PROLOGUE
Del
Valle Horse Ranch Isla Fuego“HELLO!” Nabitiwan ni Achilles ang hawak na
pamingwit nang biglang sumulpot sa tabi niya si Madeline, ang walong taong
gulang na kinakapatid niya. Kung hindi sa maagap na pagsalo niya sanabitiwang
pamingwit ay malamang na nahulog iyon sa ilog. Masyadong malalim ang iniisip
niya kaya hindi niya namalayan ang pagdating ni Madeline. Kung napansin agad
niya ito ay natakasan sana niya. Mula nang makilala niya ang kinakapatid ay nagsilbing
animo anino niya ito dahil laging nakabuntot sa kanya. Ayaw pa naman niyang makasama
si Madeline dahil nuknukan ito ng kulit at likot. Sumasakit ang ulo niya sa
walang‑katapusang
pagtatanong nito tungkol sa mga bagay‑bagay. Kahit paano ay
ipinagpasalamat ni Achilles na tuwing Sabado at Linggo lamang naroon sa rancho
ang kinakapatid niya. Ngunit dahil summer vacation, dalawang buwan itong mananatili
roon. Iniwan doon si Madeline ng mommy nito na nagbalik na sa Maynila. Tatlong
taong gulang pa lamang si Madeline nang makipaghiwalay ang daddy nitong siNinong
Tomas sa ina nitong isang sikat na artista at TV host. Sa poder ng ina napunta
si Madeline pero tuwing weekends, kapag bakasyon sa eskuwela, at may okasyon sa
rancho ay naroon ito sa rancho ng ama. “Have you caught a fish? If you have,
are you going to eat it? I think you shouldn’t. Kawawa naman `yong fish. Kapag
nahuli mo, ibabalik mo uli sa dagat, `di ba?” Nayayamot na binalingan ni
Achilles angkinakapatid. Tinitigan niya ang maamong mukha nitong mistulang sa
manyika sa puti at kinis. Kulay‑mais ang buhok ni Madeline na
natitiyak niyang maayos na nakapusod kanina bago ito lumabas ng mansiyon pero
ngayon ay nakasabog na sa mukha dahil kung saan‑saan na ito sumuot. “Bakit ko pa
huhulihin kung ibabalik ko rin lang pala sa tubig? Natural, kakainin ko iyon,” paangil
na sagot niya. Lumabi ang bata. Pinukol siya nito ng tingin naanimo siya na ang
pinakawalang‑awang nilalang sa mundo dahil sa balak niyang pagkain
sa mahuhuling isda. “But we have lots of food in the house. The fish in this
river are our pets. You don’t eat pets!” mariing wika nito. Nanggigigil na
inalis ni Achilles ang pamingwit mula sa pagkakalublob sa tubig. Binitbit niya
ang latang pinaglagyan ng mga paing bulate at naglakad palayo. Hindi siya
makakapamingwitnang maayos kung nasa paligid ang kinakapatid. Mabuti pang
ipagpaliban na muna niya ang naturang balak kaysa matuyuan siya ng dugo sa konsumisyon.
Dahil walang epekto kay Madeline kahit pa angilan niya ito o hindi pansinin,
ang pinakamainam na gawin ay umiwas na lamang. Patalun‑talong
sumunod agad sa kanya si Madeline. “You’re not going to fish anymore? Kung
gano’n, puwede na tayong maglaro? Niyaya ako nina Job na maglaro ng taguan.
Sali ka rin.”Natigilan si Achilles. Si Job ay anak ng mga Arguilla, ang
pamilyang nagmamay‑ari ng kanugnog na lupain ng mga Sevilla. Ang kabilang pampang
ng Ilog Fria na katapat ng rancho ng ninong niya ay lupain ng mga Arguilla.
Katulad niya, katorse anyos na rin si Job pero nakikipaglaro pa rin sa mga
batang di‑hamak na mas bata kaysa rito. Ang mga iyon lamang kasi ang
kaya nitong kayan‑kayanin. Hindi niya gusto ang ugali ni Job. Mahilig
itongmang‑agaw ng gamit at laruan ng mga kalaro kahit hindi nito
kailangan o gusto ang mga iyon. Bagaman hindi pa nabibiktima si Madeline ng mga
kalokohan ni Job, hindi niya gusto ang ideyang nakikipagkaibigan dito ang
kinakapatid niya. “Pagabi na. Umuwi ka na lang. Huwag ka nang makipaglaro kina
Job. Hahanapin ka sa bahay ninyo. Sige na, umuwi ka na.” “Ayoko. Wala naman
akong gagawin sa bahay,eh. Sige na, sali ka na rin sa amin nina Job. Ang sabi
ni Nanay Saleng, okay lang naman daw akong sumali sa kanila.” “Ayoko. Saka
hindi na ako bata para makipaglaro pa sa inyo.” “Eh, bakit si Job nakikipaglaro
pa rin sa amin? Ang sabi niya, okay lang daw iyon dahil bata pa rin siya.
Magkaedad lang kayo, `di ba? Kaya bata ka pa rin. O dahil ba bastard ka kaya
ayaw mong nakikipaglaro sa amin?”Napahinto sa paglalakad si Achilles.Nagsalubong
ang mga kilay niya sa magkahalong hindi pagkapaniwala sa kapangahasan ni
Madeline na sabihin sa kanya ang salitang iyon nang harapan. Hinarap niya ito.
“Kanino mo natutuhan ang salitang iyan? Alam mo ba ang ibig sabihin niyan?” “S‑si
Job ang nagsabi n’on sa akin. Masama ba ang word na
iyon? Sorry na. Huwag ka nangmagalit, please? Hindi ko naman alam na bad word
iyon, eh.” “Okay. Basta huwag mo na uling sasabihin iyon sa harap ko kahit
kailan, ha? Kapag inulit mo pa iyan, ihahagis kita sa Ilog Fria at ipapakain sa
mga isda!” Hindi iyon ang unang beses na napagtaasan niya ng boses ang
kinakapatid pero noon lamang nalangkapan ng ganoon katinding poot ang tono niya
kaya marahil napaatras ito sa magkahalongpagkagulat at takot. Nakita niya ang
mga luhang namuo sa mga mata ni Madeline bago ito tumakbo palayo. Dagli rin
namang nagsisi si Achilles sa ginawa. Dahil base sa napakainosenteng
pagkakabigkas ni Madeline sa salitang buong buhay niyang tiniis na itawag sa
kanya ng lahat ng nakakaalam tungkol sa buong pagkatao niya, hindi nito alam
kung ano ang eksaktong kahulugan ng salitang iyon. Pero mas mabuti na ring
maitatak sa isip niMadeline na hindi nito maaaring ulitin pa ang pagbanggit sa
kasumpa‑sumpang
salitang iyon. Ipinagpasalamat niyang ngayong nasa poder na siya ni Ninong
Tomas ay hindi na siya gaanong nakararanas ng pangungutya at pang‑iinsulto
dahil sa pagiging bastardo niya. Respetado at maimpluwensiya kasi ang ninong
niya roon sa Isla Fuego. Noong nasa Maynila pa si Achilles sa piling ng noon ay
nabubuhay pang ina ay halos araw‑gabiniyang nilulunok ang taguri ng
ibang tao sa kanyang ina na isang kabit. Totoo naman iyon pero masakit pa rin.
Pagkatapos anakan ng walang kuwenta niyang ama ang nanay niya ay basta na
lamang ito iniwan nang mabuko ang tatay niya ng tunay na pamilya niyon sa
Davao. Subalit hindi madaling mabura ang pait at sakit na kakambal ng salitang
“bastardo.” Hindi lamang kasi mula sa ibang tao niya naririnig iyon noon kundi
mula rin mismo sa mga kapatid niyasa ama at sa pamilya ng kanyang inang
nagtakwil dito nang pumatol ito sa kanyang ama.
CHAPTER
ONE
“ACHILLES!”
sigaw ni Madeline sa magkahalong galak at pagkasabik nang sa pagpasok sa komedor
ay makita niya ang kinakapatid. Kahit siguro mabulag siya ay makikilala niya si
Achilles. Tila may sariling ritmo kasi para dito ang kanyang puso. Kapag nasa
paligid ang binata ay bumibilis ang tibok niyon at tila gustong tumalon palabas
ng kanyang dibdib upangmagpakilala rito nang personal. She had only been gone
for ten months but her heart reacted as if she had not seen him for two whole
decades. Nang lumingon si Achilles ay nasalubong niya ang kulay‑tsokolateng
mga mata nito na kahit pa siguro ilang libong taon niyang pagmasdan ay hindi
niya maaarok ang taglay na lalim at misteryo. Who needed gorgeous British men
or suave Frenchmen when standing in front of her was the most dazzling man
alive in theplanet? Walang sinabi ang mga sikat na aktor at modelong lalaki sa
natural na angking kagandahang‑lalaki ni Achilles. Ang mga labi
ni Achilles na natural ang pagkapula at hugis‑busog ng palaso ay tuksong umaakit
sa mga babaeng nakakasalamuha nito kahit bihira itong ngumiti. Ang pangahang mukha
naman na nagtataglay ng katatagan at matibay na paniniwala sa sariling
kakayahan ay nag‑uudyok sa sinuman na paniwalaan ito.Habang ang itim na
itim at alun‑along buhok naman ay hindi mabilang na babae na ang
nangati ang mga kamay na suklayin ng mga daliri. Lagpas‑batok man
kasi ang buhok ay napakakintab at napakalambot niyon. Ipinupusod iyon ng binata
ng itim na goma kapag nagtatrabaho ito sa rancho. Subalit sa lahat ng
katangiang pisikal, ang pinakaprominente ay ang mga kilay at ang ilong ni
Achilles. Determinasyon, katapangan, at lakasang ipinahihiwatig ng pagkakaarko
ng mga kilay na iyon. Sa unang tingin ay hindi agad mapapansin ang hugis‑kidlat
na pilat sa itaas ng kanang kilay nito. Resulta iyon ng pagkakasabit ni Achilles
sa barbed wire noong disisiyete anyos ito habang tinatangka nitong pigilan ang
nagaganap na pagnanakaw sa rancho. Ang animo nililok ng iskultor sa
kaperpektuhan naman na ilong ng binata noon ay bahagyang baliko na ang buto sa nose
bridge ngayon. Resulta iyon ng pagkakasiparoon ng nag‑alborotong
toro noong kinse anyos ito. Nilapitan ni Madeline si Achilles at niyakap. Nasa
yakap na iyon ang sampung buwang pangungulila niya rito. Inalis ng binata ang
mga braso niya sa baywang nito, pagkuwa’y binuhat siya at inikut‑ikot
na animo kasimbigat lamang siya ng isang sampung taong gulang na paslit. Nang
mapagod ay ibinaba siya at pinagmasdan.“Kumusta ka na, Maddy Maldita?” Nginitian
niya si Achilles. Wala nang bahid ng animosity sa pagitan nila. Kabaligtaran
iyon ng atmosphere nang araw na umalis siya ng Rancho del Valle sampung buwan
na ang nakalipas. Bago kasi siya umalis ay nag‑away sila dahil ayaw niyang sumama
sa ina’t amain. Mas gusto kasi niyang sa rancho manatili kasama si Achilles at
ang kanyang ama. Mula kasi nang maikasal ang mommy niya kay Tito Ralphnoong
thirteen years old siya ay ipinaubaya na siya ng mommy niya sa daddy niya.
Naalala lamang siya ng ina nang madestino sa Paris ang amain niyang
nagtatrabaho sa isang kilalang cosmetics company. Si Achilles ang nagpumilit na
sumama siya sa kanyang ina’t amain. Huwag daw siyang maging makasarili. Bagaman
pareho nilang alam na hindi tipikal na ina ang mommy niya dahil madalas na wala
itong oras para sa kanya, dapat daw niyaitong bigyan ng pagkakataong makabawi
sa mga pagkukulang sa kanya kapag maiisip nitong gawin iyon. Mabuti na raw iyon
kaysa hindi na talaga siya pinag‑uukulan ng oras ng mommy niya. Alam
ni Madeline na bagaman hindi isinasatinig ni Achilles ang saloobin patungkol sa
sariling ama’t ina, iyon ang naalala nito nang sermunan siya. Ulilang lubos na
ang binata at kung may mga natitira mang kamag‑anak samagkabilang side ng mga
magulang ay walang nais umangkin dito. Iyon ang dahilan kaya kinupkop ng
kanyang ama si Achilles nang sumakabilang‑buhay ang ina nito. Ayon sa daddy
niya ay taga‑Davao ang ama ni Achilles. Pamilyado na ang lalaki nang
ligawan at ibahay nito sa Maynila ang ina ni Achilles na si Sandra Arguilla.
Dahil sa tinamong kahihiyan ng mga Arguilla sa ginawa ni Sandra na pagpatol sa isang
lalaking may‑asawa ay itinakwil ito ng mgamagulang. Nang mamatay si
Sandra noong siyam na taong gulang si Achilles ay ni hindi man lang naisip ng
ama ni Achilles na kupkupin ang anak. Sa halip ay walang pagdadalawang‑isip
na pumayag ang lalaki sa alok ng daddy niya na ito na ang magpapalaki kay
Achilles bilang pagtupad sa habilin ni Sandra bago mamatay. Hindi maikakailang
isang Ferraris si Achilles. Minsan na kasing nakita ni Madeline ang ama ni Achilles
nang bumisita ito sa rancho noong mgabata pa sila. At least, kahit paano ay
hindi nito tinutulang dalhin ni Achilles ang apelyidong Ferraris at kahit paano
ay tinustusan din nito ang mga materyal na pangangailangan ni Achilles. “O, `di
ka na sumagot diyan?” untag ni Achilles. “Na‑miss kita, sobra. Na‑miss
mo rin ba ako? And hey, I learned a lot of French words while I was in Paris.
Gusto mong makarinig ng isang phrase? Here, makinig ka, ha?” Tumikhim munasi
Madeline bago isinatinig ang natutuhang phrase. “Voulez vous coucher avec mois
ce soir, Mademoiselle?” Umarko ang kilay ng binata, hindi mawari kung naaliw o
naeskandalo. Napakunot‑noo naman si Madeline. Hindi ba siya naintindihan ni
Achilles? Marami itong alam na lengguwahe at isa ang French doon. Kaya sabik
siyang ibida rito ang tanging French phrase na pinagsumikapan niyang aralin.“Saan
mo natutuhan ang mga salitang iyon?” “Sa isang Frenchman na nakilala ko sa
isang café sa France habang hinihintay ko sina Mommy at Tito Ralph na matapos
sa pagsha‑shopping. Bakit, mali ba ang pagkakasabi ko? Pangit ba
ang accent ko? Hindi maintindihan? Iyon nga lang ang natandaan ko sa mga salita
nila, eh,” kunwari ay dismayadong tugon niya. Masusing pinagmasdan niya ang
reaksiyon ng binata. “Alam mo ba ang ibig sabihin n’on?”“Ahm, hindi. Kaya
umiling lang ako no’ng unang beses na sinabi iyon no’ng unang lalaking na‑meet
ko roon. Iyong mga sumunod na nagsabi sa akin n’on ay hindi ko na lang pinansin
kasi parang ang weird ng iniaakto nila kapag sinasabi sa akin iyon. Hinahalikan
pa nila ang likod ng kamay ko.” Pasimpleng iniiwas ni Madeline ang mukha upang
ikubli ang paglikot ng kanyang mga mata. Alam ni Achilles na kapag
nagkakaganoon na siyaay nagsisinungaling siya. Kung makikita ng binata ang mga
mata niya ay mahuhulaan nitong sinusubukan lamang niya ito at hindi totoong hindi
niya alam ang ibig sabihin ng mga French words na sinabi niya. Pasimpleng
sinulyapan niya si Achilles nang hindi ito nag‑react. Napangiti siya nang
makitang magkasalubong ang mga kilay nito. Halatang hindi nagustuhan ang
nalaman. “Mabuti. Dahil ang ibig sabihin ng sinabi niyaay inaalok ka niyang
sumama sa kanyang makipag‑sex. Kung tatanga‑tanga
ka at sumama sa kanya, malamang na na‑rape ka na.” Kaswal lamang
ang tono ni Achilles nang magpaliwanag ngunit may ningas ng galit sa titig. Anim
na taon ang tanda ni Achilles sa kanya pero noong mga bata pa sila ay animo
anino siya nito dahil sa pagsunud‑sunod at panggagaya niya sa mga
kinahihiligan nitong gawin. Kahit delikado at nakakatakot, basta ginawa ni
Achilles,pakiramdam niya ay kailangan din niyang gawin para magustuhan siya
nito at tanggapin bilang kaibigan. Kaya siya nito binansagang “Maddy Maldita”
dahil sa kapilyahan at kakulitan niya. Sa malas, madalas na napapahamak ang
binata dahil sa kapilyahan at kakulitan niya. Kapag kasi nadidisgrasya siya sa
mga pinaggagagawa niya para lamang mapansin ni Achilles ay ito ang pinapagalitan
ni Nanay Saleng at ng daddy niya. Istrikto ang daddy niya kay Achilles. Bawatkilos
ng binata ay binabantayan ng daddy niya. Gusto kasi ng daddy niya na lumaki si
Achilles na katulad nitong responsable at matatag kaya hindi bine‑baby
si Achilles. Si Madeline naman ay walang magawang mali sa mga mata ng daddy
niya. Kung ituring siya ay parang prinsesang lahat ng nais ay kailangang makamit.
Kaya siguro hindi rin madali para kay Achilles na tanggapin siya. Kaagaw kasi
siya nito sa atensiyon at pagmamahal ng tanging taongnagmalasakit dito. Dahil
si Achilles ang binilinan ng kanyang ama na magbantay sa kanya kapag naggagala
siya sa rancho, sa halip na magkalapit sila ay lalo lamang siyang itinutulak
palayo ng binata. Siya kasi ang madalas na dahilan ng panenermon dito ng
matatanda. Ngunit unti‑unting nag‑iba ang trato ni Achilles sa kanya
habang lumalaki sila. Siguro ay dahil kapwa na sila nagkaroon ng sapat na maturity.
Hindi na masyadong ilag sa kanya angbinata at kahit paano ay tinanggap na rin
ni Achilles na parte na siya ng buhay nito sa ayaw at sa gusto nito. Dahil
simula’t sapol ay prangkang tao si Achilles, hindi na ikinabigla ni Madeline
ang mga pakikipag‑usap nito sa kanya kahit pa tungkol iyon sa mga
sensitibong paksa. Hindi taboo subject sa pagitan nila ang tungkol sa seksuwalidad
dahil napapaligiran sila ng mga hayop na walang pakundangan sa pagtatalik.Bukod
doon, ayaw rin ng daddy niya na maging ignorante siya pagdating sa bagay na
iyon. Ayon sa kanyang ama ay parte iyon ng buhay na kailangan niyang malaman at
mapaghandaan kaya inihanda na siya nito para doon. Mas mabuti raw na masagot na
ang kuryosidad niya kaysa ang matukso pa siyang mag‑eksperimento kasama
ang ibang kaedad niya. Si Achilles ang inatasan ng daddy niya na magbantay sa
kanya at sumuri sa bawatbinatilyong lumalapit sa kanya. Ang hindi alam ng
kanyang ama, wala siya ni katiting na interes sa mga lalaking iyon dahil kay
Achilles na napiling tumibok ng kanyang bubot na puso. “Talaga? Iyon ang ibig
sabihin n’on?” kunwari ay nagulat na wika ni Madeline. “Hindi niya sana nasabi
iyon kung sinunod mo ang bilin kong huwag kang makikipag‑usap basta‑basta
sa mga estranghero,” sermon ni Achilles.Hindi nagpahalata
si Madeline na dismayado siya. Inaasahan niyang magngingitngit sa galit at selos
si Achilles at hindi ang umakto pa ring animo isa siyang sutil na paslit na
kailangang pagalitan dahil sa muntik nang mangyaring disgrasya sa kanya habang
wala ito sa paligid. Ang akala niya, kapag nalaman ni Achilles na may mga
lalaking nagpakita ng interes sa kanya bilang babae ay mapapansin na rin nitong
hindi na siya ang dating batang nangungulit atbumubuntot dito. Isa na siyang
ganap na dalaga hindi lamang sa pisikal na aspeto kundi maging sa damdamin. May
isang bagay na natiyak sa sarili si Madeline habang nasa ibang bansa siya. Natuklasan
niyang hinahanap pa rin niya sa mukha ng bawat makasalubong niya roon ang mukha
ni Achilles. Mula paggising sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi ay wala
siyang ibang hiniling kundi bumilis ang paglipas ng mgaaraw upang makabalik na
siya sa villa at masilayan ang binata. Umasa siyang sa pagpayag niyang malayo nang
matagal kay Achilles ay matutuklasan niyang infatuation lamang ang marubdob na damdaming
umusbong sa puso niya para dito noong fifteen years old siya. Ngunit bigo siya.
