PROLOGUE
RIZAL
Memorial Coliseum. Nasa kasagsagan ng pag- eensayo si Arrex Domingo. Sa totoo lang, halos
lampas na sa itinakdang- oras ng kanyang
manager ang ginagawa niyang pag- eensayo. Bakit hindi siya magsusumigasig?
Matagal niyang pinaghandaan ang labang ito na nakatakdang maganap sa isang
buwan ang pagharap niya sa itinuturing niyang pinakamahigpit na katunggali. Kay
Aldrin Carbonel ang mayabang at tusong anak ng stepmother niya. Gusto niyang patunayang
hindi siya nito kaya. . hindi nito makakamtan ang kayamanang inaasam nito. Manalo
man siya sa labang ito o hindi! Never! Parang alingawngaw pa rin sa kanyang pandinig
ang mga katagang binitiwan ni Aldrin nang mabatid niyang ito pala ang nakatakda
niyang makatunggali. So, my dear arrogant and brute brother. . shall we call
this a fight for love and. . wealth? Kapag natalo mo ako, ora mismong mawawala
ako sa paningin mo. Pero kapag napunta sa akin ang korona, you know very well what
it means, akin ang lahat- lahat ng sa
‘yo... including your... dream girl! SA ISANG bench ay tila wala sa sariling
nakaupo si Shaira sa panulukang bahagi nito, malayo sa karamihan na para bang
mas nais niyang magsarili. Kanina pa siya rito, subalit kontento habang
matamang pinagmamasdan ang isang lalaking hindi pa man niya nakakaharap nang personal
ay tila nakatatak na sa katauhan niya ang lahat ng maaaring maganap sa kanila. Hindi
niya mawari, pero ginigitian ng butil- butil na pawis ang kanyang noo. Bakas sa maamo
niyang mukha ang matinding suliraning bumabagabag sa kanyang kaibuturan. Hindi
lang minsang nanulay ang butil ng luha sa kanyang pisngi. Hindi niya nais gawin
ang ganitong klaseng trabaho subalit batid ng Diyos na siya’y walang mapagpipilian. HALOS mabutas ang punching bag sa tindi ng mga
suntok na ibinabaon dito ni Arrex. Pakiwari niya ay mukha iyon ng kanyang
magiting na katunggali at ang pag- eensayong ginagawa niya ngayon ay ang aktuwal
na paglalaban na! “Kid, time is up!” sigaw ng kanyang longtime manager habang
nilalapitan siya nito, kasunod ang alalay na maagap na nag- abot ng tuwalya at bote ng mineral water sa
kanya. “Kid, this is just a practice. But the way I look at you, para bang
nakikipaglaban ka na,” anang manager niya. “I know very well kung gaano kalaki
ang kagustuhan mong mapagwagian ang labang ito. Pero mas makabubuti sigurong. .
magpigil ka ng emosyon mo.” Napatangu- tango siya. Siya namang pag- alingawngaw
ng tinig na pumukaw sa kanyang atensyon. “We love you, Arrex Domingo!” sigaw
mula sa kalumpon ng limang kababaihang base na rin sa mga suot na uniporme ay
mga kolehiyala. Pawang may itsura at hindi basta- basta ibabale- wala. Subalit
ang maiitim niyang mga mata ay hindi natuon sa mga ito kung hindi sa babaing
nasa harapan ng mga ito na bagama’t nakatuon ang paningin sa dako niya’y tila
lagus- lagusan lang ang titig sa kanya
ng malamlam na mga mata nito habang nakapangalumbaba. What a pretty face. . sa
sarili’y naibulong niya, hindi na napaknit pa ang matiim na pagkakatitig sa
babaing halos ay ilang hakbang lang naman ang agwat buhat sa lugar na uupuan
sana niya. “Arrex! Come up here, please!” muling hiling ng mga kolehiyalang
labis ang kasiyahan nang panhikin niya ang mga ito. “Well, inyo na ang
penmanship ni Idol,” wika ng isang pilya ang ngiting sumilay sa mga labing pinapula
ng may- kakapalang lipstick. “Basta ako,
ang souvenir na hihingin ko sa kanya.. ‘yong tipong pati sa panaginip ay
madadala ko.” At isinunod nitong ilabas ang automatic camera. At isa- isang nagsipag- pose ang mga ito sa tabi niya. Pero nang may
nagsuhestiyon na grupo naman ang kunan, bigla ay nagkaroon ng problema. “Who
will give us a group shot?” “I’ve got an idea.. ” anang isang naipukol ang paningin
sa babaing nakaupong hindi alintana ang komosyong nagaganap sa gawing itaas
nito. “Miss, I hope you don’t mind. . puwede bang. . Miss ?” Napapiksi ang
tinawag na babae, kagyat na napalingon at hindi nito inaasahang magtatama ang
mga mata nila. Tila napapasong mabilis nitong binawi ang sariling paningin mula
sa kanyang mga mata. “H- huh? A- ano ‘yon, Miss?” anito. “I hope you don’t mind.
Medyo nagkaproblema kasi sa grupo. . walang kukuha sa amin na kasama ang aming
idol. Puwede bang. .” Nagpaunlak naman ang babae na halatang asiwa. HABANG isine- set ng nanginginig na mga daliri ang camera ay
hindi maiwasan ni Shaira na hindi panlamigan ng pakiramdam. Kitang- kita niya sa lens ng camera ang maiitim na
titig ng boksingerong pinagkakaguluhan ng mga kolehiyala, walang kakurap- kurap. Na para bang bagama’t malayu- layo ang agwat nila ay parang magkaugpong ang
mga paningin nila. “Miss, okay ka na ba?” tanong kapagdaka ng isa sa mga
babaing halatang hirap na hirap na sa pagngiti sa tagal ng flash ng camera. “A,
o- oo, okay na.. ” At ipinagkaloob niya
sa lima ang hinihintay ng mga itong liwanag ng camera. Nang magpaalam ang mga
kolehiyala at bilang tugon sa mainit na pagtanggap ng mga ito sa kanya, hindi
ipinagdamot ni Arrex na halikan siya ng mga ito sa pisngi. Nang ganap na
maitaboy ng guwardiya palabas ang limang kolehiya, ang babae namang nakatayo sa
ibaba ang binalingan niya. “Ikaw rin, Miss. .” “A, Ted, hayaan mo muna siya
rito,” sansala niya rito. “Sagot kita, don’t worry.. ” Naging hudyat iyon para
ganap na itong lumabas ng bulwagan. “HI.
.” BATI ng malamig at buong tinig ng isang lalaki. Hindi makapaniwala si Shaira
na napakaguwapo nito. Arrex Domingo was more than she could imagine noon pa
mang inihahabi ito sa harapan niya ng mga taong nakadaupang- palad
niya nang hindi inaasahan. Na siyang may pakana sa lahat ng ito! At kung bakit
siya nandito ngayon, kaharap ang boksingerong alam niyang naging tanyag dahil hindi
lamang limang beses itong nagkaloob ng karangalan sa Pilipinas, sa mga panalo
nito tuwing sasapit o ipagdiriwang ang ASEAN games. Totoong matagal din siyang
nangarap na makaharap ito personally pero hindi sa pangyayaring nakaukit na sa
libro ng mga taong nasa likod ng pagkakatuntong niya sa bulwagang ito. “Kanina
pa kita pinagmamasdan, Miss. You seem to be drowning in your solitude.
Nakatingin ka yata sa akin.. pero para lamang akong X ray machine na lagus- lagusan sa ‘yong mga mata.” Napalunok siya,
hindi agad nakapangusap. Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
Hindi pala madaling gawin ang scripted nang pangyayari. Napakahirap. “Naintriga
ako sa ‘yo simula nang makita kitang parang wala sa sarili mo. I hope na hindi naman
ako magmu- mukhang pakialamero sa buhay
mo, Miss. Pero siguro, talagang hindi puwedeng matapos ang araw na itong hindi
ko makikilala ang babaing pumukaw ng atensyon ko.. ” Maang pa rin siyang
nakatitig dito, awang ang mga labi. “You’re cute and pretty sa itsura mong
‘yan,” patuloy niya. “So innocent yet so. . desirable. .” Napakislot siya nang
maramdaman ang mainit na hininga nitong dumapyo sa kanyang balat sa halos ay
gadipa na lamang na agwat nila. At tila waring signal iyon para umatras siya sa
isang labanang nakatakda niyang kaharapin na wala siyang kahandaan! “Miss,
sandali!” Mabilis siya nitong naagapan sa siko. “Bit ” asik niya ritong totoong
hindi na niya mapaglabanan pa ang eratikong pintig ng kanyang puso. Ang hangaan
ito sa malayong distansiya ay totoong labis na nakapagpapaligaya sa kanya. Pero
higit pala ang kaligayahang isasapuso niya sa sandaling makaharap niya ito, at
madikit ang balat nito sa kanyang balat! “I’m sorry if I scared you. But
please, huwag kang umalis na hindi mo man lamang ipakikilala sa akin ang sarili
mo,” pakiusap nito. “K- kailangan ko
nang ” Napipilan siya nang mahagip ng tingin nito ang matalim na tingin ng dalawang
pares ng mga matang nasa malayong lugar sa likuran nito. Nagbabanta! “I won’t
let you go until nakilala na kita at mapapayag kitang sumama sa aking magkape man
lang sa cafeteria.” At dahil sa mga tinging iyon na dagli ring naglaho sa
paningin niya, tila ba nagkaroon siyang bigla ng lakas at katapangan. “A- ang ibig kong sabihin, kailangan ko na sigurong
makipagkilala sa lalaking idolo ng bayan, lalo na ‘yong mga sports- minded. .” Nangislap ang maiitim nitong mga
mata sa tinuran niya. “Oh, yeah?” “Sheila.. ” pagpapakilala niyang sinundan ang
sinabi ng pagkakagat- labi. “Sheila
Rael.. ” “My pleasure to meet you, Sheila.. ” At nagtagpo ang mga palad nila.
Makailang ulit niyang naramdaman ang mariing pagpisil nito sa palad niya
samantalang hindi kumukurap ang mga matang nakatitig sa kanya. “Kid! Time to
rest!” pukaw sa kanila ng tinig ng manager nitong nasa ibaba at kumakaway.
CHAPTER ONE
NANG
mabuksan ni Shaira ang pinto ng inuupahang kuwarto ay tumambad sa kanya ang isang
simpatikong mukha na kailanman ay hindi niya inaasahang mabubuglawan niya sa pamamahay
niya. “Hi!” bati nito, and she had to admit na magmula nang araw na
makadaupang- palad niya ito ay hindi na
ito natanggal sa kanyang sistema. “Won’t you let me in?” dugtong nitong hindi alintana
ang shock na bumadha sa kanyang mukha. At bago pa niya naipagkaloob ang
bendisyon na tumuloy, pangahas na itong pumasok at siya na rin ang nagkusang
muling isara ang pinto. “For you,” anito, sabay lahad sa harapan niya ang
tangan nito sa likuran: pumpon ng mga bulaklak a bouquet of white roses! She
was shocked! “Hey!” natatawang sambit nitong kinaway pa ang palad sa tapat ng
kanyang mukha, na tila ba noon lamang siya nagising buhat sa isang napakahabang
pagtulog. “B- bakit ka a- ano’ng ginagawa mo rito?” nagkakandabulol
niyang tanong, masasal na masasal ang pintig ng kanyang puso. “Binibisita ka,
what else?” “P- pero, p- paano mong nalaman ‘tong.. ?” Naglaro ang
pilyong ngiti sa mga labi nito. At bago pa niya namalayan, ito na ang nagkusang
maglagay sa kamay niya sa pumpon ng mga rosas. Sanay siyang nakakatanggap ng
ganito, hindi nga lang kasindami ng nakikita niya ngayon. Ang mga iyon ay buhat
sa mga masugid niyang manliligaw sa patahian na hanggang ngayon ay umaasa pa
ring mapapansin niya. And what was she doing? Tila siya isang teenager na
kagyat na inihatid ang mga bulaklak sa kanyang ilong at napapikit pa ang mga
mata habang sinasamyo ang kabanguhan ng mga iyon. “Do you like them?” “Huh?” At
tila ba noon lamang niya napansin ang presensiya ng lalaki. Magkahalong pagkapahiya
at ewan ang samut- saring pumasakatuparan
sa kanya nang mga sandaling iyon, habang mabilis niyang ibinababa ang pumpon ng
mga bulaklak. “I’m glad you appreciate them. Actually, nagbabaka- sakali lang ako.” “H- hindi ka na lang sana nag- abala pa. At. . h- hindi
mo pa rin sinasagot ang tanong ko. P- paano mong nalamang ?” “If I’m not mistaken,
sinabi ko sa ‘yo kahapon.. sa kabila ng pagdaramot mong maihatid kita, I told
you, gagawin ko ang lahat malaman ko lang kung saan kita puwedeng personal na
mapuntahan. And this is it.” Maang siyang napatingin dito. “Y- you mean. .?” “Yeah, I’m sorry, sinundan kita
kahapong umuwi ka.” Gustuhin man niyang makadama ng inis para sa kapangahasan
nito ay hindi ganoon ang naramdaman niyang biglang- bigla ay sumibol sa kanyang kaibuturan. Manapa’y
napangiti siya. “I’m glad na hindi ka nagalit sa kapangahasan ko,” sambit nito.
“Magalit man ako, may magagawa pa ba ako, e, nandito ka na?” Nagkatawanan sila.
Kita niya sa anyo nito ang labis na kasiyahan. But on her part, hindi niya lubusang
maibigay sa harapan nito ang totoong kaligayahan. Dahil wala naman siyang dapat
na ipagdiwang. “If that’s the case, siguro naman ay pauunlakan mo na akong
maupo?” “Ay, o- oo, s- sige,” paanyaya niyang hindi pa rin niya
lubusang mapigilan ang sariling hindi kabahan. Tinungo nito ang single seater
ng upuang rattan at siya naman ay naupo, kaharap nito. “Kaya lang, don’t expect
me to serve you a decent snack. As you can see, I have nothing in my house.” “No
need to worry. Ang tanggapin mo lang ako rito’y kaligayahan na para sa akin.
Kalabisan nang busugin mo pa ako.” “So.. ?” “So, how have you been since we met
yesterday?” Ang maiitim na mga mata nito ay walang kakurap- kurap na nakatitig sa kanya. “F- fine. . Sabi ko naman sa ‘yo noon, ‘di ba? Hindi
mo kailangang magsilbing savior ko dahil wala namang dapat na ikabahala.
Siguro, medyo hilo lang ako dahil hindi ko pa rin mapaniwal- aang
kasama kita, ang sikat na boksingero ng bansa, nakaharap ko that day.. at
kasama ko pang magkape!” “Pero ang damot mo, kape lang ang pinahintulutan mong
gawin ko.” “E, hindi naman pala ikaw kontento nang ganoon lang.” “Dahil siguro
ganoon talaga ako kadesidido when I like the person I met.” “At hindi ka man
lang natakot na pumarito.” “Ang kagandahang tulad ng sa ‘yo, kailanman ay hindi
dapat katakutan.” “Kahit na.. hindi mo pa ako lubusang kilala?” “Kahit na.” “Bakit?”
“Anong bakit?” “Bakit mo ginagawa sa akin ito?” “Simply because I love you. .”
pahayag nitong totoong labis niyang ikina- shock, lalo pa’t muling nangahas ito sa
pagkakataong iyon na tinabihan siya sa kinauupuan niya at walang kaabi- abisong ginagap ang palad niya. “A- Arrex. .” “I’m not sure if this is the right
time to tell you this. Pero sinungaling ako kapag sinabi kong bale- wala sa
akin ang unang pagkikita natin kahapon, at ako na rin ang pinakasinungaling na
lalaki kung sa kabila ng pagkakataong itong ipinagkaloob sa akin ng Diyos. . ay
pakakawalan pa kita.” Bulaklak man ng dila o hindi, totoong hindi maitatatwa ni
Shaira ang kaligayahang sumakanya sa mga ipinahayag nito. “Talk now, Sheila.” “A-
ano ba ang puwede kong sabihin?” shocked
pa ring balik- tanong niya. “That like
me, you love me, too.” “Nang ganoon kabilis?” “Wala sa haba ng pagkakakilala ng
tao ang usaping may kinalaman sa nararamdaman ng kanyang puso. Madalas, kung
sino pa ‘yong may long engagement ‘yon pa ang nagkakaroon ng problema in the
end.” “At ano naman ang puwede mong maging paliwanag sa ginagawa mong ito sa
akin?” “Love.” Nais niyang tawanan ang mga pangungusap nito. “Tinatrato mo ako
nang ganyan ngayon, Mr. Domingo, samantalang hindi mo pa nga kilala ang kaharap
mong sinasabihan mo ng mga words of love.” “Ano ba ang gusto mong alamin ko?” “Paano
kung... mayroon na pala akong asa ” “For sure, wala. Dahil sayang naman ang
halos apat na oras kong pagmamatyag kahapon dito. Aside from that, sigurado
akong wala kang asawa, tulad ng sinasabi mo dahil iyon ang pinatunayan sa akin
ng kasera mo.” “Grabe ka!” Totoong hindi niya nagawang mapigilan ang hindi
makadama ng amusement sa pagkamasigasig nito. Natapik pa nga niya ang palad
nitong nakagagap pa rin sa palad niya. “Now, what else do you want me to prove
para lamang huwag kang mag- alinlangang.
. tanggapin ang pag- ibig ko?” anito,
marahan nang inihahatid ang palad niyang tangan nito sa tapat ng mga labi nito.
At nang ganap nito iyong maihatid doon, buong pagsuyong ginawaran nito iyon ng
halik. “R- really, I don’t know what to
say. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong treatment. At sa totoo lang,
ngayon lang ako nakakita ng lalaking sobra pa sa pagkadesidido ang pagkatao.” “Because
you deserve this kind of treatment. Hindi mo lang alam, nang paunlakan mo akong
samahang magkape, you made me deliriously happy. At isang bagay lang ang
pinatunayan ko sa sarili ko. Hindi doon matatapos ang unang paghaharap natin.
Now, are you willing to be my lady? My sweetheart?” Gusto niyang maluha sa
fondness na ipinakikita nito sa kanya and, at the same time, makadama ng hiya
para dito. Kung lubusan nga lang sana niyang maipapakita rito ang totoo niyang nararamdaman,
kung lubusan nga lang sana niyang masusuklian ang kaligayahan nito, gagawin
niya. For all she cared! “Sheila,” tila worried na naman ang tinig na untag
nito sa kanya. Nang akbay na siya nito sa kanyang balikat ay marahan na rin
niyang iniangat ang mukha niya. “What’s wrong?” tanong nito. Umiling siya,
frantic. “N- nothing is. . w- wrong with me.” “No. There is something wrong
with you dahil ganyan ka rin kahapon nang magkita tayo sa gym.” Batid niyang
desidido itong alamin ang totoong saloobin niya kung paanong desidido rin itong
makuha ang pag- ibig niya. Subalit saan
naman kaya siya puwedeng kumuha ng lakas ng loob para ipagtapat dito ang totoong
gumugulo sa kanyang utak? “Sheila, c’mon, speak up. I can see sorrow in your
eyes.” “A- Arrex, s- sana lang. . huwag kang masyadong maniwala sa
ibinubulong ng puso mo.” Shame, ano ba naman ang kinalaman ng bulong ng puso
nito sa totoong kasagutan sa tanong nito? “Pero, ‘yon ang totoo. I do really
love you.” “Pero.. ” Totoong nahilam na ng luha ang tagiliran ng kanyang mga
mata. “C’mon, Shiela. I can see in your eyes that the feeling is mutual,” wika
nitong muling nangahas, this time, na halik ang ipinantuyo sa luhang namalisbis
sa kanyang pisngi. Na totoong labis niyang ikinaligaya. Lubus- lubusang
ikinaligaya. “And don’t make it too hard for us na tanggapin iyon.” “K- kadalasan, namamali tayo sa ibinubulong ng
ating mga puso.” “Not me, my lady. Dahil minsan ko lang binigyan ng
pagkakataong pagsinungalingan ako ng tibok nito. Iyon ay noong nasa Japan pa
ako at ” “At. .?” “At labis kong pinagsisihan iyon. Now that I have you. Ikaw
ang idinidikta nito,” anitong itinuro ang tapat ng sintido. “At ibinubulong nito
” gayundin ang tapat ng puso. Sabay sa pagbaba ng palad niyang tangan nito sa
tapat niyon. Samantalang ang isa naman ay sa kanyang baba habang marahang
lumalapit ang mukha nito sa kanyang mukha. “A- Arrex. .” Hindi niya ganap na mabigyan ng kaukulang
depinisyon ang kaligayahan, kiliting sumasapuso niya sa napipintuhong nais
nitong gawin sa kanya. “I love you. . that’s all I know for now. .” At nagtagpo
ang mga labi nila. Upang pagbigyan ang lubhang napakaagang katok ng pag- ibig! “I’M JUST wondering kung bakit pumapapel
akong parang alalay mo sa ganitong mga pagkakataon,” ani Shiela sa himig na
nagbibiro kaysa nagrereklamo, samantalang pinapahid ang pawis na nasa katawan
ng katatapos pa lamang na nag- ensayong
si Arrex. “Because your heart insisted you to do it. At wala kang lakas para
tanggihan ang ibinubulong ng puso mo.” “Ang corny mo talaga!” nakatawang sambit
niya rito, kinurot ito sa tagiliran. “Ewan ko lang kung pang- ilan na ako sa mga babaing nasabihan mo ng mga
kabuladasan mong ‘yan!” “Walang nagmamahal na hindi nagiging corny,” wika naman
nitong hinuli ang palad niya at walang- inhibisyong tinaniman iyon ng padamping halik.
