Ang Awit Ni Diosa

0

 

Ang Awit Ni Diosa

CHAPTER ONE

TINIPON ni Manang Lita sa recreational hall ng bahay-­‐ampunan sina Diosa at ang iba pang mga kasama niyang bata. Pagkatapos nilang magdasal ay pinakain sila ng mainit na lugaw at saka pinangaralan. Nasa kalagitnaan ng pagsasalita si Manang Lita nang pumasok sa hall si Mang Ped na may dalang isang malaking kahon ng Winston. Nilusob si Mang Ped ng mga kasama niyang bata.   Nagkanya-­‐kanyang pili ang mga ito ng mga sapatos na laman ng kahon. Pinagalitan ni Manang Lita si Mang Ped. Hindi raw dapat nito dinala roon ang kahon para hindi sila nag-­‐ agawan. Dahil maliit si Diosa, hindi siya nakaagaw ng sapatos. Pagsilip niya sa malaking kahon ay isang pares na lamang ng rubber shoes ang laman niyon. Sa edad na anim ay mataas lamang siya nang isang dangkal sa malaking kahon ng   Winston. Minsan ay pilit siyang pinainom ni Manang Lita ng gamot para daw mamatay ang mga bulate sa kanyang tiyan. Ang milyon-­‐ milyong bulate raw na alaga niya ang dahilan kung bakit hindi siya lumalaki. Hindi niya alam kung gaano karami ang milyon, pero base sa pananalita ni Manang Lita, maraming-­‐marami iyon. Natakot si Diosa kaya nang pupurgahin siya ay ginawa niya ang lahat para hindi siya maiupo sa   kubeta. Kapag dumumi raw siya ay sasama roon ang mga bulate niya. Ayaw niyang dumumi dahil ayaw niyang makakita ng milyon-­‐milyong bulate. Sa huli ay hindi rin niya napigil iyon; sa higaan siya inabot ng pagdumi. Pinalo siya ni Manang Lita at pinagtawanan ng mga kasama niyang bata dahil nagkalat siya ng dumi sa higaan. “Wala nang sapatos,” malungkot na sabi ni Diosa kay Manang Lita. Maiksi at matigas na parang walis-­‐tingting ang buhok nito. Kung   minsan, kapag nakatalikod ito ay napagkakamalan niyang lalaki ito. Lagi kasi itong nakasuot ng panlalaking polo at maluwang na pantalon. Pati ang relo nito ay panlalaki. May malaki at itim na lastiko ito sa kanang kamay. “‘Wala na pong sapatos,’” pagtatama nito. “Matuto kang gumalang.” Kinuha nito ang natirang pares ng sapatos at ibinigay sa kanya. “Isuot mo nàyan kaysa wala kang sapin sa paa. Okay nàyan kahit dalawang kaliwa at dalawang   kanan.” Ayaw niyang tanggapin ang rubber shoes dahil bukod sa hindi magkapares ay magkaiba ang kulay ng mga iyon—isang itim at isang pula. Tiningnan niya ang mga kasamang bata na hindi magkamayaw sa pagsusukat ng napiling sapatos. “Isukat mo na.” “Magkaiba, eh.” “Usòyan. Halika, may medyas doon sa opisina.” Hinila siya ni Manang Lita sa braso at   dinala sa maliit na opisina sa unahan ng gusali. Maraming nakatambak na kahon doon. Agad itong lumapit at naghalungkat doon pagpasok nila. Ibinaba nito ang isang kahon na may lamang inaalikabok na mga plastic na tau-­‐tauhan, hayop, kupas na bituin, at karton na mukha ng matandang may balbas na puti. Kinuha niya ang isang tau-­‐tauhan na babaeng may kumot sa ulo, magkadaop ang mga kamay, at mahaba ang damit.   “Akin na lang ito, Manang.” “Sinabi nang mangongopo ka. Aanhin mòyan?” “Kasi ‘po,’ si Maribel, may manyika. Ako, wala. Akin na lang ito. . po.” Pagtitiyagaan na lang niya iyon kahit hindi gumagalaw ang mga kamay. Gustong-­‐gusto kasi niyang magkaroon ng manyika. “Manyika? Hindìyan manyika. Hindi mo ba kilala si Mama Mary?”   “Mama? May anak siya?” Dismayadong tinitigan ni Diosa ang tau-­‐tauhan at saka ibinalik ang tingin kay Manang Lita. “May asawa ba siya.. po?” “Siya si Mama Mary, ang mama ni Jesus. Kilala mo si Jesus?” “Iyong nakasabit sa krus. . po?” Nanlaki ang mga mata niya. “Anak niyàyon? Kawawa naman siya. Bakit siya pumayag na isabit ang anak niya?”   “Nakapako si Jesus, hindi nakasabit.” Lalo siyang nagulantang. “Pako?” “Naku, mahabang kuwento. Sasabihin ko kay Sister Clara na ikuwento sàyo. Siyàyong dating madre dito na nagtuturo ng Katekismo sa mga bata rito. Sa kanya ka magtanong.” “Anong Katekismo?” “Iyon ang kuwento tungkol kay Jesus. Ibalik mo nàyan sa plastic at gagamitin `yan sa Pasko.” “Gusto ko ng manyika.”   “Sa Pasko, maraming namimigay ng manyika. Ikaw ang kauna-­‐unahang bibigyan ko.” Binulatlat ni Manang Lita ang isang plastic na supot. Nang makita nito ang hinahanap na medyas ay ibinigay ang mga iyon sa kanya. “Isuot mo nàyan.” “Magkaiba rin ang kulay. . po?” “Magkaiba ang sapatos kaya magkaiba rin ang medyas,” katwiran nito at iniupo siya sa silyang lubog na ang gitna ng foam, saka ito tumingkayad sa harap niya at hinawakan ang kaliwa niyang   paa. “Ang dumi ng mga paa mo. Hindi ka ba naghugas kagabi?” “Wala kasing tubig.” “Tinamad na naman sigurong mag-­‐igib si Ped.” Isinuot ni Manang Lita sa kaliwang paa niya ang dilaw na medyas na bahagyang umabot sa tuhod niya at ang itim na sapatos. “Hayan, bagay naman pala.” Kinuha nito ang kanang paa niya at isinuot naman doon ang medyas na puti at pula ang kulay. Lumagpas iyon sa tuhod niya.   “Bakit malaki?” tanong ni Diosa. “Isinasabit kasi ito tuwing Pasko, kapag birthday ni Jesus. Nilalagyan ito ng candy kaya nabanat nang husto. Pero bagay na bagay naman sa sapatos mo. Terno nga, o. Parehong may pula.” Pinatayo na siya. “Pumunta ka na sa kuwarto mo. Magbihis ka at darating na ang mga bisita. Magsuklay ka. Huwag kang kamot nang kamot ng ulo. Sige ka, baka mahalata nilang marami kang kuto, hindi ka nila aampunin.”   Hindi niya matingnan ang sarili. “Ayoko ng mahabang medyas, Manang.” “Mas maganda ang mahaba para hindi makita ang mga barya mo sa binti. Isuot mòyong bestidang ibinigay ko sa iyo noong dumating ka rito.” Itinaboy na siya ni Manang Lita kaya napilitan siyang pumunta sa kanilang silid. May kasama siyang ibang batang babae sa silid. Pagpasok niya roon ay naabutan niya ang grupo ni Monique.   Abala ang mga ito sa pagsusuklay at pag-­‐aayos ng buhok. Huminto at naghagikgikan pagkakita sa kanya. Maganda at magkakapares ang mga sapatos ng mga ito. Itinulak siya ni Bibi kaya lalong hindi siya nakalapit kanina sa kahon. Malaki at maitim na bata si Bibi. Kahit ang mga batang lalaki sa ampunan ay takot dito. Napatingin si Diosa sa sapatos at medyas niya. Hindi na siya nagtataka kung bakit pinagtawanan siya ni Monique at ng mga kaibigan nito. Lumapit   na lang siya sa kanyang higaan at kinuha sa ilalim niyon ang kahon ng gatas na pinaglalagyan niya ng ilang mga gamit at damit niya. Inilabas niya ang puting bestida na may laso sa likod. Mas maiksi iyon sa shorts na suot niya; itinupi niya ang laylayan niyon para hindi iyon makita. Hinubad niya ang kanyang T-­‐shirt at saka isinuot ang bestida. Pilit na inabot niya ang mga butones niyon sa likod. Panay pa rin ang pagbubungisngisan at   pagbubulungan nina Monique. Isa man sa mga ito ay walang tumulong sa kanya. Wala siyang suklay kaya sinuklay na lang niya ng mga daliri ang kulot niyang buhok. Nang dumating siya sa ampunan ay mahaba ang buhok niya. Ginupitan iyon ni Manang Lita para daw mabawasan ang mga kuto niya. Ngayon ay hanggang batok na lang niya iyon. Kahit anong ayos at suklay ang gawin niya ay nakaalsa pa rin iyon. Naalala ni Diosa ang sinabi ng babaeng   nagdala sa kanya sa ampunan. Masaya raw ang buhay roon. Marami raw laging pagkain. Marami raw bata roon kaya may makakalaro siya. Higit sa lahat, sigurado raw na may mag-­‐aalaga na sa kanya. Pero unang araw pa lang niya sa ampunan ay nabatid na niyang nagsinungaling ang babae. Hindi masaya sa ampunan. Kahit maraming bata roon ay wala siyang nakakalaro. Sa halip ay maraming nang-­‐aaway sa kanya. Kaunti lang lagi ang pagkain nila. Hindi rin niya   gusto ang mga nag-­‐aalaga sa kanila. “Ang sabi ni Ate Lulu, may darating daw na mayamang mag-­‐asawa. Sana ay ako ang ampunin nila. Magpapabili ako sa kanila ng maraming manyika,” sabi ni Monique. Napatingin siya rito. Maganda ang ayos ni Monique. Hanggang mga balikat ang makintab at madulas na buhok nito. May ipit na hugis-­‐ paruparo. Nakasuot ito ng dilaw na blusa at puting palda. Puti ang mga sapatos. Mas malaki   ang mga peklat ni Monique kaysa sa peklat na nasa mga binti niya pero bakit hindi ito nakasuot ng medyas gaya niya? May malaking peklat ito sa braso. Nabuhusan daw kasi ito ng mainit na tubig ng lasing na madrasta. Hindi alam ni Diosa kung ano ang “madrasta” kaya inisip niyang titser iyon. “Maaampon pa kaya tayo?” tanong ni Bibi kay Monique. “Karamihan sa mga pumupunta rito ay sanggol ang hinahanap kaya sa narseri sila laging pumupunta.”   “Dalawa lang ang sanggol doon ngayon. Ang sabi ni Ate Lulu, gusto tayong makita n’ong mayamang mag-­‐asawa,” sabi ni Monique. “Ang itim-­‐itim ko. Tiyak na hindi nila ako pipiliin,” nagsesentimyentong sabi ni Bibi. “Huwag mong isipin `yan. Basta dapat daw ay lagi tayong nakangiti.” “Parang ayoko nang magpaampon. `Di ba si Botchok, inampon siya pero bumalik din dito kasi ginulpi siya n’ong umampon sa kanya?”   “Kasi naman, napakatakaw niya kaya lagi siyang napapalo,” sabi ni Monique. “Basta ako, gusto kong magpaampon. Gusto kong magkaroon ng mommy at daddy.” “May daddy ka naman, `di ba?” “Ibang daddy ang gusto ko. Iyong hindi namamaso ng yosi.” Bigla siyang tinawag ni Bibi. “Hoy, Diosa! May daddy ka ba?” “`Yong ‘papa’?” tanong ni Diosa.   “Ano pa? Ang tanga mo talaga,” sabi nito. “Wala akong daddy.” “Puwede bang wala? Lahat ng tao, may daddy. Saan ka nanggaling kung wala kang daddy?” “Sa bundok. Kaya nga ‘Diosa’ ang pangalan ko, eh,” proud na sagot niya. Naaalala pa niya ang mga sinabi sa kanya ni Tatay Lupo, ang matandang nag-­‐alaga sa kanya. “Bigay ka sa akin ng engkantada.” “Bakit ako ibinigay sàyo ng engkantada?”   “Kasi, hiniling kita sa kanya. Isang araw na namamasyal ako sa bayan ay nakita kita sa terminal ng bus. Alam kong ikaw ang sagot sa mga dasal ko.” “Gusto kong makita ang engkantada, Tatay Lupo.” “Hindi siya nagpapakita sa mga tao. Mararamdaman mo lang siya. Parang hangin siya na dumadampi at humahalik sa mga tao.” “Bakit ayaw niyang magpakita sa mga tao?” “Dahil sobra-­‐sobra ang kagandahan niya. Hindi iyon kayang tingnan ng ating mga mata. Kung   pipilitin nating tingnan ay mabubulag tayo.” “Kung kamukha ko ang engkantada, bakit natitingnan mo ako?” “Dahil nga ibinigay ka niya sa akin. Pinatatag niya ang paningin ko para hindi ako nasisilaw sa kagandahan mo.. ” “Saang bundok ka nanggaling?” Napakurap-­‐kurap si Diosa pagkarinig sa tanong ni Bibi. “Sa malayo,” sagot niya. “Paano ka nakarating dito?”   “Sumakay ako sa truck.” “Nasaan ang nanay mo?” tanong ni Monique. “Hindi siya nagpapakita sa akin kasi engkantada siya.” Tumawa nang malakas ang mga ito. “Sino ang nag-­‐alaga sa iyo kung hindi nagpapakita ang nanay mo?” tanong ni Bibi. “Si Tatay Lupo.” “Akala ko ba, wala kang daddy?” “Wala nga. Hindi ko naman daddy si Tatay   Lupo. K-­‐kaibigan siya ng engkantada kaya sa kanya ako ibinigay.” Bumungisngis uli ang mga ito. “Nasaan ang Tatay Lupo mo?” tanong ni Monique. “Namatay na siya.” Nanariwa sa alaala ni Diosa ang araw na namaalam sa mundo ang Tatay Lupo niya. Pagkalibing dito ay kinausap siya ng isang babae na nagpakilalang kaibigan ni Tatay Lupo. Ang   babaeng iyon din ang nagdala sa kanya sa ampunan. “Wala na ang Tatay Lupo mo kaya sumama ka na sa amin sa Maynila, ineng. Maganda roon. Makakapag-­‐ aral ka roon at marami kang magiging kaibigan.” “May engkantada ba roon?” “Oo, marami.” Naputol ang pagbabalik-­‐tanaw ni Diosa nang bumukas ang pinto ng kanilang silid at pumasok si Ate Lulu. Payat na babae ito at nakasuot ng   makapal na salamin sa mga mata. “Monique, Bibi, Anna.. Lumabas na kayo. Salubungin n’yo ang mga bisita.” Tiningnan siya ni Manang Lulu. Parang noon lang siya nakita nito. “Ikaw rin, Diosa.” Naunang lumabas ng pinto ang grupo ni Monique. Sumunod si Diosa sa mga ito. Pagdating nila sa maliit na bakuran ng ampunan ay naroon na ang ibang mga bata. Pinanonood ng mga panauhin ang paglalaro at pagku-­‐   kuwentuhan ng mga bata. Natuon ang mga mata ni Diosa sa babae at lalaki. Hindi niya kilala ang dalawa kaya nahinuha niyang ang mga ito ang kanilang bisita. May hawak na pamaypay ang matabang babae na puno ng pulseras ang isang braso. Nakasuot ng salamin at parang takot na takot ngumiti ang payat na lalaki. Dahil walang gustong makipaglaro sa kanya ay umupo na lang siya sa gulong na duyan na   pininturahan ng dilaw. Nakamasid lamang siya kay Manang Lita at sa mga kausap nito. Kapagkuwan ay napatingin sa kanya ang lalaki. “Ano ang pangalan niya at ilang taon na siya?” tanong ng lalaki. “‘Diosa Tanyag,’” sagot ni Manang Lita. Nakatingin sa kanya. “Pero hindi namin alam kung saan nanggaling ang ‘Tanyag.’ Nilalagnat siya nang dalhin dito two weeks ago. Nakita raw siya sa palengke ng Balintawak n’ong nagdala sa   kanya rito. Ang sabi niya ay iniwan siya roon ng mga kasama. Pero hindi niya masabi ang pangalan n’ong mga kasama niya. Mula raw sa bundok ay isinakay siya sa truck at iniluwas sa Maynila. Pero sa huli ay pinabayaan din. Sa tantiya namin ay six or seven years old siya. Wala kasi siyang birth certificate, eh.” “Mahirap kung wala siyang birth certificate,” sabi ng lalaki. Hindi naintindihan ni Diosa ang sinabi ng   lalaki. Ano kaya ang ibig sabihin ng “bertipeyt.” “Ang sabi niya ay anak siya ng engkantada,” sabi ni Manang Lita. “Baka may diperensiya siya sa pag-­‐iisip,” sabad ng matabang babae. “Napakapayat niya noong dumating dito. Hindi rin niya alam ang alphabet. Medyo mahina kasi ang isip niya.” “Kawawa naman,” sabi ng matabang babae. Parang nandiri sa kanya kaya humakbang ito   palayo. Sumunod dito ang asawa nito at si Manang Lita. Kinausap ng mga ito ang ibang bata. Inalis ni Diosa ang tingin sa mga ito. Napatingin siya sa gate nang may marinig siyang humintong mobile patrol sa tapat niyon. Bumaba roon ang isang pulis. Binuksan nito ang isang pinto ng sasakyan at inilabas doon ang isang batang lalaki na mukhang galit. Sinalubong ni Ate Lulu ang mga ito. Ipinasa ng pulis kay Ate Lulu ang batang lalaki.   “Nahuli namin `yong ama niyan na miyembro ng Budol-­‐Budol Gang. Ginagamit siya ng tatay niya sa panloloko. Walang ibang mag-­‐aalaga sa kanya kaya dito ko muna siya dinala.” Dumaan ang mga ito sa harap niya. Nilingon siya ng batang lalaki at binelatan. Bumaba siya ng duyan at sumunod sa mga ito. “Ano’ng pangalan ng bata?” tanong ni Ate Lulu. “Macario Paras Junior. ‘Macoy’ raw ang   palayaw niya,” sagot ng pulis. Huminto si Ate Lulu at tiningnan si Macoy. “Kumusta ka, Macoy? Ilang taon ka na?” “Pengi munang limang piso,” sabi ng batang lalaki. “Wala akong limang piso, eh. Pero may lugaw sa kitchen. Gusto mo bang kumain?” “May itlog?” Tumawa si Ate Lulu. “Oo. Halika na.” Napansin siya ni Ate Lulu. “Ikaw rin, halika.   Samahan mong kumain si Macoy.” Ipinakilala sila ni Manang Lulu sa isa’t isa. Pero hindi pa tapos magsalita si Ate Lulu ay humagikgik na si Macoy. “Diosa?” nang-­‐uuyam na sabi ni Macoy. “Paano siya naging diyosa, eh, ang pangit-­‐pangit niya?” “Sshh, Macoy,” saway ni Ate Lulu. “Kasalanan ang mamintas ng kapwa.” “Nagsasabi ako ng totoo. Pangit naman talaga siya.”   “Hindi ako pangit. Engkantada ang nanay ko,” sabi ni Diosa. Lalong tumawa si Macoy. “Luka-­‐luka rin pala siya. Ayoko siyang kasama.” Humarap sa kanya si Ate Lulu. “Ang mabuti pa, doon ka muna sa kuwarto. Sige na.” Bago siya tumalilis ay sinipa niya si Macoy sa alakalakan nito. “Aray!” daing nito. Tinangka nitong kumawala sa pulis pero hindi nagtagumpay. “Gaganti ako sa   `yo, makikita mo. Pangit!”

 

CHAPTER TWO

NAKASILIP si Diosa sa pinto ng opisina. Kung nakita man siya ni Manang Lita ay hindi siya pinansin. Hindi niya inaalis ang tingin kay Macoy na nakaupo sa sofa habang pinagagalitan ni Manang Lita. “Tanggapin mo na may mga patakaran dito na dapat mong sundin. Hindi por que gusto mong maglaro, maglalaro ka kahit dis-­‐oras ng gabi.   Hindi rin tama na gisingin mo ang mga kasama mo. Nakabasag ka pa ng gamit ni Mang Ped sa pagtatago mo sa kuwarto niya. Para maintindihan mong may kasalanan ka, kailangan kitang parusahan. Kunin mo kay Mang Ped ang mga gamit sa paglilinis ng banyo at linisin mo ang lahat ng banyo rito. Gusto ko, malinis na malinis. Naiintindihan mo ba?” “Opo,” sagot ni Macoy. “Sige na, lakad na. Huwag na huwag mo nang   uulitin ang ginawa mo, Macario.” Sa halip na sumagot ay nagtanong si Macoy. “Kailan po ako susunduin ng tatay ko? Ang tagal ko na rito.” “Hindi ko alam. Pero kung magpapakabait ka, papayag akong dalawin mo siya sa kulungan. Pasasamahan kita kay Mang Ped.” Tumingin uli sa direksiyon niya si Manang Lita kaya kumaripas na siya ng takbo patungo sa kusina. Baka pagalitan din siya.   Hindi pa nagtatagal si Diosa sa kusina ay pumasok na roon sina Mang Ped at Macoy. “Belat,” sabi niya kay Macoy. “Maglilinis ka ng inidoro. Maraming bulate do’n kasi nagpurga kami.” Tiningnan siya nang masama ni Macoy. Pagkatapos ay kinuha nito kay Mang Ped ang balde na naglalaman ng mga panlinis ng banyo. Pumasok ito roon. Narinig ni Diosa ang malakas na tulo ng tubig mula sa gripo. Umakma siyang   papasok din sa banyo. “Ã’y, Diosa! Huwag mong inisin si Macoy at tiyak na mag-­‐aaway na naman kayo,” awat ni Mang Ped. “Opo.” Kakamot-­‐kamot sa ulong umupo na lang siya sa isang silya. Pagkaalis ni Mang Ped ay saka siya tumayo. Bago pa siya makalapit sa banyo ay lumabas doon si Macoy at sinenyasan siyang lumapit. Nginitian pa siya nito. Mukhang hindi na ito galit sa kanya kaya   lumapit siya rito. “Bakit?” “May sasabihin ako sàyo. Tulungan mo ako,” mahinang sabi nito. “Saan?” mahina ring tanong ni Diosa. Pakiramdam niya ay magkabati at magkakampi na sila. Gusto niya ang pakiramdam na iyon. Ito lang ang batang kasama niya sa ampunan na humingi ng tulong sa kanya. “Hanapin mo si Botchok. Sabihin mo, may ginagawa akong special project.”   “Espesyal pradyet?” “Oo, special. Sabihin mo, `yong mga favorite lang ni Manang Lita ang pinapayagan niyang maglinis ng banyo. Umarte ka na parang si Juday. Dapat, tuwang-­‐tuwa at excited ka. Kunwari, ang saya-­‐saya nating dalawa.” “Sino si Juday?” Kumunot ang noo nito. “Saang bundok ka ba nanggaling at hindi mo kilala si Juday? Siya si Mara sa Mara Clara. Basta kunwari, masayang-­‐   masaya ka kasi special tayo dahil naglilinis tayo ng banyo.” “Bakit ako magiging masaya?” “Kasi nga, special tayo. Iyon ang sabihin mo sa kanila. Bibigyan kita mamaya ng piso.” Nanlaki ang mga mata ni Diosa. “Sige,” pagpayag niya at tumakbo na papunta sa gilid ng gusali. Doon laging naglalaro ng holen at nagpipitikan ng tainga si Botchok at ang mga kaibigan nito. “Botchok! Nino!” tawag niya sa   mga ito. Pero natakot siya nang makitang kalaro ng mga ito si Bibi. “Bakit?” tanong ni Bibi, sabay kamot sa ulo. Nagsimula siyang umarte. Nagtatalon at pumalakpak siya para mas kapani-­‐paniwala ang arte niya. “Ang saya-­‐saya namin ni Macoy! Naglilinis kami ng banyo!” “Ano’ng masaya ro’n? Engot talagàto,” sabi ni Nino. Payat at banlag ito. Nahirapan siyang tumingin dito dahil hindi niya alam kung saan ito   nakatingin. “Kasi, espesyal pradyet namin `yon. Peborit kami ni Manang Lita pero hindi raw namin `yon puwedeng sabihin sa iba. Nakakatuwa ngang maglinis ng banyo, eh. `Sabi ni Macoy, huwag ko raw sasabihin sa inyo kasi baka sumali kayo.” “Paborito kayo ni Manang?” hindi makapaniwalang tanong ni Bibi. Nakangiting tumango si Diosa. “Nasaan si Macoy?” tanong ni Botchok. Mataba   ito at maraming peklat sa ulo. Ang unahan lang ng ulo nito ang may buhok. “Nasa banyo sa kusina. Huwag kayong pupunta roon kasi magagalit siya. Hindi siya papayag na—” Hindi pa man siya tapos sa sasabihin ay tumakbo na ang mga ito papasok sa gusali. Sumunod siya. Naabutan niya ang mga ito sa loob ng banyo na nakikipag-­‐agawan ng eskoba kay Macoy.   “Hindi kayo puwede rito. Hindi n’yo kayang maglinis.” Ayaw ibigay ni Macoy ang eskoba. “Kaya rin namin `yan!” sabi ni Nino. “Hindi nga. Kami lang ni Diosa ang marunong maglinis ng banyo kaya hayaan n’yo na kami rito. Tatlong banyo pa ang lilinisin namin, baka akala n’yo,” mayabang na sabi ni Macoy. “Kasi, kami lang ang marunong. Kayo, hindi. Kaya walang tiwala sa inyo si Manang Lita.” “Kaya rin naming maglinis,” giit ni Botchok.   “Sanay ako sa ganyan,” sabi ni Bibi at hinablot kay Macoy ang eskoba. “Ako na’ng maglilinis nito.” Lungkot na lungkot si Macoy, suminghot pa at kinuskos ang mga mata na parang iiyak. “Ang daya n’yo naman.” Nilapitan at inalo niya ito. “Huwag ka nang umiyak.” “Ang daya kasi nila, eh. Hayaan mo na silang maging favorite ni Manang Lita.” Hinila siya nito   palabas ng banyo. Nang makalayo sila sa kusina ay bigla itong tumawa. “Mga gago!” “Bakit gusto nilang maglinis?” Hindi lubos naunawaan ni Diosa ang nangyari. “Dahil mga engot sila. Halika sa labas, maglaro tayo.” “Hindi mo ako aawayin?” “Hindi. Bati tayo.” Hinila siya nito sa braso. Nang makita nila ang grupo ni Monique ay niyaya siya ni Macoy na lumapit kina Monique.   “Ayoko,” tanggi niya. “Inaaway nila ako, eh.” “Huwag kang matakot sa kanila. Ako ang bahala sàyo. Magkakampi tayo, `di ba?” Napaniwala siya ni Macoy. Nilapitan nila sina Monique at Susan na naglalaro ng mga lumang manyika, mga maliit na plato, at tasa. “Tingnan n’yòto,” sabi ni Macoy. May dinukot itong pera sa bulsa nito. “Bakit ka may ganyan?” tanong ni Monique. “Totoo bàyan? Peke yatàyan, eh.”   “Peke nga,” sabi ni Mcoy. “Magandang panloko ito kay Mang Ped. Lagyan n’yo ng tali. `Tapos, ilagay n’yo sa madalas niyang dinadaanan. Kapag nakita niya ito at pinulot, hilahin n’yòyong tali.” Nagtawanan ang mga ito. “Sige, pahiram,” sabi ni Monique. “Anong hiram? Bilhin n’yo, limang piso lang. Murang-­‐mura nàto. Sa halagang limang piso, may peke ka nang pera.”   “May piso ako,” sabi ni Monique at dumukot sa bulsa ng shorts nito. “May alkansiya ako,” sabi ni Susan. “Teka, kukunin ko.” “Bilisan mo. Gusto rin kasi itong bilhin ni Botchok. Baka maunahan niya kayo.” Dali-­‐daling umalis si Susan. Pagbalik nito ay ibinigay kay Macoy ang limang piso. Ibinigay na ni Macoy sa mga ito ang pekeng pera. “Tara na sa loob,” yaya ni Macoy sa kanya.   “Bakit ipinagpalit nila ang totoong pera sa hindi?” tanong ni Diosa. Ngumiti ito. “Ang sabi ng tatay ko, ganoon talaga ang mga tao, may wiknes. Kaya ikaw, dapat alam mo kung ano ang wiknes mo.” “Ano’ng wiknes?” “`Yong ano.. ” Parang nahihirapan itong magpaliwanag. “`Yong katangahan. Kapag alam mo ang katangahan ng isang tao, makukuha mo ang gusto mo sa kanila.”   “Masama bàyon?” “Alin? `Yong katangahan? Oo naman. Kaya ikaw, huwag kang tatanga-­‐tanga.” Tumuloy sila sa silid ng mga batang lalaki. Lumapit si Macoy sa papag nito at kinuha ang kahon sa ilalim niyon. Bago binuksan ang kahon ay sinipat muna nito ang takip. Pagkatapos ay may kinuha ito na isang hiblang buhok. “Bakit may buhok?” nagtatakang tanong ni Diosa.   “Para malaman ko kung may nakialam sa gamit ko. Kapag nawala itong buhok, ibig sabihin ay may nagbukas ng kahon ko. Nandito ang buhok kaya walang nakialam.” Binuksan nito ang kahon at hinalungkat ang mga damit doon. May inilabas ito na maliit na lata at inihulog doon ang limang piso. “Nag-­‐iipon ka ng pera? Bakit?” “Para mailabas ko ng kulungan ang tatay ko. Kulang pa ang pera ko para mailabas ko siya   roon. Dapat ay makalabas ako rito. Barya-­‐barya lang ang pera dito, eh.” “Saan ka kukuha ng pera sa labas?” “Sa mga taong may wiknes.” “Ah, sa mga tanga,” tumatangong sabi niya. “Oo.” “Hindi ka papayagan ni Manang Lita na umalis dito.” “Tatakas ako,” determinadong sabi nito. “Masamàyon. Bawal.”   “Walang mangyayari sa atin dito. Kailangan kong tulungan ang tatay ko.” “Saan ba ang bahay mo?” “Sa Makati,” proud na sabi nito. “Aba, malaki ang mga bahay roon kasi mayaman ang mga nakatira doon.” “May mga tanga ro’n?” “Marami. Ang sabi ng tatay ko, ang mga tao raw na maraming pera, gusto pa ng mas maraming pera. Iyon ang wiknes nila.”   “Papalitan mo ng peke ang pera nila?” “Oo.” “Marami kang pekeng pera?” “Minsan, kahit hindi nila makitàyong peke. . Ah, basta, mahirap ipaliwanag, eh.” Umupo si Diosa sa harap ng kahon. “Bakit ikinulong ng pulis ang tatay mo?” “Hindi pa kasi siya expert. Kumurap kasìyong kausap niya kaya hindi niya nakuhàyong pera. Hayun, naipahuli tuloy siya sa pulis.”   “Ha?” “Basta, mahirap ipaliwanag. Engot ka rin kasi kaya hindi mo maintindihan.” “Teka, paano ka tatakas?” “Ako na’ng bahala. Madali lang `yon. Huwag kang magsusumbong, ha? Kapag nagsumbong ka, hindi na tayo bati.” Umiling si Diosa. “Pramis, hindi ako magsusumbong. Gusto ko, bati tayo.” “Oo naman, bati tayo. Basta mabait ka sa akin.”   May kinuha si Macoy na supot mula sa loob ng kahon. Kinalas nito ang buhol niyon at may inilabas mula roon, pagkatapos ay iniabot sa kanya ang isang tali. “Sàyo nàto. Ang ibig sabihin, prens poreber tayo.” “Ano’ng gagawin ko sa taling `yan?” “Prenship bracelet ito. Akinàyang kamay mo.” Hinawakan nito ang kamay niya at itinali sa braso niya ang pulang tali na mayroong tila batong-­‐ buhay sa dulo. “Huwag mòyang huhubarin   kahit kailan.” “Ang ganda,” namanghang sabi niya. “Oo, magandàyan. Gawàyan ng tatay ko.” “Mabait ba ang tatay mo?” Tumango si Macoy nang sunod-­‐sunod. “Walang kasimbait. Kaya nga kailangan ko siyang tulungan.” “Eh, sino ang nanay mo?” “Ewan. Baka engkantada rin.” “Talaga?” Ganoon na lamang ang tuwa ni   Diosa dahil pareho silang anak ng engkantada. “Malay mo?” sabi nito, sabay ngiti sa kanya nang matamis.  SINABI ni Macoy kay Diosa na tatakas ito kapag inihatid na ni Mang Ped sa terminal ng bus si Ate Lulu. Nang araw na iyon ang schedule ng pag-­‐ uwi ni Ate Lulu sa probinsiya. Buo na raw ang plano ni Macoy. Magtatago ito sa ilalim ng upuan ng van na sasakyan ng dalawa. Marami laging   kahon ang van pero kayang-­‐kaya raw ni Macoy na mamaluktot doon para hindi ito makita. Pagbaba raw nina Ate Lulu at Mang Ped ay saka ito pupuslit. Ayaw ni Diosa na tumakas si Macoy kaya nang malapit nang dumilim ay umiyak siya nang umiyak. Pinagalitan at tinakot siya ni Manang Lita na sasampalin kapag hindi siya tumigil pero hindi pa rin siya nagpaawat. Namaluktot na lang siya sa kama, isinubsob ang ulo sa unan, at saka   impit na umiyak. Gusto niyang isumbong si Macoy para hindi ito makaalis pero nangako siya na silang dalawa lamang ang makakaalam ng pagtakas nito. Ayaw niyang magalit si Macoy sa kanya. Nakatulugan na niya ang pag-­‐iyak. Kinaumagahan ay hindi na makabangon si Diosa. Mainit ang pakiramdam niya at ubo siya nang ubo. Nilalagnat daw siya sabi ni Manang Lita. Inilipat siya nito sa ibang silid para daw hindi siya makahawa. Nakatulog uli siya.   Napabalikwas siya ng bangon nang makarinig ng mga kaluskos. Pagtingin niya sa pinto ay nakaawang iyon nang bahagya at nakasilip si Macoy. Ganoon na lang ang tuwa niya pagkakita rito. “Macoy!” tawag niya. Napaubo siya at nahirapang huminga. Lumapit ito sa kama niya. May dala itong isang boteng tubig. “Kapag inuubo ako, laging sinasabi ng tatay ko na uminom ako ng maraming-­‐   maraming tubig. O. .” Iniabot nito sa kanya ang bote. Tinanggap niya iyon. “Hindi ka umalis.” Hirap na hirap siyang magsalita. Hilam sa mga luha ang mga mata hindi lang dahil sa pag-­‐ubo kundi dahil din sa tuwa. “Narinig kasi kitang iyak nang iyak kagabi kaya hindi ako umalis,” sabi nito. Uminom ng tubig si Diosa. Nabawasan ang pag-­‐ubo niya. “Akala ko kasi, umalis ka na.”   “Hindi ka dapat umiyak. Kahit wala na ako rito, aalagaan pa rin kita. Magkikita pa rin tayo. Dadalawin kita rito kapag lumaya na ang tatay ko.” “Paano kung hindi siya makalaya?” “Basta, ako’ng bahala roon. Magkaibigan tayo, `di ba? Prends poreber. ” “Poreber. ” Tiningnan ni Diosa ang tali sa kanyang kamay. Umupo si Macoy sa gilid ng kama. “Hihintayin   kitang gumaling, saka ako tatakas.” “Paano kung hindi ako gumaling?” “Tanga. Puwede bàyon?” “Ayokong gumaling para hindi ka umalis.” “Pagagalingin kita.” Lumabi siya. “Gusto mo na talagang tumakas.” “Oo, pero gusto ko ring gumaling ka. Kawawa ka naman. Para kang may TB.” “Anong ‘tibi’?” “Iyon ang sakit ng mga taong ubo nang ubo   hanggang sa mamatay sila. Iyon ang sakit ng kapitbahay namin dati na mukhang kalansay. Ayokong maging kalansay ka, lalo kang papangit.” Hinampas niya ito. “Hindi nga ako pangit!” Tumawa si Macoy. “Sige na nga, maganda ka. Magpasalamat ka at may sakit ka, kung hindi, kanina pa kita inasar-­‐asar.” “Tse!” Uminom uli ng tubig si Diosa. Parang may magic ang tubig ni Macoy. Ilang sandali lang   ay nahinto na ang pag-­‐ubo niya. “Puwede ba akong sumamàpag tumakas ka? Ayoko na rin dito. Lagi akong inaaway nina Monique at pinapagalitan ni Manang Lita.” “Oo nga, kawawa ka naman.” Tumango si Macoy. “Kapag wala na ako rito, tiyak na lalo kang aapihin nina Monique at Bibi.” “Sasama na lang ako sàyo, Macoy. Ayokong magkahiwalay tayo.” Tiningnan siya nito nang matagal. “Sige. Pero   huwag kang maingay, ha? Susundin mo rin ang lahat ng sasabihin ko.” Tumango siya nang sunod-­‐sunod. “Ayoko ring magkahiwalay tayo. Mabait ang tatay ko. Tiyak na aampunin ka niya.” “Talaga?” Tuwang-­‐tuwa siya. Parang wala na siyang sakit. “Oo. Tuturuan ka pa niyang mag-­‐magic.” “Magic?” “Nagma-­‐magic siya sa baraha at mga barya.   Nilulunok niya ang mga iyon pagkatapos ay lumalabas sa kamay niya.” Napangiti si Diosa. “Maganda iyon, magic.” “Basta magpagaling ka kaagad. `Tapos, pag-­‐ uwi uli ni Ate Lulu sa kanila, tatakas tayo. Hindi na tayo maghihiwalay kahit kailan.” Ibinulong ni Macoy sa kanya ang huling sinabi nito. “Babantayan mo ako? Walang mang-­‐aaway sa akin?” “Subukan lang nila. Ako ang makakaaway   nila.” Sabay silang napalingon sa pinto nang biglang bumukas iyon. “Hoy, Macoy! Ano’ng ginagawa mo rito? Bawal ka rito. Baka mahawa ka kay Diosa, isa ka pang intindihin,” sabi ni Manang Lita. May dala ring isang basong tubig at maliit na bote. “Dinalhan ko lang ng tubig si Diosa. Inuubo na naman siya, eh.” “Mabait ka pala?” may sarkasmong sabi ni   Manang Lita. “Akala ko ba, hindi mo type si Diosa? Bakit nanliligaw ka ngayon?” “Magkaibigan lang kami,” sagot ni Macoy. “`Sus! Showbiz. Lakad na, labas na.” Ibinaba ni Manang Lita sa mesang katabi ng kama ang isang basong tubig. Kinawayan pa siya ni Macoy habang palabas ito ng pinto. Inalis ni Manang Lita ang takip ng maliit na bote at isinalin sa isang kutsara. Pagkatapos ay   iniumang nito iyon sa bibig niya. “Inumin mòto para gumaling ang ubo mo.” Tumalima si Diosa. Pikit-­‐matang nilunok niya ang mapait na gamot at saka niya inubos ang isang basong tubig. “Anòyong naliligaw, Manang?” tanong niya. ‘“Naliligaw’? Baka ‘nanliligaw’? `Kako’y si Macoy, nanliligaw sa iyo. Ibig sabihin, gusto ka niya.” “Oo nga,” sagot niya.   “Opo,” pagtatama nito. “Opo nga. Gusto ako ni Macoy, poreber. ” “May nalalaman ka pang forever diyan. Humiga ka na uli at magpahinga.” Humiga uli si Diosa pero sigurado siya sa sarili na mabuti na ang pakiramdam niya. Isasama siya ni Macoy kapag umalis ito at hindi na sila magkakahiwalay.

 

CHAPTER THREE

HINDI mapakali sa silid si Diosa. Iyon ang gabing itinakda ni Macoy para tumakas. Nakabuo na sila ng plano. Ang sabi nito ay hintayin niya ang pagsipol nito sa labas ng kanyang silid. Kapag narinig niya iyon ay magkukunwari siyang gagamit ng banyo. Hindi rin sila magdadala ng kahit anong gamit dahil istorbo lang iyon. Ibibili na lang daw siya ng tatay nito ng mga bagong   damit. “Bakit hindi ka pa natutulog, Diosa?” tanong ni Bibi. “Ang likot mo diyan sa kama mo.” “Kasi, marami siyang bulate,” sabad ni Susan. Nagtalukbong ng kumot si Diosa pero tinalasan niya ang pandinig. “Wit-­‐wit” ang tunog ng sipol ni Macoy. Alam niya iyon dahil inensayo nito sa harap niya. Parang napakabagal ng oras. Naiinip na siya sa paghihintay at nagsisimula na siyang mainis, lalo na at may naghihilik nang malakas sa   silid. Paano niya maririnig ang sipol ni Macoy? Bumangon siya at umupo sa kama. Bigla siyang may naamoy kaya pinagbuti niya ang pagsinghot. Kagaya iyon ng amoy kapag nagsisiga sa gubat si Tatay Lupo kaya natiyak niyang usok ang naamoy niya. Pero may kahalo iyon na mabahong amoy. Bumaba siya ng kama at binuksan ang pinto. Sumalubong sa kanya ang makapal na usok. Sa gitna niyon ay may naaninag siyang palapit na pigura.   “Ang mga bata! Mang Ped, ang mga bata!” natatarantang sabi ni Manang Lita. Napasigaw na rin si Diosa nang makaramdam ng takot. “Diosa!” tawag ni Manang Lita. “Dapa! Gumapang ka lang, huwag kang huminga.” Dumapa siya sa sahig. May biglang dumampot sa kanya. Hindi niya kayang pigilan ang paghinga kaya huminga siya. Napaubo siya nang masagap ang usok. Nanikip ang dibdib niya at hindi siya   makahinga. Habang unti-­‐unti siyang nawawalan ng malay ay naririnig pa niya ang pagkakagulo ng mga bata sa paligid. Paggising ni Diosa ay nakahiga na siya sa isang kama. Nakaupo sa tabi niya si Manang Lita na may nakabalot na puting tela sa mukha at braso. Mas makapal na telang puti naman ang nakabalot sa leeg nito. “Wala na ang bahay-­‐ampunan, Diosa,” umiiyak na sabi nito. “Hindi lahat ng kasama mo   ay nakaligtas.” “Bakit?” “Nasunog ang ampunan.” Lalong umiyak si Manang Lita. “Si Macoy?” Parang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib niya kaya napaubo siya. “Hindi pa siya nakikita pero marami pang bangkay ang hindi nakikilala. Nasa kabilang kuwarto sina Botchok. Nasunog ang katawan nila.”   Nahintakutan si Diosa. “Nasaan si Macoy?” “Hindi ko alam, Diosa.” “Macoy!” malakas na sigaw niya. Napaiyak na. “Gusto kong makita si Macoy!”  NATUWA si Diosa nang sabihin ni Manang Lita na nakaligtas sa sunog sina Mang Ped at Ate Lulu. Sa ngayon ay umuwi na raw si Ate Lulu sa probinsiya nito. Sina Botchok at ang ibang nakaligtas na bata ay maiiwan pa sa ospital.   Matagal pa raw na gagamutin ang mga paso sa katawan ng mga ito. Nang malakas na si Diosa ay inilabas na siya ni Manang Lita ng ospital. Isinama siya nito sa isang maliit na bahay na kagaya ng bahay na pinagdalhan sa kanya ni Aling Ligaya noong dalhin siya nito sa Maynila. Kasinliit lang din iyon ng bahay-­‐kubo nila ni Tatay Lupo pero hindi iyon mukhang bahay-­‐kubo. Sa halip na pawid at sawali ay gawa sa yero at kahoy ang bubong at   mga dingding niyon. Isang babae na sa tantiya niya ay kasing-­‐edad ni Ate Lulu ang nagbukas ng sawaling pinto. Nakasimangot ang babae habang nakatingin sa kanila. “Dito ka muna titira sa bahay ko, Diosa,” sabi ni Manang Lita. Hindi nito pinansin ang masamang mukha ng babae. “Siya si Estela. Siya ang kasama ko rito sa bahay.” Pinagmasdan ni Diosa si Estela. Napakaiksi ng   damit na suot nito at mahaba ang buhok na parang buhok ng mais. Nakakatakot ang mga mata nito na maitim ang paligid. Makapal ang makeup ni Estela at saksakan ng pula ang mga labi. Mahaba rin ang mga kuko nito na iba’t iba ang kulay. “Wala ka na ngang trabaho, nagsama ka pa ng palamunin,” pasinghal na sabi ni Estela. Pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. “Ang chaka pa.”   “Walang mapupuntahan si Diosa kaya minabuti kong isama muna siya rito. Maghahanap ako ng bagong trabaho. May makukuha naman akong tulong mula sa pamunuan ng ampunan. Maski paano ay makakaraos pa rin tayo.” “Siguruhin mong magkakapera ka diyan sa sinasabi mo,” parang galit na sabi ni Estela. “May pagkain ba?” tanong ni Manang Lita. “May sardinas diyan, puwede nang ulam `yon. Tinatamad akong magluto. Ikaw na rin ang   magsaing.” Sa tingin ni Diosa ay nanghihina pa si Manang Lita pero nagsaing pa rin ito. Inihanda nito ang mesa at pagkatapos ay tinawag at pinagsilbihan si Estela. “Huwag ka munang lumabas mamayang gabi. Mabigat pa ang pakiramdam ko. May kaunting impeksiyon pa raw ang mga sugat ko,” sabi ni Manang Lita. “Bakit? May kasama ka naman, ah,” pabalang   na sabi ni Estela. “Kailangan kong lumagare. Baka nakakalimutan mong napakamahal ng mga antibiotics mo.” “Pasensiya ka na,” tila hiyang-­‐hiyang sabi ni Manang Lita. “Hayaan mo, bukas na bukas din ay aasikasuhin kòyong perang makukuha ko. Magbabaka-­‐sakali na rin akong maipasok nila ako ng trabaho. Kapag may trabaho na uli ako, ipangako mong titigil ka na uli at dito ka na lang sa bahay.”   “Bahala na,” bale-­‐walang sabi ni Estela. Napatingin si Diosa kay Manang Lita. Nanlaki ang mga mata nito at parang nawalan ng kulay ang mukha. “Anong klaseng sagot `yan, Estela? Anong bahala na? Iyon ang kasunduan natin noong kunin kita sa club. Dito ka sa bahay at ako ang maghahanapbuhay.” “Nakakainip na, eh.” Tiningnan siya ni Estela. “Kumain ka na lang habang may pagkain. Baka   bukas, wala na.” Napatango na lang siya. Pakiramdam niya ay pabigat siya sa sitwasyon ng mga ito. “Hindi ko ginusto ang nangyaring ito, Estela. Alam mong nagsisikap ako na magkaroon tayo ng disenteng buhay. Pinipilit ko ring ibigay sa iyo ang mga kailangan mo.” Tiningnan nang matalim ni Estela si Manang Lita. “Ang sabi mo noong patigilin mo ako sa pagsasayaw, maganda ang trabaho mo at   maganda ang kita mo. Iyon pala, umaasa ka lang sa abuloy.” “Magkakatrabaho uli ako.” “Harinawa.” Tumayo na si Estela. “Magpayosi ka naman. Ang lansa ng Ligo, eh.” Dumukot ng pera si Manang Lita sa bulsa nito at iniabot kay Estela. “Ibili mo rin ng candy itong si Diosa.” Hinablot ni Estela ang beinte pesos na papel. “Di lalong nabulok ang mga ngipin niyan.”   Pagkasabi niyon ay lumabas na ito ng pinto. “Pasensiya ka na kay Estela. Masanay ka na sa bibig niya,” sabi ni Manang Lita. Tumango si Diosa. “Tapusin mo nàyang pagkain mo at pagkatapos ay hugasan mo ang mga plato. Hindi pa puwedeng mabasa ang mga sugat ko sa kamay at braso.” “Opo,” magalang na sagot niya.   HINDI sinasadyang napahinto si Diosa sa tapat ng dating bahay nila ni Manang Lita. Nagkataong pagdaan niya roon ay napigtas ang kanyang tsinelas. Ibinagsak niya sa semento ang kanyang bag at inayos ang maliit na alambre sa ilalim ng tsinelas na goma niya. Araw-­‐araw niyang nadaraanan ang dating bahay nila. Iba na naman pala ang nakatira doon. Ngayon ay matabang babae na naninigarilyo ang nakita niyang lumabas mula roon.   Hindi pa man pumapasok si Diosa sa eskuwelahan ay matagal na silang lumipat sa looban. Wala na kasing pambayad sa upa si Manang Lita. Kulang ang kinikita nito sa paglalaba at pagiging caller ng jeep. Naaalala niya si Macoy tuwing nag-­‐aaway tungkol sa pera sina Manang Lita at Estela. Hindi problema kay Macoy ang pera dahil kayang-­‐kaya nitong ipagpalit ang pekeng pera sa totoong pera. Pero wala na ito. Siguro, kagaya ni Tatay Lupo ay sumama na ito sa   mga engkantada. Dumeretso ng tayo si Diosa at muling binitbit ang bag na gawa sa plastic. Binagtas niya ang makitid na tulay patungo sa estero kung saan sila nakatira. Hindi pa rin mawala sa isip niya si Macoy. Kailan kaya siya kukunin ng mga engkantada? Gusto na niyang makita si Macoy. Tiyak na maraming fishball, kwek-­‐kwek, isaw, at Payless mami sa kahariang kinaroroonan nito at ng nanay niya.   Kumalam ang sikmura niya. Sana ay may kanin sa kanilang bahay. Hihingi siya ng kaunting patis sa kapitbahay nila na si Aling Beka at iyon na lang ang uulamin niya. Napatda si Diosa sa gitna ng tulay. May natanaw siyang lalaki na mabilis na tumatakbo papunta sa direksiyon niya. Parang hindi siya nakita nito. Hindi niya alam kung paano tatabi sa makitid na tulay. Tatakbo na sana siya pabalik sa pinanggalingan nang marinig niya ang galit na   boses ni Manang Lita. “Papatayin kita, hayup ka! Ulupong!” Pasugod na nakasunod si Manang Lita sa lalaki. “Ang kapal ng mukha mo!” “Manang!” Nanlaki ang mga mata ni Diosa nang makitang may hawak itong kutsilyo. Nakalapit na sa kanya ang lalaki at nasagi siya kaya nawalan siya ng panimbang. Natumba at gumulong siya pabagsak sa kanal na puno ng basura. “Manang!” umiiyak na tawag niya. Pilit   siyang bumangon. Hanggang mga hita niya ang mabaho at maitim na tubig. Nasa di-­‐kalayuan ang bag niya at wala na siyang tsinelas. “Manang! Manang!” Pero sa dami ng mga taong tumakbo sa tulay ay walang sumaklolo sa kanya. Lahat ay bingi sa tawag niya. Sinikap niyang ihakbang ang mga paa na nalubog sa kanal pero mabigat ang mga iyon at pulos putik at basura. Patuloy siya sa pagsigaw at pag-­‐iyak. Natakot siya na tuluyang lamunin ng   putik. Pakiramdam niya ay walang nais sumaklolo sa kanya kaya nagbibingi-­‐bingihan ang mga ito. “Manang, parang awa mo na. .” Napatingin si Diosa sa dakong kinaroroonan ng kanyang bag. May isang payat at puting tutang kumakahol sa kanya. Parang nais niyong lumapit pero takot lumusong sa putik. “Tulong!” Lalong kumahol ang tuta. Nagtama ang mga mata nila, kapagkuwan ay dumapa ito at kinahig ang lupa   habang umuungol. Parang umiiyak na rin ito. Dahil doon ay sinikap uli niyang iangat ang mga paa. Hindi niya gusto na dahil sa kanya ay malungkot ang tuta. “Tulong!” malakas na sigaw uli niya. “Bata! May bata sa ilalim!” sigaw ng kung sino mula sa itaas ng tulay. Kumahol uli ang puting tuta. “Tulong!” malakas na sabi ni Diosa. Sa wakas ay narinig niya ang inaasam.   Dalawang lalaking may hawak na kawayan ang bumaba sa tulay. Iniabot ng mga ito sa kanya ang dulo. “Kumapit ka lang, ineng. Huwag kang lumaban. Hihilahin ka namin,” sabi ng isang mama. “Si Diosa pala! Naku po!” anang boses ni Aling Beka mula sa itaas ng tulay. Ito ang babaeng hindi madamot sa patis. Pinagbuti ni Diosa ang pagkapit sa kawayan.   Nang maiahon na siya ng mga lalaki ay nilingon niya ang tuta. Kumakawag ang buntot nito pero tila nahihiya pang lumapit sa kanya. Siya na ang lumapit at yumakap dito. Inakay na siya ng dalawang lalaki paakyat sa tulay. Sinalubong siya ni Aling Beka. “Naku, ang batang ito. . Bakit ka nahulog?” Bago pa siya makasagot ay nagsalita na ang isa pang kapitbahay nila na si Mang Pol. “Beka, bahala ka na muna diyan kay Diosa. Putang-­‐   ina. .” Umiling-­‐iling pa ito. “Oo,” sabi ni Aling Beka. “Halika, Diosa. Maligo ka muna at punong-­‐puno ka ng putik.” “Si Manang Lita po?” tanong niya. Biglang natigilan si Aling Beka at umiyak. “Naku, Diosa.. ” Hindi nito naituloy ang sasabihin. Umungot ang tutang yakap-­‐yakap niya. “Sshh, maliligo na tayo. Aling Beka, paliliguan ko rin si. .” Nag-­‐isip si Diosa ng ipapangalan sa tuta.   Naalala niya ang makulit na bata sa kuwento ng kanilang guro. “Mingming.” Tumango lang si Aling Beka at patuloy pa rin sa pag-­‐iyak. “Bakit po ba kayo umiiyak?” “Si Manang Lita mo.. ” Humagulhol ito. Naagaw ang pansin niya ng mga nag-­‐uusap na lalaki. “Dumating nàyong mga pulis,” sabi ng payat na mama.   “Dadalhin na raw `yong bangkay sa punerarya, kay Escueta,” sabad ng lalaking walang damit kaya nakalitaw ang malaking tiyan. Kinabahan si Diosa. Nilingon niya si Aling Beka. “N-­‐nasaan po si Manang?” “Hindi na natin makakasama si Manang Lita mo, Diosa. Wala na siya. Siya naman kasi, eh. Ayaw niyang magpaawat. Hindi na sana niya pinatulan si Edwin. Diyos ko po! Bakit nangyari ito?” Tinutop ni Aling Beka ang dibdib at saka   muling nanaghoy. Napamaang siya. “Namatay? Si Manang?” Mas malakas na panaghoy ang itinugon nito. Lumingon si Diosa sa dulo ng tulay pagkatapos ay tumakbo siya patungo roon. Gusto niyang makita si Manang Lita. Patay na ba talaga ito? Kanina lang ay tumakbo ito na may dalang kutsilyo kaya bakit ito namatay? Paano iyon nangyari? Nakita niyang nakahandusay si Manang Lita sa   kalsada, malapit sa dating bahay nila. Umaagos ang sariwang dugo mula sa kilikili at dibdib nito. May pulis na nagdodrowing ng guhit sa paligid ni Manang Lita. Parang iyong ginagawa nila sa eskuwelahan na connect the dots para may mabuong larawan. Titig na titig siya rito. Biglang may mga kamay na kumuha sa kanya at inilayo siya. “Bata ka pa, Diosa. Hindi mo pàyan dapat makita,” sabi ni Aling Beka.   “Manang. .” lumuluhang sabi niya.

