Chapter 151
CHRISTIAN POV
"Hindi mo naman siya niligawan para umakto siya ng ganyan sa Ina ng mga anak mo diba? Bakit ba hindi mo siya mapigilan na magkalat sa party na ito? Hindi siya imbitado sa lugar na ito kaya wala siyang karapatan na magpakita dito!" galit na kompronta sa akin ni Miracle. Naikuyom ko na lang ang aking kamao dahil sa matinding inis. Alam kong pagkatapos ng gabing ito, pahirapan na naman para muli kong makausap si Carmela.
"Sino ba ang nagsabi sa iyo na welcome ka sa pamilyang ito? Ikaw ang dahilan kaya nasira ang gabing ito kaya umalis ka na at huwag ng bumalik kahit kailan!" singhal ni Miracle kay Aurea. Ito naman ang kanyang pinagbalingan. Wala naman sa akin iyun. Mas mabuti nga na pagsalitaan nya ng ganito si Aurea para malaman nito na ayaw sa kanya ng pamilya ko. Mangiyak-ngiyak naman na napatingin sa akin si Aurea at kita sa mga mata nito na naghahanap ng kakampi sa pamamagitan ko.
"Ano ba Christian! Paaalisin mo ba ang babaeng iyan o ako mismo ang magpapakaladkad sa kanya palabas dito?" galit na muling wika sa akin ni Miracle. Kita ko sa mga mata nito na hindi ito natutuwa sa mga nangyari. Hindi ito ang inaasahan ng pamilya at alam kong lahat sila ay naiinis sa mga nangyari.
"Please Mira..hayaan ko munang makausap si Aurea tungkol dito. Iiwan mo muna kami kahit saglit lang." seryoso kong sagot. Inis itong napabuntong hininga at hinarap si Aurea.
"Gusto kong malaman mo na hindi boto ang buong pamilya namin sa iyo. Hindi porket maayos ang pakikiharap namin sa iyo gusto ka na namin para kay Christian. Isa lang ang babaeng gusto namin para sa kanya..walang iba kundi ang babaeng ginulo mo kanina at Ina ng mga anak ng lalaking kinababaliwan mo ngayun. Kaya kung ako sa iyo lubayan mo ang kapatid ko dahil kong hindi ako mismo ang sisira sa iniingatan mong pangalan." seryosong wika ni Miracle bago tumalikod. Nakita ko kung paano namutla si Aurea sa sinabi ni Mira kaya
naman hinarap ko ito.
"Nakita mo naman siguro ang epekto na ginawa mo ngayun lang Aurea? Alam mo ba kung gaano mo binastos ngayun ang mag-ina ko?" seryoso kong wika kay Aurea.
"Im sorry! Nabigla kasi ako sa nalaman na may anak ka na pala...Christian, hindi mo nabanggit sa akin ang tungkol sa bagay na ito noon. Matagal tayong nagkaroon ng relasyon pero
wala ka man lang nababanggit sa akin na may anak ka na pala sa babaeng iyun.' sagot nito
"Wala tayong relasyon Aurea. Hindi ko alam kung bakit iniisip mo ang pagkakaroon ng relasyon natin gayung hindi ko naman naalala na niligawan kita." asik ko dito. Kitang kita ko ang pamumula ng mukha nito dahil sa pagpahiya. Pagkatapos ay mangiyak- iyak itong tumitig sa akin.
"Mula noon, hangang ngayun, siya lang ang babaeng minahal ko. Wala akong ibang gustong pakasalan kundi siya lang kaya lubayan mo na ako. Walang tayo at kahit kailan hindi kita itinuring bilang girl friend ko." seryoso kong wika.
"Ano ba ang pinagsasabi mo? May nangyari sa atin at sasabhin mo sa akin na wala tayong relasyon? Christian, nagsex na tayo ng makailang ulit. Ano ang tawag mo doon? Ha?" kita ko ang pinaghalong galit at pagkapahiya sa mukha ni Aurea habang sinasabi ang katagang iyun. Napatiim ang bagang ko habang tinitigan ko ito.
"Yes..pero pareho natin ginusto iyun. Nagsex tayo out of love pero huwag mong sabihin sa akin na sa akin mo lang ginagawa iyan Aurea! Akala mo ba hindi ko alam na may iba ka pa? Na marami kami sa buhay mo?" seryoso kong wika dito. Lalo itong namutla. Napangisi ako.
"Seryosohin mo sana ang sinabi kanina ng kapatid ko sa iyo. Pwede ka nyang sirain sa isang iglap kung gustuhin niya. Actually...... kahit ako, pwede kong gawin iyun sa iyo. Pero iniisip ko pa rin na may pinagsamahan din naman tayo kahit papaano." muli kong wika sa seryosong boses. Nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata nito.
"Christian, mahal na mahal kita. Please....ayusin natin ito. Handa kong tanggapin ang mga bata kung iyun ang kailangan..
Patawarin mo ako kung hindi kita pinakinggan kanina.." umiiyak na sagot nito sa akin. Napailing ako.
"Ayaw ko ng babaeng pag-aari ng lahat Aurea. Isa pa hindi kita mahal at hindi nangyaring minahal kita! Tapusin na natin kong ano man ang namagitan sa atin noon." sagot ko dito. Natigilan ito at tinitigan ako ng masama.
"Ganoon lang ba kabilis sa iyo na baliwalain ang lahat ng mga nangyari sa atin? Ako ang kasama mo tuwing nalulungkot ka Christian. Mahal kita at sana naman pahalagahan mo din ang nararamdaman ko sa iyo!" galit na asik nito. Napangisi naman ako.
"Mahal mo ba talaga ako o ginagamit mo lang ako para gawing display sa iyong showbiz career? Aurea...hindi ako tanga...hindi ako tanga para hindi ko makita na ginagamit mo lang ako para lalong bumango ang pangalan mo sa mga directors and producers. Iniisip nila na girl friend ka ng isa sa pinaka- successful na negosyante dito sa Pilipinas kaya ibinibigay nila lahat ng pabor sa iyo." Seryoso kong wika. Muli itong natigilan at napailing.
"Hindi! Hindi totoo iyan! Isa akong magaling na artista at hindi ko ginagamit ang pangalan mo para sumikat ako sa mga mata ng ibang tao.' sagot nito. Napangisi ako.
"Talaga ba? Kung talagang magaling na artista ka, bukas na bukas din tatawagan ko ang mga taong iyun para sabihin sa kanila ang totoo tungkol sa iyo. Tingnan ko lang kung may mga projects pang dadating sa iyo Aurea." wika ko. Nakita ko ang takot sa mga mata pagkatapos kong sabihin ang katagang iyun.
"Alam mo naman siguro ang pwede kong gawin diba? Burahin mo na ako bilang isa sa mga naging koleksyon mo Aurea. Huwag na huwag ka na din magtangka pang lumapit sa mag-ina ko kung ayaw mong ako mismo ang sisira sa iniingatan mong career ngayun.". Nanghihina naman itong napupo sa isang bakanteng upuan habang umiiyak pagkatapos kong sabihin iyun.
"Ito na sana ang huling pagkakataon na magkrus ang ating landas. Alam kong hindi lang ako ang itinuturing mong boy friend. Marami kami at kaya ko silang tawagin isa-isa kong ayaw mo pa akong tantanan........
"Tandaan mo, maling kilos mo lang, masisira ang kinabukasan mo." final kong wika at agad itong iniwan.
Hinagilap ko ng tingin ang mag-ina ko at nagulat ako na wala ito sa paligid. Muli kong binalikan ng tingin si Aurea at nakita ko na kinakusap na ito ni Arabella.
"Dad, nakita mo ba ang mag-ina ko?" agad na tanong ko kay Daddy ng makasalubong ito....
"Umuwi na sila. Masyado sigurong nasaktan sa mga nangyari ngayung gabi." sagot nito habang nakatitig sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao ng maisip ko ang galit sa mukha ni Carmela kanina.
"Inayos mo na ba ang tungkol kay Aurea? Huwag mo ng patagalin na makipagbati muli kay Carmela kung talagang mahal mo siya. Alam mo kung gaano ka-maprensipyo si Carmela at kapag naisip niya ang isang bagay na gawin mahirap na syang pigilan." wika ni Daddy. Natigilan ako. Tinapik nito ang aking balikat bago ako iniwan.
"Iba na talaga ang pogi! Parang asong ulol ang ilang babae sa kakahabol mapansin lamang." narinig kong wika ni Kurt mula sa aking likuran.
"Kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang. Wala ako sa mood para makipag-biruan sa iyo ngayun." seryoso kong sagot. Napataas naman ang kilay nito.
"Bakit ba kasi hindi mo napigilan ang pagpunta ni Aurea dito. Pagdating pa lang sana niya dito kanina sinipa mo na sana siya paalis. Hindi naman kailangan ang presensiya nya sa lugar na ito at bakit ba feel na feel ng babae na iyun na umattend sa isang party na hindi naman sya imbitado." sagot nito. Galit ko itong pinaukol ng titig. Tumawa lang ito bago nagsalita.
"Sa lahat ng Villarama ikaw ang may pinaka-komplekado na lovelife. Ang hina mo kasi eh. Dapat kasi noon mo pa ikinulong sa buhay mo si Carmela. Hindi ka sana aabot sa ganitong scenario." muling wika nito na may halong biro. Yamot naman akong napabuntong hininga at naupo. Sakto naman na may dumaan na waiter sa tapat namin na may dalang alak kaya agad na kumuha ng dalawang baso si Kurt. Ibinigay nito sa akin ang isa.
"Dapat kasi sinunod mo ang payo ko sa iyo noon na kidnapin si Carmela. Dinala mo sa masukal na lugar katulad ng ginawa ko noon kay Arabella. Happy together na sana kayo ngayun. Tingnan mo kami ng Arabella ko? Wala siyang lusot pagkatapos ko siyang tangayin at dalhin sa isla...." pagmamalaki nitong wika. Napapiling na lang ako. Umandar na naman ang kayabangan ni Kurt.
"Dapat kasi ginaya mo na lang ang teknik ko eh. I dont mind naman kung gaya-gaya ka basta ang importante magtagumpay ka diba?" natatawa pa rin na pagpapatuloy nitong wika.
"Will you please shut up? Bakit ba ang daldal mo? Hindi ako makakapag-isip ng maayos dahil sa ingay mo!" asar kong wika dito. Lalo naman itong tumawa.
"Hindi ako nagdadal Bayaw. Nagsasabi lang ako ng mga suggestions. Ang hina mo naman kasi eh!" sagot nito
"Ewan ko sa iyo Kurt! Imbes na makatulong ka sa akin lalo mong pinapasakit ang ulo ko." asar na wika ko dito at agad na umalis. Agad naman ako nitong sinundan.
"Saan ka pupunta?" tanong nito. Binalingan ko ito at tinitigan ng masama
"Saan ba dapat? Isa pa bakit ka ba buntot ng buntot? Umayos ka nga Kurt. Baka ikaw ang mapagbalingan ng init ng ulo ko!." sagot ko. Natawa naman ito at itinaas ang kamay.
"Hey ralax! Sinunod ko lang ang utos ni Arabella my love ko na huwag kang ihiwalay sa paningin ko. Baka daw may gagawin kang masama dahil broken hearted ka ngayun. Sabihin mo sa akin... ano ang plano mo? Dadamayan kita!" sagot nito. Napapailing ako at naglakad papunta sa mga nakahilirang sasakyan. Agad itong sumunod sa akin.
"So Balak mo siyang puntahan ngayun? Ok..samahan na kita! Ako muna ang bodyguard mo ngayun gabi." Muling wika ni Kurt. Hinayaan ko na lang siya. Mas maigi na may kasama ako ngayung gabi dahil baka hindi ko alam kong ano ang magagawa ko kapag mabigo ako sa lakad ko ngayun.
Agad naman namin tinahak ang daan papunta sa bahay nila Tito Jonathan. Umaasa ako na makakausap ko ngayung gabi si Carmela. Alam kong galit ito at balak kong magpaliwanag sa kanya ngayung gabi at suyuin ito.
"Bayaw, sa palagay mo kaya haharapin ka pa ngayun ni Carmela. Alas diyes na ng gabi at isa pa kitang kita ko ang galit kanina sa mukha niya pagkatapos niyang mag walkout. Nakakatakot!" wika ni Kurt. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagdrive. Agad naman kaming nakarating sa bahay nila Carmela.
"Gising pa ba sila Tito Jonathan?" agad na tanong ko sa gwardya ng pagbuksan kami ng gate. Kilala na ako nito kaya agad kaming pinapasok sa loob.
"Opo Sir. Saglit lang po at tatawagin ko. sagot nito. Tanging tango lang ang naging sagot ko dito.
Hindi naman nagtagal ang aming paghihintay. Agad na dumating si Tito Jonathan at nakangiti itong lumapit sa akin. Mukhang hindi naman ito galit dahil sa mga nangyari kanina. Kahit papaano nakahinga ako ng maluwag.
"Tito....pasensya na po sa istorbo.
Gusto ko lang po sanang makausap si Carmela." agad na wika ko dito ng makalapit ito. Agad na sumeryuso ang mukha at tinitigan ako.
"Tapatin mo ako Christian. Ano ang plano mo sa anak ko? Sa mga apo ko?" seryosong tanong ni Tito Jonathan. Natigilan ako.
"Alam mong hindi na iba ang turing ko sa iyo. Mula mga bata pa kayo masyadong closed ang ating mga pami- pamilya. Halos ituring ka na naming anak ganoon din ang mga magulang mo sa anak namin....Kay Carmela....
"Nagulat din ako na nabuntis mo pala siya noon. Hindi ko ma-imagine kong anong hirap ang pinagdaaanan niya ng mga sandaling nag-iisa siya habang pinapalaki ang mga bata......Masakit isipin na kinaya ng nag-iisa kong anak na babae ang hirap habang malayo sa amin.
"Walang ni kahit isa man lang ang tumulong sa kanya sa mga sandaling nag-iisa siya. Gusto kong makabawi sa kanya ngayun...Isang prinsesa ang turing namin kay Carmela bago siya pumasok sa Military......halos ayaw namin sya padapuan ng lamok noon.... pero nabago ang lahat ng nabigo siya sa iyo...sa kagustuhan nyang makalimutan ka nagawa nyang gumawa ng hakbang na taliwas sa kagustuhan namin..." mahabang wika ni Tito Jonathan. Kita ang lungkot sa mga mata nito. Agad naman akong nakaramdam ng konsensya.
Totoo lahat ang sinabi ni Tito. Mag- isang hinarap ni Carmela ang lahat... ipinanganak niya ng triplets na wala ako. Ipinakita niya sa amin kung gaano siya katatag at kung totoosin kaya nyang buhayin mag-isa ang mga anak namin na wala ako at natatakot ako sa isiping muli siyang lalayo sa amin dahil sa mga nangyari ngayung gabi.
Hindi ko na mapapayagan pa ang bagay na iyun kaya ngayun pa lang pipilitin ko ng ayusin ang lahat.
"Im sorry Tito. Hayaan niyo po, pipilitin kong makabawi sa lahat ng sama ng loob na ibinigay ko sa kanyan ngayung gabi. Nahihiya po ako sa mga nangyari....sorry po. Mahal ko si Carmela at kahit ako nakokonsensya sa isiping wala man lang ako sa kanyang tabi noong mga panahon na kailangan nya ako." sagot ko.
"Asahan ko na aayusin mo na ang lahat ng ito Christian. Ikaw ang lalaki kaya ikaw ang dapat na sumuyo sa kanya. Kakaiba ang ugali ni Carmela sa lahat. Alam kong kahit na nasasaktan siya pinipilit pa rin nyang maging okay sa harap ng ibang tao." sagot ni Tito. Napatango ako.
"Pwede ko na po ba siyang makausap Tito? Asahan nyo po....pipilitin ko na bago matapos ang gabing ito,
magkakaayos din kami. Handa ko syang pakasalan bukas mismo, mapatunayan ko man lang sa lahat kung gaano ko siya kamahal." sagot ko.
"Aasahan ko iyan Christian. Noon pa man, malaki na ang tiwala ko sa iyo. Alam kong magkakaayos din kayong dalawa ni Carmela." nakangiti nitong sagot.
"Salamat po. Hindi ko po sisirain ang tiwala niyo sa akin. Noon pa man si Carmela lang ang mahal ko at kahit na anong mangyari siya lang ang kaisa- isang babae ang gusto kong makasama habang buhay," sagot ko.
Chapter 152
CHRISTIAN POV
"Wala siya ngayun dito. Sinundo siya ng kaibigan niya kanina at magbabar- hoping daw sila." sagot ni Tito Jonathan ng muli akong magtanong kong nasaan si Carmela. Wala sa sariling napalunok ako ng aking laway dahil nakaramdam ako ng pag-aalala.
"Mga anong oras po sila umalis Tito?" tanong ko.
"Pagkadating namin kanina dito sa bahay, dumating din ang kaibigan niya. Kasamahan niya dati sa military kaya tiwala ang loob namin na hindi sila mapapahamak." sagot nito.
"Na-nabanggit po ba nila kung sa-ang bar sila pupunta?" tanong ko. Natigilan si Tito.
"Hindi nabanggit pero baka sa malapit lang din dito. Pinayagan na namin si Carmela dahil babae din naman ang kasama niya. Lucy ang pangalan at magkasama daw sila palagi ni Carmela noong nasa campu pa sila." sagot ni Tito.
"Ganoon po ba? Kung ganoon po hindi na kami magtatagal. Susubukan ko po syang hanapin Tito." sagot ko kay Tito. Gulat naman itong tumitig sa akin.
"Sigurado ka ba? Pwede ka naman bumalik dito bukas para makausap siya. Mukhang hindi naman sila magtatagal sa labas dahil pagod na din si Carmela. Hindi lang siguro niya matanggihan ang kaibigan niya kaya sumama siya ng dumating kanina dito.sagot nito.
"Ayos lang po Tito. Susubukan ko lang po." tanging naging sagot ko lang at agad na nagpaalam. Wala naman itong ginawa kundi ang napatango na lang. Alam kasi nitong hindi na ako magpanapigil.
Pagkaalis namin ng bahay diretso kami sa unang bar na aming madadaanan. Wala akong balak na umuwi ngayun ng mansion hanggat hindi ko makikita si Carmela at madala pauwi.
"Sigurado ka ba diyan? Balak mong suyurin lahat ng bar na posibleng pinuntahan nila Carmela at ng kaibigan niya? Nagbibiro ka ba?" agad na apila ni Kurt habang nasa biyahe na ulit kami.
"Sa palagay mo ba makakatulog ako sa isiping ang babaeng mahal ko nasa labas ng ganitong oras ng gabi? Kung ayaw mo akong samahan ayos lang naman. Hindi naman kita pinipilit." tanging sagot ko na lang. Napailing naman ito.
"Hindi naman sa ayaw kitang samahan. Kaya lang anong oras na! Wala ka bang balak pumasok ng opisina bukas?" tanong ni Kurt. Natigilan ako ng maisip ko na
maraming trabaho ang naghihintay sa akin bukas sa opisina.
Gayunpaman, mas importante sa akin ngayun na mahanap si Carmela. Baka mamaya mapaano ito sa labas.
"Wala akong pakialam doon. Makakapaghintay ang trabaho kaya kung ayaw mo akong samahan ayos lang. Pwede ka ng bumaba at mag- commute na lang pauwi sa bahay niyo. sagot ko dito. Agad naman itong umiling.
"Ito naman, ang bilis talaga uminit ng ulo nito. Binibiro lang naman kita." tatawa-tawa nitong sagot.
Napabuntong hininga naman ako at nag-focus na sa pagdadrive.
CARMELA POV
"Aww Shit!!! Sinabi ko naman sa iyo na masyadong makaringking iyang si Aurea. Makati ang babae na iyun at kahit sino pinapatulan." agad na sagot ni Lucy pagkatapos kong ikwento dito ang mga nangyari kanina sa mansion.
Buti na lang hindi na nagising ang triplets pagdating namin ng bahay galing ng party sa mansion ng mga Villarama. Napagod ang mga ito kaya naman binuhat na lang namin paakyat ng kwarto at hinayaan na matulog.
Pagkadating ni Lucy ng bahay kanina ay agad ko itong ipinakilala kina Mommy at Daddy. Nagiging maayos naman ang pagtanggap nila kay Lucy lalo na ng sabihin ko na kasamahan ko ito sa Military. Agad silang pumayag ng sinabi ko na lalabas kami para makapag -usap.
Hindi na ako nagdala ng sasakayan. May kotse si Lucy at ihahatid naman daw niya ako pag-uwi mamaya. Mas ok na din iyun dahil balak kong maglasing ngayun. Ayaw kong humawak ng manibela kapag nakainom ako.
"Ang sakit! Akala ko ready na ako na makita siya na may kasamang ibang babae! Akala ko manhid na ako! Iyun pala halos nadurog ang puso ko ng makita siya na kasama ang Aurea na iyun." sagot ko at agad na tinungga ang alak. Gumuhit sa lalamunan ko ang pinaghalong pait at tamis na lasa nito.
iiling iling naman na tinitigan ako ni Lucy. Pagkatapos ay nagsindi ito ng sigarilyo.
"Gusto mo bang ipatumba na natin ang hitad na iyun?" tanong nito. Hindi ko naman mapigilan ang matawa sa kabila ng sakit na nararamdaman ko.
"Bakit parang mas gigil ka sa babaeng iyun kumpara sa akin? Huwag mong sabihin na hanggang ngayun hindi mo pa rin matanggap na siya ang pinili ni Enrique noon?" Pilit ang pagtawa ko habang sinasabi ang katagang iyun.. Agad na gumuhit sa mukha nito ang sakit ng banggitin ko ang pangalan ni Enrique. Walang duda, mahal pa nga ni Lucy ang ama ng anak nito. Hindi niya lang kayang aminin kahit sa akin na mismong kaibigan nya.
Lintik naman kasi. Bakit iisang babae lang yata ang naging karibal namin ni Lucy sa mga minamahal namin? Gaano ba kalandi ang Aurea na iyun?
"Hay naku! Huwag na natin pag- usapan ang babaeng iyun. Ayaw ko na pati gabi ko masira dahil sa kanya. Maglasing tayo ngayun at mag-enjoy dahil minsan lang ito mangyari sa buhay natin." tumatawa nitong wika at itinaas ang hawak na alak. Tumango naman ako at hinawakan ko na din ang baso na may lamang alak tsaka tinungga ang laman.
"Alam mo. ito iyung matagal ko ng
gustong gawin. Hindi ko man lang ito naranasan noon dahil maaga akong nabigo sa pag-ibig. Kung hindi sana ako na-inlove kay Christian, siguro hindi ko maisip na pumasok sa military." madaldal na wika ko kay Lucy. Marahil sa sobrang pagod pakiramdam ko agad akong tinamaan ng alak. Natigilan ito tsaka ako tinitigan.
"Kaya naman pala napapansin ko na nagiging malungkutin ka sa mga unang buwan natin sa military. Broken hearted ka na pala noon?" wika nito. Tumango ako at muling uminom ng alak. Napansin ko naman na hindi na masyadong umiinom si Lucy at mukhang gusto lang ako nitong samahan na magsimyento.
"Yes....alam mo bang muntik ko ng pikutin si Christian noon? Hindi ko makalimutan ang gabing iyun Lucy... iyun na siguro ang pinakamalaking katangahan na nagawa ko sa tanang buhay ko." natatawa kong wika dito. Pero deep inside, nasasaktan ako sa tuwing maalala ang gabing iyun. Mga masasakit na salitang narinig ko kay Christian na hanggang ngayun nakatatak pa rin sa aking isipan.
Mataman namang nakikinig si Lucy habang kinikwento ko ang bagay na iyun. Matagal na kaming magkaibigan at ang tanging alam lang nito ay si Christian ang ama ng triplets. Hindi ko kinwento dito kung kailan at paano nagsimula ang nararamdaman kong pag-ibig dito. Gusto ko na kasing ibaon lahat sa limot dahil sa tuwing sumasagi sa isip ko ang lahat lalo akong nakakaramdam ng panliliit sa aking sarili. Pakiramdam ko ay isa akong basura ng gabing iyun sa Palawan na tinataboy ni Christian palabas ng kanyang silid.
"Grabe naman pala ang napagdaanan mo Carmila...Ibig mong sabihin hindi ka pa rin naka-moved on sa kanya? Mahal mo pa rin sya?" tanong nito. Agad akong tumango.
"Ang hirap kalabanin ng puso.....gusto ko na siyang kalimutan....." seryoso kong wika. Tinitigan naman ako ni Lucy.
"Bakit hindi mo subukan na ipaglaban siya ulit? Maybe this time...magiging masaya ka na." sagot nito. Pagak naman akong tumawa.
"Malabo na siguro iyun Lucy. Katulad mo, natakot na din ako...lalo na ngayung may iba na sya...Ayaw ko ng umasa." sagot ko sabay tungga ulit ng hawak kong alak. Napapailing naman ito sabay tingin sa suot na relo.
"I think we need to go home na. Mukhang napaparami na ang inom natin at baka ako ang mapagalitan ng mga magulang mo kapag hindi ka na makatayo diyan sa kalasingan." awat ni Lucy sa akin. Agad akong umiling.
"kaya ko pa. Maaga pa para umuwi. Inom pa tayo...bihira lang naman natin ito gagawin kaya ayos lang." natatawa kong sagot dito. Tuluyan na akong kinain ng ispiritu ng alak. Alam kong lasing na ako dahil umiikot na ang aking paningin. Gayunpaman, ayaw ko pang umuwi sa amin.
Gusto ko kasing may mapagsabihan ng sama ng loob ko. Alam kong handang makinig sa akin si Lucy kaya susulitin ko na ang pagkakataon. Pakiramdam ko gumagaan ang kung anong meron na nakadagan sa puso ko habang nagkukwento dito.
"Sigurado ka ba? Pulang pula ka na at malapit ng magsara ang bar." sagot nito. Agad akong umiling at muling tumungga ng alak.
"Kaya ko pa! Huwag kang mag-alala. Teka lang...gagamit lang ako ng restroom. iihi lang ako.." wika ko dito at dahan-dahan na tumayo. Tumayo din naman agad si Lucy at akmang hahawakan ako nito pero pumiksi ako.
"Dont worry Lucy. Hindi pa ako lasing... Kaya ko pa ang sarili ko." tumatawang wika ko dito at pinilit na tumayo ng maayos. Tumango naman ito habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa mukha ko.
"Sure ka ba? Kaya mo pa ba? Pwede kitang samahan sa restroom kung gusto mo?" tanong nito sa akin. Tumawa lang ako sabay iling.
"Dont worry. Kayang kaya ko." ang sarili sagot ko dito at agad na naglakad paalis. Aaminin ko man sa sarili ko o hindi pero alam kong lasing na ako. Umiikot na ang mundo ko at pakiramdam ko may kung anong bagay ang gustong kumawala mula sa tiyan ko. Dali-dali akong naglakad paputa ng
restroom.
Mabuti na lang at walang ibang tao kaya malaya akong nakapag suka sa loob. Pakiramdam ko bigla akong nakaramdam ng panghihina pagkatapos kong dumuwal ng makailang ulit. Mukhang kailangan na nga namin umuwi. Biglang bumigat ang pakiramdam ko at gusto ko ng matulog.
Pagkatapos kong gumamit ng restroom ay dahan-dahan akong lumabas. Akmang babalik na ako sa table namin ni Lucy ng may biglang humawak sa balikat ko.
"Hello Miss Beautiful! Pwede bang makipagkilala sa iyo?" narinig kong wika ng kung sinong pangahas na humawak sa akin. Agad naman akong napapiksi at nilingon ito. Sumalubong sa akin ang isang nakangising lalaki. Agad na nagpanting ang aking tainga at masama itong tinitigan.
"Excuse me? Hindi ko na kailangan ng mga bagong kakilala dahil marami na ako noon." sagot ko dito at akmang aalis na ng muli akong hawakan nito. Muli akong pumiksi para mabitawan ako pero mukhang wala itong balak itong pakawalan ako dahil sa pagkakataon na ito nagiging mahigpit na ang pagkakahawak niya sa akin. Tinitigan ko ito ng masama sabay wika.
"Bitiwan mo ako!! Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko na ayaw kong makipagkilala sa iyo?" tanong ko dito sa galit na boses. Ngumisi naman ito sa akin sabay lapit ng mukha niya sa akin. Hindi na ako nakapagpigil pa at sinampal ko na ito ng ubod lakas. Nakita ko ang galit sa mga mata nito bago nagsalita.
"Abat bastos kang babae ka ah? Hindi mo ba alam kong ano ang pwede kong gawin sa iyo ngayung gabi?" galit na wika nito sa akin sabay hatak sa akin.
Agad naman akong nagpumiglas pero dahil lasing ako hindi naging sapat ang aking lakas para makawala dito. Isa pa nahihilo na din ako dahil sa epekto ng alak.
Hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na nangyari. Nakaramdam ako ng matinding hilo kasabay ng pagkakagulo sa paligid. Naramdaman ko din na nabitawan na ako ng lalaking bastos kaya agad akong napasandal sa isang matigas na bagay. Narinig ko pa ang boses ni Lucy ng tuluyan na akong nawalan ng ulirat.
Nakaramdam ako ng pananakit ng aking ulo habang unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.
Akmang babangon ako ng maramdaman kong may mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan ko kasabay ng mainit na hininga na dumadampi sa leeg ko. Agad na nanlaki ang aking mga mata ng maalala ang mga nangyari kagabi bago nagdilim sa akin ang lahat dahil sa matinding kalasingan.
Agad kong nilingon ang aking katabi habang iniisip ko ang mga nangyari kagabi. Dahil sa sobrang kalasingan hindi ko na naipagtanggol ang sarili ko sa bastos na lalaking iyun. Muling nanlaki ang aking mga mata sa pagkagulat kasabay ng pagkabog ng aking dibdib ng mamukhaan ko kung sino ang katabi ko ngayun. Walang iba kundi si Christian.
Bakit sa dinami-dami ng pwede kong makita ng oras na ito bakit siya pa? Siya ang dahilan kaya naglasing ako kagabi at hindi ko akalain na magigising ako na katabi na siya? Ano ang nangyari at bakit nandito sya at
mukhang masarap ang tulog habang nakayakap sa akin. Napalunok ako ng laway habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig ko dito.
Hindi ko namalayan kong ilang minuto akong tulala na nakatitig sa mukha nito pero namalayan ko na lang na nakadilat na ang mga mata nito at direkta din na nakatitig sa akin habang may naglalarong ngiti sa labi. Agad akong napabangon dahil sa matinding pagkapahiya.
"Mabuti naman at nagising ka din. Alam mo ba kung ano ang ginawa mo kagabi?" tanong nito habang nakahiga pa din.
"BAkit nandito ka? BAkit magkatabi tayo sa kama? Ano ang ginawa mo sa akin?" tanong ko. Ngumisi naman ito at hinila ako para muling mapahiga sa kama. Napatili naman ako at pilit na kumakawala sa pagkakahatak sa akin.
"Ang hirap sa iyo, lalasing-lasing ka kagabi at kapag mabastos ka ng lalaki hindi mo naman kaya ipagtanggol ang sarili mo." gigil na wika nito at malakas akong hinatak para mapahiga ulit sa kama. Wala naman ako nagawa kundi ang muling mapahiga at agad itong dumagan sa akin para hindi na ulit ako makabangon pa. Nakaramdam ako ng pagkailang sa posisyon na meron kami ngayun. Ramdam ko ang bigat ni Chrisitian sa ibabaw ko at alam kong kahit na anong gawin ko wala itong balak na umalis.
"Ano ba? Umalis ka nga diyan. Naiinis na ako ha at wala ako sa mood na makipagtalo sa iyo ngayun." sagot ko dito. Ngumisi naman ito sa akin at tinitigan ako sa mga mata.
"Bakit ba ang taray mo pa rin? Dapat nga magpasalamt ka sa akin dahil iniligtas kita sa nang-bastos sa iyo kagabi." nakangisi nitong sagot. Hindi ako nakaimik. Kung ganoon nandoon din siya sa bar na iyun kagabi? Ang liit talaga ng mundo. Hindi ko man lang napansin ang presensiya niya kagabi.
"Si Aurea ba ang dahilan kaya nagawa mong maglasing kagabi? Buti na lang at mabait ang kaibigan mo at mukhang kilala ako dahil siya pa mismo ang lumapit sa akin kagabi para sabihin sa akin na nasa CR ka daw. Lasing at masama ang loob sa akin." Muling wika nito. Agad na nanlaki ang aking mga mata sa isiping inilaglag ako ni Lucy.
"Nagseselos ka ba kaya ka naglasing? Huwag kang mag-alala. Simula ngayung araw na ito, hindi na makakalapit sa akin si Aurea. Inaway siya ng lahat kagabi sa mansion kaya alam kong takot na iyun na muling lumapit sa akin." seryoso nitong wika habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa mukha ko. Lalo akong nakaramdam
ng pagkailang.
"Umalis ka nga dyan? Bakit ba? Pakialam mo ba sa buhay ko!" kunwari ay reklamo ko dito. Hindi kasi ako makapag-isip kong ano ang isasagot dito. Unti-unti ko kasing nararamdaman ang mainit na katawan ni Christian sa ibabaw ko. Natigilan ito at mataman akong tinitigan. Pagkatapos ay hinaplos nito ang noo ko pababa sa aking mukha. Napakagat ako sa aking labi para pigilan ko ang mapasinghap dahil sa ginawa nito.
"Alam mo ba kung ano ang gusto kong gawin ngayun sa iyo? Alam mo bang kagabi pa kita gustong angkinin?"
tanong nito sa paos na boses. Napalunok ako ng sarili kong laway dahil sa kaba na nararamdaman. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kiliti sa puso ko ng sabihin niya ang katagang iyun.
"maraming bar din ang pinasok namin
kagabi mahanap ka lang. Bakit ba napakatigas ng ulo mo? Hindi mo ba alam kung gaano napaka-delikado na pumunta ng bar ang isang katulad mo? tanong nito habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin. Amoy na amoy ko na ang kanyang hininga dahil sobrang lapit na ng mukha niya sa akin kaya muli akong napalunok ng aking laway. Hindi na din ako makapag-isip pa ng matino. Hindi na din ako makapag-focus sa gusto kong ipaglaban.
Sino ba kasi ang makapag-focus sa sitwasyon kong ito? Nakadagan siya sa akin habang kinakausap ako at naramdaman ko ang pagkabuhay ng kanyang pagkalalaki na tumatama sa aking hita.
Chapter 153 (WARNING: SPG)
CARMELA POV
Kusang pumikit ang aking mga mata ng lumapat ang labi ni Christian sa labi ko. Biglang nawala ang agam-agam sa aking puso ng maramdaman ko ang mainit nitong halik. Kusang umangat ang aking braso at iniyakap sa kanyang katawan na nakadagan sa akin.
Para kaming uhaw sa isat isa na patuloy na magkalapat ang aming labi. Parang sinusulit namin ang mga panahon na nawalay kami sa isat isa. Lahat ng sakit ng damdamin ay bigla kong nakalimutan ng mag umpisa ng maglumikot ang dalawang palad ni Christian sa aking katawan.
Hindi ko alam kong ilang minuto ng magkalapat ang aming labi pero ng pinaghiwalay niya ito ay parehong habol ang aming hininga habang nakatitig sa isat isa. Nakita ko sa mga mata ni Christian ang kakaibang damdamin na siyang lalong ngpalakas ng nagpatibok ng puso ko. Mga titig na puno ng pagmamahal at pagnanasa.
Napalunok pa ako ng aking laway ng matamis itong ngumiti sa akin. Pakiramdam ko biglang tumigil ang oras at parang ayaw ko ng matapos ang mga sandali na kasama siya.
"I love you Carmela! Sorry for everything!" puno ng pagmamahal na wika nito sa akin. Para itong isang mainit na bagay na biglang humaplos sa puso ko. Biglang gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ko habang nakatitig kay Christian.
"I love you too, Christian...Im sorry sa lahat ng pagbabaliwala ko sa iyo noon. Sorry kong nagiging matigas ang ulo ko. "sagot ko dito at hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Matamis itong ngumiti at muling pinaglapat ang aming mga labi. Walang kasingtamis na halik ang muli naming pinagsaluhan habang patuloy akong lumuluha.
Luha na puno ng kaligayahan. Hindi ko na dapat pang pahirapan ang aming mga sarili. Hindi na dapat akong magpakipot pa. Sa mga sandaling ito, bigla kong naisip na ipaglaban na siya. Simula ng araw na ito magiging makasarili na ako at pilitin kong maging akin si Christian. Hindi ko na hahayaan pa na may ibang babae na papasok sa buhay nito dahil pakiramdam ko mababaliw ako kapag makita kong may iba itong kasama.
Ipaglalaban ko na siya kahit kanino.ipapakita ko sa lahat kung gaano ko siya kamahal. Tama na ang ilang taon na pagtikis ko dito.
Nagiging mapusok ang sumunod na sandali sa aming dalawa. Lalong naging mapaghanap ang halik na iginagawad sa akin ni Christian at masaya naman akong tumutugon sa init ng pagmamahal nito sa akin. Alam kong ito ang umpisa ng aming masayang pagsasama. Ipapakita ko sa lahat kung paano magmahal ang isang Carmela Gonzales.
Napaigtad pa ako ng naramdaman ko na lumapat ang mainit na palad ni Chrisitian isang bahagi ng dibdib ko. Inihaplos niya ito at wari ay sinusukat nito ang size ng aking bundok. Kusang lumabas ang mahinang ungol sa aking bibig ng lapirutin nito ang aking pasas n pink.
Patuloy ito sa paghalik sa aking leeg. Ilang sandali pa ay muli akong tinitigan sa mga mata at umalis sa aking ibabaw. Itinaas nito ang aking suot na blouse at tuluyan ng hinubad.. Agad na tumampad dito ang dalawa kong matayog na bundok. Nakita ko na
napalunok ito ng makailang ulit bago niya hinawakan ng dalawa niyang kamay. Pinipisil at dinadama niya ito.
Napapikit naman ako sa init na biglang lumukob sa pagkatao ko lalo na ng maramdaman ko ang mahina nitong paglamas doon.
"Your so beautiful Carmela! Nakakabaliw ka! I love you! Hindi ko na kayang magpigil pa. Gusto kitang angkinin ngayung gabi." malambing na wika nito sa akin at naramdaman ko ang mainit nitong bibig na biglang lumapat sa pasas kong pink. Napaarko pa ang katawan ko ng maramdaman ko ang pagdila at pagsisip niya sa pasas na pink ko na parang sanggol habang ang isang kamay nito ay patuloy na minamasahe ang kabila kong bundok.
Hindi ko alam, pero muling nagbalik sa alaala ko ang nangyari sa amin ni Christian noon sa Condo. Ang mga sandaling nabuo namin ang triplets.
Ganitong-ganito iyun at agad akong nakaramdam ng excitement sa isiping pagkatapos ng anim na taon, muli ko na naman madama ang init ng pagmamahal ni Christian sa akin.
Ipokrita ako kung sasabihin ko na hindi hinahanap ng katawan ko ang mga sandaling iyun. Sinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ko inaasam na muling mangyari sa amin ang nangyari ng gabing iyun.
"Ahhh Christian!" hindi ko napigilan na sambit sa pangalan nito. Parang wala naman itong narinig at parang uhaw na sanggol na pinagsasalitan sa pagdede ang aking magkabilaang pasas. Gigil na gigil ito at halos tumirik naman ang aking mga mata sa matinding kiliti na nararamdaman lalo na ng muli kong maramdaman ang mga kamay nito na humahaplos papunta sa aking legs.
Sandali akong natigilan ng
maramdaman ko na tanging panty lang ang suot ko sa pang-ibabang parte ng aking katawan. Hindi ko man lang napansin kanina pagkagising ko dahil nagiging abala ako sa kakatitig sa natutulog na si Christian kanina. Kung ganoon kagabi niya pa nahubad ang suot kong pantalon?
Lalong lumukob ang init sa buo kong pagkatao ng maramdaman ko ang mainit nitong palad na humahaplos sa labas ng aking panty. Kusang naghiwalay ang aking legs na maramdaman kong sumuksok ang palad ni Christian paloob ng panty ko at kinapa ang namamasa ko ng hiyas. Napaungol muli ako ng kalabitin nito ang aking perlas.
"Your wet Carmela. I want to taste your juice." malambing nitong wika sa akin at pinagtuunan ang pang-ibabang parte na aking katawan, Tuluyan na nitong iniwan ang aking nipple at dahan dahan na ibinaba ang suot kong panty. Kusang umangat ang puwet ko para tuluyan nya na itong mahubad at maisakatuparan ang gusto niyang gawin sa akin.
Nakaramdam ako ng hiya ng lalong pinaghiwalay ni Christian ang aking legs at tinitigan nya ang nakatago kong hiyas sa pagitang ng aking hita. Buti na lang at ugali kong mag-ahit kaya naman alam kong kitang kita nya ang hitsura ng aking hiyas.
"Teka lang. Bakit kailangan mo pang tingnan ng ganyan. Nakakahiya!" hindi ko mapigilan na wika dito. Wari ay wala itong narinig at nakita ko na lang na isinubsob nito ang kanyang mukha at naramdaman ko ang mainit nitong dila na hinahagot ang aking hiyas. Napahiyaw naman ako sa matinding gulat at sarap na nararamdaman.
"Gosh ano iyan! Teka lang..hindi pa ako nakapaghugas " reklamo ko
habang habol ang aking hininga. Paano ba naman bigla nitong nilaro ang aking perlas na siyang halos nagpatirik ng aking mga mata.
Hindi pa ito na kontento at pinatigas pa nito ang dila at pilit na sumisiksik patungo sa aking butas. Hindi ko naman alam kong saan ihahawak ang aking mga kamay dahil sa matinding sarap na nararamdaman..
"Christian, saglit lang naiihi ako!" wika ko dito habang habol ang hininga. Pakiramdam ko kasi may kung anong bagay ang biglang namuo sa puson ko at ano mang sandali ay lalabas na ito.
"I dont mind! Ilabas mo lang iyan...I love to taste your juice Carmela!" wika nito sa kabila ng pagiging abala nito. Hindi na ako nakatiis pa at ilang sandali lang ay may mainit na katas na biglang lumabas aking pagkababae. Kasabay ang pagtirik ng aking mga mata ang pagkaramdam ko ng panghihina. Pakiramdam ko nanginginig ang tuhod ko sa matinding pagod na nararamdaman.
Ilang sandali ko din ipinikit ang aking mga mata para makabawi ng lakas. Mabuti na lang at tinigilan na ni Christian ang kakasipsip sa aking pagkababae dahil pakiramdam ko malapit na akong panawan ng ulirat sa kakaibang sarap na nararamdaman.
Wala sa sariling muli kong iminulat ang aking mga mata at nagulat ako ng makita ko ang hubot hubad na si Christian na nakatitig sa aking hubad na katawan. Lahat ng sulok ng katawan ko ay nahawakan na nito kaya naman hindi na dapat ako mahiya. Dumako ang aking mga mata sa naghuhumindig nitong sandata sa pagitan ng kanyang hita at napalunok ako ng makailang ulit ng masilayan ko kung gaano ito kalaki.
Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa marahil sa nakitang reaksiyon ko bago muling sumampa sa kama at tumabi sa akin.
"Relax ka lang.....itong sandata ko lang yata ang nagbibigay ng takot sa iyo eh. Akala ko ba matapang ka? Ang galing mo raw humawak ng baril tapos sa sandata ko takot ka." panunudyong wika nito sabay hawak sa aking kamay para dalhin sa kanyang naghuhumindig na pagkalalaki.
"Teka lang...ganyan ba talaga kalaki iyan? Kakasya ba iyan sa akin?" tanong ko. Muli itong natawa.
"Of course....paano nabuo ang triplets kong hindi ito nagkasya sa iyo noon." sagot nito at tuluyan ng lumapat ang palad ko sa kanyang sandata nito. Napalunok ako ng maramdaman ko kung gaano ito katigas.
"Hawakan mo.......laruin mo Carmela.. hindi iyan manunuklaw." anas nito sa akin at muling lumapat ang labi nito sa labi ko. Muli kong ipinikit ang aking mga mata habang itinataas at ibinababa ko ang aking mga kamay sa kargada nito. Narinig ko naman ang mahinang ungol ni Christian na wari ay nasisiyahan ito sa aking ginawa kaya lalo kong pinag-igihan.
"Shit ang init ng palad mo Carmela!" Anas nito sa akin. Lalo naman akong ginanahan at hinayaan ko siyang halikan ako sa buo kong mukha papunta sa aking leeg.
"Hindi ko na kaya...." wika nito sa akin at agad na pumaibabaw sa akin.
Nabitiwan ko ang sandata nito at agad na tumama ang pakalalaki nito sa kabila kong hita.
Tinitigan niya ako sa aking mga mata at pinaghiwalay ang hita ko para maipwesto niya ang sarili na makapasok. Lumunok muna ako ng ilang beses para ihanda ang aking sarili.
Alam kong hindi normal ang sukat ni Christian. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan na pumasok ito sa akin noon six years ago. Kinakabahan pa ako na maalala ko kung gaano kasakit ang una nitong pagpasok sa akin. Pero ilang beses ba may nangyari sa amin ng gabing iyun? Hindi ko na mabilang kaya nga agad na nabuo ang triplets.
Napapikit ako ng maramdaman ko na ikiniskis nito ang kanyang pagkalalaki sa bukana ng aking pagkababae. Basang -basa na ako sa bahaging iyun at pinilit kong ihanda ang aking sarili sa muling pagpasok nito.
"Shit! Ang sakit pa rin!" Hiyaw ko kay Christian ng sunod-sunod itong umulos sa ibabaw ko. Pumasok naman agad sa loob dahil sa gigil nitong pag- ulos sa akin kaya lang parang pinaghiwalay ang hita ko sa hapdi. Normal lang siguro ito dahil ito ang kauna-unahang pagpasok nito sa akin pagkatapos ng anim na taon. Hindi din naman ako nakipagtalik kahit kanino kaya naman alam kong sobrang sikip ng aking lagusan.
Natigilan naman si Christian ng marinig nya ang bagay na iyun sa labi ko. Nakita ko ang ngiti na gumuhit sa labi nito habang nakatitig sa mukha ko.
"Sorry dapat pala dinahan-dahan ko muna." wika nito at pansamantalang huminto sa pagalaw sa ibabaw ko. Hinihintay marahil nito na makapag- adjust ako sa laki nito at pinaghahalikan ako sa buo kong mukha. Muli akong napapikit ng haplosin muli ng palad nito ang aking bundok kasabay ng pagsipsip sa bibig ko.
Hindi ko na namalayan pa ang ilang sandali. Naramdaman ko na lang na kusang gumalaw ang aking balakang upang salubungin ang mabagal na ulos na ginagawa ni Christian sa akin.
Nang mapansin ni Christian na nasanay na ako sa laki nito ay buong gigil siyang nagtaas baba sa ibabaw ko. Kitang kita ko ang matinding pagnanasa sa mukha nito habang buong pagmamahal na nakatitig sa akin. Napapahiyaw naman ako sa hindi maipaliwanag na sarap ng nararamdaman.
Pakiramdam ko punong puno ang aking pagkababae. Ramdam na ramdam ko kung gaano siya katigas at kagigil sa akin. Hindi na namin naramdaman pa ang lamig ng kwarto. Pareho kaming init na init katunayan lang na parehong tumatagaktak ang aming pawis sa walang habas na pagbayo ni Christian sa akin. Tanging ungol lang namin ang maririnig sa buong sulok ng kwarto.
"Oh Shit! Carmela..your so tight!" bulong nito sa akin. Tanging ungol lang ang naging sagot ko.
"Christian...ayan na naman..may lalabas na naman.." wika ko dito. Hinalikan ako nito sa labi bago sumagot.
"Sabay tayo..malapit na din ako." wika nito at lalong binilisan ang paglabas pasok sa akin. Hindi ako sumagot at naramdaman ko ang mainit na katas na lumabas sa akin kasabay ng katas na mula kay Christian na dumilig patungo sa aking sinapupunan. Parehong nanginig ang aming mga katawan habang ninanamnam ang tagumpay ng unang pagniniig. Habol ang aming hininga ng sumubsob sa leeg ko si Christian habang nakapikit ang aming mga mata.
"Nanatili kami sa ganoong posisyon ng halos ilang minuto. Walang sino man ang nangahas na magasalita sa amin. Wari ay ninanamnam namin ang presensya ng bawat isa. Naramdaman ko pa ang pagpintig ng pagkalalaki nito na nasa loob ko.
"Thank you!" wika nito sa akin at hinalikan pa ako sa noo pagkatapos ay umalis na sa aking ibabaw. Ibinagsak nito ang hapo nitong katawan sa tabi ko kasabay ng paghila ng comforter upang itakip sa hubad naming katawan. Agad naman akong sumisiksik dito upang madama ang init ng katawan nito sa ilalim ng comforter.
"For what?" tanong ko dito. Tinunghayan ako nito at tumitig sa aking mga mata.
"Sa muling pagtitiwala. Thank you, dahil alam kong nanatili kang tapat sa akin sa kabila ng ilang taon na hindi tayo magkasama." sagot nito na may masayang ngiti sa labi. Hindi ko naman ma gets kong ano ang ibig sabihin nito kaya tinitigan ko ito.
"Paano mo nasabi?" tanong ko na may halong biro. Tumawa ito at pinindot ako sa ilong bago sumagot.
"I have my way Darling..." sagot nito. Agad naman akong kinilig sa endearment na tawag nito sa akin. Darling daw? Grabe........
Iniyakap ko ang braso ko dito. Umayos naman ito ng higa at inuunat ang kanyang braso para pahigain ako sa kanyang balikat. Pagkatapos ay buong pagmamahal na niyakap ako nito.
Chapter 154
CHRISTIAN POV
Hindi ako makapaniwala habang tinititigan ko ang tulog na mukha ni Carmela dito sa tabi ko. Kakatapos lang ng mainit na sandali sa aming dalawa. Mahigpit itong nakayakap sa akin habang nakaunan ito sa braso ko. Napangiti ako at wala sa sariling hinaplos ko ang maamo nitong mukha.
Hindi maikakaila sa sarili na mahal ko talaga ito. Buti na lang nahanap ko ito sa bar kagabi bago ito mabastos ng lalaking iyun. Well, kahit naman hindi ako dumating, alam kong kaya siyang ipagtanggol ng kasama nya. Nagulat pa ako dahil kilala ako nito at agad nyang ipinagkatiwala sa akin si Carmela.
Sinabi pa nito na ako daw ang dahilan kaya ito naglasing bago umalis. Napag- alaman ko na matagal na pala silang magkasama at talagang niyaya siya ni Carmela na uminom kagabi dahil nasaktan daw ito ng makita na kasama ko si Aurea sa party.
"I love you!" Naibulong ko dito. Alam kong hindi nya ako naririnig dahil mahimbing ang tulog nito pero gusto ko itong sabihin sa kanya palagi para maramdaman niya kung gaano siya kahalaga sa buhay ko. Hindi na ako papayag na muli itong lumayo sa akin. Gagamitin ko ang mga nalalaman kong paraan para manatili lang siya sa aking piling.
Wala sa sariling napatitig ako sa orasan. Hindi maiwasan na mapailing ng mapansin na halos lunch time na pala. Alam kong gutom na si Carmela kaya naman dahan-dahan kong inangat ang ulo nito papuntang unan. Hanggat maari ayaw kong maisturbo ang tulog nito kaya naman dahan- dahan akong bumaba ng kama.
Agad akong dumiretso ng banyo para makapag-toothbrush at maghilamos. Kukuha lang ako ng makakain namin sa ibaba para makakain agad ito kapag magising. Wala akong balak na hayaan itong lumabas ng kwarto ngayung araw. Natawagan ko naman na sila Tito Jonathan kagabi at alam nitong kasama ako ng anak nila.
Pagkabihis ko ay dali-dali akong lumabas ng kwarto. Diretso akong naglakad papunta ng kusina at naabutan ko ang buo kong pamilya sa dinning area. Maraming pagkain ang nasa mesa at hindi ko alam kong ano ang okasyon.
"Ohhh Wow! nandito na pala ang honeymooners!" agad na wika ni Kurt. Hindi ko alam kong bakit nandito ito ngayun. Ang alam ko umuwi ito kagabi sa kanilang bahay. Isa pa may pasok ito sa opisina.
"Ulol!" tanging sagot ko lang at
nagsalin na kape sa baso. Napansin kong nakangiting nakatitig sa akin ang buo kong pamilya kaya naman hindi ko maiwasan na mapailing.
"What?" tanong ko. Tumawa ang lahat at umiling. Kunwari ay itinoon nila ang pansin sa pagkain.
"Iba na talaga ang in-love. Ibang-ibang na ang awra mo ngayun ah? Mukha kang puyat pero nagniningning ang mga mata mo sa kaligayahan." may halong panunudyo na sagot ni Mira. Alam nilang lahat na kasama ko sa kwarto si Carmela kaya siguro nasabi niya ang bagay na iyun.
"Bakit? Kayo lang ba ang may karapatan na maging masaya?" ngisi kong sagot dito.
"Sigurado akong triplets na naman ang mabubuo mo ngayun. Grabe...nasaan ba si Carmela? Dapat sinama mo siya dito para makakain na." sabat naman ni
Arabella. Tinitigan ko ito bago sumagot.
"Tulog pa siya." sagot ko at kumuha na ng pinggan. Sininyasan ko ang katulong na kumuha ng tray dahil paglagyan ko ng pagkain pabalik ng kwarto. Wala talaga akong balak na palabasin si Carmela ng kwarto ko dahil aasarin lang siya ng mga kapatid ko. Hindi ko alam kung anong meron at napasugod ang mga ito ng ganitong araw. Linggo ang family day ng mga Villarama liban na lang kung may mahalagang okasyon. Sa natatandaan ko wednesday ngayun at hindi ko alam kung bakit parang kumpleto kami.
"Anong meron? Bakit nandito kayo?" tanong ko habang naglalagay ng pagkain sa pinggan. Pinapanood nila ang ginagawa ko habang may naglalarong ngiti sa labi.
"Syempre....alangan naman absent kami sa mahalagang okasyon ng buhay mo. Hindi mo ba alam na ngayun ang araw ng kasal mo? Sa Judge na nga lang muna dahil mahabang proseso pa ang gagawin kapag sa simbahan pa."
madaldal na wika ni Miracle. Agad naman akong napatingin kila Mommy at Daddy. Nakita kong nakangiti sila sa akin kaya napangiti na din ako.
"Hindi na namin hihintayin pa na may mabuo muling triplets bago kayo magpakasal. Nakakahiya na kina Roxie kung hindi mo agad pakakasalan si Carmela ngayung araw. Nauna na naman ang honeymoon mo at ayaw namin na maulit muli ang mga nangyari noon." sagot ni Mommy. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko sa kaalaman na balak nilang ipakasal agad kaming dalawa ni Carmela. Sa kaloob-looban ng puso ko masaya ako. Sila na mismo ang gumawa ng hakbang para magiging masaya kami ni Carmela.
"Gisingin mo na siya at ipapadala ko na sa kasambahay natin ang isusuot niyang damit Christian. Alam kong ito ang matagal mo ng gusto na mangyari. Kami na gumawa ng paraan para naman tuluyan ng matali sa iyo ang babaeng mahal mo. Sawa na ako sa kakatitig sa malungkot mong mga mata." sabat naman ni Daddy. Muling sumilay ang ngiti sa labi ko na hindi nakaligtas sa kanilang paningin. Agad na tumayo si Kurt at kinamayan ako.
"Congratulations Bayaw! Ano mang oras tuluyan ng matali sa iyo si Carmela." nakangiti nitong wika. Sumunod naman na tumayo si Ninong Roldan tsaka kinamayan din ako. Nagpasalamat ako tsaka nagmamadali kong binitbit ang tray na may laman ng pagkain. Akmang aalis na ako ng biglang nagsalita si Mira.
"Akala ko ba bawal magdala ng foods sa kwarto? Hindi bat iyan ang rules ng mansion na ito?" angal ni Miracle habang nakatitig sa hawak kong pagkain. Tiningnan ko ito ng masama.
"Exempted muna si Christian ngayung araw. Total naman araw niya ngayun kaya suportahan na lang natin siya." sabat ni Grandpapa. Nakangiti naman akong tumingin dito bilang tanda ng pasasalamat.
"Bilisan niyo na Christian. Gisingin mo na si Carmela dahil ano mang oras darating na ang kanyang mga magulang at ang judge na magkakasal sa inyo. After ng ceremony mamaya isusunod natin na pag-usapan ang kasal niyo sa simbahan." wika ni Mommy. Tumango ako at nagmamadali ng tumalikod sa kanila. Narinig ko pa ang kantiyaw ni Kurt pero hindi ko na lang pinanansin.
Pagkapasok ko ng kwarto ay nakita ko na nakaupo na ng kama si Carmela. Nakatakip pa rin sa katawan nito ang comforter kaya alam kong kakagising
niya lang. Agad na lumingon ito pagkapasok ko at nagtama ang aming paningin. Agad na sumilay ang ngiti sa labi ko habang inilalapag ang pagkain sa gilid ng kama at lumapit dito.
"Kanina ka pa ba nagising?" tanong ko dito at agad na ginawaran ng halik sa labi. Natigilan ito bago tumango.
"Nasaan tayo?" tanong nito at iginala ang tingin sa buong paligid ng aking kwarto. Alam kong hindi familiar sa kanya ang silid ko dahil noon pa man hindi siya nakakapasok dito. Although lagi siya noon dito sa mansion pero never akong nagpapapasok ng kahit sino sa loob ng kwarto ko. Tanging ang pamilya ko lang ang pwedeng pumasok pati ang ilang katulong para maglinis.
"Nandito ka sa kwarto ko. Sa mansion. "kaswal kong sagot pagkatapos ay inabot dito ang isang baso ng tubig. Inabot naman niya agad iyun at parang uhaw na uhaw na ininom. Napangiti
ako. Mukhag tama ang hula ko. Gutom na siya at marahil ay nahihiya lang na sabihin sa akin.
"Gusto mo bang gumamit muna ng banyo bago kumain?" tanong ko dito. Agad itong tumango kaya naman hinawakan ko ito sa kamay para tulungan makababa ng kama. Nagtaka pa ako ng makita kong hindi ito gumagalaw at mukhang wala itong balak na bumaba ng kama.
"Pwede bang tumalikod ka muna? Hubot hubad ako eh." wika nito na may halong hiya sa boses. Natigilan akong napatitig dito. Ibang Carmela ang nakikita ko ngayun. Wala sa mukha nito ang ma-prinsipyong Carmela at handang sumuway sa gusto kong sabihin. Ibang iba siya at nakikita ko sa kanya ngayun ang isang nahihiyang
Carmela habang nakayuko. Tumawa ako ng malakas at hinaplos ang kanyang mukha.
"Ngayun ka pa ba mahihiya sa akin? Ilang beses ko ng nakita iyan at n***** **n pa nga." sagot ko na may panunudyo sa boses. Napansin ko ang pamumula ng mukha tanda ng hiya. Lalo akong natawa. Naalala ko ang dating Carmela na nakayuko tuwing nakakasalubong ko noon. Isang Carmela na hindi makabasag pinggan. "
Sige na please. Na-si CR na ako." angal nito sa akin na may halong lambing ang boses. Tumawa ako at tumalikod na lang sa gawi niya. Naramdaman ko ang pagbaba nito sa kama at ang dahan-dahan na yabag ng lakad nito papunta ng banyo. Nakaisip ako ng kapilyuhan at agad na humarap dito at nakita ko ang hubad na katawan nito habang paika-ika na naglalakad.
"Ano ba sabi ko sa iyo tumalikod ka muna eh." wika nito at hindi malaman kung paano tatakpan ang hubad na katawan. Tumawa lang ako sa lumapit dito.
"Nakita ko na iyan. Wala ka ng dapat na ikahiya." nakangiti kong sagot at agad itong binuhat. Tili na lang ang naging sagot nito ng iangat ko sa iri kasabay na paglakad ko papunta ng banyo. Dahan-dahan ko siyang ibinaba ng makapasok na kami at tinitigan ang hubad nitong katawan. Hindi ko alam pero biglang nabuhay ang aking pagkalalaki habang nakatitig dito. Napalunok pa ako ng makailang ulit bago dahan-dahan na bumaba ang aking mukha patungo sa labi nito..
"Teka lang.. bad breath na ako. Magto- tooth brush muna ako." narinig ko pang angal nito na tuluyan ng lumapat ang labi ko sa labi niya. Agad naman itong nanguyapit sa akin na lalong nagpasidhi ng nararamdaman kong pagnanasa.
Agad na naglakbay ang aking mga kamay sa ibat ibang parte ng katawan nito. Para akong sinisilaban sa sobrang
init na nararamdaman.
"Mamaya na tayo maliligo. Let me taste you first." wika ko dito ng pansamantala kong iniwan ang labi nito. Hindi naman na ito sumagot habang mahigpit na nakakapit sa akin. Iniwan ko na ng tuluyan ang labi nito at bumaba ang aking halik papunta sa magkabilaan nitong pasas. Buong gigil kong s******p iyun na siyang naging dahilan ng pagpakawala nito ng malakas na ungol. Alam kong ito ang kahinaan ni Carmela. Nararamdaman ko kasi na tuwing s********p ko ang parteng iyun ay parang nawawala ito sa kanyang sarili kaya nag-concentrate ako sa parteng iyun bago ko siya inalalayan na maupo sa may lababo.
"Wait lang..pwede ba dito iyang iniisip mo?" tanong nito habang nakatitig sa akin ng unti-unti kong hinuhubad ang saplot ko sa katawan.
"Lets try! Kahit saan pwede!" sagot ko.
Nakita ko ang paglunok nito ng makailang ulit ng tumampad sa kanyang mga mata ang wala ng saplot na pagkalalaki ko.
"Pero..." naputol pa ang iba nitong sasabihin ng muli ko itong hagkan sa labi. Baka hahaba pa ang pag-uusap. Kailangan namin bilisan dahil ano mang sandali dadating na ang judge na magkakasal sa amin. Isa pa kailangan na naming kumain dahil nakakaramdam na din ako ng gutom. Pero sa ngayun, siya muna ang kakainin ko.
Muli ko siyang binuhat pababa ng lababo. Hindi ko na kaya pang magtiis. Gusto ko na muling ipasok ang sandata ko sa masikip niyang lagusan.
Pinatalikod ko siya habang mariin na nakahawak ang kanyang kamay sa lababo ng Cr. Pinaghiwalay ko ang kanyang hita habang naka-bend sya ng kaunti at dahan dahan kong ipinasok ang nanggagalit ko ng sandata sa kanya. Pareho kaming napaungol at hinawakan ko siya sa baywang habang patuloy ang pag-atras abante ko sa kanya mula sa likuran.
"Ohhhh Carmela....ang sikip mo talaga! " wika ko habang buong gigil ko siyang binabayo mula sa kanyang likuran. Damang-dama ko ang init ng kanyang lagusan na siyang nagbibigay sa akin ng masidhing libog at lalong nagpasiklab sa aking pagnanasa.
"Christian..Gosh, ang sarap! Punong puno ako!" wika nito na sa kabila ng pag-ungol. Lalo naman akong ginanahan sa aking ginawa. Sa wakas nandito na ang mahal ko at pwede na namin itong gawin ano mang oras namin gustuhin.
Masarap makipagtalik kapag ang babaeng kanilig mo ay mahal na mahal mo.
"Right! I love you Carmela...I love you so much!" wika ko sa kabila ng malakas na pag-ulos. Ano mang sandali ay lalabasan na ako dahil sa sobrang init ng pagkababae nito na lumulukob sa aking sandata.
"Christian,, ayan na naman...lalabas na! sigaw nito sa kabila ng malakas na salpukan ng aming katawan. Buong gigil pa akong kumadyot bago ko naramdmaman ang pagbulwak ng aming pinaghalong katas sa loob ng sinapupunan nito. Tagaktak pareho ang aming pawis ng maghiwalay kami kaya naman agad kong hinagilap ang tuwalya para punasan ang pawis na tumutulo sa noo ni Carmela.
"Grabe ka...sobrang libog mo!" Wika pa nito sa kabila ng lahat. Natawa naman ako at niyakap ko ito.
"Ako lang ba? Ikaw din naman ah?" sagot ko. Tumawa ito at pinindot ako sa ilong.
Napuno muna ng tawanan ang buong bahagi ng banyo bago kami sabay na naligo. Pakiramdam ko ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundo. Sa wakas.....ano mang oras mula ngayun matatali na sa pangalan ko ang babaeng pinakamamahal ko.
Chapter 155
CHRISTIAN POV
Inabot din kami ng ilang oras ni Carmela sa loob ng banyo bago matapos maligo. Biglang nakalimutan namin ang gutom dahil sa pagiging mapusok namin sa isat isa. Nawala din sa isip ko na hinihintay pala kami sa living room ng aming pamilya.
Hindi ko maiwasan na mapangiti habang pinagsaluhan namin ang pagkain na dala ko kanina. Pareho kaming nakasuot ng roba at nakakaramdam na naman ako ng pag- iinit ng makita ko ang makinis nitong legs. Paano ba naman bahagyang lumihis ang laylayan ng roba at kita ko ang makinis nitong hita kaya hindi ko maiwasan na mapalunok.
"Siya nga pala? Anong lugar ito? Bakit mukhang nandito lahat ng gamit mo?
Nandito ba tayo sa isa sa mga condo mo?" tanong nito sa akin. Hindi ko naman maiwasan na matawa bago sumagot.
'Nandito tayo sa mansion. Lasing na lasing ka kagabi kaya dito na lang kita dinala" sagot ko habang may nakaukit na ngiti sa labi. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito at inilibot ang tingin sa paligid.
"Kwarto mo dito sa mansion?" tanong nito. Tumango naman ako.
"Why? May ibang lugar pa ba na pwede kong pagdalhan sa iyo?" tanong ko na may ngiti sa labi. Kapansin-pansin ang pagkamangha nito habang inililibot ang tingin sa paligid.
CARMELA POV
"Bakit dito? I mean..baka makita ako ng pamilya mo. Nakakahiya sa kanila." Sagot ko.
"Saan ba dapat? Dont tell me na ayaw mo silang makita? Dont worry kagabi pa nila alam na kasama kita dito sa kwarto." kaswal na sagot nito. Bigla naman akong kinabahan at the same time nakaramdam ng hiya. Agad ko tuloy tinapos ang pagkain.
Pagkatapos ay tumayo ako at inikot ang kwarto. Naalala ko pa, hindi nagpapapasok ng ibang tao sa kwarto nito si Christian. Gustuhin ko man na silipin ito noon kaya lang hindi ako pinahihintulutan ni Arabella dahil magagalit daw ito. Masyado daw maselan lalo na sa mga personal na gamit.
"Something wrong?" tanong nito sa akin at pumasok sa loob ng banyo. Sumunod naman ako dito. Naabutan kong naghuhugas ito ng kamay at nagto -tooth brush. Pinapanood ko lang ito sa kanyang ginagawa. Nang mapansin ko na tapos na ito tsaka ulit ako nagsalita.
"Hindi bat bawal akong pumasok dito? Bakit dito mo ako dinala?" Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi nito bago lumapit sa akin.
"Noon iyun. Pero ngayun pwede na." sagot nito
"Bakit?" tanong ko.
"Kasi, mahal kita! Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay. Simula ngayung araw na dito ka na matutulog katabi ko." sagot nito sa akin. Parang gusto ko naman maiyak sa sinabi nito. Napangiti ito sa aking reaksiyon at ipinantay ang mukha niya sa mukha ko.
Amoy na amoy ko ang amoy ng toothpaste na ginamit nito. Bahagya tuloy akong nailang sa isipin na nakapag-toothbrush na pala ito samantalang ako hindi pa. Pero ang pagkailang na iyun ay lalong nadagdagan ng walang anu-ano ay lumapat ang labi nito sa labi ko.
"Wait lang...magtotoothbrush din ako. " wika ko dito habang pilit na kumakawala sa halik nito. Nakita ko ang pagpigil nitong pagngiti. Iningusan ko ito.
"Mabango pa rin naman ang labi mo kahit hindi ka nagto-toothbrush Darling." sagot nito. Irap lang ang naging sagot ko at pumunta na ng lababo. Agad akong nagtoothbrush habang napansin ko naman na lumabas na ng banyo si Christian.
Hindi ko alam kung bakit may mga pang-personal hygiene ako dito sa banyo. May mga nakita din akong mga make up at lipstick na hindi pa nabubuksan at mukhang bagong bili lang, Lipstick lang naman ang ginamit ko sa mga iyun dahil simula ng pumasok ako sa military bihira na lang akong naglalagay ng kung anu-ano sa
mukha.
"Pagkalabas ko ng banyo ay napansin kong nakabihis na si Christian. Naka polo shirt ito at maong pants. Simple lang ang kanyang suot pero gwapong- gwapo ito sa paningin ko. Iniabot pa sa akin ang hawak nitong naka-hanger pa na white dress.
"Wear this! Hinahantay na nila tayo kaya kailangan na nating makababa." wika nito. Iningusan ko lang ito at sininyasan siyang tumalikod muna.
"why? Nakita ko naman na lahat iyan ah." wika nito na may halong pagmamaktol ang boses. Pinandilatan ko ito.
"Alangan naman na manonood ka habang nagbibihis ako." asik ko dito. Natawa naman ito bago tumalikod,
"Huwag mong ulitin ang ginawa mo kanina ha? Hanggat wala akong sinasabi na pwede ka ng humarap, huwag kang humarap." wika ko. Hindi naman ito umimik kaya napailing na lang ako.
Agad kong isinuot ang white dress na iniabot nito sa akin. Parang isinukat sa akin ang size. Ang ganda din ng lapat sa katawan ko. Hanggang sakong ang haba pero kitang kita pa rin ang hubog ng aking katawan. Napangiti ako.
"Done." wika ko. Agad naman itong humarap at nakita ko ang pagngiti nito habang nakatitig sa akin.
"Perfect! Ikaw talaga ang tunay na diyosa Darling. Kaya love na love kita eh." wika nito sa akin. Pagkatapos ay inalalayan akong makaupo sa kama. Nagtataka man pero nagpatianod na din ako.
"Alam mo bang kanina pa nila tayo hinihintay sa ibaba?" wika nito sa akin habang hawak ang isang napakagandang sandals. Isinuot niya ito sa aking paa kaya hinayaan ko na lang, Feeling ko tuloy ako si Cinderella.
"Ha? Ba-bakit ngayun mo lang sinabi? tanong ko. Nahihiya talaga akong magpakita sa mga Villarama ngayung araw. Baka kung anong isipin nila sa akin. Tiyak na alam nila na may kababalaghan kaming ginagawa ni Chrisitian dito sa kwarto.
"Nawala sa isip ko eh." kaswal nitong sagot. Tapos na nitong isuot sa akin ang sandals. Tumayo at naglakad ako ng ilang hakbang para malaman ko kung komportable ba ako sa sandals na ito. Natuwa naman ako dahil katulad ng dress parang isinukat din ang size ng sandals sa akin.
"Parang hindi pa ako ready na makita nila ako. Isa pa nakakahiya! Baka isipin nila easy to get ako. Isa pa hanggang ngayun nakokonsensya ako kapag naiisip ko ang mga kagagahan na ginawa ko noon." sagot ko
"Malabong pag-isipan ka nila ng ganyan Darling. Excited na silang lahat na makita tayong dalawa na magkasama. Huwag kang mag-alala ako ang bahala sa iyo. Isa pa alam nilang halos lumuha ako ng dugo sa kakahintay sa iyo kaya imposible iyang iniisip mo." sagot nito sa akin at agad akong nilapitan. Tinitigan ako nito sa mukha kasabay ng paghalik sa noo ko.
"Kahit na. Nahihiya pa rin ako sa kanila eh. Sa dinami-dami ng katangahan na ginawa ko noon pakiramdam ko hindi na ako bagay sa pamilya niyo." sagot ko naman. Nakita ko ang pagseryoso ng mukha nito habang nakatitig sa akin. Hindi marahil nagustuhan ang sinabi ko.
"Dont worry Carmela. Kahit na anong mangyari....nandito ako sa tabi mo. Hindi ganyan ang pamilya ko. Naiintindihan ka nila kaya nga nasa ibaba sila. Hinihintay ka nilang makita.
sagot nito. Muli akong natigilan.
"Pwede bang sa susunod na lang? Parang ayaw kong lumabas ng kwarto eh." sagot ko dito. Natigilan itong napatitig sa akin. Pagkatapos ay unti- unting sumilay ang ngiti sa labi nito.
"Ayos lang din naman kung ayaw mong lumabas dito. Pabor sa akin iyun. Pwede kitang angkinin kapag gusto ko. sagot nito na may halong panunudyo ang boses. Agad na nanlaki ang aking mga mata lalo na ng makita ko na tinitigan ako ng malagkit.
"Manyak!" hindi mapigilan na sigaw ko dito. Napahalakhak naman ito. Pagkatapos ay hinawakan na ang aking kamay.
"So, lets go na? Hinihintay na nila tayo. I think nandyan na din sila Mommy at Daddy mo. Baka kung ano na ang iniisip nila sa atin. Huwag na nating hintayin na katukin tayo dito sa kwarto." wika nito na may halong panunudyo ang boses. Natigilan naman ako sa isiping bakit pati sila Mommy at DAddy at napasugod dito sa mansion?
"Ha? Pati sila? Ba-bakit daw? Anong meron?" Nagtataka kong tanong. Natigilan ito. Pagkatapos ay matiim akong tinitigan. Bigla akong nakaramdam ng kaba.
"Marry me Carmela!" Agad na wika nito sa akin. Kitang kita ko ang kislap ng pagmamahal sa mga mata nito habang nakatitig sa akin. Para naman akong natulala sa narinig dito. Hindi ko inaasahan na muli akong alukin ng ganito ni Christian. Ilang sandali lang ay hindi ko na napigilan pang mag- unahan sa pagpatak ang luha sa aking mga mata.
"Ta-talaga ba? Sigurado ka?" wala sa sarili kong tanong. Nakangiti itong tumango sabay pinunusan ang aking luha.
"Bakit ka umiiyak? Huwag mong sabihin tatanggihan mo na naman ako? "bakas sa boses ang hinanakit na tanong. Agad akong napayakap dito kasabay ang malakas na pag-iyak.
"Bakit naman ako tatanggi? Matagal ko ng inasam ito Christian. Hindi mo lang alam na sobrang pinagsisihan ko ang pagtalikod ko sa engagement natin noon." sagot ko habang patuloy ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.
"Talaga ba? Totoo?" tanong nito at kumalas sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako sa mga mata. Nakangiti akong tumango.
"God! Hindi mo lang alam kong paano mo ako pinasaya ngayun Darling! Promise, hindi mo pagsisisihan ang ginawa mong pagpayag na magpakasal tayo ngayun." sagot nito sa akin. Muli akong natigilan na napatitig dito.
"Ngayun?" tanong ko. Nakangiti itong tumango. Pinunasan pa nito ang luha sa aking mga mata.
"Yes...ngayun na. Inayos na ng pamilya natin ang tungkol dito. Baka daw magbago na naman ang isip mo eh." wika nito na may halong biro ang pagkakasabi. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti.
Mukhang ayaw na nga nilang bigyan ako ng chance pa para makatakas ulit. Sabagay, wala sa bokabularyo ko na tatanggi sa kasal na inaalok ni Christian sa akin. Kung ngayun gagawin ang kasalan namin much better. Ayaw ko na din na maagaw ito ng iba sa akin. Handa ko na siyang ipaglaban kahit kanino. Hindi na ako papayag na may ibang babae na aali- aligid dito.
"Sila na mismo ang tumawag ng judge na magkasal sa atin ngayun. Huwag kang mag-alala..pagkatapos ng kasal natin mamaya isusunod ang pag-uusapan tungkol sa kasal natin sa simbahan. Gusto lang na makasiguro ng pamilya natin na hindi mo na ako tatakasan which is pabor naman sa akin ito dahil hindi na kita hahayaan pang makaalis sa tabi ko.." wika nito. Natawa naman ako kahit na bakas pa ang luha sa aking mga mata.
"Sigurista lang?" sagot ko sa kawalan ng masabi. Tumango ito at hinawakan ako sa kamay.
Agad naman akong tumingkayad para gawaran ito ng halik sa labi. Wala lang... gusto ko lang iparamdam dito kung gaano ako kasaya ngayun. Napangiti naman ito at hinapit ako sa baywang at gumanti ng mapusok na halik.
"God! Nakaka-addict ka Darling. Hindi mo lang alam kong gaano ko kagusto kang angkinin ngayun muli." anas nito ng maghiwalay ang aming mga labi. Muli kong nakikita ang lagablab ng pagnanasa sa mata nito. Napalunok ako ng aking laway lalo na ng maramdaman ko na nag-uumpisa na naman maglulumikot ang mga kamay nito sa aking katawan.
"Akala ko ba hinihintay na nila tayo? Sayang naman ang effort ko sa pagsuot ng dress na ito kung huhubarin mo lang ulit." wika ko dito. Natigilan ito kasabay ng malakas na pagbuntong hininga. Hindi ko mapigilan ang matawa ng nagmamadali itong kumalas sa akin at humakbang ng ilang distansya. Para kasing bigla itong napaso sa akin sa hindi malaman na dahilan.
"Yah......Shit! Ang hirap magpigil lalo na kapag tayong dalawa lang ang nandito sa kwarto." wika nito. Natawa ako.
"Ikaw talaga! Kiss lang ang ibinigay ko sa iyo kung saan-saan na naman napunta ang imagination mo." tudyo ko dito. Natawa na lang din at pagkatapos ay muling hinawakan ako sa kamay at hinila palabas ng kwarto.
"Lets go! Importanteng makasal muna tayo bago kita muling angkinin." wika nito. Nagpatianod naman ako dito. Diretso kaming naglakad papunta sa living room kung saan naghihintay sa amin ang aming pamilya.
Pagkadating pa lang namin sa loob ng living room ay agad kaming sinalubong ng matamis na ngiti ng lahat. Kahit na nahihiya ay agad akong nagbigay galang sa kanilang lahat. Lalo na kina
Grandmama at Grandpapa na hindi maalis-alis ang ngiti sa labi. Nang dumako naman ang tingin ko kina Miracle at Arabella ay may panunudyo ang tingin ng mga ito sa akin.
Para naman hindi mailang ay ibinaling ko ang tingin kina Mommy at Daddy. Masaya silang nakangiti sa akin kaya agad akong yumakap.
"Sa wakas matutupad na din ang matagal na pangarap namin na maikasal kayo ni Christian." Wika ni Daddy sa akin. Agad akong napangiti. Pabiro naman akong kinurot ni Mommy sa tagiliran.
"Ikaw talagang bata ka! Nagpaalam ka lang kagabi na magbonding kayo ng kaibigan mo tapos malaman-laman namin na nandito ka pala sa mansion." wika ni Mommy na may halo ng panunudyo ang boses nito. Agad naman akong namula sa pagkapahiya. Nagtawanan naman ang lahat dahil sa naging reaksiyon ko.
"May magandang nangyari ang pagkalasing niya kagabi. Agad siyang naiuwi ni Christian dito sa mansion. Isa pa mukhang masusundan na agad ang triplets." sabat naman ni Tita Carissa. Parang gusto ko naman magpalamon sa lupa dahil sa matinding hiya na nararamdaman.
"Mama! Papa!" Napalingon ako ng marinig ko ang masayang boses ng aking mga anak. Pawis na pawis ang mga ito at halatang galing sa pakikipaglaro. Agad ko silang niyakap at hinalikan.
"Saan ba kayo galing? Bakit pawis na pawis kayo?" tanong ko sa kanila. Hindi naman sila nakasagot dahil ibinaling ng mga ito ang attention kay Christian. Kita ko ang tuwa sa mga mata ni Christian habang yakap-yakap ang triplets. Hindi ko mapigilan ang maluha sa magandang eksena na nasaksihan sa mag-ama.
Tama na ang pakikipagtikis. Huwag ng pairalin ang katigasan ng ulo. Dapat lang na magpakasal na kami ni Christian para sa kaligayahan ng lahat. Isa pa gusto kong mabigyan ng kompletong pamilya ang aming mga anak. Nahihiya na din ako sa kanya- kanya naming mga magulang dahil kahit sila ang apektado sa sitwasyon namin ni Christian noon.
Masayang kulitan ang naganap sa amin ng mga anak ko bago sila dinala ng mga kasambahay patungo sa entertainment room para makapag- usap ang buong pamilya.
"So, paano ba iyan. Umpisahan na natin ang kasal para matapos na. Mukhang naiinip na si Christian eh." sabat ni Grandpapa. Sabay-sabay naman kaming napatingin kay Christian at kitang kita ang pamumula sa mukha nito. Mukhang nakaramdam din ng pagkailang ang loko. Mukhang huling-huli ng lahat ang kung ano man ang tumatakbo sa isip nito.
Saksi ang aming pamilya sa simpleng ritwal ng kasal namin ni Christian na idinaos lang din dito sa loob ng living room. Pinaka-highlight ang pagpirma namin sa marriage contract. Wala ng atrasan. Simula ngayung araw......
tuluyan na Akong nagiging Misis Carmela Gonzales Villarama.
Chapter 156
CARMELA POV
"Congratulations! Welcome to Villarama family!" masayang wika ni Ate Miracle sa akin pagkatapos ng aming kasal. Isang masayang ngiti naman ang aking pinakawalan bago sumagot.
"Thank you Ate Miracle... Hindi nyo lang alam kung gaano ako kasaya ngayun. Sa kabila ng sakit ng kalooban na ibinigay ko kay Christian nandyan pa rin kayo. Hindi niyo ako sinukuan. Hindi man lang ako nakarinig ng kahit na anong masamang salita mula sa inyo. Bagkos nandyan kayo at patuloy niyo akong iniintindi." Nakangiti kong sagot.
"Ikaw ang pangarap na babae ng kakambal ko noon pa Carmela. Wala kaming karapatan na husgahan ka sa ano mang gusto mong gawin sa buhay mo. Ipinaglaban mo kung ano ang gusto mo at kahit na nakikita namin na ang kapalit noon ay ang pagdurusa ng kapatid namin, hindi pa rin namin maiwasan na ipagmalaki ka sa iba. Imagine....nagawa mong makipaglaban
sa mga salot ng lipunan. Halos itinaya mo ang iyong buhay para doon kaya para sa akin, isa kang bayani at kahit ano ang mangyari, ipinagmamalaki ka namin." mahabang sagot nito. Naluha naman ko.
"Thank you Ate...asahan niyo po mamahalin ko si Christian sa abot ng aking makakaya. Hinding hindi ko na siya sasaktan. Sya na po ang magiging first priority ko." nakangiti kong sagot. Agad naman tumango si Ate Miracle tsaka ako hinawakan sa kamay.
"Masaya ang buong pamilya sa naganap na pag-aayos niyong dalawa ni Christian. Huwag kang mag-alala, sigurado kami na ikaw lang ang mahal ng kapatid namin." sagot nito. Punong puno naman ng tuwa ang puso ko dahil
sa narinig dito. Ibinaling ko ang paningin sa paligid. Kompleto ang buong pamilya para i-celebrate ang naganap na kasal namin kani-kanina ni Christian. Naplantsa na din ang magiging kasal namin sa simbahan.
Three months from now susumpa na kaming dalawa ni Christian sa harap ng dambana para magsasama sa hirap at ginhawa. Excited na ang lahat lalong lalo na kami ni Christian.
"Bakit parang kanina pa nangingiti diyan ang asawa ko? Wala ka bang balak na makijoin sa mga nagsasayahang pamilya?" nagulat pa ako ng bigla akong tapikin ni Christian sa balikat. Hindi ko man lang namalayan na iniwan na ako ni Ate Miracle. Marahil hindi ko siya narinig kanina dahil lumilipad ang utak ko.
"Wala lang. Hindi ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Naglasing lang ako kagabi pagkatapos nagising na
lang ako na isa na akong Misis Villarama." Nakangiti kong sagot. Agad naman gumuhit sa labi nito ang nanunudyo na ngiti.
"Bilib ka na ba sa bilis ng diskarte ko?" tanong nito. Hindi ko naman mapigilan ang matawa.
"Anong diskarte ang sinasabi mo? Parang wala naman akong nararamdaman ah?" Biro ko. Agad na nabura ang ngiti sa labi nito at nagtatampo akong tinitigan.