Dahil sa halip na lumipas ang damdamin niya sa pagkakalayo nila ay tila lalo
lamang lumalim iyon.“Opo, sir. Pasensiya na po kayo, sir. Hindi na po mauulit.
Patawarin po ninyo ang makasalanang nilalang na si ako,” kunwari ay susukut‑sukot
na sagot ni Madeline. Umiling‑iling ang binata. Pero hindi
nakaligtas sa paningin niya ang ngiting halatang pinipigilan lamang nito sa
pagsilay. “Brat!” “Thank you,” matamis ang ngiting tugon niya. Ikinawit niya
ang braso sa braso ni Achilles attinangkang hilahin ito paupo sa isa sa mga
silya sa harap ng dining table. “Sabayan mo naman akong kumain. Mamaya mo na
ako sermunan dahil may jet lag pa ako. Kuwentuhan mo ako tungkol sa mga
nangyari sa iyo habang wala ako. Kumusta na ang love life mo? May girlfriend ka
na ba uli?” Sa likuran niya ay magkakrus ang kanyang mga daliri. Umaasa siyang
“wala” ang isasagot nito. Bago umalis ng bansa si Madeline ay may balaksi
Achilles na ligawan ang isang dalagang taga‑ Paseo Fernando. “Myra” ang
pangalan ng babae. Naging kaklase ni Achilles si Myra noong nasa high school
ang dalawa. Sa Maynila nag‑aral ng kolehiyo si Myra kaya
nalayo ito kay Achilles. Nang magtapos ng pag‑aaral ay bumalik ang babae sa
isla. Hindi alam ni Madeline kung itinuloy ni Achilles ang panliligaw kay Myra.
Sa mga pag‑ uusap nila sa telepono ay wala itong nabanggit naniligawan
at nililigawan. “Wala,” sagot ni Achilles, pagkuwa’y nag‑iwas ng
tingin na tila may ayaw ipabasa sa kanya ang ekspresyon sa mga mata. “Pasensiya
na, hindi kita masasaluhan. Kailangan kong bumalik agad sa kuwadra. May mga
bagong dating kasing kabayo mula sa Hacienda Santivaniez. May kinuha lang ako
rito sa bahay kaya ako nandito. Mamayang hapunan na lang tayo mag‑usap,” tanggi nito. Bagaman nadismaya siya na kailangang umalisni
Achilles, nagalak din siya sa isinagot nito. Mag‑ uusap daw sila mamayang gabi.
Mukhang wala na sa buhay nito si Myra. Binasted kaya si Achilles kaya ni minsan
ay hindi nito nabanggit si Myra sa mga pag‑uusap nila sa telepono? Pero imposible
iyon. Parang ang labo na may babaeng babasted kay Achilles. Siguro ay
naghiwalay na ang dalawa at ayaw na lamang nitong ungkatin pa iyon dahil nga
tapos na. “Hayaan mo na iyang si Achilles, Madeline.Hindi mo talaga iyan
maiistorbo sa trabaho niya. Mamaya na lang kayo mag‑usap. Halika
na, kumain ka na,” wika ni Nanay Saleng. “Opo. Ah, Nanay, talaga bang wala pa
siyang girlfriend? Ano ang nagyari doon sa Myra, `yong taga‑Paseo
Fernando na balak niyang ligawan?” Natigilan si
Nanay Saleng. Pati si Aling Delia na kapapasok lamang sa komedor ay tila napahinto
rin sa tanong. Nagkatinginan ang dalawa na tila ba hindi malaman kung paano
siyasasagutin. “Hija, ang mabuti pa ay si Achilles na lamang ang tanungin mo
tungkol diyan. Pero kung ayaw naman niyang pag‑usapan ang tungkol doon, mabuting
irespeto mo na lang muna,” wika ni Nanay Saleng na lalong nagdulot ng pagtataka
kay Madeline.
CHAPTER
TWO
HALOS
buong araw nang hinahanap ni Madeline si Achilles sa buong lupain ng mga del
Valle ngunit hindi niya ito natagpuan. Wala rin ni isa sa mga tauhan nilang
napagtanungan niya ang nakakaalam kung nasaan si Achilles. Ang huling pagkakita
raw ng mga ito sa binata ay sakay ito ng kabayo at patungo sa Ilog Fria. Pero
nakailang balik na siya sa ilog ay hindi naman niya nakitaroon si Achilles. Frustrated
at nahahapong ibinagsak niya ang katawan sa makapal na damong‑ligaw
ilang metro ang layo sa pampang ng ilog. Tumapat siya sa araw para matuyo agad
ang basang damit niya. Basta na lamang kasi siya nag‑dive sa ilog
dahil sa frustration nang hindi pa rin niya natagpuan doon si Achilles. Nasaan
kaya ito? Mula nang dumating siya sa rancho ay mabibilang pa lamang sa mga
daliri ngisang kamay ang mga pagkakataong nagkita at nagkausap sila. Hindi niya
gustong isiping iniiwasan siya ni Achilles, pero lately ay iyon ang napapansin
niya. Kahit ang daddy niya ay tila napupuna na rin iyon dahil nang nagdaang
araw lamang ay tinanong siya nito kung may ginawa na naman siyang kalokohan kay
Achilles kaya parang allergic na naman ang binata sa kanya. “Dad, how could you
think that?” puno ng indignasyong sabi ni Madeline.Sa halip bawiin ang sinabi
ay umarko lamang ang kilay ng ama niya at tatawa‑tawang ginulo ang kanyang buhok.
“I know you, princess brat. Paboritong pastime mo ang inisin, tuksuhin, at
kulitin si Achilles. Itinuturing ko ngang isang milagro na hindi pa nasasaid
ang pasensiya niya at hindi ka pa pinapalo sa puwit para magtanda ka.” “Dad!”
Lalong napuno ng indignasyon ang tono niya. “I’m not a kid anymore! Seventeen
na ako. Hindi na ako puwedeng paluin sa puwit. Hindi ko na kayapinagti‑trip‑an
si Achilles.” “Sa tingin ko, pinagsisisihan niya
ngayon na hindi ka niya napalo sa puwit no’ng bata ka pa.” Lumabi siya at
humalukipkip, pagkuwa’y inirapan ang ama. “Sometimes you’re so cruel to me,
Dad. Mas madalas na kampi kayo kay Achilles,” kunwari ay pagdadrama niya. Sa
halip na makonsiyensiya ay tumawa ito nang malakas. “Dahil mas mabait si
Achilles kaysa sa iyo, brat.”Nahinto ang pag‑uusap nila dahil biglang pumasok ang
taong pinag‑uusapan nila. Bagong paligo si Achilles at tila kay
bangu‑bango.
Dahil sanay si Madeline na basta na lamang yumayakap sa taong gustong
lambingin, walang pagdadalawang‑isip na lumapit siya sa binata at
animo ito teddy bear na niyakap. “Chilles, inaaway ako ni Dad. Mas mabait ka
raw kaysa sa akin? Sabihin mo nga sa kanya ang totoo. Wala nang mas babait at
mas gaganda at mas ku‑cutesa akin, `di ba?” Tiningala ito ni Madeline at pinapungayan
ng mga mata. “May lagnat ka, mataas. Nagdedeliryo ka na, eh,” tugon ng binata
na ikinatawa ng daddy niya. Kinalas ni Achilles ang mga braso ni Madeline na nakayakap
dito. Kung titingnan ng ibang tao ay iisipin niyon na gusto lang umupo ni
Achilles. But she knew better. Gusto siya nitong iwasan. Dahil doon, pakiramdam
niya ay sinampal siya ng binata. Pero agad din niyang binigyan ng katwiran angkilos
ni Achilles. Hindi talaga ito affectionate na klase ng tao. Hanggang maaari ay
ayaw nito ng anumang physical contact sa kahit sino. Minsan na niyang nasabi
iyon sa daddy niya at sinabi nitong malamang na mahigpit na ginuguwardiyahan ni
Achilles ang sariling emosyon. Ayaw nang hayaan pa ng binata ang sinumang
mapalapit dito para lamang i‑reject ito sa bandang huli katulad
ng ginawa rito ng sariling ama. Pero sa pagkakatanda ni Madeline ay seven years
old siya nang una at huling beses na ni‑reject niAchilles ang paglalambing
niya. Hinalikan niya ito sa pisngi dahil sa labis na tuwa sa pagkakahanap nito
sa nawawala niyang manyika. Pinunasan ni Achilles ang pisnging hinalikan niya,
pagkuwa’y nandidilat ang mga matang sinabihan siyang huwag nang uulitin ang paghalik
dito. Napaiyak siya noon dahil mas sanay siyang katuwaan at yakap ang
itinutugon sa mga paglalambing niya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Nataranta
si Achilles nang umiyak siya. Hindi nito alam kung paano siya patitigilin.
Bunsod ng kawalanng maisip gawin, ora mismo ay ipinangako ni Achilles na hindi
na ito magagalit kapag niyakap at hinalikan niya ito. Basta huwag lamang daw
siyang magsusumbong sa daddy niya at ititigil na niya ang pag‑iyak.
Subalit pumapayag man si Achilles na yakapin niya, hindi naman ito gumaganti.
Ang kagandahan lamang niyon ay hindi na ito umiiwas at hindi na rin siya pinapagalitan
kapag ginagawa niya iyon. Hinahayaan lamang siya ng binata sa paglalambing niya
dahil batidnitong ganoon siya sa lahat ng taong mahal niya at malapit sa kanya.
Madeline was so proud and touched that he allowed her to get that close to him.
Subalit ngayon ay tila kabilang na rin siya sa mga taong nasa kabilang panig ng
bakod na iniharang ni Achilles para hindi ito malapitan ninuman. Kapag
magkausap sila ngayon ay tila lagi ring hati ang atensiyon ng binata, tila ba
hindi talaga interesadong kausapin siya at nagtitiyaga lamang na pakiharapan
siya. Naalala tuloy niya noongmga bata sila at panay ang buntot niya kay
Achilles habang ito naman ay panay ang pagtatago sa kanya. Ano ang problema
nito? Wala sa loob na napabaling sa kabilang pampang ng ilog ang paningin ni
Madeline. Pag‑ aari na ng mga Arguilla ang panig na iyon ng ilog. Noong
binatilyo na si Achilles ay madalas na nahuhuli niya itong nakatingin sa
parteng iyon na para bang nais nitong tawirin ang ilog at puwersahang ipilit sa
pamilya ng ina natanggapin ito. Bago siya umalis ng rancho ay tinangkang makipag‑usap
kay Achilles ng noon ay may sakit nang si Lolo Lonzo. Tiyuhin ng ina ni
Achilles si Lonzo Arguilla. Pero hindi diumano interesadong makipag‑ayos
pa si Achilles sa sinuman sa mga kapamilya ng inang mahigit dalawang dekadang inignora
ang presensiya nito. Maaaring nagbago ang isip ni Achilles nang umalis ng bansa
si Madeline. Marahil ay nakipag‑ugnayan at nakipag‑ayos
ang binata sa mga Arguilla. Batid din naman niyang isang mapait na aspeto para
kay Achilles ang patuloy na pagtanggi rito ng mga Arguilla na para bang kasalanan
nito ang pagiging bastardo. Ayon sa daddy niya ay namatay si Lolo Lonzo walong
buwan na ang nakalilipas. Siguro naman bago yumao ang matandang lalaki ay
nakuha nitong kilalanin bilang kapamilya si Achilles. Sa naisip ay biglang
napabangon si Madeline.Akmang tatayo na siya nang marinig niya ang mga
papalapit na yabag ng kabayo mula sa direksiyong pinanggalingan niya. Nakahinga
siya nang maluwag nang makitang si Achilles ang lulan ng kabayong papalapit sa
kinauupuan niya. Ngunit dagli ring naudlot ang relief na naramdaman niya nang
mabasa niya ang ekspresyon sa mukha nito. “Sinabi ko na sa iyong huwag kang
pupunta nang mag‑isa rito, Madeline!”
nanggigigil nasikmat ni Achilles nang makababa ng kabayo. Itinali nito ang
kabayo sa katawan ng isang puno at naglakad palapit sa kanya. Huminto ito sa harap
niya at pinamaywangan siya.“Hinahanap kita kaya ako nagpunta rito. In fact,
halos buong araw kitang hinahanap. Saan ka ba nagpunta?” “Hindi na importante
iyon! Ang ibinilin ko sa iyo ang dapat sinunod mo!” “Puwede bang ipaliwanag mo
kung bakitbawal na akong pumunta rito ngayon gayong dati naman ay hindi?” Nang
nagdaang gabi lamang iyon sinabi sa kanya ni Achilles nang mabanggit niya
habang naghahapunan sila na gusto niyang magpunta sa Ilog Fria. “Basta sundin
mo na lang ako. Huwag nang matigas ang ulo mo.” Humalukipkip si Madeline at
umismid. “Basta sundin mo na lang ako,” gagad niya. Ginaya pa niya pati ang
seryosong ekspresyon sa mukha ngbinata. “Pa‑mysterious effect ka pa! Ano ba’ng meron dito sa ilog at bigla ay kailangan ko pang ipagpaalam
sa iyo ang pagpunta rito? Hah! Alam ko na! Siguro nakita mo nàyong mermaid
fairies na sinasabi ni Angela na nakatira dito sa Ilog Fria, `no, at gusto mong
sarilinin ang wishes na ibibigay niya? Madaya ka talaga!” Ang best friend ni
Madeline na si Angela Alva ang unang nagsabi sa kanya tungkol sa mermaid fairies
na diumano ay nananahan sa Ilog Fria.Mga six o seven years old lamang yata sila
noon at ang hilig nilang tambayan ay ang Ilog Fria. Nag‑aabang sila
ng mermaid fairies na hihingan nila ng wishes. Nayayamot na tumingala si
Achilles sa langit. Hati sa pagitan ng pagkaaliw at iritasyon ang ekspresyon sa
mukha. “Hanggang ngayon ba ay naniniwala ka pa rin sa mermaid fairies? Hindi totoo
ang mga iyon.” “Of course they’re true! Just because youhaven’t seen one yet
doesn’t prove it’s not true,” giit ni Madeline habang pinipiga ang suot na basang‑basa
nang T‑shirt.
“Next you’d be telling me you still believe in Santa Claus and his reindeers,”
patuyang sabi ng binata. Napansin niyang hindi tumitingin sa kanya si Achilles
habang nagsasalita. Natuklasan naman agad niya kung bakit. Bumabakat ang
katawan niya sa basang damit niya at naaaninag ang hugisng kanyang mga dibdib
bagaman hindi naman bakat ang mga nipples dahil may suot siyang bra. Lihim
siyang napangiti. Hmm… so the indifference was all just an act. The big fraud! Hindi
kaya iyon din mismo ang dahilan kaya para siyang may nakahahawang sakit kung
iwasan ni Achilles? Because he was attracted to her and was trying to fight his
feelings? Kung ganoon nga, kailangan niyang magpakatay ng baka. “Oo naman. Kung
hindi totoo si Santa, sino angnagbigay sa akin ng watercolor set no’ng eight years
old ako? Saka n’ong pink‑and‑purple dog house para kay Garfield
no’ng nine years old ako?” paghahamon ni Madeline. Ang mga binanggit niya ay
ang mga regalong natuklasan niyang si Achilles pala ang nagtiyagang mag‑ipon
ng pambili o mismong gumawa. Dahil ito ang laging nauunang makaalam ng mga
hinihiling niya kay Santa noon, alam na alam nito kung ano talaga ang nais
niyang matanggap tuwing Pasko.Ibinibida niya kasi lagi noon kay Achilles ang pagiging
good girl niya para makatanggap siya ng mga inaasam na regalo mula kay Santa
Claus. Napatikhim ang binata at bahagyang namula. “Para lang sa mga bata ang
mga ganoong paniniwala, Madeline. Hindi ka na bata para maniwala pa sa
kalokohang iyon. Maging mabait o masama ka man, walang Santa na magbibigay ng
regalo sa iyo at lalong walang mermaid fairy na puwede mong suhulan ng candies
atchocolates para ibigay ang mga kahilingan mo.” Iiling‑iling na
pumalatak siya. “Kailan ka pa naging cynical,
Achilles? `Di ba, ikaw pa nga ang nagsabi sa akin noon na hindi ako dapat
matakot sa kulog at kidlat dahil nagbo‑bowling lang ang mga anghel sa
langit at nagpapaligsahan ang mga bituin kung sino ang pinakamakislap?”IT TOOK
all of Achilles’ control not to cringe at those naïve statements he was hearing
fromMadeline. Tama siya sa palagay niyang masyado pa nga itong bata kompara sa
karanasan, mentalidad, at emosyonal na kakayahan niya. Bagaman iba ang
isinisigaw na reaksiyon ng kanyang katawan tuwing napapalapit siya kay Madeline,
hindi naman sumasabay sa advanced na pagsulong ng pisikal na anyo ng dalaga ang
damdamin at pag‑iisip nito. Halos isang taong nawala si Madeline sa paningin
niya pero nang sandaling mulingmagtama ang mga mata nila ay muntik na siyang mapamura.
Sapagkat sa halip na magmaliw ang baliw na damdaming umusbong sa kanyang puso para
dito ay lalo pang lumalim iyon na kinakailangan pa niya ngayong mag‑imbento
ng dahilan at paraan upang makaiwas dito. Nangangamba kasi siyang hindi na niya
maitatago pa ang nadarama at mapansin na rin iyon ng ibang kasambahay nila. Hindi
naniniwala si Achilles na hanggang samga sandaling iyon ay naniniwala pa rin si
Madeline sa mga paniniwalang pambata, pero nasisiguro niyang hindi pa rin naman
nito lubos na natatanggap na hindi totoo ang lahat ng iyon. She was still too
innocent, too optimistic, and too trusting of the world’s goodness while he had
probably been born jaded. Nakakatakot ang klase ng pagtitiwalang mayroon si
Madeline. Masyadong malaki ang hinihinging kapalit niyon.Dahil hindi rin siya
sigurado kung ang nararamdaman niya ngayon para kay Madeline ay sapat nang
kasagutan sa nahuhulaan na niyang damdamin din nito para sa kanya, hindi niya maisatinig
at maipakita iyon sa dalaga. Kailangan niyang patuloy na ignorahin ang
pagbabago ng pagtingin nito sa kanya. Because one false step towards the wrong
direction of what they were both starting to feel for each other and they would
both lose their closeness.Bukod kay Ninong Tomas ay si Madeline ang isa pang
tao sa buhay niya na ipapaputol muna niya ang lahat ng parte ng kanyang katawan
bago ipakipagsapalarang mawala sa buhay niya. Wala siyang ibang hinayaang
makapasok sa bawat sulok ng pagkatao niya kundi ang walong taong gulang na
batang walang pangingiming bumuntut‑buntot sa kanya sa kabila ng mga pagsusuplado
niya noong una. Walang hirap nitong nakuha ang pagmamahal at pagtitiwalaniya
kahit pa sinubukan niya itong paulit‑ulit na itulak palayo. “Walong
taon ka lang nang sabihin ko iyon sa iyo, Madeline. Hindi nangangahulugan na
lahat ng sinabi ko sa iyo ay totoo. Kung gusto mong maiwasang masaktan, dapat
mong pag‑aralang alamin kung kailan nagsasabi ng totoo o hindi
ang isang tao,” seryosong wika niya. Sinalubong ng dalaga ang mga mata niya, pagkuwa’y
sinapo ng mga kamay nito angkanyang mukha. “I know you will never lie to me, Achilles.”