 

CHAPTER FOUR

HINDI hiniwalayan ng tingin ni Macoy ang pulang Toyota Corolla. Wala pang plaka iyon kaya natiyak niyang bagong-­‐bago. Nagmenor ang driver niyon na waring may hinahanap. Mukhang hindi ito sigurado kung dederetso o liliko. Huminga siya nang malalim bago binalanse sa kamay ang mga Styrofoam na may lamang pansit lomi. Bumilang siya nang hanggang tatlo bago   pumulas mula sa gilid ng kotse. Tinuruan siya ng tatay niya kung paano tumakbo nang mabilis na kontrolado pa rin ang katawan. Mahalaga raw na matutuhan niya iyon kung hindi ay mababalian siya ng buto at malamang ay maospital. Sinadya niyang ibunggo ang sarili sa unahan ng kotse at itapon ang mga Styrofoam. Nasaktan ang mga tuhod at braso niya pero binale-­‐wala niya iyon. Gaya ng inaasahan niya ay nagulat ang driver. Bumaba ito ng kotse at   inalam kung ano ang naging pinsala niya. “Boy, nasaktan ka ba? Dadalhin kita sa ospital,” alalang-­‐alalang sabi ng driver. “Huwag na po.” Nag-­‐iyak-­‐iyakan si Macoy at nagkunwaring namimilipit. “Kaya ko naman po. Hinihintay ako ng.. ang lomi. Natapon ang lomi ko!” Dahan-­‐dahan siyang tumayo at nagkunwaring hirap na hirap. Pilit niyang ibinalik sa lalagyan ang natapong pansit lomi. “Huwag mo nang kunin `yan. Marumi na.”   “Hindi po puwede. In-­‐order po kasi ito sa amin. Papaluin po ako ng tatay ko kapag hindi ko ito nadala sa customer at naibigay sa kanya ang bayad.” Tatlong minuto na siyang umaarte pero parang hindi pa rin nakakahalata ang driver sa gusto niyang mangyari. Pero nang pilit niyang abutin sa ilalim ng kotse ang mga gumulong na kalamansi ay inawat na siya nito. “Huwag na, boy. Babayaran ko na lang ang mga pansit mo. Magkano ba lahat iyan?”   “Ho?” Kunwari ay hindi siya makapaniwala. “A-­‐apat na order po kasi ito.” Kumuha ito ng pera sa wallet at saka iniabot sa kanya. “Heto ang three hundred. Bumili ka rin ng gamot para sa gasgas mo.” “Hindi naman po ako nasaktan, eh.” “Sige na, boy. Kunin mo na ito. Nagmamadali ako. May kausap akong tao. Baka may maligaw pa ritong pulis.” “Salamat po,” sabi ni Macoy, sabay abot sa   pera. Tagumpay na naman ang drama niya. Agad niyang pinuntahan ang tatay niya sa Harrison Plaza. Malapit lang kasi roon ang de-­‐tulak na tindahan nila ng lomi at lugaw. “Tatlong daan ang ibinigay sa akin, `Tay. Okay na, `di ba?” nagmamalaking sabi niya. Ginusot nito ang buhok niya. “Sa susunod, mas galingan mo pa.” “Dapat, sa susunod, mas maraming lomi na ang dalhin ko.” Hinimas niya ang nasaktang   braso. Kaunting gasgas at pasa lang ang natamo niya. Gagaling iyon kahit hindi niya gamutin. “Oo. Pero sa ibang lugar ka naman magdadrama dahil baka makahalata na ang mga motorista rito. Lilipat tayo sa Quezon Avenue o kaya ay sa España. Maraming estudyante roon.” Ngumiti ang tatay niya at kumislap ang mga mata. Tumango-­‐tango si Macoy. Sa paraang iyon ay nagkaintindihan sila.   “Sige na. Dalhin mo na itong order sa sanglaan.” Iniabot nito sa kanya ang isang supot. “Ingatan mòyan at baka matapon.” Nagtawanan sila. Lumarga uli siya. Pagbalik ay tinulungan na niya itong magligpit ng tindahan. “Hindi tayo magtitinda bukas, Macoy.” “Bakit po?” “May pupuntahan tayo. Kakain tayo sa mamahaling restaurant. Kailangan ay matutuhan   mo rin kung paano kumain ang mga mayaman. Mag-­‐practice ka na rin ng Ingles mo. Ingles ang usapan natin bukas.” “Yes, Dad. No problem.” Ginusot ng tatay niya ang kanyang buhok. “Ang galing talaga ng anak ko. Malayo ang mararating mo, bata.” “Talaga, `Tay. Paglaki ko, ibibili kita ng magandang kotse. Titira tayo sa malaking bahay na maraming katulong.”   “Maaasahan ka talaga, Macoy.” Nginitian niya ito. Wala siyang kasinligaya nang mga sandaling iyon. Ganoon din siya kasaya noong mailabas niya ito ng kulungan. Nang tumakas siya noon sa bahay-­‐ampunan ay pinuntahan niya ang batikang kawatan sa Singalong na si Felix. Nagprisinta siya ng serbisyo rito. Pagkalipas ng isang linggo ay ipinatawag siya nito. May ipapagawa raw sa kanya. Mayroon daw nanakawang bahay ang grupo nito at   kailangan nito ng isang bata. Sumama si Macoy sa operasyon ng mga ito. Siya ang pinadaan ni Felix sa makipot na daan na tanging daanan papasok sa bahay ng nanakawan nila. Nagawa niya ang trabahong itinalaga nito sa kanya. Sa pamamagitan niya ay nakapasok sila sa bahay. Iginapos at binusalan ng mga ito ang may-­‐ ari ng bahay, pagkatapos ay nilimas ang mga appliances at binuksan ang kaha ng pera. Lingid sa kaalaman ni Felix ay nanloob din siya   nang palihim. Pinitik niya ang mga naka-­‐display na mamahaling kubyertos at mga maliit na bote ng alak. Isinilid niya ang mga iyon sa sako niya at saka inihagis sa likod ng bakod para hindi makita ng mga kasama niya. Sa huli, bukod sa bayad sa serbisyo niya, kumita pa siya sa pinagbentahan ng mga ninakaw niyang abubot. Ang perang iyon ang ginamit niya para mapiyansahan ang kanyang tatay. Pero may kaakibat na lungkot ang alaalang   iyon. Pagkatapos niyang mapiyansahan ang tatay niya ay nabasa niya sa diyaryo na nasunog ang bahay-­‐ampunan na pinanggalingan niya. Tiyak na si Mang Ped ang may kagagawan kung bakit nasunog iyon. Maraming beses niyang nakita ito na nakakatulugan ang paninigarilyo. Siguro ay hindi nito namalayang nahulog ang may sinding stick ng sigarilyo na nakapasak sa bibig nito. Maraming namatay na bata sa sunog na iyon. Ayaw man niyang isipin ay posibleng kasama   si Diosa sa mga namatay. Nalungkot siya dahil kahit ganoon ang hilatsa ng mukha nito ay natutuwa siya rito. Noong nasa ampunan pa siya ay gusto niya na laging kasama at kausap si Diosa. Marami siyang kakilalang bata pero para sa kanya ay ito ang pinakaespesyal sa lahat. Kawawang Diosa, namatay nang wala pang nalalaman sa mundo. Sa isang banda ay okay na rin iyon. Kasama na nito ang mga engkantada. “Totoo kaya ang mga engkantada, `Tay?”   tanong ni Macoy. “Naiisip mo na naman ba ang kaibigan mong si Diosa?” “Sayang kasi siya, `Tay. Mabait siya kahit utu-­‐ uto.” Inakbayan siya ng ama. “Patay na siya kaya kalimutan mo na siya. Malulungkot ka lang kapag lagi mo siyang iniisip. Ayaw mo n’on, kasama na niya ang nanay niyang engkantada?” “Pero ang sabi sa kuwento, iba ang mga   engkantada. Nagbabantay sila ng mga bundok,” giit niya. “Kaya nga kuwento, hindi totoo. Huwag kang magpapaniwala sa mga gano’n. Wala kang mapapala ro’n.” Natahimik si Macoy. Kung minsan, parang masarap isiping totoo ang mga engkantada at isasama siya ng mga ito sa daigdig ng mga ito. Doon ay hindi na niya kailangan ang pera, lalong hindi na niya kailangang masaktan at matakot.   NAGHAHAPUNAN ng monay sina Diosa, Aling Beka, at ang dalawang apo nito na sina Michael at Ryan. Aandap-­‐andap ang ilaw sa gaserang tumatanglaw sa maliit na mesa nila. Ubos na ang monay ng dalawa kaya masama ang tingin sa hawak niya. Parang aagawin ng mga ito ang monay niya. Anak ni Aling Beka ang nanay nina Michael at Ryan pero nag-­‐asawa ng iba at pumunta sa malayo. Parehong nasa grade four ang mga ito.   Kagaya niya, ang sabi ni Aling Beka ay kailangan ding huminto sa pag-­‐aaral ang dalawa. Sinamantala ni Diosa ang pagkakataong iyon para ipaalala kay Aling Beka ang tungkol sa pag-­‐ aaral niya. “Ang sabi ng titser ko, kailangan daw tapusin ang pag-­‐aaral para magkapera,” lakas-­‐ loob na sabi niya. “`Sus, Diosa! Kung kagaya mong mahina ang isip ang mag-­‐aaral, gunaw na ang mundo bago ka pa makatapos. Dalawang taon ka na sa grade one,   hindi ka pa marunong bumasa.” Pinagtawanan siya nina Michael at Ryan. Bigla siyang tinanong ni Ryan. “Ang sampung melon ay nasa kariton. Umandar ang kariton. Nasaan ang melon?” Nilunok ni Diosa ang nginunguya at saka nag-­‐ isip. “Ahm. . hindi ko alam.” “Hindi mo alam?” tatawa-­‐tawang tanong ni Ryan. Inulit nito ang tanong. “Hindi ko nga alam!” pasinghal na sabi niya.   Pakialam ba niya sa melon kung saan dinala ng kariton? “Bobo!” Kinutusan siya ni Michael. “Hindi ako bobo, pilantod!” ganti niya. Hinabol daw ni Michael ang truck ng basura noon. Nakasampa ito pero sa kasamaang-­‐palad ay nahulog din kaya napilay. Pero dahil sa pangyayaring iyon ay tinulungan ng mayor nila ang lolo nito na si Mang Nestor para magkaroon ng trabaho.   Isang linggo nang hindi umuuwi sa kanila si Mang Nestor. Araw-­‐araw na umiiyak si Aling Beka. Sumama na raw ang asawa nito sa kabit kaya pinabayaan na sila. “Sino’ng pilay, ha?” Pinanlakihan siya ni Ryan ng mga mata. “Si Michael. Pilay ka ba?” pasinghal na tanong ni Diosa. “Huwag mong tawaging pilay ang kapatid ko. Sampid ka lang dito.” Itinulak siya ni Ryan kaya   tumumba siya sa sahig. Pero hindi pa rin niya binitiwan ang monay niya. Dali-­‐dali niyang isinubo iyon kahit kalahati pa iyon. Tiyak na aagawin iyon sa kanya ng dalawa. Lagi siyang inaaway at inaagawan ng pagkain ng magkapatid. Kahit namumuwalan sa monay ay tumayo siya at sinugod si Ryan para makaganti. “Tama na! Ang dami na nga nating problema, away pa kayo nang away. Mga tinamaan kayo ng   lintek,” awat sa kanila ni Aling Beka. “Si Ryan kasi, eh. Hindi naman siya ang sinabihan ko ng pilay, siya ang nagagalit,” depensa ni Diosa sa sarili. “Tumigil ka na, Diosa.” Sininghalan siya ni Aling Beka. “Natural na magalit si Ryan dahil sinabihan mong pilay ang kapatid niya.” “Hindi nga siya ang sinabihan ko. Si Michael ang pilay kaya para sa kanyàyon.” “Inulit pa!” Umakma si Ryan na kukutusan   siya. Nagtago siya sa likuran ni Aling Beka. “Bobo ka kasi,” pangungutya sa kanya ni Michael. Nasaktan siya sa sinabi nito. “Hoy, Diosa! Magkakampi sa lahat ng bagay ang magkapatid. Kaya ang kaaway ni Michael, kaaway rin ni Ryan. Wala ka kasing kapatid kaya hindi mòyon alam,” sabi ni Aling Beka. “Wala ka ring nanay at tatay,” dagdag na sabi   ni Michael. Inismiran pa siya. “Imposiblèyon, apo. May mga magulang din si Diosa. Ang problema lang ay hindi niya nakagisnan ang mga ito.” Tiningnan siya ni Aling Beka. “Malay mo, may mga kapatid ka rin pala.” “Nasaan sila?” tanong niya. “Itinapon ka nila kasi pangit ka,” sabad ni Ryan. “Tama nàyan. Matulog na kayo.” “Hindi kami papasok kaya bakit kami   matutulog?” katwiran ni Ryan. “Lalabas kami para magdelihensiya ng pera.” “Hindi kayo lalabas.” Pero tila wala nang lakas si Aling Beka kaya kulang sa kombiksiyon ang boses nito. Lumapit ang matanda sa folding bed na tulugan nito, ipinagpag ang kumot doon, at saka ito humiga. Nang nakapikit na ito ay magkasunod na tumakbo palabas ng bahay sina Ryan at Michael. Umupo si Diosa sa mesa at nanatiling nakatitig   sa gasera. Kung may mga kapatid siya, ibig sabihin ay may kakampi rin siya. Nasaan kaya ang mga ito? Paano niya malalaman ang kinaroroonan ng mga kapatid? Mayamaya ay narinig niya ang impit na pag-­‐iyak ni Aling Beka. Nilapitan niya ito. Nakatalukbong ng kumot habang humihikbi ang matanda. “Bakit ka malungkot, Aling Beka?” tanong niya. Kalungkutan daw kasi ang dahilan kung bakit umiiyak ang tao. “Iniisip n’yo ba si Mang   Nestor? Mabuti nga po’t hindi na siya bumalik. Hindi ka na niya masasabunutan, masasampal, at masasakal kapag mainit ang ulo niya.” “Hindi ko alam kung paano kayo bubuhayin, Diosa. Saang kamay ng Diyos ako kukuha ng kakainin natin araw-­‐araw?” “Kasi nga, nakapako ang kamay ng Diyos. Hindi pa Siya nakakakawala sa pako,” sabi ni Diosa. Kahit anong paliwanag sa kanya ng mga guro niya at ng ibang tao tungkol sa Diyos, hindi   pa rin niya iyon maunawaan. Kapag palagi raw nagdarasal ang tao, tutulungan ng Diyos. Nagdasal siya dati na huwag bumaha pero bumaha pa rin. Wala Itong silbi sa kanya. “Siguro nga, walang Diyos. Hindi ko rin Siya maramdaman. Pagod na pagod na ako,” daing ni Aling Beka. Naawa siya sa matanda. Minsan, kapag umiiyak ito ay naiiyak na rin siya. Pero hindi niya iyon ipinaririnig sa iba dahil baka tanungin siya.   Hindi naman niya alam kung bakit siya umiiyak. “Matulog ka na,” sabi niya. Noong namatay si Tatay Lupo, hindi siya umiyak dahil ang sabi nito ay matutulog at mananaginip lang ito nang matagal. Nang dumating ang isang babae at isang lalaki at sinabi sa kanya na hindi na gigising si Tatay Lupo dahil patay na, nalungkot at napaiyak siya. Nang isakay siya ng babae at ng lalaki sa truck at dalhin sa Maynila ay nalibang siya sa mga tanawin kaya   nakalimutan na niya ang lungkot. Noong masunog ang bahay-­‐ampunan at namatay si Macoy ay ilang araw na umiyak nang umiyak si Diosa. Tuwing naaalala niya si Macoy ay naiiyak pa rin siya. Mas nakakaiyak pa iyon kaysa noong patayin ni Edwin si Manang Lita. Napabuntong-­‐hininga siya at pinagmasdan ang pulang tali sa kamay niya. Hindi niya inaalis iyon dahil ayaw niyang mawala. Baka magalit si Macoy kapag naiwala niya. Sana ay multuhin siya   ni Macoy para magkausap uli sila. Kung buhay lang sana ito, hindi siya mababatukan nina Michael at Ryan. Tiyak na susuntukin nito ang magkapatid. Lumabas si Diosa ng bahay at umupo sa tabi ng pinto. Hindi nagtagal, lumapit sa kanya si Mingming. Hinimas-­‐himas niya ito. Lumaki na ang aso pero payat pa rin. “Alam mo ba, Mingming, ang dami kong naiisip na malungkot.” Isa-­‐isang nakita niya sa isip ang mga taong   nakatira sa malaking bahay, maganda ang bihis, may kotse, at kumakain sa mga kainan na para lang sa mga may pera. Bakit may mga ganoong tao? Bakit hindi sila ganoon? Mayaman daw ang mga ito at sila ay mahirap. Noong nabubuhay pa si Tatay Lupo, hindi niya alam ang mga bagay na iyon. Hindi rin siguro nito iyon alam kaya hindi nasabi sa kanya. Pero mas masaya siya noon. Hindi niya gusto ang mga nalalaman niya ngayon. Hindi niya gusto na   marami siyang itinatanong pero wala siyang makuhang sagot. Siguro ay alam ni Macoy ang mga sagot sa tanong niya. Pero wala na ito.  KINABUKASAN, sinabi ni Aling Beka kay Diosa na may pupuntahan sila. May dala ang matanda na malaking supot na naglalaman ng mga damit niya. “Bakit n’yo dala ang mga damit ko?” tanong ni   Diosa. Ayaw niyang sumama rito dahil balak niyang mamasyal kasama si Mingming. Sasamahan niyang maghanap ng pagkain ang alaga niya, tutal, hindi na siya papasok sa eskuwelahan. “Ah, ano.. kailangan mo ito sa pupuntahan natin. Halika na at tanghali na.” “Hindi na ho ako maghuhugas?” “Huwag na. Doon na lang sa pupuntahan natin.”   “Isasama ko po si Mingming.” “Hindi mo siya puwedeng isama.” Nalungkot si Diosa. Masama man ang loob ay sumama na rin siya kay Aling Beka. Bago sila umalis ay kinausap niya si Mingming. “Ikaw muna uli ang mamasyal, ha? Mag-­‐ingat ka.” Umungol ang aso at dumapa sa sahig. Lumabas na sila ng pinto. Nilingon uli niya ang aso. Nakasunod ang tingin nito sa kanya. Pagdating nila sa estero ay sumakay sila sa   isang jeep. Ramdam ni Diosa na parang umiiwas sa kanila ang mga katabi nila. Kahit maluwag ang jeep ay pilit na tumatalikod ang mga ito. Pinagmasdan niya ang dalagang katapat niya. Puting-­‐puti ang suot nitong damit at may kandong na bag at mga aklat. Napatingin siya sa mga kamay ng dalaga. May singsing ito na may kumikinang na bato. May kulay na berde ang mga kuko nito. Naaamoy niya ang bango nito. Tiyak na mayaman ang dalaga.   Bumaba sila ni Aling Beka sa isang palengke. “Ito ang Blumentritt. Huwag kang tatanga-­‐ tanga at baka mawala ka. Kumapit ka sa akin,” sabi nito. “Saan tayo pupunta?” Panay ang linga niya sa paligid. Marami ang katulad nila roon pero marami rin ang mayaman. “Sa kakilala ko.” Parang nalungkot uli si Aling Beka. Tumawid sila sa riles ng tren at pumasok sa   isang looban. Huminto sila sa isang bahay na kagaya rin ng tagpi-­‐tagping bahay ni Aling Beka. May mga lalaking naglalaro ng tong-­‐its sa labas. “Magandang araw,” bati ni Aling Beka sa mga lalaki. “Hinahanap namin si Delia.” Tumayo ang isa sa mga naglalaro ng tong-­‐its at pumasok sa loob ng bahay. Paglabas nito ay may kasunod nang babae na mukhang kasing-­‐edad ni Aling Beka. “Iyan na bàyong sinasabi mo?” tanong ng   babae. Siguro ay ito na si Aling Delia. Tumango si Aling Beka. Tinitigan siya ni Aling Delia. “Pasok kayo,” kapagkuwan ay sabi nito. Tumalima sila. Hindi maalis-­‐alis ni Diosa ang tingin sa TV set kahit nakapatay iyon. Pinaupo sila ni Aling Delia sa mahabang upuan na plastic. May katabi iyong mesa na may flower vase. May balot pa ang plastic na mga bulaklak na nakasuksok doon. Sa isang mesa ay naroon ang   imahen nina Papa Jesus at Mama Mary. May iba pang kasama ang mga Ito pero hindi niya kilala. May nakadikit ding mga litrato ng mukha ni Papa Jesus sa dingding. Mayroon din doong maliit na Papa Jesus na walang balbas at hindi nakapako sa krus; sa halip ay nakasuot ng uniform ng basketball at maraming nakakuwintas na sampaguita. Pero mas gusto pa rin niyang tingnan ang TV set. Sana ay buksan iyon ni Aling Delia.   “May alam na bàyan?” tanong ni Aling Delia kay Aling Beka. “Oo, natuturuan naman siya. Medyo lilinawin mo lang at minsan ay hirap siyang umintindi.” Napatingin si Diosa sa mga ito. Dumukot si Aling Delia ng pera sa bulsa nito. Bibigyan ba nito ng pera si Aling Beka? Yayaman na ba sila? “Pagpasensiyahan mo na ito. Gipit na gipit din ako,” sabi ni Aling Delia, sabay abot ng tatlong isandaang buo kay Aling Beka.   “Salamat, Delia. Malaking tulong na ito. Wala na kasi akong pagpipilian. Baka bumalik na lang kami ng mga apo ko sa probinsiya. Sumulat na ako sa kapatid ko. Sinabi kong makikipisan muna kami sa kanya.” Naguluhan si Diosa sa mga sinabi ni Aling Beka. “Probinsiya?” sabad niya. Humarap sa kanya si Aling Beka. Tumulo ang mga luha nito. “Diosa, pasensiya ka na. Kailangan kong gawin ito. Sana ay maintindihan mo rin ako   balang-­‐araw. M-­‐mabait si Delia. Hindi ka mapapahamak sa kanya, sundin mo lang ang gusto niya. Magpakabait ka rito. Patawarin mo ako.. patawarin ako ng Diyos.” “Oo, Diosa. Dito ka muna sa akin. Tutulungan mo ako sa mga gawain dito at sa tindahan sa palengke,” sabi ni Aling Delia. Isa lang ang nasa isip niya nang mga sandaling iyon. “Si Mingming—” “Mabubuhay si Mingming kahit hindi mo siya   kasama. Hindi siya mapapahamak.” Napaluha siya. “Ayoko! Gusto kong kasama si Mingming! Gusto ko si Mingming. Ibalik n’yo ako kay Mingming.” “Naku, maligalig palàyan, Beka.” “Hindi. Pasensiya ka na, nami-­‐miss lang kasi niyàyong alaga niyang aso.” Tiningnan siya ni Aling Beka. “Tumahan ka na, Diosa. Utang-­‐na-­‐ loob, huwag kang umiyak dito. . Nakakahiya kay Delia. Kukunin ko sa atin si Mingming, `tapos,   ihahatid ko siya rito. Huwag ka nang umiyak.” Naniwala si Diosa kay Aling Beka kaya tumahan siya. Nang mga sumunod na araw ay hinintay niyang bumalik ito kasama si Mingming. Pero nabigo siya. Kagaya ni Macoy, wala na rin si Mingming. Lahat na lang ng nagiging kaibigan niya ay nawawala. Kapag kinukurot siya ni Aling Delia at ipinauulit nito sa kanya na labhan ang mga damit na nilabhan niya ay umiiyak siya at tinatawag si Macoy.   Napanood niya sa TV na nagiging anghel daw ang mga batang namamatay. Binabantayan daw ng mga ito ang pamilya at mga kaibigan. Kapag nakakatulog siya nang umiiyak ay napapanaginipan niya si Macoy. Ang ibig sabihin ay binabantayan siya nito. Hindi siya pinababayaan kahit nahihirapan na siya.

 

CHAPTER FIVE

NAKAKUYOM ang mga kamay at nagtatagis ang mga bagang ni Macoy habang pinanonood ang lalaking nagsesemento sa puntod ng kanyang ama. Igaganti kita, `Tay. Isinusumpa ko, magbabayad ang may kagagawan nito. Hahanapin ko sila. Pumikit siya nang mariin. Wala na ang kanyang tatay. Hahanapin at pagbabayarin niya kung sino ang mga walang awang pumaslang dito.   Utang ni Macoy kay Felix ang ipinampaburol at ipinampalibing niya sa kanyang ama. Pati ang puntod nito sa sementeryo ay sinagot ni Felix. Bilang kabayaran ay sasama siya sa grupo ni Felix. Matagal na siyang nire-­‐recruit nito pero ayaw pumayag ng kanyang tatay. Wala raw tiwala ang tatay niya kay Felix at mas mabuting magtrabaho na lang siya nang solo. Huwag na huwag daw siyang magpapasakop sa kahit kanino. Iwasan daw niyang magkaroon ng utang-­‐   na-­‐loob sa kahit sino. Hindi alam ng tatay niya na noon pa man ay umeekstra na siya sa grupo ni Felix dahil kailangan nilang mabuhay na mag-­‐ama. Matanda na ang tatay niya. Hindi na ito makapagtrabaho gaya ng dati. Isa pa, patong-­‐patong na ang record nito sa pulisya kaya mainit na ito sa mga mata ng awtoridad. Ngayong nasa langit na ang kanyang ama ay tiyak niyang alam na nito ang mga bagay na   iyon. Siguro ay masamang-­‐masama ang loob nito, lalo na at si Felix ang sumagot sa lahat ng ginastos niya para bigyan ito ng marangal na libing. Bukod sa pagkakapaslang sa tatay niya, isa pa iyon sa ikinasasama ng loob niya. Kailangan niyang suwayin ang ama para mabigyan ito ng disenteng libing. Naubos kasi ang pera nila sa huling raket nito. Noong isang linggo lang ay buhay na buhay at excited ang tatay niya sa paghahanda sa raket   nito. Hindi na raw niya kailangang sumama rito. Pagkatapos daw niyon ay mamumuhay na sila nang tahimik sa probinsiya. Gusto na rin daw nitong magpahinga sa trabaho. Tutuparin na raw ng tatay niya ang pangarap na makabalik sa Mindoro kung saan ito ipinanganak at lumaki. Sapat daw ang kikitain ng ama sa raket para makapagtayo sila ng maliit na negosyo. Ang gusto nito ay doon na rin siya mag-­‐asawa at magpamilya. Kalilimutan na nila ang naging   buhay sa Maynila. Bagaman hindi sigurado si Macoy kung nais niyang mamuhay sa Mindoro ay hindi niya kinontra ang ama. Hindi rin niya ito pinigilan sa raket nito na hindi malinaw sa kanya kung ano. Ang alam lang niya ay isang alahera sa Sta. Cruz ang target nito. Hindi iyon ang unang alahera na nakuhanan nila ng pera at alahas. Hindi na niya hiningi sa kanyang ama ang detalye dahil akala niya ay alam na niya.   Napakasimple lang ng raket ng tatay niya. Magkukunwari itong seaman. Kompleto ito sa pekeng papeles. Mag-­‐i-­‐issue ito ng mga tseke sa negosyanteng lolokohin. Nakakaloko ang tatay niya dahil kayang-­‐kaya nitong umarteng mapera pero tanga. Ang variation lang niyon, kung minsan ay pumapapel siyang kliyente rin. Nakikisawsaw siya sa negosasyon hanggang sa lubusang makumbinsi ang kadalasan ay suwapang na mga negosyante na kikita ang mga   ito sa kanyang ama. Tiwala siya sa kakayahan ng tatay niya kaya paanong napaslang ito? Inakbayan siya ni Samboy. “Tara na, pare. Hinihintay na tayo ni Boss.” Pangako, `Tay. Igaganti kita. Hinawakan muna niya ang basa pang semento bago siya sumama kay Samboy. Sumakay sila sa isang lumang Lancer. Kailangan muna niyang sumama rito sa kuta ni Felix. “May mali, eh,” sabi niya, mas sa sarili kaysa kay Samboy.   “Wala na tayong magagawa, pare. Ganyan talaga ang buhay ng tao, walang kasiguruhan.” Binuhay nito ang makina ng sasakyan. “Hindi holdupper ang tatay. Pero ang sabi ng mga pulis, h-­‐in-­‐oldup niya ang alahasan at binaril ang alahera. Binaril naman daw si Tatay ng isang kasamahan niyang nakatakas, dala ang mga pera at alahas na ninakaw nila. Ako lang ang pinagkakatiwalaan niya. Paano siya nagkaroon ng kasama sa jewelry store?”   “Hindi natin alam, pare,” sabi ni Samboy. Aalamin niya ang sagot sa kanyang mga tanong.  HINDI kalayuan sa North Cemetery ang lumang apartment na inuupahan ni Felix sa Retiro. Ang ibaba niyon ay pinauupahan nito sa isang baklang parlorista at isang lesbian na tattoo artist. Magandang cover-­‐up iyon para hindi magtaka ang mga tao na labas-­‐masok doon ang maraming   lalaki. “Macoy, condolence, ha?” Sinalubong siya ni Tootsie pagpasok nila ni Samboy sa parlor. “Kumusta ka na?” “Okay lang ako,” sagot ni Macoy. “Baka kailangan mong maaliw, nandito lang ako.” Kumapit si Tootsie sa braso niya. “Lumayo-­‐layo ka sa akin at baka ikaw ang paglamayan,” pananakot niya rito. Tumatawang hinampas siya ni Tootsie sa   balikat. “Ikaw talaga. .” “Excuse us,” sabi ni Samboy, sinadyang sagiin ang bakla. Sa banlawan ng buhok ng mga customer ay may hagdan paakyat sa itaas ng bahay. Doon sila tumuloy. Hindi nagtagal ay kaharap na nila si Felix. Wala sa hitsura nito na isang batikang lider ng mga kawatan na hindi lamang Metro Manila ang sakop kundi pati mga karatig na lalawigan. Maliit na lalaki si Felix at katamtaman ang   pangangatawan. Kuwarenta y siyete anyos na ito. Marami itong asawa dahil may pagka-­‐mestizo at kahit paano ay may hitsura. Inakbayan siya ni Felix. “Macoy, my man. Kumusta? Okay ka na ba?” Nagkibit-­‐balikat siya. “Ganyan talaga ang buhay, kayanin mo lang.” “Salamat pala.” “Walàyon. Halika. .” Iginiya siya ni Feliz sa kaisa-­‐isang silid doon na may kama, desk, at TV   set. Kinuha nito ang folder na nakapatong sa desk at ibinigay sa kanya. “Tingnan mo.” Binuklat ni Macoy ang folder. Isang larawan ng lalaki na kasing-­‐edad niya ang laman niyon. Walang dudang Tsinoy ang lalaki dahil singkit at maputi. Hindi pa man sinasabi ni Felix ang gagawin niya ay may ideya na siya kahit paano. “A-­‐anòto? Hindi ko linya ang kidnapping.” Tinapik siya ni Felix sa balikat. “Wala na ang tatay mo. It’s time to expand your horizon, my   man. Kung hindi mo talaga gusto, hindi kita pipilitin. Pero sana ay pagbigyan mo ako. Kapag tinanggap mo ito, bayad ka na sa akin, may kikitain ka pa. Puwede ka nang magsarili kung gusto mo. Negosyante rin tayo. Kagaya ng lahat ng negosyante, kailangan natin ng kapital, `di ba? Pagkakataon mo na itong kumita nang malaki para magamit mo sa ibang business venture.” “Pero—” “Wala tayong magiging problema rito, Macoy.   Tinitiyak ko sa iyo na malinis ang plano ko. Ang kailangan mo lang gawin ay dalhin mo sa akin ang taong `yan.” Binasa ni Macoy ang nakasulat na detalye sa likod ng larawan. “Rudolph Sy” ang pangalan ng lalaki. Beinte-­‐tres anyos pa lang ito at nag-­‐aaral ng Law sa San Beda College. “Ano? Kayang-­‐kaya, `di ba? Si Samboy ang magiging backup mo.” “Sigurado ka bang walang mangyayari?”   Tumango si Felix. “Hindi kailangang dumanak ng dugo. Basta gawin mo lang ang dapat mong gawin, tinitiyak ko sa iyong wala itong sablay.” Bukod sa sinagot ng kawatan ang tanong niya, nagpahiwatig din ito na dugo niya ang dadanak kapag hindi niya ginawa ang gusto nito. “Kailan n’yo pa pinasok ang ganito?” tanong niya. “Ngayon pa lang at sa iyo nakasalalay ang tagumpay ng project na ito.”   Wala siyang pagpipilian. Naniningil na si Felix sa utang niya kaya dapat na siyang magbayad.  INILADLAD ni Diosa ang pula at walang manggas na bestida. Kapag isinusuot iyon ni Ate Ching ay nilalagyan nito iyon ng itim na sinturon. Inilapat niya ang bestida sa kanyang katawan. Mukhang kasya rin iyon sa kanya dahil magkasingkatawan lang sila ni Ate Ching. Pero siyempre, hindi niya puwedeng isuot ang   damit. Minsan na niyang ginawa iyon sa dating ipinaglaba niya. Sinabunutan na siya ay hindi pa siya binayaran. Na-­‐imagine uli ni Diosa ang sarili na suot ang asul na bestida. Malambot at madulas ang tela niyon kaya hindi mainit sa katawan. Kulay-­‐ginto ang mga butones niyon, matambok ang mga manggas, at may sinturon na inilalaso. Istrikto pero mabait si Ate Ching. Noong isang linggo ay binigyan siya nito ng mga lumang panty at bra. Nilagyan na lang niya ng perdible ang bra   para magkasya sa kanya. Mas malaki kasi ang boobs nito kaysa sa boobs niya. Binigyan din siya ng mga plastic na bote ng tubig at mga bote ng beer. Kasama ang iba pang mga lumang gamit ay agad niyang dinala at ibinenta ang mga iyon sa junk shop ni Bisoy. Isinalang ni Diosa sa washing machine ang mga puting damit at sinimulang isampay ang mga de-­‐kolor na tapos na niyang banlawan at pilipitan. Dalawang daang piso ang bayad sa   kanya ni Ate Ching sa paglalaba, kasi may washing machine. Kapag wala ay two hundred fifty ang sinisingil niya. “Diosa?” Natigilan siya sa pagsisipit ng bra at nilingon si Ate Ching. “Ay, Ate! Gising ka na? Alas-­‐dos pa lang ng hapon. Noong isang linggo ay tulog ka hanggang alas-­‐singko.” “Obvious ba?” Umubo ito. “Pakibili naman ng Philip, Coke, at maski anong sitsirya.”   “Opo.” “Ano ang bibilhin mo?” naninigurong tanong nito. Madalas kasi ay nakakalimutan niya ang mga ipinabibili nito, lalo na kung marami. “Isang kahang Philip, Coke, at saka sitsirya.” Ipinahid ni Diosa sa hanggang mga tuhod na shorts niya ang mga kamay. “Isang litrong Coke, ha?” “Opo.” Binigyan siya nito ng two hundred pesos. “May   sukli pàyan.” “Opo.” Umalis na siya. Malapit na siya sa pinakamalapit na tindahan nang sutsutan siya ni Elisa, ang reyna ng mga labandera sa kanilang lugar. Ito ang dating naglalaba kay Ate Ching. Pero noong isang linggo ay nagkatrangkaso ito. Dahil hindi kayang maglaba ni Elisa ay nakisuyo ito sa kanya na siya muna ang pumalit dito. “Ang kapal mo talaga, `no?” Tumatalak si Elisa habang sinusugod siya. “Ang sabi mo, isang beses   ka lang maglalaba kay Ate Ching. Ano ang ginagawa mo ngayon, ha?” “Pinabalik niya ako, eh,” katwiran niya. “Kasi nga, sinulot mo!” Dinuro siya ni Elisa. “Traidor ka, alam mo bàyon? Pagkatapos kitang tulungan, inagawan mo ako ng trabaho.” Wala siyang maikatwiran. Kailangan din niyang kumita at sinabi sa kanya ni Ate Ching na mas gusto siya nito kaysa kay Elisa. Masama ba iyon?   “Hindi lang `yon, eh. Nagpresyo ka nang mababa kaya lahat ay sa iyo gustong magpalaba. Ano’ng gusto mong mangyari, ikaw ang kumita? Hindi mo ba naisip na may mga anak ako? Mabuti ka nga, wala kang problema kundi ang sarili mo.” Walang dudang masamang-­‐masama ang loob ni Elisa. “Nagbabayad ako ng utang kay Aling Delia kaya kailangan ko ring kumita, Elisa. Kung hindi ako makakabayad ay palalayasin niya ako sa   tindahan. Saan ako titira?” “Saan kami titira ng mga anak ko? Wala nang gustong magpalaba sa akin,” pangongonsiyensiya ni Elisa. “M-­‐may bibilhin pa ako.” Tinalikuran na niya ito. “Ang sama mo, Diosa!” nanunumbat na sabi nito. “May araw ka rin, tandaan mòyan!” Napangiwi si Diosa. Lumapit na siya sa tindahan. “Pabili po ng. . Ano nga ba ang bibilhin   ko?”  PAGBALIK ni Diosa sa apartment ni Ate Ching ay nadatnan niyang may bisita ito na babaeng sa tantiya niya ay kasing-­‐edad niya. Maganda at makinis ang balat ng babae. “Bakit ang tagal mo?” “Marami po kasing bumibili,” sagot ni Diosa. “Pakisalin sa basòyong Coke, lagyan mo ng yelo. Akinàyong Philip ko.”   Iniabot niya kay Ate Ching ang supot. Sinilip nito ang laman niyon. “Ano ba naman, Diosa? `Di ba sabi ko, sitsirya ang bilhin mo? Pinaulit ko pa nga sàyo. Anòto?” Inilabas nito ang isang supot ng Tide Ultra. “Naku, pasensiya na, Ate. Ibabalik ko na lang po.” “`Wag na, matatagalan ka na naman. Sige na, isalin mo na sa basòyang Coke.” Nagtungo na si Diosa sa kusina. Pagtingin niya   sa sala ay natanaw niyang naninigarilyo na si Ate Ching. Ganoon talaga ang mayaman— naninigarilyo dahil sosyal. Kapag nasa tindahan siya ni Aling Delia—kung saan siya nakikitulog sa gabi—ay ginagaya niya si Ate Ching. Nagdede-­‐ kuwatro siya at kunwari ay humihitit ng sigarilyo. Pero hindi sigarilyo ang hawak niya kundi stick. Sayang kasi ang pera kung bibili siya ng sigarilyo; mahal pa mandin ang Philip. Naninigarilyo rin si Aling Delia pero ibang   manigarilyo ang mayaman at iyon ang gustong-­‐ gusto niyang gayahin. Isa pa, hindi Philip ang sigarilyo ni Aling Delia kundi Champion. Cheap! Mayaman si Ate Ching kaya kayang-­‐ kaya nitong bumili ng Philip. Dinala na ni Diosa sa sala ang dalawang basong Coke. “Kung talagang gusto mo, hindi kita pipigilan, Cynthia. Tibayan mo lang ang sikmura mo. Hindi biro ang ganitong trabaho,” sabi ni Ate Ching sa   panauhin nito. “Kung kikita ako ng sampung libo isang gabi, sisikmurain ko lahat. Kailangang-­‐kailangan ko kasi, Ching. Walang trabaho si Romy. Naaawa na ako sa mga anak ko. Kapag nag-­‐iyakan na sila dahil gusto nilang mag-­‐Jollibee, hindi ko na alam ang gagawin.” Napatingin si Diosa kay Cynthia. May asawa at mga anak na ito? Hindi iyon halata. Parang estudyante pa lang ito.   “Papayag ba si Romy?” tanong ni Ate Ching. “Hindi niya malalaman. Sasabihin ko na lang na nasa call center ako.” Pinagkrus ni Ate Ching ang mga hita nito at saka nagbuga ng usok. “Ewan ko, Cynthia.” “Sige na, irekomenda mo ako.” “Kakayanin mo ba talaga?” Humitit si Ate Ching sa sigarilyo. “No choice nàko. Sige na.” “Bakit hindi ka na nga lang mag-­‐apply sa call   center? Nakapag-­‐college ka naman.”  “Magpupuyat din lang ako, di doon na sa kikita agad ako nang malaki.” Uminom si Cynthia ng Coke. “Sige na.” “Bahala ka.” Ibinaba ni Cynthia sa mesa ang baso. “Maraming salamat. Babalik ako mamaya. Ihahabilin ko lang sa biyenan ko ang mga bata.” “Dapat, nandito ka na nang alas-­‐siyete.” Tumango si Cynthia. “Thank you talaga,   Ching.” Yumuko ito at hinagkan sa pisngi si Ate Ching. Nakamasid pa rin si Diosa sa dalawa. Sosyal talaga ang mga ito, naghalikan pa sa mga pisngi. “Tapos ka na bang maglaba?” tanong si Ate Ching sa kanya. Hinayaan nitong lumabas nang mag-­‐isa si Cynthia. Humiga ito sa sofa. “Hindi pa po,” sagot niya. “Tapusin mo na, nakatanga ka pa riyan.” Dahil sa mga narinig niya ay nagkaroon siya ng   interes sa trabaho ni Ate Ching. Sa isang gabi lang pala ay kumikita ito ng sampung libong piso. Napakaraming pera niyon. Kapag kumita siya ng ganoon kalaki ay makakapagsuot na siya ng magagarang damit. Mapapakulayan din niya ang mga kuko at buhok niya. Maipapatuwid niya ang buhok kagaya ng buhok nina Ate Ching at Cynthia. Iyon ngang isang libo, hirap na siyang bilangin, iyon pa kayang sampung libo? Sa kabilang banda,   hindi pa nagkakapera si Diosa ng isang libo. Nakakakita lang siya ng maraming isang libo kapag pinupuntahan ng mga addict ang anak ni Aling Delia. Bata pa lang siya ay alam na niya kung ano ang addict at pusher dahil nagkalat ang mga iyon sa lansangan. At ayaw niya sa trabahong hinuhuli ng pulis. “Maglaba ka na at matutulog ako,” sabi ni Ate Ching. Dumukot ito ng two hundred pesos sa bulsa ng maiksing shorts nito. Ibinaba nito iyon sa   mesita. “Kunin mo na lang itong bayad pagkatapos mo. Huwag mo na akong gisingin.” “Ate, ano po ang trabaho n’yo? Ang yaman mo kasi.” Tumawa ito. “Mahirap ang trabaho ko, Diosa.” Humitit ito ng Philip, saka nagbuga ng usok. Ano ang mahirap sa trabaho nito? Sa gabi lang ito nagtatrabaho. Buong araw ay puwede na itong matulog. Hindi gaya niya na maghapon nang nagtutulak ng kariton pero singkuwenta pesos   lang ang pinakamalaking kinikita. “Paano pòyon? Sa opisina po?” “Iba ang opisina ko, Diosa. Puro kuwarto, walang kusina.” Itinaktak ni Ate Ching ang abo ng Philip sa sahig. “Saan pòyon?” “Marami kaming branch.” “Kailangan po ba, nag-­‐aral ng college kagaya ni Ma’am Cynthia?” “Hindi naman. Kahit walang pinag-­‐aralan,   basta matibay ang sikmura.” Tumingin ito sa kisame at pinanood ang usok na ibinuga nito. Natuwa si Diosa sa sinabi nito. “Kahit hanggang grade three lang?” Iyon lang ang naabot niya sa pag-­‐aaral. Matagal siyang huminto sa pag-­‐aaral dahil sa pagtatrabaho niya kay Aling Delia bilang utusan nito sa bahay at tagabantay sa tindahan nito ng gulay sa palengke. Kariton pa lang noon ang tindahan nito. Siya rin ang tagatulak niyon sa   umaga at hapon. Pagsapit ng gabi ay naglalaba siya ng mga damit ng buong pamilya nito. Nang magkasakit ang asawa ni Aling Delia ay may nagpayo rito na para paghimalaan ito ng Diyos at gumaling ang asawa nito, kailangan nitong makatulong sa kapwa. Bigla siyang pinag-­‐ aral nito kaya nakatapos siya ng grade two. Pero noong grade three na siya ay namatay ang asawa ni Aling Delia. Pinahinto uli siya sa pag-­‐aaral. Sa dinami-­‐rami ng mga rebulto ng santo at Poon sa   bahay ng mga ito, kahit isang himala ay hindi ito nakatanggap. Pinabayaran pa nito sa kanya ang lahat ng nagastos sa pagpapaaral sa kanya. “Sige na, Diosa. Patulugin mo na ako. Huwag ka nang tumanga riyan,” taboy sa kanya ni Ate Ching. “Ano ang pangalan ng opisina n’yo, Ate?” hirit pa niya. Idinutdot ni Ate Ching sa ashtray ang sigarilyo bago ito sumagot. “Enchanted Dreams. Kami ang   mga diwata ng inyong panaginip.” Hindi maintindihan ni Diosa kung bakit parang may disgusto sa pananalita nito. Ano ang masama sa pagiging diwata? “Mga engkantada po?” Lalo siyang naging interesado. “Oo.” Umayos ito ng higa at saka pumikit. Napilitan na siyang balikan ang mga nilalabhan niya. Enchanted Dreams. Saan kaya iyon?

