Misis Valdez. Kami ang mga magulang ni Miracle. Pwede na tayong dumiritso sa dining area at doon na lang natin pag-usapan ang kasal ng dalawa." agad naman na wika ni GAbriel sabay tingin sa ama.


"Ohhh ikinagagalak ko kayong makilala....Gabriel at Carissa right? Ako nga pala si Misis Ofelia Valdez at ang asawa ko naman si Conrad Valdez." Nakangiti nitong pakilala at agad na nakipagbeso-beso sa amin.


Nakipakamay naman ang ama ni Roldan sa aming dalawa ni Gabriel pati na din kina Mommy Moira at Daddy Ralph. Pagkatapos ay niyaya na namin sila sa loob ng mansion deretso sa dining area.


"Masaya ako dahil ang apo mo ang makakatuluyan ng nag-iisa naming anak. Ang liit talaga ng mundo. Akalain mo mortal tayong magkaaway noon pero mukhang magiging magkakapamilya ang turingan natin ngayun dahil sa anak ko at apo mo." natutuwang wika ni Mister Valdez.


"May magagawa pa ba kami Conrad? Katulad mo, mukhang mas matinik din ang anak mo dahil binigla kami. Pero since nangyari na ang lahat wala na kaming magagawa pa kundi tanggapin ang anak mo sa pamilya namin." sagot naman ni DAddy Ralph. Tahimik lang kaming nakikinig sa dalawa.


"Well, hindi naman dehado ang apo niyo sa anak namin. Mabibigay namin lahat ng pangangailangan ni Miracle. Huwag kang mag-alala. Mamahalin namin ang apo mo higit pa kay Roldan. natatawang sagot naman ni Mister Valdez kay Daddy Ralph. Napapailing naman si Gabriel habang nakikipag- usapan ng dalawang matanda.


"May naisip na ba kayong month at date ng kasal niyo MIracle? Mukhang wala naman ng problema. Ngayun pa lang pag-usapan na natin ang detalye ng kasal para hindi na tayo maghabol pa sa oras." sagot ko naman sa usapan.


Nagkatinginan naman si Miracle at Roldan.


"Napag-usapan po namin ni Roldan na three months from now gaganapin ang kasalan. December po iyun at sakto para makaattend din si Arabella." sagot ni Miracle.


"HIndi ba tayo maghahabol sa oras ng preparation? Pero kung iyan ang gusto niyo walang problema sa amin."ang sagot ko naman.


"Kami na ang bahala sa lahat ng gastusin sa kasal. Marami kaming kakilala na pwedeng kumilos para maihanda agad ang engrandeng kasalan ng dalawa. Huwag kayong mag-alala, sisiguraduhin namin na magiging perfect ang kasalan na ito. paniniguro naman ng ama ni Roldan.


"Pwede natin paghatian ang mga gastusin. Hindi ako papayag na ang pamilya nyo lang ang gagastos. Hindi kami naghihikahos Conrad para ipaubaya sa inyo ang mga gastusin!" sabat naman ni Daddy Ralph. Nagkatinginan naman kami ni Gabriel.


"Lalaki ang sa amin Ralph kaya sa tradition ng pamilyang pilipino, lalaki talaga ang dapat na gumastos sa kasal. Alam kong kaya niyo din gumastos sa kasalan na ito pero gusto kong ipakita sa lahat na kayang buhayin ni Roldan ang apo mo. Hayaan mo na lang na kami ang magshoulder sa lahat.


Masaya lang ako dahil nakahabol pa ang anak namin. Akala ko talaga tatandang binata na ito eh." natatawa nitong sagot.


"Sa sobrang pagiging babaero mo ang anak mo ang pumasan ng karma. Buti na lang at maganda itong apo namin kung hindi mukhang tatandang binata nga iyang anak mo. Sa edad mong iyan dapat dalaga at binata na ang mga apo mo? Tingnan mo ako...


masaya dahil binigyan ako ng maraming apo ng nag-iisa kong anak na si Gabriel." buong pagmamalaking sagot ni Daddy Ralph.


"Tama na nga iyan. Nandito tayo para pag-usapan ang kasal ng apo natin, hindi para magbalik tanaw sa nakaraan. Siya nga pala Ofelia ano ang sekreto mo? Bakit parang hindi ka pa rin tumantanda?" sagot naman ni Mommy Moira sabay baling sa Mommy ni Roldan.


"Naku! Ganoon ka din naman Moira. Mukhang mapapadalas ang pagkikita natin ngayun. Makakapag-share tayo ng sekreto sa isat isa. Plano kong ngang mag-zumba or ballroom lang wala akong makakasama. Busy si Conrad sa pulitika kaya hindi ko mahila- hila sa mga ganyang bagay." sagot naman ni Misis Valdez.


"Oo nga pala. Balita ko Congressman pa rin si Conrad. Kami ni Ralph naman matagal ng nagretiro sa kompanya simula ng natutunan ni GAbriel ang paghawak sa aming negosyo. Panay travel na lang kami at pag-aalaga sa mga apo kaya na-enjoy talaga namin ang isat isa." sagot naman ni Mommy Moira.


"Oo na!..malapit na akong magretired sa politics. Maghintay-hintay ka lang Ofelia...iikutin natin ang buong mundo. sagot naman ng ama ni Roldan.


Nagkatawanan naman kaming lahat. Mukhang magkakasundo ang dalawang pamilya ngayun.




Chapter 109


MIRACLE


"Wala tayong magagawa, kailangan muna natin sundin ang Mommy at Daddy mo. Tatlong buwan lang naman ang hihintayin natin pagkatapos palagi na tayong magsasama araw-araw." wika ni Roldan sa akin habang paalis na ito ng mansion. Tapos na ang pag- uusap tungkol sa kasal namin at napagkasunduan na dumito muna ako sa mansion habang si Roldan naman ay sa kanila muna. HIndi daw kasi makakabuti kung sasama agad ako sa kanila hanggat hindi pa tapos ang kasal namin sa simbahan. Malungkot akong nakayakap dito. Hindi ko na napansin ang mga matang nakatingin sa aming dalawa. Pakiramdam ko kasi matagal pa ang tatlong buwan na hihintayin namin. Wala naman na dapat problema kung sasama ako o hindi kay Roldan.


dahil nakuha na nito ang pagkababae ko. Isa pa naikasal na kami sa judge kaya kung tutuusin mag-asawa na kami. Pero dahil ito ang hiling nila Mommy at DAddy wala kaming magawa kundi ang sumunod. Ayaw din kasi ni Roldan na makipagtalo pa kina Mommy at Daddy. Hanggat maari gusto nitong ipakita sa lahat na iginagalang niya ang kagustuhan ng pamilya namin.


"Ok fine, mag-iingat ka. Malaki ang kasalanan natin sa kanila kaya dapat lang na sundin natin sila sa ngayun. Pero sana lagi mo akong dalawin dito.. sagot ko naman. Tumango ito at hinalikan muna ako sa labi bago tuluyang umalis. Malungkot naman. akong sinundan na lang ng tingin na papalayong sasakyan.


"Well, sigurado ka na ba talaga kay Ninong? Sinasabi ko na nga ba na may malalim na pagtingin sa iyo si Ninong eh. Paano ngayun iyan, magiging


Ninang na din kita? Ninang na kapatid? "bahagya pa akong nagulat ng biglang magsalita sa likuran ko ang kakambal kong si Christian. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit nito at mukhang nasa mood ito ngayun para asarin ako.


"Pwede ba Christian, huwag mo na nga ako asarin. BAhala ka kung ano ang tingin mo sa relasyon namin ni Roldan. Asawa ko na sya at hindi na magbabago ang isip ko. kahit paulit-ulit mo akong bwisitin." inis na sagot ko dito. Natawa ito.


"Hey...Hey....relax ka lang...Ang bilis naman uminit ng ulo mo. Huwag mong sabihin buntis ka na agad? Ilang araw pa lang kayong nagkasama nakabuo agad kayo?" natatawa pa rin nitong wika, Pinanlisikan ko ito ng mata. Akmang sisipain ko ito pero. tatawa- tawa itong umilag. Ang lakas talaga mang-asar. Kapag ito ang ma-inlove

tatawanan ko talaga ito. Lahat ng klase ng pang-aasar gagawin ko para naman makaganti ako.


"Ano ba kasi ang kailangan mo? Kung aasarin mo lang ako, pwede bang iiwan mo ako? Nakakainis ka na eh!" galit kong wika dito. Nginisihan lang ako tsaka inilibot ang tingin sa paligid.


"Paano ngayun iyan? Hindi ka papasok sa opisina? Haysst kawawa naman ako. Mukhang mas lalong magiging busy ako sa mga susunod na araw. Paano na ang lovelife ko kung ganoon?"


pangungunsensiya nito sa akin. Inismiran ko lang ito. Simula bukas magiging abala na kami sa pag- aasikaso sa kasal namin ni Roldan kaya malabo na talagang makapasok pa ako ng opisina. Bahala na. Maiintindihan naman siguro ako ni Daddy.


"Kaya mo na iyan!" baliwala kong sagot tsaka ito tinalikuran. Pero humabol pa rin ito sa akin hanggang sa nakarating kami sa loob ng living room. Agad akong umupo sa sofa at ganoon din ang ginawa ni Christian. Nagtatanong ang mga matang tinitigan ko ito.


"Alam mo bang sa makalawa na ang kasal ni Kurt?" seryoso nitong tanong sa akin. Natigilan naman ako. Invited ako sa kasalang iyun pero wala akong balak ng pumunta. Sayang lang ang oras at isa pa nireject na pamilya ni Kurt si Arabella. Ang dami nilang dahilan kesyo hindi daw tunay na Villarama kaya ayaw nila kay Bella. Akala mo naman perfect din ang pamilya nila. Kung hindi dahil sa amin matagal ng nalugi ang negosyo nila.


"So, ano ngayun? Wala na tayong pakialam sa bagay na iyan. Masyado niya ng nasaktan si Arabella kaya hindi na natin dapat pang pag-usapan ang tungkol sa pamilyang iyan dahil nonsense lang." sagot ko dito.


"Nakipag meeting sa akin ang Daddy ni Kurt kanina. Ilang araw na daw hindi pumapasok ng opisina si Kurt at hindi daw nila alam kung nasaan ito ngayun." imporma ni Christian. Natigilan naman ako.


"Kasalanan nila iyan. Masyado silang naghihimasok sa buhay ng anak nila. Pinipilit nilang ikasal sa babaeng hindi naman niya gusto." balewala kong sagot.


"Iyun nga ang problema. Galit ang pamilya ni Trina at mukhang hindi daw sisipot sa kasal si Kurt. dahil kahit anong gawin nila hindi nila mahanap. Kinukulit na kami nila Adrian ng Mommy ni Kurt tungkol sa kinaroroonan ng anak niya. Eh wala kaming alam tungkol sa bagay na iyun kaya wala kaming maisagot. Baka sa susunod ikaw na naman ang kukulitin kaya sinasabi ko na ito sa iyo ngayun." sagot naman nito.


"Wala silang makikita sa akin. Busy din ako sa sarili kong buhay kaya tigilan nila ako. Pagkatapos nilang saktan ang Arabella natin. may gana pa silang mangulit sa atin tungkol sa bagay na iyan?" sagot ko naman.


"Pero naawa din ako sa Kurt. Pinipilit naman niyang mahalin si Trina pero si Arabella daw talaga ang gusto niya. Kaya lang nag-alsa balutan na si Arabella. kaya broken hearted si Kurt kaya ayun naglayas din." sagot ni Christian. Bumuntong hininga lang ako.


"Siya nga pala. Congratulations sa nalalapit mong kasal. Masaya ako para sa iyo Mira. Alam kong magiging masaya ka kay Ninong pero sana bawasan mo ang katarayan mo.? natatawa ulit nitong wika sa akin. Inismiran ko ulit ito. Pagkatapos ay tumayo na ito at nagpaalam ng magpapahinga muna. Naiwan naman akong nagmumuni-muni dito sa living room. Nasa kwarto din sila Mommy at Daddy samantalang sila Grandmama at Grandpapa ay saglit na umalis ng mansion. May pupuntahan daw.


Napangiti ako ng maalala ko si Arabella. Kailangan ko nga palang mag -send ng message sa kanya para ipaalam dito ang nalalapit kong kasal. Hindi ko ito pwedeng tawagan ng ganitong oras dahil tiyak nasa school ito. Ayaw kong maka-isturbo lalo na sa pag-aaral nito.


Mabilis na lumipas ang dalawang buwan. Nagiging puspusan ang paghahanda namin sa kasal ni Roldan. Pareho kaming excited at lalong lumalim ang pagtingin ko dito. Kung pwede nga lang na magsama na kami sa iisang bubong gagawin namin. Pero kailangan namin irespeto ang kagustuhan nila Mommy at Daddy. Nakakapuslit pa rin naman kami ni Roldan. Lagi akong tumatambay sa kanilang bahay kapag natatapos agad namin ang aming mga appointments. Lagi ko din itong dinadalaw sa kanyang opisina. Hindi ko alam pero hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko ito nakikita. Nakakabaliw pala ang pag- ibig.


Nagising ako isang umaga na parang umiikot ang buo kong paligid. May appoinment kami sa isang restaurant para sa food testing kaya nagising ako ng maaga pero agad akong nakaramdam na parang hinahalukay ang aking sikmura. Agad akong napatakbo sa banyo at inilabas ang kung anong masamang bagay na nasa aking sikmura.


Habol ko ang aking paghinga pagkatapos kong magsuka. Hindi ko alam pero wala naman akong kinain na bawal para sumama ang tiyan ko. Ipinikit ko muna ang aking mga mata para makapagrelax at ng maramdaman ko na bumuti na ang aking pakiramdam. ay ginawa ko na ang morning routine ko. Pagkatapos ay agad akong bumaba ng dining area para kumain muna ng breakfast dahil maya-maya lang ay darating na si Roldan.


"Good Morning! Aba ang aga mo yata ngayun ah?" Agad na bati sa akin ng kakambal kong si Christian. Hindi ko ito pinansin at dumiritso kina Mommy at DAddy para humalik sa pisngi nila tanda ng pagbati ko. Marahil ay tulog pa sila Grandmama at Grandpapa.


Sabagay masyadong maaga pa at kaya lang naman maaga nagigising sila Daddy at Christian dahil papasok ang mga ito sa opisina. Sumasabay na din si Mommy sa pagkain ng breakfast kay Daddy para maasikaso niya ito.


Pagkatapos ay umupo na ako sa pwesto ko.


"May lakad ba kayo ngayun ni Roldan?"


agad na tanong sa akin ni Mommy. Nakangiti naman akong tumango habang inisa-isang tinitingnan ang mga pagkain na nakahain sa mesa. Pakiramdam ko gusto na naman bumaliktad ng sikmura ko.


"Next month na ang kasal niyo kaya siguraduhin niyong nasa ayos ang lahat." sagot naman ni Daddy. Nakabihis na ito ng damit pang- opisina. Nagi-guilty ako dahil alam kong nang dahil sa akin napurnada ang tangka nitong pag-retiro.


"Yes Dad at pasensya na po kung hindi muna ako makakapasok ng opisina.!" sagot ko. Pagkatapos ay napatayo ako ng muli kong naramdaman ang pangangasim ng aking sikmura. Taranta akong napatakbo sa kusina at agad na pumunta sa labAbo para dumuwal. Kasunod ko ang nag- alalang si MOmmy pero hindi ko na pinansin pa. Nakatoon ang buo kong attention sa pagsusuka kasabay nito ang pagkahilo ko at panlalambot ng aking tuhod. Hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyari basta ang huli kong narinig ay ang sigaw ni Mommy at ang pagsalo ng kung sino sa katawan ko.


"Nagising ako ng kung may sino ang humahaplos sa noo ko. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at agad na sumalubong sa paningin ko ang nag-aalalang mukha ni Roldan.


"Mabuti naman at gising ka na...alam mo bang sobra mo akong pinag-alala? masuyo nitong tanong sa akin. Agad ko inilibot ang paningin ko sa buong paligid.


"Nasaan ako?" nanghihina kong tanong dito. Malawak itong ngumiti sa akin na siyang labis kong ipinagtaka.


"Nandito tayo sa hospital Sweetie. Nahimatay ka kanina kaya agad ka naming isinugod dito, Sweetie alam mo bang sobrang saya ko? Sa wakas magiging Daddy na din ako!" bakas ang sobrang galak sa boses nito habang sinasabi ang katagang iyun. Natigilan naman ako.


"Ibig mong sabihin......." natitigilan kong tanong dito.


"Yes Sweetie..your pregnant! Oh God... thank you so much! Thank you! Matutupad na ang matagal ko ng pangarap! Ito ang pinaka-dabest na regalo na matatanggap ko sa tanang buhay ko Sweetie. Thank you so much!' naiiyak na wika ni Roldan sa akin. Napaluha naman ako sabay hawak impis kong tiyan. Pagkatapos ay sumilay ang matamis na ngiti sa labi ko. Hindi ako makapaniwala na agad kaming makakabuo ni Roldan. Sa wakas nagbunga agad ang aming pagmamahalan. Masaya akong niyakap ni Roldan.


Agad din naman akong nakalabas ng hospital. ilang oras na pag-oobserba ng doctor.. Niresetahan ako ng mga vitamins at sinabi sa akin kung ano ang mga bawal sa akin. Maayos naman daw ang aking pagbubuntis pero kailangan pa din ang pag-iingat lalo na ito ang aming first baby.


Tuwang-tuwa sila Mommy at Daddy ng malaman nila ang pagdadalang-tao ko. Agad naman hiniling ni Roldan na kung pwede sa kanila muna ako titira para maalagaan niya ako. Ayaw sanang pumayag ni MOmmy dahil baka mahirapan daw ako kung sa ibang bahay pa ako titira. pero nagiging mapilit na din si Roldan. Kaya naman wala na silang magawa pa kundi suportahan ang gusto namin. Mas gusto ko na din na kasama si Roldan sa lahat ng oras. Iba pa rin kasi kung katabi ko ito palagi para naman maalagaan niya ako. Hindi ko alam kung parte pa ba ng pagbubuntis ko ito pero palagi ko na kasing hinahanap ang amoy nito. Para akong tuko na laging nakakapit dito.


Alagang-alaga naman ako ng pamilya ni Roldan habang nasa bahay nila ako. Lahat ng gusto kong kainin agad nilang ibinibigay. Mas lalong naging maalaga sa akin si Roldan. Binibigay nito lahat ng cravings ko. Halos hindi na din ito pumapasok ng opisina para maalagaan ako. PInaubaya na din namin sa mga wedding organizer ang pagsasaayos ng aming kasal.




WEDDING DAY


Abala ang lahat. Sakay ng bridal car kasama si Arabella bilang aking maid of honor agad kaming bumiyahe papuntang simbahan. Naghihintay na sa akin ang aking groom, mga bisita, kaibigan at sila Mommy at DAddy. Ako na lang ang hinihintay. Laking pasalamat ko dahil kahit gaano ka- busy sa studies si Arabella nagawa pa


din nitong makauwi para saksihan ang pag-iisang dibidb namin ni Roldan.


Noong una nagulat ito dahil Ninong ko ang makakatuluyan ko. pero nakita kong masaya ito para sa akin lalo na ng malaman nito na buntis na ako.


"Im so happy for you Ate Mira. Akala ko talaga mas mauna pa akong ikasal sa iyo noon eh?." nakangiti nitong wika sa akin. Halatang puyat ito dahil kagabi lang dumating galing America.


"Thank you Bella! Akala ko talaga pihikan lang ako noon kasi wala akong magustuhan sa mga manliligaw ko. Iyun pala may lalaking nakatadhana sa akin. Alam mo bang sobrang saya ko ngayun? Wala na akong mahihilingin pa,. Natagpuan ko na ang lalaking kaya akong ipaglaban at ibigay lahat ng nais ko." masaya kong sagot dito.


"Napakaganda mo Ate Mira kaya


imposibleng hindi mabibighani ang


kahit sino sa iyo. Sinasabi ko na nga bang attracted sa iyo ang may ari ng kotse na nabangga ko noon eh. Kitang- kita ko ang pagkatulala niya ng makita niya ang beauty mo kaya nawala ang tapang." natatawang sagot ni Arabella habang inaalala ang nangyari noong naaksidente kami. Natawa na din ako. Paano ba naman dinadaan ko din sa tapang ang lahat. Lalo na ng makita ko na may kasama itong babae sa kotse.


"Sana mahanap mo na din ang lalaking para sa iyo Bella.. Alam mo bang hindi natuloy ang kasal nila KUrt at Trina?" seryosong wika ko kay Bella. Nakita kong natigilan ito. Pagkatapos ay lumamlam ang mga mata.


"Sorry kong nabanggit ko sa iyo ang bagay na ito. Pero alam kong ikaw ang mahal nya. Ang pagkakamali nga lang niya hindi ka niya nagawang ipaglaban. Pero alam mo bang hanggang ngayun hindi ра rin nagpapakita si Kurt? Kahit


ang pamilya niya wala pa rin balita sa kanya kung nasaan na siya ngayun." pagpapatuloy kong wika kay Arabella. Bumuntong hininga ito at tumanaw sa labas. Kitang kita ang pagpipigil nitong maiyak. Walang duda, mahal pa nga nito ang lalaking iyun. Hanggang ngayun nasasaktan pa rin ito sa mga nangyari sa kanilang dalawa.


Hinawakan ko ito sa kamay. Tipid naman itong ngumiti pagkatapos ay ikinurap-kurap ang mga mata.


"Ano ka ba Ate. Dapat ang tungkol sa lovelife mo ang pag-uusapan natin dahil kasal mo ito. Ikwento mo naman sa akin. Paano nagtapat ng pag-ibig sa iyo si Kuya Roldan." Excited na tanong nito sa akin. Agad naman akong napangiti ng maalala ko ang kagagahan na ginawa ko ng gabing iyun. Sino ba naman kasing tanga ang gustong magpaturo ng kung paano humalik sa sariling NInong?" Halik na


nauwi sa kama at biglaang kasalan.






Chapter 110


CARISSA


Napaluha ako habang nagpapalitan ng "I Do's" ang anak kong Miracle at Roldan. Parang kailan lang, pero ang bilis ng panahon. Ilang buwan na lang ang bibilangin at magkakaroon na kami ng apo dito. Masaya ako para sa anak ko dahil kitang kita ko. kung paano ito alagaan ni Roldan. Kahit papano nasisiguro namin na magigigng maayos ang buhay nito sa


piling ng kanyang asawa na si Roldan na bestfriend namin.


"Sssshhhh tama na iyan. Masyado ka na namang emosyonal. Baka isipin ng mga bisita hindi ka masaya sa kasal ito." bulong sa akin ni Gabriel sa hapit sa aking baywang. Sumilay naman ang matamis na ngiti sa labi ko ng tingnan ko ito.


"Masaya lang ako para sa anak natin. Ang bilis talaga ng panahon. Bubuo na siya ng sarili niyang pamilya. Hindi ko na siya makikita araw-araw." emosyonal kong sagot dito. Nginitian naman ako ni Gabriel.


"Ganoon talaga! Darating at darating talaga ang panahon na iiwan na tayo ng mga anak natin. Pero hindi ibig sabihin noon na ayaw na nila sa atin. Kailangan nilang buuhin ang sarili nilang pamilya. Hayaan mo, lagi naman nating dadalawin si Miracle sa bahay nila Roldan. Magiging masaya -na lang tayo para sa kanya Sweetheart. malambing na sagot ni Gabriel at yumuko pa ito para halikan ako sa aking noo. Agad ko naman pinunasan ang luha sa aking mga mata. Hanggang sa natapos ang seremonya ng Kasunod nito ang picture taking kaya naman agad kaming lumapit sa bagong mag-asawa. para mag-congratulate at magpa-pictures na din. Isang masayang Miracle ang aking nakita kaya naman tuwang-tuwa na din ako.


"Congratulation Mira! Magiging mabuti kang asawa ha? BAwas- bawasan ang katarayan para naman magiging maayos ang pagsasama niyo. Nakangiti kong bati dito sabay halik sa pisngi nito. Niyakap naman ako ng anak ko.


"Thank you Mommy! I love you po!" wika nito sabay halik sa pisngi ko. Kumikinang sa tuwa ang mga mata nito kaya naman lalong nagiging pakikipagkamay sa mga bisita.


panatag ang aking kalooban. Pagkatapos ay binalingan ko si Roldan na noon ay abala din sa mga bisita. Hanggang sa nagpasya ng lumabas na kami ng simbahan. Napansin kong nakasunod sa amin si Arabella nakangiti ko itong hinawakan sa kamay.


"Thank you Bella. Kahit abala ka sa pag -aaral mo napagbigyan mo pa rin Ate Miracle mo na makadalo ka sa kasal niya." wika ko dito. Ngumiti naman ito.


"Of course Mom, basta para sa pamilya dadating ako kahit gaano pa ako kaabala. Grabe ang bilis nabuo ng love story ni Ate Miracle. Ilang buwan lang akong nawala tapos heto ikinasal na agad siya." natutuwa nitong sagot.


"Masyado kasing matinik ang groom kaya ganoon. Idinaan sa biglaan si Miracle kaya hindi na nakapalag."


sagot ko naman dito. Natawa naman ito. Hinintay lang namin na makalabas ang mga bagong kasal sa loob ng simbahan at didiretso na din kami sa reception.


'Bestie, wala na talagang kawala Miracle kay Roldan. Talagang binakuran niya na.." nabigla pa nga ako biglang magsalita si Roxie sa aking tagiliran. SA sobrang abala kanina ngayun lang ulit kami nagpang-abot. Si Arabella naman ay bahagyang dumistansiya sa amin upang salubungin ang paglabas ng ng bagong kasal sa simbahan.


"Well, wala na kaming magagawa pa. Nagmamahalan naman ang dalawa kaya tatanggapin na lang namin ng buong puso. Isa pa hindi naman dehado ang anak ko kay Roldan. Alam naman natin kung gaano kabait ang kaibigan nating iyun at ka-maasikaso. Tiyak na magiging masaya ang buhay

ng anak namin sa piling niya Bestie. Iyan lang din naman ang mahalaga sa amin ni Gabriel. Hindi na namin tinitingnan kung gaano kalayo ang agwat ng mga edad nila." mahabang sagot ko naman dito. Masaya na itong tumango.


"Kaya nga Bestie eh. Swertihan lang talaga pagdating sa pag-ibig. Yung iba kailangan munang lumuha ng dugo bago marealized kung gaano niya kamahal ang isang tao." sagot naman nito. Pinandilatan ko naman ng mga mata kaya natawa na naman ang lukaret. Gusto na naman nitong halungkatin ang nakaraan.


Sigawan ang naririnig ko sa paligid ng lumabas na ang bride at groom. Agad akong hinawakan sa kamay ni Gabriel upang lapitan uilt ang bride at groom ng bigla kaming napahinto. Nakarinig kami ng dalawang magkasunod na putok ng baril. Biglang nagkagulo ang mga tao. Agad naman akong niyakap ni Gabriel. hanggang sa narinig namin ang sigaw ni Carmela.


"Arabella! Arabella!" sigaw nito na may kasamang pag iyak. Agad akong napakalas sa pagkakayakap kay Gabriel at nagmamadaling lumapit sa nakahandusay na katawan ni Arabella. Nagkulay pula ang pang-itaas na bahagi ng gown nito dahil sa dugo na lumalabas sa katawan nito. AGad na dumaloy ang luha sa aking mga mata at agad itong dinaluhan.


'Bella? Baby?" Agad na sigaw ko dito sabay hawak sa mukha nito. Habol ang paghinga nito kaya naman agad ako itong kinandong.


"Mommy! Mom---mmy!" naluluhang sagot nito. Kitang kita sa mga mata nito ang paghihirap habang pinipilit na ngumiti. Narinig kong nagkagulo ang buong paligid. Parang bigla naman humito ang mundo ko ng makita kong unti-unting ipinikit ni Arabella ang kanyang mga mata.


"No...No Baby..huwag mong ipikit ang iyong mga mata...huwag kang matulog Bella....Dadalhin ka namin sa hospital" halos naghehestirikal kong wika. habang hinahaplos ang maganda nitong mukha.


'Hi----hin---hindi ko na ka--ya Mom--my. Sob---rang---in--ina-- inaantok...na..ako.." wika nito habang habol ang paghinga. Agad naman akong umiling habang hilam ang aking mga mata. ng luha.


"Kahit na...labanan mo muna ang antok mo. Please Arabella... Please..lumaban ka! Lumaban ka Bella!" halos pasigaw kong wika dito habang tinapik tapik ang mukha nito. Pagkatapos ay binalingan ko ang sino man ang nasa likod ko. Tumampad sa paningin ko ang umiiyak din na si Miracle. Hawak ito ni Roldan habang pilit na pinapakalma samantalang hindi ko mahagilap si Gabriel.


"Parating na ang ambulansiya.


Kaunting tiis na lang." sagot ni Roldan at halata sa mga mata nito ang galit. Umiiyak naman si Miracle habang nakatitig sa nakahandusay na si Arabella.


Hindi din naman nagtagal at dumating din ang ambulansya. Agad nilang isinakay si ARabella upang dalhin sa pinakamalapit ng hospital.


Samantalang kitang kita sa mga mata ni Miracle ang trauma sa mga nangyari. Nagpumilit pa itong pumasok sa loob ng ambulance para samahan si Bella. kaya wala ng magawa pa si Roldan kundi sumakay na din. Naiwan naman akong hindi alam ang gagawin.


"Bestie, huwag ka masyadong mag- alala. Maayos din ang lahat. Tumulong na si Jonathan at GAbriel upang habulin ang gunman at dumating na din ang mga pulis para mag-imbistiga " wika sa akin ni Roxie.


"Hindi ko maintindihan kung bakit nangyari ito Bestie. Sa dinami-dami ng tao dito sa simbahan bakit si Arabella pa ang kanilang pinunterya. Hindi ko matatanggap na mawala sa akin ang anak ko! Pinurutektahan namin siya sa lahat ng aming makakaya pero ito lang ang mangyayari sa kanya? Sobrang sakit!" umiiyak na wika ko dito. Agad naman akong niyakap ni Roxie.


"Magdasal na lang tayo na malalagpasan niya ang lahat. Alam ko kung gaano ito kasakit sa inyong pamilya pero hindi pa ito ang katapusan ng mundo. Magbabayad ang sino man ang may gawa nito." naiiyak na sagot naman ni Roxie sa akin.


"Mom, tama na! HIndi po kayo dapat magpadala sa matinding emosyon ngayun. Naharang ang gunman sa isang checkpoint sa hindi kalayuan dito. kaya malalaman din natin kung sino ang may pakana ng lahat ng ito. Sa ngayun kailangan muna natin umuwi ng mansion para makapagpahinga ka." wika naman sa akin ni Christian.hindi ko namalayan ang paglapit nito. Binitawan naman ako ni Roxie sa pagkakayakap kaya agad akong niyakap ng anak ko.


"Hindi ko kayang mawala sa atin si Arabella anak. Napakabait niyang bata para mangyari sa kanya ito. Wala akong nababalitaan na may kaaway siya. Kakarating niya lang dito sa Pilipinas kaya imposible na may kagalit siya.." umiiyak na wika ko dito. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Christian at inakay ako papunta sa sasakyan. Agad akong inalalayan na makasakay pagkatapos ay muli nitong binalikan si Roxie para kausapin. Pagkatapos ay muli itong bumalik at pumasok na sa loob ng sasakyan.


"Sila Tita na ang bahala sa mga bisita. Pwede silang dumiretso sa reception area para makakain. Sila grandmama at grandpapa naman kasama si Rafael at Aling Rosing ay pinauwi ko na lang muna ng mansion. Mommy, panatagin mo ang iyong kalooban. Matapang si ARabella at hindi siya basta-basta mapapatumba ng kung sino." seryosong wika ni Christian pero halata sa mukha nito ang itinatagong galit.


"Nasaan si Daddy mo?' tanong ko dito. Hindi ko na kasi ito muli pang nakita pagkatapos dalhin ng ambulansiya si arabella.


"Nasa police station siya kasama ni Tito Jonathan. Mga sandali malalaman na natin kung sino ang nasa likod na kaguluhan na ito. Huwag kayong mag-alala, kapag malaman ko kung sino ang nasa likod nito sisiguraduhin kung pagsisisihan niya ito habang buhay." wika ni Christian kasabay ang pagtagis ng mga bagang. Naluha naman ako.


"Gusto kong dumiritso muna tayo ng hospital kung saan dinala si Arabella. Gusto kong masiguro na nasa maayos na siyang kalagayan." patuloy ang pa agos ng aking luha habang sinasabi ang katagang iyun. Natigilan naman ito.


"Pero nagbilin si Daddy na iuwi muna kita ng mansion para makapagpahinga ka Mom. Hindi ka pwedeng masobrahan ng pagod. Pagkahatid ko sa iyo ako na lang ang pupunta ng hospital at balitaan na lang kita agad. Isa pa nandoon pa sila Miracle at Ninong Roldan. Sila na muna ang bahala kay Arabella." sagot naman ni Christian. Umiling naman ako.


"Hindi, gusto kong makasiguro na maayos na siya Christian. Hindi din ako matatahimik sa mansion habang nasa bingit ng kamatayan si Arabella.


Hind ko maintindihan kung bakit kailangan niyang pagdaanan ito. Isang linggo lang ang itatagal niya dito sa Pilipinas dahil babalik agad siya ng America. pero ito pa ang nangyari sa kanya. Kung alam ko lang na mangyayari ito hindi ko na sana pinauwi pa. Kung buhay naman niya ang kapalit ng lahat ng ito nanatili na lang sana siya sa Amerika. Hindi ko matanggap ang nangyaring ito sa kanya Christian. Gawin niyo ang lahat ng inyong makakaya para makamit ni Arabella ang hustisya. " mahaba kung wika dito.


"Huwag kayong mag-alala Mom. Sisiguraduhin kong pagbabayaran nila ang ginawa nilang ito sa kanya..... Ibabalik ko sa kanila ang sakit na nararanasan ng pamilya natin ngayun. Itinaon pa talaga nilang sa kasal ni Miracle ginawa ang bagay na ito. Kung gusto niyo pong sa hospital muna tayo, sige po......Pero ipangako niyo sa akin


na magpakatatag kayo. Kung anot-ano man ang mangyari tanggapin niyo po ng buong puso. Huwag niyong kalimutan na nandito lang kami na nagmamahal sa iyo Mommy."


madamdamin na sagot ni Christian. Agad naman akong tumango. nang  nakarating na kami ng hospital kung saan dinala si Arabella. Naabutan namin si Roldan na pilit pinapatahan si Miracle. Suot pa din nito ang damit pangkasal pero may ilang bahid na ng dugo na galing kay Arabella. Agad itong lumapit sa akin ng mapansin na parating kami.


"Mommy, Mommy! Im sorry! Im sorry.!" umiiyak na wika nito sa akin. Pagkatapos ay yumakap ito.


"Ssshhhh tahan na.. Hindi mo kasalanan ang nangyari para mag- sorry ka." sagot ko naman dito habang marahan na tinatapik ang likod nito. Pagkatapos ay tiningnan ko si Roldan.


"Kumusta siya? Kumusta si Arabella?" agad na tanong ko dito.


"Nasa operating room siya ngayun. Kailangan ang agarang operasyon upang tangglin ang bala na tumama malapit sa kanyang puso." sagot ni Roldan. Parang bigla naman akong nanghina sa sinabi nito. Napakalas ako sa pagkakayakap kay Miracle at nanghihinang napaupo.


"Huwag kayong mag-alala. Tutulong ako sa paghahanap ng hustisya para kay Arabella. Alam niyo kung ano ang kakayahan namin.....nag aming pamilya. Makakamit ni Arabella ang husitisya sa lalong madaling panahon. seryusong wika ni Roldan.


"Kasalanan ko ito Mommy. Kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi ko na sana siya pinilit pang umuwi dito ng Pilipinas para saksihan ang kasal ko." Umiiyak na wika ni Miracle. Wala naman akong naging reaksyon sa sinabi ni Miracle. Ang isip ko ay ukupado ni Arabella. Alam kong malala ang tama nito at ano mang sandali ay maaring hindi nito makayanan ang lahat. Pilit naman pinapatahan ni Roldan ang kanyang asawa. Si Christian naman ay tahimik lang sa isang sulok. Pulang pula ang mukha nito sa matinding galit.


"Iuwi mo muna si Miracle. Hindi siya pwedeng magtagal sa hospital dahil sa kalagayan niya. Kami na lang muna ni Christian ang bahala dito." seryoso kong wika kay Roldan. Agad naman umiling si Miracle.


"Hindi...hindi ako aalis dito hanggat hindi ako makasiguro na maayos na siya. Kasalanan ko ito kaya dapat lang na hindi ko siya iiwan sa ganitong sitwasyon."Umiiyak na sagot naman ni Miracle.


"Huwag maging matigas ang ulo mo Mira. Hindi ka pwedeng magpaka- stress ng ganito. Buntis ka at kailangan mo ng pahinga." sagot naman dito.


Umiling naman ito kasabay ng paghawak sa kanyang tiyan. Taranta naman na napaalalay dito si Roldan. Napatayo ako ng mapansin kong namumutla na si Miracle. Agad naman akong napasigaw upang humingi ng tulong. AGad naman kaming dinaluhan ng mga staff ng hospital. Isinugod ng emergency room si Miracle dahil bigla itong dinugo. Hindi ko alam kung paano namin malalagpasan ang dagok na nangyari sa pamilya namin. Akala ko magiging masaya ang araw na ito dahil sa kasal ni Miracle at Roldan.


Pero kabaliktaran ang lahat. Saksi ang langit sa aming pagdurusa.




Chapter 111


CARISSA


Parang torture sa akin lahat ng mga kaganapan. Mabuti na lang at agad na naagapan si Miracle at hindi napahamak ang ipinagbubuntis. Kasalukuyan itong nasa loob ng private room at nagpapahinga. Patuloy na sinisisi nito ang sarili dahil sa mga nangyari. Samantalang hindi pa rin lumalabas mula sa operating room ang mga doctor na nagsasagawa ng operation kay Arabella. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas pero pakiramdam ko para akong kandila na unti-unting nalulusaw. Ganito pala ang pakiramdam na may isang miyembro ng pamilya ang nasa bingit ng kamatayan. Pakiramdam ko mauuna akong mawalan ng hininga dahil sa matinding pag-aalala.


Dinala ako ng mga paa ko sa maliit na chapel dito sa loob ng hospital. Sa mga ganitong pagkakataon wala akong ibang makapitan kundi ang pananampalataya sa Diyos. Sana maghimala ang langit at huwag muna Niyang kunin sa akin si Arabella. Masyado pa siyang bata at marami pang pangarap sa buhay kaya sana naman huwag muna. Malayo pa mararating nito at hindi ito naging isang masamang anak. Kailan man ay hindi ko naramdaman na nagalit ito sa akin kahit na ng malaman nito na hindi ako ang tunay niyang Ina.


Nakaluhod ako sa harap ng altar ng may humagod sa aking likuran. Nang lingunin ko ay sumalubong sa paningin ko ang nag-aalalang si Gabriel. Agad akong napayakap dito. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib nito. Puro buntong hininga lang ang tangi nitong sagot habang hinahagod ako sa likuran. Nang mahimasmasan ako ay agad niya akong inakay palabas ng chapel. Para namang wala ako sa aking sarili na nagpatianod dito.


"Everything will be ok. Nahuli na ang utak sa pagbaril kay Arabella. Umamin ang gunman at agad na inaresto ang nag-utos sa kanya para patayin si Bella. " agad na wika ni Gabriel pagkaupo namin dito sa isang cafeteria. Hindi ko namalayan na dito niya pala ako dinala.


"Anong dahilan niya? Bakit niya gustong ipapatay si Arabella. Wala akong naalalang tao na kagalit niya.. mabait siyang bata Gabriel kaya imposibleng pag-intersan niya ang buhay ni Bella ng ganoon -ganoon na lang." humihikbi kong sagot dito.


"Iyun ang akala natin. Malaki ang galit ng suspect kay Arabella kaya niya nagawa ang bagay na iyun. Hindi niya matanggap na hindi natuloy ang kasal nilang dalawa ni Kurt. Si Arabella ang sinisisi niya kung bakit hindi siya sinipot ni Kurt sa kanilang wedding." wika ni Gabriel. Natigilan naman ako. Hindi ko makuha ang ibig nitong sabihin. Paanong nasali sa usapan ang tungkol sa hindi natuloy na kasal ni Kurt.


"Walang hiya siya! Hindi na kasalanan ni Bella kung hindi man siya sinipot ng Kurt na iyun sa kasalan na iyun.


Lumayo na si Bella kaya dapat hindi na nila dinamay pa sa kanilang gulo." nanghihina kong sagot kay Gabriel. Hindi ako makapaniwala ng dahil sa selos nagawa niyang ipapatay ang walang kamalay-malay na si Arabella. Kahit papaano nabalitaan ko din naman ang tungkol sa pagpapakasal ni Kurt sa ibang babae. Alam ko din na iyun ang dahilan kaya hiniling ni Arabella na mas gusto niyang ipagpatuloy ang pag-aaral sa ibang bansa.


"Dont worry Sweetheart!


Sisiguraduhin kong pagbabayaran ng lahat ng sangkot ang nangyaring ito kay Bella. Hinding hindi ko sila mapapatawad at pagdudusahan nila habang buhay ang mga nangyari ngayun!" seryosong sagot ni Gabriel Lalo naman akong naiyak.


"Hinding hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila kay Arabella. Pati pagbubuntis ni MIracle muntik ng mapahamak dahil sa walang kwentang bagay na ginawa nila ngayung araw na ito. Gusto kong mabulok siya sa bilangguan. Hindi makatao ang ginawa niya!" umiiyak na sagot ko kay Gabriel. Agad naman itong tumango.


"Nakakulong na siya ngayun Sweetheart. Hinding-hindi siya makakalabas ng kulungan. Pagdudusahan niya lahat ng kasalanan na nagawa niya." sagot nman nito.


Pareho kaming natigilan ni Gabriel ng marinig namin na tumunog ang cellphone nito. Agad naman tumayo si Gabriel nang makita nito na si Christian ang tumatawag. Agad niyang sinagot at ibinalita ni Christian na tapos na daw operahan si Arabella at gusto daw kaming makausap ng Doctor. Hinawakan ako sa kamay ni Gabriel at inakay pabalik papuntang operating room. Pareho kaming kinakabahan sa naging resulta ng operasyon ni Arabella.


"Doc, kumusta ang anak ko? Ano ang lagay niya ngayun?" agad na tanong ko sa Doctor ng makalapit kami. Malungkot itong bumaling sa amin.


"Mister and Misis Villarama, gusto ko lang po sabihin sa inyo na ginagawa namin ang lahat upang mailigtas ang pasyente, Tumagos ang bala malapit sa kanyang puso at may malaking bahagi ng ugat ang tinamaan kaya nasa critical stage ang pasyente magpasa- hanggang ngayun. Although natanggal na namin ang bala pero hindi pa rin tayo nakakasiguro sa kanyang kaligtasan hanggat hindi siya nagigising. Bibigyan namin siya ng twentyfour hours na magising. Kapag hindi magkamalay within twentyfours hours, ikinalulungkot kong sabihin na hindi tayo nagtagumpay para mailigtas siya. "lalo akong nanghina sa sinabi ng Doctor. Pakiramdam ko mauubusan ako ng lakas sa sinabi nito.


"Gawin niyo po ang lahat para maka- survive si Arabella Doc. Handa kaming magbayad kahit na magkano mailigtas lang siya." sagot naman ni Gabriel.


"Tungkulin namin na iligtas lahat ng nagiging pasyente namin sa kapahamakan. Pero ihanda na lang natin ang ating mga sarili sa mga posibelng mangyari. Sa ngayun ililipat muna namin siya ng ICU," sagot ng Doctor sa amin. Lupaypay naman akong napaupo sa sahig. Halos hindi maubos ang luha sa aking mga mata dahil sa isiping ano mang sandali posibleng tuluyan ng mawala sa amin si Arabella. Hinding hindi ko matatanggap ang bagay na iyun. Pilit akong itinatayo ni Gabriel ng makaramdam ako ng matinding panghihina at pagdilim ng buo kong paligid. Huli kong narinig ay ang nag- alalalang boses ni Gabriel bago ako lamunin ng kadiliman.


Nagising ako ng nasa hospital bed. Isang nag-alalang mukha ni Gabriel ang una kong nasilayan. Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero muling bumalik ang sakit ng maalala ko ang kalagayan ni Arabella.


"Magpahinga ka muna Sweetheart! Nahimatay ka kanina dahil sa sobrang stress kaya kumuha na din ako ng private room. Nandito kanina si Miracle dahil nag-alala siya sa kalagayan mo. Tatlo na kayong naka- confine dito sa hospital kaya tatagan mo ang loob mo Sweetheart. Alam kong mahirap tanggapin sa iyo ang nangyayari kay Arabella pero sana naman ay isipin mo din kami. at lalo na  si Rafael." wika nito sa akin habang hinahaplos ang buhok ko. Napapikit naman ako ng maalala ko ang baby ko. Tiyak na hinahanap na ako ng bunso namin.


"Kumusta siya...Si Arabella?" tanong ko dito. Natigilan naman si Gabriel. Pagkatapos ay bumuntong hininga bago nagsalita.


"Nailipat na siya ng ICU. Huwag kang mag-alala Sweetheart. Ginagawa ng mga Doctor ang lahat para mailigtas si Bella.. Nagreresponse ng maayos ang kanyang katawan sa mga gamot na ibinigay sa kanya. Makaka- survived siya magtiwala lang tayo sa kakayahan niya. Hindi siya basta-basta sumusuko.


kaya huwag kang panghinaan ng loob." masuyong wika ni Gabriel. Napatango naman ako. Pagkatapos ay umupo ako sa hospital bed. Napansin ko na may mga pagkain sa lamesa dito sa lock private room kaya nakaramdam gutom.


"Nagugutom ako Gab." wika ko dito. Kahit papaano ay naawa na din ako kay Gabriel. Alam kong ginagawa nito ang lahat upang pakalmahin ako. Ayaw ko ng pareho kaming mahirapan sa sitwasyon kaya habang hinihintay ang oras na itinakda ng Doctor ay pipilitin kong maging mahinahon. Agad naman ako nitong inakay papuna sa lamesa na may pagkain. Agad akong uminom ng Juice dahil pakiramdam ko nauuhaw ako. Nakita ko ang pagngiti ni Gabriel dahil sa aking ginawa. Sinabayan na din ako nito sa pagkain.


"Nasaan nga pala si Christian?" maya- maya ay tanong ko dito. Ngumuya muna ito bago ako sinagot.


"Inaasikaso niya ngayun ang kaso na isasampa kina Trina. Hindi kami papayag na makalabas pa siya ng kulungan. Alam mo bang ibinalita sa akin ni Christian na halos ka harap niya ang mga magulang kanina sa presento? Buong pagpapakumbaba silang humingi ng kapatawaran pero hindi sila pinakinggan ni Christian. Tama lang na mabulok sa kulungan ang anak nila dahil sa kasalanan na nagawa niya kay Arabella." sagot ni Gabriel sa akin.


"Ipangako mo sa akin na mapaparusahan silang lahat Gab. Hindi lang si Arabella ang muntik ng malagay sa alanganin dahil sa ginawa nila. Muntik na makunan si Miracle." sagot ko naman.


"Kaya nga galit na galit si Roldan kanina pati na din ang ama niyang Congressman. Nasira na nga ang kasal ng nag-iisa nilang anak muntik pang nakunan si Miracle. Si Congressman na din ang gumawa ng paraan para hindi makapag-piyansa ang salarin. Mabubulok siya sa kulungan.


Pagdusahan nila ang ginawa nilang ito kay Arabella." sagot naman ni Gabriel. Natuwa naman ako sa mga narinig. Kahit papaano hindi naging mailap ang hustisya kay Arabella.


Dahil maayos naman ang aking pakiramdam ay agad akong nagyaya na silipin sa ICU si Arabella pagkatapos namin kumain. Muling tumulo ang luha ko sa mga mata ng makita ko ang sitwasyon nito. May mga tubo na nakakabit sa katawan nito at parang ako ang mas nahihirapan tuwing tinititigan ko ang katawan nito mula sa salamin na bintana. Naabutan pa namin si Christian na malungkot na nakatanaw sa kapatid. Nakabalik na pala ulit ito ng hospital. Halata sa mukha nito ang pagod dahil ito halos ang nag-aasikaso sa lahat ng mga kailangan.


"Galing po ako sa kwarto ni Miracle. Maayos na ang kanyang kalagayan at iuuwi muna siya ni Ninong sa kanilang bahay." imporma sa amin ni Christian. Laking pasasalamat ko dahil hindi naapektuhan ang pagbubuntis ni Miracle. Kung nagkataon duble- dubleng dagok sa pamilya ang mga nangyari. Matagal hinintay ng mga Valdez na magkaroon ng apo at lalong masakit sa kanila kapag nakunan si Mira.


"Gusto niyo po bang pumasok sa loob? Pwede naman daw kaya lang hindi pwedeng sabay-sabay tayo." wika ulit ni Christian. Umling lang ako. TAma na sa akin na makita siya dito sa labas ng ICU. Natatanaw ko naman sya mula dito sa kinaroroonan namin.


"Magiging maayos din ang lahat. Lumalaban siYa kaYa alam kong malalagpasan niya lahat ng ito Sweetheart." narinig ko pang bulong sa akin ni Gabriel. Pinahid ko ang luha na tumulo sa aking mga mata. Pagkatapos ay matamis ko itong nginitian.


"Ano ang ginagawa mo dito? May lakas ka pang magpakita sa amin sa kabila ng ginawa mong pagtakas sa problema mo?" sabay kaming nagulat ni Gabriel ng marinig namin ang galit na si Christian. Agad kaming napalingon at kitang kita namin kung paano sugurin ni Christian si Kurt at sapakin. Agad na napahandusay sa sahig si Kurt sa lakas na pagkakasuntok dito sa mukha ni Christian. Agad naman akong napasigaw at nagmamadaling inawat ni Gabriel ang galit na galit na anak. Agad naman lumapit sa amin ang ibang staff ng hospital upang tumulong sa pag-awat.


"Hindi ako mangingiming patayin ka kapag bumalik ka pa dito Kurt!


Kinalimutan ko na ang pagkakaibigan natin dahil sa ginawa mo sa kanya! Basta ka na lang umalis ng hindi mo inaayos ang problema mo kaya si Arabella ang napagdiskitahan ng baliw mong ex-fiancee." bulyaw ni Chris dito. Agad ko naman nilapitan si Kurt at tinalungan na makabangon.


"Umalis ka na dito Kurt! Huwag mo ng dagdagan ang sakit na nararamdaman namin ngayun dahil sa nangyari kay Arabella." mahinahon kong wika dito. Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata nito kaya naman kahit papaano ay nakaramdam ako ng awa dito. May dugo na lumalabas sa ilong nito dahil sa lakas ng pagkakasapak ni Christian kanina. Mabuti na lang at hindi ito gumanti kung hindi mas malaking gulo sana ang nangyayari ngayun.


"Im sorry Tita. Kung alam ko lang na mangyayari ito hinarap ko na sana noon pa ang pamilya ni Trina. Si Arabella ang mahal ko kaya ako umalis ng walang paalam at hindi itinuloy ang kasal kay Trina. Hindi ko naman akalain na magagawa niyang maghire ng gunman para ipapatay si Arabella. Patawarin nyo ako! Kasalanan ko at handa akong pagbayaran lahat ng pagkakamali ko." umiiyak na sagot nito.


"Hayaan niyo naman po sana na makita ko si Bella kahit ngayun lang." nakikiusap nitong wika. Tumingin ako kina Gabriel at Christian. Nakakuyom pa rin ang kamao ni Christian at halata pa rin ang pagpipigil nito ng galit.


Nilapitan ko si Christian at hiwakan sa kamay. Pagkatapos ay hinila ko ito paalis para pagbigyan ng pagkakataon na makita ni Kurt si Arabella. Kahit ngayun lang. Nakita ko kung gaano kamahal ni Kurt si Arabella kaya hindi ako hahadlang. Nagpaiwan naman si Gabriel para bantayan ang mga susunod na gagawin ni Kurt. Alam kong pati si Gabriel ay galit din kay Kurt pero alam kong kaya nitong kontrulin ang sarili para saktan ito.



Chapter 112


NARRATOR POV BOY


Naiwan si Gabriel at Kurt sa labas ng ICU. Kitang kita ang sakit sa mga mata ni Kurt habang nakatingin sa walang malay na katawan ni Arabella sa loob ng ICU, Naikuyom pa nito ang kamao habang walang tigil ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Sinisisi nito ang sarili dahil sa mga nangyari.


"Pwede kang pumasok sa loob para masilayan mo siya ng maayos. Pasensiya ka na sa ginawa ni Christian, Hindi niya lang napigilan ang kanyang emosyon at nasaktan ka." mahiNANG wika ni Gabriel kay Kurt. Pinunasan ni Kurt ang luha sa kanyang mga mata bago nilingon si  Gabriel.


"Salamat Tito...at pasensiya na kayo sa mga nangyari. Naiintindihan ko ang galit ni Christian at totoo naman ang kanyang sinabi. Kasalanan ko kaya nangyari ito.." sagot ni Kurt. 


Tinapik naman ito sa balikat ni Gabriel pagkatapos ay lumayo ng ilang metro kay Kurt. Hinayaan siyang masilayan ng maayos ang kanyang mahal na si Arabella. na patuloy na nakikipaglaban kay kamatayan.


Hindi mapigilan ni Kurt ang maiyak. Hanggang ngayun ay hindi siya makapaniwala na hahantong sa ganito ang lahat. Akala niya magiging masaya siya ng mabalitaan niyang umuwi ng Pilipinas si Arabella. pero hindi niya akalain na ito ang sasalubong sa kanya.. Pagkatapos ay nilapitan siya ng nurse para tanungin kung gusto bang pumasok sa loob ng ICU. tumango si Kurt at naghanda para sa pagpasok sa loob ng ICU.


Pagkapasok sa loob ay lalong nag- uunahan sa pagtulo ang luha sa kanyang mga mata. Lalaki siya pero pakiramdam niya aping api siya sa mga nangyayari kay Arabella. Hindi niya akalain na sa ganitong sitwasyon niya muling masisilayan ang mahal niya. Ito ang dahilan kaya pinili niyang tumakas sa kasal nila Trina. dahil umaasa pa rin siyang sa muli nitong pagbabalik ng Pilipinas ay matutuloy ang kanilang pag-iibigan.


"Im sorry Bella. Naging duwag ako para ipaglaban ka sa pamilya ko. Hindi sana ito nangyari sa iyo kung naging matapang lang ako para harapin sila. Patawad sa lahat ng mga kasalanan ko. Alam kong ako ang dahilan kaya nagdesisyon kang umalis ng bansa. Alam kong hindi kitang ipaglaban sa mga magulang ko. Lumaban ka Bella. Naghihintay ang pamilya mo!" bulong niya sa walang malay na si Bella habang patuloy ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Hindi pa siya nakontento at hinawakan niya pa ang kamay ni Arabella at pinisil-pisil.


Tinitigan niya pa ang maputlang mukha ng mahal niya at awang-awa siya sa kalagayan nito. Maraming tubo na nakakabit sa katawan nito at hindi niya alam kung ano ang magagawa niya kapag tuluyan itong mapahamak. Nanatili pa siya ng ilang minuto sa loob ng ICU bago nagpasyang lumabas. Naabutan niya pa rin si Gabriel na matiyagang naghihintay sa kanyang paglabas. Nagpasalamat muna siya bago nagpaalam na umalis.


Diritso siya sa kanilang bahay. Ilang buwan na din siyang hindi nagpapakita sa kanila at marahil ito na ang tamang pagkakataon na harapin ang kanyang mga magulang. Alam niyang parehong galit ang mga ito sa kanya. pero wala na siyang magagawa pa. Mas nanaig ang sakit ng kalooban na nararamdaman niya ngayun.




KURT POV


"Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi Kurt! Alam mo ba kung gaano kalaking iskandalo ang iniwan mo bago ang nakatakda niyong kasal ni Trina? Ano ba ang nangyayari sa iyo? Bakit ba napakatigas ng ulo mo?" agad na salubong sa akin ng galit kong ina na si Misis Amara Santillan. Hindi ko ito sinagot bagkos seryoso ko itong tinitigan.


"Bakit ba bigla ka na lang naglaho? Hanggang ngayun ba yung bwesit na Arabella pa rin ang gusto mo? Ang fake na anak ng mga Villarama? Ilang beses ko bang sabihin sa iyo na hindi matatanggap ang babaeng iyun sa pamilya natin? Ayaw kong pagtawanan tayo ng mga amiga ko kung siya lang naman ang makakatuluyan mo!" galit pa na sigaw nito sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao. Pero dahil ina ko siya kailangan ko pa rin pigilan ang aking damdamin. 


"Bakit ganiyan kayo Mom? Lahat naman ng gusto niyo sinunod ko! Pero bakit pati ang pagkagusto ko sa isang babae gusto niyong kuntrolin? Sawa na ako sa ganitong buhay! Bakit hindi kayo marunong makinig sa gusto ko? Mahal ko si Arabella at hindi magbabago iyun!" sagot ko dito.


Lalong nagkasalubong ang kilay ni Mommy at sinampal ako. Mapait akong napangiti habang nakatitig dito.


"Gusto niyo ba akong patayin dahil sa hindi ko pagsunod sa nais niyo? Gusto niyo ba akong itakwil bilang anak? Sige Mommy! Gawin niyo! Sawa na ako pagkontrol niyo sa buhay ko! Ginagawa niyo akong parang rubot na sa tuwing pagkumpas ng kamay niyo ay dapat akong sumunod. para ipagsigawan sa buong mundo na isang akong mabait na anak! Pero alam niyo po ?


Pakiramdam ko wala akong kwentang tao! Hindi ko man lang kayang ipaglaban ang mahal ko! Kaya sige na Mommy...patayin niyo ako para hindi ko na mararamdaman pa ang sakit ng kalooban na nararanasan ko ngayun!' mataas na ang boses na sagot ko dito. Tuluyan na akong nawalan ng kontrol sa aking sarili dahil sa pinaghalong sakit at pighati na naranasan. Lalo na kapag naiisip ko ang kalagayan ngayun ni Arabella.


"Kurt! Hindi kita pinalaki para sagot- sagutin mo ng ganyan ang Ina mo! Magtira ka ng kahit kaunting respeto sa kanya. dahil kahit na pagbabali- baliktarin man ang mundo. hindi mo pa rin kayang bayaran ang mga sakripisyo na ginawa ng iyung Ina. para mapalaki ka lang ng maayos!" galit na wika ni Daddy Ramon Santillan.


"Kaya nga Dad! Kung alam ko lang na magiging ganito ang buhay ko. hindi niyo sana ako isinilang pa dito sa mundo! Sana pinalaglag nyo na lang ako habang nasa sinapupunan pa ako ni Mommy! Sana pinatay niyo na lang ako dahil nagiging walang kwenta ang buhay ko dahil sa ginagawa niyong pakikialam!" galit na sagot ko kay Daddy. Tuluyan na akong nilamon ng galit. Parang huminto ang ikot ng mundo at puro sakit sa damdamin na lang ang nararamdaman ko ngayun.


Naramdaman ko na lang na dumapo sa panga ko ang kamao ni Daddy. Bagsak ako sa sahig kasabay ang sigaw ni Mommy. Agad ako nitong dinaluhan para tulungan na makabangon pero tinabig ko ito. patayong akong umiiyak habang patuloy sa pag-agos sa aking mga mata. 


"Sige Dad! Patayin mo na lang ako! Tutal wala naman ng kwenta ang buhay ko! Patayin mo na lang ako para hindi ko na mararamdaman pa ang sakit. dahil sa nangyari kay Arabella ngayun!" sagot ko dito. Nakita kong natigilan si Mommy at Daddy. Nagkatinginan pa silang dalawa.


Tumayo ako at muli silang hinarap.


"Alam niyo ba kung ano ang ginawa ng magaling na si Trina? Alam niyo po ba kung ano ang ginawa niya kay Arabella? Tinangka niyang patayin ang babaeng mahal ko at critical siya ngayun! Hindi ko matatanggap na mawala siya sa akin kaya kung sakaling hindi siya makaligtas, patayin niyo ako o di kaya ako mismo ang kikitil sa buhay ko!" seryoso kong wika dito. sabay punas sa luha sa aking mga mata. Biglang natulala si Momm sa sinabi ko.


"Hindi ko kayang magpakasal kay Trina dahil iba ang mahal ko. Hinintay ko ang pagbabalik ni Arabella dito sa Pilipinas. para siya ang yayain na magpakasal. Nagbabakasakali ako na magugustuhan niyo din siya dahil mabait siyang anak ng mga Villarama. Pero mukhang mabibigo ako! Critical siya ngayun dahil sa ginawa ni Trina. at hindi ko mapapatawad ang sarili ko! Ako ang sinisisi ng mga Villarama. Galit sa akin ang lahat.....wala akong nagiging kakampi ngayun kaya para ano pa at patuloy akong lalaban sa buhay? Hindi ko na kayang magkunwari pa na.......hindi ko na kaya pang maging masunuring anak!" nanggigil kong wika. Pinilit kong kontrolin lahat ng sakit na nararamdam ko. huminga pa ako para pigilin ang pag tuloy na pagtulo ng luha sa aking mga mata.




"Kung wala na kayong sasabihin... pwede bang umalis na ako? Wala ng dahilan pa para manatili ako sa bahay na ito. Matagal tayong hindi nagkita at akala ko iko-comfort niyo ako ngayun dahil masakit ang kalooban ko. Akala ko may pamilya akong mauuwian para damayan ako sa nararamdaman ko ngayun. Pero mukhang nagkamali ako.. mukhang puro paninisi ang matatanggap ko mula sa bahay na ito.." wika ko at mabilis na inihakbang ang aking mga paa palabas ng aming bahay. Agad naman akong hinawakan sa braso ni Mommy. Natigilan ako.


"Kurt anak! Sorry...hi....hin...hindi namin alam. Patawad!" naiiyak na sagot ni Mommy. Puno ng pag-aalala ang mukha nito habang nakatitig sa akin.


"Ayos lang ako Mommy!Siguro ito ang karma ko dahil sa sinasabi nyo na wala akong kwentang anak. Hayaan muna akong makapag-isip." sagot ko dito at hinila ang braso ko na hawak nito. Pero nagulat ako sa muling ginawa ni Mommy. Mahigpit ako nitong niyakap kaya natigilan ako. Tumingin ako sa gawi ni Daddy at kitang kita ko ang hindi maipaliwanag na emosyon sa mga mata nito.


"Dumito ka muna anak. Patawarin mo ako sa ginawa ko sa buhay mo! Hindi ko akalain na ito ang magiging epekto sa pangingialam namin sa lahat ng gusto mo. Magpahinga ka muna dito sa bahay natin. Huwag kang umalis dahil baka kung ano ang mangyayari sa iyo sa labas." ramdam ko ang sensiridad ni Mommy habang sinasambit ang katagang iyun. Muli akong natigilan.


"Pasensiya ka na Kurt sa amin ng Mommy mo. Anak ka namin at wala kaming ibang hangad kundi mapabuti ang iyong kalagayan. Hindi na naisip na sumubra na pala kami sa pagkontrol sa buhay mo! Mahal na mahal ka namin at gusto lang namin na ibigay kong ano ang pika-da best sa iyo. Hindi namin akalain na may balak pa lang masama si Trina kay Arabella. Akala namin tinanggap niya na ang pag -atras mo sa kasal. Hindi namin akalain na si Arabella ang pagbabalingan niya ng galit." sagot naman ni Daddy. Napapikit ako habang nakikita ko sa imahinasyon ko ang kaawa-awang hitsura ni Arabella sa loob ng ICU.


"Hindi na po maibabalik ang mga nangyari na Dad. Basta ang alam ko, masyadong masakit sa akin ang nangyari kay Bella. Hindi ko kayang tanggapin na ano mang oras tuluyan niya na akong iiwan. Kung pwede nga lang na ako na ang sumalo sa paghihirap niya ngayun gagawin ko sana. Akala ko magiging masaya a muling pagbabalik ko dito sa dahil nabalitaan ko na dadating si Arabella sa kasal ni Miracle. Pero ibang surpresa ang sumalubong sa akin. Tinangka siyang patayin ni Trina at hanggang ngayun hindi namin alam kung makakaligtas pa siya. Tinaningan siya ng Doctor na twentyfour oras pagkatapos ng operasyon. Kapag hindi siya magising tuluyan na siyang mawawala sa buhay ko!." umiiyak na wika ko. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Para akong bata na nag-iiyak sa harap nila Mommy,


"Diyos ko! Hindi ko akalain na ganoon ka-demonyita si Trina. Ang alam ko nabakabait niyang bata. Hindi ko akalain na magawa niyang pumatay dahil hindi nasunod ang gusto niya." nanghihinang sagot ni Misis Santillan.


"Kurt, anak huminahon ka. Huwag kang magpadala sa nararamdaman mo ngayun. Magdasal ka na sana makaligtas si Arabella sa kapahamakan. Hindi siya pabayaan ng mga Villarama." sagot naman ni Daddy at lumapit na din sa akin. Tinapik pa ako nito sa balikat ko. 


"Kapag may mangyayaring masama kay Arabella....patawarin ako ng Diyos sa posible kong gawin Dad. dahil hindi ko na din kaya pang magpatuloy sa buhay kung wala siya. Wala ng halaga lahat ng pinaghirapan ko kung ang babaeng mahal ko ay tuluyan na akong iiwan." patuloy ang pag-iyak ko habang sinasabi ang katagang iyun. Natigilan naman si Daddy. Samantalang lumakas naman ang iyak ni Mommy.


"Huwag mong sabihin ang bagay na iyan Kurt, Hindi pa katapusan ng mundo. Marami pa ang posibleng mangyari at dapat handa kang tanggapin ang lahat ng mga mangyayari sa buhay mo. Hindi natin hawak ang ating buhay kaya naman sana matuto kang tumanggap ng pagkabigo. Sana isipin mo din kami ng Daddy mo. Mahal ka namin at hindi namin namalayan na kinu-kontrol ka na namin. Hindi namin namalayan na nasasaktan ka na pala sa mga pinanggagawa namin sa buhay mo! Kurt anak, alam kong masakit sa iyo ang nangyayari ngayun pero sana... sana huwag kang magpadalus-dalos ng desisyon. Isipin mo din ang iyong sariling kapakanan. Hindi mo kasalanan ang nangyari kay Arabella. Kasalanan namin ito dahil pinilit ka namin na ipakasal ka kay Trina. kahit na alam naman namin na hindi mo siya gusto! Patawad anak! Patawad anak ko!!!" umiiyak na wika ni Mommy.


"Hayaan mo na natin na makapagpahinga si Kurt Amara! Alam kong pagod siya ngayung araw kaya naman hayaan muna natin siyang makapag-isip. Kurt anak, pumasok ka muna ng kwarto mo. Magpahinga ka muna at mag-uusap tayo ulit mamaya. " wika ni Daddy. Tumango nalang ako kumalas sa pagkakayakap ni Mommy. Laglag ang balikat na umakyat ako sa second floor ng bahay para dumiritso ng kwarto ko. Pagkapasok sa loob ay hapong-hapo ako ng ibinagsak ang aking katawan sa kama.


Ipinikit ko ang aking mga mata. Muling lumitaw sa balintataw ko ang nakakaawang hitsura ni Arabella. Maputla at maraming nakakabit na tubo a walang malay nitong katawan. Akala ko tuluyan ko ng madadala sa binili kong paraiso si Arabella ngayung nakauwi na siya ng Pilipinas. Pero mukhang masasayang lang lahat ng pagod ko.


Nang maglayas ako sa poder nila Mommy para takasan ang nakatakdang kasal namin ni Trina ay napadpad ako sa isang Isla. Tahimik ang buhay sa lugar na iyun kaya ng marinig ko na binibenta ang isang bahagi ng isla ay hindi ako nagpatumpik-tumpik. Agad ko itong binili gamit ang naipon kong pera sa bangko. Balak kong doon ititira si Arabella. para mapalayo kami sa mga toxic na tao. Inabangan ko talaga ang pagababalik nito sa Pilipinas. kaya kahit busy ako sa pagpapalago ng mga produkto ko sa Isla agad akong umuwi ng Manila. Gusto ko itong kidnapin at dalhin doon para walang ng kawala sa akin. Gusto ko itong i-surpresa, Alam kong hindi ito naghahangad ng maalwang buhay... kaya naman alam kong magiging masaya ito doon kasama ko. Bubuo kami ng sariling pamilya na malayo sa ingay ng siyudad. Kaya sobrang sakit sa akin na mukhang mauudlot lahat ng plano ko.


Pero isa lang ang nasisiguro ko...hindi ko kayang ipagpatuloy ang buhay kong hindi ko man lang makakasama ang pinakamamahal kong babae.



Chapter 113


Roldan POV


"Ilayo mo nga sa akin iyan, wala akong ganang kumain kaya pwede bang tigilan mo na ang pangungulit mo sa akin!" galit na bulyaw sa akin ni Miracle habang tinatabig ang kamay ko na may hawak ng kutsara para pilitin itong kumain. Halos alas-diyes na ng umaga pero mukhang wala itong balak na lagyan ng kaunting pagkain ang kanyang sikmura. Akala ko kakalma na ito kapag nakauwi na kami ng mansion. pero patuloy pa din nitong sinisisi ang sarili dahil sa nangyari kay Arabella.


"Sweetie, kumain ka na baka mamaya kung ano na ang mangyari sa iyo." malambing kong sagot dito. Pinanlisikan lang ako nito ng mata kaya naman naibaba ko ang hawak kong kutsara na may laman na pagkain. Kung pwede nga lang tirisin ko ang gumawa ng gulo sa kasal namin ni Miracle baka ginawa ko na sa matinding inis. Sira na nga ang kasal namin, nagtatantrums pa ang buntis kong asawa. Hayyy buhay talaga! Kung bakit naman kasi nagkaroon pa ng shooting incident sa mismong araw ng kasal namin at si Arabella pa ang naging target.


"Lumayas ka na nga sa harap ko Roldan! Lalo akong nabibwesit sa pagmumukha mo!" galit na bulyaw nito sa akin. Halos sabunutan ko naman ang buhok ko dahil sa matinding inis. Hindi ko alam kung epekto ba ito sa pagbubuntis ni Miracle o sadyang depress ito sa nangyari kay Arabella.


"Sweetie naman, huwag namang ganyan sa akin. Alam mo namang nag- aalala ako sa kalagayan mo. Hindi ka ра kumakain." malambing kong sagot dito. Agad nitong kinuha ang unan at buong panggigil na ibinato sa akin. Napapailing na lang akong napalabas ng kwarto. Iniwan ko na ang pagkain para dito.


Laglag ang balikat ko ng maglakad ako papuntang living room. Naabutan ko sila Mommy at Daddy na seryosong nag- uusap.


"Kumusta ang asawa mo? Napakalma mo na ba?' agad na tanong sa akin ni Mommy. Naupo ako sa sofa at pagkatapos ay napasabunot sa aking buhok. Pakiramdam ko tatanda agad ako sa ugaling ipinapakita sa akin ngayun ni Miracle. Kung hindi ko lang mahal ito baka sinukuan ko na. Grabe kasi magtantrums. Talo pa ang amazona.


"Ayaw kumain. Galit sa akin ko malaman na dahilan." baka frustrations sa boses ko habang sinasabi ang katagang iyun.


"Baka naman epekto lang ng pagbubuntis iyun. Intindihin mo na lang. Baka ikaw ang pinaglilihian kaya ikaw ang pinagdidiskitahan." sagot ni Mommy. Malalim akong napabuntong hininga.


"Ang ipinag-alala ko wala siyang balak kumain Mom. Sinusubuan ko na nga tinarayan pa ako...hindi ko talaga mapilit...hindi ko nga alam kung epekto lang ba iyun ng pagbubuntis niya o sinisisi niya na rin ang sarili niya dahil sa nangyari kay Arabella." sagot ko dito. Napailing naman si Daddy.


"Hindi pwedeng hindi siya kakain.


Paano ang apo ko sa sinapupunan niya kung gugutumin niya ang sarili niya... Bwesit talaga ang nanggulo sa kasal niyo. Hanggang ngayun kumukulo pa din ang dugo ko sa mga nangyari. Hindi man lang natin na-enjoy ang kasalan na iyun kaya talagang may dahilan para magalit si Miracle...' sagot naman ni Daddy.


"Pwede naman natin ulitin ang kasal kapag maayos na ang lahat. Ipagdasal na lang natin na ligtas si Arabella para hindi na magtantrums ang asawa mo sabat naman ni Mommy.


"Ipapatay ko na lang kaya ang nagpabaril kay Arabella para matapos na ang problemang ito!" sabat naman ni Daddy. Agad naman itong nahampas ni Mommy.


"Conrad! Nakakulong na ang suspect kaya huwag ka ng makisali pa diyan. Ikaw talaga! Baka mamaya may makarinig pa sa iyo na ibang tao makasuhan ka pa! Parang hindi ka Congressman kung mag-isip." bulyaw ni Mommy.


"Nakakagigil naman kasi ang kanyang ginawa sa pamilya natin. Ang laking gulong ginawa niya at hinding hindi ko ito mapapalagpas. Ilang taon natin hinintay na makasal itong si Roldan at sinira lang ng isang walang kwentang tao! Bwesit talaga! Akala ko pa naman makakapagyabang na ako sa aking mga kumpadre na magkakaroon na ako ng apo sa party na iyun..hindi natuloy dahil sa pakialamerang kriminal na iyun" gigil na sagot naman ni Daddy. Napahilot ako sa aking sintido.


Mukhang pati dito sa living room hindi ako magkakaroon ng katahimikan. Wala pa akong tulog simula kagabi kaya pakiramdam ko ubos na ang energy ko sa katawan.


"Balikan mo na ang asawa mo Roldan. Lambingin mo at pilitin na kumain. Baka kung mapaano pa ang apo ko.." pangungulit ni Daddy sa akin.


Napakamot ako sa aking ulo kahit na hindi naman nangangati.


"Ayaw nga niya akong makita Dad! Nabibwesit daw siya sa pagmumukha ko!" naiinis kong sagot dito. Napahalpak ng tawa si Mommy.


Napapangisi naman si Daddy.


"Wala akong pakialam kung nabibwesit siya sa iyo. Basta piliting mong kumain. Huwag mong talikuran kahit galit na galit sa iyo ang asawa dahil lalo iyun magagalit. Hayaan mo lang kahit na bugbugin ka! Marerealized din niyan ang pagkakamali niya," sagot ni Daddy sa akin. Hindi ko ito pinakinggan bagkos nahiga ako sa sofa. Antok na antok na talaga ako at kakain naman siguro si Miracle dahil iniwan ko ang pagkain nito sa kwarto.


Napapailing na lang akong pinagmasdan nila Mommy at Daddy. Nagpasalamat ako dahil hinayaan na nila ako. pero muntik na akong mahulog sa sofa ng marinig ko ang sigaw ng asawa ko. Agad akong napabangon.


"Roldan ano ba!! Nasaan ka na!!!! galit na tawag nito sa akin. Pigil na pigil naman ni Mommy at Daddy ang pagtawa habang nakatingin sa akin. Napapakamot ako ng aking ulo habang nagmamadaling umakyat ng hagdan para puntahan ang nagwawala kong asawa.


"Bakit ba napakatagal mo? Alam mo bang kanina ko pa gustong uminom ng orange juice? Bigyan mo ako ngayun din dahil nauuhaw ako!" galit na utos nito sa akin. Tiningnan ko ang pagkain na iniwan ko dito at nakahinga ako ng maluwag dahil ubos na ang laman ng pinggan. Ibig sabihin kumain ito.


"Ano na! tatanga ka na lang ba dyan? Sinabi ko na kuhaan mo ako ng orange juice!" bakas na ang inis sa boses nito kaya agad akong tumalima. Patakbo akong bumaba ng hagdan. Nakita ko pang nakasilip sila Mommy at Daddy sa akin pero. hindi ko na pinansin. Agad kong binuksan ang ref at nagsalin ng orange juice sa baso pagkatapos ay muli akong umakyat pabalik ng kwarto. Hingal na hingal ako ng makapasok sa loob. Naabutan kong prenteng nakaupo si Miracle sa sofa habang nakahalukipkip.


"Ano iyan? Bakit ganyan?" agad tanong nito sa akin ng iaabot ko ang hawak kong baso na puno ng orange juice. Nagtaka naman ako dito.


"Hindi ako umiinom ng ganyang juice. Gusto ko fresh at ikaw mismo ang mag -extract." sagot nito sa akin. Parang gusto ko matanggalan ng bait. Hindi kasi nito sinabi sa akin kanina na gusto nito ng fresh juice. Hindi ko lang din alam kung may stocks kami sa ref. Tiyak na lalo itong magwawala kapag hindi ko maibigay ang gusto.


"Sweetie, pwede na siguro itong juice na ito. Fresh din naman ito kaya lang nasa bote na." sagot ko dito. Muli akong pinanlisikan ng mata kaya napaatras ako. Pagkatapos ay mangiyak -ngiyak akong muling bumaba ng hagdan. Muli kong naabutan sila Mommy at Daddy na nakatingin sa akin.


"Hindi niya nagustuhan?" tanong ni Daddy. Umiling ako.


"Gusto niya ng fresh juice." pagod kong sagot.


"Eh di gawan mo ng fresh juice. Marami tayong oranges na naka-stock sa ref at may juicer din tayo." sagot ni Daddy. Agad naman akong tumalima at agad na nag-extract ng juice.


Pagkatapos ay muli akong bumalik ng kwarto. Muli kong naabutan si Miracle na nakahiga na sa kama. Nakatingin ito sa akin kaya dahan dahan akong lumapit dito hawak ang isang baso ng fresh juice.


"Sweetie, heto na ang juice mo. Inumin mo na bago ka matulog." malambing kong wika dito. Sumandal ito sa headboard habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin.


"Ikaw na lang ang uminom niyan. Nawalan na ako ng gana." sagot nito sa akin. Natigilan ako. Parang gusto ko ng maiyak sa sama ng loob.


"Pero Sweetie para sa iyo ito.


Pinaghirapan kong pigain ito para lang ma-satisfied ang cravings mo." malambing kong sagot dito.


"Wala na nga akong gana kaya ikaw na ang uminom. Sayang iyan kapag itapon natin." sagot nito. Parang gusto ko ng iuntog ang ulo ko sa pader. Ganito ba talaga kahirap kapag buntis ang asawa?


"Hindi ako mahilig sa orange juice Sweetie. Hindi ako umiinom ng ganito! sagot ko dito.


"At ano ang gusto mong inumin? Alak? "halata na ang inis sa boses nito habang pinandidilatan ako. Agad akong umiling.


"Pwes inumin mo na iyan! Bakit ba ang arte mo!' galit na muling wika nito habang hindi inaalis ang mga pagkakatitig sa akin. Gustuhin ko man na sundin ang gusto nito pero hindi talaga ako mahilig sa orange juice.


"Kapag hindi mo iyan iinumin uuwi ako sa mansion namin at hindi na babalik dito!" inis na wika nito at dahan-dahan na tumayo. Wala na akong choice kundi tunggain ang isang baso ng juice na hawak ko. Nakita ko pa ang matamis na ngiti nito habang sinasaid ko ang laman ng baso. Agad na gumuhit sa lalamunan ko ang maasim at matamis na lasa ng juice na siyang pinakaayaw ko. Muntik na akong maduwal kaya pinigilan ko ang sarili ko. Baka lalong umusok ang ilong nito at layasan ako. Ano pa nga ang magagawa ko, nangako ako na papaligayahin ko ito sa abot ng aking makakaya. Susundin ko lahat ng gusto nito. Karma ko na din siguro ito dahil sa pagiging mapaglaro ko sa mga babae noon.


"Good! Iinumin mo rin pala pinapahirapan mo pa ako eh." sagot nito. Parang hindi naman ako kumbinsido sa sinabi nito na " Pinapahirapan" ko daw siya. Ang mga nangyari ngayun "Ako" ang kanyang pinapahirapan.


"Sweetie pwede bang matulog muna tayo? Inaantok na kasi ako dahil kagabi pa tayo walang tulog." nakikiusap kong wika dito at sinabayan ko pa ng paghikab. Wala namang problema kung hindi matutulog si Miracle ngayun dahil nakatulog naman ito sa hospital kagabi. Ako ang hindi nakatulog dahil magdamag ko itong binantayan dahil sa matinding pag- alala.


"Hindi pwede! Hihintayin natin ang tawag mula sa hospital. Sisiguraduhin ko muna na maayos ang lagay ni Arabella bago ako matutulog!" sagot nito at muling naupo sa kama. Pagkatapos ay tinitigan ako pagkatapos ay tinaasan pa ako ng kilay. Hindi ko alam kung iiyak o tatawa ako..Bakit parang ang laki ng ipinagbago ng ugali ng asawa ko. Hindi naman ito ganito dati. Malambing ito sa akin at hinahayaan akong gawin lahat ng gusto ko.


"Kung ganoon ako na lang muna ang idlip. Gisingin mo na lang ako kapag may tawag na galing hospital." sagot ko naman at akmang sasampa ng kama ng bigla itong magsalita.


"Hindi pwede! Samahan mo akong maghantay ng tawag. Malapit ng matapos ang twentefour hours na palugit ng Doctor kay Arabella. Mamaya ng kaunti babalik tayo ng hospital." masungit na sagot nito. Natigilan ako at napasabunot sa aking buhok. Bakit ba ang daming dahilan ng asawa kong buntis?


"Pero Sweetie inaantok na ako. Pwede bang bigyan mo ako ng kahit kaunting tulog lang." nakikiusap ko dito. Hindi ito sumagot bagkos humalikipkip lang kaya naman itinuloy ko ang pagsampa sa kama at humiga sa tabi nito. Hindi naman na ito umimik kaya parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.


Kakaidlip ko lang ng muli ko na namang narinig ang boses ng asawa ko.


Muli akong napabangon at nag- aalalang tumingin dito.


"Bakit Sweetie, may masakit ba sa iyo? "agad na tanong ko. Nakatayo na ito at nakapamaywang na nakatingin sa akin.


"Kailangan na natin pumunta ng hospital Roldan. Nagising na daw si Arabella." Excited na sagot nito sa akin. Bakas sa mukha nito ang matinding saya kaya napakamot ako ng ulo ko. Lulugo lugo akong bumangon at pumunta ng banyo para umihi at makapaghilamos na din. Pakiramdam ko bangag na bangag na ako sa matinding antok.


"Bilisan mo ang kilos mo Roldan. Huwag kang babagal bagal diyan dahil nandoon na sila Mommy. Gusto ko na din makita ang little Sissy ko!" sigaw pa nito. Nakahanda na ang mataray kong asawa dahil bitbit na nito ang kanyang paboritong bag. Bagay sa kanya ang suot nitong dress


kaya naman kahit na nagsusungit gandang ganda pa din ako dito.


"Ayan na Sweetie. Minamadali ko na ang kilos ko!" Sagot ko na lang. Hindi ito sumagot bagkos nakasunod lang ang tingin sa akin hanggang sa makapasok ako ng walk in closet para magbihis. Ayaw ko naman magmukhang mabaho sa mata ng ibang tao samantalang ang asawa ko fresh na fresh kahit na sinusungitan ako.


Pagkatapos kong makapagbihis ay agad kaming lumabas ng kwarto. Medyo halata na ang umbok sa tiyan ng asawa ko kaya halos buhatin ko ito para lang makababa ng hagdan. Hanggat maari ayaw ko itong mahirapan. Oh diba kahit na sinusungitan ako ang laki pa rin ng concern ko sa kalagayan nito. Nadaanan namin sila Mommy at Daddy na prenteng nakaupo sa living room.


"Aalis kayo?" agad na tanong ni Daddy sa amin. Nakangiti naman na tumango ang aking asawa.


"Opo Dad..Nagising na kasi si Arabella kaya gusto kong puntahan." bakas ang saya sa boses ni Miracle na sagot nito.


"Aba! Good News iyan iha. Ibig sabihin hindi na namimilegro ang buhay ng kapatid mo." masayang sagot naman ni Mommy. Masayang tumango si Miracle at humalik pa sa pisngi ni MOmmy at Daddy bilang tanda ng pamamaalam. Hindi na ako hinintay at agad itong naglakad palabas ng bahay. Agad ko naman itong sinundan at narinig ko pa ang pagtawa ni Daddy sabay sabi "Tingnan mo ang anak mo, takot na takot sa asawa niya...."


Mabuti na lang at nakaabang lang sa labas ang personal driver ni Daddy. Agad ko itong inutusan na ipagdrive muna kami kasi pakiramdam ko wala na akong energy sa ganoong bagay.


Hindi na ako nakarinig ng ano mang reklamo kay Miracle ng tabihan ko ito sa loob ng sasakyan. Bagkos ipinulupot pa nito ang kamay sa braso ko na parang naglalambing. Hinalik-halikan pa ako nito sa bandang kili kili ko na siyang labis kong ipinagtaka. Kung kanina ay halos atakihin ako ng nerbiyos sa pagiging amazona nito ngayun nag-iba na naman ang ihip ng hangin. Mukhang bumalik na ang ugali ng asawa ko. Mukhang malambing na ulit sa akin. Napangiti ako.


Chapter 114


Roldan POV


Agad kaming nakarating ng hospital. Sakto naman at inilipat na sa kanyang private room si Arabella kaya naman doon na kami dumiritso. Kitang kita kay Miracle ang matinding kasiyahan habang naglalakad kami. Nakakapit pa ito sa braso ko kaya naman lahat ng madadaanan ay napapatingin sa amin. Wala akong pakialam kung ano ang iniisip nila. Nagagandahan siguro sa asawa ko o di kaya iniisip nila na perfect couple kami. Well, mamatay sila sa inggit. Asawa ko at proud ako doon. ang kasama ko Pagkadating sa private room ni Arabella ay naabutan namin ang mag- asawang Gabriel at Carissa. Emotional ang byanan kong babae na bestfriend ko din habang nakatitig sa nakahigang si Arabella. Agad naman lumapit si Miracle sa kanyang ama at ina at humalik sa pisngi. Nakipagkamay naman ako kay Gabriel at tinapik ko sa balikat si Carissa. Awkward naman kung pati ako hahalik. Tanggap nila na ako ang nakatuluyan ng anak nila at tama na yung shake hands bilang tanda ng pagalang at pagbati. Halos kasing- edad ko lang sila lalo na si Carissa kaya naman hindi magandang tingnan na hahalik din ako o di kaya ay magmano.


Naghihikab akong naupo sa isang bakanteng sofa habang pinapanood ang paglapit ni Miracle sa natutulog na si Arabella.


"Nagising na siya kanina. Pero muli din nakatulog dahil sa epekto ng gamot na itinurok sa kanya kanina. Ayun Doctor ligtas na sa kapahamakan kapatid mo kaya isa itong malaking blessings sa ating pamilya." wika ni Carissa kay Miracle habang pinupunasan ang luha sa mga mata.


"Salamat naman po kung ganon Mommy. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may mangyaring masama sa kanya." naiiyak namang wika ni Miracle habang nakatitig kay Arabella.


"Ngayung nasa maayos na kalagayan na ang kapatid mo, iwasan mo munang ma-stress anak dahil baka mapasama sa pagbubuntis mo. Although hindi man nagiging masaya ang kasal niyo ni Roldan. pero dapat patuloy pa din kayong maging masaya at magpasalamat sa lahat ng blessings na dumating sa inyo." sagot ni Carissa.


"Thank you Mommy. Ngayung nasa maayos ng kalagayan si Arabella, magiging panatag na ang aking kalooban. Pero hindi pwedeng hindi pagbayaran ng Trina na iyun ang mga kasalanan niya sa atin. Sinira niya ang kasal ko tapos inilagay niya pa sa peligro ang buhay ng little sissy ko." sagot naman ni Miracle. Ngumiti naman si Carissa at hinawakan ang kamay ng anak.


"Huwag kang mag-alala anak. Magbabayad lahat ng sangkot dito. Hindi ko mapapalagpas ang ginawa nila sa pamilya natin. Muntik ng maapektuhan pati pagbubuntis mo kaya naman hindi ako matatahimik hanggat hindi ko siya nakikita na mabubulok sa kulungan." sagot ni Carissa.


Nasa seryosong pag-uusap ang mag ina ng biglang tinapik ni Gabriel ang balikat ko. Pagtapos ay umupo ito sa tapat ko.


"Hindi pa kita napapasalamatan sa pag -aalaga mo sa anak ko Roldan. At kong hindi mo sasaktan si Miracle kaya buong puso ko siyang ipagkakatiwala sa iyo. Magkakaroon na kayo ng baby kaya naman lalo mo siyang ingatan at mahalin." seryosong wika ni Gabriel. Agad akong napatango.


"Lalaki sa lalaki Gabriel.....Mahal na mahal ko ang anak mo at buong puso ko siyang paglilingkuran habang buhay! Hindi ako magsasawang intindihin siya lalo na ngayung buntis siya at ako yata ang napaglihian." sagot ko. Natigilan ito. Pagkatapos ay sumulyap sa kanyang mag-ina.


"Bakit pinapahirapan ka ba ngayun ng anak ko?" bakas ang curiosity sa boses nito na tanong sa akin. Nagulat naman ako. Hindi ko akalain na may ganitong ugali pala ang isang Gabriel Villarama.