“Ikaw pa lang, honest!” “Siguro nga. And please, don’t you dare na sisihin mo
ako sa sandaling maubusan ka ng lakas.” “But why?” “Dahil po.. ikaw lamang ang
boksingerong alam at nakilala kong gustong mayroong babae sa tabi niya during
his practice.” “You’re an inspiration to me. Pakiramdam ko, kapag nandiyan ka
sa tabi ko.. panalo na agad ako hindi pa man.” Nais niyang ikapanlumo ang
narinig. Sa bawat paglikwad ng mga araw na nagkakalapit pa sila nito nang
husto, unti- unti niyang nararamdamang
bumubukas ang pinto sa kailaliman ng kanyang puso. Hudyat para hindi niya
tanggihan ang napakabata at napakaagang pag- ibig ni Arrex Domingo! “I WANT you to be with me on the day of my fight,”
himig- naglalambing na sabi ni Arrex habang
nakahimlay ito sa kanyang kandungan, samantalang hinihimas niya ang buhok nito.
Nasa loob sila ng kuwartong inuupahan niya, na hindi maglalaon ay nakatakda
niyang iwan upang ganap na kalimutan ang lahat ng alaalang iniukit nito sa
kanyang sistema. Kasama ang pinagsaluhan nila ng lalaking ngayo’y muli niyang
kaulayaw. Sino ba ang gagang tatanggi na mapanood mismo sa laban ang kanyang
pinakamamahal? Wala. At lalong hindi siya. Subalit batid niyang ang lahat ng
ito ay mayroong hangganan. At iyon ay nakatakdang maganap sa araw mismo ng laban.
Tulad ng idinikta sa kanya, maglalaho siyang parang bula sa buhay ni Arrex
Domingo pagkatapos ng palabas. “There you go again, sinosolo mo na naman ang
nasa isip mo.” “No need to worry about me, Arrex.” Tumayo ito at siya naman ang
pinaupo sa kandungam nito, at inayos ang ilang hibla ng hanggang- balikat niyang buhok na tumabing sa maamo
niyang mukha dahil sa hangin mula sa bentilador. “No. Nang magkaunawaan ang mga
puso natin right after the first day na nagkita at nagkakilala tayo, may
karapatan na akong malaman ang mga bagay na gumugulo sa isipan mo. Now tell me,
sweetheart, what is it?” Dinampian nito ng mainit na halik ang kanyang mga
labi. Ang pagdampi ay nagkaroon ng lalim. Tumagal. “Oh, Arrex!” Halos ay
habulin niya ang sariling hininga nang bitiwan nito ang kanyang mga labi. “Tell
me.” “Wala iyon, sabi ko, hindi ba?” “I don’t believe you. Nararamdaman kong
may kung anong bumabagabag sa iyo.” “Gusto mong malaman ang totoo?” “Karapatan
ko bilang kasintahan mo.” “N- natatakot
ako, Arrex. .” “Afraid of what?” “Na pagkatapos ng mga sandaling ito.. w- wala na rin t- tayong lilingunin,” amin niya sa totoong nararamdaman.
Hindi sa totoong alalahaning bumabagabag sa kaibuturan niya. “Hindi kailanman
matatapos ang kasisimula pa lang natin, sweetheart. Don’t worry. You have my word.”
“P- pero. . h- hindi mo pa ako lubusang kilala.” “Ulila ka
nang lubos. Nawalan ng kapatid at nag- iisang namumuhay sa tahanang ito. At ang pagkakasulpot
ko sa buhay mo. . isa nang matibay na palatandaan. I was meant for you and you
for me. Another thing, nang magsanib ang mga katawan natin five days ago, nang
malaman kong I was the first man in your life. . what else, sweetheart? Ano pa’ng
bagay na nakapagpapagulo sa isip mo?” Ang kalimutan ka pagkatapos ng lahat. .
nais niyang sambitin subalit napigil niya ang sarili. Saan siya puwedeng
pulutin sa sandaling malaman nito na ang lahat ng pagpapaubaya niya rito ay isa
lang palang. . palabas? “Now,” patuloy nito. “Kung ang pagiging sikat o ang
mundong ginagalawan ko ang dahilan ng mga pananahimik at alalahanin mo, after
my fight, sweetheart, promise. . no more ring and gloves. Ikaw na lang ang
pagpa- practice- an ko at ang mabubuo natin. . ngayon. .”
Sinundan nito iyon ng dahan- dahang
paghimlay sa sahig at mula roo’y buong pagsambang tinitigan ang kanyang
kabuuan. “Oh, Arrex!” “Trust me, sweetheart, as much as I’ve trusted you.. ” At
saka siya nito tinaniman ng mga halik sa kanyang kabuuan. Ano pa’t sa ikalawang
pagkakataon ay nagpaubaya siyang maangkin nito. Hindi sa kung ano pa man, kung
hindi dahil sa ang lalaking ito lamang ang pinapangarap niyang makaangkin sa kanya
noon pa man, kahit sa pangarap lamang. Subalit hindi niya sukat akalaing ang
lahat ay magkakaroon ng katotohanan, ng katuparan. Ah, wala na siyang
mahihiling pa. Kahit ngayundin ay mamatay siya. Huwag lamang mangyaring. . ang
magandang sinimulan nilang dalawa ay mauwi sa pagkamuhi at pagkasuklam nito sa
kanya. DI- MAHULUGANG karayom ang Rizal Coliseum.
Nasino na lahat ni Arrex ang nasa gawing unahan ng bulwagan subalit wala roon
ang pamilyar na mukha, tulad ng kanyang inaasahan, inaasam. What happened to my
only inspiration? mapait na tanong niya sa sarili habang tila de- susing laruang nagpatianod sa paghuhubad sa
kanya ng kaibigan, na siyang kumakatawan sa kanya sa kanyang nai- close na business deal sa Thailand si Jimmy. “Pare, what’s up! Your face is so
gloomy. Baka hindi iyan makatulong sa laban mo ngayon.” “W- wala siya, pare ” “You know I’ve never met her
yet. Ang mga pagkakakilanlan ko lang sa kanya ay base sa pambi- build up mo sa kanya sa phone.” “She’s not
going to cheer me,” punung- puno ng kalungkutang
sambit niya. “Pare, c’mon, you’ve been longing for this fight at huwag mong
hayaang masira ang konsentrasyon mo dahil lamang sa babaing iyon. .” Nagpawala
siya ng maingay na buntong- hininga. Sana nga ay hindi siya maapektuhan ng
pagkawala ng presensiya ng isang buwan pa lamang na nagiging nobya. Too short a
time, yet minahal na niya nang ganoon katindi. Oh, Shiela, where are you,
sweet? taghoy ng nagdadalamhating puso niya.
WALANG kagana- gana, isang sikmat
sa tagiliran ang tinanggap ni Arrex buhat sa katunggali nito, na hindi pa man
ay nais nang ipagbunyi ang napipintuhong pagkapanalo sa labanang nagaganap. Sadsad
siya sa lapag. Mabilis siyang binilangan ng referee. “One.. ! Two.. !” “Tayo,
kid! You have to win!” malakas na magkapanabayang sigaw ng manager niyang si Jhun
at si Jimmy, gayundin ng halos ay ilang taon na rin niyang mga supporters. Nagsumikap
siyang makabawi; halos ay busarga na ang kilay niya. Subalit talagang hinang- hina na siya. Physically and.. emotionally. “Kid,
you have to fight!” sigaw muli ni Jimmy na nanggigipupos sa kawalan niya ng
gana sa pakikipagtunggali, na lagi na’y all out ang support sa kanya, sa bawat
laban niya, lalo na sa labang ito. “Eight! Out!” He bit his lips at sa utak ay
napamura. Lalo pa’t kitang- kita niya
ang matinding pagbubunyi sa sulok ng mga mata ng nagwaging katunggali si Aldrin!
CHAPTER TWO
“HOW COME
you lost the fight, Kid Arrex?” tanong ng isang reporter na taga- Viva Tee Vee na siyang nag- cover sa labang iyon. “Maybe, just maybe..
it’s not really mine,” matabang niyang pahayag, paminsan- minsan ay tinitingnan ang kinaroroonan ni
Aldrin Carbonel na mas marami ang dumumog na press bilang pagpapatunay na ito
na ang kikilalaning kampeon sa ring. “H- hindi kaya. . hindi mo kaya inabuso ang sarili
mo? I mean. .?” “No!” tila napipikong tugon niya. In his subconscious mind,
hindi niya matanggap na tama ang reporter. Binalaan siya ng kanyang manager sa
walang- katapusang mga paalala nito sa
kanya. No liquor, no sleepless nights hangga’t hindi natatapos ang laban nila
ni Aldrin. No women. . but what did he do? Siya at wala nang iba pang dapat
sisihin sa nangyaring ito sa kanya. “Pero marami ang naniniwalang benta raw ang
laban. Is it true, Kid Arrex?” Pumait ang pakiramdam niya pero agad din siyang
nagbigay ng komento. “No. Hindi ako maghihirap nang ganito kung ibebenta ko
lang ang labang ito. I’m not going to make a fool out of me!” ANG LAHAT ng naging pahayag na iyon ni Arrex
ay buung- buo at walang kaputul- putol na napanood sa TV screen ni Shaira. Hindi
niya napigilan ang mapaiyak. Siya ang dapat sisihin sa nangyari sa binata.
Napakasama niya. Wala siyang kasinsama sa pagpayag na magpagamit sa dalawang
walang kaluluwa. Matinding galit ang nakikita niya sa mga maiitim na mga mata
ni Arrex habang sinasagot ang mga katanungan. Galit na batid niyang para sa
kanya. Oh, God! Isang bagay lang ngayon ang hinihiling niya. Ang huwag nang
muli pang pagtagpuin ang landas nilang dalawa ng binata. If it were really true
na maliit lang ang mundo, sana’y huwag nang maging applicable iyon sa kanya. Tama
na ang minsang paghaharap. Dahil ang mga susunod pa’y hindi na niya tiyak kung makakayanan
pa niya. Hustong nai- zipper na niya ang
maliit na maletang nakatakda niyang dalhin nang siya namang pagbukas ng pinto
ng maliit na kuwartong inuupahan niya at iluwa niyon ang pamilyar na mukhang
kahit siguro sa kamatayan ay hinding- hindi niya malilimutan. “Hello, my dear
friend! Ano’t alsa- balutan ka? Where
are you going?” Maharot ang tinig na tanong sa kanya ng babae, very sexy and seductive
sa suot nitong miniskirt na kulay- tanso
at hanging blouse na halos ay maglabas sa kaluluwa nito. “Ano’ng ginagawa mo
rito, Gigi?” Bakas sa tinig niya ang di- matingkalang galit at pagkamuhi rito. “What
else but to congratulate you for a job well done? At tuloy, para ibigay sa ‘yo
ang premyo sa napakahusay mong pagkakaganap sa naging palabas mo.” Bale- wala rito ang galit na ibinubuga ng mga mata
niya, pilit nitong iniabot sa kanya ang bungkos ng salapi na sa tanang buhay
niya’y ngayon lang niya nakita. “Hindi ko kailangan ‘yan at makaaalis ka na!” aniyang
tinalikuran ito at ang pagsisilid ng ilang mahahalagang bagay na nasa tokador
ang hinarap niya. “Stop being a hypocrite, my friend. You badly need this
money. Para makalayo ka at makapagsimula ng panibagong buhay. And who knows. .
magbunga ang.. ” “Stop the bullshit, Gigi! Minsan mo nang minaliit ang pagkatao
ko! Ipinakain mo na sa akin ang apoy nang sapilitan, kaya huwag mo nang dagdagan
pa ang galit na nandirito sa puso ko,” aniyang maluha- luha. “Oh, I’m sorry, Shaira.. ” Kunwa’y
touched naman itong nais siyang sugurin ng yakap ngunit mabilis lang niyang
iniiwas ang sarili. Kung dati- rati’y labis niyang ikinatutuwa kapag ganitong
nagkakalapit sila, ngayo’y hindi na. “Get out, Gigi! Umalis ka na ngayundin at huwag
mo nang hilingin pang magkita tayong muli!” “Oh?” nang- aasar ang tinig na sambit nito, at nagsindi ng
sigarilyo. “Later, my dear. You’re such in a hurry. Hindi ko pa nga alam kung
saang impiyerno ka pupunta, eh.” “For sure,” aniyang naniningkit sa galit ang mga
mata, “walang mga demonyong paris n’yo sa pupuntahan ko.” “Oh, thanks. But at
least I know na hindi ka sisira sa kasunduan natin. Mahirap na.” “Matapos kong
gawin ang karumal- dumal na gawaing
iyon, do you think na may mukha pa akong ihaharap kay Arrex Domingo? Utang- na- loob, umalis ka na bago ko pa makalimutang. . minsa’y
naging kaibigan kita.” “A very good friend, Shaira. Don’t forget the term.” Napabuntong-
hininga siya. At napapiksi nang haplusin
nito ang kanyang naka- ponytail na buhok.
“Okay, as you wish, I leave. But I want you to take this.” “Hindi ko kailangan
‘yan! Leave me alone!” Nagkibit- balikat
ito, napapalatak na lumabas ng bahay. ANG
TOTOO, hindi alam ni Shaira at wala siyang ideya kung saan siya tutungo matapos
umalis ng inupahamg kuwarto sa loob din ng halos tatlong taon ayaw man niya
dahil totoong nasa Maynila ang kabuhayan. Bagama’t maliit lamang ang sinasahod
niya bilang sewer sa isang pabrika, nakatutustos naman iyon sa kanyang
pangangai- langan. Hindi naman siya materyalistikong tao.
Sapat na sa kanya ang may makain sa araw- araw at may isinusuot na damit na matino. Pero
matapos ang lahat ng naganap, wala nang dahilan para tumigil pa siya sa lugar
na ito na minsan ding naging paraiso sa kanya, subalit hindi niya sukat
akalaing siya rin palang magsi- silbing impiyernong papaso at lalapnos sa kanyang
katauhan. Patawarin mo ako, Arrex Domingo, Tulad mo’y biktima rin ako, walang
napagpilian kundi ang gampanan ang hinihinging kabayaran sa aking naging pagkakautang..
“Miss, diyaryo!” alok sa kanya ng vendor. Prantiko siyang umiling at
ipinagpatuloy ang paglalakad. Kung saan siya papadparin ng mga paa, wala siyang
alam. Ang tanging alam niya, sariwang- sariwa pa ngayon sa kanyang alaala ang naging
ugat ng lahat ng ipinagkakaganito niya. . “ATE. . H- HINDI ako makahinga. .” Mahigpit ang pagkakakapit
sa kanyang palad ng kaisa- isa niyang kapatid,
edad- siyam. “H- Hero, m- makakaligtas ka, pangako, makakaligtas ka.. ”
aniya ritong halos ay maligo na sa sariling dugo dahil sa tinamong aksidente
habang pauwi ito mula sa eskuwela, malayu- layo sa kanilang inuuwiang bahay sa Deparo. Nasa
patahian siya nang tawagin siya ng isa sa kanyang mga kasamahan sa second
shift; nasaksihan nito ang aksidenteng kinasuungan ng kanyang kapatid. Hit- and- run. Hustong isinasakay na ito sa ambulansiya
nang humahangos siyang akyatin ito at maabutang halos ay wala nang buhay. “A- Ate. . m- mahal na mahal kita. .” “M- mahal na mahal din kita.” “N- natatakot ako. .” “M- mabubuhay ka, Hero. Pangako ‘yan. .” Kitang- kita niya ang unti- unting pagpikit ng mga mata ng kapatid pero
laking tuwa niya dahil patuloy naman sa mabilis na pagtibok ng puso nito. Buhay
pa ito at malaki ang pag- asa. Sa San
Lazaro Hospital unang nilunasan ito. “He suffered so much pain. Namuo rin ang
dugo sa ulo niya. . at tatapatin ka na namin, Miss. Milagro na lamang ang
tanging makapagliligtas sa kapatid mo...” “Diyos ko. .” Natutop niya ang bibig
sa takot na mapabunghalit ng iyak. WALA pang treinta minutos na lumaban sa kamatayan
ang kapatid niya. Ilang sandali pa’y hinigit na nito ang mga balikat at hindi
na nangusap pa. Hindi niya lubos- maisip
na sa napakabatang edad ay hindi ito magtatagal sa mundo. Edad- sampu lamang siya at kapapanganak lang ng
kanilang ina rito nang bawian ito ng buhay sa sakit sa puso. Buwan lang ang pagitan
ng kamatayan nito sa tatay nila. Naulila sila sa napakamurang edad. Mag- isa niyang binalikat iyon. Pilit niyang
nilakasan ang loob. Naglabandera siya upang kahit man lang high school ay
matapos niya. Kontento niyang inihahabilin ang bunsong kapatid sa kanyang
Ninang Emy na ina ng itinuring niyang matalik na kaibigan at kapatid na rin si
Gigi. Kapwa sila disiotso ni Gigi nang ang Ninang Emy naman niya ang igupo ng
sakit na high blood pressure, na lubhang ikinapaluha ng kanyang kalooban. Subalit
sa laki ng pagtataka niya, parang hindi naapektuhan si Gigi. Katuwiran nito:
“Bakit naman ako malulungkot? Sa totoo lang, Shai, tuwang- tuwa ako. Kasi, matutupad na ang pangarap kong
makapunta sa Japan. Si Inay lang naman ang hadlang. Kung anu- ano ang nasa isip, eh, nasa babae naman ang kung
anumang ikasasama niya. At saka, gaga ba naman ako para magpaloko sa mga
Hapon!” “P- pero. . hindi matutuwa si
Ninang kung malalaman niyang susuwayin mo siya.” “May magagawa pa ba siya, eh,
patay na siya! Isa pa, kung magmumukmok ako rito Aba naman, baka ugatin na itong mga binti ko,
hindi ko pa rin natitikman magsuot ng usong sapatos. At hetong mga braso ko,
baka hanggang plastic na relo lang ang matikman. Alam mo ba, Shai, na gusto ko
rin namang makapagsuot ng Swatch, Gucci at kung anu- ano pang signature, ‘no! At kung hindi ako
kikilos ngayon, kailan ko pa matutupad ang mga pangarap ko!” “Pero. .” “Hay,
naku, puro ka na lang pero. . ayaw mo bang sumama?” Nang mahigpit siyang
umiling ay napahagikhik ito. “Nahawaan ka na ng pagka- old maid ng nanay ko. Well, sabagay kung meron
kang kapatid na tulad ni Hero na inaalagaan pa, hindi kagaya kong malaya na at nag-
iisa, talagang hindi ka makakapunta sa
nais mong puntahan. Pero hindi bale, friend. Hindi naman ako magsosolo. Isa pa,
karamay kita sa bawat tagumpay ko. In fact, mabuti nga at kinausap mo ako
ngayon, eh. Balak ko kasi, tatlo tayong luluwas sa Maynila. Nandoon kasi ang
manager ko at ang promotions office na pagpa- practice- an namin. . “Huwag kang tatanggi, gaga! Minsan
lang kakatok sa buhay natin ang pagkakataong makarating sa Maynila nang hindi
natin kailangang maghirap para sa pamasahe paluwas doon. Sawang- sawa na ako rito sa Linguig. At alam kong ikaw
rin. Kaya kung magdadalawang- isip ka
pa, bahala ka. Pero kung ako sa ‘yo, magsisimula na rin akong mag- impake ng mga gamit ko.”