Ang sabi niya sa sarili ay hindi niya sasamantalahin ang damdamin ni Madeline
para sa kanya. Hindi ito tulad ng ibang babaeng dumaan na sa buhay niya. She
wouldn’t know how to protect herself against the hurt he would surely bring
her. Kaya siya ang dapat na umiwas. Ngunit maaari ba talaga niyang magawa iyon kung
ganoong bawat himaymay niya ay nag‑uudyok sa kanyang tikman ang
mapupula at tila kay tamis sa kainosentihang mga labi nito? Dahan‑dahang
bumaba ang mukha ni Achilles palapit sa naghihintay na mga labi ni Madeline. Nalalanghap
niya ang shampoo at pabangong gamit ng dalaga. Natutukso ang mga kamay niyang
haplusin at damhin ang makinis nitong mga pisngi. Gustong magsawa ng mga mata
niya sa pagtunghay sa mga mata nito. Ngunit sa huling sandali ay umurong ang
mgapagnanasang iyon nang maalala niya si Ninong Tomas. Naalala niya kung gaano
kalaki ang utang‑na‑loob niya sa kanyang ninong para
sirain ang tiwala nito. Inalis niya ang mga kamay ni Madeline na nakasapo sa
kanyang mukha, pagkuwa’y umatras siya para maglagay ng distansiya sa pagitan
nila. “Bumalik na tayo sa villa. Baka abutan pa tayo ng dilim dito.”
CHAPTER
THREE
“SO
THAT was your rival, huh?” komento ni Angela. Tumango si Madeline. Hindi siya
mapalagay sa mga paiwas na sagot ni Nanay Saleng at ni Achilles mismo tungkol
kay Myra kaya nagsagawa siya ng sariling imbestigasyon sa tulong ng kaibigan
niyang si Angela. Hindi maganda ang mga natuklasan nila. Nalamannilang madalas
pala talagang magkita sina Achilles at Myra. Ang hula nga ng mga nakakakilala
sa mga ito ay magkasintahan na ang dalawa, lamang ay hindi umaamin. “Sorry,
Maddy, pero mukhang tagilid ang lagay mo. Hindi lang magandàyong girl, mukhang
independent at matalino pa,” nakangiwing sabi ni Angela. Naroon sila sa
bakeshop na pag‑aari at personal na mina‑manage ni Myra. Ano nga naman anglaban
ng isang seventeen‑year‑old‑barely‑out‑of‑
high‑school
girl na tulad niya sa isang twenty‑ five‑year‑old
na dalagang mayroong sariling negosyo? Bale‑wala ang dalawang taong tanda ni
Myra kay Achilles dahil matured naman na talaga para sa edad nito ang binata.
Mas marami itong pagkakapareho kay Myra kaysa sa kanya. Isa pa, lamang man siya
sa ganda at yaman, batid niyang hindi mahalaga ang mga iyon kay Achilles dahilhindi
ito mababaw na klase ng lalaki. “Oh, Ange, ano’ng gagawin ko? I love Achilles. I
don’t think I can love another man but him,” desperadang sambit ni Madeline.
Isinubsob niya ang kanyang mukha sa mga kamay. Marahang tinapik‑tapik
siya nito sa balikat. Puno ng simpatya ang tinig nang magsalita. “Hindi mo pa
naman tiyak kung sila na nga, `di ba? Malay mo, magkaibigan lang talaga sila?”“Pero
narinig ko mula mismo kay Achilles noon na liligawan niya si Myra. Malay mo
kung sila na nga ngayon? Imposibleng bastedin ni Myra si Achilles. Dapat kasi
ay hindi talaga ako umalis ng rancho.” Hindi nagkomento ang kaibigan niya.
Ilang sandaling umiral ang katahimikan sa pagitan nila. “Basta! Achilles is
mine!” mariing pahayag niya kapagkuwan. “Maddy, hindi por que mahal mo ang
isangtao, ibig sabihin ay kailangan ka ring mahalin ng taong iyon,” wika ni
Angela sa tinig na may bahid ng pait at lungkot. Kagaya niya, si Angela rin ay umiibig
sa isang lalaking hindi naman ito ang iniibig. Ngunit kung ang kaibigan niya ay
kontento nang mahalin mula sa malayo ang lalaking iyon, siya ay hindi. Bata pa
siya ay itinuro na sa kanya ng mga magulang na kung may gusto siyang makamit ay
siya mismo ang dapat gumawa ngparaan para makuha iyon. Kung hihintayin daw niya
iyon na malaglag sa mga kamay niya nang wala siyang ginagawa ay inaaksaya
lamang niya ang mga kakayahang ipinagkaloob sa kanya. Dinadaya lamang diumano
niya ang sarili dahil nagpadala siya sa karuwagan at katamaran.NAPANGIWI si
Madeline nang matanaw niya si Achilles. Naabutan na naman siya nito sa Ilog Fria.Akmang
magpapaliwanag siya nang makalapit ang binata pero itinaas nito ang isang kamay
para patigilin siya. Tila pagod na pagod na bumuntong‑hininga ito,
saka pasalampak na umupo sa tabi niya. “May muntik nang malunod na babae rito
no’ng isang buwan. Kung hindi siya nasagip ni Mang Emong, malamang na natangay na
siya ng agos ng tubig hanggang sa dagat. Hindi mo ba napansing tumaas na ang
tubig sa ilog at mas malakas ang agos nito ngayon? Epektoiyon ng sunud‑sunod
na bagyong dumating. Hindi pa nakatulong na pinagpuputol ng mga Cassidy at
Raval ang mga puno sa tabing‑ilog sa loob ng mga lupain nila,”
seryosong pahayag ni Achilles. May kalakip na pait sa tono ng binata na para bang
tinraidor ito ng isang matalik na kaibigan. Sa opinyon kasi nito ay hindi na
kailangan pa ng Isla Fuego ng dagdag na mga establisimyento kung ang kapalit ay
ang pagkaubos ng mga likas nayaman ng isla. He loved the land, the sea, the trees,
and the animals that thrived on the whole island. “Kaya pala! Nagtataka nga ako
dahil parang lumapit sa pampang ang tree house ko gayong ang pagkakatanda ko ay
mas malayo kaysa sa ngayon iyon noon. Pero hindi mo kailangang mag‑alala.
Mahusay naman akong lumangoy. Saka kung delikado ang ilog, bakit no’ng isang araw
ay nakita kitang naliligo riyan?”“Mas malakas ako kaysa sa iyo. Hindi ako basta‑basta
matatangay ng agos kompara sa iyo. Sa susunod, huwag ka na uling pupunta rito
nang hindi ako kasama. Malinaw?” Hindi hinintay ni Achilles ang sagot niya. Humiga
ito at ginawang unan ang mga braso. Binelatan ni Madeline ang binata. Nang pumihit
ang ulo nito sa direksiyon niya ay dali‑ daling tumingin siya sa langit. Tumawa
si Achilles. “Nakita ko iyon. Kunghindi ka mangangakong hindi na uli pupunta
rito nang nag‑iisa, bibilinan ko ang mga tao sa bahay na huwag kang
payagang lumabas ng bahay nang walang kasama.” “All right. Hindi ako pupunta
rito nang walang kasama.” Humiga rin siya sa tabi ng binata. “Good. Ituloy mo
ang pagkukuwento tungkol sa bakasyon mo. Saan‑saan kayo nagpunta pagkagaling sa
Louvre Museum?” Napabuntong‑hininga si Madeline. Mas gustoniyang
usisain si Achilles tungkol kay Myra pero duda siya kung sasagutin siya nito.
Isa pa, hindi siya puwedeng maging sobrang mausisa dahil baka kung ano ang
isipin nito. Kaya sa halip na magtanong ay inisa‑isa niya ang lahat ng nakita at naranasan
habang nasa Paris siya. Ikinuwento niya ang bawat taong nakilala at naging
kaibigan niya. Nang mabanggit niya ang mga lalaking nakilala niya roon ay
napansin agad niya ang biglang pagkunot ng noo ni Achilles.“May nagustuhan ka
bang lalaki roon?” Muntik nang matawa si Madeline nang makita ang pag‑aalala
at pangamba sa anyo ng binata. Duda siya kung batid ni Achilles na malinaw na nasasalamin
sa mga mata nito ang mga emosyon nito. Kung alam ng binata ang tungkol doon ay tiyak
na mag‑iiwas
ito ng tingin. “Wala. Imposible iyon dahil narito sa rancho ang taong gusto
ko,” lakas‑loob na sagot niya. Noon nag‑iwas ng
tingin si Achilles. Pero bagoiyon ay nasaksihan ni Madeline ang pagguhit ng relief
sa anyo ng binata. Tinakpan ni Achilles ng isang braso ang mga mata. Hindi na
uli ito nagsalita kaya namayani na naman ang katahimikan sa pagitan nila. Ilang
minuto pa ang lumipas bago binalingan ni Madeline si Achilles. Pinagmasdan niya
ang guwapong mukha nito. Mukhang nakatulog na ang binata. Ayon kay Nanay Saleng
ay nagkasakit ang kabayo ni Achilles na si Hidalgo. Dahil isangveterinarian si
Achilles, ito na mismo ang gumamot sa kabayo. Buong magdamag itong nasa kuwadra
at binabantayan ang mga pagbabago sa kalagayan ng kabayo. Nangangati ang mga
kamay ni Madeline na paglandasin ang mga iyon sa mga perpektong anggulo ng
mukha ni Achilles. Gusto niyang haplusin ang mga gatla sa gilid ng mga mata at labi
nito. Kaya naman nang lumipas ang ilang minuto at manatiling nakapikit ang
binata aylakas‑loob na hinaplos niya ang pisngi at baba nito. “I’m
still awake, Madeline,” amused na sabi ni Achilles nang hindi dumidilat. Napahiyang
bigla niyang binawi ang kamay. Humiga uli siya sa tabi ng binata. Ginaya niya
ito. Itinakip din niya sa mga mata ang isang braso. Kahit pagbantaan siya
nitong lulunurin sa ilog, hindi siya tatayo hangga’t hindi ito nauunang umalis.Ang
akala niya ay matapang siya. Ang akala niya ay kaya niyang gawin ang pilit
isinisigaw ng kanyang damdamin na magtapat kay Achilles. Pero hindi pala siya
ganoon katapang. Dahil habang nakapikit siya nang mariin at nakikiramdam sa
ikikilos ng binata ay dumadagundong sa lakas ng kabog ang dibdib niya. Baka nga
sa lakas niyon ay naririnig na nito iyon. Nang bigla siyang kabigin ni Achilles
upangidantay ang kanyang ulo sa dibdib nito at pumalibot ang mga braso sa
katawan niya ay daig pa niya ang ipinasok sa freezer sa paninigas. “A‑Achilles…” “Masyado pang maaga para sa nararamdaman mo, Madeline. Mag‑e‑eighteen
ka pa lang samantalang twenty‑three na ako. Paano ka nakasisigurong
seryoso ka sa nararamdaman mo at hindi iyon infatuation lang?” His voice was so
tender and gentle as if he was scared he mightshock her. “Oh, Achilles! Y‑you
mean you love me, too?” Sa labis na katuwaan ay naitulak
niya ang binata at napabangon siya upang makita nang mas mabuti ang anyo nito. Umungol
si Achilles na animo frustrated. Humiga uli ito sa damuhan. Ibinuka ang mga braso
at tumitig sa langit na tila mahahanap doon ang kasagutan sa tanong. Hinawakan
ni Madeline sa balikat si Achilles atniyugyog. Nang hindi ito tuminag ay
pinihit niya ang mukha nito paharap sa kanya. “Tell me!” utos niya. “You love
me, too, don’t you? That’s the reason why you told me to go with Mom. Kasi ayaw
mong aminin ang nararamdaman mo para sa akin at nahihirapan kang patuloy na
itago iyon. Iyon din ang rason kaya iniiwasan mo ako mula nang bumalik ako galing
Paris. You were trying to deny your feelings for me. Oh, Achilles! I love you,
too. Youdon’t have to hide your feelings for me.” Pakiramdam ni Madeline ay
sasabog ang dibdib niya sa magkahalong antisipasyon at kagalakan. Masuyong
ikinulong ni Achilles sa mga kamay ang kanyang mukha, pagkuwa’y marahan siyang
hinila palapit dito hanggang sa halos isang pulgada na lamang ang layo ng mga labi
nila sa isa’t isa. Pumikit siya at hinintay ang pagdampi ng mga labi ng binata
sa kanyang mga labi. Ngunit hindinangyari iyon. Sa halip ay idinikit ni
Achilles ang noo nito sa kanyang noo. Then he groaned as if he was in agony. Dumilat
siya. “Achilles?” “Maddy, mahalaga ka sa akin. Pero…” Natatawang idinikit niya
ang kanyang ulo sa dibdib ni Achilles. May katorpehan pala itong taglay. Nauutal
ito sa pag‑amin ng nararamdaman.“I love you, too. I love you. I
love you!”malakas na sigaw niyang may kasamang tawa at mga luha. Para siyang
mababaliw sa labis na katuwaan. Gusto pa sana niyang magtatalon at ipahayag sa
bawat puno at ibon na nakapaligid sa kanila ang kanyang damdamin ngunit
natigilan siya nang makita ang kaseryosuhan sa anyo nito. “Achilles?” biglang
kinabahang sambit niya. Bumangon ito, pagkuwa’y inilahad ang kamay sa kanya
para alalayan siya sa pagtayo. “Achilles, bakit?”Taliwas sa kaligayahan ni
Madeline, tila namatayan ang binata base sa lungkot na mababakas sa mukha. Pero
ang mas nakakuha ng atensyon niya ay ang guilt na bumadha sa mukha nito bago
nag‑iwas
ng tingin. Sa labis na kagalakan niya sa inaakalang pagtatapat ni Achilles,
noon lamang niya na‑realize na wala naman talaga itong sinabing kahit ano
na tumutukoy sa damdamin nito para sa kanya. Kung tutuusin, ang sinabi nito ay
maspagkuwestiyon sa damdamin niya kaysa sa pag‑ amin ng sariling damdamin. Ibig
sabihin lamang niyon ay matagal nang nahulaan ni Achilles ang tungkol sa
nararamdaman niya para dito. Kaya ingat na ingat si Achilles na niyakap pa siya
ay dahil batid ng binata na masasaktan siya oras na sabihin nitong nagkamali
siya ng intindi sa sinabi nito. Kinagat niya nang mariin ang ibabang labi bago
sinalubong ang mga mata ni Achilles.Magkahalong sakit at pagkapahiya ang
nadarama niya. “You’re my best friend, Maddy. The only friend I trust without
reservation. Alam mong mahal kita, `di ba? Pero…” Hindi siya sanay na makitang
tuliro si Achilles at walang maapuhap sabihin dahil sa pangambang masasaktan
nito ang damdamin niya. “Maddy, may girlfriend na ako. Si Myra, iyongbabaeng
nabanggit ko sa iyo bago ka umalis ng rancho.” Bumuntong‑hininga ito,
mababakas sa mukha ang pagkaasiwa at pakikisimpatya sa sakit na hindi niya
kayang ikubli. “Maddy, I’m sorry. Ang akala ko, kapag nakakita ka ng ibang
kaedad mo pag‑alis mo rito at paglayo mo sa akin ay makakalimutan mo
na ang infatuation mo sa akin. Pero nakita kong walang nagbago nang araw na
dumating ka uli rito sa rancho. Naisip kong iwasan ka sa pag‑asang
ibabaling mo sa iba ang atensiyon mo. Pero mukhang hindi nangyayari iyon. Hindi
ko man gustong saktan ka o paasahin, kailangan kong buksan ang usaping ito,”
wika ni Achilles sa mababang tono na ginagamit nito kapag may pinapakalma itong
nagwawalang kabayo at baka. Isa ba siyang mabangis na hayop na nag‑iipon
lamang muna ng lakas bago magwala kaya sinisikap nitong pakalmahin siya? “Y‑you’re lying,” ani Madeline sa garalgal natinig. “Plano
ko nang ipakilala si Myra nang pormal sa inyo ni Ninong. Nagbabalak na akong
alukin siya ng kasal. Hindi ko gustong biglain ka sa pagdating niya rito sa
Linggo ng gabi para makasalo natin siya sa hapunan. Nasabi ko na rin kay Ninong
ang tungkol sa kanya.” Sinalubong niya nang diretso ang mga mata ni Achilles.
Saglit lang nitong natagalan ang pakikipagtitigan sa kanya at nag‑iwas
agad ngtingin. Pero bago iyon ay nakita na niya ang pagdaan ng pamilyar na
emosyon sa mga mata ng binata—mga emosyong nakikita niya sa salamin tuwing
naiisip niya ito. “Liar! You love me, too!” mariing wika niya. Hindi siya
maaaring magkamali, iyon ang emosyong dumaan sa mga mata ni Achilles habang
nakatunghay sa kanya, lamang ay mabilis nitong naikubli iyon. “And I’m going to
prove it to you, Achilles!”“Listen to yourself, Madeline. Iyan ba ang akto ng
isang matured nang tao? Sa tingin mo ba ay makukumbinsi mo akong seryoso ka sa nararamdaman
mo sa akin gayong para ka lang may nagustuhang bag sa mall na itinuro mo at gustong
bilhin? Seventeen ka pa lang, Madeline. Masyado ka pang bata para isiping
totoong pag‑ ibig iyang nararamdaman mo.” “Ikaw ba ang nakakaramdam
ng nararamdaman ko para masabi mong hindi itototoo? I love you! I’ve loved you
since I was fifteen!” “Madeline…” Hindi na niya pinakinggan si Achilles.
Mabilis na tinalikuran niya ito at tumakbo siya palayo. She wouldn’t listen to
him. He was lying. She saw it in his eyes. Ang hindi lang niya alam ay kung bakit
kailangang gawin iyon ni Achilles gayong inamin na niyang mahal din niya ito.
CHAPTER
FOUR
LIHIM
na napangiti si Madeline nang makita mula sa sulok ng kanyang mga mata ang reaksiyon
ni Achilles nang masilayan siya nitong pababa ng hagdan. Suot niya ang evening
dress na binili nila ni Angela sa Fire Mall nang nagdaang araw. Hindi nila
ugaling magdamit nang pormal tuwing hapunan maliban na lamang kung may bisita.
Kaya naman natitiyak niyanghindi magtataka ang mga kasambahay kung sakaling
bumaba man siya suot ang mint green off‑shouldered silk gown.“You look
beautiful, princess. Dalagang‑dalaga ka na nga. I wish your
mother could see you right now. You look so much like her when she was younger,”
puri ng daddy niya nang salubungin siya sa paanan ng hagdan at ilahad ang braso
nito upang magkaagapay silang pumunta sa dining room.“Thanks, Dad,” nakangiting
sabi niya. Nilingon niya si Achilles. Base sa hitsura ng binata, parang
nakalimutan nito ang babaeng nakaabrisete rito. Hindi iyon ang unang pagkakataong
nakita siya ni Achilles na nakabestida o nag‑apply ng makeup pero iyon ang
unang pagkakataong nakita siya nitong suot ang isang damit na nagpapakita ng
hubog ng katawan niyang binago na ng panahon. Tonight, she didn’t look like a
little girl at all but a fully grown woman. “Hi! Myra, right?” bati ni Madeline
sa babaeng curious na nakatunghay sa kanya. Inilahad niya ang kamay para
makipagkamay rito. Kung mukha lang sana itong salbahe ay mas pabor sa kanya.
