You Can't Escape

0

 

You Can't Escape

chapter 1

"Aray! Ano ba? Kung maglakad-lakad ka naman tumingin sa daan hindi kung saan-saan!" Taas boses na sabi ni Eula na isa sa mga kaklase ko. Mataray, maarte, 'yan ang katangian na meron siya. 'Yan din ang bansag sa kanya. "Sorry, hindi ko sinasadya," hingi ko na tawad dahil nagkabunggoan kami habang papunta ako sa aking upuan kung saan ako nakaupo. Sa dulo banda, hindi malapit sa pintuan, mabuti na lang at may bintana kaya kahit papano ay makikita ko parin kung sino ang nasa labas. Wala na akong mauupuan sana dahil late akong nakapag-enroll kaya dito na ako pinaupo, mabuti na lang may extrang upuan ang kabilang kwarto kaya hiniram muna ng guro namin. Dahil wala pa ang guro namin kaya maiingay na kaklase ang maririnig mo. Usap ng mahina sa katabi na kayo lang makakarinig, meron ding nag-uusap na walang pakialam kung umabot sa kabilang section ang boses. Walang ibang grupo na maingay sa classroom namin kundi ang mga lalaki. Pinagunahan na ito ng mga ka grupo ni Ignacio Baltimoore. "May chick sa kabilang classroom, puntahan natin mamaya at magpakilala," sabi ni Junard. "Oo ba! Iyon ba yung chinita na maputi?" tanong naman ni Singko. "Yep! Sana mabait at hindi suplada! Ano sa palagay mo dude, Ignacio?" tanong nito sa kaibigan. Nilagay ko ang bag ko sa gilid ng upuan at nilabas ang mga libro at notebook ko. Naririnig ko ang mga pinag-uusapan nila kasi malapit lang ang mga upuan namin at si Ignacio sa katabi ko lang nakaupo, seatmate kaming dalawa. Ayaw niyang umupo sa gitna ayaw din malapit sa harapan dahil minsan kapag hindi nakatingin ang guro sa amin o wala sa mga estudyante ang focus niya kundi sa chinicheck na papel kaya malaya si Ignacio na makaidlip o makatulog habang nakayuko sa kanyang upuan. "Kayo na lang at huwag niyo akong sinasama sa mga kalokohan niyo," saad nito. Hindi ko alam kung bakit nasisiyahan ako sa sinabi niya. May kung ano sa puso ko na nagdiriwang sa hindi ko pa malaman na dahilan. "Wee... ang sabihin mo na may inaabangan ka lagi sa classroom natin at speaking of inaabangan ay papasok na siya dude.. look.. who's that girl? Ayieh kinilig yan!" pang-aasar ni Junard. Ano ba yan. Ang saya na ng puso ko kanina tapos ngayon na wala pang minuto pinalungkot naman agad. Binalingan ko ang pinto dahil sa pagpasok ng iba pa naming mga kaklase at kabilang naroon ay ang crush ni Ignacio na hanggang ngayon hindi rin alam ng classmate ko na si Shemaia Rey Ocampo. "Mga gago kayo! Manahimik nga kayo baka masapak ko pa kayo dahil nalaman pa niya na crush ko siya ng dahil sa inyo. Malilintikan talaga kayo sa akin. Hayaan niyong ako mismo ang magsabi sa kanya." paalaa ni Ignacio sa kanyang mga barkada. Binabasa ko ang subject namin ngayon dahil baka mamaya ay may long quiz na naman ang teacher namin. Pero kahit anong tutok ko sa notebook ko na may nakasulat ay hindi sila nag sisiakyatan sa utak ko kaya ang ending wala talaga akong naiintindihan ngayon. Mas nanaig pa ang sakit ng dibdib ko dahil sa narinig na sinabi sa katabi ko na pagkagusto sa kaklase namin. Hays! Bakit ba hindi ako crush ng crush ko? Kasi ang pangit mo Mica at marami kang tigyawat sa mukha kaya kahit kailan hindi ka niya magugustuhan. Hay! Sarili kong tanong, sarili ko ring sagot. "Ewan ko sa'yo parekoy, mauunahan ka na yata eh. Mas madalang ang pakikipag-usap nila nung 4th year high school na si Valentino. Minsan nga nakita pa namin minsan na naghoholding hands, tapos ang sweet sa isa't-isa, hala baka sila na nga tapos ikaw? Wag munang hintayin pa na matisod ka bago mo sabihin ang nararamdaman mo sa kanya," singit naman ni Singko. "Basta wala akong pakialam kung sino man yang nilalang na yan basta bago matapos ang taon na ito ay mapasakin siya." saad ni Ignacio. Malalim akong napabuntong hininga na lamang at hindi ko alam na napalakas siguro ang ginawa ko kaya nakatingin sila sa akin. Kunot-noo ko silang tiningnan. "Sorry nag-aaral ka pala, ang ingay ng mga unggoy na ito, sorry ulit," hingi ng sorry ni Ignacio at hindi ko alam na bigla na namang nagsasayawan ang mga bulate sa tiyan ko. Dahil ba kinakausap niya ako? Minsan niya lang ako pinapansin kaya masaya ako kapag kahit ilang segundo niya lang akong kausapin ay sobrang saya ko na. Wala kasi akong ka close dito sa school, hindi ko alam parang ayaw nila sa akin. Dahil ba sa marami akong pimples kaya nandidiri sila sa akin. Eh sa gusto nilang magstay, kahit anong banlaw at sabon ko sa mukha ko ayaw nilang magsisilayasan . Ano pa ba ang magagawa ko? Sabi ng mga magulang ko na natural lang daw ito at mawawala rin paglipas ng panahon. Naniwala ako sa mga magulang ko kaya hihintayin ko ang pagkakataon na yan na magsisilayasan na ang mga tigyawat ko sa mukha ko. Ilang minuto na pagkakaupo ay dumating na rin ang teacher namin at tama nga ang hula ko na may long quiz agad hindi pa nakapag simula ang bagong lesson. Paraan kasi ito ng guro para malaman kung nag-aaral at may natutunan kami sa klase niya. Previous Page "Shit! Hindi pa naman ako nakapag-aral. Hays, kahit ano na lang ilagay ko," narinig ko na bulong ng katabi ko. Hindi ko alam kung naawa ako sa kanya o dahil crush ko siya kaya hinayaan ko na lang ang papel ko na nakabuklat lang kapag sumasagot. Kahit hindi ko man sabihin sa kanya na komopya siya sa akin ay alam kong minsan ang mga mata niya ay nakatutok sa papel ko at maya-maya may naisulat na siya. Ang kagandahan lang din sa kanya kapag nangongopya ay hindi lahat na sagot ko ay isinulat niya o talagang hindi niya nababasa ang isinulat ko. Ewan basta masaya ako na nasa akin siya nakatuon kahit alam ko na mali ang ginagawa niya at dapat nag-aaral siya hindi yung puro na lang nasa isip niya ang crush nito. Minsan naisip ko na i tutor sya baka wala siyang naiintindihan sa klase. Hindi naman ako sobrang talino pero marunong naman akong makipag share kung anong meron ako, anong natutunan ko. Buti hindi puro Shemaia, Shemaia nakalagay sa kanyang papel. Umirap ako sa isip ko dahil naiinis. Matagal ko na siyang crush lalo at nung unang pasok ko pa lang sa classroom ay siya ang unang kumausap sa akin kaya tuloy hanggang kinagabihan ay talagang bitbit ko ang kasiyahan na kinakausap niya nga ako sa araw na iyon. Pero kinabukasan ay hindi niya ako kinakausap dahil nasa kaibigan siya parati minsan doon siya nakaupo sa kabilang upuan malapit kay Shemaia. Kahit halata namang ayaw ng babae sa kanya ay pinipilit nitong doon makikihalubilo. "Sa canteen ka ba kakain mamaya? Sasama ako!" tanong ni Lisa. May baon ako pero parang gusto ko ring lumabas lalo ngayon na may gustong sumabay sa akin. Tiningala ko siya at ngumiti, "Oo ba, maghihintayan na lang tayo mamaya kung sino unang matapos." Nginitian niya ako at umalis na sa harapan ko dahil kakapasok lang ng teacher namin para sa pang-umagang klase. Pagkaupo ko sa upuan ko ay wala pa si Ignacio. Saan na kaya yon? Nandito na ang guro tapos siya wala pa. Nakakainis naman itong lalaking ito, pinapabayaan lagi ang pag-aaral. Michaella walang kayo kaya huwag masyadong ambisyosa. Maktol ko sa sarili ko. Label muna girl. Hay buhay! Pero hindi pa naka attendance ang guro na biglang pumasok ang kanina pa na laman ng utak ko, " Good morning teacher," bati nito sa aming guro. "Your 10 minutes late Baltimoore, pasalamat ka at hindi pa ako nakapag-attendance. Kahit nakapasok ka mamarkahan parin kita na absent kung na mention na ang pangalan mo. "Yeah! Sorry miss and thank you. Sana hindi na maulit bukas," sagot pa ni Ignacio. Tinititigan ko siya at hindi man lang ako kumukurap dahil baka kapag gagawin ko yun ay bigla na lang siyang mawawala sa paningin ko. White uniform at black slacks pants ay sobrang bagay na sa kanya. What more pa kaya kung naka formal suit ito? Naka pambahay lang tapos magulo pa ang buhok. Gandang lalaki di siya dahil sa makapal na kilay, medyo singkit na mata. Bagay din sa kanya ang straight longhair niya hanggang balikat, hindi man allowed sa school ang ganyang kahaba na buhok sa mga lalaki pero dahil sumasali siya sa pagmomodel dito sa school kaya pinayagan na lang na ganyan ang ayos niya sa buhok niya. "Gwapong-gwapo ka ba sa akin? Kaya tumutulo ang laway mo?" napa kurap-kurap ako dahil sa lapit na niya sa akin. Ilang dangkal na lang talagang maghahalikan na kami? Maghahalikan? Inangat ko ang kamay ko para masukat kung tama ba ako na ilang dangkal na lang siya at tama nga ako na isang dangkal na lang talaga kami. Bigla akong umiwas dahil hindi ko maimagine kung ano ang naging itsura ko na sobrang fresh niya samantalang ako bagong paligo naman pero dahil sa maraming pimples feeling ko limang buwan akong walang ligo. Wala kasi akong nakikitang pimples man lang sa katabi ko. Ang kinis ng balat niya kahit kayumanggi naman ito. Pinahid ko ng kamay ang labi ko baka nga tumulo na ang laway ko. "Nagbablush ka Mica, baka ma inlove ka sa akin niyan!" ngiting-aso nito. Inirapan ko siya dahil sa mga niisip nito. "Matagal ng ganyan ang mukha ko na nagkukulay pink dahil sa pimples ko kaya huwag mo ng pakialaman." sabi ko sa kanya sa mahinang boses na kami lang nakakarinig. "Okay! Sabi mo yan ha!" Hindi ko na siya pinansin at nakikinig na lang sa guro na nagsasalita sa harap. Kahit hindi ko man siya lingunin pa ay alam kong sumisilip ito sa gawi ko at pinipigilang ngumiti o mang-asar pero dahil sa makulit minsan ang mata ko kaya binalingan ko siya at tama nga ang hula ko na patingin-tingin ito sa akin at dahil nakabusangot ang mukha ko ay hindi niya napigilan na ngumisi. Lalo tuloy sumi singkit ang mga mata niya lumalabas ang mapuputing ngipin. Binalik ko ang tingin sa pagtuturo ng guro at hindi na siya tiningnan pa at baka ano pa ang magawa ko sa unggoy na to. "So class, get one whole sheet of paper and summarize our lesson for today, alright?" saad ni Mrs Salve. "Yes ma'am," narinig ko na sagot ng mga kaklase. "Pakopya ulit mamaya ha dahil wala akong naiintindihan kanina," bulong ni Ignacio. "Nasa loob ka lang ng school habang nakatingin sa guro. Saan pala napunta ang isip mo?" pagsusungit ko na tanong. Baka si Shemaia na naman ang nasa isip niya. Pero ang isang ito kumindat lang sa akin. Umirap ulit ako sa hangin at hindi na siya pinansin pa. Pasalamat ka kasi crush kita kaya hahayaan ko na lang ang mga papel ko na nakabuklat sa harapan niya. "Bait mo pala, akala ko talaga masungit ka eh! Simula ngayon friends na tayo," sabi nito sabay kindat sa akin. Lagi na lang may kindat itong loko na ito. Friends na tayo? Tama ba ang narinig ko na hindi lang kaklase ang turing niya sa akin kundi friends din, hala bakit ako kinikilig sa paraang ganito lang. Tinampal ko ang kaliwang pisngi ko pero na pa "aww," na lang ako. Dahil napalakas pala ang pagsampal ko. "Alam kong ayaw mo sa mga pimples mo Mica pero wag mo namang gawing kontrabida sa buhay mo para sampalin mo ang kaliwang pisngi mo. Sa kabila din para magsisilayasan na sila diyan sa mukha mo," hirit nitong kumag nato habang natatawa. Hindi ko na talaga siya pinansin at patuloy lang na nagsusulat. Maya-maya nararamdaman ko ang siko niya na ginagalaw ang braso ko. Umusog lang ako ng konti pero hindi talaga siya tumitigil. May inabot siya na maliit na pinunit na papel, nilagay sa ibabaw ng desk ko at may nakasulat na pakopya. Dahil sa pangungulit kaya hindi ko na tinabunan ang sagot ko habang nakatutok parin ang mga mata ko sa binabasa ko. Mga ilang minuto na pagsagot ay pinahinto na kami ng guro dahil ipapasa n namin ito sa kanya, finish o not finished. "Thanks friend Mica, gusto mo libre kita? May ulam ka na ba ngayon sa pananghalian? Ako na ang manglilibre sa'yo," napaisip ako sa sinabi niya. Binabayaran niya ako dahil sa naitulong ko sa kanya? No way! "Kaso may ulam ako kaya thank you na lang," sambit ko. "Okay then, bukas na lang! Huwag ka ng magbaon para bilhan na lang kita ng pagkain sa canteen," dagdag pa nito. Hindi ko gusto na binabayaran niya ako dahil sa pagtulong ko sa kanya pero ang maisip na magkasama kami bukas sa kainan at mag-uusap habang kumakain ay gusto ko na agad ilipat ang oras sa alas singko ng hapon at ilipat ang araw sa umaga sa sunset para kunti na lang ang hihintayin ko na oras at mag-umaga na para magkasama na kaming dalawa kinabukasan. Hays.. nababaliw na yata ako sa mga iniisip ko kung sinabi ko na lang na may ulam na ako pwede mo namang dagdagan, hay naku Mica ang slow mo sa bagay na yan. Dahil sa mga naiisip ko ay wala na siya sa harap ko at kanina pa yatang lumabas para mananghalian. "Let's go," yaya ni Lisa sa akin. Tumango ako at kinuha ang baunan ko saka sumunod sa kanya. Nagsisilabasan narin ang iba naming mga kaklase para mananghalian. Yung iba sa canteen ang punta, yung iba naman ay umuuwi sa kanila dahil malapit lang ang bahay nila dito sa paaralan. Ako kasi nasa kalahating oras ko pang lalakarin, minsan umaabot ng isang oras dahil mabagal akong maglakad. Hindi naman ako natatakot dahil marami naman ang mga naglalakad din na estudyante. May iba sa kanila ay eskinita lang din ang layo ng bahay sa amin. "Ano ulam mo?" tanong ni Lisa sa akin. "Pritong tilapia, sa'yo?" balik ko na tanong sa kanya. "Wow yummy yan! Sa akin adobong manok! Bibili na lang tayo ng pwedeng idagdag sa kakainin natin. Pwede dessert kung walang mapili kahit tubig na lang, diba?" nagtawanan kami ni Lisa dahil para sa akin sapat na itong ulam ko at pwede ko pa ito ma ishare kay Lisa ang iba. Mabilis naman kasi akong mabusog pero dahil si mama ang laging naghahanda ng pagkain ko kaya laging puno ang baon ko na nasa tupperware lalo ngayon malaking isda ang pinabaon ni mama dahil marami -rami rin ang nahuli ni papa na isda sa pangingisda. Minsan umaalis si papa ng madaling araw para makapang-laot at kung marami ang makuha na isda ay binebenta sa palengke para may pera kami pangtustos sa araw-araw. "Ano sa inyo mga Ineng?" tanong ni Aling Marta na isa sa nagmamay-ari ng karinderya dito sa school. Bawat stall ay may iba't ibang may-ari at may mga kanya-kanya ding niluluto na ulam. Dito dinala ang mga paa namin ni Lisa kaya dito na rin kami yata bibili. Inisa-isa namin na binuksan ang takip ng niluluto sa kaldero. "Dalawang serving ng monggo po," sabi ni Lisa sa may edad na ginang.   "Yan na ang binili ko pares sa tilapia mo na ulam at sa adobo ko na ulam dahil hindi naman yon maraming sabaw kaya bagay lang." paliwanag niya. Nginitian ko siya dahil hindi ko inaasahan na naisip niya yun. "Dalawang serving na rin ng leche flan po," yan na lang ang naisip ko dahil sa monggo pa lang ay busog na busog na talaga ako niyan. Magdedessert na lang kami. "Dito-dito na tayo Shemaia umupo dahil marami pang bakante na upuan," napalingon ako sa nagsasalita sa may likuran namin dahil ilang minuto na kaming kumakain ni Lisa dito sa bakanteng lamesa at nakita ko na nakatayo ang mga kaklase namin na sina Sophia, Gail, Karen at Shemaia. "Right? Michaella and Lisa?" tanong ni Gail sa aming dalawa ni Lisa. "Yeah! sure. Opo kayo?" sabi ko sa kanila. Sino naman ako para itakwil sila na wala naman silang ginawang masama at hindi ako ang may-ari sa canteen na ito para hindi sila paupuin. "Thanks, Mica," saad ni Shemaia sa akin. Kanya-kanya na silang labas ng mga baonan nila para magsimula ng kumain. "Mamaya may practice tayo ng cheerdance tapos sa Wednesday naman yung Volleyball, nakakapagod narin pero sige lang para sa grades." si Sophia. Nagkanya-kanya naman kami ng tango kahit hindi naman ako kasali sa grupo nila, iba naman kasi ang sasalihan ko. "There you go, nandito lang pala kayo mga classmates," masayang sabi ni Ignacio. Kanya-kanya naman ng tikhim sina Junard at Singko sa di ko malaman na dahilan. Sinisiko na ni Singko si Ignacio at tinuturo kung nasaan nakaupo si Shemaia. Lumapit siya dito at binigyan ng chocolate. "Wow! Sa akin talaga ito? Hindi ako magshashare ngayon?" tanong ni Rey kay Ignacio. Nakatutok ang mga mata ko kay Ignacio na ngayon namumula na kahit nararamdaman ko ang sikip ng dibdib ko dahil sa nasaksihan pero ngumiti na lamang ako. Hays crush ko siya samantalang siya may crush na iba. Binilisan ko na lang ang pagkain at hindi ko namalayan na hindi na pala ako huminto sa sunod-sunod na pag lamun kaya tuloy nabilaukan ako, mabuti na lang naagapan at nakainom ako ng tubig. "Are you okay?" tanong ni Ignacio na nasa harapan ko na. "Yeah," sagot ko kahit inuubo pa. "Sayang bibigyan sana kita ng chocolate rin pero dahil umuubo ka ibiga—," hindi pa naman siya natapos sa sinasabi. Kinuha ko na sa palad niya ang toblerone na mas malaki pa ito kaysa binigay niya kay Shemaia. Hindi ko alam pero ang lapad na ng ngiti ko. "Thank you gift ko yan sa'yo lalo na sa pagtuturo sa akin kahit hindi mo man sabihin dahil takot ka sa guro pero pinapakopya mo ako." bulong niya malapit sa tenga ko. "Thank you," tanging nabanggit ko dahil sa walang tigil na pagtibok ng puso ko. Masaya na masaya ako sa mga oras na ito. Akala ko badtrip na ako pero ngayon masaya na ulit ang puso ko kahit wala man akong pinagsabihan ng kasiyahan ko sa iba. Tanging ako lang ang nakakaalam.

 

 

chapter 2

"Anak! Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay, aalis lang kami ng tatay mo papuntang bayan, ikaw na ang magpakain sa mga kapatid mo!" wika ni mama. "Sige po nanay," sagot ko habang inuunat ang katawan ko. Alas singko palang ng umaga at kakagising ko lang, dahil laging maagang umaalis ang mga magulang ko para pumunta sa dalampasigan para pumalaot o di kaya pupunta ng bayan para magbenta ng mga nahuli nila na isda, ganito dito sa bayan namin maaga pa lang, gising na ang mga tao kaya siguro ganun din ako kaaga kahit wala naman akong lakad. Six o'clock palang ng gabi gumagayak na kami para matulog. Ako kasi ang nag-aalaga ng mga kapatid ko kapag walang pasok, kapag meron naman, si nanay. Uuwi lang siya ng maaga bago mag alas syete ng maaga para ako naman ang aalis papuntang paaralan. Dahil Sabado ngayon kaya wala akong pasok. Bumangon na ako para malock ang pinto pagkaalis nila. "Mag-iingat po kayo nanay at tatay doon, ako na po ang bahala sa mga kapatid ko." sabi ko habang nakasunod sa kanila palabas ng pintuan. "Sige aalis na kami Mica, ang mga bata ha pakainin pagkagising," paalala ni tatay. "Opo, huwag po kayong mag-alala, ako na po bahala sa kanila," panigurado ko. "Sige anak, pa lock na ang pinto," nagmano ako sa kanila bago sila sumampa sa kanilang motor. Kumaway ako pagkaalis nila. Dahil hindi na sila makita ng mga mata ko dahil sa malayo na sila kaya pumanhik na ako sa loob para matingnan ang mga natutulog ko na mga kapatid. Nilock ko nang mabuti ang pinto at dahil alas-singko pa lang kaya babalik ako sa pagtulog katabi sa mga kapatid ko. Naalimpungatan ako dahil sa may mga kamay na pumipisil sa mga alaga ko esti mga kaaway ko na pimples. Dinilat ko ang mga mata ko para makita ang mga salarin. "Bulaga!" nagulat kaya nagtatawanan sila dahil sa ginawa ko. Panay piglas nila dahil kinikiliti ko silang dalawa. "Anong sabi ni ate? Anong sabi ha? Wag niyong galawin ang aking mga loyal na friends kasi kuntento na ako sa ganyang karami, ok? Kung pipisilin nyo sila dadami at kakalat ang mga alaga ko hanggang dito sa leeg ko, sige kayo. Pangit na nga si ate dadagdagan niyo pa," ginamitan ko sila ng sign language para maintindihan nila ng mabuti ang sinasabi ko. Dalawang kapatid ko kasi na kambal ang special child, si Kimmy hindi nakakarinig samantalang si Keville hindi nakakapagsalita. Kaya ma swerte pa nga lang ako, tapos ako panay reklamo ko sa mga tigyawat samantalang sila hindi ko man lang nga nakikita na nagrereklamo. Dati kasi, akala namin na normal lang talaga ang mga kinikilos nila na hindi nakakapagsalita si Keville ginagamit niya lang kapag may kailangan ay sumesinyas lang ito, ganun din si Kimmy. Ilang beses na naming tinatawag hindi talaga kami naririnig kahit malapit lang kami. Kung kaharap lang kami at nababasa ang sinasabi ng mga bibig namin saka pa nila naiintindihan, kaya pina check-up nina nanay at tatay. Kaya iyon nga ang nangyari na tama kami ayon sa results ng dalawa. Kahit ganyan sila, hindi nababawasan ang pagmamahal namin sa kanila. Kaya hindi dapat ako magrereklamo kung bakit ako ang nag-aalaga sa kanila dahil kung tutuusin na mas maswerte pa rin ako. Paano naman sila? Kami tanggap namin ang kalagayan nila, pero yung iba? Kahit siguro alam na nila na may kapansanan ang tao sige pa rin sila ng sige na pinapahiya nila, tinatawanan at sinasabihan na hindi maganda. "Magluluto lang si ate ng agahan bago at saka tayo kakain," sabay-sabay silang tumango dahil sa sinabi ko. Nililigpit ko muna ang mga hinigaan namin at tumulong na rin sila para mapadali. Nasa five years old pa lamang sila. Kaya kailangan pang bantayan ang mga ito makukulit kasi minsan. "Tao po! tao po!" may narinig ako na may tumatawag sa labas ng bahay at dahil familiar ito sa akin kaya lumabas na ako ng silid ng kwarto para pagbuksan ang panay sigaw ngayon. Pagkabukas ko ng pinto ay nakapamewang agad ako habang ang kanina pa panay tawag ay tumatawag pa rin. Nakikita na niya ako ayaw pang tumigil hangga't hindi ako sumasagot. "Ano naman ang sadya mo Tuko? Ang aga-aga nang boboysit ka!" pagalit ko na tanong. Sanay naman ito sa akin na lagi ko siyang nasisinghal dahil na rin sa ginagawa niya. "Aba ang sungit natin ngayon ah, sa pangatlong linggo pa ang dalaw mo advance mo naman masyado Tiki," saad nito habang papalapit sa akin. Hindi pa nga ako pumayag na pumasok siya sa loob ng bahay pero feel at home ang buang oh, iniwan lang ako dito sa labas. "Wala pa sa akin ngayon, naiinis ako sa'yo dahil panay sigaw mo. Ang aga-aga pa. Baka mamaya yan magising lahat na langgam at ipis dahil sa lakas mong sumigaw," saad ko. Kababata ko itong nilalang na ito dahil inaanak siya ni nanay. Simula pagkabata hanggang nagdadalaga at binatilyo na kami ay may alam na kami sa isa't-isa kung ano ang mga ayaw namin at hindi pa gusto. Kaya ang Tuko na pangalan niya ay ako ang nagbigay sa kanya dahil habang naglalaro kami noong mga bata pa kami ay may narinig kami na tumatawag na Tuko at itong lalaking ito panay namang sabi na nandito si Tuko, ako si Tuko kaya ayan naging tuko na ang tawag ko sa kanya at tawag naman niya sakin ay tiki para hindi siya nag-iisa. Kaya noong nag-aaral kami pinagtawanan ba naman kami ng mga estudyante dahil ganoon pa rin ang tawagan namin. Doon ko lang nalaman na pangit pala kapag ganyan ang pinangalan sayo ng mga magulang mo. Pero ako kapag kami lang mag-isa o kahit nandito ang mga magulang ko o sa kanya ganyan pa rin ang tawag ko, siya kapag nang-iinis na lang sa akin saka niya pa ako tatawaging tiki. "Sorry na, ito dinalhan ko kayo ng pandesal, meron pa kayong palaman?" "Sus pumunta ka lang dito para may palaman ang tinapay mo. Bakit hindi mo na lang yan isawsaw sa kape para malasa kahit may lasa naman ang pandesal,'' sabi ko. Taong bahay lang ah. Pinaupo niya lang kaming magkakapatid sa upuan tapos siya na ang kumuha ng mga pinggan at tasa para sa kape, ang mga bata ay gatas. Binuksan niya ang sachet ng kape para sa aming dalawa samantalang ang mga bata naman, hinati lang ang isang sachet ng gatas para sa dalawahang maliit na tasa. Minsan kasi hindi nila nauubos kaya sa maliit lang na tasa sila. Naglagay na rin ako ng palaman na peanut butter sa mga pandesal at yung iba naman ay tinabi ko muna baka hindi maubos. "Binawasan mo na naman ang pera mo galing sa pagtatabas ng mga damo Tuko baka mamaya niyan wala ka ng pambaon o di kaya para sa mga projects sa school," sabi ko dahil halos araw-araw dumadaan dito sa bahay para magbigay ng pandesal, alam niya kasi na paborito ito ng mga bata at malapit lang sa kanilang bahay ang bakery shop kaya madali lang sa kanya na dalhin dito, kaya minsan sabay na kaming pumapasok sa paaralan. "Meron pa naman marami pa gusto mo ipakita ko pa sa'yo ang pitaka ko," "Yabang nito!" "Nagsasabi naman ako ng totoo na marami pa, mabigat nga siya eh, alam mo ba kung bakit?" "Bakit?" curious sa sinabi niya. Siguro mas marami siyang nagawang trabaho kaya malaki ang sahod. "Puro barya," ngumuso ito habang naglalagay ng palaman sa kanyang pandesal. "Ano? Bakit naman?" natatawa kong tanong, mali pala yung hula ko kanina. "Paanong hindi eh puro barya ang binigay sa akin dahil wala ng papel. Sino ba naman ako para tanggihan yun na pera naman ang mga iyon ano, kaya sobrang bigat tuloy sa bulsa kapag dinadala ko. Mas mabuting gastusin ko na lang yung iba keysa hayaan na lang mabutas yun sa pitaka. Kawawa naman." paliwanag nito habang natatawa na lang talaga ako. "Eh di sana pinalitan mo na lang sa mga tindahan o di kaya gasoline station, meron naman siguro niyan." saad ko. "Hindi ko na ginawa dahil ganyan naman din na gagastusin ko siya," sabagay tama naman siya. "Yung iba din ibibigay ko sa mga bata para may mailagay sila na pera sa kanilang mga alkansya," tiningnan ko siya sa mukha. Kahit kailan talaga maalaga ito sa mga kapatid ko. "Huwag mong ibigay lahat ha, magtira ka rin para sayo," saad ko at tinaasan niya lang ako ng kilay dahil may idea na ako na hindi na niyan gagawin. Inabotan ko pa ng pandesal na may palaman ang mga bata. Magana silang kumakain ngayon dahil may tinapay na naman sila na pasalubong galing sa kanilang bestfriend. Hindi naman nagtagal si Tuko dito dahil may gagawin pa raw ito ngayong umaga at may tatapusin na naman mamayang hapon. See! Pumunta lang dito para makipag share ng kanyang blessings tapos ako naman itong panay reklamo, tinatanggap naman. Tsk. Ginawa ko na ang mga gawaing bahay bago pa dumating ang mga magulang ko. Pagbabantay at pag-asikaso ng mga kapatid at linis-linis sa bahay ang ginagawa ko para may maitulong. Kinabukasan naman ay sabay-sabay kaming nagsisimba at depende kung pagkatapos sa simbahan ay kung ano pa ang susunod na gagawin ang pumunta ng dalampasigan para maligo o sa bahay lang at magpahinga. Ganito na ang routine namin every Sunday. Minsan kapag malaki ang bentahan ng mga isda kaya makakapunta kami ng siyudad ng Dumaguete para mamasyal sa Rizal Boulevard. Uuwi kapag malapit na ang gabi. "Sana pala ang pageant ang sinalihan ko hindi itong track and field," reklamo ni Bianca. Nasa bench kami ngayong apat kasama si Lisa at Rosal dahil dito namin napili na gawin ang last projects namin nitong third period bago ang intramurals sa school. "Bakit hindi ka nag parehistro noong tinanong kung sino pa ang gustong sumali?'' tanong naman ni Lisa. "Nagdadalawang-isip pa kasi ako, akala ko kasi na wala akong time sa pag practice at alam niyo na sa track n field ako nakilala since ever na sumali ang batch natin kaya doon lang ang alam ko na sure ako na makakasali pero hay," buntong hininga nito. "Kaya nga ano! Yan tuloy naunahan ka na ng ating maarte na classmates na si Eula! Sana naman sa taong ito gagalingan na niya at hindi pinapairal ang kaartehan gaya dati," napaiiling na lang kami dahil sa sinabi ni Rosal dahil sa totoo naman ito. Panalo na sana naging bato pa dahil nag back-out sa kalagitnaan ng practice tapos kinabukasan na ang totoong pageant. Si Bianca sana pwede that time kaso yun din ang araw ng kanilang track n field at hindi na niya kayang mag practice. Sila lang naman ang pambato namin sa mga beauty pageant na mga yan. Nangarap din naman ako pero kahit kailan hanggang pangarap na lang sa akin ang mga ganyan dahil na rin sa palagay ko hindi ako tatanggapin dahil sa itsura ko na puro pimples. Hindi na ako nagtangka pa na magtanong kung pwede ako dahil pagtawanan lang ako ng mga kaklase ko paano pa kaya kung pilitin ko talaga na sasali ako baka pagtawanan din ako ng ibang mga estudyante sa ibang section. Mabuti na lang magtinda ng palamig sa mga sumasali sa events doon lang yata ako nababagay kaysa mag pageant. Hindi naman ako sobrang katangkaran pero parang pasado na sana itong heights ko. Tatangkad naman siguro ako kapag naka high heels pero hay buhay kahit pala pagsuot ng malalaking takong hindi pala ako marunong, saklap nga naman talaga. Wala talaga akong ka talent talent kahit ganda wala man lang akong maiambag. "Tapos na ba? Pakilista na lang ang pangalan ko," singit ni Ignacio. Kasama rin pala namin ito sa groupings itong nilalang na ito. Para madali sa amin makahanap ng partner at hindi bias kaya pinabunot kami ng teacher sa tinupi niya na mga papel kung sino ang mga ka grupo namin kaya kaming lima ang napili. "Ikaw? Bakit ngayon ka lang? Ngayong tapos na kami sa ginagawa namin saka ka pa dumating!" singhal ni Lisa. "Ito naman oh relax ang bp natin diyan. Don't worry may dala naman akong mga snacks at drinks natin dahil alam ko na mapapagod at magugutom kayo sa kakasagot kaya pinagod ko rin ang sarili ko na pumili at pumila sa mini store, you know," wika ni Ignacio na napabusangot sa mga kasamahan namin. Ako? Wala yata akong reaksyon lalo ngayon na sobrang lapit niya sa akin nakaupo, hindi ko alam kung humihinga pa ba ako ngayon. Nilabas niya ang mga binili niya na chichirya at mga biscuits at soft drinks sa supot at kanya-kanya namang kuha ang mga kaklase ko. "Sayo Rey! Ano ang gusto mo–" "Ikaw!" wala sa sariling sagot ko. "Huh? Hindi ako pagkain at inumin," natauhan lang ako ng tumawa sila dahil sa sinabi ko. "I uhmm… ibig kong sabihin ikaw.. ikaw na ang pumili kung ano ang ibibigay mo sa akin." sabi ko na nauutal. Mica, umayos ka. Baka mahalata ka at pagtawanan ka lang na nagkacrush ka sa isang modelong nilalang na classmates mo tapos hindi ka naman na crushback, maktol ko sa sarili ko. "Uyy si Michaella may something ata ito eh. Hindi ko alam kung namumula ang pisngi mo dahil sa tigyawat mo o sa ibang paraan. Ayiehh.." pang-aasar ni Bianca sa akin habang tinuro-turo ako sa tagiliran. "Ano ba kayo pimples yan lalo at tirik na ang araw no!" paliwanag ko at sana maniwala. "Wee…sige sabi mo yan ha.. sabagay bagay naman kayong dalawa ni Ignacio," singit ni Rosal at bigla na lang bumaling si Ignacio sa gawi ko habang dino-double check niya ang mga gawa namin. Ganyan kasi ang plano namin na kami ang gagawa at tatapos ng pinagawa na report ng teacher namin at si Ignacio naman ang magdodouble check kung pasado na ba at kailangan ng ipasa o hindi pa. May alam kasi siya sa ganito kaya easy na lang ito sa kanya. "Anong bagay? Hindi ah, h. hindi ko naman siya type noh!'' sagot ko para hindi na magalit si Ignacio sa akin dahil alam ko na hindi niya magugustuhan na malaman niya na nagugustuhan ko siya lalo ngayon na patay na patay siya kay Shemaia. "Tsk!" narinig ko galing kay Ignacio habang kunot-noo na nakatitig pabalik sa mga papel. See ayaw niya talaga na may ibang nagkakagusto na iba sa kanya dapat si Shemaia lang. "Ayy kawawang singkit hindi type ni Mica," pang-aasar ni Lisa. Bumaling ulit si Ignacio sa gawi namin lalo na sa akin at tinititigan ng ilang segundo at binalik ulit ang mga mata sa papel "Well…the same rin naman ako sa kanya. Hindi ko rin siya type," hindi ko alam na ganun pala yun kasakit na marinig mo sa crush mo mismo ang katagang yan na para sa akin mismo, harap-harapan. Yung buo ang puso ko kanina na kinakausap niya ako sa classroom palang, ngayon biglang nag crack agad yung puso ko dahil sa sinabi niya. Ayos lang sa kanya kasi wala naman siyang naramdaman o crush niya ako pero ako na may kahulugan ang lahat na pinapakita ko. Masakit pala kaya hindi na dapat ako umasa na magustuhan ko siya sa malapitan, gugustuhin at tatanawin ko na lang pala siya sa malayo at hanggang doon lang yun. "Ok na ba yan Ignacio? Para makapag lunch na tayo ng totoong pagkain at maipasa natin yan sa teacher natin?" tanong ni Bianca habang nagliligpit ng mga gamit. "Yeah! Pasado na yan for sure, signatures niyo na lang ang kulang, sinulatan ko na yung sa akin," wika nito at nagtangka ng tumayo. "Ayy taray ikaw pa ang naunang mag perma, pasalamat ka marami itong chichiryang binili mo, nakabawi kana sa groupings." si Bianca. Dahil nakuntento na sa ginawa namin na projects kaya kanya -kanya na kaming ligpit ng mga gamit. Nauna ng umalis si Ignacio dahil pupuntahan pa raw niya ang mga barkada niya. Bumuntonghininga ako at talagang ngayon ko lang na pakawalan ang paghinga ko. Bakit ba kasi kapag nasa malapitan ko na siya ang hirap huminga feeling ko maririnig niya ang tambol ng puso ko kapag patuloy akong humihinga kapag nandyan siya. "Diretso na tayo sa canteen, medyo mainit na dito kung saan tayo," suggestion ni Rosal at tumango naman kami sa pagsang-ayon. Pagkarating namin sa canteen, padami ng padami na ang mga estudyante na pumipila para bumili ng kanilang kakainin. May ulam naman ako dito pero gusto kong bumili ng gulay na may gata at tubig nakalimutan ko kasing magbaon kanina ng tubig, may inihanda na ako at nilagay ko muna sa malapit sa container pero hindi ko pala nailagay sa bag ko kasama ang baunan dahil sa pagmamadali. Si Tuko kasi may practice ng volleyball na sasalihan niya sa intrams kaya nagmamadali kaming umalis. Sinusundo niya kasi ako ng maaga sa bahay dala ang kanyang habal-habal at may dala na naman siya na pandesal para sa mga bata kaya ayun timing naman na gising na ang mga kambal kaya tuwang-tuwa sa pasalubong. Ako na ang next na nakapila para bumili ng ulam dahil nabasa ko sa menu na may ginataang langka na binebenta kaya dito ang punta ko na carinderia. Ang mga kasamahan ko nasa iba naka linya at ang iba naman nasa lamesa na nahanap nila at doon na rin ako pupunta. "Magkano po lahat?" tanong ko sa tindira. "45 pesos lang lahat Ineng," binuksan ko ang wallet ko at kumuha ng barya na galing pa mismo kay Tuko. Inabotan niya ako kahit ayaw ko, hanggang natalo ako sa tulakan ng kamay dahil sa pilit niya ibigay sa akin. Sa isang kamao niya nakalagay ang mga barya at isiningit agad niya sa bulsa ng bag ko na walang zipper. Pagkatapos magbayad at magpasalamat, naglalakad na ako para mapuntahan ang mga kaklase ko. Hindi kami masyadong close dati pero ngayon unti-unti na silang nakikipagkaibigan sa akin kaya ganun din ako sa kanila. Nahagip ng tingin ko si Ignacio kasama ang kanyang mga barkada sa kabilang table. Hindi ko na sila binalingan nung nakita ko na titingnan ako ni Ignacio. Luh asa ka Mica na sayo titingin baka nasa tabi ko lang pala si Shemaia at iyon ang sinusundan niya ng tingin. Malapit na ako kung nasaan nakaupo ang kaklase na may bumangga sa balikat ko gamit din ang balikat na kung sino man. Nakita ko na si Eula iyon at masaklap. "Ahhh.. shit.." nadapa ako dahil may pares ng sapatos na humarang kung saan sana ako liliko dahil sa ginawa ni Eula. Kaya tuloy pati pagkain ko natapon na sa sahig.

 

 

 

chapter 3

 

Oops sorry! Ang lampa mo kasi!" pinigilan ko ang sarili ko dahil sa sinabi ni Eula. Sa nanginginig na mga tuhod lumuhod ako para pulutin ang natapon sa sahig, wala namang nabasag dahil plastic bowl naman nakalagay ang ginataang langka at tubig. Nag-angat ako ng tingin at yun na lang ang paglaki ng mga mata namin, ako at ang ibang estudyante na dinambahan ng suntok ni Ignacio ang lalaking estudyante kung bakit ako ngayon natalisod. "Gago!" "Mas gago ka! Nakita ko yun huwag ka ng nagmamaang maangan pa!" galit na sabi ni Ignacio sa lalaki na hindi ko malaman kung ano ang relasyon nila ni Eula dahil minsan ko silang nakita na magkasama. "Do not touch that Mica," binalingan ko siya dahil sa narinig na pangalan. Nakatingin ito sa akin kaya hindi niya napansin ang estudyante na sinuntok niya kanina na kumuha ng tray at ihahampas na sana kay Ignacio, bigla akong tumayo para sa akin mapunta ang gusto niyang ihampas kaysa taong gusto lang akong tulungan. Kaya sa akin nahampas ang tray sa bandang likod ko. Naramdaman ko ang sakit ng ulo at balikat. Bigla akong nahilo. "Gago! Anong ginawa mo?" huling narinig ko bago ako nawalan ng malay. Nagising ako at idinilat ko ang mga mata ko, puting room ang unang bumungad sa akin at ang mukha ni Ignacio ang nakita ko na alalang-alala. Sa akin ba ito nag-alala? Ano ang nangyari? Bakit nasa clinic ako ngayon ng paaralan? "Masakit ba ang likod mo? Ulo mo? Balikat? Ano pa Mica. Tell me para masuri natin," sunod-sunod na tanong ni Ignacio. "Mica, anong nararamdaman mo ngayon?" tanong din ni Lisa. Iniisip ko kung ano ang nangyari, bakit ako nandito at ganito na lang sila nag-alala sa akin. Nang maalala ko ay napapikit ulit ako, nakagawa ako ng eskandalo sa paaralan na ito. Kung maingat lang sana ako sa paglalakad ko, hindi mangyari ang mga ganito. "Ayos lang ako. Huwag na kayong mag-alala sa akin." saad ko para hindi na sila mag-alala sa akin kahit medyo nararamdaman ko pa rin ang pagtama ng bagay sa likod ko. "Sorry!" kunot-noo kong binalingan si Ignacio. Hinahaplos niya ang buhok ko habang nakatingin sa akin. Kung wala ako sa sitwasyon ngayon baka tatakbo na ako palabas ng clinic para magtago dahil sa sobrang lapit na naman niya na ilang dangkal na naman ang pagitan sa amin. Hindi na naman ako nakatiis at talagang sinukat ko pa sa aking mga daliri kung isang dangkal lang ba talaga at tama nga ako. Natawa ito dahil sa ginawa ko. "You always doing that, why?" binaba ko agad ang kamay ko at iniikot ang mga mata dito sa clinic para hindi niya mapapansin na namumula na itong pisngi ko. "Gusto ko lang, masama ba?" natawa na talaga itong isang to. Nagpaalam muna si Lisa dahil magbabanyo lang. Kaya kami na lang dalawa ni Ignacio dito sa maliit na kwarto para sa mga estudyante na dinadala dito kapag may nararamdaman may mijor na sakit. "Hindi naman, instead I like it," agad ko siyang nilingon at halos kainin na ako ng lupa dahil mas malapit na kami ngayon sa isa't-isa. Hindi na dangkal kundi naramdaman na namin ang mga ilong namin na nagkatagpo. Bigla akong umiwas at napatayo rin siya ng tuwid. "Kakain ka na? Alam kong hindi ka pa kumakain," dahil sa sinabi niya bigla akong bumangon pero yun na lang pagbalik ko sa higaan na maramdaman ko pa rin ang sakit sa ginawa noong estudyante. "Aalis na tayo, may pasok pa tayo," paalala ko sa kanya. "Nah.. dito muna tayo." saad nito habang binubuksan ang mga tupperware na may pagkain ang laman. "Hindi, alam mo naman na hindi ako umaabsent sa klase," sabi ko at pinilit pa rin na makaupo sa pagkahiga sa kama ng clinic dito sa school. "No Mica, just eat and rest. Wala naman tayong guro ngayong hapon kaya dito ka muna at huwag mong pilitin ang sarili mo na bumangon kapag hindi mo pa kaya. Saka na kapag uwian na sa buong klase." mahabang sinabi niya. "Bakit wala tayong pasok?" tanong ko sa kanya habang inaabot sa akin ang tupperware para kumain. May folding table siyang nakita kaya yun ang ginamit ko para doon ilagay ang mga pagkain. "I don't know, sinabi lang sa akin nina Lisa na wala tayong teacher kaya hindi na rin ako nagtatanong ng ano pa," sabi nito. Sinabayan niya akong kumain. Dahil sa nangyari kaninang lunch sa canteen kaya hindi rin siya nakakain. Bumuntonghininga ako. "Sorry, dahil sa akin nadamay ka pa talaga!" "No, ako dapat ang humingi ng tawad dahil hindi man lang kita naipagtangol." aniya. "Anong hindi, pinagtanggol mo kaya ako." inangat niya ang ulo niya para makita ako sa mga mata. "Hindi kita nailigtas dahil kung oo di sana wala ka ngayon dito. So ibig sabihin kasalanan ko pa rin." pagkakaklaro niya. Magsasalita pa sana ako ng bumukas na ang pintuan at iniluwa sina Bianca at Lisa. "Gising na? Omg hello Mica. Ano na ang pakiramdam mo ngayon," nginitian ko sila dahil sa nakita ko ang pag-alala sa kanilang mga mukha. "Ayos lang ako, 'wag kayong mag-alala," sabi ko dahil hindi ako sanay na ganito sila mag-alala sa akin. Ayokong sanayin ang sarili ko na may mga tao nag-alala ng ganito sa akin. "Kinausap na ng office administration ang estudyante na gumawa sayo ng ganito, marami rin kasing nakakita na sinadya niyang ilabas ang kanyang sapatos habang paparating ka. Dating ex yun ni Eula at sabi niya napag-utusan lang siya at tinuro nga ang kanyang dating nobya." paliwanag ni Bianca. "Tapos pa deny deny pa si Eula na hindi daw totoo yung binebentang sa kanya ng kanyang ex, pero dahil marami ang nakarinig na kabarkada lang din nila ang pag-uusap ng dalawa kaya maraming ebidensya nakalap ang ating imbestigador at SOCO kaya nahatulan sila. Expel siya mga day, ay silang dalawa pala," natatawa na lang kami dahil sa sinabi ni Lisa na parang nagbabalita pero expel, naawa ako. "Ganoon ba! Kawawa naman." sabi ko. Hindi ko maisip na dahil sa akin kaya sila na expel sa school na ito. Kakausapin ko na lang kaya ang admin. Sana pumayag dahil nakakaawa talaga. ''Anong nakakaawa doon Mica? Kasalanan nila yun kung bakit nila ginawa ang gan'on sayo. Para ano? Para magpasikat tapos yung isa sinabi lang na pinangakoan na kapag gagawin niya ang inutos ay magkabalikan sila pero anong nangyari nagmukha siya tanga sa ginawa niya, ano bang nakain ni Eula at ganyan siya. May galit yata sa'yo girl ah. May atraso ka ba sa kanya?" galit na saad ni Bianca. Napailing naman ako sa sinabi niya. "Wala naman akong atraso, kung meron man hindi ko alam kung ano yun, basta wala akong maalala na may galit ako sa kanya." sabi ko. Nakapamewang si Lisa, "hindi kaya naiinggit yun sayo girl?" nagtataka naman ako sa sinabi niya. "Ano naman kinaiingitan niya sa akin eh tingnan mo naman ang estado ng buhay namin sa kanila. Ang mukha ko sa kanya," kanya-kanya naman sila na tango except kay Ignacio na nakikinig lang samin na naghuhulahan kung talagang naiinggit si Eula sa akin. So ibig sabihin pangit talaga ako. Hay buhay. "Ewan ko sa babae na yun, nasobrahan lang siguro ng aruga kaya minsan mali-mali na ang kinikilos. Pero dapat hindi humantong sa ganito na gagamit siya ng ibang tao para lang sa kanyang kagustuhan," si Bianca. Dahil may ginawang hindi mabuti si Eula for sure si Bianca na ang mag participate sa event ng school na pageant. Ganito kasi ka strict ang paaralan dito dahil kung may nilabag ka na bagay lalo sa pananakit ng kapwa mo estudyante, kaklase man o school mate ay talagang expel ka agad ng paaralan. Alas-kwatro na ng hapon at nandito pa rin ako sa clinic. Dahil walang pasok kaya nauna na sina Bianca at Lisa na umuwi dahil may gagawin pa raw. Mabuti na lang at walang estudyante na pumunta dito dahil may dinaramdam o ano pa man kaya nakatulog ako pagkaalis ng mga kaklase ko. Pumunta rin dito ang iba at mga kaibigan ni Shemaia. Dinala nila ang bag ko pagkatapos malaman ang nangyari sa akin. Binalingan ko ang lalaki na mahimbing na natutulog na nakaupo sa may silya habang nakanganga at nakahilig ang kalahating katawan sa paanan ng kama kung saan ako nakahiga. Kahit saan talaga nakakatulog itong si Ignacio, minsan pa nga kapag nagsasalita ang guro sa harapan o di kaya wala ang teacher at may mahabang pinapasulat sa amin, akala ko nagsusulat yun pala kung saan-saan na bumabaling ang kanyang ulo dahil sa antok tapos ang bagsak sa balikat ko. Hindi ko naman pwedeng hayaan na lang o di kaya ilipat sa ibang direksyon ang ulo niya kasi baka masubsob ito sa sahig, lalo at mahimbing ang tulog niya dahil may muntik hilik ako na naririnig. Kaya imbis na gisingin niya ng kanyang mga kaibigan ay wala na silang magawa dahil alam naman nila na pagod ang isa na ito dahil sa may practice sa pagmomodel o di kaya may ina attend na schedule. Ilang oras na lang kaya ang tulog niya yan pag gabi? Tapos ngayon dito naman. Bakit hindi na lang siya umuwi sa kanila para naman makapag pahinga siya ng maayos. Dahil hindi pa rin siya nagigising kahit matagal na akong nakatitig sa kanya kaya kinuha ko ang scratch paper ko para ma drawing ko na naman siya.   Hindi naman talaga ako marunong mag drawing pero dahil siguro wala masyadong pumapansin sakin dati kaya tanging pag dadrawing na lang nilalaan ang oras habang naghihintay sa teacher namin o di kaya kapag breaktime. Nagsimula sa linya linya hanggang nakabuo ako ng mukha ng tao. Kaya hindi ko na tinigilan hanggang naging bihasa na rin. Dahil lagi ko naman itong ginagawa kapag tulog siya ay parang sanay na sanay na ang mga daliri ko na iguhit ang hugis bilog na mukha niya. Ang buhok na mahaba na ngayon at pina bun nya ang pagkatali habang may maliliit na stands na hindi nasasali at napupunta sa mukha niya. Dahil sanay na kaya binilisan ko lang at baka mamaya magising siya at malaman pa niya na nagdradrawing ako at siya ang modelo ko. Marami na nga akong na guhit na siya lang at yung iba ay galing lang sa isip ko habang iniisip siya kaya ayun nakagawa rin ako ng imahe niya. Walang nakakaalam kahit si Ignacio na ginagawa ko ito. Ayoko kasi na pinupuri nila ang gawa, ewan ko ba hindi ako sanay. Baka mamaya pinupuri ako tapos waley pala ang gawa ko. Mabuti na ang ganito na tinatago ko lang sila sa isang album na ako pa mismo ang gumawa. Medyo naging maayos naman ang likod ko at hindi na ito kumikirot o sumasakit tulad kanina kaya pwede na akong umuwi nito pagkagising ng crush ko na ngayon binabantayan ako simula kanina, pero ngayong oras ay ako naman ang nagbabantay sa kanya. Napapangiti ako sa nakikita ko sa papel na malapit ko na siyang mabuo pero yun nga lang biglang idinilat na lang niya ang mukha na hindi pa ako tapos. Hindi ko pa na buo ang ilong at mata niya, tanging bibig pa lang. Ganito lagi ang nangyayari. Pero mabuti na lang at hindi ako titig na titig sa kanya at nakaiwas agad ako noong gumalaw ang talukap niya sa mata. "Gising ka na pala! Kanina pa ba? Sana ginising mo ako, nakatulog pala ako. May kailangan ka? Baka masakit pa ang likod mo, pwede ka munang magpahinga o tawagin ko na ang nurse kapag may iniinda ka pa na sakit ngayon. " saad nito. Nginitian ko siya at umiling, "Ayos na ako Ignacio, salamat pala sa pagbabantay. Sana hindi mo na lang ginawa dahil kaya ko naman at nauna ka na lang na umuwi. Napagod tuloy kita sa pagbabantay sa akin at hindi ka pa nakahiga ng maayos noong natutulog ka. Nagliligpit lang ako ng mga gamit para makauwi na baka mamaya, gagabihan ako sa daan at wala na ang tricycle na lagi akong nakasakay kapag umuwi." sabi ko sa kanya. Nag-inat siya ng katawan habang sinusuklay ang kanyang mahabang buhok hanggang balikat ng kanyang mga daliri. Tinanggal niya ito sa dating ayos kanina. "Ihahatid naman kita sa inyo kaya wag kang mag-alala," naalarma naman ako sa sinabi niya. Dami ko na tuloy na utang sa kanya. "Huh? Huwag na. Binantayan mo na nga ako dito sa clinic ng ilang oras tapos ngayon ihahatid mo pa ako. Ano na lang ang sasabihin ng iba? Lalo at sa crush mo?" mahina ko na sabi sa huli. "Tsk. Nagkaganyan ka ng dahil sa akin. Hindi kita nailayo sa gago na yon. Kaya ako na ang maghahatid sa iyo pauwi baka ano pa ang mangyari sayo sa daan at ako pa ang managot," hindi ko alam na bigla na lang nagsasayawan ang mga intestine ko sa tiyan dahil sa sinabi niya. In love na ba siya sa akin? Gaga ka Mica concern lang yung tao pinagsasabi mo diyan. Maktol ko sa sarili ko. Dahil sa makulit talaga ang isang to kaya wala na akong nagawa pa kundi ang sundin siya at magpahatid sa amin. Pagkatapos naming magpasalamat sa nurse kaya pumanhik na kami sa kanyang sasakyan. First time akong nakasakay sa sasakyan na ganito lalo at siya ang nagdadrive. Malamig sa loob kaya giniginaw ako. Napansin yata ni Ignacio ang dalawang kamay ko na iniyakap ko sa balikat ko pa cross, kaya hininaan niya ang aircon at nag sorry sa akin. "Ilang taon ka noong marunong kang mag drive?" tanong ko habang malayo-layo pa ang sa amin, para na rin may mai topic ako ngayon lalo at lagi na lang siyang may katanungan na sinasagot ko naman "When I was 15, tinuturuan na ako ni dad na magmaneho at natoto naman agad ako kaya ayun hanggang subdivision lang muna ang kaya ko dahil hindi pa pwedeng magmaneho papuntang malayo dahil under age pa lang ako," tumango ako dahil sa sinabi niya. Nakakamangha lang na makita siya na expert sa pagmamaneho, kung paano iwasan ang lubak na lubak na daan at paano siya lumiko sa mga eskinita. "Diyan lang ako sa may eskinita mo ako ibaba dahil lalakarin ko na lang pauwi, malapit lang naman," sabi ko sa kanya. "Dito? Saan ba ba da sa inyo, hindi ba pwede na dumeretso ang sasakyan ko roon? Para makauwi ka talaga sa inyo." tanong nito. "Makakauwi ako niyan. Dadaan pa ako ng sapa at aakyat pa pwede ko namang lakarin na lang at isa pa baka hindi kayanin ng sasakyan mo na umakyat at baka masugatan pa yan, kawawa naman." ngiti ko na sabi. "Try me!" "Huh?" "Try me na kaya kung puntahan ang sinasabi mo, please!" natatawa ako dahil sa sinabi niya na tunog pagmamakaawa pa. "Gusto ko lang na maniguro na nakauwi ka sa inyo," tumango ako dahil nahulog na pagmamakaawa niya. Ngumiti siya ng malapad at sinundan ang sinabi ko na daan papunta sa amin. Hindi pa nga ako nakarating sa amin ay may mga leeg na tinatanaw ang bagong dating na akala nila sa kanila hihinto.   Nasa isip na naman nila na artista ang nandito sa loob dahil nga sa mamahaling sasakyan ni Ignacio. "Dahan-dahan lang ha dahil nasa sapa na tayo," paalala ko sa kanya at ginawa naman niya. Hindi naman ito delikado sa kanya dahil ito lang naman ang sapa na walang tubig dahil siguro naharangan na doon sa bundok o ano. Pero kapag tag-ulan ay dapat mag-ingat dahil bigla-bigla na lang itong magkaroon ng tubig at minsan baha na pala kaya kapag dumaan dito alerto ka at hindi mabagal ang pagtawid mo. "Dito na tayo," anunsyo ko at hininto na ang sasakyan. "Ok, saan ang bahay niyo?" tanong pa nito. "Doon banda, lalakarin ko na lang ng 5 minutes. Gusto mong bumaba?" tanong ko. Pangit naman na inihatid na niya ako tapos hindi ko man lang alukin ng merienda o tubig man lang, teka may merienda pa ba kaya sa bahay May tubig naman pala siya dito sa kanyang sasakyan. "Ok lang ba? Walang magagalit?" umiling ako at natatawa na rin. Ang saya naman ng puso ko na binantayan na nga niya ako kanina tapos ngayon hinatid pa talaga ako. "Oo naman, sana may merienda pa na nailuto si nanay para naman makapag merienda tayong dalawa," saad ko at kinuha na namin ang mga bag. Nilock niya muna ang kanyang sasakyan na nakaparada sa hilid lang ng daan para makadaan parin ang mga tao mga motor at ngayon inalalayan pa ako na akala mo naman baldado ako. Nilakad na lang namin papunta sa bahay at kahit dito sa amin ay kasing lapad at taas na naman ang mga leeg ng mga tao dahil sa nakikita ngayon na kasam ko. Hanggang tingin lang kayo, bawal sumingit at– "Oh my ang gwapo," tili ng ibang kababaihan na wala ng pasok at nsa kanilang mga bahay na. Yung iba nasa labas para makipag chismisan na naman sa ibang mga kapitbahay. "Nandito na tayo. Papa!" Nakita ko si papa na pinapakain niya ang kanyang mga alagang manok. Nagmano ako ng makarating na sa kanyang gawi at ang mga mata niya nakatuon sa lalaking nasa loo likod ko. "Ay tay si Ignacio po, Ignacio si tatay ko. Kaklase ko po tatay. Hinatid lang po ako ngayon." tumaas ang kilay ni tatay at lumapit si Ignacio para magmano. "Pasensya na marumi ang kamay ko," aniya pero hindi nagpatinag si Ignacio at nagmano rin. "Dalhin mo muna sa loob anak, may inihanda si mama mo na banana q, kumakain ka ba noon iho? Pasok ka muna sa loob at salamat sa paghatid sa anak ko." nginitian ni Ignacio si tatay at hinila ko na siya papasok sa maliit na bahay namin. Hindi naman ito sobrang liit at hindi naman nakakahiya dahil lagi ko naman itong nililinisan kapag walang pasok. Pagpasok sa loob nagmano ako kay nanay at dahil nandoon ang mga kambal kaya dinambahan nila ako ng yakap at napapangiti na lang ako habang nakaluhod na hinalikan nila ako sa pisngi na magkabilaan. "Oh anak nandyan ka na pala, ay may kasama ka pala!" nginitian ko si nanay. "Nay si Ignacio po kaklase ko, hinatid lang po ako kanina. Ignacio nanay ko," ngumiti ai Ignacio at nagmano rin kay nanay. Kaya bago siya umuwi sa kanila ay pinakain ko muna siya ng banana q at dahil medyo marami naman ang naluto ni nanay kaya nakauwi rin si Ignacio dahil nagustuhan niya ito. Hinatid ko siya sa kanyang sasakyan para makauwi na siya at baka gabihin pa. "Salamat Ignacio sa araw n ito," saad ko. "Wala yun at salamat ulit dito sa banana q, mabuti pala talaga at pumayag ka na ihatid kita dito yan tuloy may grasya pa ako na maiuwi sa bahay," tawang sabi nito at tumawa rin ako dahil totoo naman, hindi ko na pinapansin ang mga tao sa paligid lalo ngayon na hapon at marami talagang nakatambay sa labas ng kanilang mga bahay. "Sa uulitin, Mica!" luh may next time pa? Paano kumalma? "Sige, mag-ingat sa daan okay? See you tomorrow Ignacio at salamat ulit." paalam ko bago siya sumapa sa kanyang sasakyan. Kumaway ako sa kanya at ganoon din siya sa akin hanggang pinaandar niya na ang sasakyan. Kumaway pa rin ako kahit umaandar na palayo ang sasakyan ni Ignacio at ng hindi ko na makita dahil malayo na ito saka pa ako bumalik sa bahay na may ngiti ang mga labi. Ang ganda naman pala ng araw ko ngayon. Magpapasalamat na ba ako sa tray?