CHAPTER THREE
NAKALUWAS
nga sila sa Maynila, at sa tulong ng isang biyudong nagngangalang “Eduardo
Castro” ay madaling naayos ang pagpunta ni Gigi sa Japan. Hindi na pinagtakhan
ni Shaira ang pagiging liberal ng kanyang kaibigan sa pagiging mapagbigay nito
sa paghawak- hawak, paghimas- himas at paghalik- halik dito ni Mr. Castro. “Naaalis ‘yan sa
paligo, ‘no! At gasino na ang isang halik kapalit ng karangyaang ibibigay niya
sa akin sa sandaling mapaalis niya ako? Mga lapad, Shai, magbibilang tayo ng
mga lapad.” Napailing na lang siya sa katuwiran nito. Ito pa rin ang Gigi na
kahit noon pa mang nasa high school sila ay laro lamang ang pagpapalit ng
nobyo. At sa napakamurang edad nakaranas na! Iyon ay batay na rin naman sa
kuwento nito. Hindi nga nagtagal ay umalis ito patungong Japan. At tulad ng
sinabi nito, siya ang personal na tumatanggap ng mga padala nito. Ibinangko
niya ang mga iyon at ni isang kusing ay wala siyang ginalaw. Dahil noong mga
panahong iyon ay pinalad siyang matanggap bilang sewer sa pabrika. Ngunit
naaksidente nga ang kapatid niya. Pilit niyang binigyan ito ng marangyang
libing sa probinsiya, katabi ng puntod ng kanilang ina. Pagbalik niya sa
Maynila ay saka niya isinulat sa kaibigan ang nangyari, maging ang pagkakagalaw
niya sa pera nito. “Huwag kang mag- alala, bruha, pera lang ‘yan, ‘no?” tugon ni
Gigi sa telepono nang mag- long- distance
call ito sa kasera nila. “Nahihiya ako sa ‘yo, Gi. P- pero. . w- wala naman akong magagawa.” “Alam ko naman
‘yon, don’t worry. At huwag mong problemahin ang sarili mo. Who knows, sa ibang
araw ay makaganti ka rin sa akin, hindi ba?” “Kahit siguro ano’ng ipagawa mo sa
akin, Gi. Makabayad lang ako ng utang ko, kahit ano, gagawin ko.” ISANG araw ng Sabado, ikinagulat niya ang di-
inaasahang
bisitang napagbuksan niya ng pinto ng inuupahang bahay. “G- Gigi.” “Hello! Moshi! Moshi!” anitong sinugod
siya ng yakap. “Akala ko’y hindi ka na babalik! Mantakin mong tatlong taon ka
sa Japan!” “Malakas lang ang loob nitong kaibigan mo, gaga! Kaya lang,
nagkahigpitan. Sinuyod ang lahat ng TNT, eh. Kaysa naman makulong ang beauty
ko, uwi na lang. Anyway, no regrets naman ako.” “Grabe ka! Ang ganda- ganda mong lalo.” “At ikaw, mukha ka nang
sinulid sa katatahi mo sa pabrika” “Ikaw naman,” tila nahihiyang turan niya.
Totoo naman, sa hitsurang- hitsura lang,
malayo na ang agwat nito sa kanya. Lalo itong pumuti; idagdag pa roon ang
magagarang nakakabit sa katawan nito. Natupad nito ang ambisyon! Medyo
natagalan din siya sa paghahanap sa maipapameryendang tiyak niyang magugustuhan
nito. Malamig na malamig na Coke at hamburger buhat sa kanto. Papasok na siya
sa tarangkahan nang makita niya ang isang sasakyang ngayon lamang niya nakitang
pumarada sa tapat ng inuupahan niyang kuwarto. Out of curiosity, sinino pa muna
niya sa tinted na salamin ng kotse kung sino ang nasa loob niyon. Wala. Napatda
siya nang malamang nasa loob na pala ng bahay ang may- ari ng magarang kotse. “Siya ang sinasabi ko
sa ‘yong kaibigan ko, Aldrin. Si Shaira,” pagpapakilala ni Gigi sa lalaking nakaabrisete
rito. Ngumiti ang lalaking lalo pang nagdagdag sa appeal nito. The man was so
irresistible. Sino mang babae ay tiyak na magkakandarapa rito maangkin lang
ito. And obviously, ganoon ang nangyari ngayon sa kanyang kaibigang halos ay
ayaw nang humiwalay rito. “Hi, Shaira! Matagal na kitang kilala base sa pagkukuwento
ng fiancée ko. At totoo nga palang napakaganda mo.” Dagli niyang naramdaman ang
pamumula ng pisngi. Sanay siyang napupuri dahil sa pabrika’y hindi lang sampu
sa mga katrabaho niyang lalaki ang nanliligaw sa kanya na hanggang ngayon ay
umaasa pa ring tatapunan niya ng kahit na kaunting pagtingin. Subalit iba ang
dating ng pamumuri ng lalaking ito. Dahil ba sa ito’y may- sinasabi? Hindi maitatatwang mayaman ito. Kung
saang lumalop ito nabingwit ng kaibigan, wala na siyang pakialam. At upang
maiiwas lang ang sariling pamumula, nagtuloy siya sa kusina at ipinagsalin ang
mga ito ng Coke. Inilagay rin niya sa pinggan ang nabiling hamburger. “Ano’ng
masasabi mo, honey?” Naulinigan pa niyang maharot na tanong ni Gigi sa lalaki. “Papayag
ba naman kaya iyan sa ipagagawa natin?” Medyo diskompiyado ang tinig ng lalaki.
“With our convincing powers, ewan ko lang kung hindi natin mapapasunod ang
aanga- angang ‘yan.” Medyo hininaan ni
Gigi ang pagkabitaw sa huling tinurang salita. Bahagya siyang napakunot- noo sa salitang iyon ng kaibigan. Nagtatanong
ang mga matang ipinukol niya rito nang labasin na niya ang mga ito.
“Magmeryenda muna kayo, pasensiya na, Aldrin, Gigi, hindi ko kasi akalaing
magkakaroon ako ng bisita ngayon.” “Nah,” agap ni Aldrin, “you need not
explain, dear. Anything will do for us,” anitong kinuha ang baso ng Coke. Matapos
ang ilang sandali ring pananahimik ng dalawa, siya na ang nagkusang nagsalita. “Ang
mabuti pa siguro ay mamalengke na muna ako. Dito na lang kayo maghapunan.” “Huwag
na, Shai,” awat ni Aldrin. “Anyway, hindi naman kami magtatagal. ‘Di ba,
honey?” Marahang tumango si Gigi. “To tell you frankly, Shai. Last month pa ako
nandito sa Pilipinas.” “Ang daya mo.” “Hindi nga lang ako agad na nakaparito
dahil may mahalagang bagay na inaasikaso itong honey ko,” anitong sinundang
kintalan ng halik ang mga labi nang gumanti rin naman ng halik si Aldrin. Nais
niyang makadama ng hiya sa ginagawa ng mga ito sa kanyang harapan. Pero
nagpatay- malisya na lang siyang tumayo
upang muling magsalin ng Coke sa kanyang baso. Naramdaman niyang sinundan siya
ng mga ito. “Shai. .” untag ni Gigi. “Magkano ba ang nagalaw mo sa. . sa pera
ko?” “Ay, oo nga pala! Teka at kukunin ko ang ATM mo,” aniyang pinasok ang
maliit na silid na kanugnog ng kusina. “Alam mo, Gi, hindi ko pa nga naibabalik
lahat ng nagalaw ko. Kasi, natiyempo namang nag- shutdown
ang pabrika at kailan lang uli nagbukas. Gusto kasi ng mga kasamahan kong
magkaroon ng unyon pero ayaw naman ng management. Masyado kaming hinahawakan sa
leeg ng mga kapitalistang ‘yan.” Marahang tumangu- tango si Gigi, bago muling makahulugang
tinapunan ng tingin ang nakamasid lang na si Aldrin. “P- pasensiya ka na,” aniyang iniabot dito ang ATM
card. “Magkano pa ang pera ko sa ‘yo?” tanong uli ni Gigi. “N- nasa mahigit pang... singkuwenta... mil,” amin
niyang hindi makatingin nang deretso, lalo na kay Aldrin. “At wala kang ibang
mapagkukunan para makabayad, ‘di ba?” Nakayuko siyang tumango, hiyang- hiya. “Hindi ko naman kasi akalaing nandito ka
na. “K- kung alam ko lang, kahit nakapangutang sana
ako sa mga kakilala ko.” “Hindi mo naman kailangang mangutang, Shai,” ani Gigi
na muling lumabas ng kusina, kasunod si Aldrin. “Makakabayad ka sa akin nang
hindi mo na kailangang mangutang pa,” makahulugan nitong sambit na minsan pa
niyang nahuling makahulugang tiningnan ang lalaki. Prantiko siyang kinabahan.
Hindi niya gusto ang tinatakbo ng mga pananalita ng kaibigan. Kilala niya ito. “Have
a seat,” anyaya sa kanya ni Aldrin. Naupo siyang nakaharap sa mga ito. “Alam
mo, Shai, mayroon kasi kaming sadya sa ‘yo ngayon, sa totoo lang.” Tipid siyang
ngumiti. “Magsabi ka lang.” “Ano kasi, naalala ko noong magkausap tayo sa telepono.
. at binanggit mo ang tungkol sa utang mo sa akin. . sinabi mong. . kahit na
anong ipagawa ko’y gagawin mo, makabayad ka lang sa akin.” “O- oo,” may kinig na ngayon sa tinig na turan niya.
Bakit ba ganito na lang ang salakay ng kaba sa dibdib niya? “And this is the
right time, Shai. Para mabayaran mo ang utang mo sa akin.” “A- ano ‘yon, Gi?” Bagama’t mayroon siyang kursong
ayaw niyang malaman kung ano ang nakatakdang isingil nito sa naging
pagkakautang niya’y kailangan pa rin niyang magtanong. “Simple lang, Shai,”
pahayag nito at sa tulong ni Aldrin ay inisa- isa nito sa kanya ang nais ipagawa ng mga ito
sa kanya. Na mahigpit niyang tinutulan at hindi lamang ilang beses na ikinalaki
ng kanyang ulo! “I- IBA na lang, Gi. Sa
ibang paraan na lang ang isingil mo sa akin... huwag lang ang bagay na ‘yan.” Nagsisimula
nang mamuo ang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya lubos maisip na magagawa
ito sa kanya ng kaibigan, na itinuring na rin niyang kapatid. “At ano, Shai?
Kung hingin ko sa ‘yo ngayundin ang singkuwenta mil na inutang mo, may ibabayad
ka ba?” May pang- iinsulto sa tinig
nito. Mariin siya nitong hinawakan sa kanyang balikat. “P- pero kaibigan mo ako, Gi.” “At mapapangasawa
ko si Aldrin, habambuhay ko siyang makakasama. He needs my help at ikaw ang tulong
na maibibigay ko sa kanya.” Tuluyan nang bumagsak ang luha sa kanyang mga mata.
“Honey, mukhang ayaw niya at baka mahirapan tayo?” alanganing sambit ni Aldrin.
“No! She has to obey to what I say! Hindi ko basta na lang ibibigay ang
pinagpaguran ko nang walang kapalit!” “Hindi isang bagay lang ang iwawala mo sa
pagkatao ko, Gi. H- hindi madaling gawin
ang gusto n’yong gawin ko. . a- ang
sipingan at linlangin ang isang lalaking... oh, please! Iba na lang, Gi! Utang-
na- loob.” “Kailangan
ko bukas na bukas din ang singkuwenta mil! At kung hindi mo iyon maibibigay sa
akin bukas, it only means na babayaran mo sa paraang gusto namin. Good day,
Shai!” May finality sa tinig nito nang talikuran siya. Kagat- labi siyang napahagulhol. Saang kamay ng Diyos
niya kukunin ang ganoon kalaking halaga sa napakaikling panahon? Gayunman,
hindi siya nawalan ng loob. Kinalma niya ang sarili at noong oras ding iyon ay
nagsadya siya sa patahian. Personal siyang bumale sa boss nila at hindi naman
siya nito binigo. Subalit gasino ang isang libo at limandaan na ina- allow ng may- ari ng patahian na balehin nila? Kuripot pa
naman ito. Nagbaka- sakali pa rin siya
sa ilang kasamahan, maging sa mga lalaking nanliligaw sa kanya’y kinapalan na
niya ang mukha para manghiram ng pera at hindi naman siya binigo ng mga ito. Nang
maipon niya ang lahat ng nahiram, gayon na lang ang panlulumo niya. . anim na
libo at walundaan lang lahat iyon! Kinabukasan, hindi pa man sumisikat ang araw
ay bisita na niya ang dalawa. At natagpuan niya ang sariling lumuluha subalit
tumatango sa bawat sabihin ng mga ito na sa tingin niya’y sugo ng kadiliman sa itim
na budhi. Lalo na ang kaibigan niya.
CHAPTER FOUR
PAGDATING
ni Arrex sa bahay ng namayapa nang ama sa New Manila para sa meeting na itinakda
ng abogado ng ama ay nabuglawan niya sa sala at kampanteng nakaupo ang magiting
na anak ng kanyang stepmother habang nagbabasa ng diyaryo. “Hello, my dear
brother!” masiglang bati nito sa kanya, saka inilahad ang palad nito matapos na
tumayo mula sa kinauupuan. Tila wala siyang nakitang dumeretso sa lanai. Doon
sila nakatakdang papagharapin ng kanilang abogado at wala siyang panahon para
makipag- plastic- an dito. Sinundan siya ni Aldrin. “Attorney
Mondragon will be here in fifteen minutes. Katatawag lang niya kanina at ” “Alam
ko. You don’t have to tell me every detail of it, dahil bago ka pa man
tinawagan ni Attorney ay ako muna,” sarkastiko niyang agaw sa mga sasabihin pa
sana nito. Kinambatan niya ang unipormadong kawaksi at saka nanghingi mula rito
ng mainit na kape. Panay ang taas- baba ng
kanyang dibdib. “Why don’t we sit down, Arrex? Mahaba- haba pa ang ipaghihintay natin kay Attorney Mondragon,”
anyaya ni Aldrin sa kanya na nagpatiuna nang naupo. Nagsindi ito ng sigarilyo, pagkaraa’y
humitit at isinunod naman ang pagsasalin ng brandy na lagi na’y nakalagak sa ibabaw
ng mesang naroon. Sumimsim ito roon. “Saan mo gagamitin ang pera ng papa ko, Aldrin?”
matigas ang tinig na tanong niya nang matahimik ito. Hindi ito agad
nakapangusap, parang hindi napaghandaan ang kasagutan sa kanyang tanong. Pamuli
itong nagsalin ng alak. “Answer my question, Aldrin!” “I thought napag- usapan na natin ito sa ibabaw ng ring?”
anitong agad na nakabawi, sumandal sa upuan at saka nag- shot. “I’m just claiming what’s mine, dear
brother.” “Nang walang kahirap- hirap?
Magpapasasa ka sa pinaghirapan ko rin sa third round ng naging laban natin?” “I
know kung gaano ka kagaling sa boxing and how hard you tried to win the fight,
but life’s really like that. At ako ang nagkataong nagwagi. So no hurt
feelings,” tila bale- wala nitong sabi, talking
as if centavos lamang ang pinag- uusapan
nila na lalong nakapagpapangitngit ng kanyang galit. Halos maningkit ang mga
mata niya sa galit nang dukwangin niya sa kinauupuan si Aldrin at saka uli
nagpukol dito ng panibagong katanungan. “Ano ang kinalaman mo sa biglang- biglang
pagkamatay ng papa ko, Aldrin?” Kitang- kita niya ang awkwardness na agad na lumarawan
sa mukha nito subalit hindi na nito nagawang sagutin ang tanong niya dahil siya
namang pagbungad ng humahangos na abogado. “Whew! Pardon me, guys. Talagang ang
traffic sa bansa natin, wala nang kapag- a- pag-
asang mabago. Anyway, it doesn’t change
a bit about our business today ” Natilihan ito nang maramdamang tila di- magandang situwasyong kasalukuyang naghahari
sa lanai. “You may take your seat, Attorney,” wika niya rito nang maramdaman
niya ang panandaliang pananahimik nito. Siya na mismo ang humila ng silya para
dito. “Maybe it’s high time, Attorney, na malaman ng lalaking ito ang nakasaad
sa testamento ng papa ko. First and foremost, dahil ayokong naiistorbo ako sa
negosyo ko, higit lalo kapag tungkol sa walang- kakuwenta- kuwentang bagay!” Napatangu- tango ang abogado. Isa- isa na nitong inilabas ang mga dalang papeles
mula sa attaché case nito. ANG
PANGINGISLAP ng mga mata ni Aldrin ay agad napalitan ng pag- aapoy matapos nitong marinig ang mga binasa ni
Atty. Mondragon. “That’s not true! Tell me, Arrex, that these are all lies!” “You
heard them right, Aldrin. Ten percent lang ng kayamanan ng papa ko ang
ibinibigay niya sa ‘yo, na makukuha mo lang sa sandaling may asawa ka na. But
don’t worry, hindi naman ako ganoon kasama para hindi pa ibigay sa ‘yo ang
matagal mo nang inaasam at halos ay hindi makapagpatahimik ng iyong kalooban.
Ngayon pa lang ay ibinibigay ko na ang karapatan mong maangkin ang manang
iniwan ni Papa, may asawa ka man o wala.” “Ako ang nag- alaga sa papa mo, Arrex! Higit sino pa man,
dapat ay sa akin lang mapupunta ang lahat ng ito! Isa pa, hindi ba’t pumirma ka
sa kontrata ng laban natin?” “Inalagaan mo ang papa ko when I was in Japan
doing business, yes. Inalagaang mabuhay o mamatay, huh, Aldrin?” Binigyang- diin niya ang huling tinuran sa naglalatang
niyang mga bagang. Naasiwa ito subalit agad ding nakabawi. “Damn you, Arrex!
Inuulol mo lang ako!” “Guys, guys, ang lahat ay nakukuha sa magandang usa ” “Pabayaan
n’yo kaming dalawa, Attorney,” aniya sa naalarmang abogado bago muling binalingan
ang stepbrother. “About the agreement n’ong naging laban natin, didn’t you
understand what was stated there? Pumapayag akong mapunta sa ‘yo ang kayamanang
iniwan ni Papa kasama na ang babaing nakatakda ko sanang pakasalan. Again,
kayamanang iniwan ni Papa sa ‘yo. And
that is only ten percent of it. No more no less.” “Put !” “Minsan ko pang
marinig ang salitang ‘yan sa ‘yo, Aldrin, isinusumpa ko sa demonyong tulad mo,
sasargo ang dugo sa nguso mo!” Pinitserahan niya ito sa kuwelyo. Papiksing
binawi nito ang suot, matalim na pinukol ng tingin ang abogado at saka nagpasiyang
lisanin na ang bahay na isa lang sa hinahangad nitong makuha buhat sa kanya. “Wait
a minute, Aldrin,” pigil niya rito sa braso. “Kung inaakala mong tapos na tayo,
rest assured na hindi pa. May utang ka pang dapat na bayaran sa akin. At iyon
ay may kinalaman sa pagkakatalo mo sa akin!” Simpleng pananalita, subalit
tiniyak niyang tatagos sa buto. “Ano ba ang pinagsasabi mo, Arrex?” naguguluhang
tanong sa kanya ng abogado. “Nothing important, Attorney.” “Oo nga pala, ‘yong
tungkol sa naging laban n’yo ni Aldrin n’ong isang araw, sayang, Arrex. Hindi
ba’t matagal mo nang pangarap na ” Mabilis niyang tinapos ang iba pa nitong sasabihin
sana. “Tapos na ang buhay ng pagiging boksingero ko, Attorney Mondragon. I must
admit, marami akong sinayang na panahon when it comes to business. Ang
ikinalulungkot ko lang, kinamatayan ni Papa nang hindi man lang niya naririnig
sa aking I’m serious enough to handle the business.” Nangislap ang mga mata ng
abogado. “Y- you mean ?” Marahan siyang
tumango at saka ngumiti tito. “No more ring and gloves this time, Attorney.” “Dapat
siguro ay i- welcome ka na namin sa Domingo’s
Trade and Industry.” “The earlier the better, Attorney. Tena ho’t magkape muna
tayo,” yaya niya rito sa loob ng kabahayan.
PATUNTONG siya sa labinsiyam na edad noon, bata pa kung tutuusin, pero
masyadong nasentro ang isip niya sa boxing, na sa simula ay laro lang. Pinalad
namang sa tuwing mapapalaban ay nananalo siya. Iyon ay sa kabila ng matinding
pag- ayaw ng kanyang ama sa propesyong
pinasok niya ang pagiging amateur boxer. Despite the fact na tapos siya ng
Accountancy at topnotcher pa sa board. Pero isinantabi niya iyon; lubha siyang
nalulong sa boxing. He was twenty- four
nang kausapin siya nang masinsinan ng ama at sabihin sa kanyang nais nitong
mag- asawa. Wala namang problema sa kanya.
Isa pa, he was very familiar sa babae, matagal itong naglingkod sa kompanya
nila. Kaya lang, ang medyo hindi niya nagustuhan ay ang pagkakaroon nito ng
anak na bata lang sa kanya ng dalawang taon si Aldrin, na sa unang pagtatagpo
pa lang ng mga mata nila’y may disgusto na siya rito. Pero hindi naman siya
kailangang makisama rito. He had his own life at minsanan lang kung magsadya
siya sa bahay nila ng ama. Kaya madalas, ang mag- ina ang kasa- kasama ng papa niya. Nasa ASEAN Games siya
noon nang matanggap niya ang balita through cellphone na naaksidente ang
kanyang ama’t stepmother; dead on arrival ang stepmother niya sa ospital. Ang papa
naman niya ay nabalda at mula noo’y alagain na. He was thankful sa concern na
ipinakikita ni Aldrin sa kanyang ama but not lately, lalo na nang pabulul- bulol ay naitatawag sa kanya ng ama ang mga
katiwaliang ginagawa ni Aldrin. That time, personal na niyang hinahawakan ang negosyo
nila at paminsan- minsan na lang kung sumabak
sa boxing competition. Lingid sa kaalaman ni Aldrin, lihim niya itong pinaimbestigahan.