Ang kaso, mukhang mabait ang babae, lalo na nang gumanti ng matamis na ngiti.
“I’m Madeline. It’s nice to meet you.” Hindi nagsalita si Achilles habang
nakikipag‑ kilala si Madeline kay Myra ngunit ang mga matang
binata na nagtatanong sa kanya ay sapat na upang maipaalam sa kanya ang
pagtataka nito sa ikinikilos niya. Nang nagdaang araw lamang ay pilit pa rin
niyang pinapaamin si Achilles na isang palabas lamang ang relasyon nito kay
Myra para pagtakpan ang sariling damdamin para sa kanya na ayaw nitong aminin.
Kaya marahil ay nagtataka si Achilles ngayon sa magandang pakikitungo niya sa
nobya nito. Baka nga kinakabahan pa ang binata at iniisip ang mgamaaari niyang
gawin para guluhin ang relasyon nito at ni Myra. Sa harap ng hapag‑kainan
ay si Madeline ang perpektong hostess. Panay ang kuwento niya kay Myra ng mga
nakakaaliw na anecdotes tungkol kay Achilles noong bata‑bata pa ito.
Napansin niyang tila hindi mapakali si Achilles. Ilang beses nitong tinangkang
magsimula ng usapan pero sa tuwina ay inuunahan niya ang binata. Nangangamba
kasi siyang sasabihin na niAchilles sa daddy niya ang tungkol sa pagbabalak nito
at ni Myra na magpakasal. She couldn’t let him do that. Not until she had her
chance in making him see he was doing the wrong thing. Habang kumakain ay
inobserbahan ni Madeline ang pakikitungo ni Achilles kay Myra. Iyon nga lang,
kagaya ni Achilles ay mukhang hindi rin showy si Myra pagdating sa damdamin. Mistula
itong female version ni Achilles. Ito ba talaga ang klase ng babaeng gusto ni
Achilles,someone who wouldn’t make his head ache with her endless mischiefs and
misadventures? Someone who didn’t know how to laugh spontaneously, act
impulsively, and be silly? Animo may kumurot sa isang sulok ng puso ni Madeline
habang pinagmamasdan ang magkasintahan sa tahimik na pag‑uusap.
Tahimik dahil tila mga mata lamang ng dalawa ang nag‑ uusap at
hindi na kailangan pa ng mga salita para maunawaan ng isa’t isa ang sinasabi ng
isa.Pagkatapos ng hapunan ay nagpaalam na agad si Achilles na ihahatid pauwi si
Myra. Aalis si Myra nang gabing iyon patungong Davao. May dadaluhan itong
seminar doon. “Dad, did you regret marrying Mom because she was too different
from you?” tanong ni Madeline habang sinusundan ng tingin ang papalayong
kotseng sinakyan nina Achilles at Myra. Nakatayo siya sa tapat ng bintana kung saan
tanaw niya iyon.Bumuntong‑hininga ang daddy niya bago sumagot.
“Anak, magkaiba kami ng mommy mo sa inyo ni Achilles.” Gulat na napalingon siya
sa ama. Hindi siya makapaniwala na agad nitong nahulaan ang tunay na laman ng
tanong niya. Nginitian siya ng daddy niya. Lumapit ito sa kanya at pinisil ang
kamay niyang nakapatong sa hamba ng bintana. “I’m your father, Madeline.
Matagal ko nangalam ang tungkol sa damdamin mo para kay Achilles. Ang totoo
niyan, noong fifteen years old ka ay kinausap ko siya. Binalaan ko siyang huwag
samantalahin ang nararamdaman mo para sa kanya. Kung hindi rin lang niya kayang
maipangako sa akin na mamahalin ka niya nang higit pa sa pagmamahal niya sa
akin bilang tumayong ama niya o sa rancho na tanging naging tahanan niya, siya
nàkako ang umiwas sa iyo.”Nahigit ni Madeline ang hininga. Inaabangan niya ang
susunod na sasabihin ng ama. “And you know what he said? Kaya niyang mawalan ng
ama, ng tahanan, at kahit ng pangalan pero hindi ng kaluluwa na siyang turing niya
sa iyo, Maddy. He was a very bitter, angry, and lonely boy when he first came
here. Seryoso siya at hindi nakikipag‑usap kahit kanino. Mas gusto
niyang nag‑iisa siya. But when he met you when you were six, you
taught him how to laughagain, how to smile, and how to be a young boy again. He
loves you, Maddy. You’re probably the only one he loves with no reservations.” Nakagat
niya ang ibabang labi. Tumanaw siya sa labas ng bintana ngunit hindi naman niya
masabi kung ano mismo ang tinitingnan niya roon. “But he’s with Myra now, Dad.
And she seems like a very nice woman. Sa isip ni Achilles ay masyado pa akong
bata para seryosuhin niya ang nararamdaman ko para sa kanya.”“I certainly hope
so, princess brat. Dahil kung iisipin niyang puwede ka na niyang seryosuhin, ako
ang unang makakalaban niya. Boto man ako sa kanya para maging manugang ko
pagdating ng tamang panahon, hindi ibig sabihin niyon na kukunsintihin ko
sakaling gumawa siya sa iyo ng hakbang na hindi ko magugustuhan.” “Dad!” “You
are still seventeen, Maddy. You’re too young for him and he is a normal male
with ahm,well, needs that… that…” Biglang namula ang mukha ng kanyang ama.
Nahulaan na niya kung ano ang nais nitong tukuyin. “Dad, alam ko na ang tungkol
sa birds and bees at kung paano gumawa ng baby.” “Well, anyway, that. You are
way, way too young for that. Lalaki si Achilles. Hindi madali para sa kanya,
lalo na sa nasa edad niya, ang umiwas sa tukso. Natural lamang ang pakikipagrelasyon
niya kina Myra at sa mganauna pa niyang naging nobya habang hinihintay ka
niyang tumuntong sa tamang edad.” Mulagat na napatitig si Madeline sa ama.
“Dad! That’s just so sick! Are you telling me that even though he loves me, he
can still go to bed with other women just to satisfy his needs?” Napangiwi at
napakamot ito sa ulo. Bumadha ang pagkaasiwa sa anyo at ang pagsisising nabuksan‑buksan
pa nito ang paksang iyon. Naging determinado naman si Madeline. Hindisiya
makapapayag na ipagpatuloy ni Achilles ang ginagawa nito kung totoo man nga ang
sinabi ng daddy niya. He’s mine! sigaw ng puso niya. Maaaring masyado pa nga
siyang bubot para pansinin ni Achilles, ngunit hindi iyon nangangahulugan na puwede
itong magpakasawa sa mga bisig ng ibang babae gayong siya ang laman ng puso
nito.AKMANG aakyat na si Achilles sa hagdan nangbigla siyang gulatin ng tinig
ni Madeline na nagmumula sa madilim na parte ng sala. Ang akala niya ay tulog
na ang lahat ng kasambahay ngunit dapat ay inasahan na niyang hindi basta palalampasin
ni Madeline ang gabing iyon nang hindi siya kinakausap. Huminga siya nang
malalim bago naglakad patungo sa kinaroroonan ng dalaga. “Gabi na, Maddy. Bakit
gising ka pa?” Taliwas sa panatag at kalmadong boses niya ang bilis ng tibok ngkanyang
puso, lalo na nang makasalubong niya ang nang‑aakusang tingin nito.Wala silang
relasyon. Hindi si Madeline ang nobya niya pero bakit pakiramdam niya ay pinagtaksilan
niya ito nang ihatid niya pauwi si Myra? Madeline was even the reason why Myra got
angry with him before he left her a couple of hours ago. Nang tangkain kasi ni
Myra na hagkan siya at anyayahan sa loob ng bahay nito kanina ay tumanggi siya
at nagdahilan na marami pangkailangang gawin sa rancho. Ni hindi man lang siya
na‑turn
on kay Myra, bagay na napansin nito at ikinagalit. Inakusahan pa siyang
nanlalamig na rito at nagsasawa. Hindi kasi iyon ang unang pagkakataong
nangyari iyon. In fact, mula nang dumating si Madeline ay hindi na uli siya
sumiping kay Myra.May isang maliit na boses kasi na humihiyaw sa tainga niya na
isang kalapastanganan ang sumiping siya sa ibang babae gayong nagbalik naang
dalagitang pilit niyang inaalis sa loob ng kanyang puso. Ang naturang dalagita
na hindi niya maaaring mahalin dahil sa napakaraming balakid sa pagitan nila.
Perhaps if she was older, may pag‑asa pa ang nararamdaman niya para dito.
Ngunit bukod sa hadlang ang edad nito sa pagitan nila, malaking balakid din ang
respeto niya sa daddy nito at ang kawalan niya ng kasiguruhan sa maaaring
itagal ng damdamin niya para dito. He was twenty‑three years old andyet he had
never fallen in love with any woman. Ang lahat ng nagdaang relasyon niya ay
dala lamang ng mutual understanding nila at ng magkaparehong mga
pangangailangan. Kaya paano niya itataya ang halos dalawang dekadang pagtitiwala
at pagmamahal ng lalaking itinuturing na niyang ama sa isang relasyong maaaring
hindi makabuti at masaktan lamang ang prinsesa nito? “I was waiting for you.
Hindi aabutin nangthirty minutes ang biyahe hanggang Paseo Fernando, Achilles.
What took you so long?” magkasalubong ang mga kilay na tanong ni Madeline.
Namaywang ito at tumiyad sa pag‑ asang magpapantay ang kanilang
mga mukha. Pero sa kabila ng effort ng dalaga ay hanggang ilong lang din niya
ang abot ng tuktok ng ulo nito. Mukha itong kuting na hinahamon ang tigreng kaharap.
The urge to kiss her pouting red lips was strong. Nag‑iwas siya ng
tingin. Hindi niyamagawang salubungin ang nag‑aakusang titig nito na animo isa
siyang nagtataksil na nobyo. Nasa dulo na ng dila ni Achilles ang pasikmat na
pagsagot kay Madeline na wala itong pakialam kung natagalan man siya sa
pagbalik, pero pinigilan siya ng hinanakit na rumehistro sa mga mata nito. Alam
niyang dapat niyang samantalahin ang pagkakataong iyon upang ipaunawa sa dalaga
na dapat na nitong kalimutan ang anumangnararamdaman para sa kanya. Na mas
dapat nitong itutok ang pansin sa mga lalaking kaedad nito, sa pag‑aaral,
at isantabi na ang infatuation sa kanya. Batid niyang isang pahayag ang
katumbas ng pagsusuot ni Madeline ng damit na nagpapakita ng hubog ng katawan.
Batid din niyang nanganganib na ibuko siya ng sariling damdamin kung hindi niya
ito makukumbinsing seryoso siya kay Myra. Kanina nga lang nang makita niyangpababa
ng hagdan si Madeline ay halos hindi siya makahinga sa labis na paghanga sa
kagandahan nito. Any man would be ecstatic to know that she admired him and was
greatly attracted to him. Ngunit kung siya sa sarili ay hindi sigurado sa nararamdaman
para kay Madeline, mas hindi siya sigurado sa nararamdaman nito para sa kanya. Masyado
pang bata si Madeline at marami pang makikilalang ibang lalaki na mas malapit
angedad dito—mga binatang kapareho nito ng estado sa lipunan at hindi isang
ulilang tulad niya na dahil lamang sa pagkakawanggawa ng ninong kaya nagkaroon
ng pamilya at tahanan. Kung kaya mas mabuting itutok na nga lamang niya ang
oras at panahon sa mga katulad ni Myra. Walang komplikasyon ang relasyon nila.
Walang expectation sa isa’t isa. Malinaw nilang nauunawaang oras na nais nang
kumalas ng isa sa kanila ay malaya nilang magagawa iyon nanghindi inaalala kung
masasaktan ang isa. Magkasama sila dahil magkaibigan sila at maraming
magkaparehong interes, pero hindi nila mahal ang isa’t isa. Bagaman alam ni
Achilles na hindi na lalagpas pa sa kama ang maaaring maging relasyon nila, mas
mabuti na iyon kaysa piliin niyang saktan ang sarili at ang taong kumupkop sa
kanya, bagay na natitiyak niyang mangyayari kung susundin niya ang iniuudyok ng
munting tinig sa kanyangisip na hayaang mahalin ng puso niya si Madeline. “Achilles,
do you really love her?” tanong ni Madeline. Namumungay ang mga mata nito at tila
mabuway ang pagkakatayo sa tabi ng grand piano na minana pa ni Ninong Tomas
mula sa lola. Noon niya napansin ang kopitang nakapatong sa grand piano. “Uminom
ka?” pabulalas na tanong niya.“Madeline, ano ba’ng ginagawa mo? Nababaliw ka na
ba?” Ngalingaling yugyugin niya ito para tumimo sa isip nito ang kalokohang
ginawa. “Achilles, just answer me! Do you really love her?”
CHAPTER
FIVE
KABADONG
hinintay ni Madeline ang sagot ni Achilles. Mababakas pa rin sa mukha nito ang galit
sa natuklasang pag‑inom niya ng alak. Isang baso lang naman ng paboritong
brandy ng daddy niya ang kanyang ininom. Pampalakas‑loob lang habang
hinihintay niya ang pag‑uwi ni Achilles. Pampamanhid din
sa sakit na dulot ng mga nalikhang eksena sa kanyang isip na maaaringdahilan
kung bakit hindi agad nakabalik ang binata. Images of him kissing and holding
Myra in his arms were enough to make her want to tear her heart out just to
stop it from aching. “Of course, I love her. Kaya nga ipinakilala ko na siya sa
inyo, hindi ba?” sagot ni Achilles pero sa tonong kulang sa kombiksiyon. Ni
hindi rin siya nito matingnan nang tuwid sa mga mata. Sa halip ay sa mga labi
niya ito nakatingin. Para sa kanya ay patunay iyon nanagsisinungaling si
Achilles. Wala siyang eksaktong plano kung paano mapapaamin ang binata na mahal
siya nito at panakip‑butas lamang nito si Myra. Subalit nang makita niyang nakatingin
si Achilles sa mga labi niya ay bigla siyang nagkaideya. Tulak ng pekeng lakas
ng loob na dulot ng ininom na alak, ikinawit niya ang mga kamay sa batok ng
binata at hinila pababa ang ulo nito upang masalubong ang naghihintay niyang
mga labi. Hindi siya marunong humalikngunit hindi na niya kailangan pa ang
kaalaman dahil kusang kumilos ang mga labi ni Achilles upang kontrolin ang
halik.Sa umpisa ay dumampi lamang ang mga labi ni Achilles. Tila ba hindi nito
napigilan ang sariling tikman ang tentasyong kusang inialay. Ang padampi‑damping
halik ay unti‑unting naging mapusok at lumalim. Animo milyun‑milyong
langgam ang gumagapang sa katawan ni Madeline dahil sa marahang pagkagat‑kagat
ngbinata sa mga labi niya na agad sinusundan ng panunuyo ng mga labi nito. Nang
kapusin sila ng hininga ay saglit na pinakawalan ni Achilles ang mga labi niya.
Isang malaking pagkakamali iyon dahil bigla rin itong natauhan nang magtama ang
kanilang mga mata. Kung alam lamang niyang magiging ganoon ang reaksiyon ni
Achilles, sana ay hinayaan na lamang niyang kusa siyang mawalan ng malay sa mga
bisig nito dahil sa kakapusan ng hininga. Masmabuti na iyon kaysa sa nakikita
niyang pagkahindik sa mga mata nito.“Achilles…” “I’m sorry. I’m sorry,
Madeline. Hindi ko sinasadya,” iiling‑iling na wika nito, mababakas sa
mukha ang pagsisisi. “I was the one who initiated the kiss kaya wala kang dapat
ihingi ng sorry,” paalala niya. Tinangka niyang hawakan sa braso ang binata ngunit
animo nakakapaso ang kamay niya namaagap na iniwasan nito. “Achilles?” Kung may
pagsusumamo man sa tono niya, wala siyang pakialam. Hindi niya gusto ang
nakikitang guilt sa mukha ng binata habang nakatingin sa kanya. Pakiramdam niya
ay other woman siya na binabalak nang iwan at hiwalayan ng lalaking mas mahal
ang tunay na kasintahan. “That kiss shouldn’t have happened. I’m sorry. I never
wanted to hurt you. Isa kang napakagandang babae pero masyado ka pangbata para
seryosuhin ang pagkakaroon ng nobyo. Itutok mo na lang muna ang atensiyon mo sa
pag‑
aaral mo. Kalimutan mo ako. Bukas‑makalawa, makikita mo,
pagtatawanan mo lang ang lahat ng ito.” Seryoso ang tinig ni Achilles ngunit
may kutob si Madeline na labag sa loob nito ang mga binitiwang salita. Could it
be because of the way he looked at her? Ang titig ni Achilles ay iyong klase na
tila nais memoryahin sa isip ang bawatbahagi ng kanyang mukha upang kahit wala
siya sa harap nito ay makikita nito ang imahe niya. Or perhaps it was because
of the way his hands were clutching her shoulders. Base sa higpit ng pagkakahawak
sa kanya ay para bang ayaw na siyang bitiwan ng binata at hayaang makalayo.“You’re
wrong, Achilles. I love you. Kahit ilang bukas pa ang dumating, hindi magbabago
ang damdamin ko para sa iyo. Pakiusap lang, huwagka nang maghanap pa ng ibang
Myra habang hinihintay ko ang tamang panahon para patunayan ang damdamin ko sa
iyo. I’ll grow up fast. Just be patient and wait for me, please?” pakiusap
niya. “I’m not going to ask you to make me your girl. I won’t even expect you
to act like a boyfriend to me or admit your feelings for me. Ang tanging
hinihiling ko lang sa iyo ay bigyan mo ako ng panahon. Hintayin mo ako, kahit dalawang
taon lang. Pangako, hindi na akogagawa ng anumang bagay na ikasasakit ng ulo mo
o ni Daddy at pagbubutihin ko ang pag‑aaral ko.” Dahil kung ang edad
lamang at ang maturity niya ang problemang nakikita ni Achilles, kaya niyang
bilisan ang pagma‑mature upang makasabay siya rito. At kung ang tanging
paraan para mapaniwala niya ang binata na mahal niya ito ay ang huwag ipilit
dito na magsimula sila ng relasyon ngayon, makakaya niyang tiisin iyon. Lamang,
sana ay huwag patuloy na ibandera niAchilles sa harap niya ang ibang babaeng nagkakainteres
din dito. Hindi tumugon si Achilles. Ngunit hindi pagsang‑ayon
ang katumbas niyon sa pananaw ni Madeline. Nananatili kasing malungkot at tila may
kalakip na awa sa mga mata ng binata habang nakatingin sa kanya. Hindi niya
kayang tanggapin ang awa ni Achilles. Nagpasya siyang iwan na ang binata. Umaasa
siyang tatawagin siya nito. Ngunithanggang sa makarating siya sa kanyang
kuwarto ay hindi man lang siya nito tinawag para pigilan.MALALAKI ang hakbang
na sumugod si Madeline sa kuwadra pagkatapos hindi sinasadyang marinig ang pag‑uusap
nina Nanay Saleng at Ipe, ang driver ng daddy niya. Naglalasing daw mag‑isa
si Achilles sa kuwadra ng mga kabayo at ayaw paawat. Kanina pa raw iyon
ginagawa ng binata dahil nag‑away ito at siMyra nang puntahan
ito ng babae sa rancho at kausapin. Hindi ugali ni Achilles na uminom ng alak.