 

CHAPTER SIX

ALAS-­‐OTSO pa lang ng umaga pero mainit na. Isang supot na garapa, plastic na palangganang butas, sirang laruan, at bote ng shampoo at tubig pa lang ang laman ng kariton ni Diosa. Maraming nag-­‐iipon ng mga bote ng shampoo, lata ng gatas, soft drinks, at kung ano-­‐ano pa na maaaring ipagbili pero madalas ay nakakalimutan o tinatamad lang ang mga ito na ibenta ang mga   iyon kaya hindi pinapansin ang pagsigaw niya. Pero inuulit-­‐ulit niya ang pagsigaw kaya napipilitan ang mga ito na lumabas at ipagbili ang mga iyon sa kanya. Inihinto ni Diosa sa tapat ng Tootsie’s Hair Salon ang bagong pinturang kariton niya. Proyekto raw ng isang konsehal sa lugar nila na papinturahan ng berde ang lahat ng kariton doon. Kung bakit ay hindi niya alam. Ang alam niya, hilig pagdiskitahan ng mga pulitiko ang mga   kariton. Laging maraming bote ng alak sa parlor ni Tootsie. Kaha-­‐kaha kung bumili ng beer ang mga nakatira doon pero hindi na ibinabalik sa tindahan. Sumigaw siya nang malakas. “Botee—!” Hindi agad siya narinig ni Tootsie dahil salamin ang pinto niyon kaya inulit niya ang pagsigaw. “Botee—! Bumibili ng bote at sirang gamit!” Kumatok siya sa pinto ng parlor. Pinagbuksan siya ni Tootsie. Dilat na dilat at   mapula ang mga mata nito. Walang dudang addict. Kabisado na niya ang hilatsa ng addict dahil sa pusher na anak ni Aling Delia. Dahil dilat na dilat si Tootsie, ibig sabihin ay bagong karga ito. Kapag bagong karga ang isang addict, mabait at masaya ito. Ganoon ang nakikita niya kay Tootsie. “Diosa, ikaw palàyan,” malambing na sabi nito. “Baka may basyong bote at lumang diyaryo na   kayo.” Sumilip si Diosa sa loob ng parlor. Maraming lalaking nakatira sa itaas niyon. Dati ay nagpalaba rin sa kanya ang mga ito. Pero ngayon ay umiiwas na siyang ipaglaba ang mga ito dahil pulos maong na pantalon, malaking T-­‐shirt, tokong, at kung ano-­‐anong tapalodo ang pinalalabhan ng mga ito sa kanya. Tinanaw ni Diosa ang eskaparate kung saan nakapatong ang telepono. Gaya ng sinabi sa kanya ni Bisoy, ang may-­‐ari ng junk shop na   pinagdadalhan niya sa mga nakolekta niya, kapag may telepono, may directory. Iyon kasing directory nito sa junk shop ay luma at punit-­‐punit na kaya hindi na nito ipinahiram. “Ày, naku, marami. Kunin mo ro’n sa likod,” sabi ni Tootsie at inalok siya ng kinakain nito. “Kain ka ng suman, o.” “Salamat na lang. Papasok nàko, ha?” “Sure.” “Puwede ba akong makahiram ng directory?”   “Sino ang hahanapin mo? Ang nawawala mong mga magulang?” “Enchanted Dreams,” sagot niya. “Alam mo bàyon, Toots?” “Wiz. Ano bàyon?” “Opisina.” “Saan?” “Ewan ko. Marami raw branch `yon.” Namataan ni Diosa ang ilang basyo ng grande sa ibabaw ng lababo at dalawang case ng beer sa   ilalim. “Dadalhin ko na lahat `to?” Tumango si Tootsie. “Aanhin ko pàyan?” Binuhat niya ang isang case ng beer at dinala iyon sa pinto. Hindi muna niya iyon inilagay sa kariton. Minsan kasi ay ninanakaw iyon ng mga kapwa niya magbobote. Bumalik siya sa lababo. Nakaupo na si Tootsie sa upuang bilog na katabi ng eskaparate. “Ano uli ang pangalan, Enchantment—” “Enchanted Dreams.”   “I see.” Binuklat ni Tootsie ang directory. “Ipaglaba mo naman ako bukas, please?” “S-­‐sige.” Napilitan si Diosa na pumayag dahil tinulungan siya nito. “Enchanted Dreams. . Hayun!” biglang bulalas ni Tootsie. Tumigil siya sa pagkuha sa ibang bote at tiningnan ito. “Nakita mo?” Tumango ito. “Gaga ka, Diosa. Sino’ng hinahanap mo rito?”   “Gusto kong magtrabaho diyan.” Lumapit siya rito. “`Sabi ni Ate Ching, malaki raw ang kita diyan.” “Totoòyon,” pagsang-­‐ayon ni Tootsie. “Pero sigurado ka?” “Oo. Hindi raw kailangang nakatapos ng pag-­‐ aaral para magtrabaho diyan.” Humalakhak si Tootsie. “Ang ibig kong sabihin, sure kang tatanggapin ka rito? Papasa ka kaya?” Hinawakan nito ang baba niya at ipinaling   ang mukha niya sa kaliwa at sa kanan. Pinatingala at pinayuko rin siya bago ito muling tumawa. Parang aliw na aliw. “Sure ka talaga?” Tumango si Diosa. “Paano ba mag-­‐apply ro’n?” “Kailangan ay naka-­‐makeup ka, sexy ang damit mo, at naka-­‐high heels. May damit ka ba?” “Ganito lang.” T-­‐shirt na may mukha ng politiko sa harapan at pinutol na maong pants ang suot niya. Tsinelas na goma ang sapin niya sa mga paa.   Pinasadahan ni Tootsie ng tingin ang kabuuan niya. “`Sus! Patay pa ang mga kuko mo. Patingin nga ng mga kamay mo.” Ipinatong muna niya sa eskaparate ang mga bote at ipinakita rito ang mga kamay niya. “Ang itim ng mga kuko mo. Naliligo ka ba?” “Oo naman. Nakikiligo ako kina Aling Delia. Iyon nga lang, hindi araw-­‐araw kasi may bayad.” “Kung mag-­‐a-­‐apply ka sa Enchanted Dreams, dapat ay malinis ang mga kuko mo. Magsepilyo   at mag-­‐shampoo ka rin.” “Sige. Pero saan bàyon?” “May branch sila sa Pasay, malapit sa airport. Doon kasi maraming turista.” “Paano pumunta ro’n?” “Mag-­‐LRT ka. Bumaba ka sa EDSA station. `Tapos, magtanong ka na lang.” Biglang nag-­‐alala si Diosa. “Kailangan ba talaga, maganda ang damit? Hindi ba puwede ang ganito?”   “Kailangan talagàyon. Sawa ka na bang magkariton at magpapalit ka na ng career?” “Gusto kong kumita nang malaki kagaya ni Ate Ching.” “Alam mo ba kung anong trabahòyon?” “Opisina nga. May mga kuwarto raw pero walang kusina. Hindi naman kailangan ng kusina sa opisina, `di ba?” Humalakhak si Tootsie. “Bobita ka talaga.” “Bakit?”   “Wala! Bahala ka na nga. Basta maglaba ka bukas, ha?” “Oo.” Itinuloy na ni Diosa ang paghahakot sa mga bote. Sa katuwaan niya, hindi na siya siningil ni Tootsie. “Bigay ko nàyan sàyo para madagdagan ang kita mo at may pambili ka ng magandang damit. Sana nga ay matanggap ka sa Enchanted Dreams para bangungutin silang lahat.”   ANG KAIBIGAN ni Diosa na si Yolanda ang nagbihis, nag-­‐makeup, at nag-­‐ayos ng buhok niya. Tagapalengke rin ito at nakikitulog sa isang karinderya. Marunong mag-­‐ayos ang kaibigan niya dahil dating artista ito. Nalulong si Yolanda sa alak, droga, at sugal kaya nalaos. Mabait ang babae. Sa katunayan ay bigay nito sa kanya ang two-­‐piece sleeveless apple green dress at sapatos na suot niya. Bukod sa berde ay may shade din ng ginto at   pilak ang damit ni Diosa. Hapit iyon sa katawan niya. Tatlong layer ang tela ng palda niyon kaya mabukang-­‐mabuka iyon. Hindi na raw iyon kasya rito dahil tumaba ito. Ginamit daw ni Yolanda ang mga iyon sa isang pelikula kung saan kaeksena nito si Snooky Serna. Kung hindi siya nagkakamali ay Blusang Itim ang title na sinabi nito. Kapag natanggap siya sa trabaho ay ililibre niya si Yolanda ng pares at mami. Dahil walang manggas ang dress ay isinuot ni   Diosa ang asul at pink na jacket niya. May zipper at hood iyon. Maliit na iyon dahil kinse anyos pa lang siya nang ibigay sa kanya ni Aling Delia. Ginulo ni Yolanda ang buhok niya at sinuklay iyon palayo sa kanyang mukha. Naging matambok iyon, lalo na sa unahan. Nilagyan nito iyon ng ipit sa magkabilang gilid. Para daw kompleto ay pinutungan siya ng korona. Isa raw siyang diyosa kaya dapat ay may korona siya. Ilang sandali pa ay umalis na siya at nagtungo   sa terminal ng jeep. “Pakisuyo sa kanan, mga ate, mga kuya.. Sasakay ang diyosa,” sabi ng payat na lalaking barker ng jeep. Naudlot ang pagsampa ni Diosa sa jeep. Nilingon niya ang barker. “Kilala mo ako?” Ngumiti ito nang alanganin. “Hindi.” “Bakit alam mo ang pangalan ko?” Nanlaki ang mga mata ng barker. “‘Diosa’ ang pangalan mo?”   Bumungisngis ang mga pasahero sa loob ng jeep. “Ang ganda mo, `te,” sabi ng baklang estudyante. “Salamat.” Nginitian niya ito. Umakyat na siya sa jeep at nakisiksik sa pagitan ng isang nakasalaming lalaki at isang babaeng may kalong na bata. Maiksi ang palda ng damit niya kaya nakalitaw ang mga tuhod niya. Hindi umabot sa kanyang mga tuhod ang itim niyang stockings.   Tiningnan niya ang baklang estudyante. Natuon ang pansin niya sa babaeng katabi nito na parang maiihi sa pagtawa. Hindi niya pinansin ang babae. Dinutdot ng batang lalaking katabi niya ang koronang suot niya. Pinigil niya ang sariling patulan ito. Inayos na lamang niya ang koronang nakatampok sa matigas niyang buhok. Pinuno iyon ni Yolanda ng Spray Net kaya hindi raw magugulo kahit mahanginan. “Saan ang sagala? Naiwan ka yata?” tanong uli   ng baklang katapat niya. Naghagikgikan ang mga kasama nilang pasahero. “Saan ang lakad mo, `te?” tanong uli ng bakla. “Mag-­‐a-­‐apply ako ng trabaho sa Pasay.” Ngumiti si Diosa. Kabilin-­‐bilinan sa kanya ni Yolanda na dapat ay lagi siyang nakangiti. Sigurado raw na matatanggap siya sa trabaho dahil maganda siya at masuwerte ang suot niya. Nagtawanan uli ang mga pasahero.   “Anong trabaho?” tanong ng lalaking katabi niya. “Sa opisina po. Kailangan daw po kasi na ganito kaganda ang suot.” Inayos niya ang laylayan ng palda para matakpan ang mga tuhod niya. Humalakhak na ang babaeng katabi ng bakla. Inilabas nito ang cell phone at kinunan siya ng larawan. Nakigaya rito ang ibang pasahero. In-­‐ enjoy niya ang sandali. Panay ang ngiti at pose   niya. Mabuti na lang at kaibigan niya si Yolanda. Kahit madalas na tulala ito sa isang sulok ay may ibubuga pala sa pagme-­‐makeup. Napakaganda siguro niya kaya natuwa at kinunan siya ng litrato ng mga tao. Kahit nga hindi siya kilala ng barker ay tinawag siya nitong “diyosa.” Kasi nga, mukha siyang diyosa. “Ang tigas.” Dinutdot uli ng bata ang buhok niya. “Para hindi magulo kapag nahanginan,” sabi   niya. “Hubarin mo nàyang jacket. Hindi kasi ka-­‐ match ng dress,” sabi ng bakla. “Wala kasing manggas ang damit ko. Baka sabihin sa a-­‐apply-­‐an ko, hindi ako disente,” katwiran ni Diosa. “Ah, okay. Mukha ka ngang disente, eh,” may halong panlilibak na sabi ng bakla. Nginitian lamang niya ito.   MULA sa labas ng bookstore ay nakamasid si Macoy kay Rudolph “Rudy” Sy. Sa ilang araw na pagmamatyag niya sa lalaki ay tinubuan na siya ng simpatya para dito. Mabuting tao si Rudy. Kinakausap nito ang mga pulubing nililimusan. Maraming mga kaibigan pero hindi ito bulakbol na estudyante. Pagkagaling ng eskuwelahan ay dumederetso na ng uwi sa condominium unit nito. Labag sa kalooban ni Macoy ang gagawin nila   kay Rudy. Ang tanging pinanghahawakan niya ay ang salita ni Felix na walang masasaktan sa operasyon nila. Ang ibig sabihin, wala sa plano ni Felix na saktan o paslangin si Rudy. Humitit siya ng sigarilyo bago iyon pinitik sa paanan at tinapakan. Paglabas ni Rudy ng bookstore ay may dala itong isang supot ng mga pinamili. Nainggit siya sa lalaki. Napakakomportable ng buhay nito. Bukod sa magarang sasakyan, magandang   condominium unit, at mga mamahaling damit ay mukhang wala itong dinadalang hinanakit sa dibdib. Ano kaya ang pakiramdam ng walang kinatatakutan? Na ang pinakamalaking problema ay ang exam sa taxation? Paano kaya nito tinitingnan ang mundo? Hinayaan muna ni Macoy na makalayo si Rudy nang ilang yarda bago niya sinundan. Pumasok ito sa isang coffee shop. Pagkalipas ng limang minuto ay pumasok din siya roon. Pumuwesto   siya sa isang mesa di-­‐kalayuan sa mesa nito at saka um-­‐order ng kape. Binuksan ni Rudy ang supot at inilabas mula roon ang makapal na librong binili nito. Sa tabi niyon ay isang pad ng yellow paper at ball pen. Napailing siya. Walang dudang gusto talaga nitong maging abogado. Bakit kaya iyon ang napili nitong linya? Bata pa si Macoy ay wala na siyang tiwala sa mga abogado. Para sa kanya, ang mga ito ang   pinakasinungaling na tao sa mundo. Mas may konsiyensiya pa sila ng tatay niya kaysa sa mga ito dahil pinipili nila ang taong binibiktima. Pero ang mga abogado ay hindi. Ilang inosenteng tao na ba ang nakulong dahil sa pagdidiin ng mga abogado? Ilan na ba ang mga naagawan ng ari-­‐ arian dahil sa mga abogado? Maski ilan na ang napatay ng isang kriminal, basta may pambayad ay sasagipin ito ng abogado. Tumunog ang cell phone ni Rudy. Sinagot nito   ang tawag. “O, brod. . Sure. Sige, mamaya, magkita tayo.” Sandaling nakinig lang si Rudy. “Oo, wala na akong exam. Katatapos lang. .” Tinalasan ni Macoy ang pandinig sa mga sumunod na sinabi ni Rudy. Nang sa palagay niya ay narinig na niya ang mga detalyeng kailangan, lumabas na siya ng coffee shop. May nadaanan siyang lotto outlet. Kumuha siya ng isang ticket, ginuhitan ang anim na numero, at saka nakipila sa mga nagbabayad. Ang tatay niya ang mahilig   tumaya sa lotto noong nabubuhay pa ito. Nang mamatay ang tatay niya, pakiramdam niya ay kailangan niyang ipagpatuloy ang nakaugalian nito. Kaya kahit hindi siya kumpiyansang mananalo ay tumataya pa rin siya. Pagkatapos magbayad ay ibinulsa na niya ang ticket.  KINAGABIHAN ay nagtungo si Macoy sa apartment ni Felix. Itinanong nito sa kanya kung   kailan nila dudukutin si Rudy. Ibinigay niya kay Felix ang go signal na hinihintay nito. “Bukas ng gabi,” sabi niya. Tumango ito pero halatang kinakabahan. First-­‐timer pa lang si Felix kaya hindi pa niya masasabing major player ito sa mundo ng kidnapping. Kulang ang mga armas at sasakyan nito kaya hindi puwedeng basta na lamang mangharang ng biktima gaya ng ginagawa ng mga kidnap-­‐for-­‐ransom groups. Ang   pinakaepektibong paraan para dito ay mapalapit muna sa biktima at linlangin iyon para madukot nang walang ingay. Kailangan siya ni Felix dahil siya lang ang may kakayahang magpanggap na Law student para makalapit kay Rudy nang hindi nito pagdududahan. Hindi nagkakalayo ang edad nila. Maputi rin siya gaya nito. Maayos ang mga kasuotan niya. Magaling siyang umarte kaya mukha siyang lehitimong Law student. Mukha   kasing hoodlum ang mga tauhan ni Felix. Gumagamit ang mga ito ng ipinagbabawal na gamot kaya parang laging sabog ang hitsura. Bata pa lamang si Macoy ay itinanim na ng tatay niya sa kanyang isip na huwag na huwag siyang susubok na gumamit ng droga. Iyon daw ang sisira sa mga diskarte niya. May kutob siya na gumagamit din si Felix ng bawal na gamot. Gusto na niyang tapusin ang trabaho niya para makakalas na siya sa grupo nito.   “Gusto ko lang ipaalala sàyo na wala dapat masasaktan,” sabi niya kay Felix. Ayaw niyang mamatay si Rudolph. Tumango si Felix at pinisil ang balikat niya. “Iyon din ang huling bagay na gusto kong mangyari.” Tiningnan niya ito. Sana nga ay tumupad ito sa usapan.

 

CHAPTER SEVEN

HINDI gaanong mataas ang gusali ng Enchanted Dreams. Wala iyong gaanong bintana kagaya ng ibang gusaling katabi niyon. Berde ang pintura niyon. Maririnig doon ang pag-­‐landing at paglipad ng mga eroplano. Ang sabi kay Diosa ng nakausap niyang security guard ng Enchanted Dreams, bumalik siya roon kapag madilim na. Baka sakali raw na matanggap siya. Kailangan   niya ng trabaho kaya sinunod niya ang sinabi nito. Wala siyang mapuntahan kaya buong araw na nagpalakad-­‐lakad siya sa Pasay hanggang sa dumilim. Nagutom siya dahil sa kakalakad at pagtambay sa kung saan-­‐saan. Napilitan siyang gastusin ang pamasahe niya para makakain ng lugaw na may itlog. Tuloy, limang piso na lang ang natira sa pera niya. May pera pa sana siya, kaya lang ay pinilit siya   ni Aling Delia na magbayad ng advance sa upa niya sa tindahan nito ng gulay sa palengke. Hustuhin na raw niyang isang linggo ang bayad. Kung hindi, may iba itong patutulugin doon. Libre na raw ang ligo niya sa loob ng dalawang araw. Napilitan siyang pumayag. Mahirap kapag wala siyang tutulugan. Naranasan na niya iyon noong minsang naglayas siya. Minsang naglalaba siya sa bahay ni Aling Delia—wala ito noon at silang dalawa lang ng   pusher na anak nito ang naiwan—ay naghubad sa harap niya ang pusher na anak nito. Nagsumbong siya pero siya pa ang pinagalitan nito. Sinabihan siyang malandi at ilusyunada. Hindi raw siya papatulan ng anak nito. Naglayas na lang si Diosa. Ilang gabi siyang natulog sa palengke. Para kumita ay nagprisinta siyang maging kargador, tagalinis, at tagabantay ng mga tindahan. Hanggang sa may nagpalaba at nagpaplantsa ng mga damit sa kanya. Maski   pagmamasahe ay pinasok niya. Kahit anong trabaho ay ginawa niya para lamang kumita ng pera. Lumapit siya sa security guard. Kailangan niyang matanggap sa trabaho para makabale ng pamasahe pauwi. “Kuya. .” “Ikaw na naman? Ang kulit mo rin, `no?” “`Sabi n’yo kasi, bumalik ako kapag madilim na. Madilim na po.” Parang nawalan ito ng pasensiya. “Ineng, ang   ibig kong sabihin—” “Sige na po, papasukin n’yo na ako. Gusto ko po talagang mag-­‐apply rito. May kakilala po akong nagtatrabaho rito—si Ate Ching.” “Hindi kòyon kilala. Hindi totoong pangalan ang ginagamit ng mga babae rito.” “Pumayag ka na, Kuya. Kakausapin ko lang ang manedyer. Maawa ka na. Kailangan ko lang talaga ng trabaho.” “Ineng, alam mo ba kung ano ang papasukin   mo rito? Sa tingin ko ay napakabata mo pa para sa ganitong trabaho.” “Beinte-­‐tres na ho ako. Kaya ko na ho ang trabaho rito. Sanay po akong magtrabaho ng kahit ano.” Tinitigan siya ng guwardiya. “Sige, papapasukin kita. May makikita kang salaming pinto sa kaliwa. Kumatok ka roon, hanapin mo si Ernie. Sabihin mong aplikante ka. Kapag hindi ka niya tinanggap, sa tingin ko’y mas mabuti iyon   para sa iyo.” “Salamat po.” Nilampasan na niya ang guwardiya. Pumasok siya sa building at hinanap ang pinto sa kaliwa. Pulos mga silid nga ang opisina ni Ate Ching. May mga numero sa bawat pinto ng silid at maliit na mga bintana na natatabingan ng kurtina sa loob. Sa kanan ay may isa pang daanan. Doon siya unang lumapit kaninang umaga pero pinapunta siya sa daan sa gilid. Doon daw ang mga   aplikante. Doon din niya nakita kanina ang mga dumating na babaeng may dalang mga malaking bag. Kumatok siya sa nag-­‐iisang salaming pinto, pagkatapos ay dahan-­‐dahan iyong itinulak. May mesa na pang-­‐opisina, computer, at sofa. “Ano’ng kailangan mo?” tanong sa kanya ng kalbong lalaki. Katamtaman lang ang katawan nito. Mukhang bata pa. Sa tantiya niya ay treinta anyos lang. “Sige, Kuya Erns, magbibihis na ako,” sabi rito   ng babae na mukhang kasing-­‐edad ni Ate Ching. Pinasadahan muna siya ng tingin ng babae bago ito lumabas ng opisina. “Basta ituloy-­‐tuloy mo lang ang pag-­‐inom ng antibiotics. Makukuha rin `yan doon,” pahabol na sabi ng lalaki, pagkatapos ay tumingin sa kanya. “Ako po si Diosa Tanyag. Kayo po ba si Ernie?” tanong ni Diosa. Parang naaliw ito sa kanya. “Ako nga. May kailangan ka? Baka naliligaw ka? Sa Mayo pa ang   Santacruzan.” “Gusto ko po sanang mag-­‐apply rito.” “Ha? Anong trabaho?” “Iyon pong kagaya ng trabaho ni Ate Ching.” “Ching?” Parang nag-­‐isip ito. “Ah, si Maricel.” Tumango siya. Napanganga ang lalaki. “Gusto mong pumasok na—” “Puwede po ba? Kailangang-­‐kailangan ko po kasi. Hindi po ako maselan sa trabaho. Matibay   po ang sikmura ko.” “Maupo ka nga.” Itinuro ni Ernie ang isang silya. Umupo ito sa mesa at humalukipkip. “Ilang taon ka na?” “Beinte-­‐tres po,” sagot niya. “Tagasaan ka? Ano ang dating trabaho mo?” “Sa palengke ng Blumentritt ako umuupa ng tulugan. Sarisari ang trabaho ko. Labandera, kargador. . at marami pang iba.” “Wala kang bahay?” gulat na tanong nito.   Tumango siya. “Kawawa ka naman. Pero hindi ako sigurado kung uubra ka rito. Nagka-­‐boyfriend ka na ba?” “Ho?” Napangiti siya. “Hindi pa—” “Virgin ka?” “O-­‐opo,” nahihiyang sabi niya. “Sigurado ka?” Tumango siya. Tumango-­‐tango rin ito. “Iyon lang ang lamang mo sa iba pero isang beses ka lang magiging   virgin.” “Kailangan ba, maraming beses?” Tumawa si Ernie at pinatayo siya. Tumalima siya. Nilapitan at pinaikot siya nito. “Hubarin mo ngàyang medyas mo. Titingnan ko ang mga binti mo.” “Ho?” “Gusto mo ng trabaho?” “Opo.” “Maghubad ka ng mga medyas.”   Tumalima uli siya. Tiningnan ni Ernie ang mga binti niya na parang bumibili lang ito ng liempo. “Makinis kung tutuusin. Mapagkakamalan kang disiotso kasi maliit ang kaha mo.” Lumipat ang tingin nito sa dibdib niya. “Iyang boobs mo, ganyan ba talagàyan o may pads ang bra mo?” “Naku, wala ho. Natural po ito.” Nagtaka siya. Bakit ang katawan niya ang pinag-­‐iinteresan nito? “Sige, subukan natin.” Tumawag si Ernie sa   telepono. Pagkatapos nitong makipag-­‐usap ay pinaupo uli siya. Nagpakuwento ito tungkol sa buhay niya. Nasabi tuloy ni Diosa ang tungkol sa pagkakariton niya. Hindi nagtagal ay pumasok sa kuwarto ang isang may-­‐edad na babae. “Terry, si Diosa. Gusto niyang magtrabaho rito. Ano sa palagay mo?” Tumawa ang babaeng tinawag nitong “Terry.” “Okay ka lang, ineng?” “Okay lang po ako,” sabi niya.   “Bihisan mo siya at ayusan ng buhok,” utos ni Kuya Ernie sa babae. “May shape naman ang mga binti, ipakita mo na lang.” “Sigurado ka?” Hindi makapaniwala si Terry. “Kailangan niya ng trabaho, eh. Virgin daw siya. Ipapasilip ko kay Klaus.” “Ah. .” Tumango si Ate Terry at isinama na siya sa isang kuwarto. “Sino ba ang nagbihis sàyo at parang nakawala ka sa Mental?” “`Yong kaibigan ko, si Yolanda. `Sabi nga ho   nila, galing siya sa Mental. Peròsabi niya, hindi siya baliw. Minsan, may sumpong lang.” “Ah, okay. Eh, ikaw? Wala ka bang—” Pinaikot ni Ate Terry ang daliri sa tapat ng sentido nito. “Naku, wala,” mabilis niyang sabi. “Si Ate naman.. Mukha ba akong sintu-­‐sinto?” Tila naaaliw itong ngumiti.  PINAHUBAD ni Ate Terry kay Diosa ang dress at sapatos niya at ipinasuot sa kanya ang isang itim   na damit na makati ang tela. Ilang beses siyang nawalan ng balanse nang isuot niya ang ibinigay nitong mga sapatos na mataas ang takong. Masyado raw makapal ang makeup niya kaya binura nito iyon at nilagyan siya ng panibagong makeup. Binanlawan nito ang buhok niya at tinuyo ng blower. Pagkatapos ay ipinusod nito iyon nang maluwag. Sa tingin niya ay magulo pa rin iyon, lalo na’t kulot. Pero okay lang daw iyon. Mas maganda at mas bagay raw iyon sa kanya.   “Tanggap na po ako?” tanong niya. “Titingnan pa natin kung magugustuhan ka ni Klaus.” “Sino pòyon?” “Kliyente siya na German. Marami siyang pera kaya magpa-­‐cute ka sa kanya nang husto.” Isinama siya ni Ate Terry sa isang silid na malamig at may kama. Kapapasok pa lang niya roon ay nanginig na siya. “Umupo ka lang diyan, ha? Kapag may sumilip sa bintana, ngitian mo.   Pero huwag kang OA, ha?” “Opo.” “I-­‐cross mo ang mga legs mo.” Inayos nito ang upo niya. “Ganyan ka lang.” “Opo.” Iniwan na siya ni Ate Terry. Hindi nagtagal ay may sumilip na lalaki sa bintana. Maitim ito kaya natitiyak ni Diosa na hindi ito porener. Ilong pa lang ay hindi na maitatangging Pinoy ito. Kumunot ang noo ng lalaki at tila uminit ang ulo.   Pero ngiting-­‐ngiti pa rin siya. Bigla itong nawala. Marami pang sumunod na sumilip sa bintana. Habang patagal siya nang patagal sa kuwartong iyon ay sunod-­‐sunod ang sumilip doon na pawang kalalakihan. Nangawit na siya kaya sumandal siya sa uluhan ng kama. Biglang may sumilip na lalaking maputi, manipis ang dilaw na buhok, at matulis ang ilong. Pinagmasdan siya nito nang matagal. Nang ngumiti siya ay ngumiti rin ito. Natuwa siya. Sa wakas ay may ngumiti na   sa kanya. Kanina pa siya sinisimangutan ng mga sumisilip doon. Nawala sa bintana ang lalaki. Hindi nagtagal ay pumasok na si Ate Terry sa kuwarto. Nginitian siya ng babae. “Natuwa sàyo si Klaus. Halika sa itaas, ihahatid kita sa kanya. Galante siya kaya galingan mo, ha? Masasaktan ka siguro nang kaunti kasi virgin kàkamo.” “H-­‐ha?” Nanginig yata pati mga singit niya. Hindi siya makahakbang.   “Halika na, kaya mòyan. Labanan mo ang kaba. Kailangan mo ng pera, eh. Malay mo, ma-­‐in love sàyo si Klaus, di bigla kang magiging milyonarya.” Halos hilahin siya ni Ate Terry patungo sa mas malaking silid. Mas malamig at malaki rin ang kama roon. May banyo rin doon. May itinurong buton si Ate Terry na malapit sa kama. “Pindutin mo lang `yan kung hindi mo magugustuhan ang gagawin ni Klaus. Pero   mabait siya. Wala pang nagreklamong babae sa kanya. Kasi nga, malaki siyang mag-­‐tip. Pagkatapos n’yo, tawagin mo ako at bibigyan kita ng gamot. Iyon nga palang mga condom, nasa drawer.” Condom? Alam ni Diosa kung ano iyon. Nakakita na siya noon kina Aling Delia. Sinabi sa kanya ng addict na anak nito kung para saan ang condom. Nahintakutan siya. Nanang ko po. .   Iniwan na siya ni Ate Terry. Pagkalipas ng limang minuto ay pumasok doon ang lalaking ngumiti sa kanya kanina. Natitiyak niyang ito si Klaus. Napakaluwang ng ngiti nito sa kanya. “You a virgin, huh?” Pasipang hinubad nito ang mga sapatos, kinalas ang sinturon, at ibinaba ang pantalon nito. Isinunod nito ang karsunsilyo nito. Pagkatapos ay humarap at namaywang ito sa kanya. Tumili siya nang tumili.   HINDI napigilan ni Diosa ang mga luha kahit ayaw sana niyang umiyak. Hilam sa mga luha ang kanyang mga mata kaya halos wala siyang makita habang naglalakad sa ilalim ng LRT pabalik sa palengke ng Blumentritt. Suot uli niya ang damit ni Yolanda at hawak niya ang korona. Kabababa lang ni Diosa ng dyip galing ng Pasay. Nanginginig pa rin ang buong katawan niya. Hindi niya makalimutan ang hitsura ni   Klaus. Pagkatapos nitong maghubad ay hayok na dinamba siya sa kama. Mabuti na lang, naalala niya ang buton na itinuro ni Ate Terry. Pinindot niya iyon at hindi nagtagal ay sumugod sa kuwarto ang dalawang malaking lalaki. Galit na galit si Klaus. Kahit hindi niya maintindihan ang sinabi nito ay alam niyang minura siya. Pinagsabihan din siya ni Kuya Ernie. Hindi naman daw pala niya alam kung ano ang pinapasok niya, sige siya nang sige. Pero sa huli,   naawa rin ito sa kanya. Inabutan siya ng isandaang piso para daw may pamasahe siya pauwi. Naiyak siya dahil galit na galit at hiyang-­‐ hiya siya sa sarili. Bakit ba napakatanga niya? Sa kakaisip ay hindi niya napansin ang apat na babaeng tumawid sa kalsada. “Diosa!” sigaw ng isa sa mga ito. Napalingon si Diosa kay Elisa. May kasama itong tatlong babae na natitiyak niyang mga kaibigan nito. Humarang ang mga ito sa daraanan   niya kaya napatigil siya sa tabi ng binubungkal na kanal. Nasa gilid niyon ang mga nakuhang basura na may kahalong maitim na putik. “Anak ng teteng! Ayos ang porma mo, ah!” sabi ni Elisa. “Bagay na bagay sa iyo,” sabi ng isang babae. Namukhaan niya ang babae. Kasamahan ito ng mga namimitik ng paninda sa palengke. Ang paborito nitong tirahin ay iyong mga manok na nasa truck pa. Kapag lumusob na ito, lugi na ang   malas na magmamanok. “M-­‐mauna na ako sa inyo.” Humakbang si Diosa pero hindi tuminag si Elisa sa kinatatayuan nito. “Iiwan mo na kami? Pasampal muna.” Pagkasabi niyon ay walang babalang sinampal siya ni Elisa. Hindi pa siya nakakabawi sa pagkagulat ay may tumulak na sa kanya. Napasubsob siya sa tambak ng basura na galing sa nililinis na kanal.   GALING sina Macoy at Samboy sa Recto. Doon siya sinundo ni Samboy gamit ang kotse nito. Pagliko nila sa kanto pabalik sa Retiro ay may inginuso ito. “Trobol, pare.” Tiningnan ni Macoy ang limang babaeng itinuro nito. Dahil traffic nang mga sandaling iyon ay nakita niya nang itulak ng babaeng parang maton sa mga basura at putik ang babaeng   nakasuot ng kakaibang bestida. “O, `tang ina mo! Sige pa,” sabi ni Samboy, sabay halakhak. Sinaway niya ito. “Huwag namang ganyan, pare. Kawawàyong babae. Pinagtutulong-­‐ tulungan na nga, baka tuluyan pa siya. Itigil mo muna—” “`Pakialam natin sa kanila? Sige pa, isubsob mo pa. .” “Itigil mo na, pare,” utos ni Macoy. Naawa siya   sa babaeng nakasubsob sa putik habang sinasabunutan at tinatapakan sa likod. “Tutulungan ko siya. Baka hindi na siya makahinga.” Napilitang ihinto ni Samboy ang kotse. Dali-­‐daling bumaba roon si Macoy at sinigawan ang mga babae. “Tama nàyan! Mga tanod kami! Mga lintik kayo, kababae ninyong tao, nag-­‐aaway kayo sa kalye.” Biglang nagpulasan ang apat na babae. Naiwan   ang babaeng pinagtulungang saktan. Hirap na hirap itong tumayo. Mistulang naligo sa putik. Kahit siguro araw ay hindi niya makikita ang mukha nito. Parang naging maskara nito ang putik na nakakulapol sa mukha nito. “Okay ka lang?” tanong niya. Atubiling lumapit dito dahil ayaw niyang maputikan. Sa halip na sumagot ay pumalahaw ang babae. Napaupo uli ito sa putik. Pinagsusuntok nito ang mga hita at hinila ang damit nito na balot na rin   ng dumi. “Mga walanghiya sila! Wala akong ginawa sa kanila. Gusto ko lang namang kumita. Kasalanan ko ba kung hindi sila malinis maglaba? Mga hayup silang lahat. Ayoko na! Ayoko na ng buhay ko! Gusto ko nang mamatay!” Sinabunutan nito ang sarili. “Bakit nabuhay pàko? Sawang-­‐ sawa na ako. Lagi na lang nila akong inaapi. Wala ba akong karapatang mabuhay sa mundo?” Napakamot si Macoy sa ulo. Awang-­‐awa siya sa babae. “Miss, tahan na. Wala na sila. Saan ka ba   umuuwi? May pamasahe ka ba?” Dumukot siya sa bulsa ng pantalon niya. May nadukot siyang singkuwenta pesos. Sumama roon iyong ticket ng lotto na binili niya habang hinihintay kanina si Samboy. “Sàyo nàto.” Iniabot niya rito ang pera at ticket. Huminto ang babae sa pagpalahaw. Kapagkuwan ay humahagulhol uli. “Ayoko na, pagod na ako. Ang hirap-­‐hirap mabuhay, alam mo bàyon?” Tinitigan siya ng babae. Bigla itong   natigilan at napaawang ang mga labi, pagkatapos ay pinahid ang putik at luha sa mga mata pero lalong naputikan iyon dahil madumi rin ang kamay nito. “Èto, pamasahe mo. At saka ticket ng lotto. Malay mo, tumama ka. Yayaman ka na. Teka. .” Dinukot ni Macoy ang panyo sa kabilang bulsa ng pantalon niya. “Balutin natin para hindi maputikan. Ingatan mòyan, ha?” Tila wala pa rin ito sa sarili nang kunin ang   mga iniabot niya. “Macoy, tara na,” tawag sa kanya ni Samboy. Bumusina pa ito nang sunod-­‐sunod. “M-­‐Ma—” “Sige, mauna na ako. Umuwi ka na, ha? Huwag ka nang umiyak.” Pagkasabi niyon ay bumalik na si Macoy sa sasakyan. Pagsakay niya roon ay agad iyong pinaharurot ni Samboy. Sa side mirror na lamang niya nakita na nakatayo ang babae. Nakasunod ang tingin nito sa kotse nila. Base sa   buka ng bibig ng babae ay parang isinisigaw nito ang pangalan niya. Inisip tuloy niya kung kakilala niya ito. Ah, guniguni lang niya iyon. Imposibleng kakilala niya ang babae.  MALAYO na ang kotse ay nakatayo pa rin sa kalsada si Diosa. Imposibleng si Macoy at iyong lalaking tumulong sa kanya ay iisa. Marahil ay kapangalan lang ni Macoy ang lalaking iyon.   Pero pamilyar sa kanya ang mga mata at ngiti ng lalaki. Si Macoy lang ang kilala niya na may ganoong ngiti. Gumapang ang kilabot sa katawan niya. Baka si Macoy nga ang lalaki. Baka bumaba ito sandali sa lupa para iligtas siya mula sa pang-­‐ aapi nina Elisa. Napaiyak uli siya, pero sa pagkakataong iyon ay dahil na sa kasiyahan. “Salamat talaga, Macoy.”

 

CHAPTER EIGHT

NAPADAAN si Diosa sa lotto outlet. Mahaba ang pila ng mga taong tumataya roon. Narinig niya sa isang lalaki na ninety-­‐eight million pesos daw ang premyo. Hindi na siya nagtaka kung nasakop na ng mga tao pati ang bangketa para lamang makataya. Bahagya lamang rumehistro sa isip niya ang tumataginting na halagang iyon. Wala siyang pakialam sa halagang hindi abot ng   kaisipan niya. Bagkus ay nakatuon ang isip niya sa dos-­‐siyentos singkuwenta na ibabayad sa kanya ni Tootsie. Kailangan niya iyon. Pagdating niya sa parlor ay parang wala roon si Tootsie. Sa halip ay si Malou ang nadatnan niya. Si Malou ang lesbian na nagta-­‐tattoo sa parlor. “O, Diosa, kumusta ang lakad mo kahapon? Natanggap ka?” tanong ni Malou, seryoso ang anyo at tono. Parang hindi nang-­‐aasar kahit alam niyang iyon ang ginagawa nito. Ipinanganak yata   ito na iisa ang emosyon ng mukha. “Masama palàyon, eh. Putahan.” Hindi kumibo si Diosa. Masama ang loob niya kay Tootsie. Hindi man lang kasi nito sinabi sa kanya na pugad ng mga babaeng mababa ang lipad ang pupuntahan niya. Pero doon man nagtatrabaho si Ate Ching ay naiintindihan niya ito. Kung pagbebenta ng aliw rin ang trabaho niya, hindi rin niya iyon tahasang ipagsasabi o ipagkakalat. Isa pa ay hindi nito alam na binalak   niyang mag-­‐apply sa pinagtatrabahuhan nito. “Hindi ka tinanggap,” sabi ni Malou. Hindi niya alam kung tanong o pahayag iyon. “Tinanggap,” pagtatama niya. “Ha?” Parang rebulto pa rin ang anyo ni Malou kahit nagulat ito. “Pero ayoko ro’n.” Alas-­‐dos pa lang ng madaling-­‐araw ay gising na siya. Napanaginipan kasi niya si Klaus na wala pa ring salawal. Iniba na niya ang usapan. “`Sabi ni Toots kahapon,   ipaglaba ko sila ngayon.” “Sige, tumuloy ka na sa likod. Ipapababa ko sa kanila ang mga damit nila.” Pumasok si Diosa sa parlor at tumuloy sa banlawan ng mga buhok. Makalat doon. Nakadikit pa sa lababo ang mga ginamit sa pagkukulay ng buhok. Sa isang panig ay may isang dustpan na puno ng mga tinipong buhok. Parang tinamad ang nagwalis niyon kaya doon na lang inilagay sa halip na i-­‐shoot sa basurahan.   Binuksan niya ang pinto roon. Sa kanan niyon ay may banyo na yero ang pinto. Katapat niyon ang labahan—isang gripo sa tabi ng washing machine. Itinapon niya ang tubig na laman ng balde at isinahod iyon sa gripo. Walang hose ang washing machine kaya de-­‐buhos ang paglalagay ng tubig doon. Tiningnan niya ang tray na lalagyan ng mga sabong panlaba. Kalahati na lang ang sabong pulbos sa supot niyon. Pumasok uli si Diosa sa parlor. “Ate Malou,   wala na kayong sa—” Napahinto siya sa pagsasalita at napatingala sa lalaking pababa ng hagdan. Hindi siya maaaring magkamali. Ito ang lalaking nagbigay sa kanya ng pera at ticket ng lotto at tinawag na “Macoy” ng kasama nito. Ano ang ginagawa nito sa parlor. Si Macoy ba talaga ito? “Macoy,” paanas na sabi niya. Pagkakita ng lalaki sa kanya ay napatda rin ito, kumunot ang noo, at umawang ang mga labi.   Humakbang ito pababa ng isang baitang para mapagmasdan siya nang maigi. “Kilala mo ako?” Nagtataka pero parang natutuwa ito. Kaboses nito si Macoy. Medyo mas buo iyon dahil nag-­‐mature na ito. “Si Macoy ka nga!” Parang tumigil sa pagtibok ang puso ni Diosa at hindi niya alam kung ano ang iisipin. Hindi siya makapaniwala na buhay si Macoy at kaharap niya. “Ako nga si Macoy. Ikaw?”   Gustong maglulundag ni Diosa pero nanginginig siya kaya hindi niya magawa. “Ako si Diosa. . Si Diosa ako, Macoy. Nagkakilala tayo sa ampunan. Akala ko ay nasunog ka na.” Namutla at napanganga si Macoy. Ilang sandaling hindi ito nakapagsalita. Nang magsalita ito ay nanginginig na ang boses at parang hindi sa lalamunan nito nanggaling iyon. “Diosa. .” Pinagmasdan siya nito nang mabuti. Hindi na yata ito nakatiis kaya lumapit sa kanya. “Si Diosa   ka nga?” Parang ayaw nitong maniwala dahil takot na magkamali. Hindi alam ni Diosa kung lulundag ba siya sa tuwa o hindi. “Ako nga ito, Macoy. Nagkita na tayo ka—” Biglang sumulpot sa puno ng hagdan si Ate Malou. “Kilala mo si Diosa, Macoy?” Parang hindi narinig ni Macoy si Malou. Binitiwan ni Macoy ang mga maruming damit nito at hinawakan siya sa magkabilang balikat. “Si   Diosa ka nga! Buhay ka pa pala! Hindi ka nasunog!” Niyugyog siya nito nang niyugyog sa tuwa. “Oo, ako nga ito, Macoy.” Sinabayan ni Diosa ng paglundag ang pagyugyog ni Macoy sa kanyang mga balikat. Kumapit na rin siya sa mga balikat nito. Naramdaman na lang niyang yakap-­‐ yakap na siya nito nang mahigpit. “Akala ko, namatay ka na.” “Akala ko rin, namatay ka na.” Ayaw niyang   bumitiw kay Macoy. Naramdaman niya ang katuwaan nito kaya nag-­‐init ang kanyang mga mata sa kasiyahan. “Akala ko ay wala ka na pero ka—” “Akalain mong magkikita pa pala tayo? Saan ka ngayon?” putol nito sa pagsasalita niya. Nahimigan niya ang excitement sa boses nito. Bahagya siyang inilayo at pinagmasdan. “Diyan sa palengke ng Blumentritt. Dito ka nakatira?” Pinahid niya ang mga luha.   “Hindi. Iyong mga katropa ko lang ang nandito. Kumusta ka na?” Ngayong nagkita na uli sila, hindi na masama ang loob ni Diosa na hindi siya nakilala nito nang nagdaang gabi. Hindi na lang niya iyon isusumbat. Hindi nito kasalanan kung hindi siya nakilala dahil puno ng putik ang mukha at katawan niya. Nanliit siya. Mukhang asensado na si Macoy. Maganda ang bihis nito, makinis ang kutis, at   mukhang mapera na. “Heto, l-­‐labandera,” nahihiyang sabi niya at tiningnan ang mga binitiwan nitong damit. Sumabad si Ate Malou, parang hindi gusto na magkakilala sila ni Macoy. “Speaking of paglalaba, maglaba ka na para matuyo agad ang mga lalabhan mo.” Binitiwan siya ni Macoy at dinampot nito ang mga damit. “Hindi pa naman ito gaanong kailangan. Mga damit ni Tatay ang iba rito.”   Parang bigla itong nalungkot nang banggitin ang tatay nito. “K-­‐kumusta na nga pala ang tatay mo?” Bumuntong-­‐hininga si Macoy. Tuluyan nang nawala ang ngiti. “Wala na siya kaya okay lang kung hindi agad matuyo ang mga ito. Itatago ko lang naman ang mga damit niya pagkatapos malabhan. Nabanggit kasi ni Toots na may naglalaba rito kaya dinala ko at dito ko palalabhan. Hindi ko na kasi maasikaso, eh.   Magkano ba ang singil mo?” “Mura lang, two-­‐fifty.” “Sige, dadagdagan ko na lang.” “Baka pekèyong ibabayad mo sàkin, ha?” Ngumiti ito. “Hindi tayo talo, Diosa. Alam mòyan.” Tumango siya at saka ngumiti nang maluwang. “Akinàyan. May lakad ka yata.” Kinuha niya rito ang mga damit. “Gagandahan ko ang laba para sa tatay mo.”   “Salamat.” Mula sa itaas ng bahay ay bumaba ang isang lalaki. “Tara na, pare,” yaya ng lalaki kay Macoy. Parang ang lalaki rin ang kasama ng kaibigan niya nang nagdaang gabi. “Saglit lang,” sabi ni Macoy. Nilingon at hinawakan siya nito sa braso. “Bumalik ka rito bukas. Hintayin mo ako. Iti-­‐treat kita.” “Talaga?” aniya. Umismid ang lalaking nagyaya kay Macoy pero hindi niya pinansin. “S-­‐   sige.” “May lakad lang ako ngayon. Pero bukas, sasaglit ako rito, ha? Magkikita tayo,” sabi ni Macoy. Tumango si Diosa. “Let’s go, sago!” yaya uli ng kaibigan ni Macoy na nauna na sa pinto. “Bukas na lang, ha?” Parang ayaw pa siyang iwan ni Macoy. Ayaw pa rin ni Diosa na mawala si Macoy sa   paningin niya. Baka mawala uli at hindi na niya makita kagaya ng nangyari noong nasa bahay-­‐ ampunan sila. “Salamat nga pala roon sa ibinigay mo ka—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil inakbayan na ito ng kaibigan at lumabas na ng pinto ang mga ito. Nginitian at kinawayan na lamang siya nito. Inabutan siya ni Malou ng pera. “Pambili ng sabon.” Inabot niya ang pera. “Nasaan si Tootsie?”   naalala niyang itanong. “Tulog. Huwag mong gisingin at pagod.” Walang balak si Diosa na gisingin ang amo nito. May kalalagyan siya kapag ginising niya ang addict na gising nang ilang araw at gabi. Wala siyang pakialam kay Tootsie. Ang importante sa kanya ay buhay si Macoy at magkakasama na uli sila. May kakampi na uli siya. Napaluha si Diosa. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso   niya. Parang gusto niyang tumakbo, lumundag, at sumigaw. HINDI pa rin makapaniwala si Macoy na buhay si Diosa. Payat pa rin ito pero hindi na bungi. Mahaba na ang mistula pa ring alambreng buhok nito. Nalungkot siya sa nakitang hitsura ng kaibigan. Walang dudang hindi naging maganda ang buhay nito. Gusto niyang malaman kung ano ang mga nangyari sa kaibigan. Pagkatapos ng trabaho niya ay hahanapin niya ito. Kung bakit   gusto niyang gawin iyon ay hindi niya alam. Siguro ay dahil naaliw siya sa kainosentihan nito noon kaya natatak ito sa isip at alaala niya. Hindi nga ba’t nangako siya rito noon na magiging magkaibigan sila habang-­‐buhay? “Paano mo nakilala si Diosa?” tanong ni Samboy. Hindi niya ito sinagot. “Matagal na ba siyang naglalaba sa parlor?” “Minsan lang siya naglaba, hindi na umulit.   Nagkakariton siya.” “Kariton?” Tumango si Samboy. “Natutulog lang daw siya sa palengke. Para siyang may sayad kung minsan.” “Walang sayad si Diosa, pare. Inosente lang siya,” pagtatanggol ni Macoy sa kanyang kaibigan. Pinagtakhan niya ang sarili kung bakit kahit lumipas na ang maraming taon ay ayaw pa rin niyang inaapi si Diosa. Sa totoo lang, isa sa   mga dahilan kung bakit tinulungan niya iyong babae nang nagdaang gabi ay dahil naalala niya si Diosa kapag pinagtutulungan ito noon ng mga bata sa bahay-­‐ampunan. “I’m sorry,” may kahalong sarkasmong wika ni Samboy. Pinalampas na lang niya iyon. Ang sitwasyon pa rin ni Diosa ang bumabagabag sa kanya. Bukod sa parang may pumiga sa puso niya, bumigat din ang kanyang dibdib sa nalaman.   Tutulungan niya si Diosa. Hindi niya gusto na natutulog lang ito sa palengke. Isasama niya ito kung saanman niya mapagdesisyunang manirahan.  PAGKABILI ni Diosa ng sabon ay tumuloy na siya sa labahan. Gaya ng pangako niya kay Macoy, lalabhan niya nang mabuti ang mga damit ng tatay nito. Ano kaya ang ikinamatay ng tatay nito? Nalungkot siya para kay Macoy. Mahal na   mahal nito ang ama. Bago niya binasa ang mga damit ay inisa-­‐isa muna niyang baligtarin at kapain ang bulsa ng mga iyon. Bumili rin siya ng Downy para mabango ang mga damit kapag natuyo. Tutal, sobra naman ang perang ibinigay sa kanya ni Malou. Hindi na makapaghintay si Diosa na makita at makausap uli si Macoy. Mabuti pa ito, mapera na. Ililibre pa nga raw siya. Iyong mga may pera lang   ang alam niyang nanlilibre. May nakuha siyang limang piso sa bulsa ng isang pantalon. Sa isa naman ay kapirasong papel na parang karton. May nakasulat doon na pangalan at mga numero ng telepono. Sinubukan niyang basahin iyon. “‘Myrna Sy. Octagon dye-­‐wel-­‐ri. ” Nagkibit-­‐ balikat siya at itinabi ang papel sa limang pisong barya. Kapag nagkita uli sila ni Macoy ay ibibigay niya ang mga iyon.   NILAPITAN ni Macoy si Rudy. Iiling-­‐iling ito habang tinitingnan ang mga gulong ng bagong-­‐ bagong Mazda nito. Nasa isang pay parking sila sa university belt. “Problema, pare?” kunwa ay concerned na tanong niya. “Napag-­‐trip-­‐an, eh.” Ipinakita ni Rudy ang mga butas na gulong ng kotse. “Hindi raw napansin ng guwardiya kung sino ang may gawa nito. Anak ng pating talaga, o.”   Kung puwede lang sabihin ni Macoy na hindi talaga mapapansin ng guwardiya ang nangyari dahil nilibang niya ang guwardiya habang nilalaslas ni Samboy ang dalawang goma sa likod ng sasakyan ni Rudy. Umiling-­‐iling siya. “Sinadyàyan. Dinalawa pa, eh.” “May lakad pa mandin ako. Park at your own risk ang nangyari.” Napatingin si Rudy sa T-­‐shirt niya na may logo ng kurso nito sa unibersidad. Napapalibutan iyon ng mga salitang Latin.   “Bedan ka rin?” Tumango si Macoy. “Doon ka rin, `di ba? Pamilyar ka nga sa akin, eh, kaya lumapit ako. Macky,” pakilala niya. “Rudy.” Nagkamay sila. “Anong year ka na?” Ngumiti siya. “First year. Ang hirap pala ng Law, parang hindi ko kakayanin. Graduating ka na, `di ba? Brod mo si Paul. Kaibigan ng sister niyàyong girlfriend ko.” Tumango si Rudy. “May usapan nga kaming   magkikita ngayon. Ang kaso, wala akong sasakyan. Isa lang ang reserba ko. Iwan ko na lang kaya muna rito at maghanap muna ako ng pampalit?” “Saan ba ang lakad mo? Pa-­‐Makati ako, baka puwede kitang isabay.” Parang natuwa si Rudy. “Doon din sana ako pupunta. Okay lang ba talagang makisabay? Babalikan ko na lang `to.” “Walang problema, pare. Kunin mo muna ang   lahat ng gamit sa loob at baka manakaw pa ang mgàyon. Kausapin na lang natin ang guwardiya na bantayan na niyang mabuti ang kotse mo. Kung hindi ay matatanggal siya sa trabaho.” “Dapat kasi, may camera na sa mga parking areas. Iisa pa mandin ang security guard dito.” Kinuha ni Rudy sa loob ng sasakyan ang cell phone, laptop, at backpack nito. Nilapitan muna ni Macoy ang security guard. Kakamot-­‐kamot ito habang sinesermunan niya.   Hindi nagtagal ay lulan na sila ni Rudy ng box type Corolla na ipinagagamit sa kanya. Tiwalang-­‐ tiwala si Rudy sa kanya. Wala siyang nakikitang anumang bahid ng pagdududa sa mukha nito. Ilang linggo niyang tinugaygayan si Rudy para masigurong walang magiging aberya kapag dinukot niya ito. Walang girlfriend ang lalaki na biglang susulpot. May sinusunod itong routine. Hindi ito impulsive. Despuwes, predictable ang galaw nito. Nakabuti sa kanya na nalaman agad   niya ang mga iyon. Nang mga sandaling iyon ay walang lugar sa puso ni Macoy ang konsiyensiya. Mayaman ang pamilya ni Rudy. Kayang-­‐kaya ng mga ito na maglabas ng dalawampung milyong piso na hihingin nilang ransom para sa kaligtasan ni Rudy. May pamilya ito na nagmamahal at hindi magpapabaya rito. Kung kinakailangan ni Macoy na ilagay sa panganib ang buhay nito para mabuhay siya ay gagawin niya. Wala na siyang   pamilya. Kayang-­‐kaya siyang iligpit si Felix kapag hindi niya ginawa ang ipinagagawa nito. Masuwerte pa siya kung may makakakita sa bangkay niya. “Ano ang last name mo, pare?” tanong ni Rudy. “Paras,” sagot niya. Kunwari ay may kinapa siya sa likod ng upuan nito. Hindi nito alam na kinuha niya ang baril na isinuksok niya roon. Bigla niyang pinukpok ng handle ng baril ang   likod ng ulo nito. Noong nabubuhay ang tatay niya ay minsan na nitong nasabi sa kanya na kapag daw sa likod ng ulo pinalo ang isang tao, mawawalan agad ng malay. Dahil iyon ang unang beses na namukpok si Macoy ng baril sa ulo ay nilakasan niya ang pagpalo. Natakot siyang hindi iyon umepekto kay Rudy pero natakot din siyang matuluyan ito. Malapit na siyang mag-­‐panic. Nais kumawala ng malakas na sigaw mula sa kanyang bibig. Kinapa   niya ang ulo nito. Hindi iyon dumugo. Maingat niyang iniangat ang mukha nito at pinakiramdaman kung humihinga pa ito. Nakahinga siya nang maluwag nang matiyak na buhay pa ito. “Pasensiya na, pare. Kailangan lang.” Ikinabit niya ang seat belt nito. Tumatahip ang dibdib niya at nanginginig ang kanyang buong katawan.

