Billionaires True Love Part 5

0

 

Billionaires True Love Part 5

Chapter 201


VERONICA POV


Agad kaming nagkatinginan ni Elijah ng mapansin namin na mukhang mainit na naman ang ulo ni Sir Rafael. Kakarating nga lang nya at kung anu- anong paratang na naman ang lumalabas sa bibig.


Nagliligawan kaagad? Hindi ba pwedeng nag-uusap lang kami ng pamangkin nya.


"Uncle naman, selos ko naman kaagad eh. Nag-uusap lang kami ni Veronica. Halos dalawang araw din kaming hindi nagkita kaya nagkumustahan kami ngayun." paliwanag ni Elijah. Lalo naman nagkasalubong ang kilay ni Sir Rafael. Hindi ito kumbinsido sa sinasabi ng pamangkin.


"Tsaka ano naman ang masama kung nag-uusap kami?" hindi ko naman mapigilang sabat. Bumalik ang tingin nito sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan. ibang iba kasi ang titig nito ngayun. Matatalim at may halong galit.


"Go back to your room! Talk to you later!" maawturidad nitong wika. Bigla naman akong natameme. Hindi naman ako ganun ka-shunga para hindi maintindihan ang ibig nitong sabihin. Ilang beses nya ng ginamit sa akin ang salitang 'go back to your room' Palaging lumalabas sa bibig nito kapag mainit ang kanyang ulo.


"Uncle naman! wala ka namang dapat ikagalit eh. Promise, nag-uusap lang kami ni Veronica. Tinatanong ko lang naman sa kanya kung may boyfriend na


--" hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Elijah ng muling sumabat si Sir Rafael. Sa pagkakataon na ito mataas na ang tono ng kanyang boses. Hindi ko naman maintindihan kung bakit nagkakaganito siya. Kakarating lang eh naghasik kaagad ng init ng ulo.


Pati kami ni Elijah na nag-uusap lang napagbuntunan pa.


"Hindi ikaw ang kinakaup ko Elijah! Veronica, I said pumunta ka na ng kwarto mo! Gabi na at may pag- uusapan lang kaming dalawa ni Elijah! "mainit ang ulong muling wika nito. Wala naman akong magawa kundi sundin ang gusto nito. Mukhang may nakagalit si Sir Rafael sa labas at hanggang dito sa mansion dala-dala nya pa rin iyun at sa kasamaang palad kami pa ang napagbununan ni Elijah.


Hayst kung alam ko lang na matitikman ko na naman ang init ng ulo ni Sir Rafael ngayun buti pa na nagkulong na lang ako ng kwarto pagkatapos namin kumain ng dinner. Mukhang masisira na naman ang buong gabi ko dahil sa kanya.


"Sige Nica.....bukas na lang ulit tayo mag usap. Panira si Uncle eh." wika pa ni Elijah sa akin bago tuluyan akong tumalikod. Hind nakaligtas sa paningin ang matalim na titig ni pinukol ni Sir Rafael sa kanyang pamangkin. Ano ang problema nya?


Imbes na matutuwa ako dahil maghapon ko siyang hinintay, napalitan tuloy iyun ng inis. Dinadaan sa init ng ulo lahat. Akala mo kung makasigaw tao-tauhan lang kami sa mansion na ito.


Pwede naman sana kaming kausapin ng maayos! Hayyy ang hirap magkaroon ng amo na may tupak. Mahirap ispelingin.


Hindi ko talaga sya papansinin simula ngayun. iiwasan ko na talaga iyang si Sir Rafael. Baka mahawa pa ako sa pagiging praning nya eh. Mahirap matantiya ang napakasama nyang ugali.


Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ay agad kong isinara ang pintuan. Ini-lock ko pa para walang sino man ang pwedeng makapasok. Lalo na ang Rafael na iyan! Naiinis talaga ako sa kanya.


Muling dumako ang tingin ko sa mga bulaklak. Fresh pa rin iyun dahil nailagay ko na sa flower vase kanina. Nasa tabi nito ang isang box ng chocolates. Nilapitan ko iyun at kinuha.


Wala pa naman sana akong balak kainin ang chocolate na ito. Maganda ang box at may nakasulat na LE CHOCOLATES Ngayun lang ako nakakita ng ganitong klaseng chocolates at mukhang mamahalin. Gusto ko sanang itago hanggat ma- expired at gawing souvenir. Nanghihinayang kasi akong kainin dahil marami namang chocolates sa kusina at isa pa galing ito kay Sir Rafael. Gusto kong pahalagahan lahat ng bigay nya. Kahit na nagsusungit palagi nagagawa pa din nitong magbigay sa akin ng mga regalo..


Buong panggigil kong binuksan ang lagayan. Ang ganda pa naman ng box. Pwedeng paglagyan ng mga abubot kung sakaling maubos ko ito. Isa pa kakaiba din ang chocolates na ito. Nasa magandang box talaga at may ibat ibang design.


Agad akong kumuha ng isa at tinikman. Hindi ko mapigilang mapangiti ng malasahan iyun. Ang sarap nga! Lasang pang mayaman! Akalain mo iyun, nag-abala pang bigyan ako ng ganito kagabi pagkatapos susungitan niya lang ako ngayun?


Hindi ko namalayan na halos maubos ko ang isang box. Naiinis talaga ako eh. Lagot talaga sa akin ang Rafael na iyan. Hindi na talaga ako papayag na lalapit- lapit siya sa akin. Isa pa hindi na din ako papayag na hahalik-halikan nya ako. Hindi na din ako tatanggap ng kahit na anong regalo galing sa kanya.


Speaking of regalo. Hindi ko pa pala nabuksan ang pasalubong ni Tita Carissa sa akin kanina. Nakapatong pa rin iyun sa may study table ko. Itinabi ko ang chocolates at agad na nilapitan iyun. Akalain mo, sa sobrang pag-iisip ko sa masungit na Rafael na iyun hindi ko naalala na tingnan itong pasalubong ni Tita.


Pagkakuha ko sa paper bag ay dali-dali ko itong binuksan. Nagulat pa ako ng mapansin ko na halos puro pampaganda ang laman. Mula sa make up, lipstick, lotion, pabango at kung anu ano pa. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Ito kasi ang gustong gusto ko at sa tanang buhay ko ngayun lang ako nakakita ng ganitong klaseng mga pampaganda.


Siguro titingnan ko na lang sa youtube kung paano gamitin lahat ito. Regalo ito sa akin ni Tita Carissa at sayang naman kung hindi ko gagamitin.


Pagkatapos kong ilagay sa vanity table ko ang lahat ng mga pampaganda na pasalubong ni Tita Carissa ay hindi ko mapigilan ang maghikab. Agad na dumako ang mga mata ko sa orasan na nasa bedside table ko. Halos alas-onse na pala ng gabi. Ang bilis talaga ng oras. Hindi ko man lang namalayan ang paglipas nito.


Naghahanda na ako sa pagtulog ng marinig ko ang mahinang katok sa pintuan ng kwarto ng kwarto. Saglit naman akong nagtaka. Gabi na at ang alam ko kapag mga ganitong oras tulog na halos lahat ng tao dito sa mansion.


Akmang tatayo na sana ako para tingnan kung sino ang kumakatok ng marinig ko ang boses ni Sir Rafael. Hindi ko mapigilan na mapataas ang aking kilay ng maisip na sya lang pala ang nasa labas. Sabagay ito ang nalaging pumapasok dito sa kwarto ko.


Mabuti na lang at inilock ko ang pintuan. Bahala sya dyan, manigas siya. wala akong balak na pagbuksan siya ng pintuan.


"Veronica...open the door!" narinig kong wika nito. Himala, mukhang hindi na sya galit. Baka nahimasmasan na at naayos na ang lumuwang na turnilyo sa utak.


"Sunshine...buksan mo ito please. Gusto kitang makausap!" muling wika nito. Napaismid ako. Pagkatapos dahan -dahan akong humiga ng kama. Bahala ka dyan. Isa pa Veronica ang pangalan ko. Hindi sunshine!!!


Halos ilang minuto ko din naramdaman ang presensya ni Sir Rafael sa labas ng kwarto bago ko nadinig ang mga yabag nito palayo. Mabuti naman at umalis na sya. Makakatulog na ako ng mahimbing.


Agad kong ipinikit ang aking mga

mata. Yakap-yakap ko pa ang unan ko habang nakatalukbong ng comforter. Mga ganitong pwesto ang gusto ko.


Nasa kasarapan na ako ng tulog ng bigla akong naalimpungatan. Naramdaman ko kasi na parang may ibang tao sa loob ng kwarto ko. Naamoy ko ang pamilyar na amoy ni Sir Rafael....


Agad akong napadilat para lang impit na mapasigaw ng mapansin ko ang mukha ni Sir Rafael na halos nakadikit na sa mukha ko.


"Te----teka! Paano kang nakapasok?" agad na tanong ko. Itinulak ko pa ito para lang umalis siya sa pagkakadagan sa akin. Agad akong bumangon ng kama at lumayo dito. Tumihaya naman ito ng higa habang nakasunod ang titig sa akin.


"Tsssk! Bakit ka nagla-lock ng pintuan? Hindi mo ba narinig ang

katok ko kanina?" tanong nito. kinusot ko muna ang mga mata ko bago sumagot.


"Na-narinig! Kaya lang inaantok na ako eh." pagdadahilan ko. Mataman ako nitong tinitigan bago nagsalita.


"Galit ka ba sa akin? Hindi mo ba ako namimiss? Bakit ka lumalayo sa akin? Natatakot ka?" sunod-sunod nitong tanong. Kainis! Hindi ko tuloy alam kung ano ang unang sasagutin.


"Hi-hindi naman po. Teka lang, paano kayo nakapasok? May susi kayo ng kwarto ko?" nagtataka kong tanong. Hindi ito sumagot bagkos bumangon ito sa pagkakahiga. Tinitigan ako nito tsaka sumenyas na lumapit daw ako. Imbes na sundin ang gusto nya lalo naman akong umatras. Agad kong napansin ang inis na bumalatay sa mukha nito.


"Ano ba ang nangyayari sa iyo? Ilang araw lang akong naging busy bigla ka na lang natakot sa akin. May kasalanan ka bang nagawa?" tanong nito.


Eh di wow! ako pa ngayun ang tinatanong nya kung may kasalanan bang nagawa? Siya nga itong halos bumuga na ng apoy kanina eh. Kainis!


"Wala po. Bakit naman ako makakagawa ng kasalanan. Nandito lang naman ako sa mansion buong maghapon." sagot ko. Hindi ito nakaimik. Bagkos tumayo ito ng kama at naglakad palapit sa akin. Muli akong umatras kaya natigilan ito. Kunot noong tumitig sa akin.


"Bakit ka ba umiiwas sa akin? Gusto lang naman kitang mahawakan ah? Nag -effort pa akong umuwi ngayung gabi para lang makita ka tapos kung pangilagan mo ako para akong may nakakahawang sakit." inis na wika nito. Hindi ko maiwasan na mapaismid na siyang hindi nakaligtas sa kanyang paningin.


"Tsk! Mukhang masama ang loob mo sa akin Sunshine ah? Huwag mong sabihin nagtatampo ka kaagad sa akin? Halika nga..payakap nga muna. Sabihin mo sa akin kung ano ang kasalanan ko. " muling wika nito.


"Inaantok na ako eh. Gusto ko ng matulog. Bukas mo na lang kasi sabihin sa akin kung ano ang gusto mong sabihin." Angal ko naman. Hindi kaagad ito nagsalita. Tinitigan ako nito sabay iling.


"Sino ba kasi ang nagsabi sa iyo na bumangon ka ng kama? Pwede ka naman matulog habang yakap kita ah? halika na. Humiga ka na dito. Dito ako matutulog. Sobrang na-miss kita kaya gusto kitang mayakap magdamag." sagot nito. Hindi ko maiwasan na panlakihan ito ng mata. Tabi na naman? Baka kung ano ang isipin ng mga tao dito sa mansion kapag malaman nilang tumatabi sa pagtulog ko ang amo namin.


Hindi ako ipinanganak kahapon para pumayag sa gusto nito. Baka isipin ng iba diyan na may milgaro kaming ginagawa ni Sir Rafael.


"hindi po pwede! Ayaw kitang makatabi." sagot ko. Agad na nagsalubong ang kilay nito. Inilang hakbang ang pagitan sa aming dalawa at hindi na ako nakaiwas pa ng hawakan ako nito sa magkabilaang balikat.


"Bakit ayaw mo akong makatabi? May iba ka na bang gusto? Ayaw mo ba sa akin? Hindi bat sinabi ko sa iyo na kahit girl friend na kita, liligawan pa rin kita!" seryoso nitong wika. Hindi ko naman maiwasan na magulat sa kanyang sinabi. Hindi kayang iproseso ng utak ko ang salitang liligawan nya daw ako? Seryoso ba talaga siya? Si Sir Rafael, gusto nya daw talaga akong maging girl friend? Totoo ba ito? Hindi ba ako nanaginip lang?



Chapter 202


VERONICA POV


Hindi na ako nakailag pa ng biglang sumayad ang labi nito sa labi ko. Agad na nanlaki ang aking mga mata sa kanyang ginawa.


Walang hiya...sabi ko hindi ko na hahayaan pa na halikan ako nito eh. Pero ano na naman ito...bakit nanlalambot na naman ang tuhod ko sa ginagawa nitong paghalik sa akin?


'I miss you so much Veronica, My Sunshine! Sorry kung nagalit ako kanina ha? Pagod ako sa byahe pagkatapos pagkadating ko dito sa mansion agad na bumungad sa mga mata ko na nag-uusap kayo ni Elijah... Ayaw ko ng ganoon Sunshine... nagseselos ako." mahaba nitong wika pagkatapos pakawalan ang labi ko.


Hinaplos pa nito gamit ng kanyang isang palad ang aking pisngi habang diretso ang titig sa mga mata ko. Hindi ko maiwasan na mapalunok ng aking laway.


Heto na naman, nagreregudon na naman ang puso ko sa paraan ng pagkakatitig nito sa akin. Bigla na naman nawala ang depensa na pilit kong itinatanim sa utak ko.


Hindi dapat mangyari ito eh. Dapat talaga hindi ko na sya hahayaan pang halik halikan ako ng ganito. Pero ano ito...ang hirap nyang pigilan...ang rupok ko din pala. Isang halik lang agad na nawala lahat ng agam-agam sa puso ko.


"Lets sleep na Sunshine. Dadalo pa tayo bukas sa birthday party ni Peanut. " wika nito at sabay hila sa akin papuntang kama. Parang bigla akong nawalan ng lakas at nagpatianod na lang.


"Teka lang..dito ka ulit matutulog? Takot ka ba sa kwarto mo?" hindi ko mapigilang tanong. Agad kong napansin ang paguhit ng ngiti sa labi nito. Hindi ko tuloy mapigilang mapatitig dito.


"Pagod ako sa maghapong trabaho at mahabang byahe Sunshine. Bukas na lang tayo mag-usap ok? Hayaan mong katabi kitang matulog ngayung gabi dahil kailangan ko ang amoy mo para makapagpahinga ng maayos."

malambing na wika nito at inalalayan pa akong mahiga sa kama.


Nagpatianod na lang din ako. Matutulog lang naman kami eh. Isa pa napansin ko din ang pagod sa mukha ni Sir Rafael kaya hahayaan ko na lang muna siyang tabihan ako ngayung gabi sa pagtulog. Bahala siyang lusutan ang lahat kung sakaling matsismis kami dito sa mansion dahil sa mga pinanggagawa nya.


Nakayakap pa rin ito sa akin habang nakahiga kami. Hindi ko tuloy maiwasan na magusmiksik sa may kilikili nito. Ang bango kasi at masarap sa ilong. Bigla tuloy akong nakaramdam ng antok.


Bago ako nakatulog ay naramdaman ko pa ang paghalik ni Sir Rafael sa buhok ko. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Kakaiba talaga siya. Masungit na may pagka-sweet. Para tuloy kaming mag-shota.


Nagising ako sa malakas na alarm na nagmula sa cellphone ko. Akmang babangon na sana ako ng mapansin ko na may mabigat na bagay na nakagan sa hita ko. Agad akong napalingon sa katabi ko.


Hindi ko maiwasan na mapangiti ng mapansin ko ang nakapikit pa rin na si Sir Rafael. Nakadantay ito sa akin kaya naman hindi ko maigalaw nag ibabang bahagi ng katawan ko. Mukhang hindi ito nagigising sa malakas na tunog ng alarm na nagmumula sa cellphone ko.


Ibubuhos ko na sana ang buong lakas ko para makawala sa pagkakayapos nya ng marinig ko garalgal nitong boses.


"Masyado pang maaga. Mamaya ka na bumangon." wika nito na may halong reklamo sa tono ng kanyang boses. Natigilan naman ako at muli itong tinitigan sa mukha. Nakapikit pa rin naman ito kaya napasimangot ako.


"Aabutin ko lang ang phone ko. Ang ingay kasi eh." Reklamo ko. Agad kong naramdaman ang pagbangon nito at ito na mismo ang nag-abot ng cellphone. Sya na din ang nagpatay ng alarm bago bumalik sa pagkakahiga sa tabi ko. Hinayaan ko na lang siya at muli kong ipinikit ang aking mga mata.


Tumatagos na ang liwanag mula sa bintana ng muli akong nagising. Nagulat pa ako at agad na napabalikwas ng bangon. Nagtaka pa ako ng mapansin ko na wala na si Sir Rafael sa tabi ko. Nang sulyapan ko ang relo ay nagulat pa ako ng halos alas otso na ng umaga.


"Yari na. Late na ako sa breakfast namin. Nakakahiya!" hindi ko mapigilang bulong sabay sapo ng ulo ko. Nagmamadali pa akong bumaba ng kama at agad na niligpit iyun.


Ang daya talaga ni Sir Rafael. Hindi man lang ako ginising. Dapat pala bumangon na ako kanina ng tumunog ang alarm ng cellphone ko. Tinanghali tuloy ako ng bangon. Nakakahiya!


Nang masiguro ko na maayos na ang pagkakaligpit ng kama ay nagmamadali akong pumasok sa loob ng banyo. Mamaya na lang ako maligo. Sabado ngayun at tiyak na nandito na ang mga anak nila Tita at Tito. Baka hinihintay na din ako nila Charlotte at Jeann. May usapan pa naman kami na maliligo ng pool ngayung umaga.


Pagkatapos kong gawin ang morning routine ko at nang masiguro na maayos na ang hitsura ko ay nagmamadali akong lumabas ng

kwarto.. Nakakahiya man pero kailangan kong harapin iyun. Hihingi na lang ako ng 'sorry' kina Tita at Tito dahil hindi ako nakababa bago kumain ng agahan. Kung bakit naman kasi napasarap ang tulog ko.


Pababa pa lang ako ng hagdan ng marinig ko ang malakas na boses ni Charlotte. Hindi ko mapigilang mapangiti at akmang papunta na ko sa dining area ng makasalubong ko si Jeann.


"Hello Veronica! Sa wakas nagising ka masaya nitong wika at agad na lumapit sa akin. Nagulat pa ako ng bigla itong nakipagbeso sa akin. Niyakap ako at hinalikan sa pisngi. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng hiya.


Napapansin ko ang kadalasang

ganitong approach sa miyembro ng kanilang pamilya. Ginagawa nila ito kapag nagkikita-kita sila.


"Kanina pa ba kayo? Pasensya na napasarap ang tulog ko." sagot ko ng kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. Agad itong napangiti. Hindi ko maiwasan na titigan ang maganda nitong mukha. Katulad ni Charlotte, nakakabighani din ang ganda nito. Ang kinis ng kanyang balat at halatang anak mayaman.


"Ayos lang. Naiintindihan kita. Ganyan din ako kapag walang pasok sa School. Sinusulit ko ang tulog ko." nakakaunawa nitong sagot. Pagkatapos hinawakan ako sa kamay.


"Tamang tama. Sabay na tayong pumunta ng dining area. Nandon na sila Charlotte at sila Kuya Elijah at

Kuya Elias. Sumabay ka na sa amin dahil ang mga oldies nasa gazeebo. May pinag-uusapang importante." wika nito sa akin. Agad naman akong nagpatianod.


Katulad ng nabanggit nito ay naabutan ko pa ang iba nitong mga pinsan na kumakain sa hapag. Agad naman nila kaming binati ng mapansin ang pagdating namin ni Jeann. Mabuti na lang at mukhang mababait sila at walang kahit na anong tanong kung ano ang papel ko sa pamilyang ito.


Ang gaganda talaga ng lahi ng mga Villarama. Halatang hindi sila mga matapobre dahil parang wala lang naman sa kanila ang presensya ko. Mukhang kilala na din nila ako base na din sa kanilang mga expression sa mukha.


"Kilala mo na siguro ang mga kapatid ko diba? Sila si Christopher at Charles..... sabay-sabay kami lumabas sa tummy ni Mommy. Triplets kami kaya magkakamukha kami. "wika ni Charlotte. Agad naman akong nag 'hi' sa kanila at tanging ngiti lang naman ang naging sagot nila.


"And siya naman ang kapatid ni Ate Jeann. Si Kenneth...dalawa lang din silang magkapatid at kilala mo nama siguro si Kuya Elijah at Kuya Elias diba mga anak sila ni Tita Miracle at Tito Roldan.?" madaldal na wika ni Charlotte sabay subo. Agad naman akong tumanga at ngumiti sa lahat.


"Himala nasa mood yata si Charlotte na i-introduce tayo kay Veronica!" agad na sabat ni Elijah. Napangiti naman ang halos lahat liban na lang sa kakambal nitong si Elias.


"So? Wala akong nakitang mali sa ginawa ni Charlotte. Gusto lang siguro nyang malaman din ni Veronica ang mga pangalan natin since dito na sya nakatira sa mansion." Seryosong sabat naman ni Elias. Mukhang totoo nga ang narinig ko na palaging nagbabangayan ang dalawang ito.


"Hindi ko naman sinabing may mali sa ginawa ni Charlotte. Hayst lahat na lang pinapansin mo eh!" Inis na sagot naman ni Elijah sa kakambal. Agad ko naman napansin ang pagtitinginan ng magpipinsan bago sumabat si Kenneth.


"Mga pinsan...baka saan na naman mapunta yang sagutan niyo. Remember, maglalaro pa tayo ng basketball." wika nito. Agad na natigilan ang dalawa at sabay na tumayo.


"Nice to meet you Veronica!" wika pa ni Elias sa akin sabay talikod at lumabas ng dining room. Sumunod naman dito ang mga pinsan nyang lalaki pati na din ang kakambal na si Elijah na bubulong-bulong pa.


"Hmmp ang hilig sumabat sa usapan pagkatapos iinit agad ang ulo. Ang sarap kutusan." wika pa nito. Nagkatinginan naman kaming tatlo nila Jeann at Charlotte.


"Masanay ka na sa kanila Veronica. Ganyan talaga ang kambal na iyan. Hate ang isat isa." nakabungisngis na wika ni Jeann. Napatango naman ako


"Sya nga pala, nabanggit ni Uncle Rafael na isasama daw tayo sa party mamaya. Alam mo na ba ito Ate Veronica? Sa yate daw eh at ipinagpaalam nya na kami kila

Mommy at Daddy. Hindi ba Jeann." wika ni Charlotte sa akin na agad naman ikinatango ni Jeann.


"Yes..excited na ako! Mas gusto kong umattend sa mga ganyang klaseng party. Iba ang pakiramdam habang naglalayag sa gitna ng karagatan." sagot ni Jeann.


"Alam ko na ang tungkol sa bagay na iyan. Mabuti at pinayagan kayo ng mga Mommy at Daddy nyo." sagot ko. Kahit papaano agad akong nakaramdam ng excitement.


"Of course...kapag si Uncle Rafael ang magpapaalam papayag agad iyan sila. Kahit masama ang ugali ni Uncle malaki pa rin ang tiwala ng parents namin sa kanya." sagot naman ni Charlotte.


"Teka parang friend yata ni Uncle ang may birthday diba? Hindi ko akalain na pati tayo maiimbitahan eh." sabat naman ni Jeann.


"Nabanggit na nila iyan sa akin noong minsan na isinama ako ni Sir Rafael sa office nya. Sakto na dumating ang tatlo nyang mga kaibigan at iyan ang naging topic. Ang tungkol sa birthday noong si Peanut."Sagot ko. Agad kong napansin ang pamimilog ng mga mata ni Charlotte.


"Talaga? Si Kuya Peanut ang may birthday?" agad na tanong nito. Sabay naman na napatingin kami ni Jeann dito.


"Oo...bakit kilala mo ba siya?" tanong ko naman. Alanganin itong umiling,


"Hindi naman sa personal pero ang

alam may friend si Uncle na Peanut ang name. Iyung model. Nakikita ko lang siya sa mga magazine dahil hindi naman siya dinadala ni Uncle dito sa mansion para ipakilala sa amin." sagot ni Charlotte na hindi maalis-alis ang ngiti sa labi.


"Ganoon ba? Kung ganoon pagkakataon na natin na makilala ng personal ang mga kaibigan ni Uncle. Balita ko mga successful na sila at may kanya-kanya ng negosyo. Ang sarap kaya maging kaibigan ang mga ganoong tao. Tiyak galante kung magbigay ng regalo." sagot naman ni Jeann. Nagkatawanan naman kaming dalawa ni Charlotte. Kitang kita sa mga mukha namin na excitement sa gaganaping party mamaya. Kung tutuusin panibagong experience na naman ito sa akin. Makakadalo na ako sa birthday ng mga mayayaman.



Chapter 203


VERONICA POV


"Magpakabait kayo doon ha? Jeann, ikaw ang mas matanda sa inyong tatlo kaya ingatan mo iyang dalawa mong kasama." bilin sa amin ni Ate Arabella. Sa aming tatlo mas matanda si Jeann sa akin ng isang taon at Fifteen years old naman si Charlotte. Minor pa kung totoosin at dahil mga kaibigan naman ni Sir


Rafael ang may party pinayagan agad ito ng mga magulang.


"Opo Mommy! Since ako ang mas matanda sa aming tatlo ako ang tatayo bilang guardian nila." Pabirong sagot ni Jeann. Tinawanan naman ito ni Ate Arabella. Nakakatuwa lang. Ang cute nilang tingnan mag-ina.


"Ang daya naman... Hindi ba talaga kami pwedeng sumama?" narinig kong angal ni Elijah. Kanina pa ito nakikiusap kay Sir Rafael na kung pwedeng sumama din sila. Kaya lang ilang beses din itong tinanggihan ni Sir Rafael. Bilang lang daw ang pwedeng sumama dahil sa yate gaganapin ang party.


"Hindi nga pwede. Next time na lang. Isa pa magpahinga kayo dahil napagod kayo sa laro niyo kanina diba?" sagot ni Sir Rafael. Sinenyasan kaming tatlo na sumakay na daw ng kotse na siyang agad naman naming ginawa.


"Informal naman daw ang party. Walang dress code kaya alam naming maging komportable kaming tatlo. Iilan lang din daw ang bisita na siyang lalo naming ikinatuwa.


"Ano nga pala ang nakain ng friend mo Uncle at pati kami pinayagan na dumalo?" tanong ni Charlotte ng nag- umpisa ng umusad ang sasakyan. Saglit na nag-isip si Sir Rafael tsaka saglit na tumitig sa gawi ko.


"Wala lang. Gusto kasi nilang umattend si Veronica at ayaw ko naman na wala siyang kasamang babae. Kaya naisip kong isama kayo." direkta nitong sagot. Agad na napatitig sa akin si Charlotte at Jeann. May ngiting naglalaro sa mga labi nila.


"Siguro, crush ka ng isa sa mga friend ni Kuya kaya ka inimbitahan?" Walang prenong wika ni Jeann.


"Naku hindi naman siguro. Nagkataon lang na nakilala nila ako noong minsan na isinama ako ni Sir Rafael sa opisina nya kaya naimbitahan din ako." sagot ko naman at nagpakawala ng pilit na ngiti. Napansin ko pa ang pagkainis sa mukha ni Sir Rafael habang nakatitig sa akin. Hindi marahil nito inaasahan ang tanong ng pamangkin. Iyun nga lang, bakit pakiramdam ko may kasalanan ako sa klase ng titig nya?


Hmmmp kung makabakod nga siya sa akin noong nasa office kami ganoon-ganoon na lang. Ayaw nyang palapitin sa akin ang mga kaibigan nya.


"Hindi nga! Hindi ako naniniwala. Pero alam mo, mag-ingat ka......katulad ni Uncle, mga playboy din sila kaya kahit gaano pa sila ka-gagwapo, tagilid sila sa akin." wika ni Jeann. Muli akong napatitig kay Sir Rafael. Nasa unahan namin ito at kitang kita ko ang lalong pagkunot ng noo dahil sa mga naririnig na usapan sa pagitan namin ng kanyang mga pamangkin. Kaunti na lang at magsusungit na naman yata ito. Kung bakit naman kasi mga ganitong topic pa ang lumalabas sa bibig nila Jeann at Charlotte. Nakakahiya tuloy sa Uncle nila.


"Ah basta! Naniniwala ako sa kasabihan na pwedeng magbago ang isang tao kapag ma-inlove na. Malay mo naman diba?' Sabat ni Charlotte. Napatitig naman dito sa Jeann bago sumagot.


"Bakit mo naman nasab? iyan? Dont tell me na na-inlove ka na? Yari ka kila Tita at Tito kung nagkataon. Kinse ka pa lang at bawal pa sa iyo iyan." sagot ni Jeann. Agad kong napansin ang pamumula ng pisngi ni Charlotte. Hindi ko maiwasan na matawa.


"Uyyy nagba-blush! May mga bagay kang hindi sinasabi sa akin noh? Ang daya Charlotte ha?" matabil na wika ni Jeann. Agad naman umiwas na tingin si Charlotte sa amin. Lalo naman itong nakatikim ng pang-aasar kay Jeann.


"Tama na iyan! Kayong dalawa baka magkasamaan na naman kayo ng loob ha? Ang babata niyo pa para sa mga ganyang usapan." awat naman ni Sir Rafael. Agad naman napaismid si Jeann. Tinitigan muna nito ang tiyuhin bago nagsalita.


"Bata ka diyan..... Sa ating apat si Charlotte lang ang minor. Hindi ba noong mga kapanahunan mo, high

School ka pa lang may dinadala ka ng babae sa condo mo Uncle? Akala mo hindi namin alam noh? Well sila Grandma and Grandpa hindi nila alam ito pero sila Mommy at Daddy alam na alam nila ang secret mo!"


"Nabanggit pa nga ni Mommy na puro mga teenager ang mga naging girl friend mo eh." madaldal na sagot ni Jeann. Agad kong napansin ang lalong pagkunot ng noo ni Sir Rafael ng titigan ko ito. Hindi marahil nagustuhan ang lumalabas na salita sa bibig ng pamangkin. Mukhang kaunting push pa at sasabog na ito. Nahihiya naman akong sumabat sa pag -uusap nila.


"Stop it! Mana ka talaga sa Mommy mo. Lumabas na naman ang pagiging madaldal mo." awat ni Sir Rafael. Iningusan lang ito ni Jeann tsaka ibinaling ang tingin sa bintana ng sasakyan. Agad ko naman napansin ang ngingit-ngiting si Charlotte. Mukhang masaya pa ito na nakikitang naiinis na ang kanilang tiyuhin.


Mabilis lang naman ang naging byahe namin. Namalayan ko na lang na nakarating na kami sa isang lugar na puro malaking mga bangka ang nakikita. Ibang klaseng banka at sa tanang buhay ko ngayung lang ako nakakita ng ganito. Siguro ito iyung sinasabi nilang mga yate. Hindi ko maiwasan na mamangha ng mapansin ko ang mga nagagandahang design ng mga iyun.


"Dyan ba tayo sasakay?" hindi ko maiwasang bulong kina Jeann at Charlotte. Agad naman silang nagsitanguan.


"Meron din kaming ganyan. Palagi naming sinasakyan kapag pumupunta kami ng Palawan." wika ni Jeann. Agad naman akong namangha.


"Talaga? ibig sabihin sanay ka ng sumakay ng mga ganyang banka?" inosente kong tanong. Agad na tumango si Jeann.


"Yes..noong 18th birthday ko sa yate din namin sinilebrate. Sayang nga lang at hindi ka pa namin nakilala noon Nica." sagot nito.


Akmang sasagot pa sana ako ng mapansin ko ang tatlong kalalakihan na palapit sa amin. Kilala ko na ang mga ito. Sila Peanut, Drake at Arthur. Parehong nakangiti at mukhang masaya sa presensya ng kaibigan nila. Naagaw agad ang pansin naming tatlo sa mga lalaking palapit sa amin. Agad naman sinalubong ni Sir Rafael ang mga kaibigan at nakipagkamay.


"Hi Bro! Mabuti naman at nakarating ka! Akala ko talaga didedmahin mo ang birthday party ko eh!" Narinig kong wika ni Peanut pagkatapos bumaling ang tingin nito papunta sa amin.


Napansin ko pa ang pagkagulat nito habang nakatitig sa gawi namin.


"Pwede ba naman iyun? Hindi ko hahayaan na ako ang maging dahilan para hindi kumpleto ang kaarawan mo. "narinig kong sagot ni Sir Rafael habang isa-isang nakipagkamay kina Drake at Arthur.


"And Hello Veronica! Nice to see again. Habang tumatagal lalo ka talagang gumaganda.


Ang galing talagang mag-alaga nitong si Rafael eh!." bati sa akin ni Peanut. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng hiya dahil sa sinabi nito. Napansin ko din kasi ang nagtatakang tingin na ipinukol sa akin nila Charlotte at Jeann. Sabagay, mukhang wala silang kaalam-alam sa mga nangyayari sa pagitan naming dalawa ng kanilang tiyuhin.


Agad naman napalapit sa akin si Sir Rafael. Nagulat pa ako ng hapitin ako nito sa baywang na siyang lalong ikinagulat ng kanyang mga pamangkin. Akmang lalayo ako dito dahil nahihiya ako sa mga pamangkin nya pero lalo naman nitong hinigpitan ang pagkakahapit sa akin. Parang gusto ko na tuloy lamunin na lang ako ng lupa dahil sa pagkapahiya. Hindi nya ba naisip na nakikita kami ng kanyang mga pamangkin niya? Grabe na talaga siya. Walang pinipiling lugar ang mga bagay na gusto nyang gawin.


"And by the way? Sila na ba Bro ang mga anak ng kapatid po?" pukaw ni Peanut kay Sir Rafael. Agad lang din naman itong tumango. Napansin ko din ang paglapit sa amin ng dalawa nilang mga kaibigan. Parehong nakatitig kina Charlotte at Jeann.


"Yah...before I forgot...sila ang mga anak ng mga kapatid ko. Meet Jeann and Charlotte." pagpapakilala ni Sir Rafael. Akmang makikipagkamay sana ang mga ito kina Jeann at Charlotte ng pigilan ito ni Sir Rafael.


"No need na makipag shake hands. Tandaan niyo mga Bro..off limits pa sila pagdating sa mga kalalakihan. Isinama ko lang sila para hindi ma bored si Veronica." Seryosong wika ni Sir Rafael. Agad kong napansin ang pagtaas ng kilay ng tatlo nitong mga kaibigan. Talagang may ganoon?


"Arte mo Uncle...malalaki na kami at gusto din namin makilala ang mga kaibigan mo." malditang sagot ni Charlotte at agad na inilahad ang mga kamay para makipag shake hands. Parang dalaga na kung umasta gayung kung tutuusin siya ang pinakabata sa amin.


"Hello, Im Charlotte Villarama, fifteen years old at isa ako sa anak na triplets ng kapatid ni Uncle...sila Misis and Mister Christian Villarama." Nakangiting pakilala ni Charlotte. Agad naman inabot ni Peanut ang kamay ni Charlotte at kinamayan iyun. Napansin ko ang pagkagulat sa mukha ni Charlotte dahil sa ginawa ni Peanut kaya agad nya iyung binawi. Napakamot ng ulo niya si Peanut sabay binalingan din nito ng tingin si Jeann.


"Hello..ako si Peanut...ang birthday Celebrant. Ikinagagalak kong makilala kayo Charlotte, Jeann. Hindi ko akalain na mga dalaga na pala ang mga pamangkin ng kaibigan namin. Ang natatandaan ko ang babata niyo pa noon." nakangiting sagot ni Peanut. Agad namn itong tinaasan ng kilay ni Charlotte. Samantalang seryoso lang kaming nakikinig sa kanila.


"Ahhhh ikaw pala si Peanut? Iyung may sex scandal?" diretsahang sagot ni Charlotte dito. Agad kong napansin ang pagkapahiya sa mukha ni Peanut. Namula ito sabay tikhim. Hindi marahil nito inaasahan ang katagang lumabas sa bibig ni Charlotte. Narinig ko naman ang impit na tawanan ng mga kaibigan nito kasama na si Sir Rafael.


"Iyan kasi Bro sa sobrang pagiging palikero mo pati mga minor de edad, alam na alam ang sekreto mo!"


kantiyaw naman ni Drake at ito na din ang nagpakilala sa kanyang sarili kina Jeann at Charlotte. Ganoon din ang ginawa ni Arthur. Isa isa nilang kinamayan sila Jeann at Charlotte bago kami niyaya sa loob ng yate.


Hanggang sa pagpasok namin sa loob nakaalalay pa rin sa akin si Sir Rafael. Nahihiya na tuloy ako sa mga pamangkin nito. Alam kong nagtataka na din sila sa ipinapakitang kilos ng Uncle nila sa akin. Aywan ko ba sa Sir Rafael na ito. Kung makakapit akala nya naman tatakbuhan ko siya. Ang

takot ko lang na humilay sa kanila noh.


Hindi ko kabisado ang lugar at tiyak na hindi ko kayang umuwi ng mansion mag-isa.


Naging maayos naman ang mga susunod na pangyayari. Mukhang si Peanut lang talaga ang tinamaan sa matabil na dila na si Charlotte. Bigla tuloy itong nanahimik at mukhang nasira pa ang maganda nitong mood dahil sa sinabi ni Charlotte. Ngayun ko lang din nalaman na may sex scandal itong si Peanut. Ano kayang klaseng scandal iyun? Ay ewan...kapag scandal ang alam ko bastos iyun.


Hindi ko naman maiwasan na mamangha sa aking nasilayan ng makapasok kami sa loob ng yate. Parang nasa bahay lang din pala kami. May mga iilang bisita din kaming nakikita. Ang ilan sa kanila ay abala sa pagtitsismisan at ang iba naman ay abala sa kaka-selfie.


"Sa roof deck tayo. Mas maganda doon para makita natin ang paglubog ng araw. Kayo na lang talaga ang hinihintay namin at aalis na tayo."


wika ni Drake. Agad naman napatango si Sir Rafael at sabay-sabay na kaming umakyat sa itaas na bahagi ng yate. Napansin ko din na halos karamihan sa mga bisita ay mga babae. Wala lang... ang sesesksi kasi nila eh.


Pagdating ng roof deck ay nagpasalamat ako dahil binitiwan din ako ni Sir Rafael. Agad kaming naupo nilang tatlo nila Jeann at Charlotte sa isang malambot na sofa. Mula sa kinaroroonan namin tanaw na tanaw namin ang buong paligid. Halos alas kwatro na din ng hapon at excited na akong panoorin ang paglubog ng araw. Nararamdaman ko din ang pag-usad ng yate na siyang katunayan na lalaot na kami na syang lalong nagpa-excite sa akin.


"Ano nga pala ang gusto niyong inumin ladies?" pukaw sa amin ni Drake. Sabay-sabay pa kaming napatitig dito.


"Juice lang please! No alcohol ha? Bawal sa amin!" sagot ni Jeann. Napansin ko ang pagngiti ni Drake at walang kurap na pagtitig kay Jeann.


Hinagilap ko din ng tingin kong nasaan sila Sir Rafael pero hindi ko na ito nakita. Baka muling bumaba. Wala din sila Peanut at Arthur. Sa sobrang abala ko sa kakatingin sa paligid hindi ko namalayan na basta na lang pala kaming iniwan nito dito sa roof deck.



Chapter 204


RAFAEL POV


"What?" inis na sagot ko sa tanong ni Peanut.. Ano na naman kaya ang nangyari dito at hindi pa rin pala maka get over sa sinabi ng pamangkin ko kanina. Knowing Charlotte madaldal lang talaga iyun at malas nya lang dahil siya ang unang nakatikim sa pagiging taklesa nito.


"Dinala mo pa ako dito para lang tunungin tungkol sa bagay na iyan?" naiinis kong wika. Tinatanong nito kung paano daw nalaman ni Charlotte na may sex scandal siya. Malamang sa internet. Napanood kaya muling naalala ng makaharap siya kaya napatanong iyung bata.


"Yup! Nagulat lang kasi ako Bro...sabi mo nga siya ang pinakabata sa kanilang tatlo pero parang mas marami siyang alam tungkol sa buhay ko! Come on..birthday ko ngayun pero sobrang napahiya ako sa sinabi kanina ng pamangkin mo!" angal nito sa akin. Napailing ako. Malala na talaga itong kaibigan ko. Kung babaero ako noon mas babaero ito.


Sa sobrang dami ng babae nito nagkaroon pa ito ng sex video noon. Pero naagapan naman agad iyun ng kanyang handler at manager para huwag tuluyang kumulat. Iyun nga lang mukhang hindi iyun nakaligtas sa mga mata ng pamangkin ko. Knowing Charlotte parang Mama nya ito na dating military. Lahat hinahalungkat. Lahat inaalam.


"Hayaan mo na nga iyan. Believed me... wala lang sa pamagkin ko iyun. Ganoon lang talaga siya." Inis kong wika. Kainis big deal na sa kanya iyun. Dapat nga maging proud pa siya sarili nya. Napatunayan ng lahat kung gaano siya kababaero at kagaling sa kama.


Sa totoo lang gusto ko ng bumalik kina Veronica. Si Drake pa naman ang naiwan doon. Baka kung ano na ang ginagawa ng gagong iyun. May kadaldalan pa naman iyun. Baka kung anu-ano na ang kanyang kinikuwento sa Sunshine ko.


"Hindi Bro eh. Apektado talaga ako! Kung hindi lang minor de edad iyang pamangkin mo pinatulan ko na iyan eh. "narinig kong wika dito. Masama ko itong tinitigan.


"Gago! Huwag mong kalimutan na pamangkin ko ang pinag-uusapan natin ngayun. Minor de edad man siya o hindi huwag na huwag kang gumawa ng bagay na makakasama sa kanya... Hindi ka man malalagot sa akin baka bawian ka ng buhay ng Nanay nyang amazona!" sagot ko. Napansin ko pa ang pagkagulat sa mukha ng loko. Sabagay mukhang hindi siya aware na dating sundalo si Ate Carmela. Ang Ina ni Charlotte.


"Hayyy kainis. Kung alam ko lang na masisira ang araw ko ngayun dapat pala hindi na kita pinilit na umattend sa party ko eh!" inis na wika nito. Agad ko naman itong nabatukan. Kakamot- kamot naman ito ng kanyang ulo.


"Bahala ka na nga dyan. Halos nandito na tayo sa gitna ng laot at hindi mo na kami pwedeng sipain. Isa pa mukhang nag-eenjoy ang Sunshine ko kaya huwag na huwag mong sirain iyun." sagot ko at agad itong tinalikuran.


Pabalik na ako ng roof deck ng marinig ko na may tumawag ng pangalan ko. Wala sa sariling napalingon ako at nagulat pa ako ng mapansin ko ang palapit na si Sofia. Nakangiti at halos maghubad na sa klase ng saplot ng katawan meron siya ngayun.


"Hello Rafa! Ohhhh I am so happy na nandito ka din!" malandi nitong wika. Akmang hahawakan pa ako nito pero mabilis akong nakailag.  No! Tapos na ako sa babaeng ito! Isa pa gusto ko ng tuluyang talikuran ang pagiging babaero ko. Nagbagong buhay na ako.


Naiinis kong tinitigan si Peanut na noon ay ngingiti-ngiting nakatitig sa amin. Yari talaga sa akin ang mani na ito. Sige lang ngumisi ka ngayun, hintayin mo ang ganti ko! Hindi man lang binanggit nito sa akin na nandito din pala ang Sofia na ito. Kung alam ko lang talagang hindi na ako pumunta sa party na ito. Imbes na mag-enjoy ako mukhang konsumisyon ang aabutin ko nito eh. Kainis talaga!


Bwesit talaga! Hindi man lang nabanggit nito na imbitado din pala ang babaeng ito? Mukhang gabi ko na naman ang masisira. Knowing Sofia, makulit ito at hindi nakakaintindi ng salitang hiwalayan.


"What do you want?" inis kong tanong.


Ngumiti ito ng makahulugan.


"Actually, kaya ako nagpursige na maka-attend sa party na ito dahil alam kong nandito ka. Miss na miss na kita Rafa ko! Miss na miss ko na ang ginagawa natin. Alam mo bang sa iyo ko lang naramdaman ang tunay na satisfaction pagdating sa kama!"


Malandi nitong wika at sinabayan pa ang pagdila.


"Well, ang alam ko hiwalay na tayo!  Wala ka ng appeal sa akin."


seryoso kong sagot. Agad kong napansin ang pagbalatay ng lungkot sa mukha nito. Hindi ko na iyun pinansin at tinalikuran na ito.


Wala na akong pakialam kay Sofia. Noon pa man malinaw na sa kanya kung anong klaseng relasyon meron kami. Pure sex, walang halong pagmamahal at init lang ng katawan. Wala siyang pinagkaiba sa mga babaeng dumaan na sa buhay ko..


Pagkabalik ko ng roof deck ay agad kong nakita ang nagtatawanan na si Veronica, Charlotte at Jeann. May nakahain na snacks sa harap nila. Mukhang may nakakatawa silang pinag -uusapan.

Hindi ko maiwasan na titigan ang mukha ni Veronica. Habang tumatagal lalo siyang gumaganda. Kahit sino sigurong lalaki na makakakita dito ay agad na mabibighani sa kanya. Kaya nga pinapaiwas ko sa kanya si Elijah. Ayaw kong may ibang lalaking aali- aligid dito.


"Ang sungit pala ng Jeann na iyan Pare. Binigay ko lang ng red wine sinigawan ako. Imbes na magpasalamat sinungitan pa ako. Ako na nga itong nagmagandang loob ako pa ang lumabas na masama." Nagulat pa ako ng marinig ko ang boses ni Drake. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit nito.


"Bakit kasi alak ang isinerve mo? Anong akala mo nasa pag-aari mong bar ka pa rin?" tanong ko. Napakamot ito ng ulo.


"Pwede naman nyang sabihin ng maayos kung ayaw nya eh. Hindi nya naman ako dapat sungitan." sagot nito. Napailing na lang ako at lumapit na sa kinauupan ng tatlo na noon ay panay ang tawanan. Natigil lang sila ng mapansin ang aking presensya.


"Ohh Uncle, saan ka galing? May naghahanap sa iyo na babae dito kanina." agad na wika sa akin ni Jeann. Hindi ko naman maiwasan na mapakunot ang noo ko at tumitig kay Drake.


"Ah baka si Sofia ang tinutukoy nya. Naabutan ko kanina na nandito. Mukhang ikaw nga ang hinahanap. Gusto yatang ibalik ang inyong nakaraan eh!" madaldal na wika ni Drake. Pinanlakihan ko ito ng mga

mata. Litse talaga, hindi nya man lang ba naisip na kaharap namin si Veronica?


Wala talaga akong maasahan sa mga ito. Gusto pa yata akong ilaglag sa harap ng Sunshine ko. Kainis! Kung alam ko lang na nandito din pala ang Sofia na iyun sa sariling yate ko na lang sana dinala si Veronica. Masusulo ko pa siya doon. Tiyak na mag-eenjoy pa kami.


"Ano mo ba ang babaeng iyun Uncle? Dating girlfriend? Yuck! How cheap! Pakisabi hindi ko siya gusto para sa iyo! Maghanap ka ng iba!" madaldal na sabat ni Charlotte. Napailing na lang ako habang napatingin kay Veronica. Tahimik lang ito habang nakikinig sa usapan kaya naupo na ako sa tabi nito. Magpapaliwanag na lang ako sa kanya mamaya. Baka iiwasan pa ako ng Sunshine ko. Hindi ko matatanggap iyun.


"Truth! Ayaw ko din sa kanya. Ang angas eh. Nagtatanong lang nagmamaldita pa! Kainis! Kaunting push pa sa pangit nyang ugali ihuhulog ko siya dito sa Yate. I dont care kung bisita din siya dito. Marunong siyang lumugar." sabat naman ni Jeann. Hindi ko tuloy maiwasan na mapaisip. Ano ba talaga ang ginawa ni Sofia kanina at bakit ganito kagigil ang mga pamangkin ko sa kanya? Tinitigan ko si Drake. Umiling ito.


"Nasaan na ba si Peanut? Abat dapat tayo ang ipriority niya. Tsaka si Arthur biglang nawala." sagot naman ni Drake.


"Hayaan mo na sila. Baka busy sa ibang bisita!" baliwala kong sagot. Pagkatapos hinarap ko si Veronica na noon ay nananahimik na.


"Anong gusto mong kainin? Ikukuha kita!" tanong ko dito. Tumitig ito pabalik sa akin tsaka umiling.


"Busog pa po ako Sir. Marami pong binigay na food si Drake sa amin kanina." sagot nito. Hindi ko maiwasan na mapabuntong hininga lalo na ng mapansin ko ang lungkot sa mga mata nito. Nagseselos kaya siya kay Sofia? Isa pa, hanggang ngayun Sir" pa rin ang tawag nito sa akin. Kailangan ko na din i-correct iyun sa susunod na araw.


"Uncle pwede po ba kaming magbabad sa pool mamaya?" tanong naman ni Charlotte. Agad akong tumango. Alam kong isa ito sa mga dahilan kaya napapayag ko itong sumama dito sa yate.


"Of course. Pero mamaya na lang. Magpahinga muna kayo." nakangiti kong sagot at napukaw ang attention ko ng tumayo si Drake.


"Bro, kuha muna ako ng alak." paalam nito. Agad akong tumango. Mas mabuti pa nga para naman kahit papaano ma- relax ako.


Agad naman umalis si Drake. Naiwan kaming apat. Tahimik na din ang dalawa kong pamangkin at abala na sa kanilang cellphone kaya pinagbalingan ko na si Veronica. Gusto ko itong lambingin ngayun. Mukhang nagtatampo yata sa akin.



Chapter 205


VERONICA POV


Sofia? Siya din iyung nakita namin sa mall. Totoo kayang ay relasyon silang dalawa ni Sir Rafael? Ano ba ito! Bakit pakiramdam ko nalulungkot ako sa nalaman ko ngayun. Parang hindi kayang tanggapin ng kalooban ko.


Lahat ng mga nakikita kong magandang bagay dito sa loob ng yate biglang nawalan ng saysay. Kung bakit naman kasi nagpakita pa ang Sofia na iyun sa amin eh. Ginawa kaming hanapan ng taong nawawala.


Pinipilit ko na lang na makitawa kina Charlotte at Jeann pagkatapos kaming lapitan kanina ni Sofia para tanungin sa kinaroroonan ni Sir Rafael.

Hanggang ngayun umaalingawngaw pa rin sa isip ko ang sinabi nito kanina.


Parang naririnig ko pa ang boses nito ng sabihin niya kung nakita daw ba namin ang boyfriend nyang si Rafael. Masakit isipin na may kasintahan pala siya pero kung nagawa nya akong landiin parang normal lang sa kanya iyun.


Mabuti na lang at umalis din ito kaagad ng sungitan siya ni Jeann.


"Are you okay?" napapitlag pa ako ng marinig ko ang bulong na iyun ni Sir Rafael.


"Po?" nagtataka ko pang tanong sabay titig dito. May ngiti na nakaguhit sa labi nito habang nakatitig sa akin. Agad akong napayuko.


Ang gwapo nya talaga! Siguro ang dami talagang naghahabol na dito. Mga babaeng hindi basta-basta at

walang wala ako sa kanilang kalingkingan. Sa hindi malamang dahilan lalo akong nakaramdam ng lungkot. Kainis naman kasi...bakit ba ako nakakaramdam ng ganito. Imbes na mag-enjoy ako sa party na ito para akong nakakaramdam ng panliliit sa aking sarili.


"Sabi ko, ayos ka lang ba? Kanina ka

pa tulala at walang imik. Nabobored ka na ba dito? Ayaw mo na ba? May

helipad ang yate na ito at pwede tayong magpasundo sa chopper." masuyo nitong sagot sa akin. Hindi ko naman maiwasan na nanlaki sa pagkagulat ang aking mga mata. Posible ba iyun? Gaano ba talaga sila kayaman at lahat yata pwede nilang gawin.


"Na-naku, ayos lang po ako Sir...na- 

naninibago lang ako sa mga nakikita ko." sagot ko at nagpakawala ng pilit na ngiti sa labi. Pagkatapos ay napatingin ako sa gawi nila Jeann at Charlotte na noon ay kikinig na pala sa usapan naming dalawa ni Sir Rafael. Bigla tuloy akong napahiya. Napansin ko sa mga titig ng dalawa na nagtataka sila kung bakit sobrang closed namin sa isat isa ng kanilang tiyuhin. Baka kung ano ang iisipin nila.


"Gusto mo bang ikutin ang buong yate para malibang ka? Sasamahan kita..or baka gusto mong magpahinga muna. Maraming kwarto dito." suhestiyon nito. Sasagot sana ako ng mapansin ko ang muling pagdating ng mga kaibigan nito. Sila Peanut, Drake at Arthur.


"Bro...sa VIP suites tayo. Parang wala ka yatang balak makihalubilo sa mga bisita kong suhestiyon ni Peanut.


"Much better Bro. Gusto ko ng tahimik na kapaligiran. Hindi mo man lang sinabi na may asungot sa buhay ko na nakasama." sagot naman ni Sir Rafael. Agad na nagtawanan ang mga kaibigan nito. Masamang tinitingnan naman sila ni Sir Rafael.


"Paano ba iyan, lets go! Para naman alam ng mga ladies ang kanilang tutulugan mamaya kapag mapagod sila sa party-party." sagot ni Peanut habang nakatitig kay Charlotte. Napansin ko naman ang pag-ismid ni Charlotte dahil doon.


Agad na tumayo si Sir Rafael. Nagulat pa ako ng hawakan ako sa kamay at inalalayan na makatayo. Muli akong nakaramdam ng hiya na napatingin kina Charlotte at Jeann.


"Basta magkasama kami sa iisang silid walang problema. And besides, gusto namin magswimming at ayaw namin ng ibang kasama." demanding na sagot ni Charlotte.


"Sure my Princess pwede mong gawin lahat ng gusto mo as long as huwag mo ng ipaalala sa akin ang tungkol sa sex scandal ko magkakasundo tayo." sagot ni Peanut. Iningusan lang ito ni Charlotte at nagpatiuna ng maglakad. Agad naman kaming sumunod sa kanila at nagpaiwan naman sila Arthur at Drake.


Muli akong namangha sa aming mga nadadaanan. Hindi ko akalain na kaya palang gawin na parang isang bahay ang isang ganito kalaking bangka.


Pakiramdam ko wala kami sa gitna ng dagat at patuloy na umaandar kami palayo sa kalupaan. Wala pa akong idea kung saan ha talaga ang punta namin at kailan kami babalik sa kalupaan. Basta ang sabi ni Charlotte kanina, bukas pa daw kami babalik ng Manila.


Kulay ginto ang aking mga nakikita.

Ang yaman din pala ni Peanut. Pwede na siyang tumira dito habang iniikot ang buong Pilipinas.


Ito yung VIP Suite Number 3. Kasya na kayo dito ladies. Pwede niyong gawin ang lahat ng gusto nyo. May banyo at jacuzzi na din kaya mag-eenjoy kayo. Kung nagugutom naman kayo huwag kayong mahiya na pumunta ng Indoor Dining. Continues ang serving ng mga foods at pwede kayong magrequest sa mga staff ng mga pagkain na gusto nyong kainin." wika ni Peanut. Sabay- sabay naman kaming nagsitanguan.


"Safe ba sila dito? Siguraduhin mo

lang na walang maliligaw na lasing sa mga bisita mo dito ha?" diskumpyadong wika ni sir Rafael.


"Of course Bro. Dont worry, marami akon security sa lugar na ito at hindi mangyayari ang iniisp mo dahil ako mismo ang magpapatalsik sa mga bastos na bisita." sagot ni Peanut. Agad naman akong binalingan ni Sir Rafael.


"Ayos na ba kayo dito? Kapag may kailangan ka tawagan mo ako ha? Nasa Promenade Deck lang kami. Pwede mo din akong puntahan doon anytime. Sa ngayun magpahinga muna kayo." nakangiti nitong wika sa akin. Nahihiya man agad akong tumango. Agad naman silang lumabas ng sutie namin. Naiwan kaming tatlo na noon ay kanya-kanyang pwesto sa higaan.


"Grabe ang yaman pala ng Peanut na iyun noh? Akalain mo nakabili siya ng ganito ka ka bonggang yate. And take note pinagamit nya sa a itong VIP suite. Ibig sabihin sa dami ng bisita dito, tayo ang pinaka-importante sa lahat." nakangiting wika ni Jeann at agad na nahiga sa kama.


Malaki ang kama. Kahit siguro pito katao kasya dito. May sofa at mga tables din akong nakikita. Sa kaliwang bahagi ay isang nakasarang pintuan kaya nman nilapitan ko iyun at binuksan at agad akong namangha sa aking nakita. Isang malaking banyo. May bathtub at jacuzzi? Mas malaki pa yata sa bahay namin sa probensya ang banyo na ito. Naramdaman ko na lang ang paglapit sa akin ng dalawa at agad silang napa "wow"


"Bongga pala ang Mani na iyun.


Talagang hindi tinipid sa amenities ng yate nya..Luxury yacht at puro bago ang nasa loob. Hindi hamak na mas maganda kaysa yate na kong wika ni Charlotte. "Narinig


"Well, mukha naman siyang mabait. Kahit na kitang kita ko na nainsulto siya sa sinabi mo kanina Charlotte nakuha nya pa din magpaka-casual sa harap natin." sabat ni Jeann. Muli kaming naglakad patungong sofa. Bago ako naupo ay muli kong narinig na nagsalita si Jeann.


"Veronica...I wonder, dont get me wrong ha? But nagtataka lang talaga ako...I mean, kaming dalawa ni Charlotte..may something ba inyo ni Uncle? I mean, kanina pa namin napapansin ni Charlotte, iba kasi ang mga titig na pinapakawalan ni Uncle

sa iyo eh..parang may something." nakangiti nitong wika. Bigla naman akong nakaramdam ng kakaiba.


"Ha? Naku, hindi ko din alam...siguro sadyang mabait lang siya at concern sa akin lalo na at alam nyang first time ko sa mga ganitong event." sagot ko habang inililihis ang tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanila. Napansin nga nila kung gaano ka- sweet sa akin si Sir Rafael kanina.


Lagot na ako..baka mamaya malaman pa ito ng kani-kanilang mga magulang at kung ano pa ang iisipin nila sa akin..


Lapit kasi ng lapit sa akin si Sir Rafael eh. Ang hirap nyang iwasan.


"Whatever.....wala namang problema sa amin kung maging girl friend ka ni Uncle...basta siguraduhin nya lang na huwag kang lokohin. Kahit Uncle

namin siya, itatakwil talaga namin siya ni Jeann... Hindi pwedeng gawin nya sa iyo ang ginagawa nya sa mga naka-fling nya." madaldal Charlotte. sagot ni Charlotte.


"Naka-fling?" Ano ang ibig sabihin noon?" tanong ko.


"Naka-fling. Mga babaeng hindi nya siniseryoso. Uso na iyan ngayun..no relationship at puro init lang ng katawan ang pinapairal. Kapag magkasawaan na Goodbye na at maghahanap na naman ng ibang maging kapareha." sagot ni Jeann. Agad na namilog ang mga mata ko sa sinabi nito. Bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko kasi iyun ang ginagawa sa akin ni Sir Rafael ngayun. Ilang beses na din nya akong nahalikan.


'Yup...ewan ko ba sa mga playboy na iyan.Hindi makontento sa iisang babae. Kaya ang ganyang mga lalaki, red flag sa akin. Kahit gaano pa sila kapopogi at kayayaman, wala na silang appeal sa akin... Kaya mag-ingat ka Veronica, dapat maging mapanuri ka.... of course, hindi namin mapipigilan si Uncle sa mga gusto nya..pero kung nagmamahalan kayong dalawa, masaya kami para doon, pero kung fling-fling lang naman, huwag na lang....iwasan mo siya hanggat kaya mo pa." muling wika ni Charlotte.. Napatitig ako dito.


Totoo nga ang mga naririnig ko. Advance mag-isip si Charlotte. Sa edad nito mukhang napakalawak na ng kanyang pang-unawa. Hindi katulad sa akin na aanga-anga pa rin.


"Yup, kaya nagpromise ako sa sarili ko na isusuko ko lang ang virginity ko sa mismong gabi pagkatapos ng kasal namin ng lalaking napupusuan ko. Mahirap ng magtiwala sa panahon ngayun..ang daming fuck boy!" sabat. ni Jeann.


Parang gusto ko na tuloy maiyak.... mabuti pa sila may mga nakalatag na sa mga utak nila tungkol sa pakikipagrelasyon, samantalang ako, ilang beses ng nahalikan ni Sir Rafael at alam kong ginagawa lang iyun ng mga taong may relasyon. Eh kami ni Sir Rafael, hindi ko alam kung anong meron sa aming dalawa eh.


Marami pa kaming tatlo na napag- usapan. Kahit papaano marami akong natutunan sa kanila. Ilang saglit lang ay napagpasyahan na namin na lumabas muna ng suite. Pupunta daw muna kami ng dining area para titingin ng makakain pagkatapos aakyat kami sa roofdeck para magpaantok.


Pagdating namin dining room ay agad na bumungad sa amin ang mangilan-ngilan na bisita. Agad kaming kumuha ng pinggan at pumunta sa buffet para pumili ng pwedeng kainin.


Maraming pagkain ang nakahanda.

Mukhang masasarap naman pero hindi ko alam kung ano ang mga pangalan. Kumuha lang ako ng sakto lang na dami ng pagkain. Iyung kaya kong ubusin at sabay na kaming naglakad patungo sa isang bakanteng lamesa. Masaya kaming kumakain habang abala na pag-uusap sa kung anu-anong bagay.


Pagkatapos kumain ay agad kaming nag-ikot ikot. Tahimik ang ibang bahagi ng yate. Hindi naman siguro ganoon kadami ang bisita ni Peanut.


"Nasaan kaya sila Uncle pang wika ni Charlotte. narinig ko pang wika ni Jeann.


"Nasa Promenade Deck. Sakto doon na lang tayo pupunta, ang alam ko doon din makikita ang sky lounge. Pinakamataas na part ng yate at pwede tayong lumanghap ng sariwang hangin. " excited na sagot ni Jeann.


Ilang hagdan din ang aming inakyat bago nakarating doon. Pagkadating 

namin sa pinaktuktok ay agad kong narinig ang mga nagkakasayahang boses. Agad kong inilibot ang tingin sa paligid at nakita ang nagkakasayahan na sila Sir Rafael at mga kaibigan nito.. May mangilan-ngilang ibang tao kaming nakikita. Mga kababaihan at kalalakihan na hindi nalalayo sa edad nila Sir Rafael.


"OMG...nakikita nyo ba ang nakikita ko? May kasamang mga babae sila Uncle at ang mga kaibigan nya." mahinang wika ni Jeann.




Chapter 206


VERONICA POV


Agad akong napatitig sa kinaroroonan nila Sir Rafael. Tama nga si Jeann, may mga kasama silang babae at halos kumandong na ang iba sa mga kaibigan ni Sir Rafael.


"Yuck, ang lalaswa nila! Mabibinyagan pa yata ang inosente kong mga mata sa nakikita ko ngayun." narinig kong wika ni Charlotte habang titig na titig sa magkakaibigan na nag-iinuman.


"Oo nga..mga playboy talaga! Hindi nabubuhay kapag walang babae sa paligid. Kaya pala pinaalis tayo at dinala sa suite para hindi natin masaksihan ang mga balak nilang gawin dito sa yate." sabat naman ni Jeann. Mahina akong napabuntong hininga. Agad akong nakaramdam ng kakaiba sa puso ko lalo na ng mapansin ko na magkatabi sa iisang upuan sila Sir Rafael at Sofia.


Baka may balikan na nangyayari sa pagitan ng dalawa. Sabagay, ang ganda at sexy naman kasi talaga ng Sofia na iyun. Tiyak na maaakit kahit na sinong lalaki na makakakita sa kanya ngayun sa hitsura nya.


"Saan na tayo ngayun puputa? Ayaw kong makihalubilo sa kanila. Ayaw kong panoorin ang kalaswaan nila. Nakakaitira!" narinig kong wika ni Charlotte habang nakatingin sa akin. Nahihiya naman akong napaiwas ng tingin dito. Ayaw kong mapansin nito ang nararamdaman kong lungkot ngayun.


"Siguro, balik na lang tayo sa suite natin. Doon na lang tayo." malungkot

kong sagot. Parang gusto kong magkulong na lang kwarto para hindi ko na makita pa si Sir Rafael na may kasamang iba. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at maiyak ako. Nakakahiya kina Charlotte at Jeann kung nagkataon.


Hindi ko na kaya pang tagalan ang nakikita kaunti na lang talaga at tutulo na ang luha sa aking mga mata.


Dapat talaga iiwasan ko na ang panglalandi sa akin ni Sir Rafael eh. Para kahit makita ko na may iba siyang babaeng kasama hindi ako masasaktan ng ganito. Ang ganda ng kinaroroonan ko ngayun pero pakiramdam ko parang namatayan ang puso ko. Para tuloy akong lalagnatin sa sama ng loob.


"Sabagay....mabuti pa nga siguro balik  na lang tayo sa suite. Manghingi tayo ng wine sa mga staff tapos mag- inuman tayo habang nananoond ng mga movies. Para naman may pampalipas oras tayo." sagot ni Jeann.


"Akala ko ba hate mo ang alak or wine? " sagot ni Charlotte.


"Nope...wala namang problema kung tayong tatlo lang. Isa pa matutulog din naman agad tayo kung sakaling malasing tayo." nakangiting sagot ni Jeann. Agad naman napatango si Charlotte at sabay-sabay na kaming naglakad paalis sa lugar. Hindi na ako nag-aksaya pang muling tingnan ang mga kaganapan na nangyayari kina Sir Rafael at Sofia. Baka lalo lang madurog ang puso ko sa sama ng loob na nararamdaman.


"Hi! Baka gusto nyong magjoin sa

amin?" bago kami nakababa ng hagdan narinig namin ang isang tao na biglang nagsalita. Sabay-sabay kaming napalingon sa kanila.


Isang babae at tatlong lalaki. Kung titingnan mas matanda lang sila ng ilang taon sa aming dalawa ni Jeann. Agad na napangiti si Charlotte ng pagkatapos silang titigan.


"Looks familiar! Parang nakita ko na kayo somewhere? Or in television.. endorser?" tanong ni Charlotte habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kaharap.. Agad silang napatango.


"Wow...hindi ko akalain na may mga celebrities pala tayong kasama sa yate na ito." sagot nito.


"Naimbitahan lang din kami ni 

Peanut. Kasamahan namin siya sa industriya kaya hindi na kami nagpatumpik-tumpik pang sumama. By the way ako nga pala si Lucas, sila naman si Antonette, Bryle at Allan. Join na kayo sa amin para mas masaya. " nakangiti nitong wika sabay lahad ng kamay.


"Ako naman si Charlotte, pinsan ko si Jeann at Veronica...Nice to meet you guys. Pabalik na sana kami ng suite namin." nakangiting sagot ni Charlotte at isa isang nakipagkamay sa mga bagong kakilala. Ganoon din ang ginawa naming dalawa ni Jeann.


"Nice names. Happy to meet you ladies. " sagot naman ni Bryle.


"Wow, ang galing lang...may friends na agad tayo. Saan tayo ngayun?" sabat naman ni Jeann.


"Sa sun deck tayo. Teka, umiinom ba kayo ng kahit wine?" sagot ni Antonette.


"Yup, but in moderation and dont forget may kasama tayong minor dito. Kayo ba?'" sagot ni Jeann sabay tingin kay Charlotte.


"Yup in moderation lang din. Besides, wine lang naman..hindi naman nakakalasing iyun...Kaunting kwentuhan para naman kahit papaano malibang tayo." sagot ni Antonette.


"Shoot magkakasundo tayo nito. Mahaba pa ang gabi at dapat i-enjoy natin ang bawat oras na magkakasama tayo." sagot ni Alan. Nagkatawanan kami at sabay-sabay ng naglakad papuntang Sun deck.


Agad na sumalubong sa amin ang mabining hampas ng hangin. Mula sa kinaroroonan namin ay kitang kita ko ang mga nagkikislapang bituin sa langit. Halatang malayo na kami sa kalupaan dahil wala na kaming nakikita pa na kahit na anong ilaw sa paligid namin. Napakaganda ng gabi kaya naman hindi ko maiwasan na mapangiti.


Pakiramdam ko bigla kong nakalimutan ang sama ng loob na nararamdaman ko kani-kanina lang. Mas mabuti na din siguro na may mga bago kaming kaibigan na nakilala para naman malibang kami.


Kaysa naman bumalik kami ng kwarto at baka kung ano pa ang maisip ko. Isa pa gusto kong umiwas sa mga tanong na ibabato sa akin mamaya nila Jeann at Charlotte tungkol sa kung anong meron sa amin ni Sir Rafael.


"Paano nga pala kayo napasama sa party na ito? Parang ngayun lang

namin kayo nakita. Matagal niyo na bang kilala ang celebrant?" agad na taong sa amin ni Antonette ng makaupo na kami. Ang mga kalalakihan naman ay sandaling umalis para kumuha ng maiinom at makakain namin habang nagkikiwentuhan kami.


"Actually, hindi naman talaga namin friend ang celebrant. Hmmm friend siya ng Uncle namin.." sagot ni Jeann.


"Talaga? Sino sa kanila? I mean... mukha kasi kayong mayayaman kaya tiyak na malapit din kay Peanut ang taong iyun." tanong ni Antonette.


"Si Uncle Rafael Villarama." sagot ni Charlotte?


"What? OMG dont tell me na apo kayo ng Billionaire na si Gabriel Villarama?

" tanong ni Anthonette habang

namimilog ang mga matang nakatitig sa amin. Agad naman tumango si Jeann


"Yuppp.. Hindi ko akalain na kilala mo pala ang mga Villarama's." sagot ni Jeann.


"OMG! Hind talaga kami nagkamali sa pag-aaproach sa inyo. Hindi ko akalain na makakausap namin ang mga apo ng mga Villarama. Kumusta kayo? Siguro ang sarap maging Villarama. Lahat ng gusto nakukuha." muling wika nito. Sabay na natawa si Jeann at Charlotte.


"Hindi naman sa ganoon. Hindi naman kami pinalaking spoiled ng mga magulang namin." sagot ni Jeann. Tumawa si Antonette.


Ilang saglit lang at dumating na din ang tatlong lalaki na kasama nito. May mga dala na silang bote wine, baso at mga pagkain na nakalagay sa isang tray.


"Alam nyo ba kung ano ang natuklasan ko ngayun lang? Hindi pala basta- basta ang bago nating mga friends... apo sila ng billionaire na si Mister Gabriel Villarama!' agad na balita ni Antonette sa mga kasama. Sabay-sabay silang napatitig sa aming tatlo. Halatang nagulat din sila.


Gusto ko na sanang i-correct na hindi ako kasama doon. Pero nahihiya na akong magsalita. Isa pa ayaw ko ng mahaba pang paliwanagan at ungkatin pa ang pagkatao ko.


Alam kong mga mayayaman sila at ramdam ko sa pananalita nila na mataas ang kanilang pinag-aralan. Isa pa baka magkamali ako kapag ibuka ko pa ang bibig ko.. Magiging tagapakinig na lang ako sa magiging topic nila ngayun para naman kahit papaano malibang ako.


"Talaga? kaya pala familiar kayo sa paningin ko...Bigla tuloy akong nahiya. "sabat naman ni Bryle. Natawa naman sila Charlotte at Jeann.


"Guys..hindi na natin dapat pang pag- usapan ang tungkol sa bagay na iyan. Not a big deal naman kung apo kami ng billionaire. Ang mahalaga we're friends na!" nakangiting wika ni Jeann. Agad na sumang-ayon ang lahat.


Isa-isa kaming inabutan ni Lucas ng baso na may lamang alak. Nagiging komportable na din kami at ilang saglit lang ay napuno na ng tawanan ang sun deck ng yate. Kalog din pala ang tatlong lalaki na ito at kung anu-

ano na ang aming napag-uusapan. Tungkol sa kanilang mga karanasan sa pagmomodelo ang kadalasang topic.


"Hayyy naku, sabi ba naman ni Direk ang pangit ko daw mag prodyek? Masyado daw akong over qualified sa papel na ginagampanan ko? Kasalanan ko ba kung bakit sobrang gwapo ko?" pagbibida na wika ni Alan. Muling umalingawngaw ang tawanan sa buong paligid.


"Iyun ba iyung time na gusto ka turuan ng baklang floor manager kong paano humalik?''" sabat naman ni Antonette.


"Yah...and thats eeewwww! Hindi ko matanggap iyun! Masyadong pang inosente ang labi ko noong time na iyun! Sinumbong ko nga kay Mama kaya hayun agad na nasesesante ang hitad...Akala nya siguro makakatikim na siya ng isang sariwang nilalang na tulad ko." sagot ni Alan. Halos sumakit naman ang tiyan namin sa kakatawa. Hindi namin akalain na mag-eenjoy kami sa presensiya nilang apat.


"Buti na lang kamo at napigilan ka ng anghel dela gwardiya mo Pare para patulan siya....akalain mo iyun...sa sobrang daming in descent proposal na dumating sa atin, hindi tayo nagpapadala doon. Siguro kung pinatulan natin ang mga iyun mayaman na din tayo ngayun." sagot ni Lucas.


"Pero marami pa rin ang kumakagat doon. Pero ako..never kong gagawin iyan. Mas gusto ko pa rin mabuhay na walang inaapakan na ibang tao." sabat ni Antonette.


"So totoo pala ang naririnig namin na uso sa showbiz ang mga ganyang kalalakaran?' sagot ni Charlotte.


"Yupp at kung mahina ka tiyak na madadala sa ganda ng offer nila." sagot ni Antonette. Sabay-sabay kaming napatango.


"Pero alam niyo, sa ganda nyong iyan pwede din kayong mag-artista? Kung sakaling may offer na dumating sa iyo, willing kaya ang mga Villarama na payagan kayo?" sagot ni Alan. Agad na umiling si Jeann.


"I dont think so..But for me, wala akong plano na pumasok sa showbiz. Mas gusto ko ang tahimik na buhay." sagot nito


"Me too! Mas preferred ko na pumasok sa military like my Mom kaysa sa showbiz na iyan..Well kanya-kanayang hilig lang naman iyan at iba-iba ang pananaw natin sa buhay." sagot ni Charlotte.


"how about you Veronica? Pansin namin kanina ka pa tahimik ha? Huwag kang mahiya sa amin ha? Ganito lang talaga kami." tanong naman ni Bryle. Direkta itong nakatitig sa akin kaya agad akong nakaramdam ng hiya. Bigla ko tuloy natungga ang laman ng baso sa pagkataranta. Agad na gumuhit ang pait ng lasa nito sa lalamunan ko. Parang biglang nag-init ang katawan ko dahil doon.


"ha? Ah...eh...mas gustong kong magfocus muna sa pag-aaral. Gustong gusto ko kasi makatapos eh." nahihiya kong sagot. Agad naman silang sumang -ayon sa sinabi ko. Buti na lang at wala 

ng kasunod na question. Masaya na ako sa papel ko na maging tagatawa na lang muna.


"So paano ba iyan? Friends na tayo? Siguro magpalitan tayo ng contact number para after this pwede tayong magbonding kapag may mga free time tayo.'" suhestiyon ni Antonette. Sumang-ayon ang lahat.


Inilabas na namin ang aming mga cellphone at nagpalitan na kami ng contact number. Nang sipatin ko ang oras sa cellphone ko ay nagulat pa ako. Halos alas dos na ng madaling araw. Ang bilis lumipas ng oras at hindi man lang namin namalayan iyun. Talagang napasarap ang pag-uusap naming pito.. Nakakatuwa pala makipag-usap sa mga mayayaman.


"Balita ko sa Boracay ang punta ng

yate na ito. Tamang tama, lalo tayong mag-eenjoy doon kaya lang pagkadating ng Boracay wala na kaming balak pang sumabay pabalik ng Manila. May photo shoot kami doon eh.." muling wika ni Alan. Agad naman kaming nagkatinginan nila Jeann at Charlotte. Wala kasi kaming idea kung saan ang punta namin. Basta lang kami sumama at akala namin mananatili lang kami sa gitna ng karagatan.