 

 

chapter 4

"Nandito kami ngayong hapon sa gym dahil nanood ng basketball, huling practice para sa intramurals na gaganapin next week. Binihasa ko na rin ang sarili ko sa paglalaro ng chess dahil yun ang gusto ko na salihan. Pandagdag na rin sa puntos ng grades ko. Pangit naman kung mas marami at malalaki pa ang mga pimples ko kaysa sa mga grado ko. May kanya-kanya namang kinaabalahan at gustong salihan na activities ang ibang mag-aaral. Bata pa lang ako na mahilig na akong maglaro ng chess dahil ang tatay ko ay mahilig din maglaro ng ganyan at katunayan lagi siyang panalo sa mga sinasalihan niya noong kabataan niya. Sa kanya ko natutunan ang paglalaro dahil tinuturuan niya ako kapag may oras siya o pampalipas lang ng antok. Libangan ko lang naman dati hanggang iyon na lang ang naging pambato ko kapag may intrams kami sa school dahil mas madali na sa akin at hindi kapa mapapagod. Mabuti at available sa school namin kaya ng nabalitaan ko, nagmungkahi agad ako na ako na sa chess, nasa mga mata nila ang pagduda na baka hindi ko kaya. Pero nung sinubukan ko at nanalo noong second year kami kaya natuwa sila na kaya ko pala na marunong ako sa bagay na ganyan. Uupo ka lang naman at utak mo na ang paganahin mo para hindi ka matalo sa kalaban mo. Pero kung mas magaling ang kalaban ko, well talo ako. Kaya dapat ko pang igihan ang pag-eensayo dahil sobrang malapit na lang talaga. Nasa pinakadulo ako ngayon ng bench nakaupo malapit sa exit para madali lang akong makalabas ng gym after nina Ignacio maglaro. Wala kaming pasok ngayong hapon para makaensayo ang lahat, isa pa may meeting ang mga guro namin. Wala naman akong ibang gagawin dahil ang ibang kaklase may mga practice rin kaya dito ko naisipang pumunta. Isa pa, hindi pa kami pwedeng umuwi hangga't hindi pa sumapit ang alas kwatro. "Hanggang ngayon ba nahihiya ka pa sa mukha mo at dito kapa rin nakaupo?" singit ni Evan sa akin na kaklase namin at ako lang daw ang sinabihan niya ng kanyang sekreto. Tumabi siya ng upo sa bench kung saan ako at sino ba naman ako na hindi pwede. Kahit dito sa banda namin ay rinig na rinig pa rin namin ang mga hiyawan ng mga estudyante na nag papa practice pa lang naman. Ganito ba sila ka fan ng basketball? O dahil nasa court at talagang member ng basketball team ang mga crush nila? Oo Mica, tama sa dalawa ang mga katanungan ng utak mo. "Hindi naman, ayaw ko lang makipag siksikan mamamaya paglabas. Ano na! Nakaready na ba ang mga gagamitin mo tungkol sa fashion design na gagawin mo next week?" tanong ko sa kanya para maiba ang usapan dahil alam niya rin kung ano ang sikreto ko at yun ang pagkagusto kay Ignacio. Lumapad ang ngiti niya sa'kin, for sure magandang balita ang tinanong ko sa kanya. "Yes na yes lang talaga Inday, hindi na nga ako makapaghintay na darating din ang next week na yan dahil ngayon pa lang ang dami ko ng gustong gawin sa mga damit." saad ni Evan. Natawa ako dahil pareho pala kami na gusto na dumating ang araw ng intramurals. "Ang galing mo Ignacio! galingan mo pa lalo!" sigaw ng kabilang section. Hinagip ng mga mata ko kung nasaan ang sinisigaw ng babae. With his blue jersey na may numero 8 sa likod ay panigurado ako na sa ngayon ay pawis na pawis na ito. Gusto ko siyang lapitan para punasan dahil may dala ako na extra na maliit na tuwalya kaso nga lang baka ayaw niya at hindi tanggapin ang towel o itabig niya lang ang braso ko, lalo at ako ang gagawa unless siguro kung crush niya ay hindi siya aangal. Ayoko rin na may sasabihin pa na iba ang ibang makakakita. Nang matapos na ang kanilang practice ay kanya-kanya na ang lapit ng mga estudyante para makipag kamay o bumati kahit hindi pa naman final. Mabuti pa ako chill lang sa upuan at ako lang ang nakakaalam na may crush ako sa isa sa mga ka teammate ng basketball. Dahil kuntento na ako na makita lang siya sa di kalayuan lalo ngayon na marami rin ang nagpapapicture sa kanya kaya nagkibit balikat na lamang ako. Selos? Ramdam ko yun pero hindi pwede dahil walang kami, pero kung magkasama parang may kami…sabi mo yan Michaella. "Let's go!" Yaya ni Evan sa akin. Ayaw ko pa sana kaso ayoko naman na makahalata itong kasama ko na may hinihintay ako na mga mata para sulyapan din ako pero mapaglaro nga naman ang tadhana na makita ko ang lalaking pinapantasya ko ay nakaakbay siya kay Shemaia. Napabuntong hininga na lamang ako at tumayo na at hinabol si Evan na naglalakad na ngayon papuntang labas ng gym. "Uuwi na ako, ikaw? May dadaanan ka pa ba o hihintayin mo pa si Tuko?" tanong nito sa akin. "Hihintayin ko siya sa may waiting shed then kung wala pa rin siya. Uuwi na lang akong mag-isa," saad ko sa kanya. Tumango lang si Evan at nag paalam na mauna na ito. Dahil nakaramdam ng pagkaihi ay pumunta muna ako ng public cr. May nakasalubong pa ako na mga estudyante. Nakasalubong ko pa sina Shemaia at ang kanyang boyfriend na si Devi na taga fourth year student. Marami nga ang nkakacrush dito dahil iba ang kulay ng kanyang mga mata na nagugustuhan ng mga babaeng estudyante. Pano ba naman kasi na may lahing half Italiano ang Valentino na ito. "Hindi ka pa uuwi? Sabay ka na sa amin Mica kung uuwi kana? Dadaan kami sa inyo para maihatid ka, di ba Cloudy?'' alok ni Shemaia sa akin, kahit na papayag pa ang kanyang kasintahan ay umiling na agad ako. "Huwag na! May hinihintay ako na kaibigan at sa kanya ako sasama," saad ko sa kanila. Ngumuso si Shemaia at may pilyong mga ngiti na nakatitig sa akin. "Ayeehh! Si Ignacio yan noh? Nasa boys locker pa yata yun para magbihis, don't know!" kibit balikat nito. Nginitian ko sila ulit at umiling, "hindi naman siya ang hinihintay ko at sa ibang kaibigan ako sasabay sa pag-uwi," sagot ko. "Ganun ba, sige mauna na kami sa iyo," aniya at kumaway na rin ako sa kanila. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad papuntang banyo habang hinihintay si Tuko. Nang matapos kong gumamit at lalabas na sana ako ng banyo na may narinig ako na pumasok sa loob. Pipihitin ko na sana ang doorknob na may narinig ako na tinatawag ang pangalan ko, ako ba talaga? "Mica, Mica.. Mica… I know na nasa loob ka ng banyo ngayon. Wag kang mag-alala, I'll make sure na tayo lang ang nakakarinig sa palikuran na ito," sabi ng boses babae na nasa labas. Habang pinupukpok ng isang bagay ang mga pintuan. Kinabahan ako kaya para akong estatwa na halos paghinga ay pinigilan ko na. Umabot pa ng ilang minuto na nakatunganga lang ako sa loob ng cr habang hawak ko ng mahigpit ang bag ko at ang doorknob, baka bigla na lang itong pumasok kung nasaan ako. Hindi ko na alam kung ilang minuto na akong nakatayo sa loob ng restroom kaya pipilitin ko na lang na umalis dito at tumakbo para hindi niya ako maabotan. Kinakabahan ako, ayoko namang sumigaw dahil baka bago pa niya ako mahanap ay nakahandusay na ako sa loob. Hindi ko naman matext si Tuko dahil wala akong cellphone. Ang mga magulang ko lang naman ang meron dahil sa trabaho nila, kung magtetext man ako ay hihiram lang ako sa kaklase ko para matawagan o matext sila. Maya-maya lamang nakarinig ako na may nag-uusap sa labas ng banyo, pwede talaga akong tumakbo pagkalabas ko agad, kung hindi man atleast sisigaw ako para marinig nila at mag-iwan na lang ako ng mga habilin para sa mga magulang ko at sa dalawang kambal bago ako magpaalam sa mundo at hindi na umabot pa ng hospital. Hinanda ko ang sarili ko para buksan ang pinto at tatakbo ng mabilis. Pero ganun na lang ang pagkagulat ko na makita ang kaklase ko na nandoon at kalalabas lang galing sa kabilang banyo. "Karen?" tumingin ito sa akin na may pagtataka. "Anong nangyari sayo? Parang takot na takot ka?" tanong nito sa akin. Nginitian ko siya habang umiiling. Pero natuon ang mga mata ko sa nakasulat sa salamin. "I will kill you," basa ko. Nagtataka man ang kasama ko at lumayo sa akin kaya tinuro ko ang binabasa ko. "Alam mo ba sino ang may gawa niyan?" umiling ito sa akin. "Hindi…nandiyan na yan pagpasok ko palang kaya binabalewala ko na lang dahil alam mo na hindi na bago yan na maraming nakasulat na mga ganyan sa cr natin na gawa ng ibang mga estudyante," paliwanag ni Karen. Tumango ako dahil naiintindihan ko ang kanyang sinabi. "Pero bakit may pa ganito pa na sulat? Ayos na sana kung ang mababasa ko ay about sa number na crush ng estudyante pero hindi naman, I will kill you.. sobrang creepy nito," sabi ko. "Kaya nga, halika kana Mica baka mamaya bumalik ang may gumawa niyan. Pero baka prank lang yan. Sino namang pumapasok dito sa loob kung ganun na strict itong school natin. Unless kung hala di kaya estudyante rin Mica, pero sino at para kanino ito?" aniya. Napaisip ako sa sinabi niya. "Isumbong kaya natin sa school? Baka matulungan nila tayo? " mungkahi ko pero umiling lang siya sa akin. "Huwag… sa tingin ko naman na nagpaprank at feel lang gawin ng student kung sino mang may gawa nito." paliwanag niya. Aangal pa sana ako pero pinunasan na niya ng wet wipes ang salamin at madali lang itong matanggal dahil lipstick lang naman ang ginagamit. Napabuntong hininga na lamang ako dahil wala ng magawa at wala pang ebidensya. Hindi familiar ang boses na yun sa akin kaya hindi ko alam kung sino. Hinayaan ko na lang at lumabas na ng cr kasama si Karen pero dahil may sundo siya kaya dumaan siya kung saan ang parking lot ng school.   Lumabas ako ng gate ng school at diretso na ng waiting shed. Hindi nga ako nagkamali at nandoon na nga si Tuko pero may kasama siyang iba, si Ignacio. Nagmamadali akong lumapit sa kanila at ayon sa kanilang mga mukha na parang kanina pa nila ako hinihintay wow nama–wait, baka iba naman ang hinihintay ni Ignacio Mica 'wag kang assuming diyan. Maktol ko sa sarili ko. Nang mahagip nila ako kaya sabay silang pumunta sa akin para salubungin ako. Huh? Anong meron? "Saan ka galing? Kanina pa kita hinihintay dito pero sabi ni manong guard na bumalik ka raw sa loob, why?" tanong ni Tuko sa akin. "Nagbanyo lang sorry," sagot ko. Binalingan ko si Ignacio, nagtatanong ang mga mata ko kung bakit narito siya. "May kailangan ka?" "Hindi ka ba sasabay sa akin? Remember? Diba sabi ko na sabay na tayo umuwi pag uwian,'' napanganga ako sa sinabi niya. Akala ko joke lang yun o baka makalimutan niya na yun dahil hindi naman ako pumayag that time. Totoo pala yun. "Pero parang naunahan na yata ako," aniya at matalim itong nakatingin kay Tuko. Patay paano ba ito ayoko naman na humindi sa dalawang ito baka wala ng next time. "Uhmm… so—" "Gusto mo bang sumabay sa kanya Tiki? Ayos lang sa akin dahil nasira kasi ang motor ko nung tanghali, pinaayos ko muna, kaya magtatrycyle lang sana tayo o maglalakad kung gusto mo, pero kung nagyaya na ang kaklase mo ay ayos lang," sabi ni Tuko. No hindi pwede, nakakaawa naman talaga kapag iiwan ko lang si Tuko dito. Isip-isip Mica… "Sumabay ka na lang sa amin kung nasiraan ka ng motor, ida drop-off na lang din kita," narinig ko na sabi ni Ignacio. Nababasa niya yata ang nasa isip ko. "Wag na pare, maglalakad na lang ako.." "Tuko!" tawag ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa kanyang braso. "Kahit ngayon lang, ayoko namang na naglalakad ka, tapos hinintay mo pa ako rito para ipaalam na nasiraan ang motor mo, nag-alok na si Ignacio kaya samahan mo na ako, okay lang ba?" pagmamakaawa ko sa kanya. Pero ang Tuko na ito pinindot pa talaga ang pimples ko kaya nahampas ko siya sa braso. Lumapit na kami sa sasakyan na ngayon binuksan niya ang pintuan sa front seat, uupo na sana ako sa likod ng sumenyas siya na doon ako sa tabi niya kaya doon ako. Sino ba naman ako para tumanggi. Ang crush ko na ang nag-alok sa akin. Habang nasa biyahe ay panay kwentuhan kami ni Tuko habang si Ignacio naman ay nagsasalita lang kapag may itatanong kami. "Bukas sure na maayos na ang motor ko kaya pwede na kitang sunduin at ihatid Mica," saad ni Tuko sa akin. Nilingunan ko siya sa likod at ngumiti, ''okay, make sure na wala ng sira ha. Baka mamaya yan matilapon ako na wala sa oras. Sige ka, ban ka na talaga sa bahay namin," sabi ko at natawa na lang siya sa sinasabi ko. "Dito na lang pre, salamat sa paghatid." sabi ni Tuko. "Bye Mica, susunduin kita bukas ng maaga kapag maayo–" "Ako na ang susundo sa kanya bukas, may assignment pa kasi kami na tatapusin," huh? Ano raw? Meron ba? Bakit hindi ko alam? Nagtatanong ang mga mata ko kay Ignacio "Meron Mica, hindi mo lang narinig ang guro," nagkibit balikat na lang ako dahil hindi ko talaga alam kung ano yun. Baka nga meron. Binalik ko ang atensyon sa kaibigan na nasa labas na. "Meron pala Tuko, ikaw ano plano mo? Sasabay ka nalang ulit sa amin," suggestion ko pero umiling lang ito. "Kung ganun pala, sa susunod na lang na araw Mica. Tapusin niyo na lang muna ang assignment niyo kung ganun at mauna na ako sa inyo," paalam nito sa amin. Kinawayan ko siya at nagpasalamat. Pinaandar na ni Ignacio ang sasakyan niya. Hinarap ko siya. "Saan banda na may assignment tayo, yung nakatulog ako kaninang umaga o yung inutusan ako ni ma'am?" tanong ko sa kanya. Pero ang loko tumawa pa at umiiling. Anong meron at masaya itong lalaking ito? "Wala pala tayong assignment, sa kabilang teacher ko pala iyon narinig pero 'wag kang mag-alala dahil susunduin pa rin kita bukas kahit araw-arawin ko pa," huh? Tama ba ang narinig ko…araw-araw niya akong susunduin? Tama ba ang narinig ko? "Are you sure na susunduin mo ako at ihahatid sa amin bukas? Wag na kaya Ignacio. Baka mamaya niyan ay malaki na ang gastos sa pang gas mo yan dahil di ba, isang highway lang ang daan mo pauwi sa inyo tapos tulad ngayon lubaklubak pa itong kalsada, baka malaki ang nababawasan ng pang gasolina mo." paliwanag ko. "Hindi naman, isa pa sarili ko naman ito na pera. Ito ang mga kinikita ko sa pag momodel, binabayaran nila ako kaya ayos lang naman na hatid-sundo kita." saad niya. "Ano kasi.. uhmm.. wag na kaya?" "Why? Boyfriend mo na ba siya?" tanong niya sa akin. Umiling agad ako sa kanya dahil hindi naman totoo na may relasyon kami ni Tuko. "Yun naman pala at ayos naman sa mga magulang mo, di ba? Nagpaalam na rin ako sa kanila na ako ang maghahatid sayo at sundo. Gusto ko ring bisitahin ang mga kambal, meron akong mga pasalubong sa kanila ngayon," aniya. Binalingan ko ang back seat at wala naman akong nakita. "Nasa trunk Mica," "Okay, salamat," sabi ko. Ilang araw naba na lagi siyang mabait at kinakausap niya ako . Simula yata nung nangyari sa canteen at doon nagsimula ang lahat? Hmm.. wag assuming Mica please lang maawa ka sa kaluluwa mo. Hinatid ka lang dahil gusto ka niyang ihatid. Yun lang at wala ng ibang kahulugan. Kastigo ko sa sarili ko. Nang makarating kami sa street namin ay talaga namang nag sitaasan na naman ang mga leeg ng mga kapitbahay dahil sa kanilang nakikita lalo at may magara pang sasakyan ang kasama ko ngayon. Dahil may regalo siya sa mga kambal kaya bumaba rin ito ng sasakyan. Binuksan niya muna ang trunk at may kinuha doon. Sinundan ko siya para makita iyon. Lumaki ang mata ko na matanto kung ano ang mga ibibigay niya sa mga kambal. Isang malaking teddy bear at toy car? "Binili mo? Kailan lang?" tanong ko sa kanya. Kinuha ko ang teddy bear para ako na ang magdadala sa loob ng bahay. "Noong linggo lang, pumunta kasi kami ni dad sa Bacolod at naalala ko ang mga bata kaya bumili na ako." sagot niya. Hinarap ko siya dahil nasa bakuran na kami ng bahay. "Hala paano yan, malaki na ang utang ko sa'yo niyan. Sana hindi kana nag-abala." pinitik niya lang ang noo ko. "At sino naman ang nagsabi sayo na may utang ka sa akin? Gusto kong mag bigay Mica kaya hayaan mo na ako, okay? Isa pa, ang cucute nilang bigyan kasi nagte thank you agad at wala ng explain explain at katanungan," aniya. Sumimangot ako dahil double meaning ang huling sinabi niya. Dahil naramdaman niya na na gets ko ang sinabi niya kaya tumawa siya kaya tuloy hinampas ko ng mahina ang braso niya. Kulit eh. May narinig kami na may bumukas sa pinto kahit wala pa kami sa tapat mismo ng bahay. Lumabas ang kambal at tumakbo silang dalawa papunta sa gawi namin. Lumuhod kami ni Ignacio at walang pakialam kung madumihan ng putik ang P. E uniform namin sa baba para lang salubungin ng yakap ang mga kapatid ko pero pati ang tadhana hindi sa akin kumampi dahil ang dalawang makukulit ay na kay Ignacio unang nagpayakap. Grrr. "Ay ganun…ganyan na pala tayo ngayon. Hindi niyo na love si ate dahil wala akong dalang regalo at alam niyo talaga na sa kasama ko na ito ang mga regalo na bitbit namin ha," sabi ko habang nakatingin sa kanila gamit ang sign language. Hinarap nila ako at umiling tatayo na sana ako na lumapit sila sa akin at punugpog ako ng mga halik sa mukha. Sino ba naman ako para tumanggi sa mga batang ito. Ang kasama ko napapangiti lang na nakatitig sa amin. Pinalapit ni Kimmy si Ignacio para sa isang group hug. Muntik na kaming mag kahalikan ni Ignacio dahil sa biglaan na pagkayakap ng dalawa sa amin. Nagpasalamat sila pagkatapos maibigay ni Ignacio ang mga regalo sa mga kambal, hindi man masyadong alam ni Ignacio ang sign language na sinasabi nila kaya ako na ang nag-explain sa kanya. "Kailangan ko pala talagang matoto kung paano ang mga sign language para madali na lang sa akin makipag communicate sa kanila everyday," aniya. Napanganga ako sa sinabi niya bago siya nagpaalam at umalis. Ano raw? May next time pa? Wow naman Michaella Gomeza.

 

 

 

chapter 5

Nasa locker room kami ng mga babae at naghahanda na para sa laro namin maya-maya lamang. Ngayon araw magsisimula ang intramurals namin kaya heto kami at todo practice pa ang iba at ako naman ay nag-aayos lang ng buhok na tuwid at mahaba at ginawa kong lang ay ponytail. "Sana manalo tayo mamaya sa cheerdance at volleyball para naman malaki na grades ang matanggap natin," sabi ni Cathy kaya sumang-ayon kaming lahat sa sinabi niya kahit hindi naman ako kabilang dahil inaasam ko rin na manalo ako, lalo at ako lang sa mga kaklase namin ang sumali sa chess. Wala akong talent sa pagsasayaw, meron naman sa boses pero sakto lang. Sa chess lang yata ako pwede at taga cheer ng mga ka teammate. "Goodluck sa laro mo mamayang hapon Mica, manunuod kami sa'yo. Kaya go go ka lang at magchecheer lang kami sayo." ani ni Sophia at nginitian ko siya. "Salamat…kayo rin goodluck alam kong kaya niyo yan," sabi ko naman. Sino ba naman ang nagtutulong-tulungan kundi kami-kami rin. Nauna ng lumabas sa locker ang mga magsasayaw ng cheerdance para sa opening, at naiwan lang ang iba na kaklase namin, narito rin sina Lisa at Karen. "Let's go baka wala na tayong maupuan doon sa bench ay na ewan ko nalang sa inyo, tatayo talaga tayo nito ng ilang oras o hanggang kailan matapos ang competition," saad ni Nessel. Dahil sa sinabi niya kaya nagmadali kaming pumunta. Pagkarating namin sa stadium ay hiyawan ng mga estudyante ang naririnig namin. Mabuti na lang at nakahanap kami ng pwesto na makikita namin ang mga nagsasayaw. Nagsimula ng magsalita ang MC at maya-maya ay nagsimula na ang laban. Hanggang sa huli panalo ang kupunan namin. Masaya kaming nagdiwang at the same time kinakabahan ako dahil mamaya na ang laro ko. Hanggang naging sunod-sunod na ang laro sa umagang ito. Nanalo kami, nanalo ang team nina Shemaia sa volleyball at sino ba naman ang hindi maaaliw kung may mga barkada ang boyfriend na nasa kabilang year mo na kung maka cheer akala mo na hindi kaklase nila ang kalaban. Imbes na sa kaklase nila makikipagcheer sa kabila naman ang kinakampihan at malakas ang hiyawan ay ang team ni Ocampo dahil sa boyfriend niyang si Devi Cloud at mga barkada na todo pasikat. Mga loko-loko talaga at may pa tumbling pa itong si Carlos at Vincent kahit hindi naman marunong pero kung ang kaklase nila ang makapuntos ay ganun din ang ginagawa nila. Kaya tuloy hindi namin alam kung kanino ba talaga sila kumakampi. Ang saya lang nilang tingnan nakakadagdag aliw sa mga nanunuod. Kahit mga teachers na nanonood at referees ay tawang-tawa sa mga pinaggagawa ng fourth year students. "Ituwad mo pa Gail! Lumipad ka bago mo ihampas ang bola Cathy!" yan lamang ang mga sinisigaw nitong taga fourth year sa mga kaklase namin. Kaya ang mga classmates nila na nanunuod ay ang sama na nakatitig sa kanila dahil mas lamang ang cheer sa aming ka team kaysa sa kanila. Kaya tuloy nakatikim sila ng batok ng kanilang mga estudyante, mabuti na lang at hindi kasali si Valentino at pinuntahan agad ang kasintahan. Pagkatapos ng volleyball ay basketball naman ang susunod kong panoorin mamayang hapon at dahil preliminary pa lang naman ngayon. Malalaman ang final nito sa Friday. Kung sino ang mananalo ngayong laro at bukas hanggang Thursday ay lalaban ang dalawang team sa huling araw ng intramurals bago magsimula ang pageant at dahil expelled sa school si Eula kaya si Bianca na lang ang pumalit. "Maglulunch mo na tayo?'' tanong ni Lisa kaya tumango ako sa kanya. Pumunta na kami ng canteen kasama ang iba ko na kaklase at nakipagsiksikan sa mga estudyante na pumipila rin para bumili ng pagkain. "Sabay na tayong kumain, Mica. I bought food for the two of us," muntik na akong maduwal sa pagkakatayo ko na bigla na lamang may nagsalita at manggugulat sa likod ko itong si Ignacio. Umikot ako para makaharap siya ngayon, nakalinya na rin kung saan ako na carinderia gustong bumili sana. "Ikaw pala yan. Bumili ka ng pagkain para sa ating dalawa? Bakit? Wow naman ha, hindi lang mga kapatid ko ang naspo spoiled ako rin, parang ganun ba yun?" Taas-kilay ko na sabi sa kanya habang nakangisi. Pinaharap niya ako kung saan ako kanina, hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng karinderya. "Tubig o juice na lang ang orderin mo dahil marami rin ang nabili ko na pagkain sa kabilang stall. Akala ko kasi na hindi kana pipila pa dito, kaya you know…" Aniya. Sino ba naman ako para tumanggi, sayang naman ang grasya. "Ano ang sa inyo Mica?" Tanong ni manang Lanie, habang naglalagay ng plastic paper sa tray para sa order ko. "Salamat na lang.. wag na po ito manang, uhmm…dalawang juice na lang po, may binili na pala ang kasama ko na pagkain para sa aming dalawa," ngiti ko na sabi. Naging suki na kasi ako ni manang sa area niya dito kaya kilala niya na ako. "Sweet naman ng boyfriend mong iyan iha…" huh? Ano raw? "Manang hin—" "Syempre manang kailangan talagang alagaan mo ang girlfriend mo baka mamaya maghahanap siya ng iba," bigla kong hinarap si Ignacio dahil sa sinabi niya. Anong pinagsasabi nito? Nilapit ko ang bibig sa tenga niya para marinig niya ako dahil medyo maingay na ngayon sa loob ng canteen dahil marami na ang pumapasok na estudyante. "Kailan pa tayo naging mag girlfriend-boyfriend?" Tanong ko. Wait, baka prank lang ito kaya sumang-ayon lang siya sa sinasabi ni manang. "Then girlfriend na kita ngayon, sinasagot na kita," aniya sabay kindat. "What? Niligawan ba kita at nagdesisyon ka ng ganyan?" tanong ko ulit habang papunta kami ngayon sa lamesa ng mga kaklase namin. Kaya tuloy ng mahagip ng mga mata ng kaibigan namin na magkasama kaming dalawa ni Ignacio ay may mga pilyong-ngiti ang mga chismoso oh. Narinig ba nila ang sinasabi ni Ignacio kanina? "Dude, dito na kayo tumabi, ang bagal niyo kanina pa kami rito naghihintay sa inyong dalawa." ani ni Singko. Sinunod namin ang sinabi niya. Pinaghila niya ako ng upuan at pinauna ni Ignacio habang bitbit niya ang bag niya na may baunan. Isa-isa naman na latag ng mga baunan ang mga kaibigan at kaklase ko na kasama ko ngayon sa isang table. Si Karen, Lisa, Nessel at kaibigan ni Ignacio na kaklase rin namin. Nilagay nila sa gitna ang mga baon nila at humingi lang kami ng paper plate sa canteen. Nagmamadali ako kanina kaya hindi na ako nakapag baon man lang kahit tubig kaya naisipan ko na lang na sa canteen na lang bibili ng pagkain pero ang swerte ko naman yata ngayong araw dahil may nag libre sa akin. Pero may konting hiya na rin dahil wala man lang akong naiambag sa kanila kundi kaluluwa ko lang. Di bale konti na lang ang kakainin ko ngayon. Pero… "Bibili kaya ako ng ibang ulam para marami!" suggestion ko. "Huh! Wag na at baka masayang lang, saka na kapag paubos na at gusto pang magdagdag, ok ba yun sayo?" Tanong ni Singko sa akin. Dahil sa paliwanag niya kaya napaisip nga naman ako na tama ang sinasabi niya. Kaysa naman mag-aksaya ng pera mabuti pang kumain na lang muna at mamaya na isipin ang mga naisip ko kanina. Last month lang namin itong ginagawa na magshashare ng mga ulam namin na parang nasa bahay lang para naman lahat at makatikim at makakain kung ano ang nasa lamesa. Katulad ngayon na may pritong tilapia, adobong manok, menudo, pritong galunggong na isda, at adobong kangkong. Yan lang ang ilang mga menu na nandito sa lamesa namin na baon nila. Inikot ko ang paningin ko sa mga estudyante na nandito sa canteen na maganang kumakain at may tumatawa dahil sa may nakakatawa na naman na kwento ang bawat isa. Meron din namang tahimik na kumakain lang sa lamesa. Nilagyan ulit ni Ignacio ang pinggan ko ng pagkain. "Tama na ito Ignacio, lulubo na yan ang tiyan ko dahil sa sunodsunod na bigay mo at sino ba naman ako para tumanggi." Tawang sabi ko sa kanya kaya tuloy bigla akong nahiya na napatingin sa kanila." Bakit?" Taas kilay ko habang may ngiti parin ang mga labi. Ngayon lang ito guys kaya wag kayong ano diyan. "Ang sweet niyo naman sa isa't-isa. Tapos lagi pa kayong magkasaama pag-uwi, kayo na ba?" Tanong ni Nessel at iiling na sana ako na sumingit si Ignacio. "Yes sinagot ko na siya," hinampas ko siya sa kanyang kaliwang braso. "Ikaw ha, hindi kaya. Kapal nito," saad ko at tinawanan lang kami ng mga kaklase namin. "Hindi pa yan mangyayari sa ngayon pero malapit na yan, ayeeh." Balik pang-aasar nila kaya tuloy napalingon ang mga estudyante sa amin. Sa sobrang hiya ko kaya for sure mukha na akong camatis nito sa kapulahan ng pisngi. Natapos ang tanghalian namin na ako ang topic nila. Nasa girl locker ulit ang ibang estudyante at ako naman ay inihanda ng sarili dahil sa ako na ang susunod na maglalaro. Ang kaibahan lang sa akin dahil individual ang larong ito at wala akong ibang kasama na kaklase kundi ang magiging kalaban ko lang at iba naman sa iba.   Kaya kung matalo man ako ay parang pasan ko ang grado ko at ang kinabukasan namin ng third year. "Kaya mo yan Mica, nandito lang kami sa'yo para asarin ka," sinamaan ko ng tingin si Singko. "Para mawala ang kaba mo, ito naman oh hindi mabiro." saad niya. Umiling na lang ako dahil sa mga paraan nila para hindi ako kabahan sa araw na ito. Pagkarating sa stadium ay nakahanda na lahat. May mga lamesa na kung saan ang mga players at upuan. Pinakilala na kami ng MC para sa tournament na ito. Sobrang kaba ko lalo at nakatingin karamihan sa akin lalo ang mga kaklase ko. Alam kong hindi naman talaga sila mahilig sa chess pero dahil kaibigan at kaklase nila ako kaya sinusuportahan nila ako ngayon. Segundo at minuto ay nakakakaba, pinagpawisan ako, pero iniisip ko na lang na parang si tatay ko lang ang kalaban ko ngayon at ineenjoy ang bawat move na ginawa ko. Sa kabilang section ang kalaban ko ngayon kaya napapangiti na lamang kami kapag may nababawasan lalo na sa akin pero at the end may nagwagi. "Congratulations Michaella!" narinig ko na sumisigaw ang mga kaklase ko. Naka ok sign ako para magpasalamat sa suporta na binigay nila sa akin. Pinuntahan ko ang mga kaklase ko kung saan sila nakaupo sa may bench at muntik na akong matumba na bigla na naman akong dinambaan ng yakap. "Congratulation, sabi ko sa'yo eh na kayang-kaya mo. Ikaw parin ang panalo!" ani ni Lisa at Nessel sa akin. " Congratulations again Michaella!" ani ni Shemaia, sunod naman sina Gail, Cathy at iba ko pang kaklase. "Maraming salamat, paano ba naman kasi kung makacheer kayo abot hanggang US ang tournament ko." Natatawang wika ko. Niyakap ako ng mga babae at tapik sa balikat naman ang mga lalaki. Pwera lang sa isang tao walang iba kundi si Ignacio. Niyakap niya ako ng mahigpit. 'Congratulations, ang galing-galing mo, wala na akong masabi." "Sus, nagsalita ang hindi raw magaling! Goodluck ulit sa inyo mamaya ha!" ani ko. "Manunuod ka ha baka mamaya niyan, uuwi kana agad sa inyo." "Bakit naman ako uuwi na hindi pa tapos ang laban? Saka na ako uuwi kapag nanalo kana! Ayos ba yun sayo? " Tanong ko. "Paano kung matalo kami? " Balik tanong niya. "Mananalo kayo, for sure yan. Kung hindi then ayos lang yan may next time pa naman, Ignacio. Basta ang mahalaga na nakipag compete ka na patas at hindi ka maduming makipaglaro. Kaya niyo yan!" sabi ko. Dahil mamayang three pa ng hapon magsisimula ang laro nila kaya pumunta muna kami ng canteen para bumili ng pang merienda. Pag-uwi ko ng bahay for sure matutuwa ang mga magulang ko at ang mga kambal dahil nanalo ulit ako sa chess, ipagmamalaki na naman ako ni tatay nito sa kanyang mga kakilala. Kahit hindi man nila nakikita ang paglalaro ko, alam ko na proud sila sa akin. Balang araw kapag may mga tournament sa ibang school ay sasali ako at isasama ko si tatay o nanay kung pwede na sumama ng magulang. Para kahit papano ay makita nila na ang kanilang anak ay magaling din sa ganyan. Hindi naman ako sobrang matalino sa school. Nasa top 9 o ten, makapasok ka lang sa ganyan ay nakakataba na ng puso. Isa pa, ang mahalaga lang naman ay pasado ka at may natutunan sayong pag-aaral para naman hindi sayang ang oras at pawis na ibinigay ng mga magulang sa'yo para nakapag-aral lang ako. Katulad ng mama ko na hindi nakakoliheyo dahil sa kapos sa pera ang kanyang mga magulang. Kaya imbis na mag-aral ay nagtatrabaho na ito sa Maynila at mabuti naman ang trabaho niya doon. Hanggang wala na sa isip na tapusin ang pag-aaral lalo at nakilala niya si papa at nabuntis siya at ako yun. Kaya tinuon na lang nila ang pag-aalaga at pagpapalaki sa akin. Hanggang nagdecide sila na umuwi ng Negros kung saan si papa nakatira at masaya kami na namumuhay kasama ang mga kambal na kahit may kapansanan man sila ay talagang masaya kami sa simpleng buhay lang. Actually, hindi naman na kakaproud na maging mahirap ka, dahil ang hirap kaya nun na minsang maranasan mong kumain ng dalawang beses lang sa isang araw. Minsan hindi pa yan rice at ulam na karne o jsda ang maihain mo sa lamesa kundi kung ano ang itinanim namin sa bakuran ay yun na ang pagkain namin sa araw kagaya ng kamote at gabi. Minsan kapag magkasakit ka, wala kang matatakbuhan dahil kapos din ang mga kakilala o kapitbahay mo. Kaya kung ano man ang karanasan namin dati ay hindi ako kuntento na palagi yung mangyayari.   Pero masaya kapag namuhay ka sa simpleng pamumuhay dahil alam mo kung para saan ang pagsisikap mo at masaya ka sa piling ng mga mahal mo. Pero wala rin namang masama na mangarap ka ng mas mataas para mapabuti ang buhay mo kung gusto mo man yung maranasan, ang importante lang naman ay na nakatapak parin ang mga paa natin sa lupa yan ang lahing payo ng lola ko dati na nabubuhay pa ito . Kaya nagsusumikap ako sa pag-aaral para mabigyan din ng magandang buhay ang mga magulang ko lalo ang mga kapatid ko bago ang sarili ko. Habang tumatanda sila ay nararamdaman ko ang pagod nila kaya dapat kumakayod din ako sa pamamagitan ng magandang record sa school na ito kahit na minsan may mga hindi mo talaga kakilala pero kung umasta ay parang alam na nila ang buong pagkatao mo, ni minsan hindi mo man lang alam kung ano ang kasalanan mo. "Tabi ka nga dyan?! Ang pangit na nga ng mukha mo tapos nakaharang ka diyan!" sabi ng isang estudyante sa kabilang year. Puno ng make-up ang mukha at mapula ang labi dahil sa lipstick. "Ano pa ang tinitingin mo dyan ha! Tabi." Dahil sa mabait ako ngayon kaya pinagbigyan ko sila. Pangit lang ako sa mukha at least hindi sa ugali. Totoong nakaharang naman talaga ako sa entrance ng gym habang hinihintay sina Lisa at Bianca na pumasok muna sa classroom namin dahil may kukunin daw. "Hindi ka yata manunuod eh, pag nag simula na ang game namin ay tatakas ka at uuwi agad sa inyo." ani ni Ignacio. Bigla-bigla na lang itong sumusulpot kung saan ako. Crush niya na ba ako at hindi siya mapakali kung hindi niya ako nakikita? Tinampal ko ng mahina ang kanang pisngi ko dahil sa assuming na naman ako ngayon. Kahit sinabi niya kanina na girlfriend niya na daw ako ay hindi naman ako naniniwala lalo at parang nasabi niya lang yun para masamahan niya ako sa pagkain. "Sinong nagsabi? Hindi ibig sabihin na nandito ako sa entrance ay eexit na agad ako!" ani ko. Minsan talaga natatarayan ko siya. Crush ko siya po pero dumarating talaga ang pagiging masungit ko. Malapit na yata ang kumare ko kaya ako ganito ako na moody. Wearing his basketball attire ay gwapong-gwapo siya sa kanyang porma lalo at itinali niya ang kanyang mahabang buhok pa half style at may bandana pang nilagay sa kanyang ulo na kulay red. Gangster yern… "Aw… akala ko hindi ka manunuod eh, magtatampo talaga ako sa'yo." pang dadrama nito. "Halika na at doon ka umupo kung saan ang mga gamit ko para bantayan." sabi niya. "Ay ganun… nilapitan mo lang ako dito para may taga bantay ng mga gamit mo. Wow naman kung ganun," ani ko at tumawa lang ang loko. Wala na akong magawa dahil hinila na niya ang braso ko papasok ng gym. Bigla tuloy akong nahiya dahil pinagtinginan kami ng mga ibang estudyante na ang ugly sumama sa model na si Ignacio. "Bitawan mo na ako, pinagtinginan na tayo baka mamaya yan atakihin na lang ako rito ng mga may gusto sayo." sabi ko sa kanya. Kunot-noo naman itong nakatingin sa akin, "Girlfriend na kita, boyfriend mo ako. Nahihiya ka sa ating relasyon?" Huh? Ano raw? "Wait a minute, totoo ba yang mga sinasabi mo o pinagloloko mo lang ako? Kanina pa yang umaga. Girlfriend ka riyan, hindi ka naman nanliligaw at sinagot na ba kita?" taas kilay ko na tanong, ang arte mo Mica. Ayaw mo pa yun na siya na mismo ang nagsabi. "Paladesisyon ako minsan kaya oo magkasintahan na tayo. Alam ko naman na may gusto ka sa akin eh kaya sinasagot na kita Mica." "Hala hindi ko sinabi yan. Saan mo yan nalaman ha? Sino nagsabi sayo niyan?" Tanong ko sa kanya habang nakapamewang ako sa harapan niya. Baka akalain ng mga estudyante na nilalandi ko itong nilalang na ito kaya kami nagkatinginan. "Bast–" hindi na niya natapos ang sasabihin ng mag-umpisa nang ipakilala ang mga pangalan ng bawat team. "Wish me luck okay, gagalingan ko para may pang burger at pang fries tayo mamaya para sa ating kauna unahang date.'' sabi ni Ignacio bago ako hinalikan sa noo at patakbong pumunta sa gitna ng gym dahil tinawag na ang kanyang pangalan. Narinig ko ang tilian ng mga kaklase ko lalo na sina Shemaia at Mercy pero ito ako at ilang minuto ng tulala dahil sa ginawa ni Ignacio. Hahawakan ko na sana ang noo ko kung saan siya humalik pero dahil ramdam ko parin ang kanyang dampi sa malambot niya na labi sa noo ko kaya hinayaan ko na para nandyan pa rin siya hanggang mamaya sa pagtulog ko sa gabi at kinabukasan. Hindi ko na nga alam na natapos na ang laro nila at nanalo sila ni Ignacio habang may pangalawa pa akong natanggap na halik sa noo at yakap galing sa kanya. Gosh…lucky 8 na ang favorite number ko.

 

 

 

chapter 6

Kay bilis naman ng panahon, hindi mo namamalayan nasa huling year ka na ng highschool journey mo. Tapos ngayon, kung gaano kabilis ang panahon, ganun din kabilis ang pangyayari na sa isang iglap naging boyfriend ko na ang katabi ko at girlfriend na niya ako. Sarap pala sa pakiramdam na ganito. Wala ng ligaw-ligaw, kami na agad ni Ignacio. For eleven months lagi kaming magkasama, hatid-sundo niya rin ako sa bahay. Sobrang sweet niya pala na klase na boyfriend. Mas clingy din kaysa sa akin. Higit sa lahat, binago ko ang sarili ko at naging mas maalaga. Kaya ang dating maraming loyal na friend sa mukha ko ay nag sisialisan na sila kasi mga fake friends sila. Meron pa naman pero hindi na gaano karami tulad ng dati. May ginagamit na sabon si Sophia sa akin dahil maganda raw yun sa balat, hindi naman siya pampaputi kundi pang-alis lang ng mga masasamang nilalang sa mga mukha natin. "Here... kumain kapa love, hindi pa nangangalahati ang pagkain mo." ani ni Ignacio. "Busog na ako, saan ko sila ilalagay sa tiyan ko kung puno na sila? Paanong hindi nangangalahati eh panay naman puno mo ng pagkain sa plato ko," Ngiti ko na sabi sa kanya. Ngumuso siya kaya hinalikan ko ang pisngi niya. "Okay, kakainin ko na po, sayang naman ang grasya." sabi ko sa kanya. Yan... sa isang iglap sumilay na ang kanyang ngiti dahil sa sinabi ko. Tumataba na nga ako eh, kahit mga kapatid ko alagang-alaga niya rin. Nasa bahay nila ako dahil may ginagawa kami na projects. Wala ang kanyang mga magulang dahil nasa Cebu raw ito ngayon dahil nandoon ang isa sa kanilang mga business pinapatayo at kailangan sila roon kaya uwian at balikan lang sila dito sa probinsya. Meron din sa Manila kaya baka after ng Cebu, doon naman ang punta nila. Dahil dito na nakapag-aral si Ignacio sa Negros at nagustuhan naman niya kahit pwede rin naman siyang mag-aral sa Cebu at Maynila. Pero tadhana nga naman, hindi ipinagkaloob yun dahil kung nasa ibang school at City siya pinag-aral ay malamang hindi ko siya naging crush. Malamang hindi ko siya na drawing. Malamang hindi ko siya katabi sa classroom. Malamang din na walang kami ngayon. "Wala bang alak kahit beer lang dito pre?" Tanong ni Junard. Binatokan tuloy siya ni Nessel. Anim kami sa isang grupo, kaya narito rin sila. Ang ibang classmates namin ay may kanya-kanyang bahay din na pinupuntahan. "Anong alak ang pinagsasabi mo, hindi pa nga natin natapos yung projects natin dahil wala ka man lang ambag, tapos maghahanap ka pa ng alak na sisirain lang yang utak mo at iba pa ang maisagot natin sa ipapasa natin na project." saad ni Nessel. "Kaya nga, puro ka lang alak yang utak mo, mabuti pa ako behave lang dito," sabat naman ni Singko na ngayon kumakain ng chicken feet, request niya yan eh. Isa raw yan sa favorite ulam niya. Inabot ni Lisa sa akin ang hipon na niluto lang sa garlic at butter. Pero dahil hindi pa binabalatan kaya kumuha ako ng plastic gloves na hinanda namin kanina para sa mga ganito na may babalatan pa para hindi masyadong matapang sa kamay mamaya ang amoy. Isa pa lang ang nabalatan ko at tumilapon pa kaya natawa kami, "buhay pa yata Mica, ayaw magpakain sayo" sabi ni Nessel. "Akin na, sana hinintay mo ako." kakaupo lang ni Ignacio dahil pumunta siya sa kusina ng nadatnan niya akong binabalatan ang hipon. "Kaya ko naman," pero wala na akong magawa dahil kinuha niya na sa aking plato ang mga hipon at dinala niya sa bakanteng paper plate doon at sinimulang balatan bago ilagay sa pinggan ko. May kanya-kanya rin ginagawa ang mga kasamahan namin kaya itinapon ko na ang hiya. Habang kumakain naman ako sa hipon na wala ng balat ay inabotan ko rin si Ignacio ng pagkain para makakain na rin siya ulit. Hanggang natapos na namin ang kainan na puro lang asaran at tawanan. Dahil busog na at gusto ng matapos ang ginagawa namin kaya nagmamadali na lang kami para hindi kami abutan ng gabi. Habang nagsusulat ako panay naman kulikot ni Ignacio ng buhok ko kaya tuloy napapalingon ako sa kanya at nakataas ang kilay dahil nagtataka. "Anong ginagawa mo?" tanong ko dahil busy sa pagsusulat tapos itong isa na to, buhok ko lang ang kinukulikot habang hinilig niya ang ulo niya sa table. May sofa naman pero dahil maliit ang table nila sa sala kaya nakaupo kaming dalawa sa sahig na may carpet. "Staring at my girlfriend while holding the tip of her hair kasi nakakadistract habang nagsusulat ka, hindi ko makita ang mukha mo," aniya. Ano raw? Anong kalokohan naman ang pinagsasabi nito. Ang mga kasamahan namin ay may ine experience sa labas dahil sa science itong subject namin kaya ako ang tagasulat, sina summarize ko ang report namin para madali na lang itong ipasa nitong darating na Monday. Pero ang isang ito, imbis na tulungan ako kung tama o may mali ba sa ginagawa ko ay iba naman ang kinakabisihan. Mukha ko naman ang ina examine niya. "Wala kang makukuha sa mukha ko na report Ignacio. Hmm meron naman yung before and after face results, tama? Tingnan mo lang huwag kang mag-alala, hindi yan lilipat sa'yo," natatawang sabi ko. Ipinagpatuloy ko parin ang pagsusulat kahit ganun parin ang ginagawa niya. Kinuha niya ang kamay ko na ginagamit ko sa pagsusulat at dinala sa tapat ng bibig niya para dampian ng halik. "Stay by my side always hon, hmm," pakiusap niya. Hindi na ako nakatiis at binaling ko na lang ang buong atensyon sa kanya. "Ano pa ba ang ginagawa nating dalawa? Halos everyday nga na magkasama tayo at nasa tabi mo lang ako. Kahit nasa bahay na ako ay naroon ka rin naman at tumatambay, alam ko naman ang ginagawa ko kaya 'wag kang mag-alala. Nagpapanggap lang tayo na girlfriend at boyfriend things dahil yun ang napag-usapan nating dalawa and I'm okay with that," saad ko. Baka balang araw matutunan niya rin akong mahalin ng buo. Yung wala akong kahati sa puso niya kundi ako lang at wala ng iba pang pangalan. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. "I love you, I'll make this relationship last forever between us. Just believe me and don't ever leave me alone kasi hindi ko kaya." aniya. Nagugustuhan man pero binabalewala ko na lang, inaantok yata ito dahil kagagaling niya lang sa Bacolod dahil doon ang shoot niya naka assign from modeling. Dahil naalala niya na may project kami na kailangan tapusin kaya napilitan siyang gumising at hito magana naman at masigla kanina pero siguro hindi siya nakatiis at naramdaman niya na ang antok. "Matulog ka muna sa kwarto mo dahil alam ko na inaantok ka pa, gigisingin ka na lang namin kapag pauwi na kami," sabi ko. Nginitian niya ako at tumayo, akala ko na papanhik na siya sa itaas pero kinuha niya lang ang maliit na dalawang unan at nilagay sa sofa kung saan ako banda. Doon siya humiga. Pinalapit niya ako sa kung saan abot niya ako para hawakan at nilapit ang maliit na table para makapagsulat pa rin ako. "I rest here, dahil alam ko na ayaw mong sumama sa akin sa itaas dahil baka magtataka sila na wala tayo sa sala at may ginagawang kakaiba," ngiti niya kaya inirapan ko siya. "Matulog ka na, baka mamaya magiging zombie ka na niyan at kung ano pa ang mangyari sayo pagka-uwi at kapag inihatid mo ako mamaya sa bahay. Pero pwede naman na sina Singko o Junard ang maghahatid sa akin, ayos lang." Saad ko. Bumangon siya at hinagkan ako sa noo at humiga ulit, para makatulog siya kaagad kahit madali lang naman siya makatulog. "Ako lang ang maghahatid sa'yo, ako lang ang nakakaalam kung saan nakatira ang honey ko at ako lang dapat ang makatabi mo sa front seat, okay?" Hinampas ko siya ng mahina sa kanyang braso. "Antok lang yan, sige matulog kana at ikaw na ang maghahatid mamaya sa akin sa bahay, ayos na ba?" tanong ko para mapanatag siya at maniwala sa akin. "Very good!" sabi niya habang hinahagod ang likod ko. Pinatigil ko siya sa ginagawa niya. Ginamit ko ang kaliwang kamay ko para tapik-tapikin ang braso niya at hinayaan ko muna siyang tinititigan ako at nagpatuloy sa pagsusulat gamit naman ng kanan na kamay. Ilang minutes ko yung ginawa kaya maya-maya lamang ay narinig ko na siyang humihilik. Sinilip ko siya at tama nga ako, Ang bilis niya talagang makatulog lalo't kapag antok na antok na talaga siya at lalo kapag pagod. "Sweet dreams my love, dreams of me, hmm, sana ako ang nasa panaginip mo kung sakali, sana pangalan ko ang babangitin mo habang nanaginip ka," sabi ko habang hinagkan ko rin ang noo niya. Hinilig ko ang katawan ko sa sofa para hindi siya mahulog lalo at nakatagilid pa ang posisyon niyang iyan. "Okay na yata ito Mic--, uuy may natutulog pala, pinagod mo ba?" Natatawang sabi ni Singko kaya tinapon ko sa kanya ang nakarolyo na tissue na nasa ibabaw ng sala. "Inaantok siya dahil madaling araw na silang nakauwi kagabi eh kaya wag kang epal diyan at bumalik ka nga kung saan ka, disturbo ka," sabi ko pagkatapos kunin sa kamay niya ang papel para matingnan ko. "Ako na ang bahala dito at pagkatapos niyo doon balik na lang kayo ulit dito para tapusin na natin lahat ito pero mamayang 30 o ilang oras pa yan, wag kang disturbo sa natutulog at baka mag-aamok at ikaw pa ang malilintikan," ani ko kay Singko at may mapang-asar na aman itong ngisi niya. "Lagi kang masungit sa akin, crush mo yata ako noh," pang-aasar niya pa at bago ko pa maihagis sa kanya ang tsinelas ko ay nakatakbo na siya palabas ng sala.   Binalingan ko ulit ang mahal ko at napapangiti na lamang ako na makita siyang mapayapang natutulog sa sofa. Kahit lumalampas ang paa niya sa sofa dahil sa hindi naman ito sobrang mahaba at matangkad siya kaya natutulog si Ignacio na parang fetus ang posisyon. Kung may cellphone lang ako na touchscreen at may camera ay pinipicturan ko na itong mahal ko. Dahil sa kaugalian ko na ay kinuha ko ang bagong notebook ko sa bag at lapis na rin. Nawala ko kasi yung isang notebook ko na marami akong drawing sa kanya. Hinahanap ko sa bahay pero hindi ko naman mahanap dahil ang naalala ko na lagi ko yung dala-dala kahit saan man ako pero wala talaga. Nakakahinayang lang dahil marami na akong na e drawing na siya lang ang iginuhit ko. Ibang drawing notes naman sa aking mga pamilya at lagi ko yung iniiwan sa bahay para maidisplay ang iba. Naalimpungatan ako dahil may humihimas sa likod ko. Idinilat ko ang mata ko para makita kung sino ang gumagawa at napapangiti na lang ako kung sino ang nakita ko. "Hi! Gising ka na pala, oh wait bakit nasa sofa na ako ngayon at ikaw ang nasa sahig?" takang tanong ko sa kanya. Bumangon ako at tinulungan niya akong makaupo ng maayos. Dinala ko ang mga daliri ko sa gilid ng mata ko at baka may mota pa ako. "Nasaan na sila? Nasa labas pa ba? Ang tagal naman nila!" Reklamo ko at nakangisi lang ang isang to. "Umuwi na kanina pa." "Huh? Ang mga lokong iyon. Hindi pa kami tapos dahil hinihintay ko ang last na report nila para matapos na." reklamo ko sa mga kaibigan na wala na nga rito. "Tapos na po… kaya wala kanang poproblemahin, paggising ko kanina at nakita kita na natutulog dito sa maliit na table kaya binuhat na kita papuntang sofa kung saan ako natutulog kanina para makatulog ka ng maayos," paliwanag niya. "Hala! Hindi ako nagising? Anong oras na ba?" "Malapit na mag alas singko ng hapon, hindi ka nagising nung binuhat kita kaya hinayaan ka na lang namin na natutulog dito at lumipat kami sa garden para tapusin ang hindi natapos kanina para wala ka ng poproblemahin pa, sorry kung hindi na kita nabantayan dito kaya dinikit ko na lang ang kabilang sofa para hindi ka mahulog at tinapos ko muna ang ginawa mo kanina bago ako bumalik sayo dito at hundred percent pasado tayo doon." pagmamayabang pa niya. "Ganun ba! Salamat. Nakakahiya tuloy na gumagawa kayo tapos ako ang haba na pala ng tulog ko. Nakakahiya Ignacio." ani ko sa kanya habang nilalagay ang dalawang palad sa mukha ko. "Akala ko, ako ang magbabantay sayo pero baliktad pala ang nangyari," sabi ko habang hindi ko pa rin tinatanggal ang kamay ko sa mukha. Naiinis ako sa sarili ko. "Ano! Dito ka ba matutulog sa bahay o uuwi tayo sa inyo?" tanong niya kalaunan. "Syempre uuwi ako, magtataka ang mga magulang ko na hindi ako uuwi sa bahay niyan." sabi ko sa kanya. Ngumuso siya at niyakap ako sa bewang habang nakaupo parin ako sa sofa at nasa sahig siya nakaluhod. Hinawakan ko ang buhok niya at ginulo ko iyon. "Akala ko ba, sabay tayong matutulog sa kwarto ko." "Talagang hindi pa pwede Ignacio, ano na lang sasabihin ng mga magulang mo? Hindi ko pa sila nakita sa personal tapos dinala mo na ako dito tapos makikitulog pa ako, okay lang kapag kasama ang mga kaklase natin ang magslesleep over dito sa inyo dahil ayos na rin sa akin," saad ko. Dahil para sa akin, hangga't hindi pa ako buo sa pagkatao niya ay may limitation ang lahat. Marami pang bawal. We're just pretending like a lover but behind this ni minsan hindi ako nag pepretend na hindi ko siya gusto dahil simula pa lang gusto ko na siya.   Akala ko kasi dati na officially kami na, lalo at masaya naman kami kapag nag sasama sa paaralan lalo na sa classroom at pinapakita niya talaga ang pagiging maalaga niya pero hindi ko inaasahan na isang beses ay hinagkan niya ako habang nasa sasakyan kami pareho habang nakaparada sa kalye namin. Dahil tinted ang sasakyan niya kaya walang makakita sa amin o anong ginagawa. Pero nabingi yata ako sa nabanggit niya na pangalan habang palalim ng palalim ang mga halikan namin. Kaya natigilan ako at binalik ang sarili sa upuan. Napapikit ako dahil sa nahihiya sa hindi ko malaman na dahilan. "All this time, siya parin?" tanong ko sa kanya na garalgal na boses at hindi ko pa rin idinilat ang mga mata ko. Dahil ayokong umiyak sa harapan niya. "Sorry Mica.. sorry.. sorry hindi ko sinasadya," pagmamakaawa niya habang pinupunasan ang pisngi ko na hindi ko alam na kusa na pala itong pumapatak. "Sorry… It's all my fault. Gago ako. I'm sorry.. I'm sorry. Please talk to me, huh!" Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko only to see his reaction na namumula na rin ang mga mata, "I'm sorry…hindi na mauulit. I mean hindi ko na babanggitin ang pangalan niya. Please sorry…sorry." ani niya. "Itigil na ba natin? Hanggang dito na lang ba ang lahat Ignacio? Kasi kung oo, wala na akong magagawa. Pero kung hindi pa, let's pretend na lang na may something tayong dalawa. Why? Dahil simula pa lang gusto na kita eh. Hanggang nalaman ko na may gusto ka sa isa sa mga kaklase natin, naging bingi pa rin ako at nangangarap na balang araw, magiging akin ka lalo at may nagmamay-ari na ng puso niya. Umaasa parin ako na mabaling ang attention mo sa akin at hindi ako nabigo dahil naging kaibigan kita sa paaralan na ito at naging tayo pa nga. Isang salita mo lang naniwala agad ako pero sa nangyari kanina?" iling ko habang tinanggal ng maayos ang seatbelt. "No Mica, sorry.. hin. di ko sinasadya, akala ko nakalimutan ko na siya pero hindi ko alam na maalala ko parin siya. I'm sorry please, wag tayong maghiwalay hmm," pagmamakaawa niya pa rin sa akin. Nasa labas na ako ng sasakyan niya at papasok na ako sa bakuran namin kaya nagmamadaling siyang lumabas sa sasakyan niya para sundan agad ako. "Please Mica please… " "Bukas na lang dahil wala akong gana ngayon para kausapin ka, kaya please rin Ignacio, bigyan mo muna ako ng tamang pag-iisip dahil first time akong nasaktan ng ganito, mag-iingat ka sa pag-uwi," sabi ko at tinalikuran na siya. Nagmano ako kay nanay at wala pa si tatay. Naabotan ko siya na nagluluto ng ulam para mamayang gabi. Dinambahan agad ako ng kambal at niyakap ko sila ng matagal. Nagtatanong sila ayon sa gesture ng kanilang mga daliri at hinahanap lang naman nila si Ignacio dahil nasanay narin itong dalawa na laging nakikita ang lalaking iyon. Nginitian ko sila at sinabi na nagmamadaling umalis at babalik din siya sa ibang pagkakataon. Hindi nga ako nagkamali dahil kinabukasan maaga itong nagpapadeliver ng kung ano-ano sa bahay at tawang-tawa naman sa kasiyahan ang mga bata. Ginawa niya ang lahat para mapansin ko siya at ibalik ang dating kami. Pero dahil siguro sa sobrang mahal ko siya kaya kahit masakit na hindi pa niya ako kayang mahalin ng buo ay tinanggap ko siya ulit sa buhay ko at umaasa na buo niya akong mamahalin. "Nandito na tayo love," nagulat ako sa boses ni Ignacio. Malalim pala ang pag-iisip ko kaya hindi ko namalayan na nasa kalye na kami ng bahay namin. Nginitian ko siya at siya na ang nagtanggal ng seatbelt ko at sabay na kaming lumabas ng sasakyan. "May pupuntahan tayo na lugar next week, sasama ka ba? Magdadate tayo doon, ipag paalam kita sayong mga magulang para may idea sila." ani niya. " Okay," sagot ko sa kanya. Habang naglalakad sa kalye ay para kaming mag-asawa na celebrity at pinagkakatinginan, mabuti na lang at walang kusang lumapit at magpapicture sa amin, sa akin lang pala. Paano naman kaya sa isang ito. Tiningnan ko lang siya at nakita ko siyang napapangiti sa akin at hinapit ang bewang ko. I love this man, really…really love him. Sana tuloy tuloy na itong saya ng puso ko. Hihintayin ko na lang na maging buo na talaga ang pag-ibig niya para sa akin at wala ni sino man ang nagmamay-ari kundi ako lang, ako lang dapat kahit kabaliktaran ang nangyari.

 

 

chapter 7

One month and a half na lang ang hihintayin namin at sa wakas patapos na kami sa high school life na ito. Nakakalungkot kasi iiwan na namin ang paaralan na naging tahanan na namin ng apat na taon at hindi lang iyon ito rin ang panahon na magkahiwalay kayo ng landas ng mga kaklase at kaibigan mo. Merong iba dito na makakapag-aral agad ng kolehiyo, meron naman kagaya ko na baka hihinto muna ako ng isang taon sa pag-aaral at magtatrabaho muna. Pero kapag natuloy ang sinabi ng Tita ko na nasa Maynila na paaaralin niya ako ay igagrab ko na talaga ang ganyang opportunity kasi sayang naman. May scholarship naman daw at ayun naman sa performance ng grado ko ay acceptable naman ako na maging scholar. Kakausapin pa ni papa ang kapatid niya para malaman kung tuloy pa ba? Two years pa kasi noong nabanggit niya na paaralin ako kaya hindi ko alam kung naalala pa kaya yon ngayon. "Anong oras ka aalis anak?" tanong ni mama sa akin. Kakatapos ko lang mag laba ngayon at aalis ako mamayang hapon dahil may date kami ni Ignacio. Alam na nina mama at papa na may relasyon kami dahil sa lagi kaming magkasama at laging pumupunta dito sa bahay. Hindi ko sinabi sa kanila ang totoo dahil alam ko na, hindi sila tutol sa naging desisyon ko na we're just pretending na kami talaga. Alam ko na magagalit ang mga magulang ko dahil ganito ako mag-isip sa tinatawag na pag-ibig. Mahal ko eh, may magagawa ba ang puso ko kung mahal ko nga talaga siya. Baka sa katagalan pwede naman sigurong magbago. Baka matutunan niya rin akong mahalin. Kaya ko pa namang maghintay kaya titiisin ko muna. "Pagkatapos kumain ng tanghalian mama," ani ko habang tinatapos na banlawan ang mga damit namin. Isasampay ko na lang ito at maglilinis ng bahay then pwede na akong umalis. "Okay, mag-iingat ka ha, kahit sabihin natin na boyfriend mo na siya alalahanin mo na mga bata pa kayo kaya pag-aaral muna ang atupagin at hindi ang bumuo ng pamilya." Paalala ni nanay sa akin. Walang araw na hindi yan pinapaalala nanag lalo kapag may date kami ni Ignacio. Ayaw ni mama na maranasan ko na hindi ako nakapag tapos sa pag-aaral at ayaw niya na matulad ako sa kanya na maagang namulat sa pagkakaroon ng maagang pamilya. Though hindi naman niya pinagsisihan na dumating kaming mga anak sa buhay nila dahil masaya sila na nagkaroon sila at kami yun. "Huwag po kayong mag-alala nanay, lagi ko pong pinapasok sa kukuti ko ang mga paalala niyo po sa akin. Salamat po ulit sa walang sawang pagpapaalala sa amin ang mga bagay na ganyan," ani ko. Hindi ako nag-aral sa wala, alam ko ang ibig sabihin ni nanay sa mga bagay na ganyan lalo kapag may kasintahan ka. "Babies, nandito na si daddy!" Tawag ni tatay sa labas ng bahay, kakarating niya lang galing sa palengke para bumili ng karne at gulay. Nasa labas kami ng likod bahay dahil nandito ang gripo para dito maglaba. Sinalubong naman ng mga kambal si tatay at kanya-kanyang agaw na ng supot na dala niya pagkatapos mag bless. Wala talaga akong ibang masabi sa mga kambal sa sobrang hindi lang mababait ay talagang matulungin pa kahit ganyan man sila ay hindi hadlang ang mga bagay para makatulong sa kapwa. "Ako na mga anak, ang bibigat nito," tawang sabi ni Itay. "Ito na lahat na pinamili mo mama para makasimula ka nang magluto." saad ni tatay kay nanay. Lumapit lang ako sa kanya para magmano at pinagpatuloy ang pagsasampay na ng mga damit. Pagkatapos kong maglaba at maglinis ng bahay ay naghanda na akong magbihis dahil baka maya-maya ay darating na si Ignacio at hindi pa ako prepare. Sumabay na rin akong kumain sa kanila dahil masarap ang ulam namin na niluto ni nanay at ito ang pork sinigang. Plano pa naman namin ni Ignacio na sa labas na kami kakain ng tanghalian. Siguro maiintindihan naman niya na sumabay na akong kumain sa pamilya ko. Meron pa namang natira, tinabi ko iyon kapag sakaling nagugutom na siya at gusto ng kumain dito sa bahay namin ay welcome na welcome siya. May touch screen na ako ngayon dahil binigay na ni Ignacio sa akin ang phone niya na hindi na ginagamit kaysa naman hayaan lang daw iyon sa kanyang drawer at hindi naman niya yun ginagamit. Kaya nagselfie ako ngayon at sinend ko sa kanyang messenger para iparating sa kanya na handa na ako at ready to go na. May niregalo pa nga raw ang kanyang mga tito at tita sa kanya ng cellphone na nasa Maynila at ibang bansa nakatira kaya ang hindi bigay o regalo yun na lang ang kinuha ko. Sinabihan ko nga na installment na lang yun, pero hanggang pitik lang naman ng noo ko ang ginawa niya at hindi siya pumayag. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako sa maliit namin na hagdanan na nasa limang steps lang naman. Ang bahay "Ang ganda naman ng dalaga natin mama oh," pagmamalaki ni papa habang papunta ako sa maliit na sala namin para umupo at doon na maghihintay kay Ignacio habang kalaro ko ngayon ang mga kapatid. "Syempre tatay, kanino pa po ba ako nagmana? Hmm... bagay po ba ang damit ko? Tanong ko. Suot ko kasi ngayon ay simpleng plain white t-shirt and high waist denim pants at pinaresan ko ng white shoes at ginawang kong space buns ang medyo kulot ko na buhok. "Sobrang bagay anak, di ba mga bunso. Ang ganda ng ate?" Tanong ni tatay sa mga kapatid ko habang nagpapabuhat kay tatay na nakaupo ngayon sa kahoy na upuan na mahaba. Kanya-kanya naman sila na tango for sure nagpapalambing itong dalawa dahil may kailangan at tama nga ako. Nagpapabili sila ng donut. Nasanay na sila sa donut ah kesa sa binigay ni Tuko na pandesal. Kawawa naman ang lalaking iyon. Ano kayang ginagawa niya ngayong araw? Noong nalaman niya na boyfriend ko na si Ignacio ay hindi na masyadong pumupunta rito sa bahay dahil busy daw ito sa kanyang trabaho. Kaso hindi naman sinasabi kung ano yon. Bahala na nga siya, hahayaan ko muna siya ngayon at sasabihin din naman niya sakin kapag gusto n'ya. Noong isang beses na nag date kami ni Ignacio ay hindi lang ako ang kasama niya kundi kasama rin ang kakambal kaya tuwang-tuwa sila na nakapunta kung saan-saan sa Baywalk Dumaguete at nakasakay ng magarang sasakyan nina Ignacio. Mabuti naman ngayon at hindi sila namimilit na sumama dahil date lang namin talaga ito ni Ignacio. Sinabihan ko sila na next na date ulit ay kaming apat na naman ang magkasama at mabuti na lang at pumayag basta may pasalubong pagkauwi. Maya-maya lamang narinig namin ang boses ni Boknoy, anak ng kapitbahay namin na kalaro rin ng mga kambal. "Ate Mica! Ate Mica! Nandyan na po bopren mo po, punta na dito bahay!" Malakas na boses na sabi niya. Hindi ko tuloy alam kung saan ako tatago dahil sa nahihiya na marami ng nakakaalam na boyfriend ko na si Ignacio kahit wala naman akong pinagsabihan. Lumabas ako para makita kung tama nga ang sinabi ni Boknoy at tama nga siya dahil nakikita ko na paparating sa gawi ko si Ignacio na may dala na namang supot. Ano na naman kaya ang dinadala ng lalaking ito. Walang araw na hindi siya pupunta rito na walang bitbit. Kumaway siya sa akin at sinalubong siya. Binalingan ko si Buknoy. "Salamat Buknoy," ani ko at pumanhik na ito sa loob para makipaglaro na naman sa mga kambal. "Hi!" bati niya sa akin ng makalapit. "Hello, kumusta kana?" Hinawakan niya ang kanang kamay ko at naglalakad na kami papasok sa loob ng bahay. "I'm doing good, and much better now that I see you." Bumaling ako sa kanya habang sumisilay ang ngiti sa aking mga labi dahil sa sinabi niya. "Natapos ko rin ang last shot namin sa Bacolod kaya nakauwi agad ako kahapon ng hapon pero yun nga lang hindi na ako nakabisita sayo dahil sa pagod at antok. Kaya nagtext na lang ako, late ko na tuloy nabasa ang reply mo." sabi nito. "Baka inaantok kapa ngayon, pwede naman na sa susunod na lang natin ituloy ang date natin, pwede naman yon." saad ko. Baka mamaya hindi niya pala kaya ngayon at hindi makapag drive ng maayos. Kung alam ko lang kung paano, pwede ako na lang magsub sa kanya. "Ayos na ako wag kang mag-alala hon, promise!" May pa promise pa nga. Dahil bukas na ang pintuan kaya pumasok na agad kami sa loob at agad namang lumapit ang mga kambal at kanya-kanyang taas ng kamay para magpakarga. "Hug and kiss sa cheek lang muna dahil baka inaantok pa ang kuya Ignacio niyo at hindi niya kayo mabu—" hindi pa nga ako natapos sa sinasabi ko ay kinarga na agad ni Ignacio ang dalawang kambal sa magkabilaang braso niya pagkalagay ng supot na dala niya sa lamesa. Kahit si Buknoy ay nakisali na rin pero dahil hindi na mabuhat dahil dalawa na ang nakakarga kay Ignacio kaya sa mga binti na lang ito nakayakap. Kawawa naman ang Buknoy namin.   Kinuha ko siya at ako na ang kumarga sa kanya, hindi naman mabigat dahil 6 years old pa lang naman siya at medyo mapayat rin ang katawan niya kaya kaya ko naman siyang buhatin. "Grabe naman kayo, namiss nyo ko agad-agad?" Tanong ni Ignacio sa kanila at nakikinig lang ako, laki ng ngiti nila habang nagsasign language. Hindi man masyadong maintindihan ni Buknoy pero ang maganda lang ay nakikipaglaro siya sa mga kapatid ko kaya parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya. May nakakatandang kapatid siya pero nakapangasawa na at nasa Bayawan ngayon nakatira kaya mag-isa na lang siya na kasama ng magulang niya. Dahil napagod na kaming dalawa at gusto na rin nilang magpababa kaya pinababa na namin. Nagmano si Ignacio sa mga magulang ko at nag-uusap. "Kumain kana ba? May niluto si nanay na pork sinigang baka gusto mo, sinabayan ko silang kumain kanina ng lunch dahil natakam ako sa ulam, at tinirhan kita kung baka sakaling nagugutom ka," sabi ko sa kanya sa mahina na boses. "Hmm, wala pa akong kain hon at dumeretso na dito dahil hindi pa naman ako nagugutom pero dahil sinabi mo parang gusto ko na nga ring kumain, bigla tuloy akong nagutom." Aniya. Ngumiti ako at pinaupo siya sa lamesa at kumuha ako ng pinggan at kutsara at tinidor para makakain siya. Nasa labas na ngayon si tatay dahil may puputulin daw ito na kahoy at si mama naman pinapatulog niya ang tatlong bata sa kwarto kaya kaming dalawa na lang ang narito sa kusina. Habang iniinit ko ang ulam niya ay nilapitan ko siya at sinuklay ang tuwid at mahabang buhok niya hanggang balikat habang nakaupo siya sa mahabang upuan na kahoy namin sa kusina. Alam kong nakatitig siya sa ginagawa ko, meron pa naman kaming distansya sa isa't-isa dahil baka mamaya bigla na lang lumabas si inay sa kwarto o di kaya pumasok sa loob si tatay, baka mamaya niyan hindi na matuloy itong date namin. Walang nagsalita sa amin habang ginagawa ko parin ang pagsusuklay ng buhok niya. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata na ngayon nakapikit na, pero dahil alam ko nang kumukulo na ang iniinit ko kaya umalis na ako sa harapan niya. Hinalikan ko lang siya sa kanyang matangos na ilong para ipaalam na aalis na ako. Pagkalapag ko ng bowl ng sinigang at rice sa lamesa ay agad naman n'yang nilagyan ng kanin ang kanyang plato, "kain ka ulit Mi, para my kasabay ako," aniya. Pagkatapos kung kumuha ng maliit na bowl para sa sabaw ay tinabihan ko na siya ng upo. "Busog na busog pa ako, baka mamaya niyan cr ang bagsak ko habang nasa biyahe, nandito naman ako sa tabi mo kaya kain ka pa," saad ko. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa nangyari sa kanya sa Bacolod habang nag shohoot at ilang beses ng pinagalitan ang ibang kasamahan niya dahil sa hindi pa marunong mag pose. Ilang minuto na paghihintay na makatapos si Ignacio kalaunan ay tapos na rin. Pagkatapos ng tanghalian at naka pahinga naman siya kaya gumayak na kami paalis. Nagpaalam na ako sa mga magulang ko ganun din ang kasama ko. "Any plans after graduation, hon? Kung papayag ang mga magulang mo pwede kang mag-aral sa Cebu para doon tayo mag kolehiyo, tayong dalawa para magkasama parin tayo," aniya habang nakahawak ang kanang kamay niya sa aking kamay at ang isa naman ay ang nasa manibela. Magandang offer yan ah. "Hmm, hindi ko pa alam dahil plan ko kasi na magtatrabaho muna ako at pag-aralin ko muna ang mga kapatid ko though libre pa naman pero mas maganda pa rin yung makakatulong ako sa mga magulang ko Ignacio, yan ang isa sa mga option ko ha dahil yung tita ko na nasa Maynila ay inalok ako na siya ang magpapaaral sa akin. Hindi pa nakausap ngayon ni tatay dahil last na sinabi yan ni tita two years ago pa yun eh." Paliwanag ko. Dinala niya ang ang kamay ko sa bibig niya para mapatakan ng halik. Kinuha ko rin ang kanang kamay niya at hinagkan ng paulit-ulit kaya natatawa siya sa ginagawa ko, alangan naman na lagi siya ang gumagawa dapat ako rin para malaman ko kung ano ang pakiramdam na hinahagkan ka sa mga kamay. "Maganda parin kapag nakapagtapos ka Mica sa pag-aaral," tumango lang ako sa sinabi niya. Alam ko naman yun kaya hangga't wala pa ay tinitimbang ko muna ang sitwasyon lalo na sa pamilya ko at sa mga kapatid ko na may kapansanan. "Nandito na tayo, gusto mong kumain ng biko na may chocolate sa ibabaw nun?" Tanong niya sa akin. Nasa Malatapay kami ngayon dumeretso dahil maraming nagtitinda dito basta sa araw ng Miyerkules. Kahit mga foreigners at ibang bayan ay dumadayo rito para bumili. " Oo ba, pero busog pa rin ako Ignacio, ikaw gutom kana? Pwede naman tayong kumain na muna?" Busog pa talaga ako dahil kahit sinabi ko na busog na ako kanina at hindi na kakain pero sinabayan ko parin si Ignacio kumain ng lunch dahil nilalagay niya sa bibig ko ang kutsara na may pagkain at sino ba naman ako para tumanggi lalo at sinusubuan na niya ako. "Nahh! I'm not hungry too. Let's go! Maglakad-lakad na lang muna tayo dito habang dina digest ang kinakain natin kanina. Pupunta tayo doon sa pinaka dulo," yaya nito. Sa dulo kasi nitong market ay dalampasigan, may maliit na isla na matatanaw mo at tinatawag itong Apo Island, ayon sa librong nabasa ko puntahan ito ng mga tourists lalo sa mahihilig sa snorkeling and diving. Isa rin itong kilala sa Pilipinas na pinaka magandang dive sites sa buong mundo. Hindi pa ako nakarating doon dahil nga bahay at school lang ang ginagawa ko. Mabuti nga si Tuko ay nakapunta na roon dahil minsan kapag may handaan like pista ay invited naman siya dahil may mga kamag-anak sila roon. Noong isang taon nakapunta si tatay dahil niyaya sa tatay ni Tuko kaya nakapunta siya doon ng libre. Sasakay ka pa kasi ng bangka para makapunta roon. "Here," inabot ni Ignacio ang isang bote ng soft drinks pagkarating namin sa dalampasigan. Nakaupo kami ngayon sa may niyog na natumba habang pinagmamasdan ang mga alon sa karagatan. Na parang naglalaro lang hindi alam kung mananatili sa kayang pupuntahan o babalik, pero pinili nitong bumalik kung saan sila masaya. "Gusto mo bang pumunta tayo ng apo island?" Tanong ni Ignacio sa akin. "Sasakay lang tayo ng bangka na de-motor then uuwi tayo bandang three ng hapon. What do you think Mi?" aniya. Binalingan ko siya. "Diba nakakatakot? Marunong naman akong lumangoy pero sasakay ng bangka at ganyan ka liit, di ba nakakatakot yun?" Balik ko na tanong sa kanya at ang isang ito tinawanan lang ang sinabi ko. Hay naku. Hindi yan, nandito naman ako at isa pa look at the sky walang nagbabadyang ulan, so ano? Adventures na rin nating dalawa. Kapag maganda nga ang apo Island then babalik tayo diyan. What do you think?" Aniya. Pinag-isipan ko at paulit-ulit na sinilip ang oras at nasa 2 o'clock pa naman ng hapon. Kaya imbis after nitong Malatapay market ay pupunta kami ng Dumaguete ulit pero nagbago ang plano namin. " Ahhh Ignacio!" Sigaw ko sa pangalan niya. Dahil bigla na lang pumasok ang tubig-dagat sa loob ng bangka. Kaya lang nahampas ko itong kasama ko dahil panay tawa lang ang ginawa habang ako kailangan ko ng tawagin lahat ng mga santo. "Easy hon, wala yan. Wag kang matakot, ok?" saad niya. Dahil sa sinabi niya ay agad naman akong naniwala at dinilat ko ang mga mata ko na tanging siya lang ang tinitingnan dahil kapag tumingin ako sa dagat feeling ko may bigla na lang lumitaw galing sa ilalim o di kaya may shark, ayos lang kapag dolphin pero paano na lang kung isang shokoy. Baka ma heart attack ako ng wala sa oras. Hindi ko na nabitawan ang kamay niya hanggang nakarating na kami. Tinulungan niya akong bumaba sa buhangin at tumitingin sa paligid para maghanap ng cottage, ang naghatid sa amin dito kanina na si Kuya Paeng ay siya rin ang maghahatid sa amin pabalik sa Malatapay mamayang 3-4 o'clock. Dahil tama nga ang balita maganda dito, ito palang ang napuntahan namin na area ay mamamangha kana sa makikita mo dahil sa linaw ng tubig ay may makikita kang mga isda na malapit lang sa kinatatayuan ko. "Ang ganda rito, Ignacio!" "Nagustuhan mo?" bumaling ako sa kanya at ngumiti. "Good, next visit natin ay subukan natin ang diving para mas makita natin ang nasa ilalim ng dagat kung gaano ito kaganda," saad niya. "Oo ba! Basta turuan mo muna akong lumangoy dahil hindi naman ako ganun ka bihasa, you know hindi naman arawaraw naliligo kami sa dagat kahit na pangingisda ang hanapbuhay ni tatay. May takot na rin kami dahil narin sa nangyari dati ni Kimmy na kamuntikan ng malunod. Mabuti na lang nandoon ang kapatid niya at nakahingi agad ng tulong." Kwento ko sa kanya. Nilagay niya ang ibang hibla ng buhok ko sa aking tenga dahil natatabunan ang mukha ko. "Alright, sasanayin muna kita sa paglalangoy lalo na sa malalim para naman mas malayo pa ang mararating natin. Maraming salamat hon na pinagunlakan mo ang sumama sa akin ngayon. Naniwala ka at nandito ka ngayon sa tabi ko." "Ignacio..." tawag ko sa mahinang boses. Malapit lang ang mukha ko sa kanya. Nasa cottage na kami ngayon at hinihintay ang merienda namin na dumating. "Maraming salamat sa libreng sakay and to let me experience this kind of place. I'm so happy." sabi ko. Pagkatapos ng kwentuhan at asaran at dahil nakatatak na sa alas tres ang oras kaya umalis na kami sa lugar ng Apo Island. May binili kami na t-shirt at pinalagayan namin ng signature at date kung kailan kami nag date sa araw na ito. Sana ganito palagi na lagi mong kasama ang mahal mo. Pero minsan ang tadhana ay gumagawa talaga ng pagsubok sa mga buhay natin.

