NO ONE ELSE BUT YOU

0


NO ONE ELSE BUT YOU


CHAPTER ONE

MARIRIING katokang gumambala sa pananahimik ni Mary Ann. Nagpapahiwatig iyonhindi lang ng pagmamadali kundi galit.Napatingin siya sa pinto. Naulit ang mga katok.Mas maririin kaysa mga nauna. Napasimangotsiya. Para sa kanya, pambabastos ang paraan ngpagkatok ng dumating.

“Sandali!” Kung sinuman iyon, tiniyak niya sasariling hindi palalagpasin ang kabastusan nito.Padarag nang buksan niya ang pinto. “Sino baang kail—” Hindi niya naituloy ang sasabihinnang bigla siyang tabigin ng lalaking nabungaranniya. Napasandal siya sa dingding sa lakas ngpagtabig nito sa kanya. “JJoshua?!”“Huwag kang makikialam dito!” malakas atgalit na sabi nito.

Kinabahan siya nang makapasok ito atpatalikod nitong isara ang pinto. Parang maybinabalak itong masama. Kilala niya ito. Hindilang basta kilala. Truth was, he was her boyfriend.“Aano ba ang nangyayari sa ‘yo, bakit galit nagalit ka?” nalilitong tanong niya.“Nasaan ang itay mo?”“Bbakit, ano ang problema sa itay ko?”“Palabasin mo siya!”

Hindi niya alam ang dahilan ng galit nito.Magsisinungaling sana siya at sasabihing umalisang itay niya kasama ang kanyang Auntie Vivian.Pero bago pa siya nakapagsalita ay narinig naniya ang mga yabag ng kanyang itay na si MangFederico habang nananaog ito mula sa ikalawangpalapag ng bahay.Wala itong kamalaymalay sa naghihintay napanganib. “Uy, narito ka pala, Joshua!” matamisang pagkakangiting bati nito sa kasintahan niya.

Kamamanhikan lamang ni Joshua at ng buongpamilya nito sa pamilya niya. Iyon ang dahilankung bakit niya pinaluwas sa Maynila angkanyang itay mula sa Quidolog, PrietoDiaz,Bicol.Bigla itong bumunot ng baril, ikinasa iyon.“Mamamatay ka, hayup ka!” sigaw nito.Nangilabot siya, lalo na nang itutok nito angrebolber sa itay niya.

Napatda si Mang Federico. Namutla. Animotinakasan ng dugo sa mukha. Napataas angdalawa nitong kamay, tandang hindi ito lalaban.“Tteka, aano ang kasalanan ko sa ‘yo?”“Ikaw pala ang kriminal na matagal ko nanghinahanap! Ikaw ang pumatay sa itay ko!”“Hha?”“Oo. Ipinagtapat sa akin ng tiyahin kokaninang umaga lang. Nakilala niya kayo nangmamanhikan kami kahapon. Maliit lang talaga

ang mundo, Mang Federico!” Nanginig angkamay nito.Kahit nangangatal sa takot ay sinikap niyangpayapain ang isipan ng kanyang nobyo. “Joshua,huwag. Ama ko siya,” nagmamakaawang sabiniya.“Wala akong pakialam!”“Mahal mo ako, ‘di ba?”“Hindi sangkot dito ang relasyon natin, MaryAnn.”

“Hindi puwedeng hindi sangkot, Joshua. Amako siya. Masasaktan ako anuman ang mangyari sakanya!”“Kung gano’n, kalimutan na lang natin naminsan ay nagkakilala tayo. Hindi kopalalampasin ang pagkakataong ito. Ipaghihigantiko ang itay ko!”Kasabay ng pagbukas ng pinto ay ang pagalingawngaw ng nakabibinging putok.

Napatili si Mary Ann. Ngunit hindi angkanyang itay ang nakita niyang bumulagta sasahig. Si Joshua ang duguang bumalandra sadingding dahil sa tama ng punglo. Nabitiwan nitoang hawak na baril.Napasugod siya ng yakap dito. “Joshua!”Mula sa pintuan ay lumapit ang kapitbahaynilang pulis. “Nariyan ako sa labas nang makitakong dumating siyang galit na galit,” paliwanagni SPO1 Efren Rosales. “Nakita kong may

nakaumbok sa baywang niya. Pagkatapos, narinigko ang malakas na boses. Sabi ko, may gulo. Kayasumaklolo ako. .“Sinilip ko muna sa siwang ng pinto kung saansiya nakaposisyon. Nang makita kong delikadoang lagay ng itay mo, pinutukan ko na.”Tumingkayad itong paupo at hinawakan sa pulsoang nakabulagtang si Joshua. “Huwag kang magalala, Mary Ann. Sa balikat lang ang tama ngnobyo mo.”

“Dalhin ho natin siya sa ospital,” umiiyak nasabi niya. Kahit pinagtangkaan ni Joshua angbuhay ng kanyang itay ay hindi pa rin niyamaitangging mahal niya ito. Ayaw niyangmawala ito.“Oo, ako ang bahala. Dadalhin natin siya saospital.” Inutusan nito ang ilang usyuso natumawag ng taxi.Saglit pa, nasa pinakamalapit na pagamutan nasi Joshua, at nilalapatan ng lunas ng mga doktor.

Habang inooperahan ito ay umiiyak na nakasilipsiya sa salaming pinto ng operating room. Panayang usal niya ng dasal na sana’y makaligtas ito.At bigla ang pagdaloy ng nakaraan sa kanya.

CHAPTER TWO

THIRD year high school si Mary Ann nangsagutin niya si Gemo. Mas matanda ito sa kanyanang tatlong taon at kumukuha ng kursongAutomotive sa kabisera ng Bicol. May talyer angtiyuhin nito kaya balak nitong doon magtrabahokapag nakatapos na.

“Huwag ka nang magisip magcollege,”suhestiyon nito minsang banggitin niya rito angplano niya pagkagraduate niya ng high school.“Ano ang ibig mong sabihin na huwag naakong magisip na magcollege?” takangtanongniya. Napatitig siya sa mukha nito. Kasabay niyonay may naramdaman siyang iritasyon para dito.Bakit gusto nitong pigilan ang kanyangpagsulong?

“Hindi mo na kailangang magtrabahohalimbawang magkatuluyan tayo. Ako ang lalakikaya ako ang dapat kumayod. Sa bahay ka nalang. Asikasuhin mo na lang kami ng magigingmga anak natin.”There was something in Gemo’s character naparang noon lang niya nakita. Natatakot ba ito nabaka iwanan niya sakaling may marating siya?And was it enough for him na ganoon na rin langang maging buhay niya?

Napasimangot siya. That was not her idea ofgetting married. Kahit bata pa siya, pumapakabilana ang kanyang isip sa dimensiyong kanyangpatutunguhan sampu o labindalawang taonpagkagraduate niya ng high school.Kapag nagasawa siya, gusto niyang preparadohindi lang ang anggulong emosyonal niya kundipati na ang pinansiyal na aspeto ng buhay niya.Mas masarap ang magiging buhay niya kungnakatapos siya ng kolehiyo at nagoopisina.

“Kaya ko naman kayong buhayin kung sakali.”Binalewala nito ang ideyang dapat ay mayroondin siyang trabaho. “Kung yung ibang pamilyanga rito sa baryo natin, ang damidami pa nganak, nabubuhay kahit magsasaka lang ang tatay.Saka tingnan mo ang buhay ng mga pamilyanatin. Medyo naghihirap nga tayo pero hindinaman tayo nagugutom.”

She looked at him in the eyes. “Iyon lang baang basehan mo ng magandang buhay, Gemo?Yung hindi nagugutom?”“Ano pa ba?”Sa sukatang probinsiyal, guwapo si Gemo. Hewas quite tall at kahit may kaitiman ang balat ayneat namang magdamit. Namumukodtangi ito samga kabarkada nito. Kaya naman second yearhigh school pa lang siya ay crush na niya ito.

When he courted her, hindi na niya itopinahirapan. Wala pang isang taon itongnanliligaw ay sinagot na niya ito. That time, hewas her ideal man.But for the very first time, sa kanyang isip aynapintasan niya ito. Bakit sarado ang isip nito? Bakitkontento na ito sa klase ng buhay nilang iyon sanayon?She had been too honest para hindi sabihin ditokung ano ang nararamdaman niya. “Gemo, sa

totoo lang, hindi ako kontento sa klase ng buhaynatin dito sa Quidolog,” aniya. “Kungmagkakaroon lang din ako ng pagkakataon, aalisako rito sa nayon natin.”“At saan ka naman pupunta?”“Sa Maynila,” she answered. She alreadypictured herself as a college student.“Hindi ka na ba natuto sa karanasan ng mgamagulang mo? Hindi ba’t sa Maynila rin silananirahan noong una? Natatandaan mo naman

siguro iyon, ‘di ba? Sabi mo nga, halos limangtaon ka na nang bumalik dito sa probinsiya angpamilya n’yo.”Totoo iyon. Ayon sa kuwento sa kanya ng inayniya, puro hirap ang dinanas nito at ng kanyangitay nang nasa Maynila ang mga ito. Pero ewan baniya kung bakit naroon pa rin ang isip niya. SaMaynila pa rin nakatawing ang marami sakanyang mga pangarap.

“Hindi naman parepareho ang buhay ng tao,Gemo,” aniya. “Kung nabigo sina Inay at Itay saMaynila, baka naman maiba ang kapalaran ko.”Nanlumo ito. “Magkaiba naman pala ang takbong isip natin,” malungkot na sabi nito. “Ibanaman kasi ang paniniwala ko. Kung maymakikita rin lang akong trabaho rito saprobinsiya, bakit pa ako luluwas sa Maynila, e,kay layulayo n’on? Isa pa, masarap mabuhaynang malapit sa sariling pamilya.”

“Masyado ka kasing makaina,” she teased,trying to soften their argument.“Mapagmahal lang siguro akong anak.”Lumuwag na rin ang ekspresyon ng mukha nito.Obviously ay ayaw na rin nitong pahabain angkanilang pagtatalo.“Sige na, huwag na nating pagtalunan angtungkol sa magkaibang paniniwala natin.”“Pero nakakalungkot ang nalaman ko ngayontungkol sa ‘yo. May balak ka palang lumuwas sa

Maynila. Ibig sabihin, balewala sa ‘yo kungmagkalayo man tayo.” Hindi na mariin angpagsasalita nito, simpleng nagpapahayag na langng pangamba.Napabuga siya ng hangin. “Gemo, mahirapdito, e. Wala akong kinabukasan dito.”“At sa Maynila.. meron?”“Baka sakali.”

“Mahirap ang buhay na baka sakali, Mary Ann.Mas mabuti na ‘yong isang simpleng buhay natiyak kaysa mangarap ka nang marangya.”“Hay, naku, tama na nga ito. Hahaba lang nanghahaba ang pagtatalo natin, e. Hindi pa namansigurado kung makakaluwas nga ako. Hindi kasitiyak ang pangako sa akin ng Auntie Vivian ko.Sakali raw na lumakas ang kanyang maliit nabusiness, baka raw kuhanin niya ako.”“Sana hindi lumakas.”

Inambaan niya ito ng suntok. “‘Kakainis ka na,ha!”May lungkot sa mukha nito nang gagapin angpalad niya. “Kung sakali na magkakalayo ngatayo, paano na?”“Paano na ang alin?”“Tayo. Ang relasyon natin.”“Pareho pa rin. Magsusulatan tayo.”“Mayayakap ko ba ‘yong sulat? Mahahalikanko ba ‘yon?”

Natawa siya. Nagtama ang kanilang mgatingin, parehong namumungay ang mga mata.“Siguro, iyon lang ang mamimiss mo kaya ayawmong lumuwas ako sa Maynila?” aniya sa himignagtatampo. But there was also a hint of humorin her voice.Lumingalinga muna ito bago sumagot. “Lahatsa ‘yo, mamimiss ko. Pati ito.”

Mabilis niyang tinabig ang kamay nito mula saginawa nito. “Ano ba? Baka may makakita sa‘yo!”“Nasa ibaba naman ang mga kapatid mo, tayolang ang tao rito sa itaas. Nasa palengke ang inaymo at namamasada naman ang itay mo. So,ano’ng problema?”“Oo nga, Gemo, pero hindi tama ang iniisipmo.”

Sa sinabi niyang iyon ay saka lamang itonatauhan. Hindi ito kumibo. Mayamaya’ytumayo na ito at nagpaalam.KINABUKASAN ay inaya siyang magdate niGemo. Nanood sila ng sine sa bayan. Noonguna’y hawak lang nito ang kanyang palad athinahalikhalikan. Hindi niya kayang ipaliwanagang hatid na kiliti niyon maging sa kaliitliitanghimaymay ng kanyang laman.

Hanggang untiunti, nalipat ang atensiyon nitosa kanya. Dahandahan nitong inilapit ang mukhasa kanya. Ang halik na inaakala niyang sandalilang ay naging matagal. Hindi siya aware peroawtomatikong bumuka ang kanyang bibig paratanggapin ang agresibong halik nito.Para siyang umaangat sa kanyang upuan.Naulit iyon nang maraming beses. Sa pagitan ngmarubdob na pagtatagpo ng kanilang mga labi ayhumihilig siya sa balikat nito.

“Huwag mo akong lolokohin, ha?” pakiusapniya. Natakot agad siyang baka hindi siya nitototohanin. At that time, ang halik sa mga labi parasa kanya ay isa nang uri ng pagsuko ng sarili.“Mahal kita,” buong katapatang sabi nito. Atsinimulan na naman nitong kutibkutibin angkanyang labi.Kusa siyang naglantad ng bibig. Noong una ayhindi siya marunong humalik, pero natututunannaman pala iyon by instinct. Nagustuhan niya ang

ginagawa nito sa kanya kaya ginaya niya ito. Herlips opened to receive his tongue. She let him tastethe sweetness of her mouth.Mahigpit na magkalapat ang kanilang mga labinang maramdaman niyang nakiraan ang isangkamay nito sa laylayan ng kanyang blouse,gumapang sa kanyang tiyan at umilalim sa suotniyang bra, massaging the side of her left breast.Pipigilin sana niya ito pero nawalan na siya ng

lakas tumutol nang maramdaman ang mainit,nangangatal na palad nito sa kanyang dibdib.Maingat ang paghaplos nito. Pakiramdamniya’y nawawala yata siya sa magneto ng lupa.Humigpit ang yakap niya sa leeg nito.Paglabas nila ng sinehan, pakiramdam niya’ymas naging close sila kaysa dati. Ganoon talagasiguro. Sa pagkakaroon ng physical contact aynagiging malapit din ang kalooban ng isa’t isa.

THAT was only the beginning. Hindi sa ganoonnatapos ang kapangahasan ni Gemo. Wala rinnoon ang mga kapatid at magulang niya isangaraw na dumating ito sa kanilang bahay.Nagkataon pa mandin na bagong paligo siya atnagsusuklay ng basa pa niyang buhok.Habang nagkukuwentuhan sila’y napansin naniya ang madalas na pagsulyap nito sa mahahabaat makikinis niyang binti. Mahilig kasi siyangmagshorts nang pitis.

“Teka nga pala, Mary Ann, saan ba nagpuntaang mga kapatid mo?”“Si Bunso, kasama ng inay, pumunta sabirthday ng isa naming kamaganak. Nasa galaannaman sina Junior at Botyok. Si Ivy naman—” Itoang sumunod sa kanya. “Sinundo ng mgakaklase. May gagawin daw project.”May namutawing pilyong ngiti sa mga labinito. Lumipat ito sa upuang katabi niya. “Pakissnaman.”

Napangiti siya. Natikman na niya kung anoang pakiramdam ng hinahalikan at naghihintaysiya kung kailan iyon mauulit. Hindi nga lamangniya maamin dito dahil nakakahiya.Nang isampay nito sa kanyang balikat ang isanitong braso ay hindi siya kumibo. Nakita niyanang isara ng isang kamay nito ang bintana.Their eyes met, as if he was asking for herapproval. She gave her the gosignal.Naglapat ang kanilang mga labi.

She closed her eyes. Untiunting humigpit angyakap niya sa leeg nito nang masuyo nitongsipsipin ang kanyang malalambot na labi.Kay sarap, naisaloob niya. Mamimiss niya iyonkapag nasa Maynila na siya. Kung maaari lamangna naroon din ito.Nabuwal sila sa mahabang sofa na yari sakawayan. He was on top of her. Hindinaghihiwalay ang kanilang mga labi habangpatuloy na magkayakap.

She felt it when Gemo’s hand moveddownward. Akala niya ay makikiraan na namaniyon sa laylayan ng kanyang blouse kung kaya’twala siyang balak na pigilan ito. Pero nagkamalisiya. Hindi roon nakiraan ang mainit na paladnito kundi sa loob ng kanyang shorts.Bumitiw siya sa halik nito, bahagya niya itongitinulak. “Gemo!”“Bakit?”“Anong bakit? Ano’ng gagawin mo?”

“Hahawakan ko lang—”“Gemo, naman, e!”“Sige na.”Hindi na siya tumutol nang muli nitong ilapatsa kanyang mga labi ang bibig nito. Pinamanhidsiya ng matamis na halik na iyon. Halik na tilanaging anaesthesia sa isang taong nakatakdangsumailalim sa isang maselang operasyon. Parasiyang nawala sa sariling kamalayan at inilipad sa

kabila ng dimensiyong alam pa niya ang tama atmali.Muli, umilalim sa garter ng kanyang shorts angisang palad nito. Hinaplushaplos niyon angkanyang puson. Pakiramdam niya’y lalo siyanginilipad sa isang mataas na lugar na hindi niyaalam ang pangalan. Napaliyad siya. Naghiwalayang kanilang mga labi pero mariin pa rin siyangnakapikit. “Gemo. .”

Naglaro ang gitnang daliri nito. Nanulay saguhit na kinaroroonan ng pinakasensitibongbahagi ng kanyang katauhan. Halos sakalin naniya ito sa higpit ng yakap niya sa leeg nito.Ibinaba nito ang shorts niya.“Huhubarin mo?” inosenteng tanong niya.“Oo.”“Bakit?” Hindi na natural ang kanyangpaghinga. Putulputol, animo’y galing siya saisang katatapos na pakikipagkarera. She was

afraid and yet, she was expecting and waiting formore.“Basta.”“Gemo, kasi. . baka biglang dumating ang mgainay.”Hindiiyonpagtutol,manapa’ypagpapahayag lang na baka may makakita sakanila. Saka kahit magpakita siya ng pagtutol ayhindi ito maniniwala. Namumungay ang kanyangmga mata at para siyang nilalagnat sa taas ngkanyang body temperature.