"Talaga? Wow! Akalalin mo iyun, instant pasyal ito! Grabe, hindi man lang nabanggit sa atin ito ni Uncle! " sagot ni Jeann.


"Kung ganoon sulitin natin na magkakasama tayo ngayun dito. Magswimming tayo at huwag kalimutan na magpalitan ng mga messages kapag nasa Manila na tayo." sabat ni Charlotte. Akmang sasagot pa sana si Jeann ng agad namin napansin ang parating na si Sir Rafael. Nakasunod dito si Peanut at Drake.


"Dito lang pala namin kayo makikita? Alam nyo bang halos ikutin na namin at bawat kasulok-sulukan ng yate sa kakahanap sa inyo?" agad na wika ni Sir Rafael habang palapit sa amin. Agad akong napatayo sa pagkagulat lalo na ng mapansin ko na parang galit na naman siya.


"Uncle..tapos na kayong mag-inuman? Actually, meet our new friends...." hindi na natuloy ang sasabihin ni Charlotte ng putulin ito ng kanyang tiyuhin.


"Who cares at wala akong time na makipagkilala sa kanila.... hindi bat sinabi ko sa inyo na huwag na huwag kayong basta-basta makipag-usap kahit kanino lalo na at hindi nyo kakilala?" galit na wika nito. Nagulat naman ako. Wala naman kasi akong natandaan na sinabi niya iyun. Ang sabi niya lang bawal akong makipag- usap kay Elijah. Hindi sa lahat ng lalaki dito sa mundo. Ang labo nya talaga or baka naman para kina Charlotte at Jeann ang sinasabi niya.


Pero kahit na! OA nya ha? Kami nga hindi namin pinakialaman ang ginagawa nyang pakikipaglandian kay Sofia. May nakilala lang kaming mga bagong kaibigan kung magalit naman siya akala mo malaking kasalanan na ang aming nagawa.




Chapter 207


VERONICA POV


"Kayong dalawa...bumalik na kayo sa suite nyo!" utos nito sa kanyang mga pamangkin. Pagkatapos agad nitong hinawakan ang aking kamay at mabilis na hinila palapit sa kanya. Nagulat ako sa kanyang ginawa kaya naman pilit akong nagpumiglas dito. Ano ba ang gusto nyang palabasin? Pagkatapos nyang makipaglandian kay Sofia,ako naman ang lalandiin nya ngayun? Napaka-unfair nya naman yata.


"Uncle, naman its not Veronica's fault. Ano ba ang mali na nagawa namin? Nakikipag-usap lang naman kami sa ibang guest dito sa yate.... isa pa they are nice and we are happy na nakilala sila." sagot ni Jeann. Masamang tinitigan ni Sir Rafael ito bago sumagot.


"Bumalik na kayo sa suite nyo."

muling utos nito sa kanyang mga

pamangkin. Sa pagkakataon na ito bakas ang galit sa kanyang boses. Tahimik na lang din naman ang mga bago naming kaibigan pero bakas ang pagtataka sa mga mukha ng mga ito habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Sir Rafael.


"Bro..hey relax! Wala namang masamang nangyari sa kanila, katulad ng kanina mo pa iniisip. And besides kilala ko ang mga kasama nila kaya wala kang dapat na ikagalit." sagot naman ni Peanut. Pilit nitong pinapakalma ang kaibigan. Pero walang epekto. Kaunti na lang at mananakmal na yata si Sir Rafael. Muli nitong hinarap ang mga pamangkin.


"Go back to your suite now! Huwag kayong lumabas doon hanggat hindi ko sinasabi!." muling utos nito sa mga pamangkin. Mukhang galit talaga at hindi ko alam kung bakit.


"Ok..fine...Veronica, lets go!" bakas ang inis sa boses ni Charlotte na yaya nito sa akin.


Agad naman hinila ang kamay ko na hawak-hawak pa rin ni Sir Rafael para sumabay na kina Jeann at Charlotte pabalik ng suite namin. Pero laking pagtataka ko dahil mukhang wala yata itong balak akong pakawalan.


Ano ba ang nangyayari sa kanya? Go back to your suite daw pero wala naman syang balak na bitawan ako?


"Ikaw naman, mag-usap tayo! Marami kang dapat na ipaliwanag sa akin." wika nito at hinila na ako paalis. Pero bago pa kami nakalayo muling nagsalita si Jeann.


"Uncle! What happened to you? Walang kasalanan si Veronica. Kami ang may gusto na tumambay dito sa sun deck! Bakit ka ba nagagalit?" tanong ni Jeann sa tiyuhin. Hindi ito sinagot ni Sir Rafael bagkos binalingan ang mga

kaibigan at nagsalita.


"Pakisamahan sila sa suite nila." wika nito at hinila na ako paalis. Wala na akong magawa pa kundi napasunod na lang sa kanya. Palingon-lingon pa ako kina Jeann at Charlotte at bakas sa mga mata nila ang pag-aalala sa akin. Napapailing naman sila Peanut at Drake habang nakasunod ang tingin sa amin.


"Sir Rafael, ano po ba ang problema? Bakit po ba kayo nagkakaganyan?"


Hindi ko maiwasang tanong. Sa totoo lang kinakabahan na ako sa hitsura nito ngayun. Mukhang galit na galit talaga dahil nanlilisik ang mga mata nya. Ano ba ang problema nya? Bakit ako ang pinagbalingan ng galit nya? Nag-away ba silang dalawa ni Sofia?


Maraming pasilyo kaming nilikuan bago kami nakarating sa isang nakasarang pintuan. Binuksan nya iyun at nagulat ako na isa din pala ito sa mga kwarto dito sa yate. Ang kaibahan nga lang medyo mas maliit ito kumpara sa suit na pinuntahan namin kanina nila Jeann at Charlotte.


Agad nya akong hinila papasok sa loob at napansin ko pa na agad nyang inilock ang pintuan ng kwarto. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng kaba lalo ng itinulak niya ako papuntang kama. Napahiga ako sa kama sa lakas ng pagkakatulak nya sa akin at naramdaman ko na lang na bigla na lang itong pumatong sa akin. Sisigaw sana ko ng maramdaman ko na bigla nitong kinuyumos ng halik ang labi ko. Agad na nanlaki ang aking mga mata sa kanyang ginawa.


Masakit......Mapagparusa ang ginagawa nitong paghalik sa akin. Hindi ako makapalag dahil nakadagan ito sa akin at mahigpit ang pagkakahawak nya sa ulo ko. Gustuhin ko man na sumigaw para humingi ng tulong pero pakiramdam ko bigla akong nawalan ng lakas.


Ilang minuto ko ding naramdaman ang parusang halik nito bago ito nag- umpisang kumalma. Hindi ko naman maiwasan na maluha dahil sa kanyang ginawa. Pakiramdam ko ang laki ng nagawa kong kasalanan sa kanya para ganituhin nya ako.


Agad naman itong natigilan ng mapansin nya ang luha ko sa pisngi. Agad itong umalis sa ibabaw ko at mabilis na bumaba ng kama. Napaupo naman ako sa kama habang patuloy sa pag-iyak. Pakiramdam ko namamaga ang labi ko sa ginawa nitong paghalik nito sa akin kanina.


"narinig kong sigaw nito.Pasuntok-suntok pa ito sa ire. Pagkatapos ay napasabunot pa ito sa kanyang ulo sabay upo sa sofa. Kita ko sa kanyang mukha ang pagsisisi.


"Ano po ba ang kasalanan ko? Bakit nyo po ba ako ginaganito?" umiiyak na tanong ko. Ilang saglit din itong tumitig sa akin bago sumagot.


"Tinatanong pa ba iyan? Bakit ka nakikipag-usap sa mga gagong iyun? Hindi mo sila kilala. Paano kung mapahamak ka?" malakas na wika nito. Bahagya na itong kumalma na siyang labis kong ipinapasalamat. Muli akong napayuko.


"Mababait naman sila eh. Hindi naman sila bastos kausap. Isa pa kaibigan din sila ni Peanut." sagot ko.


"No! They are not mabait Veronica! They are strangers at hindi ka dapat nakikipag-usap sa kanila!" inis na sagot nito sabay tayo at lapit sa akin. Hinawakan nya ako sa baba kaya napatingala ako. Agad na nagtagpo ang aming mga mata na siyang nagbigay sa akin ng kakaibang kilabot. Namumula ang mga mata nito at kita ko ang hindi maipaliwanag na damdamin.


"Sorry!" sagot ko sabay tulo ng luha sa aking mga mata. Nakakaramdam na ako ng takot sa kanya. Pakiramdam ko sasaktan nya ako ano mang sandali. Narinig ko ang mabilis na pagbuntong hininga nito bago ako kinabig payakap sa kanya.. Lalo naman akong napaiyak at napasubsob sa kanyang dibdib.


Sa hindi malamang dahilan lalo akong napahagulhol ng iyak. Bigla ko na naman kasing naalala ang mga nakita kng eksena kanina. Saglit ko lang iyung nakalimutan dahil sa masayang pag- uusap namin ng mga bago naming nakilala doon sa sun deck.


"Im sorry kung nagalit ako. Hindi ko lang matanggap na nakikita kang nakikipag-usap sa iba." narinig kong wika nito. Sa pagkakataon na ito kalmado na ang kanyang boses. Naramdaman ko din ang kanyang kamay na humahaplos sa likod ko. Pilit nya akong pinapatahan.


"Bakit nyo po ba ito ginagawa sa akin? Bakit nyo po ba ako pinagbabawalan? Dahil ba kina Jeann at Charlotte?"


tanong ko habang patuloy sa pagtulo ang luha sa aking mga mata. Natatakot na akong tumitig sa kanya. Naramdaman ko pa ang paghinga nito ng malalim bago sumagot.


"Hindi ko di alam. Basta ang gusto ko huwag na huwag mong subukan na makipaglapit sa ibang lalaki." sagot nito. Naramdaman ko pa ang paghalik nito sa tuktok ng ulo ko.


"Bakit nga? Nakikipagkaibigan lang naman sila eh. Bakit kayo nagagalit ng ganito?" muli kong tanong.


"Dahil mahalaga ka sa akin. Nagseselos akong nakikita ka na may kumakausap sa iyong iba." sagot nito. Hindi ako nakaimik.


"Lalaki din ako at naiinis ako sa mga titig na ipinupukol sa iyo ng isa sa mga lalaking kausap nyo kanina. Alam kong may gusto sya sa iyo at alam kong liligawan ka nya.''" wika nito. Hindi naman ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Ano ito? Ganito ba talaga siya ka -advance mag-isip? Isa pa ano naman ang problema kong may manliligaw sa akin?


"Paano mo sila nakilala? bakit kayo lumabas ng suite?"muling tanong nito. Aalis na sana ako sa pagkakayapos nito para masagot ang tanong nito ng maayos pero mahigpit na naman ang pagkakapit nya sa akin. Talagang balak nyang mag-usap kami ng ganito. HIndi na kasi ako komportable eh.


"Na-bored kami sa suite kanina. Pinuntahan namin kayo sa Promenade Deck pero nagkakatuwaan na kayo. Nag -iinuman kayo habang may mga kalandian kayong babae kaya hindi na kami tumuloy. Babalik na sana kami ng suite namin kaya lang nakipagkilala sa amin ang grupo nila Antonette at niyaya kami sa sun deck para makapagkwentuhan." mahaba kong paliwanag. Narinig ko pa ang marahan nitong pagbuntong hininga bago kumalas sa pagkakayapos sa akin na syang labis kong ipinagpasalamat.


Akmang lalayo na ako dito na hawakan ako nito sa kamay. Tinitigan ako sa mga mata nito bago nagtanong.


"Bakit hindi kayo tumuloy? Pwede naman kayong lumapit sa amin eh. Pwede kang pumunta sa akin anytime kung gusto mo." masuyo nitong sagot. Hinaplos pa nito ang pisngi ko at pinunasan ang ilang bakas ng luha na natira doon.'


"Paano kami lalapit? May katabi ka eh tsaka baka makaisturbo kami." sagot ko. Agad kong napansin ang paguhit ng ngiti sa labi nito dahil sa sinabi kong iyun.


Baliw lang....kung kanina galit na galit ito ngayun mukhang nagbago na naman ang ihip ng hangin. Nagawa na nitong ngumiti ngayun.


"At ano naman ang nakita mo?" tanong nito. Ramdam ko na ang lambing sa boses nito. Tumikhim muna ako bago sumagot.


"Iyun nga....kalandian mo si Sofia." sagot ko. Naningkit ang mga mata nito sa sinabi ko.


"Imposible naman yata iyang sinasabi mo. Hindi ko magagawa iyun. Loyal na ako sa iyo eh." sagot nito. Agad naman akong nagulat. Sinungaling talaga. Kapag babaero lulusot talaga hanggang kaya! Pinagluluko yata ako nito eh. Iba ang sinabi nito kompara sa nakita ko kanina.


"Hmmmp hindi ako maniniwala!" sagot ko at agad kong hinila ang kamay ko na hawak nito. Mabilis akong bumaba ng kama para makalayo dito. Nag-uumpisa na naman kasing kumabog ang dibdib ko dahil sa sobrang lapit namin sa isat isa.


"Bahala ko kung ayaw mong maniwala. Basta ang alam ko wala akong kalandian kanina. And by the way, isa- isa ng nagsipag-uwian ang mga guest ni Peanut. Tayo-tayo na lang ang matitira dito sa yate." sagot nito. Nagulat naman ako. Paanong magsipag -uwian eh nandito kami sa gitna ng laot.


Ano iyun lalangoy sila?


"May mga chopper na dadating maya- maya lang para sunduin ang ilang bisita. Wala naman kwenta ang mga bisita na inimbitahan ni Peanut. Karamihan mga babae. Feeling nya nasa bar pa rin kami." sagot nito. Hindi ako nakaimik. Napansin ko ang paghiga nito sa kama sabay tapik nito sa kanyang gilid.


Halika dito. Magpahinga muna tayo. Ngayun ko lang naalala na naparami pala ang nainom kong alak." wika nito sabay pikit. Para naman akong naistatwa sa aking kinatatayuan. Hindi ako nakakilos.


Ang bilis talaga magbago ng mood nya. Kung kanina ay para itong leon na galit na galit ngayun naman para itong maamong tupa. Ngayun ko lang din napansin na amoy alak pala ito. 




Chapter 208


VERONICA POV


Pagkatapos ng galit-galitan nya kanina ganoon lang kadali para sa kanya ang mahiga sa kama at yayain akong tumabi sa kanya? Siguro naman may karapatan akong tumanggi diba?


Isa pa ano na lang ang iisipin sa akin ng mga pamangkin niya? Tiyak na naghihintay na sila sa suite namin. Ano ba kasi ang nakain nito at bigla na lang nagalit kanina? Nasobrahan ba siya sa alak pagkatapos ngayun nya lang nagrealized na lasing siya? Hay ang hirap nya talagang intindihin.


"Veronica, come on! Masakit na ang ulo ko. Mahiga ka na sa tabi ko." narinig ko pang wika nito. Napahinga ako ng malalim.


"Sir..balik na ako sa suite namin. BAka hinihintay na ako nila Charlotte at Jeann." sagot ko. Agad itong napadilat.


Tumitig sa sa akin pagkatapos bumangon ng kama.


"Bakit ba lagi na lang ibang tao ang iniisip mo? Ayos lang sila kahit wala ka doon. Ako ang kasama mo kaya naman ako ang isipin mo!" sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na matulala sa sinabi nito. Ano daw?


"Pe-pero baka hinihintay nila ako eh tsaka pwede ka naman matulog mag- isa dito diba?" tanong ko.


"Veronica, lasing ako....hindi ka man lang ba nag-aalala sa akin? Paano kung hindi na ako magising? Mahiga ka na dito sa tabi ko at bantayan mo ako!"


pautos na wika nito sabay tapik sa kama. HIndi ko naman malaman kong ano ang gagawin ko.


Nangako na ako sa sarili ko na iiwasan ko na siya eh. Pero bakit kailangan samahan ko pa siya dito sa kwarto? Hay kainis naman. Hanggang ngayun pakiramdam ko namamaga pa rin ang labi ko sa paraan ng paghalik nya sa akin kanina. Ayaw ko na sanang dumikit-dikit pa sa kanya eh.


"Ano na? Halos mag-umaga na! Tatayo ka na lang ba diyan?" muling untag nito. Napalunok pa ako ng makailang ulit bago sumagot.


"Di-dito na lang po ako sa sofa Sir. Mababantayan naman kita. Hindi ko na kailangan pang mahiga sa tabi mo." sagot ko. Agad na naningkit ang mga mata nito na tumitig sa akin.


"OK fine...bawal kang lumabas dito hanggat hindi ko sinasabi. Tandaan mo iyan!" inis na sagot nito at muling nahiga sa kama. Agad naman akong nagtungo sa sofa at naupo.


Sa totoo lang inaantok na din ako. Ang arte naman kasi ni Sir Rafael. Talagang idinahilan nya pa sa akin na baka hindi na siya magising kapag walang nagbabantay sa kanya. Bakit kaya hindi nya na lang niyaya si Sofia na tabihan siya? Total naman shota nyan naman iyun.


Kakamot-kamot ako sa aking ulo habang sinisipat ang sofa. Kung sabagay, pwede naman akong matulog dito. Safe naman siguro ako lalo na ng mapansin ko na mukhang nahimbing na sa pagtulog si Sir Rafael.


Agad na din akong nahiga sa sofa. Ayos naman, malambot ang foam at sobrang antok na antok na talaga ako. Agad kong ipinikit ang aking mga mata at ilang saglit lang ay nakatulog na din ako.


Nagising ako na nakabalot ma ang katawan ko sa isang makapal na kumot. Nang igala ko ang paningin sa paligid ay nagulat pa ako na nasa isang hindi familiar akong silid. Agad akong napabangon ng mapansin kong may biglang gumalaw sa tabi ko.


Nang lingunin ko ito ay agad kong napansin ang nahihimbing pang natutulog na si Sir Rafael. Biglang naalala ko ang mga nangyari kagabi. Ang pagwawala nito at ang pagtulog ko sa sofa.


Pero paanong nandito na ako sa kama? Imposible naman na naglakad ako papunta dito eh ang naalala ko sa sofa talaga ako nakatulog.


Akmang baba na ako ng kama ng maramdaman ko ang braso nito na agad na kumapit sa baywang ko. Bigla naman naninigas ang buo kong katawan ko sa kanyang ginawa. Muli kong tinitigan ang mukha nito at napansin kong nakapikit pa rin siya kaya naman hinawakan ko na ang kanyang braso at dahan-dahan itong tinanggal mula sa pagkakayapos sa akin.


"Stop it! Inaantok pa ako! Bakit ba ang likot mo!" reklamo nito sabay dilat ng kanyang mga mata. Hinila nya pa ako pahiga kaya naman wala na akong nagawa pa kundi ang napasunod na lang. Hindi hamak na mas malakas siya sa akin


"Sir Rafael, balik na po ako sa suite namin." wika ko. Masyadong nakadikit ang mukha nito sa may tainga ko at ramdam ko ang init ng kanyang hininga doon na syang nagbibigay sa akin ng kakaibang kilabot sa buo kong pagkatao.


"Bakit ka ba nagmamadali? Natatakot ka ba sa akin?" tanong nito at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Para tuloy biglang naninikip ang dibdib ko sa lakas ng kabog. Paano ba naman kasi ramdam ko na may kung anong tumutusok sa may hita ko. Ano kaya iyun? Si Sir Rafael lang naman ang nakadikit sa akin eh.


"Hi-hindi naman po. Kaya lang baka kung ano ang isipin nila sa atin. Ilang oras na din tayo dito sa silid na ito at baka hinahanap na tayo."


Pagdadahilan ko. Saglit itong hindi nakaimik pero ramdam ko na nakatitig ito sa akin.


"Hayaan mo sila. Malalaki na sila. Lalabas din ng suite ang mga iyun kapag ma-bored na. Isa pa hindi tayo hahanapin ng mga iyun. Alam nilang nasa paligid lang tayo." sagot nito.


"Ano ba kasi ang gagawin natin? Bakit ba kasi ayaw nyo pa akong palabasin dito?" hindi ko mapigilang tanong.


"Pinaparusahan ka! Bakit ka sumuway sa bilin ko? Bakit ka nakipag-usap kagabi sa mga istrangherong iyun?"


tanong nito. Heto na naman kami.. hindi pa rin pala tapos ang issue na iyun. Bakit..hindi lang naman ako ang nakita nyang nakipag-usap doon sa mga bago naming kakilala. Kasama ko ang mga pamangkin nya at wala kaming ginagawang masama.


"Eh hindi lang naman po ako ang nakikipag-usap eh. Tatlo naman kami. " sagot ko.


"Kahit na. Hindi ko pa rin tatanggapin ang katwiran mo na iyan. Balak ko na parusahan ka ngayun para magtanda ka." sagot nito at tinunghayan ako. Titig na titig ito sa mga mata ko na siyang lalo kong ikinailang.


"A-ano ba kasing parusa iyun? Hindi pa rin ba sapat ang parusang ibinigay mo sa akin kanina? Ang hapdi pa rin kaya ng lips ko." sagot ko. Agad kong napansin ang pagngiti nito bago sumagot.


"Pwes, dagdagan natin." wika nito at agad na lumapat ang labi nya sa labi ko. Heto na naman kami. Sabi ko tama na ang kiss-kiss na iyan eh. Pero bakit hindi ako maka-hindi. Bakit parang nadadala na din ako?


Ilang minuto din na magkalapat ang aming labi. Hindi katulad kanina ang paraan ng paghalik nito ngayun... Maingat at puno ng pagsuyo. Namalayan ko na lang na ginagaya na ang galaw ng labi nito. Lalo naman itong naging mapusok.


"You're so beautiful Sunshine! Alam mo ba iyun?" wika nito ng maghiwalay ang aming mga labi. Namumungay ang mga mata nito habang nakatitig sa akin.


"Sir Rafael bakit po ba---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla na naman nyang idampi ang labi nya sa labi ko. Dampi lang naman at agad din nyang tinanggal.


"Stop it...From now on ayaw ko ng marinig pa na tawagin mo akong 'Sir'. Hindi din pwedeng may ibang lalaki na lalapit lapit sa iyo. Tandaan mo,akin ka lang Sunshine. Malalagot sa akin ang kahit na sino na magtangka na agawin ka." seryoso nitong wika. Naguguluhan naman akong napatitig dito. Pilit kong inaarok kong seryoso ba talaga siya sa sinasabi nya.


"Pe-pero amo po kita. Hi-hindi po pwede ang sinasabi mo Sir.." sagot ko. Agad na nagsalubong ang kilay nito.


"Isa pang tawag sa akin ng Sir hindi ka talaga makakalabas ng kwarto ngayung araw na ito. Lulumpuhin kita." may pagbabanta na wika nito. Agad naman akong kinabahan.


"Po? Naku, huwag po Si---Rafael, kailangan ko pa pong makatapos sa pag -aaral. Hinihintay po ako ng mga kapatid ko sa probensya namin."


Nahintakutan kong sagot. Agad kong napansin ang pagnigiti nito.


"I like it! Ang sarap pakinggan kapag tinatawag mo ako sa pangalan ko. From now on girl friend na kita at boy friend mo na ako. Bawal ka ng magpaligaw sa iba." wika nito. Natitilihan naman akong napatitig dito.


Ano ba ang sinasabi nito?. Hindi nya pa nga ako nililigawan girl friend nya na agad ako? Ano na lang ang sasabihin ng pamilya nya kapag malaman ito. Kahit saang aspeto kami tingnan hindi talaga kami bagay. Baka maliitin lang nila ang pagkatao ko. Lumaki akong mahirap at mangmang at wala akong maipagmalaki sa ibang tao.


"Bakit ayaw mo ba? Hindi mo ba

nagustuhan ang sinabi ko ngayun lang?


" tanong nito habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa mukha ko. Napansin nya marahil ang pag-aalangan sa mukha ko. Akmang babangon ako ng lalo niyang idiin ang katawan nya sa akin. Muli kong naramdaman ang kung

anong matigas na bagay na

sumusundot sa may hita ko.


"Hindi naman po sa ganoon, pero paano nyo ako naging girl friend hindi pa naman kita sinasagot." wika ko. Agad kong napansin ang paguhit ng ngiti sa labi nito.


"Kailangan pa ba iyun? The feeling is mutual kaya nga pumapayag kang halikan kita diba?" tanong nito na may halong panunudyo sa kanyang boses. Nahihiya naman akong inilihis ng tingin sa kanya. Hindi ko na talaga kaya pang makikipagtitigan sa kanya ngayun. Naiilang na din ako sa posisyon naming dalawa. Isa pa ano ba ang pinagsasabi nya. Siya ang laging humahalik sa akin...hindi ako!


"Pero hindi po bat may girl friend na kayo? Sabi nila Charlotte at Jeann marami ka daw babae. Playboy ka daw. Katunayan nga nakita kita kagabi na katabi mo si Sofia eh." sagot ko. Muling naningkit ang mata nito.


"Bakit kasi hindi kayo lumapit sa akin. Nakita mo sana kung paano ko siya itinaboy" sagot nito Naguguluhan akong napatitig sa kanya.


"Hmmm teka lang. Dont tell me na nagseselos ka sa kanya?" tanong nito na may halong panunudyo sa boses. Pakiramdam ko biglang nag-init ang aking mukha. Nagkaka-amuyan na din kami ng hininga dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa.. Lalo tuloy akong nakaramdam ng pagkailang. Bigla tuloy na- blanko ang utak ko.


"Hindi ah!"" pagkakaila ko.


"Hindi? I think iba ang sinasabi ng pamumula ng mukha mo ngayun Sunshine.." sagot nito. Hindi ulit ako nakasagot.


"Ang ganda mo talaga! Hinding hindi ako magsasawa na titigan ang maganda mong mukha habang buhay." muling wika nito at agad akong hinalikan sa noo. Napapikit naman ako dahil sa ginawa nyang iyun. Agad na nakaramdam ng kakaibang ligaya ang puso ko.


"Pwede bang umalis ka na sa ibabaw ko? Ang bigat mo kasi eh." kunyari ay reklamo ko sa kanya. Katunayan hindi naman talaga siya mabigat. Kaya lang naiilang na talaga ako sa posisyon namin. Kanina pa kasi ako curious sa bagay na tumutusok sa hita ko. Ano kaya iyun? May matigas ba na bagay sa pagitan naming dalawa?


"Ayaw ko nga! Mas gusto ko ang ganitong posisyon Sunshine. Gustong gusto ko maramdaman ang init ng katawan mo. Isa pa nagka hangover yata ako dahil sa dami ng nainom kong alak kagabi." reklamo nito. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi.


"Sino ba kasi ang nagsabi sa iyo na uminom ka ng uminom." hindi ko mapigilang sagot.


"Kung pinuntahan mo sana ako kagabi at pinigilan hindi sana ako iinom. Of course susundin ko lahat ng gusto mo! " malambing na sagot nito sa akin at isiniksik pa ang kanyang mukha sa leeg ko. Biglang gumapang ang kilabot sa buo kong pagkatao lalo na nang maramdaman ko na naman ang kanyang dila na humahagod sa leeg ko.


"Teka lang...Sir Ra----? hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng tumigil ito sa paghalik sa akin at nakakunot ang noo na tinitigan ako.


"Sige, isa pang Sir at lulumpuhin na talaga kita! Alam mo bang kanina pa ako gigil na gigil sa iyo? Kanina pa nagpipigil ang alaga ko na angkinin ka.


" sagot nito na bakas ang hindi maipaliwanag na damdamin sa kanyang mga mata. Napalunok ako ng makailang ulit bago sumagot.


"Sorry naman. Nasanay na akong tawagin ka ng ganoon eh." sagot ko.


"Pwes, sanayin mo na ang sarili mo ngayun pa lang na tawagin ako sa pangalan ko kung hindi malalagot ka sa akin." wika nito at muling isinubsob ang mukha sa aking leeg.


"Teka lang po..gutom na ako eh. Pwede na ba tayong lumabas dito?" kunyari ay reklamo ko. Naiilang na talaga ako sa mga pinanggawa niya sa akin. Isa pa natatakot ako na baka saan pa mapunta ang lahat ng ginagawa nya. Hindi pa ako ready na isuko ang pinakaiingatan kong yaman.




CHapTER 209


VERONICA POV


"Fine...kung hindi ka lang malakas sa akin hindi talaga kita papayagan na makalabas dito sa kwarto eh." wika ni Sir Rafael at agad na bumangon. Mabilis na naglakad papuntang banyo.


Nasundan ko na lang ito ng tingin. Nagtataka pa ako dahil nagtagal ito ng ilang minuto bago lumabas at napansin kong namumula ang mukha nito at pawis na pawis. Masyado bang mainit sa loob ng banyo at ganyan na lang ang hitsura nya pagkalabas?


"May dala kang mga damit diba? Ako na ang kukuha sa suite nyo. Gawin mo na kung ano ang gusto mong gawin sa loob ng banyo." wika nito at agad na lumabas ng kwarto. Muli ko itong nasundan ng tingin pagkatapos kibit balikat na pumasok sa loob ng banyo para gawin ang aking morning routine.


Isa pa kanina pa ako naiihi at nagtataka pa ako dahil nararamdaman kong basang basa na ang aking underware.


Aaminin ko man o hindi. Nagrereact na ang katawan ko sa ginagawa ni Sir RAfael sa akin. Nararamdaman kong namamasa ang aking pagkababae tuwing hinahalikan niya ako.


Pakiramdam ko may kung anong bagay ang namumuo sa puson ko kanina dahil sa mga pinanggagawa nya.


Dagdagan pa ng may kung anong matigas na bagay na nanggaling sa ibabang parte ng kanyang katawan na pumipintig-pintig tuwing dumidikit siya sa akin.


Kompleto naman sa kagamitan ang loob ng banyo. May mga nakita akong tuwalya at mga sabon at shampoo. Nagpasya na lang akong maligo muna total naman walang kasiguraduhan kung ano pang mga activities ang pwedeng gawin dito sa yate. Hindi ko din alam kong saang lupalop na kami ng karagatan nakarating.


Patapos na akong maligo ng marinig ko ang mahinang katok sa pintuan ng banyo. Nataranta naman akong binalot ang sarili ko sa isang makapal na tuwalya at mabilis na naglakad papuntang pinto at iniawang ito ng kaunti. Agad kong nakita si Sir Rafael. Hawak na nito ang bag na dala-dala ko kahapon na naglalaman ng mga personal kong gamit. Agad ko itong inabot at mabilis na isinara ang pintuan ng banyo. Nakalimutan ko na din ang magpasalamat.


Nakakailang na naman kasi ang mga titig nya. Hay hindi ko talaga alam kong kaya ko pa bang tagalan ang presensya nya. Habang tumatagal lalong lumalala ang kakaibang damdamin na nararamdaman ko sa kanya.


Mabilis kong tinapos ang naudlot kong pagligo at agad na pinatuyo ang katawan at nagbihis. Dito na din sa loob ng banyo ako nag-ayos pagkatapos sukbit ang bag agad na akong lumabas ng masiguro ko na maayos na ang aking hitsura.


Naabutan ko si Sir Rafael na busy sa kanyang cellphone. Mukhang kakatapos lang nitong makipag-usap sa kung sino at ng mapansin ang paglabas ko ay agad itong tumayo. Sinipat pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago nagsalita.


"Lets go! alam kong gutom ka na!" wika nito at nagpatiuna na sa paglabas. Agad naman akong napasunod sa kanya.


Mabuti naman at nadala din sa pakiusapan. Sa wakas nakalabas din kami sa kwartong iyun at nagtaka pa ako dahil sobrang tahimik na ng paligid. Wala na din akong nakikitang


pakalat-kalat na ibang bisita. Baka katulad ni Rafael, lahat sila ay nalasing kagabi at nakatulog.


Diretso kaming naglakad patungo sa suite naming tatlo nila Charlotte at Jeann. Mukhang tulog pa sila kaya naman hindi na ako kumatok pa. Diretso ko ng binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Inilapag ko na din ang sukbit kong bag sa isang gilid.


Tama nga ang naisip ko. Pareho silang nakatalukbong ng kumot at naghihilik pa. Agad ko silang nilapitan at kinalabit.


"Uyyy tanghali na! Sabay-sabay na tayong kumain." gising ko sa kanila. Noong una ayaw pang magsipag- gising, Mukhang napuyat talaga sila.


"Saglit lang.....Maaga pa eh." narinig kong reklamo ni Jeann. Napatingin ako kay Sir Rafael. Sumenyas ito sa akin na lalabas daw muna. Agad naman akong tumango.


"Halina kayo. Nagugutom na ako ha? Alas nuebe na! Mas napuyat pa kayo kaysa akin?" wika ko. Napansin ko na agad na idinilat ni Charlotte ang mga mata. Tumitig sa akin at agad na bumangon.


"Veronica? Teka, kakabalik mo lang ba ng kwarto? Saan ka dinala ni Uncle kagabi?" agad na tanong nito.


"Eh di sa langit!" garalgal ang boses na sagot ni Jeann. Halatang kakagising lang din nito.


"ha? Ah eh...doon lang sa kabilang suite." sagot ko. Agad naman napabangon si Jeann. Pagkatapos tinitigan ako nito.


"Sa kabilang suite? Na kayong dalawa lang ni Uncle?" tanong nito. Dahan- dahan akong tumango.


"OH MY GOSH! Dont tell me na....na!


Ahhyyyyy! Tapatin mo nga kami, may something ba sa inyo ni Uncle? Bakit ganoon lang sya magwala kagabi?" tanong ni Jeann. Kumikislap ang mga mata nito at may kung anong tumatakbo sa isip nya na siya lang ang nakakaalam.


"Something? Naku, wala ha! Grabe naman kayo!" sagot ko sabay iwas ng tingin sa kanilang dalawa. Sandali silang nanahimik at mataman akong tinitigan.


"Kung walang something sa inyong dalawa. Paano mo ipapaliwanag iyang mapulang marka na nasa leeg mo? Grabe ka para kang pinapak ng bampira!" wika ni Jeann. Agad ko naman nahawakan ang leeg ko. Tumalikod pa ako sa kanila dahil sa pagkapahiya.


"We're friends naman diba? Isa pa hindi ka na iba sa amin Veronica...may relasyon ba kayo ni Uncle? Naka first base na ba siya? Masarap ba?" tanong ni Charlotte na halata ang kilig sa boses. Sinugandahan naman ito ni Jeann. Impit pa itong napatili.


"Yupp...OH MY GOD! Mas bet naman kita kaysa kung sinu-sinong babae dyan noh! Mas bagay kayo ni Uncle!" kilig na kilig na wika ni Jeann. Lalo naman akong nakaramdam ng pagkailang. Pakiramdam ko pulang pula na naman ang mukha ko dahil sa mga pinagsasabi nila ngayun.


"Sige na, magkwento ka na! Ano ang ginawa nyo ni Uncle? May nangyari ba? May mabubuo na bang isa pang pinsan namin? Gosh! Pakiramdam ko mahihimatay ako sa kilig. Magkwento ka na please!" nakikiusap na wika ni Jeann.. Parang gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko ngayun pa lang. Ano ba itong pinagsasabi nila?


"Ano kasi...bakit ba ang dami nyong tanong? Nagugutom na ako." sagot ko.


Nagkatanginan pa ang dalawa bago muling nagsipagbaba ng kama.


"Sige na nga. Pero mamaya magkwento ka ha? Naku, ang saya- saya ko. Tiyak na may nalalapit na namang kasalan na mangyayari pamilya natin Charlotte." excited na wika ni Jeann.


"Yup..at isa sa atin ang pwedeng maging maid of honor." segunda naman ni Charlotte.


"Hindi pa rin kayo nakaayos?" naputol lang ang kiligan portion ng dalawa ng marinig namin ang seryosong tinig ng kanilang tiyuhin sa pintuan. Saglit na natigilan ang dalawa pagkatapos ay mabilis na nagsilapitan sa kanilang tiyuhin.


"Uncle, dapat pakasalan mo na si Veronica! Lagot ka kina Grandma at Grandpa. Nagkulong kayo ng kwarto na kayo lang." mabilis na wika ni


Charlotte kay Rafael. Agad naman itong napatingin sa akin. Gustong gusto ko ng lumubog sa sobrang hiya dahil doon.


Tuluyan ng pumasok ito sa loob ng kwarto at naglakad palapit sa akin. Pakiramdam ko bigla akong napako sa aking kinatatayuan. Hindi ako makakilos lalo na ng akbayan ako nito. Agad ko naman napansin ang impit na tili ng dalawang kaharap namin.


"Dont worry, kapag ikasal kami kayong dalawa ang hindi imbitado dahil sa pagiging chismosa nyo." sagot nito sa dalawang pamangkin. Pagkatapos ay iginiya ako palabas ng kwarto.


"Mag-ayos na kayo. Ang bagal nyong magsikilos. Mauuna na kami sa dining area." muling wika nito sa dalawang pamangkin bago kami tuluyan lumabas ng kwarto at isinara ang pintuan. Wala naman akong nagawa pa kundi ang magpatianod na lang.


Pagdating sa dining area ay agad naming naabutan sila Drake, Peanut at Arthur. Sabay-sabay pa silang napatingin sa gawi namin ni Rafael ng mapansin nila ang pagdating namin.


"Oh Wow mukhang masarap ang gising natin ngayun ah?" agad na wika ni Peanut sa aming dalawa. Agad naman akong ipinaghila ng upuan ni Rafael at inalalayan pang makaupo.


"Tsk! Mabuti naman at pinauwi mo na ang mga asungot! Sa susunod hindi na talaga aattend kapag katulad pa rin ang set up ng dati ang gagawin nyo." sagot ni Rafael. Agad na nagkatawanan ang tatlo.


"Ano ba iyan Bro. Pati kami nadamay sa pagiging Goodboy mo kuno. iba na talaga kapag in-love." sagot ni Peanut.


"Tsk! Ewan ko sa inyo!" sagot ni Sir Rafael at sininyasan ang isang staff. Agad naman itong lumapit at binalingan ako ng tingin ni RAfael.


"Anong gusto mong kainin?" masuyo nitong tanong sa akin. Bigla na naman na-blanko ang utak ko dahil doon. Bakit naman kasi nawawala ako sa sarili ko tuwing tinititigan nya. Dagdagan pa ang kaagad na pagkabog ng dibdib ko. Kainis talaga!


"Sige po Sir...kami na po ang bahala." narinig ko pang sagot ng waiter bago tumalikod. Dahil natulala naman ako hindi ko na tuloy narinig pa kung ano ang inorder nitong pagkain para sa akin.


"Pakasalan mo na kasi Bro para naman hindi na makawala sa iyo." narinig ko pang wika ni Drake habang pasulyap- sulyap sa akin.


"Tsk! Ewan ko sa inyo! Siya nga pala, hinatid nyo ba kaagad ang mga pamangkin ko kagabi sa suite nila? Bakit mukhang napuyat ang dalawang iyun?" pag-iiba ng usapan ni Rafael. Agad nagkatinginan sila Drake at Peanut.


"Hindi ko na alam iyan Bro. Nalasing talaga ako kagabi at hindi ko na namalayan pa ang oras." sagot naman ni Alan. Seryosong tinitigan ni Rafael sila Peanut at Drake.


"Hinatid naman kaagad pagkatapos namin mag-usap." sagot ni Peanut at halata ang guilt sa mga mata nito. Seryoso naman itong tinitigan ni Rafael bago nagsalita.


"Huwag mong kalimutan na minor pa ang pamangkin ko ha? Isang pagkakamali mo lang, hihiwalay talaga iyang bungo mo sa ulo mo." seryosong wika ni Rafael sa kaibigan. Agad naman namutla si Peanut. Hindi ko naman maiwasan na magtaka. May nangyari ba kagabi na hindi ko alam? Pero ang


alam ko mas naunang nakatulog sa akin si Sir Rafael...I mean Rafael na lang pala dahil iyun ang kanyang gustong itawag ko sa kanya.




Chapter 210


VERONICA POV


"Wala naman ganyanan Rafael, imbes nag-iipon na ako ng lakas ng loob pinapababa mo naman ang self esteem ko eh." reklamo ni Peanut. Agad naman itong pinanlakihan ng mata ni Rafael. Tatawa-tawa nman sina Arthur at Drake.


"Ulol! Sige, ituloy mo lang kundi malalagot ka talaga. Oh baka ako pa ang unang bubugbog sa iyo. Ibaling mo sa iba iyang kamanyakan mo, huwag na huwag sa mga pamangkin ko dahil ako mismo ang makakalaban mo." may pagbabanta sa boses ni Rafael na wika nito. Tahimik lang naman akong nakikinig sa kanila.


"Eh bakit ikaw, eighteen pa lang naman si Veronica pero matindi iyang ginagawa mong pambabakod. Kahit kaming mga kaibigan mo pinagbabawalan mong makalapit sa kanya. Bro, nasaan ang hustisya! Tao lang din ako at may nararamdaman!" muling sagot ni Peanut.


 Peanut...ikaw ba iyan? Kailan ka pa nagkaroon ng damdamin? Gago ka, tigil-tigilan mo iyang kahibangan mo baka mahinto ang edad mo sa kalokohan mong iyan!" tatawa-tawang sagot ni Arthur. Napapailing naman si Rafael at seryosong tinitigan ang kaibigan.


"Kailangan yatang dalhin na sa mental iyang kaibigan natin. Malakas na ang tama. Hayst buti pa talaga hindi na lang kami umattend sa party na ito eh. Nangungunsumi lang ako!" reklamo na Rafael.


Natigil ang diskusyon ng magkaibigan ng inihain na ang pagkain na inorder ni Rafael para sa amin. Ilang saglit lang din ay dumating na sina Charlottte at Jeann.


"Good Morning everyone!" agad na bati ni Jeann na may matamis na ngiti na nakaguhit sa labi. Kabaliktaran kay Charlotte na todo simangot at mukhang wala sa mood.


"Good Morning beautiful ladies!" agad na bati ni Arthur sabay tayo at ipinaghila pa ng upuan ang dalawa.


"Well, mukhang tahimik na ngayun ah? Nakaalis na ang mga chicababes nyo?" diretsahang tanong ni Jeann. Bigla namang napaubo si Drake. Mukhang nasamid ito.


"Yap! Kaninang madaling araw. Tayo- tayo na lang ang nandito ngayun sa yate. Ano nga pala ang itinerary natin Peanut?" sagot naman ni Arthur.


"Tuloy ang plano, didiretso tayo ng Boracay." agad na sagot ni Peanut.


"No! I disagree! Kailangan namin makauwi ngayun dahil may pasok kami sa School bukas And besides,

nagpromise si Uncle kina Mama at Papa na uuwi din kami kaagad ngayun.

" agad na sagot ni Charlotte.


"Yah...busy din ako in a whole week. Kabi-kabilaang meeting ang pupuntahan namin ni Kuya Christian." sagot naman ni Rafael.


"Eh, paano yan, malayo na tayo sa kamaynilaan. Grabe naman, birthday na birthday ko tapos ganito ang mangyayari. Kahit isang araw lang tayo sa Boracay tapos babalik din kaagad tayo." reklamo ni Peanut.


"Correction! Kahapon pa ang birthday mo kaya huwag ka ng mangatwiran pa. Kung gusto mong maglakwatsa, suluhin mo, huwag mo kaming idamay.!" muling sagot ni Charlotte.


"Pareho lang iyun. Walang pinagkaiba ang kahapon at ngayun. Uso na iyan ngayun!" giit ni Peanut.


"Eh di dumiretso kayo ng Boracay.


Magpapasundo na lang kami sa chopper. Problema ba iyun!" muling sabat ni Charlotte. Napangiwi naman si Peanut. Narealized marahil nito na hindi siya mananalo kay Charlotte.


"Bro, sure ka ba ng fifteen years old lang itong pamangkin mo? Bakit ang bilis mangatwiran?" pabulong na wika ni Peanut kay Rafael.


"May pabulong bulong pa eh. Hoy nasa tapat lang ako oh at dinig na dinig ko iyang sinasabi mong Mani ka!" asar na sabat ni Charlotte. Agad na nagkatawanan sila Drake at Arthur. Bigla naman namula si Peanut dahil sa pagkapahiya.


"Wala kasi sa edad iyan Bro. Kung tutuusin mas matured pa mag-isip kaysa sa iyo si Charlotte eh. Utusan mo na ang kapitan mo. Paikutin na kamo ang yate at balik na tayo ng Manila. Baka mamaya magkaroon pa ng riot dito sa Yate mo eh." natatawang sagot naman ni Arthur.


"Pwede naman natin ulitin ang bonding na ito. Kapag may free time na ang lahat at hindi na masyadong busy sa opisina. Alam nyo na nalalapit ang ang pagiging CEO ko at kailangan ko ng magseryoso muna." sagot naman ni rafael. Masuyo pa ako nitong tinitigan sabay matamis na nginitian.


"May magagawa pa ba ako? Pinagtulungan niyo na ako eh!"


Sumusukong wika ni Peanut sabay tayo. Diretso itong naglakad paalis. Naiwan naman kaming ipinagpatuloy na ang pagkain.


Katulad ng napagkasunduan, agad na kaming bumalik ng Manila. Habang nasa byahe kami hindi na umaalis sa tabi ko si Rafael. Lagi itong nakaalalay sa akin na siyang labis ko na din na ipinagpasalamat. Kanina pa kasi pasulyap sulyap sa akin sila Charlotte at Jeann at mukhang may gusto silang itanong sa akin. Siguro interesado talaga silang malaman kung ano ang nangyari sa pagitang naming dalawa ni Sir Rafael kagabi.


Gabi na ng Nakauwi kami ng mansion. Nakauwi na ang mga magulang nila Jeann at Charlotte kaya naman nagpasya silang sa mansion na lang muna matulog dahil pagod na din. Ihahatid na lang sila ng driver kinabukasan.


Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Naging abala na si Sir Rafael sa opisina. Tuluyan nang ipinasa ni Sir Christian ang pagiging CEO ng Villarama Empire na siyang naging dahilan kung bakit bihira na lang din itong umuuwi ng mansion at kung umuwi man ay kitang kita sa mukha nito ang pagod. Palagi na lang din itong nagkukulong ng kwarto na siyang labis kong ipinagtaka.


Bihira na lang din namin itong

nakasabay sa pagkain. Maaga na kasi ito umaalis at gabing gabi na din kung umuwi. May mga travel abroad din ito kaya naman umaabot minsan ng isang buwan na hindi namin ito nakikita.


Aaminin kong namimiss ko na din siya. Aminado akong nalulungkot ako at palaging hinahanap ang kanyang presensya. Pero ganoon talaga ang buhay. Hindi naman pwedeng magreklamo ako dahil kung tutuusin hindi din ako sigurado kung ano ba talaga ako sa buhay nya. Wala kaming libel at hindi ko alam kung gaano siya ka-seryoso ng sabihin nya sa akin na girl friend nya na daw ako.


Itinoon ko na lang din ang aking sarili sa pag-aaral. Diterminado talaga akong makabalik sa iskwelahan kaya tinutulungan ko ang aking sarili na matuto. Hindi pwedeng magpadala ako sa kalungkutan na aking nararamdaman. Baka nga hindi na ako naiisip ni Sir Rafael. Baka nga katulad sa ibang naging babae nya, isang fling lang din ang naging tingin nito sa akin. Mabuti na lang at hindi lumagpas sa halikan ang nangyari sa aming dalawa.


Palagi ko din nakakausap sa cellphone sila Nanay at Tatay. Minsan naman binibigyan ako ng allowance nila Tita Carissa at Tito Rafael. Noong una tinatanggihan ko ito dahil wala naman akong ginagawang trabaho dito sa mansion. Hanggat maari ayaw kong abusuhin ang kabaitan nila.


Pero dahil mapilit sila wala akong choice kundi tanggapin iyun. Agad ko iyung ipinapadala kina Nanay sa probensya. Kung tutuusin hindi ko naman kailangan ng pera. Ibinibigay nila lahat ng pangangailangan ko at wala naman akong pinagkakagastusan.


"Hello Veronica!' Agad akong napalingon ng marinig ko ang pagbati sa akin ni Elijah. Nandito ako sa may swimming pool at nakatitig sa kawalan. Tuwing matapos kami ni Teacher May dito talaga ako tumatambay.


"Oh, Elijah! Kumusta? Ilang araw ka din hindi nagpakita sa mansion ah?" agad kong bati dito. Agad naman itong napangiti.


"Oo eh..malapit ako gumraduate. Sinasanay na ako nila Daddy at Mommy sa mga trabaho sa kompanya namin." sagot nito.


"Talaga? Ibig sabihin malapit ka na din maging CEO?" excited kong tanong. Agad itong tumango.


"Parang ganoon na nga! Walang hilig si Elias na pamahalaan ang kumpanya namin. Mas gusto nyang maging Doctor." sagot nito sabay buntong hininga. Sabagay, matagal ko ng alam ang tungkol sa bagay na iyun. Hindi interesado na hawakan ng kakambal nito ang negosyo ng pamilya.


"Paano ngayun iyan? Magiging busy ka na din pala katulad ni Sir Rafael?" tanong ko. Agad itong tumango.


"Oo eh..at siguro, bihira na lang din akong makauwi dito sa mansion. Babalik na ako ng bahay namin dahil pupunta ng abroad si Elias. Gusto nyang doon magsanay. Wala eh...ito talaga siguro ang kapalaran ko. Ayaw ko din biguin sila Mommy at Daddy." sagot nito.


"Well, bagay naman sa iyo ang maging CEO." sagot ko sabay ngiti. Napansin ko kasi ang lungkot sa mga mata nito kaya naman pinipilit ko ang sarili ko na pasiglahin ang boses ko. Natawa ito.




Chapter 211


VERONICA POV


Walang katumbas na saya ang aking naramdaman ng lumabas ang result ng ALS exam. Nakapasa ako at papasok na ako ng School sa susunod na pasukan. Walang hanggang pasasalamat sa mga taong tumulong sa akin para matupad ang unang step para sa pangarap ko.


"Congratulations Iha. Sa wakas matutupad na din ang pangarap mo na magbalik iskwela. Wala kaming ibang hangad kundi ang iyung tagumpay." nakangiting bati sa akin Tita Carissa. Parang gusto ko naman maiyak.


Hindi ko akalain na kaya ko pala. Akala ko wala na akong pag-asa pang makapag-aral muli pero heto ako ngayun. Diretso Senior high na at sa susunod na taon papasok na ako ng koleheyo. Matutupad na ang pangarap ko na maging stewardess.


Yes iyan na ang pangarap ko noon pa. Kaya nga kukuha ako ng tourism course pagka-college ko. Mas mabilis daw kasing makapasok sa mga airline companies kapag makatapos ng ganoong kurso.


Balak kong magtravel. Gusto kong ikutin ang buong mundo. Isa pa mas malaki daw kasi ang sweldo kaya naman alam kong mabibigyan ko ng magandang kinubukasan sila Nanay at Tatay pati na din ang mga kapatid ko.


"Tita, salamat po. Hindi ko po alam kong paano mababayaran lahat ng ito sa inyo! Salamat po sa tiwala." naiiyak kong sagot. Agad naman itong ngumiti at tinitigan ako sa mukha.


"Dont mention it Veronica. Ibang ligaya din ang naging hatid mo sa amin dito sa mansion. Ikaw ang palagi naming kasama lalo na ngayung bihira na lang kung umuuwi si Rafael. HIndi namin akalain na magigiging


workaholic siya ngayung siya na ang bagong CEO ng Villarama Empire. Mabuti na lang at nandito ka at kahit papaano gumagaan ang atmospera ng mansion dahil sa presensya mo...."


"Itinuring na kitang parang anak ko Veronica kaya naman sana ganoon ka din sa amin. Bukal sa aming kalooban ang lahat ng kabutihan na ibinibigay namin sa iyo kaya wala kang dapat na ipagpasalamat. Sapat na ang presensya mo dito sa mansion Iha."nakangiting sagot ni Tita Carissa. Sobrang bait nya talaga. Simula ng dumating ako dito sa mansion hindi ko man lang ito nakitaan ng kagaspangan ng ugali.


"Tita, talaga po bang wala ng balak pang tumira dito sa mansion si Sir Rafael? Ilang buwan ko na po kasi siyang hindi nakikita." hindi ko mapigilang tanong. Saglit na napawi ang ngiti sa labi nito tsaka sumeryoso.


"Sa ngayun marami siyang mga travel abroad. Gusto nyang patunayan sa lahat na kaya nyang hawakan ang Villarama Empire. Simula kasi ng naging CEO siya marami siyang mga naririnig na mga panlalait sa mga taong nasa paligid nya na kesyo isa siyang spoiled brat at siya lang ang magpapabagsak ng Villarama Empire. Sineryoso lahat ng iyun ni Rafael kaya naman ibinuhos ang oras nya sa kumpanya. Gusto nyang maging magaling. Kahit iyung mga kaliit- liitang bagay gusto nyang matutunan." mahabang paliwanag ni Tita Carissa. Agad naman akong napatango.


Kaya pala bihira na lang itong umuuwi ng mansion at kung nandito man siya hindi naman ito nagpapakita sa akin. Siguro nakalimutan na nya ako at naka -focus na lang ito sa negosyo o baka nga may iba na siyang babaeng nilalandi...hay ang sakit isipin. Pero hindi ako dapat magpa-apekto. May ibang dapat akong i-priority ngayun at iyon ay ang aking pag-aaral.


Matagal ko na din naririnig na parang nag-aaral din daw uli si Sir Rafael ngayun. Masusing pinag-aaralan ang takbo ng negosyo at kung minsan sa opisina na daw ito natutulog.


Mahirap din pala ang maging mayaman. Akala ko easy-easy lang ang lahat. Iyung pala grabeng pagod at sakripisyo din ang kailangan nilang ibuhos para maging matagumpay.


"Sige na Iha. Magpahinga ka muna. Siya nga pala, tuloy pa rin ang pagtuturo ni Teacher May sa iyo hanggang sa makatapos ka ng Senior High! Mas magandang may aalalay pa rin sa pag-aaral mo para hindi ka mahirapan." nakangiting wika ni Tita Carissa tsaka tumayo na ito.


Pagkaalis ni Tita Carissa ay agad na din akong tumayo. Babalik na lang ako ng kwarto ko at magbasa-basa na lang muna ng mga libro. Ayaw ko ng mag- isip pa ng kung anu-ano. Iniiwasan ko na din na isipin pa si Sir Rafael. Lalo ko lang kasi siyang na-mimiss kung tutunganga lang ako. Kailangan maging abala ang utak ko sa ibang bagay.


Wala naman din akong masyadong nakakausap sa ngaun. Abala ang lahat ng tao lalo na sila Jeann at Charlotte. Malapit na matapos ang klase nila at busy sila sa kanilang mga exams. Si Ate Ethel naman ay abala sa kanyang trabaho. Sa lahat ng tao, ako lang yata ang hindi busy.


Mabilis na lumipas ang mga buwan. Parang kailan lang pero nandito na ako sa harap ng isang iskwelahan. Inihatid ako ng driver nila Tita Carissa kaya hindi ako nahirapan sa pagpasok. Ihahatid at susunduin daw ako nito araw-araw.


Kabisado ko na din ang pasikut-sikot ng iskwelahan. Bago nag-umpisa ng klase inikot ko ang buong paligid nito at ang alam ko may koneksyon ang mga Villarama sa may ari ng private School na ito. Sinigurado din nila na hindi ako mahihirapan sa pagpasok ko dito araw-araw.


Aaminin ko na kahit papaano na nag- eenjoy ako sa isiping angat ako sa iba. Naranasan kong mamuhay ng marangya. Gayunpaman ayaw kong ipagyabang iyun. Nakakahiya.


"Mam, dito ko din po kayo hihintayin mamaya pagkatapos ng klase nyo. Mag -ingat po kayo!" agad na wika sa akin ni Mang Gerry. Isa sa pinakamatagal ng driver ng mansion.


"Salamat po Manong." agad kong sagot at bumaba na ng kotse. Agad na sumalubong sa paningin ko ang iilang mga istudyante. Hindi ko maiwasan na mapangiti sa isiping isa na ako sa kanila. Hindi ito isang panaginip at totoong nangyari na sa buhay ko.


"Hi...transferee ka?" nagulat pa ako ng may biglang nagsalita sa tagiliran ko. Agad ko itong sinipat ng tingin. Isang istudyanteng babae at nakangiting nakatitig sa akin.


"Oo eh." maiksi kong sagot. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makikihalubilo ako sa iba at naninibago ako.


"I'am Beatrice!" pakilala nito sa akin sabay lahad ng kamay. Nakangiti ko naman din itong tinanggap.


"Veronica!" sagot ko.


"Nice to meet you Veronica! Dont worry ako ang bahala sa iyo. Mula first year hanggang ngayun dito na ako nag- aaral kaya huwag kang mahiyang magtanong sa akin kung may mga kailangan ka." nakangiti nitong wika.


Agad naman akong nagpasalamat at itinuloy na ang paglalakad ko papunta ng classroom ko. Tahimik na lang din naman itong nakasunod sa akin.


Pagdating ng classroom ay nagtaka pa ako dahil nakasunod pa rin sa akin si Beatrice. Binati pa nito ang ilang mga istudyante na nadatnan namin. Nahihiya naman akong inilibot ang tingin ko sa paligid lalo na ng mapansin ko na sa akin nakatitig ang iilang mga istudyante.


"Veronica, dito ka na lang sa tabi ko." agad na wika sa akin ni Beatrice. Sandali pa akong natulala bago ito nilingon.


"Dito ka na. Ipapakilala kita sa iba nating mga ka-classmates." muli nitong wika. Agad naman akong naglakad palapit dito at inukupa ang isang bakanteng upuan na nasa tabi nito.


"Bago siya?" narinig ko pang tanong ng katabi din nito. Mukha itong binabae base na din sa kanyang pananalita.


"Yes, nagkita kami sa labas kanina. Her name is Veronica...and Veronica si Randy nga pala, ang nag-iisa kong closed friend dito sa School."


pagpapakilala nito sa amin. Agad naman akong napangiti at ako na mismo ang naglahad ng kamay ko para makipagkamay dito.


"Hi...Nice to meet you Randy. Sana maging magkaibigan din tayo." nakangiti kong sagot.


"Ayyy sure! Mag-iinarte pa ba ako. Ang ganda mo kaya at tiyak kapag kasama kita na maglalakad sa hallway kakainggitan tayo ng ibang mga istudyante dito." maarte nitong sagot at agad na tinanggap ang pakikipagkamay ko. Pabirong nahampas naman ito ni Beatrice dahil sa kaartehan nitong magsalita.


"hmmmp, ewan ko sa iyo! Basta ha, magkakaibigan na tayong tatlo." muling wika ni Beatrice. Agad akong tumango.


Mabilis na lumipas ang mga oras. Wala naman kaming ibang ginawa sa first day of school namin kundi ang magpakilala sa isat isa. Na-meet din namin ang ibat ibang teachers namin sa bawat subjects. Pagkatapos puro daldalan ang mga nangyari hanggang sa mag-uwian na.


Hindi man lang ako napagod sa unang araw ng klase. Mas intense pa ang nangyayaring pag-aaral ko kapag si Teacher May ang kaharap ko. Sabagay siguro dahil first day pa lang naman. Baka sa mga susunod na araw mag- uumpisa na ang seryosong pagtuturo ng mga teachers.


"Ayyy bongga! Sundo mo?" agad na bulong sa akin ni Randy. Nandito na kami sa parking area at pare pareho naming hinihintay ang mga sundo namin. Agad akong tumango.


"shit! Mercedes Benz? Ang yaman nyo naman!" agad naman na sabat ni Beatrice. Hindi ko naman mapigilan ang matawa. Grabe ang dalawang ito napaka-vocal nila pareho.


"Hindi akin iyan. Sasakyan iyan ng mga taong nagpaaral sa akin." sagot ko. Agad na nagkatinginan ang dalawa.


"Hindi nga?" sagot ni Randy.


"Oo nga! Hindi ako mayaman kung iyan ang iniisip nyo. Pinapaaral lang ako ng amo ko." sagot ko. Sabay pa silang tumitig sa akin habang nakakunot ang noo.


"Huwag mo nga kaming pinagluluko Veronica...hindi halata sa postura mo ang mga sinasabi mo." sagot ni Randy.


Agad naman akong nagtaka. Hindi ko gets ang ibig nitong sabihin.


"Yes...bag mo pa nga lang na gamit mo halos milyones na ang halaga. Tapos sasabihin mo na kotse ng amo mo iyan...ay ewan ko." sagot ni Beatrice. Sandali naman akong natulala sa mga pinagsasabi nila. Pagkatapos kibit balikat na akong nagpaalam sa kanila.


"Bahala kayo kung ayaw nyong maniwala. Sige na, mauna na ako sa inyo. See yah tomorrow!" sagot ko at nagmamadali ng naglakad papuntang kotse. Agad naman akong pinagbuksan ni Manong Gerry ng pintuan. Nilingon ko pa ang dalawa kong bagong kaibigan at napansin kong pareho silang tulala na nakatitig sa gawi ko.


Walang traffic kaya naman mabilis kaming nakarating ng mansion. Halos alas tres pa lang ng hapon kaya naman balak kong dumeretso muna ng kwarto para makapaghinga. Alam kong syeta time din ngayun nila Tita at Tito kaya naman alam kong tahimik ang buong mansion kapag ganitong oras. Mamayang dinner time ko pa sila muling makakaharap.


"Hello Veronica...nakauwi ka na pala." paakyat na ako ng hagdan ng marinig ko ang pag bati iyun. Agad kong nilingon ito at tumampad sa harap ko si Ate Maricar. May bitbit itong traveling bag.


"Hi Ate.. kumusta po?" agad kong bati pabalik dito.


"Dumating si Sir Rafael kanina galing hongkong. Nasa kwarto sya." agad nitong balita sa akin. SAglit akong natigilan. Hindi ko malaman kong ano ang mararamdaman ko. Natutuwa na nalulungkot ako...Ahh ewan... pakiramdam ko kasi bigla akong nakalimutan ni Sir Rafael. Halos taon na din kasi ang binilang na hindi kami nagkakausap.



Chapter 212


VERONICA POV


Kanina pa ako palakad-lakad dito sa aking kwarto. Kanina pa ako tapos mag -ayos at hinihintay ko na lang ang dinner time. Para akong pusang hindi makapanganak dahil sa kakaibang kaba na nararamdaman ng puso ko.


Halos isang taon din kaming hindi nagkita ni Sir Rafael. Sobrang tagal kung tutuusin. Huling pag-uusap namin ay iyung birthday ni Peanut at pagkatapos noon ay naging abala na ito sa pamamahala ng Villarama Empire. Umuuwi daw ito minsan ng mansion pero saglit lang. Kadalasan gabi na kaya hindi kami nagpapang-abot.


Mahina akong napabuntong hininga habang nakatitig sa reflection ko sa salamin. Ibang Veronica na ang nakikita ko. Malayo na ako sa dating Veronica na probensyana. Natuto na din akong manamit at mag-ayos ng sarili. Kahit papaano nakakaintindi na din ako ng salitang Inglis. Salamat kay Teacher May dahil sa sobrang tiyaga nitong magturo sa akin.


Siguro dahil na din sa impluwensya nila Charlotte at Jeann. Yes...naging matalik na kaming magkaibigan. Itinuring nila akong hindi na iba sa kanila.


Kahit papaano hindi na din nila inungkat pa sa akin ang mga nangyari noon sa yate. Sabagay, baka nakalimutan na din nila dahil sa pagiging abala nila sa kanilang pag- aaral. Katulad pa rin ng nakasanayan ng pamilya Villarama, weekend ang family day pero si Sir Rafael lang yata ang palaging absent.


Muli kong sinipat ang orasan. Isang malakas na buntong hininga bago ako nagpasyang bumaba na. Eh ano ngayun kung nasa baba si Sir Rafael. Wala akong atraso sa kanya para kabahan ng ganito. Hindi ko naman din pwedeng iwasan ito lalo na at nasa iisang bahay lang kami nakatira.


Pagkabukas ng pintuan ng kwarto ay sakto naman na bumukas ang katapat ko. Nagulat pa ako ng biglang lumabas si Sir Rafael doon. Agad na nagtama ang aming mga paningin at nahihiya kong binawi agad iyun pagkatapos mabilis ng naglakad papuntang hagdan.


Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang laki na ng ipinagbago nya. Nag- matured ito at mukhang lalong naging masungit.


Ah basta...ewan...halos takbuhin ko pababa ng hagdan ng naramdaman kong nakasunod ito sa akin. Nakahinga lang ako ng maluwang ng makarating ako ng dining at agad na naupo sa pwesto ko. Mabuti na lang at wala pa sila Tita at Tito. Tiyak magtataka sila kung bakit ako natataranta ngayun.


Wala pang isang minuto ng maramdaman ko ang pagpasok ni Sir Rafael. Kasabay na nito sila Tita at Tito kaya naman agad akong tumayo para batiin sila.


"Good Evening po!" wika ko sabay yuko. Nakangiti naman na lumapit sa akin si Tita at hinalikan ako sa pisngi. Noon pa man ginagawa nya na ito sa akin. Nakakailang noong una pero nasanay na din ako ngayun. Siguro nga parang anak na ang turing nito sa akin dahil ako ang palagi nilang kasa- kasama.


"Kanina ka pa ba Iha? Sige na maupo ka na para makakain na tayo." sagot naman ni Tita. Kaagad naman akong tumalima. Pigil na pigil ako sa aking sarili na tapunan ng tingin si Sir RAfael. Ewan ko ba, sa kaloob-looban ng puso ko nasasaktan ako dahil wala yata siyang balak na batiin ako.


Dahil kung talagang may pakialam pa sya sa akin, kanina pa lang nang magkita kami kinausap nya na ako. Babatiin niya ako at kukumustahin.


"So, ayos na? Dito ka na ba ulit uuwi ng mansion iho?" narinig kong tanong ni Tito Gabriel habang nag-uumpisa na akong maglagay ng pagkain sa aking pinggan.


"Yes Dad. Mas malapit ang Villarama Empire dito sa mansion and besides pagod na ako sa kakatravel para makausap ang ilan nating business partners abroad. Magtatalaga na lang siguro ako ng representative ko sa mga susunod na overseas meetings.


Kailangan din ng opisina ang presensya ko lalo na ngayun balak kong pasukin pati na din ang real estate. " sagot nito.


"Well, much better. Basta tandaan mo Rafael, we're so proud of you! Napakabago mo pa lang bilang CEO ng kumpanya pero ang layo na ng narating mo. Hindi ko akalain na ganito ka ka-seryoso kaya naman masayang-masaya kami anak." nakangiting sagot ni Sir gabriel.


"Of course Dad! Tutuparin ko ang pangako ko na lalo kong palalaguin ang negosyo na inumpisahan ni Grandpa." sagot nito.


Marami pa silang napag-usapan tungkol sa negosyo habang kumakain kami. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila hanggang sa natapos ako sa pagkain. Actually kanina pa nga ako tapos kaya lang nahihiya akong magpaalam. Baka kung ano ang isipin nila sa akin. Nasanay na din kasi sila Tita at Tito sa akin noon na nagpapahuli ako dito sa dining tuwing pagkatapos kumain.


"How about you Iha...kumusta ang first day of School mo? Nag-enjoy ka ba?" kung saan-saan na nakakarating ang takbo ng isip ko ng marinig ko ang tanong na iyun. Agad naman akong napatingin kay Tita Carissa.


"Ayos naman po Tita. Naninibago po pero mababait naman ang mga classmates ko." Nahihiya kong sagot. Agad ko naman napansin ang patitig sa akin ni Sir Rafael. Bakas ang pagtataka sa mukha nito.


"Why? Pwede na ba siyang pumasok ng School?" tanong nito. Sa wakas nagkaroon din siya ng pakialam sa akin. Nagtanong din tungkol sa naging buhay-buhay ko habang wala siya.


"Yes..naipasa nya ang exam kaya diretso Senior high na siya. Magaling si Teacher May magturo at sa maiksing panahon maraming natutunan si Veronica kaya naman sisiw lang sa kanya ang exams." nakangiting sagot ni Tita Carissa. Hindi na umimik pa si Sir Rafael bagkos kunot noo akong tinitigan.


"Oh siya mauna na kami ng Daddy mo Rafael. Maaga kaming babyahe bukas papuntang resort." wika ni Tito Gabriel at inalalayan na nito ang asawa na makatayo. Agad din akong tumayo. Ayaw ko ng magpaiwan dito sa dining area lalo na at nandito si Sir Rafael na nababaliw na naman yata. Titig na titig na naman kasi sa akin. Kung kanina halos ayaw akong tingnan sa buong pagkain namin pero ngayun hindi na naman inaalis ang pagkakatitig sa akin. Nakakainis na siya.


Agad akong sumunod kina Tita at Tito palabas ng dining room. Dumeretso ako sa labas ng mansion para magpahangin. Nakagawian ko na kasing tumambay sa may pool habang nagpapababa ng kinakain habang nagmumuni-muni.


Nakakamiss lang ang lahat. Dati si Elijah ang palagi kong nakakausap dito sa may pool. Pero nakakalungkot lang dahil bihira na din kaming nagkikita.


Wala din ito minsan sa family day dahil masyado na daw abala sa negosyo ng pamilya.


Hindi ko maiwasan na malungkot ng maalala ko si Sir Rafael. Mukhang nagbago na din ito. Siguro may bago na siyang girl friend. Ay ewan...basta focus na lang muna ako sa pag-aaral. Parasaan ba at matatapos din lahat ito.


Masasanay din siguro ulit ako sa presesya ni Sir Rafael dito sa mansion.






**

212 LAST EDIT

**


RAFAEL POV


Sa wakas natapos na din ang lahat. Sulit lahat ng hirap na pinagdaanan ko.


Masasabi kong malaki na ang kumpyansa ko sa aking sarili para pamahalaan ang Villarama Empire.


Hindi basta-bastang responsibilidad ang naiwan sa akin lalo na ng tuluyan ng ipinaubaya sa akin ni Kuya Christian ang pamamahala ng kumpanya.


Maraming nagalit noon. Halos karamihan sa mga nasa itaas na posisyon ng kumpanya ay napataas ang kilay. Hindi man direkta nilang sabihin sa aming pamilya pero alam kong wala silang tiwala sa akin. Nag-aalala ang lahat ng baka bumagsak lang ang Empire sa mga kamay ko dahil wala daw akong ibang ginawa noon kundi ang maglakwatsa at mambabae.


Oh diba pati personal life ko nahalungkat ng mga gunggong na sabik sa posisyon. Pero diyan sila nagkakamali. Focus lang ang kailangan at malalagpasan ko din. Napag-aaralan ang lahat. Kaya humanda sila sa akin lalo na ngayung sa main office na ako palaging maglalagi. Matitikman nila ang pagiging mahigpit at istrikto ko pagdating sa trabaho.


Hindi ko maiwasan na mapangiti habang nakatanaw kay Veronica. Nakatayo ito sa gilid ng pool at mukhang may iniisip na malalim.


Grabe, isang taon lang akong nawala pero ang laki na ng ipinagbago ng physical na hitsura nito. Lalo itong gumanda at naging kaakit-akit.


Kung alam lang nito kung anong pagpipigil ko ang aking ginagawa noon pa para lang hindi ito mapakialaman. Kung hindi lang ako nangako kina Mommy at sa mga kapatid kong babae na huwag munang pakialaman si Veronica dahil masyado pa itong bata baka matagal ko na itong inasawa.


Patapusin ko daw muna at hayaan na matupad ang mga pangarap bago ko asawahin. Kailan pa iyun? Kaya ko pa bang magpigil lalo na ngayung dito na ulit ako titira ng mansion? I dont think so!


Kung noon mahirap pagsabayin ang pag-aaral sa negosyo at pag-aasawa iba na ngayun. Kayang kaya ko na hawakan ang Villarama Empire. Pwede na din sigurong magfocus ako sa lovelife.


Hindi na kailangan pang magpakahirap ni Veronica pagpasok ng School. Kayang kaya kong ibigay sa kanya ang lahat ng pangangailangan nya. I have a billions and billions money in my personal bank accounts at kaya kong ibigay sa kanya lahat ng iyun manatili lang siya sa tabi ko.


"Ganda nya talaga Sir Rafael noh? Bakit kasi ayaw mo pang lapitan para magkumustahan kayo?" napapitlag pa ako ng may biglang nagsalita sa aking likuran. Nang lingunin ko ito ay walang iba kundi si Manang Espe. Ang aming mayordoma.


"Yup..super ganda nya na!" sagot ko naman habang muling ibinalik ang pagkakatitig kay


Veronica.


Kung alam lang nito. Gustong gusto ko siyang yakapin at halikan kanina pa. Actually kagabi pa nga eh. Halos hindi ako nakatulog dahil gusto ko na syang pasukin sa kanyang kwarto. Kaya ko pa bang magpigil. Parang hindi na

eh...



Chapter 213


VERONICA POV


New routine ng buhay ko. Gigising ng maaga, maliligo at magbibihis ng school uniform. Tulalang titigan ang sariling reflexion sa salamin at hindi maiwasan na mapangiti ng mapansin ko na bagay na bagay sa akin ang suot kong school.


Hanggang ngayun hindi pa rin ako makapaniwala na magawa kong makapasok sa isang pang-mayaman ng university. Last na pagngiti sa harap ng salamin at agad kong hinagilap ang aking bag at nagmamdaling lumabas ng kwarto.


Mabilis ang aking hakbang pababa ng hagdan. Hindi naman masyadong halata na excited ako ngayun sa pagpasok sa School. Katunayan

sobrang aga pa pero ayaw ko kasing ma -late. Papasok ako ngayun ng mas maaga para naman may time pa akong magrelax bago mag-umpisa ang klase.


Alas otso ng umaga hanggang alas dos ng hapon lang naman ang pasok ko. Every Tuesday at Thursday may tutor schedule ako kay Teacher May. Tuloy pa rin ang pagto-tutor nito sa akin kahit na pumapasok na ako ng School. Iyun nga lang nabawasan lang ng araw para hindi daw ako masyadong mahirapan.


Pagdating ko ng dining area ay nadatnan ko pa si Ate Maricar na abala sa pag-aayos ng mga kubyertos sa lamesa. Agad ko itong binati.


"Good Morning Ate!" bati ko. Agad naman itong napangiti.


"Good Morning din sa iyo Veronica! Kain ka na. Maaga nga palang umalis sila Madam at Sir papuntang resort. Iniiwasan nila ang traffic sa daan." sagot nito. Agad naman akong tumango at naupo na. Naglagay lang ako ng cereal sa aking bowl at binuhusan ng gatas. Ito na ang nakasanayan kong kainin tuwing umaga at kabisado na ito nila Ate Maricar kaya naman nakahanda na ang mga ito sa pwesto ko.


Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ng maramdaman ko ang pagdating ni Sir Rafael. Kabisado ko na kasi ang amoy ng pabango nito kaya naman kahit hindi ko ito nakikita alam kong nasa malapit lang sya.


"Good Morning!" narinig ko pang bati nito. Mukhang para kay Ate Maricar pagbating iyun kaya naman hindi na

ako nagtangka pang sumagot. Muli kong itinoon ang attention ko sa pagkain. Hindi ko na din ito pinagkaabalahan pang sulyapan.


Bahala siya. Kung ayaw nya akong pansinin hindi ko din siya papansinin noh. Hindi naman siya ang nagpapaaral at nagbibigay sa akin ng allowance eh. Sila Tita at Tito naman kaya walang dapat na ikabahala.


"I said Good Morning!" napapitlag pa ako ng maramdaman ko ang bibig nito sa may tainga ko. Agad akong kinalabutan at nabitawan ang hawak kong kutsara. Baliw lang...ano na naman kaya ang nakain ng ungas na ito at bigla-bigla na namang nagpapapansin.


"Good Morning din po!" walang gana kong sagot habang hindi na nag- abalang lingunin ito. Umalis na din si


Ate Maricar kaya solo namin ang dining room. Ano kaya ang nakain nito at bigla na lang akong pinapansin. Kahapon todo deadma ito sa akin eh.


Nakahinga ako ng maluwang ng maramdaman ko na umalis na ito sa likuran ko at naupo sa tapat ko. Talagang sa tapat ko pa. Hindi naman diyan ang pwesto nya eh.


"Bakit iyan lang ang kinakain mo? Baka gutumin ka nyan sa School." muling wika nito. Hindi ko naituloy ang pagsubo ko ng isa pang kutsara ng cereals. Bakit ba kasi siya nakikialam? Ano kaya ang problema nito at ako na naman ang pinagtitripan.


"Sanay na po ako na ganito ang kinakain ko sa umaga. May breaktime din naman kami mamayang 10am sa school.. Tapos lunchtime ng 12noon."

sagot ko. Mataman pa akong tinitigan tsaka tumango.