 

CHAPTER NINE

INIHINTO ni Diosa ang kariton niya sa harap ng parlor ni Tootsie. Gising na ito pero halatang windang pa rin. “Si Ate Malou?” tanong niya. “Nakikipagpompiyang. Gusto mong abalahin?” masungit na tanong ni Tootsie. “Hindi naman. Ano lang kasi, sabi ni Macoy, hintayin ko siya rito ngayon. Puwede ba?” Nanggilalas si Tootsie. Parang nawala ang   natitirang antok sa katawan nito. “Kilala mo si Macoy? Close kayo?” Tumango si Diosa. “Dati ko pa siyang kaibigan. Anong oras kaya siya pupunta rito?” “Hindi ko alam. Bumalik ka na lang. Sige na, umalis ka muna,” pagtataboy nito sa kanya. “K-­‐kailan babalik si Macoy?” “Aba, malay ko nga? Ang kulit mo, ha.” Tinalikuran na siya ni Tootsie. Napilitan siyang umalis. Babalik na lang siya   mamayang hapon. Baka sakaling may karga na uli si Tootsie at mabait na uli sa kanya. Mas mapapakiusapan na niya ito na payagan siyang hintayin si Macoy sa parlor nito. Gayunman ay mabigat pa rin ang loob niya nang bumalik sa kariton. “Bote—e” matamlay na sigaw niya. Isang lalaking may hawak na diyaryo ang sadyang lumapit sa kariton niya. “Sa iyo nàyan, walang kuwenta.” Pagalit na itinapon nito sa kariton niya ang diyaryo. Kasama niyon ang isang   ticket ng lotto. Tiningnan niya ang diyaryo. “Bago pàto, ah.” “Sa iyo na nga.” “Eh, `yong ticket n’yo ho?” “Lalong sàyo nàyan. May nanalo na, eh.” Itinuro ng lalaki ang headline sa diyaryo. “Kung sinuman ang nanalo ng ninety-­‐eight million nàyan, `tang ina niya. Alam mo ba kung gaano karaming peràyon?” Umiling si Diosa.   “Hindi natin malalaman dahil wala naman tayo n’on,” may halong sarkasmo na sabi ng lalaki. Tumawid na ito sa kalsada. Kinahapunan, nang ipagbili niya kay Bisoy ang mga nakolekta niyang bote, diyaryo, at mga plastic na bote ay ang nanalo rin sa lotto ang pinag-­‐uusapan nito at ng kausap. Saanman siya pumunta nang araw na iyon ay pulos lotto ang paksa ng mga tao. “Kung akòyon, hindi ko ipagsasabi,” sabi ni   Bisoy habang binabayaran siya. “Hindi rin ako sisigaw dahil baka may makarinig, lusubin pa ako sa bahay at patayin.” “Naku, baka atakihin ka sa puso?” anang kausap nito. “`Tang ina, kung nagkataon, ang sarap ng buhay ko. Kung ako ang nanalo, lalayas na ako ng Pilipinas.” “Hindi kasamàyan.” Pinigil niya si Bisoy nang damputin nito ang diyaryo na nasa pinakaibabaw   ng patas niyon. Iyon ang ibinigay sa kanya ng lalaki kanina. “Bago pàyan.” “Tumataya ka ba sa lotto, Diosa?” “Hindi po,” sagot niya. Pero may ticket siya ng lotto, iyong ibinigay sa kanya ni Macoy. Tinimbang ni Bisoy ang mga lumang diyaryo. May daya ang timbangan nito. Alam ni Diosa na ginugulangan siya nito pero wala siyang magawa. Tiningnan niya si Bisoy nang masama nang abutan siya ng pitong piso. Dapat ay sampung   piso ang ibinayad nito. Sa ibang pagkakataon ay aangal siya at mapipilitan itong gawing walong piso ang bayad sa kanya. Pero dahil gusto na niyang bumalik sa palengke at magbasa ng diyaryo ay nagpaalam na lang siya rito.  DINALA ni Macoy si Rudy sa isang bungalow na nasa gitna ng maluwang pero ginugubat nang bakuran. Hindi pa tapos gawin ang bungalow kaya wala pa iyong pintura at kisame. Mga   plywood lang ang nakatakip sa ibang mga bintana. Inupahan iyon ni Felix sa katiwala niyon na isang matandang lasenggo. Basta may hawak na bote ng gin ang katiwala ay wala na itong pakialam sa mundo. Hindi makatingin si Macoy kay Rudy nang painumin niya ito ng tubig. Nakagapos ito sa upuan sa isang silid. May busal ang bibig nito kaya hindi makapagsalita para murahin siya. Pero mababasa sa mga mata nito ang galit at takot.   Tinanggal niya ang busal ng lalaki at inilapit niya sa bibig nito ang bottled water. Hindi niya kayang tingnan ang takot na nakabadha sa mukha nito dahil nakikita rin niya iyon tuwing humaharap siya sa salamin. Nanariwa sa alaala niya ang isang tagpo sa nakaraan. Maraming dumating na pulis sa bahay nila. Takot na takot si Macoy. Panay ang tanong niya sa tatay niya kung huhulihin na sila ng mga pulis. Pero ito lamang ang kinuha ng mga pulis. Habang   umiiyak siya ay paulit-­‐ulit niyang tinanong ang ama kung babalik pa ito. Ayaw niyang mag-­‐isa kaya takot na takot siya. Pagkatapos uminom ni Rudy ng tubig ay iniwan uli niya ito. Sana ay magbayad na ng ransom ang mga magulang nito para mapakawalan na nila ito. Ayon kay Felix, nakausap na nito si Mr. Sy. Nangako na raw si Mr. Sy na ibibigay ang halagang gusto nila, huwag lamang daw nilang sasaktan ang anak   nito. Kaisa-­‐isang anak ni Mr. Sy si Rudy na magtatapos ng Abogasya. Isinugod din daw sa ospital si Mrs. Sy nang himatayin pagkatapos malamang dinukot ang anak nito. Sana ay matapos nàto, dasal niya. Naalala ni Macoy si Diosa. Nangako siya rito na babalik siya sa parlor at ililibre ito. Pero siya ang pinagbantay ni Felix kay Rudy. Baka isipin ni Diosa na indiyanero siya. Babawi na lang siya rito sa ibang pagkakataon.   Mauupo na sana siya sa papag sa sala nang humahangos na pumasok sa pinto si Felix at ang iba pang tauhan nito. Hawak na nito ang baril. “May parating na mga pulis! Putang ina!” Tila takot na takot at litong-­‐lito si Felix. “Tiyak na si Tanda ang nagsumbong,” sabi ni Samboy na ang tinutukoy ay ang matandang caretaker ng bungalow. “Iligpit n’yo ang putang inang `yon! Iligpit n’yo silang lahat!” Pinuntahan ni Felix si Rudy.   Sinundan at pinigilan niya si Felix sa nais gawin. “Huwag kang makialam! Kung mamamatay ako, uunahin ko ang Intsik nàto!” Dinaluhong niya si Felix. Mas bata at mas malakas siya kaysa rito kaya hindi ito nakawala sa kanya. Pilit niyang inaagaw ang baril nito. “Pero nangako kang hindi natin siya sasaktan.” “Samboy! Aldo!” tawag ni Felix sa mga tauhan nito. Naagaw ni Macoy ang baril at itinutok iyon kay   Felix habang paatras na lumalapit siya kay Rudy. Tinanggal niya ang busal sa bibig ni Rudy at dali-­‐ daling kinalas ang lubid sa mga paa at kamay nito. Natigilan si Macoy nang may pumailanlang na dalawang putok mula sa labas ng bahay. Pinatay na nina Samboy at Aldo ang matandang katiwala. Minadali ni Macoy ang pagkalas sa lubid. Ang kanang kamay lang niya ang gamit dahil ang kaliwang kamay niya ay may hawak na baril na   nakatutok kay Felix. Nakahanda siyang barilin si Felix kung kinakailangan. Parang mabangis na hayop ito na nasukol pero nagpaplanong lumusob. Butil-­‐butil ang pawis ni Macoy at tila malalagutan siya ng hininga. Sa wakas ay lumuwag din ang tali ni Rudy sa mga kamay nito. Tinulungan na siya nito para mapakawalan ang sarili. Pumasok sa silid si Samboy at pinaputukan si Rudy nang makitang nakakawala na si Rudy.   Mabilis ang mga reflexes ni Macoy kaya agad niyang naiharang kay Rudy ang kanyang katawan. Bumagsak siya sa sahig pero nagawa niyang gumanti ng putok kay Samboy. Bumagsak din si Samboy sa sahig. “Tumakas ka na, pare. Umuwi ka na sa inyo. Hinihintay ka ng papa mo,” sabi niya kay Rudy. “May tama ka.” “Tumakas ka na! Pabayaan mo na ako! Pasensiya na sa nagawa ko.”   NAKAUPO si Diosa sa kalahating sako ng asukal na pula na nasa loob ng tindahan ni Aling Delia sa palengke. Nakatitig siya sa mga bote ng mantika at de-­‐lata na nakahilera sa dingding pero parang hindi niya nakikita ang mga iyon. May nakasinding kandila sa tabi ng karton na higaan niya. Doon niya ipinatong ang diyaryo at ticket ng lotto. Inipit niya sa mga hita ang nanginginig niyang   mga kamay na namumuti na yata ang mga daliri. Pakiramdam niya ay sasabog ang utak at dibdib niya dahil magkamukha ang mga numero sa ticket ni Macoy at sa diyaryo. Ang ibig sabihin ay nanalo ito ng maraming-­‐maraming pera.  PILIT na kumawala si Macoy sa mga nurse na gusto siyang isakay sa stretcher. “Patayin n’yo na ako! Pabayaan n’yo na ako! Susunod na ako sa tatay ko.” Hindi siya pinansin ng mga ito. Hindi   ba siya naintindihan? Masamang tao siya kaya bakit pa siya bubuhayin? Naihiga pa rin siya ng mga nurse sa stretcher. Sinabihan siya ng isang humahawak sa kanya na huwag malikot para hindi siya maubusan ng dugo. Pero iyon ang gusto niyang mangyari dahil iyon din ang naramdaman ng tatay niya noong pinagbabaril ito ng mga pumatay rito. Gusto niyang maramdaman ang lahat ng sakit na naramdaman ng itay niya. Pagkatapos niyon ay   alam niyang wala na siyang mararamdamang takot at pupunta na siya sa isang magandang lugar: Sa lugar ng mga engkantada ayon kay Diosa. “Diosa,” sambit ni Macoy. Patawarin sana siya ni Diosa dahil hindi na niya ito mababalikan. Hindi na sila magkakakuwentuhan. Hindi na niya ito maililibre gaya ng pangako niya. Hindi na niya ito matutulungan para maiahon sa hirap.   NAUBOS na ang kandila pero nananatili pa ring nakaupo at nakatitig sa kawalan si Diosa. Panaginip ba ang lahat? Nag-­‐umpisa na uli ang buhay sa palengke. Narinig na niya ang pamilyar na boses ng mga kargador at mangangalakal pero hindi pa rin niya magawang tumayo. Hindi na yata siya makakakilos. Pumasok na ang liwanag sa mga siwang ng tindahan. Umaga na pala. Mayamaya lang ay darating na si Aling Delia. Bubulyawan siya nito kapag nakitang nagtirik   siya ng kandila sa sahig. Mahigpit nitong ipinagbabawal iyon dahil baka raw masunog ang tindahan nito. Isa-­‐isang naisip niya ang mga pagmamalupit nito sa kanya. “Magtiis ka sa dilim! Anak ka naman ng lagim!” sabi ni Aling Delia. Ngalingaling sabihin niyang ito at ang pusher na anak ang kampon ng lagim. “Bakit bawas na naman ang pancit canton dito?   Ninakaw mo na naman, `no? Ililista kòyon. Ilan ang kinain mo, ha?” Napailing-­‐iling si Diosa. Kaya pumayag si Aling Delia na matulog siya sa tindahan nito ay para na rin magsilbing bantay roon dahil talamak ang nakawan sa palengke. Nang magtagal-­‐tagal ay hiningan na rin siya nito ng upa roon. “Sino ang o-­‐order ng kape?” Boses iyon ni Yolanda. Nagpapa-­‐order ito ng kape, salabat, mami, at lugaw sa mga tindero at   tindera sa palengke. Dahil sa boses nito kaya parang nagising siya. Huminga siya nang malalim. May naramdaman siya sa kinauupuan. Iniangat niya ang puwit at hinawakan iyon. Basa ang pantalon niya. Nang kapain niya ang sako ng asukal ay basa rin iyon. Dahil yata sa sobrang tensiyon niya ay naihi siya. Napangiwi si Diosa. Tiyak na lagot siya kay Aling Delia. Padakmang kinuha niya ang diyaryo at ticket ng lotto. Inipit niya sa kanyang bra ang   ticket at binilot naman niya ang diyaryo. Saka niya binuksan ang pinto at lumabas doon. “Diosa! Gusto mo ng kape?” tanong sa kanya ni Yolanda. Hindi siya sumagot. Kumaripas na siya ng takbo. Muntik pa niyang mabunggo ang kargador na si Tino. Nilagpasan niya ito. “Hoy, Diosa! Umihi ka ba sa salawal?” tanong ni Tino.   KINALAMPAG ni Diosa ang pinto ng apartment ni Ate Ching. “Para mo nang awa, Ate Ching. Papasukin mo ako!” Bumukas ang pinto at lumabas ito. Nakasuot lang si Ate Ching ng manipis na T-­‐shirt kaya kita niya ang panty nito. Agad siyang pinapasok. “Napaano ka ba, Diosa? May sumalbahe ba sàyo?” “Ate Ching. .” Umiiyak pa rin siya. “Tumahan ka na. Nasa loob ka na ng bahay   ko.” Isinara ni Ate Ching ang pinto. “Ano bàyon? Ang aga-­‐aga, eh, ngawa ka nang ngawa riyan. Katutulog ko lang, alam mo bàyon?” Kinuha nito ang isang kaha ng Philip sa mesita at nagsindi ng isang stick. “Anòyon? Ginahasa ka ba? Ginulpi—” “Ate.. ” Ibinigay niya rito ang diyaryo pagkatapos ay dinukot sa kanyang bra ang ticket ng lotto. Sa pagpa-­‐panic niya ay hindi agad niya nadukot iyon. Nalukot ang mga gilid niyon.   Nanginginig ang boses at kamay niya nang iabot dito ang ticket. “Tingnan mo, `Te. Parang awa mo na, tingnan mo.” Ipinatong ni Ate Ching sa ashtray ang yosi. “Nanalo ka sa lotto?” natatawang tanong nito, umupo sa sofa, at inilatag sa kandungan ang diyaryo. Isa-­‐isang binasa nito ang numero doon. Nasa pangatlong numero na ito nang matigilan. Inulit sa umpisa ang pagbabasa. Natigilan uli ito at tuluyan nang natulala.   Niyugyog ni Diosa ang mga balikat nito. “Ate Ching. . Gising!” Inabot nito ang kaha ng Philip, kumuha ng isang stick ng sigarilyo, at sinindihan iyon. “May sindi pa itong isa, Ate.” Parang nanumbalik na ang diwa niya at ito naman ang nawala sa sarili. Humitit si Ate Ching at binasa uli ang mga numero. Pagkatapos ay tumili ito nang tumili. “Ate Ching, utang-­‐na-­‐loob, huwag kang   maingay,” saway ni Diosa nang maalala ang sinabi ni Bisoy. Hindi raw dapat sumigaw ang taong nanalo sa lotto dahil baka lusubin ng taong bayan at patayin. “Ate Ching!” Nang hindi pa rin ito nagpaawat ay dinaganan niya ito at tinakpan ng kamay ang bibig nito.  KINAKABAHAN at nasasabik na sinalubong ni Diosa si Ate Ching. “Ano’ng balita?” tanong niya. “Wala akong nakausap do’n, Diosa. Sarado na   ang parlor na sinasabi mo.” “Ha? Baka nagkamali ka ng pinuntahang parlor. Paanòyon magiging sarado?” “`Di ba, Tootsie’s Hair Salon ang sinabi mo?” Tumango siya. “Nagtanong pa ako para sigurado. Pati ang mga kapitbahay nila ay nagtataka kung bakit paggising nila kanina ay sarado nàyong parlor. Hindi nila alam kung nasaan si Tootsie. Si Malou naman, hindi pa raw nagagawi roon. Hindi   naman pala siya roon natutulog. Pinuntahan ko rin `yong may-­‐ari ng apartment. Hindi niya alam na wala na siyang tenants. May utang pa raw sa kanya si Tootsie na dalawang buwang upa.” Nanlulumong umupo si Diosa sa sofa. “Paanòyan, Ate? Nasaan si Macoy? Saan ko siya hahanapin?” “Kailangan mo nang magdesisyon, Diosa. Nasa iyo ang nanalong ticket. Kailangan mo nang i-­‐ claim `yong premyo dahil baka ma-­‐forfeit `yon.   Paano kung hindi mo mahanap si Macoy? Sayang ang pagkakataon. Sa pamamagitan ng perang `yon ay makakapagbagong-­‐buhay ka. Hindi ka na magkakariton at hindi ka na matutulog sa karton.” Napatitig siya kay Ate Ching. “Gaano karami bang peràyon, Ate?” “Marami. Hanggang sa pagtanda mo, hindi ka na maghihirap. Bakit hindi mo na lang isiping sadyang para sa iyo ang suwerteng `yan? Sa   palagay ko, hindi na naaalala ni Macoy na ibinigay niya sàyo ang ticket ng lotto. Siguradong siya man ay hindi gaanong nag-­‐e-­‐ expect na mananalo nang tumaya siya sa lotto. Nagbaka-­‐sakali lang siguro siya o kaya nahikayat dahil lahat ng tao ay tumataya. Gano’n din ako minsan. Tumataya ako pero nakakalimutan ko nang tingnan kung tumamàyong ticket ko. At saka ibinigay niyàkamo sàyo nang kusang-­‐loob `yong ticket.”   “Kay Macoy pa rin `yon,” giit ni Diosa. “Pero hindi natin alam kung nasaan si Macoy. Alangan namang manawagan tayo? Baka malaman pa ng lahat na nanalo ka sa lotto. Pero kapag nasa iyo na ang pera, puwede kang umupa ng detective na maghahanap kay Macoy.” Kumunot ang noo niya. “Detektib? ” “Oo. Babayaran mo siya at siya na ang maghahanap kay Macoy.” Umupo si Ate Ching sa kanyang tabi at hinawakan ang dalawang kamay   niya. “Ang sabi mo, magkaibigan kayo ni Macoy. Kung talagang mabait siya, maiintindihan niyang kailangan mong i-­‐claim `yong premyo. Mas magagalit siguro siya kung lumipas ang mga buwan at nawalan ng bisa ang ticket.” “Hindi ko pa rin alam ang gagawin ko, Ate Ching. Saan ako pupunta? Saan ko kukunin `yong pera? Wala akong alam. .” “Kaya nga tutulungan kita. Maraming taong lalapit at mag-­‐aalok ng tulong sa iyo. Pero ang   totoo, peperahan ka lang nila. Mamamalayan mo na lang na ubos na ang napanalunan mo. Kailangan mong mag-­‐ingat, Diosa.” “Wala akong ibang malalapitan, Ate.” “Kung magtitiwala ka sa akin, tutulungan kita. Bukas na bukas din ay pupunta tayo sa opisina ng PCSO.” Tumango siya.  MAINGAT na pinirmahan ni Diosa ang likod ng   ticket para daw hindi makuha ng iba kahit mawala iyon sa kanya. Iyon ang ipinayo kay Ate Ching ng nakausap nito sa tanggapan ng PCSO nang tumawag si Ate Ching doon para alamin kung paano ike-­‐claim ang napanalunan niya. Pagkatapos ay lumabas sila ng bahay ni Ate Ching at nag-­‐abang ng taxi. Parang namataan niya si Yolanda nang pasakay na sila sa humintong taxi. Pero hindi na niya ito pinansin. Sinabi ni Ate Ching sa driver kung saan sila   ihahatid. “Bakit kayo pupunta ro’n? Nanalo ba kayo sa lotto?” usisa ng driver. “Sana nga ho. Pero hihingi lang ho kami ng tulong para sa sakitin kong kaibigan,” sabi ni Ate Ching. Sa sinabi ni Ate Ching ay napaubo si Diosa para sakyan ang drama nito. Natahimik na sila. Pagdating nila sa gusali ng PCSO sa Quezon   City ay sinamahan sila ng isang empleyado sa lotto machine para daw ma-­‐verify kung nanalo nga ang mga numero sa ticket niya. Parang lumulutang ang pakiramdam niya. Magkahalong ligaya at takot ang naramdaman niya. Para din siyang maiihi sa salawal. Nang ma-­‐verify ang mga numero ay isinama sila ng lalaki sa isang maluwang na silid. Doon ay hiningan siya ng isang babae ng tatlong identification card. “W-­‐wala akong ID,” sabi niya.   “Nabanggit ko nàyon sa nakausap ko sa telepono kanina,” sabi ni Ate Ching. “Walang ID si Diosa dahil hindi siya empleyado. Naglalabada lang siya. Iyong kinita niya sa paglalaba ang ipinambili niya ng ticket.” “Gano’n ba? Suwerte mo, ha?” sabi sa kanya ng babae. Pinapirma na lang siya sa makapal na papel at ikinompara ang pirma niya roon sa pirma niya sa likod ng ticket. Pagkatapos ay dinala sila nito sa isang silid at binigyan ng tig-­‐isang tasa ng   mainit na kape. Hintayin daw nilang dalhin doon ang tseke na manggagaling sa Landbank na sa sangay rin ng naturang bangko sa ibaba ng gusali nila puwedeng ipapalit. Kakausapin daw sila ng manager kung ano ang dapat niyang gawin sa pera. “Naiihi na talaga ako, Ate Ching,” sabi ni Diosa. “Ang lamig pa rito.” “Kaunting tiis pa.” Ganoon na nga lang ang ginawa niya.

 

CHAPTER TEN

Six months after  BLANGKO ang ekspresyon ni Macoy habang nasa loob siya ng isang courtroom sa Maynila. Kasalukuyang ibinababa ng huwes ang hatol sa kanya. “Due to a mitigating circumstance of plea of guilty to a lesser offense, instead of life   imprisonment, you are sentenced to twenty years in prison. .” Wala siyang pakialam kahit gaano katagal siya ikulong. Hindi na rumehistro sa isip niya ang ibang mga sinabi ng judge. Hindi siya interesadong marinig ang mga iyon. Pakiramdam niya ay wala na siyang buhay. Nang alalayan siya ng mga pulis pabalik sa kulungan ay parang robot siya kung maglakad. Sana, kapag nasa Muntinlupa na siya ay may bilanggong makaisip   na patayin siya.  INIHALINTULAD ni Diosa ang lumipas na anim na buwan sa mga tanawing mabilis na nadaraanan niya habang nakasakay sa kanyang sasakyan. Noong una ay nalulula siya hanggang sa nasumpungan niya ang sariling nalilibang at inaabangan ang mga susunod na tanawin sa kalsadang patungo sa Quiapo—luma at nangingitim na mga gusali, mga batang   nagtitinda at nanghihingi ng limos, mga taong natutulog sa bangketa at mga basura. Hindi lang pamilyar sa kanya ang mga tanawing iyon kundi bahagi rin ng buhay niya. Pumasok sila sa ilalim ng tulay hanggang sa makarating sa isang kalsadang naghilera ang mga tindahan ng mga spare parts ng sasakyan, cell phone, electronics, at alahas. Nagkalat pa rin sa kalye ang mga taong kaparis niya noon. Nilingon ni Diosa ang katabi niya. “Ate Ching,   bakit gano’n?” “Ang alin? `Wag mo akong kausapin at baka sumabit tayo. Nakakainis ang mga jeep, basta-­‐ basta na lang humihinto.” Halos nakasubsob na si Ate Ching sa salamin. Hindi pa ito gaanong sanay magmaneho. Nag-­‐aral lamang ito nang magpasya siyang bumili ng sasakyan. Ang sabi nito ay SUV raw ang maganda kaya SUV ang binili niya. Mas maganda sana kung violet ang kulay niyon kaysa sa nabili niyang kulay-­‐abo.   “Nagtataka lang kasi ako, Ate Ching. Bakit iba ang paningin ko kapag nakasakay ako rito sa CR-­‐ V? Dati ko namang nakikitàyang mga addict sa rugby. Pero parang iba na sila ngayon. Malabo sila. Hindi ko rin sila naririnig.” “Natural, kasi sarado ang mga bintana,” sabi ni Ate Ching. “Iba ang pananaw kapag nasa loob ka ng sasakyan. Kapag nasa kariton ka, ang makikita mo lang ay iyong abot ng tanaw mo. Sa mataas na sasakyang gaya nito, makikita mo na ang mga   hindi mo nakita noon. Malayo na ang nararating ng mga mata mo. Naiintindihan ko ang sinasabi mo dahil hindi rin ako tumitingala noon. Kapag nakalubog ka sa putik, ang magagawa mo lang ay kumampay at magsikap na hindi malunod.” Kapwa sila natahimik nang mga sumunod na sandali. Mayamaya ay inihinto ni Ate Ching ang sasakyan sa tapat ng isang lumang gusali. “Halika na,” yaya nito.   “Natatakot ako, `Te.” “Ngayon ka pa ba matatakot? Malalaman mo na ang nangyari sa kaibigan mo.” Atubili pa rin si Diosa na bumaba ng sasakyan. Pupuntahan nila si Mr. Calub, ang detective na inupahan nila para maghanap kay Macoy. Nang tumawag ito sa cell phone niya nang nagdaang araw ay sinabi nitong may mga nakuha itong impormasyon tungkol sa kaibigan niya. Pero ayaw sabihin iyon sa cell phone kaya sinadya nila   ito. Ayaw ni Ate Ching na papuntahin ang detective sa bahay nila sa Fairview dahil baka raw malaman ng detective na nanalo siya sa lotto. Baka raw bagalan nito ang trabaho. Mabuti na raw na wala itong nalalaman. “Paano kung may nangyaring masama kay Macoy?” “Kailangan mong maging matatag, Diosa.” Huminga siya nang malalim at sabay na silang bumaba ng sasakyan. Umakyat sila sa ikalawang   palapag. Nasa dulo sa kanan ang opisina ni Mr. Calub. Pumasok sila roon. “Miss Diwa, Miss Tanyag,” bati sa kanila ni Mr. Calub. Idol yata ng detective si Manny Pacquiao. May balbas at bigote ito gaya ng sa boksingero. Lagi rin itong nakasombrero. “Pasensiya na kayo sa opisina ko. Walang naglilinis dito dahil nilayasan ako ni Cherry.” Ang tinutukoy ni Mr. Calub ay ang batambatang sekretarya nito. Noong unang beses   na pumunta sila roon ni Ate Ching at nakita nila ang babae ay pasimpleng sinabi sa kanya ni Ate Ching na malamang ay kabit si Cherry ni Mr. Calub. Nakikita raw ni Ate Ching ang sarili kay Cherry—kumakapit sa patalim para lamang mabuhay. Kaya kahit mukhang manyakis si Mr. Calub ay pinatulan ni Cherry. “Nasaan po si Cherry?” tanong ni Diosa. Paano kung kagaya rin ni Ate Ching ay masadlak sa prostitusyon si Cherry?   “Hindi ko alam,” sagot ni Mr. Calub. Pinaupo sila nito sa lumang sofa. May kinuhang isang envelope ang detective bago umupo sa gilid ng mesa nito. “Dahil hindi natin alam kung ano ang last name ni Macoy, nag-­‐umpisa na lang akong magtanong-­‐tanong tungkol sa sinasabi mong bahay-­‐ampunan na nasunog noong bata pa kayo.” Tumango lang si Diosa. “Hindi mo rin alam ang pangalan ng bahay-­‐ ampunan. Pero base sa edad mòkamo noon,   naghanap ako ng mga lumang records at diyaryo.” Binuksan ni Mr. Calub ang envelope at hinugot doon ang isang papel. “Photocopy ito ng news item sa Daily Inquirer noong nineteen ninety-­‐ five. Base sa article na ito, Blessed Angels Orphanage ang pangalan ng bahay-­‐ampunang nasunog dahil daw sa sigarilyo ng driver niyon na si Pedro Guevarra.” “Si Mang Ped,” aniya. “Natatandaan mo pa siya?” tanong ni Ate   Ching. “M-­‐medyo. .” Nagpatuloy si Mr. Calub. “Ayon dito sa balita, nakaligtas si Pedro Guevarra pero nagtamo siya ng malaking pinsala. Halos nasunog ang buong katawan niya. Hinanap ko siya. Pero sa kasamaang-­‐palad, matagal na pala siyang namatay. So, dead-­‐end.” “Paano na ngayon `yan?” tanong ni Ate Ching. “Imbestigador ako kaya hindi ako tumigil kahit   dead-­‐end na ang kaso. Humanap ako ng ibang paraan,” nagmamalaking sabi ng detective. “Pumunta ako sa presinto kung saan naka-­‐duty ang mga pulis na rumesponde at nag-­‐imbestiga sa sunog. Sa madaling-­‐salita, may nakuha akong old files tungkol sa sunog. Nandoon ang listahan ng mga pangalan ng mga bata sa bahay-­‐ampunan. Kasama roon ang pangalan ni Macario ‘Macoy’ Paras.” Bumilis ang pintig ng puso ni Diosa.   “Nagkataong natatandaan pa siya ng mga pulis doon. Nakausap ko iyong pulis na mismong nagdala sa kanya sa ampunan pagkatapos mahuli ang tatay niya dahil sa panloloko. Miyembro daw ng Budul-­‐budol Gang ang tatay niya. Noong minsang nanghipnotismo raw ang tatay niya ng isang babae ay pumalpak ito kaya hindi natangay `yong pera at alahas ng bibiktimahin. Sa huli ay siya pa ang ipinapulis n’ong babae.” “Si Macoy ngàyon,” sabi ni Diosa. “Nasaan na   po siya?” “Iyan ang sumunod kong inalam. Mas madali nàyon dahil may last name na tayo. Ang kaso, nahirapan pa rin akong hanapin si Macoy. Wala siyang SSS o voter’s ID man lang. Sa madaling-­‐ salita, wala siyang record maski saan, maliban sa pulisya kaya doon ako naghanap ng record niya. Ilang beses na siyang nakulong dahil sa panloloko. Minsan, kasama ang tatay niya. Minsan, siya lang mag-­‐isa ang rumaraket.   Nakakapagpiyansa lang siya. Pero sa huling kaso niya ay mahihirapan na siyang makawala.” Napatuwid siya ng upo. “Ano po ang ibig ninyong sabihin, nakakulong si Macoy?” Tumango si Mr. Calub. May inilabas uli itong papel mula sa envelope. “Article uli ito sa Daily Inquirer, six months ago. Kidnapping ang kaso niya. Nanlaban sila sa mga pulis. Aksidenteng nabaril siya ng isang kasama niya kaya nadakip siya. Paglabas niya ng ospital ay idineretso na siya   sa kulungan. Nasa Munti siya ngayon.” Napaawang ang mga labi ni Diosa sa sinabi ng detective. Iyon pala ang dahilan kaya hindi na nagpakita noon sa kanya si Macoy. Ang akala pa mandin niya ay kinalimutan na siya nito. Kawawa naman ang kaibigan niya. Kailangan niya itong tulungan. “Nakausap n’yo na ba si Macoy?” tanong ni Ate Ching. “Hindi pa,” sagot ni Mr. Calub. “Minabuti   kong ipaalam muna sa inyo ang mga nakalap kong impormasyon para malaman ko kung gusto n’yo pang ipagpatuloy ko ang pag-­‐iimbestiga.” “Hindi na siguro kailangan. Alam na namin kung nasaan si Macoy,” sabi ni Ate Ching. “Madadalaw po ba namin siya?” tanong ni Diosa. “Walang dahilan para hindi,” sabi ni Mr. Calub. “Maliban na lang kung may ginawa siyang kalokohan sa loob ng Munti at kailangan siyang   ibartolina.” “Mabait si Macoy. Hindi siya kagaya ng iniisip mo,” mariing sabi ni Diosa. Siguro ay nahalata ni Ate Ching na apektado siya sa mga nalaman nila kaya kinuha nito sa bag ang tsekeng inihanda nila at iniabot iyon kay Mr. Calub. “Heto na ang napag-­‐usapan natin. Salamat.” Tinanggap iyon ni Mr. Calub. Ibinigay na nito sa kanila ang envelope. “Sana ay nakatulong ako   kahit paano.” Ilang sandali pa ay nasa sasakyan na uli sila ni Ate Ching. “Puwede na ba natin ngayong puntahan si Macoy, Ate?” “Ikaw ang bahala,” maiksing sagot nito. “Hindi ka ba natutuwa?” Bumuntong-­‐hininga si Ate Ching at pinaandar na ang sasakyan. “Natatakot lang ako para sàyo, Diosa. Narinig mo naman ang sinabi ni Mr. Calub.   Panloloko ang ikinabubuhay ni Macoy. Baka lokohin ka rin niya kapag nagkita kayo.” “Hindi niyàyon gagawin. Magkaibigan kami.” “Pero nasubukan mo na ba kung hanggang saan kayo magkaibigan? Ikaw na rin ang nagsabi na mga bata pa kayo noong nagkakilala kayo. `Tapos, noong nasunog `yong ampunan, inakala mong patay na siya. At ganoon din siya sàyo. Nagkita lang uli kayo noong bago siguro siya nakulong.”   Wala siyang alam na isasagot dito. “Hindi ko puwedeng kalimutan na sa kanyàyong ticket,” sabi na lang niya. “Ibinigay na niyàyon sàyo. Paano kung sabihin mo sa kanya na tumama siya sa lotto at pagkatapos ay agawin niya sàyo ang lahat ng pera mo? Ano ang garantiya mo na hindi niyàyon gagawin? Kailangan niya ng malaking pera para makalaya.” Nagulat si Diosa sa reaksiyon ni Ate Ching.   “Natatakot ka bang mawala rin sàyo ang tinatamasa mong ginhawa?” Hindi ito sumagot. “Naiintindihan kita, Ate Ching. Pareho lang tayo na natatakot. Ayoko na ring bumalik sa palengke. Pero may tiwala ako kay Macoy. Hindi niyàyon gagawin sa akin. Hindi niya ako pababayaan.” “Kriminal siya, Diosa.” Siya naman ang hindi nakaimik.   Garalgal na ang tinig ni Ate Ching nang magsalita. “Tama ka, takot ako. Mas takot ako kaysa sàyo. Ang babalikan mo lang kung sakali, eh, kariton. Pero ako, ayokong mamatay na puta.” Tuluyan na itong napaiyak. “Hindi ka na babalik doon, Ate Ching.” Hinawakan niya ito sa braso. Pagkatapos ay kinuha niya ang checkbook sa kanyang bag. Nilagdaan niya ang isang tseke bago iyon pinilas at inilagay sa isang kamay nito.   Pinahid nito ang pisngi. “Bakit. .?” “Ikaw na ang bahalang magsulat diyan kung magkano ang kailangan mo para kung anuman ang maging desisyon ni Macoy, sigurado na tayong hindi ka na babalik sa dati mong trabaho.” “Bakit mo ito ginagawa? Hindi naman tayo magkaano-­‐ano.” “Gaya ng sinabi mo noon, dalawa lang ang pagpipilian ko, Ate: kung magtitiwala ako o hindi sàyo. Pero ano ang mangyayari sa buhay ko   kung hindi ako magtitiwala? Paano ako kikilos kung nakatali ako sa pagdududa?” Tumulo ang masaganang luha mula sa mga mata ni Ate Ching. “Hindi ko na tatanggihan ang alok mo, Diosa.” “Alam ko, Ate. Alam ko.”  HINDI makapaniwala si Diosa sa sinabi ng pulis na kausap niya. “Wala na rito si Macoy dahil nakalaya na siya?” paniniyak niya.   “Noon lang Sabado,” sagot ng pulis. Kay Ate Ching ito nakatingin sa halip na sa kanya. “Paano siya nakalaya?” tanong ni Ate Ching. “Mautak ang abogado niya, eh. Hindi raw sumunod sa due process ang mga pulis na humuli kay Macoy.” “Nag-­‐iwan ba siya ng address? Saan daw siya tutuloy?” tanong ni Diosa. Hindi puwedeng hindi sila magkita ni Macoy. “Wala pong iniwan.”   Dumukwang si Ate Ching sa desk ng pulis. “Wala ba kayong record ng last known address ni Macoy? O kahit address ng mga kamag-­‐anak niya na posibleng puntahan niya?” Panay ang iling ng pulis. “Hindi kami basta-­‐ basta nagbibigay ng ganyang impormasyon, Miss.” Ngumiti si Ate Ching. “Naiintindihan ko, Chief. Kaya lang, mga kaibigan kami ni Macoy. Importanteng makita at makausap namin siya.   Baka puwedeng ibigay mo na lang sa amin kahit pangalan o contact number ng abogado niya. Sa kanya na lang kami magtatanong. Tiyak na alam niya kung nasaan si Macoy.” Inayos ni Ate Ching ang blusa nito at pasimple nitong hinila iyon pababa. Napatunganga ang pulis. Halos lumuwa na kasi ang dibdib ni Ate Ching. Noon niya naunawaan ang ginagawa ni Ate Ching. Inaakit nito ang pulis para ibigay sa kanila ang   impormasyong kailangan nila. Nakakita siya ng kaunting pag-­‐asa. “Para hindi ka magduda, iiwan ko ang contact number ko sàyo.” Kung makangiti si Ate Ching sa pulis ay parang may unawaan na ang mga ito. “Sige, Miss—” “‘Ching’ na lang, Chief.” “Hindi ako ang hepe rito kaya ‘Arnold’ na lang ang itawag mo sàkin.” Ngumiti ang pulis at saka kumuha ng ball pen at maliit na notebook.   Isinulat ni Ate Ching sa notebook ang cell phone number nito. Nang silipin iyon ni Diosa ay iba ang huling numerong isinulat nito. Iniabot nito sa pulis ang notebook. Agad itong nag-­‐type sa computer. “‘Attorney Gervacio’ ang pangalan ng abogado ni Macoy. Sa Maynila lang ang opisina niya, malapit sa NBI.” Inilista ng pulis sa isang papel ang address ng abogado at saka iyon ibinigay sa kanila. “Sana ay makatulong `yan sa inyo, Ching.”   “Salamat,” ngiting-­‐ngiting sabi ni Ate Ching, nakipagkamay sa pulis, at saka tumayo. Tumayo na rin si Diosa. “Salamat po.” Parang hindi siya narinig ng pulis. Pero inihatid sila nito hanggang sa paradahan ng mga sasakyan.

 

CHAPTER ELEVEN

PINUNTAHAN ni Macoy si Aling Delia, ang babaeng mataba at mukhang mabunganga. Pero sa tingin niya, ito ang klase ng tao na madaling biktimahin. Alam na niya kung anong “palabas” ang gagawin niya. Magkukunwari siyang seaman na bibisita sa kapatid at pamilya niya sa Retiro. Ang problema, hindi niya nadala ang identification card niya dahil nire-­‐renew pa iyon   ng shipping company nila. Itatanong niya kay Aling Delia kung puwede siyang magpapalit ng one hundred dollars dahil hindi siya makapagpalit ng dolyar sa mga lehitimong money changer. Palalabasin niyang kailangan niya ng cash dahil bibili siya ng pasalubong para sa mga pamangkin niya. Tiyak niyang papayag ang babae. Pero siyempre, sa laki ng halaga ng dolyar na ipapalit niya rito ay magkukulang ang pera sa kaha nito. Kahit kulang   ay mapipilitan na lang siyang tanggapin iyon. Para hindi ito magduda, papipirmahin niya ito ng kasunduan na babalikan niya ang kulang. Natutukso na si Macoy na gawin iyon. May pekeng one hundred dollar bill siya sa pitaka niya. Pero gusto niyang makita si Diosa at hindi magandang ma-­‐bad shot siya sa lugar na iyon. Maaaring nasa paligid lang ang kaibigan niya. Marahil ay nabuwisit lang ito kay Aling Delia kaya hindi nagpapakita. Pero anim na buwan na   ang lumipas mula nang umalis ito. Paano kung wala na nga ito sa Blumentritt? Kailangan pa rin niyang makuha ang simpatya ng mga kakilala nito sa palengke para makakuha siya ng impormasyon. “Ang kulit mo, hijo. Sinabi na ngang wala na rito si Diosa. Naglayas siya pagkatapos niyang salaulain ang tindahan ko. Lintek nàyon, binaboy ang paninda ko.” Nginitian niya si Aling Delia nang ubod-­‐tamis.   “Pasensiya na ho sa abala, Misis. Kaibigan ho kasi ako ni Diosa. Kabababa ko lang ng barko at may mga pasalubong ako sa kanya.” Hindi pa rin niya napigilang yabangan ito. “Kung sakaling magawi siya rito, pakibanggit na lang ho na hinahanap siya ni Macoy.” “Seaman ka?” Biglang nanlaki ang mga mata ng babae. Parang naging pera ang tingin nito sa kanya. “Opo. Kusinero po ako sa cruise ship.”   “Paano mo naging kaibigan si Diosa?” “Magkababata ho kami sa probinsiya.” “Saan ba ang probinsiya n’yo? No’ng minsang tanungin ko kasi siya ay hindi raw niya alam. May pamilya pa ba siya?” “Ulila na si Diosa kaya napadpad siya rito sa Maynila. Sige po, tutuloy na ako. Salamat ho.” Nang palayo na si Macoy sa tindahan ng babae ay sinabayan siya ng isang babaeng sa tingin niya ay singkuwenta anyos na. Mestiza ito at kung   tutuusin ay maganda. Pero halatang naghirap ito sa paglipas ng panahon. Marumi ang balat nito. Wala na itong mga ngipin, humpak ang mga pisngi, at mukhang hindi pinag-­‐isipan ang suot na bulaklaking blusa na kulang ang butones at stripe na pantalon na parang pajama. “Wala na si Diosa. Hindi na siya babalik dito,” sabi ng mestisang babae sa kanya. Nilingon niya ito. “Paano mo nalaman?” “Nakita ko siya sa litsunan. Sumakay siya sa   taxi. Hindi niya ako pinansin.” Kumunot ang noo ni Macoy. “Taxi? May kasama siya?” “Oo, pokpok.” Ganoon na lamang ang pangamba niya. “S-­‐ sigurado ka?” Paano kung naakit nang magbenta ng aliw si Diosa dahil sa hirap ng buhay? Hindi niya ito ma-­‐imagine na nasa mga kamay ng mga lalaking hayok sa laman. “Alam mo ba kung ano ang pangalan ng kasama niya? Narinig mo ba   kung saan sila magpapahatid?” Umiling ito. “Hindi na babalik si Diosa.” Magsasalita na sana si Macoy nang biglang may sumigaw. “Yolanda, magkakape na kami!” Tumalilis ang babae. Nanlulumong naglakad siya hanggang sa istasyon ng LRT. Nasaan ka, Diosa?  PUMUNTA sina Diosa at Ate Ching sa tanggapan   ni Atty. Gervacio pero wala roon ang abogado. “Kumain na lang muna tayo sa McDo, Ate Ching,” suhestiyon ni Diosa. Almusal pa ang huling kinain nila. Dahil sa kagustuhan niyang makita si Macoy ay hindi niya pinansin ang gutom. Pero pasado alas-­‐kuwatro na ng hapon. Panay na ang pagkalam ng sikmura niya. Gustong-­‐gusto niya ng pritong manok sa McDonald’s. Napabuntong-­‐hininga si Diosa. Masarap   talagang maging mayaman. Hindi na niya problema ang gutom. Kahit magpakagutom siya, alam niyang may kakainin siya. Samantalang noon, kapag nagutom siya, ibig sabihin ay wala siyang pambili ng pagkain. Kapag hindi siya nakadelihensiya ay kailangan niyang magtiis ng gutom. Pumasok sila sa pinakamalapit na McDonald’s, um-­‐order ng pagkain, at saka pumuwesto sa pandalawahang mesa. Napansin ni Diosa na titig   na titig si Ate Ching sa mga estudyanteng nakaupo sa mesang katabi nila. High school pa lamang ang mga ito base sa suot na uniporme. “Naaalala mo sila, Ate Ching?” tanong niya. Ngumiti ito nang mapait. “High school na rin si Ginny ko.” Ang panganay na anak nito ang tinutukoy. Grade two pa lang daw si Ginny nang iwan nito sa pangangalaga ng biyenan sa Samar. Sa minsang pagkukuwentuhan nila ay nasabi ni Ate   na iniwan ito ng asawa. Wala nang balita si Ate Ching sa ama ng dalawang anak nito. Napilitan si Ate Ching na lumuwas sa Maynila para mamasukan bilang katulong. Pero dahil may hitsura, sa huli ay nasadlak ito sa masamang trabaho. Nasilaw si Ate Ching sa mabilisang pagkita ng pera. Hindi na nito inisip ang dangal. Ang mahalaga ay nakakapagpadala ito ng pera sa Samar. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Isang   kababayan ni Ate Ching ang nakakita rito sa nightclub na pinagtatrabahuhan nito. Nakarating iyon sa biyenan at mga anak nito. Isinumpa si Ate Ching ng biyenan nito at pinagbawalang makita ang mga anak nito. Sa loob ng mahigit sampung taon ay dalawang beses pa lamang umuwi si Ate Ching sa Samar. Pero sa parehong pagkakataon ay itinago ng biyenan ang mga anak nito. “Puntahan mo uli sila, Ate Ching. Isama mo sila rito sa Maynila,” sabi ni Diosa.   Tiningnan siya nito. “Hindi mo ba naiisip na ngayong may pera ka na ay puwede mo nang hanapin ang mga magulang mo?” “Paano ko sila hahanapin, hindi ko alam kung sino sila?” “Matutulungan ka ni Mr. Calub. Hindi ka ba nasasabik na makapiling sila? Iba ang may pamilya, Diosa.” “Pinabayaan nila ako, kung sino man sila.” “Pero hindi mo alam kung bakit nilàyon   ginawa.” Sumubo si Ate Ching ng spaghetti. “Gano’n ang nangyari sa akin. Hindi man lang ako tinanong ng mga anak ko. Akala siguro nila ay pinabayaan ko sila. Na hindi ko na sila mahal. Na wala akong kuwentang ina. Masakit `yon, Diosa. Paano kung ang nanay mo ay kagaya ko rin na biktima ng mga maling desisyon at pananaw? Paano kung nasasabik din siya sàyo gaya ng pananabik ko sa mga anak ko?” Naantig ang damdamin ni Diosa. Sa bawat   araw na magkasama sila ay nakilala na niya nang lubos si Ate Ching. Umiiyak din siya kapag umiiyak ito. Bawat araw na lumilipas ay saksi siya sa lungkot ni Ate Ching dahil sa pagkasabik sa mga anak nito. “Marami akong naging pagkakamali. Kung tutuusin, tama rin ang biyenan ko. Nagkasala ako sa mga anak ko. Pinagsisisihan ko na ang lahat ng `yon. Sana lang ay mabigyan pa ako ng isang pagkakataon para respetuhin at mahalin uli nila   ako.” Biglang naisip ni Diosa ang nanay niya. Kung ang nanay niya ay kagaya ni Ate Ching na araw-­‐ araw ay naghihirap ang kalooban dahil inaalala siya, hindi ba niya gugustuhing matapos na ang paghihirap na iyon? Kawawa naman ang nanay niya. “Hanapin mo sila, Diosa,” sabi ni Ate Ching. “Sila ang mas dapat mong kasama. Sila ang mas may karapatan sa lahat ng tinatamasa mong   ginhawa ngayon. Kaysa ginugugol mo ang panahon sa paghahanap kay Macoy, bakit hindi na lang ang pamilya mo ang ipahanap mo? Bakit hindi mo tuklasin kung sino ka at kung saan ka nanggaling? Para din iyon sa katahimikan mo.” “Matutulungan kaya ako ni Mr. Calub?” Tumango si Ate Ching nang sunod-­‐sunod at tiningnan uli ang mga estudyante. Kinabahan si Diosa. “A-­‐ano ang ibig mong sabihin na ang pamilya ko ang mas dapat kong   makasama, Ate Ching?” Tiningnan siya nito. “Uuwi na ako sa amin.” “Pero babalik ka naman, `di ba?” “Hindi ko maipapangako. Babalikan ko ang mga anak ko. Pipilitin ko silang makinig sa akin sa pagkakataong ito. Gagamitin ko ang perang ibinigay mo para lumambot ang kalooban ng biyenan ko. Patawarin mo ako kung iiwan kita.” Parang biglang nawalan ng lasa ang fried chicken na kinakain ni Diosa. “Ate Ching, sasama   na lang ako sàyo. Tutulungan kita.” “Paano ang pamilya mo? Paano ang sarili mong buhay?” “Hindi ko kaya kapag wala ka, Ate.” “Maging matatag ka, Diosa.” Bigla siyang humagulhol. Hawak pa rin niya ang chicken wings at may laman pa ang bibig niya. Napatingin sa kanya ang mga estudyante. Tinawanan siya ng mga ito pero wala siyang pakialam. Naiiyak siya kaya iiyak siya. Si Ate   Ching na rin ang nagsabi na ngayong may pera na siya, puwede na niyang gawin kahit ano ang gusto niyang gawin. “Sshh, Diosa.. Ano ba? Tahan na. Pinagtitinginan na tayo rito.” Hindi pa rin nilunok ni Diosa ang fried chicken sa bibig niya. Patuloy pa rin siya sa pag-­‐atungal. “Magtawanan sila hanggang gusto nila. Basta iiyak ako kahit kailan at kahit saan. Wala silang pakialam dahil marami akong pera. Ninety   million!” “Oohh,” sabay-­‐sabay na sabi ng mga tao sa paligid nila.  NAKATINGIN si Macoy sa pitaka ng lalaking nakatayo sa unahan niya sa tren. Nakausli iyon sa back pocket kaya napakadaling dukutin. Pero ganoon na lamang ang pagpipigil niya sa sariling gawin iyon. “Iwan mo na ang dati mong buhay, Macoy.   Baguhin mo ang kapalaran mo. Naniniwala akong mabuti kang tao,” naalala niyang sabi ni Rudy nang makaharap niya ito sa tanggapan ni Atty. Gervacio. Si Rudy ang kumausap kay Atty. Gervacio para tulungan siyang mapalaya. Brod daw ni Rudy si Atty. Gervacio kaya tinulungan si Rudy. Dahil Abogasya rin ang kurso ni Rudy, pinag-­‐aralan nito ang kaso niya. Nakakita raw si Rudy ng malaking pagkakamali sa panig mismo ng   depensa. Kaya raw siguro hindi na nag-­‐exert ng effort ang naunang abogado niya na isalba siya ay dahil naniwala rin ito na isa siyang masamang tao na dapat makulong habang-­‐buhay. Pero hindi pinalampas ni Rudy ang pagkakamali ng mga pulis noong arestuhin siya ng mga ito. Iyon ang ginamit ni Atty. Gervacio para maideklarang mistrial ang nangyari sa kaso niya. “Utang ko sàyo ang buhay ko. Hindi kòyon   puwedeng bale-­‐walain,” sabi sa kanya ni Rudy. Natawa si Macoy. “Kung hindi dahil sa akin, hindi ka maki-­‐kidnap, pare.” “Pero ikaw rin ang tumulong sa akin para makaligtas ako. You saved my life, I owe you. You deserve a second chance, pare.” Inabutan siya ni Rudy ng isang sobre. “Gamitin mòyan sa pagbabagong-­‐ buhay. Kulang pa iyan kung buhay ko ang pag-­‐ uusapan, pero sana makatulong. I wish you the best, pare.”   Hindi pa nababawasan ni Macoy ang fifty thousand pesos na ibinigay ni Rudy sa kanya dahil hindi pa niya alam kung saan siya patutungo. Ilang araw na siyang palakad-­‐lakad sa parke, mall, at palengke. Lagi niyang naiisip si Diosa. Nawawala ito at hindi niya alam kung paano hahanapin. Kinapa niya ang pitaka sa back pocket ng kanyang pantalon. Mahirap na, baka siya ang nadukutan. Nang huminto sa Gil Puyat station   ang LRT ay bumaba siya. Nalilito pa rin siya pero nasumpungan niya ang sarili na lulan ng bus patungo sa Batangas City pier. Kung hindi niya mahahanap si Diosa, ang sarili muna niya ang hahanapin. Iisang lugar lang ang alam niyang pinakamainam magsimula ng bagong buhay—sa Pinamalayan, Mindoro. Doon siya ipinanganak pero hindi na niya nagisnan ang kanyang ina. Simula’t sapol ay sila lang ng tatay niya ang magkasama. Noong tatlong taong   gulang siya ay noon nito naisip na lumuwas sa Maynila. Aalamin niya kung may buhay na naghihintay sa kanya sa Mindoro.