"Normal lang naman siguro iyun sa buntis." sagot ko naman dito. Tumitig ito sa akin tsaka tumango tango. Pagkatapos ay tumayo na dahil at pumunta ng pintuan para pagbuksan ang kumakatok. Bumungad sa amin sina Roxie at Jonathan. Tumayo ako upang makipagkamay sa mga bagong dating at kaunting batian bago ako muling umupo sa sofa. Agad naman na lumapit si Miracle at umupo sa tabi ko.


"ahay nandito pala ang bagong mag- asawa!" wika pa ni Roxie at umupo sa tapat namin. Pareho kaming napangiti ni Miracle.


"Bestie, bakit ganyan ang hitsura mo? Bakit parang sobrang haggard mo naman?" prangkang tanong sa akin ni Roxie. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa klase ng tanong nito sa akin. Pero isa lang ang nasisiguro ko, may balak akong asarin ni Roxie sa harap mismo ng asawa ko.


"Wala namang nabago sa hitsura ng asawa ko Ninang ah...pogi pa din naman." si Miracle na ang sumagot siyang ikinakilig ko. Para akong nanalo sa lotto na nginisihan si Roxie. Natawa naman ito.


"Oo naman Mira. Pogi talaga iyang asawa mo at galante pa. Wala ba kayong foods dito? Pwede tayo umorder." sagot ni Roxie. Minsan talaga food is life sa kaibigan kong ito. Sabagay nakakaramdam na din ako ng gutom.


"Sure Tita..Pwede tayong umorder ng foods ngayun. Pero gusto ko iyung medyo spicy. Tsaka iyung may dinuguan na din. Parang bigla kasi akong nag-crave sa mga ganoong pagkain eh." sagot naman ni Miracle kay Roxie. Napangiwi naman ako sa pagkain na gusto nito. Ibang klase talaga ang cravings ng mahal ko. Mga kakaibang pagkain ang gusto.


"Sige. Order na lang tayo online. Pero sa dinuguan hindi ko alam kung mabibilhan tayo pero ang alam ko meron sa isang sikat na bakeshop. Iyung naka-pouch! Magpaluto ka na lang kasi sa bahay niyo kung gusto mong masarap na luto ng dinuguan pagkatapos bigyan mo ako." tumatawang sagot ng lukarit kong kaibigan. Natigilan si Miracle at bahagyang nag-isip.


"Pwede na din siguro iyung naka- pouch. Parang gusto ko na kasi ngayun na agad. Tsaka na lang ako magpapaluto ng marami kapag nasa bahay na kami." sagot naman ni Miracle. Tumango naman si Roxie at agad na nag browse sa isang app para maghanap ng makakain. HInayaan ko na lang silang dalawa. Mas maigi na din na may pagkain dito para pag-uwi namin mamaya matutulog na lang kami. Inaantok na talaga ako.


"Miracle pinapatulog mo ba iyang asawa mo? Bakit mukhang puyat na puyat ang hitsura niyan." agad na singit naman ni Carissa. Umupo ito tabi ni Roxie at tinitigan ako. Nagdiwang naman ang aking kalooban. Mukhang kampi sa akin ang byanan kong babae.


"Ewan ko sa kanya Mommy. Kung anu-ano kasi ang pinagkakaabalahan sa buhay kaya nakakalimutan matulog?" sagot naman ng maldita kong asawa. Pagkatapos ay naramdaman ko ang pagkurot nito sa tagiliran ko. Hindi ko maiwasan na mapangiwi.


"Tinanong ko na siya kanina kung bakit haggard siya Bestie ayaw maniwala sa akin. Oh diba nagsasabi ako ng totoo Roldan. Naku ingatan mo ang sarili mo... isipin mo ha, bata pa iyang asawa mo tapos ikaw naman medyo gurang na katulad namin...


dapat sabayan mo si Miracle sa gusto niya. Dapat lagi ka din mag-ayos at huwag kang magpuyat ng magpuyat para makasabay ka sa kagandahang asawa mo." natatawang sagot ni Roxie. Parang gusto ko naman itong batukan sa kanyang sinabi. Nahampas naman ito ni Carissa ng wala sa oras,


Samantalang seryoso lang si Miracle na nakatitig sa kanyang Ninang.


"Hmmp hindi mangyayari iyan Ninang. Love ko kaya si Roldan at magkakaanak na kami kaya siya lang ang mamahalin ko habang buhay. Isa pa walang katulad ang isang Roldan Valdez. Swerte ko kaya sa kanya."


pagtatanggol sa akin ni Miracle. Nahapit ko tuloy ang baywang nito sa sobrang kilig. Sumiksik naman ito sa akin at inihilig ang ulo sa aking balikat. Napapailing naman si Carissa na nakatingin lang sa amin at tumayo na upang lapitan si Gabriel na noon ay kausap ni Jonathan.....


"Alis na! Huwag mong panoorin kung paano kami maglambingan ng asawa ko. Baka mainggit ka lang." biro ko kay Roxie. Inirapan ako nito sabay tayo at lumapit sa kinaroroonan nila Jonathan. Agad ko naman hinalikan sa noo ang asawa ko na noon ay naglalambing na naman sa akin.


"Siya nga pala Sweetie, aside sa inorder ni Roxie may gusto ka pa bang kainin?" malambing na tanong ko dito habang hinihimas-himas ang buhok nito. Umiling lang ito habang nakapikit.


Muli namang lumapit sa amin sila Roxie at Carissa at umupo sa tapat namin.


"Anong nangyari kay Miracle? Nakakaramdam ba siya ng hilo?" tanong ni Carissa. Muling umayos ng upo si Miracle at tumingin sa ina.


"Nagugutom na ako Mom. Parang inaantok na din ako at gusto ko ng umuwi." sagot nito.


"Ayos lang naman Mira kung uuwi kayo. Darating din mamaya ng kaunti si Christian para siya naman ang magbantay kay Arabella dito." sagot ni Carissa. Agad na umiling si Miracle.


"No Mom. Hihintayin na lang namin na muling magising si Arabella bago kami uuwi. Kaya ko pa naman." sagot naman ni Miracle. Napabuntong hininga na lang si Carissa at pailing- iling na tumitig sa anak.


Agad naman na dumating ang inorder na pagkain kaya naman kanya-kanya na ang lahat sa pagkuha ng pagkain. Agad naman akong tumayo para ikuha ng makakain ang asawa ko. Pizza at burgers lang naman pala ang inorder ng lukarit kong kaibigan kaya naman napailing na lang ako. Kumuha ako ng dalawang slice ng pizza at isang burger at muling bumalik kay Miracle.


Pagkaupo ko pa lang ay agad na lumapit si Roxie sa amin at inaabot s akin ang isang bagay. Dinuguan ang nakasulat kaya naman agad ko itong iniabot kay Miracle. Agad naman ako nitong inutusan na buksan ko daw kaya naman agad ko itong sinunod. Mahirap na baka magtantrums na naman. Mabilis pa naman magbago ang isip nito.


"Pagkabigay ko sa dinuguan nito na galing sa isang kilalang bakeshop ay agad niya itong binuhos sa slice ng pizza na binigay ko sa kanya kanina. Napangiwi ako sa isiping ano kaya ang lasa ng pagkain na iyan. Sa hitsura pa lang mukhang nakakadiri na kaya naman napapangiwi ako tuwing sinusubo niya iyun. Sarap na sarap ito sa kanyang kinakain at hindi niya pinapansin ang reaksiyon ng mga tao na nandito sa silid. Nakanganga pa si Carissa at Roxie habang pinapanood ang kinakain ni Miracle. samantalang si Jonathan at Gabriel naman ay napapailing na lang.


"What? Hindi ka ba kakain? Titigan na lang ba ako?" pagalit na wika ni Miracle ng makita nitong tulala akong nakatitig dito. Tumikhim ako at inumpisahan ng kainin ang burger.




MIRACLE POV


Sarap na sarap ako sa kinakain kong


Pizza with dinuguan ng biglang sabihin ni Daddy na muling nagising si Arabella. Agad kong ibinigay kay Roldan ang hawak kong pagkain at nagmamadaling lumapit sa higaan ni Arabella. Parang gusto kong maluha ng makita kong nakadilat na ito.


"Bella." mahina kong tawag dito. Ikinurap kurap muna nito ang mga mata bago sumagot


"A--ate! Pa--pasensya ka-- na ha?" medyo pautal utal nitong wika sa akin. Agad ko naman itong hinawakan sa kamay at pinisil.


"Magpagaling ka muna Bella.


Maraming salamat at maayos na ang kalagayan mo. Kailangan mo na lang magpagaling at pwede ka ng umuwi ng mansion." naiiyak kong sagot dito. Naawa ako sa hitsura nito ngayun. Medyo maputla pa rin pero alam kong makaka-recover din ito sa lalong madaling panahon. Ngayun ko lang napatunayan kong gaano ito katapang.


"Huwag--kang- --mag-alala Ate... Hindi--pa ako mamatay!" sagot nito sa akin sabay ngiti. Tuluyan namang pumatak ang luha sa aking mga mata.


"Alam ko! Magiging Ninang ka pa sa baby namin ni Roldan. Isa pa kailangan mo akong tulungan alagaan siya..." sagot ko dito at muling pinisil ang palad nito.


"Talaga?? Salamat--Ate! Sorry--kong nasira--ko ang--kasal niyo." wika nito. Umiling naman ako.


"Hindi na importante ang tungkol s bagay na iyun Bella. Pwede naman natin ulitin ang celebration. Basta ang importante ngayun ligtas ka." sagot ko dito. Napansin ko ang pagtulo ng luha sa mga mata nito kaya naman nag- aalala akong lumingon kay Mommy. Agad naman itong lumapit. Napansin nito ang luha ni Arabella kaya agad niya itong pinunasan.


"Dont cry Bella! Tandaan mo, nandito lang kami sa tabi mo. Hinding hindi ka namin pababayaan." wika ni Mommy na pinipigilan ang pag-iyak. Hinaplos pa nito ang buhok ni Bella.


"Im just--happy Mom!" Thank you-- for--everything!" sagot nito at ipinikit pa ang mga mata.


"Ssshhh! We love you anak at hindi kami papayag na mawala ka sa amin. Hinihintay ka ni Baby Rafael sa mansion kaya bilisan mong magpagaling." sagot ni Mommy. Agad naman itong tumango.


"I-miss--baby Rafael Mommy. Gusto- -ko ng -umuwi ng mansion. Hindi ko pa ----oras. HIndi pa--ako tinatanggap --ni San Pedro." sagot nito. Hindi ko mapigilang matawa. Medyo gumagaling na nga ang little sissy ko. Marunong ng magbiro.


"Naku..ikaw talaga! Ang gawin mo ngayun magpahinga ka muna. Sabi ng Doctor, kapag maganda ang response sa iyo ng mga gamot at maayos ang paghilom ng sugat mo pwede ka na daw lumabas dito. Kaya ang gawin mo ngayun magrelax ka at huwag mag- isip ng kung anu ano." sagot ni Mommy dito. Muli itong pumikit habang nakangiti.


"Masusunod po-- -- Mommy! Grabe! HIndi ko--akalain--- na mababaril ako sa labas mismo ng --simbahan. sagot nito. Bumuntong hininga naman si Mommy.


"Nahuli na ang may gawa nito sa iyo Bella at pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito sa iyo." sagot naman ni Mommy. Muling napadilat at nagtatanong ang mga tingin nito sa amin.


"Si Trina ang nag-utos para ipapatay ka! Ikaw ang sinisisi niya dahil hindi natuloy ang kasal nilang dalawa ni Kurt." kwento ni Mommy dito.


"Wala--na akong--pakialam sa kanila... Bakit pa nila ---ako dinadamay." sagot nito sa malungkot na boses.


"Hayaan mo na sila Bella. Huwag mo munang isipin ang tungkol sa bagay na iyan. Kami na ang bahalang magbigay ng parusa sa taong nagkasala sa iyo." sagot ko naman.


"Salamat--- Ate Mira.


Congratulations ---sa kasal niyo ni-- Kuya Roldan!" sagot nito. Agad naman akong tumango at hindi ko mapigilan ang umiyak. Naramdaman ko naman ang paghagod sa likod ko ni Roldan.


Hindi naman na din sumagot si Arabella at muli nitong ipinikit ang mga mata. Marahil ay nakatulog ulit ito kaya naman nagpasya na kaming magpaalam kina Mommy. Kanina ko pa napapansin na mukhang pipikit na ang mata ng asawa ko sa matinding antok. Baka dito pa ito sa hospital makatulog kung magtatagal pa kami.


Bago kami umalis ay hinila muna ako ni Mommy sa medyo kalayuan sa lahat. Nagtataka naman akong sumama dito. Pagkatapos ay pabulong ako nitong pinagsabihan.


"Mira, pinahihirapan mo ba iyang asawa mo? Bakit mukhang bangag at nangangalantang gulay?" agad na tanong ni MOmmy sa akin. Sumulyap muna ako sa kinaroroonan ni Roldan na noon ay abala din sa pakikipag-usap kina Daddy at Ninong Jonathan.


"Wala namang nabago sa hitsura niya Mommy! Pogi pa din naman ang asawa ko kahit mukhang puyat." sagot ko naman dito. Pinaningkitan ako ng mata ni Mommy. Mukhang hindi ito satisfied sa sagot ko.


"Matagal ko ng alam na pogi iyang asawa mo at hindi iyan magbabago lalo na sa paningin mo. dahil patay na patay ka sa kanya. Kaya lang mukhang hindi mo siya pinapatulog. Kitang kita sa mukha niya na puyat at kulang na lang matulog ng nakatayo." sagot ni Mommy sa akin. Ngayun ko lang din narealized na kagabi pa pala walang tulog ang asawa ko. Kanina naman ginising ko kaagad ng malaman ko na nagising na si Bella. Napahawak ako sa noo ko. Nakaramdam ako ng kaunting kunsensya. Pagkatapos muli akong tumingin kay Roldan.


"Ikaw ha..alam kong bahagi ng pagbubuntis ang pagiging demanding pero huwag mo naman sobrahan. mabuti hindi nagagalit sa iyo ang mga byanan mo." pangangaral ni Mommy sa akin. Napangiwi naman ako. HIndi ko din maintindihan ngayun ang aking sarili. Gustong gusto kong nakikita na nahihirapan ang asawa ko. Katulad na lang kanina, pinilit kong ipainom sa kanya ang orange juice gayung alam ko naman na ayaw niya noon.


"Magsosorry na lang ako sa kanya Ma. ang sagot ko.


"Mabuti pa. Alam kong may tinatago kang katarayan kaya bawas bawasan mo ng kahit kaunti lang. Baka mapuno ang asawa mo at mapatulan ka at maghanap ng iba. Ikaw din baka uuwi ka ng mansion na ngangawa sa sama ng loob." sagot sa akin ni Mommy. Tinakot pa ako.


"Hindi mangyayari iyun. Patay na patay sa akin si Roldan at kapag malaman kong niluluko niya ako, hindi ako mangingimi na putulan siya ng junjun." seryosong sagot ko kay Mommy, Napapailing na lang si Mommy sa sagot ko.



Chapter 115


KURT POV


Halos paliparin ko ang aking kotse papunta sa hospital kung saan naka- confine si Arabella. Mabuti na lang at tinawagan ako ni Adrian at ibinalita sa akin na nagising na daw ang mahal ko. Halos magtatalon ako sa saya at agad na nagpasyang pumunta ng ospital. Alas nuwebe na ng gabe. kaya naman medyo maluwag na ang kalsada kaya naman mabilis akong nakarating at agad akong nag-park.


"Wala talagang balak na ibalita sa akin ni Christian ang tungkol sa kalagayan ni Arabella. Alam kong galit na galit ang kaibigan ko sa akin. at hindi ko ito masisisi. Buti na lang at tinawagan ako kanina ni Adrian at ibinalita sa akin na ilang oras na palang nagkamalay si Arabella. Bahala na. Kahit na muli akong sapakin ni Christian, tatanggapin ko basta makita ko lang ulit ang mahal ko at makahingi ng tawad dito.


Paggdating ng hospital ay agad akong dumiritso sa private room ni Arabelle. Walang pagdadalawang isip na kumatok ako at agad naman na may nagbukas.


"Anong kailangan mo malamig na tanong sa akin ni Christian. Bakas pa rin sa mukha nito ang galit sa akin.


"Christian, please gusto kong makita si Arabella. Pagbigyan mo naman sana ako." nagpapakumbaba kong sagot dito. Salubong ang kilay na tinitigan ako nito pagtapos ay niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan. Iniwan ako at pumasok na sa loob. Agad naman akong sumunod dito at isinara ang pintuan. Agad na dumako ang paningin ko sa nakahigang si Arabella. Walang pagdadalawang isip na lumapit ako at tinitigan ang mukha ng mahal ko.


Nakapikit ito pero hindi na katulad noong nasa ICU. Wala na ang mga tubo na nakakabit sa katawan nito. Tanging dextrose na lang kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Kung ganoon totoo ang sinabi sa akin kanina ni Adrian na nagpapagaling nalang siya.


"Pwede kang manatili dito para may kasama ako sa pagbabantay sa kanya. Pero siguraduhin mo lang na maging behave ka dahil nakabantay ako sa bawat galaw mo Kurt." wika sa akin ni Christian mula sa aking likuran. Hinarap ko ito at buong pagpapakumbaba na tumango.


"Salamat Christian. Ipinapangako ko sa iyo na hindi na ulit mangyayari pa ang bagay na ito. Hindi ko na hahayaan pang masaktan siya." sagot ko dito." Matiim ako nitong tinitigan tsaka tumango.


"Ayaw kong makialam kung ano man ang namamagitan sa inyong dalawa ni


Arabella. Pero isa lang ang masasabi ko. Pagsabihan mo ang iyong pamilya Kurt. Kung against kay Arabella ang pamilya mo, mabuti pang umiwas ka na sa kanya. Unti-unti na siyang nakakabangon sa kabig ko sa iyo.


Pinili niyang lumayo para sa katahimikan ng lahat. Kaya sana pag- isipan mo lahat ng actions na gagawin mo. Siguraduhin mo na hindi muling masasaktan si Arabella." mahabang sagot ni Christian. Napayuko naman ako.


"Maiwan muna kita dito. Hindi ра ako kumakain kaya naman babalik din ako kaagad pagkatapos kong kumain." paalam nito tsaka ako tinapik sa balikat. Naiwan naman akong naluluha habang nakatitig sa natutulog na si Arabella.


"Umupo ako sa upuan sa gilid ng hospital bed. Hinawakan ko ang kamay nito at dinala sa aking labi habang patuloy ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Kung pwede nga lang na ako na ang pumalit sa sitwasyon nito ngayun ginawa ko na sana..


Hindi pa ako nakontento at kinintalan ko ito ng halik sa noo. Pagkatapos ay hinaplos ko ang mukha nito. Agad kong pinahid ang luha sa aking mga mata ng mapansin ko na unti-unti itong dumilat.


"Bella?"malambing kung tawag dito. Agad na dumako ang mga paningin nito sa akin. Pagkatapos ay tipid itong ngumiti.


"Nan--dito ka?" mahinang wika nito. Agad akong tumango at muling hinawakan ang kamay nito at dinala sa aking dibdib.


"Kumusta ka na?" Pasensiya ka na kung ngayun lang kita muling nadalaw. "hindi ko mapigilan na umiyak habang sinasabi ang katagang iyun.


""Ayos--lang--Kurt! Hindi ko-- naman--ini-expect na--puntahan mo --ako." sagot nito. Halata pa rin sa boses nito ang panghihina dahil pautal -utal pa itong magsalita at hinahabol pa nito ang paghinga.


"Sorry sa nangyari sa iyo...hindi ko akalain na gagawin niya sa iyo ang bagay na ito. Hayaan mo, mananagot siya sa ginawa niyang ito Bella." sinsero kong sagot dito.


"Hayaan mo na-- Kurt. Siguro nabulag lang sa matinding-- selos si Trina...Bakit kasi --hindi mo siya sinipot sa -- sa kasal niyo. Ako--tuloy --ang napagdis--kita-han niya." mahaba nitong wika habang habol ang paghinga. Muli akong naluha.


"Tama na Bella. Huwag ka na munang magsalita. Alam kong nahihirapan ka pa ngayun. Magpahinga ka na muna. Babantayan kita. Tsaka na lang tayo mag-usap kapag magaling ka na." sagot ko dito at muling hinaplos ang mukha nito. Muli itong napangiti at ipinikit ang mga mata.


"Hayaan mo na--ako--Kurt! Pwede--mo na --akong iiwan." sagot nito. Malungkot akong napangiti.


"No, nandito lang ako. Babantayan kita at hindi kita iiwan.' sagot ko naman. Hindi ito umimik at nakita kong naluha ito kaya nag-aalala akong napatayo.


"May masakit ba sa iyo? Tatawagin ko ang Doctor mo." natataranta kong wika dito. Pero ngumiti lang ito.


"Ayos lang--ako--Kurt. Gusto--ko ng magpahinga...Pakiramdam -- nanghihina--pa ako." sagot nito sa akin. Muli akong napaupo at pinunasan ang luha nito. Hindi na ako sumagot para hayaan itong magpahinga ulit. Ganito daw ito lagi. Nagigising pero muling bumabalik sa pagtulog. Epekto marahil ng gamot sa katawan nito.


Hawak hawak ko pa rin ang kamay ni Arabella ng muling pumasok ng kwarto si Christian. May dala itong mga plastic. Tumayo ako para magpasalamat dito dahil sa muling pagtitiwala sa akin at pumayag itong masulo ko si Bella kahit sandali lang pero sininyasan akong maupo sa sofa. Agad akong tumalima. Inilapag nito ang dalang plastic bag sa mesa at hinarap ako.


'Pasensiya ka na sa nagawa ko sa iyo kaninang umaga. Nasapak kita ng wala sa oras." mahinahon nitong wika at umupo sa tapat ko.


"Kulang pa ang sapak na iyun sa ginawa kong pagtalikod sa kanya noon Christian. Pero maniwala ka man o hindi, pinagsisisihan ko ang bagay na iyun. Kaya nga umalis ako para makatakas sa nakatakda naming kasal ni Trina. dahil umaasa pa rin ako na kami ni Bella ang magkakatuluyan. Mahal na mahal ko siya at ipinapangako kong ipaglalaban ko na siya hanggang kamatayan." seryoso kong sagot dito. Muli akong tinitigan ni Christian. Wari ay inaalok nito ang katotohanan sa sinabi ko. Pagkatapos ay tipid itong ngumiti.


"Hanggat maari ayaw kong manghimasok sa buhay pag-ibig ng mga kapatid ko. Pero nakahanda akong ipagtanggol sila kapag may manakit sa kanila. Hindi ako perpektong kapatid pero handa akong pumatay para sa kaligayahan nila Kurt. Sana huwag mo na ulit saktan si Arabella. Ako mismo ang huhukay sa libingan mo kapag gagawin mo ulit iyun. Kahit na magkaibigan tayo hindi ako mangingimi na kitilin ang buhay mo mabalitaan ko lang na sinaktan mo ulit siya." seryosong wika ni Christian. Agad kong itinaas ang aking mga kamay bilang pangako. Pagkatapos ay nakipagkamay ako dito.


"Pangako Chrisitian! HIndi ko na siya bibiguin ulit at mamahalin ko siya higit kanino pa man. Kahit na tututol sa relasyon namin lahat ng tao na nasa paligid namin wala akong pakialam. Ipaglalaban ko siya kahit kay kamatayan." sensero na sagot ko dito.


"Ang corny mo." tanging sagot nito pagkatapos ay tumayo at tinapik ako sa balikat. Napangiti naman ako.


"May mga dala akong pagkain para sa iyo. Wala pa akong pahinga buong araw kaya hahayaan kitang bantayan si Bella ngayung gabi. Balak kong matulog diyan sa sofa kaya kung pwede huwag kang gumawa ng kahit na anong ingay.


" wika nito sa akin at pumasok na sa loob ng banyo. Nangingiti naman akong sinundan ito ng tingin. Hindi pa rin nagbabago ang kaibigan ko. Mabait pa rin ito kahit na may pagka-istrikto.


Muling dumako ang tingin ko sa natutulog na si Arabella. Mukhang mahimbing na ito kaya naman tumayo ako upang pakialaman ang dalang pagkain ni Christian. Halos buong araw pala akong hindi kumain at ngayun lang ulit ako nakaramdam ng gutom.




ROLDAN POV


'Wala ng sasarap pa kapag makatulog ka ng deri-deritso. Naalimpungatan ko na wala sa tabi ko ang asawa ko. Agad akong napabangon at inilibot ang paningin sa buong paligid ng kwarto namin.


Agad akong nakatulog pagkadating namin mula hospital. Himala naman at hindi ako kinukulit ng asawa ko kaya naman agad akong pumwesto dito sa kama at tuloy tuloy na nakatulog. Sinipat ko ang relo sa bedside table namin. Alas-tres na ng madaling araw. Agad akong bumangon at muling hinanap sa buong paligid ng kwarto si Miracle. Walang palatandaan na nandito siya sa loob kaya agad akong pumasok ng banyo para maghilamos at mag- toothbrush. Mamaya na lang ako maligo. Hahanapin ko muna ang asawa ko dahil madaling araw pa lang wala na siya dito sa aming silid.


Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at dumiritso sa labas ng aming bahay. Masyado pang tahimik ang buong paligid kaya naman wala akong mapagtanungan kung saan na naman pumunta si Miracle. Kinabahan pa ako ng maisip ko na baka kong napaano na ito. Agad akong lumapit sa security guard na nagbabantay ng aming gate upang magtanong kung lumabas ba si Miracle.


"Hindi po lumabas si Mam Sir. Si Aling Dorry at iyung driver lang ang maagang umalis dahil mamimili daw sila ng pagkain na gusto ni Mam Miracle." sagot ng gwardiya.


Napakunot ang aking noo. Kay aga naman nang-utos ni Miracle na mamili ng pagkain sa labas. Sarado pa ang mga supermarket ng ganitong oras.


Napapailing na lang ako at muling pumasok sa loob ng bahay. Mukhang nagiging mabait na sa akin ang asawa ko. Hindi na ako nito ginising upang utusan na bumili ng pagkain na ayon sa kanyang cravings. Mabuti naman kung ganoon. At least nakatulog ako ng maayos.


Dumiritso ako ng kusina at nagbabaka- sakaling nandoon lang ito. Hindi nga ako nagkamali. Nakaupo ito sa dining area at abala sa kung anong kinakain.


"Sweetie ang aga mo naman nagising." agad na wika ko dito ng makalapit ako at humalik sa gilid ng labi nito. Hindi naman ito umimik at seryoso lang sa kinakain kaya naman umupo na ako sa tabi nito.


Muntik ng malaglag ang panga ko ng mapansin ko kung ano ang nilalantakan nito. Hilaw na mangga with bagoong. Kaya pala iba ang naaamoy ko. Walang hiya...kaaga-aga mangga agad ang kanyang kinakain. Nakaramdam ako ng pag-aalala. Baka sumakit ang tiyan nito sa kanyang kinakain. Pero hindi ko naman ito pwedeng sawayin dahil baka ako naman ang pag-initan.


"Gusto mo?" alok pa nito sa akin. Agad akong umiling at tumayo.


"Coffee lang ako Sweetie." sagot ko at agad na pumunta sa coffee maker at naghanda ng kape ko. Tulog pa ang mga kasambahay kaya wala akong choice kundi ipagtimpla ang sarili ko. Isa pa kailangan kong magmadali baka pilitin niya akong kumain ng mangga with bagoong.


"Siya nga pala Sweetie. Balita ko maaga mong pinaalis sila Aling Dorry


para bumili ng pagkain. Bakit hindi mo ako ginising para ako na lang sana ang bibili noon." wika ko dito habang hinihintay na matapos ang kape na ginawa ko sa coffee maker. Gusto kong iparamdam dito na perfect husband ako at handang sumunod sa lahat ng iutos.


"Hindi pwedeng ikaw ang pabilihin ko noon. Alam kong hindi mo alam ang bagay na iyun kaya sila Manang Dorry na lang ang inutusan ko at isa pa tulog na tulog ka at naawa akong gisingin ka.sagot nito habang nginunguya ang kanyang kinakain. Kinilig naman ako sa sagot nito. Walang duda, Malaki na ang concern sa akin ng asawa ko.


Mahal na mahal talaga ako nito. Nag- aalala din pala sa aking kalagayan.


Muli akong tumabi dito ng matapos kong magtimpla ng kape. Hindi ko inaalis ang tingin dito habang sarap na sarap sa kanyang kinakain.


"Anong oras ka nagising?" malambing na tanong ko dito. Huminto ito sa pagnguya at ibinaling ang tingin sa akin. Pagkatapos ay matamis itong ngumiti.


"Hmmm kakagising ko lang din. Halos magkasunod lang tayo. Nagutom kasi ako kaya agad akong bumaba dito sa kusina para maghanap ng makakain. Sakto naman at paalis na sila Manang Dorry kaya naman sinabi ko na sa kanila kung ano pa ang gusto kong ipabili." sagot nito. Napatango naman ako.


Nagulat pa ako ng bigla itong tumayo at nagmamdaling lumabas ng bahay. Agad naman akong napasunod dito. Nakita ko ang kakarating na si Aling Dorry kasama ang aming driver. Agad na lumapit dito si miracle at may kung anong tinatanong. Nakita ko pa ang pagngiti nito ng makita ko na tumango si Aling Dorry. Pagkatapos ay lumanit na ako sa kanila Mukhang


marami silang pinamili dahil sa dami ng mga plastic na ipinapasok ng driver papuntang dirty kitchen.


"Sweetie, babalik muna ako ng kwarto dahil gusto kong maligo." paalam ko kay Miracle. Agad naman itong tumango. Niyakap ko pa ito at muling kinintalan ng halik sa labi bago tuluyang bumalik sa loob ng bahay at diretsong umakyat ng kwarto.




Chapter 116


ROLDAN


Hindi na ako bumaba pagkatapos kong maligo. Hinayaan ko na lang muna si Miracle sa ibaba. Total mukhang nag-eenjoy naman ito sa pakikipag-usap kina Aling Dorry. Gusto kong bumalik sa pagtulog tutal maaga pa naman. Mamaya na ako bababa kapag kakain na ng breakfast.


Naalimpungatan akong parang may mabigat na bagay na nakapatong sa aking tiyan. Pagkatapos naramdaman kong may humahaplos sa aking mukha. Unti-unti akong dumilat at nakita ko ang seryosong mukha ni Miracle.


Nakaupo ito sa tiyan ko at abala sa kung anong ginagawa sa mukha ko. Agad ko itong hinawakan sa baywang kaya naman gulat itong napatitig sa mga mata ko.


"Huwag ka munang gumalaw. Hindi pa ako tapos. sagot nito sa akin.


pagkatapos ay may kinuha sa tagiliran ko. Nagtataka naman akong napatitig dito lalo na ng makita kong may hawak itong lipstick at idinikit sa labi ko.


Nanlaki ang aking mga mata sa pagkagulat. Agad kong iniilag ang aking ulo kaya tinitigan ako ng masama ng asawa ko.


"Huwag ka ngang malikot! Malapit na ito. Lipstick na lang ang kulang and your perfect!!." naiinis na wika nito pagkatapos ay hinawakan ako sa buhok at ibinalik sa dating pwesto ang ulo ko.


"Sweetie anong ginagawa mo? Bakit may hawak kang ganyan."


kinakabahan kong tanong. Hindi ito sumagot bagkos naramdaman ko na ikinuskos niya ang lipstick sa labi ko. Pagkatapos ay sinipat ako ng tingin at matamis na ngumiti.


"Ang gwapo mo talaga Roldan. Kaya love na love kita eh." nakangiti nitong wika sa akin at pinanggigilan pa ako.


mukha kaya naman napangiwi ako. Hindi ko alam kung kailan ba matatapos ang kakaibang paglilihi ng asawa ko. Mukhang araw-araw may kakaiba itong ginagawa sa akin.


"Bumangon ka na diyan. Luto na ang pinahanda kong pagkain kina Aling Dorry. Tiyak na magugustuhan mo ang breakfast natin." nakangiti nitong wika sabay alis sa pagkakaupo sa tiyan ko. Agad akong bumangon at naglakad papasok ng banyo. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Grabe! Naka-make up ako at para akong aattend ng beauty contest sa kapal ng pagkakalagay ng make up sa akin. Dagdagan pa ng mapulang lipstick na nakalagay sa labi ko. Akmang maghihilamos ako ng biglang nagsalita ito sa likuran ko si Miracle kaya natigilan ako.


'Subukan mong burahin iyang pinaghirapan ko malalagot ka sa akin!"


pagbabanta nito habang seryosong nakatitig sa akin. Alanganin akong napangiti.


"Sweetie, bakit mo ako nilagyan ng make up? Hindi naman ako babae para ayusan mo ako ng ganito." pagmamaktol ko dito. Kunting kunti na lang talaga at masisiraan na ako ng bait.


"Sa gusto ko eh! Bakit hindi mo ba nagustuhan ang pagkakalagay ko? Gusto mo ulitin natin?" nakangusong sagot nito sa akin. Hindi ko naman malaman kung tatawa o iiyak ba ako. Ano bang klaseng parusa ng langit ang ibinigay sa akin. Akala ko ayos na eh. Hinayaan niya na akong makatulog pero ito naman ang kapalit.


"Magbihis ka na. Nagugutom na ako." pautos na wika nito at nagmamadaling lumabas ng banyo. Naiwan akong napatulala na lang sa harap ng salamin. Ang sagwa talaga tingnan.


Para akong Prostitute na hindi nakahanap ng customer. Ano bang pumasok sa utak ng asawa ko? Normal lang ba ito sa isang buntis?


Wala akong choice kundi lumabas na ng banyo ng kalampagin nito ang pintuan. Agad na inihagis sa akin ang susuutin kong damit. Buti na lang at hindi damit pambabae ang ibinigay sa akin kung hindi baka matatakasan na ako ng bait. Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong hinila palabas ng kwarto. Deritso kaming naglakad papuntang dining area. Lahat ng kasambahay na nakakasalubong namin ay hindi mapigilan na mapatingin sa akin at pinipigilang matawa. Alam kong masagwa ang hitsura ko pero may choice ba ako? Ito ang gusto ng mahal kong asawa kaya hayaan ko na lang. Kung saan siya masaya suportahan ko na lang kahit na magmukha ng akong engot sa paningin ng ibang tao. Kapag makapanganak na ito, babalik naman na siguro sa dati ang ugali niya. Sa ngayun tiis-tiis na lang muna. Parasaan ba at makakaraos din.


Nadatnan namin si Mommy at Daddy sa dining area na tahimik na nakaupo at pinagmasdan ang nakahain sa lamesa. Nang mapansin ng mga ito ang aming presensya ay sabay na napatitig ang mga ito sa amin....hindi......sa akin lang pala. Nakanganga pa si Daddy na parang takang taka sa hitsura ko.


Parang gusto kong bumalik ng banyo at maligo ulit para mabura ang kalukuhan na ginawa sa akin ni Miracle. Sininyasan ko si Daddy na ang asawa ko ang may gawa sa mukha ko. Agad naman nitong naintindihan at napatikhim.


"Hindi ko akalain na bagay pala kay Roldan ang ganyang ayos." labas sa ilong ang saya na wika ni DAddy. Proud naman na napangiti si Miracle at agad na kinuha ang isang mangkok na walang laman at naglagay ng dinuguan.....Teka!........Tama ba itong nakikita ko? Kay aga-aga dinuguan ang nakahandang pagkain sa lamesa? Kaya pala nadatnan kong parehong tulala sila Mommy at DAddy habang nakatitig sa pagkain na nasa harap nila.


Alas siyete pa lang nang umaga at mukhang nasa mood na naman si Miracle para pagtripan kami. Ang masama pa nito mukhang damay pati mga magulang ko. Lihim akong napangiti. Mas maigi nga ito para maranasan nila Daddy at Mommy kung anong klaseng kalbaryo ang nararanasan ko sa asawa kong buntis. Natawa pa ako ng napatikhim si Daddy, at kitang kita sa mukha nito ang hindi pagkagusto sa kung anong pagkain ang nakalagay sa hapag kainan. Saan ka ba makakakita ng kumakain ng agahan na dinuguan.


Kaya pala maaga nitong inutusan si Aling Dorry na mamili. Ito pala iyun. Mukhang proud pa ito sa inihandang pagkain para sa amin.


Supposed to be breakfast ito. Capital B.R.E.A.K.F.A.S.T!!! Pero bakit dinuguan ang nakahain sa harap namin. Bakit parang gusto yata ng mahal kong asawa idamay kaming lahat sa cravings niya? Mukhang hindi ko na papayagan pa itong muling magbuntis. Pagkapanganak nito mukhang kailangan na namin agad umpisahan ang family planning kahit na plano kong buntisin ito ng buntisin para makarami agad pero ngayun pa lang mukhang magbabago na ang isip ko. Tama na ang isang beses.


"Hindi niyo po ba gusto?" tanong nito. Nakatinginan kaming tatlo. Biglang nagbago ang mood ni Miracle. Maluha- luha itong napatayo. Heto na naman! Matitiis ko ba kung mga ganitong


linyahan na naman ang gagawin niya? Syempre....hindi. Mahal ko eh at ayaw kong nakikita itong naghihirap ang kalooban.


"Ako lang yata ang may gusto ng ganitong klaseng pagkain sa bahay na ito. Bakit ayaw niyo po? Pinaghirapan pa naman iyan namin ni Manang Dorry. Isa pa masarap naman ang pagkakaluto nito. Akala ko pa naman matutuwa po kayo sa inihanda ko sa inyo.." naluluha nitong wika. Napatikhim si Daddy sabay kuha ng serving spoon. No choice siya. Naniwala pa naman ito sa kasabihan na bawal bigyan ng sama ng kalooban ang buntis dahil maapektuhan ang sanggol sa sinapupunan. Isa pa excited na ito sa paglabas ng kanyang apo.


"Ano pa ang ginagawa mo Roldan? Kumuha ka na ng pagkain.. Favorite natin ito eh." wika ni Daddy habang nagsasalin ng dinuguan sa kanyang mangkok. Pero kitang kita sa mukha nito ang hindi gusto. Iba ang sinasabi ng bibig kaysa expression ng kanyang mukha. Parang gusto kong magbunyi. Bahala na...damay damay na ito.


Sumunod naman na kumuha si Mommy. Unlike kay Daddy, mukhang mas kalmado si Mommy. Siguro nakakain na ito ng dinuguan noon. Mukhang ayos lang naman sa kanya na ito ang kakainin namin ngayung umaga.


Napalunok ako at nanginginig ang mga kamay ng umpisahan ko ng haluin ang dinuguan na ibinukod ni Miracle para sa akin kanina. Muli itong naupo sa tabi ko.


"Hindi ko alam na favorite food mo pala ang dinuguan iha." wika ni Daddy sabay napangiwi ng tikman ang pagkain. Hindi ko naalala na sumubok kami na kumain ng ganito. Ito ang first time at si Miracle pa talaga ang nakagawa nito sa amin.


"Masarap hindi po ba Dad?" nakangiting sagot naman ni Miracle. Agad na tumango si Daddy at sunod sunod na uminom ng tubig pagkatapos ng isang subo. Tahimik ko namang tinitikman ang dinuguan. Masarap naman pala kaya no big deal. Hindi ko na lang siguro iisipin na galing sa dugo at lamang loob ng hayop itong kinakain namin.


Si Mommy naman ay tahimik lang din. Sumusubo ito ng paunti-unti. Pasulyap. sulyap pa ito kay Daddy na parang natatawa.


Mabuti na lang pagkatapos namin kumain ng kakaibang AGAHAN ay muli kaming nakabalik ng kwarto. Hindi ko kayang magliwaliw sa labas na ganito ang hitsura ko. Sila Mommy at Daddy naman ay ganoon din ang ginawa. Alam kong trauma ang inabot ng mga ito kanina. Hindi lang makahindi kay Miracle dahil baka sumama ang loob ng buntis.







Chapter 117


MIRACLE


Masaya akong naglakad papasok ng Villarama mansion. Nakalabas na ng hospital si Arabella. kaya naman excited ko itong dinalaw. Nasa opisina si Roldan kaya naman inihatid na ako ng personal driver ni Daddy Congressman papunta dito sa mansion. Balak ko din na dito na kumain ng tanghalian para naman makakasama ko pa ng matagal si Bella pati na din ang buong pamilya. Sobra kong namiss si Arabella dahil habang nagpapagaling ito ng hospital. bihira ko na lang itong nadadalaw. Pinagbawalan kasi ako ni Mommy dahil buntis daw ako at baka mapasama sa bata na nasa aking sinapupunan.


"Oh Ninang napadalaw ka?" narinig kong wika ng mapang-asar kong kakambal na si Christian. Nakadamit pang-opisina na ito at hindi ko alam kung bakit tanghali na nandito ра ito ngayun sa mansion. Mukhang late itong papasok. Agad ko itong pinanlisikan ng mata ng mapansin ko ang nang-aasar nitong ngiti..


"Pwede ba Christian! Ang aga -aga


huwag mo akong binubuwesit ha? Pumunta ako dito ng mansion dahil gusto ko ng peace of mind. Hindi para bwesitin mo!" pangil na sagot ko dito. Napahalakhak ito.


"Ganyan ba talaga kapag buntis?


Laging mainit ang ulo? Kaya pala nangangayayat na si Ninong dahil para kang tigre kong magalit!" tawang tawa nitong wika. Mabilis ko itong nilapitan at hinila ang buhok nito. Nagulat naman si Christian sa aking ginawa at napahiyaw. Sa sobrang lakas na pagkahila ko sa buhok nito may mga sumama pang ilang hibla sa palad ko bago ko ito bitawan.


"Ano ba Mira! Bakit ba napaka-sadista mo!!" naiinis nitong wika habang pulang-pula ang mukha dahil sa sobrang inis. Oh ngayun, sino ang mas talo sa aming dalawa! Akala niya hindi ko sya papatulan! Pwes nagkakamali itong kakambal ko. Kapag hindi ito titigil sa pang-aasar sa akin makakalbo talaga ito.


"Anong gulo ito? Bakit nandito ka pa Christian? Kanina ka pa hinihintay ng Daddy mo sa Office dahil kikitain nyo daw si Mister Teongco before lunch!"


naririnig kong wika ni Mommy habang palapit sa amin. Agad ako nitong niyakap at hinalikan sa pisngi. Ngingiti -ngiti naman ako habang nakatitig kay Christian.


"Ano ang nangyari sa iyo Christian? Bakit ganyan ang buhok mo?" nagtatakang wika ni Mommy ng sipatin nito ng tingin ang kakambal ko.


Pulang pula pa din ang mukha ni Christian. habang hindi malaman kong gagantihan ba ako sa ginawa ko dito o hindi. Hinawakan ko pa ang umbok ng tiyan ko para ipaalala dito na buntis ako. Hindi niya ako pwedeng gantihan kahit isang kurot lang kundi malalagot siya hindi lang sa akin kundi pati na din kina Mommy at Daddy.


"Si Mira kasi Ma eh. Sinabunutan ako!" sumbong nito kay Mommy. Parang nagpapakampi pa ito sa tono ng kanyang boses. Inirapan ko ito. Hindi naman iyun nakaligtas sa mga mata ni Mommy.


"Bakit mo naman sinabunutan ang kapatid mo Mira?" kastigo ni Mommy sa akin. Pinalungkot ko ang aking mukha bago sumagot.


"Paano, inasar niya kasi ako Ma. Sabi niya kinakawawa ko daw si Roldan kaya nangangayayat. Tapos tinawag niya pa akong NInang." sagot ko naman habang kunwari ay naluluha sa sama ng loob. Kaunting-kaunti na lang at magkakaroon na ako ng trophy para maging best actress. Ewan ko ba ang bilis talaga ng reflexes ko ngayun. Mabilis manakit itong kamay ko. Parang ito kasi ang gusto ng baby na nasa sinapupunan ko....(Char sinisi pa ang baby. Anong malay niya sa mapanakit na Ina gayung fetus pa lang naman iyan.)


"Kasalanan mo naman pala Christian. Bakit ba kasi ang hilig mong asarin yang kakambal mo? Alam mo namang buntis at nagiging mainitin ang ulo niyan dahil sa kalagayan niya! Sige na ayusin mo ang buhok mo at umalis ka na. Magagalit na ang Daddy mo sa kakahintay sa iyo!" wika ni Mommy dito. Pagkatapos ay hinawakan ako nito sa kamay at iginiya papasok ng mansion. Naiwan naman si Christian na iiling iling habang nakasunod ang tingin sa amin. Nilingon ko pa ito at dinilaan. Nanggigil naman itong tumingin sa akin habang inaayos ang nagulong buhok.


Nagdidiwang ang aking kalooban habang akay ako ni Mommy papuntang living room. Naabutan ko ang bunso kong kapatid na si Rafael na nilalaro nila Grandmama at Grandpapa. Agad akong lumapit sa kanila at humalik sa pisngi bilang tanda ng paggalang.


Pinanggigilan naman akong hinalikan sa pisngi ni Grandmama pagkatapos ay


hinaplos nito ang umbok ng aking tiyan bago ako naupo sa tabi nito. Pagkatapos ay kinuha ko si Baby Rafael sa bisig ni Grandpapa at kinandong. Tuwang tuwa naman ang bunso kong kapatid habang pinanggigilan ko itong halikan sa mukha. Humahagikhik ito habang nagkakawag kaya naman kinuha ito ni Mommy sa akin upang padedehin gamit ang bote na may lamang gatas.


"Hayyy naku! Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang...karga karga ka pa namin tapos look at you now apo! Magkakaroon na kami ng apo sa tuhod sa iyo!" masayang wika ni Grandmama sa akin habang hinahaplos ang mukha ko. Matamis akong napangiti.


"Hindi ko nga akalain na muuna pang makapag-asawa si Mira kaysa sa mga kapatid niya. Wala naman itong ipinakilala sa ating manliligaw noon pero tingnan mo ngayun. Ilang buwan lang na nakilala si Roldan at buntis na agad." masayang sagot naman ni Grandpapa.


"At least bibigyan ko kayo kaagad ng apo sa tuhod Grandpapa. Ang love story namin ni Roldan wala ng masyadong chichi-buritsi! Nagmamahalan kami at hindi na namin pang dapat pahirapan ang isat isa." proud kong sagot. Natawa naman si Mommy.


"Ikaw talagang bata ka! Mabuti naman at pinayagan ka ng mga in-laws mo na lumabas ng bahay. Balita ko bantay sarado sila sa iyo dahil ayaw nilang mapahamak ka pati na din ang ipinagbubuntis mo." sagot naman ni Mommy. Napangiti ako habang hinahaplos ang aking tiyan.


Pagkatapos ay naagaw ang aking attention sa parating na si Arabella. Naglalakad ito palapit sa amin habang nakangiti. Pagkalapit ay agad itong lumapit sa akin at yumakap.


Masasabi kong maayos na ang kalagayan ni Bella. Bumalik na sa dati ang pangangatawan nito at ayon sa Doctor ay tuloy-tuloy na ang pagaling nito although kailangan lang niya ng mahaba-habang pahinga. Hindi na muna namin itong pinayagan na bumalik ng America dahil natatakot kaming baka abusuhin nito ang sarili at malagay sa alanganin ang kalusugan nito. Buti na lang at pumayag itong huminto muna sa pag-aaral habang nagpapagaling ng lubusan.


"Mabuti naman at nakadalaw ka Ate. Alam mo bang miss na miss na kita?" Tuwang tuwa nitong wika at hinalikan ako sa pisngi. Pagkatapos ay umupo ito sa tabi ni Mommy na katapat lang namin ni Grandmama at Grandpapa.


"Syempre namimiss ko din naman kayo. Isa pa na-bobored na ako sa bahay lalo na at pumapasok na ulit ng opisina si Roldan." sagot ko naman.


"Dito ka na kumain ng lunch apo. Para naman makakasama ka namin ng matagal." sabat naman ni Grandmama at tumayo na. Babalik daw muna ng kwarto dahil may gagawin ito doon. Sumunod naman si Grandpapa dito. Si Mommy Carissa naman ay nagpaalam na din para patulugin si Baby Rafael. Naiwan kami ni Arabella na masayang nagkukwentuhan.


"Balita ko nagpaalam si Kurt kina Mommy at Daddy na muli kang ligawan. Ano ang say mo tungkol dito? Agad na tanong ko kay Arabella ng kami na lang dalawa ang naiwan.


Nawala ang masyang ngiti sa labi nito. Malalim na napabuntong hininga at kitang kita ang lungkot sa mga mata habang nakatitig sa akin.


"Ayaw ko na siyang bigyan ng chance para makapasok muli sa buhay ko Ate Mira. Tama na ang minsan niya akong nasaktan. Hindi kami bagay ni Kurt at mas maraming babae na mas karapat- dapat sa kanya." malungkot nitong sagot. Hindi ko mapigilan ang mapailing.


"Arabella, huwag mong sabihin iyan. Huwag mong pababain ang self esteem mo. Isa kang Villarama at maraming tao ang nangangarap na mapabilang sa ating pamilya. You're so precious to us... to our family! Mahal na mahal ka namin at huwag kang makinig sa mga sabi-sabi ng ibang tao. Isa kang Villarama at hindi mababago iyan kahit kailan. Hindi ka man nanggaling sa sinapupunan nila Mommy at Daddy pero itinuring ka na naming pamilya." madamdamin kong sagot dito. Agad itong tumayo at umupo sa tabi ko at naiiyak itong yumakap sa akin.


"Thank you Ate! Ang bait mo talaga!" umiiyak na wika nito.


"Ssshhh tama na nga iyan! Ikaw talaga, napaka-emotional mo pa rin. Wala akong ibang hangad kundi ang kaligayahan mo Bella! Ano mang landas ang gusto mong tahakin nandito lang kami para suporatahan ka. Sa ngayun kailangan mo munang lubusang magpagaling." naiiyak kong


wika dito. Agad itong tumango. Pagkatapos ay tumingin ito sa aking tiyan.


"Ilang buwan na lang at masisilayan ko na ang pamangkin ko. Kailan kayo magpapa-gender reveal Ate? Para naman makakakapaghanap na ako ng pwedeng iregalo sa kanya." nakangiti nitong wika habang hinahaplos ang tiyan ko.


"HIndi ko pa alam. Bahala na. Basta babalitaan kita kaagad tungkol sa bagay na ito." Nakangiti kong sagot dito.


Masaya kaming nag-uusap ni Bella hanggang sa dumulog kami ng hapag kainan para kumain ng lunch. Favorite ko lahat ng nakahain kaya naman marami akong nakain. Kahit papaano hindi na ako nagiging mapili sa pagkain nitong mga nakalipas na araw. Hindi na din ako nagsusuka at nahihilo kaya naman nagagawa ko na kahit papaano ang gusto ko.


Pagkatapos kumain ay nagpaalam ako kina Mommy na pupuntahan ko sa opisina niya si Roldan. Bigla ko kasi itong namiss at gusto kong makita agad agad. kaya naman agad akong nagpahatid sa aming driver na nakaantabay lang dito sa mansion.


Excited akong naglakad papuntang elevator. Kilala na ako sa building na ito kaya wala ng sino man ang nangangahas na harangin ako. Agad kong pinindot ang elevator na tanging si Roldan at ang pamilya lang nito ang may access. Diretso na ito sa kanyang opisina kaya naman ngiting-ngiti ako habang umaandar ang elevator paakyat.


Pagkabukas ng elevator ay agad akong lumabas. Naabutan kong abala ang secretary ni Roldan na si Misis Robles sa kanyang ginagawa. Matagal ng empleyado ito ng kompanya at dating secretary pa ito ng Daddy ni Roldan at itinuloy nito ang serbisyo ng pumalit si Roldan sa kanyang ama. Agad itong natigilan ng maramdaman ang presensya ko at tarantang napatayo.


"Mam Miracle?? Napadaan po kayo?" nakangiti nitong wika sa akin pagkatapos ay sumulyap sa pinto ng opisina ni Roldan.


"Good Afternoon Misis Robles. Nasa loob ba ang asawa ko?" tanong ko dito. Lumikot ang mga mata nito bago tumango. Bigla akong kinutuban sa hindi malaman na dahilan. Pagkatapos ay mabilis akong naglakad papuntang opisina ni Roldan at walang sabi- sabing binuksan ang pinto.


Halos malaglag ang puso ko sa sahig ng makita kong may babaeng nakaupo sa lamesa ng asawa ko? Shit nakapatong sa lamesa at pabukaka itong nakaharap sa asawa ko na noon ay nakaupo sa Swivel chair! Gulat sila parehong napalingon sa akin ng pabagsak kong isinara ang pintuan ng opisina. Biglang namutla si Roldan samantalang hindi naman nakakilos ang malanding babae sa harap nito.


"Anong ginagawa niyo? Monkey business?" galit na bulyaw ko habang tinitigan ang mukha ng babaeng malandi. Hindi ako magkamali... ang ex ni Roldan na si Bianca ang nandito sa loob ng opisina ng asawa ko. Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo! Nanlilisik ang aking mga mata na sinugod dito. Hinawakan ko sa buhok at hinila ko si Bianca pababa ng mesa. Hindi ito nakapalag ng dahil sa pagkagulat. Napasigaw ito ng maramdaman ang paghila ko sa buhok nito. Alam kong nasaktan ang anit nito at wala akong balak na bitawan ang buhok nito hanggang sa hindi ito humiwalay sa kanyang anit. HIndi ko alam pero pakiramdam ko ang lakas ko ng mga panahon na ito. Galit na galit ako at nanginginig ang buo kong kalamnan. Parang langgam ang tingin ko kay Bianca na gusto kong tirisin.


"Aray! ano ba? Bakit ba? Bitawan mo ako!!!" Sigaw nito habang hawak hawak ang mahaba nitong buhok na hila-hila ko. Agad naman akong niyakap ni Roldan kaya naman nabitawan ko ang buhok ni Bianca. Galit ko itong nilingon at sinipa sa kanyang Junjun. Napaigik ito sa sakit kaya naman natumba ito sa sahig habang namimilipit sa sakit. Muli kong nilingon si Bianca na noon ay inaayos ang nagulo nitong buhok.


Agad naman pumasok si Misis Robles para umawat pero tinapunan ko ito ng masamang tingin bago kinuha sa gunting na ginagamit na panggupit sa papel dito sa loob ng opisina. Muli kong binalikan si Bianca na noon ay abala pa rin sa pag-aayos ng kanyang sarili at muling hinawakan at hinila ang mahaba nitong buhok na alaga sa kulay, Nagulat ito sa aking ginawa at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita nito ang hawak kong gunting.


"Subukan mong manlaban! Itatarak ko sa leeg mo ang hawak kong ito!" Sigaw ko dito at pahaklit kong muling hinila ang buhok nito sabay ginupit.


Napahiyaw naman si Bianca sa ginawa ko. Hindi ito nakakilos at nagulat marahil sa bilis ng pangyayari.


Napasigaw naman si Misis Robles at agad na tinulungan ang amo na noon ay namimilipit pa sa sakit habang iniinda ang pagkakasipa ko sa bayag nito.


"Hayoop ka! Malandi!!!! Kakalbuhin kita!" galit na sigaw ko. Pilit naman na kumakawala si Bianca sa pagkakahawak ko kaya lang wala ng ligtas ang malaking bahagi ng buhok nito. Tuluyan ko ng nagupit bago ito makawala sa akin. Paika-ika naman na na muling lumapit sa akin si Roldan at niyakap ako.


"Sweetie tama na iyan! Baka mapaano ang baby natin!" wika nito sa akin at pilit akong pinapakalma. Ngumangawa naman si Bianca habang pinupulot ang nagupit nitong buhok. Agad naman nagpasipasukan ang mga security sa loob ong opisina at hindi malaman kung ano ang gagawin samantalang si Misis Robles naman ay shock sa mga nangyari.


"Ilabas niyo na si Bianca baka mapatay pa siya ng asawa ko!" Narinig kong utos ni Roldan. Sumigaw naman ako tanda ng pagtutol at pilit na kumakalas pagkakayap ni Roldan. Pagkatapos ay muli kong nilapitan si Bianca na noon ay umiiyak pa rin. Binigyan ko ito ng mag-asawang sampal na siyang ikinasinghap ng mga tao na nasa aming paligid. Napakamot naman ng ulo  si Roldan dahil alam niyang hindi niya mapipigilan ang kanyang asawa. May ugali kasi itong habang pinipigilan lalong nagwawala.


"Sa susunod, kikilalanin mo muna kung sino ang kinakalaban mong haliparot ka!" galit na sigaw ko dito. Tulala naman na napatitig sa akin si Bianca kasunod ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa mga mata. 


"Ako ang nauna sa kanya..inagaw mo lang siya sa akin pero bakit ikaw pa ang galit!" pagalit nitong wika sa akin habang hawak ang nasaktan na pisngi.


"Nauna ka pero ako ang pinakasalan kaya pasensyahan tayo! Bumalik ka na sa pinanggalingan mo bago pa kita mapatay!!! Kapag makita ko pang aali- aligid ka sa asawa ko higit pa diyan ang mararanasan mo sa mga kamay ko!" galit na bulyaw ko dito habang tinititigan ang mukha nito na namumula at punong puno ng luha.




Chapter 118


ROLDAN


Sa sobrang galit ng asawa ko sa hospital ang bagsak namin. Hindi naman ito dinugo o ano pa man. Kaya lang gusto kong makasiguro kung ayos lang ba ito. Nagwala ito kanina at marami itong pwersa na ginamit kaya nag- -aalala ako baka kung mapaano na ito. Mabuti na lang at hindi na ito nagreklamo ng sabihin ko na dadalhin ko sya ng hospital para matingnan ng Doctor. Kumalma na din ito ng makaalis na si Bianca iyun nga lang hindi ako nito kinakausap.


Naiintindihan ko naman dahil alam kong galit pa rin ito kahit papaano.


Nagulat din ako sa biglang pagdating ng opisina kanina ni Bianca.


Kakarating lang daw nito ng Pilipinas at sa akin agad dumiritso dahil bigla daw niya akong na-miss. Aattend daw ito ng fashion show na gaganapin sa kilalang hotel dito sa Pilipinas. kaya biglaan ang kanyang pag-uwi. Hindi ko naman akalain na may balak pala akong akitin nito sa loob pa mismo ng aking opisina.


Pinutol ko na ang communication kay Bianca simula ng hiniwalayan ko ito noon. Halos magkasunod lang silang dalawa ni Miracle na dumating ng opisina. .at habang nag-uumpisa pa lang na bumukaka sa harap ko si Bianca. bigla naman dumating si Miracle na halos umaapoy ang buong katawan dahil sa matinding galit. Hindi ko nga ma-imagine kung bakit sobrang lakas nito kanina. Pati bayag ko muntik na nitong pasabugin sa lakas ng pagkakasipa. Mabuti na lang at hindi nakapanglaban si Bianca. Marahil natakot din ito sa hitsura kanina ni Miracle na parang papatay na sa matinding galit.


"Sa sobrang tapang ng asawa ko halos makalbo na nito si Bianca kanina. Ewan ko lang kung makakarampa pa ito ng maayos gayung bakat sa mukha nito ang palad ni Miracle at sira din ang buhok nito. Grabe ang iyak nito kanina habang bitbit ng mga gwardiya palabas ng opisina.


Sa susunod, hindi na talaga ako tatanggap ng bisita lalo na kapag babae at lalo na kapag walang appoinment. Baka matuluyan ang junjun ko at hindi na makapag-perform ng maayos.


Ibinaling ko ang tingin kay Miracle na noon ay tahimik lang habang inaasikaso ng kanyang Doctor. Malaki na ang tiyan nito at excited na ako sa paglabas ng baby namin. Hays tiyak lagot ako nito mamaya.


"Mister Valdez, maayos naman ang kalagayan ni Misis Valdez. Pero kailangan niya pa ring mag-ingat dahil hindi lang iisang buhay ang nasa kanyang sinapupunan." wika ng


doctor. Agad na napalapit ako sa kanilang dalawa ni Miracle. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Miracle ng marinig ang tungkol sa bagay na iyun.


"A-anong ibig niyong sabihin Doc?" tanong ko


"Congratulations Mister and Misis Valdez! Ayun sa resulta ng kanyang ultrasound kambal ang nasa sinapupunan ni Misis Valdez. Kaya simula ngayun doble ingat ang gagawin niyo dahil mas risky ang kanyang kalagayan." nakangiti nitong paliwanag sa amin. Agad naman naluha si Miracle kaya naman niyakap ko ito pagkatapos ay hinalikan ko sa labi. Hindi naman ito nagprotesta.


"Mira, iwasan mo munang magpagod ha? Kumain ka ng maraming prutas at gulay at inumin mo ang mga vitamins na nirereseta ko sa iyo. Kailangan mo din sundin ang schedule ng yung check -ups para mamonitor natin ang babies na nasa iyung sinapupunan.' nakangiting bilin ng Doctor. Nakangiting tumango naman si Miracle. Walang pagsidlan ang tuwa ng puso ko kaya hanggang tainga ang aking ngiti habang nakikinig sa iba pang sinasabi ng Doctor.


"Asahan nyo Doc. Lalo ko siyang aalagaan ngayun. Salamat....Lord Salamat!!!" wika ko pa habang naiiyak.


Pagkatapos ng check up ni Miracle ay agad naman kaming umuwi ng bahay. Cancelled lahat ng meetings at appointments ko ngayung araw dahil sa mga nangyari. Mas mahalaga sa akin ang kalagayan ng asawa ko kaya hihilingin ko kay Daddy mamaya na hindi muna ako papasok ng opisina hanggang sa makapanganak si Miracle para maalagaan ko ito ng maayos. Tiyak na matutuwa ito kapag malaman niyang kambal ang magiging apo niya sa amin.


"Ano itong nabalitaan ko na nagkagulo daw kanina sa opisina Roldan!" Agad na salubong sa amin ni Daddy ng makababa kami ng kotse. Halatang galing ito sa opisina bilang Congressman dahil sa kanyang suot. Tumingin muna ako kay Miracle bago sumagot.


"Dad, mali ang iniisip mo. Bigla kasing sumulpot sa opisina si Bianca kanina at tinangka niya akong akitin." sagot ko. Agad naman na lumapit si Mommy kay Miracle pagkatapos ay nagtanong.


"Ayos ka lang ba Iha? Dapat tinawagan mo ako para ilibing natin ng buhay ang malanding iyun." wika naman ni Mommy, Gulat na napatingin naman ako kay Mommy? Ano daw? Ang pasensyosa kung Ina. handa na ngayung pumatay? Di nga? Halos hindi nga ito makapatay ng ipis dahil sa sobang bait eh.


"Ok na no Mom Muntik ko na po siyang makalbo kanina. Siguro naman magtatanda na siya at hindi na lalapit kay Roldan. Si Roldan na lang siguro ang kailangan kong disiplinahin ngayun." sagot naman ng asawa ko habang hinihimas ang kanyang tiyan. Bigla tuloy akong kinabahan.


"Good Job Mira! Ganyan dapat ang ginagawa sa mga haliparot! Oh siya halika na muna sa dining area. Ipinaghanda kita ng pagkain. Alam kong gutom kayo kaya naman kumain ka muna bago magpahinga." sagot ni Mommy at inakay ang manugang papasok sa loob ng bahay. Naiwan naman kaming dalawa ni Daddy.


"Bakit ba kasi hindi mo pa tinapos ang communication sa babaeng iyun? Buti na lang mabait iyang asawa mo at hindi ka nilayasan!" galit na wika ni Daddy sa akin. Natigilan naman ako.


"Dad, palay ang lumapit sa manok. Hindi ko tinuka dahil hindi ko gusto!


Wala akong kasalanan dahil kahit bumukaka pa sa harap ko si Bianca. hindi ko siya papatulan. Wala siya sa kalingkingan ng asawa ko." sagot ko.


"Umayos ka Roldan ha? Huwag mo akong gayahin. Alam kong babaero ako noong mga kapanahunan ko. kaya naman huwag mo akong gayahin dahil masakit sa ulo iyan. Muntik na akong layasan ng Mommy mo noong minsan niya akong nahuli. kaya sinasabi ko sa iyo, huwag mo ng gawin ang mga nagawa ko noon na pagkakamali." wika ni Daddy sa akin. Lumabas din ang totoo na hindi ito tapat kay Mommy. Sabagay, wala naman akong alam tungkol dito dahil abala ako sa sariling buhay ko.


"Hindi ako mambabae Dad. Sawa na ako sa mga ganyang gawain noong nasa ibang bansa ako at kay Miracle na lang umiikot ang mundo ko ngayun. Isa pa alam naman siguro niya na wala talaga akong kasalanan dahil hindi naman niya ako ulit inaway noong nakaalis na si Bianca." proud kong sagot.


"Mabuti naman kung ganoon. At mas maganda ang ginawa mo dahil agad mo siyang dinala sa Doctor pagkatapos ng komprontasyon nilang dalawa ni Bianca. At least nakakasigurado tayo na ayos lang siya pati na din ang bata na nasa kanyang sinapupunan. Siya nga pala, kumusta ang pagdadalang tao niya? Excited na akong makita ang apo ko!" wika ni Daddy.


"Ayan din ang gusto kong malaman mo na tiyak na matutuwa ka Dad!" ngiting ngiti kong sagot.


"Na ano? Sabihin mo at huwag mo na akong bitinin at baka atakihin ako sa puso." sagot nito.


"Kambal ang magiging anak namin Dad kaya naman ang saya saya ko!"


natutuwa kong pagbabalita dito. Nanlaki ang mga mata ni Daddy at napahawak pa sa kanyang puso kaya naman nag-aalala ko itong inalalayan.


"Dad, ayos ka lang ba?" nag-aalala kong tanong. Huminga ito ng malalim at nagulat ako ng makita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata nito. Sa kauna-unahang pagkakataon, umiyak ang DAddy kong politician. Pagkatapos ay tinapik ako nito sa balikat at masayang nakangiti habang patuloy sa pag-agos ang luha sa mga mata.


"Sobrang proud ako sa iyo Roldan! Hindi ko akalain na mabibigyan mo kami ng isang napakalaking blessings. Matagal na namin na pinangarap na magkaapo sa iyo pero mukhang doble ang kaya mong ibigay sa amin." umiiyak na wika nito. Nakangiti kong tinapik sa balikat si Daddy.


"Thank you Dad! Pipilitin kong maging mabuting ama sa mga anak ko! Ganito pala ang pakiramdam na magiging isang ama na! Kaya Dad dapat ngayun pag-isipan mo na kung paano mo sila sabay sabay alagaan." nakangiti kong wika dito. Lalong tumulo ang luha nito.


"Magreresign na talaga ako sa politika. Ako mismo ang mag-aalaga sa mga apo ko!" sagot nito ng nakangiti at pinupunasan ang luha sa mga mata.


"Ngayun pa lang, dublihin mo ang pag- aalaga sa asawa mo. Huwag ka na munang pumasok ng opisina at ako na ang bahala sa ating kompanya. Excited na ako sa paglabas ng aking mga apo Roldan. Congratulations sa inyong mag -asawa at sa ating pamilya!" nakangiti nitong wika. Pinakalma muna nito ang sarili tsaka ako niyaya papasok ng bahay. Naabutan namin si Mommy at Miracle na masayang nagkukwentuhan habang kumakain. Katulad ni Daddy, kitang kita sa mukha ni Mommy ang matinding tuwa at alam ko na kung bakit. Marahil nabanggit na ni Miracle

dito ang tungkol sa kambal na nasa kanyang sinapupunan.


Masaya kaming nag-usap sa dining area bago nagpasyang pumasok muna ng kwarto ni Miracle para magpahinga. samantalang si Mommy at Daddy ay narinig kong may pupuntahan daw sila. Masaya kong inalalayan ang asawa ko paakyat hanggang sa makapasok kami ng kwarto. Pagdating ng kwarto ay tahimik lang si Miracle. Wala akong narinig na kahit na anong sumbat mula dito tungkol sa nangyari kanina sa opisina. Liban sa parang hindi ako nito masyadong pinapansin, walang palatandaan na galit ito sa akin na siyang labis kong ipinagtaka. Bigla tuloy akong kinabahan.


"Sweetie, ayos lang na magalit ka sa akin. Pwede mo ako bugbugin kung gusto mo. Hindi ako papalag promise." wika ko dito. Tinitigan ako nito. Blanko ang kanyang expression kaya lalo


akong kinabahan. Pagkatapos ay


nilapitan ako nito at itinulak sa kama.


"Maghubad ka!" seryoso nitong wika.


Nagulat naman ako.


"Maghubad ka sabi eh!" ulit nito. Napapakamot naman ako ng ulo habang inuumpisahan kong hubarin ang suot kong long sleeves. Ano na naman kaya ang pinaplano ng asawa ko?


"Bilisan mo...ano ba!!!" malakas nitong wika.


"Lahat ba?" tanong ko.


"Of course!" sagot nito habang nakapamaywang. Wala na akong nagawa pa kundi hubarin lahat ng saplot ko sa katawan. Agad naman itong napangisi ng makita niyang hubot hubad na ako. Hinawakan ako nito sa mukha at tumingkayad upang maabot niya ang labi ko. Naglapat ang

aming labi na siyang ikinatuwa ko. Nagdiwang ang aking kalooban at agad kong tinugon ang halik nito. Agad na nagreact ang aking junjun at biglang tumigas. Hinapit ko si Miracle payakap sa akin habang patuloy na magkalapat ang aming labi.


Unti-unti kong itinaas ang maternity dress na suot nito. Buong pagmamahal na hinaplos ko ang katawan nito at iginiya papunta sa aming kama.


Buong puso naman itong nagpaubaya kaya bago lumapat ang likod nito sa malambot naming kama. ay hinubad ko ng tuluyan ang suot nitong maternity dress. Tumampad sa paningin ko ang sexy nitong katawan kahit na buntis at ang makinis nitong balat. Buong pagsuyo kong inumpisahan halikan ang leeg nito pababa sa kanyang soso. Napaigtad naman ito ng umpisahan kong sipsipin ang kanyang nipple.


"This is life! Pagkatapos niyang tuhurin ang junjun ko kanina mukhang makakabawi ito ngayun. Hindi ko akalain na hindi ito nagtanim ng sama ng loob sa akin .sa kabila ng labis nitong pagwawala kanina sa opisina. Marahil ay naisip nito na hindi ko naman talaga kasalanan ang lahat.


Lasing na lasing na ako sa sobrang pag- iinit ng katawan ko. at halos gusto ng manuklaw ang junjun ko ng bigla akong itulak ni Miracle. Gulat naman akong natigilan pagkatapos ay tinitigan ito.


"Ang baho mo! Maligo ka muna." wika nito. Napakunot ang aking noo. Inamoy ko pa ang aking sarili pero hindi naman ako mabaho. 


"Sweetie, ayos na ito. Galit na galit na ang junjun ko at gusto ng maka-score." buong pagsuyo na muli ko itong hinalikan.


"Ayaw ko nga! Maligo ka muna!" sagot nito sabay tulak ulit sa akin. Wala akong nagawa kundi ang umalis sa ibabaw nito at tumihaya sa kama. Walang hiya, tirik na tirik na ang junjun ko pero ayaw pang papasukin. Maligo daw muna ako. Ano na naman kayang drama ito ng asawa ko? Sumasakit na din ang puson ko dahil nabitin.


"Nakita ko na mabilis pa sa alas-kwatro na bumaba ng kama ang asawa ko. Panty na lang ang kailangan kong hubarin dito at nandoon na ako sa finish line. Hayst, buhay nga naman!!!


"Maligo ka na bago pa magbago ang isip ko Roldan! Huwag mo akong inartehan dahil malaki pa ang kasalanan mo sa akin." Wika nito sa akin. Pagkatapos ay muling isinuot ang damit na nahubad ko na kanina. Naiinis naman akong bumangon at nagmamadaling naglakad papasok ng


banyo.


Mabilis akong naligo. Wala eh, kailangan kong sundin ang asawa ko. kung gusto kong makarating sa finish point. Baka nga mabaho na ako sa pang -amoy nito dahil maselan daw talaga ang buntis pagdating sa kalinisan.


Excited akong lumabas ng banyo pero nadismaya ako ng makita kong wala si Miracle. Taranta akong nagbihis at agad na hinanap sa buong kabahayan.


Hapon na at kapag ganitong oras nagpapahinga na ang mga kasambahay. Sila Mommy at Daddy ay umalis ng bahay dahil may pupuntahan daw. Kung ganoon saan nagpunta si Miracle? Alangan naman na naglayas ito gayung ayos naman ito kanina. Mukhang hindi naman galit dahil nagawa pa akong halikan nito. Muntik na nga kaming magtalik.


Napahilamos ko ang aking kamay sa aking mukha dahil sa matinding pag-alala. Pagkatapos ay nilapitan ko ang guard on duty sa gate.


"Nakita mo ba ang Mam Miracle mo?" tanong ko dito. Natigilan naman ito at napakamot sa kanyang ulo.


"Si Mam po. Lumabas po Sir. Gamit nya po ang kotse niyo." sagot nito. Napatulala ako at agad na pinuntahan ang sasakyan na ginagamit kapag pumapasok ng opisina. Biglang rumagasa ang kaba sa dibdib ko ng wala ito sa pinag-parkingan ko. Kung ganoon naglayas ang asawa ko? Shit! Saan ito nagpunta?


Mas mabuti pang nilumpo nya na lang ako sa bugbog kaysa bigla na lang siyang naglayas. Paano kung mapahamak ito!


Kung bakit naman kasi nanggulo pa itong si Bianca. Hindi sana ito mangyayari kung hindi ito umeksena. Litse talaga! Hindi ko pa nga lubusang kilala ang asawa ko! Akala ko wala na dito ang nakita niya kanina sa opisina. Iyun pala galit pa rin ito dahil nagawa pa din nitong umalis ng bahay ng hindi nagpapaalam.


"Bakit kasi hinayaan mong makalabas? galit na bulyaw ko sa guard.


Napayuko naman ito. Pagkatapos muli akong bumalik sa loob ng bahay para kumuha pa ng isang susi ng sasakayan. Saan ko kaya hahanapin ang asawa ko? Ano ba naman ito! Kung kailan naman masaya na kami tsaka naman dumating ang ganitong klaseng problema.




Chapter 119


ROLDAN POV


Naihampas ko ang kamay ko sa manibela ng maisip ko kung saan ko hahanapin si Miracle. Hindi din ako sure kung sa mansion ito pumuta dahil hindi pa naman tumatawag si Carissa sa akin. Kung doon pumunta si Miracle tiyak na tumawag na sa akin ang Ina nito upang magtanong. Nag-aalangan din akong pumunta sa kanila dahil tiyak na sasabunin ako nito kapag malaman nila na naglayas ang kanilang anak dahil sa selos.


Agad kong naisip si Christian...Tama Si Christian. Sa kanya na lang ako magtatanong kong umuwi ba sa kanila si Miracle.


Agad kong kinuha ang cellphone at nagdial. Hindi naman nagtagal at sumagot na din si Christian.


"Hello Ninong! Napatawag po kayo?"


agad na tanong nito sa akin. Naririnig ko sa background nito ang boses ng bunso niyang kapatid na si Rafael. Kung ganoon nasa mansion na ito. Sinipat ko ang suot kong relo. Halos alas sais na ng gabi. Lalo akong kinakabahan ng maisip na gumagabi na at nasa labas pa rin si Miracle.


"Umuwi ba diyan si Miracle?" diretsa kong tanong.


"Kaninang bago magtanghali po. Pero narinig ko kay Mommy na nagpahatid daw po sa driver sa inyong opisina after kumain ng lunch dito sa mansion. Bakit po? Wala po ba siya dyan sa inyo "nagtatakang tanong ni Christian. Napalunok ako.


"Nagalit kasi siya sa akin kaya biglang umalis. Saan kaya siya nagpunta? Nag- aalala na ako sa kanya." Sagot ko. Natigilan naman si Christian at pagkalipas ng ilang minuto ay muli itong nagsalita.


"Hayaan mo na muna Ninong. Uuwi din iyun. Ugali niya na talaga iyan na kapag galit gusto niyang mapag-isa. Wala pa namang record iyan dito sa amin na naglayas. Talagang may katigasan ang kanyang ulo pero hindi naman iyun nakakatiis at uuwi din." sagot nito sa akin. Napailing ako.


"Nag-aalala na ako sa kanya Chrisitan. Kung wala siya diyan sa inyo saan siya nagpunta? Pwede bang tulungan mo ako? Baka nasa isa sa mga kaibigan niyo lang siya at nagpapalamig ng ulo. Pwede bang tawagan mo yung mga kaibigan mo?" sagot ko dito. Narinig ko ang marahan nitong pagbuntong hininga bago sumagot.


"Sige po Ninong..Isa-isa ko po silang tatawagan ngayun. Huwag po kayong mag-alala. Nasisigurado ko na hindi iyun naglalayas, Wala sa kanya  ang ganoong bagay." sagot nito sa akin bago pinatay ang tawag. Muli akong napahampas sa aking manibela. Napakahirap galitin ng asawa ko! Bigla na lang umaalis ng bahay ng hindi nagpapaalam. Sino ba naman kasi ang nag-aakala na aalis ito gayung nasa kasarapan kami ng love making? Pinaligo lang ako tapos wala na agad? Ano ito pinasakit niya lang ang puson ko? Wala talaga itong balak na makipag -sex sa akin dahil galit siya?


Agad akong napatingin sa gate ng aming bahay ng bumukas ito. Nakita ko ang kotse ni Daddy na pumasok sa loob. Agad akong bumaba ng sasakyan para salubungin sila.


"Aalis kayo? Gabi na ah?" tanong ni Mommy.


"Nasaan si Mira? Ipagpabukas niyo na lang kung may pupuntahan kayo dahil gabi na. Halos maghapon na siyang nasa labas at makakasama sa kanya kung panay gala ang ginagawa niyo." wika ni Daddy. Napakamot ako ng aking ulo.


"Wala po si Miracle! Umalis po siya at hindi ko alam kung saan siya nagpunta. sagot ko. Parehong nanlaki ang kanilang mga mata dahil sa pagkagulat.


"Bakit saan siya nagpunta? Nag away ba kayo?" tanong ni Daddy. Umiling ako.


"Hindi ko po alam. Ayos naman siya kanina. Naligo lang ako at paglabas ko ng banyo wala na siya. Dala niya ang kotse ko Dad. Nag-aalala na ako baka mapahamak siya." sagot ko. Malakas na napabuntong hininga si Daddy. Kitang kita naman kay Mommy ang matinding pag-aalala.


"Saan kaya nagpunta ang batang iyun? Tumawag ka ba sa mansion nila? Baka umuwi muna sa mga Villarama para magpalamig. Baka masyado niyang dinibdib ang nakita niya kanina sa opisina at hindi niya lang masabi-sabi sa atin kaya umalis. Roldan, hanapin mo ang asawa mo! Hindi pwedeng basta na lang siyang aalis. Paano kung mapahamak siya?" tarantang wika ni Mommy. Si Daddy naman ay hindi malaman kung ano ang gagawin.


"Tumawag na po ako kay Christian Dad. Sinabi niya sa akin na wala sa kanila si Mira. Kanina pa ako halos mabaliw sa pag-aalala sa kanya. Hindi ko alam kung paano mag-umpisa para hanapin siya." sagot ko naman. Pagkatapos ay narinig ko na tumunog ang aking cellphone. Agad ko itong sinagot ng makita kong si Christian ang tumatawag.


"Negative Ninong. Hindi daw nagawi sa kanila si Mira. Hindi din daw po tumatawag." pagbabalita sa akin ni Christian. Lalo akong kinabahan.


"Kung ganoon saan siya nagpunta? Alam na ba nila Mommy at Daddy mo na naglayas si Mira?"TAnong ko.


"Hindi ko na po sinabi. Pero huwag po kayong mag-alala Ninong. Nasisiguro ko na uuwi din iyun. Kung hindi man diyan sa inyo, baka dito sa mansion. Hindi ugali noon na magpalipas ng gabi sa ibang bahay or sa hotel. Takot mag isa iyun sa mga hotel." wika ni Christian. Napahilot ako sa aking sintido. Pakiramdam ko tatanda agad ako nito dahil sa matinding pag-aalala at konsumisyon.


Pagkatapos kung makausap si Christian ay muli akong tumingin kay Daddy. Kita na ang galit sa mukha nito.


"Saan nakacheck-in ang lintik ng Bianca na iyun? Kakausapin ko ang employer niya na pabalikin na siya kung saan man siya galing....Bwesit!!! Bakit ba kasi tanggap ka ng tanggap ng bisita? Hindi na katulad ang buhay mo noon Roldan! Isipin mo na may asawa ka na at kapag may ibang babae na aaligid-aligid sa iyo tiyak na magseselos ang asawa mo!" Galit na wika ni Daddy.


"Dad, wala akong masamang nagawa! Hindi ko naman pinatulan si Bianca. Wala na akong gusto sa babaeng iyun at wala akong balak na lukuhin ang asawa ko! Tulungan mo ako Dad. Hanapin natin ang asawa ko!" sagot ko dito.


"Siya sige! Uutusan ko ang ilan kong mga tauhan na hanapin si Mira. Gabi na! Kailangan niya ng makauwi ng bahay. Pumasok na muna tayo sa loob. Huwag ka ng umalis ng bahay Roldan dahil baka kung mapaano ka pa. Hintayin na lang natin siya baka uuwi din iyun kapag hindi na mainit ang ulo. "wika ni Daddy at agad na kinuha ang kanyang cellphone. Pabagsak ng pumasok sa loob ng bahay.  tinawagan itong mga indibidwal para tumulong sa paghahanap kay Miracle. Laglag ang balikat na muli akong pumasok sa loob ng bahay. Pabagsak akong naupo sa sofa dito sa living room habang hinihilot ang sumasakit kong sintido dahil sa matinding stress.




MIRACLE POV


"Saan dito ang pinakamahal na binibinta niyong bag?" Agad na tanong ko sa isang staff na sumalubong sa akin pagpasok dito sa loob ng isang sikat at mamahaling boutique dito sa isang mall sa Alabang. Tumampad sa paningin ko ang nagagandahang mga collection ng bag mula sa ibat ibang mamahaling company. Agad na naagaw ang attention ko sa isang partikular na bag. Secured na secured ito sa nakasalamin na lagayan. Itunuro ko ito sa sales representative at agad niya naman itong kinuha at ipinakita sa akin. Matamis akong napangiti.


"Limited Edition Louis Vuitton bag Mam. Kakarating lang nito kahapon at marami na pong nagkainteres na bilhin ito. Actually nag-iisa lang po ito Mam kaya kung gusto niyo po kunin niyo na.Nakangiting wika sa akin.


"Well gusto ko iyan. Bibilhin ko!" Matamis kong ngiti. Napansin ko pa ang tuwa na biglang rumihistro sa mga mata nito pagkatapos akong titigan. Tiningnan ko ang presyo ng bag. Not bad. Five Million and two hundred thousand Pesos lang naman. Kayang kaya bayaran ng card ni Roldan na hawak ko ngayun.


Ganito ako kung ma-stress. Imbes na magmukmok, umiyak ng umiyak at maglayas ng ilang buwan.....magsa- shopping na lang ako! Hindi ko din ugali ng hindi lumalaban! Ipaglalaban ko ang kasal namin ni Roldan at hindi ako papayag na sisirain ng kung sinu- sino lang ang pagsasama namin. Magkakaanak na kami at wala akong balak na hindi bigyan ng kompletong pamilya ang kambal namin. Bibilhin ko lahat ng gusto ngayun hanggang sa mawala ang galit sa puso ko. Actually ngayun ko lang ito gagawin dahil hindi ko naman pera ang gagastusin ko. Pera ito ni Roldan na ipinangalan niya din sa akin. Joint account namin at balak kong gastusin ito ngayun hanggang sa makaramdam ako ng satisfaction.


Hindi niya ito ikakalugi kong gagastos ng gagastos ako. Maraming pera si Roldan at alam kong barya lang ito sa kanya.


Agad akong dinala ng staff sa VIP room. Inalok ako ng coffee, juice, tea or kahit na ano pang makakain pero tinaggihan ko. Binigyan niya ako ng brochure para makita ko daw kung ano pang mga available na bags na meron sila. Nagturo pa ako ng limang piraso kaya naman parang naka-jockpot ang may ari ng store sa akin. Agad nilang ibinalot ang anim ng bags na napili ko na nagkakahalaga ng mahigit 20 million pesos. Pagkapos ay agad nila itong dinala sa aking sasakyan. Nangingiti naman ako habang nakatitig sa mga bag na nabili ko. Wala pa akong dalawang oras dito sa mall at mukhang napaparami na ang nalustay kong pera. Medyo nawawala na din ang galit ko kay Roldan. Pero hindi ibig sabihin nito na ligtas na sya sa akin. May naisip na ako na paraan kung anong klaseng parusa ang ibibigay ko sa kanya para magtanda siya.


Sinipat ko ang suot kong relo. 8:30 pa lang ng gabi at nakakaramdam na ako ng gutom. Kakain na muna ako bago uuwi. Bahala silang mag-alala sa akin. Uuwi naman ako ngayung gabi dahil takot akong matulog sa mga hotel mag -isa. Baka multuhin ako. Isa pa wala sa ugali ko ang nagpapalipas ng magdamag sa labas ng bahay.


Papunta na ako sa paborito kong restaurant ng may tumawag sa akin. Nabulaga pa ako ng makita ko si Misis Amara Santillan. Nanay ni Kurt! Small world talaga! Kung sino pa iyung tao na ayaw mong makita iyun pa talaga ang nakakasalubong ko. Hindi ko nakalimutan ang ginawa nito kay Arabella. Iiwasan ko sana ito pero nagbago ang isip ko. Bakit ba ako iiwas? Sila ang may kasalanan sa pamilya namin kaya dapat siya ang umiwas sa akin.


"Hi Tita Amara! Kumusta po kayo?" tanong ko dito. Pilit akong ngumiti.


"Ayos lang naman Mira. Mabuti at nagkita ulit tayo! Kumusta ka na? Pwede ba kitang makausap ngayun?" tanong nito. Kunyari ay nag-isip ako. Muling sinipat ang suot kong relo.


"Nagugutom na po kasi ako Tita eh. Mamaya ng kaunti magsasara na po ang mall kaya kung gusto niyo sa resto na lang tayo mag-usap habang kumakain." sagot ko naman dito. Agad naman itong tumango.


"May gusto po ba kayong sabihin sa akin?" tanong ko habang hinihintay namin ang aming order na pagkain. Tinitigan muna ako bago dumako ang tingin nito sa tyan ko.


"Pasensya ka na kung naabala kita... Pero bago ang lahat gusto kitang i- congratulate sa kasal mo Mira. Nabalitaan ko ang nangyari at nalulungkot ako dahil sa ginawa ni Trina. Nasira ang kasal niyo at muntik ng mapahamak si Arabella." wika nito sa akin. Tinitigan ko muna ito bago sumagot.


"Ganoon po talaga minsan ang buhay Tita. May mga bagay na hindi natin kontrolado. Pasalamat na lang kami at maayos na ngayun si Arabella. Iyun nga lang kailangan niya munang huminto sa pag-aaral para magpagaling." sagot ko naman.


"Pasensiya ka na sa amin Miracle.


Alam kong malaki ang kasalanan namin sa pamilya mo...lalong lalo na kay Arabella. Nagiging sarado ang isip namin pagdating sa kanya. Hindi namin naiisip kung ano ang mararamdaman niya sa ginawa namin na pakikialam sa pag-iibigan nilang dalawa ni Kurt." wika nito. Natigilan ako. Pagkatapos pilit akong ngumiti.


"Wala na po sa amin iyun Tita Amara. Naka-moved on na si Bella sa mga nangyari sa kanilang dalawa ni Kurt."Natigilan ito sa sagot ko. 


"Noong lumayas si Kurt, doon namin narealized ang pagkakamali namin. Mga magulang kami Mira. Wala kaming ibang hangad kundi kabutihan ng anak namin. Hindi namin naisip na sumusubra na pala kami sa pagdikta sa kanya. hanggang sa nagrebelde na siya ngayun. Mira, pwede mo bang tulungan mo ang anak namin? Ang gusto niya lang naman ay makausap niyang muli si Arabella. Pinagbawalan na daw kasi siya na pumunta ng inyong mansion." nakikiusap na wika ni Misis Amara Santillan. Natigilan naman ako.


"Tita, hindi ko po hawak kung ano ang gusto ni Arabella. Kung hindi man siya nakakapasok ng mansion, sa palagay ko hindi iyun ang kagustuhan nila Mommy at Daddy. Iyun ang kagustuhan ni Arabella." sagot ko naman. Kahit kailan hindi nakikialam si Mommy at Daddy sa buhay pag-ibig namin. Isa ng patunay dito ang pagmamahalan namin ni Roldan.


"Nag-aalala ako sa kalagayan ni Kurt ngayun Mira. Palagi siyang naglalasing at hinahanap niya palagi si Arabella. Nagiging miserable na siya at pinapabayaan nya na ang kanyang sarili." sagot ni Misis Santillan. Napailing naman ako.


"Hindi ko na kontrolado ang lahat Tita. Mas mabuting si Arabella ang kausapin niyo tungkol dito. Ayaw ko pong manghimasok sa buhay niya. Isa pa hindi na ako sa mansion umuuwi ngayun." sagot ko dito. Malungkot naman ako nitong tinitigan.


"Nagbabakasakali lang ako na matulungan mo ako sa bagay na ito Mira. Maawa ka kay Kurt. Hirap na hirap na siya sa sitwasyon nilang dalawa ng kapatid mo." sagot nito. Napabuntong hininga at seryoso itong tinitigan.