 

 

chapter 8

 

Nag-iisa akong naglakad ngayon papuntang school, maaga pa naman kaya ayos lang. Hindi kasi ako nasundo ni Ignacio dahil absent ito ngayong araw dahil nasa hospital ang kanyang mommy dahil bigla na lang daw itong nadulas sa banyo. Nasa Maynila si Ignacio at noong isang linggo pa naroon baka daw bukas ay pwede na siyang umuwi dahil stable na ang kanyang mommy. Hindi ako sure na gagawin yan ni Ignacio lalo at mommy niyan hindi niya kayang iwan. Gusto sanang pauwiin ni Ignacio sa probinsya ang kanyang ina pagka labas agad ng hospital ngunit ayaw naman niyang pumayag dahil may inaasikaso pa na business sa Maynila. Hindi naman daw kaya ng mom niya na iiwan ang kanyang asawa roon na mag-isa kaya sasabay na silang mag-asawa. Pero sure na uuwi sila sa darating na graduation namin, 3 weeks from now on. Tanaw ko na ngayon ang paaralan namin, kahit nag-iisa lang akong naglalakad ay hindi naman nakakabagot dahil marami namang estudyante na naglalakad kahit hindi nila ako kasama o katabi ay ayos lang naman. Hindi ko lang alam kung nasaan na si Tuko, noong isang beses nakita ko siyang may kaangkas na estudyante rin, baka girlfriend na niya iyon. Minsan pumupunta naman yun sa bahay para bisitahin ang mga kapatid ko. Ang kambal lang ang sadya nya dahil namimiss niya ito. Kaya kahit nandoon ako ay ayaw niya akong kausapin kaya inirapan ko siya, minsan magdadala siya ng manok na galing sa kilalang fast food, ang kambal at si mama lang ang binibilhan niya at hindi ako kasali. Katwiran naman niya na may manlilibre raw sa akin baka daw masapak siya ni Ignacio kapag binigyan niya ako. Kahit wala naman si Ignacio sa tabi ko at di naman nya malalaman ay ayaw talaga niya akong bigyan . Kaya buong araw akong naiinis sa kanya na tinatawanan niya lang ako at nakikisali pa si nanay. Hay naku na lang. "Oh, nag-iisa ka paring naglakad?" Inangat ko ang ulo ko para makita ang kumakausap sa akin. Binaling ko sa kaliwa ang ulo ko para malaman kung sino. Nakayuko kasi akong naglalakad kanina. "Ikaw pala Ronald, oo wala kasi akong nakitang tricycle kanina sa amin pa lang kaya naglakad na lang ako papuntang school." wika ko. Same year naman kaming dalawa. "Mabuti ka pa at malapit lang ang bahay niyo." sabi ko sa kanya. 20 mins nasa paaralan na siya kaya lakad na lang ang gagawin niya. " Oo nga eh, kaya nakakatipid palagi sa pamasahe at makakabili pa ako ng sigarilyo mamaya, " ngisi nitong sabi at napangiwi naman ako. "Anong makukuha mo sa paninigarilyo ha, ang bata-bata mo pa tapos mahilig ka niya niyan. Hindi mo ba nababasa na hindi maganda yan sa kalusugan natin." pangaral ko sa kanya kahit walang kasiguraduhan kung naiintindihan niya ba ang sinasabi ko. Tingnan mo imbis na sumang-ayon sa sinabi ko nakangisi ito habang ginugulo ang buhok ko. Kaya nahampas ko siya sa braso dahil kakaayos lang ng buhok ko, sisirain lang niya. "Yan ang gusto ko sa babae, concern citizen lalo na sa akin, kaya crush kita eh," kunot-noo ko siyang tiningnan. "Anong sabi mo?" tanong ko kahit narinig ko naman. "Ayy sayang medyo mahina ang pandinig natin eh kaya uulitin ko. Sabi ko crush na crush kita simula nung nagpaganda ka na at wala ng tigyawat ang mukha." Aniya. Dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kaya hahampasin ko na sana ng dala ko na cartolina dahil sa project namin mamaya ng biglang itong tumakbo kaya panay habol ko sa kanya dahil nauna na ito. Naging crush niya lang ako dahil sa nawala na ang mga friends ko na pimples? Kung nandito parin sila ang ibig sabihin niyan wala talagang pag-asa? Pero si Ignacio? Ano kaya... minahal niya na ako simula pa lang na meron na akong pimples? Tama kaya ako? "Ano na? Suko ka naman agad at ayaw mo na akong habulin," bumalik sa realidad ang utak ko dahil sa iniisip kanina. Dahil sa sinabi niya kaya hinabol ko siya dahil hindi yata ako nakakapayag na naging crush niya lang ako ngayon at hindi ako pinapansin ni kanino man noong marami pa akong pimples. So may preference pala bago ka magugustuhan. "Bumalik ka dito!" Sigaw ko kay Ronald. Alam ko naman na hindi ko siya mahahabol dahil nga sa suki ito ng marathon at katunayan yan ang sinalihan niyang sport noong intramurals. "Ayoko nga, narito na ako tapos pababalikin mo ako diyan, slow na naman natin ngayon Mica." pang-aasar niya. Hindi ko na siya pinansin at dahan-dahan na lang akong naglalakad dahil na rin sa hinihingal na rin. Hindi pa nagsisimula ang klase namin at ito ako pawisan na. Tumigil na rin siya sa kakatakbo at sinasabayan niya na ako sa paglalakad. Hindi ko na talaga siya kinakausap lalo't panay hawak niya sa bag ko na may tali sa dulo, manigas ka diyan. Kaklase ko ito noong first year at medyo close naman kaming dalawa, medyo kasi minsan naging aso at pusa rin kami pero nung nag second year hanggang fourth year nasa ibang section na siya. Tatlong section kasi meron kami. Yung mga dati mong kaklase nasa ibang section na, ang taga ibang section naman, naging kaklase ko na. Bago pa kami makarating sa aming paaralan ay may lumapit sa akin na lalaki na taga ibang year. Nasa first or second year dahil ngayon ko lang ito napansin sa paaralan. Hindi kasi ako masyadong pumupunta sa ibang section o year kaya hindi familiar sa kanila ang mga mukha. "Ikaw po ba si Mica Gomeza?" Tanong niya agad sa akin. "Siya nga totoy, crush mo rin? H'wag na dahil may nagmamay-ari na sa kanya? Gusto mong malaman kung sino?" singit nitong kasama ko. Matalim ko siyang tiningnan dahil sa pagiging chismoso na'to. Umiling ang lalaki na ngayon namumula na ang mukha. Hindi ko alam kung natakot ba ito o sa ibang dahilan. May dinukot siya sa bulsa ng kanyang pants at inabot sa akin mismo ang isang papel. "Hindi po, may nagbigay po sa akin kanina nitong papel, ibigay ko raw po sa inyo." Aniya. Kinuha ko sa kamay niya ang nakatupi na papel bago siya umalis. Binasa ko nga ang nakasulat sa labas nito at complete na pangalan ko nga ang nakalagay. Sino na naman ang nagbibigay sa akin ng ganito? Tapos na ang Valentines day, may humabol pa? "Ayeehh may love letter na naman siya ngayong araw. Patingin?" sabi ni Ronald habang binubuksan niya ang palad niya kaya itinago ko kaagad ito sa aking bag. Ako lang ang binigyan kaya dapat ako lang dapat ang unang makabasa. "Tumigil ka nga diyan, ako lang ang binigyan, ako dapat ang unang makakabasa nito. Maliwanag?" pagtataray ko. Tinaas niya lang ang kanyang dalawang kamay para sa pagsuko. Pinagpatuloy namin ang paglalakad patungo sa entrance ng school. Dikit na dikit pa rin siya sa akin kahit tinatawag na siya ng kanyang kaklase. "After highschool saan ka mag-aaral ng kolehiyo Mic?" tanong nito kalaunan. Ano ito lumapit lang siya sa akin para maginterview? "Hmm, hindi ko pa alam kung Manila o dito lang. Di rin ako sure kung mag-aaral agad ako ng college o hihinto muna, unless kung pwede maging working-students para naman habang nagtatrabaho ako ay tutulungan ko ang mga magulang ko." saad ko. "Pwede rin, may kilala ako sa Maynila na pwede mong pasukan kung gusto mong mag-aral at magtrabaho, pwede kitang tulungan Michaella," ani ni Ronald. Bigla namang lumambot ang puso ko dahil sa sinabi niya. "Pag-isipan ko pa, kung papayag ang tita ko, sa kanya na lang pero kung hindi matuloy ang pinangako niya sa amin dati ay yang offer mo ang isa sa magiging choice ko kaya salamat sa magandang kalooban mo na tulungan ako, a–" "Hi Mica!" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nakita ako ni Lisa. Nginitian ko siya ng makalapit at dahil nasa tapat na kami ng classroom ay nagpaalam na sa akin si Ronald. "Uyy ano yun at bakit kayo magkasama?" usisa niya. Nagmamarites na naman ang babae na 'to. "Feel niya lang maging buntot ko kaya magkasama kaming dalawa, alangan naman ipagtabuyan ko na wala namang ginagawang masama ang tao." sagot ko sa kanya kahit na may pagdududa sa mga titig niya ay hindi ko na pinansin pa at pumasok na sa loob ng classroom at pumunta sa upuan ko. "Sabi mo yan ha," panigurado niya. Nginitian ko siya at naiiling dahil sa tumatakbo na naman sa utak niya. Alam naman niya na may Ignacio na ako. Ignacio… Namimiss ko tuloy siya, kung narito lang yun, isa na siya sa mga maiingay na tao rito sa silid-aralan na busy sa kung anoanong bagay. Number one na mangungulit sa akin at kung may pa staring contest malamang panalo na siya dahil namamalayan ko na lang na matagal na pala siyang nakatitig sa akin. Mahilig siyang tumitig sa banda ko for sure yan dahil kung ang crush niya dati ang tinitingnan niya eh nasa kabilang row naman si Shemaia nakaupo. Hay! Namimiss ko na siya though tumawag naman ako sa kanya kagabi at sinagot naman niya. Pero maganda parin na narito ang presensya niya. Sana maging maayos na ang kanyang mommy. Hindi ko pa na memeet sila sa personal kaya tuloy kinakabahan ako. Wala akong nakita na picture sa loob ng bahay nila sa may sala o kusina para makita ang mga mukha nila. Meron naman silang mga pictures pero nasa kwarto raw ng mag-asawa. Maaliwalas lang ang bahay nila at walang gaanong mga decoration like picture frame na silang magkapamilya ang nagpipictures, mga dahon lang halos pero magaganda naman. Meron naman raw dating complete family na nakakabit sa kanilang sala. Silang tatlo pero simula noong buntis ang nanay ni Ignacio at mawalan sila ng anak na babae at kapatid si Ignacio ay pinapaalis na muna ang mga pictures dahil everytime na makikita ng ginang ay maiuwi lamang sa hagulhol dahil sa hindi matanggal na wala na ang kanilang anghel. Dahil sinisisi niya ang sarili niya kung bakit hindi na makasama ang anak nila sa isang frame. Of course masakit din yun sa part ni Ignacio pero naiintindihan niya ang kanyang mommy. Natapos ang klase namin na lutang ang utak ko at nasa isang tao lang ito napupunta. Ina update ko rin siya sa lesson namin, kaya panay lagay niya ng laughing emoji dahil sa mga chat ko na walang kamatayan na update sa lesson namin ngayong umaga. Next week perma na lang ng mga curriculum and so on at pagkatapos niyan. Practice na lang ng graduation ceremony. Pero yun nga lang hindi na ako nakatanggap ng mensahe galing sa kanya. Baka marami lang ang ginagawa like gising na ang kanyang ina. Sana naman Lord. Ayoko ring nakikita malungkot si Ignacio lalo at malapit na kaming mag graduate ng high school. Dahil palabas na ang mga kaklase ko kaya sinimulan ko na ring iligpit ang mga gamit ko para makakain na rin ng lunch. Habang nagliligpit ako ng ibang gamit ay biglang may nahulog sa sahig at ng maalala ko yon na ibinigay sa akin pala kanina ng 1st year high school ay dali-dali ko naman yong kinuha. Nakatupi siya kaya dahan-dahan ko yung binuklat para mabasa na. Dito ko malalaman kung tama nga ba si Ronald na may secret admirer ako. Pero ganun na lang ang panlalamig ng buong katawan ko ng makita kung ano ang nakasulat sa papel. I WILL KILL YOU. Ito rin ang nakasulat sa salamin ng cr ng pambabae dati, itong-ito yun. Sino naman itong baliw na nilalang para magsulat siya ng ganito? Ang hilig talagang mag prank. Basta ang alam ko na wala naman akong naging kaaway. Ito lang ang nakalagay at wala ng nakasulat o pagkakakilanlan kung kanino ito. So, sino naman kaya ang gagawa nito kung sakali? May nagawa ba akong kasalanan sa tao na it—" " Hoy!" hinampas ni Nessel ang upuan ko. "B-bkit?" nauutal ko na tanong. Tinago ko agad sa bag ang papel. "Wala lang, tulala ka diyan. May baon ka ba o sa canteen tayo kakain?" tanong niya. Gusto ko sana pero kailangan kong hanapin ang estudyante na nagbigay sa akin ng ganito. Saka ko ipakita ito sa guro namin baka matulungan niya ako. "Hindi may pupuntahan lang ako Nessel, kaya mauna na kayo. May baon naman ako pero mamaya pa ako kakain dahil busog pa." ani ko sa kanya. Nginitian niya lang ako. "Sige, bye Mica," paalam niya at kumaway lang ako. Pagkaalis nila ay agad din akong lumabas at tinungo ang kabilang building na kung saan ang mga first year at 2nd year. Kahit nagtataka man ang ibang estudyante kung ano ang ginagawa ko doon ay wala na akong pakialam, pinakita ko lang sa kanila ang iginuhit ko na mukha nung lalaki, ayon sa naalala ko. Umiling lang sila dahil hindi raw nila kilala. Kaya bumaba ako ulit sa hagdanan at susubukan na pumunta sa canteen baka naroon ang estudyante pero bago pa ako makababa ay nakita ko siya na naglalakad paakyat. "Wait!" Pigil ko sa kanya. Tumigil naman siya at huminto sa harapan ko. "Bakit po?" Tanong nito habang nakapamulsa. May kasama siya kanina pag-akyat at pinauna niya lang. "Uhmm," nilabas ko ang papel na binigay niya sa akin kanina. "Di ba ikaw ang nagbigay sa akin nito kanina? Ako si Mica, naalala mo?" tanong ko sa kanya at nakatitig lang siya sa akin. "Opo, bakit po?" "Alam mo ba kung sino ang nagbigay sa'yo nito?" tanong ko habang hawak ko parin ang papel. "Hindi eh, papasok ako sa school kanina at kinalabit lang ako ng isang lalaki na medyo matanda sa akin ng ilang taon. Sabi niya ibigay ko raw sa 4th year student at nagtanong-tanong ako kung sino ka at ikaw ang itinuro." sabi nito. " Namumukhaan mo ba? Pwede mo ba I detalye ang mukha niya at ako na ang mag drawing." pakiusap ko.   "Ay sorry miss, hindi eh kasi naka mask siya at nakacap. Yung mata hindi ko lubos na makita eh, basta sabi niya na iabot ko lang sa inyo, kaibigan mo raw po siya" Saad niya. Napabuntong hininga na lamang ako. Nginitian ko siya at nagpasalamat. " Kaibigan? Sino naman at bakit may pa ganito pa? Kung magsusumbong ako eh baka pagtawanan lang ako dahil baka sabihin nila na gumagawa lang ako ng kwento. Binalik ko ulit ang papel sa bag ko at bumalik na lang sa classroom para magpahinga. Kung sino mang may gawa nito, kailangan ba akong matakot? May kasalanan ba ako at may pa ganito pa sila na ginagawa? Wala naman akong kaaway na lalaki? Lalaki? Parang wala naman. Kung meron man ay sino naman yun? Sasabihin ko ba kahit kay Ignacio na lang? Pero ayoko namang bigyan pa siya ng alalahanin lalo ngayon na nasa hospital ang mommy niya. Kung sasabihin ko naman kina nanay a tatay ay ayoko rin na mag-alala sila sa akin. Baka after graduation na lang? Sa ngayon ipagpatuloy ko muna ang pag-aaral ko at ilang days na lang tapos na ako sa highschool life na ito. Sana hindi ito totoo, sana isang laro lang ito na gusto lang akong takutin. Tulala ako buong maghapon, dahil kahit sabihin ko na ayos lang ako pero may part sa akin na baka hindi niya ako titigilan at sa isang iglap lang, may gagawin kung sino man ang nagpadala sa akin ng papel na ito. "Anong nangyayari sayo? Para wala ka sa sarili kanina ah. Ganyan mo na ba namimiss ang boyfriend mo Mica?" tanong ni Lisa sa akin. "Huh?" Lito kong tanong pero ang bruha humahalakhak lang ng tawa. " Ewan ko sa'yo Mica, you're out of this world na. Kanina ka pa! Gulong-gulo tuloy kami kanina na kahit guro hindi alam kung saan mo nakuha ang mga sagot mo kanina. Wala ka sa sarili. Pauwiin mo na nga ang Ignacio mo!" aniya. Dahil sa sinabi ni Lisa kaya nilagay ko ang dalawang palad ko sa mukha ko dahil biglang nag sink-in sa utak ko ang mga nangyari ngayong araw na kahit sa klase wala ako sa sarili. "Gosh! Lisa ang lala ko pala kanina ano?" "Sobra!" Aniya habang tumatawa, pati ibang classmates ko na naiwan pa sa classroom after dismissal ay nakikitawa o umiiling na lang. "Ayos lang yan Mica, ganun din ako minsan diba kapag wala ang boyfriend ko, nasa ibang mundo ang iniisip kaya nga maling-mali ang nasasagot ko," singit ni Shemaia sa akin. " Ganun talaga kapag nagka lovelife tulaley," si Cathy. "Basta make sure na next time hindi na Ignacio ang maisagot mo sa teacher ha, Mica?" natatawang singit naman ni Mercy. " Let's go babaita." Kung alam niyo lang kung bakit ako nagkaganito, baka matulala pa kayo na may nagtangka sa buhay ko. Pero sana lang… kung meron man, ako lang at 'wag ng mandamay pa ng iba. Sino kaya? Aside kina Tuko at Ronald, sino ang kaibigan ko na lalaki na may galit sa akin? Pero… ang lalaki ba kaya ang nagbigay ng papel ang may galit sa akin kaya naisip niya ang magsulat ng ganito o inutusan lang siya? Dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko para hanapin si Tuko at magpahatid ako sa kanya sa bahay. Sana lang wala siyang kasabay ngayon. Nagtanong-tanong ako kung may nakakita ba sa kanya na pero yun na lang ang pagbagsak ng mga balikat ko na may nakakita sa kanya na lumabas na at may kasamang babae. Ikaw talaga Jackson Santiago aka Tuko, hirap mo na ring ma reach. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad palabas ng school at maghihintay na lang ng sasakyan pauwi ng bahay. Kaysa maglalakad ako ngayon na may kinatatakutan na tao na sana hindi naman totoo. Kailangan kong isipin na hindi totoo yun at prank lang lahat. Wala lang magawa kung sino man ang lalaki ang nagbigay sa akin na sulat. Nakayuko lang ako habang naglalakad, I'll make sure naman na kita ko parin ang dinadaanan ko. Marami pa namang estudyante na naghihintay rin ng kanilang sundo o di kaya tricycle sa waiting shed. "Balita ko may namimiss sa akin kaya wala siya sa sarili niya sa klase kanina," narinig kong may nagsalita sa likuran ko at dahil sobrang familiar sa akin ang kanyang boses kaya napalingon agad ako. "Omg... Ignacio?"

 

 

chapter 9

 

Kakatapos lang ng practice namin para sa graduation ceremony sa darating na Sabado. Last na namin ngayon at babalik na lang kami sa araw para tumanggap ng diploma. Hindi ko mararating ang ganito kundi dahil sa pamilya ko kaya sobrang saya ko na sa wakas malapit na akong makapagtapos. Masaya ang lahat dahil sa wakas malapit na kami sa finish line, isa na lang at ito ang college life. Lahat naman kami makapag graduate na sa wakas ng secondary. Thursday ngayon at nagkayayaan ang mga ka batch ko na magparty sa bahay nina Domingo. Kaklase namin. Doon ang napili nila na lugar na halos lahat ng mga kaklase ko ay sumang-ayon at ibang kaklase ko dati. Pumayag kami ni Ignacio at nakapag paalam na kami sa mga magulang namin. Advance reunion na raw namin ito dahil hindi namin alam kung kailan kami ulit magkikita after ng graduation. May kanya-kanyang buhay o landas na kasi kaming tatahakain. Ibang school, ibang kurso, ang iba hihinto muna raw dahil gusto munang maghanap ng trabaho bago mag-aral ulit. Kagaya ko na isa sa ma swerte dahil pumayag ang kapatid ni papa na pag-aralin ako sa Manila. Libre naman daw lahat basta malinis lang ang bahay bago sila bumalik galing trabaho. Working student ang napili ko. Bandang hapon ng alas dos ang pasok ko at alas otso naman ng gabi matatapos. Hindi naman raw sobrang nakakatakot maglakad dahil marami naman ang mga tao pero ganun pa man double ingat parin, yan ang sabi ng mga magulang ko. "No swimsuit allowed kung magsiswimming kayo doon Mi, okay?" saad niya kaya ngumuso ako. "Ano gusto mong suotin ko, panty and bra na hindi pang swimming?" pang-aasar ko. "No way! What I mean ay bawal ka sa mga ganun, I bought you rashguard so better wear that kesa mag swimsuit ka." final na wika niya. Mas lalo akong ngumuso, nagpipigil lang ng tawa. May swimming pool kasi sa kanila nina Domingo. Bandang hapon alas tres kami pupunta hanggang mamayang gabi na ang party. Pwede naman raw na matulog doon kung gustuhin pero hindi ko pa alam nito mamaya. "Gown na lang kaya ang susuotin ko para hindi kana magrereklamo, okay ba yun sa'yo?" Taas-kilay kong tanong sa kanya. "Much better–ouch! Honey!" nahampas ko siya sa kanyang balikat dahil sa pumayag siya na iyon ang susuotin ko. "Ewan ko sa'yo, ilang beses na yan? Hindi mo talaga ako pinapayagan na magsuot ng mga ganyan. May ipagmamalaki naman ako ah." sabi ko sa kanya. Yumuko siya para matitigan ako, nasa dibdib ko ang mga titig niya. Lumunok ito at binalik ang mga mata sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya. Nilipat niya ang kanyang bibig malapit sa tenga ko, nakikiliti man ay sinubukan ko paring marinig at intindihin ang sinasabi niya. "Because everything about you is mine, since I got you, I want you to be my last at sana ganun karin sa akin." bulong nito. Hindi ko na alam kung saan kakapit, mabuti na lang at mahigpit ang pagkahawak niya sa bewang ko kaya hindi ako nabuwal sa kinatatayuan ko. Nasa locker kami ng mga lalaki at dahil wala ng tao kaya pinapasok niya ako para doon na maghintay. Napansin ko kasi na simula na dumating siya galing sa Maynila ay talagang naging possessive at territorial na siya sa akin. Para sa akin, ayos naman yun pero hindi ko lang mapigilan minsan na mairita dahil bigla-bigla na lang magagalit sa kung sinong kasama ko lalo kapag lalaki kahit yung kaklase namin na kilos babae ay nagagalit siya then maya-maya panay sunod ng sunod sa akin. "Do you understand Michaella Gomeza, hmm?" "Ignacio… "bulong ko sa pangalan niya dahil nahihilo ako sa mga titig niya. Niyakap niya ako ng mahigpit sa hindi ko malaman na dahilan. Wala akong magawa kundi suklian ang pagkayakap niya sa akin. Mahal niya na ba talaga ako? Hindi na ba pumapasok sa isipan o hindi niya na ba nagugustuhan ang taong gusto niya? Kasi ako, mahal ko siya. Wala na yata akong mahanap na iba kundi siya lang. Kung may pagbibigyan man ako ng pagmamahal, sigurado ako na siya lang. Pagkatapos niyang magbihis ng damit ay lumabas na kami, pero mali yata na pumasok pa ako rito sa may locker boys at baka ano na lang iisipin ng ibang estudyante kung meron mang makadaan sa gawi dito. Pinauna ko si Ignacio na lumabas ng pinto at saka ako sumunod. "What?" Natatawang tanong niya. Tinampal ko ang balikat niya dahil sa kinakabahan na nga ako rito tapos itong lalaking ito pangisi-ngisi lang. "Baka may makakita sa atin na pumasok ako sa boys locker Ignacio. Baka ano na lang ang iisipin ng iba!" Aniya ko sa kanya. "Bakit may ginawa ba tayo, Mica? Isa pa, anong iisipin nila? Pakipaliwanag nga sa akin ng maintindihan ko," pang-aasar niya pa, sinamaan ko siya ng tingin. "Pamaang-maangan kapa, alam mo na yun!" "Huh? Wala akong alam sa mga sinasabi mo Mi, care to tell me?" pinapainit talaga ang ulo ko ng lalaki na ito. Bumitaw ako sa kakahawak sa braso niya at nauna ng naglalakad sa kanya. "Mica… !" tawag niya sa akin at hindi ko na siya pinansin. "Tingnan mo ang girlfriend ko iiwan lang ako dito, may alam na yata ito eh," binalik ko ang tingin sa kanya. Taas-kilay ko siyang pinagmasdan na nakangisi pa rin at sinasabayan ang noo ko na nakakunot na ngayon. "Isa pang pang-aasar diyan, malilintikan kana sa akin." "Wooo, what kind of behavior is that?" hindi ko na talaga siya pinapansin, ewan ko ba bakit ako ganito ngayon, dahil ba malapit ng dumating ang kumare ko kaya ako nagkaganito. Bigla-bigla na lang naiinis at naiirita lalo at, "ayyy palaka ka… !" Napasigaw tuloy ako dahil sa biglaang paghawi niya sa braso ko. "Saan ang punta natin Miss? Nasa parking area ang sasakyan ko." dahil sa sinabi niya kaya napatingin ako sa paligid. Nakarating na pala ako sa kabilang kalsada na lutang ang isip. Wala na akong magawa dahil sa hila-hila niya parin ang kamay ko at wala na yata pang planong bitawan. Pinauna niya ako sa loob ng sasakyan at siya na mismo ang nagkabit ng seatbelt ko. "Yan wala kanang kawala sa akin ngayon. Gusto mo ba ng ice cream? Meron na ba sayo? Ayon sa calendar mo, next week pa ang dalaw mo," iniiwas ko ang mukha ko sa kanya dahil sa namumula na yata ako ngayon. Alam niya kung kailan ang dalaw ko dahil minsan pinabili ko siya ng sanitary napkin sa tindahan dito lang sa loob ng paaralan. Hindi lang isa o dalawang beses, minsan kasi nakakalimutan ko na magdala. Kaya wala naman akong ibang utusan kundi siya lang. Dahil sa pananahimik ko kaya nararamdaman ko na lang na hinahagkan niya ako sa noo. "Medyo masungit talaga ang girlfriend ko," habol pa nito bago umikot sa kanyang sasakyan para makasakay na rin. Uuwi muna ako ng bahay para makapag bihis ng bagong damit. May dala namang damit si Ignacio kaya doon na siya tatambay sa bahay namin. Nandito na sa probinsya ng Negros ang kanyang mommy at dito na nagpapagaling para naman sa araw ng graduation ay makaka attend siya. Gusto na nga akong makita eh pero sabi ko kay Ignacio na after graduation na lang o sa araw na ng graduation namin. Bigla kasi akong nahiya baka hindi ako matanggap dahil sa estado ng buhay ko. Hindi ko naman minamaliit ang mga magulang ko kung bakit kami ganito pero ayoko lang na may nakakarinig ng hindi maganda kahit hindi pa naman ako sigurado kung boto ba ang mga magulang ni Ignacio sa akin. Ayan kasi ang mga nababasa ko sa pocketbook na ayaw ng mga mayayaman sa isang kahig, isang tuka na partner ng kanilang anak. Hindi naman sa advance akong mag-isip pero natatakot ako na baka gusto lang akong kausapin ng mga magulang n'ya para sabihin na hindi kami bagay sa kanyang anak at layuan ko siya. Hindi ko alam kung makakaya ko ba? Kaya hanggang ngayon tinitimbang ko pa ang sitwasyon. Sana lang na mali lahat ang mga nasa isip ko. "Tahimik ka na naman ngayon? Marami ka yatang iniisip o di kaya wala ka sa sarili kapag nag-uusap tayo, why?" ani ni Ignacio. Ano ba ang pinagsasabi nito? "Huh? Ganyan ba ako ngayon?" "Yeah, parang bumalik ang dating Michaella na tahimik lang sa tabi." "Really? Hindi naman ah. Ako pa rin ito," saad ko. Nilapit ko sa bibig niya ang camote q na niluto ni mama kanina para pang merienda bago kami pumunta sa bahay nina Domingo. Nakatulog kaming dalawa ni Ignacio kanina sa may sala pagkatapos mag merienda at magkwentuhan. Kaya sa palagay ko hindi ako aantukin mamaya sa party. Bandang five na ng hapon kami pumunta para mas mahaba ang oras namin mamayang gabi sa kanila. Hindi naman ako maliligo pero dahil baka magyaya ang mga kaibigan ko kaya nagdala na rin ako panigurado, of course yung binili ni Ignacio ang dinala ko na rashguard dahil ayaw niya talaga ang nagsusuot ako ng swimsuit. Nakablack t-shirt si Ignacio at black pants. Ginaya ko rin ang suot niya na kulay. Simpleng black t-shirt at high waist pants naman ang suot ko, lahat black pwera lang sa sapatos na kulay white. "Sino ang may lamay at puro black ang mga suot niyong dalawa ni Ignacio?" Tanong ni Nessel kaya natawa sina Lisa at Bianca. "Walang siraan ng trip dahil ito ang gusto namin." ani ko kaya natawa lamang sila. Nasa garden kami ngayon at nakatambay. Ang ibang mga lalaki nasa loob at nag-asikaso ng mga kakainin namin mamaya. Gusto sana naming tumulong pero pinagbawalan kami at kaya na raw nila. Kaya tuloy sa isang saglit naging reyna na kami dito na pinagsilbihan. Nagsisidatingan narin ang iba naming kaklase, kahit sina Shemaia ay nandito rin, nasa Maynila ang kanyang boyfriend at pinayagan naman na pumunta basta no drinks alcohol is allowed.   Yan di ang paulit-ulit na paalala ni Ignacio sa akin kaya sino ba naman ako para tumanggi. Para na rin iyan sa ikabubuti ko raw na hindi pa nakakalasa ng alak. Habang ang iba kung kaklase at kaibigan ay nakakatikim na. Kanina lang nasa slow rock lang ang ang music pero ngayon iniba nila kaya hyper na hyper na ang mga ka batch ko ngayon, ang iba nga ay nagsasayawan na sa may gilid ng swimming pool. Dahil maaga pa para umuwi kaya naisipan nila na magkaroon ng parlor games. Sumasali rin ako at ang premyo ay wala naman. Kasiyahan lang talaga siya. Sa sobrang pagod kaya bumalik kami sa lamesa para kumain. Nagkakainoman na kanina ang mga lalaki at juice lang sa aming mga babae. Pagkatapos ng kainan ay nasa garden lang kami. Kagaya na niyan ang boyfriend ko na nasa tabi ko na ngayon dahil may truth or deal kami na laro. Nang mapagod na sa kakalaro ay pumunta kami sa swimming pool para itampisaw lang ang mga paa namin para magusap lang kami. Binalikan namin ang mga nakaraan namin at ano ang mga unang expression noong una naming nakita ang isa't-isa. "Si Michaella na tahimik lang sa dulo ng upuan, ngayon may Ignacio na," singit ni Singko na tinawanan naman ng mga kaklase ko na hindi man lang ako pinagtanggol. Kahit ang katabi ko ay malapad lamang na ngumiti at wala man lang reaction sa mga pinagsasabi ng mga kaklase ko. Dahil tama nga ako na magkakayayaan ang mga kaklase ko na babae na maligo sa pool kaya game na rin ako, ayokong maging kj ngayon dahil minsan lang itong mangyari sa buhay namin na magkasama kami. "See.. bagay naman sayo, ayos na yan." umirap ako sa hangin. Nasiyahan talaga siya na ganito ang pinasuot niya sa akin. Hindi naman ako nahihiya sa katawan ko dahil katawan ko naman ito. Pero ayaw niya talaga, kahit nakaready naman ang black bikini ko na sabay pa namin binili ni Lisa sa palengke. Hindi naman siya sobrang laswa tingnan pero ang lalaking ito ayaw niya dahil marami raw nagpapantasya sa katawan ko. Baka uuwi sila na may pasa na ang mga mukha sa nakatitig sa akin. Sira ulo talaga, nagseselos kahit wala naman. "Magkita na lang tayo kung makapunta ako sa Maynila, asikasuhin ko pa ang passport ko dahil baka magjajapan ako pagkatapos ng high school at magtatrabaho na muna o baka kaya naman din sa schedule ay maisipan ko ring mag-aral kagaya mo Mica.." Si Lisa. "Ako dito lang, sa Dumaguete na ako mag-aaral ng kolehiyo, marami namang pagpipilian." sumang-ayon kami dahil sa sinabi ni Bianca. Pinagpatuloy namina ang pagliligo at ngayon sumabay na ang mga lalaki. Kung lasing na itong si Ignacio ay hindi na talaga kami nito makakauwi. "Inaantok ka na ba? Pwede na tayong umuwi," alok niya at umiling lang ako. Kahit sa pool ay hindi namin pinalampas at para kaming mga bata na nagsasabuyan ng tubig o di kaya nagpapaunahan kung sino ang unang lumubog sa tubig, siya ang talo habang buhat-buhat kaming mga babae ng mga partner namin. Dahil malakas ang iba kaya agad naman akong nahulog dahil narin na out of balance si Ignacio. Talo man pero ayos lang dahil kasiyahan naman ito at hindi competition. Marami pa kaming pinag-usapan at nakabihis na rin kami. Malapit na mag alas dyes at ang mga lalaki umiinom na naman ulit ngayon. May iba naman ay umuwi na dahil may curfew. Dahil wala pa akong ganang umuwi kaya nanatili ako at ganun na rin si Ignacio lalo at panay bigay ng joke itong si Singko at Junard. Nasa pabilog kami na lamesa nag-uusap. "Comfort room lang ako," bulong ko kay Ignacio. Tatayo na sana siya para samahan ako na pinigilan ko siya. "Wag na… sa ating dalawa ikaw ang lasing kaya diyan ka lang at babalik ako agad. Alam ko na rin kung nasaan ang banyo nina Domingo kaya chill ka lang, okay? " balik bulong ko sa kanya. Alam ko naman na naririnig ako ng ibang kaklase ko kaya binabalewala ko na. Tumayo na ako at nagpaalam na muna sa kanila. Wala rin ngayon ang mga magulang ni Domingo dahil nasa Iloilo ngayon.   May banyo sila sa likuran ng bahay at doon na lang ang napili ko kaysa pumasok pa ako sa loob ng bahay nila. Pagkatapos kung magbanyo ay lalabas na sana ako na may humawak bigla sa braso ko at pinabalik sa loob ng banyo. Sisigaw na sana ako na mahagip ko kung sino ang nasa harapan ko. "Ronald! Anong ginagawa mo?" taka kong tanong sa kanya. " Magbabanyo ka ba? Lalabas na ako at ikaw na ang susunod." Saad ko pero tinititigan niya lang ako. Apat na section ang sumama sa bahay nina Domingo dahil ang iba katulad ni Ronald ay naging kaklase na rin namin dati. Ang iba nakauwi na at kakaunti na lang ang mga naiwan na estudyante. "Ganyan ba talaga magalit ang boyfriend mo kaya hindi nakatiis bigla na lang akong pinagsusuntok?" aniya. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi ni Ronald, lasing na ba ito? "Lasing ka lang siguro Ronald kaya kahit ano na lang ang lumalabas diyan sa bibig mo," sabi ko at pilit na inilayo ang sarili ko sa kanya pero lumalapit pa rin siya sa akin. Naaamoy ko na ng tuluyan ang alak sa ibig niya. "Lasing man ako pero alam ko pa rin kung sino ang hahalikan ko Michaella-" bago pa ako magprotesta ay siya naman ang lapit ng labi niya sa akin ngunit mas bigla akong nanlamig ng makita kung sino ang nasa pintuan na matalim ng nakatingin sa akin ngayon dahil nakaharap ako sa pinto ng banyo habang si Ronald ay nakatalikod kaya naitulak ko siya. "Ahhh! Ignacio! No.. no..!" sigaw ko ng bigla na lang niyang pinagsusuntok si Ronald na ngayon nasa sahig na at puro dugo ang mukha. "Tulong! No Ignacio mali ka ng naiisip. Please tama na!" pagmamakaawa ko sa kanya. Binalibag niya ako na ng pilit kong abutin ang kamay niya para tumigil siya sa kakasuntok. "Kaya pala ang bagal mo! Kaya pala gusto mong mag-isang pumunta Michaella dahil dito pala ang balak niyong dalawa na gumawa ng milagro? Ha?" sigaw niya sa harapan ko. Habang ako nakaupo lang sa sahig. May umawat na sa kanya at sa akin niya tinuon ang galit. Habang si Ronald ay nawalan yata ng malay at dinala na sa labas. May umawat na kaklase namin pero hindi nagpatinag si Ignacio at galit itong humarap sa akin. "N. No. No Ignacio mali ka ng iniisip wa-walang nangyari sa ami-" "Wala! Wala pa ba yon? Nakita ko Mica. Kitang-kita ko! Kailan pa? Kailan mo pa ako niloloko?" "Ignacio, let her explain na hindi ka sumisigaw," "Isa pa kayo, pinagtanggol niyo pa ang babaeng malandi na ito? Nawala lang ako ng ilang araw at pumunta saglit sa Maynila dahil sa mom ko na may sakit tapos nabalitaan ko na lang kung kani-kanino sumasama na lalaki! Why Michaella pang ilang lalaki na ang bullshit na Ronald na natikman ng mga labi na yan ha? Sagot!" bigla akong nagulat sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit naging ganito bigla ang nangyayari na ang saya pa namin kanina. Bigla siyang umalis kay kahit nanghihina dahil natamaan siguro ng doorknob ang tagiliran ko bago bumagsak sa sahig ay pinilit ko paring tumayo para mahabol ko si Ignacio. Lasing siya at baka kung ano ang mangyari sa kanya sa daan. Kailangan kong magpaliwanag sa kanya na mali ang binebentang niya sa akin. "Mica, kaya mo pa ba? Baka may masakit sa'yo," pag-alala ni Nessel sa akin at hilaw akong ngumiti. "Wala akong ginawang masama!" hindi ko alam kung bakit ko pa sinabi sa kanila ang bagay na ito at nagpaliwanag. Umiiyak ako sa harapan nila at hindi yata ako titigil hangga't hindi pinapakinggan ni Ignacio ang paliwanag ko. "We know. We know Mica kaya 'wag kang mag-alala, lasing lang si Ignacio," sabi ni Singko. Hindi ako nakinig at tumakbo ako palabas ng bahay nina Domingo. Nakita ko siya na kakabukas lang nya ng kanyang sasakyan. "Ignacio… !" sigaw ko sa pangalan niya pero hindi niya ako narinig o ayaw niya lang akong pakinggan? Lalapitan ko na sana siya na bigla na niya pinaharurot ang sasakyan, tumakbo ako habang tinatawag ang pangalan niya pero kahit anong gawin ko hindi ko na siya mahabol, iniwan ako ng taong mahal ko. "Ignacio… please come back…" tanging bulong na lang ng pangalan niya dahil sa hinang-hina na ako, wala ng lakas para bumalik siya. "Please…

 

 

chapter 10

Mugto ang mga mata ko habang umaakyat sa stage dahil sa walang tigil ko na pag-iyak nitong nakaraang araw. Hanggang ngayon, hindi parin ako pinapansin ni Ignacio. Iniiwasan niya na ako. Ni sulyap wala man lang siyang ginawa para tumingin sa gawi ko. Gusto ko siyang lapitan kanina pero ang mga mata ng ibang kaklase ko na nakasaksi sa nangyari sa araw na yon ay alam kong hinuhusgahan na agad ako. After noong nangyari sa party at hinahabol ko siya sa kalsada ay hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Bakit ayaw niyang makinig sa akin? Kahit ako nabigla sa pangyayari kung bakit yun ginawa ni Ronald sa akin. Habang nakaupo sa gitna ng kalsada at tinatawag ang pangalan niya kahit hindi ko na natatanaw ang sasakyan niya ay nadatnan ako nina Singko at ibang mga kaklase, pinasakay nila ako sa sasakyan niya para iuwi sa bahay namin. Pero tumanggi ako dahil pupuntahan ako sa bahay nina Ignacio. Ayaw man ng mga kaklase ko ay wala silang magagawa dahil panay iyak ko sa harapan nila. Pero bigo akong makausap siya dahil wala pa raw ito sa bahay sabi ng mga katulong nila. Kinabahan man dahil kung baka ano na ang nangyari sa kanya sa daan habang nagmamaneho. Tinawagan nina Singko at Junard si Ignacio at mabuti na lang sumagot ito at sinabi na hindi pa raw siya uuwi. Hindi niya sinabi kung nasaan siya sa mga oras na 'yon kaya kinakabahan ako lalo. Lampas ala una nang makarating ako sa bahay. Hindi nila ako iniwan hangga't hindi ako uuwi dahil wala ring plano si Ignacio na umuwi sa kanilang bahay dahil alam niya na naroon ako at hinihintay siya. Kahit ayoko pang umuwi pero ayoko namang mag-alala ang mga magulang ko sa akin. Si Ignacio… Ayaw niya akong makita kaya wala akong magawa. Panay iyak ko ng makarating sa kwarto, nasa iisang kwarto lang kami ng mga kambal, magkaiba rin sa mga magulang namin. Humahagulgol ako habang nakabaon ang mukha ko sa unan, iniiwasan na marinig nila na umiyak ako pero matalas yata ang pangdinig ni Kimmy at nagising ito. Kunot-noo itong nakatitig sa akin at kahit hindi ko sasabihin ay alam niya na may hindi magandang nangyari sa akin kaya niyakap niya lang ako ng mahigpit. Nasa kwarto lang ako nagmumukmok buong maghapon kinabukasan, nagtataka man sila ni mama pero hindi ko sinabi sa kanila ang buong pangyayari. Tulog, gigising at maya-maya tulala sa isang sulok at bigla na lang umiiyak habang tinatawagan ang cellphone ni Ignacio o naghihintay ng text niya. "Pwede ba tayong mag-usap" ilang beses ko itong sinend sa kanya, sa text man o sa kanyang messenger hanggang ngayon na graduation namin ay wala parin akong natanggap na text na galing sa kanya, may hawak naman siya na cellphone. Hanggang nagsimula na ang seremonya ay tenext ko parin siya, nagbaba sakali na magreply na siya sa akin. Gusto ko man siyang lapitan pero kausap naman niya sina Domingo, Singko at Junard pero sa akin, talagang iniiwasan niya ako at nakikihalubilo na sa ibang classmates namin. Sobrang ramdan ko ang sakit ng dibdib ko na ganito pala siya magalit. Pero wala naman akong magawa. Nag vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng damit ko habang paakyat na ako ng stage para kunin ang diploma ko, pinigilan ko ang sarili na kunin ito para mabasa ang text ni Ignacio. Bumaling ang tingin ko sa kanya at nakikita ko itong may tinitipa sa cellphone niya. "Congratulations to all of us!" sigaw ni Cathy at sumabay na rin kaming lahat. May hinahanap ang mga mata ko pero hindi ko siya mahagilap. "Congrats sa atin.. uyy wait where's Shemaia? Nakapagtataka naman ang babae na yon. Agad-agad ba namang lumabas pagkatapos ng speech niya," saad naman ni Mercy. Si Ignacio rin hindi ko na mahagilap pagkatapos. Naalala ko ang pag vibrate ng cp ko. Pero bigo ako dahil hindi pala siya ang nagtext sa akin sa hapon na iyon. Nasasaktan man ay pinilit ko ang sarili ko maging masaya sa harap ng mga magulang ko at kapatid dahil sa pinaghandaan pa nila ako dahil sa nakapagtapos na ako ng pag-aaral.. "Masaya ba ngayon ang anak namin na natapos na rin sa wakas ang kanyang highschool journey na tinatawag?" tanong ni papa habang nasa lamesa kami at kumakain. Tiningala ko sila at nginitian, "oo naman papa, sobrang saya ko po at hindi ko ito mararating kung hindi dahil sa inyo ni mama. Kaya sobrang-sobrang salamat po sa inyong dalawa, huwag po kayong mag-alala dahil darating ang araw na susuklian ko po ang lahat ng paghihirap niyo po sa akin," sabi ko na naiiyak na. "Aww, walang anuman 'yon anak, basta pag-igihan mo lang ang pag-aaral mo kapag nasa Cebu kana, okay? Magpapadala naman kami sa'yo kapag nagkaroon ako ng magandang kita para naman kahit papano ay matulungan ko ang kapatid ko sa pag-aaral sa'yo." wika ni papa sa akin. "Basta makita ka lang namin na masaya at nakapagtapos ka sa kurso na gusto mo ay masaya na kami bilang mga magulang mo anak. Kaya pag-igihan mo at lagi mong tatandaan na mahal na mahal namin kayong mga anak namin." si mama. Niyakap ko sila ng mahigpit. Nagpasalamat ako sa kanila ng sobra-sobra dahil sa sakripisyo na binigay nila sa akin at sa aking mga kapatid. Gabi na at tulog na ang lahat. Bago pa ako nahiga ay nag send ulit ako ng mensahe kay Ignacio. Namimiss ko na siya. Gusto kong marinig ang boses niya. Sana kausapin niya naman ako kahit saglit lang, gusto ko lang magpaliwanag sa kanya. Maniwala man siya sa akin o hindi basta marinig niya lang ang sasabihin ko. Gusto ko lang kausapin niya ako para makaliwanagan kami. Sana naman Ignacio please… Sana pinakinggan niya muna ako, wala naman talagang nangyari na kahit ako ay nabigla sa pangyayari na iyon, gusto kong magalit kay Ronald dahil sa ginawa niya pero ano pa ba ang magagawa ng galit ko kung ginawa na nga n'ya sa akin. Ayon pa sa kanya na wala siyang maalala. Sinubukan niyang magpaliwanag din kay Ignacio pero galit ito sa kanya. Kamuntikan na naman siyang masuntok dahil sa paglapit niya. Mabuti na lang at naroon ang mga classmate namin at may umawat. Pupuntahan ko na lang siya ulit sa bahay nila bukas at magbabasakali na sana kakausapin niya na ako. Hihiga na sana ako na bigla na lang umilaw ang cellphone ko hudyat na may text. Kinuha ko agad ito na nakapatong sa unan ko at agad binasa ang mensahe. Napangiti ako na pangalan ni Ignacio ang nakalagay. Salamat naman. From Ignacio: Ok Basa ko sa mensahe ni Ignacio. Napangiti ako kahit dalawang letra lang ang mas mahalaga ngayon ay nagreply siya kahit papano kaya agad din akong nag tipa. Mabuti na lang nakapag load ako kahapon. Nireplayan ko siya kung kailan kami magkikita dahil ito ang huling tenext ko sa kanya na gusto ko siyang makita sa personal. From Ignacio: Ngayon mismo, doon sa tabing-ilog malapit sa maliit na kubo, alam mo na kung nasaan iyon. Huwag mong sasabihin sa mga magulang mo at ikaw lang ang pumunta. Basa ko ng mahina pero bakit bigla na lang akong nalungkot? Kahit binasa ko lang ang mensahe niya pero bakit ang lamig ng mga binitawan niya na mga salita. Wala na akong pakialam kung medyo malayo siya dito sa amin. Ihahatid naman niya siguro ako kapag natapos na kaming mag-usap. Gusto ko lang syang kausapin at sana makikinig siya sa akin na hindi ko ginusto ang nangyari. Tahimik ang buong bahay, tanda na natutulog na ang lahat pati ang mga magulang ko. Dito kasi sa probinsya maagang natutulog ang mga tao, at maaga ring nagigising. Kinuha ko ang jacket ko na makapal dahil medyo malamig na ngayon sa labas. Kinuha ko na rin ang maliit na flashlight na nasa tukador. Mag-aalas dyes na ng gabi at ito ako may pupuntahan pa. Tenext ko si Ignacio at sinabi na papunta na ako. Nakaramdam ako ng excited dahil sa wakas makikita ko na ang crush ko dati na minahal ko na lalo ngayon. Wait for me love, sasabihin ko sa'yo lahat-lahat na walang namamagitan sa amin ni Ronald o kahit sino mang lalaki na pinaparatang mo na sa akin. Ni minsan hindi kita pinalitan, bagkos minahal pa kita lalo kaya makinig ka sana at maniwala sa akin love. Sana lang makinig ka sa akin at sana bumalik tayo sa nakaraan natin. Sana tanggap mo parin ako. Mahal na kita eh, sana hindi kana bumitaw sa ating dalawa. Paulit-ulit kong kinukumbinsi ang sarili ko na maging positibo ang pag-uusap namin ni Ignacio. Ihip ng malamig na hangin sa pang gabi ang nararamdaman ko ngayon. Kahit mga kapitbahay namin ay tahimik na rin, sa bandang likuran ako ng bahay dumaan para mas mabilis na lang ang pagpunta ko sa dalampasigan at makarating agad sa kubo na sinasabi ni Ignacio. Kapag nasa highway pa kasi ako ay malayo na ito. Kuliglig at maingay na mga kulisap ang naririnig ko. Medyo nakaramdam ako ng takot dahil madilim na pero binabalewala ko at naging matatag.   Siguro mga kalahating oras na akong naglalakad ngayon at malapit na ako sa abandonadong kubo. Tenext ko ulit si Ignacio dahil kung tatawagin ko hindi niya naman sinasagot at agad pinatay ang tawag ko. Pagkarating ko sa lugar, "Ignacio?" Tawag ko sa mahinahong boses. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid pero wala akong masyadong makita. Tanging buwan lang ang naging ilaw ko at ang maliit na flashlight ang dala. Sana sinabi ko na lang na kinabukasan na lang kaming magkikita dahil gabi na, pero baka naman hindi na siya makipagkita sa akin kapag pinabukas ko pa. Bahala na, nandito na ako bakit pa ako uurong na nandito naman ang mahal ko. Nasa malapit na ako ng kubo pero hindi muna ako pumasok doon. Tinawagan ko ang cellphone niya. Nagriring lang ang kanyang cellphone , matagal bago niya sinagot. Tahimik lang siya sa kabilang linya. Sinilip ko ang cellphone ko at nakita ko naman ang timer na umaandar. Minsan na kasi kaming pumunta dito sa dalampasigan na ito dahil minsan magkakayaan na maligo ay dito ang punta namin. "Ignacio nandito na ako, saan ka?" tanong ko. Pero wala pa ring sumasagot. Kinakabahan na ako, hindi naman siguro ako nanaginip at talagang nasa dalampasigan ako ngayon at kausap si Ignacio, di ba? "Ignacio… 'wag namang ganito, please. Mag-usap lang tayo, gusto ko lang magpaliwanag sayo kung ano man ang nakita mo sa gabing 'yon. Kahit ako nabigla sa ginawa ni Ronald at hindi ko ginusto iyon. Naitulak ko siya, maniwala ka naman o," hikbi ko. Sana naman pakinggan niya ako. "Saan ka? Nandito na ako. Natatakot na ako Ignacio, please, please lang." patuloy ko. "Kahit kailan uto-uto ka rin ano?" Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi sa kabilang linya. Bakit tunog babae ang sumagot? "Ignacio?" tawag ko. Tumawa ng malakas ang boses babae. "Hello Michaella," mamaya may narinig akong kaluskos sa bandang likuran ko at sa paikot na sana ako na may bigla na lang pumalo ng matigas na bagay sa may ulo ko. Sa sobrang sakit ay bigla ko na lang nabitawan ang cellphone at flashlight na dala ko habang bumabagsak ang katawan ko sa buhangin. Bigla na lang nagdilim ang paningin ko. Narinig ko ang halakhak ng isang babae na hindi man lang alam kung sino. Pilit kong idinilat ang mga mata ko. Ngunit mukha ni Ignacio ang nakita ko habang papalayo ito sa gawi ko. Why? "Ignacio… " "Anak," "Anak, kakain na! Halika na!" tawag ni mama sa akin, hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala siya. "Malalim ang iniisip mo ah, kanina pa ako tawag ng tawag sayo galing sa baba." ani ni mama. Sumunod ako sa kanya. Pagkarating namin sa lamesa ay nakahanda na ang mga ulam at mga pinggan. "Nandiyan na ba ang mga bata ma? Tatawagin ko lang," paalam ko sana sa kanya pero pinigilan niya ako. Maya-maya narinig ko ang mga paa na papalapit na sa gawi namin. Inikot ko ang katawan ko para makita sila, napangiti ako na makita ko sila, ang bilis ng panahon, dati karga-karga ko pa ang mga kapatid ko pero ngayon matataas na. Malapit na nila akong maabotan ng katangkaran ilang taon na lang ang bibilangin. For five years na lumipat kami ng bahay dito sa Talisay Cebu ay naka adjust na ang mga kapatid ko. Sa mga tao at sa school nila. May mga bully parin lalo at hindi nila naiintindihan ng ibang normal ang kalagayan ng mga kapatid ko. Minsan napapaaway pa ako sa mga ibang mga magulang dahil sa asal ng mga anak nila na walang respeto. Wala akong trabaho ngayon sa mall bilang cashier dahil every Sunday ang day-off ko kaya dito lang ako sa bahay. Baka mamayang hapon at hindi ako tatamarin ay maisipan ko na namang magguhit ulit para may ma ibenta. Hindi ko naman sana ipagpatuloy pa ang pagpipinta o pagdadrawing na dati kong ginagawa dahil sa may naalala ako na tao pero sa katagalan naging manhid na lang ako at ipinagpatuloy kung ano man ang naging hobby ko. Lalo nung nalaman ko na pwede palang pagkakitaan ang art na meron ka.   Dati sa papel lang ako gumuguhit pero ngayon makakabili na ako ng mga pang drawing tools. Hangga't maaari kakalimutan ko ang karanasan na kamuntikan ng sumira ng buhay ko. For five years I'm healing, hindi madali pero kinakaya. Siguro yung pagmamahal ko bilang teenager sa isang tao ay isang puppy love lamang. Lalo sa sitwasyon namin noon na parang pinilit lang na maging kami para lang masabi na may kami. Ang bilis kasi na wala ng ligaw-ligaw ay naging kami na, nadala ako sa matatamis na salita pero yun nga lang kung gaano kabilis bumilis ang puso ko na pasukin ang pagmamahal sa ibang tao ay ganun din kadali na iwan ako. Ang masaklap lang ay nalaman ko na lang na naging tanga na pala ako sa pag-ibig. Sa mga nalalaman ko 5 years ago ay isang patunay na matagal na pala akong niloloko, ako ang niloko at palabas lang ang lahat sa aming dalawa, kung hindi ako lumaban ay kamuntikan pa akong mawala sa mundo. Ngayon patuloy ang pangarap ko at mag-iiipon ng pera para mapaaral ko ang mga kapatid ko sa college at pambili ng mga gamot ni papa. Na stroke kasi siya noong nakaraang taon kaya double kayod ako sa pagtatrabaho at kung may magandang opportunity pa na papasok ay susubukan ko basta maayos lang sa sahod. Hindi ko na rin pinapatrabaho si mama para mabantayan si papa, meron naman kaming maliit na tindahan, kahit papano ay doon kumukuha ng panggastos lalo kapag matagal ang sahoran. Mabuti na lang at nagustuhan naman ng mga mamimili ang obra ko sa pag drawing. Tumigil na muna ako sa pag-aaral ng kolehiyo simula na may nangyari kay papa, babalik siguro ako kapag naging stable na ang lahat sa amin. Sa ngayon ang priority ko ay ang mga kapatid ko sa pag-aaral at ang mga magulang ko. "Good morning si– ikaw pala," tiningnan ko ang binili niya at kunot ko siyang tiningnan. "Kailan mo planong maggrocery ng maramihan? Halos araw-araw bumibili ka," naiiling na lang ako sa pinaggagawa ng taong ito. "Feel ko lang, bakit ba? Ayaw mo yon at least meron kang costumer na nakapila sa yo." aniya habang nakataas ang kilay na binigay ang ATM card niya. Umaasenso na talaga ang lalaking ito. "Ewan ko sayo Tuko, ako ang napapagod sa'yo. Hindi porket hindi ikaw ang nagpapagas ng sasakyan mo ay malaya kang nakakaalis." sabi ko habang inabot ko pabalik sa kanya ang card. Nandito na rin siya nakatira at nagtatrabaho sa Cebu, isang driver sa isa sa mayaman na negosyante dito sa Talisay Cebu. Nasa ibang bansa raw ngayon kaya malaya siyang nakakaalis ng pamamahay. May iba rin kasi siyang pagkikitaan at yon ang pagiging photographer niya. Mahilig kasi siyang kumuha ng mga pictures kaya sobrang saya niya na nakabili na siya ng kanyang sariling camera. Noong nalaman niya ang nangyari sa akin noon ay hindi niya ito matanggap tanggap pero dahil gusto ko na ng katahimikan kaya binabalewala ko na lang. Ang mahalaga ay walang awtoridad na naghahanap sa amin. Kung meron man at madakip ako ay sasabihin ko sa kanila ang totoo pero yun nga lang hindi ko alam kung paniniwalaan ako lalo't dala ng takot ay ako pa mismo ang nagtago, isinama ko pa ang buong pamilya ko. Kaya instead na ako lang ang pupunta ng Cebu ay naisama ko na rin sila at doon ko palang sinabi ang totoo sa mga magulang ko. "See yah later alligator Mica, ako pa rin ang maghahatid sayo pag-uwi, ok?" paalala nito sa akin sabay kindat at umalis na. Napapailing na lang ako, kahit kailan talaga hindi parin siya nagbabago. Siya pa rin ang nag-iisang Tuko ko at nasanay na siguro ang lalaking iyon na ganun ang tawag ko sa kanya. "Uyy, ang swerte mo naman sa boyfriend mo Mica, hatid sundo ka niyan." wika ni Yana. Kasama ko sa trabaho. "Swerte ka diyan at isa pa hindi ko siya boyfriend no!" hindi ko alam kung bakit pa ako nagpapaliwanag eh ilang beses na ba niya yang sinasabi sa akin ang tungkol diyan. "Sabi mo yan eh, eh di malapit mo na siyang maging boyfriend pero kung ayaw mo, sabihin mo lang at ibigay mo na lang sa akin." Dagdag pa niya habang naghihintay pa kami ng mga customers. Nag thumbs up ako sa kanya para hindi na niya ako kukulitin pa. Kahit kapalan niya pa ang make-up niya ay hindi man lang siya kayang tapunan ng tingin ng kaibigan. Iba rin itong Tuko na ito, nag glow up lang ayaw ng mamansin eh dati halos iba-iba ang babaeng naka angkas sa habal-habal niya para ihatid sa kani-kanilang bahay. Sabagay isa rin pala yan sa racket niya para kumita ng pera noong nag-aaral pa lamang kami. "Good morning sir, ma'am," bati ko sa mag-asawang customers na kaedaran lang nina mama at papa. Pagkatapos kung ma scan ang kanilang mga pinamili ay inabot na sa akin ang kanilang ATM card. Pag-angat ko ng tingin sa kanila para ibalik ang card ay naiilang tuloy ako dahil titig na titig sila sa akin lalo at ang babae. Why? "May I know your full name iha?"