“Kakatok ang mga iyon. Ikinandado ko angpinto.”“‘Kakainis ka. Pinaghandaan mo pala akotalaga.”He grinned.Nagawa nito ang gusto. Hahalikan sana siyanito roon pero tiyempo naman ang pagkatok ngkung sino mula sa labas. Napabalikwas silapareho. Saglit na nalito.

“Ano’ng gagawin natin?” mahinang tanongniya, may halong takot.

CHAPTER THREE

PRESENCE of mind ang pinairal ni Gemo. Mabilisniyang nadampot ang shorts at bikini panty niMary Ann na nasa paanan ng sofa. Mabilis niyanginiabot dito.“O, bilisan mo. Pumasok ka sa kuwarto n’yo,magkunwari kang naghahanap ng kahit ano,”paanas na utos niya.

Wala nang oras para makipagtalo. Tumalimana lamang ito. Saka nito binuksan ang pinto.Si Ivy ang dumating, may dalang mgaenvelopes at folder. “Bakit ang tagal n’yongbuksan ang pinto? Nasa’n si Ate Mary Ann?”tanong nito, inililibot ang tingin sa kabahayan napara bang nagdududa. Sa edad nito ay mayroonna itong malisya.“Bagong paligo kasi. Nasa kuwarto n’yo,nagbibihis yata.”

NAKAPALDA na si Mary Ann nang lumabas ngsilid; may hawak na hairbrush at nagsusuklay.Si Ivy naman ang pumasok sa nagiisangkuwarto ng bahay.Pinagkukurot niya nang pino si Gemo nangwala na sa paningin nila ang nakababatangkapatid. “Hayan, ang kulitkulit kasi. Muntik natayong nahuli ng kapatid ko!” Mahina ang bosesniya.

“Muntik lang. Pero lusot pa rin. Sayang, ‘no?”pilyong sagot naman nito.ISANG buwan bago ang high school graduationniya ay nakatanggap ng sulat si Mang Federicomula sa Auntie Vivian niya, ang nakababatangkapatid nito. Ibinalita nito na gumaganda angtakbo ng maliit nitong karinderya. Malapit iyon saisang bus terminal at unibersidad sa Pasay.

Kinumusta rin siya nito. Itinanong nito kungwilling pa rin daw siyang magtrabaho sakarinderya nito para makapagaral siya saMaynila.“Payag ka raw ba?” baling ni Mang Federico sakanya.“Payag na payag, Itay.”Tuwangtuwa siya. Iyon ang pangarap niya—ang makaluwas sa Maynila at doon makapagaralng fouryear course. Para sa isang anakmahirap

na kagaya niya, isa nang mataas na pangarap angmakatapos ng kolehiyo.Kung sa kita lang ni Mang Federico sapangingisda at paminsanminsang pageextranito sa pamamasada ng tricycle ng bayaw aymalabong makatuntong siya sa kolehiyo.Lima silang magkakapatid. Hindi namanpuwedeng pambayad na lang sa tuition fee niyaang perang kinikita nito. May mga kapatid siyang

may mga pangangailangan din bukod pa sa pangarawaraw nilang gastusin.LIMANG araw pagkatapos ng kanyanggraduation ay dumating ang kanyang AuntieVivian para sunduin siya. Nagkataon namangdinalaw siya ni Gemo nang araw na iyon.Naging madrama ang pamamaalam niya sakanyang kasintahan. Umiyak ito nang sabihinniyang aalis na siya kinabukasan ng madaling

araw. Napakahigpit ng hawak nito sa kanyangpalad. Alam niya, kung nasa ibang lugar lamangsila ay yayakapin siya nito nang mahigpit.She cried, too.Gusto rin niyang yumakap dito nang mgasandaling iyon. Pero hindi niya magawa. Nasasala sila ng kanilang bahay at nasa kusina langang kanyang mga magulang, kausap ang kanyangAuntie Vivian.

Alam niyang lihim siyang pinakikiramdam ngkanyang Auntie Vivian. Nang dumating kasi itoay itinanong kaagad nito kung mayroon na rawba siyang boyfriend. Sa ganoon kaaga, paranggusto nitong maniguro na hindi masasayang angtulong na ibibigay nito sa kanya.Naghiwalay sila ni Gemo, baon ang pangako saisa’t isa: Aalagaan nila sa pamamagitan ng sulatang bata nilang relasyon.

“MUKHANG hindi ka masaya na sinundo kita?”nananantiyang sabi ng kanyang Auntie Viviannang nasa biyahe na sila sakay ng isangordinaryong bus. Nasa pandalawahan silangupuan at siya ang nasa tabi ng bintana. Napansinsiguro nito na malayo ang lipad ng isip niya.Tahimik kasi siya.“Masaya ho ako, Auntie.”

“Bakit ni hindi ka ngumingiti? Kung hindi akonagkakamali, ang laman ng isip mo ay anglalaking iyon na bisita mo kagabi, ano?”She didn’t answer. Ano ba ang puwede niyangsabihin? Totoo naman ang sinabi nito. Shecouldn’t erase Gemo—the vivid picture of himcrying—from her mind.Nang mga sandaling iyon ay binabagtas na nilaang national road palabas ng bayan ng PrietoDiaz. Inisip niya, bawat minutong lumilipas ay

kilokilometro ang nagiging distansiya nila niGemo.“Ano nga ba’ng pangalan ng lalaking ‘yon?”“Gemo ho. Guillermo Domanais.”“Matagal mo na bang nobyo ang Gemo na‘yon?”“Magdadalawang taon na ho.”“Aba, bata ka pa rin palang nakipagligawan,ano? Ibig sabihin, third year high school ka palang nang sagutin mo siya?”

Nahihiya siyang tumango. Bakit nga ba angagaaga niyang nagmahal? Ang agaaga niyangpinana ni Kupido.“Nagaaral ba ‘yon?”“Oho.”“Anong kurso ang kinukuha?”“Vocational lang ho. Automotive.”“Kow, mahinang klase. Kahit makatapos atmagkatrabaho, laging marungis. Kung sakali,magtitiyaga ka sa asawang laging puno ng langis

at grasa. Gusto mo bang magkaasawa ng lalakinglaging puno ng langis at grasa?”Nagpilit siyang tumawa kahit ang totoo ay naoffend siya. Hindi niya alam kung totoo o biroang sinabi nito, pero sensitibo siya lagi pagdatingkay Gemo. Mahal niya ang kanyang nobyo atayaw niyang napipintasan ito.“Tumawa ka lang. Pero hindi mo sinagot angtanong ko,” untag nito.

“Kahit naman ho mekaniko lang, kungmagiging maingat sa pagkiluskilos sa talyer,hindi naman siguro makukulapol ng langis atgrasa,” sabi niya. “Saka ang mahalaga ho, ‘yongnagmamahalan kayo.”“Dalaga na nga ang pamangkin ko. May alamnang nagmamahalan, e,” anitong pabiro, matamisang ngiti. “Pero ang gusto ko sanang matutunanmo ay ang pagiging praktikal. .

“Pagdating mo sa Maynila, magkakaroon ka ngmaraming pagkakataon para makatagpo ng mgalalaking may sinasabi. Mga lalaking nagaral. .nagoopisina. Sa ganda mong ‘yan, magigingligawin ka. Lalo na kapag nakatapos ka na atnakapagtrabaho sa isang magandang opisina saMakati.”Praktikal nga ito. Ayon sa kuwento ng kanyanginay, dati raw ay may kasintahan sa kanilang

nayon ang Auntie Vivian niya. Ngunit gaya niya,nangarap itong makarating sa Maynila.Nang magkaroon ito ng pagkatataon aylumuwas ito sa siyudad at naghanap ng trabaho.Hindi naglaon ay napasok itong dispatsadora saisang tindahan ng mga damit sa Baclaran.Maganda ang kanyang Auntie Vivian. Saunang tingin ay madalas itong mapagkamalangmay mataas na pinagaralan ng mga taong hindinakakakilala rito.

Nain love dito ang anak ng amo nito.Niligawan ito hanggang sa binalewala na nitoang nobyong naiwan sa probinsiya at nagpakasal.May kaunting kabuhayan ang napangasawanito kaya medyo nakaluluwag ito sa buhay.Dalawang taon pa lang ang nakararaan at nakuhanito ang puwestong iyon malapit sa Philtrancobus terminal sa Pasay.May pakiramdam tuloy siyang sinisimulan naagad siya nitong impluwensiyahan. Hindi man

direktang sinasabi, para bang ibig nitong ipagayasa kanya ang ginawa nito. Na kung sakali,halimbawang may manliligaw sa kanya saMaynila na isang lalaking mayaman, iyon na langang kanyang piliin at kalimutan na lamang niya siGemo.Ngunit hindi niya kayang gawin iyon. Mahalniya si Gemo. Marami na silang pinagsaluhanghirap at saya. Kailangang ito na ang maging

asawa niya. Hindi niya ito makakayang harapinkung hindi ito ang makakatuluyan niya.MADALINGARAW kinabukasan sila dumatingsa terminal sa Pasay. Mula roon ay sa karinderyana sila dumiretso. Doon na rin sila nagalmusal.May kaluwangan ang kainang iyon. Mgasampung mesa ang maayos na nakahilera samagkabilang panig. May hagdan paakyat sapangalawang palapag na siyang nagsisilbing

bahay ng mga tauhan. Bukod sa kanya ay maytatlo nang katulong ang kanyang Auntie Vivian.Lumapit siya at nagmano sa Uncle Ben niya.Nakapuwesto na ito sa harap ng kaha. May iba rinitong negosyo. Engaged ito sa pagbabuy and sellng mga sasakyan. Mechanical engineer ito byprofession. Pero hindi nito iyon ginamit sapamamasukan.Sa halip, nagtayo ito ng talyer. May mga latero,pintor at mekaniko itong tauhan. Doon dinadala

at nirirepair ang mga nabibiling lumangsasakyan at kapag naayos ay saka uli ibebenta.“May bahay talaga kami,” kuwento ng AuntieVivian niya nang kumakain na sila. Okupado nilaang isa sa mga mesa. Fried rice, fried egg at tocinoang hiningi nitong ulam. Nagpatimpla rin ito ngtigisang puswelong kape para sa kanila.“Hindi ka naman talaga magtatrabaho rito.Ang gagawin mo lang, ikaw ang tatao sa kaha—lalo’t may iba akong inaasikaso. Hindi na mabigat

na gawain. Kapag walang kostumer, puwedekang makapagaral ng leksiyon mo. Teka, anobang course ang balak mong kunin?”“Commerce.”“Commerce? Huwag nang Commerce. Dalawasingko na ang course na ‘yan. Kumuha ka ngmodernong kurso na in ngayon.”“Ano hong kurso ‘yon?”“Isang kursong may kinalaman sa computer.Iyon ang in. Iyon ang in demand ngayon kahit sa

mga kompanya rito sa Maynila. Ngayon, bastanagapply ka ng trabaho, tatanungin kungcomputer literate ka. ‘Pag hindi, hindi kakukunin.”“Gusto ko ho kasing maging CPA,” katwiranniya.Pinagmasdan siya nito habang humihigop itong kape. “Ganito na lang—” Ibinaba nito sa mesaang puswelo. “Kumuha ka ng BSA, ‘tapos,kumuha ka rin ng basic sa computer.”

“Hindi ho ba magastos ‘yon?”“Magastos nga. Pero ano ang ginagawa ngtiyahin mo?” nakatawang sabi nito, inilagay anglikod ng palad sa baba.Natawa sila pareho.Nasiguro niyang makakasundo niya ito.Masayahin ito. Sa isang bagay lang sila nagkaroonng pagkakaiba. Kaya nitong isakripisyo ang tunayna damdamin kapalit ng magandang buhay.Hindi siya ganoon.

Desidido siya na kahit ligawan pa siya ng anakng pinakamayamang pamilya sa buong bansa ayhindi pa rin niya ipagpapalit si Gemo.GAYA ng sabi ng kanyang Auntie Vivian,magaan lang ang naging trabaho niya.Sinasamahan niya si Vita—ang kusinera sakarinderya—sa pamamalengke sa Libertad.Alaskuwatro pa lamang ng madalingaraw aygising na sila. Pagkatapos niyon, tatao siya sa

kaha hanggang alasdiyes ng umaga at tapos naang kanyang obligasyon. Papalitan na siya ngkanyang tiyahin, at siya naman ay maghahandana sa pagpasok.Hindi doon natutulog ang mga Auntie Vivianniya. Gaya ng sabi nito, may sariling bahay angmga ito sa Parañaque.Naging pansinin siya ng mga kustomer nakaramihan ay konduktor at driver. Palagi siyangbinibiro ng mga ito. Mga birong kung pakikitaan

niya ng positibong reaksiyon ay tiyak na mauuwisa totohanang panliligaw.“Kaya ganado akong kumain sa karinderyangito ni Manang Vivian, e,” madalas sabihin ng mgaito. “May maganda kasing kahera.”Pabiro din kung tugunin iyon ng Auntie Vivianniya. “Hoy, bata pa ‘yang pamangkin ko, ha! Sakapinagaaral ko ‘yan, huwag ninyong tuksutuksuhin at baka hindi makatapos.”

“Masipag naman ho ako, Manang Vivian,” hiritng isa.“Masipag ka nga, pero bistado kita. Ilang besesko nang nakita ang misis mo kapag pinupuntahanka riyan sa terminal. Buntis pa nga nung minsangmakita ko, ‘di ba?”Nagtawanan ang mga kasama ng lalaki.“Bistado ka pala, pare.”Napangiti na lang siya. But deep inside her,nakadama siya ng lungkot. Naalala niya si Gemo

at ang mga pagbibiro nito sa kanya, lalo na kapagnakakakita siya ng magnobyong naglalambingansa kanilang campus.Hindi niya kinaliligtaang sagutin ang mga sulatni Gemo. Sinadya niyang maglaan ng oras sapaggawa ng love letter para dito. Desidido siyangpatunayan dito na tapat siya sa kanyang pangako.SA PHILIPPINE Christian University siya nagenrol. Dalawang sakay lamang iyon mula sa

karinderya ng kanyang tiyahin kaya tipid siya sapamasahe. Bachelor of Science in Accountancyang kursong kinuha niya.Onethirty ng hapon kung Lunes, Miyerkules atBiyernes ang simula ng klase niya. Samantalangalauna hanggang alassais ng gabi naman kapagMartes at Huwebes ang nakuha niyang schedule.Wala silang pinagusapang suweldo ngkanyang Auntie Vivian. Pero binibigyan siya nitong five hundred pesos kada Lunes. Doon na niya

kinukuha ang kanyang pangarawaraw naallowance.Hindi naman siya magastos. Nagtatabi siyanang pauntiunti sa perang ibinibigay nito.Pinapayagan din siya nitong makapamasyal kungLinggo. Ayaw nitong isipin niya na masyado siyanitong kinakawawa sa trabaho.Subalit siya ang may ayaw. Sa halip, ipinagtatrabaho na lang niya sa karinderya ang bakanteng

araw niya. Ayaw din naman niyang isipin nitongsinasamantala niya ang kabaitan nito.Tatlo ang anak ng kanyang Auntie Vivian. Puronasa elementarya pa ang mga iyon kaya malaboniyang makabarkada. Isa pa, palibhasa’y hindisiya madalas makita, pakiramdam niya ay hindiclose sa kanya ang mga ito. Kung minsan,nawawalan ng kuwenta ang pagkakalapit sa dugokapag madalang magkita.

Linggo. Gaya ng dati, ang akala niya’y isalamang iyong pangkaraniwang araw. Hindi niyaakalaing doon magsisimulang mabago ang takbong buhay niya.Isang matangkad na lalaki ang pumasok sakarinderya. May sakbat itong tote bag. Guwapoito. Sigurado siyang hindi driver o konduktor sakalapit nilang bus terminal dahil noon lang niyaito nakita.

Dumiretso ito sa harap ng istante na lalagyanng mga ulam. Nasa harap siya ng kaha, katabiniyon. Sumulyap ito sa kanya.“Ito nga.. saka ito. Saka dalawang order ngkanin at isang Coke,” sabi nito.Kapag ganoong Linggo ay off ni Liza, isa satatlo nilang kasama sa karinderya. Parehonamang abala sina Vita at Lolit kaya napilitansiyang tumayo mula sa harap ng kaha at siya angnagasikaso rito.

Sinandok niya ang dalawang klase ng ulam naitinuro nito at inilagay sa tigisang mangkok.Inilagay niya sa isang plato ang dalawang kaninginorder nito pagkatapos ay dinala iyon sa mesanginokupa nito.“May nakalimutan ka,” nakangiting sabi nitonang mailapag niya sa harap nito ang mgapagkain.“Ano pa ho?”“Yung soft drinks.”

“Ay, oo nga pala. Sandali ho at kukunin ko.”Kinuha niya sa freezer ang isang twelveouncena Coke. Binuksan niya iyon at nilagyan ng strawbago muling bumalik sa mesa nito. “Heto na ho,Sir.”“Huwag mo akong sirin. Hindi ako sanay natinatawag ng ‘sir’.”“Hindi ko ho kasi alam ang pangalan n’yo, e.”“Joshua na lang. Ikaw, ano’ng pangalan mo?”“Hho. . e. .”

“Ang daya mo, ha? Sinabi ko na sa ‘yo angpangalan ko, bakit ayaw mong sabihin sa akin angpangalan mo?”Napilitan siya. Saka iyon naman talaga angturo sa kanya ng Auntie Vivian niya. Kailangangmaging magiliw siya sa mga kustomer paramawiling kumain sa kanila.Sabi pa nito, kahit daw “suwanget” angpagmumukha ng kostumer, kailangang ngitian

niya ito nang ubodtamis na para bangkasingguwapo ni Aga Muhlach.Kaya nginitian niya ito. “Mary Ann. .”“Nice to meet you, Mary Ann,” anitongnaglahad na ng palad.Wala siyang nagawa kundi abutin ang paladnito.Nakita iyon nina Vita at Lolit kayanaghagikhikan ang mga ito.