Nagmamadali ko naman na inubos ang kinakain ko. Hindi ko na din kasi matagalan ang presensya nya dito sa harap ko. Siguro hindi na ako sanay na nasa paligid lang siya kaya ganoon. Isa pa nagtatampo pa rin ako sa kanya dahil hindi man lang ito nagpapakita ng ilang buwan sa akin. Hindi din nangungumusta. Basta bigla na lang itong naglaho pagkatapos nya akong landi-landiin noon. Kung talagang mahalaga ako sa kanya gagawa siya ng paraan para makapag-usap kami. Pero hindi eh..ang sama ng ugali nya.


Pagkatapos kung kumain ay agad na akong tumayo. Isinukbit ko ang bag ko at akmang magpapaalam na sa kanya ng muli itong magsalita.


"Ako na ang maghahatid sa iyo School.


seryoso nitong wika. Agad naman akong natigilan. Muling napatitig sa kanya at kita ko ang pagiging seryoso ng awra nito kaya naman muli akong napaupo.


"Si Manong Gerry daw po ang maghahatid at sundo sa akin bilin ni Tita." sagot ko. Agad itong nagtaas ng kilay.


"Pwes, iba na ngayun, ako ang maghahatid sa iyo sa umaga. Sa hapon naman ako din ang susundo sa iyo kapag hindi na ako busy." sagot nito. Lalo naman akong nagtaka. Mataman ko pa syang tinitigan para masiguro kung seryoso ba talaga ito. Baka mamaya binibiro nya lang ako eh.


"Huwag mo na akong titigan ng ganyan. Ngayung nandito na ako wala kang choice kundi sundin lahat ng gusto ko." muling wika nito.


"Bakit po ba? Hindi po bat busy kayo palagi? Baka naman makaabala po ako sa inyo Sir Rafael." hindi ko mapigilang wika. Saglit itong natigilan. Pagkatapos mataman akong tinitigan sa mga mata.


"Anong sabi mo? Ano ang tawag mo sa akin ngayun?" tanong nito na halata ang inis sa boses. Lalo naman akong nagtaka.


"Sir Rafael po. HIndi po bat iyun naman ang tama dahil amo ko kayo?" sagot ko.


 Nakalimutan mo na ba ang usapan natin noon na huwag na huwag mo na akong tawaging Sir? Gusto mo ba ng parusa ngayun din? Baka hindi ka makapasok ng School sa gagawin ko sa iyo Veronica?" mataas ang boses na wika nito. Agad naman akong kinabahan. Nakakatakot pagmasdan ang seryoso nitong mukha kaya naman napayuko ako.


"Sorry po! Huwag po kayong magalit. Hi-hindi po kasi ako kumportable na hindi ko kayo tatawaging Sir. Ano po kasi...." hindi ko na natuloy pa ang aking sasabihin ng muli syang nagsalita.


"From now on, ayaw ko ng tawagin mo akong Sir! Tawagin mo ako sa pangalan ko and that" an order! Understand?" mataas ang boses na wika nito. Halatang big deal sa kanya ang pagtawag kong Sir. Kainis! Siya na nga itong iginagalang, siya pa ang galit. Mahirap talaga intindihin ang

pangit nyang ugali.


Bakit ko ba namimiss ang mokong ito? Noong wala pa siya dito sa mansion tahimik ang buhay ko. Mukhang gugulo na naman dahil sa presensya nya. Paano ko kaya siya iiwasan ngayun kung balak nyang siya ang maghahatid sa sundo sa akin sa School? Kainis naman. Ilang taon pa ang bibilangin bago ako makatapos.


"Lets go!" naputol ako sa pagmumuni- muni ko ng muli itong nagsalita. Muli akong napatayo at agad na sinundan ito. Basta na lang kasi itong naglakad paalis ng dining room. Mukhang mainit pa rin ang ulo nya dahil lang sa pagtawag ko sa kanya ng 'Sir'. Big deal pala talaga sa kanya ang bagay na iyun.


Pagdating ng kotse ay ito na mismo ang nagbukas ng pintuan ng kotse.

pagkatapos binalingan ako at sinensyasan na pumasok na. Agad naman akong tumalima. Baka mamaya magbuga na naman ng apoy ang dragon at masunog ako. Si Manong Gerry pa rin ang driver at may apat na bodyguard na nakatayo sa isa pang kotse at isa naman malapit sa motorbike.


Eh di wow, siya na ang high profile. Daming bodyguard ah? Mukhang manganganib pati ang buhay ko dahil masyado yata siyang mainit sa mga masasamang loob.


Pagkasakay ko ay agad na din itong sumakay. Talagang tumabi pa siya sa akin? Ayos din ah?


Feeling close ulit kaya naman agad akong umusog papunta sa kabilang sulok. Pagkatapos ipinukos ko ang aking tingin sa labas ng bintana ng kotse. Ayaw ko siyang pansinin dahil nag-uumpisa na naman magregudon sa kaba ang puso ko. Litse naman kasi, bakit ba ako ninerbiyos sa presensya ng Rafael na ito.


Tahimik na lang din naman ito buong byahe. Hindi na din ako nagtangka pang lingunin ito kung ano ang kanyang pinagkakaabalahan. Talagang pinanindigan ko ang kunwari ay pagiging abala ko sa kakatingin sa labas.


Pagdating ng School ay akmang bubuksan ko na ang pintuan ng kotse para makalabas na ng agad nya akong hawakan sa kamay. Sa sobrang gulat ko ay agad akong napalingon sa kanya at agad na nanlaki ang aking mga mata sa pagkagulat. Bigla kasing nagtama

ang aming mga labi.


Hindi pala nagtama...biglang nyang pinagdikit ang aming labi. Hindi ako nakakilos sa matinding pagkagulat. Diyos ko...umpisa na naman ba ito ng panglalandi nya sa akin? Baka hahanap -hanapin ko na naman ito.


"Take Care! Pipilitin kong ako mismo ang susundo sa iyo mamaya." malambing nitong wika ng maghiwalay ang aming labi. Titig na titig ito sa aking mga mata kasabay ang paghaplos ng isang palad nito sa pisngi ko. Nagpakawala muna ito ng matamis ng ngiti sa labi bago bumaba ng kotse. Naglakad papunta sa gawi ko at pinagbuksan pa ako ng pintuan ng kotse.


Tulala naman akong bumaba.


Pakiramdam ko biglang na-blanko ang utak ko dahil sa mga nangyari. Kainis sya...kung alam ko lang na hahalikan nya ako dapat umiwas ako.


Nagtatampo pa rin ako sa kanya eh...


Pagkababa ko ay tinitigan pa ako nito mula ulo hanggang paa pagkatapos ay napapiling pa ito. Agad naman akong nagpalaam sa kanya. Pakiramdam ko masusu- suffocate na ako sa sobrang kaba ng na nararamdaman ko.


"Pa-pasok na po ako." sagot ko at nagmamadali ng tumalikod sa kanya. Mabilis akong naglakad at hindi na lumingon pa. Pakiramdam ko nakasunod pa rin ang tingin nya sa akin na syang nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam sa buo kong pagkatao.


"hoyyy Ganda!!! Ano ba kanina pa kita tinatawag pero deadmabells lang?"

hindi pa ako nakakalayo ng nagulat ako ng biglang may tumapik sa akin. Si Randy...


"Ha? Ahh! Ehhh..ano ang sabi mo?" sagot ko naman sabay sulyap papunta kay Sir Rafael. Hindi pa nga ako masyadong nakalayo sa kanila pero naharang naman ako nitong si Randy.


"I said sabay na tayo maglakad papuntang School. Ano ba ang nangyari sa iyo at mukhang wala ka sa sarili?" sagot nito at napasulyap din sa kinaroroonan nila Sir Rafael na noon ay nakatayo pa rin at nakatanaw sa akin.


'""Shitty! Who's that guy? Is that Rafael Villarama?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Randy sa akin. Halata sa mukha nito ang hindi makapaniwala. Agad ko naman itong hinawakan sa braso at hinila na paalis. Nakakailang pa rin ang titig na ipinupukol sa akin ni Rafael. Mukhang galit na naman siya!!!




Chapter 214


VERONICA POV


"Ganda! Ano ba? Sagutin mo naman ako! Si Rafael Villarama ba iyun?" muling tanong sa akin ni Randy. Halata sa mukha nito ang matinding pagkagulat at matinding curiosity.


Mabuti na lang at nagpahila ito sa akin kanina. Hindi ko na kasi kayang tagalan pa ang nang-uusig na titig ni Rafael kanina habang kausap ko si Randy. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa mga titig na iyun. Kitang kita ko kasi ang galit sa awra nito kahit na nasa medyo kalayuan na ako sa kanya.


"Eh, ano naman kung siya iyun." sagot ko habang nagtataka na nakatitig dito. Agad na nanlaki ang mga mata nito sa sagot ko.


"Ano? Eh siya nga iyun? Siya ang naghatid sa iyo? Bongga ka!" muling sagot nito. Sa pagkakataon na ito ay

medyo malakas na ang kanyang boses kaya naman agad ko itong sininyasan na mag-slow down. Baka may ibang makarinig sa amin at nakakahiya.


"Ito na naman. Ano ngayun kung sya nga ang naghatid sa akin. Natural, sa iisang bahay lang kami nakatira at saktong papasok na sya ng opisina kaya idinaan nya muna ako dito sa School. Bakit ba surpresang surpresa ka diyan?" takang-taka kong tanong. Napakamot ito ng ulo habang titig na titig sa akin.


"Bakit nga? I mean paanong sa kanila ka nakatira? Magkamag-anak kayo? Girl friend?" tanong nito. Agad naman akong umiling.


"Nope......tinulungan lang nila ako para makapag-aral. Masyadong mabait ang kanyang mga magulang at mga kapatid kaya sa kanila ako ngayun nakatira." paliwanag ko dito. Muling nanlaki ang mga mata nito sa pagkagulat. Pagkatapos tinitigan ako mula ulo hanggang paa kaya pabirong nahampas ko ito sa braso.


"At sya pa talaga ang naghatid sa iyo?" nandidilat ang mga matang muli nitong tanong. Hindi ko mapogilan na mapakamot ako sa aking pisngi. Rinding rindi na ako sa mga tanong ni Randy.. Mukhang walang katapusang question and answer portion ang magaganap sa amin ngayun kaya naman hindi ko na ito sinagot at naglakad na papuntang class room. Agad naman itong napasunod sa akin.


"Ito naman oh. Ang damot! Nagtatanong lang naman ako!" reklamo pa nito. Hindi na ako umimik pa hanggang makapasok kami ng classroom at tahimik ng naupo sa aking pwesto.


Wala pa si Beatrice kaya naman inabala ko ang sarili ko sa pagbubuklat ng libro. Nanahimik naman si Randy sa kanyang upuan. Alam marahil nito na wala na ako sa mood na sagutin ang kanyang mga tanong.


"Totoo ba ang mga balita na nandito daw kanina si Rafael Villarama? Sayang hindi ko siya naabutan."


Natigil ako sa pagbabasa ng marinig ko ang kwentuhan mula sa umpukan ng mga ka-klase ko. Napatingin pa ako sa kanila at kita ko ang kilig sa kanilang mga mukha. Muli akong napasulyap kay Randy na pasulyap- sulyap din sa akin. Mahina akong napabuntong hininga.


Bakit mukhang issue na ang tungkol kay Rafael ngayun? Ang pagkakaalam ko hindi naman artista si Rafael para pagkaguluhan nila.


Natigil lang ako sa pgmumuni-muni

ng dumating si Beatrice. Mukhang muntikan na itong ma-late ngayun. Ano kaya ang problema nya. Bakit mukhang hindi maganda ang templa ng mukha nito ngayun?


"Kainis talaga! Muntik na tuloy akong ma-late!" narinig kong bulong nito. Nagtataka naman akong napatitig dito. Akmang tatanungin ko ito kung ano ang kanyang problema ng biglang dumating na ang aming teacher sa first subject. Agad na nagsitahimik ang mga classmates ko kaya naman itinoon ko na din ang sarili ko sa aming teacher na kakarating lang Agad na nag-umpisa ang aming klase.


Naging abala ang buong umaga ko sa klase. Katulad ng inaasahan, seryoso na ang pagtuturo ng aming mga teachers kaya naman naka-focus na ako. Mukhang ganoon din ang aking mga classmates.


"Uyyyy sa canteen muna tayo." pag- aaya ni Randy. Muli akong napalingon sa kanya. May 45 mins. breaktime kami bago ang kasunod na subjects. Isa -isa na ding nagsialisan ang aming mga classmates kaya tumayo na din ako para pumunta ng canteen.


"Sa canteen tayo?" tanong ko sa kanilang dalawa ni Beatrice. Agad naman silang nagsitanguan.


Mabilis kaming naglakad papuntang canteen. Umurder ng snacks at naghanap ng mauupuan. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ng muling magsalita si Randy. Tahimik lang din naman si Beatrice at mukhang may malalim na iniisip.


"Ano? Siguro naman magkikwento ka na tungkol sa kanya?" muling ungkat ni Randy. Napakamot ako ng aking ulo. HIndi nya pa rin pala nakalimutan ang tungkol kay Rafael. Napasulyap naman sa aming dalawa si Beatrice.


"Rafael who?" tanong nito.


"Rafael Villarama! Gosh, mabuti naman at umimik ka na diyan. Kanina ka pa kaya tahimik." sagot naman ni Randy. Agad na natigilan si Beatrice at mahinang napabuntong hining.


"Pasensya na, may iniisip lang. Ano nga pala ang tungkol kay Rafael Villarama? Bakit kanina ko na naririnig nag pangalan nya?" tanong nito.


Agad naman akong inginuso ni Randy. Pagkatapos ibinaba ang hawak na juice at mataman akong tinitigan.


"Hinatid kanina si Veronica! Ang damot nga eh, ayaw magkwento." sagot ni Randy. Agad naman natoon ang attention sa akin n Beatrice.


"Talaga? Hinatid ka ni Rafael? Ano ka nya? Bagong jowa?" tanong nito. Hindi ko maiwasan na mapangiwi. Sa pananalita nito halatang alam ng lahat kung gaano ka playboy si Rafael.


"Look, mahigit one year na ako sa kanila. Paaral nga nila ako dahil kaibigan ng mga anak ng Villarama's ang Nanay ko. Iyan ang dahilan kung bakit sa kanila ako nakatira. And NO, hindi ako girl friend ni Rafael Villarama. Malabong mangyari iyun!" diretsahan kong sagot para hindi na sila magtanong pa.


"Talaga? Ang bait naman pala talaga nila. May personal driver ka na nga at pinag-aksayahan ka pa ng oras ng isang Rafael Villarama na ihatid ng

School. I smell something fishy!" sagot naman ni Randy. Hindi ko maiwasan na pagtaasan ito ng kilay.


Mukhang may gusto talaga itong tumbukin eh. Marahil iniisip ng mga ito na may relasyon kami ni Rafael kaya ako hinatid. Pero para sa akin walang mali doon. Magkasabay ang pasok namin ngayung umaga kaya idinaan nya ako dito sa School. Walang malisya iyun, although hinalikan lang naman nya ako kanina bago bumaba ng kotse.


hindi ko maiwasan na matampal ang aking noo ng biglang sumagi sa isip ko ang tungkol sa halik na iyun. Ang halik na muling nagpawendang sa utak ko. Ang kakaibang pakikitungo na naman sa akin ni Rafael.


"Pero balita ko, kabila-bilaan ang naging mga babae ni Rafael Villarama.

Playboy siya katulad ng step brother ko." sagot naman ni Beatrice.


"Si Arthur?" sagot ni Randy.


"Yes...bakit may iba pa ba akong step brother?" nakataas ang kilay na tanong ni Beatrice. Napatutop naman sa kanyan bibig si Randy.


"Shocks! Oo nga pala, ang the hunk na si Arthur San Simon lang pala ang iyung stepbrother. Teka lang, tanggap nyo na ba ang isat isa?" tanong ni Randy. Agad naman umiling si Beatrice.


"Nope! And never kaming magkasundo ng ugok na iyun!" naiinis naman na sagot ni Beatrice. Hinayaan ko na lang sila sa kanilang pag-uusap na iyun at itinoon ang attention ko sa pagkain. Hanggat maari ayaw kong ungkatin ang problema ng ibang tao. May sarili din akong problema noh?


Pagkatapos ng breaktime ay muli kaming pumasok sa loob ng class room. Mabuti na lang at natoon na kay Beatrice ang attention ng tsismosang si Randy. Hindi na ako kinukulit nito tungkol kay Rafael na siyang labis kong ipinagpasalamat.


Pagkatapos ng klase namin ay sabay- sabay na kaming naglakad papuntang parking. Umaasa ako na si Mang Gerry lang ang sundo ko. Gusto ko na talagang iwasan pa si Rafael. Nahahati kasi ang attention ko sa kanya at sa aking pag-aaral.


"Girls, mauna na ako sa inyo. Nandyan na ang aking sundo." Paalam ni Randy sa aming dalawa ni Beatrice. Agad naman namin itong tinanguan at ipinokus ang aming attention sa mga parating na sasakyan.


Napapatingin pa ako aking relo.

Natraffic yata si Mang Gerry kaya wala pa siya. Sabagay, halos lahat ng istudyante sa iskwelahan na ito ay may kanya-kanyang sundo na naka-kotse kaya hindi nakakapagtataka na magkakaroon ng matinding build up ng traffic.


Hindi ko maiwasan na mapangiti ng mapansin ko ang parating na sasakyan. Huminto pa ito sa tapat ko kaya nagmamadali na akong nagpaalam kay Beatrice na mauuna na ako sa kanya. Agad naman itong tumango at sinabihan akong mag- ingat.


Hindi ko na hinintay pa na bumaba si Mang Gerry at pagbuksan ako ng pintuan. Ako na ang kusang humawak sa handle ng kotse at binuksan iyun. Nagmamadali akong pumasok sa loob at huli na ng mapansin ko si Rafael na nakaupo dito sa loob. Seryoso ang mga

matang nakatitig sa akin kaya agad akong kinabahan.


"Good afternoon po!" Mahina kong bati. Hindi ito umimik kaya naman umayos na ako ng upo.


"Nakalimutan mo na ba ang bilin ko sa iyo noon? Regarding sa pagbabawal ko na makipag-usap ka sa ibang lalaki? Bakit mo ako sinuway?" narinig kong wika nito. Masyadong seryoso ang kanyang boses kaya agad akong nakaramdam ng matinding kaba.


"Po? Wa-wala naman po akong ginagawang masama. At isa pa, normal lang po na may nakakausap akong iba dahil nandito po ako sa School." kinakabahan kong sagot.


"No Veronica! Sinuway mo ang gusto ko at alam mo bang galit ako sa mga taong matitigas ang ulo?" muling wika nito. Sa pagkakataon na ito ay mataas na ang kanyang boses kaya naman agad akong napayuko.


"Pe-pero, si Randy lang naman ang kinakausap ko eh." pangangatwiran ko. Hindi na ito umimik pa at salubong ang kilay na itinoon ang attention sa unahan.


"Sa Penthouse tayo!" utos nito sa driver. Nagulat naman ako.


Penthouse daw? Saan iyun? Dapat diretso kami uwi ng mansion. Hindi ako pwedeng ma-late.


"Pe-pero, may schedule po ako ngayun kay Teacher May. Ka- kailangan ko na pong makauwi." protesta ko. Muli ako nitong tinititagan. Matiim at puno ng galit.


"Nope! Kalimutan mo na ang iskwelahan na iyan. Mula ngayun hindi ka na papasok!" seryoso nitong sagot. Muling nanlaki ang aking mga mata sa pagkagulat. Hindi...hindi ako papayag! Ano ba ang problema nya at bigla na naman niyang naisip ang mga ganitong bagay? Big deal na agad sa kanya ang pakikipag-usap ko kay Randy?




Chapter 215


VERONICA POV


Mabilis ang naging byahe namin. Halos wala pang thirty minutes ay napansin ko na pumasok ang sasakyan sa compound ng isang kilalang hotel. Lalo tuloy dumuble ang kaba na nararamdaman ko. Ano ba ang pinaplano ng Rafael na ito. Kainis na talaga siya. Wala na sa lugar na galit- galitan nyang ito. At ano ang sinasabi nito kanina na hindi na daw ako papasok sa School? Hindi ako papayag. Isusumbong ko talaga siya kina Tita at Tito. Pati na din kay Ate Arabella.


"Bakit po dito? Ayaw ko! Gusto ko ng makauwi ng mansion. Hinihintay na ako ni Teacher May." muli kong reklamo. Kulang na lang magpapadyak na ako sa sobrang inis.


"Nope...I am serious! Simula bukas hindi ka na papasok ng School!" muling sagot nito. Lalo akong nakaramdam ng pag-aalburuto ng kalooban ko. Hindi nga pwede! Ang dami ko na kayang hirap na pinagdaanan pagkatapos basta nya na lang sabihin sa akin ang bagay na ito. Isa pa nabanggit ni Tita na fully paid na ang tuition ko doon sa School at ayaw kong masayang iyun.


"Serious din ako! Ayaw ko dito! Uuwi na ako!" inis ko din na sagot. Agad na naningkit ang mga mata nitong tumitig sa akin. Hindi ko na iyun pinansin pa. Pakialam ko sa kanya! Kung hindi man lang matutuloy ang pag-aaral ko mabuti pang magpapaalam na ako sa kanila. Uuwi na lang ako ng probensya o di kaya maghahanap ng ibang trabaho.


"Tsk! Tingnan natin kung may magagawa ka! Kung sinunod mo lang ang gusto ko hindi tayo hahantong sa ganito!" sagot nito. Bakas ang pagbabanta sa kanyang boses kaya napahalukipkip ako.


Pagkahinto ng sasakyan ay agad bumaba si Mang Gerry. Pasimple ko naman na inilibot ang tingin sa paligid. Mukhang nandito kami sa isang parking area dahil puro sasakyan ang nakikita ko.


"Lets go!" Pagyaya sa akin ni Rafael. Hindi ko namalayan na nakababa na pala ito ng kotse at nabuksan na nya ang pintuan sa bahagi ko. Nagkunwari akong walang narinig. Wala akong balak na bumaba. Bahala siya kung magalit siya sa akin. Bakit siya lang ba may karapatan na magalit sa mga pagkakataon na ito? Ang hilig niyang

panghimasukan ang buhay ko.


Hindi ko mapigilan na mapatili ng bigla akong hawakan nito sa baywang at hinila palabas ng kotse. Agad akong napakapit sa upuan at nagpapapadyak. Paninindigan ko talaga ang gusto ko! Handa na din akong harapin ang galit nito kung tuluyan man itong magalit sa akin at palayasin ako ng mansion. Basta isusumbong ko talaga siya kay Ate Arabella. Sasabihin ko na hinaharass ako nito.


"Ayaw ko sabi eh. Bitawan mo ako!" sigaw ko habang patuloy na nagpupumiglas. Ikinakawag ko din ang mga paa ko kaya napamura ito.


 Veronica ano ba! Masisilipan ka sa ginagawa mong iyan eh!" pagalit na wika nito habang pilit akong hinihila palabas ng kotse. Nahirapan ito dahil wala kong balak na bumitaw sa pagkakapit sa upuan.


"Ayaw ko sabing sumama sa iyo! Uuwi na ako ng mansion!' halos pasigaw kong wika. Nagulat na lang ako sa sumunod nitong ginawa. Hinawakan at pinisil nito ang boobs ko kaya nagulat ako. Agad akong nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa nyang iyun. Napabitaw ako sa pagkakapit sa upuan kaya malaya nya na akong nahila palabas ng kotse. Parang wala lang dito ang bigat ko at agad akong isinampay sa kanyang balikat at mabilis na kaming pumasok sa loob ng hotel.


"Bastos ka talaga! Isumumbong kita kay Ate Arabella! Isusumbong din kita kay Tita!' galit kong hiyaw habang pinaghahampas ito sa kanyang likod.


Wala na akong pakialam pa kung mabitawan nya man ako. Siguro naman may karapatan na akong tumanggi diba? Lalo na at mukhang may masamang balak sa akin si Rafael.


"Ano ba! Tumigil ka na sabi eh!" pasigaw din nitong wika at agad kong naramdaman ang pagpalo nito sa pwet ko! Mukhang naubos na din talaga ang pasensya nito sa akin. Muling nanlaki ang aking mga mata sa pagkagulat. Parang gusto ko ng maiyak dahil sa mga kahihiyan na pinaggagawa nya sa akin.


Sumusubra na siya talaga! Nagiging manyakis na siya. Puro na maseselang bahagi ng katawan ko ang pinupuntarya nya! Parang normal lang sa kanya na hawakan ako sa mga bahaging iyun.


"Iyan lang pala ang makapagpatigil sa iyo eh! Pinapahirapan mo pa ako!" sagot nito at mabilis ang hakbang na pumasok kami sa loob ng elevator. Bahagya naman akong napakalma. Takot na akong gumawa ng mga bagay na hindi nito magustuhan. Baka ibang parte na naman ng katawan ang pagdiskitahan nito.


Mukhang wala na din namang saysay ang pagpupumiglas ko. Lalaki siya at babae ako. Kahit saang anggulong tingnan mas malakas siya kumpara sa akin.


Huminto ito sa isang nakasarang pintuan. May pinindot siyang mga code at kaagad naman iyung bumukas. Noon pa lang din ako ibinaba nito ng tuluyan na kaming nakapasok. Ngayun ko lang din napansin na kaming dalawa lang pala dito. Hindi na pala sumunod sa amin si Mang Gerry at ang mga bodyguards nito.


Parang napapasong agad akong lumayo dito. Mahirap na baka gawan ako ng masama dito. Pasimple ko pang inilibot ang tingin sa paligid. Malawak ang loob at may mga magagandang paintings na nakadisplay sa paligid. Nangingintab din ang sahig sa sobrang linis.


Ito kaya iyung naririnig kong lugar kung saan nya dinadala ang mga naging babae nya? Yuck! Siguro kahit gaano pa kaganda ang lugar na ito kung naging saksi naman ng lahat ng ka-manyakan ng kaharap ko..huwag na lang uy! Hindi ako dapat ma- impress.


"Now what? Baka gusto mong magpaliwanag sa nasaksihan ko 

kanina?" untag nito. Agad naman akong napatingin sa kanya. Prente na itong nakaupo sa sofa at mukhang kumalma na ng very very light! Pero hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin. Mukhang kaunting pagkakamali ko lang agad ako nitong sasakmalin.


"Wala nga po akong ginagawang masama. Tinanong lang ako ni Randy kung ikaw daw ba ang naghatid sa akin. Pagkatapos pumasok na kami ng classroom namin. Kasalanan ko ba kung famous ka! Dapat kasi hindi mo na ako hinatid eh!" medyo mahaba kong paliwanag. Agad kong napansin ang lalong pagsalubong ng kilay nito.


"Pinupurmahan ka ba ng gagong iyun? Veronica, sabihin mo sa akin kung hindi malalagot sa akin ang gagong iyun!" muling sagot nito. Gulat naman akong napatitig sa kanya.


"Hindi ah! Ano ba iyan pinagsasabi mo! New friend ko si Randy at bading siya. Tsaka ikaw nga yata ang crush nya eh kaya walang tigil ang kakatanong sa akin tungkol sa iyo hanggang sa magsi-uwian kami." diretsahan kong sagot. Napansin ko ang pagkagulat sa mukha nito at seryosong. Napapailing habang titig na titig sa akin. Sinenyasan pa akong umupo sa tabi nya pero umiling ako. Malakas naman itong napabuntong hininga.


"If he is a gay, bakit hindi mo siya pinakilala sa akin? Pwede kang bumalik at lapitan ako para magpaliwanag. Alam mo bang sa dami ng nasigawan ko kanina halos isumpa ng ako ng mga staff ng Villarama Empire? Alam mo bang kaninang umaga pa ako hindi maka-concentrate sa trabaho dahil sa kakaisip ko sa iyo?" sagot nito. Muli akong natigilan.


Kasalanan ko na naman! Hayst ang hirap yata ng kalagayan ko. Wala naman akong ginagawang kasalanan pero ako ang palaging lumalabas na masama.


"Sorry!" nakayuko kong sagot. Ayaw ko ng humaba pa ang usapan na ito. Isa pa kailangan lumamig na ang ulo nito para hindi na nya i-insist na patigilin ako sa pag-aaral.


"Kung talagang gusto mo mag-sorry, then, give me a kiss!" sagot nito. Agad na nanlaki ang aking mga mata ng maramdaman ko ang paghakawak nito sa pisngi ko. Walang hiya, hindi ko man lang namalayan ang paglapit nya.


"Ha? Ah ehhh!" sagot ko at pasimpleng umatras. Ano ba ito. Hindi pa ako ready sa mga ganitong scenario eh. Nag-uumpisa na naman yata akong landiin nito.


"Sabi ko, halikan mo ako kung talagang pinagsisisihan mo ang mga kasalanan mo sa akin." muling wika nito. Sa pagkakataon na ito isang masuyong titig na ang kanyang pinapakawalan. Wala na ang galit sa kanyang mga mata na siyang ipinagpasalamat ko.


"A-ayaw ko!" sagot ko Agad na tumaas ang kabilang sulok ng labi nito dahil sa sagot ko. Pagkatapos inilang hakbang ang pagitan sa aming dalawa at hinawakan ako sa may likod ng ulo ko. Bumaba ang mukha nito sa mukha ko at masuyo akong hinalikan sa labi. Agad na nanlaki ang aking mga mata sa ginawa nito. Hindi na ako nakapalag pa lalo na ng maramdaman ko pagalugad ng labi nito sa labi ko.


Hindi ko na namalayan pa ang na unti- unti ko na palang naipikit ang aking mga mata. Nadala na din ako sa paraan ng paghalik nito sa akin. Punong puno ng pagsuyo at pag-iingat. Gosh, wala na akong choice pa kundi ang gayahin ang galaw ng labi nito. Unti-unti ko na lang naramdaman na lalong naging mapusok na kami pareho sa isat isa.


"God! Hindi ko na kaya pang magpigil! Nakaka-adik ka Sunshine!" masuyong wika nito nang magkahiwalay na ang aming labi. Namumungay ang mga matang nakatitig ito akin. Napalunok naman ako ng makailang ulit bago muling bumaba ang labi nito papunta sa leeg ko.


"Hmmm Rafael!" hindi ko mapigilang sagot. Iniyapos ko pa ang braso ko sa leeg nito. Pakiramdam ko nalulunod ako sa kakaibang sensasyon na nararamdaman. Nakaka-addict din ang ginagawa nitong paghalik sa akin.


"Lets go to our room!" masuyo nitong wika ng muli akong titigan sa mga mata. Wala sa sariling napatango ako at naramdaman ko na lang ang muling pagbuhat nito sa akin. Hindi ko na din nagawa pang pumalag pa.


Pakiramdam ko nasa isang matindi akong hipnotismo at hindi matitigil iyun hanggat hindi tumitigil si Rafael sa panglalandi sa akin ngayun.





Chapter 216 (WARNING: SPG)


RAFAEL POV


'Hindi ko na kaya pang magpigil!" iyan ang nararamdaman ko habang walang sawang sinasamba ang katawan na nakalatag ngayun sa kama. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kay Veronica ko lang naramdaman ang ganitong klaseng damdamin. Walang katumbas na halaga ng salapi ang presensya nito sa buhay ko.


"Wait lang po! Nakikiliti ako!" natigil ako sa paghalik sa leeg nito ng bigla itong nagreklamo. Kita ko ang pamumula ng mukha nito. Mukhang hindi ito komportable sa posisyon naming dalawa. Nakahiga na ito sa kama, nakalihis ang suot nitong uniform at sabog na ang kanyang buhok na siyang lalong nagpasidhi ng init na nararamdaman ko ngayun.


Nineteen na ito. Alam kong ready na siya na angkinin ko ngayung araw which is iyan naman talaga ang gusto kong mangyari. Hindi ko na kaya pang matimpi. Baka sa kakahintay ko ng tamang chance maagaw pa ito ng iba sa akin. Hinding hindi ko matatanggap iyun at baka makapatay ako kapag mangyari ang bagay na iyun.


Akin lang ang babaeng ito! Walang sino man ang pwedeng magmay-ari sa kanya kundi ako lang. Mahigit isang taon na akong hindi nakikipag-flirt sa iba. Talagang inireserve ko ang sarili ko sa kanya at ito na ang tamang pagkakataon na angkinin ko ito.


Hindi ko siya pinakinggan. Muli kong binalikan ang kanyang mapupulang labi. Ewan ko ba, hindi ako


nagsasawang tikman ito. Pakiramdam ko lumulutang ako sa alapaap tuwing ginagaya nito ang galaw ng labi ko.


Yes, hindi man expert pero aminado akong natuto na din si Veronica na mag response sa halikan namin. Natuto na din itong gayahin ang bawat galaw ng labi ko. Marunong na din itong sumipsip ng dila ko at galugarin ang bibig ko.


Simpleng pilya and I really love it! Naramdaman ko pa ang mahigpit na pagyapos nito sa aking likuran dahil sa ginagawa ko.


Nag-umpisa na din maglakbay ang palad ko sa buo nitong katawan partikular sa kanyang dalawang boobs. Iniwan ko na ang kanyang labi at excited na itinaas ang kanyang blouse at kinalas ang nakatakip na maliit na tela na nakatakip sa kanyang dalawang boobs.


Nang maalis iyun, napalunok pa ako ng makailang ulit ng tumampad sa akin ang tayo-tayo nitong dalawang bundok. Pinkish ang nipple at ang sarap kagatin.


Akmang tatakpan nito ang kanyang kahubdan ng pigilan ko ang kanyang kamay. Tinitigan ko ang kanyang mukha sabay masuyong sinabihan.


"Dont! Wala kang dapat ikahiya Sunshine! They are perfect and I want to taste it now!" bulong ko at hindi ko na hinintay pa ang pagtutol nito. Agad kong sinunggaban ang kabilang bahagi at naramdaman ko ang agad na paninigas ng buo nitong katawan sa ginagawa ko. Narinig ko pa ang mahina nitong pagsinghap.


"Gosh! Rafael, ano ang ginagawa mo?" wika nito. Lalo naman akong ginanahan. Napakalambing ng boses nito sa pandinig ko at lalo itong nagpaliyab sa pagnanasa na nararamdaman ko sa kanya ngayun.


"Moan my name Sweetheart! I really love to hear your voice while I am sucking your breast!" sagot ko at lalong pinag-igihan ang aking

ginagawa. Buong gigil kong sinipsip at kinagat-kagat ang nipple nito na sayang nagpaungol ng malakas dito. Nagiging malikot na din ang katawan nito kaya naman salitan kong pinagpala ang magkabilaan nyang bundok.


 hagod at lamas na ang aking ginagawa. Gigil na gigil na ako at tayong tayo na din ang anaconda ko na parang gusto ng manakmal. Pero hindi, gusto kong ready na sa Veronica sa pag -angkin ko sa kanya. Gusto kong hindi nya makalimutan ang araw na ito. Gusto kong ituring kung gaano ka memorable ang araw na ito sa pagitan naming dalawa.


Gustuhin ko man na magtagal sa dalawang matatayog na bundok na iyun pero hindi maari. Kailangan ko pang maglakbay pababa para maabot ang rurok ng kaligayahan.


Pinadausdos, ko ang labi ko pababa sa kanyang tiyan, nagtagal ng kaunti sa kanyang pusod at dinig ko ang paghahabol nito ng hininga. Nakikiliti marahil sa aking ginagawa, pero wala na akong narinig pa na kahit kaunting pagtutol sa kanyang bibig. Marahil nagustuhan na din nito ang aking ginagawa sa kanyang katawan.


Nang magsawa ako sa kaka-kagat sa kanyang tiyan ay sandali akong tumigil. Saglit kong sinulyapan ang mukha ni Veronica pero napansin kong nakapikit na ito. Pero kitang kita ko ang ang kakaibang damdamin na lumulukob sa kanyang pagkatao kaya naman dahan-dahan kong hinawakan nag butones ng kanyang palda. Tinanggal ko iyun at ibinaba ang zipper


at dahan-dahan na hinubad.


Naiwan ang maliit na tela na tumatabing sa kanyang kaselan. Napalunok pa ako ng makailang ulit at nanginginig na mga kamay ay dahan-dahan kong hinawakan ang garter niyun at ibinaba.


Nagulat pa ako ng maramdaman ko na biglang hinawakan ni Veronica ang aking kamay. Napabangon ito at kita ko ang pamumula ng kanyang mukha.


"A-anong ginagawa mo?" tanong nito. Kita ko ang pagkalito sa kanyang magandang mukha.


"Please?" Masuyo kong sagot habang tinitigan ito sa mga mata. Saglit itong natulala sa pagkakatitig sa akin.


"Pe-pero, ba-bakit mo ako hubaran?" inosente nitong tanong. Hindi ko mapigilan na mapangiti.


"Dahil gusto kong makita kung gaano ka kaganda Sunshine! Kung gaano ka ka -perfect!" Sagot ko.


"Si-sige, pe-pero dapat maghubad ka din! Alangan naman ako lang pahuhubarin mo!" sagot nito at

ipinagkrus pa ang kanyang braso sa dalawa nyang dibdib na kanina pa naka -exposed sa mga mata ko. Akala mo naman maitatago nya pa sa akin ang dalawang bundok na iyan. Kakatapos ko nga lang dedehin ang mga iyan eh.


"Sure!" sagot ko at agad na tumayo ng kama. Isa-isa kong hinubad ang saplot ko sa katawan. Gusto nya pala , well pagbibigyan ko sya. Basta pagbigyan nya ako na matikman ang perlas nya. Kanina pa kasi ako naglalaway na matikman ang bahaging iyun.


"Wait! Ano ba, tama ba itong ginagawa natin?" muling wika nito at nanlalaki ang mga matang tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Wala akong tinira na kahit isang saplot sa katawan ko at kita ko ang lalon pamumula ng mukha ni Veronica at nagtagal pa ang pagkatitig nito sa aking tayong-tayo na anaconda.


"Napansin ko pa ang mabilis na pagbaba nito ng kama dahil sa pagkataranta. Mabuti na lang at mabilis ako at agad itong nahawakan at buong pagsuyo na pinabalik ng kama. Hindi pwedeng mabitin ako ngayun. Gusto ng manuklaw ang anaconda ko.


"Te-teka lang po! Nakakatakot!" wika nito. Hindi ko mapigilan na matawa ng malakas. Mas nangingibabaw na kasi ang pamumutla nito. Masuyo ko itong tinitigan sa mga mata at seryosong kinausap.


"Nope! Tiyak na mag-ienjoy ka din sa gagawin nating ito Sunshine! I love you! " masuyo kong wika at hinalikan ito sa tuktok ng kanyang ilong. Kailangan na naman namin mag-umpisa mula sa first step! Sa pagkakataon na ito bibilisan ko na lang. Hindi na ako makapaghintay pa.


"Pi-pwede bang.." hindi na natuloy ang sasabihin ito ng muli kong angkinin ang labi nito. Ayaw ko ng bigyan ito ng pagkakataon na tumutol. Nandito na kami eh. Aangkinin ko ito sa kahit na anong paraan.


Pareho na din kaming naging mapusok sa mga susunod na sandali. Naririnig ko na muli ang mahina nitong pag- ungol na siyang nagbigay sa akin ng lakas ng loob na lalong ipagpatuloy ang aming naumpisahan.


Mahigit isang taon na akong walang sex. Talagang excited na ako ngayun.


Hindi na ako nakapagpigil pa. Unti- unting bumaba ang kamay ko sa kanyang pagkababae. Lalo akong nakaramdam ng excitement ng masalat ko ang kanyang perlas. Basang basa na ito at ang sarap ng pasukin.


Hindi na ako nakapagpigil pa. Tsaka ko na hahalikan ang perlas nya. Ipapasok ko na ang nanggagalit kong anaconda.


Itinaas ko ang kanyang kabilang paa. Wala na akong pagtutol na narinig pa dito. Namumungay ang mga mata nito habang hinihintay ang susunod kong gagawin. So innocent Veronica at ano mang sandali tuluyan na siyang maging akin. Sisiguraduhin ko na hindi nya pagsisisihan ang pagpapaubaya nyang ito sa akin.


"You're so beautiful!" malambing kong bulong dito. Nakabuka na ito at nasa pintuan na ng kanyang kweba ang nangangalit kong pagkalalaki. Kaunti na lang talaga at tuluyan na siyang maging akin.


"Baka masakit ang gagawin mo" sagot nito na puno ng agam-agam ang kanyang mga mata. Masuyo ko itong tinitigan sa mga mata at kinintalan ng halik sa noo.


"Nope! Normal lang ang gagawin natin ngayun Sunshine! Normal lang sa dalawang taong nagmamahalan." sagot ko at dahan-dahan na umulos. Basang basa na si Veronica kaya naman agad na bumaon ang kalahati ng aking pagkalalaki. Napansin ko pa ang pagngiwi nito kaya naalarma ako.


"Masakit eh!" reklamo nito kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Agad akong nakaramdam ng awa dito pero nandito na kami. Hindi na pwedeng ihinto ang naumpisahan ko kaya naman sa pagkakataon na ito lalo ko pang nilagyan ng pwersa ang pag- ulos sa kanya. Agad na pumasok ang buo kong pagkalalaki at ramdam ko ang kanyang kasikipan.


"Kaunting tiis na lang. Matatanggal din ang sakit. Normal lang iyan dahil ito ang first time mo." masuyo kong wika sabay halik ulit sa noo nito. Hindi na ako nagtangka pang kumilos sa ibabaw nya. Nasa loob na ang aking


pagkalalaki at hihintayin kong masanay sya sa laki ko bago ako muling gumalaw.


"Sabihin mo sa akin kung masakit pa ha? Sa ngayun hindi na muna ako gagalaw okay?" masuyo kong wika. Agad itong tumango.


"Hindi mo pa ba tatanggalin? Punong- puno ako. Ang laki!" wika nito. Muli akong napangiti at hinalikan ito sa labi. Inosente talaga.


Mabuti na lang at tumugon na din ito sa halik ko. Kaya naman ng mapansin ko na nasanay na ito ay dahan-dahan na akong gumalaw sa ibabaw nya. Hindi na ito nagreklamo ng sakit bagkos napahigpit pa ang kapit nito sa akin. Katunayan nito na nasanay na ang pagkababae nya kaya binilisan ko pa ang paglabas pasok sa kanya.


"Ahhh ang sarap mo Veronica!" hindi ko mapigilang wika. Napapaungol na din ito kaya lalo akong ginanahan.


"Rafael, and sarap niyan ugghhh!" wika nito kasabay ng pag-ungol. Ang sarap nyang tingnan habang nakapikit. Kitang kita ko ang sarap na nararamdaman nito sa kanyang mukha.


"Yes, Sunshine! Sabi ko naman sa iyo masarap itong gagawin natin eh." wika ko at buong gigil na naglabas pasok sa kanya. Hindi pa ako nakontento at tinanggal ko muna ang pagkalalaki ko sa kabibe nya. Pinatalikod ko sya at pinatuwad.


Gusto ko siyang pasukin habang ng patalikod. Gusto kong makita kong paano maglabas-pasok ang anaconda ko sa kanyang pagkababae.


"Uggghh Rafael! shit!" wika nito ng mabilis kong ipasok ang aking pagkalalaki sa loob ng kanyang kweba. Shit and sikip nya pa rin. Lalo akong ginanahan ng mapansin ko kung paano lumabas pasok ang nanggagalit kong pagkalalaki sa loob ng kweba ni Veronica.


"I Love you Veronica!" wika ko sabay lamas sa kanyang boobs. Malakas itong napaungol dahil sa ginawa kong iyun!!


"I Love you too Rafael!" sagot nito na syang nagpangiti sa akin. Sa wakas narinig ko na din ang katagang iyun sa labi nya. Sa labi ng babaeng hindi ko alam kung bakit minahal ko ng todo.





Chapter 217


VERONICA POV


Nagising ako sa isang hindi familiar na silid. Inilibot ko pa ang tingin ko sa buong paligid at dahan-dahan na bumangon. Hindi ko mapigilan na mapangiwi lalo na ng maramdaman ko ang pananakit ng buo kong katawan. Partikular na ang aking pagkababae.


Huli na din ng mapansin ko na wala akong kahit na isang saplot sa katawan. Napatitig pa ako sa puting bed sheet na may bahid ng dugo.


Natutok ko ang aking ulo at muling inisip ang mga nangyari.


Biglang dagsa sa memorya ko ang mga nangyari. Kung paano ako paulit-ulit na inangkin ni Sir Rafael kanina. Kung ilang beses akong nagpaubaya. Kung paano kami parehong nag-enjoy sa pagniniig.


Agad akong nakaramdam ng takot. Hindi ko akalain na magawa kong ibigay ang pagkababae ko ng ganoon- ganoon na lang. Paano na ako? Paano kung laro lang pala ang lahat kay Rafael. Na katulad lang din pala ako sa mga babaeng dumaan sa kanya. Na pagkatapos nitong pagsawaan basta na lang iniwan.


HIndi ko na namalayan pa ang biglang pangingilid ng luha sa aking mga mata. Pakiramdam ko ang tanga ko! Ano na lang ang iisipin sa akin ng ibang tao? Ano na lang ang iisipin nila Tita Carissa sa akin at lahat ng Pamilya Villarama? Na pumatol ako sa isang Rafael Villarama na hindi ko sigurado kung seseryosohin ba ako?


Bakit ba kasi ako pumayag na may mangyari sa amin? Hindi ko man lang naisip sila Nanay at Tatay bago ako bumukaka. Paano na ang mga pangarap ko?


Mali eh. Maling mali. Dapat talaga hindi ako nagpaubaya. Dapat talaga hindi ako pumayag na may mangyari sa amin. Dapat talaga hindi ako nagpadala sa init ng laman. Paano na ito ngayun, pagkatapos ng sarap na naranasan ko kanina, mukhang malaking problema sa parte ko ang maging kapalit noon.


Hindi ko na mapigilan pa ang mapahugulhol ng iyak habang paika- ika na hinahanap ang damit ko. Ano ba kasing katangahan ang nangyari sa akin at basta na lang ako bumukaka sa kanya.


Parang gusto ko tuloy iuntog ang ulo ko sa sobrang sama ng loob. Wala na... tapos na ang lahat. Mukhang hindi na matutupad ang pangarap ko.


Isa-isa kong dinampot ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. Hilam ang luha sa mga mata na agad kong isinuot iyun. Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap kay Rafael at sa lahat ng mga taong tumutulong sa akin ngayun para matupad ang pangarap ko.


Pagkatapos kong magbihis ay agad kong hinagilap ang aking bag. Masakit ang buo kong katawan pero kailangan kong tiisin iyun. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito.


Inililibot ko ang tingin sa buong paligid ng mapansin ko ang dahan- dahan na pagbukas ng pintuan ng

kwarto. Agad na lumabas ang matikas na hitsura ni Rafael. Nakaboxer shorts at sando lang ito kaya kitang kita ang magandang hubog ng kanyang katawan na alagang alaga yata sa gym.


May masayang ngiti na nakaguhit sa labi nito habang nakatingin sa akin. Agad ko naman iniwas ang tingin ko sa kanya. Nahihiya ako sa mga nangyari sa amin. Pinagpistahan nito kagabi ang katawan ko. Lahat yata ng parte ng katawan ko natikman nito.


Nakakahiya at pumayag ako. Ano na lang ang iisipin nya sa akin? Na isa akong malanding babae?


"Anong ibig sabihin nito Sunshine? Bakit bumangon ka ng kama? Kanina ka pa ba gising?" tanong nito sa akin at agad lumapit. Biglang nawala ang masayang ngiti sa labi nito bagkos napalitan iyun ng pag-aalala. Para naman akong nanigas sa kinatatayuan ko. Hindi ako makakilos habang patuloy sa pag-uunahan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.


"Bakit? May masakit ba sa iyo? Huwag kang mag-alala nandito na ako. Lumabas lang ako sandali dahil may kinuha lang ako." sabi nito at agad akong inakay pabalik ng kama. Nagpatianod naman ako. Sa totoo lang lutang pa rin kasi talaga ako. Hindi ko alam kung ano ang mga susunod ko pang gagawin.


"Sorry....Okay? Tahan na! Huwag ka ng umiyak!" malambing nitong wika sabay yakap sa akin. Lalo naman akong umiyak.


"Bakit ba kasi may....may...." hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil


pakiramdam ko kinakapos ako ng hininga dahil sa sunod-sunod kong paghikbi.


"May? Tell me? May masakit ba sa iyo? Gusto mo bang tumawag ako ng Doctor?" masuyo nitong wika habang tinititigan ako sa mga mata. Bakas na pag-aalala sa gwapong mukha nito. Sunod-sunod naman akong umiling.


"A-ayos lang ako.." sagot ko at agad na napayuko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Nakakahiya na mag- iiyak ako ngayun sa harap nya. Hindi na maibalik pa ang mga nangyari na. Narinig ko pa ang marahan nitong pagbuntong hininga bago muling nagsalita.


"Then, tell me. Anong problema Veronica? Huwag kang mahiya na magsabi sa akin." malumanay nitong

wika.


"Na-natatakot ako Rafael. Paano.... paano na ang pag-aaral ko? Baka pagalitan ako nila Tita." sagot ko habang umiiyak. Sandali itong natulalala habang titig na titig sa akin. Pagkatapos muling sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito.


"Iyun lang ba ang pinoproblema mo? Maliit na bagay." sagot nito at hinaplos pa ako sa pisngi.


Hindi naman mapigilan na mapatitig sa gwapo nitong mukha. Hindi ko gets ang ibig nitong sabihin.


"Huwag mong isipin ang magiging reaction nila. Alam mo naman siguro kong gaano kabait sila Mommy at Daddy diba? Hindi ka pagagalitan ng mga iyun. Hindi tayo pagagalitan ng

mga iyun!" nakangiti nitong sagot sabay may kinuhang maliit na kahon sa drawer ng isang maliit na lamesita.


Nakasunod lang ang tingin ko dito habang dahan-dahan niyang binubuksan ang maliit na kahon na iyun.


Hindi ko mapigilan na manlaki ang aking mga mata ng tumampad sa paningin ko ang isang magandang singsing na dahan-dahan niyang inilalabas sa isang maliit na kahon.


. May nakakasilaw na malaking bato sa tuktok nito at dahan-dahan nitong isinusuot sa daliri ko. Bigla kong nakalimutan ang pag-iyak at nagtatanong ang mga matang napatitig kay Rafael.


"I love you Veronica! Will you marry me?" sagot nito sa nakikiusap na

boses. Ngayun ko lang napansin na nakaluhod na pala ito. Nakaupo ako sa kama at nakaluhod ito sa paanan ko. Punong puno ng pagsusumamo ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.


"Ha?" tulero kong sagot. Ang tanga- tanga ko talaga. Yes or no lang naman ang pwedeng isagot eh.


"I said....." hindi na natulog pa ang sasabihin nito ng putulin ko iyun. Gusto kong makasiguro.


"Pe-pero bakit ako? Maraming iba diyan. Ka-katulad niyong mayaman at magaganda!" sagot ko habang nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa singsing at sa mukha ni Rafael. Hindi pa rin ako makapaniwala.


Kasyang kasya sa daliri ko at ang

ganda! Talaga bang ibibigay nya sa akin ito? Talagang pakakasalan nya ako? Pananagutan niya ang nangyari sa amin?


Sino ba naman ako para alukin nya ng kasal. Isa lamang akong pobreng probensyana. Lumuwas ng Manila para matulungan ang naghihirap na pamilya sa probensya.


"I dont love them! Ikaw ang mahal ko Sunshine! I love you very much! Minahal na kaagad kita sa una ko pa lang na pagkakita ko sa iyo noon." nangingislap ang mga matang sagot nito. Muli na naman akong naluha.


"Talaga ba? Mahal mo ako? Hindi mo gagawin sa akin ang ginawa mo sa ibang mga naging babae mo?"


paninigurado kong tanong. Natigilan ito. Pagkatapos muling sumilay ang

matamis ng ngiti sa labi nito.


"Simula ng nakilala kita, never na akong tumingin sa ibang babae. Ibinuhos ko ang buong attention at diwa ko sa iyo Sunshine. Ikaw ang palaging laman ng isip at puso ko!" sagot nito sabay taas ng kanang kamay na parang nanunumpa. Hindi ako naman mapigilan ang mapayakap dito. Hindi na dapat akong magpakipot pa. Mahal ko din naman siya eh. Isa pa nakuha nya na ang pinaka-iingatan kong virginity na noon pa man ipinangako ko sa sarili ko na ang magiging asawa ko lang ang pag- aalayan.


"so, payag ka ng magpakasal sa akin?" tanong nito habang hinahaplos ang likod ko.


"Oo naman! Ngayun pa ba ako

magpapakipot? Nakuha mo na ang lahat sa akin!" sagot ko at sinabayan pa talaga ng pagtango.


"Yes! thank you Sunshine! Pangako, hinding hindi ka magsisisi sa pagpayag mong ito. Ipapakita ko sa lahat kung gaano kita kamahal!" sagot nito. Agad naman bumaha ang hindi maipaliwanag na saya ang puso ko.


Naramdaman ko na lang na kumalas na ito sa pagkakayakap sa akin. Mataman akong tinitigan sa mga mata at muling naglapat ang aming mga labi.


Sa pagkakataon na ito hindi na ako nag -alangan pa. Masaya kong tinugon ang halik nito. Pareho kami ng nararamdaman sa isat isa kaya walang dapat na ikabahala.





Chapter 218


RAFAEL POV


Hindi ako makapaniwala na nasa bisig ko na ngayun ang babaeng hindi ko alam kung bakit minahal ko ng ganito.


Alam kong natatakot ito sa nangyari sa amin. Alam kong masyado pang maaga ang lahat. Pero ano ang magagawa ko? Gusto kong makasiguro na akin lang siya. Na walang pwedeng mag may ari sa kanya kundi ako lang.


Nag-uumpisa na itong pumasok ng School. Ayaw ko sanang pumayag. Mas okay na nasa mansion lang siya. Kaya lang hindi ko naman pwedeng pigilan siya sa gusto nya. May mga pangarap din siya na gustong matupad at sino ba naman ako para pigilan siya.


Alam kong mag-umpisa na itong may makikilalang ibat ibang tao ngayung balik iskwela na siya. Siguradong marami din ang magkakagusto dito at iisipin ko pa lang na posible itong ligawan ng iba sumasakit na ang kalooban ko. Hinding hindi ko talaga matatanggap iyun.


Kaya nga dinala ko sya dito sa penthouse ko. Ito iyung sanctuary ko tuwing gusto kong mapag-isa. Walang sino man ang pwedeng pumasok dito kundi ako lang. Ni hindi nga alam ito nila Mommy at Daddy eh. Tanging si Veronica pa lang ang dinala ko dito.


Isa sa pag-aari ng Villarama Empire ang hotel na ito. Sa sobrang dami ng hotel namin dito sa Pilipinas pati na sa ibang bansa hindi talaga malalaman ng kahit sarili kong pamilya kong saan ako naglalagi. Tanging itong penthouse na ito ang pinaka-special sa akin. Nandito lahat ng collections ko.


Magiging mas special pa ang lugar na ito ngayun sa akin. Dito ko unang inangkin ang babaeng pinakamamahal ko.


"Pirmahan mo ito Sunshine!" malambing kong wika pagkatapos kong kunin ang ilang pirasong papel sa drawer. Kakatapos lang namin kumain ng hapunan at nanonood ito ng movies sa isang malaking television habang nakahiga sa kama.


Gustuhin ko mang angkinin ito ulit ngayun kaya lang hindi pwede. Ayaw kong lalong mabugbog ang pagkababae nito. Alam kong masakit pa sa kanya ang parteng iyun kaya naman maghihintay ako kung kailan ulit pwede. Ganyan ko siya kamahal. Sisiguraduhin kong maging komportable siya sa piling ko.


"Ano ito?" inosente nitong tanong habang kinukuha sa akin ang hawak kong papel. Binasa nya iyun at muling tumingin sa akin.


"Marriage contract?" tanong nito na bakas sa mukha ang pagkagulat. Agad akong tumango "Yup! Sigurista ako eh. Gusto kong masigurado na simula ngayung gabi nakatali ka na sa akin.:" sagot ko.

.

"Pero...posible ba ito? Legal ba ito?" muli nitong tanong.


"Of course! Mga abogado ko na ang bahalang mag-ayos nito para maiparehistro sa city hall. Masyadong matagal ang proseso ng kasal dito sa Pilipinas Sunshine! Hindi na ako makapaghintay!" sagot ko habang iniaabot sa kanya ang ballpen. Alanganin pang tumitig ito sa akin kaya muli akong nagsalita.


"Para sa katahimikan ng isip ko pirmahan mo na iyan. Matagal ang pagpaplano ng kasal ngayun. Ang daming dapat ayusin. Kailangan pa ng pamamanhikan kaya unahin na natin ang marriage contract. At least siguradong wala ka ng kawala sa akin. Dont worry Veronica, magpapakasal din tayo sa simbahan. Ibibigay ko sa iyo

ang pinaka-ingrandeng kasal na hinahangad ng lahat. Pero sa ngayun ito muna....." wika ko na puno ng pakiusap ang boses. Baka mamaya hindi ito pumayag na tuluyang magpatali sa akin eh.


''"Bakit ba ang haba ng paliwanag mo? Siyempre pipirmahan ko ito noh?


Malaki ang tiwala ko sa iyo Rafael. Isa pa chance ko na ito para magkaroon ng karapatan na manugod ng mga babaeng magtatangkang landiin ka." nakangiti nitong sagot. Bigla naman akong kinilig sa sinabi nito. Simpleng banat pero ang laki ng epekto sa aking damdamin.


Titig na titig ako habang pinipirmahan niya ang mga papeles. Hindi maalis- alis ang ngiti sa labi ko. Bukas na bukas din uutusan ko ang lawyer ko na iparehistro kaagad ang marriage contract namin. Wala na talagang kawala sa akin ang Veronica ko.


"Done!" nakangiti nitong wika sabay abot sa akin ng mga papel. Agad ko naman iyung itinago sa drawer dahil ipapaasikaso ko kaagad kay Attorney Cruz para maipa-register na kaagad sa city hall.


"Well done Sunshine!" sagot ko pa at hinalikan pa ito sa noo. Tumabi pa ako dito sa kama at malambing na niyakap.


Ahhh ang sarap lang ng ganitong pakiramdam. Kung pwede nga lang dito na lang muna kami para maenjoy ang isat isa. Pero knowing sa aking responsibilidad ngayun, hindi pwede ang basta na lang magleave sa opisina. Sa dami ng trabaho na dapat kong unahin mahihirapan talaga akong bigyan ng mahabang oras si Veronica.


Pero ayos na din. At least may papel na akong panghahawakan para maitali ko na siya sa pangalan ko.


"Hindi pa ba tayo uuwi ng mansion?" narinig kong tanong nito. Nakahilig na ang ulo nito sa balikat ko habang nakatitig sa mukha ko. Hinaplos ko naman ang kanyang pisngi at masuyong nginitian.


"Dito na lang muna tayo magpalipas ng gabi Sunshine." sagot ko.


"Paano ang mga School uniform ko? Tsaka baka hanapin tayo sa mansion?" tanong nito.


"Dont worry, alam na nila Mommy kung nasaan tayo. Tinawagan ko na sila kanina habang tulog ka at regarding naman sa iyung School uniform, huwag mo na munang isipin iyan. Absent ka na muna bukas.


Kailangan mo ng full rest Veronica!" masuyo kong sagot at hinalikan pa ito sa noo. Agad itong napasimangot.


"Hindi ako pwedeng umabsent bukas. Pangatlong araw ko pa lang sa School absent kaagad?" reklamo nito.


"Bakit kaya mo bang maglakad?" tanong ko. Agad kong napansin ang biglang pamumula ng pisngi nito dahil sa tanong kong iyun. Gets kaagad nya ang ibig kong sabihin.


"ka-kakayanin!" sagot nito sabay iwas ng tingin. Sinulyapan ko pa ang relo sa bedside table at halos alas dose na ng hating gabi.


"Fine...kung kaya mo naman why not! Pero kung hindi mo kaya pwede kong kausapin ang School director mo para excuse ka muna bukas." sagot ko. Agad kong napansin ang pagkagulat sa mga mata nito ng banggitin ko ang katagang iyun.


"Bakit School director? Pwede naman ang mga subject teachers lang ah?" sagot nito.


"Mas maigi ng School Director para isahan lang. Siya na ang magsabi sa mga professor mo." natatawa kong sagot. Agad naman itong napatango.


"Sige na, matulog na tayo. Maaga pa tayo gigising bukas. Good Night Sunshine!"wika ko at inalalayan na itong mahiga ng kama. Hinalikan ko muna ito sa labi bago pumesto na sa tabi niya.


Tamang yakap at halik lang muna ang gagawin ko ngayun sa magdamag. Ayaw kong pigilan ito na pumasok ng School. Marami pa namang araw na mai-enjoy namin ang isat isa.


*


VERONICA POV


Eksakto alas sais ng umaga nagising ako. Medyo masakit pa rin ang buo kong katawan pero kailangan kong piliitin ang sariling bumangon. Hindi excuse ang nangyari sa aming dalawa ni Rafael para hindi pumasok ng School.


Babangon na sana ako ng maramdaman ko na mas hinigpitan pa nito ang pagkakayapos sa akin. Hindi ko maiwasan na titigan ito sa mukha habang nahihimbing pa rin sa pagtulog.


Hindi ko akalain na tuluyan akong mahulog sa kanya. Siguro, kailangan kong ihanda ang sarili ko. Alam kong maraming naghahabol na babae kay Rafael kaya dapat ngayun pa lang sanayin ko na ang sarili ko para ipaglaban siya.


Hindi din naman ako makakapayag na maagaw siya ng iba sa akin. Ngayun pa ba na naisuko ko na ang lahat sa akin.


Hindi ko maiwasan na haplusin ang pisngi nito. Papunta sa kanyang matangos na ilong.


Napaka-perfect nya talaga! Sana lang maging masaya kami habang buhay.


"Hmm, bakit hindi ka pa natutulog." narinig kong wika nito sabay hawak sa kamay ko na humaplos sa kanyang pisngi.


"Umaga na. Kailangan ko ng mag-ayos dahil may pasok pa ako sa school."


sagot ko. Saglit itong natigilan bago ko naramdaman ang paghalik nito sa labi ko. Mabilisang halik lang naman iyun at nag-iwan ito ng libo-libong saya sa puso ko.


"Ganoon ba? Sige...sabay na lang tayong maligo para makasave sa oras." sagot nito at agad na bumangon. Tinulungan pa ako nitong makabangon na din ng kama.


"Ha? Ah...eh..mauna ka na.!" sagot ko. Nahihiya pa rin ako dito. ibig sabihin makikita na naman nya ang katawan ko kung sabay kaming maligo. Wala pa naman na akong tiwala sa sarili ko pagdating kay Rafael. Kaunting halik lang nito nadadala agad ako.


Pakiramdam ko nasa alapaap agad ko sumayad lang ang labi nito sa katawan ko.



CHAPTER 219


VERONICA POV


Walang choice kundi sabay maligo. Iyun ang gusto ni Rafael kaya naman wala akong magawa. Isa pa pinagdidiinan nito na mag-asawa na kami at walang dapat ikahiya sa isat isa.


Wala naman kaming ibang ginawa sa loob ng banyo kundi ang maligo lang. Harmless naman ito pero kitang kita ang pagpipigil. Pansin ko din na kanina pa nanggagalit na ang anaconda nito.


Ngayun ko lang din nalaman na ang anaconda pala na kanyang tinutukoy palagi noon kapag magkatabi kami ay ang kanyang ari. Takot na takot pa naman ako noon. Akala ko pa naman totoong ahas. Iyun pala ibang ahas at pareho kaming nag-enjoy ng gamitin niya sa akin.


"Sunshine, pwedeng pakihawakan? Haplusin mo lang, ang sakit na kasi ng puson ko eh." patapos na kaming maligo ng marinig ko ang pakiusap na iyun. Nagtataka naman akong napatitig sa kanya. Hindi ko kasi gets ang ibig nyang sabihin at ano ba ang hahawakan ko?


"Ha?" nagtataka kong tanong habang abala sa pagpapatuyo ng katawan sa pamamagitan ng pagpupunas ng towel.


"Hindi kasi pwede eh. Hindi pwedeng pakialaman kita ngayun, baka hindi ka makapasok ng School." muling wika nito. Napansin ko pang malagkit akong tinitigan sa maseselang parte ng katawan ko kaya takang-taka na ako sa kanya. Agad tuloy akong nagtapis ng tuwalya.


"Ano ba ang sinasabi mo? Bilisan mo na mali-late na ako sa School Rafael." wika ko dito.


Simula ng may mangyari sa amin ay tuluyan na din nawala ang pagkailang ko sa kanya. Nasasabi ko na din ang mga gusto kong sabihin dito.


"I mean, pwede bang hawakan mo muna ang anaconda ko? Ayaw kasing umamo eh. Galit na galit pa rin." wika nito. Pulang pula na ang mukha nito. Parang pusang hindi na din mapanganak ang kanyang hitsura.


"Hahawakan ko? Baka tuklawin ako nyan." pabiro kong sagot habang hindi mapigilan matawa. Pagkatapos dahan- dahan kong lumapit sa kanya at pinatay ang shower. Ang laki ng problema nito, talagang nakatapat pa rin sya sa shower. Nag-aalala na ako at baka magkasakit siya sa kanyang mga pinanggagawa.


"Ano ba kasi ang gagawin ko?" tanong ko habang nakatayo sa harap nya. Agad nyang hinawakan ang kamay ko at dinala sa kanyang nanggagalit na anaconda.


"Haplusin mo lang Sunshine hanggang sa sumuka sya." sagot nito sabay iginiya ang dalawa kong kamay papunta sa kanyang ari. Wala naman akong nagawa kundi sundin kung ano ang gusto nya.


Hinayaan ko na lang na turuan nya ako. Tinulungan nya akong itaas baba ang mga palad ko sa ari nya habang nakapikit ito. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng hiya sa pinapagawa nya. Mukhang hindi naman nasusuka ang anaconda nya ah? Galit na galit nga eh at halos lumabas na ang ugat.


Ngayun ko lang din narealized na ang haba at taba pala ng ari nito. Kaya pala hanggang ngayun, masakit pa rin ang pagkababae ko. Hindi ko lang ma- imagine kung paano ito nagkasya sa akin kagabi.


Patuloy lang ako sa ginagawa ko. Actually nakakaramdam na ako ng pangangalay. Siguro kailangan nyang makaraos at nag-aalala siyang gamitin ako ngayun dahil sa kalagayan ko.


Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng paghanga sa kanya.Talagang hindi nya pala talaga hahayaan na mahirapan ako. Lalo na iniinsist ko na gusto kong pumasok ng School ngayung araw.


 Ganyan nga Sunshine! Faster!" wika nito. Kitang kita ko ang matinding pagnanasa sa katawan nya. Hinayaan nya na ako sa ginagawa ko. Nagiging abala na din kasi ang mga palad nito sa paghaplos ng magkabilaan kong dibdib.


"Rafael, kung gusto mo, ayos lang naman sa akin eh. Kakayanin ko pa naman siguro." wika ko. Pagod na ang mga kamay ko pero hindi pa rin kumakalma ang anaconda niya. Hindi pa sumusuka! Naawa na din ako sa kanya. Mukhang hirap na hirap na si Rafael.


Mataman naman ako nitong tinitigan. Pagkatapos nagpakawalan ng matamis na ngiti.


"Nope Sunshine! Baka mahirapan kang maglakad lalo." sagot nito. Agad naman akong napailing.


"Hindi....kaya ko! Promise!" sagot ko binitawan na ang kanyang ari. Kusa kong ikinawit ang mga braso ko sa leeg nya at ako na mismo ang humalik sa labi nya na agad naman nyang tinugon.


Pagkatapos naramdaman ko ang pagbuhat nito sa akin palabas ng banyo. Diretso kami sa kama at agad nya akong kinabubuwan.


Aaminin ko kanina pa basang basa ang pagkababae ko. Nadala na din ako sa init ng katawan lalo na ng pahawakan nito sa akin ang kanyang anaconda.


"Dont worry, I'll be gentle Sunshine! Sisiguraduhin ka na hindi ka

masasaktan." mahinang bulong nito bago tuluyang pinag-isa ang aming katawan. Napaungol naman ako dahil sa kakaibang ligaya na hatid nito sa akin.


"Banayad ang bawat ulos na pinapakawalan sa akin ni Rafael. Puno ng pag-iingat kaya ramdam na ramdam ko ang kanyang pagmamahal at pag-aalaga sa akin.


Ilang saglit lang ay napuno ng ungol ang bawat sulok na kwarto. Mga ungol na puno ng pagmamahal. Mga salitan na anas namin sa isat isa na nagsasabi ang gaano namin kamahal ang isat isa.


Masaya akong ipagkaloob ng paulit- ulit ang katawan ko kay Rafael. Mahal na mahal ko siya! Ipaglalaban ko siya kahit kanino.


Ilang saglit lang ay pareho naming narating ang rurok ng kaligayahan.. Pareho pa kaming nakangiti ng maghiwalay ang aming katawan. Isa pang halik sa noo at bumangon ito sa kama at mabilis na pumasok ng banyo.


Pagbalik nito ay may dala na itong basa at malinis na bimpo. Nagtaka pa ako kung saan nya gagamitin iyun at hindi ko maiwasan na makaramdam ng hiya ng ipunas nya iyun sa aking pagkababae.


"Rafael, teka... ako na!" wika at akmang babangon na para agawin ang bimpo sa kanya pero pinigilan ako.


"Hayaan mo na ako Sunshine. Teka, sigurado ka bang kaya mong pumasok ng School.? Sorry ha, hindi ko napigilan ang sarili ko." wika nito na puno ng pag-alala ang boses. Agad naman akong tumango.


"Huwag kang mag-alala. Ihahatid mo naman at susunduin ako sa School diba?" malambing kong sagot. Agad itong tumango.


"Well, kung ayaw mo talagang papigil wala akong magagawa. Pero kapag hindi mo talaga kaya, huwag kang mahiya magsabi sa akin ha?" sagot nito. Agad akong tumango at bumangon na ng kama ng mapansin ko na tapos na ako nitong punasan.


"Opo Sir Rafael." pabiro kong sagot. Iilng-iling naman itong napapangiti.


"Anong Sir? Sige ulitin mo pa akong tawaging Sir at pareho tayong hindi makakapasok nito. Baka tuluyan kitang malumpo ngayung araw." sagot nito. Nagmamadali tuloy akong

naglakad palayo ng kama. Hinagilap ang mga damit na isusuot ko na noon ay nakaready na sa sofa.


Masakit talaga ang pagkababae ko. Pakiramdam ko gustong humiwalay ang balakang ko sa katawang lupa ko. Pero kailangan kong magkunwari para hindi nya ako pigilan na pumasok ng School. Ayaw kong umabsent lalo na at wala pang isang linggong nag-umpisa ang klase.


Hinayaan na ako ni Rafael na magbihis ng School Uniform. Naging abala na din ito sa pagbibihis ng kanyang pang office attire. Naka grey suit and trousers, white long sleeves with necktie and leather black shoes.


Sa pananamit pa lang ay halata ng mataas ang katungkulan nito sa kompanya. Of course, proud girl friend naman ako....ay hindi pala girl friend...asawa pala. Iyan kasi ang palagi nitong nababanggit sa akin. Asawa nya na daw ako dahil sa mga documents ng pinirmahan ko.


"Maaga pa naman, kakain muna tayo bago umalis." wika nito sa akin pagkatapos nitong isuot ang kanyang office attire. Abala na ako sa pagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin ng lumapit ito sa akin.


"Okay!" sagot ko at muling sinulyapan ang reflexion ko sa salamin. Nang makontento sa hitsura ko ay kinuha ko ang aking bag at hawak kamay kaming lumabas ng kwarto.


Pagdating sa sa dining area ay may mga pagkain na nakalatag sa lamesa. Although mga croissants  ibat ibang klaseng bread pero hindi pa rin nakaligtas sa paningin ko ang cereals.


"Cereal lang ba ang kakainin mo?" tanong nito. Ipinaghila pa ako ng upuan at inalalayan na makaupo. Agad naman akong tumango.


"Ok, may mga fresh milk sa ref. Ikukuha lang kita." sagot nito. Napansin ko pa na pinindot muna nito ang coffee maker bago naglakad papuntang ref. May dala na itong isang litro na fresh milk at isang bowl.


Agad kong kinuha ang cereal at naglagay sa bowl. Sakto lang na kaya kong ubusin. Nilagyan ko ng gatas at hinalo-halo.


Si Rafael naman ay naglakad pabalik sa may coffee maker. Nagsalin ng kape sa tasa at naupo sa tabi ko.


"Iyan lang ba ang kakainin mo? Kain ka din ng bread baka magutom ka sa office." wika ko. Natawa ito.


"Ikaw nga dyan eh. Bakit cereals lang? " sagot nito.


"Nasanay kasi sa mansion. Pinatikim sa akin nila Charlotte at Jeann at nagustuhan ko kaya ito na ang palagi kong kinakain. Huwag kang mag- alala, may breaktime kami ng alas diyes ng umaga. Maraming pagkain ang nabibili sa canteen." sagot ko at naglagay ng cereals sa kutsara at akmang isusubo ko sa kanya.


Agad naman itong napanganga kaya natuwa ako. Imagine, pumayag ang isang Rafael Villarama na subuan ko.


"mmm mukhang masarap nga ah" wika nito sabay nguya.


"Sabi ko sa iyo eh." sagot sabay subo.


Napansin kong kumuha ito ng isang pirasong croissant at kinagatan iyun bago din ako sinubuan. Agad naman akong nagpaunlak.


"Hmmm sarap ng croissant na ito ah? Cheese flavor?" wika ko.


"Gusto mo magbukas pa ako ng isa pa? " tanong nito. Agad akong umiling. Kumuha ako ng tatlong piraso at inilagay sa bag ko.


"Babaonin ko na lang para juice na lang ang bibilhin ko mamaya sa canteen." sagot ko. Natawa ito.


"Uyyy huwag mo akong tawanan, walang ganito sa canteen." muli kong wika. Lalo naman itong napahalakhak.


"Oo nga. Hindi ko kasi akalain na may pagka girl scout pala ang Misis ko." sagot nito sabay halik ulit sa noo ko.


Hindi ko tuloy maiwasan na mapatitig sa kanya.


Inabot din kami ng ilang minuto bago natapos ang pagkain ng agahan namin. Kung wala nga lang siguro kaming pasok pareho baka maghapon na kaming magtawanan sa loob ng penthouse. Kaya lang kailangan harapin ang tunay na realidad ng buhay. Kailangan pumasok ng opisina ni Rafael dahil maraming naghihintay sa kanya doon at kailangan ko din pumasok ng School para naman maipagmalaki ako ni Rafael sa ibang tao


Yes, biglang nag-iba na ang pananaw ko. Mag-aaral ako ng maayos hindi para lang sa pamilya ko kundi para na din kay Rafael. Ayaw kong pagtawanan sya ng iba kapag malaman ng ibang tao na ang babaeng pinakamamahal niyang asawa ay walang pinag-aralan. Kaya magsisikap ako sa abot ng aking makakaya.


Kaya kahit masakit pa ang buo kong katawan ngayun, pinilit ko pa ring pumasok ng School. Ayaw kong magsayang ng oras. Gusto kong makita din ni Rafael na nagsisikap ako. Gusto kong ipagmalaki nya ako sa lahat ng kakilala nya.




Chapter 220


VERONICA POV


Nakasandal ako sa balikat ni Rafael habang tumatakbo ang sasakyan papuntang School. Kung pwede nga lang huwag na muna kaming maghiwalay ngayung araw. Kaya lang hindi pwede. Kailangan kong ipakita sa lahat na nagpupursige ako para matupad ang pangarap ko. Isa pa kailangan din pumasok ni Rafael ng opisina. Alam kong hindi biro ang responsibilidad nito sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya at ayaw kong ako ang isa sa mga dahilan para mapabayaan nya iyun.


Tiyak na mahirapan din akong makapag concentrate ngayun sa klase. Siguradong walang ibang laman ang isip ko kundi siya lang at ang mga nangyari sa amin.


"Siguradong ayos ka lang ba Sunshine?

"muling tanong nito. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ng lumabas ang katanungang iyun sa bibig nya. Mukhang nag-aalala talaga ito sa kalagayan ko.


"Ayos lang po ako. Uupo lang naman ako sa School at makikinig sa lectures ng mga teacher namin. Hindi na din siguro ako lalabas mamaya para pumunta ng canteen. Uutusan ko na lang ang mga bago kong kaibigan na bilhan ako ng kahit juice lang muna total may baon naman akong croissant. "nakangiti kong sagot. Hinawakan ko pa ang kamay nito at tiningnan. Ang lambot talaga ng palad nya. Mas malambot pa yata sa palad ko. Iba na talaga kapag ipinanganak na mayaman.


"Kapag may problema huwag kang mag -atubili na tawagan ako ha? Ilang minuto lang naman ang layo ng opisina sa School mo.' sagot nito. Agad akong napatango.