"Sige...ganyan ka naman palagi eh. Lagi mo na lang pinapasama ang loob ko." sagot nito. Lalo naman lumawak ang pagkakangiti ko dito. Hindi ko akalain na may ganitong klaseng ugali si Christian. Ang kilala ko kasing Christian ay seryoso at halos ayaw nga akong pansinin nito noon. Pero ngayun heto siya at may patampo-tampo pang ipinapakita sa akin.
"Joke lang iyun. Ikaw talaga...masyado ka naman madamdamin eh. Hindi ka na mabiro." sagot ko. Agad akong kinabig at hinalikan sa labi.
"Akala ko walang bilib sa akin ang asawa ko eh. Paparusahan sana kita mamaya kung ganyan ka palagi." wika nito. Agad naman akong namula sa sinabi nito.
"Hmpp sasabay ako kina Mommy pauwi ng bahay. Hindi pa naman tayo kasal sa simbhan kaya sa amin muna ako uuwi." sagot ko. Natigilan ito pagkatapos ay seryoso akong tinitigan.
"Akala ko ba pumapayag ka na dito titira? Hindi ako papayag na uuwi ka pa sa inyo. Kakausapin ko sila Tita at Tito tungkol dito. Ikinasal tayo sa batas ng Pilipinas kanina kaya hindi ka na pwedeng humiwalay ng bahay sa akin. Kung nasaan ako dapat nandoon ka din. seryosong wika nito. Parang gusto ko naman matawa. Nagbibiro lang naman ako eh.
Siyempre naman kung nasaan ang asawa ko doon ako. Wala akong balak na humiwalay sa kanya noh? Baka mamaya masalo pa ito ng iba. Hindi ko kayang tanggapin iyun. Baka dadanak ang dugo kapag mangyari iyun. Nangako na ako sa sarili ko na ipaglalaban ko na si Christian kahit na anong mangyari. Akin lang ang asawa ko!!!
"Ikaw talaga, binibiro lang naman kita eh. Napaka-seryoso mo talaga.
Siyempre naman kung nasaan ang ama
ng triplets doon din kami." nakangiti kong wika. Muling gumuhit ang ngiti sa labi nito. Pinanggigilan pang
pinaghahalikan ang mukha ko kaya hindi ko mapigilan ang matawa ng malakas. Agad naman napukaw ang attention ng buong pamilya.
Napalingon pa silang lahat sa amin na may mga nakaguhit na ngiti sa labi.
Nahihiya naman akong nakurot sa
tagiliran niya si Christian. Hinuli naman ang kamay ko nito at iginiya ako papunta sa lahat para makihalubilo.
"Parang hinahanap ko tuloy ang ganyang lambingan namin ni Kurt! Ganyan na ganyan kami noong bago pa kaming kasal eh." narinig kong wika ni Arabella ng makalapit kami. Bigla naman sumeryuso ang mukha ni Kurt at tinitigan ang asawa. Mukhang bigla itong nahiya sa lumabas sa bibig ni Arabella.
"Mahal, ano ba iyang sinasabi mo? Baka isipin ng lahat wala na akong ka- sweet-sweet sa katawan.........na pinapabayaan na kita." nagtatampo na sagot ni Kurt. Napataas naman ng kilay niya si Arabella.
"Talaga naman eh. Lagi ka na lang busy sa trabaho. Halos isang taon na din tayong hindi nakakapasyal sa ibang lugar." sagot nito at humalukipkip pa.
"hay naku, umandar na naman ang pagiging matampuhin ng mahal ko. Sige na nga...aayusin ko lahat ng schedule ko sa opisina at magbabakasyon tayo kahit saan mo gusto."sagot nito sa kunwaring nagtatampong asawa. Agad naman nagningning ang mga mata ni Arabella dahil sa narinig.
"Suss! Nag-iinarte lang iyan. Ang bilis mo talaga magpapaniwala diyan kay Arabella Kurt." biglang sabat ni Christian. Hindi naman namin mapigilan ang matawa.
"Truth! Kakabakasyon nyo lang last month sa hongkong pagkatapos sasabihin ni Arabella na one year na kayong halos hindi nakakagala? Eh di wow, isa ka talagang dakilang andres de saya Kurt!" tatawa-tawang sagot ni Ate Miracle. Tumawa lang si Kurt at mukhang hindi naman ito apektado sa mga sinasabi nila Christian at Carmela.
Bagkos ay inakbayan pa nito ang asawa.
"Basta request ng asawa ko, walang dahilan para tumanggi ako! Kahit na araw-araw pa kami magbakasyon, ayos lang!" sagot nito. Agad naman binelatan ni Arabella nag mga kapatid. Tawanan ang namayani sa buong paligid.
"Ikaw talagang bata ka! Baka mamaya magagalit na iyang mga in-laws mo sa mga pinanggagawa mo ha? Kung makademand ka sa asawa mo grabe!" sagot ni Mommy Carissa. Agad naman napayuko si Arabella. Mukhang guilty ang loka.
"Siya nga pala Christian, Carmela...dito na kayo sa mansion tumira ha? And Bestie, ayos lang ba iyun sa inyo? Alam kong kakabalik lang ni Carmela pero mukhang mawawalay na naman siya sa inyo." wika ni Tita Carissa.
Agad naman tumango si Mommy.
Sinulyapan pa ako ng makailang ulit bago sumagot.
"Ayos lang Bestie. At least kapag dito sya sa mansion, baka hindi na masyadong magiging matigas ang ulo nyan." sagot ni Mommy na may halong biro ang boses. Parang gusto ko naman umangal sa sinasabi nitong matigas ang ulo ko.
"Thank you Bestie. Ikaw na talaga ang pinakamabait na mother in law sa balat ng lupa." Pabiro na wika ni Mommy Carissa dito. Natawa naman si Mommy.
"At least alam kong nasa maayos na kamay na ang pasaway kong anak. Isa pa pwede ko naman sila bisitahin dito anytime na gusto namin." sagot ni Mommy na agad naman sinang- ayunan ng lahat.
Nagiging maayos ang pag-uusap ng lahat. Noon ko pa sana naranasan ang ganitong saya kung hindi lang naging matigas ang ulo ko. Gayunpaman, babawi ako ngayun. Ipapakita ko sa lahat na worth it ang paghihintay at pagmamahal na ibinigay sa akin ni Christian. Sana magiging maayos ang lahat at wala ng darating pang kahit na anong pagsubok sa aming buhay.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Nagiging masaya ang pagsasama namin ni Christian sa mansion habang inaayos ang aming kasal. Hindi ito nabigo na ipadama sa akin kung gaano ako kahalaga dito sa kabila ng pagiging abala nito sa trabaho. Maayos ang pakikitungo sa akin ng lahat ng tao sa mansion. Mabait sila Grandmama at Grandpapa. Gayun na din sila Mommy Carissa at Daddy Gabriel.
Yes..Mommy at DAddy na din ang tawag ko sa kanila dahil certified daughter in law na nila ako. Hindi ko akalain na mag-i-enjoy ako sa
pananatili sa loob ng mansion. Pakiramdam ko hindi na ako sa iba sa kanilang lahat.
Isang umaga. Masaya kaming bumaba ni Christian patungong dining area. Naabutan namin ang seryusong mukha nila Mommy Carissa at Daddy Gabriel. Mukhang hindi maganda ang gising ng mga ito kaya naman agad kaming nagbigay galang sa kanilan.
"Naglabas ng statement kagabi si Aurea tungkol sa panluluko daw na ginawa mo sa kanya. Basta mo na lang daw siya iniwan pagkatapos ng ilang taon niyong relasyon." agad na wika ni Daddy kay Christian. Pareho kaming natigilan. Hindi ko naiwasan na maikuyom ang aking kamao dahil bigla akong nakaramdam ng pagkainis.
"God! Ano ito Christian, akala ko ba nakausap mo na ng maayos ang babaeng iyun? Bakit may ganitong statement ang lumalabas sa dyaryo at telebisyon?" agad na sabat ni Mommy Carissa. Kita sa mukha nito ang stress habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Christian.
"Walang reason para maglabas siya ng ganyang statement. Kinausap ko na siya noong welcome party kaya wala ng dahilan para patulan ang ganyang issue. Hayaan niyo po kakausapin ko siya tungkol dito. Hindi ako papayag na patuloy siyang maglalabas ng false statement tungkol sa akin..tungkol sa sinsabi niyang relasyon kuno naming dalawa." sagot ni Christian at hinawakan ako sa kamay. Ipinaghila pa ako ng upuan para makaupo tsaka naman ito tumabi sa akin.
"Gusto pa yata sirain ng Aurea na iyun ang pangalan mo. Ang tiwala ng asawa mo sa iyo. Ayusin mo ang gulong ginawa ng babaeng iyan Christian.
Ayaw ko ng masangkot pa ang pamilya na ito sa ganyang klaseng iskandalo. Isa pa, masaya na kayo ni Carmela at ayaw kong ma-stress ang isa sa inyo sa mga ganitong klaseng issue." wika ni Mommy Carissa. Hindi ko naman alam kung paano mag-react. Mukhang totoo nga ang sinasabi sa akin ni Lucy tungkol sa babaeng iyun.
Tahimik lang akong nakaupo dito sa dining table. Sino ba naman kasi ang matutuwa. Kay aga-aga pero ito agad ang sumalubong sa amin na balita. Nakakasira ng araw.
"Dont worry po Mommy. Malaki po ang tiwala ko kay Christian. Hindi po ako papaapekto sa mga ganyang klaseng issue." sagot ko. Pagkatapos ay ako na mismo ang kumuha ng pagkain para sa asawa ko. Gusto ko kasing i-assure dito na hindi ako paapekto sa babaeng iyun. Kahit na ipagsigawan nya pa sa buong mundo lahat ng paninira patungkol sa asawa ko wala akong pakialam.
"Mabuti na lang at open minded ang asawa mo Christian. Gayun pa man ayusin mo pa rin ito. Ayaw ko ng pagpistahan pa ng media ang pamilya natin."sabat ni Daddy. Agad naman tumango si Christain.
"Huwag po kayong mag-alala Mom, Dad. Ako ang bahala tungkol dito." sagot ni Christian at binalingan ako. Matamis ko naman itong nginitian.
"Sya nga pala. Darating mamaya ang magsusukat ng damit mo Iha. Kami na ang bahala ng Mommy mo ang mag- aayos sa inyong mga invitations. Tapos sa food tasting naman sa weekend ang schedule niyo kaya magiging busy kayo in a whole week." baling sa akin ni Mommy Carissa. Nakangiti naman akong tumango sabay pasasalamat. Mabuti na lang at nandyan sila para tulungan kami sa pag-aayos ng mga dapat ihanda sa kasal namin. Hindi naman kasi ako pwedeng samahan ni Christian buong oras dahil may trabaho ito sa opisina. Isa pa may triplets din ako na dapat asikasuhin.
"Thank you Mommy. Hindi ko po talaga alam kung ano ang uunahin ko. Mabuti na lang at nandyan po kayo para tulungan kami." sagot ko. Tanging ngiti lang naman ang naging tugon ni Mommy Carissa at itinoon na ang buong attention sa pagkain.
Naging maayos naman ang buong umaga namin. Nakaalis si Christian papuntang trabaho samantalang nagpaalam naman sila MOmmy at Daddy na pupunta sa school na pinapasukan ng bunso nilang anak na si Rafael. Samantalang naging abala naman ako sa triplets hanggang sa magtanghali.
After lunch ng magpasya akong tawagan si Lucy. Sa susunod na araw na ang balik nito sa Mindanao kaya gusto kong makipagkita dito. Mabuti na lang at hindi ito abala kaya agad
itong nagpaunlak at sinabi na magkikita kami sa isang restaurant. Alam na din nito ang tungkol sa naganap na kasal namin ni Christian at ang paghahanda ng kasal namin sa simbahan. Gagawa daw ito ng paraan para makadalo dahil kinuha ko ito bilang isa sa mga magiging abay ko.
"Lulan ang sasakyan na pinapagamit sa akin ni Christian, agad akong nagdrive papunta sa restaurant na napag-usapan namin kung saan kami magkikita. Nadatnan ko na matiyagang naghihintay sa akin ni Lucy at ngumiti ito ng malapad na makita na parating ako. Agad itong nakipag-beso sa akin at nag congratulate dahil sa wakas nagiging akin din daw ng tuluyan ang lalaking pinakamamahal ko at ama ng aking mga anak.
"Hindi ko akalin na ganoon lang kabilis ang lahat. Kulang lang pala kayo sa communication eh. Pinahirapan nyo pa ang mga sarili niyo." nakangiting wika ni Lucy sa akin habang hinihintay namin ang order namin na pagkain.
"At malaking tulong ang nagawa mo kaya kami nagkaayos. Basta mo na lang ako ipinaubaya sa kanya ng gabing iyun. Dahil diyan hindi ako papayag na wala ka sa kasal ko ha? Ngayun pa lang magpaalam ka na sa mga superior mo dahil isusumpa talaga kita kapag hindi ka sisipot." Pabiro kong wika dito. Natawa naman ito.
"Dont worry. Hindi ko hahayaan na magiging broken hearted ulit ang taong nagligtas ng buhay ko. Isa pa parang kapatid na ang turing ko sa iyo kaya naman hindi ka mabibigo pagdating sa akin Carms. Darating ako kahit na harangan pa ako ng sibat!" nakangiti nitong sagot sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang matawa.
Pagkatapos ay napansin ko ang bigla nitong pag-seryoso.
"Well, tiyak na alam mo na ang kalat na ginawa ng Aurea na iyun. Kagabi ko pa napanood ang tungkol doon pero mukhang wala lang sa iyo ah?" kapagkuwan ay wika nito sa akin. Bigla naman akong naging seryuso ng maalala ko ang kumalat na balita
kaninang umaga. Napabuntong
hininga ako at tinitigan si Lucy.
Isa ito sa mga dahilan kaya nakipagkita ako dito. Gusto kong turuan ng leksyon ang babaeng iyun. Kung sa akin lang naman walang problema, pero kung balak nitong sirain ang pangalan ng asawa ko hindi ako papayag. Ako na mismo ang gagawa ng paraan para manahimik ang babaeng iyun.
Chapter 157
CARMELA POV
Anong gusto mong gawin natin sa babaeng iyun?" seryosong tanong ni Lucy. Natawa naman ako dito. Kita ko kasi sa mukha nito kung gaano ito kagigil kay Aurea. Hindi
nakakapagtaka iyun kasi noon pa man karibal na talaga niya ito kay Enrique. Nagkaanak na sila lahat pero si Aurea pa rin daw iyun.
"Hindi ko din alam. Ikaw? May naisip ka ba?" tanong ko. Saglit itong nag- isip tsaka ako tinitigan.
"Mabilis ma-fall si Aurea sa mga mayayaman na lalaki. Kahit sikat siyang artista wala siya masyadong ipon. Ambisyosa ang bruha at buhay prinsesa ang lifestyle. I think we can use Enrique para masira siya." wika nito seryosong boses. Natigilan naman ako.
"paano natin magamit si Enrique kung wala na sila? I mean....hindi bat hiwalay na sila kaya ikaw naman ngayun ang kanyang hinahabol?" tanong ko.
"Hindi ako ang kanyang hinahabol. Ang anak namin. Nakarma ang gago. Sa sobrang deny nya noon sa anak namin siya ngayun ang nagmamakaawa para makilala syang ama. Paano naman kasi, balita ko inutil na siya at hindi na makapag-produce ng tagapagmana!" sagot nito. Hindi ako nakaimik.
"Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala. Huwag mo ng isipin ang tungkol sa Aurea na iyun. Ako mismo ang magpaparusa sa kanila sa kawalang hiyaan na ginawa nila sa akin noon. Sisiguraduhin ko na last nya ng interview kagabi patungkol sa naging relasyon nila ni Christian.." wika nito sabay subo sa kinakain.
Kinabahan naman ako lalo na ng makita ko ang galit sa mga mata nito. Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Lucy, baka ano na iyan ha? Isipin mo, nasa serbisyo ka at huwag kang gumawa ng mga hakbang na makakasira sa pangalan mo." sagot ko dito. Tumitig muna ito sa akin tsaka mahinang natawa.
"Bruha ka! Hindi ko gagawin iyan nasa isip mo. Hindi ako ang kikilos kundi ang Enrique na iyun. Kung gusto nyang makita at makasama ang anak namin susundin niya dapat lahat ng gusto ko. nakangisi nitong wika. Hindi ko naman mapigilan ang matawa.
"Lukaret ka talaga! Akala ko kung ano na ang gagawin mo eh." sagot ko.
"Para namang hindi mo ako kilala! Hindi ako ganoon kasamang tao para gawin ang nasa isip mo noh? Kaya ang gawin mo ngayun itoon mo ang attention mo sa asawa mo. Huwag mo ng isipin pa ang Aurea na iyun dahil ako na ang bahala sa kanya....I mean si Enrique na ang bahala sa kanya." nakangisi nitong wika.
Pagkatapos namin kumain sa restaurant ay niyaya ako ni Lucy na magshopping. Dahil maaga pa naman agad akong nagpaunlak. Bihira lang kaming nakakapagbonding ni Lucy dahil abala ito palagi. Halos inikot namin ang buong mall buong maghapon. Gabi na ng makauwi ako ng mansion. Naghihintay na sa akin si Christian at agad ako nitong niyakap pagdating ko.
"Kumusta ang asawa ko?"nakangiti nitong wika pagkatapos akong halikan sa labi. Ngumiti ako bago ko ito sinagot.
"Ayos lang naman. Napasarap ang pag- uusap namin ni Lucy kaya ginabi na ako. Sinulit na namin ang araw dahil babalik na siva ng Mindanao," sagot ko dito. Nakangiti naman ako nitong inakbayan at sabay na kaming pumasok sa loob ng mansion.
Kinabukasan, pagkababa pa lang
namin ng dining area ay nagulat kami
dahil hindi namin naabutan sila
Mommy Carissa at Daddy Gabriel. Usually nauuna sila dito sa dining area kapag umaga kaya nakakapagtaka na wala sila ngayun. Agad naman tinanong ni Christian ang isang nakaantabay na kasambahay "Nasa labas po si Mam Aurea Sir... Galit po sabi noong security guard." sagot ng kasambahay. Agad naman napakunot ang noon ni Christian at nagmamadaling naglakad palabas ng mansion. Napasunod naman ako dito.
Naabutan pa namin ang pagwawala ni Lucy sa labas. Pilit itong pinipigilan ng mga kasama pero ayaw paawat ang bruha. Naghahanap talaga siguro ng sakit ng katawan.
"Alam kong ang babaeng iyun ang naglabas ng paninira sa akin! Ilabas niyo siya!" Narinig kong sigaw ni Aurea. Mukhang lasing habang patuloy na pinipigilan ng bading niyang alalay. ito Akmang susugod pa ng makita akong palabas kasama ni Christian.
"Iuwi mo na siya! Lasing sya at baka kung ano pa ang magawa namin kapag magtagal pa kayo dito! Hindi kami nangingimi na ipadampot sya sa mga pulis ngayun din!" narinig kong wika ng galit na si Daddy Gabriel. Hindi pa nga sumisikat ang araw pero nandito na si Aurea sa tapat ng bahay namin? Anyare?
"Hindi ako uuwi! Pagbabayaran ng babaeng iyun ang pagsira niya sa pangalan ko!" Galit na sigaw nito. Nagpanting naman ang aking tainga dahil sa narinig. Wala siyang karapatan na sumigaw-sigaw dito sa harap ng mansion, at lalong wala siyang karapatan na makipag-usap ng ganito ka bastos sa mga in-laws ko. Hindi na ako nakapagtimpi pa at agad na lumapit. Lalo naman nanlisik ang mga mata nito ng makita
"Ano ba ang pinagsasabi mong babae ka! Hindi kita kilala at pakialam ko sa buhay mo!" galit kong wika dito. Natigilan ito.
"Hindi kilala? Alam kong na- trigger ka sa nilabas kong statement kahapon kaya hinalungkat mo ang nakaraan ko. May nakakita sa iyo na kasama ni Lucy kahapon sa isang restaurant!" galit na sigaw nito. Umismid naman ako at tinaasan ang kilay.
"Hindi ko akalain na may pagka-
detective ka pala. Hindi ko din maintindihan kung bakit galit na galit ka ngayun. Pero isa lang ang masasabi ko! Wala akong kinalaman kung ano man ang mga kumakalat tungkol sa baho mo" galit kong sagot dito.
Natigilan ito.
"And by the way! Anong baho iyun Aurea? Sayang, dapat pala tinanong ko si Lucy kahapon para naman may idea ako...or di kaya kinuha ko na lang ang number ni Enrique para ako na mismo ang personal na magtanong sa kanya para naman katanggap-tanggap sa parte ko ang pagwawala mo dito ngayun sa harap ng aming bahay!" Pagpapatuloy kong wika. Gulat naman itong napatitig sa akin. Lalo akong lumapit dito at hinawakan siya sa panga.
"Kilalanin mo kung sino ang
kinakalaban mo Aurea! Hindi mo ako kilala at hindi mo alam kung paano ako magalit!" bulong ko dito. Pumiksi ito pero hindi niya nagawang tanggalin ang mahigpit kong pagkakahawak sa baba nito. Nginisihan ko ito.
"Marami na akong naitumba na tao. Sisiw na lang sa akin ang
magpatahimik ng madaldal na bunganga! Kaya kung ako sa iyo, mag- isip ka ng maraming beses bago mo ulit hahabul-habulin ang asawa ko!" bulong ko dito. Sapat lang na siya ang makarinig dahil ayaw kong marinig iyun nila Mommy at Daddy. Kahit papaano malaki ang respeto ko sa kanila at ayaw kong mag-isip sila ng masama sa akin. Pagkatapos kong sabihin ang katagang iyun at patulak kong binitawan ang baba ni Aurea.
Parang walang nangyari na bumalik ako sa kinaroroonan nila Mommy Carissa, Daddy Gabriel at Christian. Lahat sila ay seryosong nakatitig sa akin.
"iuwi nyo na siya! Ipaalala niyo sa kanya na ihanda niya ang sarili niya sa mga iskandalong lalabas simula ngayung araw.....at huwag niyo akong pagbintangan na ako ang may gawa noon. Maraming tao ang galit sa kanya dahil sa kakatihan niya kaya magbago na sya!" wika ko at humawak sa braso ni Christian. Ngumiti ako kina Mommy at DAddy at tumango naman ang mga ito at nagpatiuna ng pumasok sa loob ng mansion. Naiwan naman na malakas na umiiyak si Aurea.
Nakita ko pa kung paano ito hilahin ng kanyang mga alalay at sapilitan na isinakay sa kotse. Samantalang naglakad naman kami ni Christian pabalik ng mansion
"How did you know that?" tanong nito.
"Ang alin?" tanong ko.
"Ang tungkol sa kanya?" muling sagot nito.
"I have my own way!" maiksi kong sagot at sinabayan ng mahinang pagtawa. Naramdaman ko naman ang muli nitong pag-akbay sa akin.
"Sabihin mo na sa akin! Ikaw ba ang may gawa kaya nagwala ng ganoon si Aurea?" muling tanong nito. Umiling naman agad ako.
"Not me!...pero kilala ko kung sino." sagot ko. Huminto ito sa paglalakad at hinarap ako.
"Si Lucy....noon pa man kilala nya na si
Aurea. Actually, hindi lang kilala kundi
mortal na kaaway pa. Noong nasa Mindanao pa kami at nalaman niyang girl friend mo siya galit na galit siya lalo na ng malaman niya na ikaw ang ama ng triplets. Halos isumpa ka din niya ng mga panahon na iyun. Mas lalong tumibay ang pagsasamahan namin ni Lucy noong iniligtas ko siya. Ako ang sumalo sa bala na dapat sa kanya. Hanggang ngayun tinatanaw nyang malaking utang na loob sa akin ang bagay na iyun at sinabi nya sa akin na siya na daw ang bahala magpatahimik kay Aurea." mahaba kong wika.
"Well, I think mukhang mapagkakatiwalaan naman ang iyung kaibigan at may isang salita. Much better kung magfocus na lang tayo sa paparating nating kasal at huwag ng magpaka-stress pa sa ibang bagay." nakangiti nitong wika sa akin. Tumango naman ako.
**
Mabilis na lumipas ang mga araw. Nakaharap ako ngayun sa salamin habang pinagmamasdan ang aking sarili. Kakatapos lang akong ayusan ng mga make up artist. Sa wakas dumating na ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni
Christian....Ang pagharap namin sa dambana.
"Alam kong marami pang hamon sa buhay ang aming haharapin. Pero alam kong malalagpasan namin lahat ng iyun basta kasama ko lang lalaking pinakamamahal ko. Mula noon, hangang ngayun siya lang at wala ng iba.
Mabuti na lang at tuluyan ng nanahimik si Aurea. Ibinulgar ni Enrique sa lahat ang ilang beses na pagpapa-abort ng babae. Ang mga batang inaasam ni Enrique na mabuhay dito sa mundo sa pag- aakalang iyun ang bunga ng kanilang pagmamahalan ni Aurea! Pero sadyang masama ang ugali ng babaeng iyun, ambisyosa siya at ayaw niyang mabuntis dahil masisira daw ang katawan niya. Ang katawan niyang ipinuhunan para makuha lahat ng naisin.
Tama si Lucy, mahilig sa mayayaman na lalaki si Aurea. Basta na lang umano nitong iniwan si Enrique ng magkaroon ito ng chance na makipaglapit kay Christian. Marami pang mga baho ang nabunyag pero hindi na namin pinagtuunan pa ng pansin. Ang mahalaga sa akin ay masaya kami kasama ang aking pamilya.
"Kumusta ang bride?" masayang tanong ni Lucy sa akin. Agad akong ngumiti at niyakap ito. Siya ang kinuha kong maid of honor kaya alam kong darating siya kahit na anong mangyari.
"Heto! Masaya! Sa wakas, dumating din ang araw na pinakahihintay namin. nakangiti kong sagot dito.
"Im so happy for you Carms. Sa wakas, nakikita ko na sa iyo ang saya na hindi ko nakikita noong nasa Mindanao pa tayo." masaya nitong sagot. Hindi ko naman mapigilan ang maluha.
"Thank you dahil dumating ka! Thank you dahil nandyan ka palagi sa tabi ko! nakangiti kong sagot dito.
"hey! At ano na naman ang ibig sabihin ng luha na iyan?Napansin ko sa iyo ha? Napaka-emotional mo palagi. Buntis ka ba?" direkta nitong tanong. Agad na nanlaki ang aking mga mata sa isiping halos dalawang buwan na pala akong hindi dinadatnan.
"Gosh! Bilib na talaga ako sa inyo! Ang bilis niyong makabuo." natatawa nitong wika at niyakap ako. Lalo namang tumulo ang luha sa aking mga mata.
"Congratulations Carms. Ninang ulit ako ha?" nakangiti nitong bigkas pagkatapos kumalas sa pagkakayakap sa akin. Tinitigan ako at ito na mismo ang kumuha ng tissue para pahiran ang luha sa aking ma mata.
"Thank you Lucy! Napaka-swerte ko talaga dahil nagkaroon ako ng kaibigan na kagaya mo!" nakangiti kong wika... Tumango naman ito at hinawakan ako sa kamay
"So lets go! Kanina pa naghihintay ang groom sa simbahan." wika nito. Tumango ako at sabay na kaming
naglakad palabas ng hotel.
Pagdating ng simbahan ay kumpleto na ang lahat. Sila Mommy, Daddy, at mga in-laws ko. Nandito na din sila Miracle at Arabella. Kitang kita ko ang saya sa kanilang mga mukha habang
hinihintay na magmartsa ang buong entourage. Hindi ko naman mapigilan ang kabahan habang hinihintay ko ang pagmartsa ko papunta sa aking groom. Sa wakas...this is it!
Kasabay ng malamyos na boses habang kinakanta ang "Destiny" ay ang dahan- dahan na pagbukas ng malaking pintuan ng simbahan. Kasabay ng paghakbang ko ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
'what if I never knew
what if i never found you
i'd never have this feeling in my heart'
hindi ko mapigilan ang mapahagulhol habang pinapakinggan ko ang mensahe ng kanta. Paano nga ba kung hindi kami ang nagkatuluyan ni Christian?
Siguro habang buhay kong pagsisisihan ang lahat. Siguro habang buhay akong hindi maging masaya.
'baby your my destiny
you and i were meant to be
with all my heart and soul
i give my love to have you hold'
Hindi ko na namalayan pa ang lahat. Nakita ko na lang ang aking sarili na nasa harap ko na si Christian. Buong pagmamahal na nakangiti habang nakalahad ang kamay. Buong puso akong ngumiti at inabot ang kamay nito at sabay kaming naglakad patungo sa harap ng pari.
i love you Carmela, I will LOVE you forever!" bulong nitinto sa akin na syang lalong nagpatulo ng aking luha sa aking mga mata.
" And I Love you too Christian... I Love you so much!" sagot ko habang himihikbi. Naramdaman ko na pinisil nito ang palad ko.
Chapter 158
CARISSA POV
Nagiging maayos na din ang lahat. Masaya ako sa kung anong buhay meron ang mga anak namin ni Gabriel. Sa wakas naikasal na din ang tatlo kong anak.....si Christian at Carmela, Miracle at Roldan, Arabella at Kurt. May mga sarili na silang pamilya at alam kong magsasama sila habang buhay na masaya. Na magkakasundo.
Kitang kita ko ang pagmamahal sa kanilang mga mata kapag magkasama sila. Totoo nga na mahirap magmahal. Kaakibat kasi nito ang sakit pero kapag malagpasan ang lahat ng iyun may lilitaw din na pag-asa. Lilipas ang pighati at papalit ang walang kapantay na kaligayahan.
Masasaktan ka muna bago mo maranasan ang tunay na pagmamahal. Kailangan mo munang dumaan sa
pagsubok para lang tumatag ang inyong pagsasama. Huwag lang susuko. Lahat may katapusan. Darating din ang liwanag sa mga araw na parating.
Nandito ako sa balcony at tanaw na tanaw ko ang buong paligid ng Carissa Villarama Beach Resort. Ang bahay bakasyonan kung saan regalo sa akin ni Gabriel nang muli kaming nagkabati. Ang bahay bakasyonan ng buong pamilya kung saan maraming naipon na masasayang alaala sa nakalipas na taon. Mga alaalang babaunin ko hangang kabilang buhay.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinapanood ko ang mga batang nagkakatuwaan habang nakatampisaw sa pool. Ilan na nga ba ang apo namin ni Gabriel? Ayaw ko na silang bilangin. Ang importante ay may mahalagang bahagi na ginagampanan sila sa puso ko. Sila ang patunay kung gaano kasaya ang pagsasama namin ni Gabriel sa
nakalipas na taon. Sila ang patunay na napalaki namin ng maayos ang aming mga anak. Ang kambal na sina Christian at Miracle, Si Arabella na itinuring ko ng galing sa akin....at ang bunso kong si Rafael. Hayyy ni sa hinagap, hindi ko akalain na aabot kami sa ganitong buhay. Kahit sa panaginip, hindi ko akalain na magiging ganito kalaki ang aming pamilya. Na ganito kasaya ang aming pagsasama.
Paano nga ba kami nag-umpisa? Halos fourty years na din pala ang lumipas. Grabe ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ang lahat. Hindi ko akalain na magbubunga ng ganito kasayang pamilya ang mga nangyari noon. Hindi ko akalain na malalagpasan ko lahat ng pagsubok na dumating sa aking buhay. Siguro nga, hindi ako ganoon katatag na tao..siguro nga hindi ako ganoon katapang para harapin lahat ng iyun... pero dahil sa pagmamahal ng mga taong itinuring na hindi ako iba sa kanila...heto kami ngayun buo at masaya.
Nag-umpisa lang sa isang gabing iyun. Isang desisyon na binuo ng sarili kong pamilya na akala ko ay hindi na ako makakabangon pa. Isang gabing puno ng kasinungalingan dahil sa kagagawan ng sarili kong Ina at kapatid. Akala ko walang magandang bukas ang naghihintay sa akin. Minsan ko ng isinuko ang sarili kong buhay para sa katahimikan ng lahat. Ang pakiramdam na mag-isa lang ako noon ay nabago simula ng maramdaman ko kung gaano ako kahalaga kay Gabriel... ang lalaking pinakamamahal ko na siyang naging dahilan kaya ako dumating sa ganitong edad na masaya.
Alam kong ginabayan ako ni Lord sa lahat ng oras. Hindi Niya ako pinabayaan sa lahat ng mga pagsubok na pinagdaanan ko. Binigyan Niya ako ng isang masayang pamilya... at buong buhay ko iyung ipagpasalamat.
"Isa sa mga ipinagpasalamat ko ay ang aking mga kaibigan...sila Roxie at Roldan..Kahit kailan...kahit anong nangyari.....hindi nila ako pinabayaan. Sila ang dahilan kaya nadugtungan ang buhay ko. Binigyan nila ako ng lakas para lumaban. Habang buhay silang maging bahagi ng pagkatao ko at hindi iyun magbabago kahit kailan..
Sila Mommy Moira at Daddy Ralph. Sa kanila ko naranasan ang tunay na kahulugan ng pamilya....sa kanila ko naramdaman ang kalinga ng isang tunay na magulang na hindi ko naranasan sa sarili kong pamilya. Itinuring nila akong hindi na iba sa kanila..... Kahit kailan hindi nila ipinaranas sa akin ang pagiging istraghera ko sa kanila. Hindi nila ako hinusgahan sa kabila ng mga masasamang bagay na ibinato sa akin
ng sarili kong kadugo. Hindi sila nagkulang sa akin sa pagbibigay ng tunay na pagmamahal. Pantay sa pagmamahal na ibinigay nila sa akin at sa anak nilang si Gabriel.
Mahal na mahal ko ang tunay kong
pamilya. Ang tunay kong mga magulang. Nagkataon lang siguro noong mga panahon na iyun na ako ang kanilang 'less priority'. Gayunpaman, kahit papaano, sa mga huling sandali ng kanilang buhay ipinaranas nila sa akin kung gaano ako kahalaga. Kahit papaano naramdaman ng puso ko ang kanilang pagmamahal. Si Ate Ara...ang nag-iisa kong kapatid.... alam ko sa huling sandali ng kanyang buhay...pinagsisisihan nya lahat ng kasalanan niya.
Pinahid ko ang luha sa aking mga mata ng kawayan ako ni Charlotte. Gayundin ang ginawa ng iba ko pang mga apo. Tinatawag nila ako pero kumaway lang
ako pabalik sa kanila. Mahaba pa ang araw. Family day namin ngayun. Kompleto ang buong pamilya at alam kong dadagdag sa masasaya naming alaala ang mga mangyayari ngayun at sa mga susunod pang araw. Balak namin mag-stay dito ng isang linggo at dito namin ice-celebrate ang christmas. Kaming lahat! Buong pamilya.
"Nandito lang pala ang Sweetheart ko! Kanino pa ako ikot ng ikot sa labas sa kakahanap sa iyo." Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng marinig ko ang boses ni Gabriel mula sa likuran ko. Sa kabila ng ilang taon naming pagsasama, hindi ko man lang naramdaman na nagbago ang pagtingin nito sa akin. Sa bawat araw na lumipas, hindi ito nabigo na ipadama sa akin kung gaano ako kahalaga sa buhay niya.
"Nakakatuwa kasi ang mga apo natin. Ang lalaki na nila at ilang taon na lang
ang bibilangin may mga dalaga at binata na naman tayo." nakangiti kong sagot. Tumawa ito at lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin.
"Yes......sasakit na naman ang ulo natin kung paano masusulusyonan ang love story ng mga iyan." sagot nito. Napahagikhik naman ako. Pagkatapos ay humarap ako sa asawa ko.
Sa paglipas ng panahon, marami ang nagsasabi na lumilipas din ang ganda at ang kapogihan ng isang tao. Pero iba ang tingin ko ngayun kay Gabriel...lalo itong naging pogi sa paningin ko ngayun. Although may mga kaunting wrinkles na sa mukha pero gwapo pa din. May ilang hibla na din na puting buhok ang tumutubo dito pero hindi iyun nakakabawas sa kanyang kakisigan.
"Bakit ganiyan ka makatingin sa akin? Siguro hindi ka makapaniwala kung gaano ka-pogi ang asawa mo ano?"
tanong nito na may halong panunudyo ang boses. Hindi ko naman mapigilan ang mapahagikhik.
"Paano mo nalaman?"
sabay
tanong haplos ng kaniyang mukha. Bigla kong nakalimutan kung nasaan kami. Alam kong pinapanood kami ng mga anak at apo namin pero wala akong pakialam. Gusto kong ipakita sa kanilang lahat kung gaano ko kamahal ang kanilang ama. Ang kanilang Lolo. Gusto kong ipakita sa kanila kong gaano kami nagmamahalan.
"Kitang kita ko sa mga mata mo Sweetheart!" malambing nitong sagot sabay halik sa aking noo. Hindi ko na napigilan pa. Lalong humigpit ang pakakayakap ko dito.
GABRIEL POV
Walang pagsidlan ng saya ang puso ko habang nakayakap sa akin ang pinakamamahal kong asawa...ang aking Sweetheart...ang babaeng ni sa hinagap..hindi ko akalain na magkakaroon ng malaking parte sa buhay ko. Ang babaeng minsan ko ng itinaboy at akala ko ay tuluyan ng mawawala sa akin...nandito siya... kasama ko sa mahabang panahon.
Paano nga ba kami nagsimula? Kailan ko ba naramdaman na siya pala talaga ang babaeng para sa akin? Matagal na panahon na ang lumipas pero sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat. Ang mg panahon na ilang beses ko itong sinaktan at minsan ng malagay sa alanganin ang kanyang buhay.
Ilang beses ko ba siyang itinaboy palayo noon? Ilang beses ko ba siyang halos isumpa. Ahhh ayaw ko ng isipin iyun. Sumasakit ang kalooban ko tuwing maalala ang bagay na iyun.
Hindi ko man lang siya napapansin noon. Sa ibang babae ako nakatingin pero nasa tabi lang pala ang isang dyamante na nagbigay kinang sa buhay ko.
Habang buhay kong pinagsisihan ang mga kalupitan na nagawa ko sa kanya noon. Habang buhay akong babawi sa kanya. Habang buhay kong ipapadama sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin.
Pakiramdam ko nakasalalay sa kanya ang huling sandali ng aking hininga. Kung muli man kaming mabubuhay sa mga susunod na henerasyon...pipilitin kong hanapin pa rin siya...si Carissa.... ang aking pinakamamahal na asawa na pinag-alayan ko ng lahat. Ang pinag- alayan ko ng aking pangalan at pagmamahal. Ang babaeng nagpabago sa pananaw ko tungkol sa pag-ibig. Kung hindi siguro siya ang naging
asawa ko..hindi siguro ganito kakulay ang aming pagsasama. Hindi siguro nag -eexist ang masayang pamilya na ito.
Nagiging makulay ang buhay ko ng maging asawa ko siya. Nagkaroon ng saysay ang lahat ng kung anong meron ako. Binago ako ng pagmamahal ko sa kanya....Tinuruan nya ako na maging masaya...na makuntento sa piling niya. I love her! I really love her!
Alam kong hindi ako nabigo sa pagpapadama sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Kung gaano siya kahalaga sa akin. Pero isa lang ang gusto kong gawin ngayun. Gusto ko maging memorable ang mga susunod pang mga araw na kasama siya. Gusto kong sulitin ang mga panahon na magkasama kami sa mundong ibabaw.
Mahigpit ko siyang niyakap. Gusto kong madama ang init ng kanyang katawan sa lahat ng oras. Kung pwede nga lang huwag ko siyang ihiwalay sa tabi ko gagawin ko. Kung pwede nga lang huwag siyang mawalay sa paningin ko sa lahat ng oras.
"Gab...baka mainggit na silang lahat sa atin. Pinapanood pala nila tayo."
narinig ko pang bulong nito sa tainga ko na siyang nagpahinto sa pagdaloy na alaala ng aming nakaraan.
Napangiti ako at itinoon ang tingin sa aming mga anak....sa aming mga apo na noon ay nakatingin sa gawi namin.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na kawayan sila. Ang mga bunga sa pagmamahalan naming dalawa ni Carissa. Alam kong hindi kami nagkulang....alam namin na naibigay namin sa kanila ang pagmamahal ng isang masayang pamilya.
"Hayaan mo sila Sweetheart. Dapat lang na panoorin nila tayo para malaman nila kung gaano kahalaga ang pagsasama ng isang matibay na pamilya." nakangiti nitong sagot.
Hindi ko naman mapigilan kurutin ang kanyang tagiliran.
""Ikaw talaga! Mga bata pa ang mga apo natin. Hindi ра nila maiintindihan ang lahat." sagot ko. Tumawa naman ito. Pagkatapos ay seryoso ko siyang tinitigan.
"I love you Sweetheart!" anas ko dito. Agad na gumuhit ang kontentong ngiti sa labi nito. Ang ngiti na hindi nagbabago sa paglipas ng panahon. Ang ngiti na nagpapawi sa pagod kong katawan kapag galing ako sa trabaho. Ang ngiting nagpapabilis ng tibok puso ko. ng
"I love you too Gab! My one and only Gabriel!" wika nito sa akin at isinubsob ang mukha sa dibdib ko. Lalo ko naman itong niyakap ng mahigpit at hinalikan ang buhok nito.
"Ang bango mo naman Sweetheart!" Hindi ko mapigilan na wika. Tawa lang ang sagot nito sa akin pagakatapos ay iniangat nito ang tingin sa aking mukha. Nakangiti pati mga mata nito.
"Ngayun mo lang ba nalaman? Lagi naman kong mabango sa lahat ng oras ah?" wika nito. Natawa naman ako at hinaplos ang mukha nito.
"Actually, araw-araw kang mabango Sweetheart. Laging hinahanap ng ilong ko ang amoy na iyan na siyang dahilan kung bakit hindi ako nakakatulog kapag hindi kita katabi." nakangiti kong sagot dito. Pabiro naman akong nahampas sa dibdib ko. Pagkatapos kumalas na ito sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa kamay
Gusto kong maglakad sa dalampasigan. Parang ang sarap ng hangin." wika nito sa akin. Napangiti ako sabay tango. Humawak pa ito sa bisig habang ipinulupot ko ang aking bisig sa kanyang baywang.
Kapit kamay na binaybay namin ang gilid ng dalampasigan. Pareho kaming nakatanaw sa malawak na karagatan na may ngiti sa labi.
"Gab...paano mo narealized na ako talaga ang babaeng para sa iyo? Hindi ka ba nagsisi na ako ang pinakasalan mo? Na ako ang naging ina ng iyung mga anak? Na ako ang kasama mo hanggang ngayun?" Natigilan ako sa tanong na iyun ni Carissa. Huminto ako sa paglakad at hinarap ito. Nililipad ng mabining hampas ng hangin ang kanyang buhok na siyang naging dahilan kaya mas lalong naging kaakit akit ito sa paningin ko.
"I dont know. Kahit ako nagtataka din sa aking sarili. Nagising na lang ako isang umaga na hindi ko pala kayang mabuhay kong wala ka." seryoso kong sagot. Agad kong napansin ang pagkislap ng mga mata nito. May ilang butil ng luha ang biglang umagos doon
kaya agad kong pinahiran.
"I love you Carissa...Thank you dahil nandito ka sa tabi ko.
"I love you too Gabriel. Salamat dahil ikaw ang ibinigay sa akin ni Lord para mahalin." nakangiti nitong sagot ko sa akin. Agad ko itong niyakap at hind ko na napigilan pang angkinin ang labi nito.
Ang labing ilang beses ko ng natikman pero patuloy na hinahanap hanap ng aking sistema.
My one and only Carissa!
"Gusto mo bang kumain?" tanong nito sa akin. Agad akong umiling.
"Parang gusto kong matulog. Napagod ako. sagot ko Dito. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa.
"Pagod? Bakit?" tanong nito. Nahampas ko naman ito sa braso na syang ikinahalakhak nya. Natigilan ako ng marinig iyun at parang may kung anong bagay na humaplos sa puso ko. Ngayun ko lang narinig na tumawa ng ganito si Christian. Tinitigan ko ang mga mata nito at hindi ko na nakikita pa ang lungkot na nakikita ko noon. Maluwang akong napangiti at ako na mismo ang nagdikit ng labi ko sa labi nito.
CHAPTER 159 (rafael villarama story)
TEN YEARS LATER
RAFAEL POV
"What happened to you Rafael. Ilang araw kang hindi pumasok ng opisina at sasabihin mo sa akin ngayun na balak mong lumabas ng bansa para
magbakasyon? Ilang taon ka ng graduate pero kung umasta ka ngayun para ka pa ring bata. Isipin mo naman sana na kailangan ka ng kompanya!" bulyaw sa akin ni Kuya Christian.
Kitang kita ang galit sa mga mata nito habang nakatitig sa akin. Ganoon pa man hindi ko iyun pinansin. Sanay na ako dito. Talo pa si Daddy kung pagalitan ako noon pa man.
"Kuya kaya nga sa iyo ako nagpalaam dahil alam kong hindi ako papayagan nila Daddy! Promise last na ito at sa pagbalik ko susundin ko na ang gusto mo at ng pamilya natin na pagtotoonan ko na ng pansin ang Villarama Empire. Sa ngayon hayaan niyo muna akong magliwaliw at i-enjoy ang buhay." sagot ko.
"You're impossible Rafael. Ikaw ang bunso sa pamilyang ito at ini-expect nila Daddy na uumpisahan mo ng i- manage ang negosyo na ito! Halos dalawang taon ka ng nagliwaliw at lagi ka na lang naghihingi ng extension. Kailan ka ba magsasawa sa kakaliwaliw na iyan?" muling tanong nito. Hindi ko naman mapigilan na mapakamot sa aking ulo.
Oo, ako ang bunso pero pakiramdam ko hindi pa ako ready na pamunuan ang Villarama Empire! Hindi ko din alam kung paano patatakbuhin ang buhay ko. Hindi ko din alam kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Siguro dahil sa akin natoon ang buong attention nila Mommy at Daddy kaya ako nagkaganito. Hindi lang nila Mommy at Daddy pati na din ang mga nakatatanda kong kapatid. Lumaki ako na nakukuha ko lahat ng naisin ko.
Ako din ang favorite apo nila Grandpapa at Grandmama. Sad nga lang dahil namaalam na sila sa mundong ito five years ago. Naunang nawala si Grandpapa sumunod na din si Grandmama. Thankful pa rin dahil kahit papaano nakasama ko sila ng matagal. Matanda na sila at alam kong kahit na gustuhin pa namin na makasama sila ng matagal hindi na maari. Mga katawan na nila ang mismong sumuko dahil sa kanilang edad.
Maraming nagsasabi na iba ako sa lahat ng mga kapatid ko. Ako ang sheep ng pamilya at mahilig sa barkada. Mahilig sa babae at ilang beses na akong na-kick out sa School noon. Pero dahil masyadong maimpluwensya ang aming pamilya lagi itong nagagawan ng paraan nila Daddy at Mommy. Kahit laging pasang- awa, nagawa ko pa rin matapos ang kursong kinuha ko na Business
Administration (BSBA). Hindi ko man naririnig sa mismong bibig ng aking mga magulang alam kung sakit ako ng kanilang ulo.
"Hindi pa makakuwi sila Mommy at DAddy ng mansion. Balak nilang mag stay ng Carissa Villarama Resort ng one month. Kung may balak kang mamasyal sa ibang bansa bisitahin mo muna sila para naman matuwa sila." muling wika ni Kuya Christian. Pagkatapos muli itong naupo sa swivel chair at itinutok ang mga mata sa computer.
Alam kong noon pa man gusto na nitong magresign bilang CEO ng Villarama Empire. Gusto nitong magfocus sa negosyong itinayo nila nina Ate Miracle noon pa. Kaya lang dahil matanda na si Daddy at walang ibang magmanage ng Villarama Empire wala itong choice kundi manatili sa kondisyon na papalitan ko ito balang araw. Kaya lang hindi pa talaga ako handa. Ayaw ko pang ikulong ang sarili ko sa loob ng opisina at mas gusto kong magliwaliw kasama ang present fling kong si Sofia.
Wala na din naman chance na tutulong sila Ate Miracle at Ate Arabella sa negosyo namin. Hindi na nga sila naghahabol pa ng kahit na anong mana. Nakatakdang sa akin ipapamana lahat ng kong anong meron ngayun ang Villarama Empire. Mga bilyonarya at bilyonaryo ang mga kapatid ko dahil sa kani-kanilang mga asawa. Kung tuusin lahat kami ay lumaki na nakahiga sa pera.
Siguro kung darating ang araw na mag- aasawa ako, sisiguraduhin ko na magkakaroon ako ng maraming anak. Para naman hindi ko mararanasan ang naranasan ngayun ng Pamilya namin. Nagsipag-asawa na lahat ng kapatid ko at lahat sila walang balak na manatili para pamahalaan ang naipundar na negosyo namin. mula sa kanino-ninunuan.
Sa ngayun kailangan ko munang i- enjoy ang buhay ko. Alam kong walang choice si Kuya Christian kundi manatili sa Empire hanggat hindi pa ako ready. Wala syang magagawa dahil alam kong ako lagi ang papaburan nila Daddy at Mommy dahil ako ang bunso.
"Kuya aalis na ako. Basta pagbalik ko... promise babawi ako sa iyo. Susundin ko na lahat ng gusto mo at pagtutuunan ko na ang Villarama Empire." wika ko dito. Hindi ito sumagot kaya naman naglakad na ako palabas ng opisina nito.
Ngingiti-ngiti ako habang naglalakad
palabas ng building. Alam kong lahat ng mga mata nakatoon sa akin..Lalo na ang mga mata ng mga kababaihan na halos maghubad na mapansin ko lang. Well, sorry na lang sila. Hindi ako basta -basta pumapatol kung kani-kanino lang. At isa pa kahit gaano ka pa kaganda, once na empleyado ka ng Villarama Empire, red flag ka sa akin. Kahit papaano malaki pa rin naman ang respeto ko sa negosyo ng aming pamilya. Hindi sa lahat ng oras pinapairal ko ang init ng aking katawan.
Pagdating sa labas ng buiding ay agad akong sumakay sa aking Lamborghini. Sa lahat koleksyon kong sasakyan ito ang paborito ko. Halos kasing tanda ko lang ito at dati pa itong sasakyan ni Daddy. Hiningi ko dahil sayang naman kung hindi magagamit. Wala na kasing hilig sa mga sports car si Daddy at palagi na din itong may driver kapag umaalis ng mansion kapag kasama si CRAFT (more) Mommy. Hindi din sila nawawalan ng mga kasamang bodyguard kaya mas preferred nila ang malaking sasakyan.
Agad akong dumiretso sa isa ko sa mga pag-aaring condo. Alam kong naghihintay na sa akin si Sofia doon. Hindi ko ito ibinabahay pero ang condong iyun ang ginagawa kong tagpuan kapag may mga bago akong babae. Wala akong tiwala sa mga hotel. Mas gusto ko sa sarili kong condo para sigurado ako sa aking privacy. Sa hilig ko sa mga ng babae ayaw kong magkaroon issue lalo na ng scandal. Kilala kami sa lipunan at kahit na ako ang black sheep sa pamilya iniingatan ko din naman na hindi mabahiran ng kahit na anong iskandalo ang aming reputasyon.
"Halos wala pa ng thirty minutes nakarating na ako ng aking condo. Tama nga ang hinala ko, nasa itaas na si Sofia dahil agad kong napansin ang kanyang kotse na nakapark.
Pag pasok ko sa condo ay agad akong pumunta kay sofia at sinabe ko na.
"Hubarin mo na iyan undies mo Sofia." utos ko dito. Kumalas naman ito sa
pagkakayakap sa akin at isa isang makipagpalitan ng laway sa babaeng alam kong hindi lang ako ang nakatikim
Purely sex ang nangyayari. No kissing, just sex. Pwede nila akong halikan sa lahat ng parte ng katawan ko as a part of foreplay pero bawal akong halikan sa labi. Hangang lamas lang din naman ang ginawa ko sa katawan nila. Ayaw kong halikan sila dahil pakiramdam ko hindi ko forte iyun.
Agad kong hinubad ang suot ko pantalon at tshirt. Hindi na naman dapat pang patagalin ito. Init lang ng katawan at kailangan ko itong mailabas dahil wala akong balak na magtagal sa condo. Balak kong puntahan sila Mommy at Daddy sa Batangas. Kung saan matatagpuan ang Carissa Villarama Beach Resort.
"Hubarin mo na iyan undies mo Sofia." utos ko dito. Kumalas naman ito sa
Pagkakayakap sa akin at isa isang hinubad ang kanyang undies. Agad na tumayo ang aking junior na makita ko ng hairless nitong pagkababae. Alam na alam talaga ni Sofia kung ano ang gusto ko sa kanya. Alam nyang nadudumihan ako sa babaeng may buhok sa ibabang parte ng katawan.
Agad akong naglakad patungo sa aking kwarto. Alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin. Hinubad ko ang aking brief at nahiga sa kama.
Sumunod naman ito sa akin at agad na init ng pinaglaruan ang aking pagkalalaki. Lalo akong nakaramdam ng umpisahan na nitong dilaan at isubo ang aking junior. Expert pagdating paglalaro si Sofia kaya naman nag- ienjoy ako kapag ito ang aking katalik.
Hindi ko maiwasan na mapaungol ng maramdaman ko na unti-unti na nitong isubo ang aking junior. Hindi ko maiwasan na hawakan ito sa ulo at lalo kong idiniin ang kanyang bunganga sa junior ko. Narinig ko pa ang pag-ubo nito na parang nabilaukan. Wala akong pakialam basta ang gusto ko gawin niya ang makakapagpasaya sa akin.
"Rafael, Gosh...your so big...dahan- dahan lang." reklamo nito sa akin. Hindi ko ito pinansin bagkos bumangon ako ng kama. Binuksan ko ang drawer sa katabi kong kama at kumuha ng isang condom. Isinuot ko iyun sa aking junior at muling binalikan sa kama si Sofia. Pinatuwad ko ito at pumwesto ako sa kanyang likuran.
"I will now Sofia.!" wika ko
at hinawakan sa kanyang baywang sabay diin ng pagkalalaki ko sa kanyang naglalaway ng kuweba. Napahiyaw ito sa unang pagpasok ko dito. Masyado akong malaki at alam kong kahit na ilang ulit na kaming maglaro ng bahay bahayan ni Sofia ganito ang kanyang palaging reaksyon sa una kong pagpasok dito.
"Ohhh my! Rafael, dahan dahan lang!" hiyaw nito. Para naman akong bingi sa pakiusap nito. Wala akong pakialam! Ang gusto ko lang mailabas ang libog na aking nararamdaman.
Ilang babae na ba ang nadala ko sa condo na ito? Hindi ko na mabilang. Hindi ko naman siguro kasalanan kung maraming nahuhumaling at naghahabol na babae sa akin diba? Maraming nagsabi sa akin na parang batang Gabriel Villarama daw ako. Pero aware din naman ako na hindi babaero si Daddy katulad ko.
"you like it Sofia...stop shouting! Nawawala ako sa concentration! Wika ko dito at inabot ko ang magkabilaan nitong bundok. Nilamas ko ito kaya naman lalo itong napasigaw.
"Rafa! Andyan na ako...malapit na
akong labasan....ugghhhh!" hiyaw nito. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na tumulo ang katas nito.Wala akong pakialam bagkos pinatihaya ko ito. Isinampay ko ang kanyang dalawang paa sa balikat ko at muli ko itong inararo. Kitang kita ko ang pagtirik ng mga mata ni Sofia sa aking ginawa. Napangisi naman ako.
Muli kong hinawakan ang magkabilaan nitong bundok habang walang humpay ang pag ulos na ginawa ko. Alam kong malapit na din akong labasan. Buong gigil kong nilamas ang magkabilaan nitong bundok bago ko naramdaman ang paglabas ng mainit kong katas. Buong gigil akong naglabas pasok sA kweba ni Sofia at ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang satisfaction ko. Pagod akong dumapa sa kama pagkatapos ng mainit naming sandali.
Ilang minuto din akong nagpahinga habang habol ang aking hininga.
Pagkatapos ay bumangon ako at tinanggal ang condom na suot ko. Agad ko itong itinapon sa basurahan at nilingo ang noon ay nakapikit na si Sofia sa kama.
"Magbihis ka na! Umuwi ka na sa inyo at doon mo na lang ituloy ang iyung pahinga." wika ko dito at bumangon na. Papasok na sana ako ng banyo para maligo ng magsalita ito.
"Rafa, hindi ba pwedeng dito na muna tayo? Pagod ako at pakiramdam ko walang lakas ang mga tuhod ko para magdrive." wika nito sa malambing na boses. May inis sa sistema na nilingon ko ito.
"alam mo naman siguro ang rules ko diba? Kailan pa tayo ng stay ng matagal dito after sex? May pupuntahan ako. Paglabas ko dito sa banyo gusto kong nakaalis ka na." malamig kong sagot dito pagkatapos ay tuluyan na akong pumasok sa loob ng banyo. Ganoon lang kadali sa akin ang lahat. Kung ayaw niyang sumunod sa gusto ko tiyak na hindi na siya makakaapak sa condo na ito. Matatapos din agad ngayung araw ang relasyon namin.
Mabilisan akong naligo. Ayaw kong abutan ako ng rush hour sa daan. Balak kong sa resort na din magpahinga at matulog mamayang gabi.
Magpapaalam ako kina Mommy sa balak kong Magsama sa mga kaibigan ko papuntang Thailand. Ito ang last request ko sa kanila bago ko pamunuan ang Villarama Empire. Ito na siguRO ang pagkakataon para magkaroon direksyon ang buhay ko.
Chapter 160
RAFAEL VILLARAMA POV
Pagkatapos kong maligo ay agad akong lumabas ng banyo. Laking pasalamat ko ng hindi ko na naabutan pa si Sofia dito sa loob ng kwarto. Mukhang nakaalis na siya kaya naman baliwala akong pumasok sa loob ng walk in closet. May ilang piraso akong mga damit dito sa condo kahit na hindi ko naman talaga ito inuuwian. Sa nasabi ko kanina, napapagawi lang ako dito kapag may babae akong kakatagpuin.
"Pagkatapos kong magbihis ay agad akong lumabas ng kwarto. Sinipat ko pa ang suot kong relo ng magtaka ako dahil bigla akong nakakaamoy ng kakaiba. Inilibot ko ang tingin sa paligid at agad na kumunot ang noo ko ng makita si Sofia. Abala ito sa mini kitchen at mukhang may niluluto.
"What are you doing?" Hindi ko
mapigilang sigaw dito. Nakita ko naman ang pagkataranta nito at agad na lumingon sa akin.
"Cooking! I think this is the right time na matikman mo luto ko. Magaling akong chief Rafa. Gusto kong
ipagmalaki sa iyo ang isa sa mga menu ko." malambing na sagot nito na may ngiting nakaguhit sa labi. Galit ko itong nilapitan at hinawakan sa may pulso.
"Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko sa iyo kanina? Sabi ko umuwi ka na!' galit kong sigaw. Hindi ito nakaimik at napansin ko na may luha na biglang lumabas sa kanyang mga mata.
Binitiwan ko ito at agad na pinatay ang apoy sa kalan. Pagkatapos ay hinagis ko sa lababo ang kaldero na may lamang pagkain.
"Sa lahat ng ayaw ko iyung sinusuway ang gusto ko Sofia! Napakasimple ng sinabi ko sa iyo kanina! Sabi ko umuwi ka na! Kung nagugutom ka maraming restaurant sa labas. Pwede kang kumain doon!" seryoso kong wika dito habang nakatitig sa kanyang mga mata.
"Rafa...gusto ko lang naman na kahit papaano magkaroon tayo ng bonding. Masama ba iyun? Tuwing nagkikita tayo, wala ng pag-uusap na naganap sa ating dalawa. Diretso na agad tayo sa kama." Humihikbi nitong wika. Agad naman tumaas ang sulok ng labi ko. Pagkatapos ay matiim itong tinitigan.
"Bakit nagsasawa ka na ba sa ganoong set up? Ano pa bang ang pag-uusapan natin? As long as pareho tayong nag- ienjoy sa kama walang problema. Kapag magkasawaan tayo,maghihiwalay din tayo Sofia!" galit kong sagot dito. Agad na nanlaki ang mga mata nito at tinitigan ako. Hindi marahil nito inaasahan ang biglang lumabas sa bibig ko.
"Ganoon lang ba kadali na magdespatsa ng babae? Oo alam kong babaero ka pero sumugal pa din ako na sana magbabago ka! Rafa, mahal kita. Mahal na mahal kaya nagtitiis ako sa trato mong ito sa akin." sagot nito. Napangisi naman ako.
"Kung pagmamahal ang kailangan mo, I think kailangan mong hanapin sa iba iyan. Huwag sa akin. I have my own rules Sofia...at alam mo iyan bago pa lang nag-umpisa ang relasyon na ito. Ngayun kung ayaw mo sa rules na iyan.. malaya kang maghanap ng iba na aayun sa standard mo!" sagot ko. Hindi ito nakaimik. Naglakad ako ng sofa at prenteng naupo.
"Linisin mo ang kalat na iyan kung gusto mo pang makabalik sa lugar na ito. I give you ten minutes to do it!" malamig kong wika. Muli itong natigilan habang nakatitig sa akin. Kinunutan ko lang ito ng noo at kinuha ang cellphone ko.
"Wala ka bang nararamdaman na kahit
katiting na pagmamahal sa akin? Isa din ba ako sa naging laruan mo?" tanong nito na bakas ang hinanakit sa boses. Hindi ako nakaimik at nilapitan ito. Pagkatapos ay hinawakan ito sa braso at seryosong sinagot.
"Bakit? Nangangarap ka bang pakakasalan kita? Noon pa man, alam mong fling lang ang relasyon na ito. Get out!" seryoso kong sagot.
Pagkatapos ay hinila ko ito palabas ng condo. Hindi naman ito nakahuma at pilit na nagpupumiglas sa akin. Pero tapos na ang lahat. Nakapagdesisyon na ako. Ayaw ko sa babaeng maraming arte.
"Darating ang araw na makakahanap ka din ng katapat mo Rafael Villarama! Wala kang kasing sama!" galit na sigaw nito sa akin at mabilis akong tinalikuran. Iiling iling ko na lang itong nasundan ng tingin. Pagkatapos ay dumako ang tingin ko sa naiwan nitong bag na nakapatong sa center table.
"Iyung bag mo! Huwag ka ng mag- iwan ng mga bagay na babalikan mo sa condo na ito Sofia. At pakiiwan ng duplicate key na minsan kong ipinagkatiwala sa iyo." wika ko. Muli itong bumalik at padabog na kinuha ang bag. Pagkatapos ay kinuha nito ang duplicate key sa loob ng bag at padabog na ibinagsak sa center table.
Nakangisi kong sinundan na lang ito ng tingin hanggang sa nawala ito sa aking paningin. Hay mukhang kailangan ko na naman magpalit ng lock ng pintuan ng condo.
Pagkaalis ni Sofia ay agad na din akong lumabas ng condo. Sinulyapan ko ang naiwan na kalat nito. Tatawag ko na lang ang aking tagalinis para sya na ang bahalang magligpit ng kalat na naiwan ni Sofia. Siya na din ang uutusan ko na magpalit ng lock ng pintuan.
Mabilis lang naman akong nakarating sa resort. Agad kong hinanap si Mommy at sinabi sa akin ni Manang na nasa garden malapit sa pool ito. Agad akong napangiti ng makita itong tinitingnan isa-isa ang mga bulaklak.
Dahan-dahan akong lumapit. Pagkalapit ko ay agad ko itong niyakap. Naramdamaman ko pa ang pagkagulat nito habang dahan-dahan na lumingon sa akin.
"Rafael, baby!" agad na wika nito at sumilay ang matamis na ngiti. Masaya akong kumalas pagkakayakap dito. The most beautiful woman in the world! My Mommy Carissa.
"I miss you Mom! Sorry po kung ngayun lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Nagiging abala po kasi ako nitong mga huling araw." nakagiti kong wika dito pagkatapos ay hinalikan ko ito sa noo. Niyakap ako ni Mommy ng ilang
segundo pagkatapos ay niyaya ako nitong maupo sa kalapit na bench sa gilid ng pool.
"Akala ko kinalimutan mo na kami ng Daddy mo. Alam mo bang nagtatampo na si Daddy mo sa iyo dahil halos wala ka ng time sa amin. Ni tawag hindi mo nagawa." " wika nito. Inalalayan ko itong maupo at umupo na din ako sa tapat nito habang hindi binibitiwan ang kanyang kamay.
Nakaramdam naman ako ng guilt sa sinabi nito. Tama, kailan ba huling nagpakita ako kina Mommy? Minsan na lang ako umuwi ng mansion simula ng gumraduate ako two years ago at inabala ko ang sarili ko sa paminsan- minsan na pagpasok ng opisina at maraming pagliliwaliw.
"Sorry Mom, babawi po ako sa inyo ngayun. Nakausap ko na po si Kuya Christian at nagpromise na ako na seseryusuhin ko na ang pag-aaral para
sa obligasyon ko sa kumpanya." sagot ko. Nakita ko ang pagguhit ng tipid na ngiti sa labi ni Mommy. Pagkatapos ay naagaw ang attention ko sa pagdating ni Daddy. Binitiwan ko ang kamay ni Mommy at agad akong tumayo at sinalubong ang paparating na si Daddy.
"Dad...kumusta po!" wika ko dito at nakangiti naman ako nitong niyakap. Pagkakalas ay tinapik ako nito sa balikat at sabay na kaming naglakad pabalik kay Mommy.
"Mabuti naman at naisipan mong magpakita Rafael. Muntik ko ng makalimutan na may isa pa pala akong anak. Buti pa ang mga kapatid mo, nagawang dumalaw sa amin linggo- linggo. Ikaw itong binata ang halos hindi magpakita sa amin at kung saan- saan nakakarating." agad na wika ni Daddy habang umuupo katabi ni Mommy. Hindi ko naman maiwasan na mapayuko dahil sa sinabi nito.
"Hayy naku, hayaan mo na ang bata. Ini -enjoy nya lang ang pagiging binata." sagot ni Mommy. Tanging mahinang buntong hininga lang naman ang ginawa ni Daddy bago ito muling nagsalita.
"Akala mo ba hindi ko alam ang pinagagawa mong bata ka? Nasabi na ni Christian sa akin na bihira ka lang pumasok ng opisina. Rafael, two years ka ng graduate at dapat alam mo na kung paano hawakan ang kompanya. Nagrereklamo na ang Kuya Christian mo. Gusto na niyang ilipat sa iyo ang pamamahala dahil kailangan ng
katuwang ng Ate Carmela mo sa kanilang sariling negosyo." mahabang wika ni Daddy. Kitang kita ang pagkadismaya sa mukha nito habang nakatitig sa akin. Nagmamakaawa ang mga matang tumitig ako kay Mommy.
"Gab...hayaan mo na muna. Hintayin na lang natin kung kailan siya
magiging ready. Huwag mo ng pagalitan ang bata. Ako na ang kakausap sa kanya. Huwag nating idaan sa init ng ulo ang lahat." sabat naman ni Mommy sabay hawak sa kamay ni Daddy. Nakita ko naman ang pagkalma ng aking ama at muli akong tinitigan.
"Ano ngayun ang plano mo? Ngayun pa lang sabihin mo na sa akin kung gusto mo o ayaw mo talagang hawakan ang kumpanya para naman makapaghire tayo ng tao na maging karapat-dapat na pansamantalang papalit sa Kuya Christian mo. Masyado ng maraming isinakripisyo ang kapatid mo at kailangan na din niyang sundin kong ano ang gusto niya. Matagal syang nakatali sa kumpanya at ito na din pagkakataon para pakawalan ko siya." mahabang Sabi ni Daddy. Bakas sa boses nito ang hinanakit kaya naman lalo akong nakaramdam ng guilt.
"Hayaan niyo po Dad. Promise... magseseryoso na po ako. Ako na ang bahala sa kompanya at ipinapangako ko na lalong lalago ang Villarama Empire sa aking mga kamay.' Sagot ko para mabawasan ang tension sa pagitan naming mag-ama. Agad ko namang napansin ang pagkalma ni Daddy habang nakatitig sa akin.
"Aasahan ko ang sinabi mong iyan Rafael. Isa pa, pwede bang umuwi ka palagi ng mansion? Masyadong malungkot ang bahay kung kami lang dalawa ng Mommy mo ang andoon. Isa pa kailangan mong magreport sa akin araw-araw kung sakaling ikaw na ang hahawak sa kumpanya." muling wika nito. Tanging tango na lang ang aking nagawa. Ayaw ko ng palakihin pa ang pag-uusap namin. Alam kong hindi ako mananalo kay Daddy at isa pa ayaw kong masaktan si Mommy. Wala namang problema kung uuwi ulit ako ng mansion. Talaga namang gusto ko
na din magtino para naman magiging proud na sila sa akin.
"Thank you anak! Uuwi na kami ng mansion bukas. May mga iinterviewhin kaming mga bagong kasambahay. Pwede ka na din sigurong sumabay dahil sa sunday pupunta lahat ng mga kapatid at pamangkin mo. Ilang family day ka ng wala kaya sana huwag kang tumanggi." wika ni Mommy. Napalunok ako. Bukas ang alis ko patungong Thailand kasama ng aking mga kaibigan.
Isa pa sabi ni Kuya Christian, one month pa silang mag-stay dito sa resort. Mukhang naisahan yata ako ni Kuya ah? Napatingin ako kay Daddy at agad kong napansin ang pagpipigil ng pagtawa nito habang nakatitig sa akin. Mukhang nabanggit na ni Kuya Christian dito ang balak kong pagpunta ng Thailand. Mapupurnada pa yata ang pag-alis ko lalo na ngayung si Mommy na ang nakikiusap sa akin.
"Mukhang may lakad na naman yata ang anak mo Sweetheart! Hindi na nakasagot eh." wika ni Daddy. Agad naman na tumitig sa akin si Mommy.
"No Dad! Balak ko talagang i-spend ang buong weekend ko sa pamilya natin. Tapos next week magseseryoso na ako sa pagpasok sa kumpanya. Give me one month at ako na po ang tuluyang hahawak sa Villarama Empire. sagot ko at pilit na ngumiti.
Napahalakhak naman si Daddy. Hindi ko naman maiwasan mapakamot sa aking ulo. Wala na. Mukhang pornada lahat ng plano ko.
"Well, Im so happy anak! Ngayun pa lang ipinagmamalaki na kita.......... Sweetheart, ikaw ang saksi sa sinabi ngayun ng bunso natin...kapag hindi nya tutuparin ang pangako nya hayaan mong ako na ang magdidisiplina sa kanya.!" ngiting ngiti na sagot ni Daddy. Napapailing na lang din si Mommy habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
"Tama na nga iyan. Pasok na tayo sa Villa. Kakain muna tayo at hayaan mo munang makapagpahinga ang anak mo Gab. Tiyak pagod sa byahe iyan." wika ni Mommy at tumayo na. Agad naman akong tumayo at aalalayan ko sana ito kaya lang naging mas maagap si Daddy. Nagpatiuna na silang naglakad habang magkahawak ang kamay at tahimik naman akong napasunod sa kanila habang hindi maiwasan na mapangiti.
Ito ang pangarap kong buhay. Kung mag-aasawa man ako, gusto ko kagaya ni Mommy. Kaya lang sa panahon ngayun, mahirap ng makahanap ng matinong babae. Alam kong karamihan sa mga babaeng gustong makipaglapit sa akin, kung hindi kapogihan ko ang habol, kayamanan ng aking pamilya
ang kanilang pinupuntirya.
Napatunayan ko na iyan ng maraming beses. High School pa lang ako mulat na mulat na ako sa ganitong kalalakaran sa pakikipag-relasyon. Kaya nga hindi ko nagawang magseryoso sa isang relasyon.
Chapter 161
RAFAEL VILLARAMA POV
VILLARAMA MANSION
Para labanan ang matinding boredom inabala ko ang aking sarili na lumangoy sa swimming pool. Nakaalis na ang mga kaibigan ko papuntang Thailand at katulad ng inaasahan hindi na ako sumama. Hindi ko maindian si Mommy. Kaninang umaga pa kami nakauwi at dahil hindi ako sanay na humilata ng kwarto buong maghapon naisipan ko na lang magswimming.
"Uncle! Sa wakas nagkita din tayo ulit!
Napaangat pa ang aking ulo ng marinig ko ang boses ng isa kong pamangkin, Sinipat ko ito ng tingin. Agad na tumampad sa harapan ko ang mukha ng isa sa mga kambal na anak ni Ate Miracle. Si Elijah. Hindi magkakalayo ang aming edad at
mukhang galing ito ng School base na din sa kanyang suot. Binatang binata na ang pormahan nito at hindi na ako nagtaka pa dahil halos dalawang taon lang ang agwat ng edad ko dito.
"Ang tagal din nating hindi nagkita Uncle! Buti natyempuhan kita ngayun. "muling wika nito. Hindi ko maiwasan na mapangiwi ng tawagin ako nitong uncle". Ilang beses ko na itong sinabihan na tawagin ako sa pangalan ko pero sadyang matigas ang ulo nito. Hindi nakikinig sa pakiusap.
Lumangoy ako papuntang gilid ng pool para marinig kong ano pa ang sasabihin nito.
"Pwede ba! Tigilan mo ang kakatawag sa akin ng 'Uncle'. Halos magkasing edad lang tayo at kung umasta ka akala mo sampung taon ang agwat ng edad ko sa iyo!' gigil kong wika dito. Tumawa naman ito.
"Sorry...bilin kasi ni Mommy sa akin "
Uncle' ang itawag namin sa iyo dahil magkapatid kayo. Hayaan mo kapag tayong dalawa lang tatawagin kita sa pangalan mo. Basta isama mo ako sa mga gimik mo." Nakangisi nitong wika. iiling-iling naman ako dito habang seryosong sinisipat ito.
"Ano ang kailangan mo? Bukas pa ang family day ah?" Nakakunot ang noo kong tanong. Friday pa lang ngayun at bukas ng hapon gaganapin ang family day hanggang linggo. Yes...two days na. Ibig sabihin kapag weekend required na dumalaw dito sa mansion lahat ng kapatid ko.
"Hindi mo ba alam? Dito na ako naglalagi sa mansion..Palibhasa kasi bihira ka lang kung umuwi dito kaya hindi mo tuloy alam ang mga kaganapan dito sa mansion." natatawa nitong sagot. Lalo ko itong kinunutan ng noo.
Kailan pa ito dito? Hindi ito
nababanggit nila Mommy at Daddy ah?
"Inukupa ko ang bakanteng kwarto katabi ng room mo. Mas gusto ko dito sa mansion dahil mas malapit sa School na pinapasukan ko. Isa pa gusto kong makasama lagi si Mama Carissa at Papa Gabriel." muling wika nito. Hindi ko maiwasan na mapaismid. Alam kong nagsisipsip lang naman ito kila Mommy at Daddy.
"Buti pinayagan ka nila Ate at Kuya Roldan na dumito muna." walang gana kong tanong. Napangiti ito bago sumagot.
"Oo naman! Mas maigi nga dumito muna ako eh. Alam mo naman na hindi kami magkasundo ng kakambal kong si Elias. Tahimik ang bahay kapag hindi kami magkakasalubong ng kakambal ko." wika nito. Napailing na lang ako. Noon pa man aware na ako na parang aso at pusa ang kambal na anak ni Ate Miracle. Kahit maliliit na bagay. laging pinagtatalunan.
Sabay na dumako ang aming tingin sa tatlong tao na kasa-kasama ng guard papuntang garden. Nagtataka akong napatitig kay Elijah.
"I think sila na iyung tatlong
kasambahay na ipinadala ng agency. Sana naman sa pagkakataon na ito, mga seksing kasambahay naman ang kunin ni Mama Carissa. Sawa na ako sa mga losyang na kasambahay.
Nakakawalang gana lalo na kapag sila ang maghahain ng pagkain." napataas pa ang aking kilay ng marinig ko ang sinabi ni Elijah. Mukhang babaero din itong pamangkin ko. Mana sa akin. Sabagay, binatang-binata na din naman ito at alam kong katulad ko tirador din ito ng mga chiks.
"Tumigil ka na nga! Huwag mong sabihin pati kasambahay papatusin mo. Magkaroon ka naman ng delicadeza." sagot ko dito. Tumawa naman ito.
"Bakit meron ka ba noon Uncle? Nakakasawa na din ako ang mga babaeng may class. Akala mo kung sinong virgin kumilos. Ang aarte pero kapag kumain ng manoy akala mo mauubusan." tumatawa nitong sagot. Hindi ko naman mapigilan ang mapailing. Mukhang pagdating sa babae, expert na nga itong si Elijah. Pwede ko na pala itong gawing tropa eh.
"Hinaan mo ang boses mo! Marinig ka ni Mommy malalagot ka talaga!" sagot ko. Ngumisi lang ito tsaka naglakad palayo sa akin.
"Sisilipin ko lang ang mga bagong tsimimay. Ang alam ko iinterviewhin pa rin sila ni Mama Carissa bago tuluyang makapasok dito sa mansion. Babalik ako kapag may maganda akong makita." wika nito sabay kindat sa akin. Napailing na lang ako habang pinapanood ang papalayo nitong pigura.
Hindi na din ako nagtagal sa swimming pool. Agad na din akong umakyat ng kwarto para maligo. Balak kong matulog na lang muna. Kailangan ko ng maraming pahinga dahil nagpromise na ako kina Mommy at Daddy na magseseryoso na ako sa paghawak sa Villarama Empire.
Paidlip pa lang ako ng marinig ko ang malakas na katok sa aking pintuan. Yamot akong napabangon at pinagbuksan ito.
"What?" hindi ko mapigilan na sigaw ng mabungaran ko ang nakangiting si Elijah. Nakabihis na ito ng damit pambahay at para wala lang dito ang inis ko at pumasok ito sa loob ng kwarto. Diretso ito sa aking kama at humilata. Wala sa sariling naihilamos ko ang aking kamay sa mukha dahil sa pinipigilang inis.
"Ano na naman ang kailangan mo! Elijah, nagpapahinga ako!" yamot kong wika. Hindi ako pinansin ang nginisihan ako.
"Nakita ko na ang mga bagong tsimimay! Hired silang lahat ni Mama. "excited nitong wika. Hindi na ako umimik. Anong special doon?
"Ok..mas maigi iyan para marami kang mautusan." walang gana kong sagot at humiga ulit sa kama. Tinakpan ko pa ng unan ang aking mukha para maramdaman nito na gusto ko ng matulog. Manang-mana talaga kay Ate Miracle itong si Elijah. Talo pa ang babae sa sobrang kulit.
"Saglit lang. Hindi pa ako tapos. Nakita ko ang hitsura ng isang tsimimay. Ang ganda niya! Kahit parang sunog sa araw ang kanyang balat pero hindi pa rin maikakaila ang kagandahan niya. Halika puntahan natin sa servants Quarter para maniwala ka" narinig
kong wika nito kasabay ng pagkatanggal ng unan sa aking mukha. Yamot akong napabangon at seryosong tinitigan si Elijah.
"Umayos ka nga! Ang kulit mo talaga!" Asar na wika ko dito. Pagkatapos seryoso kong tinitigan.
"Isa pa..hindi mo ba alam na isa sa mga rules sa mansion ang bawal makipag-fling sa mga kasambahay? Oo, babaero ako pero hindi ako papatol sa mga empleyado ng pamilya." sagot ko dito. Natigilan ito pagkatapos ay nginisihan ako.
"Sinabi mo iyan ha? Baka kapag makita mo siya mas gugustuhin mong magpagala-gala dito sa mansion ng walang suot na brief." Natatawa nitong sagot. Hindi ko naman mapigilan na batukan ito. Loko loko talaga!
"Lumabas ka na nga! Mag-aral ka para naman hindi ka mangamote sa klase!"
sigaw ko dito at itinulak pa paalis ng kama. Tatawa-tawa naman itong lumabas ng silid. Naipikit ko na lang ang aking mga mata dahil kuhang kuha talaga ang inis ko nitong si Elijah.
Mukhang magiging sakit ng ulo ko ang pamangkin kong ito. Hanggang kailan kaya ito maglalagi dito sa mansion?
Hindi ko na namalayan pang nakatulog pala ako. Eksakto alas sinko ng hapon nagising ako. Agad akong bumangon at nag-ayos ng sarili. Lumabas ng kwarto at naglakad palabas ng mansion.
Agad kong sinipat ang buong paligid pagkalabas ko.. Marahan akong napabuntong hininga at naglalakad papuntang pool. Masarap talaga
tumambay dito sa labas ng mansion kapag hapon. Pakiramdam ko may
kung anong humahaplos sa puso ko kapag nakikita ko ang mga pananim na halaman na alagang alaga ni Mommy.
Mga plants collection pa ang mga iyun ni Grandmama. Minana ni Mommy at lalo itong dumadami sa paglipas ng panahon. Lumalawak din ang mga nasasakupan. Para kaming may flower shop sa loob ng bakuran kapag sabay- sabay na namumulaklak ang mga ito. Katulad ngayun, masarap sa mata at nakakarelax.
Naputol lang ang pagmumuni-muni ko ng maagaw ang aking attetion sa isang babaeng biglang lumabas sa garden. May bitbit na timba at tabo. Hindi ito nakauniform na pang-kasambahay kaya nagtataka akong nasundan ito ng tingin. Nakasuot ng mahabang palda at malaking tshirt. Nakalugay din ang mahaba nitong buhok. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito pero para itong teenager.
Nagtaka pa ako ng huminto ito sa may pool. Tiningnan ang tubig at sa labis na gulat ko sumalok ito ng tubig gamit ang tabo sabay isinalin sa timba. Agad na nagsalubong ang aking kilay at wala sa sariling nilapitan ito.
"What are you doing?" seryoso kong tanong sa mataas na boses. Nakita ko ang pagkagulat nito at agad na napatayo. Nakanganga pa ito habang tumitig sa akin.
"Po?" tanong nito. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ba ako sa hitsura nito. Namimilog ang mga matang nakatitig sa akin at hindi ko maikakaila na maganda ito. Walang kahit na anong bahid na make up ang kanyang mukha. Ni hindi nga yata naglagay kahit pulbo lang. Agad na naagaw sa attention ko ang mamula-mula nitong labi. Napaka
-natural at parang ang sarap halikan. Wala sa sariling naipilig ko ang aking ulo ng maisip ko iyun. Kailan pa ako nagkaroon ng interes para halikan ang isang babae?
"I said what are you doing? Bakit dito ka kumukuha ng tubig sa pool?" muli kong tanong. Napansin ko ang pagkurap nito tsaka itinoon ang mga mata sa timba na may laman ng tubig.
"Mag-mag--magdidilig po ako Sir. Sabi kasi ni Mam, iaassign nya daw po ako sa paga-aalaga ng mga halaman." sagot nito sa nangangatal na boses. Lalo namang nagsalubong ang kilay ko
sa narinig dito.
"Magdidilig? At dito ka pa talaga sa pool kumuha ng tubig? Are you stupid? "inis kong tanong dito. Napayuko ito.
"Po? Opo..." sagot nito. Lalo namang nagdikit ang kilay ko. Nang-aasar ba ito?
! Saang lupalop ka ba ng mundo galing! Bakit ang tanga-tanga mong kausap." hindi ko mapigilan na sigaw dito. Lalo itong napayuko kaya naman malakas akong napabuntong hininga.
"Pa-pasensya na po Sir....hi-hindi ko po kasi naintindihan ang iba mong sinasabi....ta-tagalog lang po ang alam ko." takot na sagot nito. Lalo naman akong nagulat na napatitig dito. Pagkatapos ay agad kong napansin ang paparating na si Manang Esme. Ang
matagal na naming mayordoma.
"Diyos ko! Pasensya na Sir Rafael. Bago siya at hindi pa niya alam ang gagawin niya." agad na wika nito ng makalapit sa amin. Mukhang kanina pa nito nakikita kung paano ko kastiguhin ang babaeng kaharap ko.
"Bakit sya lumabas dito ng hindi nakasuot ng uniform? At sino ang nag- utos sa kanya na ang tubig dito sa pool ang gamiting pandilig sa garden? Hindi nya ba alam na posibleng mamatay ang mga pananim ni Mommy kapag itong tubig na ito ang gagamitin?
tanong ko sabay sipa ng timba.