 

CHAPTER TWELVE

NANGAKO si Ate Ching kay Diosa na hindi siya iiwan nito hangga’t hindi ito nakasisigurong maayos ang kalagayan niya. Kailangan daw niya ng life coach, life manager, at tutor para matuto siyang magsalita at kumilos nang maayos kaya naghanap ito sa Internet ng taong puwedeng magturo sa kanya. Kinontak nito si Miss Antonia, ang taong makapagbibigay raw ng mga   serbisyong hinahanap nila. Matutulungan daw siya ni Miss Antonia para madagdagan ang mga kaalaman niya at matuto siyang humarap hindi lamang sa mga tao kundi sa mga sitwasyong susuungin niya. Maliit na babae si Miss Antonia, mabilog ang pangangatawan, at sobrang puti ng balat. Gaya ng buhok niya ay kulot din ang buhok ni Miss Antonia. Mas maiksi nga lamang ang buhok nito—hanggang leeg iyon—kaysa sa buhok niya.   Mapula ang mga labi at mga pisngi ng babae. Humahalimuyak ang manamis-­‐namis na pabango nito. Nakasuot si Miss Antonia ng puting bestida na may pulang sinturon at mga sapatos na matulis ang unahan at takong. Pula rin ang bag nito na ang hawakan ay parang kadenang kulay-­‐ginto. Katerno ng mga hikaw nito ang mga pulseras nito na mukhang masikip sa mapintog na pulso. “Maganda pero hindi kasinlaki ng inaasahan   ko,” sabi ni Miss Antonia. Inilibot nito ang tingin—lalong pinalaki ang mga mata nito ng suot na salamin—sa buong sala, hagdan, at kusina. Tumingin ito sa kisame bago siya binalingan. “Wala ka man lang chandelier? Anong klaseng mayaman ka?” “Anòyon?” tanong ni Diosa kay Ate Ching. Nagulat si Miss Antonia. “Hindi mo alam ang chandelier?” “Iyon `yong mga ilaw na nakasabit sa kisame at   may mga nakalawit na kumikinang na mga kristal,” sabi ni Ate Ching bago nito kinausap si Miss Antonia. “Bago pa lang kami rito kaya hindi pa namin naaasikaso ang pagbabago ng disenyo ng bahay. Hindìyon ang priyoridad namin. Mas importanteng matuto muna si Diosa na kumilos at magsalita nang maayos.” “Para matuto ang isang tao na kumilos nang naaayon sa marangyang pamumuhay, kailangan ay mapalibutan muna siya ng mararangyang   bagay. Kailangan n’yo ng chandelier,” may pinalidad na sabi ni Miss Antonia. Para bang kapag hindi nila ito sinunod ay habang-­‐buhay silang makukulong. “Okay. Sige, bukas, bibili kami,” sabi ni Ate Ching. Nilapitan siya ni Miss Antonia at hinagod siya ng tingin. “Iba talaga ang panlasa ng mga banyaga.” Hinawakan ni Miss Antonia ang duster niya. “Hindi ka na dapat nagsusuot ng ganito.   Mga alipin lang sa Inglatera ang nagsusuot nito.” Walang ibang dapat makaalam na nanalo si Diosa sa lotto kaya siya yumaman kaya bago nila tinawagan si Miss Antonia ay bumuo muna sila ni Ate Ching ng kuwento kung saan nanggaling ang kayamanan niya. Pinalabas nila na dati siyang tindera ng panutsa at espasol sa mga bus. Sa ganoong paraan niya nakilala ang lalaking nag-­‐ ahon sa kanya sa kahirapan—si Henry W. Longfellow. Nakuha nila ang pangalang iyon sa   naka-­‐frame na tula na nakasabit sa kusina noong unang tingnan nila ang bahay. May dating nagmamay-­‐ari sa bahay. Hindi na raw iyon naituloy na bayaran ng may-­‐ari dahil sa sunod-­‐sunod na problema. Binawi iyon ng bangko at siya ang nakabili. Naiwan ng dating may-­‐ari ang isang picture frame ng bukang-­‐ liwayway na may tula sa ilalim. Hindi na nila iyon inalis sa kusina dahil maganda naman. Noong una ay pinagtalunan nila ni Ate Ching   kung gagamitin nila ang pangalang “Henry Longfellow.” Nag-­‐aalala kasi siya na baka sikat ang taong may-­‐ari niyon. Pero duda si Ate Ching na sikat si Henry. Kung sikat daw kasi ito ay siguradong kilala nito. Pero dahil hindi raw nito kilala ang lalaki, sigurado itong hindi iyon sikat. Pumayag na siya. Itinago na lang nila ang frame. “Kailan ang kasal n’yo ni Sir Henry?” tanong sa kanya ni Miss Antonia. Si Ate Ching ang sumagot. “Baka next year na.   Kamamatay lang kasi ng mga magulang ni Henry. Ano kasi, Pilipina ang nanay niya. Bumisita siya rito noon dahil gusto niyang makita ang bansang pinanggalingan ng nanay niya.” Nagkibit-­‐balikat si Ate Ching. “Bilang pagpupugay siguro sa alaala ng nanay niya.” “Gano’n ba? Anòyong ‘W’?” “Ahm, wala.. Wala-­‐sin. Oo, Walasin,” sagot uli ni Ate Ching. Mabuti na lang at nakapag-­‐isip agad ito.   “Kapag napangasawa niya itong si Diosa, mababaligtad ang ‘W.’” Parang sinabi lang iyon ni Miss Antonia para sa sarili nito. “Bueno, gusto kong simulan na natin ang training. Mukhang maraming kailangang ayusin dito kay Diosa.” “Ikaw ang bahala, Miss Antonia,” sabi ni Ate Ching. “Kailangan ay matutong manamit nang maayos si Diosa. Gusto kong makita ang wardrobe niya.”   “Umakyat po tayo sa itaas.” Nagpatiuna si Ate Ching sa pag-­‐akyat sa ikalawang palapag ng bahay. May tatlong silid doon. Iyong pinakamalaki ang ipinagamit ni Ate Ching sa kanya. Pumasok sila sa kuwarto niya. May sarili siyang banyo at malaking cabinet na puwedeng magsayaw ang tao sa loob. May sarili ring ilaw ang cabinet. “Walang aircon?” tanong ni Miss Antonia.   “Hindi na kailangan kasi may bentilador naman,” sagot ni Diosa. “Hija, malamig sa Inglatera. Kailangan ay magsanay ka na sa lamig. Bumili ka ng aircon, `yong split-­‐type.” “S-­‐sige,” sabi niya. “Ito ang closet,” sabi ni Ate Ching. Binuksan nito ang cabinet. Pumasok si Miss Antonia sa loob ng walk-­‐in closet at binuksan nito ang ilaw roon. Parang   komportableng-­‐komportable na si Miss Antonia sa bahay niya. Inilibot nito ang tingin. Isang panig lang ng cabinet ang may mga damit. “Ito lang ang damit mo?” Kumuha si Miss Antonia ng isang nakatiklop na T-­‐shirt at sinuri iyon. “Saan ka bumibili ng damit, sa Tutuban? Hindi ito puwede sa Inglatera.” Napamaang si Diosa sa babae. Saan ba kasi `yong lintik na Inglatera nàyon? “Magsha-­‐shopping tayo, ngayon na,” sabi ni   Miss Antonia. “Pero—” “Walang pero-­‐pero. Royal blood ang pakakasalan mo kaya dapat, branded ang lahat ng damit mo, ultimo bikini.” “Magkano ang kailangan?” tanong ni Ate Ching. “Wala bang credit card si Diosa? Hindi ba siya binigyan n’ong royal blood?” “Meron,” sagot ni Ate Ching.   “Very good. Tara na. Sa sasakyan ko na ililista ang mga kailangan nating bilhin.” Si Miss Antonia ang pumili ng damit na pang-­‐shopping. “Mag-­‐ shorts ka na lang, tutal ay usòyon ngayon.” “Ha? Pantulog kòyan,” umaangal na sabi ni Diosa. Maong na pantalon iyon na pinutol niya at ginawang shorts. “Natutulog ka nang nakamaong? Susmaryosep! Bibili rin tayo ng mga nighties.” Pinagbihis na siya ni Miss Antonia. Napilitan si   Diosa na isuot ang maiksing shorts. Dapat daw ay mataas ang takong ng sapatos niya pero dahil wala siya niyon ay pinahiram na lang siya ni Ate Ching. Magkasinlaki lang naman ang mga paa nila. Bumagay sa shorts niya ang kulay-­‐abong high heels nito. Ginagamit daw iyon ni Ate Ching noong nagtatrabaho pa ito sa bahay na pula. Makintab iyon at may mga nakadikit na kristal na plastic. Litaw ang daliri niya sa mga paa. “Kailangan mo rin ng facial, pedicure, at   manicure,” sabi ni Miss Antonia. Kumuha ito ng isang asul na T-­‐shirt. Maluwang iyon dahil pantulog din niya iyon. Ipinasuot nito iyon sa kanya. Itinupi ni Miss Antonia ang mga manggas niyon at ibinuhol sa bandang balakang ang laylayan. Nanghingi ito ng kuwintas kay Ate Ching. Kumuha naman agad si Ate Ching sa silid nito. “Mabuti na lang at naitago ko ang mga ito,” sabi ni Ate Ching pagbalik. Ibinigay nito sa kanya   ang dalawang mahabang kuwintas—isang parang kadena at isang pink na pinagkabit-­‐kabit na mga perlas. “Isuot mo na pareho. Uso naman `yan ngayon.” “Sigurado po kayo, Miss Antonia?” tanong ni Diosa. “Oo.” Si Miss Antonia na ang nagsuot sa kanya ng mga kuwintas. Pagkatapos ay hinila siya nito sa harap ng salamin. “Tingnan mo. Maganda, hindi ba?”   Napanganga siya. Ang porma niya ay kagaya ng porma ng mga babae sa Vogue magazine ni Ate Ching. Pulos maganda ang mga babaeng modelo roon at sarisari pa ang kasuotan. “Maganda nga. Hikaw na lang po ang kulang.” “Oo nga, `no? Muntik ko nang makalimutan.” Hindi na hinintay ni Ate Ching na utusan ito ni Miss Antonia. Tumakbo na ito sa silid at pagbalik ay may dala nang hikaw. Kulay-­‐ginto iyon at may bato sa gitna. Isinuot ni Ate Ching ang mga iyon   sa dalawang tainga niya. “Mas maganda kung itatali natin nang kaunti ang buhok mo para makita ang hikaw.” Naglabas ng ipit si Miss Antonia, inipon sa likod ang buhok niya, at saka iyon inipitan. Nalaglag ang mga kulot na hibla ng buhok niya. “Oo nga,” pagsang-­‐ayon ni Diosa. “Kagaya ko na talagàyong nasa Vowge magazine, `yong sa sementeryo pinicturan.” “Kailangan mo ng kaunting makeup.”   Tumakbo uli si Ate Ching sa kuwarto nito. “Pakidala rin `yong magazine, `Te!” pahabol na bilin niya. Ilang sandali lang ay nakabalik na si Ate Ching at iniabot kay Miss Antonia ang makeup at saka nito ibinigay sa kanya ang magazine. Binuklat niya iyon hanggang sa makita niya ang larawan ng modelo na sa tingin niya ay kapareho niya ang porma. “Puwede bang ganito ang makeup ko, Miss   Antonia?” Tiningnan ni Miss Antonia ang litrato. “Hmm. . puwede. Maganda. May karakter. Lilitaw ang cheekbones mo. Magiging matapang ang mga mata mo. Kailangan `yon sa image na ipo-­‐project mo sa mga tao para hindi ka nila lokohin.” Napangiti si Diosa. Mukhang magkakasundo sila ni Miss Antonia. Sabik siyang umupo sa harap ng tokador. “Ang lagay, eh, kayo lang? Ako rin,” sabi ni   Ate Ching at nag-­‐ayos din. Isinuot nito ang pulang bestida na paborito nito. Tumaba yata ito kaya mas naging hapit iyon sa katawan nito. Litaw na litaw ang umbok ng dibdib at balakang nito. Nag-­‐makeup din si Ate Ching. Mas mapula pa sa mga labi ni Miss Antonia ang mga labi nito. “Tingin sa itaas,” utos sa kanya ni Miss Antonia. “Kakapalan pa natin ang eyeliner mo. Ganito ang paglalagay nito, ha?” Itinuro ni Miss Antonia ang tamang stroke ng pagme-­‐makeup.   Tuwang-­‐tuwa si Diosa pagkatapos siyang makeup-­‐an. Kulang na lang ay yakapin niya si Miss Antonia sa tuwa. Maitim ang paligid ng kanyang mga mata. Napakalantik ng mga pilik-­‐ mata niya at kumikinang ang talukap ng kanyang mga mata na kinulayan ng violet at orange. “Kuhang-­‐kuha mo ang makeup, Miss Antonia.” “`Sabi ko sa inyo, expert ako. Ano pa ang hinihintay n’yo? Tara na sa Glorietta.” Sabay-­‐sabay na silang bumaba ng bahay at   sumakay sa CR-­‐V niya. Habang nasa sasakyan sila ay panay ang pangaral sa kanya ni Miss Antonia. “Huwag na huwag mong papansinin iyang mga pulubing kumakatok sa bintana.” “Bakit po?” “Huwag ka nang mangopo, baduy `yon. Hindi mo kauri ang mga patay-­‐gutom at mga pulubing yagit nàyon. Ibang level ka na, Diosa. Oo nga at dati ay PG ka rin—”   “Anong ‘PG’?” “Patay-­‐gutom,” sagot ni Miss Antonia. “Pero nakalipas nàyon, hindi ka na maralita. Magiging asawa ka na ng anak ng duke. Royal blood `yon kaya magiging royal blood ka na rin.” “Ano bàyong royal blood?” “Dugong-­‐maharlika ang ibig sabihin n’on, parang prinsesa. Kapag naglalakad ang prinsesa, hindi siya tumitingin sa kasalubong niya. Hindi puwedeng maski sino na lang ang kakausap sa   kanya. Isa ka na ring prinsesa ngayon kaya hindi puwedeng kung sino-­‐sino ang kakausapin mo. Iyong mga kauri mo lang ang puwede mong pag-­‐ aksayahan ng panahon.” “Hindi ba pagmamataas `yon?” sabad ni Ate Ching. “Siguro nga, pero nasaan ba ang mga royal blood? Nasa mataas na lipunan, `di ba? Hindi masama ang magmataas kung hinihingi iyon ng sitwasyon. Mas masama ang maging plastic.”   “Sabagay,” mahinang sabi ni Ate Ching. Nagpatuloy si Miss Antonia sa pangangaral tungkol sa buhay ng mga maharlika. “Kailan ba babalik sa Pilipinas si Henry? Gusto ko siyang makilala,” kapagkuwan ay sabi ni Miss Antonia. Nagkatinginan sila ni Ate Ching.  NAKASUOT si Diosa ng sleeveless haltered dress na satin at samut-­‐sari ang kulay. May accessories din siyang kuwintas at pulseras. Ang sabi ni Miss   Antonia ay hindi siya dapat nawawalan niyon dahil nakakadagdag iyon para lumitaw ang ganda niya at ng kasuotan niya. Dahan-­‐dahan siyang bumaba ng hagdan gaya ng sabi nito. “`Yan, ganyan ka dapat lagi. Kahit nasa bahay ka lang, dapat ay lagi kang nakapostura. Baka may bigla kang puntahan o kaya ay biglang may dumating na bisita. Halika na sa komedor. Tuturuan kita kung paano kumain sa palasyo o sa mga mamahaling restaurant.”   Sumama siya kay Miss Antonia. Nakaayos na ang mesa nila. Sa gitna niyon ay may plorera na may mga plastic na bulaklak. Napapalibutan iyon ng mga Liwanag candles na ginagamit nila kapag walang kuryente. “Hindi pa dumarating si Ate Ching?” tanong niya. Nagpunta sa LBC ang babae para ipadala ang mga gamit na pinamili nito para sa mga anak. Magpapadala rin daw si Ate Ching ng kaunting pera.   “Baka na-­‐traffic. Sige na, umupo ka na.” Hinila ni Diosa ang upuan at naupo roon. “Oops! Ano’ng sinabi ko? Dapat ay mahinhin kang kumilos. Isipin mo na ang lahat ng hahawakan mo ay isang kristal na kailangan ay maingat mong hawakan para hindi mabasag.” “Okay.” Tumayo uli siya at saka dahan-­‐dahang umupo. “Bakit may panyo?” “Hindìyan panyo. Table napkin. Kunin mo nang marahan, ipagpag nang mahinhin, at saka   mo ilatag sa kandungan mo.” “Bakit?” “Para hindi marumihan ang suot mo.” Tumalima si Diosa. Kinuha ni Miss Antonia ang maliit na mangkok at ipinatong iyon sa plato sa harap niya. “Iyan ang una mong kakainin—sopas. `Yong bilog na kutsara ang gagamitin mong panghigop ng sabaw.” “Ito?” Dinampot niya ang kutsarang bilog.   “Oo. Palabas at hindi papasok ang pagsandok ng sabaw. Hindi iyon hinihipan kahit mainit.” “Ha? Paano kapag napaso ako?” “Tiisin mo.” “Ang hirap palang maging sosyal.” Pero natutuwa si Diosa na marami siyang natututuhan kay Miss Antonia. Kahit mahirap ay mas masarap pa rin iyon kaysa sa dating buhay niya. Ang akala niya noon ay sosyal na si Ate Ching. Iyon pala, kaunti lang ang lamang ng kaalaman nito sa   kaalaman niya. “Iyon bang mga estudyante mo dati sa Cora-­‐Cora chuchu nàyon, nahirapan din sa umpisa?” “Cora Doloroso Career Center,” dahan-­‐dahang sabi ni Miss Antonia. “Nahirapan din sila sa umpisa pero dahil determinado ay kinaya nila. Marami sa kanila ngayon ay sikat nang modelo at artista. Ang iba nga, nakapag-­‐asawa rin ng mayaman. Kaya ikaw, pagbutihin mo.” “Bakit hindi ka na doon nagtuturo?” Gaya ng   sabi nito, palabas na kumutsara siya ng sabaw. Napangiwi siya. Ang sagwa. Nakakaasiwa. Isinubo niya ang sopas. Mainit iyon pero dahil bawal hipan ay tiniis niya ang init. “Nag-­‐resign na ako. Gusto kong maging freelancer. Ang ibig sabihin n’on, wala akong amo.” “Sabagay, mas maganda ang ganoon.” Kinuha ni Miss Antonia ang mangkok ng sopas.   “Hindi pa ako tapos—” “Hindi mo kailangang ubusin ang lahat ng nakahain. Tandaan mo, hindi ka na patay-­‐gutom ngayon.” Nanghinayang si Diosa sa sopas pero hindi na lang niya sinabi. “Ito ang kasunod, appetizer. Pampagana.” Inilagay ni Miss Antonia sa harap niya ang plato ng mga hiniwang carrot, singkamas, at kamatis na may sawsawang mayonnaise.   “Parang hindi ako gaganahan kung ito lang ang pagkain.” “Pilitin mo.” Ganoon nga ang ginawa niya. Hindi uli pinaubos ni Miss Antonia ang appetizer. Sunod nitong isinilbi ang main course na isang tipak na karne na may kasamang mais. Kutsilyo at tinidor daw ang gagamitin niya. “Steak ang tawag sa karne nàyan. Hiwain mo muna bago mo isubo.”   Hiniwa niya ang karne. May dugo-­‐dugo pa iyon. “Inay, hilaw pa!” bulalas niya. “Hindi talagàyan masyadong niluluto. ‘Rare’ ang tawag sa lutong `yan. Masanay ka nang kumain ng ganyan.” “Ayoko.” “Hindi puwedeng hindi. Paano ka matututo? Sige na, subo.” Pikit-­‐matang isinubo ni Diosa ang karneng maraming dugo. Hindi na niya iyon nginuya,   basta na lang nilunok. Pagkatapos ng dalawang subo ay nagkandailing na siya. “Ayoko na talaga, Miss Antonia. Sumasakit ang tiyan ko.” “Kung ayaw mo ng steak, gulay na lang ang kainin mo. Mag-­‐vegetarian ka na lang.” “Bed-­‐yetar-­‐yan?” “Oo, iyon ang tawag sa mga taong pulos gulay at prutas ang kinakain. Usòyon sa mga sosyal. Kapag sinabi mong vegetarian ka, aba, iba ang tingin sa iyo ng mga tao. Bilib sila sàyo.”   “Talaga?” “Oo.” “Sige. Bedyetaryan na lang ako, Miss Antonia.” Ngumiti ito. “Kung `yan ang gusto mo.” Tumunog ang doorbell. “Si Ate Ching nàyan.” Tiningnan niya si Miss Antonia. Hawak nito ang mangkok ng sopas at panay ang higop nito. “Pakibuksan ang gate.” “Ikaw na.” “Pero—”   “Life coach ako, hindi tsimay. ” Tumayo si Diosa at binuksan ang gate. Si Ate Ching ang napagbuksan niya. “Kumain ka na ba, Ate? May nilutong stik si Miss Antonia. Kaya lang, hilaw. Nag-­‐ bedyetaryan na lang ako.” “Sigurado ka, hindi ka na kakain ng fried chicken?” Tumango siya. “Gano’n daw ang mga sosyal, eh.” “Sabagay. Marami nga sa kanila, mahilig lang   sa gulay.” Magkasabay silang pumasok sa bahay at dumulog sa mesa. “Pupunta raw dito bukas ng umagàyong magkakabit ng mga chandelier,” sabi ni Ate Ching nang nakaupo na sila. “Mabuti kung gano’n.” Kumuha si Ate Ching ng mangkok at sumandok ng sabaw. “Matanong ko lang, Miss Antonia, hindi mo pa ba tuturuang magsalita ng   Ingles si Diosa?” “Darating tayo diyan.” “Hindi ba dapat, ngayon pa lang, sinasanay na siya?” “May sinusunod akong syllabus.” “Anòyon?” sabay na tanong nila ni Ate Ching. “Lesson plan, kagaya ng sa mga ordinaryong guro.” “Ahh. .” Sabay rin silang napatango-­‐tango ni Ate Ching.   “Huwag kayong mag-­‐alala, Diosa. Sa isang buwan, bago dumating si Henry, tinitiyak ko sa iyo na marunong ka nang mag-­‐Ingles.” Tiningnan ni Diosa si Ate Ching. “Parang mahirap mag-­‐Ingles, `no, `Te?” “Sobra,” sabi nito.

 

CHAPTER THIRTEEN

NAGSANAY si Diosa ng tamang paglalakad at pag-­‐upo. Panay ang iling ni Miss Antonia habang pinanonood siya. “Hindi puwede sàyo ang tatlong beses sa isang linggong training,” sabi nito. “Bakit?” “Ang tigas ng katawan mo, eh. Kung maglakad ka, para kang ginahasa ng pitong Hapon. Simula   ngayon, araw-­‐araw na ang training mo.” “Di sige, araw-­‐araw.” Determinado si Diosa na maging tunay na sosyal kaya nakahanda siyang gawin ang lahat ng sabihin ni Miss Antonia. Kapag sosyal na siya ay hindi na siya maiilang at maaasiwang kausapin si Macoy. Matindi ang paniniwala niyang magkikita pa sila ng kaibigan. Kinuha na uli niya ang serbisyo ni Mr. Calub para hanapin si Macoy at ang pamilya niya. “Ang kaso, mahihirapan akong magbiyahe   araw-­‐araw. Sa Parañaque pa ako umuuwi. Paano kayàyon?” Nanlulumong umupo si Miss Antonia sa sofa. “Gustong-­‐gutso kitang turuan. Sa totoo lang, natutuwa ako sa iyo dahil nakikita kong determinado ka. Gusto kong maging bahagi ng magandang kapalaran mo. Gusto ko na balang-­‐araw, kapag nasa Inglatera ka na at nakikipag-­‐chika-­‐han sa ibang royal blood, maaalala mo ako. Magandàyon, `di ba? Ang kaso, mahirap bumiyahe nang paroo’t parito.”   Tinabihan niya si Miss Antonia. “`Di ba, dalaga ka pa? Kung wala ka namang ibang iniintindi sa inyo, dito ka na lang tumira sa bahay ko habang tinuturuan mo ako. Bukod sa hindi ka na mamamasahe, hindi ka na rin mahihirapan sa biyahe.” Nanlaki ang mga mata nito. “Talaga, Diosa? Okay lang sa iyo?” Tumango siya. “Oo naman.” “Hindi ba nakakahiya? Dito na rin ako   makikikain.” “Ha? Kasama bàyon?” “Kung ditòkamo ako titira, di kasama nàyon.” “Sabagay.” Nagkibit-­‐balikat si Diosa. “Sige, okay lang `yon.” Niyakap siya ng babae. “Salamat, Diosa. Ang bait mo talaga kaya ka pinagpapala.” Ngumiti siya at hinimas ang likod nito. Kapagkuwan ay lumayo siya rito. “Maglalakad na   ba uli ako?” “Magpahinga ka muna. Aling kuwarto ang gagamitin ko?” Halatang excited ito. “`Yong katabi ng kuwarto ni Ate Ching,” sagot niya. “Walang aircon do’n. Paano kita matuturuan ng tamang pamumuhay sa Inglatera kung hindi ko iyon mismo mararanasan? Ang karanasan ang pinakamahusay na guro, tandaan mòyan. At sa kagaya kong guro, importante ang mga   karanasan.” Pinagkrus pa ni Miss Antonia ang matabang mga hita. “Isa pa, may hika ako. Sumusumpong `yon kapag naiinitan ako.” “Magpapabili ako ng isa pang aircon kay Ate Ching.” Nagpaalam si Diosa na pupuntahan si Ate Ching sa kuwarto nito para sabihin ang napagkasunduan nila ni Miss Antonia. Tumango lang si Ate Ching. Umakyat siya sa hagdan at kumatok sa pinto ng kuwarto ni Ate Ching. Pinapasok siya nito.   Agad niyang sinabi rito ang tungkol sa napag-­‐ usapan nila ni Miss Antonia. Binanggit na rin niya ang pagkakaroon ni Miss Antonia ng hika. “Gusto niya ng aircon?” Napamulagat si Ate Ching. “S-­‐sige. Sa tingin ko naman ay nakakatulong siya sa iyo. Marami ka nang nalalaman kahit paano.” Wala sa sinabi ni Ate Ching ang isip niya kundi sa inaayos nitong mga damit. “Aalis ka na ba, Ate?”   Inihinto ni Ate Ching ang ginagawa at tiningnan siya. “Nakausap ko kanina si Mr. Calub. Pinuntahan ko siya kaya hindi agad ako nakauwi. May lead na raw siya tungkol sa pamilya mo. Pero hindi pa siya one hundred percent sure. Kasi nga, hindi mo alam kung saang probinsiya ka nanggaling. Ang pinagbasehan lang niya sa paghahanap ay iyong kuwento mo na sa tabing-­‐bundok ka nakatira noon. Na noong sumakay ka sa truck ay maraming palayan at   paliko-­‐likong bangin ang dinaanan n’yo. Ang maganda lang daw, sigurado kang hindi ka sumakay ng barko. Ang ibig sabihin, dito rin sa Luzon ang probinsiya mo. “Base sa deskripsiyong iyon ay naisip niya ang Sierra Madre. Malaking bundok `yon at maraming nasasakop na bayan. Pinasyalan daw niyàyong mga bayan na malapit doon na may mga malawak na palayan. Nakarating siya sa Aurora. Inisa-­‐isa niyang puntahan ang mga baryo at   bayan doon para magtanong-­‐tanong.” “Doon ako galing, `Te?” mahinang tanong ni Diosa. Parang may pumisil sa sikmura at dibdib niya. “Nakausap niya iyong dating kapitan sa bayan ng Maria Aurora. Matanda at bulag na raw `yong kapitan pero kilala raw si Tandang Lupo na dating NPA. Kalaban ng pamahalaan ang Tatay Lupo mo.” “Hindi masamang tao si Tatay Lupo.” Hindi   siya makapaniwala. Pero ano ba ang nalalaman niya? Hindi na nga niya gaanong maalala ang hitsura ni Tatay Lupo. Maraming taon na ang lumipas. Ang mga alaala nito ay natabunan na ng mga alaala ng naging buhay niya sa lansangan. “Matagal na raw patay si Tandang Lupo. Tugma iyon sa kuwento mo. Wala raw itong kamag-­‐anak sa Aurora pero sa pagtatanong-­‐ tanong ni Mr. Calub, may nakapagsabi sa kanya na ‘Apostol’ ang apelyido nito. May kapatid daw   ito na dating driver ng truck ng mga gulay na iniluluwas sa Maynila. May posibilidad na iyon ang nagdala sa iyo rito sa Maynila. “Hinahanap pa ni Mr. Calub ang kapatid ni Tandang Lupo. Bukas ay babalik siya sa Maria Aurora para magtanong-­‐tanong uli. Kapag nahanap niya ang kapatid ni Tandang Lupo, mahahanap na rin niya ang pamilya mo. Gusto kong mahanap mo muna sila bago kita iwan dito. Mabuti nga na dito muna tumira si Miss Antonia   para masanay ka na rin na hindi lang ako ang kasama mo.” Nag-­‐init ang mga mata ni Diosa. “Mami-­‐miss kita, Ate.” “Ako rin, mami-­‐miss din kita. Pero puwede naman tayong magtawagan at mag-­‐text. Kapag wala kang magawa, puwede mo akong bisitahin sa probinsiya. Excited na akong makapagsimula uli.” Nagyakap sila.   Kumatok sa pinto si Miss Antonia. Humiwalay siya kay Ate Ching at binuksan niya ang pinto. “Bakit?” “Maghanda kayo. Kakain tayo sa labas mamaya. Nagpa-­‐reserve ako sa Bon Appetito para ma-­‐practice mo ang itinuro ko sa iyo kanina. Para matutuhan mo na rin kung paano um-­‐order sa mga mamahaling restaurant. Pormal doon kaya pormal din dapat ang suot mo.” “Puwede ko bang isuot `yong violet kong   damit?” tanong ni Diosa. “Oo, sige.” Iniwan na uli sila ni Miss Antonia. Umupo siya sa kama ni Ate Ching. “Paano kung hanapin ni Miss Antonia sa isang buwan si Henry Longfellow? Sana, sinabi mo, sa isang taon na kami magpapakasal.” “Hindi puwede. Sobrang tagal n’on, baka makahalata siya. Hindi naman siguro siya aabutin dito nang isang buwan. One month lang ang usapan namin na pagtuturo sàyo.”   “Ang kaso nga, mahirap daw akong turuan.” Humiga si Ate Ching sa kama. “Napag-­‐ uusapan na rin lang natin ang pami-­‐pamilya, kung makikita mo ang pamilya mo, sasabihin mo ba sa kanila na nanalo ka sa lotto?” “Hindi ko alam. Dapat ko bang sabihin?” “Hindi ko rin alam. Pamilya mo sila pero sa kabilang banda, hindi mo sila kilala. Ang alam ko, `yong mga nanalo sa lotto, aba, biglang dumarami ang kamag-­‐anak. Paano kapag nalaman ng   pamilya mo na tumama ka sa lotto at ipagsabi nila iyon sa iba n’yo pang kamag-­‐anak? Baka dumugin ka rito, Diosa.” “Puwes, hindi nila dapat malaman.” Bigla siyang may naalala. “Paano kung hanapin nila si Henry Longfellow?” “Ipapakilala natin sa kanila si Henry.”  MULING nagkaharap-­‐harap sina Diosa, Ate Ching, at Mr. Calub. Ayon sa imbestigador,   “Zenaida ‘Aida’ Libuit” ang pangalan ng totoong nanay ni Diosa. Iyon daw ang sinabi ni Tatay Lupo sa kapatid nito nang tanungin si Tatay Lupo kung bakit may dala itong sanggol. Iniwan siya ng nanay niya sa istasyon ng bus sa Aurora at saka ito lumuwas sa Maynila. Walang kamalay-­‐ malay ang nanay niya na nakita ni Tatay Lupo ang ginawa nito. Kinuha siya ni Tatay Lupo. Kilala nito ang nanay niya dahil kabit daw ang nanay niya ng   isang sundalo noon. Walang makuhang pruweba si Mr. Calub na ang sundalong iyon ang tatay niya pero wala raw dudang si Zenaida ang nanay niya. Ang balak ng kapatid na babae at bayaw ni Tatay Lupo ay ibigay si Diosa sa nanay niya kaya siya dinala ng mga ito sa Maynila. Pero hindi nahanap ng mga ito ang nanay niya kaya iniwan siya sa isang palengke. Nagtagis ang mga bagang niya.   Hinaplos-­‐haplos ni Ate Ching ang likod niya. “Mula ngayon ay pag-­‐aralan mo nang mabuhay nang walang hinanakit sa puso. Isipin mo na lang na mahal ka pa rin ng Diyos kaya binibiyayaan ka pa rin Niya hanggang ngayon.” Bumuntong-­‐hininga si Diosa para palisin ang galit sa puso niya.  KAGAYA rin ng bahay ni Aling Delia ang bahay sa address na ibinigay ni Mr. Calub kina Diosa at   Ate Ching. Ang naiba lang ay ang harapan—may talyer doon na mukhang hindi gumagana. Isang tricycle na walang mga gulong at kalawangin ang tanging sasakyan doon. May patas ng mga gulong sa isang panig. May tumpok ng basura sa isang haligi. “S-­‐samahan mo ako, Ate Ching.” “Dito na lang ako sa sasakyan. Buhay mòyan, Diosa, kaya harapin mong mag-­‐isa. Aalalayan lang kita.”   Atubiling bumaba si Diosa ng sasakyan. Mabigat ang mga hakbang niya habang palapit sa bahay. Hindi niya maintindihan kung bakit parang gusto na niyang bumalik sa SUV at kalimutan na ang pakay sa pagpunta roon. Nilingon niya si Ate Ching. Sumenyas ito na magpatuloy siya. Biglang bumukas ang pinto ng bahay. Lumabas doon ang isang lalaking nakahubad at malaki ang tiyan. Itinapon nito ang sigarilyo. Papasok na sana uli ito nang makita   siya. “Ano’ng kailangan mo?” paasik na tanong ng lalaki. Napatingin ito sa sasakyan niya. Nag-­‐iba ang anyo nito. Tila may naisip na nakakatuwa. “Magpapahangin kayo ng gulong? Singkuwenta na lang.” “Dito po ba nakatira si Z-­‐Zenaida Libuit?” tanong niya sa halip na sagutin ito. “Si Aida? Ba’t mo siya kilala?” “Puwede ko po ba siyang makausap?   Nandiyan ho ba siya?” Bago raw siya maghinanakit sa nanay niya, kailangan ay alamin muna niya ang tunay na dahilan kung bakit siya iniwan sa istasyon ng bus. Sumilip sa loob ng bahay ang lalaki. Parang may kinausap doon. Hindi nagtagal ay may lumabas na babae. Pinatabi ng babae ang lalaki na itinuro naman siya. “Ano’ng kailangan mo?” tanong babae. Hindi nakasagot si Diosa. Ito ba ang nanay   niya? Nakasuot ito ng puting sando at maiksing shorts. May hawak itong sigarilyo. May kulay ang buhok nito pero lumilitaw pa rin ang puti at itim na buhok. Napakaputi ng mukha ng babae. Parang nasobrahan sa polbo. Marami itong taghiyawat, lalo na sa baba at ilong. Parang iginuhit lamang ang mga kilay nito at maitim ang mga labi, marahil ay dahil sa paninigarilyo. Mahaba ang mga kuko nito na ang iba ay may kulay na dilaw.   “K-­‐kayo si Zenaida?” tanong niya. “Oo, bakit?” paasik na tanong nito. “A-­‐anak n’yo ako.” “Anòkamo?” “Ang sabi ng detektib, kayo raw ang nanay ko, si Zenaida Libuit. Pero siguro ay iba na ang apelyido n’yo ngayon. Nandito sa envelope ang report at katibayan na nagsasabi ako ng totoo.” Sumabad ang lalaking malaki ang tiyan. “Sa iyo bàyan?” Itinuro ng lalaki ang sasakyan niya.   Tumango si Diosa. Hindi niya inaalis ang tingin sa nanay niya. Pero bukod sa kakaibang pintig ng puso niya ay wala na siyang ibang nararamdaman. “Baka nga siya ang nawawala mong anak, Aida.” Nilapitan siya ng lalaki. Ngiting-­‐ngiti. “Ako si Bogart. Bale, stepfather mo ako. Ang mabuti pa ay sa loob kayo mag-­‐usap. Pagpasensiyahan mo na lang ang bahay namin. Hindi kami kagaya mo, mayaman. Mayaman ka,   `di ba, ineng?” “O-­‐opo,” sagot niya. “Ano nga uli ang pangalan mo?” tanong ng lalaki. “‘Diosa’ po.” “Bagay na bagay sa iyo. Hala, pasok muna. Ibibili kita ng Pepsi.” Kinapa-­‐kapa ng lalaki ang bulsa ng shorts nito. “Nasaan ang pera ko? Nadukutan na naman yata ako ni Wally. Nakakahiya dito kay Diosa. Wala akong kapera-­‐   pera.” Dinukot ni Diosa sa bulsa ng pantalon niya ang sukli sa gasolinahan. Kumuha siya ng buong two hundred pesos. “Ito na lang po ang ibili n’yo ng Pepsi, Mang Bogart.” Mabilis na kinuha ni Mang Bogart ang pera. “Naku, salamat, ineng. Nanay mòkamo ang asawa ko. Dapat, ‘Tito Bogart’ o ‘Uncle Bogart’ ang itawag mo sàkin kasi mayaman ka. Sige, pumasok ka na ro’n para makilala mo rin ang   mga kapatid mo. Feel at-­‐home, ha?” Naunang pumasok sa bahay si Zenaida. Atubiling sumunod siya rito. Maliit ang sala ng bahay. May sofa roon na lubog na ang gitna at natatambakan ng mga nilabhang damit. Nakabukas ang TV sa tapat ng sofa. May mga bote ng beer, ashtray na umaapaw sa upos, nilamukos na kaha ng sigarilyo, at nilalangaw na mangkok ng sabaw na lang ang laman sa mesita. “Maupo ka,” ani Zenaida.   Umupo si Diosa sa isang gilid ng sofa. Parang hindi malaman ng nanay niya kung paano siya pakikiharapan. Pinatay nito ang sigarilyo sa ashtray at nagsindi ng panibago. “Paano kita naging anak?” Lumubog uli ang mga pisngi nito nang humitit ng sigarilyo. Tabi-­‐ tabingi, nangingitim, at patong-­‐patong ang mga ngipin nito. Ipinakita niya rito ang envelope na dala niya. “Nandito po ang lahat ng katibayan kung gusto   ninyong basahin. Inampon po ako ni Tandang Lupo.” “Si Tandang Lupo? Kilala ko nga siya. Ikaw ang—” Tumango siya. “Akòyong iniwan ninyong sanggol sa istasyon ng bus.” Wala man lang pagsisising bumahid sa mukha nito. “Pasensiya ka na, walang-­‐wala ako noon. Ano’ng balak mo ngayon? Sa iyo ba talagàyong CR-­‐V sa labas?”   “Opo. `Yong kaibigan ko ho ang nagmamaneho.” “May umampon ba sàyong mayaman? Dapat pala ay magpasalamat ka sa akin. Kung hindi kita iniwan, pare-­‐pareho tayong hirap ngayon.” Humitit uli ito ng sigarilyo. “Hindi rin ako mayaman dati. Ngayon lang. May nakilala akong mayaman—si Henry Longfellow. Anak siya ng duke sa Inglatera. M-­‐ magpapakasal kami.”   Lumipat ang nanay niya sa kanyang tabi. Nanlaki ang mga mata nito. “Duke? Aba, masuwerte ka. Ano nga ang pangalan mo?” “Ano ba ang ipinangalan n’yo sa akin noon?” “Ano.. ” Tila nag-­‐isip ito. “Ah, Jennifer.” “Bakit n’yo ako iniwan?” “Kasi nga, walang-­‐wala ako. Nasasaktan ako kapag wala akong maipadede sàyo tuwing umuuha ka. Pinabayaan ako ng lintik mong ama. Bata pa ako noong mabuntis niya. Hindi niya   tinupad ang pangakong pakakasalan ako. Bigla na lang nawala ang hudas nàyon. Pero hindi kita ipinalaglag kasi anak kita. Mas titiisin ko na lang na malayo ka sa akin kaysa mamatay ka sa gutom. Sana ay maintindihin mo ako. Ano na nga uli ang pangalan mo ngayon?” “‘Diosa.’” “Naiintindihan mo ba ako? Hindi ko gusto ang ginawa ko.” Nahinto ang pag-­‐uusap nila nang bumalik si   Uncle Bogart. May dala ito na isang maliit na bote ng RC Cola. Ibinigay nito iyon sa kanya pero wala itong ibinalik na sukli. “Nagkausap na ba kayo?” tanong nito. Hinawakan siya sa braso ng nanay niya. “Dapat mong ipagpasalamat sa akin na iniwan kita noon. Kung nandito ka sa poder ko, wala kang makikilalang anak ng duke. Hindi gaganda ang buhay mo.” “Totoòyon,” sabad ni Uncle Bogart. “Ngayon   nga, nakasangla itong bahay at sira ang tricycle ko kaya hindi ako makapaghanapbuhay. Masuwerte ka kaya huwag ka nang maghinanakit sa nanay mo. Araw-­‐araw ka niyang naaalala. Iniisip niya kung may nakaampon sa iyo at kung nakakapag-­‐ aral ka.” “Gusto kong bumawi sa mga pagkukulang ko sàyo, Diosa.” “Gusto ko rin kayong makasama, Aling Zenaida.”   “Tawagin mo akong ‘Inay.’ Diosa, anak ko.” Niyakap siya ng ina pero naramdaman niya ang paninigas nito. O siya ang naninigas? Marahil ay dahil naninibago pa sila sa isa’t isa. Kumalas siya sa nanay niya. “Kaya nga ako nagsadya rito ay para alukin kayo na doon na lang tumira sa bahay ko sa Fairview. Para magkasama na tayo, `Nay, at mabawi natin ang mga nawalang panahon sa atin.” “Nahihiya ako sa iyo.”   “Kalimutan na ho natin `yon, `Nay.” Pabiglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang nag-­‐aaway na lalaki. Nagmura ang isa—na hindi pala lalaki kundi lesbian. “Magpakamatay ka na.” “Uunahin kita!” Umakma ang payat na lalaki na susuntukin ang lesbian. “Celeste, Wally, tama nàyan,” awat ni Uncle Bogart. “May bisita tayo, ang kapatid ninyong si Diosa.”   Alam na ni Diosa na may dalawa siyang kapatid sa ina—si Celeste na beinte-­‐uno anyos at si Wallace John na disinuwebe anyos—pero nagulat pa rin siya nang makaharap ang dalawa. “Kapatid namin?” ani Celeste. Tumawa si Wally. “Baka si Celeste lang ang kapatid niyan. Ang layo kaya sa mukha ko.” “Magpa-­‐rehab ka nga,” ganting sabi ni Celeste. “Makinig nga kayong dalawa. Mayaman si Diosa,” ani Uncle Bogart.   “Pakinggan n’yo ang Ate Diosa n’yo,” sabi ng nanay niya. “Gusto ko sanang magkasama-­‐sama na tayo. May bahay ako sa Fairview. Lima ang kuwarto roon kaya kasyang-­‐kasya tayong lahat.” “Saan sa Fairview?” tanong ni Celeste. “Sa Plantacion Verde,” sagot niya. “Mayaman lang ang mga nakatira doon. Mayaman ka nga?” Parang hindi makapaniwala si Celeste.   “Sa kanya yatàyong CR-­‐V, eh,” sabi ni Wally. “Seryoso ka, Diosa—este, Ate Diosa? Aampunin mo kami?” tanong uli ni Celeste. Tumango si Diosa. “Kung papayag kayo.” “Payag na payag. Basta walang lokohan `to, ha? `Pag niloloko mo lang kami, kahit kapatid kita, sasapakin kita.” “Hindi ako nanloloko, Celeste. Ano kasi, magpapakasal ako sa mayaman na taga-­‐England. Binilhan niya ako ng bahay at sasakyan.   Pinapadalhan din niya ako ng panggastos buwan-­‐ buwan.” “Anak ng dukeso sa England ang mapapangasawa niya,” anang nanay niya. “Aba, kailangang makilala namin ang dukekong `yan,” ani Celeste. “Okay `to, ah,” tatawa-­‐tawa namang sabi ni Wally.