Pagdating ng School ay agad na bumaba ng kotse si Rafael. Ito na din mismo ang nagbukas ng pintuan sa gawi ko at inalalayan akong makababa! Kilig na kilig naman ako. Ang swerte ko dahil alagang alaga ako nito. Akala ko talaga walang kabutihan ang makikita sa puso nito eh. Ang sungit kasi nito noon. Lagi pang nakakunot ang noo.


Pero ngayun ibang iba na siya. Palagi ng nakangiti kapag kausap ako. Palagi pa akong hinahalikan. Feeling ko tuloy prinsesa ako kung ituring nya.


"Ihahatid na kita sa classroom mo." wika nito ng tuluyan na akong nakababa. Nagulat naman ako.


Sa totoo lang, gusto kong tumutol. Masyadong famous si Rafael at tiyak na pagkakaguluhan sya ng mga classmates ko. Baka maging laman pa ako sa usapan dito sa iskwelahan namin.


"Ka-kaya ko na. Hindi na kailangan Rafael. Baka ma-late ka na nyan sa office," sagot ko. Agad itong umiling.


"Nope! Makakapaghintay ang trabaho Sunshine!Mas marami akong oras para sa iyo!" sagot nito at kinuha ang bag na nasa balikat ko. Pagkatapos ikinawit nito ang braso sa baywang ko at sabay na kaming naglakad papunta sa aking classroom.


Hindi ko naman malaman kong ano ang mararamdaman ko. Sa bawat madaanan namin na mga istudyante, pinagtitinginan kami. Kitang kita ang pagkagulat sa kanilang mukha. Nagbubulungan pa ang iba at alam kong kami ang kanilang pinag-usapan.


Pagdating ng classroom ay agad kaming pinagtitinginan ng aking mga classmates. Hindi ko naman malaman ang gagawin ko. Sabay-sabay ko pang narinig ang kanilang pagsinghap ng haplusin ni Rafael ang pisngi ko at halikan ako sa noo.


"Ako na ang magsusundo sa iyo mamaya. Sabay na tayong uuwi ng mansion." masuyo nitong wika. Agad naman akong tumango. Pagkatapos naglakad na ito paalis kaya naiwan naman akong nakatulala habang sinusundan ito ng tingin.


"Veronica! Truelalu ba iyung nakikita namin? Hinatid ka na naman ng isang Rafael Villarama?" agad na lapit sa akin ni Randy. Hindi ko ito pinansin at naglakad na sa aking upuan. Nandito na din pala si Beatrice at nakangiti itong nakatingin sa akin.


"Ang damot mo talaga sa info? Jowa ka na ba ni Rafael Villarama?' malakas ang boses ni Randy na tanong nito. Agad ko naman narinig ang bulungan sa paligid. Mga bulungan na mula sa mga classmates ko.


"Malamang! Sa dami ng pwedeng

landiin ni Rafael Villarama ikaw pa talaga ang napili! Hindi mo siguro alam kung gaano katinik sa babae ang lalaking iyun! Parang nagpapalit lang ng damit kung magpalit ng girl friend! narinig kong wika ng isa sa mga classmates ko. Malapit lang ang upuan nito sa kinauupan ko kaya malinaw kong narinig ang lahat. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng hiya lalo na ng sigundahan ito ng iba ko pang classmates. Mahina pa silang nagtawanan.


"Sinabi mo pa girl! Balita ko sponsored ng mga Villarama kaya nakapasok siya sa School na ito kapalit ng pagiging sex slave ng isang Rafael Villarama!" sagot naman ng isa pa. Hindi ko mapigilan na maikuyom ang kamao ko. Ang mga tao nga naman. Ang bilis nilang manghusga.


Napapitlag pa ako ng biglang hampasin ni Beatrice ang sulatan nito.


Sabay-sabay na napatitig sa kanya ang halos lahat ng classmates namin!


"Halatang halata talaga ang inggit sa budhi mo noh Jennifer? Ang hilig sa chismis. Lahat ginagawan ng kwento! Palibhasa kasi kahit maghubad ka sa harap ng isang Rafael Villarama hindi ka papansinin!" wika ni Beatrice. Nagulat ako sa ginawa nito. Hindi ko akalain na ipagtanggol nya ako sa grupo nila Jennifer.


"Totoo naman ah! Imposibleng siseryosohin siya ni Rafael! Sa dami ng mga nagagandahang babae na nakapalibot doon tiyak na itatapon lang din sya na parang isang basahan. Hindi uso ang Cinderella love story sa panahon ngayun!" natatawang sagot ni Jennifer. Tinapunan pa ako ng nakakainsulto na tingin. Agad akong napayuko.


"Eh di wow! Hindi mo lang maamin sa sarili mo bitter ka Palibhasa kasi mas hamak na mas maganda sa iyo si Veronica! Mas hamak naman na mas malinis ang kaibigan ko kaysa sa iyo noh!" muling sabat ni Beatrice. Hinawakan ko na ito para tumigil na.


"Hayyy naku, ang hirap talaga kapag puro kainggitan ang namayani sa puso ng isang tao. Hindi na lang masaya sa achievement ng ibang tao." sabat naman ni Randy sabay labas ng kanyang cellphone.


"Hindi kailangan ang opinyon mo bakla ka kaya manahimik ka!" pang- aaway naman ni Jennifer. Parang ayaw pa nitong tumigil. Nasaan na ba ang subject teacher namin? Sana dumating na siya para matigil na ang gulong ito.


"Bakla nga ako sa iyung paningin pero mas hamak na mas maganda ako sa iyo! Uso naman sana ngayun ang retoke pero hindi mo mapaayos-ayos iyang ilong mo na naapakan yata ng kalabaw sa palayan. Walang budget te?

"pang aasar na sagot ni Randy. Agad kong narinig ang tawanan sa buong paligid. Nang tingnan ko si Jennifer ay halos umusok na ang ilong nito sa galit. Pulang-pula na ang kanyang mukha at nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Randy.


"Suntukan na lang kaya tayo bakla ka!" galit na sigaw ni Jennifer sabay tayo. Tumayo na din si Randy at mukhang handa din nitong patulan ang maldita namin na ka-clasmates. Agad naman akong napatingin kay Beatrice para sana magpatulong na awatin ang dalawa.


"Hayaan mo silang magrambulan. Lamang tayo dahil lalaki pa rin si Randy kahit saan tingnan." sagot ni Beatrice at nag-umpisa na itong kumuha ng video. Parang baliwala lang dito ang bangayan sa pagitan nila Jennifer at Randy. Hindi naman ako mapalagay at agad na hinawakan sa braso si Randy. Hindi ko kayang may nakikitang nagsasakitan.


Huli na ng mapansin ko ang paglapit ni Jennifer. Itinulak ako nito kaya naman nawalan ako ng balanse at natumba sa isang upuan. Tumama pa ang ulo ko sa itaas na bahagi ng upuan. Agad akong nakaramdan ng sakit ng ulo ko.


"Diyos ko Veronica! Sabi ko sa iyo hayaan mo na silang magrambulan eh.


" agad na wika ni Beatrice. Agad ako nitong dinaluhan at tinitigan sa mukha. Napansin ko ang biglang pamumutla nito habang nakatitig sa akin.


"Bakit?" tanong ko habang hindi maiwasan na makaramdam ng kaba. Nakakaramdam na din kasi ako ng pagkahilo.


"Ma-may dugo ka sa ulo!" sagot nito. Wala sa sariling nahawakan ko ang aking ulo at agad akong nagulat. May dugo nga ako. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng matinding kaba.


"Pe-pero relax ka lang. Tumawag na ang ilan sa mga classmates natin ng guard!" sagot nito. Muli kong inilibot ang tingin sa paligid. Abala pa rin si Randy sa pakikipagbakbakan sa grupo nila Jennifer. Kung titingnan kahit lalaki, mukhang dehado si Randy dahil pinagtutulungan siya ng apat na mga kaibigan ni Jennifer.


Mabuti na lang at nagsipagdatingan na ang ilan sa mga guard ng School. Inalalayan akong makabangon ni Beatrice pero dahil nahihilo ako agad akong umiling.


"Na-nahihilo ako!" sagot ko sabay pikit ng mata ko. Agad kong narinig ang paghingi ng tulong ni Beatrice. Bago ako nawalan ng ulirat ay narinig ko pa ang pakakagulo ng lahat.





Chapter 221


VERONICA POV


Hindi ko alam kung ilang minuto akong nawalan ng malay. Basta nagising na lang ako na nakahiga pa rin ako dito sa sahig ng classroom namin. Nakasalampak sa tabi ko si Beatrice at bakas ang pag-aalala sa mukha nito. May pinapaamoy ito sa akin kaya siguro bumalik ako sa ulirat.


"A-anong nangyari?" tanong ko. Sinapo ko pa ang ulo ko sabay dahan- dahan na bumangon. Agad naman akong pinigilan ni Beatrice.


"Huwag ka munang bumangon Veronica. Binigyan ka na ng first aide ng nurse. Nilinis na din ang sugat mo sa ulo. Maliit lang naman pero tumawag pa din kami ng ambulansya para madala ka sa hospital" nag- aalalang pigil sa akin ni Beatrice. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig dito.


Kinapa ko ang ulo at agad kong napansin na medyo basa nga ang buhok ko. Siguro dahil sa dugo na lumabas kanina. May nakapa din ako na parang benda. Hindi ako sure kung gaano kalaki ang sugat ko doon.


Inilibot ko ang tingin sa paligid. Tahimik na ang mga classmates ko habang nakatingin sa gawi ko. Dumating na din pala ang English teacher namin. Kaya pala nanahimik na ang mga classmates ko.


"Ayos ka lang ba Miss Mendoza? May masakit ba sa iyo? Ang ulo mo?" nag- aalala nitong tanong. Sinipat pa ako ng tingin kaya hindi ako nakasagot.


"Huwag kang mag-aalala, ipapatawag sa guidance office ang mga mga magulang na involve sa gulong ito."


muling wika ni teacher. Hindi pa rin ako umiimik. Hindi maayos ang pakiramdam ko. Kumikirot ang sugat sa ulo ko.


Napatingin pa ako sa kinaroroonan nila Jennifer at ng grupo nya. Tahimik silang nakaupo sa isang sulok at nakaismid na nakatingin sa gawi ko. Marahan akong napabuntong hininga bago binalingan si Beatrice at nakikiusap na nagwika.


"Beatrice pasuyo naman ng cellphone ko." nakikiusap na wika ko sa kanya. Tuluyan na din akong naupo sa sahig. Mabuti na lang at hindi na ako nakakaramdam ng hilo. Hindi katulad kanina. Agad naman itong tumango at kinuha ang bag ko at iniabot sa akin. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nag-dial.


Nakailang ring din bago ko narinig ang boses ni Rafael sa kabilang linya.


"Sunshine! Kumusta ka? Dont tell me na na-miss mo kaagad ako?"


malambing na sagot nito. Muli akong napasulyap sa kinaroroonan nila Jennifer bago nagsalita.


"Rafael, nabagok ako. Ayaw kong sumakay ng ambulansya.''" sagot ko. Agad kong narinig na may kumalabog sa kabilang linya. Nagtaka naman ako.


"Nasaan ka? Bakit ka nabagok? Na out of balance ka ba? Sabi ko naman sa iyo huwag ka na munang pumasok eh." wika nito na bakas ang pag-aalala sa boses. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Agad naman akong dinaluhan ni Beatrice.


"Bakit ka umiiyak? Masakit ba ang ulo mo? Huwag kang mag-alala, ipapakulong natin ang malditang Jennifer na iyan. Kasalanan nya ang lahat!" wika ni Beatrice.


"Arte lang iyan! Malay ko bang lampa pala ang babaeng iyan. Kaunting tulak tumba kaagad? Ano iyan?" sabat naman ni Jennifer. Agad naman sumabat ang teacher namin.


"Miss Santos, stop it! Huwag mo ng

dagdagan ang kasalan mo! Pinapatawag na namin ang parents mo kaya humanda ka!" saway ng teacher namin kay Jennifer. Umismid lang ito at inirapan ako.


"Sorry! Dapat pala hindi na talaga ako pumasok. Nagkagulo tuloy dito sa classroom namin dahil sa akin."


muling wika ko. Para tuloy akong bata na nagsusumbong dito. Wala eh, wala naman akong pwedeng tawagan. Bilin din naman nya kanina, tawagan ko siya kapag may kailangan ako. Ayaw ko talagang sumakay ng ambulansya. Marami daw multo doon.


Napansin ko ang biglang pananahimik ni Rafael sa kabilang linya.. Mukhang pinapakinggan nito ang salitan ng pagsasalita nila Beatrice at Jennifer.


"Mukhang may idea na ako kung bakit ka natumba. Parating na ako. Ang dont worry, ako ang bahala sa lahat. Sisiguraduhin ko na mananagot ang sino mang may kasalanan." sagot nito. Bakas ang galit sa kanyang boses kaya hindi ko maiwasan na kabahan. Agad na nawala sa kabilang linya si Rafael kaya pinindot ko na din ang end botton.


"Miss Santos, mauna na kayo sa guidance office. Miss Gonzales, kaya mo na ba ang sarili mo? Kina-contact na din ng guidance ang guardian mo kaya ano mang sandali nandirito na din sila. "wika ng teacher namin. Agad naman akong nagulat. Napalunok pa ako ng makailang ulit bago muling nagsalita.


"Si-sinong guardian po?" hindi ko mapigilang tanong.


"Carissa Villarama?" sagot nito. Pagkatapos agad na napakunot ang noo. Muling tumitig sa akin at agad kong napansin ang pamumutla ng mukha ng teacher.


"Carissa Villarama? Kaano-ano mo siya?" tanong nito. Hindi naman ako nakasagot. Wala pa man si Tita hindi ko na maiwasan na makaramdam ng hiya. Nadamay pa talaga sila sa gulo na ito. Kung bakit naman kasi hindi muna nila ipinaalam sa akin na tatawagan pala nila ang mga guardian na sangkot sa gulo. Ayos na kung si Rafael na lang. At least nagkakaintindihan na kami. Pero sila Tita, masyadong nakakahiya iyun.


"Mommy po ni Rafael Villarama. Nobyo ni Veronica!" sabat naman ni Randy. Hindi ko naman maiwasan na pandilatan ito. Saan kaya nito nasagap ang balitang nobyo ko si Rafael. Hindi pa naman ako nagkukwento sa kanilang dalawa ni Beatrice tungkol dito. Tumawa naman ito.


Nang sumulyap ako sa mga ka- classmates ko ay kita ang pagtataka sa kanilang mga mukha. Mukhang sobrang famous nga ng pamilya Villarama dito sa Pilipinas para makilala nila ng ganito.


"Bakit si Misis Villarama pa? Chimimay lang naman iyan sa mansion. Hindi ako maniniwala na girl friend siya ni Rafael. Baka inakit nya lang." muling sabat ni Jennifer. Kahit kailan talaga pasmado ang bunganga ng babaeng ito. Isusumbong ko talaga ito kay Rafael mamaya. Total naman mukhang proud pa siya sa ginawa sa akin. Imbes na magsorry, kung anu-ano pa ang lumalabas sa bibig nito.


Mahina akong napabuntong hininga at dahan dahan na akong tumayo. Ngayun ko lang napansin na may sapin pala ako. Mabuti na din para hindi masyadong madumihan ang uniform ko


And speaking of dumi, may ilang bahid ng dugo ang blouse ko. Hindi ko mapigilan na mapangiwi at sumulyap kay Beatrice.


"Matagal ba akong nawalan ng malay? " bulong ko habang dahan-dahan na nauupo na sa aking upuan. Inalalayan ako nito bago sumagot.


"Saglit lang. Mga ten mins. lang. Uyy, kailangan mo pa ring magpatingin sa Doctor ha? Although maliit lang naman ang sugat mo pero tumama pa rin ang ulo mo sa silya at dumugo pa.' sagot nito sa nag-aalalang boses. Agad naman akong tumango.


"Oo naman, pero ayaw kong sumakay sa ambulansya. Natatakot ako." sagot ko.


Ilang minuto pa ang lumipas at unti- unti ng nagsidatingan ang mga magulang nila Jennifer at ng ilang mga istudyante na sangkot sa gulo. Agad kaming pinatawag ng guidance councilor sa office nito.


First time na nangyari sa akin ito kaya naman hindi ko maiwasan na

makaramdam ng kaba. Nakaalalay naman sa akin ang school nurse habang papunta kami sa office kaya naman maayos kaming nakarating. Dumating na din ang ambulance pero dahil ayaw kong sumama, umalis na din kaagad ito ng masiguro ng mga medical staff na kasama nito na maayos naman ang kalagayan ko. Hihintayin ko na lang si Rafael.


"HIndi pa ba tayo mag-uumpisa? Ano daw ba ang demand? Gusto bang sagutin namin ang medical expenses ng nakaaway ng anak namin?" agad na tanong ng isa sa mga magulang. Kung hindi ako nagkakamali, ina ito ni Jennifer. Halos kamukha nya kasi. Dapa din ang ilong na syang hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata ni Randy.


"Hintayin na lang po muna natin ang iba pang guardian na sangkot pagkatapos mag-umpisa na tayo sa discussion." sagot ng Guidance

Councilor. Nayayamot na napabuntong hininga ang Ina ni Jennifer at tumitig sa gawi namin.


"Hindi makakarating sila Mommy at Daddy. Nasa Europe sila ngayun. Hindi ko na din pinapunta si Yaya. Wala din naman kwenta!" muling bulong ni Randy. Napatitig dito si Beatrice bago sumagot.


"Iyung stepbrother ko ang darating. Kainis nga eh. Tiyak sasabunin ako noon. May date pa naman iyun sa bago niyang babae." bulong naman ni Beatrice.


"Ano na! May hinihintay pa ba tayo dito? Sayang ang oras!" galit na muling angal ng Nanay ni Jennifer. Agad naman itong sinigundahan ng iba pa.. Kung makapag demand akala mo naman walang nagawang kasalanan ang mga anak nila. Napatingin naman sa aming tatlo ang guidance councilor.


Bago pa ito nakapagsalita bumukas na ang pintuan ng office. Agad na pumasok ang taong kanina ko pa inaasahan. Si RAfael at kasama nito si Tita Carissa. Parang gusto ko naman lumubog sa kinauupan ko dahil sa nararamdamang hiya kay Tita. Lalo na ng tumitig sa akin ang nag-aalala nitong mga mata.


"Diyos ko Veronica! Anong nangyari? Bakit may dugo ang damit mo?" agad na wika ni Tita sabay lapit sa akin. Tinitigan ako nito sa mukha kaya napayuko ako.


"Anong nangyari? Ganito ba kapabaya ang iskwelahan na ito para hayaan na may istudyanteng masaktan?" galit na wika ni Rafael. Pulang pula ang mukha nito at kita ko ang matinding galit sa kanyang mga mata. Hindi naman ako makapanawilang napatitig dito. Lalo na ng lapitan ako nito at eksaminin.


"Yes parang iniksamin nya talaga ako. Tinitigan ang buo kong mukha pati na din ang ulo ko na may sugat.


"Bakit ba napaka-iresponsable ng iskwelahan na ito? Hindi nyo ba napansin ang sugat ni Veronica at hindi nyo kaagad dinala ng hospital?" muling sigaw ni Rafael. Agad naman itong hinawakan ni Tita. Pilit na pinapakalma. Samantalang walang ni isang nakaimik sa mga magulang ng classmates ko. Parang natameme din ang Mommy ni Jennifer na kanina pa putak ng putak. Namumutla itong hindi makatingin sa amin.


"A-ayaw po ni Miss Gonzales magpadala ng hospital Sir. Pa- pasensya na po. Bin-binigyan na po siya ng first aide ng nurse at tiningnan na din siya ng mga medical staff na kasama ng ambulance kanina." sagot ng Guidance officer. Muling tumitig sa akin si Rafael at umiling. Galit ito pero hindi pa rin maitago ang matinding pag -aalala sa mukha nito.


"Bakit nangyari ang ganitong gulo? Kulang ba kayo ng security dito? Kailangan pa ba namin magpasama ng bodyguard sa istudyante namin para masiguro namin ang kanyang kaligtasan?" sabat naman ni Tita Carissa. Naupo na ito sa tabi.


"Ikinalulungkot po ng buong iskwelahan ang mga nangyari Madam. Gagawin po namin ang lahat para managot ang may kasalanan. Patawad po sa mga pagkukulang namin. Pipilitin po namin na hindi na mauulit ang mga nangyari." sagot ng guidance. Halata ang nerbiyos sa boses nito.


"Nelson, tutukan mo ang kaso na ito. Gusto kong may managot sa lahat ng mga nangyari ngayun." wika ni Rafael at agad na lumapit sa akin. Tumitig muna ito sa Ina tsaka ako inalalayan na makatayo.


"Pa-pasensya na po kayo Misis Villarama, Boss Rafael. Ha-hayaan

niyo po, didisiplinahin namin ng maigi ang mga anak namin. Hindi namin kukunsintihin ang ginawa nilang kasalanan ngayun. Sana magkaroon ng puwang sa puso nyo ang pagpapatawad." narinig kong wika ng Mommy ni Jennifer. Agad naman ginatungan ng iba pa. Puro sorry ang aking naririnig sa paligid. Mukhang natakot talaga sila sa presensya ng mga Villarama.


Ganoon ba talaga sila makapangyarihan? Malaki ang respito sa kanila ng halos lahat ng tao.


Akmang lalapit pa ito kay Tita Carissa pero naudlot iyun dahil kaagad na humarang ang isa sa mga bodyguard. Wala na itong nagawa pa kundi bumalik na lang sa kanyang upuan.


Parang wala lang din namang narinig sila Tita Carissa at Rafael. Hindi na din sila umimik pa at itinoon ang attention sa akin.


"Kaya mo na ba ang maglakad?"

masuyo nitong tanong. Agad akong tumango.


"Kailangan kang madala sa Doctor. Hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa iyo." wika nito at agad akong hinawakan sa baywang. Nahihiya naman akong napatitig kay Tita Carissa.


"Ang secretary na ng anak ko ang magrereport sa amin kung anong action ang gagawin ng School na ito para sa mga nangyari. Mister Guidance, alam nyong mainipin kaming tao. Kapag hindi kami kontento sa action na gagawin niyo, hindi kami magdadalawang isip na idemanda pati ang iskwelahan na ito." seryosong wika ni Tita at diretso na kaming lumabas ng office.





Chapter 222


RAFAEL POV


Magkahalong galit at pag-aalala ang nararamdaman ko ng biglang tumawag sa akin si Veronica at sinabing naaksidente daw ito sa classroom.


Alam kong hindi maayos ang pakiramdam nito dahil sa nangyari sa amin. Kaya nga pinipigilan ko itong huwag na munang pumasok ng School at magpahinga na lang muna. Kaya lang may katigasan din ang ulo nito. Gusto talagang pumasok ng School dahil kakaumpisa pa lang daw ng klase at ayaw umabsent.


Nasa kasagsagan ako ng meeting ng matanggap ko ang tawag na iyun. Kaya ng nalaman kong naaksidente ito agad akong umalis ng meeting room. Sobrang nag-aalala talaga ako sa kalagayan ng babaeng pinakamamahal ko.


Samot saring mga bagay ang bumabagabag sa aking isipan. Paano kung mapahamak ito? Paano kung malubha ang kalagayan nito.


Lalo akong nakaramdam ng galit ng marinig ko ang conversation ng mga classmates nito habang nag-uusap kami na hindi naman talaga ito natumba. Talagang itinulak kaya hindi ako papayag na hindi mananagot ang may kasalanan.


"Nasa kotse na ako ng tumawag si Mommy. Ibinalita nito sa akin na tumawag daw ang staff ng iskwelahan sa kanya at sinabi ang mga nangyari. Nasa kotse na daw ito at papunta na din ng School. Hindi na ito masamahan ni Daddy dahil may importante daw na ginagawa sa mansion.


Sinabi ko na lang dito na magkita na lang kami sa iskwelahan. Sinabi ko din na alam ko na ang nangyari at pinayuhan akong kumalma na muna.


Kasama daw talaga sa buhay istudyante ang mapaaway.


Pero hindi...hindi palaaway ang mahal ko. Gayunpaman hindi na ako umimik at itinoon ang attention sa labas ng sasakyan.


Pagdating ng School, halos madurog ang puso ko ng mapansin kong nakaupo si Veronica sa isang silya. Magulo na ang buhok nito at may bahid pang dugo ang kanyang blouse.


Naikuyom ko ang aking kamao. Tumitig ako sa kabilang bahagi at doon ko napansin ang iba pang mga istudyante at mga magulang. Mga istudyante na alam kong sila ang may gawa kaya nasaktan ang mahal ko.


Gusto kong magwala sa galit. Kaya lang ayaw kong makita iyun ni Mommy. Ayaw ko din tuluyang ma-stress si Veronica. Kaya pagkatapos kong pagsabihan ang Guidance ay agad kong hinawakan si Veronica. Mas importanteng madala ito ng hospital at matingnan ng specialista. Ayaw kong magbakasakali lalo na kung ang tungkol sa kalusugan nito ang pag- uusapan.


Si Nilson Lee na ang bahala....siya ang aking bagong executive secretary. Alam na nya ang gagawin niya.


Bubuhatin ko na sana si Veronica ng tumanggi ito. Kaya naman daw nyang maglakad. Marahan akong napabuntong hininga at inalalayan na lang ito. Tuluyan na kaming lumabas ng opisina ng kanilang guidance.


Naglalakad na kami sa hallway ng makasulubong namin si Arthur. Nagmamadali ito at mukhang sa guidance office din ang punta. Nang mapansin kami nito ay nagmamadali itong lumapit.


"Sangkot din si Veronica sa rambulan? " tanong nito sabay sulyap kay Veronica bago nito batiin si Mommy. Kilala ng mga kaibigan ko si Mommy at nakita ko kung paano nila iginagalang ito. Lagi nga nilang nababanggit sa akin noon na ang swerte ko daw. May kompleto at masaya akong pamilya na syang labis ko din na ipinagpasalamat. Hindi katulad sa pami-pamilya ng mga kaibigan ko na watak-watak na.


"Bakit ka nandito? May bago kang chick dito?" nagtataka kong tanong. Tumawa ito bago sumagot.


"Iyung step sister ko, nagpasaway na naman. Kainis! Kung hindi lang dahil kay Daddy, hindi talaga ako pupunta dito." sagot nito.


"Sino? Si Beatrice? Ikaw iyung tinutukoy niyang stepbrother?" tanong naman ni Veronica. Mukhang ang babaeng nasa tabi nito kanina ang tinutukoy nito.. Kaagad namang tumango si Arthur.


"Nabanggit nya na ako sa iyo?" tanong nito kay Veronica. Napansin ko pa ang tuwa sa mga mata nito habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi ko mapigilang mapiling.


"Oo, masama daw ang ugali mo." diretsahang sagot ni Veronica. Kaagad naman nawala ang ngiti nito kaya hindi ko mapigilan ang mapangisi. Pagkatapos hinarap ito.


"Kailangan kong dalhin sa hospital si Veronica. Ikaw na muna ang bahalang umayos sa problemang ito. Nandoon pa si Nelson sa opisina ng Guidance. Gusto kong maparusahan ang may kasalanan. " wika ko at nilagpasan na namin ito.


"Mom, ako na po ang bahala kay Veronica. Bumalik na lang po kayo ng mansion at baka hinihintay na kayo ni Daddy." wika ko kay Mommy pagkarating namin ng parking. Agad naman itong sumang-ayon.


"Balitaan mo ako sa resulta tungkol sa check-up ni Veronica. Mag-ingat kayo. "wika nito at nagpaalam na. Agad akong tumango at inalalayan na si Veronica na makasakay na ng kotse.


Noon pa man ay alam nila Mommy at Daddy at ng mga kapatid ko ang nararamdaman ko tungkol kay Veronica. Hindi naman sila tumututol kaya lang nakiusap sila sa akin na hayaan munang makatapos ito bago ko ligawan. Kaya lang hindi na ako nakapaghintay pa. Nag honeymoon na nga kami eh.


Ang pagpapa-pirma ko ng marriage contract ay hindi pa nila alam. Tanging kaming dalawa lang ni Veronica at ang lawyer ko na nag-aasikaso ang nakakaalam noon. Sosorpresahin ko na lang siguro sila. Tiyak na hindi sila makapaniwala kung gaano ako ka- sigurista. Na tuluyan ko ng inasawa ang babaeng hindi ko alam kung anong meron at kung bakit hindi ito maalis- alis sa puso at isipan ko.


"Galit ka ba sa akin dahil hindi kita sinunod?" narinig kong wika ni Veronica. Malapit na kami sa hospital. Napansin marahil nito ang pananahimik ko kaya natanong nya ang tungkol sa bagay na iyun.


Tinitigan ko ito sa mukha. Pagkatapos inayos ko pa ang ilang hibla ng buhok.. Matamis ko itong nginitian bago ito sinagot.


"Nope! Bakit naman ako magagalit? Wala ka namang kasalanan." sagot ko. Agad itong napangiti. Pagkatapos humilig sa balikat ko.


Pagdating ng hospital ay agad inasikaso si Veronica. Iniksamin ito ng maigi ng mga Doctor at ng sabihin nito na wala naman daw malaking epekto sa kalusugan nito ang pagtama ng ulo nito sa matigas ng bagay ay agad na

nakaramdam ako ng kapanatagan.


Maliit lang naman ang sugat. Kaya lang dumugo pa rin iyun at niresitahan na lang ito ng ilang gamot ng kanyang Doctor. Pagkatapos pinayuhan kami na bumalik sa susunod na araw para sa follow-up check up nito.


Muli kaming sumakay ng kotse. Ihahatid ko muna ito sa mansion bago bumalik ng opisina. Maraming trabaho akong dapat tapusin at marami pa akong magagawa ngayung araw.


"Pasensya ka na Rafael. Naabala pa tuloy kita." wika nito. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Napansin kong kanina pa ito nagi-guilty. Puro paghingi ng pasensya ang lumalabas sa bibig nito.


"Dont worry Sunshine...ayos lang. Walang problema." sagot ko at hindi ko mapigilan na halikan ito sa labi. Saglit lang naman iyun. Baka bigla na naman akong matangay ng init ng katawan at kung saan pa mapunta ang halik na iyun. Dobleng bugbog na ang inabot ni Veronica simula kagabi hanggang ngayun.


Paparusahan ko talaga kung sino man ang nagtulak dito kanina. Hindi ko papalagpasin ang nangyari sa classroom. Siguro, sinubukan ng sino man na i-bully ito kaya hindi ko mapapayagan iyun.


Hindi na ito kumibo pa at itinoon na nito ang attetion sa labas ng kotse.


Pagkauwi ng mansion ay agad kaming sinalubong ni Mommy. Nag-aalala pa rin ito sa kalagayan ni Veronica at ng ibalita ko dito na maayos naman ang kalagayan nito ay agad na itong napangiti. Pagkatapos sinabihan ko na iakyat ko daw muna sa kwarto nito para makapagpahinga na muna.


Pagdating ng kwarto ay agad ko itong pinaupo sa kama. Tinitigan sa mga mata at seryosong kinausap.


"Magpahinga ka muna Sunshine dahil hanggat hindi ka pa magaling, hindi ako papayag na papasok ka muna sa School. Ako na ang bahalang magpaalam sa iskwelahan mo. Alam nilang injured ka kaya ipanatag mo muna ang kalooban mo." wika ko. Kaagad itong tumango.


"Opo Sir!" sagot nito. Hindi ko maiwasan na muling mapangiti. Pagkatapos hinaplos ang pisngi nito bago nagpaalam na lalabas na muna.


Pagkalabas ng kwarto ay napansin kong nakaabang si Mommy. Seryosong nakatitig sa akin.


"Pwede ba tayong mag-usap Rafael?" tanong nito. Kaagad akong tumango at sabay na kaming naglakad papuntang living room.



Chapter 223


RAFAEL POV


"What is it Mom?" tanong ko kay Mommy pagkadating namin ng Living area. Agad kong napansin ang pagiging seryoso ng mukha nito.


"Saan mo dinala si Veronica kagabi? May nangyari na ba sa inyo?"


diretsahan nitong tanong. Saglit akong natigilan. Agad na sumeryoso ang mukha ko bago sumagot.


"Mahal ko siya Mom. Siya ang isa sa mga dahilan kaya nagsisikap akong pamunuan ang Villarama Empire. Kung ano man ang nangyari sa amin handa ko siyang panagutan. " sagot ko. Tinitigan ako ni Mommy sa mga mata tsaka dahan-dahan na tumango.


"Mukhang hindi ka na nga makapaghintay anak....ano ang plano mo ngayun sa kanya? Kung may nangyari na sa inyo, dapat lang na pakasalan mo na sya..." sagot nito. Saglit akong natigilan.


"Ayos lang ba sa inyo na pakasalan ko na sya? Hindi po kayo nagagalit dahil hindi ko nasunod ang pakiusap nyo sa akin noon na hayaan muna siyang makatapos?" tanong ko. Kaagad na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Mommy. Tinitigan muna ako nito bago sumagot.


"Kilala kita Rafael dahil anak kita. Inaasahan ko na ang tungkol sa bagay na ito. Alam kong walang sino man ang makakapigil sa gusto mo. Pero masaya na din ako dahil kahit papaano pinaabot mo ng taon. Maghanda ka, kailangan na nating mamanhikan sa pamilya ni Veronica. Hindi ako papayag na hindi kayo maikasal bago tuluyang magsama bilang isang tunay na mag-asawa,." sagot ni mommy.


Hindi naman ako makapaniwala. Unti- unting sumilay ang masayang ngiti sa labi ko. Pagkatapos lumapit ako dito at hinawakan sa mga kamay.


"Talaga po? Pero pinapirma ko na sya kagabi ng marriage contract at inaasikaso na ngayun ni Attorney Cruz ang mga pinirmahan namin para iparehistro sa city hall." sagot ko. Kaagad na rumihistro ang pagkagulat sa mga mata ni Mommy. Hindi ito makapaniwalang napatitig sa akin.


"At ginawa mo iyun ng hindi man lang sinasabi sa amin Rafael?" tanong nito. Atubili akong tumango.


"Pasaway ka talagang bata ka! Pwede naman kayong magpakasal na kasama kami ah? Kahit na sa huwes lang muna. At least may ritual at palitan ng I do's." sagot ni Mommy.


"Kayo na din po ang palaging nagsasabi na sigurista ako eh. Ginawa ko iyun para wala ng kawala sa akin si Veronica. Mahirap na, baka maagaw pa siya ng iba sa akin. Kapag mangyari iyun, baka magkaroon pa kayo ng anak na kriminal," natatawa kong sagot. Kaagad naman akong nahampas ni Mommy sa balikat..


"Ewan ko sa iyong bata ka! Tiyak na magtatampo sa iyo ang mga kapatid mo sa mga pinanggagawa mo. Hindi ka man lang kumunsulta sa amin tungkol sa mga ganitong bagay. Talagang ginawa mo kung ano ang gusto mo." sagot ni Mommy.


"Hindi po kasi ako sure kung papayag kayo kaya inunahan ko na. Pero huwag po kayong mag-alala. Pag-uusapan pa namin ni Veronica ang pagpapakasal sa simbahan. Of course kasama na kayo doon sa pagpaplano." natatawa kong sagot. Napapailang na lang si Mommy. Kilalang kilala nito ang ugali ko at kapag gusto ko ginagawa ko talaga.


"Basta siguraduhin mo lang na mahal mo talaga si Veronica. Ayaw ko ng makarinig pa na kung sinu-sinong mga babae ang nilalandi mo! Huwag na huwag mo siyang sasaktan dahil kahit na anak kita hindi talaga kita kakampihan kapag may kabulastugan kang ginawa." seryosong wika ni Mommy. Natatawang tumango naman ako at itinaas ko pa ang kanan kong kamay na parang nanunumpa.


"Promise po! Sigurado na ako Mom. Mahal na mahal ko siya at sigurado na ako na siya lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay." sagot ko. Agad naman napangiti si Mommy. Pagkatapos nakangiting hinaplos nito ang mukha ko.


"Parang kailan lang. Alam mo bang hindi namin akalain na may isang Rafael na darating sa buhay namin? Kaya nga sa iyo natoon lahat ng attention namin. Lumaki kang spoiled at barumbado.. Pero look at you now, alam kong dahil kay Veronica kaya ka nagtino. Kaya ka pumayag na pamahalaan ang Villarama Empire na siyang labis ikinatuwa ng iyong ama. wika nito na may ngiti sa labi.


"Mom,, hindi po ako barumbado!" wika ko na may halong lambing sa boses. Natawa ito.


"He! Anong hindi? Nakalimutan mo na ba ang mga pinanggawa mo noon?" wika ni Mommy. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti. Pagkatapos tumayo na ako at nagpaalam na dito.


"Basta Mom, mabait na po ako ngayun. Malapit ko na din kayong mabigyan ng apo ni Daddy." wika ko sabay kindat dito. Agad naman itong natawa at tumayo na din.


"Mas matutuwa ako kapag mabigyan mo kami ng isang dosenang apo Rafael. Masyadong kakaunti ang miyembro ng pamilya Villarama. Iyung mga kapatid mo wala na yatang balak pang dagdagan ang mga anak nila." wika ni Mommy.


Tumawa lang ako at tuluyan ng umalis. Kailangan kong makabalik ng opisina. Kailangan ko din alamin kung ano ang desisyon ng iskwelahan sa ka-klase ni Veronica na nanakit dito. Hindi ako papayag na papasok ng School si Veronica na may banta ng pambu-bully dito. Gusto ko ng tahimik na kapaligiran para dito.


Saktong palabas na ako ng mansion ng masalubong ko ang isa sa mga pamangkin ko na si Jeann. Agad kong napansin ang pamumula ng mga mata nito kaya naman napahinto ako sa paglalakad at hinintay ko na tumapat sa akin.


"Good Morning Uncle!" agad na bati nito sabay yuko. Gusto yatang itago ang pamumula ng mga mata nito.


"Ang aga mo yata ngayun? Wala kang pasok sa School?" tanong ko. Saglit itong natameme bago sumagot.


"Nandyan po ba si Veronica?" tanong nito. Mataman ko itong tinitigan bago sinagot


"Hindi siya pwedeng isturbuhin. Nasa kwarto siya nagpapahinga." sagot ko. Napasulyap muna ito sa akin bago muling nagsalita.


"Nag- -nagtext na po ako sa kanya na darating ako. Ini-expect nya na ako Uncle." sagot nito. Hindi ko maiwasan na mapailing bago sumagot.


"bahala ka na nga! Basta huwag mo siyang isturbuhin ha? Kailangan nyang magpahinga."Sagot ko at kaagad ko na itong tinalikuran. Alam ko naman na hindi din susunod sa sinabi ko si Jeann. Diretso na akong naglakad papuntang kotse at sumakay. Agad kaming bumyahe pabalik ng opisina.




VERONICA POV


Napa-idlip na ako ng marinig ko ang marahan na pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Kaagad akong napasulyap sa orasan na nasa bedside table ko at bumangon. Wala akong idea kung sino ang nasa labas. Imposibleng si Rafael iyun dahil hindi naman marunong kumatok ang lalaking iyun. Bigla na lang itong pumapasok ng kwarto ko.


Kahit na tinatamad, wala na akong nagawa kundi ang bumangon na. Baka importante ang kailangan ng taong nasa labas.


Pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ay agad kong nakita si Jeann. Nagtataka akong napatitig dito lalo na ng mapansin ko na mukhang galing ito sa pag iyak.


"Jeann, napadaan ka?" tanong ko at kaagad itong pinapasok. Kaagad naman itong naupo sa kama ko sabay hikbi. Tulalang napatitig ako sa kanya.


A-anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Napagalitan ka ba nila Ate Arabella?' tanong ko at kaagad itong dinaluhan. Hindi ko malaman ang gagawin ko sa kanya para mapatahan siya.. Ngayun ko lang din kasi nakitang umiyak si Jeann. Kadalasan nakatawa ito kapag dumadalaw dito sa mansion ang buong pamilya.


"Nica, ano ang gagawin ko?" tanong nito. Naguguluhan akong napatitig sa kanya.


"Ano ang ibig mong sabihin? Teka, linawin mo nga, ano ang problema mo? tanong ko. Napahid muna ito ng luha sa mga mata bago tumitig sa akin.


"Bu-buntis ako."sagot nito. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Hindi ako makapaniwalang napatitig kay Jeann.


Teka prank ha ito? Jeann naman hindi nakakatuwa iyang sinasabi mo!" sagot ko. Lalo itong umiyak.


"Sa-sana nga nagbibiro lang ako....pero talagang buntis ako!" wika nito sa kabila ng paghikbi. Hindi naman ako makapaniwala. Ilang saglit din akong hindi nakaimik bago ito sinagot.


"Buntis ka? Pero paano? I mean, wala kang nababanggit na may boyfriend ka diba?" tanong ko.


Nakakapagtaka! Halos linggo-linggo kaming nagkakausap tatlo nila Charlotte at never nabanggit ang tungkol sa pagkakaroon nito ng kasintahan. Ni crush nga wala itong nababanggit pagkatapos sasabihin nya ngayun na buntis siya? Grabe naman!





Chapter 224


VERONICA POV


"Sino ang ama?" tanong ko kay Jeann na noon ay patuloy pa rin sa pag-iyak. Naaawa na ako dito pero ano nga ba ang pwede kong maitulong.


"Si Drake!" sagot nito. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig dito.


"Si Drake? Drake Davis? Isa sa mga kaibigan ni Rafael?" tanong ko para makasiguro. Paanong si Drake. Eh simula noong pagkatapos ng birthday party ni Peanut hindi ko na nakikita ang mga iyun. Wala din naman itong nabanggit na niligawan siya ni Drake. Kaswal lang naman ang turingan nila noong nasa Yate kami.


"Oo. Si Drake Davis. Ano ang gagawin ko? Ayaw kong madis-apppoint sila Mommy at Daddy sa akin. Natatakot ako sa posible nilang maging reaction kapag malaman nila ito." sagot nito.


Hindi pa rin ako makapaniwalang napatitig dito.


"Boyfriend mo pala siya? Alam ba ito ni Rafael?" tanong ko. Kaagad itong umiling.


"Hi-hindi ko siya boyfriend." sagot nito. Nagulat naman ako. Posible ba iyun? Paano siya nabuntis kung hindi nya boyfriend si Drake? Hay ang gulo ni Jeann.


"Teka....Paano ka nabuntis kung hindi mo siya boyfriend? Tsaka wala kang nababanggit sa amin tungkol dito Jeann kaya naguguluhan ako." sagot ko. Kaagad itong nagpunas ng kanyang mga mata tsaka tumitig sa akin.


"Nagkayayaan kaming mag bar ng mga classmates ko two months ago. Sa bar kami ni Drake napadpad. Nalasing ako pagkatapos nagising na lang ako na katabi ko na siya sa kama doon sa condo niya." umiiyak na sagot nito. 


Kaagad nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito.


"Ano? Teka, ibig mong sabihin ni-rape ka ni Drake?" Hindi ko mapigilan na mapalakas ang boses ko ng tanungin ko ito. Kaagad naman itong suminyas na hinaan ang boses ko.


"Hindi...gi-ginusto ko din ang nangyari." sagot nito. Lalo naman akong naguluhan sa sinabi nito. Hindi ako makapaniwala.


"Paanong ginusto? Jeann, klaruhin mo nga. May nangyari sa inyo ni Drake sa condo at paano ka napunta sa condo nya?" tanong ko.


"Kusa akong sumama sa kanya." sagot nito. Napakamot na ako sa aking ulo dahil sa gulo ng kwento ni Jeann.


"Sumama ka sa kanya dahil lasing ka?" tanong ko.. Kaagad itong tumango.


"Jeann naman, hindi mo pala siya nobyo pero pumayag kang may mangyari sa inyong dalawa tsaka bakit ka sumama sa kanya. Lalaki siya, babae ka..." sagot ko.


"Hindi ko naman akalain na may mangyayari sa amin eh. Akala ko hahayaan nya lang akong matulog. Pero nagising ako na hinahalikan nya na ako at nadala ako." sagot nito.


"Paano ngayun iyan? Alam ba ni Drake na buntis ka?" tanong ko. Kaagad itong umiling.


"Hindi nya alam dahil pagkatapos ng may nangyari sa amin hindi na kami nagkita ulit. Isa pa, may girl friend na siya at balita ko magpapakasal na sila.' sagot nito sa kabila ng pag-iyak. Kaagad naman akong nakaramdam ng awa para dito.


"Gago pala siya eh. Pagkatapos ka nyang pakialaman parang wala lang sa kanya ang lahat? Baliw ba ang Drake na iyun? Isusumbong ko siya kay Rafael." Naiinis kong sagot. Kaagad naman itong tumitigil sa pag iyak at umiling.


"Huwag! Baka...baka awayin siya ni Uncle." sagot nito.


"Jeann, sooner or later malalaman din ito ni Rafael at ng buong pamilya. Ano ang plano mo ngayun? tanong ko. Muli itong naluha.


"Hindi ko nga din alam eh. Bakit ba kasi nabuntis ako. Isang beses lang naman na may nangyari sa amin eh." sagot nito at halata sa boses ang pagsisisi. Natigilan naman ako at hindi maiwasan na kabahan ng sumagi sa isip ko ang nangyari sa amin ni Rafael kagabi. Paulit-ulit na may nangyari sa amin at baka mabuntis din ako.


Sa isiping iyun bigla lalo akong kinabahan. Paano nga ba kung mabuntis ako? Paano ang pag-aaral ko? Ano na lang ang iisipin nila Tita at Tito sa akin?


"Bakit ka natulala na dyan? Sabi ko ano ang gagawin ko? Paano ko sasabihin kina Mommy at Daddy ito?" tanong nito at kinalabit pa ako. Sandali din kasi akong napatulala.


"Hi-hindi ko din alam. Paano nga ba?" tanong ko "Veronica naman eh. Kaya nga ako pumunta dito para hingin ang opinyon mo eh. Hindi ko din alam ang gagawin ko." sagot nito.


"Kay Tita Carissa na lang muna natin sabihin ang problema mo. At least kung sa Grandma mo baka maintindihan ka nya. Sa buong Villarama, si Tita Carissa ang pinakamabait.:" suhistiyon ko. Sandali itong nag-isip bago sumagot.


"Baka magalit sa akin si Grandma." sagot nito.


"Ikaw...pwede naman sa Mommy Arabella mo muna sabihin." sagot ko. Kaagad itong umiling.


"hindi pwede! Magagalit si Mommy at baka kalbuhin ako noon. Mabait lang iyun kapag wala kang kasalanan na nagawa." sagot nito. Napailing naman ako.


"Eh kanino nga natin unang sasabihin ang problema mo. Hindi pwedeng itago mo ito ng matagal Jeann. Paano kung lumaki na iyang tiyan mo? Malalaman at malalaman din nila kaya hanggat maaga pa sabihin mo na." sagot ko.


"paano kung tanungin nila ako kung sino ang ama? Ano ang isasagot ko:" tanong nito.


"Siyempre, sabihin mo ang totoo. Ituro mo si Drake. Siya ang ama diba? Hindi naman pwedeng suluhin mo ang problemang iyan. Kayong dalawa ang gumawa sa batang iyan kaya dapat pareho niyong panindigan." sagot ko.


"Ma-maiintindihan kaya ako ni Grandma? Nica, gulong gulo na ako. Ilang araw na akong hindi mapakali dahil sa problemang ito." sagot nito.


"Jeann, blessings ang batang iyan. Wala ka ng magagawa pa kundi harapin ang lahat. Malalagpasan mo rin ito, magtiwala ka lang." sagot ko.


'Sige, basta....basta samahan mo akong ipagtapat ito kay Grandma." Kaagad naman akong tumango.


"Hindi bat sabi mo ikakasal na si Drake? Paano ngayun iyan? Ready ka ba na maging single mother?" tanong ko. Lalong lumungkot ang awra nito. Naaawa naman akong napatitig sa kanya. Bakit ba napaka-komplikado ng sitwasyon ni Jeann. Kawawa naman.


"Hayaan na lang natin siya. Hanggat maari ayaw kong pilitin ang taong ayaw sa akin." malungkot nitong sagot. Ilang saglit akong napatitig sa kanya bago nagtanong.


"Mahal mo ba siya?" seryoso kong tanong. Kaagad na umiwas ang tingin nito sa akin.


"Hindi ko alam." sagot nito.


"Jeann, pumayag kang may mangyari sa inyo na hindi mo alam kung may nararamdaman ka sa kanya?" tanong ko. Tumitig ito sa akin.


"Bakit, ikaw ba may mahal ka na din ba? i mean, nakakaramdam ka na ba ng pagmamahal sa isang lalaki?" tanong nito. Tingnan mo itong babaeng ito, siya ang tinatanong ko pagkatapos ibabalik nya sa akin ang tanong na iyan.


"Oo naman, may minamahal na ako." pag-aamin ko sabay ngiti. Napatitig ito sa akin.


"Si Uncle?" tanong nito na habang may ngiting nakaguhit sa kanyang labi. Nahihiya naman akong napabaling ang tingin sa may bintana. Paano nya kaya nalaman?


"Huwag ka ng magkaila. Alam kong si Uncle. Noon pa man alam na namin na may something sa inyong dalawa." sagot nito. Hindi ako nakasagot.


"Sana all na lang talaga. Buti pa kayo mukhang nagkakaintindihan na. Paano kaya ako nito, hindi na nga ako mahal ng lalaking gusto ko, nabuntis pa ako." malungkot nitong wika.


"Tatanggapin mo na lang ba na mapunta siya sa iba? Na hindi nya pananagutan ang batang nasa sinapupunan mo?" tanong ko.


"Ano nga ang gagawin ko? Sa sarili ko ngang pamilya hindi ko masabi-sabi ang problemang ito eh...kay Drake pa kaya." sagot nito. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga.


"Isusumbong natin siya kay Rafael.


Sabihin natin na binuntis ka ng kaibigan nya. Baka makatulong ang Uncle mo sa problemang ito. Kaysa naman makalbo ka ni Ate Arabella kung wala kang maiturong ama ng anak mo." sagot ko. Napaisip ito.


"Sa palagay mo kaya may maitutulong si Uncle?Baka naman bugbugin niya si Drake at magalit sa akin iyun?" tanong nito. Napangiti ako.


"Subukan natin. Hintayin natin siyang makauwi. Kung hindi mo kaya na magsabi sa kanya, ako na lang." wika ko. Alanganin itong napatango. Pagkatapos mataman akong tinitigan kasabay ang pagkunot ng noo. "Ano nga pala ang nangyari sa iyo? Bakit ka napaaway?" tanong nito. Wala sa sariling kinapa ko ang aking ulo na may benda bago ko ito sinagot.


"Natumba ako sa classroom namin. Itinulak ako ng classmate kong maldita. Pero tapos na din iyun, inaayos na ni Rafael ang problemang iyan. Papasok ulit ako ng School kapag magaling na ako." sagot ko. Napatango ito.


"Ngayung girl friend ka na ni Uncle, huwag kang pumayag na ibully ka ng iba diyan. Hindi mo deserve iyun." sagot nito. Nagtaka naman ako. Paano niya nalaman na girl friend na ako ng Uncle nya. Hindi ko pa naman nababanggit iyun.


"Teka, paano mo nasabing magshota na kami ni Rafael?" tanong ko. Natawa ito ay itinuro ang leeg ko.


"Paano mo maipapaliwanag iyang nasa leeg mo? Talo mo pa ang sinipsip ng bampera." tatawa-tawa nitong sagot. Mukhang nakalimutan nito na kanina lang ay todo ang emote nito dahil sa problema nya. Bigla akong nahiya at napatakbo sa vanity mirror ko. Kaagad kong sinipat ang leeg ko at napangiwi ako na nagkulay violet na pala ang bahaging ilang beses sinipsip ni Rafael kagabi.


"Yari ka..mukhang sabay tayong mamimili nito ng maternity dress." tawa ng tawa ito ng sinabi nya ang bagay na iyun. Napalunok naman ako sa kaba na nararamdaman ko. Paano nga pala kung mabuntis ako nito? Maraming beses kaming nagtalik ni Rafael kagabi?




Chapter 225


RAFAEL POV


Sa wakas natapos din ang oras ng trabaho. Excited akong lumabas ng opisina at diretsong naglakad palabas. Kaagad akong pinagbuksan ng pintuan ng kotse ng isa sa mga bodyguard ko ng mapansin nito ang paglabas ko. Mabilis naman akong sumakay at inutusan ang driver na magdrive na pauwi ng mansion.


Sobrang na miss ko na si Veronica. Gusto ko na itong makita at mayakap. Kung pwede nga lang isama ko ito kahit saan ako magpunta gagawin ko. Siguro nga nababaliw na ako sa sobrang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya.


Sana lang maayos na ito ngayun at nakapagpahinga na. Gusto ko siyang makatabi sa pagtulog mamayang gabi at sa mga susunod pang mga gabi.


Bahala na, hindi talaga ako papipigil kahit kanino. Pwede na kami magsama bilang isang tunay na mag-asawa dahil sa pinirmahan namin pareho na marriage contract na naisubmit na kanina ng lawyer ko sa city hall.


"Pagdating ng mansion kaagad akong bumaba ng kotse at nagmamadaling pumasok sa loob. Umakyat ng hagdan at diretsong naglakad patungo sa kwarto ni Veronica.


Hindi na ako kumatok pa. Diretso ko ng binuksan ang pintuan at pumasok para lang madismaya dahil may kasama si Veronica dito sa kwarto. Walang iba kundi si Jeann at sa ayos ng mga ito mukhang kanina pa sila nag- uusap.


"Uncle...ano ba iyan, pasok ng pasok hindi marunong kumatok." kaagad na reklamo ni Jeann pagkakita sa akin. Very relax itong nakupo sa kama at mukhang may importante silang pinag-uusapan.


Hindi ko ito pinansin. Diretso akong naglakad patungo kay Veronica at hinalikan ito sa labi. Napansin ko kaagad ang pamumula ng pisngi nito pagkatapos kong halikan sabay sulyap kay Jeann.


Siguro hindi pa ito sanay na nakikita kami ng ibang tao na ganito ka- intimate. Well, step by step masasanay din siya dahil ngayun pa lang gusto kong ipakita sa lahat kung gaano ako ka sweet pagdating sa kanya.


"Kumusta ang maghapon mo?" masuyo kong tanong dito. Kaagad itong napangiti sa akin. Ngiti na halos tumunaw sa puso ko. Ngiti na hindi ako magsasawang makita sa kanya.


"Ayos lang naman. Nandito lang kami sa loob ng kwarto ni Jeann. May pinag- uusapan kasi kami....importante."


sagot nito kasabay ng paghawak sa kamay ko. Umusog ito para makaupo ako sa tabi nya na siyang kaagad kong ginawa. Sumandal ito sa headboard ng kama habang magkahawak ang aming kamay.


"Sweet naman ni Uncle. Sana all na lang talaga." narinig ko pang sambit ng pamangkin ko. Tinapunan ko ito ng istriktong tingin at kaagad kong napansin ang pamamaga ng mga mata nito. Hindi ko mapigilan ang magtaka. Ano kaya ang problema ng babaeng ito? Maghapon na siyang nandito sa mansion ah?


"What are you doing here Jeann? Dont tell me wala kang balak na umuwi sa inyo?" tanong ko sa pamangkin ko. Kaagad kong napansin ang pagyuko nito. Mukhang may problema nga itong itinatago sa pamilya.


"Rafael, huwag mo siyang sungitan." narinig kong bulong ni Veronica.


Masuyo ko itong tinitigan. Ang sarap pa sana halikan ng halikan ng mahal ko. Kaya lang may ibang tao dito sa kwarto. Ayaw kong mailang ito kaya mamaya na lang siguro pagkaalis ni Jeann.


"Ano ba ang problema Jeann? Bakit nandito ka? Wala kang pasok sa School?


tanong ko sa pamangkin ko. Baka mamaya may balak pa itong dito matulog sa kwarto ni Veronica. HIndi ako papayag. Gusto kong makatabi sa pagtulog ang mahal ko. Total alam na ni Mommy ang tungkol sa aming dalawa and for sure nabanggit na din ito ni Mommy kay Daddy.


Napansin ko ang kaagad na pagtitig ni Jeann kay Veronica kaya nagtaka ako. Muli akong napatingin kay Veronica. Mukhang may alam na ito sa problema ng kaibigan.


"Anong problema nya Sunshine? Nabanggit nya ba sa iyo?" masuyo kong tanong. Kaagad kong napansin ang muling pagsulyap ni Veronica kay Jeann bago sumagot.


"Buntis si Jeann." maya-maya narinig kong wika ni Veronica. Kaagad akong nagulat. Hindi ako makapaniwalang napatitig sa pamangkin ko. May boyfriend ba ito? Ang alam ko pihikan ito. Hindi nga nagpapaligaw? Tapos ngayun buntis? Paano nangyari iyun?


"Ano? Buntis? Jeann, sino ang ama?" kaagad na tanong ko. Tinitigan ko ito habang nakayuko at kaagad kong napansin ang kaagad na pagtulo ng mga luha nito sa mga mata. Napakunot ang noo ko.


"Si Drake daw." muling sagot ni Veronica. Lalo akong nagulat. Paanong si Drake. Wala itong nababanggit sa akin na pinupormahan nito ang pamangkin ko. Wala itong nababanggit na may relasyon sila ni Jeann. Lahat ng babae na dumating sa buhay namin na magbabarkada, alam na alam namin. Walang taguan ng sekreto kung baga.


"Si Drake Davis?" tanong ko. Lalo itong umiyak.


"Come on Jeann! Kailan pa kayo nagkaroon ng relasyon? Bakit hindi ko ito alam?" galit kong tanong. Lalo itong napahagulhol ng iyak.


""Sorry po Uncle. Wala po kaming relasyon at hindi ko po akalain na mabubuntis ako."


sagot nito. Hindi ko maiwasan na maikuyom ang aking kamao. Drake Davis...ilang beses ko ng sinabi sa mga kaibigan ko na huwag ang mga pamangkin ko. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng galit.


Pamangkin ko si Jeann at alam ko kung ano ang karakas ng mga kaibigan ko. Kaya nga kinausap ko sila noon na huwag na huwag ang mga kadugo ko ang biktimahin nila. Huwag silang magtangka na makipaglapit sa kahit isa sa kanila dahil alam kong wala silang balak na magseryoso. Sa aming apat ako pa lang yata ang nagseryoso sa isang babae. Dahil iyun kay Veronica.


"Ginawa ka nyang ka-fling? Ganoon ba? At pumayag ka naman?" Gigil kong tanong ko. Lalong napayuko si Jeann. Tumayo ako at naglakad.


 Humanda sa akin ang gago na iyun!"Mahina kong wika na hindi nakaligtas sa pandinig nilang dalawa. naikuyom ko pa ang kamao ko dahil sa sobrang gigil.


"Uncle, hindi nya pa alam na buntis ako. Hindi na kami nagkikita simula ng may nangyari sa amin. Promise, isang beses lang iyun." muling wika ni Jeann sa kabila ng pag-iyak. Hindi ko mapigilan ang mapaismid.


"Alam na ba ito nila Ate at Kuya?"


tanong ko. Kaagad itong umiling.


"kayong dalawa pa lang ni Veronica ang nakakaalam. Uncle, ano ang gagawin ko? Magagalit sila Mommy at Daddy kapag malaman ito. Ayaw kong madis-appoint sila sa akin." umiiyak na muling wika nito. Naiiling naman ako.


"Sa palagay mo matutuwa sila sa mga pinaggagawa mo  Jeann? Hindi pwedeng hindi panagutan ni Drake ang batang iyan. Kakausapin ko siya."


naiinis kong sagot. Hindi ko akalain na may problema pala na sasalubong sa pag-uwi ko dito sa mansion. Paano ko masusulo nito si Veronica kung sumingit ang problema ng pamangkin ko,


"Uncle...No! Huwag nyo po siyang awayin!" pigil pa sa akin ni Jeann. Tiningnan ko ito ng masama kaya nanahimik ito.


"Dinukot ko ang cellphone sa aking bulsa. Nagpadala ako ng mensahe sa aking mga kaibigan na magkikita kami mamaya sa mismong bar ni Drake. Lagot talaga sa akin ang lalaking iyun. SA dinami-daming babae na pwedeng buntisin, pamangkin ko pa talaga.


"Doon ka na muna sa labas. Maghanap ka ng lugar kung saan ka pwede magpahinga dahil sasama ka mamaya. Pupuntahan natin ang Drake na iyun.!" utos ko kay Jeann. Kaagad itong nagpahid ng luha sa kanyang mga mata.


"Uncle, hindi pa ako ready na makita siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko." sagot nito.


"Ngayun pa lang magpractice ka na kung ano ang sasabihin mo sa kanya Jeann. Teka, ano ang gusto mo? Tatawagan ko ang mga magulang mo at ako mismo ang magsabi sa kanila tungkol sa mga pinanggagawa mo? Na buntis ka?" nafinis kong tanong. Maluha-luha itong umiling.


"Pwes...maghanda ka! Aalis tayo mamaya! Sa ngayun maghanap ka ng ibang lugar kung saan mo gustong tumambay. Huwag dito sa kwarto ni Veronica dahil kailangan din nyang magpahinga." wika ko. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pag- ismid nito. Hindi ko na lang pinansin.


"Pwede bang dito na lang ako Uncle. At least kapag nandito ako alam kong may karamay ako sa problema ko." reklamo nito. Napailing ako.


"Jeann, kung gusto mong tulungan kita diyan sa problema mo, sumunod ka. Lumabas ka muna. Natural, bigyan mo kami ng kahit kaunting privacy ng asawa ko." naiinis kong wika. Kaagad itong natulala habang nagpapalipat- lipat ang tingin sa aming dalawa ni Veronica.


"Asawa? Tsk! Nananaginip ka na naman Uncle!" sagot nito sabay tayo.


"Nica...sa labas na muna ako. Good luck sa presensya ng masungit kong Uncle." wika nito bago tuluyang lumabas ng Kwarto. Napapailing na lang ako bago naglakad papuntang pintuan. Ini-lock ko iyun. Baka bumalik pa ang makulit kong pamangkin.


"Paano ngayun iyan Rafael. Buntis si Jeann. Paano kung mabuntis din ako?" tanong ni Veronica sa akin. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang takot sa mga mata nito. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.


"Eh ano ngayun kung mabuntis ka. Mag -asawa na tayo Sunshine at normal lang ang ginagawa natin. Magbunga man eh di mas maganda." Nakangiti kong sagot bago ito hinalikan sa labi. Kanina ko pa ito gustong gawin sa kanya. Napigilan lang dahil sa presensya ni Jeann.


Matagal na magkalapat ang aming labi. Halos ayaw ko na itong pakawalan lalo na at naramdaman ko na marunong ng tumugon si Veronica. Natuto na din ito.


"Hmmmm, masakit pa ba ang katawan mo?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong paghiwalayin ang labi namin. Parang gusto ng kumawala ang anaconda sa brief ko. Gusto kong angkinin ulit ito.


"Medyo." sagot nito. Hindi ko mapigilan na mapabuntong hininga at hinalikan ito sa kanyang leeg.


"Pero kaya ko naman siguro. Dahan- dahan lang katulad kaninang umaga." wika nito. Kaagad akong napangiti. Hudyat iyun para tanggalin ko lahat ng saplot sa katawan nito.


Lalo kaming naging mapusok sa mga susunod na sandali. Asawa ko na ang babaeng ito kaya pwede na namin gawin ang ganitong bagay hanggat gusto namin.


Hindi ko pa rin maiwasan na humanga kapag ganitong hubot hubad na ang mahal ko. Ang ganda talaga ng katawan nito. Nakakapaglaway. Nakakagigil!


Kaagad akong umalis ng kama at nagmamdaling tinanggal lahat ng saplot ko sa katawan. Kailangan kong bilisan ang mga kilos ko. Kanina pa nagwawala ang aking anaconda.


Lalo akong nakaramdam ng pag-iinit ng mapansin ko na namumungay ang mga matang nakatitig sa akin ni Veronica. Sinusundan nito ng tingin ang bawat galaw ko. Hindi ko maiwasan na mapangisi ng muli kong sulyapan ang pagkababae nito. Ano man sandali muli ko na naman matitikman ang masikip nitong lagusan.


Napansin ko pa ang paglaki ng mga mata ni Veronica ng tuluyan ko ng mahubad lahat ng saplot ko sa katawan. Titig na titig ito sa anaconda ko.


"Dont worry Sunshine, paliligayahin ka ulit nito." wika ko at kaagad na pumwesto sa paanan niya. Inamoy ko ang kabibe nito at hindi ko maiwasan na mapapikit ng malanghap ko ang kakaibang amoy noon. Ilang saglit lang ay kaagad akong sumubsob sa bahaging iyun kasabay ng impit na pag -ungol ni Veronica.


"Rafael, teka ano ang gingagawa mo?" wika nito. Hindi ko maiwasan na mapangiti ng mapansin ko na naglulumikot ang katawan nito. Halos mapaliyad ito tuwing sipsipin ko ang kanyang perlas.


"Teka, tama na...hindi ko na kaya..." wika nito na may halong ungol sa kanyang boses. Parang walang narinig na itinuloy ko lang kung ano ang naumpisahan ko. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na may lumabas na dito. Kaagad ko iyun sinipsip at walang itinira. Ahh sweet! Hindi ako magsasawa na gawin ito sa kanya palagi.


"Ako naman ang paligayahin mo Sunshine." nakangiti kong wika dito nang muli akong bumalik sa kanyang ibabaw. Namumungay ang mga mata tumitig sa akin.


"Paano?" tanong nito. Napangiti ako. Umalis ako sa ibabaw nya at pinatalikod ito sa akin. Gusto kong angkinin ito ng patalikod. Ibang posisyon naman.


Kaagad nitong nakuha ang ibig kong sabihin. Nakatuwad ito kaya naman dali -dali kong itinutok ang aking anaconda sa kanya. Basang basa ito kaya hindi na ako nahirapan pang pasukin ito. Hindi ko maiwasan na mapaungol ng maramdaman ko kung gaano pa rin ito kasikip ng tuluyan ng pumasok ang anaconda ko sa kaloob-looban nito.


Veronica, you're so tigh  talaga! "wika ko habang madiin na nag-atras - abante sa kanyang likuran.


Hinawakan ko ito sa kanyang baywang kaya naman lalong naging madiin ang salpukan ng aming katawan.


"Rafael....ughhhh" impit na ungol nito.


"Ganyan nga, sambitin mo ang pangalan ko Sunshine..I love you! I love you very much!" sambit ko.





Chapter 226


VERONICA POV


"Sigurado ka ba na gusto mong komprontahin ngayun si Drake? Baka magkasakitan kayo nyan." wika ko kay Rafael pagkatapos ng mainit na sandali na nangyari sa aming dalawa.


Pareho kaming hubot hubad na nakahiga sa kama habang nakaunan ako sa kanyang braso.


Natatakpan kami ng makapal na comforter kaya naman komportable ang paghiga ko at kahit papano hindi nakabuyangyang ang mga hubad namin na katawan.


"Tiyak na magkakagulo kapag malaman ng pamilya ang tungkol sa pagbubuntis ni Jeann. Lalo na ni Ate Arabella. Alam ko kung gaano kasungit ang kapatid kong iyun. Tiyak na magwawala iyun kapag malaman niyang nabuntis ang unica iha nila na walang kasiguraduhan kung pananagutan ba ito ng lalaking nakabuntis sa kanya." sagot ni Rafael. Kaagad ko naman naintindihan ang ibig nitong sabihin.


"Ibig mong sabihin pupuntahan mo talaga siya sa bar mamaya?" muling tanong ko. Hanggat maari gusto ko itong pigilan. Baka kasi magkasakitan ang magkaibigan at kung ano pa ang mangyari.


"No choice. Kailangan kong makausap ang gagong iyun bago pa magkagulo. Kailangan nyang panagutan si Jeann sa ayaw at gusto nya." sagot ni Rafael. Tinitigan ako nito sa mga mata at hinalikan sa tuktok ng ilong ko. Napapikit naman ako.


Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang pagbangon nito. Dumiretso ito sa loob ng banyo at ilang saglit lang ay lumabas din kaagad na may dala- dalang basang bimpo. Kaagad naman

akong napabangon ng mahulaan ko kung ano ang susunod nitong gagawin.


"Magbabanyo ako." wika ko habang nagtatalo ang isipan ko kung aalis ba ng kama at patakbong papuntang banyo na hubot hubad or ibabalot ang sarili ko sa comforter ang hubad kong katawan? Kahit ilang beses ng may nangyari sa amin, nahihiya pa din akong ibalandra dito ang hubad kong katawan. Ah ewan mas pinili ko na lang ang nauna. Hubot hubad kong tinakbo ang pintuan ng banyo bago mabilis na pumasok at isinara. Narinig ko pa ang malakas na pagtawa ni Rafael dahil sa ginawa ko.


Pagpasok ko sa loob ng banyo agad akong humarap sa salamin. Una kong napansin ang pulang pula kong mukha. Kumakabog din ang dibdib ko. Hindi ko din maiwasan na mapangiwi ng mapansin ko na nadagdagan ang mga kissmark ko mula leeg hanggang dibdib ko. Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Rafael na lagyan ako ng ganitong marka. Sana lang matanggal kaagad ito.


Kaagad akong naglinis ng katawan. Sinugurado ko na maayos ang pagkakasuot ko ng roba bago lumabas ng kwarto. Mabuti na lang at wala na si Rafael kaya naman mabilis akong pumasok sa loob ng walk in closet para maghanap ng komportableng damit na pwedeng isuot.


Mas pinili ko ang ternong pajama at blause na pambahay. Alam ko din na marami akong kissmark sa leeg kaya nagpasya akong takpan iyun ng cream at foundation. Iyung nga lang visible pa rin kahit anong gawin kong pagpahid kaya wala na akong nagawa pa kundi hayaan na lang. Hindi naman masyadong halata kapag hindi titigan.


Mabilis akong lumabas ng kwarto. Mabuti na lang kaagad kong

nakasalubong si Ate Maricar pagbaba ng hagdan kaya kaagad ko itong tinanong.


"Ate...nakita nyo po ba si Jeann?" tanong ko. Saglit itong tumitig sa akin bago sumagot.


"Ahhh si Jeann ba? Nasa living room kausap nila Madam at Sir pati na din ni Sir Rafael." sagot nito. Kaagad naman akong nagpasalamat at diretsong naglakad papunta doon.


Pagbungad ko pa lang ng living room narinig ko na kaagad ang impit na pag- iyak ni Jeann. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng awa dito. Mukhang alam na nila Tita at Tito ang tungkol sa pagbubuntis nito.


"Basta ka na lang nagpabuntis sa lalaking hindi mo nobyo? Ano ba ang nangyayari sa iyo Jeann? Kaya pala kanina ka pa nakatambay sa kwarto ni Veronica! Kanina ka pa dito at hindi mo man lang nabanggit sa amin ang problemang iyan!" narinig kong galit na wika ni Tito Gabriel. Sa tono ng boses nito mukhang disappointed ito sa apo.


"Gabriel, tama na iyan. Wala na tayong magagawa kundi tulungan ang apo mo na maayos ang problema na ito. Nakakaawa naman kung pagagalitan pa natin." narinig kong sabat ni Tita Carissa.


"Sorry po! Hindi ko po talaga alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko din po alam kung paano ito sasabihin kila Mommy at Daddy." sagot naman ng umiiyak na si Jeann. Hindi ko tuloy malaman kung papasok ba ako sa living room o hindi. Sa huli nagpasya na lang akong huwag na lang muna. Hahayaan ko na lang muna silang makapag-usap magpapamilya.


Diretso akong naglakad palabas ng mansion Mamaya ko na lang

dadamayan si Jeann pagkatapos siyang sabunin ng kanyang Lola at Lola. Wala din naman akong maitulong para mapahupa ang galit na nararamdaman ng Lolo at Lola sa kanya.


Isa pa kampante ako na hindi naman siguro siya sasaktan ng mga ito physically. Sa loob ng mahigit isang taon na pagtira dito sa mansion, never ko pang nakita na nagsakitan sila.




Chapter 227


VERONICA POV




Nagpasya na lang akong pumunta ng garden. Malapit na dumilim ang buong paligid at masarap na sa balat ang dampi ng hangin. Napakabango pa ng paligid dahil sa mga bulaklak na nag- uumpisa ng mamukadkad.


Talagang alagang-alaga ni Tita Carissa ang lugar na ito. Ang galing talaga nitong mag-alaga ng mga halaman. 


Halos mag-iisang oras na akong nanatili sa garden ng marinig ko ang boses ni Manang Espe. Ang

mayordoma ng mansion.


"Diyos ko! Nandito ka lang palang bata ka. Alam mo bang kanina ka pa hinahanap ni Rafael?" kaagad na wika nito pagkakita sa akin. Nagulat naman ako. Ang alam ko nasa living room lang si Rafael. Marahil tapos na silang mag- usap.


"Ganoon po ba? Nasaan po siya ngayun. Puntahan ko na lang po." sagot ko.


"Nasa living room sila kasama si Jeann. Teka lang, alam mo na ba ang tungkol sa pagbubuntis ng kaibigan mo?" tanong ni Manang Espe. Kaagad naman akong tumango.


"Naku, nakakaawang bata. Talagang pinagalitan siya ng todo ni Sir Gabriel. Sige na Iha, puntahan mo na sila sa living room." wika ni Manang Espe at kaagad na itong nagpaalam. Kakaba- kaba naman akong naglakad papuntang living room.


Pagkapasok ko ay kaagad akong napatingin kay Rafael. Nakaupo ito sa kabilang bahagi ng sofa at ng mapansin nito ang pagdating ko ay kaagad akong sinenyasan na maupo sa tabi nya.


"Good evening po Tita, Tito!" bati ko sa mag-asawa bago ako naupo sa tabi ni Rafael. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang seryosong mukha ni Tito Gabriel gayundin ni Tita Carissa. Si Jeann naman ay tahimik lang sa kabilang bahagi ng sofa habang nagpupunas ng luha.


"Ikaw naman Rafael, ano ang plano mo kay Veronica? Akala mo ba hindi ko alam iyang mga pinanggagawa mo?" seryosong wika ni Tito. Nagpapalipat- lipat ang tingin nito sa pagitan naming dalawa ni Rafael kaya kaagad akong napayuko. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng hiya.


"Seryoso po ako kay Veronica Dad. Alam nyo naman po siguro iyan noon pa diba?" sagot naman ni Rafael sa kanyang ama.


"I know pero....hayyy ewan ko. Bahala ka na nga. Nasa tamang edad ka na para magdesisyon. Pero hindi pwede ang ganito ha? Magready kayo pareho dahil kailangan natin mamanhikan sa mga magulang ni Veronica kapag maayos ang problema kay Jeann."


sagot ni Tito Gabriel. Hindi ko namam maiwasan na makaramdam ng hiya. Sumabay pa talaga ang lahat sa problema ni Jeann..


"Bweno, wala na tayong magagawa. Mukhang totoo ang nabanggit mo noon Gab, pagkatapos ng problema ni Chistian sa lovelife mukhang lovelife ng mga apo natin ang reresulbahin natin. Nauna sa kanilang lahat si Jeann. Mabuti na lang talaga at nagkakaintindihan na itong si Rafael at Veronica. Hindi ganoon ka-complikado ang pag-iibigan nila" sagot ni Tita Carissa.


"Ano pa nga ba ang magagawa natin Sweetheat kundi ang intindihin sila. Mga kabataan nga naman ngayun...kay pupusok!" sagot ni Tito gabriel sa asawa.


"Dad naman, parang hindi ka din naman dumaan sa ganitong edad. At least kaming dalawa ni Veronica, legal na kung batas ang pag-uusapan. Naayos na ni Attorney Cruz ang tungkol sa pagpaparehistro ng kasal namin." katwiran ni Rafael sa kanyang ama.


"Huwag mong ipagmalaki sa akin iyan Rafael. Hindi pa rin sapat iyan. Kailangan mong iharap sa dambana si Veronica dahil iyan ang importante para magkaroon kayo ng payapang pagsasama. Oo, sa huwes kami unang ikinasal ng Mommy mo. Pero pinakasalan ko din siya sa simbahan dahil mahal na mahal ko siya!" sagot ni Tito Gabriel at inakbayan pa nito ang asawa at matamis na nginitian.


Sa totoo lang, wala pa akong alam kung paano nag-umpisa ang love story nila tita Carissa at Tito Gabriel. Pero alam kong exciting iyun at masarap pakinggan kung may magkikwento lang. Napaka-perfect kasi nilang tingnan. Napaka-sweet din nila sa isat isa.


Pangarap ko na maging katulad din nila kami ni Rafael hanggang sa pagtanda. Sana kahit maputi na ang buhok namin kami pa rin dalawa ang magkasama. Katulad nila Tita Carissa at Tito Gabriel.


"Rafael, tawagan mo na ang magaling mong kaibigan. Gusto ko magpakita siya ngayun din dito sa mansion. Huwag na nya kaming hintayin na ako pa ang gumawa ng paraan para mapilitan siyang magpakita sa atin dahil malilintikan talaga sa akin ang lalaking iyun!" wika ni Tito Gabriel. Kaagad naman tumango si Rafael.