At totoo ang lahat ng sumbong sa kanya ng ama. Gusto niya itong komprontahin pero
mahigpit siyang pinagbawalan ng ama. Hayaan na lamang daw niya ito at hindi rin
naman magtatagal ang kalokohan nito. Nasa Japan siya at kasalukuyang inaayos
ang gagawing negosyo roon nang ibalita sa kanya ng kaibigang matalik na si
Jimmy na inatake ang papa niya at hindi na umabot pa sa ospital. Sa burol,
halos hindi makatingin sa kanya nang deretso si Aldrin, as if there was
something that the damned man was hiding from him. At iyon ang isinumpa niya sa
sariling tutuklasin! Alam niyang matagal itong nauhaw sa pagbabasa ng naging
last will and testament ng kanyang ama. Subalit beforehand pa lang, inabisuhan
na niya ang abogado nilang ipagpaliban at hintayin ang kanyang warning signal. Until
the greatest dream in his life came ang maaprubahan ang pagiging professional
boxer niya. Tuwang- tuwa siya. Ang hindi
lang niya ikinatuwa ay ang malamang si Aldrin Carbonel ang kanyang makakalaban.
At ang hunghang, palibhasa’y alam nito kung gaano kalaki ang kagustuhan niyang
maging isang professional boxer, bl- in-
ackmail siya nito. Kapag natalo niya ito,
tanggap nitong wala itong mamanahin sa ama at tuloy ang kasal nila ng babaing
itinakda na niyang makasama sa habang- buhay. Subalit kung hindi, mapupunta rito ang
mana, maging ang babaing kanyang pakakasalan sana. Sa alalahaning iyon ay hindi
niya napigilan ang hindi pagtagisan ng bagang. Damned that woman! Isinusumpa
niyang nakilala niya iyon sa Japan! Si Gigi Lazardo ang nasa isip niya subalit
kung bakit tila tuksong ibang imahe ang biglang rumehistro doon! Damn! Kailan
ba siya titigilan ng kapestehan ng mga babaing ito? Ah, isinumpa niyang magbabayad
ang lahat ng nilalang na nasa likod ng mga kabiguan niya ngayon! At isa ka
roon. . Shiela! BY LOOKING at the nice
pair of legs, at the flawless skin and the pretty face, parang hindi mapaniwalaan
ni Jimmy Collado na nag- a- apply na katulong ang babaing nakatayo sa
kanyang harapan. “A- ano nga uli ang
sadya mo, Miss?” ulit niyang tanong dito. Ang taas nito ay hindi kukulangin sa
five feet- three inches; puwedeng modelo,
maayusan lang. “Katulong po, kung puwede pa?” tugon nito. “Are you sure? I mean
” “Sigurado po ako, Sir, kung kayo man po ang nakatakda kong maging amo. Dahil
wala naman po akong ibang mapapasukan kung hindi ito. Eh, kung nakatapos nga
lang po ako ng pag- aaral, di sana ”
Tuluy- tuloy sana nitong turan- paliwanag kung hindi niya iniangat sa ere ang
dalawang kamay upang pahintuin ito. “T- teka, teka muna, sigurado ka ba talaga?” “Hindi
po ako miyembro ng sindikato, kung nag- aalangan kayo. Heto po ang ID ko noong nag- aaral
pa lang ako sa high school. Ito rin po ang iba ko pang report cards.” “Pumasok
ka, Miss!” natatawa, naiiling na anyaya niya rito. PAGPASOK sa loob ng hindi
naman kalakihang bahay pero moderno at lahat halos ng mga kagamitan ay
mamahalin ay hindi naiwasang hindi lihim na humanga si Shaira. “Yaya Tilde,”
narinig niyang tawag ng lalaki sa isang babaing naglalaro ang edad sa animnapu.
Galing ito sa komedor at halatang nagluluto dahil suot pa nito ang apron. “Bakit,
Jim?” tanong nitong napadako ang paningin sa kanya. Maluwang itong ngumiti. “Nag-
a- apply siyang housemaid, Yaya.” “Siya? Housemaid?”
tila hindi rin makapaniwalang sambit ng yayang pamuli siyang sinuyod ng tingin.
Actually, ng humahangang tingin. “Hindi ka ba namamali ng pinasukan, ineng?”
nais makatiyak na tanong nito. Prantiko siyang umiling. “Aba’y alangang- alangan namang maging katulong ka. Napakaganda
mo, eh!” “‘Yon nga rin ang sabi ko sa kanya, Yaya,” sambit din ng lalaking
tinawag ng babae na “Jim.” Marahil, in short for Jimmy or Jaime. “Maupo ka muna
” “Shaira po. Shaira Alejo!” pagpapakilala niya sa nagtatanong na mga mata
nito. “Kay ganda rin pati ng pangalan mo,” sambit ni Yaya Tilde. “Salamat po.” “At
nag- a- apply kang katulong?” may kakulitan nitong
tanong. “‘Yon nga po,” makalawa niyang turan dito. “Hindi kaya meron ka lang
nais na takasan?” anitong totoong nakapagpaasiwa sa kanya. “Ang ibig kong
sabihin, mga malupit na magulang o nobyo kaya.” Tila kinapos siya sa paghinga
sa huling sapantaha ng babae subalit dagli rin niyang hinagilapan iyon ng
kaukulang tugon. “Ulila na po akong lubos,” aniyang nagpapaliwanag. Kung
pagmamasdan ang dalawa niyang kausap, animo’y mag- ina sa closeness na nakikita niya sa mga ito.
“‘Y- ’yong nag- iisa ko pong kapatid, k- kamamatay lang noong isang taon, aksidente po.
W- wala rin po akong nobyong nais na
takasan.” Hiling niya na sana’y hindi magalit sa kanya ang Diyos sa kasinungalingan
niya sa huling sinabi. “Hindi rin naman po ako nakatapos ng pag- aaral dahil sa kakapusan noon ng pera. Dati po
akong mananahi, nag- shut down ang
pabrika at mukhang malabong magbukas uli. Hindi na rin po ako nakakabayad sa
upa ng bahay na tinutuluyan ko.” “Eh, bakit hindi ka na lang mag- apply uling mananahi?” Si Yaya Tilde. “Hindi
naman sa ipinagtatabuyan ka namin, Shaira,” singit ni Jim. “Kaya lang, mukhang
hindi bagay sa ‘yo na pumasok na. . kasama sa bahay.” “K- kung hindi n’yo po ako tatanggapin, at wala naman
akong mapagpipilian kundi ang maghanap na lang uli ng ibang mapapasukan. Sige
po, a- aalis na lang ako.” “A- aba, hindi. T- teka lang,” mabilis na awat ni Jim sa kanya,
iniharang pa ang sarili sa kanyang daraanan. “Yaya ” “Aba’y bakit sa akin ka
nakatingin? Ikaw ang amo at magpapasahod at hindi ako,” nakatawa namang pahayag
ni Yaya Tilde. “Tanggap na siya, Yaya.” Marahil, sa labis na katuwaan, nasugod
niya ng yakap ang mabait na babae. “MABAIT
si Jimmy, Shaira. Solong anak lang ‘yan ng mga namayapa kong amo. Noon pa man, pagkalibing
ng mga magulang niya na halos ay sabay na binawian ng buhay sa isang aksidente
sa eroplano, itinalaga ko na ang buhay kong makasama niya,” paliwanag ni Yaya
Tilde habang inililibot si Shaira sa loob ng kabahayan. “Mukha nga po, Yaya
Tilde,” sang- ayon niya. “Wala kang
maipipintas sa kanya kung hindi ‘yong... paminsan- minsang kakulitan sa. . alam mo na, babae,”
anitong nangingiti. Binuksan nito ang di- kalakihang silid. “Ito ang silid ko. Tatlo ang
silid sa bahay na ‘to. Ang sa mga magulang ni Jimmy, sa kanya, at ‘eto nga.
Pero ang master’s bedroom ay sinakop na ni Jimmy magmula nang mamatay ang mga
magulang niya. At tulad ng bilin niya kanina bago siya umalis, itong kabila ang
sa iyo.” Binuksan nito ang pangatlong silid, na ikinagulat niya. “Huwag kang
magtaka, Shaira. Talagang walang servant’s quarter dito dahil mula’t sapul ay
ako lang ang naging kawaksi sa bahay na ito. At talaga namang walang planong
tumanggap ng kasama si Jimmy, kung hindi nga lang nitong mga nakaraang araw ay
nagiging sakitin ako. Ayaw na niya akong papakilusin pa, baka raw ikasama pa ng
kondisyon ko.” “P- pero nakakahiya naman
po kung dito pa ako ” “Katulad ng nasabi ko na, ito ang silid na nakatakda para
sa ‘yo. At huwag ka nang magtanong pa. Tenang kumain sa komedor. Mukhang gutom
ka na.” “MUKHANG magkakasundo tayong dalawa, Shaira,” untag ni Yaya Tilde na
totoong nakapagpapitlag kay Shaira. Nasa likuran siya ng bahay at inaalisan ng
tuyong dahon ang mga naggagandahang halaman doon. “Paborito ko po ang mga
halaman, Yaya Tilde,” wika niya. “Ako rin. ‘Yan lamang ang libangan ko.” “Yaya..
” aniya ritong natigil sa ginagawa nang maulinigan niya ang parang lungkot sa
tinig nito. “Wala akong pamilyang matatawag na akin, Shaira. Kung itatanong mo
ang tungkol doon, minsan lang akong nagmahal, inagaw pa sa akin ng matalik kong
kaibigan. Magmula noon, isinumpa ko nang hindi patibukin pa ang puso ko. At
itinuon ko na ang buong panahon ko sa buhay ng pamilyang ito, at ‘yan nga, sa paghahalaman.”
“I’m sorry po.” “Wala kang dapat na ipag- alala. Sa totoo, natutuwa ako para kay Jimmy,
dahil mawala man ako, alam kong may maiiwan sa kanyang mag- aalaga.
Pero sana, huwag kang gagaya sa akin, malungkot ang nag- iisa.” “M- marahil po, Yaya Tilde. . habambuhay na rin
akong magiging tulad n’yo.” “Aba’y bakit?” Hindi na siya nagbigay pa ng
paliwanag sa naging tanong nito. Ipinasiya na niya, magmimistulang libro ang
mga kabanatang kinasuungan niya.
CHAPTER FIVE
“YOU MEAN it,
Arrex?” tila hindi makapaniwalang bulalas ng kaibigan niyang si Jimmy sa sinabi
niya. Nasa president’s room sila sa opisina ng kompanya. “Hindi bagay sa ‘yo, pare!
I really never thought of you coming today and announcing you’ll be my boss
effective today.” “Isn’t it about time, Jim, na ako naman ang personal na
mamahala sa negosyong naiwan ng papa? After all, pinaghirapan niya ito,”
seryosong pahayag niya. “Good! Ang buong akala ko kasi ay si. . Aldrin na ang
magiging boss ko after the fight. Akala ko ba, kapag natalo ka niya. . sa kanya
ang lahat ng ?” “You think I’m that kind
of idiot para ibigay sa kanya ang lahat ng ito, Jim?” “Alam kong hindi mo basta
iwawala ang negosyong ito. But knowing Aldrin, napakatuso ng taong iyon.” “Tuso
lang siya, Jim, pero hindi pa rin mapapasubaliang siya ang pinakabobong taong nakilala
ko. Gusto niyang angkinin ang lahat ng akin and yet, he didn’t even bother to
read the agreement I made.” “What about Gigi?” “What about her?” Sa
pagkakabanggit sa babae’y hindi niya naiwasang hindi kuluan ng dugo. “Hindi rin
ba siya napunta kay Aldrin?” May pang- uuyam na ngiting sumilay sa tagiliran ng
kanyang mga labi nang sagutin niya ang tanong ng kaibigan. “Hindi ko basta pakakawalan
ang negosyong ito, Jim. Pero kung inaakala mong ite- treasure ko rin ang babaing katulad niya,
you’re wrong. Much better if we’re not going to talk about that woman. Para sa ikagaganda
ng mood ko.” Gusto na niyang tapusin ang ano mang paksang may kinalaman sa dalawang
taong binanggit nito. Nakauunawa namang nagkibit- balikat si Jimmy at saka tumayo na. “Yamang
nandito ka na, Boss, I hope you don’t mind kung hihingi ako ng half day
ngayon.” “What? Kadarating mo lang, huh!’ “You see, Boss. . kailangan kong
umuwi nang maaga.” “Dahil wala kang katulong? Kung bakit naman kasi hindi ka pa
magsadya sa agency. Kay rami r’yan.” “As a matter of fact, I’ve already got
one,” deklara nito. “‘Yon naman pala, eh. Oh, oh, parang hindi ko yata gusto
ang naamoy ko,” bigkas niya, natatawa. Lumuwang ang ngiti sa mga labi ni Jimmy
at saka sumaludo sa kanya. “Pare, I’m not sure.” “Tell me about it, baka
sakaling makatulong ako.” “No thank you. Hindi pa naman ako sigurado.” “Woman?”
Nagkibit- balikat ito, makahulugan ang
ngiti. Bumilot siya ng papel at nilamukos bago niya ibinato rito habang
papalabas ito ng kanyang tanggapan. Sa sarili’y naidalangin niyang sana ay matagpuan
na nito ang tamang babaing magmamahal at makakapagpaligaya rito. PAGHANGA ang unang nadama ni Jimmy pagbungad
pa lamang niya sa living room at makitang maayos lahat ang gamit. Nangingintab din
ang ibabaw ng piano at walang alikabok ang mga muwebles. Nang pasukin niya ang
banyo ay lalo siyang na- impress.
Deretso siya sa kusina dahil tila ba hinahalina siya ng niluluto roon para
lamang matilihan nang mabistahan ang isang magandang hubog ng katawang
nakatalikod sa kanya habang abala sa harap ng kalan. Golly! My maid has a
perfect body and. . behind. . Sino nga naman ang mag- aakalang magkakaroon siya ng katulong na mas
mukha pang may- ari ng kanyang bahay
kaysa sa trabahong pinasok nito? He was quite sure na kapag nalaman ni Arrex ang
tungkol dito ay hindi rin ito maniniwala. Kaya mas mabuti pang huwag muna
niyang sabihin ditong mayroon siyang ubod- ganda at sexy na katulong. Hindi siya bayarang
katulong. Kasama namin siya rito sa bahay and I’m going to change her style. Sa
puntong iyon ay dagling nawala ang humahangang tingin niya kay Shaira nang
bigla itong humarap. “N- NARIYAN ka na
pala. . Jimmy?” Agad naalala ni Shaira ang mahigpit na paalala ni Yaya Tilde: huwag
na huwag daw tatawaging “senyorito” ang lalaki kung nais niyang magtagal sa
poder nito. “It’s all right, Shaira. You can continue your work. Talagang hindi
ako nagbubusina. Sanay akong nagbubukas ng gate every time I come home,”
anitong nakangiti. “At lalong naganyak na huwag magparamdam nang maamoy ko ang aroma
ng niluluto mong ulam. Ano ba ‘yan?” “Pork oriental. Nakita ko kasing maraming laman
ang ref,” aniyang nagsimula nang maghanda ng mesa. “Oh, thank you,” sambit
nito. “Ano’ng masasabi mo ngayon, hijo?” anang tinig ng pumasok din sa komedor
na si Yaya Tilde. “No say ako, Yaya. May successor ka na sa pagluluto.” Nagtawanan
ang mga ito. At nadala siya sa masayang tagpo, nakitawa rin siya. Nagtulung- tulong
silang tatlo sa paghahanda sa mesa sa kabila ng pagtutol niya. Hustong handa na
ang mesa at inalalayan nang makaupo ni Jimmy si Yaya Tilde nang sapuhin ng huli
ang tapat ng dibdib. “Y- Yaya! Yaya,
what’s wrong?” “N- nahihi ” “Yaya.. !” NASA libing ni Yaya Tilde si Jimmy nang tumunog
ang kanyang cellphone. “My condolences, pare. Ni hindi ako nakipaglibing. Medyo
nasa kahigpitan ng hearing ngayon sa kasong isinampa ko laban kay Aldrin. At
ang hayop, mukhang mapipiyansahan pa yata. Walang tibay ang ebidensiyang
inilahad ko sa hukuman. Matinik ang nakuhang abogado ng hayop at mukhang tuso
ring tulad niya.” “Hangad ko ang hustisya para sa papa mo, pare,” sambit niya.
“No need to worry, though, okay lang ang kaibigan mo. Medyo masakit lang dahil
hindi ko alam na may itinatago palang sakit si Yaya Tilde. But then I’m happy
for her. Alam kong sa langit siya paroroon. She’s one in a million yaya. .” ANG
MGA sinabi ni Jimmy sa kausap sa cellphone ay narinig ni Shaira. Lumuluha ang kalooban
niya. Napakaikli ng panahong ipi- nagsama nila ni Yaya Tilde. Hindi niya sukat
akalaing ang mga may- lamang pananalita nito sa tuwing magkakausap sila
ay may kahulugan pala. Pamamaalam. At pati na rin ang pilit nitong pagpapasumpa
sa kanya noong isang araw. Tandang- tanda pa niya. . “Kahit na ano’ng mangyari,
Shaira. Mangako kang hindi mo iiwanan si Jimmy.” “Yaya Tilde, naman, kung
magsalita ka, para bang wala nang bukas.” “Hindi ko alam kung hanggang kailan
pa ako mabubuhay, Shaira. Pero sa ngayon, na alam kong may makakasama na si
Jimmy, maluwag sa dibdib kong ipikit ang aking mga mata.” “BAKIT mo ginagawa sa akin ang mga ito, Jimmy?”
sa kabila ng pagpipigil ay nagawa pa ring itanong ni Shaira nang ilahad ni
Jimmy sa harapan niya ang isang simple pero eleganteng pares ng hikaw. Mukhang
mamahalin. Ang mga naunang pagbibigay nito ng mga damit, mga gamit na sa totoo
lang ay noon lang niya nakita at lalo na ang maisuot ay hindi siya nagtanong
bagama’t batid niyang nababasa nito iyon sa kanyang mga mata. Pero habang
nagtatagal, papadami nang papadami ang mga gamit niyang pulos mamahalin na
galing dito. “I know what’s on your mind, Shaira,” anitong sinundan ng paglakad
patungo sa bar. Kumuha ito ng alak doon at nagsalin sa kopita. Bago nag- shot ay
muli siya nitong nilinga. “No other meaning ang lahat ng bagay na ibinibigay ko
sa ‘yo. Basta, sa totoo lang, natutuwa akong bilhan ka, imagining how beautiful
you are kung suot mo’ng mga ‘yan. I swear, I’ve no other intentions.” Hindi pa
rin siya kumbinsido; marahan siyang lumapit dito, bitbit ang kahon ng hikaw at
ibinalik iyon dito. “P- pero hindi ko
matatanggap iyan, patawad,” aniya, sa paraang mababa ang tono. “Isa pa, amo
kita at ako’y ” “Don’t say that, please, Shaira,” wika nitong inilagay ang
daliri sa tapat ng kanyang bibig. Pero saglit lang iyon at muli nitong
tinanggal. “Magmula nang tanggapin kita rito bilang maid, God witnessed na
hindi ganoon ang tingin ko sa ‘yo. Dahil bukod sa malayo sa personalidad mo, iba
ang pakiramdam ko,” anitong natigilan, nag- shot.
Kinalahati ang laman ng kopita at sala uli ngumiti sa kanya. “Shaira, what if.
. pag- aralin kita?” “H- ho?” Talagang shocked siya. “O, exaggerated ka
naman,” anitong natatawa. “Baka himatayin ka, I wouldn’t know what to do. Manager
ako at hindi doctor.” Sa totoo lang, nagsisimula na siyang mag- isip nang hindi maganda laban dito dahil sa
mga ipinakikita nito sa kanya. Pero gustuhin man niyang umalis sa trabaho’y
ayaw niya, dahil bukod sa hindi ito mahirap pakisamahan ay halos buong araw
namang siya lang ang nasa bahay. Kung baga, magagawa niya ang gusto niya nang walang
maraming amo. Higit sa lahat, minahal na rin niya ang trabaho sa loob ng halos
may anim na buwan na rin. At higit sa lahat. . wala siyang ibang choice. Hanggang
ngayon, tila multo pa ring bumubuntot sa kanya ang minsang naging kasalanan
niya. “Shaira,” anas ni Jimmy na hindi niya namalayang nakalapit sa kanya at
mabilis na hinawakan ang isa niyang palad. “Alam kong sa umpisa ay tatanggi ka.
Pero sa sandaling malaman mong ang ipampapaaral ko sa ‘yo ay babawasin natin sa
monthly salary mo, gusto mo ba?” Hindi siya agad nakapangusap. Mataman lang siyang
nakatitig sa mga mata nitong tila siya pa ang pinakikiusapan gayong siya ang
binibigyan nito ng magandang prebilehiyo. “As I have observed you, Shaira,
matalino ka. Hindi mo naitatanong, may kasalanan ako sa ‘yo. Minsang tulog ka,
pinakialaman ko ang mga records mo. And I’m impressed. Ang tataas ng grades mo.
Mayroon ka pa ngang medals na dala. So from there, naisip kong pag- aralin ka. Sayang, Shaira. This is for your
own good, not mine.” Still, she had nothing to say. Gusto niyang itanggi ang
mga natuklasan ng lalaki subalit ano ang sasabihin niya gayong totoo naman
lahat iyon? She graduated as valedictorian sa elemen- tarya
at high school. Wala nga lang siyang mapagpilian kung hindi ang tumigil sa pag-
aaral dahil ang naisip naman niyang
tustusan ay si Hero, noong nabubuhay pa ito. Nang nakakahawak naman na siya ng
pera mula sa sahod, naging practical na lang siya at nabuhos na ang loob sa
pananahi. Muli, naramdaman niya ang marahang pagpisil ni Jimmy sa palad niya.