“Halika, kain tayo,” yaya nito nang bitiwannito ang kamay niya.“Sige lang. Salamat.” Nagbalik na siya sa harapng kaha.Habang kumakain ito ay napansin niyang hindinito inaalis sa kanya ang tingin. Sa tantiya niya,mga beintekuwatro anyos na ito. At base sahitsura at pananamit nito, mukhang maymagandang trabaho.

Mayamaya, nakita niyang kinawayan nito siLolit. Nang makalapit ito ay kinausap. Mahinaang naging paguusap ng mga ito kaya hindi niyanarinig. Pero matamis ang pagkakangiti ni Lolit,parang mayroon itong ikinatutuwa.Si Lolit ang lumapit sa kanya at nagdala ngbayad nito. Buong five hundredpeso bill ang peranito. Sinuklian niya iyon.Nang makaalis ang lalaki’y maluwang ang ngitini Lolit na lumapit sa kanya. May ipinakita ito sa

kanyang one hundredpeso bill na nakalamukossa palad nito.“O, ano ‘yan?” tanong niya.“Pera. Hindi ka na ba nakakakilala ng pera?”“Tange! Ibig kong sabihin, bakit may isandaanka?”“Ibinigay nung kostumer mo. Tip. Hati rawtayo.”“Ha?”

“Oo, heto na nga, e. Sige na, baryahin mo paramabigyan din natin si Vita.”Nagtaka siya. Sa loob ng mahigit na niyanganim na buwan sa karinderyang iyon ay noonlang sila nagkaroon ng kostumer na nagbigay ngtip.“BAKA kursunada si Lolit?” pabirong sagot ngAuntie Vivian niya nang ikuwento niya nang

hapong iyon ang nangyari. Kaharap din nila siLolit.Natawa siya. Hindi naman sa pinagtatawananniya si Lolit pero malayong mangyari ang sinabing tiyahin niya. Wala pa yatang apat natalampakan ang height nito, at maitim pa. Kulotang buhok at busalsal ang mga labi.Ipinadyak ni Lolit ang mga paa, animo batangnagtatarang. “Nakakainis si Ate. Hindi ako angkursunada n’on. Si Mary Ann.”

“Naku, ha?” sabi niya.“Siya, siya. Huwag na kayong magtalo. Angmabuti pa’y bilisbilisan na ninyo ang pagliligpitat nang makapagpahinga na tayong lahat. Atikaw naman, Mary Ann, huwag na huwag kongmabalitaang nagpapabaya ka sa pagaaral.”Hinuli nito ang kanyang tingin.Tumango siya. Napatingin siya kay Lolit.Nagyuko ito ng ulo na parang humihingi ngpaumanhin.

CHAPTER FOUR

HINDI nagkabula ang sinabi ni Lolit. Isang araway bigla na namang sumulpot sa karinderya siJoshua.Paalis na si Mary Ann upang pumasok saeskuwelahan. Napahinto siya sa paglalakad nangmakita niya ito sa bukana ng karinderya.Nangislap ang mga mata nito pagkakita sa kanya.“Nnagaaral ka pala,” anito.

Ngumiti lang siya. “Sige.” Iniwasan niya itonang magdaan siya sa pintuan. Nilingon pa munaniya ang tiyahing siyang nakapuwesto sa kaha.“Aalis na ako, Auntie.”“Ingat,” sagot nito.Pakiramdam niya’y gusto siyang sabayan niJoshua nang makita niyang parang ayaw nanitong tumuloy sa loob ng karinderya upangkumain.

KINABUKASAN. Nagdaan siya sa isang komiksstand bago pumasok. Nabigla na lamang siyanang biglang sumulpot mula sa likuran niya siJoshua.“Hi!” He smiled.Napahinto siya sa paglalakad, saglit nanapatanga. Bakit narito ang lalaking ito? What is hedoing here?“Huwag ka sanang magalit,” sabi nito nasumabay na sa kanyang paglalakad. “Itinanong

ko roon sa isa ninyong serbidora kung ano angschedule mo sa school. Kaya inabangan na kitarito.”“Bbakit mo ‘ko inabangan?”Napakamot ito sa batok. “Wwala lang. Gustoko lang sanang ihatid ka—kung walangmagagalit.”Hindi siya umimik. Ninerbiyos siya. Hindi niyamaintindihan kung bakit kinabahan siya nangganoon katindi. Wala pa naman itong

ginagawang move maliban sa pakikipagkilala,pero pakiramdam niya’y nagkasala na agad siyakay Gemo.“Wala bang magagalit kung ihatid kita?”“Wwala.” Gemo, patawarin mo ako.Mukhang natuwa ito kaya lumakas ang loob.“Alam mo, diyan din sa PCU nagtapos yung isangpinsan ko.”Napatingin siya sa mukha nito. “Alam mong saPCU ako nagaaral?”

“Itinanong ko kay—do’n sa katulong ninyongmaliit na maitim.”“Ah, si Lolit ‘yon. Bakit mo naman itinanongkay Lolit kung saan ako nagaaral?”“Wala lang.”Hindi puwedeng wala lang. Alam niyangnagpapasakalye lang ito, at sa malao’t madali’ymanliligaw sa kanya.

Pumara ito ng jeep. Nang makasakay sila’y itona rin ang mabilis na nagbayad. Inihatid siya nitohanggang sa gate ng unibersidad.Nagpatangay lamang siya sa lahat ng ginawanito.KINAGABIHAN ay nakatanggap siya ng tawagsa telepono sa kaunaunahang pagkakataon. Nasaitaas siya at namamahinga nang tawagin siya niVita.

“Mary Ann. . telepono!”Pumanaog siya. May matamis na ngiti sa labingdinampot niya ang receiver ng teleponong katabing kaha.“Hello, si Mary Ann na ba ito?”“Oo, ito nga. Sino ‘to?” she asked.“Si Joshua.”Napakunotnoo siya. “Paano mo nalaman angtelephone number dito sa karinderya?”

“Itinanong ko rin kay—yung maliit namaitim?”“Si Lolit.”“Ah, oo, si Lolit nga pala.”“Lagi mo akong ginugulat. Kanina, bigla ka nalang sumulpot sa dinaraanan ko. Para kangkabute, pasulputsulpot na lang.”She heard him laugh. Ewan kung bakitnagandahan siya sa tunog ng halaklak nito. “Bakitka ba tumawag?”

“Wala lang. Gusto ko lang marinig angmagandang boses mo.”Hindi niya akalain na hahaba nang hahaba angkanilang kuwentuhan. Nadako ang kanilang paguusap tungkol sa kanikanilang buhay.Nalaman niyang graduate na ito ng kursongCriminology at nagaapply bilang pulis.Ikinuwento rin nito kung paano ito napadako sakarinderya nang unang beses itong kumain doon.

Umano’y may kabarkada itong tagaPasay atminsang inabot ito ng gutom habang patungoroon ay suwerteng napadaan sa karinderya ngkanyang tiyahin.“Iyon pala, hinihila na ako ng kapalaran kopara makita ka,” sabi pa nito.“Bolero.”“Walang bola ‘yon. Hindi kaya ipinanganaktayo para sa isa’t isa?”“Praning!” Mataginting ang tawa niya.

Nakaramdam siya ng guilt. Nakikipagbolahansiya rito samantalang may nobyo na siya. Ngunithindi naman niya mapigil ang kanyang sarili.Hindi niya maipaliwanag pero naghatid ngkakaibang excitement sa kanya ang isipingliligawan siya ng isang kagaya ni Joshua.Napakalayo nito kung ikokompara kay Gemo.“Mary Ann. .”“Hmm?”

“Nagtatrabaho ka rin ba diyan sa karinderya ngtiyahin mo kahit Linggo?”“Bbakit mo naitanong?”“Basta lang. Sagutin mo lang ang tanong ko.”“Sabi ni Auntie, off ko kapag Sunday. Siya kasiang nagpapaaral sa akin. Pero ayaw ko namankasi siyempre, nakakahiya rin. Siya angtumutustos sa pagaaral ko at binibigyan pa niyaako ng suweldong mas malaki sa dapat tanggapinng isang nagtatrabaho sa kainan niya.”

“Pero siguro naman, minsan ay puwede kangyayaing mamasyal kapag Sunday?”Hindi siya umimik.“Hello?”“Yes. .”“Puwede kaya ‘yon?”“Kasi. .”“Kung gusto mo, ipagpapaalam kita sa auntiemo. Mukha naman siyang mabait.”“Kaya mong gawin ‘yon?”

“Kaya ko, ‘ba!” anito. “O, ano?”“Bahala ka.”ISANG araw ay dumating si Joshua. Buongtapang itong lumapit sa kanyang Auntie Vivian atkinausap ito. Ipinagpaalam siya nito paramamasyal.“Aba, huwag ka sa akin magsabi. Sapamangkin ko mo ‘yan sabihin,” natatawang sabing auntie niya.

“Sinabi ko na ho.”“Anong tugon sa ‘yo?”“Magsabi nga raw ho ako sa inyo.”“Kung gusto ng pamangkin ko, bakit kopipigilan? Pero kuwidaw ka, ha? Huwag mongpagiisipan ng masama ang pamangkin ko atmalilintikan ka sa ‘kin. Panganay na anak ‘yan ngkaisaisang kapatid ko!”

“Huwag ho kayong magalala, mabait ho ako.Kung gano’n ho, puwede kaming mamasyal saLinggo? Pasyal lang ho talaga.”“Saan naman kayo mamamasyal?”“Sa Luneta ho.”“Corny ka rin, ha? Pero sige, payag ako.”IPINAGPALAGAY na lamang ni Mary Ann nanakikipagkaibigan lang sa kanya si Joshua kayanagyayang mamasyal. Inisip na lamang niyang

hindi naman ito nanliligaw sa kanya para hindisiya maguilty. Uhaw din naman siya sa layaw, sakaranasan, sa gala. Kailangan din naman niyangmahasa sa Maynila.Pero anuman ang isipin niyang nagbibigaykatwiran sa pakikipagmabutihan kay Joshua ayhindi makapagbigay ng justification sa sarilingkarupukan. Noon ay siya ang natatakot na bakaagad siyang makalimutan ni Gemo kapagnapunta siya sa Maynila. Palaging iyon ang laman

ng sulat niya—huwag itong makakalimot, huwagtitingin sa ibang babae, huwag manliligaw sa iba.At heto siya ngayon, sa isang yaya ng bagongkakilala ay nagpaunlak agad siya. Hindi kasi niyamaitangging kahit paano’y attracted siya kayJoshua.MASARAP kasama si Joshua, makuwento at maysense of humor. Hindi siya napapatawa ni Gemonang ganoon sa tuwing magkasama sila noon sa

probinsiya. Kay Joshua, pakiramdam niya aywalang patay na oras.Ngayon, naikocompare na niya si Gemo saibang lalaki, partikular kay Joshua. Naramdamanna lamang niyang untiunti nang nahuhulog angloob niya rito.Naulit ang pagyayayang iyon ni Joshua. Mulisiyang ipinagpaalam sa Auntie Vivian niya, athindi naman ito tumanggi. Mukhang nakuha narin nito ang loob ng tiyahin niya.

Wala silang ibang pinupuntahan. Sandali silangdaraan sa Harrison Plaza, magiikutikot doon atpagkatapos ay kakain ng pizza. May mgapagkakataon naman na sa CCP complex silanagpupunta.Nauuposadamuhan,nagkukuwentuhan. Maraming anecdotes siJoshua tungkol sa buhay nito.“Bakit naman gusto mong lumakas angjueteng?” nagtatakang usisa niya.“Diyan kami binuhay ng nanay ko.”

“Bakit, bangka ba ng jueteng ang mother mo?”Tumawa ito. “Bangka? Hindi bangka angnanay ko. Wala kaming pera. Pero ang nanay ko,naging isa sa mga kabo ng jueteng ng isanggambling lord sa Parañaque. Maganda ang kita.Kung hindi dahil sa jueteng, baka hindi akonakatapos ng Criminology.”“Wala bang trabaho ang father mo?”“Wala na siya. Matagal na. Seven years oldlang daw ako nang mapatay.”

“Napatay? Bakit?”“Away. Dati kasi, sa Malibay kami nakatira.Alam mo naman ro’n. . squatter. Kung saansaangprobinsiya nagmula ang mga nakatira ro’n. Ibaibang klase ng tao. Snatcher. Holdupper.Magnanakaw. Pero hindi naman lahat, ha?Marami pa ring matitino. Pero doon sa mismonglugar namin noon, kuwento ng nanay ko,magugulo talaga ang mga tao. Doon napatay angtatay ko.”

“Natira din daw kami noon sa Malibay. Ewanko lang kung saan doon. Pero dala raw ng hirapsa buhay, napilitang bumalik sa Bicol ang mgamagulang ko. Doon na ako lumaki. Doon naipinanganak ang mga kapatid ko.”“Ilan ba kayong magkakapatid, Mary Ann?”“Lima. Ako ang panganay. Kayo?”“Nagsosolong anak lang ako. Kung nagkataonganakmayaman ako, suwerte sana dahil walangkaparte sa mana. Pero kapag anak ka ng isang

kahig, isang tuka, malas ka kapag nagiisa ka.Wala kang kahati sa hirap.”Natawa siya. Ewan ba niya kung bakit kapagkasama niya si Joshua ay napakadali para sakanya ang pagtawa. Kaunting punchline ngbinata ay natatawa agad siya.Ganoon lang sila nang ganoon. Palagi itongtumatawag sa kanya sa telepono at kapag maypanahon ay niyayaya siyang mamasyal. PeroPage 11 5 of 337

hindi ito nanliligaw sa kanya—at least, nangverbal. Wala itong sinasabi tungkol sa damdamin.Pero siguro ay talagang may ganoong lalaki.Dinadaan sa gawa at hindi sa salita angpanliligaw.NANG magsummer vacation ay umuwi si MaryAnn sa probinsiya. Dama niyang wala na sakanyang puso ang pananabik na makita si Gemo.

Graduate na ito ng vocational course atnagtatrabaho na sa isang talyer sa bayan.Ang hindi niya inaasahan at labis nanagpabigla sa kanya ay ang balitang ikakasal naraw ito sa anak ng mayari ng pinapasukan nitongtalyer.Naging bisita niya ito isang gabi.“Pasyensiya ka na,” sabi nito. “Nnang mawalaka, nang magkalayo tayo, natukso ako sa iba.”

Pormal lang siya. “Nabalitaan ko nga, ikakasalka na raw?”“Patawarin mo sana ako,” anitong may kasabaypang buntunghininga. “Naisip ko kasi, lubhanamang magkaiba ang mga gusto natin sa buhay.Ikaw, ang gusto mo, lumayo. Ang gusto mo’y saMaynila magaral at magopisina kapagnakatapos. Si Imelda, iba. Exact opposite mo.Ayaw niyang mangibangbayan. Ang gusto niya,

dito lang. Nakita ko sa kanya na magigingmabuting maybahay siya.”“Komo ba nangarap nang medyo mataas, hindina magiging mabuting maybahay?” sundot niya.Napalunok ito. “Mary Ann, huwag na natingpagtalunan ang tungkol d’yan,” paiwas na sagotnito. “Ang gusto ko na lang hingin ngayon ay angkapatawaran mo. Ayokong lumagay sa tahimikna merong nagagalit sa akin o nagdaramdam.”

“Hindi naman ako galit sa ‘yo, e.” Bukal iyon saloob niya. Pakiramdam nga niya’y isa siyangbihag na nakalaya. Bago siya umuwi aypunumpuno ng guilty feelings ang dibdib niya.Iniisip niya ang maraming kasalanan dito. Oo ngaat hindi pa niya nobyo si Joshua ngunit alamniyang doon na rin sila patungo.“Nagpakakasibil ka lang, alam ko,” sabi nito.“Alam kong nasaktan kita.”

Hindi na lang siya umimik. Hinayaan na langniya ang ganoong paniniwala nito. Bakit pa niyaaamining mas nauna siyang natukso sa iba?Hahayaan na lamang niyang manatili sa isipnito na hanggang sa kahulihulihang sandali aynaging matapat siyang kasintahan. Wala nangibubungang mabuti aminin man niya rito angtungkol kay Joshua o hindi.Naglahad ito ng palad. “Sana’y magingmagkaibigan pa rin tayo.”

“Friends,”aniya,tinanggapangpakikipagkamay nito.Naghiwalay silang magkaibigan.KAKAIBA ang sigla ni Mary Ann nang magbaliksa Maynila. Wala na siyang daladala sa kanyangkonsiyensiya. Anuman ang mamagitan sa kanilani Joshua ay wala na siyang masasaktang tao.Wala na siyang maaagrabyado.

“Kumusta sila ro’n?” tanong ng Auntie Vivianniya.“Mabuti naman, Auntie. Saka ipinapasabi rinho ng itay, salamat daw doon sa mga damit naipinadala n’yo sa kanila.”“Kow, wala ‘yon. Mumurahin lang ang mga‘yon. Sinabi mo bang mas mura pa ang presyo ngdamit dito sa Maynila kesa ro’n? Lalo na saDivisoria.”“Tuwangtuwa ho ang mga kapatid ko.”

“E, si ano.. si Gemo, kumusta?” May pilyangngiti sa labi nito.Alam niya ang ibig sabihin ng ngiting iyon.Hindi manhid ang kanyang auntie para hindimahalata sa mga kilos niya na nawala na angdamdamin niya kay Gemo at napabaling kayJoshua. “Ikakasal na ho.”“Ha? Aba, suwerte, ano?”Natawa siya. “Bakit ho naman suwerte?”

“Hindi ka na nahirapang makipagbreak sakanya. Alam ko namang iyon ang balak monggawin, e. Hindi ka makapagkakaila sa akin,pamangkin. Nagdaan din ako riyan. Papunta kapa lang, pabalik na ako.”KAHANGAHANGANG hindi nainip si Joshuasa paghihintay. Hinuli muna nito nang husto angloob ni Mary Ann bago naghangad na tuluyang

maangkin ang puso niya. Lumipas ang isang taonbago ito tuwirang nagpahayag ng damdamin.“Nagtataka ka siguro,” simula nito, “bakitnaghintay ako nang ganito katagal bago ko sinabiang feelings ko.”“Bakit nga ba?”“Huwag mo na sanang sabihin sa auntie mo,pero minsan ay lihim niya akong kinausap. Pagaralan ko raw munang mabuti ang damdamin ko

bago kita pormal na ligawan. Ayaw daw niyangmasaktan ka.”“Ginawa iyon ni Auntie?”Tumango ito. “Mahal na mahal ka ng auntiemo. Nakikita raw niya sa iyo ang kanyang sarilinoong kabataan niya, kaya tinutulungan kaniyang makapagaral. Isa pa, ayaw ko rin namangmanligaw sa ‘yo na wala pa akong trabaho.”“Natanggap ka na bang pulis?”