"Hayaan niyo po Tita. Tingnan ko kung ano ang magagawa ko. Pero hindi ako nangangako na may maitulong ako. Si Arabella pa rin ang magdedesisyon tungkol sa bagay na iyan." sagot ko naman at inumpisahan ko ng kumain. Gutom na ako at kailangan ko ng makauwi ng bahay. Tiyak na nag- aalala na ang mga in-laws ko kapag malaman nilang umalis ako ng bahay ng hindi nagpapaalam. Iniisip ko din si Roldan. Baka kung ano ang gagawin nito kapag magtatagal pa ako dito sa labas. Wala akong dalang cellphone kaya hindi ko ito matawagan.


Malungkot naman na napabuntong- hininga si Tita Amara. Tinitigan niya ako tsaka tumayo. Malungkot itong nagpaalam sa akin. Naiwan naman akong ipinagpatuloy ang kinakain. Pagkatapos kumain ay nagmamadali na akong naglakad papunta sa aking kotse. Agad akong sumakay at nagdrive. Muli kong sinipat ang suot kong relo. Alas diyes na at hindi na nagpapasok ng mga bagong dating na customers ang mall. Kaunti na lang din ang sasakyan dito sa parking.


Agad akong nagdrive. Wala na din traffic kaya naman mabilis akong nakarating ng bahay. Nagbusina ako ng ilang beses bago ako pinagbuksan ng gate ng guard. Inaayos ko ang pagkakaparada ng sasakyan ng makita kong tumatakbong lumalapit sa akin si Roldan. Siya na din ang nagbukas ng pinto sa gawi ko at agad ako nitong niyakap ng makababa ako.


"Saan ka ba galing? Alam mo bang kanina pa ako -aalala sa iyo?" nag- tanong nito habang mahigpit na nakayakap sa akin. Bahagya naman akong nakonsensya ng maramdaman ko mainit na likido na tumulo sa ang aking balikat. Alam kong luha ito ni Roldan dahil bahagya pang umuuga ang balikat nito palatandaan na umiiyak ito. Natawa naman ako.


"Ano ba Roldan? Para kang hindi lalaki. Umayos ka nga! Lumabas lang ako para magpahangin." Wika dito at pilit na kumakalas sa yakap nito.


Napansin kong mapula ang mga mata nito at may luha pa sa kanyang pisngi kaya naman nakaramdam ako ng konsensya. Agad kong pinunasan ang luha nito sa pisngi bago matamis na ngumiti dito.


"Alam mo bang halos mabaliw ako sa kakahanap sa iyo? Huwag mo na kasi itong ulitin! Buti na lang wala akong sakit sa puso...kung hindi baka kanina pa ako nalagutan ng hininga sa sobrang pag-aalala sa iyo." wika nito at muli akong niyakap.


Wala na! Marupok din pala ako. Naglaho na ng tuluyan ang naramdaman kong galit dito dahil sa pinapakita nito ngayun sa akin.


Tinitigan ako nito sa mukha at mariin akong hinalikan sa labi. Hindi na ako nagprotesta pa. Kung tutuusin malaki ang kasalanan ko dito dahil bigla akong umalis. Alam ko naman kung gaano ako kamahal ni Roldan. Gusto ko lang talaga itong pahirapan ngayun araw kaya umalis na muna ako ng bahay.


Chapter 120



KURT POV


Sinipat ko ang suot kong relo. Alas nwebe na ng umaga at iniwan ako ni Christian dito sa hospital. Ako na lang daw muna ang bahala na magbantay kay Arabella. dahil may meeting itong pupuntahan. Isa pa parating na din daw si Tita Carissa at isang kasambahay para palitan ako dito.


Ayos lang naman sa akin kahit ako na muna ang mgbabantay kay Arabella. Mas gusto ko nga iyun. Kaya lang alam kong hindi papayag ang mga Villarama na tuluyan nilang ipagkatiwala sa akin si Bella. Wala pa ring kasiguraduhan kung muli ba nila akong pagkatiwalaan at payagan na muling ligawan ito.


Nakita ko na gumalaw si Bella kaya agad akong napalapit dito. Kakatapos lang nitong kunan ng vital signs at ayun naman sa kanyang Doctor ay paayos ng paayos ang kalagayan ni Bella kaya wala ng dapat ipag-alala. Nagdiwang naman ang puso ko kahit papaano.


"Kurt--nandito ka uli?" agad na tanong nito sa akin. Hindi katulad kahapon, hindi na masyadong pautal- utal kong magsalita ito. Nagkaroon na din ng kulay ang kanyang pisngi.


'Hindi naman ako umuwi. Handa akong bantayan ka Bella kung kinakailangan." sagot ko dito.


"Nakakahiya naman--sa iyo. Pwede mo na --- -akong iiwan--total maayos naman na ang aking pakiramdam." sagot nito. Agad akong umiling at umupo sa upuan malapit sa bed nito. tinitigan ko ito sa mga mata kaya lang iniiwas nito ang tingin sa akin. Napabuntong hininga ako at hinawakan ko ang kanyang kamay. Hindi naman ito pumalag kaya nakaramdam ako ng kapanatagan ng kalooban.


Namayani ang katahimikan sa aming dalawa hanggang sa marinig ko na bumukas ang pintuan ng kwarto. Agad akong napalingon at nakita ko na pumasok si Tita Carissa kasama ang isang kasambahay. Tumayo ako para bumati


"Pasensiya ka na Kurt kung ikaw ang napag-utusan na bantayan si Bella. May biglaang meeting kasi si Christian at Tito Gabriel mo kaya nagka-conflict ang schedule. Pwede mo na kaming iiwan dito para makapagpahinga ka din." wika sa akin ni Tita Carissa.


"Dont mention it Tita! Basta para kay Bella buong puso ko po siyang pagsisilbihan." sagot ko. Hindi naman ito umimik at lumapit na sa higaan ni Bella at humalik sa pisngi. Nakita ko naman ang matamis na pagngiti ni Bella. Napabuntong hininga ako. Tama si Tita Carissa, kailangan ko na siguro munang umuwi. Babalik na lang ulit siguro ako dito kapag si Christian na muli ang nakatokang magbantay.


"Tita, aalis na po muna ako." paalam ko. Agad naman itong tumango at nagpasalamat. Agad akong lumabas ng hospital room at naglakad papuna sa aking kotse. Kailangan ko munang matulog dahil magdamag akong hindi nakatulog kagabi dahil sa pagbabantay ko kay Bella. Hindi na muna ako umuwi ng bahay. Diritso akong nagdrive papunta sa aking condo. Gusto ko ng katahimikan at sa condo ko lang iyun matatagpuan dahil mag -isa lang akong nakatira doon. 


Pagkadating ng condo ay agad akong naligo at nagsuot lang ng boxer short. Nahiga ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata. Ayaw ko na munang mag-isip pa ng kahit ano. Sa ngayun kailangan ko ng pahinga para naman may lakas ako upang muling harapin si Bella. Kailangan kong mag-isip ng magandang strategy para muling mapaamo si Bella pati na din ang mga Villarama. Alam kong mahihirapan ako na muling ligawan ito dahil hindi ko alam kung boto pa ba sa akin ang pamilya nito. Pero wala namang masama kung subukan ko. Isa pa may plan B na akong naiisip kaya wala akong dapat na ikabahala. Magiging akin si Bella sa ayaw at gusto ng lahat.


Siguro kailangan ko din maging makasarili para maipaglaban ko ang babaeng mahal ko. Ayaw ko ng maging sunod-sunuran pa sa aking mga magulang. Gagawin ko kung ano ang makakapagpaligaya sa akin at hindi ako papayag na hahadlangan ako ng kung sinu-sino. Hindi pa huli ang lahat sa aming dalawa ni Arabella at magiging asawa ko siya sa lalong madaling panahon. Bubuo kami ng masayang pamilya na malayo sa mapanghusgang mata ng mga tao.




ARABELLA


"Next week na ba iyun?' tanong ko kay Carmela habang nakatunghay ito sa akin dito sa aming pool.


Nagsiswimming ako habang pinapanood niya ako at sinabayan na din namin ng pagku-kwentuhan.


Sinabi nito na debut na daw niya next week at sa sariling Beach resort sa Palawan nila gaganapin. Medyo malayo pero kami-kami lang naman daw ang bisita. Wala daw siyang balak na mag- invite ng ibang bisita liban lang sa aming pamilya.


"Yes, kaya hindi ako papayag na hindi kayo makakapunta. Kayo lang ang magiging bisita ko kaya sana huwag niyo akong biguin. Mabilis lang naman iyun sa inyo kung tutuusin dahil may chopper naman kayo. Mag-stay na din tayo doon kahit mga one week lang para sulit ang bakasyon." nakangiti nitong wika. Muli akong nagdive palayo dito habang nag-iisip. Kung tutuusin medyo malayo sa Manila ang Palawan at hindi ko alam kung ano ang nakain in Carmela at kung bakit doon niya gustong i-celebrate ang debut niya. Mas maigi kung dito na lang sana sa Manila para makarating pa ang ilan naming mga kaibigan. Pero dahil debut niya iyun sino ba naman ako para makialam.


Muli akong nagdive pabalik sa kanya. Ngiting ngiti ito habang nakatitig sa akin.


"Sa palagay mo kaya pupunta si Kuya Christian?" tanong nito sa akin. May masayang ngiti ang nakaguhit sa labi nito at halatang kinikilig habang binabanggit ang pangalan ni Kuya. Napataas ang kilay ko. Mukhang nag- uumpisa ng lumalandutay ang nag- iisang anak nila Tita Roxie at Tito Jonathan.


 "Not sure! Busy sa office iyun eh. Pero baka pupunta kung pipilitin mo." sagot ko. Natigilan ito. Muli kong nakita ang pag-aalinlangan sa mga mata nito pero nakangiti naman ng muling nagsalita.


"Nahihiya akong magsabi sa kanya eh. Baka sabihin niya makulit ako. Tsaka easy to get na babae." sagot nito. HIndi ko mapigilan na matawa. Ibang iba si Carmela kumpara sa akin noong 18th birthday ko. Ako kasi sinubukan kong pikutin si Kurt pero wala namang nangyari sa amin dahil wala naman talaga akong balak ibigay ang pagkababae ko noong gabing iyun. Iyun nga lang naging daan iyun para malaman ko kung ano ba talaga ang tunay kong pagkatao at nabigo akong ikasal kami dahil narealised kong mali na pilitin ang isang tao. Puro sakit lang ng kalooban ang nararanasan ko simula ng ginawa ko ang bagay na iyun. Doon nag-umpisa ang pagdurusa ko at naranasan kong gusto ko na lang mamatay para matakasan lahat ng problema. Pero thankful pa rin ako dahil kahit papaano nalagpasan ko lahat ang mga pagsubok na iyun.


Naging daan din iyun para mapatunayan ko sa aking sarili kung gaano ako katatag.


Palaging tumatawag sa akin si Kurt para humingi ng chance na makita ako at makausap ng personal ako pero ako na din mismo ang umayaw. Ayaw ko ng muli pang maranasan ang sakit na naranasan ko noon. Halos mamatay ako sa Amerika dahil sa matinding pangungulila sa kanya at ayaw ko balikan ang bagay na iyun. Isa pa ng nahihiya na ako kina Mommy Carissa at Daddy Gabriel. Alam kong pati sila nagiging apektado na sa mga nangyari sa akin kaya naman hanggat maari iiwasan ko na si Kurt dahil wala siyang magandang maidudulot sa akin. Puro kabiguan na lang ang nararanasan ko simula ng ginawa ko ang kunyaring pagpikot sa kanya.


"Uy tulala ka na naman diyan! Iniisip mo na naman siya noh?" malakas na wika ni Carmela sa akin sabay saboy ng tubig sa mukha ko. Nagulat naman akong napakurap at ng makabawi sinabuyan ko din siya ng tubig kaya naman napaatras ito habang nagrereklamo.


"Ano ba Bella! Mababasa ako! Wala akong dalang damit na pampalit!" Wika nito. Tumawa naman ako at hininto ang ginagawa ko kaya muling bumalik ito sa kanyang pwesto.


"Pero seryoso, bakit ba ayaw mo siyang bigyan ng chance. Malay mo naman magiging maayos na kayo this time. Balita ko lagi daw naglalasing si Kurt at hindi na niya inaasikaso ang negosyo ng pamilya niya. Alam mo bang muli lang siyang nagpakita noong nasa hospital ka na? Tumakas siya sa kasal nila ni Trina at walang nakakaalam kung saan siya nagpunta." madaldal na wika ni Carmela.


"Ayaw ko ng sumubok pa Carmela. Oo masarap umibig, pero masakit kung mabigo!" malungkot kong sagot.


"Eh bakit si Ate Miracle, successful agad ang love story nila ni Kuya Roldan at magkakaanak na agad sila." sagot nito. Natigilan naman ako.


"Iba naman iyung sa kanila. Mahal nila ang isat isa at walang humahadlang sa pag-iibigan nilang dalawa. Tanggap ng pamilya namin ang relasyon nila ganoon din kina Kuya Roldan kaya walang naging problema. Eh sa akin? Umpisa pa lang ayaw na sa akin ng pamilya ni Kurt at ayaw ko ng ipilit pa ang sarili ko sa kanila." sagot ko naman. Agad na napatango si Carmela at saglit itong nag-isip.


"Bella sa palagay mo kaya magiging boto din sa akin sila Tita at Tito kung sakaling kaming dalawa ni Christian ang magkakatuluyan?" seryoso nitong tanong habang nangingislap ang mata sa tuwa. Muli akong natawa.


"Bakit kaya mo na bang bumuo ng pamilya? Naku! Mahirap iyang tumatakbo sa isip mo! Baka mamaya maaga ka din mabigo katulad ko. Ienjoy mo na lang muna ang buhay dalaga total nag-iisang anak ka lang naman. Isa pa bata ka pa at huwag mo munang isipin ang tungkol sa pag-ibig pag-ibig na iyan. Masakit mabigo, tandaan mo iyan!" sagot ko dito. Natigilan ito tsaka umiling.


"Ayaw kong maghintay kung kailan mapapansin ni Kuya Christian ang beauty ko. Narinig ko kay Daddy marami daw aali-aligid sa kanya na mga babae. Karamihan mga anak ng business partners at ang iba naman ay mga models na walang magawa kundi magpa-cute sa kanya. Baka kapag tutulog-tulog ako mabalitaan ko na lang na nabingwit na pala siya ng iba." malungkot nitong sagot tsaka tumingin sa malayo. Napailing naman ako. Alam kong noon pa man crush niya na talaga si Kuya Christian pero hindi naman kasi siya pinapansin nito. Little sister tulad ko ang tingin sa kanya ni Kuya kasi anak ito ng Best friend nila Mommy at Daddy na sila Tita Roxie at Tito Jonathan.


"Hay naku! Masyado mong pinuproblema ang bagay na iyan! Nasa sa iyo na ang lahat Carmela at huwag ka ng maghangad pa ng higit pa. Normal lang na may aali-aligid kay Kuya kasi gwapo siya, mayaman at anak ng isang kilalang tao dito sa Pilipinas.


"Iyan nga ang ikinakainis ko Bella. Kung bakit naman kasi late na akong ipinanganak ni Mommy. Pwede naman na ipinanganak niya ako kasabay nila Ate Miracle at Kuya Christian para hindi magkakalayo ang edad namin. Iyan tuloy little sister lang ang turing sa akin ni Christian ngayun. Mahal ko na siya eh at ayaw kong mapunta siya sa iba." nagmamaktol nitong sagot. Natigilan ako. Paktay na!


"So ano ngayun ang gagawin mo? Bubukaka ka sa harap ni Kuya para mapansin ka? Sasabihin mo...... 'Look Kuya, dalaga na ako, pwede niyo na po akong mahalin..' ganern?" nang-aasar kong wika dito. Sumimangot ito.


"Hindi ko nga alam kong paanong first move ang gagawin ko na hindi ako makukurot sa singit ni Mommy eh. Bella, diba expert ka naman sa ganitong bagay? Tulungan mo naman ako na mapansin ng Kuya mo...Please!.... Please!?" nagmamakaawa nitong wika.


"Hayyy naku! Hind ako expert pagdating dyan. Kita mo ngang 'BIGO'


din ako pagdating sa pag-ibig! Kaya tigilan mo na iyan. Focus ka na lang muna sa ibang bagay at huwag kay Kuya Christian para hindi ka maagang masaktan." sagot ko dito tsaka muling lumangoy palayo sa kanya.


Malungkot naman itong nakatanaw sa akin. Hindi ko na lang pinansin at inenjoy ko na lang ang sarili ko sa pagbabad ng katawan ko sa masarap na tubig ng swimming pool. Kung maibabalik ko nga lang ang panahon, hindi ko na talaga gagawin ang ginawa ko kay Kurt noong 18th birthday ko. Ayan tuloy hanggang ngayun nagiging miserable ang buhay ko.


"Agad akong bumalik ng kwarto pagkatapos kong maligo. Umalis na din naman kaagad si Carmela dahil biglang tinawagan ito ni Tita Roxie. Napagalitan pa nga dahil ang aga- agang gumala.


Pagkapasok ko ng kwarto agad kong narinig na tumutunog ang cellphone ko. Wala sa sariling agad ko itong sinagot ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.


"Hello!"Sagot ko


"Sa wakas sumagot ka rin!" wika ng nasa kabilang linya. Natigilan ako.


"Ku-kurt?' gulat kong wika.


"Salamat sumagot ka din mahal ko!" wika nito. Kumunot ang noo ng marinig ko ang tono ng boses nito. Para kasing lasing? Dumako ang tingin ko sa orasan na nasa aking bedside table. Alas -diyes pa lang ng umaga at lasing na si Kurt?


"Lasing ka?" hindi ko napigilan na itanong. Tumawa lang ito na siyang labis kong ipinagtaka.


"Naka-inom lang! Hi-hindi lasing!" sagot nito. Kumunot ang noo ko at muling dumako ang tinigin ko sa orasan.


"May kailangan ka ba? May gagawin pa ako Kurt at wala akong panahon para makipag-usap sa iyo!" seryoso kong sagot dito.


"Bella..wala na ba talagang pag- asa na kausapin mo ako?' wika nito. Hindi ako nakaimik.


"Miss na miss na kita at patawarin mo na ako sa pagkakamali ko!" wika nito.


"Pupunta ako diyan sa inyo harapin mo ako dahil miss na miss na kita!!!" wika nito. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata.


"Itulog mo na lang iyan Kurt! Lasing ka at ayaw kong makipag-usap sa taong lasing!" sagot ko.


"Hindi ako lasing! Nakainom lang. Ayaw mo kasi akong kausapin ehhhh!" wika nito. Pagkatapos ay narinig ko ang malakas na kalabog sa kabilang linya at naputol ang tawag nito. Hindi ko mapigilan ang maiyak dahil sa pag-aalala.


Tinawagan ko si Kuya para makisuyo na icheck nito si Kurt! Nag-alala ako dahil sa kalabog na narinig ko at biglang pagkaputol ng tawag niya.


Agad naman sinabi ni Kuya Christian na siya na daw ang bahala na tumawag sa bahay ng mga magulang ni Kurt para makibalita kung ano ang nangyari sa kanya. Nabanggit ko din kasi kay Kuya na lasing si Kurt gayung alas- diyes pa lang ng umaga.


After lunch, tumawag sa akin si Kuya Christian. Nasa hospital daw si Kurt dahil bigla na lang daw itong natumba sa matinding kalasingan habang may kausap sa cellphone. Agad naman akong nataranta at nagtanong kung kumusta ang kanyang kalagayan.


"Gusto mo ba siyang dalawin?" tanong nito. Natigilan ako.


"Kung gusto mo siyang dalawin dadaanan kita ngayun diyan sa mansion. Nangako ako kay Tita Amara na dadalaw ako kay Kurt. Pwede kitang isabay para kahit papaano makita mo ang kalagayan nya." muli nitong wika. Sandali akong nag-isip bago sumagot.


"Sige Kuya...." maiksi kung sagot sa kanya. Agad naman nitong sinabi na mag-ready na ako at darating na siya.


Pagkadating ng hospital ay agad na kaming dumiritso sa private room ni Kurt. Naabutan namin si Tita Amara na binabantayan ang anak niya. Bumati ako sa kanya at sinulyapan ko ang nakahigang si Kurt sa hospital bed. Nagulat pa ako sa hitsura nito. Ibang Kurt ang nakikita ko. Wala na ang dating hitsura ni Kurt! May mga nakita akong tumutubong balbas sa kanyang mukha at medyo mahaba na din ang buhok nito. Simula ng nakalabas ako ng hospital tatlong buwan ang nakaraan ay hindi ko na ulit ito nakita pa. Ilang beses nitong tinangka na bumisita ng mansion pero hindi ko ito hinaharap. Nakaramdam ako ng awa sa nakikita kong hitsura ni Kurt ngayun. Halatang napapabayaan nito ang kanyang sarili,


"Pinagbawalan na siya ng Doctor na uminom ng kahit na anong klaseng alak. Masyado ng mataas ang alcohol level sa kanyang katawan at maaring masira na ang kanyang mga internal organs dahil dito. Hindi ko alam kung paano pipigilan si Kurt sa pag-inom niya. Matigas ang ulo niya at parang gusto niyang wakasan ang buhay niya sa pamamagitan ng pag-inom ng alak. naiiyak na wika ni Tita Amara. Hindi ako nakaimik.


"Nakikiusap ako sa iyo Arabella. Hayaan mong mahalin ka ng anak ko! Ayaw ko siyang tuluyang mawala sa amin kaya tulungan mo kaming makarecover siya." umiiyak na wika nito sa akin sabay hawak sa aking kamay. Nagulat naman ako sa kanyang sinabi. Noon kasi parang nandidiri ito sa akin dahil anak ako ng isang Ara Perez at isa akong fake na Villarama, ngayun ay iiyak-iyak siya sa akin para tulungan ko na makarecover ang anak niya? Ano ito...ganoon lang kadali ang lahat? Pagkatapos niyang hadlangan ang kung anong namumuong relasyon namin ng anak niya magmamakaawa siya sa akin na parang walang nangyari? Na parang wala siyang nagawang kasalanan? Ipinilig ko ang aking ulo at muling sinulyapan ang wala pa ring malay na si Kurt. Pagkatapos ay umiling ako.


"Im sorry Tita! Buo na po ang desisyon ko. Ayaw ko na ulit magkaroon pa ng ugnayan sa kanya. Tama na ang isang beses na pareho kaming nasaktan. Gusto ko munang tuparin ang ipinangako ko sa aking sarili na makatapos sa pag-aaral. kahit man lang sa ganoon ay may maipagmamalaki man lang ako sa sarili ko." sagot ko dito. Nakita ko ang panlulumo sa mata nito dahil sa aking sinabi.


"Hindi kita mapipilit kong ano ang gusto mo Bella. Pero sana man lang kausapin mo siya pagising niya.


Sabihin mo sa kanya kung ano ang gusto mo. Ipa-realized mo sa kanya na mali ang kanyang ginagawa sa sarili niya. Please Bella... Ikaw na lang ang pag -asa namin para manumbalik siya sa dati. Ikaw lang ang hinihintay niya para muling lumaban sa buhay. Tatanawin kong malaking utang na loob sa iyo ito. kapag matulungan mo kami sa problema namin kay Kurt! Miss na miss ko na ang anak ko! Miss na miss ko na ang dating Kurt!!" lumuluha nitong wika. Pinigilan ko naman ang aking sarili na maiyak.


"Sige po...hihintayin ko siyang magising para makausap. Pero ito na po ang last na pakikipag-usap ko sa kanya Tita. Nasa kanya na kung makikinig siya sa akin." sagot ko. Agad naman na napangiti si Tita Amara. Pagkatapos ay kinausap nito si Kuya Christian. Nakakaunawa naman na tumango si Kuya Christian at sinabi nito na ipapasundo niya na lang ako sa driver dahil kailangan niya pang bumalik ng opisina. Nagpaalam naman si Tita Amara na lalabas muna sandali. Tumango naman ako. Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang natutulog na si Kurt.


Masakit sa akin ang nakikita siyang ganito. Pero kailangan ko munang hanapin ang sarili ko. Tama si Ate Miracle sa minsan niyang nasabi sa akin. Kailangan ko munang ang sarili ko bago ang iba.


Agad akong napatayo ng kumilos si Kurt. Nakita ko ang dahan-dahan na pagdilat nito kaya naman agad akong lumapit sa kanyang higaan. Nakita ko ang tuwa sa kanyang mga mata ng makita niya ang presensya ko dito sa loob ng silid.


"Arabella? Nandito ka?" masayang tanong nito. Pagkatapos ay pinilit nitong makabangon kaya naman agad ko itong hinawakan para alalayan. Iniyapos naman nito ang kanyang braso sa baywang ko kaya agad akong dumistansya ng makita ko na maayos na siyang nakasandal sa kanyang higaan. Pagkatapos ay tumikhim ako upang matanggal ang kung ano mang bara sa aking lalamunan.


"Kumusta ka na Kurt? Balita ko wala ka daw ginawa sa buhay mo kung hindi maglasing...." direktang wika ko dito. Nakita ko ang pagguhit ng tipid na ngiti sa labi nito. Pagkatapos ay tinitigan ako nito.


"Wala ng halaga ang buhay ko kung wala ka Bella. Alam mong gaano kita kamahal pero bakit mo ako iniiwasan? Bakit ayaw mo akong kausapin?" puno ng pagdaramdam ang boses nito habang sinasabi ang katagang iyun. Natigilan ako.


"Alam mo bang halos mabaliw ako araw-araw sa kakaisip sa iyo? Bakit ba napakatigas ng puso mo? Hindi mo na ba ako mahal? Wala na ba talaga akong pag-asa sa iyo?" naiiyak nitong tanong sa akin. Para namang kinukurot ang puso ko sa mga nakita ko sa kanya ngayun. Pero kailangan kong tikisin ang nararamdaman ko sa kanya. Naka- moved on na ako......kaya???


"Im sorry Kurt! Kung talagang mahal mo ako, kalimutan mo na ako. Huwag mo naman sanang iparamdam sa akin na ako ang dahilan kaya ka nagkakaganyan! Ayusin mo muna ang buhay mo kung talagang mahal mo ako! Huwag na natin ipilit pa ang ating mga sarili sa isat isa dahil umpisa pa lang may mga tao ng tumututol sa relasyon natin. Hindi din tayo magiging masaya Kurt! Maghanap ka ng ibang babae na mas bagay sa iyo! Huwag ako! Huwag ako Kurt dahil hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal mo na iyan....kaya please tigilan mo na ang kakahabol sa akin! Maawa ka!" hindi ko na mapigilan pang umiyak habang sinasabi ko ang katagang iyun.


"Hindi mo na ba ako kayang ipaglaban pa Bella? Wala ka na ba talagang pakialam sa nararamdaman ko sa iyo? Ano ba ang dapat kung gawin para muli ka ng bumalik sa akin? Sa iyo ko lang naramdaman ang ganitong klaseng pag-ibig sa isang babae. .pero bakit napakahirap mo ng abutin ngayun? Bakit mo ako pinapahirapan?" umiiyak na wika nito. Napahagulhol naman ako.


"Im sorry! Mag-moved on ka na Kurt! Ayusin mo ang buhay mo ng hindi mo ako kasama! Ibalik mo ang dating ikaw! Kailangan ka ng Mommy at Daddy mo kaya ibalik mo ang dating Ikaw! Sana, sa muli nating pagkikita, ibang Kurt na ang masisilayan ko...." umiiyak na wika ko dito tsaka ito tuluyang iniwan. Nakasalubong ko naman si Tita Amara sa hallway ng hospital. Nagtatanong ang mga matang tumitig ito sa akin pero hindi ko na siya pinansin. Tuloy-tuloy akong naglakad palabas ng hospital.




Chapter 121


ROLDAN POV


"No!" Ayaw ko...bahala ka diyan. Maghintay ka hanggang sa makapanganak ako!" sagot ni Miracle sa akin habang nandito kami sa loob ng kwarto. Nakaready na kaming matulog at ng mapansin nito naglulumikot na ang kamay ko ay inawat niya ako.


"Sweetie naman. Hindi na nga natuloy ang lovemaking natin noong nakaraan dahil bigla kang umalis tapos ayaw mo pa  rin akong pagbigyan ngayun?" paglalambing ko dito kahit na ang kalooban ko ay nagmamaktol na. Tinitigan muna ako nito.


"Ayaw ko nga muna. Baka mamaya matamaan mo ang ulo ng babies natin. Maghintay ka hanggang sa makapanganak ako." sagot nito sa akin sabay higa, Natigilan naman ako sa narinig ko. Pagkatapos pang manganak? Kailan pa? Eh tatlong buwan pa ang hihintayin ko dahil six months pa lang ang tiyan nito. At ano ang sinasabi nitong matamaan ang baby?


"Sweetie dont worry dahan-dahanin ko lang. Tinanong ko ang Doctor mo sabi niya safe pa naman daw kahit mag love making tayo. Hindi iyun hadlang kahit buntis ka." pagmamaktol kong sagot dito. Muli itong bumangon at tinitigan ako sa masama.


"Ayaw ko nga! BAkit ba ang kulit mo? Para din ito sa mga babies natin kasi concern lang ako sa kanila. Baka mamaya matamaan mo ang ulo nila at masaktan pa sila sa sinapupunan ko! Tiisin mo na lang muna! Bumawi ka na lang kapag makapanganak na ako!" sagot nito sa akin. Napakamot naman ako sa aking ulo. Hindi talaga pwedeng pilitin ito dahil baka magalit na naman. Ano ba naman ito. Pati sa pakikipag-sex bawal na? Naku! Naku! Naku! Hindi ko na talaga ulit ito bubuntisin. Hindi pa nga kami nakakapag-explore sa kama umaayaw agad. Kung bakit naman kasi hindi ako naghihinay-hinay. Ayan tuloy buntis agad at gusto pang huwag muna kaming magtalik dahil takot matamaan ang ulo ni baby? May ganoon ba? Wala na akong magawa kundi padabog akong naupo sa tabi nito. Nagulat pa ako ng bigla nitong hawakan ang buhok ko at hinila. Napaaray naman ako sa sakit.


"Ikaw ha! Ikaw ha! Huwag mo nga akong pagdabugan! Ikaw kaya ang magbuntis ng kambal? Ang bigat na nga ng tiyan ko tapos dinadaan mo pa ako sa libog mo! Umayos ka Roldan ha? Huwag mo ulit ako galitin!" asik nito sa akin. Mukhang mag-uumpisa na namang bumuga ng apoy ang dragon kaya naman pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Takot ko lang na mag-alburuto na naman ito. Baka mamaya sa labas ako ng kwarto nito pupulutin kapag ipilit ko pa ang gusto ko. Siguro nga babawi na lang ako pagkatapos nitong manganak.


Pilit akong ngumiti dito tsaka nilambing. Pagkatapos ay muli ko itong inalalayan na humiga na ng kama. Malaki na talaga ang tiyan nito at maaring mahirap na din talaga dito ang makipaglove making. Kambal ang anak namin na nasa kanyang sinapupunan kaya dapat intindihan ko na lang siya. Tsaka na nga lang kapag makapanganak na. Sisiguraduhin ko na ihi lang ang pahinga kapag dumating na ang araw na iyun.


"Ok fine...sorry na! Hindi na ako mangungulit! huwag ka ng magalit sa akin..Love na love kasi kita eh kaya pasensiya ka na kung makulit ako minsan." Nakangiti kong sagot dito. Matamis naman ako nitong nginitian at niyakap.


Mabait naman talaga itong asawa ko kung walang tupak. Sweet din at alam kong mahal na mahal niya ako. Ngayung buntis ito sa anak namin dapat talaga intindihin ko ito dahil alam ko kung gaano kahirap ang kanyang sitwasyon.


Maraming gabi ang dumaan na kontento lang kaming magkayakap habang natutulog. Masayang gumigising sa umaga at kakain ng almusal. Personal kong inaasikaso ang lahat ng kanyang pangangailangan sa abot ng aking makakaya. Sila Mommy at Daddy naman ay todo suporta. Parehong excited na sa paglabas ng kanilang apo. Nakaready na din ang nursery room ng kambal.


"Gusto kong bumisita sa mansion Roldan..." wika sa akin ni Miracle pagkatapos namin kumain ng agahan.


Sa susunod na araw ay pupunta ang Villarama Family ng Palawan para i- celebrate ang birthday ng anak nila Roxie at Jonathan na si Carmela. Hindi kami makakasama dahil sa kalagayan ni Miracle ngayun. Mahirap na sa kanya ang bumiyahe at ayaw ko naman ipagsapalaran ang kaligtasan ng aking mag-ina.


"Sure....mga anong oras mo gustong pumunta?" malambing kong sagot dito.


"After kong maligo. Kaya lang tulungan mo akong maligo ha? Nahihirapan na kasi akong magsabon ng katawan ko eh kaya wala talaga akong choice kundi magpatulong sa iyo.sagot nito sa akin. Excited naman akong tumango na siyang hindi nakaligtas sa mga mata ng asawa ko. Nginisihan ako nito pagkatapos ay niyaya na ako sa banyo.


"Napalunok na ako ng aking laway ng tumampad sa mga mata ko ang hubad na katawan ng asawa ko. Kahit malaki ang tiyan ang ganda niya pa rin. Agad ko itong inalalayan na pumunta ng shower. Napapalunok pa ako ng laway habang inuumpisahan ko itong sabunin. Ano ba namang parusa ito ng langit! Matagal-tagal pang pagtitiis ang gagawin ko kaya sana naman

dumating na ang araw na iyun.


"Anong nangyari sa iyo? Bakit para kang balisa diyan?" agad na tanong nito sa akin ng mapansin niyang tulala akong nakatitig sa hubad niyang katawan. Nadagdagan ang sukat ng soso nito at parang napakasarap sipsipin ang nipple. Tumikhim pa ako para tanggalin ang kung ano mang parang bumara sa akin lalamunan.


"Wa wala Sweetie! Ayos lang ako...! sagot ko dito sabay kuha ng shampoo. Hindi naman na din ito umimik.


Pagkatapos kong ma shampoo ang buhok nito ay inumpisan ko ulit sabunin ang katawan nito. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang ginagawa ang bagay na iyun. Nagulat pa ako ng bigla nitong hawakan ang kamay ko na may hawak ng sabon at tinitigan ako sa mga mata. Pagkatapos ay ibinaba ang tingin nito sa bumubukol ko ng junjun.


"Hay ang libog mo talaga!" wika nito sa akin sabay hinawakan ang suot kong boxer short. Lalong nag-init ang buo kong katawan ng unti-unti nitong ibinaba ang boxer short ko at iniluwa ang tayong tayo kong junjun.


"Kawawa naman pala ang junjun mo Roldan. Kaya pala parang pusa kang hindi makapanganak eh. " parang natatawa pa nitong wika sa akin. Agad ko naman itong binanlawan. Hindi ko na talaga kaya pang magtimpi. Pakiramdam ko sasabog na ang buo kong katawan dahil sa nararamdaman libog para sa asawa ko. Hinahawakan pa nito ang junjun ko habang abala ako sa pagbabanlaw ng katawan nito kaya lalo akong nag-init.


"Sweetie! Hindi ko na kaya!"


Wika ko dito at agad na inangkin ang kanyang labi. Hindi naman ito nagprotesta bagkos ay iniyakap pa nito ang kanyang braso sa leeg ko. Hudyat iyun para lalong magliyab ang pananasa sa buo kong pagkatao. Pwede pa ito. Matagal pang manganak si Miracle at ayun sa Doctor nito walang problema kahit na mag love making kami.


Agad ko itong binuhat palabas ng banyo habang hindi naghihiwalay ang aming labi. Alam kong nadarang na din si Miracle sa init na nararamdaman ko dahil wala ng ano mang pagtutol ang lumalabas sa bibig ko. Bagkos namumungay ang mga mata nitong nakatitig sa akin habang dahan dahan ko siyang inihihiga sa aming kama.


Humiga ako sa tabi nito. Hindi ko ito pwedeng daganan dahil baka masaktan ang baby namin at masaktan ito. Nagresearch na ako tungkol sa safe na pakikipagtalik kung buntis ang asawa kaya naman alam kong hindi masasaktan si Miracle sa gagawin ko dito ngayun.


Muli kong hinalikan ang buo nitong katawan. Napungol naman ito kaya naman lalo akong ginanahan. Pagkatapos ay iniangat ko ang binti nito at dahan-dahan ko ng ipinasok ang sabik na sabik kong junjun sa kanyang pagkababae. Pareho kaming napaungol.


"Thank you Sweetie and I love you!" sabe ko dito habang buong ingat naglabas pasok ang aking junjun sa kanyang pagkababae. Tsaka na ang hard sex kapag tapos na itong manganak. Ayos na ito at least makakaraos din.


Hindi naman nagtagal ay pareho na din kaming nilabasan. Masayang ngiti sa labi ko ang nakaukit habang tinutulungan itong magbihis. Alam kong masaya din ito sa nangyari sa amin.


Nagpahinga lang kami sandali at agad na kaming bumyahe papunta ng mansion. Linggo ngayun at kompleto ang buong Villarama family. Naabutan pa namin na masayang naliligo sila Arabella at Carmela sa pool. Agad naman kumaway ang mga ito sa amin ng makita ang aming pagdating. Kumaway pabalik si Miracle at diretso na kaming pumasok sa loob ng living room. Masaya naman kaming sinalubong nila Carissa at Gabriel. Naluluha pang hinaplos ni Carissa ang


Malaking tiyan ni Miracle. Bakas naman ang tuwa sa mga mata ni Gabriel habang tinititigan ang anak.


"Grabe ka Bestie! Unang anak, kambal agad! Mapapasana-all na lang talaga kami ni Jonathan sa iyo!"wika ni Roxie. Nandito din pala ang mga ito. Alam ko na gusto pa ni Roxie ang magbuntis ulit pero mukhang hindi nabibiyayaan.

"Pasensiya ka na Ninang Roxie, hindi na ako makakasama sa inyo sa Palawan para umattend sa celebration ng birthday ni Carmela. Medyo mahirap na po kasi sa akin ang bumyahe ng malayo." hinging paumanhin ni Miracle sa Ninang Roxie nito pagkatapos namin maupo sa sofa. Nakakaunawa naman na napangiti si Roxie.


"Ayos lang naman iyun Mira. Alam ko kung gaano kahirap magbuntis kaya exempted ka na muna sa gatherings ng pamilya."Nakangiti nitong sagot.


"May idea na ba kayo sa gender ng kambal Mira?" tanong naman ni Carissa kay Miracle.


opo Mom. Wala kaming plano na "alamin ang gender nila. Hihintayin na lang namin ang kanilang paglabas. Isa pa parang may gusto yatang gawing pakulo si Roldan sa kung sino ang makakahula ng tama sa gender ng baby namin makakatanggap ng regalo." masayang anunsiyo ni Miracle. Agad naman napa-wow si Roxie.


"Talaga! Ikaw na talaga Roldan! At ano naman ang premyo?" Excited na tanong ni Roxie. Kapag ganitong prizes ang usapan wala itong pinapalagpas na kahit kaunting detalye. Akala mo naman hindi naibibigay ng asawa niya lahat ng luho niya. Eh alam ko naman kung anong klaseng pag-aasekaso ang ginagawa ni Jonathan dito. Lahat ng gusto nito ay ibinibigay naman.


"Well, ano ba ang gusto niyo?" tanong


ko. Agad na nag-isip si Roxie. "Ano ba ang maioffer mo?' excited na


tanong nito.


"Hmmm, well kayo na ang mag-isip kung ano ang gusto niyong regalo.


Kayo naman ang gagamit kung sakali. Basta ang importante mahulaan niyo ang tamang gender ng kambal." sagot ko.


"Ok fine....kung sakaling ako mananalo ayos na sa akin ang Rolex watch! Total mayaman ka naman. Bawas-bawasan mo ang kayamanan ng pamilya mo na ikaw lang din naman ang magmamana!. Ako ang mamimili ng design ha? I dont know sa iba...mas maiging pag-usapan natin ito ng maayos." excited na wika ni Roxie. Natawa naman si Miracle at Mommy.


"Kahit ilan ang makakahula ng tama sa family Villarama at Family mo Roxie


may Rolex watch sa akin." sagot ko naman. Gulat naman na napatitig sa akin ang lahat pati na din si Miracle.


"Wala ng bawian ha? Teka lang tatawagan ko ang lawyer ko...kailangan may contract tayo para wala kang ligtas Roldan!" birong wika ni Roxie. Nagkatawanan naman kaming lahat. Pagkatapos ay niyaya na kami ni Carissa na kumain na muna.


"Grabe ka naman Bestie kung makademand ng rolex watch! Huhulaan lang ang gender ng mga babies Rolex watch agad ang kapalit?" natatawang wika ni Carissa. Nag peace sign naman si Roxie sabay tawa.




Chapter 122


KURT POV


Abala ako dito sa opisina. Pagkatapos ng kumprontasyon namin ni Arabella sa hospital ay naisip ko na hindi dapat ako magmukmok at patayin ang sarili sa alak. Hindi pa katapusan ng mundo at may paraan pa para mapasaakin ito. Sa ngayun kailangan ko munang magpalamig at hayaan ito. Nasa Villarama mansion lang naman ito palagi dahil nagpapagaling pa ng tuluyan.


"Muli kong pinamahalaan ang negosyo ng aming pamilya. Balik din naman sa dati ang pagkakaibigan namin ni Christian. Si Trina naman ay hindi na muli pang nakalaya. Alam kong mahaba -habang panahon niyang pagdusahan lahat ng kasalanan na kanyang nagawa. Balita ko din na kasabay ng pagkakulong ni Trina ay ang pagkalugi ng negosyo ng kanilang pamilya. Alam kong may kinalaman ang mga nangyaring gulo kaya biglang bumagsak ang kanilang kabuhayan na kahit sariling abogado ni Trina ay hindi na nila kayang bayaran.


Sa ngayun aayusin ko muna ang sarili ko. Ibabalik ko muna ang dating ako.


Alam kong malaki ang ipinayat ng katawan ko dahil sa pagpapabaya ko sa aking sarili kaya naman itutuon ko muna ang buong oras ko sa negosyo. habang tuluyang ibinabalik sa dati ang aking kalusugan.


"Sigurado ka bang hindi ka sasama sa amin sa Palawan?" tanong sa akin ni Adrian. Dadalo sila sa birthday ni Carmela kahit hindi sila invited. Mahilig ang mga ito sa adventure at walang pinapalagpas na sandali kapag may free foods and vacations. Akala mo naman naghihikahos sa buhay eh ang yayaman naman ng pamilya.


"Kayo na lang muna Adrian. Nag- uumpisa pa lang akong bumabawi kina Mommy at Daddy. Alam nyo naman na medyo matagal akong nawala sa kompanya at ang daming trabaho na dapat tapusin." sagot ko.


"Sayang naman! Sasama pa naman si Arabella. Pagkakataon mo na sana ito para muli mo siyang pormahan." sagot nito. Pilit naman akong tumawa.


"Magpapalamig na muna ako Adrian... sa ngayun kailangan ko munang magfocus sa negosyo namin." sagot ko.


"Ibig sabihin sumusuko ka na sa panliligaw sa kanya? Maghahanap ka na ng iba?" tanong nito. Natigilan ako. Pagkatapos ay gumuhit ang ngiti sa labi ko. Tinitigan ko ang larawan ni Arabella sa harap ko na sinadya ko talagang ilagay bago ako nag- umpisang pamahalaan ulit ang aming negosyo.


"No Adrian. Nag-iipon pa lang ako ng lakas sa ngayun. Alam mo namang galing ako sa sakit. Hahayaan ko na lang muna si Arabella na maging masaya kasama ang pamilya niya. Hindi ko siya isusuko kahit kanino Adrian." sagot ko. Natigilan naman ito.


"Grabe talaga ang pag-ibig na nararamdaman mo sa kanya. Ilang beses ka ng itinaboy pero nandyan ka pa din. Sige kung hindi na kita mapipilit na sumama nasa sa iyo na iyan. Pero huwag sumama ang loob mo kung makita mong nag-eenjoy kami sa resort." tumatawa nitong sagot bago nagpaalam.


Muli naman akong napatitig sa larawan na nasa harap ko.


"Ayos lang Bella. Magiging masaya ka ngayun! Hindi muna kita kukulitin. Pero hindi ako papayag na hindi ka mapupunta sa mga kamay ko. Walang sino mang lalaki ang pwedeng magmay -ari sa iyo! Walang sino mang lalaki ang pwedeng lalapit sa iyo kahit kailan. Ako lang...akin ka lang at hindi ako papayag na habang buhay mo akong babaliwalain. Sa ngayun, sulitin mo ang oras na kasama ang pamilya mo.... dahil baka darating ang araw na matagal-tagal ka nilang makitang muli. Kung hindi mo na ako mahal ngayun, kung wala na talaga akong halaga sa iyo...pipilitin kitang mahalin ulit ako sa ayaw at gusto mo. Maghintay ka lang Bella...hintayin mo ang pagbabalik ko sa buhay mo!!!" nangingiti kong bulong habang hinaplos ko ang mukha nito sa larawan. Pagkatapos ay muli kong itinoon ang attention ko sa trabaho.






ARABELLA POV


"haayy ang gwapo talaga ni Christian!" narinig kong buntong hininga ni Carmela habang nakaupo kami sa cottage. Balak sana namin maligo pero dahil masakit sa balat ang sikat ng araw ay hindi na namin itinuloy. Hihintayin na lang namin na medyo mawala ang init ng araw bago magtampisaw sa dagat.


Nandito na kami sa Palawan. Maaga kaming nakarating sa lugar na ito kaya naman excited kaming naglibot sa buong paligid. Kita mula sa aming kinaroroonan sila Kuya Christian, Ate Jessica at Adrian. Masayang nagkukuwentuhan ang mga ito habang umiinom ng buko juice.


Siniko ko naman si Carmela. Nangangarap na naman ng gising habang hindi inaalis ang pagkakatitig kay Kuya Christian. Habang tumatagal nagiging lukaret na ito dahil sa matinding pagkagusto kay Kuya. Kung bakit naman kasi sa daming lalaki kay Kuya pa talaga nagkagusto. Eh malabo siyang mapansin nito dahil nakatuon ang buong attention nito sa negosyo ng aming pamilya. Lalo na ngayun at wala na itong aasahan pa na tumulong sa kanya. Nag-asawa na si Ate Miracle at hindi na iyun papayagan pa ni Kuya Roldan na magtrabaho.


"Ano ba Bella. Panira ka naman eh. Nagko-concentrate ako dito!" reklamo nito sa akin ng maramdaman nito ang pagsiko ko.


"Tigilan mo na nga iyan Carmela. Masyado ka ng halata ha? Pinagnanasaan mo na yata si Kuya Christian eh." sagot ko dito.


"Ang yummy niya talaga! Grabe!" parang wala sa sarili nitong sagot.


Napapiling naman ako na itinoon ang


attention sa magagandang tanawin sa paligid.


Ito ang pangarap kong buhay. Malayo sa lahat! Kailangan talagang magtapos ako ng pag-aaral para makabili ako ng ganito. Wala na akong hangad sa ngayun kundi makalayo sa ingay ng siyudad.


Kumusta na kaya si Kurt? Medyo matagal na din akong walang balita sa kanya. Siguro naka-moved on na ito. Baka nga nakipag date na ito ngayun sa ibang babae kaya hindi nakasama sa grupo nila Kuya Christian.


HaY, napakiharap talaga ng sitwasyon ko! Hindi na talaga ako muli pang iibig. Tama na sigurong tatanda akong dalaga. Paano kaya kung papasok na lang ako sa kumbento? Magmamadre na lang kaya ako para malapit sa Diyos at makakaiwas na ako sa lahat ng kamalasan sa buhay?


"Uy ano ba?Tulala ka naman diyan! Dalawa na nga lang tayo, sobrang tahimik mo pa! Saan ka na naman nakarating? Nililipad na naman ba ang utak mo papunta kay Kurt?" natauhan ako ng kalabitin akO ni Carmela. Gulat na gulat ko naman itong tinitigan.


"Sabi ko, masakit ba talaga makipag- sex kapag first time pa?" bulgar nitong tanong. Nanlaki ang aking mga mata at hindi ko alam kung iiling ba ako o tatango. Malay ko ba! Hindi pa naman ako nakipag sex at wala akong balak subukan.


"Malay ko! Bakit mo naitanong?" nagtataka kong sagot dito. Tinitigan naman niya ako.


"Hindi nga? Hindi mo alam? Imposible! Bakit hindi pa ba kayo nagsex ni Kurt?" diretsAhan nitong tanong. Agad ko naman natampal ang noo nito. Tumawa lang ito.


"Bastos ng bunganga mo! Ano ang palagay mo sa akin wasak na? Uy virgin pa ako noh?" sagot ko dito.


"Hindi nga? Sure ka? Hindi ba at nasolo mo na si Kurt sa cottage noong 18th birthday mo? Ano lang ang ginawa niyo? Nag jack n poy?" nakangisi nitong tanong.


"Walang nangyari sa amin noh? Natulog lang kami." sagot ko. Hindi naman ito makapaniwalang tumitig sa akin.


"Ganern? Hindi mo pa naisuko ang bataan kay Kurt?" diskumpyado nitong tanong. Agad akong umiling.


"Bakit ba seryoso ka ngayun sa sex? Ano bang nakain mo?" tanong ko dito.


"Hmmm wala lang. Narinig ko kasi sa mga liberated natin na ka-classmates dati na masakit daw ang first time sex. Hindi daw halos makakalakad at pakiramdam may tits pa rin na nakasalpak kahit wala naman." sagot nito. Hindi ko naman mapigilan ang matawa. Ganoon ba iyun? Hindi ko alam! Matanong nga si Ate Miracle.


"Bakit mo ba nabanggit sa akin ang bagay n iyan? Huwag mong sabihin na may kapilyahan na naman ang tumatakbo sa isip mo! Carmela ha? Maghunos dili ka. Hindi biro iyang tumatakbo sa isip mo! Huwag na huwag mong isuko ang virginity mo sa taong hindi ka naman sigurado na may gusto sa iyo!" seryoso kong wika dito. Tinitigan ko pa ang mga mata nito pero kumurap lang ito at iniwas ang tingin sa akin. Nagdududa naman akong napapailing na lang ako.


"Balak kong akitin si Christian! Bahala na!" diritsahan nitong sagot. Nanlaki ang mga mata ko.


"Ano? Nagbibiro ka ba? Umayos ka nga Carmela," sagot ko.


"Mukha ba akong nagbibiro? Aakitin ko siya at ibibigay ko sa kanya ang kaya kong ibigay....at least sinubukan ko diba? Kung hindi man ako magtagumpay eh di iiyak na lang ako


sa isang tabi. At least nagawa ko ang gusto ko." seryoso nitong sagot.


"Kaya ba mas pinili mong dito na lang icelebrate ang debut mo? Iyang nasa isip mo ba ang dahilan?" seryoso kong tanong. Tumingin muna ito sa malayo bago tumango. Hindi ko alam pero kinabahan ako para kay Carmela. Alam kong hindi ko mapapabago ang kung ano man ang tumatakbo sa isip nito ngayun. pero wala naman akong naisip na paraan para pigilan ito.


"hay naku! Ewan ko sa iyo...tigilan mo na nga iyan. Kapag marinig ka ni Tita Roxie, lagot ka talaga. Baka makurot ka sa singit." saway ko dito. a naman ito at muling ibinaling


ang tingin kina Kuya. Sakto naman na tumingin sa gawi namin si Ate Jessica. Kinawayan kami nito kaya agad kong niyaya si Carmela na makijoin sa kanila. Walang pag-aalinlangan na pumayag ito.


"Join na lang kayo sa amin para mas masaya...at para makapagpasalamat na din sa pagsama niyo sa amin dito.." nnakangiting wika ni Ate Jessica ng makalapit kami. Agad naman kaming naupo ni Carmela sa tapat nila.


"Gagi! hindi tayo invited! Kusa lang tayong nakijoin sa kanila." sagot naman ni Adrian. Nagkatawanan namin kaming lahat.


"Ganoon na din iyun! Pareho lang iyun! Kilala naman tayo nila Tita at Tito at isa pa kilala na tayo ni Carmela... hindi ba baby Girl?" Natatawang sagot ni Ate Jessica. Natatawa namang tumango ni Carmela.


"Syempre naman po! Welcome kayo sa lugar na ito hanggat gusto niyo!" sagot ni Carmela.


"Ohhhh kitam? Sabi ko sa inyo!" proud na sagot ni Ate Jessica. Muli kaming nagkatawanan.


"Sayang wala si Kurt! Hindi na ba talaga kayo pwedeng magkaayos pa Bella" kapagkuwan ay prangkang tanong ni Ate Jessica sa akin.. Natigilan naman ako.


"Ano ka ba Jessica! Tigilan mo na nga iyan. Nandito tayo para mag-enjoy... hindi para pag-usapan ang kabiguan ng iba sa pag-ibig." Sagot naman ni Adrian.


"Naitanong ko lang naman. Balita ko kasi binuburo na ni Kurt ang sarili niya sa opisina. Nagsisipag na daw ngayun ang loko." Natatawang sagot naman ni Ate Jessica.


 "Hindi naman natin pwedeng pilitin kong ang isa sa kanila umayaw na." sagot naman ni Kuya Christian.


"Kayo po Kuya? Ano po ang tipo niyong babae?" sabat naman ni Carmela. Napaghahalataan na ito masyado. Mukhang inuumpisihan na nitong gawin ang ipinagbabawal na teknik.


"Hindi ko alam. Pero ayaw ko yung mas bata sa akin. Gusto ko iyung matured na mag-isip at may narating na din sa buhay." Sagot ni Kuya Christian. Parang gusto ko naman matawa sa hitsura ni Carmela dahil bigla na lang itong sumimangot. Siniko ko ito para naman matauhan.


"Ganoon ba? Ibig sabihin walang pag- asa na magkakagusto ka sa babaeng kasing edad ko?" tanong nito. Nakita ko naman na tinitigan ni Kuya Christian si Carmela. Pagkatapos ay umiling ito. Nakita ko ang lungkot na Biglang bumalatay sa maga mata ni Carmela kaya naman agad kong iniba ang usapan.


"Naku! Parang ang sarap ng mag- swimming! Carmela halika na! Langoy na tayo!" Excited na pagyayaya ko kay Carmela sabay hawak sa kanyang kamay. Hinila ko ito papunta sa dagat kaya naman wala na itong nagawa pa.


"Wala ng pala talagang chance na magustuhan niya ako Bella. Ayaw niya sa mga katulad ko!" malungkot na wika ni Carmela sa akin ng makarating na kami sa tabing dagat. Tinitigan ko ito.


"Ano ka ba! Sinabi ko naman sa iyo na huwag mo ng ituloy pa ang nararamdaman at binabalak mo sa kanya. Little sister lang ang tingin niya sa iyo at itoon mo na lang ang attention mo sa iba." Seryoso kong sagot dito.


"hindi mo ba ako matutulungan para mapansin niya? Wala ba tayong pwedeng gawin para marealized nya na ako ang babaeng para sa kanya?" naluluha pa rin nitong tanong. Nakaramdam ako ng awa dito.


"Alam mo ba kung bakit mas pinili kong magbakasyon dito kaysa hilingin kila Mommy at Daddy na bigyan ako ng bonggang celebration? Gusto ko kasing makasama ng matagal si Christian. Simula ng nakaramdam ako ng attraction sa kanya hindi na siya mawala pa sa isip ko! Akala ko noon puppy love lang, pero sa ilang taon na ang nagdaan lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya." Malungkot pa rin na wika nito. Napailing naman ako.


"Carmela, hindi mo dapat pagtoonan ng pansin ang ganitong bagay. Ano na lang ang sasabihin nila Tita at Tito kapag malaman nila ito? Lahat ibinigay nila sa iyo kaya sana naman pilitin


mong maging masaya. Bumiyahe tayo ng malayo para lang mag-enjoy. Para icelebrate ang debut mo."lalo naman itong napaiyak.


"Hindi ko kasi kaya eh! Ang tagal ko na kasing nagpapapansin sa kanya pero parang hindi ako nag-eexist sa paningin niya. Maganda naman ako ah? Mayaman din kami..Hindi naman kailangan na maging successful muna ako para magustuhan niya! Nag-iisa akong anak at mabubuhay ako kahit hindi ako magsisipag sa pag-aaral." Umiiyak na nitong wika. Napailing naman ako. Bukas pa ang birthday nito pero mukhang ngayun pa lang sira na ang araw nito.


"Ikaw ba! Wala na bang pag-asa na ipaglaban mo si Kurt? Kakalimutan mo na lang ba siya ng tuluyan?" seryoso nitong tanong sa akin.


"Iyun ang tama Carmela. Simula ng umalis ako ng Pilipinas at mag-aral sa ibang bansa, naging buo ng ang desisyon ko na layuan na si Kurt! Simula pa lang puro sakit na ng kalooban ko ang naranasan sa kanya. Ayaw ko ng balikan pa ang lahat ng iyun dahil hindi ko alam kung kaya ko pa bang harapin kapag bumalik ulit ang sakit. Mas maigi na ang ganito! Ayaw ko ng sumugal pa. Mas tahimik ang buhay ko kapag ganito. Nandito pa din ang sakit ng kalooban pero kaya ko ng i-hundle. Nasanay na ako. Kaya ikaw, huwag kang magpakalulong sa nararamdaman mo kay Kuya Christian. Huwag mong ipilit ang sarili mo sa kanya. Huwag mo akong gayahin Carmela kasi ang hirap buuhin ulit ang pusong nawasak dahil sa pag-ibig." Mahaba kong wika dito. Tinitigan ako nito bago umiling.


"Ayaw ko Bella. Hindi ko kaya! Ipaglalaban ko ang nararamdaman ko sa kanya! Bahala na kung masaktan man ako. At least sinubukan ko!"


seryoso nitong wika sa akin. Pagkatapos ay nagpatiuna na itong pumunta sa medyo may kalaliman ng dagat. Agad akong sumunod dito.


Naging maayos ang mga sumunod na oras naming dalawa ni Carmela. Kahit na malungkot ang aming nagiging topic bumawi naman at pareho kaming nag-enjoy sa pagtampasiw sa dagat. Sandali namin nakalimutan ang aming mga problema.


Kinagabihan.....


"Masaya kami habang pinagmamasdan ang buong paligid. Bilog ang buwan kaya naman kitang kita naming lahat ang kagandahan ng paligid. Nag-iinuman ang mga kalalakihan samantang kasama naman namin sila Mommy Carissa at Tita Roxie. Masaya kaming apat na nagbibiruan habang umiinom ng wine. Si Baby Rafael naman ay inaalagaan ng kasama naming kasambahay na si Elsa.


"Grabe naman ang pagtitipid niyo sa debut ni Carmela Bestie...Wala ba talaga kayong balak na bigyan siya ng typical na debut party celebration?" tanong ni Mommy Carissa habang dahan-dahan na sinisimsim ang kanyang wine. Umiling naman si Tita Roxie.


"Ito ang gusto ni Carmela. Actually noon niya pa ito sinasabi sa amin. Gusto niya na magbakasyon na lang dito sa resort at iinvite kayo. Ano pa nga ba ang magagawa namin? Hindi naman kami ang celebrant at ayaw din naman namin siyang pilitin." Sagot ni Tita Roxie..


"Much better na po ang ganito Tita. At least maiinjoy natin ang company ng bawat isa. Medyo stressful din kasi kapag maghanda pa ako ng party. Unlike dito sa naisip ko,


makakapagrelax tayong lahat at makakapagbonding na din." Nakangiting sagot ni Carmela.


"Sabagay... Kapag party kasi ilang araw o buwan ang preparation na dapat gawin pagkatapos isang gabi lang naman ang celebration. Samantalang dito sa naiisip isang linggo tayong magliliwaliw sa buong paligid." Sagot ni Mommy Carissa. Itinaas pa nito ang hawak na kopita ng wine bago lumagok ng kaunti.


'Yes! At diyan ako bilib sa anak ko Bestie. Advance mag isip." Natatawa nitong sagot.


"So papayagan mo na si Carmela na magboyfriend ngayun? Eighteen na siya kaya dapat lang diba?" natatawang tanong ni Mommy.


"Well, napag-usapan na namin ito ni Jonathan. Pwede na siyang tumanggap ng manliligaw pero bawal nya munang isuko ang bandera ng Pamilya...You know what I mean Bestie! Baby pa rin naming si Carmela kahit eighteen na siya at hindi siya pwedeng mag-asawa hanggat hindi siya makapagtapos ng pag -aaral." Seryosong sagot ni Tita Roxie.




Chapter 123


ARABELLA POV


Naalimpungatan ako na wala na sa tabi ko si Carmela. Agad akong napabangon at tiningnan ang orasan. Alas dos pa lang ng madaling araw at saan nagpunta ang babaeng iyun? Agad kong isinuot ang aking roba at nagmamadaling lumabas ng silid. Magkasama kami sa silid ni Carmela pero hindi ko alam kung saan ito ngayun nagpunta. Malalagot talaga ako kapag may kabulastugan itong ginawa. Tiyak na malaking gulo kapag itutuloy nito ang kanyang binabalak.


Papunta pa lang ako ng kwarto ni Kuya Christian dahil alam kong doon ang target nito nang marinig ko ang umiiyak na boses ni Carmela. Bigla akong kinabahan. Nagmamadali akong sumilip sa nakaawang na pintuan ng kwarto at kitang kita ko ang nakasalampak sa sahig na si Carmela. Umiiyak ito habang galit na nakatingin dito si Kuya.


"Kahit maghubad ka pa sa harap ko, hinding hindi kita magugustuhan! Ilang beses ko bang sabihin sa iyo na huwag mo na akong kinukulit? Wala sa bokabularyo ang magustuhan ka Carmela kaya lubayan mo na ako!"


Namumula sa galit na wika ni Kuya. Umiiyak naman habang nakayuko lang si Carmela.


"Mahal kita! Sorry kung nagawa ito sa iyo. Wala na kasi akong naisip pa na paraan para mapansin mo ako! Christian, wala akong ibang pinangarap na lalaki kundi ikaw lang." umiiyak nitong sagot. Napakamot ako sa aking ulo habang awang-awa na nakatingin kay Carmela. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Nakakababa minsan ng pagkatao.


"Kalimutan mo ang nararamdaman mo sa akin dahil kahit kailan hindi kita papatulan! Magkaibigan ang mga pamilya natin at huwag mo naman sanang sirain iyun! Malaki ang respeto ko sa pamilya mo Carmela. Kaya please ....ibaling mo sa iba ang nararamdaman mo sa akin. Hindi ikaw ang tipo ko!" sagot ni Kuya. Lalo namang napaiyak si Carmela. Pagkatapos ay tumayo ito at nagmamadaling pumunta dito sa gawi ko. Hindi ako nakakilos kaya huling huli ako na nakikinig sa kanilang pag- usap. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mga mata ni Carmela ng makita niya ako pero hindi na ito nagsalita pa. Tuloy-tuloy na itong naglakad palayo sa amin.


"Kuya...pagpasensiyahan mo na lang muna siya. Masyado pa siyang bata at akala nya siguro lahat ng gusto niya kaya niyang makuha." Wika ko kay Kuya Christian. Bumuntong hininga ito at mataman akong tinitigan.


"Mabuti naman at nandito ka. Babalik na ako ng Manila ngayun din. Ikaw na ang bahalang magsabi sa mga kaibigan ko. Hindi ako pwedeng magtagal sa lugar na ito at baka kung ano pa ang maisip gawin ng baliw mong kaibigan." Wika ni Kuya Christian sabay kuha ng kanyang cellphone.


"Pero Kuya, ano ang idadahilan ko kina Mommy at Daddy. Tiyak na hahanapin ka nila." Nag-aalala kong tanong.


"Sabihin mo na lang sa kanila na may urgent meeting ako mamaya. Basta ikaw na ang bahalang magdahilan. Ayaw ko ng magtagal pa sa lugar na ito dahil baka maipakasal pa ako sa kaibigan mong iyun ng wala sa oras." Sagot nito. Napatango na lang at nagmamadali ng umalis. Muli akong bumalik ng kwarto at naabutan ko si Carmela na nakahiga sa kama habang umiiyak.


"Hayys sinabi ko naman kasi sa iyo na huwag mo ng ituloy ang iniisip mo. Iyan tuloy, napahiya ka lang. Hindi madaling maakit si Kuya sa mga babae dahil sanay na iyan. Marami na ang babaeng gustong maghubad sa harap niya pero wa epek! Napasali ka tuloy sa kanyang listahan." Lalo naman itong napaiyak.


"Tama ka nga. Wala talaga siyang kahit na katiting na atraksiyon na nararamdaman sa akin! Sana nakinig na lang ako sa iyo. Napahiya pa tuloy ako." Ngawa nito. Awang awa naman akong napatitig dito.


"Tama na nga iyan. Birthday mo ngayung araw at hindi ka dapat umakto ng ganyan. Sayang naman ang bakasyon na ito kung iiyak iyak ka lang diyan. Hindi pa katapusan ng mundo. Marami pa ang pwedeng mangyari pagdating ng mga araw." Nakangiti kong sagot dito.


"Ganito pala ang pakiramdam kapag binasted ka ng taong mahal mo... Nakakababa ng self esteem at nakakaiyak." Sagot nito. Hindi ko naman mapigilan ang matawa.


"Sabi ko naman kasi sa iyo eh! Minsan kasi huwag nating ipilit ang ating sarili sa taong walang gusto sa atin. Lets enjoy life lang na wala sila. Huwag


nating hayaan na umikot ang mundo natin sa kanila." Nakangiti kong wika dito.


"Alam mo ngayun ko lang narealized na napakatatag mo pala. Mas matindi pa ang mga pinagdaanan mo sa mga pinagdaanan ko pero heto kapa rin.. Nakakangiti at parang walang problema." Sagot nito sa akin. Hinawakan ko naman ito sa kamay. 


"Sanay na kasi ako. Lahat yata ng sakit ng damdamin naranasan ko na. Ewan ko lang kung hindi pa ako maging strong noh. Nabaril na din ako at muntik ng mamatay kaya naman walang dahilan para matakot ра ako." Sagot ko dito. Pinahid naman nito ang luha sa mga mata at pilit na ngaumiti.


"Pasensiya ka na Bella ha? Pati tuloy ikaw nadamay sa kadramahan ko. Hayaan mo, pipilitin ko na lang ibaling sa iba ang attention ko. Tama naman si Christian baka ako ang magiging


dahilan ng pagkasira ng magandang ugnayan ng dalawang pamilya kapag ipipilit ko ang gusto ko." malungkot nitong sagot.


"Huwag kang mag-alala.. Malilimutan mo din siya. Isa pa kung kayo talaga para sa isat isa gagawa ng paraan ang tadhan para magkatuluyan kayo. " nakangiting wika ko.



Nang araw din na iyun ay agad na bumalik ng Manila si Kuya Christian. Nagtatataka man sila Mommy at Daddy pero hindi naman sila nagtanong pa. Wala na din kaming balak pang ipaalam ni Carmela sa iba tungkol sa mga nangyari. Ayaw na din naman papigil ni Kuya kahit na ilang beses ng humingi ng 'sorry' si Carmela. Ipinagpatuloy na lang namin ang aming bakasyon sa Palawan hanggang sa makabalik kami ng Manila.


Mabilis na lumipas ang mga araw. Tuluyan ng naghilom ang sugat dulot ng pagkakabaril sa akin. Never na din nagparamdam ulit sa akin si Kurt. Si Carmela naman ay naging abala na sa kanyang buhay at si Kuya Christian ay ganoon pa din. Abala sa trabaho at hindi na palaging umuuwi ng mansion. May sarili na din kasi itong condo na malapit sa opisina. Talagang seryoso ito sa pamamalakad ng kompanya na siyang ikinatuwa nila Mommy at Daddy.


"Bored ka na ba dito sa bahay Bella? Bakit hindi mo subukan na magtrabaho muna sa kompanya para naman may pagkakaabalahan ka." Wika ni Mommy isang araw habang tahimik akong nakaupo ng garden. Parang gusto ko ng hilahin ang mga araw at bumalik na ng Amerika para sa pag-aaral.


"Pwede po ba iyun Mommy? Wala akong alam tungkol sa mga office work at baka magkalat lang ako doon." Sagot ko naman.


"Walang problema. Ang pamilya natin ang may ari ng kompanya kaya imposible ang sinasabi mo. Mas maigi na may pagkakaabalahan ka araw- araw para naman malibang ka. Nabanggit sa akin kagabi ni Daddy Gabriel mo na naghahanap sila ng isa pang Secretary para kay Kuya Christian mo. Pwede ka sa posisyon na iyun dahil hindi naman madugo ang magiging trabaho mo. May mga makakasama ka naman." Wika ni Mommy sa akin. Sandali akong nag-isip tsaka alanganin na tumango.


"Great! Sige tatawagan ko si Daddy mo ngayun din. Huwag kang mag-aalala. Wala kang ibang magiging amo kundi si Kuya Christian mo lang. Siya lang din ang pwedeng mag-utos sa iyo kung

ano ang mga pwede mong gawin." Natutuwang wika ni Mommy Carissa. Nakaramdam naman ako ng excitement.


Sabagay mas maigi na din ang ganito. Gagawin kong abala ang aking sarili para maiwasan ko ng mag-isip ng kung anu ano. Mahirap ang walang ginagawa sa araw-araw. Baka pupurol ang utak ko at mangungulilat kapag mag-umpisa na ulit ang klase.


Araw-araw kasi nabuburo na ako dito sa bahay. Simula kasi noong bakasyon naming sa Palawan hindi na ulit nagpapakita sa akin si Carmela. Hindi na ito dumadalaw ng mansion na siyang ginagawa nito dati. Siguro masyado itong nasaktan sa pangbabasted ni Kuya.


Katulad ng napag-usapan ay agad akong nag-start na pagtatrabaho sa Villarama Empire. Katulad sa banggit ni Mommy, basic lang ang trabaho na ginagawa ko. Kaunting typing at gawa ng report. May Secretary talaga si Kuya Christian na siyang gumagawa sa mga madugong trabaho. Ako naman easy-easy lang. Parang ibinigay lang nila sa akin ang trabaho na ito para malibang. Hindi ko nga alam kung trabaho pa ba itong ginagawa ko dito sa opisina dahil kadalasan nakatunganga lang naman ako. Wala din siyang ginagawang time frame kung kailan ko pwedeng tapusin ang mga task na binibigay niya.


"Bella, busy ka ba?" Tinatapos ko ang isa kong report ng bigla akong lapitan ni Arthur. Siya ang personal secretary ni Kuya at kadalasan kasa-kasama kapag may meeting na gagawin sa labas. Nasa thirty's na ang edad at hindi ko alam kung may asawa o wala. Kapag nag-uusap kami laging tungkol lang naman sa trabaho.


"Kapag matapos ko na itong report na ginagawa ko, wala na akong gagawin. Bakit?" tanong ko.


"May business meeting kasi kaming pupuntahan ni Sir. Baka pwedeng makisuyo sa iyo na ikaw na muna ang pumunta ng Santillan Holdings. May mga papeles kasi na dapat pirmahan ng CEO at confidential iyun kaya hindi pwedeng ipahatid natin sa messenger. Importanteng mapirmahan ng CEO kaya naman makikisuyo ako sa iyo na ikaw na gumawa total naman isa ka sa mga pinagkakatiwalaan dito sa kompanya." Wika ni Arthur.


"Alam ba ito ni Kuya..I mean ni Sir? Supposed to be siya lang ang may karapatan na mag-utos sa akin tungkol sa mga ganitong bagay." Seryoso kong sagot dito. Napatikhim naman ito.


"Nasa conference room siya ngayun. Pasensiya ka na Arabella...alam ko ang rules pagdating sa iyo...sa mga trabaho Pero wala na kasi akong choice eh.


Hinihintay na kasi ito ng CEO ng Santillan Holdings at kapag malaman ito ni Sir na hindi pa naibibigay doon baka malalagot ako." Sagot nito sa akin. Stress na ang mukha nito at marahil ay hindi nito alam kung alin ang uunahin. Nakita ko din ang trabaho nito. Masyadong busy dahil kabi-kabila ang mga pinapuntahan nilang meetings.


"Bakit ba kasi hindi mo agad dinala iyan doon? Paano kung ako naman ang maputukan ng galit ni Sir? Ikaw talaga! Sige na nga gagawin ko na iyang iuutos mo pero ngayun lang ha? Kung tutuusin hindi ko ito trabaho eh." Sagot ko dito. Agad naman itong napangiti.


"Thank you Arabella!Hulog ka talaga ng langit." Wika nito at nagmamadali ng umalis. Pailing-iling akong naiwan. Walang idea si Arthur at iba pang mga empleyado dito sa kompanya kung ano ang koneksyon ko sa Villarama. Iyun kasi ang hiniling ko kay Kuya Christian bago ako nag-umpisang magtrabaho dito.


Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pupunta ako sa isa sa mga kasusyong kompanya ng Villarama Empire. Wala naman problema iyun dahil kilala ko ang CEO ng Santillan Holdings. Tatay ni Kurt iyun kaya alam kung wala akong dapat na ikabahala. Pero sana lang hindi magkrus ang landas naming dalawa ng anak niyang si Kurt Santillan. HIndi pa ako ready na muli itong makita.


"Arabella, ito pala iyung mga papeles na dapat nilang pirmahan. Hintayin mo at muli mong dalhin ang mga ito dito. Kailangan ito ni Sir bukas ng umaga kaya huwag kang pumayag na hindi mapirmahan ni Mister Santillan lahat ngayung araw." Wika ni Arthur sabay abot sa akin ng brown envelope.


Agad akong tumango at kinuha ang aking bag.


"Hinihintay ka na ng driver sa labas. Huwag kang mag-alala. Maayos naman kausap ang may ari ng Santillan holdings kaya hindi ka mahihirapan." Nakangiti nitong wika. Tumango naman ako at nagmamadali ng umalis.


Maayos naman akong nakarating ng Santillan Holdings. Agad naman na may nag-assist sa akin dinala ako sa Secretary ng CEO. Agad na akong tinanong kung ano ang kailangan ko at ng sabihin ko na empleyado ako ng Villarama Empire bigla niyang kinuha ang telephone sa kanyang tabi at may tinawagan. Tumango-tango habang nakatitig sa akin pagkatapos ay ibinababa na nito ang telephone at tumayo na.


"Sasamahan na kita sa office Miss Arabella." Nakangiti nitong wika.

. Tumango lang ako at sumunod sa kanya. Kumatok ng tatlong beses at agad na binuksan ang pintuan. Sumenyas naman ito sa akin na pwede na daw akong pumasok na siyang ginawa ko naman.


Agad kong iniikot ang paningin sa loob ng opisina. Dumako ang tingin ko sa nakaupong lalaki na abala sa kanyang ginagawa. Hindi man lang nito tiningnan kung sino ang pumasok dito sa loob ng kanyang opisina at abala pa rin ito sa kanyang computer. Parang gusto kong panawan ng ulirat ng makita ko si Kurt. Ngayun ko lang naisip na siya na pala ang namamahala sa kompanya na ito. Ang akala ko kasi Daddy niya pa rin ang CEO pero nagkamali ako.


Lalabas na sana ako ng opisina ng biglang nag-angat ito ng tingin. Agad na lumanding sa mukha ang mga mata nito at kita ko ang kanyang pagkagulat.


ella..." bigkas nito sa pangalan ko.


Pinagmasdan ko naman ito. Malaki na ang pinagbago ng katawan nito kompara noong last kaming nagkita sa hospital. Nagkakalaman na ito at marahil naka-moved on na sa akin. Para namang kinurot ang puso ko sa isiping iyun pero at the same time masaya ako para sa kanya.


"Kailangan mo daw itong pirmahan." Wika ko dito sabay lapit. Pagkatapos ay inilapag sa table nito ang hawak kong envelope. Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi nito bago muling naupo at pinagmasdan ako.


"Kumusta ka na? Hindi ko akalain na nagtatrabaho ka na pala ngayun sa inyong kompanya. Wala man lang nababanggit sa akin si Christian." wika nito sabay sinulyapan ang brown envelope na dala ko.


"Pwede mo bang pirmahan na lang ang nasa loob niyan? Wala akong time na maghintay ng matagal dito. Marami pang trabahong naghihintay sa akin sa opisina." seryoso kong sagot dito. Nakita ko ulit ang pagtaas ng kilay nito na siyang nag-uumpisa kong ng ikinainis.


"Ganiyan ba ang turo sa iyo ni Christian? Dapat magiging mabait ka sa akin dahil ako ang CEO ng kompanya na ito. May kailangan ka sa akin kaya dapat lang na pigilan mo ang temper mo Bella." sagot nito.


"Pinapunta lang ako dito para papirmahan sa iyo ang mga dapat mong pirmahan. Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pa akong kausapin at magiging curious sa mga bagay- bagay." sagot ko dito. Hindi ito nakaimik bagkos ay kinuha ang brown envelope at binuksan. Isa isa nitong nilabas ang mga papeles sa loob at binasa. Pagkatapos muling ibinaling ang tingin sa akin.


"So, wala ka ng balak pang bumalik ng Amerika?" tanong nito. Hindi ako umimik at kunwari hindi ko narinig ang kanyang sinasabi. Bagkos pabagsak akong naupo sa upuan katapat nito.


"Kailangan ko pang i-review ang mga papeles na ito bago pirmahan. May gusto ka bang kainin o inumin man lang habang naghihintay?" tanong nito sa akin. Tumaas naman ang aking kilay.


"Hindi na kailangan. Ireview mo na ang kung anong nakasulat sa mga documents na iyan para mapirmahan mo na at makaalis na ako. " sagot ko. Muling tumaas ang sulok ng labi nito tsaka sumandal sa kanyang swivel chair. Pagkatapos ay mataman akong tinitigan. Nailang naman ako sa klase ng pagkakatitig nito sa akin kaya naman nag-iwas ako ng tingin dito.




Chapter 124


KURT


Sobrang busy ko ngayung araw ng marinig ko na may kumakatok sa pintuan ng aking opisina. Alam kong ang secretary ko lang ito kaya naman hindi na ako nag-abala pang tingnan. Sanay na ito sa ugali ko at kusa na lang itong pumapasok sa loob ng opisina pagkatapos kumatok ng tatlong beses. Marahil ay tapos niya ng gawin ang mga report na ipinapagawa ko sa kanya kanina.


Agad akong nagtaas ng paningin mula sa ginagawa ko dahil hindi ito nagsasalita. Kadalasan kasi kapag pumapasok ito sa loob ng opisina ay binabati agad ako. Nagulat pa ako ng tumampad sa paningin ko ang mukha ni Arabella....Wait! Si Arabella? Totoo ba itong nakikita ko? Nandito siya? sa harapan ko ngayun ang mahal ko?


Biglang lumakas ang kabog ng puso ko pero hindi ko pinahalata. Miss na miss ko na ito at sa wakas tadhana na mismo ang nagdala sa kanya sa harap ko. Parang gusto kong tumayo mula dito sa aking kinauupan para yakapin ito pero pinigilan ko ang aking sarili. Hindi pwede! Baka mailang na naman ito sa akin at tuluyan na akong layuan. Baka isipin nito patay na patay pa rin ako sa kanya at mabulilyaso pa ang mga plano ko. Kailangan kung magiging kaswal sa harap nito para naman kahit papaano ay hindi ako nito iiwasan.


Nakita ko din ang pagkagulat sa mga mata nito ng magtama ang aming mga paningin. Pagkatapos ay kaswal itong naglakad papunta sa harap ko at inilapag ang dala niyang bown envelope. Kusa kung itinaas ang sulok ng mga labi ko na siyang hindi nakaligtas sa kanyang paningin.


Palaging akong nagtanong kung babalik pa ba ng naunsyaming pagbablik- Amerika nito para sa -aaral pero wala akong nakuhang matinong sagot. Alam kong totally healed na ito mula sa sugat na tinamo sa pagkakabaril sa kanya dahil kitang kita ko na maayos na ang kanyang kalagayan. Kung ganoon, kailangan ko ng pabilisan ang kilos sa mga tauhan ko sa Isla.


Kailangan matapos nila kaagad ang bahay na ipinapagawa ko bago pa ulit ako matakasan ng babaeng ito.


Naikuyom ko ang aking kamao ng maisip na maaaring maraming manliligaw dito ngayung exposed na ito sa Villarama Empire. Malawak ang mundo ng Villarama Empire at hindi malabong maraming magkakaroon ng interes kay Arabella. Baka magising na lang ako na pag-aari na ito ng iba kung babagal-bagal pa ako.


"Pwede bang pakibilisan?


Nagmamadali ako at baka hanapin na ako sa opisina." wika nito. Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ba ako dito. Demanding lang? Anong palagay niya...Siya ang CEO dito?


"I need to double check this documents Arabella. Kung busy ka pwede ka ng lumabas at balikan mo na lang."


kaswal kong sagot dito. Pero inaasam ko na sana mag-stay muna ito dito sa opisina para naman masilayan ko pa ang kagandahan nito. Natigilan naman ito at humalikipkip na lang na siyang indikasyon na wala itong balak na iiwan ang mga papeles na dapat kong pirmahan. Wala itong balak na magliwaliw habang kunwari inisa-isa kong nirereview ang mga nakasaad sa documents na dala nito.


Nagkunwari akong abala sa aking binabasa kahit hindi naman. Hindi ko naman talaga kailangan pang magdouble check sa mga documents na ito dahil naitawag na ito kanina sa akin ni Christian. Hindi ko lang akalain na Arabella pala ang magdadala dito sa opisina. Hindi ko din alam na nagtatarabaho na pala ito sa Villarama Empire. Kung ganoon pwede ko na itong makita kapag gusto ko. Pwede kasi akong bumisita ng Villarama Empire hanggat gusto ko. Major shareholders sila ng Santillan Holdings kaya naman normal lang na lagi akong bumibisita sa opisina nila. Isa pa matalik kong kaibigan ang kanilang Company President na si Christian Villarama samantalang kilala naman ako ng CEO na si Gabriel Villarama.


Muli ko itong sinulyapan. Salubong na ang kilay nito at halatang pinipigilan nito ang sarili na magalit. Lalo itong gumanda sa paningin ko. Kaunting tiis na lang at matutupad na din ang gusto ko. Sa ngayun kailangan ko ng medyo mahaba-habang pasensiya dahil rami pang dapat ayusin at kailangan pa ako ng kompanya ng aming pamilya.


"Matagal pa ba?" tanong nito sabay tingin sa kanyang suot na orasan.


Hindi ako kumibo at kinuha na ang ballpen na lagi kong ginagamit kapag may mga mahahalagang documents akong dapat pirmahan.


Nakita ko ang pagliwanag ng mukha nito ng makita niyang isa-isa ko ng pinipirmahan ang mga papelis. Pagkatapos ay maayos kong ibinalik sa loob ng brown envelope at iniabot sa kanya.


"Thank you!" sagot nito sabay tayo at mabilis na naglakad palabas ng pintuan. Hindi man lang nito hinintay ang sagot ko kaya ipinagkibit-balikat ko na lang.





ROLDAN


Hindi ko alam pero pakiramdam ko nananaginip ako ng maramdaman ko na may kumakalabit sa aking tagiliran. Ilang araw na akong puyat dahil binabantayan ko si Miracle. Lagi kasi nitong nirereklamo na sumasakit na ang kanyang tiyan at ayon sa Doctor hindi pa pwedeng ilabas ang mga babies dahil kulang pa sa araw. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang malakas nitong pagsabunot sa buhok ko kaya naman napasigaw ako sa pagkagulat.


"Ano ba Roldan! Para ka namang mantika kung matulog eh. Sobrang sakit na ng tiyan ko at lalabas na yata ang kambal!" malakas na wika ni Miracle. Agad naman akong napabangon.


"Sweetie! A-anong sabi mo? Ma-- manganganak ka na?" taranta kong sagot. Kitang kita ko sa mukha nito ang matinding sakit habang hawak ang kanyang tiyan.


"Bilisan mo na Roldan! Ano ba huwag ka munang magbagal-bagal diyan dahil lalabas ba sila! Lalabas na yata ang kambal!" sigaw nitong wika.


Nataranta naman ako at walang pagdadalawang isip na binuhat ito para dalhin sa sasakyan. Kailangan niya ng maisugod sa hospital sa lalong madaling panahon. Agad naman itong nanguyapit sa aking leeg kaya naman wala na akong inaksayang sandali.


Patakbo akong bumaba ng hagdan habang buhat ito at mabuti na lang ay nakasalubong ko si Daddy.


Nagtatanong ang mga mata nitong nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Miracle. May hawak pa itong baso ng wine sa kanang kamay.


"Ano ba Roldan! Bakit ka pa tumigil... halika na! Dalhin mo na ako sa hospital! muling sigaw ni Miracle. Umiiyak na ito kaya naman sandaling natulala si Daddy na nakatitig sa amin. Nabitawan pa ang hawak nitong alak.


"Ba-bakit? Manganganak na si Miracle? Lalabas na ang mga apo ko?" excited na tanong nito.


"Ah! Roldan andyan na! Lalabas na talaga ang baby!" muling sigaw ni Miracle kaya naman hindi ko na sinagot si Daddy. Nagmamadali akong naglakad palabas ng bahay at pumunta sa sasakyan. Buong ingat ko itong isinakay sa loob ng kotse at nang lumingon ako ay nakita ko na nakasunod pala si Daddy sa amin.


"Bilisan mo! Dadalhin na natin siya sa Hospital! Naku! Salamat sa Diyos, makikita ko na ang mga apo ko!" narinig ko pang wika nito pero hindi ko na pinanasin.


"Arayy! Ang sakit!!!" umiiyak na wika nito. Para namang kinokurot ang puso ko sa mga nakikita kong paghihirap niya.


"Relax lang Sweetie! Makakaraos ka din!" Wika ko dito at hinalikan ko pa sa noo. Pumikit naman ito habang habol ang paghinga. Pasakay na ako ng kotse ng mapansin ko ang tumatakbong si Mommy palapit sa akin. Bitbit ni Mommy ang bag na dadalhin sa hospital na naglalaman ng mga gamit ni Miracle at ng mga baby namin. Nakalimutan ko na ang mga ito dahil sa matinding pagkakataranta.


"Roldan, Diyos ko! Magbihis ka muna! Baka mapagkamalan kang bomba Star diyan sa hitsura mo!." wika ni Mommy sa akin sabay ibinigay sa akin ang mga damit ko. Nakaboxer at sando lang ako kapag natutulog kaya naman sa sobrang taranta ko hindi na ako nakapagbihis kanina. Agad ko naman isinuot ang damit habang naririnig ko ang sumisigaw na si Miracle.


"Ayan na lalabas na po!" umiiyak na sigaw ni Mira. Agad naman akong sumakay sa loob ng sasakyan.


Tinabihan ko na ito at hinayaan ng magdrive ang driver ni Daddy. Sumakay na din si Daddy katabi ng driver. Pinapagitnaan naman namin ni Mommy si Miracle. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni MIracle dahil halos hindi na maipinta ang kanyang mukha. Naghahalo na ang pawis at luha nito sa kanyang pisngi. Sunod-sunod din ang malalim na paghinga habang


namimilipit sa sakit. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko. Sumakasit ang kalooban ko sa bawat hiyaw na pinapakawalan nito.


"Iha, kaunting tiis na lang. Malapit na tayo..Roldan haplusin mo ang tiyan ng asawa mo para naman kahit papaano maibsan ang sakit...at pwede ba, umayos ka..huwag mong ipakita sa asawa mo natatakot ka!" wika ni Mommy.


Agad naman akong tumalima at hinaplos ang tiyan ng asawa ko. Lalo naman umiyak si Miracle. Humawak pa ito sa braso ko ng mahigpit.


"Mamatay yata ako...ang sakit talaga! Ang sakit talaga!" Paulit-ulit nitong wika. Mabuti na lang at wala nang traffic at nakarating agad kami ng hospital. Pag-aari namin ang hospital na ito at dito ginawa ang surgery ni Carissa noon at dito din ipinanganak si Miracle. Hindi ko akalain na ang batang iyun ay magiging asawa ko pala. Ang batang pilit na inilalaban ng Bestfriend ko kapalit ng buhay niya ang nagiging asawa ko. Kung hindi siguro ito ipinanganak baka tumandang binata na ako. Grabe magbiro ang tadhana. Ilang beses pa namin pinakiusapan noon si Carissa na i-give up ang mga bata sa sinapupunan kapalit ng buhay niya at mabuti na lang hindi ito nakinig. Wala sanang Miracle ngayun sa buhay ko. Kaya Mahal na Mahal ko ito dahil bata pa lang napaka- fighter niya na. Akalain mong nagawa nitong mabuhay kahit na nasa bingit ng kamatayan ang kanyang Ina.


"Sweetie, kaunting tiis na lang..Please... promise! Babawi ako sa mga susunod na araw. Kahit na ilang beses mo akong sabunutan, alilahin, ayos lang sa akin. Ipagsashopping din kita kaya tiis-tiis lang muna ha? Malapit na tayo sa hospital." bulong ko dito. Hilam na ng luha ang mga mata nito kaya naman parang kinukurot ng makailang boses ang puso ko. Mas masakit sa akin na nakikita itong nahihirapan.