“Would you agree now, Shaira?” tanong nitong mataman nang nakatitig sa kanya
ang maiitim nitong mga mata. Somehow, naisip niya, kung sa suweldo naman niya
babawasin ang ipantu- tuition niya, why
not? At least, wala siyang tatanawing utang- na- loob dito na dapat niyang ikahiya. Finally,
marahan siyang tumango, nakangiti. “I- ikaw ang bahala.” “Yes!” bulalas nitong sa
labis yatang katuwaa’y nayakap siya; mabilis naman siyang kumawala. “I- I’m sorry.” “Sige, magluluto pa ako ng hapunan
natin.” At tuluy- tuloy na siyang
pumasok sa kusina. Nang tawagin siya nito at lumingon siya ay nakita niyang
nasa ere ang kahon ng hikaw na hawak nito. “How about this?” “Pag- iisipan ko pa kung tatanggapin ko ‘yan o hindi.
I hope you’ll understand,” nagpapaunawang sabi niya bago siya tumuloy sa kusina.
“I THINK you’re getting out of hand, Jim,” reklamo ni Arrex isang umagang
pinipirmahan niya ang tseke para sa sahod ng mga tauhan ng opisina. “Gaano ba
kaespesyal sa ‘yo itong katulong mo at dumating pa sa puntong kailangan mong
tustusan ang pag- aaral niya? Hindi kaya
sinasamantala niya ang kabaitan mo?” Prantiko ang ginawang pag- iling ni Jimmy sa kanyang tinuran. “Hindi,
Arrex. Hindi ganoon ‘yon.” “Kung hindi ay ano? Isang among binatang nagpapaaral
ng dalagang katulong niya?” he said with sarcasm at saka umunat sa kinauupuan matapos
itabi ang napirmahang mga tseke. “I’ve already given my reason as far as I can remember,
Arrex. Don’t question me as if I’m kind of a cradle snatcher,” reklamo nitong
hindi maitago ang hinampo sa tinig para sa pagpa- paratang
niya. Nagpawala siya ng buntong- hininga
at saka dinukwang ang kaibigang sa totoo lang ay ilang buwan nang lagi niyang
nahuhuling nakatulala. “Tell me, honestly, Jim. Are you in love with your maid?”
Marahan itong tumango. “Damn you! Hindi ka na natuto. Don’t you remember the
pain and agony na idinulot sa ‘yo ng minsang pagtitiwala mo sa isang maid?” aniyang
wala naman sa loob na biglang naalala ang isang yugto sa buhay nito. Na dahilan
kung bakit hanggang ngayon ay kapareho pa rin niya itong binata. Still
searching for his “Miss Right” na kay hirap namang hagilapin. Sukat sa
nabanggit niya ay nagkaroon ng galit sa mga mata nito. “Pakiusap, pare. . kung
ayaw mong mag- away tayo, huwag na huwag
mo nang babanggitin pa ang katarantaduhan kong ‘yon.” “And how about this one?
Hindi ba’t katarantaduhan din ‘tong ginagawa mo?” “This one is different,
Arrex. I tell you. Baka kung sabihin ko pa sa ‘yong tinanggihan niya ang binili
kong hikaw ay mag ” “You mean?” di- makapaniwalang bulalas niya. Marahan itong
tumangu- tango. “Hindi siya katulad ni
Aileen na obvious na pera ko lang ang ginusto.” “Wow! Parang gusto ko yatang
makilala ang ipinagmamalaki mong ito, pare.” “You will meet Shaira. Very soon,
pare. Oh, well, I really have to go.” “Going where?” kunut- noong tanong niya. “Sasamahan ko pa si Shaira
na mag- enroll sa AMA.” “Oh.” Natapik
niya ang sariling noo sa tinuran nito. Mukhang seryoso nga at tinamaan ito nang
matindi sa Shaira na iyon.
CHAPTER SIX
NAGISING
si Shaira, habol ang kanyang paghinga. Pawisan siya. God, bakit hanggang
ngayo’y pinahihirapan pa rin ako ng kalooban ko sa ginawa kong kasalanan sa lalaking
iyon? Gusto ko nang matahimik. Inihingi ko na ng tawad ang kasalanan kong ‘yon.
Pero bakit hanggang ngayon ay lagi pa rin siyang laman ng isipan ko? Lagi pa
rin siyang kasama sa mga panaginip ko? Bakit hindi mawaglit sa utak ko ang
lahat- lahat ng namagitan sa amin? Higit
lalo ang pagpapa- angking ginawa ko sa
kanya! All right, I loved him. I do really loved him! Pero katangahang mahalin
ko pa siya sa kabila ng katotohanang alam kong na- develop ang mga feelings namin sa napakamaling
pagkakataon. God, help me. . Sana rin, mapatawad ako ni Arrex sa aking ginawa.
And please, do guide him always. . f- for me... Makakaya kong mawalay sa kanya kahit
na gaano kasakit. Kahit na sa mga pagtatagong ginagawa ko ay ibayong hapdi ng
kalooban ang sumasaakin... Pero ang malamang may masamang nangyari sa lalaki dahil
lamang sa dalawang nilalang na trumaidor dito God, hindi niya makayanan iyon. Somehow, gusto
pa rin niyang muling makaharap ang binata, ang marinig mula rito ang mga kataga
ng pagmamahal na sa napakaikling panahon ay umusbong sa kanila. Subalit, makakaya
ba niya ang paniningil nito sa sandaling muling magkaharap sila? God! Ang
isipin iyon nang labis ay ikamamatay niya. Well, it could be better this way.
At siguro, patuloy na lang niyang mamahalin ang binata. Ganoon na lang ang
puwede niyang gawin. . NANG mga sandaling iyon ay muling balisa ang gabi ni
Arrex. Naroon siya sa terasa ng bahay at umiinom, katulad ng mga gabing
dinadalaw siya ng mga alaala alaala ng isang babaing. . minahal niya, at sa
maikling panahon ay idinambana niya sa kanyang puso, minahal nang lubusan. But
hell! Where are you, Shiela? You’re driving me crazy sa mga sandaling
gigisingin ako ng mga alaala mo. Sa mga gabing malamig at papasok kang bigla sa
utak ko. . the moments we shared. The delirium of your voice that filled my
senses. . lalo akong pinapatay sa labis na pananabik sa iyo. And damn you! Damn
you, Shiela Rael for leaving me so soon matapos mo akong paibigin! Inibig mo
nga ba ako? O ikaw iyong pilit na nagsusumiksik sa utak ko, matapos ang laban
namin ni Aldrin. . na isinugo ka ng demonyo sa buhay ko para lamang ako
linlangin! God, no! Huwag naman sanang ganoon nga. Dahil kapag nagkataon, hindi
niya alam kung sa paanong paraan niya nakatakdang pagbayarin ito sa lahat- lahat ng mga pandarayang ibinigay nito sa
kanya, higit lalo sa nagtiwala niyang puso! Pero ano ang solidong dahilan ng
biglang- biglang pagkawala nito? Kung mali ang kutob niya,
bakit lubhang nahihirapan ang inupahan niyang detective na matagpuan ito? Lubhang
mahirap hanapin ang nilalang na sadyang nagtatago! PAPALABAS na ng silid niya
si Shaira para pumasok panggabi ang pinili niyang klase upang sa araw ay
magampanan niya ang lahat ng trabaho sa bahay ni Jimmy nang tumunog ang telepono.
“Hello,” aniya sa nasa dulo ng linya. “Hello, is there anything I can do for
you?” Ngunit hindi tumugon ang nasa kabilang linya gayong hindi rin naman nito
ibinababa ang aparato. Tatlong beses yata siyang nag- “hello” at nang sa tantiya niya ay nanloloko
lang ito at tila walang magawa sa buhay ay akma na niyang ibababa ang awditibo.
“W- wait !” anang tinig ng lalaki sa
kabilang dulo ng linya. “Ikaw ba ang kasama ni Jimmy?” “Ako nga ho. Who’s on
the line, please?” casual niyang tugon- tanong na siya lang namang bilin ni Jimmy sa
kanya sakali’t wala ito at may maghanap dito. “I wanna talk to him. Puwede ko
ba siyang makausap?” “Sorry, Sir, pero kaaalis lang niya, about fifteen minutes
ago. May meeting yata siyang dadaluhan,” pagbibigay- alam niya rito, saka sumulyap sa wall clock.
Kailangan na niyang umalis. “Ganoon ba? Anyway, can I leave a message for him?”
“By all means, Sir.” “Tell him that we’ll have a meeting tomorrow morning with
the BOD. I forgot to inform him kaninang narito siya.” Agad niyang itinatak
iyon sa isip. “At sino po ang sasabihin kong tumawag sa kanya?” “Tell him it’s
his boss- best friend.” “Okay. I’ll tell
him.” Pagkababa niya ng awditibo ay hindi maiwasan ni Shaira na hindi balikan
sa utak ang napakalamig na tinig ng lalaki. At kung bakit pagkarinig niya sa
tinig na iyon ay hindi na tumino pa ang eratikong pintig ng kanyang puso walang
pagkakaiba sa tinig ni Arrex Domingo! Ng lalaking pinakamamahal niya! Higit sa
lahat, ang lalaking nilinlang niya! C’mon, Shaira, you’re again imagining
things na napakaimposible. Bakit ba sa tuwing makakarinig ka ng ganoong tinig,
si Arrex agad ang iyong iniisip? How can you cope with the anguish in your life
kung sa tuwing makakarinig ka ng tinig na kapareho ng kay Arrex ay nag- iilusyon ka? Stop the foolishness, Shaira! Or
else. . mananatiling bukalan ng luha sa kanyang mga mata. Ganito na lamang ba
siya palagi laging lumuluha? Iniluluha ang kanyang naging kabiguan sa itinuturing
na una at huling pag- ibig. “HAPPY
graduation!” masiglang bati sa kanya ni Jimmy, saka iniabot sa kanya ang regalo
nito. Ayaw sana niya sa offer nitong kumain sila sa labas pero nagpakatanggi- tanggi ito. Blowout daw nito sa kanya iyon
kaya wala rin siyang nagawa kundi ang paunlakan ito. “Huwag na lang sana. Ang
tinapos kong kurso ay isa nang napakalaking regalo buhat sa ‘yo,” aniya nang
nasa restaurant na sila. “Binabayaran mo po iyon, Miss, in case you’ve forgotten,”
giit nito, saka kinambatan ang unipormadong waiter. “Do you want to say
something to me, Jimmy?” curious na tanong niya; hindi lang yata sampung beses
nang nagkaganito ito sa harapan niya, mayroong nais sabihin na puputulin din
naman at mananahimik. “Nothing.” “Mayro’n, Jimmy, at gusto kong marinig.” “Later,
kapag nandito na ang nag- iisang bisita nating
babati rin sa ‘yo.” “B- bisitang babati
sa akin? Sino ?” Hindi pa man niya natatapos ang tanong ay naramdaman niyang
may papalapit sa kinaroroonan nila ni Jimmy. “Pare! Ang akala ko’y hindi ka na
darating!” ani Jimmy; tumayo ito at naglahad ng palad sa ere. “Puwede ko ba
namang biguin ang nag- iisang matalik
kong kaibigan?” anang baritonong tinig na pamilyar na pamilyar sa kanyang
pandinig; parang itinulos siyang kandila sa kinauupuan. “Shaira, meet my boss- best friend,” ani Jimmy; nilapitan siya nito
at inalalayang makatayo. “Arrex, pare, si Shaira. My fiancée.” DALAWANG bagay ang dahilan ng pagiging stiff ni
Shaira. Una, ang muling pagkakaharap nila ng lalaking mahigit ding dalawang
taon niyang pinagtaguan, na ngayo’y bumabaon sa kaibuturan niya ang paraan ng
matalim nitong pagkakatitig sa kanya. At ang pangalawa, ang ginawang pagpapakilala
ni Jimmy sa kanya rito! Nakatakdang pakasalan? Tila tape recorder iyon na
walang- sawang nag- rewind sa utak niya. Na lalo pang nadagdagan
nang maramdaman niya ang braso ni Jimmy na umakbay sa kanyang balikat! “What
can you say, pare? Perfect choice ba?” “But of course, pare, perfect!” wika
naman ni Arrex na hindi na naalis pa ang matalim na paraan ng pagkakatitig sa
kanya. Nais na niyang mamatay nang mga sandaling iyon. Ramdam na ramdam niya
ang patutsada sa pananalita ni Arrex. “What about a handshake to the perfect choice
of a fiancée of my best friend?” anito, saka inilahad ang palad sa harapan
niya. Magiging very obvious kung hindi niya tutugunin ang pakikipagkamay nito.
Kaya sa kabila ng panginginig ng kamay niya ay napilitan siyang makipagdaupang-
palad dito. G- God. . napakagat- labi siya nang maramdaman niya ang madiing
pagpisil nito sa kamay niya. Naroon ang matinding galit! Ang paniningil! Ang
paghihiganti! Siya lamang ang nakababatid kung ano ang nasa kaibuturan nito
nang mga sandaling iyon. Nakangiti ito a very lethal smile for her. Na para bang
nagsasabi: At last, nagkita rin tayo! “Are you cold?” tanong nitong hindi pa
rin binibitawan ang palad niya. Naroon sa tingin nito ang kamalisyosohang alam
na alam niyang para lang sa kanya. “Actually, pare,” agaw ni Jimmy. “She
refused to dine with me. . with us.” “But why? Hiding something?” Sumusurot sa
kaibuturan niya ang titig ni Arrex; at tila balaraw na unti- unting bumabaon sa dibdib niya ang pananalita
nito. And thank God nang binitiwan din nito ang palad niya. “Of course not!”
mabilis na agap ni Jimmy. “Naturalesa niya ‘yan, pare. May pagkakuripot itong
magiging misis ko!” “Really?” sarkastiko pa ring turan ni Arrex. “By the way,
pare, Shaira, hon, let’s start the celebration!” Wala siyang nagawa kundi ang
muling maupo na nakaharap pa mandin kay Arrex na kapag magsasalita ay lagi nang
may patama para sa kanya. Napapahalakhak ito dahil sa naobserbahan niya ay
masayang magkasama ang dalawang lalaki. Pero sa tuwing matutuon sa kanya ang paningin
nito’y bigla- biglang magbabago ang ekspresyon
at ang ngiti’y dagling mapapalis upang mapalitan lang ng ibayong galit. Sa
halos isang oras nito sa restaurant, pakiramdam niya’y para siyang ibinabad sa
yelo. Lunukin- dili niya ang kinakain. Nakahinga
lang siya nang maluwag nang sa wakas ay magpaalam na ito dahil may pupuntahan
pa raw ito. Ngunit bago ito ganap na tumalikod, isang matalim na tingin ang
iniwan nito sa kanya! Na tila nagsasabi: “Hindi pa tayo tapos, babae!” “LET’S talk, Shaira, please,” pakiusap ni
Jimmy pagpasok nila sa sala at nagtangka siyang bawiin ang braso mula rito.
“Alam kong nagagalit ka sa akin dahil magmula pa kanina’y tahimik ka na. I’m
sorry for saying some things to my best friend nang hindi ka kinokonsulta about
this.” “Wala ka namang dapat na ikonsulta sa akin, Jmmy, hindi ba?” Deretso
niyang tinitigan sa mga mata ang lalaki. “Perhaps you have your own reason kaya
mo nasabi ‘yon, at gusto kong marinig na nagbibiro ka lang.” “No, I’m not!”
Agad siyang inangkin ng mga bisig nito. Halos magkadikit na magkadikit na ang
kanilang mga katawan. She could almost inhale his cologne. “I love you,
Shaira!” deklara nito, kasabay ang paghalik nito sa kanya na totoong ikinagulat
niya. “J- Jim, bit ” aniya, ngunit
sinamantala naman nito ang sandaling pagkakaawang ng kanyang mga labi at
nangahas nang tuluyang pumasok sa loob ng bibig niya ang dila nito. “I love
you, Shaira! God, ikamamatay ko kapag nawala ka sa akin!” Tila nababaliw na
nangahas nang hagkan siya nito sa pisngi, ilong, leeg at pababa. . upang
matigilan lang dahil sa coldness niya. “S- Shai ” “Are you through, Jimmy?” tanong niya, walang
pasubaling nangilid ang kanyang luha. Sa pagkakataong iyon, tila napapahiyang
pinawalan siya nito. “Shaira ” Naiiling na isinuklay nito ang palad sa buhok. “Ito
ba ang kabayaran sa lahat ng kabutihang ipinakikita mo sa akin? Ngayon na ba
ang araw ng paniningil?” aniya sa tinig na may kalakip na pang- uuyam. “I- I thought lahat ng ito’y no strings attached.
Mayroon pala.. ang maging asawa mo.” Umakma itong muli siyang tanganan sa magkabilang
braso subalit hindi na niya pinahintulutan itong gawin iyon. “I- it’s not what you think, Shaira. I really love
you, noon pa mang araw na matuntong ka sa bahay na ito. Kaya lang, nangamba
akong baka. . baka.” Nakadama siya ng awa rito nang makita niyang nag- unahang pumatak ang mga luha sa mga mata nito.
She was touched. Napakabait nito, tunay na hindi mahirap mahalin. Pero hindi naman
pinipilit ang puso! On instinct, dinama niya ang magkabilang mukha nito at saka
niya ito tinitigan. “I like you, Jim. I really do. Napakabait mo sa akin. Agad kang
nagtiwala sa kabila ng katotohanang hindi mo naman ako lubusang kilala.” Nakita
niyang sumungaw ang ngiti sa mga mata nito at labi at tangkang magsasalita
subalit inunahan niya. “Pero gusto kong malaman mong. . hindi ako karapat- dapat sa pag- ibig mong ‘yan. I hated myself, really. Dahil
hindi ko makakayang suklian ng kaparis na pagmamahal ang nararamdaman mo.” “Love
can be developed. Panahon lang ang kailangan natin, Shaira! And I’m very much willing
to wait,” giit nitong hinawakan din ang magkabilang pisngi niya. Prantiko
siyang umiling, nalilito. “N- no, Jim. You
don’t understand.” “I perfectly understand, Shaira. Ang ikinatatakot mo’y ang
agwat natin sa buhay. Nakahanda akong bumaba. Isa pa, hindi naman ako ganoon
kataas para ” “J- Jim, alam mo bang kung
natuturuan lang ang puso, gusto ko, ikaw na lang,” aniyang tuluyan nang
bumagsak ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Ano nga ba naman ang dapat niyang
ikatakot? Napakadaling mahalin ng lalaking kaharap niya ngayon. Pero ayaw
niyang dayain ang kanyang sarili. Minsan pa, hinagkan siya nito sa kanyang mga labi
na hindi naman niya tinutulan. “Mapag- aaralan mo rin akong mahalin, I swear! Gagawin
ko ang lahat! “Hindi. Hindi puwedeng mangyari iyon, Jim.” Sa narinig, natigilan
ito at mariing tumitig sa kanyang mga mata. “Mayroong iba?” Mas pinili niya ang
maging tapat pero hindi niya maderetsong magsabi rito ng totoo. “What you don’t
know won’t hurt you, Jim. Basta, kailangan mo lang tanggapin na I’m not worthy
of your love. At dahil doon, I guess, I must go.” Hindi na kailangan pang
muling magtagpo ang landas nila ni Arrex Domingo. Kung nalaman lang nga niya
noon pa na ang kaibigan- boss pala nito
ay ang lalaking pinagtataguan niya, noon pa sana siya umalis sa poder nito. “Hindi!
Hindi ka puwedeng umalis! Hindi ka aalis! Hindi ako magpipilit. Maghihintay na
lang ako kung kailan mo ako matututunang mahalin, Shaira. Just don’t go!” Nahihirapan
siya sa ikinikilos nito. Ganito ba siya nito kamahal? Gusto niya itong
pagtawanan. Ano ang nakita nito sa kanya at tila ito nasisiraan ng ulo at
nagpapakababa nang dahil lang sa kanya? Sigurado siyang maraming babae ang naloloko
rito. Pero bakit sa isang tulad lang niya? At kung ipagpipilitan niyang umalis,
ano ang puwede nitong gawin sa sarili? Makakaya ba niya? Ng konsiyensiya niya? Pero
sa mahabang panahong ipinagsama nila, wala siyang matandaang nataranta siya sa pagdating
nito. She was not born yesterday para hindi niya mabigyang- depinisyon ang nararamdaman ng isang taong in
love. And unfortunately, she didn’t have the feeling of being in love with this
man. “Shaira, please,” untag nitong kalakip ng tinig ang matinding pagsusumamo.
“At paano kung hindi mangyari ang inaasahan mo, Jimmy?” “Maghihintay pa rin
ako!” determinado nitong sagot sa laki ng panggigipuspos niya! Dahil sa
alalahaning iyon ay hindi siya nakatulog magdamag.
CHAPTER SEVEN
SINAMANTALA
ni Shaira ang pag- alis ng bahay ni
Jimmy habang dumadalo ito sa isang three- day seminar sa Baguio. Wala nang dahilan para
magtagal pa siya rito. Sooner or later ay haharapin siya ni Arrex Domingo. At
hindi na niya dapat pang hintayin ang araw na iyon. Patawarin siya ni Jimmy,
subalit alam niyang time will come that he will surely understood all these.