"Pa--pasensya na Sir. Hin-hindi ko napansin na lumabas pala siya ng servants quarter. Akala ko po kasi
nagpapahinga lang siya. Bukas pa po ang umpisa ng trabaho nila kaya wala pa siyang uniform. Hindi ko pa po nabibigyan." hinging dispensa ni Manang Esme. Napabuntong hininga at ibinaling ang tingin sa babaeng hindi ko alam kung saan galing. Maluha- luha na ito habang nakayuko.
"Veronica...ano ka ba namang bata ka! HIndi bat sinabi sa iyo kanina ni Madam Carissa na magpahinga muna kayo. Bukas ko pa kayo tuturuan sa mga gagawin niyo dito sa mansion. Isa pa tuturuan ka din ng hardenero kung paano ang gagawing pag-aalaga sa mga halaman ni Madam." baling ni Manang dito. Muling napataas ang kilay ko. Veronica? Kay gandang pangalan mukhang tanga naman. Isa pa mukhang minor de edad pa ito. Bakit tumanggap si Mommy ng ganitong klaseng kasambahay.
"Pasensya na po..hindi po kasi ako
makatulog Manang...kaya nagpasya na lang akong diligan ang halaman ni Madam." sagot nito.
"Pasensya na po kayo Sir...hahayaan niyo po. Hindi na ito mauulit." hinging dispensa ni Manang Esme at ito na ang nagkusang kumuha ng natumbang timba.
Pagkatapos ay agad nitong hinila si Veronica paalis sa harap ko. Hindi na din ito muling tumitingin sa akin hanggang sa makaalis. Napapailing na lang akong nasundan sila ng tingin.
Chapter 162
VERONICA MENDOZA POV
Gusto kong takasan ang hirap ng buhay sa probensya kaya ng yayain ako ng kapitbahay namin na si Ethel na lumuwas ng Manila hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Agad akong nagpaalam kila Nanay at Tatay na maghahanap ng trabaho at magpapadala na lang buwan-buwan para makatulong sa gastusin ng lima ko pang kapatid.
Oo, mahirap na nga ang buhay nagawa pa talagang magparami ng anak ng aking mga magulang. Anim kami lahat at ako ang panganay. Lahat ng mga kapatid ko ay halos ako na din ang nag- aalaga dahil kailangang tulungan ni Nanay si tatay sa paghahanap buhay. Lagi itong kasa-kasama ni Tatay kapag pumapalaot sila para manghuli ng Isda.
Kaya nga halos hindi ako makaapak ng iskwelahan, Grade 4 lang ang tinapos ko sa edad kong daisy otso. Gusto ko mang mag-aral pero talagang hirap kami. Mabuti na lang at nagawa kong makumbinsi sila Nanay at Tatay na sasama na lang ako kay Ethel dito sa Manila. Kaya lang pagdating dito sa siyudad walang sino man ang gustong tumanggap sa akin. Sa isang past food chain nagtatrabaho si Ethel at isa sa mga requirements doon ay ang nakapagtapos man lang kahit High School. Hindi nga ako nakatapos ng Elementary kaya talagang hindi ako matatanggap doon.
Mabuti na lang mabait si Ethel.
Hinayaan ako nitong pansamantalng tumira muna sa inuupahan nitong kwarto. Kaya lang hindi ako pwedeng manatili ng matagal doon. Nagdemand kasi ang landlady nito na magdagdag ng upa dahil dalawa na daw kaming nakatira doon.
Mabuti na lang itinuro ako sa isang agency ng isa sa mga kaibigan ni Ethel. Agency na nagdedeploy ng mga maid sa ibat ibang may kayang pamilya.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad akong nagpasa ng Biodata. Kahit anong trabaho papasukin ko makapagpadala lang ng pera sa probensya para sa mga kapatid ko.
Alam kong magugutom na naman sila lalo na at parating na naman ang panahon ng habagat. Kapag mga ganoong pagkakataon bawal maglayag ang mga maliliit na banka at gutom ang aabutin ng aking mga magulang at mga kapatid.
Halos isang linggo lang ang hinintay ko at agad akong nakatanggap ng tawag mula sa agency. Isa daw ako sa mga napili nila na ipadala sa isang mayamang pamilya na naghahanap ng mga kasambahay. Halos hilahin ko na ang oras sa matinding excitement. Sa wakas, natapos na din ang paghihintay
ko. Magkakaroon na ako ng trabaho.
Tatlo daw ang kailangan sa mansion kaya magkasabay kaming tatlo na hinatid ng sasakyan ng agency. Medyo may edad na ang mga kasama ko at ako lang yata ang bata-bata pa.. Gayunpaman hindi iyun nakakabawas sa layunin kong magkapagtrabaho.
"Pagkahinto pa lang namin sa tapat ng gate ay agad na akong namangha sa aking nakita. Sa labas pa lang kita ko na ang karangyaan ng buong paligid. Agad ko namang napansin na bumukas ang mataas na gate. May lumabas na dalawang gwardiya at kinausap ito ng kasama namin na taga - agency.
Sabay-sabay na kaming
nagsipagbabaan ng senyasan kami ng kasama namin. Tinitigan pa kami ng mga gwardiya tsaka tumango.
"Kanina pa sila hinihintay ni Madam. Pwede ka ng umalis. Ako na ang bahalang magdala sa kanila sa loob." wika ng isang medyo may edad ng guard. Kinabahan ako ng mga sandaling iyun sa isipin na hindi na pala kami sasamahan ng may ari ng agency patungo sa aming employer.
"Magpakabait kayo sa loob ha? Tumawag na lang kayo ng opisina kapag may problema." bilin pa nito sa amin. Sabay-sabay kaming nagsipagtanguan at agad na itong umalis. Agad naman kaming niyaya ng guard na pumasok na sa loob.
"Pagkapasok pa lang ng gate ay halos mapanganga ako sa aking mga nakita. Sobrang laki ng bahay. Pakiramdam ko nasa isa akong paraiso lalo na ng tumampad sa paningin ko ang 'malawak na bakuran. Sa kabilang dako naman ay ang mga nagagandahang halaman na sa tanang buhay ko ngayun ko pa lang nakita.
Napasulyap din ako sa isang parang lawa. Kulay blue ang tubig at hindi ko akalain na sa gitna ng Maynila merong ganoon.
Tahimik lang akong nakasunod sa mga kasamahan ko habang inililibot ko ang aking paningin sa paligid. Pakiramdam ko nasa kabilang mundo ako. Biglang naging tahimik ang paligid. Kung
kanina ay puro sasakyan ang aming nakikita dito naman sa loob ng bakuran na ito wala na akong narinig na kahit na anong ingay.
"Good afternoon Madam! Sila na po ang mga kasambahay na ipinadala ng agency." napapitag pa ako ng biglang nagsalita si Manong guard. Abala ang aking mga mata sa kakatingin sa buong paligid at hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa isang parang malawak na pahingahan. May mga nakikita akong mga upuan at lamesa.
Agad na dumako ang aking tingin sa isang babae. Prenteng nakaupo ito habang isa isa kaming tinitigan. Hindi ko naman maiwasan mamangha sa hitsura nito. Ang ganda niya. Para siyang buhay na manika.
Pakiramdam ko pati mga mata nya ay nakangiti habang nakatitig sa amin. Napakagaan ng kanyang awra at kahit na medyo may edad na ay kitang kita ko na mabait ito. Siguro kung naging bata-bata pa ito iisipin kong Diyosa ito. Na isa itong artista.
"Sige na. Ewan mo na sila dito. Gusto ko silang makausap sandali." narinig kong sagot nito kay Manong guard. Napalunok ako ng makailang ulit lalo na ng ituro nito ang upuan sa tapat nito. Agad naman kaming tumalima. Pagkatapos ay binalingan nito ang babaeng nakatayo sa likod nito.
"Magdala kayo ng meryenda dito." utos nito.
"Masusunod po Madam."sagot naman ng inutusan nito. Agad itong umalis at nagmamadaling pumasok sa loob ng mansion.
"Ako nga pala si Carissa Villarama.
Last week pa ako nagrequest sa agency niyo na magpadala ng mga
kasambahay dito sa mansion.
Kailangang kailangan ko talaga ng
kasambahay ngayun dahil nagresign na ang tatlong papalitan niyo.Matatanda na sila at hindi na nila kayang magtrabaho." panimulang wika nito. Hindi maialis-alis ang tingin ko sa mukha nito. Nagulat pa ako ng tumitig ito sa akin. llang sandaling napakunot ang noo nito bago nagsalita.
"Ikaw! Mukhang bata ka pa ah? Thirty years old and above ang hinahanap ko. " wika nito habang nakatingin sa akin.
Kinabahan naman ako. Mukhang bulilyaso pa yata ang pagpasok ko sa bahay na ito. Wala namang nabanggit ang agency tungkol dito.
"Pa-pasensya na po Mam. Masipag naman po ako. Kailangan ko na pong makapasok ng trabaho. Magugutom po ang pamilya ko kapag hindi po ako makahanap kaagad ng trabaho." sagot ko sa mangingiyak-ngiyak na boses. Sandali itong natigilan at mataman akong tinitigan. Pagkatapos kinuha nito ang isang papel na nasa harap nito.
"Veronica right?" tanong nito. Agad akong napatango.
"Daisy otso ka pa lang Iha. Iniiwasan namin na tumaggap ng mga
kasambahay sa ganiyang edad." wika nito. Hindi ko na mapigilan pa ang mapaiyak. Mukhang hindi talaga ako matatanggap. Mukha lang palang mabait itong kaharap ko. Wala naman palang pakialam sa kalagayan ng isang tao. Lalo na sa katulad kong naghihirap.
"Mam, maawa na po kayo sa akin. Kailangang-kailangan ko po ng trabaho." tumutulo ang luha na sagot ko dito. Hindi ito nakaimik at tinitigan ako nito.
"Hi Mama! Nandito na ako!" agad kong pinahiran ang luha sa aking mga mata ng may biglang nagsalita. Sabay- sabay pang bumaling ang aming tingin sa parating na lalaki.
Diyos ko! kung maganda si Madam, ang pogi naman ng parating na lalaki. Bahay ba ito ng magaganda at gwapong nilalang? Ang tangkad niya at agad itong humalik sa pisngi ni Madam ng makalapit. Pagkatapos ay kita ko ang pagsulyap nito sa aming tatlo.
"Sila po ba ang new kasambahay dito sa mansion Ma?" tanong nito. Anak siguro ito ni Madam. Mama ang tawag eh.
"Yes....and be good to them ok?"
Nakangiting sagot ni Madam Carissa. Napayuko ulit ako. Sakto naman na
dumating ang kasambahay na inutusan nito na kumuha ng meryenda. May kasama pa ito na isa pa at may bitbit ng tray na may lamang mga pagkain. Bigla naman akong nakaramdam ng gutom. Pandesal at kape lang ang kinain ko kaninang umaga. Hindi ko maiwasang mapalunok ng makita kong isa-isa ng inilatag sa lamesa ang mga pagkain.
"Kumain muna kayo. Pagkatapos nito pwede na kayong magpahinga. Bukas niyo na lang umpisahan ang inyong mga trabaho." wika ni Madam habang nakangiti. Hindi ko naman mapigilan ang sumagot dahil sa sinabi nito.
"Ibig niyo pong sabihin, tanggap na din po ako?" umaasang tanong ko. Muli itong tumitig sa akin at tipid na ngumiti.
"Yes...nakita mo ba ang mga halaman na iyan? Diyan kita iaasign. Papaturuan na lang kita sa paalis na hardenero sa mga dapat mong gawin." sagot nito.
"Siya nga pala. Si Elijah...isa sa mga apo ko. Dito siya nakatira sa mansion sa ngayun. May isa pa akong anak na binata...Si Rafael. Ako at ang asawa kong si Gabriel lang naman ang palaging nandito sa mansion...."
"Every saturday and sunday family day
ng pamilya kaya medyo maraming
gagawin. Pupunta dito ang mga anak
ko sa mga araw na iyan kaya
makikilala niyo din sila. Huwag kayong mag-alala, mababait kami sa mga kasambahay. Lalo na kapag maayos kayong magtrabaho. Karamihan sa mga kasambahay dito na tumanda sa 'amin...kaya aasahan ko na magiging maayos ang serbisyo niyo sa aming pamilya. " wika nito
Sabay-sabay kaming tatlo na nagsipagtanguan. Hindi ko naman
maipaliwanag ang tuwa na aking nararamdaman. Sa wakas, may trabaho na ako. Mabait naman pala si Madam. Napansin marahil ang pag- iyak ko kanina. Asahan niya gagalingan ko ang trabaho. Magiging masipag ako dito sa loob ng mansion.
"Mama, buti naman may nahalong bata sa kanila. At least hindi na magiging boring ang mansion. May bata ng kasambahay eh." akmang iinom na ako ng juice ng muling magsalita ang lalaking nagngangalang Elijah. Hindi naman sumagot si Madam at nakangiti nitong niyaya ang apo na pumasok na sa loob ng mansion. Pero bago ito pumasok ay tumingin muna ito sa gawi namin.
"Manang Espe...ikaw na ang bahala sa kanila. Bukas pa sila mag-uumpisa kaya ituro niyo sa kanila ang kanilang magiging quarter. Kayong tatlo, siya si Manang Espe...siya ang mayordoma dito kaya siya ang kadalasan na magpapaalala sa inyo sa mga dapat gawin dito sa mansion. Siya na din ang magsasabi sa mga rules ng mansion." wika nito.
"Opo Madam." sabay-sabay naming sagot. Tumango ito at tuluyan na kaming tinalikuran.
Pagkatapos mag meryenda ay agad nga kaming dinala sa servants quarter. Natuwa pa ako dahil mukhang magiging komportable ako. Malayo ito sa hitsura sa boarding house ni Ethel. May foam ang higaan namin at may telebesyon pa.
"Ikaw si Veronica diba? Doon ka sa quarter ko Iha. Ikaw na lang ang gagawin kong kasama doon." wika ni Manang Espe sa akin. Medyo may edad na din ito. Nagulat pa ako dahil sa dinami-daming katulong dito sa mansion ako ang napili nitong makakasama sa quarter. Nabanggit nito na kada kwarto daw ay may dalawang higaan at dalawang kasambahay ang magkakasama. Agad naman akong tumango at sumunod na dito ng mag-umpisa ng maglakad kami papunta sa kwarto nito.
"Diyan ka sa kabila. Ngayun lang ako ng kukuha makakasama sa quarter. Since ikaw ang pinakabata sa lahat at mukhang mabait ka naman dito ka na lang ha? Para mabilis din kitang maturuan sa mga dapat mong gawin." wika nito. Agad akong tumango.
"Oh siya...ikaw na ang bahala dito. Babalik na ako ng kusina dahil mag- uumpisa ng magluto ng hapunan ang chef ng mansion." wika nito at agad ng umalis. Hindi naman maalis ang ngiti sa labi ko ng mapag-isa ako. Wala ng atrasan ito. Makakapagpadala na ako ng pera kina Nanay sa katapusan ng buwan.
Agad akong nahiga sa higaan ko. Ang lambot at ang bango ng higaan. First time kong humiga sa kutson dahil sa banig lang kami natutulog sa probensiya. Sa boarding house naman ni Ethel sa sahig ako natutulog.
Nagsasapin lang ako ng kumot.
Sa sobrang excited ko biling baliktad ako sa higaan. Kahit gaano pa kasarap mahiga sa higaang kutson pakiramdam ko namamahay ako.
Hindi ako makatulog kaya nagpasya akong lumabas muna. Sabi ni Mam, sa harden daw ako maassign. Muli akong napangiti ng maalala ko ang magagandang bulaklak doon. Agad akong lumabas ng silid namin ni Manang Espe at naglakad patungong garden.
Agad na tumampad sa paningin ko ang mga nagagandahang halaman. Sa hindi sinasadya ay muling natoon ang attention ko sa lawa. Napangiti pa ako ng maisipan kong diligan na lang muna ang mga halaman. Wala naman akong gagawin ngayung hapon at sayang naman kung tutunganga lang ako.
Agad akong naghagilap ng tabo at timba. Mabuti na lang at may nahanap ako sa likod ng mansion kaya naman dali-dali akong naglakad patungo sa lawa. Agad akong sumalok ng tubig at bigla akong napatayo ng may narinig akong sumigaw mula sa likuran ko.
"What are you doing?" wika nito sa mataas na boses. Agad akong nangatal sa takot at wala sa sariling tumingin sa gawi nito. Halos mapanganga ako ng masilayan ang hitsura nito. Ang gwapo niya at kahit na naniningkit ang mga matang nakatitig sa akin hindi ko maiwasan na maramdaman ang malakas na pagtibok ng puso ko.
Kahit hindi ko masyadong
naiintindihan ang sinasabi nito alam kong galit ito. Nanlilisik ang kanyang mga matang nakatitig sa akin at pakiramdam ko ako na ang pinakatangang nilalang sa mundo lalo na ng malaman ko na hindi pala lawa ang tawag sa bagay na may tubig. Swimming pool daw at hindi pwedeng idilig sa halaman dahil baka mamatay ang koleksyon ni Madam.
Mabuti na lang at dumating si Manang Espe. Kung hindi baka nahimatay na ako sa takot. Kung gaano ka- pogi ang kaharap ko ganoon naman kasama ang kanyang ugali. Kung makasigaw akala niya tao-tauhan lang ang kanyang kaharap.
Chapter 163
VERONICA POV
Halos maiyak ako ng tuluyan na akong hilahin ni Manang Espe palayo kay Sir Rafael. Hindi ko akalain na sa unang araw ko sa trabahong ito makakaranas ako ng ganitong kahihiyan. Malay ko ba sa swimming pool na iyan. Walang ganyan sa probensiya namin. Meron dagat at lawa.
"Anong nangyari dyan Manang? Bakit po umiiyak." narinig ko pang tanong ng isang babae. Kasambahay din ito base sa kanyang suot na uniform.
"Naku Maricar, pinagalitan ni Sir Rafael. Alam mo naman ang ugali ng amo natin na iyun. Ibang iba sa ugali ng Mommy at Daddy niya. Pati na din ng kanyang mga kapatid." Narinig kong sagot ni Manang Espe. Agad kong pinunasan ang luha sa aking mga mata at tumitig kay Manang.
"Manang, matatanggal po ba ako? Nakakatakot po sya. Galit na galit sya sa akin kanina." Sagot ko. Tinitigan ako nito tsaka umiling.
"Hindi naman si Sir Rafael ang magdedesisyon tungkol sa bagay na iyan. Ang mabuti pa iwasan mo na lang ng magkasalubong kayo. Sa lahat ng tao dito sa mansion, ugali nya ang hindi maiintindihan. Palibhasa kasi bunso kaya ganoon." sagot nito. Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Salamat naman po kung ganoon. Kailangang kailangan ko po talaga ang trabahong ito. Marami po akong maliliit na kapatid na umaasa sa padala kong pera." sagot ko. Nakangiti naman ako nitong tinitigan.
"Huwag mo na lang pansinin ang ugali ni Sir Rafael. Masasanay ka din sa kanya. Hayaan mo, ako mismo ang personal na magtuturo sa iyo sa mga dapat mong gawin. Para hindi ka magkamali." nakangiti nitong sagot. Kahit papaano nagpapasalamat ako dahil mabait sa akin ito. Ito ang mayordoma at malaking bagay sa akin na makasundo ko ito.
"Ganyan lang naman iyan si Sir Rafael, mabilis magalit pero hindi naman iyan nagtatanim ng sama ng loob. Marami tayo dito at tiyak na makakalimutan nya din ang nangyari kanina." sagot naman ni Ate Maricar. Para naman akong napabunutan ng tinik at hindi ko maiwasan ang mapangiti.
"Sige na.. Bumalik ka na ng servants quarter. Magpahinga ka para bukas may lakas ka sa mga trabahong gagawin mo. Huwag mo ng isipin ang mga nangyari kanina. Ibibigay ko mamaya ang uniform mo." Wika ni Manang. Tumango naman ako dito at nagpalaam na sa kanilang dalawa ni Ate Maricar. Muli akong bumalik ng kwarto at nahiga habang iniisip ang mga nangyari kanina.
Malaki naman ang mansion. Siguro iiwasan ko na nga lang si Sir Rafael. Nabanggit ni Ate Maricar marami kami dito ibig sabihin lang nyan malaki ang tsansa na hindi na muling magkrus ang landas namin.
Kailangan ko lang sigurong mag-ingat sa mga susunod kong kilos. Kapag hindi ko alam uugaliin ko na lang ang magtanong sa mga kasamahan ko. Ang importante may trabaho ako at mukhang mabait naman si Madam. Tinanggap niya pa nga ako kahit na hindi ako umabot sa edad na gusto nito. Sana lang magiging maayos ang pagtatrabaho ko sa bahay na ito. Para naman matulungan ko na sila Nanay at Tatay.
***
***
Rafael
iiling iling akong muling pumasok sa loob ng mansion. Ang ganda ng gising ko kanina. Nasira lang sa tangang babae na iyun. Siguro isa iyun sa mga kasambahay na dumating kanina dito sa mansion. Saan kaya napulot ni Mommy ang babaeng iyun. Mukhang tatanga-tanga. Wala pang isang araw gumawa agad na kapalpakan.
Pabalik sana ako ng kwarto na nakasalubong ko si Daddy pababa ng hagdan. Mukhang kakagising lang nito at palinga-linga pa habang naglalakad.
"Good Afternoon Dad!" bati ko dito. Nakangiti naman itong tumango.
"Napansin mo ba ang Mommy mo?" agad na tanong ito. Umiling ako.
"Baka nasa kitchen." sagot ko. Pagkatapos ay agad-na itong naglakad papuntang kusina. Nasundan ko na lang ito ng tingin at bumalik na ako ng aking kwarto.
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dito sa Mansion. Hindi ko alam kung paano palilipasin ang oras. Hindi ako sanay na magkukulong lang sa kwarto ng walang ginagawa...
Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng muli akong bumaba. Nagpasya na lang akong pumunta sa gazebo. At least doon makakapag-relax ako habang nagpapalipas ng oras. Malapit na din kami kumain ng dinner kaya magpapahangin na lang muna ako doon.
Pagdating ng Gazebo ay agad kong napansin sila Mommy at Daddy. May kung anong sinusulat si Mommy sa isang papel. Agad akong lumapit sa kanilang dalawa.
"Oh Mabuti naman at naisipan mong sumunod dito anak. Tatanungin kita kung ano ang gusto mong pagkain bukas. Nandito ang mga kapatid at
pamangkin mo at ngayun pa lang
pinapahanda ko na ang mga lulutuin." wika ni Mommy sa akin. Pilit akong ngumiti bago sumagot.
"Kahit ano na lang Mom. Hindi naman ako mapili sa pagkain." sagot ko.
"Sabagay...marami naman akong ipinalutong putahe. Sya nga pala Gab, dumating na kanina ang mga bagong kasambahay, pinagpahinga ko muna at bukas na sila mag-uumpisa ng trabaho. " wika ni Mommy kay Daddy. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila ng muli kong maalala ang mukha ng babae kanina na nagsasalok ng tubig sa swimming pool. Hanggang ngayun kumukulo pa rin ang dugo ko sa nakitang katangahan na ginawa nito kanina.
"Mabuti naman kung ganoon. At least may gagawa na sa mga trabahong naiwan ng mga nagresign na." sagot ni Daddy.
"Iyun nga eh Mukhang mga matitino naman sila. Kaya lang may nahalo sa kanilang teenager...Actually, hindi naman talaga minor dahil eighteen na sya kaya lang alam mo naman na above thirty years old ang tinatanggap natin dito sa mansion diba?" wika ni Mommy. Napangiti naman si Daddy at hinawi pa nito ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa mukha ni Mommy.
"Eh di ibalik natin sa agency. Nasaan ba siya? Ipahatid na lang natin sa driver. Dapat kapag mga ganitong bagay, sumunod sila sa request ng client nila' sagot ni Daddy. Natitigilan ako.
"Iyun nga ang naisip ko kanina. Kaya lang naawa ako. Halos umiyak kanina habang nagmamakaawa. Kailangang kailangan niya daw ng trabaho." sagot ni Mommy. Natigilan naman si Daddy at napatango-tango. Muli kong naisip ang tangang babae. Siguro siya ang tinutukoy ni Mommy Mukhang teenager pa nga ang babaeng iyun. At siya din siguro ang tinutukoy ni Elijah kanina.
"Well, nasa sa iyo ang lahat ng desisyon Sweetheart! As long as magagampanan ng maayos ang trabaho walang problema sa akin " sagot ni Daddy Napangiti naman si Mommy.
"Iyan din ang naisip ko kanina. Hayaan mo, paoobserbahan ko na lang siya kay Manang. Mukhang mabait naman ang batang iyun" sagot ni Mommy. Napangiti naman si Daddy at binalingan ako.
"Siya nga pala Rafael Kausap ko kanina ang Kuya Christian mo. Personal ka daw nyang tuturuan simula sa Lunes kaya ihanda mo ang sarili mo. Ayaw ko ng makarinig ng kahit na anong excuses mula sa iyo ha?
Kailangan mong magfocus at iwasan mo muna ang kakadala ng babae sa isa sa mga condo mo. Dito ka muna umuwi hanggat hindi mo pa kabisado ang pamamalakad ng kompanya." wika ni Daddy. Nagulat naman ako sa sinabi nito. Paano nito nalaman na may condo ako at doon ko dinadala ang nagiging mga babae ko?
"Ikaw talagang bata ka! Tigil-tigilan mo na nga ang kakalaro sa damdamin ng mga nagiging girl friend mo. Hindi ka na bumabata Rafael ha? Baka mamaya ma-karma ka dyan sa ginagawa mong iyan." sabat naman ni Mommy. Hindi ko naman mapigilan ang mapayuko. Hindi ko akalain na aware ang mga magulang ko sa mga kalokohan na ginagawa ko.
"Mom, sa simula pa lang pareho naman naming gusto iyun. Halos karamihan sa kanila ayaw ng commitment kaya walang karma na mangyayari." sagot ko. Umismid lang si Mommy sa sagot ko. Napangiti naman ako.
"Kahit na! hindi yata nagtatagal kahit isang buwan man lang ang babae sa iyo. Isa pa ngayung nandito ka na sa mansion, iwasan mo ng sungitan ang mga kasambahay ha? Akala mo siguro hindi ko alam ang mga pinanggagawa mo sa kanila? Kaunting pagkakamali binubulyawan mo daw sila.' muling kastigo ni Mommy. Napakamot naman ako ng ulo. Tumawa naman si Daddy.
Sino ba namang amo ang matutuwa kung palpak ang trabaho ng mga nakapalibot sa kanila. Natural,
papagalitan ko para alam nila ang kanilang pagkakamali. Palibhasa kasi alam ko kung gaano kabait si Mommy pagdating sa mga kasama namin dito sa bahay. Wala naman problema sa akin iyun kaya lang nag-aalala ako na baka mamihasa sila. Baka abusuhin
nila ang kabaitan ng pamilya ko.
"Hayaan mo na Sweetheart. Iba na ang mga kabataan ngayun. Masyado na silang mapupusok. Hayaan na nating mag-enjoy si Rafael sa pagiging buhay binata niya. Ngayun pa lang tikman na niya ang mga putaheng gusto nya... para kapag matagpuan niya na ang babaeng magpapatibok ng puso nya sawa na siyang tumingin sa iba." sagot naman ni Daddy. Napangiti ako ng makita ko na kinurot ito ni Mommy.
"Haay naku! Ikaw talaga! Imbes na pagsabihan mo iyang anak mo kinukusente mo pa!" sagot ni Mommy na may halong inis na sa boses. Pagkatapos ay tumayo na ito at agad na umalis. Kakamot-kamot naman ng ulo si Daddy na napasunod dito. Nilingon pa ako nito tsaka kinindatan. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
Sanay na ako sa mga magulang ko. Alam kong ang nakikita ko kanina ay bahagi iyun ng kanilang lambingan. Sana kapag matagpuan ko na ang babaeng para sa akin, katulad siya ni Mommy. Mabait...maalaga at mapagmahal.
Mabilis lumipas ang oras. Agad akong bumalik ng kwarto pagkatapos namin kumain ng dinner. Mabuti na lang at hindi na nangulit ang pamangkin kong si Elijah. Balak daw nito magbabad muna sa pool ngayung gabi. Niyaya pa ako pero tumanggi ako. Naligo na ako kanina at gusto kong matulog ng maaga. May gym dito sa mansion pero balak kong magjogging sa labas bukas ng umaga. Balak ko din mang-hunting ng chiks. Pampalipas ng oras.
Kinaumagahan....madilim pa ang paligid nasa lawn na ako ng mansion. Abala ako sa pagwawarm-up ng mapansin ko ang pagtigil ng sasakyan sa tapat ng gate.
"Ang aga naman nilang lumabas."
hindi ko mapigilang bulong sa aking sarili. Nakamasid lang ako ng bumaba mula sa loob ng sasakyan sila Manang Espe at ang bagong kasambahay namin. Ito iyung babae na nakita kong tumatabo ng tubig sa pool. Hindi ko maiwasan na mapataas ang aking kilay ng mapansin ko na naka-inform pangkasambahay na ito.
Wala namang special sa soot nito pero hindi ko maiwasan na mapahanga sa hitsura nito ngayun. Kung kahapon parang soot ng sinaunang tao ang damit nito bumagay naman dito ang soot nitong uniform ngayun.
Grey scrub suit ang kadalasan na uniform dito sa mansion at hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko 'malaalis-alis ang tingin dito. Parang ang sexy nitong tingnan gayung halos natakpan naman nito ang buo nitong katawan. Normal na pananamit lang ito kung totoosin ng mga nakakahalubilo kong kasambahay namin pero hindi ko maintindihan kung bakit parang ang ganda niyang tingnan ngayun. Mas maganda siguro itong tingnan kung magsusuot ito ng iba pang damit.
Ipinilig ko ang aking ulo para bumalik ako sa huwesyo. Kay aga-aga kung ano ang naiisip ko. Hindi ako dapat humanga sa isang kasambahay namin. Lalo na kung tatanga-tanga at mukhang walang pinag-aralan.
Saktong binuksan na ng driver ang hulihang bahagi ng sasakyan ng lumapit ako sa kanila. Aktong bubuhatin na nila ang kanilang pinamili ng maagaw ko ang attention nila.
"Good Morning Sir Rafael....Pasensya na po. Medyo malansa itong mga dala namin." agad na bati sa akin ni Manang Espe. Narinig ko din na binati ako ng driver. Tango lang ang naging sagot ko sa kanila. Pagkatapos ay muli kong tinitigan ang bagong
kasambahay. Agad kong napansin ang bahagyang pag-iwas sa akin nito.
Mukhang natakot ito sa presensya ko. Hindi ko maiwasan na mapataas ang aking kilay.
"Ang aga niyo naman Manang." wika ko na lang dito para naman may maisagot ako sa pagbati nito.
"Naku, kagabi pa ibinigay ng Mommy mo ang mga listahan na dapat bilhin ngayun. Alam mo naman na paborito ng mga kapatid mo ang seafoods kaya ito ang nangunguna sa ihahada
ngayung araw." sagot nito. Tumango na lang ako at binalingan ng tingin ang kanilang pinamili. Mukhang madami nga at talo pa namin ang may malaking handaan na magaganap sa mansion..
"Sige.....ipasok niyo na sa loob. Baka kumalat pa ang amoy niyan dito sa labas." wika ko. Agad naman silang tumalima at tumulong na din ang driver sa pagbubuhat ng kanilang pinamili. Nasundan ko na lang ng tingin ang kanilang pagtalikod sa akin. Ngayun ko lang din napansin na hindi man lang ako binati ni Veronica. Iwas na iwas din itong tumingin sa akin.
Chapter 164
VERONICA POV
Madaling araw pa lang ay pareho na kaming gising ni Manang Espe. Isasama niya daw ako para mamili ng seafoods sa fish market. Iyun daw kasi ang nangunguna na gusto kainin ng mga anak ni Madam Carissa kaya naman agad akong naligo at isinuot na ang bigay nitong uniform.
Natuwa naman ako sa naging hitsura ko. Sakto lang sa akin na sukat at pakiramdam ko mas komportable kapag ito ang isusuot ko. Mabuti na din at may uniform kami dito sa mansion dahil iilang piraso lang naman ang dala kong damit.
Isa pa mga luma na iyun at nakakahiya ng isuot.
Alam na ni Manang Espe kung ano ang bibilhin kaya hindi na din naman kami nagtagal pa sa fish market. Bumili ito
ng crabs, hipon at malalaking isda. Nakakalula pala ang presyo ng bilihin dito sa Manila. Wala pa halos sa kalahati ng presyo doon sa amin. Binabarat pa minsan ng mga mayayamang negosyante ang mga huli ng maliliit na mangingisda kagaya sa mga magulang ko. Samantalang pagdating pala dito sa Manila halos ilandaang porsyento na ang patong.
"Veronica, basta iwasan mo lang magkamali sa trabaho magiging maayos din ang buhay mo sa mansion. Sa nasabi ko na mababait ang mga amo natin maliban lang kay Sir Rafael." agad akong napatingin kay Nanay Espe ng magsalita ito.
"Ganoon po ba? Hayaan niyo po Manang, gagawin ko po lahat ng makakaya ko para matutunan agad ang mga trabahong nakaatang sa akin." nakangiti kong sagot. Nakangiti naman itong tumitig sa akin
"Bakit nga pala pagiging katulong ang inaplayan mo? Pwede ka namang
maging sales lady sa mga malls o di kaya maging crew sa mga past food. At least kapag doon ka magtatrabaho mas marami kang makilalang kaibigan.
Pwede ka pang makapamasyal kapag tapos na ang oras ng trabaho mo." " bakas sa pagtataka sa boses na tanong nito. Natigilan naman ako.
"hi-hindi po kasi ako pwede doon Manang. Hindi po ako nakatapos." nahihiya kong sagot habang nakayuko. Sandaling natigilan si Manang Espe bago muling nagsalita.
"Hindi ka nakatapos? Pero nakapag aral ka naman diba?" tanong nito. Nahihiya akong tumango.
"Opo...kaya lang hanggang Grade 4 lang po. Hindi po kasi ako nakakapasok ng School kapag sumasama si Nanay kay Tatay sa dagat. Walang mag-aalaga sa
mga maliliit ko pang kapatid."
malungkot kong sagot. Hindi ko na naman mapigilan ang maluha habang inaalala ko ang kagustuhan kong makapag-aral noon. Kaya lang ipinanganak akong mahirap kaya hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makapagpatuloy sa pag-aaral kahit na gusto ko.
"Ganoon ba? Naku, kawawa ka naman pala. Ang gandang bata mo pa naman sana at malayo ang mararating mo kung nakapag-aral ka." nakangiting sagot ni Manang.
"Kaya nga po masaya ako dahil natanggap ako sa mansion. Kahit papaano kikita na ako ng pera at makapagpadala na ako sa amin." sagot ko. Agad naman napatango si Manang at hindi na ito umimik pa. Namalayan ko na lang na tumigil na ang sinasakyan naming kotse sa tapat ng mansion. Agad na bumaba si Manang Espe kaya sumunod na din ako dito.
Akmang kukunin na namin ang mga pinamili namin sa likod na kotse ng mapansin ko ang paglapit ng isang tao na gusto ko sanang iwasan. Si Sir Rafael. Parang gusto kong magtago dito dahil natatakot akong baka sungitan na naman ako nito. Seryoso pa naman ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin...
Narinig ko pa ang pagbati ni Manang at ng driver dito. Dahil sa nerbiyos hindi na ako nagsalita pa at nakayuko lang akong nakatayo sa likuran ni Manang habang nakikipag-usap ito kay Sir Rafael at ng sabahin nito na pwede na namin ipasok ang pinamili namin ay parang may pakpak ang mga paa ko. Agad kong kinuha ang ilang supot at nagmamadaling naglakad papasok ng mansion. Dumadagundong ang dibdib ko sa matinding kaba.
"Ikaw talagang bata ka. Hindi mo man lang binati si Sir Rafael. Sa susunod huwag mong kalimutan na magbigay
galang sa kanya ha? Buti na lang at mukhang maganda ang gising niya at hindi ka nasigawan." agad na wika ni Manang ng makarating kami ng kusina.
"Sorry po Manang. Nagulat lang po kasi ako pagkakita ko kay Sir Rafael. Ang aga nya po pala kung gumising." sagot ko.
"Minsan maaga iyan nagigising si Sir Rafael. Mahilig kasi iyan magjogging sa labas ng mansion." sabat naman ng driver na nag-uumpisa ng magtimpla ng kape.
"Pero hayaan mo, minsan lang na naglalagi iyan si Sir dito sa mansion. Sila Madam Carissa at Sir Gabriel lang talaga ang palagi natin makakasama dito kaya magrelax ka lang. Huwag kang matakot dahil mababait sila." sagot naman ni Manang Espe. Para naman akong nabunutan ng tinik.
"Hindi din siguro. Papalitan na ni Sir
Rafael si Sir Christian sa posisyon nito. Gusto ni Sir Gabriel na dito na muna maglalagi sa mansion si Sir Rafael habang pinag-aaralan niya ang pamamalakad sa kompanya. Ako ang magiging driver niya kaya alam kong dito na sya uuwi araw-araw." sabat naman ng driver na si Mang Gerry. Lalo tuloy akong kinabahan sa sinabi nito.
"Talaga? Hindi ko yata alam iyan ah?" sagot naman ni Manang.
"Hindi mo talaga alam kasi nandito ka lang naman sa loob. Ako kaya ang kasama nila Sir sa resort at naririnig ko sa usapan nila." sagot naman ni Mang Gerry. Hindi ko alam na madaldal pala ito. Tahimik lang kasi ito kanina.
"Ayy kung ganoon dapat pala pagsabihan ko ang mga kasambahay. Mukhang marami na naman ang iiyak nito." sagot ni Manang. Pagkatapos ay tumitig ito sa akin.
"Sa harden ka daw maaasign Veronica. Sa susunod na araw na kita tuturuan sa mga gagawin mo doon. Sa ngayun tumulong ka muna dito sa kusina dahil magiging abala tayo ngayun at bukas. Huwag kang matakot...ako ang bahala sa iyo." wika ni Manang sa akin. Tumango naman ako.
"Sa ngayun, magkape ka muna. May tinapay na din diyan. Mamaya lang ng kaunti nandito na din iyung iba pang mga trabahador. Magiging abala na ang lahat kaya ihanda mo ang sarili mo " wika ni Manang. Agad naman ako kumuha ng baso at nag-umpisa ng magtempla ng kape.
Nasa kalagitnaan na kami sa paghigop ng kape ng may narinig kaming malakas na boses.
"Hello Everyone! Goooood Morning!" masiglang wika ng boses lalaki. Sabay
pa kaming napatingin sa pintuan ng kusina. Agad na pumasok ang makisig na mukha ng lalaking apo ni Madam Carissa na si Elijah. Nakangiti ito habang palapit sa kinaroroonan namin.
"Good Morning Sir." magkasabay na bati ni Manang at Manong. Hindi na ako nakasabay sa kanila dahil nagulat ako sa biglang pagsulpot nito. Isa pa agad kong napansin ang pagtitig nito sa akin kasabay ng pagngiti.
"Good Morning Sir." bati ko na lang din sabay yuko.
"Wow! Ganda nya Manang noh? Parang crush ko na tuloy siya." nakangiti nitong wika sabay lapit sa akin. Agad naman akong nakaramdam ng hiya sabay yuko.
"Naku si Sir Elijah talaga! Huwag mong biruin ng ganyan si Veronica... bago lang iyan dito at isa pa bata pa iyan." sabat naman ni Manang. Agad
naman napahalakhak si Elijah bago sumagot.
"Bakit ilang taon na ba siya?....Veronica right? Ilang taon ka na? Huwag kang mahiya sa akin....hindi ako katulad sa Uncle na parang laging galit sa mga kasambahay. Mabait ako at pwede mo akong gawing kaibigan." tatawa-tawa nitong wika.
"Eighteen pa lang siya sir Elijah." sagot ni Manang. Muli itong tumawa.
"Bakit ikaw ang sumasagot Manang? Si Veronica ang gusto kong kausapin. Huwag nyang sabihin nahihiya sa kapogihan ko?" tumatawang sagot ni Elijah. Lalo naman akong nakaramdam ng hiya. Ganito ba talaga siya sa mga kasambahay? Parang ang bilis nyang makapalagayan ng loob.
"naku, ewan ko sa iyong bata ka. Huwag mo munang kausapin si Veronica dahil naninibago pa iyan."
sagot ulit ni Manang. Pagkatapos binalingan ako nito.
"Parating na si Maricar. Tulungan mo siyang ayusin ang mga kobyertos sa dining area. Tuturuan ka din niya sa mga dapat mong gawin doon. Parating na ang tagaluto at ilang sandali na lang mag-uumpisa na siyang magluto ng breakfast nila Madam at Sir." wika nito. Agad ko naman sinipat ang relo na nakakabit dito sa loob ng kusina. Halos alas sais pa lang ng umaga.
"Sa ngayun, palitan mo pala muna ang soot mong uniform. Galing pala labas at kailangan lagi malinis tayo kapag nandito tayo sa loob ng mansion. Huwag kang magtagal Veronica." muling wika ni Manang. Agad naman akong tumayo at umalis na. Hindi ko na sinulyapan pa si Sir Elijah dahil nahihiya talaga ako dito.
Mabilis kong pinalitan ang uniform ko at agad na bumalik ng kusina.
Naabutan ko na ang tagaluto na abala sa paghahalo ng kanyang niluluto. Mabilis naman akong niyaya ni Ate Maricar para pumunta sa dining area. First time kong pumasok dito at namangha ako sa nakita. Ang lawak ng buong paligid at ang haba ng kanilang lamesa. Gaano ba kalaki ang pamilya ng amo namin?
Ngayun lang din ako nakakita ng chandelier sa tanang buhay ko. Kumikinang ito na parang isang dyamante.
"Ganito ang table setting nila, tandaan mo ang lahat ng ituturo ko sa iyo Veronica ha? Bawal magkamali sa ganitong sitwasyon. Maselan si Sir Gabriel lalo na pagdating sa pag- sasaayos ng mga kubyertos. Kay Madam Carissa naman walang problema. Likas na mabait ang amo natin na babae pero syempre nakakahiya pa rin kung hindi maayos
ang pagkakalagay natin ng mga kubyertos nila. Kailangan perfect lahat ng trabaho natin dito." napukaw ako sa pag-iisip ng magsalita si Ate Maricar. Agad naman akong nagfocus at tinandaan ang mga ginagawa nito. Kailangan kong imemorize lahat dahil kailangang kailangan ko ang trabahong ito.
Pagkatapos namin mag-ayos ay isa-isa na naming dinala ang mga pagkain na nailuto na ng tagaluto papuntang dining area. Kakatapos lang namin ayusin ang lahat ng sabay na pumasok ang aming mga amo na si Madam Carissa at ang asawa nitong si Gabriel. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko si Sir Gabriel. Dito nga pala talaga nakuha ni Sir Rafael ang hitsura niya. At ng bumati si Ate Maricar sabay yuko nakigaya na din ako.
"Good Morning Madam, Sir." halos sabay naming wika. Nakangiti namang
tumango si Madam Carissa at isa-isa namang tiningnan ni Sir Gabriel ang mga nakahain sa lamesa. Ipinaghila pa nito ang asawa ng upuan at inalalayan pang maupo. Ganito ba ang mga mayayaman? Sila Nanay at Tatay kasi hindi ganito ka-sweet.
"Hindi pa ba bumababa ang mga bata? " tanong ni Sir. Agad naman sumagot si Ate Maricar.
"Nakita ko po kanina si Sir Elijah..pero si Sir Rafael kababalik lang po galing magjogging." sagot ni Ate Maricar. Tahimik lang akong nakatayo sa tabi nito at nakayuko.
"Sige..pwede niyo na kaming iiwan. Pakisabi kay Manang Espe na pakainin na lahat ng kasama niyo. Mamayang tanghali ang dating ng mga bata kaya tulungan niyo na ang tagaluto para mapadali ang trabaho." wika naman ni Madam Carissa. Kinalabit ako ni Ate Maricar at sabay na kaming lumabas
ng dining area.
"Ganyan dito. Once na makita nilang kumpleto na ang lahat ng kailangan nila sa lamesa ayaw nilang pinapanood sila ng mga kasambahay na kumain. Halika na...kain na din tayo sa kusina." wika ni Ate Maricar. Agad naman akong sumunod dito. Mukhang mabait nga sila Madam Carissa at Sir Gabriel.
Mabilis na lumipas ang mga oras.
Abala ang lahat ng mga kasama ko. Itinuka na ako ni Manang na tulungan si Ate Maricar sa dining area. Kami na din ang tagadala ng mga pagkain sa dining kaya na naging abala na din ako. Maayos naman ang samahan namin na mga kasambahay kaya naging magaan ang trabaho.
Kakalapag ko lang ng buttered shrimp sa lamesa ng may biglang pumasok. Mag-isa lang ako sa dining area dahil nagpaalam si Ate Maricar na iinom muna ng tubig sa kusina.
"Wow, daming foods ah? At lahat favorite ko!" bulalas ng babaeng kakapasok lang. Napakaganda nito habang may ngiting nakaguhit sa labi.
"Well, mukhang pinaghandaan talaga ni Mommy ang araw na ito. Balita ko nandito din ang babaero nating bunsong kapatid.'" sabat naman ng isa pa. Hindi ko naman maiwasan na titigan sila. Hindi sila nakakasawang titigan.
"And who are you? Bago ka ba dito?" baling naman ng naunang dumating na babae sa akin. Nakangiti itong nakatitig sa akin. Nahihiya naman akong napayuko. Baka napansin nito na kanina ko pa sila tinitigan. Isa pa nakalimutan ko na naman silang batiin. Baka ito yung mga anak ng amo namin.
"Ka-kahapon lang po ako dumating dito Mam." sagot ko sa mahinang
boses.
"Oh Really. Mabuti naman at kumuha na si Mommy ng medyo batang katulong Ate Mira. Ang alam ko mas gusto niya iyung mga may edad na." wika ulit nito. Hindi ko naman alam ang gagawin ko.
"Well, mukha naman siyang mabait. No big deals. What's your name nga pala?" sagot ng tinawag na Mira.
"Veronica po" sagot ko. Nakangiti naman itong lumapit sa akin
"Well, nice to meet you Veronica. Nice name. Bagay sa maganda mong mukha. " wika nito. Lalo tuloy akong nakaramdam ng hiya dito. ako naging maganda sa paningin ng ibang tao?
"Ako nga pala si Miracle at siya naman si Arabella. Dont worry, hindi kami nangangain ng tao kaya huwag kang matakot sa amin." wika nito.
Pagkatapos ay naglakad na ito palabas
ng dining area. Naiwan naman ang babaeng nangangalang Arabella.'
"You know what...parang may kamukha ka... Hindi ko lang malaman kong paano pero pakiramdam ko talaga may kakilala akong tao na kamukhang kamukha mo." wika nito. Nang tingnan ko ito ay titig na titig ito sa akin.
"Po? Galing po akong probensya Mam. Kakaluwas ko lang po dito sa Manila dalawang linggo na ang nakalipas." sagot ko. Titig na titig pa rin ito sa akin at parang minimemorize nito ang hitsura ko. Hindi ko naman maiwasan ang magtaka at napatitig dito. Parang nakita ko na nga din itong si Mam Arabella. Agad na nanlaki ang aking mga mata ng isang alaala ang pumasok sa isip ko.
Chapter 165
VERONICA POV
Habang nakatitig sa magandang mukha ni Mam Arabella ay biglang dagsa ng reyalisasyon sa isip ko. Hindi ako maaring magkamali. Ito ang babae na laging ikinikwento sa akin ni Nanay. Ang babaeng minsan niyang naging kaibigan ng mapadpad ito sa Isla noon. Ang babaeng ilang araw lang daw niyang nakasama pero nagiging mabait ang pagtrato sa kanila.
"Mam, minsan na po ba kayong napadpad sa lugar namin noon?" hindi ko maiwasan na tanong dito. Tumitig naman ito sa akin at parang may inaalala.
"Marami na akong lugar na mapuntahan and isa lang ang sure ko. Familiar sa akin ang mukha mo. Saan nga pala ang probensya mo?" tanong nito.
"Sa Isla po ng Santa Barbara! Parang nakapunta na po kayo noon Mam. Parang kamukha niyo po kasi ang babae sa larawan na nakadisplay sa bahay namin." sagot ko dito. Saglit itong natigilan at malalim na nag-isip. Pagkatapos ay agad na nanlaki ang mga mata nito at napatitig sa akin.
"OH MY GOD! Nakapunta na kami sa lugar na iyan. Kasama ko si Mommy noon!" agad na bulalas nito at muli akong tinitigan. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti sa isiping ito nga ang babaeng laging bukang bibig ni Nanay. Si Mam Arabella.
"Kilala mo ba si Venus? Yes...si Venus.. yung naging friend ko sa lugar na iyun dati." bulalas nito. Hindi ko maiwasan ang mapangiti sabay tango.
"Opo...Nanay ko po siya." sagot ko. Agad na nanlaki ang mga mata nito sabay lapit sa akin. Pagkatapos ay parang kinikilatis pa ako nito. Hindi ko naman maiwasan ang makaramdam ng hiya dahil sa kanyang ginagawa. "Talaga? Wow? i-ikaw na iyung anak niya?" tanong nitong muli. Tumango ako.
"Sino ang nakatuluyan niya? Grabe... halos ilang years na din ang lumipas pero hindi pa rin makalimutan ang lugar na iyun. Doon kami napadpad ni Mommy ng naglayas kami." wika nito kasabay ng pagtawa. Pagkatapos muli akong tinitigan.
"Lets go! Kailangan malaman ni Mommy na anak ka pala ng dati kong friend sa si Venus. Tiyak na magugulat iyun. Alam mo bang gusto namin bumalik sa lugar na iyun? Kaya lang naging abala na kami sa pagbalik namin dito sa Manila. Hanggang sa nakalimutan na namin ang planong iyun." wika nito sa akin sabay hawak sa aking kamay. Agad naman akong nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa nito.
"Naku Mam, huwag na po. Nakakahiya po. " sagot ko. Umiling naman ito at hinila pa ako palabas ng dining area. Muli akong namangha sa mga
dinaanan namin. Hanggang labas ng bahay at dining pa lang kasi ang nakikita ko dito sa mansion. Hindi ko akalin na mas maganda pala dito sa loob. Nangingintab ang buong paligid at kapansin-pansin ang karangyaan sa bawat sulok ng bahay. Diyos ko... sobrang yaman pala talaga ng amo ko. Natatakot tuloy akong umapak sa makintab na sahig. Baka madumihan.
Agad kong napansin na pumasok sa kami sa isang malawak na silid. Nandito yata sa loob ang lahat miyembro ng pamilya nila Madam.
"You know what? May bago akong nalaman ngayun!" malakas na wika ni Mam Arabella ng makapasok kami. Agad naman napukaw ang aking attention at halos lumubog ako sa sobrang hiya ng masilayan ko ang maraming pares ng mga mata na nakatingin sa gawi naming dalawa ni Mam Arabella. Kasama na dito ang pares ng mga mata ni Sir Rafael. Agad akong napayuko.
"Mommy, naalala mo si Venus right? Yung magandang teenager doon sa Island?" agad na tanong ni Arabella.
"Venus who?" narinig kong tanong ni Sir Rafael. Napalunok ako ng makailang ulit ng marealized ko kung gaano kaseryoso ang boses nito. Mukhang naisturbo namin ang seryosong pag-uusap ng buong pamilya.
Napansin ko din si Mam Mira na nakaupo sa tabi ng isang lalaki. Siguro iyun ang kanyang asawa. May mga kabataan din akong nakikita dito sa loob at marahil ay mga anak nila iyun. May isang babae din at lalaki na
nakaupo sa kabilang bahagi. Lahat sila ay nakatitig sa gawi namin ni Mam Arabella na bakas ang pagtataka sa mga mata habang hinihintay ang mga susunod na sasabihin ni Mam Arabella.
"Si Mommy ang kausap ko Rafael dahil wala ka pang malay noong mga panahon na iyun. Nasa tummy ka pa lang ni Mommy noong time na iyun." sagot ni Mam Arabella. Nanahimik naman ang masungit kong amo. Pero ramdam ko ang talim ng pagkakatitig nito sa akin.
"So anong meron sa Island na iyun? At bakit hawak mo sa kamay si Veronica na akala mo tatakasan ka!" narinig ko namang tanong ni Madam Carissa. Bakas ang pagtataka sa boses nito.
"Mommy, sya ang anak ni Venus! Iyung friend ko? Yung dalagita na lagi mong hinihingian ng mangga noon?" bulalas ni Mam Arabella. Napansin ko ang pagtitig sa akin ni Mam Carissa tsaka tumango.
""Wow, small world! Ikaw na ba ang anak ni Venus iha?" tanong nito.
Tumayo pa ito at lumapit sa akin. Nahihiya naman akong tumango. Hindi ko alam kung bakit big deal sa kanila ang bagay na iyun. Ano ngayun kung anak ako ni Nanay Venus? Wala naman sigurong special doon diba?
"See? Naalala mo yung friend ko na si Venus My? Hindi ko akalain na may anak na din pala sya. Hindi ako
makapaniwala na dito sya mapadpad sa mansion." masayang wika ni Mam Arabella. Napayuko naman ako. Kung alam lang nito na kalahating dosena ang anak nila Nanay at Tatay. Baka lalo itong mawendang. Hindi ko akalain na minsang nagkaroon ng mayamang kaibigan si Nanay.
"Anong special doon? tsk! Tsk!" narinig kong pang sabat ni Rafael. Agad naman itong binalingan ni Mam Arabella.
"Walang special. Masaya lang ako dahil nandito pala sa mansion ang anak ng kaibigan ko noon. Nakakaramdam tuloy ako ng guilt. Nag- promise pa naman ako sa kaniya noon na babalik ako doon sa Isla. Kaya lang hindi na nangyari dahil nawala na sa isip ko ang lahat." sagot ni Mam Arabella.
Mukhang wala namang pakialam si Sir Rafael samantalang ang ibang tao dito sa living room ay wala man lang ipinakitang kahit na anong reaksyon. Parang gusto ko tuloy manliit dahil sa hiya. Ano ba naman itong si Mam Arabella. Isang hamak lang naman akong kasambahay dito pero kung itrato niya ako para bang napaka- special ko. Baka mamaya matanggal pa ako dahil sa ginawa nito ngayun.
"Hindi pa ba tayo kakain? Gutom na ako." sagot ulit ni Sir Rafael. Naglakad ito papunta sa kinatatayuan namin ni
Mam Arabella pagkatapos sinipat ako ng tingin. Pagkatapos ay agad itong naglakad palabas ng living room.
"Mag-uusap pa tayo Iha. Marami akong gustong itanong sa pamilya mo. Hindi man lang namin nasuklian ang kabaitan ng Nanay mo..nang naging mga kaibigan ni Arabella sa lugar na iyun.... Sa maikling panahon na pananatili namin sa islang iyun naging mabait silang kaibigan ni Arabella." nakangiting wika sa akin ni Madam Carissa. Hindi ako nakasagot. Nanatili lang akong nakayuko.
"Bweno, alam kong gutom na ang lahat. Sa dining na muna tayo!" anunsiyo nito sa lahat. Agad naman nagsipagtayuan ang lahat. Agad naman akong nagpaalam kay Mam Arabella na babalik na ako ng kusina. Nakangiti itong tumango sa akin at sinabi nitong kakausapin daw ako nito mamaya. Tanging tango lang ang naging sagot ko at mabilis ng tumalikod.
Pagdating ng kusina at agad akong napainom ng tubig dahil sa kaba. Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso. Nakaharap ko lang naman ang halos lahat ng miyembro ng pamilya ng amo ko. Mukha naman silang mababait pero kahit na....
"Anong nangyari? Saan ka dinala kanina ni Mam Arabella? May hindi ba siya nagustuhan sa trabaho mo?" agad na pukaw sa akin ni Manang. Tulala ko itong tinitigan.
"Napagalitan ka ba niya? Dapat pala hindi na kita iniwan sa dining! Ano ba ang nangyari?" tanong naman ni Ate Maricar. Agad naman akong umiling.
"Hi-hindi po. Kinausap niya lang ako."
sagot ko. Tinitigan ako ni Manang.
"Sige...ako na at si Maricar ang bahala sa dining. Magpahinga ka na muna sa kwarto natin. Masama ba ang pakiramdam mo? Namumutla ka eh." sabat naman ni Manang sa nag- aalalang boses.
"Ayos lang po ako Manang. Dito na lang po ako sa kusina." sagot ko.
"Hindi...pumasok ka muna sa kwarto at magrelax. Maaga tayong nagising kanina at alam kong pagod ka na. Marami namang ibang kasambahay dito. Ako ang mayordoma at ako ang magdedesisyon sa lahat ng bagay." sagot nito. Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lang at dahan- dahan na naglakad papuntang kwarto.
Hanggang ngayun hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin ngayun. Si Mam Arabella nga ang laging ikinikwento sa akin ni Nanay noon. Tiyak na matutuwa si Nanay kapag malaman nito na anak ng naging amo ko dito sa Manila ang dati niyang kaibigan. Hindi ko maiwasan na mapangiti.
Pagdating ng kwarto agad akong naupo sa aking higaan. Kailangan ko nga sigurong magpahinga. Ngayun ko lang naramdaman ang pagod sa katawan ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising ako sa mahinang tapik sa aking pisngi. Agad akong napadilat at sumalubong sa aking paningin ang nakangiting mukha ni Manang.
"Gumising ka na muna. Hapon na at mukhang napasarap ang tulog mo. Kumain ka muna sa kusina dahil kanina ka pa hinahanap ni Mam Arabella.' wika nito sa akin. Agad akong napabangon.
"Naku, pasensya na po. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako." nahihiya kong wika dito.
"Ayos lang. Sumunod ka na agad sa akin sa kusina." wika ni Manang. Agad naman akong tumalima.
Pagdating ng kusina ay maraming
pagkain sa lamesa. Nadatnan ko din ang ilang mga kasamahan namin na abala sa pagkain. Agad akong inabutan ni Manang ng pinggan.
"Pagkatapos kumain pwede ng magpahinga ang lahat." anunsiyo ni Manang. Agad naman nagsipag- tanguan ang lahat.
"Kayong dalawa ang bahala ni Maricar mamaya sa pag-antabay sa mga kailangan pa ng mga amo natin. Nasa Gazebo lang naman sila at nagkukuwentuhan. Ang mga bata naman ay nasa pool. May balak din yata silang lumabas ngayun para magshopping. Abangan niyo lang. Baka may iuutos sila sa inyo." wika ni Manang sa akin. Agad naman akong tumango. Isa siguro ito sa mga dahilan kaya pinagpahinga ako ni Manang. Ako pala ang mag-aasikaso sa kanila mamaya.
Pagkatapos kumain ay agad akong nilapitan ni Ate Maricar. Mukhang nakapagpahinga na din ito kagaya ko. Parang kakagising lang din nito.
"Puntahan natin sa gazebo ang mga amo natin. Baka may iuutos sila." wika nito. Agad naman akong sumunod dito.
Pagdating namin ng Gazebo ay agad kong namataan ang mga amo namin. Mukhang seryoso nga silang nag- uusap. Agad na dumako ang tingin ko kay Sir Rafael. Kaharap nito ang kanyang ama at ina pati na din ang isang lalaki. Samantalang nasa kabilang dako naman sila Mam Arabella, Mam Mira at ang isa pang babae.
"Tatlo lahat ng anak nila Sir at Madam. Ang kambal na si Sir Christian at Mam Miracle at bunso na si Sir Rafael. Si Mam Arabella naman adopted child nila iyan." bulong sa akin ni Ate Maricar. Natigilan naman ako.
"Ganoon po ba? Pero mukhang mabait naman si Mam Arabella." sagot ko. Napansin ko ang pagngiti nito.
"Hindi rin. Nagsusungit din iyan paminsan-minsan. Ang mabait talaga si Mam Miracle. Mana sya kay Madam Carissa." bulong nito. Nakatayo lang kami sa hindi kalayuan sa kanila.
"Ano nga pala ang ginagawa natin dito Ate?" nagtataka kong tanong. Agad naman itong sumagot.
"Naghihintay ng utos. Dito lang tayo. Baka may ipapagawa sila Madam at Sir. sagot nito. Agad akong napatango.
Sabay pa kaming napahakbang ni Ate Maricar ng biglang kumaway sa gawi namin si Mam Arabella. Agad kaming napalapit sa pag-aakalang may iuutos ito sa amin.
"Hindi bat ang ganda nya Ate?" narinig ko pang wika ni Mam Arabella ng makalapit kami.
"Mam, may iuutos po ba kayo?" tanong agad naman ni Ate Maricar. Tahimik lang ako sa tabi nito.
"Wala naman. Balak naming pumunta ng mall ngayun. Gusto namin isama kayong dalawa ni Veronica kaya magbihis kayo. " nakangiting sagot ni Mam Arabella.
Chapter 166
RAFAEL POV
"Hindi ka ba sasama anak?" seryosong tanong ni Mommy. Nakabihis na ang lahat. Lahat ay excited na para sa pamamasyal. Agad kong umiling at sumandal pa sa upuan. Parang bigla akong napagod sa dami ng pinag- usapan namin kanina. Tungkol iyun sa posible kong maging responsibilidad kung tuluyan ko ng hawakan ang kompanya.
"Ikaw ang bahala. Alam mo naman ang mga pamangkin mo kapag ganitong weekend hindi maiwasan na magyayaya na lumabas." muling sagot ni mommy.
"Killjoy talaga! Pero kung babae ang magyaya mabilis pa sa alas- kwatro kong pumayag.narinig ko namang sabat ni Ate Miracle. Talagang sinadya nitong lakasan ang boses para marinig ko. Hindi ko na lang pinansin dahil totoo naman. Mas gusto ko pang lumabas kasama ang barkada o di kaya makipagkita sa prospect kong maging ka-fling.
Agad kong kinuha ang juice sa lamesa. Aktong iinumin ko na sana ito ng dumako ang tingin ko sa dalawa naming kasambahay na parating. Partikular kay Veronica. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa hitsura nito ngayun. Hindi na ito naka-uniform na pangkasambahay pero ang suot naman na damit nito hindi ko alam kung kailan pa nauso. Isang makulay na mahabang palda at matingkad na kulay yellow green na tshirt?! Wala bang fashion sense ang babaeng ito? Saang lupalop ba ng mundo galing ito?
Napansin ko ang pagkagulat ang lahat habang nakatitig dito. Hindi marahil nila akalain na may kasambahay silang ibang iba ang taste pagdating sa pananamit. Napansin ko din na natawa ang mga pamangkin ko habang titig na titig kay Veronica.
"Shit! Ano iyang soot mo Nica?" Si Elijah ang unang nakabawi sa pagkagulat. Agad itong lumapit kay Veronica at sinipat nito ng tingin.
"Bakit po? Pangit po ba?"
Narinig kong tanong nito sa nahihiyang boses.
"Ha? Hi-hindi naman kaya lang sobrang init ng panahon eh. Baka pagpawisan ka sa pupuntahan natin! Baka hindi ka maging komportable doon." sagot naman ni Elijah. Kahit kailan talaga hindi ko alam kung saan nakalagay ang utak ng pamangkin kong ito. Halata namang pati siya natatawa sa soot ni Veronica. Ayaw pang diretsahin.
"Hindi lang pangit. Sobang pangit! Buhay pa ba ang nagdesenyo ng damit na iyan?" Hindi ko napigilang sagot. Agad kong napansin ang pamumula ng mukha nito marahil sa matinding pagkapahiya. Agad akong tinapunan ng masamang tingin ni Ate Arabella.
"I think much better kung uniform mo na lang muna ang isuot mo Veronica. Bibili na lang tayo ng mga damit mo mamaya na babagay sa panlasa ng kapatid ko." sabat naman ni Arabella sabay sulyap sa akin. Masama ko itong tinitigan.
"Wala ka na bang ibang damit iha? Masyadong malaki sa iyo ang damit na iyan at baka mahirapan kang kumilos kapag iyan ang isuot mo sa mall." wika ni Mommy. Lalo naman itong napayuko. Hiyang hiya siguro dahil sa kabaduyan niya. Siya pa tuloy ang naging center of attraction ngayun. Hayyssst...ang lakas ng loob pumayag na sumama sa mall na ganyan ang isusuot.
"Sige po." sagot nito sa malungkot na boses. Agad naman sumang-ayon ang lahat. Nagmamadali itong tumalikod.
"Kawawa naman ang batang iyun. Napaka-inosente! Hindi niya ba alam na pagtatawanan siya ng mga tao sa labas kapag makita ang soot niya?" bulalas ni Ate Miracle. Umismid lang ako.
"Bakit kasi siya pa ang gusto niyong isama. Marami namang ibang kasambahay dito." sagot ko naman at itinuloy ko na ang naputol na pag-inom ko ng juice.
"Para naman makalabas siya. Tingnan mo nga ang hitsura. Mukhang walang alam sa paligid niya. Probensyanang probensyana kong kumilos." sagot naman ni Ate Arabella. Concern na concern talaga ito pagdating kay Veronica. Gaano ba niya ka-close ang ina ng babaeng iyun? Mukhang handang ipagtanggol ni Ate Arabella si Veronica sa lahat ng oras.
"Kung gusto niyo siyang matulungan, why you didn't send her to school. At least kung makapag-aral siya matutulungan niya na ang pamilya niya para maging maayos ang buhay nila.Mukhang bata pa si Veronica at may mas magandang buhay ang maghihintay sa kanya kung sakaling makatapos sya." sabat naman ni Kuya Christian.
"She's only eighteen years old. Hanggang Grade 4 lang daw siya." sabat ni Mommy. Natigilan ako.
May kung anong awa akong naramdaman para kay Veronica.
Gaano ba kahirap ang buhay nila sa probensya na kahit pag-aaral hindi nito magawa?
"Ako na lang ang mag-sponsor sa pag-aaral niya." sagot naman ni Ate Arabella. Agad naman napataas ang kilay ko sabay tayo.
"Hindi pa ba tayo aalis?" tanong ko ng mapansin na nakabalik na si Veronica. Nakadamit pangkasambahay na ito. Mas maigi na din iyun kaysa sa soot nya kanina. At least hindi na maging katawa-tawa ang hitsura niya ngayun. Nagmumukha na siyang tao.
"Akala ko ba hindi ka na sasama? tanong ni Ate Miracle. Hindi ko ito sinagot at nagpatiuna na sa paglalakad papunta sa sasakyan.
Sasabay na lang ako kina Mommy at Daddy para hindi na ako magdrive. Lahat ng mga kapatid ko may kanya-kanya silang sasakyan kaya convoy na kami.
"Dito na kayo sumabay sa amin Maricar, Veronica." agad na wika ni Mommy sa dalawa. Agad naman silang tumalima at naupo sa hulihang bahagi ng sasakyan. SUV ang sasakyan namin at kasya hanggang anim na tao. Agad akong sumakay katabi ng driver samantalang sila Mommy at
Daddy nasa likuran namin.
"Sa Amusement park daw muna tayo. Gusto ng mga bata sumakay ng rides." wika ni Mommy sa Driver. Hindi na ako tumungon at ipinikit ko na ang aking mga mata. Medyo matagal na din na hindi ako nakakasama sa pamilya ko tulad ng ganitong gatherings. Alam kong hindi ako mag-eenjoy sa lakad na ito at hindi ko maintindihan ang aking sarili kong bakit biglang nagbago ang isip ko. Kung bakit bigla akong sumama sa kanila.
"Ayos ka lang ba anak? Kung napipilitan ka lang pwede ka magpahinga na muna sa bahay.
Magiging busy ka na simula sa Monday at kailangan mo ng sapat na pahinga." wika ni Mommy.
"Ayos lang Mom. Na-miss ko din naman ang ganitong lakad ng Pamilya.' Sagot ko.
"Sabagay! Noong teenager ka pa sumasama ka naman palagi sa mga ganitong lakad. Nagbago lang ang lahat ng matuto ka ng magkagusto sa mga babae." bakas ang biro na wika na iyun ni Daddy. Hindi ko naman mapigilan ang matawa at napasulyap sa salamin ng sasakyan. Agad na sumalubong sa paningin ko ang mukha ni Veronica. Abala ang mga mata nito sa kakatingin sa labas .
"Dad, naisingit pa talaga iyan eh.
'sagot ko. Agad ko naman
narinig ang mahinang pagtawa ni Mommy.
VERONICA POV
Kinakabahan ako habang mahigpit na nakahawak sa braso ni Ate Maricar. Ito ang kauna- unahang pagkakataon na nakarating ako sa lugar na ito. Maraming tao at natatakot akong mahiwalay sa mga kasama ko. Isa pa bago sa mga mata ko lahat ng aking nakikita.
Ayaw ko nga sanang sumama. Lalo na ng makita ko ang mga reaksiyon nila kanina sa suot kong damit. Kaya lang mapilit si Mam Arabella. Kung tutuusin may mga kasama din naman silang sariling kasambahay. Hindi ko alam kung ano pa ang magiging papel namin ni Ate Maricar sa pamamasyal na ito. Lahat kasi ng mga anak-anak nila may sariling tagapag-alaga kahit na malalaki na. Dagdagan pa sa mga nakasunod na mga bodyguards sa amin.
"Bakit ang lamig ng kamay mo. Relax ka lang." bulong sa akin ni Ate Maricar, Napalunok ako ng makailang ulit bago ako sumagot.
"Ate, natatakot ako. Baka mawala ako. Hindi ko alam ang lugar na ito." nenerbiyos kong sagot. Narinig ko pa ang mahina na pagtawa nito at huminto kami sa tapat ng isang parang malaking bangka. Agad kong napansin na nagsipagsakayan ang mga kasamahan namin. Mahigpit pa rin ang hawak ko kay Ate Maricar.
"Sakay tayo. Naka-ride all you can ang ticket natin kaya subukan natin lahat ng riders." wika sa akin ni Ate Maricar sabay hila. Wala akong nagawa kundi ang sumunod dito. Ayaw kong humiwalay sa kanya noh? At isa pa napansin ko din na nagsipagsakayan na ang mga ng amo namin. Nag- uumpisa ng umuga ang malaking bangka ng napansin ko na hindi naman pala sumali sila Madam Carissa at ang mga magulang ng mga bata. Nakangiting pinapanood nila kami.
Laking pagsisisi ko ng nag- umpisa ng dumuyan at umuga ang malaking bangka na ito. Diyos ko parang gustong humiwalay ang ispiritu ko sa katawan kong lupa dahil sa matinding nerbiyos. Ano ba itong nasakyan namin? Mas mabuti pang sumakay ako sa tunay bangka kahit malakas ang alon. At least sa dagat ang bagsak ko. Eh ito...sa sobrang bilis ng pag -ugoy ng malaking bangka na ito parang gusto kong maihi sa takot. Samot-saring sigawan din ang aking naririnig sa paligid. Promise....hindi na talaga ako uulit!
Pagkatapos ang rides na iyun ay halos manginig ang tuhod ko pagkababa namin. Tinatawanan naman ako ni Ate Maricar.
"Ano ka ba, maraming rides pa tayong sasakyan. Swerte natin dahil tayo ang kanilang isinama. Mukhang mag-eenjoy tayo ngayun." tuwang tuwa na wika ni Ate Maricar. Nakakapit ako dito habang nakasunod kami sa amo namin.
"Ate, ayaw ko ng sumakay ng
ganoong klaseng rides. Baka mahimatay ako sa takot." bulong ko dito. Humagikhik naman ito.
"Relax ka lang. Mas magandang i -experience natin lahat ng rides dito. Malay mo naman isasama tayo palagi ng amo natin dito. Dati kasi hindi iyan sila nagsasama ng mga kasambahay ng mansion. Tayo ang kauna- unahan nilang isinama at mukhang hindi naman nila tayo isinama dito para gawing utusan. Hindi mo ba narinig ang sinabi sa atin kanina ni Madam Carissa. Mag-enjoy daw tayo." wika nito. Napalunok ako ng makailang ulit. Paano ako mag-enjoy sa ganitong sitwasyon? Lahat ng nakikita kong rides puro buwis buhay.
Ganito ba ang mga tao dito sa Manila? Pinapahirapan nila ang kanilang mga sarili sa ganitong klaseng libangan. Ah basta ayaw ko na talagang sumama pa sa
kanila sa mga rides na iyan. Hindi na lang ako hihiwalay kina Madam Carissa para hindi ako mawala.
"Nica...halikayo! Doon tayo!" Agad na napukaw ang aking attention sa nagsasalitang si Sir Elijah. Hindi ko alam kung ako ba ang tinatawag nito. Ibang kasi ang binanggit nito. Pero dahil sa akin siya nakatingin at naglakad palapit sa amin baka ako nga ang kinakausap nito.
"Naku Sir..namimili pa kami ng sasakyan namin." Si Ate Maricar na ang sumagot. Napansin ko ang kaagad na pagngiti ni Sir Elijah.
"Doon tayo!" wika nito sabay turo sa isang direksiyon. Nanlaki ang aking mga mata sa nakita. Ang itinuro kasi nito ay ang isang mahabang parang tren na umiikot-ikot sa ire. Diyos ko, hindi ko na kaya iyan.
Pinapanood ko pa lang ang mga nangyayari parang gusto ko ng mahimatay. Wala sa sariling
napailing ako.
"Ka-kayo na lang Sir." sagot ko.
"Hindi pwede! Kailangan mong sumali. Sandali lang....Charlotte, come...diba ayaw sumali nila Yaya? Sila Ate Maricar at Ate Veronica na lang ang yayain niyo sa rides na iyun." agad na wika ni Sir Elijah. Nakangiting lumapit ito. Isa ito sa mga apo ni Madam. Hindi lang ako sure kung kanino itong anak.
"Sure...kj ang mga Yaya's namin. Takot silang sumali sa mga rides. Ayaw pumayag nila Mommy at Daddy kapag wala kaming kasamang adult." sagot nito. Pagkatapos kinawayan nito ang
iba pang mga pinsan. Agad naman silang nagsipaglapitan.
"Shoot! Sakto! Si Ate Maricar ang adult tapos nandito naman si Veronica. Lahat ng rides subukan natin!" Excited na sagot ni Sir Elijah. Ngayun pa lang parang gusto ng manginig ang tuhod ko. Hindi ko alam kung paano makakalusot sa sitwasyon na ito. Ayaw ko talaga! Pero nahihiya akong tumanggi lalo na ng mapansion ko na excited ang lahat. Wala sa sariling dumako ang tingin ko kay Sir Rafael.
Tahimik itong nakatayo sa hindi kalayuan sa amin at nakatitig sa akin habang katabi nito ang kakambal ni Sir Elijah.
Chapter 167
VERONICA POV
"Sa Roller coaster po tayo Sir?" narinig ko pang tanong ni Ate Maricar kay Sir Elijah. Halata sa boses nito ang pag- aalinlangan.
"Yes...mas exciting doon. Kapag ma- experience natin na masakyan iyan.. magkakaroon tayo ng lakas ng loob para sakyan ang iba pang mga rides." Nakangiting sagot ni Sir Elijah. Agad naman tumango si Charlotte.
"Yes...and first time ko din gagawin ito. Niyaya ko yung iba nating mga pinsan ayaw nila. So Tayung apat na lang." sagot naman ni Charlotte. dumako ang tingin ko sa ster Diyos ko! Kaya ko ba? Baka mamaya magising na lang ako na kaharap ko na si San Pedro. Bakit ba nauso ang mga ganitong rides? Isa pa bakit pati ako nadamay dito? Akala ko pa naman mag
-eenjoy ako sa pamamasyal namin. Mukhang puro kalbaryo yata ang haharapin ko ngayung araw.
"So lets go?" pagyaya ni Sir Elijah. Agad na nagkatinginan kaming dalawa ni Ate Maricar. Halata din sa hitsura nito ang hindi maisatinig na pagtutol.
"Sir, pwedeng kayo na lang? Bigla po kasing sumama ang pakiramdam ko eh.Nahihyang sagot ni Ate Maricar. Agad na nanlaki ang aking mga mata. Akala ko ba gusto nitong subukan lahat ng rides? Bakit parang nawala bigla ang tapang nito?
"Tayong tatlo na lang?" sagot ulit ni Mam Charlotte. Hinawakan pa ako nito sa kamay at hinila papunta sa may nakapilang naghihintay na ng rides. Atubili pa ako noong ay pero ng makita ko ang excited na mukha ni Mam Charlotte wala na akong nagawa pa kundi magpatianod na lang. Bahala na! Naramdaman ko naman ang pagsunod
ni Sir Elijah.
"Charlotte kayo na lang pala. Tinatatawag ako ni Dad!" Agad na nanlaki ang aking mga mata ng sinabi iyun ni Sir Elijah. Ngumiti muna ito sa akin tsaka mabilis na tumalikod. Muli kong naramdaman ang paghila sa akin ni Mam Charlotte. Yari na! Mukhang hindi lang ako ang takot na sumakay sa rides na iyan. Mukhang naisahan kami ng mga kasama namin.
Wala na ako nagawa kundi ihakbang ang aking mga paa. Nakakahiya naman kung pati ako aatras pa diba? Isa pa may mga ibang tao na nasa aming likuran. Hindi ko naman pwedeng hayaan na lang si Mam Charlotte na sumakay sa rides na iyun ng mag-isa. Baka kung mapaano ito.
"Mam, hindi po ba kayo natatakot?" tanong ko. Agad itong umiling. Nakangiti pa itong tumitig sa akin.
think magkakasundo tayo! I like you
Ate Ganda!" sagot nito. Hindi naman
ako nakaimik. Bigla akong nakaramdam ng hiya ng tawagin akong
"Ate Ganda' nito. Siya nga itong
sobrang ganda! Dalagita pa lang pero
kuhang kuha na nito ang hitsura ni
Madam.
"I'm so excited! Dont worry Ate Ganda ako ang bahala." wika nito at pumuwesto na kami sa roller coaster.
Hindi ko maiwasan na mapahawak ng mahigpit ng mag-umpisa ng umusad ang sinasakyan natin. Nilingon ko pa si Mam Charlotte na noon ay ngiting- ngiti at kita ang tuwa sa mga mata nito. Hindi man lang ito nakikitaan ng nerbiyos. Kabaliktaran sa nararamdaman ko ngayun. Wala na akong nagawa pa kundi ang ipikit ang aking mga mata ng mabagal na kaming umusad.
Halos bigkasin ko na lahat ng santo na
alam ko ng mabilis na kaming umikot- ikot sa ire. May pagkakataon pa na parang nahihimatay na ako sa takot. Puro tilian ang naririnig ko. Ramdam ko ang pagbaliktad namin habang mabilis ang takbo nitong sinasakyan namin. Halos maiyak na ako dahil sa nerbiyos dagdagan pa na parang gusto ng bumiktad ang sikmura ko dahil nakaramdam na din ako ng pagkahilo.
Laking pasalamat ko ng mamalayan kong sa wakas natapos din kami. Halos manginig ang tuhod ko ng hawakan ako ni Mam Charlotte para makababa na. Tulala akong naglakad pabalik sa kinaroroonan ng mga amo namin.
HIndi ako makapagsalita kahit na naririnig kong kinakausap ako ni Mam Charlotte
"How is it?" agad na salubong sa amin ni Sir Elijah. Ano daw? Hilo na nga ako mag-eenglish pa? Nasaan ang hustisya?
"Its fine! God, I love it! I really love it!" masayang sagot naman ni Mam Charlotte
"You love it? Pero halos magkulay papel na iyang mukha ng katabi mo?" Biglang sabat ni Sir Rafael. Inabutan pa ako nito ng tubig na nasa bote. Nagulat naman ako dahil sa ginawa nito. Kailan pa siya nagkaroon ng concern sa akin? Ang pagkakaalam ko galit ito sa akin tapos ngayun may paabot-abot pa ng tubig. Para tuloy gusto kong mahiya. Pwede namang kay Mam Charlotte niya ibigay diba?
"Drink it! Sasama-sama sa rides hindi naman pala kaya!" halata ang boses nito. Napakurap ako ng makailang ulit bago ito tinanggap.
"Salamat po Sir!" sagot ko at agad na uminom ng tubig. Kahit papaano nahimasmasan ako pagkatapos kong inumin iyun. Agad kong hinanap si Ate Maricar. Nakatayo ito sa tabi nila Mam
Carissa habang ngingiti ngiti.
Muling dumako ang tingin ko kay Sir Rafael. Seryoso itong tumitig sa akin bago tumalikod.
"Maghanap muna tayo ng restaurant. I think gutom na ang iba. Tama na iyang rides muna." agad na anunsyo ni Madam Carissa. Agad naman sumang- ayon ang lahat. Nagpasalamat ako dahil pakiramdam ko nanghihina pa rin ang tuhod ko.
"Ayos ka lang ba?" agad na tanong sa akin ni Ate Maricar ng hawakan ako nito. Alanganin akong tumango.
"Ang putla mo kanina. Nakakatakot ba talaga ang rides na iyun?" tanong nito. Parang gusto ko naman itong sagutin ng pabalang. Kakasabi lang nito kanina na gusto nitong subukan lahat ng rides pagkatapos basta na lang kami iniwan? Ano iyun?
"Nica, ang tapang mo pala." narinig ko namang wika ni Sir Elijah. Hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko pala ito habang naglalakad. Isa pa ito. Siya ang nagsuggest sa rides na iyun basta na lang kami iniwanan noong pasakay na. Mga pasaway!
Agad kaming nakarating ng restaurant. Kanya-kanyang upo ang lahat sa mahabang table. Tahimik naman kami ni Ate Maricar na nakatayo sa gilid. Ang mga Yaya's naman ng mga apo nila Madam ay naupo na din sa kabilang table. Mukhang alam na nila kung saan sila pupwesto kapag may mga ganitong lakad. Tahimik lang kaming nakamasid ni Ate Maricar.
"Dito na kayo umupo Veronica. May mga bakante pa na chair." wika ni Ate Arabella at itinuro ang bakanteng upuan na wala pang nakaupo. Agad naman akong hinila ni Ate Maricar papunta doon. Pagkaupo namin ay
makayoko lang ako habang hinihintay ang order namin. Isa pa sino ba ang hindi mapapayuko kung ang masungit naming amo ay nasa tapat namin.
Direkta itong nakatitig sa amin ni Ate Maricar.....hindi sa akin lang pala. Hindi ko maintindihan kung bakit mainit pa rin ang ulo nito sa akin. Kung tutuusin isang beses pa lang naman akong nagkamali sa mansion na iyun ah? Hindi pa rin ba nito nakalimutan na minsan akong kumuha ng tubig sa pool para idilig sa mga halaman?
RAFAEL POV
Kausap ko ang isa sa kambal na anak ni Ate Miracle na si Elias ng mapansin kong muling nilapitan ni Elijah si Veronica. Hindi ko maiwasan na mapakunot ang noo ko ng mapansin ko na mukhang may kapilyuhan na naman itong naisip. Hindi din nakaligtas sa pandinig ko ng tawagin
nitong "Nica' si Veronica. Hindi ko nga
maiwasan na mapataas ang aking kilay
dahil doon. "Kung hindi lang mapilit sila Mommy
hindi talaga ako sasama sa lakad na ito. Para lang sa mga pambata ang lakad na ito. Mas gusto kong magkulong ng kwarto at magbasa ng libro kung ganito man lang." narinig kong
himutok ni Elias. Ibang iba ang ugali nito kompara sa kakambal na parang hindi nagmatured ang utak. Sabagay, malaki nga pala ang pagkakaiba nila kaya nga hindi sila magkasundo.
Parang mga aso at pusa ang dalawang ito. Kaya nga walang nagawa sila Ate Miracle kundi paghiwalayin ang mga ito. Lagi kasing may riot sa loob ng bahay nila kapag magkasalubong ang kambal.
Kung gaano kakulit si Elijah kabaliktaran naman itong si Elias. Tahimik lang ito at parang may sariling mundo.
"Pwede naman siguro pakiusapan sila Ate sa susunod. Mahirap naman kung sumasama ka sa ganitong lakad pagkatapos hindi ka naman pala nag- eenjoy." sagot ko dito.
"Ikaw Uncle...bakit ka nga pala sumama. Ang alam ko wala ka din naman kahilig-hilig sa mga ganitong lakad eh .^ prime prime tanong nito. Nilingon ko ito at seryosong tinitigan.
"Uncle? Pati ikaw ba naman hindi mapakiusapan? Dalawang taon lang ang tanda ko at huwag mo akong tawagin ng ganyan.' yamot kong sagot dito. Natawa ito.