 

 

chapter 11

 

"Honey!" Tawag ng lalaki sa kanyang asawa. "Uhmm, sorry ma'am but we're not allowed to give any information about our personal details to others. Hoping for your kind consideration." saad ko. Hindi ako sure kung tama ba ang pagka english ko. Bahala na. " Oh! I see. Sorry about that miss. You look familiar that's why. Sorry again." aniya at kinuha na ng asawa nito ang pinamili nila. "Sorry for that." hingi ng paumanhin ng lalaki. "It's ok sir, thank you for shopping and have a nice day po." wika ko sa kanila habang nakangiti. "Likewise, let's go hon." "Because she looks familiar, that's why I'm asking." "I know. Tinakot mo tuloy ang bata," rinig ko pa sa sinabi ng asawa ng ginang. Ipinagbabawal ang pagbibigay ng mga information tungkol sa amin unless if necessary. Baka mamaya niyan kilala nila ako tapos oh no wag naman sana Lord God, nanginginig ako habang sina scan ang items ng kasunod na customer. Hanggang natapos na lang ako ay hindi pa rin ako mapakali. Hindi kaya? Pero… parang hindi naman sila masasamang tao. Tama ba ako? Though isa sa mga natutunan ko sa mundong ito na huwag kang maniniwala sa lahat ng bagay, tao man o hindi. Maybe they are kind pero kapag nakatalikod mo ilang beses ka na palang sinaksak sa likuran. Though the man in coat looks familiar, pero hindi ko lang alam kung saan banda ko siya nakita. Kailangan mag double ingat ako baka mamaya may naghahanap na pala sa akin. Malapit lang ang Cebu at Negros pwede nila akong matunton pero parang impossible naman dahil ni minsan wala naman akong nakita o napanood na nasa news na ang mukha ko at pinaghahanap. Matagal na taon na at walang naghahanap sa akin. Well, sino naman ang maghahanap sa isang katulad ko? Nagpalit agad ako ng cellphone number mga ilang araw na nakarating kami ng Cebu, kahit yung cellphone na bigay niya sa akin ay pinalitan ko, itinapon ko pati ang alaala naming dalawa. Dahil sa kagagawan niya na hinayaan lang ako kay Eula baka may mahalagang buhay pang mawawala. Siguro ika baliw ko kapag nangyari ang kinatatakutan ko. Mabuti na lang nailigtas ko ang sarili ko. Yun ang mahalaga, dahil isang pagpapanggap lang pala ang tungkol sa aming dalawa kaya tanggap ko na, na naging baliw ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na minahal ko na pala talaga siya ng sobra-sobra na hindi ko namamalayan na ako na pala ang walang natira. Pero bumangon ako, lahat ginawa ko para sa mahal na naiwan sa akin. Doon ako lumalakas. Doon ako tumatatag. Doon ako kumakapit. Sa pamilya ko, ang mga naiwan sa akin. "Hoy! Tulala ka dyan kumare. Gusto mo disco tayo mamaya?" alok ni Yana sa akin. Nasa locker kami ng mall, pauwi na ako ng bahay at dahil sa sinabi niya napaisip tuloy ako. Pwede naman, hindi na ako teenager na hindi pa pwede sa mga ganyan. Matanda na ako at kailangan ko rin sigurong bigyan ang sarili ko na mag-enjoy kahit papano at ang pagpunta ng bar ang pumasok sa isip ko. "Hmm, sige. Sino pa ang sasama sa atin kung pupunta tayo?" tanong ko sa kanya. Hindi naman pwede na kami na lang dalawa. Nagbihis na ako ng puting t-shirt at high waist na maong. Ganoon din ang ginawa ni Yana. "Sila ni Bethy, Clare at Dino ang gustong pumunta pero hindi ako sure kay Marie unless kung papayagan siyang boyfriend niya, ano game para naman masabihan ko sila na confirm ka? Total walang pasok bukas kasi holiday. Then grab the chance na para mag-enjoy tayo." Aniya. Napangiti na lamang ako dahil kita naman sa kanyang mga mata na excited ang babaeng ito. "Okay sige, text mo na lang sa akin kung saan yan at saan tayo magkikita para sabay na tayong pumunta. Matutulog muna ako ng ilang oras para naman may energy mamaya." "Ok sige. Thanks God sasama ka rin. Ang tagal Mica ha. Ilang beses mo na ba kaming tinanggihan tapos ngayon ka lang pala…nakapag desisyon, ay naku titirisin kita dyan eh," saad nito at ito naman ako panay ngisi dahil sa totoo naman ang sinasabi niya. Sabi nga nila time is gold kaya hindi pwede na sasayangin ko lang sa walang kwentang bagay pero iba na ang usapan kapag minsan kailangan mo ring mag-enjoy sa buhay. "Akala ko nga hihinto na kayo sa kakatanong sa akin tungkol sa bagay na yan. Akala ko nga na ako na lang kaya ang magyaya sa inyo kapag hindi niyo pa ako tinanong ulit." sabi ko. "Bruha ka talaga. Ay basta game na yan mamaya. Sige Inday mauna na ako at see yeah later, okay? Magpapaganda pa muna ako." "Okay!" sagot ko. Umalis na siya at iniwan akong mag-isa dito. Ang babae talaga na yon hindi man lang ako hinintay. Excited lang ah. Kinuha ko ang sling bag sa locker at umalis na roon. Itetext ko kaya si Tuko baka gustong sumama mamaya, ay hindi na pala sayang ang load, susunduin niya pala ako baka malamang nasa parking area na yon at hinihintay na lang ako. Saka ko na lang sasabihin sa kanya kapag nasa harap ko na. Hindi nga ako nagkamali at nandoon na nga siya. "Ang tagal mo naman miss," si Tuko habang nakaupo ang kalahating pwet sa harap ng sasakyan habang pina ikot-ikot niya ang susi sa kanyang daliri. "Bakit sinabi ko ba sa'yo na hintayin mo ako?" Balik tanong ko sa kanya. Umikot siya para pagbuksan ako ng pintuan. Gentleman lang at akala mo naman boyfriend ko itong lalaki na'to kung maka ganyan sa akin o baka lahat ng mga babae na nakilala niya ay ganyan ang ginagawa niya dahil na rin sa trabaho na meron siya. "Hindi naman. Sige na pasok na mahal na reyna at ako ay talo na sayo. Ikaw na ang panalo." sabi niya. Kanya-kanya kaming irap sa hangin bago ako pumasok. Maya-maya natatawa na lang kami sa pinaggagawa naming dalawa. Pagpasok ko sa sasakyan at na siguro na naka seatbelt ako ay agad naman siyang umikot para pumunta kung saan ang manibela. "Umalis ka ba kanina o natulog ka na naman ng ilang oras sa kotse na'to?" "Umalis kaya ako, may pinuntahan lang ako diyan sa malapit dito at tinamad na rin kaya yeah natulog na rin ako dito habang hinihintay ka, lalo at may aircon," saad niya. "Hindi ka ba hinahanap ng amo mo? Baka mamaya niyan hindi kana nagpaalam, ewan ko na lang sa'yo Tuko." "Nagpaalam kaya ako at ang sabi niya na ako ng bahala sa kanyang sasakyan dahil marami pa raw sila sa loob at labas ng bansa. Kaya iyon, hindi ko na tinanggihan. Mahal ako 'non eh" pagmamayabang pa nito. "Ewan ko sa'yo, sarap naman pala palagi ang buhay mo Tuko. Ikaw na ang pinagpala ng lahat ng kaswertehan. Congrats then at more budol pa. Anyway, pupunta ako mamaya ng club. Niyaya ulit ako ng mga kaibigan ko kaya pupunta ako na ako." Sabi ko sa kanya. "Bakit ka sa akin nagpapaalam? Tatay mo ba ako? Mama? Boyfriend? Wait, Saan ba yan?" kita mo, dami pang tanong. "Syempre baka lang gusto mong maging driver k–" " Ayoko nga." binatokan ko." Aray! Kita mo, nanakit pa nga. Ikaw na nga itong may kailangan," sabi niya sabay himas sa kanyang batok. Mahina lang naman yon. "Ang labo mo kasing kausap, kung ayaw mo eh di maglalakad na lang akong mag-isa. Ikaw din. Hahayaan mo na lang ba ang bestfriend mo na masaktan ang kanyang mga paa sa paglalakad?" panakot ko, tingnan natin kung matitiis mo ako. Ngumuso pa ako lalo. "Maging driver, ikaw lang amo o pasahero ko na hindi nagbabayad. Baka nakakalimutan mo na wala ng libre sa panahon ngayon." pangaral niya. Inirapan ko siya. "Basta pupunta ako mamaya, bahala ka dyan. May ipakilala pa naman sana ako sa'yo." pang-aasar ko. "Talaga? Make sure lang na pasok yan sa panlasa ko Mica dahil kung hindi sa kangkungan talaga kita ideretso, wala akong pakialam kung hahanapin ka ng mga magulang mo. Sasabihin ko lang na nakipaglaro ka pa sa mga tilapia na naroon," matalim ko siyang tiningnan at nakangisi lang ang lalaking ito. Hinampas ko ang braso niya. Ang hilig talaga nitong mang-asar at ito naman ako ang bilis mapikon. Pagkarating namin sa bahay ay naabotan namin ang mga magulang ko na nasa labas ng tindahan. Nilapitan namin sila at nagmano. "Hi mama, papa." "Hello po mama at papa," nakangising bati ni Tuko sa mga magulang ko. Ganyan ang tawag niya sa mga magulang ko kaya sino ba naman ako para magtampo, kapatid na rin naman ang turing ko sa kanya.   "Salamat sa paghatid ng anak ko iho, mabuti at nandiyan ka para hindi kami mag-alala sa kanya." si mama. "Mama, hindi na po ako bata," paalala ko sa kanya. Naiintindihan ko naman si mama kung bakit siya nagkaganyan, dahil sa nangyari sa akin dati kaya halos maya-maya tumatawag o di kaya nagtetext kung nasaan na ba ako at kung ok lang ba. Kaya kapag nagtext ako na sinundo na ako ni Tuko kaya doon palang sila nakahinga ng maluwag. "Alam ko anak, pero bilang ina at ama mo hindi namin kaya na nakikita ka tulad ng nangyari dati." aniya. Nginitian ko sila habang nakikinig lang si papa. Alam kong may gusto rin siyang sabihin pero hinayaan na lang niya ang mama ko. "Salamat po sa inyo. I love you. Anyway mama papa, nagkayayaan mamayang gabi ang mga ka trabaho ko na magka club kami mamaya. Pupunta po ako, nagtatampo na sila sa akin eh, ok lang po ba na iwan ko?" sabi ko na napatawa sa kanila. "Sige walang problema, nandoon nga sa kabila eh kasama ni Kimmy. Basta mag-iingat ka. Ikaw iho kasama ka rin ba?" tanong ni mama kay Tuko. "Ayoko sana mama pero kinukulit po ako ng anak niyo po, tapos akala mo naman na ililibre niya ako o magbabayad, gagawin ba naman akong driver papa!" sumbungero din itong lalaking ito. Kapal ng mukha. Inirapan ko siya at pumanhik na sa taas. Narinig ko pa ang pagtawa nila. Nakakainis. Magbibihis ako ng pambahay at kakain muna bago magpahinga, for sure hindi na uuwi si Tuko at maghintay na lang siya sa akin hanggang mamaya. Feel at home na siya dito eh. Kaya hinayaan ko na lang. Kung gusto niyang matulog, pwede naman siya sa kabilang kwarto. "Omg, Is that you Mica!" Tili ni Bethy ng makita kami. "Ganda mo pala lalo kapag nabihisan ah," dagdag papuri niya pa. Malaking points na yun sa akin kaya tinanggap ko ng buong puso. "Parang ano ito, simple lang naman itong damit ko kaya kalma ka lang, ang gaganda niyo rin kaya sa mga suot niyo ngayon." sabi ko. "Maganda tayong tatlo, that's my final say. Tara na, let's go at para makahanap na tayo ng sugar daddy." Ani ni Clare, kaya tuloy biglang napalingon si Dino sa kanya. On and off ang relasyon nila ewan ko na lang ngayon. "'Wag na 'wag kang maghahanap ng sugar daddy sa loob Michaella Gomeza, malilintikan ako nina mama at papa." bulong ni Tuko sa akin habang hawak ako sa kaliwang braso para igiya sa loob ng Club. Akala siguro nito na mawawala ako. Sa daming mumurahin na club dito pa talaga naisipan nitong mga rich kid ko na mga kaibigan. "Bakit ka naman malalagot sa kanila?" "Aba! Maang-maangan ka pa. Baka nakakalimutan mo na hindi lang ako ang driver mo, bodyguard din Mica. Kaya umayos ka," kinurot ko siya ng mahina sa kanyang tagiliran. "Bakit sinabi ko ba na maghahanap ako? Kung nandiyan ka lang naman para mang boysit sa akin e di wag na lang." " Aba wag na lang, so kung wala ako talagang gagawin mo?" "Aba syempre, minsan lang ako maglandi aayaw pa ba ako," sabi ko para mapikon siya. "Mica! Uuwi na lang tayo kung ganun. Let's go." Aba ang lalaki na ito hindi na mabiro. "Umuwi kang mag-isa, sayang naman itong damit ko na hindi ko ma ibalandera ngayong gabi. Look oh bagay naman sa akin itong black drawstring front bodycon dress, di ba?" isa na lang Mica. Isang pang-aasar pa, bubuhatin ka talaga niyan papuntang exit. Umikot pa talaga ako para makita niya ang kabuohan ng damit ko kahit nakita na naman niya ito kanina. Pero langya lang bigla na lang akong na out of balance dahil sa heels na gamit ko, mabuti na lang at naagapan agad ako ni Tuko at nahawakan ako sa braso. Ito kasing si Bethy ito ang gustong ipasuot sa akin at ako naman itong uto-uto at sinunod siya. Hirap pala maglakad ng nagkaganito. "Isa!" nagbibilang pa nga. Hinimas ko ang braso niya ng makabawi. "Ito naman, sige ka tatanda ka niyan agad-agad. Inaasar lang naman kita sineryoso mo naman." paglalambing ko. Yumakap ako sa kanyang braso para hindi na ako matutumba. "Bakit ba kasi yan ang sinuot mo na damit. Tingnan mo tuloy pagtitinginan ka." nilibot ko ang tingin ko sa paligid. "Napatingin lang sila, hayaan mo na, baka gusto ring magsuot ng ganitong damit. Pero hindi nila alam na sa UK ko lang ito binili. Alam mo ba kung ano yon? Sa ukay-ukay ko lang ito nabili sa halagang 150 Tuko at hindi nga ako nagsisi dahil nagagamit ko naman pala ito." Kindat ko sa kanya kaya napapailing na lang itong kasama ko. "Dito na tayo umupo, sa hindi masyadong ma tao na area," ani ni Yana. Sumunod kami sa kanya at kakaupo pa lang namin na agad naman itong nag-order ng drinks at pulutan. Dahil nga kumain na kami sa mga bahay namin bago umalis kaya maaga ang alak sa kanila. Natoto naman akong uminom nung twenty years old ako pero nasa bahay at konti lang. "Cheers…!" Tili ni Clare. "Mamaya sasayaw tayo at walang killjoy killjoy dito ha. Magwawala tayo total walang tao at of course may driver tayo pag-uwi, right Dino?" ani niya. Lasing na na itong babae na ito, Ang bilis naman. Hindi rin ako sanay na uminom ng maramihan, baka dalawang baso lang ang maubos ko at pakonti konti lang ang paginom para naman umabot pa hanggang mamaya. Malakas ang tolerance ko sa alak baka mamaya nito magwawala na naman ako katulad dati. Nasobrahan naman kasi ako kaya ganun, nakakahiya tuloy kinabukasan habang kinikwento nila sa akin. "May hot daddy akong napansin kanina sa VIP sa taas, mga apat siguro kaya baka lang beshy makabingwit tayo. Ihanda na natin ang sarili natin," bulong ni Beth sa amin. Hinilig din ng mga lalaki ang mga ulo nila para marinig kung ano ang chinichismiss naming mga girls. "Anong pinag-usapan niyo?" tanong ni Dino. "Secret," hagikhik ni Yana. Matalim ding nakatingin si Tuko sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata. "What?" "Uuwi na lang tayo kung ano man yang binubulong niyo kanina. Parang iba ang mga plano niyo ha," aniya. "Make sure na wala kang iuuwi na lalaki Mica!" itong isa na ito napapraning habang ako chill lang dito. "Ano kaba, behave lang ako no, kung may plano man sila. Sila lang yon, okay na ba daddy Tuko?" Ngisi ko sa kanya. Dahil mag-aalas diyes na ng gabi ay parami ng parami na ang mga tao sa loob. Maingay na stereo at ingay ng mga tao na nag-uusap ang maririnig habang mag-inuman kagaya namin. May sumasayaw na rin sa dance floor. "Let's go mga kumare. Sasayaw tayo ngayong gabi at dapat game pwera na lang ang mga driver natin." yaya ni Marie. Pipigilan pa sana ako ni Tuko pero wala na siyang magawa na hinatak na ako nina Bethy at Clare. Nagpatianod na lang ako dahil nga sabi nila na bawal KJ at dapat mag-enjoy. Ngayong gabi lang ito, bukas ibang pagsubok na naman ang mangyari kaya ito ako sumasayaw ng mabagal at todo. Una, hindi ko pa alam ang gagawin kaya tinuruan nila ako kung paano igalaw ang katawan. Natatawa man nung una pero binalewala ko na ang hiya ko at umindayog na rin sa tunog ng musika kasabay ng mga kaibigan ko. "Igiling mo pa Mica." hiyawan ni Yana. May magtangka mang lumapit sa amin na boys ay agad naman pinapaalis nina Tuko at Dino kaya natatawa na lamang kami dahil imbis na mag-enjoy din sila sa club ay sila naman ang mga mata namin. Dahil alam ko na ang gagawin at dahil yata epekto ito sa alak na nainom ko kaya iginiling ko rin ang katawan ko pababa at paakyat. Dinadama ang tunog na pinapatugtog ng DJ. "Yeah, wooh… the best ever. Giling pa more girls!" Natawa na lang kami sa sinabi ni Marie. "Go Mica, go Mica giling-giling mo lang yan," hiyawan nila sa akin kaya nahiya tuloy ako dahil rinig ang pangalan ko sa kabilang lamesa o sa ibang tao. Ito talaga si Yana ang kulit din minsan. Kumaway ako kina Tuko dahil nasa malapit lang kami na table namin kanina. Nakapamewang ito na habang napapailing na lang sa amin. Hindi ko alam kung ilang sermon ang matatanggap ko nito pagkatapos lalo at sinesenyas niya palagi na tumataas ang damit ko kaya nakikita ang hita ko. Napapikit ako habang sumusunod parin ang katawan ko sa magandang musika. Ang sarap palang maranasan din ang buhay na ganito. Nakakawala rin pala talaga ng stress ang pagsasayaw. Kahit ngayon lang ay biglang gumaan ang katawan at kalooban ko. Baka masanay ako ay babalikan ko ito parati pero hindi pwede. May mga obligasyon ako at dapat may schedule lang. Dinilat ko ang mga mata ko at natuon ang titig ko sa second floor na tinatawag nila na para lamang sa mga VIP na mga tao. Bigla yatang nanlamig ang mga batok ko at pinagpawisan ng makita kung sino ang isa sa nandoon. Nakatayo sa may haligi habang may hawak ng can ng beer habang nakatingin sa dagat ng mga tao sa baba. When our eyes meet alam ko na nakita niya ako. Matalim itong nakatitig sa akin habang umiigting ang kanyang mga panga. Ibang-iba na siya na dati mahaba ang buhok ngayon ay maiksi na at nakasuot ito ng polo long sleeves at nakatupi lamang sa kanyang braso na talagang bagay bagay na bagay sa kanya. "Ignacio?"

 

 

chapter 12

 

"Ayos ka lang?" bigla kong nilingon si Tuko na nasa harapan ko na pala. Binalik ko ang tingin sa itaas pero wala na ang bulto niya doon. Hindi kaya guni-guni ko lang ang lahat ng yun? "Michaella!" tawag ulit niya sa akin na ngayon nakahawak na sa braso ko. Nasa dance floor parin kami at wala na sa tabi ko ang mga kaibigan, may lumapit sa kanila kaya napunta sila kung saan. "Ayos lang ako, bigla yata akong nahilo dahil kanina pa ako nagsasayaw na puro kaliwa ang mga paa. You know, at saka ang sakit sa mata ang mga ilaw." sabi ko sa kanya. "Gusto mo na bang umuwi tayo?" tanong niya. Umiling ako dahil ayoko pa,"mamaya na, hintayin na muna natin ang mga kaibigan ko, bigla na lang akong iniwan dito eh. Nakakainis," saad ko. Inalayan niya ako para makabalik sa upuan namin. "Sana nagdala pala tayo ng extra slipper mo, baka sobrang sakit na ng mga paa Mica," concern talaga itong lalaking ito. ''Kaya nga eh, di bale mamaya maglalakad na lang akong nakapaa papunta sa sasakyan mo, pwede mo naman akong buhatin tulad ng ginagawa mo sa akin noong mga bata pa tayo," sabi ko habang nakangiti. "Tsk, noon yun kasi magaan ka pa, eh ngayon ang bigat mo na kaya, aray!" binatukan ko nga. "Hindi ako mabigat ano, magaan lang ako kaya 'wag kang oa diyan," maktol ko sa kanya. "Sabi mo yan ha, anyway anong oras ba tayo uuwi?" tanong niya. "Inaantok kana? Pwede ka namang matulog sa kotse, gigisingin na lang kita kapag naroon na kami sa parking lot," suggestion ko. "Nah! Baka balak mo pa yatang magpakalasing tapos magwawala ka dito, kaya dito na lang ako," hindi ko alam kung bakit sumaya naman ang puso ko dahil sa sinabi niya. "Wait ka lang dito, restroom lang ako." paalam ko sa kanya. Balak pa sana niyang tumayo at susunod sa akin ngunit pinigilan ko. "Dito ka lang, hindi pa ako ganun ka lasing ano para hindi malaman kung saan ang cr, diyan ka lang at pakibantayan na lang ang mga gamit namin, remember hindi ka lang driver namin slash bodyguard ka pa," sabi ko sabay kindat. "Tsk, bilisan mo ha, wala sa mga gamit niyo ang pagiging bodyguard ko Mica kundi sa tao at ikaw yon. Malilintikan talaga ako sa mga magulang mo kaya bilisan mo ha dahil pupuntahan talaga kita kapag sobrang bagal mo," aniya. Inirapan ko siya dahil nga sa totoo ang sinabi niya. Ang mga kaibigan ko, nakita ko sila na nasa dance floor pa at may mga kasayaw na lalaki unless lang kina Clare at Dino na hindi ko mahagilap. Mabuti na lang at madaling makita kung saan ang banyo. Dito rin tinuro ng staff. Medyo nahihilo parin ako at nanginginig ang katawan dahil sa nangyari kanina. Siya kaya yon? Baka namamalikmata lang ako at hindi naman talaga siya. Hindi siya yon for sure dahil ang kilala ko ay ayaw niyang kina cut ang buhok niya lalo't nagmomodel siya. Hanggang ngayon pa rin ba? Hanggang natapos na lang ako sa banyo na siya ang laman ng isip ko. Hindi naman niya siguro alam ang lugar na ito ah. City boy yun eh. Hindi siya sanay sa ganitong lugar kahit sa probinsya man siya nakatira. Wait... ewan hindi ko na alam. Pinihit ko ang doorknob para makalabas na ako pero bago ko pa mabuksan ng buo ay may bigla na lang pumasok. "Ahjkbhdkk.." hindi ko natuloy ang pagsigaw ko na bigla niyang tinakpan ang bibig ko. Nanlaki ang mga mata ko kung napa sino ang pumasok sa loob ng cr, "Don't scream," pagbabanta niya. Tumango ako dahil sa takot at sa galit niyang paninitig sa akin. Hinawi niya ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko. Siya nga talaga yung nakita ko kanina sa itaas, hindi nga ako nagkakamali at ngayon? "What are you doing here?" unang tanong niya. Ibang-iba na siya kahit sa pagtatanong. May galit, may awtoridad. Nakatitig ito sa akin na parang kakainin ako ng buhay. Pinantayan ko ang panitig niya sa akin. Binalewala ko ang kaba na naramdaman ko. Ang isipin ko ngayon na anytime kung matagal pa ako ay pupuntahan ako ni Tuko para makalayo sa lalaking ito. Baka mamaya ano pa ang mangyari at dadalhin niya ako sa taong dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ko five years ago. Mas lalong lumapit ito sa akin, "wag kang lalapit at diyan ka lang!" pagbabanta ko. "Why, I ask you again, what are you doing in this club?" sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ba ang pakialam mo kung bakit ako nandito ha? Bakit ikaw ba ang may-ari nitong club ba ito at makapag tanong ka sa akin ay bawal ako sa lugar kung saan ikaw ang may-ari ah. Nagbabayad naman ako." Pagalit ko na sagot at iniiwasan na tumaas ang boses ko, baka magtaka ang nasa labas na may maingay sa loob ng cr. "Yeah, sana hindi ka na lang pumunta dahil bigla na lang nasira ang gabi ko ng dahil sa'yo," huh? Ano raw? Pinagsasabi nitong lalaking ito. "Gago ka ba, hindi ko kasalanan kung bakit nasira man yang araw o gabi mo dahil sa akin dahil for the first place hindi ko alam na nandito ka!" sagot ko. Aalis na sana ako na bigla na naman niyang hinablot ang braso ko, "Ano ba? May gagawin ka na naman sa akin ha? Ibabalik mo ba ako sa kanya? Pwes itigil mo na ang kalokohan mo dahil hinding-hindi na yon mangyayari," sigaw ko sa pagmumukha niya. Wala akong pakialam kong amoy alak ako ngayon. " What? What did you say? Kanino kita ibibigay? Bakit hindi ka na lang mag-sorry sa ginawa mo sa akin six years ago?" pinaghahampas ko siya ng mga palad ko. "Magsosorry… magsosorry? Ang kapal ng mukha mo para ako pa ang humingi ng tawad sayo? Ayos ka lang? Di ba dapat Ikaw Ang humingi sa akin ng ganyan at ang mga kasabwat mo? Nang dahil sa'yo ha nang dahil sa'yo, ka. ka-—!" sigaw ko sa kanya pero hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko. Marinig na ako sa labas ng public cr eh marinig na, hindi ko mapigilan na maalala ang mga nangyari sa akin kahit sabihin na matagal na taon na, matagal na yon pero yung memories ay nandoon. Ngayon mas malala dahil lahat ng detalye ay agad-agad pumasok sa isipan ko. Bago pa siya makapagsalita ay naitulak ko siya at hindi niya inaasahan yon at nakaalis siya sa pintuan. Dali-dali akong lumabas at iniwan siya doon. Maingay parin na tugtugin ang sumalubong sa akin sa club. Nagmamadali akong umalis doon para hindi niya ako maabotan. Pagkarating ko sa table namin ay agad kung nilapitan si Tuko, "hindi pa kayo uuwi? Hinahanap na kasi ako eh," palusot ko sa kanila para lamang makaalis sa lugar na'to. "Hinihintay kana nga namin eh dahil kung uuwi kana ay uuwi na rin kami," sagot ni Yana. Tumango ako, "sige.. let's go.'' Dahil hinubad ko na high heels kanina kaya lalakarin ko na lang papuntang sasakyan lalo ngayon na medyo masakit na nga ang mga paa ko. " Here," binalingan ko si Tuko. Nakataas ang kilay ko at nakangiting tumingin sa kanya. "May extra ka pala, ayaw mo talaga akong buhatin," pang-aasar ko sa kanya. For sure kung may gagawin man si Ignacio sa akin ay hindi niya matutuloy dahil nandito ang mga friends ko. Nandito rin ang mga securities. Pwede akong humingi ng tulong sa kanila. "Bakit gusto mo ba? Gagawin ko naman talaga kung gusto mong magpabuhat." Aniya. Umiling ako,"no na okay na okay na to, let's go." Agad na sabi ko. Hinawakan niya ako sa bewang at sabay na kaming umalis kasama ang mga kaibigan. Nahagip ng paningin ko si Ignacio na parang may hinahanap. Bigla akong kinabahan, agad akong nagtago sa mga braso ni Tuko at kumapit ng mabuti. "Anong nangyari sa'yo? Ganyan ka na ba ka lasing at kapit na kapit ka? Gusto mo bang maging tarsier." pang-aasar nito kaya nakurot ko siya sa kanyang tagiliran. Saka pa ako nahinga ng maluwag na nasa sasakyan na ako at malaya na ulit. Hinilig ko ang ulo ko sa upuan at pinikit ang mga mata. "Inaantok kana?" Tanong ni Tuko. "Yeah," mahinang sagot ko. "Sige idlip ka muna at gigisingin na lang kita." saad niya. "Nagkita kami–" "Ha? Sino?" "Si Igna–" hindi ko masabi-sabi ang buong pangalan niya. "Sino? Yung ex mo? Saan mo siya nakita Mica?" Usisa ni Tuko. "Nakita ko siya sa VIP area, doon sa taas." sa tingin ko, yan na lang muna na detalye ang sasabihin ko. "I see kaya pala tulala ka kanina noong tinawag kita. Nakita ko rin siya kanina kaya lang hindi ko sinabi sayo dahil sa tingin ko nakita mo rin siya." buntong hininga ako dahil sa sinabi niya, kaya niya siguro ako nilapitan. "Ano na ang gagawin ko?" Tanong ko habang nakapikit parin ang mga mata. "Ikaw? Ano ba ang dapat mong gawin? Paano kung darating ang araw na magkita kayo ulit baka ngayon hinahanap ka na?" "Bakit naman niya ako hahanapin, eh tapos na ang tungkol sa amin ilang years na. Siya ang tumapos sa relasyon namin dahil lang sa kasalanang hindi ko naman ginusto. Tapos ang malala pa na akala ko mapaliwanag ko sa kanya ang mga pangyayari pero iba ang ginawa niya. Sinira niya ang pagkatao ko sa kamay ng ibang tao." sabi ko. Lalo yatang sumakit ang ulo ko dahil naalala ko na naman ang nangyayari sa akin ilang taon na ang nakalipas. "Kahit anong gawin mo Mica, malalaman at malalaman niya pa rin ang tungkol sa kanya." "Hindi naman siya naghahanap, hangga't maaari hindi ko siya ipakilala,"   "Paano mo nasabi na hindi siya naghahanap? Remember, nag-aaral na siya. Malay mo hindi niya lang tinatanong sayo pero deep inside his wondering na iba ang nakikita niya sa school o sinasabi ng ka edaran niya kaysa sa pamamahay mo kahit na papa ang tawag niya sa papa mo. Alam ko na alam niya ang kaibahan nun." paliwanag niya. Idinilat ko ang mga mata at pinagtitigan siya. "Hindi ko parin sasabihin sa kanya dahil paano na lang kung pati siya kukunin sa akin? Mayaman sila, anong laban ko na isang ordinaryong nilalang. Ikamamatay ko siguro kung mawala siya sa akin Tuko." naiiyak ko na sabi. Aalis kaya kami dito sa Cebu? Saan naman kami pupunta o magtatago? "Tahan na, naiintindihan kita. Nandito lang ako. Nandito lang kami para sa'yo kaya magpakatatag ka." tumango ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sasakyan, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa kwarto at ngayon lang ako nagising, binuhat na lang yata ako ni Tuko, sino kaya ang nagbukas sa kanya? "alas-otso ng umaga? Shit!" napabalikwas ako sa pagbangon. Ang sakit ng ulo ko grabe, konti lang naman yung ininum ko bakit ganito na ito kasakit? Bumukas ang pinto at iniluwal si mama, "mama?". Nginitian n'ya ako at nilapag ang pagkain sa maliit na lamesa. "Kumain ka muna bago uminom ng gamot sa hangover, anak. Dinalhan na kita dito ng pagkain baka sumasakit ang ulo mo." utos ni mama sa akin. "Thank you ma. Saan po sila?" tanong ko habang lumalapit sa cabinet para kumuha ng pambahay na damit. "Nasa labas naglalaro, wala na yatang planong umuwi ni Jackson at ang sabi pa niya na mamasyal daw kayo mamaya kasama ang mga bata, kapag gising kana at mabuti na ang pakiramdam mo." paalala ni mama, aba bakit naman na isipan pa ni Tuko na aalis kami ngayon at saan naman kami pupunta nito? ''Sige ma, pero hindi naman binanggit ni Tuko sakin ang tungkol diyan." ngumuso ako. "Ahh baka mamaya pa, napag-isipan lang, baka nangungulit na naman ang mga bata. Alam mo na naman ang mga iyon hindi matanggihan ni Jackson basta sila na ang maglambing. Masakit pa ba ang ulo mo?" tanong ni mama habang hinihilot ang ulo ko. Umupo ako sa silya na plastic at tiningnan ang laman ng tray. "Medyo po, salamat po nitong pagkain mama. Nag-abala pa kayo. Si papa?" "Nandoon sa tindahan, nagbabantay muna." Tumango ako at sinimulan ko ng kumain. Pagkatapos kung kumain at nakapag-inom ng gamot ay lumabas na ako ng kwarto. Medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko dahil naligo muna ako para naman hindi ako amoy alak at amoy sigarilyo. Baka sabihin nila na naninigarilyo ako kahit hindi naman. Pagkarating ko sa labas ng bahay ay tama nga ang sinabi ni mama na nasa labas sila at naglalaro. "Bleeh… hulihin nyo ako! Bilis para may piso mamaya," napapailing na lang ako sa pinaggagawa ni Jackson sa mga bata. For sure kung mag aasawa ito at magkaroon na ng anak, for sure papagurin niya sa kakalaro ang mga bata bago patulugin sa gabi o hapon para mahimbing ang tulog. Tsk. Effective naman ang ginagawa niya kaya natatawa kami ni mama. "Mama!'' napangiti akong tumatakbo ang anak ko patungo sa akin. "Be careful, anak!" balik na sigaw ko kasi kung maka takbo siya hindi pa naman tumitingin sa dinadaanan. "Good morning po mama!" Bati niya sa akin habang ginawaran niya ako ng halik sa pisngi. Binuhat ko siya kahit may kabigatan na ang anak ko at pinaupo sa hita ko habang nakaupo sa silya na plastic. After ng nangyari sa akin ay isa siya sa nagpapatibay lalo sa pang-araw-araw kong pakikipaglaban sa buhay. Kapag nakikita ko lang ang anak ko ay tumatatag ako lalo. "Pawis na pawis kana anak, hindi ka pa ba napapagod kakahabol sa tito Jackson mo?" tanong ko sa kanya at ang baby ko umiiling lang. "Hindi po mama kasi may piso kami later, sayang naman po pang baon sa school ko po." sabi nito sa malambing na tono. Namumula na ang mga pisngi niya sa kakalaro, mabuti na lang nagdala ako ng face towel bago lumabas ng kwarto dahil alam ko ng pawisan na ito. Dinalhan ko na rin ang dalawang kambal ng pamunas. "Binubudol niyo lalo ang Tito nyo ha, kapag iyan naging mahirap ay baka singilin kayo niyan." panakot ko kahit hindi naman. "Narinig ko iyon!" sabi ni Tuko. Hindi ko napansin na hindi na pala sila naghahabulan at nasa tabi ko na nakatayo. Inangat ko ang ulo ko para makita siya at nginitian. "Ikaw talaga, sinasanay mo sila sa pera," irap ko sa kanya. Nakabihis na ang lalaking ito kasi nagdadala naman siya palagi ng pamalit na damit kung dito siya natutulog sa bahay. "Minsan lang naman at isa pa napupunta kaya sa alkansya nila ang pera na binibigay ko, di ba buddy?" tumingala rin ang anak ko sa kanyang tito habang panay punas ko pa rin sa kanya lalo sa likod niya na puro na pawis. "Opo Tito Gwapo. Malapit na nga po mama mapuno ng pera ang alkansya ko na binigay ni lolo papa sa akin." nginitian ko ang anak ko. "Good boy, yan dapat marunong kang mag-ipon para kung may mga emergency may mahihiraman tayo, ok ba yon sa'yo?" tanong ko sa kanya. "Oo naman po lalo po kay lolo papa po," niyakap ko ang anak ko ng mahigpit dahil sa sinabi niya, naantig ang puso ko. Hindi siya nag-iipon para pambili ng laruang pambata o sa katulad niya na mga laruan kundi nag-iipon siya para sa Ibang tao. Walang iba kundi kay lolo papa niya. Kaya, hangga't maari ayokong mapunta ang anak ko sa iba, siya ang buhay ko. Ipaglalaban ko siya sa mga taong gusto siyang ilayo sa akin.   Hindi ko rin yata kakayanin kung nawala siya sa akin nung panahon na nahihirapan akong tumakbo without knowing na may laman na pala ang tiyan ko. Kung hindi pa ako nahihilo habang nasa Cebu na kami ay hindi ko malalaman na buntis na pala ako. Akala ko hindi ko matanggap pero everyday na nagigising ako na may buhay sa sinapupunan ko ay talagang binigyan ako ng lakas dahil sabi nga ng mama ko. Walang kasalanan ang mga bata. Inosente sila at hindi nila kailan man ginusto ang pangyayari na magkahiwalay kami ng ama niya dahil lang sa maling akusasyon. "I love you mama, You're the best mama sa buong Cebu." "Cebu lang?" "Hmm World po… " nag-iisip. " World lang?" He looks at me na hindi niya na alam ang isusunod. " Wala na po akong maisip mama, I love you." paulit-ulit niya na sabi. Wala akong magawa kundi ang paulit-ulit ko rin siyang hinahalikan sa noo. "Matutulog kana niyan, buddy? Akala ko ba mamasyal pa tayo mamaya sa mall?" tanong ni Tuko. Matalim ko siyang tiningnan. "Patulugin muna natin ang mga bata, kahit mamayang 3 na tayo pupunta sa mall. Di ba baby?" tanong ko sa anak ko. "Ok po, later na lang daw po Tito Gwapo." " Alright buddy, no problem, let's play again?" Aya na naman ni Tuko, ang sarap batukan to pero dahil may bata ay pinigilan ko ang sarili ko na saktan siya. " Play muna ako mama, para madagdagan po ang money ko!" tumango ako bago ko siya iniwan kay Jackson. Pumanhik muna ako sa loob ng bahay para tumulong kay mama sa mga gawaing bahay bago umalis mamaya. Nasa tindahan pa rin si papa, nagbabantay. "Wow! mama ang ganda po dito?" manghang tanong ng anak ko pagkarating namin sa mall. Isa ito sa mall na pinakasikat ngayon dito sa Talisay Cebu. Bagong bukas kaya maraming tao. Marami pa raw itong branch dito sa Pilipinas pero hindi ko na inalam kung saan o kanino ang may-ari nito. Kumain muna kami sa favorite fast food ng mga bata bago pumunta dito sa timezone. Kahit buong umaga silang naglalaro kanina tapos ngayon na naman ay energetic pa rin, hindi ko alam kung kailan sila matatapos nito. Pero sure kami na bandang 8 ng gabi ay nasa bahay na kami. Hinayaan ko rin ang mga kapatid ko na kambal na maglaro basta wag lang lumayo o pumunta sa ibang lugar para silang tatlo kasama si Tuko na magbantay sa anak ko. "Saul, anak, pupunta lang muna si mama sa grocery store, okay? Behave ka muna dito kasama ang mga Tito's and Tita mo, maglaro ka hangga't gusto mo but make sure na walang mag-aaway. Huwag lumayo at kailangan mong ipaalam sa kanila if you want to go the bathroom, ok ba yun anak? Madali lang si mama, babalik agad ako." paalam ko sa anak ko. "Okay mama, see you po later." sabi niya bago niya ako hinalikan sa pisngi. "Ang anak ko Tuko ha," paalala ko sa kanya. ''No problem, kung hindi ka pa tapos kami na lang ang pupunta sa'yo doon." Aniya. "Sige, salamat." paalam ko sa kanila. Dali-dali akong pumunta sa grocery store para makabili ng ibang pangangailangan sa bahay. Mabilis lang akong natapos dahil nakalista naman ang mga kailangan ko. Pagkatapos kung bayaran ang mga pinamili ko ay bitbit ang dalawang supot pumanhik na ako sa 3rd floor kung saan ang mga bata. Yes kasama na si Tuko sa bata na tinutukoy ko. Para mapadali ang pagpunta ko ay sumakay na ako ng elevator, may mga kasabay ako kaya nasa gitna na ako nakatayo. Yumuko ako para makita ang receipt kong tama ba ang mga pinamili ko. Biglang bumukas ang elevator hudyat na may pumasok. Umatras ako para makapasok ang tao m na hindi tinitingnan kung sino. "Send me report tomorrow," nanlamig yata ako dahil parang kilala ko ang nagsasalita. Umangat ako ng tingin at tama nga ako, nandito siya sa harapan ko na titig na titig sa akin at sa supot na dala ko. Huli na para lumabas ako, nangunot ang noo niya habang ganun pa rin ang hitsura niya. "Boss?" Pagkabukas ng elevator kahit wala pa ako sa third floor ay agad na akong lumabas baka masundan niya pa ako. Anong ginagawa n'ya dito? Kahit dito ba naman narito siya? Sinusundan niya ba ako at para ano ibibigay niya na naman ako kay…sa babaeng iyon? No! Hindi pwede. Binilisan ko ang paglalakad pero may humablot sa braso ko at alam ko na kung sino ito. "Mica!" "Mama…." "Saul?"

 

 

chapter 13

"Mica! Ikaw nga," bigla akong nagulat kung sino ang tumawag sa akin. Tumalikod ako para makita ang tumatawag na mama, ibang bata pala ang tumawag na mama at hindi si Saul. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Pero hindi ko naman inaasahan na makikita ko ang dating kaklase ko. "Gail? Domingo? Hi. Kayo pala, kamusta?" bati ko sa kanila. Nginitian nila ako, nakayakap si Gail kay Domingo. So, sila ang nagkatuluyan? I'm happy for them. "Ito maayos naman, going strong sa relasyon namin. Akalain mo yun, dati pa kami nitong aso't pusa kung nagbabangayan." Natatawang sabi niya. "Ikaw kumusta ka na? Matagal ka na bang nandito sa Cebu? Nandito ba nakatira ang asawa mo?" sunod-sunod na tanong ni Gail. "Oo, matagal na rin na dito kami nakatira dahil nandito ang mga magulang ko. Kaya nandito rin ako," ani ko. Alam kong hinihintay nila ang isang sagot ko. Pangit naman siguro na sabihin ko na wala akong anak. "Uhm, single mom…kayo hindi niyo dala si baby niyo ngayon? Date niyong dalawa?" sabi ko kahit nahihiya akong tanungin sila sa mga bagay na 'yan. "Nope, actually hindi pa kami nabibiyaan ng anak pero were working naman na sana balang araw ay magkakaroon na," ani ni Gail. Nginitian ko sila pareho. "Ok lang yan, darating din ang panahon na magkaroon din kayo pero sa ngayon, enjoy niyo muna ang bawat isa kasi kapag magkababy na kayo, marami ng responsibilad," saad ko. "Kaya nga eh, sinabi ko nga kay Domingo na maghanap na lang siya pero ayaw niya talaga. Ang swerte ko nga ano?" Ngiting sabi niya. " Super," "Nah hala, magkita na lang tayo very soon, baka may pupuntahan ka pa." dahil sa sinabi niya ay agad akong tumango dahil totoo. Ayoko pang ipakilala sa kanila ang anak ko hangga't maaari, dahil inilayo ko siya sa mga taong hindi siya tanggap. "Sige, ingat kayo. Domingo please take good care sa ating kaklase, okay?" saad ko at nag thumbs ito sa akin. " No problem Mica, see you around then. Let's go babe. Sa bahay daw ni Carlos tayo ngayon kakain. Bye Mica," pareho kaming kumaway sa isa't-isa habang papalayo. Nasa escalator na sila pababa kaya ako naman ay papunta sa itaas. Nagmamadali ang kilos ko para makauwi na kami. Ayokong magkita sila sa araw na ito. Dahil nga sa sinabi ko na ayokong malaman niya ang tungkol sa baby ko dahil baka mamaya kukunin niya ito sa akin. Magkakamatayan muna kami bago niya makuha ang para sa akin. Ang baby Saul ko. Pagkarating sa timezone ay agad kung nakita si Kimmy. Tinapik ko ang balikat niya para malaman niya na nasa harapan niya ako. Nagsign language ako kung nasaan sila at itinuro na nasa pinakadulo silang tatlo at naglalaro ng basketball. Nilapitan namin ni Kimmy ang mga boys at napapangiti na lang ako na makita ang anak ko na nakikisali rin sa basketball kahit hindi naman abot ng bola ang ring. "Mama!" nakita ako ng anak ko kaya inalalayan ito ni Tuko na bumaba. Pumatong na kasi ito sa kung saan ang mga bola o machine. "Uuwi na tayo anak? Ok lang ba sa'yo?" nakita ko sa mga mata niya na ayaw pa pero. "Hayaan mo muna Mica, nag-eenjoy sa paglalaro." sad ni Jackson. Nilapit ko ang mukha ko sa may tenga niya para marinig niya ako. "Nandito siya!" "Ha? Sino?" pinandilatan ko siya ng mga mata. Alam kong naiintindihan niya ako. "Really? Pinagtagpo yata kayo ng tadhana Michaella ah. Ano nalaman na ba niya na nandito siya?" tanong ni Tuko. Umiling ako. "Hindi naman dahil nakawala agad ako at sa tingin ko hindi naman ako sinusundan pero paano ito mamaya." kinakabahan na ako. "Calm down, okay? Ito na lang tatakpan na lang natin ang mukha ni Saul sa dala ko na jacket, ipasuot natin sa kanya then maglakad tayo hanggang elevator total malapit lang naman dito banda sa atin. Wag ka lang mag taranta dahil baka may makatunog pa," paliwanag ni Tuko at nakahinga ako doon sa plano niya. " Baby, babalik tayo dito sa susunod, ngayon kasi kailangan na natin umuwi baka hinahanap na tayo ni papa lolo mo mama lola. Kailangan mo ring matulog ng maaga ngayon." sabi ko sa malambing na boses. "Okay po mama," thank God at pumayag naman ang baby ko. Hindi na ako mahihirapan nito. Kinarga siya ni Tuko at nauna na silang umalis habang nakatabon ang mukha ng anak ko ng malaking hoodie ng kaibigan. Mga 15 minutes ay saka pa kami sumunod. "Let's go," niyaya ko na ang kapatid ko na kambal. Nagtataka man sila na pinauna ko na sina Tuko pero mas maganda itong mga plano namin. Kilala ni Ignacio ang mga kapatid ko kung isa sa kanila kasama si Tuko, mas mamumukhaan niya ito at baka may masabi ang mga kapatid ko though nasabi ko naman sa kanila na wala silang sasabihin tungkol kay Saul. Nawala bigla ang kaba ko ng makarating kami sa parking area. Pagkarating namin sa sasakyan ni Tuko kaya nakahinga ako ng maluwag. Pagkapasok agad namin ay nakita ko ang anak ko na natutulog na sa likuran. Kaya tinabihan agad sila ng mga kapatid ko. Binalingan ko si Tuko at nginitian, "salamat Tuko, ang laki ng naitulong mo sa akin ngayon." ani ko sa kanya. "Wag kang magpasalamat kasi kanina nagkasabay kami sa elevator papunta dito sa parking area." "Ano?" akala ko okay na, kinabahan na naman ako. "Wag kang mag-alala, hindi niya nakita si Saul. Nakatulog ang anak mo sa bisig ko habang nag-uusap kami." aniya. Sinimulan niya ng I maniobra ang sasakyan. " Hindi ba siya nagtanong?" "Hindi naman direkta na nag tanong. Sinabi lang na natutulog yata ang anak mo. Kaya ayon hindi ko na tinama ang sinabi niya dahil sa alam kong ayaw mo pang ipaalam. Tinanguan ko lang. O di ba, ang talino ng kaibigan mo Michaella. Wala pa akong asawa o girlfriend man lang ay nagkaroon na ako ng anak." ngiting sabi niya. Inirapan ko siya. "Mag-asawa kana kasi," sabi ko. "Wala pa nga akong napupusuan pero darating tayo diyan, wag kang mag-alala." aniya. "Bahala ka, anyway, maraming salamat sayo dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko kanina lalo at nakita ko siya sa elevator, nakasabay ko rin sa pag-akyat. Kaya dali-dali akong lumabas pagkabukas, mabuti na lang at hindi niya ako sinundan." sabi ko. "Kaya mo yan, ikaw pa ba. Sa ngayon bahay school muna ang anak mo at wag na munang ipasyal, saka na kapag gusto niya talaga." Tumango ako, mabuti na lang at may kaibigan akong magaling mag-isip. "Kakausapin ka raw mamaya ng manager Mica. Puntahan mo na lang mamaya sa kanyang opisina." Nginitian ko si Clare at nagpasalamat. May pasok na kami ngayon sa mall at ito minsan ang daming naggo grocery, minsan mamayang hapon o gabi na maraming mamimili. Out ako ng alas tres ng hapon at kakausapin pa ako ni Miss Santiago. Bakit kaya? May nagawa ba akong kasalanan? Hmmm, Iba ka namang mag-isip Mica. Pwede naman na kamustahin ka lang kaya I ready mo na ang reports mo mamaya. "Malapit na ang birthday ng anak mo Mica, anong plano mo?" tanong ni Yana sa akin. Alam ng mga kaibigan ko ang tungkol kay Saul at alam nila na ako lang at ang mga magulang ko ang nakagisnan niya. Ang akala nga nila dati na si Tuko ang tatay ng anak ko. Pero yon pareho naming denideny dahil totoo naman na hindi siya. Mabuti na lang at hindi na sila nagtanong kung nasaan ang ama niya, pero yun nga lang habang lumalaki ang anak ko kahawig niya ang tatay niya. Halos lahat nakuha sa kanya. Paano na lang kung naging binata na talaga ang anak ko? "Sa bahay lang Yana total wala naman silang pasok, pero before ng birthday niya sa Sabado ay magpapakain ako sa school nila ng Friday dahil for sure ang iba hindi na makakapunta sa bahay dahil malayo." sabi ko. "Wow naman, bongga naman pala ang birthday ni baby Saul dalawang beses may handaan, pupunta kami ha, kasama ko ang iba kong pamangkin sa inyo para na rin makapaglaro sila na kaedaran ng anak mo Mica, namimiss na nga nila ang bahay niyo eh." aniya. "Sige ba, no problem. Matutuwa yan si Saul dahil marami na naman siyang friends na pupunta sa bahay. Ang hilig maglaro ng anak ko. Kaya tuloy laging pawisan minsan kung umuuwi dahil nakikipaghabolan pa sa mga kalaro 'pag hapon lalo kung matagal naming sunduin sa school." sumbong ko sa kanya. "Ayos lang yan, hayaan mo muna, ika nga sa kasabihan na hayaan mo silang maging bata kasi kapag darating ang panahon na malalaki na sila ay naku hindi mo na maibabalik yung mga panahong malaya mo siyang mahahalikan at mayayakap. Ganun din tayo nung maliliit pa tayo, hanggang may natutunan na tayo, ibang pawis na ang atupagin nila kapag lumaki na sila, alam kong alam mo ang sinasabi ko mare, kaya yang anak mo wala pa nga pero marami ng babaeng paiiyakin," dagdag pa niya at tumango ako habang umiiling dahil totoo o hindi man ang sinasabi ni Yana ay hindi ko maiwasan na mapaisip ang mga bagay na yan. "Kaya nga eh, dati ayaw ko pa nga lalo at naglalaro sa labas ng bahay kasama ang mga ibang bata doon, maya-maya lagi kong sinasabihan na huwag ng tumatakbo kasi pinagpapawisan siya ay naku nakikinig ba mare? Ayaw talaga, kaya ayun hinayaan ko na lang. Minsan lang silang naging bata kaya pagbigyan natin pero make sure na hindi pa rin mawawala ang disiplina sa kanila lalo at may ginagawang hindi maganda." sabi ko.   Tapos na ang office hour namin ni Yana kaya naghahanda na kami para sa out namin pareho. Si Clare at Marie ang next namin na magduduty at mamaya pa silang gabi uuwi, bandang 9. "Na hala babosh na mare at uuwi na ako. Nandiyan na ang sugar daddy ko na wala namang pera, tanging ambag lang ang anim na pandesal." saad ni Yana at natawa na lang ako sa pinagsasabi nitong babae na'to. "Sige pupuntahan ko muna si Miss Santiago sa office niya. Kakausapin raw ako eh." paalam ko rin sa kanya. Kumaway kami sa isa't-isa at pumanhik na ako sa 4th floor kung saan ang office ni Miss Santiago. Pagkarating ko roon ay agad akong kumatok at agad ding pinapasok. "Good afternoon po Miss Santiago, pinatawag niyo raw po ako?" tanong ko sa kanya habang tinuturo niya sa akin ang upuan. "Yes iha. Uhm. May tanong lang ako sa'yo," bigla yata akong kinabahan kahit wala pa namang tanong. "Ano po yon?" mahinahon kong tanong. "Do you want to be a secretary?" nanlaki ang mga mata ko. Seryoso ba siya? "Uhm, ano po kasi isa rin po yan sa pangarap ko dati. May naghahanap po ba?" tanong ko sa kanya. Hindi naman sa hindi ko gusto ang pagiging cashier pero 5 hours lang ang oras ko at maliit lang ang kinikita ko, unlike kung maging secretary, for sure kaya ko ng bilhan ng mga gamit ang baby ko at laruan kung gugustuhin ko at para kay papa kasama na rin ang mga vitamins ni mama at sa mga kambal. Nginitian niya ako, "Yes Iha. Ang may-ari nitong mall ay pagmamay-ari rin yang building na nakikita natin. Diyan ka sana magtatrabaho kung papayag ka." "Sige po, maraming salamat sa opportunity po. Uhmm tanong ko lang po kung bakit ako po ang napili niyo? Marami pa po sa amin na matagal na po sa posisyon nila pero bakit ako po ang nakuha?" tanong ko sa kanya at wala hindi na nagdadalawang isip na tanggihana ng pagiging secretary. "Hindi ko rin alam iha, yan lang ang sinabi sa akin at ang alam ko lang na ang anak na ang mamamahala sa negosyo dito sa Cebu. Kaya kung gusto mo, may mga requirements lang naman na kailangan at yon ang resume mo. Kailangan lang talaga nila ng secretary at para raw alam lahat ng schedule ng anak nila." paliwanag niya. Nginitian ko si Miss Santiago, "maraming salamat po Miss, bukas na bukas po ay agad ko pong isusulat ang recognition letter ko at magpapasa po agad ako ng resume. Maraming salamat po." sabi ko. Natutuwa sa biglaang blessings. "Walang anuman iha." Ngiti nitong sabi. Tumayo na ako at nagpaalam pagkatapos magpasalamat. Gusto kong tumili dahil sa excited ako na maging secretary, hindi ko alam na isang araw pinangarap ko na lang na maging secretary sa isang mayaman na tao and then now nagkatotoo nga. Baka mamaya magpapractice na ako sa harapan ng salamin, kung paano sabihin sa boss ko ang mga katagang "sir may meeting po kayo ng ganito, ganyan o ano pang pwedeng gawin bilang secretary. Isa na raw diyan ang magtimpla ng coffee o tea o kahit anong ni request ng magiging amo ko na iinumin lalo kapag may bisita. "Mama!" tawag ng anak ko habang nasa hamba ng pintuan. Nakangiti ito at nakahanda na ang kanyang mga braso para bigyan ako ng mahigpit na yakap. Kakarating ko lang at siya na ang nagbukas ng pinto. "Baby... how's your school?" tanong ko sa kanya. "Okay na okay po, mabait po ako and look at this mama oh I got a new star po, bigay ni teacher namin sa school." sabi nito na napapangiti sa akin ng makita ko ang kanyang pulsuhan kung saan nakalagay ang markang stars. "Wow naman, sobrang proud ako sa'yo anak." saad ko. Hinagkan ko siya sa kanyang noo at niyakap. Kanina pa siguro ito naghihintay sa akin. Gusto niya raw kasing ako ang unang makakita ng star na bigay ng teacher nila. "Nandiyan ka na pala, hindi pa kumakain yang si Saul, Mica. Hinihintay ka kaya sabayan mo na lang." ani mama. "Sige po ma, salamat po," magkahawak kamay kami ng anak ko na pumanhik sa kwarto para makapagbihis ako ng damit. "Ano pa ang ginagawa ng baby ko sa school?" tanong ko habang dumeretso ako sa banyo para doon magbihis at ang anak ko ay nasa kama lang namin at nagbubuklat ng libro. Sa ganyang edad ay mahilig siya sa mga libro kaya halos bumibili ako ng mga books na pang educational kapag sahoran ko na. "May pinapabasa po ang teacher namin habang kami po ay nasa harapan ng mga classmates po. That's why meron po akong stars dahil perfect po ang pagbabasa ko." ani ng anak ko. Niyakap ko siya ng mahigpit ng makalapit na sa kanya. "Take your time anak, don't grow fast okay. Mama wants to hug you pa eh and kiss your cheeks, then cuddle you like this" sabi ko habang pinugpog ko siya ng maraming halik sa pisngi at noo at maya-maya ay kinikiliti kaya panay I was ng baby ko. Napuno ng tawa ang buong kwarto namin dahil sa kanya. He is my treasure, my everything, my baby Saul.   Sabay na kaming bumaba ng anak ko para kumain na ng dinner bago ko siya patulugin. "Really Michaella?" tanong ni Marie. "Wow congrats, mare!" tili na sabi ni Yana. Masaya sila sa akin. Kaya hindi ko tuloy mapigilan na sumaya dahil kahit papano ay masaya sila na naging desisyon ko na tanggapin ang trabaho ko na bago. "Basta unang sahod, bar ulit tayo at ikaw ang maglibre, deal?" Kahit kailan talaga naging bar na nalang ang nasa bibig ni Yana. "Ay bet ko yan, mare ha walang bawian yan." sabi naman ni Clare. "Oo na, kahit ilang order pa kayo ay ako na ang bahala sa pulutan at inuman." ani ko na napatili sa kanila. Pinasa ko ang resume sa manager namin at resignation letter. "Salamat iha, makapagsimula kana bukas sa trabaho mo. Pero bago muna lahat ay ituturo ko sa'yo ang office ng bagong work mo para hindi ka matataranta kapag inutusan ka. Follow me sa kabilang building." Tumango ako at sumunod sa kanya. Ganun kabilis at hindi na inabot ng ilang araw at wala ng interview ay pasok na agad ako at talagang magstastart na ako kinabukasan? Wow naman kung ganun. Modern commercial ang design ng building. Kulay blue ang exterior color. Maganda sa mata. Pagpasok sa loob bilang lang ang painting at halaman na nasa paso ang naging design niya. Malinis tingnan. Inilibot pa ako ni Miss Santiago sa buong first floor dahil kapag may inuutos ay doon ang punta ko dahil nandoon ang ibang department kung saan o kanino ibibigay ang mga files kung meron man at ang mga pepirmahan. M_I BUILDING ang pangalan ng building na ito at M_I Mall din ang tinatrabahuan ko bago ako nagresign. Halos wala pa kaming kaalam-alam kung sino ba talaga ang may-ari nitong building dahil sobrang private ng pamilya raw nila. Kinabukasan maaga akong bumangon at nakapagluto na ng pang-almusal para sa anak ko at pamilya ko para naman kahit papano ay nasisilbihan ko ang mga mahal ko kahit sa ganitong paraan lang. Sa sobrang busy ko ay ayokong maramdaman niya na out of place siya. Kung may oras pa ako, ihahatid ko na rin sana siya sa kanyang paaralan pero ayoko namang malalate sa unang trabaho ko kaya hinintay ko na lang muna siya na magising para sabay na kaming kumain. Hindi naman halata na sobrang excited ako ah, ang aga ko ngang nakarating sa building ng M_I. Dahil alam ko na kung saan ang pwesto ko ay pumasok na ako sa loob ng opisina. Buntis daw yung dating secretary kaya pinalitan muna at ako yon pero kung maganda naman ang performance ko ay ililipat na lang siya ng ibang department at manatili ako dito kung babalik. Dahil wala pa ang boss ko inayos ko muna ang table ko, from paper to ballpen at ibang gamit pangsulat at kahit intercom ay nilagay ko kung saan ako comfortable kapag may tumawag o tatanggap ng tawag. Bali sa office ay table ko at sa boss ko ay meron pang maliit na office doon siya. Kung may kailangan siya pwede niya lang akong sinyasan dahil glass naman ang nakaharang sa pagitan namin pero hindi maririnig kung anong pinag-uusapan sa loob kapag nasa labas ka o di kaya intercom ang gamitin. Inihanda ko na rin ang notebook planner ko at ballpen, dino-double check kung gumagana at ng makuntento ay nakahinga na ako ng maluwag. Lampas alas otso na ay wala paring boss na dumating, anong klaseng may-ari ng building tapos late dumating sa opisina? Pati utak ko naiinis na dahil wala akong ginagawa, malinis na rin kasinlahat. Kung pwede lang matulog ay ginawa ko na lalo at malamig ang buong office dahil sa aircon. Bigla na lang bumukas ang pintuan. Napatayo ako bigla at handa ng batiin kung sino man ang boss ko. "Anong sabi? Pero… . di ba sabi ko na huwag na lang maghanap ng secretary ko–" agad niyang pinutol ang tawag habang nakasunod si Miss Santiago. Kunot-noo itong nakatingin sa gawi ko na pareho yata kami ng reaksyon. Hindi ko alam kung saan ako tatago o magtatago pa ba ako nito. Siya ang boss ko? Siya rin ang may-ari nitong building at ang mall? Di nga? "Michaella?" tawag niya.