"Dad, ako na ang bahala tungkol sa bagay na iyan. Tinawagan ko na siya at papunta na dito." sagot ni Rafael. Nakahinga ako ng maluwang kahit papaano. Hindi na pala kailangan pang pumunta ng bar ni Rafael para makausap ang kaibigan.


"Grandpa, huwag nyo naman po sanang saktan si Drake! Please...hindi nya pa po alam ang tungkol dito." nakikiusap naman na sagot ni Jeann.


"Hindi kayang madala sa maayos na usapan ito Jeann. Kailangan kang panagutan ng lalaking iyun sa ayaw at gusto nya." maawtoridad na sagot ni Tito Gabriel. Kaagad naman napayuko si Jeann.


"Sweetheart, pakitawagan na sila arabella at Kurt. Papuntahin mo sila dito sa mansion ngayun din. Kailangan nandito din sila mamaya sa pagdating ng Drake na iyun." wika ni Tito kay Tita Carissa. Kaagad naman tumango si Tita at kinuha ang kanyang cellphone.


"Grandpa, No...baka po kalbuhin ako ni Mommy kapag malaman niya ito. Nakakatakot po siyang magalit."


muling sagot ni Jeann. Kitang kita sa mukha nito ang pagkabalisa.


"Wala ka ng choice kundi harapin ito Jeann. Malalaman at malalaman ito ng mga magulang mo kahit na anong gawin mong tago." sagot naman ni Tita Carissa. Napatingin naman si Jeann sa kanyang Tito Rafael pero hindi na ito nagkomento. Tumayo ito bago muling nagsalita.


"Malapit na si Drake Dad. Aabangan ko lang po siya sa labas." paalam nito sa ama. Kaagad naman tumango si Tito

Gabriel.


"Padiretsuhin mo siya dito sa living room pagdating nya. Gusto ko ng makaharap ang lalaking iyun." sagot ni Tito Gabriel. Kaagad naman tumango si Rafael at hinila ako patayo.


"Veronica, huwag ka ng sumama sa kanya. Dito ka lang." pigil pa ni Jeann ng mapansin nito na isasama ako ni Rafael paglabas. Kaagad itong tinitigan ng masama ni Rafael bago nagsalita.


"Dito ka lang. Huwag kang magtangka na sumunod sa amin." wika nito sa pamangkin. Kaagad kong napansin ang pag-ismid ni Jeann kaya hindi ko maiwasan na mapangiti.


"Eh bakit kayong dalawa...illegal din naman ang ginagawa nyo ah? Parang mag-asawa na kayo kung magturingan pero hindi ko narinig na pinagalitan kayo nila Grandmama at Grandpapa." angal ni Jeann. Hindi ko mapigilan ang mapasulyap kina Tita at Tito.


Kaagad kong napansin ang pigil na pagngiti ng mag-asawa kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng galak. Ibig lang sabihin nito, hindi sila tutol sa kung ano mang namagitan sa aming dalawa ngayun ni Rafael.


Hawak kamay kaming lumabas ni Rafael ng mansion. Naglakad kami papuntang pool at naupo sa isa sa mga upuan na nandoon.


"Talagang masyadong natakot si Jeann sa sitwasyon nya ngayun. Kawawa naman siya." wika ko kay Rafael pagkaupo namin. Mataman akong tinitigan sa mukha sabay ngiti.


"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Hindi na ba masakit ang sugat sa ulo mo?" imbes na sagutin nito ang tungkol sa sitwasyon ni Jeann iba ang katagang lumabas sa bibig nito.


"Ok na. Hindi na sya masakit. Hindi katulad kanina." sagot ko. Kaagad itong tumango at hinaplos ako sa mukha.


"Alam mo ba kung gaaano ka kaganda Veronica? Alam mo ba kung gaano kita kamahal?" malambing nitong wika. Para naman akong namamagnet na napatitig sa gwapo nitong mukha.


"Mahal na mahal kita higit pa sa kung anong meron ako ngayun. Ilang araw ka pa lang dito sa mansion noon pero alam ko na sa aking sarili na ikaw na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Kaya nga nagsikap para matuto kaagad na pamahalaan ang Villarama Empire. Gusto ko na kahit gaano ako ka-busy marami pa rin akong time na maibigay sa iyo." masuyo nitong sagot. Napakurap ako ng makailang ulit bago ko nagawang magsalita.


"Mahal din naman kita kahit palagi mo akong sinusungitan. Kahit naman kang galit, sinisegurado mo pa rin na ibigay lahat ng pangangailangan ko.


Nararamdaman ko ang pag-aalaga mo kahit wala ka. Iyun nga lang... ang tagal mong hindi nagpakita sa akin. Pagkatapos mo akong landi-landiin noon bigla ka na lang naglaho." sagot ko. Hindi ko mapigilan na mapatitig sa diamond ring na suot ko. Ang ganda talaga nito. Kumikinang sa tama ng liwanag ng ilaw.


"At nagtatampo ka dahil doon?" sagot nito. Tumitig muna ako sa mukha nito tsaka tumango. Muli itong napangiti.


"Talagang sinadya ko iyun. Aware sila Mommy at mga kapatid kong babae tungkol sa nararamdaman ko sa iyo. Kinausap nila ako. Sinabi nila na masyado ka pang bata para ligawan. Na kung pwede hayaan muna kitang ma-grow at matupad muna lahat ng pangarap mo. Isa pa, kailangan ko munang pagtoonan ang kumpanya namin. Nag-aalburuto na si Kuya Christian at gusto nya na talagang kumawala sa Empire dahil may sarilng negosyo din ang kanyang pamilya na dapat nilang pagtulungan ni Ate Carmella....."


"No choice kundi sundin ko muna sila at tutukan ang Empire sa loob ng halos isang taon. Hindi naman nasayang ang sakripisyo ko at kaagad akong natuto.... pero alam mo bang ilang beses kitang pinasok sa kwarto mo tuwing umuuwi ako ng mansion? Grabe ka kasi matulog kaya hindi mo ako


nararamdaman..." mahabang wika nito. HIndi ko naman maiwasan na magulat sa huli nyang sinabi.


"Palagi kang pumapasok ng kwarto ko? Bakit hindi mo ako ginigising para makita din kita?" tanong ko.


"Baka kasi sungitan mo ako eh..... hehehe!" natatawa nitong sagot..

nagkunwari akong napasimangot.


"Ang daya nito. Alam mo bang miss na miss kita noon? Nakakainis ka talaga! Halos hindi ako makatulog sa kakaisip sa iyo...na bakit bigla mo na lang akong iniwasan...pagkatapos pasekreto kang pumapasok ng kwarto ko? Ang unfair mo!" sagot ko. Napahalakhak ito kaya hindi ko maiwasan na mapangiti na napatitig sa gwapo nitong mukha. Ibang Rafael na talaga ang nakikita ko ngayun.


"Sorry na po Sunshine. Kailangan kong maging masunuring anak at kapatid noon. Pero tingnan mo naman. Hindi pa rin ako nakatiis. Sinunod ko pa rin ang gusto ko. Bahala na sila...basta masaya ako dahil tuluyan ka ng naging akin." sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na muling mapangiti.


Para akong nasa alapaap ng mga

sandaling ito. Kay sarap pala makipag- usap sa taong mahal mo.


Akmang sasagot pa sana ako ng mapansin namin pareho na may tatlong sasakyan na magkasunod na pumasok sa loob ng vicinity ng mansion.


"Talagang nagdala pa ang loko ng back -up." narinig kong wika ni Rafael. ko maiwasan na hawakan ito sa kamay para sana ipaalala na huminahon ito. Huwag sanang magkagulo. Ramdam ko kasi ang galit nila dahil sa pagbubuntis ni Jeann.


"Dont worry, bibigyan ko lang ng leksiyon ang magaling kong kaibigan." wika nito sabay tayo. Saglit ako nitong tinitigan bago nagmamadali na nilapitan ang kakarating lang na mga kaibigan. Nasundan ko na lang ito ng tingin.


Kaagad silang nagbatian. Napansin ko pa na masaya pa ang lahat na nagkamay pero ilang saglit lang ay kaagad na sinapak ni Rafael si Drake. Kaagad akong napatayo at nagmamadali silang nilapitan.


"Bro, ano ba ang problema. Bakit bigla mo na lang sinapak si Drake?" kaagad na awat ni Peanut kay Rafael. Si Arthur naman kaagad dinaluhan ang


natumbang si Drake. Mabuti na din at kaagad akong nakalapit sa kanila at hinawakan ko sa braso si Rafael.


"Gago ang kaibigan natin na iyan. Hindi bat binalaan ko na kayo na huwag ang mga pamangkin ko? Pero bakit binuntis nya si Jeann?" bakas ang galit sa boses ni Rafael ng


sambitin nya ang katagang iyun. Kaagad kong napansin ang pagkagulat sa mukha ng mga kaibigan nito.


Lalong lalo na si Drake na patayo na

sana habang alalay ito ni Arthur.


"What? Binuntis mo Jeann?" gulat na tanong ni Peanut kay Drake.


"Buntis siya? Ibig sabihin magkakaanak na kami?" pabulong na tanong ni Drake. Kapansin-pansin ang bahagyang pagsilay ng ngiti sa labi nito. Kumislap ang mga mata at mukhang bigla nitong nakalimutan ang sapak na natanggap mula kay Rafael.


"Oo! Drake! Hindi bat sinabi ko sa inyo na huwag ang pamangkin ko? Anong klase kang kaibigan! Pati ba naman kadugo ko tataluhin mo?" galit na sagot Rafael. Namumula na ang mukha nito at nakakuyom ang kamao.


"Grabe ka Drake? Hindi mo nabanggit sa amin ito ah? Pinupormahan mo pala si Jeann? Kailan pa?" tanong ni Arthur. Imbes na sagutin ni Drake ang tanong na iyun si ang binalingan nito.


"Handa kong panagutan ang lahat. Sorry, hindi ko lang napigilan ang sarili ko." sagot naman ni Drake. Mukhang biglang nawala ito sa sarili. Hindi man lang ininda ang sapak na natamo mula sa kaibigan.


"Sorry? gago! Ayusin mo ito Drake ha kung hindi kakalimutan ko talaga  kitang naging kaibigan!" galit na singhal ni Rafael dito.sumagot Kaagad naman si Drake.


"Of course! Aayusin ko ito. Kakausapin ko si Jeann." Nakangiting sagot nito. Kung gaano kagalit si Rafael, ganoon naman ito ka-kalmado si Drake. Mabuti na lang talaga at hindi ito gumanti sa sapak na natanggap kay Rafael.


"No need! Sumama ka sa akin sa loob!


Gusto kang makausap ni Daddy! At payong kaibigan, ayusin mo ang sagot mo kung hindi lalabas ka sa lugar na ito ng walang ulo!" inis na muling wika ni Rafael kay Drake. Bigla itong namutla.


"Si...si Tito Gabriel?" tanong nito. Kaagad na tumango si Rafael.


"Naku yari ka Bro! Bakit ba kasi sa dami ng babaeng pwede mong buntisin bakit si Jeann pa? Kailan pa kayo nagdidate? Bakit hindi namin ito alam? "sabat naman ni Peanut. Kitang kita sa mga mata nito ang curiosity.


"Pwede bang sumama nila Peanut at Arthur? Para naman may pwedeng umawat kung sakaling bugbugin ako ni Tito Gabriel." sagot ni Drake. Kaagad na umiling si Rafael. Hinawakan ako sa kamay at hinila papasok ng mansion


"Dito lang kayo! Walang makikialam!


Huwag din kayong magtangka na ipagtanggol ang Drake na iyan!' Bilin ni Rafael kina Peanut at Arthur at sabay na kaming naglakad papasok sa loob ng mansion. Tahimik naman na nakasunod lang sa amin si Drake.


Pagpasok pa lang ng living room kaagad napatayo si Jeann pagkakita kay Drake. Tumingin pa ito sa gawi ko na parang nanghihingi ng tulong.


"Dad, nandito na si Drake." wika ni Rafael sa ama. Seryosong tinitigan ni Tito Gabriel si Drake na noon ay kita sa mukha ang tension. Bantulot itong lumapit kina Tita at Tito tsaka nagmano.


"Mano po Tita Carissa....Tito Gabriel..." narinig ko pang wika nito. Kaagad naman itong pinagbigyan nila Tita at Tito. Pagkatapos sininyasan itong maupo sa tabi ni Jeann na noon ay hindi mapalagay.


Samantalang kaming dalawa ni Rafael tahimik lang din na naupo sa kabilang bahagi ng sofa.


"Ikaw lalaki, alam mo naman siguro ang dahilan kaya kita pinatawag diba? Alam mo na siguro ang tungkol sa pagbubuntis ng apo ko?" seryosong wika ni Tito Gabriel. Masyadong seryoso ang mukha nito at matalim na tumitig kay Drake. Sumulyap muna si Drake kay Jeann bago sumagot.


"Sorry po Tito! Actually, kanina ko lang din po nalaman ang tungkol sa pagbubuntis ni Jeann. ang alam- "hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Drake ng muling sumabat si Tito Gabriel.


lalaki! Hindi mo man lang inalam ang kalagayan ng apo ko pagkatapos ng may nangyari sa inyo?


Anong klaseng lalaki ka? Siguro naman aware ka kung sino si Jeann diba?" sagot ni Tito. Kaagad na napayuko si Drake.


"Grandpapa, hindi po kami magshota kung iyan ang iniisip niyo po... nagkataon lang na may---" naputol ang sasabihin ni Jeann ng muling sumabat si Tito.


"Wala kayong relasyon? Pero nabuntis ka ng lalaking iyan? Jeann, nasa matino ka pa bang pag-iisip? Ano ang ginagawa ng Mommy at Daddy mo at hindi yata nila alam ang mga


pinanggagawa mo!" galit na wika ni Tito Gabriel. Sa pagkakataon na ito, namumula na ang kanyang mukha sa galit kaya kaagad itong inawat ni Tita Carissa.


"Gabriel, huminahon ka! HIndi pwedeng idaan sa init ng ulo ang lahat.


Hayaan mong magpaliwanag ang mga bata tungkol dito. Siguro naman nasa tamang edad na sila para malaman kung ano ang tama at mali." mahinahon na sagot ni Tita Carissa. Hinila pa nito ang asawa na paupo kaya kahit papaano kumalma ng kaunti si Tito Gabriel.


"Kayong dalawa...ano ngayun ang plano nyo?" seryosong tanong ni Tito. Nagkatinginan si Jeann at Drake. Halata sa mga mukha ng mga ito ang pagkalito.


Akmang sasagot na si Drake ng biglang dumating si Ate Arabella, Kasunod nito ang asawang si Kurt Santillan. Kitang kita ko ang galit sa mukha nito at ng dumako ang tingin nito kay Drake at Jeann kaagad na naningkit ang mga mata nito at sinugod si Drake. Hinila sa buhok at pinagkakalmot.


"Walang hiya kang lalaki ka! Ang lakas ng loob mong buntisin ang anak ko!" galit na wika nito. Kaagad naman napatayo si Jeann para awatin ang nagwawalang ina. Umawat na din si Kuya Kurt at Rafael.


"Arabella, stop it! Hindi masusulusyonan ang problemang ito kung idadaan mo sa dahas!" galit na sigaw ni Tito Gabriel. Napatayo na din ito. Natigil naman sa pagwawala si Ate Arabella at maluha-luha na hinarap ang ama.


"Dad, masyadong pang bata ang anak ko para buntisin ng lalaking iyan! Ni hindi ko nga alam na nanliligaw ang taong iyan sa anak ko!" galit na wika ni Ate Arabella. Hindi ko naman mapigilan na maawa sa hitsura ni Drake. Magulo ang buhok nito at may kalmot sa mukha.




Chapter 228


VERONICA POV


"So ano ang plano? Hindi pwedeng hindi mo panagutan ang anak ko. Hindi ako papayag na lumaki ang tiyan nya ng hindi kayo maikasal." Narinig kong wika ni Kuya Kurt. Ang ama ni Jeann.


Kaagad kong napansin ang pagtutol sa mukha ni Jeann ng sambitin ng ama nito ang tungkol sa kasal. Mukhang hindi pa ito ready tungkol sa bagay na iyun. Mukhang wala pa itong balak na magpatali.


"Dad, hindi pwede! Wala po kaming relasyon ni Drake. Aksidente lang po ang lahat." sagot nito. Kaagad itong pinanlakihan ng mata ng ama. Sa hitsura ni Kuya Kurt mukhang hindi ito masaya sa sinabi ng anak samantalang si Ate Arabella naman lalong naningkit ang mga matang tumitig sa anak.


"Anong aksidente? Ano iyun, natisod ka lang sa lalaking iyan tapos nabuntis ka kaagad? Jeann, naririnig mo ba iyang sarili mo?" galit na asik ni Ate Arabella kay Jeann. Kagat labing napayuko ito.


"Sorry po! Pero hindi pwede ang sinasabi ni Daddy na dapat ikasal kami. Hindi porket nabuntis ako magpapatali na ako sa kanya." sagot nito sabay sulyap kay Drake. Kaagad kong napansin ang biglang pagseryoso ang mukha ni Drake.


"Pasensya na po kayo. Pero paninindigan ko ang tungkol sa pagbubuntis ni Jeann. Hindi din po ako papayag na mailabas ang anak namin na walang kikilalaning kompletong pamilya. Ayaw ko pong matulad sa akin ang anak ko na lumaking wala ang mga magulang sa tabi." sagot ni Drake. Halata ang lungkot sa boses nito.


"Nababaliw ka na ba? Paano ang girl friend mo?" Galit naman na sagot ni Jeann kay Drake.


"Handa ko siyang talikuran alang- alang sa iyo at sa anak natin? Ano ba ang ikinakatakot mo. Tama silang lahat...dapat lang panagutan ko kung ano man ang nangyari sa atin Jeann. Ang mahirap kasi sa iyo pagkatapos mong panggigilan ang katawan ko ng gabing iyun basta ka na lang umalis. Ilang beses kitang kinontact pero iniiwasan mo ako." diretsahang wika ni Drake. Nagiging mas malalim pa yata ang takbo ng usapan na ito. Hindi man lang naisip ni Drake na kaharap nito ang mga magulang ng babaeng nabuntis nya.


Kaagad na namula ang mukha ni Jeann dahil sa sinabi nito. Napangiwi pa ito sabay sulyap sa mga magulang na noon ay nanlalaki ang mga matang nakatitig sa anak. Kung hindi lang siguro kaharap sila Tita Carissa at Tito Gabriel baka sinugod na ni Ate Arabella ang anak at sinabunutan sa sobrang gigil.


"Huwag po kayong maniwala sa kanya Mommy, Daddy...sinisiraan nya lang ako. Hindi ko alam ang mga pinagsasabi nya dahil lasing po ako noon." sagot nito sabay hawak sa bibig. Huli na ng marealized nito ang mali nyang sinabi. Ayaw na ayaw ng pamilya Villarama na umiinom ng alak ang mga babaeng miyembro ng pamilya kung hindi pamilya ang kasama. Lalo na kapag kabarkada ang kasama.


"Anong sabi mo? Kailan ka pa natutong uminom? Sino ang kasama mo?" galit na sagot ni Ate Arablella sa anak. Lalong napangiwi si Jeann. Hindi malaman kung paano sasagutin ang ina.


"Mukhang naging suwail ang batang iyan. Mabuti pa siguro pag-usapan na natin ang tungkol sa kasal ng dalawang iyan. Hindi pwedeng lumaki ang tiyan ng apo ko na walang asawang aalalay sa kanya." sabat naman ni Tito Gabriel.


"Pero Grandpapa, hindi po pwedeng ang iniisip nyo. Ayaw ko pa pong magpakasal. Hindi pa po ako ready." sagot ni Jeann.


"Sana inisip mo iyan bago ka bumukaka Jeann. Bweno, since nandyan na iyan, wala na tayong magagawa pa kundi itakda ang kasal nila sa lalong madaling panahon. Wala akong pakialam kung gusto mo o ayaw mo pang magpakasal Jeann!" sagot naman ni Ate Arabella. kaagad kong napansin ang pagsilay ng masayang ngiti sa labi ni Drake.


"Ikaw naman lalaki, nasaan ang pamilya mo? Gusto namin sila makausap." wika ni Tito Gabriel kay Drake. Kaagad na bumalatay ang lungkot sa mga mata ni Drake bago sumagot.


"Wala na po akong aasahan sa kanila Tito. Pero huwag po kayong mag-alala. Papakasalan ko po si Jeann at kaya kong ibigay lahat ng pangangailangan niya dahil may mga negosyo naman po ako." sagot nito.


"Anong negosyo? Bar? Kalokohan!" sabat naman ni Jeann.


"Jeann!" kaagad na sigaw ni Ate Arabella sa anak. Kaagad naman napaismid si Jeann. Matalim na tinitigan si Drake.


Kahit tutol si Jeann tungkol sa usaping kasal wala itong magawa kundi ang makinig na lang sa pag-uusap. Nakatakda silang ikasal pagkalipas ng dalawang buwan. Sakto lang din hanggat hindi pa lumalaki ang tiyan nito.


"Pasensya na po talaga kayo sa mga nangyari at salamat po dahil pumayag kayo na pakasalan ko si Jeann." narinig kong wika ni Drake pagkatapos maplantsa ang tungkol sa kasal nilang dalawa.


"Mabuti na din at mukhang responsable ka naman lalaki. Mabuti na din na ikaw ang maging asawa ng apo ko. Alam kong hindi mo pababayaaan si Jeann kahit na may pagkamaldita ang batang iyan." sagot naman ni Tito Gabriel. Kaagad naman tumayo si Drake at nilapitan sila Tito Gabiel, Kuya Kurt at Rafael. Nakipagkamay ito.


"Isa-isa naman nitong hinalikan sa pisngi sila tita Carissa at Ate Arabella. Noong papunta na sa akin si Drake pinanlakihan na ito ng mata ni Rafael. Kinabig pa ako nito at inakbayan.


"Subukan mo lang..." pagbabanta ni Rafael. Natawa naman ang lahat. Kahit papaano naging magaan ang mga sumunod na sandali. Tumawag din si Drake sa pag-aari nitong restaurant at nagpadala ng mga pagkain dito sa mansion para mapagsaluhan.


"Ang lakas mo talaga Drake. Imagine, napaamo mo ang Mommy ni Jeann. narinig kong kantyaw ni Peanut kay Drake habang nakaupo kami dito sa pool. Magkatabi kami ni Jeann habang umiinom ng juice. 


"Kapag malinis naman ang hangarin mo sa isang babae, paRasaan ba at matatanggap din nila ang lahat." ngingiti-ngiting sagot naman ni Drake. Kaagad naman napaismid si Jeann.


"Ang sabihin mo, natakot ka lang kanina kaya hindi ka makahindi sa kasal natin. Kainis ka! Masyado kang pabida!" sagot ni Jeann.


"Hindi naman sa ganoon Jeann. Narinig mo naman siguro ang dahilan ko kanina diba? Ayaw kong lumaki ang anak natin na hindi magkasama ang mga magulang nila. Pinagdaanan ko iyan at ayaw kong maranasan ng anak natin iyan." sagot ni Drake. Malamlam ang mga matang nakatitig kay Jeann.


"Ang mabuti pa, bigyan muna namin kayo ng privacy para makapag-usap. Drake, ayusin mo ito. Mukhang nag- aalburuto pa rin ang magiging bride mo." sagot ni Peanut at tumayo na. Sumang-ayon naman kaming lahat.


"Mukhang mahaba ang gabing ito. Mag -inuman na lang kaya tayo habang hinihintay ang pagkain na inorder ni Drake?" muling wika ni Peanut. Kaagad naman pumayag si Rafael.


"Aakyat na muna ako sa kwarto Rafael, gusto kong magpahinga muna.'  paalam ko kay Rafael. Nakakaramdam na din kasi ako ng hiya kahit papaano. Kanina pa kami magkasama. Lagi itong nakaakbay sa akin kahit na nasa harap kami ng pamilya nito at mga kaibigan nito. Isa pa gusto ko din ito bigyan ng

time na mag-enjoy kasama ang mga kaibigan.


"Ihahatid na kita." sagot nito. Kaagad akong umiling.


"Asikasuhin mo na ang mga kaibigan mo Rafael. Kaya ko ang sarili ko." sagot ko. Tinitigan muna ako nito sa mga mata bago tumango.


"Okay Sunshine!" masuyo nitong wika at kinintalan ako ng halik sa labi. Kaagad naman akong tumalikod at nagmamadaling naglakad papasok ng mansion.


Akmang aakyat na ako ng hagdan ng marinig ko na nagsalita si Ate Arabella. Nakatayo ito sa hindi kalayuan habang may hawak na kopita ng red wine.


Ngayun ko lang ito nakitang umiinom. Mukhang malungkot ito sa nalalapit na kasal ng anak. Sabagay, kahit naman siguro sino magugulat sa biglaang pagbubuntis ni Jeann. Pihikan ito pagdating sa mga lalaki at hindi nagpapaligaw.


"Kumusta ka na?" tanong nito sabay titig sa mukha ko. Kimi akong lumapit sa kanya.


"Ayos naman po. Kayo po kumusta po? sagot ko. Kaagad itong ngumiti.


"Maayos naman. Mabuti na din at naayos kaagad ang problema kay Jeann..Nakakalungkot nga lang dahil mag-aasawa na ang anak ko... napaghahalataan tuloy na tumatanda na nga kami." sagot nito.


"Mukhang mabait naman po si Drake. Isa pa matalik syang kaibigan ni Rafael. Magiging maayos din si Jeann sa piling ni Drake Ate kaya walang dapat na ipag-aalala. HIndi naman po siguro hahayaan ni Rafael na masaktan ang pamangkin niya sa piling ng matalik nyang kaibigan." mahaba kong sagot. Kaagad naman napatango si Ate Arabella.


"Sana nga...of course, kailangan namin sila bigyan ng chance na magkakakilanlan. Kapag mapatunayan din naman namin na maalagaan ng maayos ni Drake ang anak namin, hindi kami manghihimasok sa pagsasama nila." sagot nito. Kaagad naman akong napangiti.


"Sya nga pala, balita ko nagkakamabutihan na daw kayo ni Rafael ah? Mabuti naman kung ganoon..... ikaw lang pala ang makakapagpatino sa bunso namin eh." maya-maya ay pag-iiba ng usapan namin. Kaagad naman akong napayuko.


"Huwag kang mahiya Veronica, noon pa man alam na namin ang tungkol sa nararamdaman sa iyo ni Rafael. Pinipilit namin siyang pigilan na hayaan ka munang makatapos pero matigas din ang ulo. Hindi talaga siya mapigilan. Mabuti na din at mukhang mapigilan. Mabuti na din at mukhang masaya naman kayo sa isat-isa. So, ano pa nga ba ang masasabi ko kundi....... "welcome to our family Veronica...." nakangiti nitong wika sabay halik sa pisngi ko. Hindi ko naman mapigilan ang maluha. Malaking bagay na tanggap ka ng pamilya ng lalaking pinakamamahal mo.


"Salamat po. Hindi nyo lang po alam kung gaano ako kasaya dahil sa kabila ng pagiging mayaman ng pamilya nyo, natanggap nyo pa rin ako para maging girl friend ni Rafael." sagot ko. Kaagad kong napansin ang pagtawa nito.


"Hindi mahalaga sa amin kung saan nagmula ang mga napupusuan ng bawat miyembro ng pamilya Veronica... as long as matino kang tao at mahal nyo ang isat isa, welcome ka sa pamilyang ito." nakangiti nitong sagot. Parang gusto naman malunod ang puso ko sa sobrang tuwa. Hindi ko akalain na makakatagpo ako ng ganito kabait na pamilya. Kaya naman gagawin ko ang lahat para masuklian lahat ng kabutihan nila sa akin


"Teka, alam na ba ito ng mga magulang mo?" tanong nito. Kaagad naman akong umiling.


"Hindi pa po ako nakapagkwento sa kanila. Pero nangako naman sa akin si Rafael na uuwi kami sa amin para pormal nyang mahingi ang kamay ko kila Nanay at Tatay. " sagot ko. Kaagad naman tumango si Ate Arabella.


"Diyan talaga ako bilib kay Rafael. Talagang ipinapakita nya sa amin na kaya ka nyang panindigan. Bweno, dadating din pala sila Christian at Miracle ngayun. Gusto mo bang magpahinga muna?" tanong nito. Kaagad akong tumango, Mukang mahaba-habang gabi ang mangyayari ngayun. Siguro diretso celebration na ito sa nalalapit na kasal ni Jeann.


"Sige na Veronica...pwede ka ng magpahinga muna. Mukhang napuruhan ka nga talaga kanina ng bully doon sa iskwelahan mo." wika nito sabay sulyap sa aking ulo ng may benda pa. Wala sa sariling nakapa ko iyun.


"Sige po Ate Arabella, mauna na po ako. sagot ko at kaagad na naglakad palayo dito. Paakyat na ako ng hagdan ng mapansin ito na naglakad palabas ng mansion. Binaliwala ko na lang at diretso na akong umakyat at diretsong pumasok ng kwarto. Gusto kong matulog na muna. Hindi pa ako masyadong nakapagpahinga dahil sa maghapong presensya ni Jeann dito sa kwarto ko.


Nagising ako ng maramdaman ko na may humahalik sa pisngi ko. Kahit antok na antok ako pilit kong idinidilat ang aking mga mata para lang tumampad sa paningin ko ang namumungay na mga mata ni Rafael.


"Rafael?" mahina kong bulong bago nito panggigilan ang labi ko. Uhaw na uhaw nitong ginalugad ang labi ko na syang tuluyang nagpagising sa natutulog kong diwa.


Mukhang naparami ang nainom nito. Amoy alak ito at napansin ko kung gaano kapungay ng mga mata nito kanina habang nakatitig sa akin.


"Lasing ka?" muli kong tanong pagkatapos nitong pakawalan ang labi ko. Bumangon ako ng kama at sumandal sa headboard. Sinulyapan ko ang relo sa bedside table at napansin ko na halos alas diyes na pala ng gabi. Napasarap nga ang tulog ko at kung hindi ako ginising ni Rafael baka bukas na ng umaga ako magigising.


"Hinahanap ka nila Mommy at mga kapatid ko. Nagkakasayahan na sa labas." sagot nito sabay sampa sa kama at tumabi sa akin. Niyakap pa ako nito.


"Ibig mong sabihin nandiyan na ang iba mo pang mga kapatid?" tanong ko. Kaagad itong tumango.


"Yup! Sini-celebrate nila ang nalalapit na kasal nila Jeann at Drake." sagot nito. Lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa akin at isinubsob pa ang kanyang mukha sa aking leeg. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga.


"Gaano ba kadaming alak ang nainom mo? Gusto mo na bang matulog?"


tanong ko dito. Kaagad kong naramdaman ang pag-iling nito.


"nope...hindi pa ako lasing. Nautusan lang ako ni Mommy na gisingin ka para makakain ka na daw. Maraming food sa baba dahil dinala ni Drake pati Chief nya at ilang tauhan dito sa mansion para dito na magluto." sagot nito.


"Kung gaoon kailangan na pala natin bumaba. Teka lang, mag-aayos lang ako." sagot ko kasabay ng pagkalas sa pagkakayakap dito. Bumaba ako ng kama at nagmamadaling pumasok sa loob ng banyo.




Kaagad akong naghilamos at naglinis ng katawan. Nang maayos na ang lahat muli akong lumabas ng banyo at kaagad kong napansin na maayos ng nakahiga ng kama si Rafael. Mukhang tulog na ito.


Hindi ko na lang pinansin at nagmamadali na akong pumasok sa loob ng walk in closet para maghanap ng maisusuot na damit. Mas pinili kong magsuot ng Floral Elegant.


Jumpsuit Wide leg pants. Sakto lang ang size nito sa akin at never ko pa itong nasuot simula ng naisama ito sa pinamili ni Rafael para sa akin noon. Sleeveless ito at bagay na bagay sa mapuputi kong balikat. Parang isinukat sa katawan ko dahil saktong sakto ito sa akin.


Tinakpan ko ulit ng concealer at powder ang mga kissmark na si Rafael ang may gawa sa leeg ko. Mahirap kasi talaga itong itago. Nagpasya na din ako na ilugay na lang muna ang mahaba kong buhok.


Nang makontento ako sa aking hitsura kaagad na akong lumabas ng walk in closet. Naabutan ko pa ang kakabangon lang ng kama na si Rafael. Kaagad itong tumitig sa akin pagkalabas ko ng walk in closet.


"Wow, ganda ng Misis ko ah?" bulalas nito habang titig na titig sa akin. Hindi ko naman maiwasan na manangiti.







Chapter 229


VERONICA POV










Kahit kailan talaga hindi ito nagkulang para lalo akong magkaroon ng tiwala sa sarili ko.


"Akala ko tulog ka na?" sagot ko sabay lapit dito. Ngumiti ito.


"Nagpapahinga lang.....so ready ka na? Lets go?" tanong nito. Kaagad akong tumango.


Magkahawak kamay kaming lumabas ng kwarto hanggang sa makalabas ng mansion. Kaagad na sumalubong sa paningin ko ang masayang atmospera sa labas. Ang nagkakatuwaan na mga kaibigan ni Rafael pati na din ang mga apo nila Tita Carissa at Tito Gabriel. Parang naging reunion ang ganap. Biglang naging kompleto ang buong pamilya.


"Veronica!" kaagad na tawag sa akin ni Charlotte. Nagmamadali itong sumalubong sa aming dalawa ni Rafael habang palapit kami sa lahat. 


Hindi ko maiwasan na ilibot ang tingin sa buong paligid. Dumako ang tingin ko sa iba pang mga apo ng mapansin ko ang presensya ni Elijah. Kaagad itong kumaway sa gawi namin. Nginitian ko lang ito. Medyo matagal na din itong hindi nakakadalaw ng mansion. Naging busy ito sa negosyo ng pamilya.


Akmang bibitaw ako sa pagkakahawak ni Rafael pero naramdaman ko ang lalong paghigpit ng pagkakahawak nito sa kamay ko.. Napatitig ako dito.


"Sumama ka muna doon sa table ng mga kapatid ko. Gusto nila tayong i- congratulate." wika nito.


"Pero hindi naman tayo ang ikakasal ah?" hindi napigilang sagot.


"Well, hindi naman ang tungkol sa bagay na iyun kaya iko-congratulate tayo." nakangiti nitong sagot. Wala na akong nagawa pa kundi ang magpatianod na lang.


"Later na lang Charlotte ha? Pupuntahan ko kayo mamaya ni Jeann. " sagot ko dito. Nakakaintindi naman itong tumango.


Kumakabog ang puso ko habang palapit kami sa table ng mga magulang at mga kapatid ni Rafael. Kumpleto sila. Ang kambal na sila Ate Miracle at Kuya Christian at si Ate Arabella. Kasama din nila ang kani-kanilang mga asawa.


Sa totoo lang sa kanilang lahat si Ate Arabella lang ang pinaka-close ko at palaging nakakausap. Ang iba sa kanila ay hindi masyado. Although palagi silang nandito sa mansion kapag weekend pero hanggang batian lang kami. Alam kong mababait sila pero hindi ko alam kung gusto ba nila ako para sa bunso nilang kapatid.


"Ohhh Hi Veronica! Come on...dito na kayo maupo!" kaagad na wika ni Ate Miracle. Kamukhang kamukha ito ni Tita Carissa. Bakas ang kabaitan sa mga mata nito lalo na kapag tumititig.


Kaagad naman akong ipinaghila ng upuan ni Rafael at pinaupo. Naupo na din ito sa tabi ko.


"So kailan ang balak niyong magpakasal? Mukhang sunod-sunod na kasalan ang magaganap sa pamilya ah?" wika ni Kuya Christian. Mukhang istrikto itong tingnan pero never pa naman akong sinungitan nito.


"Well, wala tayong magagawa. Lumalaki na ang mga bata at sa pag- aasawa talaga ang bagsak nilang lahat. Nauna na nga si Rafael. Dugong Villarama talaga. Napaka sigurista!." sagot naman ni Tito Gabriel.


"Why? Nagpakasal na ba si Rafael?" naguguluhang sagot naman ni Ate Miracle. Hindi ako nakaimik at kaagad naman natawa si Rafael.


"Hulaan mo Ate. Basta isa lang ang nasisiguro ko, hinding hindi ko na pakakawalan ang babaeng katabi ko." nakangiting sagot ni Rafael sa kapatid.


"Sabagay, Huwag mo na pakawalan si Veronica. Hindi ka na makakahanap ng babaeng katulad nya." sagot naman ni Ate Miracle.


"Of course, hindi ko na siya pakakawalan. Nairehistro na ni Attorney Cruz ang marriage contract na pinirmahan namin pareho." proud na sagot ni Rafael. Kaagad kong napansin ang pagkagulat sa mukha ng halos lahat. Liban lang kina Tita Carissa at Tito Gabriel.


"ibig mong sabihin nagpakasal kayo ng hindi man lang sinasabi sa amin?"


tanong ni Kuya Christian. Kaagad akong napayuko. Nakaramdam ako ng hiya. Dapat siguro hindi ko na muna pinirmahan ang marriage contract na iyun. Baka isipin nila na masyado kaming nagmamadali na maitali sa isat isa.


"Yup! Pero hindi pa naman talaga masasabi na kasal talaga. I mean, gusto ko lang ma-make sure na hindi na maagaw ng iba si Veronica. At least sa batas natin dito sa Pinas nakatali na sya sa pangalan ko." kaswal na sagot ni Rafael sa kanyang Kuya at hinawakan ako nito sa kamay. Kaagad na tumawa ang halos lahat sa kanila.


"Cant I believed it! Ganyan ka kasigurista? Ni hindi mo man lang binigyan ng chance si Veronica na tanggihan ka?" natatawang sagot ni

Ate Miracle.


"Well, sigurista lang talaga ang bunso natin. Wala tayong magagawa kundi suportahan silang dalawa." sagot naman ni Tita Carissa.


Marami pa kaming napag-uusapan. Hanggang sa nagpasya nang magkumpulan ang mga kalalakihan at mga kababaihan. Nahati kami sa dalawang lamesa at puro kwentuhan at tawanan ang nagaganap. Ito din ang kauna-unahang pagkakataon na nakabonding ko ang halos lahat. Lalo na sila Ate Carmela at Ate Miracle. Si Ate Arabella kasi mukhang malungkot pa rin. Hindi pa rin siguro nito sukat akalain na ikakasal na ang kanyang panganay.


Umabot ng halos alas dos ng umaga at nagpasya na ang halos lahat ng magpahinga na. Naiwan kami nila Jeann, Charlotte at Rafael kasama ng mga kaibigan nito dito sa may pool. Napasarap pa ang kwentuhan ng magkakaibigan at dahil wala akong balak na iiwan si Rafael dinamayan na ako nila Charlotte at Jeann.


May mga tama na kasi sila ng alak. Lalo na si Drake na hindi na tuwid kung magsalita..


"Hindi ba kayo naiinggit sa akin Bro? Mauuna akong ikakasal sa inyo!" wika nito. Bakas sa boses nito ang pagmamalaki. Kaagad kaming napatingin kay Jeann na kanina pa nakasimangot.


"Uyyy patulugin mo na si Drake. Lasing na oh" Bulong ko kay Jeann. Sa totoo lang gusto kong isa sa kanilang magkakaibigan ang sumuko na sa kanilang kuwentuhan. Nag-aalala na ako kay Rafael. Marami na din itong nainom na alak.


"I agree! Isa pa hindi pwedeng magdamag tayo dito sa labas. Specially sa iyo Jeann. Kailangan mo ng magpahinga dahil buntis ka." sagot ni Charlotte.


"Fine! Magpapahinga ako pero hahayaan ko ang Drake na iyan ma- overdose sa alak!" yamot na sagot nito sabay tayo. Kaagad naman itong hinawakan ni Charlotte sa kamay.


"Malalagot ka kila Grandmama at Grandpapa kapag mangyari iyun. Ayaw na ayaw nila na walang makikilalang ama ang unang apo nila sa tuhod!" pananakot ni Charlotte. Inis na tumitig si Jeann kina Drake. Mabilis itong nagmartsa sa kinaroroonan ng magkakaibigan at saktong iniangat ni Drake ang baso ng alak para inumin ng tabigin ito ni Jeann.


"Pwede ba! Tama na! HIndi ko pangarap na magkaroon ng asawa na lasinggero!" inis na wika nito. Kaagad naman napatulala ang magkakaibigan. Gulat na napatitig sa kanilang dalawa ni Drake at Jeann.


"Hehehe! Galit na si Misis mga Bro. Matutulog na daw kami!" nakangising wika ni Drake sabay tayo. Inakbayan nito si Jeann kaya kaagad namin napansin ang pagngiwi ng huli.


"Magandang simula iyan Bro! Concern kaagad ang fiancee mo sa iyo." natatawang sagot naman ni Peanut. Itinaas pa nito ang hawak na baso na may lamang alak bago ininom.


"Ganyan nga. Kainggitan nyo ako. Magkakaanak na kami nitong Baby ko eh." wika naman ni Drake na aktong hahalikan pa si Jeann pero kaagad itong umiwas.


"Yuck! Ang baho mo ha? Subukan mong manghalik. Itutulak talaga kita sa pool para mahimasmasan ka!" masungit na wika ni Jeann. Parang tanga na natawa lang si Drake.


"Saan tayo matutulog baby? Saan dito ang kwarto mo?" wika ni Drake sa magiging asawa nito. Bakas ang lambing sa boses nito kaya nagulat ako ng mahina akong hampasin ni Charlotte sa balikat. Nang tingnan ko ito kita ko ang kilig sa kanyang mga mata. Napangiti naman ako.


"Ayyy ang sweet nila! Parang nagmamahalan naman sila eh." pabulong na wika nito. Kaagad akong napatango.


Oo nga naman. Bagay na bagay sila Jeann at Drake. Kaya siguro hindi nahirapan ang pamilya Villarama na tanggapin kaagad ang lahat-lahat. Ang tungkol sa pagbubuntis ni Jeann.


"Mga Bro! Mauna na kami sa inyo. Galit na ang Baby ko eh!" pahabol na wika ni Drake ng hilain ito ni Jeann papasok ng mansion. Napasunod na lang ang tingin namin ni Charlotte sa mga ito.


"Nagulat pa ako ng may biglang humawak sa kamay ko. Napaangat ang aking tingin at kaagad kong napansin ang nakatayong si Rafael sa harap ko. Pulang pula na talaga ang kanyang mukha dahil sa dami ng nainom na alak.


"Lets go na Sunshine! Inaantok na din ako!" pagyaya nito sa akin. Hindi ko mapigilan na tapunan ng tingin ang dalawa nitong kaibigan na natira. Sila Peanut at Arthur. Kung lasing na si Rafael, mas lasing na ang mga ito tingnan.


"Paano sila?" tanong ko. Napasulyap muna ito sa mga kaibigan bago binalingan si Charlotte.


"Pakigising sila Manang Espe. Sabihin mo sa kanila na pakiasikaso ang dalawang tukmol na iyan!" utos ni Rafael sa pamangkin. Kaagad naman tumalima si Charlotte.


"And one more thing Charlotte. After na ma-inform mo sila Manang Espe, matulog ka na din. Huwag kang lalapit- lapit sa mga iyan lalo na kay Peanut! Delikado ang taong iyan!" Pahabol na wika nito sa pamangkin at sabay na kaming naglakad papasok ng mansion. Hindi naman na nagkomento pa si Charlotte.


Nagpasya ako na sa kwarto na lang ni Rafael kami dideretso. Halos pumikit na kasi ito habang paakyat kami ng hagdan. Mukhang umepekto na talaga sa sistema nito ang ispiritu ng alak.


Pagdating ng kwarto kaagad ko itong pinahiga sa kama. Mukhang nakatulog kaagad ito pagkasayad pa lang ng likod sa malambot na kama. Iiling-iling ako habang tinititigan ito.


Sa huli nagpasya akong punasan na lang muna ito para maginhawaan. Papalitan ng damit para makatulog ng maayos. Iyun kasi ang nakikita ko noon na ginagawa ni Nanay tuwing nalalasing si Tatay. Pwedeng pwede kong gawin iyun kay Rafael ngayun.




Chapter 230


VERONICA POV


Pagkatapos kong linisan at palitan ng damit si Rafael nagpasya na din akong mahiga sa tabi niya. Lasing ito at ayaw ko naman iiwan itong mag-isa dito sa kwarto niya. Isa pa baka hahanapin din ako nito pagkagising niya.


Pagkahiga ko sa tabi ni Rafael hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Niyakap ko na ito at pinilit na makatulog. Pero talagang mahirap matulog lalo na at mahaba na ang naitulog ko kanina. Wala na akong nagawa pa kundi tulala na titigan ang gwapo nitong mukha at umaasa na sana dalawin din ako ng antok.


hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako kinaumagahan sa mabining sikat ng araw na tumatagos mula sa bintana ng kwarto ni Rafael.


Nang tingnan ko ito mahimbing pa rin itong natutulog. Masyado nga siguro itong napuyat kagabi. Wala naman akong magawa kundi titigan itong muli.. Ang sarap pala sa pakiramdam na pagkagising sa umaga, kayakap mo ang taong nagpapatibok ng puso mo. Ang lalaking hindi ko akalain na mamahalin din ako ng ganito.


"Eheemmm! alam kong pogi ako kaya huwag mo akong titigan ng ganyan." nagulat na lang ako ng bigla itong nagsalita. Wala sa sariling napatingin ako sa mga mata nito at hindi ko maiwasan na makaramdam ng hiya ng mapansin na gising na ito. Huling huli nya pala ako na nakatitig sa kanya.


"Gising ka na?" wala sa sarili kong tanong. Napahiya eh kaya ang katagang iyun lang ang biglang

lumabas sa bibig ko.


"Hindi, tulog pa po ako...tingnan mo, nakapikit pa ako oh?" nakangiti nitong sagot sabay pikit. Pabiro ko naman itong kinurot sa kanyang tagiliran. Ang kulit talaga nito.


"Hmmmppp gising ka na eh. Niluluko mo ako." kunwari nagtatampo kong sagot. Tumawa ito at bigla itong umibabaw sa akin. Pagkatapos naramdaman ko ang biglang paghalik nito labi ko. Wala naman akong nagawa pa kundi ang kaagad na tumugon.


Pareho naman kaming hindi pa nakapagmumog kaya ayos lang. Basta nagmamahalan kaming dalawa at ang halik na ito ang isa sa mga paraan para maiparamdam namin sa isat isa iyun.


"Good Morning Sunshine!"

malambing nitong wika pagkatapos

nitong paghiwalayin ang aming mga labi.


"Good Morning din po Sir Rafael!" nakangiti kong sagot. Talagang nilagyan ko ng 'Sir' ang pagtawag dito. Isa sa mga paraan ng paglalambing ko sa kanya iyun.


"Anong sabi mo? 'Sir?' gusto mo yata talaga ng parusa ah?" nakangisi nitong wika at kaagad na pinanggigilan ang aking leeg. Napahagikhik naman ako.


Nasa ganoong lambingan kami ng pareho naming narinig ang mahinang katok sa pintuan ng kwarto. Kaagad kong napansin ang pagbalatay ng inis sa mukha nito bago umalis sa ibabaw ko. Nagmamadali itong naglakad papuntang pintuan at binuksan iyun.


"Good Morning po Sir...Pasensya na po, pinapababa na po kayo nila

Mommy at Daddy mo. Nasa dining area na po sila." narinig kong wika ng isa sa mga kasambahay ng mansion. Tanging tango lang ang naging tugon ni Rafael bago isinara ang pintuan.


Kaagad naman akong bumangon ng kama. Halos alas otso na ng umaga at mukhang hinihintay kami sa dining room.


"Magbibihis muna ako." paalam ko kay Rafael. Pilit ang ngiting tumango ito.


"I think hinihintay na tayo sa ibaba. Dapat pala gumising tayo ng mas maaga eh. Nabitin tuloy ako." nakangisi nitong sagot. HIndi ko naman napigilan na irapan ito. Pagkatapos kaagad akong naglakad papuntang pintuan at binuksan iyun.


"Sa kwarto na ako mag-aayos." paalam ko dito at nagmamadaling

lumabas na ng kwarto. Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Rafael. Baka kasi bigla na naman akong landiin nito eh. Nakakahiya dahil naghihintay sa amin ang mga magulang nito sa ibaba.


Mabilis lang akong naligo at nagbihis ng maayos na damit. Nang mapansin ko na maayos na ang lahat ay nagmamadali na akong lumabas ng kwarto.


Siguro nauna na sa baba si Rafael kaya naman halos takbuhin ko na ang hagdan pababa. Baka dinaanan niya na ako kanina pero nasa banyo ako kaya hindi na ako nahintay.


"Good Morning po!" kaagad kong bati sa lahat ng makarating ako sa dining. Nandito na pala ang halos lahat.


"Good Morning! Hindi mo kasama si Rafael?" sagot naman ni Tita Carissa. Nagtaka naman ako at inilibot ko ang tingin sa paligid. Wala nga si Rafael.


"Akala ko po nandito na siya...Saglit lang po, puntahan ko lang siya sa kwarto." sagot ko at nagmamadali ng tumalikod. Akala ko talaga nandito na siya sa ibaba eh. Bakit kaya wala pa siya?


"Dumiretso na ulit ako sa kwarto ni Rafael. Hindi na ako kumatok pa at kaagad na akong pumasok sa loob. Nagulat pa ako dahil kaagad ko itong nakita na nakahiga sa kama. Mukhang nakatulog ulit ito?


"Rafael?" kaagad kong lapit dito. Mahinang tinapik ko ang kanyang mukha para magising ito. Kaagad naman itong dumilat.


"Galing na ako sa ibaba. Ayos ka lang ba?" tanong ko. Dahan-dahan itong bumangon ng kama sabay sapo ng kanyang ulo.


"Parang tinamaan na ako ng hangover sunshine. Biglang sumakit ang ulo ko." sagot nito. Kaagad naman akong nakaramdam ng matinding pag-aalala dito. Dinama ko pa ang ulo nito at napansin ko na hindi naman ito mainit. Mukhang nagka- hangover nga ito dahil sa dami ng nainom kagabi.


"Ikukuha kita sa ibaba ng kape or mainit na sabaw? Dito ka lang ha... hintayin mo ako." wika ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto nito. Halos takbuhin ko ang hagdan pababa.


"Anong nangyari?" tanong ni Tita Carissa sa akin ng muli akong nakarating ng dining room.


"Masama po ang pakiramdam ni Rafael. Napadami yata ang nainom nya kagabi." sagot ko. Kaagad naman  napatayo si Tita Carissa. Mabilis itong lumabas ng dining area at mukhang pupuntahan nito si Rafael sa kwarto.


Ate, may mainit po ba tayo na sabaw?" tanong ko kay Ate Maricar. Sa sobrang pag-alala ko hindi ko na pinansin pa ang mga taong nandito sa dining area. Ang gusto ko lang sa ngayun ay ng pagkain at magamot ang hangover ni Rafael.


"Naku wala pa Veronica...pero pwede mo muna siyang dalhan ng kape at tubig. Nalasing na din iyan noon si Sir Rafael at iyan lang ang nirequest niya sa amin noon." sagot ni Ate Maricar. Kaagad naman akong nagpatulong dito para makagawa ng kape.


Wala kasi talaga akong idea kung ano ang pwedeng ibigay kay Rafael ngayung umaga. Wala din akong idea kung ano ang gamot sa hangover.


"Iyan..inom pa more!" narinig kong bulong ng kung sino. Hindi ko na lang pinansin pa at nagmamadali ko ng kinuha ang bagong templang kape at isang pitchel ng tubig at nagmamadali ng lumabas ng dining area. May sinasabi pa si Ate Maricar pero hindi ko na pinansin pa. First time ko talagang mataranta ng ganito dahil lang sa isang lalaki.


"Pagdating ng kwarto ay naabutan ko si Tita Carissa na inaasikaso ang anak. Napansin ko din na sumusuka si Rafael sa kama mismo. Natataranta akong lumapit sa kanila.


"Tita, may tubig at kape po akong dala. "kaagad kong wika dito ng makalapit. Saglit kong ipinatong sa bedside table ang hawak kong tray at nagsalin ng tubig sa baso. Kaagad akong lumapit kay Rafael at inalalayan namin itong makainom ng tubig.


"Marami ka bang nainom na alak kagabi? Ikaw talagang bata ka...sinabi ko naman sa iyo na magdahan-dahan ka pagdating sa alak. Hindi ka pa ba nadala sa mga nangyari sa iyo noong High School ka pa lang?" Narinig kong kastigo ni Tita sa anak. Hindi ko naman maiwasan na magtaka.


"Sorry Mom. Hindi na po mauulit. Masyado lang talaga kaming nag- enjoy kagabi." sagot nito.


"Ewan ko sa iyong bata ka! Huwag kasing matigas ang ulo mo. Tingnan mo ang nangyari..Halos madapa ang asawa mo kanina para kuhaan ka ng pwede mong mainom mula sa kusina." sagot ni Tita. Kaagad naman napatitig sa akin si Rafael. Napansin ko ang pamumula ng mga mata nito. Dahil siguro sa kakasuka niya kanina.


"Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina na masama pala ang nakiramdam mo?


"Halos maiyak kong tanong dito. Kung alam lang nito na halos mahimatay ako sa sobrang kaba. Natatakot ako na baka kung mapaano na ito.


"Hayy ewan ko sa iyong bata ka. Bweno, kukuha lang ako ng gamot sa kwarto na pwede mong inumin. Maiwan ko muna kayo." wika ni Tita at nagmamadali na itong lumabas ng kwarto.


Ilang minutong katahimikan din ang namagitan sa aming dalawa. Napansin ko ang dahan-dahan na pagtayo nito sa kama kaya kaagad ko itong inalalayan.


"ipapalinis na lang natin sa mga kasambahay itong kwarto. Pwede bang doon na muna ako sa kwarto mo?" tanong nito sa akin. Hindi na ako nag- isip pa. Kaagad akong tumango.


Sa sobrang dami ng nagkalat na suka sa kama nito kailangan nga siguro ng major na paglilinis. Palabas na kami ng kwarto ng biglang dumating si Tita Carissa.


"Sa kwarto ko na muna siya tita. Kailangan po kasi malinis ang kwarto na ito." paalam ko dito. Kaagad naman itong tumango kaya naman inalalayan ko ito hanggang sa sarili kong kwarto. Diretso kami ng kama.


"Palagi bang nangyayari sa iyo ito kapag nalalasing ka?" kaagad na tanong ko dito. Tumitig lang ito sa akin habang may ngiting nakaguhit sa labi.


"Ngayun lang ulit nangyari sa akin ang ganito. Senyales na nga siguro ito na dapat umiwas na ako sa alak." sagot nito.


"Dapat lang noh! Wala naman talagang magandang maidulot sa iyo ang alak eh. Nakakasira lang sa kalusugan mo iyun." sagot ko.


"Galit ka ba?" tanong nito na may halong lambing sa boses. Saglit naman akong natigilan. Kapansin-pansin kasi ang guilt sa mga mata nito habang nakatitig sa akin.


"Galit ka nga! Sorry na po Sunshine... promise, hindi na mauulit!" muling wika nito at hinawakan ako sa kamay. Nilaro-laro pa nito ang daliri ko pagkatapos pilit akong hinihila paupo sa tabi nito.


"Kung alam mo lang kung paano ako natakot kanina! Bakit kasi sa umpisa pa lang hindi mo sinabi sa akin na masama pala ang pakiramam mo!" sagot ko dito kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata.


"Sorry na! Huwag ka ng umiyak... Promise..maayos na ang kalagayan ko at hindi na ako iinom ng alak para hindi na mangyari ulit ito." wika nito at kaagad akong niyakap. Napahagulhol naman ako ng iyak.


"Kainis ka kasi eh! Ayaw na ayaw kong nakikita kang nagkakasakit!" umiiyak kong sagot. Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa bago sumagot.


"Promise...aalagaan ko na ang sarili ko...Huwag ka ng umiyak! Maayos na ang kalagayan ko! Kaunting pahinga lang at babalik din kaagad sa dati ang lakas ko." sagot nito. Tanging paghikbi lang ang naging sagot ko kaya naman hindi na ito umimik pa. Naramdam ko na lang ang paghagod nito sa likod ko. 



Chapter 231


VERONICA POV


Sa wakas...mabuti na din at muling nakatulog si Rafael pagkatapos itong painumin ng gamot ni Tita Carissa. Hindi ko akalain na ganito kalala ang hangover nito. Hindi maikakaila na labis akong nag-alala sa kalagayan ni Rafael. Ayaw ko itong iwanan dito sa kwarto kahit na ilang beses na akong sinabihan nila Tita Carissa na hayaan na munang magpahinga si Rafael at makipagbonding muna kina Charlotte at Jeann para naman malibang ako.


Para akong tanga habang titig na titig sa natutulog na si Rafael ng marinig ko ang mahinang katok sa pintuan ng kwarto. Ayaw ko man umalis sa tabi nito wala na akong nagawa pa kundi pagbuksan iyun. Agad na bumungad sa paningin ko si Charlotte. May dala itong isang tray ng pagkain.


"Nag volunteer na ako na dalhan ka ng pagkain. Anong oras na at hindi ka pa kumakain eh." wika nito at mabilis na pumasok sa loob ng kwarto ko. Lumapit ito sa study table at inilapag ang dalang pagkain. Kaagad naman akong napasunod sa kanya lalo na ng maamoy ko ang masarap na amoy ng pagkain pagdaan nito sa harap ko.


"Pasensya ka na Charlotte ha....Pati ikaw naisturbo ko. Natatakot kasi akong iiwan si Rafael dito sa kwarto eh. Baka hanapin nya ako kapag magising siya." wika ko. Kaagad naman itong ngumiti. Mataman akong tinitigan sa mga mata bago nagsalita.


"Ayos lang. Masaya ang buong pamilya sa pinapakita mo kung paano ka nag- aalala sa kalagayan ni Uncle. Hay si Uncle talaga...iinom-inom hindi naman pala kaya ng katawan nya."


wika nito sabay sulyap sa natutulog na tiyuhin.


"Oo nga eh. Akala ko simpleng pagkalasing lang ang nangyari kagabi. Maayos pa naman siya kanina noong nagising kami, kaya lang noong iniwan ko na sya sa kanyang kwarto masama na pala ang kanyang pakiramdam. Pilit nya lang na itinatago sa akin." sagot ko. Napailing naman si Charlotte at muling tumingin sa gawi ni Rafael.


"Magiging maayos din iyan si Tito. Nagkaganyan na din iyan siya noon. Huwag ka ng masyadong mag-alala. Baka mamaya ikaw naman dyan ang magkasakit. Hindi pa nga magaling ang sugat mo sa ulo eh dumagdag pa ang pasaway na si Uncle." sagot nito. Napangiti ako kasabay ng pagkapa sa sugat sa ulo ko.


"Sige na. Kumain ka na muna habang mainit pa ang pagkain. Pagkatapos magkwentuhan tayo habang tulog si Uncle para malibang ka naman. ." wika nito.


"Salamat Charlotte ha? Nag-abala ka pa talaga! Bababa din naman ako kapag hindi ko na kaya ang gutom." sagot ko. Nakakahiya dahil may rules ang mansion na bawal kumain sa kwarto. Kung gutom dapat pumunta ng dining area para kumain. Pero mukhang exempted na naman ako ngayung araw.


"Naku! Tama na ang kakabigkas ng pasasalamat. Dapat nga kami ang magpasalamt sa iyo dahil nakita namin kung paano mo alagaan si Uncle....Alam mo bang masayang masaya kami dahil nakikita namin kung paano kayo nagmamahalan ni Uncle. Sa wakas nagtino na din siya. Hindi na sya pumapatol sa kung kani-kaninong babae simula ng makilala ka nya."


nakangiti nitong wika. Nahihiya naman akong napayuko dito.


"Hindi ko nga din alam kung bakit minahal ko siya ng ganito Charlotte. Basta nagising na lang ako isang umaga na hinahanap ko na siya." pag- aamin ko kay Charlotte.


"GAnyan talaga siguro ang Love. Grabe, hindi ko akalain na halos magsasabay kayo ni Jeann. Ang bilis nyong nahanap ang forever nyo. Ako na lang tuloy ang single sa ating tatlo. Si Jeann ikakasal na.....tapos sabi nila Grandmama at Grandpapa nagparegister na daw kayo ng marriage contract sa city hall." sagot nito. Napangiti ako.


"Oo nga eh. Ang kulit kasi ni Rafael. Gusto daw nyang makasigurado na sa kanya lang ako." sagot ko. Kaagad na natawa si Charlotte.


''"Ganyan talaga siguro ang mga Villarama. Mga sigurista. Hayyy buhay pag-ibig nga naman...hahamakin ang lahat makuha lang ang gusto." tatawa- tawang wika ni Charlotte. Naglakad ito papuntang banyo at pumasok sa loob. Hinayaan ko lang ito at inumpisahan na ang kumain.


Mabuti na lang at nandito si Charlotte. Kahit papaano malilibang ako sa kadaldalan nito.


"Naikwento na ba sa iyo ang love story nila Grandmama at Grandpapa?" abala ako sa kakanguya sa kinakain ko ng muling nagsalita si Charlotte. Kakalabas lang nito ng banyo at naupo sa tapat ko.


"Not yet! Hindi ko pa alam ang tungkol doon. Pero alam mo, nakakatuwa ang ka-sweetan nila Tita at Tito noh! Parang mga teenager pa rin sila kung maglambingan." sagot ko. Natawa naman si Charlotte.


"Complicated din ang takbo ng love Story nila noong kapanahunan nila. Naikwento na sa amin na mga apo nila kung paano nagkakilala sila Grandmama at Grandpapa noon. Napaka- intense ng pinagdaanan nila.


Pero alam mo ba ang pinaka- natutunan ko....Love wins talaga palagi. At totoo talaga ang true love." wika ni Charlotte habang nakangiti. Kaagad naman akong kinain ng curiosity. Parang gusto ko din malaman ang love story nila Tita Carissa at Tito Gabriel. Kung paano nag-umpisa ang kanilang pag-iibigan.


Mabilis kong tinapos ang pagkain at niyaya si Charlotte na sa sofa na kami maupo. Maganda doon dahil komportable. Masarap magkwentuhan habang nakaupo at nakasandal sa malambot na foam.


"Ano ready ka na ba na marinig ang love story nila Grandmama at Grandpapa?"tanong ni Charlotte. Excited naman akong tumango.


"Alam mo kung magaling lang akong magsulat ng love story, gusto kong isulat ang mga pinagdaanan nila Grandmama at Grandpapa para gawing inspirasyon ng lahat. kaya lang hindi ako nabibiyaan ng malawak na imahinasyon eh. Kaya ikikwento ko na lang sa iyo habang hinihintay natin magising si Uncle." muling wika nito. Excited naman akong nakikinig sa mga susunod nyang sasabihin.


"Hindi talaga dumaan sa pagiging magboyfriend at mag-girlfriend sila Grandmama at Grandpapa. Actually, they dont know each other talaga noon...ang nobya noon ni Grandpapa iyung kapatid ni Grandmama."


paunang kwento ni Charlotte. Gulat na gulat naman ako sa nalaman. Umpisa pa nga lang complicated na. Hindi sila magkasintahan noon? Bakit grabe sila ka-sweet ngayun?


"Pareho silang may ibang kasintahan?


" tanong ko. Kaagad na umiling si Charlotte.


"Si Grandpapa lang. Si Grandmama bata pa noon. Eighteen pa lang siya at NBSB.." muling wika ni Charlotte, Lalo akong na-excite sa takbo ng kwento ni Charlotte. Kumakabog ang dibdib ko sa mga susunod nitong sasabihin. Sa pagdedetalye nito sa mga pangyayari ng nakaraan sa buhay nila Tita at Tito.


Sa bawat salita na lumalabas sa bibig ni Charlotte hindi ko maiwasan na mamangha. Hindi ko akalain na kahit na gaano pa kahirap ang pinagdaanan ng isang tao malalagpasan at malalagpasan din pala sa paglipas ng mga araw.


Nalaman ko din na hindi pala anak nila Tita at Tito si Ate Arabella. Parang inampon nila ito although pamangkin ito ni Tita Carissa. Kaya lang parang hindi na halata sa ngayun kasi nakikita ko naman kung gaano kapantay ang pagtrato nila sa mga anak nila.


"Hindi hamak naman kasi na mas maganda si Grandmama compare doon pananamantala na kapatid. Kaya siguro na-inlove din si Grandpapa sa kanya. Isa pa biktima talaga siya ng sarili nyang pamilya kaya naman dapat lang na maranasan niya ang pagmamahal ng isang Villarama. Kaya look at them now...sila at sila pa rin talaga ang magkasama." proud na wika ni Charlotte. Hindi ko naman maiwasan na mamangha sa mga nalaman. Kung paano nabuo ang pagmamahalan nila Tita Carissa at Tito Gabriel. Sobrang nakaka-amaze.


Kaya pala ganito kabait si Tita Carissa. Ipinanganak pala talaga siyang mabait at hindi matapobre na minana ng kanyang mga anak at mga apo ngayun. Truely Love wins nga talaga pala kahit na ano pang unos ang dumating sa buhay. Kaya ang swerte ng pamilyang ito dahil pinatatag ng pagmamahal ang pagsasama ng buong pamilya.


Alam kong pahapyaw lang ang kwento ni Charlotte sa love story ng kanyang lolo at Lola. Pero ang sarap ilagay sa isang libro at ingatan para malaman ito ng kanilang mga kaapo-apuhan sa paglipas ng panahon. Ang sarap gawing inspirasyon. Ang sarap gawing nobela.


Halos hindi ko na nga namalayan ang oras. Mabilis na lumipas ang tatlong oras na pagkikikwento ni Charlotte at hindi man lang ako nakaramdam ng pagkainip. Hindi ko akalain na dumaan din pala sila Tita at Tito sa napaka- complicated na sitwasyon bago nila nakamit ang tunay na kaligahan at katahimikan. Ang tapang pala nila pareho. Lalo na si Tita Carissa.


Natigil lang sa pagkikikwento si Charlotte ng tumunog ang kanyang cellphone. Nagmamadali nyang binasa ang mensahe at tumingin sa akin.


"Pinapauwi na ako ni Mama. Nandyan na iyung sundo ko sa ibaba. Tsaka na lang ulit ako magkwento. Mukhang magigising na din siguro si Uncle maya -maya lang." paalam nito sa akin sabay tayo at nagmamadaling naglakad papuntang pintuan. Kaagad naman akong napasunod dito..


"Ingat Charlotte. Salamat!' wika ko bago ito nakalabas.. Hindi na ito sumagot at nagmamadali na itong bumaba ng hagdan kaya naman isinara ko na ang pintuan at muli akong naglakad patungong kama. Tinitigan ko ang gwapong mukha ni Rafael bago ngumiti.


""Buti na lang pala at naihabol ka pa ng mga magulang mo. Buti na lang pala muling nabuntis si Tita. Kaya pala ang layo ng agwat ng edad mo kompara sa mga kapatid mo. Nakakabilib pala ang love story mga mga magulang mo Rafael." nakangiti kong wika. Kahit alam kong hindi nya naririnig iyun gusto ko pa din sabihin sa kanya. Masaya ako dahil nagiging bahagi ako ng pamilyang ito.


Dahil walang magawa, nagpasya na lang akong magbasa-basa na lang muna ng libro dito sa sofa sa loob ng kwarto. Ayaw ko talagang iiwan si Rafael dito sa kwarto kahit na anong mangyari. First time kong nakita itong nagkasakit kaya aalagaan ko siya. Hangat maaari ayaw kong mawalay siya sa paningin ko.


Abala ako sa pagbabasa ng may biglang tumakip sa mga mata ko. Kaagad ko naman nabitawan ang hawak kong libro at hinawakan ang mga kamay na nakatakip sa aking mga mata.


"Rafael?" nangingiti kong tanong. Kahit na hindi ko ito nakikita, naamoy ko naman siya kaya alam kong si Rafael ito. Nagising ito ng hindi ko man lang namamayan.


"Ang galing ng Sunshine ko manghula ah?" wika nito sabay tanggal ng kanyang mga kamay sa mga mata ko. Kaagad ko itong nilingon at agad kong napansin ang maaliwalas na nitong hitsura. Mukhang magaling na nga.


"Kumusta ang pakiramdam mo? Hindi na ba masakit ang ulo mo?" nakangiti kong tanong. Tumayo ako at dinama ko pa ang noo nito kaya natawa ito.


"Maayos na po ako. Ang galing kasi mag-alaga ng nurse ko eh." sagot nito sabay yapos sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti sa kanyang ginawa. Simpleng yakap mula sa kanya pero napakalaking bagay sa pagkatao ko.


"Huwag ka ng uminom ulit ng alak ha? "malambing kong wika dito sabay tingala sa kanya para titigan ang kanyang mukha. Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito habang nakatitig din sa akin tsaka tumango.


"Opo! Promise...hindi na ako maglalasing dahil ayaw ko ng nakikita kang umiiyak dahil sa sobrang pag- aalala sa akin. Hindi ko kayang nakikita na lumuluha ang mga matang ito." Nakangiting wika nito sabay halik sa tuktok ng aking ilong. Muli akong napangiti. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Ang sarap sa pakiramdam na yakap-yakap ka ng lalaking mahal mo.


"Asahan ko iyan. Magagalit na talaga ako sa iyo kapag maglasing ka pa ulit. Ayaw ko ng nakikita kang nahihirapan ka Rafael. Ako ang mas nasasaktan." sagot ko. Tumango ito. Pagkatapos kumalas sa pagkakayakap sa akin at inilibot ang tingin sa paligid.


"Nagugutom ako Sunshine. Tanghali na pala." wika nito. Wala sa sariling napatingin ako sa orasan. Halos alas dos na ng hapon at wala pang kain si Rafael. Tiyak na gutom na ito.


"Gusto mo bang handaan kita ng

pagkain?" tanong ko. Tumitig muna ito sa akin bago sumagot.


"Marunong ka ba?" may halong biro ang boses na sagot nito


"Siyempre naman! Marunong akong mag-init ng mga pagkain noh!"


natatawa kong sagot. Init ang ginamit kong salita dahil alam kong maraming pagkain sa kusina at iinitin na lang. Hindi ko din kailangan ipagluto ito dahil may sarili silang taga luto.


"Oo nga pala. Okay, lets go! Gutom na talaga ako eh." pagyaya nito sa akin. Kaagad akong tumango at humawak sa braso nito at sabay na kaming lumabas ng kwarto.


Masyadong tahimik ang buong mansion. Sabagay, kapag ganitong oras halos nagsisyesta na ang lahat. Mamayang alas singko pa ulit ang umpisa ng trabaho ng mga kasambahay.


Diretso kami ng kusina. Nanghalungkat ako sa ref para maghanap ng makakain at napangiti ako dahil ang dami ngang left over. iinitin na lang.


"Ano ang gusto mong kainin?" tanong ko kay Rafael habang nakatitig sa loob ng ref. Hindi ko ito narinig na sumagot bagkos naramdaman ko ang pagdikit ng katawan nito sa likod ko. Niyapos ako nito habang hinihimas ang tiyan ko.


"Rafael, ano ang ginagawa mo? Akala ko ba nagugutom ka?" tanong ko. Bigla akong nakaramdam ng kiliti sa kanyang ginagawa. Isa pa bigla ko rin naramdaman ang kakaiba nitong haplos.


"Parang iba ang gusto kong kainin Sunshine!" sagot nito. Nanlaki ang aking mga mata ng maramdaman ko na lumapat ang labi nito sa leeg ko. Talagang hinawi nya pa ang mahaba kong buhok kaya naman malaya niyang nahahalikan ang bahaging iyun.


"Teka lang...ikaw talaga baka nakakalimutan mo na nasa kusina tayo! Baka may makakita sa atin." halos pabulong kong wika. Ano ba kasi ang tumatakbo sa utak nito. Kung saan nasa kusina kami tsaka naman siya nagkakaganito.


"Nagpapahinga na ang lahat diba, wala naman ibang tao eh. Isa pa, halik lang naman. Ikaw ang gagawin kong appetizer Sunshine!" wika nito gamit ang paos na boses. Wala na...talagang tuluyan na itong sinakop ng init ng katawan. Hindi pwede ang ganito.


Hindi na ako nagdalawang isip pa. Ginamit ko ang aking lakas para pilit na lumayo dito. Hindi pwede ang iniisip nito. Nakakahiya kapag may nakakita sa amin.


Ano ba itong si Rafael...balak pa yatang angkinin ako dito sa loob ng ref. Nararamdaman ko na kasing itinataas na nito ang suot kong blouse.


"Sandali lang! Maghunos dili ka! Anong appe-appetizer ang sinasabi mo. Ano ako pagkain?"" tanong ko dito at pinanlakihan ito ng mga mata. sa wakas nakakalas din ako dito at bahagyang nakalayo. Nagulat naman ako ng bigla itong tumawa.


Pagkatapos ito na ang pumalit sa pwesto ko kanina. Naghalungkat ito sa loob ng ref at kaagad kong napansin na may kinuha itong tupperware na may lamang pagkain. Naglakad ito papunta sa kinalalagyan ng microwave at inilagay nya ito sa loob.


Muli itong bumalik sa ref at muling naghalungkat. Hinayaan ko na lang siya sa kanyang ginagawa. Mukhang alam na alam naman nito kung paano ipaghanda ng pagkain ang sarili. Kaysa naman ako itong abala at nanonood

lang siya. Baka gawin na naman niya ang ginagawa niya at baka hindi ko na siya kaya pang pigilan.


"Kumuha ka na ng pinggan Sunshine. Pagkatapos dalhin mo na sa dining area." may halong lambing sa boses na utos nito sa akin. Kaagad nitong tinanggal ang iniinit na pagkain sa loob ng microwave nang matapos ang timer na naka-set doon. Dinala nya iyun sa dining kaya napasunod ako.




Chapter 232

Veronica pov




"Ang galing mo palang maghanda ng pagkain eh!" wika ko sabay kuha ng pinggan. Tumingin ito sa akin sabay kindat.


"Syempre! Sanay ako magpainit Sunshine. Pagkatapos natin kumain, ikaw naman ang paiinitin ko!" wika nito at mabilis na bumalik ng kusina para kunin ang iba pang pagkain na iniinit nya. Tulala naman na napasunod ang tingin ko dito.


Ano ang ibig nyang sabihin na ako naman ang susunod nyang painitin? hayst mahirap pala talaga magkaroon ng hangover si Rafael. Kung anu-ano ang lumalabas sa bibig.


Sa wakas, natapos din ang initan na nangyayari sa pagkain. Pareho na kaming nakupo dito sa dining at nag- umpisa ng kumain. Bilib na talaga ako sa mga mayayaman. Maraming mga ready to eat na mga pagkain na nakalagay sa ref. Hindi ka talaga magugutom.


"Gusto mo bang sumama sa akin mamaya?" nag-uumpisa na kaming kumain ng muling nagsalita si Rafael. Napatitig ako dito. Hindi ko alam ang ibig nitong sabihin.


"Sasaglit ako ng opisina. Ngayun ko lang naalala may mga dapat pala akong pirmahan na mga papeles. Dapat kanina ko pa natapos ang mga iyun. Kaya lang masama ang tama ng alak sa

sistema ko at hindi ako nakaalis.." wika nito. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng pag-alala dito. Kakagaling lang nito sa matinding hang over pagkatapos papasok siya? Mas gusto ko sana na magpahinga na muna siya at bukas na magreport sa opisina. Isa pa, anong oras na?


"Kaya mo na ba ang sarili mo?" tanong ko. Saglit itong tumitig sa akin bago sumagot.


"Hindi pa. Pero may mga dapat tapusin na pirmahan eh." sagot nito.


Mukhang tama nga ang narinig ko noon pa. Masyadong busy si Rafael. Malaking responsibilidad ang nakaatang sa balikat nito at hindi pwedeng pigilan ko siya sa mga desisyon nya.


"Kung hindi naman ako nakaabala, why not! Wala naman akong gagawin dito sa mansion." sagot ko. Gusto ko pa rin ito bantayan. Gusto kong makasiguro na maayos na ito. Kaagad na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito bago sumagot.


"Good! Para ganahan din akong magtrabaho!" sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na matawa.


Pagkatapos namin kumain kaagad kaming gumayak. Mabuti na lang at may driver na palaging nakaantabay kay Rafael kaya hindi na nito kailangan pang humawak ng manibela. Diretso kami sa Villarama Empire.


Halos alas kwatro na ng hapon kami nakarating ng Villarama Empire. Malapit na mag-uwian ang mga empleyado pero parating pa lang ang kanilang Boss.


Kaagad kong napansin kung paano igalang si Rafael ng lahat. Halos yumukod sa kanya lahat ng mga nakakasalubong namin. Hindi din nakaligtas sa mga mata ko ang nagtatakang tingin na ipinupukol sa akin ng ibang mga empleyado.