"Hindi pwedeng suwayin ang utos ni Mommy. Malalagot kami kapag marinig nyang tinawag ka namin sa pangalan mo. Uncle ka namin kaya iyun ang dapat itawag namin sa iyo!" sagot nito. Marahas akong napabuntong hininga. Feeling ko tuloy ang tanda-tanda ko na. Eh twenty
three years old pa lang naman ako samantalang ang kambal twenty one na. Kainis talaga!
"Ang ganda niya noh?" narinig kong muling wika nito. Sinundan ko ng tingin ang tinititigan nito at nagulat ako ng direkta itong nakatitig kay Veronica! Huwag niyang sabihin na may crush ang introvert kong pamangkin sa baduy naming kasambahay? Hindi ko maintindihan kung bakit parang nakaramdam ako ng inis.
"Hindi kayo bagay." sagot ko. Napansin ko pa ang pagtitig nito sa akin bago umiling.
"Hindi porket sinabi kong maganda ang isang tao may gusto na ako. Hindi ko lang maiwasan na bigkasin ang bagay na iyun dahil iyun ang nakikita ng dalawa kong mata." sagot nito. Napataas ang aking kilay. Pagkatapos
ay muling ibinalik ko ang tingin kay Veronica. Nagulat pa ako ng mapansin ko na silang dalawa na lang ni Charlotte ang nakapila pasakay sa roller coaster. Hinagilap ko ng tingin si Elijah at napansin ko itong nakatayo sa hindi kalayuan. Ngingiti-ngiti ang gago! Agad akong napailing.
"Kawawang Veronica! Naisahan na naman ng may sapak mong kapatid." bigkas ko. Napailing naman si Elias.
"Hindi ka na nasanay diyan! Talo pa ang bata kung mag-isip. Kaya nga kahit kakambal ko iyan hindi ko kasundo. Iba ang trip sa buhay!" sagot nito. Hindi ko na ito sinagot at itinoon ang attention ko kay Veronica. Nakasakay na ito sa roller coaster kasama ni Charlotte. Agad akong nakaramdam ng pag-aalala ng
mapansin kong ninerbiyos ito.
Sabagay, kanina nga sa sa pirate ship kita ko kung paanong nagkulay papel
ang mukha nito..... sa roller coaster pa kaya na mas intense ang rides doon.
Haysst, bwesit talaga itong si Elijah!
Ang lakas ng trip sa buhay. Kawawang
babae.
Wala sa sariling naglakad ako papunta sa bilihan ng tubig at agad na bumili ng isa. Hinintay kong matapos ang rides nila Veronica bago nagpasya itong lapitan.
Tama nga ang hinala ko. Tulala ang baduy habang kapansin-pansin ang nerbiyos nito. Napailing ako at agad na inabot dito ang hawak kong tubig.
"Drink this!" wika ko. Napansin kong parang wala sa sariling tumitig sa akin. tsk! Tsk! Matindi ang tama sa utak nito dahil sa rides na iyun. Sino ba kasi ang nagpauso ng palarong iyun? Kahit ako hindi natutuwa. At wala akong balak na subukan.
Napansin kong nagkatinginan ang buong angkan namin dahil sa ginawa ko pero hindi ko na pinansin. Pakialam ba nila. Eh sa iyun ang gusto ko! Kahit naman baduy itong kaharap ko ngayun hindi ko din naman matiis. Walang ni isa sa kanila ang kayang gawin ang ginawa ko. Ang pagbibigay ng tubig sa kanya para mahimasmasan.
"Crush mo sya?" narinig kong tanong ni Elias sa akin habang naghahanap kami ng makakainan na restaurant. Hindi ko ito sinagot. Nanahimik na lang din ito na siyang labis kong ipinagpasalamat.
Pagdating sa restaurant ay sakto naman na sa harapan ko ito nakapwesto. Malaya kong napagmasdan ang hitsura nito. Maganda nga kahit palaging nakayuko. Ganda na hindi nakakasawa. Hindi ko maiwasan na mapalunok ng makailang ulit ng dumako ang tingin ko sa labi nito. Para akong inaanyayahan niyon na tikman ito.
Shit! Ano ba ang nangyayari sa akin? Kailan pa ako nagka-interes sa labi ng isang babae? Bakit bigla kong nakalimutan ang rules ko? Hindi ako hahalik sa labi ng isang babae noh? Lalo sa isang baduy na katulad nito. Isa pa wala akong balak pumatol sa mga empleyado ng pamilya namin. Mapa- opisina man or sa mansion.
Chapter 168
VERONICA POV
"Mukhang pagod na ang lahat. Malapit na din gumabi at kailangan na nating umuwi." narinig kong wika ni Madam Carissa. Agad akong nagpasalamat. Sa wakas makakatakas na ako sa lugar na ito. Hindi ko na kayang subukan pa ang ibang rides na iyan.
"I think tama si Mommy niyo. Isa pa hindi naman nag-eenjoy ang mga adult kaya naman mas mabuting umuwi na lang ng mansion at uminom ng wine." sabat naman ni Sir Gabriel. Agad naman nagsipagsang-ayunan
ang lahat.
"Parang gusto ko na lang magswimming." narinig ko ding sabat ni Mam Charlotte. Mabuti na lang at nagkasundo na ang lahat. Agad kaming lumabas ng restaurant at naglakad palabas ng amusement park. Gusto ko na din talagang makauwi.
Pakiramdam ko hilo pa rin ang utak ko dahil sa nangyari kanina.
"Mauna na kayo Mom. Balak kong dumaan ng mall para bilhan ng gamit niya si Veronica. "Hindi ko maiwasang magulat sa sinabing iyun ni Mam Arabella.
"Naku Mam, hindi na po kailangan..." nahihiya kong
sagot. Sino ba naman ako para pag-aksayahan niya ng oras diba? Nakakahiya!
"Huwag ka ng mahiya Veronica. Mauna na kayong lahat. Sumama ka sa aming dalawa ni Kurt. Gusto kitang ipagshopping dahil nagiguilty ako dahil hindi ko natupad ang promise ko noon sa Nanay mo, Matalik ko siyang kaibigan at ngayong nandito ka bilang anak niya gusto kong Ipakita ang pasasalamat ko sa pamamagitan mo. Kaya huwag ka ng tumanggi." nakangiting sagot ni Mam Arabella. Nahihiya naman akong napayuko
"Ang swerte mo naman! Huwag
ka ng tumanggi. Grasya na iyan!" bulong sa akin ni Ate Maricar. Hindi ako nakaimik.
"Oh siya.. magkita na lang tayo sa mansion." wika nito at humiwalay na kami.
"Bweno, mauna na kami. Mag- ingat kayo." sagot ni Mam Carissa. Sinulyapan pa ako nito sabay ngiti.
"Lets go Veronica. Bilisan na natin para makarami tayo." wika ni Mam Arabella at hinawakan pa ako sa kamay. Wala na akong nagawa pa kundi ang nagpatianod na lang.
Pagdating ng parking ay agad nitong binuksan ang pintuan ng kanilang kotse. Nagulat pa ako ng pagkaupo ko sa loob ng kotse ay umupo sa tabi ko si Mam Arabella. Ang pagkakaalam ko ang asawa nito ang magdadrive kaya dapat sa harap ang pwesto niya.
"Sasama ang baliw kong kapatid. May bibilhin din daw siya!" Bulong nito habang nakataas ang kilay. Agad akong tumingin sa labas ng kotse at nakita ko si Sir Rafael sa labas. Kausap nito ang asawa ni Mam Arabella na si Sir Kurt.
Hindi naman nagtagal at pumasok na ang mga ito sa loob
ng kotse. Umupo si Sir Rafael sa tabi ni Sir Kurt na syang nagdadrive. Tahimik lang akong nakamasid sa mga dinadaanan namin.
Gabi na pala. Pero gayunpaman maliwanag pa din ang buong paligid dahil sa mga nakabukas na ilaw sa mga poste. Iba talaga dito sa Manila. Ang daming sasakyan at abala palagi ang mga tao.
Namangha pa ako ng pumasok kami sa isang malaking mall. Pumarada lang si Sir Kurt at sabay-sabay na kaming nagsipagbabaan. Agad naman kumapit si Mam Arabella sa
kanyang asawa kaya tahimik lang akong nakasunod sa kanila.
Si Sir Rafael naman ay tahimik lang din habang naglalakad.
Ilang distansya ang layo nito sa amin kaya kahit papaano nabawasan na ang pagkailang ko dito. Iyun nga lang...kailangan hindi ko ihiwalay ang tingin ko kina Mam Arabella. Baka mawala ako. Ang dami pa namang tao... hindi alam kung paano uuwi ng mansion kung mangyari iyun. Isa pa wala akong kapera-pera. Pinakiusapan ko na lang sana si Ate Maricar na sumama na lang sa amin. May kausap sana ako ngayun.
"Doon tayo!" napapitlag pa ako ng magsalita si Mam Arabella. Pagkatapos pumasok kami sa isang na puro damit bags at sapatos ang nakikita ko. Tahimik lang akong nakasunod sa kanila ng hindi malaman ang gagawin.
"Mamili ka na kung ano ang gusto mo Veronica. Huwag kang mag-alala lahat ng gusto mo bibilhin ko." Nakangiting baling nito. Nahihiya naman akong umiling.
"Naku, nakakahiya po Mam. May uniform naman kami sa mansion at hindi ko naman po masusuot iyan." kimi kong sagot. Ayaw kong abusuhin ang kabaitan nito.
"I insist! Isa pa kailangan mo ang mga iyan. Sige na dahil titingin din ako ng mga para sa akin." nakangiti nitong wika pagkatapos na ako. Hindi ko naman malaman ang gagawin ko. Ilang minuto akong nakatanga ng may lumapit sa akin.
"Mam, gusto nyo po bang tulungan ko kayo ng bagay sa inyo? Marami pong stocks na dumating ngayun. Pwede po kayong magsukat." hindi ko maiwasang magulat ng may biglang nagsalita sa tabi ko. Agad ko itong binalingan. Tumampad sa mata ko ang dalawang staff na nakatayo habang nakatingin sa akin.
"Naku huwag na po! Nakahiya!" sagot ko at hindi alam kung paano ang gagawin. Agad na ngumiti ang isa sa kanila at kinuha ang isang nakahanger na dress. Pagkatapos ay idinikit nito sa katawan ko.
"ito Mam, bagay sa iyo ito! Pwede niyo pong isukat." nakangiti nitong wika. Agad ko namang tinitigan ang dress. Maganda nga, pero kahit na nakakahiya pa rin.
"Sige na, magsukat ka na para makauwi na tayo." napapitlag pa ako ng biglang nagsalita sa likuran ko si Sir Rafael. Hindi ko alam na nandito din pala siya sa
loob ng shop na ito. Hindi ko kasi napansin ang pagpasok nito kanina.
"Kunin mo ang lahat ng damit na babagay sa kaniya! Tulungan niyo na din siyang magsukat." utos pa nito sa dalawang sales lady. Tatanggi pa sana ako ng bigla akong hawakan ng isa sa kamay. Pagkatapos ay hinila ako sa parang isang maliit na kwarto.
"Mam, maganda po dito sa amin. Sige na po para naman ma-hit namin ang target namin!" wika nito sa akin. Hindi ko maintindihan ang ibig nitong sabihin.
"Oo nga! Si Sir Villarama ang nasa labas. Tiyak na tiba-tiba tayo nito." sabat naman ng isa Aktong huhubarin nito ang soot ko ng umangal ako.
"Teka lang po mga Ateng. Ano ang ginagawa niyo?" Hindi ko maiwasan na panlakihan sila ng mga mata. Natigilan naman ang mga ito sabay yuko
"Sorry po Mam. Excited na po kasing makita namin kung bagay sa iyo ang damit na ito." sagot nito. Alanganin ko silang tinitigan sabay kuha sa damit na hawak nito.
"Isusukat ko na. Pwede po bang iiwan nyo muna ako dito?"wika ko. Hindi ko keri na maghubad sa harap ng ibang tao noh? Kahit sabihing tulad kong mga babae din sila. Agad naman silang nagsipaglabasan. Wala na akong nagawa kundi isukat ang naiwan na damit. Namangha pa ako dahil bumagay sa akin ito. Sa tanang buhay ko ngayun lang ako nakikita ng ganito kagandang dress. Diyos ko, siguro mahal ito. Umikot ikot pa ako sa harap ng salamin at hindi ko maiwasan na mapangiti. Ngayun lang ako nakasuot ng ganito kaganda. Para tuloy akong isang prinsesa.
Tulala akong nakatitig sa salamin ng marining kong may kumatok dito sa dressing room.
Wala sa sariling binuksan ko ito at tumampad sa harap ko ang sales leady na nag-asikaso sa akin kanina. Gumuhit ang saya sa mukha nito ng makita nito na suot ko na ang damit.
"Bagay sa iyo Mam. Lumabas po muna kayo para makita ni Sir." wika nito.
"Naku huwag na!" sagot ko. Sinong 'Sir' ba iyun? Si Sir Rafael? Huwag na baka sungitan na naman ako noon.
"Sandali lang naman Mam. Halina po kayo!" pamimilit nito at hinila pa ako. Walang hiya ang lakas ng sales lady na ito ah?
"Sir...bagay po kay Mam!" Kukunin nyo na po ba?" Abala si Sir Rafael sa kanyang cellphone ng pukawin ito ng sales lady. Agad itong nag-angat ng tingin
at tumitig sa akin. Parang gusto naman manginig ang tuhod ko sa klase ng titig na ibinibigay nito sa akin ngayun. Parang tagos hanggang kaluluwa.
"Ok..Good! Lahat ng design na meron kayo kukunin ko. Basta kasya sa kanya lahat." sagot nito. Agad na nanlaki ang aking mga mata. Pagkatapos ay iginala ko ang tingin sa paligid. Hinahanap ko si Mam Arabella. Pero mukhang wala sya sa shop na ito.
"Sir, naku nakakahiya! Ayos na po itong soot ko. Hi-hindi ko po kailangan ng maraming damit." sagot ko dito.
"Tsk! Tsk! tsk! sumunod ka na sa kanila. Isukat mo lahat ng ibigay nila para matapos na.' sagot nito.
Hindi naman ako makapaniwalang tumitig dito. Ayos lang ba ang Boss namin? Bakit parang nanununo yata? Teka sino ba ang magbabayad sa mga damit na iyan! Nakakahiya kina Mam Arabella kung nagkataon. Ang alam ko kasi siya ang magbabayad.
"Sir, huwag na po! Nakakahiya kina Mam Arabella.!" sagot ko. Agad na kumunot ang noo nito sabay titig sa akin. Pagkatapos ay tumaas ang kilay nito.
"Anong Mam ARabella? Kanina pa sila umuwi." sagot nito. Agad na nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito. Hindi ako makapaniwalang napatitig dito. Iniwan kami nila Mam...hindi iniwan ako ni Mam Arabella?
"Sige na! Bilisan mo na. Kapag babagal bagal ka pa iiwan na talaga kita dito!" wika nito na may halong inis ang boses. Parang gusto naman maiyak. Bakit iniwan ako ni Mam sa masungit na ito?
"Sir, ayaw ko na po. Ok na po ito.!" sagot ko. Masama akong tinitigan sabay senyas sa dalawang sales lady. Wala na akong nagawa pa kundi sumunod na lang sa kanila. Baka tutuhanin ni Sir Rafael ang sinabi nito na iiwan ako.
RAFAEL POV
Lihim akong napangiti habang
sinusundan ko ng tingin ang pagtalikod ni Veronica. Kailangan pang takutin para sumunod. Siya na nga itong ipinagshopping siya pa itong aayaw. Haysst kakaiba talaga sa lahat. Kung sa ibang babae ko siguro ito ginawa baka hanggang langit ang tuwa na nararamdaman. Pero kakaiba
talaga itong si Veronica. Hindi ko man lang nakitaan ng tuwa ang mukha.
"Tumayo ako at inilibot ang tingin sa paligid. Pagkatapos ay lumapit sa counter at itinuro ang tatlong bags.
"Isama mo yan sa mga babayaran ko. Isa pa lahat ng kasya kay Veronica bibilhin ko." wika ko dito.
"Sige po Sir...Thank you po!" sagot nito. Tumango lang ako at muling bumalik sa upuan. Sinipat ko ang relo. Halos alas- otso na ng gabi at at heto ako, hindi man lang nakakaramdam ng inip habang hinihintay si
Veronica. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Pangalawang araw pa lang siyang nakatira sa mansion pero pakiramdam ko may malaking bahagi na ng pagkatao ko ang kinuha nito.
Dahil ba nagagandahan ako sa kanya? O dahil iba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko? Tsk! Nababaliw na yata ako. Awa lang siguro itong nararamdaman ko. Lalo na ng ikiwento ni Ate Arabella sa amin kung gaano kahirap ang buhay ng mga ito sa Isla. Siguro nga first time nyang naipagshopping eh. Kita ko ang pagkamangha sa kanyang mga
mata habang papasok kami kanina sa mall. For sure first time nyang nakagala sa ganitong lugar.
Buti na lang at may biglang pinuntahan sila Ate Arabella at inihabilin nito sa akin si Veronica. Ang galing talaga gumawa ng timing ng pagkakataon.
"Sir, umayaw na po si Mam sa pagsusukat. Pagod na daw siya." balita sa akin ng sales lady.
"Babayaran ko na lahat ng damit na nagkasya sa kanya. " sagot ko at agad na tumayo. Papunta na ako ng counter ng lumabas mula sa fitting room si Veronica. Soot
nito ang huling damit na isinukat nito. Maong pants at crop top. Kitang kita ang maliit na baywang nito. Nakatali na din ang mahaba nitong buhok kaya lalong naging kapansin-pansin ang maamo nitong mukha. Nakayuko itong naglakad papunta sa akin.
"Sir...ayos na po. Ayaw ko na pong magsukat!" wika nito. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti.
"Kung ganoon bayaran na natin. Para naman makalipat tayo sa ibang boutique." sagot ko at naglakad na papuntang counter. Sumunod ito sa akin at kita ko
ang gulat sa kanyang mukha ng makita nito ang mga damit na nasa counter.
"Sir, bibilihin niyo po lahat iyan? " tanong nito. Muli ko itong hinarap. Kitang kita ang matinding pagtutol sa mga mata.
"Syempre! Para itapon mo na iyung mga baduy mong damit! Hindi bagay sa mansion. Masakit sa mata!" sagot ko dito. Agad kong napansin ang pamumula ng mukha nito dahil sa sinabi ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti...Hay ang cute nya talaga!
Chapter 169
VERONICA POV
Hindi ko mapigilang maasiwa sa soot ko ngayun. Hay hindi na ibinalik sa akin ang soot ko kanina. Hindi ko alam kung saan inilagay ng mga sales lady. Sabi naman ng mga ito kahit hindi ko na daw hubarin itong soot ko ayos lang. Babayaran naman daw ni Sir Rafael.
Ang problema nga lang hindi ako komportable. Hapit na hapit itong maong pants ko tapos kapag yumuko ako ng kaunti kita naman ang pusod ko or likod ko. Ngayun pa lang nag- uumpisa na akong lamigin dito sa soot kong damit. Baka nga magkakabag pa ako. Sa lamig ba naman ng aircon dito sa loob ng mall tiyak na magkakabag ako. Papasukin ng lamig ang katawang lupa ko.
Hindi ko malaman ang gagawin ko kanina ng mapansin ko ang pagtitig ni Sir Rafael. Wala naman itong sinabi tungkol sa soot ko pero hindi pa rin maiwasan na makaramdam ng pagkailang lalo na ng ilang segundo niya akong tinitigan bago naglakad papuntang counter.
Agad naman akong sumunod dito. Bigla akong nagulat ng mapansin ko ang mga damit na nakalapag sa counter. Ang iba doon ay naisukat ko na kaya naman nagtataka akong tumingin kay Sir Rafael. Lalo na na mapansin ko na inilalagay na nila ito isa-isa sa mga paper bags. Seryoso? Hay ano bang nakain nito? Bakit kailangan nya akong bilhan ng damit. Akala ko ba asar siya sa akin? O naiinis lang talaga niyang makita ang sinasabi nitong mga baduy kung damit?
Ang arte nya naman. Iyun kaya ang uso sa probensya namin. Gandang-ganda nga ang mga kaibigan ko noon eh. Pero mas maganda ang mga pinamili nya ngayun. Magaan sa katawan at
masarap sa balat.
Napansin ko na agad nitong inabot ang isang kulay black card sa kahera ng banggitin nito ang total na babayaran ni Sir. Wala lang, nagtaka lang ako dahil pwede na pala pambayad iyun. Hindi na kailangan ng pera?. Nagtataka man pero tahimik lang akong
nakamasid. Ayaw ko ng magsalita pa. Baka mamaya lalo itong mainis sa akin at iiwan ako. Lagi pa naman nakakunot ang noo nito. Bahala na nga siya.
Pagkatapos maibalik ng kahera ang card nito ay binalingan niya ako. Agad naman akong napayuko. Ewan ko ba, hindi ko talaga kayang makipagtitigan dito. Bumuntong hininga ito at naglakad palabas ng shop. Agad akong napasunod.
Pagdating sa labas ay nagulat pa ako dahil may tatlong kalalakihan ang lumapit sa amin. Ngayun ko lang sila nakita at nagtaka ako dahil agad na nagbigay ang mga ito ng galang kay Sir Rafael.
"Kunin niyo ang mga pinamili namin sa loob. Ilagay niyo na sa kotse dahil may pupuntahan pa kami." wika nito. Agad naman tumango ang isa sa kanila at pumasok sa loob ng shop. Naiwan naman akong naguguluhan.
Napapitlag pa ako ng maramdaman ang kamay nito na humawak sa kamay ko. Maang akong napatitig dito at agad na hinila ang kamay kong hawak nito para mabitawan niya. Nakakahiya kaya. Lalo na ng mapansin ko na nakatitig sa gawi namin ang ibang mga tao. Mukhang kilala yata ng mga ito si Sir Rafael. Sabagay gwapo naman talaga ang amo namin at hindi nakakapagtaka na maraming mga kababaihan ang magkakagusto dito.
"Lets go!" wika nito sa yamot na boses. Hindi ko naman maiwasan ang magtaka Mukhang asar na naman ang amo namin ah? Ang hirap talaga spellingin ng ugali nito.
"Opo, sagot ko at agad na sumunod dito. Hindi ko maiwasan na mailang ng mapansin ko na nakasunod sa amin ang dalawang lalaki na kanina ay kausap lang ni Sir. Siguro bodyguard niya din ito. Ilan ba ang bodyguard ng pamilya nila? Kung ganoon sobrang yaman pala talaga nila. Parang gusto ko tuloy manliit. Natanong ko sa aking sarili kung ganito ba talaga ang pakikisama nila sa lahat ng kanilang mga kasambahay. Ipinagsa-shopping din ba nila.
"Doon tayo." napapitlag pa ako ng muli akong hawakan sa kamay ni Sir Rafael at hinila papasok sa isa namang shop. Tindahan ng mga sapatos at sandals. Hindi ko maiwasang mamangha ng mapansin ko kung gaano kagaganda ang aking nakikita. Sa tanang buhay ko ngayun lang ako
nakakita ng mga ganitong klaseng
sapin sa paa.
"Good Morning Sir...Good Morning Mam." agad na bati sa amin ng mga tao sa loob. Nahihiya akong napayuko. Hindi pa rin kasi binibitawan ni Sir Rafael ang kamay ko. Lalo tuloy akong nailang dito.
"Mamili ka na kung ano ang gusto mo. Malapit na magsara ang mga boutique kaya bilisan na natin." narinig kong wika nito. Hindi ko naman maiwasan mapatanga at inilibot ang tingin sa paligid. Lahat maganda at nahihiya akong pumili ng kahit isa doon. Iisipin talaga nito na masyado na akong abusada. Ang dami nya na ngang biniling damit kanina. Siguro makikiusap na lang ako na iunti-unti niya na lang pagkaltas sa sahod ko lahat para mabayaran ko ang mga iyun. Naniniwala kasi ako na wala ng libre sa panahon ngayun.
"Bigyan mo ako ng ka-size ng paa niya katulad ng design na iyan." napapitlag pa ako ng malakas na magsalita si Sir Rafael. Pagkatapos hinila pa ako paupo sa isang upuan. Wala na akong nagawa pa kundi tahimik na magpatianod na lang. Ayaw ko ng kumibo. Baka mamaya sigawan ako nito. Mukhang mainit pa din ang ulo. Naiinis siguro ito dahil malaki na ang nagastos sa akin ngayung araw. Eh sino ba ang nagsabi sa kanya na ibili niya ako ng mga damit na iyun?
"Sir ito na po. Pwede ng isukat ni Mam para makita natin kung kasya ba sa kanya." wika ng sales lady sabay abot ng box. Agad naman itong kinuha ni Sir Rafael at binuksan ang box.
Nagtaka pa ako ng imbes na iabot sa akin ang laman ng box ay tumayo ito. Umupo ito sa may paanan ko pagkatapos ay hinawakan nito ang aking paa. Agad na nanlaki ang aking
mga mata dahil sa pagkagulat. Pilit kong nilalayo ang paa ko dito para hindi nya maabot. Nakakahiya!
"Huwag kang magulo. Ako na ang magsusuot ng sandal na ito para mapabilis tayo." wika nito na may halong inis sa boses. Napalunok ako ng makailang ulit at aktong aagawin sa kamay nito ang sandals ng iiwas niya ito sa akin. Pagkatapos ay tinitigan ako ng masama.
A-ako na Sir! Nakakahiya po." sagot ko habang hindi makatingin ng deretso dito. Dumako pa ang tingin ko sa mga sales lady at lahat sila ay nakatingin sa gawi namin. Nakanganga pa ang iba habang ang iba naman ay kilig na kilig.
Hindi ito nakinig sa akin bagkos hinawakan nito ang paa ko. Agad nitong tinanggal ang suot kong lumang sapatos na hiniram ko pa kay Manang Espe kanina. Sabi ko babayaran ko na lang sa kanya pagkashod ko dahil pudpod na ang sapatos na dala ko galing probensya.
Naiilang man pero hinayaan ko na lang ang amo ko sa trip nya. Hindi ko alam kung normal pa ba itong ginagawa nya. Pero since napakahirap nitong kausapin dahil laging nakasimangot bahala na nga. Hindi naman siguro ako mamamatay sa gagawin niyang ito.
"Nice!" bulong nito at tumayo na. Itinoon ko naman ang tingin ko sa soot kong bagong sandals. Hindi naman masyadong mataas ang takong at alam ko naman kung paano gamitin ito. Sakto sa paa ko at komportable naman kaya hindi na ako umimik pa.
"May iba ka bang gusto maliban sa soot mo?" tanong nito. Agad akong umiling at pilit na ngumiti.
"Ayos na po ito sir . sagot ko. Tumango ito at tumingin sa soot niyang relos.
"Wait for me here. Babayaran ko lang yang sandals." wika nito. Napatango na lang ako habang sinusundan ito ng tingin. Napansin ko naman na pinulot ng sales lady ang luma kung sapatos at inilagay sa isang paper bago.
Pagkatapos ay nakangiti itong iniabot sa akin.
Saglit akong naghintay at napansin ko ang paparating na si Sir Rafael.
Nagtaka pa ako dahil may bitbit itong dalawang paper bag na may logo nitong shop. Hindi ko na lang pinansin dahil baka bumili din ito ng para sa kanyang sarili. Pagkalabas namin ay tatlo na ulit ang mga bodyguard na naghihintay sa amin. Nakabalik na agad iyung isa na nagdala ng mga pinamiling damit sa kotse.
Agad na inabot ng isa sa mga ito ang bitbit ni Sir Rafael. Kinuha din ni Sir sa mga kamay ko ang bitbit kong paper bag na may lamang lumang sapatos ko.
Pagkatapos ay tahimik silang sumunod sa amin. Hindi ko naman alam kung saan pa nito balak na pumunta. Kung ako ang masusunod, mas gusto ko ng umuwi na. Nakakaramdam na din ako ng pagod at nahihiya ako sa mga tingin na ipinupukol ng ibang mga tao sa mga nadadaanan namin.
"Rafa?" papasok na naman kami sa isang shop ng may biglang tumawag sa pangalan ni Sir. Napahinto sa paglalakad si Sir Rafael at binalingan ang taong tumatawag sa kanya.
Hindi ko maiwasan na pakatitigan ang seksing babae na palapit sa amin. Ang ganda niya at halos kita na ang buo nitong katawan sa kanyang suot. May kasama itong isa pa at katulad nito halos maghubad na sa klase ng damit na suot nila. Siguro ito talaga ang uso na pananamit dito sa Maynila. Halos kita na ang kanilang kuyukot sa sobrang iksi ng shorts at baba ng cleavage. Mas matino pa pala itong suot ko ngayun. Nakapants ako at kaunting pusod at balikat ko lang ang kita.
"Small world! Hindi ko akalain na nandito ka din pala sa mall." nakangiti nitong wika. Tahimik lang akong nakatayo sa likuran ni Sir Rafael. Pinapakinggan ang kanilang pag- uusap. Hindi ko naman mapigilan na manlaki ang aking mga mata ng akmang yayakap ang babae kay Sir Rafael. Mabuti na lang at magaling yata umiwas itong amo ko.
"Get lost!" yamot na wika ni Sir RAfael. Pagkatapos ay binalingan ako nito ng tingin at hinawakan sa kamay. Agad kong napansin ang pagtaas ng kilay ng babaeng kaharap nito. Hindi din nakaligtas sa aking paningin ang pagtitig nito sa akin mula ulo hanggang paa. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkailang.
"So, may ipinalit ka na pala kaagad sa akin. Bilib na talaga ako sa iyo...noong nakaraang araw lang ang huling sex natin may iba ka na kaagad!" wika nito sa nang-uuyam na boses. Hindi ko naman maiwasan na tingnan ang mukha ni Sir Rafael. Seryoso itong nakatitig sa babae. Naramdaman ko din ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa kamay ko.
"Well, ganoon naman ako diba? Wala ng dapat pang ipagtaka doon." sagot nito at hinila ako papasok sa loob ng shop. Akmang lilingunin ko pa ang babae ng magsalita si Sir Rafael.
"Mas maganda ka kaysa kanya. Huwag mo na siyang pag-aksyahan ng panahon." wika nito at iniyapos ang kanyang isang braso sa baywang ko. Agad na nanlaki ang aking mga mata at aktong lalayo para makawala dito pero mas malakas ito kaysa sa akin.
"Good Evening Sir, Mam!" Natigil lang ako ng may biglang bumati sa amin. Agad kong itinoon ang pansin sa lugar kung nasaan kami ng nanlaki ang aking mga mata. Nandito kami sa mga
tindahan ng alahas? Puro nagkikintabang mga bato ang aking nakikita. Ano ang ginagawa namin dito?
"Kailangan ko ng kwentas. Iyung pinaka-latest." sagot ni Sir Rafael. Binitawan nya na ako kaya nakahinga ako ng maluwang at agad na lumayo ng ilang distansya dito. Pagkatapos ay naging abala na ang mga mata ko sa kakatitig sa mga nakadisplay.
"Sa VIP Room tayo Sir." narinig ko pang wika ng isang babae sa kanya. Hindi ko pinansin pero naramdaman ko na lang ang muling paghawak nito sa kamay ko.
"Lets go!" wika nito. Hindi na ko nakaimik pa at nagpatianod na lang. Siguro kailangan ko na lang sakyan kung ano ang trip nya. Baka bibili ito ng regalo para kina Madam Carissa. Hindi naman ako ganoon katanga para hindi mabasa ang mga presyo ng mga alahas dito sa loob. Kahit siguro hanggang pagtanda ko hindi ako makakabili ng ganito kamahal na bagay.
Chapter 170
VERONICA POV
"Po?" hindi ko maiwasang mamangha ng biglang tumayo sa likuran ko si Sir Rafael at isinuot nito ang hawak niyang kwentas. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kilabot ng maramdaman ko pa na sumayad ang kamay nito sa balat ko. Hindi ko maiwasang mapalunok ng makailang ulit lalo na ng tuluyan na nitong maisuot sa akin ang kwentas at titigan ako nito sabay pakawala ng matamis na ngiti.
"Perfect! Bagay sa iyo!" nakangiti nitong wika. Para akong nahipnotismo na napatitig dito. Sa kauna-unahang pagkakataon ngayun ko lang nakitang ngumiti ang amo ko! Ano kaya ang nakain nito? Hindi kaya may kung anong kapangyarihan ang kwentas na ito na siyang nakatulong para ngumiti siya ng ganito?
"I will buy it!" baling nito sa nag- aasikaso sa amin. Hindi ko na namalayan pa ang mga susunod na nangyari. Nakafocus ako sa soot kong kwentas ngayun lalo na ng banggitin ng nag-aasikaso kung magkano ang presyo nito....... 1.7 Million Pesos? Para tuloy bigla akong kinabahan at gusto na itong ipatanggal sa leeg ko. Kahit siguro buhay ko hindi sapat na maging kabayaran sa kwentas na ito.
Nakatapat ako sa salamin habang titig na titig sa aking leeg. White gold at pink na bato ang pinaka-pendant nya. Tuwing gumagalaw ako kumikinang ito lalo na kapag tinatamaan ng liwanag ilaw.
"Lets go! Masyado ng late at kailangan na nating makauwi." Narinig ko pang pagyayaya nito sa akin. Hindi ko na namalaya ang muling paglapit nito sa akin. Nakafocus ako sa kong anong meron sa leeg ko ngayun. Tapos na siguro silang mag-usap ng nag-aassist sa amin.
"Eh Sir, pwede po bang pakitanggal na nito ?" wika ko dito sabay turo sa suot kong kwentas.
"Bakit hindi mo ba gusto?" tanong nito sa seryosong boses.
"Hindi naman po, baka po kasi mawala ko eh. Isa pa baka makita nila Madam na suot ko ito. Baka magalit sila kapag malaman nilang ipinasuot nyo sa akin ang regalo na para sa kanila." sagot ko. Hindi ko kasi alam kung para kanino itong kwentas. Baka merong mag- bibirthday sa pamilya kaya sa akin niya isinukat. Tinitigan ako nito bago sumagot.
"Sino ang nagsabi. Para sa iyo yan sa kung kanino man ang kwentas na iyan? Binili ko iyan para sa iyo kaya wala kang choice kundi gamitin iyan araw- araw." sagot nito at agad akong tinalikuran. Parang bigla naman akong ipinako sa aking kinatatayuan sa sinabi
nito. Ilang sigundo din akong hindi nakagalaw bago sumunod dito.
"Para sa akin po? Pero bakit po?" tanong ko. Huminto ito sa paglalakad at hinarap ako
"Anong bakit? Regalo ko sa iyo iyan kaya huwag ka ng magtanong." sagot nito.
"Hi-hindi ko naman po birthday Sir para regaluhan. Isa pa mahal po ito! Ayaw ko nito." diretsahan kong sagot. Agad na nagdilim ang expression nito at hindi marahil nagustuhan ang sagot ko kaya napalunok ako ng makailang ulit bago muling nagsalita.
"Mahal po kasi ito masyado...Hi-hindi ko po kayang magsuot ng ganito Sir." wika ko sabay yuko.
"Ano na ngayun ang gagawin natin diyan? Itapon sa basurahan dahil ayaw mo?" sagot nito sa seryosong boses.
Agad akong nanatulala dito. Mukhang hindi ito nagbibiro dahil nakakunot na naman ang noo at mukhang galit.
Grabe, kung makapagsabi siya ng ganito parang wala lang sa kanya ang ibinayad nya dito. May tama ba sa utak itong amo ko? Ang hirap niyang spellingin.
"Subukan mong hubarin iyan. Hindi ako magdadalawang isip na itapon sa basuran. Ikaw na nga itong niregaluhan para naman magmukha kang tao ikaw pa itong mareklamo." wika nito at agad akong tinalikuran. Mabilis itong naglakad kaya agad ko itong hinabol.
Mukhang nagalit talaga kaya hindi na ako nagtangka pang magsalita. Kung itatapon niya itong suot ko, eh di akin na lang. Total sobrang yaman naman nila eh. Pero teka lang...baka naman ikaltas nila ito sa sahod ko? Hindi pwede iyun. Balak kong ipagawa ang bahay namin sa probensya at lahat ng
sweldo ko ipapadala ko doon sa amin.
"Si-sigurado po kayo Sir?Akin na lang po ito? Baka po ikaltas niyo sa sahod ko ha? Hindi po ako papayag." muling wika ko. Tumigil ito sa paglalakad at tinitigan ako.
"Narinig mo naman siguro ang presyo ng suot mo diba? Kahit habang buhay ka pang manilbihan sa mansion, hindi kayang bayaran ng sweldo mo ang kwentas na iyan. Tsk! Tsk!" seryoso nitong sagot at nagpatuloy na sa paglalakad. Agad naman akong napasunod dito.
Hindi naman siguro ako sisingilin. Sinabi nya kanina na regalo eh. Kaya walang bayad. Isa pa barya lang naman siguro sa kaniya ang perang ibinayad nya dito. Siguro may magic ang black card na ginagamit nito. Lahat kasi ng binili namin iyun ang ginagamit nyang pambayad.
Halos sarado na ang mga tindahan na nadaanan namin. Gabi na talaga siguro dahil inaantok na ako. Sana naman uuwi na kami. Ayaw ko ng mag-ikot.
"Nagugutom ka ba?" nagulat pa ako ng bigla itong huminto at hinarap ako. Agad akong umiling.
Laking pasalamat ko ng lumabas na kami ng mall at diretsong naglakad papuntang parking. Ibang sasakyan na ang binuksan ni Rafael ngayun. Tuluyan na nga kaming iniwan ni Mam Arabella dito sa mall.
"Sakay na!" wika nito sa seryosong boses. Nag-aalangan man ay agad na din akong sumakay. May sariling sasakyan ang tatlong lalaking nakabuntot sa amin kaya kaming dalawa lang ang nasa loob ng kotse nito. Si Sir Rafael pala ang magdadrive kaya siguro dito nya ako pinapwesto sa unahan dahil wala naman kaming
ibang kasama dito sa loob ng kotse.
Pinakiramdaman ko lang sya ng pinaandar niya na ang kotse. Nilingon pa ako nito tsaka napailing pagkatapos ay dumukwang ito sa akin kaya pakiramdam ko biglang naningas ang buo kong katawan. Hindi ako nakagalaw.
"Pati ba naman sa paglalagay ng set belt hindi mo pa alam gawin?" bulong nito sa punong tainga ko. Ramdam ko ang init ng hininga nito sa may tainga ko kaya agad na nanindig ang aking balahibo sa buong katawan. Ano ba ito? Normal pa ¨¤ ba ito sa amo namin? Bakit habang tumatagal lalo siyang naging kakaiba?
Nagpasalamat ako dahil umayos na ito ng upo pagkatapos nyang ikabit sa katawan ko ang set-belt nyang sinasabi. Pagkatapos ay unti-unti na nitong pinausad ang sasakyan.. Tahimik lang ako habang diretso ang tingin sa kalsada.
"Nagugutom ka na ba? Gusto mo bang kumain na muna tayo?" tanong nito. Tinanong nya na ako kanina pero dahil iling lang naman ang sagot ko tinanong na naman nya ulit. Baka si Sir
talaga ang gutom kaya ganoon. Nahihiya lang siyang magsabi sa akin. Charrr!
RAFAEL POV
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pakiramdam ko sobrang saya ko dahil nasulo ko si Veronica. Gusto kong
bilhin lahat ng bagay na nakikita ko dito sa mall na alam kong babagay sa kanya. Pakiramdam ko mahalaga ang bawat oras na kasama ko siya kaya ng mapadaan kami sa isang jewelry shop ay agad ko itong hinila papasok.
Kung tutuusin, ito ang kauna-unahang pagkakataon na may ipinagshopping akong babae sa tanang buhay ko. Noon pa man hindi ako mayayaya ng
pamilya ko sa ganitong bagay dahil mainipin akong tao. Para sa akin walang kwenta at sayang lang ang oras sa mga ganitong bagay. Ang mga naging ka-fling ko naman noon ay sa kwarto palagi ang bagsak namin.
Pero ngayung si Veronica ang kasama ko walang ni kahit pagkainip akong nararamdaman. Gustong gusto ko pa itong makasama ng matagal dito sa labas dahil pakiramdam ko gusto kong ipakita sa lahat ng tao na nakakasalubong namin kung gaano kaganda ang kasama ko ngayun.
Hindi ko alam kung nasisiraan lang ba ako ng bait o naawa ako dito at gusto kong iparanas dito ang hindi nya naranasan sa tanang buhay nya. Pero hindi, alam kong may malalim na dahilan ang lahat ng ito kaya naman ngayun pa lang sisiguraduhin kong magiging komportable ito sa mansion.
Ito na din siguro ang pagkakataon na magseryoso na ako sa buhay. Awkward man at maraming magtataas ng kilay sa ginagawa kong ito sa isang babaeng katulad ni Veronica pero ano ang magagawa ko. Dito ako masaya.
Katulad sa mga nauna kong pinamili para dito nagpakita agad ito ng pagtutol sa kwentas na binili ko para sa kanya. Pero nabayaran ko na ang bagay na yun at bumagay naman sa kanya kaya no big deal. Maliit na bagay kung tutuusin dahil gusto ko lang naman ito sanang makita na ngumiti kaya binibili ko ang mga bagay na wala siya. Pero kabaliktaran ang lahat. Lahat ng ibinibigay ko ay lagi nitong tinatanggihan. Kailangan pang takutin at sungitan para manahimik.
Katulad ngayun, tinatanong ko lang kung gusto niyang kumain hindi na naman umiimik. May pakagat-kagat pa ng labi minsan. Mabuti na lang malakas akong magpigil. Kung hindi baka kanina ko pa ito hinalikan. Kanina pa kasi ako gigil na gigil sa labi nito. Kapag mangyari iyun, baka ito ang kauna-unahang babae ang mahalikan ko sa labi. Para kasing ang sarap eh. Organic dahil halatang hindi ito gumagamit ng lipstick. Kung ano ang kulay ng labi nito kanina ng umalis kami ng mansion, ganoon pa rin hanggang ngayun.
Mabuti na lang at maraming mga bukas na restaurant dito sa dinadaanan namin. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Agad akong lumiko sa napili kong restaurant kung saan pwede kaming mag-dine in. Nagseserve sila ng american at asian cuisine kaya tiyak na mag-eenjoy si Veronica dito. Mas maigi na din na kumain muna kami bago umuwi para makapagpahinga agad ito pagdating namin. Bukas balak kong kakausapin sila Mommy at Daddy tungkol sa education ni Veronica. Gusto ko itong kuhaan ng tutor para naman maipagpatuloy niya ang kanyang pag- aaral.
Ako na ang mag-sponsor sa lahat ng kailangan nito. Bahala sila kung ano ang iisipin nila tungkol sa bagay na ito pero simula bukas babakuran ko na ang babaeng katabi ko. Bahala na. As long na masaya ako sa presensya nito mananatili siya sa tabi ko...este sa mansion. Siya ang gagamitin kong inspiration para magtino na ako at iiwasan ko muna ang makipag-fling sa mga babae. Nakakasawa din pala ang ganoong gawain. Wala ng thrill.
Agad akong nagpark. Hindi na umiimik pa si Veronica kaya alam kong gutom na din ito. Mas mabuti na din na tahimik ito kaysa naman puro pagtutol ang lumalabas sa bibig nito. Agad akong naiinis kapag naririnig ko ang bagay na iyun. Para kasing hindi siya natutuwa sa mga effort na ginagawa ko sa kanya.
Chapter 171
VERONICA POV
Natapos din ang araw na ito. Pakiramdam ko latang lata ang katawan ko pagkababa ko ng kotse ni Sir Rafael. Tahimik na ang buong mansion at mukhang tulog na ang mga tao. Sabagay alas onse na pala ng gabi ayun sa nakita kong oras kanina sa loob ng kotse ni Sir.
Pwede ka ng pumasok sa kwarto mo para magpahinga. Ipapahatid ko na lang bukas ng umaga sa kwarto mo ang mga pinamili mo. " wika ni Sir Rafael. Agad kong tumango at nagmamadali itong tinalikuran.
"Veronica...Good night!" sigaw pa nito. Napalingon pa ako dito at kita ko kung paano ako nito titigan. Nahintakutan naman akong muling tumalikod at halos tumakbo na ako papunta sa likod ng mansion kung saan matatagpuan ang mga kwarto ng mga kasambahay.
Pagdating sa tapat ng pinto ng kwarto namin ni Manang Espe hingal na hingal ako. Hindi ko alam kun ano ang iisipin sa mga ipinapakita ng amo ko sa akin. Parang bigla kasi siyang nagiging kakaiba kanina sa restaurant. Halos subuan niya pa ako kanina habang kumakain kami at ipinaghiwa nya pa ako ng steak. Para tuloy kaming mag -shota.
Natapik ko naman ang noo ko ng maisip ang huling bagay na iyun. Malabong papatol sa isang tulad ko si Sir Rafael. Baka mabait naman talaga ito. Talagang lagi lang nakakunot ang kanyang noo. Ipinagshopping na nga ako lahat-lahat kaya hindi ko siya dapat pag-isipan ng masama. Mabait siya at normal lang sa kanya ang magsungit!
Dahan dahan kong binuksan ang kwarto namin ni Manang Espe. Ayaw kong makalikha ng ingay dahil nakakahiya at tiyak tulog na ito. Baguhan pa lang ako dito at ayaw kong may masabi itong masama sa akin.
Nakahinga ako ng maluwang ng mapansin kong tulog na tulog na si Manang. Agad kong hinagilap ang tuwalya ko at ang damit kong pantulog at patingkayad na naglakad papuntang banyo. Mabuti na lang at may maliit kaming banyo dito sa kwarto. HIndi na namin kailangan pang lumabas kung sakaling gagamit kami ng kubeta.
Pagkatapos kong maghilamos ay agad kong pinalitan ng pantulog ang damit na suot ko. Maingat ko pang tinupi dahil gandang ganda ako dito. ko akalain na makakasuot ako ng ganito kagandang damit sa tanang buhay ko. Lalo na itong kwentas.
Akmang huhubarin ko na rin ang kwentas na suot ko ng maalala ko ang sinabi kanina ni Sir Rafael. Bawal daw hubarin dahil itatapon nya daw sa basurahan. Hayst ganoon ba talaga ang mga mayayaman? Walang halaga sa kanila ang mga mamahaling bagay?
Pagkatapos kong gumamit ng banyo ay dahan dahan na akong lumabas. Muntik pa akong mapasigaw ng pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong nakatayo si Manang Espe sa pintuan. Naghihikab pa ito.
"Oh Veronica...kanina ka pa ba nakauwi?" agad na tanong nito.
"Kakauwi lang po namin ni Sir. Ang dami nya kasing pinuntahan eh. Isa pa iniwan kami ni Mam Arabella kanina sa mall." sagot ko dito. Huli na ng marealized ko na hindi naman pala kasama sa tanong ni Manang ang sinasabi ko ngayun. Ngumiti lang ito sa akin at tuluyan ng pumasok sa loob ng banyo. Agad naman din akong naglakad patungo sa aking higaan at nahiga na.
Nagpapaantok ako ng muling lumabas si Manang. Dumako pa ang tingin nito sa akin bago nagsalita.
"Magpahinga ka na Veronica. Maaga pa tayo bukas." wika nito.
"Sige po Manang. Salamat po." sagot ko at ipinikit na ang aking mga mata hanggang sa nakatulog na ako.
Kinaumagahan, agad akong bumangon sa aking higaan ng maalimpungatan kong nag- aayos na si Manang ng kanyang higaan. Suot na din nito ang kanyang uniform kaya naman agad akong naglakad papuntang banyo para umihi at magtoothbrush.
"Veronica, mauna na ako sa kusina. Sumunod ka na lang." wika pa nito sa akin. Agad ko naman itong sinagot.
"Sige po Manang. Susunod po kaagad ako." sagot ko naman at nagmamadaling hinubad ang pantulog ko at isinuot ang uniform pangkasambahay.
Nang mapansin kong maayos na ang lahat ay agad akong naglakad palabas ng quarter namin. Nakita ko pa si Ate Maricar na naglalakad papuntang kusina kaya binilisan ko ang aking hakbang para maabutan ito.
"Ate.." tawag ko dito. Agad naman itong lumingon sa akin kaya nakangiti ko itong nilapitan.
"Kumusta? Anong oras kayo nakauwi kagabi?" tanong nito.
"Alas onse na Ate." sagot ko naman. Tumango na ito at ipinagpatuloy na ang paglalakad patungong kusina kaya agad akong sumunod sa kanya.
Pagdating ng kusina ay naabutan pa namin na nandito na din ang ilang Kinakausap sila ni Manang at mukhang sinasabi sa mga ito kung ano ang gagawin nila ngayung araw.
Abala din ang tagaluto sa paghahanda ng pagkain.
"Kayong dalawa naman Maricar at Veronica sa dining pa rin kayo. Kompleto ang buong Villarama
Family kaya dapat maging alerto kayo sa lahat ng iuutos nila."
wika sa aming dalawa ni Manang Espe. Sabay kaming tumango ni Ate Maricar.
"Bweno, Kumain na ang gustong kumain. Bigyan ko kayo ng thirty minutes pagkatapos umpisahan na ninyo ang inyong mga trabaho kung saan kayo nakatoka." wika ni Manang at pumalakpak pa. Kanya-kanya naman kami kuha ng baso para ipagtempla ang aming mga sarili ng kape. Mas maganda ng may laman ang aming sikmura bago magtrabaho.
"Kayong dalawa...bilisan niyo.
Mamaya lang ng kaunti, bababa na ang ilang miyembro ng pamilya." wika ni Manang sa amin ni Ate Maricar. Agad naman kaming tumango.
Pagkatapos namin humigop ng mainit na kape at kumain ng ilang slice ng bread ay pumasok na kami sa loob ng dining room. Masyado pang tahimik. Tulog pa ang lahat pero kaming mga kasambahay, abala na.
"Ate, ganito ba talaga ang mga mayayaman? Sa sobrang daming nakahain sa lamesa hindi naman nila kinakain lahat. Pakunti- kunti nga lang ang kinakain nila eh." wika ko kay Ate Maricar ng pagmasdan ang mga nakalagay na pagkain sa lamesa. Talo pa ang fiesta gayung agahan lang naman. Iyung ibang pagkain na nakahain ngayun ko lang nakita sa tanang buhay ko. Ang aga-aga may mga prutas na din na nakahain.
"Ganyan talaga sila. Pero alam mo mga kasambahay din ang uubos sa mga iyan. Kaya tingnan mo ang mga kasamahan natin, ang lulusog nila. Open sa pagkain ang mga kasambahay ng mansion. Pwedeng kumain ang lahat hanggat gusto." humahagikhik na wika ni Ate Maricar. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti.
"Good Morning!" Napatuwid kami ng tayo ni Ate Maricar ng marinig namin ang pagbati na iyun. Agad namin nakita si Sir Elijah kasunod ng dalawa niya pang pinsan na anak ni Mam Arabella. Mga dalaga at binata na sila at nakalimutan ko ang kanilang mga pangalan.
"Hindi pa ba bumababa sila Mommy at DAddy?" tanong ng dalaga. Si Ate Maricar na ang sumagot.
"Hindi pa po Mam Jeann!" Sagot dito ni Ate Maricar. Agad ko naman tinandaan ang pangalan nito. Kailangan kong makabisado lahat ng pangalan ng miyembro ng pamilya nila Madam at Sir.
Hindi naman nagtagal at nagsipagdatingan na sila kasama si Sir Rafael na noon ay seryoso ang mukha. Nahuli ko pang tinititigan ako nito bago itinoon ang pansin sa pagkain. Hindi ko naman maiwasan na kabahan dahil doon. Tahimik lang kaming nakaantabay ni Ate Maricar sa mga posible nilang iuutos sa amin.
"Nica, anong time kayo nakauwi kagabi ni Uncle?" nagulat pa ako ng biglang tumingin sa gawi ko si Sir Elijah at magtanong kung anong oras kami nakauwi kagabi. Muli akong napasulyap kay Sir Rafael na noon ay nakasimangot na nakatitig kay Sir Elijah.
"Bakit mo tinatanong?" malamig na sagot nito. Muli akong napayuko.
"Bakit masama ba magtanong? Si Uncle talaga!" sagot naman ni Sir Elijah sabay sinamangot at muli akong binalingan.
"Mga alas-onse po Sir." sagot ko na lang dahil mukhang naghihintay ito ng sagot mula sa akin. Tumango naman ito.
"Usap tayo mamaya ha? Parang bigla akong na-curious sa lugar nyo sa probensya...Gusto kong puntahan." nakangiti nitong wika sabay kindat. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng hiya dahil sa ginawa nito.
"Tsk! Tsk! Hindi pwede! May iuutos ako sa kanya mamaya!" sagot ni Sir Rafael.
"Linggo ngayun Uncle. Dapat nga day off nya ngayun eh hindi po ba Mama Carissa?." reklamo ni Sir Elijah sabay tanong sa kanyang Lola. Agad naman tumango si Madam Carissa.
"Yes...kung may gagawin man sila ngayun hindi ganoon kabigat dapat. Linggo ngayun at karapatan nilang magpahinga. Ang mga kasambahay na gustong lumabas para magsimba at mamasyal pwede nilang gawin iyun." sagot ni Madam. Agad naman binalingan ni Sir Elijah si Sir Rafael at nginisihan.
"Noong thursday lang dumating dito si Veronica sa bahay kaya hindi siya kasali dyan. Ipapaayos ko sa kanya ang mga isusuot ko in a whole week sa opisina." sagot nito. Sabay-sabay naman napatingin dito ang buong pamilya at nagtatakang tumitig.
"Seryoso?" narinig kong tanong ni Mam Miracle. Bakas ang pagtataka sa mukha nito. Hindi ito sinagot ni Sir Rafael at muling itinoon ang pansin sa pagkain "Kayong dalawa...pwede na din kayong kumain. May mga kamay at paa ang mga nandito. Sila na ang gagawa kung may mga mga kailangan pa. And Veronica, kakausapin kita mamaya." wika ni Madam Carissa. Kinabahan man pero agad na akong sumagot.
"Opo Madam!" nakayuko kong sagot at agad na naglakad palabas ng dining area.
"See you later Nica!" pahabol pang wika ni Sir Elijah. Hindi ko na lang ito pinansin at agad na akong lumabas sa dining room kasunod ni Ate Maricar.
"Grabe! Palagay ko may crush sa
iyo si Sir Elijah." sambit ni Ate Maricar pagdating namin ng kitchen. Mabuti na lang at walang ibang tao dito sa kusina kung hindi nakakahiya sa mga nakakarinig.
"Ano ka ba Ate! Imposible naman iyang sinasabi mo. Sadyang mabait lang talaga si Sir Elijah." nahihiya kong sagot.
"Hindi rin. Sa iyo lang naman ganyan si Sir Elijah. Hindi nga iyan namamansin sa amin eh." sagot nito. Pagkatapos ay tinitigan ako nito.
"Sabagay hindi naman nakakapagtaka iyun dahil maganda ka naman talaga. Sana all na lang talaga!" nakangiti nitong muling wika.
"Ate naman, imposible po iyan. Friendly lang talaga siguro si Sir Elijah. Mababait naman talaga ang mga amo natin eh kaya ayaw kong bigyan ng kahulugan lahat ng kabaitan nila na ipinapakita." sagot ko naman. Hindi naman nakasagot si Ate Maricar bagkos napansin kong tumitig ito sa leeg ko. Na-concious ako at napahawak pa ako sa kwentas na suot ko.
"Wow, ang ganda ng suot mong kwentas. Saan galing iyan?" bakas ang kuryusidad sa boses na tanong nito.
"Binili ni Sir Rafael kagabi."
sagot ko. Agad na nanlaki ang mga mata nito at sinipat ako ng tingin.
"Ta-talaga? Hindi nga?" tanong nito. Nagtaka naman ako kaya agad ko itong tinanong.
'Bakit po? Pangit po ba?" tanong ko.
"Sure ka? Kaya pala natagalan kayo kagabi dahil ibinili ka pa nya ng ganyan. Siguro crush ka din ni Sir Rafael." muling wika nito. Hindi ko naman maiwasan na matawa.
"Ano ka ba Ate lahat na lang crush ako." nahihiyang sagot ko
at tinalikuran na siya. Baka kung saan pa mapunta ang pag-uusap namin na ito. Isa pa nakakahiya kung may ibang taong makarinig. Babalik muna ako ng kwarto namin ni Manang Espe.
"Veronica!" hindi pa ako nakalayo ng may tumawag sa akin. Agad akong napalingon at nagulat ako dahil si Sir Rafael pala ang tumatawag sa akin. Nasa tabi ito ni Ate Maricar kaya muli akong lumapit.
"Bakit po Sir?" tanong ko. Baka gusto na nitong paumpisahan sa akin ang trabahong gusto nyang ipagawa.
"Sumama ka sa akin." wika nito sabay hawak sa aking kamay. Naguguluhan naman ako at bumaling pa kay Ate Maricar na noon ay bakas ang pagtataka sa mukha nito.
Chapter 172
VERONICA POV
"Sa-saan po tayo pupunta Sir?" tanong ko dito at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kumakabog ang puso ko sa hawak ni Sir Rafael. Damang dama ko ang mainit at malambot nitong palad. Grabe, parang normal na lang sa kanya na hawak- hawakan ako sa kamay.
Napapatingin pa sa amin ang mga nadadaanan naming mga kasama kong kasambahay kaya napapayuko na lang ako dahil sa hiya. Baka kasi kung ano pa ang isipin nila.
"Nagtaka pa ako dahil pumasok kami sa mansion. Hindi ko maiwasan na mamangha sa aming mga nadadaanan. Grabe puro karangyaan ang aking nakikita. Mga bagay na ngayun ko lang nakikita sa tanang buhay ko.
Napatingala pa ako sa hagdan ng hilahin ako ni Sir Rafael paakyat doon. Wala na akong nagawa pa kundi magpatianod na lang.
Mabuti na lang at walang ni isa mang miyembro ng pamilya ang nasa paligid kung hindi mas nakakahiya talaga.
Hindi naman nito sinagot ang tanong ko kaya nakaramdam ako ng kaba. Ano ba kasi talaga ang gustong mangyari ni Sir Rafael sa buhay niya.... ester sa buhay ko? Basta na lang manghihila ng walang pasabi. Hindi porket ipinagshopping nya ako kagabi basta-basta nya lang akong dadalhin kung saan-saan. Kung makahawak sa kamay ko akala mo naman tatakbuhan ko siya...... eh hindi naman ako basta-basta makakalabas dito sa mansion dahil ang taas ng gate at may gwardya pa.
Pagkatapos naming akyatin ang magarang hagdan ay naglakad pa kami hanggang sa pinakadulo. Sa sobrang lawak ng mansion hindi ko alam kung para kanino yung mga nakasarang pintuan na aming nadaanan. Hindi ba naliligaw ang mga tao dito? Kaya pala ang dami nilang kasambahay kasi malawak ang lilinisin.
"Ahmmm Sir saan niyo po ako dadalhin?" tanong ko muli habang hinihila ko na ang aking kamay para mabitawan nito pero bigo ako. Lalo nya pang hinigpitan at hindi niya ako sinasagot.
'Diyos ko, baka kukunin ni Sir ang puri ko at pagkatapos basta nya lang akong patayin at itago sa isa sa mga kwartong nadadaanan namin.'" sa isiping iyun bigla akong kinabahan at the same time gusto kong kaltukin ang utak ko. Naisip ko talaga ang puri-puri na iyan? For sure naman maraming babae si Sir at hindi na kailangan na mamilit sa isang katulad kong hamak na kasambahay.
Pambihira talaga, minsan itong utak ko walang preno kung mag- isip. Mga imposibleng bagay pa ang kadalasang pumapasok sa kukute ko! Eh hindi naman mukhang rapist itong amo ko! Ang pogi pa nga kahit laging nagsusungit.
"Kakausapin ka nila Mommy. May ilang bagay na gustong itanong sa iyo. Hintayin natin sila sa Library dahil susunod na din sila." wika nito. Sa wakas sumagot na din ang masungit na ito. Iyun lang naman pala may pahawak-hawak pa ng kamay ko eh mas malambot pa nga ang kamay niya sa kamay kong kalyuhin dahil sa kakalaba ng mga damit ng mga kapatid ko noong nasa probensya pa ako.
"Bakit daw po? May mali po ba akong nagawa? Diyos ko naman sana hindi nila ako sesantihin. Kailangan ko po talaga ang trabahong ito." agad ko namang sagot at hindi maiwasan na makaramdam ng kaba. Totoo naman talaga iyun. Sa dinami- daming katulong dito sa mansion ako pa talaga ang pinatawag.
Hindi na naman nya ako sinagot at sa wakas huminto na kami sa isang nakasarang pintuan at laking pasalamat ko binitawan niya na ang kamay ko. Binuksan niya ang pintuan at tumampad sa paningin ko ang isang silid na ang unang umagaw sa pansin ko ay ang maraming mga libro na nakadisplay. Hindi ko maiwasang mamangha at inilibot ang aking tingin sa paligid.
"Ito ang study room at opisina ni Daddy noon. Since ako na ang magpapatakbo ng kumpanya ngayun dito na ako kadalasan tatambay." sagot nito at umupo sa isang sofa. Medyo mahaba ang salita nya ngayun ah? Isa pa hindi naman ako nagtatanong siya na ang unang nagkwento sa akin. Napakahirap talagang ispellingin ni Sir.
"A-ano po ang gagawin ko dito ngayun Sir?" hindi ko maiwasang tanong.
"hindi mo ba ako narinig kanina? Sabi ko hintayin natin sila Mommy at Daddy. Kakausapin ka nila." sagot nito. Natameme naman ako. Oo nga pala iyun ang sabi niya kanina. Umiral na naman siguro ang katangahan ko. Paminsan-minsan kasi sinusumpong ako sa bagay na iyun eh.
Pero teka lang..ang alam ko nasa dining area pa sila ah? Isa pa bakit siya pa ang kusang nagdala sa akin dito? Pwede naman akong magpasama kay Ate Maricar papunta dito kung sakaling ready na sila Madam. Heto tuloy, nakatunganga ako dito habang ang amo ko abala na sa kakapindot ng kanyang cellphone.
"Ano ang number mo? Para naman tatawagan kita kung may kailangan ako." maya-maya ay pukaw nito sa malalim kong diwa. Wala sa sariling nilingon ko ito. Nakatitig na naman sa akin kaya naman agad kong iniwas ang mga mata ko sa kanya. Para kasing may magnet ang titig ni Sir. Parang hinihigop pati kaluluwa ko! Char!
"Wala po akong ganyan Sir." sagot ko. Napansin ko na naman ang pagkunot ng noo nito. Ano na Mali ba kung wala akong number? Paano ako magkaroon ng number eh sa tanang buhay ko hindi pa ako nagkakaroon ng sariling cellphone. Nakikipindot lang ako sa Cellphone ni Ethel noong nag- apply ako sa agency.
"Wala number? Bakit nasaan ang cellphone mo?" tanong nito. Grabe naman siya, akala nya ba lahat ng tao kayang bumili ng cellphone na iyan? Hindi nga namin kayang bumili ng cellphone pa kaya?
"Wala po Sir eh. Hindi pa ako nagkakaroon ng ganyan." hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya dahil sa sagot ko iyun.
"Bakit hindi ka marunong magbasa?" tanong nito. Agad naman bumuka ang butas ng ilong ko. Ano siya, magaling kaya ako magbasa ng English at tagalog. Hindi ako nakakaintindi ng English pero alam ko kung paano basahin ang ilang bagay.
Kahit papaano natapos ko naman ang Grade 4. Hindi nga lang naituloy ang pag-aaral ko dahil naging Yaya ako ng mga kapatid ko.
"Marunong naman po Sir. Wala lang po kasi kaming pambili eh. Mahirap lang po kami.' Sagot ko sabay yuko. Hindi na ito umimik bagkos ramdam ko ang titig nito.
Halos isang oras din kaming naghintay kina Madam Carissa at Sir Gabriel dito sa loob ng library bago ito dumating. Mabuti na lang at hindi na muling nagtanong ulit si Sir Rafael pagkatapos naming pag-usapan ang tungkol sa cellphone.
Nanahimik na ito at muling itinutukok ang buong pansin sa cellphone samantalang ako pigil na pigil ang maghikab. Bigla akong inantok dahil sobrang lamig dito sa library. Itinudo yata ang aircon.
Saktong dumating na sila Madam at Sir kaya agad akong tumayo mula sa pagkakaupo para magbigay galang. Agad naman nila akong sinensyasan na maupong muli.
"May idea ka ba kung bakit gusto ka naming makausap ngayun?' agad na tanong ni Madam. Hindi naman ako nakaimik.
Inihahanda ko na ang luha sa
aking mga mata kung sakaling sabihin nito na sesante na ako.
Kung tutuusin katanggap- tanggap naman ang bagay na iyun dahil eighteen lang ako. Mga thirty years old and up ang hanap nilang kasambahay.
"Mam, huwag niyo po akong
tanggalin. Promise po
gagalingan ko pa ang trabaho."
sagot ko na halos mamasa na
ang talukap ng aking mga mata
dahil pigil ko na ang sarili kong
umiyak.
"No! Hindi iyan ang reason. Actually, gusto nga ni Arabella na doon ka na lang sa kanila magtrabaho. Gusto nyang ilipat kita sa bahay nila pero may isang tao dito sa mansion ang tumututol." sagot ni Madam sabay sulyap sa anak nitong si Sir Rafael. Hindi ko naman binigyan ng pansin ang bagay na iyun. Kahit paano bahagya naman akong kumalma sa sinabi nito na hindi ako tatanggalin. Ang ipinagtataka ko lang ano kaya ang sadya nila sa akin? Hindi na muna ako sumagot. Gusto ko pang pakinggan ang mga susunod pang sasabihin ni Madam Carissa.
"Napag-usapan namin ni Arabella na since hindi naman na iba sa amin ang Nanay mo tutulungan ka namin na maipagpatuloy mo ang iyung pag -aaral. Iyun kung gusto mo lang naman." pagpapatuloy na wika ni Madam. Gulat naman akong napatitig dito. Hindi ko maiwasang agad na mangilid ang luha sa aking mga mata dahil sa hindi maipaliwanag na emosyon na nararamdaman.
Matagal ko ng pangarap na makapagpatuloy ng pag-aaral. Hindi ko lang talaga akalain na ang mga amo ko pa ngayun ang mag-ooffer ng ganito sa akin at isa pa ilang araw lang naman ako sa kanila pagkatapos oofferan nila ako ng ganito. Hindi bat ang swerte ko?
"Tsk! Sumagot ka na! Mamaya na ang drama...gusto mo bang mag-aral ulit o ayaw mo?" sabat naman ni Sir Rafael. Nandoon na ako sa point na gusto ko ng mapahagulhol ng iyak dahil sa tuwang nararamdaman pero nabaliwala iyun dahil sa biglang pagsabat ng masungit nilang anak. Wala talagang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao!
"Eh Madam, gusto ko po kaya lang nahihiya po ako eh." Sagot ko na lang sabay yuko.
"Nahihiya? Saan? Kanino?" tanong ni Madam Carissa.
"Sa magiging mga ka- classmates ko po kung sakali." mahinang sagot ko. Sa edad kong ito nag-aalagangan na din ako bumalik ng iskwelahan kahit gustong gusto ko pa.Baka
maging katawa-tawa lang ako sa loob ng classroom. Isa pa paano ako makakapagpadala ng pera nito sa probensya? Baka wala na akong sasahurin nito kung tatanggapin ko ang offer.
"Iha, huwag mong problema ang bagay na iyan. Kami ang bahala. Hindi mo kailangang pumasok sa mga normal na iskwelahan para maipagpatuloy mo ang iyung pag -aaral." sabat naman ni Sir Gabriel. Hindi ko naman alam ang ibig nitong sabahin kaya muling nanahimik ako.
"Isa lang ang gusto namin mangyari kapag tanggapin mo ang offer namin. Mananatili ka dito sa mansion hanggang makatapos ka. Huwag kang mag- alala. Kami ang bahala sa pamilya mo sa probensya. Ibibigay namin lahat ng pangangailangan nila." muling wika ni Madam. HIndi ako nakaimik. Ibig sabihin ba nito habang buhay kong pagsisilbihan ang kanilang pamiya?
Chapter 173
VERONICA
Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi nito. Ganoon ba talaga sila kabait para tulungan nila ulit ako upang makabalik sa pag-aaral? Ayos lang naman sa akin ang kapalit.
Pagsisilbihan ko talaga sila sa abot ng aking makakaya bilang pagtanaw ng utang na loob.
"Ginawa namin ito dahil
nanghihinayang kami sa iyung magiging kinabukasan. Bata ka pa at malayo pa ang iyung mararating kung sakaling makapagtapos ka. Huwag kang mag-alala ibibigay namin sa iyo at sa pamilya mo lahat ng pangangailangan hanggang sa makapagtapos ka." mahabang wika ni Madam. Hindi ko naman maiwasan na maluha dahil sa sinabi nito. Totoo bang nangyayari ito? Hindi ba ako nananaginip?
"Normal lang sa amin na may tinutulungan kami. May mga foundation kaming sinusuportahan at isa ka sa aming mga beneficiary kaya huwag kang mag-isip ng kung ano dyan. Baka mamaya isipin mo special ka eh." sabat naman ng masungit nilang anak. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nito.
"Madam, hindi ko po alam kung ano ang sasabihin ko! Nakakahiya po." sagot ko. Nakangiti namang tinitigan ako ni Madam Carissa.
"Dont worry, kami ang bahala sa iyo Iha. Isipin mo na lang na ito ang gift namin sa buo niyong pamilya. Pilitin mong makatapos ka para sa magandang kinabukasan ng iyong pamilya." sagot nito. Napayuko naman ako.
"Maghanda ka na. Sa ngayun kukuha muna tayo ng pwedeng mag-tutor sa iyo. May mga pamamaraan naman para hindi mo na kailangan pang pumasok sa elementary level. Magagawan natin ng paraan basta kailangan mo lang magfocus." sagot naman ni Sir Gabriel. Hindi ko naman mapigilan pa ang maluha. Ang bait talaga nila. Hindi ko akalain na darating ang ganitong opportunity sa buhay ko. Sino ba naman ako para tanggihan ang lahat ng ito diba?
"Salamat po Madam, Sir! Hayaan niyo po pag-iigihan ko ang trabaho ko." nahihiya kong sagot.
"Hindi iyan ang gusto naming gawin mo iha. Ang gusto namin, pag-igihan mo ang iyung pag-aaral. Hindi ka namin ni- rerequired na magtrabaho dito sa mansion dahil maraming kasambahay dito para gawin ang mga iyun. Ang gusto naming gawin mo mag -aral ka ng mag-aral para marami kang matututunan. Hahabulin natin ang mga taon na nawala ka sa eskwelehan. Aasahan ba namin iyun Veronica?" mahabang wika ni Madam Carissa.
"Opo, Salamat po! Hindi ko po alam kung paano ko masusuklian ang kabutihan niyo sa akin. Pero ngayun pa lang gusto ko ng ipakita sa inyo kung gaano po ako humahanga sa inyong kabutihan Madam, Sir." nakayuko kong sagot.
"Huwag mong isipin ang bagay na iyun. Sapat na sa amin na makikita kang nagsisikap. Hiyang hiya si Arabella sa Nanay mo. Hindi nya daw natupad ang pangako nya sa naging kaibigan nya sa islang iyun kaya ito ang paraan namin para makabawi.
Sige...maghanda ka na. Maraming bakanteng kwarto dito sa itaas. Iyun na lang ang gamitin mo at least malapit ka dito sa library." Mahabang wika ni Madam. Nagulat naman ako sa sinabi nito.
Ibig sabihin, lilipat ako ng kwarto? Gusto ko sanang tumutol kaya lang nahihiya ako. Baka sabihin nila hindi pa ako nag-uumpisa matigas na ang ulo ko. Ayaw kong may masabi silang hindi maganda sa akin. Nakakahiya!
"Alam na ni Manang kung saan ang magiging kwarto mo. Ipinalagay ko na din ang mga damit na pinamili natin kagabi." sagot naman ni Sir Rafael.
"Salamat po Sir." nahihiya kong sagot. Pagkatapos tumayo na ako. Mukhang tapos naman na siguro ang pag-uusap namin.
"Pwede mong gawin lahat ng gusto mo. Magpahinga ka. Bukas na bukas din aasikasuhin natin ang mga dapat gawin. Una siguro nating gawin hanapan ka namin ng tutor para turuan ka muna ng ilang lessons dito sa mansion." muling wika ni Madam. Tumango ako at nagpaalam na. Lutang ang aking isipan hanggang sa nakalabas ng library.
Tulala akong binaybay ang mahabang pasilyo hanggang sa pagbaba ng hagdan. Kinurot-kurot ko pa ang aking sarili para siguraduhin kung
nananaginip ba ako o hindi. Pero, alam kong totoo lahat ng iyun. Hindi ako makapaniwala na matutupad na ang pangarap kong makapagtapos ng pag- aaral sa pamamagitan ng mga amo ko. Akala ko habang buhay akong magiging mangmang.
Hindi ko maiwasan na muling mapaluha. Hindi na ako nito mabu- bully ng mga dati kong classmates noong elementary na ngayun ay ang karamihan sa kanila ay nasa college na. Tama si Madam, kailangan kong pilitin na makatapos para sa aking pamilya. Para kina Nanay at Tatay at sa mga kapatid ko. Hindi ko sasayangin ang magandang opportunity na ito. Hindi ako susuko at pipilitin kong matagumpay. Gusto kong ipakita sa mga amo ko na hindi masasayang ang ibinigay nilang tiwala sa akin.
Hindi ko na namalayan pang nasa harap na pala ako ng kwarto namin ni Manang Espe. Pinunasan ko muna ang luha sa aking mga mata bago dahan- dahan na binuksan ang pintuan. Agad kong nakita si Manang Espe na nakaupo sa aming maliit na lamesa dito sa kwarto. Nanonood ito ng telebisyon.
"Tapos ka na ba kausapin nila Madam. agad na tanong nito pagkapasok ko. Agad akong tumango at umupo sa aking higaan.
"Congratulations Iha. Ngayun pa lang masaya na ako sa magiging kapalaran mo dito sa mansion. Alam kong ito na ang umpisa para matupad mo ang iyung mga pangarap." nakangiti nitong wika. Muling tumulo ang luha sa aking mga mata. Hindi ko na alam ang
isasagot ko dahil dito. Hanggang ngayun lutang pa rin kasi ako.
"Halika! Ayusin mo na ang mga gamit mo. Kailangan mo ng lumipat sa bago mong silid." nakangiti nitong wika sabay patay ng telebisyon. Mabigat man sa loob ko na iiwan si Manang dito sa silid na ito pero kailangan kong gawin. Isa ito sa gusto ng mga amo namin. Gusto nilang ibigay ko ang 100 % na attention ko sa pag-aaral.
"Manang, pasensya na po kung iiwan ko kaagad kayo dito sa kwartong ito. Nakakahiya po kasi kung tatanggi ako kina Madam at Sir na lumipat ng kwarto. Gusto po kasi nilang makapag- focus ako ngayun sa pag-aaral." Nahihiya kong wika.
"Huwag mong isipin ang tungkol sa bagay na iyun Ashley. Nandyan naman si Maricar. Siya na lang ang yayayain ko para samahan ako dito sa kwartong ito." sagot nito at tumayo na. Agad ko
namang niligpit ang ilang peraso kong damit at inilagay sa maliit kong bag. Puro lumang damit iyun at hindi ko alam kung masusuot ko pa ba.
Maraming damit na binili kagabi si Sir Rafael para sa akin at mas maganda kung iyun ang isusuot ko habang nandito ako sa mansion.
"Sumunod ka sa akin. Ituturo ko sa iyo ang magiging bago mong silid Veronica. " wika ni Manang. Agad naman akong tumalima. Bitbit ang aking bag
sumunod agad ako dito. Hindi ko na pinansin pa ang mga tingin na pinupukol at pagbubulungan ng ilang kasamahan naming kasambahay. Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na makilala ko sila isa-
isa.
Kasama si Manang Espe, muli naming binaybay ang mahabang hagdan paakyat. Ilang kwarto din ang aming muling dinaanan bago kami huminto sa isa. Agad itong binuksan ni Manang Espe at niyaya ako nitong pumasok sa loob.
"Ito ang magiging kwarto mo Veronica. "nakangiti nitong wika sa akin. Parang hindi naman ako makapaniwala sa aking nakikita. Malayong malayo ang hitsura sa kwarto namin sa maid quarters.
"Manang sigurado po ba kayo? Baka nagkamali lang po tayo ng pinasukan." agad kong wika at sinulyapan ang malapad na kama. Kulay pink ang kobre kama at pakiramdam ko hindi ako bagay na mahiga dito.
"Sigurado ako Veronica. Simula ngayun ito ang magiging kwarto mo. Mas maigi kong dito ka habang nag- aaral ka."nakangiti nitong wika. Hindi naman ako nakaimik at patuloy na nililibot ang tingin sa paligid. Hindi ako makapaniwala.
"Pwede mo ng ayusin ang mga gamit mo sa walk in closet na iyan. May sarili ka ring banyo kaya tiyak na maging
komportable ka." pagpapatuloy na wika nito. Agad naman dumako ang aking mga mata sa mga paper bags na maayos na nakasalansan sa isang tabi. Alam ko na ang laman ng mga iyun. Iyun yung mga damit na binili ni Sir Rafael para sa akin kagabi.
"Sige na. Magpahinga ka na muna. Simula bukas tiyak na magiging abala ka na. Congratulations Veronica.
Hangad ko ang iyung tagumpay. Kung may mga kailangan ka, huwag kang mag-atubili na lapitan ako." pagpapatuloy na wika nito. Nakangiti
naman akong tumango dito at
nagpasalamat. Napayakap pa ako dito hanggang sinasambit ang paulit-ulit na pasasalamat. Pagkatapos noon ay agad naman ako nitong iniwan dito sa loob ng kwarto.
Malakas akong napabuntong hininga ng mapag-isa na ako. Hindi ko akalain na sa isang iglap biglang mababago ang buhay ko. Alam kong kahit ang pamilya ko mabibigla din sila sa magandang kapalaran na nangyayari sa akin dito sa Manila.
Dahan-dahan akong lumapit sa kama. Grabe, sobrang lawak nito. Kahit siguro limang katao kasya dito. Ang lawak ng buong silid. May sofa at maliit na lamesa kung saan may nakapatong na computer.
Tulala ko pang dinama ng palad ko kung gaano kalambot ang kama na ito. Hindi ko mapigilang mamangha. Pagkatapos ay agad akong humiga. Ahhh Grabe sobrang komportable talaga. Walang hanggang pasasalamat sa Diyos dahil binigyan nya ako ng pagkakataon na maranasan ko ang ganitong bagay.
Dahil sa sobrang lambot at bango ng buong kwarto hindi ko na namalayan pang nakatulog pala ako. Nagising na lang ako dahil sa mahinang katok sa pintuan. Agad akong bumangon at binuksan iyun.
"Hello Ate Ganda! Kanina pa kita hinahanap eh. Mabuti na lang nabanggit sa akin ni Grandma Carissa na nandito ka sa kwarto mo." isang nakangiting mukha ni Mam Charlotte ang agad na tumambad sa aking paningin. Agad itong pumasok sa loob ng kwarto at diretsong umupo sa gilid ng kama.
"Opo Mam, Hindi ko po napansin na nakatulog ako kaya hindi na ulit ako nakalabas pa." sagot ko naman. Nakangiti naman ako nitong tinitigan.
"Pwede bang huwag mo na akong tawaging Mam? You can call me Charlotte na lang dahil mula ngayun magiging Ate na kita." nakangiti nitong sagot Agad naman akong natigilan dahil sa sinabi nito.
"Naku Mam, hindi po pwede!" sagot ko. Ngumiti ako sabay tayo sa kama at nilapitan ako.
"Look, magaan ang loob ko sa iyo. Gusto kitang maging kaibigan. Hindi naman nagkakalayo ang edad natin eh. I am fifteen years old and you're eighteen right?" Nakangiti nitong wika. Dahan-dahan akong tumango at hindi inaalis ang pagkakatitig sa maganda nitong mukha.
"Well, starting today friends na tayo. Hindi ka na daw magiging kasambahay dito sa mansion sabi sa amin ni Grandma. Kaya ituturing na kitang hindi iba sa amin." nakangiti nitong wika. Nahihiya naman akong napayuko dahil sa sinabi nito. Kung hindi na ako magtatrabaho dito bilang isang kasambahay, eh ano ang papel ko sa pamilya nila. Hindi....kailangan ko pa rin tumulong-tulong sa mga gawain
dito kapag may free time ako. Nakakahiya sa kanila. Ayaw kong isipin nila na abosada ako.
"Dont worry, masasanay ka din. Mababait din ang mga pinsan ko at pagdating ng mga araw makikilala mo din ang mga ugali nila isa-isa. Mababait kaming lahat. Tanging si Uncle Rafael lang naman ang kakaiba. Pero dont worry normal na sa kanya iyun. Masasanay ka din sa kanya." mahaba nitong wika habang bakas ang kabaitan sa maganda nitong mukha.
Kung gaano kabait ni Madam Carissa at Sir Gabriel ganoon din kabait si Charlotte at baka ganoon din ang buong pamilya nila.. Gusto pa akong maging kaibigan na kung tutuusin hindi maari dahil isa akong hamak na katulong lamang. Mayayaman sila at nakakahiya kung aakto ako bilang ka- level nila.
"Salamat po Mam este Charlotte!"
sagot ko. Bigla kasi akong pinanlakihan ng mata ng tawagin kong Mam ito kaya napilitan na akong tawagin ito sa pangalan niya. Nakakahiya man sa
iisipin ng pamilya nito pero kung ito ang gusto ni Mam Charlotte at wala na akong magagawa. Ayaw kong magtampo o magalit ito sa akin. Hindi naman siguro magagalit sa akin sila Madam kung sakaling marinig nila na tinatawag ko sa pangalan nya ang kanilang apo.
"Parang mas gusto kong tumambay dito sa kwarto mo. Tiyak na mapapadalas ang pagdalaw ko dito sa mansion. Hinintay kita kagabi para yayain magsiwimming pero ang tagal niyong umuwi." wika nito.
"Marami po kasing pinuntahan." sagot ko
"Hmmmm ganoon ba? Well maybe next time!" wika nito at tumayo na kama. Pagkatapos nilapitan nito ang mga nakahilirang mga paper bag sa isang sulok.
"Owwws! Mga gamit mo? Gusto mong tulungan na kitang mag-ayos ng mga ito sa loob ng walk in closet?" tanong nito. Nahihiya akong umiling.
"Dont worry, we're friends na. Tutulungan na kita. Total mamaya pa naman kami uuwi." muling wika nito at kinuha ang ilang pirasong paper bag. Binitbit niya iyun at binuksan ang isang nakasarang pintuuan. Agad naman akong kumuha ng ilang pirasong paper bag at napasunod dito.
"Alam mo lahat ng kwarto dito sa mansion may mga ganito. Dito mo ilalagay lahat ng gamit mo. Lahat ng mga damit at sapatos." wika nito habang isa-isang kinuha ang mga damit sa paper bag. Pagkatapos ay inilagay nya sa hanger at ipinasok sa malaking cabinet. Hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin. Sa totoo lang wala akong idea kung paano ayusin ang mga damit ko sa loob ng cabinet At hindi ko akalain na lagayan lang ng mga damit ang lugar na ito. Ang mga damit kasi namin sa probensya nilalagay lang namin sa timba o sa karton. Samantalang dito sa mansion may sariling silid ang mga damit?
Chapter 174
RAFAEL POV
Hindi ko maiwasang mapangiti habang hindi maalis-alis sa diwa ko ang magandang mukha ni Veronica. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero ang alam ko nakakaramdam ako ng kapanatagan ng aking kalooban sa tuwing nahahawakan ko ang kamay nito. Kamay lang iyun ha?
Paano pa kaya kung tangkain kung tikman ang labi nito? Parang nakakagigil kasi. Sa isiping iyun hindi ko maiwasang ipiling ang aking ulo. Kung anu-ano na ang naiisip ko. Kagigising ko lang pero sya na kaagad ang tumatakbo sa isipan ko.