 

 

chapter 14

 

Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng makita kung sino ang kaharap ko ngayon. "What are you doing here?" tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Siya ba ang anak ng may-ari ng building na'to? Bakit sa dami-daming tao ay siya pa? "I said, what are you doing in my office?" kunot-noo niyang tanong muli sa akin. "Sir si Michaella Gomeza po ang tinutukoy ng dad niyo po na bagong secretary niyo po," pareho kaming napalingon sa manager na si Miss Santiago. Pwede pa ba akong umurong? Pero.. ano ba itong pinasukan ko? "I'll talk to dad, excuse me." paalam niya sa malamig na boses at pumasok na siya sa kanyang office. Nakita ko pa sa wall glass ang matalim niyang panitig sa akin. Lumapit siya sa bintana at binaba ang venetian blinds. Nakahinga ako ng maluwag na wala na siya sa paningin ko. Aalis kaya ako, pero ka bago-bago ko pa lang at hindi pa nakapag simula ay aalis agad ako? "Miss siya po ba talaga ang magiging amo ko?" tanong ko sa manager. Nginitian niya ako at tumango. "Yes Miss Gomeza, ganyan talaga yan minsan masungit but don't worry hindi naman agad siya nagagalit kapag ginawa mo ng tama ang trabaho mo," aniya. Kahit sabihin niya ang mga bagay na ganyan ay hindi ko parin maiwasan na kabahan lalo at magkasama kami sa iisang room ng kanyang opisina. Dahil ba na may nakaraan kaming dalawa kaya ako kinakabahan ngayon, maybe iyan ang isa sa mga dahilan. Kaibahan pa ay wala man lang akong kasama dito kundi ako lang. Boring siya kung tutuusin unless siguro kung busy ka sa trabaho. Tinawag ni Mr. Baltimoore ang manager kaya pumasok siya sa loob at ako nalang talaga ang naiwan dito. Bumalik ako sa aking upuan at naghintay kung anong hatol para sa akin. Kung ayaw niya sa akin and then mas mabuti. Siya na ang bahala na bumali sa contract ko. Unless wala akong babayaran sa danyos. Pangit naman siguro na magreresign agad ako. Anong idadahilan ko sa mga magulang at kaibigan ko? Na kilala ko ang boss ko at may nakaraan kami? Na ayoko dito dahil baka magkita sila ng anak ko? God, hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ba kasi private ang impormasyon ng mga pamilyang ito. Kaya tuloy ganito ang sitwasyon ko. Nakakainis. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Tuko kung malaman niya ito, pagtawanan talaga ako ng loko na yon. Bumukas ang pintuan at iniluwa ang manager. Ngumiti siya akin, "dahil first time mo dito, ito muna ang mga papeles ang asikasuhin mo, paki file na lang ito sa pdf. Alam mo naman kung paano gamitin, right?" Tumango ako dahil sa sinabi niya. Nagpaalam na siya sa akin at ito na naman ako nag-iisa. Napalingon ako sa opisina ng boss ko. Hindi pa rin binalik sa pagbukas ang blinds sa office niya. Ano gusto mo Mica, makita ka niya? Tapos kung makita mo siya na nakatingin sa gawi mo ay akala mo hindi ka mababalisa sa pinapa assign sa'yo ng manager dahil nawawala kana at hindi ka na makakafocus dahil nandyan siya? Mabuti na lang talaga na may office pa siya kasi kung wala at nasa harapan ko lamang siya nagtatrabaho ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Pero wait, bakit naman ako matatakot sa kanya. Nandito ako para magtrabaho para sa anak ko. Wala na akong pakialam sa kanya. Matagal na kaming wala kaya bakit ako pa ngayon ang matataranta? I'll make sure lang na hindi sila magkikita ng anak ko dahil kapag nangyari yan hindi ko na alam ang gagawin ko. Binalewala ko na kilala ko ang tao na nasa loob ng office na ito at tinuon ko ang ginagawa ko sa project na binigay ng manager sa akin dahil siguro ito ang utos ng boss niya na ipagagawa sa akin. Iba itong ginagawa ko kaysa sa pagiging cashier, lalo at panay upo ko ngayon kaysa laging nakatayo. Hindi ko alam kung saan ang mas gusto ko sa dalawa, ang mahabang oras sa pag-upo o pagtayo? Ayos lang yan Mica, ang mahalaga ay parehong kumikita kahit anong ginagawa mo na posisyon sa pagtatrabaho. "Let's go," narinig kong sabi niya. Sinilip ko lang siya na papuntang pinto at agad binalik ang nga mata sa ginagawa. "I said let's go, hindi mo ba ako narinig?" Inangat ko ang ulo ko para makita siya at tinuro ang sarili ko. "Ako po ba ang kausap niyo?" tanong ko sa kanya na mas nagalit yata sa tanong ko. Luminga siya sa kanyang opisina. "Bakit may nakita ka pa bang tao bukod sa ating dalawa?" balik tanong niya. Aba'y malay ko. Akala ko kasi may kausap siya sa cellphone niya. "Pero hindi pa ako tapos sa ginagawa ko sir." saad ko at hindi pa rin tumayo para sumunod sa kanya. "Sir ha," malamig niyang sabi. Lumabas siya at galit na sinarado ang pintuan, iniwan akong mag-isa sa loob. Problema ng lalaking iyon? Nakita niya naman na may ginagawa ako ah. Sandali lang, wag mong sabihin na kapag umalis siya ay kailangan ring umalis ako baka akala niya ba na may gagawin ako sa opisina niya kapag wala siya? Eh di tingnan niya sa cctv kung totoo ang nasa isip niya. Inikot ko ang paningin ko kung meron bang cctv pero wala naman akong nakita. Eh di magpakabit siya, simple. Binalikan ko ang ginagawa ko, nasa 30 pages na ako at malapit ko na talaga siyang matapos. Maya-maya ay may narinig akong kumakatok, tingnan mo bumalik nga siya dahil hindi yata mapakali na nasa loob ako ng opisina niya at may ginagawang hindi niya gusto, pero bakit kailangan niya pang kumatok, wala ba siyang susi? Dahil patuloy pa rin sa kakatok ang nasa labas ng opisina ay tumayo na ako at para pagbuksan siya. "Hello mam, Ikaw po ba si Miss Gomeza po?" tanong ni manong na may bitbit na hindi ko lang alam kung ano. "Opo, ako po," sagot ko sa kanya. "Pinapabigay daw po sa inyo mam." sabi niya at bigla akong nalito dahil sa may inabot siya na supot na may box. "Ano po ito kuya? Para kanino po?" tanong ko dahil nalilito na. "Ay hindi niyo po ba alam? Food delivery po ako. Tapos para daw po yan sa inyo, nakalagay naman po ang name niyo dito sa receipt kung kanino po ide deliver at iaabot." Aniya. "Huh? Pero hindi po ako nag-order nito kuya at saka pa ayon sa nakikita ko ay parang mahal ito. Baka nagkamali lang po kayo." ibabalik ko na sana ang nasa kamay ko na pinigilan ako ni kuya at dumistansiya. "Hindi po mam, para po talaga yan sa inyo at wag po kayong mag-alala bayad na po yan lahat, kakainin niyo na lang po."saad niya na nakangiti. " Pero kuya, sino po ang nagpapadeliver sa akin nito?" "Ay sorry mam ayaw niya pong ipasabi." Napapailing na lang ako dahil kanina pa kami ni kuya rito. Dahil nga sabi niya na para ito sa akin ay kinuha ko na lang ito at nagpasalamat kay kuya. Hindi ko pa ito binuksan at nakatutok lang ako ng ilang minuto sa supot na nasa ibabaw ng table ko. Sa akin daw ito kaya hindi pwede na ibigay ko sa boss ko. Sino bang nagpadala nito sa akin? Si miss Santiago ba? Wow naman kung ganun, may pa free food pala ang company na ito. Pasalamatan ko siya mamaya kapag nakasalubong ko siya. Wait anong oras na ba? Kaya naman pala dahil pasado alas dose na para mananghalian. Dahil sa busy ako kanina kaya hindi ko naramdaman na tanghalian na pala. Nag-eenjoy kasi ako sa ginagawa ko kaya ngayon na amoy na amoy ko na ang ulam na nasa loob pa lang ng supot ay natatakam na ako. Binuksan ko ito at napanganga na lang ako dahil mukha siyang masarap pero hindi ko lang alam kung anong mga tawag dito. Mabuti na lang at may pangalan sa gilid ng styrofoam. Beef steak with smashed potato? Hala walang kanin? Ang isa kasi na styro ang nakalagay ay mga prutas na mix at ang isa naman ay cheesecake? Sosyal naman ang mga ito. Buong buhay ko hindi pa ako nakakakain nito. Ngayon lang, pero dahil mukhang masarap kaya itatago ko ito at ibibigay kay Saul mamaya pag-uwi ko ng bahay. Yung prutas at cheese cake na lang ang nilantakan ko habang nagtatrabaho para maipasa ko na ito mamaya. Pero habang subo-subo ang tablespoon sa bibig ko na may cake ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang boss ko na malamig pa sa yelo kung makatitig sa akin. Lumapit siya sa akin at ito ako gaya ng dati na estatwa na naman ng makita siya. Nakatayo siya sa harapan ng lamesa ko at nakadungaw sa akin. Habang ako naman ay nakatingala sa kanya dahil nga sa matangkad siya at nakaupo lang ako. "Tapos ka na ba sa ginagawa mo?" tanong niya sa akin. Papalit-palit ang tingin niya sa mata ko at sa kutsarita na nasa bibig ko. The heck. Umiling ako dahil hindi pa, pero malapit na. Gusto kong sabihin pero hindi talaga ako makagalaw kahit man lang sa pagkuha ng bagay sa aking bibig. "Then, pagkatapos mo dyan. Dalhin mo iyan lahat sa loob para mapermahan ko, maliwanag?" Sabi niya habang nilalapit niya ang kanyang kamay sa aking mukha at ang akala ko sasakmalin niya ako kaya napapikit ako, yon naman pala may pinunasan siya sa aking ibabaw na labi.   Kaya napadilat ako bigla, "May lumampas na cake sa bibig mo," agad kong tinabingi ang ulo ko at dinala ang mga daliri sa gilid ng bibig ko baka meron pa. Parang gusto ko na lang yatang magpalamon sa ilalim ng lupa dahil sa kahihiyan. Pumasok siya sa loob ng opisina at iniwan akong tulala. Shit lang talaga. Bakit naman ganito ang naging araw ko? Nawalan tuloy ako ng ganang kumain kaya hindi ko na lang tinapos ang kinakain ko at niligpit din ito, lumabas na muna ako ng office para pumunta ng comfort room. Habang nasa loob ng toilet cubicle ay may narinig akong boses na papasok ng cr kaya imbis na lalabas na ako ay nagkunwari akong hindi pa tapos. Nasa pinaka dulo ako pumasok kaya kung gagamit man sila ay meron naman sa iba na malapit sa pinto. Apat kasi ang toilet cubicle nila dito. "Ay oo nga sis, ang gwapo nga pero grabe naman kasuplado yang boss natin. Kailan kaya yan sasapian ng kabaitan sa atin. Siya na nga lang ang pumalit sa tatay niya akala ko pa naman madali na natin kaso hindi pala tayo bagay, lagi tayong tinatablahan ng kanyang kasungitan." narinig ko na sabi ng isa. "Ay oo nga, ilang babae na kaya ang pinaiyak ng boss natin." sabi naman ng isa. "Ay ewan ko na lang, bahala na kung paiyakin niya ako basta sa kama lang dapat, anong masa say niyo mga sis?" wika naman ng isa. Hindi ko alam kung paano ko tatakpan itong tenga ko sa mga narinig, bakit ganyan sila kung makapagsalita sa mga boss nila. Sino namang amo ang tinutukoy kaya nila? Si Ignacio kaya? O baka ibang departamento ang tinutukoy nila na boss, sana lang dahil kung siya ay… ay.. wait anong pakialam ko kung nakipaglandian siya sa iba at magkagusto. Wala na kaming dalawa, matagal na at kaunti na lang ay hihilom na ang mga sugat dulot ng kahapon na nagdaan namin. Kaya bakit feeling epektado pa ako? Nakaalis na sila saka pa lang ako nakalabas ng toilet. Nagmamadali na akong nagtungo sa opisina at baka masermonan pa ako. Pagbalik ko sa table area ko ay nagulat ako sa patong-patong na papeles na naroon. "Hala anong gagawin ko dito?" bulong ko sa sarili ko. Napalingon ako sa pagbukas ng pinto at nakita si Ignacio na matalim na naman nakatitig sa akin. Lagi na lang talagang ganyan siya makatitig sa akin. Parang ahas na handang manuklaw. "Where have you been?" tanong niya. "Comfort room lang po boss," tingnan mo kunot noo paring nakatingin sa akin. "Tapusin mo yan hanggang kaya mong tapusin , then send me an email for Mr. Chua proposal." aniya at iniwan akong tulala sa mga papel na narito. Hala dapat 6 pm pa lang ay nasa bahay na ako niyan. Paano ito? Bahala na, ganito ba talaga ang trabaho ng mga secretary? Gosh hindi pa naman yata ako mababaliw nito. Binaling ko ang tingin sa opisina ni Ignacio at hindi ko man lang namalayan na nakaangat na pala ang blind curtain. Nakaupo sa silya niya habang may binabasa, kung katulad pa ito dati na kapag nakikita ko siya ay dinodrawing ko na agad kung ano ang ginagawa niya sa mga oras na ito ay ginawa ko na rin sana ngayon, pero hindi na siya special. Puro galit ang nasa puso ko pero kahit anong gawin ko ay hindi ko kayang magalit sa kanya ng lubusan lalo at nakikita ko palang siya ay mukha na ng anak ko ang nakikita ko. Hay naku, bakit ba kasi sila magkamukha. Lugi naman ako na ako ang kasama niya sa tiyan ko ng siyam na buwan tapos mukha lang ng lalaking iyon ang maging kahawig niya? Cannot be. Sinimulan ko na ang pinapagawa niya para naman kahit papano ay may matapos akong ilang pages man lang bago umuwi. Ngunit wala pa nga ako sa kalahati ay pagod na ang mga mata ko sa kakatutok sa screen ng computer tapos ang binabasa ko na letra ay maliliit pa. Bahala na, gawin ko na lang sa abot ng makakaya ko. Kaysa naman wala akong mapasa ngayon na report. Sabi naman niya na hangga't saan ang kaya mong tapusin, o di ba…kaya kailangan ko ng umpisahan. May pumasok na tatlong lalaki sa opisina niya kaya ito nagtitimpla ako ng kape para sa kanila. Pagkatapos kung magtimpla ay pumasok na ako ulit sa office. Nilapag ko sa maliit na table kung saan sila nakaupo sa couch ang kanilang mga kape, "Tinanggap mo ang isang proposal na dito lang gagawin na project sa Cebu pero yung sa Cagayan ay ayaw mo, iba ka rin bossing. Ano ba ang meron sa Cebu na ito na agad kang pumayag sa contract ni Daffodilon, tapos yung sa akin ay ayaw mo?" rinig ko na sabi ng lalaki naka office suit din. Alam kong nakatingin sila sa bawat kilos ko kaya dinadasal ko talagang hindi tumapon ang kape dahil nakakahiya kapag nangyari. Baka wala na akong mukha para humarap pa sa kanila. Laking pasalamat ko na wala namang nangyari. Naka tayo ako sa bandang likuran nila dahil baka may ipapautos pa pero, "You may go Gomeza," rinig ko. Hindi ko na hinintay na ulitin niya pa kaya lumabas na ako habang patuloy parin sila sa pag-uusap. "Anong pangalan niya bro?" narinig ko pa bago sinarado ang pinto.   Bumalik ako sa lamesa at ipinagpatuloy ang mga gagawin ko, mabuti na lang at binalik pagbaba ang blind curtain at hindi ako maiilang na may mga pares ng mga mata na nakatitig sa akin. Mag-isang oras na siguro na nasa loob pa ang mga bisita at hindi pa nakalabas. Para saan kaya ang pinag-usapan nila? Biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bag ko nakalagay, nilabas ko ito para makita kung sino ang tumawag. Si Tuko. Pinindot ko ang green button para sagutin ang tawag niya. "Hello Tiki, kamusta? Papunta na naman ako sa bahay niyo, magdadala ako ng mga prutas na pinitas namin ng kasamahan ko sa bahay sa farm ng amo ko at sabi niya na ipamigay ko raw kaya ito." bungad ni Tuko sa kabilang linya. Ang swerte ko talaga sa kaibigan na ito, naiisip niya agad kami. " Sige ba, maraming salamat." "Anong oras ka ba uuwi, susunduin ka namin ng anak mo," aniya at bigla naman akong kinabahan dahil baka totohanin ni Tuko. Hindi pwede. "Wag mo na akong puntahan dito, ako na ang uuwi mag-isa mamaya, magtataxi lang ako kaya chill ka lang diyan. Saan ka ba ngayon banda? Si baby na lang ang sunduin mo at umuwi na kayo agad para makapagpalit na ng damit ang pa lalove ko." ani ko kay Tuko na ngayon natatawa sa kabilang linya. "Ay sayang, ito na nga nasa tapat na ako ng paaralan ng mga bata at sinusundo ko na sila." nakampante ako dahil sa sinabi ni Tuko. Alam niya kasi na sa ganitong araw ay hanggang 3 o'clock lang ang klase ng anak ko. "Maraming salamat Tuko, wag na baka mamaya kung pupunta pa kayo dito ay mababangot lang ang mga bata. Isa pa may tinatapos lang ako ngayon." sabi ko sa kanya. "Ano? Nagkita na ba kayo ng amo mo? Mabait ba siya at maayos ang pakikitungo niya sayo?" sunod-sunod na tanong niya. "Basta , mamaya ko na ikekwento sa'yo Tuko kapag nasa bahay n–" " Hi Tito gwapo!" narinig na sigaw ng anak ko. "Hi handsome, get in. May gustong makipag-usap sa inyo sa cellphone." "Talaga po, si mama!?" tili ng anak ko ang narinig. "Hi mama, I miss you po," pinigilan ko na maging emotional lalo at nandito pa ako sa opisina, masaklap pa sa building pa talaga ng kanyang ama. "Hi baby! Mama misses you too. How are you and school?" tanong ko sa anak ko. Narinig ko na sinimulan ng pinaandar ni Tuko ang sasakyan. "Meron ulit akong star mama, ipakita ko po sa inyo mamaya then school is okay. Hindi naman po ako pasaway at lagi po akong good." saad nito. Gosh, gusto ko na talagang umuwi para makayakap ko na ang anak ko, kahit kasama ko naman siya kagabi at kaninang breakfast ay gusto na ulit siyang makasama. "Alright! See you tonight baby." "See you po mama. I love you so much," sabi nito. Napangiti ako dahil sa sobrang sweet ng anak ko. "Okay see you and I love you more baby," sagot ko at dahil pinatay niya na ang tawag kaya binaba ko na rin ang cellphone ko at pag-angat ko ng mukha ko ay nasa labas na ang bisita at si Ignacio na kung kutsilyo lamang ang mga matalim niyang panitig sa akin ay baka nasaksak na ako ng paulit-ulit. Narinig kaya niya ang boses ng anak ko? Patay. "Nasa office hour ka pa kaya bawal mo na ang makipag chismisan sa cellphone," saad niya bago humakbang palayo kasama ang mga kaibigan. The heck.

 

 

chapter 15

 

Ito na naman ako sa opisina ng M_I building at kakarating ko lang. Ibang araw, ibang assignment at ibang sermon na naman ang matatanggap ko sa bago kong boss slash dating kasintahan. Kasintahan ko ba siya dati? Nagpapanggap lang naman kami at sa pagpapanggap ay ayon may nabuo kaming dalawa. Si baby Saul, my precious one. Napatalon ako sa kinaupuan ko dahil biglang bumukas ang pintuan ng boss ko. Bigla yatang naghahabolan ang pintig ng puso ko dahil sa pagkabigla at kaba. Wearing his white polo na nakatupi sa kanyang siko at naka tack-in sa kanyang black slacks at pinaresan ng black shoes staring right at me. Ang aga ko ngang pumunta sa office pero mas may maaga pa nga sa aming dalawa. Tapos siya pa talaga na boss ko. Wag mong sabihin na dito siya natutulog, may minsan kaya o may araw na narito na talaga siya at hindi na umuuwi. Hmmm paki ko ba sa kanya. "G. good morning sir. Coffee?" tanong ko. As usual wala na ang dating turingan namin kundi bilang amo at empleyado na lang. Minsan mabait, minsan ang sungit, wala naman akong ginagawang mali sa mga reports ko. Napapansin ko yan lalo kung may kausap ako sa cellphone ko, tatambakan niya ako ng maraming gawain. "Come with me," malamig na boses na naman ang sumalubong sa akin at hindi ako sinagot kong magco coffee ba sa umaga o tea. "Y. yes sir," nauutal ko na naman na sagot. Hay naku ewan ko sa'yo Michaella para kang temang niyan. Lagi kang nauutal na siya lang naman ang kausap mo. Para kang dating Michaella na hindi mapakali kapag nasa tabi mo na ang crush mo at walang iba kundi ang lalaking ito kung saan nakasunod ako. Pinantayan ko ang paglalakad ko para makausap ko siya at marinig niya ang sasabihin ko. Binuksan niya ang elevator at sabay na kaming pumasok, sinilip ko ulit ang book planner ko para sure ako sa sasabihin ko sa kanya at hindi ako magkamaling magbanggit ng pangalan. "Excuse me sir, bandang 10 o'clock this morning may meeting po kayo ni Mr. Salvejo hanggang 12 o'clock noon at bandang 3 o'clock naman in the afternoon may business meeting naman po kayo kay Architect Asuncion." ani ko. Tiningnan ko siya dahil wala man lang akong marinig na ok o kahit anong tunog man lang na sumang-ayon siya o hindi siya pupunta. "Sir?" tanong ko dahil titig na titig ito sa akin habang nakasandal ang kanyang likod sa elevator. Tumingin siya sa mga mata ko. "Sino ang kausap mo kahapon? Napapansin ko na madalas kang may kausap sa cellphone mo kapag hapon?" tanong niya na napatigil sa akin at hindi ma proseso agad ang sinasabi niya. "Next time, kapag office hour pa ay ipinagbabawal ang gumamit ng cellphone unless kung emergency." aniya. Umirap ako sa isipan ko. Kung alam mo lang kung sino ang kausap ko, ewan ko na lang sa'yo. "Sorry sir," yun na lang ang tanging salita na lumabas sa bibig ko. Ayoko ng palakihin pa kung ano man ang tumatakbo sa isipan niya. Nakalabas na kami ng elevator at pinauna ko na siyang maglakad at nakabuntot lang ako sa kanya dahil sa bilis niya na parang nagmamadali. Binuksan kami ng guard sa may lobby at derecho lang siya sa paglalakad. May hinahabol yata ito na schedule, siguro importante ang meeting niya mamaya. Pero teka, saan ba kami nito pupunta? Nasagot rin ang katanungan ko na pumasok siya sa mamahaling restaurant. Again. Dito na naman, hindi ba siya nagsasawa na parating nandito kumakain? Dati kumakain naman siya sa may isawan ah. Iba na talaga ang nagagawa ng bilyonaryo. Umupo na kami pagpasok at agad tinawag niya ang waiter. "What is your order?" tanong niya habang pumipili rin sa book menu. Jusko tatlong kainan ko na ang mga itong presyo. "Pwede bang tubig na lang kung free yon pero kung hindi wag na lang," ani ko habang nakatitig pa rin sa menu na wala ng naiintindihan sa mga pangalan ng ulam. "What?" "Kasi ano, nakakain na kasi ako kanina bago umalis kaya medyo busog pa ako." sagot ko. "Edi, take-out mo na lang at saka mo pa kainin mamaya, lalo at may meeting ako at…basta,," masungit niya na sabi. Umirap ulit ako sa isipan ko knowing na hindi ko talaga alam kung anong palusot ang gagawin ko. Ang mahal kasi kaya naiinis ako. Pero pwede rin naman pala, iuuwi ko na lang mamaya sa bahay total baka mamayang tanghalian ay may magbibigay na naman sa akin na ulam sa hindi ko pa kilala kung sino ang nagpapa deliver. Pero sana naman mamaya ay may rice na, lagi kasing walang rice kapag may nagdedeliver, ano sa tingin niya sa akin? American? Italian? Na hindi na kailangan ng rice? Pambihira. Minsan pa naman ang sarap ng ulam na binigay sa akin tapos kailangan ng rice kaya imbis na nasasarapan ako sa kinakain ay naiiyak na lang ako sa frustration na walang rice, minsan tinatamad na akong bumili sa labas, minsan naman nakalimutan kong magdala lalo kung nagmamadali ako sa pagpasok. "Hindi ka talaga kakain?" tanong niya habang nagsimula ng kumain. "Hindi na," ngumiti ako na umiling sa kanya kahit hindi naman niya ako tinatapunan ng tingin. Ngumuso ako, what a cold billionaire? Tsk. "Thank you dito sa kape," sabi ko habang dino-double check ko ang planner baka may nakaligtaan ako ngayong araw o sa susunod na schedules baka may naisingit palang schedule niya. Isa pa, ayokong nakatingin lang sa kanya habang kumakain dahil baka bigla akong gutumin at mapakain na lang talaga ako. "This coming Saturday, samahan mo ako sa Manila dahil may meeting ako doon kay Ms. Garcia." aniya."I need you there." hala bakit naman biglaan. "Mga ilang days po ba tayo doon, sir?" tanong ko dahil hindi yata ako mapakali na iwan ko ang anak ko. Nasanay yun na nasa tabi niya ako kapag matutulog. "3 days and 2 nights," sagot niya. "Sige try ko po," wika ko. "Anong try ko po? You'll be there with me sa ayaw o gusto mo dahil marami akong business proposal na gagawin and I need my secretary to be there." may awtoridad niya na sabi. Hindi ko alam kung ilang pang-irap na ba ang ginawa ko sa araw na ito dahil lang sa lalaking kasama ko ngayon na daig pa ang lion kung magalit. "Ok," no choice na eh, sana maintindihan ng anak ko. "Good, sabihan mo lang ang anak mo at asawa na sasama ka sa akin para hindi sila magtanong na wala ka." Bigla na naman akong napaupo ng maayos dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman na may anak ako? Sino naman ang tinutukoy niya na asawa ko? "Excuse me? A. anak? Asawa?" nababalisa ko na tanong na halos hindi ko na malagok ng tuluyan itong kape na iniinom ko. "Akala mo hindi ko alam, kaya pala nandito kana sa Cebu dahil dito pala kayo bumuo ng pamilya ni Jackson, akala ko nga yung gagong lalaki na humalik sa'yo ang nakatuluyan mo dati," sabi niya bago tumayo. "Let's go Gomeza, may meeting pa ako." pinakawalan ko ang pinigilan ko na hininga ng mauna na siya sa akin naglakad at binalewala ko na lamang ang sinabi niya na anak at asawa ko. Akala niya ba? Sabi ni Tuko na nagkita sila sa elevator at wala namang na mention si Tuko sa akin ang tungkol sa bagay na yan. Doon pa lang ba, inakala niya na… na si Tuko ang ama ng anak ko? The heck. Sinundan ko siya hanggang makarating kami sa opisina niya. Kinuha niya lang ang gamit at coat niya sa loob at umalis na wala man lang paalam na aalis na siya. Nasabi naman niya kanina na sa loob lang ako ng opisina at tapusin sa pag fafile ang mga papeles para pepermahan na naman niya kapag may oras siya mamaya o bukas. Binalingan ko ang opisina niya na nakabukas ang blind. Tahimik dahil walang tao. Wala naman siya kaya para maaliw ako at hindi malungkot dahil ako na lang mag-isa sa opisina kaya binuksan ko ang fm sa aking cellphone at sinet sa radio station na gusto ko at hinayaan na maingay sa loob dahil sa tugtog at boses ko na sinasabayan ang pagkanta kahit sentunado. Lalabas lang ako kapag pupunta ng cr o di kaya magtimpla ng kape. Walang pasok bukas kasi Sabado kaya naisipan na naman namin ng mga kaibigan ko na magbar. Kapag wala ng pasok ang mga bata ay magbabakasyon kami, kung gusto ng mga bata. Pero kung walang plano ay mas mabuti at sa bahay na lang manatili. Nakahanda na rin ang darating na birthday ni Saul kaya super excited ako na mabigyan ko na naman siya ng regalo. Bumalik si Ignacio sa opisina bandang ala una ng hapon at basi sa itsura niya ay pagod ang billionaire. Nagpatimpla siya ng kape sa akin dahil hindi pala siya naka order kaninang umaga. Natapos ko na rin ang ginagawa ko at nilapag ko na ito sa kanyang table office. "Matulog ka muna kung pagod ka at inaantok, gigisingin na lang po kita before mag 3 o'clock," saad ko. Paano ba kasi, nakapikit ang mga mata habang nasa baba niya ang palad na tinukod niya ang kalahating braso sa lamesa. "Yeah, I guess I need to rest." tumayo siya sa kanyang swivel chair at pumunta sa coach at doon humiga. Lalabas na sana ako ng kanyang opisina at mag-aalarm na lang ako ng oras para sa next meeting niya mamaya ngunit bago ko pa buksan ang pintuan ay tinawag niya ang pangalan ko. "Po? May kailangan pa po ba kayo, sir Baltimoore?" tanong ko sa kanya ng makalapit. Dinungaw ko siya habang ang isang braso ay tinakpan ang kanyang mata para yata makatulog. "Just stay at dito muna tapusin ang trabaho mo, para mamaya madali mo na lang akong gisingin," huh? Nakain nito? "S. Sige… sandali kukunin ko lang ang mga gamit ko." nauutal ko na naman na sabi. Habang may ginagawa ako ay natutulog naman ang boss ko. Pero dahil ipinagpatuloy ko pa rin ang pakikinig ng music sa cellphone ko pero naka headset para ako lang nakakarinig at hindi magising si cold billionaire pero yun nga lang bumigat naman ang talukap ng mga mata ko. Inaantok na rin ako lalo at mellow ang pinapatugtog ko. Sinubsob ko ang ulo ko sa lamesa dahil wala naman akong ginagawa na. Natapos ko na kaya ito naghihintay na lang sana ng oras para gisingin ang boss ko. Napabalikwas ako ng bangon, "shit anong oras na? Bakit ako nandito sa couch at nakahiga? Si boss?" Kausap ko sa sarili ko. Si boss saan na yon pumunta at bakit nasa couch na ako, di ba kanina nasa table lang ako at doon nagpahinga? Don't say, nilipat ako ni Ignacio dito, shit lang baka ma sermonan na naman ako nito mamaya na hindi ko siya ginising. Lagot na naman ako nito. May narinig akong nag click ang pintuan kaya dali-dali akong tumayo at bumalik sa table kung saan ako nagtatrabaho kanina. Handa na ang sasabihin ko sa kanya. Pagkabukas ng pinto ay agad akong tumayo at nakayukong nagsalita dahil baka magkamali ako sa pagsabi kung nakatingin ako sa mga mata niyang nakakatusok. "Sorry boss, nakatulog ako kanina kaya tuloy hindi kita nagising. Patawarin niyo po ako!" sunod-sunod na sabi ko. Inangat ko na ang ulo ko para salubungin ang kanyang matalim na tingin na lagi niyang ginagawa kapag wala siya sa mood pero naging jelly yata ang mga tuhod ko ng makita ko kung sino ang nasa loob. "You? Teka… I think I know you?" sabi ng lalaking kulot ang buhok at nakabonnet. "Di ba ikaw yung kaklase ni Ignacio at Shemaia, dati?" tanong naman ng naka military cut ang buhok. Sasagot na sana ako na bigla na lang bumukas ang pinto at pumasok si Ignacio, matalim na naman itong nakatingin sa akin as usual at lumipat sa dalawang lalaking dumating. "What are you guys doing here?" tanong niya sa dalawa, imbis na maindak dahil sa malamig pa sa yelo ang tunog ng boses ni Ignacio sa kanila ay ngumiti lamang ang mga lalaki. "Easy dude, hindi ba pwedeng na miss ka lang namin kaya kami nandito?" sabi nung kulot na buhok. "Yeah, kailan ka ba babalik ng Maynila para puntahan si Shemaia? Na miss kana n'on. May ipapadala sana ako na tuyo, nag request siya eh at saka bagoong." ani naman ng isa na nakangisi. "The fuck, sa dami-dami niyong pinapadala, diyan pa talaga sa dalawang na ayaw ko. Baka mangamoy yan sa bag ko at sa eroplano. Malilintikan kayo sa akin," mura ni Ignacio sa kanila. So, si Shemaia ang nakatuluyan niya? Kasal na siguro sila at doon siya sa Manila naka destino habang ang asawa niya ay nasa Cebu. Nakaramdam ako na parang pinipiga ang puso ko, hindi para sa akin kundi para sa anak ko. Baby Saul, kontento ka naman sa akin anak di ba? Kapag darating ang panahon na hahanapin mo siya sa akin ay sasabihin ko sayo kung sino siya pero sorry lang na hindi na minsan maging kumpleto ang inaasam mo na pamilya kapiling ang tunay mo na ama, sana kontento ka na sa amin anak ko. Nag-excuse ako at para pumunta ng comfort room. "Di ba girlfriend mo 'yon dati?" Narinig ko bago ko sinarado ang pinto. Hindi ko na sinilip sa loob at derecho na akong lumabas para makahinga naman ako ng maluwag.   Pagbalik ko sa table ay nakatingin ako sa gawi ng opisina, hindi ko makikita kung nasa loob pa sila dahil nakababa na naman ang blinds. Umupo ako sa swivel chair ko at sinilip na lang ang mga email sa laptop at baka meron palang pinadala ang mga clients. Pagsapit ng hapon ay umalis na ako para makauwi. "Anong oras? Huwag lang tayong magpagabi ha dahil wala si Jackson, umuwi ng probinsya kaya you know naman wala akong driver." sabi ko sa mga kaibigan ko na nagkakayayaan na mag ba bar na naman mamaya. "Ok sure, punta lang tayo doon at lumanghap ng sigarilyo at alak then uuwi agad," natatawang sabi ni Marie. Itong babae talagang ito. "Ok ba, doon parin sa dati dahil may artista na galing sa Maynila ang magpapatugtog bago magsayawan o getting wild sa dance floor, you know." ani naman ni Yana. Sumang-ayon naman ako sa kanilang sinabi. Pinakain ko muna ang anak ko na kasama ako buong pamilya at pinatulog siya bago ako umalis. Alam naman niya na aalis ako pero hindi ko sinabi na pupunta ng bar at baka ma conscious kung ano iyon. Ang sabi ko lang na bonding moment with my friends at tumango lang naman siya at ang nagugustuhan ko sa kanya na walang sawa niyang sinasabi na mag-iingat ako at I love you niya. "Woooh. more. more!" sigaw ng iba lalo ang mga kababaihan at ang mga kasamahan ko dahil sa bandang nagpapatugtog ngayong gabi, walang iba kundi ang Elizcalde band na nabasa ko pa na nakaprint sa kanilang mga instruments at t-shirts. Nakatingin lang ako sa kanila na minsan sinasabayan ang mga song hits nila na kanta. Minsan naririnig ko lang yan sa fm station o kahit saan tapos ngayon nasa harapan ko na mismo ang kumakanta kaya nakakatuwa naman na narito sila sa harapan ko. Tatlong playlist nila at saka pa sila tumigil, kaya na pabalik sa upuan ang mga kasamahan ko. "Grabe ang gagwapo at ang ha hot talaga ng mga bandang Elizcalde, gosh dami kong kuha na pictures sa kanila," tili na sabi ni Bethy at ganun din ang sinabi ni Clare. "Tapos ang babae na ito nakaupo lang dito ay siya pa ang napansin ng vocalist." ngising-aso na sabi ni Marie. Paano ba naman kasi habang panay kuha sila ng pictures at sumisigaw na para mapansin ay nasa table lang ako at mahinang umiinom ng tequila na pinaparinggan ako ng vocalist na broken hearted yata daw ako dahil nag-iisang uminom at hindi sumasabay sa mga tugtugin at parang tulala. Napahiya tuloy ako na natanto ko na ako pala ang minention niya. "Kaya nga, how to be you po ba Michaella Gomeza?" pabirong tinulak ni Yana ang balikat niya para tumama sa balikat ko. "Wala lang naman, just to be yourself lang." sabi ko na napa eww lang sa kanila. Cheesy ba yon? "Let's dance na!" sigaw ni Bethy. Dahil nga sa ayokong tatawagin na killjoy ay sumunod ako sa kanila para sumayaw. Habang pilit kong ginigiling ang katawan ko ay sinilip ko sa second floor na kung saan nakita ko si Ignacio dati na ilang taon na wala na akong balita. Wala siya doon, hindi siya pumunta ngayon. Bakit nakaramdam ako ng inis dahil sa wala siya. Wala rin si Tuko. Paano ako makakauwi ng bahay, sa aming magkakaibigan ay mas malayo pa yung bahay ko kaysa sa kanila na ilang kilometro lang ang layo. Nakakahiya naman na magpahatid pa ako kay Dino na tahimik lang sa tabi ng upuan. Di bale, magtataxi na lang ako at kailangan iwasan ko ng uminom ng alak baka mamaya hindi kami magkaintidihan ng driver kung saan niya ako ida drop-off. Nag-uusap kapag nasa couch na kaming mga kaibigan then kapag nakaipon na ng energy ay balik naman agad kami sa dance floor hanggang mapagod. Meron din spin a bottle na nalalaman itong barkada at ang laging taya ay si Claire. Hanggang bumalik na naman kami sa dance floor at sumasabay na naman sa tugtugin. Inangat ko ulit ang ulo ko baka nasa itaas na ang lalaking kanina ko pa hinahanap pero nanlaki na lamang ang mga mata ko na makita ang nandoon. Wearing her red dress na hapit sa katawan na kita na halos ang kanyang utong sa damit habang may hawak ng kopita na may laman na alak at sa kabilang kamay naman ay sigarilyo. Nilagay niya ito sa kanyang bibig at maya-maya binuga niya ang usok habang nakatitig sa akin. Ngumisi siya na parang pinapaalam niya sa akin na nandiyan na siya at handa ng gumanti. Ibang-iba na rin siya sa ayos at porma niya. Hindi ako nagkakamali, siya ito… "Eula."

 

 

chapter 16

"Mama! mama, gising na po," ingay ng anak ko ang nagpagising sa akin. Minulat ko ang mga mata at nakangiting dumungaw si Saul. "Mama, gising na po, magsisimba pa po tayo ngayon!" natatawa na lang akong makita siyang handang-handa na para magsimba, samantalang ako ito kakagising ko pa lang. Nakarating ako kagabi galing sa bar bandang alas onse na, hinatid na kami ni Dino dahil hindi pwede na mag tataxi ako na mag-isa. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isipan ko na nakita ko si Eula, hindi ako nagkakamali, siya talaga yon. Bakit siya nandito sa Cebu? Sinusundan niya ba ako? "Mama, let's go. Ikaw na lang ang hindi nakapag bihis, kanina pa ako." nagdadabog na ang anak ko. Napapangiti na lang ako dahil ganito din minsan ang ama niya. Kapag pumupunta yon sa bahay at may lakad kaming dalawa, umabot na lang kami ng 30 minutes o mahigit pa bago umalis ng bahay dahil ang bagal ko. Hindi naman ako matagal sa pag mamake-up dahil lipstick ayos na ako, tinutulungan ko pa kasi sina mama sa mga gawaing bahay. Kahit tinataboyan na ako ni mama ay sige pa rin ako ng sige. Wait, bakit ba pumasok sa isip ko ang lalaki na yon?. Wala na kami kaya dapat hindi ko na alalahanin pa ang nakaraan namin. Dahil malapit ng malukot ang mukha ng anak ko kaya nagmamadali na akong pumunta ng banyo. Linggo ngayon kaya ipapasyal ko ang anak ko dahil wala ako next week ng tatlong araw at dalawang gabi. First time kung mawalay sa anak ko kapag natuloy nga. Kung hindi ko lang kailangan ng pera ay hindi na talaga ako sasama. Nakapagsimba na raw sina mama at papa kanina, kasama ang mga kambal. Dahil nasabihan ko na ang anak ko na mawawala ako dahil sa trabaho kaya nag suggest na lang ako na ipapasyal ko siya at tuwang-tuwa nga at sa sobrang excited ito na ready na siya sa kanyang white polo with black pants at white shoes na damit. Siya na lang ang nagbibihis ng sarili niya, hindi na talaga siya yung dating baby ko na ako lahat, ngayon marunong na siya. Minsan nga ay sinasaway pa ako dahil alam na niya daw ang ginagawa niya. Ni minsan hindi talaga ako binibigyan ng sakit ng ulo ng anak kong ito eh, kahit sa school niya, lagi niya na lang pinagmamalaki ang kanyang maraming star. "Ok na ok na, magbibihis na si mama, malapit na akong matapos maligo!" sigaw ko sa loob ng banyo para hindi na magtampo. Lumabas na muna siya at ang batang yon, inorasan pa talaga ako. "Ma, ipapasyal ko lang po muna si Saul pagkatapos magsimba kaya siguro hindi na kami dito maglulunch, baka dinner dito po, alam niyo na.. wala ako next week ng ilang araw at first time kung mawalay sa anak ko, kaya kailangan kong maglambing," sabi ko habang kumukuha ng sachet ng kape. Iinom muna ako nito bago umalis para hindi sumakit ang ulo ko at makatipid kaysa bibili pa sa labas. Napabuntong hininga si mama kaya nilingonan ko siya, nakatitig na pala sa akin. "Hindi mo ba ipaalam sa kanya anak ang tungkol kay Saul?" bigla na lang akong huminto sa paglalagay ng mainit na kape sa baso dahil sa sinabi ni mama. Sinabi ko kasi sa kanya na ang boss ko ay dating kasintahan ko. "May karapatan siyang malaman ang tungkol sa anak niyong dalawa Mica. Lumalaki na si Saul, alam kong maraming katanungan sa isipan niya lalo na at nag-aaral na ang bata, pero ang maganda lang sa kanya ay hind ka niya kinukulit. Sa tingin mo na ayos lang sa kanya pero hindi anak, matalino ang anak mo. Alam niya ang nangyayari sa paligid niya," sabi ng mama ko. "Mama?" "Kaya mo yan anak, itanong mo rin kung bakit niya ginawa ang bagay na 'yon," aniya habang hinahaplos ang aking balikat. "Hindi ko pa kaya ma, paano kung may gagawin s'ya sa anak ko? Paano kung ayaw niyang maniwala na anak niya si Saul, kasi di ba? Siya ang dahilan ma kung bakit kamuntikan akong makunan, siya ang dahilan kung bakit lagi akong balisa na akala ko kapag makakita ako ng tao pulis ay huhulihin nila ako dahil sa ginawa ko sa babaeng iyon." Simula nung nangyari sa akin at medyo gumaling na ako ay sinabi ko na sa kanilang dalawa ni papa ang nangyari sa akin 6 years ago. Hindi madali na sa isang iglap, yung taong alam ang ibang pangarap ko ay siya rin ang taong sumira. Nagising ako at agad minulat ang mga mata, hindi ito ang bahay namin. Bakit nandito ako? Teka bakit nakagapos ang mga kamay ko ngayon? Anong nangyayari? Pinilit ko ang sarili ko na makawala sa pagkakagapos, bandana yata ito o tela lang ang ginawang pantali sa kamay ko. Teka, si Ignacio? Bago ako nawalan ng malay ay nakita ko pa siya sa hindi kalayuan. Pumayag siya na makipag-usap sa akin pero bakit narito ako at bakit niya ako iniwan sa malamig na sahig, gawa ng bamboo. Nasa maliit ako na kubo kung saan dito kami pumupunta ni Ignacio kapag wala kaming maisip na pupuntahan pero bakit nagawa niya sa akin ito. Anong plano niya? "Ignacio! Ignacio!" tawag ko at nagbabakasakali na balikan niya ako. "Ignacio, tulong! Nasaan ka?" sigaw ko parin sa pangalan niya. Maya-maya may bumukas na pinto. Inangat ko ang tingin ko at hindi si Ignacio ang bumungad sa akin. "Sino ka?" tanong ko dahil hindi ko masyadong maasinag ang mukha niya dahil ang buwan lang ang tanging ilaw ko. Hindi sinagot ang tanong ko kundi tumawa lang ito. Boses babae. "Ang tanga mo naman Michaella, remember me?" Pilit kong tinititigan siya kung sino ang babaeng nasa harapan ko. Na matanto kung sino ito ay bigla akong natakot. Bakit siya nandito, bakit ako nagkaganito? Anong nangyari sa kanya? Hindi na siya ang Eula na nakilala ko dati na parang reyna ng campus sa school na halos lahat ng estudyante ay takot sa kanya. "Anong kailangan mo sa akin? Bakit Ikaw ang nandito? Nasaan si Ignacio?" sunod-sunod na tanong ko. Pilit pa ring tinatanggal ang nakagapos sa aking mga kamay na nasa likod. Iba ang pakiramdam ko dito sa babaeng ito. Isa pa, baka hahanapin ako ng mga magulang ko kapag nalaman nila na wala ako ngayon sa bahay ng ganitong oras. Umupo siya sa may silya na plastic doon habang nakatitig sa akin, nakangisi, "Ohh si Ignacio, well siya lang naman ang nagsabi sa akin kung saan ka hahanapin. See? Pinaubaya ka niya sa akin." saad niya. "No, hindi ako naniniwala," sigaw ko sa pagmumukha niya pero isang malakas na sampal ang natanggap ko. "Really, oh wait. Ito oh conversation namin, sa tingin ko naman ay maniniwala kana nito." may pinakita siya sa akin sa cellphone. From: Ignacio Papunta na ng dalampasigan, abangan mo na lang. Ikaw na ang bahala sa kanya. To: Babasahin ko pa sana pero pinatay niya na agad ang cellphone niya at nilagay sa kanyang bulsa. "See? Naniwala kana?" Ignacio, bakit? Bakit ginawa mo ito sa akin? Gusto lang naman kitang makausap, wala akong kasalanan. Bakit ang bilis mong manghusga sa pagkatao ko. Binalingan ko si Eula, matalim ang mga matang napatingin ako sa kanya. "Anong kailangan mo sa akin? Wala akong ginagawang masama sa'yo!" "Wala?" malakas itong tumawa." Akala mo lang yon Mica, Bakit? Dahil anak ka lang naman sa taong kinamumuhian ko kung bakit nagkasakit ang ina ko!" sigaw niya. "Ano? Eula hindi kita maintindihan. Anong sinasabi mo?" bakit nasama sa usapan namin ang mga magulang ko? "Kung hindi lang hiniwalayan ng ama mo ang ina ko eh di sana hindi na depress ang mama ko," huh? " Hindi kita maiintindihan Eula, walang ibang babae ang papa ko kundi ang mama ko lang, nagkakamali ka ng bintang," saad ko dahil buong buhay ko, trabaho at bahay lang ang ginagawa ng papa ko. Bakit niya nasabing… no.. hindi walang naging kabit ang papa ko habang sila pa ni mama, hindi.. hindi totoo. "Oo, unang minahal ng papa mo ang mama ko pero dahil inagaw siya ng malandi mong ina kaya noong nagkita sila ulit ay bumalik ang depression niya. Nagmamakaawa ang mama ko na magkabalikan sila pero ayaw ng papa mo!" galit na sabi niya. Lumabas na ang mga ugat sa kanyang leeg habang sinasabi niya ang mga bagay na yan. Umiling ako, dahil may natanto, " ikaw ba ang naglagay ng mga nakasulat sa mga dingding para takutin ako? Kaya ba, kahit wala akong ginagawa ay ako lang halos ang pinag-iinitan ng ulo mo sa klase, dahil simula pa lang kilala mo na ako?" kaya ba isa ako sa mga nabubully niya? Ngumisi ulit siya, "tompak, dahil sa mukha mong pangit ay talagang nakakadiri ka. Mas lalo lang kumukulo ang ulo ko na malaman ko kung bakit hindi ako ngayon masaya sa bahay. Dahil sa isang tao at malas lang dahil anak ka niya?"galit na saad niya. "Eula, hahayaan mo lang ba na mapunta sa mali ang lahat? Bakit hinayaan mo na magka ganyan ang mama mo? Hindi ba pwede na alagaan mo na lang siya. Hindi ka ba naawa sa papa mo na binalewala mo na lang para lang mapunta sa maling tao ang mama mo?" mahinahon kong sabi sa kanya. "Hindi minahal ng mama ko ang papa ko kahit kailan Mica, alam mo ba yung pakiramdam na yon?" sabi niyang mangingiyak na pero pinigilan lang. "Hindi ko alam ang pakiramdam na yon Eula pero sana lang tinulungan mo ang mama mo na bumangon, hindi pwede maging sila ni papa dahil hindi na niya ito minahal. Kaya bakit kailangan mong sirain ang pamilya k–" isang sampal ang natanggap ko ulit sa kanya. "Dahil ayokong nakikita kayong masaya, lalo na ikaw Mica, katulad ka rin ng mama mo na malandi alam mo na yun? Kahit si Ignacio, gusto mong agawin sa akin? Malandi ka! Ako ang pakakasalan niya, nakatadhana kami para sa isa't-isa, pero dahil mga bata pa kami kaya hindi pwede tapos ngayon malalaman ko na lang na kayo na." mas lalo yatang nanikip ang dibdib ko sa mga nalalaman. Si Ignacio ikakasal na sa kanya? Pero bakit ipinagpatuloy niya pa ang pagpapanggap sa relasyon naming dalawa? Para saan? "No hindi ako naniniwala Eula, mali ka. Please pakawalan mo na ako, hinahanap na ako sa amin." Tumayo siya sa plastic na silya at lumapit sa akin, hinila niya ang buhok ko at inangat ang ulo ko, masakit ang anit ko dahil sa higpit niya na pagkahawak, "Pakawalan? Pakawalan lang kita kapag napatay na kita Mica." natakot ako sa sinabi niya. Biglang namilog ang mga matang nakatitig sa kanya. "Total binigay ka na ni Ignacio sa akin dahil nga naging kayo na, ang swerte mo na pero lumandi ka pa sa iba, see… katulad ka rin ng mama mo, Mica." "No! Bawiin mo ang sinasabi mo dahil hindi totoo na ganyan ang mama ko Eula!" sigaw ko sa kanya. Mabait ang mama ko, nararamdaman ko na hindi marunong umagaw ng kasintahan ang mama ko, no hindi walang agawan na nangyari. "Pakawalan mo ako," pagmamakaawa ko sa kanya. Pinipilit ko pa ring tinatanggal ang nakatali sa mga kamay ko at nararamdaman ko na malapit ko na itong matanggal. Please God. Baka hinahanap na ako ng mga magulang ko. "Papatayin muna kita then isusunod ko ang mga magulang mo para hindi na hinahanap ng mama ko ang walang kwentang ama mo at dahil sa'yo pati pag-aaral ko sinira mong gaga ka! Na expelled lang ako dahil sa kabebehan mo!" sigaw niya at binalibag niya ako sa sahig na kahoy. Hindi agad ako nakagalaw dahil bigla akong nahilo, natamaan ang noo ko sa silya na inuupuan niya kanina bago ako nasubsob sa sahig. "Please Eula, nagmamakaawa ako," naluluhang sabi ko sa kanya. Para siyang sinapian ng masamang espiritu. Bakit siya ganito, nanlisik ang mga matang nakatingin sa akin. "Gagawin kong miserable ang buhay niyo, Mica. Dahil nandito ka na naman, mas madali sa akin na gawin ang gusto ko." no, hindi ito si Eula. Ibang-iba na talaga siya ngayon. Hindi kaya totoo ang sinabi ng ibang estudyante na nakikita daw nila si Eula na kasama ang mga addict na lalaki? Hindi kaya, hindi maari. Kailangan gumawa ako ng paraan. Pinilit kong makaupo, bumalik sa pag upo sa silya si Eula habang naninigarilyo, maya-maya may kinuha siyang cellphone sa bulsa at kutsilyo? No! Hindi maari, hindi pa ako handang mamatay at lalong- lalo na sa mga kamay ni Eula. Pinilit ko paring tanggalin ang nakatali. Alam kong magkakaroon ito ng pasa ang pulso ko pero wala na akong pakialam, kailangan iligtas ko ang sarili ko at baka mapahamak pa ang mga mahal ko sa buhay. Wala akong kalaban-laban kay Eula dahil may kaya ang pamilya niya. Kaya niyang baliktarin ang pangyayari. Malaking pasasalamat ko na natanggal ko ng tuluyan ang pagkatali sa akin. Busy si Eula sa pakikipag-usap sa cellphone niya at wala siyang kaalam-alam na malaya na ako. "Sure Ignacio, ako ang bahala sa kanya." Bakit? Bakit Ignacio? Bakit kailangan mong gawin ito sa akin? Pagkatapos niyang ibaba ang cellphone niya ay tinanaw siya nito at malaking nakangisi. Binalik ko ang mga kamay sa likod para hindi niya malalaman na wala na akong tali. Baka hindi pa ako nakatayo ay nasaksak niya na ako. Unti-unti siyang lumalapit sa akin. "Narinig mo ba yon? Ako na daw bahala sa'yo, bitch. Hmmm tawagin ko kaya ang ex boyfriend ko na mahilig sa mga feeling inosente. Alam mo bang gusto ka niyang matikman? Kaya pwede siguro.. makapaghintay pa ako, bago kita patayin." lakas ng tawa niya. "Hindi lang yan, pwede ko kayong videohan at kapag natapos na kayo ay pwede kong ipasa ang scandal niyong dalawa sa mga kaibigan ko para naman mag-enjoy ang mga gago, ano sa tingin mo Mica?" aniya na. "Eula ano bang pinagsasabi mo? Babae ka rin tapos ganyan ka mag-isip sa k–" isang lagapak na naman na sampal ang dumapo sa pisngi ko. "Wag mo akong tinuturuan! Ito ang gusto ko ako ang masusunod." sigaw niya sa akin. Ngunit napasigaw na lang ako sa sobrang sakit dahil bigla niya na lang nilagay ang sigarilyo niya sa balikat ko. Bago pa niya inulit ay sinipa ko na siya sa mga tuhod at napahiga siya sa sahig. Agad akong tumayo at dumeretso sa pinto para makaalis na sa lugar na ito. "Gaga kang babae ka, bumalik ka dito at papatayin kita." sigaw niya. Ramdam ko ang pagkahilo at halos hindi ako makatakbo o lakad man lang ng maayos dahil sa sakit ng katawan at para akong nasusuka. "Tulong!" Sigaw ko at nagbabakasakali na may makarinig sa akin. "Tulong! Tulungan niyo po ako! Ignacio!" walang tigil kong sigaw. "Papatayin kita," sigaw ni Eula sa malapitan ang narinig ko bago ako natumba sa buhangin. Sinubukan kong gumapang pero hilong-hilo na talaga ako. Nasa ilalim ako ng buhangin habang nasa ibabaw ko si Eula, matalim ang mga matang nakatitig sa akin. Ngumisi siya at itinuon ang kutsilyo sa may mukha ko. Hindi ito si Eula, hindi ko na imagine na ganito na siya ka brutal. Bakit? May nakapa akong bato sa may gilid ko kaya kinuha ko ito. Kaya bago niya pa maisaksak ang kutsilyo sa akin ay pinukpok ko ang bato sa kanyang ulo. Bigla siyang natumba at nasubsob sa buhangin. Ilang segundo panitig sa kanya ay hindi na siya gumagalaw. Bumangon ako at lumapit sa kanya. "Eula! Eula!" Niyugyog ko siya sa kanyang balikat at hinawakan ang ulo niya. Pero yun na lang ang panginginig ng mga kamay ko na may naramdaman akong may malapot sa palad ko. "No.. no… dugo? Eula?" dahil hindi pa rin siya gumagalaw kaya sa takot at taranta ko ay tumakbo ako palayo. Umiiyak ako habang umiiling. "Lord God wala akong ginawang masama, wala akong kasalanan please. Please." Iyak ko na pakiusap sa Panginoon. Tama nga ako na hinahanap nila ako dahil nakabukas ang mga ilaw. Nakarating agad ako sa bahay dahil sa sobrang kaba ko at wala akong ginawa kundi ang tumakbo ng tumakbo. Bubuksan ko na sana ang pinto na kusa na itong bumukas at lalabas sana si papa. "Anak, anong nangyari sayo, saglit bakit nagkaganyan ang itsura mo ha? May nangyari ba sa yo? May nag bastos ba sayo anak?" sunod-sunod na tanong ni papa habang umiiling ako. "Anong yan pang, Mica? Anong nangyari sayo, bakit may mga dugo ang damit mo?" natatarantang tanong ni mama. "Mama, papa aalis na po tayo dito!" sabi ko sa kanila. " Huh? Bakit tayo aalis? May nangyari ba? Sabihin mo sa akin dahil pupunta agad tayo ng barangay!" pinipigilan niyang sumigaw. Umiling ulit ako, "aalis na po muna tayo mama, papa, pakiusap.. pakiusap," iyak ko sa harapan nila. "Kahit saan basta umalis na muna tayo sa lugar na ito, please.. please," nanginginig kong sabi sa kanila. Hindi na nila ako makausap ng matino dahil sa walang tigil na pag-iyak. Alam kong naiintindihan na nila ang pangyayari, hindi ko pa kayang ikwento sa kanila lahat. Hindi ko kaya... No… hindi pa siya patay. Buhay si Eula. Buhay siya. "Mama tara na po, malalate tayo." Bumalik ako sa realidad dahil sa tawag ng anak ko. Hanggang ngayon nandoon parin yung trauma na nangyari sa akin dati. Kaya noong nakita ko si Eula sa party ay napanatag ako kahit papano dahil buhay pa rin siya. Sana lang nagbago na siya at hindi na niya yon uulitin pa. Kung darating man ang araw na magkaharap kami ay hihingi ako ng tawad, dahil sa pagpukpok ko sa ulo niya. Sana ganun din siya sa akin. Kasi naiintindihan ko na siya kung bakit niya nagawa ang mga bagay na iyon, kaya sana lang hihingi rin siya ng sorry sa akin, kung hindi man ay ayos lang basta ako, yon ang gagawin ko to have peace of mind. Pero kay Ignacio.. hindi ko alam dahil kung hindi dahil sa kanya ay wala ako doon sa dalampasigan at nakikipaglaban sa buhay ko. Siya ang nagdala sa akin doon. Pinahamak niya ako. Kaya bakit ko ipapaalam sa kanya ang tungkol sa anak ko? May karapatan pa ba siya? Dahil kung ako ang tatanungin, hindi ko pa alam. Hindi ko alam kung paano mag-umpisa.