Isa iyong bisyo na hindi nito nakahiligan o ginusto kailanman. Mabilis kasi
itong malasing. Dalawang bote lamang ng beer ay madaldal na si Achilles. Kaya
naman ang kaalamang kanina pa ito umiinom dahil lamang inaway ito ni Myra ay agad
na nagpakulo sa kanyang dugo. Saglit niyang isinantabi ang hinanakit at hiyang dinanas
kay Achilles. Ihihinto niya muna angmagdadalawang linggong pang‑i‑snub
at pag‑
iwas dito. Hindi niya papayagang maglasing ang binata at abusuhin ang katawan
kahit ano pang tampo o galit niya rito. Naabutan ni Madeline si Achilles na
nakaupo sa isang mababang silya sa labas ng kuwadra ng kabayo niyang si Nix
habang sa isang kamay ay may hawak itong bote ng beer. Namumula na ang mukha ng
binata. Masyado na ring mabagal ang kilos ng kamay nito tuwing itataas ang
hawak nabote ng beer para uminom doon. Idagdag pa ang limang basyo na nakatumba
sa paanan nito. Mga pruweba ang mga iyon na tama nga ang sinabi ni Ipe. Lasing
na nga si Achilles. “Achilles! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Nakakalimang
bote ka na ng beer. Itigil mo nàyan.” Lumapit siya at inagaw ang bote ng beer
sa kamay nito. Mabuway na tumayo ang binata. Ipinatong nito ang mga kamay sa
mga balikat niya. Ipinulupotniya ang mga braso sa baywang nito para hindi ito
bumagsak. Idinikit ni Achilles ang noo nito sa kanyang noo. “Kailangan kong
uminom, Maddy. Alam mo ba kung bakit, ha? Kasi ikakasal na ako. Congratulate
me, Maddy na mahal ko. Magiging tatay na raw ako, sabi ni Myra.”Nagimbal siya
sa sinabi ni Achilles. Napatitig siya sa mga mata nito, pilit na hinahanap doon
ang senyales na salitang lasing lamang iyon. Perokapaitan, resignation, at
lungkot ang nabasa niya sa mga mata ng binata. “No. Achilles, tell me you’re
just joking. Hindi magandang biro iyan.” Tumawa ito nang pagak. “Bakit kasi
huli kang ipinanganak? At bakit si Ninong Tomas pa ang daddy mo? Hah! May isa
pang nakakatawa, alam mo? Nakausap ko si Job kahapon bago ako kinausap ni Myra.
Ang sabi niya, kaming dalawa raw ang daddy ng baby ni Myra. Nakakatawa, `di ba?
Hindi naman iyon itinanggi ni Myra. Ang sabiniya, hindi siya sigurado kung sino
talaga sa amin ni Job ang daddy ng baby niya. Ayaw raw siyang seryosuhin ni Job
kaya nakiusap siya sa akin na ako na lang ang managot sa kanya.”Hindi malaman
ni Madeline kung ano ang iisipin dahil sa mga sumunod na rebelasyon ni Achilles.
Naguguluhan siya kung ano ang uunahin: Ang sakit na dulot ng posibilidad na dinadala
ni Myra ang anak ni Achilles at kinakailangan nitong pakasalan ang babae o angindignasyon
sa nalamang kataksilan ng babae kay Achilles at pinsan pa nito ang karibal
nito. “Achilles!” bulalas niya nang tuluyan nang mapunta sa kanya ang bigat
nito. Nawalan siya ng balanse at natumba. Mabuti na lamang at sa medyo makapal
na dayami siya bumagsak dahil kung hindi ay malamang na nabali ang buto niya sa
likod. Niyugyog niya ang balikat ng binatang nakapatong sa kanya ngunit ang
tanging sagot nanakuha niya mula rito ay malakas na hilik. “Oh, Achilles! What
are we going to do now?” naitanong ni Madeline habang hinahaplus‑haplos
ang likod nito. Mabigat ang binata dahil ang lahat ng bigat nito ay nasa kanya.
Pero bale‑wala iyon sa kanya. Masaya siyang kahit sa pagkakataon man
lang na iyon ay malaya siyang mayakap ito. Habang yakap‑yakap si
Achilles ay nag‑iisip siya ng posibleng solusyon sa problema nila.
Problema na rin kasi niya ang problema nitong iyon. Kunghindi niya ito
matutulungang lutasin iyon, malamang na panoorin niya itong hinihintay sa altar
si Myra. Hindi niya iyon makakaya. She didn’t know how long she and Achilles were
in that position. Hindi niya namalayang nakatulog na rin pala siya. Magdamag
din kasi siyang kulang sa tulog dahil sa kakaisip sa binata. Nalaman na lamang
niyang nakatulog siya nang magising siya sa maiinit na halik na kumikiliti sa leeg
niya at bumubuhay sa kanyang mga ugat.“Ang bangu‑bango mo, Maddy. Kapag nakapikit
ako at naaamoy ko ang mga bulaklak sa hardin, parang katabi lang kita,” anas ni
Achilles sa tapat ng tainga niya bago nito muling isinubsob ang mukha sa gilid
ng kanyang leeg upang ipagpatuloy ang pagpapak sa sensitibong balat niya roon.
Sa bawat hagod ng mga labi at dila ng binata ay kusang umaarko ang kanyang
katawan palapit dito.“Achilles! Madeline!” Dumagundong sa buong kuwadra ang
galit na galit na tinig ng daddy niya. Mistulang may inihagis na granada sa
pagitan nila na napaigkas sina Madeline at Achilles patayo at palayo sa isa’t
isa. Hindik na napalingon sila sa direksiyon ng pinto kung saan hindi lamang
ang pigura ng daddy niya ang nakatayo kundi maging si Myra. “Malandi! Mang‑aagaw!” sigaw ni Myra na humakbang pa palapit kay Madeline. Masakit satainga
ang mga murang lumabas sa bibig nito patungkol sa kanya at sa mga ninuno niya.
Kahit si Achilles ay halatang nabigla sa iniaakto ng babae. Pero bago maabot ng
matutulis na kuko ni Myra si Madeline ay humarang sa pagitan nila si Achilles. “Sinasabi
ko na nga ba! Ang babaeng iyan talaga ang gusto mo! Akala mo ba, makikita mo ang
anak mo sa akin? Manigas ka, Achilles! Magsama kayo ng babaeng iyan pero ni
dulo ngbuhok ng anak ko ay hindi mo makikita!”“Sigurado ka bang anak niya ang
dinadala mo, Myra?” lakas‑loob na tanong ni Madeline. Napakalayo
nito sa babaeng nakilala niya nang maghapunan ito kasama nila. Ang babaeng iyon
ay poised na poised pero ngayon, kulang na lamang ay maglupasay sa sahig sa
pagwawala.“Aba’t—” “Dahil ako, siguradong anak niya ang dinadalako!” matatag na
anunsiyo ni Madeline. Para bigyang‑diin ang pahayag ay ipinatong pa
niya ang kamay sa kanyang tiyan. Ngunit hindi niya masalubong ang gimbal na
tingin ng kapwa napasinghap sa gulat na ama at katabing binata. “At nakasisiguro
din siya kaya nga napagkasunduan na naming magpakasal. Kung mapapatunayan mong
anak nga niya ang dinadala mo, susuportahan niya ito pero kung kay Job iyan, si
Job ang dapat mong pilitingsumuporta riyan!” “Madeline! Achilles! Sumunod kayo
sa akin! Sa bahay natin pag‑usapan ito!” utos ng
daddy niya, namumula sa galit ang mukha.Nang tingnan ni Madeline si Achilles ay
nakita niyang kay Myra ito nakatingin. Masakit makita ang pag‑aalala
sa anyo ng binata. Tinangka nitong lumapit sa babae ngunit pinukol ito ni Myra
ng matalim na tingin. “Huwag kang lalapit sa akin! I should’veknown you’d
choose her. Siya nga naman ang tagapagmana ng lahat ng ito!” mapaklang wika ni Myra
na iminuwestra ng kamay ang paligid. “What better way to ensure all this would someday
be yours than marrying its heiress.” “Myra, ang bata—” “Ay hindi mo anak. In
fact, walang bata. Gawa‑ gawa ko lang ang lahat para
mapilitan kang alukin ako ng kasal. Alam ko namang hindi ka seryoso sa akin at
ginagamit mo lang akongpanakip‑butas pero umasa akong kapag kasal
na tayo ay mamahalin mo na rin ako.” Ngumiti nang mapakla si Myra. Tumingin ito
kay Madeline at pinukol siya ng matalim na tingin, pagkuwa’y bumaling uli kay
Achilles. “Pero ang gagong si Job, inakalang totoo ngang buntis ako at inakala niyang
sa kanya iyon. Gusto niya akong pakasalan pero ikaw ang gusto ko. Ang tanga ko,
`di ba? Tinanggihan ko ang isang heredero para sa isang sampid lang sa rancho
na ito. At oo, mayrelasyon nga ako sa kanya habang tayo pa. Eh, ano naman?
Malinaw naman ang usapan natin, `di ba? Hanggang kama lang tayo kaya hindi ako nagi‑guilty,” matigas pa ring pahayag nito bago walang lingon‑likod
na iniwan na sila. Kumuyom nang mahigpit ang mga kamay ni Achilles, naniningkit
ang mga mata habang sinusundan ng tingin ang papalayong babae. Akmang hahakbang
ang binata para sundan iyon ngunit pinigilan ito ng mataginting na boses ngdaddy
ni Madeline. Noon lamang napansin ni Madeline na hindi pa pala nakakaalis ang
kanyang ama. “Achilles! Gusto kitang makausap!”EVERYTHING inside Madeline
seemed frozen. Pangatlong beses nang inulit ng kanyang ama ang tanong kung
totoong may nangyari na sa kanila ni Achilles. Mag‑isa lamang
siyang nakaupo sa harap ng mesa sa study dahil si Achilles aynakahalukipkip na
nakatayo sa tapat ng bintana. Pero bagaman tatlong dipa ang layo ng binata sa
kanya, animo katabi lang din niya ito dahil ramdam niya ang mainit na titig
nito na magmula pa kanina ay nakatutok na sa kanyang mukha. “Y‑yes,
Dad. M‑may
nangyari na po…” Hindi niya maituloy ang hinahabing
kasinungalingan. Bigla kasing dumiretso ng tayo si Achilles. Kahit hindi niya
ito tingnan, batid niyang mababakas sa mukha nito ang labis na pagkagulantang.Ngayong
wala nang problema pa ng pamimikot mula kay Myra, maaari na niyang aminin ang totoo
sa daddy niya. Iyon marahil ang inaasahan ni Achilles na gagawin niya kaya mas
pinili nitong manahimik. Subalit sa isip niya, kung gagawin niya iyon ay malamang
na makipagbalikan uli si Achilles kay Myra. She saw that intent in his eyes.
There was forgiveness and understanding in his eyes while he stared at the
other woman. And she couldn’t,she just couldn’t let him go back to that woman. Mabuti
sana kung naging tapat man lang dito ang babae. Pero anong klase ng pagmamahal
ang tinutukoy ni Myra gayong pinagtaksilan nito ang binata? Siya, kahit sino pa
ang iharap sa kanya, tanging si Achilles lamang ang pipiliin niya. Hindi ba mas
karapat‑dapat
na siya ang mahalin nito?
CHAPTER
SIX
Five
years later…NARINIG ni Madeline ang pagsinghap ng nakabungguan niya. Marahil ay
iniisip nitong tamad siya dahil hindi siya yumuko para damputin ang handbag na
nabitiwan niya. Wala siyang dalang bagahe tulad ng ibang mga pasaherong naroon
sa arrival area kaya malamangna iniisip nitong susundo lang din siya. Ang hindi
nito alam, sadya siyang iniwan ng walang konsiyen‑siyang sundo niya. “I’m sorry. And
thank you,” malamyos ang tinig na pasasalamat ni Madeline sa babae. Nginitian
niya ito. “It’s all right, Miss. You’re welcome. Is this your first time in the
Philippines? I can help you find a taxi to take you wherever you want to go.” Natawa
siya. “Actually, Miss, kailangan ko angtulong mo papunta sa phone booth. I
don’t have my cell phone with me. Nakalimutan na yata ako ng kasama ko at
iniwan ako,” pabirong sabi niya pero sa likod niyon ay naroon ang pagkabahala
at pag‑aalala.
Napasinghap ang babae. Malamang na na‑ realize na nitong bulag siya. “Oh!
Of course!” Hinawakan nito ang kamay niya. “I’ll take it from here. Thank you,”
narinig niMadeline na sabi ni Achilles. “Ahm, Miss, kilala mo ba siya?” tanong
ng babae.“Oo. Siya ang kasama ko. Thank you, ha?” “You’re welcome.” Napaangat
ang ulo ni Madeline sa narinig na pagak na tawang nagmula kay Achilles habang papalayo
sila sa mabait na babaeng nag‑alok ng tulong sa kanya. “You seem
to pick up bleeding hearts whereveryou go. Pupusta akong minememorya ng flight attendant
na iyon ang hitsura ko para isuplong sa mga pulis sakaling may mabalitaan
siyang babaeng natagpuang palutang‑lutang sa ilog,” patuyang sabi ni Achilles. “Then you should make sure you don’t
lose me again so she wouldn’t have to go to the police,” kalmadong wika niya. Kung
hindi lang niya kailangang kumapit sa braso ni Achilles upang malaman kung saan
siyadapat magtungo ay bibitiwan na uli niya ito. Subalit nadala na siya sa
ginawang pagrerebelde kanina nang mawala siya sa gitna ng maraming tao sa
arrival area. Tumagal lamang iyon nang ilang minuto pero parang isang taon ang katumbas
niyon. Ngayon higit kailanman pinagsisisihan ni Madeline ang desisyong sumama
kay Achilles pauwi sa Pilipinas. Dahil natitiyak niyang hindi ito magiging
sensitibo sa anumang bagay na maykaugnayan sa kasalukuyang sitwasyon niya. Subalit
wala rin siyang mapagpipilian kung mananatili siya sa New York. Hindi siya makakilos
nang nag‑iisa. Maaari sana siyang kumuha ng private nurse pero
mahal ang pasuweldo sa mga ganoon. Wala siyang extra na pera dahil halos nasaid
ang bank account niya nang kinailangan niyang gamitin iyon upang ibayad sa mga
pinagkakautangan ng mommy at stepdad niya.Hindi rin naman siya makakapagpatuloy
sa pag‑aaral
o makakapagtrabaho sa part‑time job niya dahil sa kanyang
kalagayan. Inutil ang isang illustrator at cartoonist na walang paningin. Kaya
masakit mang marinig ang maaanghang na komento ni Achilles, sisikilin muna niya
ang galit at sakit. Wala siyang ibang maaaring takbuhan o hingan ng tulong
ngayon kundi ang ama. Dahil alam niyang si Achilles ang pinakapinagkakatiwalaan
ng daddy niya, hindina siya nagulat nang ito mismo ang sumundo sa kanya sa
apartment niya upang iuwi siya sa rancho. Mahirap lunukin ang mga salitang
nabitiwan na. Mahirap ding humingi ng tulong mula sa mga taong nasaktan niya
nang labis dala ng kapusukan at kabataan, lalo pa at isinumpa niya noon na
hinding‑hindi
na uli siya lalapit sa daddy niya dahil sa iniisip niya noong pagtatraidor nito
sa kanya nang mas kampihan nito si Achilleskaysa sa kanya. Kaya naman animo
mapait na gamot sa bibig ngayon ni Madeline ang umasa sa pag‑alalay
ng binatang siyang punong dahilan ng estrangement na limang taong namagitan sa
kanilang mag‑ama. Pero kailangan niyang tanggapin ang masama sa loob
na pag‑alalay
ni Achilles. Mas masaklap nang ilang libong beses ang maligaw sa gitna ng mga
estranghero nang hindi alam kung nasaan siya at kung saan siya pupunta. Wala
siyangkadepe‑depensa sa sarili. “Poor girl. Sayang, ang ganda pa
naman!” “Oo nga. Pero mukha namang mayaman kaya ayos lang din.” Sa narinig mula
sa ilang taong nakakasalubong nila ay nanigas ang mga panga ni Madeline sa pagpapanatiling
blangko sa ekspresyon ng kanyang mukha. Sa loob ng isa’t kalahating buwang
kawalan niya ng paningin ay hindi iyon ang una at nasisiguro niyang hindi rin
iyon anghuling pagkakataong maririnig niya ang mga komentong iyon. Tila
nawawaglit sa isip ng mga tao na hindi por que bulag siya ay bingi na rin siya.
Naikuyom niya ang mga kamay. Kung hindi inagaw ni Achilles sa kanya ang shades
na suot niya kanina ay maaaring naitago pa niya kahit paano sa likod niyon ang
kanyang kalagayan.“Galit ka? May punto sila. May pera kakompara sa ibang bulag.
Hindi mo kailangang mamalimos. Kaya walang dahilan para kaawaan mo ang sarili
mo,” walang emosyong wika ni Achilles. Nagngalit ang mga ngipin ni Madeline.
Pera? Anong pera ang pinagsasasabi ni Achilles? Ilang linggo na lamang at
kakailanganin na rin niyang mamalimos tulad ng ibang bulag na tinutukoy nito.
Hindi pa ba pamamalimos ang gagawin niyang pagbalik sa poder ng amang nagtakwil
sakanya? “You really like to rub it in, don’t you? FYI, hindi ko kinaaawaan ang
sarili ko. Why, look at me, ang lapad pa nga ng ngiti ko, o!” sarkastikong wika
niya. Nagpaskil siya ng maluwang na ngiti sa mga labi bago nilingon ang binata.