Kung bakit kailangan niyang umalis, kung bakit hindi niya matanggap ang pag- ibig nito. Pababa na siya, bitbit ang dalawang
maleta, nang marinig niya ang sunud- sunod na tunog ng doorbell. Kinabahan siya.
Baka si Jimmy iyon. But no! Kailanman ay hindi ito nagdo- doorbell. Lagi nitong dala ang duplicate key.
At kung hindi naman si Jimmy, marahil ay si Marie, ang kaibigan niyang
nakatakda niyang makasama sa in- apply- an nilang trabaho. Kampante ang loob na
pinihit niya ang doorknob. Upang mamutla nang makita ang mukhang bumulaga sa
kanya! “Where do you think you’re going?” anang galit na tinig nito, matapos na
bumaba ang paningin sa tangan niyang mga maleta. Her recourse ay ang pagsarhan
uli ito ng pinto. Subalit mabilis na nakapasok sa loob ang lalaki. Hintakot
siya. Nang walang anu- ano’y kinulong
siya nito sa mga bisig nito. “Bit ! A- ano’ng ginagawa mo rito?” “What else, may
sweet? Hinahanap kita. Matagal- tagal
na. And I’ve been too stupid na lagi na’y hindi pinauunlakan ang imbitasyon ng kaibigan
kong pumunta rito dahil sa pagiging abala ko. Di sana, matagal na tayong
nagkita. Hindi ko na sana kinailangan pang magbayad ng walang- silbing imbestigador, dahil hindi ka naman
niya ma- trace.” Pagkasabi nito niyon ay
hiniklas siya nito palapit sa katawan. Inangkin nito ang kanyang baywang at
saka iniyuko ang mukha malapit na malapit sa kanya. Nataranta siya. Halos ay
iisa na lamang ang kanilang hininga. Amoy na amoy na niya ang men’s cologne
nito. Hindi pa rin nagbabago, iyon din ang nasasamyo niya noon dito, noong pumapalaot
pa lamang ang kanilang pagmamahalan. At ang naging pakiramdam niya, nabalik
siya sa tagpong iyon. Muli ba nitong aangkinin ang mga labi niya? Ang katawan
niya? Ang buung- buong siya? But to her shock, nagkaroon ng
higpit ang pagkakakapit ni Arrex sa baywang niya. “Y- you’re holding me so.. tight,” reklamo niyang
ginapangan ng kakaibang takot sa nakita niyang bigla- biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito.
From passion. . to hatred. “Who are you really? Ano’t kaibigan ko naman yata
ang gusto mong linlangin.” Tila kulog sa tindi ng galit ang tinig nito. “P- please, s- spare me. . w- wala akong kasalanan.” May kinig na sa tinig
niya nang sambitin iyon. Ibayong takot ngayon ang lumukob sa pagkatao niya. She
was stupid thinking na muli siya nitong aangkinin samantalang alam na alam
niyang may dapat siyang pagbayaran dito. “Spare you? How dare you tell me to
spare you. Pagkatapos mo akong gaguhin?” At pagkasabi niyon ay walang sabi- sabing siniil siya nito ng halik. Mariin,
mapusok. Na halos ay ikapigtal ng kanyang hininga. Naroon ang matinding galit.
Ang paghihiganti. This was the price she had to pay for stupidly allowing
herself na gamitin siya ni Gigi at ng nobyo nito. Subalit hahayaan ba niyang
bulagin ito sa maling akala nito? Kailangan naman siguro niyang mangumpisal
dito. “A- Arrex. . u- utang- na- loob,” daing niyang nagsusumamo nang ang
paghalik nito’y bumaba sa kanyang leeg, patungo. . sa magkabila niyang dibdib. Oh,
God! “You have to pay, bitch! Matagal ko na sanang ginawa ‘to sa ‘yo pero
matinik ka!” anito nang saglit na tigilan ang paghalik sa kanya. “H- hindi. . n- nagkakamali ka sa anumang iniisip mo, Arrex.”
But again, she failed to protest nang muli siya nitong siilin ng halik sa mga
labi. But this time, masuyo na iyon; nagkaroon ng pagsamba, ng pagnanasa.
Masuyo na ring naglalakbay ang mga palad nito sa kanyang kabuuan. At kung paano
nito natanggal ang kanyang suot, hindi na niya alam. Basta namalayan na lang niya,
magkahinang pa rin ang kanilang mga labi habang inihihimlay siya nito sa
carpeted na sahig ng bahay ni Jimmy. Right there and then. Pero bigla rin ang
dating ng katinuan sa utak niya, upang sikapin niyang makakawala buhat sa bisig
ni Arrex. But he would not let her go. His lips were firm against hers. At
totoong labis iyong ikinapanlalambot ng mga kalamnan niya. Ang kabatirang
sila’y ganap nang hubad. “Oh. .” daing nito. “I want you, Shiela.. I want to
make love to you. To have you.” His voice was soft. Saglit itong tumigil sa
ginagawang paghalik sa mga labi niya at saka siya tinitigan sa kanyang kabuuan,
na labis niyang ikinahiya. God. After all these years. . she was still longing for
his love. Ang pag- ibig niya rito ay
hindi kailanman nabawasan. Manapa’y lalo pang umusbong sa paglipas ng panahon.
Dahilan upang ni minsan ay hindi niya binuksan ang puso niya para sa panibagong
pag- ibig na iniaalay sa kanya. He still
loved the man despite everything. “Beautiful as ever,” he moaned, then again kissed
her. He kissed her breasts one by one, sucked them softly na halos ay ikapigtal
ng kanyang hininga. At sa bawat galaw nito, para siyang isang aliping sunud- sunuran lamang dito. Until they both reached
the ecstasy of it. Breathlessly. Napakaligaya niya. Totoo, dahilan upang mapaiyak
pa siya. Pag- iyak na biglang naparam nang
walang sabi- sabing tumayo si Arrex at
isa- isang dinampot at isinuot ang mga damit nito. Kung
paanong tila kidlat itong dumating sa kanyang harapan ay wala ring kaabug- abog siyang iniwan. Napakagat- labi siya. Oh, good Lord. She was stupid
thinking that he still loved her despite what he discovered about her. HALOS pang- anim na shot na ni Arrex ang isinalin sa
kopita. Puno na ang ashtray ng mga upos ng sigarilyo. What happened to him?
Nang magkita sila ni Shiela o Shaira noong isang gabi, kasama si Jimmy, ibayong
galit at pagkamuhi ang sumakanya, lalo’t muling nabuhay ang matinding hinalang
nasa utak niya. . the hell she used her charms just to cheat. Dahil alam niyang
isa siya sa naging mga biktima nito. Pero kung bakit at sa anong kadahilanan,
sa pagtatagpo ng landas nila noon, wala siyang maapuhap sa kanyang katinuan.
Ginamit nga ba siya ng babae? But why? What could be the reason? Halos dalawang
taong singkad siyang parang luku- luko
sa mga gabing ang kaulayaw niya ay ang alaala nito. Wala siyang inasam kung
hindi ang muli silang magkita. Na oo nga’t ang pag- ibig niya rito’y nahahalinhan ng pagkapoot sa
tuwing sasagi sa isipan niya ang naging huling laban niya, kung saan ay obvious
na sinira lang nito ang kanyang konsentrasyon. For whatever reason, he didn’t
know. Because the only thing he knew right know, he still loved the damned
woman. At iyon ang bagay na ikinagagalit niya nang labis. Sumumpa siya sa
sarili, from the time na muling pagtagpuin ang mga landas nila, kakalimutan na
niya ang lahat ng pag- ibig, pagmamahal
na nararamdaman niya para dito. Sa halip, pagbabayarin niya ito sa kalokohang ginawa
nito sa kanya, sa panlilinlang nito at pagpapaniwalang minahal din siya nito
para lamang iwanan sa balag ng alanganin. But what happened to him? Nang tumayo
siya at iwanan ito ay hindi siya nagalit dito. He hated himself sa pandaraya
niya sa sarili. BUHAT sa kinauupuang settee ay dinig na dinig ni Shaira ang
pagtunog ng telepono. Pero wala siya sa mood na sagutin iyon. Hanggang ngayo’y ramdam
pa niya ang sakit ng damdaming nilikha ng muling pagtatagpo nila ni Arrex
Domingo, ng muling pagsasanib ng kanilang mga hubad na katawan. Patawarin siya
ni Jimmy, kung sakaling ito man ang tumatawag. Gayundin ng kaibigan niyang si Marie.
She had nothing left to do kung hindi ang ganito.. magmukmok. Lumuha. Kinabukasan,
pinilit niyang maging masigla. Unang araw iyon ng kanyang pagtatrabaho bilang encoder.
Tinawagan siya ni Marie para sabihing susunduin siya nito subalit tumanggi
siya. Sa ngayon ay nais niyang mapag- isa. Pero kailangan niyang kumilos. Kung hindi
siya papasok ngayon, baka ikabaliw niya ang pagmumukmok sa bahay. Isa pa,
excited din naman siya sa kanyang unang trabahong matatawag niyang marangal. “What
can you say, Tita? Ang sarap ng feeling ng nagtatrabaho, ‘di ba?” ani Marie
nang papalabas na sila. “Sino ba naman ang mag- aakalang
ang dating luka- lukang Marie Martinez noon
ay isa nang office girl ngayon?” anitong sinabayan ng pagliyad ng dibdib na
dati nang matayog. “Ikaw, Shaira, ano’ng feeling mo? Mantakin mo, mula sa
dating mananahi, naging housemaid na pinag- aral ng amo, ngayon nama’y Oh, my. May kausap ba ako? Hello!” anitong
ikinaway ang kanang palad sa harap ng kanyang mukha. “A- ano’ng sabi mo?” “Golly! At para nga talaga
akong luka- luka. Okay ka lang? Kanina
ka pa. Mabuti na lang at sandali lang na nag- roving ‘yong manager, kung hindi, first day mo
pa lang, sesante ka na. Ano ba’ng prob ?” Hindi na nito natapos ang sasabihin
nang out of the blue ay lumitaw ang isang makisig na lalaki. “Puwede ka bang
makausap?” ani Arrex nang ganap na makalapit sa kanila ni Marie. Pormal na pormal
ang mukha nito at sa wari ay kanina pa yata sila hinihintay. “Oh, my! Grabe.
Who is he? P- pero teka, parang kilala
kit ” “Miss, puwede ko bang makausap ang kaibigan mo?” hinging- paumanhin ni Arrex kay Marie. “Oo, bah! Ikaw
pa? Basta guwapo, by all means. O, paano, Shai, mauna na ako?” anitong nakipagbeso-
beso sa kanya sabay bulong: “You, ha!
May secret kang hindi ko alam. At magtatampo ako kung hindi mo sasabihin sa
akin bukas. Sige, pogi, take care of Shaira.” “Yes, I will, thanks.” Naiwan
sila ng binatang nagtatantiyahan. Mataman lang na nakatitig ito sa kanya habang
panay ang buntong- hininga. Siya nama’y nakatitig
din ditong ewan niya kung bakit hindi naman niya makuhang mabawi ang mga mata mula
rito; tila namagneto na yata siya nito. Finally, siya ang bumasag sa
katahimikan. “Kung magtititigan lang tayo rito magdamag, I think, dapat siguro
ay umuwi na ako. I’m tired at gusto ko nang mag ” “We have to talk,” anitong
wala nang galit sa tinig, sabay hawak sa braso niya. Sa pagkakadaiti ng balat
nito sa balat niya, she felt like trembling. Her heart was filled with mixed
emotions na hindi na naman niya magawang maipaliwanag. Hindi na siya bagito sa
pakiramdam na ito. She already felt this strange feeling noon pa mang pagtagpuin
ang mga landas nila. Pumiksi siya. Here she was again, kung saan- saan na
naman siya dinadala ng malikot niyang imahinasyon. At dahil sa isiping iyon,
nakabawi siya. Matalim na ang mga matang ipinukol niya sa binata. “Kung kulang
pa rin ang kabayarang kailangan mo sa nagawa kong kasalanan sa ‘yo, sabihin mo lang.
At kahit na sa waiting shed pa na ‘yon, puwede mo ‘kong singilin.” God, saan ba
siya kumuha ng tapang para sabihin iyon? Awtomatikong nag- isang- linya ang mga kilay nito. “Mag- uusap tayo at hindi rito. Lalong hindi sa waiting
shed na ‘yon,” anitong inalalayan siyang makalakad at makalapit sa nakahimpil
nitong sasakyan. “WHO ARE you really? Shiela or Shaira?” Nanunurot sa
konsiyensiya niya ang paraan ng pagkakatitig ni Arrex. Magkaharap na sila sa isang
pandalawahang mesa sa isang kainan na una nitong namataan kanina, di- kalayuan sa pinapasukan niya. Nagawa na rin
nitong umorder ng hapunan sa kabila ng pagtutol niya. “Hindi na mahalaga kung
ano at sino ako,” aniya. “Ikaw, ano’t gusto mo pa akong makausap? Hindi ba’t
tagos sa buto mo ang galit mo sa akin? Isa akong manlilinlang.” “Damn you!
Huwag mo akong sagutin ng isa pang tanong.” “Damn you, too! Ikaw lang ang taong
nakapagmura at nakasigaw sa akin. Never in my whole life na namura ako ng mga
taong pinag- kakautangan ko ng aking buhay,” pagigil niyang
turan. Huminga ito nang malalim at saka siya muling tiningnan, straight in the
eyes. “Nang ipagtanong kita noon sa kasera mo bilang si Shiela ay sinabi niyang
walang Shiela na nakatira doon kundi Shaira. But I didn’t take it seriously
dahil sa labis na pagmamahal na nararamdaman ko sa ‘yo at that time. Naging
bulag nga siguro ako at bingi. At nagpaloko sa isang ” “Sa isang katulad ko?” “Let’s
stop being sarcastic, okay? The issue here is why did you leave me on the day I
needed you badly as my inspiration?” “Simple lang. Tapos na ang trabahong dapat
kong gampanan,” aniyang binigyang- diin
ang salitang “trabaho” na ikinapaningkit ng mga mata nito. “Kung gayon, tama
nga siguro ang sapantahang naglalaro sa utak ko noon. Noong nasa gitna na ako
ng ring at hinahanap ka ng mga mata ko. But I failed to see you, dahil isinugo
ka pala ng mga kaaway ko. Tell me now who they are. Who are those bastards?” “Mahalaga
pa bang sagutin ko ‘yan?” “But of course.” “At kung. . ayoko,” hamon niya rito.
Hindi dahil sa gusto niya itong inisin kundi dahil sa tingin niya’y iyon lamang
ang tama ang manatiling lihim para dito ang dahilan kung bakit bigla siyang
sumulpot sa buhay nito at dagli ring nawala. “I swear, pagsisisihan mo ang
hindi pagsasabi sa akin ng totoong dahilan.” “Matagal ko nang pinagsisihan ang
ginawa kong ‘yon. Kung nasaktan ka man and you felt cheated, higit lalo ang
sakit ng pangyayaring iyon sa akin. I gave up myself to you. . n- nang may takot at pangamba sa dibdib ko. N- nang.. ” aniyang from there ay hindi na
nagawang maituloy ang sasabihin. “I’m sorry,” narinig niyang usal ni Arrex samantalang
dumukwang ito at ginagap ang kanyang palad at mariin iyong pinisil. “Pero sana,
h- hindi ka umalis. Sana ay naging tapat
ka sa akin.” “B- because it was no use
at all na. . na.” “Nang makita kita noong gabing iyon. . God, gusto na kitang
yakapin at pupugin ng halik. Pero umiral ang galit ko sa ‘yo at nadagdagan pa
ng pag- aakalang panlilinlang mo rin sa
kaibigan ko. But the pain and agony you gave me. . higit kong naramdaman nang
marinig ko mula kay Jimmy. . magpapakasal kayo.” Gusto niyang tutulan ang
sinabi nito, pabulaanan ang maling akala nito. Subalit wala namang naglalagos
na pangungusap buhat sa kanyang bibig. “You can’t marry him, Shiela. Over my
dead body.” “A- and why not?” “Dahil ako
lang ang mag- aangkin sa ‘yo. Sa katawan
mo.. no other man except me.” “Dahil hindi pa ako ganap na bayad sa ‘yo?” “Dahil
mahal kita.” “GUSTO mo raw akong
makausap, sabi ng sekretarya ko,” ani Jimmy nang bumungad sa opisina ni Arrex.
Very fresh and handsome as always sa ayos nito at tindig. Kung mapupunta ito kay
Shiela o Shaira, tiyak niyang liligaya ang babae. Pero hindi kaya ng
konsiyensiya niyang basta na lamang i- give up ang babae nang gayon. Ikamamatay niya.
Itinigil niya ang ginagawa at itinabi iyon. “Sit down,” alok niya rito sa
silyang nasa harapan niya. “Why do you look so serious, pare? Parang pasan mo
ang mundo,” biro nito habang nauupo, nagde- kuwatro gaya ng nakagawian na nitong gawin. Makailang
ulit siyang humugot ng buntong- hininga bago nagsalita. “Do you still remember
noong araw na naglaban kami ni Aldrin sa ring?” “Never to forget,” marahang
tugon nitong tinanggap ang kapeng inihatid ng kanyang sekretarya. “At naalala
mo ring wala akong kagana- gana sa pakikipaglaban
samantalang it was a fight for love and wealth?” Tumango uli si Jimmy kaya nagpatuloy
siya. “Alam mo ring ang rason ng kawalan ko ng gana sa labang iyon ay.. babae,
‘di ba, pare?” “Yeah,” tango nitong muling sumimsim ng kape sa tasa. “Pero ang
buong akala ko’y kinalimutan mo na ang tungkol doon?” “Dahil hindi ko alam kung
paano gagawin. Paano sisimulan ang paglimot sa kanya?” “Why are you telling me
those? Kailangan mo ba ng tulong? Baka nakakalimutan mo, matinik na detective
itong kaibigan mo. I really can help you. Ikaw lang itong ayaw subukan ang
galing ko sa investigation, eh,” nagyayabang na turan nito. Totoo. Talaga
namang mahusay na CIS agent ito. Nagawa lang nitong bitiwan temporarily ang trabaho
nang mapakiusapan niya itong tumayo bilang kanang- kamay niya habang siya ay abala pa sa kanyang
boxing career. “No need, pare.” “Why? Nahanap mo na ba siya?” Sa halip na
sagutin, tanong din ang ibinalik niya rito. “Ikaw, pare. . how much do you
love, Shaira?” “Uy, tsismoso ka!” anitong kinindatan pa siya. “Just curious.” “She’s
more than everything to me, pare. Nang dumating siya sa buhay ko, I had this
feeling of being in love. Kita mo naman, halos hilahin ko ang oras makauwi lang
agad. She’s everything to me.” “Paano si Glaiza?” Biglang umasim ang mukha nito
sa pagkakabanggit sa pangalan ng dating nobya. “Si Melanie? Si. . Aileen?” “They
are all my past and Shaira is my future. I want her to be my partner in life
for good. Malapit na malapit mo nang masaksihan ang pagsusuot ko ng damit- pangkasal, pare.” “Mahal ka rin niya?” nais
makatiyak na tanong niya. And God, huwag sanang magkamali ito ng sagot sa
kanya, or else. . Pero sa laki ng katuwaan niya, nakita niyang biglang lumukob
ang langit at lupa rito. Humugot ito ng malalim na paghinga na madalas lang nitong
gawin kapag nahuhulog ito sa isang mahirap na lusutang problema, higit lalo sa usaping-
pampuso. “‘Yon nga ang masakit, pinag- aaralan pa lang niya akong mahalin. Answer me,
pare, pangit ba ako?” “Whoever told you that, sasapakin ko,” nakatawa niyang
turan; at least, may dahilan na siya ngayon para tuluyang agawin mula rito si Shaira
o Shiela. “You know what, Arrex, pare, si Shaira lang ang Alam mo ba, tumanggi sa akin. You know me when
it comes to women. Pero kung bakit para bang may itinatago siyang hindi ko malaman.”
Tinapik niya ito sa balikat, nalulungkot para dito. Pero kung ibang babae lang
si Shaira, ipapaubaya na niya iyon dito. Pero ito na rin ang nagsabi, Shaira
was different. Pagkakaibang siya rin niyang natagpuan dito kaya hanggang ngayon
ay nagpapakahangal siya. “Pare, I’m sorry. Pero gusto ko lang sagutin ang itinanong
mo kanina. Kung natagpuan ko na ba ang babaing tinutukoy ko?” “Oh, yeah. Have
you found her?” pag- uulit nito. Marahan
siyang tumango. “Where is she?” curious nitong tanong. “Ang babaing tinutukoy
ko, pare.. ay ang babaing. . gusto mong pakasalan.”