 

 

chapter 17

 

"Be careful anak madapa ka. Juskong batang ito," hindi ko alam kung bakit ko ba dinala ang anak ko dito sa mall na wala si Tuko. Sa sobrang kulit ni Saul, nakakaligtaan ko dahil kung saan-saan pumupunta. Nasa isang boutique ako ngayon dahil mamimili sana ako ng mga damit na dadalhin this coming next week para sa out of town. "Yes mama, sorry po." apologetic niyang sabi habang nasa tabi ko na. Nginitian ko siya. "Stay lang diyan anak at huwag lalabas ng boutique, ok. Pakibantayan na lang ang ibang gamit natin," saad ko at tumango na lang ang anak ko na nakangiti. Binalik ko ang tingin sa mga damit na napili. Dalawa lang kasi ang blazer ko kaya kailangang makabili ako ngayon ng bago dahil for sure malalaking tao ang makakasalamuha ko kung saan man yang business meeting ni Mr. Baltimoore sa Luzon kaya ito, dapat presentable rin akong tingnan. Nilingon ko ulit ang anak ko na nakaupo sa mahabang silya para sa mga customers. Nalilibang na ito sa kakalaro ng rubik's cube. Isa sa mga past time niyang ginagawa lalo sa ganito na busy ako sa kakahanap ng gusto kong bilhin o ano pa. Meron naman siyang ganyan sa bahay ngunit ngayon nagpapabili na naman kaya hinayaan ko na kasi nagagamit naman niya ang ganyang bagay na kahit ako napanganga na lang sa bilis ng kanyang kamay, na solve ang cubes sa ilang segundo lang ng paglalaro. May nabili na ako para kay Saul. Inuna ko na muna ang gusto niyang ipapabili bago ako. Pero dahil siguro hindi naman gahaman sa pera ang anak ko o wala yata itong napili ngayon na bibilhin kaya ang rubik's cube lang ang pinabili sa akin at notebook para sa school. Saka pa ako bibili na para sa akin at kapag may sobra ang iba ay para naman sa pang-araw araw namin na gamit sa bahay. "Ito po madam, maganda po ang tela nitong gray blazer o blue kung may pangbaba kayo na kulay blue rin po ang kulay," ani ng sales lady. Pinag-isipan ko at dahil maganda nga 'yong tinuro niya kaya yun ang sinubukan ko sa fitting area. Ng matapos ko ngang maisuot ang blazer ay ngumuso ako ng makita ang kabuuan ko sa salamin na ganito ang pananamit. Formal na formal. Hindi ko akalain na maging secretary ako paggising ko isang araw pero yun nga lang dahil ang masaklap lang ay kung sino pa ang iniiwasan ko na tao na makita ay nasa harap ko lang and the bad news siya pa ang amo ko, siya pa ang nagmamay-ari mismo ng building na tinatrabahuan ko lalo na doon sa pagiging cashier ko ay sa pamilya niya rin nagmamay-ari. Naloka na. Pagkatapos kong magdesisypn kung saan ang bibilhin ko ay lumabas na ako ng fitting room. "Bulaga!" "Ay kabayo ka! Baby!?" Napaigtad ako dahil ginulat ako ng anak ko pagkalabas ko. "Ikaw talaga bata ka," pero ang anak ko tumawa lang na parang nasisiyahan na nakita akong nagugulat. Pati mga sales lady natatawa na rin, mga kasabwat yata. "Sorry... tapos na po kayo mama?" tanong ng anak ko, naiinip na talaga ito dahil nagpaparinig na kung tapos na ba ako o hindi pa. "Ito na po, magbabayad na po. Next time 'wag mo ng gulatin si mama mo ha dahil alam mo naman na magugulatin ako," sabi ko sa kanya ng mahinahon habang nakapila kami sa cashier, dinala ko ang kanang kamay ko para haplusin ang buhok niya. "Ok po mama, sorry po." "That's alright, I love you. Well, pagkatapos dito saan tayo pupunta?" tanong ko kahit alam ko naman kung saan kami nito magpapalipas ng hapon. After magsimba dito na kami dumeretso sa mall para makabili ng kakailanganin ko para hindi na sasakit ang ulo ko kapag weekdays pa ako bibili, baka hindi na kaya ng oras. Tapos na narin kaming mananghalian ng anak ko kaya maglilibang na muna kami sa timezone. Ng makarating kami ay agad naglaro ang anak ko, minsan may sumasama ring mga bata na maglaro sa kanya at hindi naman suplado itong anak ko at namamansin naman. Nasa gilid lang ako nakatayo at ang mga mata ko ay di ko siya nilubayan sa pagbabantay. Natutuwa ako sa anak ko na nag-eenjoy talaga siya. Alam ko na darating talaga ang araw na hindi na ito mauulit pa kaya hangga't bata pa ang anak ko ay hayaan ko siyang maging bata. Hayaan kung gawin ang gusto niya basta desiplina lang ang kailangan para hindi siya lumaki na mawalay sa maling landas. "Malaki na ang anak mo Mica, alam ko na ngayon pa lang naghahanap na yan ng totoong ama," naisip ko na naman ang sinabi ni mama sa akin. Napabuntong hininga ako habang pinagcross ko ang mga balikat sa aking dibdib at ang mga mata ay na kay Saul parin. Hindi naman ako bulag para hindi ko makita ang anak ko na totok na totok sa kumpletong pamilyang namamasyal. Lalo na kapag kumakain kami sa mga fast food o carinderia na sama-sama ang pamilya. Nasasaktan ako, kumikirot ang puso ko na naranasan ito ng anak ko na hindi na kailan man mabubuo ang pamilya namin dahil baka nga kung hindi man si Shemaia Ocampo ang nakatuluyan ni Ignacio ay baka si Eula, dahil yon ang sabi niya ilang taon na ang nakalipas. Na itinadhana na sila ni Ignacio para ikasal sa isa't-isa. Baka noong mga oras na nawalan siya ng malay ay dumating si Ignacio para sagipin siya. Nakapagtataka lang na hindi nila ako pinadakip sa mga pulis ngayon na nagkita na kami o ilang taon na ang nakalipas na hindi nila ako pinapahanap. Why? Kailangan ko talagang mag double ingat para sa kaligtasan ng aking mga pamilya. Ayoko ng magtago, lalo ngayon na ako lang ang inaasahan nila dahil nga na stroke ang papa at hindi pa totally heal kaya sa bahay lang siya muna at tanging pagbabantay ng aming munting sari-sari store. "Are you daydreaming Miss Gomeza?" Napakurap ako dahil sa pagtawag ni Mr. Baltimoore a. k. a cold billionaire sa akin. Nasa office na ako at sa Wendesday na ang alis namin. Pinapaayos niya lang naman sa akin ang mga reports para sa pag-alis ay wala na kaming poproblemahin at kung meron man ay minor na lang at kaya na yon ng team manager. "Do you need anything, sir?" nasa tapat ito ng table ko at nakadungaw sa akin habang ako ay nakatingala sa kanya dahil sa tangkad niya. Hanggang dibdib lang ako. Naka suit siya na blue at pinaresan ng puting polo long sleeves na panloob at blue na pants at black na sapatos. "Pakisend na lang sa email ang mga natapos mo na reports and then paki lagay na lang sa table ko ang mga pepermahan," aniya sa baritong boses. Kinilabutan ako kapag ganyan siya magsalita, ibang-iba na dati na malumanay lang. "May pupuntahan lang ako ngayon, cancel my all appointments today." Aniya na ngayon ay nagmamadali na para makaalis at hindi man lang narinig yata ang pagsang-ayon ko dahil tumunog ang cellphone niya. "Pupuntahan niyo rin ba si Shemaia sa Maynila? Pupunta rin ako ngayon… " huling narinig ko bago niya sinarado ang pinto. Kahit nakasarado na ang pintuan ay nakatitig pa rin ako roon. "Shemaia… " napailing na lang ako habang nakangisi, anong meron sila ni Shemaia? Dahil sa tono palang ng pananalita ni Ignacio ay nag-alala siya sa dati naming kaklase. Binalikan ko ang ginagawa ko kaya lang parang wala yata akong naiintindihan sa mga pinapagawa sa akin ng lalaking iyon. "Mica, Mica, Mica…remember wala na kayo kaya easy ka lang, kalma." kausap ko sa sarili ko. Masakit lang isipin na nagkahiwalay kami na wala man lang closure na nangyayari. Nagkahiwalay lang kami dahil sa nakita niya akong may kahalikan raw na lalaki knowing na kahit ako ay nagulat sa pangyayari na instead na maniwala siya sakin ay sinunod niya kung ano ang nakikita ng mga mata niya kahit hindi naman buong pangyayari tapos… sa kagustuhang makausap siya sa personal ay dinala niya ako sa panganib. Dinala niya ako sa lugar na walang tanging nakakarinig sa'yo at kung hindi ka marunong lumaban, kung hindi ako naglakas loob na nanlaban ay baka wala na ako ngayon sa mundo. Tapos malalaman ko na lang na buntis pala ako. Maswerte na lang talaga na hindi ako sinipa ni Eula dahil kung nagkataon at sa tiyan ko yon tumama, baka hindi na kumapit si baby Saul ko at nakunan pa ako. Hindi ko yata kaya kapag nangyari yon. Alam kong walang kasalanan ang anak ko sa kasalanang ginawa ng kanyang ama. Inosente siya para kamunghian ko. "Anak! Ayos ka lang?" tanong ni mama pagkatapos akong magsuka sa inidoro. Nasusuka ako pero wala namang lumabas na kinain ko kagabi o ano pa. Binalingan ko lang si mama habang pinupunasan ko ang bibig ko pagkatapos kung mag mogmog. "Hindi ko alam mama, ilang araw na pong ito na panay suka lalo sa ganitong oras na ang aga-aga ay ginigising ako para lang sumuka pero wala namang lumalabas," saad ko sa kanya at hinarap si mama. Nakatingin siya sa mga mata ko, naluluha.. Hinawakan niya ang dalawang braso ko. "May tanong ako sa'yo, gusto kong malaman sa ayaw at gusto mo para malaman ko o may idea ako kung ano yang nararamdaman mo." Mahinahon na sabi ni mama. " Ano po iyon mama?" tanong ko at nakatitig lang kami pareho sa mga mata. " May nangyari ba sa inyo ni Ignacio? " Nagulat ako sa tanong ni mama, hindi ko alam kung paano sasagutin but realization hit me. " Mama! Ang ibig mo pong sabihin? Na.. " halos hindi ko alam paano ma proseso sa utak ko kung totoo ang nasa isip namin ni mama. "Hindi pa natin confirm anak. Magpapa check-up tayo mamaya para malaman natin." aniya na naiintindihan ang sitwasyon ko. Pero si papa? "Ma, baka magalit si papa na buntis ako kung totoo man, " iyak ko na sabi sa kanya, magpoprotesta pa sana ako na hinagod na ni mama ang balikat ko. "Nandiyan na yan, anak. Alam kong naiintindihan ka ng papa mo basta sabihin mo lang ang totoo sa kanya," si mama. Malapit na kaming mag one month na lumipat ng bahay dito sa Talisay Cebu bago ko nalaman na buntis ako. Nagalit si papa at gusto niya na ipaalam ko agad sa ama nito pero umiiyak lang ako sa kanila habang umiiling.   Para hindi ako ma depress ay nasabi ko na sa kanila kung ano ang nangyari sa akin, hindi nila matanggap pero nanaig ang kagustuhan ko na huwag na lang magreklamo sa barangay dahil kung totoong may nangyari kay Eula ay ako ang talo dahil ididiin ang kaso laban sa akin kung malaman nila na ako ang may gawa sa kanya nun, lalo at makapangyarihan silang pamilya, wala akong kawala. Talo pa rin kami. Kaya minabuti ko na maging tahimik, lumayo sa lugar na wala akong katahimikan. Naiintindihan ng mga magulang ko kaya ang sabi ni papa na mas mabuti na hindi ko na lang ipaalam pero si mama iba ang gusto. Alam kong bilang isang ina, hindi niya gustong nakikitang malungkot ang kanyang anak. Pero, hindi pa ako tinatanong ng anak ko kaya hayaan ko muna dahil hindi pa ako handa magkwento sa kanya kung sakali. Tulala pa rin ako sa screen ng computer, hindi ko talaga matapos-tapos ito hangga't may iniisip na di ba dapat wala na akong pakialam sa kanya kung sino o ano ang namamagitan ng mga babaeng naririnig ko sa kanya. Lumabas ako dahil inaantok, baka kape lang ang kailangan ng utak ko o di kaya tea. Pagkarating ko sa faculty lounge ay kumuha agad ako ng tasa at tea na lang ang iinumin ko kasi nakainom na ako kanina ng kape "Ano, maayos na ang trabaho mo? Hindi ka ba sinisigawan ng boss natin na sobrang sungit?" tanong ni Vina na ka officemate ko sa akin habang kumukuha naman siya ng cup noodles. Nginitian ko siya bago nagsalita, "minsan kapag may mali sa mga pinapagawa niya sa akin, natataasan din ako ng boses pero ayon nga di ba na may kasabihan tayo na pasok sa kanang tenga then labas agad sa kaliwang tenga para hindi mo na dibdibin." ani ko. "Tama ka diyan, malaki naman sila magpa sweldo kaya ayos lang. Baka nature na yon sa kanya na nagsusungit siya baka kulang lang sa kiss at yakap, sige balik na ako at wala nga ang CEO natin ngayon pero nandito ang manager baka masigawan pa tayo dito na nakipag marites na maaga pa," sabi ni Vina at agad iniwan ako pagkatapos malagyan ng mainit na tubig ang cup noodles niya. Natulala naman ako sa sinabi niya na baka nagsusungit ang amo namin dahil kulang sa kiss at yakap? Like kapag nagsusungit siya ay kailangan ko siyang yakapin o hagkan para hindi na niya ako sungitan? Pinilig ko ang ulo ko dahil bakit ko gagawin yun sa kanya, mas mabuting magalit na lang siya sa akin ng buong araw kaysa naman araw-araw ko siyang hahalikan. Pagkarating ko sa table ko ay nag focus na ako sa mga paper works ko at para maaga akong makauwi mamaya para makapagsimula ng mag-impaki. 3 days and 2 nights, hmm… for sure magkaiba naman kami niyan ng kwarto. Bakit sa tingin mo ba Mica na sa iisang kwarto lang kayo? Managinip ka na lang ng gising at hindi yon mangyayari. Narinig kong nagring ang cellphone ko at number ni Tuko ang nag-appear sa screen. Ngayon lang nakabalik ang loko dahil pumunta daw ito ng Iloilo. Pinindot ko ang green button para sagutin ang tawag. "Hey, kumusta? May pasalubong ka sa akin?," agad na tanong ko sa kanya. "Ay aba, nagpahalataan ka talaga na hindi ka excited na makita ako kundi ang pasalubong kong dala, nakakatampo ka ng 50% Michaella Gomeza," aniya. Napahalakhak ako ng tawa. "Atleast 50% lang, saan ka ba ngayon?" "Secret, dadaanan kita diyan mamayang uwian mo, ayos lang ba?" tanong nito. Sa bagay pwede rin dahil wala naman yung masungit. " Oo ba, para naman makatipid ako mamaya sa pamasahe." parinig ko sa kanya. "Tsk, sige lang sa ngayon libre pa pero malapit na talaga kitang singilin babae ka, mahal pa naman ako maningil," natatawa na lang ako sa sinasabi niya. "Kaya nga lubos-lubusin ko na habang libre pa. Sige text mo ako mamaya kung parating kana." "Ok, dadaanan ko si big boy sa school niya kasama ang mga kambal, bago kita daanan para naman makapasyal na rin, ano sa tingin mo?'' "Ok sige, text na kayo kapag malapit na kayo ha?" paalala ko para makahanda na ako sa mga gamit bago pa sila makarating. "No problem, sige… bye Mica," paalam niya sa kabilang linya. Nagpaalam na rin ako at ngayon na nakausap ko si Tuko ay gumaan na ang pakiramdam ko. Salamat naman sa kanya. Natapos ang trabaho ko na hindi pa sila nakarating. Ginugol ko muna ang natitirang oras ko sa pagliligpit ng mga kalat na files sa opisina ng amo ko. Kung hindi approve sa kanya ang mga proposal ay kung saan-saan na lang binalibag ang mga papeles, kawawa naman. Maya-maya ay narinig kong may tawag sa cellphone ko at agad ko itong kinuha sa table. "Si Tuko." "Hello!"   "Hello mama… " masayang bati ng anak ko. Napangiti naman ako sa kanya. "Hi baby, papunta na kayo dito sa office?" "Opo mama, kasama ko po sina Tita ate Kimmy at Tito kuya Keville po." ani niya. Mas lumawak ang ngiti ko dahil sa narinig. "Sige mag-iingat kayo ha, tell your Tito Jackson na drive safely." "Ok ma'am, noted po!" boses ni Tuko ang sumagot sa akin. Ni loudspeaker niya siguro ang phone niya. "Sige hihintayin ko kayo dito. I love you Saul." saad ko. " Ay akala ko sa akin yung I love you… " saad niya na nagpakunot ng noo ko. "Asa ka.. k bye.." kaya humahalakhak naman ito ng tawa sa kabilang linya. Dahil sinabi nila na kung saan na sila ngayon kaya bandang 30 minutes muna akong manatili dito sa opisina bago bumaba ng building. Dino-double check ko muna lahat, yung pepermahan niya na mga papel, pinatungan ko ng makapal na libro para hindi mahanginan kahit wala namang hangin na galing sa labas ang papasok. Pati yata swivel chair niya ay inayos ko sa tamang pwesto. Naloka na. Dahil sa naiinis na ako sa pinanggagawa ko na inaayos pa ang opisina niya ay dali-dali akong lumabas doon. Kinuha ko na ang handbag ko at lumabas na ng office at nilock. Hihintayin ko na lang sila sa may lobby dahil nagtext si Kimmy na 10 minutes away na daw sila. Alas-katro na ng hapon at ang iba ay busy pa sa mga kani-kanilang trabaho, meron namang iba na umaalis na pero dahil maaga akong natapos kaya wala akong over time ngayon. Nginitian ko lang ang mga kakilala ko na naroon at hindi na nagtagal para makipag-usap pa at lumabas na ako ng lobby habang nakatingin sa cellphone ko. Tinawagan ko ang number ni Tuko kung nasaan na sila. "Hello!" "Mama, nandito na po kami, nakita na po kita. Pwede po ba akong lumabas para salubungin ka po?" paalam ng anak ko. Sa sobrang saya ng puso ko at paglalambing nito ay sino na naman ako para humindi. "Ayos lang baby lalo at hindi ko alam kung anong sasakyan n'yo ngayon kasi hindi sinabi ni Tito mo na yan," Parinig ko at ang loko tumawa lang sa kabilang linya. May bago na naman itong kotse na hiniram niya sa amo nya. Malakas talaga ito sa kanila at ang swerte nitong lalaki na ito. Wala akong alam sa mga kotse, kung mababasa ko ng malapitan ang nakatatak saka ko pa lang malaman ang pangalan. Pagkalabas ko ng lobby ay may natanaw akong sasakyan na nakapark sa harapan ng building. Sabay silang nagbukas ng pinto ng sasakyan at unang lumabas ay ang isang lalaki at may tinitingnan sa loob ng building, ayon sa damit niya rin na pang driver ay baka may sinusundo at sa isang kotse naman na Honda ang pangalan ay doon lumabas ang anak ko na ang lapad ng ngiti ng nakita ako at kumakaway. "Mama!" sigaw niya sa akin habang tumatakbo ang anak ko. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko habang hinihintay kong makalapit ang anak ko sa akin. "Oh my God. My little Ignacio!" narinig kung sabi ng babae na hindi ko namalayan nasa tabi ko lang pala. Nilipat ko ang paningin ko kung saan ang nagsalita at gayun na lang namilog ang mata ko na namukhaan ang dalawang mag-asawa sa harapan ko. "Oh no… "

 

 

 

chapter 18

"Hello po ma'am, sir. Magandang hapon po." Bati ko sa mag-asawang namukhaan ko nong bumili sila sa grocery store kung saan ako naging cashier pa. "Hi! Dito ka ba nagtatrabaho?" Nakangiting tanong ng babae habang ang mga mata ay nakatuon sa aking anak na ngayon ay karga ko na at nakayakap sa akin. "Ahh, y. yes po." sagot ko. Nilingon niya ang asawa niya na parang nag-uusap sa mata sa mata at agad naman binalik ang tingin sa akin. Hindi ko talaga maisip kung saan ko nakita ang mukha nila. "Alright! Sige mauna na kami. Bye… " "Michaella po," pakilala ko. "Oh Michaella, right darling?" Akala ko ako ang darling yung asawa niya pala at balik tingin sa akin, "then this little one na karga-karga mo? "Ahm si Saul po, anak ko po." nakita ko sa kanyang mga mata ang pagkabilog dahil sa gulat? Nagpapababa na sa akin si Saul, sinabi ko sa kanya na magpaalam na rin sa kanila dahil aalis na sila. Ayoko naman siyang maging bastos sa harapan lalo sa mga matatanda. Ang mga mata nila ay walang tigil sa kakatitig sa anak ko habang malapad na nakangiti. "Hi po. My name is Saul Gomeza. Nice meeting you po." pakilala ni Saul. Kahit ako nabigla sa kanyang sinabi bago magmano sa mga matatanda. Napangiti ako na ganito ang anak ko na magalang. "Oh my gosh, darling he's so cute. I like him already." Nasisiyang sabi ng ginang. Nakangiti rin ako dahil sa nakikita kong kasiyahan sa kanyang mga mata. " Thank you po." "Ahm Iha! Do you want some coffee, how about dinner? My treat," umiling ako habang nakangiti. "Sorry ma'am, uhm my family dinner po kasi kami ngayon," sabi ko. Nalukot naman ang mukha ng babae. " Honey, it's ok," pang-aalo ng lalaki sa kanyang asawa. "Alright then, maybe next time? Bye little one," paalam nila at kumaway na lang kami sa isa't-isa. "Good afternoon Mr. President," narinig kong bati ng ibang napadaan sa mag-asawa. Hindi ko na lang pinansin at dumeretso na sa sasakyan na kung saan nasa likod lang din ng sasakyan ng mag-asawa. Pagkabukas ng pinto ay pinauna ko na si Saul sa backseat kasama ang kakambal, binato nila ako through sign language at hinalikan sila sa pisngi bago ako sumakay at pumunta sa front seat. Pagpasok ko ay narinig kong sumisipol si Tuko habang nakatingin sa akin. Masayahin ang loko ngayon ah. Tinaasan ko siya ng kilay. "Saya natin ah, anong meron?" tanong ko. "Anong meron? Wala naman, masaya lang ako na nagkita na ang maglola at lolo. Kailan pa sila nag meet?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano raw? Pinagsasabi nito. "Hindi kita maintindihan. Anong lola at lolo ang pinagsasabi mo?" instead na sagutin agad ako, nagawa niya pang pitikin itong noo ko kaya nahampas ko tuloy. "Ikaw talaga, kahit kailan hindi ka talaga marunong tumingin ng tao." "Huh?" "See, kami nga na nasa malayo lang ay nakikita na namin ang pagkakahawig ng anak mo at sa mag-asawa lalo na yung lalaki," pabulong na sabi ni Tuko sa akin. Napaisip ako at inisip masyado ang mga mukha nila at dahil may natanto ay ako naman ang namilog ang mga mata, narinig ko kanina habang tumatakbo ang anak ko na little Ignacio. " Oh ano? Naisip mo na?" tanong ni Tuko na ngayon pinaadar na ang sasakyan. "B. baka magkamukha lang Tuko," kumbinse ko sa sarili ko. Pero parang tama nga ang sinabi ni Tuko. God, anong gagawin ko? "Nahh, I don't think so, ang saya kaya nila lalo na yung nanay. So better, ihanda mo lang ang sarili mo kung ano man ang magiging kapalaran ng pagtatagpo nila muli." sabi niya. Ngayon mas nagsink-in sa utak ko na may pinakita si Ignacio ng mukha ng mga magulang niya sa phone isang beses na magjowa pa kami. Napahilamos ako ng mukha dahil sa hindi ko pag-iingat. "Kung lalayo kaya kami." wala sa sarili kong sabi. Alam kong nilingon niya ako, nakatuon lang ang mga mata ko sa mga sasakyan na umaandar. "Di ba wala ka paring ligtas? Hayaan mo na, kapag nagkaalaman na, sabihin mo a lang ang dahilan at para maalala niya ang kagaguhan na ginagawa niya sayo dati. Kung hindi lang yan mayaman o kakilala na mayaman, matagal na nating inireklamo ang lalaking iyon pero yun at wala tayong sapat na ebidensya ay baka ikaw pa ang mababaliktad." "Paano kung kunin niya ang anak ko?" kinakabahan na ako sa sarili kong tanong. "Hindi pa pwede yun, dahil sa edad niya ay nasa poder pa siya dapat sa ina at wala ka namang nilabag sa batas kaya ikaw ang kakampihan nila. Pero tulad nga ng sinasabi natin na maimpluwensya sila kaya hindi natin alam kung ano ang next na mangyayari. Kung wala na talaga tayong makakapitan, may alam akong tao na makakatulong sa atin," mungkahi niya at doon natuon ang atensyon ko. " Sino?" "Ipapa Raffy Tulfo natin, yung sa tv. Gusto mo 'yon?" sinamangutan ko siya. "Bakit ko naman ilalabas ang mukha ko o namin ng anak ko sa television? Pagpipiestahan pa lang kami ay ayaw ko n'on Tuko. Marami ng humihingi ng tulong sa kanila, 'wag na nating dagdagan." saad ko na nagpatawa sa lalaking ito. "Suggestion lang naman, baka makalusot. Ayaw mo yun, malaman ng lahat na ang Bilyonaryo na si Ignacio Baltimoore ay tinaguan ng anak. See, tapos maraming media na pupunta sa inyo para magpapictures," patuloy sa pang-aasar niya sa akin kaya hinampas ko na naman siya sa braso niya habang nakatigil ang sasakyan. "Sira ka talagang magbigay minsan ng advice." sabi ko. Ang saya ko pa 5 years ago pero ngayong gumanda ang trabaho ko ay sunod-sunod naman ang mga rebelasyon sa buhay ko. "Let's go mama," tawag ng anak ko sa akin. Bumaba na kami ng sasakyan pagkarating agad ng bahay, nag take-out na lang kami ng pagkain para sa bahay na kakain kasama si Tuko. Dito na naman siya matutulog dahil day-off niya kaya wala na kaming magawa, sa bagay malaking tulong niya sa pamilya namin kaya bless kami na naging kapamilya kami nito. Para ko na kasi siyang kuya pero ayaw niyang tinatawag ko siyang kuya dahil may isang tao lang ang tumatawag sa kanya ng ganyan. Mas mabuti at saka pa nasanay naman siya sa akin na Tuko ang tawag ko sa kanya. Martes ng umaga at tambak na naman ang mga gawain ko sa opisina, gabi ang flight namin bukas kaya pwede na rin akong magtanghaling bumangon at alas dos na ng hapon akong pumunta ng airport kung saan kami magkikitang dalawa. Sa wakas, makapunta na rin ako ng Maynila. Tapos ang saya pa kasi libre ako sa pamasahe at tutulugan ko. Pero yun nga lang may lungkot kasi hindi ko kasama ang anak ko na pumunta o kahit ang mga kambal. Di bale na kapag makapag-ipon na talaga ako ay ipapasyal ko sila sa Maynila kung saan may makita ako doon na tuluyan naming lahat at magandang pasyalan. Sa ngayon panggastos lang muna sa pang-araw-araw at sa pag-aaral ng mga kapatid at anak ko. Wala pa ngayon ang cold billionaire na amo ko dahil may meeting sa ibang department. Iniwan na naman ako dito sa opisina niya. Ayos lang din na itong tambak na papeles ang kinakaabalahan ko kaysa laging nakatitig sa mukha niya at nakikinig sa boses niya kapag nagsasalita na siya. Tapos mamaya paglingon ko sa kanya pagkatapos kung isulat sa planner ko ang mga importanteng impormasyon ay naabutan ko siyang nakatitig sa akin. Akala ba niya na hindi ako nagsusulat kaya tinitingnan niya ako? Tsk, e di sana wala akong e rereport sa kanya kung hindi ako nagsusulat. Narinig kong may kumatok sa labas ng office kaya tumayo ako at para mabuksan kung sino man ang nasa labas. Pagbukas ko ng pinto ay nabungaran ko si Nico. Nasa kabilang department siya nagtatrabaho, hindi ko lang alam kung ano ang sadya niya dito at bakit siya napadpad. Palakaibigan siya kaya noong nag hi siya sa akin ay binalik ko lang din ang Hi niya hanggang tuloy-tuloy na. "Nico, anong sa atin?" ngiting tanong ko sa kanya. "Pasok ka! Si boss po ba ang hanap nyo ngayon, wala kasi siya nasa meeting at doon na dumeretso." wika ko. Siya kasi minsan ang nagdadala ng mga files dito sa akin para mapirmahan ni boss Baltimoore. "Ay wag na, hindi naman ako magtatagal dahil wala naman akong files na dinadala girl, oh can't you see empty ang mga kamay ko," aniya na napatawa sa akin dahil sa kilos niya na pambabae. Nico sa office. Nica kapag pupunta ng bar. Kaya kung may nakakakilala sa kanya ay hindi mo malalaman na may kilos babae ito dahil sa brusko ang pangangatawan. "Oh kung ganun bakit ka napadpad dito? Maaga pa Nico aka Nica para makipag chichakan tayo ngayon. Baka maabutan pa tayo ni Mr. Baltimoore ay masisante pa tayo," ani ko na nagpaikot ng mga mata niya kaya natatawa na talaga ako. "Saglit lang naman ang chika natin, baka yung taong gustong kumausap sa'yo ay mas matagal ang chikaban niyo kaya I ready mo na ang sarili mo girl, baka mamaya hindi maganda ang performance mo at masisante ka rito," panakot niya habang tinitingnan ang kanyang mga kuko, kaya masama ang tingin ko sa kanya.   "Ikaw ha, gusto mo ba talaga akong masisante?" "Ay aba oo at hindi ang sagot ko pero isa lang alam ko, para naman ako na ang ipapalit sa'yo diyang bruha ka at buong maghapon akong nakatitig sa gwapong mukha ng boss natin. Pagtitimpla ko siya ng kape, you know. Matagal ko na kasi siyang crush at 'wag mo siyang agawin sa akin, magtatampo ako sa'yo," kaya naman pala. Natatawa ako sa isip ko dahil iba pala ang nasa isip niya. Hmmm, yun kung mangyayari yan. "Sino ba yang tinutukoy mo?" "Basta sumunod kana sa akin dahil kanina pa tayo nakikipag chikahan dito baka ma bagot yun at ako pa ang masisante sa company na ito." utos niya. Dahil ayoko rin namang mawalan ng trabaho dahil sa late ako ay nagmamadali akong lumabas ng office kasama si Nico bitbit ang sling bag ko. I'll make sure, na sarado ang pinto bago umalis. "Hindi ako nagpaalam sa boss ko kaya sana lang na totoo yang pinagsasabi mo Nica ha," sa mahina ko na boses. "Aba'y taray, loyal tayo nyan? Don't cha worry at nandito na tayo," huminto kami sa isang opisina na may pangalan na president. Bakit bigla na lang kumakabog ang dibdib ko na makita ang nakapaskil na president. Buntong hininga muna ako, bago sumabay sa pagpasok sa loob ng opisina kasama si Nico. Nakasunod lang ako sa may likuran niya. "Hello madam, nandito na po si Miss Gomeza," dahil sa narinig ko na boses ni Nico kaya nilakasan ko na ang loob ko at nagpakita sa kausap niya. Nakaharang kasi ang likuran niya na medyo malapad. Pero mas nagulat yata ako sa nakita kung sino ang nasa harapan naming dalawa ni Nico. "Ok Nico, thank you. You may go now." ani niya kay Nico, kumaway lang si Nico sa akin at kahit magprotesta ako na gustong sumama sa kanya ay hindi ko nagawa. "Good morning po madam, ano pong maipaglilingkod ko po sa inyo? Pinapatawag niyo raw po ako," magalang ko na sabi sa kanya. Malapad ang ngiti niya sa akin. Itinuro niya sa akin na umupo na muna sa couch at sinunod ko naman. Tumayo siya sa kanyang swivel chair at pumunta kung saan ako. " Kumusta iha? Do you still remember me?" ngiting tanong niya. Naasiwas naman ako sa reaction niya kaya hindi ko alam kung ngingiti rin ba ako ng malapad o ano. "Ayos lang po madam, uhm opo naalala po kita ma'am, ikaw po yung nakausap ng anak ko sa labas ng building kahapon." sagot ko sa kanya. "Yeah, tama ka diyan, wala ngayon ang asawa ko kasi nasa meeting kasama ang anak ko kaya I know for sure na may alam ka na kung sino talaga ako, right," tumango ako dahil sa pagsang-ayon. "Pero.. pero don't worry hindi ko naman gagamitin ang posisyon ko ngayon para malaman ang isang katotohanan. May tanong lang ako sa'yo, ayos lang ba?" hindi ko alam kung paano pa magtago dahil sa presensya ng ginang at sa itatanong niya. Para akong nasa hukuman at pilit na pinapaamin. "A. ayos lang po madam, ano po iyon?" ngiti ko pero hindi umabot hanggang tenga. "This is all about personal matter ang itatanong ko pero kung ayaw mo namang sagutin ay ayos lang, baka balang araw ay sasabihin mo rin. So, my question is may nakaraan ba kayo ng anak ko na ngayon ay boss mo, I mean may something ganun? Don't worry iha I won't get mad at you kung oo ang sagot mo, so meron ba kayong relasyon ng anak ko dati na si Ignacio Baltimoore?" tanong niya. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin pero kahit anong deny ko ay talagang mabubuking ako, may idea na ako sa mga katanungan niya kaya hinayaan ko na lang, total ayon sa nakikita ko ay kanina pa siya nakangiti habang kausap ako. Kinalma ko ang sarili ko at tinitigan siya, "Opo madam, meron po." sagot ko sa mahinang boses. Ngunit bigla na lang akong nagulat na napalakas ang pagsabi ni madam ng Yes. "Omg, omg you mean, magjowa na kayo since high school ano, and then nagchukchakan and then 9 months lumaki ang tiyan mo and then yung bata na nakita ko kahapon ay siya ang apo ko, tama ba, tama ba iha?" Gustong gusto kong matawa sa reaction ng nanay ni Ignacio. Ito ba ang tinatawag na excited? "Opo." "Oh di ba sabi ko na nga ba eh, paano ba kasi iha kuhang-kuha ng anak mo ang hitsura ng anak ko noong ganyang edad niya, omg may apo na ako sa wakas, yes!" What? Anong nangyayari? "But I feel sad kasi bakit ngayon mo lang ipinaalam, wait. Alam na ba ito ng anak ko?" tanong niya kaya napatitig agad ako sa kanyang mga mata at maya-maya ay umiling. Yumuko ako at pinagmasdan ko na lang ang mga daliri ko. "Hindi po madam, at wala po akong planong sabihin. Maaring malaman niya po pero hindi pa po ako handa para sabihin sa kanya dahil… " ito na naman ako, ayokong bumalik ang trauma ko kaya hindi ko na tinapos ang sasabihin ko. Lumipat siya sa mahabang sofa kung saan ako at tumabi siya sa akin. Tinaas niya ang baba ko para makita siya. May ngiti ang mga labi niya habang nakatitig sa akin. "Now I see, I don't have any idea what's going on between the two of you kung bakit sa tagal ng panahon ay ayaw mong ipaalam sa anak ko. Maybe one day I'll understand. Pero sa ngayon, kahit kami na lang ng lolo niya ang makakaalam, pwede ba namin siyang makausap, mamasyal o mabigyan ng regalo? Sorry kung ganito lang ako ka excited kasi first apo ko yun eh, ayos lang ba? Huwag kang mag-alala kung ayaw mo munang ipaalam sa anak ko ay kami ang bahala ng asawa ko," naluluhang pakiusap ng ginang sa akin. Biglang lumambot ang puso ko dahil sa gaan ng pakikipag-usap naming dalawa. Akala ko sisinghalan niya ako, sasabihan ng masasamang salita pero hindi nangyari. Kasalanan ko ba kung bakit itinago ko ang anak ko ng ilang taon? Pero may rason ako, valid naman yata iyon. "Omg, I'm so excited. Anong gusto ng apo ko. Anong brand ng sasakyan ang gusto niya may kakilala ako na pagbibilhan, how about shoes? Damit? What else pa ang gusto ng apo ko iha, omg I'm so proud grandma. Lintik na batang yun, batang-bata nyo pa, pinutok agad ang sperm cell sayo, tapos ngayon buti nga sa kanya." hindi ko alam kung ako pa ang kausap ng ginang dahil wala rito ang tao na pinaparinggan niya at anong sabi niyang brand ng sasakyan? "Uhm, madam hind–" "Mommy, mommy na ang itawag mo sa akin at sa asawa ko naman ay daddy, okay okay?" nasisiyahan niyang sabi. "Pero… " "No pero pero just call me that from now on," wala na akong nagawa dahil mapilit ang ginang. " M. mo. my.. mommy uhmm hindi na po mahilig sa laruan na sasakyan o kahit anong laruan ang anak ko." sabi ko para hindi na bumili at masasayang lang sa bahay at pera. Books at rubik's cubes lang ay masaya na siya at sa chess. "What? Anong laruan? Totoong sasakyan na ang gusto kong ipabili sa apo ko iha," she giggled. Ako naman ngayon ang nagulantang sa sinabi niya. " Madam ay m. mommy six years old pa lang po si Saul. Hindi pa po niya kayang mag drive, " "Ahh, okay… pero bibilhan ko parin siya," kindat niya sa akin. Napahilot na lang ako sa sentido dahil sa mga plano niya. Ano naman kaya ang bibilhin ng lolo ni Saul. Paano pa kaya kung ang totoong daddy na niya ang makilala niya, baka kung ano-ano na lang ang ibibigay sa anak n'ya kahit hindi naman kailangan na o matagal pa bago magamit. Goodluck na lang sa'yo Mica. Dahil matagal na ako sa kanyang opisina kaya napagdesisyonan ko na bumalik na muna sa table ko at baka nakarating na ang cold billionaire na boss ko at ma sermonan pa ako na dapat may tatapusin pa ako na trabaho. Pinapaalala sa akin ng mommy ni Ignacio na magkasama kaming mag tanghalian, hindi ko na matanggihan dahil namimilit. Gumaan ang pakiramdam ko na kahapon halos wala akong maayos na tulog dahil sa kakaisip sa kalagayan ng anak ko pero ngayon mabuti na lang at naiintindihan ako ng ginang. Dahil quarter to ten pa naman ay babalik muna ako sa office. Napangiti na lang ako na wala pa si boss, wala pa ba? Nakababa pa kasi ang bintana niya, hmm ibigay ko kaya itong ibang pepirmahan niya baka kasi nandiyan lang siya. Pero bago ko pa maihakbang ang paa paalis sa lamesa ko na biglang bumukas ang pinto ng opisina at nakahangos na Ignacio ang nasa pintuan. Galit itong nakatingin sa akin. Hinayaan niyang nakabukas ang pinto. Lumapit siya sa at damang-dama ko ang galit. Bakit? "Saan ka galing? Ang aga-aga Miss Gomeza wala ka sa table mo para tapusin ang trabaho mo!" singhal niyang sabi sa akin. " M. May pinuntahan lang b. boss," napaigtad ako dahil hinampas niya ang ibabaw ng table. "Saan? Saan kayo nagpunta ng lalaki na kasama mo kanina para masisante ko?" tanong niya, pagalit na tanong niya, tanging table lang ang naging harang naming dalawa, kinabahan ako sa mga sinasabi niya. Pero bago pa ako makasagot ay nasubsob si Ignacio sa table ko. "Ikaw na sperm cell ka, ako ang kausap ng secretary mo kanina, may reklamo?" Nagulat kami pareho ni Ignacio. " Mommy!"

 

 

chapter 19

 

Matalim ang tingin ni Ignacio sa akin simula noong dumating ang mommy niya. Mas lalo yatang nagalit na kasama ako sa hapag-kainan habang narito ang mga magulang niya. Nasa restaurant kami na malapit lang sa building nila, dito nila naisipang maglunch. Ayoko sanang sumama pero ayaw talaga akong tigilan ni Mrs. Pamela Baltimoore. "Ito pa iha, masarap itong beef steak, favorite ito ng anak ko, nakatikim na ba siya nito?" tumango ako sa huling tanong ng ginang dahil kahit hindi naman niya banggitin ang pangalan ay alam kung sino ang tinutukoy niya. "Opo, nung time na hindi ko nakain kaya dinalahan ko po siya at yon po sarap na sarap naman po." nahihiya kong sabi sa kanya. "Oh really? Sabi ko na nga mag sperm cell nga sila. Right, darling?" sabay kindat niya sa kanyang asawa, walang idea ang ama ni Ignacio pero sumasakay lang siya sa trip ng kanyang asawa. "Yes hon." aniya sa malalim na boses. Tumikhim si Ignacio na katabi ngayon ng daddy niya. "Anong pinag-uusapan niyong tatlo na parang kayo lang nagkakaintindihan?" "Wala naman," sagot ng kanyang ina. "Wala.. baka ano yang pinagsusumbong mo sa kanya mommy?" reklamo niya. "Ikaw na bata ka, ang alam ko ang babae lang ang may regla pero ikaw parang may dalaw ka palagi, lagi kang nakasimangot, laging mainitin ang yung dalawang ulo, sa taas at baba, tapos naman ngayon, hay naku inaaway mo ako. Pakitanong nga itong anak mo Dante baka tigang lang ito! " wika ng kanyang ina na halos namula na si Ignacio dahil sa sinasabi ng mama niya. "Honey, nasa kainan tayo. Stop arguing, the two of you." awat ni Mr. Baltimoore sa kanyang mag-iina. Nagpatuloy kami sa pagkain ng maihain na ang lahat sa lamesa. Iba't-ibang klase ng ulam ang nakahain. Alam ko na mga mahal ito dahil nabasa ko kanina ang mga prices ng menu nila kaya parang gusto ko na lang umuwi at kumain na lang ng kamatis na may toyo. Malulunok ko pa kaya ang pagkain ng mga ganyan? Lalo na ngayon na nandito na sa lamesa. "Kailan ba ang flight niyo para sa isang business trip?" Tanong ng ama ni Ignacio. Nag-angat ako ng tingin dahil bilang secretary ay ako dapat ang sumasagot sa katanungan lalo kasama naman ako. Pero bago ko pa ibuka ang bibig ko ay naunahan na ako ni Ignacio. "Bukas ng gabi dad," "Sa bahay na ba agad kayo de diretso muna o diretso na sa Batangas at doon na lang mag book ng suite?" tanong ng ginang. "Depende sa flight mom, kung hindi delay ay baka diretso kami ng Batangas pero kung may abirya o traffic baka magbobook na lang muna kami at madaling araw na rin magbibiyahe ulit papunta roon." sagot ni Ignacio. Ipinagpatuloy ko na lang ang kinakain ko dahil usapang pang pamilya ang naririnig ko at hindi ako kabilang. Nginunguya ko ang steak dahil baka sabihin na hindi ko man lang pinapansin ang binigay nila sa akin kahit gusto ko itong itago o bibili na lang ako ulit para sa anak ko mamaya para pasalubong. Binalingan ako ng ginang at lumapit na naman sa'kin, may ibubulong siya sa akin kaya nailapit ko ang tenga ko. "Pagbalik niyo dapat may next apo na ako ha–ay tubig. Sorry Mica! Nabigla kaba?" Ang sarap sabihin na biglang-bigla talaga. Hindi ko na lang na ituloy lalo at panay ubo ko dahil sa sinabi ng mama ni Ignacio. "Are you okay?" nag-alalang tanong ni Ignacio na ngayon nasa tabi ko na pala at nakaluhod. Inabot niya sa akin ang isang baso ng tubig at tinanggap ko naman iyon pagkatapos kung kumalma. "Thank you," ani ko. Bumalik siya sa kanyang upuan at umayos naman ako ng upo. Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil sa nangyari bago lang. "Okay ka lang ba iha?" nginitian ko ang ginang dahil totoong okay na ako. "Itong batang ito, kung hindi inuubo si Ms Gomeza ay hindi mo pa hihiwain yang steak na yan. Kurutin kita sa singit ay.." umaaksyon pang nanggigigil ang ginang. "May sinabi ka siguro kaya siya inuubo kanina mommy?" "Ay oo nga pala, half nun ay kasalanan ko, pasensya kana a baby baby abujingjing Ignacio ko." paglalambing ng mommy ni Ignacio, hindi ko alam na may pagka kalog pala ang ginang. Pero kung makautos siya kanina na may nakita siyang kalat habang palabas sa building ay pinagsabihan niya ang staff sa kung ano ang tamang gawin at nakita ko doon ang pagiging ma awtoridad niya o silang dalawang mag-asawa. Hindi pa nakuntento ang ginang at tinapik pa ang balikat ng kanyang anak para makipag marites, wala na sa kanyang atensyon ang pagkain kundi ang hulihin ang anak niya, "May tanong ako ulit, magkakilala na ba kayong dalawa ni Mrs. Gomeza, anak? Dati noong nag-aaral pa kayo ng.. let's say grade school, highschool or college?" "Highschool mommy, " "Oh really? And then naging close ba kayo? You know? Another level sa pagiging kaklase lang? May something ba sa inyo? Siya ba yung babae na sinasabi mo sa amin dati?" parang pinagsisihan ko na tuloy kung bakit pa ako sumama sa kanila at pumayag na dito kumain. Parang gusto ko na lang talagang magtago sa ilalim ng lamesa o di kaya lamunin ng lupa ngayon mismo. "Mom! Nasa hapag kainan po tayo." ani ni Ignacio sa kanyang ina pero wala yatang pakialam ang ginang dahil malapad lang itong ngumiti sa kanyang anak. "Sagutin mo na lang ang tanong ko habang kumakain tayo, busy ka na niyan mamaya. Tapos busy din kami. Okay? Dali, sagutin mo na yung tanong ko sa'yo." pamimilit nito sa anak. Nawalan yata ng gana si Ignacio dahil tumigil na ito sa kinakain at tinabi ang mga kutsara at tinidor. Humarap siya sa kanyang ina. Kahit ako napatigil na rin, habang ang mag-asawa ay nag-aabang pa rin sa sasabihin ng anak. Kumakain pa rin ngayon, may mapang-asar na ngiti ang ginang. "Kaibigan la––," "More than friends mom," Sasagot na sana ako, pero tinapos na ni Ignacio ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung tatango o iiling lalo at nasa akin naman nakaabang ang mga magulang niya. Alam na nila ang sitwasyon ko pero nagtatanong pa ulit, parang nasa hot seat ako nito isinalang, same kami ni Ignacio. "Ah kaya pala, mabuti na lang at hindi mo sinayang ang sperm cell mo." walang preno na sabi ng mommy ni Ignacio. "Mom," natilapon ang iniinom na tubig ni Ignacio. Napapailing na lang ito sa kanyang ina. "Mom! Seriously? Dami mo pong ganap ngayong araw. Kumain na lang po kayo ng marami, kaysa marami kayong katanungan sa love life ko." Imbis na malungkot ang ina ay hindi ito natinag sa kanyang anak. "Alam mo, ang daddy mo hindi naman ganyan kasungit noong kaedaran mo pero ikaw, ang sungit-sungit mo. Kaya tuloy may alam ako na hindi mo alam, bleeh. Hindi ko sasabihin," sabi nito sabay kindat sa akin. Napailing na lang si Ignacio at tumayo, "bathroom break lang po dad, mom," paalam niya sa kanyang mga magulang at tuluyan ng umalis sa lamesa namin. "See, ang suplado nga. Kailangan lang talaga nun ng yakapsul at kissperen kaya ikaw na ang gagawa na yon sa kanya, Michaella Gomeza. Okay? "Po?" tanong ko sa kanya. Parang gusto ko na lang yatang magbanyo para makaligtas sa ina ni Ignacio na madaldalin. "Honey, naiilang na tuloy ang mga bata sa pinagtatanong mo," aniya ng asawa at mas lalong lumapad ang ngiti ng ginang. "Kasi hon, gusto ko lang naman na mabuking ang anak natin na kung anong mga kalokohan ang ginawa niya sa mga nakalipas ng ilang taon. Ano iha? Kaya pa?" dalawa na kami ni sir ang umiiling sa kanyang asawa. Natapos ang kainan namin na maraming kine kwento ni Mrs. Baltimoore, kung paano nawala sa kanila ang kanilang prinsesa at kung paano siya bumangon ulit. Dahil sa takot kaya hindi na sila sumubok na magkaanak ulit at nakafocus na lang kay Ignacio. "What time po ang alis mo bukas, mama? tanong ng anak ko habang nakayakap ako sa kanya. Nasa kwarto na kaming dalawa at nakahiga na sa kama para matulog. "Gabi pa naman anak, bakit may kailangan ka ba? May katanungan kaba sa mga assignment o may ipapabili ka kay mama bukas bago ako umalis? O pasalubong pagbalik ko?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya habang sinusuklayan ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. Medyo mataas ang buhok ng anak ko, hanggang balikat at sobrang straight niya at malambot kaya tinatalian ko siya kapag papasok sa school, wala talagang kawala at ang isang tao lang ang kamukha ng anak ko kahit idedeny ko pa. Malalaman at malalaman talaga. Pinapasok ko rin siyang maging model para sa mga bata at sa school nila muna. Gusto naman niya kaya masaya na rin ako na gusto niya ring maging modelo. Like father, like son nga, pero sa itsura lang, ewan ko na lang sa ugali kapag malaki na ang anak ko. "Tapos na po ako sa assignment, at wala po akong ipapabili po mama. Gusto ko lang pong sabihin na mag-iingat po kayo doon, at balik po kayo agad."   "Aww, my baby. Big boy na talaga ang baby ko na yan? I love you anak." "I love you po mama." pagkasabi niya ay agad ng bumaba ang mga talukap ng anak ko. Napangiti na lang ako na makitang mahimbing na natutulog ang prinsipe ko. Pinagmasdan ko siya ng mabuti. "You're such a blessing anak, I thank God everyday na hindi ka niya pinapabayaan at lagi kitang pinagdarasal na maging masaya, malakas at may takot sa Diyos. Mahal na mahal kita anak." "Pa. Pa," bigla yatang tumigil ang oras ko dahil sa narinig ko sa anak ko. Hindi agad ako nakakilos at hinihintay na banggitin niya muli ang narinig ko na tinatawag ni Saul. Pero hanggang nakatulog narin ako na hindi ko na narinig ulit. Baka si papa ko lang ang tinatawag ng anak ko, nakalimutan lang ang lolo papa, yan kasi ang tawag niya at lola mama naman kay mama. Kahit madaling araw na akong nakatulog ay pinilit ko paring bumangon para paghandaan ng pagkain ang anak ko bago pumasok sa eskwela at sasama na rin ako sa paghatid. Gusto kong bumawi sa ilang araw at gabi na hindi ko muna siya makakasama. Susulitin ko lang ngayong umaga dahil mamayang hapon ay aalis na ako. Nakaready na ang mga gamit ko kaya wala ng problema. Pagkahatid ko sa anak ko at sa mga kambal na kapatid ay pumunta muna ako sa grocery store malapit lang sa amin at bumili ng mga kakailanganin nila sa araw-araw para naman hindi na lalabas palagi at bibili. Naglinis na rin ako ng bahay pag karating ko, kaya sinasaway na naman ako ni mama dahil kaya naman niya at tumutulong naman din ang mga kambal, hanggang sumapit na nga ang hapon at maya-maya laging nagba vibrate ang message tone ko dahil nagtetext para lang mag remind yung isa na may trip kami baka makalimutan ko raw. Tsk. Excited lang. Hihintayin ko pa sana ang anak ko na dumating sa bahay pero wala na talagang oras at baka naman sermon ng ama niya ang matatanggap ko. Pagkatapos maligo ay dali-dali akong nagbihis ng damit. Simpleng white long sleeve polo at blue high waist pants dahil kinabukasan pa naman ang meeting namin kaya ito muna ang suot ko. Nagtawag na ng taxi si papa at agad-agad naman akong nagready sa sala para go na agad. Binilin ko na rin sa kanila na tawagan agad ako kapag may kailangan sa bahay at kung anong problema o kahit wala, basta tawagan ako o itetext. Tinext ko rin si Tuko na paki tingnan ang pamilya ko kapag may time siya at ok lang ang sagot sa chat ko. Loko yun. "Mama, papa una na po ako, yung mga bata po, pakisabi narin lalo na po kay Saul na umalis na po ako at hindi ko na siya nahintay pa kamo dahil nagmamadali na." paalam ko sa kanina. After kong magmano sa mga magulang ko ay pumasok na ako sa taxi. "Mag-iingat ka doon anak, bago gumawa ng pangalawang anak, dapat alam niya muna na may panganay na siya." Ngiting sabi ni mama na nagpamula sa kabilaang pisngi ko. "Mama naman, hindi na yan mangyayari." tinaasan niya lang ako ng dalawang kilay. "Bahala kayo diyan kung ayaw n'yong maniwala," kausap ko sa sarili ko. Sana wala pa ang boss ko sa airport at baka sermon ang aabutin ko. Mamayang gabi pa naman ang alis ng eroplano kaya lang dapat bago mag- one hour ay nandoon na raw ang mga pasahero. First time kung makasakay ng eroplano kaya hindi ko alam kung ano ang pakiramdam, sabi naman ni Yana na parang lumilipad ka lang daw papuntang langit. Gaga na yon. Tenext ko na agad ang boss ko na natatanaw ko na ang airport at naghihintay na raw siya sa akin sa entrance. Akala ko ba ako ang mauna, nauna na pala itong nakarating kaysa sa akin. Ngumuso ako, baka mamaya nito masisira na naman ang araw niya na matagal ako. Kanina pa kasi niya ako inaalok na sunduin na nila ako kasama ang driver pero ako lang yung ayaw at panay text ko na papunta na kahit nasa bahay pa lang ako. Haizt. Pagkatapos kong magbayad sa driver ay dali-dali akong bumaba ng taxi na dala ang maliit ko na maleta, dahil ilang araw lang naman kami kaya ito lang ang dinala ko. Konti lang naman ang mga make-up ko na dala kaya magaan lang siyang dalhin. Tama nga ang tenext niya na nandito na siya. Nakatayo siya sa loob malapit sa may entrarance habang nakalagay sa tenga ang cellphone niya, maya-maya pa ay nag vibrate ang cellphone ko. Madali ko lang napindot ang answer button dahil hawak ko lang naman sa kaliwang kamay at ang kanan naman ang nakahawak sa maleta. "Where are you?" tanong niya sa malalim na boses. Nagpipigil kaya itong sigawan ako? Subukan niya lang at aawayin ko talaga siya sa loob ng eroplano o di kaya hindi na ako sasama sa kanya, akala niya lang. "Malapit na po sa entrance sir, nakikita na po kita. Papasok na po." sagot ko. "K," What? K lang as in k lang ang sinagot niya? Binabaan niya na ako ng tawag? What a cold billionaire.   Nasa entrance pa lang ako para tingnan ang mga gamit ko ay natatanaw ko na siya. Kahit leeg ng iba bumabaliktad kapag nasa harapan niya na. He is wearing his plain white long sleeve and black pants at white na sapatos. Yan lang naman ang suot niya pero…basta. Pang momodel show yata ang pupuntahan namin eh hindi business trip na tungkol sa kanilang negosyo. Tatanungin ko sana kung nagmomodel pa ba itong tao na ito pero feeling ko masasayang lang ang laway ko dahil sisinghalan niya lang ako. Kinuha niya sa akin ang maleta pagkarating ko sa harapan n'ya. Ayoko pa naman sana dahil baka may dala siya pero wala raw dahil meron naman daw siyang mga damit sa Manila kaya wala na siyang dinala pa. Sana all na lang talaga, parang nasa kanto lang ang inuuwian at hindi na magdadala ng mga gamit. Naghintay muna kaming mga pasahero sa waiting area. Bumili siya ng pagkain para sa aming dalawa para mamaya kahit drinks na lang ang oorderin namin. Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa aking bag. Malapit ng mag gabi, baka matutulog na ang anak ko kaya gusto na ng goodnight kiss. Basta may pasok pa sila kinabukasan ay maaga ko silang pinapatulog. Kasama naman ni Saul ang mga kapatid ko kaya kampante ako na iwan ang anak ko sa kanila. Habang nasa restroom ako kanina ay tumawag ako sa bahay at nagtanong kung nakauwi na ba sila kaya nakapag-usap pa kaming dalawa ni Saul. "Yes baby!" Nakita kong natigilan sa pagnguya si Ignacio ng kinakain at tumitig sa akin. Naka earphones ako kaya hindi niya maririnig kung sino o ano ang pinag-uusapan ng katawagan ko. "Opo, wala pa. Baka in 20 minutes. Yes baby. Ok, ok. Sige bukas ulit. Matulog na kayo. Goodnight din. Ok I love you more." malambing ko na sabi, nawala sa isip ko na nandito pala si Ignacio na katabi ko. Basta sa anak ko na ang atensyon ko ay wala na akong pakialam sa paligid ko. "Tapos kana?" tanong ko sa kanya dahil hindi na siya kumakain. May laman pa ang styrofoam niya na pagkain. "Oh," tipid niya na sagot. Ngumuso ako. "Ang dami pa yang nasa foam tapos hindi mo lang uubusin!" ani ko at walang magawa kundi hindi ko rin naubos ang kinakain ko dahil papasok na kami sa eroplano. Sana lang maibigay na lang ito sa mga stray dogs o pusa. Sumunod ako sa kanya na wala na itong imik, simula ng kinausap ko ang anak ko. Dala niya pa rin ang carry bags ko kahit hindi niya ako kinakausap. Problema nito. Dahil siya lang naman ang may alam kung saang seat number kami uupo kaya hinayaan ko na lang siya. Hinawakan niya pa ako sa wrist para makahabol ako sa paglalakad niya. Paano kasi ang tangkad ng lalaking ito. Sino ba naman ang hindi mahuhuli kung isang lakad niya lang dalawang baitang ko na. Pinaupo niya ako sa hindi malapit na bintana, kaso hindi ko talaga maiwasan na pumunta ang mga mata ko sa labas ng eroplano. "Palit tayo ng upo, pwede ba yon?" tanong ko na nagmamakaawa. Hindi pa rin niya ako kinakausap pero tumayo siya para magpalit kami ng upuan. Pero pinagsisihan ko naman agad na magsimula ng magtake-off ang eroplano. Parang gusto kong sumigaw dahil feeling ko lahat ng hangin biglang nagsisipasukan sa aking tenga, pero yung ibang pasahero ay parang wala lang sa kanila. Kahit ang katabi ko ay nakapikit na ang mata habang nakasandal ang likod sa upuan. Dahil sa naramdaman takot baka hindi na ako makarinig ay hinawakan ko ang kamay ni Ignacio habang nakayuko ang ulo ko at nakapikit ang mga mata. "Are you okay?" ani niya. Dinilat ko ang mga mata ko at binalingan siya. Sinenyas ko ang tenga ko at salamat naman na naiintindihan niya ang problema ko. Dinala nya ang mga kamay niya sa magkabilaang tenga ko para takpan. "Humikab ka para umalis ang hangin o di kaya kunin mo ang bubble gum sa aking bulsa at nguyain mo." Sinunod ko ang sinabi niya at nagawa ko ng paraan ang problema ko. Hanggang paglanding ay hindi parin binitawan ni Ignacio ang mga palad niya sa mukha ko. Pagkarating mo ng Maynila ay alam mo na talaga na iba na ang pupuntahan mo. Iba ang atmosphere ng Maynila at probinsya. "Welcome sa akin, Manila City," bulong ko.

 

 

chapter 20

 

Dahil gabi na at ma traffic daw kapag dumiretso kami sa Batangas kaya naisipan na lang ni Ignacio na bukas na lang bumiyahe dahil na move naman sa hapon ang schedule ng meeting. "Matulog ka muna Mrs. Gomeza. Gigisingin na lang kita mamaya pagbalik ko." wika ni Ignacio na ngayon papunta na ng banyo para yata maligo. Misis ka diyan. Simula talaga kahapon na nakausap ko ang anak ko, no.. anak namin ay kasing lamig at tigas na talaga siya ng yelo, ganyan na ang tawag niya sa akin. Pinaglihi yata ito sa freezer. Akala niya siguro kasal na ako? Dahil ba doon sa pagkikita nila ni Tuko o dahil sa lagi kong kausap ang anak ko? Ang mas malala pa, nasa iisang kwarto lang kami ngayon matutulog, fully booked na lahat na hotel na napuntahan namin dito sa Makati, kahit saan kami pupunta ay ganun ang rason ng mga receptionist na isang kwarto na lang available dahil marami ang nagchecheck-in ngayong gabi, at dahil ma traffic sa labas at kailangan na rin na makapag book na kami at baka raw ma puno pa lahat ng room ay baka sa kotse kami nito matutulog. Mas ayaw ko naman siguro iyon. Pero kung tutuusin ay marami naman talagang pwedeng matutulugan. Pwede naman sa maliit na apartment. Pero naaalala ko na may allergy pala ito sa alikabok, baka mamaya ang marentahan namin ay hindi masyadong nalilinisan baka mangangati pa ito, ako pa ang sisihin. The same sila ni Saul kaya kahit na ayoko naman siyang paglalaruin sa labas ay hindi ko naman mapigilan dahil masaya siya, kaya kapag natapos agad sa paglalaro, pinapabihis ko na agad ng bagong damit. Mag tatay nga ang dalawa. Gustuhin ko mang magreklamo na dapat mag hiwalay kami ng kwarto ay wala talaga akong magagawa. Hindi naman ako ang nagbabayad kundi siya o company ba. Nakatitig lang ako sa banyo na pinasukan niya. Iniisip ko muna kong may naiwan ako doon na gamit o damit pero wala naman yata, baka may mga nalalagas na buhok sa shower? Pero na double check ko naman yun kanina, sana wala lang. Dahil yata napagod ako sa biyahe kaya nakaramdam ako ng antok. Hindi pa naman ako gutom dahil marami naman siyang pinakain sa akin sa airport. Binalingan ko ang kama na tutulugan namin. Hindi ko yata kayang matulog na kasama siya. Baka mamaya niyan imbis na matulog ay makalimutan ko pang huminga dahil katabi ko sya. Nilipat ko ang mga mata sa couch na nasa kwarto, kulay itim ito at sa tingin ko ay kasya naman ako. Lumapit ako at doon na humiga, at ang maliit na unan doon ay yon na lang ang ginamit ko na unan at hindi na ako nag-abala na kumuha ng kumot dahil hindi pa naman masyadong malamig. Dahil talagang napagod ako sa biyahe namin lalo kanina na nasa eroplano palang kami na wala yata akong nagawa na maayos kundi ang nararamdaman ng tenga ko na parang nagsisipasukan ang mga hangin sa loob. Yung iba kalmado lang sa loob ng eroplano pero ako buong sistema ko yata ang nagwawala. Naalimpungatan ako, dinilat ko ang mga mata ko at naabutan ang sarili ko na nasa kama? Kanina lang, nasa couch ako. Wala akong katabi ngayon. Inangat ko ang paningin ko at sinilip ang couch pero walang tao. So, binuhat niya ako para dalhin sa kama na hindi ko man lang naramdaman. Hindi ba siya natulog at agad umalis muna kanina dahil may kikitain siya na kaibigan, natuloy siguro. Saan na kaya siya? Inangat ko ang sarili ko at umupo sa headboard ng kama. Biglang bumukas ang pinto at mukha ni Ignacio ang sumalubong sa akin. Umayos ako ng upo sa kama at inayos ang mga buhok ko na kung saan-saan na pumupunta. "Hey, are you hungry? Dinala ko na lang ang pagkain natin dito. Para hindi na tayo bumaba." Lumapit siya sa akin pagkatapos ilapag sa maliit na table ang dala niya na supot, ng nasa harapan ko na siya ay walang pasabi na dinala niya ang mga daliri niya sa buhok ko para tulungan akong isuklay ang mga ito. Ganitong-ganito siya dati at hanggang ngayon ginagawa niya pa rin. Tumikhim ako dahil nakalimutan ko yatang gumalaw simula na dumating siya. "Sana ginising mo na lang ako para sabay na tayong kumain sa labas, nag-abala ka pa tuloy na dalhin dito, hindi kita tuloy natulungan." ani ko. Nakatitig lang siya sa akin. Imbis na sagutin ako ay inangat niya ang mga kamay ko para tulungan akong bumaba na sa kama. Sa bagay naaamoy ko pa lang ang ulam kahit hindi pa ito binubuksan sa supot ay mas lalong naramdaman ko na nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tiyan. Umupo na agad kami sa couch at tinulungan ko na siyang ilabas ang lahat na nabili niya. Inabot niya sa akin ang kutsara at tinidor. Nagsimula kaming kumain na tahimik, hanggang napag-usapan na namin kung anong oras kami aalis bukas at kung ano ang mga gagawin lalo na tungkol sa aking maging trabaho. Lagi daw akong nakabuntot sa kanya para maisulat ko ang mga dapat na isulat. Tango at yes sir lang ang naisagot ko sa kanya. Ganito naman palagi basta nasa usapang trabaho na kami, pero kung wala ng trabaho ay hindi ko alam kung magyeyes sir pa ba ako sa kanya. Pagkatapos ng mga habilin niya sa akin ay ang natapos din kaming kumain. Ako na ang nagpresinta na linisin ang mga kalat namin. Alam kong nakasunod palagi ang mga mata niya sa akin. Hinayaan ko na dahil baka abutin pa ako nito na ilang oras kung papansinin ko pa ang mga panitig niya. Nasa couch siya at naka de kwatro ang mga paa. Pagkatapos kung magligpit at nakapag toothbrush narin ay hindi ko na alam ang gagawin. Nanood na ngayon si Ignacio ng movie. Dahil bagong kain at sipilyo ay naisipan ko na ring manood muna ng tv, tulog na ang anak ko, namin pala ni Ignacio, kaya hindi ko na siya pwedeng tawagan kahit mga kapatid at mga magulang ko para sana may kausap ako ngayon bago matulog ulit. Hindi ko na rin pwedeng tawagan ang mga kaibigan ko dahil gabi na nga. Itinutok ko na lang ang mga mata ko sa panonood ng tv. Dahil documentary and pinanood ng kasama ko ngayon kaya na enjoy ko na rin ang panonood. Tutok na tutok ang mga mata ko, nakalimutan ko na lang na may kasama pala ako. Hindi na kami nag-uusap pagkatapos naming kumain. Hindi na ako nakatiis kaya bumaling ako sa kanya. Pero nagulat na lamang ako na biglang bumagsak ang katawan niya at diretso sa mga hita ko ang bagsak ng ulo niya. Muntik na akong mabuwal dahil sa pagkabigla. Naka short lang ako ngayon na pang-ibaba hanggang tuhod pero hindi naman malaswang tingnan lalo at malaking t-shirt naman ang suot ko. "Hey! Gising na at umayos ka na ng higa sa kama kaysa dito ka pa matulog sa sofa, for sure hindi ka kasya dito, sa tangkad mong 'yan," ani ko pero ang lalaking ito hindi man lang nagising kahit anong tapik ko sa balikat niya. Nanonood ba siya kanina o natutulog habang nakaupo? "Ignacio, sir, hoy, Baltimoore Ignacio… gising na! Ano ba yan. Hindi ka pa rin nagbabago ha, nakakatulog ka parin kahit saan." Yumuko ako para makita siya ng lubusan. Mas lalong gumagwapo yata ang loko na ito lalo at may konting balbas na paikot sa kanyang panga. Kung ako asawa nito ay hahaitin ko talaga ang mga ito dahil nakakakiliti kaya. Sarado ang mga mata n'ya, so ibig sabihin na tulog talaga ito? Ang bilis naman, akala ko nagbago kana pero ito, hindi pa pala. Kung malapit lang ang bag sa tabi ko ay baka na iguhit na kita tulad ng ginagawa ko dati. "Masaya ka ba ngayon sa bago mo? Masaya ka ba sa nangyayari sa buhay mo? Masaya ka ba ngayon sa tunay mong mahal? Masaya ka kaya o gaano ka kasaya sa ginawa niyo sa akin 6 years ago? Ano yung pakiramdam na ako ang nagagaw buhay sa mga panahon na iyon? Mas hindi ko yata masisisi ang sarili ko kapag nalaman kong nakunan ako, mas lalo akong magagalit sa'yo o di kaya mas kamunghian pa kita sa buong buhay ko. Sa isang iglap lang binago mo ang buhay ko sa ganung paraan pa. Dahil lang sa maling nakita mo mas grabe naman ka triple ang balik mo sa akin. Sobrang sakit lang. Sobrang sakit, sakit lang. Alam mo ba yun ha?" Hindi ko namamalayan na pinagsasampal ko na pala ang lalaking ito. Kung hindi lang niya hinawakan ang pulsuhan ko ay hindi ko namalayan na gising na ito. Bigla siyang umupo sa couch habang hawak pa rin ang dalawang pulsuhan ko. "What's wrong? Gigisingin mo lang ako bakit may kasama pang pananampal?" tanong niya sa malamig na boses, pumiglas ako sa pagkakahawak niya sa akin at agad-agad siyang pinagsasampal ulit. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ako, bigla yata akong na trigger at bumalik na naman ang sakit. Hindi na ako uminom ng gamot sa pampakalma dahil akala ko hindi na babalik ang sakit ko at matapang na ako pero sa ngayon hinding-hindi ko yata kayang walang gamot na iniinom. "I hate you. I hate you!" Sigaw ko sa harapan niya. Nakakunot naman ang noo niya dahil sa nakikitang pagwawala ko, I hate you literal. "Shhh.. shhh… sorry… sorry. You hate me. You hate me that much ha. Yeah? Continue hating me as long as you can. Then continue hitting me as long as you are satisfied." "Why? Bakit mo ginawa yun! Bakit ha, bakit? " ani ko habang nag patigil yata sa kanya sa paghawak sa akin. Wala ring tigil ang mga pagluha ko sa mga mata ko. "What? What are you talking about? Anong ginawa ko sa'yo? Di ba ikaw ang may kasalanan sa ating dalawa? Why are you blaming me, Gomeza?" hindi na siya nakahawak sa akin ngayon at nakatayo siya sa harapan ko habang nakapamewang. Tumayo rin ako at pumantay sa kanya kahit may katangkaran ang walang hiyang lalaking ito. Hindi ko nilubayan ang pagtitig sa kanya. "I hate you. I. hate. you, naririnig mo ba? I hate you!" sigaw ko sa kanya habang pinagsusuntok ko siya sa kanyang dibdib. "I hate you, I hate you Ignacio. I hate you!" "Mica.. Mica… hey wake up…Michaella Gomeza! " Bigla akong nagising dahil sa may tumatawag sa pangalan ko. "Hey, are you okay? Nanaginip ka kaya kita ginising. Are you alright? " tanong nito habang pinagmamasdan ako. Panaginip, panaginip lang pala yon lahat? Sa kakatitig sa kanya ay nakatulog ako at nanagip lang ng ganun? Bumangon ako sa pagkahiga at umupo sa kama. "Dito ka natulog, s. sa ka.. ma?" hindi ko maitanong dahil baka ano na lang isipin niya. "Yes, nakatulog tayo pareho sa couch kaya noong paggising ko ng madaling araw ay binuhat kita ulit sa kama para comfortable tayong makatulog. You need water? Kukuha ako." pero bago pa ako magprotesta na ako na lang ay umalis na siya sa kama. Napapikit na lang ako ng mata na maalala ang panaginip ko, hindi man detalyado lahat pero nararamdaman ko ang galit sa kanya. "Here," sabay abot niya sa akin ng tubig na nasa bottle. Tinabihan niya ako. "Salamat." "Ayos ka lang? Do you need anything? " umiling lang ako. Hindi ko siya kayang tingnan sa mga mata."Alright, marami pa tayong oras para matulog ulit. Matulog muna tayo, okay?" tumango lang ako. Pinagmasdan n'ya lang ako at maya-maya umalis na siya sa harapan ko at pumunta sa couch at doon s'ya nahiga. Gustuhin ko man siyang sabihin na sa kama na siya matulog ay wala namang lumalabas sa bibig ko hanggang nakatulugan ko na lang ang pag-iisip sa kanya. Nagising kami pareho sa alarm clock at alas otso palang ay babyahe na kami. Alam kong nakamasid lang siya sa akin at hindi masyadong nagsalita dahil sa biglaang pananahimik ko. Hindi naman daw masyadong ma traffic kung meron man ay hindi naman sobrang tagal sa kahihintay na umusad ang sasakyan ayon sa Waze daw ang tawag ng app. Wala pang lunch ay nasa Batangas na raw kami. May resort kaming pupuntahan at doon daw ang kanyang meeting. "Let's go," dala niya pa rin ang maleta ko at hindi niya iyon binigay sa akin para ako na ang magbitbit. Baka may makakilala sa kanya at baka sabihin na pinagdala ko lang ang boss nila ng kulay pink na maleta. Gagong Tuko na yon, sa daming kulay na pwedeng piliin iyan pa talagang light color na hindi bagay sa mga kulay na sinusuot ko. Ok lang sana kung black, gray, o white kung meron. Pero dahil wala na akong pambili at hindi naman talaga ako pumupunta sa malalayo kaya hindi na rin ako nag-abalang bumili ng maleta para sa akin. Ayon sa map na nakalagay sa cp niya dahil nakikita ko naman ay ilang minuto na lang ay liliko na ang sasakyan niya kung saan ang ruta papuntang Batangas. Biglang may tumawag sa cellphone niya kaya pinarada niya muna ang sasakyan sa gilid ng kalsada para sagutin ito. "Si Dinnes," bumaling ako sa kanya. Nilagay niya sa loudspeaker ang tawag, hinayaan ko lang dahil busy rin ako sa kakatext sa mga kaibigan ko at kay mama, "Hello pre. Napatawag ka!" "Pre, nasa Batangas na ba kayo?" tanong sa kabilang linya. "Wala pa naman, malayo pa. Why?" "Cancel muna ang meeting pinapasabi ni Samson kasi manganganak na ang asawa niya kaya ayon nasa ospital at ang gago kamuntikan na niyang makalimutan ang meeting niyo kaya binilin na lang muna sa akin." ayon sa pangalang Dinnes. "Ganun ba? Ayos lang. Mabuti at wala pa kami doon, pero malapit na kami sa Tagaytay dadaan siguro kami doon." "Mabuti at naisipan mo ring bisitahin yun. Alam na ba niya at doon na ang honeymoon niyo?" tanong ng kaibigan niya. Hindi ko alam kung para saan ang pinag-uusapan nila. Ayon sa aking peripheral vision na kinuha ni Ignacio ang kanyang cellphone at pinatay ang loudspeaker. Bahala ka diyan, paki ko sa pinag-uusapan niyong dalawa. "Gago, hindi pa, baka masabi ko sa kanya pag nakarating na kami doon. Sa ngayon hindi pa, wala sa mood eh. Huwag mo akong itulad sa'yo. Ok, wala pang tinawag si Shemaia sa akin. Ok sige pre. Mabuti pa kayo, nauna niyo pang nalaman pero ako hindi man lang niya binanggit sa akin." hindi ko alam kung bakit napabilis ang pag scroll down ko sa social account ko. May narinig lang ako na pangalan parang gusto ko na lang bumaba at maglakad ng mag-isa. "Sige, ikumusta mo ako kina Samson. Pupunta ako kamo this week. Sige. Thank you." paalam nito at pinatay na ang tawag. Matalim pa rin ang titig ko sa cellphone. "Pupunta tayo sa Tagaytay then–" nagulat yata siya sa reaction ko dahil matalim ko siyang nilingon. "Uhm, doon na tayo kakain. Cancel yung meeting natin sa Batangas. Ok lang ba sayo?" sabi nito sa mahinahon na boses. "Oh," sagot ko at inirapan siya. Ang sarap sampalin tong mukha ko dahil sa kinikilos ko ngayong araw. "What's wrong? Kagabi ka pang tahimik and then ngayon parang gusto mo akong balatan gamit yang mata mo. Meron ba sayo ngayon?" natatawa niyang sabi. Mas lalo akong nanggigigil. Naloka na siguro ako.   "Wala, gutom ako kaya tumahimik ka," wika ko kahit hindi naman ako gutom. "Kanina ka pa palang nagugutom kahit kakatapos palang nating kumain. Sana sinabi mo agad at mabilhan kita ng maraming pagkain na makikita natin na restaurant." aniya at mas lalong ngumuso ako dahil hindi naman talaga ako gutom. "Ang cute mo talaga basta nakasimangot ka," pang-aasar pa niya. Hinampas ko siya sa balikat niya dahil naiinis na ako sa kakatawa niya. "Lahat ba ng pagkain ay gusto mong kainin ngayon?" "Oo lahat, kaya tumahimik ka kung ayaw mong ikaw ang uunahin kong kainin!" singhal ko. Ewan kung bakit naiinis talaga ako ngayon. Shemaia pala ha. "Michaella Gomeza, willing akong magpakain." ngisi niya. Dahil sa sinabi ng lalaking ito ay natanto ko kung ano ang pinagsasabi ko. Lumingon ako sa kanya at hinampas ang braso niya. "Bastos, pagkain ang gusto ko Ignacio hindi yang katawan mo!" inis ko na sabi sabay tingin sa ibaba niya. Shit lang Michaella ang utak mo. "Really? Pero iba ang sinasabi ng mga kinikilos mo ouch—," sabay bawi niya sa braso niya dahil kinagat ko bigla. May sasabihin pa sana siya na nakarinig kami ng malakas na bosena ng sasakyan. Pagtingin namin sa likuran ay may malaking truck na papasok sa… what the hell. "Nagpark ka hindi mo man lang tiningnan na naka harang kana sa malaking gate," saway ko sa lalaking ito dahil nasa isang construction yata na kaparada ang sasakyan namin. Agad naman niyang pinaandar ang sasakyan at habang nasa biyahe papuntang hindi ko alam ay panay naman niyang lingon sa akin habang nagdadrive. "Sa kalsada ang tingin boss at baka mabangga o makabangga pa tayo. Wala sa akin ang direction, sinasabi ko sa'yo." sabi ko na alam ko nakangisi lang ang lalaking ito. Napapailing na lang ako sa hindi ko ma lamang na dahilan. "I miss you," narinig ko na sabi niya kahit mahina naman ito. Hindi ko pinansin ang sinasabi niya at nakatingin lang sa kalsada ang mga mata ko. "Pero may mahal kana. May pamilya na rin, samantalang…" buntong hininga niya na lang ang maririnig ko, bigla yatang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa huling sinabi niya. Gayunpaman hindi pa rin ako lumingon o sumagot sa sinasabi n'ya. Hanggang nakarating kaming dalawa sa malawak na subdivision dito sa Tagaytay. "Nandito ang bahay ng mga magulang mo?" tanong ko na nakapasok na kami sa loob ng subdivision. "Iba ang bahay nila Mica," "Oh! So bahay mo?" bakit naging interesado ka Michaella? Saway ng utak ko. "Sa ating dal– I mean y. yeah. Bahay ko." Tumango ako dahil sa sinabi niya. Halos lahat ng bahay dito ay malalaki at nasa dalawang palapag, wala man lang 3rd floor o hanggang 24 floor? Bakit kaya. May nakita rin akong malawak na pang golf ayon sa nabasa ko. Meron ding court at park garden na pangalan. Mapapa Wow ka na lang talaga. May sinasabi si Ignacio pero nakatuon lang yata ang mga mata ko sa paligid. For sure mayayaman lang ang maka afford dito. Hindi na ako magugulat kung pati itong si Baltimoore ay may bahay dito dahil sa hindi naman talaga kataka-taka na negosyante ang mga magulang niya. Dahil ba na may lahi silang Chinese? No.. no hindi naman siguro nababasi ang narating mo sa buhay kung anong lahi ka pa. Pinark niya ang sasakyan sa hindi kalayuan lang ng gate. Ang labas ay kulay cream at nasa dalawang palapag din. "Let's go Mica. Gutom na rin ako at baka ikaw pa ang makain ko." sabi niya na malapad ang ngisi habang tinutulungan niya akong tanggalin ang seatbelt.