Malungkot itong umiling. “Hindi. Wala akongbacker. Kahit pala tapos ka ng Criminology atwalang magbaback up sa ‘yo, hindi ka pa rinmagiging pulis.”“So, ano ngayon ang pasya mo?”“Papasok akong Philippine marine.”“Sundalo?”“Oo.”Nalungkot siya. Alam niya kung gaanokadelikado ang buhay ng isang sundalo. Mabuti

kung dito lang ito sa Maynila madedestino. Paanokung maassign ito sa Mindanao?Tumungo siya para ikubli ang pamumula ngkanyang mga mata. At nakita nito iyon. “Bakitparang maiiyak ka?”Kinalimutan na niya ang hiya. Inalis na niyaang inhibisyon. Hinayaan niyang tumulo angkanyang luha. “Nakakainis ka naman kasi.Isinabay mo pa sa pagtatapat mo ng pagibig sa

‘kin ang pagsasabing papasok kang sundalo.Hindi ba delikado ‘yon?”“Yung sabay na pagsasabi ng pagibig at ngplano ko sa buhay ko?”Kinurot niya ito. “Hindi ‘yon! Ang buhaysundalo ang ibig kong sabihin.”“Lalo namang delikado kung tumanda akongwalang trabaho,” sambot nito. “Isa pa, ito talagaang hilig ko—isang trabahong nasa gobyerno.Yung may awtoridad.”

“Kayong mga lalaki, pulos kabalbalan ang nasaisip.”Naging seryoso ito. “Natatandaan mo ba yungikinuwento ko sa ‘yo noon? Yung hindi ko nahalos naabutan ang father ko dahil napatay siyanoong four years old pa lang ako?”“Ano ang kinalaman n’on sa pangarap mongmaging pulis o sundalo?”

“Gusto kong mabigyan ng katarungan angsinapit ng itay ko, Mary Ann. Gusto ko siyangmaipaghiganti.”“Matagal na ‘yon. Kalimutan mo na lang.”“Bilang bata ay marami akong hindi natikmansa buhay dahil maaga akong nawalan ng ama,”anitong kasabay ang pagbuntunghininga. “Kunghindi napatay ang itay ko, mas masaya sana angkabataan ko, ang kamusmusan ko. Naiintindihanmo ba ang ibig kong sabihin?”

“Kung maghihiganti ka, posibleng ikaw namanang makulong.”“Kung sundalo ako, madali nang gawan ngparaan para lumitaw na wala akong kasalanan.”“Dalawampung taon na ang nagdaan, Joshua.Saan mo pa hahanapin ang taong nakapatay saitay mo?”“Anong malay natin? Walang makapagsasabikung bigla na lang siyang sumulpot sa harapanko.”

“At halimbawang nakita mo siya, ano anggagawin mo?”“Gagawin ko sa kanya ang ginawa niya sa itayko.”“Magiging kriminal ka.”“Na mapapalabas kong legal—kung magigingsundalo ako.”Hindi na lamang siya nakipagtalo. Kung siyasiguro ang nasa katayuan nito ay ganoon din angkanyang magiging damdamin. Masyadong

nagdanas si Joshua ng kahirapan noong musmospa ito kaya natanim sa isip nito na kasalanan iyonng taong pumatay sa ama nito.Ginagap nito ang dalawang kamay niya,masuyong pinisil. “Magtitraining kami saTernate kaya nagtapat na ako sa ‘yo ngayon,” sabinito. “Gusto ko sanang baunin ang.. ang oo mo.”“Magtatagal ba kayo ro’n?”

“Six months ang training ng marine. Hindipuwedeng sumulat at sulatan ng mga mahal sabuhay.”“Ang hirap naman n’on.”“Ganoon talaga.”“At pagkatapos ng training n’yo, saan namankayo ididestino?”“Depende ‘yon sa sitwasyon,” sagot nito. “Perohuwag muna nating problemahin ang magigingbuhay ko bilang sundalo, kung saan ako maa

assign. First thing first. May damdamin ka rin basa ‘kin?”Nakipagtitigan siya rito. “Manhid ka ba?”tanong din niya.Napangiti ito.“Kung wala akong feelings sa ‘yo, palagay mokaya’y palagi akong sasamang mamasyal sa ‘yokapag nagyaya ka?” sabi pa niya. “Matagal dinakong nagtiis, baka akala mo. Ang akala ko nga’yhindi mo na ako liligawan.”

Tumawa ito. “Matagal na kitang nililigawan.”“Ngayon ka lang nagtapat!”“Pero matagal na kitang pinapakitaan ngpagmamahal. Action speaks louder than words,hindi ba?”Kunsabagay, naisaloob niya, kahit wala kangsinasabi sa akin ay nararamdaman ko ang damdamingkakambal ng mga ipinapakita mo. Kahit hindi modirektang ipinagtatapat ang pagibig mo ay noon ko paiyon nadarama.

CHAPTER FIVE

MINALAS si Joshua. Hindi ito nakasama sa firstbatch ng mga trainees nang taong iyon paramakapasok sa Philippine Marine.“Hindi bale,” ani Mary Ann. “Mas gusto ko ngaang nangyari, e. Mas hahaba pa ang time namagkasama tayo.”“Kunsabagay, magkakasama pa tayo nangmatagal,” patianod nito. “Kaya lang, naiinip na

rin ako. Biruin mo, first year college ka pa langnang makilala kita, graduate na ako no’n.Hanggang ngayon na fourth year ka na, wala parin ako sa alinmang napapasukan na branch ngmilitary.”“Gano’n lang talaga. Maghintay ka lang. Sabinga ng iba riyan, weatherweather lang ‘yan.”Natawa ito nang mahina sa sinabi niya.Nang hapon ding iyon, sinundo siya nito saschool. Nagaya itong lumabas. Tumawag na lang

siya sa tiyahin, at nagpaalam na baka gabihin silang uwi ni Joshua. Pumayag naman ang tiya.“Walang monkey business, ha?”Tumawa siya. “Si Auntie talaga. . ano namanang akala mo sa ‘kin?”“Ayaw ko lang mapahamak ka kung sakali.Wala akong mukhang ihaharap sa tatay mo ‘pagnagkataon na may masamang nangyari sa ‘yorito.”“Salamat, Auntie.”

“O, siya, sige na. Have a good time.” Atibinaba na nito ang telepono.SA SINEHAN sila nagtuloy ni Joshua pagkataposnilang kumain. Kahit paano ay may pera ito dahilnagtatrabaho ito bilang security guard. Madaliitong natanggap nang magapply. Matangkad ngakasi at tapos pa ng apat na taong kurso. Mabuti naraw ang ganoon habang naghihintay itongmapasama sa mga Marine trainees.

“Ang bango mo naman,” bulong nito sa tapatng tainga niya.“Hhindi ba tayo manonood muna?” nakangitinamang tanong niya. But deep inside her, hindina rin niya maunawaan ang kanilang pinapanood.“Mas gusto kitang panoorin kaysa riyan.”“E, bakit pumasok pa tayo rito?”Tumawa ito, mahina. “Para ka namang bagonang bago. Ang sinehan, para sa mga magsiyota,ay hiding place lang para makapaglambingan.”

“Kaya mo pala ako dinala rito?”Tumango ito. “Bakit, ayaw mo ba?”Ngumiti siya.Sa simula, dampi lamang ang mga halik nito.Ngunit habang nagtatagal ay nagiging agresibona ang mga haplos at yakap nito. Nadadarangsiya, dama niya. Pruweba ang paglalim ng mgahugot niya ng hininga. At ganoon pala iyon.Nakakawala ng inhibisyon ang init.

Mayamaya lang, tinutugon na niya nang buonginit ang mga haplos at yakap nito. Hinayaanniyang makiraan sa laylayan ng kanyang blouseang isang palad nito at gumapang patungo sakanyang dibdib.Humigpit ang yakap niya sa leeg nito.Ito na nga, anang isip niya. Ang lalaking ito na nga ang gusto kong makasama habambuhay.

NANG sumunod na taon ay pinalad na si Joshuana makasama sa isa pang batch ng mga traineespara sa Philippine Marine. Sa Ternate, Cavite,ginawa ang anim na buwang pagsasanay. Sa loobng panahong iyon, dalawang beses lang itongnakaluwas sa Maynila. Ni hindi silanakapamasyal dahil nagmamadali ito.“Pambihira,” reklamo ni Mary Ann.“Pasensiya ka na.”

“Ang higpit naman pala nila. Pati nga pagsulat,sabi mo bawal.”“Oo, bawal. ‘Pag nahuling gumagawa kami ngsulat, lalo na ‘pag love letter, ipinapakain sa amin.Yun ngang isang buddy ko, si George Bassig,nahuling gumagawa ng love letter. Alam mo angginawa ng officer namin? Pinagpunitpunit angsulat at ipinakain sa kanya.”“Bakit gano’n?”

“Part of the Marine training. Isang paraan dawto make us mentally tough.”“Bakit pati sulat, ipinagbabawal?”“Kasi nga naman, halimbawang naroon kamisa bundok sa Mindanao, puwede ba kamingmakatanggap ng sulat doon? Habang maaga aysinasanay na kami.”Napatangutango siya. Siguro nga ay mayepekto iyon sa kalagayang mental ng mgatrainees, kagaya rin ng ibang asignaturang kung

minsan ay para bang hindi na kailangan sa isangpartikular na kurso.NATAPOS ni Joshua ang six months training. SaMindanao agad ito nadestino. Kung noon aynaging malungkot na si Mary Ann sa pagsasanaynito, mas higit ang nadarama nitongpangungulila. Ang tanging konsolasyon niya,nakapagsusulatan na sila.

Maramisiyangnamimissdito:angpamamasyal nila, ang panonood nila ng sine—atang mga bagay na ginagawa nila sa loob niyon.Ipokrita siya kapag hindi niya inamingkinasasabikan niya ang maiinit na sandalingpinagsaluhan nila.Napalunok siya. Parang gusto niyangmapahiya sa kanyang sarili. Bakit namimiss niyaang mga ganoong bagay? Natural lang iyon, sabing isang parte ng kanyang utak.

Natural, dahil tao lamang siya.KUNG kailan malapit na siyang maggraduate aysaka naman parang sinadya na may sumulpot naproblema sa karinderya ng kanyang AuntieVivian.Isang hapon ay dumating ang tagapamahala ngthreedoor apartment na iyon na okupado ngauntie niya. Inabisuhan ang mga tenants na hindina makapagrerenew ng kontrata ang mga ito

dahil may balak daw ang mayari na patayuaniyon ng malaking building.“Paano ‘yan, Auntie?” malungkot na tanongniya.Nagkibitbalikat ito. “Wala tayong magagawa,Mary Ann, kung iyon ang gusto nila. Sa kanilaang puwestong ito, nasa kanila ang karapatan.”“Mapapasara itong karinderya.”“Baka may makita akong mauupahan samalapit,” anito. Parang okay lang dito kahit

walang makita, palibhasa’y maayos naman angpamumuhay ng pamilya nito. “Saka tungkolnaman sa ‘yo, wala kang dapat alalahanin.Mahigit dalawang buwan na lang at gagraduateka na. Makakakita ka na ng mapapasukan.”“Pero nalulungkot ako na masasara itongkainan. Siyempre, corny mang sabihin, meron naitong sentimental value sa ‘kin. Nagtrabaho akorito habang nagaaral.”“Talagang gano’n ang buhay.”

Sa tatlong buwang palugit na ibinigay nglandlord, nagdagdag pa ito ng dalawang buwanpara maluwag na makapaghanap ng malilipatanang mga tenants.At bilang pabaon daw sa mga nangupahan ayhindi na nito sisingilin ang upa sa dagdag nadalawang buwang palugit. Malakilaking halagarin iyon. Sa upang nine thousand pesos kadabuwan ng kanyang Auntie Vivian, ibig sabihin aymay matitipid itong disiotso mil.

NAGING isang masayamalungkot na affair anggraduation day ni Mary Ann. Napaiyak si MangFederico nang yumakap siya rito. Nginig angboses nito nang magpasalamat sa Auntie Vivianniya.“Kung hindi dahil sa ‘yo, hindi makakatapositong panganay ko,” anito.“Ku, huwag mong isipin ‘yon. Talaganggano’n. May utangna loob din ako sa ‘yo, Kuya.

Pinagaral mo ‘ko noon kahit hindi ko nagamit.Hindi ko nakakalimutan na noong dalaga pa ako,ikaw ang madalas magbigay sa ‘kin ng peranoong nasa high school pa ako.” Ibig din nitongmaluha nang maalala ang pinagdaanangkahirapan.Si Auntie Vivian na rin ang nagtreat sakanilang maganak sa isang magandangrestaurant sa Roxas Boulevard.

Masaya si Mary Ann dahil natupad na rin angpangarap niyang makatapos sa kolehiyo. But deepinside her ay malungkot siya dahil hindinakarating si Joshua.Magdadalawang linggo na mula nangmakatanggap siya ng sulat mula rito nanagsasabing hindi ito makakarating dahil nakared alert umano ang militar sa Zamboanga dahilsa paglala ng kidnappings sa naturang rehiyon.

Hindi raw ito nakakuha ng passes paramakaluwas sa Maynila.Pero nangako naman itong kapag nagkaroonng pagkakataong makakuha ito ng mahabangleave ay babawi na lang ito sa kanya.

CHAPTER SIX

“O, FIVE na.” Kinatok ni Melvin nang mahinaang ibabaw ng offfice desk ni Mary Ann. Assistanthead ito ng accounting department, at sa simulapa’y nagpakita agad sa kanya ng extra attention.Mapalad siya dahil nakakita agad siya ngmapapasukan kahit hindi pa nakakapasa saboard. Nakatulong nang malaki ang magandaniyang personalidad upang matanggap sa

kompanyang iyon sa Parañaque na nagmamanufacture ng kilalang mga home appliances.Nang makita niya sa classified ads napuwedeng magapply kahit hindi pa CPA bastatapos ng Accounting course, sinubukan niya.Suwerteng siya ang natanggap.Nakangiting sinulyapan niya ito. “Five na baagad?”“Oo. Kaya halika na. Ioff mo na ‘yangcomputer mo.”

“Teka lang, matatapos na, e. Ayaw kongipagpabukas pa ito. Tatapusin ko na lang.”“Matatagalan pa ba ‘yan?”“Wala na sigurong half hour.”“O, sige. Babalik muna ako sa table ko.Hihintayin na kita.”Lihim siyang napabuntunghininga. Mukhangdesidido nitong ituloy ang panliligaw kahit noonguna pa lang ay tinapat na niya itong mayroon nasiyang nobyo. Nang unang beses itong

magprisintang sasabay sa kanya, tumiyempo siyapara pasimpleng masabi rito na hindi na siyaavailable.“Ipagpapauna ko na sa ‘yo, Melvin. Mayboyfriend na ako,” sabi agad niya, pabiro parahindi ito maoffend.Nakita niyang lumamlam ang mga mata nito,tila rumehistro sa utak ang mga sinabi niya.Ngunit palagi pa rin siya nitong sinasabayan sapagisnack at paglalunch. Pero ni katiting

tungkol sa damdamin ay wala naman itongbinabanggit. Ni hindi nagpapahaging.Gaya ng dati, hinintay nga siya nito nanghapong iyon.“Ihahatid kita, ha, puwede?” Nasa hintayan nasila noon ng sasakyan.Hinuli niya ang tingin nito. “Melvin, liligawanmo ba ‘ko?”“Ssabi mo, may boyfriend ka na. .”

“Kaya nga,” sambot niya. “Sinabi ko namanagad sa iyo ‘yon, ‘di ba? May boyfriend na ako.Ibig sabihin, hindi na ako magpapaligaw.”“Malinaw sa ‘kin ‘yon.”“Pero ano ‘yang ginagawa mo? Hinahayaan moang sarili mong mapalapit sa ‘kin. At heto pangayon.. gusto mo ‘kong ihatid.”“Wala lang. Gusto lang kitang ihatid. Perohindi kita liligawan. Masaya na ako sa ganito nakaibigan ka.”

Nagpilit siyang ngumiti. “Sinabi mo ‘yan, ha?Makikipagkaibigan ako sa ‘yo but I hope nahanggang doon lang tayo. Hindi na lalagpasdo’n?”“Ikasa mo.. ” Bahagya itong nagtaas ngnakaunat na palad.Nakipaghigh five naman siya rito. “Friends. .forever.”

Pumara na ito ng jeep at sumakay na sila.Gusto pa nga nitong magyayang magsnack munasila pero tumanggi siya.Palagay ang loob niya rito. Hindi siyanakaramdam ng guilt sa pakikipagkaibigan ditodahil malinaw naman ang kanilang usapan.Theirs was nothing but pure friendship. Hindilalagpas doon.Mabait naman si Melvin. Hindi niya naiwasangisipin na kung sakaling hindi nahuli ang dating

nito sa buhay niya, siguro ay matututunan dinniya itong mahalin. Pero agad niyangpinagsisihan ang saloobing iyon. Hindi siya dapatnagiisip nang ganoon. Nagkakasala siya kayJoshua.NASORPRESA siya pagdating nila sa bahay ngkanyang Auntie Vivian, sa isang subdibisyon saParañaque. Hindi na ito nakakuha ng panibagong

puwesto para sa karinderya. Sa mismong bahayna nito siya tumira.Nagtaka siya nang huminto sa tapat ng gate ngbahay ang sinasakyan nilang tricycle ni Melvin. Saharap niyon ay isang military jeep angnakaparada. Kinabahan siya. Kinutuban.Hindi siya nagkamali.Nang pagbuksan siya ng katulong ng pinto aymay lihim na babala agad sa mga mata nito. Kilala

na nito ang boyfriend niya dahil dumalaw na itoroon.Pagpasok niya sa sala ay tumambad agad sakanya si Joshua. Akmang sasalubungin siya nitong halik sa pinto pero naudlot nang makitangmayroon siyang kasamang lalaki.Untiunting napaupo uli ito.Pinagkilala niya ang dalawa.Medyo naaasiwa si Melvin. Nakamilitarypants si Joshua at may nakasukbit pang baril sa

baywang. Isa pa, hindi man lang ngumiti ito, hulaniya ay nagseselos.Hindi na nagawang umupo ni Melvin, agad narin itong nagpaalam.NANGANGANTIYAW ang ngiti sa mga labi niAuntie Vivian nang sundan siya nito sa kanyangsilid para magbihis. “Nagulat ka, ano?”“Oo nga ho, e. Kanina pa ba dumating siJoshua?”