Nakaabang na ang mga doctor pagdating namin at agad na isinagawa ang pagpapaanak sa asawa ko. Nasa loob na ng delivery room si Miracle ng muling lumabas ang Doctor nito. Kailangan daw ma- CS ni Miracle dahil nahihirapan itong ilabas ang mga bata. Hanggat maari gusto kasi ni Miracle ang normal delivery pero kung malagay naman sa alanganin ang kanyang buhay wala kaming choice kundi pumayag sa gusto ng Doctor nito.


"Umayos ka nga Roldan. Nahihilo ako sa iyo! Maupo ka at magrelax dahil pati ako nahahawa sa pagiging aligaga mo diyan!" narinig kong reklamo ni Daddy. Nandito kami sa labas ng delivery room at hinihintay ang resulta ng CS ni Miracle.


"Hindi mo ako masisisi Dad! Natatakot ako para sa mag-ina ko. Baka kung mapaano na sila sa loob." kinakabahan kong sagot.


"Hindi mangyayari iyun! Kailangan nilang ayusin ang trabaho nila dahil kapag may masamang mangyari sa asawa mo at mga apo ko hindi sila makakalabas ng buhay dito sa hospital na ito." sagot ni Daddy. Pero hindi na rin nakatulong ang sagot na iyun para kumalma ako.


"Bakit ang tagal?" reklamo ko. iiling- iling naman sila Mommy at Daddy habang nakatingin sa akin.


"Tinawagan mo na ba ang pamilya ni Miracle?" kapagkuwan tanong ni Mommy. Umiling naman ako.


'Ay bakit hindi mo pa tinawagan? Ikaw talaga!" sagot ni Mommy at agad na kinuha ang cellphone sa kanyang bag.


"Kung nag-aalala ka sa kalagayan ng asawa mo pwede ka naman pumasok sa loob at manood habang nanganganak siya." wika ulit ni Daddy.


"Naku! Huwag ka ng manood Roldan. Baka mabaliw ka kapag makita mo kung paano bubuksan ang tiyan ng asawa mo para mailabas ang sanggol sa kanyang sinapupunan" sabat naman ni Mommy Hindi na ako umimik.


Hindi ko na talaga bubuntisin ulit si Miracle. Promise! Ito ang una at last! Baka ito pa ang ikakapahamak ng asawa ko! Ang hirap pala. Bahala na... tama na ang kambal. Kahit na gusto kong gumawa ng malaking pamilya kung nakikita ko naman na nahihirapan ang asawa ko huwag na lang.


Nagmamadaling sumalubong kami ng makita namin ang paglabas ng Doctor. Excited kaming nagtanong kung kumusta na ang mag-ina ko.


'Good Evening Congressman, Madam at Boss Roldan...Nais ko lang po ibalita sa inyo na nakaraos na Si Mam Miracle. Nililinis na po sila at ano man sandali ay ililipat na sila sa VIP Room....


congratulations po!' nakangiting pagbabalita sa amin ng Doctor. Parang biglang nanlambot ang tuhod ko at biglang napaupo sa upuan. Sabay- sabay na bumagsak ang luha sa aking


mga mata dahil sa tuwa. Hindi ko na pinakinggan pa ang ibang sinasabi ng Doctor. Ang mahalaga sa akin ngayun ay ligtas na sa kapahamakan ang asawa ko at ano mang oras ay pwede ko na silang makita.


Hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na oras. Basta nandito na kami sa loob ng VIP room at nakatunghay ako sa wala pang malay na si Miracle. Hawak ko ang kamay nito at hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng hinahalikan. Nasa nursery room si Mommy at hinihintay nito na i -transfer na ang kambal dito sa VIP room. Of course lahat pwede namin gawin. Malusog ang mga babies kaya walang dahilan para manatili sila sa nursery room ng hospital. Isa pa excited na si Daddy na mahawakan ang kanyang mga apo.





Chapter 125


ARABELLA


Sobrang bilis lumipas ng mga buwan. Kailan lang noong nanganak si Ate Miracle, pero heto kami ngayun.


Binyag na ng kambal. Pinangalanan nila itong Elijah at Elias. Yes....same boys at halos walang nakahula dahil lahat kami ay girl and boy ang hula. Pwede naman pala same boys pero at the same time nagbigay pa rin naman ng gifts ang pamilya Valdez sa lahat ng miymbro ng pamilya at ilang mga malalapit na kaibigan bilang pasasalamat na naisilang ng maayos ni Ate Miracle ang kambal.


Masaya ang lahat. Lalo na si Mommy at Daddy! Hindi nila akalain na magkakaroon na kaagad sila ng apo. Ang bilis ng mga pangyayari. Ang pihikan nilang anak ay proud Mommy


na ngayun at masaya sa piling ng kanyang mapagmahal at galanteng asawa.


"Tita, nasaan po si Carmela." tanong ko kay Tita Roxie pagkatapos kong makipag-beso dito. Nandito kami sa simbahan at hinihintay na lang na dumating sila Ate Miracle at ang mga babies para umpisahan na ang binyagan. After nito ay didiretso kami ng hotel para doon ganapin ang party. Sila Mommy at Daddy naman ay abala sa pakikipag-usap sa mga magulang ni Kuya Roldan.


"Hayyy naku! Ewan ko ba sa batang iyun! Hindi daw siya puwedeng lumiban sa klase kaya hindi makakapunta." sagot ni Ate Roxie.


"Ganoon po ba?Sayang naman! Akala ko makakasama ko siya ngayun. Bakit pakiramdam ko iniiwasan niya ako. Hindi na din siya dumadalaw ng Mansion." tanong ko kay Tita. Nakita ko ang lungkot at agam-agam na ruhimistro sa mga mata nito pagkatapos ay pilit na ngumiti.


"Ganoon talaga siguro. May iba siyang gustong gawin. Ilang beses nang pinagtalunan ito ng pamilya Bella. Gusto ni Carmela na pumasok sa military." malungkot na sagot nito. Nagulat naman ako sa aking narinig. Hindi ako makapaniwala dahil kahit kailan hindi nababanggit sa akin ni Carmela ang tungkol sa bagay na iyun. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng babaeng iyun at bigla na lang magdesisyon katulad nito. Hindi biro ang ganitong klaseng propesyon at malabo pa sa sabaw ng pusit na papayagan ito ng kanyang Mommy at Daddy.


"Po? Sa Military? Bakit po? Paanong sumagi sa isip niya ang ganyang bagay?" takang-taka kong tanong.


mag-alala sa gusto ni Carmela.


"Hindi niya na pala nakikiwento sa iyo ang tungkol sa bagay na ito. Hindi ko alam pero simula ng bumalik tayo galing ng Palawan, nagiging malungkutin na si Carmela. Laging namamaga ang kanyang mga mata pero kapag tinatanong namin kung ano ang kanyang problema hindi naman niya sinasabi. Hanggang sa nagpaalam siya sa amin ng Daddy nya na papasok daw siya ng military.......Arabella, kausapin mo naman ang kaibigan mo. Subukan mo siyang pigilan...please! Baka sakaling makinig siya sa iyo." hindi na napigilan ni Tita Roxie ang maiyak habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi ko naman maiwasan na matanung.


Ano ba ang pumasok sa isip nito at gusto pang pumasok sa propesyon na iyun. Hindi niya ba alam na magiging delikado ang buhay niya. Awang awa nman akong nakatitig kay Tita Roxie na noon ay hindi na mapigilan ang kanyang emosyon at tuluyan na itong napahagulhol. Agad ko naman itong inalo at hinawakan sa mga kamay.


Nakalimutan marahil nito na nandito kami sa loob ng simbahan. Nagtataka naman na napatingin sa amin si Mommy Carissa at sandaling nagpaalam sa kanyang mga kausap upang lapitan kami.


"Anong nangyari? Bestie? Bakit ka umiiyak?" puno ng pagtataka sa boses na tanong nito. Pinipilit naman ni Tita Roxie na tumigil sa pag-iyak at pinahiran ang luha. Pagkatapos ay malungkot itong napangiti kay Mommy.


"Naikuwento ko lang kay Arabella ang tungkol sa plano ni Carmela. Hindi ko na alam kung paano pa siya pigilan Bestie, Ilang beses na kaming nakiusap sa kanya na huwag na ituloy ang balak nya pero hindi siya nakikinig." emosyonal na sagot ni Tita Roxie. Agad naman itong hinagod ni Mommy sa kanyang likod.


"Sinabi niya sa inyo ang dahilan kung bakit niya naisip ang bagay na iyan? Baka naman iyan talaga ang gusto niya at hinintay niya lang humantong siya sa tamang edad para ipaalam sa inyo ang nais niya? Bestie, alam kong nag- aalala ka pero subukan niyo siyang kausapin ng maraming beses." sagot ni Mommy.


"Hindi ko na mabilang kung ilang beses na namin siyang kinausap Bestie. Pero matigas ang ulo niya. Kapag gusto nya, gusto niya talaga! Ayaw niyang magpapigil." sagot ni Tita.


"Tita, huwag po kayong mag-alala. Kakausapin ko po si Carmela tungkol dito. Babalik na ako ng America sa susunod na buwan at yayayain ko na lang siya na magtransfer doon kasama ko. Baka may mga pinagdadaanan lang siya kaya naisip niyang pumasok sa Military at para naman kahit papaano magiging abala siya sa ibang bagay." sagot ko naman. natigilan naman si Tita at tumango.


"Mas maigi pa nga Bella. Mas gugustuhin pa namin na ipatapon siya sa Amerika kaysa ituloy niya ang gusto niya ngayun. Ayaw ko talaga! Hindi ko matatanggap iyun. Hindi ko kayang makita ang anak ko na kumuha ng propesyon na malalagay naman sa alanganin ang buhay niya." umiiyak na sagot nito. Inalo naman ito ni Mommy at pilit na pinapatahan. Lalo na ng makita namin ang pagdating nila Ate Miracle, Kuya Roldan at ang kambal. Gumuhit ang masayang ngiti sa labi ko at nagpaalam na kina Mommy at Tita para salubungin sila Ate Miracle.


"Hello Ate! Congratulations ulit sa inyong dalawa ni Kuya..and hello babies!" nakangiti kong bati sa kanila sabay halik sa pisngi ni Ate. Hinaplos ko ang mukha ng kambal at ngumiti kay Kuya Roldan na noon ay kitang kita sa mga mata matinding kasiyahan.


"Hello Ninang Arabella! Uy punta ka minsan sa bahay ha? Tulungan mo akong alagaan ang kambal?"


Nakangiting wika naman ni Ate Miracle. Isa ako sa ninang ng kambal. Agad akong tumango. Napansin ko din na nagsipagdatingnan na sila Kuya Christian, Ate Jessica at Adrian at nagulat ako na kasama din ng mga ito si Kurt. Ninong at Ninang din sila ng kambal kaya agad silang lumapit sa amin para bumati. Puro ngiti at pasasalamat lang naman ang sagot ng mag-asawa na kitang kita ang pagiging proud para sa bagong kabanata ng kanilang buhay.


Sa totoo lang, ilang beses na kaming nagkita ni Kurt sa opisina. Kaswal ang pakikitungo nito sa akin sa ilang buwan na paglabas pasok nito sa opisina ni Kuya Christian kaya naman kahit papaano nagiging palagay ang loob ko sa kanya. Masakit isipin na tuluyan na nga itong naka-moved on sa akin pero ito naman ang gusto ko diba? Sabagay isang buwan na lang ako magtatrabaho sa Villarama Empire at magpapaalam na ako para bumalik ng Amerika para ituloy ang naunsiyaming pag-aaral.


Napansin ko pa ang pasulyap-sulyap na tingin sa akin ni Kurt ng tuluyan na kaming naupo sa aming kanya- kanyang pwesto para umpisahan na ang binyag. Maayos naman natapos ang seremonya at kanya-kanya na kaming sakay ng kotse para pumunta sa hotel party. para doon gaganaping ang binyag.


Hindi na ako nag-abala pang magdala ng sasakyan dahil iniwan ko ito sa hotel kanina kung saan gaganapin ang reception. Nakiusap kasi sa akin si Ate Miracle na i-double check ko daw ang venue ng party kung maayos na daw ba. Agad naman akong sumunod at iniwan na ang kotse sa hotel at nagtaxi na lang papunta dito sa simbahan tutal malapit lang naman. Ayaw kong mahirapan mamaya sa paghahanap ng mapaparadahan ng kotse kapag dumami na ang mga tao kaya nakisakay na ako kina Kuya Christian pabalik. Nasa hotel na din pala ang mga kotse nila Ate Jessica at Adrian kaya naman tatlo kaming magkakasama dito sa loob ng sasakyan ni Kuya.


"Grabe! Ang gaganda ng mga babies ni Mira. Nainggit naman ako bigla at parang gusto ko na tuloy mag-asawa at mag-anak." natutuwang wika ni Ate Jessica.


"Ikaw Christian, kailan mo balak mag- asawa? Napag-iiwanan ka na ng kakambal mo ah?" natatawang sagot naman ni Adrian.


"Naku Adrian, huwag mong problemahin ang tungkol sa lovelife ko. Problemahin niyo muna iyang sa inyo.


natatawang sagot ni Kuya.


"Nakita ko na ang babaeng gusto ko Bro. Kaya lang hindi ko alam kung gusto nya din ba ako." tatawa-tawang sagot ni Adrian. Gumuhit naman ang ngiti sa labi ko. Pag-ibig nga naman! Napakakomplekado ng lahat. Natuto ka ngang magmahal, pero hindi ka naman mahal ng taong mahal mo...oh diba? Kaya mas gusto ko na lang tumandang dalaga kaysa sumubok ulit na umibig.


"Eh maiba tayo! Bakit nga pala wala si Baby Girl Carmela?. Sayang naman... balak ko pa naman sanang makiusap na kung pwedeng bumalik sa resort nila sa Palawan. Super ganda ng lugar at balak kong ikutin ang buong paligid at pasukin ang mga kagubatan. Ang lawak ng lupain nila doon at pakiramdam ko mag-ienjoy tayo kapag piliin nating mag-stay sa ganoong lugar para sandaling takasan ang stressful na buhay ng pagnenegosyo." mahabang wika ni Adrian.


"Susss ang dami mong sinabi. ANg sabihin mo nagkukuripot ka lang at ayaw mong gumastos ng malaki para sa isang bakasyon. Saan ka ba makakakita na nag-enjoy ka na nga libre pa lahat! Oh diba sa resort lang sa Palawan nila Carmela o di kaya ng mga Villarama sa Batangas." natatawang sagot ni Ate Jessica. Agad na umugong ang malakas na tawanan sa loob ng sasakyan.


"Pero seriously..nasaan nga pala si Carmela, nakita ko kanina sila Tita Roxie at Tito Jonathan sa simbahan. Mukhang ang unica iha lang yata nila ang wala ah?" nagtatakang tanong ulit ni Adrian. Napansin ko naman ang biglang pagseryoso ng mukha ni Kuya


Christian. Ngumiti muna ako bago sumagot.


"Busy daw! Gustong magshift ng career. Gusto daw pumasok ng military. "kaswal kong sagot. Parehong nagulat ang dalawa samantalang nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Kuya Christian. Tumingin pa ito sa gawi ko habang nagtatanong ang mga mata.


"Naawa nga ako kay Tita Eh. Ayaw nilang payagan si Carmela sa gusto niya. Pero mapilit daw at ayaw papigil. pagpapatuloy ko ng kwento. Hindi nakaimik si Kuya at seryosong


itinutuk ang tingin sa daan.


"Talaga? Bakit naman naisip niya ang bagay na iyun? I know na nakakabilib ang pumasok sa ganyang propesyon dahil ibig lang sabihin noon makabayan ka..pero for Carmela? Seriously? Hindi bagay sa kanya..Nag- iisa siyang anak at tiyak masakit ito para sa kanyang mga magulang." sagot naman ni Ate Jessica. Hindi na ako umimik. Wala ng nangahas pang muling magsalita hanggang sa nakarating na kami sa venue.


Hindi ko na nakita pang muli si Kurt pagdating ng venue. Alam kong isa siya sa mga Ninong pero nakakapagtaka na wala ito ngayun dito kung saan ginaganap ang party. Masaya ang lahat dahil bongga ang celebration. Nagiging sentro ng attraction ang mga palaro dahil mga mamahaling bagay ang mga giveaway. Kapansin-pansin ang pagiging malungkutin ni Tita Roxie sa


buong event. Nawala ang pagiging madaldal nito at masayahin. Maramil ay pinuproblema talaga nito ang gusto ni Carmela. Hayyst kailangan ko talagang makausap ang babaeng iyun.


Hindi pwede ang iniisip niya. Alam kong masyado itong nasaktan sa rejection na natanggap mula kay Kuya Christian pero hello! Hindi pa katapusan ng mundo para mawalan siya ng pag-asa. Kung bakit naman kasi napakamanhid ni Kuya Christian. Kung tutuusin boto ako kay Carmela eh. Hindi na iba sa pamilya namin ang pamilya ni Carmela kaya mas magaan sana kung sila na lang dalawa ni Kuya ang magkakatuluyan. Kaya lang,


syempre hindi naman pwedeng pilitin ang puso.


Muling dumako ang tingin ko kay Kuya Chrisitian. Tahimik ito sa isang sulok habang umiinom ng alak. Malapit na din matapos ang party at wala na akong balak na magtagal pa. Maiintindihan naman siguro nila Ate kung mauuna na akong aalis. Maaga pa


ang pasok ko bukas sa opisina.


Nakangiti akong lumapit dito para magpaalam. Agad naman itong pumayag dahil matatapos na naman din daw ang party. Iniabot nito sa akin ang isang paper bag. Pa-giveaway daw sa mga Ninong at Ninang. Nakangiti ko itong tinanggap at humalik sa pisngi ni Ate. Pagkatapos ay nakangiti kong binalingan si kuya Roldan. Tumango ito sa akin at sinabing mag-ingat daw ako.


"Nagmamadali akong naglakad papuntang parking. Madilim na sa labas at ng sipatin ko ang suot kong relo ay alas siyeta na pala ng gabi.


Abala ako sa pagkuha ng susi ng kotse sa loob ng bag ko ng maramdaman ko na may humawak sa braso ko. Gulat akong napalingon at hindi na ako nakasigaw ng bigla nitong takpan ng panyo ang ilong ko. Pagkatapos ay nagdilim na sa akin ang lahat.




Chapter 126


ARABELLA


Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Masakit ang aking ulo at sandali akong napatulala habang iniisip kung ano ang nangyari kagabi. Biglang nanlaki ang aking mga mata ng maalala ko ang mga nangyari. May dumukot sa akin sa parking area at pinaamoy ako na pampatulog? Agad kong pinakiramdaman ang aking sarili. Wala naman akong nararamdaman na kakaibang sakit ng katawan liban lang sa sakit ng ulo. Marahil nasubrahan ako ng tulog dahil ng dumako ang paningin ko sa bintana ay mataas na ang sikat ng araw.


Agad akong napabalikwas ng bangon ng mapansin ko na nasa hindi familiar na silid ako.


Napalunok ako ng ilang beses dahil bigla ang pagragasa ng takot sa aking puso. Sapo ang aking ulo hinanap ko ang pintuan ng silid at nakahinga ako ng maluwang ng hindi ito naka- lock.


Dahan dahan akong sumilip sa labas at laking pasasalamant ko dahil walang sino man ang nasa labas. Kung ganoon, nasaan ako? Sino iang dumukot sa akin kagabi?


Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kwarto. Inililibot ko ang tingin sa bawat nadadaanan ko. Napakatahimik at pakiramdam ko wala akong ibang kasama sa bahay na ito. Pinilit kong maging kalmado at dahan-dahan na bumaba ng hagdan. Halos hindi ako humihinga dahil takot akong makalikha ng kahit na anong ingay. May nakita ulit akong isang malaking bintana at agad akong naglakad papunta doon at dumungaw. Napaawang ang aking bibig ng makita ko kung gaano kaganda ang tanawin sa labas. Pakiramdam ko nasa isang mataas na bahagi nakatayo ang bahay at mula dito kitang kita ko ang asul na karagatan. Ilang beses kong ikinurap ang aking mga mata dahil hindi ako makapaniwala.


"Pa-patay na ba ako? Nandito na ba ako sa langit?" hindi ko maiwasang bulong sa aking sarili. Agad kong sinipat at pinakiramdaman ang aking sarili. Wala namang nabago liban na lang na iba na ang suot kong damit ngayun. Muling nanlaki ang aking mga mata sa isiping sino ang nagbihis sa akin?


"Ayy, gising na po pala kayo Mam?" gulat akong napalingon ng may biglang nagsalita sa likod ko. Nakita ko ang isang babaeng nakatayo at nakatingin sa akin. May hawak itong sandok kaya agad akong napalapit dito.


"Manang nasaan po ako? A- anong lugar ito?" agad na tanong ko dito. Biglang umilap


ang tingin nito at pilit na ngumiti.


"Gutom na po kayo..Sandali na lang po Mam at maluluto na iyung pagkain niyo..." iba ang isinagot nito sa tanong ko at nagmamadali itong naglakad palayo sa akin. Agad ko naman itong sinundan sa pagbabakasakaling makakuha ako ng matinong sagot dito.


"Manang sabihin niyo po sa akin..Ano ang ginagawa ko sa lugar na ito? Sino ang nagdala sa akin dito?" tanong ko ulit ng maabutan ko sa kusina. Nakita ko na may hinahalo ito sa isang kaldero at hindi pinapansin ang tanong ko. Napabuntong hininga ako at inililibot ang tingin sa paligid. Sa palagay ko hindi naman ganoon kalaki ang bahay na ito. Pero kitang kita na ginastusan dahil pulido ang buong paligid. Maaliwalas ang lahat na nakikita ko kaya nakakasiguro ako na hindi basta- basta ang nagmamay-ari ng bahay na ito. Kaya lang sino ang dumukot sa akin kagabi? Hindi ko na masyadong nakita ang hitsura dahil agad akong nawalan ng malay ng may kung anong ipinaamoy ito sa akin.


"Nakapangalumbaba ako dito sa mesa habang hinihintay kong harapin ako ng babae. busy pa ito at ayaw kong isturbuhin at baka magalit ito sa akin at saktan ako. Takot akong lumabas sa bahay na ito dahil baka lang anong naghihintay sa akin. Hindi ko alam kung ano ang kailangan ng taong dumukot sa akin. Baka nasa labas lang sila ng bahay at mapahamak ako.


Nakita ko na naglalagay na ng pagkain sa pinggan ang babae. Pinagmamasdan ko lang ang kanyang ginagawa. Hindi ito umiimik kaya naman tahimik ko lang itong pinapanood.


"Mam, kain po muna kayo. Pasensya na po kung medyo natagalan." wika nito sa akin at isa-isang inilagay sa harap ko ang mga pagkain. Agad akong nakaramdam ng gutom ng maamoy ko ang masarap na aroma ng ulam na tinolang manok.


"Manang, nasaan po ako? Sino po ang nagdala sa akin dito?' muli kong tanong sa babae. Muli itong nag-iwas ng tingin. Halatang wala itong balak na sagutin ang tanong ko kaya isa- isa kong inilalayo sa harap ko ang pagkain. Hindi pwedeng hindi niya sagutin ang tanong ko. Baka mamaya basta na lang akong kakatayin dito ng wala man lang akong kamalay-malay. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata nito ng makita niya ang aking ginawa.


"Pa-pasensya na po kayo Mam. Hindi po kasi kami pwedeng magsalita tungkol dito. Nandito lang ako sa bahay na ito para pagsilbihan ka." sagot nito.


Nagtataka naman akong napatitig dito.


"Kung ganoon, sino ang nagdala sa akin sa lugar na ito? Bakit niya ito ginawa? Papatayin nya po ba ako Manang? Kidnap for ransom po ba ito?" sunod sunod na tanong ko dito. Agad naman itong umiling pagkatapos naupo sa tapat ko.


"Mam, huwag po kayong mag- alala. Ligtas po kayo sa lugar na ito. Wala pong sino man ang pwedeng manakit sa iyo dahil malalagot kay Boss." sagot nito.


"Anong ibig mong sabihin? Sinong Boss? Siya ba ang nagdala sa akin dito?" tanong ko ulit. Nauubusan na ako ng pasensiya. Ilang beses ko ng tinatanong ito sa kanya pero wala pa ring direktang sagot.


"Opo...si Boss po! Gusto daw po kayong gawing asawa kaya ingatan daw po namin kayo." sagot ni Manang. Gulat naman akong napatayo. Namutla ako bigla at pakiramdam ko gustong humiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko.


"A-asawa? Immortal po ba Boss niyo at basta na lang mandukot ng babae at gawing asawa?" nanlalaki ang mga matang tanong ko dito.Kumabog ng husto ang puso ko dahil sa mga nalaman. May balak pa yata akong gawing sex slave ng kung sino ang dumukot sa akin.


"Ma-mabait naman po si Boss Mam. Huwag po kayong mag- alala. Hindi niya po kayo sasaktan. Sa ngayun po kailangan niyo ng kumain.


Pagkatapos niyan malaya po kayong mag-ikot sa buong paligid. Basta huwag lang po kayong magtangkang tumakas... magiging maayos po ang pagkilos niyo dito. Bilin sa amin ni Boss kapag mahuli daw po kayo namin na tumatakas ikukulong daw po namin kayo sa silid niyo." seryosong sagot nito. Biglang natayuan ang balahibo ko sa buo kong katawan. Anong trip ba ito? Sino ba ang nasa likod ng pagdukot sa akin? Gagawin daw akong asawa? Nababaliw na ba siya? Siguro sobrang pangit ng hitsura ng taong ito at dahil sa sobrang pagkadespirado kung anu-ano na ang pumapasok sa kukute.


"Kung--kung ganoon. Nasaan ang Boss niyo? Ano ang pangalan niya? Pwede ko ba siyang makausap ngayun?" seryoso kong tanong dito. Muli itong umiling.


"Wala po dito ngayun si Boss Mam. May mga inaasikaso po siya pero pupuntahan ka naman daw dito kapag tapos na ang mga iyun. Sa ngayun po kailangan niyo munang kumain dahil tanghali na wala pang laman ang sikmura niyo. Huwag po kayong mag-aalala. Huwag lang po kayong gumawa ng hakbang na hindi magugustuhan ni Boss dahil tiyak na ikukulong kayo sa kwarto." sagot nito. Muli akong naupo sa upuan at muling tinitigan ang mga pagkain na nakahain sa harap ko.


Hindi na ako nagdalawang isip pa. Masarap ang pagkain na nasa harap ko kaya walang dahilan pa para mag-inarte ako. Isa pa kailangan ko ng energy para makatakas sa lugar na ito. Hindi pwedeng maghintay ako dito sa lugar na ito ng hindi ko alam kung ano ang magiging kapalaran ko. Baka mamaya gagawin akong alila ng taong iyun at gawin akong palahian... Kaya hindi ako dapat matakot. Ako si Arabella Villarama at tiyak na hinahanap na ako nila Mommy.


"Ano po ang pangalan niyo Manang? Matagal na po ba kayong nagtatrabaho sa Boss niyo?" tanong ko dito para may mapag-usapan kami. Isa pa balak kong kunin ang loob nito. Maganda na iyung may kakampi ako sa lugar na ito.


"Bago pa lang kaming nagtatrabaho sa kanya Mam. Kakagawa lang din ng bahay na ito at kami agad ang ginawang caretaker. Huwag kang mag- alala, hindi masamang tao ang Boss namin. Sa totoo lang marami siyang natutulungan sa lugar na ito. Maraming nakapagtrabaho dahil sa kanya "


Nakangiti nitong sagot. Pigil naman ako sa pag-ismid. Mabait daw? Saan banda? Sa sobrang pagiging miserable ng buhay ng Boss nito natuto pang mangdukot ng babae para gawing asawa...hayyy naiisip ko pa lang na gawin akong asawa ng halimaw kinikilabutan na ako.


"Kung mabait siya bakit kailangan niya pang mandukot ng babae para maging asawa?" sagot ko dito sa pagitan ng pagsubo. Hindi agad ito nakasagot bagkos tinitigan lang ako.


"Maganda ka kasi kaya siguro ganoon Mam. Baka nahihiya siyang magsabi sa iyo." sagot nito. Natigilan ako at muling napaisip. Diyos ko! Baka matagal ko ng stalker ang taong ito at hindi ko napapansin na matagal na pala akong pinagnanasahan. Pero sino siya? Walang hiya! Hindi ko matatanggap ito at ayaw kong maging asawa ng isang tao na hindi ko kilala.


"Bakit torpe ba siya? Loko siya ha! Hindi siya magtatagumpay sa plano niya Manang. Tiyak na hinahanap na ako ng pamilya ko ngayun pa lang kaya humanda siya. Nagkamali siya ng babaeng dinukot." sagot ko. Natigilan naman si Manang. Kung sino man ang lalaking nangahas na dalhin ako sa lugar na ito nagkamali siya ng babaeng pinili. Tiyak na paparusahan siya ng pamilya namin dahil sa kalapastanganan na kanyang ginawa.


Pagkatapos kong kumain ay agad akong sinamahan ni Manang Goring sa labas. Goring ang binanggit niyang pangalan ng tanungin ko siya kanina.. Nagiging maasikaso ito sa akin at halos laging nakaantabay sa lahat ng mga kailangan ko.


Muli akong namangha ng masilayan ko ang buong paligid. Tama nga ako sa nakita kanina. Kitang-kita ko ang buong dagat mula dito sa kinaroroonan ko. Luntian ang buong paligid at wala akong nakitang ibang bahay. Siguro introvert ang may ari ng bahay na ito dahil mas gusto nitong mag-isang tumira sa kawalan kaysa makihalubilo sa lugar na maraming kabahayan.


"Pag-aari niya ang buong lupa na maabot ng iyung tanaw Mam. Marami naman po siyang mga tauhan na binabayaran para ma- maintain ang kalinisan. May mga tao din siya sa lugar.


binabayaran para sa mga pagtanim ng mga produkto at pag-aalaga ng mga hayop Kaya lang medyo malayo po dito ang mga bahay nila dahil gusto po ni Boss ng tahimik na lugar."


kwento ni Manang sa akin.


Napataas naman ang kilay ko.


"Baka naman sobrang pangit ng Boss mo Manang kaya mas gusto nyang tumira sa ganitong lugar." wala sa sariling sagot ko. Natawa naman ito.


"Hindi naman po Mam. Pogi po si Boss at marami ngang nagkakagusto sa kanya dito.' sagot nito. Napataas ang aking kilay at hindi na sumagot.. Kung tuusin maganda talaga ang lugar. Kahit ako, mas gustuhin kong tumira sa ganito katahimik na lugar. Malayo sa lahat at malayo sa mapanghusgang mata ng mga tao. Kahit papaano may tamang ginawa ang dumukot sa akin.


Pero gayunpaman hindi ako pwedeng magtagal dito. Malapit na akong babalik ng Amerika at ayaw kong gawin akong asawa nito. Ano siya siniswerte? Sa ganda kong ito basta niya na lang akong dudukutin at gawin ang gusto niya sa katawan ko? No Way!


Kahit paano malaya akong makakaikot sa buong paligid kaya wala akong dapat na ipaghimutok. Kaya lang kailangan kong sumunod sa mga kondisyonis ni Manang Goring. Hindi ako dapat magpakita ng maling kilos at magtangkang tumakas. Isa pa hawak umano ng Boss niya lahat ng tao dito at walang sino man ang magtatangka na tumulong sa akin kung sakali. Ngayun pa lang mukhang malaking challenge ang kakaharapin ko!


Oo wala akong bantay sa ngayun dahil mukhang mabait naman daw ako. Pero huwag daw akong mapakampante dahil nakasunod daw ang mga mata ng Boss nila sa bawat kilos ko. Noong una


hindi ko ma-gets ang ibig sabihin ni Manang Goring pero nang mapansin ko ang naglalakihang camera ng CCTV sa buong paligid doon sumagi sa isip ko na nasa napakaseryoso akong sitwasyon. Hindi ko alam kung ilang mga mata ang nagbabantay sa bawat kilos ko. Kahit saan kasi ako pumupunta tadtad ng cctv ang paligid. Maliban na lang sa kwarto at banyo ko.





KURT'S POV


"Nawawala si Arabella." agad na wika ni Christian sa akin ng makapasok ito sa loob ng opisina ko. Alam kong kagabi pa nagkakagulo ang Villarama Family dahil hindi nakauwi si Arabella pero wala akong balak na magsalita. Sa ngayun hahayaan ko silang hanapin ang isang miyembro ng pamilya nila. Hindi ako magsalita hanggat hindi ako makakasiguro na nagtatagumpay ako sa plano ko. Ayaw kong magiging dahilan sila para pigilan ako sa lahat ng gusto kong gawin.


"Paanong nangyari iyun? Hindi bat kasama mo siya kahapon sa binyag? kunwari ay kaswal kong tanong kay Christian. Tinitigan ako nito tsaka umiling.


"Wala ka bang kinalaman sa pagkawala niya?" seryosong tanong nito. Agad akong umiling at nag-iwas ng tingin.


"Ano ang palagay mo sa akin? Kidnapper? Hayaan mo tutulong ako sa paghahanap sa kanya." Sagot ko. Pagkatapos ay tumayo ako at sinipat ang suot kong relo. Nakakaunawa naman na tumango si Christian at nagpaalam ng umalis. Naiwan naman akong ngingiti-ngiti.


Agad kong pinindot ang computer sa harap ko. Mula sa kuha ng CCTV footage kitang kita ko ang lahat ng ginagawa ni Arabella. Halatang aware na ito na maraming Camera sa paligid


dahil nakatulala itong nakatitig sa isang cctv camera. Marahil nag


-iisip na kung paano makatakas pero hindi alam kung paano mag -uumpisa. Sana maniwala ito sa pinapasabi ko na kapag magtangka itong tumakas


ikukulong ito sa kanyang silid. Kung hindi mapipilitan talaga akong palimitahan ang bawat kilos nito. Sa ngayun ayos pa naman. Wala pa naman akong nakitang pagtatangkang pagtakas sa kilos nito kaya hayaan ko muna siyang mag- enjoy sa paligid. Gustong gusto ko na siyang puntahan sa Isla na iyun kung pwede lang. Pero ayaw kong paghinalaan ako ng mga


Villarama.


Bahala na. Tatanggapin ko ang galit nila kung sakaling mabuko ako. Kaya lang naman ayaw kong ipaalam sa kailan ang ginawa kong kabulastugan dahil baka magiging hadlang sila sa plano ko. Pasensiyahan na lang muna kami. Ang importante nasa mga kamay ko na si Arabella at wala akong balak na ipaalam ito kahit na sa sarili kong mga magulang.


Tingnan ko lang kung makakatakas pa ito sa akin.


Sisiguraduhin kong muling mahuhulog ang loob nito sa akin at ito na mismo ang magmamakaawa na huwag kong iiwan. Sobrang pasakit na ibinigay niya sa puso ko at hindi


ko na kaya pang manahimik na


lang. Ito ang pinakamagandang paraan para masulo ko siya.


Magiging akin siya sa ayaw at gusto niya!


"One week na lang. Hintayin mo ako Mahal ko! Papalamigin ko lang ang sitwasyon at


makakapiling na kita." ngingiti- ngiti kong wika habang nakatitig sa magandang mukha ni Arabella.





Chapter 127


CHRISTIAN


Parang kinukurot ang puso ko habang nakatingin sa umiiyak na si Mommy dito sa aming living room. Kanina pa ito nag-aalala sa biglaang pakawala ni Arabella at hanggang ngayun wala pa kaming balita kung nasaan ito. Walang sino man ang nakapansin kung nakauwi ba ito ng mansion kagabi dahil masyado kaming naging abala at isa pa pagod na ang lahat ng makauwi kami at hindi na namin napansin kung kumpleto ba ang buong pamilya.


Walang dahilan para bigla na lang maglaho si Arabella na parang bula. Tiyak na may dumukot dito at tiyak na nasa kapahamakan ito ngayun. Ayun kay Miracle, bago natapos ang party nagpaalam na daw itong uuwi dahil pagod na at gusto nang magpahinga. Pero hanggang ngayun nandoon pa sa hotel ang kanyang kotse at hindi na


siya matagpuan pa.


"Tumutulong na sa paghahanap ang Daddy ni Roldan. Naireport na din sa mga pulis ni Christian ang pagkawala ni Arabella. Huwag kang mag-alala Sweetheart! Mahahanap din natin siya sa lalong madaling panahon." Narinig kong pang-aalo ni Daddy. Pilit na pinapakalma si Mommy dahil baka kung ano ang mangyari dito. Kanina pa itong umaga walang tigil sa kakaiyak kaya naman nag-aalala na kami.


"Sino ang nasa likod ng pagdukot sa kanya Gabriel? Alam mo naman na hindi ako napapalagay kapag may mga ganitong sitwasyon na nangyayari sa pamilya natin. Imposibleng naglayas siya! Anong dahilan ng bigla niyang pagkawala?" umiiyak na tanong ni Mommy.


"Tita! Sorry po...kanina ko lang nalaman ang pagkawala niya." Agad na dumako ang mga mata ko kay Carmela ng bigla itong dumating. Hindi ko ito nakita kahapon sa party at himala na nagawang makapunta nito ngayun dito sa mansion gayung ilang buwan na itong hindi nagpapakita. Sinulyapan muna ako nito bago lumapit sa umiiyak na si Mommy.


"Carmela...ang bestfriend mo! Nawawala siya!" narinig kong wika ni Mommy. Agad naman itong niyakap ni Carmela at pilit na pinapakalma. Parang may kung anong bagay na humaplos sa puso ko habang pinapanood silang dalawa. Noon pa man closed na ang mga pamilya namin at hindi na ako nagtataka pa na kayang maglabas pasok dito sa mansion si Carmela. Halos anak na din ang turing nila mommy at DAddy dito dahil nag- iisa lang itong anak nila Tita Roxie at Tito Jonathan. Kung tutuusin, napakaganda ni Carmela...mabait at sweet sa lahat. Kaya lang nag-aalangan akong patulan ito dahil baka hindi ko


maibigay dito ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanya. Sa ngayun kailangan kong magfocus sa aming negosyo dahil ako na lang ang inaasahan ng aming pamilya na mamamalakad noon. Sobrang stress ang inaabot ko araw-araw para lang magamay ko ang pagpapatakbo ng Villarama Empire at ayaw ko sana munang haluan ng mga personal na gawain.


Kaya lang mukhang kailangan ko ng kumilos ngayun pa lang. Kung alam lang ni Carmela kung paano ko pinigilan ang sarili ko na patulan ito noong naghubad sya sa harap ko. Halos tawagin ko na lahat ng kilala kong Santo ng gabing iyun para malayo sa tukso. Kaya nga hindi na ako nagtagal pa doon. Agad akong nagpasyang bumalik ng Manila. Ayaw ko ng maulit pa ang bagay na iyun dahil baka hindi na ako makapagpigil at mapatulan ito.


"Sorry po Tita..kung dumalo lang sana ako kahapon baka hindi siya napahamak... sana may kasama si Arabella at hindi sana mangyayari ang bagay na ito." naiiyak naman na sagot ni Carmela. Marahil sinisisi nito ang sarili dahil sa nangyari sa kanyang best friend. Kung tuusin wala naman itong kasalanan. Mabuti na din at wala siya kahapon dahil baka napasama pa ito sa pagdukot. Mas dobleng problema kung mangyari iyun. Baka mabaliw na ako sa sobrang stress.


"Huwag mong sisihin ang sarili mo Carmela. Wala kang kasalanan. Nagkataon lang na si Arabella ang naging target ng masasamang loob araw na iyun." sagot ni Mommy. 


"Kung ganoon, ano ang pakay nila kay Bella? Bakit hanggang ngayun hindi pa rin sila tumatawag? Imposible naman na kampo nila Trina ang may gawa nito. Nakakulong na ang babaeng iyun at malabo na silang makagawa ng ganitong hakbang." sagot naman ni Carmela. Natigilan kaming lahat. Oo nga pala..hindi kaya ang pamilya ni Trina ang may gawa nito? Pero imposible...wala na silang capacity pa para gawin ang bagay na ito..Isa pa hanggang ngayun wala pa ring tumatawag para ipaalam sa amin kung ano ba talaga ang gusto nilang mangyari. Kung kailangan ba nila ng pera o ano pa man.


"Posible kaya? Pero hindi..imposible na iyun..Wala na silang kakayahan pa para gawin ito kay Arabella. Isa pa hindi naman siguro sila tanga na gagawa ng ganitong hakbang gayung nakakulong na ang anak nila." sagot ni Daddy.


"Hindi imposibleng mangyari iyun. Lahat ay posibleng suspect. Gawin mo ang lahat Gab. Hanapin natin siya! Ayaw ko ng patagalin pa ito....baka mapahamak ng tuluyan si Arabella."


umiiyak na sagot ni Mommy.


"Dont worry Sweetheart! Sisiguraduhin ko na magbabayad ang may gawa nito kay Arabella! Huminahon ka na muna dahil ginagawa na namin ang lahat para mahanap agad siya." nanggigil na sagot ni Daddy.


"Pero negative pa rin Dad! Nireview na lahat ng CCTV footage ng hotel. Hindi nahagip kung sino ang nagdukot kay Arabella. Isa pa mukhang may malaking tao ang nasa likod ng pagdukot dahil sa sobrang linis ng kanyang ginawang trabaho. Wala man lang itong iniwan na kahit kaunting bakas." sagot ko.


"Pwes huwag tayong titigil! Parasaan ba at may lulutang din na tao para maituro sa atin kung nasaan si Arabella. Kung kinakailangan na maglabas tayo ng reward sa kung sino man ang makakapagturo sa


kinaroroonan niya ngayun gagawin natin." sagot ni Daddy Agad naman akong tumango. Of course hindi kami titigil hanggat hindi matatagpuan si Arabella.


"Huwag po kayong mag-aalala Mom. Hindi kami titigil hanggat hindi siya mahanap. Tumutulong na din ang mga kaibigan ko sa paghahanap sa kanya. Hahalughugin namin ang buong Pilipinas mahanap lang siya."


malambing kong wika kay Mommy. Umaasa na maibasan ang pag-aalala na nararamdaman nito ngayun.


"Salamat Anak! Aasahan ko iyan. Huwag tayong tumigil. Alam kong kailangan tayo ngayun ni Arabella. Hinihintay niya ang tulong mula sa atin." sagot nito. Agad naman akong tumango at tumayo na. Seryoso kong binalingan si Carmela at kinausap.


"Pwede bang sumama ka muna sa akin Carmela? May gusto lang akong


itatanong sa iyo." kaswal kong wika dito. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nito pero nang bumaling ito kina Mommy at Daddy ay pilit itong ngumiti at tumango. Nagdiwang naman ang aking kalooban at hinawakan pa ito sa kamay at agad na dinala sa aking sasakyan. Kitang kita sa mukha nito ang hindi maisatinig na pag -aalinlangan. Pero wala akong pakialam. Gusto ko itong makausap ngayun dahil ilang gabi na akong hindi pinapatulog nito. Dumagdag pa sa suliranin ko ang nabanggit ni Arabella kahapon na gusto daw nitong pumasok sa military.


"Anong kailangan mo sa akin?" agad na tanong ni Carmela ng makapasok kami ng sasakyan. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.


"Gusto kong manghingi ng sorry sa iyo sa nangyari sa Palawan. Nabigla lang ako." sagot ko dito. Nakita ko


kung paano ito natigilan.


"Iyun ba? Pasensya ka na pero kinalimutan ko na iyun. Childish actions na dapat huwag ko ng sagot ni Carmela. ulitin."


"Yup! Pero paano kung gusto kong ligawan ka....papayag ka ba?" diretsahan kong tanong dito. Wala ng pasikot-sikot pa. Masyado akong busy para gumawa pa ng kung anong seremonsyas.


"Nagbibiro ka ba? Baka naman lasing ka lang kaya mo nasabi ang bagay na iyan Christian. Malabo naman yata iyang sinasabi mo gayung sa mga bibig mo na din nanggaling na hindi mo ako papatulan kahit na maghubad ako sa harap mo." Seryosong sagot ni Carmela. Muli akong natigilan. Pagkatapos biglang lumitaw sa balintataw ko ang ginawa nitong tangkang pang-aakit sa akin. Talagang gusto pa nitong maghubad sa harap ko


noong gabing iyun. Sana pinatulan ko na lang ito noong gabing iyun? Siguro hindi na ako mahihirapan pa na paamuhin ito ngayun. Mukhang galit at gusto pa yata akong pahirapan.


"Iyun din ang akala ko noon. Kaya lang nagbago na ang isip ko. Bakit nga pala hindi natin subukan? Malay mo naman baka mag-work out at compatible naman pala tayo." kaswal na sagot ko. Pero sa kaloob-looban ng puso ko umaasam na sana muli nitong ibalik ang maayos na pakikitungo nito sa akin. Pagkatapos kasi ng gabing iyun ay tuluyan na itong umiiwas. Isa sa mga patunay na never na itong pumupunta dito sa mansion na siyang malaking kabaliktaran noon. Halos linggo- linggo itong tumatambay dito sa mansion at minsan naliligo pa sa pool kasama ni Arabella.. Oh diba ganoon siya ka at home at biglang nagbago ng tinangka akong akitin sa Palawan.


"Kalimutan mo na ang ginawa ko noong nasa Palawan pa tayo Christian. Pilit ko ng winawaglit sa isip ko ang bagay na iyun. Nakakahiya ang ginawa ko at ayaw ko ng balikan pa. Hindi ka dapat maguilty sa mga sinabi mo sa akin. Magkaibigan ang mga pamilya natin at ayaw kong ako ang maging dahilan para masira iyun...kaya nga iniiwasan na kita eh...Maghanap ka na lang ng babaeng bagay sa iyo at maghahanap din ako ng lalaki na mamahalin ako at kayang ipaglaban." seryosong sagot nito. Muli akong natigilan at napabuntong hininga. Ganito pala kahirap kunin ang loob ng isang babae. Maraming drama.


"Akala ko ba mahal na mahal mo ako? Iyun ang lumabas sa bibig mo noong tinangka mo akong akitin. Bakit ang bilis naman yata magbago ang isip mo? May iba ka na bang gusto?" lakas loob kong tanong. Nakita ko ang biglang


pagkapahiya nito dahil biglang namula ang pisngi nito. Lihim akong nagdiwang.


"Wala ka na doon Christian. Noon pa man hindi na tayo close para magtanong ka sa akin ng ganyan. Ayaw ko ng eentertain ang nararamdaman ko sa iyo..kinalimutan ko na ang mga iyun at sa ibang bagay na nakafocus ang isip ko ngayun." sagot ni Carmela. Pagak naman akong tumawa para kahit papaano mabawasan ang kirot ng damdamin na nararamdaman ko ngayun dahil sa mga naririnig ko dito.


"Paano kung ayaw ko? May magagawa ka ba? Tatapusin ko lang ang problema namin kay Arabella pagkatapos ibibigay ko na buong oras ko sa iyo. Balita ko, gusto mo daw pumasok sa military...Huwag mo ng ituloy iyun kundi mapipilitan akong sabihin kina Tita ang ginawa mong kalokohan sa Palawan. Tiyak na hindi papayag ang


mga magulang mo kapag malaman nilang ang unica iha nila ay gustong maghubad sa harap ng isang lalaki." seryosong sagot ko. No choice na ako. Kung blackmail man ito wala na akong magagawa pa. Ang importante mapipigilan ko siya sa nais niya. Kapag makapasok na ito ng military tuluyan ng maghihiwalay ang landas namin at hindi ako makakapayag doon. Nakita ko ang magkahalong gulat at kaba sa mukha ni Carmela na sabihin ko ang bagay na iyun. Agad akong nabuhayan ng pag-asa.


"Tinatakot mo ba ako? Sa palagay mo ba maniniwala sila sa iyo? Ako ang anak nila at ako ang kakampihan nila." sagot nito.


"Well, tingnan natin. Baka mapapabilis ang pagpapakasal natin kapag ako mismo ang kakausap kila Tita at Tito..... "nakangising sagot ko. Agad na nagkasalubong ang kilay nito marahil


sa sobrang inis.


"Ano ba kasi ang gusto mo? Bakit ka ba nakikialam?" inis ng tanong nito. Hindi ko mapigilan na matawa.


"Gusto kong magpakabait ka muna at huwag kang gumagawa ng mga bagay na ayaw ko. Maghintay ka lang muna.. aayusin ko lang ang problema kay Arabella. Pagkatapos nito sa iyo na ako Carmela. Seseryusuhin ko na ang panunuyo ko sa iyo." Seryosong sagot ko.


"Baliw! sino ka ba para sundin ko! Gagawin ko kung ano ang gusto ko at walang sino man ang makakapigil sa akin. Alam mo...sa lahat ng ayaw ko iyung dinidiktahan ako sa mga bagay na gusto kong gawin. Kaya pwede ba Christian..huwag mo akong inisin at huwag mo akong takot-takutin diyan dahil wala sa bokabularyo ko na sumunod sa iyo! Maaring mahal kita... oo, pero makakalimutan din kita kapag


makapasok na ako sa Military...marami kayang mga yummy na lalaki doon kaya mapapabilis ang pag-moved on ko." Agad na nagtagis ang mga bagang ko dahil sa sagot nito. Hell, NO!!! Hindi ako papayag! Mahal ko ang babaeng ito at ayaw ko ng kahati at huwag na huwag siyang mag-entertain ng kahit na sinong manliligaw kung hindi magkakamatayan kami.


"Iyan ang huwag mong gawin... Kalimutan mo na ang plano mong pagpasok sa Military. Simula bukas ihahatid at susunduin kita sa School! Ibigay mo sa akin ang schedule mo... Isisingit kita kahit gaano pa ako kaabala sa opisina." galit na sagot ko.. Napahukipkip naman ito at kita sa magandang mukha ang matinding inis.


"At kung ayaw ko? May magagawa ka ba? Tigil-tigilan mo ako Christian ha? Hindi porket may gusto ako sa iyo malaya ka ng diktahan ako sa lahat ng


gusto kong gawin. Umayos ka! Wala sa bokabularyo ko na sumundo sa gusto mo!" inis na sagot nito. Agad naman akong nakaramdam ng matinding inis. Mukhang ngayun pa lang mahihirapan na ako sa ugali ni Carmela.


"Gusto mo bang kay Tita Roxie ko tatanungin ang schedule mo? isa pa.. huwag na huwag kang magtangkang umiwas sa akin Carmela. Hindi ako nangingiming kakausapin sila Tita at Tito tungkol dito. Siguro naman boto sila sa akin dahil mula pagkabata pa lang kilala na nila ako. Isang hiling ko lang na pakasalan kita tiyak na papayag agad sila." sagot ko naman. Tumaas ang kilay nito.


"Subukan mo! Alam ng mga magulang ko kung ano ang ugali ko at hindi nila ako mapipilit sa mga bagay na gusto at ayaw ko!" inis na sagot nito. Napailing na lang ako sa baluktot nitong sagot. Well..tingnan natin kung hanggang


saan ang katigasan ng ulo nito ngayun.







KURT POV


"Kumusta siya Manang?" agad na tanong ko sa aking kausap. Nandito ako sa opisina at hindi hinihiwalay ang paningin ko kay Arabella sa monitor na noon ay nakaupo sa harap ng bahay. Ilang araw na ito sa lugar na iyun at mukhang nababagot na.


"Ayos naman si Mam. Mukhang mabait naman po at nakikinig sa mga sinasabi ko." sagot ng nasa kabilang linya. Tumango ako at napabuntong hininga.


"Pasensya na po kayo Manang. Kayo na muna ang bahala sa kanya. May mga tinatapos pa ako dito kaya hindi pa ako makakapunta diyan. Huwag po kayong mag-alala kapag ayos na bigla na lang akong susulpot diyan."wika ko sa aking kausap.


"Sige po Boss! Babalitaan ko na lang


po kayo kapag may mga hindi magandang nangyari." sagot nito.


"Sige...basta huwag nyong hayaan na mawala siya sa paningin niyo Manang. May bonus kayo sa akin pagbalik ko diyan." sagot ko naman. Agad naman itong nagpasalamat at nagpaalam na.


Muli akong naupo sa swivel chair. Sinong nag-aakala na may talent pala ako sa pangingidnap ng tao. Pwede ko na siguro itong gawing propesyon kong sakaling malugi ang negosyo namin. Napangisi ako at tumayo.


Gusto ko na talagang puntahan si Arabella. Kaya lang alam kong masyado pang mainit ang lahat. Nagiging puspusan ang paghahanap ng mga Villarama kay Arabella at ayaw kong mapaghinalaan. Alam kong lahat ng taong nasa paligid ni Bella ay suspect...lalo na siguro ako dahil ako lang naman ang napapabalitang nanliligaw noon kay Arabella at ilang


beses na binasted. Kaya kailangan kong mag-ingat kung hindi malalagot talaga ako sa mga Villarama.


Tiyak na sa kangkungan ako pupulutin kapag malaman nila ang mga kabulastugan ko. Kailangan ko laging pumasok ng opisina para hindi ako mapaghinalaan ni Christian. Mahirap ng maging suspect. Baka lalo akong matatagalan sa pagpunta kay Arabella sa Isla.


Pinatay ko ang monitor ko dito sa opisina. Pagkatapos ay sinipat ko ang suot kong relo. Nagkayayaan kami ngayun na tumambay ng bar ng mga kaibigan ko para pag-usapan kung paano makatulong sa paghahanap kay Bella. Syempre kailangan present ako sa pag-uusap na iyun. Kailangan ko din ipakita sa kanila na apektado ako sa biglaang pagkawala ni Arabella.


"Wala pa rin bang balita sa kanya?" agad na tanong ni Jessica pagkarating


ko palang. Nauna na silang dumating dito sa bar at mukhang kanina pa sila umiinom ng alak. Agad na umiling si Christian sabay lagok ng hawak na alak.


"Sino kaya ang dumukot sa kanya? Ilang araw na din ang nakalipas. Imposible naman na hindi sila nanghingi ng ransom." tanong naman ni Adrian. Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang pag-uusap. Wala akong maisagot dahil guilty ako.


"Wala ba siyang stalker? I mean lalaking nagkagusto sa kanya at basta na lang siyang dinukot para pagsamantalahan." sabat naman ni Jessica. Natigilan ako at muling napalagok ng alak.


"Imposible. Wala kaming napapansin. Si Kurt lang naman ang masugid niyang manliligaw mula noon." sagot ni Christian. Hindi ako nakaimik. Natigilan ang mga kaibigan ko at sabay akong tinitigan.


"Anong mga tingin iyan? Huwag niyong sabihin na pinaghihinalaan niyo ako sa pagkawala niya?" tanong ko ang mga ito. Iiling-iling naman ang dalawa at sabay na napatawa.


"Hindi..malabo! Hindi ka pa naman ganoon kasama para gawin ang bagay na ito." natatawang sagot ni Adrian. Pabiro ko naman itong binatukan.


"Kapag mahuli ko lang ang salarin sa pagdukot kay Arabella dila niya lang talaga ang walang latay sa mga kamay ko....Sarili kong problema hindi ko maharap dahil sa lintik na na pagkawala ni Arabella." galit na sagot ni Christian. Napalunok ako ng sarili kong laway. Kapagkuwan ay muli akong tumungga na alak para pigilan ang namumuong emosyon. Lintik... Malalasing yata agad ako ngayung gabi. Kayhirap pala ng ganitong sitwasyon.


Lagot talaga ako nito! Tiyak na bugbog


ang aabutin ko kapag mabuko ako kaya dapat lang na mag-ingat ako. Hindi muna ako aalis ng Manila hanggat nasa kasagsagan pa sila sa paghahanap kay Arabella at mahirap na. Baka ako ang mapaghinalaan at mayayari lahat ng pinaghirapan ko.




Chapter 128


ARABELLA POV


Nandito ako sa loob ng kwarto. Hindi ko na alam kung anong bagay ba ang pwede kong pagkakaabalahan. Ilang araw na ako dito at mukhang walang


balak na magpapakita sa akin ang utak ng nagdala sa akin sa lugar na ito. Ilang beses na akong nagtanong kay Nanay Goring. kung ano ba ang plano ng Boss nila dahil balak pa yata akong buruhin sa lugar na ito at pupuntahan lang kung kailan niya maisip.


Tanga lang diba? Ang lakas ng loob na dukutin ako tapos itatago lang ako dito sa lugar na ito na walang ibang nakikita kundi mga puno at karagatan. Hindi ako pwedeng lumabas ng bakuran dahil iyan na daw ang bagong utos sa kanila ng Bossing nila. Ano ang gagawin ko sa lugar na ito? Tiyak na nag-aalala na sila Mommy sa akin ngayun.


Kailangan ko na sigurong umpisahang magplano para tumakas. Hindi pwede ang ganito. Paano kung makalimutan niyang may dinukot pala siyang babae at dinala sa lugar na ito? Ayaw kong tumanda sa lugar na ito at paano ang


aking pagbabalik sa Amerika? Naku.. ngayun pa lang parang gusto ko ng kaltukan kung sino man siya. Ang laking perwisyo ang ibinigay niya sa pamilya namin at hindi siya makakaligtas sa akin ng ganun-ganon na lang. Lalabanan ko talaga siya kapag may balak siyang gawan ako ng masama.


Bahagya pa akong napapitlag ng narinig ko na may biglang kumatok sa pintuan. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo dito sa kama at nagmamadaling tinungo ang nakasarang pinto. Inilalock ko ito kapag nandito ako sa loob sa takot na baka pasukin ako at pagsamantahan. Mas maganda na ang nag-iingat.


"Mam, nakaready na po ang pagkain niyo." agad na pagbabalita ni Aling Goring. Sa ilang araw kong pananatili sa Isla na ito ay ito ang lagi kong nakakasama. Wala din akong


nakikitang ibang tao kaya hindi ko alam kung bakit nakaya nitong manatili sa lugar na ito na nakakapanis ng laway dahil wala kang makakausap.


"Sige po..susunod na ako." matamlay kong sagot na hindi naman nakaligtas sa panding nito.


"Pasensya na po kayo Mam. .kung hindi ko kayo matutulungan sa sitwasyon niyo ngayun. Pero huwag kayong mag- alala. Hindi matatapos ang buwan na ito at pupuntahan din kayo ni Boss dito.


" wika nito sa akin. Agad naman akong natigilan. Hindi ko alam kung ma- eexcite ba ako o kakabahan pero mas maigi na din na magpakita sa akin ang taong iyun para matikman niya ang matinding galit na nararamdaman ko sa kanya.


"Alam mo Manang, naiinis na ako sa Boss niyong iyan. Aware ba siya na napakalaking perwisyo ang ginawa niya sa buhay ko? Gusto ko ng bumalik


ng Manila at kung wala siyang balak na makipag-usap sa akin..pwede bang pakawalan niya na ako?" hindi ko mapigilan na wika dito. Hindi naman ito umiimik kaya lalong kumulo ang dugo ko.


Pagdating ng kitchen ay agad akong kumain. Pagkatapos ay bumalik agad ng kwarto para magmukmok. Wala na ako sa mood pa para ma-amaze sa mga tanawin sa paligid. Ubos na ang baon kong pasensya at kung walang balak ang Boss nila na palayain ako sa lugar na ito pwes ako na mismo ang gagawa ng paraan para makaalis dito.


No cellphone, No internet, No television pakiramdam ko mababaliw na ako sa lugar na ito. Hay humanda talaga sa akin ang taong iyun. Imbes na katakutan sya, nagagalit na talaga ako sa kanya dahil sa ginawa niyang ito.


"Hindi ko alam kung anong oras na


pero naalimpungatan ko na may mga kamay na humahaplos sa hita ko. Agad akong napabangon at sumalubong sa paningin ko ang kadiliman ng buong kwarto. Bigla akong kinilabutan ng maramdaman ko na hindi ako nag-iisa sa silid na ito. Hindi ako maaring magkamali, may mga kamay na humahaplos sa hita ko kanina.


Napalunok ako ng makailang beses at pinipilit kong huwag manginig ang tuhod ko sa matinding takot habang sinasanay ang mga mata ko sa kadiliman ng paligid ng may biglang sumungab sa akin. Natilihan ako ng biglang lumapat ang labi nito sa labi ko


kaya malakas ko itong naitulak. Narinig ko pa ang paglagapak nito sa sahig at mahina nitong pag-ungol marahil dahil sa sakit.


Wala na akong inaksayang oras. Agad akong bumaba ng kama at nagmamadaling tumakbo papunta sa pintuan. Buti na lang at hindi nakalock.


kaya mabilis akong nakalabas at ibinuhos ko buo kong lakas na tumakbo pababa ng hagdan. Agad akong nakalabas ng bahay. Walang lingon likod na nagtatakbo ako sa kadiliman ng gabi. Mukhang bumalik na ang Boss na sinasabi ni Manang Goring. Mukhang may pagka-manyakis dahil imbes na magpakilala at makipag- usap ng maayos agad akong hinipuan!


Hindi ko alam kung saan na ako nakarating dahil puro puno ang nakikita ko. Hindi ko halos maaninag ang buong paligid dahil sobrang dilim. Mangiyak-ngiyak akong napatigil habang habol ang aking hininga. Wala na akong ideya kung saan ako dinala ng aking mga paa dahil sa pagkataranta at takot ko.


Ramdam ko ang panginginig ng buo kong kalamnan ng unti-unti akong napaupo sa ugat ng puno ng malaking kahoy. Hindi ko alam kung papaano


makalabas sa lugar na ito. Naisapo ko ang aking kamay sa aking mukha ng hindi ko mapigilan ang mapaiyak. Bigla kong naisip sila Mommy at Daddy. Pati na din ang mga nakagisnan kong mga kapatid. Ito na yata ang katapusan ko. Nakatakas nga ako sa mga kamay ng Boss nila Manang Goring pero mukhang hindi ako makakatakas sa mga mababangis na hayop dito sa kinaroroonan ko.


Kung bakit naman kasi dito pa ako naisipang dalhin ng dumukot sa akin. Kung siyudad lang sana ito baka may mga tumulong na sa akin. Lalong nag- unahan sa pagtulo ang luha sa aking mga mata. Hopeless na ako ngayun at pakiramdam ko dito na ako babawian ng buhay. Malabong mahanap pa ako nila Mommy at Daddy. Liblib ito at walang sino man ang makakita sa akin kung sakaling dito ako bawian ng buhay.


Lalo akong nakaramdam ng matinding nerbiyos sa isiping iyun. Sinipat ko ang suot kong relo na kahit kailan hindi ko hinubad at nakita kong halos


hatinggabi na. Baka may aswang pa dito at gawin akong hapunan. Impit akong napaiyak dahil nakaramdam ako ng awa sa aking sarili. Masakit na din ang mga paa ko dahil nakalimutan kong magsuot ng kahit tsinelas man lang dahil sa matinding pagkataranta. Ngayun ko lang naramdaman ang hapdi sa aking talampakan. Marahil nagkasugat ako sa bahaging iyun ng hindi ko man lang namalayan.


Hindi ko alam kung napaidlip ba ako pero bigla akong napatayo ng may naririnig akong mga kaluskos sa paligid. Halos pigil ang aking paghinga habang pinapakiramdaman ang mga kaganapan. May mga naririnig akong boses ng mga tao. Diyos ko..ito na nga! Katapusan ko na talaga! Simula ng dumating ako sa lugar na ito tanging si


Manang Goring lang ang tao na aking nakikita. Bakit ngayun sobrang daming boses ang naririnig ko.


Dahan dahan akong naglakad. Napapakagat pa ako ng labi ko tuwing sumasayad sa lupa ang parte ng paa ko na may sugat. Hindi na ako pwedeng magtagal sa lugar na ito. Ano mang sandali mahuhuli na nila ako at hindi ko alam ung anong klaseng mga tao sila. Baka mamaya gagawin nila akong hapunan.


"Hala Boss! dito si Mam!" napaigtad ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko. Hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi kaya mangiyak-ngiyak akong tumakbo palayo dito. Agad naman silang nagsipagsunuran kaya naman malakas akong napaiyak habang buong pwersa nagtatakbo. Wala na akong pakialam kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Lalo akong sumuot sa mga kakahuyan at


napahiyaw ako ng biglang may humawak sa braso ko. Nanginginig akong nagpupumiglas habang malakas na umiiyak.


"Arabella! Bella!" malakas na wika nito


sa akin habang habol ang aking


paghinga sa matinding pagod at pilit


na nagpupumiglas dito. Basang basa na


din ako ng pawis. Parang gusto ko ng


panawan ng ulirat dahil sa matinding


pagod at nerbiyos. Lalo naman nitong


hinigpitan ang pakakahawak sa akin at


parang


wala itong balak na pakawan


ako. Lalo akong naging disperada at


malakas na umiiyak habang


nagmamakaawa dito.


"Bitawan mo ako! Maawa ka sa akin! Ayaw ko pang mamatay!" Malakas na sigaw ko dito. Hindi ito nakinig bagkos mahigpit akong niyakap. Hindi ako sumuko at gamit ang natitira ko pang lakas itinulak ko ito. Hindi man lang ito natinag hanggang sa nakaramdam


ako ng panghihina at nagdilim sa akin ang lahat. Dala na din siguro ng pinaghalong pagod, nerbiyos at takot bigla akong nawalan ng malay sa mga bisig nito.


Nagising ako na masakit ang buo kong katawan. Pakiramdam ko galing ako sa matinding pakikipaglaban dahil masakit ang aking lalamunan pati na din ang ulo ko. Agad kong inilibot ang aking paningin sa paligid. Nandito na ulit ako sa silid ko at muling sumagi sa isip ko ang mga nangyari ng gabing iyun. Kung ganoon, buhay pa pala ako. Agad akong bumangon habang sapo ang aking ulo at hindi mapigilan ang muling pagpatak ng luha sa aking mga mata.


Ngayun ko lang narealized na nasa isang mapanganib na sitwasyon ako. Hindi biro ang pinagdaanan ko kagabi at pakiramdam ko katapusan ko na.


Pero sino ang nagdala sa akin sa silid


nito? Dumako ang tingin ko sa aking paa. May benda ito at nakakaramdam ako ng kirot palatandaan na may sugat ako sa bahaging iyun.


Agad akong napatingin sa pintuan ng kwarto ng bigla itong bumukas. Pumasok si Manang Goring na may bitbit na mangkok na may umuusok na pagkain. Nakangiti itong lumapit sa akin at umupo sa gilid ko.


"Buti naman at gising ka na. Mataas ang lagnat mo kanina at nag-aalala kami sa kalagayan mo." wika nito sa akin. Pagkatapos ay hinalo nito sa harap ko ang dala nitong pagkain. Hindi ako umimik bagkos tumingin lang ako sa malayo.


"Manang, umuwi po ba kagabi ang Boss niyo?" pigil ang pag-iyak na tanong ko dito. Agad naman itong tumango habang nakatitig sa akin. Hindi ako nakaimik. Ipinikit ko ang aking mga mata para pigilan ang


muling pagtulo ng luha.


"Kumain ka na muna para makainom ka ng gamot. Sabi kasi ni Boss nagtatakbo ka daw kagabi at kailangan pang pagtulungan ng halos lahat ng tauhan para mahanap ka. Buti na lang at hindi ka napahamak sa kagubatan." wika ni Manang Goring. Maang naman akong napatitig dito.


"Delikado ang gubat kapag gabi Bella. Kaya huwag mo na itong ulitin pa. Nataranta si Boss kagabi dahil ilang oras ka din hindi mahanap. Mabuti na lang at hindi ka nakasalubong ng mabangis na hayop kundi baka tuluyan kang napahamak." wika ni Manang Goring. Muli akong nakaramdam ng takot.


"Iyung Boss nyo po ba ang nagligtas sa akin kagabi sa gubat?" wala sa sarili kong tanong dito. Agad naman itong tumango sa akin.


"Mabait si Boss...sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari sa iyo kagabi. Huwag mo na sana itong ulitin.Kausapin mo siya ng mahinahon baka pumayag siyang pakawalan ka na lang. Siguro masyadong malaki ang pagkakagusto niya sa iyo kaya nagawa niyang ipadukot ka." wika ulit ni Manang Goring. Hindi ako nakaimik.


Pinilit kong maging mahinahon habang inilalapag ni Aling Goring ang pagkain sa harap ko. Nakaramdam na din ako ng gutom kaya hindi na ako nagpakipot pa. Kailangan kong uminom ng gamot para lumakas ako at maprotektahan ko ang aking sarili laban sa Boss nito na hanggang ngayun hindi ko pa din nakikita.


Muli akong nakatulog pagkatapos kong makainom ng gamot. Tanging si Manang Goring lang ang naglalabas pasok dito sa silid ko na siyang ipinagpasalamat ko. Siguro nga mabait


ang Boss nito at walang balak pagsamantalahan ang kahinaan ko. Pero ayaw ko pa rin magpaka- kampante. Pinasok niya ako ng gabing iyun at muntik ng pagsamantalahan. Kung hindi niya sana ako minanyak hindi sana ako magtatatakbo sa labas ng bahay para makatakas. Hindi sana ako nagkasakit ngayun.


Sa muling pagdilat ng mga mata ko ay nagiging magaan na ang aking pakiramdam. Pero napakunot ang noo ko ng maramdaman ko na may kung anong bagay na nakadagan sa tiyan ko. Hindi ako nakakilos lalo na ng maramdaman ko na may mainit na hangin na dumadampi sa leeg ko. Pigil ang aking paghinga na nilinga ang taong nasa gilid ko at mahigpit na nakayakap sa akin. Nakaunan pa ako sa braso nito kaya wala sa sariling tinitigan ang mukha nito at nanlaki ang aking mga mata ng mamukhaan ko kung sino ang katabi ko ngayun..


Walang hiya...Sa dami ng hirap na pinagdaanan ko ang lalaking ito pala ang salarin ng lahat? Muntik na akong mamatay dahil sa takot tapos siya lang pala ang dumukot sa akin?


"Kurt!" sigaw ko at mabilis na bumangon. Kinuha ko ang isang unan at mabilis na inihampas sa mukha nito. Gulat naman itong napabangon at sumilay ang ngiti sa labi.






Chapter 129


ARABELLA POV


Tuluyan na akong bumangon ng kama at kumuha ng mga bagay na pwedeng ibato sa lalaking ito. Agad naman bumangon si Kurt at malakas akong kinabig payakap. Nagpupumiglas naman ako dito kaya lang wala na akong nagawa pa ng muli akong inihiga sa kama at ikinulong sa kanyang mga bisig. Mas hamak naman na mas malakas si Kurt kumpara sa akin. Kahit na pagsamantalahan niya ako ngayun wala pa rin akong laban dito.


Ano ba kasi ang nakain ng taong ito? Bakit niya naisipang ipadukot ako? Alam kaya nila Mommy at Daddy na ito ang salarin? Hinahanap kaya nila ako?


"Ano ba bitawan mo nga ako! Pagkatapos nang mga ginawa mo sa


akin sa palagay mo ba matutuwa pa ako sa iyo?" galit kong wika habang pilit na muling bumabangon sa kama. Hindi niya naman ako pinapakawalan at parang ahas kong makalingkis sa akin. Hindi ito nagsasalita at nang muli kong tingnan ang mukha nito ay nakapikit ito.


"Sandali lang Bella. Inaantok pa Pwede bang mamaya na tayo mag- usap? Tsaka mo na lang ilabas lahat ng galit mo kapag nakapagpahinga na ako..... Kakaidilip ko lang at halos dalawang araw na akong walang tulog. " wika nito sa paos na boses. Napatitig naman ako dito. Ngayun ko lang din napansin ang pagod sa mukha nito kaya naman itinigil ko na ang pagpupumiglas. Kahit papaano nakahinga na ako ng maluwag dahil ito lang pala ang nasa likod ng pagdukot sa akin. Mas mahirap siguro kung ibang tao iyun diba? Baka napagsamantalahan pa ako wala sa


oras at gawin akong palahian.


Isipin ko pa lang ang bagay na iyun ay parang bigla akong kinilabutan. Sabagay mas maigi na si Kurt ang dumukot sa akin. At least kilala ko ito at hindi naman siguro ako nito sasaktan.


Nakaramdam naman ako ng awa dito ng marinig ko ang mahina nitong paghilik. Ibig sabihin muli itong nakatulog habang mahigpit pa ring nakayakap sa akin. Tinitigan ko ang mukha nito at hindi ko napigilan ang mapangiti. Ako lang yata ngayun ang tangang kinidnap at tuwang tuwa pa habang nakatitig sa taong kumidnap sa akin. Hayst buhay nga naman! Walang duda, mahal ko pa rin ito dahil hanggang ngayun kinikilig ako sa simpleng pagdidikit ng aming katawan.


Dahan-dahan kong itinaas ang aking palad para haplusin ang mukha ni Kurt. Ang gwapo talaga nito! Kaya


naman kahit anong gawin ko hindi ito maalis-alis sa puso ko. Magaling lang siguro ako magtago ng nararamdaman pero ito pa rin ang sinisigaw ng damdamin ko. May mga nakikita akong ilang pirasong bigote na tumutubo sa kanyang mukha. Mukhang napapabayaan nito ang sarili ng ilang araw. Siguro masyado nga itong naging abala sa Maynila. Well hindi ko naman talaga din masisisi dahil siya na talaga ng humahawak ng kanilang negosyo.


Inabot ko ang kumot sa aming paanan at agad na itinakip sa aming katawan. Hanggat maari ayaw ko munang isturbuhin ito. Pero gayun pa man hindi din ako makakawala sa sobrang higpit ng yakap nito ngayun dahil mukhang takot ito na takasan ko ulit. Wala na akong magawa pa kundi lalong magsusumiksik sa dibdib nito. Para kasing nakaka-addict ang amoy ni Kurt ngayun. Ano ba ang gamit na pabango nito at bakit parang ang sarap


sa ilong.


Hindi ko na namalayan ang sandali at muli akong nakatulog. Nakaramdam ako ng kapanatagan ng aking kalooban sa isiping nandito siya sa tabi ko.


Muli akong nagising ng maramdaman ko na may humahalik sa mukha ko.


Agad akong napabangon at sabay pa kaming napaaray ng magka-untugan ang aming mukha. Nang tingnan ko si Kurt ay sapo nito ang nasaktang ilong na tumama sa noo ko. Agad akong nagbigay ng distansiya sa aming dalawa at kunot noo ko itong tinitigan.


"Ano ba itong kalokohang ginawa mo Kurt? Bakit bigla mo na lang akong itinapon sa lugar na ito.' agad na kompronta ko dito nang makabawi.


"Ano ba ang tama Arabella? Ilang buwan mo na akong iniiwasan at palagay mo ba basta na lang akong mananahimik sa isang tabi habang


nakatanaw sa iyo?" seryosong sagot nito. Natigilan ako.


"Pero bakit ganito? I mean ilang araw mo akong binuburo sa lugar na ito? Isa pa muntik na akong napahamak kagabi dahil sa kagagawan mo!" sagot ko naman. Natigilan ito at nakita ko ang paglambong ng expression nito sa mukha.


"Sorry! Hindi ko naman kasi inaasahan na manlalaban ka eh. Kakarating ko lang kagabi at wala naman akong balak na pagsamantalahan ka. Tatabi lang naman sana ako sa pagtulog para mayakap ka dahil miss na miss na kita kaya lang hindi ko akalain na magigising ka at magtatatakbo sa labas. sagot nito. Pinanliitan ko ito ng mata.


"Kurt kung tatabi ka lang sa pagtulog bakit may pahipo-hipo ka pa at hinalikan mo pa ako sa lips. Grabe ka! May tatabi ba sa pagtulog na nangmamanyak? Isa na hindi kita


nakilala kaya natakot ako." sagot ko. Nakita ko ang pagkislap ng mga mata nito habang nakatitig sa akin.


"Ibig mong sabihin kung nakilala mo


ako kagabi hindi mo ako itutulak?


Magpapaubaya ka sa gusto kong


mangyari?" may kislap na tuwa sa mga


mata nito habang sinasabi ang


katagang iyun. Hindi ako nakaimik.


"Hanggang ngayun masakit pa pang-upo ko dahil sa lakas ng pagkakatulak mo sa akin Bella. Bakit ba kasi napakabangis mo ngayun? Masyado ka ng mapanakit! Hindi ka naman ganiyan dati ah?" sagot nito. Naiinis ko itong tinitigan. rin ang


"Ewan ko sa iyo! Iuwi mo na ako dahil hinahanap na ako sa amin! Ang laking kasalanan itong ginawa mo sa akin at tiyak na nag-aalala na ang pamilya ko.. sagot ko. Natigilan ito tsaka tumitig sa akin.


"Teka lang...alam ba ito ni Kuya Christian? Aware ba siya sa ginawa mong pagdukot sa akin?" muli kong tanong. Dahan-dahan na umiling si Kurt kaya agad na nanlaki ang aking mga mata.


"Wala kang pinagsabihan? Ibig mong sabihin walang sino man ang nakakaalam sa ginawa mong ito?" muli kong tanong. Umiling na naman ito.


"Lagot ka nga talaga! Tiyak na pinapahanap na nila ako. Bilisan mo Kurt, iuwi mo na ako ngayun din dahil baka natataranta na sila sa paghahanap sa akin." wika ko. Umiling ulit ito kaya naman parang gusto ng umusok ang ilong ko sa sobrang inis. Wala ba itong isasagot sa akin kundi ang pag-iling lang?


Agad akong bumaba ng kama at pinamaywangan habang tinititigan ng masama. Pabuntong hininga naman


itong naupo sa kama at nagsalita.


"Wala akong pinagsabihin...at tama ka hinahanap ka na nila. Pero ano ang magagawa ko? Naumpisahan ko na ito kaya tatapusin ko na lang. Ibabalik man kita ngayun o sa mga susunod pang araw o sa mga susunod pang taon pareho lang iyun. Malalagot ako sa pamilya mo at magagalit silang lahat sa akin." sagot nito.


'Ano ngayun ang plano mo? Ikukulong mo ako sa lugar na ito habang buhay? Para ka namang tanga diyan eh! Iuwi mo na ako dahil malapit na akong babalik ng Amerika." sagot ko. Malungkot itong napatitig sa akin tsaka umiling na naman.


"Sorry, hindi na matutupad ang pangarap mong makabalik ng Amerika. Wala akong balak na pakawalan ka sa ngayun. Kailangan mahalin mo ulit ako bago kita iuwi sa inyo." seryosong sagot nito. Agad na nanlaki ang aking


mga mata.


"Nagbibiro ka lang diba?" tanong ko. Umiling ulit ito. Pagkatapos ay umalis ng kama at dahan-dahan na naglakad sa papunta sa akin. Parang biglang nanigas ang aking kalamnan at hindi nakakilos.


"Sa palagay mo biro lang ang lahat ito Bella? Seryoso ako. Ayaw ko ng ng muli kang malayo sa akin kaya ginagawa ko ang bagay na ito." sagot nito. Napalunok ako sa sarili kong laway dahil sa matinding kaba. Hanggang sa makalapit ito sa akin at hinawakan ako sa magkabilaang balikat.


"Tutuparin ko ang gusto kong mangyari sa ating dalawa noon pa. Gagawin kitang asawa ko sa ayaw at gusto mo." seryusong wika nito. Hindi ako nakaimik. Biglang nawala ang tapang ko dahil sa sinabi nito. Tinitigan ko ito sa mga mata at kitang kita ko kung gaano ito ka-seryoso


ngayun. Parang ibang Kurt ang nakikita ko sa mga sandaling ito. Hindi ko pa siya nakikitang ganito kaseryoso noon. Lalo akong kinabahan at pilit na tinatanggal ang mahigpit na pagkakahawak sa balikat ko.


"Huwag kang mag-alala. Hindi ako gagawa ng mga bagay na hindi mo gusto. Ang gusto ko lang naman ay muli mo akong mahalin Bella! Iyun lang at wala ng iba! Siguro nga nababaliw na ako kaya nagawa ko ito. Pero mas lalo akong mababaliw kung tuluyan mo akong layuan. Please! Bumalik ka na sa akin! Mahal na mahal kita at ipaglalaban kita kahit kanino!" puno ng emosyon na wika nito. Hindi ko mapigilan ang mapaluha. Parang biglang kinurot ang puso ko sa mga narinig sa kanya.


"Kurt? Hindi...mali pa din itong ginawa mo! Alam kong kasalanan ko din kung bakit ka nagkakaganyan pero mas mali


na basta mo na lang akong dukutin at inilayo sa pamilya ko. Hindi mo man lang ba naisip na nag-aalala na sila sa akin ngayun? Lalo na siguro si Mommy. Huwag mo na sana pang patagalin ito. Maawa ka naman sa pamilya ko Kurt!" sagot ko dito. Muli itong natigilan at matiim akong tinitigan.


"Bahala na Bella. Makasarili na kung sa makasarili. Pero ayaw ko! Mahal na mahal kita at wala na akong pakialam pa sa ibang tao. Ikaw lang ang mas mahalaga sa akin ngayun!" sagot nito. Nababaghani naman akong napatitig dito.


"Magalit man silang lahat...I dont care! Hindi naman nila ako naiintindihan eh. Wala silang pakialam sa nararamdaman ko sa iyo! Mahal na mahal kita at kahit anong pilit ko na kalimutan ka hindi ka mawaglit sa isip at puso ko!" muling wika nito. Lalo


akong napaluha.


"Mananatili tayo sa lugar na ito hanggang sa mahalin mo ulit ako! Walang sino man ang nakakaalam dito kundi tayong dalawa lang kaya malabong mahanap pa nila tayo. Ipagpalagay mo ang kalooban mo mahal ko! Hindi ka makakatikim sa akin ng kahit kaunting kurot. Hindi kita sasaktan basta manatili ka lang sa tabi ko." muling wika nito. Pagkatapos ay naramdaman kong muli ang mahigpit na pagyakap nito sa akin. Lalo naman akong napaiyak hindi dahil sa takot kundi sa awa dito. Hindi ko akalain na kaya niyang gumawa ng ganitong bagay dahil sa matindi niyang pagmamahal sa akin.


Napapikit ako ng maramdaman ko ang labi nito sa noo ko. Pagkatapos ay tinitigan ako sa mga mata at pilit na ngumiti.


"Kumusta ang pakiramdam mo?Hindi


na ba masakit ang ulo mo? Gutom ka na ba? Kaya mo bang bumaba para kumain?" masuyo nitong tanong habang pinupunasan ang luha sa aking mga mata. Para naman akong nahihipnotismo na napatitig dito tsaka tumango.


Nakapulupot ang kanyang braso sa aking baywang ng sabay kaming naglakad palabas ng kwarto at dahan- dahan na bumaba ng hagdan.


Nadatnan namin sa kusina si Manang Goring kasama ng isang lalaki na abala sa paghahanda ng mga pagkain. Sabay silang napalingon sa amin at tipid na napangiti.


"Ayyy Boss...ready na po ang pagkain. Ilalagay na lang namin sa table para makakain kayo." wika nito. Agad na tumango si Kurt at inakay ako papunta sa isang lamesa. Agad niya akong pinaghila ng upuan at inalalayan na makaupo.


Parang gustong matunaw ang puso ko sa simpleng ginawa nito sa akin. Para tuloy akong prinsesa na pinagsisilbihan ng prinsepe ngayun. Muling sumagi sa isip ko ang aking pamilya na naghihintay sa pagbalik ko. Marahan akong napabuntong hininga at ipinilig ang ulo ko. Ano pa nga ang magagawa ko? Siguro naman mapapakiusapan ko si Kurt sa mga susunod na araw para iuwi muna ako. Sa ngayun hayaan ko muna siya sa mga trip niya.


'Boss may mga dumating po palang mga mangangalakal kahapon. Nagpakita sila ng interes na bilhin ang ilang alaga na baka at kambing sa farm. Nag-alok na sila ng magandang presyo kaya lang kailangan pa namin hintayin ang Go signal niyo bago makipag close deal." narinig kong wika ng lalaki na kasama ni Manang Goring. Tumingin muna sa gawi ko si Kurt at napabuntong hininga.


"Kailangan na ba talaga nating magdispatsa ng ilang hayop? Hindi ba pwedeng sa mga susunod na buwan na lang dahil marami pa akong dapat aasikasuhin?" tanong ni Kurt.


"Kailangan na po Boss. Masyado ng masikip ang kamalig at ang pagbabawas ng ilang hayop ang pinakamainam na paraan." sagot nito. Napabutong hininga si Kurt bago tumango.


"Sige...sabihin mo sa kanila na bababa ako bukas para makipag-usap. Sa ngayun hayaan niyo munang ma-solo ko ang mahal ko." sagot nito sa kausap at muling tumitig sa akin. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya sa sinabi nito lalo na ng sabay na napabaling sa akin ang tingin nila Manang Goring at ng lalaking kasama nito.





Chapter 130


ARABELLA POV


Pagkatapos kumain ay agad naman akong niyaya ni Kurt na lumabas ng bahay. Ililibot daw niya ako sa buong paligid na siyang labis ko namang ikinatuwa. Imagine, ilang araw akong binuro nito sa loob ng bahay at pagkakataon ko na para maikot ang paligid.


Pagkalabas ng bahay ay naglakad kami ng ilang kilometro. Medyo matarik ang iba naming dinadaanan pero hindi na ako nagreklamo. Challenging nga eh kasi para lang akong nagha- hiking. Mataas nga talaga ang kinaroroonan ng bahay nito at hindi ko alam kung bakit doon niya naisip ipatayo iyun.


Manghang mangha akong inililibot ang tingin sa buong paligid. Hindi ko akalain na may mas igaganda pa pala sa mga tanawin na natatanaw ko kapag


nakasilip lang ako sa binatana. Ilang metro pa kaming naglakad at nakarating kami sa isang patag na lugar. Agad na tumampad sa paningin ko ang isang maliit na komunidad. May mga tao na din akong nakikita kaya naman nagtatanong ang mga matang napatitig ako kay Kurt. Wala kasi sa hinagap ko na may iba pa palang nakatira sa lupain nito. Marahil ito yung nabanggit sa akin minsan ni Manang Goring na mga tauhan nito na nangangalaga sa mga pananim at mga alagang hayop.


"Huwag kang mag-alala. Mababait ang mga tao dito." wika ni Kurt sa akin at agad na inakay sa isang bahay. Agad naman kaming sinalubong ng taong nakatira doon at kitang kita ko kung paano siya yumukod sa harap ni Kurt bilang tanda ng pagalang.


"Pasensiya na po kayo Boss. Dapat pinatawag niyo na lang po ako kung


may kailangan po kayo sa akin." nagpapakumbaba nitong wika. Agad naman na umiling si Kurt.


Walang problema Manong. Ipinapasyal ko lang din po ang asawa ko at at gusto kong makabisado niya ang lugar na ito kahit papaano." nakangiting sagot ni Kurt at inakbayan pa ako. Bahagya naman akong natulala sa ginagawa nitong pagpapakilala sa akin. Talagang asawa ang tingin sa akin ni Kurt. Ramdam ko kasi sa boses niya ang pagiging proud sa aming kaharap. Agad naman akong binalingan ni Manong at yumukod. Tanging tipid na ngiti na lang ang naging sagot ko dito.


"Kailangan niyo po ba ng kabayo Boss? Kukunin ko lang po si Snow." sagot nito. Agad na tumango si Kurt at umalis naman ang lalaki.


"Kailangan nating sumakay ng kabayo para maikot ang ilang bahagi ng lupain. Marami akong ipapakita sa iyo


sa lugar na ito na tiyak magugustuhan mo." nakangiti nitong wika sa akin. Tanging ngiti lang ang naisagot ko dito habang abala ang aking mga mata sa kakatingin sa kabuuan ng lugar.


Hindi naman kami nagtagal sa paghihintay at agad na bumalik si Manong habang hila-hila ang isang puting kabayo. Kinakabahan man pero pinilit kong maging kalmado. Hindi naman siguro ako pababayaan ni Kurt at isa pa gusto ko din naman makaranas sumakay ng kabayo kahit papaano.


"Huwag kang mag-aalala mahal ko. Ako ang bahala sa iyo. Tiyak na mag- eenjoy ka sa pupuntahan natin." nakangiti nitong wika sabay hawak ng aking kamay. Hinaplos muna nito ang kabayo bago ako inalalayan na makasakay.


"Teka lang...baka mahulog ako..huwag mo muna akong bitawan Kurt......hindi


ko pa naranasan na sumakay ng kabayo. pabulong kong wika dito. Agad naman itong ngumiti at sumampa na din sa likuran ko. Pumadyak padyak naman ng makailang beses ang kabayo kaya naman napatili ako sa takot. Tanging pagyapos sa baiwang ko naman ang ginawa ni Kurt para pakalmahin ako pagkatapos ay hinawakan na nito ang lubid at pilit na pinapakalma ang kabayo.


"Ano ba Kurt! natatakot ako. Ibaba mo ako dito dahil baka mahulog ako."


malakas kong wika. Tumawa lang ito at inumpisahan ng manduhan ang kabayo para tumakbo. Napakapit ako ng mahigpit sa kamay ni Kurt na na noon ay nakayapos sa akin dahil sa naramdamang nerbiyos. Sumandal pa ako sa dibdib nito para kahit papaano makakuha ng kaunting lakas sabat pikit ng aking mga mata dahil pakiramdam ko nahihilo ako sa bilis ng takbo namin. Hindi ko alam kung mai-


enjoy ko pa ba ang rides na ito dahil parang sumasabay sa paglipad ng kaluluwa ko ang bilis takbo ng kabayo.


"Relax ka lang mahal ko. Ako ang bahala sa iyo. Hindi kita hahayaang mahulog kaya huwag kang malikot." Bulong nito sa punong tainga ako. Agad naman nagtindigan ang balahibo sa katawan ko dahil sa ginawa nito. Unti- unti kong idinilat ang aking mga mata at agad na namangha sa aming dinadaanan. Kulay berde ang buong paligid. Mula sa aming kinaroroonan ay tanaw ko ang mga tanim na palay.