Sabagay, sino ba naman ang hindi magtataka. Mahigpit ang pagkakahawak ni Rafael sa kamay ko. Parang ipinapakita nito sa lahat na ako ang kanyang one ang only love! Charrr!!


Pagdating ng opisina hinayaan ko na lang siya na gawin ang kanyang mga trabaho. Kaagad nitong inatupag ang sangkatutak na papeles na nasa kanyang lamesa. Naglibot-libot na lang ako sa paligid ng kanyang opisina para hindi mainip.


Abala ako sa kakatitig sa mga paintings na nakasabit sa wall ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng opisina. Kaagad na pumasok ang isang sexing babae na halos kasing edad lang ni Rafael. Diretso itong naglakad papunta sa table ni Rafael at yumukod. Hindi ko naman maiwasan na pagmasdan ito.


"Good afternoon Sir! Ito na po ang mga reports na kailangan nyo." wika nito sa malambing na boses. Saglit itong sinulyapan ni Rafael tsaka tumango.


"Okay Miss Rakan. Pwede ka ng lumabas. " narinig kong sagot ni Rafael sa malamig na boses. Patuloy ko lang silang inoobserbahan. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na nakikita ko si Rafael na nakikipag- usap sa kanyang empleyado. Sa isang sexing empleyado.


"Ahmmm Sir... Tumawag nga po pala ang J...." hind na natuloy pa ang sasabihin ni Miss Rakan ng muling nagsalita si Rafael.


"I dont have time para sa ganyang report. Kay Mister Lee mo sabihin iyan at siya na ang bahalang magsabi sa akin!" wika ni Rafael sa seryosong boses. Napataas ang kilay ko ng napansin ko

na hindi man lang natinag si Miss Rakan. Hindi ko tuloy maiwasan na mag-isip ng masama.


May gusto ba siya kay Rafael? Nagpapa -cute ba siya dito? Ilang beses na siyang sinabihan na pwede na siyang umalis pero wa epek sa kanya. Mukhang gusto nyang akitin ang mahal ko.


Kung ganoon, kahit saang lugar may ahas talaga! Nakakainis!


Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa! Kaagad na akong lumapit kay Rafael na noon ay muling itinoon ang attention sa kanyang pinipirmahan na mga papeles at yumapos dito. Kaagad kong napansin ang pagkagulat sa mga mata ng higad na babae pagkakita sa akin. Hindi marahil nito inaasahan na may kasama ang Boss niya dito sa opisina.


"Matagal pa ba iyan?" malambing kong tanong kay Rafael. Kunwari hindi ko napapansin ang presensya ng higad na babae. Hinalik-halikan ko pa sa pisngi nya si Rafael na kunwari naglalambing. Gusto ko lang naman ipakita sa babaeng ito na may nagmamay-ari na sa lalaking gusto nyang akitin.


"Naiinip ka na ba?" tanong nito sa malambing na boses. Nag-angat ito ng tingin sa akin at hinaplos ang aking pisngi. Napangiti ako.


"Hindi naman!" sagot ko sabay pukol ng tingin kay Miss Rakan. Kaagad naman nakuha ni Rafael ang ibig kong sabihin.


"Miss Rakan, ano pa ang ginagawa mo dito? Go back to your work!" Mataas na ang boses ni Rafael na wika dito. Kaagad naman naglakad papuntang pintuan si Miss Rakan. Sumulyap pa ito sa akin bago tuluyang lumabas.


"Nilalandi ka ng babaeng iyun."

kaagad kong tanong kay Rafael.

pagkaalis ni Miss Rakan. Kaagad kong napansin ang pagngisi ni Rafael at tinitigan ako.


"Nagseselos ka sa kanya?" tanong nito. Parang bigla naman nag-init ang pisngi ko sa tanong na iyun. Muling natawa si Rafael.


"Nagseselos ka nga! Dont worry Sunshine...hindi oobra sa akin ang mga ganoong klaseng panglalandi!" natatawa nitong wika sabay tayo. Idinikit nito ang kanyang katawan sa akin at tinitigan ako sa mga mata.


"Hindi ko hahayaan na may pagseselosan ka dito sa opisina. Bukas na bukas din tatanggalin ko na si Miss Rakan. Sisante na siya!" seryoso nitong wika bago ako hinalikan sa labi.






Chapter 233


VERONICA POV


Paano nga pala matapos ni Rafael ang kanyang trabaho kung naglalandian kami? Iyun ang unang pumasok sa isip ko ng maramdaman ko na nag- uumpisa na naman sa kanyang mapusok na galaw si Rafael. Napapansin ko lang....sa tuwing nagkakadikit ang aming katawan para kaming magnet na ayaw nang maghiwalay.


"Rafael, akala ko ba kailangan mong tapusin ang mga nakatambak na mga papeles na iyan?" halos pabulong kong wika ng pansamantala nitong iiwan ang labi ko. Wala talaga itong kasawaan. Halos ayaw nang ihiwalay ang labi nya sa labi ko.


"Sandali lang naman Sunshine! Nakakatakam ka kasi!" wika nito at inumpisahan na naman nitong suyurin ng halik ang leeg ko. Naglulumikot na din ang mga palad nito sa katawan ko.


"Anong sandali? Baka gabihin na tayo niyan!" reklamo ko. Iba ang purpose nito kaya kami nandito sa opisina. Hindi kong ano pa man. Isa pa, nag aalala ako na baka hanapin na kami sa mansion. Hindi pa naman kami nakagpagpaalam. Ang alam nila Tita at Tito may sakit si Rafael at kailangan ng pahinga.


Hindi ko maiwasan na mapatili ng buhatin ako nito. Ano na naman kaya ang naisip ng taong ito? Baka kung saan na naman hahantong ang landian namin. Naku, hindi pwede dito sa opisina. Nakakahiya!


"Dito ka muna sa sofa habang nagtatrabaho ako Sunshine. Iba talaga ang epekto mo sa akin tuwing nakikita ko iyang legs mo eh. Bakit ba kasi ganyan ang suot mo ngayun?" halos paos ang boses na wika nito sabay pisil

sa legs ko na nakalantad sa harap nito.


Naka floral dress ako na lampas tuhod. Desente naman tingnan at ano ang pinagsasabi nito na kita ang legs ko. Lagpas tuhod nga eh at ngayun lang lumantad dahil nakalilis ang laylayan nito dahil sa ginawa nitong pagpapaupo sa akin dito sa sofa.


Pabirong tinampal ko ang kanyang kamay bago nagsalita.


"Tapusin mo na ang trabaho mo. Nagugutom na ako eh." pagdadahilan ko para naman tantanan niya na ako. Masyado na kasi akong pinapakilig nito eh. Grabe ang mga banat at nakakilig na Sabi mula sa bibig nito.


Alam ko naman na mahal nya ako. Nararamdaman ko iyun sa mga haplos at salita nya. Kaya lang may mga bagay na dapat nyang unahin ngayun. Baka kasi abutin kami ng hating gabi dito sa

opisina na hindi nya pa natatapos ang trabahong dapat nyang tapusin.


"Okay Sunshine! Dito ka lang... sandaling sandali na lang iyun." wika nito sabay kindat sa akin. Nasundan ko na lang ito ng tingin hanggang sa makaupo ito sa kanyang swivel chair. Hindi ko pa mapigilan na mapangiting muli itong tumingin sa akin sabay kindat.


Matiyaga ko na lang na hinintay si Rafael. Inabala ko ang aking sarili sa pag-aayos. Muli akong naglagay ng lipstick dahil nabura lahat ng iyun sa ginawa niyang paghalik kanina. Naglagay din ako ng manipis na make up sa aking mukha. Si Tita Carissa ang nagturo sa akin kung paano ayusan ang sarili. Simple lang naman din iyun. Sakto lang na presentable akong tingnan sa mata ng ibang tao.


Laging sinasabi ni Tita sa akin na hindi na kailangan na heavy make un.


Maganda na daw ako na siyang nagbibigay sa akin ng self confidence.


Halos isang oras na seryosong inaasikaso ni Rafael lahat ng tambak ng papeles sa kanyang mesa ng napansin kong tumayo na ito. Uminat inat pa ito bago muling tumingin sa akin.


"Natapos din!" wika nito. Awtomatiko akong napangiti sabay tayo.


"Talaga! Wow...ang galing mo naman Rafael." sagot ko.


"Nangangalay nga ang kamay ko sa kakapirma eh. Walang hiya itong si Mister Lee tinambakan ako ng mga papeles dito sa mesa ko." sagot nito. Natawa ako.


"Aalis na ba tayo?" tanong ko. Saglit itong nag-isip bago tumango.


"Date muna tayo! Tatawagan ko sila Mommy na hindi na tayo sasabay sa kanila sa dinner. Mamasyal na muna tayo bilang bonding natin." sagot nito. Kaagad akong nakaramdam ng excitement. Kung nagkataon, ito ang kauna-unahang date naming dalawa bilang couple.


"Sure...excited na ako." sagot ko. Kaagad kong napansin na kinuha nito ang kanyang coat at isinukbit sa kanyang balikat. Pagkatapos hinawakan na ako nito sa kamay at lumabas na kami ng opisina nito.


"Gusto sana kitang i-kiss ngayun eh... kaya lang huwag na lang. Ayaw kong burahin ang lipstick na iyan!" tatawa- tawa nitong wika. Parang bigla ko naman naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Itong mga hirit talaga ni Rafael, tagos hanggang puso ko. Nakakakilig.


Nagulat pa ako dahil pagbaba namin ng parking hindi ko na nakita pa ang driver ni Rafael. Ibang kotse na din ang aming sinakyan.


"Kaya mo na bang magdrive? Maayos na ba talaga ang pakiramdam mo?" hindi ko mapigilang tanong dito. Pareho na kaming nandito sa loob ng sasakyan. Tumitig muna ito sa akin tsaka tumango.


"Kayang kaya na Sunshine! Dont

worry, hangover lang ang tumama sa akin kanina at 100% ayos na ako." nakangiti nitong sagot at kaagad na binuhay ang makina ng sasakyan. Tumitig muna ako dito tsaka tumango.


"Mabuti naman kung ganoon. Ito ang first date natin kung sakali." nakangiti kong sagot. Hindi ito kumibo bagkos pinaarangkada na nito ang sasakyan. Tahimik na lang din akong itinutok ang aking panigin sa daan.


Nagulat pa ako ng maramdaman ko ang paghawak ng kamay nito sa kamay ko. Nang tingnan ko ito nakatutok ang kanyang paningin sa daan. Pinisil pa nito ang palad ko na siyang nagbigay ng kakaibang kiliti sa puso ko.


"Ayos lang ba kung sa Villarama Shopping Centre muna tayo pupunta? Doon na lang muna tayo kakain habang pinag-iisipan natin ang susunod na pupunatahan dahil hindi ko alam kung saang lugar dito sa Manila magandang mag-date." wika nito.


"ayos lang naman sa akin kung sa Villarama Shopping Centre tayo. Marami din resto doon at maiikutan. Ang importante, magkasama tayo." sagot ko. Kaagad kong napansin ang muling paguhit ng matamis na ngiti sa labi nito pagkatapos kong sabihin ang katagang iyun.


Hindi naman nagtagal, namalayan ko na lang na pumapasok na kami sa loob ng parking ng mall. Sa VIP slot kami pumarada pagkatapos hawak kamay kaming pumasok sa loob ng mall.


Pang sosyal ang mall na ito. Puro mamahalin ang mga tinitinda ng mga shops. Mga mamahaling restaurant din ang nandito sa loob.


"Ang ganda talaga ng shopping centre na ito Rafael nito. Nabanggit sa akin ni Charlotte regalo daw ito ni Tito Gabriel kay Tita Carissa noon." wika ko. Muling napangiti si Rafael bago sumagot.


"Yup! Aware ako doon. Gusto kasi ni Daddy na matutong magshopping si Mommy. Kung alam mo lang...hindi mahilig magshopping si Mommy noon. Hindi din ito mahilig sa mga mamahaling bagay...eh iba si Daddy eh.. gusto nyang ibigay ang lahat ng pinaka - da best kay Mommy. Gusto niyang makabawi sa lahat ng mga kasalanan nya na nagawa noong bagong mag- asawa pa lang sila." mahabang wika ni Rafael. Napaka-interesting talaga ng love story nila Tita Carissa at Tito Gabriel.


"Naikwento ni Charlotte sa akin ng pahapyaw ang tungkol sa love story nila Tita at Tito. Nakaka-inspired nga eh. Hindi ko akalain na dumaan din pala sila sa matinding pagsubok noon." nakangiti kong sagot.


"Yup! Kung alam mo lang. Napakagulo ng pagsasama nila noon. Kaya siguro napaka-strong ng pagsasama nila ngayun. Kaya siguro naging inspirasyon din sila ng mga kapatid ko at ganoon na din ako ngayun." sagot nito. Mariin akong tinitigan sa mga mata bago luminga-linga sa paligid.


"Dito ka lang Sunshine ha? Iihi lang ako. Hintayin mo na lang muna ako dito." paalam nito sa akin. Kaagad akong tumango kaya naman nagmamadali na itong tumalikod. Nasundan ko na lang ito ng tingin.


"Veronica?" narinig kong tawag ng kung sino sa akin. Kaagad akong napalingon at tumampad sa paningin ko sila Lorie at Claire. Mga kababata ko at buti naalala pa ako ng mga ito.


Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mapanuring tingin ng dalawa sa akin. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng pagkailang. Ano ang ginagawa ng dalawang ito dito sa shopping center na ito? Sa dinami- dami ba naman na pwede kong makita ngayun gabi silang dalawa pa talaga na noon pa man hindi ko na kasundo.


Oo, magkababata kami. Pero never ko silang naging kaibigan. Puro masasakit na salita ang naririnig ko sa kanila noon pa man. Puro panlalait! Basura ang tingin nila sa amin. Si Ate Ethel lang ang kasundo ko at wala ng iba. Dahil siguro sobrang hirap ng buhay namin kaya walang gustong makipagkaibigan sa akin noon sa probensya. Dagdagan pa na hindi ako nakapag-aral.


"Lorie...Claire? Kumusta kayo?"

napilitan kong tanong. Pilit din akong ngumiti sa kanilang dalawa.


"OH MY GOSH! Ano ang ginagawa ng anak ng mangingisda at magsasaka sa mamahaling mall na ito?" narinig kong wika ni Claire. May halong pandidiri sa boses nito ng sambitin nito ang tungkol sa ikinabubuhay ng aking pamilya. Parang biglang kinurot ang puso ko. Ang baba talaga ng tingin ng mga ito sa amin. Palibhasa kasi nakakaangat sila sa buhay kahit papaano.


"Baka naghahanap ng mabibiktima. Hindi bat kalat na kalat sa lugar natin na nagtitinda daw ng panandaliang aliw ang panganay na anak nila Venus at Aldrin? Ito na iyun...huling huli na natin siya. Kaya pala biglang nakabili ng lupain at ipinapagawa ngayun ang bahay." nakangisi namang sagot ni Lorie.


"Grabe naman kayo sa akin. Ngayun nga lang tayo nagkita-kita ulit parang tangan niyo pa ako ng hindi maganda." sagot ko. Halos tumulo na ang luha sa aking mga mata dahil sa mga naririnig ko sa kanila. Ang hirap talaga maging mahirap. Mamatahin ka ng kapwa mo.


"Bakit hindi ba totoo? Sa ayos mo pa lang ngayun, tiyak na marami ka ng nabingwit na mga matatandang mayaman. Imposible naman na mahigit isang taon ka pa lang dito sa Manila pero asensado na ang pamilya mo sa probensya. Sabagay, mabilis talaga ang pera sa mga prostitute na katulad mo!" muling wika ni Claire sabay tawa. Bigla akong nakaramdam ng paghihimagsik ng aking kalooban. Sumusubra na talaga ito.




p style="text-align: center;">Chapter 234


VERONICA POV


Hindi ko mapigilan na maikuyom ang aking kamao. Hanggang dito ba naman sa Manila sinusundan nya pa rin ako ng mga bully na ito? Nakakairita na sila. Porket hindi ako lumalaban sa kanila noon aapihin na lang nila ako palagi?


At ano itong sinasabi nila na nakabili na ng lupain sila Nanay sa probensya? Wala naman silang nababanggit sa akin tuwing tumatawag ako sa kanila ah? Ang alam ko nagsipagbalik iskwela na ang mga kapatid ko. Pero yung bahay at lupain na sinasabi ng mga ito malabo iyun.


"Oh ano? Hindi ka nakaimik noh? Dahil guilty ka! Grabe ka...talagang ginamit mo ang ganda mo para magkapera ka! Ikinakahiya ka ng mga kalugar natin." natatawang muling wika ni Claire. Pigil na pigil ko naman ang sarili ko na patulan ito.


"Bakit ka ba nakikialam sa buhay ng may buhay? Naiinggit ka ba dahil hindi mo akalain na makakarating ng Manila ang isang katulad ko? At ano ang pinagsasabi mo na prostitute ako dito? Baka gawain niyong dalawa iyun at ibinibintang nyo lang sa akin." hindi ko mapigilan na sagot. Ayaw ko nang magpaapi sa kanila noh? Tuluyan ko ng kinalimutan sa sistema ko ang mahinang si Veronica. Ang Veronica na palagi nilang pinapaiyak at tinatawanan noon dahil mangmang at baduy.


Iba na ako ngayun. Hindi na ako mangmang at hindi na baduy. Tinuruan ako ng mga Villarama kung paano kumilos at magkaroon ng tiwala sa sarili. Hindi ako dapat magpaapekto sa mga sinasabi ng tao lalo na kung hindi naman totoo.


"Hahahahah! Nakakatawa ka talaga! May lakas ka na ng loob na sumagot sagot ngayun ah? Dahil ba kumikita ka na ng malaking pera gamit ang katawan mo?" sagot naman ni Lorie. Hindi ko talaga alam kung ano ang mga pinagsasabi ng mga ito. Hindi ko talaga sila maiintindihan sa sinabi nila na ginagamit ko ang katawan ko para kumita ng salapi.


"Kung wala na kayong magandang sasabihin pwede bang umalis na kayo? Wala akong time para makipag-usap sa inyo dahil hindi naman tayo magkaibigan." inis kong wika. Nagkatawanan pa ang dalawa pagkatapos tinitigan pa ako mula ulo hanggang paa.


Inismiran ko na lang sila at inilibot ang tingin sa paligid. Bakit ba napakatagal ni Rafael. iihi lang siya eh at hanggang ngayun wala pa rin siya.


Kasing nipis na ng sinulid ang

pasensya ko sa dalawang ito. Hindi ko deserve na ganituhin nila ako dahil wala silang naging ambag sa buhay ko. Sawang sawa na ako sa pangmamata nila. Sawang sawa na ako sa panglalait na gingawa nila hindi lang sa akin kundi pati na din sa aking mga magulang at kapatid.


"BAkit, nakakaabala ba kami sa pangha -hunting mo ng mayaman sa lugar na ito? Grabe ka, pati mamahaling mall dinadamay mo pa sa ginagawa mong kalandian." muling wika ni Claire. Inis ko itong tinitigan. Below the belt na ang ginagawa nilang pang-aalipusta sa akin at hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot. Bakit ba ang init ng dugo nila sa akin noon pa?


"Ang cheap niyan noh? Ambisyosa!" sagot naman ni Lorie. Malalim akong napabuntong hininga at pilit na iniignora ang kanilang presesya. Baka hindi ko na makayanan ang mga lumalabas sa bibig nila at mapaiyak na naman nila ako. Ayaw ko ng nakikita nila ako kung gaano ako kahina. Hindi ko sila dapat bigyan ng satisfaction.


Nabuhayan ako ng loob ng makita ko ang parating na si Rafael. May bitbit na itong isang bouquet na red roses.


Nakangiting naglalakad palapit sa akin kaya naman kahit papaano nabuhayan ako ng loob. Biglang bumalik ang self confidence ko na kanina lang ay unti- unting naglaho dahil sa pinagsasabi ng dalawa kong kababata. Pakiramdam ko biglang dumating ang kakampi ko.


"Sunshine!" nakangiting lapit ni Rafael sabay abot sa akin ng bouquet. Halos matunaw naman ang puso ko dahil sa kanyang ginawa. Hindi ako makapaniwala. Kaya siguro matagal itong nawala dahil binilhan ako ng bouquet of roses,


"Para kompleto ang date natin. Iba pa rin na may bitbit ka na flowers kahit saan tayo magpunta para ipaalam sa lahat ng pag-aari na kita." wika at kinintalan pa ako ng halik sa labi. Parang gusto ko naman maluha. Talagang palaging may pa-surprised itong si Rafael.


"Thank you! Kaya pala ang tagal mo eh. sagot ko at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.


Talagang naluha ako dahil sa matinding kaligayahan na nararamdaman ng puso ko.


"So lets go? Saan mo gustong kumain? Or gusto mong magshopping muna?" tanong nito kasabay ng masuyong pagpahid ng luha sa akin mga mata. Ikinawit nito ang kanyang braso sa baywang ko kaya naman kaagad na pumanatag ang aking kalooban.


"Kahit saan! Isa pa, hindi ko kailangan magshopping ngayun. Ang dami ko ng mga gamit sa mansion." sagot ko.


"Pareho talaga kayo ni Mommy!" wika nito sabay haplos nito sa pisngi ko. Napangiti ako at muli kong naalala na kausap ko pala ang mga matapobre at mapang-asar kong mga kababata. Napasulyap ako sa kanila at kita ko ang pagkagulat sa kanilang mga mata habang nakatitig kay Rafael. Napatingin naman sa kanila si Rafael.


"Who are they?" tanong ni Rafael Nakatitig kina Lorie at Claire na wari binabasa nito ang kanilang pagkatao. Kaagad ko naman napansin ang pagkailang sa hitsura ng dalawa.


"Ahmmm malayong kakilala." sagot ko. Nagtataka na napatitig sa akin si Rafael. Hindi marahil nito maintindihan ang ibig kong sabihin. Ngayun ko lang din narealized na mali pala ang nasagot ko.


"Ah I mean....mga dating kakilala."


sagot ko sabay pakawala ng pilit na ngiti. Kaagad na napakunot ang noo nito tsaka tumango.


"Rafael Villarama? Ikaw nga! Sir pwede po bang magpapicture sa inyo?" Si Claire ang unang nakabawi sa pagkagulat. Abot ang ngiti nito hanggang tainga kaya napaismid ako. Bigla yatang bumait ang bruha.


Mukhang sikat nga talaga ang pamilya Villarama. Kilala ng dalawang bruha eh. Sabagay hindi na ako nagtataka. Alam ko naman kung gaano kayaman sila Rafael. Ang mall na kinatatayuan namin ngayun ay pag-aari nila.


"Friend mo ba sila Sunshine?" imbes na paunlakan ni Rafael ang hiling ni Claire ako ang hinarap nito. Kaagad akong umiling sa tanong nito.


"Hindi! Kakilala ko lang sila. Hindi kami closed." sagot ko. Hindi ko na ako nagtangka pang sulyapan ang dalawa. Sariwa pa rin sa isip ko ang ginagawa nilang pang-aalipusta sa akin.


"Veronica...kaano-ano mo si Rafael Villarama? Bakit magkasama kayo?" sa kauna-unahang pagkakataon mukhang nagbago ang ihip ng hangin. Biglang naging mabait ang tono ng boses ni Claire sa akin. Dati kasi puro pang- aalipusta ang lumalabas sa bibig nito ngayun iba na. Nagtatanong na siya at naging interesado sa buhay ko.


"She is my wife! Why?" si Rafael na ang sumagot. Kaagad kong napansin ang pagkulay papel ng mukha ng dalawa. Gulat na gulat.


"Wife? As in....." hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Claire ng muling putulin ito ni Rafael.


"Lets go Sunshine! Alam kong gutom ka na!" wika ni Rafael sa akin at hinawakan ako nito sa baywang at iginiya palayo sa dalawa kong kababata. Kaagad naman akong nagpaubaya. Kanina ko pa gustong makalayo sa presensya ng dalawang mapanglait na iyun.


"Mukhang hindi maganda ang encounter mo sa dalawang iyun ah?' wika ni Rafael. Nagulat naman ako.


"Ha? Paano mo nasabi?" sagot ko.


"Of coure...kahit hindi mo sabihin kilalang kilala na kita Sunshine. Alam ko kung komportable ka o hindi sa mga kaharap mo. Tell me...kababayan mo sila?" tanong nito. Saglit akong nag- isip bago sumagot.


"Mga bully sila. Palagi nila akong inaaway noon." malungkot kong sagot. Napatango ito at sandaling nanahimik.


"So, saan mo gustong kumain?" pag- iiba nito ng usapan. Napansin marahil nito ang lungkot sa boses ko. Saglit akong nag-isip bago sumagot.


"Parang gusto ko ng rice," sagot ko. Natawa si Rafael.


"Rice lang?" tanong nito. Tumango ako.


"Rice talaga ha? Sige doon tayo sa may rice." natatawa nitong sagot at pumasok kami sa isang restaurant. Kaagad naman kaming inasikaso ng waiter at dinala sa isang parang kwarto. Walang ibang tao sa loob kundi kaming dalawa.


"Wow....ang galing naman. Talagang may paganito pa sila ha?" wika ko. Natawa si Rafael.


"Yup...para may privacy tayo.:" sagot nito sabay kindat sa akin. Ipinaghila ako nito ng upuan at pinaupo ako. Kinuha din nito ang hawak kong bouquet at ipinatong sa lamesa.


"So, tell me...hindi mo pa nakikiwento ang naging buhay niyo sa probensya... bigla kasing akong naging interesado noong narinig ko sa iyo na binubully ka ng mga kababata mo" tanong nito. Kakatapos lang nitong umorder ng

aming kakainin.


"Ha? Naku, hindi mo na kailangan pang tanungin iyun Rafael. Hindi naman interesting ang mga pinagdaanan ko eh." sagot ko. Wala naman talaga akong maikwento dito liban lang kung gaano kahirap ang buhay namin. Kung tutuusin hindi talaga ako bagay sa pamilya nila. Maswerte lang ako dahil mababait sila at wala silang pakialam kung anong istado ng buhay ang magugustuhan ng mahal nila sa buhay.


"Bakit naman. Nabanggit sa akin nila Mommy na minsan na daw silang nakapunta sa lugar niyo. Doon din daw nila unang nalaman na ipinagbubuntis na pala ako ni Mommy." sagot ni Rafael. Muli akong napangiti.


"OO. iyun din ang nabanggit sa akin ni Ate Arabella. Kaibigan nya daw si Nanay at totoo iyun. May nakikita kasi akong picture ni Ate Arabella sa bahay namin ehh. Lumang picture....." nakangiti kong sagot.


"Pero alam mo...mahirap lang kami Rafael....sobrang hirap. Kung walang huli sa dagat si Tatay, hindi kami kakain. Kaya nga hindi ako nakapag- aral eh. Kaya nga si Ate Ethel lang ang kaibigan ko. Ayaw kasi ng mga kasing edad ko sa akin. Wala daw akong pinag- aralan at baka mahawa sila sa kamalasan ng pamilya namin."


malungkot kong kwento dito. Seryoso naman akong tinitigan ni Rafael.


"Kaya ba napadpad ka sa amin?" tanong nito. Kaagad akong tumago.


"Oo, handa kong pasukin kahit na anong trabaho noon para lang kumita. Naging madamot ang kapalaran sa akin noon. Dahil wala akong pinag- aralan hindi ako matanggap-tanggap sa trabaho. Hanggang sa nag-apply akong kasambahay sa isang agency at swerte naman na naipadala ako sa mansion".


"Naiyak pa nga ako noon eh. Ang akala ko talaga ayaw akong tanggapin ni Mommy mo. Ayaw daw nila sa mga batang kasambahay. Umiyak ako kaya siguro naawa sa akin si Mommy mo at hindi ako pinabalik sa agency." wika ko. Titig na titig sa akin si Rafael at napangiti.


"At sinungitan kita kaagad dahil sa swimming pool ka kumuha ng tubig para ipangdilig?" tanong nito. May halong panunudyo sa boses nito. Biglang nag-init ang pisngi ko dahil sa hiya ng maalala ang katangahan na ginawa ko noon. Napahalakhak si Rafael.


"bakit ka namumula Sunshine? Huwag kang mahiya sa mga nangyari noon dahil iyun ang isa sa mga dahilan kung bakit patay na patay ako sa iyo ngayun. "wika nito sabay hawak sa kamay ko. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig sa kanya. Ramdam ko kung gaano ito ka-sinsero sa kanyang sinasabi.


"Alam mo ba simula ng araw na iyun hindi ka na nawala sa isip ko? Kaya nga panay papansin ko sa iyo eh. Kaya nga sinusungitan kita para mapagtakpan ang pagkagusto ko sa iyo noon. Napaka -inosente mo. Para kang isang bata na walang muwang sa mundo." mahaba nitong wika.


Parang may kung anong bagay na humaplos sa puso ko habang pinapakinggan ang mga salita na lumalabas sa bibig ni Rafael. Ako na siguro ang pinaka-maswerteng babae sa mundo dahil nakamit ko ang pagmamahal ng isang Rafael Villarama.


"Sorry!" wika ni Rafael habang titig na titig sa akin. Hindi ko maiwasan na mapakurap.


"Tungkol saan?" nagtataka kong tanong.


"Sa lahat ng hirap na pinagdaanan mo. Hindi ko akalain na sa kabila ng karangyaan na tinatamasa ko, kabaliktaran naman ang nangyari sa iyo. Sana noon pa tayo nagkakilala." sagot nito. Muli akong naluha. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang awa at sinsiridad sa kanyang mga sinasabi.


"Masaya naman ako kahit mahirap kami eh. Mahal na mahal kami ng mga magulang namin. Inalagaan nila kaming magkakapatid at pinalaki ng maayos." sagot ko.


"I know...at simula ngayun hindi ko na hahayaan pa na maranasan niyo ang hirap ng buhay." sagot nito.


"Kaya nga gusto kong makapagtapos sa pag-aaral para matulungan sila. Ayaw kong makita na habang buhay na naghihirap ang pamilya ko Rafael." sagot ko. Kaagad na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito.


"I know....I know!" sagot nito.


"Teka lang...bakit ang lungkot ng topic natin ngayun? Dapat masasayang topic lang dahil ito ang kauna-unahang date natin." pilit ang ngiti na wika ko dito.


"Oo nga pala! First date natin ngayun kaya dapat pareho tayong masaya!" sagot nito at matiim akong tinitigan sa mukha.


Unti-unti na naman akong nakakaramdam ng pagkailang dahil sa mga titig nito at mabuti na lang dumating na ang inorder namin na pagkain. Masaya naming pinagsaluhan iyun at habang kumakain kami ramdam na ramdam ko ang pag- aalaga ni Rafael. Halos subuan na kasi ako nito.


"So saan tayo ngayun pupunta?" tanong nito pagkatapos namin kumain. Talagang nabusog ako. Ang sarap kausap ni Rafael. Ang sarap nitong kasama. Para akong prinsesa kung ituring nito.


"Hmmm hindi ko din alam eh. Saan nga ba?" tanong ko. Saglit na nag-isip at seryoso akong tinitigan.


"Gusto mo bang makita ang mga magulang mo?" tanong nito. Hindi ko naman maiwasan na magulat.


Napakurap ang aking mga mata na napatitig dito.


"Bakit?" tanong ko.


"Naisip ko lang....siguro na-miss mo na sila." sagot nito.


"Pero kaya ko pa naman tiiisin eh. Isa pa hindi ako pwedeng lumiban sa klase. " sagot ko.


"Pwede naman tayong bumiyahe sa weekend." sagot nito. Halos hindi naman ako makapaniwalang napatingin dito.


"Mahigit isang taon ka na sa amin at hindi ka pa nakakauwi. I think ito na iyung right time para bisitahin sila kasama ako. Gusto kong makilala ang mga magulang mo Veronica." Masuyo nitong wika habang titig na titig sa mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.


"Pero paano?" Malayo ang lugar namin." sagot ko.


"Walang malayo o malapit sa akin Veronica. Siguro naman may eroplano malapit sa inyo diba?" tanong nito. Saglit akong nag-isip bago tumango.


Walang airport sa lugar namin pero meron sa mga kalapit na lugar. Siguro aabot ng halos limang na oras ang byahe kung sasadyain. Sasakay pa kasi ng Roro kaya ganoon.


"Great! Kayang kaya ng oras natin iyan sa weekend. Mag chopper na lang tayo mula dito sa Manila hanggang sa malapit na airport sa lugar niyo. Basta ako na ang bahala sa lahat.


Magpapapaalam tayo kila Mommy na babyahe tayo ngayung weekend."


nakangiti nitong sagot. Lalong hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Kung alam lang nito kung gaano ako kasaya.



Chapter 235


VERONICA POV




"Sigurado ka?" tanong ko. Nakangiti itong tumango at pinahid ang luha sa aking mga mata.


"Lahat ibibigay ko sa iyo Sunshine! Ganyan kita kamahal! Isa pa gusto kong pormal na hingin ang mga kamay mo sa mga magulang mo. Gusto ko ipakita sa kanila kung gaano ako ka- seryoso sa iyo." sagot nito.


"Rafael...thank you! Kung alam mo lang kung gaano mo ako pinasaya! Hindi ko akalain na mararanasan ko ang ganitong klaseng pagpapahalaga mula sa lalaking mahal ko." sagot Kaagad na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito. Hinaplos ang pisngi ko bago ako niyakap ng mahigpit.


"Mahal na mahal kita Veronica! Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit ganito ka-positibo ang tingin ko sa buhay ngayun." nakangiti nitong wika. Naisubsob ko naman ang mukha ko sa dibidib nito habang hindi mapigilan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi.


Nanatili kami sa ganoong posisyon sa loob ng ilang minuto bago kumalas sa isat isa.


"So, lets go! I think may direksyon na ang date natin ngayun. Bibili na tayo ng pwede natin ipasalubong sa pamilya mo na magiging pamilya ko na din." nakangiti nitong wika. Hindi ko mapigilang matawa. Tawa ng kaligayahan.


"Naku, nakakahiya! Huwag na! Sapat na ang presensya natin para maging masaya sila." sagot ko. Kaagad na umiling si Rafael.


"Iyan ang hindi ko mapapayagan Sunshine! Iba pa rin na may mga pasalubong sila mula sa atin...so Lets go?" ngingiti-ngiti nitong wika. Kaagad kong kinuha ang bouque na nakapatong sa lamesa bago humawak sa braso nito at sabay na kaming lumabas ng restaurant.


"Ano ang magandang regalo sa parents mo?" Hmmm I think jewelry is much better." narinig ko pang wika nito at hinila ako sa isang shop na puro alahas ang mga nakadisplay. Hindi ko maiwasan na tumutol. Mamahaling bagay ang tumatakbo sa isip ni Rafael at hindi ako papayag. Ayaw kong abusuhin ang kabaitan nito.


"Rafael...NO! Nakakahiya! Iba na lang." wika ko para pigilan ito. Pwede naman mga damit na lang. Pero alahas talaga? Mahal ang mga iyun at nakakahiya. Binalingan ako ng tingin tsaka nginitian.


"Deserved nilang makatanggap ng regalo mula sa kanilang son in law Sunshine!" nakangiti nitong wika at pinisil pa ang pisngi ko bago ako iginiya papasok sa loob ng shop. Kaagad naman kaming binati ng mga staff.


"Good Evening Mister Villarama! Good Evening Mam!" bati ng mga ito. Tanging tango lang ang naging tugon ni Rafael at naupo na kami sa isang sofa na may center table sa harap.


Pilit kong hinuhuli ang tingin ni Rafael para sana tumutol sa gusto nito. Kaya lang ayaw talaga nitong tumingin sa akin. Bagkos inutusan nito ang staff na magdala ng ibat ibang set ng alahas na kaagad naman tumalima.


"Sigurado ka ba talaga?" tanong ko pa dito ng maiwan kami. Binalingan ako nito tsaka nginitian.


"Maliit na bagay kumpara sa pagpapalaki nila sa iyo ng maayos Sunshine!" sagot nito.


"Pero..." hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng muli itong nagsalita.


"NO more 'PERO' Sushine! Huwag mong kalimutan na maraming pera ang asawa mo." nakangiti nitong bulong at mabilis akong hinalikan sa labi. Nagulat naman ako dahil sa ginawa nito. Halos lahat ng mga mata dito sa loob ng shop nakatingin sa amin kaya nahihiya akong napayuko.


"Tsk! Tsk!...sige isa pang pagtanggi at hindi lang mabilisang halik ang matitikman mo sa akin." nakangiti nitong pagbabanta. Lalo ko naman naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa bago dumating ang ilang mga staff na may hawak na mga kahon. Kasama ng mga ito ang kanilang Manager.


"Good Evening Mister Villarama!" kaagad na bati nito habang may nakaguhit na matamis na ngiti sa labi nito. Binalingan din ako nito at binati.


"May mga new set of Jewelry po kaming bagong dating Sir...sana magustuhan niyo po." wika nito at naupo na sa katapat namin na upuan. Kinuha nito ang isang kahon na hawak ng isa sa kanyang mga staff at binuksan iyun at inilipag sa center table.


Hindi ko naman maiwasan na mamangha ng tumampad sa paningin ko ang isang kulay gintong kwentas, hikaw, bracelet at singsing. Isang set talaga! Napahawak pa ako kay Rafael dahil gusto ko na naman tutulan ang gusto nito pero hindi ako nito pinansin.


"Okay...I will take this!" Wika nito at nagturo pa ng nagturo. Hindi na ako umiimik sa tabi nito. Nahihiya man pero wala na akong magagawa. Mapilit talaga ito eh. Isa pa baka magtampo na ito sa akin kung patuloy ko itong pipigilan. Alam ko kung gaano ito ka- seryoso.


"May gusto ka pa bang bilihin Sunshine?" narinig ko pang tanong nito. Kanina pa marahil nito napapansin ang pananahimik ko. Umiling ako kaya naman muli nitong itinoon ang pansin sa mga alahas.


"Idagdag nyo na din iyan." Narinig ko pang wika nito bago isa-isang umalis ang mga staff dala-dala ang mga alahas na napiling bilhin ni Rafael. Parang wala lang sa kanya na binayaran lahat ng iyun gamit ang kanyang card.


"Galit ka?" tanong nito ng palabas na kami sa shop. Natapos din ang pamimili nito at pakiramdam ko na- stress ako sa laki ng binayaran nito. Para daw lahat sa pamilya ko ang mga iyun.


"Ha? Naku...bakit naman ako magagalit? Dapat nga magpasalamat ako sa iyo eh. Nag-abala ka pa tuloy.. Isa pa napapagastos ka pa na hindi naman dapat." nahihiya kong sagot sabay sulyap sa bitbit nito.


"Maliit na bagay! Sa nasabi ko na... pamilya ko na din ang pamilya mo Sunshine!" "ngingiti-ngiti nitong sagot.


"I think we need to go home na! Si Mister Lee na lang ang uutusan ko sa mga bagay na dapat pang bilhin para dalhin sa pag-uwi natin sa probensya nyo." wika nito at kaagad na kaming naglakad papuntang parking.


Nagpatianod na lang din ako.


Hayayaan ko na lang si Rafael sa gusto nya. Siya din naman ang magagastusan. Basta sa ngayun, excited akong makita ulit sila Nanay at Tatay pati na din ang mga kapatid ko. Parang gusto ko na tuloy hilain ang araw para mag-weekend na.


Pagdating ng mansion sakto naman na naabutan namin sa living room sila Tita Carissa at Tito Gabriel. Agad sinabi ni Rafael ang balak namin ngayung weekend. Noong una bakas ang pagtutol sa mga mukha ng mga ito dahil bakit biglaan daw ang desisyon namin na pagdalaw sa probensya na kinalikihan ko. Pero hindi naman nagtagal pumayag na din ang mga ito basta magsama daw kami ng ilang mga bodyguards. Ayaw daw kasi nilang ipagsawalang bahala ang kaligtasan namin ni Rafael.


Naiintindihan ko naman iyun. Alam kong nag-aalala sila sa kaligtasan ng bunso nila. Malayo ang probensya namin at istranghero pa rin si Rafael sa lugar na iyun kahit na kasama nya ako. Isa pa iba pa rin ang may magtatanggol dito kahit na ano pa ang mangyari.


Gusto sanang sumama nila Tita Carissa para diretso pamanhikan na din sana. Kaya lang kailangan munang unahin ang sitwasyon ni Jeann. Isa pa biglaan talaga ang desisyon namin in Rafael at hindi naman kami magtatagal sa probensya. Halos dalawang araw lang kami doon at babalik kaagad kami ng Manila dahil may pasok sa opisina si Rafael at hindi din ako pwedeng lumiban sa School.





Chapter 236


VERONICA POV


"Good Night Sunshine!" kaagad na wika ni Rafael sa akin pagkatapat namin sa kwarto ko. Hinalikan pa ako nito sa labi bago binuksan nito ang pintuan ng kwarto ko at sininyasan na akong pumasok sa loob.


"Good Night Rafael! I love you!" sagot ko. Kaagad na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito at hinaplos pa ang aking pisngi bago sumagot.


"I love you too Veronica!" sagot nito bago tuluyang tumalikod para pumunta sa kanyang kwarto. Kaagad ko naman isinara ang pintuan habang hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko. Sobrang nakakakilig ang nangyari sa amin ngayung araw.


Mabilis akong naglinis ng aking

katawan para makatulog na. Sinadya ni Rafael na hindi muna kami magtabi ngayun para pareho daw kaming makapagpahinga ng maayos. Mabuti na din iyun dahil gusto kong matulog ng maayos ngayun. Papasok ako ng School bukas at ayaw ko naman na aantok-antok ako habang nasa classroom ako


Nakapwesto na ako ng kama ng marinig ko na tumutunog ang aking cellphone. Kaagad ko itong sinagot ng mapansin ko na si Jeann ang tumatawag.


"Jeann?" tanong ko. Kaagad kong narinig ang marahan nitong paghikbi sa kabilang linya kaya hindi ko maiwasan na mag-alala.


"May....may problema ba?" tanong ko.


"Nica...ano ang gagawin ko?" kaagad na tanong nito. Lalo naman akong nagtaka.


"Ha? Bakit may problema ba?" tanong ko ulit.


"Palagi naman akong may problema eh! Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ngayun! Kung bakit umiiyak ako!" sagot nito. Lalo naman akong naguluhan.


"Ano ba ang ibig mong sabihin? Diretsahin mo nga ako?" tanong ko.


"Nahuli ko si Drake na kasama niya sa condo ang current girlfriend nya. Nagsasama na sila Nica! Parang mag- asawa na ang turingan nilang dalawa." sagot nito. Nagulat naman ako.


"Ha? Paano mo nalaman?" tanong ko.


"Pumunta ako kanina sa condo nya para makipag-usap sana sa kanya tungkol sa nalalapit naming kasal. Kaya lang iyung babae ang naabutan ko doon. Kinausap nya ako at sinabi nyang lubayan ko na daw si Drake!


Napipilitan lang siyang magpapakasal sa akin dahil buntis ako at kaibigan siya ni Uncle Rafael." sagot nito. Kaagad akong nakaramdam ng matinding awa kay Jeann. Buntis ito at hindi nya dapat pagdaanan ang ganitong klaseng problema


"Baka naman gumagawa lang ng kwento ang babaeng iyun. Imposibleng kaagad na pumayag si Drake sa kasal nyo kung hindi bukal sa kanyang kalooban." sagot ko. Lalo kong narinig ang malakas nitong pag-iyak. Napasulyap ako sa orasan at napansin kong halos alas onse na ng gabi. Nasira ang balak kong matulog kaagad ngayung gabi.


"Totoo ang sinasabi nya. Nakapantulog pa siya kanina habang nag-uusap kami. sagot nito. Halata sa boses nito ang pagkadismaya kaya hindi ko maiwasan na maawa sa kanya.


"Ano ngayun ang plano mo?" tanong ko. Sandali itong nanahimik bago sumagot.


"Hindi ko alam. Gusto kong makausap si Drake tungkol dito. Ayaw kong pumasok sa buhay pag-aasawa kung ganito naman kagulo ang sitwasyon. Nakarinig ako ng masasakit na salita mula sa kasintahan ni Drake at tagos iyun hanggang kaluluwa ko." sagot nito. Ramdam ko ang pigil na pag-iyak nito habang sinasabi nya ang katagang iyun. Lalo akong naawa kay Jeann. Napakabait nito at hindi niya deserve na masaktan ng ganito.


"Jeann, sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang maipapayo ko sa iyo. Pero mas mabuti siguro na kausapin mo sila Tita at Tito pati na din ang mga magulang mo tungkol dito. Unfair sa parte mo kung pareho naman kayong hindi masaya ni Drake sa pagpapakasal niyo." sagot ko.


"Hindi ko alam. Ilang beses ko ng

kinausap si Mommy tungkol dito. Gusto talaga nilang makasal kami ni Drake para mapanagutan ang batang nasa sinapupunan ko. Kung maibabalik ko lang sana ang lahat. Hindi sana ako pumayag na may mangyari sa aming dalawa." Humihikbi nitong sagot. Lalo naman akong nakaramdam ng awa sa kanya. Hindi ko akalain na darating ang ganitong klaseng problema sa buhay ni Jeann.


"Gusto mo bang kausapin ang Uncle Rafael mo tungkol dito? Baka may maitulong siya total naman kaibigan niya si Drake." tanong ko. Suminghot singhot muna ito bago sumagot.


"SA palagay mo ba may maitutulong siya? Natatakot ako Nica...baka lalong magkagulo. Nasasaktan ako sa mga nangyari ngayun. Natatakot ako na baka saktan nila si Drake. Kilala ko ang pamilya ko at ayaw nilang may madihado na kahit isa sa mga

miyembro.." sagot nito.


"Hindi ako mapalagay. Masakit na marinig sa ibang tao na sasabihin nila na malandi ako. Na mang-aagaw! Alam mo naman na hindi totoo iyun diba? Nakalimot lang talaga ako at hindi ko alam kung paano ito lusutan." muling sagot nito. Napabuntong hininga ako.


"Mabuti pa siguro kausapin mo si Drake tungkol dito. Sabihin mo sa kanya ang gusto mong sabihin. Kayong dalawa lang ang makaka-solve sa problemang ito Jeann." sagot ko dito. Bigla tuloy akong namroblema. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong maitulong sa kanya.


Nagtatalo din ang aking isipan kung babanggitin ko ito kay Rafael. Matalik nyang kaibigan si Drake at pwede nyang alamin kung bukal ba sa kalooban ni Drake na pakasalan si Jeann. Kung ibinahay na nito ang kanyang girlfriend bakit mukhang masaya naman siya habang pinag- uusapan ang detalye ng kasal nila Jeann? Magaling lang ba talaga siyang magtago ng nararamdaman niya o natakot lang talaga siya sa mga Villarama?


"Pasensya ka na kung naabala kita Nica. Sige na...matulog ka na. Tatawag na lang ulit ako bukas." Malungkot na wika nito at hindi na ako hinintay na makasagot. Kusa na nitong pinatay ang tawag.


Malalim akong napabuntong hininga at nagpasya ng mahiga sa kama. Gusto kong tulungan si Jeann sa kanyang problema pero hindi ko alam kung papaano.


"Kinaumagahan...katulad ng gusto ni Rafael, ito na mismo ang naghatid sa akin sa School.


"Are you sure na ayos ka na?" tanong pa nito sa akin habang nasa byahe kami. kaagad akong tumango.


"Yes...mababaw lang naman ang sugat sa ulo ko. Isa pa tatawagan naman kita kung sakaling magkaproblema ulit ako. "nakangiti kong sagot sabay hilig sa balikat nito. Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa bago sumagot.


"Wala ng matatangka na mambully sa iyo Sunshine. Siguro naman hindi nila gugustuhin na ma-kick-out katulad noong isa mong ka-classmate na nambully sa iyo." sagot nito.


"Kick out? Ibig mong sabihin, nakick- out si Jennifer?" naguguluhan kong tanong.Ngumiti lang ito sa akin at namalayan ko na lang na nandito na pala kami sa harap ng School. Nagmamadali itong bumaba para pagbuksan ako ng pintuan ng kotse.


"Mag-ingat ka Sunshine! See you later! "wika nito at mabilis akong hinalikan sa labi. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng hiya lalo na ng mapansin ko na may iilang istudyante ang nakatingin sa gawi namin. Masyado talaga kasing pansinin ang presensya ni Rafael lalo na mamahalin ang kotse na gamit nito palagi. May ka- convoy pang mga bodyguard.


"Mag-ingat ka din! See you later!" matamis kong ngiti at tinalikuran na ito. Nagmamadali akong naglakad patungo sa aking classroom.


"Veronica! Kumusta ka na? Nakita ko iyun ha?" nagulat pa ako ng biglang sumulpot sa tabi ko si Beatrice. Malawak ang pagkakangiti nito kaya naman napagtanto ko na nasa mood ito ngayun. Hindi katulad noong huling pagkikita namin na parang pasan nito ang mundo.


"Ayos lang naman. Hindi ako pinayagan ni Rafael na pumasok kahapon eh." sagot ko. Alam ko ang tumatakbo sa isip ni Beatrice. Nakita marahil nito ng halikan ako kanina ni Rafael base na din sa panunudyo nito sa akin ngayun.


"Dapat lang na magpahinga ka muna! Uyy alam mo bang na-expelled sa School si Jennifer? Hindi na siya binigyan ng second chance ng iskwelahan dahil sa ginawa niyang gulo. Halos magngangawa nga ang bruha sa pagmamakaawa na huwag siyang ikick out!." kwento nito sa akin. Hindi ko naman maiwasan na magulat. Ganito ba talaga kahigpit ang iskwelahan na ito pagdating sa mga away? Kung ganoon, ngayun pa lang dapat mag-ingat ako. Kakaumpisa pa lang ng klase pero may tinanggal na kaagad silang istudyante.


"Kawawa naman pala siya." hindi ko maiwasang bulong. Kung ako lang ang masusunod willing akong bigyan ng second chance si Jennifer. Kaya lang nakapagdesisyon na ang iskwelahan at wala na akong magagawa pa. Dapat lang din siguro na pagbayaran ni Jennifer ang kasalanan niya.


"Tama lang iyun sa kanya! Noon pa man bully na talaga siya! Ngayun lang siya nakatagpo ng katapat." sagot ni Beatrice. Napatitig naman ako dito. Sabagay, hindi ko naman din alam ang records ni Jennifer sa School na ito. Ngayun ko lang sila nakasama.


Naging tahimik ang buong araw ko sa School. Kinakausap na din ako ng iba ko pang mga classmates na labis kong ipinagtaka. Mukhang bigla silang bumait lahat sa akin.


Kakatapos lang ng last subject ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kaagad ko itong sinagot ng mapansin ko na Jeann na naman ang tumatawag.


"Hello! Jeann!" kaagad kong sagot.


"Nica...pwede mo ba akong samahan." sagot nito. Natigilan ako.


"Kakatapos lang ng klase ko. Saan mo gustong pumunta para makapagpaalam ako kay Rafael pati sa tutor ko.:" sagot ko. Maaga dapat akong uuwi ngayun dahil naghihintay ang tutor ko sa mansion.


"Pasensya ka na kung nakaabala ako sa iyo. Wala lang talaga akong ibang mayaya eh. Saglit lang naman tayo sa pupuntahan natin. Tinawagan ko na din ang driver mo na huwag ka ng sunduin dahil dadaanan kita." sagot nito sa malungkot na boses.


"Saan mo ba gustong pumunta? TApos na ang klase ko ngayun at pwede mo na akong puntahan." sagot ko. Magtitxt na lang din ako kay Rafael para ipaalam dito na kasama ko si Jeann. Gabi na din ito makakauwi ng mansion dahil may impotanteng kliyente itong kakausapin mamayang alas kwatro ng hapon.


"Nakapagdesisyon na ako. Kakausapin ko si Drake tungkol sa sitwasyon namin. Ayaw ko ng magpakasal sa kanya." sagot nito.





Chapter 237


VERONICA POV


Hindi nagtagal ang paghihintay ko at kaagad naman dumating si Jeann. May sarili itong kotse kaya naman walang problema dito kung gusto nitong gumala kung saan. Mukhang hindi na din yata ito pumasok ng School dahil ang alam ko hanggang alas singko ng hapon ang klase nito.


Pagkasakay ko ng kotse ay kaagad kong napansin ang lungkot sa mukha nito. Kapansin-pansin din ang pamamaga ng mga mata nito palatandaan na galing ito sa matinding pag-iyak. Lalo tuloy akong nakaramdam ng awa sa kanya.


Sa mahigit isang taon kong pagtira sa mansion wala itong ipinakita sa akin kundi kabutihan. Kaya mahirap para sa akin na nakikita ko kung gaano ito kalungkot ngayun. Naninibago ako sa kanya dahil masyado itong masayahin tuwing nagkakasama kami.


Sigurado ka na ba?" kaagad na tanong ko kay Jeann pagkahinto ng sasakyan namin sa tapat ng bar ni Drake. Masyado pang maaga at hindi namin alam kung nasa loob na ito. Ayaw din kasi nitong bumalik kami sa condo na alam nyang pag-aari ni Drake dahi ayaw nyang makaharap ang girlfriend nito.


"Sigurado na ako. Gusto ko siyang makausap para sabihin sa kanya na ayaw ko ng magpakasal pa. Nahihirapan na ako sa sitwasyon at ayaw ko ng dagdagan iyun." malungkot nitong sagot. Hindi ko maiwasan na mapatitig sa kanya.


"Sabagay, kung wala namang love na namagitan sa inyong dalawa mabuti pa nga siguro na ngayun pa lang umatras ka sa kasal na iyan. Baka pareho lang kayong magsuffer bandang huli." sagot ko at tinanggal na ang pagkakabit ng set belt sa katawan ko ng napansin ko na bumaba na si Jeann ng kotse.


Kapansin-pansin ang kaba sa mukha nito habang naglalakad na kami papunta sa entrance ng bar. Kinakabahan din ako dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na makaapak sa ganitong lugar. Bahay, mansion at mall lang ang napupuntahan ko sa loob ng isang taon. Isa pa hindi din ako nakapagpaalam kay Rafael at baka magalit ito sa akin kapag malaman nito na pumunta ako sa ganitong lugar.


"Mam, mamayang alas sinko pa po kami magbubukas." kaagad kaming hinarang ng guard ng tumapat kami sa salamin na pintuan. Napatingin ako kay Jeann at nang mapansin ko na wala itong balak na magsalita ako na mismo ang sumagot.


"Nandiyan ba si Drake? Pwede ba namin siyang makausap." tanong ko sa guard.


"Naku po...hindi po tumatanggap si Sir Drake ng bisita Mam. Busy po siya sa loob." sagot nito. Kaagad akong nabuhayan ng loob. Ibig sabihin nandito si Drake at kailangan namin mapakiusapan ang guard na papasukin kami sa loob para makausap ang amo nito.


"Importante po kasi ang kailangan namin. Pwede po bang pakitawagan siya?" tanong ko. Kaaagad naman umiling ang guard.


"Pasensya na po Mam! Mahigpit pong ipinagbawal ng amo namin na huwag siyang istubuhin. Pasensya na po!"


sagot nito. Hindi ko maiwasan na mapabuntong hininga. Ganito ba talaga kahirap makaharap ang mga taong nakakaangat sa lipunan?


"Hindi siya humaharap kahit na sabihin mo sa kanya na nandito sa labas ang fiancee nya?" seryosong tanong ni Jeann. Kaagad naman natigilan ang guard.


"Pakitawagan po siya Manong. Sabihin mo nandito sa labas si Jeann Villarama Santillan at gusto siyang makausap." seryoso kong utos dito. Hindi pwedeng umalis kami sa lugar na ito ng walang napapala. Kinancel ko pa naman ang lesson ko ngayun kay Teacher May pagkatapos magsasayang lang pala ako ng oras. Isa pa masyado na akong naawa kay Jeann.


Buntis ito at baka maapektuhan nito ang ipinagbubuntis kung palagi itong mag-iiyak.


"Sige po, sandali lang po Mam. Inform ko lang kay Sir na nandito kayo." sagot nito at kaagad na isinara nito ang salamin na pintuan. Ni hindi man lang nag-abala na papasukin muna kami sa loob. Ang init pa naman dito sa labas.


Wala kaming choice kundi matiyagang maghintay. Kung ayaw pa rin kaming papasukin sa loob mapipilitan akong tawagan na lang muna si Rafael para makahingi ng tulong. Wala akong choice kundi sabihin ko dito kung nasaan ako.


Muli akong napasulyap kay Jeann. Parang nagpipigil na itong maiyak. Bigla ko tuloy namiss ang dating Jeann na matapang. Ang laki ng ipinagbago ng ugali nito ngayun


"Mahal mo siya?" hindi ko mapigilang tanong. Maang itong napatitig sa akin.


"Siguro mahal mo siya.... Hindi ka naman siguro magkakaganyan kung hindi diba?" seryoso kong wika. Kilala ko ang ugali ni Jeann. Hindi naman siguro ito basta-basta makikipagsex kung hindi nito gusto ang lalaki.


Napansin ko ang bahagyang pagtulo ng luha sa mga mata nito at tumitig sa kawalan.


"Hindi ko alam. Naguguluhan din ako.


" sagot nito. Marahan akong napabuntong hininga. Aaminin man nya o hindi alam kung may gusto din ito kay Drake. Sasagot pa sana ako ng mapansin namin na muling bumukas ang salamin na pintauan. Muling lumabas si Manong guard.


"Pasensya na po kayo kung medyo matagal kayong naghintay Mam. Pwede na daw po kayong pumasok. Nasa second floor po ang opisina ni Sir Drake." imporma sa amin nito at niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan. Kaagad naman kaming pumasok ni Jeann.


Bumungad sa paningin ko ang ilang mga tao na abala sa paglilinis. Sa tanang buhay ko ngayun lang ako nakapasok sa ganitong lugar at hindi ko maiwasan na kainin ng kuryusidad. Ano kaya ang hitsura nito kapag nag- ooperate na? May mga babae din kayang sumasayaw katulad sa mga napapanood ko sa mga pelikula?


Kaagad kaming umakyat ng second floor. Mabuti na lang at may nakasulubong kaming staff at kaagad nitong tinuro ang opisina ni Drake ng tanungin namin ito.


Palapit pa lang kami ng opisina ni Drake ng kaagad na bumukas ang pintuan nito. lumabas ang isang seksing babae at kaagad na tumigil si Jeann ng makita nya ito. Hindi ko naman maiwasan na magtaka.


"Bakit?" tanong ko dahil huminto ito sa paglalakad.


"Nandito ang girlfriend ni Drake." sagot nito at napansin ko ang pagtitig ng babae sa amin. Nakataas ang kilay nito ng naglakad palapit sa amin kaya hind ko maiwasan na maalarma.


"So, ano ang ginagawa ng isang Jeann Santillan sa lugar na pag-aari ng fiancee ko?" kaagad na tanong nito. Bakas sa kanyang boses ang pang- iinsulto kaya hindi ko maiwaan na makaramdam ng pagkainis.


"Fiancee?" tanong ko. Binalingan ako nito ng tingin at matalim akong tinitigan.


"And who are you?" tanong nito sa galit na tinig. Matalim ko din itong tinitigan.


"Hindi kami na-inform na kaya palang pagsabayin ni Drake ang dalawang babae sa buhay niya. Paano iyan... fiancee nya din ang kasama ko ngayun?


" sagot ko. Bakas sa boses ko ang pang- iinis dito. Wala siyang karapatan na inisin si Jeann. Kung fiancee din ito ni Drake, ngaun pa lang dapat pumili siya kung kanino ba talaga siya seryoso.


Masyado naman yata siyang gwapo para pagsabayin ang dalawang babae. Mabuti na lang at hindi ganito ang Rafael ko.


"Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin iyan! Mang-aagaw ang kasama mo kaya kung ako sa iyo iwasan mo na siya bago ka pa mahawa sa kakatihan nya!" sagot nito. Parang bigla naman umakyat ang dugo sa ulo ko dahil sa sobrang inis. Hindi ako papayag na may babastos sa mga taong tinanggap ako ng buo at itinuring akong bahagi ng pamilya nila. Lalo na at anak at apo ito ng taong tumulong sa akin upang unti-unti kong makamit ang aking mga pangarap.


Kung hindi kayang ipagtanggol ni Jeann ang sarili nya, pwes ako ang magtatanggol sa kanya. Ipaglalaban ko ang karapan niya bilang fiancee ni Drake.


"Really? Well tingnan lang natin kung sino ang mas pipiliin ni Drake. Dont worry, nandito kami dahil kakausapin namin si Drake tungkol sa issue na ito.. Excuse us!" wika ko at kaagad na hinila si Jeann papuntang opisina ni Drake. Hindi na ako kumatok pa. Kaagad kong pinihit ang siradura ng pintuan ng mapansin ko na nakasunod sa amin ang girlfriend ni Drake.


Kaagad naman napatayo si Drake mula sa pagkakaupo ng mapansin nito ang presensya namin. Kaagad itong lumapit kay Jeann.


"Jeann...napadalaw kayo!" kaagad na wika nito. Napasulyap muna si Jeann sa girlfriend nito na pumasok pa talaga dito sa loob ng opisina bago sumagot.


"Pwede ba tayong mag-usap?" sagot ni Jeann Kaagad na napasulyap si Drake sa girlfriend nito bago sumagot.


"Bakit nandito ka Abril. Hindi bat pinaalis na kita?" wika nito sa malamig na boses. Kaagad na napataas ang kilay ko. So Abril pala ang pangalan ng bruha.


"Drake...siya ba ang dahilan kaya bigla mo akong hiniwalayan?" tanong nito. Pareho naman kaming nagulat ni Jeann.


"Abril, matagal na tayong wala. Mahirap bang intindihin na ayaw ko na sa iyo! Please..itigil mo na ang kakahabol! Ikakasal na ako!" sagot nito. Kaagad na nanlisik ang mga mata ni Abril na tumitig kay Jeann. Mukhang gets ko na ang mga pangyayari. Hinahabol ng babae na ito si Drake. Hiniwalayan na pala sila eh pero bakit nandito pa rin siya? Kung ganoon walang dapat na ipagselos ang kaibigan ko. Tuloy ang kasal!


"Hindi mo siya fiancee?" tanong ni Jeann. Sa wakas mukhang nakabawi na ito at nagawa ng magsalita. Kaagad na tumango si Drake!


"No! Bakit ko siya maging fiancee gayung malapit na tayong ikasal at magkakaanak na tayo." sagot nito at masuyong tinitigan si Jeann sa mukha. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti. Kung tama ang nakikita ko mukhang mauuwi talaga sa kasalan ang lahat.


Nagpasya na lang muna akong lumabas ng opisina. Hahayaan ko na lang muna silang mag-usap. Balak kong magmessage kay Rafael para sabihin dito na nandito kami sa bar na pag aari ni Drake.. Baka kasi magtampo sa akin kung hindi ko maipaalam sa kanya. Isa pa mukhang magtatagal pa kami sa lugar na ito.


"Uyyy! Alis na daw!" wika ko kay Abril at sininyasan ko si Jeann na lalabas muna ako.


Malay mo naman, baka simula ngayung araw magiging maayos din ang buhay pag-ibig ni Jeann. Kulang lang siguro sila sa communication at kailangan nilang aminin sa isat isa kung ano ang kanilang nararamdaman.


Nasa labas na ako ng opisina ng marinig ko ang malakas na pagsigaw ni Abril. Napailing ako. Hindi ko alam kung ano ang history ng relasyon nilang dalawa ni Drake kaya wala akong karapatan na makialam. Bahala silang mag-usap basta huwag lang nilang sasaktan ang Jeann namin. Hindi talaga ako mangingimi na isumbong sila sa mga Villarama.


Napasulyap ako sa suot kong relo at ng mapansin ko na halos alas singko na ng hapon nagpasya akong tawagan si Rafael. Tapos na siguro ang meeting nito. Nakakailang ring pa lang ng sumagot ito


"Hello! Sunshine!" malambing nitong wika sa kabilang linya. Kaagad na gumuhit ang masayang ngiti sa labi ko.


"Kumusta ka? Tapos na ba ang meeting mo?" tanong ko.


"Kakatapos lang. Uuwi na din ako maya -maya! Magready ka for me dahil talagang na-miss kita ng sobra!" sagot nito. Kaagad naman akong kinilig sa sinabi nito.


"Na-miss din naman kita ng sobra! Kaya lang wala pa ako sa mansion eh. Sinamahan ko si Jeann dito sa bar ni Drake." sagot ko at hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba.


"Sa bar? Bakit diyan kayo nagpunta Veronica? Pwede nyo naman tawagan si Drake at makipagkita sa ibang lugar. " sagot nito sa seryosong boses. Hindi ko naman maiwasan na mapakagat ng labi ko. Mukhang hindi nga ito masaya sa pagpunta namin dito sa bar ni Drake.


"Ehhh naaawa kasi ako kay Jeann eh. Panay ang iyak at gusto niya daw makausap si Drake." sagot ko. Narinig ko pa ang marahan nitong pagbuntong hininga bago muling nagsalita.


"Hintayin mo ako! Pupuntahan kita diyan!" sagot nito at kaagad na pinatay ang tawag. Kinabahan tuloy ako.


Hindi ko maiwasan na magulat ng marinig ko ang malakas na pagkakasara ng pintuan ng opisina ni Drake. Galit na lumabas si Abril at matalim akong tinitigan ng dumako ang tingin nito sa akin.




Chapter 238


VERONICA POV


Mahina akong napabuntong hininga habang nasundan na lang ng tingin ang ex girlfriend ni Drake. Babae din ako at kahit papaano nakaramdam ako ng awa sa kanya. Pero ganoon talaga siguro ang buhay. Hindi naman lingid sa kaalaman ko kung gaano ka- mapaglaro sa mga babae noon si Rafael pati na ang mga kaibigan nito.


Mabuti na lang at nagbago na ang Rafael ko ngayun. Ako lang ang LOVE nito kaya proud ako doon. Isa pa hindi ko siguro matatanggap kapag may iba pa itong babaeng kinalulukuhan. Dapat ako lang at wala ng iba. Alam ng Diyos kong gaano ko siya Kamahal at handa ko siyang ipaglaban. Lalo na ngayung nakuha niya na ang lahat sa akin.


Ipinilig ko ang aking ulo. Ano ba itong naiisip ko? Bakit ko ba hinahayaan ang sarili ko na mag-isip ng ganito. Pinapabigat ko lang ang kalooban ko eh. Nangako na sa akin si Rafael na hindi niya ako lolokohin. Na ako lang ang babaeng mamahalin niya at gustong makasama habang buhay. Kaya dapat na hindi ako mag-isip ng ganito ngayun.


"Mam, sa VIP room niyo na lang daw po hintayin si Sir Rafael. Parating na daw po." nagulat ako ng bigla akong lapitan ng isa sa mga babaeng staff ng bar na ito. Nagtaka pa ako sa sinabi nito dahil paano nito nalaman na parating sa lugar na ito si Rafael.


Nag-aalangan akong tumitig dito. Baka mamaya binubudol lang ako nito eh. Baka mamaya may masama itong balak. Mahirap pa naman magtiwala sa ibang tao sa panahon ngayun lalo na at nandito ako sa isang lugar na hindi familiar sa akin.


"Naku, ayos lang ako dito Ate. Dito ko na lang hihintayin si Rafael." Pilit ang ngiti kong sagot. At least kong dito ako maghihintay malapit lang ako sa opisina ni Drake. Makakahingi ako ng tulong kaagad kung sakaling may mangbastos sa akin.


"Naku Mam, baka mangalay po kayo dito. Sa VIP room po pwede kayong makapagrelax doon." sagot ulit ng staff. Mabait naman ito. Pero mahirap talagang magtiwala sa panahon ngayun. Ito ang mahirap sa akin, hindi talaga ako sanay na makipag-usap sa mga istranghero. Nasanay kasi akong ang pamilya Villarama ang laging kasama kapag lumalabas ako.


"Ayos lang. Nasa loob ng opisina ng Boss mo at ang kaibigan ko at hihintayin ko na lang siya dito. Sige na Ate, pwede nyo na po akong iiwan." seryoso kong sagot. Bakit ba napakakulit nito.


"Siguro po ba kayo Mam? Baka po mapagalitan ako ni Boss Drake kapag hahayaan ko lang kayo dito na nakatayo." muling sagot nito. Kaunti na lang talaga at mauubusan na ako ng pasensya eh. Inis ko itong tinalikuran at naglakad papunta sa opisina ni Drake. Kaagad akong kumatok.


"Mam, bawal po silang isturbuhin sa loob. Pasensya na po kung nakukulitan kayo sa akin. Tumawag po kasi si Sir Drake kanina sa akin at inutusan ako na asikasuhin daw kita at siguraduhing kumportable kayo hanggang sa dumating si Sir Rafael." muling wika ng staff. Hindi ko ito pinansin at patuloy lang ako sa pagkatok sa pintuan ni Drake. Nagtaka pa ako dahil ilang minuto din akong naghintay bago bumukas ang pintuan ng opisina.


Hindi ko maiwasan na mapangiwi ng tumampad sa harap ko si Drake. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang baliktad na pagkakasuot ng tshirt nito at nang mapasulyap naman ako kay Jeann magulo na ang buhok nito. Wala na din sa ayos ang suot nitong damit.


"Veronica naman, pwede bang bigyan mo muna kami ng time na makapag- usap ni Jeann bago dumating ang asawa mong si Rafael! Please!" kaagad na wika ni Drake. Tinitigan ko ito. Bakit parang may lipstick ang labi nito. Nagdududa kong tinitigan si Jeann at nahihiya itong napayuko.


"Hmmmp ewan ko sa inyo! Teka lang, tauhan mo sya? Saan dito ang VIP room nyo?" tanong ko. Sumulyap si Drake sa kanyang staff bago ito tumango.


"Yes...and please, sumama ka muna sa kanya. Hayaan mo naman kaming makapag-usap ng kaibigan mo." nakikiusap na wika nito sa akin. Hindi ko mapigilan na mapangiti. Base sa mga hitsura ng mga ito mukhang may milagro silang ginagawa. Marupok din pala itong si Jeann eh. Mukhang tapos na ang tantrums ng buntis at napaamo na ni Drake.


"Dalhin mo siya sa pinaka komportableng VIP room. Ibigay mo sa kanya lahat ng gusto nya." narinig kong utos ni Drake sa staff.


Hindi ko maiwasan na mapangiti. Sabagay, babae naman itong nag- aassist sa akin at mukhang sumusunod lang ito sa utos ni Drake. Not bad kung sa VIP room ko nga hihintayin si Rafael. Mukhang naisturbo ko pa kung ano mang ginagawang milagro ng dalawang ito sa loob ng opisina. Bahala na nga sila. Total naman ikakasal na sila eh. Support-support lang ako sa kaligayahan ni Jeann.


Pareho namang walang mawawala sa mga ito. Buntis na nga si Jeann eh at gusto yata nilang masulo ang isat isa.


Sino ba naman ako para isturbuhin sila. Mukhang nagkakaintindihan na ang dalawang ito kaya naman masaya ako para sa kanila. Sana hindi na umiyak pa itong si Jeann. Ayaw pa kasing umamin na may nararamdaman din pala kay Drake dahil kung wala hindi ito papayag na magiging tabingi ang suot nitong maikling palda.


"Fine...bahala na nga kayo diyan. Basta Drake ha...huwag na huwag mo na talagang hayaan pa na muling umiyak si Jeann. Isusumbong talaga kita kay Rafael." wika ko dito at nagmamadali ng tumalikod. Sininyasan ko pa ang staff na mauna na sa akin dahil wala naman akong idea kung saan dito ang VIP room.


Pumasok kami sa isang kwarto na halos puro salamin ang paligid. Una kong napansin ang sofa na nakapaikot sa isang pahabang mesa. Inilibot ko ang tingin sa paligid at hindi ako makapaniwala sa nakita.


Mula sa kinatatayuan ko kita ko ang mga tao sa ibaba. Lalo na ang stage at napansin ko na may mga taong abala sa pag-aayos ng mga music instrument. Mukhang may concert yata sa lugar na ito at ang swerte ko dahil kitang kita ko sila mula sa kinatatayuan ko.


"Mam, may gusto po ba kayong inumin or kainin?" kaagad akong napalingon sa staff ng bigla na naman itong nagsalita. Akala ko talaga iniwan na ako nito.


"Hmmm hindi ko alam eh. Pero ibigay niyo na lang po sa akin kung ano ang pinaka best seller niyo." nakangiti kong sagot. Nakangiti itong tumango at iniwan na ako dito sa VIP room.





CHAPTER 239


VERONICA POV


Inabala ko ang sarili ko sa kaka- browse sa youtube habang hinihintay ko si Rafael nang marinig ko ang tatlong beses na pagkatok sa pintuan at pagbukas nito. Kaagad na pumasok ang tatlong naka-unform na staff na may bitbit na mga tray na may lamang pagkain. Hindi ko na sana sila papansinin ng mapansin ko ang mga familiar na mukha ng dalawa sa mga ito.


"Veronica!" gulat na tanong ni Claire! Yes...si Claire ang bully kong kababata at kasama nito si Lorie. Kung ganoon dito nagtatrabaho sa bar ni Drake ang dalawang ito. Kung makaasta sila sa akin kahapon akala mo kung sino sila. Sadyang mayayabang lang talaga ang dalawang ito.


"Small world!" sagot ko sabay ngiti.


Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagkagulat ng dalawa habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa.


"Bakit ka nandito? Isa pa bakit ganyan ang suot mo? Sa International School ka ba nag-aaral? tanong naman ni Lorie. Natigilan ako at wala sa sariling sinipat ko ang aking suot. Oo nga pala may logo ng iskwelahan ang suot kong uniform ngayun.


Hindi ko na nagawa pang magpalit ng uniform dahil sinundo lang pala ako ni Jeann kanina pagkatapos ng huling klase ko. Grabe ang galing talagang mang- obserba nitong si Lorie. Mana, sa Nanay niyang numero unong tsismusa sa lugar namin. Kahit wala kang masamang ginawa ipinipilit nitong meron may maitsismis lang.


"Ano ba kayong dalawa? Bakit ganyan kayo makipag-usap sa guest natin? Hindi nyo ba alam na asawa siya ni Mister Villarama? Tandaan nyo, dapat satisfied siya sa serbisyo natin kung hindi malalagot tayo kay Boss Drake!" sabat naman ni Ella.. Ang staff na kanina pa nag-aassist sa akin. Nakaukit ang pangalan nito sa nameplate nya. Bigla naman akong kinilig ng banggitin nito na asawa ako ni Rafael. Ang sarap pakinggan.


"Ka-ka---" sasagot pa sana si Claire ng titigan ito ng masama ni Ella. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti. Ang daldal kasi. Ayaw makinig sa kasama nya. Mukhang mas superior sa kanila si Ella at wala silang choice kundi sundin ito.


"Pasensya na po Mam kung medyo natagalan ang mga pagkain. Sinigurado po kasi ng chief namin na bago ang pagkain na ihahain sa inyo since isa po kayo sa mga VIP guest namin." nakangiting baling sa akin ni Ella. Tinanguan ko lang ito.


"No worries! Hindi pa naman ako

nagugutom. Isa pa hindi pa naman dumadating si Rafael." sagot ko. Kaagad na sininyasan nito ang dalawa na ilapag ng maayos ang mga dala nilang pagkain sa lamesa. Kaagad na naagaw ng attention ko ang isang bote ng wine. Bigla tuloy akong kinain ng curiosity. Balak kong tikman iyun habang hinihintay si Rafael.


"Kapag may kailangan pa po kayo Mam huwag po kayong mag-atubili na pindutin ang botton na iyan. Pupuntahan po kaagad namin kayo dito." nakangiting muling wika ni Ella sa akin. Kaagad akong tumango at hindi ko mapigilang muling sulyapan ang dalawang kababata ko na hindi pa rin makapaniwalang nakatitig sa akin pagkatapos na mailapag ng mga ito ang mga pagkain sa mesa.


"A-anong ginagawa mo dito Veronica?


"Hindi talaga nakatiis ang tsismosang si Lorie kundi magtanong ulit.


Kailangan ko pa bang sabihin sa kanya na hinihintay ko si Rafael eh nabanggit ko na kanina iyun.. Isa pa hindi naman kami closed para pag-aksayahan ko sila ng oras. Sisiraan at sisiraan pa rin nila ako sa probensya namin.


"Stop it Lorie! Nasa rules ang regulations ng bar na ito na bawal magtanong nang kung anu-ano sa guest natin. Gusto mo bang masisante? "muling pigil ni Ella dito. Muli akong nakangiti.


"Dont worry Ella, ayos lang. Hindi naman ako ganoon ka sensitive pagdating sa ganitong bagay.. Nagkataon lang siguro na mga kababata ko sila sa isang malayong lugar kaya nagtataka sila kung ano ang ginagawa ko dito.." nakangiti kong sagot. Ipinatong ko ang hawak kong cellphone sa lamesa at tumayo. Tinitigan ko ang dalawa kong kababata bago muling nagsalita.