 

 

chapter 21

 

Bumungad sa akin ang malaking hagdanan na kulay ginto papunta sa pangalawang palapag pagkabukas pa lang ng pinto ng entrance. Halos nakakalola ang mga kagamitan na makikita ko, from curtains na puting-puti hanggang sa carpet na hindi ko alam kung tatapakan mo ba o gagawing pang display lamang. Tapos ang flat screen ay malaki rin na parang nasa cinema ka na nanood nito. Binalingan ko ang boss ko na papunta sa kusina ngayon. Tinawagan niya na raw ang nag-aasikaso sa bahay niya kapag wala siya. Bahay niya? May bahay naman sila pero bakit pa siya nagpatayo ng bahay dito sa Tagaytay? "Tanga ka ba Mica, syempre para sa magiging pamilya niya." maktol ko sa sarili ko. Sa bagay, swerte naman ang magiging mga anak at asawa niya kapag dito nakatira. Malamig ang klima minsan dito sa Tagaytay. Pwede silang maglaro kahit saang sulok ng bahay na hindi mag-alala. Ako kasi kapag maglalaro si Saul sa kanyang mga kaibigan na kapitbahay lang namin ay talagang gusto ko nakatuon ang mga mata ng mga magulang ko o ang mga kambal sa pagbabantay sa kanya dahil baka pumunta sa kalsada at baka may mga dumadaan na sasakyan. Wag naman sana. Bilang nanay, nakaka trauma yon na baka anong mangyari sa anak mo. "Let's eat," narinig kong tawag ni Ignacio. Nakaupo ako sa sofa at tumayo agad nung tinawag ang pangalan ko, nilagay ko muna ang bag ko sa tabi. Naghihintay lang siya sa akin. Nauna na siyang pumunta ng kusina at sumunod ako. Malapad din ang kanilang dining table na nasa 12 seats. Napatingin ako sa mga pagkain na nakahain. Nasa anim na serve at iba't-ibang putahe. Akala ko uupo na siya sa dulo ng lamesa pero hindi naman, doon niya ako balak na paupuin. Napalingon ako sa kanya at giniya niya ako na doon talaga ako. Hindi na ako nakipag-argumento at umupo na lang. Pagkatapos niyang naiayos ang silya ko ay umupo na siya sa may gilid, wait baliktad ata, di ba dapat siya ang nandito? Itatanong ko pa sana pero inumpisahan na niyang lagyan ang pinggan ko ng ulam. "Wait, kahit mamaya na tayo kumain, hintayin na muna natin ang bisita mo o kung sino ang sasabay sa atin. Baka sabihin nila na patay gutom ako at ako pa talaga ang unang kumain sa mga inihanda sa lamesa." wika ko sa kanya. Pero ang loko nakangisi lang. "Bakit ka natatawa? Hindi ako matakaw Mr. Baltimoore!" inis ko na sabi sa kanya. "Kalma Michaella para sa atin itong dalawa. Tayong dalawa lang ang kakain." sagot niya. Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Ang dami nito, paano natin ito mauubos?" "Basta uubusin natin, hindi naman niyan sobrang marami. Kain ka na baka wala talaga tayong mauubos na ulam dahil sa nagbabangayan lang tayong dalawa," sabi niya. Wala na talaga akong kawala nito. How I wish na nandito rin o ganito ang kinakain ni baby Saul. Gaganahan yung kumain. "What's wrong? Hindi ba masarap? Magpapadeliver ako ulit," ngumuso ako sa kanya. "Sira! Bakit ka pa bibili ng marami na 'tong nakahain at saka pa masarap lahat naaalala ko lang ang anak ko, na sana ganito rin ang kinakain niya," walang preno ko na sabi. Naiiyak na. Marahil namimiss ko na rin ang baby Saul ko. Lalo ko siyang namimiss kong ang carbon copy niya ay nandito sa harapan ko. "Gano'n ba? Wag kang mag-alala. Ako na ang bahala, okay? Kumain ka lang, sayang naman ang mga ito kung itatapon lang natin kung masarap naman."ani niya na may kasamang ngisi. Sarap batukan eh. Nag-eemote na ako dito. "Bakit kasi marami ang pina order mo at may pinaluto ka pa na ibang ulam. Akala mo siguro isang beses lang akong kakain at last meal ko na ito." bulong ko habang kumakain, naiinis sa lalaking ito na wala ng ibang ginawa kundi ang tumawa. "So cute.." ani niya pero narinig ko naman. "next time isasama na natin ang anak mo. Isama mo na rin si Jackson na asawa mo para hindi iyon magtampo Mrs. Gomeza." ani nito. Napatigil ako sa pagkain dahil sa sinabi niya. So, akala niya talaga na si Tuko ang nakatuluyan ko? Kaya wala man lang siyang pakialam nung nalaman niya na may anak ako. Dahil ang nasa isip niya ay ako at si Jackson ay mag-asawa ha. Sasagutin ko na sana siya na biglang tumunog ang cellphone niya. "Excuse me, si mommy tumawag lang." tumango ako bago siya tumayo para umalis sana pero, "What? Oh.. opo.. nandito po. Sige.." bumalik si Ignacio sa pag-upo at nilagay sa loudspeaker ang cellphone niya para marinig ko rin. "Mica, darling hello." napangiti ako dahil sa nanay ni Ignacio. "Yes po, kumusta po ma'am? "Ma'am? Anong sabi ko sa'yo na itatawag mo sa akin? " " Ahm, ano po.. " " Mommy! Ayaw niya yatang sabihin ang itatawag sa'yo, wag mo nang pilitin, pinapahirapan mo ang tao," sabay ni Ignacio. "Tumahik kang sperm cell ka. I'm not talking to you. I love you but sperm cell ka, kaya tsupe ka muna. Iha anak, nandyan ka pa ba?" tawag ni ma'am sa akin. Tumikhim ako para malaman niya na narito pa rin ako. "Hi po ma' I mean mom!" Sabay baling ko kay Ignacio, wala naman siyang reaction at ipinagpatuloy ang paglagay ng pagkain. Kinabahan ako. Baka kasi bigla niyang mamention ang anak ko. "There you are, kumusta kana at ang ano mo? Yung mga itinuro ko sa'yo na iba't-ibang posisyon, na aaply mo na ba o nagawa niyo ba? May second heir na ba kaming hihintayin?" sunod-sunod na tanong ni madam at sunod-sunod din akong inuubo. Grabe walang talagang preno ang bibig ng mommy ni Ignacio. "Mommy, what kind of question is that? Kayo lang nagkakaintindihan, samantalang ako wala man lang akong nakuha sa mga tinatanong mo kay Mrs. Gomeza." reklamo ni Ignacio. Tumawa sa kabilang linya ang nanay niya at naiiling na lang si Ignacio. "Weird" "Ang hina mo talagang bata ka. Pasalamat ka mahal kita eh. Tawagan mo nga si Shemaia at sabihin mo na dito na muna siya sa bahay magstay bago siya ikasal sa Italiano niyang boyfriend, ok anak? Namimiss ko na ang baby ko na yon!" pangdadrama ni Mrs. Baltimoore. "Okay mom, tatawagan ko po. Anyway cancel ang meeting ko, kaya baka mapaaga ang uwi namin sa Cebu." si Ignacio. "Oh, alright. Enjoy muna kayo diyan. Gusto niyo I book ko kayo ng hotel o di kaya magandang villa na kayong dalawa lang para sa advance honeymoon niyo?" "Mommy!" "Mom!" sabay namin na sabi ni Ignacio. "Mom napapansin ko na ganyan ka na this few weeks, anong nakain nyo? Weird na po yang mga kinikilos mo." "Weird ka diyan, wala ka kasing alam bleeh. Sige bye na, baka hindi ka maka diskarte sa mahal mo." saad ni Mrs. Baltimoore. Pareho kaming napapailing ni Ignacio. "Kumain ka pa huwag mo ng pansinin ang mga sinasabi ni mommy." "Oh," alam kong pinagmasdan niya ako. Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ang kinakain. Dahil sa pinagsasabi ni mom ay talagang nagutom tuloy ako. Hanggang hindi ko namalayan na marami pala akong nakain kaysa sa aming dalawa ni Ignacio. Binalingan ko ang plato niya at halos wala man lang itong nakikitang nilagyan niya ng ulam man lang. "Kumain ka ba? Pasensya na hindi ko napansin dahil tutok na tutok ako sa kinakain ko, gutom pala talaga ako." saad ko habang malapad na nakangiti. Nginitian niya ako at dinala ang table napkin sa bibig ko para punasan ang sauce sa gilid ng labi ko. Yumuko ako dahil hindi ko man lang napansin na may lumampas na pala na kung ano sa kinakain ko. Bigla yata akong nahiya pero ang isang ito inangat pa lalo ang mukha ko para tingnan niya kung meron pa. "Meron pa?" tanong ko. "Wala na," sagot nito sa paos na boses. Tumikhim ako at iniwas ang mukha ko sa kanya. Binalik ko ang mga mata sa plato ko na nandoon ang shell ng crab at shrimp. Meron ding piniritong liempo at pritong isda at gulay na pinakbet. Akala ko hindi ko kayang umubos ng ganito karami. Pwede naman pala. Pagkatapos naming kumain ay nasa sala muna kami dahil nagtatrabaho ulit. May tumatawag pa rin sa kanya kahit malapit na ang gabi. Wala kaming ibang ginawa kundi trabaho sa buong maghapon. Tinitingnan ko kung may email ba siya o may naka schedule na meeting. "May board meeting this coming Wednesday boss sa M_I building, around 9 to 12 in the morning." Remind ko sa kanya habang nasa mood pa ang lalaking ito. "Thanks, remind me again." sagot niya at tumango lang ako. Hanggang sumapit ang gabi ay ganado parin akong kumain. Wala na akong pakialam kung pinagtinginan ulit ako ni Ignacio at kung ano na kaya ang pinagsasabi ng utak niya tungkol sa akin. Matakaw na matakaw pala ako sa pagkain. Feeling ko nga tataba na ako nito kung laging may pagkain akong kinakain tapos ang sasarap pa. Bahala sila, eh sarap kumain, mahilig pa naman ang iba na feeling rich kid mag-aksaya ng pagkain kaya ako hangga't may pagkain ay kain ng kain. Mabuti na lang at pinayagan niya ako na dito sa guest room matutulog ngayong gabi. Akala ko ba sa kwarto na naman niya. Baka mamaya ay hindi na talaga ako nito makahinga kapag lagi kaming magkatabi. Isa pa, tatawagan ko rin ang baby Saul ko. Gusto kong kumalma kapag marinig ko ang boses niya dahil kapag nasa harapan ko na ang papa niya ay lakas ng kalabog ng puso ko. "Mama! Mama!" tawag ng baby sa akin. Kinawayan ko siya sa screen at ganun din ang ginawa niya. Bagong ligo yata ang baby ko dahil nagbibihis na ito ng pambahay na damit. "Mama, kailan ka po uuwi? Namimiss ko na po kayo mama," dahil sa sinabi ng anak ko ay magsisimula na namang tumulo ang mga luha ko. "Namimiss din kita ng sobra baby ko. Huwag kang mag-alala baka bukas ng gabi ay nandiyan na si mama. Marami akong binili para sa'yo na toys and food na gusto mong kainin, baby. Happy kaba doon?" Tanong ko sa kanya habang nagsusuklay na siya ng kanyang buhok. Responsible na talaga siya sa halos lahat ng bagay. Ang pag-iipon din ng pera ay alam niya.   "Opo mama, pero mas masaya po ako kapag nandito kana po at safe ka pong nakarating. I love you mama." "Aww… I love you too anak. Sobrang namimiss kana rin ni mama. Kaya hintayin mo ako sa bahay ha. Uuwi si mama bukas, okay?" "Okay po mama. I will pray for your safety po and the guy na kasama nyo po. I love you mama!" alam ko na iiyak na ang anak ko pero dahil alam niya na mas malulungkot ako, kaya pinigilan niya ang sarili niya na umiyak. "Natapos mo na ba ang assignment mo?" Tanong ko sa kanya. "Opo mama, may star po ako ulit," pinakita niya sa akin sa screen ang notebook na sa tingin ko ay assignment niya at ang star na nilagay ng teacher niya. Nasa tabi na si Kimmy at inaasikaso ang higaan ng kanyang pamangkin at kumaway sa akin. Nagpasalamat ako gamit ang sign language sa kapatid ko dahil sa pag-aalaga nila sa anak ko. Kalaunan nagpaalam na rin ako sa kanila para makatulog na ang anak ko ng maaga dahil may pasok pa bukas lalo ngayon na kakahiga lang ay nakapikit na ang mga mata. Suminyas si Kimmy na tulog na raw kaya nagbabye at pinatay na ang tawag. "Mag-ama nga sila," bulong ko. "Are you done?" "Ay palaka– I. ignacio! I mean boss? Kanina kapa diyan?" tanong ko. Bigla yatang nagsisi akyatan ang dugo ko sa papunta sa puso at lumayas ang kaluluwa ko dahil sa pagsulpot ni Ignacio sa likuran ko. Narinig niya kaya ang pakikipag-usap ko sa anak namin? Patay. Nakalimutan ko bang isarado ang pinto? "Medyo.. nakalimutan mong isarado ang kwarto mo at tinawag kita pero hindi mo yata ako naririnig kaya pumasok na ako." sagot niya sa malamig na boses. Nakatutok lang ito sa akin at ganun din ang ginawa ko. Naka sando ito na kulay black at kitang-kita ko ang muscles niya. Mabuti naman at nakapajama ang isang to na kulay black din. Nakatuon ang mga mata niya sa binti ko na hindi ko man lang naisipang tabunan ng kumot. Nakadapa kasi ako habang kinakausap ko ang anak ko sa tablet na dala ko habang nakayakap sa unan at hindi pa naman ako nagpapa aircon kaya hindi pa ako naka kumot. Umupo ako at isinandal ang likod sa headboard at itinago ang kalahating katawan ko ng kumot dahil naka short lang ako at mahabang t-shirt. Nilingon ko siya at saka palang niya binalik ang mga mata sa akin. "Uhm, ma. may kailangan ka?" "Yeah," sabi niya. "Ano yun? May nakalimutan ba akong sabihin kanina o schedule na hindi ko nasabi sayo?" tanong ko. "Can I sleep here?"nagulat ako sa sinabi niya. Ano raw? "Why? "Gusto ko lang… can I?" tanong ulit niya, kaya pala may yakap siya na unan kanina pa. Nilibot ko ang paningin ko sa kama at sa pintuan. Lalo sa kama dito sa guestroom nila. "Bakit nga? Malaki naman siguro ang kama mo? May dumi ba o alikabok? Papalitan ko." tatanggalin ko na sana ang kumot para makababa sa kama pero pinigilan niya ako at agad siyang humiga sa kama. "Kung may magagalit sabihin mo na nakitulog lang ako at wala tayong ginagawang masama o labag sa batas, okay Mrs. Gomeza? I'm sleepy kaya goodnight." napanganga na lang ako habang nakatitig sa kanya na nakahiga na sa kama at kahit siguro itulak ko ito ay hindi ko kaya. Ako kaya ang lilipat? "Wag kang magtangkang lumipat, baka may tumabi sa'yo na ipis. Takot ka pa naman doon," akala ko ba tulog na siya, bakit nagsasalita pa? Dahil sa sinabi niyang ipis ay agad akong sumampa sa kama. "Sure ka na may ipis ka dito? Ganito na kalinis ang paligid may ipis pa na nakatago dito?" bulong ko sa kanya. Habang niyugyug ko ang balikat niya. "Oh, mga alaga ko sila kaya wag mo silang sasaktan at papatayin, mas lalo silang dadami." sabi niya ulit at agad napatili ako kahit wala naman akong nakikita. Tumayo ako sa kama at pinagpag ang kumot ko dahil baka nandoon. Naiimagine ko pa lang na nasa harapan ko na ang maraming ipis ay hindi ko na kaya, isa nga para na akong nahihilo. Paano pa kaya kung marami. "Omg, Ignacio, tulungan mo ako. Baka nga nandito lang sa kama ko… wahh!" hindi ko mapigilan na hindi tumili dahil kinakabahan ako. Hindi naman ako ganito dati. Pero hanggang lumaki ako ay takot na takot ako sa mga ipis kapag nakakita. "Kalma Mica, walang ipis." aniya. Nakatihaya na siya at nilagay niya sa uluhan at ginawang unan ang mga braso niya habang nakatitig sa akin.   "Sabi mo meron, Ignacio help." patuloy pa rin ako sa paghahanap. "Wala nga, sige na matulog na tayo." "Ayoko na dito matulog!" ani ko. "Alright, malapad ang kama ko, doon na lang tayo matulog!" alok niya. "Okay… " sabi ko at walang pasabi na tumakbo palabas ng guestroom na wala man lang bitbit ni isa at umakyat sa pangalawang palapag. Nakabukas ang pinto at alam ko na sa kanya siguro iyon. Sure ako. Agad akong pumasok at nilock ang pinto. "Mica! How about me?" ayyy may isa pa palang naiwan. Pinagbuksan ko siya ng pinto at agad pinapasok. "Sorry," hingi ko ng tawad at ang isang ito panay lang ng tawa. Nakakainis na. Seryoso ako sa problema ko tapos siya tumatawa lang. "Really Mica! Ganun ka na takot sa ipis? Akala ko ba takot ka lang sa ahas bakit pati ipis." tanong niya at hindi ko siya pinansin. Inirapan ko na lang. Kaya yan naman siya sa walang humpay na tawa niya. Hinampas ko tuloy sa balikat niya. Minsan tumatawa itong lalaking ito, minsan naman malamig pa sa yelo kung makapag-usap sa akin. Mabuti na lang at nakatulog naman agad ako ng mahimbing kahit na kasama ko pa si Ignacio. Kaya nga lang paggising ko nakadagan ang isang binti niya sa paahan ko at kinukulong habang ako naman ay nakayakap sa kanya. The heck. Agad akong humiwalay sa kanya habang tulog pa siya ng mahimbing. Bumalik kami sa Cebu na wala man lang achievement ang business meeting daw sana namin. Pero kay Ignacio ay ayos lang daw sa kanya. May magandang alaala naman daw siyang baon? Itatanong ko pa sana kung ano yon pero parang chismosa ko na yata kapag marami pa akong katanungan. Walang humpay ang saya ko na makita ang anak ko, mas excited pa nga siyang makita ako kaysa sa mga regalo na pasalubong ko sa kanya. May pasalubong din si Ignacio sa kanya na malaking toys at mga libro. Kaya iyon tuwang-tuwa ang anak ko. Akala niya siguro na ako rin ang bumili n'on. Nakokonsensya ako pero hangga't maaari ayoko munang malaman niya. Hindi ko pa kaya. Hindi pa ako handa. Busy sa opisina lalo at may mall na naman sila na balak na ipatayo. Kaya maya-maya ang meeting o paper works ko then remind sa kanya kung anong oras siya pupunta sa meeting place na napag-usapan. Minsan kasama ako, minsan nasa opisina lang at nagpafile ng documents. Araw ng Wednesday at ngayon ang araw ng kanilang board meeting. Nasa conference rooms na ang ibang members na dadalo at may hinihintay pa. Nasa loob narin si Ignacio at nandoon din ang mga magulang ni Ignacio na sobrang malapad ang ngiti. Pero nung binulong niya sa akin kung may nangyari ba sa amin ni Ignacio at umiling ako ay kamuntikan akong makurot sa singit. "Ang hina naman pala ng anak ko, jusmiyo," "May iba na po kasi siya," "Hephep, hindi ako papayag, unless kung may anak din siya sa iba ay diyan pa lang kailangan niyong mag-usap at makialam kami ng asawa ko pero hangga't wala pa then next time, okay?" ani ng ginang sabay kindat at umalis na sa harapan ko. Nakatayo ako malapit sa pintuan para to welcome sa mga bisita at kung ano pa ang kailangan. Nasa unahan si Ignacio at doon din nakaupo ang mga magulang niya. May isa pang kulang sa board members at ito si Ms. Vanessa Solano. Wala siyang profile picture sa email niya o social media account kaya wala akong idea kung sino siya. Tunog ng mabibigat na takong ang naririnig namin na papasok na sa loob at ng buksan na ang pintuan sa conference room ay laking gulat ko sa familiar na tao. Wearing her black dress na hapit sa kanyang katawan at high heels na mataas ang takong at nandito ngayon sa loob. Nahagip niya ang paningin ko at agad siyang lumapit. Tatakbo na sana ako pero wala akong magawa at parang hindi ako makagalaw sa sobrang gulat. Ngumiti siya sa akin habang nakadungaw. "Hello Michaella Gomeza… " "Eula?"

 

 

chapter 22

 

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Nandito siya. Nandito lang sa isang conference room nagtipontipon ang mga tao na kung saan dahilan sa aking paglayo. Isa-isa kong tiningnan ang mga tao na nasa paligid ko. Aside kina Eula at Ignacio sino pa sa kanila ang kasama o sangkot 6 year ago? Lahat ba silang nandito ay may mga planong gawin sa akin pagkatapos. Ang daddy ni Ignacio na ngayon masayang nakikipag-usap sa daddy ni Eula. Ang mommy ni Ignacio na ngayon nakatuon ang attention kay Eula na bagong dating. May mga ngiti ang mga labi. Para saan ang meeting? May kinalaman ba ito sa akin. Bakit ganyan sila makatingin. Umatras ako sa hindi ko malaman na dahilan. Nasa hamba pa ako ng pintuan at anytime parang gusto ko na lang tumakbo at magtago. Pero bakit parang ang bigat ng mga paa ko. "Mica," Hindi kaya … "Michaella Gomeza!" Nagulat ako na biglang may humawak sa balikat ko, si Ignacio. "Are you okay, You look pale, magpahinga ka muna kaya sa office o di kaya umuwi ka na sa inyo. Namumutla ka. May masakit ba sa'yo? Pupunta tayo sa ospital para macheck ka." Aniya. Napapatitig ako sa mga mata niya. Nagpapanggap ba siya? Sa simula't simula? Tapos ngayon, nandito na sila lahat sa isang lugar. Umiling ako, hindi ako sigurado. "Uuwi kana? Ihahatid kita?" nag-alala niyang tanong. Binalingan ko ang mga tao na nasa loob. Yung iba ay nagtataka marahil dahil imbis na magsimula na ang meeting ay nandito pa si Ignacio sa harap ko. Samantalang ang mommy ni Ignacio ay paminsan-minsang nakatingin sa banda namin at malapad pang ngumiti. Hindi ba nila sasawayin ang lalaking ito? "Restroom lang ako, bumalik kana doon at nakahanda na ang lahat para sa meeting niyo Mr. Baltimoore." saad ko. "Kaya mong pumunta? Kumain ka na rin muna bago ka bumalik dito," tumango ako, hindi makapagsalita dahil halo-halo ang nadarama ko ngayon. Ayokong magbreakdown sa harapan nila. "Excuse me.." yan lang ang nasabi ko at agad na lumabas ng conference room. Nagmamadali akong pumunta ng restroom para naman mahimasmasan ako. Parang hindi ko yata kayang makikisalamuha sa mga taong nasa loob dahilan ng trauma ko at ngayon na naman naulit. May binabalak ba sila ulit? Anong pa ba ang kailangan nila sa akin. Si Eula, ganun ba talaga ang totoong pangalan niya? Maghihiganti ba siya sa akin kaya inalam niya kung nasaan ako at nalaman niya na nandito ako sa Cebu? Sino nagturo sa kanya? Si Ignacio? Magkasabwat ba sila? Kasi impossible naman na ang… bumaling ako sa pinto at pumasok si Eula. Nakangiti ito habang nakatitig sa akin. Ibang Eula ang nakikita ko ngayon. Maayos manamit at walang bahid na nag-alala o natatakot. Malalaman mo parin na mapagmataas na uring tao ang kaharap ko ngayon. "Hi! Gagamit din ako ng cr," sabi niya sa malumanay na boses. Ibang-ibang Eula na talaga kahit sa pananalita. "Kumusta na? Matagal na palang hindi kita nakita ah, matagal ka na ba dito sa Cebu?" ngisi niya. Hindi dapat ako matakot. Naalala ko pa dati na isa siya sa mga nagsusulat ng mga salitang hindi maganda sa dingding o kung saan man ako. Siya pala ang may pakana nun. "Anong kailangan mo!? May binabalak ka bang masama Eula?" bigla yatang namilog ang mata niya pagkabanggit ko sa totoong pangalan niya. Galit siya pero kalaunan ay ngumiti ito sa akin. Hinuhugasan niya na ngayon ang kanyang kamay kahit hindi pa naman siya gumagamit ng cubicle. "Iyon? Wala na yon sa akin. Kasalanan ko, kaya ako nandito dahil hindi yata ako makatulog na hindi ko masabi sayo na sorry sa nangyari dati. It was my fault, you know." sabi nito na nakangiti pa rin. Kumuha siya ng tissue paper at pinunasan niya ang mga kamay niya at itinapon sa trash bin ang nagamit na tissue. "You know I was careless that time. Hindi ko pinag-isipan ang mga desisyon ko sa buhay. Lagi lang akong padalos-dalos para lang makahigante na hindi na inisip na pwede palang ako ang mawala sa mundo. Alam mo yun. Kaya nandito ako ngayon. We'll hindi ko naman alam na nandito kayo nakatira sa Cebu. Meron kasing business si papa na pinatayo dito kaya ako nandito sa Cebu and of course with the help of Ignacio ay nagawa ko naman and I'm happy for you na nagtatrabaho ka rin pala dito sa mga Baltimoore." mahabang paliwanag niya. Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Kanina lang para akong mahimatay dahil sa pagkikita naming dalawa sa conference room, totoo nga siguro na siya yung nakita ko sa club noong pumunta kami ng mga kaibigan ko. "Uhm, thank you and sorry then sa nangyari. Hindi ko sinadya ang nangyari sa'yo at pag-iwan bigla. Siguro dala na rin ng takot at baka 'pag binalikan kita ay mas madali mo akong mahuli at gawan ng masama, patawad." ani ko. "Wala yon. Na gamot din naman din agad ako pagkatapos, so…friends? Don't worry hindi naman ako namimilit kung ayaw mo." Inabot ko ang kamay niya para makipag kamayan kaming dalawa. At least ngayon napanatag bigla na wala na akong poproblemahin sa nakaraan ko. Isa na lang at ito ay si Ignacio. Gusto kong magpaliwanag siya sa akin. Gusto kong humingi siya ng tawad sa kagaguhang ginawa niya. "Salamat Eula." "Let's go, baka hinahanap na nila tayo." saad niya at tinapos ko ang paggamit ng banyo bago kami lumabas na magkasama. Magkasingtangkad lang kami ni Eula at tumaas lang siya dahil sa gamit na sandal na mahaba ang takong. Pagkapasok sa loob ng conference room ay natahimik silang lahat at bumaling sa gawi namin. Bumalik si Eula sa tabi ng mommy ni Ignacio. Habang ako ay pupunta sa likuran kung saan nakaupo si Ignacio. Pero pagkarating ko roon ay inaayos niya ang bakanteng upuan nung mahagip niya ako na doon patungo. Akala niya siguro na uupo ako doon eh dapat sa likod lang ako kasi hindi naman ako kasali sa meeting at baka mamaya, may hihingi ng kape o tubig. Pero mapilit talaga ang lalaking ito. Pinandilatan ko siya ng mga mata para mapunta ang attention niya sa harapan na nagsasalita. Pero hindi niya talaga inalis ang matalim na panitig sa akin at pagsenyas na tumabing umupo sa kanya. May nagsasalita sa harapan para pag-usapan ang mall na ipapatayo, tapos ang Baltimoore na ito sa akin pa talaga nakaharap habang nginunguso na doon ako tumabi. Wala na akong magawa kundi ang sundin siya. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong nito sa akin, kakaupo ko pa lang at yan agad ang bungad niya sa akin. May napatingin tuloy sa malapit nakaupo sa gawi naming dalawa. Tumango ako, "oh" pero hindi pa rin niya ibinalik ang attention niya sa nagsasalita. "Umayos ka nga diyan, nasa harapan ang nagsasalita kaya doon ka tumingin, o di kaya diyan sa folder na inabot ko sa'yo" saad ko ng pabulong. "Ok" sabi niya na may kasama pang ngisi. Bigla akong napaigtad na hinawakan niya ang kaliwang kamay ko na nakalagay sa aking kandungan. Bigla yata akong nakuryente dahil sa pinaggagawa niya sa akin. Babawiin ko na sana, kaso pinigilan niya ako. Kinurot ko siya ng mahina at napatingin siya sa akin habang pinipigilan ang pagngiti. "What can you say Mr. Ignacio Baltimoore?" Napalingon kami pareho sa nagsasalita. Kinabahan naman ako, lalo t ganito ang posisyon ko na nakababa ang isang kamay na dapat nasa ibabaw ng lamesa. Umupo ng maayos si Ignacio at habang nagsasalita siya ay naka focus ang utak ko sa mga kamay namin na magkahugpong parin. Kunwari may sinusulat ako gamit ang kanan ko na kamay at nasa baba parin ang kaliwa at kay kay Ignacio kaliwa ang nasa nakatukod sa lamesa at kanan naman ang nasa ibaba. Kung may magbalak na dumungaw ay malalaman na may ginagawa kami na labag sa lahat. Napabuntong hininga ako kung bakit hindi ko siya kayang pigilan. Paano pala kung may iba na siya at tanga-tanga ko naman dahil marami akong oras para itanong sa kanya ang mga bagay na iyan ay hindi man lang kayang lumabas sa bibig ko. Natapos na ang meeting at nagpadeliver na lang para sa lunch namin. Gusto ko pa sanang tumulong pero pinigilan ako, lalo ng mommy ni Ignacio. Gusto niya lagi akong katabi sa anak niya at naloloka naman ako sa dahilan niya. "Para malaman ng iba na may something kayong dalawa okay?" aniya habang kumakain kami at panay na naman dagdag niya ng pagkain sa plato ko habang nakangiti. Naiilang tuloy ako dahil secretary lang ang pagmumukha ko ay naging special treatment pa, ang mas malala ay ang nagaasikaso sa akin ay nag mamay-ari ng building na ito. Pinapataba nya ba ako? Kasi wala namang problema yan sa akin kung mas lumaman ako basta may pagkain lang. "Here," dagdagan pa ng isang ito. Si Ignacio. Napairap na lang ako sa isip ko. Ano kayang nakain ng dalawang ito? "Tita, can I stay in your house tonight? May project kasi kami na napag-usapan ni Ignacio and he said that he's okay if we talk about it in your house, right Ignacio?" bigla yatang pumait itong kinain ko na steak na nginunguya ko ngayon. "Really? We'll si Ignacio pa rin ang magdedecide niyan iha. Malaki na siya. May nabuo na nga yan eh. Kaya alam na niya ang gagawin niya," Napasinghap ako sa bulgar na sinasabi ng ginang. "Sorry, Tita?" "Mommy! Ano na naman yang pinagsasabi mo?" "Huh? Oh sorry I mean. May napatayo na yan na ilang malls kaya alam ko na alam na niya ang mga bagay na yan kaya kung okay sa kanya na doon ka mamayang gabi then okay na rin sa akin. Sasama ka ba Ms. Gomeza?" inangat ko ang ulo ko para makita ang ginang at napaisip sa sinasabi niya nito lang. "Po? Hindi po," tanong ko at baka nagkamali lang ako sa narinig. "Why? Di ba dapat kasama ang secretary kapag may mga projects or business meeting ang boss mo? Para kung may mga I schedule o ipaparemind sa'yo ay maisulat mo." aniya. Pero hindi ako nakapag paalam sa anak ko. Wala ring binanggit si Ignacio sa akin sa tungkol niyan. Di ba pwede na dito na lang sa office gagawin ang mga agenda nila about works kinabukasan? Bakit dadalhin pa ang trabaho sa bahay? I don't get it. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero kailangan kong makabonding ang anak ko lalo at ilang araw ko siyang hindi nakasama. Isa pa malapit na ang birthday niya. Kailangan naka focus ako sa mga gagawin ko para maging perfect ang birthday niya. Kakausapin ko pa ang magcacater na napili namin ni mama na venue. Mamayang gabi namin yun naisipan na makipag-usap for final plan dahil gabi lang ako magkakaroon ng oras tapos ngayon? "Sorry Van pero may pupuntahan ako mamaya kaya hindi muna natin yun mapag-usapan, nag-iisip pa ako kung matutuloy pa or ipapacancel ko na lang muna." paliwanag ni Ignacio. "What? Pero alam mo naman na sobrang importante yun sa akin. I need more investment for that project and I need your idea about it Ignacio," ani ni Eula o Vanessa. "Alright, reschedule ko na lang ulit ang meeting about that. Sorry," saad niya. Nakita kong umikot ang mata ni Eula, marahil hindi niya nagustuhan ang sagot ni Ignacio pero ako bakit nagsasayawan ang mga bulate ko sa loob ng tiyan dahil sa narinig. Baliw na yata ako. Wala namang kami. Di ba dapat hayaan ko na lang sila. Total nagkaayos na kami ni Eula. And I think kung ano man ang pinag-usapan nila ilang years na about sa ikakasal sana silang dalawa ay baka marahil ngayon yun matutupad, knowing na lagi pa rin siguro silang nag-uusap o baka nagkabonding ang dalawa. Sa nakaraang taon na wala akong balita sa kanilang dalawa ay baka nga marami na silang pinagsamahan. Siguro sa panahon na may nangyari kay Eula ay agad namang dumating si Ignacio para iligtas siya. Habang ako, tumatakbo sa ilalim ng buwan papalayo sa kanila. Ilang beses ng nadapa, ilang beses bumangon para hindi nila mahabol. Hindi ko man lang namalayan na may laman na pala ang tiyan ko. Si baby Saul. My angel. Tapos ngayon malalaman ko na naman na nandito silang dalawa sa harapan ko. Sila mismong dalawa. Ang mga taong dahilan ng trauma at pagkabalisa ko ng ilang taon. Hindi ko alam kung nagpapanggap lang ang mga ito kaya kailangan ko paring mag double ingat, dahil hindi ko ulit kakayanin na maulit muli ang nangyari sa akin dati. Pumait ang buong sistema ko habang papauwi ng bahay. Nakiki-usap si Eula na ihatid ni Ignacio kaya yon hinatid naman niya. May habilin pa ang boss ko na babalik ako at para maihatid kita, che ihatid sa mukha mo, 5 minute ng lumipas wala ka parin kaya ayun umalis akong mag-isa sa opisina na nakasimangot ang mukha. Pero agad ding nawala ng makita ko ang anak ko sa labas ng bahay na parang kanina pa may hinihintay. Hmm ako kaya ito? Ng mahagip n'ya ang sinasakyan ko na tricycle ay agad siyang kumaway ng makilala niya kung sino ang nasa loob. "Mama!" tawag niya sa akin. Napangiti ako habang inaabot ang bayad sa driver. Pagkalabas ko sa tricycle ay agad akong lumuhod at niyakap ang anak ko na nag-aabang na sa akin sa di kalayuan ng bahay namin. Tumatakbo na ang anak ko papalapit sa akin habang umaandar ang tricycle kanina kaya hindi agad sa tapat talaga ng bahay ako bumaba. "Namiss po kita mama! Tingnan mo mama oh my star ulit ako." pinakita niya sa akin ang braso niya na may star. Nginitian ko siya dahil sa simpleng bahay na ganito ay sobrang masaya na ang anak ko. "Good job baby, I'm so proud of you. Always." niyakap ako ng mahigpit ng anak ko. "I love you mama." "Aww, I love you so much, baby Saul." sabi ko ng buong puso. " Let's go, pasok na tayo sa loob ng bahay. Nasaan si mama lola mo at papa lolo?" tanong ko sa kanya habang magkahawak kami ng kamay. "Nasa tindahan si paa lolo at si mama lola naman nasa loob po nagluluto kasama si tita Kimmy." sagot niya. Tama nga ang sinabi ni Saul na nagluluto na si mama kasi nasa labas pa lang kami, naaamoy ko na ang ulam na niluluto ni mama. Amoy adobo. Hindi ko lang alam kung ano. Pumunta muna kami ni Saul sa tindahan para tulungan si papa na magsara na para maaga makapag pahinga. Nakakalakad na naman si papa pero dahan-dahan dahil nga na stroke ang kalahati niyang katawan. Masaya ang gabi namin dahil sama-sama kaming kumain na sabay-sabay sa hapag-kainan. Kahit nagsasign language lang ang mga kapatid ko pero alam nila kung paano magbahagi ng kwento na nakakatawa. Hindi napadaan si Tuko sa bahay dahil may lakad ang amo niya. Pagkatapos kumain ng hapunan ay nakausap ko na rin sa telephone ang may-ari ng catering na maghahanda para sa birthday party ni Saul na wala siyang idea na bongga ang magiging birthday niya. Ang alam niya lang na ipaghahanda ko siya gaya sa napagsanayan pero hindi niya alam na marami ang dadalo. Ano kaya ang maramdaman niya. Ilang days na lang 7 years na ang baby ko. Parang kailan lang talaga na nasa sinapupunan ko pa lang siya ng 9 months pero ngayon, may minime na pero ang masaklap lang dahil hindi ako ang kamukha kundi ang ama niya. Sobrang nakaka unfair naman talaga yata na mas kamukha niya pa ang ama niya na naglabas lang ng sperm niya samantalang ako? Ako ang nagkarga sa kanya sa tiyan ko at umire tapos grrr.. I hate you Ignacio Baltimoore! "Michaella Gomeza!" "Boss?" bigla yatang kumalabog ang puso ko dahil sa biglang pag tawag niya sa akin. "File this paper then paki lagay na lang sa office table ko. May pupuntahan ako this afternoon then cancel all my meeting kung meron man. Then after that, kung maaga mong matapos ay pwede kanang makauwi ng mas maaga," paliwanag niya. Mabait yata siya ngayon. Nung isang araw lang, kamuntikan na naman akong masigawan dahil may mali lang akong na file. Minsan kapag may mali ako ay hindi naman nagagalit, tinatawanan pa nga ako dahil sa natataranta at the same time kinakabahan sa pagpapaliwanag sa kanya. Moody palagi talaga itong Baltimoore na ito. Halikan kita dyan eh. Mica… Mica.. your brain nahawa kana sa mommy ni Ignacio. "Y.. yes boss." ani ko. nauutal ko na sabi. Pinagmasdan niya ako at nakita ko kung paano niya titigan ang mga labi ko. Wala akong kinain kanina kaya for sure wala akong dumi sa mukha. Mamaya, malalim itong napabuntong hininga. Lumabas ito na wala man lang paalam. Tse. Tinapos ko ang sinabi niya para makauwi na talaga ako ng maaga. Pwede ko ring puntahan na lang ang anak ko sa school para makikain, dahil may feeding program daw ngayon at may nag sponsor na mga kilalang tao, baka pwede akong makisingit. Alam ko naman kapag makita ako ni Saul ay aabutan ako ng pagkain malamang kung meron man siya. Dahil wala ang nagpapatibok ng mabilis ng puso ay ganadong-ganado akong magtrabaho. Lalabas lang ako para mag restroom at o di kaya magtimpla ng kape o tea. Akala ko nga tapos na talaga ako kaso may inabot pa sa akin si Nico aka Nica na mga files kaya tuloy natapos ako bandang 4 ng hapon na akala ko 2-3 pm ay tapos na ako. Pero dahil urgent yon kaya ginawa ko na rin para kinabukasan ay wala na akong poproblemahin at iba na naman ang ibibigay sa akin. Ito pa naman ang ayaw ko sa lahat ang tambak na trabaho knowing na yung isa bago umuwi talaga ay tinatapos talaga ang pagperma at pagbabasa ng mga documents. Lalo kapag proposal ang mga iyon. Sipag talaga ng cold billionaire na yon kahit bilyonaryo na. Pagkarating ko sa paaralan ni Saul ay timing na uwian na ng mga estudyante. Pumasok ako sa loob ng school at pinuntahan ang kwarto ng anak ko. Nagulat pa nga siya dahil paglabas niya ay timing naman na nakarating na ako, kaya ang lapad ng ngiti ng anak ko na makita niya ako na ako ang sumundo sa kanya. "Mama!" Tawag niya. Nagtricycle na lang kami pauwi ng bahay. Nasa kandungan ko ang kanyang bag at may nakita ako doon na mga drawing notes. Hindi ako ang bumili nito at parang mamahalin ang mga ito. "Sino nagbigay sayo nito anak?" tanong ko sa anak ko habang kumakain ng burger na binili ko malapit sa building namin. "Yan po, bigay po yan nung tall guy mama para sa aming lahat. Yun po ang nagbigay sa amin ng mga pagkain kaninang lunch at mga school supplies." tumango ako dahil masaya na malaman na hindi lang pagkain ang naibahagi nila kundi mga gamit sa mga bata. "Tapos mama, ang mga kaklase ko lagi nilang sinasabi na may kamukha daw po ako sa mga guy na pumunta sa school," nagulat ako sa sinabi ni Saul. "Kamukha? Nag-iisa ka lang baby." ani ko. "Sabi ko nga sa kanila pero hindi po sila naniniwala. Sabi daw po nila na kamukha ko daw po yung naka kulay black pants at puting damit hanggang kamay po dito mama." Wait.. binanggit ba ni Ignacio kung saan siya pupunta kanina? Kinabahan ako.. Hindi kaya…

 

 

 

chapter 23

Malapit na mag-alas dose at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Iniisip ko pa rin ang mga sinabi ng anak ko kanina pauwi ng bahay. Hindi ako mapakali sa higaan ko at iniisip ang magiging senaryo kapag magkita sila. Ang sabi ni Saul na marami ang pumunta na mga nag tatangkaran na mga lalaki, isa sa mga charity na napili ng grupo na puntahan ay ang school nina Saul at yung sinabi ng mga kaklase nya na kamukha ng anak ko ay hindi naman sila nagkita dahil may umalis daw bigla sa kalagitnaan ng pagbibigayan ng mga school supplies. Hindi sinabi ni Ignacio na may charity siya na pupuntahan kanina dahil wala naman ito sa schedule niya. Pinagmasdan ko ang anak ko na mahimbing ng natutulog ngayon. Hinaplos ko ang buhok niya habang nakatitig sa kanya. "Kung magkikita man ang landas niyong dalawa anak, sana matanggap mo siya. Sana wala kang galit sa kanya. Kung ano man ang maging desisyon ng kapalaran anak, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ng mama. Mahal kita anak ko. Yan ang lagi mong tatandaan. Kaya kitang ipaglaban kahit sa Korte pa man yan magkaabot ang mahalaga sa akin ay ilalaban kita sa abot ng makakaya ng mama kung ipipilit niya na kunin ka sa akin. Nakatulog ako dahil sa lalim na pag-iisip. Wala na sa tabi ko ang anak ko paggising. Walang pasok ngayon kaya napasyahan ko na pumunta ng salon para mapasalonan naman ang kapatid ko at si mama. Bagong sahod ako kaya gusto naman silang bigyan ng makeover ngayon lalo at malapit na ang birthday ng anak ko. Next week na kaya sobrang excited na ako na makita ang reaction niya na iba sa nakasanayan na birthday niya. Bumangon ako at niligpit ang tinulugan namin at lumabas na ng kwarto. Naabutan ko si mama na naghahanda ng almusal. Wrong timing dahil hindi pa ako nagising para sana makapag luto. "O anak hali na kayo at mag-almusal na tayo." ani ni mama. Tinawag ko ang kapatid ko at si Saul. "Mama, pupunta po tayo ng salon ngayon, treat ko po. Game?" tanong ko sa kanila. Hindi naman ako namimilit kung hindi papayag, ang sa akin lang ay para maiba naman nag style namin. Si Kimmy pumapalakpak dahil masaya sa ibinalita ko. "Okay anak, magpapaganda tayo para sa nalalapit na birthday ng apo ko, di ba maganda ang Lola mama. Di ba apo?" Bumaling si Saul sa kanyang Lola at ngumiti, "opo Lola mama, you're so pretty na po kahit wala ka ng make-up eh." sagot naman ng anak ko. Pinanliitan siya ng mata ni mama, "sure yan ha baka makita mo yung isang Lola mo ay baka magbago ang desisyon mo." ani ni mama na hindi na pinansin ni Saul dahil siguro akala nito na hindi na siya ang kinakausap. Nagpatuloy sa pagkain ang anak ko na ang ulam ay egg at bacon at fried rice ang nasa plato niya. Nginitian ko si mama dahil alam ko na na hinuhuli niya ako. Wala na akong naitago sa kanila ni papa at mama at nasabi ko na sa kanila na nagkita kami at nagkausap na ng lola ni Saul sa side ng father niya. "Maganda ka po mama kaya wag kang mag-alala, pareho kayong maganda," sabi ko sabay kindat. Napailing na lang sina mama at papa. Lunes ng maaga at maaga akong pumasok sa opisina. Lobby pa lang ay nagtataka na ako kung bakit ang mga mata ng karamihan ay napapalingon sa gawi ko. Kung iikot ko naman ang paningin ko at baka ang kasunod ko ang pinagtitinginan pero hindi naman. Lihim akong umiling dahil ang weird naman nila yata ngayon. Nakasalubong ko si Nico na kay lapad ng ngiti, napatigil siya at napahawak pa sa kanyang palad at dinala sa kanyang bibig na kunwari nagulat. Anyare sa mga tao ngayon? "Oh my goddess, ikaw ba yan, Michaella Gomeza? Wala na talaga, wala na ang beauty ko dahil nasayo na lahat." pangdadrama nito. Anong nangyari sa babae-lalaki na nasa harapan ko na? "Huh? Anong nangyari sayo? Maganda ka naman talaga kahit gwapo ka," pero ang bruha hinampas lang ako sa balikat mabuti na lang at mahina lang. "Ikaw ha, saan ka nag salon my dear? Ang ganda ng pagkagupit ng hair mo." Wika niya. Hinawakan ko ang buhok ko. Wala naman akong masyadong pinagupit sa buhok at pinagupitan ko lang at ang tawag daw nito ay collarbone cut at pinagpantay ko yung bangs ko na mahaba at pinakulayan ko na rin ng blonde para bagay daw at maiba naman kaysa black. "Ganun ba, akala ko nga pangit tingnan eh kasi first time kung magpakulay ng buhok at ganitong klaseng paggupit kaysa yung dating mataas at kulay black lang." paliwanag ko. "Ay basta maganda kang tinanan fresh na fresh ang dating mo girl. Swerte naman ng jowa mo niyan at panigurado akong in love na in love na sayo yun ng todo." singit pa ni Nico kaya naiilang na lang ako kung anong pinagsasabi nito. Nagpaalam na kami sa isa't-isa para papunta na sa aming mga area, ako naman ay umakyat na sa opisina ng amo ko, hindi ko alam kung maaga ba ito ngayon pumasok. Nasa tapat ng elevator na ako at naghihintay paakyat. Nakafocus ang buong attention ko sa elevator Paghinto ko sa tapat ng elevator ay pipindotin ko na sana ang button up na may sabay kaming pumindot na kung sino mang daliri ang nasa likuran ko. Nagulat ako at bigla kong binalingan ang kamay na kung sino mang bulto ng tao na nasa tabi ko na ngayon. "Ignacio? I mean boss! Ikaw pala." ani ko at nginitian siya. Nakatitig lang siya ng ilang minuto sa akin. Tulala ka diyan at halos hindi na kumurap. Hinawakan ko siya sa balikat at nginitian ulit siya. "Good morning boss. Akala ko ako ang naunang dumating kaysa sayo pero hindi pala." saad ko para kasi naging awkward ngayon ang pakikitungo niya sa akin. Tumikhim siya at iginaya na ako papasok sa elevator. Pinindot niya ang number kung saan ang opisina niya. Nasa gilid lang ako at presenting nakatayo habang ganun rin ang ginagawa niya habang nakapasok ang dalawang kamay sa kanyang magkabilaang bulsa ng kanyang black slack. Ako naman ang suot ko ngayon ay white long sleeve at black skirt na palda above the knee at black sandal na hindi naman katangkaran, yung sakto lang na nasa hanggang balikat lang ako ng boss ko. Napalingon siya sa akin, parang may sasabihin na parang wala naman at nakatikom ulit ang mga labi. Hinayaan ko na lang siya dahil baka assuming lang ako na sasabihin niya na maganda ako kagaya ng sinasabi ng mga tao na nakakilala sa akin sa labas at loob ng building. "Later, tell Mrs. Chavez to send me the annual report last month through my email." Napaigtad ako dahil sa bigla-bigla na lang siyang nagsalita at nasa malapit pa talaga sa tenga ko. Bigla tuloy akong nakuryente kahit hindi naman masyadong malapit ang bibig niya sa akin kanina. " Y. yes sir, I will do it right away." Nauutal ko na sagot sa kanya. The heck Mica. Umayos ka. "Alright, nag breakfast kana? Samahan mo ako sa baba pagkahatid mo ng mga gamit mo sa table at doon na lang tayo kakain sa next restaurant para maiba naman." Aniya. Aangal pa sana ako na hindi na ako kakain na bigla namang tumunog ang tiyan ko. Wala na akong kawala dahil kusa na ang mga bulate ko na sa tiyan ang sumagot sa amo ko. Nakakahiya lang Mica. Napangisi na lang ang isang 'to dahil narinig niya ang loob ng tiyan ko na nasiyahan ata na makatikim na naman ng pagkain. Di porke't tinapay lang ang kinain ko kanina at kape ay hindi pa pala sila nabusog. Umirap ako sa kawalan. "I heard it already and your little tummy says it all." pang-aasar pa niya. "And, anyway you look beautiful and stunning with your new hair," hindi ko alam kung ilang kurap ang ginawa ko para pumasok sila sa utak ang lahat na katagang sinabi niya. "Get out Mica kung ayaw mong masaraduhan," natauhan ako dahil sa sinabi niya at dali-dali akong lumabas ng elevator. Anong nangyayari at bakit ganito kalakas ang tambol ng puso ko? Nilagay ko sa lamesa ang mga bitbit ko na mga gamit kanina. May nilagay din si Ignacio na papeles sa loob ng office niya. Napabuntong hininga na lamang ako ng makaalis na siya sa harapan ko. Pinakalma ko ang puso ko dahil talagang pakiramdam ko tumatakbo ako ng ilang metro ang layo at ganito magwala ang puso ko na kaharap ko na siya. Ano ba itong nararamdaman ko? Wala na akong naramdaman sa kanya, di ba? Tapos ngayon ito– "Let's go… " "Ay palaka—" bulalas ko dahil sa gulat. Steady na yung puso ko kanina, tapos ngayon nagkakarera na naman sila ulit dahil sa bigla-biglaang pagsulpot ng lalaking ito. Natatawa siyang nakatingin sa akin, "Ayos ka lang Mrs. Gomeza? You look tense. Maybe we should eat our breakfast together. Baka nalipasan ka ng gutom at ganyan ka ngayon," sumimangot ako dahil sa sinabi niya. Kung alam mo lang kung bakit ako nagkaganito loko ka. "Ohh..'' tanging nasabi ko at sumunod sa kanya sa labas. Nakasunod lang ako sa kanya at alam ko na panay sulyap niya sa akin hanggang nakarating kami sa lobby Dala ang sling bag at wala man lang akong dalang notes sa mga kamay para kunwari na habang sumusunod ako sa boss ko ay may sinusulat kung kinakailangan. Para tuloy kami nitong magkakilala o kasintahan at magde date sa labas. Ano na lang isipin ng mga matang nakatingin sa amin. Pagkarating namin sa restaurant na napili niya ay agad niyang kinuha ang menu para umorder. "What do you want? May longganisa sila dito, bacon ham.. hmmm.. ano pa ba pwede for breakfast?" "Pancake lang ako at coffee," ani ko. Sinulyapan niya ako. "Yun lang?" "Oh, kumain na kasi ako ng pandesal kanina bago umalis kaya Yan na lang." "Pancake? Parang dinagdagan mo lang ang flour sa katawan mo. Same pa rin yun na puro carbohydrates ang kinain mo. How about bacon? May daing na bangus sila, you can try that too." pamimilit niya. "Pero, I prefer pancake… " nangingiyak ko na sabi. Nagcacrave ako ngayon. Bakit pa siya namimilit sa ayaw ko namang kainin. Pero ang loko tinawanan pa ako. "Alright.. alright, pancake then. Hanggang ngayon favorite mo pa rin ang pancake kahit na magkaiba lang ang pagluto sa kinain mo dati," pareho kaming natigilan dahil sa sinabi niya. "May I take your order sir? Madam?" tanong ng waiter. Pareho kaming tumikhim at sinabi niya sa waiter ang mga order namin at ako naman ay nakatuon parin ang mga mata sa pancake na sinabi niya. Naging favorite ko ito dahil binigyan niya ako dati na nag-aaral pa kami ng highschool ng pancake na baon niya kapalit sa baon ko na pritong tilapia gusto niyang matikman kung anong lasa nung nagbaon ako kaya nag-exchange kami ng pagkain. Pwede naman na magshare na lang pero pareho naming nagustuhan ang lasa kaya hindi na kami nagbigayan sa isa't-isa. "Yun lang, thank you." aniya sa waiter at itinabi ko na ang menu list. "May upcoming meeting ba ako this week or next week?" tanong niya sa akin. Inilabas ko ang phone ko dahil nilagay ko na sa notes ang mga meetings at ibang appointments niya. "May meeting po kayo kay Mr. Saville this coming Monday morning next week and also kay Mr. Elizcalde na gaganapin dito sa M_I building around 4-6 in the afternoon then kay Ms. Vanessa Solano, dinner meeting uhm…bandang 6 in the evening." basa ko sa notes sa phone ko. Bigla yatang pumait ang sistema ko na makita ko ang pangalan ng ka next meeting niya. Hindi ko ma lang namalayan na naisulat ko siya at na save ko pa talaga sa notes ko na hindi man lang inalam kung sino ang nagmamay-ari ng pangalan na yan. And so what kung may meeting sila o wala akong paki kung about yan sa trabaho o sa ibang bagay pa, paki ko, wag lang sana na nag memeeting sila na magpaplano sila kung paano ako pababagsakin. "Excuse me ma'am," inangat ko ang ulo ko para makita ang nagsalita, ang waiter pala at nilagay na sa mesa ang mga order namin. Nagpasalamat ako. Inayos ni Ignacio ang pinggan naming dalawa at wala ng hiyang-hiya kong inabot ang pancake at nilagay sa plato ko. Natatakam ako kasi ilang days na rin na hindi ako nakakain nito. "Dahan-dahan lang Mica, sa'yo yan lahat then try also this salad pandagdag sa kinakain mo para naman hindi ka laging tulala sa trabaho mo," pinanliitan ko siya ng mga mata at naiinis na tiningnan siya. "Tulala ka diyan. Hindi kaya, ikaw siguro," ani ko at ngumisi lang ang isang ito. Inirapan ko siya. "I saw that, ang sungit. Kumain kana dahil gutom lang yan." aniya habang panay ang ngisi. Hindi ko na siya pinansin at kumain ako ng kumain na halos hindi ko namalayan na naubos ko ang pancake at salad, pinaresan ko na rin ng bacon na nandoon at sarap na sarap ako sa kakain na hindi ko nga naisip kung pati ang kasama ko ay nakakain na ba dahil panay abot lang sa akin ng pagkain. Nilipat ko ang mga mata ko sa plato niya at nakita ko na malinis ito at halos hindi man lang nalagyan ng pagkain o anong ulam. Tinaasan ko siya ng kilay habang umiinom ng tubig. "Hindi ka kumain?"   "Kumain naman ng kaunti dahil nabusog na ako sa kakatitig sayo na ganado-ganadong kumain. Kapag kasama mo lang ba ako na ganito ka ganang kumain? Tapos kay Jackson… tinapay lang ang kayang ipakain sa'yo?" saad niya na mas napakunot ng noo ko. "Huh? Matakaw naman talaga ako kahit anong kain ko noh kahit anong nakahain sa lamesa na hindi lang dahil kasama kita. Assumero nito. Masaya naman ako kapag pandesal lang ang ibinigay ni Jackson sa akin kaya." sabi ko at nagpataas lang ng kilay niya. Bahala ka diyan, hindi ako namimilit. "Really? Well… mabuti naman kung ganun. Dessert?" alok pa niya. Tiningnan ko ang tiyan ko kahit nakatakip naman ito ng tela ng damit ko. Umiling ako, "no thanks, busog na ako, sobra. Baka mamaya nito masikip na ang skirt na suot ko dahil sa marami akong kinain, ikaw kasi pancakes lang inorder ko, tapos umorder kapa ng iba. Nakakainis ka na. Gusto mo ba akong tumaba? " walang preno ang bibig ko. Parang pinagalitan ko ang anak ko na may ginawang kasalanan. "Oo, gusto kitang makitang tumaba. Wala naman akong pakialam kung magkalaman ka pa, mas gusto ko yon." saad ni Ignacio. Mabuti na lang at nakainom na ako ng tubig bago niya sabihin ang mga salita na yan baka mamaya mabilaukan ako bigla habang sumasayaw ang mga bulate sa tiyan ko. Ngumuso ako, "ok, kakain na ako ng kakain." napangiti siya sa sinabi ko. Tumikhim ako dahil matagal pala kaming nagkatitigan na dalawa. Sinilip ko ang phone ko na nasa gilid ng lamesa. Walang text ni sino man. "Wait, may tanong lang ako, if you don't mind." Tumango ako. "Ano yun?" tanong ko habang tenext si Kimmy. "May anak na kayo ni Ja.. Jackson right? Uhm what I'm trying to say is. Saan siya nag-aaral? Meron kasi kaming charity events na dinaluhan noong Friday at naisip namin na sa school magbibigay. Pinilit ako ni mommy na pumunta kahit ayoko kaya wala na akong nagawa, kaya hindi na lang kita isinama dahil marami kang ginagawa dito, tapos hindi ka naman kasali roon kaya pinauwi na lang kita ng maaga. Sana isa sa anak mo ang nakatanggap ng gift galing sa charity na tinulungan ng company ni mommy. Kung wala naman then bibigyan kita." kwento niya. Para yatang humiwalay ang kaluluwa ko dahil sa sinabi niya na anak pero agad ding kumalma ang puso ko na na mention niya si Tuko. So, hindi talaga sila nagkita na mag-ama doon sa paaralan. Mapaglaro nga naman ang tadhana, parang ayaw yata silang patagpuin. Sumang-ayon ba at kumampi ang panahon sa akin? Kung sasabihin ko sa kanya ngayon. Ano kaya ang maramdaman niya at ang kinatatakutan ko ay matanggap niya ba kaya ang anak ko? Paano kung hindi? Ayokong sabihin kay Saul ang tungkol sa ama niya na kung mismo ang kanyang ama ay wala naman pagpapahalaga sa kanya. Ayokong makita ang anak ko na masasaktan na hindi siya tanggap kailanman ng kanyang ama. Tama ba ako? Sasabihin ko na sana na nakatanggap din si Saul na bigla na lang dumilim ang paningin ko na makita na kung sino ang biglang sumulpot sa harapan naming, kahit si Ignacio ay nagulat. Agad pumulupot ang kanyang mga braso sa may leeg ni Ignacio, si Eula o Vanessa. "Hi Mica. Hi dear Ignacio, I miss you!" bati niya at hinalikan sa pisngi ang lalaking nasa harap ko. Umupo ako ng maayos at tinuon ko na lang ang sarili ko sa kakatipa ng mensahe sa mga kaibigan ko na minsan na lang din nagparamdam. Parang gusto ko yatang yayain silang magbar mamayang gabi dahil hindi ko nagustuhan ang nakikita ko sa harapan ko ngayon. Shit lang. Kalma Michaella… remember wala na kayo… pinaglaruan ka lang. Nagulat marahil sila dahil sa biglaang kung pagtayo. Hindi ko sila tiningnan sa mga mata at baka matumba pa sila kapag nakatitig ako. "Restroom na muna ako boss. Eula.. excuse me." Hindi ko na hinintay ang sagot nila at umalis na agad sa table. May sinabi pa si Ignacio pero hindi ko na binigyan ng pansin dahil sa naiinis ako. Pagkarating sa banyo ng restaurant na kinakainan namin ay agad kong isinandal ang likod ko sa hamba ng pintuan pagpasok sa loob. Hinilot ko ang sentido ko at maya-maya ay hinawakan ang dibdib ko na kanina ay tumatambol sa saya pero nung dumating lang yung isa ay agad itong naninikip. What's wrong with me? Di ba dapat wala na akong pakialam kung naglalampungan man silang dalawa sa harapan ko? Si Saul... ayokong ganito ang maabotan niya kapag nagkataon na makilala niya ang anak ko. Ayokong sa harapan ng mga mata ng anak ko ay nakikita niya na ang kanyang ama ay pagmamay-ari na ng iba. Si Saul nga lang ba ang dahilan Mica?