Binagalan naman ni Kurt ang pagpapatakbo kaya naman lalo akong nag-enjoy sa aking nakikita.


"Alam mo ba kung ano ang iniisip ko habang binibili ko ang lupain na ito?" mahinang wika nito. Sapat lang para marinig ko siya.


"Ano? I mean alam ba ito nila Tita at Tito?" naguguluhan kong tanong.


"Nope! Wala silang alam sa lugar na ito. Tanging ikaw pa lang ang nakapunta dito. Noong nasa Amerika ka at nakatakda naman akong ikasal kay Trina naglayas ako. Dito ako napadpad. Alam ko kasing hahanapin nila ako kaya wala akong choice kundi maghanap ng liblib na lugar kung saan pwede akong magtago. Swerte naman dahil binibinta ng may-ari ang lugar na ito dahil magma-migrate na daw ang buong pamilya sa ibang bansa.


Gamit ang naipon kong pera sa banko hindi na ako nagdalawang isip bilihin ang kabuuan nito. Swerte ko din dahil bininta lang nila ito sa akin sa murang halaga kaya naman alam kong malaking Blessings ito sa akin. Isa pa gusto ko ng mag-stay sa lugar na ito hanggat maaari. Pero syempre dahil may obligasyon din naman ako sa kompanya ng mga magulang ko,


mahahati na siguro ang oras ko sa pagpapalago ng lupain na ito at ng kompanya namin sa Manila.


"Wala na sana akong balak na bumalik pa ng Maynila. Kaya lang ng nabalitaan ko na ikakasal na si Miracle at uuwi ka ng bansa agad akong nakabuo ng pasya para hindi ka na mawala pa sa akin. Alam kong mali itong ginawa ko sa iyo Arabella pero hindi ko na kaya! Pagod na ako sa kakahabol sa iyo. Hindi ko na alam kung paano kita susuyuin. Bigyan mo naman sana ako ng chance na ipadama ang pagmamahal ko sa iyo. Buksan mo naman sana ang puso mo para sa akin." bakas ang pagpipigil na maiyak sa boses nito habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.


"Huwag kang mag-alala. Pababalikin din kita agad ng Maynila. Sa ngayun ienjoy mo na muna ang sarili mo sa lugar na ito kasama ako. Kung


kinakailangan luluhod ako sa harap ng mga magulang at kapatid mo gagawin ko mapatawad lang nila ako sa kapangahasang ginawa ko sa iyo.. Pero sana bigyan mo ako ng panahon na makasama ka Arabella. Nang sa ganoon magkaroon man lang ako ng magandang alaala sa iyo sa lugar na ito.seryoso ulit nitong wika.


"Kurt......Sorry! Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa ginawa mong ito sa akin. Pero ayaw kong maging selfish. Alam mo bang sa ginawa mong ito, hindi lang ako ang apektado. Paano naman ang mga taong nagmamahal sa akin na nag-aalala ngayun! Sana inisip mo muna sila bago ka gumawa ng ganitong hakbang. Sa palagay mo ba mapapatawad ka nila kapag malaman nila ito?" sagot ko dito. Naramdaman ko ang pagbaba nito ng kabayo at paglahad ng kamay nito para tulungan din akong makababa.


 Sa nasabi ko na handa kong harapin lahat ng iyun. Handa akong pagbayaran lahat ng parusa na posibleng ibigay nila sa akin. Ang mahalaga sa akin kasama ka. Iyun lang.


 sagot nito at tumanaw sa malayo. Malungkot ko naman itong tinitigan pagkatapos ay napapikit ako para samyuin ang halimuyak ng hangin. Ang sarap sa lugar na ito. Kung ako ang papipiliin mas gusto ko dito kasama ni Kurt...Charrr!


"Halika na! Gusto kong ipakita sa iyo ang talon bago dumilim." pagyayaya muli nito sa akin at muli akong inalalayan na makasakay ng kabayo. Hindi katulad kanina..nagiging kalmado na ako sa pagkakataon na ito. Nagiging palagay na ang aking kalooban sa isipin na hindi ako pababayaan nito na malaglag. Isa pa sobrang ganda ng buong paligid at pakiramdam ko nasa isang paraiso ako.


Mabilis ulit nitong pinatakbo ang kabayo hanggang sa makarating kami sa isang tagong paraiso. Agad kong narinig ang lagaslas ng tubig habang inaalalayan akong muling makababa ng kabayo.


Agad niya akong hinila papunta sa medyo masukal na lugar at agad na nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang isang napakagandang talon. May malinaw na tubig na bumabagsak pababa na siyang dahilan ng malakas na lagaslas na narinig ko pagkadating pa lang namin kanina. May ilang magagandang ibon din akong nakikitang lumilipad habang sumasaliw sa mabining ihip ng hangin.


"You like it? Dito ako palaging tumatambay noon. Isa din ito sa dahilan kaya nakaya kong tumira sa lugar na ito ng ilang buwan." wika ni Kurt mula sa likuran ko. Agad na sumilay ang masayang ngiti sa labi ko,


"Pwede bang maligo dyan?" tanong ko sabay turo sa malinaw na tubig.


"Of course! Pero bukas na lang siguro. Malapit ng dumilim at ano mang sandali ay babagsak na ang ulan." natatawa nitong sagot. Agad akong napatingin sa kalangitan at nagulat ako dahil sa nakikita kong makapal na ulap. Pagkatapos ay humarap ako kay Kurt.


"Sayang naman. Parang ang sarap magtampisaw sa tubig." nangingiti kong sagot. Natigilan naman ito habang nakatingin sa mukha ko pagkatapos ay gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito.


"Bukas na lang mahal ko. Kailangan na nating makauwi dahil baka abutan tayo ng malakas na ulan sa daan." sagot nito at agad akong hinila pabalik sa nakataling kabayo. Sakto naman na pareho na kaming nakasakay ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.


Halos hindi na din namin nakikita ang paligid dahil sa biglang pagdilim. Sinipat ko ang suot kong relo at nakita ko na halos alas-sinko pa lang ng hapon.


" delikado na sa atin ang bumalik ng bahay Mahal ko! Wala tayong choice kundi maghanap ng safe na lugar baka mapahamak pa tayo sa daan kapag ipipilit natin na makauwi. Medyo lumalakas na din ang hangin at wala tayong choice kundi maghanap ng makukublihan" Wika ni Kurt at habang pinapahinto nito ang pagtakbo ng kabayo sa isang mayabong na puno. Agad kaming bumaba. Basang basa na kami pareho at nakakaramdam na din ako ng lamig.


"Kaya mo ba maglakad? Huwag kang mag-alala. May kubo ako malapit sa lugar na ito at pwede tayo doon habang pinapatila ang ulan." wika nito sa akin at agad akong inalalayan sa paglalakad.


Tahimik naman akong nagpatianod habang yakap ang aking sarili. Nanonoot hanggang buto ko ang lamig.


Ilang metro lang naman ang aming nilakad ng mamataan ko ang isang maliit na bahay kubo. Agad na binuksan ni Kurt at agad akong pinapasok sa loob. May pinindot ito na switch at agad na sumindi isang bumbilya na nakita ko. ang Malamlam ang liwanag na ibinibigay kaisa-


nito at mukhang hindi na din magtatagal at mapupundi na din agad. Napansin ko na may kinuhang isa gasera sa isang gilid si Kurt at sinindihan niya ito gamit ang lighter galing sa kanyang bulsa. Kahit papaano nadagdagan ang liwanag sa loob ng kubo. Inilibot ko ang tingin sa paligid at nakita kong mukhang malinis naman dahil maayos ang pagkakasalansan ng ilang gamit sa gilid at maliliit na cabinet.


"Huwag kang mag-alala Bella. Safe tayo sa lugar na ito at hihintayin lang natin na tumila ang ulan para makauwi. "muling wika ni Kurt habang abala sa paghahalungkat sa isang maliit na cabinet. Hindi ako sumagot dahil nanginginig na ako sa matinding lamig.


"Here! Hubarin mo muna ang suot mo para hindi ka magkasakit. Pagtiyagaan mo muna ang damit ko. Huwag kang mag-alala malinis ito." wika nito sa akin sabay abot ng isang puting tshirt at short. Agad ko naman itong kinuha at nagpasalamat.


"Magbihis ka muna diyan. May kukunin lang ako sa labas." wika nito sa akin at agad na lumabas ng kubo. Isinara pa nito ang pintuan kaya naman wala na akong inaksaya pang oras. Agad kong hinubad lahat ng suot ko at nagbihis.


Pagkatapos kong magbihis ay agad


kong nakaramdam ng ginhawa. Kahit papaano naibsan ang lamig na nararamdaman ko. Although malaki sa akin ang t-shirt nito pero pwede na din pagtiyagaan. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Mukhang safe naman ang kabubuuan ng kubo kaya kahit papaano nakaramdam ako ng kapanatagan ng kalooban. Pwede na din siguro kami magpalipas ng gabi hanggang malakas pa ang ulan sa labas. Hindi ko alam kung may bagyo ba o ano dahil simula ng dumating ako sa lugar na ito wala na akong balita pa sa outside world.


Naupo muna ako sa ratan na upuan na aking nakita habang hinihintay ang muling pagbalik ni Kurt! Hindi ko alam kung ano ang gingawa nito sa labas. Mukhang sanay na ito mabasa ng ulan dahil hindi ko man lang ito nakitaan na iniinda ang lamig dulot ng ulan. Dinig na dinig ko pa din ang malakas na lagaslas ng ulan sa labas at sinabayan na ng medyo malakas na hangin.


Napabuntong hininga ako.


Agad akong napatingin sa pintuan ng muli itong bumakas. Pinagmamasdan ko ang muling pagpasok ni Kurt habang may bitbit itong bagong katay na manok. Tumutulo ang tubig ulan mula sa buhok nito at kitang kita ko ang pagbakat ng magandang hugis ng katawan nito. Agad kong iniwas ang tingin dito at kunwari ay nagtataka akong napatitig sa patay na manok na hawak nito.


"Wala tayong choice! Mukhang dito na tayo aabutan ng magdamag. Kailangan natin makakain ng hapunan ngayung gabi kaya nanghuli muna ako ng manok." nakangiti nitong wika sa akin at agad na nagtungo sa parang maliit na kusina. Agad itong naglagay ng uling sa isang kalan at pinadingas. Tahimik lang akong nanonood sa kanyang ginagawa. Hindi ko akalain na may pagka-boy scout din pala itong si


Kurt! Napabilib pa ako dito ng makita kong tuluyan na nitong napaningas ang apoy sa kalan.


"Ayos lang ba sa iyo na kumain ng inihaw na manok ngayung gabi?"


baling pa nito sa akin. Wala naman sa sariling napatango ako. Hindi na din naman ito nagsalita pa at inumpisahan niya ng itapat sa nagbabagang uling ng kalan ang dala niyang manok. Agad na kumalat ang aroma ng iniihaw na manok sa paligid. Napalunok ako ng maraming beses dahil bigla akong nakaramdam ng gutom.


Hindi naman nagtagal ay sabay na naming nilantakan ang nalutong pagkain. Masaya ako dahil bago sa experience ko lahat ng ito. Pakiramdam ko nagbabahay-bahayan lang kaming dalawa.


"Mukhang wala tayong choice kundi maghintay dito hanggang sa mag- umaga. Masyadong madilim sa labas at


maputik na ang daan." wika ni Kurt. Nakabihis na ito ng tuyong damit habang kumakain kami.


"Hindi ba delikadong magpalipas ng gabi sa kubo na ito Kurt?" nag- tanong. Agad itong ngumiti sa akin at umiling.


"Dito ako tumitira noong hindi pa gawa ang bahay sa overlooking. Tahimik naman dito at walang sino man ang nagtangka na kantiin ako kaya ipagpalagay mo ang iyung kalooban." nakangiti nitong wika at inabot sa akin ang hita ng manok. Kinuha ko naman ito at tahimik na muling itinoon ang sarili sa pagkain.


Pagkatapos namin kumain ay agad kong nakita na naglatag ng banig si Kurt sa isang maliit na papag. Mukhang dito nga kami matutulog ngayung gabi at hindi ko mapigilan na kabahan. Baka mamaya pasukin kami ng NPA dito at saktan. Paano kung may


aswang at maligno? Naniniwala pa naman ako sa mga nilalang na iyun dahil nahihilig ako sa pagbabasa ng horror stories noong high school pa lang ako. Isa pa liblib ang lugar na ito at kahit na pag-aari na ni Kurt ang lugar na ito ay hindi pa rin pwedeng magpakakampanti.


"Inaantok ka na ba? Mahiga ka na muna dito para makapagpahinga ka. Huwag kang mag-alala. Hindi ka mapapahamak dahil nandito ako para bantayan ka." nakangiti nitong wika. Wala na akong nagawa pa kundi dahan- dahan na naglakad papuntang papag. Parang gusto na din bumagsak ang talukap ng aking mga mata dahil sa antok.


Kahit papaano ay may nakita naman akong dalawang unan sa higaan at kumot. Not bad! Pagod na ako at gusto ko ng matulog. Umaasa din ako na sa pagising ko ay umaga na. Nakita ko


naman na naupo si Kurt sa ratan na upuan na inupuan ko kanina.Tahimik itong nakatanaw sa labas ng kubo habang humihigop ng kape. Mukhang wala itong balak na tumabi sa akin kaya pabuntong hininga na akong nahiga sa papag. Kaagad na naramdaman ng likod ko ang matigas na higaan kaya naman pilit kong binabaliwala. Pwede na magtiyaga sa lugar na ito kaysa magpakabasa sa ulan sa labas.


Marahil sa sobrang tahimik ng lugar at malamig na panahon ay agad akong nakatulog. Naalimpungatan na lang ako ng marinig ko ang malakas na kulog kasabay ng maliwanag na kidlat. Agad akong napabangon sa higaan at takot na sumiksik sa isang sulok. Nakapatay na ang ilaw mula sa bumbilya at tanging ilaw ng lampara na lang ang nag-iisang nakasindi kaya naman nagiging malamlam ang liwanag sa buong paligid ng kubo.


"Kurt! Kurt! Nasaan ka?" naiiyak kong sigaw dahil sa takot. Malakas pa rin ang ulan sa labas at nagliliwanag ang buong paligid dahil sa sunod sunod na pagkidlat at malakas na kulog. Agad ko naman naramdaman ang bisig ni Kurt na yumakap sa akin.


"Sssshhhh Relax ka lang! Ganito talaga minsan sa bukid. Mukhang magtatag- ulan na kaya may mga ganitong kulog at kidlat na nangyayari." wika nito. Lalo naman akong sumiksik dito dahil sa takot.


"Huwag mo akong iiwan Kurt! Natatakot ako." naiiyak kong wika dito. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa takot. Ito ang kauna-unahang beses na nakakarinig ako ng malakas na kulog at kidlat. Although may kulog at kidlat din naman sa Maynila hindi naman ganito kalakas. Dagdagan pa na napakadilim ng paligid at hindi pa din humuhupa


ang malakas na ulan at hangin sa labas.




Chapter 131 (WARNING: SPG)


ARABELLA POV


"Huwag kang mag-alala. Nandito lang ako at hindi kita pababayaan.


Huminahon ka at huwag kang matakot!


malambing nitong wika sa akin. Pagkatapos ay inalalayan akong muling mahiga sa papag.


"Natatakot ako! Pwede bang dito ka na lang muna sa tabi ko?"Naiiyak kong wika dito habang hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking kalamnan. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Kurt at agad akong binalot ng kumot. Pagkatapos ay nahiga na ito sa tabi ko at mahigpit akong niyakap.


"Ipikit mo na lang muna ang mga mata mo at pilitin na matulog Bella. Malalim na ang gabi at wala na tayong magagawa kundi magtiis sa lugar na ito," malambing na wika nito at

hinalikan ako sa noo. Hindi ako nakaimik dahil kahit papaano ay nakaramdam ako ng kapanatagan ng aking kalooban dahil sa ginawa nito sa akin.


"Kurt! Hindi ka na ba galit sa akin?"


maya-maya ay tanong ko dito para naman kahit papaano may mapag-usapan kami. Narinig ko pa ang marahan nitong pagbuntong hininga pagkatapos ay tinunghayan ako. Kahit madilim ay kitang kita ko ang pagkislap ng mga mata nito habang nakatitig sa aking mukha. Napalunok naman ako. Pakiramdam ko ay agad na tumigil ang pag-ikot ng mundo. Wala na din akong pakialam pa sa malakas na kulog at kidlat. Pakiramdam ko bigla akong naging bingi at tanging kay Kurt lang nakatoon ang buo kong attention.


"No..never! Nagtatampo...Oo......pero ang magalit? Hindi ko magagawa iyun

sa iyo Bella. Mahal kita at patuloy kitang mamahalin habang buhay!"


Pabulong nitong wika habang dahan- dahan na lumalapit ang mukha nito sa mukha ko. Agad naman akong napapikit lalo na ng maramdaman ko ang paglapat ng labi nito sa labi ko.


Noong una ay banayad lang ang ginawang paghalik ni Kurt sa labi ko. pero hindi naglaon ay nagiging mapusok na ito. Sinusundot ng dila nito ang nakatikom kong bibig kasabay ng pagdako ng palad nito sa kaliwa kong dibdib. kaya naman napaawang ang labi ko sa pagkagulat at naramdaman ko na agad na ipinasok nito ang dila sa loob ng bibig ko. Nanlaki ang aking mga mata sa ginawa ni Kurt lalo na ng maramdaman ko na ginagalugad ng dila nito loob ang ng aking bibig. Pagkatapos ay hinuli nito ang dila ko at sinipsip nito.


Biglang ragasa ang init sa buo kong katawan dahil sa ginawa nito. Nawala ako sa huwesyo at kusang umangat ang aking braso at ikinawit sa leeg ni Kurt na noon ay hindi nagsasawa na sipsipin at galugarin ang aking bibig.


"Im sorry mahal ko! Hindi ko na kaya pang magpigil." bulong nito sa akin na pansamantala nitong iniwan ang akin labi at pinagapang ang halik papunta sa aking pisngi pababa sa aking leeg at parang bampira na sinisipsip.


Napaungol ako sa kanyang ginawa lalo na ng maramdaman ko na pinisil ng palad niya ang kaliwa kong dibdib.


Pansamantala itong tumigil at tinitigan ako sa mga mata bago dahan- dahang tinanggal ang nakabalot na kumot sa aking katawan. at pagkatapos nito ay itinaas ang suot kong t-shirt. Tuluyan niya itong hinubad at tumampad dito ang malulusog kong dibdib. Nakita ko pa ang bahagya nitong paglunok bago tuluyan niyang isubo ang kanang bahagi ng aking nipple. habang patuloy naman na nilalaro ng palad nito ang kaliwa kong dibdib. Napaliyad ako sa kakaibang sensasyon na aking nararamdaman.


"Nakakabaliw ka Arabella!" Alam mo bang matagal ko ng gustong gawin sa iyo ito?' wika nito sa akin pagkatapos ay naramdaman ko na salitan na nitong sinipsip ang magkabilaan kong nipple. habang naglalakabay ang mga kamay nito sa ibat-ibang parte ng aking katawan. Tanging mahinang pag-ungol lang ang naging sagot ko dito. Hindi ko alam kung paano ibabaling ang aking ulo dahil sa kakaibang sarap na aking nararamdaman.


Hanggang sa naramdaman ko ang paghila nito sa suot kong shorts pababa. Agad naman napaangat ang aking pang-upo at hinayaan siyang tuluyang hubarin ang huling saplot sa aking katawan. Wala akong suot na panty at agad na tumapad sa paningin nito ang aking pagkababae. Noong una ay nahiya pa ako lalo ng nag pinagmasdan niya ang aking hiwa pero kalaunan ay napalitan ito ng bahagyang pag-ungol ng salatin niya ito ng kanyang daliri. Para akong mawala sa ulirat dahil sa kakaibang sarap na aking nararamdaman.


Nang maramdaamn ko na tuluyan na nitong pinaghiwalay ang aking hita ay wala sa sariling napakagat ako sa aking labi. Biglang nawala ang naramdaman kong hiya kani-kanina lang bagkos ay napalitan ito ng matinding init ng katawan.


Muli niyang inumpisahan na salatin ang basang-basa ko ng hiwa. gamit ang kanyang daliri at malakas akong napaungol kasabay ng malalim kong paghinga.


Napapikit ako habang kagat ang aking labi. Paulit-ulit nitong kinalabit ang aking perlas na siyang lalong nagpabaliw sa akin.

! You're wet Bella and I like it!" bulong nito bago ko naramdaman ang mainit nitong hininga sa pagitang ng aking hiwa. Napalakas ang aking pag- ungol ng sumayad ang dila nito sa aking pagkababae. Hindi ko alam kung saan ko ihahawak ang aking kamay. dahil sa kakaibang kiliti na nararamdaman. Nariyan na at sinipsip nito ang aking perlas at pilit na isinisiksik ang kanyang dila sa aking butas.


"Ganito pala ang pakiramdam kapag nakikipag-sex!" hindi ko mapigilan na bulong sa aking sarili. Pakiramdam ko biglang nawalan ng lakas ang aking tuhod na maramdaman ko na may kung anong gustong lumabas sa aking kaloob-looban. Napahiyaw ako ng biglang may mainit na katas na lumabas sa aking pagkababae sabay sambit ng pangalan ni Kurt!


"Ohhh shit! Kurt...umalis ka diyan.

Naihi na ako." wika ko pa. Pero hindi nakinit ito at parang sarap na sarap pa na sinaid lahat ng katas na nilabas ko. Hindi ako makapaniwala sa kanyang ginawa. Habol pa din ang aking paghinga habang hinihintay ang susunod na hakbang na gagawin nito.


Titig na titig ako kay Kurt ng pansamantala itong bumangon at isa- isang hinubad ang saplot sa kanyang katawan. habang hindi inaalis ang tingin sa nakabuyangyang kong katawan. Kitang kita ko ang matinding pagnanasa sa mga mata nito...


Katulad ko nakasuot lang din ito ng puting t-shirt at boxer short. Napalunok ako ng tumampad sa paningin ko ang six pack abs nito at lalong nanlaki ang aking mga mata ng masilayan ko ang nanghuhumindig nitong pagkalalaki ng tuluyan na nitong hubarin ang kanyang boxer shorts. Napalunok ako ng makailang beses bago ko muling naramdaman ang pagdagan sa akin ni Kurt at muli akong hinalikan sa labi pababa papunta sa aking leeg samantalang nilalamas nito ang aking magkabilaang sos0. Wala akong ibang nagawa kundi umungol at hayaan sa mga susunod niya pang gagawin sa akin.


Pareho na kaming nadarang sa init ng aming katawan hanggang sa naramdaman ko na muling itinaas nito ang aking hita at ikinikiskis nito ang kanyang naghuhumindig na pagkalalaki sa aking bukana. Basang- basa na din ako sa bahaging iyun at napapaawang ang aking labi kapag nasasagi nito ang aking nakausling perlas.


Namumungay ang mga matang tinitigan ako sa mukha ni Kurt bago dahan-dahan itong umulos sa ibabaw ko. Hindi ko naman napigilan ang mapangiwi ng maramdaman ko na

parang binibiyak ang pagkababae ko. dahil sa pilit nitong pag-iisa ng aming katawan.


"Gusto mo bang tumigil na muna." malambing nitong tanong sa akin. Nakapasok na ang halos kalahati ng pagkalalaki nito sa loob ko at habol ang aking paghinga dahil sa sakit na nararamdaman. Agad akong umiling at pilit na ngumiti.


"Go on Kurt! Binibigyan kita ng permiso na angkinin ako ngayun."


wika ko at kusa ko ng iginalaw ang aking balakang bilang pahiwatig na pwede nya ng ituloy ang kanyang nasimulan. Kinintalan muna ako ng halik sa noo ni Kurt. bago muling umulos sa ibabaw ko. Muli akong napahiyaw ng maramdaman ko na may kung anong napunit sa loob ng pagkababae ko ng tuluyan na niyang naipasok ng buo ang kanyang pagkalalaki. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng pagkapunit ng kung ano sa loob ko. at ang mainit na likido na umagos mula sa pagkababae ko. pero tiniis kong lahat iyun para maisakatuparan ang lahat.


Huminto pa ito ng ilang segundo. marahil upang bigyan ako ng pagkakataon na sanayin ko ang sarili ko na nasa loob ko ang kanyang pagkalalaki. Nang mapansin nito na bahagya na akong kumalma ay muli itong gumalaw sa ibabaw ko. Noong una masakit pa rin pero hindi naglaon ay nasanay na din ako. Buong puso akong nagpaubaya hanggang sa naramdaman ko na may kung anong mainit na likido na sumabog sa kaloob- looban ko. Lalong bumilis ang pagalaw sa itaas ko si Kurt. Ilang ulos pa ay naramdaman ko ang paglabas ng mainit na katas mula sa pagkalalaki ni Kurt patungo sa aking sinapupunan.


Ilang saglit itong nanatili sa itaas ko habang magkahugpong pa rin ang aming mga katawan. Walang isa man sa amin ang nagtangkang magsalita. Tanging ang mahinang lagaslas ng ulan ang naririnig ko sa labas ng kubo na sumasabay sa paghahabol ng hininga naming dalawa ni Kurt. Pareho kaming napagod sa aming ginawa. Nanatili pa ng ilang minuto na nakadagan sa akin si Kurt. bago dahan- dahan na umalis sa ibabaw ko at nahiga sa tabi ko. Hinalikan pa ako nito sa labi bago mahigpit na niyakap.


"Thank you Bella. I love you!" Malambing na wika nito. Hindi ako nakaimik habang pilit na binabalikan ang nangyari sa amin kani-kanina lang. Tuluyan ng nakuha ni Kurt ang aking pagkababae. pero alam ko sa aking sarili na wala akong pinagsisihan. Mahal ko siya at sa kanya ko lang naman talaga balak ibigay ang katawan ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi ko namalayan na muli akong nakatulog. Nagising ako kinabukasan dahil sa liwanag na tumatagos sa maliit na bintana ng kubo. Aktong babangon na ako ng maramdaman ko na ang sakit sa aking pagkababae. Nanlaki ang aking mga mata ng maalala ko ang nangyari sa aming dalawa ni Kurt kagabi. Naisuko ko na pala dito ang aking virginity pero wala akong naramdaman na kahit kaunting pagsisisi. Bagkos masaya ako dahil alam kong mahal ako ni Kurt at hindi niya ako pababayaan.


Kinapa ko ang pwesto ni Kurt at naramdaman ko na nag-iisa na lang pala ako dito sa papag. May suot na din akong damit at nakabalot ako sa kumot. Dahan-dahan akong bumangon at aktong bababa sa papag ng mapangiwi ako. Pakiramdam ko nagkasugat ako sa ibabang bahagi ng aking katawan.

Agad akong napatingin sa pintuan ng kubo ng biglang bumukas at pumasok ang pinakamamahal kong si Kurt. Sobrang kisig nito sa paningin ko. dahil nakasuot na lang ito ngayun ng sando at shorts. Agad na nagtama ang aming mga paningin at gumuhit ang ngiti sa labi nito ng makitang gising na ako.


"Kumuha lang ako ng makakain natin. Gusto mo bang gumamit ng palikuran? nakangiti nitong wika sa akin. at inilapag sa isang tabi ang dala at lumapit sa akin. Agad naman akong tumango at nagulat ako ng bigla niya akong buhatin.


"Kurt! Ibaba mo ako. Kaya ko naman maglakad eh." nahihiya kong wika dito.


"I know..pero alam kong masakit pa rin ang katawan mo dahil sa nangyari. kaya hayaan mong buhatin kita." sagot nito at lumabas na kami ng kubo. Agad na tumampad sa paningin ko ang maaliwalas na panahon. Parang

nagdahilan lang ang langit kagabi.


Dinala ako ni Kurt sa isang mas maliit na parang kubo. Ito marahil ang kanyang sinasabing palikuran. Ayos na din dahil kahit papaano pwede akong magbawas at umihi dito. May nakita akong maliit ng toilet bowl at lababo.


"BAbalikan na lang kita kapag tapos ka na. Mag-iinit lang ako ng tubig para makapagkape man lang tayo bago umalis. Maayos na ang panahon at alam kong kailangan mo ng pahinga kaya balik muna tayo ng bahay. Sa susunod na araw na lang natin itutuloy ang balak na pamamasyal." wika nito sa akin. Nakangiti naman akong tumango. Hinalikan muna ako nito sa labi bago tuluyan akong iniwan.


"Pagkatapos kong gawin ang aking morning routine ay hindi ko na hinintay ang pagbalik ni Kurt. Kusa na akong bumalik sa aming kubo at naabutan ko itong nagtitimpla na ng kape. May bagong laga na saging at mais din akong nakikita na nakalagay sa maliit na lamesa.


Nang mapansin nito ang pagdating ko ay agad akong inalalayan na maupo. Pagkatapos ay binigyan niya ako ng isang tasang kape at sabay na namin kinain ang nilagang mais at saging. Napakasimple ng pamumuhay sa lugar na ito at malayo sa kinalakhan kong pamumuhay.


"Pasensya ka na. Ito lang ang pwedeng kainin natin sa lugar na ito. Ang importante malagyan ng laman ang ating sikmura bago bumalik ng bahay." wika nito. Tumango naman ako at tumitig kay Kurt.


"About what happened last night.. Masaya ako Bella! Lets get married!. Ayaw ko ng patagalin pa ang lahat." senserong wika nito sa akin. Agad naman akong naluha.

"Sigurado ka ba Kurt? Hindi kita pipilitin na panagutan ako. Aaminin ko sa iyo na Mahal pa rin kita kaya buong puso akong nagpaubaya. Pero huwag mo naman sanang gawing basehan ang nangyari sa atin kagabi. para yayain mo akong magpakasal." Naluluha kong wika dito. Buong tamis itong ngumiti at hinawakan ang aking kamay.


"Matagal ko ng gustong pakasalan ka Bella. Ilang beses ka na din tumanggi. Sa nangyari sa atin kagabi, wala ng dahilan para takasan natin ang nararamdaman natin sa isat isa. Mahal na mahal kita at ikaw lang ang pangarap kong makasama habang buhay."


"Pangako..magiging mabuti akong asawa sa iyo. Ibibigay ko lahat ng gusto mo sa abot ng aking makakaya." nakangiti nitong wika sa akin at bahagya pang pinisil ang aking palad. Lalo namang tumulo ang luha sa aking mga mata.


"Pero wala akong maipagmalaki sa iyo Kurt! Ampon ako ng mga Villarama at anak ako ng kriminal at hindi ko alam kung sino ang tunay kong ama. Natatakot ako baka pagtawanan ka ng mga nakakilala sa akin. kapag malaman nilang ako ang naging asawa mo." umiiyak kong wika. Agad na umiling si Kurt.


"Noon pa man wala na akong pakialam kung ano ang nakaraan mo Bella. Tanggap ko kung anong meron sa iyo. Kahit anak ka pa ng pinakamasamang tao sa mundo. hindi pa rin mababago ang katotohanan na ikaw ang sinisigaw ng puso ko.. Lets get married at sa pagkakataong ito ayaw ko ng marinig sa bibig mo na tinatanggihan mo ako." bakas sa boses nito ang pagmamakaawa habang sinasabi ang katagang iyun. Lalo naman akong napahagulhol ng iyak at dahan dahan na tumango.


Malakas na tumawa si Kurt. habang tumutulo ang luha sa mga mata at mahigpit akong niyakap ng makita nito ang pagsang-ayon ko.


"Thank you! Thank you Bella! Kung alam mo lang kung gaano mo ako pinasaya ngayun....asahan mo hindi ko hahayaan na masaktan ka... papaligayahin kita sa abot ng aking makakaya." masayang wika nito habang hinahalikan ako sa ulo. Mahigit din akong napayakap dito dahil sa walang pagsidlan na tuwa. Pakiramdam ko biglang nawala lahat ng agam-agam sa puso ko at napalitan ng walang kapantay na ligaya.


Bakit nga ba kailangan ko pang pahirapan ang aming mga sarili gayung pwede naman kami ni Kurt ang magkatuluyan. Bakit kailangan kong ikulong ang sarili ko sa nakaraan gayung wala naman akong kasalanan kung naging anak ako ng isang ARA PEREZ. Siguro nga kailangan ko ng palayain ang sarili ko at harapin ang bukas kasama ang taong mahal ko.


"I love you Kurt at Sorry sa pagpapahirap ko sa iyo noon." umiiyak na wika ko dito. Agad naman ako nitong hinalikan sa labi bilang tugon. Parehong pumapatak ang luha sa aming mga mata dahil sa matinding kaligayahan.




Chapter 132


KURT POV


Hindi ako makapaniwala na nasa bisig ko na ang pinakamamahal kong babae sa buong mundo. Hindi ko akalain na magbubunga ng maayos na resulta ang pagtitiis na ginawa ko. para matupad ang gusto ng puso ko na makapiling si Arabella. kahit na ano pa mang pagpasubok ang aking pinagdaanan. Totoo nga ang sinasabi ng iba na huwag sumuko at patuloy na lumaban para sa katuparan ng lahat ng gustong makamit sa buhay.


Sulit lahat ng hirap at sama ng loob na naranasan ko ng ilang buwan na nagdaan sa panunuyo ko kay Arabella. Pakiramdam ko agad na nabura lahat ng sama ng loob at hinanakit ng puso ko habang tinitigan ang mahimbing na natutulog na si Arabella.


Maraming trabaho ang iniwan ko sa Maynila at buti na lang napakiusapan ko si Daddy na siya na lang muna ang bahala na humawak noon. Hindi ko na kasi talaga matiis na hindi makita at mapuntahan dito sa isla si Arabella. Aware sila Mommy at Daddy sa ginawa kong pagdukot kay Arabella although hindi ko nabanggit kong saan ko ito itinago. Gayun pa man isang daang porsyento ang suporta na ibinibigay nilang dalawa sa akin. Wala daw silang ibang hangad sa ngayun kundi makita akong masaya kasama ang babaeng napupusuan ko. Natuto na daw sila ng leksyon sa buhay ng minsan nila akong pilitin na ipakasal kay Trina.


Halos hindi ko na maalis ang titig ko sa natutulog na si Arabella dito sa tabi ko. Nandito pa rin kami sa kubo dahil pareho kaming nakatulog pagkatapos ng maraming beses na pagnanaig. Pakiramdam ko ako na ang pinakamasayang tao sa mundo at lahat ng pagsubok na darating ay kaya kong harapin. basta nandito lang ito sa aking tabi. Totoo nga talaga ang mga narinig ko noon pa man na kung pwede lang ibigay ang langit sa pinakamamahal mo ay gagawin mo mapaligaya mo lang siya.


Malinis na babae si Arabella. Noon pa man alam kong mahal ako nito at napipigilan lang dahil sa takot na nararamdaman ng kanyang puso sa pag -aakalang hindi siya tanggap ng lipunan. dahil sa nakaraan ng tunay na nagluwal sa kanya dito sa mundo. Lagi nitong sinasabi na hindi siya tunay na Villarama at nakakahiya ang kanyang pinagmulan dahil sa kanyang ina na si Ara Perez. Gayun pa man wala na akong pakialam pa sa bagay na iyun. Ipinapangako ko na ipaglalaban ko siya kahit na kanino pa man. Kaya nga ako nagsisikap na mapalago ang negosyo namin para maibigay ko lahat ng pangangailangan nito na hindi na kailangan pang umasa sa mga Villarama.


Alam kong lumaki sa maalwang buhay si Arabella. Hindi basta basta ang pamilyang Villarama at kahit na anong gawin kong sipag. hindi ko matutumbasan ang kanilang kayamanan. Gayun pa man kaya kong ibigay lahat ng luho ni Arabella galing sa aking sariling pagsisikap.


Sinipat ko ang suot nitong relo. Halos alas-tres na ng hapon at wala pa kaming matinong kain. Hindi kami pwedeng abutan ng dilim dito sa bundok kaya naman kahit labag sa kalooban ko kailangan ko na itong gisingin para makabalik na kami ng bahay bago sumapit ng dilim sa buong paligid.


"Hmmm..bakit? Inaantok pa agad na reklamo nito habang nakapikit nito!" . Halatang naubusan talaga ng energy sa aming ginagawa kanina.

Talo pa namin ang bagong kasal kapag makapag loving-loving.


"Mahal ko kailangan na nating makabalik ng bahay. Malapit na naman dumilim at baka dito na naman tayo abutan ng gabi." malambing kong wika dito habang hinahaplos ang maganda nitong mukha. Kinintalan ko din ng magaan na halik sa kanyang noo. Unti- unti naman itong nagmulat ng kanyang mga mata at tumitig sa akin. Pigil ko naman ang sarili ko na hagkan itong muli sa labi dahil baka sumiklab na naman ang aming pagnanasa at lalo talaga kaming gabihin.


"Sige...sa bahay ko na lang itutuloy ang tulog ko. Baka kumulog na naman mamaya.." sagot nito at dahan-dahan ng bumangon. Agad ko naman itong inalalayan dahil nakita ko ang pagkalukot ng mukha nito ng makaupo. Alam kong masakit pa rin ang pagkababae nito kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na buhatin ito palabas ng kubo at deritsong naglakad papunta sa nakataling kabayo na si Snow.


"Agad kong pinatakbo si Snow ng pareho na kaming nakasakay. Katulad kahapon sa harapan ko pinasakay si Arabella para maproteksyunan ko ito at maiwasan ang pagkahulog. Isa pa mas gusto kong kayakap ito habang binabaybay namin ang daan pabalik ng bahay.


Maayos naman kaming nakarating ng bahay. Agad kaming sinalubong ng nakangiting si Manang Goring at sinabi nito na may nakahanda daw na pagkain si kusina. Mabuti na din kung ganoon dahil pareho kaming gutom ni Arabella at balak kong hayaan itong magpahinga pagkatapos malagyan ng laman ang aming sikmura.


Gusto kong ilibot ito bukas ng umaga sa hasyenda. Yes...matatawag kong isang

hasyenda ang lupain na nabili ko sa lugar na ito. dahil sa lawak ng sakop nito. Nasa 100 hectares at kahit papaano ay kumikita na ako galing sa mga produkto nito. Kung tutuusin kaya namin mabuhay sa lugar na ito ni Arabella ng masagana. Pero siyempre kailangan ko pa ring isaalang-alang ang kagustuhan nito. dahil alam kong hindi madali sa kanya ang ginawa kong pagdukot at paglayo sa kanyang pamilya.


Balak ko din tawagan si Christian para ipaalam dito na kasama ko si Arabella. para matigil na ang pag-aalala nila. Alam kong magagalit ito sa akin pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Hindi naman habang-buhay pwede kong itago si Bella. Kailangan nilang malaman para na din matapos na ang kanilang pag-aalala. Nakokunsensya na din kasi ako.

Kailangan ko na silang harapin sa lalong madaling panahon para na din sa kapantagan ng kalooban ni Arabella. Gusto kong malagay na sa maayos ang lahat para maikasal na kami sa lalong madaling panahon. Ayaw ko na siyang pakawalan at gusto ko ng matali na ito ng tuluyan sa akin.


Pagkatapos namin kumain ay muling nakatulog si Arabella. Hinayaan ko na lang ito at sinamantala ko na din ang pagkakataon na makausap ang mga tauhan ko. May mini office ako sa malapit sa mga kabahayan at doon ko kinakausap ang aking mga tauhan,. pati na din ang ibang mga negosyante na nagpapahayag ng pagbili ng mga produkto ng aking lupain. Off limits sila dito sa overlooking dahil gusto kong mapanatiling private ang lugar na ito at tanging sila Manang Goring at ang kanyang asawa lang ang pwedeng pumunta dito with my permission para may mag-asikaso kay Arabella habang wala ako.


Balak ko din magpatayo ng malaking bahay malapit sa talon kung saan una kaming naglalaro ng apoy ni Arabella.


Masyadong memorable sa akin ang lugar na iyun at kailangan namin ng malaking bahay lalo na kapag magkaanak na kami. Hindi pwede dito sa overlooking dahil kung tutuusin hindi ito pampamilya. Pang-bakasyon lang talaga at ayaw kong itira dito ang mga anak ko kung sakaling dumating man ang panahon na magbunga ang aming pagmamahalan.


Ipinilig ko ang aking ulo ng marealized ko na napunta na sa anak-anak ang aking imahinasyon. Gayunpaman handa na ako kung sakaling mabuntis ko ito. Ilang beses ng may nangyari sa amin sa kubo at balak ko pa itong sundan ng makailang ulit bago kami babalik ng Maynila. Mas maganda ng marami akong maitanim na punla sa sinapupunan nito para siguradong wala ng lusot sa akin si Arabella at hindi na din makatanggi pa ang mga Villarama.




ARABELLA POV


Nagising ako na nag-iisa na lang sa silid. Nang sipatin ko ang aking relo ay halos alas-diyes na pala ng gabi. Wala si Kurt sa tabi ko at hindi ko alam kung saan ito nagpunta. Katabi ko lang ito bago natulog kanina at nakakapagtaka dahil wala siya ngayun dito.


Tuluyan na akong bumangon ng higaan. Masakit pa rin ang buo kong katawan dahil sa walang kasawa- sawang pag-angkin kanina sa akin ni Kurt. Pareho kaming sabik sa isat isa kaya naman hindi na namin pa nagawang pigilan ang aming mga damdamin.


Agad akong pumasok sa loob ng banyo para umihi. Nakakaramdam ako ng panlalagkit ng aking katawan kaya nagpasya na din akong maligo para mapreskuhan. Mukhang hindi na din naman ako agad makakabalik pa sa pagtulog. Balak kong lumabas ng bahay ngayun kahit gabi na para hintayin ang pagbalik ni Kurt. Hindi ko alam kung saan ito nagpunta ng ganitong oras ng gabi pero alam kong hindi ito babalik ng Maynila ng hindi ako kasama.


Agad kong itinapat ang hubad kong katawan sa shower. Kahit papaano nakaramdam ako ng ginhawa.


Pagkatapos kong naligo ay agad akong nagbihis ng damit at lumabas ng kwarto. Walang pinagbago, tahimik pa rin dito sa loob ng bahay kaya naman dumiritso na ako ng kusina para maghanap ng makakain.


Nakakaramdam kasi ako ng gutom at sakto naman na namataan ko ang mga stocks ng cup noodles na nasa cupboard. Sakto ito sa malamig na panahon ng gabi habang hinihintay ang pagbabalik ni Kurt.

Hinihintay ko na lang na mainit ang tubig na nakasalang ng narinig kong bumukas ang pintuan ng bahay at may pumasok. Agad akong napatakbo palabas at masaya akong napangiti ng makita ko ang kakarating na si Kurt. Nakita ko ang pagod sa mukha nito kaya agad ko itong nilapitan.


"Kurt! Saan ka galing?" agad na tanong ko. Agad itong lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi sabay yakap bago sumagot.


"Doon sa kabahayan. Kausap ko ang mga tauhan ko pati na din ang negosyanteng gustong bumili ng mga produkto dito. Medyo ginabi kami sa pag-uusap kaya ngayun lang ako nakauwi." nakangiti nitong sagot at bumitaw na ito sa pagkakayakap sa akin at sabay na kaming naglakad pabalik ng kusina.


"Bakit hindi mo ako ginising para naman makasama ako." Kunwari ay nagtatampo kong wika dito ng makarating na kami ng kusina. Pagod itong umupo sa isang silya habang nakatingala sa akin.


"Naawa kasi ako sa iyo. Mukhang masarap ang tulog mo kanina kaya hindi na kita inisturbo. Hayaan mo kapag hindi na masakit ang ano mo isasama na kita palagi." Kaswal nitong sagot sabay tingin sa ibabang bahagi ng katawan ko. Bigla naman akong namula sa hiya na siyang napansin ni Kurt kaya natawa ito.


"Joke lang....ikaw talaga. Nakita ko na ang buo mong katawan at nadama ko na at alam kong may masakit sa iyo dahil sa kagagawan ko. kaya huwag ka ng mahiya sa akin." wika nito. Nahampas ko naman ito sa braso na lalo nitong ikinatawa.


"Pervert!" pabiro kong wika habang hindi ko mapigilan ang matawa. Lalo naman itong napahalakhak at agad akong hinila at pinaupo sa kanyang kandungan.


"Yah...I know..pero sayo lang mahal ko! " bulong nito sa malapit sa aking tainga. Bigla naman nagtindigan ang balahibo sa buo kong katawan. lalo na ng maramdaman ko ang matigas na bagay na tumutusok sa pwet ko habang nakaupo ako sa kanyang kandungan. Walang hiya....ang bilis naman nitong magalit si junjun. Ganoon ba talaga kalakas ang epekto ko sa kanya?


"Kurt, nagugutom ako..kumukulo na yata ang tubig." wika ko dito ng mapansin kong inuumpisahan ng maglikot ang mga kamay nito sa aking katawan. Natigilan naman ito malalim na napabuntong-hininga.


"Sorry mahal ko! Hindi ko napigilan ang sarili ko. Ewan ko ba ang laki talaga ng epekto mo sa akin...simpleng pagdidikit lang ng katawan natin nagagagalit na agad si junjun." paos ang boses na wika nito. Pagkatapos ay dumako ang mga mata nito sa isang cup noodles na nakapatong sa mesa.


Nagugutom ka ba? Wala bang iniwan na pagkain si Manang sa ref?" tanong nito.


"Hindi ko alam. Pero parang gusto ko kasing kumain ng cup noodles eh. Ito ang una kong nakita ng pumasok ako dito sa kusina kaya ito na lang ang naisip kong kakainin." sagot ko dito. Napabuntong hininga ito at hinayaan niya akong makaalis sa kanyang kandungan. Tumayo ito at kinuha nito ang pinapainit kong tubig at ito na ang nagsalin ng mainit na tubig sa cup noodles. Pagkatapos ay muli niya akong pinaupo sa kanyang kandungan habang hinihintay namin maluto ang noodles.


"Hindi ka ba nabibigatan sa akin Kurt?" Tanong ko para naman may mapag- usapan kami. Nakakailang kasi ang katahimikan ng buong paligid.


"No mahal ko..I like this position. Lalo akong nag-iinit." sagot nito sa akin at iniyapos ang kanyang braso sa baywang ko. Isinubsob niya pa ang kanyang mukha sa leeg ko. Hinayaan ko na lang siya at kinuha na ang cup noodles para tingnan kong luto na. At ng mapansin kong malambot na noodles ay agad ko ng nilantakan. Tahimik naman si Kurt na hinahayaan akong kumain at ng alukin ko at sinabi nitong busog pa raw.


Nang maubos ko ang aking kinakain ay tumayo na ako sa kandungan ni Kurt. Hindi naman ito nagprotesta at hinayaan niya na lang ako. Tahimik lang na nakasunod ang tingin sa akin habang nililigpit ko ang aking kalat.


"Alam mo bang dalawa lang tayo sa bahay na ito?" maya-maya ay wika ni Kurt sa akin. Natigilan naman ako at nagtatanong na napatitig sa kanya. Ano ngayun kung dalawa lang kami?

"Nasaan si Manang Goring?" kaswal kong tanong.


"Pinauwi ko na muna sa kanila. Gusto ko kasing masulo ang buong bahay kasama ka." nakangiti nitong sagot. Hindi ko naman alam kong ano bang ibig nitong sabihin kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin. Kunwari pinapakialaman ko kung ano ang laman ng ref dahil wala naman na akong ibang pwedeng gawin at naiilang ako sa mga titig nito.


Marami namang pagkain sa loob ng ref. Kaya pala hindi nauubusan si Manang Goring ng recipe. Nagtataka kasi ako noon na kahit malayo kami sa kabihasnan marami itong naihahain sa akin kapag kumakain ako. May cake pa nga minsan galing sa isang sikat na baking shop at ang alam ko malayo sa kabihasnan ang lugar na ito.


"Bella...pwede pa ba?" nanigas ang buo kong katawan ng maramdaman ko ang presensya ni Kurt. sa aking likuran at biglang pagyakap nito. Hindi ko alam ang ibig nitong sabihin kaya nagtatanong ang aking mga mata na humarap dito.


"Kurt...nandito tayo sa kusina. Hindi ka pa ba pagod? I think kailangan mo munang magpahinga. dahil ilang oras lang ang tulog mo simula kagabi." sagot ko dito. Hindi ito sumagot bagkos naramdaman ko dila nito na ang humahagod sa aking batok at ang muling pagsapo ng kamay nito sa aking dibdib.


Mukhang alam ko na ang ibig sabihin nito kaya wala na akong nagawa pa kundi ang magpaubaya. Hindi pa siguro ubos ang lakas nito sa katawan kaya hahayaan ko siya sa gusto niya total nag-eenjoy naman ako. Iyun nga lang hindi pa nakakabawi ang kepyas ko pero dahil gusto ni Kurt sino ba naman ako para umayaw. Isa pa nasasabik na din ang katawan ko sa bawat haplos nito. Nakaka-addict pala ang ganitong pangyayari.


Sa loob mismo ng kusina ay muli naming naabot ang langit. Hindi ko alam pero habang tumatagal ang aming paglalaro ay lalo kaming nagiging wild sa isat isa. Wala na akong kahit na katiting hiya na nararamdaman sa aking katawan. sa tuwing sinasamba ni Kurt ang buo kong katawan lalo na ang aking pagkababae.


Hindi ko na alam kong ilang beses akong inangkin ni Kurt sa magdamag. Wala itong kapaguran at hindi ako tinigilan hanggang sa makita ako nitong lupaypay na.


Halos fifteen days pa kaming nag-stay sa Isla at wala kaming ibang ginawa kundi ang mag-ikot at mamasyal at magpakasaya sa piling ng isat isa. Pagkatapos ay nagpasya kaming bumalik ng Maynila para harapin sila Mommy at DAddy. Kabado man pero kailangan namin itong gawin para sa kapanatagan ng lahat. Isa pa gusto ko na din na maikasal kay Kurt sa lalong madaling panahon. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kaming nagtalik at malaki ang tsansa na mabubuntis ako nito. Ayaw ko naman mag martsa papuntang altar na malaki na ang tiyan ko.




Chapter 133


ARABELLA


Hawak ang aking isang kamay habang nagdadrive si Kurt sa kahabaan ng expressway. Kakarating lang namin ng Maynila sakay ng isang chopper. Kumakabog ang aking dibdib sa posibleng naghihintay sa amin sa mansion pagdating namin. Tiyak na magugulat sila Mommy at Daddy at natatakot ako sa posible nilang gawin kaya naman halos pagpawisan ang buo kong katawan sa sobrang nerbiyos gayung malamig naman dito sa loob ng kotse.


"Relax ka lang Mahal ko! Kaya ko silang harapin." nakangiti nitong wika sabay pisil ng palad ko. Nag-alala naman akong tumitig dito tsaka pilit na ngumiti.


"Paano kong saktan ka nila? Alam kong magagalit sila sa atin Kurt!" sagot ko dito. Ngumiti lang si Kurt habang naka-focus sa manibela.


"Tatanggapin ko! Alam kong maiintindihan nila tayo at handa kong tanggapin kung lulumpuhin man nila ako ng bugbog. Walang makakapigil sa akin na mahalin at ipaglaban ka. at isa pa ngayun pa ba ako susuko gayung naranasan ko ng maging masaya sa piling mo? Kaya huwag kang matakot mahal ko! Hindi naman siguro sila ganoon kasama para patayin ako diba at isa pa nandyan ka naman para ipagtanggol ako." nakangiti nitong sagot sa akin. Agad naman akong kinilabutan. Pagkatapos ay hinampas ko ito sa braso. Tumawa naman ito.


Muli akong napatitig sa labas ng aming dinadaanan. Pilit kong isinisiksik sa utak ko na mabait sila Mommy at Daddy at hindi naman siguro sila gagawa ng hakbang na ikapapahamak ni Kurt.

Pagpasok pa lang ng sasakyan sa loob ng bakuran ng mansion ay lalong tinambol ng kaba ang puso ko. Pakiramdam ko talaga may hindi magandang mangyayari. kaya naman kailangan kong maging alerto para maprotektahan si Kurt. Hindi ko naman pwedeng hayaan na saktan ito nila Daddy kung sakali.


"Bella! Diyos ko..saan ka ba galing at mabuti naman naisipan mo pang umuwi!" agad akong napalingon sa aking likuran ng nakita kong nagmamadaling naglakad palapit sa amin si Mommy. Agad ako nitong niyakap at hinalikan sa pisngi. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata sa isiping masyado itong nag-alala sa akin. Alam ko kung gaano ako kahalaga kay Mommy at ngayun ko lang naisip kung paano ito nag-aalala sa bigla kong pagkawala.


"Alam mo bang nag-aalala kami sa iyo ng sobra? Ginawa na namin ang lahat para mahanap ka at malaman-laman lang namin na si Kurt pala ang dumukot sa iyo?" may himig na galit sa boses ni Mommy at bumitaw sa pagkakayakap sa akin at hinarap si Kurt. Nagulat pa ako ng bigla nitong sampalin si Kurt. Hindi naman nakitaan ng galit sa mukha ni Kurt bagkos ay buong puso itong nagpapakumbaba.


"Kulang pang kabayaran sa ginawa mong ito lalaki ka! Ano ba ang pumasok sa kukute mo? Bakit nagawa mo ang bagay na ito Kurt?" galit na singhal ni Mommy kay Kurt.


"Sorry po Tita....mahal ko talaga si Arabella kaya nagawa ko siyang dukutin. Mababaliw ako kapag tuluyan niya akong iiwan at bumalik ng Amerika." sagot ni Kurt habang hindi makatingin ng diretso kay Mommy. Alam kong guilty ito sa kanyang ginawa. Hindi ko naman mapigilan ang maiyak habang iniisip kong paano pahuhupain ang galit ni Mommy.


"Sorry? Alam mo bang ilang araw akong hindi nakatulog dahil sa ginawa mong ito Kurt? HIndi mo man lang ba naisip na may pamilyang naghahanap kay Arabella? Bakit kailangan mo pa siyang dukutin gayung hindi ka naman namin pinagbabawalan na suyuin siya? galit na wika ni Mommy.


"Mommy...Sorry po! Kasalanan ko din naman ito. Hindi ako nag-ee -effort na tumawag sa inyo. Mahal ko si Kurt Ma at nagkakamabutihan na kaming dalawa." umiiyak kong sagot. Tinitigan lang ako ni Mommy tsaka muling hinarap si Kurt.


"Ayaw ko ng ulitin mo pa ang bagay na ito Kurt ha? Papatayin mo ako sa nerbyos dahil sa ginawa mong ito. Mahal ko si Bella at ayaw kong sumama ang loob niya sa akin dahil alam kong gaano ka niya ka-gusto!

Pero hintayin mo si Gabriel at Christian at ihanda mo ang sarili mo dahil alam kong hindi lang sampal ang matitikman mo sa kanila.' wika ni Mommy. Kinabahan naman ako.


"Handa ko pong harapin lahat ng parusa na ibibigay nila sa akin Tita. Basta hayaan nyo lang po akong mahalin at makasama si Arabella." sagot ni Kurt. Napabuntong hininga naman si Mommy at binalingan ako.


"Bakit ka umiiyak dyan? Hindi naman kita sinaktan ah? Para sinampal ko lang naman si Kurt nagiging emotional ka na agad? Ayusin mo ang sarili mo dahil parating na ang Daddy at Kuya mo!" seryosong wika ni Mommy. Hindi ko naman alam kung matatawa ako o lalong iiyak sa sinabi nito.


Mom, pwede po bang tulungan mo akong kumbinsihin sila na huwag saktan si Kurt? Papakasalan naman niya agad ako eh. at hindi naman niya tatakbuhan ang mga nangyari sa amin. "nakikiusap kong wika kay Mommy. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito at saglit na natigilan. Pagkatapos ay nagpapalipat lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Kurt bago pinandilatan si Kurt.


"May nangyari na sa inyong dalawa? Diyos ko Bella! Kurt hindi ako papayag na hindi kayo makasal agad ni Bella. Lugi ang anak ko dahil siya ang babae." agad na sagot ni Mommy. Nakita ko ang pagsilay ng masayang ngiti sa labi ni Kurt. Halatang nagustuhan nito ang katagang lumabas sa bibig ni Mommy.


"Dont worry po Tita. Ipapa-rush ko po agad ang preparation ng kasal namin. Ayaw ko naman na din pong pakawalan pa si Bella. Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito at ayaw ko na pong magsayang pa ng oras." nakangiting sagot ni Kurt. Pabuntong-hininga na tumango si Mommy at niyaya nya kaming pumasok sa loob ng living room.


"Hintayin niyo dito si Gabriel at Christian dahil pauwi na silang galing opisina. And Kurt...please call your Mom and Dad. Gusto kong mapag- usapan ngayun mismo ang kasal niyo ni Arabella." wika ni Mommy at iniwan na kami dahil pupuntahan daw nito si baby Rafael sa nursery room.


Binalingan ko si Kurt ng kami na lang dalawa ang naiwan dito sa living room. Nagtatanong ang mga matang tumitig ako dito. Napansin ko kasi na hindi naman masyadong galit si Mommy at parang ini-expect pa nito. ang pagdating namin ngayung araw dahil halatang nakaabang ito kanina sa labas at hindi man lang nagulat sa aming pagdating.


"I called them ten days ago para sabihin na kasama kita. Galit na galit sila sa akin at normal lang naman iyun.. halos patayin nga ako sa mura ng mga kapatid mo habang kausap ko sila..pero alam ko naman na maiintindihan nila tayo at nangako ako na uuwi tayo ngayung araw kaya ini-expect na nila ang pagdating natin." tatawa-tawang sagot ni Kurt sa akin. Nakurot ko naman ito sa tagiliran dahil sa panggigil. Kaya pala ganoon lang ang reaction ni Mommy. Hindi man lang ito nagulat kung bakit ngayun lang ako nakauwi at kasama pa si Kurt. Although nakatikim ng sampal si Kurt pero kulang pa rin ang ipinakita nitong galit kanina. Parang tanggap niya na ang lahat ng mga nangyari.


'Loko ka talaga! Hindi mo man lang sinabi sa akin na nakakausap mo sila... kaya pala relax na relax ka lang dyan habang bumibyahe tayo pauwi dito.... iyun pala alam na nila ang tungkol sa ating dalawa?" sagot ko at pinandilatan ito. Natawa ito at natigil lang ng biglang pumasok sa loob ng living room sila Daddy Gabriel at Kuya Christian. Halatang galing ang mga ito sa opisina dahil sa kanilang mga suot. Wala akong nakita kahit na anong expression sa mukha ni Daddy pero kitang kita ko naman ang galit sa mga mata ni Kuya Christian na nagmamadaling naglakad patungo sa kinaroroonan naming dalawa ni Kurt.


Tatayo sana si Kurt para salubungin ang mga bagong dating ng biglang lapitan ito ni Kuya Christian at suntukin. Sapol ang panga ni Kurt at muli itong napaupo ng sofa. Agad naman akong lumapit at hinawakan si Kuya Christian para pigilan sa muling pagsugod nito kay Kurt.


"Kuya tama na! Huwag mo naman sanang saktan si Kurt! Nandito siya para sabihin na hindi naman siya tatakas sa obligasyon sa akin." umiiyak kong wika kay Kuya at aktong hahawakan ko ito sa kamay pero tinabig niya ako. Galit nitong tinitigan si Kurt at dinuro.


"Walang hiya ka! Ang lakas ng loob mo para gawin ito Kurt!" galit na wika na si Kuya. Hindi naman nakaimik si Kurt kaya naman hinawakan ko na sa damit si Kuya Christian at pilit na hinihila palayo kay Kurt.


"Christian...tama na iyan!...Nonsense na kung daanin mo pa sa pagiging bayolente ang lahat. Nangyari na ito at wala na tayong magagawa pa!"


maawturidad na wika ni Daddy. Umupo ito sa katapat na sofa at tinitigan si Kurt. Natigilan naman si Kuya habang nanlilisik ang mga mata na tumitig kay Kurt. Pagkatapos ay ibinaling ang tingin sa akin at tinapik ako sa balikat bago pumunta sa isang bakanteng sofa at naupo. Muli naman akong bumalik sa tabi ni Kurt. Titig na titig naman si Daddy sa aming dalawa bago nagsalita.


"Ikaw lalaki, ano ang plano mo ngayun? Hindi pwedeng ganoon-

ganoon na lang..kailangan mong ipakita sa amin kung gaano ka talaga ka -seryoso kay Arabella...." malakas ang boses na wika ni Daddy Gabriel. Agad naman napayuko si Kurt habang himas ang nasaktang panga galing sa suntok ni Kuya.


"Dont worry po Tito. Papanagutan ko po si Arabella at pakakasalan ko po siya sa lalong madaling panahon." sagot nito.


"Dapat lang....ayaw ko ng makialam pa sa mga nararamdaman niyong dalawa. Ang importante sa akin ay masaya ang mga anak ko at wala akong pakialam kung sino ang magugustuhan nila at makasama habang buhay. Hindi kita kukundinahin sa ginawa mong ito pero sana huwag mo ng ulitin.....akala talaga namin napahamak na si Arabella dahil bigla itong nawala...pero since ikaw ang kasama niya ano pa nga ba ang magagawa namin kundi ibigay ang basbas sa inyong dalawa. Ayaw naming maging kontrabida sa nagugustuhan ng mga anak ko dahil pinagdaanan ko din iyang mga pinagdaanan niyo ngayun..hiling ko lang na mahalin mo si Bella sa abot ng iyung makakaya dahil hindi kami mangingimi na bawiin siya sa iyo kapag saktan mo lang siya." mahabang wika ni Daddy.


Agad naman akong naluha sa sinabi nito. Siguro nga isa ako sa mga maswerteng tao dito sa mundo dahil ang kinikilala kong mga magulang ay handang intindihin ang aking nararamdaman. Baka bugbog sarado na si Kurt kung sa iba pa ito nangyari.. Buti na lang at sampal lang ang natanggap nito kay Mommy kanina at isang sapak naman kay Kuya Christian. Ayos na din siguro iyun dahil may kasalanan naman talaga si Kurt. Hindi nakakatuwa ang ginawa nitong pagdukot sa akin. Alam kong sobra silang nag-alala kaya naman babawi na lang siguro kami ni Kurt sa kanila sa mga susunod na araw.


Alam kong dahil sa matinding pagmamahal sa akin kaya siya nakagawa ng hakbang na sa mata ng lahat ay isang malaking pagkakamali..... pero alam kong maitutuwid lahat ng iyun dahil sa pagmamahal na inialay niya sa akin.


"Hay naku! Naunahan pa ako ni Bella...Mas matanda ako sa kanya ng ilang taon pero mukhang napag- iiwanan na ako ng panahon."


Naghihimutok na wika ni Kuya Christian habang nakaupo ng sofa. Mukhang hindi na ito galit dahil nawala na ng pamumula ng mukha nito. Hindi na din masakit kong tumitig kay Kurt. Sabay-sabay naman kaming napatitig dito. Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Daddy tsaka tumayo.


"Babagal bagal ka kasi eh. Iyan tuloy naunahan ka ng Philippine Military. Hintayin mo na lang na makatapos sa training niya si Carmela tsaka mo ulit pormahan."Wika ni Daddy sabay tayo. Gulat naman akong napatitig kay Kuya Christian. Ilang araw lang akong nawala pero mukhang marami na ang mga nangyari.


"Gago kasi itong si Kurt eh. Kung hindi niya sana kinidnap si Bella hindi sana mahahati ang attention ko. Makakapag -focus sana ako kay Carmela..." sagot naman ni Kuya. Napapailing naman si Daddy at nagpaalam ng aakyat na muna ng kwarto para magbihis. Parating na din ang mga magulang ni Kurt para pag-usapan ang kasal namin sa ikalawang pagkakataon.


"Pasensiya ka na Bro. Kailangan ko kasing manigurado para hindi na makakawala sa akin si Bella at para siguradong wala ng tututol sa pag- iisang dibdib namin." sagot ni Kurt.


Masamang tinitigan ulit ito ni Kuya.


"Kung hindi ka ba naman gago eh. Dapat umpisa pa lang sinabi mo na sa akin ang plano mo para naman hindi ako mahawa sa pagkataranta ng pamilya namin. Baka natulungan pa kitang gago ka eh! Tingnan mo tuloy, hindi ko napagtuunan ng pansin si Carmela. dahil sa kakahanap kay Bella. Talaga naman! Bakit ba napakatigas ng ulo ng mga kababaihan! Sinusuyo na nga lalo namang lumalayo! Pahamak talaga iyang padalos-dalos mong desisyon Kurt eh! Akala ko ba magkaibigan tayo? Bakit mo ako tinatrydor gago ka?" bakas ang inis sa boses ni Kuya habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi naman napigilan na matawa ni Kurt.


"Sorry na Bro! Hindi ko na uulitin ito promise!" natatawang sagot ni Kurt. Lalo naman nagsalubong ang kilay ni Kuya.

"Paano mo pa uulitin eh nahulog na sa mga kamay mo si Bella. Pasalamat ka at itinuturing pa rin kitang kaibigan. Kung hindi, baka hindi lang sapak ang inabot mo sa akin!" asar na sagot ni Kuya. Nagtataka naman akong nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Ang bilis naman nilang magkaayos? Parang wala lang kay Kurt na nasapak siya ni Kuya? Hindi man lang ito nagtangkang gumanti?


"Kidnapin mo na lang din at dalhin mo sa isang masukal na lugar para wala ng kawala sa iyo." natatawang sagot ni Kurt. Napatayo naman si Kuya Christian at buong panggigil na binatukan ang tumatawang si Kurt.


'Gago...hindi ko gagawin ang ginawa mo! Isa pa malabo pa sa sikat ng araw na magawa ko iyan..tiyak na manlalaban si Carmela dahil nag-aaral na iyun ng martial arts. Baka mapaiksi pa ang buhay ko kung gagawin ko iyang suggestion mo." sagot ni Kuya.

Tiling iling naman na tumawa si Kurt tsaka ako nito inakbayan.


"Well, sorry ka na lang. Tama si Tito kanina...hintayin mo na lang na matapos ni Carmela ang training sa Military tsaka mo umpisahan ang manligaw." natatawang sagot ni Kurt. Napasabunot naman si Kuya sa kanyang buhok dahil sa matinding frustrations.


"Kailan pa iyun? Baka tumanda na ako nitong mag-isa. Napakahirap pala ng ganitong sitwasyon..papasok sa military ang babaeng gusto ko at hindi ko alam kung kailan ko ulit siya makikita. Hay kung alam ko lang na mangyayari ito pinatulan ko na sana siya sa Palawan." naghihimutok na wika ni Kuya. Mukhang tinamaan talaga ito kay Carmela dahil kita dito ang pagiging miserable sa buhay.


"Pakipot ka pa kasi Kuya eh. Mahal mo naman pala iyung tao, aayaw-ayaw ka pa!" natatawa kong sagot. Binalingan naman ako ng tingin ni Kuya tsaka ako pinaningkitan ng mga mata.


"Aba! Nagsalita ang hindi din pakipot! Dahil sa pagiging pakipot mong iyan Bella kaya apektado ang lovelife ko.!" asar na sagot nito. Natigilan naman ako. Nakalimutan ko. Pareho lang pala kaming dalawa ni Kuya na may pakipot na pag-uugali. Mukhang si Ate Miracle lang ang fighter sa amin. Hindi na pinakawalan si Kuya Roldan ng maramdaman nitong mahal niya ito.


Hindi naman nagtagal ay dumating na din ang mga magulang ni Kurt. Mukha namang masaya si Tita Amara at hindi ko nakikitaan ng disgusto sa kanyang mukha habang pinag-uusapan ang date  ng aming kasal. Mukhang mas excited ito kumpara kila Mommy at Daddy. Ewan ko lang kong sincere ito sa kanyang mga pinapakita pero wala na akong pakialam pa. Ang importante

sa akin ay si Kurt at magiging masaya kami sa piling ng isat isa.


Agad na pinag-usapan ang detalye ng aming kasal. Napagkasunduan ng magkabilang panig na agad gagawin ang kasal sa susunod na buwan sa kagustuhan na din naming dalawa ni Kurt. Halos kasi ayaw na namin humiwalay sa isat isa. Gusto ni Kurt na sa condo ako titira na pag-aari nito pero hindi pumayag sila Mommy. Hindi daw kami pwedeng magsama na parang mag-asawa hanggat hindi pa tapos ang aming kasal. Kung tutuusin ayos lang naman na magsama na kami ni Kurt dahil ilang beses ng may nangyari sa amin. Pero dahil ito ang kagustuhan nila Mommy at Daddy sino ba naman kami para tumutol. Isa pa halos isang buwan lang naman kami magtitiis. Pagkatapos noon pwede na namin gawin lahat ng gusto namin.




Chapter 134


CARISSA POV


Sinindihan ko ang kandila sa puntod ng mga magulang ko pati na din kay Ate Ara. Tinitigan ko ang mga nakangiting larawan habang hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Ang bilis ng panahon. Aminado ako na hindi nagiging masaya ang childhood days kasama sila pero gayunpaman pamilya ko sila at sila ang nagiging dahilan kung bakit natuto akong lumaban sa buhay.


"Ate...kumusta ka na? Siguro proud ka sa anak mo ngayun noh? Parang kailan lang pero ang bilis ng panahon...mag- aasawa na siya at bubuo na ng sariling pamilya.


Maraming salamat sa tiwala na ibinigay mo sa amin noon na kami ang magpalaki sa kanya. Na kami ang kikilalanin niyang mga magulang imbis na ikaw. Alam kong masakit sa iyo ang mga nangyari noon, noong mga panahon na ipinagkatiwala mo siya sa amin....alam kong nagsakripisyo ka din para sa magandang kinabukasan ni Arabella kaya mas pinili mong mawalay siya sa iyo kahit na masakit sa kalooban mo. Ina din ako at alam ko ang nararamdaman mo noon..."


" Siguro naman natupad ko ang pangako ko sa iyo noon na aalagaan ko siya...Hayan na! Lumaki siyang mabait at mapagmahal na anak at kapatid katulad ng hiling mo sa akin na iguide namin siya sa wastong daan...ayan na Ate ibinigay ko na ang wish mo noon..... Thank you sa palaging pagabay mo sa kanya....


"Kung nasaan ka man ngayun sana masaya kayo...kasama sila Daddy at Mommy. Huwag kang mag-alala kahit na mag-aasawa na ang anak mo nandito pa rin ako para patuloy siyang gabayan at alagaan. Hindi namin siya hahayaang masaktan dahil patuloy namin siyang aalagaan sa abot ng aming makakaya.


"Habang buhay ko kayong hindi makakalimutan Ate...alagaan mo sila Mommy at Daddy ha? Ikumusta mo na ako sa kanila at sabihin mo na mahal na mahal ko kayo! Sa kabila ng pagdurusa ng pamilya natin noon hinding hindi kayo mawawala isip at puso ko habang buhay. Salamat sa magandang alaala sa pamamagitan ni Arabella..napasaya niya kami Ate..


nagiging mabait siyang anak!" Mahina kong usal at agad na pinunasan ang luha sa aking mga mata ng hindi ko napapansin. Hindi man nagiging maayos ang relasyon namin ni Ate Ara pero kahit na pagbabaliktarin pa ang mundo. hindi pa rin maikakaila na kapatid ko pa rin siya at minsan niyang iniligtas ang buhay ko noong nasa bingit ako ng kapahamakan. 

Iyun nga lang at sadyang mapaglaro ang tadhana sa amin. dahil kung kailan nakitaan ko na siya ng pagbabago tsaka naman siya nawala. Masakit pero kailangan kalimutan ang mapait na alaala para sa katahimikan ng lahat.


Pinahid ko ang luha sa aking mga mata at nilingon si Gabriel. Karga nito ang bunso namin na si Rafael habang tahimik na nakatitig sa puntod ng mga mahal ko sa buhay.


"Siguro sobrang proud nila sa iyo kung nasaan man sila. Tinupad mo na ang wish niya at alam kong gagabayan niya palagi si Arabella. kahit na ano man ang mangyari." Nakangiting wika ni Gabriel. Tipid naman kong ngumiti dito bilang pag sang-ayon.


"I think we need to go. Bukas na ang kasal ni Arabella at at kailangan natin mag-ipon ng lakas para sa event bukas. pagyaya ni Gabriel sabay akbay sa akin. Napatango ako at muling sinulyapan ang mga larawan ng mga namayapang mahal ko sa buhay bago tuluyang lumabas ng mausoleum.




ARABELLA POV


Parang gusto ko ng hilahin ang mga araw para lang dumating na ang bukas. Iyun ang pinakaaasam na araw namin ni Kurt. Kasal na namin at alam kong iyun ang umpisa para lalo kaming magiging masaya.


Sa buong buwan ng preparation ng


kasal namin todo suporta sila Mommy


at Daddy pati na din sila Ate Miracle.


Mas lalo kong napatunayan ang


pagiging mabuti nila sa akin sa kabila


ng hindi naman nila ako tunay na


kapatid at anak.


Nagiging maayos na din naman ang pakikitungo ni Tita Amara sa akin. Sa katunayan nga ayaw niyang tawagin ko siyang Tita...Mommy na lang daw dahil magiging asawa na ako ng anak niya.

Maraming bagay ang dapat na ipagpasalamat sa Diyos. Nalagpasan ko ang maraming pagsubok sa buhay na dumaan sa akin. Masaya o malungkot na pangyayari alam kong magagamit ko ang mga iyun para lalong maging matatag sa buhay.


Napag-usapan na din namin ni Kurt na itutuloy ko ang pag-aaral kahit kasal na kami. Pumayag naman ito at sinabi sa akin na susuportahan niya lahat ng gusto ko. Kaya kahit kasal na kami pipilitin ko pa rin maging Doctor. hindi para sa akin kundi para sa pamilya ko. Kila Mommy at DAddy na walang ibang ginawa kundi intindihin ako.


"Arabella, nandiyan ka ba loob? Pwede ba kitang makausap sandali?"


Napalingon ako sa pintuan ng marinig ko ang boses ni Mommy Carissa. Agad akong tumayo sa pagkakaupo ko dito sa aking kama at mabilis na tinungo ang pinto para buksan. Bumungad sa

akin ang nakangiting mukha ni Mommy kaya agad ko itong niyayang pumasok sa loob ng kwarto. Nagtaka pa ako dahil may bitbit itong isang envelope.


"Excited ka na ba bukas?" agad na tanong ni Mommy Carissa ng makapasok ito sa kwarto ko. Malambing naman akong napayakap dito.


"Thank you Mommy and of course super duper excited na talaga ako. Sa wakas matutupad na ang pangarap ko na maging isang Santillan. Magiging Arabella Villarama Santillan na ako Ma. Kinikilig kong sagot. Napangiti naman si Mommy at tinapik ako sa balikat. Bumitiw na din ako sa pagkakayakap dito at masayang tumitig kay Mommy at sa hawak nitong envelope.


"I think this is the right time na ibigay ko na ito sa iyo Arabella. Bubuo ka na ng sarili mong pamilya at magagamit mo ito hindi man ngayun pero baka sa mga magiging anak mo" wika nito sa akin at naglakad papunta sa may study table ko. Umupo ito doon at inilabas ang laman ng brown envelope. Nagtataka naman akong kinuha ang isang papel na inilabas nito at tinitigan.


"Ito yung mga pera at ari-arian na naiwan ng Mommy Ara mo before siya binawian ng buhay. Nakalagay na ito lahat sa pangalan mo dahil iyun naman talaga ang dapat." Nakangiting wika ni Mommy Carissa. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Hindi ko inaasahan ang mga ganitong topic lalo na kung related sa pagkatao ko at nakaraan ko. Iniiwasan ko na kasing isipin ang tungkol sa bagay na iyun dahil aaminin ko sa aking sarili na hanggang ngayun hindi ko matanggap na anak ako ng isang ARA Perez. Pakiramdam ko may sumpa sa pangalan na iyon dahil palagi itong ikinakabit sa tunay kong pagkatao.

"Mom....hindi ko na kailangan ang mga iyan....hindi ko siya kilala at never ko siyang kinilalang ina." naiiyak kong sagot dito. Nakita ko ang lungkot na biglang gumuhit sa mga mata ni Mommy. pagkatapos kong sabihin ang katagang iyun kaya napayuko ako.


Totoo naman talaga! Never ko siyang kinilalang Ina. Mula noon, Tita ang pagkakakilala ko sa kanya at palagay ko hindi mababago iyun sa paglipas ng panahon. Never ko na ngang madalaw ang puntod niya eh. lalo na ng malaman ko ang mga kalokohang nagawa niya noong nabubuhay pa. Never kong pinangarap na maging Nanay ang babaeng iyun dahil pati ako nagdusa dahil sa kasamaan na nagawa niya. Parang nakatatak kasi sa pagkatao ko kung anong klaseng ina siya at pagkatapos akong ipinanganak agad akong ibinigay kina Mommy Carissa.

"Huwag kang magsalita ng ganyan Arabella. Malaki ka na para maisip mo kung ano ang tama o mali. Sooner or later magkakaanak ka din at mararamdaman mo ang nararamdaman ng iyung Ina. Huwag kang magalit sa kanya...Ina mo pa rin siya at kahit na anong mangyari utang mo sa kanya ang buhay mo ngayun." mahinahong sagot ni Mommy Carissa. Napayuko ako dahil nakaramdam ako ng pagkapahiya.


"Hindi ko kailangan ang mga iyan Ma. Ayaw kong humawak ng mga bagay na galing sa kanya." sagot ko at pinahid ang luha sa aking mga mata.


"Bella huwag ka namang ganyan sa kanya...matuto kang magpatawad at igalang siya bilang iyung Ina." sagot ni Mommy. Nanghihina akong napaupo sa sofa habang hindi mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.


"Huwag mong isipin na hindi ka nya mahal Bella. Mahal na mahal ka niya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata ng ipinagkatiwala ka niya sa amin noon. Wala lang siguro siyang choice noon kaya ka ibinigay ka amin. Reclusion perpetua ang hatol sa kanya kaya alam niyang hindi ka nya mabibigyan ng magandang kinabukasan. kapag ipilit niyang makasama ka. Nakita ko kung paano siya nagsisi at nagdusa sa kanyang mga kasalanan. kaya kahit na gaano pa siya kasama bigyan mo siya ng kaunting paggalang Bella." mahabang wika ni Mommy. Lalo akong naluha. Parang biglang nanikip ang dibdib ko dahil sa mga narinig.


"Alam kong hanggat maari ayaw niyang mawalay ka sa kanya..pero wala siyang ibang mapagpipilian. Kailangan niyang pagbayaran lahat ng mga kasalanan niyang nagawa at alam kong pinagsisisihan niya ang mga iyun sa huling sandali ng kanyang buhay..

siguro kung wala lang siyang mga kasalanan na dapat pagbayaran..mas gugustuhin niyang siya ang magpalaki sa iyo.." muling wika ni Mommy. Lalo naman akong napaiyak.


"Magiging Misis Santillan ka na bukas. Kung gusto mong maging masaya hanapin mo ang kapatawaran sa puso mo." wika ni Mommy at tumayo na. Tinapik pa ako nito sa balikat at lumabas na ng kwarto. Naiwan naman ako na hindi mapigilan ang pag iyak habang isa-isang tinitingnan mga inilabas ni Mommy Carissa mula sa envelope.


"Mga pera sa banko at tituo ng isang bahay na nakapangalan na sa akin. Kalakip nito ang larawan ni Ara Perez. Lalo akong naluha at nanginginig ang mga kamay na tinitigan ang babaeng nasa larawan. Walang duda, galing ako sa kanya dahil para kaming pinagbiyak na bunga. Kaya pala tuwing sumasama ako kay Mommy noon sa sementeryo para dalawin sila ay kakaiba ang aking nararamdaman kapag nakatitig sa puntod at larawan nito.


"Ma? Hindi ko alam kung bakit pero bakit napakahirap mong tanggapin? Dahil ba naging masama ka noon at wala kang ibang ginawa kundi pahirapan si Mommy Carissa. o dahil never ka naman talagang nagpaka-ina sa akin? Hindi kita kilala. Siguro nga galing ako sa laman at dugo mo pero sorry! hindi kita maalala at mahirap sa akin tanggapin ito. Basta mo na lang akong ipinamigay noong naisilang mo na ako. Hindi ko man lang nasilayan ang mukha mo noon....


"Magiging Misis Santillan na ako bukas at sana nakikita mo kung ano ang nararamdaman ko ngayun. Siguro nga tama si Mommy Carissa...kailangan kitang patawarin para sa katahimikan ng lahat at para lalo kong maramdaman ang kasiyahan sa puso ko. Wala tayong masayang alaala, pero sana sa susunod na buhay, kung sakaling ikaw pa rin ang magiging Ina ko..sana maging mabait ka na. Mahirap tanggapin na ang akala kong pamilya na nagpalaki sa akin hindi ko pala tunay na pamilya. Gayunpaman kailangan kong magmove-on at tanggapin lahat." Mahina kong usal at isa-isang ibinalik sa loob ng envelope ang mga documents. Itinago ko ito sa loob ng aking walk in closet. Wala akong balak na gamitin o galawin ang mga kayamanan na iniwan nito.


Sandali muna akong nagmumuni- muni bago naisipan na lumabas ng kwarto. Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin para naman mawala ang mga alalahanin ko sa buhay.


Naabutan ko sa living sila Ate Miracle at ang asawa nito na si Kuya Roldan. Agad na tumayo si Ate Miracle ng makita ako at nakangiting tumitig sa akin.


"So, kumusta ang pakiramdam ng bride to be? Dapat magbeauty rest ka para glowing ka bukas." nakangiting wika ni Ate Mira at agad na nakipagbeso sa akin. Nakangiting tinigan ko si Ate Miracle. Parang gusto kong mainggit sa hitsura nito ngayun. Parang hindi man lang nanganak ng kambal dahil bumalik na agad sa dati ang kanyang alindog. Walang duda, masaya ito sa piling ni Kuya Roldan. Sabagay, kung ikaw ba naman magkaroon ng bilyonaryo at mapagmahal na asawa ewan ko lang kung may poproblemahin ka pa. Bonus na lang din siguro ang pagkakaroon ng mababait na mga biyanan.


Nakangiti namang tumayo si kuya Roldan at nagpaalam. Pupuntahan daw nito ang kambal sa nursery room. Yes.. hindi nakatira dito sa mansion sila Ate Miracle pero sinisiguro nila Mommy at Daddy na kapag pumupunta dito sa mansion ang kanilang mga apo ay may maayos itong kwarto kung saan pwedeng makapagpahinga. Sa katunayan pwedeng mag-stay dito sa mansion sila Ate Miracle dahil ang kwarto nito ay hindi pinapagalaw nila Mommy.


"Super excited na ako Ate.. Hindi ko akalain na matutupad din sa wakas ang matagal ko ng pangarap na magiging Misis Santillan. Imagine big dream ko lang ito noon at ngayun sa wakas matutupad na!." masaya kong sagot.


"I know little Sissy! Kahit naman anong pagsubok na dumating sa inyong dalawa kung kayo talaga para sa isat isa kayo talaga. Tingnan mo kami ni Kuya Roldan mo..sino ba ang mag-aakala na sariling Ninong ko pa ang mamahalin ko at makakatuluyan ko diba?" nakangiti nitong sagot. Agad naman akong napatango. Pagkatapos ay agad din kaming natigilan ng makita namin ang papalapit na si Kuya Christian. Sa lahat ng tao dito sa bahay mukhang ito lang ang hindi masaya. Nakabusangot ito at halatang may galit sa mundo. Kinindatan muna ako ni Ate Miracle bago hinarap ang wala sa sariling kakambal.


"Anong problema mo diyan Christian? Bakit parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang hitsura mo? Dont tell me hanggang ngayun hindi ka pa rin naka- get over sa pagpasok ni Carmela sa military? Naku! Sinasabi ko sa iyo.. maghanap ka na lang ng iba dahil wala ka ng pag-asa doon. Majority mga lalaki ang mga kasama noon sa training at tiyak marami ang magkakagusto doon na mga machong sundalo." kantiyaw ni Ate Miracle kay Kuya Christian. Matalim naman itong tumitig kay Ate "Pwede ba Mira? Wala ako sa mood ngayun makipagbiruan sa iyo..." inis na sagot nito. Agad naman natawa si Ate Mira.


"Eh nasa mood ako ngayun eh! Hay naku, arte-arte pa kasi eh. Talo mo pa ang babae kapag magpakipot. Hindi ka kasi gumaya sa akin na agad na napabagsak sa aking mga kamay si Roldan....tingnan mo wala agad siyang lusot sa akin..wala kasi sa bokabularyo ko ang pakipot-kipot na iyan...


nagshare pa naman tayo sa matris ni Mommy pagkatapos ngayun babagal- bagal ka." pagpapatuloy na pang-aasar ni Ate. Hindi ko naman mapigilan ang matawa.


Will you please shut up? Nakakarindi ka na eh!" sigaw ni Kuya Christian. Mukhang wala ito sa mood ngayun pero ayaw paawat ni Ate. Tumayo ito at agad na nilapitan si Kuya at hinila sa buhok.


"Mas nauna akong lumabas sa iyo dito sa mundo kaya huwag mo akong masigaw-sigawan Christian ha? Para binibiro lang kita talo mo pa ang babae. na hindi niregla sa sobrang sungit!" nandidilat na wika ni Ate. Napakamot naman sa ulo niya si Kuya. Kung tutuusin sanay na ako sa kanilang dalawa. Para itong mga aso at pusa. Kambal naman sana pero laging trip nilang asarin ang isat isa. Ang kagandahan lang kay Kuya Christian, never itong gumanti kay Ate kahit na nasasaktan na siya. Iniisip marahil na siya ang lalaki at dapat mahaba ang kanyang pasensiya. Isa pa tiyak na malalagot ito kay Daddy kapag saktan niya ang kakambal.


"Hindi mo ba ako bibigyan ng kahit kaunting katahimikan man lang? Imbes na palakasin niyo ang loob ko lalo niyo akong dina-down eh.!" inis na sagot ni Kuya. Nginisihan lang ito ni Ate Miracle bago muling umupo ng sofa.


"fine..anong tulong ba ang gusto mo? Sabihin mo lang baka may maitulong ako sa wasak mong puso?" tanong ni Ate.


"Gusto ko siyang makita at makausap... miss na miss ko na siya..." sagot ni Kuya. Tumaas naman ang kilay ni Ate.


"Ayyy malabo! Ayun kay Tita Roxie nasa kasagsagan ng training si Carmela ngayun. Bawal ang cellphone at bawal lumabas ng kampo. Wala ka ng choice kundi hintayin na makatapos siya." sagot ni Ate. Napabuntong hininga si Kuya Christian.


"Eh iyun nga eh, wala ka naman palang maitulong nagtatanong ka pa kung ano ang magagawa mo?" sagot ni Kuya. Umismid naman si Ate. kahit na nasasaktan na siya. Iniisip marahil na siya ang lalaki at dapat mahaba ang kanyang pasensiya. Isa pa tiyak na malalagot ito kay Daddy.





Chapter 135


CARISSA POV


Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata habang naririnig ko ang pagpapalitan ng "I do's" ng mga ikinakasal. Masaya ako sa isiping ito ang gusto ni Arabella noon pa man. Ako ang nagpalaki sa kanya at malaking accomplishments sa parte ko ang makita siyang masaya sa pinili niyang tahakin sa buhay.


"Hey..umiiyak ka na naman.." wika ni Gabriel sa tabi ko. Hinagod pa nito ang likod ko. Nilingon ko naman ito at matamis ng nginitian.


"Masaya lang ako Gab para sa kanya.. Pero hindi ko din maiwasan na malungkot dahil mababawasan na naman ng isang miyembro ang mansion. Nauna ng umalis si Mira tapos susunod na naman si Bella." sagot ko dito: Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa at ang paghalik sa noo ko.


"Ikaw talaga! Hindi naman sila titira ng abroad para maging emotional ka ng ganyan Sweetheart! Nandyan lang sila malapit sa atin at kung tutuusin pwede mo silang makita araw-araw kung gugustuhin mo." sagot nito.


"Hayaan mo na Gab. Ganito lang talaga ako kasi Nanay nila ako eh. Kung bakit naman kasi ang bilis ng panahon. Ang bilis magsipaglaki ng mga anak natin. Ayan tuloy, nagising na lang tayo na unti-unti na silang bumubuo ng sarili nilang pamilya. Kailangan na nilang bumukod dahil iyun ang kailangan.' sagot ko habang pinipigilan na muling maiyak.


"Sshhhh...tama na iyan Sweetheart... baka mamaya kung saan-saan na naman mapunta ang usapan na ito eh. Huwag kang mag-alala...may Christian at Rafael pa naman tayo. Tiyak na magiging masaya pa rin ang mansion dahil ikaw naman ang pinaka-star doon." sagot nito. Nakurot ko naman ng pino ang tagiliran nito. Hindi pa rin nagbabago ang asawa ko. Sweet pa rin kahit na saan ilagay. Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa aking baywang. Naihilig ko naman ang aking ulo sa balikat nito. Aminado akong walang pinipiling lugar ang lambingan naming dalawa ni Gabriel.


Natapos din ang kasal sa simbahan at agad kaming lumipat sa reception area. Masaya ang lahat lalo na ang mga bagong kasal. Kahit papaano nagkaroon na din ako ng kapanatagan ng aking kalooban. dahil sa wakas malalagay na sa ayos ang lahat. Natupad na ang gusto ni Bella na maging asawa si Kurt.