CHAPTER EIGHT
SA LAKI ng
kanyang pagkagulat, mabilis na kumalat ang liwanag ng flourescent lamp sa sala nang
pumasok si Shaira. Matikas na nakatayo malapit sa switch si Jimmy. Bukas ang
butones ng suot nitong long- sleeved shirt, may tangang kopitang puno. He looked
miserable. “J- Jim. . a- ano’ng ginagawa mo rito?” gulat na tanong
niya. Almost three months na siyang namumuhay na mag- isa magmula nang magtapat ito ng damdamin sa
kanya at nawalan siya ng dahilang manatili pa sa poder nito. Nagi- guilty lang siya dahil until now, umaasa pa
rin itong matututunan niya itong mahalin. “Good evening,” bati nito sa kanya
nang nakangiti. Subalit emptiness ang dating niyon sa kanyang pandinig. “Kilala
naman ako ng landlady mo, so hindi ako nahirapang hiramin sa kanya ang susi.
Pasensiya ka na kung dito pa ako nagkalat,” anitong naglakad nang marahan. “Ginabi
ka yata?” Hindi siya nagkomento. Wala naman siyang dapat na sabihin. “S- sandali at maghahanda lang ako ng hapunan.
Mukhang hindi ka pa kumakain,” iwas niya rito. Talagang napakawalang- kuwenta niyang babae kung sa kabila ng mga
kabutihang ipinakita nito sa kanya bukod pa sa paggalang na inani niya rito ay
sasaktan pa niya ito. It was so obvious na alam na nito ang nagaganap sa kanila
ni Arrex; kulang na lang ay magsama sila sa iisang bubong. Nang walang kasal? Pero
for now, ang mahalin siya ni Arrex ay sapat na para sa kanya. Ang ibang
problemang kakambal ng pagpayag niyang makisama rito ay saka na niya haharapin.
Ang importante ay nag- e- enjoy
sila sa nangyayari sa kanilang pagitan. “Siya ba ang dahilan kaya nahihirapan
kang matutuhan akong mahalin?” tanong nitong nakapagpatigil sa kanyang
paghakbang. “Tell me, Shai, please. For me to have my own peace of mind.” “J- Jim. .” Naluluha na siya nang harapin niya ito.
Maybe it was time na tapatin na niya ito. Para sa katahimikan nila. “Answer
me.” Marahan siyang tumango nang may luha na sa mga mata. Nilapitan siya ng
lalaki at naglahad ng palad sa kanya sa laki ng pagtataka niya. “I’m happy for you,
Shai. Honest. Hindi ka man napunta sa akin, at least I know you’re in good
hands.” “J- Jimmy!” Nag- uumapaw ang kagalakan sa dibdib niya nang
sugurin niya ito ng yakap. “THANKS, pare. You really are a true friend.” Nakangiting
nakipagkamay si Arrex kay Jimmy na naghihintay sa labas ng apartment ni Shaira.
“Pasalamat ka at kaibigan kita. Kung hindi, mamatay man ako o magkamatayan
tayo, hinding- hindi ko ibibigay sa ‘yo
si Shaira,” ani Jimmy sa himig na nagbibiro. “Kaya nga nagpapasalamat ako.
Mabuti na lang at sa ‘yo napadpad ang sweetheart ko. Kung sa iba. . naku!” “Ano?
Ano ‘yang naririnig ko?” ani Shaira na lumalabas ng apartment, bitbit ang isa
pang maleta. Mabilis itong sinalubong ni Arrex upang tulungan ito, saka niya
ito inakbayan. “Nothing, sweet. Nagpapasalamat lang ako rito sa best friend
ko.” “Aba, you really should. Alin, kung nagkataong ibang tao si Jimmy?” Niyakap
ni Shaira si Jimmy; muling sumungaw ang luha sa mga mata nito. “T- thank’s again, Jim. You’re one in a million. I
won’t forget you.” “Dapat,” ani Jimmy, tinapik- tapik ito sa balikat. “You take care of her,
pare. Tandaan mo, oras na malaman kong pinaluha mo si Shaira, kakalimutan kong
kaibigan kita. Babawiin ko siya sa ‘yo,” banta nito. “Kung mabawi mo,” hamon
naman niyang humalakhak. MALAKI ang bahay na pinagdalhan sa kanya ni Arrex the
house of his father na magmula nang mamatay ay wala itong ipinagbago. Gusto
nitong manatiling intact ang memories ng mga magulang sa bahay na iyon na
ipinundar sa pamamagitan ng pinagsamang sipag at tiyaga. “Do you like it?”
tanong ni Arrex. Binuksan nito ang sliding door kung saan tanaw ang malaking
swimming pool na para bang nanghahalina. Inakbayan siya nito at saka kinintalan
ng matagal na halik sa kanyang mga labi. “Hmm, the sweetest lips I’ve ever
tasted. Saan ba kumukuha ng asukal ‘tong mga lips mo, love?” tanong nitong
nakatawa at hinatak siya sa higanteng sofa. Pinaupo siya nito sa kandungan nito
while he teased the tip of her breasts sa pamamagitan ng padampi- damping halik nito sa mga iyon. “A- Arrex,” she moaned. Bakit ba ang lalaking ito,
kahit na sa pinakasimpleng paraan ng romance na ginagawa sa kanya’y napakadali niyang
ma- arouse? “Like it?” he asked sa tinig
na tila siya tinutukso pa. “Nah,” aniyang napatili nang pagapangin nito ang mga
labi nito sa kanyang leeg pababa. Pababa. “I like you terribly. I really want
you,” anitong halos padaing at saka siya pinakatitigan sa kanyang mukha. “A- Arrex, b- baka makita tayo ng mga. . k- katulong
n’yo.” “No need to worry, love. Sa Sunday pa ang punta rito ng weekly kong
tagapaglinis at tagalaba. I guarantee you, solong- solo natin ang paraisong ito,” he said
huskily, groaning for passion. He kissed her, touched her. At wala siyang
magawa kung hindi ang gantihan din ng kaparis na alab ang ginagawa nito sa
kanya. God, she wanted him so much. “I want to make love to you, love,” bulong
nito sa tapat ng kanyang tainga. “Y- you
can have me, A- Arrex. I want you, too.”
Hudyat iyon upang lalong umapoy ang damdamin nito. Ano pa’t muling nagsanib ang
mga hubad nilang katawan, na naulit nang dalawang beses sa pool. Halos ay wala
na siyang pagsidlan ang kaligayahang sumasapuso. PANGALAWANG araw nang hindi umuuwi si Arrex.
Lungkot na lungkot si Shaira pero wala siyang magawa. Konsuwelo na lang niya
ang ginagawa nitong pagtawag sa kanya at mismong sa telepono ay ipinaririnig
nito ang mga salita ng pag- ibig. Gusto
niyang magtanong dito, nahihiya naman siya. Isa pa, sinabi naman nito ang
dahilan ng pagkawala nito nang ilang araw, kaya ano pa ba ang gusto niya? She
loved the man so much at ayaw niyang ang maging dating niya rito ay demanding o
nagger. Gusto niya ay mahalin siya nito dahil isa siyang babaing may great
self- command pero submissive in a certain point. Ayaw
niyang may maipipintas ito sa kanya na magiging daan ng hindi nila
pagkakaunawaan. She was going to do everything para lamang mapaligaya ito. In
her own way, gusto niyang makabayad sa pagkakasalang nagawa niya rito. Dalawang
gabi nang unan lamang niya ang kanyang kayakap at madalas iyong basain ng luha
niya. Dahil hindi niya maiwasang hindi mag- isip ng
masama. Paano kung bukod sa kanya ay mayroon din pala itong ibinabahay?
Sinisipingan? Paano kung ang babaing iyon ay mas higit ang kaligayahang ipinadadama
rito kaysa sa kanya? May karapatan ba siyang maghanap? Sabihin ditong gusto
niya ay siya lang sa buhay nito at wala nang iba? Paano niya sasabihin iyon
ditong hindi naman lalabas na napaka- demanding niya? Hindi siya kasal dito. Wala
siyang pinanghahawakang papel na puwedeng mag- legalize
at magbigay- karapatan sa kanya para maghanap
at kuwestiyunin ito. Ano kaya’t minsan ay banggitin niya rito ang tungkol sa
kasal? Subok lang. Ano kaya ang magiging reaction nito? Parang ang pangit yata.
Parang nakakababa ng pagkatao kung siya pang babae ang magbubukas ng usapin
tungkol sa kasal. Pero ano ba ang maganda sa ginagawa niya? Nakikisama siya
rito, sumisiping nang hindi sila kasal. Nasa ganoon siyang pag- iisip nang biglang tumunog ang buzzer sa gate.
Arrex! sigaw agad ng utak niya. Binilisan niya ang lakad palabas. She missed
him so much. Grabe. Ang mawala ito nang isang araw kahit na sandali man lang. .
hindi niya makakaya. Nanginginig pa ang kamay niya nang dali- dali niyang buksan ang pantaong gate. Para
lamang mapatda nang makilala kung sino ang nasa labas. “KUMUSTA ka, mahal kong
kaibigan?” “G- Gigi?” Nanlaki ang mga
mata ni Shaira. Awtomatiko siyang napaatras na nagbigay- daan
lang kay Gigi para matayog na pumasok sa lawn. Hinubad nito ang suot na shades
at sinuyod siya ng nang- uuring tingin
mula ulo hanggang paa. “So, it’s true. Totoo nga pala ang nababalitaan kong may
ibinabahay ritong babae. At ikaw pala ‘yon,” anito, itinaas ang mukha niyang
nakayuko. “Why? Look at me. Tingnan mo nga akong gaga ka.” “G- Gigi, u- utang- na- loob.” “Oh, yeah. Ang kapal naman yata ng
mukha mo para makisama sa asawa ko after what you’ve done to him.” Tumimo sa
utak niya ang salita nito. “A- asawa? S-
sino ang tinutu ?” “Eh, may iba pa bang
lalaki rito bukod sa lalaking sinisipingan mo?” “S- si Arrex. .? P- pero. . a- ang akala ko’y. .” “Ang akala mo, totoo ang
mga salita niya sa ‘yo? Ang akala mo, dahil matagal nang panahon ang lumipas
magmula nang bayaran ka namin para linlangin siya para matalo, nakalimutan na niya
ang ginawa mo? Istupida ka talaga, Shaira. Hanggang ngayon, aanga- anga ka pa rin.” Pagkasabi niyon ay sinampal
siya nito. Hindi niya iyon napaghandaan, subsob siya sa halamanan. “Bakit ba
nang magsabog ng katangahan ang langit ay sinalo mong lahat? Hindi mo ba alam,
si Arrex na asawa kong kinakalantari mo ay kapatid ng lalaking kasama ko noon
sa bahay mo? Magka- no ba ang naging kapalit ng panlilinlang mo sa
kanya? Singkuwenta mil, hindi ba? At sa akala mo ba ay hindi iyon alam ni
Arrex. .? “Tsk, tsk, tsk, sukat at nagpabitag ka sa patibong. Kawawa ka naman,
mahal kong kaibigan. Pero hindi bale, hindi naman ‘yon kasalanan ni Arrex Ng asawa ko. Kumbaga, pinagbayad lang niya ang
may utang,” pagigil nitong turan na sinabunutan pa siya. “G- Gigi, utang- na- loob. Aalis na ako. Iiwanan ko si Arrex.” “Dapat
lang! Dahil kung umaasa ka pang babalik ‘yon sa ‘yo rito, nagkakamali ka. Hindi
mo ba napupunang ilang araw na siyang wala rito?” Napailing siya, tigmak ng
luha sa natuklasan. Diyata at ang lahat ay isa lamang paniningil? Ang laki
niyang tanga. “Alam mo bang awang- awa
ako sa ‘yo, ha, Shaira? Ginawa na kitang tanga noon, hanggang ngayon ay ganoon
ka pa rin. Akala ko ba, matalino ka? ‘Yon ang madalas sabihin sa ‘yo ng mga
kaklase at kaibigan natin sa probinsiya. Hindi nila alam, ginawa lang kitang
utusan sa Maynila. Pinaglaba ng damit ko. Pinahawak ng pera kong nilustay mo.
Hindi naman kita itinuring na kaibigan, eh. At wala akong balak. Kung alam mo
lang noon, galit na galit ako kapag kasama ka ng nanay ko. Halos inagaw n’yong magkapatid
ang atensyon ng nanay ko na dapat ay sa akin lang.” Gimbal siya sa mga narinig.
“G- Gigi. . Sabihin mong hindi totoo ang
mga pinagsasasabi mo. S- sabihin mo.” “Sasabihin ko ang lahat ng gusto
kong sabihin at walang makapipigil sa akin.” Akmang sasampalin siya uli nito
subalit mabilis siyang nakaiwas. Nahawakan niya ang braso nito at pinilipit
niya iyon sa likuran nito. “Hayop ka.. itinuring kitang parang isang kapatid.
‘Yon naman pala ” “Bitiwan mo ako, hayop ka rin. Ano?” Pumaling ang mukha nito
sa kabila nang dapuan iyon ng malakas niyang sampal. “Sa halagang singkuwenta
mil, sinira mo ang buhay ko. Napakawalang- kuwenta mong kaibigan. Papatayin kita!” Wala
na nga siguro siyang katinuan nang mga sandaling iyon, bingi na sa mga pakiusap
ni Gigi na tigilan na niya ito. Bugbog- sarado na ito. “Kahit na ano ang gagawin mo,
gaga, hindi mo pa rin maaangkin si Arrex. Akin lang siya. Akin lang.”
Nagdudumali itong lumabas ng lawn nang makaalpas mula sa kanya. “Hayop ka,
Gigi! Hayop kayong lahat!” Napasubsob siya sa mga palad. On the other hand,
tama si Gigi. Napakatanga nga naman niya at agad na naniniwala sa mga mabubulaklak
na salita ni Arrex. Labis iyong ikinaluha ng kanyang kalooban. Kung itinuring
nga siyang kalaban at hindi kaibigan ni Gigi, panalung- panalo ito sa labanang hindi niya
napaghandaan. “Hayop kayo.. ” usal niya, tigmak ang mga mata ng luha. Kung
nagtangka lang siyang mag- angat ng paningin,
makikita niya ang nangangalit na si Arrex na paharurot na sinundan ang sumakay
sa taxi na si Gigi.
CHAPTER NINE
“DID YOU
ever try to ask Arrex kung totoo nga ang pinagsasabi ng mahaderang ‘yon?”
tanong sa kanya ni Marie nang ilapag nito ang dalawang baso ng juice na ito rin
ang may gawa. “K- kailangan pa ba,
Marie?” ani Shaira na halos sumisigok. “Kailangan talaga,” ayon nitong naupo sa
tabi niya. “Malay natin, gawa- gawa lang
ng Gigi na ‘yon ang mga pinagsasasabi niya. Puwedeng baliktarin niya ang mga
pangyayari dahil katulad nga ng mga sinabi niya na natuklasan mo, hindi ka niya
itinuring na kaibigan. Wala akong katiwa- tiwala
sa babaing ‘yon kahit sa litrato n’yo pa lang ko siya nakita.” “Alam mo, Marie.
Gusto kong isiping hindi totoo ang lahat ng isinigaw niya sa harapan ko. Pero
matay ko mang balikan sa isip ko, siya ang naging daan kung bakit kami
nagkatagpo ni Arrex. Samakatuwid, kilalang- kilala niya si Arrex. A- asawa nga niya, eh.” Muli niyang naramdaman ang
kirot sa kanyang dibdib. Napailing si Marie. Kinuha nito ang baso ng inumin at
saka lumagok doon. “Ewan ko lang, huh, Shaira. But knowing Arrex, hindi ang
tipo ng mahaderang ‘yon ang tototohanin niya. Ikaw pa.” Napangiti siya sa
tinuran nito. Gusto niyang magdiwang sa isiping iyon pero hindi niya magawa.
“Thanks for the vote of comfort, Marie. Pero pagkatapos ng nalaman ko,
kailangan kong harapin ang katotohanan. Na hanggang sa pangarap ko lang
puwedeng maangkin si Arrex.” KALYE Sto.
Cristo. Dito natagpuan ni Arrex si Gigi. “Kumusta ka na, Gigi? Ang galing pala
ng naging buhay mo?” Sarkastiko ang tinig na ginawa niyang pagbati sa namutlang
babae. “A- Arrex. . a- ano’ng g- ginagawa mo rito?” “Kukumustahin kayo. Ikaw?
Hindi naman ‘yan ang pinangarap mong buhay, hindi ba? Ang buong akala ko,
pahihigain ka ni Aldrin sa limpak- limpak na salapi. Ano’t tambak na labada ‘yang
nasa harapan mo? Glorya na ba sa ‘yo ang ganitong uri ng pamumuhay?” “A- Aldrin,” sambit nito sa pangalan ng asawang
nasa loob ng bahay ngunit tila walang naglagos na tinig sa bibig nito. “Tsk,
tsk, tsk. Ikaw kasi, sukat at ipagpalit mo ang ginto sa isang tanso. Nasilaw ka
sa mga porma ni Aldrin. Nagpaniwala ka sa mga kabulastugan niya, eh, palamon
lang naman siya ng papa ko. Kung ako ang pinili mo at hindi si Aldrin, I’m
sure, ginto ang nandiyan sa leeg mo at hindi bula ng sabon. Usong sapatos ang
suot mo at hindi gomang tsinelas. At higit sa lahat, lechon ang matitikman ng
sikmura mo at hindi puro tuyo at bagoong.” “A- Arrex, p- patawarin mo ako. Nagsisisi na ako kung bakit
si Aldrin pa ang pinakisamahan ko,” ani Gigi na awtomatikong binulwakan ng luha
ang mga mata. Yumapos nang mahigpit sa baywang ni Arrex na mabilis naman nitong
pinalis iyon. “Ako ang nagsisisi, Gigi. Kung hindi sana kita tinulungan noon sa
Japan, hindi ko na kailangan pang makipaglaban kay Aldrin. Sayang, totoo pa namang
minahal kita. Kung hindi ba naman, ipinaglaban pa kita kay Aldrin. Ikaw ang
kauna- unahang babaing nakatuntong sa pamamahay namin
dahil ang buong akala ko’y karapat- dapat kang mahalin. Pero nakindatan ka lang ni
Aldrin sa burol ng papa, nasilaw ka na. But on the contrary, nais din naman
kitang pasalamatan. Kung hindi dahil sa ‘yo, hindi ko makikilala ang babaing
pag- aalayan ko ng pangalan ko na muntik
nang napunta sa ‘yo. Thank God at hindi iyon nangyari.” “A- Arrex, please. P- patawarin mo ako. M- mahalin
mo lang ako uli ay handa kitang paglingkuran,” pagmamakaawa nitong halos ay maglumuhod
sa kanyang paanan. “It’s too late, Gigi,” aniya. “Natagpuan ko na ang babaing
iyon. And fortunately, hindi ikaw, kung hindi si Shaira. At ang mga pagdurusang
ipinatikim mo sa kanya, ang lalaking itong nasa harapan mo ang sisingil sa
‘yo.” “A- Arrex ” Hintakot itong
napaurong. “Sino ba ang kausap mong gaga ka at kaninang- kanina pa ako tumata ” Dagling nagkulay- suka ang mukha ni Aldrin. Nilipad ng takot ang
hayagang kalasingan nito. “Kumusta na, Aldrin? Mayroon akong sorpresa sa ‘yo,”
ani Arrex at saka pumitik. Isa- isang
lumabas sa pinagkukublihang barungbarung ang nakatanggap ng senyas niyang iyon.
Halos lumaki ang ulo ng napaatras na si Aldrin. “Kilala mo sila, hindi ba,
Aldrin? Ang dating mayordoma ng bahay, si Aling Carmona. At si Erlinda, ang
matapat na katulong namin. Wala pa man kayo ng mama mo roon, kasa- kasama
na namin silang dalawa. . “Naaalala mo pa ba ‘yong huling sinabi ko sa ‘yo
matapos mong makamit ang pansamantala mong kalayaan dahil hindi naging matibay
ang ebidensiyang pinanghahawakan ko laban sa ‘yo hindi pa tayo tapos? At ito na ang oras ng paniningil,
Aldrin. Aling Carmona, Erlinda, ano na nga ba ‘yong sinabi n’yong ginawa ni
Aldrin sa papa?” Si Aling Carmona ang unang nagsalita. “Pinalayas niya kami ni
Erlinda sa bahay n’yo, Arrex, nang malaman niyang nakita namin ang ginagawa
niyang paglalagay ng lason sa iniinom ng papa mo.” “H- hindi !” nandidilat ang mga matang sambit ni
Aldrin. Sa deretsong tingin ay nagsalita si Erlinda. “Tinakot niya po kami at
pinagbantaan. Huwag na huwag daw kaming magsusumbong sa inyo. Kinabukasan ho,
binigyan niya kami ni Aling Carmona ng pera at pinalayas na niya kami. Huwag na
huwag na raw ho kaming magpapakita sa kanya. Lalo na sa inyo.” “Ano ngayon ang
masasabi mo, Aldrin?” “A- Arrex, parang
awa mo na, huwag mo na uling ipakukulong si Aldrin,” mabilis na pakiusap ni
Gigi sa kanya. “H- hindi totoo ang
sinasabi ng dalawa ” susog ni Aldrin. “Kung noon ay nagawa mong palitawin sa autopsy
ni Papa na mali ang hinala ko, I don’t know kung saan ka kumuha ng puwersa para
gawin iyon. Ngayon ka magsinungaling, Aldrin.” “A- Arrex, parang awa mo na ” Tigmak na si Gigi ng
luha. “Isama n’yo na rin ang babaing ito, Chief,” mabilis na utos ni Arrex sa
mga kasamang pulis. “Ang kaso mo, Gigi, physical injuries, trespassing at oral
defamation against Shaira Alejo. Iyon ay bilang kabayaran sa mga pinaggagawa mo
sa kanya noong isang araw.” “H- hindi !