“Magiisang oras na siguro. Wala na nga akongmaikuwento, e. Pero kitangkita ko, nagkulayberde ang damuho.” Tumawa ito. “Tiyak,susumbatan ka niyan.”“Wala naman ho akong ginagawang mali,Auntie. Kaibigan ko lang si Melvin. At sa simulapa lang, nilinaw ko na agad sa kanya na mayboyfriend na ako at hindi na ako magpapaligawsakaling may balak siya.”“Ano’ng sabi?”

“Okay lang daw. Nakikipagkaibigan lang dawtalaga siya.”“Maniwala ka ro’n! ‘Yang mga lalaki, talagangganyan. Nakikipagkaibigan daw kunwari, perokalaunan, manliligaw rin. Teka, tama na itongdaldalan natin. Bilisan mo ‘yang pagpapalit mong pambahay at labasin mo na uli ro’n angnamemerde sa selos na boyfriend mo. Tiyak,aawayin ka n’on.” Humahagikhik itong lumabasna ng silid niya.

Hindi niya alam na nasa Maynila si Joshua.Ang akala niya ay nasa Zamboanga pa rin ito.Noong nakaraang buwan lang ay nakatanggapsiya ng sulat mula rito, nagmula pa iyon saMarine headquarters sa Zamboanga.Nahalata nga niya kanina na medyo nagselosito. Kitangkita niya sa mga mata nito angtinitimping galit. Pero binalewala niya iyon.Palibhasa’y alam niya sa sarili na wala naman

siyang ginagawang kasalanan. Malinis angkonsiyensiya niya.Ilang sandali pa’y kaharap na niya itong mulisa sala.Tahimik lang ito.Nakangiti naman siya. Alam niya angipinagkukukot ng loob nito. “Kaibigan ko lang siMelvin, believe me. There is nothing to be jealousof, really. Sa simula pa lang ay ipinagtapat ko naagad sa kanya na may nobyo na ako.”

“Pero inihatid ka pa rin niya!”“Nakikipagkaibigan lang yung tao, ano ka ba?”“Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, ganito rinang mararamdaman mo, Mary Ann,” anitongnapakumpas pa ang isang palad. “Isipin mo nalang. Halimbawang ikaw ang dumalaw sa akin atpagdating mo sa bahay namin ay may bisitaakong sexy’ng babae, ano ang mararamdamanmo?”

Hindi siya nakaimik. Tama ito, sa isipisip niya.Kung makikita niyang may kasabay na sexy siJoshua, kahit na sabihin pa nitong kaibigan langnito ang babaing iyon, tiyak na masasaktan ngasiya. Magseselos. Baka nga awayin pa niya ito.“Huwag ka nang magalit,” may lambing saboses na sabi niya. “Ang tagal nga nating hindinagkita, ‘tapos, ganyan pa ba ang isasalubong mosa ‘kin ngayon?”

Mukhang tinablan ito. Untiunting nawala angtalim sa mga mata nito, nabura ang galit.“Hindi ko alam na narito ka na pala saMaynila,” aniya. “Dala mo ba yung military jeepdiyan sa labas?”“Oo,” sagot nito. “At mula ngayon, hindi naako madedestino sa Zamboanga. Diyan na akolagi sa Fort Bonifacio.”“Talaga?” Natuwa siya. Magkakasama silanang matagal.

“Oo. Dalawa kami n’ong buddy ko na hindi namadedestino sa Zamboanga,” pagkukuwentonito. “Yun kasing buddy ko, pamangkin ng isangmay mataas na ranggo. Iyon ang naging backernamin para magrant ang request namin paradiyan na lang kami maassign sa Fort Bonifacio.”“Di mabuti.”“Magaasawa na kasi yung buddy ko. Puwedebang sumabay na rin tayo sa kanila?”

Nabigla siya. Hindi niya iyon inaasahan. Oonga’t mahal niya ito pero nang panahong iyon aywala pa sa kanyang isip ang pagaasawa. Kagagraduate pa lang niya at ilang buwan pa lang nanagkakatrabaho. Gusto niyang makatulong munanang matagaltagal sa kanyang mga magulang atmga kapatid. Iyon din ang ipinakiusap sa kanyang Auntie Vivian niya.Ngunit heto si Joshua, biglangbigla’ynagyayaya ng kasal.

“O, bakit parang natigilan ka riyan? Ayaw mopa?”“Joshua, kkasi. . ah, hindi pa ako handa sabagay na ‘yan. Bata pa ako.”Nagpilit itong tumawa. Pero tawang tilapanakiplangsanaramdamannitongdisappointment. “Bakit, bata pa ba sa iyo angbeintetres?”“Mahiya ka, ha! Magtutwentytwo pa langako!”

“Bata pa ba ang twentytwo?”“Oo naman.”“Baka naman nagkakaroon ka na ng doubtdahil may iba nang nanliligaw sa ‘yo?”Napaawang ang mga labi niya. “Joshua, ano kaba? Akala ko ba, malinaw na sa ‘yo ang lahat, nakaibigan ko lang si Melvin.”“Walang lalaking nakikipaglapit sa babae nangwalang motibo, tandaan mo ‘yan.” Dumiin angboses nito. “Kahit na sabihin mo pa sa ‘kin na

hindi nanliligaw sa ‘yo ang Melvin na ‘yon..ngayon lang ‘yon. Pero darating ang araw, doondin ang tungo n’on. Manliligaw at manliligaw dinsiya sa ‘yo.”“Joshua, halimbawang magkatotoo ‘yangsinasabi mo, wala ka bang tiwala sa ‘kin?”“Sa ‘yo, meron. Sa Melvin na ‘yon, wala.”“Ah, gano’n? Kaya siguro bigla kang nakaisipmagyaya ng kasal, gano’n ba?” salakab niya sanobyo.

“Preventive measure lang kumbaga sasundalo,” wika nito. “‘Pag meron kang pagaarina nanganganib na mawala, siyempre panggagawa ka ng paraan para hindi iyon mawala sakamay mo.”Napangiti na lang siya. May mga katwiranitong nakakainis kung minsan pero nagagawaniyang tawanan.“Okay,” sabi niya kasabay ang pagkucrosslegs. Huminga siya nang malalim. “Sa totoo lang,

ang talagang iniaayaw ko sa maagang pagaasawaay ‘yong tumutulong pa ako sa mga magulang atkapatid ko.”“Pumayag ka lang, hindi ako makikialam sapagtulong mo sa mga magulang at kapatid mo,”salo nito. “Ibigay mo pa rin sa kanila ang datingibinibigay mo at ako ang bahala sa buhay natin.May suweldo naman ako.”Napatitig siya sa mukha nito. “Payag ka saganoong kondisyon?”

“Bakit hindi?”“Sige, pagiisipan ko ‘yan.”SINUNDO ni Joshua si Mary Ann beforelunchtime pagsapit ng Linggo. May usapan silangmamamasyal at kakain sa labas.Gaya ng dati, iyon pa rin ang bilin ni AuntieVivian. “Walang kalokohan, ha?”“Wala ho, Auntie. .” Malakas na ang loob niJoshua na tumawag ng “auntie” sa babae dahil

palagay na rin naman ang loob dito ng kanyangtiyahin.Kumain muna sila sa isang fastfood restaurant.“Mamaya na tayo manood ng sine,” sabi nito.“Magpalipas muna tayo ng oras sa Luneta.Masarap mahiga sa damuhan doon kapagganitong mainit ang panahon.”Pumayag naman siya.Maraming tao sa pambansang pasyalan,palibhasa’y Linggo. Araw ng pamilya, wika nga.

Araw ng pagrerelax. Umpukumpok ang mgapamipamilya, may kanikanilang baong pagkain.Bumili si Joshua ng tinastas na sako sa isangtindera at iyon ang inilatag nito sa damuhan.Nahiga ito roon at umunan sa kanyang lap.Hinaplushaplos niya ang noo nito. “Mabuti nalang at nagrant ang request mong dito namadestino sa Maynila,” wika niya. “Kung hindi..wala kang hitang mauunan.”

Natawa ito. “Oo nga, e. Sa Zamboanga,nabuburyong ako sa kampo. Wala kamingmagawa ro’n kahit Linggo. Hindi naman kamipuwedeng maglalabas ng kampo dahil hindinamin alam kung sino ang kalaban.”Nagkaroonsiyangpagkakataonnamapagmasdang mabuti ang mukha nito. Dati naitong maitim at pinaitim pa itong lalo ng siguro’ypagkabilad nito nang matagal sa init ng araw.

Noon niya naisip kung gaano kahirap ang buhayng isang sundalo.“Teka nga pala, nakapagisip ka na ba?” tanongnito mayamaya. Hawakhawak nito ang isangpalad niya at hinahagkan iyon paminsanminsan.“Nakapagisip ng ano? Tungkol saan?”“Ng tungkol doon sa sinasabi kong pakasal natayo.”“Ah. . ‘yon ba? Medyo.”“Ano ang desisyon mo?”

“Kung totoo ‘yong sinasabi mong hindi mo akopipigilang tumulong sa mga magulang at mgakapatid ko, palagay ko’y walang dahilan parahindi ako um“oo” sa gusto mo.”Napabalikwas ito, nangingislap ang mgamatang tumingin sa kanya. “Totoo?”Matamis ang ngiting tumango siya. “Bastatutupad ka sa pangako mo. Huwag mo akongpipigilang tumulong sa pamilya ko.”

“Kung ano ang sinabi ko, iyon ang gagawinko.”Alam niya, base na rin sa kislap ng mga matanito, nakalutang ito sa ulap nang mga sandalingiyon.PASADO alastres ng hapon sila umalis ng park.Nagjeep sila mula roon patungong HarrisonPlaza.

“Ano kaya ang pinakapangit na sine ngayon?”anang binata habang naglalakad silang papasoksa shopping mall. Nakahawak si Mary Ann saisang braso nito, paminsanminsang dumidikit sasiko nito ang malusog na dibdib niya.Natawa siya nang marinig ang tinurang iyonng nobyo. Tuwing manonood sila ng sine, anghinahanap nito ay ang pinakapangit napelikulang showing para sa linggong iyon.Kakaunti nga naman kasi ang nanonood niyon.

Ayaw nitong pumasok sila sa moviehouse na maymagandang palabas.“Hayan ka na naman, ha!” kunwaring babalaniya. “Pangit na sine na naman ang hanap mo.Tiyak na may binabalak ka na namang masama.”Tumawa lang ito.Hindi nga ito nagbibiro. Isang pangit napelikula ang pinanoood nila. Kung sino ang mgabida at kung anong titulo, hindi na niyamatandaan.

Mangilanngilan nga lang ang tao sa balcony.Parespares. Mga gaya rin nilang magnonobyo.Hindi pa sila ganap na nakakaupo ay niyakapna agad siya nito at inapuhap agad ang kanyangbibig. Bahagya niya itong itinulak, sinabayan niyang pinong kirot sa tiyan.“Ano ka ba? Hindi ka makapaghintay!”“Ang tagal nating hindi nakapagdate, e. SaZamboanga, ito ang lagi kong naiisip. Yungmalalambot na labi mo.”

“Hindi ka ba tumitingin sa ibang babae ro’n?”“Hindi.”“Maraming maganda ro’n.”“Marami nga. Pero ‘yang pagibig, mahiwaga‘yan. Hindi komo maganda ay mamahalin mo na.Merong magandang hindi mo gusto at meron dinnamang hindi masyadong maganda na gustunggusto mo. That’s the socalled feelings. Kakambalng damdamin ang pagaappreciate sa beauty ngisang tao.”

“Iyon ba ‘yong sinasabing ‘Beauty is in the eyeof the beholder’?”“Tumpak,” sabi nito. “And do you know thatthere is no else but you who can make me feel thisway?”“Naks naman. ‘Yan ang gustunggusto ko sa‘yo ‘pag ganyang yakapyakap mo ako, e.Natututo kang magIngles.”Nagtawanan sila. Pigil. Ayaw nilangmakaistorbo sa ibang nanonood.

Ilang saglit na naghari ang katahimikan sakanilangpagitan.Hanggangsamaymaramdaman siya.Kakaiba ang higpit ng yakap at init ng haliknito sa kanya nang mga sandaling iyon. Atinaamin niya, nasisiyahan siya sa ginagawa nito.Pero naging mapangahas nito.Sa manipis na tela ng black capri pants na suotay nadama niya ang mariing haplos nitohanggang sa puno ng kanyang hita, pinasasagian

ng daliri ang mismong umbok niya sa harapan.Pinigil niya ito pero mayamaya ay naroon nanaman ang palad nito.“Joshua, ha!” babala niya nang magbitiw angkanilang mga labi.“Bakit?”“Pati ‘yon, hinahawakan mo na.”“Magiging magasawa na tayo, ‘di ba?”“Kahit na.”“KJ ka naman.”

Hindi na siya umimik. Kahit pinipigil niya ito,aminado naman siya sa sarili na nasisiyahan siyasa kapangahasan nito. Nang muling lumapat sabibig niya ang mga labi nito at muling namasyalang palad, hindi na siya kumibo. Hindi na niya itopinigilan.Mayamaya, naramdaman niyang ibinababanito ang zipper ng kanyang capri pants habanghinahalikan siya nang mariin. Parang mapupugto

ang kanyang hininga nang maramdamang nasapuson na niya ang mainit na palad nito.Gumapang ang palad nito, paibaba.Humaplushaplos muna sa kaumbukangnaaadornohan ng mga pinong sutla. Sakatuluyang bumaba roon. Maingat na maingat angmga haplos nito, para bang iyon ay babasagingkristal na hindi dapat mapingasan.

Napapikit siya, ninamnam ang waringpaglalakbay niya tungo sa dimensiyong saganoong sandali lamang niya nararating.May isang oras silang nagdamahan ngkatawan.“Labas na tayo,” pagyayaya nito mayamaya.Ayaw pa sana niya, pero nauna na itongtumayo. Napilitan siyang sumunod.Sa labas ng mall, hindi jeep ang pinara nitokundi taxi.

“Magtataxi tayo?”Tumango ito.“Mapera ka yata?”Ngumiti lang ito.Pinarahan sila ng isang taxi mayamaya.Lumigid ito sa gawi ng tsuper at kinausap samahinang boses. Tumangutango ang lalaki.Siguro, naisip niya, sinabi lang niya sa driver kungsaan kami magpapahatid. May mga taxi drivers kasi na

namimili ng pasahero, ayaw maghatid sa rutang hindikabisado.Sa backseat sila pumuwesto.Prente siyang nakaupo sa backseat, nakahiligpa siya sa dibdib ni Joshua. Dama pa rin niya anginit na ginising nito sa kanyang katauhan. Naroonpa rin ang pinong kabog sa kanyang dibdib.Biglang tumalim ang liko ng taxi. Napaangatang mukha niya. Nakita niyang pumasok sila sacompound ng isang motel.

“JJoshua. .?”“Sshh. Relax ka lang.”“Ppero—”“Huwag ka nang tumutol. Magpapakasal narin naman tayo, hindi ba? Pagkatapos nito, paguusapan natin kung kailan kami mamamanhikansa inyo. Okay?”Nawalan na siya ng imik. Sinasabi ng kanyangisip na bawal ang kanilang gagawin, ngunit angpaninindigan ay pinanghihina kung minsan ng

init ng katawan. Ng init na gusto niyangmagkaroon ng katugon. Dama niya sa sarili namayroon siyang hinahanap, mayroon pa siyanggustong abutin.“Pangako, ha?” Mahina ang boses niya parahindi marinig ng driver.“Pangako.”Bumaba sila ng taxi. Sinalubong agad sila ngroomboy. May bitbit itong nakatiklop na tuwalya

at isang bote ng malamig na tubig. Itinuro nito sakanila ang makipot na hagdan.“This way, Sir. .”Magkahawakkamay silang sumunod dito.

CHAPTER SEVEN

NABIGLA ang Auntie Vivian niya nang magsabisiyang nagbabalak na silang magpakasal niJoshua. Matagal itong napatitig sa mukha niya.Wala mang sinabi ay parang nanunumbat angtingin nito sa kanya.“Pero huwag kayong magalala, Auntie,”paliwanag agad ni Mary Ann. “Hindi ko honakakalimutan ang usapan natin. Tutulungan ko

pa rin ang mga itay at ang mga kapatid ko. Pinagusapan na ho namin ni Joshua ang tungkol doon.”“Nagaalala pa rin ako,” wika nito. “Iba ‘pagmay asawa na. Siyempre pang mas uunahin mona ang kabuhayan ninyong magasawa.”“Hindi ho muna kami magaanak para walangproblema.”Napabuntunghininga na lang ito. “Sana nga aymaging maayos ang lahat. Nagaalala lang namanako para sa mga magulang mo. Ang totoo,

naaawa ako sa mga itay mo. Hindi na silanakaranas guminhawa.”Naguilty siya.Pero totoo naman siya sa kanyang pangako.Kahit magasawa na sila ni Joshua ay hindi niyakakalimutan ang kanyang obligasyon sa pamilyaniya. Malaking bahagi pa rin ng kanyang suweldoay ibibigay niya sa mga ito para naman maayosna makapagaral sa probinsiya ang kanyang mgakapatid.

“E, paano ang plano ninyo?” tanong ng tiyahinmayamaya.“Plano hong paano?”“Magpapakasal ba kayo sa simbahan o sahuwes na lang?”“Sa simbahan ho ang gusto ko, Auntie.”“Salamat naman,” anitong tila nabunutan ngtinik sa dibdib. “Ang akala ko’y sa huwes na langkayo magpapakasal. Alam mo, iba pa rin talagaang kasal sa simbahan. Hindi lang sa batas ng tao

kayo naging legal na magasawa, sa mata rin ngDiyos.”Iyon ang isang nagustuhan niya sa tiyahin.MakaDiyos ito. Palasimba. Kaya naman siguropinagpapala.“Tetelegramahan ko ho ang itay,” sabi uli niya.“Paluluwasin ko rito para dito na langmamamanhikan sina Joshua.”“Darating din ang mga magulang ng nobyomo?”