 

CHAPTER FOURTEEN

HINDI nahanap ni Macoy sa Mindoro ang katahimikang inaasahan niya. Nang mapanaginipan niya ang kanyang tatay, nabatid niya kung ano ang kulang sa buhay niya. Hindi pala niya kayang talikuran at kalimutan na lamang ang pangako niya rito. Nasa dibdib pa rin niya ang galit para sa mga pumaslang dito. Hindi siya matatahimik hangga’t hindi nakakaganti.   Nakaupo siya sa itim na armchair na katabi ng malaking paso ng Chinese bamboo sa reception area ng tanggapan ni Atty. Gervacio. Pagkakita ng abogado sa kanya ay nagtaka ito kung bakit siya biglang sumulpot doon. Inakbayan siya nito at isinama sa opisina nito. Humingi ang abogado ng dalawang tasang kape sa sekretarya nito, saka siya pinaupo sa silya sa harap ng mesa. Ipinatong nito ang laptop bag sa mesa sa gilid. “What’s up? Huwag mong sabihing kailangan   mo uli ang serbisyo ko?” Natawa si Macoy. “Seryoso ako, Macoy.” “Hindi, Attorney. Good boy na ako ngayon.” Ngumiti ito. “Iyan ang gusto kong marinig.” “Kinapalan ko na po ang mukha ko sa pagpunta rito. Nagbabaka-­‐sakali lang ako na matulungan n’yo akong mapasok sa trabaho.” “Mabuti at ako ang naisipan mong lapitan. Sige, magtatanong-­‐tanong ako sa mga kaibigan   ko. Irerekomenda kita sa kanila. Marunong ka namang magmaneho, hindi ba?” “Oho. Salamat ho.” “Magbigay ka sa akin ng biodata, `yong may picture. Uubra ka rin siguro sa mga clerical works o kaya ay pagme-­‐messenger. Sa pagkakatanda ko ay nakatuntong ka naman ng kolehiyo.” Tumango si Macoy. Hanggang second year lang—irregular pa—ang inabot niya sa kursong Economics. “Maski ano ho, basta matinong   trabaho.” Kumatok sa pinto ang sekretarya, pagkatapos ay pumasok at ibinaba sa mesa ang dalawang tasa ng mainit na kape. Pagkatapos ay lumabas uli ito. “Magkape muna tayo.” Inabutan siya ni Atty. Gervacio ng isang tasa. “Kumusta ka na?” “Salamat ho. Mabuti naman ho ako. Galing ho ako sa Mindoro. Akala ko kasi ay may babalikan ako roon.” Nagkibit-­‐balikat siya at saka humigop ng kape.   “May contact number ka ba? Iwan mo sa akin.” Binuklat nito ang malaking planner sa ibabaw ng desk. “Mabanggit ko pala. Kamakailan lang ay may nagpunta rito na dalawang babae, hinahanap ka.” “Babae ho?” Marami siyang kilalang babae pero kahit iyong mga naging nobya niya ay hindi siguro magtitiyagang hanapin siya. Pulos panandalian lang ang pakikipagrelasyon niya. Gustuhin man niyang tumagal iyon ay hindi   nangyari. Iisa ang reklamo sa kanya ng mga babae—takot daw siya sa commitment. “Oh, here it is,” sabi ng abogado. “‘Diosa’ raw ang pangalan niya. Kaibigan mo raw siya. Nagkita na ba kayo?” Ibinaba ni Macoy sa mesa ang tasa ng kape. “Diosa ho? Sigurado kayo? Paano niya nalaman na kilala n’yo ako?” “Hindi niya nabanggit. Pero nag-­‐iwan siya ng cell phone number.”   “Puwede ho bang makuha?” “Teka at kokopyahin ko.”  PAGKAGALING ni Macoy sa opisina ni Atty. Gervacio ay nagpakuha siya ng ID picture at nag-­‐ load ng treinta pesos para matawagan si Diosa sa cell phone niya. Sa dinami-­‐rami ng mga kakilala niya at masasabing kaibigan, kay Diosa lang siya lubos na komportable. Yaman din lang na wala pa siyang trabaho at palaboy pang maituturing sa   Maynila, babarkada na lang muna siya kay Diosa. Napangiti si Macoy sa naisip. Pero hindi ito ang sumagot nang tawagan niya ang numerong galing kay Atty. Gervacio. Nagpakilala siya. Ilang sandaling hindi nagsalita ang babaeng “Ching” daw ang pangalan. “Hello? Miss? Nandiyan ka pa?” “O-­‐oo. Kaibigan ako ni Diosa. Nandito ako sa Samar. Hindi na kami magkasama.” “May balita ka pa ba sa kanya? May address ka   ba niya o contact number?” Parang nag-­‐isip uli ang babae. “Sa number five, Mahogany Road, Phase two, Plantacion Verde sa Fairview nakatira si Diosa.” “Namamasukan siya roon?” Sa isip ni Macoy ay mas mabuti na iyon kaysa nasadlak si Diosa sa pagbebenta ng aliw. “Hindi. Nakabili siya roon ng bahay.” Tama ba ang narinig niya? “Nakabili? Paano—” “M-­‐may nakilalang half Pinoy-­‐half English si   Diosa—si Henry. A-­‐anak siya ng isang duke. Nagkagusto siya kay Diosa kaya nanligaw siya. Sinagot naman siya ni Diosa. I-­‐ikakasal na sila.” “Ano’ng sabi mo?” paanas na tanong ni Macoy, hindi makapaniwala sa sinabi nito. “Pagbalik ni Henry ay magpapakasal na sila ni Diosa. Ibinili muna siya ni Henry ng bahay sa Fairview. Maganda na ang buhay ni Diosa ngayon kaya huwag mo nang guluhin.” Hindi niya nagustuhan ang huling sinabi ng   babae. “Wala akong balak manggulo. Gusto ko lang makausap si Diosa. Kung totoo ang sinasabi mo, tiyak na may cell phone na siya. Puwede mo bang i-­‐forward sàkin `yong number niya?” “Sige.” “Salamat nang marami.” Tinapos na ni Macoy ang pag-­‐uusap nila. Tumawid siya ng kalsada at pumara ng jeep patungo sa Quezon Avenue. Pupuntahan niya si Diosa. Nagbabayad siya sa driver nang matanggap ang business card galing   kay Ching. Kailangang kay Diosa niya mismo marinig na ikakasal na ito. Kung totoo iyon, masuwerte ito. Dapat siyang matuwa para sa kaibigan. Pero sa halip na tuwa ay panic ang naramdaman niya. NASA mall si Diosa kasama ang pamilya at tutor niya. Narindi na siya sa pag-­‐iiringan nina Celeste at Miss Antonia. Nagmamarunong ang kapatid niya kaya panay ang kontra sa mga sinasabi ng tutor niya. Hindi na nga niya narinig na   tumatawag pala si Ate Ching sa cell phone niya dahil maingay na sa mall, inaawat pa niya ang dalawa. Bigla ring nawala ang nanay niya. Wala itong pakialam sa mga kasama. Panay ang sukat nito ng damit. “Puwede ba, tumigil muna kayo?” awat uli niya sa dalawa. “Pagod na ako. Ang sakit pa ng mga paa ko.” Sinagot siya ni Celeste. “Bakit ka kasi nag-­‐high heels? Kapag magsha-­‐shopping ka, dapat,   nakatsinelas ka lang.” “Iyon ay kung sa Tutuban siya magsha-­‐ shopping,” kontra ni Miss Antonia. “Sshh. .” Tumunog uli ang cell phone ni Diosa. Huminto siya sa tabi ng railing at dali-­‐dating sinagot ang tawag. “Ate Ching!” malakas na sabi niya. “Akala ko ba, sosyal ka? Bakit ganyan ka kung makasigaw?” sita sa kanya ni Celeste. “Huwag kang makialam. Hanapin mo ang   nanay mong maganda na parang nakababa ng bundok kung umasta,” sabi ni Miss Antonia. “Sige, laitin mo pa ang nanay ko,” banta ni Celeste. Hindi na niya pinansin ang dalawa. “Diosa, si Macoy. . Tumawag siya sa akin!” pasigaw na sabi ni Ate Ching. “Ha? Sigurado kang si Macoy `yon?” May mga sinabi pa si Ate Ching pero hindi na niya naintindihan lahat dahil sa ingay ng mga kasama   niya. “Address? Kaninong address?” “Sàyo. Bakit ba ang ingay diyan? Nasaan ka ba?” “Nasa Megamall. Sinamahan kong mag-­‐ shopping si Nanay. Wala kasi siyang damit, panay sando. Kaninong address `kamòyong hiningi niya?” “Sàyo. Ibinigay ko sa kanya patìyong cell phone number mo. Alam ko namang gusto mo siyang makita. Pero sinabi ko na ikakasal ka na   kay Henry—” Biglang naputol ang koneksiyon nila. “Shit!” Nakuha ni Diosa ang ekspresyong iyon mula sa kanyang mga kapatid. Humarap siya kay Celeste. “Nasaan si Inay? Kailangan na nating umuwi. Baka may dumating akong bisita.” “Sino? Eh, si Henry, kailan siya darating?” tanong ni Celeste. “Malapit na. Hanapin mo na si Inay. Hihintayin namin kayo rito.”   “Pahingi ako ng pera. Baka kasi may makita akong magandang polo.” Inilahad ni Celeste ang kanang kamay. “Baka maubos ang dala mong cash,” sabi sa kanya ni Miss Antonia. “Bakit nakikialam ka? Sa iyo bàyong pera?” Pinanlakihan ni Celeste ng mga mata si Miss Antonia. “Tama nàyan.” Binigyan na ni Diosa ng pera ang kapatid niya. “Sige na. Bilisan n’yo, ha?”   Mabilis pa sa alas-­‐kuwatrong tumalilis ang kapatid. “Hindi kita kaano-­‐ano, Diosa. Wala dapat akong pakialam sa buhay mo pero makikialam ako. Hinuhuthutan ka lang ng pamilya mo. Ibalik mo na sila sa pinanggalingan nila. Baka mamaya, pati si Henry, ma-­‐turn off sa kanila at hindi ka na niya pakasalan.” “Sabik lang sila sa magagandang bagay, Miss A. Ganyan din ako noon.”   “Hindi. Iba ka. Huwag kang masyadong maluwag sa pera. Alam mo ba, `yong kapatid mong addict, naku, nahuhuli ko siyang umaali-­‐ aligid sa kuwarto mo. Ano’ng malay natin kung nakapasok na siya roon at nanakawan ka na niya? Walang konsiyensiya ang mga addict.” “Alam ko.” “Makinig ka nga, Diosa. Huwag kang bulag.” “Makikinig ba ako o titingin? Ang gulo mo naman, Miss A.” Hindi interesado si Diosa sa   sermon ni Miss Antonia. Iniisip niya si Macoy. Tama ba ang pagkakaintindi niya sa sinabi ni Ate Ching na kinuha ni Macoy ang address at contact number niya? Pupuntahan ba siya ng lalaki sa bahay niya? Bigla tuloy siyang nainip. Parang hinahalukay na di-­‐mawari ang sikmura niya. Bigla siyang pinagpawisan nang malamig. “Hindi ako nagpapatawa. Ang tingin ko sa pamilya mo, mga batong-­‐buhay na ipinupukpok mo sa ulo mo.”   “Hindi siguro. Pamilya ko sila.” “Mag-­‐ingat ka kay Tomboy. Iba ang ugali ng mga katulad niya.” Hindi na niya pinansin ang sinabi nito. Natanaw na niya ang nanay niya. “Hayan na si Inay. Tara na, baka dumating na si Macoy.” “Ang paglalakad mo, ayusin mo. Dapat, mahinhin ka pa rin kahit nagmamadali. Ang imaginary straight line,” paalala nito. Tumingin si Diosa sa sahig at iyong linya ng   mga tiles ang ginamit niyang gabay para gumanda ang lakad niya. Parang modelo siya kung maglakad kahit masakit na masakit na ang mga paa niyang hindi na yata masasanay sa high heels.  TUMUNOG ang ringing tone ng cell phone ni Diosa. Nakipagsabayan iyon sa boses ni Aiza Seguerra na nanggagaling sa car stereo. Nanginig at nanlamig ang mga kamay niya nang makitang   hindi naka-­‐register sa Phone book niya ang numero ng tumatawag. “Uncle Bogart, pakihinaan ang sound. May kakausapin lang ako,” sabi niya. Umangal si Celeste na nasa kanan niya sa backseat. “Ang ganda ng music, eh.” Sinagot na lang niya ang tawag. “Hello?” Hindi niya marinig ang sinabi ng nasa kabilang linya dahil parang nananadyang sinabayan ni Celeste ang kanta sa radyo.   “Ugali talaga,” pasaring ni Miss Antonia. “Diosa? Diosa! Si Macoy ito!” “Macoy!” malakas na sabi niya. “Nasaan ka?” “Dito sa SM Fairview. Pupuntahan kita sa inyo.” “Pauwi pa lang kami kaya wala pa ako sa bahay. Kung gusto mo, dadaanan kita diyan.” “Sige. Hintayin kita sa harap ng National Bookstore.” “Okay, tutal, malapit na kami sa SM. Kumusta   ka na, Macoy?” “Mabuti. Mamaya na tayo magkuwentuhan.” “Oo, sige. Bye.” Pero hindi mapindot ni Diosa ang End call. “Sige na, Diosa. Bye.” Nawala na si Macoy sa kabilang linya. “Uncle Bogart, pakibaba ako sa SM. May kakausapin lang ako.” “Sino?” tanong ng nanay niya. “Gusto ko nang umuwi, pagod na ako.”   “Mauna na kayo sa bahay, susunod na lang ako.” “Bahala ka.”  MAHAPDING-­‐MAHAPDI na ang mga paa ni Diosa. Nang tingnan niya ang kanyang sakong ay may paltos na. Nagandahan siya sa porma ni Angel Locsin sa isang magazine ni Celeste kaya ginaya niya—mula sa asul na sandong hapit sa katawan, paldang maiksi na animo kurtina sa   bintana ng kusina, itim at malapad na sinturon, pula at berdeng vest, pulang sapatos na sarado at mataas ang mga takong. Nakasuot ng sumbrero si Angel Locsin na kagaya ng sumbrero ni Santa Claus pero sa Pasko na lang siya magsusuot niyon. Maganda at bagay sa kanya ang porma niya. Siniguro iyon sa kanya ng nanay niya nang tanungin niya ito. Ang problema lang, hindi na siya makahakbang. Bumuntong-­‐hininga siya at   saka hinubad ang mga sapatos. Binitbit na lang niya ang mga iyon hanggang sa National Bookstore. Pinagtinginan siya ng mga tao. Paki n’yo, mayaman ako! Nagpalinga-­‐linga siya. Wala si Macoy sa harap ng National Bookstore. Malapit na siyang mag-­‐panic. Baka may nangyari na namang masama rito. Lumapit siya sa security guard. “Manong, may nakita ka bang—” “Diosa!”   Napapitlag si Diosa at lumingon sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo si Macoy sa katabing boutique. Nakasuot ito ng checkered polo, maong pants, at rubber shoes. May dala itong backpack. “Macoy. .” Sa sobrang katuwaan niya ay may lumabas na kakaibang tawa mula sa lalamunan niya. Parang tunog iyon ng kabayong bago pa lamang natutong magsalita—este, humalinghing. Sabay na humakbang sila palapit sa isa’t isa.   Hinawakan siya ni Macoy sa mga balikat. “Ayos ang porma mo, ah. Kulang na lang, sako at mukha ka nang secretary ni Santa Claus.” “Ikaw talaga.. ” Namimilipit siya. Kung kanina ay para siyang kabayo, ngayon ay para siyang gutom na kuting. “Kumusta ka na?” “Mabuti. Masakit ang mga paa mo?” tanong nito. “Oo, eh. Nagkapaltos. Bago kasi ito.” Itinaas niya ang mga sapatos na hawak niya.   “Bumili tayo ng Band-­‐Aid. Tara!” Inakbayan siya ni Macoy. Tumigil na yata sa pagtibok ang puso ni Diosa. Parang nalulunod siya. Pero masarap iyon sa pakiramdam. Pumasok sila sa Watson’s at ibinili siya ni Macoy ng Band-­‐Aid. “Sa food court tayo. Hindi pa ako nagla-­‐lunch, eh.” Umakbay uli ito sa kanya. “Eh. .” Parang nahihirapan siyang magsalita   gayong masayang-­‐masaya siya na kasama niya ito. Lalong gumuwapo si Macoy sa paningin niya. Napakabango nito—amoy-­‐Safeguard at alcohol na mainit-­‐init. “Anong ‘eh’?” “Kasi, h-­‐hindi ako kumakain sa food court. Mga mahirap lang daw ang kumakain doon.” Bigla itong tumawa. “Sino’ng may sabi? `Yong boyfriend mong English?” “`Yong tutor ko, si Miss A. Sa mamahaling   restaurant lang daw ako dapat kumain.” “May problema tayo kung ganyan. Hindi pa kita puwedeng pakainin sa mamahaling restaurant, wala pa akong pera. Nagpapatulong pa ako kay Attorney Gervacio na makahanap ng trabaho. Siya ang nagsabi sa akin na hinahanap mo ako dati.” “Ako na lang ang magbabayad. “ “Nakakahiyàyon. Ang sabi ng tatay ko, huwag ko raw pagbabayarin ng kakainin ko ang   mga babae.” “Magkaibigan tayo kaya okay lang `yon. At saka maingay sa food court. Mas masarap kumain sa tahimik. Makakapagkuwentuhan pa tayo nang maayos. Gusto kong malaman kung bakit ka nakulong, Macoy. Hindi ako naniniwala na masama kang tao.” “Nasabit kasi ako sa sindikato. Kinailangan ko ng pera para maipalibing nang maayos si Tatay kaya ako lumapit kay Felix.” Huminga ito nang   malalim. “Kailangan pa ba natin `yong pag-­‐ usapan? `Tapos nàyon. Ikaw na lang ang magkuwento. Mag-­‐aasawa ka na ba talaga?” Hindi niya sinagot ang tanong nito. “Akyat na tayo.” Sumakay sila sa escalator. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.” Hindi na ito nakaakbay sa kanya. Panay ang lingon niya rito dahil baka mawala uli ito. Umibis na sila ng escalator. “Doon tayo sa   hindi maintindihan ang nakasulat.” Itinuro ni Diosa ang isang restaurant na kaunti ang mga kumakain. “Korean `yan. Maanghang ang mga pagkain diyan.” “Okay lang. Bedyetaryan naman ako.” “Ha?” bulalas nito. “Usòyon sa mga sosyal.” Napaatras si Macoy at pinagmasdan siya. Parang nagulantang, natatawa, at naguguluhan   ito. “Bakit?” tanong niya. Sana ay akbayan uli siya ng binata. Masarap iyon sa pakiramdam. Mas masarap pa iyon sa pakiramdam niya kaysa noong pumisan na sa kanya ang kanyang pamilya. “Wala. Naninibago lang ako sàyo.” Ngumiti si Diosa. “Masasanay ka rin. Ako rin, nanibago noon. Pero nasanay rin ako. Sosyal na ako ngayon, Macoy.”   Ngumiti ang binata pero parang ngiwi ang kinalabasan niyon. “O-­‐oo nga,” wika nito. “Sa kuwintas mo pa lang, halata na.” Hinawakan niya ang malaking medalyong palawit ng kuwintas niya. “Saudi gold daw ito, sabi ni Uncle Bogart. Asawa siya ni Nanay pero hindi ko siya tatay. Isinangla niya ito sa akin ng five thousand.” “Five thousand?” Hinawakan ni Macoy ang medalyon. “Ito, Saudi gold?”   “Oo raw.” Tumango-­‐tango ang binata pero halatang diskumpiyado. Pumasok na sila sa restaurant at umupo sa mesang malapit sa counter. Um-­‐order siya ng pang-­‐ bedyetaryan na mga pagkain. Barbecue at kanin naman ang kay Macoy. Pinilit niya ang serbidora na bigyan siya ng pulos gulay kahit wala raw pang-­‐ bedyetaryan sa menu. “Kasama mo na pala ngayon ang pamilya mo?”   tanong ni Macoy nang iwan sila ng serbidora. “Oo. May dalawa akong kapatid. Si Celeste, tibo. Si Wally, okay lang.” “Malaki na sila?” Tumango siya. “Nagtatrabaho?” “Hindi, eh. Si Celeste, suma-­‐sideline lang. Nag-­‐ aahente siya ng mga bahay. Si Wally, huminto na sa pag-­‐aaral. Nasa bahay lang.” Isinilbi na ang mga order nila.   Naglaway si Diosa nang malanghap ang rib barbecue ni Macoy pero napasimangot siya sa pagkain niya na isang tumpok na lantang repolyo na nakalagay sa mangkok. “Anòto?” “Kimchi. Purong gulay `yan, Miss,” sagot ng serbidora. Parang inaasar pa siya. “Wala ba kayo ng stir-­‐fry na lang?” tanong ni Macoy. “Meron din. Hindi naman kasi sinabi, eh.” “Pakibigyan na rin n’on ang kasama ko, Miss.”   “Sure, Sir.” Ngalingaling tinidurin ni Diosa ang serbidora. Antipatika na, malandi pa. Lalo pang pinausli ng babae ang puwit nang tumalikod at maglakad. “Bakit mòyon nginitian?” tanong niya kay Macoy. “Mahirap ang trabaho niya. Kapag sinungitan mo siya,” Lumapit ang binata at binulungan siya, “baka lagyan niya ng dura ang pagkain mo. Marami akong kilalang gano’n. Kapag nainis sa   customer na masungit, sinasamahan ng kung ano-­‐ ano ang pagkain.” Napatingin si Diosa sa kimchi. “Hindi kaya may kasama na itong—” “Kaya dapat, mabait ka sa mga nagsisilbi sàyo, lalo na sa ganitong lugar. Hindi por que mamahalin ang kainan, sigurado ka na sa kakainin mo.” “Oo nga. Pero puwede bang huwag mong masyadong ngitian ang babaitang `yon? Solved na   `yon sa kapirasong ngiti mo.” Nginitian siya ni Macoy. “Para ka namang nagseselos niyan. Selosa ka ba? Ganyan ka rin ba sa pakakasalan mong. . ano nga’ng pangalan niya?” “H-­‐Henry Longfellow.” Tiningnan siya nang mataman ni Macoy. “Sigurado ka?” “Oo.” “Paano mo siya nakilala?”   “Ano.. ” Ano nga ba ang pinagkasunduan nilang kuwento ni Ate Ching? “Nakilala ko siya sa pagtitinda ng panutsa sa Monumento.” “Nagtinda ka rin sa mga bus?” Tumango siya. “Nagkagusto siya sa akin kaya hinabol niyàko.” “Nagkagusto ka rin sa kanya?” “O-­‐oo. Mabait siya, eh.” “Matanda na ba siya?” “Hindi, ah. Bata pa.”   “Parang narinig ko na ang pangalan niya.” Napangiwi si Diosa at napilitang sumubo ng kimchi. Hindi niya maipaliwanag ang lasa niyon. Para iyong atsarang panis. “Ano ang middle name niya?” “‘W.’” “As in. .?” “W-­‐Walasin.” Iniba na niya ang usapan. “Ang mabuti pa, sumama ka sa bahay para makilala mo ang inay ko.”   “May picture ka niya? Dapat, meron kasi ikakasal na kayo.” “W-­‐wala, eh. Hindi siya mahilig sa picture-­‐ picture.” “Saan siya sa England? Ano’ng business niya?” “Hindi ko alam. Kasi... malay ko ba? Grade three lang ang inabot ko,” palusot niya. Ilang sandaling nanahimik si Macoy bago nagsalita. “Baka pasyalan na lang kita bukas. May usapan kami ni Attorney Gervacio ngayon, eh.   Baka maipasok na niya ako ng trabaho.” Pakiramdam ni Diosa ay nagdadahilan lang ito. Kinabahan siya.

 

CHAPTER FIFTEEN

LIMANG taong gulang si Macoy noong una at huling beses na pinalo siya ng tatay niya dahil nagsinungaling siya. Ibinili kasi niya ng marshmallow na balot ng chocolate ang sukli sa ipinambili niya ng bigas. Alam niyang mapapagalitan siya kaya nagsinungaling siya. Sinabi niyang nadapa siya kaya nahulog sa kanal ang mga barya. Ikiniskis pa niya sa kalsada ang   damit niya at pinahiran ng dumi ang mukha, tuhod, at kamay niya. Nag-­‐iyak-­‐iyakan siya pag-­‐ uwi. Pero pagkatapos niyang ikuwento ang nangyari ay pinadapa siya ng tatay niya. Hinubad nito ang sinturon at hinataw siya. Pagkatapos siyang paluin nito ay saka nagpaliwanag. Hindi raw tugma sa sinasabi niya ang ekspresyon ng mukha niya at galaw ng mga kamay niya kaya kahit hindi nito tiningnan kung may gasgas siya   ay alam nitong nagsisinungaling siya. “Ang taong nagsisinungaling, kumukurba ang bibig pababa pagkatapos sabihin ang kasinungalingan niya, ” naalala niyang sabi ng tatay niya. Ganoon din si Diosa nang tanungin niya ito tungkol kay Henry Longfellow. Hindi lang iyon, humawak pa ang dalaga sa leeg nito, nagkamot ng ilong na parang naaasiwa at nahihiya. Hindi niya alam kung bakit kailangan nitong magsinungaling. Totoo kaya na may pakakasalan   na itong mayaman pero sa hindi malamang dahilan, ayaw lang sabihin ang totoong pangalan? O baka wala talaga itong mayamang boyfriend? Pero saan nanggaling ang pera niya? Maraming tanong si Macoy at gusto niyang alamin ang lahat ng sagot. Kung tutuusin ay hindi niya dapat pinoproblema si Diosa. Bumalik siya sa Maynila para magtrabaho at tukuyin ang salarin sa pagpatay sa kanyang ama. Pero gusto rin niyang protektahan si Diosa.   ABURIDO si Diosa dahil kay Macoy. Gustong-­‐ gusto niya itong tawagan at tanungin kung kailan ito pupunta sa bahay niya para lang marinig niya ang boses nito. Pero natakot siyang magtanong uli ito tungkol kay Henry Longfellow. Kung puwede lang na aminin niya sa binata ang lahat-­‐lahat. Kaya lang ay natatakot siyang bawiin nito ang pera; pagkatapos ay mawala uli ito sa buhay niya. Ayaw niyang magalit si Macoy sa kanya. Kapag   wala na siyang pera, baka iwan na rin siya ng pamilya niya dahil magiging palamunin na siya. Dapat ay iwasan niya si Macoy para hindi magulo ang buhay niya. Pero hindi niya iyon kayang gawin. Nasasabik siyang makasama uli ang binata, marinig ang boses nito, at maakbayan uli nito. “Ano’ng gagawin ko?” Umupo si Diosa sa hagdan at tumunganga kay Wally na nakabulagta sa sofa. Biglang may kumalabog sa kusina.   Humampas sa dingding ang pinto niyon. “Talagang lalayas ako, mga peste kayo!” Humahangos na lumakad si Miss Antonia patungo sa hagdan. Napatda ito pagkakita sa kanya. “Bakit, Miss A?” tanong niya. “Iyong letseng kapatid mo, akala mo kung sinong matino, pera lang naman ang habol sàyo. Kinukuwartahan ka lang ng pamilya mo, Diosa!” “Ang kapal ng mukha mo, peke!” sabi ni   Celeste. “Anòyon, ha?” tanong ni Uncle Bogart. Nakahubad-­‐baro. Nakataas ang isang paa nito sa mamahaling upuan niya habang kumakain na naman. “Iyang Antonia nàyan, akala mo kung sinong maraming nalalaman kung umasta, janitress lang pala sa Cora Doloroso ang putang ina!” sabi ni Celeste. Tiningnan ni Diosa ang tutor niya. “Miss A?”   “Ano, tatanggi ka?” nanghahamon na sabi ni Celeste. “Gusto mong iharap ko sàyo si Miss Yapbuan, iyong nagpatalsik sàyo ro’n dahil kinukupit mo ang mga supplies?” “Niloloko mo si Diosa?” sabad ni Uncle Bogart. Tumayo ito at mukhang lulusubin si Miss Antonia. “Lintek ka!” Pumagitan siya. “Uncle, huwag ho.” “Ayoko ng niloloko ka ng kung sino lang, Diosa. Sabihin mo lang at aataduhin ko ang lintik   nàyan.” Patakbong umakyat sa hagdan si Miss Antonia. “Ako na lang ang kakausap sa kanya,” aniya sa kapatid at amain. Umakyat siya sa kuwarto ni Miss Antonia. “Totoo bàyon, Miss A?” Umiyak ito. “Patawarin mo ako, Diosa. Kailangang-­‐kailangan ko lang ng mapagkakakitaan. Kagaya mo, sa akin lang umaasa ang pamilya ko. Napapagod na ako. Nagawa kong lokohin ka para na rin patirahin mo   ako rito. Patawad, Diosa.” Umupo siya sa tabi nito. Hindi niya alam ang sasabihin. “Pero maniwala ka, napalapit na ang loob ko sàyo. Lalo na nang dumating dito ang pamilya mo. Ganyang-­‐ganyan ang pamilya ko. Maniwala ka sa akin, darating ang araw na malalaman mo na lang na wala ka nang pera dahil hinuthot na nila lahat.” “Hindi kita paaalisin, Miss A.”   “Pero hindi ko na matatagalan si Celeste. Oo, nanalo siya. Umpisa pa lang, alam ko nang gusto niya akong mawala rito dahil naniniwala ka sa akin. Ayaw niyàyon dahil alam nilang alam ko kung ano sila—mga linta.” Kinuyumos ni Miss Antonia ang palda nito. Biglang sumilip sa pinto si Celeste. “Ikaw ang linta!” “Tama na, Celeste,” awat ni Diosa sa kapatid. “Mamili ka, Ate Diosa. Kami na pamilya mo o   iyang pekeng `yan? Sino ang paniniwalaan mo?” “Hindi ko kinakampihan si Miss A—” “Mabuti naman!” Nagmartsa na palayo si Celeste. “Aalis na lang ako kaysa maipit ka sa gulo, Diosa. Isipin mo lang sana ang mga sinabi ko sa iyo.” “Miss A, naman. .” “Mabuti na ang ganito. Baka sakaling magising ka sa katotohanan kapag wala na ako rito.”   Tumayo si Miss Antonia, binuksan ang cabinet, at nagsimulang mag-­‐empake. “Mawawalan ka ng trabaho.” Ikinandado nito ang pinto at hinarap siya. “Kung nabuking ako ni Celeste, mabubuking ka rin niya, Diosa,” mahina pero mariing sabi nito. Natigagal si Diosa. “A-­‐ano’ng ibig mong sabihin?” “Wala ka namang boyfriend, eh.” Ipinagpatuloy nito ang pag-­‐eempake. “Hindi ako   tanga na walang napapansin. Wala ka man lang picture ni Henry. Ni tawagan siya, hindi mo ginagawa. Hindi rin siya tumatawag sàyo. Nakakahalata na rin si Celeste. Saan ba talaga nanggaling ang pera mo? Bakit bigla kang yumaman? Nanalo ka ba sa lotto?” “Lotto? Hindi, ah,” mabilis na kaila niya. “Kung nang-­‐hold up ka ng bangko o nakapulot ka ng isang bag na pera, wala na akong pakialam. Napalapit ka na sa akin dahil alam kong mabait   ka. Mag-­‐ingat ka lang sana. Kung saanman galing ang biyaya mo, ingatan mo.” Napakamot na lang siya sa kanyang ulo.  NAGSHA-­‐SHAMPOO si Diosa nang maalalang naiwan niya sa mesa ang kanyang cell phone. “Shit!” Dali-­‐daling binalot niya ng tuwalya ang kanyang katawan at saka lumabas ng banyo kahit bumubula pa ang buhok niya. Napraning na siya dahil sa mga sinabi ni Miss Antonia kaya mula   nang umalis ito ay pinakiramdaman na niya si Celeste. Baka makita nito ang cell phone niya at pakialaman. Dala-­‐dala ni Diosa ang cell phone pagbaba niya mula sa banyo sa itaas—barado pala ang inidoro doon dahil ginawang ashtray at basurahan ng nanay niya—kaya nagpasya siyang sa ibaba na lang maligo. Pagbaba niya ay may tao pa sa banyo kaya umupo muna siya sa silya at ipinatong sa mesa ang cell phone. Paglabas ni Wally ng banyo   ay siya naman ang pumasok doon. Nakalimutan niyang kunin ang cell phone niya. Ganoon na lang ang pagkasindak ni Diosa nang makita si Celeste na nakaupo sa kabisera at nagbabasa ng magazine na malamang ay si Angel Locsin na naman ang nasa pabalat. Kung babaeng-­‐babae siguro ito ay magkakalapit sila. Ang kaso, iba ang mga hilig ng kapatid kaya hirap siyang makisama rito. Nag-­‐angat ng mukha si Celeste. Parang hindi   ito natuwa pagkakita sa kanya. “Bakit ka nakatayo diyan?” “Nakita mo bàyong cell phone ko?” Wala na iyon sa mesa. “Hindi.” Dinilaan nito ang mga daliri at binuklat ang kasunod na pahina ng magazine. “Ipinatong ko diyan sa mesa bago ako naligo.” “Sure ka?” Parang hindi ito totoong interesado. “Oo. Hinintay ko si Wally na lumabas ng banyo.. ” Natigilan siya. “Nasaan si Wally?”   “Lumabas, eh. May pupuntahan daw, iiskor. ” “Ang cell phone ko.. Saan pupunta si Wally?” Hindi niya alam kung tatakbo siya palabas o hindi. “Pinagbibintangan mo ba si Wally? Hanapin mo muna. Baka naman kung saan mo lang iniwan.” Umiling-­‐iling si Diosa. Ibebenta ni Wally ang cell phone niya. Paano na ang number ni Macoy? Paano niya ito matatawagan? Paano siya nito   matatawagan? Paano kung pakialaman muna ni Wally ang cell phone at makita nito na walang nakalista roon na Henry Longfellow? Sa naisip ay tumakbo siya palabas ng gate. Binuksan niya iyon at saka nagpalinga-­‐linga. Isang lalaking nakasakay sa bisikleta ang huminto sa harap niya. “Wala kayong tubig, Miss?” “K-­‐Kuya. . Manong. . May napansin ka bang payat na lalaki na nakaasul na T-­‐shirt?” “Wala, eh. Ikaw `yong nakabili niyan, `di ba?”   Itinuro ng lalaki ang bahay niya. “Ha? Oo, bakit?” Ngumiti ang lalaki. Lumabas ang mapuputing ngipin nito at biloy sa magkabilang pisngi. “Ako si Gino. Ano nga uli ang pangalan mo?” “Diosa.” Saan ba nagpunta si Wally? Diyos ko naman, o. Pumadyak-­‐padyak siya na parang maiihi. “Puwede ka bang maging textmate?” “Ha?”   “Taga-­‐phase two rin ako. Family friend namin ang dating may-­‐ari ng bahay n’yo.” “N-­‐nawawala ang cell phone ko, eh.” “Ows? Ayaw mo lang yata, eh. May boyfriend ka na siguro.” “W-­‐wala, ah.” Itinikom ni Diosa ang bibig. Paano kung narinig ni Celeste ang sinabi niya? “A-­‐ang ibig kong sabihin, ano.. ” Kung makangiti ang lalaki ay parang wala siyang damit. Napayuko siya sa sarili. Wala nga siyang damit.   “N-­‐nawawala ang cell phone ko, hinahanap ko pa.” “Dadalaw na lang ako sàyo. Baka sabihin mong nawawala rin ang bahay n’yo?” “Ang laki kaya n’on, paano mawawala?” “Sinabi mòyan, ha? Walang bawian.” Pinaandar na uli ni Gino ang bisikleta nito. “Hoy, teka!” Hinabol niya ito. “Kapag may nakita kang payat na lalaki, i-­‐report mo sàkin.” “Oo!” Nilingon at kinindatan siya ni Gino.   Napatunganga siya. Anòyon, may gusto sa akin? Kahit aburido ay medyo naaliw siya kay Gino. Biglang sumilip sa gate ang inay niya. Ang sabi nito sa kanya noong samahan niya itong mamili, wala raw itong maisuot kundi pulos shorts. Pero ang pinamili naman nito ay pulos shorts din at mga blusang sa mga bata lang kasya. “Ano’ng ginagawa mo diyan, Diosa?” “Si Wally po kasi, dinala yata ang cell phone ko.”   “Yata? Hindi ka pala sigurado. Masamang nambibintang, Diosa. Alalahanin mong kapatid mo si Wally.” Pinitik nito ang sigarilyo. “Naku, `Nay. Bawal ditong magkalat.” “Malay ba nila na ako ang nagkalat?” paasik na sabi nito. “Nasa tapat natin, eh. Mabibisto tayo.” Napilitan siyang bumaba sa bangketa at damputin ang umuusok pang upos. “Ano ba, Diosa? Magdamit ka nga muna. Hindi   ka na nahiya, nakalitaw na ang kuyukot mo diyan!” Tumalikod na ang nanay niya. Sa sobrang iksi ng shorts nito ay kita na ang ibaba ng puwit nito na maraming stretch marks. Kitang-­‐kita iyon dahil maitim ito. Pinatay ni Diosa ang sigarilyo. May tatlong malaking basurahan sa kanto, isang bahay ang layo sa kanila. Para iyon sa mga papel, plastic, at mga nabubulok na basura. Bumuntong-­‐hininga siya at naglakad patungo sa basurahan. Doon niya   itinapon ang sigarilyo. Pabalik na siya nang mamataan si Wally. Patawid ito mula sa kabilang bangketa. “Wally!” pasigaw na sabi niya. “Nasaan ang cell phone ko?” “Ano?” pasigaw ring sabi nito. Sinugod niya ang kapatid sa gitna ng kalsada. “Parang awa mo na, ibalik mo ang cell phone ko.” “Ano’ng sinasabi mo?” Nilampasan siya nito. Hinabol ni Diosa ang kapatid. “Babayaran ko sa   `yo kung gusto mo, ibalik mo lang sa akin kahit `yong SIM card.” “Wala sa akin ang cell phone mo. Nagmamadali ako, Ate Diosa!” Pagdating sa gate nila ay hinila niya ang damit nito. “Ibalik mo sabi kung ayaw mong ipapulis kita!” Pumiglas si Wally kaya muntik na siyang matumba. “Bitawan mo nga ako!” Narinig siguro sila ng mga tao sa loob kaya   naglabasan ang mga ito. “Anòyan, ha?” tanong ni Uncle Bogart. “Si Ate Diosa, nambibintang!” “Umiskor ka, eh. Kanino mo ibinenta? Tutubusin ko na lang.” “Aba, Diosa, hindi por que pinatira mo kami sa bahay mo, eh, puwede ka nang mambintang. May katunayan ka bang si Wally ang kumuha ng cell phone mo?” tanong ni Uncle Bogart. “Addict `yan, eh!” sigaw niya.   “Hindi ako magnanakaw!” sigaw rin ni Wally. “Wala kang katibayan, Diosa.” Halatang galit na ang nanay niya pero nagpapakahinahon lang. “Huwag kang padalos-­‐dalos sa mga iniisip mo. Hindi ko tinuruang magnakaw ang mga anak ko.” “Bakit addict `yan?” Gigil na gigil si Diosa dahil parang wala siyang kakampi. Nagtaas na ng boses ang nanay niya. “Sinasabi mo bang masama akong ina?”   “Huwag n’yo hong kunsintihin si Wally! Kailangan ko ang cell phone ko. Paano kung tumawag si Ma—Henry?” “Hindi naman `yon tumatawag, eh,” sabad ni Celeste. Natameme siya at napatingin sa kapatid. Tama si Miss Antonia, inoobserbahan siya ni Celeste. “Huwag kang mambintang!” Sinigawan na rin siya ni Uncle Bogart. “Halika na, Wally. Pumasok na tayo sa loob.”   Inakay na ng nanay niya si Wally. Sinundan ni Diosa ng tingin ang mga ito. Bakit kahit nasa iisang bahay sila, pakiramdam niya ay hindi pa rin niya kasama ang mga ito? Ang sabi ni Ate Ching, masarap kapiling ang pamilya pero malalaman lang daw niya iyon kapag naranasan na niya. Kasama na niya ang pamilya pero bakit hindi pa rin niya alam kung ano iyon? Pinahid niya ang mga luhang humalo sa tumulong bula mula sa buhok niya. Lalo siyang   naiyak nang mahilam. Napaigtad siya nang may bumusina sa likuran niya. Paglingon niya ay puting mahabang kotse ang nakita niya. May namatay ba siyang kapitbahay at may karo ng patay roon? Nang bumaba ang bintana niyon ay nagulat siya pagkakita kay Macoy. Nakasuot ito ng ternong kulay-­‐abong long sleeves at slacks. “Driver ka ng punerarya?” bulalas niya. Hindi maitago ang katuwaan.   Tinanggal ni Macoy ang antipara nito. “Bakit ka nakatanga diyan? Nawalan ba kayo ng tubig?” “Sino ang namatay sa kapitbahay ko?” “Walang patay, tange. Hindi ito karo, limousine ito.” “Limosin.. Ah, oo. Iyan `yong sinabi ni Miss A na sasakyan ng mga royal blood pero tunog-­‐ mahirap. . ‘limos-­‐in.’” “Hindi ka pa ba nakakasakay sa ganito?” Umiling si Diosa. “Pasasakayin mòko?”   Lumigid siya sa kabilang pinto at binuksan iyon. Sumalampak siya ng upo sa passenger’s seat. “Kaya nga ako sumaglit dito, eh.” Sumakay na si Macoy sa likod ng manibela. “Teka, bakit ganyan ang ayos mo? Magbihis ka muna. O porma mòyan?” “Eh. .” Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Kumunot ang noo ng binata. “May nangyari ba sàyo, Diosa?”   Hindi siya mapakali sa loob ng sasakyan. Parang nagising ang lahat ng sensasyon sa katawan niya nang masilayan si Macoy. “Bakit may dala kang ganito? Ang bango rito,” pag-­‐iwas niya. “Ano nga ang nangyari? Bakit ganyan ang ayos mo? May panty ka ba?” Napatingin siya rito. “Ha?” “Bawal dito ang nakahubo,” ngingiti-­‐ngiting sabi nito.   Kinipit ni Diosa ang kanyang mga hita. “Si Wally kasi. .” Ikinuwento na niya rito ang mga nangyari. “Sigurado akong addict si Wally.” “Gusto mong mabawi ang cell phone mo?” tanong ni Macoy. “Puwede pa ba? Hindi ko alam kung saan niyàyon dinala.” “Ako ang bahala.” Pinaandar na nito ang sasakyan na kahoy yata ang dashboard. Pero makintab iyon. “Magtatanong tayo sa mga   pawnshop sa labas.” Bigla siyang nawalan ng interes sa cell phone niya. “Bakit ka may limosin? ” “Naipasok ako ni Attorney Gervacio na driver sa hotel ng isang kliyente niya. Inihatid kòyong isang guest ng hotel diyan lang sa kabilang subdivision kaya naisip kong dumaan dito.” “Kaya pala ganyan ang suot mo.” Bigla siyang natahimik. “Bakit?”   “Akala ko kasi, hindi na uli tayo magkikita. Wala kasi akong ibang kopya ng number mo.” “`Buti na lang pala, alam ko ang address mo. Ang lupit ng utol mo. .” Umiling-­‐iling ito. Lumabas na sila ng village. Hindi na nito itinuloy ang sinasabi. Kinabahan si Diosa. Sa labis na tuwa niya nang biglang makita si Macoy ay nawala na sa kanyang isip ang mga pangamba. Pero nang tumahimik ang binata ay bumalik ang mga iyon. Pati na   iyong pangamba niya na baka pinakialaman ni Wally ang cell phone niya bago ibinenta o isinangla. Paano kung sa mga sandaling iyon ay alam na ng pamilya niya na walang Henry Longfellow sa Phone book niya? Paano kung mayroon palang text si Ate Ching tungkol sa palabas nila na nakalimutan niyang burahin? Pero sasabihin ba iyon ni Wally? Mabubuking ito na pinitik nito ang cell phone niya. Pero puwede rin itong   magdahilan at umimbento ng kuwento. Nagkatinginan sila ni Macoy. “Ladies first,” sabi nito. “Hindi, ikaw na muna. May sasabihin ka?” Tumango ito. “Kaya lang, baka magalit ka. Wala akong intensiyong masama. Gusto ko lang malaman kung bakit ayaw mong sabihin ang totoong pangalan ng boyfriend mo. May boyfriend ka ba talaga?” Natigagal si Diosa. “Paano. .”   “Nagsinungaling ka sa akin, Diosa. Huwag kang mag-­‐alala dahil hindi ako nagagalit. Lahat ng bagay ay may dahilan. Kung kaibigan pa rin ang turing mo sa akin—” “Oo naman, Macoy. Kayo lang ni Ate Ching ang kaibigan ko.” “So, ano ang totoo?” Tinitigan niya ang binata. Hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam niya kapag kasama ito. Kapareho pa rin iyon noong unang beses na   nakipagkaibigan ito sa kanya sa bahay-­‐ampunan. Hindi lang siya masaya nang mga sandaling iyon. Nakahanda rin siyang sundin ang mga sasabihin nito dahil nararamdaman niyang tama ito. Bilib siya kay Macoy. May tiwala siya sa kakayahan nito. Hindi siya mapapahamak kapag ito ang kasama niya. “Wala akong boyfriend, Macoy. Kailangan ko ang tulong mo,” sa wakas ay pag-­‐amin niya.