"Uyyy Bestie, kumusta ka na?" mabilis kong lapit kay Roxie. Nagpaalam sandali si Gabriel na pumunta ng banyo pagdating namin dito sa reception area kaya agad kong nilapitan si Roxie na noon ay kakarating lang. Nasa simbahan din ito kanina pero hindi na kami nagkaroon pa ng pagkakataon na mag-usap. Alam kong malungkot ito dahil sa desisyon ni Carmela na tuluyang pumasok sa Philippine Military. Kahit kami hindi din makapaniwala sa naging desisyon nito pero ano pa nga ba ang magagawa namin. Hindi nga mapigilan ng mga magulang kami pa kaya na mga kaibigan lang?


"Ayos lang Bestie. Heto hindi pa din maka-get over sa naging desisyon ng anak ko. Masakit dahil nag-iisa lang siyang anak namin pero pagpasok pa talaga sa military ang napili niyang landas, Halos dalawang buwan pa lang siyang wala sa amin pero parang mamamatay na ako sa lungkot." hindi na mapigilan nitong umiyak sa harap ko. Agad ko naman itong hinawakan at inakay sa isang bakanteng upuan. Pagkaupo ito ay hinagod ko ang kanyang likuran para maibsan man lang ang pighati na nararamdaman nito.


"Alam ko kung ano ang naramdaman mo Bestie..Pero magiging maayos din ang lahat. Siguro wala tayong magagawa ngayun kundi hayaan muna si Carmela. Matapang siya hindi niya hahayaan ang kanyang sarili na mapahamak." sagot ko dito. Lalo itong naiyak.


"Kung pwede nga lang ikulong namin si Carmela sa loob ng bahay para hindi niya magawa ang gusto niya..Ayos lang naman sa amin kung ano ang gusto niyang kunin na kurso. Hindi din namin sya pinilit na pag-aralan ang negosyo ng pamilya namin para naman maging malaya siya...pero bakit ganito Bestie?...Nahihirapan na ako sa sitwasyon ko ngayun. Laging sinasabi sa akin ni Jonathan na ayos lang, na kakayanin ni Carmela ang training.. pero ina ako. masakit sa akin ang lahat dahil alam kong hindi biro ang kinakaharap niya ngayun sa loob ng iskwelahan na iyun. Kahit kurot hindi siya nakatikim sa amin, iningatan namin siya ng higit pa sa buhay namin pero bakit parang iba parang kulang pa rin? Bakit ang gusto niyang gawin sa buhay nya?" mahabang wika ni Roxie habang bakas sa boses nito matinding paghihimutok.


Lalo akong nakaramdam ng awa dito. Simula ng nagdesisyon na pumasok ng military ni Carmela hindi na ito katulad dati na masayahin. Nawala na din ang kadaldalan nito which is understandable talaga dahil kahit sinong magulang naman siguro mag- aalala sa kalagayan ng anak. lalo na kapag papasok sa ganitong klaseng karera ng buhay.


"Bestie, tama na iyan. Wala na tayong magagawa pa kundi ipagdasal siya na ligtas palagi. Hayaan mo, mabilis lang naman lilipas ang mga taon. Mamamalayan na lang natin na kasama na ulit natin siya." sagot ko dito. Patuloy pa rin ito sa paghikbi kaya naman pilit akong ngumiti dito.


"Pasensiya ka na Bestie. Alam kong hindi ito ang tamang lugar para ilabas ko ang mga himutok ko sa buhay. Kaya lang hindi ko lang talaga maiwasan ang sarili ko na isipin ang anak ko. Dapat nga nandito siya sa kasiyahan na ito. Kasal ng best friend niyang si Arabella pero wala siya." umiiyak na naman na sagot nito.


"Hayyy ikaw talaga..hayaan mo na iyan. Halika na.....kuha na tayo ng makakain. Gutom na ako tsaka tama na iyang kakaiyak na iyan. Baka isipin ng mga nakakita sa atin inaaway kita.

Nakangiti kong wika dito. Tipid naman itong tumawa habang dahan-dahan na tumatayo sa upuan. Sabay na kaming pumunta ng Buffet table para makapili ng pwedeng kainin. Nasulyapan ko pa na seryosong nag-uusap sina Gabriel at Jonathan. Pareho kay Roxie, bakas nag lungkot sa mga mata ni Jonathan habang kausap si Gabriel. Nakita ko pang tinapik nito sa balikat ang kaibigan at tumingin sa gawi ko at naglakad palapit sa amin.


"Kakain na ba?" tanong ng nakangiting si Gabriel ng makalapit sa amin. Nakasunod dito si Jonathan at agad na lumapit kay Roxie para tanungin kong ano ang gusto nitong kainin.


""Yes...halika ka na Gab, sabay na tayong kumain." sagot ko naman. Tumango naman ito at ito na ang nagbitbit ng dalawang pinggan. Ako naman ang taga lagay ng pagkain.

Pagkatapos makakuha ng pagkain ay muli kaming bumalik sa table. Kumakain na din ang mga bride at groom at pagkatapos nito ay mag-start na ang maiksing program. Lilipad ng Hawaii para sa honeymoon sila Arabella after ng party dahil iyun ang ibinigay na regalo ni GAbriel para sa mga ito. Mas maigi na ma-enjoy nila ang isat-isat bago umpisahan ang tunay na hamon ng pagiging mag- asawa.


Kakatapos lang namin kumain ng lumapit si Miracle sa amin kasama si Roldan. Tag-isang karga sila sa kanilang kambal na anak. Agad naman tumayo si Gabriel mula sa pagkakaupo at masayang tinitigan ang mga apo namin.


Grabe, kay bilis ng panahon. Parang kailan lang...dalawa na agad ang apo namin sa isa naming anak.


Kumikinang ang mga mata ni Miracle sa sobrang tuwa ng titigan ko ito kaya naman masaya ko itong kinausap.


"Kumain na ba kayo? Akin na muna ang baby para makakuha na kayo ng food sa table."Wika ko dito. Mabuti na lang at nakatulog si Rafael sa suite na kinuha namin kaya makakarga ko muna ang anak ni Miracle habang wala ito. May pagka-seloso kasi ang bunso namin na si Rafael at ayaw nitong nakikita akong may kargang ibang bata. Tiyak na magwawala iyun sa pag- iyak. Gusto kasi nito na nasa kanya lang ang buong attention namin ng kanyang ama.


"Nakita ko naman ang inggit sa mga mata ni Roxie habang palipat-lipat ang tingin nito sa kambal na karga namin ni Gabriel. Kita dito na gusto na talaga nito magkaanak ulit. Alam kong pwede pa naman ito mabuntis dahil bata pa naman ang mga ito kahit papaano.


Malayo pa kami sa menopausal period dahil magkasing-edad lang naman kami. Iyun nga lang mas bata akong nabuntis kaysa sa kanya. Eighteen pa lang kasi ako naikasal na agad kami ni Gabriel at nabuntis agad. Kaya maaga tuloy kaming nagka-apo.


"Gusto mo ba siyang kargahin Bestie?" nakangiti kong alok kay Roxie. Agad naman itong tumango at lumapit sa akin at kinuha sa mga bisig ko ang baby. Nakita ko ang bahagyang pagtulo ng luha sa mga mata nito ng tuluyan niya ng mahawakan ang baby.


"Legit ba iyung naririnig ko tungkol sa pagsasayaw sa Obando Pare?" sabay naman kaming napalingon kay Jonathan ng bigla itong nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang ibig nitong ipakahulugan at nakita ko din ang bahagyang pagkunot ng noo ni Gabriel. bilang katunayan na hindi din nito gets ang ibig sabihin ng matalik na kaibigan.


"What you mean? Pagsasayaw? As in Zumba?" Physical activity ang Zumba at maganda daw sa kalusugan." sagot naman ni Gabriel. Biglang natawa si Jonathan.


"What I mean pagsasayaw ng magkapareha sa Obando para makabuo ng anak." tatawa-tawang sagot ni Jonathan. Tulala naman kaming napatitig ni Gabriel dito bago nakuha ang ibig nitong sabihin.


"Ahhh iyun ba? I think legit naman siguro. Pwede subukan. Pero much better na magpatingin kayo sa Doctor kung gusto niyo pang magkaanak." sagot ni Gabriel.


"Ginawa na namin iyun Pare. Pero wala pa rin eh. Sabi naman ni Doc. kaya pa naman daw ni Roxie ang magbuntis kaya lang. hindi pa rin kami nabibiyayaaan ulit. Iniinom din naman namin pareho ang mga vitamins na nireresta ng Doctor. pero parang pareho na kaming nawawalan ng pag-asa.

sagot ni Jonathan.


"Naku Pare, huwag niyo masyadong istresen ang mga sarili niyo tungkol sa bagay na iyan. Kung para talaga sa inyo...para talaga sa inyo. Ang gawin niyo ngayun i-enjoy niyo na lang ang pagsasama niyo ni Roxie. Umiwas sa stress at mabuhay ng masaya." sagot ni Gabriel. Nagkatitigan naman ang dalawa.




CHRISTIAN POV FIVE YEARS LATER..


shit shit sigaw ko dito sa loob ng aking opisina pagkatapos kong masigawan ang secretary ko dahil sa palpak nitong trabaho. Ako na ang tumatayong CEO ng kumpanya namin na Villarama Empire. Tuluyan ng ipinaubaya ni Daddy sa akin ang pamamalakad ng kompanya. Kabisado ko na kasi ang pasikot-sikot ng negosyo ng pamilya namin kaya kumpyansa si DAddy na kakayanin ko na ang lahat.


Lalong lumago ang Villarama Empire sa nakalipas na taon. Mas focus kasi ako sa trabaho habang hinihintay ang pagbabalik ni Carmela. Balita ko tuluyan na itong pumasok sa Philippine Army. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng babaeng iyun. Tuluyan na itong naging abala sa kanyang karera at hindi na ito lumingon pa sa akin. Never ko na din itong nabalitaan na pumupunta ng mansion. Gustuhin ko man itong kausapin ulit pero hindi kami laging nagpapang-abot. Tanggap na din nila Tita Roxie at Tito Jonathan ang desisyon ng anak nila lalo na ng natupad ang gusto ng mga ito na muling magkababy sa pamamagitan ng Artificial insemination. Nagiging pursigido talaga sila na muling makabuo kaya lahat ng pwedeng gawin ginawa na nila at hindi naman sila nabigo.


Maayos ang buhay ni Miracle at Arabella sa piling ng kani-kanilang mga asawa samantalang heto ako ngayun, nasa thirty's na at lihim na hinahabol ang babaeng gusto ko.


"What is it? Balita ko nabulyak mo na naman ang secretary mo ah? Ang aga- aga bayaw ang init na agad na ulo mo. Mag-asawa ka na kasi para naman may inspiration ka!," agad na wika ni Kurt ng pumasok ito sa pintuan ng aking opisina. Hindi man lang nag-abalang kumatok at tuloy-tuloy itong pumasok. CEO ng Santillan Holdings at masaya sa piling ni Arabella. Naiinggit ako sa taong ito dahil simula ng naikasal kay Arabella nagiging masayahin na. Malayo sa dating Kurt na nakilala ko.


May tatlong taong gulang na anak na din kaya lalong nagsisipag na mapalago lalo ang negosyong hawak nito.


"Mukhang nakalimutan mo na naman kumatok Kurt!" pigil ang sarili kong bulyawan ito. Tumawa lang ito ng malakas at inihagis sa harap ko ang hawak nitong folder.


"Ako na mismo ang pumunta sa opisina mo para pirmahan ito. Sabi kasi ing Secretary ko mahirap makakuha ng appointment sa iyo... Kailangan na namin bumisita ng hasyenda bayaw kaya huwag mo akong pahirapan." tatawa-tawa nitong sagot. Lalo ko naman pinagtaasan ng kilay ko.


"Pumila ka Kurt! Hindi uso ang palakasan dito sa opisina ko kaya umayos ka." sagot ko naman at itinulak pabalik dito ang papeles na dala nito. Muli itong tumawa.

"Ang killjoy mo talaga! Magki- christmas na pero mukhang biyernes santo pa rin iyang ugali mo. Sige na... bahala ka magagalit si Arabella kapag ma-delay pa ang pag-uwi namin ng hasyenda. Naglilihi pa naman iyun at gusto na daw kumain ng sariwang prutas galing sa aming lupain." Bakas sa boses ang pagmamalaki habang sinasabi ang katagang iyun. Yes...buntis na naman si Arabella at mukhang bubuo ang kumag ng basketball team at tuwing nakikita ako walang ibang ginawa kundi inggitin ako. Kesyo masarap daw ang buhay may asawa at laging excited umuwi ng bahay dahil may anak at asawang naghihintay dito.


"Balikan mo na lang iyan mamaya..... rereviewhin ko pa iyan. Wala akong tiwala sa iyo pagdating sa mga pirma- pirma na iyan." Sagot ko dito. Napahalakhak naman ito tsaka tumango.

"Okies...sabi mo eh." sagot nito at akmang lalabas na ng opisina ng matigilan ito.


"Siya nga pala. Nabalitaan mo na ba na nasa Mindanao si Carmela? Kasama daw sa combat laban sa mga teroristang Abu Sayaff. Naku Bayaw ngayun pa lang magpa-nobena ka na at ilayo sa kapahamakan ang babaeng pangarap mo dahil madugo daw ang labanan." wika ni Kurt kasabay ng pagragasa ng kaba sa dibdib ko.




Chapter 136


CARMELA POV


Pabagsak akong naupo sa sofa pagkapasok ko pa lang dito sa loob ng condo unit ko sa Mandaluyong. Kakauwi ko lang galing sa lugar kong saan ako nakaassign. Buti na lang at pinayagan akong magleave dahil kailangan kong tuparin ang pangako kina Mommy na makakasama nila ako ngayung Christmas.


Ilang Christmas na din ang lumipas na hindi ko sila kasama. Nakaka- -guilty pero ibang karera na ng buhay ang gusto kong tahakin ngayun kaya kailangan namin magtiis. Minsan parang gusto kong pagsisisihan ang nagawa kong desisyon noon dahil nakita ko kong paano nasaktan sila Mommy. Pero ito ang gusto ko at masaya ako dito. Gusto kong patunayan sa lahat na kahit anak ako ng isang bilyonaryo magtatagumapay ako sa daan na gusto kong tahakin. Nagiging sulit ang pagsuot ko ng uniform at paghawak ng baril kapag nairaraos namin ng maayos ang mga misyon na ibinibigay sa amin.


Ilang bundok na ang naakyat ko at ilang gubat na ang aming sinuong para lang tugisin ang mga kalaban ng gobyerno. Hindi ko na alam kung ilang tao na din ang napatay ko dahil sa pakikipaglaban. Sa nakalipas na mahigit limang taon na na nawalay ako sa aking pamilya tuluyan ng nabura sa alaala ko ang dating Carmela. Ang Carmela na mahinhin at parang hindi makabasag ng pinggan. Alam kong marami ang nagulat sa tinahak kong landas pero wala na akong pakialam doon. Darating din ang araw na ipagmamalaki ako ng lahat lalong lalo na ng aking pamilya. Ang sarap sa pakiramdam na isa ako sa mga lumalaban para sa tahimikan ng bayan. Bawat kriminal at rebelde na napapatay ko ay isang malaking accomplishment tungo sa matatag at maunlad ng bansa.


Kasama na sa buhay ko ang pakikipag- gyera kung kani-kaninong kriminal at terorista. Ilang kasamahan ko na din ang namatay dahil sa pakikipaglaban. Pero since na pinasok ko ang ganitong klaseng career paninindigan ko sa abot ng aking makakaya. Magiging tapat ako sa pangakong tungkulin na sinumpaan ko sa bansa.


Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at tamad na naglakad papunta sa ref. Hindi alam nila Mommy na nandito na ako sa Manila at balak kong bukas na lang sila puntahan. Kumuha ako ng dalawang canned beer sa loob ng ref at muling bumalik sa sofa. Ipinatong ko ang aking paa sa center table habang umiinom ng beer.

Parang gusto kong magpakalasing ngayung gabi para agad na makatulog. Masyadong tahimik ang buong paligid at pakiramdam ko nag-iisa lang ako. Kung hindi lang ako naawa kay Mommy hindi talaga ako magpa-file ng leave. Mas gustuhin ko pang ibuhos ang oras at panahon ko sa serbisyo kasama ang mga magigiting kong kasamahan.


Nagising ako ng eksakto alas-singko ng umaga. Halos alas-dose na ako nakatulog kagabi pero nasanay na ako sa ganitong gising. Gusto kong mag jogging sa labas para mapanitili ang pagiging fit ko at isa pa kinasanayan ko ng tumakbo ng ilang metro tuwing umaga. Pagkatapos kong magbihis ng pang jogging attire ay agad akong lumabas tumakbo. ng condo at nag-umpisa mag takbo.


Nakailang ikot din ako bago ako nagpasyang pumasok sa isang coffee shop. Balak kong mag-kape na muna bago babalik ng condo para maghanda na sa pag-uwi sa bahay namin. Alam kong ma-susurpresa sila Mommy sa pagdating ko. Sabagay five days na lang at Christamas na. May two weeks leave ako at balak kong sulitin ang mga panahon na kasama sila ng sa ganoon makabawi man lang sa mga panahon na nawalay ako sa kanila.


Pagkaorder ko ng kape ay agad akong umupo sa isang bakanteng upuan. Abala ang mga tao sa paligid. Lahat nagmamadali......marahil papunta na sa kani-kanilang mga trabaho. May mangilan-ngilan na napapatingin sa gawi ko. Wala naman akong pakialam at pagkatapos kong ubusin ang kape ko ay nagmamadali na akong bumalik ng condo. Halos alas-syete na ng umaga at balak kong sa bahay namin kakain ng breakfast. Gusto ko din maabutan si Daddy bago ito papasok ng opisina.

Agad akong nagshower pagdating ng Condo at nagbihis ng leggings at t- shirt. Pinarisan ko ito ng Nike shoes dahil balak kong gamitin ang bagong bili kong Harely Davidson Bigbike. Actually binili ko ito dahil nagustuhan ko ang specs nito. Mas gusto kong gumamit ng mga ganitong klaseng sasakyan dahil mabilis lang kung makalusot ng traffic. Alam naman natin dito sa Manila, matindi ang traffic at ayaw kong sayangin ang oras ko sa kalsada. Isa pa sisiw na lang sa akin ang magdrive ng ganitong klaseng sasakyan.


Hindi nagtagal ay laman na ako ng kalsada. Tama nga ang hula ko kanina. Sobrang siksikan ang mga sasakyan. Mabuti na lang at medyo kabisado ko na ang mga pwedeng daanan para makaiwas sa traffic papuntang bahay at pwede akong dumaan sa mga medyo makikitid na lugar kaya naman wala pang alas-otso nandito na ako sa tapat ng gate ng aming bahay. Agad naman akong pinagbuksan ng aming guard ng kawayan ko ito. Matagal na sa amin nagtatrabaho si Manong guard kaya alam kong kilalang kilala ako nito kahit bihira lang akong makauwi.


"Mam, Good Morning po!" bati nito sa akin ng pagkatapos kong bumaba ng bigbike ko.


"Good Morning Manong! Kumusta po? sagot ko naman habang tinatanggal ko ang aking helmet. Agad na nagsipagbaksakan ang hanggang balikat kong buhok.


"Ayos lang po Mam." nakangiti nitong sagot.


"Nandyan ba sila Mommy at Daddy sa loob? tanong ko. Agad naman itong tumango kaya naman tinapik ko ito sa balikat bago mabilis na naglakad papasok ng bahay.

"Hello Guys! Mukhang nakaabot pa ako sa breakfast ah?" agad na wika ko ng makapasok sa loob ng dining area. Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha nila Mommy at Daddy ng makita ako. Matamis akong ngumiti at agad na lumapit sa kanila at isa isang hinalikan sa pisngi.


"Diyos ko Carmela. Anak!" agad na wika ni Mommy kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata. Tumayo pa ito sa pagkakaupo at agad akong niyakap. Tumayo na din si Daddy at nakangiting niyakap din ako. Parehong tumutulo ang luha sa mga mata dahil sa matinding tuwa.


"Salamat naman at nagawa mo kaming dalawin Carmela. Akala talaga namin tatakasan mo kami eh. Miss na miss na kita anak at salamat dahil nandito ka." tumutulo ang luha na wika ni Mommy. Matamis akong ngumiti at kumalas na sa pagkakayakap sa kanila.

"Syempre ipinaglaban ko ang leave ko para makasama ko kayo ngayung Christmas Mom, Dad pati na din ang baby brother ko." nakangiti kong sagot. Masaya naman silang ngumiti at inutusan ang kasambahay na nakaantabay sa amin para kumuha ng isa pang pinggan. Masaya kaming nagsalo ng breakfast habang walang humpay na kwentuhan. Kinancel na din ni Daddy ang kanyang mga appointments sa opisina para makasama daw niya ako ng matagal.


"Hindi ka ba nahirapan sa trabaho mo ngayun Carmela? Pwede ka naman siguro umayaw kapag hindi mo na kaya. Sa dami kasi na pwedeng kang i- assign bakit sa Mindanao pa?" utag ni Daddy. Nandito kami ngayun sa garden dahil pinapaarawan ni Mommy ang kapatid kong si Baby Jayden.


"Masaya ako na paglinkuran ang bansa natin Dad. Ito ang tinahak kong karera sa buhay kaya paninindigan ko. Huwag po kayong mag-alala, nag-iingat ako palagi sa bawat laban na pinupuntahan ko! ayaw niyo ba noon, may anak kayong ngayun pa lang itinuturing ng bayani?" sagot ko na may halong biro. Seryoso naman na tinitigan lang ako ni Mommy pagkatapos iiling-iling lang naman si Daddy.


"hindi mo mawala sa amin na sobrang mag-alala sa iyo anak. Dapat sa edad mong iyan tumutulong ka na sa paghawak ng negosyo ng pamilya. Ilang taon na lang ay magreretiro na ako at hindi ko alam kung sino ang hahahalili sa akin. Hindi pwedeng basta ko na lang iiwan ang negosyo na pinaghirapan ng mga Lolo at Lola mo. Hindi na kami against sa pagpasok mo sa army pero sana isipin mo din ang kalagayan ng ating pamilya."


Mahabang sagot ni Daddy. Kinain muli ako ng aking konsensya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko napakawalang kwenta kong anak para sa aking mga magulang. Naramdaman ko ang effort nila na mapalaki ako ng maayos pero nagiging selfish ako at sinunod ang nais ng puso ko.


"Im sorry Dad..Hayaan niyo po pag- iisipan ko ang mga sinabi niyo ngayun.


sagot ko na lang para matigil na ang malungkot na topic sa pagitan namin. Ayaw kong mabahiran ng lungkot ang bakasyong kong ito kaya hanggat maari iniiwasan ko ang ganitong usapan.


"Siya nga pala. Invited tayo sa Villarama Mansion mamaya. 50th wedding anniversary ni Tita Moira at Daddy Ralph at invited tayo." imporma ni Mommy. Gulat naman akong napatitig sa mga ito. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon kung saan iniiwasan ko na ang lugar na iyun, mukhang hindi ako makakalusot sa pagkakataon na ito. Miss ko na din sila Arabella pero ayaw kong pumunta ng mansion. Pwede naman kaming magkita sa labas. Ewan ko ba hindi na palagay ang kalooban ko tuwing umaapak sa lugar na iyun. Naiisip ko kasi palagi si Christian. Ang lalaking gusto kong iwasan habang buhay.


"hindi po ba pwedeng kayo na lang ang pupunta Mom? Gusto ko kasing magpahinga na lang muna eh." sagot ko. Tinitigan ako ni Mommy tsaka umiling.


"Ilang taon ka ng hindi nakikita nila Carmela. Nagtatampo na nga sa iyo si Arabella lalo na si Tita Carissa mo.


Sumaglit ka lang doon bilang pagbibigay ng respeto sa kanilang pamilya. Halos doon ka palaging tumatambay noon pagkatapos parang bigla mo na lang silang kinalimutan." sagot ni MOmmy. Napayuko naman ako.


Tama ito. Every weekend nandoon ako sa mansion para magpapansin kay Christian. Pero simula ng mapahiya ako sa Palawan. nahihiya na akong umapak doon..Pakiramdamdam ko napakababa ko sa paningin ni Christian noon. Lalo na ng sabihin nito sa akin na hindi niya ako gusto at mas gusto nito ang mga successful na babae.


"Sasaglit lang tayo doon anak at aalis agad tayo. Gusto din namin na masulo ka." sagot naman ni Mommy.


Napipilitan naman akong napatango at kita ko ang agad na paguhit ng ngiti sa labi ni Mommy.


Kinagabihan, dahil formal party ang pupuntahan namin suot ang favorite cocktail dress with matching high heels agad kaming bumyahe papuntang mansion. Para akong bumalik sa dati. Medyo matagal na din na hindi ako nakakasuot ng ganitong klaseng attire dahil puro uniform at combat shoes lang naman ang suot ko sa ilang taon na pananatili ko sa military kaya naman naninibago ako.


Agad kaming sinalubong ng nakangiting si Tita Carissa pagpasok pa lang namin ng mansion. Hindi pa rin ito nagbabago. Laging nakangiti sa tuwing nakikita ako. Ang sarap siguro nito maging mother in law.....pero ng maisip ko ang bagay na iyun parang gusto kong kutusan ang sarili ko. Nag- uumpisa na naman akong mangarap. Alam ko kasing malabo ng mangyari iyun. Baka nga may girlfriend si Christian. Who knows, simula ng pumasok ako sa PMA iniwasan ko ng makibalita sa mga buhay-buhay niya dahil lalo lang akong nalulungkot.


Nagulat pa si Tita ng makita ako pero agad din naman akong niyakap at sa natatampong boses. sinabi nito na bakit ngayun lang ako nagpakita ulit. Pagkatapos ay binitawan ako at nakipagbeso kina Mommy at Daddy. Batian at kumustahan lang naman ang

kanilang ginawa pagkatapos ay muli akong binalingan.


"Sorry po Tita, naging abala po ako nitong mga nakaraang taon." nakangiti kong sagot dito. Agad naman itong tumango at hinawakan ako sa mga kamay at excited na dinala ako sa loob ng mansion.


"Nasa living room pa sila Miracle at Arabella. Hindi pa naman nag- uumpisa ang party kaya doon na muna kayo." nakangiting wika ni Tita.


Nilingon ko muna si Mommy at Daddy pero sabay na tumango ang mga ito. Hindi na daw sila papasok sa loob ng mansion dahil may kakausapin daw silang mga kakilala na nandito din sa party. Nagpatianod na lang ako sa paghila ni Tita hanggang sa makapasok kami ng living room. Parehong nagulat sila Ate Miracle at Arabella ng makita ako. Sabay na sabay na napatayo at agad akong sinalubong. Agad na nagpaalam

naman si Tita Carissa dahil pupuntahan daw nito ang bunsong anak sa kwarto.


"Carmela! Kumusta ka na? Ang daya mo naman! Bakit ngayun ka lang nagpakita?" bulalas ni Arabella habang nakayakap sa akin. Parang gusto ko naman maluha sa sobrang saya. Alam kong nagtatampo sa akin ang bestfriend ko. pero hindi ko din naman akalain na ganito kainit ang kanyang pagtanggap.


"Grabe hindi ko akalain na ganito ka na kaganda ngayun Carmela. Salamat naman at naisipan mong magpakita sa amin. Akala ko talaga nakalimutan mo na kami eh." nakangiting sagot naman ni ate Miracle. Masaya naman akong kumalas sa pagkakayakap kay Arabella at nakangiting lumapit kay Ate Miracle para makipag beso. Masaya akong niyakap nito kaya lalong bumaha ng tuwa ang puso ko.

"Tamang tama. Makakapag-bonding ulit tayo nito." Excited na wika ni Arabella at niyaya na akong maupo.


"Hindi pwede Bella, buntis ka at malabo na payagan ka ni Kurt." sagot naman ni Ate Miracle. Naitigilan ito at nakita ko ang paglungkot ng epxpression ng mukha nito. Natawa naman ako habang tinitingnan ang umbok ng tiyan nito. Parang gusto kong mainggit sa bestfriend ko. Nakakadalawa na ito pero ako, ni wala pang love life.


"Pwede namn siguro Ate Mira, huwag lang sa mga bars at matataong lugar." natatawa kong sagot. Agad naman na tumango si Arabella at nakangiting tumango.


"Kumusta ka na? Alam mo bang miss na miss a na namin? Tinatanong ka palagi ni Kuya Christian sa amin. Mukhang love ka na talaga niya kaya sana bigyan mo na siya ng chance Carmela." nakangiting wika ni Arabella. Natigilan naman ako. Muling nanumbalik sa isip ko ang mga nakaraan kaya napailing ako.


"Naku, huwag na natin pag-usapan ang bagay na iyan. Imposible na iyang sinasabi mo Bella." pilit ang ngiti na sagot ko. Nagkatinginan ang magkapatid at sabay na napatikhim.


"Bakit nakalimutan mo na ba siya? May iba ka na bang gusto? Hindi mo na ba gusto ang kakambal ko?" tanong ni Ate Mira. Muli akong natigilan at dahan -dahan na tumango para ipakita sa mga ito na nakaget-over na ako sa kasawian ko kay Christian. pero ang totoo siya pa rin ang sinisigaw ng lintik kong puso. Marami naman sanang nagpapalipad hangin sa akin pero nakaukit na talaga sa puso at isip ko ang hitsura ng lintik na Christian na iyun. Kaya nga hanggat maari iniiwasan kong pumunta dito sa mansion kahit na ilang beses ng sinabi sa akin ni Mommy na hinahanap ako nila Tita Carissa pati na din ni Arabella.


"Kawawa naman pala si Kuya kung ganoon." narinig kong bulong ni Arabella. Muli akong natigilan. Hindi ko alam ang ibig sabihin nito ng may biglang nagsalita sa aming likuran.


"Hindi ako kawawa, dahil magtatagumpay ako sa laban na ito....." sabat ng isang tao sa likuran ko. Agad akong napalingon at biglang nagtama ang mga paningin namin ni Christian kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko.


"Happy to see again, Carmela!' nakangiti nitong wika at nagmamadaling lumapit sa akin.





Chapter 137


CHRISTIAN POV


'Bakit hindi ka pa nakabihis? Huwag mong sabihin hindi ka aattend sa party ng grandmama at grandpapa mo?" agad na wika ni Mommy ng pumasok ito sa loob ng aking kwarto. Nakaupo ako sa aking study table at abala sa kakacheck ng mga bago kong emails.


"Mom, may ilang minuto pa bago mag- start ang party. Bababa din ako mamaya ng kaunti. Tatapusin ko lang ito." sagot ko naman at hindi ko inaalis ang pagkakatitig sa monitor ng aking laptop. Naramdaman ko ang paglaplit ni Mommy sa likuran ko at marahan nitong paghawak sa aking magkabilaang balikat.


"Nandiyan sa baba si Carmela. Kausap siya ngayun nila Miracle at Arabella." wika nito. Agad akong natigilan sa pagtatype ng keyboard. Parang biglang kumabog ang puso ko sa isiping nasa ibaba pala ang babaeng matagal ko ng hinihintay.


"Bilisan mo. Baka hindi mo na naman maabutan kong babagal-bagal ka pa diyan! Magbihis ka na din dahil mag- uumpisa na ang party." Muling wika ni Mommy at lumabas na ng kwarto. Saglit akong napatulala at dali-daling hinagilap ang damit na susuutin ko. Mabuti na lang at nakaligo na ako kanina.


Wala na akong sinayang na oras. Agad akong nagbihis at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Tama nga si Mommy, nandito si Carmela dahil pagpasok ko pa lang ng living room ay nakita ko na ito. Nakatalikod ito banda sa akin kaya hindi nito namalayan ang pagdating ko. Abala ito sa pakikipag- usap kina Miracle at Arabella. Mukhang ako ang topic ng mga ito dahil narinig ko pang banggitin ni Arabella ang salitang "Kuya". Sinabi pa nitong kawawa daw ako kaya hindi na ako nakatiis pang sumabat sa kanilang pag-uusap. Sabay naman silang napatingin sa gawi ko at agad na nanlaki ang mga mata ni Carmela ng makita ako.


"Happy to see you again Carmela?" wika ko at nagmamadaling lumapit dito. Hindi naman ito nakaimik at agad na iniwas ang tingin sa akin. Agad naman tumayo ang dalawa kong kapatid mula sa kanilang kinauupuan at sabay na nagpaalam. Marahil bigyan kami ng time ni Carmela upang makapag-usap. Lihim naman akong nasiyahan sa isiping alam na alam ng dalawang kapatid ko ang gusto ko. Mukhang wala din balak mang-asar ang kakambal ko. Tinapik pa ako sa balikat bago nagsalita.


"I think kailangan ko munang puntahan si Roldan. Baka hindi nya mabantayan ng maayos ang kambal at magdudungis na naman." paalam ni Ate Miracle. Hindi na nito hinintay ang sagot ni Carmela at agad na itong umalis. 


"Ganoon din ako. Baka hinahanap na ako ni Kurt. Isa pa nagugutom na ako." wika naman ni Arabella at agad na sumunod kay Miracle palabas ng living room.


Agad naman namayani ang katahimikan sa aming dalawa ni Carmela. Umupo ako sa sofa na katapat nito. Tinitigan ko ang kanyang seryosong mukha.


"So kumusta ka na? Matagal din tayong hindi nagkita." wika nito sa akin gamit ang kaswal na boses. Tinitigan ko muna ito bago sinagot.


"Totoo nga pala talaga ang narinig ko na ang laki na ang ipinagbago mo. Ibang iba ka na sa dating Carmela na nakilala ko." sagot ko naman. Natigilan ito at tumitig sa akin.


"People change! Ang beside graduate na ako sa pagiging teenager. Sabihin nating nag-matured na ako at hindi na ako gagawa mga bagay na masama sa paningin ng ibang tao." sagot nito. Bahagya akong tumawa habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa maganda nitong mukha.


"I think so. But that is not what I mean! Ibig kong sabihin, lalo kang gumanda at kaakit-akit sa paningin ko ngayun. Although alam naman natin pareho na noon pa man maganda ka na talaga at loveable." sagot ko naman. Nakita ko ang biglang pamumula ng pisngi nito at ang biglang pag-iwas ng tingin sa akin. Agad naman nagdiwang ang aking kalooban. Siya pa rin ang dating Carmela na kilala ko. Kahit na pinipilit nitong maging matatag sa harap ko hindi pa rin maikakaila na ito pa rin ang babeng hinihintay ko ng ilang taon na ang nakakaraan. Kung noon nakatakas ito sa akin, sisiguraduhin kong hindi na ngayun.


"I think I need to go! Nandito ako para sa party nila Grandmama at Grandpapa, hindi para makipag- chikahan sa iyo.' sagot nito at nagmamadaling tumayo. Nakangiti din akong tumayo habang hindi inaalis pagkakatitig dito. 

"Pwede tayong magsabay. Mukhang mag-uumpisa na ang party at tiyak na hinahanap na tayo sa labas." nakangiti kong sagot. Hindi ito umimik at nagpatiuna ng maglakad sa akin. Agad naman naglakbay ang mga mata ko sa buo nitong katawan habang nakasunod dito. Amoy na amoy ko din ang ginamit nitong pabango. Bumagay din dito ang suot na dress at kitang kita ang magandang hubog ng katawan.


"Damn!" hiyaw ng isipan ko ng maramdaman ko na biglang nagreact ang Junior ko sa pagitang ng aking hita. Hindi naman malaswa ang suot ni Carmela pero hindi ko alam kung bakit bigla akong tinitigasan. Siguro dahil sa magandang hugis ng katawan at makinis na balat. Kahit na sa field ito naglalagi sobrang kinis pa rin ng balat. Para itong dyosa sa paningin ko na kay sarap yakapin at hagkan ang mapupulang labi.


Huminga ako ng malalim para mabawasan ang init ng katawan na nararamdaman ko ngayun. Baka bigla akong saniban ng paghahangad na maangkin ito at imbes sa labas ng mansion kami pupunta. para makisaya sa party nila Grandmama at Grandpapa baka makaladkad ko ito patungo sa aking kwarto.


Pagkalabas namin ng mansion ay agad kong namataan sila Grandmama at Grandpapa sa garden. Kausap nito ang mga magulang ni Kuya Roldan na si former Congresman Conrad at Tita Ofelia. Nang makita ako nito ay agad akong kinawayan kaya naman nagmamadali kong hinawakan sa kamay si Carmela. Noong una nagulat pa ito sa biglaan kong paghawak sa kamay nito pero nang mapansin marahil ang pagkaway ko pabalik kina Grandpapa ay wala ng itong nagawa kundi magpatianod ng hilahin ko papunta sa kinaroroonan ng mga matatanda na noon ay nakatingin sa gawi namin.


""Aba mukhang may kasalan na naman na magaganap sa pamilyo niyo Ralph ah?" agad na wika ni Cong. Conrad ng makalapit kami. Masaya namang tumawa si Grandpapa. Agad naman nakipagbeso si Granmama kay Carmela gayun na din si Tita Ofelia. Pagkatapos ay nagmano kami kay Cong. Conrad pati na din kay Grandpapa. Simula ng maging mag- asawa si Ninong Roldan at Miracle ay naging close ang dalawang pamilya. Ang alam ko sumasali ang mga ito sa mga ballroom dancing at zumba kaya kahit na may mga edad na malalakas pa rin.


"Mukha nga Conrad! Darating ang araw na mapupuno ang mansion na ito ng mga apo ko!" tuwang tuwa na wika ni Grandpapa. Nakita ko naman ang pagakailang ni Carmela kaya lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito para hindi na makawala. Mabuti na lang at kinakausap din ito nila Grandmama at Tita Ofelia kaya hindi talaga ito makakatakas sa tabi ko ngayun. Kay sarap kaya hawakan ng malambot nitong kamay. Para akong nasa alapaap at ayaw ko ng matapos ang sandaling ito.


"Kung ganoon, hindi pwedeng hindi ako isa sa mga Ninong ng mga bata." natatawang sagot naman ni Congressman.

"Syempre naman Conrad! Mauuna kayo sa listahan." masayang sagot pa rin ni Grandpapa. Pagkatapos ay lumapit na sa amin ang MC para sabihin dito na mag-uumpisa na daw ang program. Agad na tinawag sila Grandmama at Grandpapa papunta sa ginawang stage para umpisahan ng maikling programa.


Inumpisahan ang programa sa pagbibigay ng message ni Daddy para sa kanyang mga magulang at sinundan naman naming mga apo. Kung tutuusin maiksi lang naman ang aming message sa kanila. Of course lahat ng wish namin ay para sa kanilang good health at long life. Pagkatapos ay nag- umpisa na magbigay ng mensahe si Grandpapa para sa kanyang mga bisita. Nagpasalamat ito sa lahat ng mga dumalo at nakikisaya sa importanteng selebrasyon sa na naganap sa pagsasama nila Grandmama. Ang kanilang Golden wedding Anniversary.

Pagkatapos ay tumingin ito sa gawi namin ni Carmela at kumaway sabay tawag sa aming mga pangalan.


"Christian, Carmela!" tawag nito sa aming dalawa. Noong una ay bantulot pa si Carmela na sumama sa akin. Napatingin pa ito sa gawi ni Tita Roxie at Tito Jonathan na puno ng pagtataka ang nakaguhit sa mukha. Marahil ay hinihintay ng mga ito ang mga sumunod na mangyayari.


Nag thumbs up naman sa akin si Miracle sabay ngiti ng malapad. Samantalang si Arabella ay nag heart sign pa. Hindi ko alam kong anong pakulo ang meron pero inalalayan ko na lang si Carmela na lumapit sa kinaroroonan ni Grandpapa na naghihintay sa amin.


"Ladies and Gentlemen! To all our visitors, friends and families.....I am proudly to announce the upcoming wedding of my another one apo,

Christian Perez Villarama to his long time girlfriend Carmela Gonzales!" masayang anunsiyo ni Grandpapa. Pareho naman nanlaki ang aming mga mata ni Carmela dahil sa pagkagulat. May ilang mga press na invited sa party na ito kaya naman kanya-kanya sila kuha ng larawan. Kabi-kabilaang palakpakan din ang aking narinig.


Hindi ko naman alam kong paano magreact lalo na ng maglapitan ang aming mga pami-pamilya para batiin kami. Tumingin ako sa gawi ni Grandpapa at nakita ko pa ang pagkindat nito sa akin habang malapad na nakangiti. May inabot pa sa akin na isang maliit na kahon at nang buksan ko ito ay agad na tumampad sa aking mga mata ang isang diamond engagement ring. Suminyas ito na isuot ko daw sa daliri ni Carmela na siyang agad ko naman sinunod. Muli, isang malakas na palakpakan at hiyawan ang agad na umugong ng maisuot ko na ang ring sa daliri ni Carmela at agad kong hinawakan. Kitang kita ang kilig sa lahat ng mga bisita pati na din sa mga mata ng aming pamilya.


Kitang-kita sa mga mata ni Carmela ang matinding pagkagulat. Ilang sandali din itong natulala at natauhan lang ng yakapin ito ni Arabella. Nagkagulo sa stage dahil pati ilang mga malalapit na kaibigan ay kanya- kanyang bati ang ginawa. Lahat gustong makipagkamay at masaya ko. namang pinaunlakan. Sinulyapan ko pa si Carmela na nakatitig sa akin habang nagtatanong ang mga mata.


"Sa wakas Bro, ikaw na ang susunod na ikakasal." Masayang wika sa akin ni Adrian. Isa ito sa mga nakipagsiksikan para lang mabati kami. Nakipag-high five pa ang loko na siyang masaya ko namang pinaunlakan.


"Mukhang magiging masaya ang pasko natin Bestie!" narinig ko pang wika ni Tita Roxie kay Mommy. Ngiti naman ang naging tugon ni Mommy pagkatapos ay sabay nilang nilapitan si Carmela.


"Welcome to our family Carmela!" nakangiting wika ni Mommy at hinalikan pa ito sa pisngi. Si Tita Roxie naman ay tumingin sa gawi ko at ngumiti.


"Thank you Tita!"bakas ang pagkailang sa boses na sagot ni Carmela kay Mommy.


"Ooops...pwedeng Mommy na siguro Carmela. Sooner or later magiging bahagi ka ng pamilya namin kaya pwede mo na akong tawaging Mommy ngayun pa lang." nakangiting wika ni Mommy. Muling napasulyap si Carmela sa akin kaya naman agad ko itong kinindatan. Napansin ko ang biglang pamumula ng pisngi nito kaya malapad akong napangiti.




Chapter 138


CARMELA POV 



"Tingnan mo nga ang pagkakataon Bestie! Mga anak din pala natin ang magkakatuluyan bandang huli." masayang wika ni Tita Carissa. Masaya namang napatango si Mommy.


Hindi ko alam kung panaginip lang ang lahat. Pero sa lahat ng laban na napuntahan ko mukhang ito ang hindi ko napaghandaan. Sobra pa yata sa pikot ang nangyari sa akin ngayung gabi.


Paanong nagkaroon ng ganitong klaseng announcement ang Lolo ni Christian? Tsaka anong sabi nito kanina? Long time girl friend ako ni Christian? Kailan nangyari iyun? Hindi ko natandaan na naging kami bago ako pumasok ng militiray.


Lalong kumabog ang dibdib ko ng maisuot ni Christian sa aking daliri isang diamond ring na galing mismo kay Grandpapa. Ano ito? Bakit mukhang planado ang lahat? Halos maluha ako ng titigan ko ang singsing na nasa aking daliri. Sukat na sukat sa akin at mukhang mamahalin.


Ilang beses kung sinulyapan si Christian para sabihin sana dito na i- correct nya ang sinabi ng kanyang Grandpapa pero mukhang mabilis naka get over ang loko. Mukhang masaya ito sa announcement na nangyari. Parang gusto kong mag-walk out muna para makalanghap ng sariwang hangin at makapag-isip. Kinakabahan ako at the same time kinikilig. Ay ewan ang gulo ng nararamdaman ko!


Nang dumako ang tingin ko sa aking mga magulang mukhang masaya din sila. Lalo na si Daddy na nagawa pang makipagkamay kay Tito Gabriel habang nakatingin sa gawi namin ni Christian. May pa-press pa talaga dahil kabilaan ang pagkislap ng mga camera.


"Im so happy for you Carmela.. Congratulations." natauhan lang ako ng batiin ako ni Arabella at biglang yakapin. Wala naman akong nagawa kundi ngumiti lang dito.


"Excited na ako sa kasal niyo. Magpepresenta sana ako na ako ang maid of honor kaya lang buntis ako. Ipapaubaya ko na lang siguro kay Ate Miracle." natatawa nitong sagot.


Lutang ako hangGang sa wakas natapos din ang pagbati ng mga bisita at pamilya sa amin. Mukhang kami ang naging highlight sa celebration na ito instead ang Golden wedding anniversay nila Grandmama at Grandpapa.


Hanggang ngayun mahigpit pa rin nakahawak sa kamay ko si Christian. Mukhang wala pa akong balak bitawan ng Gago gayung humupa na na ang lahat. Balak kong ibuhos sa pagkain ang nakakagulat na nangyari sa buhay ko ngayung gabi. Hanggang ngayun hindi ko alam kung matutuwa o iiyak ba ako. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ako makapag-isip ng maayos.


"Congratulations Iha, iho!" Pababa na kami ng stage ng marinig kong nagsalita si Grandmama Moira. Wala kaming nagawa kundi lapitan muna ito bilang tanda ng pagalang.


"Sa wakas, magiging kayo din pala hanggang huli. Pinatagal niyo pa gayung pwede naman noon pa kayo nagpakasal. " nakangiti nitong wika. Natigilan ako at muling napasulyap kay Christian na noon ay hindi maalis-alis ang ngiti na nakaguhit sa labi.


"Thank you Grandmama! Mukhang matutupad na ang promise ko sa inyo na makikita niyo na din ang magiging apo niyo sa akin." sagot nito. Hindi ko maiwasan na mapataas ng kilay. Anong pinagsasabi nito? Bakit kailangan niya pang dagdagan ang pagpapaasa sa kanyang pamilya?


Wala sa isip ko na mangyayari ang ganitong bagay sa aming dalawa. Bakit ba kasi bigla na lang naglabas ng ganoong statement si Grandpapa Ralph? Hindi man lang ako nakapaghanda at wala man lang nagsabi sa akin na may mga ganitong mangyayari pala ngayung gabi. Kung alam ko lang, hindi na sana ako pumunta dito.


"Kaya dapat bilisan mo Iho. Huwag kang pumayag na maunahan ka pa ni Bunso Rafael." natatawang biro nito. Hindi ko naman mapigilan na matawa. Kung hindi ako nagkakamali, ang bunsong kapatid nito na nasa lima or anim na taon pa lang ang tinutukoy ni Grandmama.


"Grabe ka naman Grandmama. Napakabata pa ni Rafael para sa mga ganitong bagay." natawang sagot nito.


"Mukhang doon ang punta mo kung hindi pa ang Grandpapa mo ang gumawa ng initiative iho." natatawang wika ni Grandmama sabay tingin sa akin at malapad na ngumiti.


"Welcome to Villarama Family Iha. Sinasabi ko na nga bang bagay talaga kayo ng apo ko." nakangiti nitong wika at hinawakan pa ang kanan kong kamay. Marahan niya itong pinisil bago ibinaling ang tingin kay Christian.


"Ingatan mo si Carmela apo! Huwag mo siyang paiyakin dahil ako ang makakalaban mo kapag gawin mo ang bagay na iyun." wika nito kay Christian.


"Of course Grandmama! Siya lang ang babaeng gusto kong pag-alayan ng ating apelyedo at ngayung nandito na siya hindi ko na hahayaan pang mawalay siya sa piling ko." nakangiti namang sagot ni Christian sabay malagkit akong tinitigan. Para namang biglang may kung anong bagay ang humaplos sa puso ko. Hindi ako nakaimik at pinigilan kong maluha.


"Oh siya sige..mamaya na ulit tayo mag -usap. Kumuha muna kayo ng makakain dahil mukhang nagugutom na si Carmela." sagot ni ng nakangiting si Grandmama. Tumango naman kami at naglakad na pababa ng stage.

Hawak niya pa rin ang kamay ko kaya pasimple ko itong hinila para mabitawan niya. Mukhang wala itong balak na ilayo ako sa tabi niya ngayung gabi. Hindi naman pwede iyun dahil nagugutom na ako at isa pa lalong gumugulo ang sistema ko kapag nararamdaman ko ang init ng kamay nito na pumipisil paminsan-minsan sa aking palad.


Nagpakawala ito ng malakas ng pagbuntong hininga ng tuluyan niyang bitawan ang kamay ko. Hindi ko pinansin at diretso akong naglakad papunta sa mga nakahandang pagkain. Hindi naman na din nakasunod sa akin si Christian dahil may biglang humarang dito.


Agad akong nakakuha ng makakain at naghanap ng pwedeng maupuan. Nakita ko ang pagkaway sa akin ni Arabella kaya naman nagpasya akong doon na lang sa table nya uupo. Nag-iisa lang ito doon at mukhang hinihitay nito si Kurt.


Tulala ako habang kumakain. Halos hindi ko malasahan ang aking kinakain dahil lumilipad ang utak ko sa mga nangyayari kani-kanina lang. Pasulyap -sulyap kong tiningnan ang singsing na nasa daliri ko.


"Uy huwag mong sabihin na hanggang ngayun hindi ka pa rin makapaniwala na ikakasal na kayo ni Kuya Christian? Im so happy for you Carmela." nakangiting wika ni Arabella. Tipid naman akong napangiti.


"Alam mo ba noong nalaman ni Kuya na tuluyan ka ng pumasok sa military, nakita ko kung gaano siya kalungkot. Si Kurt pa nga ang sinisisi niya eh, kasi imbes na ituon daw niya ang kanyang attention sa panliligaw sa iyo, kailangan niya pa daw hatiin ang oras niya para hanapin ako. Gago kasi itong si Kurt eh! Hindi man lang niya sinabi agad kay Kuya na siya pala ang dumukot sa akin!"


"kung wala nga lang siyang malaking responsibilidad sa negosyo ng pamilya baka sinundan ka na nya." mahaba nitong wika.


"Arabella, sa palagay mo tama ba itong mga nangyayari ngayun? Para kasing nakakagulat eh. Supposed to be party lang ito nila Grandmama at Grandpapa. Paanong napunta sa


engagement announcement ang lahat?


naguguluhan kong tanong.


"Bakit ayaw mo ba? Hindi bat noon pa man may gusto ka na kay Kuya?" seryoso nitong tanong sa akin.


"Hindi ko alam. Nabigla lang ako sa bilis ng pangyayari. Iba na kasi ang noon kompara sa ngayun. Hindi na ako ang Carmela na tulad ng dati. Isa pa hindi ko alam kung gusto din ba ni Christian ito o baka naman pinagbibigyan niya lang si Grandpapa Ralph.


"Mas mabuti siguro mag-usap muna kayo ni Kuya! Official na ang tungkol sa inyong dalawa ni Kuya dahil na- isapobliko na. Baka bukas laman na ng mga pahayagan ang tungkol sa engagement niyong dalawa ni Kuya."" sagot nito.


"Carmela, alam mo naman kung anong klase ang pamilyang ito hindi ba? May mga press na nag-cover kanina at tiyak na mahirap ng bawiin ang mga nasabi na ni Grandpapa. Tiyak na malaking iskadalo kung isa sa inyong dalawa ni Kuya ang aatras. Unang mapapahiya dito si Grandpapa kaya pag-isipan niyong maigi ang mga hakbang na gagawin niyo." seryoso nitong wika. Natigilan ako.


"Two weeks lang ang bakasyon kong ito at gusto kong ma-settled ang lahat bago ako babalik sa trabaho. Ayaw kong paasahin si Grandpapa. Oo, aaminin ko...mahal ko pa rin si Christian pero mahal ko din ang trabaho ko. Masaya ako sa kung anong buhay meron ako at ayaw ko ng balikan pa ang nakaraan." seryoso kong sagot dito. Natigilan si Arabella. Agad itong sumeryuso.


"Ayaw mo pa bang magresign doon? I mean, for sure hindi ka na papayagan ni Kuya lalo na kapag naikasal na kayo. Not sure lang ha pero for me much better na magfocus ka na lang sa kanya. Mahal mo siya at mahal ka din naman niya, so bakit niyo pa kailangang pahirapan ang inyong mga sarili?" sagot nito.


"Hindi ako magiging mabuting asawa sa kanya. Mahahati lang ang oras ko sa pagitan niya at ng aking trabaho. Hindi ko kayang iiwan ang trabahong naghihintay sa akin....hindi ko alam. Naguguluhan ako!" sagot ko dito.

"Kayo lang ang makaka-solve sa problemang ito. Mag-usap kayong dalawa. Pero siguraduhin niyo lang na kung ano man ang magiging desisyon niyo walang masasaktan." sagot nito at agad na tumayo mula sa pagkakaupo. Mabilis itong naglakad palayo sa akin. Napabuntong hininga ako.


Itinoon ko ang buong pansin ko sa pagkain ng bigla akong lapitan ni Christian. Nagulat pa ako ng bigla ako nitong hawakan sa kamay ko at mabilis na hinila sa medyo tagong lugar ng mansion. Seryoso ang mukha nito at hindi ko alam kung bakit. Pero hindi ako pakakabog. Ngayun pa lang dapat magkalinawan na kami.


"Ano ito? Siguro aware ka na bago pa naglabas ng statement kanina si Grandpapa?" agad na wika ko kay Christian sabay piksi para mabitawan ako nito.

"Were getting married at wala akong idea na balak pala itong ipaalam ni Granpapa ngayung gabi sa lahat ng mga bisita. Isa pa hindi ka naman tumutol so it means pumapayag ka." kaswal na sagot nito. Tulala akong napatitig dito.


"Christian, paano ako makakatutol eh biglaan ang mga nangyari kanina! Saan ba nakuha ni Grandpapa ang balita na may relasyon tayo gayung sa loob ng mahigit limang taon ngayun lang ulit tayo nagkita.?" asik ko dito.


"Hindi ko alam. Wala din akong alam sa mga nangyari ngayun. Pero isa lang ang nasisiguro ko...masaya ako sa mga kaganapan na nangyari ngayun.


Mukhang si Grandpapa na ang gumawa ng hakbang para hindi ka na makawala sa akin." nakangisi nitong sagot.


"Anong ibig mong sabihin? Kahit anong gawin ko hindi ko maintindihan. Marami namang babae na pwedeng iharap sa kanila pero bakit ako pa? Hindi bat sinabi mo sa akin noon na hindi ako ang type mong babae? Na malayo sa akin ang gusto mo? Pero bakit ganito?" tanong ko. Itinaas nito ang kanyang mga kamay at aktong hahawakan ang pisngi ko kaya umilag ako. Nakita ko ang biglang paglamlam ng mata nito bago sumagot.


"Sabi ko lang iyun para mapagtakpan ang nararamdaman ko. Alam mo naman na hindi ka na iba sa pamilya namin at ayaw kong isipin ng ibang tao na nagtake advantage ako sa pagiging bata mo noon."


"Im sorry.....Pinagsisihan ko ang bagay na iyun lalo na ng makita kong labis kitang nasaktan. kaya nga pinilit kong makipag-ayos sa iyo ng nabalitaan kong papasok ka ng military. Kaya lang hindi ko akalain na matigas pala ang ulo mo at kung ano ang naisip mong gawin walang sino man ang makakapigil. Hindi ka nga nagawang pigilin ng mga magulang mo, kaya? Mahal kita noon pa man at masaya ako dahil si Grandpapa na mismo ang gumawa ng hakbang para makasal tayo." mahaba nitong paliwanag. Kitang kita ko ang sensiredad sa mga mata nito gayunpaman puno pa rin ng pag- aalinlangan ang puso ko.


"Im sorry, pero naguguluhan pa rin ako. Parang ang bilis ng pangyayari. Kung alam ko lang na mangyayari ito hindi na lang sana muna ako nagleave sa trabaho at nagpakita sa inyo!" sagot ko dito. Biglang nagsalubong ang kilay nito at matiim akong tinitigan.


"So, ayaw mong pakasal sa akin? Sinasabi mo ba na wala ka ng nararamdaman sa akin kaya tumatanggi ka?" seryoso nitong wika.


"Napakahirap paniwalaan ang lahat! Ikakasal na tayo at hindi ko naman natandaan na niligawan mo ako!" wala sa sarili kong sagot. Huli na ng marealized ko kung ano ang nasabi ko na at hindi na pwedeng bawiin. Agad kong nahawakan ang aking bibig. Parang gusto kong kutusan ang aking sarili dahil sa padalos-dalos na salita na bigla kong nabitawan.. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi nito tsaka tinitigan ako.


"Iyun ba ang gusto mo? Sige liligawan kita. Ngayun pa lang uumpisahan ko na para bago dumating ang araw ng kasal natin, sasagutin mo na ako." nakangisi nitong sagot. Naikuyom ko ang aking kamao. Pigil na pigil ko na upakan ito. Kung hindi ko lang naisip kung gaano kabait ang pamilya nito sa akin baka nakatikim na ng sapak sa akin ito.


"Binubola mo ba ako? Hindi ako ang type mong babae kaya pwede bang huwag ka ng magkunwari?" inis na sagot ko dito. Natigilan ito at matiim akong tinitigan. Parang tanga lang, ang bilis magbago ng emosyon.


"Sinong nagsabi sa iyo na hindi ikaw ang type kong babae? Mukha bang hindi kita mahal? Sa palagay mo ba hindi ako masaya ngayun?" tanong nito. Parang gusto ko naman magpapadyak sa inis. Hindi ko alam kung sino sa aming dalawa ang lutang... ako ba o siya!


"Kausapin mo si Grandpapa. Sabihin mo sa kanya na mali ang ginawa niyang announcemnt kanina." utos ko dito. Seryoso akong tinitigan.


"No! Kung gusto mong i-correct ang sinabi kanina ni Grandpapa ikaw ang kumausap sa kanya. Ikakasal na tayo sa at hindi na mabago iyun." sagot nito.


"Paano ang trabaho ko? Christian, iba na ang priority ko ngayun. Two weeks lang ang leave ko and after new year babalik na ako sa kampo." sagot ko.

Biglang nakita ko ang galit sa mga mata nito sa sinabi kong iyun.


"hindi na ako papayag na babalik ka pa sa serbisyo. Kalimutan mo na ang trabahong iyun Carmela. Isang malaking kalokohan na hinayaan kitang pumasok sa ganoong uri ng propesyon. Limang taon kitang pinagbigyan tungkol sa bagay na iyan at siguro naman sapat na iyun para mag-focus ka sa kasal natin at pagiging asawa ko." sagot nito.


"Anong kalokohan na sinasabi mo? Hindi kalokohan ang desisyon ko na pagsilbihan ang bayan! Masaya ako sa ginagawa ko at ngayun pa lang sabihin mo sa Lolo mo na walang kasalan na mangyayari." sagot ko. Nakita ko ang pagngisi ni Christian kasabay ng pagdilim ng mukha nito. Halatang hindi ito masaya sa aking nasabi.


Wala akong pakialam dahil hindi ko din alam kung magsasaya ba ako o malulungkot sa isiping magiging asawa ko na ito. Baka mamaya nakikisakay lang ito sa issue at sa sobrang pagmamahal nito sa kanyang Grandpapa, wala itong choice kundi pagbigyan ang matanda.


"Hindi ka na pwedeng umatras. Wala ka ng magagawa pa kundi ang magpakasal sa akin at sumunod sa gusto ko..Magresign ka na bukas na bukas din dahil iyun ang tama!" giit nito. Matalim ko lang itong tinitigan at nagpasyang talikuran ito. Mukhang. walang mangyayari sa pag-uusap namin na ito.


"Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap. ." wika nito sabay hawak sa aking braso. Galit ko naman itong nilingon pero nagulat ako dahil biglang lumapat ang labi nito sa labi ko. Agad na nanlaki ang aking mga mata. Walang hiya, ito ang kauna-unahang halik ko!

Agad ko itong naitulak dahil sa matinding pagkagulat. Tumaas ang aking mga kamay dahil akmang sasampalin ko ito pero mas mabilis niya akong kinabig payakap at muling naglapat ang aming mga labi.


Mas malakas kumpara sa akin si Christian. Para namang biglang nanlambot ang tuhod ko ng sa kakaibang sensasyon na nararamdaman. Mas nagiging mapusok ang paraan ng paghalik nito sa akin.


Pinilit nitong ibinubuka ang mga labi ko gamit ang kanyang dila kaya naman biglang may naramdaman akong kakaibang init na pumasok sa buo kong pagkatao. Naging blanko ang utak ko at nagiging sunod-sunuran ang labi ko sa ginawa nitong paghalik sa akin. Naramdaman ko na lang na tinutugon ko na sya. Ginagaya ko ang galaw ng kanyang labi na siyang nagpainit pareho ng aming nararamdaman.


Para kaming mga uhaw na ginagalugad ang labi ng bawat isa sa amin. Mabilis akong natuto sa ginawa naming halikan at mapusok na tinutugon ang bawat galaw ng aming labi. Hindi ko alam kung ilang minuto na magkalapat ang aming labi pero habol ang aming hininga ng maghiwalay kami. Kakaibang kislap ng mata ang nakikita ko kay Christian habang mataman na nakatitig sa aking mukha.


Bigla akong natauhan. Nag-init ang aking mukha dahil sa matinding pagkapahiya. kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin..


"Alam kong mahal mo pa rin ako at hindi kayang i-deny iyun sa mga tugon mo sa akin." nakangiti nitong wika. Napakagat ko naman ang aking labi sa sinabi nito. Wala na yata akong lusot dito. Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa dahil sa matinding pagkapahiya.


"Uulitin ko, hindi na ako papayag na muli kang bumalik sa military. Magresign ka na. Magiging Misis Villarama ka na at ayaw kong nakikita ko ang asawa ko na patuloy na humahawak ng baril." wika nito. Hindi ako nakaimik. Pakiramdam ko kasi nangangapal ang labi ko sa ginawa namin kanina.


Inakbayan ako nito pabalik ng party. Wala na akong nagawa kundi ang magpatianod na lang muna. Nahihiya kasi ako.. Isang halik lang ni Christian bumigay na agad ako. Grabe, ang lakas pa rin ng epekto nito sa akin.


Sa kabilang dako naman ay napansin ko ang seryosong pag-uusap nila Daddy at Tito Grabriel habang umiinom ng alak. Hindi ko na nakita sa kasiyahan si Arabella at Ate Miracle. Marahil ay umuwi na sila or inaasikaso ang kanilang mga anak. Isa pa isa- isang nagsiuwian na din ang mga bisita. Sila Grandpapa at Grandmama naman ay masaya pa ring kausap ang mga magulang ni Kuya Roldan.




Chapter 139


CARMELA POV


"I cant believed you Carmela! Ano ang sinasabi mo na ayaw mong pakasal kay Christian? Alam mo ba kung gaano kalaking iskandalo itong ginawa mong pagtanggi?" dumadagundong ang boses ni Daddy sa buong bahay habang sinasabi ang katagang iyun. Kakarating lang namin galing sa Villarama Mansion at pagpasok pa lang namin dito sa bahay binanggit ko kaagad sa kanila ang tungkol sa gusto kong pagtanggi sa kasal na magaganap sa aming dalawa ni Christian.


Although hindi pa naman napag- uusapan ang detalye sa kasalan na iyun, pero since nai- announce na ang tungkol sa aming engagement ano mang araw ay pupunta na sa bahay namin ang mga Villarama para mamanhikan. Ayaw ko ng hintayin pa ang araw na iyun kaya ngayun pa lang sinasabi ko na ito kila Mommy at Daddy. Pero mukhang malaking disappointment at sama ng loob magaganap sa amin ngayun pero ipinagdadasal ko na sana maitindihan nila ako sa aking disesyon.


"Dad, please nasa kalakasan pa ako sa aking propesyon na gusto kong tahakin. Ayaw ko pang pakasal kay Christian dahil hindi din magiging maayos ang magiging pagsasama namin! Wala akong balak na magresign sa trabaho ko ngayun dahil nag-eenjoy akong magsilbi sa bayan!" sagot ko. Lalong naningkit ang mga mata ni Daddy sa sobrang galit. Agad naman napalapit sa amin ang nag-aalang si Mommy.


"Ano ba ang problema mo Carmela? Ang akala pa naman namin magiging masaya ka sa nagiging engagement nyong dalawa ni Christian pero mukhang kabaliktaran ang mga nangyari..." bakas din ang galit sa boses ni Mommy na sagot nito.


"Mom, hindi ko hiniling ang bagay na iyan..Hindi ko nga alam na may proposal o ano pa man ang tawag sa mga mangyayari kanina." sagot ko naman.


"Pinag-usapan na ito ng magkabilaang pamilya bago ka pa bumalik dito sa Maynila Carmela. Sa kagustuhan namin na tumigil ka na sa propesyon mo nakipagkasundo kami sa mga Villarama na ipakasal na lang kayong dalawa ni Christian. Total matagal ka na niyang hinihintay! Alam namin na mahal ka niya. kaya sigurado kaming magiging masaya ka sa piling niya. Hindi na siya iba sa atin kaya naman tiwala kami na mahihikayat ka niyang umalis na sa army at mamuhay kasama namin." sagot ni Mommy.


"Araw-araw halos pinapatay ako sa matinding pag-aalala sa iyo! Hindi mo man lang ba naisip na masyado kaming nag-aalala sa iyo. tuwing may misyon kang pupuntahan?" patuloy na Sabi ni Mommy. Napailing ako. Kung ganoon, may plano na pala talaga silang ipakasal ako kay Christian. Alam na din ito nila Mommy at hindi man lang nila binanggit sa akin bago kami pumunta ng party.

"Im sorry Mom, Dad...Buo na ang desisyon ko. Walang kasalang mangyayari sa pagitan naming dalawa ni Christian." sagot ko.


"Oo, mahal ko siya, pero hindi ibig sabihin noon tatalikuran ko ang sinumpaan kong tungkulin sa bayan. Marami na akong sinakripisyo sa propesyon kong ito, at hindi ko basta basta ito matatalikuran!" seryuso kong sagot. Laglag ang balikat na napaupo si Daddy sa sofa habang napapailing. Samantalang nag-uunahan naman sa pagtulo ang luha sa mga mata ni Mommy.


"Ano ba ang nangyari sa iyo Carmela? Lahat naman binigay namin sa iyo? Pero bakit napakatigas ng ulo mo!" Galit na sigaw ni Mommy. Hindi ako sumagot habang pilit na pinipigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.

"Mahal na mahal ka namin anak! Pinagbigyan ka namin na pumasok sa military kahit na labag ito sa aming kalooban! Pero sana naman sa pagkakataon na ito, kami naman ang iyong pagbigyan. Tama na! Pagod na ako sa pag-aalala sa iyo sa tuwing may gyera kang pinupuntahan.


Pakiramdam ko ano mang oras pwede kang mawala sa amin ng tuluyan!" nagsusumamong wika ni Mommy.


"Sorry Mom, mahal na mahal ko kayo ni Dad! Pero sana maintindihan niyo din na ito ang gusto kong tahaking buhay. Alam kong mahal niyo ako dahil hindi kayo nabigo na iparamdam iyan sa akin..pero sana naman patuloy niyong maintindihan ang gusto ko!" sagot ko naman habang hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.


"Pinilit ka naming intindihin anak! Pero ikaw itong hindi kami

naiintindihan. Wala kaming ibang hangad kundi magiging maayos ang buhay mo! Pero bakit napakahirap mong maintindihan iyun!" patuloy na umiiyak na wika ni Mommy.


"Mom, please...alam kong nagiging matigas ang ulo ko..pero ito ang gusto ko! Dito ako masaya! Mahal ko ang trabaho ko Mom at kahit na mahal ko din si Christian. hindi ibig sabihin noon na iiwan ko na ang gusto ko. Mas matimbang sa puso ko ang trabaho ko! "lumuluha ko ding wika.


"Pwes! Kung hindi ka talaga namin mapipigilan, umalis ka na sa bahay na ito Carmela! Total naman hindi ka nakikinig sa amin. Gawin mo lahat ng gusto mo! Wala ng dahilan pa para magsama-sama tayo bilang isang pamilya kung ganiyan din lang katigas ang ulo mo!" Galit na wika ni Daddy. Natigilan naman akong napatingin dito. Gulat naman na napatayo si

Mommy dahil sa sinabi ni Daddy!


"Jonathan! Naririnig mo ba iyang sinasabi mo? Anak natin si Carmela at hindi pwedeng gawin mo sa kanya ang bagay na ito!" galit na wika ni Mommy kay Daddy. Lalo naman akong naluha.


"Wala na tayong magagawa tungkol sa bagay na iyan Darling! Im sorry pero ito ang pinakamabisang paraan para sa ating lahat! Hayaan na natin si Carmela sa gusto niyang tahakin sa buhay. Mahigit limang taon na natin siyang pinilit na intindihin at pinagbigyan. Pero mukhang ito ang makakapagpasaya sa kanya kaya ano pa nga ba ang magagawa natin."


seryosong wika ni Daddy. May ilang luha akong nakita na bahagyang pumatak mula sa mga mata nito katunayan na nagpipigil din itong umiyak.

Parang kinurot naman ang puso ko sa mga nakikita ko ngayon. Pero hindi



pwedeng ang gusto nila ang sundin ko. Kailangan kong manindigan sa lahat ng gusto kong maabot sa buhay. Darating ang araw na maiintindihan nila ako. Kahit anong mangyari, anak nila ako at mga magulang ko sila kaya umaasa akong magkakaayos din kami balang araw.


"Sorry Dad, Mom! Huwag po kayong mag-alala...kakausapin ko bukas ang mga Villarama. Ako mismo ang magsasabi sa kanila tungkol sa pagtanggi ko sa kasal naming dalawa ni Christian." malungkot kong wika at mabilis naglakad palabas ng bahay. Patuloy ang pagtulo ng luha sa aking mga mata pero ganoon talaga. Hindi sa lahat ng oras maiintindihan ka ng mga mahal mo sa buhay.


""Carmela anak!" narinig kong sigaw ni Mommy. Isusuot ko na sana ang helmet ko pero muli ko itong ipinatong sa big bike ko at tiningnan ang papalapit na si Mommy. Patuloy ito sa pag-iyak at agad akong niyakap ng makalapit sa akin.


"Anak! Ang sakit ng ginawa mong ito sa amin! Pero lagi mong isipin na nandito lang ako na iyung Ina. Mahal na mahal kita at maghihintay ako sa pagbabalik mo!!!" wika ni Mommy sa kabila ng malakas nitong paghagulhol. Tinapik tapik ko naman ang likod nito habang patuloy din ang pag-agos ng luha sa aking mga mata.


"Im sorry Mom! Promise, sa bawat misyon na pupuntahan ko, ikaw ang gagawin kong inspirasyon. Huwag po kayong mag-aalala. Palagi akong mag- iingat! Babalik akong buhay sa bahay na ito...Pangako!" wika ko at kumalas na sa pagkakayakap dito. Agad kong isinuot ang helmet at pinaharurot ang bigbike palabas ng bakuran namin. Hindi ko na nilingon pa si Mommy. Masakit para sa akin na umiiyak ito

pero ano pa nga ba ang pwede kong gawin?


Pagdating ko sa aking condo sa Mandaluyong ay agad akong dumiritso sa aking ref. Naglabas ako ng ilang bote ng beer at agad na binuksan at tinungga ang laman. Mapait akong napangiti habang nakatanaw sa kawalan.


Siguro, iisipin ng iba na baliw ako..na tanga ako! Anak ako ng isang bilyonaryo pero mas pinili kong matulog sa mga kabundukan. Pwede naman sana akong mamuhay ng parang Prinsesa, lalo na kapag magpakasal ako kay Christian..pero ano ang magagawa ko, mas lamang ang sigaw ng puso ko tungkol sa ngalan ng tungkulin sa bansa.


Alam kong kapag tuluyan akong magpatali kay Christian mapipilitan akong magresign sa trabaho ko. Which is ayaw kong mangyari iyun. Ayaw kong may isang tao na diktahan ako sa mga gusto kong gawin sa buhay ko. Kaya kahit na masakit, wala na siguro akong magawa pa kundi kalimutan sya at itoon ang attention sa napili kong propesyon.


Hindi pwedeng dalawa ang piliin ko dahil imposibleng pagsabayin ang bagay na iyun. Sana mapatawad ako ng lahat sa magiging desisyon kong ito...at sana hindi ko pagsisihan ang gusto kong tahaking landas..........


Kinaumagahan, sakay ng aking bigbike agad akong bumyahe papunta sa mansion ng mga Villarama. Mas maaga, mas maganda. Ayaw ko ng patagalin pa ang lahat. Gusto ko ng ipaalam sa kanila kung ano ang gusto ko.


Pagdating ng mansion ay agad akong sinalubong ng nakangiting si Tita Carissa Nasa mini garden ito kasama ang bunso nitong anak na si Rafael.


"Hello Ate Carmela." bati pa sa akin ng cute na si Rafael. Nakangiti naman akong gumanti ng bati dito sabay pisil ng cute nitong pisngi. Napahagikhik ito bago sumama sa nakaantabay na kasambahay.


"Maaga ka yata ngayun Carmela? Mukhang tulog pa si Christian dahil hindi pa siya bumababa ng kwarto. Gusto mo bang ipatawag ko siya?" nakangiting wika ni Mommy Carissa pagkatapos kong makipag-beso dito. Agad naman akong umiling.


"Tita! Pwede ko po ba kayong makausap ng masinsinan?" tanong ko. Nawala ang ngiti nito sa labi at seryoso akong tinitigan.


"About what?" tanong nito. Nagpakawala muna ako ng malakas na buntong hininga bago sumagot.

""About sa kasal namin ni Christian...." sagot ko.


"Well, plano namin na pumunta sa bahay niyo mamayang hapon para sa official na pamamanhikan. May gusto ka bang sabihin ngayun?" tanong nito. Mukhang wala pa itong idea sa napag- usapan ng pamilya namin kagabi. Siguro hindi pa nababalita ni Mommy dito ang tungkol sa naganap na pagtatalo sa bahay kagabi.


"Tita gusto ko po sanang hilingin na huwag na munang ituloy ang kasal namin." sagot ko. Nakita ko ang pagkagulat ni Tita Carissa sa sinabi ko. Ilang sigundo din itong hindi nakaimik bago nagsalita.


"Bakit? Ayaw mo ba sa kanya? hindi mo ba mahal ang anak ko?" seryoso nitong sagot. Agad naman akong umiling.

"Hindi po kasi pwede Tita. Mas

matimbang sa akin ang tawag ng tungkulin. I think this is not the right time para magpakasal ako." sagot ko.


"Pero nai-announce na ni Daddy ang tungkol sa inyong dalawa ni Christian. Mahirap ng bawiin lalo na at na- ipublish na sa ilang pahayagan." sagot ni Tita. Natigilan ako.


"Im sorry! Ako na lang po ang kakausap kay Grandpapa kung papayagan niyo po ako. Ako na lang po ang magpapaliwanag sa kanya." sagot ko naman. Nakita ko ang pag-aalangan sa mukha ni Tita bago ito sumagot.


"Hayaan mo munang kausapin ko si Gabriel tungkol dito. Hindi ako pwedeng magdesisyon tungkol sa bagay na iyan." sagot ni Tita. Napatango naman ako. Agad itong pumasok sa loob ng mansion. Wala pang limang minuto pinuntahan ako ng isang kasambahay dito sa garden. Hinihintay daw ako ni Grandpapa sa library kaya agad akong sumunod dito.


Kinakabahan man pero pilit kong pinapatatag ang aking sarili. Naabutan ko sa loob ng library si Grandpapa at Grandmama. Wala si Tita Carissa at Tito Gabriel.

.

"Good Morning po!" agad kong bati sa mga ito.Nakangiti naman silang tumango kaya agad na nawala ang kaba sa aking dibdib. Alam kong noon pa man ay mabait na ang pakikitungo nila sa akin. Itinuring na akong hindi iba sa kanilang pamilya kaya nahihiya ako ngayun at natatakot sa posible nilang maging reaksiyon sa sasabihin ko.


"Grandpapa, Grandmama, nandito po ako dahil may importante po sana akong sasabihin." paunang wika ko. Hindi ito umimik at sininyasan akong maupo muna. Agad naman akong umupo sa bakanteng sofa at muling nagsalita.

"Gusto...gusto ko po sanang huwag munang mag---magpakasal kay Christian." wika ko sabay yuko. Hindi ko kayang makita ang kanilang magiging reaksiyon. Nahihiya ako.


'Bakit? Wala ka bang gusto sa apo ko?" narinig kong seryosong tanong ni Grandpapa. Tumingin muna ako sa mukha nito bago sumagot.


"Mahal ko po siya..pero mas nanaig sa akin ang tawag ng tungkulin sa bansa. sorry po!" mahinang sagot ko. Ilang segundo itong hindi nakapagsalita kaya lalo akong kinabahan.


"Well, kung ano ang gusto mo, wala kaming magagawa. Hindi ka namin pwedeng pilitin iha.."narinig kong sagot ni Grandpapa. Parang gusto naman maluha. Bakas sa boses nito ang matinding lungkot na siyang kumukunekta papunta sa puso ko at agad na nakadama ng guilt.


"Feeling cupid ako kagabi. Akala ko makikita ko na ikakasal ang isa ko pang apo sa gusto nyang babae. Pero mukhang sa pagkakataon na ito nagkamali ako!" nakangiti nitong wika habang nababanaag ang lungkot sa mga mata. Nakakaunawa naman na tumango si Grandmama Moira.


"Wish you luck iha! Tama si Grandpapa mo. Hindi ka namin pwedeng pilitin. Pero sana dumating pa rin ang araw na kayong dalawa pa rin ng apo ko ang magkakatuluyan." nakangiting sagot ni Grandpapa Moira. Nahihiya naman akong napatango.


"Salamat po Grandmama, Grandpapa! "wika ko sabay tayo. Tumango silang dalawa kaya agad kong tinungo ang pintuan palabas ng library.


Parang gustong tumulo ang luha sa aking mga mata habang naglalakad palabas ng mansion.. Sobrang lungkot ng puso ko at pakiramdam ko may mali akong nagawa. Ikinurap ko ang aking mga mga para pigilan ang pagtulo ng luha.


"Totoo ba ang sinabi ni Mommy sa akin na ayaw mo ng magpakasal?" natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Christian mula sa aking likuran.


"Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko. Hindi mo man lang pinaabot kahit na isang linggo ang saya na nararamdaman ko. Actually kahit isang araw man lang...ang lupit mo naman Carmela." muling wika nito. Agad akong nakaramdam ng awa dito.


"Im sorry!" mahina kong sagot sabay harap dito. Malungkot itong napangiti habang kapansin-pansin ang pamumula ng mga mata. Halatang galing ito sa pag-iyak.


"Sorry, iyan lang ba ang masasabi mo pagkatapos ng ilang taon na paghihintay ko sa iyo?" Wala ka man lang bang nararamdaman na kahit kaunting pagpapahalaga sa akin o kahit awa man lang? Sabihin mo sa akin, ano ang gusto mong gawin ko para pumayag ka na maging akin?" seryosong wika nito at tinitigan ako sa aking mga mata. Agad ko naman iniwas ang tingin dito at marahan na umiling.


"Wala...wala kang pwedeng gawin. Ako ang may problema kaya kalimutan mo na ako." sagot ko at dahan-dahan na hinubad ang suot kong engagement ring. Pagkatapos ay nilapitan ko ito at kinuha ang isa niyang kamay. Agad kong ipinatong sa kanyang palad ang hinubad kong ring at agad na lumayo ng ilang distansiya sa kanya.


"im sorry! Pero hindi pa tapos ang misyon ko! Gusto kong maabot ang tugatog ng tagumpay sa pinili kong propesyon."wika ko at naglakad palayo dito.





Chapter 140


CARISSA POV


Wala ng mas sasakit pa na makita mo ang iyung sariling anak na umiiyak habang nakatingin sa papalayong babaeng kanyang minamahal. Ito ang napatunayan ko habang tinitingnan ang umiiyak na si Christian habang nakakuyom ang kanyang kamao at pilit na pinipigilan ang sarili na habulin ang babaeng mahal niya.


Ramdam ko ang sakit ng kanyang kalooban pero ano ba ang maitutulong namin? Kung materyal na bagay lang sana at pwedeng bilhin gamit ang aming kayamanan. baka ginawa na namin pero ibang usapan ito. Usapang pag-ibig at hindi pwedeng gamitan ng salapi para makuha. Hindi din pwedeng gamitan ng kapangyarihan dahil hindi pwedeng pilitin ang isang tao para manatili sa tabi mo.


Alam kong masama ang loob nito sa naging desisyon ni Carmela. Kailangan niyang mamimili between love ang career. Alam kong mahal din ni Carmela si Christian at marahil naguguluhan ito sa mga pangyayari. Maaring mas matimbang dito ang kanyang propesyon kaya kailangan niyang i-let go ang nararamdaman na pag-ibig kay Christian.


"Anak!" tawag ko kay Christian habang palapit dito. Hindi ako pinapansin bagkos nakatitig lang ito sa kanyang palad kong saan makikita ang singsing na isinauli ni Carmela sa kanya kanina.


"Alam kong masakit sa iyo ang mga nangyari, kahit kami hindi din ito inaasahan. Pero wala na tayong magagawa pa. Igalang natin ang gusto niya dahil hindi natin pwedeng pilitin ang isang tao na ayaw." mahinahon kong wika dito sabay hawak sa kanyang balikat.


"Mom, ang sakit! Mahigit limang taon ko siyang hinintay...pero bakit ganito. Bakit napakahirap niyang abutin!" umiiyak na sagot nito sa akin. Para namang kinukurot ang puso ko sa nakikita ko sa kanya. Hindi ganito ang Christian na kilala ko. Unang beses ko siyang nakita na umiyak dahil lang sa isang babae. Ibang-iba siya ngayun kumpara sa pagiging mapang-asar sa kakambal at masayahing mukha. Puno ng kalungkutan ang nababasa ko sa kanyang mga mata na siyang nagpadagdag ng takot sa aking puso.


Hinawakan ko ito sa kamay at iginiya papunta sa living room. Tahimik naman itong nagpatianod. Pagkadating sa loob ng living room ay hinayaan ko itong maupo sa sofa habang namumula ang mga mata at patuloy sa pag-agos ang luha.


"Mahal na mahal ko siya Mom! Hindi ko alam kung kaya ko pa bang mabuhay ng wala siya." umiiyak nitong wika sa akin.


"Christian, listen.... anak...I know kung gaano mo siya kamahal! Pero huwag mong hayaan na lamunin ang puso mo ng matinding paghihinagpis. Hindi pa katapusan ng mundo anak. Kailangan mong lumaban sa buhay kahit masyadong ng masakit." wika ko dito kahit na sa totoo lang parang kinukurot ang puso ko sa paghihinarap na nakikita ko dito.


"I dont know Mom, I dont know! Hindi ko alam kong kaya ko pa bang lumaban. Hindi ko alam kung kaya kong tanggapin ang mga nangyari ngayun. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang humarap sa buhay ng wala siya." umiiyak na sagot nito. Umupo ako sa kanyang tabi at niyakap ito.


Ramdam ko ang impit nitong paghikbi habang nakapatong sa balikat ko ang kanyang mukha. Hinaplos ko ang kanyang likod para ipakita dito na hindi ito nag-iisa sa ganitong pagsubok ng buhay. Nandito kami na kanyang pamilya at handang dumamay sa sakit na nararamdaman niya ngayun.


Hinayaan ko siyang umiyak ng umiyak para maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman. Walang ibang gamot sa sugat ng kanyang puso sa ngayun kundi ang pag-iyak lang. Kailangan niyang ibuhos lahat ng sakit para makapag-isip ito ng maayos.


Nasa ganoon kaming kalagayan ng pumasok si Daddy Ralph at Mommy Moira dito sa loob ng living room. Tahimik na naupo ang mga ito sa mahabang sofa habang nakatitig sa umiiyak na si Christian. Makikita sa kanilang mga mata ang matinding lungkot at habag para sa kanilang apo.


"You really love her apo! But you need to let her go para sa kapanatagan ng lahat. I know na masakit pero kailangan mong tanggapin dahil hindi sa lahat ng oras makukuha mo ang gusto mo. Minsan kailangan nating masaktan para lalo tayong tumibay sa mga hamon na darating pa sa ating buhay." Wika ni Daddy Ralph. Hindi nakaimik si Christian. Patuloy pa rin itong umiiyak sa aking balikat. Narinig ko pa ang marahan na pagbuntong hininga ni Daddy bago muli itong nagsalita.


"Akala ko makakatulong sa inyo ang ginawa kong announcement kagabi... pero mukhang mas nagiging kumplikado ang sitwasyon at lalo kang nasaktan." pagpapatuloy na wika nito na may halong pagsisi ang tono ng boses.


"Dad, wala po kayong kasalanan. Ginawa niyo lang po kung ano ang akala niyo na makapagpapasaya sa apo niyo." nakangiti kong sagot kay Daddy.. Napailing naman ito at tumingin sa malayo.


"Sana hindi ko na lang ginawa ang bagay na iyun kagabi. Hindi sana nangyari ang ganitong gulo."


malungkot na sagot nito at may luha na bahagyang nalaglag sa mga mata. Agad naman itong dinaluhan ni Mommy Moira at pilit na pinapakalma.


"Huminahon ka Ralph. Ikaw na din ang nagsabi na kailangan nating tanggapin ang lahat. Huwag tayong magpaapekto sa ganitong pagsubok sa ating pamilya. Tuloy ang buhay sa kabila ng mga nangyari ngayun. Lilipas din ang lahat ng ito. Walang mas importante kundi ang ating pamilya. Na mananatili tayong buo at nagmamahalan sa kabila ng kabiguan ng iba sa atin."


mahinahon na wika ni Mommy Moira at hinawakan ang kamay ni Daddy Ralph. Agad naman sumilay ang malungkot na ngiti sa labi ni Daddy.


"Sorry Grandpapa. Tama si Mommy.


Wala kayong kasalanan. Alam kong maganda ang intention niyo kaya niyo idiniklara ang bagay na iyun kagabi. Nagkataon lang na hindi umaayon sa gusto natin ang mga nangyari. Masakit! sobrang sakit! Pero pangako.... hindi po ako susuko.... Isa akong Villarama at patuloy akong lalaban sa buhay...... para sa ating pamilya."


tumutulo ang luha na wika ni Christian. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at dahan-dahan na naglakad papunta sa kanyang Grandpapa Ralph. Agad itong yumakap habang patuloy ang paghagulhol.


"Im sorry Grandpapa! Im sorry...." Paulit ulit na wika nito. Hindi ko alam kung para saan ang sorry na iyun pero alam kong pati sila Daddy Ralph at Mommy Moira awang awa sa sitwasyon ng kanilang panganay na apong lalaki.


Sunod-sunod na nalaglag ang luha sa mga mata ni Grandpapa Ralph. Hindi na din nito napigilan pa ang emosyon at kusa ng bumigay ang pinipigilan na luha sa mga mata. Hindi din nito nakayanan na makita ang matinding kabiguan na naranasan ng kanyang apo.


"Im sorry Grandpapa. Mukhang hindi ko matutupad ang promise ko sa inyo na makikita niyo na ang magiging apo niyo sa akin!" madamdamin na wika ni Christian sa kanyang Lolo. Patuloy pa rin itong nakayakap sa kanyang Lolo habang patuloy na umaalog ang balikat dahil sa matinding pag-iyak.


"Its ok apo! Hindi na importante sa akin ang bagay na iyan ngayun! Ayos lang na wala pa akong nakikita na apo mula sa iyo....marami na akong apo mula sa iyong mga kapatid.....take your time........ang importante nandito ka at kasama namin." mahinang sagot ni Daddy Ralph. habang patuloy ang pag- agos ng luha sa mga mata.

Tuluyan na akong napaiyak dahil sa aking mga nakikita. Hindi ko kayang tingnan sila sa ganitong klaseng sitwasyon. Masakit para sa akin ang lahat. Masakit makita ang kabiguan ng anak ko.


Agad akong tumayo at nagpaalam kay Mommy Moira na lalabas na muna. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. Pakiramdam ko nasu- suffocate ako sa mga nakikita ko. Diritso akong naglakad papunta ng garden at tumingin sa malayo.


Kung may magagawa lang sana ako para matapos lahat ng paghihirap ng anak ko. Pero alam kong wala ng sulosyon ang lahat sa ngayun. Tanging si Carmela lang pwedeng gumamot sa sugatang puso ni Christian.


Ayaw ko din maging unfair kay Carmela. Ipinaglalaban niya lang ang gusto niya at wala na kaming magagawa pa sa bagay na iyun. Ang magagawa na lang siguro namin suportahan si Christian at ipakita dito na hindi siya nag-iisa sa laban na ito. Iparamdam sa kanya na mahalaga siya sa amin kahit na ano pa mang pagsubok na dumating sa aming buhay.


"Mom?" narinig kong tawag sa akin ni Miracle mula sa aking likuran. Hindi ko namalayan ang pagdating nito. Siguro natawagan na ito ni Gabriel at sinabi na dito ang mga nangyari. Pilit ang ngiti na hinarap ko ito. Kitang-kita ko sa mukha ni Mira ang hindi maipaliwanag na lungkot. Marahil ay nakikisimpatiya ito sa nararamdaman ng kakambal.