“Nanay n’ya lang ho. Patay na raw ang fatherniya. Matagal na.”“Ay, oo nga pala. Minsan mo na nga palangnaikuwento sa ‘kin ang tungkol sa ama ni Joshua.Pero maiba ako. Mabuti naman at tilanakalimutan na yata ng nobyo mo angpaghihiganti sa nakapatay sa tatay niya.”“Sino ba ang paghihigantihan niya? Madalaskong sabihin sa kanyang matagal na ‘yon,kalimutan na lamang niya.”

“Mabuti naman at nakinig sa ‘yo.”“Nakinig dahil alam niyang malabo na ngangmatrace pa niya ang taong nakapatay sa itayn’ya. Sa dami ng mga naging squatters saMalibay, matatandaan pa ba naman niya ‘yon?”“Ah, sa Malibay pala napatay. Alam mo bangtumira din kayo noon sa Malibay?”“Nakuwento nga ho sa ‘kin ng itay.”

NATAHIMIK si Vivian. Sa kanyang isip ay mayisang eksenang nagbalik. Dalaga pa siya noon atstayin sa itaas ng tindahang pinagtatrabahuhan.Maghahatinggabi nang dumating doon angkanyang Kuya Federico. Mukhang problemadoito, mukhang takot na takot.Nang tanungin niya ito kung bakit, sinabinitong mayroon ngang malaking problema.Nakadisgrasya raw ito. Hindi malinaw sa kanyakung ano ang ibig nitong sabihin sa salitang

“nakadisgrasya” pero alam na niya ang kailangannito kaya sinadya siya kahit malalim na ang gabi.Pera.Alam niyang iyon ang kailangan nito. Nangtanungin niya kung magkano, sinabi nitonguutangin nito ang lahat niyang naiipon dahiluuwi na ito sa kanilang probinsiya kasama angpamilya—ang asawa at iisa pa lang na anak.

Hindi siya nakatiis. Nang paalis na ito’yhinabol niya ito at tinanong kung ano ba talagaang problema. Umamin ito.May napatay ito.Huwag naman sanang biruin ng pagkakataon angpamangkin ko, lihim na dasal niya sa isip habangnakatitig sa mukha ng pamangkin. Sana naman ayhindi ang ama ni Mary Ann ang taong hinahanap ngnobyo nito.

“O, ANO, tinelegramahan mo na ang parentsmo?” tanong agad sa kanya ni Joshua nangmagkita sila. Sinundo siya nito sa kanyangpinapasukan, marahil ay upang hindi namagkaroon pa ng pagkakataon si Melvin.Nakahawak siya sa isang braso nito habangnagaabang sila ng masasakyan. “Natanggap nasiguro nila ‘yon. Kinabukasan din matapos namagkasundo tayo, tumelegrama agad ako.”“Makakarating kaya sila pareho?”

“Baka hindi. Baka ang itay lang. Walangmaiiwan sa mga kapatid ko. Nauunawaan ko naiyon. Hindi bale, tiyak na darating naman silapareho sa mismong araw ng kasal natin.”Masuyo nitong pinisil ang palad niya. “Alammo, ang sayasaya ko,” sambit nito, nangungusapang mga mata. “Pinaligaya mo ako.”“Ako rin naman,” sagot niya.

Habang nagaabang sila ng jeep ay dumaan saharap nila si Melvin. Ngumiti ito sa kanya atsinuklian naman niya iyon ng ngiti rin.Pormal lang si Joshua, sadyang ipinakita angpagakbay sa kanya. Gusto talagang ipamukhakay Melvin ang karapatan nito sa kanya.Dumiretso sila ng uwi.Sinabihan siya ng auntie niya na doon napakainin ng hapunan si Joshua. Hindi naman itotumanggi.

Dahil alam na magiging asawa ng kanilangpinsan, malapit na rin ang loob ng dalawang anakni Auntie Vivian kay Joshua. Tumataginting na“kuya” na rin ang tawag ng mga ito sa binata.Nakikiusap pa nga ang dalawang teenagers nakung maaari daw ay doon na rin tumira sinaMary Ann at Joshua pagkatapos makasal ng mgaito.“Hindi naman p’wedeng gano’n, Abby.Siyempre, kailangan na rin naming magsarili,”

paliwanag ni Mary Ann. “Kung hindi kamimagsasarili, hindi talaga namin maeexperienceang buhaymayasawa. Kung paano magbudget,kung paano magisip ng lahat ng kailangan sabahay, et cetera.”“Sige na nga. Pero magpromise ka, Ate MaryAnn. Madalas mo kaming dadalawin kapagweekends,” hirit naman ni Rea.“Kahit hindi ninyo sabihin,” nakangiting sabiniya.

“Dapat lang, ano!” nakataas ang kilay na sabadng auntie niya. “Dahil kung hindi na kayo sisilipdito, magtatampo kami sa inyo.”Past ten na rin ng gabi nang magpaalam siJoshua.May ngiti sa mga labing nakatulog si Mary Annnang gabing iyon.ANG ARAW ng pamamanhikan ay isa sapinakahihintay ng magkasintahan. Iyon ang orasng pormal na paguusap tungkol sa magiging

kaayusan ng kasalan. Unang pagkakataon dinkadalasan para mameet ng magulang ng babaeang magiging balae nito.Ganoon sa kaso ni Mang Federico. Iyon angunang araw na makakadaupangpalad nito angmagiging kapalaran ng panganay na anak.“Mabait ba?” tanong nito nang umagang iyonhabang nagkakape. Biyernes ito dumating.Nagkataon namang nasa Baguio si Joshua,kasama sa security group ng pangulo ng bansa na

nakatakdang dumalaw sa academy ng militar atkinagabihan pa ang dating.“Mabait ho si Joshua, Itay,” sabi ng dalaga.“Oo, Kuya, mukha namang mabait kahitmedyo maitim,” segunda ni Vivian na sinundanng mahinang tawa.“Maitim?” nakangiti ring tanong ni MangFederico.“Hindi naman masyado.”

“Lintek, ano! Malalahian tayo ng mga nognog!”kantiyawbiro nito sa kanya.Tumawa na lang siya, pati na rin ang dalawaniyang pinsan.ANG USAPAN ay darating doon sina Joshua mgabandang alasonse ng tanghali. Naghanda ngespesyal na tanghalian si Auntie Vivian paramagkaroon sila ng masaganang pagsasalusalo.

Dakong alasnuwebe y medya ay tumawag angbinata.Kinabahan si Mary Ann. “O, bakit napatawagka?”“Medyo kasi tumaas ang presyon ng nanayko,” malungkot na pagbabalita nito.“Paano na ngayon ‘yan?”“Kaya nga ako tumawag, e. Puwede bang angisang tiyahin ko na lang ang isama ko?”

Saglit siyang nagisip. “Sige, basta dumatingka. Nakakahiya naman kung iindiyanin mo angnaghihintay sa inyo rito.”“O, sige, papunta na kami riyan. Magtataxi nakami. ‘Bye.”“‘Bye. Ingat.”Saka pa lang nawala ang kabog ng kanyangdibdib.

NAGING maayos ang pamamanhikan. Maynapagkasunduang petsa at nagkasundo rin angmagkabilang partido hinggil sa isasagawanghandaan. Sa isang restaurant idaraos angreception at hindi sila magiimbita ng hihigit saisandaang bisita. Sa mga magiging ninang atninong, dalawa ang superior officers ni Joshua.Kasama rin sa mga ninang ang isang mayedadnang officemate ni Mary Ann.

HINDI lang nagsasalita si Auntie Vivian, peromay napuna siya sa tiyahin ni Joshua. Maramingbeses niyang nahuling nakatingin ang babae nangmatiim kay Mang Federico, parang mayinaapuhap sa isip habang pinagmamasdan angkapatid.Ganoon din nang kumakain na sila at harapharap sa mesa.Dati ay makuwento siya. Pero pagkataposkumain ay bigla siyang naging tahimik. May

nakita siyang hindi nagustuhan. Parang biglangnagalit.Pasado alasdos nang magpaalam sina Joshuaat ang tiyahin nito.Lihim pa ring nagdasal Si Vivian. Diyos ko,huwag naman sanang magkatotoo ang kinatatakutanko..ISANG dasal na mukhang hindi narinig ng Diyos.

Samasamangumalisangmaganakkinabukasan ng umaga. Magsisimba muna angmga ito at saka kakain sa labas at mamamasyal.Isinasama siya ng mga ito at ang kanyang itaypero tumanggi siya. Aniya’y darating si Joshua.Sabi naman ni Mang Federico, gusto lang munanitong pumirmi sa bahay. Hindi na ito sanaymagbiyahe nang malayo. Ilang araw na ito saMaynila ay hindi pa rin nawawala ang hilo nito sabiyahe.

“May buslag si Uncle,” biro ni Abby.Tawanan.Dumating nga si Joshua nang makaalis angmaganak. Silang magama lang ang tao sa bahaydahil off din ng katulong. Nabigla siya sa ikinilosng nobyo niya. Itinulak siya nang mabuksan niyaang pinto. Matigas ang anyo ng mukha nito.Galit.“Nasaan ang itay mo?” Malakas ang boses nito.“Bakit, ano ang problema mo sa itay ko?”

“Palabasin mo siya!”Hindi niya alam ang dahilan ng galit nito.Balak sana niyang sabihing wala roon angkanyang itay. Magsisinungaling sana siya,sasabihing umalis ito kasama ang kanyang AuntieVivian. Pero bago pa uli siya nakapagsalita aynarinig na niya ang mga yabag ng kanyang itay sahagdan, nanaog mula sa ikalawang palapag ngbahay.

Walang kamalaymalay ang kanyang amangmay naghihintay ritong panganib. “Uy, narito kapala, Joshua!” Ang tamis pa ng pagkakangiti nito.Sa pagkabigla nilang magama, biglangnagbunot ng baril si Joshua. Isang rebolber.Ikinasa nito iyon.Nangilabot siya nang itutok nito iyon sakanyang ama. “Mamamatay kang hayup ka!”Napatda ang kanyang ama. Namutla. Parangtumakas ang lahat ng dugo nito sa ulo. Napataas

ang dalawang kamay nito, tandang hindi itolalaban.LIHIM na nagngingitngit ang kalooban ni MangFederico. Noong kapanahunan niya ay hindipupuwede ang ganoon na tututukan siya ng baril.Tiyak na bubunot din siya ng armas at baka masmauna pa siyang magpaputok.

Pero iba na ang sitwasyon. Tinalikdan na niyaang karahasan. Malaki na ang nabawas sa init ngkanyang dugo.Dahil natuto na siya sa karanasan.Tama na ang minsang karahasang ganap nanagpabago sa takbo ng buhay nilang maganak.Karahasang nagtaboy sa buo niyang pamilyapabalik sa sariling lalawigan.

“TTEKA, ano ang kasalanan ko sa ‘yo?” nauutalna tanong ni Mang Federico.“Ikaw pala ang kriminal na matagal ko nanghinahanap! Ikaw ang pumatay sa itay ko!”Napatda pati si Mary Ann sa narinig.“Hha?” Nangunot ang noo ng kanyang ama.“Ipinagtapat sa akin ng tiyahin ko. Nakilala kaniya, Mang Federico!”Ngunit bago pa nakalabit ni Joshua ang hawakna rebolber ay pinatimbuwang na ito ng punglo

mula sa baril ng sumaklolong pulis nakapitbahay.HINDI umaalis si Mary Ann sa pinto ng operatingroom, nagaabang sa paglabas ng doktor naumopera kay Joshua. Gusto muna niyang tiyakinang kaligtasan ng kasintahan bago niyakomprontahin ang kanyang itay. Hihingi siya ngpaliwanag.

Tutuklasin niya ang puno’t dulo ng akusasyonni Joshua.

CHAPTER EIGHT

SAKA lang umuwi si Mary Ann nangmasigurong ligtas na si Joshua. Sinabi sa kanya ngdoktor na hindi naman fatal ang tama ng binata,kinailangan lamang alisin ang bala sa katawannito para hindi malason sa sandaling nagoxidizena ang bullet na tanso.

Kinompronta niya ang ama pagdating niya sabahay. She tried to be calm kahit ang totoo’y gustoniya itong sisihin.Looking at his wrinkled face, bahagyangnasubhan ang galit niya. Imbis na magtaas ngboses ay malumanay niya itong hinarap. Nasabahay na rin ang kanyang Auntie Vivian nangdumating siya at nadatnan niyang masinsinangnaguusap ang mga ito.

“Totoo ba, ‘Tay? Totoo ba ang ibinibintang sainyo ni Joshua?” she asked, trying to control heranger. But there was a crack in her voice nanagpapatunay na may nadarama siyang galit.“Mahabang kuwento, anak,” sabi nito.Sinulyapan nito ang nakababatang kapatid.“Ibig n’yong sabihin, inaamin ninyong kayonga ang pumatay sa ama ni Joshua?” Medyotumaas ang boses niya.

“Huwag kang magtaas ng boses,” saway ngtiyahin. “Anuman ang kasalanang nagawa niKuya Federico, alalahanin mong ama mo pa rinsiya.”Napatingin siya rito. Pamangkin lang siya nito,kapatid nito ang kanyang itay. Obviously, maskampi ito sa kapatid. Pero naisip din naman agadniya, siguro nga ay hindi niya dapat sisihin agadang kanyang itay.Page 24 3 of 337

He must have had a reason—one big reason—to have done such a thing. Kilala niyangmahinahon ang kanyang itay. Ni wala itongnakakaaway sa baryo nila sa Bicol. Pero bakit atpaanong nakapatay ito ng tao?“Gusto kong marinig ang lahat,” deklara niya.Muling nilinga ng ama ang nakababatangkapatid na para bang doon ito kumukuha nglakas para maisalaysay ang buong pangyayari.Parang si Auntie Vivian ang pinagkukunan nito

ng lakas para minsan pang balikan ang isangkahapong gusto na nitong iwaksi.WALA nga sigurong lihim na hindi nabubunyag,naisaloob ni Mang Federico.Halos dalawampung taon na ang nakakaraanmula nang mangyari ang insidenteng iyon. Buongakala niya’y nakabaon na iyon sa limot at hindi namuling mahahalungkat. But fate had its own way

of getting back to the past, and yet in a verybizarre way.Nagtagpo ang anak ng kriminal at ng biktima.Hindi lang basta nagkatagpo. The two weredestined to be lovers. Not just lovers.Namanhikan na sina Joshua, nagpasyangpakasalan ang kanyang anak. A wedding thatperhaps would never take place anymore.

“NAGHIHINTAY ako, Itay,” ani Mary Ann.There were tears in her eyes, rememberingJoshua’s pathetic condition while lying inside theoperating room while doctors were trying to savehim.Bumuntunghininga ang ama. “Siguro nga’ydapat ko na rin itong ipagtapat sa ‘yo, anak,” hestarted. There was sadness in his voice. Hisexpression was repentant. “Matagal ko na rinitong dinadala sa konsiyensiya ko. Siguro’y

kailangan ko nang panagutan ang ginawa ko kayAsyong. Hinintay lang talaga kita bago akomagpunta sa presinto at sumuko sa mga pulis.”What he said did not register in her mind. Ibaang hinihintay niyang marinig. Ang buongkatotohanan. Ang buong detalye. Gusto niyangmalaman kung paano at bakit pinatay nito angama ni Joshua.“Ssino’ng Asyong ang tinutukoy ninyo, Itay?”tanong niya.

“Si Dalmacio, ang ama ni Joshua.”She didn’t speak. She only waited for her fatherto continue.“Binata pa ako’y naghahanap na ako ngkapalaran dito sa Maynila,” simula uli nito. “Peromahirap maghanap ng kapalaran ang isang gayako na walang ipinangangahas. Nakasecond yearhigh school lang ako nang walang natutuhandahil deprimera akong bulakbolero noong araw.

Ang tanging armas ko nang lumuwas ako ngMaynila ay lakas at tapang.”Napailing ito sa huling salita, nagpakawala ngisang malungkot na ngiti.“Lakas muna ang ipinuhunan ko. Namasukanako sa mga construction. Pero kahit sa ganoongkaabang trabaho, ‘pag hindi ka malakas saforeman, hindi ka laging mapapasama sa mgalaborer sa isang partikular na proyekto. Nang

maghirap ako, napilitan akong sumama sa mgaholdupper. Saka ko nakilala ang iyong ina.“Ang iyong ina at ikaw. . ikaw, Mary Ann, angdahilan kung bakit muli akong bumalik sapagtatrabaho sa construction. Kung bakittinalikuran ko ang masamang gawain. Ayawkong pakainin kayo ng galing sa masama. .“Mula sa isang squatters sa Las Piñas, lumipattayo sa Malibay. Sa duluhan, doon namannakatira sina Dalmacio.”

“Bakit n’yo siya pinatay?” she asked harshly.“Maganda ang nanay mo noong kabataan,” aniMang Federico.“At tinangka siyang gahasain ni Dalmacio,”sabad ni Auntie Vivian.Nangunot ang noo niya, napaawang ang mgalabi. Nagpalipatlipat sa mukha ng ama at tiyahinang tingin niya. “Totoo ba, Itay?”He nodded. He remained silent for a moment,then stood up. Nanungaw ito sa bintana.

“Lintek,” anitong mahigpit ang hawak sapasimano.Nakita niya ang paglitaw ng mga ugat nito sabraso.“Nasaan naman ang pagkalalaki ko kung hindiko kayang ipagtanggol ang iyong ina sa bastos na‘yon? Kung hindi ko siya pinatay, hindi akomakakatulog nang mahimbing. Hindi ko rinsiguro magagawang tumingin nang diretso samga mata ng nanay mo.”