 

CHAPTER SIXTEEN

OFF NI Macoy sa hotel pero kinasabwat niya ang karelyebo. Nagpahatid siya rito sa Fairview gamit ang limousine. Nang sabihin sa kanya ni Diosa ang problema nito at humingi ng tulong, walang katwiran sa mundo ang magpapabago sa isip niya. Tutulungan niya ang dalaga. Gagawin niya ang nararapat: Magpapanggap siyang anak ng duke; dahil si Diosa ay si Diosa, ang inosenteng   bata na kailangan niyang ipagtanggol sa mga nang-­‐aapi rito. Dalaga na ito pero sa maraming bagay ay ito pa rin ang musmos na nakilala niya noon—nag-­‐iisa at walang kakampi. “Mag-­‐doorbell ka, brod,” sabi ni Macoy sa katrabaho niya. “Sino bang Diosa ang dinidiskartehan mo diyan?” “Basta.” Sinabi niyang gusto niyang magpa-­‐ impress sa mayamang nililigawan niya at sa   pamilya nito. Bumaba ang kasama niya at lumapit sa gate. Inihanda ni Macoy ang sarili. Aminado siyang isa sa mga dahilan kaya pumayag siyang magpanggap na royal blood ay para na rin ma-­‐ practice uli niya ang husay sa pagpapanggap. Nami-­‐miss pa rin niya ang kanyang tatay at ngayong ginagawa uli niya ang nakagisnang gawain, parang kasama pa rin niya ito. Ang maganda lang ay wala siyang bibiktimahin. Sa   halip ay tumutulong siya sa isang espesyal na kaibigan. Sumilip sa gate ang isang lalaking malaki ang tiyan. Walang dudang ito ang Uncle Bogart ni Diosa. Napamulagat ang lalaki pagkakita sa limousine at sa unipormadong kasama niya. Gaya ng napag-­‐usapan nila, kapag may nagbukas ng gate ay agad siyang pagbubuksan ng pinto ng kasama niya at saka siya bababa. Si Diosa ang nagbigay sa kanya ng perang ipinambili niya ng   mga mamahaling damit at sapatos. Pagbaba ni Macoy ay hinubad niya ang kanyang antipara. “I’m Henry. I’m here for Diosa,” sabi niya sa English accent. Medyo sintunado siya pero mukhang hindi iyon nahalata ni Bogart. Akala mo, drawing si Diosa, `no? “Is she here?” Sinenyasan niya ang kasamahan. Ngingisi-­‐ ngising sumakay naman ito sa limousine. Binusinahan pa siya ng walanghiya. Napamulagat si Bogart. “D-­‐Diosa. . Here. Yes,   yes, come inside our house. Pasok. Come. . welcome.” Tinangka siyang hawakan ni Bogart sa balikat. Umiwas siya. “Please don’t touch me.” Pinagpagan niya ang manggas ng polo niya. “Naku, pasensiya na. Sorry, Your Highness.” Nag-­‐bow pa ito. “We Pinoy like touching-­‐ touching. We are malambing, you know?” “And you are.. ?” tanong niya. “Me, Bogart.” Itinuro nito ang sarili. “Me your   uncle. . future to be. My misis is Diosa’s mommy.” “Oh. .” Ngumiti si Macoy at inilahad ang kanang kamay. “`Glad to meet you, Bogart. I want to meet the rest of the family.” Nagiging Japanese o Chinese yata ang English accent niya. Pero masyado itong “starstruck” sa kanya para mapansin iyon. Niyugyog ni Bogart ang kamay niya. “Inside. Come, come. . you go. Mauna you. No touching.” Parang Intsik na rin itong magsalita.   “Thank you.” Ang amoy ng bahay ang unang napansin ni Macoy pagpasok nila ng bahay—amoy-­‐yosi at pritong manok iyon. Pagkatapos ay ang kulay niyon na violet. Mula sa pintura ng mga dingding, sofa, at mga throw pillows ay ganoon ang kulay. Sa isang panig ng dingding, sa itaas ng L-­‐shaped na sofa ay may nakasabit na portrait ni Diosa. Kagaya iyon ng ipinapa-­‐drawing sa mga mall. Pati mga mata at damit ni Diosa sa portrait nito ay   violet din. Naiiling na ngumiti siya. Magkatabi ang sala at komedor. Ang kusina ay nakahiwalay sa pamamagitan ng counter na granite ang ibabaw. May telepono roon, isang supot ng pandesal, isang bowl ng ponkan na pabulok na at pinaliligiran ng maliliit na insekto, at ashtray na umaapaw ang upos ng sigarilyo. “Sit, sit,” utos sa kanya ni Bogart. Lumapit at tumingala ito sa hagdan bago ito sumigaw. “Aida! Celeste! Aidaa—!”   Mayamaya pa ay nakarinig siya ng mabibigat na yabag. “Ano bàyon? Bakit nagsisisigaw ka diyan?” anang boses ng isang may-­‐edad na babae. Napamulagat si Macoy nang makita ang ayos ng ginang. Nakausli ang bilbil nito sa suot na maiksing yellow green na sando. Mas maiksi pa kaysa sa pasensiya ng matandang dalaga ang shorts nito na may slit sa gilid. Flat ang puwit nito, maitim ang mga tuhod, at may varicose   veins ang mga paa. Walang dudang ito ang nanay ni Diosa dahil magkamukha ang buhok ng dalawa—pula na nagiging kulay-­‐orange kapag natatamaan ng liwanag. Kahawig ng ginang ang anak niito pero hindi nito taglay ang malambot at inosenteng ekspresyon ng mukha ni Diosa. “We have bisita. May visitor tayo. Look.” Parang nagprisinta ng eksperimento si Bogart. “Sinòyan?” tanong ni Zenaida. Tumayo si Macoy at bahagyang yumuko. “I’m   Henry. I am pleased to meet you, Madam.” Tiningnan ni Zenaida si Bogart. “Tinawag akong ‘Madam.’” “Siya si Henry, ang boypren ng anak mo. Patayin mo muna iyang yosi, nakakahiya.” “Henry Longfellow?” tanong ni Zenaida. Lumapit ito sa ashtray at idinutdot doon ang sigarilyo. Tumango siya at ngumiti. “Tatawagin ko si Diosa. Maglabas ka ng   maiinom,” utos ni Bogart sa asawa. “Katukin mo sa kuwarto niya. Ayaw niyang maglalabas, eh. Gusto na yata niya tayong palayasin.” “Ikaw kasi, sinigawan mo. Dapat, pinapakisamahan mo siya nang maayos dahil anak mo siya.” “Nakakainis, eh.” “Sshh, marinig ka ni Henry.” “Malay ba niya sa pinag-­‐uusapan natin?”   Nginitian ni Macoy ang mag-­‐asawa. Kunwari ay wala siyang naintindihan sa mga sinabi ng mga ito. Naghanap si Zenaida ng maiinom sa dirty kitchen at tinawag ni Bogart si Diosa sa kuwarto ng dalaga. Bumaba ng hagdan ang isang lesbian. Marahil ay ito si Celeste. Tiyak na nabanggit na rito ni Bogart kung sino siya kaya bumaba ang lesbian para tingnan siya. Friendly ito. Nagpakilala at nakipag-­‐high-­‐five sa kanya kagaya ng kalimitang ginagawa ng mga Pilipino   sa mga nakikilalang banyaga. Tinabihan pa siya sa sofa. “So, how are you, Henry? How do you find the Philippines?” Ginaya ni Macoy ang karaniwang reaksiyon ng isang foreigner sa harap ng pamilya ng Pilipina na mapapangasawa nito. Nagkunwari siyang naaasiwa, naninibago, at namamangha. Panay rin ang ngiti at tango niya. “Great. I love the Philippines. Nice country. Friendly people.”   “Yes, we are hospitable.” Hinampas ni Celeste ang hita niya. “So, you be my brother-­‐in-­‐law?” “Yes, yes. If that’s okay.” Ngumiti siya pero nauwi iyon sa ngiwi nang mapatingin siya sa hagdan. Bumaba roon si Diosa. Nakasuot ito ng violet na pa-­‐tube na saya na animo tapis. Suot nito ang kuwintas na Saudi gold daw pero sigurado siyang peke. Ganoong-­‐ganoon ang mga alahas na ibinababad sa suka ng mga nagtitinda sa palengke para patunayan sa mga mamimili na hindi iyon   nangingitim. KAHIT nagpapanggap lang si Macoy na si Henry Longfellow, gusto pa rin ni Diosa na maganda siya sa paningin ng binata kaya isinuot niya ang paboritong damit-­‐pambahay. Sexy at elegante siya kapag iyon ang suot niya. Naka-­‐headband siya ng animo korona sa dami ng kristal na dekorasyon. Excited siyang bumaba sa sala. Pero nang makita niya si Macoy sa suot nito ay napatda siya. Mukhang totoong mayaman ito.   Tumayo ang binata mula sa sofa. “Diosa, darling!” “Ma—My love, Henry!” “Give me a kiss, honey!” Sinalubong siya ni Macoy at biglang niyakap. Pagkatapos siyang halikan sa noo ay hinawakan siya nito sa mga balikat. “Look at you. You look great, sweetie. How are you?” “Me, fine. Tenk you.” Tulala si Diosa dahil niyakap at hinalikan siya ni Macoy.   Nilingon ng binata ang pamilya niya. “Look at her. Look at my Diosa. Isn’t she lovely?” “Yes, she is,” sabi ni Celeste. Nakalitaw pati ang ibabang ngipin nito. Parang masakit ang tiyan. “Salamat,” sabi niya. Nangunyapit na siya kay Macoy. “Yakap me uli my love.” “Huh?” sabi ni Macoy. Parang sinasabi nito na, “Okay ka lang?” Yumakap siya sa binata. “Please, my love?”   “It’s okay.” Niyakap siya ni Macoy nang mahigpit. “Hmm, I missed you, my darling.” “I missed you too, my love.” Kumalas si Macoy sa kanya. “Let’s take a walk outside. I need to discuss some things.” Napamaang si Diosa. “Outside? Diskas? ” “Talk. We will talk outside.” Hininaan nito ang boses. “Outside, labas. Discuss, usap, you know?” “Yes, I know. Yes, yes.” Tumango siya. Peke kasing tutor si Miss Antonia kaya hindi siya   naturuang mag-­‐Ingles. “Let’s go.” Kinabig siya ni Macoy. “`Nay, lalabas muna kami sandali,” paalam niya. “Ang init-­‐init sa labas, maglalakad kayo?” tanong ni Celeste. “Sabik sa mainit si Henry.” Nasa labas na sila ay nakayakap pa rin si Diosa sa baywang ni Macoy. Kinalas ng binata ang bisig niya. “Teka lang.   Mamaya na uli. Wala nang audience.” “Ang galing mo. Kaya lang, huwag mong laliman ang Ingles, hindi ko maarok.” “Basta sumakay ka na lang.” “Salamat, ha? Ngayon, hindi na sila magdududa. `Di ba sabi mo, ipinupuslit ka ng isang tauhan sa hotel kaya ka natutulog sa ipunan ng mga labada?” Tumango ito. “Ano kaya kung sa bahay ka muna? Tutal, ang   alam nila, ikaw ang bumili n’on.” “Okay ka lang? Mamamatay ako sa kaka-­‐ Ingles. Ang hirap ng English accent, ha?” “Kayang-­‐kaya mo naman, eh. Dito ka na kaysa patago kang nakikitulog, matanggal ka pa sa trabaho.” Tiningnan siya ni Macoy at wari nag-­‐isip. “Sabagay. .” Ngumiti ito. “Gusto mo lang yata akong matsansingan nang husto, eh.” “Hindi, ah. Gusto ko lang maayos ang   kalagayan mo. Tinutulungan mo ako kaya tutulungan din kita.” “Iisipin ko.” “Iyong sasakyan ko ang gamitin mo pagpasok sa hotel. Hindi sila makakaangal dahil ang alam din nila, ikaw ang bumili n’on. Hindi ako masyadong umaalis mula nang umalis si Miss A. Si Celeste lang ang gumagamit n’on kaya laging ubos ang gasolina.” Natahimik si Macoy at saka nagpalakad-­‐lakad.   Mayamaya ay tiningnan uli siya nito. “Masaya ka ba sa pamilya mo? Hindi ka ba nahihirapan?” Hindi na puwedeng magsinungaling si Diosa dahil malakas ang pakiramdam ng binata. “Naguguluhan ako. Kung ganito ang ibinigay sa aking pamilya, tinatanggap ko. Ang sabi nga ni Ate Ching, walang perpekto sa mundo. Lahat daw ng pamilya, nagkakaproblema. Okay naman siguro ang pamilya ko kasi hindi naman kami nagpapatayan.”   “Ang pamilya, dapat ay masaya at may tiwala sa isa’t isa. Hiningi mo ang tulong ko dahil wala kang tiwala sa kanila.” “Kasi nga, ayokong may ibang makaalam na nanalo ako sa lotto.” Noong huling nag-­‐usap sila ay inamin na niya kay Macoy ang tungkol doon. Ang hindi lang niya sinabi ay dito galing ang ticket na nanalo. Wala kasi itong ideya na siya ang babaeng putikan na binigyan nito ng ticket. Dumukot siya sa bulsa ng damit niya. “May   ibibigay nga pala ako sàyo.” “Anòyan?” Iniabot niya rito ang limang pisong barya at calling card. “Itòyong mga nakuha ko sa bulsa ng pantalon na pinalabhan mo dati. Sa itay mo yata ito. Naisip kong itago kasi alam kong importante sàyo ang lahat ng naiwan ng tatay mo.” Binasa ni Macoy ang nakasulat sa card. “Myrna Sy?”   “Kilala mo ba siya?” Umiling ito. “Pero itong Octagon Jewelry, ito iyong—” Bumuntong-­‐hininga ang binata. “Alam mo naman ang raket namin ni Tatay noon. Ito sana iyong alahasan na bibiktimahin niya.” Itinago ni Macoy ang calling card sa pitaka nito. “Salamat, ha?” “Walang anuman. Sa bahay ka na titira, ha?” Hindi pa ito nakakasagot nang may humintong bisikleta sa tapat nila.   “Hi, Diosa!” bati sa kanya ng nakasakay roon na si Gino. Kinawayan siya. Kinawayan din niya si Gino. “Hello!” “Iyong usapan natin, ha?” Hindi na siya hinintay ni Gino na sumagot. Nagpedal na ito palayo. “Sinòyon?” tanong ni Macoy. “Si Gino, taga-­‐phase two rin. Dadalawin daw niya ako. May gusto kayàyon sa akin?” Kumunot ang noo ni Macoy. “Gusto mo ba   siya?” Nagkibit-­‐balikat si Diosa. “Pogi naman siya, `di ba?” “Wala akong tiwala sa mukha niya. Huwag kang basta-­‐basta makikipagmabutihan sa kung sino lang.” “Mukha naman siyang mabait.” “Hindi nga, eh,” kontra ni Macoy. “Mukhang mang-­‐iisa lang `yon.” “Paano mo nalaman?”   “Basta. Wala akong tiwala sa kanya kaya iwasan mo siya.” Napangisi siya. “Bakit?” paasik na tanong nito. “Nagseselos ka kay Gino.” Hanggang tainga ang pagkakangiti niya. “Selos ka diyan. Oo na, sige.” “Nagseselos ka nga?” bulalas niya. “`Kako, oo, sige, titira ako sa bahay mo.”   NAKATINGIN si Diosa kay Nene, ang bagong katulong nila na dinala ni Celeste. Disiotso anyos si Nene, batambata, pero sigurado siyang hindi na ito inosente. Bagaman malayo ang hitsura nito kay Estela, iyon ang unang pumasok sa isip niya nang ipakilala ito sa kanya noong kamakalawa. Ayaw sana niyang tanggapin si Nene pero wala siyang nagawa dahil sinuportahan si Celeste ng buong pamilya nila at ni Macoy. Nasa gilid ng bahay ang tinamaan ng magaling   na lalaki. Nag-­‐iihaw ito ng mga tilapya pero hindi lang ang mga isda ang pinapaypayan kundi pati si Nene. Ngitngit na ngitngit si Diosa habang sinisilip ang dalawa sa salaming pinto sa komedor. Hindi siya napapansin ng mga ito dahil binalot niya ang sarili ng red violet na kurtina. Hinango ni Macoy sa ihawan ang isang tilapya at inilagay iyon sa malaking platong hawak ni Nene. Pero dahil sa kaartehan ng lintik na babae, tumapon ang mga isdang naluto na. Sa halip na   pagalitan ito ni Macoy, tumawa pa ang alimuom. Si Nene naman ay nagkandatuwad sa pagpulot sa mga isda. Hindi niya naririnig ang usapan ng dalawa dahil nakasara ang pinto pero parang naririnig niya ang pagbungisngis ni Macoy, lalo na nang kumapit si Nene sa tokong ng binata para makatayo mula sa pagkakatuwad. Nang hawakan ni Macoy ang pisngi ni Nene na nalagyan ng uling ay binitiwan ni Diosa ang kurtina at umakyat sa kanyang kuwarto sa itaas.   Nagkulong siya sa kanyang silid. Humarap siya sa salamin at tiningnan ang repleksiyon doon. Ano ang laban sa kanya ni Nene? Makapal ang buhok niya na parang buhok ni Sta. Elena, sabi ng baklang nagha-­‐hot oil sa kanya. Kapag nga raw nakikita siya ng bakla, parang gusto nitong magtika sa mga kasalanan nito dahil mukha raw siyang santa. Pang-­‐supermodel ang katawan niya. Kapag nasa mall siya ay nililingon siya ng mga tao. Pero dahil lang iyon sa mamahaling damit   niya. Samantalang si Nene, tuwid at patay ang buhok, malalaki ang boobs, at matambok ang puwit. Masagwa at bastusin ang dating nito sa kanya, lalo’t baduy itong pumorma. Gawin ba namang shorts ang unipormeng ipinasuot niya rito? Ibinuhol nito sa baywang ang laylayan ng pang-­‐itaas nito at saka itinupi ang mga manggas niyon. Idol yata nito si Christopher de Leon. Kung makalandi ito kay Macoy ay parang ito ang   pinakamagandang babae sa buong mundo. Ang kapal ng mukha. Nagparoo’t parito si Diosa sa harap ng salamin. Tuwing hihinto siya ay ginagaya niya ang pose ng mga modelo sa magazine. Kuhang-­‐kuha niya iyon dahil ang mga modelong iyon ang kahanay niya sa kagandahan. Biglang kumatok sa pinto si Macoy. “Dinnertime, honey.” “Honey ka diyan!” pabulyaw na sabi niya.   “C’mon, sweetie, open the door!” “Hindi ako kakain!” “What did you say?” “Magpapatiwakal ako!” “What?” “Magbibigti ako sa alambre!” “Honey, open the door!” Kinalampag ni Macoy ang pinto. “I will go away if you don’t open.” Sa sinabi nito ay mabilis pa sa sibat na binuksan ni Diosa ang pinto. Pumasok ang binata at   ikinandado iyon. “Ano ba’ng problema mo? Nag-­‐iinarte ka?” “Ikaw ang problema ko, alimuom ka.” Dinuro niya ito. Mahina rin ang boses niya pero litaw ang litid sa leeg niya. “Ano’ng kasalanan ko?” “Una, ikaw ang dahilan kaya nandito si Nene. Kung hindi mo ako pinigilang maglaba, hindi maiisip ni Celeste na kumuha ng katulong.” “Tama bang ikaw na ang nagpapakain sa   kanila, ikaw pa rin ang naglalaba pati mga damit nila? Bakit hindi si Celeste o ang nanay mo ang gumawa n’on? Maano namang ipaglaba ka nila, `di ba?” “Gustuhin man ni Nanay ay hindi puwede. Nagsusugat ang mga kamay niya sa sabon. Hindi ka na sana nag-­‐inarte na—” “At least ngayon, may tagalaba na kayo at hindi ka na mapapagod.” Ngalingaling idikit ni Diosa ang dulo ng   hintuturo sa pagitan ng mga mata ng lalaki. “Ang sabihin mo, gustong-­‐gusto mong nandito si Nene. Gustong-­‐gusto mong naglililiyad siya.” Iniliyad niya ang kanyang dibdib. “Gustong-­‐gusto mong nagtututuwad siya.” Tumuwad din siya para ipagdiinan ang mga sinabi. “Nagseselos ka lang pala, ang dami mo pang sinabi. Deretsahin mo na lang ako, madali naman akong kausap.” Parang kinatutuwaan pa siya ni Macoy sa halip na matakot dahil galit siya.   “Hindi ako nagseselos!” “Ows?” “Talaga!” “Tunay? Baka monay?” “Bakit ako magseselos kay Nene, eh, mas maganda ako kaysa sa kanya? Ang ikinagagalit ko lang, alam niyang boypren kita, tuwad pa rin siya nang tuwad `pag kaharap ka.” “Baka may scoliosis.” “Anòyon?”   “Wala. Basta. Bumaba na tayo, kumakain na sila.” “Ayoko.” Humalukipkip si Diosa. “Eh, di monay nga?” Nanulis ang nguso niya. “Hindi ako nagseselos.” “Kung hindi, tara na sàbaba.” “Susunod ako. Mauna ka na.” “Bilisan mo, ha? Baka maubusan tayo ng pagkain, ang lalakas pa mandin nilang kumain.   `Yong isang sakong bigas na binili natin last week, paubos na.” “Pinipitik kasi ni Wally. Patìyong mga de-­‐lata, asukal, at sabon.” “Ayaw mo kasing kastiguhin.” “Ginawa ko na. Ano’ng nangyari? Kinampihan lang siya nina Inay at Uncle Bogart.” “Don’t worry, ako na lang ang bahala. Kumain muna tayo.” Itinulak niya si Macoy sa pinto. “Mauna ka na   nga. May gagawin lang ako.”

 

CHAPTER SEVENTEEN

NASAMID si Macoy at muntik nang makapagsalita ng Tagalog nang dumulog sa mesa si Diosa. Mistula itong suman na tinubuan ng buhok. Hapit na hapit sa katawan nito ang damit na suot. Medyas yata iyon na pilit ginawang bestida. Nakasuot ito ng high heels na may medyas na kulay-­‐orange. Naka-­‐makeup ito. Kulay-­‐orange din ang lipstick at eye shadow. Pero   ang mga pisngi nito ay mahihiya ang makopa sa sobrang pula. Umupo si Diosa sa tabi niya. “Me, pretty, honey?” Hindi niya malunok ang tilapya. “Y-­‐yes, sweetheart. Very pretty.” “Wow, Ate! Ang ganda-­‐ganda mo,” hirit ni Nene. “Salamat, Nene.” Umarte si Diosa na parang kondesa. “Ikuha mo ako ng plates, please?”   “Ilan po, Ate?” “Ilan ba ako? Boba!” “Sabi mo kasi ‘plates,’” pabulong na sabi ni Nene. Dinuro ito ni Diosa. “Ã’y, narinig kòyon. Tama naman ako. Ang Tagalog ng ‘plates’ ay ‘plato.’” “Mga plato, may ‘S,’ eh,” katwiran ni Nene, ayaw magpatalo. “Para ‘S’ lang. Bakit ang nars, may ‘S’ din   naman `yon pero isang tao lang siya?” Tinutop ni Macoy ang kanyang noo. “Stop quarrel, honey.” Pati siya ay nauubusan ng supply ng English. “Nene, get the plate—sss.” “Yes, Sir. . Your Highness.” Yumuko pa si Nene sa kanya. “No!” sabi ni Diosa kay Nene. “No more tuwad! No more boobs like this. .” Lumiyad si Diosa. Bumungisngis ang buong pamilya nito.   Mababaliw ako, wika ni Macoy sa sarili.  BUMUSINA na si Macoy kaya natatarantang dinampot ni Diosa ang bag niya. “Saan ang lakad n’yo?” usisa ni Celeste. “Sa abogado raw. Mamaya ko na ipapaliwanag kung bakit.” Tumakbo na si Diosa sa garahe. Nakabukas na ang pinto ng sasakyan niya kaya sumakay agad siya roon. “Bilis!” mahina pero nanggigigil na sabi ni   Macoy. “Sorry. Si Celeste kasi, mukhang masama ang loob na gagamitin natin ang sasakyan ko.” “Bakit? Gagamitin ba niya? Tiyak na maglalakwatsa lang naman siya. Gusto kong maabutan si Rudy sa condo niya.” Naikuwento na ni Macoy kung sino si Rudy. Nakausap na raw nito sa telepono ang lalaki kaya nalamang tiyahin pala ni Rudy ang alahera na si Myrna Sy. Off ni Macoy kaya pupuntahan nito si   Rudy para kausapin nang masinsinan. Ayaw siyang isama ni Macoy pero nagpumilit siya. Gusto rin kasi niyang makausap ang binata nang masinsinan. “Hindi kaya nakakahalata na si Celeste?” tanong ni Diosa. “Ako, mahahalata? Malabòyon.” Paglabas nila ng gate ay bumaba si Macoy ng sasakyan at isinara ang gate. Ilang sandali lang ay nasa likod na uli ito ng manibela.   “Tinatanong kasi niya ako kagabi kung saan ka pumupunta kapag umaalis ka. Parang ayaw na niyang maniwala na pumupunta ka sa enbasi. ” “Embassy,” pagtatama ni Macoy. “Oo nga, doon. Bakit daw araw-­‐araw kang pumupunta roon?” “Ano’ng sinabi mo?” “Hindi ko alam. Iyon ang sabi mo, `di ba? Kung may magtatanong sa akin tungkol sa en. . embassy, sabihin kong wala akong alam.”   “Sa susunod na tanungin ka uli niya, sabihin mong sa akin siya magtanong. Takot lang n’on na maubusan ng English.” “Eh. .” Kung magkakalayo uli sila ni Macoy, mas mabuti pang mamatay na lang siya. Iyon din ang dahilan kaya hindi niya masabi na galing sa binata ang nanalong ticket. Kung noong una ay takot siyang bawiin nito ang pera o kaya ay magalit ito at lumayo sa kanya, ngayon, pagkatapos nitong ikuwento ang nangyari sa   ama nito ay mas takot na siya sa maaaring gawin ng binata kapag nalaman nitong pag-­‐aari nito ang ticket. May karapatan si Macoy sa napanalunan niya. Maaari nitong gamitin ang pera para hanapin at gantihan ang taong pumaslang sa tatay nito. Paano na siya kapag nadisgrasya ang binata? “Ano?” “Kasi, tinatanong din ako ni Nanay kung kailan tayo magpapakasal. Parang nagmamadali na   sila.” Sinulyapan siya ni Macoy. “Umpisa pa lang, sinabi ko na sàyong malaking problemàyan. Ang sabi mo, bahala na muna. Basta magpanggap muna akong Henry para hindi nila kuwestiyunin ang pera mo. Takot ka kasìkamong lusubin ng mga kamag-­‐anak na hindi mo kilala. Nang makaharap ko ang pamilya mo, naintindihan ko ang takot mo.” “Eh, di magpakasal na tayo?”   Napamaang ito sa kanya. “Totoong kasal?” “Oo,” walang gatol na sagot niya. Umangal ito. “`Wag ganyan, Diosa.” Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Matalik silang magkaibigan. Marami siyang pera. Bakit ayaw pa rin ni Macoy sa kanya? “Bakit?” “Alam mo ba ang ibig sabihin n’on? Habang-­‐ buhay tayong magsasama.” “Ano ang masama roon?” “Basta. Saka nàyang kasal-­‐kasal. Ako na ang   bahalang magpalusot kina Celeste.” Natigagal si Diosa. Nayanig yata pati ang bukungbukong niya. Ayaw nitong magpakasal sa kanya. Ang ibig sabihin, hindi siya nito gusto. May iba itong gusto. Si Nene kaya iyon? “Hindi ka ba nagagandahan sa akin, Macoy?” Tumawa ito. “Maganda ang kalooban mo. Iyon ang nagbibigay ng ningning sa iyo.” “Kung maningning ako, ba’t ayaw mong magpakasal tayo?”   “Wala pàyon sa isip ko.” “Bakit mawawala, eh, pinag-­‐uusapan nga natin? Dapat, naiisip mo nàyon.” “Marami akong iniisip at gustong gawin. Huwag na muna nating problemahin `yan, please?” Hindi nga siya gusto ng walanghiya. Kailangang mawala sa landas niya si Nene.  TINAWAGAN ni Macoy si Rudy pagdating niya   sa condominium building nito. Bababa na raw ito at magkita na lang sila sa cake house sa ground floor. Niyaya niya roon si Diosa at agad itong namangha sa chocolate fountain na nasa isang panig ng cake house. “Ano’ng gagawin doon? Sasahurin sa baso?” tanong ni Diosa. “Hindi. Nakikita mòyang mga prutas at biskuwit sa paligid? Tutusukin mòyon ng stick, `tapos, paliliguan mo ng tsokolate. Masarap `yan.   Laging may ganyan doon sa hotel. Um-­‐order muna tayo, `tapos, subukan mo mamaya.” Tumango ito. Pumuwesto sila sa mesa di-­‐kalayuan sa entrada para makita agad niya si Rudy. Um-­‐order si Diosa ng chocolate cake, ice cream, at milk shake. Nang tanungin ito ng waitress kung gusto nitong subukan ang chocolate fountain habang hinihintay ang order nila ay tumango ang dalaga. Iniwan siya sa mesa at nilusob nito ang fountain.   Namataan na niyang papasok si Rudy kaya hinayaan na lang muna niya si Diosa. Huminto si Rudy sa tapat ng mesa niya. Tumayo siya at mahigpit silang nagkamay. “Kumusta, pare?” “Mabuti,” sagot ni Macoy. “Pasensiya ka na, ha? May mga gusto lang akong malaman tungkol sa nangyari dati sa tindahan ng alahas ng tita mo.” Umupo si Rudy sa kaibayo niyang silya.   “Gusto ko lang malaman, pare, bakit ka interesado?” Alam niyang bago niya makuha rito ang mga kailangan niyang impormasyon ay may mga bagay siyang dapat isiwalat. Ilang araw niya iyong pinag-­‐isipan. Sa huli, nangibabaw ang hangarin niyang matukoy kung sino ang pumaslang sa kanyang ama. “Tatay ko ang sinasabi ng tita mo na customer niya noong oras na pinagtangkaan siyang   nakawan ng dalawang lalaki,” pagtatapat ni Macoy. “Hindi customer ang tatay ko, nagpapanggap lang siya. Balak din niyang nakawan ang tita mo.” Matagal na hindi nagsalita si Rudy. Pagkatapos ay bigla itong umiling at tumawa. “I didn’t know the guy was your father. Like father, like son pala talaga, ano?” Hindi siya nagkomento. “Your father ended up saving my aunt’s life.”   Isinilbi ng waitress ang kape niya at mga order ni Diosa. “Sàyo lahat `yan?” tanong ni Rudy. “Hindi. Sa kasama ko. Hayun siya.” Itinuro ni Macoy si Diosa. Puno na ang hawak nitong platito ng iba’t ibang prutas at biskuwit na pinaliguan ng tsokolate. “Ah. .” Parang walang maisip na sabihin si Rudy tungkol kay Diosa. Binalingan uli niya ang lalaki. “Ano raw ba   talaga ang nangyari, pare?” Hindi niya kailanman tatanggapin na kasamahan ng tatay niya ang mga magnanakaw. Na lumakad ang tatay nang araw na iyon na may ibang mga kasama. Na sa huling pagkakataon ay bigla nitong naisipang mag-­‐iba ng modus operandi. May mali sa scenario ng mga pulis. Unang dinig pa lamang niya sa salaysay ng mga ito ay batid na niyang hindi ganoon ang tunay na nangyari. “Pagkatapos ng nangyaring holdup-­‐an ay   sobrang shocked si Tita. Naospital siya at hindi makausap nang ilang linggo. By the time na okay na siya, sarado na ang kaso. Hindi na interesado ang mga pulis sa sasabihin niya. Nasa States na siya ngayon. Ayaw siyang pauwiin nina Papa at ng ibang kapatid nila dahil hindi naman nahulìyong dalawang robbers. Natatakot kami na baka balikan nila si Tita. Pumasok sila sa tindahan in broad daylight. Wala man lang silang suot na bonnet. They intended to kill her, pare.”   Tumango si Macoy. Naiintindihan niya iyon. “When I called her up after your call, ikinuwento niya sa akin ang nangyari. This customer—na ayon sàyo, eh, tatay mo—tried to fight off the robbers and. . I know you won’t like it, Macoy. But my aunt is certain that your father knew those guys.” “S-­‐sigurado ka, pare?” Tumango si Rudy. “Bago raw kasi talagang nag-­‐snap out of it si Tita, nasabi pa niya sa mga   pulis na kakilala n’ong customer `yong dalawang magnanakaw.” Kung ganoon ay may totoo rin pala sa salaysay ng mga pulis sa kanya. “Ang sinasabi ba ng tita mo ay kasabwat ang tatay ko sa tangkang pagnanakaw?” Bago pa makasagot si Rudy ay may pumasok na isang babae at tatlong matabang bata sa cake house. Binati si Rudy ng babae na ginantihan ni Rudy ng ngiti at tango. “Mga neighbor ko sa itaas.   Ang kukulit ng tatlong `yan,” pabulong na sabi ni Rudy, saka inginuso ang tatlong bata na mas malaki pa kaysa sa nanay ng mga ito. Lumapit ang mga ito sa kinaroroonan ni Diosa. Bumuntong-­‐hininga si Rudy. “Anyway, I really don’t know, pare. Ang sinasabi ko lang sa iyo ay `yong sinabi ng tita ko.” “May basehan ba ang tita mo para masabi niyang kakilala ng tatay kòyong mga magnanakaw?”   “Sinigawan at minura daw ng tatay mòyong isa. Something like, ‘`Tang’na mo, Felix! Hindi ito ang usapan.’” Parang huminto sa pagtibok ang puso ni Macoy. “Sigurado siya, iyon ang narinig niyang pangalan?” “I think so. Alam ko ang iniisip mo, Macoy. Iyan din ang unang pumasok sa isip ko. Coincidence lang ba o iisa lang ang Felix na iyon at iyong kasama mo no’ng kidnap-­‐in mo ako.”   “Hindi ako naniniwala sa coincidence-­‐ coincidence na ganyan.” Bumuntong-­‐hininga si Rudy. “Maski paano, pare, may koneksiyon ang pamilya ko. Hayaan mong batas na lang ang maningil sa kanya.” Hindi siya nagsalita. Ayon sa mga pulis ay malaya pa rin si Felix. Tumakbo ito kasunod ni Rudy habang nakikipagbarilan si Samboy at iyong nabaril niya sa hita. “Gusto kong isipin na nagkakamali ako ng   akala, pare,” sabi ni Rudy. “Pero kung hindi, isipin mo rin sana ang sasabihin ko. Hindi gugustuhin ng tatay mo na mapahamak ka.” “Salamat, pare. Ano man ang mangyari, hindi ko ito makakalimutan.” “Anak din ako. To a certain point, naiintindihan kita. Pero sana, isipin mo rin na may kinabukasan ka pa. Puwede ka pang maging maligaya at mabuhay nang tahimik.” Napayuko si Macoy. Paano ba niya sasabihin   kay Rudy na nang mga sandaling iyon ay walang puwang sa isip niya ang kinabukasan, kaligayahan, at katahimikan na sinabi nito? Si Felix ang pumatay sa kanyang tatay kaya sisingilin niya ito. Ilang sandali pa silang nag-­‐usap ni Rudy bago sabay na tumayo. “Ingat ka, pare,” sabi nito nang magpaalam. Pinisil pa ang balikat niya. Tumango siya. “Salamat.”   Inginuso ni Rudy si Diosa. “Mukhang napapa-­‐ trobol nàyong kasama mo doon sa tatlong batang kapitbahay ko.” Tinapik uli siya ni Rudy sa balikat bago ito lumabas ng cake house. Nilingon ni Macoy si Diosa. Ipinapagpag na ng marahil ay pinakabunso sa tatlong matabang bata ang strawberry yata na puno ng tsokolate kay Diosa. Nagtalsikan si Diosa ng tsokolate sa mukha at damit. Tinawag niya ang dalaga pero parang wala itong narinig. Pumantay ito sa matabang   bata at winisikan din iyon ng tsokolate sa mukha. Lumapit na siya at baka kung saan pa iyon mauwi. May kausap sa cell phone ang nanay ng tatlong bata kaya mukhang hindi pa nito alam ang nangyayari. Pero kapag nagsumbong dito ang isa sa tatlong bata, baka mapaaway si Diosa. “Tama na—” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil hinawakan na ng panganay siguro sa tatlo ang likod ng ulo ni Diosa, sabay tulak sa dalaga sa chocolate fountain. Napangudngod   doon si Diosa. Napasigaw ang mga crew. “Diosa!” sigaw rin niya. Sisinghap-­‐singhap si Diosa nang magtaas ng mukha. Mistula itong nakasuot ng maskara ng brown. “Macoy.. ” Umiyak ito. Natigilan si Macoy. May nag-­‐flash back sa isip niya sa nakitang hitsura nito. Mabilis na mabilis iyon at bigla ring nawala kaya hindi niya napiho kung ano. Dinaluhan ito ng dalawang waitress. Kinastigo ng nanay ang tatlong bata. Pero pilit pa   rin niyang hinahagilap sa isip ang dumaang alaala. “Sa ladies’ room po tayo, Ma’am,” anang isang waitress. Sumama si Diosa sa waitress. Ilang minuto ang lumipas bago lumabas ang mga ito. Paglabas ni Diosa ay burado na pati makeup nito. Mabuti naman, sa loob-­‐loob niya. Mas gusto niyang wala itong makeup. Kapag kasi naka-­‐ makeup ang dalaga, parang wala nang susunod   na araw para dito. Mangiyak-­‐ngiyak na lumapit si Diosa sa kanya. “Nakakainis.” “Pumapatol ka kasi sa bata,” paninisi niya. Dinabugan siya nito. “Ikaw ang nakakainis! Tumunganga ka lang, hindi mo ako tinulungan!” “S-­‐sorry, nabigla kasi ako. Hindi na ako nakasunod sa CR. Pasensiya na.” Pero hindi mawala sa isip niya kung bakit pamilyar sa kanya ang mukha nito nang masubsob sa tsokolate.

 

CHAPTER EIGHTEEN

PALINGA-­‐LINGA si Diosa habang patiyad na naglalakad sa hallway. Malakas ang volume ng TV sa loob ng kuwarto ng inay at tiyuhin niya kaya natitiyak niyang hindi siya maririnig ng mga ito. Patiyad na tumakbo siya at huminto sa tapat ng silid ni Celeste. Tinawagan ito ng mga katropa nito at tiyak niyang madaling-­‐araw na uuwi ang kapatid.   Gamit ang duplicate key, binuksan ni Diosa ang pinto ng kuwarto ni Celeste at pasimpleng pumasok siya roon. Nilagpasan niya ang mga kalat at agad na lumapit sa cabinet para humanap ng puwedeng “pitikin” doon. May nakita siyang relo. Bago pa iyon dahil kasama siya noong bilhin nito iyon. Ang credit card niya ang ginamit niyang pambayad sa relo. Ibinulsa ni Diosa ang relo at patiyad uli na lumapit sa pinto. Sumilip sa labas niyon. Tahimik   pa rin ang paligid. Lumabas siya at maingat na isinara ang pinto. Patiyad na nagtatakbo siya pababa ng hagdan. Nakasalubong niya si Uncle Bogart. May hawak ito na beer in can. “Hi, Uncle.” Nakalitaw ang lahat ng ngipin niya sa pagkakangiti rito. “Nasaan si Henry?” tanong nito. “Hindi ko po alam. Nasa labas siguro, nagpa-­‐ pahangin.” Nang lampasan siya ni stepfather ay nagtungo siya sa silid ni Nene. Katabi ng kusina   ang kuwarto ni Nene. Kasinlaki lang iyon ng banyo niya sa silid. Huminga siya nang malalim bago kumatok sa pinto. Pinagbuksan siya nito. “Bakit?” Halatang hindi ito natuwang makita siya. “Makalat sa kuwarto ko, linisin mo muna,” utos niya. Nagkalat siya sa kuwarto niya bago siya lumabas doon. Ginawa niya iyon para siguradong matagalan si Nene sa paglilinis. “Kalilinis ko lang n’on bago ka umakyat,”   angal nito. “Makalat na uli, eh. Bakit nagrereklamo ka? Gusto mong mawalan ng trabaho? Palitan mo ng kober `yong kama ko. Gusto ko, `yong pusya.” “Kapapalit ko lang n’on kahapon, ah. Aksaya sa sabon kung lalabhan ko na naman.” “Ano nga ang pakialam mo, iyon ang gusto ko?” “May kakilala akong mayaman na naghirap dahil sa pag-­‐aaksaya ng sabon.” Iningusan siya ni   Nene at padabog na nilagpasan sa pinto. “Pangit!” pahabol na sabi ni Diosa. “Manalamin ka kaya?” malakas na sabi nito. “Talaga!” Nang masiguro niyang nasa itaas na si Nene ay pumasok siya sa silid nito. Hinila niya ang maleta nito sa ilalim ng kama at isiniksik sa mga damit nito ang relo ni Celeste. Kahit ang kapatid niya ang nagdala kay Nene sa bahay niya, kapag nakita nito sa gamit ni Nene ang relo, tiyak na ito mismo ang magpapatalsik kay Nene.   “Ang wais ko talaga.” Bumaling si Diosa sa pinto. Napatda siya sa bilog na salaming nakapatong sa maliit na mesa malapit sa pinto. Hindi kumukurap at nakaawang ang mga labi niya habang nakatingin sa repleksiyon niya. Napakakapal ng nakalugay niyang buhok at parang nakataas ang mga butas ng kanyang ilong. Pagkurap niya ay napatingin siya sa nakakuwadrong larawan ni Nene na katabi ng salamin. Makintab ang buhok ng dalaga.   Nakangiti ito at hindi nakataas ang mga butas ng ilong. May nakaipit na bulaklak sa kanang tainga ng dalaga. Nagpalipat-­‐lipat ang tingin niya sa salamin at sa larawan ni Nene. “Ah, buwisit!” Padabog na lumabas siya ng pinto. Umakyat siya sa kanyang kuwarto. Winawalis pa lamang ni Nene ang mga ikinalat niyang nilamukos na toilet paper. “Parang sinadya mo namang magkalat para pahirapan ako, eh,” nagrereklamong sabi nito.   “Ang dami mong satsat. Lumayas ka na! Tsupi! Matutulog nàko!” “Hindi ko pa napapalitan ng pusya ang bedsheet,” nakakalokong sabi nito. “Ayoko na ng pusya. Alis na sabi! Dalhin mòyang walis.” Itinulak na niya ito palabas ng pinto at pabalabag na isinara iyon. Bakit sa salamin ni Nene ay hindi siya gaanong maganda? Siguro ay dahil wala siyang makeup. Umupo siya sa harap ng tokador at nagsimulang mag-­‐makeup para   pagpasok ni Macoy ay magandang-­‐maganda siya. Sa silid niya natutulog ang binata pero may sarili itong tulugan. Itinatago nila iyon sa cabinet niya na laging nakakandado. Kung magandang-­‐ maganda siya pagpasok ni Macoy, baka maisipan nitong tumabi sa kanya sa kama at yakapin siya, kagaya sa napanood niyang pelikula nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Yayakapin siya ni Macoy. Magkakatitigan sila hanggang sa unti-­‐ unting lalapat ang mga labi nito sa mga labi niya.   Mabibigla siya kaya itutulak niya ang binata. Pero magpupumilit itong halikan siya. Hindi na niya mapipigilan ang sarili kaya yayakap na rin siya rito at sasambitin niya ang pangalan nito. Napapikit siya sa pangangarap. “Oh, Macoy.. ” “Oh, Diosa! Kay tagal kong inasam ang sandaling ito. Mahal na mahal kita.” Hinalikan siya ni Macoy at niyakap nang mahigpit.   NAGKUKUBLI si Macoy sa grills sa tabi ng palm tree sa sulok ng bakod. Kanina pa sana niya nakausap si Tootsie pero inabala siya ni Bogart at inalok ng beer. Mabuti na lang at hindi pa niya naida-­‐dial ang cell phone number ni Tootsie. Kung nagkataon ay baka narinig na siya ni Bogart. Hindi niya naramdamang lumabas doon ang lalaki. Dahil sa kagustuhan niyang matunton si Felix ay nawawala ang konsentrasyon niya sa pagpapanggap.   “Alam ko kung nasaan ka, Tootsie. Alam ko ring alam mo kung nasaan si Felix. Magsabi ka na at hindi ka magsisisi,” sabi ni Macoy. “Hindi ko nga alam. Si Papa Macoy talaga. .” “Makinig ka. Babayaran ko ang impormasyong ibibigay mo. Magkano ang gusto mo? Beinte mil?” “Mapera ka na? Ano’ng raket mo?” “Huwag mo nang alamin. Magkita tayo bukas nang alas-­‐diyes ng umaga sa Oriental Palace sa Ortigas. Kapag hindi ka dumating, alam mo na   ang mangyayari sàyo. Hindi ako nagbibiro.” “Sige, pupuntahan kita. Paano ka ba nakalaya?” Parang may kumaluskos sa kaliwa niya. Nang silipin niya ay wala siyang nakita. Hindi na niya sinagot ang tanong ni Tootsie. Pinindot na niya ang End call button. Magkikita rin tayo, Felix. Ibinulsa niya ang cell phone at nagtungo sa kuwarto ni Diosa. Pagbukas niya ng pinto ay ang malamlam na liwanag na lang ng lampshade ang   nagbibigay ng liwanag sa silid. Tulog na si Diosa. Nasa ilalim ito ng makapal na kumot. Pero bigla itong kumilos at tumihaya. Natanggal ang kumot nito at tumambad sa kanya ang ayos nito. “Susmaryosep!” Napaantanda at napalunok si Macoy. Manipis at maiksi ang pantulog ni Diosa kaya kitang-­‐kita niya ang magandang hubog ng katawan at pulang bikini nito. Napakakinis ng balat nito. Bumilis ang tibok ng puso niya. Kusang humakbang ang mga paa niya palapit sa kama.   Gusto niyang hawakan ang dalaga. Nakatagilid at natatakpan ng buhok ang mukha ni Diosa. Kumilos ang dalaga paharap sa kanya kaya nalantad sa kanya ang mukha nito. Naaliw siya nang makitang naka-­‐makeup ito. Napakapula ng mga pisngi at mga labi nito. Napaatras siya pero nilapitan uli niya ang dalaga. Kinuha niya ang dulo ng kumot at kinumutan ito nang maayos. Iniwasan na lang niyang mapatingin sa dibdib nito at sa makurbang   balakang at baywang nito. Pagkatapos ay pumasok na siya sa banyo. BUMALIKWAS si Diosa. Bakit hindi siya tinabihan ni Macoy? Bagkus ay kinumutan pa siya. Ano ba, Macoy? Bakla ka ba? Naiinis na pinagpapalo niya ang kama at unan. Eksaktong lumabas ng banyo si Macoy. Napahinto siya at napatitig sa binata. Wala na itong damit-­‐pang-­‐ itaas. Mukhang bagong hilamos ito dahil basa ang mukha.   “Akala ko, tulog ka na?” ngingiti-­‐ngiting tanong nito. Sa halip na sumagot ay nagtalukbong siya ng kumot. “Inaakit mo ba ako kanina, ha? Nagtulog-­‐ tulugan ka pa diyan. Ano ka, si Sleeping Beauty?” Tahimik na nanggigil siya sa inis.  INALOK si Diosa ng nanay niya ng mga mamahaling bra. Pero hindi niya maintindihan   ang sinasabi nito dahil balisa siya. Naririnig kasi niya ang pagdadabog ni Celeste mula sa itaas ng bahay. “Hindi ako nakakuha ng bagong brochure at price list kaya luma pa ang presyong nandito. Nag-­‐increase na raw nang ten percent ang presyo,” anang nanay niya. “Po?” Nakatingin si Diosa sa itaas ng hagdan. Kinakalampag na ni Celeste ang pinto ng kuwarto ni Wally. Napangiwi siya. Si Wally at hindi si   Nene ang pinagbibintangan nitong kumuha ng relo. “Kayàyong order mong tatlong bra at tatlong bikini, bale four-­‐seven lahat. Bigyan mo na ako ng five thousand para pamasahe ko na lang `yong sukli. Kukunin ko na ang order mo para magamit mo na.” Napatingin siya sa nanay niya. Parang natauhan siya sa presyong sinabi nito. “Limang libo?”   “Hindi ka ba nakikinig? Mamahalin talaga ang Triumph. Sobrang tibay naman kaya matagal mong mapapakinabangan. Akina ang pera at aalis na ako para makabalik ako nang maaga.” “O-­‐opo.” Tumayo na si Diosa mula sa sofa. Napatda siya dahil may kumalampag at kumalabog uli sa itaas ng bahay. “`Nay, nag-­‐ aaway sila.” “Celeste! Wally! Tumigil nga kayo! Hindi na kayo nahiya sa Kuya Henry n’yo na   nagpapahinga riyan!” sigaw ng nanay niya. Magigising yata maski bangkay sa lakas ng sigaw nito. Pero parang walang narinig ang mga kapatid niya. Panay pa rin ang pagsisigawan. Umulan ng mura at mga salitang gaya ng “addict,” “immoral,” “magnanakaw,” at “demonyo.” Napatili si Diosa nang gumulong sa hagdan si Celeste. Huminto ito sa gitna, tumayo, at saka tumakbo pababa ng hagdan. Parang hindi sila   nakita nito. Dumeretso ito sa kusina. “Bogart!” sigaw ng nanay niya. “Nasaan na naman ba ang lintik nàyon?” “Parang lumabas po siya kanina. Hindi ko alam kung bumalik na.” Bumalik si Celeste. May dala itong kutsilyo at humahangos na umakyat sa hagdan. Pinigilan ito ng nanay nila pero parang wala itong narinig. “Tutuluyan na kita, adik ka!” Nanginig ang buong katawan ni Diosa.   Nanariwa sa alaala niya ang anyo ni Manang Lita noon habang nakabulagta at duguan. “Ano na naman `yon, Zenaida?” pabulyaw na tanong ni Uncle Bogart. Hindi na niya napansin kung saan ito nanggaling. Ang alam niya ay kasunod nito si Nene na abala sa pagsusuklay ng buhok. Tinalakan ng nanay niya si Uncle Bogart. “Kanina pa nagkakagulo rito, ngayon ka lang nagpakita? Saan ka nanggaling?” Tiningnan ng   nanay niya nang matalim si Nene. “Mga putang ina kayo. .” Natigilan ang nanay niya nang marinig nila ang sigaw ni Macoy. “Takbo, Wally! Takbo!” Hindi nagtagal ay humahangos na bumaba ng hagdan si Wally. Dere-­‐deretsong lumabas ito ng bahay. Nagsisigaw si Celeste sa itaas ng bahay, minumura si Macoy at sinabihang huwag makialam. Sumugod sa itaas ng bahay ang nanay at Uncle Bogart niya.   Umupo sa sofa si Nene. Panay pa rin ang pagsusuklay nito. “Bakit ba sila nag-­‐aaway?” Hindi makasagot si Diosa. Kasalanan niya ang lahat. Pati tuloy si Macoy ay nalagay sa alanganin. Hindi siya makakilos sa kinatatayuan. Natakot siyang makita kung ano ang nangyari kay Macoy. Baka duguan ito dahil sinaksak ni Celeste. Nang pagapang na bumaba si Macoy ng hagdan at nakita niyang may dugo ang mga kamay nito ay nanlamig siya at unti-­‐unting dumilim ang   kanyang paligid. Ang huling narinig niya ay ang malakas na sigaw ni Nene. “Sir Henry!”  NAPABALIKWAS si Diosa at napatitig sa mukha ni Macoy na nakatunghay sa kanya. “Macoy. .” paanas na sabi niya. Nang matiyak niyang buhay ang binata ay hindi niya napigilan ang sariling yakapin ito. “Macoy.. Buhay ka, Macoy.” Kumalas ito sa kanya. “Sshh. . Baka marinig ka   nila at magduda sila. Kanina pa ako nagta-­‐ Tagalog. Ano’ng pakiramdam mo?” Inabot nito ang isang basong tubig sa mesitang katabi ng kama at ibinigay iyon sa kanya. “Uminom ka muna.” Napatingin si Diosa sa kamay ng binata na may taling panyo. “May sugat ka?” “Nagkamali ako ng hawak sa kutsilyo. Ang bangis ng kapatid mo. Ano ba’ng ikinagalit n’on?” Naumid siya.   Hinaplos ni Macoy ang buhok niya at saka ito tumayo mula sa silya. “Sige, magpahinga ka na muna rito. May kakausapin lang akong kakilala.” “Huwag mo akong iwan.” “Dito ka muna. Hindi naman ako magtatagal. Saglit lang ako, promise.” Nakangiti ito pero nahalata niyang nakatuon sa ibang bagay ang isip. Alam din niyang hindi niya ito mapipigilan. At kahit magpilit siyang sumama ay hindi siya isasama nito.   “Bilisan mo, ha?” “Oo.” Yumuko si Macoy at hinagkan siya sa noo. “Huwag ka na munang lumabas. Mainit pa ang ulo ni Celeste. Baka ikaw naman ang mapagbalingan niya ng galit.” Kinuha nito ang backpack at saka lumabas ng silid. Dinama ni Diosa ang kanyang noo at napangiti siya. Parang puputok ang dibdib niya sa kasiyahan. Bumaba siya ng kama para silipin si Macoy sa bintana. Hinawi niya ang kurtina at   binuksan ang bintana. Inihanda na niya ang sarili para sa pagtawag dito. Ipa-­‐flying kiss niya ito. Pero hindi na niya nagawa iyon dahil kitang-­‐kita niyang kasunod nito si Nene. Sumakay ang mga ito sa sasakyan niya. Kaya pala ayaw siyang isama ni Macoy at parang malayo ang iniisip nito ay dahil kasama nitong aalis si Nene. Hindi nga naman nito sasabihin iyon. Ang halik nito sa kanyang noo, halik pala ni Hudas.   NAKISABAY kay Macoy si Nene hanggang sa pinakamalapit na supermarket. Pero duda siya na iyon lang ang pakay ng babae sa kanya. Parang may iba pa itong iniisip. Nainis siya. Male-­‐late siya sa usapan nila ni Tootsie. Baka umalis si Tootsie nang hindi sila nagkakausap. “What is it?” paasik na tanong niya kay Nene. “Huwag ka nang mag-­‐Ingles. Alam ko namang magaling kang mag-­‐Tagalog,” kaswal na sabi ni Nene. Inilabas nito mula sa malaking wallet ang   nameplate niya sa hotel. “Nakita ko ito sa bulsa ng pantalon mo noong maglaba ako, Macario Paras,” tila nang-­‐uuyam na sabi nito. “Madali namang i-­‐confirm sa hotel kung ikaw nga ito. May picture ka kaya sa Web site nila.” Nagulantang si Macoy. Hindi siya makapagsalita. Gusto niyang malaman kung hanggang saan na ang nalalaman nito bago siya umaksiyon. “Narinig kita kagabi. May kausap ka sa cell   phone. Ang bilis-­‐bilis mong mag-­‐Tagalog.” Laglag ang mga balikat niya. Batid niyang hindi na siya makakalusot kay Nene. Malamang sa hindi ay iba-­‐blackmail siya nito. “Ano’ng gusto mo?” “Hindi ako ang may gusto, si Celeste.” Napahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Mas malaking problema kung alam na rin ni Celeste ang tungkol sa pagpapanggap niya. “Kung hindi mo raw gagawin ang gusto niya,   ipapapulis ka nila.” Napasulyap siya rito. “Pulis? Ano ang ikakaso nila sàkin?” “Nanloloko ka. Niloloko mo sina Celeste.” Bahagyang nakahinga nang maluwag si Macoy sa sinabi ni Nene. Hindi nito nasagot nang deretso ang tanong niya kaya natitiyak niyang wala pang ibang alam si Celeste at ang mga magulang nito tungkol sa kanya maliban sa pangalan niya. Pero kahit kampihan pa siya ni Diosa, kapag pumunta   sa mga pulis si Celeste, mahahalukay ang records niya at magkakaroon ng basehan ang sumbong na manloloko siya. Patay kang bata ka! “Ano’ng gusto niyang gawin ko?” “Mag-­‐empake ka na mamaya at sabay tayong aalis. Hayaan mong isipin ni Diosa na nagtanan tayo.” “Ha?” gulat na sabi niya. “Hindi ka na raw magpapakita kay Diosa kahit   kailan.” Kinabahan siya. “Ano’ng balak nila kay Diosa?” Ngumiti lamang ito bilang sagot.