Mabuti na lang at hindi na nagpumilit pa si Ate Arabella na kunin dito si Veronica sa mansion at ilipat sa kanila. Actually, hindi naman talaga ako papayag. Gusto ko dito lang siya sa mansion at palagi siyang nakikita.
Agad akong bumangon sa kama. Hindi ko namalayan ang oras. Nakatulog kaagad ako pagkatapos naming mag- usap nila Mommy At Daddy sa library. Alas tres na ng hapon at tiyak
naghahanda na ang aking mga kapatid para umuwi na sa kani-kanilang mga tahanan.
Bukas ko na uumpisahan ang pag- aaral para tuluyang hawakan ang kumpanya namin. Tiyak na magiging abala na ako sa mga susunod na mga araw. Hahayaan ko na lang sila Ate Arabella at Mommy ang maghanap ng tutor para kay Veronica. Mas sila ang nakakaalam tungkol sa mga bagay na iyun.
Pagkabangon ko ng kama ay pumasok muna ako ng banyo para magshower. Hindi ko alam pero gusto kong presentable ako palagi sa tuwing naikita ako ni Veronica. Hindi ko akalain na magkakaganito ako sa isang babae.
Pagkatapos kong magshower ay agad akong lumabas ng kwarto. Sinulyapan ko pa ang nakasarang pintuan ng kwarto ni Veronica. Yes, ako na din ang nagdesisyon kung aling kwarto ang gagamitin nito at pinili ko sa tabi mismo ng kwarto ko para malaya ko syang nakikita kapag gusto ko lalo na at magiging busy na ako sa mga susunod na araw. Ano kaya ang ginagawa nya? Masaya kaya sya sa mga bagong nangyayari sa buhay niya?
Wala sa sariling naglakad ako patungo sa nakasarang pintuan ng kwarto nito. Akmang kakatok na sana ako ng may biglang nagsalita sa aking likuran.
"Sir, si Veronica po ba ang hanap niyo? tanong ni Manang Espe. Nilingon ko naman ito bago sinagot.
"Yes. May importante lang akong sasabihin sa kanya." pagdadahilan ko. Tipid naman gumuhit ang ngiti sa labi nito bago muling nagsalita.
"Wala po siya Sir. Sinama po siya nila Mam Charlotte at Sir Elijah sa labas. Mag road trip at food trip daw sila patungong tagaytay." sagot ni Manang. Hindi ko naman maiwasan na magdikit ang aking kilay dahil sa sinabi nito.
"Alam ba ito nila Mommy at Daddy?". tanong ko. Hindi ko man lang alam ito? Bakit wala man lang sinasabi sa akin ang mga pamangkin ko na balak nilang isama si Veronica sa labas? Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis.
"Opo Sir. Mismong kina Madam at Sir sila nagpaalam." nakangiting sagot ni Manang at ng mapansin nito na nag- iba ng templa ang hitsura ko nagpaalam na din agad. May gagawin pa daw kasi.
Inis naman akong bumaba at dumeretso ng pool para magpahangin. Naiinis ako at hindi ko alam kung paano ilalabas iyun. Ang lakas ng loob nilang lumabas na hindi man lang ipinagpaalam sa akin si Veronica? Saan kaya sila nagpunta?
"Oh...hello little brother!" napabuntong hininga pa ako ng makita ko si Ate Miracle na palapit sa akin habang nakangiti. Lalo akong napasimangot. For sure ang anak nitong si Elijah ang nagpasimuno sa pamamasyal nila kasama si Veronica.
"Mukhang bad mood ka na naman ah? Dont tell me nagdadalawang isip ka na naman sa kagustuhan ni Daddy?" tanong nitong muli. Kahit na naiinis pa rin wala akong nagawa kundi sagutin na ito. Kapag hindi pa kasi ako sumagot tiyak hahatakin na naman nito ang buhok ko. Hanggang ngayun maldita pa rin si Ate. Mabuti na lang at napagtitiisan ang ugali nito ng asawa niyang si Kuya Roldan. Ganoon talaga siguro kapag nagmamahalan.
"Kaasar kasi! HIndi man lang nila
sinabi sa akin na isasama nila si Veronica." wika ko. Kita ko ang pigil na pagngiti ni Ate dahil sa narinig mula sa bibig ko.
"Why? Nagseselos ka? Huwag mong sabihin tinamaan ka na ni Kupido?" tanong nito. Agad naman akong umiling
"Of course not! Nag-aalala lang ako kay Veronica. Baka mamaya matulad siya sa mga pamangkin ko na hindi napipigilan kung gustong maglakwatsa! Hindi porket binibigyan siya ng magandang pabor dito sa mansion malaya nya ng gawin lahat ng gusto nya!" inis kong sagot. HIndi naman mapigilan ni Ate ang matawa.
"Naku, ikaw talaga! Parang hindi ka naman dumaan sa pagiging teenager! Hayaan mo ng mag-enjoy si Veronica. Halos kasing edad nya lang ang mga pamangkin mo kaya tiyak na magkakasundo sila." sagot naman ni Ate. Lalo namang nagkukotkot ang aking kalooban. Hindi ko matatanggap na basta na lang yayain nila si Veronica kung saan-saan. Paano kung
mapahamak iyun? Probensyana' siya at inosente pa siya sa mga lugar dito sa Manila. Paano kung may manloko sa kanya? Sino ang magtatanggol kung sakali?. Hayst sa isiping iyun hindi ko maiwasan na mag-alala.
"kahit na Ate! Maid sya sa mansion na ito at kung wala syang gagawin pwede siyang tumulong sa mga kasamahan niya dito sa loob hindi iyung gumagala kung saan-saan! Hindi ganitong naglalakwatsa siya. Lagot sa akin ang babaeng iyun mamaya!" inis kong sagot. Napapailing naman akong tinitigan ni Ate
"Alam mo nahahalata na talaga kita eh. Huwag mong sabihin may gusto ka na agad kay Veronica? Rafael ha? Binabalaan kita...huwag muna! Hayaan mong mag-enjoy muna si Veronica at huwag mo ng ituloy ang iniisip mo na paglaruan siya!" wika ni Ate. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig dito.
"No! Of course not! Wala akong gusto sa baduy na iyun Ate....Malayong malayo siya sa mga nagiging babae ko noon." sagot ko naman pero sa kaloob- looban ng puso ko nagtataka na din ako. Bakit nga ba naiinis ako ngayun? Eh ano ngayun kung lumabas sya kasama ng mga pamangkin ko? Pinayagan naman sila ni Mommy at Daddy. Pati na din ng mga kapatid ko. Bakit hindi ko maiwasan na magalit? Ito na ba ang tinatawag na
pagmamahal na nararamdaman ng isang lalaki sa isang babae? Kung ganun yari ako!!
"Whatever! Pero isa lang ang gusto namin at ng buong pamilya ngayun. Hayaan mo munang matupad ni Veronica lahat ng pangarap nya bago ka umeksina sa buhay nya ha? May mga magulang at kapatid na umaasa sa kanya! Free kang pumatol kung kani- kanino hanggat gusto mo pero huwag lang si Veronica. Malalagot ka talaga hindi lang sa amin, kundi lalong lalo na kay Arabella!" sagot nito. Hindi na ako nakaimik pa at tumitig na lang sa malayo. Naramdaman ko naman ang pag-alis ni Ate at muling bumalik sa loob ng mansion kaya nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga.
VERONICA POV
Hindi naman ako makapaniwala na mag-enjoy ako sa lakad namin. Ayaw ko pa nga sanang sumama sa kanila dahil nahihiya ako kaya lang nagiging mapilit si Jeann at Charlotte. Yes, silang dalawa ni Jeann na hindi ko akalain na halos, kasing edad ko lang
din pala. Anak sya ni Mam Arabella at katulad ni Charlotte ayaw din nitong magpatawag ng 'Mam'. Si Elijah lang naman ang kasama namin at siya na din ang nagdadrive ng koste. Iyung ibang pinsan naman nila ay nagpaiwan sa mansion at nasa room theater. May palabas silang gustong tapusin kaya ayaw pa-istorbo.
Kumain lang naman kami at tumambay ng coffee shop. Parang nagpapalipas lang naman kami ng oras at nagkwentuhan. Tinanong nila ako ng tinanong tungkol sa buhay namin sa probensya dahil naikwento daw kanina ni Mam Arabella sa kanila kung paano nya nakilala ang Nanay ko noon. Kahit nahihiya wala na akong nagawa pa kundi sagutin lahat ng tinatanong nila sa akin.
"Hayst parang gusto ko tuloy makapunta sa lugar nyo. Parang napaka -interesting kasi ng mga kwento mo Veronica!" bakas ang pagkahamangha sa boses ni Jeann na wika nito. Tanging ngiti lang naman ang naging sagot ko. Paano magiging interesting ang isang bagay kung puro kahirapan ang aming nararanasan?
Nasa ganoon kaming pag-uusap ng marinig namin na tumunog ang cellphone ni Elijah. Yes, ayaw din nitong tawagin kong ^ sir - Naiilang daw siya dahil matanda lang naman daw siya ng ilang taon sa akin. Natigilan kaming lahat at sabay-sabay na tumitig dito habang sinasagot ang tawag.
"hello Uncle! Bakit po?" narinig kong wika nito. Sa hindi malamang dahilan agad akong kinabahan ng malaman kong si Sir Rafael ang tumatawag. Lalo na ng sumulyap sa gawi ko si Elijah.
"Yes...kasama ko siya! Kaming tatlo ni Jeann at Charlotte......Dito sa coffee shop............why?....Of course not!.
Later Uncle, hindi pa ubos ang coffee!" narinig kong kausap nito. Napansin ko pa ang pagsalubong ng kilay ni Elijah at agad na tumayo. Sinenyasan kami na aalis na daw kaya tumalima na din kami.
Patuloy sa pakikipag-usap si Sir Elijah sa kanyang mobile hanggang sa nakarating kami ng parking. Nagtataka naman kaming tatlo nila Charlotte at Jeann. Mukhang seryoso kasi ang kanilang pinsan.
Pagsakay namin ng kotse ay tinapos na din ni Sir Elijah ang pakikipag-usap sa kanyang cellphone. Pagkatapos ay nagsalita ito.
"Lagot tayo! Nagalit si Uncle. Bakit daw sinama natin si Veronica." wika nito. Lalo naman akong kinabahan. Sabay pang napatingin sa akin sila Jean at Charlotte.
"bakit siya magagalit? Nagpaalam
naman tayo kina Grandma at Grandpa ah?" sagot ni Jeann. Hindi man direktang ipinapakita pero ramdam ko ang inis nito.
"I dont know! Basta galit siya. Uwi na daw tayo!" sagot ni Elijah.
"Hayst! Alam mo napaka-kj talaga niyang si uncle. Paki nya kung isinama natin si Veronica. Sabi nila Grandma at Grandpa malaya siyang makakakilos sa loob at labas ng mansion!" inis namang sagot ni Charlotte. Humalikipkip pa ito habang nakasimangot.
"Baka ay iuutos siya." sagot ko naman.
"So what! Hindi ka na utusan sa mansion noh? Isa pa maraming kasambahay doon para ikaw talaga ang hanapin nya!" " sagot ni Jeann. Hindi na din ako nakaimik. Bakit nga pala hinahanap ako ni Sir Rafael? Dahil ba hindi ako pwedeng maging kaibigan ng
mga pamangkin nya? Dahil ba mayaman sila at mahirap lang ako kaya hindi ako bagay na sumama- sama sa kanila? Kung ganoon hindi din lang pala masungit ang anak namin. May pagka-matapobre din!
Chapter 175
VERONICA POV
Pagkadating pa lang ng mansion ay agad kaming bumaba sa kotse ni Elijah. Agad ko naman nakita ang pagsalubong sa amin ni Sir Rafael. Madilim ang awra nito at mukhang galit.
Hindi ko maiwasan na kabahan gayundin sila Charlotte at Jeann. Si Elijah naman ay kaswal nitong sinalubong ang kanilang Uncle.
"Oh Uncle! Nagpaalam kami kina Mama Carissa at Papa Gabriel ha?" wika nito. Masama itong tinitigan ni Rafael at diretsong naglakad patungo sa harapan naming tatlo.
"Hello Uncle!" nakangiting bati dito ni Jeann. Kung kanina ay asar na asar ito sa Uncle niya para naman itong maamong tupa ngayun. Ibig lang sabihin nito takot din pala sila sa masungit na si Sir Rafael. Nakayuko lang din naman si Charlotte at mukhang takot itong tumitig sa galit na mukha ng kanyang tiyuhin.
"Alam niyo bang kanina pa nagsiuwian ang mga parents nyo?" tanong nito. Sabay naman napatitig ang dalawa kay Sir Rafael.
"Alam ko po. Nagtext sa akin kanina si Mama. Magpapasundo na lang ako sa driver namin bukas ng umaga. 10am pa naman ang pasok ko bukas sa School kaya ayos lang naman na tomorrow morning na ako uuwi." sagot nito kay Sir Rafael. Napansin ko naman ang pagtaas ng kilay ni Sir bago binalingan si Jeann.
"Ganoon din po ako Uncle. Nagpaalam ako kay Mommy at Daddy. Pumayag po sila kaya dito po kami magpapalipas ng gabi sa mansion. Gusto pa po kasi namin maka-bonding si Veronica." wika naman ni Jeann. Katulad ng naging reaksyon sa sinabi ni Charlotte tinaasan lang din ito ng kilay ni Si Rafael. Pagkatapos ay binalingan nito si Elijah na noon ay tahimik lang na nakamasid habang ngiting-ngiti.
"Ah ako din? Kailangan magpaliwanag? Siyempre dito ako sa mansion matutulog dahil dito na ako nakatira. Excuse me!" wika nito at agad na tumalikod at naglakad papasok ng mansion. Ayos na sana kaya lang lumingon ulit ito sa amin at muling nagsalita
"See you later beautiful Veronica!"
nakangiti nitong wika sabay flying kiss sa akin. Agad naman akong nakaramdam ng hiya sa ginawa nito. Agad na napabaling ang tingin ko kay Sir Rafael na noon ay nanlilisik na ang mga mata habang palipat lipat ang tingin sa akin at sa papalayong si Elijah.
"Nakikipagharutan ka ba sa kanya?" tanong nito habang bakas ang panggigil sa boses. Gigil na may halong galit. Hindi ko naman ito maintindihan sabay iling.
"Naku, hindi po sagot ko naman. Pagkatapos ay binalingan ko sila Jeann at Charlotte at nagbabakasali na ipagtanggol nila ako at i- correct ang maling iniisip nito tungkol sa aming dalawa ni Elijah. Sadyang friendly lang talaga ang pamangkin niya at wala naman akong nakitang mali doon.
"Hayy naku si Uncle! Lahat na lang pinag-iisipan ng masama. Hindi pa nasanay kay Elijah!" sabat naman ni Jeann na siyang labis kong ipanagpasalamat.
"Hindi ko hinihingi ang openyon mo Jeann. Maghanda kayong dalawa dahil ipapahatid ko na kayo sa driver pauwi sa mga bahay-bahay nyo! Kay babae nyong mga tao pero ang hilig niyong makitulog sa hindi niyo bahay." Bulyaw naman nito sa dalawa.
"No! Nagpaalam ako kina Mommy at Daddy at pumayag na sila. Isa pa hindi na iba ang mansion sa amin dahil mga apo kami at pamangkin niyo kami Uncle.!" sagot naman ni Charlotte.
"I dont care kung mga apo kayo! Tapos na ang oras ng bisita at pwede na kayong umuwi dahil hindi kayo dito nakatira." sagot naman ni Sir Rafael. Agad na rumihistro ang inis sa magandang mukha ni Charlotte at humalikipkip ito.
"No! dito kami magpapalipas ng gabi at wala ka ng magagawa doon. Isa pa may consent ito nila Grandma at Grandpa kaya wala kang magagawa Uncle." sagot ulit ni Charlotte.
"May magagawa ako dahil ako na ang head sa mansion kasabay ang pagiging CEO ko sa kumpanya kaya susundin niyo ang gusto ko! Malapit na ang Pasko at hindi ko ibibigay iyang mga hinihiling niyong regalo mula sa akin! "banta nito sa dalawa. Agad na nagkatinginan ang dalawa at ilang saglit lang ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Marami silang nagpakawala ng ngiti sa kanilang
masungit na tiyuhin.
"Hmmm si Uncle naman. Hindi na
mabiro! Sige na nga uuwi na kami ni
Jeann...Basta iyung gift na hinihingi
namin sa iyo ha? Dapat priority iyun?" malambing na muling wika ni
Charlotte. Lumapit pa ito sa tiyuhin at humalik sa pisngi nito. iiling-iling
naman si Sir Rafael habang
pinupunasan ang mukha kung saan
ang labi ng pamangkin. Oh diba ang arte!
"Oo nga! Nakalimutan ko pala, kailangan kong magreview ngayun." sabat naman ni Jeann. Nginisihan naman silang dalawa ni Sir Rafael at sininyasan nito si Manong driver na noon pa pala nakaantabay.
"Ihatid mo sila sa kani-kanilang tahanan." utos nito.
"Opo Sir!......Mam Jeann, Mam Charlotte sa kotse na lang po tayo." pagyayaya nito sa dalawa. Bago sumunod sa driver binalingan pa nila ako para magpaalam.
"See you on weekend na lang Veronica. Aagahan namin sa Saturday para hindi tayo mabitin." nakangiti nitong wika at kumaway pa sa Tito nila bago tumalikod. Naiwan naman kaming dalawa ni Sir Rafael na noon ay napapansin kong titig na titig sa akin.
"Saan kayo dinala ni Elijah?" seryoso nitong tanong.
"Po? Ano po kumain lang po kami." sagot ko naman.
"Kumain? Bakit hindi niyo ba gusto ang mga pagkain na nakahain sa dito sa mansion?" sagot nito.
"Hin-hindi naman po sa ganoon Sir! Gusto daw po kasi nilang mamasyal at isinama ako.." nahihiya kong sagot.
"At hindi ka nagpaalam sa akin?" tanong nito.
"Po?" Hindi naman ako makapaniwalang sagot dito. Tinititigan ako nito sa mga mata kaya nakaramdam ako ng pagkailang at napayuko ako.
"Sa susunod huwag kang lumabas ng hindi nagpapaalam sa akin!" muling wika nito.
"A-alam naman po nila Madam at Sir Gabriel ang tungkol dito. Bakit po pagdating sa inyo naging bawal na?" naguguluhan kong tanong. Hindi ko tuloy malaman kung sino ang susundin ko ngayun.
"Basta! Hindi ka pwedeng lumabas ng mansion kapag hindi ko alam. Isa pa ako ang mag-sponsor sa pag-aaral mo kaya sa akin ka sumunod." sagot nito. Naguguluhan man tumango na lang ako para matapos na ang usapan
"Opo...hindi na mauulit." sagot ko na lang. Tumahimik naman ito pero hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin.
"Sige na. Umakyat ka na sa kwarto mo. Magpahinga ka!" utos nito. Agad naman akong tumalima at tinalikuran ito. Bago pa ako nakalayo ay tinawag muli ako nito kaya napalingon ako.
"And Veronica? Nice dress..bagay pala sa iyo ang pinamili natin kahapon." nagulat naman ako sa sinabi nito.
Mukhang hindi na mainit ang kanyang ulo dahil hindi na nakasimangot. Kaya naman naiilang akong itinuloy na ang pagpasok sa loob ng mansio.
Dumadagondong ang dibdib ko habang paakyat ako ng hagdan. Hindi ko talaga maintindihan si Sir Rafael. Minsan ang sungit niya pero mukha naman siyang mabait. Hayst ewan, masasanay din siguro ako sa ugali nito. Mas nangingibabaw naman ang kabaitan nito dahil nagawa nitong pumayag na mag-aral ulit ako.
pagpasok ko ng kwarto ay agad akong nagbihis ng damit pambahay. Hindi na uniform ng pangkasambahay kasi sinabihan ako nila Madam at Sir kanina na huwag na daw akong magsusuot ng ganoon. Sinipat ko pa ang relo sa center table ng mapansin kong halos alas syete pa lang ng gabi. Wala naman akong gagawin kaya nagpasya akong muling lumabas ng kwarto at pumunta ng kusina.
Tutulong na lang muna ako sa mga gawaing bahay para naman walang masabi sa akin ang mga tao dito sa mansion.
"Pagdating ng kusina ay naabutan ko si Ate Maricar at Ate Lani. Abala sila sa pagpupunas ng mga malinis na pinggan kaya agad akong lumapit sa kanila. May iba pang mga kasambahay dito sa loob ng kusina pero karamihan sa kanila hindi ko kilala. Hindi ko din naman sila nakakausap simula ng dumating ako dito sa mansion.
"Hi Ate Maricar!" agad kong bati. Siya lang naman ang ka-close ko. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas ng kilay ng ilang mga kasambahay na naabutan ko. Pailalim pa nila akong tinitigan kaya nakaramdam ako ng pagkailang.
"Hello Veronica! Nag-enjoy ka ba sa pamamasyal?" nakangiting wika ni Ate Maricar at itinigil muna nito ang gingawa at humarap sa akin. Nakangiti akong tumango
"Opo...sana sumama ka sagot ko naman. Agad itong umiling.
"naku, hindi pwede! Para lang sa mga teenager ang lakad na iyun. Siya nga pala, nagugutom ka ba? Gusto mo ipaghain kita?" nakangiti nitong tanong. Agad akong umiling.
"Naku huwag na po Ate. Busog pa po ako. Marami akong kinain kanina sa pinuntahan namin. Pumunta lang talaga ako dito sa kusina dahil naiinip ako sa kwarto. Gusto kong tumulong sa mga gawain." sagot ko naman. Agad naman umiling si Ate Maricar.
"huwag na! Bawal ka na daw magtrabaho dito. Iyun ang bilin nila Madam at Sir kanina." sagot ni Ate.
"Kailan sinabi? Bakit hindi namin alam?" Sabay pa kaming napalingon ng biglang nagsalita ang isang kasambahay. Bakas ang inis sa mukha nito habang nakatitig sa akin.
"Wala ka kasi kanina Thelma! Saan ka ba kasi nagsusuot kanina?" sagot ni Ate Maricar dito. Ngumisi naman ito at tinitigan ako.
"Alam niyo ngayun lang nangyari na may biglang inampon na maid ang mga amo natin. Kung alam ko lang dapat noong bago-bago pa lang ako dito nagpasikat na din ako sa kanila. Siguro nakuha ko din ang pabor na nakuha ngayun ni Veronica." asar na sagot ni Ate Thelma. Napayuko naman ako. Nakaramdam ako ng hiya lalo na ng nagtawanan ang iba.
"Bakit maganda ka ba? Magpa-cute ka kasi muna kay Sir Rafael para ampunin ka nila. Alam mo naman ang amo natin na iyun mahilig sa magaganda. Tiyak na sawa na iyun sa mga Manila Girl kaya probensyanang tanga naman ang pinapatulan ngayun. "sabat naman ng katabi nito. Ang pagkakaalam ko Lucita ang pangalan nito. Narinig ko kasi na iyun ang pangalan na binanggit ni Nanay Espe ng utusan niya ito kanina.
Lalo akong nakaramdam ng pagpakapahiya ng umalingawngaw ang tawanan sa buong paligid. Naiinis naman na ibinagsak ni Ate Maricar ang hawak nitong pinggan kaya tumigil din sila kahit papaano.
"Tumigil na nga kayo! para kayong mga bata! Ang lakas nyong mam bully! wika nito Pagakapos binalingan ako ng noon ay yukong yuko na dahil sa kahihiyan na naranasan ko sa mga kasamahan ko.
"Pagpasensyahan mo na sila Veronica. Inggit lang ang mga kaya ganyan ang lumalabas sa kanilang mga bunganga!" wika nito sa akin.
"Suss Maricar, huwag ka na ngang sumipsip diyan. Kapag magsawa sa kanya si Sir Rafael tiyak na sisipain din iyan palabas ng mansion!" tatawa-tawang muling sabat ni Ate Thelma. Parang gusto ko naman maiyak ng muling narinig ang mahinang paghagikhik ng iba.
"Alam mo walang gamot sa sobrang inggit sa katawan! Palibhasa kasi ang lalaki ng mga bilbil mo dahil sa kakakain kaya walang pumapatol sa iyo! Kaya sa sobrang pagiging bitter mo kung anu-ano na ang lumalabas sa mabaho mong bunganga!" Bakas na ang inis sa boses ni Ate Maricar habang sinasabi ang katagang iyun. Agad naman nanlisik ang mga mata ni Ate Thelma at akmang susugud ito ng pigilan ito na katabi nya.
"Tama na nga iyan! Baka mamaya marinig pa kayo ng amo natin na nag- aaway kayo pare-pareho tayong malalagot nito!" sabat naman ni Ate Lani. Pinahiran ko naman ang luha sa aking mga mata.
"Sige na Veronica, bumalik ka na lang ng kwarto. May mga tao talagang malaki ang inggit sa katawan kaya kung anu-ano ang lumalabas sa bunganga. Huwag mo na lang pansinin.
"Wika ulit sa akin ni Ate Maricar. Nakayuko akong tumango habang hindi ko pa rin mapigilan ang aking luha sa mga mata.
"Arte! Totoo naman ang sinasabi ko ah! Kapag magsawa sa kanya si Sir Rafael tiyak na basta na lang iyan itatapon na parang basahan. Gusto niyo pustahan pa tayo eh!" muling wika ni Ate Thelma. Hindi pa rin pala ito tapos na insultuhin ako.
"Sinong itatapon? At bakit nandito ka sa kusina Veronica?" sabay-sabay kaming napatitig sa pintuan ng kusina ng nakita namin ang nakatayong si Sir Rafael. Seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa akin. Agad naman akong tumalikod habang pinupunasan ang luha sa aking mga mata.
Chapter 176
VERONICA POV
"I said bakit nandito ka sa kusina Veronica? Hindi bat sinabi ko sa iyo na magpahinga ka sa kwarto?" muling tanong ni Sir Rafael. Naramdaman ko pa ang paglapit nito at ang paghawak sa balikat ko kaya agad akong napalingon dito.
Tahimik naman ang lahat habang naramdaman kong nakatingin sila sa aming dalawa ni Sir Rafael. Pagharap ko dito ay agad ako nitong tinitigan sa mga mata kasabay ang lalong pagkunot ng noo nito.
"Anong nangyari sa iyo? Bakit namumula ang mga mata mo?" seryoso nitong tanong. Agad akong napayuko kasabay ng pag-iling.
"Wala po Sir. Ganito lang po talaga ako paminsan-minsan." sagot ko dito. Hindi ito umimik bagkos naramdaman ko ang mga palad nito na hinawakan ako sa baba at dahan-dahan na itinaas ang aking mukha. Naiilang naman ako sa ginawa nito at tinangka kong lumayo sa kanya ng ilang hakbang pero muli itong nagsalita.
"Anong nangyari? Sabihin mo sa akin? "wika nito sa marahang boses. Hindi na nakakunot ang noo habang binabanggit ang katagang iyun kaya napakurap ako ng aking mga mata. Pagkatapos ay napasulyap ako kina Ate Maricar na noon ay nakanganga habang pinapanood kami ni Sir Rafael kaya ibinaling ko ang aking mukha para mabitawan nya ako kasabay ng paglayo ko ng kaunti kay Sir Rafael. Nakakailang ang mga titig na ibinibinigay nito sa akin.
"Tsk! Tsk! Kayo anong nangyari? Ano iyung naririnig ko na basta na lang itapon sa labas ng mansion? Sino? At bakit mukhang galing sa pag-iyak si Veronica." baling nito sa mga kasambahay. Kanya kanya naman silang iwas ng tingin kay Sir Rafael. Kinabahan naman ako lalo na ng muling bumalik ang pagkunot ng noo nito. Galit na din ang mga titig na pinapakawalan nito sa mga taong nandito sa loob ng kusina.
"Si Thelma at Lucita po Sir. Inasar po nila si Veronica na kapag nagsawa na daw po kayo sa kanya itatapon niyo na lang daw po sa labas ng mansion na parang isang basura." detalyadong sagot ni Ate Lani habang nakayuko.
Agad kong napansin ang pagtiim bagang ni Sir Rafael at ang pagkuyom ng kanyang kamao. Pagkatapos ay isa- isang tiningnan ang mga kaharap bago nagsalita.
"Sino si Thelma at Lucita dito?"
tanong nito sa seryosong boses. Agad naman silang itinuro ni Ate Maricar. Kitang kita naman ang kaba sa mukha ng dalawa at naglakad ng ilang hakbang papunta sa harap ni Sir Rafael. Tahimik naman ang lahat habang hindi maitatago ang kaba sa mga mukha.
"Pack all your things and leave!" Wika nito sa dalawa. Malinaw at walang halong pagbibiro sa boses ni Sir Rafael habang sinasabi ang katagang iyun. Agad naman akong napalipat kay Ate Maricar upang matanong kung ano ang ibig sabihin ni Sir Rafael. English at hindi ko maintindihan masyado.
"Pinapalayas niya sila Thelma at Lucita!" pabulong na sagot ni Ate Maricar sa akin. Nagulat naman ako at hindi ko maiwasan na makaramdam ng awa kina Ate Thelma. Tanggal agad? Hindi ba pwedeng pag-usapan muna?
"Naku Sir, sorry po hindi na mauulit. Binibiro lang naman po namin si Veronica kanina!" sabat agad ni Ate Thelma habang pigil ang pag-iyak.
Pagkatapos ay dumako pa ang tingin nito sa akin.
"Veronica, pasensya ka na! Minsan talaga hindi ko maiwasan ang dila ko. Matabil talaga ako minsan kaya patawad sa mga nasabi ko kanina!" wika nito sa akin.
"Sir, ayos lang po ako. Nagsorry na po siya." sagot ko naman sa mahinang boses.
"No! Ayaw kong may bumastos sa mga taong mahalaga sa akin! Hindi na mababago ang isip ko! Mag-empake na kayong dalawa. Ipapabigay ko na lang sa pamamagitan ni Manang Espe ang huling sahod niyo!" seryoso nitong wika. Napahagulhol na ng iyak si Ate Lucita.
"Sir maawa na kayo sa amin. May mga anak po na umaasa sa akin." umiiyak na sagot ni Ate Lucita.
"Sana inisip mo iyan bago ka gumawa ng ganitong issue." sagot ni Sir Rafael. Akmang sasagot din ako ng pigilan ako ni Ate Maricar at binulungan.
"Hayaan mo na lang si Sir Rafael. Alam naman nila ang rules dito sa mansion pagkatapos sumuway pa sila. Mabuti nga hindi si Sir Gabriel ang nakahuli sa kanila eh. Mas matindi iyun kapag nagagalit!" Hindi ko naman maintindihan ang ibig nitong sabihin. Bigla tuloy akong nagkaroon ng kuryusidad! Ganoon lang pala talaga kabilis sa kanila ang magsesante ng kasambahay kaya simula ngayun hindi ako gagaya sa kanila.
"Sir, maawa naman po kayo! Ako na lang po ang inaasahan ng pamilya ko!" umiiyak na wika ni Ate Thelma. Tulala naman ang ilang mga kasambahay na nanonood sa mga kaganapan. Lahat bakas sa mukha ang kaba.
"ito ang tandaan niyo! Oras na
mangyari ulit ang katulad ng nangyari ngayun, hindi ako mangingimi na tanggalin ang sangkot. Gusto ko mula ngayun, kung ano ang pagsisilbi na ginawa niyo sa pamilyang nakatira dito gayundin din ang gawin niyo kay Veronica! Naiintindihan niyo ba?" maawtoridad na wika ni Sir Gabriel.
Agad naman silang sumagot ng "OPO" habang nakayuko.
Gulat naman ang namayani sa buong pagkatao ko sa takbo ng usapan. Hindi ko maisip na nagawa kong ipagtanggol ni Sir Rafael laban sa ilang matabil na kasambahay dito sa mansion.
"Sige na! Mag-impake na kayong dalawa dahil walang puwang sa bahay na ito ang mga matatabil ang dila isa pa alam niyo naman na kapag nasabi ko na hindi ko na binabawi pa....and Veronica, go back to your room. Ayaw ko ng makita ka na pumupunta ka pa dito sa kusina. Kapag may mga kailangan ka pwede mo iyun iutos
kahit kanino dito sa loob ng mansion!" seryosong muling wika nito.
Naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ni Ate Maricar at ng tingnan ko ito ay sumenyas ito sa akin na pwede na daw akong umalis. Sinulyapan ko muna sila Ate Thelma at Ate Lucita na noon ay parehong umiiyak habang nagmamakaawa kay Sir Rafael na huwag paalisin. Naawa man pero ano nga ba ang magagawa ko? Wala ako sa lugar para pigilan ang amo namin.
Laglag ang balikat na lumabas ako ng kusina. Kung hindi sana ako pumunta dito sana walang matatanggal na kasambahay. Kahit papaano naawa din ako sa kanila. Ang hirap pa naman maghanap ng trabaho.
"Beautiful Veronica! Bakit malungkot ka?" Nagulat pa ako ng biglang nagsalita si Elijah sa likuran ko. Malungkot ko itong nilingon.
"Why? Dont tell me na sinabon ka ni Uncle. Hayst masanay ka na sa kanya. Masama talaga ang ugali noon." muling wika nito habang nakangiti.
"Hindi nya naman ako masyadong pinagalitan. Pinagsabihan niya lang ako na bawal akong lumabas ng mansion kapag hindi nya alam." matamlay kong sagot. Tinitigan naman ako ng may nakakalukong ngiti na nakaguhit sa labi.
"Bakit daw? Huwag mong sabihin na ngayun pa lang binabakuran ka na ni Uncle?' sagot nito. Hindi ko naman maintindihan ang ibig nitong sabihin kaya kunot noo ko itong tinitigan.
"Joke lang! Pero kung hindi ka napagalitan ni Uncle bakit malungkot ka pa rin. Isa pa namumula ang mga mata mo. Iyan ba iyung sinasabi mo na hindi ka nya sinabon?" tanong nitong muli. Umiling naman ako.
"Naiyak lang ako dahil sa sinabi ng mga kasamahan ko kanina. Pero ayos na." sagot ko naman. Natigilan ito at bakas ang pagtataka sa mukha. Hindi nya marahil nakuha kong ano ang ibig kong sabihin.
"Bakit nandito ka pa?" napaigtad pa ako ng biglang magsalita si Sir Rafael. Tapos na itong makipag-usap sa mga kasambahay sa kusina pero mainit pa rin ang ulo nya.
"Whoa! Uncle! Relax...ikaw talaga tatanda ka kaagad nyan dahil sa ugali mo eh! Natataranta sa iyo si Veronica!" awat naman ni Elijah. Kunot noo lang itong tinitigan si Elijah at hinawakan ako sa kamay.
"Ayusin mo ang problema doon sa dalawang kasambahay. Bantayan mo. sila at siguraduhin mong lalayas na sila ng mansion ngayun din!" pautos na wika nito kay Elijah. Pagkatapos ay hinila na ako nito paakyat ng hagdan.
Nilingon ko pa ito at bakas ang pagtataka sa kanyang mukha habang nakasunod ang tingin sa amin.
Samantalang seryoso naman ang mukha ni Sir Rafael. Salubong ang kilay nito kaya naman hindi ko malaman kung hihilahin ko ba ang kamay ko na hawak pa rin nito o hayaan na lang. Pero pinili ko na lang ang pinakahuli. Mainit ang ulo niya at baka ako pa ang mapagbuntunan.
Pagdating sa tapat ng pintuan ng
kwarto ko muli itong nagsalita.
"Sa susunod na may maririnig ka pang hindi maganda sa mga kasambahay dito sa mansion huwag kang mag- atubili na sabihin sa akin. Hindi ko tinu
-tolerate ang mga makakati ang dila dito sa mansion." seryosong wika nito. Atubili naman akong tumango.
"Opo Sir!" sagot ko. Akmang
hahawakan ko na ang door knob ng muli itong magsalita.
"Ayaw ko din na palagi kang makipag- usap kay Elijah or sa kahit kaninong lalaki dito sa mansion!" muling wika nito.
"Po? Bakit po?" hindi ko mapigilang tanong. Tinitigan ako nito bago muling nagsalita.
"Basta! Sundin mo ang gusto kung
gusto mong makapagtapos sa pag-aaral." sagot nito. Nanakot pa!
'Pero mabait naman po si Elijah!" hindi ko mapigilang sagot. Matiim naman ako nitong tinitigan at nagpakawala ng malakas na buntong hininga.
"At ako? Hindi ba ako mabait sa paningin mo?" tanong nito. Naguguluhan naman akong napatitig dito dahil imposible ang tanong niya dahil ang totoo hindi naman talaga ito mabait Masungit at ang bilis magalit.
"Ma-mabait din naman po Sir..!" sagot ko na halatang napipilitan lang.. Napailing ito at hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko sa kanya. Nawala na ang galit sa mga mata nito at napalitan ng hindi maipaliwanag na damdamin na noon ko lang nakita sa kanya.
"Sir, pasok na po ako ng kwarto." paalam ko dito. Tumango ito kaya kaagad kong pinihit ang siradura at nagmamadaling pumasok. Sapo ang dibdib ko ng maisara ko ang pintuan at naglakad papunta sa aking kama at dali-daling naupo.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Oo, hindi maganda ang ugali nya pero ang laking epekto sa akin kapag tinitigan ako ni Sir Rafael. Parang nakakapanginig ng laman ang mga titig nito. Hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil first time ko itong naranasan sa iisang lalaki.
Isa pa nakita ko kung paano ito nagalit kanina sa kusina. Kitang kita ko kung paano nya ako ipagtanggol kanina na siyang nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Hindi ko akalain na may masisisante na mga kasambahay dahil sa akin.
Chapter 177
VERONICA POV
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Naalimpungatan na lang ako sa mahinang katok sa pintuan kaya agad akong napabangon para pagbuksan iyun. Agad na bumungad sa harap ko si Manang Espe, nakangiti habang nakatingin sa akin.
"Hello po Manang!" kimi kong bati dito.
"Good Evening Veronica, hindi ka na bumaba para kumain ng dinner. Kinatok ka kanina dito ni Ate Maricar mo pero hindi mo daw sya pinagbuksan." wika nito. Agad naman ako nakaramdam ng hiya.
"Naku Manang pasensya na po. Hindi ko po namalayan na nakatulog ako." sagot ko dito. Nakakahiya talaga! Baka kung ano ang isipin nila sa akin.
"Ayos lang. Halata naman na kakagising mo lang. Siya nga pala, sumama ka sa akin sa dining area. Hindi ka pa kumakain ng dinner at halos eight thirty na ng gabi." sagot nito. Nakayuko naman akong tumango dito at nauna na itong naglakad pababa. Agad akong sumunod dito.
"Manang, sa kusina na lang po ako kakain." wika ko dito ng mapansin ko na inurong nito ang isang upuan at pinapaupo ako. Muli ako nitong nginitian.
"Simula ngayun masanay ka ng kumain dito sa dining area Veronica. Iyun ang utos kanina sa amin ni Madam Carissa. Dapat nga kasabay mo silang kumain ng dinnner kanina kaya lang mukhang mahimbing ang tulog mo. Sige na, maupo ka na at kumain dahil may idi-discuss pa ako sa iyo pagkatapos mo." mahabang sagot ko nito. Naiilang man agad na akong umupo sa upuan na inilaan nito sa akin.
Agad naman tumampad sa mga mata ko ang mga nakahain sa lamesa. Sobrang dami at hindi ko alam kung sino pa ang hindi kumakain. Hindi ko naman kasi kayang ubusin lahat ito.
"Manang, may iba pa po bang hindi kumakin?" tanong ko dito habang naglalagay ng kanin sa aking pinggan.
"Wala na. Ikaw na lang ang hindi kumakain. Sila Madam at Sir nasa kwarto na sila at nagpapahinga samantalang si Sir Elijah at Sir Rafael naman nagpaalam kanina na lalabas lang saglit. Sige na, huwag kang mahiya. Sanayin mo na ang sarili mo sa mga ganitong bagay Veronica." nakangiti nitong sagot. Hindi naman ako makapaniwala.
Biglang sumagi sa isipan ko ang aking mga magulang at kapatid. Kumusta na kaya sila? Ano kaya ang kinakain nila ngayun? Kung pwede nga lang na bahagian ko sila ng mga pagkain na nasa harap ko ginawa ko na sana. Kaya lang ang layo nila at hindi ko alam kung may mga pagkain bang nakahain sa lamesa nila ngayun.
Hindi ko mapigilan na maluha sa isiping iyun. Sana ang swerte ko na naranasan dito sa Manila ay maranasan din nila pagdating ng araw. Kaya ipinapangako ko, hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ibinigay sa akin ng Diyos, pagbubutihin ko ang pag-aaral ko para maging proud sa akin sila Madam Carissa at Sir Gabriel, ipapakita ko sa kanila na hindi sayang ang ibinigay nilang pagkakataon sa akin na matulungan para makapagtapos.
Sila Nanay at Tatay naman alam kong magiging masaya sila kapag malaman nila ito. Pipilitin ko pa rin makapagpadala sa kanila kapag
magkapera ako.
"Veronica, may Masakit ba sa iyo?" natigil ako sa pagmumuni-muni ko ng tapikin ako sa balikat ni Manang Espe. Agad kong pinunasan ang luha sa aking mga mata at pilit na ngumiti.
"Wala po Manang. Naalala ko lang ang pamilya ko sa probensya. Miss na miss ko na po kasi sila." sagot ko.
"Pwede mo naman sila tawagan kung gusto mo. Teka, may cellphone ka ba? May load ka?" tanong nito. Agad akong umiling
"Wala po ako ng ganyan Manang At hindi ko pa po naranasan na magkaroon ng ganyang gamit." sagot ko. Nakita ko ang awa sa mga mata habang nakatitig sa akin.
"Kung ganoon, hindi mo nako-contact ang pamilya mo? Abat mahirap nga iyan iha. Talagang mangungulila ka sa kanila kung ganoon." sagot nito. Lalo naman akong naluha. Parang bigla tuloy akong nagkaroon ng kakampi dito sa mansion sa pamamagitan ni Manang Espe.
"Naku, tama na muna iyang iyak. Kumain ka na muna dahil may sasabihin pa pala ako sa iyo mamaya. Huwag mo na munang isipin ang pamilya mo Iha. Mamaya ipapahiram ko sa iyo ang cellphone ko para matawagan mo sila." muling wika ni Manang Espe. Muli ko namang pinunasan ang luha sa aking mga mata.
"Wala rin pong cellphone sila Nanay. Nakikitawag lang kami sa kapitbahay." sagot ko. Muli itong natigilan.
"Eh di sa kapitbahay tayo tumawag." sagot nito. Agad akong umiling.
"hindi ko din po alam ang number ng kapitbahay namin. Si Ate Ethel ang nakakaalam noon." sagot ko. Natampal na ni Manang ang sariling noo. Gulong gulo na siguro ito sa akin.
"Ganoon ba? Naku bata ka! Napaka- komplekado naman pala ng lahat. Sige kumain ka na muna at tsaka na natin pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan. Baka abutin tayo ng hating gabi bago tayo matapos dito." sagot ni Manang. Nahihiya naman na itinoon ko ang aking pansin sa pagkain.
Pagkatapos kong kumain ay agad itong tumawag ng isa pang kasambahay para ligpitin ang mga nasa harap. Tinangka kong pigilan si Manang Espe at sinabi dito na ako na lang ang magliligpit
pero sinagot lang ako na hindi ko trabaho iyun. May nakatoka na talaga para gawin ang bagay na ito. Wala na akong nagawa pa kundi ang manatiling nakaupo habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Manang Espe.
Napansin ko naman na umupo ito sa tapat ko ng matanggal na ang lahat ng pagkain na nasa lamesa. May inilapag pa itong isang papel na may mga nakasulat.
"Bweno, ididiscuss ko na sa iyo ang mga rules at dapat mong sundin habang nandito ka sa mansion Veronica." paunang wika nito. Wala sa sariling tumango ako at naguguluhan na tumitig kay Manang.
"Una, kailangan mong sumabay sa oras ng pagkain sa buong Villarama Family...mapa- weekend or weekdays man." wika nito. Naguguluhan naman akong napatitig sa kanya. Hindi ko alam kong nagbibiro ba ito o seryoso. Bakit naman ako sasabay sa mga amo namin?
"Manang..ka-kailangan po ba iyan?" alanganin kong tanong. Agad itong tumango.
"Iyun ang gusto ni Madam Carissa. Actually lahat ng nakasulat sa papel na ito galing sa kanya. Personal nya sana itong idi-discuss sa iyo kanina kaya lang hindi ka nakababa sa oras ng pagkain. Kaya ako na lang ang inutusan nya na gawin ito." sagot nito.
Napayuko ako. Ngayun pa lang naiilang ako. At isa pa sobrang nakakahiya.
"Pero Manang, parang hindi ko po kayang makasabay sila sa pagkain." sagot ko.
"Iyun ang isa sa mga nakalagay na rules dito Iha. Wala kang choice kundi sumunod." sagot nito. Hindi na ako nakaimik pa habang hinihintay ang susunod nitong sasabihin.
"Every weekdays kailangan mong
makababa dito sa dining area bago mag -alas-siyete ng umaga-- marami pang sinabi sa akin si Manang at mataman ko itong pinapakinggan. Lahat ng iyun ay hindi ko alam kung kaya ko bang sundin.
Ipinagdiinan din nito sa akin na bawal na daw akong gumawa ng mga gawaing bagay at huwag daw akong mag-atubili na mag-utos kapag may mga kailangan ako.
"Basta tandaan mo ang lahat ng nakasulat sa papel na ito Veronica. Huwag kang mag-alala. Mababait sila Madam at Sir at itinuring ka na nilang pamilya kaya ganito ang kanilang pakikitungo sa iyo. Huwag kang mahiya sa kanila at pilitin mong makibagay at sumunod sa gusto nilang mangyari dahil wala silang ibang hangad kundi ang kabutihan mo." mahabang wika ni Madam. Wala sa sariling napatango ako.
"Sige na..pwede ka ng bumalik ng kwarto mo dahil magpapahinga na din ako. Kung may iba ka pang mga katanungan huwag kang mahiya na lapitan ako." wika nito sabay tayo. Tumayo na din ako mula sa pagkakaupo at nagpaalam na kay Manang.
Busog pa ako kay hinayaan ko ang aking sarili na ihakbang ang aking mga paa palabas ng mansion. Agad na sumalubong sa mga mata ko ang tahimik na kapaligiran. Nag-ikot-ikot ako sa buong paligid at huminto sa gilid ng swimming pool. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nakatanaw sa malawak na pool na napagkamalan kong lawa noon.
Hindi ko mapigilan na muling sumagi sa isip ang pamilya ko. Ang bilis magbago ng kapalaran ko. Hindi na ako magiging maid sa mansion na ito.
Muli kong naisip ang sinabi ni Manang. Masanay na daw ako dahil magiging bahagi na ako ng pamilya Villarama? Ano kaya ang ibig nyang sabihin? Aampunin ba ako nila Madam at Sir dahil naawa sila sa kalagayan ko at ng pamilya namin?
"Bakit gising ka pa?" napaiktad pa ako ng may biglang magsalita sa likod ko. Muntik pa akong mahulog sa pool ng bigla ako nitong hawakan sa baywang at kinabig payakap. Sandali naman akong natulala sa ginawa nito.
"Tsk! Ilang baso ba ng kape ang pinainom sa iyo kanina ng mga pamangkin ko at nagiging magulatin ka na?" wika nito sa seryosong boses. Agad akong lumayo dito at nagpasalamat ako dahil binitawan nya naman agad ako. Pagkatapos ay tinitigan ko ang seryoso nitong mukha.
"Sir Rafael, pasensya na po. Hindi ko napansin ang bigla nyong pagdating.' Sagot ko dito habang nakayuko.
"Saan ba kasi lumilipad ang utak mo. Alam mo wala talagang magandang maidulot iyang pagsama-sama mo sa mga pamangkin ko eh." sagot nito sa akin habang titig na titig sa mukha ko.
"Pa-pasensya na po!" sagot ko. Wala na kasi akong maisip na pwedeng sabihin dito.
"Tungkol saan?" sagot nito.
Naguguluhan naman akong tumitig dito.
"Tsk! Huwag mo nga akong titigan ng ganyan dahil hindi mo lang alam kung gaano kalaki ang epekto sa akin ng mga matang iyan." wika nito. Lalo akong naguluhang tumitig dito. Ano daw?
"Sumama ka sa akin!." wika nito at agad akong hinawakan sa aking kamay. Agad naman akong nakaramdam ng kaba at pilit kong binabawi ang kamay ko na hawak nito.
"Naku Sir...kung ano man po ang masamang balak niyo sa akin, huwag nyo na pong ituloy. Hindi pa po ako ready!" takot kong wika dito. Natigilan ito at kunot noo akong tinitigan.
"Anong sabi mo? Nabubuang ka na ba?
Iyan ang dahilan kung bakit gusto kitang pagbawalan na dumikit-dikit sa mga pamangkin ko. Nahahawaan ka ng mga kapraningan nila!" pabulyaw na sagot nito. Nahihiya naman akong napayuko! Ano ba ang nangyayari sa akin. Kung anu-ano ang lumalabas sa bunganga ko! Nakakahiya tuloy.
"Tsk! Sumunod ka sa akin sa kwarto!" sagot ito. Muli akong kinabahan?
"Ha? Sa ka-kwarto?" pautal-utal kong tanong. Pinagkrus ko pa ang kamay ko sa katawan ko. Muli ako nitong tinitigan at napapailing. Napakamot naman sa ulo niya si Sir Rafael. Halatang nauubusan na ito ng pasensya sa akin.
"Hintayin mo na lang ako dito! Babalik ako!" bakas ang inis sa boses na wika nito sabay talikod. Naiwan naman akong naguguluhan.
"Bakit kaya hindi nya na ako isinama sa kwarto niya? Ahhh siguro alam nyang tatanggi ako!" hindi ko maiwasang bulong. Napakagat pa ako sa aking labi ng maalala ko ang naging reaksiyon ko kanina. Wala naman yatang ibig sabihin si Sir Rafael sa sinabi nitong sumama ako sa kwarto niya. Baka mamaya may ipapalinis lang at kung anu-ano na ang naiisip ko. Hayst!
Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko at napansin ko ang muling pagbalik nito. Napakunot ang noo ko ng mapansin ko na may bitbit itong maliit na paper bag at inabot sa akin.
"A-ano po ito Sir?" tanong ko habang hindi pa rin inaabot ang hawak nito. Hinawakan nya ang kanan kong kamay at pilit na pinapahawakan sa akin ang paper bag na binibigay nito sa akin.
"Take it! Magagamit mo iyan!" may
halong inis sa boses na wika nito sabay talikod. Diretso itong naglakad papasok ng mansion. Naiwan naman akong naguguluhan.
"Mukhang bad mood na naman siya? Bakit kaya? Isa pa ano na naman kaya itong ibinigay nya sa akin?" Hindi ko maiwasang bulong sa aking sarili habang sinisipat ang hawak ko.
Chapter 178
VERONICA POV
Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang pagtalikod ni Sir Rafael. Ngayun pa lang, pipilitin ko na ang aking sarili na sanayin kung ano mang ugali meron siya. Makakasama ko na siya dito sa mansion araw-araw kaya pipilitin ko ang aking sarili na baliwalain ang kagaspangan ng ugali nya.
Nang magsawa ako sa kakatingin sa kapaligiran ay wala sa sariling napahikab ako. Pagkatapos ay muli kong sinipat ang hawak kong paper bag. Familiar sa mga mata ang logo na nakasulat sa paper bag.
"Apple na may kaunting kagat?
Pagkain ba ang laman nito? Pero parang nakita ko na ito eh. Hindi ko lang talaga maalala kung saan. Hayst makaakyat na nga!" hindi ko mapigilang bulong sa aking sarili at nagmamdali ng pumasok sa loob ng mansion.
Masyadong tahimik na ang buong paligid at mukhang natutulog na ang lahat. Ang lawak ng mansion pero wala man lang akong nakitang nakasabit na orasan kaya hindi ko tuloy malaman kung anong oras na.
Maingat kong inihakbang ang aking paa sa hagdan. Iniiwasan ko din na makagawa ng ano mang ingay.
Nakakahiya dahil mukhang tulog na tulog na ang lahat samantalang ako heto, mukhang magdamang ng hindi makakatulog. Dapat talaga hindi ako natulog kanina eh.
Pagdating ng kwarto ay agad akong pumasok. Pagkasara ng pintuan ay agad akong naglakad patungo sa aking kama at inilapag ang maliit na paper bag. Kinalkal ko kaagad ang laman at nagulat ako ng masilayan ko ang isang medyo pahabang maliit na box.
Hindi ko maiwasan na ikunot ang noo ko ng makita kong cellphone ang nasa picture. Excited kong binuksan iyun at tumampad sa paningin ko ang isang mukhang mamahaling cellphone.
Hindi ko maiwasang mamangha. Bakit kaya binigyan ako ng ganito ni Sir Rafael? Naawa ba siya sa akin dahil sinabi ko sa kanya na hindi pa ako nagkakaroon ng ganito sa tanang buhay ko? Maniniwala na talaga ko na mabait nga sya. Mukha lang siyang masungit pero may concern talaga siya sa isang mahirap na katulad ko.
Agad kong hinawakan at sinipat. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Sa wakas, may sarili na akong cellphone. Ang problema nga lang hindi ko alam kung paano ito ioperate ngayun. Mukhang bagong-bago at ang alam ko may mga pipindutin pa dito bago gamitin. Baka magkamali ako ng pindot at masira.
Dapat pala sumama na lang ako kanina sa kwarto ni Sir Rafael ng yayain nya ako. Baka balak nya talaga akong turuan sa paggamit nito bago niya ibigay sa akin. Pero dahil sa sobrang dumi ng pag-iisip ko nagbago ang kanyang isip. Basta nya na lang itong ibinigay sa akin at bahala na akong mag set-up.
Kapareho ang cellphone na ito sa ginagamit nila Charlotte at Jeann. Alangan naman hintayin ko pa ang weekend bago magpaturo sa kanila. Eh excited na akong pindutin at tingnan ang mga features nito.
Wala sa sariling napakamot ako ng aking ulo. Gising pa kaya si Sir Rafael? Siguro naman gising pa siya dahil kakaakyat nya lang kanina. Wala pa namang thirty minutes ang itinagal ko sa labas kanina.
Agad akong tumayo ng kama at nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Alam ko ang kwarto nya dahil itinuro iyun ni Charlotte sa akin bago kami lumabas kanina. Agad akong naglakad patungo sa tapat ng pintuan nito at kagat ang labi na mahinang kumatok.
Susubukan ko lang naman kung gising pa siya. Willing naman siguro siyang turuan ako kahit saglit lang. Para naman magamit ko na dahil mukhang hindi talaga ako makakatulog ngayung gabi.
Akmang susuko na ako sa isiping baka natutulog na si Sir Rafael ng biglang bumukas ang pintuan nito. Bumungad ang papikit-pikit nitong mga mata na halatang naisturbo ko sa kanyang tulog. Hindi ko maiwasang muling mapakagat ng aking labi ng mapansin kong nakasando at boxer shorts lang ito sa harap ko.
"Mahabaging Diyos!" Naibulong ko pa at nagmamadaling tumalikod. Baka kung saan mapunta ang mga mata ko at magkasala ako ng wala sa oras.
"What do you want? narinig kong tanong nito. Napalunok ako bago sumagot.
"Gu-gusto ko lang pong mag thank you sa ibinigay nyong regalo sa akin" sagot ko sa mahinang boses. Hindi pa rin ako humaharap sa kanya.
"Iyun lang ba? Then go back to your room and enjoy your new cellphone." Sagot nito.
"Ehhh ano po kasi...." hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng muli itong nagsalita.
"Ano iyun? Its getting late for God sake Veronica. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin." muling wika nito.
"Eh Sir, magpapaturo sana ako kung paano bubuksan ito." sagot ko. Ilang sandali din itong nakaimik habang nakayuko pa rin akong nakatalikod dito.
"Ganoon ba? Well, mukhang excited ka na ngang gamitin iyan ah. Ok...
pumasok ka dito sa kwarto. Tutulungan kita kung paano gagamitin iyan." wika nito at naramdaman ko ang pag-alis nito sa likuran ko. Agad akong lumingon at napansin kong iniwan nitong bukas ang pintuan ng kwarto kaya pumasok na din ako sa loob sa kagustuhan kong matuturuan ako nito kung paano gamitin ang bago kong cellphone.
Agad na bumungad sa mga mata ko ang malawak nitong silid. Doble pa yata ang laki nito sa silid na ginagamit ko ngayun at ang kama, grabe kung malaki ang kama ko mas malaki ang sa kanya.
"Maupo ka muna doon!" napapitlag pa ako ng magsalita itong muli. Itinuturo nya ang isang mahabang sofa na may center table na salamin sa harap. Agad akong naglakad papunta doon at naupo.
"Well, alam mo bang naisturbo mo ang tulog ko ngayung gabi?" muling wika nito at napansin kong nagpalit na ito ng matinong damit. Naka-t-shirt na sya at pajama. Kahit papaano nabawasan ang pakailang na nararamdaman ko.
"Sorry po. Nagbabakasakali lang naman po ako na baka gising ka pa." sagot ko. Hindi ito umimik bagkos umupo ito sa tapat ko. Inilahad nito ang mga kamay kaya agad kong iniabot sa kanya ang hawak ko.
Nagiging mabilis ang mga sumunod na sandali. Napansin ko na lang na ini-on niya na ang cellphone at may kung anong pinipindot doon. Pagkatapos ay tinitigan ako nito at sinenyasan na maupo sa tabi niya. Sa sobrang excited ko agad akong tumalima at nagmamadaling umupo sa tabi niya. Nagkadikit pa ang aming braso dahil agad itong dumikit sa akin at ipinapakita sa akin kung ano ang mga dapat pindutin.
"Gusto mo bang mag-open ng mga social media account?" tanong nito.
"Ano po iyun?" tanong ko. Napansin ko ang pagngiti nito kaya kitang-kita ko ang maputi at pantay-pantay nitong ngipin.
"F******K, I*******m....iyan ang uso ngayun lalo na sa mga teenager na tulad mo." wika nito. Agad na nanlaki ang aking mga mata at napangiti kasabay ng pagtango.
"Ok...ako na ang bahalang mag-create. Manood ka lang sa gagawin ko." Wika nito at muling itinutok ang buong pansin sa maliit na screen ng cellphone.
Hayyy mabait naman pala talaga si Sir Rafael eh. Tingnan mo nga binigyan pa ako ng time para ayusin ang cellphone ko. Wala sa sariling napatitig ako sa mukha niya. Ang gwapo nya talaga. Siguro marami na siyang girl friend. Mga mayayaman din katulad nila.
Hindi ko tuloy maiwasan na mapabuntong hininga na siyang dahilan ng paglingon nito sa akin. Nagtatanong ang mga matang tinitigan ako nito.
"Wala po. May naisip lang ako." nahihiya kong sagot. Tumango lang ito at muling ibinalik ang buong pansin sa cellphone.
"Halika, selfie tayo para sa profice picture mo." wika nito at agad akong inakbayan. Nanlaki ang aking mga mata sa ginawa nito pero ng magsalita ito ng "Smile" ay wala na akong nagawa pa kundi tumitig sa camera at ngumiti.
Mabuti na lang at tinanggal na din nyang muli ang kanyang braso sa balikat ko. Pagkatapos ay muli nitong itinoon ang pansin sa cellphone. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng pagkaaasiwa at pagdagundong ng kaba ng puso ko.
"Ok..done...marunong ka naman na siguro gumamit nito diba? Ang pag- open lang ang hindi mo alam?" tanong nito. Agad akong tumango
"Opo. Pinapahiram po ako dati ni Ate
Ethel kapag nasa boarding house lang siya kaya alam ko na po kung paano gumamit. Natakot lang po akong buksan kanina dahil alam kung may mga pipindutin pa bago gamitin iyan dahil bago pa. Baka po kasi masira ko eh." sagot ko dito. Tumango ito habang titig na titig sa akin.
RAFAEL POV
Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ako nagalit ng may isang taong umesturbo sa tulog ko. Handa na sana akong maninghal kanina ng marinig ko ang pagkatok sa pintuan ng kwarto ko ng bumungad sa paningin ko ang inosenteng mukha ni Veronica.
Mukhang nag-aalangan din itong gisingin ako pero marahil dahil sa kagustuhan na agad magamit ang cellphone na ibinigay ko sa kanya nilakasan na lang nya ang loob.
Agad kong napansin ang pagtitig nya sa akin sabay talikod. Nakaramdam siguro ng pagka-asiwa sa soot ko kaya hindi ko mapigilan ang matawa. So Innocent....so Sweet!
Agad na nawala ang antok ko at
pinapasok ito sa loob ng kwarto ko. Pagkatapos ay agad ko itong pinaupo sa sofa at nagpalit ng damit, Ayaw kong buong oras syang maasiwa sa akin habang nandito siya sa kwarto at gusto kong maging komportable siya.
Mabilisan kong ginawa ang lahat. Nakapag-open na din ako ng f******k at iniaad ko pa ang sarili ko para ma- monitor ko kung ano ang mga kaganapan dito. Tinandaan ko din ang email na iniligay ko. Balak ko i-stalk ang account niya kapag hindi ako busy. Mas maigi iyun para alam ko kung ano ang pinanggagawa nya. Inilagay ko na din ang simcard at inilagay ko na din ang personal mobile number ko.
Maganda na ang ganito para naman mabilis ko siyang ma-contact.
"Ok tapos na!" wika ko at iniabot sa kanya ang cellphone. Agad itong napangiti.
"Thank you Sir." Nahihiyang sagot nito. Tinitigan ko pa ito sa mukha bago may kapilyuhan akong naisip.
"Thank you lang?" Wala ka man lang ibabayad sa akin dahil sa pag-isturbo mo sa tulog ko?" tanong ko. Agad na nanlaki ang mga mata nito at napatitig sa akin. Hindi ko maiwasan na matawa.
"Wala po akong pambayad Sir. Wala nga po akong ka-pera-pera eh." wika nito. Hindi ko maiwasan na mapahalakhak. Ewan ko ba sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayun gayung naistrubo niya ang masarap kong tulog.
"Hindi naman pera ang kailangan ko. Marami ako noon." sagot ko at hindi ko maiwasan na titigan ito ng malagkit. Agad kong napansin ang pamumula ng mukha nito kasabay ng kanyang pag- alis sa tabi ko.
"Ba-balik na po ako ng kwarto ko Sir. Salamat po ulit sa magandang
cellphone na ito." wika nito. Tumayo na din ako at nilapitan ito. Titig na titig ako sa kanyang labi. Para akong nahihipnostismo at wala sa sariling hinawakan ito doon.
"Later...kukunin ko lang ang kabayaran sa serbisyong ginawa ko." anas ko dito at mabilis na inangkin ang labi niya. Napansin ko pa ang pagkagulat nito at ang panginginig ng kanyang katawan. Pero wala na akong pakialam pa. Kanina pa ako gigil na gigil na matikman iyun at pakiramdam ko hindi ako matatahimik hanggat hindi ko malasahan iyun. Hindi nga ako nagkamali. Sobrang tamis at lambot ng labi nya. Pakiramdam ko ay idinuduyan ako sa alapaap habang unti-unti na akong naging mapusok.
Chapter 179
RAFAEL POV
Kaagad na sumabog ang init sa buo kong katawan habang patuloy na dinadama ang labi ni Veronica. Sa wakas tuluyan ko na din natikman ang labi nito. Tama nga ang hinala ko, napakatamis nito at para akong idinuduyan sa alapaap. Agad na nag- react ang buo kong pagkatao dahil sa matinding pagnanasa na nararamdaman ko ngayun.
Kaya lang hindi pwede. Kailangan kong pigilan ang aking sarili habang may natitira pang kahit na kaunting katinuan sa isipan ko. Masyado pang bata si Veronica para angkinin ko.
Ayaw ko itong biglain at baka matakot sa akin kaya kahit labag sa kalooban ko ay unti-unti kong itinigil ang halik na aming pinagsaluhan.
Agad kong napansin ang pamumula ng buo nitong mukha ng titigan ko ito. Bakas sa mga mata nito ang pagkagulat at pagtataka.
Shit! Hindi niya marahil inaasahan na gagawin ko sa kanya ang ginawa ko ngayun lang. Halatang first time nitong mahalikan ng isang lalaki dahil para itong tood kanina at hindi malaman ang gagawin dahil sa matinding pagkagulat.
"Go back to your room Veronica hanggat kaya ko pang pigilan ang sarili ko na angkinin ka ngayun gabi." wika ko dito sa paos na boses. Nagtataka naman itong tumitig sa akin. Hindi niya marahil maintindihan ang sinasabi ko kaya hinawakan ko ito sa kamay at kusang hinila palabas ng kwarto. Pagkalabas ng kwarto ay hindi ko pa napigilan ang sarili ko na halikan ito sa noo. Bahala na kung ano ang iisipin nya sa akin basta
naisakatuparan ko na ang nais kong matikman ang labi nito.
Hanggang doon na lang muna. Kailangan kong magpigil dahil gusto kong matupad muna lahat ng pangarap nito bago kami hahantong sa seryosong relasyon. Alam kong habang tumatagal palalim ng palalim ang nararamdaman ko sa kanya at wala akong magagawa pa kundi harapin iyun at maghintay kung kailan siya maging ready.
"Good night!" wika ko dito at agad na isinara ang pintuan ng kwarto. Nagmamadali akong naglakad patungo sa aking kama habang may nakaguhit na ngiti sa labi ko.
Kung pwede nga lang na angkinin ko sya ngayun gabi, gagawin ko sana. Kaya lang tiyak na maraming magagalit sa akin kapag gagawin ko iyun. Ayaw ko din naman maging makasarili at magpabihag sa init ng katawan na nararamdaman ko.
Iba si Veronica sa lahat ng mga
babaeng nakilala ko kaya dapat lang na igalang ko siya at pahalagahan.
And speaking of init ng katawan, kanina pa nagwawala ang anaconda ko sa loob ng underwear ko. Agad kong hinubad nag pajama ko pati na din ang boxer shorts ko. Agad na kumawala ang naghuhumindig kong alaga.
Halik pa lang iyun ha, grabe na magwala ang alaga ko. Paano pa kaya kung maihiga ko siya dito sa kama? Siguro lalong magwawala ang anaconda ko.
"Shit! I need a quick shower. Kailangan kong mailabas ang init ng katawan na nararamdaman ko ngayung gabi kung hindi mapupuyat ako nito. Hindi ako makakatulog.
Hinubad ko na din ang t-shirt ko at nagmamadaling naglakad patungong banyo. Binuksan ko ang cold temperature ng shower at agad tumapat sa lumalagaslas ng tubig
Fuck, first time kung gawin ito pero kailangan kong magsarili habang ini- imagine ang magandang mukha ni Veronica. Kailangan kong magsariling sikap gamit ang palad ko kung hindi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at pasukin ko na talaga sa kwarto niya si Veronica. Nasa kabila lang siya at mabilis ko lang siyang mapasok doon dahil hawak ko ang duplicate key ng kwarto niya.
Sa loob ng banyo hindi ko mapigilan na mapaungol ng maramdaman ko ang paglabas ng masagana kong katas mula sa aking anaconda. Hingal na hingal akong pinatay ang shower at agad na hinagilap ang tuwalya para punasan ang basa kong katawan. Sa wakas nakaraos din at makakatulog na ako nito ng mahimbing.
VERONICA POV
Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil hinayaan kong halikan ako kanina ni Sir Rafael. Hindi ko man lang ito nagawang itulak bagkos nag- enjoy pa ako habang walang sawa niyang sinipsip ang bibig ko.
Pero ganoon ba talaga ang pakiramdam kapag hinahalikan ka ng isang lalaki... lalo na ni Sir Rafael? Bakit nya kaya nagawa iyun gayung hindi nya naman ako girl friend? Ang alam ko, normal lang na maghalikan kung may relasyon, pero kami ni Sir Rafael, amo ko sya. Nakakahiya dahil hindi ko man lang siya pinigilan. Ano na lang ang iisipin nya sa akin ngayun? Baka isipin niya malandi ako dahil hindi man lang ako tumanggi sa matagal na paglalapat ng labi namin.
Naipikit ko ang aking mga mata habang iniisip ang mga nangyari kanina lang. Dapat talaga hindi na ako pumunta sa kwarto nya eh. Si Sir Rafael pa talaga ang nakakuha ng first ko. Nakakahiya!
First kiss ko iyun at balak kong ibigay sa magiging boy friend ko lang na magiging asawa ko na din! Bakit nya ako hinalikan ng ganoon-ganoon lang?. Hindi nya naman ako girl friend para gawin nya ito sa akin. Ganoon na ba ka sigurista si Sir Rafael para masingil ako sa panggigising ko sa kanya kanina? Porket wala akong perang pambayad dahil sa pang-
iisturbo ko ayos na sa kanya ang halik? Hayst ewan ko, ang gulo nya!!!
Kung saan nag-enjoy na ako sa halik na iyun tsaka naman ako pinalabas. Bad breath ba ako kaya niya itinigil ang paghalik sa akin? Hayst parang gusto ko tuloy iuntog ang ulo ko ngayun. Paano ko siya pakikiharapan bukas? Baka mamaya malaman pa ito nila Madam Carissa at Sir Gabriel. Gayun na din ng mga anak nila. Kainis talaga!
Agad akong napalingon sa cellphone ko ng umilaw iyun. Nag-pop-up ang isang message mula sa messenger ko.
'MATULOG KA NA! HUWAG MAGPUYAT DAHIL MAAGA KA PA GIGISING BUKAS. GOOD NIGHT!"
--RAFAEL
Agad na nanlaki ang aking mga mata sa natanggap kong mensahe. Iniisip ko pa kung magrereply ba ako pero dahil wala naman akong naisip na isasagot binaliwala ko na lang. Pagkatapos ay binuksan ko ang facebook wall nito at nagulat pa ako dahil friends na agad kami.
Siya pa lang naman ang nasa friend list ko sa ngayun. Bukas ko na lang i-add ang mga kakilala ko. Susubukan ko silang i-search. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nakatitig sa cellphone ko. Lalo na sa profile picture na gamit ko ngayun kung saan si Sir Rafael ang naglagay. Mukha naming dalawa ang nakalagay doon at hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kilig.
Wala namang sinabi si Sir Rafael na palitan ko ang picture na iyun kaya hahayaan ko na lang muna. Total maganda naman ang kuha ko.
Hindi ko mapigilan ang maghikab kaya nagpasya akong magpalit na muna ng damit pantulog bago tuluyang humiga ng kama. Baka marumi na itong suot ko at baka mahawa ang sapin ng kama. Eh ang ganda-ganda pa naman.
Pagkatapos kong magpalit ng damit ay agad akong nagtalukbong ng comforter. Ngayun ko lang naramdaman ang lamig ng buong kwarto dahil sa hangin na nagmumula sa aircon. Inilapag ko sa may ulunan ko ang bago kong cellphone at ipinikit ang aking mga mata.
Eksakto alas-sais ng umaga ng magising ako kinaumagahan.. Agad akong bumangon sa higaan ng maalala ko ang sinabi ni Manang Espe na dapat bago mag-alas-syete ng umaga nasa dining area na ako. Agad akong pumasok sa loob ng walk in closet at agad na naghagilap ng isusuot na damit.
Karamihan sa mga damit ko ay puro dress at iyun na lang din ang napili kong suutin. Halos pare-pareho lang naman ang style magkakaiba lang ng kulay.
Nagmamadali akong naligo.
Pagkatapos ay agad na akong nagbihis habang pasulyap-sulyap sa orasan na nasa maliit na lamesita na nasa gilid ng higaan ko.
Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagsuklay ng buhok sa tapat ng salamin. May ilang mga make up pa akong nakita na nakapatong sa tokador at hindi ko alam kung kanino iyun kaya hindi na ako nag-abala pang galawin iyun. Baka mamaya mapagalitan pa ako kapag papakialaman ko pa diba?
Halos patakbo kong babain ang hagdan dahil sa sobrang pagmamadali. Nang sulyapan ko kasing muli ang orasan ay limang minuto na lang bago mag-alas siyete. Nakakahiya kong mali-late ako. Ayaw kong pag-isipan nila ako ng masama. Sa susunod mas lalo ko pang aagahan ang gising ko. Iiwasan ko na din ang magpuyat.
Pagdating ng dining room ay agad akong nakaramdam ng hiya. Nandito na ang mga amo ko at sabay-sabay pa silang napatingin sa pagdating ko. Agad akong napayuko sabat bati sa kanila.
"Good Morning Madam Carissa...Sir Gabriel at Sir Rafael!" wika ko.
"Good Morning Veronica. Sige na
maupo ka na. Sumabay ka na sa pagkain." sagot ni Madam. Tatanggi sana ako ng dumako ang tingin ko kay Ate Maricar at Manang Espe. Iniurong pa ni Ate Maricar ang isang upuan at nakangiting tumingin sa akin.
"Upo ka na dito Mam Veronica." wika pa nito. Hindi ko naman maiwasan na panlakihan ito ng mga mata. Tinitigan ko pa si Ate kung nagbibiro ito. 'Mam' talaga? Hindi naman nila ako amo.
Mamaya kakausapin ko si Ate tungkol dito. Nakakahiya kapag may ibang nakakarinig. Baka isipin nila masyado na talaga akong sumipsip sa mga amo namin.
"Tsk! Sit down! Mali-late na ako sa office kung tatayo-tayo ka pa diyan." agad akong napatitig kay Sir Rafael ng marinig ko ang masungit na naman niyang boses. Ano na naman kaya ang nakain nya? Bakit parang galit na naman ito? Kagabi naman ayos lang siya ah? Hayst mukhang mahirap talaga siyang pakisamahan.
"Opo!" tipid kong wika at umupo na din. Agad kong napansin ang paglalagay ng orange juice ni Ate Maricar sa baso ko kaya nagpasalamat ako sa kanya.
"Sure ka bang sasama ka ngayun sa opisina Gab?" narinig ko pang tanong ni Madam Carissa kay Sir Gabriel habang pinapanood ang asawang kumakain. Wala yatang balak kumain si Madam at tanging isang kulay green na juice na nasa baso ang paunti-unti nitong iniinom.
"Yes Sweetheart...First day ngayun ng bunso natin sa opisina at gusto kong ako mismo ang mag- introduce sa kanya sa mga empleyado." nakangiting sagot ni Sir Gabriel. Tahimik naman si Sir Rafael na kumakain habang kapansin-pansin ang pasulyap- sulyap nito sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapainom ng juice Lalo ng maalala ko ang halik na pinagsaluhan namin kagabi.
Chapter 180
VERONICA POV
"But dont worry Sweetheart, uuwi agad ako pagkatapos ng pagpapakilala kay Rafael bilang bagong future CEO ng Villarama Empire. Kung gusto mo naman pwede kang sumama sa amin para naman mabisita mo ang magiging opisina nya. What do you think?" suggestion ni Sir Gabriel. Tahimik lang akong kumakain habang nakayuko. Mabuti na lang at abala sila sa pag- uusap kaya kahit papaano nawala ang pagkailang na nararamdaman ko.
"Good suggestion Gab. Kaya niyo bang maghintay hanggang sa makapagbihis ako?" tanong naman ni Madam Carissa. Mukhang gusto din nitong sumama sa asawa.
"No worries Sweetheart! Willing akong maghintay kahit ilang oras pa iyan. I think mauna ka na Rafael sa office.
Siguradong hinihintay ka na ng kapatid mo doon. First day mo ngayun at iwasan mong ma-late." wika ni Sir Gabriel. Napansin ko naman na mukhang tapos ng kumain si Sir Rafael at tumayo na ito.
"Ok Dad! Hintayin ko na lang kayo sa opisina. Baka magka-highblood pa si Kuya sa kakahintay sa akin. "nakangiti nitong sagot at lumapit pa sa Ina para humalik sa pisngi. Tinapik ang balikat ng ama at lumingon sa akin at tumango. Wala naman akong ipinakita na kahit na anong reaksyon dito. Nahihiya pa rin ako sa kanya lalo na kapag sumasagi sa isip ko ang mga nangyari sa amin kagabi.
Tuluyan na din naman itong lumabas ng dining room. Naiwan naman kaming tatlo habang tahimik akong kumakain.
"By the way Veronica, gusto mo bang sumama sa amin sa office? Wala ka pa namang gagawin ngayun dahil wala pang mahanap si Arabella na pwedeng magtutor sa iyo." nagulat pa ako ng ibaling ni Madam ang tingin sa akin. Nilunok ko muna ang huli kong naisubo na sinangag bago ako sumagot.
"Hi-hindi po ba ako tutulong sa mga gawain dito sa mansion Madam?" sagot ko. Agad kong napansin ang pagngiti nito na kahit sa kabila ng edad ay halata pa rin ang hindi kumukupas na kagandahan. Malalaki na ang mga anak at mga dalaga at binata na ang ibang apo pero napakaganda niya pa rin. Ganoon talaga siguro ang mababait na tao. Matagal tumanda at mukhang alagang-alaga din naman siya ni Sir Gabriel.
Sa ilang araw kong pananatili dito sa mansion hindi nakaligtas sa paningin ko kung gaano sila kaalaga sa isat isa. Isang napakagandang halimbawa na sana maranasan ko din hanggang sa pagtanda ko. Naipilig ko pa ang aking ulo ng marining kong muling nagsalita si Madam.
"Dont worry. Kaya na ng mga tao dito sa mansion ang lahat ng trabaho. Mas magandang sumama ka para naman may makakausap ako sa office habang hinihintay sila Gabriel. Tiyak na kabi- kabilaang meetings ang haharapin nila ngayun sa office at dahil nakakabored din naman dito sa mansion sama na lang tayo. Kapag ma-bored tayo sa office pwede naman tayong maglibot- libot. At least may kasama ako.." mahabang wika ni Madam. Wala naman sa sariling napatango ako sabay pakawala ng masayang ngiti sa labi.
"That is a good idea! Well maghanda na kayong dalawa para makaalis na tayo." nakangiting sagot ni Sir Rafael. Agad naman tumayo si Madam Carissa sa pagkakaupo at niyaya akong umakyat muna para makapagbihis na nang mapansin nito na tapos na din akong kumain. Agad naman akong sumunod dito.
"Mas mabuting makapag-ikot-ikot ka muna bago mag-umpisa ang pag-aaral mo iha." wika nito sa akin. Tipid akong ngumiti.
"Thank you po Madam. Hindi ko po akalain na sobrang bait niyo po pala talaga." sagot ko. Nakangiti itong huminto sa paglalakad tsaka ako tinitigan
"Mas mabuting may nakakausap ako dito sa mansion na kasing edad mo. Medyo matagal na panahon na din nagsipag-asawa ang mga anak kong babae at bumukod. Malungkot din na walang nakakausap na katulad mo sa malaking bahay na ito." makahulugan nitong wika.
"Pero lagi naman po silang dumadalaw dito Madam." sagot ko.
"Oo, kaya lang iba pa rin ang may nakakasama palagi. Iyung lagi mong nakikita at nakakausap. Pero syempre, may kanya-kanya na silang buhay na binuo at kung alam ko lang na ganito pala ang pakiramdam habang pinagmamasdan mo ang unti-unting pag-aalisan ng sarili mong mga anak sa bahay dinagdagan pa sana namin sila." wika ni Madam na may halong biro sa tono ng boses. Kita ko din ang lungkot sa mga mata nito habang sinasabi ang katagang iyun.
"Ganoon po ba talaga kapag mayayaman Madam, kaunti lang kung mag-anak." wala sa sarili kong sagot. Huli na ng marealized ko na umandar na naman ang katabilan ko. Gusto ko tuloy kutusan ang sarili ko. Nakakahiya kay Madam. Amo ko siya kaya dapat lang na pag-isipan ko lahat ng isasagot ko.
"Bakit? Hindi naman siguro!" sagot ni Madam Carissa habang napansin ko ang muling pagngiti nito. Pagkatapos ay hinawakan ako nito sa kamay at niyaya ng umakyat.
"Marami ka pa bang mga damit na pwedeng maisuot?" tanong nito. Agad akong tumango.
"Marami pong binili para sa akin si Sir Rafael noong nakaraang araw. Marami pa po akong maisusuot." sagot ko. Tumango ito at nagkanya-kanya pasok na kami ng kwarto.
Agad akong naghalungkat ng damit sa walk in closet ko. Dress ulit ang napili ko. Lagpas tuhod at kita ang aking balikat. Pagkatapos ay nagsuot ako ng flat sandals para maging komportable at kinuha ko ang shoulder bag na isa sa mga nabili para sa akin ni Sir Rafael noong nakaraang gabi at inilagay ko ang aking cellphone. Pagkatapos ay muli kong sinipat ang aking sarili sa salamin at ngumiti. Nang mapansin kong maayos na ang lahat ay nagmamadali na akong lumabas ng kwarto at sakto naman ang pagbukas ng pintuan ng kwarto nila Madam Carissa at napansin ko itong lumabas na din.
Tumitig muna ito sa akin tsaka sinensyasan akong lumapit. Pagkatapos ay niyaya akong pumasok sa kwarto nila kaya napasunod ako. Kung malaki ang kwarto ni Sir Rafael, mukhang mas malaki ang kwarto nila Madam Carissa. Maganda sa mata ang lahat ng nakadisplay.
Umupo ka muna dito dahil lalagyan kita ng kahit na kaunting make up sa mukha." wika nito sa akin. Agad akong nagulat. Napansin ko pa ang pagtitig nito sa kwentas na suot ko kaya hindi ko maiwasan na kabahan.
"Po? Naku huwag na po Madam. Baka naiinip na si Sir Gabriel sa baba." sagot ko at nagmamadali na din na naupo sa isang upuan na nakatapat sa salamin. Hindi naman ito nagtanong tungkol sa kwentas kaya naman naging kampante na din ako.
"Sandali lang ito. Wala pang five minutes matatapos din agad tayo. Kapag lumalabas tayo ng mansion dapat palagi tayong maglagay ng ganito para naman presetable tayo sa paningin ng ibang tao." wika ni Madam at may kung anong cream itong pinahid sa aking mukha. Hinayaan ko na lang sya na ayusan ako. May mga nilagay din ito sa pilik mata ko pati na din sa kilay ko. Huling inapply niya ay ang lipstick. Tama ito, walang pang limang minuto tapos nya
na akong ayusan.
Nang mapagmasdan ko pa ang sarili ko sa salamin ay nagulat pa ako sa laki ng ipinagbago ng mukha ko. Simpleng make up lang naman ang nilagay ni Madam pero ang laki ng epekto sa hitsura ko. Nanghinayang pa tuloy ako kung bakit hindi ko tinandaan ang mga pinanlalagay niya sa akin.
"Ilagay mo ito sa bag mo para pwede kang magretouch kapag mabura ang inilagay natin diyan sa mukha mo." nakangiti nitong wika. Hindi na ako tumanggi pa. Napansin kong kahit na tatanggi ako ipagpipilitan pa rin nya kung ano ang gusto niya. Kaya naman nagpasalamat na lang ako.
Lulan ng sasakyan bumyahe na kami papuntang Villarama Empire. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng excitement sa isiping makikita ko muli si Sir Rafael.
"Kapag mainip kayo, pwede kayong mag-ikot sa kalapit na mall Sweetheart!" narinig ko pang wika ni Sir Gabriel. Nakaakbay ito sa kanyang asawa at nakahilig naman sa balikat niya si Madam Carissa. Super sweet at mapapa-sana all ka na lang talaga kaya agad kong kinuha ang cellphone ko at inabala ang aking sarili.
"Natigil lang ako sa kakapindot sa cellphone ko ng huminto ang sasakyan. Agad kong inilibot ang aking paningin sa buong paligid. Nandito kami sa loob ng isang parking area at wala akong ibang nakikita kundi puro sasakyan. Napansin ko pa ang pagbukas ng pintuan sa gawi ko kaya agad akong bumaba. Bumaba na din sila Madam at Sir at sabay na naglakad papasok sa loob ng isang lobby.
Tahimik lang akong nakasunod sa kanila habang hindi ko maiwasan ang mapalinga-linga. Mukhang mga kagalang-galang ang mga taong aking nakikita. Halos pare-pareho sila ng suot. Color dark blue na coat with ang slacks, mapababae at lalaki. Siguro iyun talaga ang mga uniform nila.
Narinig ko pa ang kanya-kanya nilang pagbati ng mapansin nila ang pagdating namin. Yumuko pa ang iba at tanging tango lang ang naging sagot ni Sir Gabriel samantalang nakangiti lang sa kanila si Madam Carissa.