“Ttotoo ba ang lahat ng ito, Itay?” hindimakapaniwalang tanong niya.“Bakit naman magsisinungaling sa ‘yo ang itaymo?” tanong din ni Auntie Vivian.Kung totoo iyon, walang dahilan para hindiniya maunawaan ang kanyang itay.“At sa totoo lang, wala sana akong balak napatayin siya,” dagdag na paliwanag pa nito. “Angbalak ko’y tuturuan ko lang ng leksiyon. Kayasinapak ko agad nang makita kong nakikipag

inuman sa kanto, pero tumulong ang mga kasamaniya. Napilitan akong gumamit ng balisong.”“At tumakas na kayo?”“Kailangan.Kungmahuhuliakoatmakukulong, paano kayo ng nanay mo?”Apat na taon daw siya noon. Pero wala siyangnatatandaan sa mga nangyari. Ni hindi niya alamnang madalian silang umalis ng bahay na iyon sagilid ng estero nang gabing iyon. Nagtago muna

sila sa isang kaibigan ng kanyang itay sa LasPiñas.Ito naman daw ay nagtungo sa kanyang AuntieVivian na noon ay namamasukan bilang tinderasa Baclaran. Doon humingi ng pera ang kanyangitay at saka sila tumakas patungong Bicol.Fortunately there was no one who pursued thecase. Mahirap maghanap ng katarungan ang isangmahirap. Isa pa, walang makapagsabi kung saannagtago si Mang Federico.

Sa Bicol na siya nasundan. Nagkaroon siya ngapat na nakababatang kapatid. She had no idea naganoon pala ang buhay na pinagdaanan ngkanyang itay.. nilang maganak sa kabuuan. Shedidn’t even had a hint that her father had acriminal record, that he had killed a man.A man whose son would be her husband.What a coincidence! Of all people, bakitnatagpuan niya ang sariling nagmamahal kayJoshua? In the first place, bakit sa dinamidami ng

kainan sa lugar na iyon sa Pasay ay sa karinderyapa ng kanyang auntie ito naengganyong pumasokat kumain? It was through the eatery that theymet and found themselves loving each other.A love that was true and too deep that theydecided to get married soon. Saka namanlumutang ang problema.Isang problemang magtatapos sa lahat ngmagagandang pangarap na magkasama nilangbinuo ni Joshua. There was no way that those

dreams would be fulfilled now. No way. She wassure Joshua would not stop until he got even withher father. At nakahanda siyang gawin ang lahatupang huwag nitong masaktan ang kanyangama..Mahal na mahal niya si Joshua, but she couldnot turn her back from her father. Dahil kahitpagbalibaligtarin ang mundo, ama pa rin niya ito.Dugo nito ang nananalaytay sa kanyang mgaugat.

And as they say, blood is always thicker thanwater.MIYERKULES ng umaga, isang buwan mula nangmuntik nang mabaril ni Joshua si Mang Federico.Naghahanda si Mary Ann sa pagpasok sa opisina.Kung wala lang sana siyang ipinagmamadalingtrabaho ay hindi muna siya papasok.Ilang araw nang masama ang kanyangpakiramdam. Lagi siyang napaghihilo. Minsan

nga, habang naglalakad siya, ay biglang umikotang kanyang tingin, muntik na siyang natumbakung hindi siya nahawakan ng isang babaengnakasabay niya sa pagtawid.Pinagtakhan din niya kung bakit tila masusukasiya sa amoy ng ginigisang bawang minsangnagsangag ng kanin ang katulong ng kanyangauntie.Dati rin niyang paborito ang beef meat—nilagaman o anumang lutong may sarsa—pero

nasusuka siya basta nakakaamoy ng nilulutongkarne niyon.“Nagkape ka lang ba? Hindi ka nagalmusal?”usisa ng auntie niya nang makitang tumayo nasiya mula sa mesa.“Wala ho akong gana.”“Bakit?”“Ewan ko ho—” Hindi niya natapos angpangungusap. Tumakbo siya patungo sa harap nglababo nang makaramdam na naman ng

pagsusuka. Dumunghap siya sa stainless sink atdumuwal. Walang lumabas. Ilang beses pa siyangdumuwal ngunit wala naman siyang isinusuka.Humakbang palapit sa kanya si Auntie Vivian.Hinagod nito ang kanyang likod. “O, ano, okay kalang?”She perspired, butilbutil. She nodded as sheopened the faucet. But again, naduwal siya.Vivian continued what she was doing. Hindi niya

napansin ang pagaalala sa mukha nito nang mgasandaling iyon.Kinabahan siya. Diyos ko, huwag naman sana.Huwag naman Po sanang magkatotoo ang kutob ko.Nang medyo okay na siya ay nagtoothbrushsiya. Napansin niyang pinagmamasdan siya niAuntie Vivian, na ngayon ay nagbalik na sadating puwesto nito sa harap ng dining table.Nagpilit siyang ngumiti nang maibalik salalagyan ang toothbrush.

“Magbibihis na ako.. ” she said, avoiding herauntie’s probing gaze.“Kung masama ang pakiramdam mo, huwagka nang pumasok,” sabi nito, pretending to bebusy stirring her coffee. Pero ang totoo’y pinagaaralan siya nito. Hindi man niya aminin, alamnitong may itinatago siya.“Kaya ko, Auntie.”

SA LOOB ng kanyang silid, tahimik siyangnagbihis ng office uniform. But she was havingsecond thoughts kung papasok pa siya. Sa totoolang ay mabigat talaga ang pakiramdam niya.Naupo siya sa gilid ng kanyang kama atpinakiramdaman ang sarili. Para na namanghinahalukay ang kanyang sikmura. Nangangasimsiya na hindi niya mawari. May gusto siyangkainin na hindi niya alam kung ano. Napatayosiyang bigla nang may kumatok.

“Mary Ann, ako ‘to.. ” Boses ng auntie niya.“Bukas ‘yan, Auntie.. pasok.”Pumasok ito at muling isinara ang pinto.Napansin niya ang nagtatanong na tingin samga mata nito. “Auntie, bakit?” Hawak na uliniya ang isusuot na office uniform.“Magtapat ka nga sa ‘kin, Mary Ann.” Walangbakas ng galit sa anyo nito, manapa’y awa.“Buntis ka ba?”

Napaawang ang bibig niya. Iyon din ang kutobniya sa sarili. Ibangiba ang pakiramdam niya.Hindi siya sigurado, pero kabado siya. She wasworried because she had done something wrong.She had gone to bed with Joshua. Not only oncebut thrice.Naulit ang pagpunta nila sa motel, hindi nasiya makapagdamot dahil minsan na niya iyongipinagkaloob. She knew that was wrong, but she

pacified herself with the thought that they will getmarried soon.Hindi siya makasagot.“Tinatanong kita.” Medyo dumiin angpagsasalita ni Auntie Vivian.Her lips parted but still she could not answer.Natakot siyang umamin pero ayaw din namanniyang magsinungaling. Wala pa siyangkaranasan, pero ang nararamdaman niya aymaliwanag na sintomas ng paglilihi.

Napaiyak na lang siya. She sat down at theedge of her bed and sobbed, her hands coveringher face. Nilapitan siya ni Auntie Vivian.Malumanay ang dantay ng palad nito sa hita niya.“Paano ngayon ‘yan?”She embraced her. Sa dibdib nito siya umiyak.“Hindi ko alam kung paano, Auntie. Hindi koalam.”Malaking problema dahil tuluyan na silangnagkalabuan ni Joshua. Ni ayaw na siya nitong

kausapin kapag dinadalaw niya ito sa ospital.Nang una nga siya nitong makita aypinagsisigawan siya, pinalalayas. Huwag na rawsiyang magpapakita kailanman. Anak daw siyang kriminal at ayaw na nitong magkaroon pa ngkaugnayan sa anak ng isang mamamataytao.Hindi naman niya pinayagan si Mang Federiona sumuko. Sa halip, pinauwi na lamang niya itosa Bicol. Bahala sina Joshua kung gusto ng mgaitong muling buhayin ang kaso. At bahala rin ang

mga pulis na dakpin ito kung desidido angpamilya ni Joshua na panagutin ang kanyangama.Higit kailanman, noon niya naramdaman angbigat ng kasalanang ginawa niya—ang pakikipaglovemaking kay Joshua nang walang kasal.Paano na siya ngayon? Buntis siya, at walanang mananagot sa kanyang dinadala. Mabibiladsiya sa kahihiyan kapag nalantad na ang kanyangkalagayan.

CHAPTER NINE

TATLONG araw na hindi nakapasok sa trabaho siMary Ann nang sumunod na linggo. Mas lumalapa ang kanyang nararamdaman. Minabuti niyangmamahinga na lang sa bahay kaysa naman saopisina pa siya gumawa ng eksena.Hindi tanga ang kanyang mga officemates, lalona ang mga babae. Kapag doon siya nagduduwal,tiyak na makakahalata ang mga ito.

Tiyak niya, magiging parang munting bagangnapatapon sa tuyong talahiban ang balita,magniningas at mabilis na kakalat. Na siya, isangpagkagandagandang empleyado na hinahangaanng buong male population sa kanilang opisina, aybuntis.Natural lang na magbuntis ang babae—kungmay asawa.E, kung wala?

Kapag nakarating sa management angalingasngas, mabilis pa sa alaskuwatro na bababaang kanyang dismissal papers. Tiyak na sisipainsiya sa trabaho. Konserbatibo pa naman ang mayari ng kompanya, kabilang sa mga oldfashionedaristocrats.Nang pumasok siya sa tanggapang iyon, buonglinaw na binaybay sa kanya ng personnelmanager na si Mister Maranan ang company

policies. Sa kanya umaasa ang kanyang mgakapatid at ayaw niyang mawalan ng trabaho.Habang nagpapahinga sa kanyang silid aynaglakbay ang isip niya.Bumaba siya ng jeep sa tapat ng FargoDepartment Store sa Quiapo, malapit sa M,L,Q,U,at tumawid patungo sa Quiapo Church sapamamagitan ng Lacson underpass.Hindi siya magsisimba. Wala sa loob ngsimbahan ang kailangan niya. Nasa gilid. Kahilera

ng mga nagtitinda ng mga medalyon, kahalubilong mga sweepstakes ticket vendors at ng mganagtitinda ng mga santo.Naroon lang ang sagot sa problema niya: mgababaing nagtitinda ng herbal medicines, mgakinanaw na katas ng halamang ugat, mgapamparegla.Dugo pa lang naman ang nasa sinapupunanniya, hindi pa ganap na fetus. Kung iinom siya ng

katas ng makabuhay o anumang pamparegla,tiyak na matatanggal ang kanyang problema.She shuddered at the thought. Nakapa niya angkanyang tiyan. Kaya ko ba?Napailing siya. Hindi niya kayang ilaglag angpintig ng buhay sa sinapupunan niya. Bunga maniyon ng kasalanan ay hindi niya iyon kayangipalaglag. Hindi kayang takpan ng isa pangkasalanan ang naunang pagkakamali.

Napaiyak siya. Iyak na walang tinig. Luha lang.Pero paano na ako?Ano kaya kung muli siyang magbakasakalinglumapit kay Joshua? After all, anak din namannito ang kanyang dinadala. Baka sakalingmagbago ang isip nito kapag nalaman nitongbuntis siya. Baka sakaling maglubag ang loob nitokapag nalamang nagbunga ang kanilang ginawa.Tiyak na nakalabas na iyon ngayon ng ospital atsa bahay na lang nagpapagaling.

Alam niya ang bahay nito. Ilang beses na basiya nitong isinama roon?She took a deep breath, napailing. Hindi naniya kayang magpakita pa kay Joshua pagkataposng ginawa nito sa kanya. Hiniya siya nito sa harapng maraming tao nang dalawin niya ito sa ospital.Hindi lang isang beses, tatlo. Pinagsisigawan siya.Nagmukha siyang kawawa.At hindi na niya kayang mapahiya pa.

NASA mukha ni Melvin ang concern atpananabik nang pumasok sa trabaho si Mary Annafter being absent for three days. Ang totoo’ydalawang beses itong tumawag sa telepono,inalam ang kalagayan niya.Nakisimpatiya ito sa naging kapalaran niya.Alam na nito ang nangyari sa relasyon niya kayJoshua.“Bakit mugto ang mga mata mo?” tanong nito.

She tried to smile. At dala marahil ngnararamdaman niyang emptiness nang mgasandaling iyon ay naikuwento niya rito angnangyari maliban sa isyung buntis siya.Lumingalinga ito at nang masigurong walangnakatingin sa kanila ay masuyong ginagap angisang kamay niya. “There’s no use crying overspilled milk.”

“Wala akong kasalanan sa nangyari and yet,nadamay ako,” she said with bitterness, drewback her hand from his grasp.“Nangyari lang siguro ‘yon to test his love.”“And his love is not big enough, not strongenough para malagpasan yung test, gano’n ba‘yon?”“Maybe. Or nangyari din siguro ‘yon to makeyou see who’s loving you more.”

Alam niyang nagpaparamdam na naman ito.She was sure na sarili na naman nito angtinutukoy. Once again he was trying to takeadvantage of her predicament para maibalingniya rito ang dating pagibig niya kay Joshua. Butthat she could not do. Melvin was a fine man,pero wala talaga siyang damdamin para dito.Nang bigla siyang matigilan. Nasa gipit siyangkalagayan. Wala siya sa posisyon para magingmapili pa. She was running out of time.

Mauubusan siya ng panahon, or should she say,aabutan na siya ng panahon.Hindi kaya ng kanyang konsiyensiya na ilaglagang kanyang dinadala. Kumbaga sa isangnalulunod, wala naman sigurong masama kunghumanap siya ng timbulan, ng isang salbabidangmakakapitan hanggang muli siyang makaahon.“Bigla kang natigilan,” puna ni Melvin.Come on, tell him. Huminga muna siya nangmalalim. “Mmm.. Melvin?”

“Yeah?”Nahirapan siyang ivoice out ang gustongsabihin. “Magusap tayo after office hours, ha?Meron akong sasabihin sa ‘yo.”Melvin was so eager that his eyes flickered withhope nang marinig ang sinabi niya. “Okay.Ihahatid na rin kita.”SA ISANG K,T,V joint along Sucat Road silanagtungo. Cozy ang lugar at very affordable ang

food and drinks. Nang maramdaman ni Melvinna importante ang sasabihin niya’y doon siya nitodinala.“Solo natin ang room at makapaguusap patayo nang maayos. Kung gusto mo naman,magkantahan tayo.”Nangunot ang noo niya. Sa isang private room“nabuo” ang problemang daladala niya ngayonsa kanyang tiyan. Hindi na siya uulit. “Room!Melvin, nagkakamali ka kung iniisip mong—”

“Ikaw ang nagkakamali kung iniisip mong maybinabalak akong kalokohan. Ang mga K,T,V roomsna sinasabi ko ay bubog ang mga dingding,makikita tayo sa labas although soundproof iyon.No monkey business. Okay?”Hindi ito nagsisinungaling. Tabitabi ang mgaK,T,V rooms na okupado ng iba’t ibang gruponghalatang nais magenjoy. Nagkakantahan angmga ito, may pagkain at inumin sa bilog na mesitasa gitna. Ganoon din ang room na pinasok nila ni

Melvin. Inasikaso agad sila ng isang waiter.Airconditioned ang lugar.Umorder ito ng pagkain. Tumanggi siya nangalukin siya ng inumin. Pumayag siya nangmagpaalam itong iinom ng beer.Hindi sila nagbukas ng videoke. Parang alamnitong mahalaga ang kanilang paguusapan.“Now what, Mary Ann?” bukas nito.Matatagalan pa bago magbalik ang waiter paradalhin ang kanilang order.

She studied his face first. She was havingsecond thoughts kung dapat nga ba niyang gawinang laman ng isip niya. He might laugh at her.Her hands were shaking and perspiring.“Kkasi, Melvin.. may problema ako, e.”“Si Joshua?”“Yes and no. Yes, because it was him who gaveme this problem. And no, because I’m alreadystarting to. . to remove him from my system.”

Medyo nangunot ang noo nito, showing someinterest. “Ano ang ibig mong sabihin?”“Hindi naman ako martir. Kung ayaw na niyasa ‘kin, wala akong magagawa kundi turuan angsarili ko na limutin siya,” she said, thinking howcould she tell him her real problem?Joshua was not a problem to her anymore. Shehad accepted the situation. Hindi niya mapipilitang isang lalaking ayaw na sa kanya. Her main

concern now was her condition. Ang kanyangipinagbubuntis.“Kaya narito pa rin ako, Mary Ann, patuloy naumaasa,” sambot nito.Lumunok siya. Heto na, heto na. Come on, tell himnow. “Melvin, kasi, you don’t know something. II mean, masasabi mo pa rin kaya ‘yan kungmalalaman mong. . buntis ako?”His lips parted in disbelief. Pero sandali langang ekspresyong iyon sa mukha nito. He tried to

smile after some moments. “Mmay nakakaalamba sa mga officemates natin?” tanong nito, mulingnaging seryoso.“Wala.”Sandali itong nagisip. “Mary Ann, ngayonlang ako nagmahal nang ganito,” he saidearnestly. “I’ve loved no one else like this but you.Hhalimbawa bang panagutan ko ang dinadalamo, can you promise me na. . na kakalimutan mona siya?”

Ibig niyang maluha. Sa wakas, nakatagpo siyang solusyon sa kanyang problema. Para siyangnabunutan ng tinik sa dibdib. “Nnangangakoako, Melvin. At ipinapangako ko rin na pipilitingkong pagaralang mahalin ka.”Pero sa isang sulok ng kanyang isip ay hindisiya nakatitiyak kung kaya nga ba niyang gawinang sinabi niya.Ginagap nito ang palad niya. “I would considerthat child as my own. Pakakasal tayo, Mary Ann.”

NAGULAT ang kanilang mga officemates nangbiglang magimbita sina Mary Ann at Melvin.Civil wedding lang ang kanilang kasal, peromaghahanda rin sila. Gaganapin ang okasyon sabahay nina Auntie Vivian.“Bilib na talaga kami kay Melvin,” anang isanglalaking kaopisina nila. “Tatahitahimik, silentworker pala. Akalain mong nabulag si MaryAnn.”

“Hindi kaya tinutukan ng balisong?” kantiyawng isa.Tawanan.Kung alam lang ninyo. . Napapahiya siya kayMelvin. Ito pa ang kinakantiyawan samantalangkung tutuusin, ito na nga ang lugi sa gagawinnitong pagpapakasal sa kanya. Sasagipin lang siyanito sa kahihiyan. Dahil sa laki ng pagibig nito sakanya ay pumayag itong maging panakipbutasniya.