"Pumunta agad ako dito ng mabalitaan ko ang mga nangyari. Nagpahatid lang ako sa driver dahil kailangan si Roldan ng kambal." wika nito sa sabay lapit sa akin. Humalik pa ito sa aking pisngi bago muling nagsalita.


"Sinabi na sa akin ni Daddy ang mga nangyari. Hindi ko akalain na kayang tablahin ni Carmela si Christian. Inaasahan ko na magiging happy together na sila. Pero mukhang mali din ang iniisip ko. Hindi ito ang aking inaasahan. Hindi pala talaga lahat ng love story ay may happy ending." malungkot na wika ni Miracle habang nakatitig sa isang bulaklak na pabukadkad pa lamang.


"Ayaw kong sisihin si Carmela dito Mira! Mas nanaig sa kanya ang tawag ng tungkulin at wala tayong magagawa pa tungkol sa bagay na iyan." sagot ko dito. Natigilan ito at nakita ko ng pagkislap ng galit sa mga mata nito.


"Ayos lang naman sana iyun Mommy. Kung mahal niya talaga ang propesyon niya pwede naman siguro niyang hatiin ang oras niya sa dalawa. Pwede niya munang kausapin si Christian...malay mo naman magkasundo sila. Hindi ganoon ka selfish ang kapatid ko para hindi siya maintindihan." bakas ang inis sa boses nito habang sinasabi ang katagang iyun.


"Mira, hindi pare-pareho ang iniisip ng tao. Maaring para sa iyo ganyan ang magiging desisyon mo. Pero iba si Carmela. Iba ang tumatakbo sa isip niya at wala tayong karapatan para panghimasukan iyun. We need to let her go para sa katahimikan ng dalawang pamilya." sagot ko naman. Natigilan si Miracle.


"Nagkausap na ba kayong dalawa ni Ninang Roxie? Siguro alam na din nila ang desisyon ng anak nila. " sagot nito. Natigilan ako ng maisip ang best friend ko. Baka pati ito nahihirapan din sa naging desisyon ng sarili niyang anak. Sana hindi ito maging dahilan para magkaroon ng lamat ang pagsasama ng dalawang pamilya.


"Hindi pa. Pero alam kong hindi din sila agree sa desisyon ng anak nila.

Kausap ko siya kagabi at mas excited siya sa magaganap na kasalan sa pagitan ng anak niyang si Carmela at ng kakambal mo na si Christian." Sagot ko dito. Agad na napatango si Miracle at malakas na napabuntong hininga.


"Matigas talaga ang ulo nya! Noon pa man nabanggit na sa akin ni Ninang na mahirap pigilan si Carmela sa lahat ng bagay na naisin nito." malungkot nitong wika.


"Alam ko...kung masakit man ito sa atin wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ng isang ina na walang ibang hangad kundi makita ang anak na nasa mabuting kalagayan. Noon pa man gusto na ni Ninang Roxie mo na tumigil na si Carmela sa napili niyang landas na tahakin at manatili sa tabi nila. Pero kakaiba ang paninindigan na meron sa batang iyun. Ipinaglalaban niya kung ano ang gusto niya." sagot ko naman. Ilang sandaling hindi nakaimik si Miracle bago muling nagsalita.


"kumusta ang kakambal ko? Alam kong labis siyang nasaktan sa sitwasyon na ito. Sana matanggap niya agad ang lahat at kalimutan na lang ang babaeng iyun." mahinang wika ni Miracle. Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan ang mata nito.


"Huwag kang magkimkim ng kahit na anong galit sa kanya Mira. Oo, sinaktan niya si Christian, pero hindi tama na magalit tayo kay Carmela dahil mahaba pa naman ang panahon para sa kanila. Malay mo naman baka sa bandang huli sila din pala ang magkatuluyan." nakangiti kong wika. Umiling si Miracle.


"Hindi na siguro Mom. Mas gugustuhin ko pang ibaling sa iba ni Christian ang attention niya kumpara sa babaeng iyun. Hindi siya karapat- dapat sa pag-ibig ng kakambal ko dahil ganoon lang niya kabilis na saktan si Christian. Hindi niya man lang naisip na mahigit limang taon siyang hinintay ng tao. pagkatapos sa ganito lang pala mauuwi ang lahat." malungkot na sagot nito.


'Oh siya tama na iyan. Baka kung saan


pa mapunta ang usapan na ito. Nasa


living room ang kakambal mo kasama sila Grandmama at Grandpapa mo. Magpakita ka muna sa kanila dahil titingnan ko pa ang bunso mong kapatid. Baka gising na at hinahanap ako." sagot ko at mabilis na naglakad papasok ng mansion. Sumunod naman si Miracle at diretso ang hakbang nito papunta ng living room samantalang diretso akong umakyat ng hagdan para puntahan sa kwarto ang bunso naming anak ni Gabriel na si Rafael.





Chapter 141


CARMELA POV


Tahimik akong nakatanaw sa mga nagkikislapang Christmas light. Ang akala kong masayang bakasyon kasama ang aking pamilya mukhang mauuwi sa pag-iisa. Malungkot akong napangiti at hindi napigilan ang pag- agos ng luha sa aking mga mata.


Nagdesisyon na ako at hindi ko na dapat pang balikan. Alam kong masyadong masakit para sa kanila ang nagiging desisyon ko pero ano ba ang tama? Naumpisahan ko na ang totoong laban ng buhay at ayaw ko ng talikuran pa iyun.


Hindi ko pweden basta na lang talikuran ang sinumpaan kong tungkulin sa bayan. Kung basta na lang ako aalis, paano naman ang mga taong posible ko pang matulungan para iligtas sila sa kapahamakan at sumpa ng kaguluhan?

Ipinikit ko ang mga mata ko at agad na


pumasok sa balintataw ko ang mukha


ng mga tao sa bundok na aming


natulungan. Mga batang pinilit namin


turuan na makapagbasa kahit simpleng


alphabet at numbers. Kapag wala kami


sa digmaan ibinabaling namin ang


aming attention na maturuan na


magbasa at magsulat ang mga maliliit


na kumunidad na hindi man lang


pinalad na makaapak ng iskwelahan.


Hindi sa lahat ng oras baril ang aming


hawak


Marami pang mga taong ililigtas namin mula sa malulupit na rebelde at mapasamantalang tao. Hindi pwedeng tumigil ako. Marami pang misyon na nakaatang sa aking balikat at hindi ko iyun pwedeng ipagpalit para sa sarili kong kaligayahan.


Marahil iniisip nila na makasarili ako. Tatanggapin ko iyun...masakit lumayo sa lalaking mahal ko pero mas masakit isipin na tatalikuran ko ang mga taong pwede ko pang matulungan. Mga taong pwede namin mailigtas mula sa kalupitan ng mga rebelde. Mga inosenteng bata na walang kalaban- laban at maagang namamatay dahil sa paggamit sa kanila ng mga taong halang ang kaluluwa at walang ibang inisip kundi ang sarili nilang kapakanan.


Papatay pa ako ng maraming masasamang tao. Iaalay ko ang buhay ko sa serbisyong pinili ko. Mas magiging matapang pa ako dahil wala ng naghihintay na pamilya sa akin. Tuluyan na nila akong tinakwil dahil hindi nila ako naiintindihan. Hindi nila kayang tanggapin kung ano ang ipinaglalaban ko.


Oo lumaki ako sa karangyaan. Pero hindi iyun naging sapat para sumaya ako. Simula ng pumasok ako sa military doon ko nakita ang totoong hamon ng buhay. Kailangan nila ako.

Kailangan kong pagsilbihan ang bayan ko!


Tinungga ko ang hawak kong beer. Agad na gumuhit ang pait sa aking lalamunan at malamlam ang mga matang nakatanaw sa kawalan. Muling lumitaw sa balintataw ko ang malungkot na mukha ni Christian. Malungkot akong napangiti at muling tinungga ang beer.


"Merry Christmas!" bulong ko at tiningnan ang orasan na nakasabit sa dingding. Alas dose na ng hating gabi. Ika 25 na ng December. Ako lang yata ang hindi masaya. Ako lang yata ang nag-iisa. Ito ang pinaka-malungkot na pasko ng buhay ko. Imbes na kasama ko sila heto ako, malungkot at nag-iisa.


Hindi ko na tatapusin ang leave ko. Bukas na bukas din babalik na ako ng kampo. Wala ng dahilan pa para manatili ako dito.

Tinitigan ko ang backpack ko na nakalagay malapit sa pintuan. Nakahanda na ang lahat at susunduin na lang ako ng mga kasamahan ko para bumiyahe pabalik ng Mindanao. Ang lugar kong saan posible kong maging tahanan sa mahabang panahon o posibleng magiging libingan ko na rin.


Agad akong napatingin sa pintuan ng condo na biglang may nag-door bell. Wala akong inaasahan na bisita ngayun at walang sino man ang nakakaalam sa pamilya ko na dito ako nakatira. Kunot noo akong tumayo at agad na kinuha ang service pistol ko sa ilalim ng aking drawer.


Agad kong ikinasa ang baril at dahan- dahan akong naglakad papuntang pintuan. Gamit ang peepholes itinapat ko ang aking mga mata upang silipin kong sino ang nasa labas. Agad na napakunot ang noo ko ng makita ko ang mukha ni Christian. Napa-atras ako at hindi malaman ang gagawin. Dali-dali kong itinago ang baril na hawak ko.


"Carmela, alam kong nandiyan ka! Kausapin mo ako!" narinig kong wika nito sabay katok ng malakas sa pintuan. Agad na kumabog ang dibdib ko dahil sa matinding kaba.


"Kapag hindi mo ito bubuksan, sisirain ko ito." muling wika nito at patuloy pa rin sa malakas na pagkatok. Alam kong hindi ko ito pwedeng baliwalain dahil baka magalit ang ibang mga unit owner na nakatira malapit sa akin. Malakas akong napabuntong-hininga at agad na pinihit ang siradura para pagbuksan ito.


Agad na tumampad sa mga mata ko ang mukhang lasing na si Christian. Agad kong naamoy ang alak nito sa kanyang katawan.


"Sabi ko na nga bang hindi mo ako

matitiis eh." nakangisi nitong wika at pasuray-suray na pumasok sa loob ng aking condo unit.


"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" tanong ko dito matapos kong isara ang pintuan ng unit. Pabagsak naman itong naupo sa sofa habang nakatitig sa akin.


"Pa-paano ko na nalaman ang lugar na ito? Of course I have a resources Carmela! Pwede kong alamin lahat kapag gusto ko."wika nito. Mukhang hindi pa naman ito lasing talaga dahil diretso pa ang salita. Napabuntong hininga ako at tinitigan ito.


"Umalis ka na Christian. Wala na tayong dapat pang pag-usapan.". seryuso kong wika. Hindi ito nakaimik bagkos tumayo ito sa sofa at dahan- dahan na lumapit sa akin.


"Ganoon lang talaga sa iyo kadali itaboy ako sa buhay mo Carmela.

Parang napakadali lang talaga sa iyo na talikuran ako!" puno ng sakit ang boses na wika nito. Hindi ako nakaimik.


"Alam mo ba kung gaano kita kamahal? Mahal na mahal at sobrang sakit ng ginawa mo sa akin! Ano ba ang kasalanan ko sa iyo! Ano ba ang gusto mo?" pasigaw na wika nito sa akin.


Hindi ako nakaimik bagkos at itinulak ko ito papuntang pintuan. Ayaw ko ng magtagal pa siya dito sa harap ko. Ayaw ko ng dagdagan pa ang sakit ng kalooban na nararamdaman ko ngayun.


"Umalis ka na! Tanggapin mo na lang na hindi tayo para sa isat isa.


Maghanap ka na lang ng babaeng kaya kang mahalin katulad ng pagmamahal na nararamdaman mo sa akin ngayun. sagot ko dito. Tagal ako nitong tinitigan sa mukha. Nakita ko ang galit sa mga mata nito at mahigpit akong kinabig payakap sa kanya. Nabigla ako sa kanyang ginawa pero hindi na ako nagpumiglas pa.


"Mahal kita! Wala akong ibang babae na pinangarap sa mundong ito na makasama kundi ikaw lang... " mahina nitong wika sa pagod na boses. Napapikit ako para pigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.


Unti-unting lumuwang ang pagkakayakap nito sa akin sabay titig sa aking mga mata. Buong pagmamahal na hinaplos niya ang pisngi ko habang may luha na kumikislap sa kanyang mga mata. Agad kong iniwas ang tingin dito dahil pakiramdam ko unti-unting nalulusaw ang puso ko sa mga titig nito.


Bumaba ang mukha nito patungo sa mukha ko at naglapat ang aming labi. Agad kong naipikit ang mga mata ko upang namnamin ang halik nito sa akin.


Siguro kailangan kong palayain ang nararamdaman ng puso ko ngayun. Kahit ngayun lang... Hahayaan ko ang sarili ko na madama ang init ng pagmamahal ng lalaking matagal ko ng sinisinta.


Nagiging mapusok ang mga sumunod na sandali sa aming dalawa ni Christian. Naramdaman ko na lang na buhat niya na ako papunta sa aking silid  ng hindi naghihiwalay ang aming labi.


Wala na akong lakas para tumutol pa. Mahal ko ang lalaking ito at handa akong magpaubaya sa kanya... Kahit ngayung gabi lang may magandang alaala man lang akong dala mula sa kanya habang nasa misyon ako.


Naramdaman ko na lang na lumapat na ang likod ko sa aking malambot na kama. Wala na akong ambisyon pa na nararamdaman sa aking katawan. Tinutugon ko ang bawat halik at haplos na ginagawa ni Christian sa akin.

Namalayan ko na lang na pareho na kaming walang saplot sa katawan. Para kaming bagong silang na sanggol na hubot hubad sa ibabaw ng kama.


"I love you Carmela!" bulong sa akin ni Christian bago niya tuluyang pinag-isa ang aming katawan. Napa-igik pa ako sa sakit sa una nitong pagpasok sa akin at nakita ko ang pag-aalinlangan sa mata nito habang nakatitig sa akin.


Nginitian ko ito tsaka kusa kong iniyakap ang braso ko sa leeg nito at hinalikan sa labi. Isang senyales na pwede na niyang ituloy ang nasimulan na namin.


Titiisin ko ang sakit sa aking pagkababae sa una naming paglalaro maisatuparan man lang ang gusto ng aming mga katawan.


Hindi nagtagal ay nawala na din naman ang sakit at napalitan ito ng walang kapantay na sarap. Pawis na pawis si Christian sa ibabaw ko pero mukhang hindi ito napapagod. Gigil na gigil ito sa bawat ginagawang pag-ulos sa itaas ko. Naipikit ko ang aking mga mata habang kagat-kagat ko ang aking labi para pigilan ang paglabas ng ungol sa aking bibig dahil sa labis na sarap na nararamdaman.


Hindi ko na mabilang pa kung ilang ulit akong inangkin ni Christian ng gabing iyun. Basta nagising na lang ako kinaumagahan sa mahinang pagtunog ng aking alarm clock.


Agad kong pinindot ang off botton sa isiping baka magising si Christian mula sa pagkakahimbing ng pagtulog dito sa tabi ko. Sinipat ko ang orasan. Alas nwebe na ng umaga. Hindi ko alam kung anong oras kami nakatulog pero pakiramdam ko latang lata ang buo kong katawan.


Dahan-dahan akong bumangon sa


kabila ng sakit na nararamdaman ko sa aking pagkababae. Tinitigan ko pa ang gwapong mukha ni Christian bago ako nagpasyang tuluyan ng bumaba ng kama para makapagbihis.


Hindi ako maaring magtagal. Darating na ang sundo ko at ayaw ko silang paghintayin.


"Aalis ka?" nahinto ako sa pagdampot ng aking bag ng biglang nagsalita si Christian. Nilingon ko ito at nakita kong nakaupo na ito sa aking kama.


"Iyun ang kailangan. Tawag ng tungkulin." maiksi kong sagot. Nakita ko ang malungkot nitong pagngiti pagkatapos ay seryoso akong tinitigan.


"Kapag tuluyan mo akong iiwan ngayun, asahan mo na wala ka ng babalikan pa Carmela. Lahat ginawa ko na para sa ating dalawa pero ang tigas ng puso mo.' seryoso nitong sagot. Natigilan ako, Parang biglang piniga ang puso ko dahil sa sinabi nito.

"Handa kong tanggapin at panindigan ang mga consequences na desisyon na ginawa ko ngayun Christian. Hindi ikaw ang makakapigil sa gusto kong gawin." sagot ko habang pigil na huwag mapahagulhol ng iyak. Narinig ko ang marahas nitong pagbuntong hininga kaya naman itinuloy ko na ang pagpulot ng aking backpack at naglakad patungo sa pintuan ng condo.


"Kung ganoon...Paalam Carmela. Ito na ang huling pagkakataon na hahabulin kita. Sana hindi na muling magkrus ang landas natin." seryosong sagot nito. Hindi ko mapigilan ang luha sa aking mga mata habang nakatalikod dito.


"Yah...thank you for your love Christian. Maraming salamat sa magandang alaala." sagot ko. Hindi ito nakaimik. Gamit ang nanginginig kong kamay, dahan dahan kong pinihit ang siradura at binuksan ang pintuan.

"Isara mo na lang ang unit na ito pagkaalis mo. Paalam...." Malungkot kong wika at tuluyan na itong iniwan.


Diretso akong naglakad patungo sa elevator. Agad kong tinitigan ang sarili ko sa salamin ng elevator. Nababanaag ang sobrang lungkot ng mga mata ko. Malungkot akong napangiti at pinahid ang luha sa aking mga mata. Sa ngalan ng tungkulin sa bansa ginawa kong talikuran ang lalaking mahal ko.





CHRISTIAN POV


Malungkot kong sinundan ang paalis na si Carmela. Sa huling pagkakataon, ayaw nitong papigil sa akin. Talagang sinunod nito ang sariling kagustuhan.


Masakit...pero ano ang magagawa ng isang Christian Villarama. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang hintayin. Alam kong isang malaking katangahan ang ginagawa kong paghahabol dito.

Kahit siguro lumuha ako ng dugo hindi siya maaawa sa akin. Siguro tama ang pamilya ko. Kailangan kong ibaling sa iba ang pagmamahal na nararamdaman ko dahil walang kasiguraduhan kong babalik pa ba si Carmela.


Itinakwil na ito ng sariling pamilya dahil sa katigasan ng kanyang ulo. Sino ba naman ako para sundin niya? Isa lang naman akong tanga na habol ng habol dito.


Agad kong hinagilap ang aking mga damit na nakakalat sa sahig. Mabilis akong nagbihis upang makaalis na sa lugar na ito. Hindi ako dapat magpakalunod sa matinding kalungkutan. Alam kong habang nakikita akong nasasaktan ng mga mahal ko sa buhay mas dobleng sakit ang kanilang nararamdaman.


Simula ngayun, hindi na kita


hahabulin Carmela. Ibabaon ko na lang sa limot ang tungkol sa iyo. Pipilitin kong tuluyan ka ng mabura sa aking isipan.


Palabas na ako ng kwarto ng masulyapan ko ang kama nito. May mga bahid ng dugo ang kobre kama at alam ko kung kanino galing iyun. Galing kay Carmela. Malungkot akong napangiti at inahakbang ko ang aking mga paa paalis sa lugar na ito.


"Paalam Carmela!" bulong ko at walang lingon likod na tuluyan ng lumabas ng condo na pag-aari nito.




CHAPTER 142


SIX YEARS LATER


CARMELA POV


"Charlotte, Christopher Charles.. ano itong sinabi sa akin ng teacher niyo na hindi na naman daw kayo pumasok sa School?" galit na wika ko sa mga ito. Nakahilira ang mga ito sa harap ko at nakayuko. Kitang kita ang guilt sa kanilang mga mata kaya naman malakas akong napabuntong hininga.


Six years ang mabilis na lumipas pagkatapos kong piliin ang pagiging miyembro ng army at iniwan ng tuluyan si Christian. Masakit pero iyun ang pinili kong tinahak na landas.


Syempre dahil sa katigasan ng ulo ko heto ako ngayun. Mag-isang binubuhay ang tatlong pasaway kong anak. Kailangan kong panindigan ang lahat dahil wala na akong pamilya pa na babalikan. Buti na lang marami akong naipong pera bago tuluyang iniwan ang army five years ago. Naibenta ko din kaagad ang aking bigbike kaya pinili ko na lang na manatiling tahimik na pamumuhay dito sa davao.


Yes....pagkatapos ng may nangyari amin ni Christian, diretso ako sa bakbakan sa Mindanao. Maraming namatay sa mga kasamahan ko at isa ako sa tinamaan ng bala at na-confine sa hospital ng ilang buwan. Doon ko din nalaman na buntis ako. Diba! ano pa nga ba ang dapat kong ipaglaban? Hindi pwedeng ituloy ko ang aking karera sa army dahil tatlo ang buhay na nasa aking sinapupunan.


Buti na lang mabait ang mga superior ko. Naintindihan nila ang kalagayan ko. Agad nila akong pinagkalooban ng honnoarable dismissal dahil sapat na din iyun para napaglingkuran ko ng maayos ang bayan. Halos ibinuwis ko na ang aking buhay sa ngalan ng tungkulin na nakaatang sa aking balikat.


Paano ba naman nailigtas ko ang buhay ng anak ng isang General na kasama din namin sa bakbakan ng mga panahon na iyun. Si Lucy Santo Domingo. Imbes na siya ang tamaan ng bala iniharang ko ang aking sarili na siyang muntikan ko ng ikamatay. Wala lang.. Ayaw ko siyang mapasama sa mga nasawi noon dahil may anak siya at hindi kaya ng konsensya ko na pabayaan siya at maagang mawalan ng nanay ang bata na naghihintay sa kanyang pag-uwi. Hindi baleng ako na lang dahil wala ng pamilya na naghihintay sa akin. Iniwan na nila akong lahat kaya kahit na mamatay pa ako sa bakbakan ayos lang dahil wala ng maghahanap sa akin.

Pero nagbago ang pananaw ko sa buhay ng malaman kong buntis ako. Buti na lang naisugod ako sa hospital pagkatapos akong tamaan ng bala. Although halos tumagos ang bala sa liver ko pero maswerte pa rin akong nabuhay.


Matagal akong namalagi sa hospital. Kasabay ng pagbununtis ko ang pagpapagaling mula sa sugat na natamo. Walang pamilya na bumisita sa akin. Paano nga naman may bibisita sa akin hiniling ko sa aking mga superior na huwag ipaalam sa kanila ang lahat. Ayaw kong kaawaan nila ako. Isa pa itinakwil na nila ako noh? Kahit papaano mas mahaba pa sa buhok ni Rapunzel ang pride ko. Kaya nilihim ko ang lahat hanggang sa gumaling ako at manganak ng triplets.


Kaya ko naman ibigay lahat ng pangangailangan ng anak ko na hindi na kailangan pang lumapit sa aking pamilya lalo na sa kanilang ama.


Hanggang ngayun kasi nag-i-echo pa rin sa pandinig ko ang sinabi nito na wala na daw akong babalikan pa kapag tuluyan ko siyang iiwan ng gabing iyun. Dahil masunurin at ma- prensipyo akong tao...sige..ibibigay ko ang gusto niya. Bakit ba? May pera naman ako..kaya kong bigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak namin.


Buti na lang agad na lumago ang negosyo na binuksan ko. Bumibili ako ng mga buhay na hayop at may sarili akong katayan. May sariling farm na din ako ngayun at doon inaalagaan ang ibang mga livestock na dadalhin sa sariling katayan para katayin. Kami na din bahala sa mga packaging at sinusupply namin sa mga malalaking supermarket at mga palengke. Malaki ang kinikita ko at lahat ng luho ng mga anak ko kaya kong ibigay kong tutuusin.


Tuluyan ko ng iniwan ang army pagkalabas ko ng hospital. Alangan naman na piliin ko pa ang serbisyo kaysa sarili kong dugo at laman. Sign na din siguro ni Lord iyun para ang sarili ko naman ang atupagin ko. Halos ibinuwis ko na ang buhay ko at ayos na siguro iyun. Mas mahalaga sa akin ang mga anak ko. Gusto kong matutukan ang pagpapalaki sa kanila. Kaya kahit masakit, sige na lang...wala na eh. Mas kailangan ako ng mga anak ko. Iyun nga lang mukhang lalaki sila na hindi makikilala ang kanilang ama pati na din ang iba pang pamilya.


Pambihira, isang gabi lang may nangyari sa amin ni Christian pero nabuntis agad ako? Masyado palang malakas ang sperm ng mga Villarama. Kung kailan namaalam na ako sa kanila, tsaka naman ako bumukaka. Sino ba naman ang mag-aakala na mabubuntis ako? Masyado naman sana akong active sa mga physical activity pero matindi pala talaga ang kapit ng mga anak ko. Lumabas silang malusog na siyang ipinagpasalamat ko sa Diyos.


"Mama, nakakaantok naman kasi ang mga turo ni teacher. Mas gusto namin sumali sa taekwondo at maglaro ng baril-barilan." sagot ni Charlotte. Nag- iisang babae sa triplets at kung kumilos talo pa ang mga kapatid niyang lalaki. Astig at mahilig sa mga laruan na panlalaki at higit sa lahat ayaw niya ng damit pambabae. Kung ano ang suot ng kanyang mga kapatid na lalaki ganoon din dapat sa kanya.


"Hindi pwede iyang mga gusto niyo. Kailangan niyo si teacher para matuto kayong magbasa at magsulat. Hindi pwedeng everyday kayo pupunta sa taekwondo. Every weekend lang ang schedule niyo doon." sagot ko naman.


"Pwede po bang weekend na lang kami papasok ng school pagkatapos weekdays kami sa taekwondo class namin Ma? Boring po kasi talaga kapag nakaupo lang eh... Nakak-antok tapos walang thrill." sagot naman ni Christopher. Natigilan ako at napahilot ako sa aking sentido dahil sa stress.


Five years old pa lang sila pero may gusto na silang gawin sa buhay nila. Hirap pa nga silang magbasa at magsulat dahil sobrang tamad magsipag-aral. Ngayun pa lang ramdam na ramdam ko na ang paghihirap ng isang single parent. Hindi naman ako ganito noong bata pa ako ah? Nag-umpisa lang maging matigas ang ulo ko noong nag- eighteen years old na ako.


"Kapag hindi kayo magtino sa pag- aaral niyo hindi ko na kayo papuntahin sa taekwondo class niyo. Bahala kayo." pananakot ko. Naubusan na talaga ako ng sasabihin sa kanila at pakiramdam ko malalagas na ang buhok sa buo kong katawan dahil sa kunsumisyon.

Nakita ko na nagkatinginan silang tatlo tsaka mabilis na nagsipaglapit sa akin.


"No Mama. Promise gagalingan namin sa School. Hindi na kami magpapasaway kay teacher." nakangiting sagot ni Charles. Yumakap pa ito sa akin.


Malakas akong napabuntong hininga. Bakit ganito ang mga anak ko? Kakaiba sa ibang bata. Masyadong advance kung mag-isip. Talo pa ang mga matatanda kung nakikipag-usap. Siguro dahil sa pulbura na nalalanghap ko noong nag-uumpisa pa lang silang mabuo sa sinapupunan ko?


"Sige na, pumasok na kayo sa loob ng bahay. Sabihin mo kay Manang Tasya na maliligo na kayo dahil kakain na tayo ng hapunan." utos ko sa mga ito.


"Yes Mam!" malakas na sigaw ng mga ito sabay salute. Pinaningkitan ko sila ng mga mata kaya agad silang nagkatinginan. Pormal na humarap sa akin sabay ngiti.


"Sorry po...Yes Mama po pala...hehehe! tumatawang wika ni Christopher. Wala na akong nagawa pa kundi sinyasan na silang pumasok na sa loob ng bahay. Nag-uunahan naman silang tumakbo papasok sa loob kaya naiwan akong iiling-iling na lang.


"Uyyy Best friend? Bakit nakakunot naman ang noo mo?" napapitlag pa ako ng marinig ko ang boses ng kaibigan kong si Major General Lucy Santo Domingo na ngayun. Oh diba ang bilis ng promotion niya. Kung hindi lang sana ako nabuntis baka mataas na din ang ranggo ko ngayun. Pero sa nasabi ko na nga hindi ko dapat pagsisihan ang bagay na iyun. May mas malaking regalo ang Diyos sa akin na dapat bigyan ko ng 101% na attention.


"Alam mo hindi ko talaga alam kung kanino nagmana sa katigasan ng ulo ang mga anak ko! Pakiramdam ko matutuyuan ako ng dugo sa kanila.' sagot ko dito. Natawa naman ito.


"Bakit ba kasi? Ano na naman ang ginawa ng mga inaanak ko at mukhang kunsumido ka na naman." tanong nito. Napabuntong hininga ako bago sumagot.


"Alam mo bang halos araw-araw na lang akong pinapatawag ng teacher nila. Kung hindi nang-away ng ka- classmates, hindi pumasok sa School. Grabe na best friend..hindi ko na alam kung paano sila desiplinahin. Pakiramdam ko maaga akong magme menaupose nito." sagot ko. Napahagalpak ng tawa si Lucy. Iiling iling na tinitigan ako.


"Ganoon talaga ang mga bata! Bata eh. Parang hindi ka naman dumaan sa ganyang edad. Isa pa kinder pa lang sila kaya easy ka lang. Tsaka mo na tutukan kapag Grade one na!" natatawang sagot nito. Iiling iling ko naman itong tinitigan bago ko naisipan tanungin kong bakit nandito ito ngayun. Ang pagkakaalam ko kasi nasa Manila na ang pamilya nito kasama ang ama nitong si Retired Major Santo Domingo. Ang tatay nito ang tumulong para pagkalooban ako ng honorable dismissal. 


"Teka, ano nga pala ang kailangan mo? Bakit nga pala napadaan ka?" kunot noo kong tanong. Pagkatapos ay niyaya ko na itong pumasok sa loob ng bahay.


"Iyun na nga..iinvite sana kita sa 7th birthday ng anak kong si Sarah. Isa sa mga hiling nya na makadalo ang triplets. Alam mo na naghahanap lagi ng kalaro ang anak ko at yung mga anak mo lang ang kasundo niya." sagot nito. Natigilan naman ako.


"At sa Manila gaganapin?" tanong ko. Agad itong tumango.

"No worries, libre na kita sa hotel at pamasahe. Alam ko kasi kung gaano ka ka-kuripot eh kaya huwag kang mag- alala sa gastos." sagot nito.


"Hindi naman sa ganoon. Kaya lang masyadong malayo ang Manila. Isa pa baka nakakalimutan mo na taga- doon ang pamilya ko pati na din ang ama ng mga ito. anak ko." sagot ko dito. bigla 


"So what? Mas maganda na malaman nila na nagkaanak kayo ng Villarama na iyun. Kaysa naman magpakasal siya sa malandutay na starlet na iyun!" gigil na sagot nito. Natigilan ako.


Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw ko ng magpakita sa kanila. Lalo na kay Christian. Kakapanganak ko pa lang sa triplets ng nabalitaan ko na may relasyon ito sa isang actress. Actually, hindi lang simpleng relasyon dahil nabalitaan kong dinadala ito ni Christian sa mansion at ipinakilala na sa kanyang pamilya.


Masyado akong nasaktan ng mga panahon na iyun. Pero sino ba naman ako para magreklamo. Kaya sinarili ko na lang ang sakit hanggang nasanay na lang ako.


Balita ko going strong na ang kanilang relasyon at magpapakasal na sila this year. Of course with approval ng mga Villarama. Ayaw ko ng manggulo pa sa kung anong meron sila ngayun.


Masyado ko na silang nasaktan noon at gusto ko na lang manahimik habang buhay.


"Hoy! Hindi ka na nakaimik diyan! Huwag mong sabihin hindi ka pa din nakakaget-over sa kanya? Ano kaya kung magpakita na lang kayo sa kanya at ipakilala mo ang triplets para naman hindi nya na pakasalan ang hitad na si Aurea. Diyos ko pangalan pa lang kumukulo na ang dugo ko!" gigil na wika nito.


"Bakit ba kasi galit ka pa rin sa kanya? Huwag mong sabihin masama pa rin ang loob mo dahil hindi ikaw ang pinili ng tatay ni Sarah?" tanong ko.


"Super! Hindi ko sila mapapatawad. Mga ahas sila Best friend!" gigil na sagot nito.


Si Aurea kasi na Girl friend ngayun ni Christian ay dating girlfriend daw ng ama ni Sarah na karibal nitong si Lucy.. Ito daw ang dahilan kaya umatras sa kasal nila si Enrique dahil hinabol daw nito si Aurea na nag- uumpisa pa lang noon sa career sa showbiz. Hindi ko lang alam kong paano naghiwalay si Aurea at Enrique dahil hindi na din naman ako interesado tungkol sa bagay na iyun. Pero palagi kasi itong naging bukang bibig ni Lucy kaya naman hindi namin maiwasan na mapag-uusapan.


Oh diba ang liit ng mundo? Ang karibal ni Lucy noon ay siyang pakakasalan ni Christian ngayun. Hayst kagulo ng buhay. Nakakapanghina lalo na sa parte ko dahil tuluyan ng magpapakasal si Christian sa iba. Hanggang tingin na lang ako sa malayo. Ito ang karma ko kaya dapat lang na tanggapin..


"Pero hindi bat nanghihingi na ng sorry sa iyo si Enrique? Bakit ayaw mo pa rin patawarin?" tanong ko dito. Balita ko kasi hinahabol ulit ito ni Enrique. Hindi nga lang makalapit dahil ilang beses niya na itong sinabihan na tatanggalan ng bayag kapag mangungulit pa sa kanya. Hindi din niya ipinapakita ang anak dito. Isa pa todo bantay ang Lolo na retired General sa bata kaya malabo pa sa sabaw ng pusit na magkaayos pa sila. Kaya siguro magkasundo kami ni Lucy dahil pareho kaming sawi sa pag-ibig.


"NO! NEVER! Ayaw ko ng kumagat ng buto na iniluwa na ng ibang aso!" galit na sagot nito. Napanganga naman ako dahil sa kanyang sinabi. Ang lalim noon ha?


"haayy naku, tama lang iyan na huwag ka ng bumalik kay Christian. Tiyak na nag-sex na iyan sila ng starlet na iyun at baka mahawa ka pa sa kakatihan niya. Ipapakilala na lang kita sa bagong Brigada General namin na pogi. Tiyak na magkakasundo kayo noon." nakangiti nitong wika sa akin.


Napailing na lang ako. Kung gaano ito kagaling humawak ng baril ganoon din naman kalala ang saltik sa utak nito.


"Ewan ko sa iyo! Tigilan mo nga ako Lucy dahil wala na akong panahon sa ganyan. At isa pa hindi kami sasama sa iyo sa Manila. Marami akong aasikasuhin sa planta kaya magpapadala na lang ako ng regalo para kay Sarah." sagot ko dito. Agad naman itong umiling tanda ng matinding pagtutol.


"No...No...No!!! Hindi ako papayag. Ito na lang ang pambawi ko sa anak ko kaya sa ayaw at gusto mo sasama kayo sa akin!" Pamimilit nito. Malakas akong napabuntong hininga. Bakit ba mukhang napapalibutan ako ng mga makukulit na tao? Dagdag ba ito sa karma ko? Gosh grabe naman magparusa si Lord!




Chapter 143


CARMELA POV


"Mama, gising na po kayo. Aalis na "Mama, gising na po kayo. Aalis na tayo!" naalimpungatan ko na may kumakalabit sa akin. Antok na antok pa ako pero wala akong choice kundi imulat ang aking mga mata. Agad na tumampad sa paningin ko ang mukha ng aking anak na si Charlotte. Nakabihis ito ng favorite attire niyang pang-sundalo at mukhang paalis dahil may sukbit itong maliit na backpack.


Napakunot ang noo ko at agad na napabangon. Tinitigan ko ito sa mukha at pilit na pinoproseso ng utak ko kung ano ang nangyayari?


"Mama, aalis na tayo. Maiiwan na daw tayo ng airplane sabi ni Ninang Lucy" muling wika nito. Agad na nanlaki ang aking mga mata at mabilis na bumaba ng kama at naglakad palabas ng kwarto. Naabutan ko sa sala ang dalawa sa triplets na abala sa kani- kanilang maliliit na backpack na puro candies at chocolates lang naman ang laman.


Nang makita ako ng mga ito ay agad na napangiti at nagsipaglapitan para humalik sa aking pisngi.


"Good Morning Mama!" nakangiting bati ng mga ito. Isa isa ko naman silang hinalikan sa pisngi at inilibot ang paningin sa paligid ng bahay. Nakita ko si Lucy na prenteng nakaupo sa kusina habang humihigop ng kape. Nakangisi ito sa akin kaya naman agad kong nilapitan.


"Ano ito? Hindi bat sabi ko sa iyo hindi kami sasama sa Manila?" tanong ko. Matamis lang akong nginitian.


"Carmela naman! Minsan nga lang akong humiling sa iyo ayaw mo pa akong pagbigyan. Sige ka excited pa naman ang triplets. Hindi ka patatahimikin ng mga iyan kapag hindi kayo sasama sa akin." nakangiti nitong sagot. Napahilamos ako ng mukha dahil sa inis.


"Mama, Ninang lets go na! Excited na kaming sumakay ng airplane!"


malakas na wika ni Charlotte. Lahat sila nakasuot ng costume na pang- sundalo. Grabe, mukhang ready na sila at ako na lang ang hindi nakapagbihis.


"Anong oras ba aalis? tanong ko. Ngumiti ito at tiningnan ang suot na orasan.


"Three hours from now kaya bilisan mo na. Huwag ka ng maligo at huwag kang mag-alala sa mga gamit ng mga bata. Naipaayos ko na sa kasambahay mo." nakangiti nitong wika sabay turo sa medyo may kalakihang travelling bag sa gilid ng sofa. Napapailing na lang akong tinalikuran ito.


May magagawa pa ba ako? Mukhang wala na akong lusot kaya kailangan ko ng magbihis para makaalis na. Baka ako pa ang masisisi kapag maiwan

kami ng eroplano.




VILLARAMA MANSION


CHRISTIAN POV


"Sigurado ka na ba sa kanya? Baka naman gusto mo lang siyang pakasalan dahil wala kang choice? Tanong ni Mira sa akin. Hindi ko alam kung bakit napaaga ito sa pagsugod dito sa mansion. Lumabas na naman kasi sa mga pahayagan kanina na magpapakasal na kaming dalawa ni Aurea. Hindi ko alam kung sinong tanga ang nagpapakalat ng balitang iyun. Sabagay, ilang taon na bang kumakalat ang issue na iyan at hanggang ngayun hindi pa din naman nangyayari ang tungkol sa kasalan na iyan. Nasanay na nga ako sa paulit-ulit na issue na iyan at hindi ko na lang pinapansin.


Wala sa bokabularyo ko ang magpakasal. Mas gugustuhin ko pang tumandang mag-isa kaysa makisama sa babaeng hindi ko naman gusto. Hindi ko nga alam kong paano naging girlfriend si Aurea. Basta nandyan lang siya kapag kailangan ko at nandyan siya kapag kailangan ako.


Never akong nanligaw kahit kanino. Ewan ko ba kung bakit paniwalang- paniwala ang pamilya ko tungkol sa lumalabas na relasyon namin ng Aurea na iyun. Hindi ako tanga para pumatol sa babaeng may hidden agenda. Alam ko kung ano ang karakas ni Aurea at never ko itong seseryusuhin.


Biglang sumagi sa aking isipan si Carmela. Kumusta na kaya ito? Mukhang wala talagang balak na magpakita sa amin kaya nakaramdam ako ng matinding paghihimasik ng kalooban. Huwag siyang magkamaling magpakita muli sa akin dahil hindi ko na talaga ito hahayaan pang makaalis ulit. Kung kinakailangan ikulong ko ito sa kwarto ko gagawin ko. Sobrang dami ng ng hirap ng kalooban ang napagdaanan ko dahil sa kanya.


Hindi ko alam kung may balita sila Ninang Roxie tungko kay Carmela. Mukhang wala dahil masyado silang tahimik nitong nagdaang mga taon. Hindi na kasi masyadong nagpapakita si Tita Roxie sa amin simula ng hindi natuloy ang dapat na itinakdang kasal namin ni Carmela.


"Bakit may choice pa bang iba? Ilang taon ng lagpas sa kalendaryo ang edad ko at kailangan ko ng bumuo ng pamilya." seryoso kong sagot. Heto na naman...kailangan ko na namang sakyan ang usapan na ito. Ayaw ko kasing ipakita sa kanila na hanggang ngayun si Carmela pa rin ang sinisigaw ng puso ko. Nagkatinginan naman sila Mommy at Daddy.


"Ayaw mo na ba siyang hintayin? Nakalimutan mo na ba siya? Baka

naman magiging unfair ka lang kay Aurea Christian. Alam namin na hindi mo siya mahal at kaya mo lang siya pinapakisamahan dahil wala ka lang choice." seryoso nitong sagot. Natigilan ako.


"Hindi na siya babalik." malungkot kong sagot.


"Bakit ayaw mo siyang ipahanap? Baka naman hinihintay niya lang na ikaw mismo ang maghanap sa kanya. Hindi maalis sa ugali ng isang babae ang pagiging ma-pride. Mabilis lang syang hanapin kong totoosin. Nasa Military lang siya pero wala kang ginawang hakbang para alamin kung kumusta na siya?" sagot nito. Malungkot akong Napabuntung-hininga.


"Siya ang umalis kaya siya dapat ang bumalik." maikli kong sagot. Ilang beses ko na din ginagamit ang sagot na ito tuwing napag-uusapan namin si Carmela. Memorize ko na nga eh.

Mukhang mas gusto talaga ng pamilya ko na si Carmela ang makatuluyan ko. Ang problema nga lang hanggang ngayun hindi pa rin bumabalik ang babaeng iyun.


Ayaw ko naman itong habulin pa. dahil baka lalo akong pagtaguan.


"Pero paano kung ayaw niya na? Paano kung nahihiya siya?" tanong ulit nito. Tinitigan ko si Miracle. Napailing ako.


ayaw ko ng alamin pa. Natatakot ako dahil baka wala na siya.. Baka tuluyan na siyang lumisan at muli lang akong mabibigo." seryuso kong sagot. Totoo naman kasi..paano kung may masamang nangyari na kay Carmela habang nasa misyon?


"Bakit ba kasi ayaw niyo siyang ipahanap. for sure nandito lang siya sa Pilipinas at naghihintay na iwelcome ulit natin siya." muling sagot ni Miracle.


"Uuwi din iyun kapag maalala tayo. Baka nag-eenjoy pa sa kakatugis sa mga rebelde." kunwari ay baliwala kong sagot.


"Hindi mo na siya mahal? Ayaw mo na sa kanya?" seryosong tanong ni Miracle. Hindi ako nakakibo.


"Ikaw din. Sana hindi mo pagsisihan ang desisyon mo na ito Christian. Tatapatin na kita...ayaw ko kay Aurea para sa iyo. Pinakitaan ko lang siya ng maganda dahil nakita ko na kahit papaano naiibsan ang kalungkutan mo kung nandyan sya." seryosong sagot ni Miracle. Napansin kong makahulugan na nagkatinginan sila Mommy at Daddy. Napakunot ang noo ko.


"Kung hindi ka pa sigurado sa kanya, ipagpaliban mo muna ang planong pakasalan siya. Mahirap ang magpadalos -dalos ng desisyon anak. Pag-isipan mo muna ng makailang ulit bago ka magdesisyon. Hindi ka namin minamadali na mag-asawa. Take your time anak at siguraduhin mong ang babaeng pag-laanan mo ng iyong pangalan ay karapat dapat sa pagmamahal mo." seryosong sagot ni Mommy.


Agad naman akong napangiti sa sinabi ni Mommy. Kailangan ko na talagang kumilos para matigil na ang balita tungkol sa kasal-kasal na iyan.




"Kumusta bayaw? Parang late ka yata ngayun ah?" Nakangiti nitong wika ng makapasok ako sa opisina nito. Nakangiti akong naupo.


"Pwede na siguro natin puntahan sa weekend ang lupain na sinasabi mong ibinta. Wala akong time sa weekdays dahil masyadong hectic ang schedule ko sa opisina." agad na wika ko dito ng makaupo na.


"This weekend ba? Naku hindi ako pwede bayaw. Aattend ang mga anak ko sa birthday ng kapitbahay namin at nangako na dadalo kami.. Pwede siguro pero baka next week end na." sagot nito. Sandali akong nag-isip. Niyayaya ako ni Aurea na magabakasyon sa Boracay next weekend. Napangiti ako. May maayos na akong idadahilan sa babaeng iyun para matanggihan sya. Tiyak na magtatampo na naman iyun.


Sabagay, wala naman akong pakialam kong magtampo siya. Hindi naman ako apektado. Mas gusto ko ngayun para lubayan na nya ako. Nakakasawa na din ang pagiging demanding ng babaeng iyun. Feel na feel ang pagiging girl friend ko.

"Ohh natigilan ka na naman diyan? Saan na naman ba tumatakbo ang utak mo ? Pero maiba ako Bayaw...sigurado ka na ba kay Aurea? Kalat na kalat na sa buong bansa ang relasyon niyo at ikakasal na daw kayo soon? Mag best friend tayo pero hindi mo man lang nabanggit sa akin ang bagay na iyan. Nasigawan tuloy ako kagabi ni Arabella dahil bakit ayaw daw kitang pigilan. Ma -kontrobesiyal daw ang babaeng kaya ayaw ni Arabella sa kanya." mahabang wika ni Kurt. Natigilan ako. Mukha naman kasing magkasundo si Aurea at Arabella.


"Hindi ko alam kung sino ang nagpapakalat sa balitang iyan. Hindi pa naman ako nagpropose ng kasal sa kanya. Siguro dahil sikat siya kaya iniisip ng medya na magpapakasal na kami dahil halos tatlong taon na din kaming nagkakaigihan." sagot ko.


"Nagkakaigihan? Magtapat ka nga sa akin. Paano mo ba niligawan ang babaeng iyun? Diba model lang iyan nila Jessica sa kanilang beauty products dati? Kahit ako nabigla na lang na ibinalita ka na sa telebisyon na boyfriend ka na ng artista na iyan. Siyempre kilala ka sa lipunan kaya agad na kinagat ng mga fans niya ang balita." mahabang wika ni Kurt. Sandali akong nag-isip kong paano nga bang naging kami ni Aurea. Wala kasing ligawan na nangyayari.


Pareho kaming nalasing at may nangyari sa amin, kaya ayun na. Naging kami na. Hindi nya na ako tinatantanan at lagi akong binibisita sa opisina. Hanggang sa nasanay na lang ako sa kanyang presinsya at isinasama ko paminsan-minsan sa mansion kapag may ilang importanteng okasyon ang pamilya para naman may escort ako.


"Hindi ko din alam. Basta biglang

naging kami na lang." maiksi kong sagot. Natigilan si Kurt.


"Ibig sabihin hindi mo siya niligawan? 'gulat na tanong nito. Umiling ako.


"No...Never! Hindi ko din nababanggit sa kanya na mahal ko siya. Basta nandyan lang siya lagi at nasanay na lang ako sa kanyang presensya." sagot ko.


"Naku! Ang gulo naman niyan! Mukhang walang magandang future iyang relasyon niyo dahil hindi mo matawag na girl friend ang babaeng iyun dahil hindi mo naman pala niligawan at isa pa mukhang hindi mo naman mahal. " sagot nito.


"Kung ako sa iyo.....iwasan mo na ang babaeng iyan! Hanapin na lang ulit natin si Carmela. Malay mo, siya lang ang makapagpabalik sa kislap ng iyung mga mata." seryosong wika nito. Natigilan naman ako.

"Ulol! Wala na siya Kurt! Hindi na siya babalik." malungkot kong sagot.


"Gago ka ba! Paano babalik kung alam nyang may iba ka na! Mag-isip ka nga! Siguro nasaktan siya dahil ipinagpalit mo na siya sa iba. Isa pa parang itinakwil na yata siya ng pamilya niya diba?" sagot nito. Bigla naman akong napatanga sa sinabi nito. Kung tutuusin posible din kasi ang sinabi ni Kurt. Maaring may pumipigil kay Carmela na bumalik ulit. Kahit na pagbalik-baliktarin pa ang mundo, uuwi at uuwi ito sa kanyang pamilya kahit gaano pa katagal na panahon ang lumipas.


Agad akong napatayo at nagmamadaling lumabas ng opisina ni Kurt. Hindi ko na pinansin ang pagtawag nito sa akin at diretso ako sa aking kotse at agad na nagdrive papunta sa lugar kong saan nagbabakasakali ako na may malalaman ako tungkol kay Carmela. Hindi ko alam pero bigla akong natauhan sa sinabi ni Kurt kanina. Paano nga pala siya babalik kong alam niyang wala ng naghihintay sa kanya?


Napasabunot ako sa aking buhok ng


maisip iyun. Tiyak na alam ni Carmela


ang tungkol sa amin ni Aurea. Parang


biglang ragasa ng pag-aalinlangan ang


puso ko. Hindi ko alam pero


nakaramdam ako ng matinding takot


sa isipin na isa ako sa dahilan kong


bakit hindi na ito muling nagpakita pa.


Pagdating sa bahay nila Ninong Jonathan at Ninang Roxie ay agad akong bumaba ng kotse. Nag door bell ako at agad naman akong pinagbuksan ng guard.


"Nandyan ba sila Ninang?" agad na tanong ko. Hindi pa nakakasagot ang guard ng tawagin ako ni Tita Roxie at sininyasan ang guard na papasukin ako.


"Magandang araw po Ninang!" agad na bati ko dito. Nakangiti naman itong itinuro ang isang bakanteng upuan sa kanyang harapan. Mataman akong tinitigan tsaka nagsalita.


"Hindi ko inaasahan ang pagdalaw mo Christian. Ang akala ko talaga kinalimutan mo na ang pamilyang ito" nakangiti nitong wika. Pero gayunpaman hindi maikakaila ang lungkot sa mga mata nito.


"Pasensya na po kayo Ninang..... nagiging abala po kasi ako sa maraming bagay kaya ngayun lang ulit ako nakapunta dito sa inyo. Pinapakumusta po kayo ni Mommy sa akin..kita naman daw kayo kung may time po kayo." wika ko dito na may halong pagsisinungaling. Natigilan ito at pilit ng ngumiti.


"Ikumusta mo na lang din ako sa kanya. Hayaan mo tatawagan ko siya one of this days." nakangiti nitong sagot. Agad akong napatango.


"hmmmm Ninang.. may itatanong po sana ako sa inyo...May...may balita na po ba kayo sa kanya? Kay Carmela?" pautal-utal kong tanong. Nakita ko ang lungkot na biglang gumuhit sa mukha nito kaya naman nakaramdam ako ng matinding kaba.


"Hindi ko din alam kung ano na ang balita sa kanya. Gusto ko siyang ipahanap dahil miss na miss ko na siya....pero natatakot ako na baka may masamang nangyari na sa kanya habang nasa serbisyo siya....


Ilang araw pagkatapos niyang bumalik ng Mindanao nagkaroon ng matinding inkwentro sa pagitan ng mga rebelde... marami ang nasawi sa bakbakan na iyun at natatakot akong baka isa si Carmela sa nadamay. Iyan ang dahilan na kahit kaya namin na maghire ng private detective upang mahanap siya nag-aalangan kami. Paano kung wala na sya? Paano kung isa sya sa mga napaslang sa sagupaan na yun?" hindi na mapigilan pang maiyak ni Tita Roxie habang sinasabi ang katagang iyun. Bigla akong nanghina sa sinabi nito.


Wala akong balita tungkol sa bagay na


iyun. Nagiging abala ako ng mga panahon na iyun sa pagpapakalunod sa alak sa pag-asang kahit saglit lang makalimutan ko siya.


"Alam kong hindi ko na dapat pang sabihin sa iyo ang bagay na iyun dahil may iba ka na. Pero hindi ko maiwasan na maging emotional kapag napag- uusapan ang bagay na ito...anak ko pa rin sya at umaasa akong magpapakita siyang muli sa amin. Umaasa akong makakasama namin siyang muli." Patuloy ang pag-iyak na wika nito. Para namang madudurog ang puso ko sa mga sinabi nito. Napabuntong hininga ako para pigilan ang pagragasa

ng emotion.


"Ninang! Gusto niyo po bang hanapin ko siya?" sinsero kong wika dito. Natigilan ako at seryoso akong tinitigan. Pagkatapos ay umiling ito.


"Masyado na kayong nadamay sa katigasan ng ulo niya... Nahihiya na ako sa inyo Christian. Ayaw kong abusuhin ang kabaitan niyo. Mag- focus ka na lang sa buhay na kung anong meron ka ngayun....isa lang ang pakiusap ko...huwag mo na lang kaming imbitahan sa kasal mo." mahinahon nito wika. Natigilan ako. Ilang saglit akong nag-isip pagkatapos ay agad na napailing.


"Kasal? Siguro matagal pa po iyun Ninang...hindi pa rin nagpapakita ang babaeng mahal ko." sinsero kong sagot. Natigilan ito at nagtatanong ang mga matang tumitig sa akin.


"Matagal ko ng niluluko ang sarili ko Ninang. Huwag po kayong mag-alala.. itatama ko po agad ang mga lumalabas na balita tungkol sa akin at kay Aurea. Wala akong ibang babaeng gustong pakasalan...siya lang...ang anak niyo lang...!." wika ko habang may ngiting nakaguhit sa labi. Muling nag- uunahan sa pagpatak ang luha sa mga mata ni Ninang Roxie. Pagkatapos ay hinawakan ako sa kamay.


"kung ganoon, ikaw na ang bahala na maghanap sa kanya... Ipagkakatiwala ko siya sa iyo.. .iuwi mo siya sa amin... miss na miss ko na ang anak ko." humahagulhol nitong wika. Agad akong tumango habang hindi maalis ang ngiti sa labi.


"Pangako Ninang...Simula ngayun... muli ko siyang hahanapin. Aasa ako na sa pagkakataon na ito, hindi na siya muling aalis at mananatili na sya sa tabi ko.....sa tabi nating lahat habang buhay.





Chapter 144


CARMELA


Delay ang flight kaya gabi na din kami nakarating ng Manila. Gusto ni Lucy na sa hotel na lang kami didiretso pero parang hindi na yata kailangan. May condo ako sa Mandaluyong at doon na lang kami mag-stay ng mga bata. Hindi ko ito naibenta noon kahit na ilang beses ko ng pinag-isipan dahil may malaking bahagi ng pagkatao ang hindi ko makakalimutan sa lugar na iyun.


Doon nabuo ang triplets kaya hindi ko kayang i-let go. Regular kong pinapalinisan ang lugar na iyun kaya alam kong pwede kong dalhin ang triplets doon. Isa pa balak kong mag- stay muna kami ng kahit tatlong araw o higit pa dito sa Manila. Depende sa gusto ng triplets. Balak ko kasi silang iikot sa lugar na ito para naman makapagbonding din kaming mag-ina. Aminado akong minsan nawawalan kami ng time na mamasyal dahil masyado akong naging abala sa negosyo kaya gusto kong sulitin na kasama sila. Kahit papaano makabawi man lang sa mga oras na hindi nila ako kasama.


"Iyun naman pala eh. May matitirhan ka naman dito sa Manila pinahirapan mo pa akong maghanap ng hotel na pwede niyong matuluyan dito."


reklamo ni Lucy. Nandito na kami sa loob ng kanilang Van. May sumundo sa amin kanina sa airport...driver ng kanilang pamilya. Pwede naman din kami sa bahay nila pero tumanggi ako. Ayaw ko kasi maka-isturbo ng ibang tao. Isa pa bukas ng hapon gaganapin ang birthday ng anak nito at siguradong magiging abala sila at ayaw kong magiging dagdag pa kami ng kaniyang alalahanin.


Naisip ko din kasi na bisitahin muna sila Mommy. Hindi ko alam pero simula ng lumapag ang eroplano sa airport hindi na sila maalis sa isip ko. Nagi-guilty ako dahil mahigit anim na taon akong hindi nagpakita sa kanila. Siguro napakasama kong anak sa mga mata ng ibang tao. 


"Huwag ka ng magreklamo dyan.


pasalamat ka at makakatipid ka sa


bayad ng hotel." sagot ko nalang


habang kalong ko si Charlotte. Tulog


ito habang si Christopher at Charles


naman ay abala sa kakatingin sa labas


ng sasakyan. Amaze na amaze sila sa


mga nadadaaanan namin.


"Eh di wow! Bawal na ba ngayun ang magsabi ng nararamdaman?" hirit ulit ni Lucy. Nginisihan ko lang ito at hindi na sinagot. Pagod na din ako dahil matagal kaming naghintay sa airport. As usual delay ang flight dahil nagka- problema daw ang eroplano na aming sasakyan. Kailangan pa naming magpa -re-book para makaalis lang ngayung araw.


Inihatid lang kami hanggang loob ng condo ni Lucy at agad din itong umalis.. Kanina pa daw siya hinihintay ng kanyang anak kaya pagkatapos nitong maipasok lahat ng gamit namin ng triplets agad itong nagpaalam.


"Nagugutom na ba kayo? Ano ang gusto niyong food?" agad na tanong ko sa mga bata. Halata sa mga mukha ng mga ito na inaantok na. Katulad ko mukhang mga pagod na din sila. Pero hindi pwedeng matulog ng walang laman ang tiyan kaya agad kong kinuha ang aking cellphone para umorder ng pagkain online. Walang kahit na anong pagkain dito sa condo at balak kong mamili bukas ng umaaga. May malapit na grocery store naman dito sa building na ito kaya walang problema. Mukhang kailangan ko ng lagyan ng mga gamit ang lugar na ito para hindi kami mahirapan kapag gusto namin magbakasyon dito sa Manila.


"Sleepy na po kami Mommy. Pwede po bang tomorrow na lang kami kakain?" sagot ni Charlotte. Nakahiga na ito sa sofa at mukhang matutulog na.


Napailing na lang ako at agad umorder sa isang kilalang fast food chain. Hindi ako dapat magsayang ng oras. Kailangan na nilang makakain bago pa sila tuluyang makatulog.


Binuksan ko muna ang telebisyon dito sa sala habang unti-unti kong dinadala ang mga gamit na dala namin papuntang kwarto. Agad na dumako ang aking tingin sa aking kama. Bahagya akong napangiti ng maalala ang mga huling sandali namin ni Christian na magkasama.


Napailing ako at pilit kong winawaglit sa isip ko ang lahat. BAka kung saan na naman mapunta ang imagination ko at maiyak pa ako. Ilang beses ko ng isinasalpak sa kukute ko na dapat

kalimutan ko na sya. May sarili na siyang buhay at ayaw kong makasira ng isang relasyon.


Malungkot akong napangiti ng maalala ko sila Mommy at Daddy. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magpakita sa kanila. Napatawad na kaya nila ako o tuluyan na nila akong kinalimutan?


Pilit iwinaksi ko sa isip ang lahat. Kinuha ko ang traveling bag at inilabas ang mga damit na dala namin. Maayos kong isinalansan sa cabinet para madali kong mahanap ang mga gusto nilang suotin. May kaartihan pa naman ang triplets pagdating sa pananamit.


Bahagya pa akong napapitlag ng biglang tumunog ang doorbell. Napakunot pa ako ng noo kung sino ang pwedeng bumisita sa amin ng ganitong oras. Pero ng maalala ko ang order namin na pagkain ay agad akong napatayo Dali-dali akong naglakad

papunta ng pinto at agad na binuksan. Tumampad sa akin ang delivery man na may bitbit ng plastic ng inorder kong pagkain. Agad ko itong kinuha at nagpalasamat.


Pagbalik ko ng sala ay nakita kong gising pa ang triplets na labis kong ipinapagsalamat. Nakatutok ang kanilang mga mata sa telebisyon. Agad kong inilapag sa maliit na lamesa ang mga pagkain. Isa isa ko silang tinawag at ng makita nila ang mga nakahain sa lamesa ay mabilis silang nagsilapitan.. Kanya-kanya silang pwesto habang bakas ang tuwa sa kanilang mukha. Lihim naman akong napangiti. Hindi na kailangan pang pilitin na kumain. Alam ko kasing paborito nila ang ganitong klaseng pagkain.


"Akala ko ba tomorrow na kayo kakain?agad na tanong ko. Napangiti silang tatlo at takam na takam na tumitig sa mga pagkain na nakalatag sa

kanilang harapan.


"Favorite po kasi namin ang food Mommy. Isa pa hungry na pala kami.' sagot ni Christopher. Natawa naman ako. Bihira ko lang silang pinapayagan na kumain ng ganitong pagkain dahil kahit papaano nagiging istrikta ako pagdating sa kanilang kinakain. Iniiwasan ko ang mga fast foods na pagkain dahil hindi ito magiging healthy sa kanila.


Pagkatapos kumain ng triplets ay agad ko silang tinulungan na makapaglinis ng katawan. Alas onse na ng gabi at masyadong late na ang kanilang tulog. Hinayaan ko ng mahiga sila sa kama para makatulog na at itinuloy ko ang pagliligpit ng mga gamit na dala namin. Gusto kong tapusin ito ngayung gabi para naman wala na akong alalahanin pa bukas.


Halos ala-una na ng madaling araw ako natapos. Agad akong naglinis ng aking katawan at ginawa ang aking evening routine bago tumabi sa mga anak ko. Mahimbing kaming nakatulog ng gabing iyun at halos sabay kaming nagising kinaumagahan. Agad ko silang inutusan na magsipagligo na dahil gusto ko silang dalhin sa lugar na hindi ko alam kung tanggap pa ba ako.


Tama na ang pagtikis ko sa kanila. Lumalaki na ang mga bata at gusto kong makilala din nila ang aking pinaggalingan. Five years old na ang triplets at gusto kong lumawak ang mundo nila. Ayaw kong maging unfair sa mga anak ko at kahit na wala silang kikilalaning ama at least man lang makilala nila ang mga magulang ko. Sila Mommy Roxie at Daddy Jonathan. Pupunta na kami ngayun bago pa magbago ang isip ko.


Ininit ko lang ang mga pagkain na tira namin kagabi at iyun na din ang kinain namin. Wala pa akong time na magluto ngayun at isa pa gusto ko ng mabisita ang pamilya ko. Doon na lang siguro kami kakain ng tanghalian sa bahay. Hindi naman siguro ako matitiis nila MOmmy at Daddy.


"Mama saan po tayo pupunta?" agad na tanong ni Charlotte ng makasakay na kami ng taxi. Tanging ngiti lang ang naging sagot ko habang pinag-iisipan kung paano pakiharapan sila Mommy at Daddy mamaya. Natatakot ako sa isiping baka hanggang ngayun galit pa rin sila sa akin.


Paghinto pa lang ng taxi sa tapat ng bahay namin ay agad akong nagbayad. Agad kong pinababa ang triplets at naglakad papunta sa gate. Agad naman sumilip si Manong guard at nakita ko ang pagkagulat nito ng mamukhaan ako. Kaagad ko itong kinawayan at agad naman akong pinagbuksan ng gate. "Mam Carmela?." pabulong nitong wika habang may ngiti na nakaguhit sa labi. Agad akong tumango at tinapik ito sa balikat.


"Kumusta po Manong? Nandyan ba sila Mommy?" tanong ko dito. Tumango ito at niluwagan ang pagkakabukas ng gate. Agad na nagsipagpasukan ang triplets habang manghang-mangha sa mga nakikita sa paligid.


Malaki ang bahay namin. May swimming pool at malaking garden. Walang wala sa bahay na naipundar ko sa Davao na bungalow lang at walang swimming pool. May malawak naman sanang bakuran pero puro tuyo na dahon ang nakikita. Doon kadalasan naglalaro ang kambal.


"Ang ganda naman dito Mama!" agad na wika ng madaldal na si Charlotte. Mukhang napaaga kami ng punta. Sinipat ko ang suot kong relo. Alas- nuwebe pa lang at mukhang tulog pa sila Mommy at Daddy. Sabado ngayun at posibleng walang pasok sa opisina si Daddy.


"Pasok na lang po kayo sa loob Mam. Tiyak na matutuwa ang Mommy at Daddy niyo kapag makita kayo." wika ni Manong guard sa akin. Nakita marahil nito ang pag-aalinlangan sa aking mukha kaya muli ko itong nginitian.


Kahit parang dinadaga sa kaba ang puso ko wala akong magawa kundi ang pumasok sa loob ng bahay. Bahala na. Tatanggapin ko na lang ang galit nila sa akin. Ang importante makilala sila ng triplets.


"Pagpasok pa lang sa loob ng bahay ay agad kong iginala ang paningin sa paligid. Ganoon pa rin wala pa ring ipinagbago ang bahay namin. Walang nadagdag at walang nabawas. Mukhang hindi na nagbabago ng design si Mommy sa bahay namin.

"Carmela?" nagulat pa ako ng may biglang tumawag sa aking pangalan. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Daddy. Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha nito habang nagmamadali na lumapit sa akin. May bakas ng luha sa mga mata nito at pagkalapit pa lang sa akin ay agad akong niyakap.


"Bakit ngayun ka lang? Saan ka ba galing?"Agad na wika nito. Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.


"Alam mo bang matagal ka na naming hinihintay? Bakit ba nakapakatigas ng ulo mo?" muling wika nito. Hindi ako nakaimik at tuluyan na akong napahagulhol ng iyak. Naramdaman ko naman ang paghagod ni Daddy sa likod ko bago ako pinakawalan. Tinitigan nito ang mukha ko na may halong ngiti sa labi.


"Dad! Im sorry!" wika ko habang

patuloy sa pag-iyak. Isang masayang ngiti ang pinakawalan nito bago ako muling niyakap.


"Its ok baby! I love you at kahit na ikaw ang pinakapasaway kong anak hindi mababago iyun." nakangiti nitong sagot. Lalo akong napahagulhol ng iyak. Natigilan lang ako ng may kumalabit na maliliit na kamay sa aking baywang kaya agad akong kumalas kay Daddy at niyuko ang triplets na naguguluhan habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Daddy.


Gulat naman na napatitig si DAddy sa tatlo kong anak. Nagtatanong ang mg matang tumingin sa akin.


"Si-sino sila?" tanong nito. Ngumiti muna ako bago nagsalita.


"Mga anak....say Hello to your Lolo!" agad na utos ko sa triplets. Sabay na ngumiti ang mga ito at agad na nagsipaglapitan kay Daddy. Agad naman na pumantay sa kanila si Daddy at isa-isang tiningnan ang mukha ng triplets habang bakas ang luha sa mga mata.


"Mga apo mo sila Dad. Nandito kami dahil gusto kong makilala niyo sila." nakangiti kong wika habang patuoy na pinupunasan ang sarili kong luha... pinipilit kong huwag ng maiyak.. Muli akong tinitigan ni Daddy habang patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata. Isa isa nitong niyakap at hinalikan ang triplets. Kitang kita ko ang tuwa sa mga mata nila.


"May Lolo kami? Yes! May Lolo pala tayo Christipher, Charles!"

nakangiting wika ng madaldal na si Charlotte. Ngiti lang ang naging tugon ng mga kapatid nito at mahigpit na yumakap kay Daddy.


Muling tumitig sa akin si Daddy.

Nagtatanong ang mga mata nito. Tanging pagtango at ngiti lang ang naging tugon ko. Masaya ako dahil nakita kong tanggap ni Daddy ang kanyang mga apo.


"Marami kang dapat na ipaliwanag sa amin Carmela. Hindi ko akalain na may ititigas pa pala ang ulo mo. Bakit ngayun ka lang umuwi? Paano mo nakayang buhayin at alagaan ang tatlong bata?" wika nito. Walang kahit na anong galit sa boses ni Daddy na siyang labis kong ipinagpasalamat.


"Dad, hanggang ngayun pa rin ba hindi pa rin kayo makapaniwala na ganoon ako katatag? Of course kakayanin ko ang lahat dahil ito ang tinahak kong landas." Nakangiti kong sagot. Aktong sasagot si DAddy ng marinig namin ang boses ni Mommy. Nakita namin siya na mabilis na bumababa ng hagdan habang sinisambit ang pangalan ko.

"Carmela...anak! Nagbalik ka?" wika nito. Kasabay ang pagtulo ng luha sa mga mata ay ang ngiti sa labi nito. Nakangiti kong sinalubong si Mommy sa ibaba ng hagdan at agad na niyakap. Narinig ko ang malakas nitong hagulhol kaya hindi ko muling napigilan ang paglabas ng luha sa aking mga mata.


"Im sorry Mom...Sorry kung naging matigas ang ulo ko." umiiyak kong wika habang mahigpit na nakayakap. Hindi naman ito nakaimik at tanging malakas lang na pag-iyak ang aking naririnig.


"Promise! Hindi na po ako aalis. Mahal na mahal ko kayo at patawarin niyo ako sa mga kasalanan ko. Patawad kong nagiging matigas ang ulo ko." wika ko dito kasabay ang pag-iyak.


"Ssshhhh! Tama na anak. Wala na sa akin ang bagay na iyun. Ang

importante sa amin ng Daddy mo

nandito ka na. Nagbalik ka na sa amin.

" umiiyak na sagot ni Mommy.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiiyak sa bisig ni Mommy. Basta naramdaman ko na lang na kumalas na ito sa akin at nagmamadaling nilapitan sila Daddy at ang triplets na noon ay nagkakapalagayan na ng loob.


"Mga apo natin." may halong pagmamalaki na wika ni Daddy kay Mommy habang nakangiti. Nakita ko ang maluwag na ngiti sa labi ni Mommy at isa-isang niyakap at hinalikan ang mga apo. Katulad ni Daddy kitang kita ang pagkabigla sa mukha nito ng tumingin sa akin. Sa expression ng mukha ni Mommy mukhang sasalang ako nito sa question and answer portion.


Hinayaan ko lang silang kausapin ang triplets habang nakatingin sa kanila. Nakita ko kung gaano sila ka proud sa mga bata habang kinakausap nila ito. Sabagay, kakaiba ang mga anak ko kumpara sa iba. Parang mga malalaking tao na sila kung makipag- usap. Hindi kasi mga mahiyain kaya kaagad nakuha nila Daddy at Mommy at loob ng mga ito.


"Mukhang maraming ipapaliwanag ang Mama niyo sa amin ah?"narinig ko pang wika ni Mommy sabay sulyap sa akin.Nakangiti akong lumapit at umupo sa tapat nila.


"Handa po akong magkwento sa inyo Mom, Dad!" Nakangiti kong sagot.Sabay kaming napalingon sa hagdan ng nakita namin na bumababa ng hagdan ang isang bata. Actually nasa eight or nine years old na ito at kung hindi ako nagkakamali ito ang bunso kong kapatid.


Agad itong lumapit sa akin ng makita ako. Tinawag pa akong Ate na labis kong ikinatuwa pero at the same time nakakaramdam din ako ng guilty dahil hindi ko man lang naipadama dito ang pagiging kapatid ko sa kanya. SA buong panahon na isilang siya dito sa mundo never ko itong naalagaan. Siguro babawi na lang ako dito ngayun.


"Siya na ba si Jeffrey Mom Dad?" agad na tanong ko? Sabay silang nagsipagtanguan kaya naman lalo akong napangiti.


"Welcome back Ate!" Masaya nitong wika. Hinalikan ko ito sa pisngi bago ko pinakilala sa kanya ang triplets niyang pamangkin. Mukhang magkasundo na agad sila at agad nyang niyaya ang triplets na maglaro sa garden.


Pumayag naman agad sila Mommy at inutusan ang dalawang kasambahay na bantayan ang mga bata. Alam kong gusto nila akong makausap ng masinsinan.


"So, kailangan pa ba naming itanong sa iyo kung sino ang ama nila?"

seryosong tanong ni Mommy. Direkta itong nakatitig sa aking mga mata kaya napayuko ako.


"I think alam niyo na po kung sino.....at wala po akong balak sa ngayun na ipakilala sila sa kanya." malungkot kong sagot.


"imposibleng hindi nila malaman! Ano ba ang nakain mo bakit mo nagawang itago sila sa mahabang panahon?" tanong ulit ni Mommy. Napabuntong hininga ako.


"Hindi ko sila itinago Mom. Nagkataon lang na hindi na muling nagkrus ang landas namin." sagot ko.


"Pwede ka naman umuwi kung gustuhin mo!" giit ni Mommy. Napangiti naman ako.


"Matigas nga po kasi ang ulo ko." Maiksi kong sagot. Agad naman silang nagkatinginan ni DAddy.

"Ano ngayun ang plano mo sa mga bata? Paano kung maghanap sila ng ama?" tanong ni Mommy. Natigilan ako. Paano nga ba? Sa ngayun hindi pa sila naghahanap pero paano kung dumating na ang araw na iyun?


"i dont know Mom, Dad. Hindi ko pa napaghandaan ang bagay na iyan. Pero gusto ko sana na huwag niyo muna itong banggitin sa kanila. Hindi ko pa alam kung paano sila muling pakikiharapan." seryoso kong sagot. Natigilan sila pareho.


"Huwag po kayong mag-alala. Kapag dumating ang araw na iyun, hindi ko sila ipagkakait. Pero pwede po bang hayaan niyo muna kami ngayun? I mean hindi pa naman sila naghahanap ng father figure kaya hayaan na muna natin na panahon ang gumawa ng paraan para magkrus ang landas nila.." sagot ko. Muling natigilan sila Mommy at DAddy. Malungkot nila akong tinitigan tsaka tumango.


"Irerespeto namin ang gusto mo Carmela pero kapag dumating man ang araw na iyun na malaman nila ang tungkol sa triplets, sana alam mo kung paano lusutan ang lahat. Tiyak na magagalit sila sa iyo. Masyado na silang nasaktan dahil sa iyo kaya sana huwag mo ng dagdagan pa." sagot ni Daddy. Hindi ako nakaimik. Tiningnan ko ang orasan tsaka nakangiti na tumayo. Kailangan na namin umalis dahil may party pa kaming pupuntahan.


"Aalis na muna kami ng mga bata Mom, Dad! May dadaluhan kaming party mamayang alas-tres. Nasa condo ang mga damit ng mga bata kaya uuwi muna kami doon. Huwag po kayong mag-alala,lagi po kaming bibisita dito.  Nakangiti kong wika. Agad naman tumayo si Daddy.


"This is your house Carmela! Hindi mo kailangan pang pumunta sa ibang lugar. Pwede kang mamalagi dito hanggat gusto mo." maawtoridad na wika ni Daddy. Natigilan ako.


"Ibigay mo sa akin ang address ng condo na iyan. Ako na ang bahalang magpakuha sa mga gamit niyo. Gusto kong dumito ka na kasama ng mga apo namin. Hindi biro,ang mag-alaga ng tatlong bata kaya huwag na sanang matigas ang ulo mo." seryosong wika ni Daddy. Agad akong napatingin kay Mommy at tumango ito sa akin. Muli akong napaupo at ibinigay kay Daddy ang hinihingi niya.


Mas mabuti na din ang ganito. Gusto ko din sila makasama ng matagal. Ito na din ang pagkakataon ko para makabawi sa kanila. Ipinapangako ko na mula ngayun hindi ko na sila bibigyan pa ng sama ng loob.




Chapter 145


CARMELA POV


"Igagalang namin kung ano ang gusto mo Carmela. Nasa iyo lahat ng desisyon. Basta huwag mong kalimutan na nandito lang kami sa tabi mo at handa ka naming suportahan sa lahat ng gusto mo. Gagawin namin ito dahil gusto naming iparamdam sa iyo kung gaano ka kahalaga sa amin.


"Kung naging bukas sana ang aming isipan sa mga gusto mong gawin noon, hindi ka sana mawalay ng matagal sa amin. Kung tutuusin, mas malaki ang kasalanan namin anak! Patawarin mo kami ng Mommy mo. Masyado lang kaming nag-alala sa magiging kalagayan mo kaya pinilit ka naming pigilan sa landas na gusto mong tahakin." mahabang wika ni Daddy. Muli akong naluha.


"Dad, kalimutan na siguro natin iyun. Kahit ako nagi-guilty din sa mga ginawa ko noon. Hindi maikakaila na nagiging makasarili at matigas ang ulo ko. Hindi ko man lang isinaalang- alang ang nararamdaman niyo noon.Hayaan niyo po, babawi ako sa inyo ngayun." nakangiti kong sagot. Agad naman hinawakan ni Mommy ang dalawang kamay ko at tinitigan.


"Hindi na kailangan anak. Masaya na kami ng Daddy mo na makasama kang muli. Para kaming nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil umuwi kang ligtas at may bonus pang mga apo." nakangiti na wika ni Mommy.


"Siya nga pala...paano mo nakayang buhayin ang mga bata? Tatlo sila at mag-isa ka lang. Tiyak na nahirapan ka sa kanila. Kung nagpakita ka lang sana sa amin noong ipinagbubuntis mo pa lang sila natulungan ka sana namin. nakangiting wika ni Mommy.


"Kinaya ko naman Ma. Isa pa maraming nag-aalalaga sa akin noong ipinagbubuntis ko sila kaya hindi ako masyadong nahirapan." nakangiti kong sagot. Kung alam lang ng mga ito na sa hospital ko ginugul ang siyam na buwan na pagbubuntis ko baka hahaba pa ang usapan na ito. Mas mabuting ako lang ang nakakaalam para hindi na sila mag-isip ng kung ano pa man.


"Basta simula ngayun, kami ang bahalang mag-alaga sa iyo at sa mga apo namin. Hanggat maaari sana dito na kayo tumira at dito na din mag-aral ang mga bata para masubaybayan namin kayo." sagot ni DAddy. Natigilan ako ng maisip ko ang negosyo ko sa Davao. Siguro pag-uusapan na lang namin ang tungkol sa bagay na ito sa mga susunod na araw.


Pagkatapos ng masinsinang pag-uusap ay agad akong pumasok sa dati kong kwarto at naghanap ng damit na maisusuot para sa party ng anak ni Lucy. Walang ipinagbago ang dati kong kwarto at hindi man lang nagalaw ang mga dati kong gamit.


Dumating na din ang inutusan ni Daddy na kumuha sa mga gamit namin sa condo kaya nagpresenta na si Mommy na siya na ang bahalang magbihis sa kanyang mga apo. Pabor din sa akin iyun para naman magkaroon ako ng time para sa pag- aayos sa aking sarili. Simula kasi ng ipinanganak ko ang triplets halos hindi na ako makapaglagay ng kahit make up man lang.


Since na may makakatuwang na ako sa pag-aalaga sa kanila, ibabalik ko na siguro ang dating Carmela. Of course with limitation na kasi Nanay na ako eh.


Pagkatapos kong mag-ayos sa aking sarili ay agad akong bumaba. Tiyak na hinihintay na ako ng mga bata. Sasama

sa amin ang kapatid kong si Jeffrey. Masyado na itong naattach sa triplets at nagkaroon siya ng instant na makakalaro.


"Magpahatid na lang kayo sa driver. Pagkatapos ng party ipapasundo ko din kaagad kaayo." deklara ni Daddy. Nakangiti akong tumango. Ito ang namimiss ko sa buhay ko. May mga magulang na nag-aalala sa akin.


"Sigurado ka ba na hindi ka na magsasama ng makakatulong mo sa mga bata? Baka mahirapan ka Carmela sa kanila. Isama mo na lang kaya si Manang para naman may mautos- utusan ka doon." muling wika ni Mommy. Kanina nya pa sinasabi ito sa akin pero ilang beses akong tumanggi. Sanay akong walang kasama kapag may mga ganitong klaseng okasyon kaming pinupuntahan.


"Sanay na ako sa kanila Ma. Huwag kayong mag-alala..mababait po ang mga anak ko at nakikinig sila sa akin." sagot ko dito. Wala ng nagawa pa si Mommy kundi tumango na lang.


Bago kami nakaalis ng bahay ay katakot -takot na bilin pa ang ginawa ni Mommy. Mag-enjoy daw kami at huwag magpagabi. Huwag daw hayaan ang mga bata na matuyuan ng pawis. Wala na akong magawa kundi ang umuo ng umuo na lang. Ito ang namimiss ko kay Mommy.Ipinapakita niya talaga kung gaano siya ka mapagmahal na ina..


Pagdating sa bahay nila Lucy ay marami ng bisita. Mukhang late kami dahil nag-uumpisa na ang party. Agad naman akong nilapitan ni Lucy ng makita ako.


"Ano ba iyan, late kayo!" angal agad nito sa akin. Ngisi lang ang isinagot ko dito at iginala ang tingin sa paligid.


Agad naman na dumako ang mata ni Lucy sa kasama kong si Jeffrey. Nagtatanong ang mga matang tinitigan ako.


"Kapatid ko." wika ko dito. Nanlaki ang mga mata nito at nagpakawala ng matamis na ngiti.


"Ibig mong sabihin, binisita mo na sila?" tanong nito. Agad akong tumango at nakangiti akong niyakap.


"Sa wakas..congratulations Carmela. Sabi ko na nga at hindi ka din nila matitiis eh." nakangiti nitong wika. Pagkatapos ay hinarap nito ang mga bata at sinabing pwede na silang makihalubilo sa iba. Nakita naman ni Sarah ang triplets at agad na niyaya sa umpukan ng mga batang bisita. Sumama na din sa kanila ang kapatid kong si Jeffrey.


"So, nagkaayos na kayo? Dito ka na mamalagi niyan sa Manila?" sabe ni Lucy. Alangan akong napangiti.


"Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyan. Pero kung ano ang makakabuti para sa triplets doon ako." sagot ko.


Hinila nya ako sa isang bakanteng upuan. Mukhang dito pumupwesto ang mga parents ng mga batang bisita. Ipinaghila pa ako ng upuan at pinaupo. Mula dito ay tanaw ko ang mga nagkakasayahang mga bata. Napangiti ako ng makita kong nag-uumpisa ng mag-enjoy ang kapatid ko at ang triplets.


"Alam mo bang one month ang leave ko ngayun? So ibig sabihin makapagbonding tayo dito sa Manila. Pupunta tayo sa ibat ibang bar at magsaya tayo ha?" wika ni Lucy na may malapad na ngiti sa labi. Napakamot naman ako ng ulo ko. Kung hindi siguro ito naging miyembro ng military baka naging dancer ito? Mahilig kasi ito sa mga disco bar para sumayaw.


"Alam mo naman na tatlong bata ang kailangan kong alagaan. Sa palagay mo ba may time pa ako sa disco-disco na. iyan?" kontra ko dito. Pahalukipkip ako nitong tinitigan tsaka umismid.


"Ano ang ginagawa ng parents mo kung hindi nila maalagaan ang mga apo nila? My God Carmela..mag enjoy ka naman paminsan-minsan....life is too short kaya dapat sulitin natin ang buhay dito sa mundo." wika nito. Tinaasan ko lang ito ng kilay at muling tumingin sa gawi ng mga anak ko.


"Ah basta...kung kinakailangan ipagpaalam pa kita sa mga magulang mo gagawin ko. Ikaw lang yata ang close friend ko sa lugar na ito kaya huwag kang tumanggi." Pangungulit ulit nito sa akin.


"Bahala ka na nga. Basta sagot mo lahat ng gastos...... walang problema sa akin." sagot ko dito. Nakita ko ang pagtaas ng kilay nito nginisihan ako..


"Sure! May budget ako para dyan!" agad na sagot nito. Natawa na lang ako..


"Carmela?" Nasa masaya kaming pag- uusap ni Lucy ng may biglang tumawag mula sa likuran ko. Gulat akong napalingon at nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino ang may ari ng boses na iyun. Walang iba kundi si Arabella. Kasama nito si Kurt at hawak sa makabilaang kamay ang dalawang bata.


Dali dali akong tumayo at wala sa sariling nilapitan sila Arabella. Mukhang kararating lang ng mga ito dahil may mga bitbit pa silang regalo.


"Oh hi! Kayo yung nakatira sa kabilang street diba?" agad na bati ni Lucy sa mga ito. Nakita ko ang pagtango nilang dalawa ni Arabella kaya nagulat ako. Hindi ko alam na dito din pala sila sa

lugar na ito nakatira. Ang pagkakaalam ko nakatira sila Arabella sa mga- magulang ni Kurt.


"Yes...... Happy birthday to your daugher! nakangiting sagot ni Arabella kay Lucy. Pagkatapos muling ibinalik ang tingin sa akin. Nagtatanong ang mga mata nito kaya naman malakas akong napabuntong hininga.

Kakarating ko lang ng manila at nakasagupa ko kaagad ang isa sa mga miyembro ng Villarama. Tunay nga na kung sino pa iyung mga taong ayaw mo munang makakasalamuha parang isang kabute naman na biglang sumusulpot sa harap mo. Dumako ang tingin ko kay Kurt at nakita ko ang matinding pagkagulat sa mga mata nito. Napalunok ako. Mukhang wala na akong lusot. Mukhang haharap na naman ako sa malaking gulo.


Muli kong sinulyapan ang mga bata.


Nakita kong nag-eenjoy pa rin sila sa party kaya muli kong itinoon ang - tingin ko kay Arabella na noon ay hindi pa rin nakakabawi sa matinding pagkabigla.


"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko dito. Nakita ko ang pagkurap ng mga mata nito tsaka tumango. Tumingin muna ito kay Kurt at tanging tango lang naman ang naging tugon ng huli.


"Well, mukhang magkakilala kayo. Pupuntahan ko muna ang anak ko. Thank you sa pagdalo, I really appreciate it! Bonding tayo minsan ha?. " wika ni Lucy at agad na nagpaalam. Niyaya pa nito ang mga anak ni Arabella na sumama sa kanya para makijoin sa ibang bata. Agad naman na nagsipag-samahan ang mga ito at naiwan kaming tatlo dito sa lamesa.


"I think kailangan niyong mag-usap.


Take your time mahal ko. Ako na muna ang bahala sa mga bata." wika ni Kurt kay Arabella. Pagkatapos ay bumaling ito sa akin.


"Welcome back Carmela!" nakangiti nitong wika bago tuluyang umalis sa harap naming dalawa ni Arabella.


Titig na titig sa akin si Arabella ng kaming dalawa na lang ang magkaharap. Bumuntong hininga ako at pilit na ngumiti.


"Nice to see you again Best friend!" wika ko. Napakurap ito bago tumango.


"yah...nice to see you again. Kumusta ka na? Bakit ngayun ka lang?" wika nito na may halong garalgal ang boses. Ikinurap ko ang aking mga mata para pigilan ko ang pagtulo ng luha.


"Sorry."maiksi kong sagot. Nakita ko ang tuluyang pagtulo ng luha sa mga mata nito kaya naman napayuko ako.


"Sorry? Iyun lang ba ang masasabi mo pagkatapos ng lahat? Alam mo bang matagal ka naming hinintay?" sagot nito. Hindi ako nakaimik.


"Akala ko ba mag best friend tayo? Pero bakit pati ako natiis mo?" muling wika nito sa akin. Hindi ko na napigilan ang luha sa aking mga mata at tuluyan na akong napaiyak.


"Yes...mag best friend tayo. Pero sorry kung nakalimutan ko iyun. Alam kong kasalanan ko ang lahat kaya nga nahihiya akong muling mag pakita sa iyo...sa inyo..pati na din sa sarili kong pamilya." sagot ko. Natigilan itong tumitig sa akin. Pagkatapos ay napailing.


"Napaka-imposible mo Carmela! Napakahirap mong unawain. Hindi ko alam kung bakit bigla ka na lang nagbago? Bakit bigla na lang lumayo ka sa amin...Dahil ba ito sa kanya? Dahil ba ito kay Kuya?" May halong panunumbat sa boses na tanong nito sa akin. Muli akong natigilan at umiling.


"Huwag na natin siyang isali sa usapan na ito Bella. Labas na siya dito. Wala siyang kinalaman. Ako ang may problema. Masyado akong.........."hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng biglang tawagin ako ni Charlotte. Tumatakbo itong lumapit sa akin kaya agad kong pinunasan ang luha sa aking mga mata.


"Mama...kailangan daw magjoin ang mga Mommies sa game." Wika nito. Agad akong napatingin kay Bella at nakita ko ang panlalaki ng mga mata nito habang nakatitig kay Charlotte. Naipikit ko na lang ang aking mga mata. Mukhang mahabang usapan ito. Nakita ko din si Kurt sa hindi kalayuan sa amin na tahimik lang na nakamasid.


"Kailangan daw ba iyun? May kausap paa ako baby." sagot ko. Agad naman bumaling ang tingin ni Charlotte kay Bella at buong tamis na ngumiti ito.


"Hi your so beautiful po. Pero bakit po kayo umiiyak? Inaway po ba kayo ni Mommy?" madaldal na wika nito. Agad naman pinahiran ni Bella ang luha sa mga mata at umiling.


"Mommy po ba kayo nila Jeanna at Kenneth. They are so cute din po kasi gaya niyo." nakangiti wika ulit ng madaldal na si Charlotte. Muling tumango sa Bella at halata sa boses nito ang hindi maisatinig na tanong.


"Parang katulad lang po pala sa amin ng dalawa kong kapatid. We are triplets at maraming nagsasabi na cute daw kami.pagpapatuloy na daldal nito. Nag- umpisa ng magkwento si Charlotte at mukhang kailangan ko ng putulin ang mga susunod na sasabihin pa nito.


"Charlotte, hindi bat pinapatawag ang mga Mommies para sa game?" tanong ko sa anak ko. Nakangiti naman itong tumango kaya agad kong hinawakan ang malilit na kamay nito at iniwan si Bella na hindi pa rin nakakabawi sa pagkagulat dahil sa mga nalaman.