"Hindi ko akalain na dito pala kayo nagtatrabaho sa bar na pag-aari ng kaibigan ng asawa ko. Ikinagagalak kong muli kayong makita, Lorie, Claire! Alam ba ng mga magulang niyo na nagtatrabaho kayo sa ganitong lugar? Ang alam din ng mga kalugar natin nag-aaral kayo sa mga sikat na iskwelahan dito sa Manila?" nakangiti kong wika at isa isang tinitigan sila sa kanilang mga mata.


Alam kong wala ako sa lugar na tanungin sila tungkol sa bagay na ito. Walang masama sa trabaho nila pero sa gaspang ng ugali na ipinapakita nila sa akin noon pa, pagkakataon ko na siguro na makaganti. Para naman maramdaman din nila ang nararamdaman ko noon sa tuwing binubully nila ako.


"Pasensya ka na kung hindi maganda ang mga nangyari sa nakaraan natin." sagot ni Claire sabay yuko. Hindi ko maiwasan na mapangiwi. Lutang yata ang bruha. Kung anu-ano na ang lumalabas sa bunganga nito.


"Its okay. Kinalimutan ko na ang lahat. Never naman akong nagkimkim ng galit sa inyo. Masaya na ako sa kung ano mang klase ng buhay meron ako ngayun." seryoso kong wika kasabay ng pagbukas ng pintuan ng VIP room. Kaagad na pumasok ang seryosong mukha ni Rafael. Kaagad na tumitig ito sa akin pati na din sa tatlong staff ng bar na kasama ko.


"Thank you nga pala sa pag-serve sa mga pagkain." wika ko at kaagad na naglakad papunta sa harap ni Rafael. Nakangiti akong tumitig dito dahil napansin ko na mukhang mainit ang ulo nito. Alam ko na kung ano ang dahilan at willing naman akong magpaliwanag sa kanya. Siguro naman maiintindihan ako nito.


"Iiwan niyo na kami dito." utos ni Rafael sa tatlo. Kaagad naman silang tumalima at isinara ang pintuan ng VIP room pagkatapos nilang makalabas.


"Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta pala kayo sa lugar na ito?" seryoso nitong tanong. Mukhang galit nga. Hindi pa kasi ako hinahalikan eh. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng kaunting kurot sa puso ko.


"Sorry...nabigla lang din ako ng yayain ako ni Jeann kanina eh." sagot ko sabay yuko. Kaunti na lang at tutulo na ang luha sa aking mga mata. Hindi ko kayang nakikitang nagagalit sa akin si Rafael. OA na kung OA pero nasasaktan ako sa ipinapakita nitong pag-uugali ngayun.


"Nasaan siya?" seryoso nitong tanong.


"Nasa office ni Drake." sagot ko.


"Alam mo ba kung gaano ka-delikado sa inyo na pumunta dito? Lalo na at hindi nyo kilala ang mga pumupuntang mga tao dito. Hindi pa kayo nagsama ng bodyguard! Paano kung mapahamak ka! Kayong dalawa ni Jeann!" kastigo nito sa akin. Hindi ako nakasagot.


Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ilang saglit lang narinig ko ang marahan nitong pagbuntong hininga at ang pag-angat nito ng mukha ko. Nakakunot pa rin ang noo nito ng magtama ang aming paningin kaya hindi ko na napigilan pa ang luha sa aking mga mata.


"Sorry!" mahina kong sagot. Kaagad na lumamlam ang pagkakatitig nito sa akin kasabay ng mahigpit niyang pagyakap. Tuluyan na din akong napaiyak.


"Naawa kasi ako kay Jeann eh. Kausap ko siya kagabi habang umiiyak. Gusto nya daw makausap si Drake kaya noong tinawagan niya ako kanina para magpasama dito sa bar hindi na ako nag-atubili pa na samahan siya dito. Akala ko sandali lang kami kaya hindi na ako nagpaalam sa iyo bago kami nagputa dito. Sorry talaga!" wika ko kasabay ng paghikbi. Kaagad kong naramdaman ang paghagot nito sa likod ko.


"Ssshhhh! Tama na iyan! Huwag ka ng umiyak! Nagbibiro lang naman ako eh! " sagot nito sa malambing na boses. Natitigilan ako. Muli kung iniangat ang aking tingin patungo sa mukha nito. Kaagad kong napansin ang tipid na ngiti sa labi nito habang nakatitig sa akin.


"Hi-hindi ka na galit?" malambing kong tanong. Kaagad itong umiling.


"Nope! Ang never akong magagalit sa iyo! Nagtatampo....I think Yes pero ang magalit never Sunshine! Ikaw ang prensisa ng buhay ko.





Chapter 240


VERONICA POV


Pagkatapos ng mahigpit na yakap mula kay Rafael iginiya na ako nito papuntang upuan. Uupo na sana ako ng bigla akong nitong kabigin bago nagsalita.


"Kakandungin na kita Sunshine!" puno ng lambing ang boses na wika nito. Hindi ko naman maiwasan na kiligin.


"Ha? Pero mabigat ako." sagot ko.


"Nope! Kayang kaya ko iyang weight mo." nakangisi nitong sagot at kaagad akong hinila papunta sa kanyang kandungan. Wala akong choice kundi sundin ang gusto nito. Mahirap na, baka magtampo na naman sa akin eh.


"Sure ka ha? Alam kong pagod ka sa trabaho at kailangan mo din magrelax. " sagot ko habang pinipilit ang sarili ko na maging kompurtable sa kandungan nito.


Iginalaw-galaw ko pa ang puwit ko para hanapin ang pinaka- kumportableng pwesto ng marinig ko ang mahinang pag-ungol ni Rafael. Nagtaka naman ako at the same time hindi ko maiwasan na mag-alala. Sa klase kasi ng ungol nito para itong nasasaktan.


"Ahhh dont move Sunshine! Baka lalong tumigas ang alaga ko!" bulong nito sa punong tainga ko. Hindi ko naman mapigilan ang kilabutan. May pa ganoon talaga? Kakandungin lang ako eh magagalit agad ang alaga niya?


Hind ko tuloy maiwasan na mailang ng marealize kung ano ang ibig nitong sabihin. Kaya ayaw ko sa kandong- kandong na iyan eh. Baka kung saan mapunta ang kandungan na nagaganap ngayun sa aming dalawa.


Pakiramdam ko tuloy biglang nag-init ang pisngi ko ng maramdaman ko na may bumukol na matigas na bagay sa hinaharap nito na tumutusok sa pwetan ko.


"Shit! Tumigas na nga!" narinig kong bulong nito. Hinapit ako nito sabay dukwang at kinuha ang bote ng wine sa harap namin. Binuksan niya iyun at nagsalin sa isang baso at tuloy-tuloy na ininom.


"Teka lang....hindi bat bawal ka ng uminom ng alak?" sita ko dito. Hindi ito sumagot bagkos muli itong nagsalin ng alak sa baso. Halos kalahati lang naman iyun kaya kaagad kong kinuha. Diretso kong dinala sa aking bibig at ininom ang laman niyon.


Kaagad akong napangiwi ng gumuhit sa lalamunan ko ang lasa ng alak. Hindi ko maintindihan ang lasa nito. Mapait na mapakla na may kaunting tamis. Paano ba nagustuhan ng manginginom ang lasang ito? Parang gusto ko tuloy magsisi. Hindi na talaga ako uulit.


Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Rafael dahil sa ginawa ko. Lalo nitong hinigpitan ang pagkakayapos sa akin mula sa aking likuran.


"Naughty girl! Hindi mo ba alam na nakakalasing ang alak na tinungga mo ngayun lang? Lalo na sa isang baguhan na katulad mo?" bulong nito sa akin at naramdaman ko ang paghagod ng dila nito sa leeg ko. Hindi ko maiwasan na mapahagikhik. Nakikiliti kasi ako.


"Sinabi ko naman sa iyo na ayaw ko ng uminom ka pa ng alak eh. Kaya ako na lang ang uminom. Ang pangit pala ng lasa." sagot ko. Ikinurap-kurap ko pa ang mga mata ko. Bigla kasi akong nakaramdam ng pagkahilo at pag-ikot ng paningin ko. Mukhang nalasing yata kaagad ako ah. Ang init na din ng pakiramdam ko.


"Hmmmm...really? Napaka- maalalahanin talaga ng asawa ko! Kaya mahal na mahal kita eh!" pabulong na wika nito kasabay na paglulumikot ng mga palad nito sa katawan ko. Naramdaman ko na lang na nasa loob na ng suot kong School uniform ang kanyang isang palad at humahaplos sa dibdib ko.


"Teka lang...Rafael nandito tayo sa bar.. baka may makakita sa atin dito."


saway ko. Mukhang nakalimot na ito. Kahit nasa impluwensya na ako ng alak may kaunting kahihiyan pa naman na natitira sa katawan ko noh.


Laking pasalamat ko dahil sandaling natigilan si Rafael. Mukhang narealized din nito na hindi ito ang tamang lugar para gawin namin ang bagay na nasa isip nito. Nakakahiya kung may makakita sa amin.


Dumadami pa naman ang mga tao sa labas. Tanaw na tanaw kasi namin mula sa kinauupuan namin.


Narinig ko ang marahan nitong pagbuntong-hininga at naramdaman ko na gusto nitong tumayo. Umalis na ako sa kandungan nito at umupo ng maayos sa sofa. Lasing na nga yata ako. Umiikot na ang paningin ko eh.


Nakasunod lang ang tingin ko dito ng naglakad ito papunta sa pintuan at hindi ko maiwasan na magtaka dahil inilock nya iyun. Muling bumalik sa kinauupan ko at tinitigan ako sa mukha.


"Walang pwedeng mang-isturbo sa atin sa room na ito. At wala din makakakita sa atin sa kung ano man ang gagawin natin ngayun." nakangiti nitong wika sabay kindat sa akin. Nagtataka naman akong napatitig dito. Sigurado ba ito? Dito talaga?


Ikinurap kurap ko pa ang aking mga mata habang nakatitig sa gwapo nitong mukha. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagnanasa na nakaukit sa mga mata nito. Napalunok pa ako ng makailang ulit bago sumagot.


"Pero..." hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng bigla itong lumapit sa akin at hawakan ako sa aking pisngi. Bigla din nitong inangkin ang aking labi. Hindi na ako nakapalag.


Mapusok akong hinalikan kaya naman kaagad akong napapikit. Hindi ko alam kung epekto lang ba ng alak ang lahat pero lalo akong nakaramdam ng pag- iinit ng katawan ko. Kusang umangat ang braso ko at ikinawit sa leeg ni Rafael.


"hmmm!" ungol ko habang tinutugon ang halik nito. Lalo naman lumalim ang halikan namin. Naging mapangahas na ulit ang mga palad ni Rafael at pumasok na ito sa loob ng blouse ko. Kinapa ang suot kong bra at tinanggal. Nakalimutan ko na ang

tumutol. Bigla na din nawala sa isip ko kung nasaan kami ngayun. Gusto ko na din kasing mailabas kong ano man ang nararamdaman ko ngayun. Init na init na ako.


Ilang saglit din pinagsawa ni Rafael ang labi nito sa labi ko bago nito itinaas ang suot kong blouse. Kaagad na tumampad sa harap nito ang boobs ko. Napapikit ako ng biglang sakupin ng bibig niya ang kaliwang bahagi ng nipple ko at hinahaplos naman nito ang kanang bahagi.


"Sure ka bang walang makakita sa atin dito?" tanong ko ulit kay Rafael ng idilat ko ang aking mga mata. Gusto kong makasigurado. Tumingin ako sa salamin na dingding at tumampad sa paningin ko na buhay na buhay na ang ilaw sa labas. Mula sa kinaroroonan namin ni Rafael kita ko ang mga nagkakatuwaan na mga customers. Natatakot ako na baka makita nila ang ginagawa namin ni Rafael ngayun.


"Dont worry Sunshine! Totally tinted ang lugar na ito at 100% na hindi nila tayo nakikita. Tayo lang ang may kakayahan na makita sila. Kaya nga nasa VIP room tayo para malaya nating gawin lahat ng gusto natin." sagot nito at sandaling iniwan ang kaliwang bahagi ng nipple ko at lumipat sa kanan. Pigil akong napaungol.


Napuno ng ungol ang apat na sulok ng VIP room mula sa aming dalawa ni Rafael. Kasabay ng nagkakasayahang tao sa labas ay muling pinag-isa ni Rafael ang aming mga katawan.


Ibayong ligaya ang dulot sa aming dalawa ang naramdaman namin pareho sa pagkakataon na iyun. Hindi ako magsasawang paulit-ulit na ibigay ang katawan ko dito dahil mahal na mahal ko siya.


"I love you Veronica!" bulong nito sa akin habang nakapatong ito sa akin. Nakahiga na ako dito sa sofa habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanya.


"I love you too Rafael! Ikaw lang habang buhay!" nakangiti kong sagot.





Chapter 241


VERONICA POV


Pagkatapos ng mainit na tagpo na nangyari sa amin ni Rafael tinulungan pa ako nito na ibalik sa katawan ko lahat ng saplot na natanggal nito kanina.


Halos hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata nito dahil sa hiyang nararamdaman. Ngayun ko lang narealized kung gaano kalakas ang ungol ko kanina. Dahil siguro sa epekto ng alak or baka dahil sobrang nadala ako sa mainit na tagpo na nangyari sa amin? Aaminin ko na masyado din akong nag-enjoy sa nangyari sa aming dalawa.


Ah basta, iyun na iyun! Kahit ilang beses ng may nangyari sa amin hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng pagkailang dito. Lalo na kapag nakikita ko ito kung paano niya pagmasdan ang hubad kong katawan.


Pagkatapos kong mag-ayos kaagad na nabaling ang attention ko sa pagkain. Hindi ko maiwasan na mapangiwi lalo na ng mapansin ko lumamig na ang mga ito. Kaya lang ano pa nga pa ang magagawa namin, kailangan kainin ang mga pagkain dahil nakakaramdam na ako ng gutom.


"Gusto mo bang papalitan na lang natin ang mga foods na iyan?" tanong ni Rafael sa akin. Kaagad akong umiling.


"No! Ayos na ito. Mukhang masarap naman eh." sagot ko. Mukhang nawala na sa sistema ko ang nainom kong alak kanina. Balik sa normal ang lahat. Gutom na nga ako eh.


May kasamang malinis na pinggan ang ibinigay sa akin kanina kaya kinuha iyun ni Rafael at nilagyan ng pagkain. Inilapag nito sa harap ko kaya napangiti ako.


"Kumain na tayo?" nakangiti nitong wika. Kaagad akong tumango.


Nagtaka pa ako dahil muling tumayo si Rafael at naglakad papunta sa pintuan. Tinanggal niya ang pagkaka-lock at muling naupo sa tabi ko.


"Nasaan nga pala ulit si Jeann?" tanong nito sa akin sabay kuha ng kanyang cellphone.


"Nasa office ni Drake." maikli kong sagot. Abala ako sa kakanguya ng aking kinakain. Talagang gutom na gutom na ako. Ramdam na ramdam ko na din ang pagod ng buo kong katawan.


"Where is Jeann? Nandito na ako sa VIP room" napalingon pa ko kay Rafael ng magsalita ito.. May kausap na ito sa kanyang cellphone. Kung hindi ako nagkakamali si Drake ang nasa kabilang linya. Hinahanap nya dito ang kanyang pamangkin na si Jeann.


Ilang saglit din itong nakinig sa kanyang kausap sa kabilang linya bago pinatay ang tawag. Tumitig ito sa akin na may ngiting nakaguhit sa kanyang labi.


"Gutom na gutom ang Sunshine ko ah? " tanong nito. Naglagay ako ng kanin at ulam sa isang kutsara at inunang na isubo dito. Kaagad naman itong napanganga kaya lalong lumawak ang ngiti sa labi ko.


"Parang gusto ko ang ganito ah? Lalong sumasarap ang pagkain kapag sinusubuan mo ako Sunshine! Isa pa nga!" nakangiti nitong wika. Muli akong naglagay ng pagkain sa kutsara at muling isinubo dito. Alam kong naglalambing sa akin si Rafael at hindi ako magsasawang subuan ito ngayun. Gusto kong ipakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal.


Patapos na kaming kumain ni Rafael ng magbukas ang pintuan ng VIP room. Kaagad na pumasok ang magkahawak kamay na Jeann at Drake. May ngiting nakaguhit sa mga labi nilang dalawa kaya naman napahawak tuloy ako sa braso ni Rafael ng wala sa oras. Nakakatuwa kasing pagmasdan ang dalawang ito. Mukhang

nagkakaintindihan na silang dalawa at masaya ako para kay Jeann. Importante talaga ang communication sa isang relasyon.


"Rafael...Bro! Kumusta? Kanina ka pa ba?" nakangiting wika ni Drake at inalalayan nito si Jeann na makaupo sa sofa na nasa harap namin.


"Bakit mo pa sila pinapunta dito? pwede mo naman dalawin si Jeann sa bahay nila ah? Alam mo naman na ayaw na ayaw kong i-exposed sa ganitong lugar si Veronica!" Kaagad na wika ni Rafael kay Drake. Nagkatitigan naman kami ni Jeann.


Kaagad kong nginitian si Jeann. Naglaho na ang lungkot sa mga nito ngayun. Isa pa parang may nabago sa awra nito ngayun na hindi ko lang mawari kong ano.


"Possessive ka talaga pagdating kay Veronica! Dont worry, kaagad siyang dinala ng staff ko dito sa VIP room kanina. Isa pa 100% safe ang mahal mo dito kaya huwag ka ng mag-alala."


natatawang sagot ni Drake. Mukhang wala lang dito ang pag-aalburuto ng kanyang kaibigan.


"Kahit na! Masyadong delikado ang panahon! Ilang beses na bang may nag- away dito sa loob ng bar mo? Nag- aalala lang ako na baka madamay ang asawa ko pati na iyang si Jeanh. Buntis pa man din at pinapayagan mong magpunta sa lugar na ito." sagot ni Rafael.


"Uncle naman eh. Hindi naman alam ni Drake ang pagpunta namin dito. Isa pa, wala pang katao-tao dito sa bar noong dumating kami kanina ni Veronica! Dont worry, walang aagaw sa iyo kay Veronice noh! Ang takot lang siguro nila sa iyo!" natatawang sagot ni Jeann.


"Hindi ko tinatanong ang opinyon mo! Sa susunod huwag mo ng dalhin si Veronica sa lugar na ito na hindi mo ipinapaalam sa akin. Magiging asawa ka na ni Drake at alam kong kaya mo ng maglabas - pasok sa bar na ito kapag gustuhin mo." sagot ni Rafael kay Jeann. Kaagad naman napaismid si Jeann at hindi na nito sinagot pa ang kanyang Uncle.


Nagtagal lang kami ng ilang minuto sa bar ni Drake at nagpasya na din umuwi. Nagpresenta na din si Drake na ito na ang maghahatid kay Jeann sa bahay ng kanyang mga magulang. Gusto din daw niyang makausap ang mga magulang ni Jeann tungkol sa nalalapit nilang kasal.


Hinayaan na lang namin ni Rafael total naman ilang buwan na lang ang bibilangin at ikakasal na sila. Isa pa buntis na si Jeann at mukhang kailangan din nito ang presensya ni Drake.


Pagkadating ng mansion kaagad kaming naghanda ni Rafael matulog. Naglambing pa ito sa akin na gusto nya daw na magkasama kaming matulog sa iisang silid. Total naman daw, kung totoosin mag-asawa naman na kami.


Kaagad ko naman itong pinagbigyan dahil ang sarap kaya sa pakiramdam na sa pagmulat ng iyung mga mata kinaumagahan ang lalaking mahal mo ang una mong masisilayan.


Mabilis na lumipas ang mga araw. Dumating na din ang araw na pinakahihintay ko! Ang araw ng pagdalaw namin sa aking mga

magulang.


Madaling araw pa lang inihatid na kami ng driver ni Rafael sa Villarama Empire. may helipad ang matayog na building na iyun at gusto ni Rafael na mapadali ang byahe namin pauwi ng probensya kaya nagpasya itong magpahatid sa isa sa mga pag-aaring chopper plane hanggang airport malapit sa aming lugar.


Mabuti na din iyun. Hindi na namin kailangan pang maghintay ng mahabang oras sa airport. Isa pa ito ang kauna-unahang beses ko na sumakay sa isang sasakyan na pang- himpapawid kaya magkahalong excitement at kaba ang aking nararamdaman. 


Bus lang kasi ang sinakyan ko noong nagpunta ako dito sa Manila. Matagal ang biyahe pero sulit naman dahil wala pa halos isang buwan na nadito ako sa Manila nakilala ko na ang pamilya Villarama. Nakadaupang palad ko pa ang lalaking mahal ko at walang iba kundi si Rafael Villarama.


Kakaupo pa lang namin sa loob ng chopper biglang tahip ng ng kaba ang puso ko. Hindi pa man kami nakakaalis pero parang bumabaliktad na ang sikmura ko sa takot. Pinagpapawisan na din ang mga kamay ko dahil siguro sa nerbiyos.


"Heyyy relax ka lang! Nandito lang ako sa tabi mo at hindi kita hahayaan na mapahamak." nakangiting wika ni Rafael sa akin habang pinipisil nito ang pinagpapawisan kong kamay. Ganito ako kapag nakakaramdam ng nerbiyos.


"First time kung sumakay ng lumilipad na sasakyan Rafael. Natatakot ako!" pabulong kong sagot dito. Nakangiti ako nitong kinabig kaya naman napasubsob ako sa dibdib nito. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang pag-angat namin.




Chapter 242


VERONICA POV


"Open your eyes Sunshine!" narining kong bulong sa akin ni Rafael kasunod ng paghalik nito sa buhok ko. Nasa himpapawid na kami at maayos naman ang lipad ng chopper plane. Ganoon pa man hindi ko pa din maiwasan na matakot sa isiping baka bumagsak ang sinasakyan namin. Nakakatakot isipin na milya-milya ang layo namin sa kalupaan.


"Na--natatakot ako!" sagot ko sa kanya.


"Sige na....para naman ma-enjoy mo din ang mga nakikita ko!" sagot nito. Kaagad akong umiling kaya narinig ko ang mahina nitong pagtawa.


"Sige ka...kapag ganyan ka, pababalikin ko na lang ang chopper sa Manila. Ayaw ko pa naman na nakikita kang ganyan." wika nito sa akin. Natigilan ako. Miss na miss ko na sila Nanay at Tatay. Ito na iyung araw na pinakahihintay ko upang muli silang makita.


"Hindi ba nakakatakot?" tanong ko.


Hindi na ito sumagot pa kaya dahan- dahan akong kumalas sa kanya. Tumitig muna ako sa mukha nito bago ko dahan-dahan na inilibot ang tingin sa paligid. Hindi ako makapaniwala sa aking nasilayan.


"Nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan. Napakaganda ng mga nakikita ko at hindi ako makapaniwala na muling mapatitig sa nakangiting mukha ni Rafael.


"See? Hindi bat ang ganda ng mga tanawin? Dont worry, mababa lang naman ang lipad ng chopper. Unlike sa mga international airline na hindi mo maaapreciate ang mga dinadaanan at wala kang ibang nakikita kundi ang mga kasamahan mo sa loob ng eroplano." natatawa nitong paliwanag. Mangha na muli kong inilibot ang tingin. Ang ganda pagmasdan ng kapaligiran.


Halos tatlong oras lang naman kami sa himpapawid at lumanding na ang chopper sa isang malawak na lupain. Hindi ko naman malaman kong nasaan na kami pero tahimik na lang akong sumunod kay Rafael.


Alam kong alam nito ang kanyang ginagawa. Naglakad lang kami ng ilang distansya mula sa chopper at kaagad kaming nakarating sa isang nakahintong mga sasakyan. Nakatayo doon ang ilan sa kanyang mga bodyguard. Mukhang nauna na silang nakarating sa lugar na ito at hinihintay na lang nila ang kanilang amo.


Hindi na bago sa akin ang ganitong klaseng bagay. High profile ang pamilya Villarama at hindi papayag ang mga magulang nito na dadayo sa malayong lugar ang kanilang anak na walang kasamang bodyguards. Bale tatlong sasakyan ang nakikita ko na may malalaking gulong at isa sa mga ito ang nilapitan namin ni Rafael at kaagad akong pinagbuksan ng pintuan at inalalayan na makapasok hanggang sa makaupo sa loob.


Pakiramdam ko tuloy para akong isang prinsesa na pinaka-iingatan ng isang prinsepe.. Safe na safe ang pakiramdam ko sa tuwing kasama ko si Rafael.


Kaagad na umusad ang sasakyan ng masiguro ng driver nito na maayos na kaming nakaupo ni Rafael sa loob. Wala na din akong time na bilangin pa ang mga kasamang bodyguards nito.


Nagtaka pa ako dahil habang tumatagal ang biyahe namin sa lubak lubak na daan naging familiar na sa mga mata ko ang ilan sa mga dinadaanan namin. Hindi ko mapigilan ang muling mapatitig kay Rafael at nagtanong.


"Nasaan na tayo?" tanong ko. Kaagad na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito bago sumagot.


"Hindi ko din alam. Pero hindi bat dapat alam mo din ang lugar na ito dahil dito ka lumaki?" nakangiting sagot nito sa akin sabay pisil sa pisngi ko. Nagtatakang nagpapalinga-linga ako.


Hindi talaga ako maaaring magkamali. Nandito na kami sa lugar na kinalakihan ko. Pwede na palang dumiretso ang chopper dito? Ngayun ko muling napatunayan na wala talagang imposible sa mayayamang tao. Napupuntahan ang mga lugar na gustong puntahan sa maiksing oras lamang.


"Nandito na tayo sa lugar namin?" hindi ko mapigilang bulong kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. Nakalabas na ang sasakyan sa lubak-lubak na daan at simentadong kalsada na ang tinatahak namin. Naging abala na ang mga mata ko sa kakatingin sa labas. Maliit lang ang lugar namin at familiar sa mga mata ko ang mga nadadaanan namin. Pati na din ang mga mukha ng ilang mga tao na naglalakad sa gilid ng daan.


"Sure ka Rafael? Ang bilis natin? Akala ko talaga sasakay pa tayo ng Roro." muli kong wika. Tanging pagpisil lang sa palad ko ang naging sagot nito.


Hindi nagtagal huminto ang sasakyan sa harap ng may dalawang palapag na bahay. Muli akong napatulala at muling inilibot ang tingin sa paligid? Sa lugar na ito nakatayo ang bahay namin noon pero bakit wala na? Nasaan ang bahay namin? Nasaan ang pamilya ko? Bakit ibang bahay ang nakikita ko ngayun?


Naramdaman ko na lang ang pagbaba ni Rafael ng kotse. Umikot ito sa kabilang bahagi at pinagbuksan ako ng pintuan at inalalayan na makababa. Naguguluhan akong nagpapalinga- linga ng tingin.


Kaagad na tumampad sa mga mata ko ang mga bahay ng mga kapitbahay namin. Pati na din ang mga nagtataka nilang mukha na nakatingin sa gawi namin. Nagtaka siguro sila kung sino kami? Tatlong mamahaling sasakayan ba naman ang sabay-sabay na huminto sa tapat ng bahay na ito.


Napakurap ako ng makailang ulit at hindi malaman kong saan pupunta. Nasaan na ba ang bahay namin? Nasaan sila Nanay at Tatay? Pwede naman siguro akong magtanong sa mga kapitbahay namin.


Pero hindi namin sila ka-closed! Hindi pa ako ready na makarinig ng pang- iinsulto mula sa kanila. Siguro pupunta na lang ako sa bahay nila Ethel mamaya para tanungin kung nasaan sila Nanay at Tatay. Sila lang naman ang kasundo namin sa lugar na ito. Mapagmataas kasi ang ilan sa mga kapitbahay namin. Puro panglalait ang naririnig ko sa kanila noon.


"Whats wrong? Nandito na tayo sa inyo." napukaw ako sa malalim na pag- iisip ng marinig kong nagsalita si Rafael. Muli kong ibinalik ang attention ko sa kanya.


"Rafael, mukhang hindi na dito nakatira sila Nanay at Tatay. Wala na ang bahay namin." sambit ko. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot.


Baka dinimolish na ang barung-barong namin at pinalayas na sila Nanay ng mga mapagmataas naming kapitbahay. Bago kasi ako umalis noon para lumuwas ng Manila iyun na ang usap-usapan na naririnig ko sa aming mga kapitbahay, Masyadong masakit daw sa mata ang bulok na bahay namin. Hindi mapaayos-ayos. Paano nga naman mapaayos nila Nanay at Tatay eh halos wala nga kaming makain noon.


"Ate...?" nagulat pa ako ng marinig ko ang familiar na boses na iyun. Kaagad akong napalingon at tumampad sa mga mata ko ang pangatlo kong kapatid. Si Angelo.


"Ate, ikaw nga!" nakangiti nitong wika ng makalapit sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko. Kaagad akong napayakap sa kanya.


"Angelo? Kapatid ko? Nasaan sila Nanay at Tatay? Nasaan na ang bahay natin.?" sunod-sunod kong tanong.


"Ate? Naku, wala sila Nanay at Tatay. Nasa palengke at ang mga kapatid ko naman pumasok nasa palaruan kaya walang tao sa bahay. Hindi kasi namin alam na darating kayo." sagot nito ng makakalas sa pagkakayap ko sabay sulyap kay Rafael.


"Biglaan lang ang uwi ko. Siya nga pala, siya si Kuya Rafael mo at Rafael kapatid ko si Angelo!" pakilala ko sa dalawa.Kaagad naman itong nginitian ni Rafael.


"Hello po Kuya! Pasok na po kayo sa loob ni Ate pupuntahan ko sila Nanay sa palengke. Tiyak na matutuwa sila kapag malaman nilang nandito kayo." ngiti-ngiti nitong wika at hinawakan ako sa kamay sabay hila sa akin papasok sa loob ng may dalawang palapag na bahay. Mukhang bagong gawa pa lang ito base na din sa nakikita kong mga gamit sa loob ng makapasok kami. Napalingon pa ako sa kay Rafael na noon ay nakangiti na nakasunod sa amin.


"Angelo, teka lang..huwag mong sabihin na...;' hindi ko na natuoy ang sasabihin ko ng muli itong sumagot.


Bakas sa boses nito ang sobrang tuwa.


"Oo Ate...wala na iyung barung-barong natin. Ito na ang bagong bahay natin. Hindi na tayo magsisiksikan katulad noon." sagot nito. Hindi ko naman maiwasan na mapatanga. Muli akong napalingon kay Rafael na nakatayo lang sa likuran naming magkapatid.


"A-anong sabi mo?? Bahay natin ito? Paanong nangyari iyun?" tanong ko sabay libot na tingin sa paligid. Kaagad na umagaw sa pansin ko ang mga picture frame na nakakabit sa dingding.


Nilapitan ko iyun at sinipat ng tingin. Mga larawan nga namin ito. At ang labis kong ipinagtaka sa iilang larawan, kasama dito si Ate Arabella pati na din ang asawa nitong si Kuya Kurt. Huwag nilang sabihin na nagpunta sila dito ng hindi man lang nababanggit sa akin? Bagong kuha kasi ang mga larawan na ito eh.


"Oo nga Ate. Kulit naman eh! Talagang hindi binanggit sa iyo nila Nanay at Tatay ito. Gusto ka kasi nilang surpresahin." sagot ni Angelo. Fourteen years old na ito at alam kong alam na nito ang nangyayari sa paligid.


"Paanong nangyari iyun?" tanong ko. Napalingon si Angelo kay Rafael kaya naman nagtatanong ang mga matang tumitig ako kay Rafael.


"Nanay at Tatay mo na lang ang tanungin mo." ngingiti-ngiti nitong sagot ni Rafael sa akin. Pero kahit na ayaw nitong magtapat ngayun alam kong sa pamilya nila nanggaling ang pera para sa maipatayo ang bahay na ito. Hindi ko maiwasan na maluha kaya kaagad akong dinaluhan ni Rafael.


"Sorry...hindi talaga namin binanggit ang tungkol dito. Ayaw na kasi namin na guluhin pa ang isipan mo. Remember, nagiging abala ka sa pag-aaral ng time na iyun at mismong si


Ate Arabella ang gumawa ng paraan para makausap ng maayos ang mga magulang mo at tanggapin ang offer namin na maipaayos ang dati niyong bahay." salaysay ni Rafael. Lalo akong napaiyak. Hindi ko akalain na habang abala ako sa pag-aaral ko abala naman sila sa pagtulong sa pamilya ko dito sa probensya.


Nang nagpakawala yata ng grasya ang langit sinalo ko na yata lahat. Ano pa nga ba ang mahihiling ko? Sulit ang hirap na napagdaanan ng pamilya namin noon. Hindi ko akalain na may dadating na malaking tulong sa aming pamilya. Sa isang iglap, biglang nagbago ang buhay namin. Dahil iyun sa tulong ng mga Villarama.


"Rafael, hindi ko alam kung ang masasabi ko tungkol dito. Hindi ito ang ini-expect ko sa pag-uwi kong ito. Nakakahiya na sa inyo! Ang laki na ng naibigay nyong tulong sa amin." lumuluha kong wika. Seryoso akong tinitigan sa mga mata at pinahiran ang luha na dumaloy sa pisngi ko gamit ng kanyang mga palad.


"Huwag mong isipin ang tungkol sa bagay na ito Veronica. Pera lang iyan. At marami kami noon. Tumutulong nga kami sa ibang tao, sa pamilya pa ba ng babaeng mahal ko?" sagot nito.


"Pero sa sobrang dami ng naitulong niyo sa amin hindi ko na alam kung paano kayo mapasalamatan." sagot ko.


"Hindi namin kailangan ang pasasalamat mo Veronica. Palagi mong tandaan, hindi pa man tayo naikasal sa simbahan pero mag-asawa na tayo diba? Pumirma na tayo pareho ng marriage contract at nairehistro na iyun sa gobyerno. Kaya sa batas ng bansang ito mag-asawa na tayo kaya may karapatan ka na sa kung ano mang meron ako ngayun....:


"Kaya nga nagsisipag ako na lalong mapalago ang kumpanya ng pamilya para mabigyan kita ng magandang buhay." nakangiti nitong wika. Pinisil pa nito ang pisngi ko. Para naman akong natameme at napatitig na lang dito. Hindi ako makapaniwala na ganito na pala ang mindset ng isang Rafael Villarama.


Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Kaagad akong napayakap kay Rafael. Hindi ko na din alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Kulang ang katagang pasasalamat para ipadama dito kung gaano ako kasaya ngayun.


"Pasensya na po kayo Kuya Rafael, ganyan na talaga iyan si Ate noon pa. Iyakin!" napakalas ako sa pagkakayakap kay Rafael ng marinig ko ang nang-aasar na boses ng kapatid kong si Angelo. Pinukol ko ito ng masamang tingin kaya pareho silang natawa ni Rafael.


"Ikaw Angelo ha? Kanino mo nakuha ang ganyang pag-uugali? Akala ko ba pupuntahan mo sila Nanay sa palengke? Bakit nandito ka pa?"


kunwari ay naiinis kong tanong. Napakamot naman ng ulo niya si Angelo at mabilis na tumalikod. Muli akong napahawak kay Rafael at ako na mismo ang tumingkayad para bigyan ito ng mabilis na halik sa labi.


Kaagad kong napansin ang pagkagulat nito dahil sa aking ginawa. Ngumiti ito at hinawakan ang pisngi ko at gumanti ito sa ginawa ko kanina. Ginawaran ako ng mapusok na halik sa labi na siyang kaagad ko naman tinugon.


Mabuti na lang at nakaalis na ang kapatid ko at kami na lang ang naiwan dito sa loob ng bahay. Ang mga kasamang tauhan ni Rafael ay nasa labas lang. Matiyagang naghihintay sa kung ano ang iuutos ng kanilang amo. Mabuti na lang at malawak lawak ang harap ng bahay namin kaya kahit papaano may mapipwestuhan sila.


"Teka lang. Baka maabutan tayo nila Nanay at Tatay." protesta ko kay Rafael ng pakawalan nito ang labi ko at aktong leeg ko na naman ang kanyang gustong pagtoonan ng pansin. Narinig ko pa ang mahina na pagbuntong hininga nito bago ako pinakawalan. Natatawa naman akong tumitig sa kanya. Mukhang may isang nilalalang na naman na nabitin ngayun araw.





Chapter 243


VERONICA POV


Hinahaplos ni Rafael ang pisngi ko ng marinig ko ang muling pagbukas ng pintuan ng bahay at pumasok ang mangiyak-iyak na si Nanay at Tatay.


"Anak! Diyos ko! Ikaw nga!" kaagad na wika nito. Hindi ko naman maiwasan ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko kasabay ng pag-uunahan sa pagpatak ang luha sa aking mga mata.


"Nay! Tay!" sambit ko at kaagad silang sinalubong. Kaagad akong hinalikan sa pisngi at niyakap ni Nanay ng magpang -abot kami. Hindi ko na mapigilan pa ang mapaiyak. Kung alam lang nila kung gaano ako ngayun kasaya.


"Salamat sa Diyos at nagawa mong dalawin kami anak. Miss na miss ka na namin!" sagot ni Nanay at ramdam ko sa boses nito na umiiyak na din. Hindi naman ako nakasagot. Kung alam lang din nila kung gaano ko sila na miss ng sobra.


"Nay, sobrang na-miss ko din po kayo! Masayang masaya ako ngayun dahil muli tayong nagkita." sagot ko at kumalas sa pagkakayakap sa kanya at si Tatay naman ang binalingan. Hinawakan ko ang kamay nito habang nakangiti.


"Veronica, anak! Salamat dahil nagiging maayos ang buhay mo sa Manila. Kahit papaano nabawasan ng kahit kaunti ang pag-aalala na nararamdaman namin sa iyo."


mahinahon na wika ni Tatay. HIndi ko na napigilan pa ang aking sarili. Napayakap na ako dito.


"Tay, salamat po dahil naging maayos ang kalagayan niyo dito habang wala ako. Mahal na mahal ko po kayo ni Nanay! Pati na din ang mga kapatid ko.


" sagot ko at kumalas na sa 

pagkakayakap sa kanya. Binalingan ko ng tingin si Rafael para pormal na ipakilala sa aking mga magulang.


"Siya nga po pala Nay, Tay, si Rafael nga pala. Kapatid ni Ate Arabella at kasintahan ko po." pakilala ko at kaagad naman lumapit si Rafael sa amin. Una nitong hinakawan ang kamay ni Tatay at nagmano. Sumunod naman ang kay Nanay.


"Diyos ko! ito na ba iyung bunsong anak nila Madam Carissa at Sir Gabriel?


"gulat na tanong ni Nanay. Kaagad akong napatango.


"At may relasyon kayong dalawa?"


muling tanong ni Nanay. Bakas ang pagkagulat sa mukha nito kaya hindi ko naman maiwasan na magtaka.


"Opo. Unang kita ko pa lang po sa anak ninyo minahal ko na siya ng sobra! Huwag po kayong mag-alala... nagbabalak na din akong pakasalan siya sa simbahan." si Rafael na ang sumagot.


"pe-pero ayos lang ba sa mga magulang mo Iho? Pasensya ka na... hindi nabanggit sa amin ni Arabella ang tungkol dito noong dumalaw siya dito sa amin. Ang nabanggit niya lang nag-aaral  daw si Veronica at maayos naman ang kalagayan niya sa mansion. Pero hindi niya nabanggit na---" hindi na natuloy ang sasabihin ni Nanay ng muli akong sumagot.


"Nay! Hindi nya talaga sasabihin iyun dahil hindi naman po sila nakatira sa mansion. Hindi din po kasi uso ang mga marites sa pamilya nila Rafael." sagot ko na may halong biro sa tono ng boses. Pinunasan ko na din ang luha sa aking pisngi. Napangiti naman si Rafael sabay akbay sa akin.


"Huwag po kayong mag-alala. Hindi ko po lolokohin si Veronica kung iyan ang iniisip nyo. Sumama po ako dito para pormal na hingin ang kamay ng anak nyo Mahal na mahal ko po siya at siya lang ang gusto kong makasama habang buhay. Isa pa po alam nila Mommy at DAddy ang tungkol sa relasyon namin at sila ang mas unang magagalit kapag sasaktan ko ang anak nyo. Mas mahal nga po yata ni Mommy si Veronica compare sa akin eh." mahabang sagot ni Rafael.


Hindi ko naman maiwasan na mapangiti dahil sa mga katagang naririnig dito. Napakasarap pakinggan ang mga sinabi nito ngayun lang. Nagkatingin naman sila Nanay at Tatay bago tumango.


"Ano pa nga ba ang magagawa namin. Pasensya ka na Rafael. Hindi lang talaga namin maiwasan na magulat. Mahirap lang kami at mayaman kayo. Hindi maalis sa amin na mag-alala." sagot ni Nanay.


"Huwag na kayong mag-alala. Hindi po mangyayari ang kinatatakutan niyo Nay. Mahal ko si Veronica at ipaglalaban ko siya kahit kanino." seryosong sagot ni Rafael. Nakiki- Nanay at Tatay na din ito da mga magulang ko na siyang lalo kong ikinatuwa.


"Salamat naman kung ganoon Rafael. Masaya kami para sa anak namin. Hindi lang namin akalain na mangyayari ang ganito. Hindi din namin akalain na dalagang dalaga na pala talaga ang Veronica namin. May Ipinapakilala ng boyfriend eh. At hindi basta-bastang lalaki. Kay gandang lalaki." nakangiting sagot naman ni Tatay. Nagkatawanan naman kami ni Rafael.


"Siya nga pala. Sinu-sino ba iyung mga kalalakihan sa labas? Halos lahat ng kapitbahay natin dito sa bahay natin nakatingin. Nagtataka silang lahat kung sino ang aming bisita ngayun."


tanong ni Nanay.


"Mga bodyguard ni Rafael Nay. Alam niyo naman po na hindi siya pwedeng umalis na walang kasa-kasamang magbabantay sa kanya." ako na ang sumagot.


"Pasensya na po kayo Nay! Gusto lang din kasing masiguro nila Mommy at Daddy na ligtas kaming makarating ni Veronica sa lugar na ito. Huwag nyo na lang po sanang pansinin ang mga kasama ko. Mababait po ang mga iyan at wala po kayong magiging problema sa kanila." nakangiting sagot naman ni Rafael. Napatango naman silang dalawa tanda ng pagsang-ayon.


"Teka lang, kumain na ba kayo? Sandali lang at ipaghahanda na muna namin kayo ng pagkain. Teka lang gusto nyo bang kakanin na lang muna? Aldrin, bumalik ka na muna ng palengke. Padagdagan mo iyung mga karne na binili natin sa suki natin. Pati

na din ang mga isda. Daanan mo na din ang mga bata sa palaruan para naman may tutulong sa akin dito sa paghahanda ng mga pagkain."


Mahabang wika ni Nanay kay Tatay. Sa dami ng sinabi nito hindi lang ako sure kung natatandaan lahat ni Tatay iyun.


"Nay, relax lang. Hindi niyo po kailangan ang mataranta ng ganiyan. Malapit lang po ba ang palengke dito? Sasama kami ni Veronica doon." awat na ni Rafael. Umiling naman si Nanay.


"Naku, huwag na anak. Kaya na ng Tatay Aldrin mo ang mga iniutos ko sa kanya. Ang mabuti pa magpahinga na lang muna kayo habang hinihintay ang pagkain. Pasensya na kayo at hindi talaga kami nakapaghanda. Kung alam ko lang na darating kayo kagabi pa sana ako nagpaluto ng mga pagkain!" sagot ni Nanay.


"Nay, ayos lang po kami. Hindi naman kami napagod sa byahe. Naka-chopper kami kaya ang bilis namin nakarating dito. Sige na po, sasama na kami kay Tatay sa palengke. May kotse naman sa labas at pwede namin gamitin para makarating kaagad kami." nakangiting sagot muli ni Rafael. Wala ng nagawa pa si Nanay kundi ang pumayag na lang. Alam kong nahihiya lang ito kay Rafael kaya parang natataranta ito ngayun.


Pagkalabas namin ng bahay ay kaagad kong napansin ang mga kapitbahay namin na nakadungaw sa kani- kanilang bintana. Kaagad naman akong hinawakan ni Rafael sa kamay at iginiya patungo sa isa sa mga sasakyan na gamit namin.


"Malapit lang naman ang palengke dito anak. Pwede na din natin lakarin." wika ni Tatay. BAkas ang pag-aalangan sa mukha nito habang nakatitig sa kotse.


"Mas maigi na po na magkotse tayo TAy. Hindi po bat maraming pinapabili si Nanay na mga karne at isda? Baka masyadong mabigat kapag manu- mano nating buhatin pauwi."sagot ko, Wala ng nagawa si Tatay kundi pumayag na din.


Pinagbuksan muna ako ng pintuan ni Rafael at pinapasok sa loob. Kinausap nito ang kanyang isa sa mga bodyguard bago na din sya tuluyang naupo sa tabi ko. Si Tatay naman pumuwesto na sa tabi ng driver.


"Sigurado ba kayo na hindi kayo napagod sa biyahe?" muling wika ni Tatay ng umusad na ang sasakyan. Kaagad naman sumagot si Rafael.


"Ayos lang po Tay, Isa pa balak ko din talaga mag-ikot sa lugar na ito mamaya kasama si Veronica. Babalik din po kami kaagad bukas ng Maynila dahil may pasok si Veronica sa School sa Monday. Talagang sumaglit lang po kami dito sa probensya para naman

magkita kayo at makilala ko na din kayo.." sagot ni Rafael Pinipisil-pisil pa nito ang palad ko habang nagsasalita kaya naman hindi ko maiwasan na mapangiti.


"Kung ganoon dapat pala sulitin niyo ang araw habang nandito kayo sa probensya. Masaya kami dahil nagawa niyo kaming dalawin sa kabila ng pagiging abala niyo sa Manila." sagot naman ni Tatay.


Wala pang sampung minuto narating na namin ang palengke na tinutukoy ni Nanay. Hawak kamay kaming bumaba ni Rafael ng kotse at sumunod kay Tatay hanggang sa makapasok sa loob.


"Sure ka ba na ayos lang sa iyo na pupunta sa ganitong lugar? Hindi ka pa man din sanay." wika ko kay Rafael habang naglalakad. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang panakaw na pagtitig sa amin ng aming nadadaanan. Alam kong kahit papaano natatandaan ako

ng ilan sa mga kababayan namin.


Maliit lang ang lugar na ito at halos lahat magkakakilala. Iyun nga lang, iilan lang ang nakakaintindi sa sitwasyon ng pamilya namin kaya iilan lang din ang mga kaibigan nila Nanay at Tatay noon. Hindi ko lang alam kung nagbago na ba ang sitwasyon ngayun.


"Aldrin...si Veronica ba iyan? Nakauwi na pala siya galing Manila?" natigil sa paglalakad si Tatay ng may biglang nagtanong dito. Nabaling naman ang attention namin ni Rafael sa babaeng nagtanong.


"Ayyy oo. Kakarating lang nila. Gustong sumama kaya pinagbigyan ko na." sagot ni Tatay at itinuloy na ang paglalakad. Kaagad naman kaming napasunod ni Rafael dito hanggang sa nakarating kami sa isa sa mga pwesto ng meatshop. Pilit namin inii-ignora ang mga titig na ipinupukol sa amin ng aking mga kababayan.


Isang nakangiting mukha ng medyo may edad na babae at lalaki ang bumungad sa amin. Kaagad nilang binati si Tatay. Kakilala namin sila noon pa. Si Aling Marina at Mang Gregor.


Kaagad na sinabi ni Tatay kung ano ang kanyang pakay. Bumili ito ng maraming karne at kaagad itong tinulungan ni Rafael na bitbitin ang mga iyun. Natuwa naman ako dahil hindi ko nakikitaan na kahit na ano mang pandidiri sa mukha nito habang nandito kami sa loob ng palengke. Alam kong sa tanang buhay nito never itong nakakakaapak sa ganito klaseng lugar.


"Sir ko na po ang magbibitbit. Dadalhin ko na po sa kotse." Hindi na ako nagulat pa ng may biglang lumapit sa amin. Isa sa mga bodyguard na kasama ni Rafael at kinuha nito sa kamay ng kanyang amo ang mga bitbit nitong plastik. Sunod nitong kinuha ang mga bitbit ni Tatay kaya naman kaagad nila itong ibinigay.,


"Si Veronica na ba iyan Aldrin? Abat ang gandang bata talaga!" narinig ko pang wika ni Aling Marina. Nakangiti itong nagpapalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Rafael.


"Ayyy oo! Kakarating lang nila kanina. Sinurpresa kami. Gusto daw kaming makilala ng nobyo niya." proud na sagot ni Tatay sabay sulyap sa aming dalawa ni Rafael.


"Bagay silang dalawa. Ang gwapo din ng kasama ng anak mo. Mukhang mayaman." sagot ulit nito. Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko kay Aling Marina at umalis na din kami sa pwesto nila.


"Bumalik na kayo ng kotse anak. Pupunta pa ako sa isdaan. Maputik doon at baka madumihan lang kayo." baling sa amin ni Tatay. Tiningnan ko muna si Rafael bago tumango.


"Sige po...pasusunurin ko na lang po sa inyo ang isa sa mga tao ko para may tumulong sa inyo sa pagbibitbit sa mga pinamili niyo po." si Rafael na ang sumagot. Muli ko itong tinitigan at hindi ko maiwasan na makaramdam ng awa dito ng mapansin ko na tagaktak na ng pawis ang noo nito. Hindi nga ito sanay sa ganitong lugar.


"Abay ikaw ang bahala. Sya nga pala Veronica, dumaan kayo sa Dencieta. Tindahan ng mga kakanin iyun. Mamili kayo ng mga gusto nyong kainin ni Rafael at hindi pa pala kayo kumakain ng agahan." wika ni Tatay sa amin bago ito tumalikod. Alam ko ang pwesto ng bilihan ng kakainin na iyun kaya kaagad kong hinila si Rafael papunta doon.


"Veronica? Ikaw nga? Uyyy kumusta ka na?" Palabas na kami ng palengke at tinatahak na namin ang daan patungo sa bilihan ng kakanin ng may biglang tumawag sa pangalan ko. Wala sa sariling napalingon ako at kita ko ang isa ko pang kababata. Si Akira! Nakangiti itong naglalakad palapit sa akin na may kargang sanggol. Hindi ko din ito naging kaibigan pero nginitian ko ito.


"Akira! Kumusta?" tanong ko.


"Ayos lang. Grabe, mukhang sosyalin


ka na ngayun ah? Sinong kasama mo?" direkta nitong tanong. Hindi pa rin ito nagbabago. Pakialamera pa rin. Sabagay, napapaligiran pala kami ng mga marites kaya naman wala akong choice kundi ipakilala si Rafael dito. Para matigil na ang mga mapanirang kwento tungkol sa akin na lumaganap sa lugar na ito. Bigla ko kasing naalala ang mga sinabi sa akin nila Lorie at Claire noong nagkita kami.


"Asawa ko, Si Rafael." sagot ko at kaagad ko naman naramdaman ang pag akbay sa akin ni Rafael.


Kita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Akira. Matamis ko itong nginitian at tuluyan ng nagpaalam sa kanya.


Hindi ko maiwasan na mapasulyap sa mga nadaanan namin na mga pwesto. Halos lahat yata nakatitig sa amin. Hindi din nakaligtas sa mga mata ko ang paghanga na ipinupukol ng mga kababaihan habang nakatitig kay Rafael.


Sorry na lang sila. Pag-aari ko na ang puso ng lalaking kasama ko ngayun. Mainggit sila sa akin hanggat gusto nila dahil parang basura ang turing ng karamihan sa kanila sa amin noon.


"Ganito ba talaga ang mga tao dito sa inyo Sunshine! Grabe kung makatingin. " bulong sa akin ni Rafael. Napansin nya din pala iyun.


"Huwag mo na lang pansinin.


Napopogian lang iyan sila sa iyo. Tingnan mo ang hitsura ng mga kababaihan. Parang gusto ng tumulo ang laway. Masyado ka kasing gwapo para pumunta sa lugar na ito."


pagbibiro kong sagot. Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa bago ako hinapit sa baywang at diretso na kaming naglakad papunta sa shop na sinasabi ni Tatay na bilihan ng mga kakanin.


Bumili nga kami ng maraming kakanin. Hindi lang naman kami ang kakain kundi pati na din ang mga kasamang tauhan ni Rafael.


Pagkatapos namin mamili ng pagkain dumiretso na kami ng kotse. Parehong tagaktak ang pawis namin ni Rafael ng pumasok kami sa loob.


"Grabe! Ang init pala dito sa inyo Sunshine!" Angal pa nito sa akin at kumuha ng tissue at ito na mismo ang nagpunas ng pawis sa noo ko. Simpleng gesture pero nakakataba ng puso.




Chapter 244


VERONICA POV


Hindi naman nagtagal ang aming paghihintay kay Tatay at kaagad naman itong lumabas sa loob ng palengke kasama ang dalawa sa mga bodyguard ni Rafael. Pagkasakay nito kaagad na kaming umuwi ng bahay.


Kaagad akong nakaramdam ng tuwa nang nakita ko ang ilan sa mga kapatid ko sa labas ng bahay. Mukhang inaabangan nila ang pagbalik namin dahil kaagad na gumuhit ang kanilang ngiti sa labi ng mapansin nila ang pagdating ng sasakayan.


"Ate!" pagkababa ko pa lang ng kotse kaagad na akong sinalubong ng mga kapatid ko. Unahan sila sa paglapit sa akin at isa-isang nagsipagyakap.


"Ate... Ikaw na nga...ang ganda-ganda mo na lalo!" kaagad na bulalas ni Charmaine. Twelve years old at pang-apat sa aming magkakapatid. Hindi ko naman maiwasan ang matawa. Sa aming magkapatid ito ang pinakamadaldal sa lahat.


"Matagal ng maganda si Ate. Kahit naman hindi pa siya ganoon kaputi noon maganda na siya!" Nakalabing sabat naman ni Ana. Ang panglima sa aming magkakapatid.


"Alam ko naman iyun. Pero mas maganda siya ngayun. Kita mo nga ang kinis na nya at ang puti tapos ang bango pa." muling sagot ni Charmaine. Ayaw talaga nitong patalo. Bago pa magkainitan ang dalawa pumagitna na ako.


"oohhh tama na iyan! Baka kung saan- saan na naman mapunta ang usapan na iyan. Siya nga pala, mag 'hello' muna kayo sa Kuya Rafael niyo! May pasalubong pa naman siyang dala para sa inyo!" nakangiti kong sagot at binalingan si Rafael na nakatayo sa tabi ko. Kita ang tuwa sa mga mata nito habang nakatingin sa mga makukulit kong kapatid.


"Jowa mo siya Te?" Muling tanong ni Charmaine. Si Rafael na ang sumagot dito.


"Nope...asawa na ako ng Ate mo!" sagot ni Rafael at kaagad akong hinalikan sa pisngi. Kaagad naman nanlaki ang mga mata ng kapatid ko. Pabirong nakurot ko naman si Rafael sa kanyang tagiliran. Pilyo talaga ito. Pati mga kapatid ko gusto pa yatang pagtripan. Ang dami pa namang mga Marites na nakatingin sa gawi namin.


"Ayyyiiii! Ang sweet nila!" Kinikilig na wika ni Charmaine sabay napatakip ng bibig nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa pagitan naming dalawa ni Rafael.


"Halaka! Lagot ka Ate. Nag-asawa ka na pala! Sabi ni nanay kanina boyfriend lang eh." sabat naman ni Ana. Sabay pa kaming natawa ni Rafael dahil sa naging reaction nito. Samantalang ang iba ko pang mga kapatid nagsipasok na sa loob ng kotse.


"Bakit ayaw mo ba akong maging asawa ng Ate mo? Mabait naman ako at pogi pa." nagbibirong sagot ni Rafael. Muli akong natawa. Ni sa hinagap hindi ko akalain na makikipag-usap ito ng ganito sa makulit kong kapatid.


"Gusto na lang..... kasi totoo naman talagang pogi kayo eh tsaka sabi ni Nanay kanina mabait daw po kayo! Kuya na lang ang itawag namin sa iyo ha? Maiinggit talaga nito ang mga kaibigan ko dahil may Kuya na akong pogi!" Si Charmaine na naman ang sumagot.. Natawa naman si Rafael dahil sa sinabi nito. Simpleng salita na lumabas sa bibig ng kapatid ko pero tuwang tuwa ito. Nakikinita ko na mukhang magiging mabuting ama ito ng mga anak namin kapag nagkataon. Hindi ko naman maiwasan na ipilig ang ulo ko dahil sa naisip ko.


Ano ba itong tumatakbo sa isip ko. Kakaumpisa pa lang naming dalawa ni Rafael sa aming relasyon napunta na kaagad sa pagkakaroon ng anak ang imahinasyon ko. Nakakahiya kapag malaman ni Rafael ito. Hindi pa nga ako nakakaapak sa college kung anu- ano na ang tumatakbo sa isip ko.


"Tama na muna iyan! Charmaine, tigilan mo muna iyang Ate at Kuya mo. Huwag ka muna mangulit at tulungan mo si Kuya Angelo mo na magbalat ng mga gulay sa Kusina." Narinig kong saway ni Nanay kay Charmaine na noon palagay kaagad ang loob kay Rafael. Nagawa na nitong makipagkulitan sa Kuya niya. Sabagay, sa aming lahat ito lang ang hindi mahiyain.


"Veronica anak, dalhin mo na dito sa loob si Rafael. Sa sala na lang muna kayo kumain dahil masyadong magulo ang kusina." ako naman ang binalingan ng tingin ni Nanay kaya


kaagad na akong tumalima. Nakakaramdam na din ako ng gutom at isa pa kanina pa ako natatakam sa mga kakanin na binili namin.


Katulad ng sinabi ni Nanay sa sala na kami pumwesto ni Rafael. Sa sobrang dami ng mga binili na lulutuing pagkain ni Tatay kanina mukhang kailangan ni Nanay ng makakatulong doon.


Iyung mga bodyguard naman binigyan na din namin ng makakain. Napansin ko din kanina si Angelo na inaasikaso nya ang mga ito. May napansin na din akong mga tasa na may lamang kape kanina kaya nasisiguro ko na hindi naman sila magugutuman dito sa amin.


Ang iniisip ko lang ngayun kung kaya bang kumain ng kakanin ni Rafael. Never pa kasi akong nakakita ng ganitong pagkain sa mansion kaya hindi ko alam kung mapapakain ko ito ngayun dahil hanggang ngayun hindi pa nag-umpisang magluto sila Nanay. Nasa proseso pa lang sila ng paghihiwa.


"Gusto mo bang maghanap tayo ng ibang pagkain sa labas?" tanong ko kay Rafael sabay lapag ng black coffee sa kanyang harap. Naglagay na din ako ng isang pitcher ng malamig na tubig. Ang mga kakanin naman ay nakapatong na sa center table at may dalawang platito na din na nakalagay.


Suman, biko at palitaw ang nabili namin kanina. Iyung na lang kasi ang available doon sa store. Hindi ko talaga sure kung magugustuhan ito ni Rafael.


"Mukhang masarap naman. Dont worry, nakakain na ako ng ganitong pagkain noong bata pa ako." wika nito habang nakatitig sa suman. Nagulat pa ako ng kumuha ito ng isang piraso, binalatan at diretsong isinubo.


"Sure ka?" tanong ko. Kaagad itong tumango.


"Yup! Palaging inuutusan noon ni Ate Arabella ang dati namin na cook na gumawa ng ganito sa mansion. Pero noong nagresign na dahil sa katandaan nahinto na din ang pagkain namin ng mga ganito hanggang sa nakalimutan na namin." sagot nito at kumagat ulit ng suman.. Kinuha nito ang tasa na may kape at sumimsim ng kaunti.


Natutuwang sinabayan ko na din itong kumain. mabuti na lang at hindi naman pala maarte itong mahal ko. Kahit na ipinanganak itong nakahiga sa salapi nagawa pa din nitong makibagay sa kung ano man ang meron sa kanyang paligid. Gusto ko siyang ipagmalaki sa lahat.


Paubos na ang kape ng biglang lumapit sa amin si Angelo. Tinanong pa ito ni Rafael kung nakakain na ba ito pero kaagad itong tumango.


"Ate, nasa labas si Mayor." wika nito. Hindi ko naman maiwasan na magulat. Paanong nandito ang Mayor namin? Ano ang kailangan nito?


"Ha? bakit daw?" tanong ko.


"Hindi ko po alam. Kausap po ni Tatay ngayun sa labas." sagot ni Angelo. Napatitig ako kay Rafael ng tumayo ito. Hinawakan ako sa kamay at sabay na kaming lumabas ng bahay.


Pagkalabas namin kaagad na tumampad sa paningin ko ang Mayor nga ng lugar namin. May mga kasama ito habang kausap ni Tatay. Ang mga bodyguard naman ni Rafael tahimik lang na nakamasid.


Nang mapansin ni Mayor ang paglabas namin ni Rafael dito sa loob ng bahay kaagad na gumuhit ang ngiti sa labi nito. Mabilis kaming sinalubong sabay lahad ng kanyang kamay.


"Mister Rafael Villarama! Bunsong anak ng magaling na business tycoon na si Gabriel Villarama. Ikinagagalak kong maging bisita kayo sa lugar namin." nakangiti nitong wika. Kaagad naman tinanggap ni Rafael ang pakikipagkamay nito.


"Thank you po! Sinamahan ko lang ang wife ko na bumisita dito. Ikinagagalak ko din po kayong makilala."

nakangiting sagot naman ni Rafael.


"Ikaw na ba si Veronica? Abat kay gandang bata!" nakangiting wika naman ng babaeng katabi nito. Ito iyung asawa ni Mayor at himala kilala ako nito.


"Salamat po Mam." nakangiti kong sagot. Nagulat pa ako at hinawakan ako sa kamay sabay nakipagbeso sa akin. Nahihiya man pero nagpatianod na lang ako.


"Hindi pa pala kayo nagsabay ng kapatid mo. Si Misis Arabella Villarama Santillan at Kurt Santillan. Kausap ko sila kagabi at sinabi nila na bibisita daw sila ngayun para i- finalized ang pagbili sa isang resort na napupusuan ni Misis Santillan noong nakaraang pagbisita nila dito." Nakangiting muling wika ng Mayor. Kaagad naman kaming nagkatingin ni Rafael.


Wala kasi kaming idea tungkol dito. Isa pa walang nababanggit si Ate Arabella tungkol sa balak nitong pagpunta dito sa lugar namin. Kung alam ko lang sana nagsabay na lang kami. Mukhang wala din alam si Rafael dahil kaagad kong napansin ang pagkagulat sa mukha nito.


"Well, masyadong busy ang pamilya namin. Hindi nabanggit ni Ate ang balak nilang mag-asawa. Gayunpaman we are willing to support naman kung ano ang gusto nila. Mahilig talaga sa nature ang kapatid kong iyun." sagot naman ni Rafael.


"Kung may time pa kayo Mister Villarama, iimbitahan sana namin kayo bahay namin." muling wika ni Mayor. Tumingin muna sa akin si Rafael bago sumagot.


"Kakarating lang po namin. I think gusto ng wife ko na sulitin ang time sa pamilya ngayung araw. But dont worry, kapag may time kami, kami na mismo ang dadalaw sa bahay niyo. Masaya ako sa mainit na pagtanggap mo sa amin sa lugar na ito Mayor!"


Nakangiting sagot ni Rafael.


"Mister Villarama, mas natutuwa kami sa inyong presensya sa lugar namin. Bihira lang makarating sa lugar namin ang mga taong kagaya niyo na tinitingala sa lipunan. Kapag may kailangan ka pa para mas lalong maging kumportable ang pag-stay niyo sa lugar namin huwag kang mahiya na magsabi sa amin Mister Villarama." muling sagot ni Mayor.


Ngayun ko lang napatunayan na kapag mapera ka pala igagalang ka ng kahit sino. Napatunayan ko palagi iyan sa tuwing kasama ko si Rafael.


Natigil lang ang pag-uusap ni Mayor at Rafael ng may humintong sasakyan sa harap ng bahay. Kaagad na lumabas si Kuya Kurt kasunod ni Ate Arabella. Napabitaw ako sa pagkakahawak ni Rafael at masaya silang sinalubong.


"Ate Arabella!" nakangiti kong wika. Kaagad ako nitong niyakap ng magkaharap na kami.


"Grabe, kung alam ko lang na pupunta din kayo dito sumabay na lang sana kayo sa amin." nakangiti nitong wika.


"Hindi po kasi namin alam Ate eh. Kay Mayor lang po namin nalaman na pupunta din kayo ngayun " nakangiti kong sagot. Iniwan na kami ni Kuya Kurt at lumapit na ito sa nag-uusap na si Rafael at Mayor.


"Oo, kailangan eh. May bibilhin kaming beach resort malapit dito. Samahan niyo kami mamaya para tingnan ulit bago namin bayaran."" nakangiti nitong sagot. Kaagad naman akong tumango.


"Talaga po! Naku, excited na ako. Teka lang po pala, hindi po ba kasama si Jeann? tanong ko. Kaagad itong umiling.


"Hindi na muna. Inaatake na palagi ng morning sickness at ayaw kong sa yate pa siya magsusuka." nakangiti nitong sagot. Yate pala ang sinakyan nila. Kung ganoon nga? nauna pala silang umalis ng Maynila compare sa amin ni Rafael. Mas mabilis makarating kapag chopper ang sasakayan.


"Ate, alam niyo po kanina ko lang nalaman na pumupunta pala kayo dito palagi. Ang daya nyo po, hindi nyo man lang nababanggit sa akin." maya-maya wika ko dito. Sa mahigit isang taon ko na pagtira ng mansion at nakakasama sila tuwing weekend naging palagay na ang loob ko sa kanya. Sa kanya ako pinaka-closed kumpara sa ibang mga kapatid ni Rafael.


"Sinadya ko talagang hindi ipaalam sa iyo dahil alam kong sasama ka. Alam kong malaki ang pagkagusto sa iyo ni Rafael at ayaw pumayag ng lokong iyun na umaalis ka ng mansion ng hindi siya kasama." natatawa nitong sagot. Hindi ko naman mapigilan ang matawa.


"Salamat po Ate Arabella ha? Sa dami ng naitulong mo kila Nanay hindi ko po alam kung paano kayo pasalamatan." pag-iiba ko ng usapan.


"Anong ako? Hindi mo ba alam na galing kay Rafael ang mga kaperahan na pinapadala dito sa pamilya mo?"

sagot nito. Hindi ko maiwasan na magulat.


"Galing kay Rafael lahat ng ginastos sa pagpapagawa ng bahay ninyo Veronica. Ako lang ang inuutusan niyang mag- asikaso ng lahat dahil masyado siyang busy. Hindi nya ba nabanggit sa iyo?" nagtataka nitong tanong. Kaagad akong tumango. Nagulat naman si Ate Arabella at napakagat pa ito sa kanyang labi. Kaagad kong napansin ang paguhit ng guilt sa mga mata nito. 


"Naku sorryy.. Lagot ako nito sa kapatid ko. Akala ko talaga alam mo na eh." muling wika nito.






Chapter 245


VERONICA POV


Hindi ko maiwasan na mapasulyap kay Rafael pagkatapos kong malaman mula kay Ate Arabella ang tungkol sa pagbibigay nito ng tulong financial sa aking pamilya. Parang may kung anong bagay na biglang humaplos sa puso ko sa isiping kahit ang pamilya ko hindi nito nakalimutang bigyan ng tulong sa paraang alam nito.


"Huwag kang magalit sa kanya ha? Gusto ka lang naman siguro nya bigyan ng surprise kaya hindi niya nababanggit sa iyo ang tungkol dito. Rafael loved surprises kahit noon pa. Mahal na mahal ka lang talaga ng kapatid ko kaya gusto nya din bigyan ng magandang buhay ang pamilya mo. At hindi lang iyun, alam mo bang nagpagawa din siya ng limang classrooms dito sa lugar niyo dahil naaawa siya sa mga istudyante na walang maayos na silid aralan? Of course lahat ng iyun ako ang nag- asikaso at alam ito ng buo naming pamilya." mahabang wika ni Ate Arabella. Parang gusto kong maluha sa mga ikinikwento nito.


"Hindi po. Walang dahilan para magalit ako sa kanya. Masyadong malaki ang nagawa niyang tulong hindi lang para sa amin kundi sa ibang mga bata dito kaya walang dahilan na magalit ako. Kung alam niyo lang po, gusto ko siyang ipagmalaki kahit kanino. Napakabuti ng puso nya Ate." sagot ko kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata.


Hindi naman iyun nakaligtas sa kanina pa pasulyap-sulyap sa amin na si Rafael. Nagpaalam ito sa mga kausap at lumapit sa amin.


"Ano na naman iyan Ate? Bakit mo pinapaiyak ang mahal ko?" kaagad na tanong nito. Sinipat muna ko ng tingin bago tinitigan ang kanyang Ate Arabella.


"Hmmmp ewan ko sa iyo! Kasalanan mo iyan!. Ang hilig mo kasing magsekreto. Ikwento mo na kasi sa kanya kung ano ang totoo. Hindi ko na kasalanan kong magalit sa iyo iyan!" pabirong sagot ni Ate Arabella. Hinalikan muna nito sa pisngi ang kapatid at tinapik ang balikat bago lumapit sa mga kausap ni Kuya Kurt na sila Mayor at ang asawa nito.


"What's wrong? Pinagalitan ka ba ng kapatid kong iyun?" tanong nito at masuyo akong tinitigan. Kaagad akong umiling.


"Ang daya mo! Hindi mo man lang nabanggit sa akin na ikaw pala ang nagpagawa ng bahay at nagbibigay ng pera kila Nanay at Tatay." sagot ko. Kaagad na gumuhit ang ngiti sa labi nito.


"Kita mo na kung gaano kadaldal ang kapatid kong iyan? Walang sekre- sekreto sa kanya!" sagot nito. Hinawakan ako sa mga kamay at masuyo akong tinitigan.


"Hindi ko na binanggit sa iyo dahil alam kong tatanggi ka! Alam kong kaya ka nag-aaral ng maayos ngayun dahil gusto mo silang mabigyan ng magandang buhay. Ako na ang kusang nagbibigay ng lahat ng iyun dahil gusto ko na talagang maging asawa ka! Hindi na ako papayag na pagtatrabahuan mo pa ang pera na ibibigay mo sa pamilya mo dahil kaya kong ibigay ang lahat ng iyun Veronica!" nakangiti nitong sagot sa akin.


Wala na akong pakialam pa kung may mga matang nakatutok sa amin. Ako na ang kusang yumayakap dito dahil sa sobrang tuwa na nararamdaman ng puso ko.


"Thank you! Alam kong hindi sapat ang salitang iyan para ipakita sa iyo na labis kong na- appreciate lahat ng ginagawa mo sa akin kaya lang yan  ang masasabi ko ngayun." sagot ko kasabay ang pagyugyog ng balikat ko dahil hindi ko na napigilan pa ang pag-iyak.


"Heyyy! Bakit ka umiiyak ngayun? Sunshine! Hindi ito ang iniexpect ko mula sa iyo!" malambing na sagot nito sa akin.


"Eh ikaw kasi eh! Gusto mo talaga akong paiyakin! Grabe naman itong surprise mo sa akin. Ang laki ng halaga! Baka isipin ng iba diyan piniperahan lang kita eh." sagot ko. Malakas itong natawa. Tinitigan ako sa mukha at pinindot ang ilong ko.


"Sa gwapo kong ito iyan pa talaga ang akala mo iisipin ng tao sa iyo? Hindi ba pwedeng masyado lang akong pogi kaya ka na-inlove sa akin ng todo?" tanong nito. Ako naman ang napangiti.


".Syempre naman....iyan talaga ang dahilan. Ang gwapo mo kaya at napaka maasikaso pa! Alam ko din na maraming naiinggit sa akin ngayun dahil nabihag ko ang puso ng pinaka- gwapong lalaki sa buong mundo." sagot ko.


Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mahina nitong pagtawa kaya naman napakalas ako sa pagkakayakap mula dito. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata at hindi ko maiwasan na mapangiti ng mapansin ko kung gaano ito kasaya ngayun.


"Tandaan mo Sunshine.....lahat ng makakapag-papasaya sa iyo handa kong ibigay. Makita ko lang na palaging nakangiti ang labi na iyan!" sagot nito at ito na mismo ang nagpahid ng ilang butil ng luha sa aking pisngi.


"I love you Rafael!" sagot ko "And I love you too Veronica ko!" ngiting ngiti din nitong sagot. Hinawakan ulit ako sa kamay at tinitigan sa mga mata.


"Ganito ba talaga dito sa inyo? Ang daming mga matang nanonood. Gusto sana kitang halikan sa lips eh!" nakangiti nitong sagot sabay pasimpleng luminga-linga. Hindi ko na napigilan ang matawa.


"Yes...ganito talaga sa probensya namin. Kapag may bagong mukha silang nakikita hindi iyan sila titigil sa kakasilip sa kani-kanilang bintana." sagot ko.


"Kung ganoon pasok muna tayo sa loob ng bahay niyo! Gusto kong matikman ulit ang labi mo Sunshine!" 


paglalambing na sagot nito. Muli akong natawa.


"Hindi din pwede sa loob ng bahay. Nagkalat ang mga kapatid ko doon."


sagot ko.


"Eh di sa kwarto! Sige na please... pagbigyan mo na ako.." nagniningning ang mga mata nitong wika.


"Hmmmp hindi din pwede doon. Baka kung ano ang isipin nila sa atin. Tinatawag ka na nila Kuya Kurt ohhh." wika ko dito sabay tingin sa gawi nila Kuya Kurt. Nakaupo na silang dalawa ni Mayor kasama si Tatay habang nag- uusap. May lamesa na din sa kanilang harapan. Hindi na nila kasama sila Ate Arabella at asawa ni Mayor kaya naisip ko na baka pumasok na sila sa loob ng bahay para puntahan si Nanay.


"Well, ano pa nga ba ang magagawa ko kundi magtiis. Pero magready ka dahil kapag magkaroon ako ng chance na masolo ka lagot ka sa akin." sagot nito. Nginitian ko lang ito at sabay na kaming naglakad pabalik. Dumiretso si Rafael kina Kuya Kurt at nagpasya naman akong dumiretso sa loob ng bahay para makausap pa si Ate Arabella.


"Venus grabe isa talaga ito sa binabalik -balikan ko sa lugar na ito. Ang sarap talaga ng ganitong klaseng pagkain. Naalala ko pa, ito iyung pinaka-una kong natikman ng pagkain pagkarating pa lang namin ni Mommy sa lugar na ito noon. Hanggang ngayun hinahanap- hanap ko pa rin ang lasa nito" narinig kong wika ni Ate Arabella pagkapasok ko pa lang sa loob ng kusina. Nakaupo silang tatlo sa harap ng mesa kasama na nila ang asawa ni Mayor na si Misis Andra Legaspi.


Mukhang sanay naman si Nanay sa kanyang mga kaharap dahil relax lang din naman itong nakikipag-usap sa dalawang bisita.


"Naku, gustuhin ko man na padalhan ka sa Manila pero napakahirap. Baka sa daan pa lang sira na ang mga iyan. Baka masira pa ang tiyan mo Bella kapag ipilit pa natin." nakangiting sagot naman ni Nanay.


Nagpasya na akong lapitan sila para makijoin na din. Kaagad akong nginitian ni Ate Arabella at pinaupo ako nito sa kanyang tabi.


"Kayganda talaga ni Veronica....hindi na ako nagtaka na nabihag nya ang puso ng bunso niyo Bella." sabat naman ni Misis Andra.


"Maganda ang Nanay eh. Halos ayaw ng pakawalan ng kapatid ko iyan unang pagkikita pa lang nila noon sa Mansion. Ang easy go lucky kong kapatid biglang nagtino at naging seryoso sa buhay. Kaya laking pasasalamat ng buong pamilya na dumating sa buhay namin si Veronica dahil hindi namin alam noon kung paano patitinuin si Rafael. Puro barkada at pambabae ang inaatupag." nakangiting mahabang wika ni Ate Arabella.


Mukhang ako ang magiging topic nila ngayun kaya nagpasya na akong magpaalam na muna sa kanila. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng antok. Siguro dahil maaga kaming gumising kaninang umaga. Napasulyap pa ako sa orasan at hindi ko maiwasan na magulat.... halos mag-aalas dose na din pala ng tanghali.


"Nay, pahinga na po muna ako."


paalam ko sabay tayo. Tumayo na din si Nanay at nagpaalam sa mga kausap para samahan ako sa taas ng bahay at ituro kung saang kwarto ako pwedeng magpahinga.


Pagkabukas pa lang sa isa sa mga pintuan ng kwarto dito sa taas kaagad na hinarap ako ni Nanay at nginitian. HInaplos nito ang pisngi ko bago nagwika.