Alam ko na kung kanino nagmana si Sir Rafael sa pagiging seryoso. Sa kanyang ama dahil kung anong ugali ang nakikita ko ngayun kay Sir Rafael ganun din ang nakikita ko ngayun kay Sir Gabriel. Mag-ama nga sila!
Napansin ko pa ang nagtatakang pagtitig ng ibang empleyado sa akin. Iniisip marahil nila kung kaanu-ano ba ako nila Madam. Hindi ko na lang pinansin at tahimik lang akong nakasunod sa kanila hanggang sa nakasakay kami ng elevator.
Isang bodyguard at kaming tatlo lang ang nandito sa loob. Iyung ibang mga kasama naming bodyguard na nakabuntot sa amin kanina ay nagpaiwan na sa lobby. Hindi na din umiimik sila Madam at Sir kaya tahimik lang din ako habang nakatitig sa mga button ng elevator.
Pagkabukas ng elevator ay tahimik kaming lumabas. Agad kong napansin ang dalawang babae at isang lalaki na nakaupo sa kani-kanilang lamesa. Mga nasa late 40s na ang kanilang edad at iba ang suot nila kumpara sa mga tao sa ibaba. Lahat abala at ng mapansin nila ang pagdating namin ay agad silang tumayo at nagbigay galang.
"Good Morning Madam, sir! sabay na wika ng mga ito. Tumango si Sir Gabriel at deretsong naglakad sa isang nakasadong pintuan. Binuksan nya iyun at agad kaming nagsipagpasok.
"Umupo muna tayo dito Iha." wika ni Madam Carissa sa akin kaya agad akong naglakad papuntang sofa at naupo. Si Sir Gabriel naman ay sa mismong Swivel chair naupo habang isa-isang tinitingnan ang mga papeles na nasa lamesa.
Narinig ko pa ang banayad na katok sa pintuan kaya naagaw ang attention ko. Pumasok ang isa sa mga empleyado na nasa labas lang kanina.
"Sir, nasa conference room po sila Sir Christian at Sir Rafael ngayun." imporma nito kay Sir Gabriel. Tumayo naman agad si Sir Gabriel at binalingan si Madam Carissa bago lumabas ng pintuan.
"Pupuntahan ko lang muna sila sa conference room Sweetheart!" wika nito. Tumayo naman si Madam Carissa at lumapit ito sa asawa sabay haplos sa suot na suit ni Sir Gabriel. Simpleng gesture pero ang sweet tingnan.
"Ok...Dont worry, mukhang bababa muna kami sa coffee shop para malibang." sagot ni Madam sa asawa.
Tumango si Sir Gabriel at hinalikan pa nito sa noo ang asawa bago tuluyang lumabas ng opisina. Agad naman sumunod ang empleyado dito kaya naman naiwan kaming dalawa ni Madam dito sa loob.
"Alam mo bang kapansin-pansin ang malaking ipinagbago ni Rafael simula ng dumating ka sa mansion?" basag ni Madam Carissa sa katahimikan naming dalawa. Direkta na itong nakatitig sa akin. Napayuko ako.
"Ang sungit nga po nya eh." sagot ko naman para mapagtakpan ang pagkailang ko.
"Masasanay ka din sa kanya. Pero alam kong magtitino na siya ngayun. Dati kasi hindi naglalagi sa mansion ang batang iyan. Sakit ng ulo sa kanyang ama at mga kapatid dahil walang ibang ginawa kundi ang mambabae at sumama sa mga barkada. Walang direksyon ang buhay palibhasa kasi lumaking spoiled at nakukuha lahat ng gusto. Nitong weekend lang sya nag- stay ng matagal sa mansion which is good sign na magbabago na talaga siya.......
"At thankful ako dahil sa iyo Veronica! "wika nito. Nagtataka naman akong napatitig kay Madam. Sa totoo lang hindi ko gets ang ibig nitong sabihin. Bakit siya maging thankful sa akin kung nag-stay ng buong weekend si Sir Rafael sa mansion eh wala naman akong naalalang pinagbawalan itong lumabas dahil wala akong karapatan.
Sino ba ako para masabi sa akin ni Madam ang bagay na ito?
Chapter 181
VERONICA POV
Muling namayani ang katahimikan sa aming dalawa ni Madam Carissa. Nagiging abala na ito sa kanyang cellphone ka inilibot ko ang tingin sa paligid ng opisina.
Malawak ang buong paligid. May mga paintings akong nakitang nakasabit at ibat ibang klaseng office supplies. Salamin ang nasa likuran ng upuan ng CEO kaya kita ko ang nagtatayuang building sa labas.
"Mukhang matatagalan sila sa meeting. We need to go! Mag-
ikot muna tayo para naman malibang." muling napukaw ang attention ko ng magsalita si Madam. Napansin ko ang pagtayo nito kaya tumayo na din ako.
Nakasunod lang ako dito habang nakalabas kami ng opisina.
"kapag bumalik na si Gab.. sabihin mo sa kanya na tawagan ako. Lalabas lang kami ni Veronica." bilin ni Madam sa empleyado.
"Opo Madam! Sasabihin ko po kaagad kay Sir Gabriel ang tungkol dito." sagot nito sabay yuko. Agad naman akong hinawakan ni Madam sa braso at sabay na kaming naglakad papuntang elevator.
"Alam mo bang pag-aari ng Villarama Empire ang buong building na ito? Halos ilang taon na din ang mabilis na lumipas at habang tumatagal lalong lumalago ang negosyo ng pamilya kaya laking pasalamat namin ni Gabriel dahil sinunod din ni Rafael ang nais ng buong pamilya. Akala talaga namin wala ng pag-asa ang batang iyun na hawakan ang kumpanyang ito.
" wika ni Madam. Tahimik lang akong nakikinig sa kanyang sinasabi.
Pagkabukas ng elevator ay agad
kaming naglakad palabas. Sinalubong namin kami ng driver at tatlong bodyguard.
"Sa Villarama Shopping Center tayo." agad naman nagsitanguan ang lahat at nagmamadaling lumabas.
"Dito na lang natin hintayin ang sasakyan." wika ni Madam. Nakangiti naman akong tumango sabay libot ulit ng tingin sa paligid. Halatang ingat na ingat kilos ng lahat. Siguro mahirap magtrabaho sa lugar na ito. Kanina ko pa napapansin ang ibang mga empleyado na mukhang aligaga. O baka natatakot lang sila sa presensya ng amo nila?
Nang mapansin namin ang pagtigil ng sasakyan sa labas ng exit ay agad akong hinila ni Madam. Marahil iyun na ang sasakyan na tinutukoy nito kanina. Agad naman kaming pinagbuksan ng isang nakau- uniform na bodyguard ng pintuan ng kotse kaya pumasok na din kami.
Halos sampung minuto lang naman ang itinakbo ng sasakyan at nakarating agad kami sa Villarama Shopping Center. Ibang iba ito sa pinuntahan naming mall noong nakaraang araw. Grabe, sobrang ganda ng paligid at naglalakihan ang mga Chandelier. Mukhang mayayaman din ang halos lahat ng nakikita kong mga tao.
Halatang mga mamahalin ang mga naka-display sa mga boutique na aming nadadaanan.
Louis Vuitton, Gucci, Prada at kung anu-ano pang mga shop ang nakikita ko. Hindi naman ako ganoon katanga para hindi malaman kung gaano kamamahal ang mga luxury brand na iyun.
"Sa spa tayo!" narinig kong wika ni Madam habang napansin kong pinindot nito ang elevator na nasa harap namin. Hindi ko man lang namalayan kung saang bahagi ng mall na kami nakarating. Kanina pa kasi lumilipad ang diwa ko sa kakatingin sa paligid.
Namamangha ako sa mga nakikita kong nagagandahang bagay.
Agad naman kaming nakarating sa spa na tinutukoy ni Madam. Sinalubong agad kami ng staff at agad kaming pinaupo.
"Good Day Madam Carissa. Nice to see you again po!" agad na bati nito kay Madam. Mukhang kilala nito ang amo po. Tahimik lang ako sa tabi ni Madam habang tinititigan ang nito.
"Gusto kong ayusan nyo sya.. Gawin niyo ang lahat para lalong lumitaw ang ganda nya." Sagot ni Madam dito. Natoon naman ang attention ng kausap nito sa akin. Napansin ko pa ang pasimple nitong pagtitig sa akin mula ulo hanggang paa. Pagkatapos matamis itong ngumiti.
"Actually maganda na po sya Madam. Pero kailangan lang natin pagpantayin ang kulay niya." nakangiti nitong sagot. Tinitigan din ako ni Madam tsaka tumango.
"Galing ka ba sa swimming Iha? Iyung totoong kulay mo ay ang
nasa balikat mo. Iyan ang hahabulin natin para pumantay. "Wika ng staff sa akin. Hindi ko naman ma-gets ang ibig nitong sabihin kaya pasimple kong tinitigan ang balat ko sa braso at ang balikat ko. Mas maputi ang nasa balikat ko dahil palagi itong natatakpan ng damit noong nasa probensya pa ako. Babad ako sa sikat ng araw kaya talagang mangingitim ang balat ko na direktang natatamaan ng sikat ng araw.
"Right! I think iyan ang pinaka- dabest na service ang gagawin ngayun. Lalo mong palitawin ang ganda nya!" nakangiting sagot ni Madam at halatang tuwang tuwa pa ito sa narinig sa staff kanina. Nahihiya naman akong napayuko.
"Dont worry Mam. Kayang kaya
namin gawin ang bagay na ito.
Pagkatapos ng procedure na
gagawin namin ngayung araw, makikita nyo agad ang result. Kami ang bahala sa kanya. Papakialaman namin ang kulay nya pati na din ang mukha nya para lalo siyang gumanda!" sagot ng staff. Pagkatapos ay sinenyasan nito ang isa pang nakaantabay sa amin at may sinabi.
"Sumama ka sa amin-----" hindi na natuloy ang sasabihin nito ng sumabat ulit si Madam Carissa.
"Veronica. Her name is Veronica.
"sagot ni Madam.
"Well, Mam Veronica, sumama ka sa akin. Umpisahan na natin ang lalong pagpapaganda sa iyo. "wika nito. Nilingon ko pa si Madam pero tumango lang ito sa akin. Kinakabahan man wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod sa staff.
Naging maayos naman ang naging kinalabasan ng lahat. Kabi -bilaang paglilinis sa katawan ko ang kanilang ginawa. HIndi ko na nga namalayan na nakatulog pala ako. Basta nagising na lang ako na sobrang gaan na ng aking pakiramdam.
"Ay Mabuti naman at gising ka na. Grabe ang sarap ng tulog mo Mam Veronica!" wika sa akin ng isang staff habang may inilalagay ito sa mukha ko. Hindi na sya ang dating staff na nag- asikaso sa akin kanina. Mukha kasing binabae ang isang ito sa klase ng kilos nya at pananalita.
"A-anong oras na po?" tanong ko. Nakangiti itong tumitig sa akin.
"Alas tres na ng hapon. Im sure gutom ka na! Dont worry, malapit na tayong matapos.
Lalagyan ko lang ng cream ang
mukha mo pagkatapos ready to go ka na!" wika nito. Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa nya para matapos na.
Kung ganoon ilang oras din pala akong nakatulog. Sabagay napuyat ako kagabi dahil sa kakaisip sa nangyari sa amin ni Sir Rafael.
"Si Madam Carissa po pala...." hindi ko mapigilang bigkas sa pangalan ni Madam. Alas tres na ng hapon at tiyak bored na bored na ito sa kakahintay sa akin sa labas.
"Dont worry, nasa labas lang sya. Kakatapos lang din nyang magpa - spa kanina." sagot nito.
Para naman akong nabunutan ng tinik sa sagot nito. Pagkatapos ay sinenyasan ako nitong pwede na akong tumayo.
"Look at yourself! Hindi bat kahit papaano kita na ang result ng ginawa namin kanina?" tanong nito sa akin at iginiya ako papunta sa malaking salamin. Agad ko namang sinipat ang sarili ko at namangha ako sa aking nakita.
Lumiwanag na ang balat ko. Kaunti na nga lang at magiging pantay na ang kulay ko samantalang ang mukha ko ay ganoon din. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.
"Dont worry, sa paglipas ng araw, magiging tuloy-tuloy na ang pagbabalik ng dati mong kulay. Huwag ka kasing magbabad sa beach para hindi ka masyadong masunog...... or kung talagang mahilig ka magswimming huwag mong kalimutan maglagay ng sun block sa balat." pagpapatuloy na wika nito. Wala sa sariling napatango ako.
"Salamat po. Ang galing ng ginawa niyo." sagot ko. Nakangiti ako nitong tinitigan.
"Alam mo kakainggit ka! Kahit naman hindi pantay ang kulay mo kanina, maganda ka pa rin. Napaka-natural ng mukha mo.
hindi nakakasawang titigan." wika pa nito. Hindi ako nakaimik. Ilang beses ko ng narinig ang tungkol sa bagay na iyan pero hanggang ngayun hindi pa rin ako nasanay. Nahihiya pa rin ako kapag nakakatangap ako ng ganitong klaseng compliment.
"Sige...pwede ka ng magpalit ng damit. Take your time Mam Veronica!" wika nito at lumabas na. Agad ko namang hinagilap ang damit na hinubad ko kanina pagkatapos ay isinuot ito.
"Sobrang gaan ng pakiramdam ko. Lahat yata ng libag ko sa katawan tinanggal nila. Hayst kakaiba din pala talaga ang mga mayayaman. Pumupunta sila sa ganitong lugar para lalong ma- enhance ang kanilang kagandahan.
Pagkatapos kong magbihis ay hinagilap ko ang bag na ipinatong ko sa isang maliit na lamesa. Pagkatapos ay agad na akong lumabas dito sa maliit na kwarto.
Agad naman akong sinalubong ng isa pang staff at sinamahan papunta sa kinaroroonan ni Madam Carissa. Nadatnan ko itong prenteng nakaupo sa isang lamesa habang umiinom ng fresh juice.
Agad kong napansin ang pagngiti
nito ng mapansin ang pagdating ko.
"Wow! Perfect! Hindi nasayang ang halos buong maghapon na pagtambay natin dito."
nakangiting wika ni Madam sa akin. Pagkatapos ay sinenyasan ako nitong maupo at hinarap ang staff. Dumukot ito sa bag at may inabot na pera dito. Agad na nagpasalamat ang staff at tumalikod na.
"Mam, pasensya na po. Kanina pa yata kayo naghihintay sa akin. Baka hinahanap na tayo sa office. " nakayuko kong wika. Sinipat naman ni Madam ang suot na relo bago sumagot.
"Kausap ko kanina si Gab. Malapit na silang matapos. Dadaanan nila tayo dito mamaya para sabay-sabay na tayong umuwi." sagot ni Madam. Pagkatapos ay sinenyasan nito ang waitress kaya agad na lumapit.
"Kumain ka na muna. Iikot tayo habang hinihintay natin ang sundo natin." nakangiti nitong wika. Napansin marahil ni Madam ang pag-aalangan ko kaya ito na ang namili ng pwede kong kainin. Agad nya iyung sinabi sa waiter bago muli akong binalingan.
"Huwag kang mahiya Veronica.
Simula ngayun, ituring mo kaming hindi iba sa iyo. Pamilya na ang tingin ko sa iyo at mas magiging masaya ako kapag hindi mo na ako tatawaging " Madam'. You can call me Tita at Tito naman kay Gabriel. Dont worry, magiging maayos ang buhay mo sa amin dahil isa kang mabait na bata," mahabang wika nito. Napayuko ako.
Ilang sandali lang ay dumating na din ang inorder na pagkain para sa akin. Burger at orange juice at dahil gutom na din ako hindi na ako nahiya pa. Agad akong kumain. Nagiging abala muli si Madam sa kanyang cellphone kaya naman nawala na din ang naramdaman kong hiya.
"Parating na daw sila. Hintayin na lang natin sila dito." kakatapos ko lang nguyain ang huling kagat ng burger ng muling nagsalita si Madam.
Hindi naman nagtagal ang aming paghihintay dahil nakita ko ang pagpasok nila Sir Rafael at Sir Gabriel dito sa cafe. Agad silang kinawayan ni Madam Carissa kaya nagmamadali silang lumapit sa amin.
"Pagkalapit ng mga ito ay agad na humalik si Sir Rafael sa kanyang ina. Isang halik sa labi naman ang iginawad ni Sir Gabriel sa kanyang asawa na syang hindi ko maiwasang makaramdam ng kilig dahil sa nasaksihan. Pagkatapos ay sabay silang naupo.
"Mukhang wala naman kayong napamili ah?" wika ni Sir Gabriel habang nakatitig sa asawa.
Tahimik naman si Sir Rafael habang pasulyap-sulyap sa akin kaya muli akong nakaramdam ng hiya. Ano kaya ang iniisip nito.
"Nagpa-spa lang kami Gab! Kakatapos lang namin at dito sa cafe ang deretso namin dahil na -skip namin ang lunch." sagot ni Madam. Oo nga pala, hindi kami nakakain ng lunch dahil nakatulog ako habang kinukuskos ang balat ko kanina.
"Hmmm ganoon ba? Kung ganon, lipat tayo sa restaurant na nagseserve ng matinong food. Hindi pwedeng magpalipas ng kain Sweetheart alam mo naman iyun diba?" sagot ni Sir Gabriel na may halong pag-aalala sa boses. Nakaramdam tuloy ako ng guilt. Hindi na sana ako pumayag na magtagal sa spa. Nakakahiya tuloy. Parang ako ang may kasalanan nito eh.
"Dont worry. Busog na ako. Isa pa, paminsan-minsan lang naman ito nangyayari. Mas maigi din na mag fasting paminsan-minsan." sagot ni Madam.
"By the way, kumusta ang opisina? Mukhang napagod kayo ng husto ah?' muling wika ni Madam sabay sulyap sa anak.
"Ayos lang Mom. Masasanay din siguro ako sa araw-araw na ganitong routine ng buhay." sagot ni Sir Rafael. Nakangiti naman itong tinitigan ni Madam Carissa.
"Dont worry son. Magiging maayos din ang lahat. Basta hinay-hinay lang at huwag mong biglain ang sarili mo."
sagot ni Madam. Tanging pagngiti na lang din naman ang naging sagot ni Sir Rafael sa kanyang ina.
"Ok...lets go! May gusto ka pa bang puntahan Sweetheart?"
tanong ni Sir Gabriel at tumayo na. Pagkatapos ay inalalayan nitong makatayo ang asawa.
Hinagilap ko ang aking bag at tumayo na din lalo na ng mapansin ko na naglalakad na palabas ng cafe sila Madam.
Natigilan lang ako ng maramdaman ko ang paghawak ni Sir Rafael sa kamay ko kaya napalingon ako dito.
"Bakit ibang iba ka ngayun? Alam mo bang lalo kang naging kaakit-akit sa mga mata ko?" pabulong na wika nito habang nakatitig sa mukha ko. Hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin ko. Habang tumatagal naiilang na talaga ako sa kanya.
Para kasing may ibig sabihin ang mga titig na pinapakawalan nito sa akin.
"Sir, baka maiwan na nila tayo." wika ko sabay hila sa kamay kong hawak nito. Tumingin pa ako sa labas ng cafe at doon ko lang narealized na nakalayo na sila Madam sa amin.
"Much better!" sagot nito.
"Po?" sagot ko naman. Hindi ko alam ang ibig sabihin nito.
"Hayaan mo silang masulo ang isat isa. Alam kong miss na miss ni Daddy si Mommy dahil hindi sila sanay na mawalay sa isat isa sa mahabang oras." wika nito at hinila ako palabas ng cafe. Hindi na ako nakapalag pa lalo na ng akbayan ako nito. Napansin ko naman na pinagtitinginan kami ng mga taong nadadaanan namin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ipinapakita sa lahat ni Sir Rafael na pag-aari nya ako dahil hindi nakaligtas sa paningin ko ang pinapakawalan nitong masamang titig sa mga kalalakihang nakantingin sa amin...o...... sa akin?
Chapter 182
VERONICA POV
"Sir pwede po bang bitawan niyo na ako? Nakakahiya po kasi!" bulong ko kay Sir Rafael. Kanina pa ako palingon-lingon para hanapin sila Madam Carissa hindi ko na sila nakita pa. Isa pa naiilang na ako sa mga pinupukol na tingin ng mga taong nakakasalubong namin.
Kahit naman mukha silang sosyalin, hindi pa rin maitatago ang pagiging tsismoso at tsismosa nila dahil kung makatingin sa akin lalo na ang mga kababaihan akala mo ay may nagawa akong mali.
"Paano kung ayaw ko dahil komportable ako sa ganito, may magagawa ka?" pabulong na sagot nito. Talagang itinapat nya pa sa tainga ko ang bibig nya kaya naman kinilabutan ako lalo na ng tumama ang mainit nitong hininga sa pisngi ko.
"Pero, Baka ano po ang isipin mga taong nakakakita sa atin.. sagot ko.
"Bakit kilala mo ba sila?" muling tanong nito. Hindi ko naman maiwasan mapangiwi sa takbo ng pag-uusap namin. Mukhang ayaw nya talagang tanggalin ang kamay niya na nakaakbay sa balikat ko.
"Nangangalay na po kasi ako eh. " palusot ko kahit hindi naman. Maang lang naman ang pagkakadantay ng kamay nito sa akin kaya lang wala na akong choice pa kundi sabihin ang katagang iyun. Isa pa kanina kami naglalakad at hindi ko alam. kung saan ba talaga kami pupunta.
"Bakit hindi mo sinasagot ang message ko sa iyo kanina?" imbes na pakinggan ang pakiusap ko nagtanong pa ito. Natigilan naman ako. Hindi ko alam ang ibig nitong sabihin.
"Iyung cellphone mo! Hindi mo ba tsini-tsek from time to time?" tanong nito. Saglit akong napaisip. Oo nga pala ang cellphone ko, hindi ko na nahawakan pa simula ng dumating kami ng salon.
"Eh, nakatulog po kasi ako Sir eh. sagot ko. Hindi naman ito sumagot hanggang sa nakapa kami sa isang restaurant. Huwag nyang sabihin kakain na naman kami?
"Rafael!!!!"Nagulat pa ako ng may biglang sumalubong sa amin na isang lalaki. Halos kasing edad lang ito ni Sir Rafael pero halata sa mukha nito ang pagiging masayahin.
"Arthur! Kumusta Pare? Akala ko ba nasa Thailand pa kayo?" sagot
naman ni Sir Rafael at agad silang nagshake hands.
"Hindi na ako sumama Pre. Nasirmunan nga ako ni Daddy ng malaman nya ang balak kong pagsama sa Thailand." sagot nito sabay sulyap sa akin. Pagkatapos muling bumaling kay Sir Rafael habang nagtatanong ang mga mata.
"Who is She? Dont tell me na pagkatapos ni Sofia meron ka na agad------" Hindi na natapos ang sasabihin nito ng putulin ito ni Sir Rafael.
"Shut up! Ang daldal mo! Talo mo pa ang babae!" Halata ang inis sa boses ni Sir Rafael na saway nito sa kaibigan. Humalakhak naman ito at halatang natutuwa sa naging reaksiyon ni Sir.
"Ipakilala mo naman ako!" Bulong pa nito kay Sir Rafael habang may nakahuguhit na ngisi sa labi. Hindi ko naman malaman kong paano magreact sa harap nila. Para kasing kakaiba ang dalawang ito. Mabait itong si Arthur pero mukhang manyakis.
"Veronica! Her name is Veronica! " wika ni Sir Rafael sabay hapit sa akin palapit sa kanyang katawan. Lalo naman naninigas ang katawan ko sa ginawa nito.
Gusto ko man kumalas mula sa pagkakahawak nito sa akin kaya lang masyado siyang malakas.
"Veronica? Wow nice name! My name is Arthur, but you can call me 'Art' for short!" nakangiti nitong sagot sa akin sabay lahad ng kamay. Akmang tatanggi ko na ang pakikipagkamay ni sir Arthur ng hawiin ni Sir Rafael ang kamay nito. Gulat naman itong napatingin sa kaibigan.
"Damn!!! Kailan ka pa nagiging possessive sa mga naging babae mo Dude?" takang-taka na wika ni Sir Arthur. Kahit ako nagulat din sa inasal ni Sir Rafael.
"Ayaw ko lang na hawakan mo siya. And besides, pagod ako ngayun sa trabaho at gusto kong gumamit ng VIP room." sagot ni Sir Rafael. Napangisi naman si Sir Arthur habang ang tingin sa aming dalawa ni sir Rafael.
"Fine...Mukhang stress ka nga. Tsaka na ako magtanong sa iyo at baka magwalk-out ka pa! Sayang ang kikitain ko!" natatawa nitong wika.
Agad naman kaming dinala nito sa isang medyo may kalakihang kwarto. Lamesa lang naman ang nandito sa loob nagtataka ako dahil ang alam ko sa isang restaurant tabi-tabi ang lamesa.
Pero dito sa kinaroroonan namin kaming dalawa lang ni Sir Rafael at hindi ko alam ang trip nito.
"Ano ang gusto nyong kainin Dude? Ako na mismo ang mag- aasikaso sa inyo!" natatawa nitong wika habang pasulyap- sulyap sa akin.
"Kung gusto mong mag-enjoy kami sa restaurant mo at kumita ng malaki tigilan mo na ang kakatingin kay Veronica dahil baka masapak na kita!" inis na wika ni Sir Rafael sa kaibigan. Napahalakhak naman ito habang iiling-iling.
"Alam mo, ilang araw lang tayong hindi nagkita pero ang laki na ng ipinagbago mo Dude! Mukhang-----" hindi na ulit natapos ang sasabihin nito ng muling sumagot si Sir Rafael.
"Enough! Tsk! Tsk! Ang daldal!" inis na sagot ni Sir Rafael. Lalo naman natawa si Sir Arthur.
"Ewan ko sa iyo! Sige na nga, ano ang gusto nyong kainin?" tanong ni Sir Arthur.
"Yung best seller niyo!" walang ganang sagot ni Sir Rafael.
Akmang lalabas ng VIP Room ang kaibigan ng muli itong tawagin ni Sir Rafael. Tumayo si Sir Rafael at may kung anong ibinulong sa kaibigan. HIndi ko naman maiwasan ang
mapakunot ang noo ko. Kakaiba talaga ang kinikilos ni Sir Rafael ngayun.
Tumango ang kaibigan at tuluyan ng lumabas dito sa VIP room. Muling bumalik si Sir Rafael sa kanyang upuan habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin. Muli akong nakaramdam ng pagakailang.
"Sir, dapat hindi nyo na po ako inorderan ng pagkain. Busog pa po ako eh. Tsaka nasaan na po sila Madam? Bakit hindi natin sila kasabay ngayun?" tanong ko kay Sir Rafael. Kumurap muna ito.
"Malungkot kumain kapag nag-
iisa lang. Alangan naman panoorin mo lang ako diba? Isa pa balak kong matulog pagdating ng mansion dahil nakakapagod ang trabaho sa opisina." sagot nito at sumandal sa upuan sabay pikit ng mga mata.
Ngayun ko lang ito maiging napagmasdan. Halata nga na gwapo nitong mukha ang pagod kaya nakaramdam ako ng awa para dito kahit papaano.
Nabanggit sa akin ni Madam na ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagseryoso sa trabaho si Sir Rafael. Siguro naninibago pa siya.
Muling napadilat ang mga mata
nito ng marinig namin ang mahinang katok sa pintauan. Akmang tatayo ako para pagbuksan iyon pero pinigilan ako ni Sir Rafael sa pamamagitan ng paghawak sa akin kamay.
"Come in!" sigaw nito upang papasukin ang kung sino man ang kumakatok. Nagulat pa ako ng nagsipagpasukan ang tatlong staff na may hila-hilang mga damit na nakahanger.
Akala ko ba restaurant itong napuntahan namin? Bakit may mga damit?
"Good Day Sir, Mam! Ito na po ang mga latest design namin! New Arrival at si Mam pa lang ang unang makakapili nito Sir." magalang na wika ng staff. Lalo akong naguluhan sa takbo ng pangyayari. Wala talagang imposible sa mga mayayaman. Inisa-isa kong tingnan ang mga nakahanger. Ang gaganda ng mga kulay at isang tingin ko lang alam kong kasya sa akin lahat iyun kahit hindi ko isukat.
"Magshopping ka muna habang hinihintay natin ang pagkain" wika ni Sir Rafael. Naguguluhan naman akong napatitig dito.
"Shopping? Pwede pala ang ganitong shopping? Hindi na kailangan pumunta ng store at sila na ang kusang pupunta sa iyo kung saan ka man?" naguguluhan kong sagot. Natawa si Sir Rafael.
"Pwede kapag may pera ka." sagot ni Sir. Hindi ko naman mapigilan na mapakagat sa labi bago sumagot.
"Eh, marami pa po akong damit. Hindi po ba noong nakaraang araw nyo lang ako binilhan?"
pabulong kong sagot. Nahihiya ako sa mga sales staff. Nag- effort pa naman silang dalhin ang paninda dito sa harap namin tapos tatanggihan ko lang.
Napapailing naman akong tinitigan ni Sir Rafael.
Pagkatapos binilingan ni Sir Rafael ang mga ito.
"Pakisabi kay Arthur na ipadeliver sa mansion lahat ng damit na iyan. Bibilhin ko!" sagot ni Sir Rafael. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat.
"Po? Eh Sir...hindi po pwede sagot ko.
"Bakit hindi pwede? Kaya ko naman bayaran lahat iyan." sagot nito. Agad akong umiling.
"Huwag na po Sir! Nakakahiya po! Tsaka bakit niyo ba ito ginagawa?" sagot ko naman. Mukha kasing ini-spoiled nya ako sa mga materyal na bagay.
Ang laki na ng nagastos nya sa akin sa ilang araw na pananatili ko sa mansion. Baka hindi ko na kayang bayaran lahat ng iyun.
"Nope. Ang gusto ko ang masusunod dito Veronica. Sige na ibalot niyo na lahat iyan at ideliver ngayun din sa mansion." sagot ni Sir Rafael. Agad naman nagsitanguan ang mga staff at nagmamadali ng lumabas.
Napasunod naman ang tingin ko sa mga ito. Hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari.
Tulala ako hanggang sa dumating ang inorder nitong pagkain. Kahit gaano pa kasarap ng pagkain sa harap ko bigla akong nawalan ng gana. Ang daming damit noon at mukhang hindi ko naman magagamit lahat. Hayst ano ba ang nangyari sa utak nya. Bakit hindi nya ako pinapakinggan kahit tumatanggi na ako.
"Kumain ka na muna. Mamaya ng kaunti darating ang mga sapatos at bags." wika nito. Napakurap ang mga mata ko sa sinabi nito.
"Po?" Sapatos at bags?" tanong ko. Hindi ito sumagot bagkos tumayo ito at naupo sa tabi ko.
"Bakit ka tulala? Kapag hindi ka kumain hahalikan kita!" bulong nito sa akin. Talagang itinapat nya pa ang bibig nya sa tainga ko kaya napalayo ako ng kaunti dito. Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa.
Wala sa sariling hinawakan ko ang kutsara at tinidor at hinalo ang pagkain. Sa totoo lang busog pa ako pero dahil makulit ang amo ko wala akong nagawa kundi kumain na din.
Hindi naman nagtagal natapos na din naman kami. Agad naman nilinis ang mga pinagkainan sa aming lamesa pero nagulat ako dahil nag-order pa si Sir ng wine. Mukhang wala pa itong balak na umuwi.
"Umiinom ka ba nito?" tanong nito. Agad akong umiling.
"hindi po ako umiinom ng alak." sagot ko
"Hindi ito alak. Wine ito. Dapat ngayun pa lang magsanay ka ng uminom nito dahil balak kong isama ka sa mga parties na dadaluhan ko." sagot nito at nagsalin sa isang maliit ng kopita ng maliit na portion ng alak. Pagkatapos inaabot nya sa akin.
"Taste it! Parang juice lang." wika nito. Agad ko naman inabot at lumagok ng kaunti. Agad akong napaubo dahil hindi ko nagustuhan ang lasa. Lumapit naman ito sa akin sabay tapik ng likod ko.
"Are you ok?" tanong nito. Umiling ako
"Sabi ko sa iyo ayaw ko nyan eh. " sagot ko. Sinimangutan ko pa sya. Natawa ito.
"Sorry. Hindi na kita pipilitin sa susunod. HIndi nga para sayo ang alak at wine." tatawa-tawa nitong sagot. Shocks! lalo siyang naging gwapo sa paningin ko dahil doon. Hindi ko naman maiwasan na irapan ito para mapagtakpan ang kakaibang damdamin na biglang lumukob sa buo kong pagkatao. Hindi ko alam pero habang tumatagal nagiging palagay na ang loob ko sa kanya. Siguro dahil unti-unti na akong nasasanay sa ugali nya.
Himas-himas pa rin ni Sir Rafael ang likod ko ng biglang bumukas ang pintuan. Agad na pumasok ang nakangiting mukha ni Sir Arthur. Kasunod nito ang sales staff na may kung anu- anong hila-hila na naman na paninda. Napasimangot ako.
Heto na naman kami. Magsasayang na naman ng pera si Sir Rafael sa mga bagay na hindi ko naman kailangan.
"So, mukhang nag-enjoy ka dito sa VIP Room Dude ah?' agad na wika ni Sir Arthur. Inayos naman ng mga staff ang mga dala-dala nila. ibat ibang klase ng bags at sapatos. Lahat magaganda!
"Pasalamat ka na lang kasi sa akin. Kikita ka ng malaki ngayung araw." sagot naman ni Sir Rafael. Tumawa ito.
"Sige na Veronica. Mamili ka na or pwede din naman na bilhin mo na ito lahat." tatawa-tawa nitong wika.
"Sir Rafael, pwede po bang isang bag at sapatos lang." bulong ko kay Sir Rafael. Magkukunwari na lang ako na hindi ko gusto ang mga ito para naman matapos na.
"Bilhin mo na lahat ng gusto mo.
Huwag kang magtipid Veronica." Sagot nito at tumayo pa. Sinipat ang mga paninda na nasa harap namin bago muling tumitig sa akin. Pagkatapos sumulyap ito sa suot na relo. Tahimik naman akong nakikiramdam.
"Im tired! Ipadala mo na lahat sa bahay." sagot nito. Pagkatapos ay hinila ako palabas ng VIP room. Naguguluhan naman akong napasunod dito.
"OK Dude! Ipadala ko na lang sa email mo ang total na dapat mong bayaran." sagot ng kaibigan. Tinaas lang ni Sir Rafael ang kamay at tuloy-tuloy na kaming lumabas ng restaurant.
Diretso kami ng parking. Nagulat pa ako sa dala nitong sasakyan dahil sa tanang buhay ko ngayun lang ako nakakita ng ganito.
Parang laruan ang design at dalawang tao lang ang kasya? Ito ba iyung nababanggit ng mga kaibigan ko sa probensya na sports car?
Agad nyang binuksan ang pintuan at pinapasok ako. Tahimik lang akong naupo hanggang sa nakasakay na ito sa driver sit at binuhay ang makina ng sasakyan.
"Sir, nakauwi na po ba sila Madam?" tanong ko. Napansin ko ang pagngiti nito.
"I dont know. Malalaman natin mamaya pagdating ng mansion. Sa ngayun pagbigyan mo muna ako dahil kanina ko pa ito gustong gawin." sagot nito sabay dukwang sa akin. Nagulat ako sa bilis ng pangyayari. Kinabig nya nito at ginawaran ako ng mainit. na halik sa labi.
Sa pangalawang pagkakaon muli kong natikman ang labi ni Sir Naguguluhan man pero pakiramdam ko bigla akong nawalan ng lakas para magreklamo. Nanaig ang kakaibang damdamin na lumulukob sa buo kong pagkatao dahil sa ginagawa nito sa akin. Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong natuto at kusang tumutugon sa halik nito.
Chapter 183
VERONICA POV
Matagal na magkalapat ang aming labi. Pareho kaming sabik sa isat isa at akala mo matagal kaming hindi nagkita. Mapaghanap ang paraan ng paghalik sa akin ni Sir Rafael at kahit na anong katiting sa pagtutol sa pagkatao ko hindi ko naramdaman.
Bagkos nakaramdam ako ng kasiyahan at kakaibang kilig. Parehong habol ang aming hininga ng maghiwalay ang aming labi. May masayang ngiti na nakaguhit sa labi ni Sir Rafael habang tinitigan ako sa mga mata.
Maingat din nitong hinaplos ang aking mukha na siyang nagbigay sa akin ng kakaibang kiliti at ilang sandali pa ay muling naglapat ang aming labi. Saglit lang pala itong lumaghap ng sariwang hangin at walang pakundangan na sinipsip nito ang dila ko.
Naramdaman ko pa ang mga kamay nito na haplos ang likod ko kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng init. Parang may kung anong init ang biglang nabuhay sa buo kong pagkatao dahil sa ginagawa ni Sir Rafael.
Muli akong tinitigan ni Sir Rafael ng maghiwalay ang labi namin. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Alam kong nadala din ako sa matinding halikan namin. Nakalimot din ako at tinugon ang halik nito kanina.
"Alam mo bang sobrang ganda mo?" wika nito. Hindi ko naman alam kong ano ang sasabihin ko. Biglang nag-init ang mukha ko sabay yuko. Hindi ko na kayang tagalan pa ang titig nito sa akin. Pakiramdam ko natutunaw ako sa sobrang hiya.
"Tsk! Ang hilig mo talagang yumuko. Hindi ko alam kung mannerism mo lang ba iyan or sobrang mahiyain ka lang talaga." wika nito. Hindi ako nakaimik. Nahihiya pa rin ako sa mga nangyari. Maraming katanungan ang naglalaro sa isipan ko. Bakit ba ang hilig niyang halikan ako?
"Sorry po. Nahihiya po kasi sa nangyari sa atin? Bakit po ba lagi mo na lang akong hinahalikan?" lakas loob kong sagot dito. Nakita ko ang paguhit ng ngiti sa labi nito bago sumagot.
"Because you're so pretty Veronica. Nakaka-addict ka alam mo ba iyun?" masuyo nitong sagot. Hindi ko naman maiwasan na titigan ito sa mga mata. Kita ko ang sinceredad sa sinasabi nito kaya nakaramdam ako ng kilig.
"Po? Hala hindi naman po ako drugs para maaddict kayo sa akin Sir." sagot ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito.
"I know! Pero mas higit ka pa doon Veronica! Parang idinuduyan ako sa alapaap tuwing natitikman ko ang labi mo. Alam mo bang ikaw pa lang ang kauna-unahang babaeng hinalikan ko sa labi at gusto kong ulit-ulitin iyun." wika nito.
"Bakit po? Hindi po ba marami kayong naging girlfriend? Ayaw po ba nilang magpahalik sa iyo? Hindi naman po kayo bad breath. Ang bango nga ng hininga niyo eh." madaldal kong sagot. Huli na ng marealized ko ang mga salitang lumabas sa labi ko. Parang gusto ko na naman tuloy kutusan ang sarili ko. Dapat talaga pinag-iisipan ko muna ang mga sasabihin ko eh. Lalo na kapag ang amo ko ang kaharap ko.
"Not like that! Sabihin na lang natin na iba ka sa kanila." sagot nito habang titig na titig sa akin. Napalunok naman ako bago ibinaling ang tingin sa labas ng kotse. Hindi ako sumagot pa. Bigla tuloy akong napaisip na baka may nakakita sa halikan namin kanina. May mangilan-ngilang tao pa akong nakikitang paroon at parito sa labas.
"Dont worry, hindi tayo nakikita dito sa loob ng kotse. Tinted ang loob nito kaya walang nanonood sa atin habang naghahalikan tayo kanina." masuyo nitong wika. Nagulat pa ako ng dumantay ang palad nito sa legs ko. Hindi ko namalayan nakalilis pala ang laylayan ng dress na suot ko. Kita ang kalahating hita ko kaya wala sa sariling tinanggal ko ang kamay ni Sir at dali- daling tinakpan ang na-exposed kong hita. Narinig ko pa ang mahina na pagtawa nito bago umayos ng upo.
"I think we need to go home. Gustuhin ko man na mas higit pa sa halik na pinagsaluhan natin kani-kanina lang, hindi maari. Gusto kong igalang ang pagiging babae mo Veronica. Tuparin mo lahat ng mga pangarap mo. Promise nandito lang ako para suportahan ka." muling wika nito habang hinahaplos ang aking mukha.
Ilang saglit pa ako nitong tinitigan bago itinoon ang attention sa manibela at pinaarangkada ang sasakyan. Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa nakarating kami ng mansion.
Pagkahinto ng sasakyan ay agad itong bumaba pagkatapos ay agad akong pinagbuksan ng pintuan. Hinawakan pa ako nito sa kamay hanggang sa makalabas ako.
Akmang magpapaalam na sana ako ng mapansin ko ang papalapit na si Elijah. Malapad ang pagkakangiti nito habang palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Sir Rafael.
"Saan kayo galing Tito? Bakit hindi nyo man lang ako isinama?" agad na wika nito. Bigla naman sumeryoso ang mukha ni Sir Rafael.
"Galing opisina. Bukas pwede kang sumama sa akin para tulungan ako sa mga trabaho ko doon.' bakas ang inis sa boses ni Sir Rafael na wika nito. Agad naman gumuhit ang ngiti sa labi ni Elijah.
"Opisina? Sa ganitong oras? Halos alas nwebe na ng gabi galing pa kayo ng opisina at kasama pa talaga si beautiful Veronica?" wika nito.
"Tsk! Lets go Veronica! Huwag mong pansinin at baka mahawaan ka sa kabaliwang ng lalaking iyan." sagot ni Sir Rafael sabay hila sa kamay ko. Agad naman tumawa si Elijah at hinawakan din ako sa kamay.
"Teka lang Uncle. Hayaan mo muna
kaming mag-usap ni Veronica. Mauna ka ng pumasok sa mansion. Dito muna kami...hindi ba Beautiful Veronica?' wika nito sabay kindat sa akin. Naramdaman ko naman ang lalong paghigpit ng hawak ni Sir Rafael sa mga kamay ko. Mukhang wala itong balak pagbigyan ang pamangkin.
"Hmmm Elijah, next time na lang tayong mag-usap. Pagod na din kasi ako eh. Maghapon akong nasa labas." sagot ko. Lumawak naman ang pagkakangiti nito tsaka tumango. Laking pasalamat ko dahil binitawan na din nito ang kamay ko.
"Sige...bukas na lang. Tamang tama, sa hapon pa ang pasok ko sa school. Marami tayong time para makapag- kwentuhan." sagot nito at halatang gustong iparinig sa kanyang Uncle. Napailing naman si Sir Rafael at hinila ako nito. Wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod na sa kanya. Baka kasi mag-alburuto na naman ang dragon at malalagot pa ako.
Mukhang nasira ang mood nito pagkakita sa pamangkin. Hay ang bilis talaga magbago ng ugali nya. Minsan mabait...minsan naman saksakan ng sungit.
"Pagkaakyat namin ay akmang
pupunta na ako sa kwarto ko ng tawagin ako nito. Agad naman akong napalingon.
"Ayaw kong nakikita na nakikipag-
close ka kay Elijah. Hanggat maari, iwasan mo sya lalo na kapag wala ako.' wika nito sa seryosong boses. Hindi ko naman maiwasan ang magtaka.
"Bakit po? Mukhang mabait nama po siya. Tsaka friendly." sagot ko. Napansin ko ang pagkunot ng noo nito at halatang hindi nya nagustuhan ang aking sinasabi.
"Kahit na! Basta ayaw kong makipag-usap ka sa kanya." sagot nito at agad akong tinalikuran. Hindi ko naman maiwasan ang mapasimangot. Umandar na naman ang kasungitan nito. Bahala na nga siya.
Agad akong pumasok sa loob ng kwarto. Pagod na din ako at gusto ko ng matulog. Hindi na muna ako ngayun magpupuyat dahil baka dumating na ang magto-tutor sa akin bukas. Si Mam Arabella daw ang bahalang maghanap at papupuntahin na lang daw agad dito sa mansion.
Naglinis lang ako ng katawan at nagpalit ng damit pantulog at nahiga na din ako sa kama. Nakangiting nagpagulong-gulong pa ako upang damhin ang lambot nito ng sumagi sa isip ko ang aking pamilya. Kumusta na kaya sila Nanay at Tatay. Pati na din ang mga kapatid ko? Hayst sana ayos lang sila. Hindi ko alam kung kailan ko sila mapapadalhan ng pera. Hindi na din kasi ako umaasa na bibigyan nila ako ng sahod dito sa mansion dahil hindi naman ako nagtatrabaho katulad ng isang normal na kasambahay.
Bakit kasi ayaw nila Madam pagtrabahuin ako. Pwede ko naman pagsabayin ang pagtatrabaho at pag- aaral kung tutuusin. Nahihiya na din akong kausapin sila Madam tungkol dito. Baka bigla nilang bawiin ang pagkakataon na makapag-aral ako kung kukulitin ko pa sila tungkol sa bagay na ito.
Sinipat ko ang cellphone ko. Hindi ko maiwasan na malungkot dahil gusto kong iadd sa facebook si Ate Ethel kaya lang hindi ko ito ma-search. Siguro ibang pangalan ang gamit nya. Gusto ko sanang malaman ang number nila sa probensya para makausap ko sila Nanay at Tatay.
Pwedeng manghiram sila Nanay at Tatay ng cellphone sa pamilya ni Ate Ethel doon. Magkalapit lang ang aming bahay at masasabing mababait naman sila at naiintindihan ang aming sitwasyon. Noong nasa boarding house pa ako ni Ate Ethel, palagi kong nakakausap ang pamilya ko.
'Dapat talaga hiningi ko na lang ang number na iyun eh. Kumusta na kaya sila Nanay at Tatay...Miss na miss ko na sila." naisip ko habang ipinikit ko ang aking mga mata. Agad naman akong nakatulog
Chapter 184
VERONICA POV
Kinaumagahan.....
Alas sinko pa lang ng umaga ay gising na ako. Agad akong bumangon sa higaan at naglipit. Inayos ko ang sapin ng kama at nagpasya ng pumasok sa loob ng banyo para maligo.
Gusto kong agahan ang pagbaba. Nakakahiya kung mauna na naman sila Madam sa dining area.
Mabilisang ligo lang ang ginawa ko. Kinuskos na ang balat ko kahapon sa salon at pakiramdam ko tanggal na ang lahat ng libag ko sa katawan. Agad akong naghagilap ng damit na isusuot sa walk in close. Pagkatapos kong magbihis ay agad kong sinipat ang sarili ko sa salamin.
Kahit papaano may nakikita na akong pagbabago sa balat ko. Kuminis na din ako at pumuti. Sabi ng staff sa salon na pinuntahan namin kahapon sunog lang daw sa araw ang balat ko kaya hindi pantay. Pero makikita naman agad ang result sa mga susunod na araw.
Naglagay lang ako ng lotion sa buo kong katawan bago nagpasyang bumaba. Tahimik pa ang buong paligid at nakaramdam pa ako ng tuwa ng maabutan ko si Ate Maricar sa dining area. Abala ito sa pag-aayos ng mga pagkain sa lamesa at agad na napangiti ng mapansin ang pagdating ko.
"Good Morning Veronica! Ang aga mo ngayun ah?"agad na bati nito akin. Agad akong ngumiti dito.
"Gusto ko kasing tumulong sa paghahanda ng lamesa Ate." sagot ko. Agad itong umiling. Halatang hindi sang-ayon sa sinabi ko.
"Naku iyan ang huwag mong gawin! Ayaw ko pang mawalan ng trabaho noh? sagot nito. Nagtaka naman ako "Mawalan? OA naman!" pabiro kong sagot.
"Oo nga! Kabilin-bilinan ni Sir Rafael na huwag kang gumawa ng kahit na anong trabaho dito sa mansion. Hindi din pwedeng utusan ka dahil malalagot kong sino man ang mahuhuli." sagot nito Nagulat naman ako.
"Ganoon ba? Grabe naman si Sir Rafael. Ano na lang pala ang gagawin ko ngayun?" sagot ko.
"Maupo ka na diyan! Matatapos na din ako at ilang sandali lang at nandito na din sila Madam at Sir." sagot nito.
Wala na akong nagawa pa kundi umupo na sa palagi kong pwesto. Ayaw ko ng ipilit ang gusto ko. Baka matulad pa si Ate Maricar sa mga natanggal na katulong noong nakaraang araw.
Mabait pa naman ito at hindi kaya ng konsensya ko na mawalan ito ng trabaho dahil sa akin.
Ilang saglit pa at dumating na din sila Madam at Sir. Kasunod ng mga ito sila Sir Rafael at Elijah. Tumayo pa ako para batiin sila pero pareho nila akong sininyasan na bumalik na sa pagkakaupo.
"Rafael, hindi na ako sasama ngayun sa opisina. May pupuntahan kami ngayun ng Mommy mo." nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng magsalita si Sir Gabriel.
"Okay lang Dad. Kaya ko naman po! Isa pa nandyan naman si Kuya Christian para alalayan ako." sagot naman ni Sir Rafael. Seryoso ang mukha nito at ilang beses kong napansin ang pagsulyap nito sa akin.
"Tumawag sa akin kahapon si Arabella. May nakausap na daw siyang tao na pwedeng magtutor kay Veronica. Magaling daw iyun at marami na daw syang nahawakan na mga istudyante na katulad ni Veronica. Magaling magturo at sigurong maipapasa ni Veronica kung sakaling kumuha na siya ng exam sa Alternative Learning System (ALS)." mahabang wika ni Madam Carissa sabay sulyap sa akin.
"Well, basta magaling magturo walang problema. Baka may bonus pa sya sa atin kapag matutukan nya si Veronica. Pwede naman sya pumasok sa Villarama University pero kailangan pa rin nyang dumaan sa proseso." sagot
naman ni Sir Rafael.
"Dont worry Veronica...kapag maipasa mo ang ALS doon ka na din mag-enroll sa School na pinapasukan ko para sabay tayo." sabat naman ni Elijah. Agad ko namang napansin ang biglang pagsimangot ni Sir Rafael.
"Next year pa iyun! Matagal na paghahanda ang gagawin ni Veronica kaya imposible iyang sinasabi mo."
sagot naman ni Sir Rafael.
"Kahit na! Ibabagsak ko lahat ng subjects ko ngayung taon para mahintay si Veronica." tatawa-tawang sagot ni Elijah.
"Haayyy naku, subukan mo lang at malalagot ka talaga sa Mommy mo." sagot naman ni Madam Carissa. Galit na tumitig si Sir Rafael kay Elijah at tumayo na din ito at nagpaalam sa mga magulang.
"Mom, Dad...aalis na po ako." wika nito sabay halik sa pisngi ng Ina. Lumapit pa ito sa ama at tinapik ito sa balikat. Sumulyap sa akin at tuluyan ng lumabas ng dining area. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.
"Siya nga pala Veronica, may gusto ka bang puntahan ngayun? Sulitin mo na ang mga panahon na free ka pa dahil kapag mag-umpisa na ang pag-aaral mo madalang ka na lang makakalabas ng mansion." wika ni Madam. Sandali naman akong napaisip. Bigla kong naalala si Ate Ethel. Kailangan ko pa palang hingin ang number nila sa probensya para makausap sila Nanay at Tatay.
"Ayos lang po ba na puntahan ko po muna ang kaibigan ko? May gusto lang po kasi akong kunin sa kanya." nahihiya kong sagot. Kinapalan ko na ang mukha ko total naman siya ang nag-offer sa akin tungkol sa bagay na ito. Pagkakataon ko na para matawagan sila Nanay at tatay kung sakali.
"Well, ayos lang naman. Teka alam mo ba kung paano puntahan ang kaibigan mo?" tanong ni Madam. Nahihiya naman akong umiling.
"Mama ako na ang bahalang sumama sa kanya. Mamayang hapon pa ang pasok ko at pwede namin saglitin ang kaibigan nya.' sagot naman ni Elijah sa kanyang mabait na Lola.
"Well, kung ganoon ba naman ayos lang sa akin. Basta mag-ingat kayo." sagot ni Madam Carissa. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti dahil sa tuwang nararamdaman.
"Bweno, maghanda na kayo. Agahan nyo ang alis para makabalik kaagad kayo." wika ni Madam. Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo ng biglang pumasok si Ate Maricar.
"Madam, nandyan po ang mga staff ni Sir Arthur sa labas. Dala na po nila ang mga pinamili ni Sir Rafael para kay Veronica kahapon." agad na wika ni Ate Maricar. Agad naman akong nakaramdam ng hiya ng maisip ko ang mga gamit na pinamili na naman kahapon ni Sir Rafael para sa akin. Hayst bakit ang aga naman nilang dinilever. Tsaka totoo pala ang shopping na iyun? Seryoso talaga si Sir Rafael na bilhin lahat ng mga damit, bags at sapatos?
Ipaderetso nyo na lang sa kwarto ni Veronica. Sige na Iha, asikasuhin mo muna ang mga iyun pagkatapos pwede na kayong umalis ni Elijah." wika ni Madam. Mukhang wala lang naman dito na malaman na pinagshopping na naman ako ng anak nito. Ang laki na ng nagastos nila sa akin at hindi ko alam kung paano mababayaran ang mga iyun.
"Thank you po Madam, Sir!" nahihiya kong wika. Tanging ngiti lang naman ang naging sagot nila kaya nagmamadali na akong lumabas ng dining room para puntahan ang mga taong may dala ng mga damit na binili ni Sir Rafael para sa akin.
Pagkalabas ko ng mansion ay agad kong nakasalubong ang mga staff na nag-assist sa amin kahapon. Marami silang bitbit at agad silang ngumiti ng makita ako.
Agad akong umakyat ng kwarto habang nakasunod sila. Nahihiya man pero wala na akong magagawa pa. Sa susunod hindi na talaga ako papayag na bibilhan pa ako ni Sir Rafael ng mga ganitong bagay. Ilan ba ang katawan ko para bilhan niya ng ganito karaming damit at bags. Dapat pala sinunod ko na lang ang gusto nito kagabi na piliin ang mga nais ko. Hindi sana ganito karami ang ideneliver ngayun. Para tuloy akong magtayo ng sariling shop sa sobrang dami nito.
Natapos din naman nila kaagad ang pagpasok ng mga damit sa kwarto ko. Agad na din silang nagpaalam kaya nagpasya na lang akong magbihis na muna para makaalis na kami ni Elijah. Mamaya ko na lang ilalagay sa walk in closet ang mga bago kong damit.
Kakatapos ko lang magpalit ng damit ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko na nasa ibabaw ng kama. Agad ko itong kinuha at sinagot.
"Hello?" nag-aalangan kong wika. Agad ko naman narinig ang boses ni Sir Rafael sa kabilang linya.
"BAkit ang tagal mong sumagot?" bakas ang inis sa boses na tanong nito. Saglit akong natameme. Ano na naman kaya ang kailangan nito?
"Ano na? Magsasalita ka pa ba dyan? Kanina pa ako tawag ng tawag sa iyo pero hindi ka sumasagot. Nasaan ka ba? Busy ka ba sa pakikipag-kwentuhan kay Elijah?" muling wika nito. Agad naman akong napailing kahit na alam kong hindi nya ako nakikita.
"Naku, hindi po Sir. Ngayun ko lang po kasi napansin ang tawag nyo. Dumating kasi ang mga binili mong damit kagabi kaya inassist ko muna sila. " sagot ko. Saglit itong natigilan pagkatapos narinig ko ang mahina nitong pagbuntong hininga.
"Ganoon ba? Akala ko kung ano ang pinagkakaabalahan mo ngayun diyan. Tandaan mo ang sinabi ko....iwasan mo si Elijah!" sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na mapasimangot ng maalala ko na si Elijah ang kasama ko mamaya para puntahan si Ate Ethel.
"Eh Sir...siya po ang sasama sa akin mamaya para puntahan si Ate Ethel eh. Nagpaalam na kami kay Madam at pumayag naman po siya." sagot ko. Mahabang katahimikan ang namayani kaya muli akong kinabahan. Ilang saglit lang ay muli itong nagsalita.
"Bakit siya? Pwede ka namang magpadrive sa driver ah?" sagot nito. Halatang galit na ito.
"Eh, siya kasi ang nagsabi kanina ng nabanggit ko kay Madam ang balak ko ngayung araw eh." sagot ko.
"Ipagpaliban mo muna ang balak mo ngayung araw. Sasamahan na lang kita sa weekend." sagot nito. Muli akong umiling. Hindi ako papayag.
"Ayaw ko po. Gusto ko ngayun na dahil nabanggit sa akin ni Madam na baka magiging abala na ako sa mga susunod na araw." sagot ko sabay patay sa tawag nito dahil narinig ko na ang boses ni Elijah sa labas ng kwarto ko.
Chapter 185-
RAFAEL POV
"Sa sobrang inis pabagsak kong inilapag ang cellphone sa table ko. Gigil na gigil ako kay Veronica. Imagine, binabaan ako ng tawag? Hindi man lang pinatapos ang sasabihin ko pa sana. Ang lakas ng loob nyang gawin sa akin iyun.
"Rafael! Hello! Nakikinig ka ba?" naputol lang ako sa matinding pag- iisip tungkol kay Veronica ng marinig ko ang boses ni Kuya Christian. Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa akin. Hindi ko man lang namalayan ang pagpasok nito sa loob ng aking opisina dahil okupado ni Veronica buong sistema ko.
"Yes...Bakit?" Tanong ko. Napailing ito.
"Ano ba ang problema at hindi ka
makapag-focus? Maayos naman ang performance mo kahapon pagkatapos ngayun para kang lutang. May problema ba?" tanong nito. Agad akong umiling habang pilit na iwinawaksi sa isipan ko ang tungkol kay Veronica.
"What is it?" wala sa sariling tanong ko.
! Hindi ka nga nakikinig. I said may meeting tayo kay Mr. Choe sa Havas Hotel mamayang lunch kaya magready ka. Gusto ka nyang ma-meet as a incoming CEO ng Villarama Empire." sagot nito. Agad akong tumango.
"Noted! Dont worry Kuya, hindi ko kayo bibiguin. Magiging isang magaling akong CEO ng Villarama Empire." sagot ko. Agad naman sumilay ang masayang ngiti sa labi nito.
"Good! Mukhang buo na ang loob mo para tuluyang hawakan ang Villarama Empire. Halos ilang taon din kitang hinintay bago maging ready. As a bunso ng pamilya nakaatang sa iyong balikat lahat ng responsibilidad na dapat mong manahin sa ating pamilya. Malaki ang tiwala ko sa iyo Rafael, magiging magaling kang CEO katulad ni Daddy." sagot nito.
"At bago mangyari iyun, kailangan ko ang mahaba mong pasensya ng patuturo sa akin Kuya." sagot ko naman. Tumawa ito pagkatapos ay tinapik ako sa balikat.
"I am willing Rafael, Ngayun pa ba ako mag-iinarte gayung ilang araw na lang makakaalis na din ako sa anino ng Villarama Empire at matututukan ko na ang negosyong pilit na itinayo ni Carmela?." natatawa nitong wika. Napailing naman ako. Matagal ko nang alam ang tungkol dito at kahit na ayaw aminin ni Kuya Christian alam kong silang mag-asawa ang nagpalago ng negosyong iyun. Pilit na hinahati ni Kuya ang oras sa pagitang ng Villarama Empire at ng sariling kompanya.
Iyun ang hindi ko maintindihan. Nagtayo ng malaking negosyo si Ate Carmela gayung alam naman nito kung gaano kaabala si Kuya Christian sa pagpapalakad ng Villarama Empire. Kaya naman pagka graduate ko pa lang two years ago, pinipilit na nila akong palitan si Kuya dahil nahihirapan na daw si Ate Carmela na pamahalaan mag -isa ang kumpanya lalo na at lumalaki
na ang triplets nilang anak at ang
bunso na si Alex.
"Thank you Kuya. Pakisabi kay Ate Carmela na hindi matatapos ang buwan na ito masusulo ka din nya ulit. "natatawa kong wika. Napahalakhak naman si Kuya Christian. Mukhang masayang masaya ito ngayun. Hindi katulad noon na kapag nakikita ako sa
mansion lagi akong inaasikan at sinasabihan na wala daw direksyon ang buhay ko.
Well, hindi ko naman ito masisisi. Talagang pasaway naman ako noon pa. Siguro masyado akong na-spoiled nila Grandpa and Grandma noon. Dagdagan pa na nakuha ko ang buong attention nila Mommy at Daddy dahil nga bunso ako at hindi nila inaasahan ang pagdating ko sa buhay nila. Ang alam ko ayaw na ni Daddy na muling mabuntis si Mommy dahil sa issue sa puso nito noon. Kaya lang biglang naghimala ang langit at nabuo ako kaya naman nakalimutan nila akong desiplinahin ng maayos at lahat ng gusto ko ibinibigay nila.
Muling sumagi sa isip ko si Veronica. Lagot talaga sa akin ang babaeng iyun mamaya pag-uwi ko. Tuturuan ko siya ng leksyon para hindi nya na uulitin ang ginawa nyang pambabaliwala sa akin.
"So, balik na ako sa opisina ko. Pupuntahan ka na lang ni Jacob mamaya para i-remind sa pag-alis natin." nakangiting wika ni Kuya Christian at agad na itong naglakad palabas ng opisina ko. Naiwan naman akong muling itinoon ang buo kong attention sa mga papeles na naiwan sa lamesa ko. Kailangan kong pag-aralan ang lahat bago pirmahan. Laging pinapaalala sa akin si Daddy na mahalaga ang bawat pirma ng isang Villarama kaya mag-iingat ako.
VERONICA POV
"Sigurado ka ba na dito sa lugar na ito nakatira ang Ate Ethel mo?" tanong sa akin ni Sir Elijah habang nakatingala sa isang lumang gusali. Parang kaunting ihip ng hangin na lang bibigay na ang buong building at ang dinig ko noon pa ay pinapaalis na lahat ng mga tenant sa lugar na ito kaya lang nagmatigas sila. Bagkos pinagkakakitaan pa nila sa pamamagitan ng pagpapa-upa.
"Oo nga po! Alam mo bang halos dalawang linggo din akong tumira diyan." sagot ko. Napailing naman ito at halata sa kanyang mukha na hindi nito nagustuhan ang lugar na pinuntahan namin. Sabagay lumaking mayaman si Elijah kaya normal lang sa kanya ang makaramdam ng ganito.
"Hintayin mo na lang ako dito Elijah. Ako na lang ang papasok sa loob." wika ko. Luminga-linga muna ito sa paligid bago sumagot.
"Mukhang safe naman ang kotse dito sa kinapaparadahan natin. Samahan na kita at baka kung ano pa ang mangyari sa iyo dyan sa loob. Malalagot pa ako kay Uncle kapag mangyari iyun." sagot nito at bumaba na ng kotse. Agad itong naglakad sa gawi ko at binuksan ang pintuan. Agad naman akong bumaba pagkatapos magpasalamat.
"Sure ka? Baka naman hindi ka sanay sa ganitong lugar Elijah. Nakakahiya sa iyo." sagot ko.
"Ayos lang. Magandang experience ito kung sakali." sagot nito at sinigurado muna nitong naka-lock ang pintuan ng kotse tsaka sabay na kaming naglakad patungo sa lumang building.
"Parang lumang condo or hotel?" narinig ko pang wika ni Elijah. Hindi ko na lang pinansin dahil hindi ko naman naintindihan ang ibig nitong sabihin.
"Bakit dito pinili ng Ate mo tumira? Marami namang matitinong bahay dito sa Manila ah?" muling wika nito. Saglit akong nag-isip bago sumagot.
"Mura daw kasi dito kahit na
mabunganga ang landlady nila." sagot ko at nag-umpisa ng humakbang sa hagdan. Nasa fourth floor pa ang kwarto na inuupahan ni Ate Ethel kaya kailangan namin ng medyo mahaba- habang pasensya bago makarating doon.
"Teka lang. Wala bang elevator dito?" narinig ko pang wika ni Elijah.
"Wala po eh. Hayaan mo na Elijah. Malapit lang naman ang kwarto ni Ate Ethel. Nasa fourth floor lang." sagot ko. Agad itong napahinto sa paghakbang sa bawat baitang ng hagdan at hinarap ako.
"Fourth floor? Tapos maghahagdan lang tayo? Nagbibiro ka ba?" wika nito. Halata na sa mukha nito ang pag- aalangan. Tumingala pa ito ng marinig namin na may mga pababang yabag kaya gumilid kami.
"Oo nga. Sabi ko naman sa iyo huwag ka ng sumama eh. kaya ko naman. Sanay na ako sa lugar na ito." sagot ko at nag-umpisa na ulit sa paghakbang. Hindi na sumagot si Elijah at tahimik lang itong nakasunod sa akin.
Pagdating sa fourth floor pareho na kaming pawisan. Kitang kong nabasa ang suot na tshirt nito dahil sa pawis. Wala kasing pumapasok na sariwang hangin sa dinaanan namin kaya naman kahit ako tagaktak na din ang pawis sa noo ko.
"Pambihira! Kinaya ng kaibigan mo ang tumira sa patapon na building na ito?" muling wika nito habang habol ang hininga. Sumimangot naman ako. May pagkalaitero din pala itong si Elijah. Sabagay, hindi marahil ito makapaniwala na may mga kababayan siyang hindi katulad sa kanilang mapalad na ipinanganak na mayaman. Hindi marahil nito alam na maraming tao ang nagtitiis dahil sa hirap ng buhay.
Pagdating ng fourth floor ay agad kong hinanap ang unit number kung saan nakatira si Ate Ethel. Banayad akong kumatok at tumampad sa mga mata ko si Aling Bebang...ang matapang na landlady sa unit na ito.
"Veronica? Mabuti naman at bumalik ka. Babayaran mo na ba ang utang mo sa pagtira dito? Hindi pa binayaran ni Ethel noong nakaraan dahil kapos daw sya." agad na salubong nito sa akin. Natameme naman ako sabay yuko
Pasensya na po Aling Bebang. Wala pa po kasi ang sweldo ko eh. Hayaan nyo po kapag sumahod ako iaabot ko kaagad sa iyo." sagot. Agad naman itong sumimangot.
"Eh, halos dalawang linggo kang tumira dito Veronica. Hindi pwedeng thank you na lang iyun dahil nagko- consume ka ng kuryente at tubig." wika nito sa galit na boses. Nanlilisik na din ang mga mata nito kaya nakaramdam ako ng takot.
"Ha-hayaan nyo po Aling Bebang. Kapag magkapera ako ibibigay ko kaagad sa iyo." halos maiyak kong sagot.
'Hayyy naku! Pangako---pangako--- pangako!" wika nito. Hiyang-hiya naman ako
"Tsk! Bakit po? Magkano ba ang utang ni Veronica?" nagulat pa ako ng biglang nagsalita si Elijah. Napabaling naman ang attention ni Aling Bebang dito at sinipat ng tingin si Elijah.
"One --five! Babayaran mo?" sagot ni Aling Bebang habang nakataas ang kilay. Napansin ko naman ang pagdukot ni Elijah sa kanyang wallet at naglabas ng pera.
"Ayan....dalawang libo iyan. Siguro naman sapat na iyan sa utang ni Veronica?" wika nito sabay abot sa pera. Agad naman gumuhit ang masayang ngiti sa labi ni Aling Bebang at niluwagan sa pagkakabukas ang pintuan ng unit. Hudyat iyun na pwede na kaming pumasok.
Agad ko naman hinila si Elijah papasok. Nagpasalamat ako kay Aling Bebang na noon ay biglang naging mabait bago naglakad patungo sa kwarto ni Ate Ethel. Kumatok ako ng makailang ulit bago ko narinig ang pagtunog ng lock sa loob ng kwarto at ang dahan-dahan na pagbukas ng pintuan.
"Ate!" masaya kong wika ko dito ng magkaharap na kami. Agad na nanlaki ang kanyang mga mata habang tinititigan ako.
"Veronica?" tanong nito. Agad akong tumango at yumakap dito. Ilang saglit lang ay kumalas din ako at nakangiti itong hinarap.
"Kumusta ka na? Naku halika, pasok muna kayo!" wika nito sabay sulyap kay Elijah. Agad kaming pumasok ni Elijah samantalang si Ate Ethel naman ay nagmamadaling itinupi ang kumot na nasa kanyang higaan.
" Ito ang bahay mo?" narinig ko pang tanong ni Sir Elijah habang inililibot ang tingin sa paligid. Kita sa gwapo nitong mukha ang pagdisgusto sa mga nakikita sa paligid.
'Nangungupahan lang dito si Ate Ethel. Mura nga kasi at malapit lang sa work nya kaya ayos na din." sagot ko. Hindi ito umimik bagkos malakas na napabuntong hininga.
"Sino ba iyan?" narinig kong bulong ni Ate Ethel sa akin.
"Isa sa mga amo ko. Si Elijah." sagot ko. Agad na nanlaki ang mga mata ni Ate Ethel habang nakatitig sa mukha ni Elijah?
"Ta-talaga? Bakit isinama mo dito? Mukhang na-shock sya sa mga nakikita sa paligid." bulong nito.
"Talagang na-shock ako. Tirahan pa ba ito ng tao?" tanong ni Elijah. Agad na rumihistro ang pagkapahiya sa mukha ni Ate Ethel.
"Teka..napadaan ka yata. May naiwanan ka ba?" tanong ni Ate Ethel sa akin. Halatang hindi na ito komportable sa presensya ni Elijah kaya naman sinabi ko na agad ang kailangan ko dito.
"Hihingiin ko sana ang number ni Tiyang Tasing. Iyun kung ayos lang sa iyo para matawagan ko sila Nanay at Tatay. Miss na miss ko na kasi sila eh." wika ko. Agad ko pang inilabas ang cellphone ko at ipinakita dito.
"Wow, ang ganda naman ng Cellphone mo. Buti ka pa nakabili kaagad. Siguro malaki ang offer na sahod sa iyo noh?"
agad na wika ni Ate Ethel. Napangiti naman ako.
"Mababait ang mga amo ko. Tsaka bigay lang din sa akin ang cellphone na ito." sagot ko naman. Gulat naman itong napatitig sa akin at kay Elijah.
"Hindi siya ang nagbigay sa akin nito.... ang Uncle nyang masungit." muli kong wika habang hindi mapigilan ang mapangiti. Agad naman na napatango si Ate Ethel at kinuha na din ang cellphone nito para hanapin ang number nila Nanay Tasing.
Naging mabilis ang pagpapalitan namin ng number. Inadd ko na din sa facebook ko si Ate Ethel kaya tuwang tuwa ako. Sa wakas may makakausap na din ako palagi.
"Saan ka ba nagtatrabaho?" natigil lang kami sa pag-uusap ng muling sumabat si Elijah. Sumulyap muna sa akin si Ate Ethel bago sumagot.
"Sa Haraya Mall po Sir.' magalang na sagot ni Ate Ethel. Kahit mukhang naging bastos na si Elijah sa harap ni Ate Ethel mabait pa rin ang pakikitungo niya dito.
Muling kinuha ni Elijah ang kanyang wallet at may kung anong maliit na papel na ibinigay kay Ate Ethel.
"Mag-apply ka dyan! Malaki ang bigayan ng sweldo dahil nasa loob ng Villarama shopping center ang shop. Isa pa may pa-free accomodation sila sa mga taong walang matirhan." sagot ni Elijah. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Ate Ethel.
"Ta-talaga po? Naku salamat po! Alam nyo po bang maraming nangangarap na makapagtrabho sa Villarama shopping center?" maluha-luhang wika ni Ate Ethel. Hindi ko naman maiwasan ang magtaka.
"Kung ganoong mag-apply ka kaagad diyan! Pasalamat ka at naawa ako sa kalagayan mo eh. Isa pa hindi bagay sa isang katulad mo ang tumira sa ganitong lugar. Baka mapahamak ka!" sagot nito.
"Naku! Maraming salamat po talaga Sir! Hulog po kayo ng langit sa akin! Salamat po!' naiiyak na sagot ni Ate.
Muli akong napatitig kay Ate Ethel. Kung tutuusin maganda naman talaga si Ate. Isang taon lang naman ang agwat ng edad nito sa akin at kaya ko lang ito tinatawag na Ate dahil iyun ang nakanasanayan ko noong nasa probensya pa kami.
Medyo maayos ang pamumuhay nito kumpara sa akin dahil kahit papaano nakatapos ito ng hanggang high school. Iyun nga lang hindi na ito nakapag-college dahil hindi na daw kaya ng kanyang pamilya. Pero kahit ganoon pa man hindi pa rin naging
hadlang iyun para maging magkaibigan kami.
"Lets go na Veronica. Nagtext sa akin si Uncle. Galit dahil pinatayan mo daw sya ng tawag kanina." muling wika ni Elijah. Hindi ko naman maiwasan na kabahan dahil sa sinabi nito.
Nagmamadali kaming nagpaalam kay Ate Ethel at lumabas na sa lumang gusaling iyun para lang madismaya pagdating namin kung saan iniwan ang nakaparadang sasakyan.
Chapter 186
VERONICA
anak ng" narinig kong bulyaw ni Elijah habang nakatingin sa sasakyan. Hindi ko naman mapigilang mapangiwi ng sipatin ko ang sitwasyon ng kotse nito. Basag ang salamin at wala na ang dalawang gulong. Mukhang
pinagtripan at ninakaw ang mga
natanggal na gulong.
"Sabi ko naman sa iyo na hintayin mo na lang ako dito eh." wala sa sarili kong wika. Narinig ko pa ang malakas na buntong hininga ni Elijah habang palinga-linga sa paligid.
"Paano tayo makakauwi nito? Hayst kainis! Hindi ko akalain na marami palang magnanakaw sa lugar na ito." napapailing na sagot.
"Paano ngayun iyan? Hindi na tatakbo ang sasakyan. Dalawa na lang ang gulong eh." sagot ko naman. Tumitig muna ito sa akin bago sumagot.
"Lagot ako nito kay Uncle. Sandali lang, tatawagan ko ang kakambal ko. Wala akong choice kundi hingan sya ng tulong kahit hindi kami magkasundo." sagot nito habang inilalabas ang cellphone. Naiwan naman akong nakamasid lang sa sitwasyon ng kanyang sasakyan.
Kahit papaano nakaramdam ako ng guilt. Kung hindi sana ako nagpumilit na pumunta sa lugar na ito hindi sana mangyayari ito. Mapapagastos pa tuloy si Elijah sa pagpapagawa ng kotse nya.
"Ayos na. Hintayin na lang natin dito ang kakambal ko at ang towing service. Kailangan dalhin sa casa ang kotse para ayusin." wika nito
"Sorry ha? Kasalanan ko ito eh." malungkot kong wika. Tipid itong ngumiti.
"Bakit ka nagsosorry? Hindi mo naman kasalanan. Ganito talaga dito sa Manila, maraming masasama ang loob. Magpasalamat na lang tayo at ito lang ang nangyari." sagot naman nito. Gayunpaman masama pa rin ang loob ko sa mga nangyari.
"Teka lang. Nagugutom ka na ba? Hintayin lang natin si Elias pagkatapos daan na lang tayo sa restaurant para makakain." wika nito. Sasagot pa sana ako ng biglang nag-ring ang cellphone ko. Natigilan si Elijah at tumitig sa akin.
"Sagutin mo. Baka si Uncle iyan." wika nito. Tinitigan ko naman ang screen ng cellphone ko at nakompirma ko nga na si Sir Rafael ang tumatawag sa akin. Agad kong pinindot ang answer botton. Hindi pa ako nakakapagsalita ng marinig ko ang galit na boses nito.
"Nasaan ka? Nakauwi ka na ba ng mansion?" agad na tanong nito.
Napasulyap muna ako kay Elijah bago sumagot.
"Eh Sir...hi-hindi pa po eh." sagot ko.
"At bakit? Akala ko ba sandali lang kayo dyan?" tanong nito.
"Eh, nadisgrasya po kasi........" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng muli itong nagsalita. Sa ngayun mukhang lalo itong nagalit.
"Nadisgrasya? Kumusta kayo? Kumusta ka? Nasa hospital ba kayo ngayun?" tanong nito. Halata ang pag- aalala sa boses nito. Hindi ko naman maiwasan ang magtaka.
"Hindi po. Binasag ang bintana ng kotse at ninakaw ang gulong. Hinihintay namin ngayun si Sir Elias pati na din ang towing service." sagot ko. Saglit itong natigilan. Parang nakikini-kinita ko na naman ang galit nito. Siguro nakakunot na naman ang noo nito..sigurado ako dyan.
"Nasaan kayo? Sabihin mo sa Elijah na iyan na sagutin ang tawag ko." Wika nito at agad na pinatay ang tawag. Napabuntong hininga naman ako at ibinaling ang tingin kay Elijah.
"Anong sabi ni uncle?" tanong nito
"Tatawag daw siya sa iyo." sagot ko at wala pang ilang sigundo narinig ko na ang pag-ring ng cellphone nito. Agad nya naman itong sinagot. Tahimik lang akong nakamasid sa kanya ng mapansin ko ang parating na si Ate Ethel. Mukhang papasok na ito sa trabaho dahil nakasuot na ito ng uniform.
"Anong nangyari?" agad na tanong nito ng makalapit. Malungkot naman akong tumingin sa kotse.
"Nabiktima kami ng magnanakaw Ate. Binaklas nila ang gulong at basag ang salamin." sagot ko.
"Naku sayang naman. Ang ganda pa naman ng kotse. Naireport nyo na ba sa mga pulis?" tanong nito.
"HIndi ko po alam Ate eh. May mga tinatawagan na si Elijah. Pupunta na yata ang kapatid nya at ang maghahatak ng kotse para dalhin sa casa." sagot ko. Agad naman itong napabuntong hininga tsaka tumitig sa akin.
"Alam mo nagtataka ako. Ganito ba talaga kabait ang amo? Sinamahan ka pa nya dito sa tinitirhan ko." wika nito at halata ang pagtataka sa boses. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
"Si Elijah apo siya ng amo ko. Doon lang sya nakatira sa mansion at maswerte ako dahil dating kakilala ni Nanay ang mga amo ko ngayun. Alam mo bang gusto nila akong pag-aralin?" pagmamalaki kong wika. Agad na
nanlaki ang mga mata ni Ate Ethel sa sinabi ko.
"Ta-talaga? Paanong kakilala ni Manang Venus ang mga amo?" tanong nito.
"Ganito kasi iyan. Minsan napadpad sila Madam Carissa at Mam Arabella noon sa Isla natin. Partikular doon sa baryo natin at doon nila nakilala sila Nanay at Tatay. Saglit lang naman daw silang nanatili doon dahil agad din silang sinundo ng amo kong lalaki.
"May kaunting hindi pagkaka- intindihan lang yatang nangyari sa buong pamilya at nagkaayos din naman kaagad. Nakilala nila ako na anak ni Nanay Venus noong tanungin ako ni Mam Arabella kung saang probensya ako galing.."mahaba kong wika. Alam kong hindi masyadong klaro ang ang kwento ko pero agad namang na-gets iyun ni Ate Ethel.
Napa 'wow' pa nga ito.
"Talaga? Ang galing naman. Ang swerte mo pala kung ganoon Veronica. " sagot nito.
'Oo, kaya matutupad na ang pangarap kong makapag-aral Ate. Mabait naman sila liban lang sa isa nilang anak na lalaki." muli kong wika.
"Huwag mo na lang pansinin. Ang importante nasa maganda kang kalagayan at makakapag-aral ka pa. Naku, masaya ako para sa iyo Veronica. "Natutuwa nitong wika sabay sipat suot na relo.
"Salamat Ate. Alam mo malaki din ang pasasalamat ko dahil kung hindi dahil sa iyo hindi ako nakarating dito sa Manila." sagot ko naman.
"Walang ano man. Sino ba naman ang magtutulungan kundi tayo lang diba? Siya sige, aalis na ako. Baka ma-late na ako sa work. Istrikto pa naman ang Boss ko at ang hilig mangaltas ng sahod ma-late ka lang ng kaunti." wika nito at akmang aalis na ng magsalita si Elijah.
"Magkano ba sahod mo? Dito ka muna para may kausap si Veronica. Isa pa para may kasama kaming taga-rito habang hinihintay ang sundo namin.'" sabat ni Elijah. Hindi nakasagot si Ate Ethel at saglit na nag-iisip.
"Eh, sayang po ang isang araw ko sa work Sir. No work, No pay pa naman kami. Isa pa baka matanggal ako." sagot ni Ate.
"Eh ano ngayun? Hindi bat binigyan kita ng pag-aapplayan mo? Dito ka na muna hanggat hindi pa dumadating ang sundo ni Veronica." muling sagot nito. Napansin ko naman na saglit na nag-isip si Ate Ethel at sabay pa
kaming nagulat ng dinukot ni Eljah ang wallet at inabutan ng ilang lilibuhin si Ate Ethel.
"Magresign ka na sa trabaho mo at umalis sa lugar na ito dahil maraming mga masasamang loob dito. Ilang oras lang namin iniwan ang kotse dito sa labas ganito na agad ang nangyari.
Huwag kang mag-alala tatawagan ko mamaya ang manager ng kompanya na pag-aaplayan mo bukas. Siguradong matatanggap ka." mahabang wika ni Elijah.
Akmang tatanggihan ni Ate Ethel ang binibigay nitong pera pero kinuha ni Sir Elijah ang dala nitong shoulder bag at iniligay ang pera doon. Wala ng nagawa si Ate Ethel kundi ang magpasalamat.
"Hayaan nyo po. Babayaran ko kaagad kayo kapag matanggap ako sa sinasabi niyong kompanya." nahihiya nitong wika. Hindi na sumagot si Elijah bagkos lumayo ito ng ilang metro sa amin at muling may tinawagan.
"Ang pogi nya noh?" Tsaka kahit parang masama ang ugali mabait pa din naman." wika nito. Hindi ko naman mapigilan ang matawa ng maalala ko si Sir Rafael.
"Parang si Sir Rafael lang?" natatawa kong sagot.
"Sino iyun? Si Rafael Villarama?" halata sa boses ni Ate ang biro ng banggitin ang pangalang iyun. Nagtaka naman ako. Paano nya nalaman na si Sir Rafael Villarama ang isa sa mga amo ko?
"Paano mo siya nakilala Te ?" tanong ko na lang.
"ha? Sino? Si Rafael Villarama? Siyempre famous ang pamilya nila. Bunsong anak ng Billionaryong si Gabriel Villarama na may ari ng Villarama Shopping Center at iba pang naglalakihang kompanya dito sa Pilipinas. Alam mo bang dinig ko................ sya ang black sheep sa pamilya. Kung makapagpalit daw ng girl friend, ayyy parang nagpapalit lang daw ng damit. Iyun ay dinig ko lang naman at mukhang totoo dahil marami daw ang nakakakita sa kanya na ibat-ibang babae ang kasama." daldal ni Ate Ethel. Nagulat naman ako.
Hindi ko kasi alam ang tungkol dito.
"Sure ka Ate?" tanong ko. Agad itong tumango tsaka ako tinitigan at nagtanong
"Bakit? Kilala mo ba ang tinutukoy kong tao?" taong nito. Agad akong tumango.
"Oo, anak nga sya ng amo ko. Sila Madam Carissa at Sir Gabriel Villarama ang amo ko. Si Sir Rafael ang bunsong anak na Uncle naman ni Elijah." sagot ko sabay turo kay Elijah. Agad kong napansin ang pamumutla ni Ate Ethel sa sinabi kong iyun kaya natawa ako "Yari ka! Kapag malaman ni Uncle iyang tsismis mo malalagot ka talaga. At ikinuwento mo pa talaga kay Veronica ha?" sabat naman ni Elijah. Narinig pala nito ang binitiwang salita ni Ate Ethel.
"Sure po ba kayo? Sure kayong apo kayo ng mga Villarama?" gulat na tanong ni Ate.
"Bakit hindi ba obvious? Magaganda at gwapo ang lahi ng mga Villarama at isa ako sa maswerteng may dugong Villarama kaya ihanda mo ang sarili mo. Kapag malaman ni Uncle ang tsismis mong iyan papuputulan ka noon ng dila. Papunta pa naman iyun dito para sunduin si Veronica." tumatawang sagot nito. Hindi ko naman maiwasan ang magulat.
Na naman? Siya talaga ang susundo sa akin? Hayst, mukhang galit pa naman sa akin si Sir Rafael dahil hindi ako nakinig sa kanya kanina. Paano kaya ito?