Naging maayos naman ang mga palaro para sa mga batang bisita. Sobrang nag -enjoy ang triplets pati na din ang kapatid kong si Jeffrey. Bahagya kong nakalimutan na nandito din pala sa party sila Arabella dahil nagiging abala na ako sa mga anak ko. Nakapag-relax lang ako ng sinabi na kakain na.


Agad kaming naghanap ng bakanteng table. Hindi na din kami muling nakapag-usap ni Lucy dahil nagiging abala na din ito sa iba pang mga bisita. Mabuti na lang at maraming bakanteng table kaya agad kong pinaupo ang mga triplets at si Jeffrey. Binilinan ko silang maupo na muna at hintayin ako dahil kukuha ako ng pagkain. Self service kaya wala akong

choice kundi isa-isang tingnan ang mga pagkain na pwedeng kainin ng mga bata.


Pagkatapos kong kumuha ng pagkain ay nagulat ako ng nakaupo na sa table namin sila Arabella, kurt pati na din ng kanilang mga anak. Napansin kong nakabawi na sa matinding pagkabigla si Bella at nakangiti nitong kinakausap ang mga bata. Napabuntong hininga ako at lumapit na sa kanila. Isa-isa kong binigyan ng pinggan na may lamang pagkain ang mga bata at agad naman natoon doon ang kanilang attention.


"So, triplets pala sila? Ang galing naman" narinig ko pang wika ni Bella ng makaupo na ako.


"Pwede ba tayong mag-usap pagkatapos ng party?" muling wika ni Bella. Tinitigan ko ito tsaka tumango. Isa isa kong tiningnan ang mga bata na noon ay magana sa kanilang kinakain.


"Pwede na tayong mag-usap ngayun na." sagot ko at agad na tumayo. Lumayo ako ng ilang hakbang sa karamihan at hinintay ang paglapit ni Bella.


""Anak niyo ba sila ni Kuya?" agad na wika nito ng makalapit sa akin. Ini- expect ko na ang ganitong tanong kaya seryoso ko itong tinitigan.


"Hindi na siguro importante kung sino ang kanilang ama. Kaya kong ibigay lahat ng pangangailangan ng mga anak ko." sagot ko dito. Natigilan ito tsaka matalim akong tinitigan.


"Kailan ka pa nagiging makasarili? Ang laki na talaga ng ipinagbago mo? Ibang iba ka na sa dati!" wika nito.


"People change Bella. And besides hindi na tayo katulad noon na mga teenager pa. Marami ng nabago sa kanya-kanya nating buhay. Sa ngayun huwag mo ng tanungin kung sino ang kanilang ama. Mahuhulaan mo iyan sa kanilang mga hitsura." sagot ko.


"Kung ganoon kailangan niyang malaman ito." sagot nito sa akin. Natigilan ako at napapikit.


"Ikakasal na siya. Ayaw kong kami ang magiging dahilan para masira iyun. Hanggat maari ayaw ko ng magkaroon pa ng ugnayan sa kanya. Kung talagang kaibigan pa rin ang turing mo sa akin.. pwede bang huwag mo ng sabihin sa kanila ang tungkol sa amin ng triplets? nakikiusap kong wika.




Chapter 146


CARMELA POV


Paano kung ikaw pa rin ang mahal niya? Handa mo bang muling buksan ang puso mo para sa kanya?" tanong ni Arabella. Natigilan ako. Pagkatapos mapakla akong napangiti.


"Malabo na siguro iyang sinasabi mo! Malaki ang kasalanan na nagawa ko sa kanya noon. Alam kong sagad hanggang buto ang galit nya sa akin dahil ilang beses ko siyang tinanggihan. Sapat na sa akin na may anak kami. Hindi ako maghahabol dahil may iba na siya at wala akong balak na manira ng relasyon ng may relasyon."seryosong sagot ko. Hindi ito nakaimik. Seryoso lang akong tinitigan nito.


"Bakit hindi mo subukan na ipaglaban siya? Malay mo naman diba? Siguro pwede pa naman lalo na may mga anak kayo.. wala ka bang balak bigyan ng kumpletong pamilya ang mga bata? Paano kung hanapin nila ang Daddy nila? Ano ang isasagot mo?" muling tanong nito. Napabuntong hininga ako tsaka tumingin sa kawalan.


"Wala na akong mukhang maiharap sa kanya. Matagal ko ng tanggap na hindi siya para sa akin. Siguro kung sakaling maghahanap ng ama ang mga anak ko, ipapaliwanag ko na lang sa kanila kung bakit ganito ang nangyari sa amin.. kung bakit hindi nila kasama ang tatay nila. Pipilitin kong maintindihan nila ang lahat at aakuin ko lahat ng pagkakamali." sagot ko habang pigil ang pag-iyak. Alam kong magsisi man ako hindi na din mababago ang lahat. Ang magagawa ko na lang ngayun ay pilitin na magiging isang mabuting ina para sa kanila at palalakihin ko sila ng maayos.


Nakita ko ang awa sa mga mata ni Bella ng tumitig sa akin. Malungkot itong ngumiti at muling sinulyapan ang mga bata.


"Carmela, mula noon, hanggang ngayun...ikaw ang best friend ko. Magkasama tayo mula mga bata pa tayo at hindi mo ako itinuring na iba sa kabila ng katotohanan sa pagkatao ko. Pwede bang bumalik ka na sa amin? Pwede ba kitang maging kaibigan ulit?" seryosong tanong ni Arabella. Natigilan ako dahil sa biglaang pagbabago ng topic nito. Nginitian ko ito.


"Hindi nagbabago ang pagtingin ko sa iyo Bella. Kahit ilang taon tayong walang communication sa isat isa, itinuring pa rin kitang malaking bahagi ng buhay ko. Huwag kang mag- alala, tuluyan ko ng iniwan ang military at pwede na tayong magkita katulad noon kapag gustuhin natin." nakangiti kong sagot dito. Agad na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito tsaka ako niyakap.


"Thank you! Sa wakas nagbalik ka na! Alam mo bang wala akong ibang hangad kundi magkita tayo muli? Na sana ligtas ka sa lahat ng oras? umiiyak na sagot nito. "


"Sorry kung pati ikaw pinag-alala ko. Hayaan mo babawi ako sa inyo... ibabalik natin sa dati ang pagkakaibigan natin. Although hindi man katulad noon pero asahan mo. Nandito lang ako malapit sa iyo at pwede tayong magkita kapag gustuhin natin.." sagot ko dito sabay tapik sa likod. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako.


"Pwede ko na bang ipaalam sa kanila ang tungkol dito? Ang tungkol sa triplets?" seryoso nitong tanong. Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lang. Alam kong kahit na anong gawin ko malalaman at malalaman nila ang tungkol dito. Lalo na ngayung nakita na ni Arabella ang triplets.


"Wala naman sigurong dahilan para itago ko sa kanila ang mga bata. Bibigyan ko sila ng karapatan sa mga bata kung gusto nila. Nasa kanila na siguro iyan kung tatanggapin nila ang mga anak ko. Pero isa lang ang masasabi ko Bella...mahal na mahal ko ang mga anak ko at handa ko silang ipaglaban kahit kanino." seryoso kong sagot dito. Agad na tumango ko si Bella at ngumiti.


"I understand! Huwag kang mag-alala.. kakampi mo ako sa lahat ng oras. Ina din ako at alam ko kung ano ang nararamdaman mo ngayun." nakangiti nitong sagot. Tumango ako at niyaya ko na siyang bumalik ng aming table.


Marami pa kaming napag-usapan ni Bella. Sinagot ko lahat ng mga tanong nito. Ikinwento ko na din kung ano ang naging buhay namin sa Davao sa mga nakalipas ng taon. Naputol lang ang pag -uusap namin ng dumating ang sundo

namin ng mga bata. Niyaya pa kami ni Bella na sa bahay na lang muna nila magpalipas ng gabi pero agad akong tumanggi. Alam kong naghihintay sa amin sila Mommy at Daddy at ayaw kong mag-alala sila.


Isa lang ang ikinakabahala ko ngayun. Hindi ko alam kung paano makiharap sa mga Villarama kung sakaling malaman nila na may apo sila sa akin. Nahihiya ako sa kanila at hanggat maari ayaw ko silang makaharap muna.


Alam kong babanggitin agad ni Arabella sa kanyang pamilya ang tungkol sa pagkikita namin. Ayaw ko na siyang pigilan sa bagay na iyun dahil alam kong sooner or later malalaman din nila ang totoo. Wala na akong magagawa pa kundi kausapin at magpaliwanag sa kanila kung dumating man ang takdang oras na muli kaming magkakaharap ng ama ng mga anak ko.


Kahit ano ang mangyari, ako ang ina ng triplets at nasa akin ang karapatan.


Kinabukasan, malakas na katok sa pintuan ang nagpagising sa natutulog kong diwa. Nang titigan ko ang orasan sa aking bedside table ay nagulat ako. Alas siyete pa lang ng umaga at yamot akong napabangon. Tinitigan ko pa ang triplets na mahimbing pang natutulog sa tabi ko bago nagmamadali akong lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Mommy na aligaga habang nagpapalakad-lakad sa tapat ng kwarto ko.


"Mommy? Ano ito? Ang aga pa at kung makakatok naman po parang sisirain ang pinto. Tulog pa po ang triplets dahil late na kaming nakatulog kagabi. agad na reklamo ko dito. Mukhang nakalimutan ni Mommy na kasama ko ang mga anak ko na natutulog sa kwarto.


"Nasa ibaba sila Carissa at Gabriel. Pati na din si Christian at ang mga matatandang Villarama." Agad na wika ni Mommy. Agad na nanlaki ang aking mga mata sa matinding pagkagulat. Parang biglang nawala ang antok na nararamdaman ko.


"What? Ano daw ang kailangan nila? Mommy ang aga-aga pa! Pakisabi po sa kanila na kung ano man ang kailangan nila bumalik na lang sila dahil inaantok pa ako..kami ng mga anak ko." Yamot kong sagot sa kabila ng kaba na aking nararamdaman. Hindi ko alam pero biglang lumukso ang puso ko sa isiping nasa ibaba si Christian at ano mang sandali muli magkrus ang aming landas. Matalim akong tinitigan ni Mommy tsaka nagtanong.


"Paano nila nalaman na nandito na kayo sa Manila? Pati na din ang tungkol sa triplets? Ang pakakaalala ko wala kaming pinagsabihan ng Daddy

mo." Seryosong tanong ni Mommy. Saglit akong nag-isip bago sumagot.


Hayst si Arabella naman, hindi man lang pinalipas ang isang araw bago ito nagreport sa mga Villarama. Tiyak na mahabang paliwanagan ang mangyayari ngayung araw at wala ako sa mood na makipag-usap sa kanila. Ngayung araw ko balak babawi ng tulog dahil ilang araw na akong puyat. Akala ko makapagpahinga ako ngayun pero mukhang lalo akong mai-stress.


"Nagkita po kami ni Arabella kahapon sa party. Baka nabanggit nya na sa kanila. Hindi ko po sila pwedeng harapin ngayon. Tulog ang mga bata at hindi pwedeng umalis ako sa tabi nila habang natutulog sila dahil tiyak na magigising silang tatlo at hahanapin ako.." pagdadahilan na sagot ko kay Mommy.


"Hindi sila pwedeng paghintayin ng matagal. Nakakahiya lalo na sa kina Tita Moira at Tito Ralph. Babain mo muna sila dahil hindi susugod dito sa bahay ang mga iyan kung hindi importante ang kanilang kailangan." sagot ni Mommy. Napakamot ako sa aking ulo. Puyat ako at wala ako sa mood na makipag-usap kahit kanino. Isa pa nahihiya akong makipag-usap sa kanila ngayun. Hindi  pa ako nakaipon ng sapat na lakas. Alam kong galit ang mga ito sa akin noon at halos isumpa ako dahil sa pag-iwan ko kay Christian.


"Babain mo muna sila. Utusan ko nalang si Manang na siya na muna ang bahala magbantay sa triplets. Gigisingin ko pa ang Daddy mo kaya bilisan mo na ang kilos mo Carmela. Papupuntahin ko kaagad dito si Manang para siya muna ang magbantay sa mga bata.." Wika ni Mommy at hindi na nito hinintay na makasagot ako. Dali-dali ako nitong iniwan na hindi malaman ang gagawin.


Akala ko ready na ako na makaharap sila. Pero mukhang biglang nawala ang tapang na meron ako sa katawan. Paano ko ba muling pakiharapan ang tatay ng mga anak ko?




CHRISTIAN POV


Kumakabog ang dibdib ko habang hinihintay ang pagbaba ni Carmela. Ikinonfirm kanina sa amin ni Tita Roxie na nandito nga si Carmela sa bahay at natutulog pa kasama ang aming mga anak. Kakauwi lang daw nito kahapon ng umaga at pati sila nagulat sa mga rebelasyon na dala ng kanilang anak. Bigla daw itong dumating kasama ang tatlong batang magkakamukha.


Samot sari ang nararamdaman ko.


Hindi ko alam kung mai-excite ba ako o matatakot sa isiping baka muli akong makatikim ng rejection dito. Hindi ko din alam kung paano pakikiharapan ang triplets na mga anak namin. Ni sa panaginip hindi ko maisip na makakabuo kami ni Carmela ng gabing iyun. Kung alam ko lang na nabuntis ko ito ako na sana ang mismong sumundo dito kung nasaan man ito noon.


Pero kinain na ako ng pride ko. Pwede ko naman sanang ipahanap kong gusto ko. Maliit lang ang Pilipinas at pwede akong mag-utos ng kahit ilang private detective para ma-locate ang kinaroroonan niya. Pero masyado akong kinain ng galit ko dito.


Nabanggit din ni Arabella kagabi na tuluyan ng iniwan ni Carmela nag military. Masaya ako sa nalaman na iyun pero nahaluan ng lungkot ng sabihin nito ang dahilan. Muntik na daw mamatay sa inkwentro kaya walang choice kundi magdesisyon na i- give up ang pangarap lalo na ng malaman nito na nagdadalantao siya sa mga anak namin.


Halos madurog ang puso ko ng banggitin ni Arabella na kasabay ng pagpapagaling nito sa mga sugat na natamo sa bakbakan ay ang paglaki ng mga bata sa sinapupunan nito.


Pakiramdam ko kasalan ko ang lahat. Kung ipinahanap ko kaagad siguro ito noon baka naalagaan ko pa habang nagpapagaling kasabay ng pagbubuntis.


Siguro masyado lang matatag si Carmela. Ngayun ko lang napatunayan na hindi ito basta-basta sumusuko. Kinaya niyang buhayin ang mga bata sa loob ng ilang taon na walang katuwang at natatakot ako sa isiping baka hindi niya na ako kailangan. Baka nasanay na itong mabuhay mag-isa kasama ang mga anak namin.


Muli kong naalala ang mga nangyari kagabi. Ang balita na dala-dala ni Arabella na nagpagimbal sa aming lahat na nasa mansion..


Naghahanda na ako para matulog nang marinig kong may kumakatok sa pintuan ng aking kwato. yamot akong muling napabangon at binuksan ang pinto para alamin kung sinong isturbo ng ganitong oras ng gabi.


Agad na bumungad ang mukha ng isa sa mga kasambahay namin.


"What?" hindi ko mapigilang singhal dito. Mabait ako sa mga kasambahay pero ayaw na ayaw kong iniisturbo ako lalo na kapag gabi.


"Pi-pinapatawag po kayo nila Mommy at DAddy nyo Sir. Nasa ibaba po si Mam Arabella at may importante daw pong sasabihin." sagot nito habang nakayuko. Napahilamos naman ako sa

aking mukha dahil sa matinding inis.


"Ano daw ang kailangan niya? Hindi ba pwedeng ipagpabukas kung ano man ang sadya niya?" tanong ko.


"Hin-hindi ko po alam Sir..Pe--pero nakita ko po na seryoso ang kanilang pinag-uusapan." sagot nito. Agad akong napaisip. Ano na naman kayang problema ang dala ni Arabella?


"Ok...fine sabihin mo sa kanila pababa na ako." sagot ko. Muli akong pumasok sa loob ng kwarto at nagbihis ng pajama at puting tshirt. Pagkatapos ay agad na lumabas ng kwarto at diretsong naglakad papuntang living room. Naabutan ko ang halos buong pamilya na seryoso sa pag-uusap. Sabay-sabay silang lahat napatingin sa akin ng makitang padating ako. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa klase ng mga titig nila..


"Good evening po! May importante po ba kayong sasabihin? Kung tungkol na naman sa issue sa kasal namin ni Aurea, inaayos ko na po ang tungkol sa bagay na iyan. Hindi ko alam kung sino ang nagpapakalat ng balitang iyan kaya nagpa-schedule na ako ng interview sa isang kilalang tv station sa susunod na araw." seryoso kong sagot.. Agad naman nagtaas ng kilay si Arabella bago sumagot.


"Mabuti naman at naisip mong ayusin ang issue na iyan Kuya. Alam mo bang iyan ang dahilan kaya hindi bumabalik dito sa Manila si Carmela?" diretsang sagot nito. Gulat akong napatitig kay Arabella. Napansin ko ang seryosong mukha ni Grandpapa pati na din ni Daddy. Sinulyapan ko si Kurt at nakita kong ngingiti-ngiti itong nakatitig sa akin. May ibig sabihin ang mga tingin nito kaya nagtataka akong muling napatingin kay Arabella.


"Anong ibig mong sabihin? Paano siya nasali sa usapang ito?" seryoso kong sagot. Matagal ng iniiwasan ng buong pamilya na banggitin ang pangalan ni Carmela dito sa mansion. Sila na din mismo ang nagsabi sa akin noon na dapat ko na itong i-let go at maghanap ng ibang babae na karapat dapat sa pagmamahal ko.


"Of course dahil nagkita kami kanina sa isang children's party. Tinanong ko siya kung bakit mukhang wala siyang balak magpakita and iyang issue na iyan ang binanggit niyang dahilan." bakas ang inis sa boses ni Arabella na sagot nito. Napatikhim naman si Grandpapa.


"kung hindi naman pala seryoso ang relasyon niyo ni Aurea. bakit pinatagal mo pa ang issue tungkol sa kasal na iyan? Halos taon-taon nagiging issue ang kasalan na iyan pero wala namang nangyayari? Tapatin mo kami apo.... siya pa rin ba ang hinihintay mo? Si Carmela pa rin ba ang nagmamay-ari ng puso mo?" seryosong tanong ni Grandpapa habang nakatitig sa akin. Hindi ako nakaimik.


"Kung alam mo sa sarili mo na sya lang ang makapagpaligaya sa iyo, dapat noon pa natin siya hinanap. Matagal na sanang natapos ang issue sa pagitan ninyong dalawa." muling wika Grandpapa.


"Anong plano mo ngayun Christian? Umuwi na si Carmela sa kanyang mga magulang at balak namin siyang puntahan bukas ng umaga. Hindi ko akalain na ganoon ka ka- iresponsableng tao. Hindi mo ba alam na nabuntis mo sya?" diretsahang tanong ni Daddy. Parang biglang nanlaki ang ulo ko sa sinabi ni Daddy. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko...


"A-anong? Paanong...." hindi ko alam kong ano ang sasabihin. Sa kauna- unahang pagkakataon biglang na-blanko ang utak ko.


"Yes Kuya! Nagkita kami ni Camela sa Children's party ng kapitbahay namin at nakita namin si Carmela kasama ang mga anak mo! Ano ba ang nangyari sa iyo? Bakit pagkatapos mong nakipagsex sa kanya hindi mo man lang inaalam kung kumusta na siya? Alam mo ba kung gaano kahirap mag- alaga ng tatlong bata ng sabay-sabay?" diretsang wika ni Arabella. Nagulat kaming lahat. Sabay kaming napatitig kay Arabella. Agad na tumikhim si Kurt at parang gusto nitong makisali sa usapan.


"Opo...triplets ang anak ni Bayaw... grabe ka! Gaano ba karami ang binhi na nailabas mo ng gabing iyun at mukhang tatlong buhay agad ang nabuo?" may halong biro na sagot ni Kurt. Agad akong namutla at napatitig sa mga kaharap ko. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha sa aking

mga mata. Sa maraming pagkakataon, mukhang muli na naman akong paiiyakin ng nag-iisang babae at walang iba kundi si Carmela.


"Triplets? Nagbibiro ka ba Bella? Bakit hindi mo ito sinabi kaagad kanina?" tanong ni Mommy Carissa. Bakas sa boses nito ang matinding pagkagulat habang titig na titig kay Bella.


"Gusto ko po kasing sabay-sabay sabihin sa inyo ang lahat. Gusto kong makita kung ano ang magiging reaction ni Kuya." diretsa nitong sagot.


"Nasaan sila? Gusto ko silang makita!" sagot ko sabay tayo.


"Gabi na at malabong harapin ka ni Carmela. Tiyak na napagod sa party kanina dahil apat na bata ang kasama niya at inaasikaso sa buong event. Bilib nga ako sa lakas niya eh. Nakaya niyang mag-alaga ng ganoon karaming bata na walang inaasahan na makakatuwang sa kanya. Tiyak na hindi ka din haharapin noon kaya hayaan mo munang makapagpahinga sila." agad na sagot ni Arabella.


"Tama si Bella. Ipagpabukas na lang muna natin ang pagkompronta kay Carmela dahil mahirap mambulabog ng tao kapag dis-oras na ng gabi. Sa ngayun kailangan muna nating magpahinga para may lakas tayo bukas sa pagpunta sa bahay nila." sagot ni DAddy Gabriel.


"Hindi pwede! Kakausapin ko si Carmela sa ayaw at gusto niya. Paano kung tatakas na naman siya? Ayaw ko ng maghintay pa ng another five years para makita muli siya!" aligaga kong sagot. Biglang nawala ang harang na ipinilit kong buuhin sa mga panahon na iniwan ako ni Carmela.


Nangako ako sa aking sarili na tuluyan ko na siyang kakalimutan pero mukhang iba na naman ang magiging takbo ng buhay ko. Mukhang hahabulin ko na naman ito lalo na at may mga anak pala kami. Sa totoo lang hindi ko alam kung magagalit ako o hindi sa kanyang ginawa. Matagal na panahon niyang inilihim ang tungkol sa mga anak namin at hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya kapag magkita kami.


"Kausap ko siya kanina. Nagkaayos na sila ng mga magulang niya. Balak niyang mag-stay dito sa Manila ng ilang araw bago bumalik ng Davao para asikasuhin ang mga naiwan niyang negosyo doon." agad na sagot ni Bella. Naguguluhan naman akong tumitig dito.


"Maraming nangyari sa buhay nya ng wala man lang tayong kamalay-malay. Hindi man lang natin siya natulungan noong mga panahon na lugmok na lugmok siya." Malungkot na sagot ni Bella.


"Sabihin mo sa akin..ano ang napag- usapan niyo. Gusto kong malaman kung ano ang mga nangyari sa kanya sa loob ng anim na taon na hindi siya nagpapakita sa atin?" agad na sagot ko kay Bella. Wala naman itong nagawa kundi ikwento nito sa amin ang lahat ng mga napag-usapan nila ni Carmela kanina.


Naging mahaba ang aking gabi. Halos hindi ako makatulog. Halos hilahin ko ang oras para dumating na ang umaga. Pagliwanag pa lang ng kapaligiran kanina ay nakahanda na ako.


Pagkababa pa lang nila Mommy at Daddy pati na din nila Grandpapa at Grandmama kanina ay agad na namin binagtas ang daan papunta dito sa bahay nila Tita Roxie.Tulog pa nga si tito Jonathan at tanging si Tita Roxie lang ang humarap sa amin at agad na nagpaalam para gisingin daw nito si Tito pati na din si Carmela.


"Good Morning po!" sabay kaming napalingon ng makita namin ang pagdating ni Carmela. Kitang kita ang kaba at pag-aalinlangan sa maganda nitong mukha. Hindi man lang nagbago ang hitsura nito sa loob ng anim na taon na nakalipas. Pakiramdam ko lalo itong naging kaakit-akit sa paningin ko. Lalo na ng makita kong may pilit na ngiti na nakaguhit sa kanyang mga labi.


Hindi na ako nakapagpigil pa. Agad akong tumayo at walang sabi-sabing nilapitan ito. Pagtapat ko sa kanya ay agad ko itong niyakap.


Naramdaman ko ang matinding pagkagulat nito sa aking ginawa pero wala na akong pakialam pa. Ayaw ko ng bigyan ito ng chance na muling makalayo sa akin. Handa akong magpaalipin dito maging akin lang sya ng tuluyan.




Chapter 147


CARMELA POV


Nabigla ako sa ginawa ni Christian. Hindi ako makagalaw ng bigla akong yakapin nito sa harap mismo ng kanyang pamilya. Hindi ganito ang inaasahan ko sa muli naming pagkikita. Sobrang overwhelming ang ginawa nitong pagyakap sa akin ngayun at parang nalulunod ang puso ko sa hindi maipaliwanag na tuwa.


"Thank God...Nandito ka na ulit..." bulong nito sa akin. Napakurap ako. Hindi ko na napigilan pang maluha. Dahan-dahan akong kumalas mula sa pagkakayakap nito at nahihiya akong tumingin sa mga kasama niyang pamilya na tahimik lang na nanonood sa amin..... Sila Tita Carissa...Tito Gabriel pati na din kila Grandmama at Grandpapa.


Alanganin akong naglakad palapit sa mga ito ng makawala na ako sa yakap ni Christian. Una kung nilapitan si Grandpapa at buong pagpapakumbaba kong inabot ang isang kamay nito para magmano. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang masayang ngiti na biglang gumuhit sa labi nito.


"Masaya kami sa muli mong pagbabalik Iha!" tipid na wika nito sa akin. Tinapik pa ako nito sa balikat kaya hindi ko na napigilan pang yakapin ito. Noon pa man alam ko kung gaano ito kabait sa akin. Itinuring ako nitong parang tunay na apo. Malaya akong nakakalabas-pasok sa kanilang mansion.


Pagkakalas ko kay Grandpapa ay agad kong ibinaling ang tingin ko kay Grandmama. Agad ko itong hinalikan sa pisngi habang tumutulo ang luha sa aking mga mata. 


"Im sorry po..." wika ko. Nagpakawala ito ng tipid ng ngiti sabay tango.


"Salamat at ligtas kang nakabalik sa amin iha.." wika nito sa akin.


Hinawakan pa ako nito sa pisngi at pinunasan ang luha sa aking mga mata. Hindi ko mapigilan na lalong mapaiyak habang paulit-ulit na sinasabi ang katagang "Sorry". Isang masayang ngiti at tango lang naman ang tugon ni Grandmama. Kitang kita ko sa mga mata nito na hindi ito nagtanim ng sama ng loob sa akin.


Sunod kong nilapitan si Tito Gabriel. Masaya itong nakangiti at tumango. Agad kong inabot ang kamay nito at nagmano.


"Welcome back Iha! Im so proud of you......alam ko kung anong hirap ang napagdaanan mo. Hindi ka na iba sa aming pamilya at masaya kami sa muli mong pagbabalik." nakangiting wika ni Tito Gabriel. Lalo naman akong naluha.


Pagkatapos ay ibinaling ko ang tingin kay Tita Carissa. Ang ina ng lalaking minahal ko ng wagas na pagmamahal at hindi ko alam kung may magandang future pa bang naghihintay sa amin.


"Maligayang pagbabalik anak! agad na wika nito at tumayo pa talaga mula sa pagkakaupo at niyakap ako ng mahigpit. Lalo naman akong naiyak dahil sa ginawa nito. Hindi ko akalain na ganito pa rin kainit ang kanilang pagtanggap sa akin sa kabila ng kahihiyan na ginawa ko sa pamilya nila. Ang pagtanggi at pag-iwas sa engagement namin ni Christian noon ay isang malaking kahihiyan kung totoosin sa kanila pero heto sila ngayun.


hindi ko man lang sila nakitaan ng kahit na anong galit. Lalo akong nakaramdam ng panliliit sa isiping ang pamilyang lubos kong sinaktan ay handa akong tanggapin sa kabila ng lahat. Nadako ang tingin ko kay Christian. Titig na titig ito sa akin habang yakap yakap ako ng kanyang ina.


"Good Morning po...Salamat sa inyong maagang pagbisita." napakalas ako sa pagkakayakap ni Tita ng biglang magsalita si Daddy. Kasama nito si Mommy at nakita ko ang masayang awra ng mga ito. Nakangiting lumapit ito sa mga matatandang Villarama at sabay-sabay na nagbigay ng paggalang.


"Hindi mo man lang nabanggit sa amin na dumating na pala si Carmela Bestie." agad na wika ni Tita Carissa pagkatapos ng mahabang batian. Katabi ko sila Mommy at DAddy dito sa mahabang sofa samantalang kaharap naman namin ang Pamilya Villarama.


"Ngayun ko sana gagawin ang bagay na iyun Bestie..pero mukhang naunahan na kami ng iba na magbalita sa inyo." nakangiting sagot ni Mommy. Kumpara kahapon, nakita ko kong gaano kasaya ito ngayun.


Muling dumako ang tingin ko kay Christian. Nakakailang ang mga titig na ibinabato nito sa akin. Wala sa sariling napalunok ako ng laway. Alam kong may ibig sabihin ang mga titig nito sa akin kaya naman ibinaling ko na lang ang attention sa ba.


"Tulog pa ang mga apo natin. Gustuhin man naming gisingin para makita niyo na sila kaya lang late ng nakatulog ang mga iyan kagabi. Biglang nagkaroon ng ingay ang bahay na ito dahil sa kanilang kakukulitan." proud na wika ni Daddy sa mga kaharap. Nakita ko ang excitement na nakalarawan sa kanilang mga mukha kaya napatayo ako.


"Puntahan ko po muna sila Dad. Mom. Baka gising na sila at baka umiyak si Charlotte kapag mapansin nitong wala ako sa kanyang tabi." pagpapaalam ko sa mga ito. Sabay-sabay silang tumitig sa akin at nakangiting tumango.


Nagulat pa ako ng biglang tumayo si Christian at nagsalita.


"Tita, Tito pwede po bang samahan ko na si Carmela na puntahan ang mga bata? Excited na akong makita sila at hindi na ako makapaghintay pa na mahawakan at mahagkan sila." pagpapaalam na wika nito kina Mommy at Daddy. Natigilan ako.


Nakita ko ang sabay na pagtango nila kaya naman kahit hindi ako pabor sa ideyang iyun wala na akong magawa pa.


Mukhang simula ngayung araw na ito.....hindi na ako pwedeng magdesisyon ng sa sarili ko lamang. Mukhang kailangan kong isaalang- alang ang kagustuhan ng aking pamilya.


"Agad akong naglalakd palabas ng living room. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Christian sa akin pero kahit na kinakabahan sa presensya nito ay pinilit kong labanan. Hindi ako pwedeng magpadala sa nararamdaman ko dito. Nasanay na ako sa isiping meron na itong iba at nandito ito ngayun mga hindi Ito para sa akin kundi para anak namin.


Paakyat na ako ng hagdan ng maramdaman ko ang paghawak nito sa aking kamay. Gulat na napabaling ang tingin ko dito. Lalong dumuble ang kaba na aking naramdaman.


Sa isang iglap lang ay naglapat ang aming mga labi. Nanlaki ang aking mga mata sa kapangahasan na kanyang ginawa. Mukhang nakalimutan nito na nandito siya sa sarili naming pamamahay at kung makahalik sa akin ay parang pagmamay-ari niya na ako.


Pinilit ko itong itulak mula sa pagkakayapos sa akin. Masyado syang malakas at mapusok ang ginagawa niyang paghalik sa akin. Parang biglang nanghina ang tuhod ko sa ginawa niya. Napasandal ako sa kanya kasabay ng pagpikit ng aking mga mata upang namnamin ang tamis na hatid  ng labi nito na nakalapat sa aking labi.


Hindi ko namalayan kong ilang minuto na magkalapat ang aming labi. Basta naramdaman ko na lang na parehong habol ang aming mga hininga ng magkawilay kami. Kita ko ang ngiti sa labi at kislap ng mga mata ni Chrisitan habang nakatitig sa akin.


Nakaramdam ako ng matinding pagkapahiya. Hindi ko akalain na sinakop na naman ako ng karupukan ko. Mukhang kailangan kong maglagay ng depensa sa pagitan naming dalawa. Ikakasal na sa ibang babae si Christian

at ayaw kong ako pa ang maging dahilan para hindi matuloy iyun.


"Alam mo bang kanina ko pa gustong matikaman ang tamis ng labi mo? Miss na miss ko na iyan at ilang taon ko nang pinangarap na muli kang maangkin." seryoso nitong wika. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko kaya tulala akong napatitig dito.


"Alam mo bang halos mabaliw ako sa isiping maaring tuluyan ka ng mawala sa akin? Alam mo ba kung gaano kalaki ang mga kasalanan mo sa akin? Bakit ba napakatigas ng ulo mo?"


seryosong tanong. Agad akong napaiwas ng tingin at nagmamadaling inahakbang ang aking paa sa unang baitang ng hagdan. Agad niya naman akong hinawakan sa baywang kaya hindi ko natuloy ang gagawin ko sanang pag-akyat. Inis ko itong nilingon at pinandilatan.


"Akala ko ba gusto mong makita ang mga bata? Bakit ka ba hawak ng hawak sa akin?" gigil kong tanong. Seryoso lang itong nakatitig sa aking mukha. Inismiran ko ito at tinanggal ang mahigpit na pagkakahawak nito sa baywang ko.


"Kung hindi lang ako excited na makita ang mga anak natin, mas gusto kong ilabas ka sa bahay na ito at dalhin sa lugar na gusto ko. para hindi ka na muling makatakas pa sa akin." seryosong wika nito. Natigilan ako at inis ko siyang tinitigan.


"Nagpapatawa ka ba? Balak mo ba kaming pagsabayin ng fiancee mo? Ina lang ako ng mga anak mo pero hindi mo ako pag-aari." sagot ko dito. Agad na natigilan ito at seryoso akong tinitigan sa aking mga mata.


"Bonus na lang sa akin ang pagkakaroon ng anak sa iyo. Pero wala akong balak na pakawalan ka pa ulit Carmela." sagot nito. Naguguluhan akong napatitig sa kanya. Hindi ko alam kung nagbibiro ba ito o ano pa man. Pero bahala na. Pagkatapos ng araw na ito...uumpisahan ko na naman siyang iwasan. Magiging bukas  ako pagdating sa mga bata pero pagdating sa nararamdaman ko sa kanya sasarilinin ko na lamang siguro. Ayaw ko  ng makasakit pa ako ng ibang tao.


Agad kong inihakbang ang aking paa sa mga baitang ng hagdan. Mabuti na lang at hindi na nangahas pang pigilan ako. Pero ramdam na ramdam ko ang titig nito sa likuran ko habang nakasunod sa akin. Pinilit kong umakto ng normal at diretsong naglakad papunta sa aking kwarto. Pagkapasok pa lang ng kwarto ay naabutan ko ang umiiyak na si Charlotte. Pilit na pinapatahan ni Manang kaya agad akong napalapit sa kanila.


"Sabi ko naman kasi sa iyo eh. Nandito lang si Mama tapos iyak naman ng iyak si Charlotte." wika ni Christopher. Hinawakan ko naman sa mga maliliit niyang kamay si Charlotte at agad na inusisa.


"Why are your crying baby? Bumaba lang ako sandali pero hindi ibig sabihin na hindi ko na kayo babalikan."


malumanay kong wika sabay pinunasan ang luha sa mga mata nito.


"Hindi po ito ang room natin sa Davao. Paano kung bigla mo na lang kaming iiwan dito?" humihikbi nitong sagot. Agad ko naman itong niyakap. Muling dumako ang tingin ko kay Christian na noon ay abala sa kakapunas ng kanyang luha sa mga mata habang palipat lipat ang mga titig sa triplets.


Agad naman nagpaalam si Manang na lalabas na ng kwarto. Tanging tango na lang ang nagawa kong sagot dito.


"Who is he Mama?" agad na tanong ni Charles sabay turo kay Christian. Sininyasan ko naman si Christian na lumapit sa amin. Agad nya naman itong ginawa habang hindi iniaalis ang titig sa mga bata.


"He is so gwapo Mama. Bakit nandito siya sa room natin? Hindi po ba bawal ang stranger na pumasok sa room ng may room?" inosenteng tanong naman ni Charlotte. Tumigil na ito sa kakaiyak at titig na titig na kay Christian.


"Hindi siya stranger babies... Christopher, Charles, Chalotte siya ang inyong ama." direkta kong wika. Nakita ko ang pagkagulat ng tatlong bata at sabay-sabay na napababa ng kama. Lumapit pa ito kay Christian habang puno ng pagtataka ang mga nakaguhit sa mukha.


'Talaga? May Papa po kami katulad ng mga classmates namin si School?" tanong ni Charlotte. Hindi ako nakasagot. Nakangiti naman na napa- upo ng sahig si Christian para pumantay sa triplets na noon ay kitang kita ang hindi maipaliwanag na kislap ng saya sa mga mata.


"Yes...ako ang Papa niyo...Nice to meet you mga anak." tumulo ang luha sa mga mata nito at sabay-sabay na niyakap ang mga bata. Naluha ako lalo na ng makita kong nagsipag-iyakan ang mga bata habang nakayakap sa kanilang ama.


"Bakit ngayun lang po kayo nagpakita sa amin? Alam nyo po ba na matagal na namin kayo gustong makita?" umiiyak na tanong ni Christopher. Tinapunan muna ako ng tingin ni Christian bago sumagot.


"Sorry..masyado lang naging busy si Papa. Hayaan niyo, mula ngayun hindi na tayo maghihiwalay pa...Pangako.. babawi ako sa inyo mga anak." umiiyak na sagot nito at isa isang hinalikan ang

pisngi ng mga bata. Nanguyapit naman sa leeg nito si Charlotte. Katulad sa kanyang mga kapatid umiiyak na din ito habang nakasubsob ang mukha sa leeg ng kanilang ama. Aminado ako na sa kanilang tatlo..si Charlotte ang pinakamalambing. Siguro dahil nag- iisa lang siyang babae.


Basang -basa ng luha ang aking mga mata habang pinapanood ang pag- iiyakan nilang mag-ama. Hindi ko akalain na hahantong kami sa ganito. Masaya ako sa positive na pagtanggap ni Christian sa mga anak namin. ganoon din ang mga bata sa kanilang ama. Sa wakas, magiging kumpleto na ang kanilang pagkatao.


"Promise po? Ibig po ba sabahin nito hindi na namin makikita na umiiyak si Mama kapag gabi dahil nandito ka na? agad na tanong ng madaldal na si Charlotte. Mukhang nakabawi na ito sa pagkabigla at umandar na naman ang kadaldalan.


Agad na nanlaki ang aking mga mata. Hindi ko akalin na nakikita pala ako ng mga ito kapag hindi ko maiwasan na mag-sente at umiyak kapag gabi. Pero bihira lang naman mangyari iyun. Inaatake lang ako ng homesickness kapag pagod ako at pakiramdam ko nag -iisa lang ako sa mundo. At sinisiguro kong tulog sila bago ako magdrama.


Napansin ko ang muling pagdako ng tingin sa akin ni Christian.


Nagtatanong ang mga titig nito sa akin pero hindi ko pinansin. Ibinaling ko sa iba ang attention ko. Inayos ko na ang aming kobre kama para naman matoon sa iba ang aking attention. Nahihiya ako sa posibleng iniisip nito sa akin. Baka isipin nito inabot na ako ng karma dahil sa katigasan ng ulo ko noon. Kahit papaano may pride pa rin naman na natitira sa pagkatao ko.


"Of course, promise ko iyan...hindi

nyo na ulit makikita na iiyak pa si Mama niyo. Nandito na ako at palagi na tayong magkakasama kahit saan.' nakangiti nitong sagot. Malapad naman na napangiti ang triplets habang nakayakap pa rin sa kanilang ama. Walang ng bakas na luha sa mga mata ng mga ito. Mukhang mabilis silang nakabawi sa matinding pagkabigla kanina-kanina lang. Kitang kita ko kung gaano sila kasaya ngayun kaya parang may kung anong mainit na bagay na biglang humaplos sa puso ko.


"Yes! Lagot sa akin ang mga classmates natin na laging nang-aasar sa atin Charlotte, Charles...hindi na lang suntok ang aabutin nila sa akin." agad na sagot ni Christopher sa kanyang mga kapatid. Gulat naman na napatingin sa akin si Christian. Kung alam lang nito kung ano ang performance ng mga anak niya sa school baka mamuti agad ang buhok nya.


Laging napapaaway ang mga bata sa School. Mabuti na din na makilala na nito ang kanilang ama para naman may makakatuwang ako sa pagdidisiplina sa kanila. Halos linggo- linggo na lang kasi ako pinapatawag ng teacher nila. Hindi ko talaga alam kung kanino sila nagmana. Hindi ko naman matanggap na sa akin sila nagmana dahil mabait naman ako noon.





Chapter 148


CARMELA POV


Nakangiti akong pinapanood habang isa-isang nagpapakilala ang triplets sa kanilang mga Lolo's at Lola's.


Nagpasalamat ako dahil hindi sila lumaking mahiyain at kaya nilang makipagpalagayan ng loob kahit kanino. Kitang kita ang tuwa sa kanilang mga mukha dahil sa mga attention na ibinabato sa kanila ng mga Villarama.


Dumako ang tingin ko kay Christian na proud na proud habang nakatingin sa kanyang mga anak. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaunting kurot sa puso ko ng maisip na hindi pa rin kami pwedeng maging buo dahil ikakasal na ito sa iba. Gayunpaman, malaki ang pasasalamat ko dahil sa mainit na pagtanggap sa amin ng pamilya niya. Hindi ko man lang narinig na sinisisi nila ako sa kabila ng ilang taon bago ko ipinakita sa kanila ang mga bata.


Sabagay, sino ba naman ang mag- aakala na mabubuntis ako ni Christian sa isang gabi na may nangyari sa amin. Alam kong hindi nila ito inaasahan at ipinagpalagay nalang nila na isa itong malaking blessings ng pamilya. Sa isang iglap agad na nadagdagan ng tatlong bagong miymebro ang pamilya.


"Carmela...sana dumito na lang kayo ng mga bata. Para naman pwede namin sila makita anytime kapag gustuhin namin." wika ni Tita Carissa. Saglit akong natigilan. Agad na dumako ang tingin ko kina Mommy at Daddy. Seryoso silang nakatitig sa akin at wari ay hinihintay nito ang sagot ko. Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol dito at alam kong itatanong din nila ang tungkol sa bagay na ito sa akin.


"Naka-enroll po sila sa Davao Tita. Isa pa po nandoon din ang negosyo ko. Hindi po pwedeng basta ko na lang iiwan dahil marami pong mga empleyado na umaasa sa negosyong iyun." sagot ko. Napansin ko ang biglang pagtaas ng kilay ni Christian. Mukhang hindi sang-ayon ang gago sa sagot ko. Pakialam ko ba! Ako ang masusunod at wala siyang karapatan na na hadlangan kong ano ang gusto ko.


"Siguro naman pwede mong ipaubaya na muna ang pamamalakad ng negosyo mo sa mga pinagkakatiwalaan mong tao. Mahirap para sa iyo na mag-isang alagaan ang mga bata. Mas maiging dito na lang kayo sa Manila. Marami kaming tutulong sa iyo para masubaybayan ang paglaki ng mga apo namin. Isa pa nandito lahat ng mga kadugo mo kaya kung pwede sana pag- isipan mo lahat ng pasya na gagawin mo." nakangiting sagot naman ni Grandmama.

"hmmm hindi ko pa po alam Grandmama. Hayaan niyo po pag- iisipan ko ng maigi ang lahat. Ang importante lang naman po sa akin ngayun, ang kaligayahan ng mga bata. Kapag makita ko na mas gusto nila dito..wala na din sigurong dahilan para ibalik ko sila ng Davao." tanging sagot ko na lang sa kawalan ng sasabihin dito. Ayaw kong mabahiran ng lungkot at pagtatalo ang araw na ito. Kitang kita ko ang saya ng lahat ng naririto bata kaya ayaw kong masira iyun. .


'Christian, ano ang plano mo sa mag-ina mo? Mas maigi na pag-usapan na natin ang tungkol dyan ngayun pa lang.

Ayaw kong lumaki ang mga apo ko na hiwalay ang kanilang mga magulang." sabat naman ni Grandpapa. Hindi ko naman maiwasan na mapakunot ang

noo ko dahil pakiramdam ko may ibig itong ipahiwatig sa kanyang apo. "Of course Grandpapa. Kung papayag si Carmela, gusto ko po sanang ituloy ang naudlot na pag-uusap tungkol sa kasal namin. Wala naman po sigurong dahilan pa para umatras siya dahil may mga batang mas higit na nangangailangan ng pareho namin na attention at kalinga." nakangiting sagot ni Christian sabay titig sa akin. Agad na nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito. Wala sa sariling napailing ako..


Hindi ko napigilan na tingnan ng masama si Christian. Ano ang pinagsasabi ng lokong ito? Hindi niya ba alam kung gaano ka sakramento ng kasal? Ikakasal na ito sa nobya niya at imposible ang sinasabi nito. Huwag niyang sabihin na balak nya kaming pagsabayin? Gago ba siya?


"Well, magandang idea iyan? What do you think Pareng Jonathan?" agad na sabat ni Tito Gabriel. Nakiki-usap ang mga tingin na ipinukol ko kay Mommy.


Hindi ko alam kung paano uumpisahan ang pagtanggi.


"I think kailangan muna namin kausapin si Carmela tungkol dito. Kung sa amin lang naman walang problema kaya lang hindi namin pwedeng pangunahan ang gusto nya. Nasa edad na siya para magdesisyon kaya naman kung ano ang gusto niya doon kami." nakangiting sagot ni Daddy. Nakahinga ako ng maluwag.


"Hindi na siguro kailangan pang pag- isipan ang lahat Tita, Tito...ngayun pa lang hinihingi ko na ang kamay ni Carmela sa inyo. Ayaw ko na pong mapalayo sa akin ang mga bata. Ama po ako at mag-uumpisa pa lang akong babawi sa pagkakawalay ng mga anak ko sa akin." sabat naman ni Christian. Naikuyom ko ang aking kamao sa matinding inis. Galit ko itong tinitigan tsaka sumagot.


'Ano ba ang pinagsasabi mo?Baka

nakalimutan mo na may iba ka ng' karelasyon'? Plano mo ba kaming pagsabayin?" bakas ang inis sa boses ko na sagot dito. Napansin ko na biglang nagkatinginan ang kanya- kanya naming pamilya. Nakangisi naman akong tinitigan ni Christian.


"Kahit pala malayo ka updated ka pa rin sa nangyayari sa buhay ko. Huwag mong sabihin na nagseselos ka?" sagot nito na may halong panunudyo ang boses. Agad na nag-init ang aking tainga dahil sa pagkapahiya.


Nakatingin kasi sa akin silang lahat. Wari ay hinihintay nila ang isasagot ko dito.


"Sino ang may sabi na nagseselos ako? Natural ama ka ng mga anak ko at aalamin ko kung anong buhay meron ka ng wala ako....kami ng mga bata." pagdadahilan. Alam kong hindi kapani- paniwala ang dahilan na iyun pero keber na lang. Wala eh..baka masukol ako at lalabas pa akong talunan at kinarma dahil sa katigasan ng ulo ko noon.


"Ang dami mong sinasabi. Huwag kang mag-alala, wala akong balak na pagsabayin kayo ni Aurea. Aayusin ko ang tungkol sa kanya. Sisiguraduhin ko na hindi mo sya magiging karibal pagdating sa akin." nakangiti nitong sagot sabay kindat sa akin. Ngali-ngali ko namang upakan ito. Kung hindi ko lang kaharap sila Mommy at Daddy at ang pamilya nito baka nakatikim ng flying kick sa akin.


"Ewan ko sa iyo! Hindi ako interesado at pakialam ko sa gusto mong gawin sa siyota mo!" inis kong wika. Napangiti naman si Grandpapa dahil sa palitan namin ng salita ni Christian.


"Tama na iyan...kayo ha, hindi pa nga kayo nagsasama sa iisang bubong nagbabangayan na agad kayo," sagot naman ni Mommy na may halong panunudyo ang boses. Agad naman natawa si Tita Carissa at Grandmama. Lalo akong namula dahil sa matinding pagkapahiya. Pakiramdam ko pinagkakaisahan nila ako. Tinapunan ko si Christian ng tingin na noon ay ngiting ngiti habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin.


"I think, kailangan muna natin bigyan ang bata ng time para magligawan. Hindi natin sila pwedeng biglain dahil kakabalik pa lang naman ni Carmela..." sagot ni Grandpapa. Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti pa si Grandpapa naiintindihan ako.


"Agree ako diyan. Hayaan muna natin na muli silang magkapalagayan ng loob. Ang importante alam na ng triplets kong sino ang kanilang ama at pwede namin silang bisitahin dito kapag gusto namin....at kung papayag kayo pwede din namin silang mahiram at madala sa mansion para naman makilala nila ang kanilang mga pinsan.


"sabat naman ni Tita Carissa. Napangiti naman ako sa ideyang iyun. Approved sa akin ang lahat ng ganoong bagay basta huwag lang pag-usapan ang tungkol sa naudlot na kasalan na iyan. Ayaw ko ng umasa at makapanakit ng damdamin ng iba.


"Siguro kailangan natin magdaos ng simpleng welcome party. Hihihingin ko sana sa inyo na sa mansion na natin gaganapin para maipakilala ko sila sa aking mga kaibigan." nakangiting wika ni Grandpapa. Nagkatinginan naman sila Daddy at Mommy sabay tango. Pagkatapos ay binalingan ako ni Grandpapa at marahil ay hinintay nito ang aking pagsang-ayon.


"Wa-wala pong problema Grandpapa. Masaya po ako dahil naramdaman ko ang mainit niyong pagtangap sa amin. nakangiti kong sagot. Masaya itong tumango at isa isang tiningnan ang mga

nasa harapan.


"Ayaw ko ng patagalin pa ang lahat. Bukas ng hapon ay gaganapin ang welcome party ng mag-ina mo Christian. Ipatawag lahat ng mga kakilala natin. Gusto kong ipakilala sa lahat ang triplets." nakangiting wika ni Grandpapa. Agad na sumang-ayon si Christian sa napag-usapan.


Halos hindi matapos-tapos ang pag- uusap sa pagitang ng dalawang pamilya. Sa bahay na sila kumain ng tanghalian dahil mukhang walang balak na iiwan ni Grandpapa ang kanyang mga apo sa tuhod dito sa bahay. Mukhang nahihiya lang itong magsabi kina Mommy at Daddy na isasama muna sa mansion ang mga bata.


Ayaw ko naman mag-offer dahil bukas ng hapon gaganapin ang party sa kanila at balak kong doon na lang din sila matulog para makabonding nila ng matagal. Isa pa alam kong gusto pa nila Mommy at Daddy na makasama ang mga bata. Unfair naman sa kanila kung isasama agad nila ang triplets gayung kahapon lang kami umuwi dito sa bahay.


Kakatapos lang namin kumain ng lunch ng magpaalam ang mga Villarama sa amin. Agad naman kaming pumayag dahil alam kong kailangan na nilang magpahinga.


Pero nagulat ako ng magpaiwan si Christian. Agad itong nagpaalam kina Mommy at Daddy na kung maari makausap niya ako ng masinsinan.


"Tita...Tito pwede ko po bang makausap ulit si Carmela?" Narinig kong pagpapaalam nito kila Mommy at Daddy. Nakaramdam naman ako ng kaunting kaba sa isiping ano na naman kaya ang gusto nitong pag-usapan namin. Hindi pa ba ito tapos kanina?

"Kung ayos lang naman kay Carmela, walang problema. Sa garden na lang siguro kayo pumwesto para makapag- usap kayo ng maayos." sagot ni Mommy. Tatanggi sana ako pero may magagawa ba ako. , sinabi nga ni Mommy ang salitang oo 'kung ayos lang sa akin' pero nagturo naman agad ito ng location dito sa bahay kung saan pwedeng mag-usap.


Nagpatiuna na akong naglakad papuntang garden. Wala eh..mas mabuti na din siguro na makapag-usap kami ng masinsinan para naman magkalinawagan kami.


Pagdating sa garden ay agad akong naupo sa isang upuan. Agad kong binalingan ng tingin si Christian na noon ay tahimik lang na nakatitig sa akin.


"Ano ang pag-uusapan natin? Kung tungkol sa ginawa kong hindi agad pagbalik dito sa Manila at hindi agad pagpapakita sa mga anak natin... humihingi ako ng paumanhin. Hindi na pwedeng maibalik pa ang mga mali ko ng nagawa pero pipilitin kong makabawi sa iyo at sa inyong pamilya." panimula kong wika dito. Hindi ito nakaimik kaya itinuloy ko ang mga gusto kong sabihin sa kanya.


"Huwag kang mag-alala. Naka- apelyedo sa iyo ang mga bata. Siguro sa lahat ng naging pasya na nagawa ko sa buhay, iyan lang ang nagawa kong tama. Wala akong balak na itago sila sa inyo habang buhay.....tanging naduwag lang ako na muling magpakita sa inyo.


"Sorry sa mga nangyari noon. Hindi ko man isinaalang-alang ang nararamdaman mo. Aminado ako na nagiging makasarili ako.... Pagsisisihan ko man ang lahat...hindi na natin maibabalik pa ang nakaraan.." pilit ang ngiti sa labi ko habang sinasabi ang katagang iyun.


"Yah tapos na ang lahat ng iyun at kahit na magalit pa ako sa iyo ng maraming beses hindi na maibabalik ang mga panahon na kasama sana kita na nagpalaki sa mga bata....


"Marami pa rin naman ang dapat na ipagpasalamat sa mga nangyari sa atin. Kahit papaano nandito ka sa harap ko... ligtas at naipanganak mo ng maayos ang mga bata." sagot nito.


"Pwede mong puntahan ang mga bata dito sa bahay kapag may free time ka. Pwede mo din sila hiramin para maipamasyal. Pero isa lang ang gusto kong hilingin sa iyo...huwag mo silang ipakilala sa girlfriend mo..hindi dahil bitter ako o ano pa man..hindi mo maaalis sa akin na magselos dahil sa akin sila nanggaling at ayaw kong may iba silang tatawaging 'Mama'." diretsahan kong wika.


Hindi ito nakaimik. Diretso akong tinitigan sa mga mata.


"Alam kong alam mo na kung anong ugali meron ako. Iyan lang ang hinihiling ko sa iyo sa ngayun kung gusto mong magkasundo tayo sa pagpapalaki sa kanila." muli kong wika. Agad na lumapit ito sa akin at naupo sa tapat ko. Nakita ko ang paguhit ng ngiti sa labi nito na siyang labis kong ipinagtaka.


"Dont worry...hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin ang bagay na iyan...Malaki ang respito ko sa iyo bilang Ina ng mga anak ko.....at hindi ako gagawa ng mga bagay na magiging dahilan para mag-away tayo.


"Ang tungkol kay Aurea ay aayusin ko iyan..pero sa ngayun, bilang Ina ng mga anak ko, isa lang din ang hihilingin ko sa iyo Carmela..pwede bang isuot mo ulit ito?" nakikiusap na wika nito sabay lahad ng kanyang palad sa harap ko. Nanlaki ang aking mga mata ng muling makita ang singsing na ibinigay nito sa akin six years ago......







Chapter 149


CARMELA POV


Nagulat ako ng inilahad nito ang palad na may laman na singsing na ibinigay sa akin six years ago. Hindi ako makapaniwala na napatitig sa seryosong mukha ni Christian na naghihintay kung tatanggapin ko ba o hindi ang ibinibigay nito sa akin ngayun.


"Tinago ko ito para sa iyo. Walang sino man ang pwedeng magsuot ng singsing na ito kundi ikaw lang." seryoso nitong wika. Napakurap ako ng mata para pigilin ang pagtulo ng aking luha.


"Pero bakit sa akin? Hindi ako karapat- dapat sa singsing na iyan. Ibigay mo na lang sana sa babaeng napupusuan mo." sagot ko. Agad na lumambong ang expression ng mukha nito kaya nakaramdam ako ng konsensya.


"Hanggang ngayun pa ba naman tatanggihan mo pa rin ako? Matagal kitang hinintay pero bakit parang wala lang sa iyo ang lahat?" halata sa boses nito ang hinanakit habang binibigkas ang katagang iyun.


"Sorry, pero hindi pwede....hindi lingid sa akin ang pagkakaroon mo ng iba at hindi ko kayang makapanakit ng damdamin ng kapwa ko babae. " seryoso kong sagot. Napakarup ito at tumingin sa malayo.


"Si Aurea? Pati pala ikaw nagpapaniwala sa mga tsismis na iyan! Hindi ko alam kung bakit kalat na kalat ang tungkol sa aming dalawa. Siguro dahil isa siyang sikat na aktres? I dont know.... Pero isa lang ang masasabi ko... noon pa man isa lang ang gusto kong makasamang babae habang buhay..... walang iba kundi ikaw iyun.....


"Kung alam ko lang na pahihirapan mo ako ng ganito..noon pa sana kita pinatulan...noon pa sana kita inangkin....." seryoso nitong wika. Muli kong naikurap ang aking mga mata dahil sa sinasabi nito. Nakaramdam ako ng kasiyahan sa kailaliman ng aking puso ng marinig ko ang katagang iyun. Bigla akong nagkaroon ng pag- asa na baka pwede pa.


"Mahal na mahal kita Carmela....ilang beses kong sinubukan na kalimutan ka pero hindi ko nagawa. Wala akong ibang babae na hinangad na makasama habang buhay kundi ikaw lang...sana naman sa pagkakataon na ito.. pagbigyan mo ako.....manatili ka na sa tabi ko kasama ng mga anak natin." nagsusumamo nitong wika. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.


"Sorry.....sorry sa mga nagawa kong kasalanan sa iyo. Pero hindi ko alam kung karapat-dapat pa ba ako sa pagmamahal na iyan. Nahihiya ako sa mga nagawa ko noon. Naguguluhan ako Christian...naguguluhan ako..." umiiyak na sagot ko dito. Tinitigan ako nito tsaka pilit ng ngumiti.


"Sabihin mo sa akin...wala ka na bang nararamdaman na kahit kaunting pagmamahal sa akin? May iba ka na bang mahal?" seryoso nitong tanong. Agad akong umiling.


"Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal...mula noon hanggang ngayun hindi nagbabago iyun." umiiyak na sagot ko. Agad itong tumayo at umupo sa tabi ko..Hinawakan ako sa kamay at mabilis na isinuot sa palasingsingan ko ang singsing na hawak nito.


"Huwag mo na sanang hubarin pa ito. Huwag kang mag-alala..maglalabas ako ng statement tungkol sa namamagitan sa amin ni Aurea..." wika nito at hinalikan ako sa labi bago tumayo. Diretso itong naglakad papunta sa nakaraparadang kotse at agad na umalis. Naiwan naman akong naguguluhan sa nagiging takbo ng usapan namin.


Kinabukasan............


Ala-una pa lang ng hapon ay nandito na kami sa Mansion ng mga Villarama. Mamayang alas singko pa naman gaganapin ang welcome party pero since parang sinisilihan na talaga sa puwit ni Mommy dahil gusto na daw niyang maka-chika ng maaga ang Bestie nya wala kaming choice kundi dalhin na lang dito sa mansion ang mga isusuot namin na damit para sa party mamaya.


Nakita ko naman ang tuwa na rumihistro sa mga mata ng mga Villarama ng makita ang aming pagdating. Pinanggigilan ng mga ito ang kanilang apo na akala mo naman hindi sila nagkita kahapon lang.


"Parating na din sila Arabella at Miracle. Excited na silang makita ka ulit Carmela." nakangiting wika ni Tita Carissa sa akin. Nakangiti naman akong tumango at tumingin sa mga taong abala sa pagdedecorate sa bakuran ng Mansion para sa gaganaping party mamaya.


"Si Christian naman may pinuntahan. Pero babalik din agad iyun kapag malaman niyang nandito na kayo.... teka lang nagmeryenda na ba kayo? Gusto niyo bang kumain muna?" tanong ni Tita Carissa.


"Naku Bestie, tapos na. Medyo matagal din kaming hindi nakapunta dito sa mansion kaya inagahan na namin para makapagchika pa tayo bago mag-start ang party. Sobrang na-miss kaya kita." nakangiting sagot ni Mommy.


Hindi lingid sa akin na tumabang ang kanilang pagkakaibigan simula ng tinanggihan ko ang engagement namin ni Christian six years ago.


"Kung ganoon doon tayo sa garden Bestie. Marami akong ikikwento sa iyo. Nakangiting sagot naman ni Tita Carissa. Pagkatapos ay binalingan ako.


"Iyung guest room na lagi mong ginagamit pwede mo pa rin gamitin habang hinihintay sila Arabella at Miracle. Feel at home Iha. Huwag kang mahiya na magsabi ng lahat ng kailangan mo.. Hayaan mo na muna maglaro ang mga bata sa garden at patingnan-tingnan ko na lang muna sila sa mga kasambahay dito."


nakangiting wika ni Tita Carissa sabay tingin sa mga batang naglalaro sa garden.


Nang makita ko na masayang nakikipaghabulan ang triplets sa bunsong anak nila Tita Carissa at kapatid kong si Jeffrey ay nagpaalam na akong matutulog muna sa guest room. Feel at home naman ako sa mansion dahil ito ang halos pangalawa kong bahay dahil palagi akong tumatambay dito noong teenager pa lang kami ni Arabella.


Pagdating ng guest room ay agad kong ibinagsak ang pagod kong katawan sa kama. Babawi ako ng tulog ngayun. Bahala na muna sila Mommy at Daddy sa mga bata.


Hindi ko namalayan ang oras. Nagising na lang ako sa mahinang tapik ng kung sino sa aking mga mukha. Agad kong ininulat ang aking mga mata at agad na sumalubong sa aking paningin ang nakangiting mukha ni Christian. Nakabihis na ito at nakangiting nakatitig sa akin.


"Hello sleeping beauty!...mag uumpisa na ang party. Kailangan mo ng magbihis. wika nito. Agad akong napabangon at dumako ang tingin ko sa orasan na nasa bedside table. Mag-uumpisa na ang party at heto ako ngayun...kakagising lang.


Masyadong napasarap ang tulog ko. Nagmamadali akong bumangon at agad na hinagilap ang dala naming malaking bag kanina. Nakalagay doon ang mga damit na isusuot namin ng mga bata.


"Maligo ka na muna. Nakaready na ang isusuot mo sa closet."nakangiti nitong wika at agad na lumabas ng kwarto. Agad naman akong pumasok sa loob ng banyo.


Wala na akong time para mag-isip.

Kailangan ko ng bilisan ang aking kilos dahil nakakahiya sa mga Villarama. Welcome party ng mga anak ko at mukhang late pa ako.


Pagkatapos kong naligo ay muli kong hinagilap ang malaking bag na dala namin kanina. Tanging ang maliit na handbag na lang ang naiwan at dito nakalagay ang mga personal kong gamit. Mukhang kinuha nila Mommy ito para mabihisan na ang kambal.


Agad kong naalala ang sinabi kanina sa akin ni Christian na damit na nasa closet. Agad kong binuksan ang closet at tumambad sa paningin ko ang isang kulay puti na dress. May nakasulat pang note na 'WEAR THIS' kaya hindi na ako nagdalawalang isip pa na kunin ito at agad na isinukat.


Sakto lang naman sa akin ang size. Lagpas tuhod at kitang kita ang mapuputi kong binti. Kinuha ko na din ang sandal na kasama ng dress sa loob ng closet. Ka size ko iyun kaya agad kong isinuot..


Nagpahid lang ako ng kaunting make up at lipstick mula sa aking kikay kit na nasa loob ng handbag. Nang masiguro kong maayos na ang lahat ay agad akong lumabas ng guest room.


Palabas na ako ng mansion ng makita ko si Ate Miracle. Nakangiti itong nakatingin sa akin at agad akong nilapitan.


"Gosh! Ikaw na ba iyan Carmela! Hindi ka man lang nagbago. Ang ganda mo pa rin!" wika nito at agad akong niyakap. Napangiti naman ako na gumanti ng yakap dito. Katulad sa kanyang pamilya hindi ko man lang ito nakitaan ng kahit na kaunting galit sa mukha para sa akin.


"Kumusta na po kayo Ate?" nakangiti kong wika dito ng kumalas na kami sa isat isa. Parang hindi man lang

nadagdagan ang edad nito. Parang lalo pa itong gumanda. Ibang klase talaga mag-alaga si Kuya Roldan.


"Mabuti lang naman kami...uyyy nakita ko ang triplets..hindi ko akalain na kinaya mo silang alagaan at palakihin mag-isa." nakangiti nitong wika.


"No choice Ate. Kailangan kong panindigan ang lahat dahil iyan ang kabayaran sa katigasan ng ulo ko noon. "Pabiro kong sagot. Tawa lang ang naging tugon nito at hinawakan ako sa kamay at sabay na kaming naglakad papunta sa pinagdadausan ng party.


"Sa wakas nagpakita ka rin ulit sa amin. Kaunting-kaunti na lang talaga at magagalit na ako sa iyo. Alam mo bang masyado mo ng pinahirapan ang kakambal ko?" wika nito sa akin habang abala ang mga mata ko sa kakakatingin sa paligid.


Hinanap ang triplets at natuwa ako dahil kasama ito nila Mommy at Daddy sa isang table. Tahimik na nakaupo habang may kanya-kanyang hawak na gadget.


"Puntahan ko muna ang mga bata Ate.. Mag-usap na lang tayo mamaya pagkatapos ng party.." pagpapaalam ko kay Ate Miracle. Agad niya namang binitiwan ang pagkakahawak sa kamay ko kaya diretso ko ng nilapitan ang mga anak ko kasama sila Mommy at Daddy. Nakita ko naman na dumiritso si Ate Miracle sa isang table na may mga nakaupo na.


Isa-isa ko silang hinalikan sa kanilang pisngi bago ko hinarap sila Mommy at Daddy na noon ay seryoso na nakatingin sa isang direksiyon.


"Pasensya na po Mom, Dad, napasarap po pala ang tulog ko. Hindi ko man lang napansin ang oras." hinging paumanhin ko at agad na naupo.

Binalingan naman ako ni Mommy at nginitian.


"Ayos lang anak. Hinayaan ka talaga namin na matulog muna dahil alam namin na hindi biro ang mag-alaga ng tatlong bata." nakangiting sagot ni Mommy. Pagkatapos ay tumingin ulit ito sa direksyon kong saan ito nakatitig kanina bago ako dumating. Wala sa sariling tiningnan ko ang direksiyon na iyun at nagulat ako sa mga nakita.


Agad na kumabog ang dibdib ko ng makita ko ang isang babae na kasama nila Arabella at Ate Miracle sa isang table. Katabi nito si Christian habang masaya silang nag-uusap. Agad akong nakaramdam ng panibugho ng mamukhaan ko ang babae. Walang iba kundi ang napapabalitang fiancee ni Christian..


Parang biglang sumikip ang puso ko sa isiping ito ang reyalidad ng buhay. May iba na si Christian at ang mga bata na lang ang dahilan kung kaya patuloy kaming nagkakaroon ng ugnayan.


Pinigilan kong maluha at ibinaling ko ang tingin sa ibang direksyon. Masakit isipin na parang umasa ako sa wala. Nakaramdam ako ng matinding selos.


Masyado naman yata akong nag- assume na masaya sila sa pagbabalik ko. Mukhang kabaliktaran ngayun ang mga nakikita ko.


Umasa pa naman ako na magiging maayos din ang lahat sa pagitan naming dalawa. Umasa ako sa power ng singsing na muli niyang ibinigay sa akin kahapon. Pero bakit parang iba ang sinasabi nito kahapon kaysa sa nakikita ko ngayun? Masyado lang ba akong umasa na ako ang piliin nya?


Kinuha ko ang cellphone at nag-text kay Lucy. Parang gusto kong maglasing ngayun pagkatapos ng party. Masama ang loob ko at gusto kong may mapagsabihan ng nararamdaman ko.


Agad naman itong nagreply pagkatapos kong magtext. Excited pa ang bruha ng sabihin ko dito na magkikita kami pagkatapos ng party.... Wala eh... pakiramdam ko mababaliw ako kapag wala akong mapagsabihan ng sama ng loob ngayung gabi.


Akala ko ready na ako sa mga ganitong scenario. Akala ko ready na akong makita na may kasamang ibang babae si Christian. Mukhang nagkakamali ako. Isa akong talunan at dapat lang na hindi na muli pang umasa.


Tinitigan ko ang suot kong singsing. Napangiti ako ng mapakla na siyang hindi nakaligtas sa paningin ni Mommy na kanina pa pala nakatitig sa akin.


"Ayos ka lang ba anak? May dinaramdam ka ba?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Mommy na tanong nito. Pilit akong ngumiti bago sumagot.


"Nasobrahan yata ako ng tulog Ma. Bigla po kasing sumakit ang ulo ko." pagsisinungaling na sagot ko. Iniwasan ko ng mapatingin sa gawi ni Christian kasama ng babae nito.


"Ganoon ba? Siguro pagkatapos ng pagpapakilala ng triplets sa mga bisita...magpaalam na din siguro tayo. Mukhang mali ang pagpunta natin ng maaga dito. Pagod na din kami ng Daddy mo at gusto na din namin matulog." sagot ni Mommy. Nakangiti naman akong tumango.


Hindi naman na din kami naghintay ng matagal. Nag-umpisa ang party sa pamamagitan ng pagpapakilala ng triplets sa mga bisita ng mga Villarama. Nakita ko kung gaano kasaya ang lahat. Nakita ko din kung gaano ka-proud si Grandpapa para sa kanyang mga apo sa tuhod.


Kahit papaano naging masaya naman ako sa mainit na pagtanggap ng lahat. Pinaakyat pa kaming dalawa ni Christian kasama ang triplets para makunan ng larawan. Game naman akong nagpapicture para matapos na ang lahat dahil ng dumako ang tingin ko sa fiancee nito na si Aurea ay nakita ko ang galit sa mga mata nito habang nakatitig sa amin.


Pagkatapos ng picture taking ay muli kaming bumalik sa aming table. Napansin ko ang pagod sa mukha ng triplets at nagpasalamat ako dahil hindi na sila naglilikot. Baka wala itong ginawa kundi maglaro habang tulog ako kanina.


"Kukuha lang kami ng makakain natin anak. Dito na lang muna kayo ng mga bata dahil pagkatapos natin makakain uuwi na tayo para makapagpahinga na. "Paalam ni Mommy sa akin. Iginala ko ang paningin sa paligid at napansin kong nagsisipagkain na ang ibang bisita. Tumango ako at itinoon ang attention sa tatlo kong anak.


"Mommy sino yung girl na kasama ni Daddy?" tanong ni Chalotte. Hindi ko naman mapigilan na mapatingin sa gawi nila Christian at nagulat ako dahil naglalakad palapit sa amin si Aurea kasunod ni Christian. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng inis.


"i dont know baby. Maybe friend ng Daddy niyo." pagdadahilan ko.


"Whaaattt? I want to say hello sa iyong mga babies? I am your fiancee at may karapatan akong makilala ang anak mo sa una mong naging babae." narinig ko pang wika ni Aurea bago ito nakalapit sa amin. Malakas ang boses nito kaya alam kong hindi lang ako ang nakarinig sa bagay na iyun. Agad na nagpanting ang aking tainga at napatayo mula sa pagkakaupo


Huwag nya akong hamunin ngayung gabi. Hindi ako papayag na makakadaupang palad ng fiancee niya ang mga anak ko. Isa ito sa kondisyon na hiniling ko sa kanya kahapon kaya huwag nyang sirain dahil hindi ako mangingimi na muling ilayo ang mga bata sa kanya habang buhay.






Chapter 150


CARMELA "Oh hi there!" Nakangiting wika ni Aurea ng makalapit ito sa amin.


Naguguluhan naman ang triplets na nagpapalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang Daddy at kay Aurea. Malakas akong napabuntong hininga bago sumagot.


"Who is she?" tanong ko direkta kay Christian. Alam kong siya si Aurea at kahit alam ko ang tungkol sa bagay na iyun... kailangan kong ideny dahil kaharap ko ang mga anak ko at ayaw kong kulitin nila ako mamaya. Matatalino sila at alam kong tataktak sa isip nila ang mga mangyayari ngayung gabi.


"I am his fiancee. So, ikaw pala ang ng fiancee ko. Nice to meet you then." nakangisi nitong wika. Naikuyom ko ang aking kamao at tumitig ng galit kay Christian. Nakita ko ang pag-aalangan sa mukha nito bago hinawakan si Aurea sa braso at pilit na hinihila palayo sa amin. Pero ayaw papigil ng bruha at naghahanap yata ng sakit ng katawan. Nakakaagaw na din kami ng attention sa ibang bisita kaya naman lalo akong nagpupuyos sa galit.


"Anong kaguluhan ito?" narinig kong wika ni Daddy. Nilingon ko ito at nakita ko ang pagdating nilang dalawa ni Mommy na may bitbit ng pagkain.


"Dad, pwede po bang ilayo niyo muna ang mga bata?" nakikiusap kong wika sa kanila. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Daddy habang nagpapalipat- lipat ang tingin sa aming tatlo nila Christian at Aurea.


"Christian, ano ang ibig sabihin nito? Ginugulo ba namin?" ng kasama mo ang anak seryosong tanong ni Daddy kay Christian.


"No Tito. Gusto lang makilala ni Aurea ang mga bata. Pero since ayaw ni Carmela, babalik na lang kami ng table.sagot ni Chritian. Agad na tumango sa Daddy at binalingan ako. Naipikit ko

ang aking mga mata bago nakikiusap akong nagasalita kay Daddy.


"Dad, pwede po bang iiwan niyo muna kami? Lipat na lang muna kayo ng table dahil gusto ko po silang makausap. nakikiusap na wika ko kay Daddy. Tinitigan muna ako nito bago nakakaunawang tumango.


Fine...bilisan mo lang dahil kailangan na nating makauwi. Pagod na ang mga bata at kailangan na nilang magpahinga.." nakangiting sagot ni Mommy at isa isang pinatayo ang triplets mula sa pagkakaupo. Kita sa mukha ng tatlong bata ang pagtataka habang nakatitig sa akin.


"Hey! Hey! Gusto ko pa silang makausap. Hindi na kailangan na lumipat ng ibang table. I just want to talk to them at magpakilala bilang future step mom nila." Nakangiting sabat naman ni Aurea. Lalo akong nagpupuyos sa galit.


"No!..no need na magpakilala ka sa kanila as a future step mom. Hindi ko pinapahintulutan ang tungkol sa bagay na iyun at alam mo iyan Christian!" Galit kong sagot at tinitigan ito ng masama.


"Mom, please ilayo niyo muna dito ang mga bata. Kakausapin ko lang silang dalawa at ayaw kong marinig iyun ng mga anak ko." nakikiusap kong muling wika kina Mommy at Daddy. Hindi kasi ako makabwelo ng sasabihin ko kapag nasa harap lang namin ang mga anak ko. Inilapag ni Daddy ang pagkain sa table at agad na hinawakan sa kamay ang mga bata. Agad silang umalis.


"Hindi bat sinabi ko sa iyo na ayaw kong ipakilala mo ang mga anak ko sa babaeng iyan? Ang bilis mo naman yata makalimot sa kaisa-isang kondisyon na ibinigay ko sa iyo Christian!" Galit na wika ko ng tuluyan ng makaalis sa harap namin ang mga anak ko.


"Sorry. Nagkataon lang na nag-insist si Aurea at hindi ko sya mapigilan. Hayaan mo pag-uusapan namin ang tungkol dito. Promise! Hindi na mauulit pa ang lahat at sisiguraduhin kong susunod ako sa ipinangako ko sa iyo." sagot nito. Pagak akong tumawa. Sino ang niluluko niya? Anong tingin niya sa akin, uto-uto?


"No need! Hindi ka sumunod sa usapan natin kaya pwede na sigurong magbago ang isip ko diba?' galit kong singhal kay Christian. Wala na akong pakialam pa sa mga taong nakapaligid sa amin. Sumasakit ang kalooban ko dahil sa matinding selos at gusto kong ilabas ito ngayun. Dagdagan pa na nakita ng mga anak ko ang mga eksena na hindi dapat nila makita. Tiyak na hindi ako titigilan ng mga ito sa kakatanong kong sino si Aurea sa buhay ng kanilang ama. Ano na lang ang isasagot ko sa mga ito. Alangan naman sabihin ko na ang bruha na ito ang magiging pangalawa nilang ina!


"Carmela..please, pag-usapan natin ito mamaya. Wala namang pagpapakilala na nangyari diba? Nailayo na ng parents mo ang triplets kaya huminahon ka na." sagot ni Christian. Nginisihan ko ito at tinapunan ng masamang tingin si Aurea.


"Hindi ako tumantanggap sa mga ganiyang katwiran Christian. Napakasimple ang hinihingi kong kondisyon sa iyo pero hindi mo nasunod. Wala kang karapatan na maging ama sa mga anak ko. dahil wala kang paninindigan!" Galit kong sigaw dito. Tuluyan ng kinain ng galit ang puso ko at pakiramdam ko bigla akong naging manhid sa mga taong nakatingin sa amin. Napansin ko ang pagdilim ng mukha ni Christian habang nakatitig sa akin pero wala akong pakialam. Totoo naman ang sinabi ko ngayun ah? Kung hindi sana niya hinayaan na makalapit ang babaeng ito sa mga anak namin wala sanang nangyaring gulo na katulad nito.


"Carmela! Ako ang ama ng mga bata at wala kang karapatan na sabihin sa akin ang bagay na iyan. Bakit ba napakakitid ng utak mo? Hindi bat sinabi ko sa iyo na aayusin ko ang tungkol dito? Bakit ba ayaw mong makinig ng paliwanag?" galit na sagot ni Christian. Nginisihan ko ito bago sinagot.


"Yes...ikaw ang ama nila! Pero ano ang naiambag mo? Isang kondisyon pa lang ang hiniling ko sa iyo pero nabigo ka na sundin iyun! Ayaw na kitang pagkatiwalaan pa ulit pagdating sa mga bata. Mas mabuting lumaki sila na walang ama kaysa naman mahawa sila sa ugali mong hindi marunong sumunod sa napagkasunduan!" galit kong sagot. Tuluyan na akng nakalimot sa paligid. Pakiramdam ko kaming

dalawa lang magkaharap at walang mga taong nanonood sa amin.


Agad naman napataas ang kilay ni Aurea at kita ang tuwa sa mukha nito habang nagtatalo kami ni Christian. Pigil ko ang sarili na sabunutan ito at ingudngod ang mukha nito sa lupa dahil sa galit. Wala siyang karapatan na lapitan ang mga anak ko at magpakilala kong ano sya sa buhay ng kanilang ama. Nagseselos ako at parang gusto ko itong patayin dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayun.


"Ganiyan ba talaga kababa ang pagkakilala mo sa akin Carmela? Bakit ka ba nagkaganyan?...Simpleng bagay lang ang nangyari ngayung gabi pero bakit kailangan nating palakihin ito? Pag-usapan natin ito ok? Hayaan mo akong magpaliwanag." sagot ni Christian. Umiling ako at agad na naglakad paalis sa harap nila. Wala na

kaming pag-uusapan pa. Kailangan ko ng talikuran ito dahil ano mang sandali lalabas na ang luha sa aking mga mata at ayaw kong makita niya iyon. Ayaw kong makita niya na nasasaktan ako dahil may kasama na syang iba.


Akala ko handa na akong makita ang mga bagay na katulad nito. Akala ko kaya kong tanggapin na makita si Christian na may kasama ng ibang babae. Pero mukhang nagkamali ako. Napakasakit ng naging balik sa akin sa pagbaliwala ko sa kanya noon. Pakiramdam ko nahihirapan akong huminga dahil sa sama ng loob.


"yuck! how pathetic!" bago ako tuluyang makalayo sa kanila ay narinig kong wika ni Aurea. Agad na nagpanting ang aking tainga at agad na bumalik papunta dito.


Hindi ko napigilan pa ang aking sarili. Umangat ang aking palad at diretsong dumapo sa pisngi ni Aurea. Marahil dahil sa matinding nararamdamang selos. hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na saktan ang karibal ko.


Narinig ko pa ang pagsinghap ng mga taong nakapaligid sa amin. Nagulat marahil sa aking ginawa. Who cares! Alam kong pagkatapos ng gabing ito.... huhusgahan ako ng lahat. Ako na naman ang lalabas na masama ang ugali.


"Yah! Im pathetic and this pathetic will kill you soon!" galit kong sagot dito. Nakita ko ang matinding pagkagulat sa mukha nito habang hawak ang nasaktang pisngi. Agad na nag- uunahan ang pagtulo ng luha sa mga nito at nagpapapaawang tumingin kay Christian. Pagkatapos ay muling tumingin sa akin at akmang gaganti sa pagsampal kaya agad ko itong hinawakan sa kayang kamay at itinulak.


Umiiyak itong napasalampak sa sahig.

Galit kong nilingon si Christian na

noon ay naniningkit ang mga matang nakatitig sa akin. Kitang kita ko ang galit sa mga mata nito marahil dahil sa ginawa ko kay Aurea. Pagkatapos ay nakita ko na hiwakan niya sa balikat si Aurea at inalalayan na makatayo. Halos madurog ang puso ko sa nasaksihan na pag-aalala nito sa kanyang fiancee.


"Magsama kayong dalawa!" galit kong wika dito at tuluyan ng tinalikuran. Agad na tumulo ang aking luha habang ang naglalakad palayo sa kanila. Napasulyap pa ako sa mga Villarama at tulala silang nakatingin sa akin. Hindi ko na pinansin at hinanap sa karamihan sila Mommy at Daddy. Nakita ko sa sila sa malayo sa karamihan kaya naman agad ko silang nilapitan


"I ruined the party. I think we need to go home." seryoso kong wika sabay punas ng aking luha. Tinitigan ako ni Daddy tsaka tumango.


Naglakad na kami papunta ng kotse ng humabol si Tito Gabriel. Huminto naman si Daddy sa paglalakad at hinarap ang kaibigan.


"Pasensya na sa nangyari Pare... Mukhang nasira yata namin ang okasyon. Mag-uusap na lang tayo sa susunod na araw. Pagod na ang lahat lalo na ang mga apo natin." wika ni Daddy.


Tumingin muna sa gawi ko si Tito Gabriel bago tumango.


"Pasensya na. Hayaan mo aayusin namin agad ang nangyari ngayung gabi.


sagot ni Tito. Tumango muna si Daddy bago tinapik ang balikat ng kaibigan bago tumalikod. Diretso kaming naglakad papunta ng kotse.


Namayani ang katahimikan sa aming lahat habang bumibyahe kami pabalik ng bahay. Walang sino man ang nangahas ng magsalita. Tulog na ang

triplets pati na din si Jeffrey kaya ipinikit ko na lang ang aking mga mata habang nag-iisip.


Mapakla akong napangiti habang inaalala ang mga nangyari ngayung gabi. Tiyak na masama na naman ang tingin sa akin ng lahat.




CHRISTIAN POV


Pagkatapos kong gisingin si Carmela ay nagulat ako ng pagbalik ko sa table ng aming pamilya ay naabutan ko si Aurea. Kausap nito sila Kurt at Arabella.


Agad akong binati nito ng makita akong parating. Humalik pa ito sa pisgi ko bago ako hinawakan sa kamay at hinila para maupo sa tabi nito.


"Hindi mo man lang nabanggit sa akin ang tungkol dito LOVE. Siguro iniisip mo na hindi ko matanggap ang mga anak mo sa una mong naging karelasyon kaya sinikreto mo ito sa akin. Dont worry willing akong tanggapin sila kahit ilan pa sila dahil mahal na mahal kita." agad na wika ni Aurea ng makaupo kami.


Agad kong napansin ang pagsimangot ng mga kaharap namin at makahulugang tinitigan ako.


"Ginising mo na ba si Carmela? Bakit wala pa siya? Uumpisahan na ang pagpapakilala sa triplets at siya na lang ang hinihitay." tanong ni Arabella.


"Naliligo pa siya. Mukhang napasarap ang tulog niya. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha kanina ng gisingin ko. Sabi ko bilisan niya ang kanyang kilos kaya ayun nagkukumahog na pumasok ng banyo para maligo." Hindi ko mapigilan na mapangiti habang sinasabi ang katagang iyun. Bigla kong nakalimutan na katabi ko si Aurea.


"You know what...parang gusto ko siyang makilala....much better siguro na maging magkaibigan kami for the sake of your baby Love! " nakangiting sabat na naman ni Aurea. Napataas naman ng kanyang kilay si Arabella at agad na kinuha ang baso ng tubig at uminom.


That is not a good idea. Carmela is not a friendly person at baka hindi kayo magkasundo." muling sagot ni Arabella. Parang gusto ko naman matawa.


"Oh really? Imposible naman yata iyun. Baka nga magpapicture pa siya sa akin kapag malaman niyang nandito ang isang Aurea sa party na ito. You know..sikat akong artista at halos lahat nagkakandarapa para lang makakuha ng autograph ko." pagmamalaking sagot ni Aurea.


"Hindi mahilig sa artista iyun. Kung naging baril ka baka bigyan ka pa niya ng pansinin para kilatisin."


Nakangising sagot naman ni Arabella. Hindi ko alam kung nagbibiro ito o ano pero kita ko sa kanyang mga mata na hindi ito masaya sa presensya ni Aurea ngayung gabi.


"What you mean? Kriminal ang ina ng mga anak mo Love?" maarting tanong ni Aurea. Napatakip pa ito sa bibig habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi na ako umimik dahil nakita ko ang paglabas ni Carmela ng mansion kasama ni Miracle. Masayang nagkikwentuhan ang mga ito habang naglalakad kaya hindi ko maiwasan na mapangiti.


Kailangan ko na talagang iwasan si Aurea pagkatapos ng gabing ito. Kakausapin ko ito mamaya pagkatapos ng party na huwag na siyang lumapit pa sa akin dahil walang naghihintay na magandang future sa aming dalawa. Hindi ko ito mahal at hindi ko alam kung saan niya nakuha ang isiping boyfriend nya ako. Balak kong umpisahan na ligawan si Carmela at ayaw kong ito pa ang maging hadlang para hindi kami magkasundo.


Hanggat maari ayaw ko ng magsayang ng oras. Mahal din ako ni Carmela at nonsense lang na patatagalin pa namin ang lahat. Gusto kong makasama na siya sa iisang bubong kasama ang triplets. Gusto ko na siyang pakasalan sa lalong madaling panahon para tuluyan na siyang maging akin.


Maayos na nag-umpisa ang party. Hindi na ako nakalapit pa sa table ng mag-ina ko dahil ayaw kong iwanan si Aurea. Baka mamaya magkalat pa ito at ayaw kong mangyari iyun. Kung alam ko lang na pupunta ito ngayun ng mansion binilinan ko sana ang mga gwardiya na huwag itong papasukin. Pero since nandito na sya..wala na akong nagawa pa kundi pakiharapan ito ng maayos. Ito naman na ang last. Kahit papaano napasaya din naman ako nito noong mga panahon na wala si Carmela


Hindi ko lang makontrol ang sitwasyon ng pagkatapos ng pagpapakilala sa triplets at muling pagbalik ko sa aming table ay biglang tumayo si Aurea. Gusto daw nitong makilala ang mga anak ko na syang labis kong tinutulan.


Alam kong magagalit si Carmela. Alam kong hindi pabor sa kanya na makilala ni Aurea ang mga anak namin kaya sinubukan kong pigilan si Aurea. Kaya lang mukhang matigas din ang ulo ng babae na ito at ayaw papigil. Marami na din itong nainom na alak kaya nagiging makulit na.


Nakita ko ang galit sa mga mata ni Carmela ng makalapit kami dito. Agad nitong pinaalala sa akin ang kanyang kondisyones kahapon na hindi ko pwedeng ipakilala ang mga bata sa girl friend ko. Para sa akin, wala namang problema kung makilala ni aurea ang mga anak ko dahil iiwasan ko naman na ito mula bukas.


Iyun nga lang...matigas ang ulo ni Carmela at mukhang nagalit ito sa hindi ko pagsunod sa simple nitong patakaran na inilatag. Kung anu-ano ng mga masasakit na salita ang lumabas sa bibig nito na syang ikinagalit ko na din. Sinabihan ba naman ako na wala akong kwentang ama at walang isang salita? Shit! Ang sakit noon.


Magwo-walk out na nga at balak kong sundan para makapagpaliwanag pero agad na nagpahabol ng hindi kaaya- ayang salita si Aurea kaya binalikan ito ni Carmela at walang sabi-sabing pinatikim ng malakas na sampal. Aktong gaganti pa ang huli pero nahawakan siya nito sa kamay at itinulak. Bagsak sa lupa si Aurea habang umiiyak. Pagkatapos ay parang walang nangyari na tuluyan ng nag- walk out si Carmela.


"Walang urbanidad! Makikita nya, gagantihan ko siya sa ginawa niya sa akin!" mangiyak-ngiyak ng wika ni Aurea.


"I think we need to talk!" seryoso kong wika dito. Napansin ko ang gulat sa mukha ni Aurea ng direkta kong sabihin ang katagang iyun. Sininyasan ko si Miracle at Arabella na iiwan muna kaming dalawa.


"No need to talk to her. Sinira niya ang lahat at kailangan mo na siyang sipain palabas sa lugar na ito!" Galit na sabat ni Miracle sabay duro kay Aurea. Gulat naman na napatitig si Aurea dito.


Post a Comment

0 Comments

Post a Comment (0)
3/related/default