Alam niyang sinasadya nitong pikunin siya. Kung iniisip ni Achilles na
magmumukmok siya sa isang tabi dahil nasasaktan siya sa mga sinasabi nito,
puwes, nagkakamali ito. Mas gugustuhin naniyang magpagulung‑gulong
sa gitna ng highway kaysa ipaalam kay Achilles na sensitibo pa rin siya
hanggang sa mga sandaling iyon sa mga iniisip at opinyon nito. “Kung gayon,
bakit ka nagkukulong sa bahay ninyo sa New York? Saka bakit hindi mo ipinahanap
ang estapador mong ina’t amain imbes na magmukmok at hintayin ang tulong ng daddy
mo para plantsahin ang iniwang gusot ng dalawang iyon? God! They didn’t even
bother tocome back para puntahan ka sa ospital pagkatapos mong maaksidente!” Marahas
na napabuga ng hininga si Madeline. Gusto niyang tanggalin ang kamay niyang mahigpit
na nakahawak sa braso ni Achilles. Pero dahil sa pangambang iwan siya roon ng
binata at tuluyan nang hindi balikan kapag ginawa niya iyon, nagkasya na lamang
siya sa pagbabaon ng mga kuko sa balat nito upang iparamdam ang kahit ikaapat
lamang ng sakit na pilit nitongbinubuhay sa kanyang dibdib. “Mahigit anim na
buwan na akong walang communication sa kanila kaya imposibleng malaman nila ang
tungkol sa kalagayan ko. Ano’ng akala mo sa mommy ko, walang kaluluwa na
pababayaan lang ako kung alam niya ang sitwasyon ko?” “Bakit hindi? Nagawa nga
niyang ipasa sa iyo ang lahat ng utang niya at ng asawa niya, `di ba? Nagawa
rin niyang magtago at hindi makipag‑communicate sa iyo habang ikaw ang
nagbabayad ng mga utang nila, `di ba?” “Stop maligning my mother! She’s not
like that!” Hindi na kumibo si Achilles. Pero ramdam ni Madeline ang tensiyon
sa paligid. Mayamaya ay nagsalita uli ang binata. Nahimigan niya ang
magkahalong hindi pagkapaniwala at pagdududa sa tinig nito. “Sinasabi mo bang
sa loob ng limang taon aynagbago ang mommy mo at bigla ay naging ulirang
magulang siya sa iyo? Naririnig mo ba ang sarili mo? Ipinagtatanggol mo ngayon
ang pagtatago ng taong ang turing sa iyo ay isang kasangkapang maaaring gamitin
at pakinabangan?” Hindi na tumugon si Madeline. Walang saysay na ipaliwanag
niya ang kanyang nararamdaman. Her mother may not be the best mother there was but
at least, she stood by her side when her ownfather turned his back on her in
favor of this man beside her. Hindi niya alam kung anong masokistang parte niya
ang patuloy na umaasa sa paglambot ng puso ng daddy niya o ni Achilles kaya
nang maganap ang car accident na kinasangkutan niya ay araw‑araw
niyang inabangan ang pagdating ng dalawa sa ospital. Dahil alam niyang
imposibleng malaman ng kanyang ina’t amaing matagal nang nagtatago sa mga
pinagkakautangan angnangyari sa kanya, wala siyang mapagpilian kundi ibigay ang
pangalan ng daddy niya bilang next of kin niya. Ang ama niya at si Achilles lamang
ang maaari niyang sabihan tungkol sa nangyari sa kanya. Nakatanggap naman ng
sagot na tawag si Madeline mula sa daddy niya pero nalaman niyang hirap itong
magbiyahe. Naka‑wheelchair na raw kasi dahil sa pagkaka‑stroke
isang taon na ang nakalipas. Si Nanay Saleng naman ay mahinaang panubigan kaya
hindi na makakabiyahe nang malayuan. Dahil doon, nasiguro niyang si Achilles
ang darating upang asikasuhin ang paghahanap sa kanyang ina’t amain at bibisita
sa kanya habang naka‑confine siya sa ospital. Subalit ni anino ni Achilles
ay hindi nakita ni Madeline sa buong durasyon ng mahigit isang buwang
pananatili niya sa ospital. Sa halip, ang dumating ay si Tito Freddie, ang
abogado ng daddy niya at ang malayong pinsan niya na siEirine. Ang dalawa ang
nag‑ayos
ng mga bayarin niya sa ospital at kumuha ng pansamantalang private nurse na mag‑aalaga
sa kanya. Ang buong akala nila ay babalik din agad ang paningin niya. Nabulag
siya dahil sa optic nerves na na‑damage dahil sa malakas na pagkakaumpog
ng kanyang ulo sa bintana ng tumaob niyang kotse pagkatapos iyong mahagip ng
nawalan ng prenong six‑wheeler truck. Subalit nang maoperahan sa mga mata ay
hindipa rin makakita si Madeline. Sa kabila ng findings ng mga doktor na wala
naman na raw pisikal na problema ang kanyang mga mata, hindi pa rin bumabalik
ang kanyang paningin. Noon isinuhestiyon ng mga doktor na sa isang psychiatrist
na siya kumonsulta. They thought she was suffering from hysterical blindness,
also known as “conversion disorder.” Iyon ang naisip na dahilan ng mga doktor
pagkatapos malaman ng mga ito na bago siya naaksidente ay tambak Page 20 5 of
321ang problemang kinakaharap niya sa personal niyang buhay bukod pa sa wala
siyang malapit na kamag‑anak na nakasama noong mga unang
araw pagkatapos maganap ang aksidente. Madalas daw kasi na nagsa‑suffer
ng hysterical blindness ang isang pasyente kapag matindi ang pinagdaraanan
nitong emosyonal na mga problema na pinalala ng aksidenteng kinasangkutan nito
kaya mas pinipili ng isip na i‑ block ang kakayahang makakita
upangmaiwasang harapin ang mga naturang problema. Nang malaman ng daddy niya
ang kanyang kalagayan ay agad nitong iginiit na umuwi na siya sa Pilipinas sa
halip na patuloy na iasa sa nurse na kinuha ni Tito Freddie ang kapakanan niya.
Wala sa loob na inikut‑ikot ni Madeline ang bracelet na suot niya sa kaliwang
kamay. Hindi niya maunawaan kung bakit suot pa rin niya ang bracelet gayong
wala namang kahulugan iyonmula sa taong nagsuot niyon sa kanya anim na taon na
ang nakararaan. Iyon ang tanging patunay na minsan ay naging mahalaga rin siya sa
paningin ni Achilles. “Bakit suot mo pa iyan? Umaasa ka bang mapapanatili ka
niyan sa villa nang higit pa sa kinakailangan mong itagal doon?” paangil na tanong
ni Achilles. Natigilan si Madeline. Hindi niya inaasahan ang asidong taglay ng
boses ni Achilles na parabang mas gugustuhin pa nitong mamalimos siya sa
kalsada kaysa iuwi siya sa villa. “Hindi ko isinusuot ito. Si Nurse Raleigh ang
pumili nito at nagsuot sa kamay ko,” pagsisinungaling niya. Sa isip ay humingi
siya ng tawad sa walang malay na private nurse na kinuha ni Tito Freddie para
pansamantalang mag‑ alaga sa kanya. Nawaglit sa isip niyang hubarin ang
bracelet. Dahil sa kanyang kaba mula pa nang dumating si Achilles sa apartment
niya nangnagdaang araw ay hindi na niya naalalang suot pa rin niya ang bracelet
na iyon. “Hubarin mo iyan. At kung binabalak mong magkaroon uli ng karapatan sa
rancho dahil sa kalokohang sinimulan mo noon, mag‑aaksaya ka lang ng panahon.
Ibinenta na ni Ninong Tomas ang rancho sa akin at hindi ko na uli isusuko sa kahit
na sino ang karapatan ko sa lupaing dalawang dekada kong pinaghirapan!” Kumislot
ang puso ni Madeline sa hapdi dahilsa taglay na diin at determinasyon sa tinig
ni Achilles. “Kailan ko ba hinangad na mapasaakin ang del Valle, Achilles?
Kahit noong mga bata pa tayo, alam ko nang sa iyo iyon mas dapat ipamana ni
Daddy dahil ikaw ang katu‑katulong niya sa pagtatrabaho
roon.” Hindi tumugon ang binata. Sa halip ay ipinatong nito ang isang kamay sa
ulo niya at inilagay ang isang braso sa kanyang baywang. “Nasa tapat na tayo ng
van. Yumuko ka,” utosnito habang inaalalayan siya sa pagsakay sa backseat. Animo
kay tagal nang ginagawa iyon ni Achilles dahil sigurado ang bawat kilos at posisyon
ng mga kamay nito upang maiupo siya nang hindi nauuntog. May palagay si
Madeline na ginawa lamang iyon ni Achilles dahil gusto nitong alisin sa isip niya
ang paksang inuusisa rito. Hindi naman kasi nito ginawa iyon noong mga unang
beses nasumakay sila sa sasakyan. Basta sinabi lang nitong pasakay sila sa
sasakyan at hinahayaan na siyang sumakay mag‑isa pagkatapos sabihin kung nasaan
ang pinto. Kinapa niya ang seat belt para ikabit pero inunahan na siya ni
Achilles. “I can do it,” giit niya dahil ayaw niyang maakusahan na namang
umaasa sa tulong ng iba dahil sa kanyang kalagayan. Kanina, kaya siya naglakas‑loob
humakbang palayo ay dahil sa akusasyong iyon ni Achilles.Pero heto ngayon at
pinangungunahan siya nito sa pagsakay sa van at hanggang sa pagkakabit ng seat
belt niya. “Sa susunod na, nagmamadali ako. Baka ma‑ traffic tayo
papuntang pantalan.” Naramdaman ni Madeline ang pag‑upo ni Achilles
sa tabi niya at ang pagsasara ng pinto ng van. “Umalis na tayo, Ipe.” “Ipe?”
bulalas ni Madeline. Tumingin siya sa harap, umaasang tama ang tinitingnan niya
athindi ang bintana. “Ikaw ba iyan, Ipe?” Batid niyang may kasamang driver si
Achilles dahil sa tabi niya ito umupo pero ang hindi niya inaasahan ay ang
pagkakilanlan ng driver na iyon. “Ako nga, Madeline. Ang ganda mo lalo ngayon.
Dalagang‑dalaga ka na,” tugon ni Ipe. Kababata
ito ni Achilles ngunit sa pagkakaalam ni Madeline ay matagal nang umalis ng
Isla Fuego si Ipe.“Salamat. Pero bakit narito ka? `Di ba, sa Montagu ka na
nakatira?” Sumagot si Ipe pero nawala roon ang atensiyon ni Madeline nang
maramdaman niya ang tila ibang mga matang nakatitig sa kanyang mukha mula sa
harapang upuan. May tao sa tabi ni Ipe ayon sa matalas niyang pandinig na tila
na‑
develop nang husto mula nang mawala ang kanyang paningin. Nakatitig sa kanya
ang taong iyon. “S‑sino ang isa pa nating kasama?”“Paano mo
nalamang may katabi ako?” tanong ni Ipe. “Naramdaman ko. Naamoy ko rin ang
pabango niya.” Napakapit si Madeline sa braso ni Achilles. Hindi niya alam pero
nagdulot ng kakaibang kaba ang presensiya ng lalaking katabi ni Ipe. Nasisiguro
niyang lalaki iyon dahil sa pabangong gamit nito. “Si Job Arguilla,” wika ni
Achilles sa malamig na tinig bagaman hindi nito inalis ang kamayniyang
nakakapit sa braso nito. “Kumusta, Madeline? Natatandaan mo pa ba ako?” tanong
ni Job sa malambing na tinig. “Puwede ko ba namang makalimutan ang salbaheng
batang tumulak sa akin habang nagba‑ bike ako sa Paseo Fernando? Ang
parehong batang muntik nang lumunod sa akin sa dagat dahil sa panghihila sa paa
ko? Na siya ring pumatay sa alaga kong si Garfield? At siya ring— ”“Enough,
Madeline. Nasisiguro kong tinutusta na siya sa impiyerno dahil sa mga
kasalanang iyon,” bahagyang may kaaliwan sa tonong sawata ni Achilles na
tinapik‑tapik
pa nito ang kanyang kamay. Bumaling si Madeline kay Achilles. “Tauhan mo na rin
ba siya?” Laking tuwa niya kung naghihirap na ang mga Arguilla at kinakailangan
ni Job na magtrabaho para kay Achilles at sa del Valle.Malakas na halakhak ni
Job ang sumagot sa tanong. Kay Achilles naman ay paninigas ng brasong
kinakapitan ni Madeline ang reaksiyong nakuha niya. “It’s the other way around,
darling. Si Achilles ang bago kong horse trainer.” Lumapit ang boses ni Job,
marahil ay humarap ito sa backseat upang mas mapagmasdan ang magiging reaksiyon
ni Madeline sa sinabi nito. Napakunot‑noo si Madeline sa kalituhan.
Bakitkinakailangan ni Achilles na magtrabaho para kay Job gayong may sarili
itong rancho na kailangang atupagin? “But who manages del Valle if Achilles is
working for you?” “No one since nothing is left of del Valle to manage,” tugon
ni Job. Napasinghap sa pagkagulat si Madeline. Imposible ang sinasabi ni Job.
Walang anumang nabanggit ang daddy niya o kahit si Achilles tungkol sa ganoong
estado ng del Valle sa buongdurasyon ng muli nilang pagkikita. Marahil nga ay
napakaikli pa lamang ng nakalipas na seventy‑ two hours mula nang dumating si
Achilles sa apartment niya sa New York. Pero siguro naman, ang tungkol sa
pagkakabenta o pagkalugi ng del Valle ang unang‑unang paksang babanggitin nito sa
kanya. Nais pa niyang mag‑usisa tungkol sa impor‑
masyong sinabi ni Job ngunit pinigil siya ng mariing pagpisil ni Achilles sa
kamay niya.Nanahimik na siya.
CHAPTER
SEVEN
Del
Valle Ranch Isla Fuego“NADISMAYA ka ba? Dahil hindi na kasintayog gaya ng dati
ang inaakala mong babalikan mo rito sa villa?” malamig na untag ni Achilles kay
Madeline pagkatapos bumaba ni Job sa tapat ng arko ng lupain ng pamilya nito at
magpatuloy silasa pagtungo sa katabing lupain na parte na ng del Valle, o sa
kaso ngayon ay pag‑aari na ni Achilles. Nanatiling ordinaryo ngunit
tensiyonado ang usapan nilang apat sa buong biyahe. Tuwing magtatanong kasi si
Madeline tungkol sa nakakagulat na anunsiyo ni Job ay iniiba ni Achilles ang
paksa o kaya ay sinasabi nitong walang anumang problema sa del Valle na kailangan
niyang pagtuunan ng malalim na pag‑ iisip. Ang del Valle ay si
Achilles at kapag sinabinitong wala siyang dapat aksayahing oras sa pamomroblema
tungkol sa sinabi ni Job, wala siyang dapat pang ibang isipin. Batid ni
Madeline na ilang beses tinangka ni Job na makasarilinan siya, lamang ay
hinaharang ito ni Achilles. Ramdam din niya ang iritasyon ni Job na bagaman
tauhan nga nitong masasabi si Achilles ay hindi naman nito masalungat ang kagustuhan
ni Achilles na huwag ipaalam sa kanya ang buong detalye ng pinasabog na bombani
Job tungkol sa villa. Napansin din ni Madeline ang pag‑iiwas sa kanya
ni Achilles kay Job habang lulan sila ng barkong naghatid sa kanila sa isla. Sa
laot ay inutusan siya ni Achilles na manatili sa loob ng cabin niya dahil wala
raw itong oras para bantayan siya. Ayaw raw nitong makonsiyensiya kung sakaling
mahulog siya sa dagat dahil sa paggala niya sa upper deck. Hindi naman niya alam
kung ano ang pinagkaabalahan nito salimang oras na nasa laot sila. Pagkatapos
kasi siyang iwan sa loob ng cabin ay nawala na sina Achilles at Ipe bagaman inilagay
ni Achilles sa speed dial one ang numero nito sa cell phone niya upang madali
niyang ma‑ contact ang binata kung sakaling kailanganin niya ang
pag‑asiste
nito. “Huwag kang mag‑alala, hindi ka naman namin patutulugin sa kuwadra
kasama ng mga kabayo. Exaggerated ang sinabi ni Job. Nakatayopa rin ang
mansiyon at may mga natitira pang tauhan sa rancho para mag‑assist
sa iyo habang naroon ka at nagpa‑pagaling,” wika ni
Achilles na siya na ngayong nasa driver’s seat habang katabi nito sa
passenger’s seat si Ipe. Pinagpahinga ni Achilles si Ipe. “A‑ano
ang ibig sabihin ni Job tungkol sa del Valle? At bakit kailangan mong
magtrabaho bilang horse trainer ng mga Arguilla? Akala ko ba, malaki ang
ipinamana ng Lolo Lonzo mo saiyo nang mamatay siya?” Kamakailan lamang nalaman
ni Madeline mula sa pakikipag‑usap sa daddy niya sa telepono ang
tungkol sa manang iniwan ni Lonzo Arguilla para kay Achilles. Ang parteng
natanggap ni Achilles ay para daw sa yumaong ina nito. Hindi raw iyon agad
nalaman ng binata dahil nakipagsabwatan pala ang abogado ng matanda sa iba pang
kamag‑
anak ni Achilles upang kamkamin ang mga naiwan ng lolo nito. Kung hindi pa
dumating sabansa ang tunay na apo ni Lolo Lonzo na si Jean‑
Luc Chenier ay hindi mabubunyag ang katiwalian ng abogado at ng mga gahamang
kamag‑anak
ni Achilles. Si Jean‑Luc na isang half French‑half Filipino businessman ang
mismong nag‑asikaso upang mapunta kay Achilles ang parte nito sa
manang iniwan ni Lonzo Arguilla. Ang manang iyon nga rin mismo pala ang ginamit
ng binata upang isalba ang del Valle sa tiyak na pagkalugi tatlongtaon na ang
nakararaan. Sa tingin ni Madeline ay isang minuto ang lumipas bago niya nakuha
ang hinihintay na sagot. Nang magsalita si Achilles ay mababakas sa tinig ang
kapaitan. “Inuulit ko, wala kang dapat intindihin, Madeline. Kahit pa kanino
ako magtrabaho ay hindi mo na rin dapat pakialaman. Ang kailangan mo lang gawin
habang nasa rancho ka ay tiyaking mapapasaya mo si Ninong sa presensiya mo.
Siyaang may ideyang manatili ka sa mansiyon. Iniisip niyang makakatulong ang
pananatili mo roon para mapabilis ang paggaling mo.” “How good of him,” aniyang
hindi maiwasang langkapan ng sarkasmo ang tinig. Malinaw pa sa isip niya ang
pagtatakwil at pagpapalayas sa kanya ng daddy niya. Marahas na nagbuga ng
hangin si Achilles. “Alam kong hindi maganda ang naging paghihiwalay ninyong
mag‑ama
noon. Peromaniwala ka, pinagsisihan din niya agad ang mga nasabi niya sa iyo
nang gabing iyon. Kung noon ka pa nakipag‑communicate sa kanya, malamang na
nalaman mo nang matagal ka na niyang napatawad at matagal ka na rin niyang
gustong makita.” Bagaman may katugong kapaitan sa dibdib ni Madeline nang tila
bale‑wala
kay Achilles ang kalagayan at presensiya niya, sinikap niyang itago iyon sa
likod ng blangkong anyo. Tatalon namuna siya sa umaandar na sasakyan bago
aminin na ang bawat salitang binibitiwan nito mula pa nang magtagpo sila noong
isang araw ay tila mapurol na blade na ipinansusugat nito sa kanyang puso. Sa
ibang pagkakataon siguro ay maaari niyang ipagkibit‑balikat ang
mga salita ni Achilles tulad ng nakagawian na niyang pag‑ignora doon
noong bata‑bata pa sila pareho at hindi nito itinatago ang pagkayamot
sa kanya. Subalit ngayon na aminadosiyang mistula siyang lintang nakakapit sa
charity ni Achilles, daig pa niya ang balat ng sibuyas sa kanipisan ng damdamin
sa mga brutal na komento ng binata. “Hindi ako magtatagal nang higit pa sa
kinaka‑
ilangan, Achilles. Wala rin akong balak agawin ang del Valle mula sa iyo. Labis
akong nagpapasalamat sa tulong mo kahit pa wala kang obligasyon sa akin. Huwag
kang mag‑alala, as soon as possible, I’ll pay you back for every
centyou’ve spent on me. Kung gusto mo, ilista mo pa ang bilang ng mga araw ng
pananatili ko rito sa lupain mo at babayaran ko pag‑alis ko,” malamig ang boses na wika niya. Desperado si Madeline na huwag
ipakita ang kawalan niya ng magagawa sa kasalukuyan niyang sitwasyon.
Nagkakamali si Achilles kung inaakala nitong walang angal niyang tatanggapin ang
bawat salita nito dahil sa pagkakawanggawa nito sa kanya. Alam niyang dahil
lamang sautang‑na‑loob at pagmamahal sa daddy niya
kaya siya pinayagan ng binata na tumuntong uli sa rancho na ngayon ay pag‑aari
na nito. At kung noon ay natutukso pa siyang aminin ang totoo tungkol sa
kalagayan ng mga mata niya at ang mga sinabi ng doktor tungkol sa abilidad
niyang makakita uli, ngayon ay nagdesisyon na siyang aaminin lamang iyon kung
ito‑torture
siya ni Achilles. Narinig ni Madeline ang pagbuntong‑hiningani
Achilles. Naulinigan din niya ang mahinang paninita ni Ipe sa kaibigan. Pero
pagsisihan man ni Achilles ang karahasan ng mga binitiwang salita, natitiyak
niyang totoo sa loob nito ang mga iyon. “I’m sorry. Huwag mong intindihin ang
mga sinabi ko. Laging negatibo ang epekto sa akin ng presensiya ni Job.” Iyon
lang ang sinabi ni Achilles. Hindi na ito nagsabi ng karagdagang paliwanag.
Para bang sapat na dahilan na iyonupang maunawaan niyang hindi siya kundi si
Job ang sanhi ng masamang timplada ni Achilles. Subalit alam niyang hindi totoo
iyon dahil nararamdaman niya iyon. Alam niyang sa kabila ng mga taong lumipas
ay nasa isip at puso pa rin ng binata ang sakit at pait na dulot ng ginawa niya
rito at sa babaeng mahal nito.MAHIGPIT na yakap at maiinit na salita ng pagbati
ang sumalubong kay Madeline nangmakaharap niya ang daddy niya at si Nanay Saleng.