Pareho kaming balisa ni Ate Ethel ng mapansin namin ang paparating na mga sasakyan. Napakagat pa ako sa kuko ko sa aking mga kamay ng mapansin ko ang kotseng palaging ginagamit ni Sir Rafael. May mga nakasunod pa dito na tatlong sasakayan at agad na huminto sa tabi ng sasakyan ni Elijah.
Napansin ko naman ang nerbiyos sa mga mata ni Ate Ethel ng tumingin sa akin.
"Siya nga ang amo mo? Diyos ko, huwag mong mabanggit-banggit sa kanya na itsinismis ko sya ha?" wika ni Ate. Napalunok ako ng makailang ulit ng mapansin kong bumaba na ng sasakyan si Sir Rafael at direktang naglakad papunta sa kinaroroonan ko.
"I told you na sa weekend ka na pupunta dito, bakit ba napakatigas ng ulo mo!" agad na wika nito sa akin ng makalapit. Hindi ko naman maiwasan ang mapayuko. Nagagalit siguro sya dahil sa pinsalang nangyari sa sasakyan ng pamangkin nya. Hayst kalasanan ko talaga eh.
"Sorry po! Hindi na mauulit." sagot ko. Narinig ko pa ang malakas na pagbuntong hininga nito bago tinawag ang pangalan ni Elijah na noon ay kasama si Ate Ethel ilang distansya ang layo sa amin. Nagmamadali naman agad itong lumapit.
"Sa susunod, huwag kang lumabas ng bahay na walang kasamang bodyguards! Paano kung napahamak kayo?" singhal nito sa pamangkin.
"Sorry Uncle. Hindi na mauulit." nagpapakumbaba nitong sagot.
"Hintayin mo ang hihila diyan sa kotse mo. Iiwan ko ang ilan kong mga kasamang bodyguards para may makakasama ka dito. Isasama ko na si Veronica." wika nito sa medyo kalmado ng boses. Agad naman tumingin sa akin si Elijah at ngumiti.
"Kay...kay Elijah na lang po ako sasabay Sir. Kawawa po kung iiwan ko siya dito." sagot ko naman. Hindi umimik si Sir Rafael bagkos hinawakan ako sa kamay at hinila.
"Huwag mong pangunahan ang gusto ko Veronica. Huwag mo ng pairalin ang katigasan ng ulo mo at dagdagan ang kasalanan na nagawa mo ngayung araw." sagot nito. Gustuhin ko man magprotesta ng hilahin nya ako patungo sa sasakyan wala na akong nagawa pa kundi sumama na lang. Napansin ko kasi na may mga dumadating nag mga usyusero at usyusera sa lugar.
Binalingan ko pa si Ate Ethel at sinenyasan na aalis na ako at tumango ito sa akin Bakas na rin ang hindi makapaniwala sa mga mata nito habang palipat-lipat ang tingin sa akin pati na din kay Sir Rafael.
Pagkasakay namin pareho ng sasakyan ni Sir Rafael ay agad nitong pinaharurot ang kotse paalis ng lugar. Kinakabahan man pero pilit kong nilalabanan iyun. Hindi nya naman siguro ako sasaktan physically.
CHAPTER 187
VERONICA POV
Kanina pa ako pasulyap-sulyap kay Sir Rafael habang tumatakbo ang sasakyan. Nakakunot pa rin ang noo nito at halata sa mga mata ang galit. Hindi ko tuloy malaman kung kakausapin ko ba ito o hindi. Baka masigawan ako eh.
"Saan pa kayo nakarating ni Elijah? Saan ka pa nya dinala?" tanong nito. Sandali akong natigilan. Nagulat pa ako ng bigla nitong inihinto ang sasakyan sa tabi ng daan. Wala namang masyadong dumadaan na mga sasakyan kaya kinabahan ako. Lalo na ng mapansin ko na walang kabahayan sa paligid at puro puno lang ang aking nakikita.
"Alam mo bang ang dami kong dapat gawin sa opisina. Pero Veronica naman, bakit ba ayaw mong makinig?
Hindi bat sinabi ko sa iyo na ako ang sasama sa iyo para puntahan ang kaibigan mo sa weekend?" Wika nito.
"Sorry po. Hindi na po kasi ako makapaghintay para makuha ang number sa probensya. Para pwede ko ng tawagan sila Nanay. Miss na miss ko na po kasi sila kaya hindi ako nakinig sa sinabi mo kanina." sagot ko sabay yuko. Narinig ko pa ang marahas nitong pagbuntong hininga.
Pagkatapos ay galit itong tumingin sa labas.
"Ayaw ko ng ulitin mo ulit ito ha? Isa pa ayaw kong sasama-sama ka kay Elijah. Baka mamaya kung saan ka dalhin ng pamangkin kong iyun.' wika nito na syang labis kong ipinagtaka.
"Pero mabait naman po sya. Kasalanan ko din dahil kung hindi dahil sa akin hindi nasira ang kotse nya." sagot ko sabay sulyap sa mukha nito. Gusto kong makita kung galit na rin ito.
Nakahinga ako ng maluwag ng mapansin ko na hindi na salubong ang kilay nito.
"Mabait kong mabait. Pero kahit na. Ayaw ko pa rin na sasama-sama ka sa kanya. Kapag may gusto kang puntahan huwag kang mahiya na magsabi sa akin. Ako ang bahala sa lahat." sagot nito
"Bakit po?" wala sa sarili kong tanong
"Anong bakit po?" tanong nito
"Bakit ganito po ang pakikitungo nyo sa akin? Bakit niyo ako hinihigpitan at pinagbabawalan sa iilang bagay. Hindi naman kita Tatay para gawin ito." sagot ko. Muling nagsalubong ang kliay nito at tumitig sa akin.
"Anong pinagsasabi mo? Anong tatay? Twenty three lang ako para ikumpara mo ako sa Tatay mo Veronica." sagot nito. Hindi ko naman mapigilan ang matawa. Halata kasi dito ang pagkapikon habang sinasabi ang katagang iyun.
"Wala naman sa edad iyun eh. Nasa pag -uugali. Ang dami nyo kasing ipinagbabawal..... isa pa-----" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla ako nitong sunggaban at halikan sa labi. Nagulat naman ako sa kanyang ginawa. Grabe siya, wala ng pinipiling lugar kung halikan ako. Masyado na syang nasanay na sipsipinn ang labi ko ng ganito.
Hinayaan ko na lang siya sa kanyang ginawa. Total naman nag-eenjoy din ako. Gustong-gusto ko din naman ang paraan ng paghalik sa akin ni Sir Rafael. Nakakawala sa sariling katinuan. Nakakaaddict!
Halos ilang minuto din na magkalapat ang aming labi ng maramdaman kong bumaba ang halik nito pababa ng aking leeg. Nanlaki naman ang aking mga mata dahil sa kakaibang kiliti na aking nararamdaman. Biglang nag-init ang buo kong pakiramdam lalo na ng maramdaman ko na sumuot ang isa nitong kamay sa loob ng suot kong blouse. Hinahaplos nito ang kabila kong bundok na may takip pang bra. Hindi ko mapigilan ang mapaungol sa kakaibang kiliti na hatid nito sa akin.
"Sir, ano ang ginagawa mo? Baka may makakita sa atin!" hindi ko mapigilang wika habang abala pa din ang labi nito sa pagsipsip sa leeg ko. Natigilan ito at muli akong tinitigan sa mga mata. Napalunok ako ng makailang ulit ng mapansin ko na may kakaibang emosyon akong napansin sa titig nito sa akin.
"Alam mo bang gustong-gusto kitang angkinin ngayun? Galit na galit na ang anaconda ko Veronica." bulong na wika nito. Agad naman na nanlaki ang mga
mata ko ng marinig ko ang salitang anaconda.
"Po, may alaga po kayong anaconda? Nasaan po? Nandito din ba sa kotse?" tanong ko at agad na umayos ng upo. Sinilip ko pa ang likuran namin habang hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kaba. Narinig ko na lang ang mahinang pagtawa ni Sir Rafael na siyang labis kong ipinagtaka.
Hindi mo alam ang ibig sabihin ng anaconda?" tanong nito. Hindi ko mapigilan na taasan ito ng kilay.
"Ahas iyun diba? Ahas! Bakit po kayo nag-aalaga ng ganoon? Paano kung matuklaw ako?" tanong ko. Lalo itong natawa. Pagkatapos ay muli akong tinitigan sa mga mata.
"Kung alam mo lang. Gustong-gusto ka na talagang tuklawin nito. Kaya lang hindi pa pwede. Hindi ka pa ready." makahulugan nitong sagot.
Sinimangutan ko ito.
"Talagang hindi ako ready magpatuklaw sa anaconda. Paano kung mamatay ako? Paano na ang Nanay at Tatay at mga kapatid ko na naghihintay sa akin?" sagot ko at humalikipkip pa. Tumawa naman ito kaya nagtataka ko itong tinitigan.
"Ikaw talaga. Ang bilis mo talagang gumawa ng paraan para matanggal ang init ng ulo ko. Halika nga dito. Pahalik ulit!" malambing na wika nito at muli akong kinabig. Muling naglapat ang aming labi. Banayad lang naman ang ginawang paghalik nito sa akin. Dampi -dampi sa labi ko at pagpasok ng dila sa loob ng bibig ko. Hindi ko naman mapigilan ang muling mapaungol ng maramdaman ko na muling pumasok ang kamay nito sa loob ng blouse ko.
Hinahaplos-haplos nya ang isa kong bundok at kahit na may suot akong bra, ramdam ko ang init ng kanyang palad.
Hindi ko mapigilan ang mapaungol sa ginagawa nya sa akin.
"Can I kiss your boobs?" tanong nito sa akin ng tigilan niya ang paghalik sa
labi ko. Hindi ko naman maintindihan ang ibig nitong sabihin at basta na lang akong tumango. Napansin ko pa ang pagngiti nito at dahan-dahan na pagtaas ng suot kong blouse. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya at aktong pipigilan ko na sana sya sa nais nyang gawin ng tuluyan ng lumantad sa mga mata nya ang boobs ko. Hinawi nya ang suot kong bra at kita ko kung paano niya titigan ang naka-exposed kong boobs sa harap nya.
"Wow, sooo beautiful at nagulat ako ng bigla nyang isubo ang pasas na pink ko. Agad kong naramdaman ang mainit nyang bibig habang nilalaro ang pasas na pink ko. Hindi ko naman malaman ang gagawin ko. Bago sa pandama ko ang ginagawa sa akin ni Sir Rafael at pakiramdam ko biglang naging mainit dito sa loob ng kotse nya. Hindi ko mapigilan na muling mapaungol ng nag-umpisa nya ng sipsipin ang pasas na pink ko at himasin ang kabila kong bundok.
Chapter 188
VERONICA POV
Hindi ko mapigilan na makagat ang labi ko dahil sa ginagawang iyun sa akin ni Sir Rafael. Patuloy niyang pinagpapala ang dalawa kong matatayog na bundok. Salitan nyang kinakagat ang magkabilaan kong pasas na pink at abala naman ang kabila nyang kamay sa pagdama niyon. Hindi ko akalain na posible palang mangyari sa aming dalawa ang mga nangyayari ngayun.
Nang magsawa ito sa kanyang ginagawa sa boobs ko ay kusang umangat ang titig nito sa aking mukha. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang kakaibang damdamin na lumulukob. Hindi ko kayang titigan iyun dahil pakiramdam ko nalulunod ako. Isa pa nahihiya ako dahil hinayaan kong makita nya ang iniingatan kong bundok. Hindi lang halik ang
pinagsaluhan namin sa sasakyan na ito kundi nahawakan at nilalaro nya pa ang pasas na pink ko.
Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng takot. Pakiramdam ko unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Baka kung ano ang isipin nito sa akin at basta na lang akong pumapayag sa gusto nyang gawin sa akin. Hindi ko dapat kalimutan ang katotohanan na amo ko sya at kasambahay nila ako.
Umayos ako ng upo. Inayos ko ang suot kong bra at blouse. Tumitig ako sa labas ng sasakyan. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
"Gutom ka na ba?" napapitlag pa ako ng magsalita ito. Hindi ako nakaimik. Namalayan ko na lang ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"Bakit po bigla na lang kayong nanghahalik?" hindi ko mapigilang tanong. Saglit itong natigilan.
Naramdaman ko pa ang pagtitig nito sa akin bago sumagot.
"Bakit hindi mo ba nagugustuhan ang ginagawa kong paghalik sa iyo?" tanong nito. Hindi ko naman alam kung tatango o iiling ako. Kung alam nya lang gustong-gusto ko ang ginagawa nya sa akin. Pero natatakot akong baka hindi ko mamalayan at kusa ko na palang naibigay ang sarili ko sa kanya.
Hindi maikakailang kailan lang kami magkakakilala. Baka naman isa lang din ako sa mga babaeng gusto nyang paglaruan. Hindi ko maiwasang isipin ang nabanggit sa akin kanina ni Ate Ethel. Matinik sa babae si Sir Rafael at baka isa na ako sa gusto niyang biktimahin. Marami pa akong
pangarap at matutupad ko iyun kung iiwasan ko na sya.
"Kasi, naisip ko lang naman po. Hindi po normal ang ginagawa natin. Amo ko po kayo pagkatapos kapag itrato niyo ako kakaiba sa lahat. Bakit po ba?" tanong ko sabay punas ng luha sa aking mga mata. Hindi ito nakapagsalita. Tinitigan nya lang ako at nag-umpisa ng magdrive. Hindi na din ako nagsalita pa at inabala ang sarili ko sa aming dinadaanan.
Agad kaming nakarating ng mansion. Tahimik pa rin sya at mukhang may malalim na iniisip. Hindi ko na lang pinansin iyun bagkos ipinagsawalang bahala ko na lang. Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng kotse para makababa na ng muli itong nagsalita.
"Yup, hindi tayo magkiss at hindi normal ang ginagawa ko sa iyo. Huwag ka ng umiyak pa. HIndi na ulit mangyayari iyun. Baka masyado lang akong malungkot at ikaw ang napagbalingan ko ng pansin." wika nito sa seryosong boses. Hindi ko alam pero pakiramdam ko parang biglang
may kung anong kurot sa puso ko habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi kayang tanggapin ng kalooban ko ang kanyang nasabi ngayun lang. Ganoon lang ba iyun? Normal lang ba sa kanya ang basta nalang manghalik ng babae?
Playboy nga siya! At isa na ako sa muntik nyang nabiktima. Hindi..... nabiktima nya na pala ako. Dalawang beses nya na akong nahalikan sa labi at nakita nya na ang dalawa kong bundok. Ang tanga ko para pumayag na gawin nya sa akin ang bagay na iyun.
Hindi na ako dalagang Pilipina. Nakita nya na ang lahat sa akin. Parang gusto ko tuloy iuntog ang ulo ko sa mga katangahan na ginawa ko. Basta na lang akong nagpaubaya sa lahat ng ginawa nya sa akin. Wala na nga akong pinag-aralan pinairal ko pa ang katangahan ko.
"Bumaba ka na!" wika nito sa
seryosong boses. Hindi ko mapigilan na titigan ang gwapo nitong mukha. Wala akong nabasa na kahit na anong expression sa mukha nito. Napayuko ako at dahan-dahan na binuksan ang pintuan ng kotse. Nilingon ko pa ito at dali-daling naglakad papasok sa loob ng mansion. Narinig ko na lang na muling umandar ang sasakyan nito kaya lumingon ako. Nakita kong muling lumabas ng gate ang sasakyan nito at tuluyan ng umalis.
Mukhang galit siya. Pero teka, bakit sya nagagalit? siya ang mas nakakalamang sa aming dalawa.
Hinalikan nya ako ng maraming beses sa labi pati na din sa boobs ko. Dapat nga ako ang mas magalit eh.
Napakamot ako ng aking ulo sa isiping iyun. Nababaliw na nga yata ako. Kung saan-saan na tumatakbo ang isip ko.
"Uyyy Veronica, mabuti naman at nakauwi ka na Kanina ka na hinihintay ni Mam Arabella sa Living area.
Kasama nya na ang magto-tutor sa iyo. "nagulat pa ako ng biglang nagsalita si Ate Maricar sa likod ko. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit nito sa akin.
"Ganoon ba Ate. Sige po, doon na lang ako didiretso." malungkot kong sagot. Agad na napakunot ang noo nito tsaka tinitigan ako.
"Bakit ganyan ang hitsura mo? May hindi ba magandang nangyari sa labas?
" nagtataka nitong tanong.
"Nasira po kasi ang sasakyan ni Elijah. Binasag ang salamin at ninakaw ang gulong." sagot ko. Nagulat naman ito.
"Diyos ko! Buti hindi kayo napaano. Marami na talagang masasamang loob ngayun sa labas kaya ibayong pag- iingat ang dapat gawin." sagot nito. Hindi ako nakaimik.
"Teka, nasaan si Elijah? Bakit hindi mo siya kasama?" tanong nito.
"Nagpaiwan po siya. Hinintay nya ang kukuha ng kotse para dalhin sa Casa. Sinundo lang po ako ni Sir Rafael kaya ako nakauwi. Pero umalis din po kaagad siya." sagot ko. Tinitigan ako nito sabay tango.
"OK...sige na. Puntahan mo muna si Mam Arabella para makilala mo na din ang tutor mo." wika nito. Agad akong tumango at naglakad papuntang living room. Naabutan ko nga si Mam Arabella na prenteng nakaupo kaharap si Madam Carissa at isang lalaki.
"Magandang tanghali po!" agad kong bati. Nagpakawala naman ng malawak na ngiti si Mam Arabella ng mapansin ang pagdating ko. Agad akong pinaupo sa tabi nya.
"Hello Veronica! Wow! Kumusta ka na? " tanong nito.
"Ayos lang po Mam. Pasensya na po kung ngayun lang po ako dumating." sagot ko. Tanging ngiti lang naman ang naging sagot nito sa akin at ibinaling ang tingin sa kasama nya.
"Siya nga pala Veronica...si Teacher Josh. Siya ang magiging tutor mo simula bukas, Teacher Josh, si Veronica...siya ang tinutukoy ko kanina pa sa iyo." pagpapakilala ni Mam Veronica sa aming dalawa. Agad naman inilahad ni Teacher Josh ang palad sa akin at magiliw ko naman iyung tinanggap.
"Nice to meet you Veronica. promise you, marami kang matutunan sa akin." wika nito sabay pisil sa palad ko. Nagulat ako kaya agad kong binawi ang
kamay ko at maigi itong pinagmasdan.
Kung tutuusin gwapo si Sir Josh. Matanda lang yata ito ng ilang taon kay Sir Rafael. Pero mukha naman siyang mabait. Siguro dahil teacher sya...ah ewan, siguro dahil bata pa siya kaya hindi siya katulad ng mga naging teacher ko noon sa probensya. Mga masusungit at mahilig manigaw lalo na kapag hindi mo nasasagot ang mga aralin.
'Teacher Josh, pwede ka ng mag-start bukas. Gusto namin na tutukan mo si Veronica sa mga aralin. Gusto namin na matuto kaagad siya para makapasok na siya sa isang normal na university." wika ni Madam Carissa. Nakangiti namang tumango si Teacher Josh sabay titig sa akin.
"Ipinapangako ko Madam. Gagawin ko ang lahat para natutunan lahat ni Veronica ang mga aralin. Marami na po akong mga istudyanteng katulad ni Veronica at ngayun nasa maayos na silang mga iskwelahan. Makakapasa po siya sa Alternative Learing System at makakapag-college next year." kampante nitong sagot. Masaya namang napapalakpak si Mam Arabella..
"Salamat po! Masayang masaya po ako. Sa wakas, makakapag-aral na po ako." sagot ko naman. Agad naman tumayo si teacher Josh at nagpaalam.
"Sige po Madam Carissa, Misis. Arabella at Veronica...aalis na po ako."
pagpapaalam nito sabay yukod. TAnging tango lang naman ang naging sagot ni Madam Carissa at tuluyan na itong lumabas ng living room.
"Sya nga pala Veronica, gusto kong makausap ang Nanay mo. May cellphone ba sila sa probensya? Pwede ba natin silang tawagan?" tanong nito. Agad ko naman inilabas ang cellphone ko bago sumagot.
"Wala pong cellphone sila Nanay at Tatay. Pero pwede po tayong makisuyo sa kapitbahay namin." nakangiti kong sagot. Excited din akong makausap sila Nanay, Agad kong idinial ang number ng mga magulang ni Ate Ethel at nagpasalamat ako ng may sumagot agad.
Agad akong nagpakilala at nakisuyo na kung pwede ko makausap sila Nanay at Tatay. Mabuti na lang at nasa mood yata ang mga magulang ni Ate Ethel at agad kong narinig na tinatawag na nila si Nanay. Excited naman akong naghihintay habang nakangiting nakatitig sa akin si Mam Veronica at Madam Carissa.
"Anak, kumusta ka na dyan? Hindi ka ba nahirapan? Mababait ba ang mga amo mo?" narinig kong wika ni Nanay. Hindi ko mapigilan ang maluha. Kung alam lang nila Miss na miss ko na sila.
"Ayos lang ako Nay...kumusta po kayo ni Tatay?" tanong ko kaagad.
"Wala si Tatay mo. Sumama kina Manong Carding sa laot. Pero hayaan mo sasabihin ko kaagad sa kanya pagkauwi nya na tumawag ka na! ANak, magpakabait ka diyan ha?" wika nito.
"Opo Nay! Miss na miss ko na po kayo. Pati na din ang mga kapatid ko!" sagot ko. Narinig ko pa ang pagsinghot ni Nanay tanda na umiiyak din ito sa kabilang linya.
"Pwede ka naman umuwi dito kung gusto mo anak. Huwag mong pahirapan ang sarili mo dyan. Pwede ka naman maghanap ng trabaho dito sa atin." sagot nito. Agad akong napasulyap kay Mam Arabella. Kita ko sa mga mata nito na excited na syang makausap si Nanay.
"Nay, may gusto pong kumausap sa inyo ngayun. Magkakilala daw po kayo. Anak ng amo ko." wika ko. Natigilan si nanay. Sandali itong hindi nakapagsalita.
"Sino? A-anak ng amo mo?" takang taka nitong tanong. Hindi ko na ito sinagot pa at iniabot ko kay Mam Arabella ang hawak kong cellphone. Malugod naman itong tinanggap ni Mam Arabella sabay naglakad palayo sa amin. Narinig ko pa ang pagbanggit nito sa pangalan ng Nanay ko at ang malakas nitong pagtawa.
"Naalala ko pa noong nasa probensya nyo kami. Two days lang kaming nag- stay doon pero agad na napalapit ang loob ni Arabella sa Nanay mo." narinig kong wika ni Madam Carissa. HIndi ko mapigilan ang mapangiti.
"Ang bait po ni Mam Arabella Madam. Kahit na mahirap si Nanay, nagawa nya pang makipagkaibigan." sagot ko. Nakangiting tumango si Madam.
"Yes. Hindi sya lumaking matapobre! Isa sya sa ipinagmamalaki ko sa pamilya. Mabait syang bata at maalalahanin. Nasa tabi ko sya palagi noong mga panahon na down na down ako." nakangiti nitong sagot. Hindi ko naman maintindihan ang ibig nitong sabihin kaya tinitigan ko na lang si Madam Carissa.
Kung mabait si Mam Arabella mas mabait ito. Kitang kita ko iyun sa maganda nyang mukha. Smiling face si Madam at siguro maraming nagkakagusto dito noong kabataan nya pa. Kaya siguro kitang kita ko kung gaano ito kamahal ni Sir Gabriel.
Chapter 189
RAFAEL POV
Kasalukuyan akong nakatambay sa bar ng isa sa mga kaibigan kong si Drake Davis. Hinihintay ko ang iba ko pang mga kaibigan na sila Arthur at Peanut. Tinawagan ko sila dahil gusto ko silang makausap. Gusto kong maglabas ng sama ng loob. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Masyado akong apektado sa sinabi kanina sa akin ni Veronica.
..sino ba siya? Pasalamat nga siya hinahalikan ko siya eh. Iyung ibang mga babae nga dyan halos
magpakamatay mapansin ko lang. Samantalang siya kikiwestyunin nya ako kung bakit palagi ko syang hinahalikan? Bakit ba? Sa gusto ko eh. Nakaka-addict ang labi nya at pakiramdam ko kompleto ang araw ko kapag ginagawa ko iyun. Pagkatapos pagbabawalan nya ako ngayun dahil amo nya daw ako. Thats shitt!" Malakas kong wika. Mabuti na lang at wala akong kasama dito sa VIP room. Kung hindi mapagkakamalan pa akong baliw na nagsasalita mag-isa.
Hindi ko mapigilan na sabunutan ang sarili kong buhok ng muling lumitaw sa balintataw ko ang hitsura ni Veronica. Ano ba ang nangyayari sa akin? Namimiss ko na agad siya. Gusto ko ng umuwi ng mansion para makita siya!
Nasa ganoong pag-iisip ako ng pumasok ang dalawa sa tatlo kong kaibigan. Si Arthur at Peanut. Masyadong busy ang bar na ito at susunod na lang siguro mamaya si Drake.
"Pare! Anong problema? Pambihira naman nasa kasagsagan kami ng mainit na tagpo ni Rica bigla ka namang tumawag." reklamo ni Peanut Smith sabay upo sa harap ko. Halatang hindi ito masaya sa pang-iisturbo ko na ginawa ngayung araw.
"May problema ba? Huwag mong sabihin magpapatulong ka na naman sa pangha-hunting ng babae na ipapalit mo kay Sofia? Tsk! Bakit ba kasi bigla mo na lang dinispatsa ang babaeng iyun? Sayang Pare. Ang ganda ng katawan at ang kinis ng kutis. Hindi halatang laging laman ng kusina." sabat naman ni Arhur! Umismid ako.
"Hindi ko kailangan ng ibang babae ngayun. Tinawagan ko kayo dahil gusto kong humingi sa inyo ng payo sa mga dapat kong gawin." sagot ko sabay tungga ng alak. Agad na natigilan ang dalawa. Seryoso akong tinitigan.
"Aba, bago ito ah? Bakit anong problema? Akala ko ba nagkasundo na kayo ng mga magulang mo. Kaya ka nga abala nitong huling araw at ayaw pa-isturbo sa amin dahil naka-focus
ka na sa pagpapatakbo ng kumpanya nyo diba?" muling sagot ni Peanut. Umiling ako. Napansin ko naman ang makahulugang pagtitig sa akin ni Arthur bago ito sumagot.
"Tungkol ba ito sa babaeng kasama mo kagabi sa resto ko? Kay Veronica?" tanong nito. Agad naman nakuha ang attention ni Peanut dahil doon.
"Sinong Veronica? Bagong babae mo Pare? Wow, grabe ka noong nakaraang linggo lang kayong naghiwalay ni Sofia may kapalit kaagad?" muling sabat ni Peanut.
"Not like that! I dont know! Nababaliw na ako! Nakaka-addict sya Pare!" sagot ko naman. Naguguluhan naman na tumitig sa akin ang dalawa. Takang taka sa sinabi ko.
"Teka nga! Ano ba ang pinagsasabi mo? Sinong nakaka-addict? Ikaw ha baka kung ano na iyan." muling sagot ni Peanut.
"Paktay ka Pare. Mukhang sapol ni Kupido ang puso mo sa pagkakataon na ito. Ano ba kasi ang nangyari? Akala ko ba hindi ka naniniwala sa pag - ibig ? Mukhang tinamaan ka ah?" mulng sagot ni Arthur!
"Iyun din ang hindi ko maintindihan sa sarili ko Pare. Nababaliw na yata ako. Hindi sya mawala sa isip ko. Kahit nasa opisina ako, siya ang laman ng isip ko." sagot ko naman. Agad na napailing si Arthur at takang-taka naman na tumitig sa akin si Peanut.
"Gaano ba kaganda ang Veronica na iyan at nagkakaganyan ka? Ipakilala mo sa akin at ng makilatis ko." sagot naman ni Peanut.
"Naku Pare! Sobrang ganda! Lakas ng sex appeal. Kung ako siguro ang unang nakakilala sa kanya baka bakuran ko kaagad eh. Swerte lang itong si Rafael
dahil sya ang unang nakakita kay
Veronica." Sabat naman ni Arthur. Hindi ko naman mapigilan na batukan ito. Mukhang pati ito
pinagpapantasyahan ang babaeng
hindi maalis sa isip ko.
"What? Hindi mo na nga ako hinayaan na mahakawan ang kamay nya pagtakapos babatukan mo pa ako? Aba Rafael...talagang pinanindigan mo iyang pagiging possessive mo ha? Bakit girl friend mo na ba? Sinagot ka na ba? "muling wika ni Arthur na may halong pang-aasar. Akmang babatukan ko ulit ito ng agad itong lumayo sa akin. Tumatawa ito.
"Talagang hindi ko hahayaan na mahawakan mo sya ulol!" sagot ko. Lalo itong natawa. Nahawa na din sa kanya si Peanut!
"Iyan sa sobrang pagiging mapaglaro mo sa mga babae, nakahanap ka din ng katapat at na In love na ang Rafael natin.
Mukhang kaunting panahon na lang magpapatali ka na sa isang babae Pare! "Pang-aasar nitong wika. Agad naman akong napatungga ng alak sa sobrang inis ko. Bwesit talaga! Imbes na manghingi ako ng payo kung ano ang dapat kong gawin mukhang puro pang-aasar ang maririnig ko sa dalawang ito.
Nakakainis!
"Ako lang ba ang mapaglaro? Kayo din naman ah? tigilan niyo ako ha? kapag sa inyo na mangyari ang nangyayari sa akin ngayun tatawanan ko talaga kayo! " sagot ko. Nag high five pa ang dalawa na parang mga baliw. Sa sobrang inis ko bigla akong napatayo sa aking upuan.
"hey! saan ka pupunta? Pikon agad? Akala ko ba hihingi ka sa amin ng payo kaya mo kami tinawagan." sagot ni Peanut ng mapansin na akmang aalis ako. Sinamaan ko ito ng tingin.
"Fine Ikaw naman hindi na mabiro.
Masaya lang kami dahil sa wakas in- love na ang pinaka-playboy sa grupo!" sabat naman ni Arthur.
Muli akong naupo. Akmang magsasalita ako ng biglang pumasok si Drake. May mga kasama itong mga babae kaya hindi ko mapigilan na titigan ito ng masama. Nginitian lang ako nito at inutusan ang mga babaeng pumasok na. Agad na kumandong ang dalawa kina Arthur at Drake samantalang ang isa ay umupo sa tabi ko. Agad akong umusog at inis itong tinitigan.
"Get lost! Wala ako ngayun sa mood para dito!" inis kong sigaw sa babae. Gulat naman na napatitig sa akin ang tatlo kong kaibigan. Nahintakutan naman na napalayo sa akin ang babae. Hindi marahil nito inaasahan ang pagsigaw ko.
"Hey! Bro...Relax! Ano ba ang
nangyayari sa iyo? Ganito naman lagi ang set-up tuwing pumupunta ka dito sa bar ah ?awat ni Drake.
Napahilamos ako sa aking mukha at tumitig dito. Agad nya naman nakuha ang ibig kong sabihin at sininyasan nito ang mga kasamang babae na lumabas muna. Gusto pa sanang magprotesta nila Peanut at Arthur pero sinamaan ko sila ng tingin.
"Tsk! Sayang ang isang iyun! Mukhang masikip pa ah? Reserve mo sa akin iyun mamaya Drake ha?" narinig ko pang wika ni Peanut! Napiiling ako. Lahat na lang ng may butas gustong pasukin ng gago! Masyadong garapal pagdating sa babae. Hindi marunong mamili. Kahit mga bayaran pinapatos.
"Sure Peanut! Ikaw pa ba naman malakas ka sa akin eh. Bagay talaga sa iyo ang pangalan mo! Peanut! Mani! Mahilig sa mani!" sagot ni Drake. Napahalakhak naman si Arthur dahil doon. Banas na banas naman si Peanut dahil sa narinig.
"So, anong problema? Gusto mo na naman bang takasan ang responsibilidad sa kumpanya mo? Naku Rafael, ito na yata ang time na magseryoso ka na...Tingnan mo kaming tatlo..businessman na businesman na ang purmahan." wika ni Drake. May pagmamalaki pa sa boses nito. Nagkalat na ang bar nito sa buong Pilipinas. Sa sobrang hilig nito sa nightlife at party-party talagang ang bar ang tinarget nitong maging negosyon pagka-graduate namin.
Galing sa broken family kaya walang target ngayun kundi payamanin ang sarili para ipakita sa mga magulang na hindi sila kawalan sa buhay nya.
"Hindi iyun! I think....in love ako sa bagong ampon nila Mommy at Daddy!" sagot ko. Agad na nanlaki ang mga mata ng tatlo.
"Nag-ampon sila Tita ng dalaga na? Paktay ka ngayun! Mahirap iyan Pare! Eh ampon pala si Veronica, kung makabakod ka naman daig mo pa ang asawa!" sagot ni Arthur. Kanina pa talaga ako naiinis dito. Walang ibang lumabas sa bibig kundi pang-aasar.
"Eigheen years old Pare! teenager pa lang!" sagot ko.
"anong teenager! Dalaga na iyun. Pwede ng asawahin!" sabat naman ni Peanut. Napahilot ako sa sintido ko. Mukhang walang magandang patutunguhan ang usapang ito! Mga bata isip itong mga kaharap ko eh.
Chapter 190
RAFAEL POV
Mukhang wala talaga akong matinong makukuhang payo mga kaibigan ko kaya muli akong tumayo. Nakakainis! Lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa kanila. Palibhasa hindi pa nila nararanasan ang nararamdaman ko ngayun kaya ginagawa nilang biro ang lahat.
"Relax! Ito naman oh, nag- uumpisa pa lang tayo lalayasanan mo na kaagad kami. "sabat ni Lance. Binuksan nito ang bote ng isang beer at sinalinan ang sariling baso.
Muli akong naupo. Isa na lang
talaga at magwo-walk out na
ako. Napabuntong hininga ako at
seryoso silang hinarap.
"Inlove na yata ako mga Pare" sagot ko. Nagkatinginan ang tatlo. Pagkatapos ay hinarap ako ni Peanut.
"Sure ka? Hindi bat hindi ka tinatablan ng love-love na iyan? Anyare!" tanong nito. Agad ko itong pinaningkitan ng mga mata. Mukhang mag-uumpisa na naman yata.
"Eh di kung in-love ka na sa kanya...alagaan mo siya. Mahalin mo! Ingatan mo at ipadama mo! Napaka-simple ng problema mo lalo na at kasama mo lang pala siya sa mansion." sagot ni Lance. Sa aming apat ito ang medyo seryoso sa buhay. Malakas akong napabuntong hininga sabay tingin sa malayo.
"Iyun na nga ang ginagawa ko ngayun....kaya lang ayaw nya magpa-alaga eh." sagot ko. Muling nagkatinginan ang tatlo.
"Ano ba kasing klaseng pag- aalaga ang ginagawa mo? Teka, hindi ba siya masaya sa mga ginagawa mo? Halos ubusin mo na nga ang mga new arrivals kong mga items sa store tapos ayaw nya pa?" curious na tanong naman ni Arthur. Napakamot ako ng ulo.
"Iba kasi siya sa lahat. Hindi siya masaya sa mga ginagawa kong effort para sa kanya! Parang hindi siya apektado sa ka- pogihan ko!" sagot ko. Napanganga silang tatlo. Peanut ang unang nakabawi.
"Lakas ng hangin ah? Kumapit kayo mga Pare. Baka matangay kayo!" sabat ni Peanut. Sa sobrang inis ko binatukan ko ito. Seryoso na ang usapan hinahaluan na naman ng kabulastugan. Nakakainis talaga!
"Teka! Ano ba kasing pag-aalaga ang ginagawa mo? Paano mo ipinapadama sa kanya na mahalaga siya sa iyo?" tanong na naman ni Lance. Saglit akong nag-isip at hindi ko maiwasan na mapangiti ng maalala ko ang halik na pinagsaluhan namin. Nakakakilig at hindi ko akalain na mababaliw ako sa labi niya.
"Inaalagaan ko siya. Hinahawakan ko palagi ang kamay nya para maramdaman nya na walang ibang pwedeng magmay-ari sa kanya kundi ako lang. Pagkatapos kapag may chance, hinahalikan ko siya sa labi!" sagot ko. Muling napanganga ang tatlo. Tulala silang tumitig sa akin. Hinampas ko ang mesa gamit ang mga kamay ko para kunin ang attention nila.
Ano ba ang nakakagulat sa kwento ko at mukhang mga tanga ang reaction ng tatlong itlog na ito? May mali ba sa paraan ng pag-aalaga ko kay Veronica?
"Ang bilis mo ah? Kailan lang siya dumating ng mansion naka- first base ka na kaagad? Bakit sinagot ka na ba nya? Niligawan mo na ba siya? Girl friend mo na ba?" tanong ni Arthur. Sa dami ng tanong nito hindi ko alam kung alin doon ang una kong sasagutin.
"Bakit kailangan pa bang ligawan ang isang babae para maangkin. Ulol! Hindi ko gawain iyun noh?" sagot ko sabay lagok ng alak.
"Buti pumapayag siya sa ganoong set up. Halik kaagad? Bago iyun ah?" sagot ni Lance.
"Ayaw nga nya eh. Nagalit si kanina sa akin. Umiyak siya! Ayaw nya daw na hinahalikan ko siya!" sagot ko. Nagulat na lang ako ng biglang nagkatawanan ang tatlo. Mas nangingibabaw ang tawa ni Peanut kaya ko itong binato ng ash tray. Buti na lang at agad na nakailag.
"Baka naman bad breath ka Pare! sa dami ng babaeng dumaan sa buhay mo, baka naman lahat iyun nag-iwan ng amoy sa nguso mo kaya ayaw ni Veronica!" May halong biro na wika ni Arthur. Masama ko itong tinitigan.
"Parang hindi nyo naman alam ang rules ko! Never akong nakipaghalikan sa mga babae ko. Hinahayaan ko silang i -blow job ako pero hindi ako humahalik labi nila kahit na nagmamakaawa sila sa akin! Kadiri kaya! Tanging kay Veronica ko lang iyun ginawa at ang nakakainis, ayaw nya! Dibat nakaka-insulto iyun?" sagot ko.
"Basta isa lang ang sure ko! Hindi ka nya type at nandidiri sya sa iyo!" tatawa-tawang sagot ni Arthur. Halatang nag- uumpisa na naman akong inisin nito. Matalim ko itong tinitigan.
"Ang bilis mo naman kasi Rafael. Hinay-hinay lang kasi. Baka naman nabigla lang si Veronica sa bilis ng mga kilos mo. Bata pa siya at na-shocks siguro siya sa mga mabilisan mong 'the moves' ". sabat ni Lance. Saglit akong nag-isip. Pagkatapos napailing ako.
"Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ewan ko ba, sa tuwing nakikita ko siya gusto ko siyang hawakan at yakapin. Kung alam nyo lang kung gaano ako nagpipigil para ikulong sya sa kwarto ko! Kung hindi lang dahil sa kay Mommy at sa mga kapatid kong babae hay naku itinanan ko na iyang si Veronica." sagot ko. Nagkatinginan ang tatlo at seryoso akong hinarap ni Lance
"Pare, hindi madadaan sa
santong paspasan ang lahat.! Hinay-hinay lang kasi. Masyado pang bata ang babaeng napupusuan mo! Baka naman feeling nya mina-maniac mo siya kaya gusto nyang umiwas sa iyo! Hinay-hinay lang. Hayaan mo muna na makilala ka nya ng lubusan ganoon ka din sa kanya.
Ang isang relasyon, hindi nagtatapos sa init ng katawan. Hindi lang sa ibabaw ng kama ang sukatan kung gaano kahalaga sa iyo ang isang tao." sagot ni Lance.
"Alam ko naman iyun. Kaya lang ano ang magagawa ko! Gusto ko siya! Gustong gusto ko siyang palaging nakikita! Nababaliw na yata ako sa kanya Pare!
"Hay mahirap nga iyan. Ikaw lang ang makakasagot sa sarili mong problema. Ikaw lang din ang makakagawa ng paraan kung paano masulusyonan iyan. sagot ni Lance. Pagkatapos ay itinaas nito ang hawak na baso ng alak para makipag-cheers. Tahimik ko naman itinaas ang baso ko tsaka inisang lagok ang laman niyon.
Tumambay pa ako sa bar ng mga ilang oras. Pagkatapos ay tinawagan ko ang driver namin sa mansion para magpasundo. Alam kong may tama na alak at ayaw kong magmamaneho kapag tipsy na ako. Ayaw kong madisgrasya at makadisgrasya.
Pasado alas diyes ng gabi ng dumating si Manong Gerry.
Nagtaxi ito at siya na ang magdadrive ng kotse ko pauwi ng mansion. Ipinikit ko ang aking mga mata habang nasa kami.
bakit ba hindi ka maalis sa isip ko!" hindi ko maiwasang sambit. Agad naman napatingin sa akin si Manong Gerry ng pagtataka ang titig nito sa akin.
"Mang Gerry, ano ang ginagawa ni Veronica sa mansion kanina?" wala sa sarili kong tanong. Saglit itong nag-isip bago sumagot.
"Dumating po kanina si Mam Arabella, kasama ang maging tutor ni Ms. Veronica." Sagot nito. Napatango ako. Mukhang magiging abala na ang Veronica ko sa mga susunod na araw. Mabuti nga iyun para hindi na sya yayain ni Elijah sa kung saan -saan.
Pagdating ng mansion ay pasuray -suray akong naglakad paakyat
ng hagdan. Akmang aalalayan ako ni Manong Gerry pero pinigilan ko ito.
"Gabi na! Magpahinga ka na Manong. Kaya ko na ang sarili ko. Ipagdadrive mo pa ako bukas ng umaga sa opisina." wika ko dito. Hindi na ako nito sinundan hanggang sa makaakyat na ako ng hagdan. Akmang papasok na ako ng kwarto ko ng maisipan ko si Veronica. Napangisi ako sa aking naisip.
"Bakit nya ba ako pagbabawalan! Eh sa akin din naman ang bagsak nya pagdating ng araw. Hindi ko naman siya hahalikan kung ayaw nya! Miss na miss ko na sya!
Tatabihan ko lang sya sa pagtulog. Baka sakaling maganda ang gising ko bukas." bulong ko at agad na naglakad patungo sa kwarto ni Veronica! Pagdating sa tapat ng pintuan aagad kong pinihit ang seradura. Mukhang sini-swerte ako ngayung gabi! Hindi naka-lock ang pintuan.
Dahan-dahan ko iyun binuksan at agad na sa mga mata ko ang malamlam na na nagmumula sa lamp shade. Agad na dumako ang tingin ko sa kama at napangiti ako ng makita kong mahimbing na natutulog si Veronica sa ibabaw ng kama. Wala itong kamalay-malay na pinasok ko na ito dito sa kanyang kwarto. Inilock ko pa ang pintuan bago ko isa-isang hinubad ang suot kong damit. Tanging boxer short lang ang itinira kong saplot sa katawan. Hindi ako sanay na matulog na may suot na damit.
Inamoy ko pa ang sarili ko kung mabaho ba ako. Baka ma-turn off sa akin si Veronica. Dapat magshower muna ako bago matulog kaya lang tinatamad ako. Alas onse na ng gabi at gusto ko ng matulog. Agad akong nahiga sa tabi nito at hindi ko mapigilan na tunghayan ang payapang natutulog na mukha nito. Kainis! Ang ganda nya talaga!
"Hindi kita pwedeng halikan diba? Pero hindi mo naman sinabi sa akin na bawal kitang yakapin at tabihan sa pagtulog." bulong ko pa sabay hila ng comforter. Itinakip ko ito sa aming katawan sabay yakap ko dito..
Inamoy-amoy ko pa ang buhok nito hanggang sa dalawin ako ng antok. Lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya at hindi ko na namalayan pang nakatulog ako.
Kinaumagahan ....
Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock. Nagulat pa ako ng may biglang gumalaw sa tabi ko kaya agad kong hinigpitan ang pagkakayapos dito. Inaantok pa ako at gusto ko pang matulog.
"Teka lang! Sir Rafael, bakit nandito ka sa kwarto ko?" narinig ko pang wika nito. Hindi ko ito pinansin bagkos lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayapos sa baywang nito gamit ang braso ko.Naramdaman ko pa ang pagpupumiglas nito kaya muli akong nagsalita.
"Maaga pa! Matulog pa tayo!" wika ko na may kalakip na lambing sa boses. Naramdaman ko naman na tumigil ito sa pagpupumiglas. Nakaramdam ako ng kasiyahan sa puso ko habang sinasamyo ang bango ng buhok nito.
'shit! Ano ba ang gamit nyang pabango? Bakit ang bango nya?' hindi ko maiwasang bulong.
"Bakit po ba nandito kayo sa kwarto ko? Tsaka bakit amoy alak ka? Tapos nandito ka pa' " narinig kong wika ni Veronica Hindi ko maiwasan na mapangiti.
'Uminom ako kagabi kasama ng mga kaibigan ko! Gabi na ako nakauwi kaya naisipan kong dito na dumiretso sa kwarto mo." sagot ko. Hindi na ito sumagot pa kaya unti-unti kong idinilat ang aking mga mata.
Sumalubong sa paningin ko ang nakatitig na mga mata ni Veronica sa mukha ko. Hindi ko maiwasan ang mapangiti.
"Alam kong gwapo ako kaya huwag mo akong titigan ng ganyan. Baka mamaya magalit ang alaga kong anaconda at bigla ka na lang tuklawin." anas ko dito habang titig na titig sa maamo nyang mukha. Agad na nanlaki ang mga mata nito at mabilis na bumangon. Bumaba ng kama at agad na naglakad palayo sa akin.
Hindi ko naman maiwasan ang matawa. Napaka-inosente talaga nito. Mukhang sulit ang desisyon ko kagabi na tumabi sa kanya.
Chapter 191
VERONICA POV
Nagising ako ng may kung anong mabigat na bagay ang nakadagan sa akin. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata para lang sumalubong sa paningin ko ang natutulog na mukha ni Sir Rafael. Agad na nanlaki ang aking mga mata at inilibot ang tingin sa paligid. Gusto kong masiguro na nasa sarili akong kwarto. Kung ganoon ano ang ginagawa dito ni Sir Rafael? Bakit katabi ko nya ngayun?
Akmang babangon na ako ng lalong humigpit ang pagkakayapos nito sa akin. Mukha namang mahimbing ang tulog nya at hindi ko maintindihan kung bakit sa sobrang higpit ng pagkakayakap nya sa akin hindi ako makawala.
Hindi ko tuloy maiwasan na titigan ang gwapo nitong mukha. Agad na kumabog ang dibdib ko nag malapitan kong matitigan
ang matangos nitong ilong at
normal na mapupulang labi.
Muling sumagi sa isipan ko ang mga halik na pinagsaluhan namin.
"Saglit lang...maaga pa, matulog pa tayo." Narinig kong wika dito. Lalo naman akong nagtaka dahil napansin kong wala itong damit
pangtaas. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang ng may kung anong matigas na bagay na sumasagi sa hita ko.
"Huwag kang malikot. Baka magising ang anaconda ko!" sa sinabi nyang iyun ay bigla nagkaroon ng lakas para makabangon at makaalis ng kama. Hanggang dito pa ba naman sa kwarto ko dala-dala nya pa rin ang anaconda na iyan? Paano kung makatuklaw iyan? Paano kung mapuruhan ako? Eh di patay ako!
"Sir naman, bakit pati dito sa kwarto ko dala-dala mo pa rin iyan. Ilabas nyo na po iyan, takot po ako sa ahas." wika ko dito. Napansin ko pa ang pagngisi nito bago dahan-dahan na bumangon. Tama nga napansin ko kanina, wala itong damit pangtaas at lalong namilog ang mga mata ko ng mapansin k brief lang ang suot nito.
"Mahabaging anghel sa kalangitan, tumabi po kayo sa akin na yan lang ang saplot nyo sa katawan?" hindi ko mapigilang wika. Napahalakhak ito. Pagkatapos ay baliwalang naglakad sa harap ko kaya agad akong napatakbo papuntang banyo. Dali-dali akong pumasok at agad na ni-lock ang pintuan.
"Ang bastos ni Sir! Hindi nya ba alam na virgin pa ang mga mata ko?" Hindi ko maiwasang bulong sa sarili ko. Tinapik-tapik ko pa ang mukha ko para mawala sa isip ko ang bumubukol sa pagitan ng hita ni Sir. Grabe siya, hindi man lang sya nahihiyang ibalandra ang katawan nya sa akin? Tsaka paano kaya siya nakapasok dito sa kwarto ko?
"Veronica!" napapitlag pa ako ng bigla itong kumatok sa pintuan ng banyo. Hindi ko ito sinagot. Bahala sya diyan! Hindi ako lalabas dito sa banyo hindi siya umaalis dito sa loob ng kwarto ko at isama ang anaconda niya.
"Lalabas na ako! Bilisan mo! Magkita na lang tayo sa dining room." wika nito. Hindi ko ito sinagot. Bagkos binuksan ko ang tubig sa shower para hindi ko na marinig ang iba pang sasabihin nya.
Halos limang minuto din akong naglagi sa loob ng banyo na walang ibang ginawa kundi tumunganga lang. Pagkatapos dahan-dahan akong sumilip masiguro kung umalis na ba si Sir Rafael. At ng masiguro na wala na ito ay agad akong lumabas ng kwarto sabay titig sa kama ko. Parang dinaanan ng bagyo sa sobrang gulo kaya wala akong nagawa kundi ang tupiin ang lahat ng kumot na ginamit at ayusin sa pagkakasalansan ang mga unan.
Pakiramdam ko naaamoy ko pa rin si Sir Rafael dito sa kwarto ko. Ano kaya ang nakain nya at dito siya dumiretso kagabi sa kwarto ko? Sa sobrang sarap ng tulog ko hindi ko man lang namalayan ang pagpasok nito.
Hindi namin siya kasabay kumain ng dinner kagabi. nainis nga si Madam Carissa at binanggit pa nito na nag- uumpisa na naman daw sa bisyo nya si Sir Rafael. Gusto ko man itanong kung anong bisyo iyun, nahihiya naman akong magtanong kay Madam. Baka sabihin nila tsismosa ako.
Pagkatapos ayusin ang higaan ay muli akong bumalik ng banyo para maligo. Kailangan kong magmadali. Alas-otso ng umaga ang schedule ko sa tutor ko. Ngayun ang first day ng pagtuturo at nakakahiya kung ma -late ako.
Pagkatapos kong gawin ang morning routine ko halos takbuhin ko ang hagdan pababa. Mabuti na lang at sapat ang naging tulog ko kagabi at alive na alive ako ngayun. Pilit ko na din kinalimutan ang nangyaring insedente kaninang umaga. Baka nga sa sobrang kalasingan niya nagkamali siya ng pasok ng kwarto. Alam kong lasing ito kagabi dahil nangangamoy alak pa ito kanina.
Naabutan ko na sila Madam sa loob ng dining room. Mukhang kararating lang nila dahil wala pang pagkain sa pinggan nilang dalawa ni Sir Gabriel.
"Good Morning po Madam, nahihiya kong bati sa kanila. Hanggang ngayun hindi pa rin ako sanay na makasama sila sa iisang hapag kainan.
"Good Morning Veronica.
Ngayun ang first day mo. Excited
ka na ba?" agad na wika ni Madam sa akin. Nakangiti ko naman itong sinagot.
"Kinakabahan po ako Madam.". Napaalis ang ngiti sa labi nito sabay titig sa akin.
"Hindi mo kailangan kabahan Veronica. Tandaan mo, nandito si Teacher Josh para turuan ka sa lahat ng mga aralin na dapat mong matutunan. Kapag may hindi ka nagustuhan sa mga turo nya pwede kang magsumbong sa akin at maghahanap agad tayo ng kapalit nya." kaswal na sagot ni Madam. Hindi ako nakaimik. Talaga pa ang may ganoon? Kapag hindi ko gusto ang teacher pwede nila palitan anytime?
"And besides, hindi bat sinabi ko na sa iyo na huwag mo na kaming tawaging 'Madam at Sir '? Pwede mo kaming tawagin na Tita or Tito or whatever you like! Basta huwag ang Madam at Sir. Sa nabanggit na namin sa iyo noon, hindi ka na iba sa pamilya. Kaya ka nga namin kasama sa hapag kainan na ito." muling wika ni Madam Carissa. So ang expression ng mukha nito habang binabanggit ang katagang iyun. Napayuko ako.
"Nagkakaintindihan ba tayo Veronica? Starting today, ayaw ko ng marinig ang Madam at Sir na tawag mo sa amin?" muling wika nito. Dahan-dahan naman akong tumango.
"Opo Tita!" sagot ko. Parang gusto kong lumubog sa aking kinauupuan sa sobrang hiya. Agad namang napangiti si Madam at mukhang nagustuhan nito ang pagsang-ayon ko. May choice ba ako? Wala diba? Iyun ang gusto nila kaya susundin ko.
"That's better! By the way Sweetheart, umuwi ba kagabi si Rafael?' sabat naman ni Sir Gabriel....ah Tito Gabriel na pala ngayun.
"I dont know Gab...I think kailangan na naman nating kausapin ang anak mong iyan. Ilang araw lang nanahimik dito sa mansion balik na naman sa dating ugali." sagot ni Tita Carissa. Malakas na napabuntong hininga si Tito gabriel sabay sandok ng sinangag at nag-umpisa ng maglagay ng kaunting portion ng sinangag sa pinggan nilang dalawa ni Madam Carissa. Nag-umpisa na din akong maglagay ng pagkain sa pinggan ko ng mapansin na ang pagpasok ni Sir Rafael. Hindi pa ito nakadamit pang-opisina at mukhang kakatapos lang maligo.
Agad itong humalik sa pisngi ng mga magulang. Napansin ko naman ang pagkagulat sa mukha nila Tita Carissa at Tito Gabriel ng mapansin ang anak.
"Anong oras ka nakauwi kagabi? Sinilip kita kaninang alas tres ng madaling araw sa kwarto mo wala ka?" agad na tanong ni Tita.
Hindi ko naman naituloy ang pagsubo ko ng sinangag. Sa hindi malaman na dahilan bigla ako kinabahan. Paano kung malaman nila na sa kwarto ko nagpalipas ng gabi ang anak nila? Baka kung ano ang masamang iisipin nila sa akin?
"Alas onse na po ako nakauwi Mom! Napasarap ang kwentuhan naming magkakabarkada sa bar ni Lance." kaswal na sagot ni Sir Rafael sa Ina Natigilan naman si Tita at matamang tinitigan ang anak.
"Tumambay sa bar or may kasamang babae? Ikaw bata ka ha, mag ingat ka! Tumataas ang kaso ng HIV sa bansa." biglang sagot ni Tita. Napansin ko ang pagbabago ng hitsura ni Sir Rafael sabay sulyap sa gawi ko. Hindi ko iyun pinansin at itinoon ang attention ko sa pagkain. Kunyari wala akong narinig. Bahala siyang sabunin ng mga nyan. Buti nga sa kanya!
"Mom naman! Ang aga-aga eh. Isa pa malabong mahawa ako sa
sakit na iyan. Nag-iingat po ako! " sagot ni Sir Rafael sa ina. Tinaasan lang ng kilay ni Tita ang anak tsaka binalingan ang asawa.
"Kausapin mo iyang anak mo! Ayaw kong ma-stress sa mga pinanggagawa nyan!" wika ni Madam. Agad naman hinimas ni Sir Gabriel ang likod ng asawa bago hinarap ang anak.
"Kumusta sa kumpanya kahapon? Marami ka bang natutunan?" tanong ni Tito. Sumandok muna ng pagkain si Sir Rafael bago sinagot ang ama.
"Sisiw lang ang trabaho Dad. Alam ko na ang ibang itinuturo sa akin ni Kuya. Kahit naman lagi ako sa galaan noon pumapasok pa din naman ako ng opisina at may ilan ng natutunan. Huwag po kayong mag-alala. Sisiw lang sa akin ang lahat.." sagot nito sabay subo ng pagkain. Agad naman napangiti si Tito Gabriel sa isinagot ng anak.
"Pagbutihan mo para naman matuwa si Mommy mo. Isa pa iwasan mo munang tumambay sa bar na iyan hanggat hindi mo pa gamay ang pamamalakad ng kumpanya. Mag -focus ka dahil hindi basta- bastang responsibilidad ang nakaatang sa balikat mo." wika ni Sir gabriel sa anak. Agad naman ngumiti si Sir Rafael sa ama.
"Of course Dad. Hindi po bat nagpromise na ako sa inyo ni Mommy na aayusin ko na ang buhay ko? Ito na iyun! Promise, magiging magaling akong CEO at ipagmamalaki ako ng buong pamilya." sagot nito. Masayang tumango si Tito Gabriel at hinarap ang asawa.
"Mabuti naman kung ganoon! Gusto ko lang naman na maging responsable kang tao Rafael.
Hindi ka na bumabata at balang araw mag-aasawa ka na at magkakaroon ng mga anak." sagot ni Tita Carissa. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti. Bigla ko tuloy na-imagine kung ano kaya ang hitsura ni Sir Rafael na may karga-kargang bata? Siguro lalo itong magsusungit?
Patapos na akong kumain ng biglang lumapit si Ate Maricar at may ibinalita.
"Madam dumating na po si Teacher Josh!" imporma agad naman dumako ang tingin sa akin ni Tita Carissa.
"Hindi bat 8am pa ang schedule mo?" tanong nito.
"Opo. Ehh 7am pa lang po." sagot ko habang umiinom ng orange juice.
"Sinong Josh?' sabat naman ni Sir Rafael. Salubong ang kilay nito at mukhang hindi nagustuhan ang pangalang binanggit.
"Tutor ni Veronica. Ipinakilala na sya kahapon ni Arabella." sagot ni Tita Carissa. Pagkatapos ay binalingan ako nito.
"Tapos ka na bang kumain na Iha, puntahan mo na ang teacher mo." wika nito. Tatayo na sana ako sa pagkakaupo ng bigla akong hawakan ni Sir Rafael sa braso. Tinitigan ako nito bago ibinaling ang attention sa mga magulang.
"Gusto ko munang makilatis ang teacher na iyan. Baka mamaya kung anu-ano ang ituturo niya kay Veronica?" wika nito. Gulat naman na napatitig dito ang kanyang mga magulang. Hindi marahil nila inaasahan ang magiging reaction ng anak nila tungkol sa tutor ko. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng pagkailang lalo na ng napansin ko ang palipat-lipat na tingin sa aming dalawa ni Sir Rafael nila Tita at Tito.
"Wala ka bang pasok ngayun sa opisina Iho? Baka naman hinihintay ka na ng Kuya mo? Ikaw din baka iinit na naman ang ulo noon." wika ni Tita. Umiling si Sir Rafael at hinila na ako patayo. Wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod na dito ng nag-umpisa na itong naglakad palabas ng dining room habang hawak-hawak ako sa kamay.
Mamayang 10am pa ang schedule namin ni Kuya para sa meeting kay Mrs. Shen. Aalis din po ako kaagad bago mag 9am." sagot nito bago kami lumabas ng dining room.
"Hay mana talaga sa akin ang bunso ko! Kung makabakod akala mo aagawan eh." narinig ko pang sambit ni Tito Gabriel ng tuluyan na kaming nakalabas ng dining room.
Chapter 192
RAFAEL POV
Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni Daddy. Alam kong sa mga kilos ko nitong mga nakaraang araw may idea na sila sa tunay na nararamdaman ko kay Veronica. Hindi na mahalaga sa akin iyun. Ang importante sa akin makilatis ko kung sinu-sino ang mga taong makakasalamuha nito.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may tutor ka na pala?" tanong ko dito. Hawak ko pa rin ito sa kamay habang naglalakad kami papuntang garden. Doon daw naghihintay ang kanyang tutor.
"Hindi po kasi kayo umuwi kaya paano ko sasabihin sa inyo? Isa pa galit po kayo sa akin kahapon at..." hindi ko na naituloy ang sasabihin nito ng muli akong nagsalita.
"Ano ang silbi ng cellphone mo? Dapat tinawagan mo ako. Kapag may bagong mukha kang nakakasalumuha lalo na kapag lalaki dapat sabihin mo sa akin." sagot ko. Napansin ko pa ang pagkamot nito sa kanyang kilay. Huminto sa paglalakad at hinarap ako.
'Kilangan pa po ba iyun? Isa pa si Mam Arabella ang nagrekomenda sa kanya. Pumayag din naman si Tita." sagot nito.
"Kahit na! Dapat ipinapaalam mo ang mga kaganapan na nangyayari sa iyo. Tsaka lalaki pala ang tutor mo." sagot ko at binitiwan na ang kanyang kamay. Diretso na akong naglakad palabas ng mansion habang nakasunod ito sa akin. Pagdating ng garden ay agad kong natanaw ang isang lalaki na nakaupo habang sinusuyod ng tingin ang paligid.
Hindi ko akalain na kukuha sila ng ganito kabatang tutor para kay Veronica.. Mukhang mas lamang dito ang aakyat ng ligaw kaysa turuan si Veronica ng mga aralin sa iskwelahan. Mabuti na lang at hindi ako umalis ng maaga para pumasok ng opisina. Kung nagkataon hindi ko man lang mamalayan na may ibang lalaki na pala ang umaali-aligid kay Veronica na siyang iniiwasan kong mangyari.
Hindi ko maiwasan na agad makaramdam ng panibugho. Huli na ng namalayan ko na agad na lumapit si Veronica sa lalaki at binati ito.
"Good Morning Teacher Josh!" ngiting ngiti pa nitong wika. Agad na nagsalubong ang kilay ko lalo na ng ngumiti ang teacher pabalik kay Veronica. Titig na titig ito sa mukha ni Veronica kaya naman agad akong lumapit.
"Who are you?" agad kong tanong. Agad naman napukaw ang attention nito at tumingin sa akin.
"Hello Mr. Rafael Villarama! Nice to meet you po! Teacher Josh po! Ako po ang magiging teacher ni Veronica." sagot nito sabay lahad ng kamay. Tinitigan ko lang ang kamay na inilihad nito bago sinulyapan si Veronica na noon ay ngiting ngiti pa rin habang palipat lipat ang tingin nito sa akin at sa kanyang bagong teacher.
"Get lost! Hindi ka qualified para maging teacher ni Veronica!" seryoso kong sagot. Agad kong napansin ang pagkagulat sa mga mata ni Teacher Josh habang nakatingin sa akin. Pasimple na din nitong binawi ang nakalahad na kamay ng marealized nito na wala ako sa mood na makipagkamay sa kanya.
"Pero Sir, may kontrata na po akong pinirmahan kay Misis Arabella. At alam na din po ito ni Misis Carissa Villarama. Katunayan nga po nagkasundo na kami kahapon na ngayun ako mag-start na turuan si Veronica." sagot nito.
"I dont care about that contract."
malamig kong sagot. Wala din akong pakialam kung ano ang iisipin nito. Basta ang gusto ko ayaw kong siya ang magtuturo kay Veronica. Mas gugustuhin ko pang huwag ng mag- aral si Veronica kung lalaki din lang ang magtuturo sa kanya. Hindi pwedeng may ibang lalaking aali- aligid dito. Sa klase ng mga sulyap na ibinibigay ng teacher na ito kay Veronica alam kung nagagandahan ito sa kanya.
"Pero Sir, ngayun na dapat ako mag- start! Mabait naman po si Teacher Josh tsaka magaling naman siguro sya magturo." sagot ni Veronica. Matalim ko itong tinitigan. Sasagot-sagot pa eh at ipinagtatanggol nya pa ang lalaking ito.
"Maraming teacher dyan na mas
magaling sa kanya. Ako ang personal na magpapahanap ng tutor para sa iyo. Sige na, umalis ka na! Babayaran ko ang naabalang oras sa iyo!" muli kong wika at agad na hinila si Veronica pabalik sa loob ng mansion.
"I think kailangan nyo pong kausapin si Misis Arabella tungkol dito Sir. Siya kasi ang nagrecommend kay Veronica and nakapangako na po ako sa kanya na ako ang bahala sa kanya para maipasa ang paparating na ALS exam." pahabol na wika ng teacher. Nilingon ko ito at nginisihan.
"I dont care about Ate Arabella. Hindi nya nabanggit ang tungkol dito. Ayaw kong lalaki ang magiging teacher ni Veronica! Get lost!!" malamig kong sagot.
"Bakit po ba ang sungit nyo na naman! Ok na nga si Teacher Josh eh." sabat ni Veronica. Napansin ko ang lungkot sa mga mata nito Mukhang gustong- gusto na din talaga nitong matuto at bumalik sa pag-aaral. Inis na napabuntong hininga ako. Muli kong sinulyapan ang Teacher Josh na iyun. Muli itong bumalik sa pagkakaupo. Nakatingin sa gawi namin ni Veronica at mukhang nagbabakasakali pa na magbago ang isip ko.
Sa dinami-daming pwedeng kunin na tutor lalaki pa talaga. Ang daming babaeng teacher sa mundo!
"Hahanapan kita ng mas magaling. Huwag lang sa lalaking iyan." sagot ko.
"Bakit po? Eh nandyan na nga ang teacher oh? Tsaka magaling daw sya sabi ni Mam Arabella kahapon." may halong inis sa boses na sagot nito. Tinitigan ko ito sa mga mata.
"Lalaki siya at ayaw kong may ibang lalaki na aali-aligid sa iyo!' direktang sagot ko.
"Bakit nga? Eh noong nag-aaral ako, halos karamihan ng naging teacher ko mga lalaki! Wala naman problema!" sagot ulit nito. Hay ang kulit talaga! Hindi ba nito nararamdaman na nagseselos ako kapag may ibang lalaki na lumalapit dito. Lalo na ang tutor na iyan? Baka mamaya maniac pa ang gagong iyan at sa sobrang inosente ng isip nitong si Veronica baka hindi nya mamalayan iyun. At iyun ang ayaw kong mangyari. Ako lang ang pwedeng humawak at lumapit sa kanya. Kahit nga si Elijah gusto kong pagbawalan eh.
"Basta ayaw ko! Bakit ba ang dami mong tanong? Halikan kita dyan eh!" may pagbabantang sagot ko. Agad na namula ang mukha nito. Binawi ang kamay at umatras palayo sa akin. Pigil naman ako sa inis na nararamdaman ko sa kanya. Talagang ayaw nito na hinahalikan ko sya!
"Go back to your room. Aasikasuhin ko ang yang teacher mo dahil wala pa yatang balak na umalis." seryoso kong wika. Pinakunot ko pa ang aking noo para mapansin nito na nagagalit na ako. Tahimik naman itong sinunod ang gusto ko at laglag ang balikat na pumasok sa loob ng mansion. Muli kong nilapitan ang guro at seryosong hinarap.
"Ako ang magdedesisyon kung sino ang pwedeng maging tutor ni Veronica. Not Ate Arabella or kung sino!" seryoso kong wika sabay senyas guard na lumapit. Agad naman itong tumalima.
"Mister Villarama, hindi ko po maintindihan kung bakit ayaw nyo sa serbisyo ko. Sa naalala ko wala naman po akong naging atraso para i-reject nyo ako. Si Miss Arabella ang nag-hired sa akin at siya lang pwedeng magsi- sante sa akin." sagot nito. Naikuyom ko ang aking kamao. Kaunti na lang talaga at sasapakin ko na ang makulit na teacher na ito eh.
"Bakit mo pa ba ipinipilit ang bagay na iyan! Hindi nakatira sa bahay na ito si Ate Arabella at nasa poder ko si Veronica. Ako ang mas nakakakaalam kung ano ang mas makakabuti sa kanya! I hope na ito na ang huli mong pag-apak mo sa lugar na ito!" sagot ko at sinensyasan ang guard na sila na ang bahalang magpalabas ng bisita.
"Tao po akong pumasok sa lugar na ito with approval sa halos lahat ng miyembro ng pamilya niyo Sir. Sana po huwag nyo akong bastusin ng ganito!" sagot nito. Napangisi ako.
Makulit talaga! Gusto talaga nitong makipaglapit sa Veronica ko!
"I will talk to them! And..may mga dahilan ako kung bakit ayaw kong ikaw ang maging tutor nya! Kung may iba ka pang concerns, kay Ate Arabella ka makipag-usap!" sagot ko.
"Iho anong problema?" napalingon ako ng marinig ang boses ni Mommy. Nasa likod nito si Veronica at mukhang nagsumbong ito kay Mommy kaya pati ang Ina ko napalabas ng wala sa oras dito sa garden.
"Mom, sino ba kasi ang nagsabi sa inyo na lalaki ang kunin nyong tutor nya! Hindi papasa sa akin ang mga ganyang desisyon!" walang paligoy-ligoy kong sagot.
"Pero iho, nakausap na namin siya kahapon. Magaling siyang teacher at marami na syang na-handle na case katulad kay Veronica! Bakit hindi natin siya bigyan ng chance para maipakita ang kakayahan nya!" sagot ni Mommy. Agad akong umiling. Tinapunan ko si Veronica na noon ay nakatayo sa likod ni Mommy.
"No! Hindi ako papayag! Sorry Mom, pero buo na ang desisyon ko! Kapag ipilit nyo na siya pa rin ang maging teacher ni Veronica------" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng sumabat si Daddy.
"Fine! Hindi pasado kay Rafael ang tungkol dito...well wala tayong magagawa kundi ang maghanap ng iba. "sabat nito. Agad naman akong napangisi.
"But Gab, sayang ang araw. And besides nag-effort si Arabella tungkol dito." sagot ni Mommy.
"Well, kung ipilit nyo po talaga ang tungkol dito, wala na akong magagawa pa! Basta nasabi ko na ang gusto ko! ayaw kong sya ang magtuturo kay Veronica!" yamot kong sagot at agad na naglakad papasok ng mansion.
Tinawag pa ako ni Mommy pero hindi ko na pinansin. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magtatampo yata ako sa sarili kong Ina. Ito rin siguro ang kauna-unahang pagkakataon na susuwayin ko ito.
"Mabilis akong umakyat ng kwarto at pabagsak na nahiga sa kama! May meeting ako mamayang 10am at tinatamad na naman ako! Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Simula ng dumating sa mansion si Veronica, alam kung marami ng nagbago sa akin.
Pakiramdam ko mababaliw ako kapag hindi masunod ang mga gusto kong mangyari. Lalo na pagdating sa kanya.
Simple lang naman ang gusto ko. Ayaw kong may ibang lalaki na lalapit-lapit dito. Sa ngayun, iyun lang at wala ng iba. Pero mukhang sa pagkakataon na ito hindi iyun maibibigay ng pamilya ko. Alam kong nagmamdali sila na mahanapan agad si Veronica ng tutor pero mas gusto ko sana kung babae na lang. Huwag iyung ka-opposite sex nito.
Naputol ang pagmumuni-muni ko ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Agad kong tiningnan kung sino ang tumatawag at ng mapansin ko na si Kuya Christian ay kinansel ko ang tawag. Ayaw kong makipag-usap kahit kanino. Pakiramdam ko broken hearted ako ngayun at may gusto ng umagaw sa babaeng gusto ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko. Gusto kong magmukmok ngayun ng kwarto. Isa pa gusto ko din bantayan ang teacher na iyun at si Veronica. Mukhang natuloy din yata ang' pagtuturuan' nila! Nasayang lang ang effort ko na kausapin ito at palayasin dito sa mansion.
"Rafael....buksan mo ang pinto!" nahinto ako sa pagmumuni-muni ng marinig ko ang mahinang katok na iyun sa pintuan ng kwarto ko. Si Mommy iyun at kahit na wala akong balak na makipag-usap kahit kanino wala akong magawa kundi papasukin ito. Malaki ang respito ko sa kanya at mahal na mahal ko sya.
"Bukas iyan Mom!" sagot ko. Agad naman bumakas ang pintuan at sabay silang pumasok ni Daddy.
"Rafael, anak may sakit ka ba? Tumawag si Kuya Christian mo. Hindi mo daw sinasagot ang tawag at messages nya?" tanong ni Mommy sabay upo sa gilid ng kama. Napailing naman si Daddy habang nakatingin sa akin.
"Rafael, alam ko kung bakit ka nagkakaganyan. Ikaw talagang bata ka, pwede naman idaan sa maayos na pag- uusap ang lahat. Hindi ka talaga pumapayag na hindi masunod ang lahat ng gusto mo." sagot ni Daddy. Bumangon ako at naupo sa kama.
"Umalis na si Teacher Josh. Malungkot si Veronica dahil ini-expect nya na mag -uumpisa na ang klase nya today pero
napaliwanagan din naman kaagad
namin siya. Hay naku, ikaw talagang bata ka, ayaw mo pang aminin na nagseselos ka sa teacher na iyun eh." sagot naman ni Mommy. Agad naman akong napangiti ng marinig ko na nakaalis na pala ang Teacher Josh na iyun. Nasunod din ang gusto ko.
"Pero Iho, hindi pwedeng ganito palagi. Hindi mo pwedeng bakuran ng bakuran si Veronica. May sarili siyang pag-iisip at gusto sa buhay.
Naiintindihan namin ang nararamdaman mo sa kanya at sana matuto ka din umintindi sa nararamdaman ni Veronica! HIndi pwedeng lahat ng gusto mo ang masusunod!" wika ni Mommy. Napailing ako.
"Ayaw kong may ibang lalaki na lalapit sa kanya Mom! I know na masyado pang maaga para sabihin ko na mahal ko na sya pero natatakot akong baka maagaw sya ng iba sa akin." seryoso kong sagot. Agad na napangiti si Daddy.
"Sinasabi ko na nga ba Sweetheart eh. Sapol ni kopido ang puso ng anak mo!" tatawa-tawang sagot ni Daddy. Mahinang hinampas naman ito ni Mommy sa balikat.
"Hindi lang ikaw ang nakakaramdam nyan Gab. Ako ang Ina at kahit na hindi direktang sabihin ng anak natin ang nararamdaman nya alam ko iyun. Nababasa ko sa mga kilos nya. Kaya nga gusto kong maipagpatuloy ni Veronica ang pag-aaral nya para naman hindi sya matahin ng ibang tao.
"Alam mong sa mundo na ginagalawan natin, maraming mga matang mapang -husga at ayaw kong maranasan iyun ni Veronica...."
"I understand Mom. Hindi ako tutol sa pagkuha ng tutor para sa kanya! Pero huwag naman sana lalaki. Ayaw kong magkaroon ng karibal sa kanya!" sagot ko. Natawa si Daddy at tinapik ako sa balikat.
"Mag-ayos ka na! Hinihintay ka na ng Kuya Christian. Pag-usapan natin ang tungkol dito sa mga susunod na araw... huwag mo ng isipin ang tungkol sa tutor na iyan....kami mismo ni Mommy mo ang maghahanap at sisiguraduhin namin na papasa sa standard mo at wala ng selosan na mangyayari." wika ni Daddy. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti.
Chapter 193
VERONICA POV
Nanghihinayang man pero wala na akong magawa pa. Alam kong hindi matutuloy ang pag-aaral ko ngayung araw. Nakaalis na si Teacher Josh at kahit labag sa kalooban ko ang mga nangyari wala akong choice kundi matyagang maghintay na makahanap ulit ng bagong tutor.
Bakit ba kasi ayaw ni Sir Rafael kay Teacher Josh? Ako naman ang tuturuan ng tao. Pagkakataon ko na sana na matuto at makapagpatuloy sa pag aaral. Sa mga sinabi nito at sa expression ng mukha, kitang kita ko na ayaw nya talaga kay Teacher Josh. Wala naman akong nakitang kakaibang problema kay Teacher Josh. kung tutuusin mukha naman siyang mabait.
Napaupo ako sa kama. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Pinagbawalan na nila akong magtrabaho dito sa mansion at alangan naman na matulog ako maghapon. Hindi sanay ang katawang lupa ko na walang ginagawa.
Nasa malalim akong pagmumuni- muni ng marinig ko na may kumatok sa pintuan ng kwarto. Agad akong tumayo at pinagbuksan. Nagulat pa ako ng makita ko si Sir Rafael. Nakadamit pang-opisina at seryoso ang kanyang mukha. Himala din dahil nagawa nitong kumatok ngayun. Bigla-bigla na lang kasi itong pumapasok ng kwarto ko katulad ng ginagawa nya kagabi.
"Magbihis ka! Sumama ka sa akin." agad na wika nito. Nagtataka naman akong tumitig dito. Saan naman kaya kami puputa.
"Aalis sila Mommy at Daddy. Mag-isa ka lang dito sa mansion kaya sumama ka na lang sa office. Marami kang matutunan doon." muling wika nito. Nagtaka naman ako sa sinabi nitong mag-isa lang ako dito sa mansion. Ano kaya ang tingin nya sa mga kasambahay? Hindi tao?
"Ibig nyo pong sabihin may nahanap na kayong bagong tutor ko?" wala sa sarili kong tanong. Nabanggit kasi nito na marami akong matutunan sa opisina.
"Bakit magtatanong ka pa? Wala na akong time. Magbihis ka na! Hihintayin kita sa kotse!" masungit nitong sagot tsaka tumalikod na. Naiinis naman akong tumitig sa papalayong pigura nito. Nakakainis talaga!. Oo at hindi lang naman sana ang sagot sa tanong ko. Saksakan talaga ng sungit! Kawawa naman ang maging asawa nito kung nagkataon.
Agad kong sinara ang pintuan ng kwarto at agad na nagbihis ng damit panlakad. Maong pants at pink t-shirt na medyo hapit sa katawan ang napili kong isuot. Pinarisan ko ito ng white rubber shoes at LV sling bag na kasama
ng nabili ni Sir Rafael noong kumain kami sa restaurant ng kaibigan nito.
Agad kong tiningnan ang sarili ko sa harap ng salamin. Kontento ako sa suot ko. Nagmukha akong mamahalin kahit papaano. Malayong malayo sa mga damit na isinusuot ko noon.
Siguro ito ang isa sa mga dapat kong ipinagpasalamat na nangyari sa buhay ko. Sa tulong ng pamilya Villarama nakatikim ako ng kaginhawaan sa buhay na habang buhay kong tatanawin na malaking utang na loob sa kanila at alam kong kapag makapagtapos ako sa pag-aaral, matutulungan ko din ang pamilya ko na makaranas din ng kaginhawaan sa buhay
Nang masiguro kong maayos na ang lahat ay agad akong lumabas ng kwarto at diretsong bumaba at mabilis na naglakad patungo sa kinapaparadahan ng kotse. Naabutan ko pa si Sir Rafael
na panay tingin sa kanyang suot na relo at ng mapansin ang pagdating ko ay ilang saglit akong tinitigan bago binuksan ang pintuan ng kotse.
"Bakit ang tagal mo?" yamot na tanong pa nito ng pareho na kaming nasa loob ng kotse.
'Pasensya na po hindi nyo naman sinabi agad na aalis pala tayo." sagot ko. Katabi ko ito sa hulihang bahagi ng sasakyan habang nag-umpisa namang pinausad ng driver ang kotse.
"May meeting akong pupuntahan mamaya. Gustuhin man kitang isama pero hindi pwede. Hintayin mo ako sa opisina dahil may pupuntahan tayo pagbalik ko." wika nito habang nakatitig sa akin. Nakaramdam naman ako ng pagkailang dahil doon.
"Busy po pala kayo. Bakit nyo pa ako isinama?" sagot ko. Kung tutuusin wala namang dahilan na isama ako nito. Ano ba ang gagawin ko sa opisina habang wala siya? Tutunganga?
"Tsk! Mabo-bored ka sa bahay. Aalis sila Mommy at Daddy mamaya at hindi ka din naman nila pwedeng isama dahil lalo ka lang mabo-bored sa pupuntahan nila" sagot nito. Hindi na ako umimik.
"Pasensya ka na sa nangyari kanina. Ayaw ko lang talaga sa Josh na iyun kaya pinaalis ko na kaagad. Dont worry, makakahanap din naman kaagad tayo ng kapalit nya. Hindi matatapos ang linggong makakapag- umpisa ka na din mag-aral. Huwag ka ng magtampo." muling wika nito habang hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin. Hindi ko pa rin ito sinagot bagkos ibinaling ko ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
Nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang kamay nya sa kamay ko.
Pinagsalikop nya pa ito at may kung anong parang kuryente ang biglang dumaloy sa buo kong pagkatao. Ang init ng palad ni Sir Rafael at ang lambot. Talo nya pa ang palad ng isang babae kung lambot ang pag-uusapan.
Napansin kong titig na titig ito sa daliri ko habang napapangiti. Parang may kung anong nakikita ito sa daliri ko na nakakatuwa na sya lang ang nakakaalam. Bigla tuloy akong natigilan at wala sa sariling napatitig sa kanyang mukha. Kung kanina ay para itong tigre ngayun naman ibang iba ang awra nito. Mukhang masaya at walang ni kahit na anong problema. Nagulat pa ako ng bigla itong nag- angat ng tingin at huling huli nya ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Bigla tuloy akong napahiya at agad na binawi ang titig dito.
"Alam kong pogi ako kaya huwag mo na akong titigan ng ganyan." wika nito at itinapat pa talaga sa tainga ko ang kanyang bibig. Agad akong nakaramdam ng kakaibang kiliti lalo na ng tumama ang mainit nitong hininga sa pisngi ko.
"Yabang!" mahina kong sagot. Napahalakhak ito. Gulat naman akong muling napatitig sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Ngayun ko lang kasi ito nakitang tumawa ng ganito gayung wala namang nakakatawa. Nababaliw na si Sir Rafael?
"Alam mo nakakatuwa ka! Kaya gustong gusto kita eh dahil napapatawa mo ako!" tumatawa pa rin na sagot nito. Hindi ko siya pinansin sabay hila sa kamay ko na hawak nya. Pero muli akong nagtaka sa kanyang sumunod na ginawa. Kinabig nya ako at pilit na isinasandal ang ulo ko sa balikat nya. Hindi ko naman malaman ang gagawin ko dahil amoy na amoy ko ang bango ni Sir Rafael. Para din akong na-istatwa sa ginawa nyang iyun. Para tuloy kaming magshota dahil sa posisyon namin ngayun.
Naramdaman ko pa ang pagdampi ng labi nito sa tutok ng ulo ko. Hindi ko tuloy maiwasan na mapalunok ng sarili kong laway. Bakit ibang iba sya ngayun? Pakiramdam ko napaka- special kong tao para sa isang Rafael Villarama.
Nakahilig ako sa balikat ni Sir Rafael hanggang sa nakarating kami ng opisina. Hindi na ako nagtangka pang gumalaw dahil komportable naman ako sa posisyon namin. Ang bango nya at parang inihehele ako. Ang tigas pa ng muscle nya.
Agad akong umalis sa pagkakasandal sa balikat nya ng tumigil na ang sasakyan sa mismong building ng Villarama Empire.. Agad na binuksan ni Sir Rafael ang pinto ng sasakyan at
inalalayan pa akong makababa. Pakiramdam ko para tuloy akong prinsesa kung itrato niya. Tahimik naman ang driver na si Mang Gerry na pa-sulyap sulyap sa amin. Napapangiti pa ito paminsan-minsan. Lagot na talaga ako, mukhang itsi-tsimis pa yata ako nito mamaya sa mansion.
"Lets go!" narinig kong wika ni Sir Rafael habang hawak nya ulit ako sa kamay. Nahihiya man pero hindi na ako pumalag pa. Hahayaan ko na lang sya at baka iinit na naman ang kanyang ulo. Wala pa naman akong kapera-pera para umuwi ng mansion mag-isa.
Pagpasok namin sa loob ng building ay agad na napukaw namin ang attention ng halos lahat ng empleyado. Lahat sila ay nagbigay galang kay Sir Rafael habang nagtatakang napatitig sa akin. Napapayuko na lang ako dahil agad akong nakaramdam ng hiya. Ito ang pangalawang pagkakataon na nakaapak sa lugar na ito at pakiramdam ko pinagtsi-tsismisan ako ng lahat.
"Girl, matinik daw talaga ang future CEO natin. Hindi daw talaga nawawalan ng babae." isa lang yan sa mga narinig kong bulungan sa paligid. Lalo tuloy akong nakaramdam ng hiya. Tumigil naman sa paglalakad si Sir Rafael at hinarap ang mga empleyadong nagbubulungan.
"Kaninong boses ang narinig ko kani- kanina lang?" malamig ang boses na tanong nito sa lahat. Kung kanina tawa ito ng tawa sa kotse ngayun naman mukhang mainit na naman ang ulo. Ang bilis talaga magbago ng mood nya. Nahinto ang bulungan at agad na napayuko ang lahat. Kita sa mga hitsura nila ang pagkagulat at takot ng biglang tumigil sa paglalakad si Sir Rafael at hinarap sila. Nagtagal pa ang titig nito sa limang kababaihan na halatang kinakabahan dahil sa pagkakatitig sa kanila ni Sir Rafael.