Pero may pangako naman siya sa kanyangsarili. A promise she did not know if she couldfulfill. Susuklian niya ng kabutihan at ibayongpagmamahalangpagsasakripisyonito.Matututunan din niya itong mahalin in the realsense of the word “love”. At kapag dumating angsandaling iyon, sila na siguro ang magigingpinakamaligayang magasawa sa buong mundo.But six days before the wedding, biglangsumulpot si Joshua.

CHAPTER TEN

“WELCOME pa ba ako?”Mary Ann became speechless. Her kneestrembled. Napatitig siya kay Joshua nangmapagbukasan niya ito ng pinto. Kadarating langniya mula sa opisina. Ni hindi pa nga siyanakapagpapalit ng damitpambahay. Inihatid siyani Melvin nang hapong iyon. Nasa CR ito kungkaya’t hindi nakita ang pagdating ni Joshua.

“Bakit nagpunta ka pa rito?” she asked angrily,trying to steady her voice.He was repentant. “Nagtanungtanong ako samga. . sa mga nakakakilala sa itay ko. Nalaman koang totoo. Kung tutuusin pala.. ang itay ang maykasalanan sa nangyari. Kkung sa akin nangyariang nangyari sa itay mo, siguro ay iyon din anggagawin ko.” Tinangka nitong hawakan ang isangkamay niya pero naiiwas niya iyon. “Mary Ann,nagbalik ako para. . para—”

“Para humingi ng tawad, gano’n ba?” Shesupplied the word. “Huli na, Joshua. Huli na angpagbabalik mo!”Napaawang ang mga labi nito. “Aano ang ibigmong sabihin?”Naramdaman niya ang mga yabag ni Melvinmula sa kusina. Lumihis siya sa pintuan paramakita nito ang bago niyang nobyo. “One weekfrom now, there will be a wedding celebrationhere—just like the old plan. Hindi na nga lang

ikaw ang groom kundi.. siya.” Nilingon niya siMelvin.Lumaylay ang mga balikat ni Joshua.“Nagulat ka ba? Hindi ka makapaniwalangkaya kitang palitan in such a short time?” Maysarkasmo sa tinig niya.“Hhindi mo magagawa ito, Mary Ann. Akoang mahal mo!” Bahagyang lumakas ang bosesnito.

“The nerve!” Umalsa na rin ang boses niya.“Ang lakas pa rin ng loob mo hanggang ngayon,ano? At ano ang akala mo sa ‘kin? Martir? Napagkatapos mong sigawsigawan sa harap ngmaraming tao ay patuloy pa ring maghihintay nabaka kaawaan mo? No way!”Hindi ito nakaimik.“Makakaalis ka na!”Itutulak sana niya pasara ang pinto peronapigil nito iyon. Tila wala itong balak bitiwan

ang pinto kundi pa dumating ang magasawangVivian at Ben, kasama ang tatlong anak.Malakas ang boses ni Uncle Ben nangmakababa ng kotse. “Ano ‘yan?”Hindi sumagot si Joshua. Tumalikod na lang attuluytuloy nang umalis.HINDI agad nakatulog si Mary Ann nang gabingiyon. Pabilingbiling siya sa kama. Paulitulitniyang binalikan sa isip ang eksenang nangyari.

Literal na napaawang ang mga labi niya nangmakilala ang lalaking nakatayo sa harap ng pinto.Para siyang napako sa kinatatayuan nang makitasi Joshua.Nakita rin kaya nito ang pananabik sa kanyangmga mata? God knew, her heart went to him atthat instant. Pinigil lamang niya ang kanyangdamdamin, tinakpan niya ng paggagalitgalitan.Out of pride.

Mayroon siyang palabra de honor. Maymangyayari pa ba sakaling hinayaan niyangmangibabaw ang tunay niyang damdamin? Walana. Nakatakda na ang kasal nila ni Melvin.Humingi ng tawad si Joshua, sinabingnauunawaan na nito ang nangyaring karahasanna naging dahilan para mapatay ng kanyang itayang ama nito.Ibig niyang magsaya sa narinig, magdiwangdahil nagliwanag din ang isipan nito. Pero hindi

niya magawa. Kung gagawin niya iyon aymayroon naman siyang masasaktan. And hurtingMelvin, after what he had done to her, would becruel. Hindi niya kayang suklian ng kabiguan angpagmamahal na ipinakita nito sa kanya.Her heart broke into pieces as Joshua was aboutto leave. Gusto niya itong habulin. Pigilan.Yakapin. Pero hindi niya magawa. Melvin waslooking at them. At kahit pa nga wala ito nangmga sandaling iyon, dapat lang na huwag niyang

sundin ang idinidikta ng kanyang puso atemosyon.Dahil wala na siyang kalayaang gawin iyon.Nakasangla na siya kay Melvin.Ikakasal na sila.Ang masakit, ikakasal siya sa lalaking hindiniya mahal.MUGTO ang mga mata ni Mary Ann nangpumasok kinabukasan. Maya’t maya siyang

napapaiyak habang pabilingbiling sa higaan athindi makatulog nang nagdaang gabi.Iniyakan niya ang kinasuutan niyangpredikamente. Hindi siya makabalik sa lalakingtunay na mahal niya dahil nakatakda na siyangikasal sa lalaking wala siyang pagtingin. Ngunitisang lalaking hindi rin niya puwedeng saktandahil pinakitaan siya ng pagibig na walangreserbasyon.

Dakila si Melvin. Kadakilaan ang gagawinnitong pagpapakasal sa kanya kahit alam nitongbuntis siya sa binhi ng ibang lalaki.Wala na sanang problema kung hindi biglangnagbalik si Joshua. Tanggap na niya angsitwasyon. Natanggap na niyang hindi sigurotalaga sila magkapalad nito. Truth was, she wasconsidering herself still lucky nang pumayag siMelvin na pakasalan siya despite her condition.

Nagulo lang muli ang isip niya nang bigla itongmagbalik sa eksena.Nilapitan siya ni Melvin nang makitang naroonna siya sa kanyang puwesto pagpasok nito sakanilang department. Parang sinasadyangkinumusta nito ang nagdaan niyang magdamag,tinanong siya kung nakatulog siya nang maayos.“Oo naman,” pagsisinungaling niya, pilit napinasisigla ang boses. “Ikaw?”

Hindi nito iyon sinagot. Sa halip ay lumamlamang mga mata nito habang nakatitig sa mukhaniya. “Magusap tayo mamaya.” Tumalikod na itoat nagtuloy sa puwesto nito.Nagtatakang sinundan niya ito ng tingin.Parang may problema siya, naisaloob niya.Nanibago siya.KAPANSINPANSIN ang pananahimik ni Melvinnang maglunch sila at magmeryenda. Madalas

niya itong mahuling nakatingin sa kanyangmukha, parang ibig arukin ang laman ng isipniya. At tuwina’y nagbabaling siya ng tingin.Hindi niya masalubong ang makahulugang titignito.Natatakot ba siyang may mabasa ito sakanyang mga mata?Huwag, sabi niya sa isip, huwag mo na langpagtangkaang basahin ang laman ng isip ko, Melvin.Masasaktan ka lang.

SA IKALAWANG pagkakataon, dinala ni Melvinsi Mary Ann sa KTV restaurant na una nilangpinuntahan. Iyon din ang room na nirequest nitosa waiter at suwerteng available iyon.Noong una silang magpunta roon, bumuo silang relasyon. Pumasok sila sa isang kasunduangpakakasal siya rito para makaiwas sa kahihiyan.At kasabay niyon ay ang pangako niyang pagaaralan niya itong mahalin at paglilingkuran nang

buong puso bilang asawa. Isang madilim atmahabang tunnel na pinasok nila nangmagkasama. And they had to crawl back togetherpara makalabas doon.“Bba’t bumalik tayo rito? Mahal dito, ah,”nasabi na lamang niya.He smiled. A smile that did not reach his eyes.“Tahimik dito. Solo natin ang lugar. Makapaguusap tayo nang maayos. I’m sure, meron kanggustong sabihin sa ‘kin.”

Nangunot ang noo niya. “Wwala. Ano namanang sasabihin ko sa ‘yo?”“Meron, alam ko. Halata ko.”“Hhalata? Ang ano. .?”“Mugto ang mga mata mo,” deklara nito.“Mula nang mapaschedule ang kasal natin,palagi ka na lang umiiyak. Mula rin noon, untiunti nang nawala ang sigla sa mga mata mo.”Huminga ito nang malalim. “At alam ko angdahilan, Mary Ann. Si Joshua, hindi ba?”

“He’s a thing of the past,” sabi niya.“A past that you can’t forget that easily,”sambot nito. “And in the first place, we can’tconsider him your past. Hindi pa gaanongnagtatagal since na magkalabuan kayo. Walapang two months.”Mary Ann opted to be silent.“Bigla kang nalito nang sumulpot siyakahapon, ano?” tanong nito, direkta.

Pinakiramdaman niya kung galit ito but therewas no trace of bitterness in his voice. Parangtanggap nito ang katotohanan. Napatungo siya.Hindi niya masagot ang tanong nito.“Come on. Ako man ay hindi agad nakatulogkagabi,” he confessed, but smiled to make her feelat ease. “Nakita ko kasi sa mga mata mo angtunay na damdamin mo kahapon habangipinagtatabuyan mo si Joshua.” Nagpilit itongtumawa nang mahina.

“Iyon yung tinatawag na ‘tulak ng bibig, kabigng dibdib.’ Kitangkita ko sa mga mata mo, MaryAnn, mahal mo pa rin siya. You might be true inyour promise that you’ll try to learn to love me.But I tell you, it would be harder now dahilnagbabalik si Joshua.”“Nagbabalik nga siya pero nakita mo naman,hindi ba? Hindi ko siya tinanggap,” pagtatapangtapangan niya. “Sinabi ko sa kanyang pakakasalna tayo.”

“Out of loyalty to me dahil ako angnagtangkang sumagip sa ‘yo when you two had arift,” sambot nito. “Napagisipisip ko, kawawa kanaman. Naisip ko rin kagabi lang na kawawa rinnaman ako. Kaya ako na ang nagsasabi sa ‘yo,Mary Ann, bumalik ka sa kanya.”Napatitig siya sa mukha nito. Sa lahat ngpanahon, noon niya higit na narealize kunggaano siya nito kamahal. “Kkaya mo akong

ipagparaya sa kanya kahit nakatakda na ang kasalnatin?” hindi makapaniwalang tanong niya.“Dati ka nang sa kanya. Kailanman ay hindi kanaging akin, Mary Ann.”“But I’ve agreed to marry you.”“Just to save face,” anitong sinabayan ngmalungkot na ngiti. “And it’s better to save facewith someone you truly love. Huwag ka nangmagpakipot kapag nagbalik uli siya sa ‘yo.”

“Hindi na babalik ‘yon. Mapride din iyon.Nasaktan na ‘yon nang malamang madali kosiyang napalitan.”“Alam na niya kung bakit.”Nangunot ang noo niya. “Ano ang ibig mongsabihin na alam niya?”“Kagabi. Hinintay niya ako sa kanto nangumalis siya sa bahay ng auntie mo. Kinausap niyaako. Ipinagtapat ko sa kanya ang lahat. Nakita kokasi kung paano mo siya hinabol ng tingin at

doon pa lang ay nalaman ko agad na hindi mosiya bastabasta malilimot.”“Ano ang mga sinabi mo sa kanya?”“Na buntis ka kaya napilitan kang tanggapinang alok kong kasal.”“Ano ang sabi niya?”“Kung sakali raw na hindi na magbabago angpasya mo, pakamahalin na lang daw kita.”Natouch siya roon.

“Tell me, Mary Ann. Kung sakaling hindi tayonagplanong pakasal at nagbalik sa ‘yo si Joshua,tatanggapin mo ba siya?” he asked, looking at herdirectly in the eyes.Nahihiya siyang sumagot. But she nodded.“Well, forget about our wedding. Kayo niJoshua ang magpakasal. Liligaya ka sa kanya.”Pagkasabi niyon ay kinuha nito sa baywang angcellular phone, nagtext. Nang matapos ay

tumingin sa kanya habang ibinabalik ang cellularphone sa baywang. “He’s coming.”“Ha?”Walang sampung minuto at bumukas angpintong salamin, napakuwadro roon ang pigurani Joshua.NABIGLA si Auntie Vivian nang dumating siMary Ann kasama si Joshua. Masama ang tinginnito sa binata.

Pero naging maagap si Joshua. Agad itonglumapit sa tiyahin niya at karaka’y humingi ngkapatawaran. Hindi naman naging bato ang pusoni Auntie Vivian. Naunawaan din nito ang inasalng binata.“Matutuloy na ang kasal,” sabay na anunsyonilang dalawa.“Ang gulo mo, Mary Ann,” pabirong sabi ngkanyang Uncle Ben. “Sino ba talaga? Si Joshua bao si Melvin?”

Nagtawanan ang mga pinsan niya.“Totoo na talaga this time, Uncle,” aniyanghindi naman napikon.NAGREQUEST ng vacation leave si Mary Ann,gayundin si Joshua. Nagbiyahe sila patungongBicol. Gusto nito uling makaharap si MangFederico upang humingi ng tawad.Sa bus patungong Bicol, nakahilig siya sadibdib nito.

“Ang gulo ng pinagdaanan natin, ‘no?” sabiniya, recalling what they had been through.“Mabuti’t napaaga ang dating mong damoske ka.Kung hindi, napakasal na sana ako sa iba.”“At habambuhay siguro akong magsisisi kungnahuli ang dating ko,” sabi nito, hinahaplos angmalambot na buhok niya. “Pero. . mapatawadkaya ako ng itay mo?”“Hindi naman siya galit sa ‘yo, e. Sa totoo lang,gusto niyang sumuko. Pinigilan lang namin.

Pinauwi agad siya ni Auntie Vivian. Sakali raw namuli ninyong buhayin ang kaso, bahala na angmga pulis na dumakip sa kanya. Pero bakit hindininyo binuhay ang kaso?”Huminga ito nang malalim. “Nagusap kami nginay. Napagkasunduan namin na ipagpasaDiyosna lang ang lahat. Alam din pala ng nanay ko naang may kasalanan sa nangyari ay ang itay.Nitong huli na lang niya inamin sa ‘kin.”

“Salamat naman kung gano’n,” sambit niya.“Pero alam mo—” Nagangat siya ng ulo mula sadibdib nito at tiningnan ito sa mukha. “Siguro’ypinagdusahan na rin ng itay ang krimeng nagawaniya. Ngayon ko naisip na siguro’y iyon angdahilan kung bakit noong naroon pa ako saprobinsiya ay madalas sumisigaw ang itay sapagtulog. Nananaginip siya. Inuusig siya ngkanyang konsiyensiya.”

“Mawawala na siguro iyon kapag nakapagusap na kami,” wika ng binata. “Malaki angigagaan ng kanyang dibdib kung malalamanniyang napatawad na rin namin siya ng inay.”NATULOY din sa wakas ang kasalang akala niMary Ann ay hindi na magmamaterialize.Naisuot din niya ang trahedebodang ang akalaniya’y maluluma na lang nang hindi nagamit.

Liban sa petsa, walang nabago sa unangnapagkasunduan. Sa simbahan pa rin sila ikinasalni Joshua. At bilang pagtanaw ng utangnaloobkay Melvin, ito ang kinuhang best man ni Joshua.Nagpaunlak naman ang binata.Sa simbahan, nang salubungin ng mga wellwishers ang mga bagongkasal, nangingislap saluha ng kaligayahan ang mga mata niya nangkamayan siya ni Melvin. Tumingkayad siya atniyakap ang binata. Hinalikan niya ito sa pisngi.

“You’re really the best best man,” aniyang sauna’y may himig pa ng pagbibiro. Perogumaralgal ang boses niya bandang huli. “No, I’mnot kidding. You’re the greatest man there is,Melvin. Napakalaki ng iyong puso. Salamat samga kabutihan mo.”Lumuwang ang pagkakangiti nito. “Ngayon kolang nalaman na may potensiyal ka palangmaging drama actress. Anyway, sino ang isangiyon?” Itinuro nito ang isa sa mga bisita.

“Pamangkin ‘yon ni Uncle Ben. Dalaga ‘yon.Hayaan mo, ilalakad kita,” sabi agad niya.Sumabad si Joshua. “Teka, bago mo ilakad siMelvin, ako muna ang asikasuhin mo,”nakatawang biro nito.Matapos tanggapin ang pakikipagkamay niMelviin ay inakay na siya ng kanyang asawapatungo sa naghihintay na bridal car.

THREE days accommodation sa isang suite ngfivestar hotel ang regalo sa kanila ng isa sakanilang mga ninong. Kahit nahahalata na angpagumbok ng tiyan ni Mary Ann ay hindi iyonnakabawassaexcitementngkanilanghoneymoon.Tinudyo siya ni Joshua. “Ang ganda pala ngtiyan mo kapag ganitong nagiging butete ka na,”anitong nagtatawa.

“Nakakainis ka, ha!” Hindi siya naoffend.Alam niyang hindi ito nateturn off sa kanya.Hinalikan siya nito sa tiyan. And inch by inchhis face moved down, over the mound of tightcurls, his tongue caressing the slit between herthighs. He found the hard center, sucking gentlywhile he groaned against her.Napadaing na rin siya. “Joshua. . Josh ko po. .”Napasabunot siya rito. “Now,” anas niya, “I wantto come with you inside me.”

He guided himself into her, thrust slowly, andthen stopped.“Why?” she whispered. “Why did you stop?”“I got so excited I have to pause.”“Don’t,” she begged. “Come inside me, please...now. I need it.”“Oh, Mary Ann. . there’s truly no one else whocan make me feel this way. . only you,” anito nangmuli silang umindayog sa ritmo ng pagibig.

Dalawa na ang anak nina Mary Ann at Joshua.Maligaya sila sa kanilang natagpuang pagibig.Pagibig na muntik nang masira kung hindinagingbukasangkanilangpusosapagpapatawad.Samantala, may asawa na rin si Melvin.Napangasawa nito ang pamangkin ng kanyangUncle Ben. Naging matalik na magkaibigan ito ngkanyang asawa.WAKAS

 

Post a Comment

0 Comments

Post a Comment (0)
3/related/default