Sa ayaw at sa gusto niya ay kusang bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata habang
nakakulong siya sa mainit at mapagkalingang mga bisig ng kanyang amang pinaniniwalaan
niyang hindi na siya mapapatawad kailanman. “There, there, hija. Everything is
all right now. You’re home. Hindi na uli ako papayag na umalis ka at iwan
kami,” pang‑aalo ng daddy niyahabang marahang hinahaplus‑haplos
ang likod at ulo niya na animo siya pa rin ang anim na taong gulang na batang
madalas nitong kargahin noon. “I’m sorry, Dad. I’m so sorry for…” Hindi maituloy
ni Madeline ang nais sanang sabihin dahil alam niyang nasa likuran niya si
Achilles. Nakatitiyak siyang sa halip na paniwalaan ay kukutyain lamang nito
ang anumang rasong ibibigay niya sa kanyang ama tungkol sa kawalan niya ng
pagkakataong humingi uli ng tawad dito.Mamaya na niya aaminin sa daddy niya na
hindi dahil sa pride kaya hindi siya nagtangkang bumalik sa rancho o tumawag
man lang sa mga nakalipas na taon. Ang totoo, natakot siyang ipagtabuyan ng ama
sa halip na patawarin kaya nangimi siyang makipag‑ugnayan uli rito. “Siya, siya,
tama na ang pagdadrama ninyong mag‑ama riyan. Tomas, pagod sa biyahe
ang bata. Ang mabuti pa ay pasamahan mo na siya kay Mimay sa silid niya,” wika
ni Nanay Saleng. Itopa rin ang mayordoma sa mansiyon gaya ng hindi pinalitan ni
Achilles ang mga dati nang tauhan ng daddy niya. Bagaman maituturing na
nakikipisan na lamang sa mansiyon ang daddy niya, itinuturing pa rin itong amo
ng mga kawaksi. Maliban nga lang kay Nanay Saleng na mula pa noon ay anak na
ang trato sa daddy niya kaya nasesermunan nito at nauutus‑utusan.
Bihirang magpakita ng emosyon ang daddyniya, lalo na ang lumuha. Pero nang
yakapin siya nito nang mahigpit pagbungad pa lamang nila ni Achilles sa pinto
ay pumatak agad ang mga luha ng kanyang ama kasabay ng pagbuka ng mga braso
nito. It was the forgiveness she was too ashamed and was too scared to ask for.
Hindi na nito kinailangan pang magsalita para maiparating iyon sa kanya. Para
sa daddy niya ay siya na uli ang “princess brat” nito. Masyado siyang na‑
touch na halos ayaw na niyang bumitaw sa ama.Pakiramdam ni Madeline, sa wakas
ay nahanap na uli niya ang kanyang santuwaryo sa piling ng ama. Her father was
a lot like Achilles in many ways. Both men were strict, aloof, cold, austere, and
seemingly indifferent to other people. Ngunit sa mga pambihirang pagkakataon,
kung kailan kailangang‑kailangan ay ang dalawang lalaki ang nangunguna sa pila
ng mag‑aabot
ng kamay ng pagtulong. Hindi lang talaga komportable ang daddy niya at si
Achilles sa pagpapakita ngemosyon. Para bang nangangamba ang dalawa na ituring
ng ibang tao na isang kahinaan iyon na baka abusuhin kaya minabuting itago na
lamang. Matatag ang mga prinsipyo ng kanyang ama at ni Achilles at kahit pa
mahalaga sa dalawang lalaking ito ang isang tao ay hindi iyon kukunsintihin
oras na nalaman ng mga itong gumawa ng masama ang taong iyon. Kaya naman nauunawaan
na niya ngayon ang desisyon ng daddy niya noon nang palayasin siya nito sarancho
at sabihang huwag nang babalik kailanman pagkatapos ng kahihiyang idinulot niya.
“Ako na po ang maghahatid sa kanya.” Ang alok ay nagmula kay Achilles. Lihim na
napangiwi si Madeline ngunit hindi siya umangal. Hinawakan siya nito sa braso
at iginiya pasulong. Sa mahinang boses na gamit ng binata tuwing inaalalayan
siya sa paglalakad ay inilarawan nito ang paligid sa kanya. Binanggit nito ang
mgamaaari niyang bungguan pero hindi siya iginiya palayo sa mga bagay na iyon.
Sa halip ay hinayaan siya nitong subukang mag‑isang iwasan ang mga iyon. Nang
unang gawin iyon ni Achilles noong pasakay si Madelline sa kotseng nirentahan
ng binata sa New York ay nauntog siya sa pinto ng kotse. Galit na sinisi niya
ito. Tinanong niya kung bakit hindi man lang siya nito inalalayan para hindi
siya nauntog. Ayon kay Achilles, alam nadiumano niyang pasakay siya sa kotse
kaya dapat, yumuko siya para hindi nauntog. Hindi na raw niya dapat pang
hintaying hawakan nito ang ulo niya para iiwas sa pinto. Bulag na nga raw siya,
magpapakainutil pa siya. Ano pa raw ang magiging silbi niya kung ang lahat ay
iaasa niya sa mga taong nakapaligid sa kanya? Noong una ay nagalit si Madeline.
Nasaktan kasi siya sa mga binitiwang salita ni Achilles. Ngunit hindi naglaon
ay nabura din ang galit naiyon nang mapagtanto niyang siya ang mali. Umasa siya
na sa muli nilang pagkikita ngayong bulag siya ay mag‑iiba ang
trato nito sa kanya. Ganoon kasi ang nangyari sa ibang nakakakilala sa kanya.
Bigla ay nagbago ang pakikitungo ng mga ito sa kanya. Kung hindi siya lantarang
iniwasan ay sobra‑sobra namang atat ang mga kakilala niya sa paggawa ng
mga bagay para sa kanya na para bang kaawa‑awa siya at kailangang abutan ng
anumang tulong na maaaring iabot ngmga tulad ng mga itong nakakakita at hindi
bulag na tulad niya. She should have known that Achilles would always remain
what and who he was no matter what the situation was. Hindi ito magiging mahina
o malambot dahil lamang may kaharap na taong may kapansanan. Hindi rin naman
nito ipagsisigawan ang kaperpektuhan nito sa harap ng taong may kapansanan. Sa
halip ay hahanapin ni Achilles ang natirang lakas at abilidad ngnaturang tao at
pipiliting gisingin iyon upang magamit niyon. He hated whining losers. Para dito,
ang lahat ng tao ay dapat tulad nitong malakas at matatag pa rin sa kabila ng
maraming pagsubok sa buhay. “Huwag mong isipin kahit isang saglit na por que
buong puso kang tinanggap nina Ninong Tomas at Nanay Saleng ay nangangahulugan
na iyon na puwede kang magbuhay‑prinsesa uli rito sa villa. Iba
ang sitwasyon ngayon sa sitwasyonnoon, Madeline. Ang lahat ay obligadong tumulong
at hindi ko gustong marinig nà ginagamit mo ang kapansanan mo para umaktong parang
prinsesa na kailangang minu‑minutong pinagsisilbihan,” babala
ni Achilles nang sa wakas ay huminto sila sa paglalakad. Hindi sila umakyat sa
hagdan kaya natitiyak ni Madeline na ang tinungo nilang silid ay isa sa mga
guest rooms sa first floor at hindi ang dati niyang silid. Sa kalagayan niya
ngayon ay paboriyon. Hindi na niya kakailanganing magpanhik‑
manaog tuwing tutungo siya sa silid. Subalit may isang makulit na parte ng
damdamin niya ang kumirot sa kaalamang isa na lamang siyang bisita sa tahanang
iyon at hindi isang tunay na naninirahan doon. “If you hate me so much until
now, Achilles, bakit hindi ka tumanggi sa utos ni Daddy na sunduin ako sa New
York? After all, iyo na ang mansiyon at ang rancho.”“Maaaring hindi ka maniwala
pero walang hiling si Ninong Tomas na hindi ko gagawin. Kung nanga‑ngahulugan
iyon na kailangan kong pagtiyagaan ang presensiya mo rito sa villa, gagawin ko
pa rin iyon. Siya lang ang tanging mahalaga sa akin. Ibibigay ko sa kanya ang anumang
makakasaya sa kanya kahit pa nangangahulugan iyon na kailangan kong makasama sa
bahay ang makasarili niyang anak,” mariing wika ni Achilles.Hindi akalain ni
Madeline na ipagpapasalamat niya kailanman ang nangyari sa kanyang mga mata,
pero nang mga sandaling iyon ay ganoon ang nadarama niya. Kung nakakakita kasi
siya ay hindi niya gugustuhing makita ang poot sa anyo ni Achilles na nahimigan
niya sa tinig nito. Madalas na napakalamig at napakapormal ng binata kaya
inaakala ng lahat na manhid at wala itong puso. Subalit siya ang isa sa mga
taong nakakaalam kung gaano kalawak ang kapasidadnitong magmahal. Minsan na
siyang naging saksi kung paano ginawa ni Achilles na sentro ng buhay nito si
Myra. Iyon nga lang, kung gaano ito katindi magmahal, ganoon din ito katindi
kung magalit. Hinagilap niya ang braso ni Achilles ngunit mabilis na inilayo
nito iyon. Tila ba ipinaparating sa kanya na kaya lamang ito pumayag na magkadikit
ang mga balat nila ay dahil kailangan at kung wala ang pangangailangan na iyon
aywala siyang karapatang madampian man lang ng kamay niya ang braso nito. She
wanted to hate him for treating her so rudely, for being so cold and
untouchable. Ngunit may karapatan ba siya gayong siya naman ang pumutol sa
taling dating nagbibigkis sa kanila? “Hindi mo pa rin ba ako napapatawad, Achilles?”
Hindi umaasam si Madeline na tratuhin siya ni Achilles na tulad ng dati. Batid niyang
imposible na niyang maibalik angpagtinging namagitan sa kanila noon. Ngunit hindi
rin ba puwede kahit ang pag‑asam niya ng pagpapatawad nito? Her
sins were the sins of that silly, bratty, and selfish seventeen‑year‑old
girl she was. Would her twenty‑two‑year‑old self have to keep on paying for
those sins? Wala siyang narinig na anuman mula kay Achilles. Ilang segundo pa
muna ang lumipas bago niya natuklasang nakalabas na pala ng silidang binata.
Kung bago o pagkatapos ng pagsusumamo niya rito ay hindi niya matiyak.
CHAPTER
EIGHT
TAMA
si Achilles. Napakalayo nga ng inaasahan ni Madeline na madaratnan sa Del Valle
Ranch. Sa pangungulit niya sa daddy niya ay napaamin niya ito tungkol sa tunay
na estado ng rancho. Baon sa utang ang rancho sa mga Arguilla kaya para mabawasan
ang utang ay kinailangan ni Achilles na magtrabaho bilang horse trainer ni Job.“Dad,
mahusay magpalakad si Achilles ngrancho. `Di ba, ang sabi mo, kaya ka tumutol
na umalis siya rito ay dahil wala kang kilalang kasinghusay niyang magpalakad
ng rancho? Ang sabi mo pa, kung hindi siya umalis para mag‑aral
at magtrabaho sa isang rancho rin sa Australia ay malamang na hindi nalugi ang
rancho.” Apparently, two years after she left, Achilles also left the ranch.
Tinanggap nito ang alok na managerial position ng pinsan nitong si Jean‑Luc
sa rancho niyon sa Australia. Nang nagdaang taonlamang bumalik si Achilles sa
Pilipinas. Bumalik ito dahil sa pakiusap ng daddy niya na noon ay sagad na
hanggang leeg ang pagkakalugi ng rancho. “He was able to save the ranch from bankruptcy
and take over from you when he came back a year ago. Paano nangyaring hanggang ngayon
ay lugi pa rin ang Del Valle?” “Dahil nagkasakit ang mga baka, pineste ang mga
pananim, dumaan ang El Niño, sinundan ngLa Niña, at idagdag pa ang mga
pagnanakaw sa mga hayop, pataba, at imbak na mga produkto sa bodega. Kahit
anong husay ng isang tao ay walang magagawa laban sa puwersa ng kalikasan, hija.
Siyempre pa, nariyan din ang mga taong nais magpabagsak kay Achilles. Hindi pa
rin tumitigil si Job sa pagsira kay Achilles.” Bumuntong‑ hininga ang
kanyang ama. “Bakit ba kasi kay Job kayo umutang?” “Napilitan lang ako. Noong
mga panahongiyon ay hiyang‑hiya ako kay Achilles.” Napalunok si Madeline at hindi nakaimik. Batid niyang dahil sa
kagagawan niya kaya nagkalamat ang dating maayos na relasyon ng daddy niya at
ni Achilles. “Ngunit ngayong narito na si Achilles, ang gusto lang ni Job na
kabayaran ay ang i‑train ni Achilles ang mga kabayo niyang pangkarera,” pagpapatuloy
ng kanyang ama. “Dad, meron pa po akong naitatabing—”Hindi natapos ni Madeline
ang sasabihin dahil naramdaman niya ang presensiya ni Achilles. Some odd sixth
sense told her it was him.“At ano naman ang maitutulong mo, Madeline? Ni hindi
mo mahanap mag‑isa ang kuwadra. Babagsakan ka na ng niyog sa ulo ay
hindi mo pa alam na nasa ilalim ka na ng puno niyon.” “Achilles…” saway ng
daddy niya. Marahil ay nakita nito ang pagguhit ng sakit at pait sa kanyang
mukha.“Totoo naman ang sinasabi ko, Ninong. Wala siyang maitutulong sa atin.
Ang pinakamabuti niyang gawin ay ang i‑focus ang lahat ng lakas niya sa
pagpapagaling.” “Maaari ngang ako mismo ay walang maitulong sa pagpapatakbo
nitong rancho, Achilles. Pero ang mga painting at sketches ko ay maaaring
makabawas sa—” “Magpipinta ka? Guguhit? Sa kalagayan mo?” patuyang putol ni
Achilles sa iba pang sasabihinni Madeline. Nanggigigil na napatayo si Madeline
at dahil hindi niya natantiya ang layo ng coffee table sa harap niya ay
nabangga niya iyon ng tuhod. Tumapon sa kanyang paa ang bumagsak na mga tasa ng
kapeng naroon. Ni hindi siya makapiyok sa hapdi ng init ng likidong nabuhos sa
balat niya.Napamura nang malakas si Achilles. Hindik na napabulalas naman ang
daddy niya. Dinig niyaang pag‑uunahan ng dalawa na makalapit sa kanya.
“Ayos ka lang ba?” nag‑aalalang tanong ni Achilles. Maingat at mabilis na
binuhat siya nito at dinala sa banyo. Nang naroon na sila ay itinapat nito sa
paa niya ang portable showerhead. “I’m sorry.” Nagulat si Madeline sa nahimigang
pagsisisi sa tinig ni Achilles. “You should be more careful. Delikado ang
rancho parasa isang katulad mo, Madeline. Paano ka magtatagal dito kung sa
bawat malingunan mo ay may nakaambang disgrasya? Laging busy rito. Labas‑masok
ang mga tao, sasakyan, at hayop. Maraming sagabal sa lalakaran mo. Maraming lugar
na mapanganib gaya ng ilog, creek, bangin, pastulan, kuwadra, at niyugan.” Nahimigan
niya ang takot sa tinig ng binata na para bang sa bawat sinasambit na lugar ay nakikita
nito sa isip ang maaari niyang danasin sasandaling magkamali siya ng
pinuntahan. Nauunawaan niya ang pangamba ni Achilles at nagpapasalamat siya
nang labis sa pag‑aalala nito. “So you want me to leave, is that it?” “No,
dammit! Ang gusto ko ay makakita ka na.” Pinatay ni Achilles ang shower at
tinuyo ang mga paa ni Madeline. “Nakausap ko ang doktor mo sa Amerika. Wala raw
physical na dahilan para sa patuloy mong pagkabulag. Bagaman kailangan mong
sumailalim sa psychologicaltherapy para makakita kang muli, mas ikaw sa sarili
mo ang epektibong makakagamot sa pagkabulag mo. Sa tingin ko, ayaw mong makakita
dahil alam mong mapipilitan kaming kupkupin ka rito sa rancho hanggang bulag
ka.“‘Hysterical blindness’ daw ang tawag sa sakit mo. It’s just your mind’s way
of shutting out reality and dealing with all the stress you’ve been going
through. Sa tingin ko ay sinasadya monghuwag makakita uli para magkaroon ka ng
rason upang makabalik dito.” Nagtagis ang mga bagang ni Madeline. Kinapa‑
kapa niya ang mukha ni Achilles, marahang hinaplos iyon bago sinampal nang
malakas. Napasinghap ito sa pagkagulat. “Sa tingin mo ba, gusto ko ang
kalagayan ko ngayon? Sa tingin mo, nasisiyahan akong marinig ang mga parunggit
mo tungkol sa pagiging wala kong kuwenta? Alam kong galit ka sa akin perohindi
ko alam na abot‑langit iyon para isipin mong sasadyain kong maging
bulag para umamot ng tulong at awa mo.” Itinulak ni Madeline palayo si
Achilles. Akmang hahakbang siya nang matigilan siya. Hindi niya alam kung saan
siya pupunta. Hindi niya kabisado ang daang tinahak ni Achilles dahil buhat‑buhat
siya nito kanina bukod pa sa na‑ disorient siya ng sakit na dulot
ng pagkakapaso niya.Kinagat niya nang mariin ang ibabang labi. Mas gugustuhin
pa niyang iumpog sa pader ang kanyang ulo kaysa ipakita kay Achilles ang mga luhang
namuo sa kanyang mga mata. Malumanay ang tinig ng binata nang magsalita. “Mali
ka, Madeline. Hindi na ako galit sa iyo. Matagal nang lumipas ang galit ko sa
ginawa mo noon sa amin ni Myra. Naisip kong bata ka pa noon. Anumang damdaming
mayroon ka o inisip mong mayroon ka para sa akin, hindi pa rin akodapat naging
ganoon karahas sa iyo. “Kami ni Ninong, nagsisisi kami sa paraan namin ng
pagharap sa ginawa mo. Alam naming dala lamang iyon ng kabataan mo. Kaya lang, nawalan
na kami ng pagkakataong itama iyon dahil matigas ang pasya ng mommy mo na huwag
ka nang hayaang makalapit pa uli sa amin.” “Talaga? Salamat pero wala akong
pakialam!” Bata pa raw siya at mababaw ang damdaminniya? Kung ganoon, bakit
hanggang sa mga sandaling iyon ay wala siyang mahanap na lalaking maaaring
makapantay kay Achilles? Bakit hanggang sa mga sandaling iyon ay umaasa pa rin
siyang may kahihinatnan ang naunsiyami niyang pagmamahal dito?“Do you know why
I’m still alone till now and never had a relationship? It’s because of you! Dahil
hanggang ngayon ay wala akong makitang lalaking papalit sa iyo rito!” Sinuntok
niya angsariling dibdib. “So don’t tell me that my love was shallow, damn you!
Sa ating dalawa ay mas mababaw ka! I loved you! And I know you were starting to
fall for me, too! Pero dahil hindi ako ang ideal na asawa para sa iyo, sinabi
mong kalokohan lang ang nararamdaman ko! I begged you to wait for me after you
kissed me in the stables! I told you that I know you’re only using Myra to
cover up your feelings for me! Iniisip mong mali angpatulan ako dahil nahihiya
ka sa daddy ko!” Halos hysterical na si Madeline pero wala siyang pakialam.
Maraming taon na nakatago lamang sa dibdib niya ang mga hinanakit na iyon. “Yes.
I lied to Dad about that night when I told them we had made love and I was
pregnant with your child! Pero naisip mo bang ginawa ko lamang iyon dahil mahal
kita at alam kong itinatanggi mo lang ang damdamin mo para sa akin? Hindi ko
gagawin iyon kung hindi konasisigurong pareho tayo ng nararamdaman.” Hindi
tumugon si Achilles. Narinig na lang ni Madeline ang pagsara ng pinto ng banyo,
marahil ay iniwan siya nito roon. Nagpadausdos siya sa sahig at nag‑iiyak.