 

CHAPTER NINETEEN

PAGKATAPOS magmukmok at umiyak nang umiyak ni Diosa nang ilang oras sa silid niya ay naisipan niyang lumabas at abangan si Macoy sa gate. Sa isang tipak ng pandekorasyong bato siya umupo, katabi ng naghihingalo nang halaman na hindi dinidilig ni Nene. Dalawang oras na yatang nakaupo roon si Diosa pero wala pa rin siyang balak na pumasok   sa bahay, kumain, o uminom man lang ng tubig. Desidido siyang abangan ang pag-­‐uwi nina Macoy at Nene. Makakatikim sa kanya ang dalawang ulupong na iyon. Parang dinudurog ang puso niya kapag naiisip na naglalambingan ang mga ito. “Buwisit talaga.” Mariing hinimas niya ang mga dahon. “Hello!” Nagtaas siya ng mukha. Si Gino ang nakita   niya. Gaya ng dati ay nakabisikleta uli ito. Umibis ng bisikleta ang lalaki at inihiga iyon sa bangketa, saka umupo roon. “Ang lalim yata ng iniisip mo. Kumusta ka na? Dito ka nga.” Itinuro nito ang katabing espasyo. Lumipat siya roon. “Malungkot ka?” Tiningnan niya si Gino. Dahil sa tanong nito ay lalo siyang nalungkot. Inakbayan siya nito. “Kaya mòyan. Lahat naman tayo, may problema.”   “Parang hindi ko kaya ang problema ko. Ang sakit-­‐sakit. .” “Sshh. . Isipin mo na lang na kaibigan mo ako. Kaya mo naman siguròyon?” Bahagyang lumuwag ang dibdib ni Diosa dahil sa paglalambing nito. Tumango siya. “Good, good. From now on, magkaibigan na tayo. Halika, pasyal-­‐pasyal tayo.” Hinawakan nito ang isang kamay niya.   Hah! `Tsura mo lang, Macoy. Kung kaya mong magtaksil, kaya ko rin. Mas malapad yata ang kaha ni Gino kaysa sàyo. “Matanong ko pala, ano ang work mo?” tanong ni Gino. Naglalakad na sila at akay-­‐akay nito ang bisikleta. “Ha? W-­‐wala. Dito lang ako sa bahay,” sagot niya. “Ows? Ang sabi mo, nabili mòyong bahay mo. Paano mòyon nabili kung wala kang work?”   “A-­‐ano kasi. . may boyfriend ako na English. Siya ang bumili n’ong bahay ko.” “May boyfriend ka?” Tumango si Diosa. “Ang kaso, inakit siya ng katulong namin.” “Marami yatang pera ang boyfriend mo, aakitin nga siya. Foreigner ba?” “O-­‐oo. Pero Pilipino ang nanay niya. Duke ang tatay niya.” “Duke? Sa England lang may mga gano’n, ah.”   “Tagaroon siya.. si Henry.” “Marami nga siyang pera.” Tumango-­‐tango si Gino. “Ang ibig sabihin, siya ang nagsusustento sàyo at sa pamilya mo?” “Oo,” sagot niya. “Problema ngàyong katulong n’yo kung gano’n. Gusto mong tulungan kita? Pag-­‐usapan natin bukas, kung okay lang sàyo.” Napatitig siya kay Gino. “Tutulungan mo ako? Ang bait mo talaga.”   “Magkaibigan na tayo, `di ba? Ang magkaibigan, nagtutulungan sa mga problema nila. Kung ako ang magkaproblema, hindi mo ba ako tutulungan?” “Tutulungan, siyempre.” Hanggang tainga ang pagkakangisi ni Gino. Ginaya niya ito kaya nagngisihan sila. Pero unti-­‐ unting naglaho ang ngiti niya nang mamataang parating ang sasakyan niya. Lulan niyon sina Macoy at Nene. Base sa anyo ng dalawa, sa tingin   niya ay may unawaan na ang mga ito. Awtomatikong kumapit si Diosa sa braso ni Gino at kumendeng sa paglalakad. Nagkunwari siyang masaya at walang napansin.  TINGNAN mo ang asal, sa loob-­‐loob ni Macoy. Gusto niyang kausapin o senyasan man lang si Diosa na may problema sila. Pero sa halip na umuwi ito dahil nakita sila ni Nene, nilagpasan pa sila at kumendeng. Ano ang nakita ni Diosa sa   lalaking kasama na mukhang callboy? Halata namang inuuto lang ito ng lalaking iyon. Ang ikinagagalit niya nang husto ay parang walang nakita si Diosa. Hindi man lang sila sinalubong. Paano niya babalaan ito? Ipinatapon ni Nene ang SIM card niya bago sila bumalik sa bahay. Pagbaba nila ni Nene ng sasakyan ay sinalubong sila ni Celeste. Sinabihan siya nito na mag-­‐empake. Nakabantay si Celeste at si Nene sa kanya habang ginagawa niya iyon.   PAGBALIK ni Diosa mula sa pamamasyal nila ni Gino ay sinalubong siya ni Celeste sa gate. Seryoso ang mukha nito. “Halika sa loob, Ate Diosa. Mag-­‐usap tayo.” Binalingan niya si Gino at nagpaalam dito. “Sige, Gino. Papasok na ako.” Tumango ang binata. Nagkumustahan muna si Gino at si Celeste bago nagpaalam ang lalaki. Magkakilala pala ang dalawa.   “Doon na lang tayo sa kuwarto mo mag-­‐usap,” sabi sa kanya ni Celeste. Napilitang tumango si Diosa. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan. Magkasabay na umakyat sila sa kanyang silid. Isinara agad ni Celeste ang pinto pagpasok na pagpasok nila. “Hindi na babalik si Henry o si Macario Paras. Nagtanan na sila ni Nene. Sabihin mo nga sa akin ang totoo. Saan nanggaling ang pera mo?” Nagulantang siya sa sinabi ng kapatid.   Nanginig yata ang buong katawan niya. “N-­‐ nagtanan? Kauuwi lang nila, ah.” “Ang tanong ko ang sagutin mo. Ang sabi mo, hindi ka mayaman dati. Yumaman ka lang dahil kay Henry. Pero walang Henry! Palabas n’yo lang palàyon ni Macario Paras. Niloko n’yo kami. Bakit?” Umiling-­‐iling si Diosa. “Hindi nagtanan si Macoy. Babalik siya.” “Hindi na nga sabi!” pasinghal na sabi nito.   Nag-­‐hysteria na siya. “Hindi puwede! Hindi ako papayag! Mahal ko si Macoy.” Niyugyog siya nito sa mga balikat. “Huminahon ka. Sapakin kita diyan, eh. Tumigil ka.” Itinikom niya ang bibig pero kumawala pa rin doon ang iyak at tili. Hindi puwedeng si Nene ang gusto ni Macoy. Kasalanan niya kung bakit nangyari iyon. Bakit ba kasi siya sumamang mamasyal kay Gino? Napigilan sana niya ang   pagtatanan ng dalawa. Kaya pala hindi man lang siya binati ni Macoy. Hinding-­‐hindi niya kayang tanggapin iyon. Isinalya siya ni Celeste sa kama. “Kung gusto mong makita uli si Macoy, sabihin mo sa akin ang totoo. Bakit ka may pera? Bakit mo kami niloko?” Bumalikwas siya sa kama at sinunggaban ang cell phone niya sa tokador. Tatawagan niya si Macoy. Nanginginig pa rin ang mga kamay niya habang nagda-­‐dial. Hindi na makontak ang   number ni Macoy. Out of reach daw. “Ano?” tanong ni Celeste. Napamaang siya rito. “H-­‐hindi ko makontak si Macoy.” “Kung gusto mo nga siyang mahanap, tutulungan kita. Pero magsabi ka muna ng totoo. Magkapatid tayo. Dapat, magkakampi tayo. Hindi dapat tayo naglilihim sa isa’t isa, hindi ba, Ate?” Napatitig siya sa kapatid. Nang mga sumunod   na sandali ay namalayan na lang niyang nagtatapat dito. BUMALIKWAS ng higa si Diosa. Basang-­‐basa siya ng pawis pero nanlalamig siya. Hindi niya alam kung galing siya sa pagtulog o gising na siya kanina pa. Ang alam lang niya ay may mga magnanakaw sa bahay niya. Naramdaman niya ang yabag ng mga ito mula sa iba’t ibang bahagi ng bahay. Papatayin silang lahat ng mga ito. Hindi siya papayag na mangyari iyon.   Kailangan niyang mag-­‐isip para malipol ang mga ito. Bumaba siya ng kama at patiyad na lumakad patungo sa tokador. Nanginginig ang buong katawan na kinuha niya ang cell phone. Tumawag siya sa guardhouse ng village at sa pinakamalapit na presinto. Mabuti na lang, tiniyak ni Ate Ching na nasa cell phone niya ang lahat ng numerong iyon bago ito umalis. Nang maisip niya si Ate Ching ay bigla niya itong na-­‐miss. Napahikbi siya. Simula na naman   iyon para maisip niya ang mga masakit na pangyayari sa buhay niya. Hindi talaga siya mahal ni Macoy. Ipinakita sa kanya ni Celeste ang larawan nito at ni Nene. Magkayakap at halatang masaya ang dalawa. Napahagulhol na siya. “Hello?” anang guwardiya. Ipinilig ni Diosa ang ulo. Humikbi siya at saka pabulong na nagsalita. “Nandito na sila. Nasa loob sila ng bahay. Papatayin nila kami.” “Ano’ng sinasabi mo, Miss Tanyag? Si Miss   Diosa ba ito? Number n’yo ang nasa caller ID.” Hindi niya ito pinakinggan. “Mga magnanakaw. Marami sila. Meron sa bubong. Tulungan n’yo kami, para n’yo nang awa.” “Nasaan po kayo?” “D-­‐dito sa kuwarto ko. Nasa labas sila. Marami sila. Naririnig ko sila.” “Huwag po kayong lalabas ng kuwarto. Baka po armado sila. Darating na po kami. Iaalerto na rin namin ang mga pulis.”   Tinawagan din ni Diosa ang istasyon ng pulis at inulit ang sumbong niya. Sa pagkakataong iyon ay sumigaw na siya. “Nandito na sila! Papatayin kami! Bilisan n’yo. Marami sila!”  GANOON na lang ang kaba ni Macoy nang makita ang dalawang mobile patrol at mga security guard na sumugod sa bahay ni Diosa. Pumasok agad sa isip niya na may nangyari sa dalaga. Alam niya kung gaano kabayolente sina   Celeste at Wally. Baka napag-­‐initan uli ng mga ito si Diosa. Ipinatapon ni Nene ang SIM card niya— sa utos din daw ni Celeste—para siguradong hindi niya makokontak si Diosa. Sa kamalasan, gaya ng karamihan, wala siyang ibang listahan ng mga numero sa SIM card niya. Umatras si Macoy mula sa pinagkukublihang halaman nang makita niyang bumaba ng mobile ang mga pulis. Hindi siya puwedeng makita roon ng kahit sino dahil tiyak na pag-­‐iisipan siya nang   masama. Bawal na siyang magpakita sa village. Nalaman lang niya iyon noong nagdaang linggo. Pupuntahan at kakausapin sana niya si Diosa pero hinarang siya ng mga guwardiya. Ipinagbawal daw ng pamilya Tanyag na papasukin siya sa village. Noong una ay gusto na niyang sumuko, lalo na at may inaasikaso rin siyang mga personal na bagay. Pero nanaig ang pag-­‐aalala niya sa kalagayan ni Diosa. Sa pagpapanggap niya bilang   Henry, nasaksihan niya kung paano tratuhin ang dalaga ng pamilya nito. Nakita rin niya ang tunay na kulay ng mga iyon. Siya lang ang kaibigan ni Diosa. Walang ibang magmamalasakit dito kaya delikado man—at kung mahuhuli siya ay sa kalaboso na naman ang bagsak niya—ay pumuslit pa rin siya sa village. Sa phase three siya pumasok. Kaunti pa lang ang mga residente roon dahil ginagawa pa ang mga bahay. Nagpatubo siya ng kaunting balbas at   bigote at saka ginaya ang porma ng mga karpintero doon. Nakalusot siya sa guwardiya. Hinintay muna niyang dumilim bago palihim na nagtungo sa bahay ni Diosa. Iniisip pa ni Macoy kung paano aakyatin ang bakod nang marinig niya ang sirena ng mga pulis. Nasa kaliwa siya ng katapat na bahay ni Diosa, nakatago sa punong bahagi ng landscaping ng may-­‐ari. Bumukas ang gate nina Diosa. Mula roon ay lumabas sina Celeste at Bogart. Kinausap ng   mga ito ang mga pulis. Napakamot si Bogart pero mukhang panay ang paliwanag ni Celeste. Hindi nagtagal ay nakipagkamay si Celeste sa mga pulis. Sumakay na uli sa mobile patrol ang mga pulis. “Pasensiya na po!” malakas na pahabol ni Celeste. Biglang lumabas si Diosa. Nagimbal si Macoy sa hitsura nito. Magulo ang buhok at malaki ang inihulog ng katawan nito. Payat na nga noon ay   lalo pa itong nangayayat ngayon. Nang tamaan ng liwanag ang mukha ni Diosa, nakita niyang nangingitim ang ilalim ng mga mata nito. Nag-­‐ hysteria ang dalaga. “Alam ko! Nandito sila! Narinig ko sila! Papatayin nila tayo! Papatayin nila ako! Pabalikin n’yo ang mga pulis! Hindi ako nagsisinungaling!” Hinawakan at tila inalo ito nina Celeste at Bogart. Sumilip din sa gate sina Zenaida at Wally. Ipinasa ni Celeste si Diosa sa nanay nito. Nagwala   si Diosa kaya kinaladkad ito ng ina papasok sa loob ng bahay. Sumunod si Bogart. Naiwan sina Celeste at Wally sa tabi ng gate. Kitang-­‐kita niyang nag-­‐high-­‐five ang magkapatid. Parang tumawa si Wally. Sumenyas naman ng “sshh” si Celeste. Ilang sandali pa ay pumasok na rin sa gate ang magkapatid. Inilabas ni Macoy ang bagong cell phone niya at tumawag sa guardhouse na nakita niyang naka-­‐stencil sa gamit na service trike ng mga ito.   Huwag sanang kapusin ang load niya. Nagkunwari siyang residente roon. Pupusta siyang hindi lang siya ang tatawag at magtatanong ng ganoon sa mga guwardiya ng village. “Boss, ano’ng gulo kanina sa tapat namin? Bakit may mga pulis?” “False alarm, Sir. Pasensiya na po kung medyo nabulabog kayo. Tumawag po kasi ng security si Miss Tanyag. May mga magnanakaw raw sa   kanila. Wala naman pala.” “Bakit siya tatawag kung wala? Na-­‐check bang mabuti ang premises? Baka nakatakbo lang ang mga magnanakaw.” “Naku, hindi ho, Sir. Mukhang. . ano kasi. . Lasing yata si Miss Tanyag. Kinumpirma ng mga kasama niya na wala naman silang nararamdamang kaduda-­‐duda. Sure daw sila dahil nagkukuwentuhan pa sila. Hindi nila alam na tumawag ng pulis si Miss Tanyag.”   “Lasing?” “Para po kasing may sira si Miss Tanyag. Noong isang araw, tumawag na rin siya rito. May malaking aso raw na nakawala sa village pero wala naman. Huwag ho kayong mag-­‐alala, Sir. Ako na ho ang sisiguro sa inyo na walang gumagalang magnanakaw rito.” “Sige. Pero mag-­‐ikot-­‐ikot din uli kayo, ha?” “Oho, Sir.” “Salamat.” Tumalilis na si Macoy bago pa   magronda ang mga guwardiya. Hindi siya makapaniwalang naglalasing at napapraning si Diosa. Ano ang nangyari dito? Dahil ba dinamdam nito nang husto ang pagtatanan diumano nila ni Nene? Kung iyon nga ang dahilan ay kailangan na nilang magkausap.

 

CHAPTER TWENTY

INIABOT ni Celeste kay Diosa ang isang tetra pack juice at dalawang pildoras. “Ang mabuti pa, inumin mo na itong gamot sa sakit ng ulo,” sabi nito. “N-­‐nagugutom ako,” daing ni Diosa. “Mamaya ka na kumain. Hindi puwedeng isabay sa pagkain ang pag-­‐inom mo ng gamot. Kapag bumuti na ang pakiramdam mo, kung   gusto mo, sasamahan kita sa mga pulis para sabihin mo sa kanila nang maayos ang nakita mo kagabi.” “Hindi ko naman nakita, narinig ko lang at naramdaman. Marami sila.” Pero hindi na siya sigurado kung totoo o panaginip lang ang sinasabi niya. Hindi na siya sigurado sa maraming bagay. Hindi na niya matiyak kung kailan siya huling kumain. Parang lagi siyang tulog at minsan, kahit   gising siya, para pa ring tulog ang pakiramdam niya. Parang kumikilos siya nang nakahiwalay ang kanyang katawan sa isip. Minsan, ayaw na niyang mag-­‐isip dahil ang dami niyang naiisip at parang ayaw niyang tumigil sa pagkilos at mabilis na mabilis ang pintig ng puso niya. Bagay na nagbibigay sa kanya ng sobrang takot. Para kasing mamamatay na ang pakiramdam niya. “Ganoon na rin `yon. Kailangan, magbigay ka ng statement sa mga pulis. Kasi, nagpapabaya   sila. Dahil `kamo sa ingay ng sirena nila kagabi, nabulabog ang mga magnanakaw nàyon kaya nagtakbuhan.” “Naniniwala ka sàkin?” “Oo. Patìyong mga pulis, naniniwala sàyo. Hinihintay nila ang statement mo kaya uminom ka na muna ng gamot.” Isinubo ni Celeste sa kanya ang dalawang tableta. “Dadalhan kita ng pagkain mamaya. Ayusin mo na ang sarili mo, sasamahan kita sa presinto.”   “Salamat, ha? Pasensiya na kayo. Hindi ko kasi maintindihan ang pakiramdam ko. May sakit na yata ako.” “Depressed ka lang dahil kay Macoy. Lilipas din `yan. Hayaan mo na sila ni Nene, maligaya na sila. Nag-­‐text nga kagabi si Nene, eh. Masama raw ang pakiramdam niya. Baka raw buntis siya kaya nagsusuka. Excited na raw na maging tatay si Macoy.” Bumuntong-­‐hininga si Celeste. “Akalain mòyon, magkakaanak na sila. Masaya na sila   kaya hayaan mo na sila. Move on.” Natutop ni Diosa ang bibig at impit na umiyak. “Tama nàyan.” Pero hindi niya magawang pigilin ang mga luha. Hindi na talaga siya babalikan ni Macoy. Magkakaanak na ito at si Nene. “Ano ba? Baka mamaya, maisipan mong magpatiwakal diyan.” Tiningnan niya ang kapatid. “Gusto ko nang mamatay.”   “Hay, naku, `yong ganyan, hindi sinasabi, ginagawa na lang.” Pagkasabi nito niyon ay lumabas na ng silid niya. Humiga at namaluktot si Diosa sa kama. Ayaw niyang maligo. Ayaw na rin niyang kumain. Kahit masakit ang sikmura niya ay hindi niya gustong malapatan ng pagkain ang bibig niya. Gusto na niyang mamatay para magsisi si Macoy. Mumultuhin niya ito. Hindi niya patatahimikin dahil ipinagpalit siya kay Nene.   “Hindi na kita bati, Macoy,” umiiyak na sabi niya. Suminghot siya para mabawasan ang bara sa ilong niya. “Hindi ko ibibigay ang pera mo. Ang sama mo, Macoy. Ang sama-­‐sama mo.” Dahil sa kakaiyak ay hindi agad niya narinig na tumunog ang kanyang cell phone. Nang rumehistro iyon sa pandinig niya ay wala siyang ganang sagutin. Makulit lang ang tumatawag kaya napilitan siyang hagilapin ang cell phone sa sahig. “`Lo. .” sagot niya.   “Diosa, makinig ka!” Natigagal si Diosa. Nananaginip ba uli siya kaya naririnig niya ang boses ni Macoy? “Ayoko na! Ayoko na!” Sumigaw siya. “Diosa? Napapaano ka? Si Macoy ito, makinig ka sa sasabihin ko.” “Hindi ako naniniwala. Niloloko mo ako. Nananaginip lang ako.” “Magkita tayo ngayong alas-­‐kuwatro sa SM Fairview, doon sa kinainan natin noon.   Natatandaan mo? Importante ang sasabihin ko sa iyo. Huwag mong sasabihin maski kanino na magkikita tayo. Naiintindihan mo ba, Diosa?” “Hindi! Ayoko na, ayoko naa—!” Nanggigigil sa inis at desperasyon na pinindot niya ang End call buton sa cell phone. Pagkatapos ay namaluktot uli siya sa kama.  NAALALA ni Macoy na nakalista sa planner ni Atty. Gervacio ang numero ni Ching. Pinuntahan   niya ang abogado at itinanong ang numero ng kaibigan ni Diosa. Tinawagan uli niya si Ching at kinuha rito ang numero ni Diosa. Sinabi na rin niya kay Ching ang mga pangamba. Nang tawagan niya si Diosa at nagsisigaw sa kabilang linya ng cell phone, tinawagan uli niya si Ching at pinakiusapan na tawagan nito si Diosa. Baka galit lang talaga sa kanya si Diosa dahil sa maling akala nito. “Nakausap mo ba?” pasigaw na tanong ni   Macoy. “Hindi nga, eh. Ayaw niyang sumagot. Tinawagan ko rin sa landline, tulog daw sabi n’ong sumagot. Si Celeste yatàyon. Hindi mahilig matulog sa araw si Diosa. Baka nga kung ano na ang nangyayari sa kanya. Hindi mo ba talaga siya puwedeng puntahan?” Ilang beses na ring tumawag si Macoy sa landline ni Diosa. Iniiba-­‐iba niya ang boses pero iisa ang sinabi ng nakasagot sa kanya—tulog si   Diosa. Napabuntong-­‐hininga siya. “Bawal ako sa village, eh. Kapag ipinapulis nila ako, mas mahihirapan akong malaman ang nangyayari sa kanya.” “Luluwas ako diyan, Macoy. Nag-­‐aalala na rin ako. Ilang gabi ko na siyang napapanaginipan. Parang kapatid ko na rin siya at malaki ang utang-­‐na-­‐loob ko sa kanya. Hindi ko siya puwedeng pabayaan.” “Ikaw ang bahala, Ate Ching. Pero gagawa pa   rin ako ng paraan para malaman ang nangyayari. Subukan mo ring tawagan uli siya.” “Oo. Macoy, huwag nating pabayaan si Diosa. Tayo lang ang mga kaibigan niya.” “Oo, Ate Ching. Gagawin ko lahat para kay Diosa.” Pagkatapos mag-­‐usap ay lumabas ng mall si Macoy. Naglakad-­‐lakad muna siya para makapag-­‐isip nang mabuti. Sa kakaisip ay hindi niya napansin ang bunton ng putik at basura sa   tabi ng kanal. Nalubog doon ang mga paa niya. Mabuti na lang at medyo natuyo na ng araw ang putik na galing sa estero. Gayunman ay kailangan pa rin niyang labhan ang mga sapatos. Ikiniskis niya ang mga paa sa gutter nang mapatitig siya sa bunton ng putik. “Ayoko na! Pagod na pagod na ako! Ayoko na!” Napakurap-­‐kurap si Macoy. Napaderetso siya ng tayo nang maalala ang nakita nila ni Samboy isang gabing magkasama sila. Iyong babaeng   pinagtutulungan at isinubsob sa putik ng mga kaaway nito. Puno ng putik ang mukha ng babaeng iyon habang umiiyak at sumisigaw ng kagaya ng isinisigaw ni Diosa kanina sa cell phone. Nanariwa din sa alaala niya ang anyo ni Diosa nang masubsob ito sa chocolate fountain. Batid na niya ngayon kung bakit siya natigilan noon. Gumapang ang kilabot sa kanyang katawan sa realisasyon. Tama, ang babaeng isinubsob sa putik at si Diosa na nasubsob sa tsokolate ay iisa.   Nanalo sa lotto si Diosa kaya yumaman. Parang tumigil sa pag-­‐inog ang mundo. Binigyan niya ng ticket ng lotto ang babaeng nasubsob sa putik. Kung gano’n ay. . Kailangan niyang makausap si Diosa para masagot ang mga tanong niya. Naghanap siya ng pay phone at tumawag sa bahay ni Diosa. Iniba niya ang boses at hindi si Diosa ang hinanap. Si Zenaida ang sumagot sa kabilang linya. “Si Wally?” tanong niya.   “Wally!” malakas na tawag ni Zenaida. Hindi na nito itinanong kung sino siya.  NAKAUPO si Diosa sa sofa at nakamasid kay Ate Ching at sa kanyang pamilya. Naririnig niya ang pinag-­‐uusapan ng mga ito pero hindi siya interesado. Wala siyang nararamdaman maski ano. Nang dumating si Ate Ching ay natuwa siya. Niyakap niya ito at parang ayaw na niyang pakawalan. Pero hindi nagtagal ang ganoong   pakiramdam. Pagkatapos lang nilang uminom ng juice na inihanda ng nanay niya ay nawala na uli ang sigla niya. Ayaw na niyang lumabas kasama si Ate Ching pero wala rin siyang interes na tumanggi. “Mula nang magtanan si Macoy, nagkaganyan na si Diosa,” sabi ni Celeste. “Hindi na rin siya nagkakakain,” pagsegunda ng nanay niya. “Lagi siyang natutulog. Ang sabi ng isang kumare ko, senyales daw iyon ng   depresyon. Napagkasunduan namin na kung magtatagal siyang ganito, ipapasuri na namin siya.” “Gawin n’yo kung ano ang sa palagay n’yo ay makabubuti kay Diosa.” Hinawakan ni Ate Ching ang isang kamay niya. “Sa ngayon, isasama ko muna siyang mamasyal para maarawan siya. Baka sakaling sumigla siya nang kaunti.” “Mabuti nga’t dumating ka, Ching,” sabi ng nanay niya, sabay sulyap kay Celeste.   “Tutuloy na muna kami.” Pinatayo na siya ni Ate Ching at saka inakay patungo sa pinto. Hinabol sila ni Celeste. “Nasabi na pala sa amin ni Diosa ang totoo at naiintindihan naman namin siya.” Natigilan si Ate Ching. Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. “Iyon palang nakuha mong pera sa kanya, pag-­‐ usapan natin bago ka bumalik sa Samar.” Tumango si Ate Ching. Lumabas na sila ng   gate. Isinakay siya ni Ate Ching sa taxi na naghihintay sa kanila. “Hindi mo man lang sinabi sa akin na ipinagtapat mo na pala sa kanila ang lahat,” waring nagtatampong sabi nito. Hindi nagsalita si Diosa. Nakatitig lang siya sa labas ng bintana. “Ano ba ang nangyayari sàyo?” Hindi pa rin siya umimik. Hindi ko rin alam. “Alam mo ba kung saan tayo pupunta?” Tiningnan niya ito. Gusto na niyang magsalita   pero parang napakahirap niyong gawin. “Gusto kang makausap ni Macoy kaya pupuntahan natin siya. Mag-­‐usap kayo.” Umiling-­‐iling si Diosa. Ayaw niyang makita si Macoy, ayaw niyang marinig ang boses nito dahil hindi siya mahal nito. “Marami kang hindi nalalaman. Makinig ka sa mga sasabihin niya.” Ayoko! “Nagkamali ako, Diosa. Sa kagustuhan kong   magsimula ng bagong buhay, binale-­‐wala ko ang mga naramdaman mo nang kunin mo ang pamilya mo. Naging makasarili ako. Pinaniwala ko ang sarili ko na magiging masaya ka na. Patawarin mo ako kung iniwan kita. Pero maniwala ka, hindi ito ang ginusto ko para sàyo. Hindi ito ang nasa isip ko noong ipahanap natin ang pamilya mo.” “Hindi ko pa rin alam kung anòyong pamilya na sinasabi mo, Ate Ching,” sabi ni Diosa.   Pakiramdam niya ay ibang Diosa ang nagsalita. Iyong Diosa na ayaw na niyang kilalanin. Maraming problema ang Diosa na iyon kaya palaging lumuluha. Napapagod na siyang umiyak.  PAGPASOK nina Diosa at Ate Ching sa isang silid sa hotel ay nabulagwan nila si Macoy. Agad siyang niyakap ng lalaki. Parang may kumurot sa damdamin niya pero kapag pinansin niya iyon ay   mananaig sa kanya iyong Diosa na gusto na niyang iwan. “Kanina pa siya ganyan,” sabi ni Ate Ching kay Macoy. “Baka dahil doon sa juice na ininom niya kanina. Sinunod ko ang bilin mo. Hinayaan ko siyang makainom n’on nang kaunti pero pasimple ko rin siyang inawat.” “Ang sabi sa akin ni Wally ay halu-­‐halo ang mga ipinapainom nila kay Diosa gaya ng Valium at ibang mga gamot sa depresyon. Wala silang   pakialam kung magkasakit si Diosa.” Iniupo siya ni Ate Ching sa kama at hinagod ang kanyang buhok. Magkahalong tuwa at sakit ang nadama ni Diosa sa ginawa nito. “Huwag na natin siyang ibalik doon, Macoy.” “Madedemanda tayo ng kidnapping.” Bumuntong-­‐hininga si Macoy. “Hayaan muna nating makatulog si Diosa. Baka mamaya, paggising niya ay puwede na siyang kausapin.”   Tinanggalan siya ni Macoy ng mga sapatos, inihiga sa kama, at saka siya kinumutan. Gustong itanong ni Diosa kay Macoy kung nasaan si Nene pero wala siyang lakas para gawin iyon.  TAHIMIK at nagpupuyos ang kalooban ni Macoy nang pagmasdan niya si Diosa. Lumabas si Ate Ching para maghanap ng doktor na puwede nitong isama sa hotel para suriin ang kondisyon   ni Diosa. Napagkasunduan nila iyon dahil sa hindi normal na kilos ni Diosa at sa sobrang pagkahulog ng katawan nito. Naalala ni Macoy ang naging pag-­‐uusap nila ni Wally. Naisama niya ang lalaki sa bahay ng kaibigan niyang tsuper na kinutsaba niya sa palabas niya. Sinet up nila ang isang silid doon para magmukhang kuta ng mga addict. Nagkalat sila ng mga aluminum foils, lighter, at water pipes.   “Isipin mo, Wally, my man. Kung didikit ka sa akin, hindi ka na mahihirapang umiskor.” Pinaglaruan ni Macoy sa daliri ang maliit na plastic na naglalaman ng dinikdik na tawas at kaunting gawgaw. Ginaya niya ang kilos at pananalita ni Felix kapag inuuto siya. “Isang text mo lang sa akin, may bato ka na.” “Bakit ka ba interesado kay Diosa, `tol?” tanong ni Wally. Mukhang nagdududa ito pero takot na ma-­‐ offend siya. Panay ang tingin nito sa maliit na plastic. “May binabalak kayo kay Diosa. Hindi n’yo siya   pinalalabas ng bahay at hindi n’yo ipinapakausap sa akin sa telepono. Mahalaga sa akin si Diosa.” Wala siyang balak na magsinungaling kahit sa kagaya ni Wally pagdating sa damdamin niya para sa kapatid nito. “Kung sasabihin mo sa akin ang lahat ng nangyayari, hindi lang magiging madali ang buhay mo, `tol. Sisiguruhin ko rin na bibigyan ka ni Diosa ng pera at puwede mo nang iwan ang pamilya mo. Magiging malaya ka na kay Celeste.” “Bad trip ngàyon, eh.”   “Nagkakasundo ba tayo?” Ilang sandaling tinitigan siya ni Wally bago nito sinimulang ikanta ang lahat ng balak ni Celeste kay Diosa. “Ang gusto ni Tatay ay nakawin ang lahat ng pera ni Diosa at papirmahin si Diosa sa isang kasulatan. Pero tumutol si Celeste. Dapat daw ay makuha namin sa legal na paraan ang kayamanan para walang maghabol. Pero takot si Celeste kay Ching. Tiyak daw na hindi mananahimik ang babaeng iyon kapag naubos ang pera ni Diosa.   “Sa huli ay nakumbinsi kami ni Celeste na palabasing nababaliw si Diosa. Gagawa kami ng pekeng kasulatan galing sa mga pulis at sa pamunuan ng homeowners tungkol sa pagwawala at pagiging praning ni Diosa. Kapag daw napatunayan na may sayad si Diosa at walang kakayahang magdesisyon nang tama ay saka magpa-­‐file si Celeste o si Nanay sa korte ng petition for guardianship. Sa ganoong paraan ay malaya na raw naming mapapakialaman ang pera ni Diosa. Hindi na rin daw puwedeng maghabol si Ching   dahil puwede nang palabasin ni Celeste na nang bigyan ni Diosa ng pera si Ching, wala na sa hustong pag-­‐iisip si Diosa. Matatakot daw maghabol si Ching.” Pagkatapos mapaamin ni Macoy si Wally ay pasimpleng sinenyasan niya ang kaibigan na nasa labas. Pumasok ang kaibigan niya sa silid at nagkunwaring nagpa-­‐panic. “Darating na ang asawa at mga anak ko. Kailangan n’yo nang umiskiyerda,” pagdadrama ng kaibigan niya.   Pinabaunan niya si Wally ng tatlong maliliit na supot na plastic. Gusto niyang humalakhak nang ma-­‐ imagine ito na sinisindihan ang dinikdik na tawas. Ano kaya ang lilitaw na hugis doon, duwende o kapre? Napangiti si Macoy sa pagkaaliw. Biglang kumilos si Diosa sa higaan. Tumayo siya at nilapitan ito. Dahan-­‐dahang dumilat ang dalaga. Namilog ang mga mata nito, kapagkuwan ay tinitigan siya. Hindi na blangko ang mukha nito. Umupo ito sa kama. “Macoy?”   Nakahinga siya nang maluwag. “Ang sarap ng tulog mo, ah.” “Hayup ka!” Bigla siyang sinampal nito, pagkatapos ay bumaba ito ng kama at pinaghahampas siya. “Hayup ka! Ang sama mo!” Sinangga niya ang mga kamay nito. “Teka lang, magpapaliwanag ako.” “Itinanan mo si Nene, ang kapal ng mukha mo!” “Hindi ako nagtanan. Teka muna! Huminahon   ka.” “Sinungaling! Walanghiya ka talaga!” “Hindi nga, eh!” giit ni Macoy. “Makinig ka muna.” Hindi pa rin ito nagpaawat. “Ano’ng nakita mo sa Neneng nàyon? Mas maganda naman ako kaysa sa kanya.” Natawa siya. “Sige, tumawa ka pa! Taksil!” Itinulak siya ni Diosa; sumadsad siya sa armchair. Kinuha nito   ang isang decorative bottle sa console table. Sinunggaban niya ang dalaga bago pa nito maipukpok ang botelya sa kanya. Pareho silang bumagsak sa kama. Dinaganan niya ito. “Ako ang taksil? Baka ikaw.” “Hindi ako taksil!” “Bakit ka nakikipagmabutihan kay Gino?” Natigilan ito. “Kitang-­‐kita ko kayo. Daig n’yo pa ang mga bagong-­‐kasal.”   “Hindi, ah!” Pumiglas ito. “Kung talagang hindi, patunayan mo.” Kumurap-­‐kurap si Diosa at pagkatapos ay nanlaki ang mga mata. “P-­‐patunayan?” “Oo.” “Ayoko, Macoy. Nahihiya ako. Hindi ako marunong. Nakakainis ka. Ang bastos mo. .” Napatitig siya rito bago muling tumawa. “Hindi ka ba marunong makinig? Ayaw mong makinig sa sasabihin ko?”   Tila nalito ito. Namula ang buong mukha. “Bastos ka—” “Ang gusto ko lang ay makinig ka sa akin.” “Kasi naman. .” Kumilos ito sa ilalim niya. Aminado si Macoy na bilang lalaki ay gusto rin niya iyon. Naalala niya ang ayos ni Diosa noong makita niya ito sa kama na nakasuot ng manipis na pantulog. Napalunok siya at bumilis ang pintig ng kanyang puso. Pero hindi iyon ang tamang oras para gawin nila iyon. Marami silang dapat   pag-­‐usapan. Umalis siya sa pagkakadagan sa dalaga. Hinawakan siya nito sa baywang, parang ayaw siyang pakawalan. “Diosa.. ” “Macoy. .” Tila nakikiusap ang dalaga na iligtas niya ito. “Ayokong mawala ka, Macoy. Mahal kita. Hindi ko alam kung anòyon pero kung iyon ang tawag nila sa nararamdaman ko, siguro nga ay mahal na kita. Ibibigay ko sàyo lahat ng pera ko, huwag mo lang akong iwan.” Niyakap siya   nito nang mahigpit. “Sa akin din naman nanggaling ang pera mo, eh.” Unti-­‐unting lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya. Kumalas siya rito at umupo sa gilid ng kama. “Ikaw `yong babaeng pinagbigyan ko ng ticket ko, hindi lang kita nakilala. Bakit hindi mo sinabi sa akin, Diosa? Inisip mo bang babawiin ko sàyo lahat ng pera?”   Umupo si Diosa at sumandal sa headboard. “Oo,” pag-­‐amin nito. “Natatakot ako na kapag nalaman mo, kunin mo lahat ng napanalunan ko at iiwan mo ako. Takot na akong bumalik sa pag-­‐ iisa—walang matatakbuhan, walang masisilungan. Patawarin mo ako,” umiiyak na sabi nito. Kinuha ni Macoy ang mga kamay nito. “Aaminin ko, naisip ko ring bawiin `yong ibinigay kong ticket. `Kaso, ibinigay ko na, eh. Hindi ko   kayang bawiin sa iyo ang lahat ng ito. Iyong ticket na nanalo, hindi na akin `yon. Wala kang kasalanan, Diosa. Ikinuwento na sa akin ni Ate Ching ang lahat ng mga nangyari. Hindi natin kagustuhan ang lahat. Alam ko na kung paano mo ako hinanap at kung paanong mas inuna mo akong pahalagahan kaysa sa pagkatao mo.” “Bakit mo itinanan si Nene?” “Hindi ko siya itinanan. Hindi ko nga alam kung nasaan na siya ngayon. Palabas lang `yon ni   Celeste. Makinig ka sa sasabihin ko.” Sinabi niya rito ang mga nalaman niya kay Wally at kung ano ang naiisip niyang solusyon sa problema nito. “Gusto kong sabihin mo sa akin ang totoo. Sa puso at isip mo, naniniwala ka pa bang magiging maayos ang mga bagay sa pagitan mo at ng pamilya mo?” Tanong din ang isinagot ni Diosa sa kanya. “Mahal mo ba ako, Macoy o naaawa ka lang sa akin?”   “Ikaw lang ang pinagtitiwalaan ko. Ikaw lang ang kaibigan ko. Kaya siyempre, mahal kita.” Nahalata ni Macoy na hindi nito nagustuhan ang sagot niya. Ano ang mali sa sinabi niya? “Kaibigan. .” wika nito. Eksakto namang may kumatok sa pinto. Binuksan niya iyon. Si Ate Ching ang dumating. May kasama itong lalaki na ipinakilala sa kanila bilang si Dr. Cariño. Agad kinuhanan ng doktor ng blood pressure si Diosa, ineksamin ang mga   mata, bibig, at mga kuko ng dalaga. Lahat ng makakayang gawin ng doktor sa limitadong sitwasyon ay ginawa nito. Pagkatapos ay niresetahan nito si Diosa ng gamot para daw sa namumuong ubo ni Diosa at mga bitamina, lalo na ng B-­‐complex at iron. Kulang daw sa nutrisyon si Diosa at medyo anemic na. Nang ihatid ni Ate Ching ang doktor sa labas ay sinabi ni Diosa na gusto na nitong umuwi. “Teka—”   “May sasabihin ka pa?” maangas na tanong nito sa kanya. Hinawakan ni Macoy ang mukha ni Diosa at walang sabi-­‐sabing hinalikan ito sa mga labi. “Gusto ko na maging magkaibigan tayo habang-­‐ buhay.. kahit hanggang sa kabilang buhay. Naiintindihan mo ba ako?” Pinahid ni Diosa ang namumuong luha sa mga mata nito. “Samahan mo ako sa abangan ng taxi.”

 

CHAPTER TWENTY-­‐ONE  Three weeks later  HINDI pinansin ni Diosa ang sekretarya ng homeowners association sa village nila, ang puno ng security, at isang doktor nang magpaalam ang mga ito sa kanya. Nanatili siyang nakasalampak ng upo sa tabi ng driveway, binibilang ang dahon sa pinitas na sanga ng isang halaman. Parang   pinandirihan pa nga siya ng mga ito nang daanan siya. Isinara ng nanay niya ang gate. Pagkatapos ay lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya. “Makinig ka, Diosa. Pumunta sila rito dahil nagrereklamo na ang mga kapitbahay natin. Naeeskandalo raw sila kapag nagwawala ka sa gabi. Naaabala na raw ang trabaho ng mga guwardiya dahil tawag ka nang tawag sa kanila. Pero naiintindihan ka raw nila. Ang kailangan lang ay magpatingin ka   sa doktor. Sasamahan ka namin ni Celeste bukas.” Nagsindi ang nanay niya ng isang stick ng sigarilyo. “Ano nga uli ang ipinangalan n’yo sa akin noon?” Isa-­‐isang pinitik ni Diosa ang mga dahon. Gaya noong unang beses na tinanong niya ito tungkol doon, naghagilap uli ito ng sagot sa hangin. “Ano. . Jocelyn. `Di ba nasabi ko na sàyo? Gusto mo bang iyon ang gamitin na pangalan?”   Pinitik niya ang huling dahon at saka siya tumayo. “Akala ko ba, ‘Jennifer’?” “‘Jennifer’? H-­‐hindi, ah. ‘Jocelyn’ ang sinabi ko. Baka nagkamali ka lang ng dinig.” “May kilala akong isang nanay. Nagpakaputa siya para buhayin ang mga anak niya,” makahulugang sabi ni Diosa. “Ano ba ito? Sinusumbatan mo na naman ba ako, Diosa?” “Bakit hindi ka nagputa para ibili ako ng   gatas?” “Hindi ako ganoong klaseng babae.” “Marami namang puwedeng ibenta, hindi lang katawan. Puwedeng maruya, kamote, samalamig. Papatol naman siguro ako sa sabaw ng sinaing, `Nay. Kung wala talaga, maski tubig na lang, iinumin ko.” “Sa halip na manumbat ka, magpasalamat ka. Tatama ka ba sa lotto kung hindi kita iniwan?” “Hindi mo man lang ako binigyan ng   pangalan.” “Masama lang ang loob mo kay Macoy kaya ka nagkakaganyan.” “Hindi ka umasa na mabubuhay ako, hindi ba? Ang inaasahan mo noon, mamamatay na ako sa kahon ng sapatos sa loob ng plastic bag na iniwan mo sa istasyon ng bus.” Tinalikuran niya ang ina at binuksan ang gate. “Lalabas ka na naman? Manggugulo ka na naman?”   Hindi niya ito pinansin. Naglakad siya hanggang sa gate ng village. Tumakbo siya nang akmang pipigilan siya ng mga guwardiya. Tiyak na tatawag uli ang mga ito sa kanilang bahay at ire-­‐report na lumabas siya. Gabi na siya bumalik sa kanilang bahay. Gaya ng inaasahan niya, may nakahanda nang gatas si Celeste para sa kanya. Ipinaubos nito iyon sa kanya at saka siya nagpahinga.   MAGKASABAY na pumasok sa silid ni Diosa ang nanay niya at si Celeste. “Kailangan mong pumunta sa ospital, Diosa,” sabi ng nanay niya. “Ihahanda ni Celeste ang mga gagamitin mo. Siya na ang mag-­‐eempake ng mga gamit mo at baka mabigat pa ang katawan mo.” “Saang ospital? Ayoko sa ospital,” sabi niya. “Para din sa iyo ito, Diosa. Ang sabi kasi ng doktor na tumingin sàyo, kailangan mong manatili roon nang ilang araw. Dadalawin ka   naman namin doon.” “Bukas ng umaga, susunduin ka rito ng mga doktor,” sabad ni Celeste. “Ano’ng sakit ko?” Nang dalhin siya ng mga ito sa doktor ay pinag-­‐drawing siya nang pinag-­‐ drawing, pinakitaan ng mga larawan, at saka tinanong nang tinanong. Kinuhanan din siya ng dugo at pinaihi sa maliit na plastic cup. “Depresyon daw. Kailangan mong maobserbahan sa ospital. Tutulungan ka nila roon   na maka-­‐recover sa nararamdaman mo,” sabi ng nanay niya. “Ide-­‐detox at ika-­‐counseling ka raw nila.” Binuksan ni Celeste ang closet niya. “Madali lang `yon. Pagbalik mo rito, okay ka na.” “Matutulog na ako.” Namaluktot siya sa kama. “Ang gatas mo, inumin mo,” paalala ni Celeste. Hindi niya ito pinansin. BUMANGON si Diosa nang alas-­‐tres ng madaling-­‐araw. Kinuha niya ang isang basong   gatas sa side table at itinapon ang laman niyon sa banyo. Kinuha niya ang bag na itinago sa likod ng cabinet. Lumabas siya ng silid at patiyad na bumaba ng bahay. Tulog na tulog ang buong pamilya niya maliban na lang siguro kay Wally. Binuksan niya ang pinto sa kusina. Kung bababa si Wally at sisitahin siya ay sasabihin niyang naglilinis siya. Hindi ito magtataka dahil gawain din nito na magbutingting ng kung ano-­‐ano sa mga   alanganing oras kapag naka-­‐shabu ito. Hinagip niya ang walis-­‐tambo at naglakad hanggang sa pader. Inihagis niya sa kabila niyon ang bag niya at saka siya umakyat sa hagdan na nauna na niyang inilabas. Walang nakapansin doon dahil wala sa pamilya niya ang nakakaisip na maglinis ng bakuran. Pagtapak ni Diosa sa itaas ng pader ay lumundag siya pakabila. Kinuha niya ang kanyang bag at tumakbo patungo sa phase three.   Hindi mahigpit ang mga guwardiya roon kaya natitiyak niyang hindi siya tatanungin ng mga ito. Nakabisa na rin niya ang magiging ruta niya. Ginawa niya iyon sa mga pagkakataong “nagwawala” siya, nagpapagala-­‐gala sa buong village, at nag-­‐iiwan ng mga basura sa tapat ng mga bahay.  HINDI natinag si Macoy sa kinatatayuan habang titig na titig sa taong pumaslang sa kanyang ama.   Nakahiga ito sa sirang folding bed sa barongbarong ng kaibigan ni Tootsie. Hindi lamang ang mga mata ni Felix ang madilaw, pati katawan. Napakapayat nito. Si Felix na rin ang nagsabi nang komprontahin niya na pinaniwala nito ang kanyang ama na ito lamang ang “tatrabaho” kay Myrna Sy. Pero ginamit lang pala nito ang tatay niya para malaman ang routine ng alahera at ng operasyon ng alahasan. Ang masakit pa, pinaniwala ni Felix ang tatay   niya na may utang siya sa sindikato at kailangang bayaran iyon ng kanyang ama sa pamamagitan ng pagseserbisyo kay Felix. Kung paano siya ginago ni Felix, ganoon din ang ginawa nito sa kanyang tatay. Nang mabulilyaso ang lakad ng mga ito, ang tatay niya ang ginawa nitong scapegoat. “Like father, like son,” sabi nga ni Rudy. “Patayin mo na ako,” nagsusumamo at paos ang boses na sabi ni Felix. Umiling si Macoy. Kagaya ng tatay niya, hindi   rin siya mamamatay-­‐tao. “Ano pa’ng hinihintay mo, bata?” “Malaya na ako, Felix. Patawarin mo na ang sarili mo.” Pagkasabi niyon ay tinalikuran na niya ito. Sa dulo ng makitid na tulay na tabla at kawayan ng squatters’ area na iyon ay natanaw niya ang papasikat na araw. Iniwan niyang buhay si Felix hindi dahil alam niyang hindi na rin magtatagal ang buhay nito kundi dahil pinatawad na niya ito.   Malaya na si Macoy sa galit. Wala na iyong puwang sa kanyang dibdib. Batid na niya iyon bago pa niya pinuntahan si Felix. Kung saan napunta ang galit niya ay hindi niya alam. Parang lagnat iyon na biglang gumaling. Hindi na niya maalala kung ano ang pakiramdam ng nasasaktan at nahihirapan. Malaya na rin siya sa takot. INIABOT ni Diosa sa madre ang isang makapal na sobre. “Maraming salamat, hija. Patuloy kang   pagpapalain ng Panginoon.” “Ang hiling ko lang, Sister, ay turuan n’yo ang mga bata kung paano magmahal at magtiwala. Iparamdam n’yo sa kanila na tao sila. Na importante sila. Sana, paglaki nila ay marunong na silang magpahalaga sa kanilang sarili at buhay.” Tumango ang madre. “Iyan talaga ang hangarin namin dito. Nakakalungkot lang na sa pinanggalingan mismo nilang pamilya, hindi nila   naramdaman ang kahalagahan ng buhay nila.” “Kahit po wala silang pangalan, pakisabi sa kanila na kilala sila ng Diyos.” Nagpaalam na siya rito. Paglabas niya ng bahay-­‐ampunan ay nagpahatid siya sa naghihintay na taxi sa pier ng Batangas City.  HUMALO sa amoy ng hanging-­‐dagat ang isa pang amoy na pamilyar kay Diosa. Lumingon siya at nakita niya si Macoy.   “Akala ko, hindi kita makikita rito,” sabi ni Macoy. Tinabihan siya nito sa railings ng ferryboat. “Ginawa ko lahat ang sinabi mo kasi naiintindihan kita. Mahal mo ako bilang kaibigan. Ayaw mong mawalàyon. Hindi ko natikman ang pagmamahal ng mga magulang at kapatid ko pero ang pagmamahal ng isang kaibigan, iyon lang ang mayroon ako. Alam kong gano’n ka rin kaya mahalaga sa iyo na hindi mawala ang   pagiging magkaibigan natin.” “Bago ko naramdaman na mahal kita bilang isang babae, bago ko naramdaman na gusto kitang makasama sa buhay, mahal na kita bilang kaibigan, Diosa. Hindi ko alam kung magiging mabuti akong asawa sa iyo. Ang alam ko lang, mabuti akong kaibigan kaya hindi ko maamin sàyo at maski sa sarili ko noon na may iba pa akong nararamdaman para sàyo.” Niyakap siya ng binata.   Humilig si Diosa sa dibdib nito. “Basta habang-­‐ buhay, Macoy.” “Habang-­‐buhay.. ”  NAWALAN ng kulay ang mukha ni Celeste pagkatapos basahin sa kanya ng bank manager ang mga papeles na galing sa korte. Nagkibit-­‐balikat ang bank manager. “Wala nang account sa amin si Miss Tanyag. Nag-­‐closèyong current account niya siguro mga one month na. Sunod-­‐sunod ang mga encashments, eh. `Yong savings account naman niya, this week lang na-­‐ close. Walang dahilan para hindi namin siya payagang mag-­‐withdraw dahil kanya naman ang perang iyon. Siguro ay inilipat niya sa ibang bangko ang pera niya. Siyempre, hindi na namin inaalam `yong ibang accounts niya. Naka-­‐record ang mga withdrawals niya. Kung gusto mong makitàyong mga tseke. .” Hindi na narinig ni Celeste ang iba pang sinabi   nito. Wala siyang maisip sabihin. Sunod siyang nagpunta sa ibang bangko na alam niyang pinaglalagakan ni Diosa ng pera nito. Pero ganoon din ang sinabi sa kanya ng bank manager.  SABAY na bumaba ng ferryboat sina Diosa at Macoy. “Magwi-­‐withdraw lang ako, `tapos, kakain tayo,” sabi ng binata. “Ang yabang mo, por que marami kang pera,”   pabirong sabi ni Diosa. “Gusto ko ngang mamigay, eh. Padalhan ko kaya si Celeste?” Tumawa si Diosa. “Saka na. Magbanat muna sila ng buto. At saka iniwan ko naman sa kanila ang bahay at lupa ko.” Inakbayan siya ni Macoy. “Tutulungan daw ako nina Rudy at Attorney Gervacio na i-­‐invest `yong ibang pera. Kapag naka-­‐settle na tayo rito sa Mindoro, puwede na tayong umampon ng mga   bata galing sa bahay-­‐ampunan. Dito natin sila palalakihin. Para maraming kalaro ang mga magiging anak natin.” Napatingin siya kay Macoy. “Mga?” “Hindi pa natin alam kung ano ang masayang pamilya kaya sabay nating aalamin, my Diosa.” Nakangiti at tatango-­‐tango ito. “Pero ngayon pa lang, alam ko na kung paano maging masaya. Dahil kilala tayo ng Diyos.” Niyakap siya ni Macoy nang mahigpit.   WAKAS

Post a Comment

0 Comments

Post a Comment (0)
3/related/default