"Thank you sa lahat ng ito anak. Natupad na ang pangarap mo para sa amin at masaya Kami ng Tatay mo na masaya ka sa piling ni Rafael." nakangiti nitong wika.


"Nay...." tanging nasagot ko na lang at napayakap na din dito.


"Nasurpresa din po ako ngayung araw Nay. Hindi ko din po akalain na ganito ang madadatnan ko dito sa bahay natin. " sagot ko.


"Mabait kang bata Veronica kaya ka binigyan ng ganito kalaking biyaya ng panginoon. Hangad namin ng TAtay mo ang iyung kaligayahan. Huwag mo na kaming isipin pa dahil maayos na ang kalagayan namin dito. Masaya na kami sa kung anong meron kami ngayun at habang buhay namin itong ipagpapasalamat sa iyo at sa pamilyang kumupkop sa iyo. Sa asawa mo na si Rafael na hindi nagsasawang alamin kung ano ang mga pangangailangan namin dito sa probensya......."


"Nahihya din kaming tanggapin ang lahat ng tulong nila anak...pero mapilit sila...Lalo na ang Ate Arabella mo.


Pakisabi kina Madam Carissa at Sir Gabriel...salamat kamo ha?" mahabang wika nito habang hinahaplos ang likod ko. Nakangiti naman akong kumalas sa pagkakayakap dito sabay tango.


"Hayaan nyo po Nay, sasabihin ko sa kanila at personal din akong magpapasalamat sa kanila dahil sa ginawa nilang ito sa pamilya natin." sagot ko. Kaagad itong tumango at inilibot ang tingin sa paligid.


"Sa iyo talaga ang kwarto na ito. Dito natutulog minsan si Charmaine at huwag kang mag-alala...palagi nya itong nililinisan. Alam mo naman siguro na sa lahat ng mga kapatid nya ikaw ang paborito niya." nakangiting wika ni Nanay. Hindi ko maiwasan na matawa.


Iginala ko ang tingin sa paligid. Ang laki na talaga ng ipinagbago ng lahat. Ang ganda na din ng bahay namin. May kama na din kami...hindi katulad noon na sa lapag lang kami natutulog at tabi- tabi pa.


"Sige na anak, pahinga ka na muna diyan at ako na muna ang bahala sa mga bisita." paalam na wika ni Nanay. Hinalikan pa ako sa pisngi bago tuluyan iniwan dito sa kwarto.


Kaagad naman akong lumapit sa kama Naupo at muling inilibot ang tingin sa paligid. Hindi nagtagal, nagpasya na akong mahiga na muna para umidlip kahit sandali lang. Hinihila na talaga ako ng antok.




Chapter 246


VERONICA POV


Hindi ko na namalayan pa na napahimbing na pala ang tulog ko, Naalimpungatan na lang ako nang may biglang nahiga sa tabi ko kaya kaagad akong napadilat. Napansin ko pa ang malamlam na ilaw na nagmula sa lampshade sa gilid ng kama kaya napabangon ako.


Ang balak kong pag-idlip lang sana ay nauwi pala sa mahimbing na pag- tulog. Tumingin ako sa bintanang salamin at kaagad kong napansin na madilim na nga sa labas. Kung ganoon napahaba talaga ang tulog ko. Nararamdaman ko na din ang pagkalam ng aking sikmura. Hindi pa pala ako nakakain ng lunch.


Nilingon ko pa kung sino ang biglang tumabi sa akin at kaagad na sumalubong sa paningin ko ang mukha ni Rafael. Nakapikit na ito kaya naman hindi ko mapigilan ang magtaka. Ang bilis naman nakatulog nito. Wala pang ilang minuto ng maramdaman ko ang pagtabi nito eh.


"Rafael?' pabulong kong wika. Kung talagang tulog na ito ayaw ko na sanang isturbuhin pa pero nang mapansin ko na amoy alak ito hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na tapikin ito sa kanyang mukha. Unti-unti naman itong dumilat.


"Uminom ka na naman? tanong ko. Tumitig ito sa akin at muling pumikit. Marahan akong napabuntong hininga at tuluyan ng bumaba ng kama.


Mukhang nalasing na naman ito at kailangan ko siyang palitan ng damit at punasan. Kaya lang nasa kotse pa yata ang mga gamit namin. Hindi pa ito naipasok simula ng dumating kami kaninang umaga.


"Sandali lang, ipapakuha ko muna ang mga gamit natin para mapunasan kita at makapagpalit ka na din ng damit.." bulong ko na wika dito. Kinumutan ko muna ito bago ako lumabas ng kwarto.


Pababa na ako ng hagdan ng kaagad kong napansin si Nanay na kausap pa rin nito si Ate Arabella. Mukhang nakaalis na ang asawa ng Mayor. Sabay pa silang tumitig sa akin habang palapit ako sa kanila.


"Good evening po!" bati ko sa kanilang dalawa. Sabay naman silang tumango.


"Kumusta anak? Hindi ka na namin ginising dahil mukhang ang sarap ng tulog mo kanina." kaagad na wika ni Nanay. Pilit akong ngumiti bago sumagot.


"Oo nga po! Hindi ko po talaga namalayan ang oras. Balak ko sanang umidlip lang kaya lang napasarap ang tulog ko. Lalabas lang po muna ako Nay. Kukunin ko lang ang mga gamit na dala namin dahil kailangan kong punasan si Rafael, nalasing po yata siya." sagot ko dito at akmang lalabas na ng bahay ng magsalita ito.


Inakyat na ng mga bodyguard niyo ang mga gamit na dala niyo. Inilipat kasi nila ang kotse dahil medyo dumadami ang tao sa harap ng bahay. Nakisaya na din kasi ang mga kapitbahay natin." sagot ni Nanay. Natigilan naman ako Hindi nga nakaligtas sa pandinig ko na nagkakaingay na sa labas. Mukhang nauwi sa pary-party ang lahat. Kaya siguro nalasing si Rafael.


Sa kakamadali ko kanina hindi ko napansin ang mga gamit namin. Naiakyat na pala. Sabagay, tuloy-tuloy ko kasing tinahak ang hagdan pagkalabas ng kwarto. Masyado kasi akong nataranta sa isiping nalasing na naman ang lalaking mahal ko.


"Ganon po ba? Pasensya na po...

nataranta po kasi ako eh. Baka sumuka na naman ng sumuka si Rafael, Sabi ko bawal na siyang uminom eh." sagot ko naman. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang paguhit ng ngiti sa labi ni Ate Arabella bago sumagot.


"Hey...relax ka lang. Normal lang sa isang lasing ang magsuka. Ayaw nga sanang uminom ni Rafael kaya lang nakikisama siya sa mga bisita. Hayaan mo na lang muna. Malakas si Rafael at sanay malasing ang taong iyun." nakangiti nitong sagot. Pilit akong

ngumiti at nagpaalam na sa kanila.


Wala akong time para makipag-usap ngayun. Uunahin ko munang

asikasuhin ang mahal ko at baka kung mapaano na naman.


Kasalanan ko din naman eh. Hindi ko siya nabantayan. Kung bakit naman kasi napasarap ang tulog ko eh.


Muli akong umakyat ng second floor. 


Napakamot pa ako ng aking ulo ng mapansin ko ang mga dala naming bags malapit sa pintuan nang inuukupa naming kwarto. Hindi man lang nahagip ng mga mata ko kanina dahil sa pagmamadali ko.


Kaagad kong nilapitan ang mga bags at isa-isang hinila papasok sa loob ng kwarto. Kaagad akong naghalungkat sa loob nito at nang makita ko ang dala naming damit pantulog kaagad kong inilabas. Kumuha na din ako ng face towel at muling lumabas ng kwarto. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at muling nagtanong kay nanay.


Nay, may mainit na tubig po ba tayo?" kaagad kong tanong. Kaagad naman itong tumango.,


"Oo naman! Teka, gusto mo bang magkape?"" tanong nito. Umiling ako.


"Pupunasan ko po si Rafael para maginhawaan." sagot ko. Tumango naman ito at nagpaalam muna kay Ate Arabella na maiiwan muna dito sa sala dahil sasamahan daw ako sa kusina para tulungan na makakuha ng mainit na tubig. Naghagilap na din ito ng malinis na planggana at ito na din ang naglagay ng pinaghalong mainit at malamig na tubig.


"Ayos na siguro iyan. Punasan mo kaagad siya at pagkatapos bumaba ka dito para naman makakain ka na din ng hapunan." wika nito sa akin. Tumango lang ako a mabilis na tumalikod bitbit ang maliit na planggana na may lamang maligamgam na tubig. Hindi ko na pinansin pa si Ate Arabella at diretso na akong umakyat ng hagdan.


"Masyadong nag-aalala kay Rafael! Napaka-swerte talaga ng kapatid ko."


dinig ko pang wika ni Ate Arabella kay Nanay pero hindi ko na pinansin pa. Ang gusto ko lang naman sa ngayun mapunasan si Rafael para kahit papaano mawala ng kaunti ang pagkalasing nito.


Kaagad akong bumalik ng kwarto at nilapitan si Rafael. Una kong pinunasan ang mukha nito. Umungol pa ito kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na kausapin ito.


"Bakit ka na naman kasi naglasing? Tingnan mo tuloy ikaw na naman ang mahihirapan niyan eh!" wika ko.


Pinag-igihan ko ang pagpupunas dito ng bigla nitong hawakan ang aking kamay. Unti-unting dumilat sabay ngiti.


"Hey...relax...hindi ako lasing... inaantok lang talaga ako!" nakangiti nitong wika. Nagulat naman ako. Tinitigan ko pa ang nakangiti nitong labi at namumungay nitong mga mata.


"Sure ka? Hindi ka lasing?" tanong ko.


"Yes...uminom lang ako ng kaunti bilang pakikisama sa mga kababayan mo." nakangiti nitong sagot. Hinila pa ako kaya napahiga ako sa ibabaw nito. Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa bago ako niyapos.


"Matulog muna tayo Sunshine! Kahit mga isang oras lang." bulong nito sa akin.


"Ayaw mo bang magbihis ng kahit pantulog man lang? Para naman maginhawaan ka?" tanong ko dito.


"Natatamad na akong maghalungkat sa mga gamit na dala natin. Iyung mga pasalubong din natin hindi pa natin nabibigay kila Nanay at Tatay pati na din sa mga kapatid mo." sagot nito.


"Huwag mong isipin ang bagay na iyan. Pwede naman natin ibigay ang mga iyun bukas ng umaga. Masyado din silang abala ngayun. Hindi ko din alam kung nasaan ang mga kapatid ko.


Baka tulog na din sila.... Siya nga pala nakaready na ang pantulog mo. Sige na...magbihis ka na muna. Marumi na itong suot-suot mo eh. Baka mamaya mangati ka pa." sagot ko. Umalis na ako sa pagkakadagan sa ibabaw nito kaya naman dahan-dahan na itong naupo ng kama.


Kaagad ko naman inilipag sa tabi nito ang kanyang damit na ipapalit sa kanyang suot. Ako na din mismo ang nagtaas ng t-shirt na suot-suot nito. Nagulat pa ako ng bigla ako nitong yakapin.


"Hmmm ang sweet talaga ng Sunshine ko! Napaka-maalalahanin pa! Kaya mahal na mahal kita eh..." mahina nitong wika. Sakto lang na narinig ng dalawa kong tainga. Kaagad akong napangiti.


"Akala ko ba inaantok ka na? Bitaw na para mapalitan na kita ng damit." sagot ko.


"Ayaw! Parang gusto ko ang ganitong klaseng posisyon eh." sagot nito. Hindi ko na mapigilan pa ang matawa. Alam kong nagkukunwari lang itong hindi lasing.. Ayaw lang siguro talaga nitong mag-alala ako sa kanya.


"Ako na ang kusang bumitaw sa pagkakayakap dito. Gusto ko pa sana itong punasan bago isuot ang t-shirt nito pero nagbago na ang isip ko. Mukhang antok na antok na talaga ito kaya naman kailangan ko ng bilisan ang aking kilos.


Tapos ko ng isuot ang tshirt nito ng mapansin ko ang suot nito sa pang- ibabang bahagi ng katawan. Naka- maong pants pala ito at mukhang mahirap hubarin iyun kung ako lang.


'Kaya mo ba talagang bihisan ako mag- isa?" nanunudyo nitong tanong. Iniiwas ko ang tingin dito bago sumagot.


"Oo naman!" nag-aalangan kong sagot.


Aaminin ko na madali lang itong palitan ng damit sa pang-itaas na bahagi ng katawan pero sa pang- ibabang bahagi hindi ko alam. Kaya ko ba siyang palitan ng underware? Kaya ko bang titigan ang kanyang alaga? Ayyy ewan ko lang!


Nagulat pa ako ng tumayo si Rafael. Kasunod noon ay ang paghubad nito sa kanyang suot na pantalon. Isinunod nito ang kanyang brief kaya hindi ko mapigilan ang mapatulala ng masilayan ko na ang alaga nito. Halos lumabas ang ugat niyon dahil sa sobrang tigas. Napalunok pa ako ng makailang ulit habang hindi ko maiwasan na titigan iyun.


Grabe ang taong ito...wala man lang ritwal-ritwal. Talagang naghubad siya sa harap ko na walang pasabi. Hindi ko tuloy malaman ang gagawin ko. Lalo na ng tumitig sa akin ang

namumungay nitong mga mata.


"Relax Sunshine! Pwede mong titigan pero hindi ka dapat matakot!" natatawa nitong wika. Napakurap muna ako ng makilang ulit bago sumagot.


"Sira! Nagulat lang ako! Ito na iyung pamalit mo. Bilisan mo na para makatulog ka na ulit!" sagot ko. Muli itong natawa. Mataman akong tinitigan at lumapit sa akin.


"Parang ayaw ko ng matulog Sunshine! Parang nawala na ang antok ko lalo na ng nakita kita! Parang may ibang gusto na akong gawin." malambing nitong sagot at tinitigan ako sa mga mata.


Hinawakan nito ang aking kamay at iginiya patungo sa kanyang pagkalalaki. Parang biglang nagsitayuan ang balahibo ko sa buong katawan. Pilit na pinapahawakan sa akin ni Rafael ang kanyang alaga.


Sinunod ko naman ang kanyang gusto. Hinaplos ko iyun pero nararamdaman ko na lalo itong tumigas. Parang dumuble pa lalo ang laki.


"Ganyan nga....hawakan mo Sunshine. Haplusin mo! Galit na galit na siya diba?" bulong na wika nito sa akin. Tinitigan ko ito sa kanyang mga mata kasabay ng pagtango. Muling gumuhit ang masayang ngiti sa labi nito. Kitang kita ko na sa kislap ng mga mata nito ang matinding pagnanasa.


Ilang saglit lang naramdaman ko na lang ang pagsayad ng labi nito sa labi ko. Maingat ang ginagawa nitong paghalik sa akin. Parang nanantiya. Hindi ko mapigilan ang mapapikit sabay bitaw sa galit nitong alaga at pinagsiklop ko ang braso ko sa kanyang leeg. Mainit kong tinugon ang kanyang halik.


"Kanina pa ako gigil sa iyo eh." mahina nitong wika. Mabilis nitong hinubad ang pang-itaas kong damit. Nadarang na din ako sa init na aking nararamdaman kaya nagpaubaya na din ako. Gusto ko din naman ang ginagawa niyang ito sa akin at wala ng dahilan pa para mag-inarte.


Naging abala kami sa susunod na sandali. Namalayan na lang namin pareho na nasa ibabaw na kami ng kama. Hubot hubad at parehong pinagsasaluhan ang init ng pagmamahalan.


"I love you Sunshine! I love you sooo much!" bulong nito habang walang humpay na pagtaas baba sa ibabaw ko. Kita ko ang panggigil sa mukha nito kaya naman hindi ko na napigilan pang haplusin ang pisngi nito.


"I love you too Rafael! Mahal na mahal kital" sagot ko. Hindi na ito sumagot pa at nag-cocentrate na lang sa kanyang ginagawa hanggang sa sabay namin narating ang roruk ng kaligayahan.


Pareho kaming habol ang hininga ng humiga ito sa tabi ko. Kaagad nitong hinila ang kumot para itakip sa aming kahubdan.


"Akala ko ba inaantok ka?" maya- maya tanong ko dito. Muli kong narinig ang mahina nitong pagtawa.


"biglang nawala eh. Nakakapang-init kasi ang simpleng pagdikit ng kamay mo sa balat ko." sagot nito at tumagilid paharap sa akin at mahigpit akong niyakap. Narandaman ko pa ang paghalik nito sa tuktok ng ilong ko.


"Why sooo beautiful Sunshine?" tanong nito. Napahagikhik ako.


"Siguro dahil love mo ako kaya ganoon. Ako naman ang magtanong....Why soooo handsome my love Rafael?" sambit ko. Muli itong natawa.


"Nasa lahi na namin iyan! Isa pa

beautiful ang mahal ko kaya dapat pogi din ako." sagot nito. Hinalikan pa ako nito sa pisngi kaya lalo akong nakaramdam ng kilig.


"Teka lang...maghapon ka nga palang tulog Sunshine...hindi ka pa kumakain ah?" maya-maya tanong nito. Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.


"Hayaan mo na...hindi pa naman ako gutom." pagkakaila kong sagot pero ang totoo mukhang kinakain na ng large intestine ang small intestine ko.


"Nope...hindi pwede ang ganyan. Halika na, magbihis na muna tayo. Sasamahan na kita sa ibaba para nakakain ka." wika nito.


"Ayaw mo na bang matulog? Akala ko ba inaantok ka?" tanong ko. Umiling ito.


"Nawala na ang antok ko nang masilayan ko ang ganda mo." wika nito at kaagad ng bumangon. Hinila pa ako nito kaya wala na akong choice kundi magpatianod na lang. Gutom na gutom na din talaga ako.


Nag bihis lang kami at magkahawak ang kamay na lumabas ng kwarto at kaagad na bumaba ng hagdan. Nagulat pa sila Nanay at Ate Arabella ng mapansin kaming dalawa ni Rafael na magkasama.


"Akala ko ba lasing ka?" kaagad na tanong ni Ate Arabella ng makalapit kami. Nginitian muna ito ni Rafael bago sinagot.


"Sa sobrang ganda ng asawa ko biglang nawala ang tama ng alak sa sistema ko.


Sagot nito. Kaagad naman nakatinginan sila Nanay at Ate Arabela at sabay pang tumawa.






Chapter 247


VERONICA POV


Nahihiya man sa mga pinagsasabi ni Rafael ngayun sa harap nila Nanay at Ate Arabella, wala na akong nagawa pa kundi ngumiti na lang.


Kailangan ko talaga sigurong masanay sa kanya. Alam ko naman kung gaano nya ako kamahal kaya nasasabi niya ang mga katagang ito sa harap ng mga taong malapit sa akin.


"Dapat talaga magpakasal na kayo sa simbahan eh." wika ni Ate Arabella. Nakangiti itong nakatingin sa amin ni Rafael.


"Iyan ang susunod naming pagpaplanuhan Ate. Hindi pa namin pareho maasikaso ang tungkol diyan dahil alam niyo naman po itong mahal ko, halos ayaw lumiban sa klase nya."

nakangiti namang sagot ni Rafael.


Totoo naman kasi talaga ang sinasabi nito. Alam kong maraming oras ang dapat namin gugulin sa pagpaplano ng kasal. Wala pa akong oras tungkol doon. Mas priority ko ngayun ang aking pag-aaral dahil gusto kong ipagmalaki ako ni Rafael sa kahit kanino. Lalo na ngayun na hindi lingid sa kaalaman ko kung anong klaseng estado ng buhay ang ginagalawan niya sa lipunan.


Sa panahon ngayun, iba na ang nakatapos sa pag-aaral. Hindi ako ipinanganak na mayaman katulad ni Rafael at gusto kong kahit papaano may maipagmalaki ako sa ibang tao. Na kahit papaano nakatapos ako sa aking pag-aaral. Kapag mangyari iyun, siguro ako na ang magyayaya sa kanya para magpakasal kami sa simbahan.


Sapat na sa akin na may pinang- 

hahawakan na kaming papel na mag- asawa na kami sa batas ng bansa. Malaki ang tiwala ko kay Rafael at alam kong hindi niya ako sasaktan. Kahit na anong mangyari pareho na kaming nakatali sa isat isa. Legal ang pagsasama namin dahil may pinirmahan kaming marriage contract at ang importante buong puso akong tinanggap ng mga Villarama lalong lalo na nila Tita Carissa at Tito Gabriel.


"Isingit niyo sa schedule nyo. Iba pa rin ang may basbas ng simbahan ang pagsasama niyo. Lalong titibay ang pagmamahalan niyong dalawa." sagot naman ni Nanay.


"Ibig nyo pong sabihin Nay, pumapayag na po kayong maging asawa ko na si Veronica?" excited na tanong ni Rafael. Muling nagkatinginan si Ate Arabella at Nanay.


"Bakit, hindi pa ba kayo mag-asawa? Bakit kwento ni Bella nagpakasal na daw kayo sa huwes sa Manila?" nagtataka namang tanong ni nanay. Kaming dalawa naman ni Rafael ang nagkatinginan sabay na napangiti.


"Naku! Mukhang hindi mo pa ito nasabi sa mga magulang ni Veronica ah. Sa Maynila kalat na kalat na ang pagiging mag-asawa niyo kaya wala ng dahilan pa para isekreto nyo dito sa probensya." muling wika ni Ate Arabella.


Kaagad naman napakamot ng kanyang ulo si Rafael. Nakangiti nitong hinarap si Nanay at hinawakan sa kamay. Hindi naman ako makapaniwala na nakatingin lang kay Rafael. Ni sa hinagap hindi ko akalain na makikita ko itong ganito kabait sa harap ng mga magulang ko. Kita ko ang pagrespito nito kay Nanay ngayun.


"Pasensya na po kayo kung nagawa ko iyun. Masyado lang po talaga akong dispirado! Mahal ko po ang anak nyo at ibibigay ko po ang lahat ng makapag- papaligaya sa kanya." buong pagpapakumbaba na wika ni Rafael. Parang may kung anong mainit na bagay ang biglang humaplos sa puso ko.


SA kabila ng mataas na antas ng buhay na meron ito nagawa nitong makipag- usap kay Nanay na puno ng respito. Tinitingala sa lipunan ang pamilya nito. Isa sa mga tagapagmana ng Villarama. Pagkatapos nakikita ko sya kung paano ngayun magpakumbaba kay Nanay? Muli na naman akong pinahanga ng isang Rafael Villarama. Hindi ko na napigilan pa ang paguhit ng masayang ngiti sa labi ko.


"Salamat Rafael. Alam naming lahat kung gaano ka ka-seryoso sa anak namin. Alam namin kung gaano mo kamahal si Veronica. Masaya kami dahil sa kabila ng kahirapan ng buhay meron kami tinanggap niyo si Veronica ng walang pag-aalinlangan."

seryosong sagot ni Nanay. May ilang butil pa ng luha na biglang lumabas sa mga mata nito kaya naman bigla akong nakaramdam ng pag-aalala para dito.


"Nay naman, bakit po kayo naiiyak? Akala ko po ba ayos lang sa inyo na mag -asawa na ako?" wika ko sa kanya sabay lapit at hinimas ang kanyang likod. Bumitaw naman ito sa pagkakahawak ni Rafael. Hinarap ako ni Nanay at kita ko ang pinaghalong lungkot at saya sa mga mata nito.


"Hindi ko lang talaga akalain na babalik ka sa lugar natin na may kasama nang asawa. Umalis ka noon na halos hindi ka pa marunong magsuklay ng maayos sa buhok mo." wika nito sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi. Kailangan pa ba nyang sabihin na hindi ako marunong magsuklay ng buhok noon? Nakakahiya kay Rafael.


"Nay naman! Wala namang ganyanan!


"Nagmamaktol kong sagot. Kaagad naman ako nitong pinandilatan.


"Hep! Hep! Hindi pa ako tapos. Huwag kang sumagot hanggat hindi ko sinasabi!" istrikta nitong wika. Muli akong napangiwi at napasulyap kay Rafael. Kita ko sa mukha nito ang pagpipigil na matawa. Wala naman akong magawa kundi manahimik na lang muna. Baka mamaya makurot pa ako sa singit ni Nanay eh. Patapusin ko daw muna siya...Eh di sige.....


"Ibang iba na din ang pananamit mo kumpara noon. Hindi ko akalain na may mas igaganda ka pa! Halos hindi kita nakilala kanina! Ang laki na ng ipinagbago mo at masayang masaya kami ni Tatay mo dahil doon. Pasensya ka na kung hindi ka namin masyadong naalagaan noong bata ka pa.


Nagkataon kasi na hindi namin alam ng Tatay mo ang salitang family Planning. Dumami tuloy ang mga kapatid mo kaya kahit pag-aaral mo hindi na namin naging priority."

lumuluha na wika ni Nanay.


Hindi ko na din mapigilan pa ang maiyak. Akala ko pa naman hindi ako maiyak sa sasabihin nito. Akala ko talaga ikikwento nito kung gaano ako ka-baduy noon.


"Nay naman, akala ko ba happy-happy lang tayo. Hindi naman na dapat pang ungkatin ang nakaraan. Tapos na tayo sa kabanatang iyun. Hindi po ako nakakaramdam ng kahit anong galit at pagtatampo sa inyo....."


"Masaya po ako na kayo ang nagiging mga magulang ko. Kahit na naghihirap tayo ramdam na ramdam ko naman ang pagmamahal niyo sa akin. Pinalaki niyo ako bilang isang mabuting anak at kahit na ano pa man ang mangyari, kayo pa rin ang pipiliin kong maging mga magulang...."


"Salat man tayo sa yaman pero hindi naman kayo nagkulang sa pagmamahal na ibinibigay sa amin ng mga kapatid ko! Kaya tama na iyan! Dapat magsaya tayo ngayun. Nandito kami ni Rafael, nandito din ang bestfriend mong si Ate Arabella, tanggap ako ng pamilya ng lalaking mahal ko...kaya wala ng dahilan pa para umiyak kayo diyan." mahaba kong wika sabay pahid ng luha sa aking mga mata na hindi ko man lang namalayan na tumulo na pala. Bakit ba ganito ang topic namin ngayun. Hindi ko tuloy mapigilan ang maluha.


"oo nga naman Venus. Hindi matapobre ang pamilya Villarama. Maswerte din kami na si Veronica ang minahal ng kapatid namin. Malinis siyang babae at nakita namin kung paano niya alagaan si Rafael. Wala siyang ibang bukang bibig noon kundi kayo at ang mga kapatid nya. Nagsisikap siyang mag-aral ngayun para sa inyo. Kung tingin niyo maswerte ang anak nyo kay Rafael, mas maswerte ang kapatid ko. Nakatagpo siya ng babaeng responsable. Nagbago ang pananaw sa buhay niyan simula ng dumating ang anak nyo sa buhay niya." nakangiting sabat naman ni Ate Arabella. Bigla tuloy napatikhim si Rafael.


"Ate naman! Huwag mong sabihin na pati ang nakaraan ko naikwento mo na kay Nanay. Baka mamaya magbago ang isip nyan at ilayo nya sa akin ang Veronica ko! Habang buhay talaga kitang sisisihin." apila ni Rafael. Lalong natawa si Ate Arabella.


"Ang alin? Ang pagiging babaero at basagulero mo noon? Hindi mo dapat ikahiya ang lahat ng iyun dahil bahagi na iyun ng pagiging easy go lucky mo!" pang-aasar na sagot ni Ate Arabella. Matalim naman na tinitigan ni Rafael ang kanyang kapatid.


"Hayy Ate talaga! Kapag ganyan ka palagi, iba-ban kita sa kasal naming dalawa ni Veronica sa simbahan." pagbabanta na wika ni Rafael sa kapatid. Lalo naman natawa si Ate Arabella.


"Well, Kung kaya mong tiisin ang Ate mo ayos lang." nang-aasar na muling sagot ni Ate Arabella. Bago pa mapikon ng tuluyan si Rafael nilapitan ko na ito. Hinawakan ko sa kanyang braso para matigil na ang nag-uumpisang bangayan nilang dalawa ni Ate Arabella.


"hindi naman na ako apektado sa pagiging babaero mo noon. Huwag mo lang uulitin dahil malalagot ka sa akin. nakangiti kong sagot kay Rafael. Tumitig ito sa mga mata ko at napatango.


"Promise ikaw lang!!! Saksi sila Nanay at Ate! Hindi ko na babalikan pa ang dating gawain ko! Hindi na ako titingin sa iba. Ikaw lang sapat na!!!" nakangiti nitong sagot. Bigla naman akong kinilig.


"Naku, humahaba na ang usapan na ito. Sige na mga anak baka maihi pa kami sa sobrang kilig habang pinapanood kayong dalawa! Kayo na ang bahala sa mga sarili niyo, may mga pagkain sa kusina... Bahala na kayong maghanap ng mga gusto nyong kainin dahil lalabas kami ng Ate Arabella mo. Hinihintay na kami ng mga bisita natin sa labas.." pag-iiba ni Nanay nang usapan na siyang sinang-ayunan naman kaagad ni Ate Arabella.


Sabay kaming tumungo ni Rafael at nag -excuse na sa kanila dahil kanina pa talaga nag-aalburuto ang tiyan ko sa sobrang gutom. Bigla kasing naging seryoso ang usapan namin kaya naunsyami ang balak kong kanina pa maghalungkat ng makakain sa kusina. Hawak kamay kaming nagpaalam ni Rafael sa kanilang dalawa at tinunton ang pinto ng kusina.


Tama nga si Nanay, ang daming pagkain na nasa lamesa. Ibat ibang putahe at lutong probensya kaya hindi ko maiwasan ang matakam.


Masaya kaming kumain ni Rafael. Nagsusubuan pa kaming dalawa. Masaya kaming nagkikiwentuhan at halos hindi namin namalayan na paubos na pala ang pagkain na nasa aming pinggan.


"Nagyaya nga pala bukas ng umaga si Kuya Kurt na samahan natin sila sa bibilhing beach resort. Ayaw ko nga sana dahil balak kong umuwi na tayo ng Manila after lunch pero mapilit siya. Gusto daw niyang kunin ang opinyon ko kung worth it ba na bilihin nila ang property na iyun. What do you think Sunshine? Baka gabihin na tayo bukas kong sasama pa tayo sa kanila"


Patapos na kaming kumain ng sabihin iyun sa akin ni Rafael. Saglit akong natigilan.


"Baka magtampo sila kapag hindi natin sila sasamahan. Actually, nabanggit na din ni Ate Arabella ang tungkol dito kanina at umuo na ako." sagot ko naman.


"So, okay lang sa iyo na medyo late na tayong makauwi ng Manila? Knowing to Ate Arabella, may pagkamakulit siya at baka kung saan-saan pa tayo dadalhin. Ayos lang naman sa akin pero ikaw ang inaalala ko. May pasok ka sa School sa monday at need na talaga natin makauwi bukas para naman medyo makapagpahinga ka pa ng mas mahabang oras." mahabang sagot ni Rafael.


May punto ang sinasabi nito. Hanggat maari ayaw kong umabsent sa School. Pero mahirap naman na hindian si Ate Arabella. Nakakahiya at baka sumama na ang loob sa amin. Excited na naman sa bibilhing resort.


"I think hindi naman masama kung aabsent ulit ako sa Monday kung sakaling ma-late ang balik natin ng Manila. Isang araw lang naman siguro iyun at maghahabol na lang ako ng lessons. Ang inaalala ko lang ay ikaw... hindi bat may pasok ka sa office? Baka mapagalitan ka ni Tito Gabriel kapag hindi ka makapasok." sagot ko. Kaagad itong napangiti.


"Sunshine, ako na ang boss ng Villarama Empire. Walang problema kung papasok ako o hindi. Hawak ko ang oras ko at pwede kong gawin ang trabaho ko kahit wala ako sa opisina." sagot nito. Bigla tuloy akong napaisip. Kung ganoon wala nang problema. Kapag galuhin kami ng oras liliban na lang siguro ako sa klase kahit isang araw lang. 


"Sige..ayos lang din sa akin kahit late na tayo makauwi. Bahala na. Hindi naman siguro ako babagsak sa klase kung sakaling aabsent na naman ako. Tatawagan na lang din natin bukas sila Tita at Tito. Baka mag-alala sila sa atin eh.": sagot ko.


"Sure! Iyan din ang balak ko. Alam mo naman si Mommy, hindi mapakali iyun hanggat hindi tayo kumpleto sa mansion. Huwag mo na din isipin ang tungkol sa absent mo. Ako ang bahala sa iyo. Makakapag-college ka next year kahit palagi kang absent."


makahulugan nitong sagot. Hindi ko na pinansin pa.


Busog na ako at kailangan ko ng magligpit ng aming pinagkainan. Tumayo na din si Rafael at tinulungan ako nitong dalhin ang mga ginamit naming pinggan papuntang lababo.


"Ako na ang maghugas ng mga ito Sunshine. Maupo ka na lang diyan dahil alam kong pagod ka." nakangiti nitong wika.


"Ayos lang. Hindi mo gawain ang maghugas ng pinggan. Ako na ang bahala dito. Mahaba na ang naitulog ko kanina kaya dapat ikaw ang magpahinga." nakangiti kong sagot at hinila ito papunta sa isang upuan at pilit na pinaupo. Wala na itong nagawa pa kundi ang magpatianod na lang. Kinintalan pa ako ng mabilis na halik sa labi bago binitiwan ang kamay ko.


Iilang piraso lang naman ang huhugasan kong kubyertos kaya mabilis din akong natapos. Muli kaming bumalik na sala at kaagad naming napansin na wala na sila Nanay. Nagpasya na lang kaming dalawa ni Rafael na lumabas na lang muna para tingnan ang mga kaganapan sa labas.


Nagulat pa ako ng mapansin ko na marami ngang bisita dito sa labas. Nagkalat din ang bote ng alak sa paligid. May napansin din akong mahabang lamesa na may mga pagkain na nakalatag. Namataan ko pa sila nanay at Ate Arabella na nakaupo sa isang lamesa at kausap ang ilan sa aming mga kapitbahay.


"Kabati na ba nila Nanay ang mga Marites namin na mga kapitbahay?" hindi ko maiwasang sambit na hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Rafael. Nagulat pa ito nang marinig ko ang malakas nitong pagtawa.





Chapter 248


VERONICA POV


Hindi ko mapigilan na makurot sa tagiliran si Rafael. Kung makatawa naman kasi ito wagas. Napatingin tuloy sa amin ang lahat ng mga bisita. Kaagad naman akong kinawayan ni Ate Arabella kaya hinawakan ko sa kamay niya si Rafael at halos hilahin palapit doon.


"Mabuti naman at tapos na kayong kumain. Teka, umiinom ka ba nito?" kaagad na tanong ni Ate Arabella nang makalapit kami. Itinaas pa nito ang isang bote ng alak. Usong inumin na nakakalasing dito sa probensya namin. Lambanog at sa tanang buhay ko never ko pang natikman iyun at wala akong balak na tikman.


"Ate, huwag mo nang idamay ang Veronica ko sa pagiging lasenggera mo. Uminom ka lang hanggat gusto mo. 


Magyayaya pa eh." kaagad naman na sabat ni Rafael. Nakahinga naman ako ng maluwag. At least todo rescue ito ngayun sa akin. Ayaw ko din naman uminom eh. Nakakahiya kay Rafael pero nakakahiya din naman tanggihan si Ate Arabella.


"Sus! Lumalabas na naman ang pagiging possessive mo. Hayaan mo nga minsan mag-enjoy iyang love of your life mo. Punta ka doon sa pwesto ng mga lalaki oh? Hayaan mo muna si Veronica dito sa amin.... Hindi mo ba napansin kanina ka pa tinatawag ng Kuya Kurt mo?" sagot naman ni Ate Arabella. Napalingon naman ako sa kinaroroonan nila Kuya Kurt na noon ay maraming alak na nakalagay sa kanilang lamesa.


Wala sa sariling napahigpit ang hawak ko kay Rafael. Hanggat maari ayaw ko nang uminom ito. Baka malasing na naman at mahihirapan na naman ang kanyang katawan.


"Hey relax...hindi na ako iinom ngayun. Puntahan ko lang sila saglit pero babalikan din kaagad kita dito." malambing na bulong nito. Pinisil pa nito ang palad ko at tuluyan nang tumalikod. Nasundan ko na lang sya ng tingin.


"Lalong gumanda si Veronica. Tama ang hula ko noon, makakabingwit talaga siya ng mayaman sa Manila. Grabe...hindi lang basta mayaman... bilyonaryo pa!" Mula sa pagmamasid ko kay Rafael naagaw ang attention ko nang biglang nagsalita si Manang Milagros. Kapitbahay din namin siya at numero unong tsismosa. Hindi na ako nagtaka kung bakit nandito ito ngayun. Wala itong pinapalagpas na okasyon. Kusa itong dumadating kapag may naaamoy na handaan.


"Hindi lang maganda. Napaka- maalalahanin pa. Kaya nga botong boto ang mga magulang namin sa kanya eh. " nakangiting sagot naman ni Ate Arabella. Dito talaga ako bilib kay Ate, ang galing nitong makibagay. Napaka- makatao nito at wala itong kaarte-arte sa katawan. Kaya siguro naging kaibigan ito ni Nanay dahil hindi ito matapobre. Pantay-pantay ang tingin niya sa lahat mapamayaman man at mahirap.


"Mabuti na din kung ganoon. Hayyy ang swerte nga naman ng isang tao hindi mo malalaman kung kailan darating. Kaya nga palagi kong pinapangaralan ang mga anak ko na huwag munang mag-boyfriend. Dapat gawin nilang inspirasyon si Veronica. Sa sobrang bait nakasilo ng bilyonaryo. " madaldal naman na sagot ni Aling Milagros. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi.


"Pangarap ko din na makapag-asawa ng mayaman ang mga anak ko. Sa sobrang hirap ng buhay ngayun iba ba ang ma-pera. Baka naman may kakilala kayong mayaman na naghahanap ng shota... Ireto niyo naman ang anak ko." muling banat ni Manang Milagros.


Parang ako na ang nahihiya sa mga lumalabas sa bunganga nito ngayun. Wala sa sariling napatingin ako kay Nanay at kaagad kong napansin ang pasimpleng pag-ismid nito samantalang si Ate Arabella naman ang pigil sa kanyang pagtawa. Walang kahihiyan talaga itong si Aling Milagros. Sigurado, bukas ng umaga ako ang headline ng balita dito sa lugar namin. Alam kong irereport niya sa lahat ng makakausap niya ang mga nangyari ngayung gabi.


Kung bakit naman kasi nauwi sa party- party ang lahat. Balak ko pa naman sanang makasama at makausap ng matagal sila Nanay at Tatay pero parang hindi na mangyayari iyun. Magiging busy ulit kami bukas. Ang mga pasalubong nga na dala-dala namin hindi pa namin naiabot sa kanila.


Siguro babawi na lang ako sa susunod na pag-uwi namin. Hindi na din muna ako magbabakasyon dito kung hanggang dalawang araw lang din naman. kulangin talaga kami sa oras. Mabibitin lang kaming lahat.


"Hindi din naman natin mapipigilan ang mga anak natin kung gusto na din talaga mag-asawa. Sa amin naman ni Kurt hindi namin panghihimasukan

kung sino ang gusto ng mga anak

namin. Susuportahan namin sila kung sakaling may mga napupusuan man sila. Mayaman man o mahirap. "sagot naman ni Ate Arabella.


"Ilan ba ang anak mo Mam?" tanong naman ni Manang Milagros. Tuwing nagsasalita ito hindi ko maiwasan na kabahan. Baka kung anu-ano ang lalabas sa bibig nito. Wala pa naman itong preno kung magsalita.


"Dalawa lang. Iyung panganay ko malapit ng ikasal." nakangiting sagot ni Ate Arabella.


"Bakit? ilang taon na ba ang panganay mo? May anak na pala kayong dalawa ng asawa mo? Akala ko talaga bagong kasal lang din kayo ng asawa mo. Napakabata mo pa tingnan Mam Bella. " sagot ulit ni Manang Milagros.


"Ano po ba kayo Manang!. Matanda lang ng isang taon kay Veronica ang panganay kong anak. Babae siya at malapit niya na kaming mabigyan ng apo." nakangiting sagot ni Ate Arabella. Mabuti na lang talaga at parang ayos lang dito ang mga tanong na ibinabato sa kanya ni Manang Milagros.


"Ayyy ganoon ba? Naku...siguro bilyonaryo din ang magiging asawa ng anak nyo? Ang swerte niyo talaga Mam. Siguro nang magpaulan ng swerte ang langit sinalo mo lahat at ng pamilya niyo!" muling sagot ni Manang Milagros. Talo talaga nito ang reporter kung mag-ungkat ng buhay ng may buhay. Interesado siya sa buhay ng pamilya ni Ate Arabella eh hindi naman sila masyadong magkakilala.


"Siguro nga! Pero ang mga mayayaman katulad lang din ng isang ordinaryong tao. Marami din kaming pinagdadaanan. Marami din kaming nailuha bago kami sumaya."

makahulugang sagot ni Ate Arabella. Hindi ko naman maiwasan na mapatitig dito. Lalo na nang mapansin ko ang lungkot na biglang gumuhit sa mga mata nito.


"Naku, mukhang pagod ka na Ate ah? Baka gusto mo nang magpahinga.


Sasamahan ko po kayo. Mukhang wala pang balak tapusin nila Kuya Kurt ang pag-iinuman eh." sumagot na ako sa pag-uusap nila. Baka kung saan na mapunta ang topic eh. Bigla ko kasing napansin ang pagbabago ng mood ni Ate Arabella.


"Oo nga naman Bella. Magpahinga ka na muna. Mukhang nag-i-enjoy pa ang mga asa-asawa natin sa kanilang inuman. Malinis na ang kwartong tinutulugan niyo palagi." sagot naman ni Nanay.


"Sige...pagod na nga siguro ako. Paano ba iyan, mauuna na ako sa inyo. Siguro yayayain ko na din si Kurt. Hindi ako matatanggihan ng taong iyan eh." pilit ang ngiti na wika ni Ate Arabella at tumayo na ito. Kaagad ko naman itong hinawakan sa kanyang braso. Hindi naman ito lasing pero bakit parang ang lungkot nya ngayun?


Hindi ko maisip na ang isang

masayahing tao na katulad nito ang may itinatago din palang lungkot. Gusto ko man alamin iyun pero nakakahiyang magtanong dito.


Sabay na kaming naglakad patungo sa mga nag-iinuman na kalalakihan. Kaagad naman tumayo si Rafael nang mapansin nito na palapit kami ni Ate Arabella sa kinaroonan nila. Nagtataka naman na napatayo na din si Kuya Kurt!


"Kuya, gusto na daw matulog ni Ate." ako na ang nagsalita. Kaagad naman lumapit si Kuya Kurt at hinawakan sa kamay ang asawa.


"Ganoon ba? Sige...mabuti pa nga siguro at masyadong late na." sagot naman ni Kuya Kurt at binalingan ang mga kainuman at nagpaalam na. Wala naman nagawa ang lahat kundi ang sumang-ayon.


"Well, I think mauna na din ako sa inyo mga kaibigan, Tay!" paalam

naman ni Rafael. Tumingin pa ito sa gawi ni Tatay na sa tingin ko lasing na din. Wala kaming choice kundi hayaan na din ito. Hindi naman siya pababayaan ni Nanay. Baka yayain na din ni Nanay ito na magpahinga na din lalo na at nagpaalam na sila Rafael at Kuya Kurt.


Nagpasya na kami ni Rafael na pumasok na din sa loob ng bahay. Naabutan pa namin sila Ate ARabella at Kuya Kurt na paakyat na ng hagdan. Tahimik ko na lang silang nasundan ng tingin.


"So, paano ba ito? Kailangan na din siguro nating matulog. Inaantok na din ako eh." pagyaya sa akin ni Rafael. Kaagad naman akong tumango at hawak kamay naming binaybay ang hagdan paakyat patungo sa inuukupa naming kwarto.


Mabuti na din at kahit papaano may banyo dito sa second floor ng bahay.


Sabay na kaming naglinis ng katawan ni Rafael dahil iniisip namin na baka gagamit din ng banyo sila Ate Arabella at Kuya Kurt. Iniiwasan na din namin na magharutan muna para mapabilis kami. Nakakahiya sa mga susunod na gagamit ng banyo kung matatagal pa kami dito sa loob.


Pagkatapos namin gawin ang aming evening routine ay magkatabi na kaming nahiga ni Rafael sa kama. Nakaunan ako sa kanyang braso habang nakayakap naman ako sa kanya. Kumportableng kumportable ako sa posisyon namin kaya kaagad akong nakatulog.


Kinaumagahan...mataas na sikat ng araw na tumatagos mula sa bintana ng kwarto ang nagpagising sa akin. Kaagad na dumako ang tingin ko sa mahimbing pa rin na natutulog na si Rafael. Napakaamo ng mukha nito at hindi ko maiwasan na haplusin iyun.


Grabe...parang sa tanang buhay nito hindi man lang yata ito tinubuan ng tagihawat. Wala man lang kahit na kabakas-bakas na peklat. Mas makinis pa nga yata ang mukha nito sa mukha ko eh.


"Good Morning Sunshine!" nagulat pa ako ng bigla itong dumilat at tumitig sa akin. Huling huli tuloy ako nito na tulalang nakatitig sa mukha niya. Inilapit pa nito ang kanyang mukha sa mukha ko at kaagad na sumayad ang labi nito sa labi ko. Kaagad naman akong nakaramdam ng pagkailang.


Hindi pa ako nakakapagmumog. Baka mamaya bad breath ako. Nakakahiya kay Rafael.


"Teka lang...bakit kiss kaagad? Hindi pa ako nakakapag-toothbrush eh!"


angal ko at pilit na lumalayo sa kanya. Kaya lang mas lalong hinigpitan nito ang pagkakayapos sa akin. Nginitian ako bago nagsalita.


"Sino ang nagsabi sa iyo ng bad breath ka? Ang fresh nga ng hininga mo eh." malambing na sagot nito at muli akong hinalikan sa labi. Wala na akong nagawa pa kundi hayaan na lang siya. Hindi naman daw ako bad breath kaya bahala siya.


Nag-umpisa na naman lumikot ang mga kamay ni Rafael nang sabay namin marinig ang mahinang katok sa pintuan ng kwarto. Wala tuloy sa sariling napalayo ako kay Rafael at napabangon. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Rafael.


"Hey, relax! Bakit ba napaka- magulatin mo. isa lang sa mga kapamilya mo ang kumakatok."

natatawa nitong wika at bumangon na din ito ng kama. Nakayapak na naglakad ito patungo sa pintuan ng kwarto at binuksan iyun. Kaagad ko naman narinig ang pagbati ng kapatid kong si Angelo dito.


"Good Morning Kuya Rafael, pinapatawag na po kayo ni Ate Arabella. Sabay na daw po kayong kumain." wika ni Angelo. Nilingon muna ako ni Rafael bago sinabihan nito si Angelo na susunod na kami. Kaagad naman nagpaalam ang kapatid ko kaya naman muling isinara ni Rafael ang pintuan ng kwarto at naglakad pabalik sa kina-uupuan ko.




Chapter 249


VERONICA


Bitbit ni Rafael ang bag na may lamang mga pasalubong para sa pamilya ko tinahak namin ang hagdan pababa. Hindi ko nga alam kung ano pa ang mga laman sa loob kasi hindi ko naman nakita kung paano niya iyun inimpake. Hindi ko alam kung ano ang mga pinamili nito maliban lang sa mga alahas na binili namin noon sa mall.


"Good Morning Nay! Good Morning Tay!" halos sabay pa kaming bumati ni Rafael sa kanilang dalawa ni Nanay at Tatay nang maabutan namin sila dito sa loob ng kusina. Dito na kasi kami dumiretso ni Rafael dahil wala naman kaming naabutan nang kahit na sino sa sala.


"Good Morning din sa inyo mga anak! Mabuti naman at nakababa na kayo.


Nasa labas na ang Ate Arabella at Kuya Kurt nyo. Hinihintay kayong magising dahil pupuntahan niyo daw ang beach resort na gusto nilang bilhin." mahabang sagot ni Nanay.


"Opo, Pasensya na po medyo napatanghali ang gising namin. Hindi po kasi nabanggit ni Ate kagabi na maaga pala kami aalis ngayun." sagot naman ni Rafael.


"Ayos lang. Halos lahat naman tayo napuyat kagabi." sagot naman ni Tatay. Kaagad na dumako ang tingin nito sa bag na dala ni Rafael.


"Teka lang...bakit may dala pa kayong bag? Hindi na ba kayo dadaan dito mamaya pagkatapos niyong puntahan ang resort na gustong bilhin ni Bella? Nabanggit sa akin kanina ni Bella na medyo magtatagal sila dito dahil kapag matuloy daw ang bayaran aayusin daw kaagad nila ang mga papeles.' Muling mahabang wika ni Nanay. Nakatitig din ito sa bag na dala ni Rafael na sa pagkakataon na ito inilapag niya sa gilid ng pintuan ng kusina.


"Mga pasalubong po ito sa inyo ni Veronica. Hindi na po namin naiabot kahapon sa inyo dahil bigla po tayong naging busy lahat." nakangiti namang sagot ni Rafael sabay luminga-linga sa paligid.


Hindi ko naman maiwasan na magulat. Anong pasalubong ko? Sa kanya naman galing ang mga iyun. Gayunpaman hindi na ako nagkumento pa. Mapapahaba lang ang usapan namin at baka magtampo pa si Rafael sa akin.


"Pa-para sa amin lahat ang laman ng bags na iyan? Ang dami naman niyan. Naku, masyado ng nakakahiya. Nag- abala pa talaga kayo." sagot naman ni Nanay.


"Huwag po kayong mahiya Nay. Maliit lang po na bagay ito. Biglaan lang ang desisyon namin na dumalaw dito kaya ito lang ang bitbit namin. Pagpasensyahan niyo na po sana."


sagot namang muli ni Rafael. Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang pag- uusap.


"Teka po pala, nasaan po ang mga bata. May pasalubong din ako para sa kanila." muling wika ni Rafael.


"Nasa labas. Kausap ang Ate Arabella niyo. Kapag nandito iyan sa bahay halos nakapalibot ang mga batang iyan sa Ate Arabella nila. Hindi ko din akalain na napakahilig pala sa bata ang kapatid mong iyan Rafael. Napakabait pa."


sagot ni Nanay.


"Ganyan lang po talaga iyan si Ate Nay. Mabait talaga iyan sa mga bata. Sa sobrang hilig sa mga bata kapag birthday niyan sa mga bahay ampunan palagi ginaganap. " sagot ni Rafael. Napatango naman ako. Naalala ko nga na noong birthday ni Ate Arabella hindi ito nagpa-party. Iyun pala nasa bahay ampunan sila. Kung alam ko lang sana sumama ako.


"Ganoon ba? Naku, talagang walang katulad ang ugali ng kapatid mong iyan. Kaya lalong pinagpapala eh." muling sagot ni Nanay.


"Sige na...kayo na muna ang bahala dito. Tatawagin ko muna ang mga bata. Kain muna kayo diyan habang hinihintay sila. May mga pagkain nang nakahain sa mesa kayo na ang bahalang pumili nang gusto niyong kainin." muling sagot ni Nanay at sabay pa silang dalawa ni Tatay na naglakad palabas ng kusina.


Kaagad naman kaming naupo ni Rafael sa harap ng mesa at isa-isang tiningnan ang mga pagkain na nakahain.


Talo pa ang may fiesta sa sobrang daming pagkain na nakahain sa mesa. May mga ibat ibang klaseng kakain, may sinangag at ulam na din. Siguro sobrang aga gumising nila Nanay para lang mailuto lahat ng mga ito.


"Anong gusto mong kainin??Rafael? Gusto mo ipagtimpla kita ng kape?" tanong ko dito nang kami na lang dalawa ang naiwan dito sa kusina.


Hindi ko ito masyadong napapansin na nagkakape sa mansion pero naalala ko na ininom nito ang kape na tinimpla ko kahapon.


"Ikaw!" sagot nito.


"Anong ako?" nagtataka ko ding sagot sa kanya. Mukhang kulang pa sa tulog ang mahal ko. Hindi masagot-sagot nang maayos ang simpleng tanong ko.


"Ikaw ang gusto kong kainin!"


pabulong na wika nito sabay kindat. Hindi ko naman maiwasan na makaramdam nang pag-iinit ng mukha.


"Sira ka talaga!. Ang aga-aga eh. Hindi pwede iyang iniisip mo. Alalahanin mo hinihintay tayo nila Ate sa labas." sagot ko. Mahina itong natawa.


"Sige na nga kape na lang muna. Tsaka na ako babawi kapag ma-solo kita ulit.! " nakangiting muling banat nito at nag -umpisa nang kumuha ng kakanin.


Hindi ko naman maiwasan na mapangiti habang naglakad ako papunta sa kinalalagyan ng mga kape at mainit na tubig para ipagtimpla na ito ng gusto niyang kape.


Hinahalo ko na ang kape nang bigla na lang nagsidatingan ang mga kapatid ko. Sabay-sabay pa silang bumati ng Good Morning sa aming dalawa ni Rafael. Nilapitan pa ako ni Charmaine at hinalikan ako sa pisngi.


Kung titingnan malayong-malayo na sa dati ang mga kapatid ko. Hindi na sila gusgusin at malinis na silang tingnan. Ang lulusog na din sila at halatang alagang alaga sa pagkain na syang labis kong ipinagpasalamat.


"Kuya...sabi ni nanay may dala daw po kayong pasalubong sa amin? Nasaan na po?" kaagad na tanong ni Charmaine pagkatapos nitong makalapit kay Rafael.. Tumabi pa ito sa kay Rafael at kung umasta akala mo matagal na nyang nakakasama ang Kuya Rafael niya. Sabagay, sa nasabi ko na si Charmaine ang pinaka vocal sa amin. Ito lang din ang hindi mahiyain sa lahat ng mga kapatid ko.


"Uyyy Charmaine..patapusin mo muna ang Kuya at Ate niyo sa pagkain. Mamaya na kayo mangulit." kaagad na saway ni Tatay sa mga ito. Kakapasok lang nito ng kusina at sinaway kaagad niya ang mga kapatid ko nang

mapansin na nakapalibot ang mga ito kay Rafael. Hindi na nga ako makasingit eh.


"Naku, hayaan niyo na po. Kakanin lang naman ang gusto kong kainin. Kahapon pa nga sana namin gustong ibigay sa kanila itong mga pasalubong namin kaya lang naging abala naman po tayong lahat." sagot naman ni Rafael sabay tayo. Naglakad ito patungo sa maleta at binuksan iyun. Kaagad na tumampad sa mga mata ko ang ibat ibang klaseng mamahaling Chocolates.


"Wow! Ang dami! Ang sarap nito."


kaagad na wika ni Charmaine. Kaagad itong kumuha ng isa kaya kaagad naman sinaway ni Tatay.


"Ayos lang po Tay. Para po talaga sa inyo itong mga dala namin. Kayo na po ang bahalang maghalungkat. Lahat nang nasa loob ng maleta na iyan sa inyo po lahat." sagot ni Rafael. Tumayo

ito at muling bumalik sa pagkakaupo sa harap ng lamesa. Kaagad ko naman napansin ang paglapit ni Nanay sa nakabukas ng bag at gulat na muling napatitig sa gawi ni Rafael.


"Naku, Diyos ko! Mukhang mamahalin ang mga ito ah?" kaagad na sambit ni Nanay. Itinaas pa nito ang ilang box na naglalaman ng mga alahas na binili ni Rafael noong minsan na nagdate kami.


Bitbit ang isang tasa ng kape lumapit na din ako kay Rafael. Naupo ako sa tabi nito at nag-umpisa ng maglagay ng sinangag at ulam sa pinggan ko.


"Masyado nang nakakahiya itong mga pasalubong niyo mga anak. Nag-abala pa talaga kayong bilhan kami ng mga ganito. Hindi naman namin siguro ito magagamit." muling wika ni Nanay.


"Talagang binili ni Rafael para sa inyo iyan Nay kaya wala kayong choice kundi gamitin ang mga iyan kung hindi magtatampo sa inyo iyan." natatawa kong sagot. Kaagad naman akong hinawakan sa kamay at kita ko ang ngiti sa labi nito. Mukhang masayang masaya ito ngayung umaga.


"Totoo pala talaga ang sinabi ng mga kapitbahay natin na mayaman ang asawa mo Ate. Ang dami niyong pasalubong sa amin. Ang daming chocolates at ano ito? Tablet? Wow! Meron na tayong tablet!." sabat na naman ni Charmaine. Halos mapasigaw na ito sa sobrang tuwa. Nagtatakang napatitig naman ako kay Rafael. Hindi ko akalain na binilhan niya din pala ng mga gadgets ang mga kapatid ko. Nangibit balikat lang ito at nag-iwas ng tingin sa akin.


"Baka naman ma- spoiled mo masyado ang mga kapatid ko. Ikaw din, baka masanay ang mga iyan at palagi kang hahanapan ng pasalubong tuwing dadalaw tayo dito." pabulong kong wika kay Rafael. Mahina lang itong tumawa sabay subo sa akin ng hawak nyang kakanin. Awtomatiko tuloy akong napanganga.


Kita naman ang hiya sa mukha nila Nanay at Tatay at hindi ko na halos mabilang kung ilang beses silang nagpasalamat kay Rafael. Tanging pagngiti lang naman ang naging sagot ni Rafael.


Alam kong first time magkaroon ng ganitong kamamahalin gamit ang mga magulang ko kaya naman hindi ko din maiwasan na makaramdam ng matinding tuwa para sa kanila.


Pagkatapos kumain kaagad kaming sumama kina Ate Arabella papunta sa beach resort na gusto nilang bilhin. Malapit lang naman ito sa amin kaya ilang oras lang ang byahe gamit ang bankang de makina. Inaasahan ko na maganda ang lugar dahil minsan na kaming naligo noon sa lugar na ito.


Wala naman kasing bayad dahil hindi pa develop ang lugar.


"What do you think? Hindi bat ang ganda?" kaagad na tanong ni Ate Arabella sa akin. Nakatayo kami dito sa may buhanginan samantalang kausap naman ni Kuya Kurt si Rafael. Sa kabilang dako naman kausap nila Tatay at Nanay ang may-ari ng resort at nagtatampisaw naman sa dagat ang mga kapatid ko.


Mukhang hinihingi ni Kuya Kurt ang openyon ni Rafael kaya naman ganoon na lang ka-seryoso ang kanilang pag- uusap ngayun.


Inilibot ko muna ang tingin sa paligid. Halos puro puting buhanginan ang natatanaw ko. Ang linaw din ng tubig dagat.


"Maganda po talaga ang lugar na ito Ate. Hindi pa siya masyadong naabot ng mga turista kaya sobrang linis pa ng paligid.." sagot ko naman.


"Kaya nga gusto kong bilhin ito eh. Magbibigay ito ng maraming trabaho sa mga tao dito sa Isla kapag maipa- develop namin ito ng maayos."


nakangiting sagot ni Ate Arabella.


Hindi ako makapaniwala. Isa sa mga purpose pala nito kaya niya gustong bilhin ang lugar na ito dahil gusto niyang makatulong sa mga mahihirap na tao dito sa lugar na namin. Tama ito, kapag madevelop ang lugar na ito dadayuhin ito ng mga turista at lubos na makikinabang ang aming mga kababayan.


"Siguro nagtataka ka kung bakit ko ginagawa ito? Simple lang naman... gusto kong maging iba sa lahat. Noon ko pa na-realized na ang swerte ko pa din. Kahit na anak ako sa pagkakamali namuhay akong masagana at iginagalang ng lahat." malungkot na pagpapatuloy na wika nito. Lalo akong nagtaka sa sinasabi nito. Hindi ko ma- gets ang ibig sabihin nito ngayun.


"Sorry po, pero hindi po kita maiintindihan. Ano po ang ibig mong sabihin?" hindi ko maiwasan na tanong. Parang bigla kasi akong kinain ng curiousity dahil sa mga sinasabi nito ngayun. Kagabi ko pa napapansin ang pag-iiba ng mood nito.


"Hindi ako tunay na Villarama. Hindi ako anak nila Mommy at Daddy." mahina nitong sagot. Sapat lang iyun para marinig ko. Gulat naman akong napatitig kay Ate Arabella. Kaagad kong napansin ang pagpatak ng luha sa mga mata nito na kaagad naman nyang pinunasan gamit ang kanyang palad.


"A-ano po?" Hindi po kayo tunay na anak nila Tita at Tito?" tanong ko. Dahan-dahan itong tumango. Humarap ito sa akin at pilit itong ngumiti kahit na kitang kita ko ang

lungkot sa kanyang mga mata.


"Yes...akala ko noon ayos na ako. Akala ko noon magiging masaya na ako. Lalo na nang naikasal kami ni Kurt. Natupad ang pangarap kong maging asawa ang lalaking pinapangarap ko.... Pero nagkakamali ako. Hanggang ngayun.... pakiramdam ko may kulang pa rin sa pagkatao ko. Hindi ko alam kung ano iyun pero alam kong may dapat akong gawin para magkaroon ng katahimikan ang puso at isipan ko." sagot nito. Naguguluhan akong muling napatitig kay Ate ARabella.


Napakamasayahin nitong tao. Napakabait din. Siya ang kauna- unahan kong naging kasundo sa mansion. Pero hindi ko akalain na sa kabila ng mga ngiti sa labi nito na palagi kong nakikita may lungkot palang nakatago sa likod niyon.


"Kung ganoon, sino po ang mga magulang mo? Kilala niyo sila?"

tanong ko.


"Patay na ang tunay kong Ina...hindi ko din kilala ang ama ko. Bunga ako nang pagkakasala." sagot nito kasabay ng muling pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.


"Kung tutuusin, pinsan ko lang si Rafael. Tiyahin ko si Mommy Carissa. Inampon nila ako pagkatapos akong ipanganak ng tunay kong Ina sa loob ng kulungan." sagot nito. Lalo naman akong nagulat. Bigla akong nakaramdam ng matinding awa kay Ate Arabella.


"Pilit kong itinatago sa lahat ang kalungkutan ko sa paglipas ng panahon. Pinapakita ko sa kanila na ayos lang ako. Alam kong walang ibang hangad sila Mommy at Daddy pati na din sila Kuya Christian at Ate Miracle kundi ang maging masaya ako. Na kalimutan ko na ang nakaraan ko. Na dapat itanim ko sa utak ko na isa akong

tunay na Villarama. Pero hindi eh.... hindi ko maitindihan ang sarili ko. Hanggang ngayun hindi ko matanggap na anak ako ng isang kriminal!" sagot nito. Lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa kinikwento nito ngayun.


"Alam mo ba kung sino ang tunay kong Ina?


Siyempre hindi pa....iniiwasan itong pag-usapan sa loob ng mansion, Si Mommy Carissa lang din ang palaging dumadalaw sa puntod niya. Si Mommy Carissa na hindi ko alam kung bakit napakabusilak ng puso niya. Nagawa niyang patawarin ang Nanay ko sa kabila ng mga pinagagawa sa kanya noon na lalong nagpapasakit ng kalooban ko ngayun. Pakiramdam ko hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal nila. "humahagulhol na wika nito. Kaagad ko naman hinawakan sa kamay nya si Ate Arabella. Tinitigan ko siya sa kanyang

mga mata bago mahigpit na niyakap.


"Ate...napakabait niyo po. Tama po silang lahat. Sana, kung ano man ang nakaraan na meron kayo, sana ibaon niyo na lang sa limot. Siguro, kaya kayo ganyan ngayun dahil hindi mo pa rin siya napapatawad. Hindi mo pa rin napapatawad ang taong nagluwal sa iyo dito sa mundo." sagot ko.


Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang payong iyun sa kanya. Hindi ko man alam ang tunay na isturya ng kanilang nakaraan pero nararamdaman ko na masyadong masakit iyun. Kahit man lang sana sa yakap ko maibsan ang nararamdamang sakit ng kalooban na nararanasan ngayun ni Ate Arabella.


Hindi nya deserve na masaktan ng ganito. Hindi nya deserve na magkimkim ng guilt sa puso niya sa mahabang panabon. Napakabait niyang tao para habang buhay na dalhin sa kalooban niya ang nakaraan.




Chapter 250


VERONICA POV


Lalo akong nakaramdam ng awa kay Ate Arabella. Sa mga naririnig at nakikita ko ngayun sa kanya alam kong hindi pa ito naka-moved on sa kanyang nakaraan.


"Ate...tama na! Masyado mo lang pinapahirapan ang sarili mo niyan eh. Palagi mong tandaan, mabuti kang tao. Kung ano man ang kasalanan ng tunay mong mga magulang, sa kanila lang iyun. Hindi iyun naililipat sa iyo."


sagot ko. Malungkot itong napatitig sa kawalan habang pigil ang paghikbi. Lalo akong nakaramdam ng pagkahabag dito.


"Kung kailangan mo ng palaging makakausap, nandito lang ako. Kaya ka siguro nagkakaganyan dahil matagal mong itinago ang lahat sa puso mo.


Ate...kung gusto mo ng katahimikan, sana palayain mo na ang sarili mo.. Hindi ka dapat mabuhay sa nakaraan." muli kong wika sa kanya. Tumitig ito sa akin at pilit na nagpakawala ng ngiti sa labi.


"Nasabi mo lang siguro iyan dahil wala ka sa katayuan ko. Pero thank you sa sinabi mo ngayun sa akin. Siguro, kulang lang ako nang mapagsasabihan ng nararamdaman ko. Sa iyo ko lang ito nabanggit. Kahit si Kurt hindi nya alam ito. Ayaw ko din kasi siyang mag- alala sa akin." sagot nito.


"Ate palagi niyo po sanang tandaan, nasa sa iyo na ang lahat. Kahit na lumaki ka sa yaman, nakaapak pa rin ang mga paa mo sa lupa. Kina- iinggitan ka ng kung sino sa kung anong istado ng buhay meron ka ngayun. Huwag niyo pong hayaan na habang buhay niyong maging anino ang hindi masayang nakaraan.


Masyado po kayong mabuting tao para maging malungkot." sagot ko. Kaagad kong napansin ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa labi nito. Nabuhayan naman ako ng loob dahil doon.


"Ganyan din ang palaging sinasabi sa akin ni Mommy Carissa. Na ako daw ang pinaka-sweet niyang anak. Kahit hindi ako nanggaling sa kanyang sinapupunan, alam mo bang never kong naramdaman na tinrato nila akong iba kumpara sa mga tunay nyang anak. Naging pantay ang pagtingin sa amin nila Daddy at Mommy. Tinanggap din ako ng mga anak nila bilang tunay nilang kapatid. Siguro nga napaka-unfair ko sa ganitong aspeto.." sagot nito.


"Kaya sila ganyan sa iyo dahil kinalimutan na nila ang lahat. Matagal na nilang pinatawad ang tunay mong Nanay. Sana ganun din ang gagawin mo. Para sa katahimikan ng puso at isipan mo. Ang nakaraan ay mananatiling nakaraan kailan man. Hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na." sagot ko.


"Yup! Alam ko iyun. At habang buhay kong ipagpapasalamat ang lahat. Hindi matatawaran ng kahit na anong materyal sa mundo ang ibinigay nilang pagmamahal sa akin.." sagot nito. Hindi ako nakaimik.


"Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko, sa tuwing naalala ko kung gaano. kasama ang taong nagluwal sa akin hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng guilty. Kung hindi lang siguro siya namatay kaagad at nakita kong nagbago siya, baka maiintindihan ko pa siya eh." sagot nito. Hindi ko maiwasan na mapatitig kay Ate Arabella. Aaminin ko, labis akong naawa sa kanya. Napakahirap nga naman sa sitwasyon kung habang

buhay mong hindi masisilayan ang taong nagluwal sa iyo.


"Pero wala pa rin namang pinagbago diba? Kadugo mo pa rin pala si Tita Carissa. Lumalabas pa rin na tiyahin mo siya. Sapat na siguro na sa kanya mo namana ang ugali mo. Anak ka man niya o hindi pareho lang iyun. Halos parehong dugo lang naman ang nananalaytay sa inyong ugat. "


nakangiti kong sagot. Narinig ko ang muling mahina nitong pagtawa.


"Teka.. Oo nga noh? Bakit hindi ko naisip iyun? tanong nito. Ako naman ang natawa. Kakaiba talaga si Ate Arabella sa lahat. Ang bilis nitong makibagay.


"Well, alam mo worth it talaga ang pakikipag-usap kong ito sa iyo. Kahit papaano lumuwang ang pakiramdam ko. Pero pwede bang humiling sa iyo?" tanong nito. Tumango naman ako.


"Pwede bang pagbalik natin ng Manila samahan mo ako sa puntod ng tunay kong Ina? Kay Ara Perez.... Last na dalaw ko yata sa kanya noong hindi ko pa naipanganak si Jeann." sagot nito. Kaagad akong tumango.


"Sure Ate. Basta kapag kailangan mo ako, puntahan mo lang ako sa mansion or i-message mo ako" nakangiti kong sagot.


"Talaga? Salamat naman kung ganoon. Pero alam mo ngayun ko lang na- realized.. Tama ka ako lang din ang nagpapahirap sa sarili ko eh. Dapat talaga siguro maging busy din ako.


Kailangan ko din siguro dalawin palagi ang puntod ng taong nagluwal sa akin dito sa mundo para namam matahimik na din siya at matahimik na din ako. Kaya lang naman iniiwasan kong dalawin siya dahil natatakot akong maging kagaya nya. Ayaw kong maging masama kaya kahit larawan niya iniiwasan kong makita. Para kasi akong nananalamin kapag ginagawa ko iyun eh." sagot nito.


"Kamukhang-kamukha mo siya?" tanong ko. Kaagad itong tumango.


"Para kaming pinagbiyak na bunga. Kaya nga ayaw kong gumamit ng pulang lipstick eh. Tatak nya kasi iyun noong nabubuhay pa siya. Halos lahat ng larawan na nakikita ko naka-pulang lips stick siya. Dati siyang model at ma- iimagine mo na siguro kung gaano siya kaganda. Maganda si Mommy Carissa eh. Pero ang laki daw ng pinagkaiba ng ugali nya. Kung anghel si Mommy Carissa, demonyita naman ang tunay kong Ina.." sagot nito. Parang bigla naman akong kinilabutan. Ganoon ba kasama ang babaeng iyun?


"Baka hinihintay nya lang na dalawin mo siya Ate. Ibigay mo sa kanya ang kapatawaran para sa katahimikan niya na din siguro. Matagal na pala siyang patay at baka nagtatampo na siya dahil hindi mo man lang siya nadalaw. Ipagtirik mo man lang sana siya ng kandila. Patawarin mo na siya kung ano man ang naging kasalanan niya noon." sagot ko.


"Iyan siguro ang gagawin ko pagbalik natin ng Manila. Pero gusto ko samahan mo ako." sagot nito. Kaagad akong tumango. Curious din kasi akong makita ang hitsura ng tunay nitong Nanay. Kahit sa picture lang. Siguro tama ito. Maganda din dahil ang ganda ni Tita Carissa.


"Ikaw pala ang kukunin naming maid of honor sa kasal ni Jeann. Teka nabanggit na ba niya sa iyo?"maya- maya pag-iiba nito sa usapan na siyang labis kong ipinagpasalamat. Kaagad akong umiling.


"Naku ang batang iyun talaga. Sinabi ko na sa kanya na banggitin na sa iyo eh. Di bale, at least nabanggit ko na sa iyo. Isa iyan sa mga dapat nating asikasuhin sa pagbabalik natin ng Manila. Personal kong inaasikaso ang kasal ni Jeann dahil buntis siya kaya sasamahan kita na magpasukat ng damit na isusuot mo. Si Rafael din naman ang Best Man kaya walang problema." nakangiti nitong sagot.


Kaagad naman akong nakaramdam ng excitement. Ngayun ko muling napatunayan na hindi na iba ang tingin nila sa akin. Talagang binigyan niya pa ako ng mahalagang papel na dapat gampanan sa kasal ng nag-iisa niyang anak.


"So, ano babayaran na ba natin?"sabay pa kaming napalingon ni Ate Arabella ng biglang magasalita si Kuya Kurt mula sa likuran namin. Kasama nito si Rafael na noon ngiting ngiti sa akin.


"I love this place talaga! Parang nakinita ko na dadayuhin ito ng mga turista. Pero kaya ba talaga natin ito i-develop or baka kailangan natin maghanap ng investors para masunod natin ang gusto nating gawin sa lugar na ito." sagot ni Ate Arabella. Kaagad ko naman naramdaman ang paglapit sa akin ni Rafael sabay akbay. Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi nito na siyang labis kong ipinagtaka.


"Hindi na natin kailangan ng investors. Willing si Rafael na tulungan tayo na ma-develop ang lugar na ito." sagot ni Kuya Kurt. Hindi naman makapaniwalang napatitig si Ate Arabella sa kapatid nya.


"Bakit pa kayo maghahanap ng investors kung ang Villarama Empire pa lang sigurado ka ng masusunod lahat ng gusto mo sa lugar na ito Ate." nakangiting wika ni Rafael.


"Pe-pero kailangan mo pa itong ikunsulta kay Daddy diba? Nahihiya ako " sagot ni Ate Arabella.. Umiling si Rafael.


"Hindi na kailangan. At bakit ka mahiya? Anak ka din naman ah? Isa pa ako ang CEO ng Villarama Empire at ibinigay na ni Daddy sa akin lahat ng desisyon tungkol sa kumpanya. Nagawa ko ngang mag-invest sa kumpanya ng iba, sa sariling kadugo ko pa kaya at sa mabait ko pang Ate."

nakangiting muling sagot ni Rafael. Kaagad naman natawa si Ate Arabella.


Kaagad nitong nilapitan si Rafael at buong gigil na hinawakan sa pisngi.


"Kaya ikaw ang favorite ko sa lahat eh. Napakabait mo talaga!" wika nito. Humalakhak naman si Rafael.


"Talaga lang ha? Mabait na ako ngayun? Kung ipaalala ko kaya sa iyo kung paano mo ako inaasar-asar noon?


" nakangising sagot naman ni Rafael. Napakagat naman sa kanyang labi si Ate Arabella. Tumingin pa ito sa asawa na parang nanghihingi ng tulong. Kaagad naman napakamot ng ulo niya si Kuya Kurt.


"Tingnan mo Kuya Kurt...alam mo na siguro kung gaano kahilig mambola ng magaling mong asawa." tatawa- tawang muling wika ni Rafael kay Kuya Kurt. Hinawakan nito ang kamay ng kapatid at pilit na iniaalis sa kanyang pisngi. Kaagad naman napasimangot si Ate Arabella.


"Hindi kita binibira. Galing talaga sa puso ko ang sinasabi ko ngayun. Mabuti na lang talaga at ikaw na ang CEO ng Empire....hindi ka katulad ni Kuya Christian na napaka-istrikto pagdating sa mga desisyon." sagot nito.


"Mabuti na lang at kaagad na pumayag ang kapatid mo dahil kung hindi kakapusin talaga tayo sa budget. Ang hirap magdevelop ng lugar kung kulang sa budget. Baka masayang lang. Isa pa, sa sobrang lawak ng lugar tiyak na kailangan natin ng limpak-limpak na salapi matapos lang kaagad ang contstruction." sagot ni Kuya Kurt.


"Walang problema sa budget Kuya. Kayang ibigay iyan ng Empire. May mga magagaling na architect at engineers na din ang empire. Sila na ang bahalang gumawa ng plano sa kung anong gusto ni Ate. Nakikita ko din naman na magbibigay ito ng magandang income sa Villarama Empire. Malayo sa kabihasnan ang lugar na ito at hindi lang sa beach resort tayo kikita. Kikita din tayo sa transportation." sagot ni Rafael.


"Thats my kapatid. Napaka-business minded mo na talaga! Kaya pala tuwang tuwa si Daddy sa iyo eh. Balita ko lalong tumaas ang kita ng Villarama Empire simula ng hinawakan mo." sagot ni Ate Arabella.


"Maliit na bagay Ate. Wala pa ako sa kalahati ng gusto kong maabot. Of coure, ginagawa ko ito dahil inspired ako. Gusto kong ibigay lahat ng gusto ng mahal ko." Nakangiting sagot ni Rafael sabay hawak sa kamay ko. Nahihiya naman akong napayuko.


"Hmmp talagang si Veronica pa ang idinahilan mo. Hindi materialistic ang asawa mo kaya tumigil ka." sagot ni Ate. Muling tumawa si Rafael.


"Hayaan mo na Ate. Huwag mo na lang sirain ang moment na ito dahil baka magbago ang isip ko at mag-back out ako." pabirong muling sagot ni Rafael. Kaagad na nanlaki ang mga mata ni Ate Arabella sabay iling.


"Hindi ka na pwedeng mag-back out. Pagbalik namin ng Manila. Papupuntahin ko kaagad si Kurt sa opisina mo para magpirmahan na kayo sa mga legalities. Hindi pwedeng ma- unsyame ang pagdedevelop sa lugar na ito." wika ni Ate Arabella.

Post a Comment

0 Comments

Post a Comment (0)
3/related/default