Siguro nga ay tama si Achilles. Siguro nga ay ang subconscious mind niya ang
nag‑uudyok
sa kanyang huwag makakita upang mayroon siyang dahilan para muling makalapit sa
binata. Iyon din marahil ang dahilan upang magkaroon siya ngrason upang bumalik
sa piling ni Achilles sa kabila ng obvious na kawalan nito ng anumang damdamin
para sa kanya. Kung bulag siya ay wala itong choice kundi kupkupin siya sa
rancho dahil wala siyang ibang mapupuntahan. Sa rancho ay makakasama niya si
Achilles. Bukod doon ay magkakaroon pa siya ng tsansang mabawi ang pag‑ibig
nito. God! How pathetic! “Maddy, I’m sorry, I’m so sorry, Maddy.”Napabaling
siya sa pinanggalingan ng tinig. Bumalik ba si Achilles o hindi talaga nito nagawang
umalis? Naramdaman niya ang paglapit ng binata sa kanyang tabi. Pagkuwa’y
naramdaman na lang niya ang yakap nito at paghaplos sa kanyang likod. “Ayokong
nakikita kang nasasaktan.” “Achilles…” “Alam mo kung gaano ka kahalaga sa akin.
Nasaktan ako sa ginawa mo noon napagsisinungaling. Pero mas nasaktan ako nang hindi
ka na bumalik. Sinisi ko ang sarili ko dahil doon, lalo pa at nakita ko kung
paano nangulila si Ninong sa iyo. Bakit kasi hindi ka bumalik?” “I was scared.
Takot na takot akong bumalik dahil baka ipagtabuyan n’yo ako pareho. Sa isip ko
ay mas mabuti nang huwag akong bumalik kaysa makita ko uli sa mga mata ninyo ni
Daddy ang pagkamuhi ninyo sa akin,” humihikbing pag‑ amin niya.“Ah,
Maddy… We never hated you. Ninong Tomas never hated you. Nasaktan siya sa
ginawa mo pero madali ka rin niyang napatawad noon. Bigyan mo lang ako ngayon
ng panahong makalimutan ang namuong tampo dahil sa hindi mo pag‑uwi
rito sa kabila ng mga pagtatangka kong kumbinsihin kang umuwi na rito.” Natigilan
si Madeline. Animo umihip ang malakas at napakalamig na hangin sa paligid. “What?
Wala akong alam tungkol doon. Hindi moako kailanman kinontak sa buong panahong nawala
ako. Ako ang unang komontak sa inyo pagkatapos ng aksidente.” Ilang segundong
hindi nakaimik si Achilles. Nanigas ang katawan nito. Pero ang murang pumailanlang
sa silid ay hindi nagmula sa binata kundi sa likuran nito. Sa daddy niya na
nakatayo pala sa pinto at narinig ang kanyang sinabi. “Ilang beses kong
nakausap sa telepono si Corina upang hilinging makausap ka atkumbinsihing
bumalik na sa rancho. Ang sabi niya, galit na galit ka raw sa akin at kay
Achilles, na ni makausap kami ay ayaw mong gawin. I never thought her messages
didn’t come directly from you dahil sa isip ko ay may karapatan kang maramdaman
iyon pagkatapos ng nangyari,” saad ng kanyang ama sa tonong hindi mabuti ang ibinabadya
para sa mommy niya kung sakaling magkrus uli ang mga landas ng mga ito. “Pinuntahan
kita sa Amerika at nakausap koang mommy mo. Sinabi ko sa kanya na nais kong magkalinawan
tayo. Lamang ay hiniling niya sa akin—no, mas tamang sabihing ipinakiusap niya sa
akin na huwag ka munang gambalain sa pagsisimula mo ng bagong buhay malayo sa amin.
Now, I think your mother just didn’t want to let you go and leave her again,”
segunda ni Achilles sa paliwanag ng daddy niya. Natahimik naman si Madeline.
Naalala niya ang mga pagkakataong pilit siyang pinaaamin ngmommy niya noon kung
gusto niyang bumalik sa rancho kung sakaling tanggapin uli siya ng daddy niya.
Ang naging sagot niya noon ay isang mataginting na “hindi.” Sawa na kasi siyang
makita ang naaawang tingin ng ina sa kanya. Para bang siya na ang
pinakamiserableng nilalang sa mundo dahil sa kabiguan niya sa pag‑
ibig kay Achilles at sa pagtalikod ng sariling ama sa kanya. Sa pagnanais
niyang ipakitang bale‑ wala na sa kanya ang makabalik man o hindi sarancho,
sinabi niyang hindi na niya nais makita o tumapak pa sa rancho. Bumilis ang
tibok ng kanyang puso. Kinapa niya ang kamay ni Achilles ngunit sa direksiyon na
pinagmulan ng tinig ng kanyang ama siya tumingin. “Mom didn’t lie. Noong mga
panahong iyon ay iyon talaga ang sinabi ko sa kanya dahil sa isip ko nga ay
imposible nang gustuhin pa ninyong makita uli ako. Pero kung nalaman ko lamang
na noon pa ay pinatawad na ninyo ako atnais makita, ora mismo ay nagbalik ako
rito sa rancho.” Matagal bago may nakasagot sa dalawa. Tila ba kinailangan pang
limiin nang mabuti sa isip ang isasagot sa kanya. “I was on my way to the
airport after I learned about your accident when Ninong Tomas had a heart
attack. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako nakapunta agad sa iyo,” pag‑amin
ni Achilles na pinisil nang marahan ang kamay ni Madeline.Napasinghap si
Madeline sa magkahalong pagkagulat. Hati sa pagitan ng galak at pag‑aalala
ang reaksiyon. Pag‑aalala sa kaalamang inatake sa puso ang daddy niya at
kagalakan dahil may mabigat palang dahilan kaya hindi agad dumating si Achilles
sa tabi niya noong kailangan niya ang tulong nito. “Dad, are you okay now?”
nakakunot‑noong baling niya sa ama. May paniniyak na pinisil naman
nito ang kanyang kamay at tinapik‑tapik.“Don’t worry, princess,
hindi ganoon kagrabe ang atake ko. Nag‑alala lang ako nang labis sa nalaman
kong aksidenteng kinasangkutan mo. Pero nang matiyak sa akin ni Freddie na
ligtas ka na ay kumalma na rin ako.”
CHAPTER
NINE
“W‑WHO’S there?” kinakabahang tanong ni Madeline nang
makarinig ng kaluskos mula sa likuran. Hinihintay niya ang pagbabalik ni Achilles.
Nagyaya kasing mag‑picnic ang binata ngunit dahil sa excitement ay
nakalimutan nitong bitbitin ang jug ng inumin kaya bumalik ito sa bahay. Ngunit
bago iyon ay tiniyak nitong ligtas siya at komportable sa kinauupuan.Inilatag
ni Achilles ang kumot at pinaupo siya roon. Inilagay rin nito sa kamay niya ang
cell phone niya na naka‑speed dial sa numero ng cell phone
nito. Mayroon ding Walkie‑talkie na ang ka‑partner
ay hawak‑hawak ni Achilles. Para daw madali niya itong
matatawagan kung sakaling may nangyari o kung may kailangan siya. He was
totally going against his earlier warning words. Iyong hindi siya dapat umasang
tatratuhing prinsesa sa rancho ngayon dahil hindiraw niya dapat gamitin ang
kanyang kapansanan para lalong kawawain ang sarili. Si Achilles mismo ay buong
pusong nagpapakaalila sa kanya. Hindi pa man niya nasasabi ang kailangan o
gusto niya ay nakahanda na itong iabot iyon sa kanya. Mistula siyang national
treasure sa museum kung ituring. Bawal lumakad sa kung saan‑saan
nang walang nakabantay sa kanya, bawal pakilusin o pagawain ng mabibigat na
bagay, ni langaw ay bawal dumapo sa kanya at kung anu‑ano pangbawal.
Para matiyak na hindi na siya mabubunggo uli sa mga hindi niya nakikitang bagay
sa harap niya ay ipinaalis nito ang lahat ng malalaking furniture sa mga parte
ng bahay kung saan siya madalas maglagi. Noong una ay naaliw si Madeline at
kinilig sa pag‑aalala ni Achilles ngunit lately, pati siya ay napapraning
na sa binata. Kaya nga kahit ayaw pa siya nitong iwan mag‑isa
upang balikan ang naiwang inumin nila ay naggalit‑galitan na siya.“You’re not
helping me with your coddling, Achilles! Hindi ako inutil para lagi mong
bantayan. How could I heal if you’re making it so easy for me to be blind? `Di
ba, sabi ni Doctor Santivaniez ay kailangan kong isiping wala naman na akong
dapat pang takasan sa realidad para magamot na ang sakit kong ito?” kunwari ay
sikmat ni Madeline nang tumanggi si Achilles na iwan siyang mag‑isa
roon sa tabing‑ilog kahit sa loob lamang ng sampung minuto.“Alam ko.
Pero… Damn! Maddy, I just don’t want anything bad to happen to you,” wika nito
na hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa kanyang pisngi.Bahagya siyang
natawa. “Remember the movie Finding Nemo ? Those were the same lines the father
said about his son.” Seryoso ang tonong sumagot ang binata. “Dahil pareho kami
ng clownfish na iyon, nagmamahal attakot mawala uli ang minamahal. I regretted
letting you go five years ago, Maddy. Ilang beses kong naisip na sana ay iba
ang ginawa ko noon para hindi ka na umalis. Pero siguro kinailangan muna
talagang mawala ka bago ko ma‑realize kung gaano ka kahalaga sa
buhay ko.” “I’m not going anywhere, Achilles. I’m staying right here with you.”
Narinig uli ni Madeline ang mga kaluskos. Ngunit batid niyang hindi si Achilles
iyon.Pamilyar sa kanya ang natural na amoy at ingay na nililikha ng mga yabag
ng binata.“Ako ito, Madeline. Kumusta ang blind beauty? Ang hirap, ano? Ang
daming hindi mo puwedeng gawin at alamin. Tulad ng kung saan ka tatakbo kapag
may nagtangka ng masama sa iyo.” “Job! Ano’ng—” Napatili siya nang bigla siyang
hablutin ng lalaki sa braso at kabigin palapit. “Bitiwan mo ako!” “Not before
you give me a kiss first. Kahit isalang, wala naman si Achilles, eh. Ah, hindi,
ganito na lang pala. Tumakbo ka. Kapag naabutan kita, hahalikan kita. Kapag
hindi, hahalikan pa rin kita.” Tumatawang yumuko ito at hinalikan siya sa leeg.
Itinulak niya si Job. Nagmura ito. Sinamantala niya ang pagkakataon para tumakbo.
Hindi niya alam kung saan siya patungo. Panay ang sigaw niya ng tulong.“Madeline,
don’t! Ilog nàyan!” sigaw ni Job na humahabol sa kanya. Hindi niya pinakinggan
ang lalaki. Nagpatuloy siya sa pagtakbo. Nililinlang lamang siya nito. Hindi
nakikisama rito ang tunog ng malakas na agos ng ilog. Nagmumula iyon sa likuran
niya at hindi sa harap. Nagulat siya nang wala siyang maapakang lupa.
Naramdaman niya ang pagbulusok niya sa ere. Kasunod niyon ay naramdaman niya
angpaglubog niya sa napakalamig na tubig. “Madeline!” Marunong siyang lumangoy
ngunit dahil sa takot ay tila nakalimutan niya iyon. Naramdaman niya ang
paglabusaw sa tubig di‑ kalayuan sa kinaroroonan niya. Kasunod niyon ay naramdaman
niyang may humablot sa kanyang baywang. Hinawakan siya niyon sa baba upang manatiling
nakalitaw ang ulo niya sa tubig. “Ayos ka lang ba?”It was Achilles’ voice.
Nahimigan ni Madeline ang matinding pag‑aalala roon. Bunsod sa nangyari ay
nanginig siya at napaiyak sa matinding takot. Niyakap siya ng binata at inalo.
“It’s all right, baby. It’s all right. I’ve got you. It doesn’t matter if you
never see again. I’ll be your eyes from now on. Magtatalaga ako ng mga tagapag‑alaga
mo. Don’t worry, you’ll be fine. Pangako, ako ang bahala sa iyo. Hindi kita
pababayaan.”“Achilles?” nababaghang sambit niya. Itinaas niya ang kamay para
madama ang mukha ng binata. Kagaya niya ay nanginginig din ang katawan nito. “I’m
sorry, hindi ko sinasadya. Nagbibiro lang ako, Madeline,” anang nag‑aalala
ring tinig ni Job. Naramdaman ni Madeline ang paglingon ni Achilles. “Get out
of my sight, you bastard! Kapag nakita uli kita rito sa loob ng rancho ko,
tinitiyak ko sa iyong ikaw ang lulunurin ko sa Ilog Fria!”pasinghal na banta
nito kay Job. Narinig ni Madeline ang mga papalayong yabag. Hinarap uli siya ni
Achilles. “Are you really all right, Maddy?” Mahinahon na uli ang tinig nito. “I’m
fine. Achilles, bakit hanggang ngayon ay malaki pa rin ang galit sa iyo ni Job?
Ang sabi mo, pagkaalis ko ay hindi mo naman na binalikan pa si Myra. Bakit
galit at bitter pa rin siya hanggang ngayon?”Ilang sandaling tahimik ang
binata. Mayamaya ay bumuntong‑hininga ito. “Hindi ko agad sinabi ito sa iyo dahil wala pang katiyakan kung
totoo nga o hindi ang sinabi ng kapatid ni Myra kay Job. Maddy, Myra left Isla
Fuego the same day you did. Nagsinungaling siya nang sabihin niyang hindi siya
buntis. Ang sabi ng kapatid niya, tatlong buwan na raw siyang buntis pero nang
malaman niya ang tungkol sa iyo, nasaktan siya kaya pinili niyang itago sa akin
ang totoo.”“N‑nagkaanak kayo ni Myra?” Tila
biglang nagkaroon ng bikig sa lalamunan ni Madeline. Paano kung bumalik si Myra
at pilitin si Achilles na panagutan ang anak? Paano na siya? “Ang totoo, hindi
ko alam. Puwedeng anak ko nga ang dinadala niya pero puwede ring hindi. Puwedeng
anak ni Job `yong bata. Itinatanong mo kung bakit galit sa akin si Job?
Nagagalit siya dahil hindi niya alam kung saan naroon si Myra at ang anak nito.
Malakas ang kutob niyang anakniya ang bata. Ako ang sinisisi niya sa pag‑alis
ni Myra, as if my loving Myra rather than you could have stopped her from
leaving. Iuuwi na kita.” Iginiya siya patungo sa pinagtalian ni Achilles ng kabayo.
“Saka na tayo mag‑picnic. Kailangan mong magpalit ng damit bago ka pa
magkasakit.” Inalalayan siya sa pagsakay sa kabayo bago pumuwesto ang binata sa
likuran niya. Niyakap siya nito gamit ang isang braso habang ang isa pa ay
ginamit na panghigit sa renda.Nagsimulang tumakbo ang kabayo. “Achilles…” “Hmm?”
He nuzzled her neck, trying to breathe in her scent as if it brought him utter peace
and contentment. Kung noon ay ilag na ilag ito sa physical contact at
pagpapakita ng nadarama sa harap ng ibang tao, ngayon ay hindi na. Tila ba nais
nitong bumawi sa limang taong pangungulila sa kanya kaya hindi makontentong maglambing
nang sila lamang dalawa ang nasapaligid. “What will you do if Myra comes back
with your child?” “I’ll ask my wife what we should do about the child. I hope
she’ll be kind and loving to the kid and allow him or her to live with us part
of the year.” Nanigas sa tensiyon si Madeline. Tama ba siya ng dinig? Siya ba
ang tinutukoy ni Achilles sa salitang “wife”?Tumikhim ang binata. “Kung
sakaling hindi mo naunawaan, Madeline, inaalok kitang maging asawa ko. Gusto
kong maging kahati ka sa pagdedesisyon tungkol sa anak namin ni Myra sa sandaling
matagpuan na siya ng inupahan kong private investigator. Wala kang dapat
ipagselos kay Myra noon man o ngayon. Dahil tama ka. Noon hanggang ngayon ay
ikaw ang mahal ko.” “A‑Achilles…” Gumaralgal
ang tinig niya nang sambitin niya ang pangalan nito. Nag‑uumapawang
tuwa sa kanyang dibdib. Kumapit siya nang mahigpit sa braso nitong nakapulupot
sa kanyang baywang. “Hinihintay ko ang sagot mo, Maddy. ‘Oo’ ba o ‘oo’?”
kunwari ay paangil na untag nito. “Oo.
”EPILOGUE“
ANG
GANDA talaga ng mga mata mo,” anas ni Madeline sa gitna ng paghahanda nilang
mag‑
asawa para sa pupuntahang libing. Hindi pa rin siya makapaniwalang nakakakita na
uli siya. One minute there was just darkness and nothingness, the next the
trees were rushing towards her and then the icy river was just a few feet from
her.Gumuhit ang pagkagulat sa anyo ni Achilles nang sabihin ni Madeline na
nakakakita na siya pagkatapos siya nitong maagap na pigilan sa muntik na namang
pagkahulog sa ilog. Tiningnan siya nang mataman ni Achilles. Sinalubong niya ang
titig nito. Kasabay ng pagbadha ng katuwaan sa mukha ni Achilles ay niyakap
siya nito nang mahigpit. That was two months ago, a week just before they got
married.“Tulog na ba si Miro?” tanong ni Madeline na ang tinutukoy ay ang anak
ni Myra. Hindi na natagpuan ng private investigator si Myra dahil namatay pala
ito sa panganganak. Ang batang isinilang ay nahanap sa bahay‑
ampunang pinagdalhan dito. Miro was Job’s son. Kitang‑kita iyon sa
mukha ng bata kahit hindi na sumailalim sa DNA tests. Mistulang pinagbiyak na
bunga ang dalawa. Unfortunately, short‑lived ang reunion ng mag‑ama
dahil na‑diagnose with skin cancer si Job. Sa durasyon ng
pananatili nito sa ospital ay sina Madeline at Achilles ang madalas na bisita
nito. Iyon ay hindi dahil kay Job kundi dahil kay Miro. Gusto nilang makasama
ni Job kahit sa sandaling panahon lang ang anak nito. Miro was a lovable kid.
Job entrusted Miro to Achilles and Madeline’s care since it was quite apparent
that none of his other cousins, aunts, or uncles were willing to take on his
bastard son. Saaraw na iyon nakatakdang ilibing si Job. Hindi na nila isasama
si Miro dahil iyon ang bilin ni Job. Gusto nitong matandaan ito ng anak na
buhay pa at hindi iyong nakasilid na sa kabaong. Tumango si Achilles bilang
tugon sa tanong ni Madeline. Bumuka ang mga labi ni Madeline pero bago pa niya
maisaboses ang susunod na tanong ay sinakop na ang mga iyon ng mariing halik ng
kanyang asawa. Dahil gusto rin niya ang halik na iyon, isinantabi na muna niya
ang mgakatanungan sa isip at tinugon ang halik. “I love you, Maddy. Forgive me
for being selfish. Pero gusto kong mauna ako sa iyo. Dahil hindi ko na
kakayanin pang mawala ka uli sa buhay ko.” “I love you, too. Kaya huwag kang
umasang mauna dahil sasabay ako sa iyo kahit ano ang mangyari. Kapag hindi ko
pa oras, wala kang magagawa kundi maghintay sa akin.” Tumawa si Achilles, saka
nagkibit‑balikat.“Well, I’ve waited six years before you were
born. I guess I could wait a hundred years more of living with you and loving
you before we face the end.”WAKAS
please subscribe
ReplyDelete