Kung hindi ako nagkakamali, sila ang may pinakamalakas na bulungan kanina. Sa kanila din nanggaling ang salitang matinik sa babae ang bagong CEO. Sinenyasan ang mga ito ni Sir Rafael na lumapit sa amin. Agad naman silang tumalima at dahan- dahan na naglakad pagpunta sa aming harapan.
Pagkalapit ng limang kababaihan ay sakto naman na may isang lalaking parating na sa pagkakaalala ko Jacob ang pangalan. Executive Secretary ni Sir Rafael.. Agad itong bumati sa amo.
"Sir, Good Morning! Kayo na lang po ang hinihintay sa conference room." agad na balita nito. Halata sa mukha nito ang tension kaya seryoso itong hinarap ni Sir Rafael.
"Ipaayos mo ang termination letter
para sa kanilang lima. Ayaw ko ng nakikitang pakalat-kalat sila dito sa Villarama Empire." seryosong wika nito kay Jacob. Hindi agad ito nakapagsalita at agad na tumitig sa limang kababaihan na noon ay naiiyak na.
"We are sorry Sir Rafael..hi-hindi na po mauulit!" wika ng isa. Takang taka naman ako sa mga kaganapan sa paligid. Ganoon lang? Tanggal agad? Anim na tao kaagad ang nawalan ng trabaho sa araw na ito?
"Noted Sir...pero kailangan na po ang presensya nyo sa conference room." sagot ni Jacob.
Tumango si Sir Rafael at hinila na ako papunta sa isang elevator. Akmang susunod si Jacob ng muling balingan ng tingin ni Sir Rafael.
"Asikasuhin mo na ngayun agad ang termination papers nila. At pakisabi sa lahat na ayaw ko ng mga tsismoso at tsismosa dito sa Villarama Empire. Isang pagkakamali at hindi ako mangingimi na sesantihin silang lahat. "wika niya dito. Agad na tumango si Jacob at nagmamadaling naglakad palayo sa amin. Bumukas naman agad ang elevator kaya pumasok na kami.
"Tanggal agad? Hindi po ba pwedeng pagsabihan muna?" hindi ko mapigilang tanong habang paakyat ang elevator kung saan lulan kami. Malakas itong napabuntong hininga habang hindi inaalis ang pagkakatingin sa mukha ko.
"Gusto kong malaman ng lahat kung ano ang gusto at ayaw ko. Hindi ko gusto ang lumabas sa bibig nila. Isa pa nandito sila sa kumpanya para magtrabaho, hindi para magtahi ng kwento." sagot nito. Hindi ko mapigilan ang mapaismid.
"Eh totoo naman na mahilig po kayo sa babae." lakas loob kong sagot. Kung tutuusin wala namang dapat na ikagalit dahil totoo naman. Ang mali lang sa sinabi ng mga babae kanina ay ang mambintang na isa ako sa mga babae ni Sir Rafael. Hindi nila nahulaan na tauhan din nila ako sa mansion. Iyun nga lang hindi ako nagtatrabaho dahil mas gusto nilang magfocus ako sa pag-aaral.
"Noon iyun. Pero nagbago na ako.' sagot nito. Nagbago daw? Eh ang last na naging babae nya last week nya lang hiniwalayan. Iyun ang narinig ko kay Arthur noong kumain kami sa restaurant.
Pagkalabas namin ng elevator ay muli itong nagsalita habang itinuturo ang opisina nito.
"Doon ka muna sa office. Hintayin mo ako." wika nito at mabilis akong hinalikan sa labi. Sumayad lang naman ang labi nito sa labi ko dahil sa sobrang bilis at hindi man lang ako nakapagreact. Napansin ko na lang ang muli nitong pagpasok sa loob ng elevator at ang agad na pagsara. Mukhang papunta na ito sa conference room.
Ilang segundo din akong sandaling napatanga at ng mahimasmasan ay nagpasya na akong naglakad patungo kanyang opisina. Bago ako nakapasok sa loob ay nilingon ko pa ang dalawang empleyado nito na abala sa kanilang ginagawa sa harap ng computer.
Chapter 194
VERONICA POV
Wala akong choice kundi ang maupo sa sofa dito sa opisina habang hinihintay kung kailan matapos ang meeting ni Sir Rafael. Mabuti pa hindi na ako sumama sa kanya kung dito rin lang naman sa opisina ang bagsak ko at walang ibang gagawin kundi ang tumunganga.
Nagulat pa ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong binuksan ang bag at kinuha sabay tingin screen kung sino ang tumatawag. Nagtaka pa ako dahil number lang ang nakarehistro kaya naman sinagot ko kaagad ito.
"hello?" agad kong wika.
"Hello! Ate! Si Vanessa ito!" wika nito sa kabilang linya. Hindi ako makapaniwala ng marinig ko ang boses nito. Si Vanessa ang kapatid ko na sumunod sa akin. Sixteen years old at sya ang katu-katulong ko na nag- aalaga sa mga maliliit namin na kapatid noon.
hindi ko maiwasan na mapangiti at makaramdam ng sobrang tuwa.
"Vanessa? Kumusta ka? Sila Nanay at TAtay? Mabuti at napatawag ka!" agad kong wika. Halos dalawang oras na kausap ni Mam Arabella kahapon sila Nanay at Tatay kaya hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na makausap sila. Kung hindi pa nag-low bat ang cellphone na gamit nila Nanay at Tatay baka hindi sila titigilan ni Mam Arabella.
"Oo Ate! Pwede na tayong mag-usap araw-araw! May Cellphone na ako Ate... bigay ng kaibigan ni Nanay. Iyung kausap nila kahapon?" halata ang tuwa sa boses na pababalita nito. Hindi ko naman malaman ang sasabihin ko.
"Ha? Binigyan ka din nila ng cellphone? Pero paano?" tanong ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya para sa Pamilya Villarama. Ganito ba talaga sila magpahalaga ng isang kaibigan? Ibinibigay ang lahat ng tulong?
"Pagkatapos nilang mag-usap ni Nanay kahapon, pinadalhan agad kami ng pera. Tumatanggi sila Nanay pero iniinsist ni Misis Arabella ang pera at magagalit daw sya kapag tanggihan nila Nanay ang tulong na ibinibigay nya. Isa pa sinigurado niya kahapon na nasa maayos ka daw na kalagayan at makakapag-aral ka na din Ate. Hindi bat iyan din ang matagal mo ng pangarap?" sagot nito. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Kung panaginip man ang lahat ng ito, parang ayaw ko ng magising. Ang bilis dumating ng tulong sa pamilya ko. Sa mga kapatid ko.
"Pwede ko bang makausap sila Nanay at Tatay? Nasaan sila?" tanong ko.
"Wala sila Ate. May pinuntahan. Ako at ang ibang mga kapatid lang ang nandito sa bahay. Ate, makakapag-aral na din ako hanggang college. Nangako kahapon ang kaibigan ni Nanay na sasagutin din daw nila ang pag-aaral namin. Grabe...sobrang saya namin Ate. " excited na wika nito. Agad kong pinunasan ang luha sa aking mga mata.
Hindi ko lubos maisip na bubuhos ang ganito kalaking biyaya sa pamilya namin. Daig pa namin ang nanalo sa lotto. Hindi ko alam kung paano mababayaran ang lahat ng kabutihan nila. Ang akala ko ay ako lang ang tutulungan nila pero bakit pati pamilya ko?
Hindi ko na masyado pang naintindihan ang mga ibang sinasabi ni Vanessa. Naramdaman ko na lang na nagpaalam na ito dahil umiiyak na ang bunso naming kapatid. Nanghihina akong napatayo. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng hiya sa pamilyang ito. Kahit na habang buhay ko silang pagsilbihan hinding hindi ako makakabawi sa lahat ng kabutihan at tulong na ibinigay nila sa akin at sa pamilya ko.
Palakad-lakad ako sa loob ng opisina ng marining ko ang marahang katok sa pintuan. Kasabay nito ang malakas na tawanan at kasunod ang pagbukas ng pintuan at agad na pagpasok ng tatlong kalalakihan. Lahat sila ay halos kasing edad din ni Sir Rafael. Gwapo at matatangkad na akala mo mga modelo. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba lalo na ng sabay silang napatingin sa akin.
"Wow! Pati dito sa opisina hindi nawawalan ng babae ang kaibigan natin?" narinig kong wika ng isa. Napansin ko na agad itong kinalabit ng isa pa at nakahinga ako ng maluwag ng mamukhaan ito. Sa naalala ko, Arthur ang pangalan nito at siya ang may-ari ng restaurant na kinainan namin ni Sir Rafael noong nakaraang gabi.
"Sira! I know her! Veronica right?" agad na wika ni Arthur at nakangiti na lumapit sa akin. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng pagkailang. Lalo na ngayung tatlong pares ng mga mata ang nakatitig sa akin. Wala sa sariling napatango ako.
"Wow, nice to see you again Veronica. Naalala mo pa ba ako?" tanong ni Arthur sa akin. Muli akong tumango.
"Great! Nasaan pala si Rafael?" muling tanong nito. Sinulyapan ko muna ang dalawa nitong kasama bago sumagot.
"Na-nasa conference room po." sagot ko.
"Hey! Hey! Arthur, ipakilala mo naman kami. Alangan naman na ikaw lang ang kakausap sa kanya." muling nabaling ang attention ko dalawang kasama nito na biglang nagsalita ang isa sa kanila. Parehong may naglalarong ngiti sa labi habang nakatingin pa rin sa akin. Lalo tuloy akong nakaramdam ng pagkailang.
"Hindi bat sinabi ko na sya si Veronica! Hindi nyo narinig?" sagot naman ni Arthur sa mga kasama nito.
"Hehehe! Alam namin na siya si Veronica pero ipakilala mo naman kami sa kanya! Hay ikaw talaga parang hindi businessman kung umasta eh. Ako na nga lang ang magpakilala sa sarili ko...Veronica Right? My name is Drake at sya naman si Peanut!" wika nito sabay lahad ng kamay sa harap ko. Atubili pa ako kung tatanggapin ko ang pakikipagkamay nito ng biglang nagsalita si Arthur at tinabig ang kamay ng dalawang kaibigan.
"Mga gago! Huwag na kayong makipagkamay. Baka malaman ni Rafael at malalagot pa tayo!" tatawa- tawa nitong wika sa mga kaibigan. Hindi ko naman maiwasan na matawa ng maalala ko na tinabig din pala ni Sir Rafael ang kamay nito ng tangka itong nakipagkamay sa akin doon sa restaurant.
"Ganoon? Kailan pa siya naging madamot" Narinig kong sagot ng Peanut ng pangalan.
"Kay Veronica pa lang naman!" tatawa -tawa pa rin na sagot ni Arthur. Napangisi naman ang dalawa nitong kasama at binalingan ako ng tingin.
"Bakit girl friend ka na ba ni Rafael?" diretsahan nitong tanong. Grabe siya, wala man lang intro-intro.
"Naku, hindi po! Sa mansion lang po ako nakatira pero hindi nya po ako girl friend." agad kong sagot sabay iling.
Nagkatinginan ang tatlo bago nagsalita ang isa pang lalaki na Drake ang pangalan.
"Hindi nga ba at ampon siya nila Tita at Tito? Pero bakit nandito ka sa opisina?" tanong nito.
"Isinama ako ni Sir Rafael. Wala kasi akong magawa sa mansion. Isa pa hahanapan nya daw ako ng bagong tutor. Dapat ngayun ang start ng pag- aaral ko kaya lang sinisante nya kaagad si Teacher Josh! Ayaw nya ng lalaking tutor para sa akin." agad kong sagot. Hindi ko alam pero kahit na mukhang makukulit ang mga kaharap ko, magaan ang loob ko sa kanila. Siguro dahil mababait naman sila at mga kaibigan sila ni Sir Rafael. Isa pa mukhang hindi sila kasing-sungit ni Sir Rafael.
"Sabi ko sa iyo eh! Lumalabas ang pagiging possessive ng kaibigan natin pagdating sa kanya." narinig ko pang sagot ni Arthur. Hindi ko na lang iyun pinansin at muling naupo na sa sofa. Uupo na din sana sila na muling bumukas ang pintuan ng opisina. Agad na pumasok si Sir Rafael at agad na napakunot ang noo ng mapansin ang mga kaibigan.
"Wow Bro! Biglang nag-iba ang taste ng pananamit mo ngayun ah?" agad na wika ni Peanut sa kaibigan.
Pinasadahan pa nito ng tingin si Sir Rafael mula ulo hanggang paa. Naka business suit si Sir Rafael at bagay na bagay sa kanya ang suot nitong attire.
"Sino ang may sabi sa inyo na pwede kayong pumunta dito ngayun?"agad na wika nito sa mga kaibigan.
Nagkatinginan muna ang tatlo bago sumagot ang isa sa kanila.
"Bakit? Swerte nga namin na dumalaw kami sa iyo ngayun eh. At least nakilala namin si Veronica!" sagot ni Peanut na may halong nanunudyo ang boses.
Agad naman dumako sa akin ang tingin ni Sir Rafael bago sinagot ang mga kaibigan.
"Lumayas na kayo. Busy ako ngayun at wala akong time na makipag usap sa inyo!" agad na wika nito. Lumapit pa ito sa akin at naupo sa tabi ko.
"Ganito na ba talaga ang future CEO? Wala ng time sa mga kaibigan? Busy din naman kami pero nagawa pa rin namin na bisitahin ka." sagot naman ni Arthur.
"Ano ba ang kailangan nyo? Isa pa kanina pa ba kayo dito?" tanong ni Sir Rafael.
"Medyo kanina pa. Nagpakilala na din kami kay Veronica. By the way Bro, importante ang kailangan ko kaya ako pumunta dito. Gusto ko kasing ipaalala sa iyo na this coming saturday na icecelebrate ang birthday ko." sagot ni Peanut. Sandaling sumeryoso ang mukha ni Sir Rafael na tumitig sa kaibigan.
"So? ano ngayun kung birthday mo? Magse-celebrate ka ba? Hindi bat sa bar lang naman lagi ang bagsak natin kapag birthday mo?" sagot ni Sir Rafael.
"At may kasamang iba-ibang babae!" sabat naman ni Drake. Muling nagkatawanan ang tatlo. Masamang tinitigan sila ni Sir Rafael kaya muli silang sumeryoso.
"gusto ko ng baguhin ngayun Bro. May bagong bili akong yate at gusto kong subukan na doon muna mag party. Para maiba naman!
Balak kong magpalipas ng buong gabi sa laot kasama kayong mga kaibigan ko at ilang mga posibleng bisita. Isama mo si Veronica. Malay mo baka mag- enjoy din siya." seryoso ang mukha na sagot ni Peanut. Sandaling natigilan si
Sir Rafael. Mukhang malalim itong nag -isip bago ibinaling ang tingin sa akin.
"Gusto mong sumama?" tanong nito sa akin. Hindi naman ako
makapaniwala. Bakit ako sasama eh siya lang naman ang invited? Isa pa hindi ko mga kaibigan ang kaibigan nito at ngayun ko lang sila nakilala. May usapan din kami nila Charlotte at Jeann na magsi-swimming ngayung sabado sa mansion kaya hindi pwedeng
sumama ako.
"Kung gusto mong sumama, aattend ako, pero kung ayaw mo naman hindi ako pupunta." wika ni Sir Rafael habang titig na titig sa akin. Hindi naman ako nakaimik. Paano ako nasali sa usapan na ito?
Makahulugan naman na nagkatinginan ang tatlo nitong kaibigan bago muling nagsalita si Peanut.
"Teka, bakit nakasalalay sa desisyon nya ang pag-attend mo? Bakit parang biglang nagbago ang pananaw mo sa buhay Bro?" sagot ni Peanut.
"Wala ka na doon Bro. Masyado akong busy sa ngayun at wala ako sa mood na umattend ng mga party-party!" sagot ni Sir Rafael.
"Nakakasama ka naman ng loob Bro. Birthday ko ito pagkatapos nagdadalawang isip kang umattend. Ang sama ng ugali nito!" sagot ni Peanut. Nagkatawanan naman si
Arthur at Drake.
"Sumama ka na Veronica! Para naman hindi sumama ang loob ng birthday celebrant!" pag-aaya naman ni Arthur sa akin. Agad akong napatingin kay Sir Rafael na tahimik na nakaupo sa tabi ko.
"Bakit po ba ayaw nyong sumama? Papayag naman siguro sila Tita at Tito. Weekend naman at walang pasok sa opisina." wika ko. Tumitig muna ito sa akin bago sumagot.
"Sasama ako kung sasama ka!" maiksi nitong sagot. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng pagmamaktol. Ang lagay ay nakasalalay sa desisyon ko ang pagsama nito. Mukhang ako pa ang masisisi ng mga kaibigan nito sa hindi nya pag-attend? Hayst ang hirap nya talagang ispilingin.
"Sige na Veronica! Sumama ka na please. Simula ngayung araw friend ka na din namin at pwede mo kaming lapitan anytime kung may kailangan ka!" sagot naman ni Peanut at naupo pa sa harap namin ni Sir Rafael. Tinapunan naman ito ng masamang tingin ni Sir Rafael at hinila ako patayo mula sa pagkakaupo.
Chapter 195
VERONICA POV
"Saan kayo pupunta? Aalis kayo?" agad na tanong ni Peanut ng mapansin na hila ako ni Sir Rafael palabas ng opisina.
"May pupuntahan kami. Tatawag na lang ako sa inyo later kung sakaling makakasama ako sa party celebration mo. Matagal pa naman ang saturday." sagot ni Sir Rafael.
"Ang labo mo naman Bro! Attend ka Veronica ha? Pwede kang magsama ng mga kaibigan mo kung gusto mo. Mag- eenjoy ka sa party ko for sure." wika ni Peanut sa akin. Ako naman ang kanyang pinagtuunan ng pansin. Napatingin muna ako kay Sir Rafael bago sumagot.
"Titingnan ko po. Magsi-swimming kasi kami nila Jeann at Charlotte sa mansion ngayung saturday eh." sagot ko.
"Awww sakto. Sa yate na lang kayo! May swimming pool din naman doon." agad na sagot ni Peanut sa akin.
"Mga pamangkin ko ang tinutukoy nya. Akala mo naman papayagan ng mga kapatid ko na sumama sa akin ang mga anak nila." sagot naman ni Sir Rafael.
"Bakit hindi mo subukan. Malay mo naman diba? Isa pa tiyuhin ka hindi mo magawan ng paraan? Sige, subukan mo lang para makasama si Veronica...isa pa gusto din namin makilala ang mga pamangkin mo. Last na meet namin sa kanila mga bata pa ang mga iyun eh." sagot ni Peanut. Mukhang hindi talaga ito papayag na hindi aattend si Sir Rafael sa party nito.
"Ok fine...susubukan ko! Pero hindi ako nangangako ha? Kahit ilan pwede isama?" sagot ni Sir Rafael.
"Kahit isama mo pa sila Tita at Tito at buong pamilya walang problema Bro. Wala naman ako masyadong bisita. Of course may ilang babae tayong makakasama pero depende pa rin sa pag-uusap natin." sagot muli ni Peanut.
"Fine....tatawag na lang ako sa iyo. Pero sa ngayun magsilayas na kayo dahil may pupuntahan din kami ni Veronica. Lunch time na at nagugutom na ako." sagot ni Sir Rafael. Agad naman silang nagsipagtalima at sabay-sabay na kaming lumabas ng opisina at sumakay ng elevator.
"Pagdating sa lobby ay kanya-kanyang paalam na ang mga kaibigan ni Sir Rafael. Hinila naman ako ni Sir Rafael papunta sa kanyang kotse. Nagulat pa ako dahil ibang kotse na ang sinakyan namin at wala na si Mang Gerry.
"Saan po tayo pupunta?" agad na tanong ko. Sandali itong nag-isip bago sumulyap sa akin.
"Punta tayo sa Arabella's restaurant. Doon na tayo kumain ng lunch. Alam kong gutom ka na din. "sagot nito at agad na binuksan ang makina ng sasakyan at mabilis na pinausad.
Agad kaming nakarating sa Villarama shopping Center. Nagpark at pumasok kami at dumeretso sa Arabella's Restaurant.
"Bakit kapangalan ni Mam Arabella ang restaurant na ito? Kanya po ba ito? " agad na tanong ko kay Sir Rafael ng makaupo kami. Nakaorder na din ito ng mga pagkain.
"Yup! Maraming restaurant ang pag- aari ng pamilya ni Ate Arabella. Nagkalat ang mga ito sa buong Metro Manila at kalapit na probensya." sagot nito. Tumango ako at hindi ko maiwasan na ilibot ang tingin sa paligid.
Hitsura pa lang ng lugar mukhang
mamahalin na. Napansin ko din ang mga presyo ng pagkain nila at mahal iyun na hindi afford ng isang hampas- lupa na katulad ko.
Nagtaka pa ako ng mapansin ko ang isang lalaki na nakatayo malapit sa counter. May kausap ito kaya sinipat ko ito ng tingin.
"Sir Rafael, hindi po ba si Elijah iyun?" agad na tanong ko kay Sir Rafael sabay turo sa gawi ni Elijah. Napakunot naman ang noo ni Sir Rafael at napatitig sa may counter.
"Ano na naman kaya ang ginagawa ng mabait kong pamangkin dito?" narinig ko pang bulong nito. Pagkatapos ay tinawag nito ang pangalan ni Elijah. Agad naman itong lumingon sa gawi namin at napangiti ng mapansin ang aming presensya. Dali-dali itong lumapit.
"Ano ang ginagawa mo dito?" agad na tanong ni Sir Rafael dito. Naupo ito sa isang bakanteng upuan bago sumagot.
"Kinakausap ang manager." sagot nito at tinawag pa ang waiter na nakaantabay sa amin at umorder ng pagkain.
"why? Ang pagkakaalam ko hindi mo type ang mga pagkain dito sa Arabella's." Sagot ni Sir Rafael.
"Siguro magugustuhan ko na ito ngayun at magiging paborito ko ng tambayan." sagot ni Elijah.
"Bakit? Binawasan ba nila Ate at Kuya ang allowance mo? Nagtitipid ka?' tanong ni Sir Rafael. Agad na umiling si Elijah bago sumagot.
"Of course not! I have millions in my account at imposibleng kapusin ako. Isa pa, isa ako sa tagapagmana ng mga kayamanan ng pamiya namin kaya imposible ang sinasabi mo Uncle." may
pagmamalaki namang sagot ni Elijah. Tinaasan lang ito ng kilay ni Sir Rafael at hindi na ito sumagot pa. Dumating na din kasi ang inorder nitong pagkain para sa amin.
"Veronica? Pwede bang makahingi ng favor?" pukaw ni Elijah sa akin habang abala ang mga mata ko sa kakatingin sa mga pagkain na nakahain sa aming harapan. Puro seafoods at naparami yata ang order ni Sir Rafael. Mukhang hindi namin kayang ubusin lahat.
"Ano iyun Elijah?' sagot ko.
"Hindi bat friend mo sa facebook si Ethel? Pwede bang paki-message? Tanungin mo kung nasaan na sya!" sagot nito. Natigilan naman ako. Agad na nanlaki ang aking mga mata sa isiping may date sila Ate Ethel at Elijah ngayun.
"May date kayo?" tanong ko habang hindi maiwasan ang mapangiti.
"Yes....eeeer No! Hinihintay ko siya dahil..."hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Elijah ng sumabat si Sir Rafael.
"may nililigawan ka? May date ka ngayun? LUmipat ka ng ibang table." wika nito sa pamangkin. Sunod-sunod naman ang pag-iling ni Elijah at muling itinoon sa akin ang attention.
"Sige na..text mo na." muling wika nito sa akin. Agad ko naman inilabas ang cellphone ko. Akmang tatawagan ko na sana si Ate Ethel ng muli kong binalingan si Elijah.
'Ano ang sasabihin ko? Ano ba kasi ang kailangan mo sa kanya?"tanong ko.
"Hindi nga bat mag-aapply sya ngayun? Dito iyun at nakausap ko na ang manager on duty na i-hired siya. Wala pa siya hanggang ngayun at kanina pa ako naghihintay dito. Hindi na nga ako pumasok sa klase sa kakaabang ko sa kanya." sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na magtaka sa sinabi nito.
"Ito ba iyung restaurant na tinutukoy mo na applayan nya?" tanong ko. Agad itong tumango. Hindi na ako sumagot pa at akmang pipindutin ko na ang call botton ng biglang tumayo si Elijah.
Naglakad ito papuntang pintuan ng restaurant at agad kong napansin ang pagdating ni Ate Ethel. Nagulat ako at akmang tatayo na sana ng hawakan ako sa kamay ni Sir Rafael.
"Lalamig na ang pagkain. Kumain na tayo!" yamot nitong wika. Napasulyap pa ako sa pintuan ng restaurant bago binalingan ng tingin si Sir Rafael.
"Nandyan si Ate Ethel." wika ko dito. Nag-angat ito ng tingin at mataman akong tinitigan.
"So?Tsk! Kumain ka muna...hindi mo ba narinig ang sinabi ni Elijah? May interview siya dito sa restaurant kaya huwag mo munang isturbuhin." sagot nito at mabilisan pa itong sumulyap sa labas na restaurant at muling itinoon ang pansin nito sa akin.
Nagulat pa ako ng bigla itong sumandok ng pagkain at inilagay sa pinggan ko. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya kaya wala sa sariling hinawakan ko ang kutsara at tinidor para mag-umpisa na din kumain.
"After this, babyahe tayo papuntang resort sa Batangas. Damihan mo ang kain dahil baka magutom ka sa byahe." Istrikto nitong wika. Wala naman akong nagawa pa kundi inumpisahan na ang kumain. Masarap ang mga pakain na nakahain kaya halos maubos ko ang inorder nito.
Pagkatapos namin kumain ay muli akong sumulyap sa labas ng restaurant.
Wala na si Ate Ethel at Elijah. Hindi man lang ako nagpakita kay Ate Ethel. Siguro tatawagan ko na lang sya mamaya para makibalita kong tanggap ba sya sa pag-aapply dito sa restaurant.
Agad na kaming lumabas ng restaurant pagkatapos kumain. Diretso kami sa kinapaparadahan ng kotse at muling bumyahe.
Inabot din kami ng halos tatlong oras bago nakarating sa resort na tinutukoy ni Sir Rafael. Agad naman akong humanga sa ganda ng mga tanawin sa kapaligiran lalo na ng makapasok kami sa isang mataas na gate na napapaligiran ng mga nagagandahang halaman.
"Ito ang Carissa Villarama Beach Resort! Dito ginaganap ang mga importanteng selebrasyon ng pamilya namin. Matagal na ang resort na ito at tanging miyembro ng pamilya at ilang piling kaibigan lang ang pwedeng pumasok." pagpapaliwanag nito. Hind naman ako makapaniwala sa aking mga nakikita. Mula sa kinatatayuan ko kita ang malawak na pool pati na din ang mga iilang cottages. Kitang kita din ang mapuputing buhangin sa medyo hindi kalayuan sa amin.
"Grabe ang ganda dito!' Hindi ko mapigilang bulalas at mabilis na naglakad patungong buhanginan. Sobrang linis ng kapaligiran at kapansin-pansin ang katahimikan ng buong paligid.
"Yup! Maganda talaga dito. Tahimik at malayo sa ingay ng sasakyan sa siyudad." sagot nito habang nasa aking likuran. Hindi ko maiwasang mapangiti.
"Ang yaman niyo po pala talaga! Maliban sa mansion may malaki rin pala kayong bahay dito." wika ko sabay titig sa isang malaking bahay na napipinturahan ng puro kulay puti at halos puro salamin ang paligid.
"Villa...Villa ang tawag sa bahay na iyan." sagot nito. Agad akong napatango.
"Villa?Anong ibig sabihin noon? Bakit Villa?" tanong ko. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa kaya hindi ko maiwasan na mapatitig dito.
"Maybe because bahay bakasyonan siya ng pamilya. Pumupunta lang kami dito kapag holidays at may special occasions." sagot nito at agad kong naramdaman ang kamay nito na biglang pumulupot sa baywang ko. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko lalo na ng maramdaman ko na ipinatong nito ang kanyang mukha sa balikat ko.
"Ga-ganoon ba? Sa-sayang naman pala dahil palaging walang nakatira." sagot ko para mabawasan ang tensiyon
na nararamdaman sa pagitan naming dalawa.
"Yah...pero alam mo bang maraming nabuo na bata dito?" Maraming nabuo na dugong Villarama sa lugar na ito?" sagot nito at hindi ko maiwasan magtayuan ang balahibo ko sa buo kong katawan ng maramdaman ko ang mainit nitong hininga sa leeg ko.
"Te-teka lang po. Bakit po ba kayo nakayakap sa akin? Nakakatakot po ba ang lugar na ito?" hindi ko maiwasang tanong sa kanya. Sa totoo lang natatakot din ako sa damdamin na biglang umusbong sa puso ko. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa bago sumagot.
"Im tired! At gusto kong kumuha ng kaunting lakas sa iyo." sagot nito. Muli akong napalunok ng sarili kong laway. Sa sobrang higpit ng pagkakalingkis nito sa akin hindi ko magawang makaalpas dito. Mukhang wala din itong balak na pakawalan ako.
Chapter 196
VERONICA POV
Halos manginig ang buo kong laman sa katawan ng lalo nitong ibinaon ang kanyang mukha sa leeg ko. Damang- dama ko ang init ng kanyang hininga na dumadampi sa balat ko. Hindi ko naman malaman ang gagawin dahil pakiramdam ko unti-unting bumibigay ang depensa ko dahil sa ginagawa sa akin ni Sir Rafael ngayun. Kung may iba sigurong tao na nakakakita sa posisyon namin ngayun baka isipin nilang magkasintahan kami na naglalambingan.
"Pwede naman magpahinga na muna kayo Sir sa loob ng Villa kung pagod kayo." mahina kong sagot. Hindi ito umimik bagkos naramdaman ko ang paghimas ng palad nito sa bandang tiyan ko. Muli akong nakaramdam ng pagkaasiwa dahil sa kanyang ginawa. Parang may kung anong maliliit na boltahe ng kuryente ang biglang kumalat sa buo kong katawan dahil sa kanyang ginagawang paghimas sa tiyan ko patungo sa pusod ko. Ano ba ang ginagawa nya sa akin? Normal pa ba ito?
"Ayos na ito. Mas gusto ko ang ganito." mahina nitong sagot. Hindi ako nakaimik at itinoon na lang ang attention sa malawak na karagatan. Pilit ko din pinapakalma ang sarili ko at umaasa na masasanay din ako sa ginagawang ito sa akin ni Sir Rafael.
Ilang minuto din kaming nanatili sa ganoong posisyon bago ko napansin ang isang may edad ng babae na parating. Agad ko naman kinalabit si Sir Rafael at itinuro ito. Mabuti na lang at hininto na din nya ang paghimas sa tiyan ko at kusang ibinaba ang medyo nakataas ko ng t-shirt.
"Good Afternoon Sir Rafael, dumating po pala kayo! Pasensya na po, hindi kami nakapaghanda." agad na bati nito. Saglit ako nitong sinulyapan tsaka ako nginitian.
"Ayos lang Manang Bering. Hindi naman kami magtatagal sa lugar na ito. Gusto ko lang makita ni Veronica ang magandang tanawin dito sa resort. Sya nga pala, si Veronica, asahan nyo po na siya ang lagi kong kasama kapag pupunta ako dito." sagot nito. Masaya naman itong tumango.
"Naku Sir Rafael, kagandang babae naman ng kasama mo. Siya na ba ang magiging asawa mo?" agad na sagot ng matanda. Agad naman akong nakaramdam ng pagkapahiya.
Napagkamalan pa kaming magshota ni Manang Bering. Kung bakit naman kasi nakayapos pa rin sa akin si Sir Rafael eh.
"Kung papayag sya Manang." sagot ni Sir Rafael. Lalo naman akong nagulat at napatingin sa mukha nito. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ito dahil kumindat pa ito sa akin ng mapansin na nakatingin ako sa kanya. Hindi ko naman maiwasan na mapayuko.
"Naku pumayag ka na Iha. Medyo matagal na din na walang naganap na kasalan sa pamilya Villarama. Matagal ng panahon na wala ng batang tumatakbo sa lugar na ito. Malalaki na ang mga apo nila Madam at Sir Gabriel kaya kung sakaling magkaanak kayo lalong mabibigyan ng magandang kulay ang lugar na ito." sagot ni Manang Bering na sinabayan pa ng mahinang pagtawa.
Pakiramdam ko biglang nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi nito. Hinawakan ko pa ang kamay ni Sir Rafael na nakayapos sa akin at pilit na tinatanggal sa baywang ko. Buti na lang at kusa nya na din iyung inalis kaya nakahinga ako ng maluwag. Ano ba ang nakain ng amo ko? Bakit ako yata ang kanyang pinagti-tripan ngayun? Dagdagan pa ni Manang Bering na mukhang nagkaka- intindihan yata sila sa topic nila ngayun. Hindi man lang kinorrect ni Sir Rafael na hindi nya ako girl friend. Nakakahiya kapag malaman ito nila Tita Carissa at Tito Gabriel.
"Kung ganoon ipaghahanda ko muna kayo ng makakain Sir. Ano po ba ang gusto nyong kainin?" maya-maya ay tanong ni Manang Bering. Saglit na nag -isip si Sir Rafael bago sumagot.
"Bumili na lang po kayo ng pagkain sa Villarama Hotel and Restaurant Manang. Nandito naman si Mang Lando diba? Magpadrive na lang kayo sa kanya. Hindi nyo na kailangan pang magluto at maghanda dahil babalik din naman kami kaagad ng mansion.
Magpapahinga lang po kami saglit." sagot ni Sir Rafael sabay dukot ng wallet sa kanyang bulsa. Naglabas ito ng ilang lilibuhing pera at inabot kay Manang Bering
"Ayyy kung ano po ang gusto nyo Sir Rafael. Lagi naman namin nililinis ang kwarto nyo kaya magiging komportable kayo sa pamamahinga nyo. Sige po, hahanapin ko muna si Lando at utusan ko ang isang boy natin na kumuha na din ng buko. Hindi po bat iyun ang paborito nyong inumin kapag nandito kayo sa resort Sir?" sagot naman ni Manang Bering.
Tumango lang si Sir Rafael at muli akong hinawakan sa kamay at iginiya papasok sa loob ng Villa.
Lalo naman akong namanghan pagkapasok sa loob ng Villa. Kulay ginto ang railings ng hagdan pati na din ang ilang mga nakadisplay. May malaking Chandelier sa pinakagitna ng living room at nagkalat ang mga mamahaling Jar sa bawat sulok ng bahay.
Nangingintab ang sahig at parang nakakahiyang apakan.
"Sa kwarto tayo. Napagod ako sa pagmamaneho ngayun." wika nito sa akin at hinila ako paakyat ng hagdan. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng kaba sa isiping magsasama kami sa iisang silid?
"Ehhh pwede po bang kayo na lang ang umakyat. Dito na lang po ako. Gusto ko po ka-kasing ikutin ang buong paligid. " sagot ko sa kinakabahang boses. Sandali akong tinitigan sa mga mata bago sumagot.
"Takot ka sa akin?" diretsahan nitong tanong. Agad na namilog ang aking mga mata sa pagkagulat sabay iling.
"Ha" Na-naku hindi po! Bak-bakit naman po a-ako matatakot sa inyo!" sagot ko na halata pa rin sa boses ko ang kaba. Nagkanda-utal-utal na din ako.
"Hmmm kung ganoon sumama ka muna sa kwarto. Samahan mo akong magpahinga. Mamaya na natin ikutin ang buong paligid." sagot nito at muli akong hinila paakyat ng hagdan. Wala na akong nagawa pa kundi ang magpatianod na lang.
Matiwasay kaming nakarating ng
kanyang kwarto. Agad nitong hinawi ang nakatabing kurtina sa pintuang salamin.. Agad na tumampad sa paningin ko ang puti-puting buhangin at asul na karagatan. Wala sa sarliing napahakbang ako sa pintuang salamin at naramdam ko na lang na binuksan ni Sir Rafael iyon at agad na pumasok ang medyo malakas na hangin sa loob. Agad akong napalabas. Ang kwartong ito ay karugtong pala ng isang
malawak na balcony na may mga sofa at lamesa. Ang galing lang dahil mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ang buong paligid ng Villa.
"Ang ganda!" hindi ko mapigilang
bulalas. hindi naman ako sinagot ni Sir Rafael bagkos tahimik lang itong nakatayo sa tabi ko.
Ilang minuto din itong hindi umiimik bago ko muling naramdaman ang paghawak nito sa kamay ko.
"Iidlip muna tayo. Pagod ako at wala akong balak mag stay dito sa labas at titigan ang dagat." mahina nitong wika at hinila ako papasok. Gusto ko sanang magprotesta pero ng mapansin ko na salubong na naman ang kilay ay hindi na ako umimik pa at nagpatianod na lang.
Agad nitong isinara ang pintuang salamin. Hinawi ulit nito ang makapal na kurtina upang matakpan ang buong kwarto. Muli akong nakaramdam ng pagkailang lalo na ng bitawan ako nito sa kamay at napansin ko na isa-isa nitong hinubad ang kanyang damit. Sa sobrang pagkataranta agad akong napatalikod dito.
"Sir, ano ang ginagawa nyo? hindi niyo po pwede gawin sa akin ang iniisip nyo. Virgin pa po ako!" wala sa sarili kong wika dahil sa matinding kaba. Hindi ito umiimik at natatakot akong muli itong lingunin. Baka naman hubot hubad na naman ito at pagpiyestahan na naman ng makasalanan kong mga mata ang kanyang katawan.
Ilang minuto din akong nanatiling nakatayo na nakatalikod sa kanya. Hinihintay ko ang mga susunod nyang gagawin. Nagtaka pa ako dahil biglang lumamig ang buong paligid. Binuksan nya na siguro ang aircon dahil naririnig ko ang mahinang tunog nito.
"Tatayo ka na lang ba dyan? Mahiga ka na dito sa tabi ko. Wala akong balak na gahasain ka kung iyan ang iniisip mo! Gusto ko lang matulog!" malakas na wika nito. Dahan-dahan ko naman itong nilingon at nagulat pa ako ng mapansin ko na komportable na itong nakahiga sa kama. Nakatakip sa katawan nito ang makapal na comforter. kaya naman pala biglang lumamig ang paligid dahil nakatodo ang aircon.
"Sa-saan po ba ako hihiga?" mahina kong tanong.
"may nakita ka pa bang ibang higaan dito? Huwag kang mag-alala...hindi ikaw ang type kong babae. Ayaw ko sa babaeng virgin dahil mahirap pasunurin sa kama." sagot nito. Muli naman nanumbalik ang pagkailang na nararamdaman ko sa kanya. Sandali akong natigilan. Napansin ko na lang na nakapikit na ito kaya sumampa na din ako ng kama. Hinubad ko muna ang suot kong sapatos bago tuluyang nahiga.
Mas magandang magpahinga na din muna ako. Nararamdaman ko na din ang pagod at gusto ko din munang matulog. Mukhang mabait naman si Sir Rafael at wala akong balak na gawan ng masama.
Pagkadikit ng katawan ko sa kama ay agad akong nakatulog. Maaliwalas ang buong paligid at sobrang lamig ng buong kwarto kaya binalot ko din ang sarili ko sa makapal na comforter. Naririnig ko pa ang mahinang hilik ni Sir Rafael palatandaan na mahimbing na din itong nakatulog bago ko ipinikit ang aking mga mata.
Nagising na lang ako ng may kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa akin. Naiinis pa akong idinilat ang aking mga mata dahil antok na antok pa ako ng bigla akong nahimasmasan.
Nasa itaas ko si Sir Rafael at nakatunghay sa akin. Nakatitig sa mukha ko habang may naglalarong ngiti sa labi. Babangon sana ako ng pigilan ako nito.
"Alam mo, parang gusto ng magbago ang isip ko ngayun. Parang gusto kong subukan kong talagang virgin ka pa." mahina nitong wika na may kalakip na lambing sa boses. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kayang makipagtitigan dito dahil pakiramdam ko hinihigop pati ang kaluluwa sa mga titig nya.
"A-ang bigat nyo po!" kunwari reklamo ko. Hindi naman talaga ito mabigat dahil nakatukod ang mga kamay nito sa kama.
"Tsk! tsk! bakit hindi ka makatingin sa akin? Look at me!" mahina nitong anas at unti-unti kong naramdaman ang pagbaba ng mukha nito sa mukha ko. Napalunok pa ako ng makailang ulit ng maramdaman ko ang pagdampi ng labi nito sa labi ko.
Chapter 197
VERONICA POV
"Hindi ko mapigilan na ipikit ang aking mga mata. Heto na naman kami. Heto na naman ang kakaibang damdamin na lumulukob sa buo kong pagkatao.
Dumadating na sa punto na hindi ko na kaya pang pigilan ang kapangahasan na ginagawa ni Sir Rafael sa labi ko. Nakakaramdam ako ng pag-iinit ng aking katawan dahil sa ginagawa nya sa akin.
Mahina pa akong napaungol ng muli ko na naman maramdaman ang mga kamay nito na abala na naman sa kakahimas sa aking tiyan. Ano ba ang meron sa tiyan ko at lagi nyang pinagdidiskitahan? Lalo tuloy akong nag-iinit.
"Alam mo bang gustong gusto kitang angkinin ngayun? Gustong gusto ko hawakan at damhin ang buo mong katawan. Gusto kitang paliguan ng halik mula ulo hanggang paa. Kaya lang hindi pwede....masyado ka pang bata para sa ganitong bagay." mahina nitong bulong sa akin habang nakatitig sa aking mga mata. Namumula ang mukha nito at may kung anong bagay na iniinda sa katawan.
May kakaiba din akong nararamdaman sa ibabang parte ng kanyang katawan. Parang may kung anong bumubukol doon at hindi ko naman mawari kung ano iyun.
"Bakit po ba ang hilig niyong manghalik?" sagot ko sa sinabi nito. Halos magkaamuyan na kami ng aming hininga dahil sa sobrang lapit pa rin ng mukha nito sa mukha ko.
"Nakaka-addict kasi ang labi na ito. Hindi ko alam kung anong meron sa iyo at kung bakit baliw na baliw ako sa iyo." sagot nito. Parang may kung anong bagay naman ang biglang humaplos sa puso ko dahil sa sinabi nito. Hindi ko maiwasan na mapangiti.
"Baka naman po crush nyo ako kaya ganoon? Naku, hindi nyo po ako pwedeng ligawan. Hindi ko po kayo sasagutin dahil magtatapos pa po ako sa pag-aaral bago mag-boyfriend." sagot ko. Agad na na naningkit ang mga mata nito dahil sa sinabi ko. Hinaplos pa nito ang labi ko gamit ang kanyang daliri kaya hindi ko mapigilan na mapapikit dahil sa kakaibang
sensasyon na aking nararamdaman.
"Girl friend na kita! Natikman ko na ang labi na ito at titikman ko ng paulit- ulit hanggang sa matuto ka kung paano gumanti ng halik sa akin." wika nito at muling lumapat ang labi nito sa labi ko. Muli akong napadilat at nagtataka dahil sa sinabi nito ngayun-ngayun lang.
Nagulat ako sa sinabi nito na girl friend nya na daw ako. Kailan pa? Paano nangyari iyun? Wala akong naalala na niligawan nya ako. Kaya lang ilang araw pa lang kaming magkakilala ilang beses nya na akong nahalikan. iyun ba ang paraan ng panliligaw nya sa akin? Ibang klase din.
Muli...Hinayaan ko na lang siyang halikan at sipsipin ang labi ko. Mamaya ko na siya tatanungin kung sakaling magsawa na siya sa kakahalik sa akin. Nag-eenjoy din naman ako sa kanyang ginagawa at isa pa parang normal lang naman sa kanya ang ginagawa nya sa akin. Nasanay na din ako.
Katunayan nga nag-uumpisa na akong gayahin ang galaw ng labi nito sa labi ko. Curious na din ako kasi nakakapang -init ng katawan ang ginagawa nya sa akin. Matamis ang lasa ng labi ni Sir Rafael at aaminin ko na naa-aaddict na din ako.
Nagulat pa ako ng bigla itong tumigil. Umalis sa pagkakadagan sa akin at mabilis na pumasok sa loob ng banyo. Nagtataka naman akong nasundan ito ng tingin. Para kasing hinahabol ito sa paraan ng mabilis na paglakad papasok ng banyo.
"Ano na naman kaya ang nangyari sa kanya? Huwag nyang sabihin na biglang sumakit ang tiyan nya? Hayst ang hirap nya talagang intindihin." hindi ko mapigilang bulong sa akin sarili at bumangon na ng kama. Agad kong hinagilap ang bag ko at hinalungkat ang loob para hanapin ang suklay. Mag-aayos na lang ako habang hinihintay siya.
Tama na ang halikan. Namamaga na ang labi ko. Isa pa nakakaramdam na din ako ng gutom. Hihintayin ko na lang siguro si Sir Rafael na lumabas ng banyo at sasabihin ko dito na gutom na ako. Siguro naman nakabili na sila Manang Bering ng pagkain.
Ilang minuto din akong naghintay bago lumabas ng banyo si Sir Rafael. Pawis na pawis ito at pulang pula ang kanyang mukha. Kunot noo ko itong tinitigan at agad ko itong nilapitan.
"Sir, ayos lang po ba kayo? May masakit po ba sa inyo?" tanong ko. May nakabalot ng puting roba sa katawan nito.
"Ayos lang ako. Ang hirap mag- release gamit ang sariling sikap. "sagot nito. Hindi ko naman maintindihan ang ibig nyang sabihin kaya muli akong napatanong.
"Release? Ano po iyun? Kung nahihirapan kayo dapat tinawag nyo ako at nagpatulong sa akin." sagot ko. Sandali itong natigilan at mataman akong tinitigan.
"Sigurado ka? Kaya mo akong tulungan tungkol sa bagay na iyun?" seryoso nitong tanong. Agad akong tumango.
"Syempre naman! Sanay ang katawan ko sa ibat ibang klaseng trabaho at kaya kong gawin ang lahat." pagmamalaki ko pang wika. Muling natigilan si Sir Rafael at may kung anong naglalaro na ngiti sa labi nito bago nagsalita.
"Akala ko ba virgin ka pa?" diretsahan nitong tanong.Agad naman akong nakaramdam ng pagkailang lalo ng mataman akong tinitigan mula ulo hanggang paa. Wala sa sariling napayakap ako sa sarili ko.
"Ang bastos nyo naman Sir. Bakit naman napunta sa pagiging virgin ko ang usapan natin?" sagot ko. Natawa ito.
"Ikaw ang nag-umpisa ng lahat. Sinakyan ko lang ang trip mo. Sabi mo kaya mo akong tulungan para ma---ma---satisfy ang anaconda ko" sagot nito. Agad na nanlaki ang aking mga mata dahi sa sinabi nito. Hindi ko naalala na tungkol pala sa anaconda ang pinag-uusapan namin ngayun.
"English po ba ng anaconda ay release sir?" Namumutla kong tanong. Mahirap pala mag "Oo" kung hindi mo alam ang ibig sabihin. Baka mamaya sinabi na ni Sir na ipapakain ako sa anaconda nyang alaga 'oo' pa rin ako ng oo. Mapapahamak ako nito eh. Dapat talaga pag-isipan ko ang isasagot ko.
Naputol ako sa malalim kong pag-iisip ng marinig ko ang malakas na pagtawa ni Sir Rafael. Idinikit pa nito ang kanyang katawan sa akin sabay pisil ng ilong ko.
"Virgin ka pa nga!" Wika nito at agad akong tinalikuran. Hinubad nito ang suot na roba kaya agad akong napatalikod. Wala man lang intro-intro si Sir. Hubad kung hubad kahit na may ibang kasama dito sa kwarto. Isa pa tungkol saan ba ang pinag-uusapan namin kanina? Bakit napunta sa anaconda? Huwag nyang sabihin na hanggang dito sa resort dala nya pa rin ang alaga nya? Saan nya tinatago iyun?
Bakit hindi ko napapansin?
"Lets go! Malapit ng dumilim at ayaw kong abutan tayo ng dis oras ng gabi sa daan." wika nito at mabilis na binuksan ang pintuan ng kwarto at mabilis na lumabas. Hindi ko namalayan na nakapagbihis na pala ito. Agad naman akong napasunod dito. Baka nandito sa kwarto ang anaconda at matuklaw ako.
Pagkababa namin ay agad kaming sinalubong ni Manang Bering. Sinabi nito na nakahanda na ang pagkain sa lamesa. Agad kaming naglakad papuntang dining area para kumain.
Nakaantabay lang sa amin si Manang Bering habang kumakain kami ni Sir Rafael. Ngiting ngiti ito habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Sir Rafael.
"Sana mabuntis ka kaagad Mam Veronica. Excited na akong makita ang magiging anak nyo ni Sir Rafael. Siguro ang gaganda at gagwapo." wika nito. Nasamid naman ako sa sinabi nito. Hindi ko akalain na lalabas ang katagang iyun sa mismong bibig ni Manang Bering.
Agad akong dinaluhan ni Sir Rafael. Hinaplos nito ang likod ko habang panay ang aking ubo. Pakiramdam ko may kanin na pumasok sa ilong ko.
"Dahan-dahan kasi. Alam kong gutom ka pero pwedeng dahan-dahan lang.. Wala namang aagaw sa iyo sa mga pagkain na iyan na nasa lamesa eh." wika ni Sir Rafael na bakas nag pag- aalala sa boses. Huminga muna ako ng
malalim bago sumagot.
"Eh kasi naman, nakakagulat ang sinabi ni Manang Bering. Buntis agad? HIndi mo naman ako girl friend para buntisin ako diba?' sagot ko. Natigilan si Sir Rafael. Nagtataka naman na napatitig sa akin si Manang Bering.
"Hindi mo siya kasintahan Sir? Eh ano ang tawag sa inyo? Naku pasensya na... akala ko talaga may relasyon kayo eh. Iyun kasi ang napapansin ko sa mga galaw nyo." sagot ni Manang Bering. Napalingon naman ako kay Sir Rafael na noon ay nangingiti. HIndi ko maiwasan na mapasimangot.
Nagkalabu-labo na. Siguro napansin ni Manang Bering kung paano ako yakap- yakapin ni Sir Rafael kanina pagkadating namin dito. Sinasabi ko na nga ba eh. Ibang klase kasi itong 'the moves' ni Sir Rafael. Para ngang may relasyon kami kung umasta. Dapat talaga pagbawalan ko na ito na didikit- dikit sa akin eh. Pero paano ko gaGawin iyun? Amo ko ito at dapat lang na sundin ko lahat LAHAT ng gusto niya.
Chapter 198
RAFAEL POV
Hindi ko mapigilan na matawa sa naging reaskyson ni Veonica habang kausap namin si Manang Bering.
Isinali ba naman ni Manang Bering ang tungkol sa pagbubuntis. Hindi marahil nito napansin na masyado pang bata si Veronica tungkol sa bagay na iyun. Isa pa gusto kong matupad muna lahat ng pangarap nito bago kami papasok sa ganoong sitwasyon.
"Pa-pasensya na po Mam Veronica... hay minsan po talaga hindi ko mapigilan ang bunganga ko." hinging paumanhin ni Manang Bering. Agad kong napansin ang pamumula ng pisngi ni Veronica bago sumagot.
"Huwag nyo po akong tawagin na' Mam' Manang. Hindi nyo po ako amo." sagot naman ni Veronica, Muling napatitig sa akin si Manang Bering.
Nagtatanong ang mga mata nito.
Ipinagkibit balikat ko na lang ang lahat tsaka tumayo na. Mukhang wala na din sa pagkain ang kosentrasyon ni Veronica. Alas otso na ng gabi at kailangan na namin makabalik ng mansion. Maaga namin ime-meet ni Kuya Christian ang mga bagong possible investors. May dadaluhan din kaming auction kinahapunan.
"I think we need to go!" wika ko kay Veronica. Nagmamadali naman itong tumayo. Binalingan pa nito si Manang Bering tsaka ngumiti
"Salamat po sa mga pagkain Manang." wika nito. Agad naman napangiti si Manang Bering. Nagpaalam na din ako dito at hinawakan na sa kamay nya si Veronica. Akmang hihilahin nito ang kamay pabalik pero lalo kong
hinigpitan ang pagkakahawak dito. Napansin ko kaagad ang pagkailang sa mukha nito na siyang ipinagkibit balikat ko na lang..
Hindi ko alam kung kaya ko pa bang pigilan ang nararamdaman ko. Kung ako lang sana ang masusunod, gustong gusto ko na talagang pakasalan ang babaeng ito.
Alam kong masyado pang maaga para sa ganitong bagay. Pero habang tumatagal, lalong lumalalim ang nararamaman ko sa kanya.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makaramdam ako ng ganitong klaseng damdamin para sa isang babae. Ibang iba sya sa lahat ng mga babae na nakakasalamuha ko sa tanang buhay ko.
Kailangan ko na sigurong ibenta ang condo na pinagdadalhan ko ng ibat ibang babae noon. Wala akong balak na ipakita ang lugar na iyun kay Veronica. Gusto ko ng magbagong buhay. Iiwas na ako sa ibat ibang mga babae. Magpo-
focus na lang ako kay Veronica.
Pagdating sa kotse ay agad ko itong pinagbuksan ng pintuan. Inalalayan ko pa itong pumasok at siniguradong nakakabit ang set belt. Sa tanang buhay ko ngayun lang ako nagkaroon ng ganitong klaseng concern sa isang babae. Grabe talaga ang impact sa buhay ko ni Veronica. Nakakabaliw!
"Bakit kaya naisip ni Manang ang tungkol sa bagay na iyun?" bulong nito. Mukhang gulong gulo pa rin ito sa takbo ng usapan kanina.
"Kalimutan mo na ang tungkol sa bagay na iyun. Huwag mo ng masyadong isipin pa." sagot ko.
"Hindi basta ganoon kadali kalimutan ang lahat. Napagkamalan tayong magshota. Dapat talaga hindi na ako sumama sa kwarto mo para matulog eh. "Nagrereklamo nitong sagot. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.
"Dont worry...hindi pa magkakatotoo ang sinabi kanina ni Manang. Wala pa akong balak na buntisin ka." sagot ko naman. Agad kong napansin ang muling pamumula ng pisngi nito.
Nanlalaki ang mga matang napatingin sa akin. Hindi ko mapigilan ang matawa.
"Nagbibiro lang po kayo diba? Paanong may buntisan na magaganap eh hindi nyo naman ako girl friend? Hindi nyo din ako asawa." sagot nito sabay kagat sa labi.
"Sino ang may sabi sa yo na hindi kita girl friend. Simula ng hinalikan kita pag aari na kita Veronica. Iwasan mong makipag-usap sa ibang lalaki dahil masama akong magalit." seryoso kong sagot. Muli itong napatitig sa akin. Bakas sa maganda nitong mukha ang pagkagulat.
"Pe-pero hindi nyo pa po ako
niligawan. Hindi ko din naalala na
sinagot ko kayo. Isa pa hindi po tayo bagay." sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na magtaas ng kilay. Ano ba ang pinagsasabi niya.
"Eh di liligawan kita! Pwede naman iyun kahit girl friend na kita eh. Isa pa bakit mo naisip na hindi tayo bagay? As long as nagkakaintindihan tayo magiging maayos ang lahat." sagot ko. Agad itong umiling. Hindi ko naman maiwasan na mag-init ang ulo ko. Imbes na sumang-ayon sa mga sinasabi ko ang dami nya pang dahilan.
"Kahit na. Hindi pa rin pwede!" sagot nito. Agad na nagsalubong ang kilay ko. Mariin ko itong tinitigan. Kakaumpisa ko pa lang mukhang gusto pa yata akong bastidin agad.
"Bakit? May iba ka pa bang gusto? May boyfriend ka na ba?' kinakabahan kong tanong. Agad itong umiling kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Iyun naman pala eh. Pumayag ka na lang na magkasintahan na tayo. Huwag kang mag-alala. Hindi na ako magsusungit." nakangiti kong sagot at tinitigan ito. Napalunok pa ako ng makailang ulit ng matitigan kong muli ang labi nya.
"Hindi pa ba tayo aalis? Kanina pa po tayo dito sa kotse at nag-uusap lang tayo." pag-iiba nito ng topic. Napansin ko kasi ang pagiging hindi komportable nito kaya malakas akong napabuntong hininga. Hindi ko na muna ipipilit ang gusto ko ngayun. Hindi ko naman hahayaan na may ibang lalaki na lalapit dito. Akin lang si Veronica. Hindi ako papayag na may ibang aali-aligid dito.
Agad ko ng pinaandar ang makina ng sasakyan. Kailangan na nga pala namin magmadali dahil gabi na.
Maingat akong nagdrive. Nagtaka pa ako ng mapansin kong tahimik lang si Veronica sa kinauupuan nya.
Pagkadating namin sa isang stop light sinipat ko ito ng tingin. Hindi ko maiwasan na muling mapangiti ng mapansin na tulog na pala ito. Walang pagdadalawang isip na kinabig ko ito at pinasandal sa aking balikat.
Agad kong naamoy ang shampoo na ginagamit nito. Masarap sa ilong kaya hindi ko mapigilan na halikan ito sa kanyang buhok. Wala lang...
pakiramdam ko biglang nagkaroon ng kabuluhan ang nasa paligid ko.
Kontento akong laging nakakasama si Veronica.
Pagdating ng mansion ay tahimik na ang buong paligid. Hindi ko na ginising pa si Veronica. Agad ko itong binuhat at dinala sa kanyang kwarto. Sinigurado ko pa na komportable ito sa kanyang higaan. Kinumutan ko at magaan na kinintalan ng halik sa labi bago nagpasyang lumabas sa kwarto nito.
Gustuhin ko man na tumabi sa pagtulog dito pero hindi pwede. Natatakot ako! Baka hindi ko makontrol ang sarili ko at tuluyan itong maangkin. Gusto kong iparamdam sa kanya na malaki ang respeto ko sa pagkatao nya. Sa kanyang pagkababae.
Agad akong naligo. Kailangan kong pahupain ang init ng katawan na nararadaman ko ngayun. Hindi ko alam pero ang laking epekto sa akin ni Veronica. Nagrereact agad ang anaconda ko madikit lang sa kanya.
Mabuti na lang at agad akong nakatulog ng nahiga na ako sa kama. Maaga pa ang pasok sa opisina bukas at ayaw ko ng puyatin pa ang sarili ko.
Kailangan ko ng magseryoso. Malapit ng i-turn over sa akin ang pamamalakad ng Villarama Empire. alam kong hindi biro magpatakbo ng isang napakalaking kompanya. Gusto Kong patunayan sa LAHAT na ako SI Rafael Villarama Empire gamit ang sarili kong kakayahan.
Chapter 199
VERONICA POV
"Ikinagagalak kong maging isa ka sa magiging istudyante ko iha."
nakangiting wika ng bagong dating na si Teacher May. Nasa 40s na ito at mukha namang mabait. Mabuti na lang at agad na nakahanap ng bagong tutor sila Tita Carissa kaya hindi na ako mabo-bored na walang ginagawa dito sa mansion.
Hindi ko na naabutan pa kanina si Sir Rafael. Maaga daw itong umalis ng mansion dahil malayo ang pupuntahan nilang dalawa ni Sir Christian. Hindi tuloy kumpleto ang umaga ko dahil ini- expect ko na makikita ko ito at mapasalamatan dahil nagising ako kanina na nasa kwarto na ako.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kagabi habang nasa byahe kami. Siguradong siya na din ang bumuhat sa akin kagabi paakyat ng kwarto. Nakakahiya dahil hindi man lang ito nag-abalang gisingin ako. Kaninang umaga ko na din na mas napatunayan na mabait naman pala talaga si Sir Rafael. Siguro normal na lang sa ugali nito ang magsungit paminsan-minsan.
"Salamat po Teacher May. Pangako gagalingan ko po para matutunan lahat ng ituturo nyo sa akin." nakangiti ko namang sagot.
Halos anim na oras din akong tinuruan ni Teacher May. Basic lessons pa lang naman ang itinuturo nito sa akin. Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil kahit na hindi ako nakatapos ng elementary, mahilig naman akong magbasa noon sa probensya. Nagkataon lang talaga na hindi ako nakakapasok sa ekswelahan dahil kailangan kong bantayan ang mga kapatid ko.
Ayon kay Teacher May, ituturo nya daw sa akin ang lahat. Lalo na ang tungkol sa pagbabasa at pagsasalita ng English. Iyun daw kasi ang kabilin-bilinan nila Tita at Tito. Agad naman akong nakaramdam ng excitement dahil doon. Iyun din talaga ang gusto kong matutunan dahil ayaw ko ng makarinig ng panlalait mula sa ibang tao.
Hindi na din ako aalipustahin ng mga kababayan namin lalo na ng mga dati kong ka-classmates na nagsisipag-aral na sa ibat ibang lugar. Kahit papaano may maipagmamalaki na din ako kung sakaling uuwi ako ng probensya. Hindi na ako tatawaging illiterate ng mga kasing edad ko.
Mabilis na lumipas ang oras. Pagod na pagod ako ng matapos ang first session namin ni Teacher May. Nakakapagod din pala ang mag-aral kahit nakaupo lang. Gayunpaman, masaya ako sa naging kinalabasan.. Lalo na ng sinabi ni Teacher May na magaling naman daw akong istudyante. Kailangan ko lang daw talagang mag-focus.
Pagkaalis ni Teacher May ay agad kong inayos ang mga libro na nasa harap ko. Balak kong sundin ang bilin ni Teacher na pwede daw akong magbasa-basa habang wala akong ginagawa para lalo akong mahasa. Iyan ang gagawin ko kapag nasa kwarto ako. Pinagbawalan akong magtrabaho dito sa mansion kaya namam marami akong time para mag self study.
"Kumusta ang unang araw?' naputol ang pagmumuni-muni ko ng lapitan ako ni Ate Maricar. May bitbit itong isang tray na may lamang juice at cookies. Inilapag nito sa lamesa malapit sa akin.
"Nakakapagod pala Ate. Pero masaya." nakangiti kong sagot.
"Ganyan talaga siguro sa umpisa. Naninibago ka pa siguro sa mga lesson na itinuturo sa iyo ni Teacher May. Pero para saan ba at masasanay ka din. " sagot nito. Masaya naman akong tumango.
"May dala akong miryenda mo. Umalis pala sila Sir at Madam Carissa. Ibinilin ka nila sa akin. Kapag may kailangan ka, huwag kang mahiya magsabi sa akin ha?" wika nito. Agad naman akong tumango.
"Naku Ate...ayos lang ako. Huwag nyo na akong alalahanin pa. Pagkatapos nito balak kong umakyat ng kwarto at magpahinga muna. Susundin ko ang payo ni teacher na mag-self study daw. " sagot ko. Agad naman napangiti si Ate Maricar.
"Bahala ka. Sige, kainin mo muna itong miryenda mo bago ka umakyat." Nakangiti nitong wika. Agad akong kumuha ng isang pirasong cookies at tinikman. Napangiti pa ako ng malasahan ito. Kakaiba talaga ang sarap ng mga pagkain ng mga mayayaman. Gustuhin ko man na damihan ang pagkain pero busog pa ako. Wala pang dalawang oras ng matapos kaming kumain ng lunch kanina ni Teacher May. Ininom ko lang ang juice at tumayo na.
Hindi naman na nagsalita pa si Ate Maricar. Tahimik lang ako nitong pinagmamasdan habang inililigpit ko ang mga gamit ko. Balak kong dalhin lahat ng ito sa kwarto ko.
"Sige Ate...Aakyat na muna ako. Salamat sa miryenda." Nakangiti kong wika. Agad naman itong tumango. Iniwan ko na ito at diretso ng pumasok sa loob ng mansion. Balak kong matulog agad para makapagpahinga. Ngayung nag-uumpisa na akong turuan ng tutor ko, ayaw kong magsayang ng oras. Pipilitin kong matutunan agad lahat ng itinuturo sa akin. Gusto ko din ipakita kina Tita Carissa at Tito Gabriel na hindi sayang ang ibinigay nilang tiwala sa akin na pag-aralin ako.
Mabilis na lumipas ang maghapon. Napasarap ang tulog ko. Gabi ng nagising ako kaya naman nagmamadali akong bumaba ng dining area. Nagtaka pa ako ng pagkapasok ko sa dining room ay tahimik sa buong paligid. Tanging si Manang Espi at Ate Maricar lang ang naabutan ko.
"Wala sila Madam at Sir. May party na pinuntahan. Sige na kumain ka na Veronica. Hindi ka na pwedeng magpuyat." imporma ni Manang Espe. Malungkot naman akong napaupo sa pwesto ko.
"Si Sir Rafael po? Kasama din ba siya sa party?" hindi ko mapigilang tanong. Agad na gumuhit ang ngiti sa labi ni Manang Espe.
"May dinner meeting na dapat puntahan si Sir Rafael. Masyadong hectic ang schedule ng batang iyun. Huwag mo ng hintayin at baka gabi na din makauwi. Sige na, kumain ka na at ng makapagpahinga na." malumanay na sagot ni Manang Espe. Bigla tuloy akong nawalan ng gana. Ito ang kauna- unahang pagkakataon na hindi ko makakasama sa pagkain ng dinner sila Tita, Tito at Sir Rafael.
Nangyayari din pala ang ganito sa mansion. May mga pagkakataon din pala na kakain kang mag-isa.
"Manang, pwede po bang sabayan nyo na ako. Malungkot po kasing kumain mag-isa eh." pagyaya ko sa kanila. Agad naman umiling si Manang Espe.
"Hindi pwede ang gusto mo Veronica. May sarili kaming pagkain sa kusina. Hindi kami pwedeng sumabay sa iyo." nakangiti nitong sagot. Agad naman akong nagtaka.
"Eh bakit ganoon? Bakit hindi nyo ako pwedeng sabayan? puno ng pagtataka sa boses na tanong ko.
"Basta. Malalaman mo din iyan pagdating ng araw. Sige na, kumain ka na." sagot ni Manang Espe. Malungkot ko naman hinawakan ang kutsara at tinidor at muli silang binalingan.
"Iwan nyo na ako Manang. Kaya ko na po ang sarili ko." wika ko. Tinitigan muna ako ni Manang Espe bago tumango.
"Sige..pero kapag may kailangan ka, huwag kang mahiya na magtawag ha? Nasa kusina lang kami. "sagot nito. Agad akong tumango.
Hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot ng mag-isa na lang ako. Maraming pagkain na nakahain sa lamesa. Hindi ko naman kayang ubusin lahat ito. Isa pa bigla akong nawalan ng gana. Ang lungkot pala ng buong paligid kapag nag-iisa ka lang. Kahit gaano pa kasarap ng pagkain na nakahain sa harap mo kapag hindi mo naman kasama ang mga taong may malaking bahagi na sa puso mo, mawawalan ka pa rin talaga ng gana.
Sumandok lang ako ng ilang kutsara ng kanin at ulam. Gusto ko lang ipakita kina Manang Espe na kahit papaano kumain ako. Baka kasi magtaka sila kapag mapansin nilang hindi ko man lang nagalaw ang mga pagkain na nasa harap ko.
Pagkatapos ng ilang subo ay nagpasya na akong tapusin ang pagkain. Tatayo na sana ako ng muling pumasok si Ate Maricar. Agad itong lumapit sa akin.
"Tapos ka ng kumain? Hindi mo ba
gusto ang mga inihanda ng cook?" agad na tanong nito. Pilit naman akong ngumiti.
"Busog pa ako Ate" sagot ko.
"Ganoon ba? Kung ganoon, liligpitin ko na ito." sagot nito. Agad naman akong tumango. Akmang tutulungan ko sya sa pagliligpit ng mga natirang pagkain sa lamesa ng pigilan ako nito. Muli nitong sinabi na hindi ko na pwedeng gawin ang bagay na iyun. Mahigpit na ipinagbabawal nila Tita at Tito gayundin si Sir Rafael.
Nagpasya na lang akong bumalik ng kwarto. Napakatahimik na ng paligid. Ngayun lang ako nakaramdam ng ganitong lungkot. Siguro dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na naiwan akong mag-isa dito sa mansion.
Oo., mag isa dahil may mga kasama nga akong kasambahay pero pinangingilagan nila ako. Tanging si Manang Espe at Ate Maricar lang ang palaging kumakausap sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa ibang kasambahay. Takot silang kausapin ako. Hindi din nila ako pinapansin.
Muli akong bumalik ng kwarto. Balak kong maligo muna bago matulog. Kaninang umaga pa ang last ligo ko. Mas masarap din kasing matulog kapag bagong ligo.
Pagkatapos gawin ang evening routine ko ay agad na akong sumampa ng kama. Kinuha ko ang libro ko at binuklat iyun. Gusto kong ugaliin na magbasa-basa muna ng posibleng lessons namin ni Teacher May para prepared ako. Gusto ko din kasing magpakitang gilas sa kanya.
Inabot din ako ng halos tatlong oras sa pagbabasa. Nang sipatin ko ang orasan ay halos alas onse na ng gabi. Mukhang hindi pa nakakauwi sila Tita at Tito. Wala din palatandaan na nakauwi na si Sir Rafael.
Malungkot akong napabuntong hininga. Nakakamiss din pala si Sir Rafael. Buong araw ko siyang hindi nakita. Ipinatong ko ang libro sa side table at nagpasya ng matulog. Nakakaramdam na din kasi ako ng antok. Gusto ko din magising ng maaga bukas.
Kinaumagahan..........
Agad akong napabangon ng marinig ko ang pag-alarm ng cellphone ko. Agad ko iyung hinagilap at inoff. Sinulyapan ko ang orasan. Alas singko na ng umaga. Nag-inat lang ako at nagpasya ng bumaba ng kama.
Akmang magliligpit na ako ng higaan ko ng mapansin ko ang nakapatong na pulang rosas at chocolates sa gilid ng kama ko. Sandali akong napatulala na napatitig dito. Hindi ko ito napansin kagabi. Kung ganoon sino ang nag- iwan ng mga ito dito sa kwarto ko?
Agad kong hinawakan ang bouquet ng mapansin ko na may card na nakaipit sa pagitang ng mga bulaklak. Kinuha ko iyun at agad na binuklat para malaman kung kanino galing iyun.
MY VERONICA,
YOU ARE SO SWEET AND LOVING MY SUNSHINE!
RAFAEL
Agad nanlaki ang aking mga mata ng mabasa ang pangalang si Sir Rafael. Kung ganoon sa kanya galing ang mga bulaklak at Chocolates? Pumasok na naman siya dito sa kwarto ko habang tulog ako?
Hindi ko maiwasan na mapangiti. Bigla akong nakaramdam ng kilig ng muli kong sipatin ang nakasulat sa card.
ito na talaga siguro senyales na magseryoso ako sa pag-aaral ng salitang English. Katulad ngayun English ang mensahe nya at hindi ako sigurado kung ano ang ibig nyang ipakahulugan.
Chapter 200
VERONICA POV
Sinipat ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Excited na akong bumaba dahil gusto ko ng makita ulit si Sir Rafael. Pasulyap-sulyap pa ako sa bouquet of flowers na nakapatong sa kama ko. Balak kong ilagay mamaya sa flower vase ang mga bulaklak para hindi kaagad masira.
Sa tanang buhay ko ngayun lang ako nakatanggap ng isang napakagandang regalo mula sa isang lalaki....at kay Sir Rafael pa talaga!
Sa probensya namin wala kasi akong naging ka-close na lalaki. Maliban sa masyado akong abala sa mga kapatid ko, pinangingilagan nila ako. Wala daw kasi akong pinag-aralan. Iyung ibang mga kasing edad ko na babae, ayaw nila akong maging kaibigan. Tanging si Ate Ethel lang ang matatawag kong kaibigan. Siya ang nagtatanggol noon sa mga umaalipusta sa akin. Sa aming pamilya... Palibhasa mahirap lang kami.
Maagang nag-asawa si Nanay. Walang family planning kaya agad na kaming dumami na mga anak nila at hirap silang ibigay ang aming mga pangangailangan.
Nang mapansin ko na maayos na ang hitsura ko ay dali-dali akong lumabas ng kwarto. Halos takbuhin ko ang hagdan pababa at dumiretso ng dining area.
"Good Morning Veronica! Lalo kang gumanda ngayun ah?" nakangiting bati sa akin ni Ate Maricar. Abala ito sa pag-aayos ng mga kubyertos sa lamesa.
"Good Morning din Ate!" nakangiti kong bati at naupo na sa pwesto ko. Hindi ko maiwasan na igala ang tingin sa paligid. Hanggang ngayun hindi ako makapaniwala na nakikita ko ang sarili ko na nakaupo sa magarang lugar na ito. Puno ng karangyaan ang buong paligid at kasama na ako sa pinagsisilbihan ngayun dito sa mansion.
Sa isang iglap biglang nagbago ang buhay ko. Parang isang panaginip lang ang lahat na pagkatapos kong lumuwas dito sa Manila para makipagsapalaran ay nakatagpo ako ng mga taong halos ituring akong pamilya. Pangako... pahahalagahan ko kung ano man ang ibinigay nilang tulong sa akin. Pagsisilbihan ko sila sa abot ng aking makakaya.
"Ano nga pala ang gusto mong kainin? Hindi umuwi sila Madam at Sir. Nagcheck in na lang sila sa hotel dahil
gabi na daw natapos ang party." imporma sa akin ni Ate Maricar.
"Hihintayin ko na lang po si Sir Rafael Ate." nakangiti kong sagot.
"Nakaalis na siya. Sa Boracay yata ang punta nila. May importanteng taong ka -meeting sila Sir doon. Isa pa bibisitahin din yata nila ang kakatayo lang na resort sa lugar na iyun." sagot ni Ate Maricar.
Sa narinig hindi ko maiwasan na makadama ng lungkot. Sayang naman pala ang pag-aayos ko. Inaasahan ko pa naman na makikita si Sir Rafael ngayun. Hindi man lang nito nabanggit na magiging busy pala sya sa mga susunod na araw.
Ganito ba talaga ka-busy ang mga mayayaman? Oo marami nga silang pera pero halos hindi naman sila nakakauwi ng bahay.
Bigla tuloy akong nawalan ng gana na kumain. Mag-isa na naman pala ako. Ang akala ko pa naman na isa sa mga rules ng pamilya Villarama ang sabay- sabay na kumain.
"Anong gusto mong kainin? Huwag ka ng malungkot, ibinilin ka naman sa amin ni Sir bago sya umalis. Chopper ang sinakyan nila Sir papuntang Boracay at uuwi din naman yata mamayang gabi dahil family day bukas. "dagdag na wika ni Ate Maricar. Oo nga pala, nawala sa isip ko. Saturday na bukas at pupunta sila Charlotte dito sa mansion.
"Cereals with milk na lang Ate."
walang gana kong sagot. Agad naman itong naglagay ng cereals sa bowl at nilagyan na din nito ng Milk. Iniabot sa akin at agad ko naman iyun kinain. Balak kong bumalik na lang muna ng kwarto habang hinihintay si Teacher May.
Pagkatapos kong kumain ay agad na akong nagpaalam kay Ate Maricar. Laglag ang balikat na muli akong umakyat ng hagdan. Agad akong pumasok sa loob ng kwarto at mangiyak-ngiyak na nahiga sa kama. Hindi ko man lang nakita si Sir Rafael!
Hindi ko tuloy maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit
nagkakaganito ako. Wala naman dapat ikalungkot eh. Hindi naman ako girl friend ni Sir Rafael para magkaganito ako. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang lungkot ko? Hayysst ayaw ko ng ganitong pakiramdam.
Naputol lang ako sa pagmumuni-muni ng marinig ko na tumunog ang aking cellphone. Agad ko itong inabot at tiningnan kung sino ang tumawag. Hindi ko maiwasan na mapangiti ng makita ko na si Ate Ethel ang tumatawag sa messenger. Requesting for video call kaya agad ko itong sinagot.
"Hello Ate!" nakangiti kong sagot. Agad kong napansin na naglalakad ito. Mukhang natanggap sya sa restaurant
na inirekomenda sa kanya ni Elijah dahil kapareho ng uniform ng mga staff doon ang suot ni Ate Ethel ngayun.
"Veronica kumusta ka na? Pasensya ka na kung ngayun lang ako nakatawag sa iyo ha? Naging busy kasi ako sa paglilipat." sagot nito.
"Talaga Ate? Ibig mong sabihin sa Villarama Shopping Center na ang lugar ng pagtatrabuhaan mo?" agad kong tanong. Agad naman itong tumango.
"Oo...hayyy may pakinabang din naman pala ang amo mo na si Elijah. Akalain mo iyun hindi na ako dumaan sa interview. Tinitigan lang ako ng manager at agad na sinabi na tanggap na daw ako." excited nitong wika.
"Kung ganoon, binabati kita Ate. Gusto sana kitang puntahan dyan sa bago mong pinapasukan kaya lang nag- uumpisa na akong mag aral. May sarili na akong tutor Ate." excited kong wika. Agad kong napansin ang masayang ngiti na gumuhit sa labi nito.
"TAlaga? Wow! Kung ganoon totoo ang sinabi ni Elijah na magiging busy ka na daw sa mga susunod na araw. Naku, yayayain pa naman sana kita sa first salary ko. Ililibre sana kita sa labas." nakangiti nitong wika.
"Eh di magpapaalam ako. Mabait sila Tita at Tito.
Siguradong papayagan nila ako. Isa pa matagal pa naman iyun diba?" sagot ko naman.
"Oo naman. Naku, kung hindi nga lang inoperan ng mga amo ng scholarship yayain sana kita na dito na lang magtrabaho sa restaurant na pinapasukan ko ngayun eh. Pwede ka naman sigurong tulungan ni Elijah para makapasok din dito diba?" tanong nito. Muli akong napangiti. Kung alam lang siguro ni Ate Ethel ang naging buhay ko dito sa mansion baka hindi sya makapaniwala.
"Ayos lang ako dito Ate. Mas maganda nga na nandito ako sa mansion para makapag-focus ako sa pag-aaral." Sagot ko.
"Sabagay! Pero, talaga bang mababait ang mga Villarama? Isa pa talaga bang mga Lola at Lola ni Elijah ang mga amo mo? Kung ganoon, palagi mong nakikita si Rafael Villarama?" Sunod- sunod na tanong ni Ate Ethel. Bakas ang kuryusidad sa boses nito.
"Oo naman! Mababait sila at oo apo nila si Elijah. Malaki pala ang pamilya nila at lahat sila mababait. Nakikita naman iyan sa ugali ni Elijah diba? Nag -effort sya na makaalis ka doon sa lugar na dati mong tinitirhan." sagot ko.
"Sabagay....akala ko talaga
nagyayabang lang sa akin si Elijah eh. Alam mo iyun, kapag nagsasalita siya parang hindi kapani-paniwala. Hindi ko talaga akalain na galing pala siya sa mayamang pamilya. May dapat naman pala syang ipagyabang eh.' sagot nito. Napangiti ako.
Ilang minuto pa kaming nag-usap bago tuluyang nagpaalam sa akin si Ate Ethel. Ngayun ang unang araw nya sa bagong trabaho at tinawagan niya lang daw talaga ako para mangumusta.
Pasado alas otso na ng ibalita sa akin ni Ate Maricar na dumating na daw si Teacher May. Walang gana na bumaba ako at derechong naglakad paputang garden. Doon kasi ako tinturuan ni Teacher.
Abala ako sa mga lessons na tinuturo ni Teacher ng mapansin ko ang pagdating nila Tita Carissa at Tito Gabriel. Sandali akong nagpaalam kay Teacher May at agad silang sinalubong Grabe!
Isang araw lang silang nawala dito sa mansion pero na-miss ko din sila.
"Hello po!" Agad na bati ko. Nakangiting tinitigan ni Tita Carissa sabay abot sa akin ng isang paper bag.
"Hello Iha. Here...pasalubong ko sa iyo! Kumusta ka dito?" sagot nito sa akin. Nahihiya pa akong inabot ang pasalubong sa akin ni Tita. Sa mga ganitong pagkakataon, wala akong karapatan na tanggihan ang mga bigay nito. Ayaw kong magtampo ito sa akin.
"Ayos lang po Tita. Mabait po si Teacher May at agad kong naiintindihan ang mga itinuturo nya sa akin." Nakangiti kong sagot.
"Mabuti naman kong ganoon. Wala kaming ibang hangad kundi matupad mo ang pangarap mo Veronica." sagot nito.
"Salamat po!" sagot ko bago sila
pumasok sa loob ng mansion. Agad naman akong bumalik kay Teacher May. Inilapag ko ang pasalubong sa akin ni Tita sa isang bakanteng upuan at muling binalikan ang mga aralin.
KINAGABIHAN.
Kasabay ko ng kumain ng dinner sila Tita at Tito pati na din si Elijah. Himala at nagpakita ulit ito dito sa mansion. Ilang araw din kasi itong nawala at balita ko umuwi muna ito sa bahay ng kanyang mga magulang. Napagalitan din daw ito dahil ilang araw ng hindi pumapasok ng School.
"Elijah, ano naman itong ibinalita sa amin ng Mommy mo? Bakit hindi ka na naman pumasok ng School? Ayaw mo bang maka-graduate?" Narinig kong sita ni Tito Gabriel pagkatapos namin kumain. Agad naman napayuko si Elijah.
"Sorry po Papa. Hindi na mauulit. May mga inaasikaso lang po kasi ako kaya dalawang araw akong hindi nakapasok. " sagot nito. Nagtataka naman akong napatitig dito.
Huwag nyang sabihin na sa dalawang araw na iyun, si Ate Ethel ang palagi nyang kasama?
Agad naman natapos ang dinner na iyun. Dahil malungkot nga ako sa buong araw na hindi nakikita si Sir Rafael nagpasya akong magpahangin muna sa labas. At siyempre para abangan ang pagdating niya. Hindi ko nakalimutan ang binanggit sa akin ni Ate Maricar na uuwi ngayung gabi si Sir Rafael.
Nababaliw na nga siguro ako. Hindi siya mawala-wala sa isip ko at miss na miss ko na siya.
"Can't sleep?" nagulat pa ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko. Agad kong nakita ang papalapit na si Elijah.
"Himala, naalala mo yatang umuwi ng mansion?" tanong ko. Natawa ito.
"Mas gusto kong tumira dito sa mansion kaysa bahay namin. Wala kaming ibang ginawa ni Elias kundi magbangayan. Para kaming aso at pusa. "tukoy nito sa kanyang kakambal. Kung bakit naman kasi hindi sila magkasundo.
"Dapat mag ayos na lang kayo eh. Dalawa na nga lang kayong magkapatid hindi pa kayo nagkakasundo." sagot ko. Saglit itong natigilan. Nasa malayo ang tingin nito kaya hindi ko maiwasan na magtaka.
Ngayun ko lang napansin na ganito ka- seryoso si Elijah. Mukhang may problema ito. Narinig ko pa ang malalim na pagbuntong hininga nito kaya napatitig ako dito.
"Ang lalim noon ah?" biro ko. Hindi ako sanay na ganito ito katahimik.
Huwag nyang sabihin na sineryoso niya ang pangaral ng Lolo nya kanina?
"Veronica, totoo bang may boyfriend na si Ethel?' Diretsahan nitong tanong.
"Ha? Si Ate Ethel? Hindi ko alam eh. Bakit mo naman naitanong?" sagot ko. Akmang sasagot muli ito ng marinig namin pareho ang sunod-sunod na busina at ang pagbukas ng gate. Agad naman naagaw ang attention namin ni Elijah doon.
Agad kong naramdaman ang malakas na pagkabog ng dibdib ko ng biglang bumukas ang pintuan ng kotse at lumabas si Sir Rafael. Mula sa aming kinatatayuan ay agad kong napansin ang nakasimangot na mukha nito habang naglalakad palapit sa amin ni Elijah.
"Hello Uncle! Ginabi ka yata ngayun?" agad kong narinig na bati ni Elijah dito. HIndi ito sumagot bagkos direkta itong tumitig sa akin.
"Bakit nandito pa kayo sa labas? Gabi na at nagliligawan pa rin kayo dito?" Halata ang inis sa boses na wika nito. Agad naman kaming nagkatinginan ni Elijah. Pareho kaming nagtataka sa mga lumalabas na salita sa bibig ni Sir Rafael.