Huwag!” “WHAT seems to be the occasion, huh?” masiglang bati sa kanya ng
bagong- dating na si Arrex buhat sa
halos ay anim na araw nitong pagkawala. Niyakap siya nito sa baywang at saka mariing
hinagkan sa kanyang leeg. He had arrived at the right time. Nakapaligo na siya
at naihanda na ang masaganang hapunan na ewan niya kung bakit at anong instinct
ang nag- udyok sa kanya para gawin iyon, samantalang hindi
naman niya tiyak kung ngayon ito darating. “Hus, bola na lang ‘yan siguro! Ang
mabuti pa ay kumain na tayo. Lalamig ang sabaw at hindi na masarap higupin,”
aniyang inignora ang kiliting naramdaman sa ipinabatid nito sa kanya. Pinaupo
muna siya nito; nang uupo na sana ito’y biglang may naalala. “Wait, we forgot something.
The champagne.” Oh, no, please, Arrex. Huwag mo nang dagdagan pa ang bigat na
babaunin ko sa aking dibdib.. Sa aking paglayo. Kinuha nito ang inumin buhat sa
wine bar at saka nagsalin sa dalawang mataas na baso. “I think this calls for a
celebration, sweetheart. Let’s toast.” “C- cheers,” aniyang huwag madaig ng nanggigi- puspos na damdamin. “You’re the best cook I’ve
ever known, sweetheart. Ang sarap- sarap
ng karÃ- karà mo. At itong hinalabos
mong hipon, this is my favorite,” anitong ilang sandali pa’y sinusubuan na siya
and vice versa. Nang matapos silang maghapunan, tangan siya nito sa kanyang
palad bago nagsalang ito ng isang sweet music sa CD. “Miss, may I dance with
you?” anitong kinindatan pa siya at saka muling siniil ng halik ang kanyang mga
labi. “Oh, Arrex,” sambit niya. Damn you. Damn you for making me believe that
you really love me, nais niyang idugtong subalit nagpigil siya. Ayaw niyang ma-
spoil ang kaligayahang ngayo’y sumasakanya.
For the last time, she will let herself be happy sa piling ng lalaking una at
huli niyang mamahalin. At ang awitin: “Till I Met You.” “The song suits us,”
bulong nito sa kanya; then he pressed his head on her hair habang tila slow- motion sila nitong nagsasayaw sa maluwang na
sala. He continued to hold her and stroke her hair in a comforting fashion
until her trembling ceased. She felt good and secured in his arms, just as she
had always known she would. Kung puwede nga lang na huwag nang matapos ang
sandaling tulad nito sa kanilang pagitan. Kung puwede lang na huwag nang
matapos ang gabing ito ng kaligayahan. Kung puwede lang. . Subalit alam niyang
ang lahat ng ito ay palabas lamang. Arrex’s one way of revenge against her. Na
dahil lamang sa singkuwenta mil na nautang niya buong buhay niya’y magdurusa. Nagpaunlak
siya. Their mouths mated slowly and softly. God, ang paraan ng paghalik na ito
sa kanya ni Arrex, kailanman ay hinding- hindi niya malilimutan. “Can you feel me,
sweet?” tanong nito in a husky voice. Sweet. Sweet. Sweet. Ang pagtawag nitong
iyon sa kanya ay isa pang babaunin niya sa kanyang paglayo. Hinding- hindi niya malilimutan. Marahan siyang
tumango. He strung kissed up her slender neck until he recaptured her lips. She
wholeheartedly welcomed his tongue into her mouth with uninhibited pleasure.
She sucked it gently and felt his whole body quake against hers. “Oh. .” ungol
nito. At sa sarili’y nagawa niyang itanong kung paanong ang sinuman ay sisiping
sa opposite sex nang walang pagmamahal. Ayaw niya iyong paniwalaan. But that
was exactly what was happening to her now sa laki ng kanyang katangahan. This
was one of the hardest things she had ever done in her life ang isiping
pagkatapos ng gabing ito, tapos na rin ang lahat ng palabas. “I- I love you, Arrex,” sambit niya sa nanginginig
na tinig. “Hey, why the misty eyes?” natatawang tanong nito nang tigilan nito
ang paghalik sa kanya at saglit siyang tingnan sa kanyang mukha. Prantiko
siyang umiling. “N- nothing, Arrex. I- I’m
just happy. . yeah, that’s right. Napakasaya ko dahil kapiling kita ngayon. And
you know? I- I’m not asking anything
else from you. I- I just w- want you to.. to love me. To love me,
honestly.” “I love you,” anito sa basag na tinig. His dark eyes were filled
with emotion. “In fact, I want to spend the rest of the night kissing and
exploring every inch of you. Kung puwede lang na huwag nang mag- umaga, para hindi na tayo magkahiwalay pa.” May
ibang konotasyon sa kanya ang tinuran nitong iyon. So, morning will be goodbye.
. Pero hindi ko hahayaang saktan mo ako, Arrex. Kaya bago mangyaring iwan mo
akong sugatan at talunan, I’ll be the one to make the first move. “I love you,
sweetheart. You’re my everything. My completeness,” anito, and then slowly
pressed her flat against the floor. He eased himself over her without crushing
her with his weight, then he began to scour her face with hot, wet kisses. Kung
gaano katagal na tumugtog ang mga sweet music sa CD ay ganoon din katagal
nilang pinagsawaan ang isa’t isa. Until they moaned in unison. MAHIMBING nang natutulog sa tabi niya si Arrex.
Ni hindi na sila nag- aksaya pang pumanhik
sa itaas upang doon sa loob ng silid mag- make love. Well, wala namang pinipiling lugar
ang mga taong nagmamahalan. Iyon ay sa panig lang niya, but not on Arrex’s
part. At iyon ang labis niyang ikinapanghihina. Mula sa pagkakatunghay rito,
pigil niya ang mapahikbi sa pangambang baka magising ito. She memorized his
masculinity. Ang kaanyuan nito ay dadalhin niya hanggang sa kanyang kamatayan. I
will never forget you, Arrex Domingo. .
CHAPTER TEN
KINABAHAN
siya nang hindi niya magawang buksan ang main door. Tinutukso ba siya? Inaasar?
Kung kailan kailangang- kailangan na
niyang umalis ay saka naman ayaw nitong makisama. Naipasok na niya’t lahat ang
susi sa hole pero ayaw nitong mabuksan. Walang sandali siyang dapat na
aksayahin. Kailangang sa pagmulat ng mga mata ni Arrex ay wala na siya sa bahay
na ito. “P- please,” mahinang usal niya
habang sige pa rin ang pihit niya sa knob ng main door. “At saan sa palagay mo
ikaw pupunta?” Bahagya siyang nagulat nang maramdaman ang kamay ni Arrex na
pumigil sa kamay niya sa pinto. “A- Arrex.” “Aalis ka? Iiwan mo na naman ako?”
anitong ang tinig ay nalangkapan na ng galit. Hubad ito at hindi nito iyon
alintana. “U- utang- na- loob, Arrex, spare me. . S- sa palagay ko naman, bayad na ako sa kasalanan
ko.. s- sa ‘yo.” “Anong bayad na? Anong
kasalanan?” Halos mag- isang- linya ang mga mata nito. “Oh, God, Arrex. Tama
na ang mga pagkukunwari. Huwag mo nang bilugin pa ang ulo ko,” singhal na niya
ritong napasandal na siya sa dahon ng pintuan. “What are you talking about,
Shaira Alejo?” “Okay,” aniya in frustration; nag- uunahan nang bumagsak ang luha niya. “Kung ano
pa ang hindi ko nalalaman na hindi nasabi sa akin ng asawa mo, then tell me.
What’s next after this, huh? Hihintayin mong mabuntis ako at saka mo iiwanan?
At ” “Damn. Ano ba’ng pinagsasasabi mo? At sino naman ang nagbigay sa ‘yo ng
ideyang ‘yan?” “Ang asawa mo, si Gigi.” Pagkarinig sa pangalang binanggit niya,
at sa laki ng pagtataka niya, ay sumilay ang nakakalokong ngiti sa sensuwal
nitong mga labi. A devil’s smile, actually. “Utang- na- loob, Arrex Domingo. Hindi ko kailanman
ginusto ang nangyaring pandaraya sa ‘yo. I had no choice then,” hagulhol na
niya. “Huwag mo na akong parusahan nang sobra- sobra.”
“At sino ang may kasalanan kung gayon?” seryoso ang tinig na tanong nito,
nakaharang sa harapan niya ang hubad nitong katawan. Wala na siyang mapagpilian
kundi ang tuluyang mangumpisal dito. Anyway, mas mabuti na rin iyong
maghihiwalay silang walang poot na nakatago sa puso nito para sa kanya. On her
part, masakit, yes. But she deserved it. “A- ang kaibigan kong si Gigi, na asawa mo, a- at ang
lalaking i- ipinakilala niya sa aking si
Aldrin. .” She paused, dahil ang pakiramdam niya, sasabog ang dibdib niya sa
tindi ng sama ng loob na naroroon. “W- wala akong choice kundi ang sapilitang sundin
ang utos nila. Na. . paibigin ka at pagkatapos ay iwanan upang mawala ang konsentrasyon
mo sa laban n’yong dalawa.” “Bakit nila ginawa iyon sa ‘yo?” “D- dahil sa pagkakagalaw ko sa pera ni Gigi na ipinadadala
niya sa akin noong nagtatrabaho siya sa Japan.” “And where did you use the
money?” “K- kasalanan ko ba kung
nabingit sa kamatayan ang nag- iisa kong
kapatid? K- kasalanan ko ba kung.. kung nagalaw ko ang perang
ipinatago niya sa akin, na noong mga panahong iyon ay wala akong ibang mapagkukunan
kundi ang pera ni Gigi? Wala akong ibang mapuntahan kundi ang hiramin muna
iyon. Pero hindi ko akalaing darating siya agad at. . ang hihinging kabayaran
sa perang alam niyang ‘di ko agad mababayaran ay ang panloloko sa ‘yo.” Napapatango
ito, nanatiling matiim na nakatitig sa kanya. “A- Arrex, b- bayad na ako, hindi ba? Matagal na. Matagal mo
nang pinagsawaan ang katawan ko. S- sinira n’yo nang tatlo ang buhay ko. Huwag mo
naman akong tuluyang linlangin sa pagpapaniwalang. . m- mahal mo ako.” Sukat sa narinig, nakangiti na
ito nang tanganan nito ang kanyang baba at iangat ang kanyang luhaang mukha. “I
do love you,” anito. “U- utang- na- loob.” “Yes, I do,” assurance nitong pinahid
ng mga daliri ang luhang bumasa sa kanyang pisngi. “At wala akong asawa, Miss
Shaira Alejo, kung ‘yon ang sinabi sa ‘yo ng kaibigan mong ‘yon. Kung may dapat
man akong pag- alayan ng apelyido ko, ikaw
‘yon at hindi siya.” “A- Arrex.” Marahan
itong tumango; sa pagkakataong iyon ay dinampian nito ng halik ang mga labi
niya. “P- pero ilang araw kang nawala.
H- hindi umuuwi rito.” Kinuha siya nito
at saka inihatid patungo sa pinaghigaan nila. Naupo ito roon at saka naman siya
iniupo sa kandungan nito. Inayos nito ang ilang hibla ng kanyang buhok na
dumikit sa kanyang pisnging nabasa ng luha. “Ilang araw akong nawala dahil. .
isa- isa kong sinundo, matapos ko silang
maipahanap, ang mga taong kailangan ko para tumestigo laban kay Aldrin. . sa
pagkamatay ng papa. Inasikaso ko ang pagpapakulong sa kanila.” “A- ano’ng ibig mong sabihin?” “They’re now in
jail, papagbayarin ko sila sa kasalanang nagawa nila sa akin. Higit lalo.. sa ‘yo.”
“P- pati si Gigi?” “Pati si Gigi.” “Pero
bakit?” “Anong bakit? Sinaktan ka niya noong isang araw na wala ako.” Napamulagat
siya. “Alam mo ang nangyaring iyon?” “Alam ko ang nangyari at narinig ang
lahat- lahat. Gusto sana kitang tulungan noon pero
mas nanaig sa akin ang kagustuhan kong sundan ang lintik na babaing iyon.
Matagal ko na silang ipinahahanap matapos magsalita ang dating mga katulong
namin laban kay Aldrin. Kaya lang, nahirapan ang imbestigador na inupahan ko na
matagpuan sila. Sabagay, sino ba naman ang mag- aakalang
ang mga katulad nila’y maninirahan sa ganoon kamiserableng lugar? You know
what, sweetheart? Kung makikita mo lang si Gigi, hindi mo paniniwalaang siya
iyon. Ang babaing sobrang taas ng pangarap. Kinapitan ako noong kasalukuyang
nahihirapan siyang makabalik sa Pilipinas dahil sa pagti- TNT niya sa Japan.” “Oh, God!” naluluha niyang
turan. “Ako naman itong si gago, na totoong panandaliang nalulong sa kanya,
tinulungan siya. Plus the fact na naawa ako sa kanya dahil kababayan ko siya.” “At
dapat sana siyang pakakasalan?” Marahan itong tumango. “Eh, bakit hindi kayong
dalawa ang nagkatuluyan?” “Kung kaming dalawa, wala tayong dalawa,” anito sa
himig na nagbibiro, nagsisimula na naman siyang hagkan sa kanyang pisngi,
ilong, leeg, na tumagal sa kanyang mga labi na pilit niyang tinutulang maganap.
“I just want to hear the whole story, please,” aniyang kahit paano ay naglubag
na ang kanyang kalooban. Tila nabasa niya ang sinseridad sa mga pangungusap
nito kaya walang dahilan para hindi siya maniwala. Bago pa man nito nakilala si
Gigi, kilalang- kilala na niya ito. “Okay,”
anito. “Isinama ko siya sa pagbalik ko sa Pilipinas. At that time, my father
was already dead. Nagkita sila ni Aldrin sa libing. And the devil, it cannot be
denied na talagang guwapo siya, mabola sa babae. And frankly speaking, no woman
could resist Aldrin’s charms, at hindi iyon nalampasan ni Gigi na buong akala
pa’y si Aldrin ang magiging tagapagmana ng kayamanang maiiwan ni Papa. . “Paano
namang mapupunta iyon kay Aldrin, samantalang anak lang siya ng stepmother ko
sa ibang lalaki? At hindi ganoon katanga ang papa ko para ipagkatiwala sa kanya
ang buong kabuhayan namin.” “Bakit, at ano ang dahilan ng paglalaban n’yong
dalawa?” “Actually, it was just my fight. My greatest dream in my life, ang
maging professional boxer ng bansa. But without my knowing, pinasok din pala ni
Aldrin ang larangan ng boxing sa kagustuhang matalo ako. At that time ay tuso siya,
dahil alam niyang ipagdaramot ko ang kayamanan namin na inaasam niyang mapasakanya.
Plus the fact na ‘kala niya’y hindi ko basta na lang ibibigay nang ganoon si
Gigi na noon ay unti- unti ko na ring
kinasusuklaman. . “Naisip ng kampo niyang kapag natalo ako, lalo pa nga’t
pumirma ako sa isang kontrata, ay mapupunta sa kanya ang kayamanang hinahangad
niya, pati si. . Gigi.” “Oh, no. I’m so sorry, Arrex. Naging instrumento pa ako
ng panlilinlang nila sa ‘yo. Ako ang naging dahilan kung bakit nawala pala sa
‘yo ang kabu ” “Silly you, my sweetheart ” Natatawang pinisil nito ang tungki
ng kanyang ilong. “Ang naging kasalanan mo lang sa akin ay nang iwan mo ako at
sukat. No more, no less.” “Pero ” Isang mariing halik sa kanyang mga labi ang nakapagpaputol
sa sasabihin pa sana niya. “You know what? Ikaw lang ang babaing nakilala ko na
napakaraming alinlangan sa buhay, walang tiwala sa sarili at lagi na’y maliit
ang tingin sa pagkatao.” Nagbaba siya ng tingin sa tinuran nito. “That’s why
I’m here. Ang lahat ng takot sa buhay mo ay aalisin ko, at gusto kong umpisahan
dito.” “A- ano ito?” takang- tanong niya sa inilahad nito sa kanyang
harapan. “Papel, can’t you see?” “I know, pero ” Tuluyan na nitong iniladlad sa
harapan niya ang pahabang papel. “Isa lamang itong papel, mahal ko. Pero ang
kapalit nito’y ang habang- buhay nating kaligayahan.” “A- Arrex. .” Muling namuo sa kanyang mga mata ang
luha. “Will you marry me, Miss Shiela Shaira Alejo? Luhaan na siya nang kurutin
niya ang tagiliran nito. “‘Shaira’ ang pangalan ko.” “Gusto kong laging
nakakabit ang ‘Shiela,’ dahil iyon ang pangalang ibinigay mo sa akin nang
magkakilala tayo.” “Dahil ayokong pati ang pangalang ibinigay sa akin ng mga
magulang ko ay madamay sa kasalanang gagawin ko,” simpleng paliwanag niya. “No
need to explain, mahal ko. Ang gusto ko lang marinig buhat sa ‘yo ay kung
pumapayag kang maging kabiyak ng puso ko.” “Ang corny mo,” natatawa naluluhang
turan niya. “Just answer me ‘yes’ or ‘no.’” “Natural, yes. Ano ka? Nakuha mo na
ang lahat- lahat sa akin. Nasaan ang
ball pen at pipirma na ako.” Tawanan sila habang magkasunod na pinipirmahan
nila ang marriage contract. Natagpuan nila ang mga sariling magkadaiti. Arrex
was still naked, samantalang siya ay nakasuot na ng bestida. Nagkahinang ang
mga titig nila. Matagal. Malalim. At muli, naramdaman niya ang pagpisil nito sa
palad niyang tangan nito. “Say you love me,” usal nito habang nagsisimula na
naman siyang hagkan sa kanyang leeg; he started to unbuttoning her dress. “A- Arrex,” she moaned. “I. . I love you. .” Halos
mapigtal ang hininga niya sa damdaming nagsisimula na namang maghari sa kanya
sa paraan ng ginagawa nitong paghalik sa kanya. Until she realized na nahubad
na nito ang kanyang bestida. And he stared at her savagely. “I love you, too,”
bigkas nito. His hands slid around her body to unclip her bra. And then he allowed
himself an instant to absorb the sight of her long, white body and her full,
rounded breasts. He watched her dark nipples tighten as his eyes settled on
them, as if he had to know the feel of her. “Shaira, I love you, too,” he
whispered while gazing at her nakedness. “I love every thing about you,”
dugtong nito. “Your sweet mouth.. ” He sighed. “Your soft breasts. .” He slid
down her body at nagsimulang damhin ang ituktok ng kanyang mayamang dibdib. His
tone was hoarse when he continued: “Your beautiful, hard nipples.” He even used
the very tip of this tongue to stroke and tease one tight bud to pebble hardness.
“Oh, Arrex,” daing niya nang tuluyan na nitong inihatid sa dako pa roon ng
mundo. She was drowning in erotic sensations. “Hinding- hindi ko pagsasawaang paangkin sa ‘yo.” “I’m
ready,” hayag nito. “As much as. . I do,” amin niya. “So don’t stop. Let’s make
it here again and again.” Marahan itong tumango, at saka nagsimulang gumalaw sa
kanyang ibabaw. At nang halos ay kapwa na nila malapit nang marating ang
kabilang panig ng mundo, siya namang pagtunog ng CP sa ibabaw ng sofa na inilagak
doon kanina ni Arrex. “Damn, sino ba naman ‘tong ” reklamo nitong napatigil sa
ginagawa. “No. sagutin mo at baka emergency,” tutol niya sa pag- akma nitong i- off ang cellphone. “B- but ” “Puwede naman kahit na may kausap ka,” aniya
sa tinig na tinutudyo ito. “Oh, damn,” anitong umuungol pa nang pindutin ang
CP. “Hello. It’s Jim.” “Bastard you, what’s eating you to call me at this point
in time?” reklamo nitong napaliyad nang nanunudyong halik- halikan niya ang dibdib nito. “I just want to
check kung talagang hindi mo pinaluluha si Shaira.” “No. kaligayahan ang
pinalala.. oh, puwede bang bukas ka na?” “Mag- usap tayo.” “Busy ako. At alam mo bang
masasakal kita kapag nagkita tayo?” “Ano ba ang nangyayari sa ‘yo at panay ang daing
mo?” “Bastard you, you have to hang up. Hindi ko na mapigilan ang ” “Damn you,
Arrex. Kapag hindi mo ako kinuhang ninong diyan sa mabubuo n’yo, I tell you,
I’ll squeeze your neck.” “Shut up!” ani Arrex na tuluyan nang binabaan ang
nanunudyong kaibigan. “You bastard, you have to pay the exquisite torture you
have done to me.” Pigil- pigil ni Shaira
ang mapabunghalit ng tawa. “Isa ka pa,” ani Arrex sa kanya; he withdrew a little
and pressed back na halos ay ikapatili niya. “Oh. .” daing niya sa nag- uumapaw na kaligayahan. WAKAS