 

 

chapter 24

"Go Mica! Let's go girls! Igiling mo pa! Yohoo!" sigaw ni Yana sa amin. Nasa M Club na kilala sa buong Cebu kasi kami ngayon at kanina pa kami sumasayaw. Maganda at nakaka indayog ng musika kaya ang sarap sabayan lalo at marami naman ang sumasayaw sa gitna ng dance floor. Malapit na sumapit ang alas onse ng gabi pero nandito pa rin kami. Napagpasyahan namin na magbar hindi para humanap ng kasayawan, kundi ang magsaya. "Ganyan nga Bethy, Mica kembot pa ang katawan kahit medyo may katigasan," pang-aasar pa ni Marie. May trabaho pa kami bukas pero ewan ko na lang kung makakapasok pa kami nito kinabukasan kung ganito na kami kalasing. Kaunti lang naman sana ang iinumin ko kaso kapag maalala ko talaga na nagmeeting ang dalawa ay talagang tumataas ang dugo ko sa inis. Tapos gabi pa talaga ang boysit na meeting ng mga 'yon. Ang hilig magpaschedule ng pang gabihan na meeting, dahil bakit? Para agad pwede ng mag lampungan pagkatapos mag-usap? Nakakainis talaga… Sobra… "Ito pa one shot! Tapos para hindi pa tayo maboboringan at masaya ang gabi natin ay mag truth or dare tayo habang uubusin na lang natin itong isang bote ng alak. Game?" ani naman ni Claire. Dahil sa kalasingan ay napa-oo na rin kaming lahat kasama ako sa paandar ng kasamahan ko. Kahit si Dino na kaibigan namin na lalaki ay wala dito ngayon dahil may lakad daw at pagod na kaya kami lang ang nandito at nakikisaya kasama ang ibang mga tao na gustong magligaliw sa mga oras na ito. "Alright! Dahil ubos na ang isang bote ng alak natin ay ito ang gagamitin natin sa ating laro. Papaikutin lang natin ito at kung sino man ang matatapat nitong ulo ng bote ay siya ang taya at gagawa ng dare o truth, okay?" Excited na sabi ni Yana. Basta talaga mga kalokohan ay talagang maraming alam itong dalawa. Si Yana at Claire lalo at wala ngayon ang bantay niya na si Dino. Napapailing na lamang kami ni Bethy at Marie. Inumpisahan na ni Yana na paikutin ang bote at tumapat lang naman ito sa kanya. Kaya natawa kami dahil sarili niya mismo ang inuna niya. Tinanong siya ni Claire kung truth or dare, at truth naman ang napili niya. Focus kami sa game at sa alak na iniinom namin. Minsan hindi na maisip kung saan kami ngayon at wala ng pakialam kung may nagsasayawan o nagkakatuwaan sa kabilang table dahil ganun din ang ginagawa namin. Dahil laging matatamaan ng bote ay si Claire at Marie kaya naghihintay lang ako na ako naman ang napili at sa ilang beses na ikot ay natuon nga sa akin ang bote. Naghiyawan ang mga kaibigan ko kaya minsan napapatingin ang mga kabilang table sa gawi namin. "Oh ano na Mica? Game ka na ba?" tanong ni Bethy sa akin. Ngumisi ako dahil sino ba naman ako para tumanggi. Bawal killjoy ika nga at saka doon ako sa mas madali ko lang gawin. "For sure truth ito… Ano na truth or dare Michaella?" tanong ni Yana na kay lapad ang ngiti. "Dare!" final ko na sagot. Napanganga o napa wow sila sa sinabi ko. Why naman? "Sure ka? Hindi truth?" tanong ulit nila. Bakit sa tingin nila na hindi kaya ang dare na yan? Mas gugustuhin ko pa ang utusan nila ako kaysa sa truth na yan at baka kung ano pa ang maisaliwalat ko. "Sure nga, dare ako." paniguro ko. Nagkatinginan sila mata sa mata at may malapad na ngiti. "May nakita kaming naggagwapohan na mga nilalang sa kabilang table, yan o sa may corner banda malapit sa bar counter, ang gagawin mo lang Mica ay halikan mo lang sa may leeg. Yun lang wala kanang gagawin. Nasa lima ata sila at may kasama na mga babae, kung ang isa sa kanila ay walang babae na kalampungan ay doon ka sa guy na yon pumili, ano game? Kaya mo yan. Kung magawa mo yan safe ka sa two shot," sabi ni Claire na ngayon pumapalakpak pa. Inikot ko ang katawan ko para makita kung saan banda ang sinabi ni Claire na pupuntahan ko. May nag-iinuman nga doon at hindi naman sobrang liwanag para makita kung ano ang gagawin ko. Wala pa namang dalawang segundo siguro ay tapos ko na ang challenge ko. Tumayo ako sa aking upuan at binaba ang fitted dress na suot ko dahil medyo umaangat na ito. Naghiyawan ang mga kaibigan ko at pumalakpak. Nginisihan ko sila to assure them na hindi ako uurong sa pa challenge nila sa akin. Wala namang makakaalam na ginagawa ko ito dahil wala naman akong kilala dito sa M club except sa mga kaibigan ko. "Go Mica baka kinabukasan hindi kana single," ani ni Yana kaya nagtawanan na lamang sila. "Single parin ano, hindi ko naman papatulan kahit sino man yang nilalang ang mabiktima ko ngayon." Panigurado ko. Hindi ko na sila pinatulan pa at baka mamaya wala na itong alak sa katawan ko at hindi ko na magawa ang mission ko ngayong gabi. Ayoko pa naman na ako ang magbabayad sa buong inuman namin na isa sa mahal na wine na napili namin na inorder. Yan pa naman ang isa sa mga deal. "Kaya ko na, bumalik na kayo sa upuan niyo." saad ko, pero ang mga loka-loka. Winagawayway lang ang kanilang mga kamay para hindi ko sila pansinin. "Kailangan sumama para may proof kami na ginawa mo talaga ang deal na'to ng maayos at matiwasay kung ayaw mong iulit pa natin, sige ka baka maging lips to lips na." nakasimangot ako na binalingan si Yana na ang lawak ng ngiti para asarin ako. Umirap ako sa kawalan. Papalapit ako sa table na kung saan ang napili ng mga kaibigan ko na kukuha ako ng lalaking pwede mabiktima. May kasama silang mga babae. Yung iba ay nakapulupot na sa mga lalaking katabi. Napansin ako ng isang lalaki na may kasamang babae na halos maghubad na sa harapan ng lalaki para makita ang suso. Ngumisi siya at itinuro ang kasamahan niya na walang kasamang babae pero natuon ang paningin ko sa lalaking halos hindi ko maaninag ang mukha dahil sa dilim na pwesto siya nakaupo. "Nakapili kana girl? Bilis dahil baka maubusan ka ng oras at uuwi na tayo na hindi ka nakapasa sa challenge." wika ni Claire. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Medyo my tama na rin ako sa alak kaya pasuray-suray akong naglalakad patungo sa gawi ng table ng mga lalaki. Dahil napansin na ako ng isang guy kaya yun na lang ang napili ko na halikan sa leeg. Ngumisi parin siya lalo na makita ako na palapit ng palapit sa kanya. Patuloy pa rin sa pag buntot ng mga kaibigan ko na takot ata na tatakasan ko talaga. "Hi miss! Do you need something?" baritong boses ang narinig ko. Tumikhim ako at lumapit lalo sa kanya. Kakapalan ko na ang mukha ko at wala na talagang pakialam sa mga kasamahan niya kung nakatitig ba sa akin or sana hindi. Nginisihan ko siya habang nakatingala sa akin. Nakabukaka ng malaki ang mga binti dahil na rin sa tangkad niya. Kaya ang ginawa ko para maabot ang leeg niya ay ibinaba ko ang mukha ko para magpantay ang mga mata namin at makapagpaalam, baka nasa harapan ko lang ang girlfriend nito at mapasabunot ang buhok ko, pero bago ko pa buksan ang bibig ko para magpaalam pa ay biglang natuon ang paningin ko sa dalawang pares ng mata sa kabilang table na matalim kung makatingin sa gawi ko. For sure ako ang tinitingnan niya. Nakita ko si Eula na nakayakap sa bewang niya at parang lasing na o may nangyari na sa kanilang dalawa tapos na pagod tapos nagplano pa na magbar at sa damidaming bar ay dito pa naisipan. Biglang umusbong ang galit ko dahil sa mga naiisip ko. "What now, miss? Ganito lang ba ang posisyon nating dalawa?" binalik ko ang tingin sa lalaki na nakatingala na sa akin. Nginitian ko siya abot hanggang bituka ko, "Can I kiss your neck? Wag kang mag-alala, challenge lang ito ng mga barkada ko na kasama sil–ohh sorry iniwan ako ng mga bruha na yon." ani ko dahil biglang nawala ang dalawa at mas lalong lumapad ang ngisi ng lalaki. "Sure.. kahit hindi kana magpaliwanag. You are welcome to taste my neck and of you want we can book a room if you want to taste my body… fuck!" "Ahhh!! " Tili ko dahil bigla na lang may humablot sa balikat ko at ang lalaki naman ay tumabingi ang mukha dahil sinuntok ng kung sino. Umikot ako at si Ignacio ang nabungaran ko. Lalapitan pa sana niya ang lalaki para suntukin ay agad kung pinigilan ang braso niya. "No please.. Please stop it, Ignacio!" "Anong tigilan! What are you doing here, huh?" Galit na sigaw niya sa akin.   "Sino ka ba? Siya ang unang lumapit sa akin para mahalikan ako. Bakit ako ang sinuntok mong gago ka ha?" Galit na sigaw din ng lalaki habang hawak ang kanyang labi na sinuntok ni Ignacio. Nakaramdam ako ng kahihiyan dahil sa nangyari at may mga pares ng mata na nakatingin sa amin. Lalapitan pa ulit ni Ignacio ang lalaki pero agad ko naman siyang inawat. "No please.. ako ang may kasalanan. Please 'wag kang manggulo dito." pagmamakaawa ko. Hinablot niya ang kamay ko at kinaladkad na lang ako sa hindi ko pa alam kung saan kami patungo nito. "Nandoon ang table namin," ani ko pero tinititigan niya lang ako ng masama. "Ayaw mong manggulo ako doon, di ba? Then hahanap tayo ng lugar kung saan pwede kung isigaw ang galit ko sa'yo!" singhal niya sa akin. Bigla akong natakot dahil sa sinabi niya. "Bitawan mo ako!" ani ko. Nasa labas na kami at nakahawak parin siya ng mahigpit sa pulupulsuhan ko. Nasasaktan na ako sa higpit ng pagkahawak niya sa payat ko na kamay. ''Get in!" Malamig na sabi niya. Wala na akong magawa kundi ang pumasok sa kotse. Padabog niyang sinarado ang pinto kung saan ako nakaupo at nakaigting ang mga panga na umikot sa kotse niya. Ganun din ang ginawa niya sa kanyang kotse na padarang na sinarado. "Sana hinatid mo na lang ako sa table ng mga kaibigan ko, sabay-sabay kaming uuwi ngayong madaling araw." ani ko na mas lalong nagpagalit sa kanya. "Tapos ano? Gagawin mo naman ang ginawa mo kanina? Fuck, Mica! Nagpipigil lang ako ng galit na nakita kita na nagsasayaw sa gitna na halos hubarin mo na ang damit mo sa kakasayaw" galit na sabi niya. What? Wait! Kanina pa siya doon at nakita niya akong sumasayaw? Pinaandar niya ang sasakyan at wala na akong magawa. Sinabi ko sa kanya ang address ko pero hindi ang tapat mismo ng bahay kundi ilang metro pa ang lalakarin ko. Ayokong malaman niya kung saan talaga ang bahay namin. Pero pasaway nga ang lalaking ito na ibang direction ang tinungo namin. "Hindi ito ang papunta sa amin, kung hindi mo alam kung paano pumunta doon then ibaba mo na lang ako dito at ako na ang magpara ng taxi pauwi," saad ko habang kumukuyom din sa galit. Pero hindi niya sinunod at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Ilang minuto lang ay nakarating rin kami sa isang condo unit. Pinilit niya akong pinababa at hindi na ako umangal pa. Pagod na rin ako kaya ayoko ng dagdagan pa ang sungay niya. "Sumunod ka kung ayaw mong kargahin pa kita diyan sa kinatatayuan mo!" aniya at lalong nagpainis sa akin. "Eh di sana inuwi mo na lang ako sa bahay kaysa dinala mo pa ako sa.… lugar na ito. Pwede mo naman akong iwan sa bar at may kasama naman akong umuwi. Di bale na lang hahahanap na lang ako ng taxi at dito na ako sasak–ahhh….. palaka ka." Napatili ako dahil bigla ba naman niya akong binuhat na parang bigas. "Ibaba mo nga akong lalaki ka, huy ano ba!" pero ang isang to hindi man lang nagpatinag at buhat-buhat parin ako. Pinagsusuntok ko ang likuran niya para maibaba niya na ako pero hindi talaga nasasaktan, hanggang papasok na kami sa loob na may lumapit na guard. "Sir! Ano mo po ang karga mo? Bawal po ang ginagawa niyo, " saad ni manong. "Wag kang makialam na dito manong kung ayaw mong masisante. Away mag-asawa namin ito at gusto niyang maglayas kaya kinarga ko na." ani niya sa medyo kaedaran na guard. Pinagsasabi nitong yelo na 'to. "Hindi totoo yon manong. Help!" napapaos ko na tawag dahil pakiramdam ko nagsisiakyatan na ang dugo ko sa utak ko kanina pa ako sigaw ng sigaw. "Ibaba mo na nga akong sperm cell ka at hindi kana nakakatuwa." ani ko baka pumayag pero ang langya saka na ako binaba pagkapasok ng elevator. "Ano bang problema mo at ganyan ka na lang makialam sa akin, huh? Magsasayaw pa sana ako sa club pagtapos ng dare challenge ko tapos ganito ang ginagawa mo!" singhal ko sa harapan niya habang tinuturo-turo ang dibdib niya.   "Dare challenge huh? Bakit ka pa pumayag na gawin ang mga bagay na yon? May anak kana Michaella tapos ganyan pa ang inasta mo! Ano na lang sabihin ng asawa mo!" pagpatuloy niya at dahil hindi nagustuhan ang pakikialam nga sa buhay ko na kahit kailan hindi ko na pinapakialaman ang buhay niya ay ganito pa niya ako pagsabihan. "Gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin, boss. Alam man ng anak ko na nagbabar ako pero hindi kailan man umabot ako sa ibang level na nakikipaglampungan agad sa ibang tao gaya ng ginagawa mo. Kaya nga ako nagpaalam sa lalaki na yun kung pwede ba siyang mahalikan sa leeg dahil kagaya ko na single mom ay baka pwede pa kaming mag click at maging kami in the near future pero ikaw naman itong summhskka…" hindi ko na natapos ang sasabihin ko na bigla niya akong hinatak sa kanyang katawan at walang pasabi na nilapat nya ang mga labi naming dalawa. Hindi pa nakuntento hinawakan pa ako sa bewang para lang hindi ako umurong at hawak naman niya ang batok ko para lang mas maidiin sa kanya ang mga labi naming dalawa. Hindi ko alam na sa isang iglap nawala na lang lahat ng galit ko sa kanya na natikman ko ulit ang mga labi niya. How many years na ba? Wala pa akong nakahalikan na iba pero si Ignacio. I want more. I want more of his kisses. Tumunog ang elevator at lumabas kami na karga na niya ako ngayon. Pinulupot ko ang mga binti ko sa bewang niya para hindi ako mahulog. Habang busy ang isang katawan niya sa kakahanap ng kung ano ay patuloy pa rin kami sa halikan. Kasalanan to ng alak, dahil pareho kaming nakainom na dalawa kaya nalalasing ako sa halikan naming dalawa lalo at nalalasahan pa namin ang alak ng isa't-isa. "Hmmm…" daing ko dahil kinagat niya lang naman ang ibabang labi ko at mas lalong pinasok ang dila niya sa loob ng bibig ko at dahil diyan bulta-bultaheng kuryente na ang nararamdaman ko ngayon. "Ignacio… " tawag ko sa pangalan niya. Tinititigan niya ako sa mga mata at mas lalong diniin sa hamba ng pintuan habang nakapulupot parin ang mga binti ko sa bewang niya. Ramdam na ramdam ko ang matigas na bagay na gusto ng kumawala sa pantalon niya na tumatama sa may puson ko. "I want you Michaella, so damn much, pero dahil sa akala ko may asawa kana kaya dumistansiya ako pero everytime na lumalapit ka pinipigilan ko ang sarili ko na halikan ka. Dahil pagtataray mo pa lang, you turn me on like a beast babe. Tell me totoo bang wala ka talagang asawa o boyfriend? Baka hindi ako makapagpigil ay aabot tayo sa ibang level kaysa halikan, Mica. Fu.." imbis na sagutin ko siya ay ako na ang kusang humuli sa mga labi niya at hinagkan ito. Alam kung mali ito dahil may Vanessa o Eula na siya pero tarantado ang katawan namin at pareho kaming nananabik sa isa't-isa. Hinawakan niya ako sa sa aking pang-upo at dinala sa may sofa na naroon. Hindi ko na nabigyan ng pagkakataon na pagmasdan ang loob ng condo unit niya dahil nasa malalambot na labi niya ako mas nakatuon. Nasa kandungan niya ako habang nakaupo siya. Dali-dali niyang inangat ang dress ko at tumambad sa kanya ang aking katawan na wala ng nakaharang. Mas binilisan niya pa ang kinikilos niya sa pagtanggal ng mga damit naming dalawa. Tinulungan ko na siya at ako na mismo ang nag-angat ng t-shirt niya at agad namang mapusok na naghahalikan. "Shit!" mura niya. Kasalanan ito ng alak dahil dumagdag lang iyon ng init ng katawan naming dalawa at ngayon wala ng kawala at gusto ko ang ginagawa ko. Sana paggising kinabukasan ay panaginip lang ang lahat na ito, dahil gugustuhin ko pang sa panaginip na lang ito mangyayari na may nangyari sa aming dalawa kaysa magiging totoo ito at hindi niya nagustuhan ang ginagawa namin at pinagbigyan niya lang ako. "Ahhh.. shit.. Ignacio.. ohh, ang sakit!" iyak ko habang yakap ko siya ng mahigpit dahil sa paglabas-pasok ng alaga niya sa aking pagkababae, naiiyak pa rin ako sa laki niya o dahil ba ilang taon na wala akong experience ng ganito. Nakatuon ang mundo ko sa nag-iisang anak ko at hindi ko na naisip na maghanap pa ng iba kahit marami naman ang sumubok. Dahil ang iba sa kanila ay inaamin ko na agad na may anak ako, at diyan pa lang alam ko na, hindi nila matanggap na may anak ako. Na isa akong single mom. Naihiga na niya ako sa sofa na hindi ko man lang namamalayan dahil sa lalim ng iniisip ko."Shit babe.. ang sarap.. I really missed doing this to you. Fuck…" aniya sa paos na boses. Puro ungol lang ang lumabas sa aking bibig dahil sa pabilis ng pabilis ang paglabas-pasok niya sa kaibuturan ko. Lalo siyang lumalaki, mas lalo akong nababaliw sa kanya. Pero hanggang dito lang ito, bukas isa na lang itong panaginip. Sana panaginip lang ito at ako lang ang nakakaalala na may nangyari sa aming dalawa. "Babe… I'm coming…shit..," sigaw niya sa pangalan ko. Nakaraos na kami pareho pero parang gusto pa naming dalawa, kaya dinala niya ako sa kwarto niya na nasa pangalawang palapag at doon nagsimula siyang umulos at binabaliw niya ako sa sarap. Hanggang nakatulog kami dahil sa pagod na ilang ulit na may nangyari sa aming dalawa. Kasalan ito ng alak. Nagising ako ng madaling-araw at binaling ko ang tingin ko ngunit nagulat ako na hindi anak ko ang katabi ko kundi ang boss ko. So.. hindi yun panaginip. Natampal ko ang noo ko. Shit.. dali-dali akong bumangon at mabuti na lang na hindi siya nagising. Nagmamadali akong hinanap ang damit ko pero dahil wala sa kwarto niya kaya lumabas ako ng sala at naabutan ko ito sa sofa. Shit lang kung nandito ang mga magulang niya at ganito ang bumungad sa kanila na kung saan-saan na umabot ang mga damit namin baka palayasin ako na wala sa oras, nakakahiya. Wala na akong inaksaya na oras at mabilis ang kilos ko na lumabas ng unit at iniwan siya na tulog parin. Baka mamaya hahanapin ako ni Saul at wala ako sa tabi niya. Akala ko tulad ng dati na pinaginipan ko lang na may nangyari sa amin pero ngayon at ay totoo at ibedensya itong sakit sa pagitan ko. Sana lang.. sana lang magka-amnesia ka muna paggising mo Ignacio.

 

 

chapter 25

Happy birthday to you Happy birthday to you Happy birthday my dear Louis Saul Happy birthday to you Sabay-sabay naming kinantahan ang anak ko na kanina pa namamangha sa nakikita sa paligid. Nasa resort kasi kami ng mga Vaderro family, dito ginanap ang party ni Saul. Dito napili ni Tuko na mag birthday ang anak ko para ma enjoy ng mga bata ang mga pa games na gaganapin dahil sa malawak nila na garden. Kilala nya ang may-ari. Meron ding swimming pool at malapit sila sa dagat ang area, pero dahil mga bata ay hindi namin pinapayagan na maligo sa dagat lalo at malakas ang alon ngayon dahil may paparating na bagyo. Mabuti na lang at ngayong araw ay sakto lang ang panahon. Kaya panigurado ako na mag-eenjoy ang mga kaklase ni Saul o anak ko kapag nagpapalaro na maya-maya. "Happy birthday baby Saul. Binata na talaga ang inaanak ko. Pwede na magka girlfriend. Ouch! Para saan yun?" Kinurot ko sa tagiliran si Tuko dahil sa kung ano na naman ang sinasabi niya sa anak ko. "Bata pa yan Jackson ha, sinasabi ko sa'yo, wag mong tinuturuan ang anak ko sa mga bagay na ganyan. Hayaan mo muna silang maging bata kaysa sa mga bagay na tinuturo o sinasabi mo." saad ko sa kanya habang nilagay niya ang regalo para may Saul sa kabilang lamesa. "Ito naman, hindi na mabiro. Laging mainitin ang ulo." reklamo niya. "Happy birthday Saul." Sabay na bati nina Clare, Bethy, Dino. Kanina pa dumating sina Yana at Marie at naiabot na nila ang mga regalo kay Saul. Alam nila na may anak na ako at yun lang alam nila at naiintindihan naman nila ako kung hindi ko sasabihin sa kanila lahat. "Salamat Tita Bethy and Tita Clare ganda and Tito Dino sa mga gift po." "Oh my gosh, so cute naman itong batang ito. Simpleng polo at pants lang ay talaga namang bagay sa'yo. Saan ka ba pinaglihi at ang ganda naman ng lahi mong bata ka." nanggigigil na ani ni Yana na makalapit sa area namin. "Salamat mommy Marie, mama Clare and Dada Dino, Thank you po Ganda Yana." pasalamat ng anak ko sa mga kaibigan ko sa mga regalo na natanggap niya. Hindi naman sapilitan na magbigay and I really appreciate them. Sinuklay ko ang buhok niya at inayos ang kwelyo. Nginitian ko ang anak ko. Sino mag-aakala na makakabuo ako ng panganay sa kanya. Marahil kasalanan ko kung bakit nabuo ko si Saul. "Masaya ba ang baby ng mama?" Tanong ko sa kanya habang nakaupo ako sa silya at nasa gilid nakatayo ang anak ko na patuloy pa rin sa pagsusuklay ng buhok niya gamit ang daliri ko o di kaya pinupunasan ko siya ng malinis na tuwalya. "Opo mama, sobrang saya ko po. Akala ko kasi, simpleng kainan pag po sa birthday ko. Pero nandito po ang mga classmates and friends ko po, kaya masaya po ako na nakakaligo lahat sa pool po, Thank you po." sabi ng anak ko na mas nagpalapad ng ngiti ko. Ang gaan sa pakiramdam na napawi lahat ng pagod mo dahil sa marunong tumanaw ng utang na loob si Saul. "Mas masaya ang mama anak, kapag nakita kita na masaya at walang sakit sobrang saya na ni mama. Ikaw Ang mundo ko kaya dapat maging mabait, matapang, mapagdasal ang nag-iisa kong mundo ngayon at hanggang pagtanda ay ikaw iyon anak. Kaya kahit ano man ang mangyari ay aalagaan at mamahalin ka ni mama. I love you too. Just go back with your friends at kapag basa na ng pawis ang likod, puntahan mo ako para mabihisan kita okay?" pero ang anak ko umiling lang. "No need na po mama, ako na po ang magbibihis sa sa sarili ko. I'm a big boy already. I can handle it." gustong bumagsak ang mga luha ko pero pinigilan ko lang dahil special itong araw ng anak ko at ayokong makita niya na umiiyak ako. "Such a good guy, sana lang kapag lumaki na ay mabait pa rin sana na bata." sabad naman ni Marie na ngayon ay pareho naming pinagmamasdan ang mga bata na nagsasaya sa mga palaro ng MC sa kinuha namin na nagcacater. "Ano, ayos ba? Maganda pala kapag ganito dahil less lang ang trabaho ko anak." Nginitian ko si mama dahil totoo nga ang sinabi niya. "Lahat ay bahala na ang nagcacater sa lahat at may pa games pa at kung anong ganap para sa children party. Nakakaaliw at ang mga bata ay tuwang-tuwa." Masayang sabi ni mama. Hindi nga talaga ako nagkamali na magplano ng advance para sa anak ko. Pagkatapos ng Ibang games ay kumakain na sila ngayon. "Excuse me ma' am, may naghahanap po sa inyo sa labas. Hindi po namin pinapasok at baka po wala sa list ng invited niyo po." ani ng kuya guard na nakalapit na sa akin. "Naitanong niyo po ang pangalan, kuya? " tanong ko. "Sina Mr. and Mrs. Baltimoore daw po ma'am." Aniya ni Kuya. Ngumiti ako at nagpasalamat. Wala talaga akong takas sa mga mag-asawang Baltimoore. Alam kasi nila na ngayon ang kaarawan ng anak ko. Nandito sila at masaya naman ako dahil sa wakas makilala na ni Saul ang kanyang Lola at Lolo. Lumabas ako ng venue para salubungin sila. Ang boss ko naman na anak nila ay may business meeting sa ibang bansa at Manila noon pang nakaraang linggo at dahil naka leave ako ng one week kaya wala ako sa opisina ngayon. After ng nangyari sa amin ay wala yata akong lakas na loob para magpakita sa kanya. Tenetext niya lang ako na kung pwede kaming mag-usap ay sinasabi ko lang na busy ako o di kaya pinapatayan ko siya ng tawag. May pagbabanta pa na pupunta sa bahay namin pero sinabi ko sa chat na hindi pa rin ako magpapakita sa kanya kaya ayun umalis ng nakabusangot yata ang mukha non. Ano pa ba ang pag-usapan namin? Sasabihin niya na wala lang yun at kalimutan na naming dalawa? Kasi kung ganun nga ay susundin ko ang sinasabi niya. Hindi ako maghahabol sa kanya kahit ano ang mangyari. Talaga lang Mica. Pagkarating ko sa labas ng gate ay bumungad sa akin ang dalawang magara na sasakyan na nakaparada sa parking area at nasa labas na ang bantay o driver ba ito? "Yan po sila ma'am, pero hindi po namin pinapasok hangga't wala pong permiso niyo," ani ni kuya guard. Nagpasalamat ako at tinungo na ang sasakyan na kung saan ang mommy ni Ignacio naghihintay. Habang naglalakad ay binaba ng ginang ang salamin at kumakaway sa akin. Marahil nasa kabilang sasakyan ang asawa ni mom, galing yata sa kani-kanilang trabaho kaya nag convoy na lang papunta dito. Pero ganun na lang ang pagkakunot ko ng noo na mahagip ko si Mr. Baltimoore na katabi lang ng ginang sa loob ng kotse. Sino pala ang nasa kabilang kotse? Lumingon ako sa tinted na sasakyan na nasa likuran lang nila. Nasa labas lang ang driver pero.. "Hi darling… " tawag ni Mrs Baltimoore sa akin ng makababa na siya ng sasakyan habang tinulungan ng kanyang mister. Malapad akong ngumiti sa kanila, "Hello po. Maraming salamat po sa pagpunta sa kaarawan ng anak ko po. Pasok po!" anyaya ko sa kanila. "Omg, nasa loob na ang apo ko?" tanong niya. Hindi ko alam kung matatandaan pa ba ng anak ko ang mag-asawa noong unang nagkita sila sa M_I building. Anong maging reaksyon ni Saul kapag nalaman niya na meron pa siyang ibang lolo at lola. Ilang taon ko ba namang itinago. "Granny Pretty!" nagulat ako na biglang sumulpot ang anak ko galing sa loob at tinawag na what? Granny? Don't say… Lumuhod ang ginang para magpantay at mayakap ang anak ko "Hello, apo ko. Happy birthday! You know what I have a lot of toys and books that I brought only for you, my dear grandson. Are you excited?" saad ng ginang na nakapagtataka naman sa akin. "Saul, do you know her?" tanong ko sa mahinang boses ang anak ko. Bumaling siya sa akin at tumango. "Opo mama, lagi po siyang pumupunta sa school namin at nagpakilala na sila daw po ang favorite Lola at lolo ko," nagtataka kong binalingan ang mag-asawa. "Totoo po ba?" tanong ko sa mag-asawa na ngayon ay malapad ang mga ngiti na parang oo o hindi ang isasagot lalo na ang ginang. "Ah.. eh.. oh.. yes iha. Pasensya kana iha hindi lang namin ay ako pala mapigilan na ipakilala ang mga sarili namin sa kanya kahit na hindi namin binanggit kung sino ang anak namin sa buhay niya. Sorry, galit ka ba?" tanong niya. Umiling ako na nakangiti sa kanya. Naiintindihan ko dahil bilang ina alam ko yung pakiramdam na katulad nila kapag darating man ang panahon na magkaasawa si Saul ay masasabi ko na gagawin ko rin ang ginawa niya sa anak ko. Ang sa akin lang ay hindi naman nasabi ni Saul ang tungkol sa ganyan o may pakiramdam na siya na tama nga ang pinapakita ng mag-asawa. Kailangan ko paring paalalahanin si Saul na hindi nakikipag-usap sa stranger dahil huwag naman sana. Ayokong maulit ang nangyari sa akin sa anak ko kung paano ako nagtiwala sa isang tao lalo at kakilala ko pa. Kahit maalala niya ang mag-asawa pero hindi pa rin mabuti na nagdesisyon na siya agad. "Ayos lang naman po sa akin yun mom, pero hindi po ba natakot sa inyo ang anak ko?" tanong ko dahil baka mamaya yung anak ko ay nagwawala na ito na may lumapit sa kanya. "Hindi naman, nagtataka lang. Pero sa tingin ko matalino ang anak mo iha. Alam niya ang tinutukoy namin sa kanya." Bulong ni mommy Marinella. "Anyway, may gift kami sayo apo. Come here, nasa kabilang kotse ang mga gift namin at sana magustuhan mo." tawag niya sa anak ko. "Mica! Sino yan?" Tinabingi ko ang ulo ko para makita ang tumawag sa akin. Ang mag-asawa ay iginiya si Saul patungo sa likod ng kotse para ibigay sa kanya ang mga regalo na hindi ko pa alam kung ano ang mga iyon. Nakatayo lang ako sa kabilang kotse na sinasakyan nila kanina.   "Mama, mga magulang po ng ama ni Saul." "Huh? Nandito sila? Ibig sabihin… " umiling agad ako bago ipagpatuloy ni mama ang sasabihin. "Hindi po siya kasama dahil nasa ibang bansa po ngayon. Kahit na alam na po ng mag-asawa ay hindi naman po nila sinasabi sa anak nila na may anak na kami." paliwanag ko kay mama. "Ganun ba! Tawagin mo na at pumasok sa loob ng resort para makakain." "Iha saan ba namin pwede ilagay ang mga reg-— you!" "Ikaw!" bigla na lang akong nagulat dahil sa biglang pagtaas ng boses ng ina ko at ni Mrs Baltimoore habang nagtuturuan. "Bruha ka dito lang pala kita makikita…" "Gaga ka, nandito ka lang pala…makakaganti na rin ako sa'yo." Ang bilis ng pangyayari at kung hindi lang inawat ni Mr. Baltimoore ang kanyang asawa at hindi hinawakan ni papa si mama sa pulupulsuhan ngayon ay baka kanina pa nakasubsob ang mga mukha nila sa semento. Anong kaguluhan at bakit nagkaganito? "Bitawan mo ako, gaganti lang ako. Nilalait ba naman ako ng bruhang iyan na pangit ako dati." nanggigigil na sabi ni mom. Ganun din ang ginagawa ni papa kay mama na pinigilan ito para hindi pumunta sa gawi ng ina ni Ignacio, ano to may riot na magaganap at inumpisahan nila. "Gaga ka, bayaran mo ang utang mo sa akin na ilang dekada ng lumipas at hanggang ngayon wala ka pa ring inaabot sa akin. Gaga ka!"nanggagalaiti naman na sabi ni mama. Napahilot tuloy ako sa aking sentido at ganun din sina papa at Mr. Baltimoore. Wait lang… Nasa birthday celebration kami at bakit sila nakikipag bardagulan na dalawa? "Mama! Mommy! Enough na po. Baka saan pa hahantong ang pakikipag-away niyong dalawa. Remember birthday po ito ng anak ko na ngayon naririnig pa niya na nakikipagtalo pa kayo, tapos kakakita niyo pa lang." Saway ko sa kanilang dalawa. Ano kaya ang nangyari sa kanila noong kapanahunan nila na ganito ang galit nila sa isa't-isa. "Sorry anak." "Sorry my dear" hingi ng paumanhin nilang dalawa at nagkatinginan at sabay irap sa kawalan. Napapailing na lang ako. Mga ito parang mga bata. Dahil nahimasmasan na ang dalawa kahit may pagkakataon pa rin na nagtataluhan parin sila ay pinapasok pa rin namin sila sa loob ng venue, dapat masayang okasyon ito at hindi tungkol sa kanilang pag-aaway na ilang taon na yatang dinadala nila sa dibdib at ganito sila kagalit sa isa't-isa. Mas lalo akong nagulat kung ano ang mga pinamili ni Mrs Baltimoore, bisikleta, skateboard, may chess board at mas marami ang mga libro. Naku! Saan ko ito ilalagay sa bahay namin. Pero dahil nandiyan na ay wala na kaming magawa. Pinalipat ko na lang sa pick-up ni Tuko ang pwede ilagay doon na gamit, mabuti na lang at yun ang nahiram ni Tuko na sasakyan sa kanyang amo. Bumalik ako sa loob at naabutan si mama na nagbibigay ng pagkain kay Mrs Baltimoore na kahit nandito pa ako sa medyo malayo sa kanilang ay alam ko na nagtatalo pa rin ang dalawa. "Masarap itong adobo, wag kang maarte dahil pangit ka parin naman kung magrereklamo kapa diyan." sabi ni mama. " Aba kung magsalita ito akala mo naman na maganda, tse.. " hanggang iling na lang talaga ako sa kanila. Naging matiwasay at masaya ang birthday ni Saul. Nag-eenjoy din siya sa mga iniregalo sa kanya ng mga ninong at ninang niya. Kahit ang bigay din sa kanya ng mama ni Ignacio ay napatalon siya sa sobrang saya. Maybe one of this day sasabihin ko na kay Ignacio na may anak kaming dalawa at ngayon pa lang ay kailangan ko ng ihanda ko na ang pwede maging mangyari sa pag-uusap naming dalawa. If ever man na kukunin niya si Saul ay ipaglaban ko ang anak ko. Kung hindi man niya matanggap ang anak ko ay hindi ko hahayaan na masaktan ang anak ko dahil lang sa kanyang ama. Araw ng pasukan ay pupunta na ako ng opisina. Sana man lang na hindi na muna siya pumasok sa trabaho. Mmmm pwede naman na magpahinga muna siya dahil pagod siya sa lahat kasi di ba galing siya ng Ibang bansa. Wala naman siyang meeting this week kaya dapat hindi muna talaga siya papasok sa opisina. Pero mapaglaro nga naman ang tadhana , dahil habang busy ako sa kakafile ng mga papeles ay biglang bumukas ang pinto at iniluwal siya. Hindi siya nag-iisa at may kasama siyang tatlong lalaki.   "Hi miss, nice meeting you!" "Hoy pumasok sa opisina ko at magsimula na ang meeting natin kaysa makipagharutan ka pa diyan Elizcalde," ani ni Ignacio sa kasamahan niya at agad ding kumaripas ng takbo papunta sa loob. Matalim at madilim itong tumingin sa gawi ko, "coffee for 4, at pagkatapos mong ihatid lumabas ka kaagad at wag makipaharutan hangga't office hour pa, is that clear, Gomeza? Bigla akong nanlamig dahil sa boses niya na nagbabanta. Ano akala niya sa akin na papatulan ko isa sa kanila doon gago ba siya. Galing ka lang sa ibang bansa para sa meeting talks ganito ka pa umasta kang yelong mayaman na lalaki ka. Umirap ako sa kawalan pagkalabas ng office nya. ''Grre…ang sungit." sabi ko sa sarili ko. Nagmamadali na akong pumunta sa counter para igawa na ng kape ang mga bisita niya at sa boss ko na malamig na naman ang ulo, kaya dapat nga siyang uminom ng mainit na kape para mahimasmasan siya. Kahit hindi naman mainit ang panahon ngayon dahil umuulan palagi nitong nakaraang araw pa, may pasok ang mga estudyante kasi hindi naman bagyo, minsan gabi umuulan. Ganun din kinabukasan, umuulan pa rin pero hindi naman malakas, dahil siguro rainy season na simula ngayong buwan kaya asahan na talaga na laging umuulan o papasok na bagyo sa Pilipinas. Tambak ang trabaho ko ngayon sa opisina, baka mamaya nito ay mag-oover time na naman ako nito. Wala si yelo ngayon dahil may pupuntahan daw. Mas mabuti pa na ganyan, na lagi siyang wala sa paningin ko dahil baka maalala ko lang ang nangyari sa amin na ngayon ay parang wala naman siyang pakialam. Talaga lang Mica o ikaw lang ang umiiwas kapag lalapitan ka niya? Nag-excuse ka kapag marinig mo na gusto ka niyang kausapin. Unless kung tungkol ito sa trabaho. Kaya tingnan mo tuloy, tinambakan ka ng maraming files para maging busy ka sa araw na ito, nakakainis lang. Kaya ang ginawa ko, hindi na ako umalis ng building para kumain kundi kung ano na lang madukot sa bag ko, swerte lang kung may baon ako na pang lunch, minsan naman kuntento na ako kung may biscuits sa bag ko. Malamig ngayon kaya nagdala ako ng jacket, ganun din sa anak ko at mga kapatid ko kapag papasok sila sa paaralan para hindi sila malamigan Tanging music lang at ingay ng mga papel na pina files ko ang maririnig sa opisina. Malapit na rin akong matapos. Tumunog ang cellphone ko at nagtataka na tumawag si Kimmy na dapat text lang. Hmm baka gusto niya agad na mapansin ang text niya, tiningnan ko ang cellphone ko pero walang text kaya sinagot ko na ang tawag. "Uyy, napatawag ka, wala ka na nam–" "Hello ma'am! Si Miss Gomeza po ba ito?" tanong sa kabilang linya. Teacher? "Yes po." sagot ko. "Ayy salamat naman. Ma'am wag po kayong mabibigla ha, yung anak niyo po na si… " "What? Anong nangyari sa anak ko?" bigla yatang nanginginig ang katawan ko kahit hindi ko pa alam ang nangyari. "Kasi ma'am, dinala po namin sa ospital dahil sobrang taas po ng lagnat niya kanina. Nakita ko kasi siyang parang matamlay at nakayuko lang ang ulo habang naglelecture ako." aniya na napasikip sa dibdib ko. Malakas naman siya kanina at hindi ko naman na kitaan na mainit ang anak ko. Dali-dali kong niligpit ang mga gamit at hindi ko na alam kung nadala ko ba lahat, basta-basta ko na lang hinablot ang bag ko at diretso sa labas ng opisina. "Sabi niyo po kanina na nasa ospital siya. Sino po nagdala sa kanya at saang ospital Miss?" Tanong ko. "Sinubukan ko pong ikarga si Saul papuntang clinic pero hindi ko masyadong mabuhat at mabuti na lang na may dumaan na lalaki na sa tingin ko po ay bisita kanina dito sa school. Nag suggest po siya na dalhin na sa ospital." paliwanag ng teacher. Naiiyak na akong nagpara ng taxi. Pagkatapos kung sabihin sa driver ang address na sinabi ng teacher ni Saul ay agad akong napapikit. Ito ang ayaw ko sa lahat na malaman na may iniinda na sakit ang anak ko. Agad akong nag bayad sa taxi pagkarating sa ospital. Dali-dali akong bumaba at pagpasok sa loob ay agad akong nagtanong kung saan ang anak ko. Nasa emergency room pa raw ang anak ko kaya pumunta agad ako. Lakad-takbo ang ginawa ko at ng makarating agad ako kung saan ang emergency, pero agad ding dahan-dahang naglakad ng matanto kung sino ang lalaking nakaupo sa labas ng emergency room at nakayukong naka sabunot sa kanyang ulo. Naramdaman niya yata ang presensya ko ng nakarating na ako malapit sa kanya. Nakatayo ako kung saan siya nakaupo at tiningala niya ako. Namumula ang mga mata na galing yata sa pag-iyak. "Why?" sa napapaos niya na boses. "Louis Saul Gomeza is my son, right Mica?"

 

 

chapter 26

Napatakip ako sa aking bibig gamit ang likod ng aking palad. Ayokong umiyak sa harapan niya at sabihin ang totoo, wala akong lakas na loob. Hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisa. "Ilang buwan…araw.. oras o segundo na pwede mong sabihin sa akin ang katotohanan Mica pero bakit ha? Halos everyday magkasama at magkalapit tayo. Bakit ni isang salita sayo na ang tinutukoy ko na anak mo ay hindi pala ni kanino lang but it's for me. Sa akin, dugo ko ang nalalantay sa kanya. Ako yung tatay niya kahit ilang ulit mo man na idedeny sa akin. Naramdaman ko yun when I held his hand habang nanginginig ang anak ko dahil sa lagnat. Nararamdaman ng puso ko na anak ko siya Mica. Pero alam mo yung masakit sa lahat na…wala man lang akong nagawa kanina sa kalagayan niya na nahihirapan dahil sa taas ng lagnat.. Nanginginig ang buong katawan niya at nag-iba ang kulay ng bibig niya.. Wala. Ang dami kong katanungan sa'yo, unfair mo sobra–" "Excuse me lang sa inyong dalawa." Sabay kaming napalingon sa narinig namin na boses. "Are you the guardian of—" "Yes doc." sabay kaming tumango sa doktor na naglalakad sa direction namin at sabay din kaming sumagot ni Ignacio. "Ano po ang kalagayan ng anak namin? Kumusta na po siya, doc? Pwede na ba namin siyang maiuwi sa bahay?" tanong ni Ignacio sa doctor. Napabuntong hininga ang doctor. "Alam niyo ba na may dengue ang anak niyo? Na diagnose siya at kinakailangan niyang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon." namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi ng doctor. "Ako doc!" "Ako doc!" sabay pa rin kaming nag-angat ng kamay na dalawa ni Ignacio. "Ganun ba, well tingnan natin kung sino sa inyong dalawa ang ka match ng dugo ng anak niyo at yun ang kukunan natin." ani ng doctor bago nagpaalam na bumalik sa loob ng emergency room. Pinigilan ako ng doctor na pumasok dahil sa gusto ko ng makita ang anak ko na nasa loob ngayon, kaya wala akong magawa kundi ang maghintay sa labas ng emergency room. Napalingon ako kay Ignacio na ngayon, may katext yata sa cellphone niya. Gusto ko siyang lapitan para kausapin pero sa umiigting niyang panga pa lang alam mo na, na bawal siyang lapitan man lang o kausapin. Hinayaan ko muna siya dahil baka mas magalit pa ito sa akin. Maya-maya ay tinawag na kami ng doctor at ayon sa test ng dugo ay mas ka match sila ni Ignacio at Saul. Kahit hindi ko man siya tingan ay matalim itong nakatitig sa akin. Ano kayang nasa isip niya sa mga oras na ito? Ang tanging nagagawa lang namin ngayon ay maghintay ng maghintay ng resulta. Hanggang naging successful ang operation ng anak namin, pero kailangan niya pa ring magpagaling sa hospital. Nasa private room dinala ang anak ko at walang ginagawa si Ignacio kundi ang laging nakabantay sa anak ko. Laging nasa tabi at kinakausap paminsan-minsan kahit hindi naman siya naririnig. Lagi siyang nagpapakilala sa kanyang sarili habang hinahawakan ang maliit na braso at daliri ni Saul. Naninikip ang dibdib ko sa mga natuklasan ko sa kanya. Pero dati naman ay kulang na lang ay papatayin niya ako sa kamay ng iba. Kung sa panahon na yun na sarado ang utak ko at hindi gumagana ay baka wala na ako sa mundong ibabaw ngayon at anak naming dalawa na si Saul. Kagagaling ko lang sa labas para bumili ng pagkain. Wala yatang balak na umuwi muna sa kanila para magpalit ng damit. Natutulog lang na nakaupo sa silya habang nakayuko ang kalahating katawan sa gilid ng kama habang hawak niya ang kamay ni Saul. "Oh my God!" biglang bumukas ang pinto at iniluwal si mommy at mama na magkahawak ang kamay at ng mapansin ko yun ay agad nilang binitawan at umirap sa isa't-isa. Friends enemy lang ang peg ng dalawang ito. Unang lumipat si mama kay Saul at ganun din ang ginawa ng mommy ni Ignacio, pero hindi sila magkatabi kundi nasa magkabilaan sila na direction na kama pumunta. "Kumusta na siya? Bakit may lagnat ang batang ito eh malusog naman siya nitong nakaraang na araw?" tanong ni mama habang nakatingin sa apo niya. "Pagaling kana apo, may binili kami ng maraming food para sa'yo. Saka pa, may binili na si lola pretty at lolo mo ng bagong Rubik's cube na iba't-ibang design. Di ba gusto mo yun apo? Kaya pagaling ka na please." mangiyak-ngiyak na sabi ni mommy. "Ikaw na bruha ka, andami na pala ang nabili mo, hindi na yun magkasya ang gamit sa bahay namin. Isinama mo pa ako sa lakad mo para lang taga hatak sa cart na pinaglagyan mo ng kung ano-anong makikita sa mall mo. Hindi mo man lang ako binilhan na noon pa favorite ko ng kainin." sagutan ng dalawang nanay. "Pasensya na kumare slash bestfriend slash my dear enemy, timing naman na tumawag si Ignacio sa akin na nasa ospital ang apo natin kaya di ba nagmamadali tayong dalawa, next time bibili na talaga tayo." "You know about this one mommy?" kunot-noo na tanong ni Ignacio sa kanyang ina. "Kakatext ko lang sa'yo na may apo na kayo pero the way you talked to Saul parang ang tagal na kayong magkakilala. Bakit? Isa ka rin sa naglilihim sa akin oh no kayo ni daddy siguro mommy, ano? Inilihim niyo ito lahat sa akin!" hinanakit ni Ignacio. ''Tumahimik kang sperm cell ka, bakit ko naman sasabihin sa'yo kung hindi naman dapat ipagsabi. Hindi ko alam kung anong meron sa inyong dalawa at bakit nagawa ni Mica na ilihim sayo ang tungkol sa anak niyo.. Kaya kung may katanungan ka man ay wag ka sa akin magtanong. Well, yes matagal-tagal na rin na alam namin na may apo na kami ng dad mo at ang dami ko ng clue sa'yong bata ka tungkol sa anak mo pero hindi mo pa rin gets, kaya wag mo akong taliman ng tingin gamit yang tiger mo na mata. Kung hindi rin kita pinilit na pumunta sa paaralan ay talagang hanggang ngayon hindi mo pa rin makikita ang anak mo!" mahabang paliwanag ng mommy niya. Agad din namang inilipat ni Ignacio ang matalim niyang titig sa akin kung saan ako nakatayo sa paanan ng higaan ng pasyente. Parang sinasabi niya na wala na akong ligtas dahil ako lang at wala ng iba para masagot ko ang mga katanungan niya. "Mabuti na lang at naagapan, mahirap pa naman sa panahon ngayon dahil marami nga ang nagkakasakit ng ganyan dahil sa pabago-bago ng panahon," saad naman ni mama. Pinagmasdan ko ang anak ko na mahimbing na natutulog ngayon pero sumasakit ang dibdib ko na makita siya na may dextrose sa kanyang kamay. Parang napakalaking failure ko ngayon dahil napabayaan ko ang anak ko. Umupo ako sa bakanteng silya at baka mabuwal na ako sa kinatatayuan ko anytime. Para akong nahihilo pero ayokong ipakita sa kanila dahil ayokong sabihin nila na umuwi muna ako para magpahinga. Ayoko… gusto ko na ako mismo ang makita ni Saul pagkagising niya. Umalis na muna sina mama at mommy pagkatapos mag stay ng ilang oras sa pagbabantay sa kanilang apo at dahil gabi na at hindi na rin allowed na maraming tauhan sa loob ng kwarto ng hospital. Babalik na lang sila kinabukasan at para magdala ng damit namin pareho. Naramdaman ko na may bumuhat sa akin at dinala ako sa sofa, dahil sa antok at pagod ay wala na akong lakas pa para idilat ang mga mata. Huling naramdaman ko na lang na may dumampi ng halik sa aking noo at labi. "Mama… " "Mama… " "Anak?" napabalikwas ako ng bangon dahil sa narinig ko na boses na Saul. Agad akong nagtaka kung bakit nandoon na ako sa sofa nakahiga na nasa tabi naman ako ni Saul ang huling naalala ko. Binalewala ko yun at agad na nilapitan si Saul na ngayon ay titig na titig sa kanyang ama. "Baby?" "Mama… " tawag niya ulit habang si Ignacio ay parang hindi alam ang gagawin at nakatitig lang talaga sa kanyang anak. "Ano yun baby? Nagugutom kana? Do you need water?' "Si. n.. o po siya ma. ma? We're the same eyes po," Tanong ng anak ko habang hindi nila inalis pareho ang panitig sa bawat isa. Hinawakan ko ang isang kamay niya na walang karayom na nakatusok. "Mmm… baby. I'm sorry kung ngayon ko lang sinabi sayo ang tungkol dito, magagalit ba ang baby ko, hmm?" Tanong ko dahil gusto kong makasiguro. Hindi ko alam kung ano ang maramdaman kung magagalit ang anak ko dahil sa ginawang paglilihim tungkol sa kanyang ama. Ngumiti ako na umiling si Saul, "hindi po ako magagalit mama because I love you po," hindi ko na mapigilan na kumawala ang butil ng luha sa mata ko. "You're so sweet my baby boy. Sorry kung ngayon ko lang sinabi ito sa'yo. May papa ka anak. Siya ang papa mo, si papa Ignacio anak." sabi ko sa kanya sa mahinahon na boses. Tumango ulit ang anak ko at inilipat ang kanyang mga titig sa kanyang ama. Tumayo ako ng tuwid at binigyan sila ng pagkakataon na magkakilala sa isa't-isa. "Papa… papa ko.." "Baby.. yes.. it's m. me … your papa. I'm your papa, anak!" saad ni Ignacio sa paos na boses. "Papa.. papa.. may papa ako.. papa.. akala ko po wala akong papa eh, bakit ngayon ka lang po? Matagal na po kitang gustong makita papa. Busy ka po sa work mo po, papa?" napanganga ako sa lumalabas sa bibig ni Saul. So, all this time laging nag-aasam ang anak ko ng isang ama. Napailing na lamang si Ignacio habang may matalim na tingin sa akin. Hindi ako umimik at tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko. Niyakap niya ang ang kanyang anak, kahit nakahiga pa ito. "Don't worry anak, hindi kana iiwan ng papa. Hindi na tayo magkakalayo pa sa isa't-isa. Hmm.. stop crying na my big boy. I love always, hmm sorry kung ngayon lang ako nagpakita sa'yo. I'm really sorry anak," walang tigil niya sa pang-aalo sa kanyang anak na umiiyak ngayon. Binigyan ko silang dalawa na sila lang para magkausap, okay na si Saul at konting araw na lang uuwi na kami. Uuwi na kami? Saang bahay ba? Papayag kaya ang isang 'to na sa amin uuwi si Saul? For sure hindi siya makakapayag. Umalis na muna ako para asikasuhin ang mga bayarin ng anak ko sa ospital. Siya na ang nagpakain sa anak ko at nagbihis, halos wala na nga siyang oras para asikasuhin ang sarili niya dahil nakatuon lagi sa anak naming dalawa.   Nandito rin kanina sina mama at mommy para bumisita kasama na rin sina papa at daddy, at usual magkasama silang dalawang ginang na magkahawak ang mga kamay pero kung mapapansin naman namin ay agad-agad babawiin at magbabardagulan, magsisimula na namang magkwento sa kanilang nakaraan. Napapailing na lang kaming lahat kahit kitang-kita naman na mag bestfriend pa rin sila hanggang ngayon na may halong twist. Wala ngayon si Tuko dahil nasa Paris ang loko. Kaya panay ang kumusta kay Saul dahil hindi naman daw siya agarang makakauwi. "Excuse me, Miss!" paumanhin ko sa receptionist na naroon. "Ahmm magbabayad po sana ako ng hospital bill ng anak ko. Ito po." inabot ko sa kanila ang record ng anak ko at kinuha naman nila ito at agad ding binalik sa akin habang nakangiti. "Ok na po yan ma'am." "Po? Hindi pa po ito nabayaran," nalilito kung tanong sa kanya. "Ok na po Miss, may copy na po kami niyan at yung asawa niyo po ang nagbayad. Kaso nagmamadali kaya iaabot na lang namin sa inyo ang resibo ng bill." paliwanag ng receptionist at tumango na lamang ako at nagpasalamat. Wala na akong magagawa kundi kunin na ang mga resibo para maitago. Di bale na, sa kanya na lang ako magbabayad. "Sa bahay kami uuwi," sabi ko sa mahinahon na boses pero bigla na lang nanghina ang tuhod ko na madilim itong bumaling sa akin. "Sa condo kayo uuwi ngayon, dahil kinabukasan uuwi tayo ng Negros dahil may handaan. So get ready." "Huh! Pero hindi pa ako nakapag paalam kina mama." "I already did. Okay naman si mama at papa na sa akin muna kayo uuwi. Nakausap ko na sila kahapon and they both agreed." "Pero…" "What? Anong pero? Baka gusto mo na ipaalala ko sa'yo kung bakit hanggang ngayon nagtatampo ako sa'yo Michaella, sobrang tagal na panahon na itinago mo siya sa akin. Kamuntikan mo ng gawing dekada ang pagtatago mo sa kanya sa akin ha, plano mo ba yun?" mahina pero may tampo sa boses niya. "May rason ako kung bakit ko ginawa ang bagay na yan!" sabi ko rin sa mariin na boses para hindi magising ang anak naming natutulog. "Then tell me kung ano ang rason mo at bakit nagawa mo sa akin ito? Dahil wala akong idea Mica! Sinubukan kong magkaayos tayo of what happened 7 years ago. Gusto kong lapitan ka at para humingi ng tawad dahil sa pagsigaw at pag-iwan sa'yo habang hinalikan ka ng kumag na yun. Pero anong ginawa mo? Ginamit mo pa ang cellphone ng kaibigan mo para sabihin sa akin sa text na maghiwalay na tayo ng lubusan dahil ni minsan hindi mo talaga ako minahal!" ""Ano!? Anong pinagsas—" "Mama? Papa? Ayos lang po ba kayo?" bigla kaming lumingon ni Ignacio sa gawi ni Saul at agad naming nilapitan. "Oo naman anak. Ano, nagugutom ka ba? May nararamdaman ka bang sakit sa katawan?" sunod-sunod na tanong ko habang sinusuklay ang buhok niya gamit ng mga daliri. Umiling ang anak ko at maya-maya ay bumalik ito sa pagkahiga at tinulungan ni Ignacio. Nagkunwari akong nagliligpit kahit wala namang liligpitin sa mga gamit namin dahil ayokong sinasalubong ang matalim niyang titig sa akin na kulang na lang ay ibalibag ako palabas ng kwarto. "Matulog ka muna!" Nilingon ko siya at nakatitig pala ito sa akin, maya-maya ay inilipat niya ang paningin sa tiyan ko kaya tuloy feeling ko nagsisiakyatan na naman ang mga dugo ko sa mukha dahil sa paghagod niya ng tingin sa katawan ko. "Uhm, h…hindi ako nagugutom." ani ko sa paos na boses. Binalik niya ang mga mata sa akin at nagkakatitigan kami. "Then sleep, sleep and sleep. Gigisingin na lang kita mamaya kapag malapit na ang sundo natin."   " Pero ikaw?" "I can sleep anywhere Michaella at alam mo yun!" saad niya at agad akong tumalikod sa kanya. Oo naman alam ko yon dahil may pinagsamahan tayo at may alam ako tungkol sayo kahit papano. Dahil sa sinabi nya ay hindi na ako nagdadalawang-isip na humiga sa sofa na naroon at pinikit ang mga mata. Hindi nga nagtagal ay agad akong nakatulog. Ganun parin ang nangyari na naramdaman ko na lang na kinumutan ako at hinalikan sa noo at mga labi. Hindi na niya ako ginising dahil kusa na akong bumangon na makarinig ng pagsara at bukas ng pinto na parang nag didispatsya ng mga gamit. Wala ngayon sina Mr and Mrs Baltimoore dahil nasa Manila at may inaasikaso dahil medyo nagkaproblema sa mall na pagmamay-ari nila. Pero wala ring tigil sa pangungumusta tungkol sa apo nila at ganun din si mama na hanggang tawag na lang ang ginagawa ko dahil hinatid na dito sa ospital ang ibang gamit namin para papuntang Negros, nagpaalam na rin ako kay Ignacio na sa bahay kami uuwi pagbalik dito sa Cebu. Kung gusto niyang matulog doon sa bahay ay wala namang problema yon lalo at halos hindi na magkahiwalay ang magaama. Kahit sa pagliligo ay siya ang gumagawa at ako na lang ang nagbibihis sa anak ko dahil basang-basa na siya sa kakalaro sa shower nitong dalawa. "Thank you doctor, I'm strong na po because of you and your team's help." ani ng anak namin habang kausap namin ang doctor niya dahil ngayong araw ang discharge niya sa hospital. "Aww… so sweet naman ang baby na'to. Pagaling ka pa ha. Take your medicine and vitamins always." paalala ng doctor niya. "Yes po, gagawin ko po. Thank you also to my mama and papa for always taking good care of me. I'm okay na po. Hindi na po sakit head ko." Nginitian namin si Saul dahil sa bibong-bibo siya ngayon na gumaling na siya. "See.. minsan, agad-agad gumagaling ang bata o tao kapag nasa tamang pag-aalaga sila. Kaya iwasan niyo na kung ano ang nangyari sa kanya kung bakit siya na ospital." sabay kaming tumango at nagpasalamat sa doctor bago siya nagpaalam at umalis. Dahil nasa kotse na ang mga gamit namin ay tanging sling bag ko na lang ang bitbit ko. Nagpapakarga na naman ang anak ko sa kanyang papa at sumunod na lang ako sa kanila habang naglalakad at nakayuko. Maya-maya habang naglalakad sa pasilyo ay bigla na lang may humawak sa pulsuhan ko kaya nabigla ako pero agad ding napawi ng pinagsiklop ni Ignacio ang mga daliri naming dalawa habang karga niya ang anak namin gamit ang kaliwang braso niya. Hindi ko alam kung bakit sunod-sunod na boltahe ang nararamdaman ko ngayon dahil lang sa magkahawak ang kamay namin na parang happy family na naglalakad palabas ng hospital. Maraming kini kwento si Saul sa kanyang papa na halos tungkol sa kanyang pag-aaral at paano siya nakakakuha ng star at ng mabanggit ng anak ko na nagbirthday siya nitong nakaraan lang ay matalim na naman itong binaling ang tingin sa akin at umiling. Gusto man akong sumbatan pero pinipigilan lang dahil kasama namin si Saul. Nakarating kami sa condo unit niya bago mag lunch kaya doon na rin kami kumain. Nag-order na lang kami sa iba'tibang restaurant na madadaanan namin habang bumabyahe. Masaya si Saul na makita ang condo unit at maraming laruan at books na nakadisplay pero at the same nalulungkot dahil wala ang Lola at lolo at mga kapatid ko na lagi na niyang nakasanayan makita kaya nagpromise ako sa kanya na doon ang deretso namin pagkauwi galing Negros kaya masaya ulit ang anak ko. Buong maghapon silang naglalaro na mag-ama ng habol-habulan at kung ano pang naiisip. Kung mapagod ay nanonood ng movie at ako naman ay inaasikaso ang mga gamit namin ni Saul na dadalhin. Wala na kaming bahay sa Negros kaya kailangan kong mag dala ng mga damit kahit sinabi nung isa na bibili na lang doon pero hindi ako pumayag dahil sayang lang sa pera. Nakatulog agad si Saul pagkatapos maligo dahil siguro sa pagod. Nakaligo na rin ako at matutulog na rin sana pero hindi ko alam kung saan ako matutulog ngayon. Sa sala na lang. "Saan ka pupunta?" mahina pero malamig na tanong ni Ignacio. Kakatapos niya lang maligo. "S. sa sofa para matulog," nauutal ko na sabi. Paano ba naman kasi nakabalandera ang kanyang anim na pandesal at tanging tuwalya lang ang nakatabon sa ibaba. Na distract tuloy ako. "Kasya tayong tatlo sa kama, kaya diyan ka matutulog." "Pero … " "What? Don't say naalala mo kung paano mo inuungol ang pangalan ko habang nasa kama tayo ha, Michaella Gomeza?" What? What the hell?

 

 

chapter 27

Nasa airport pa lang kami ay gusto ko ng bumalik agad sa Cebu dahil sa may naalala. Ayokong alalahanin pero kusa naman itong bumabalik sa isipan ko kung bakit o paano kami umalis sa tinagurian na naming unang tahanan, ang Negros. Binalingan ko si Ignacio na kinukuha ang maleta namin. Ano kayang nasa isip niya? Hanggang ngayon ba ay nagpapanggap pa rin siya na wala siyang ginawang masama sa akin. Siya ang dahilan kung bakit kamuntikan na akong napahamak dati. Pero ano bang nangyayari sa akin na kahit ilang beses man niya akong saktan ay ito parin ako, lalo ngayon, baliktarin ko man ang mundo, may anak kaming dalawa. Kahit hindi man sabihin ni Saul ay nakikita ko kung gaano siya kasabik sa isang ama. Paano siya nangungulila. Paano niya ipagsigawan na may papa siya na matatawag. Alam kong kasalanan ko na hindi ko binanggit sa kanya ang tungkol kay Ignacio dahil akala ko hindi na magkikita pa ang landas namin o ang anak ko pero mapaglaro ang tadhana dahil siya na ang gumawa ng paraan. Handa na ba akong patawarin siya kung ano man ang rason kung bakit nagawa niya iyon sa akin? Gusto kong ibalik sa kanya ang buong tiwala pero ngayon may pagdududa pa. "Are you okay?" Hindi ko namalayan na nasa harapan ko lang pala ang taong kanina pang laman ng isip ko habang hawak ang kamay ng anak ko na si Saul. Nilagay niya ang ibang takas ng buhok ko sa aking tenga. Pinagmasdan ko siya at unti-unting tumango. "Pagod ka ba sa biyahe? Don't worry pagkarating sa bahay ay diretso kana sa kwarto natin para makapagpahinga na, 'wag kang mag-alala soundproof ang kwarto ko kaya hindi mo maririnig ang ingay sa labas. Makakatulog ka nang mahimbing," saad niya sa malambing na boses. Nakakahiya naman siguro na natutulog ako habang siya ay nakikisalalamuha sa mga barkada niya. Di bale na nga, kung may kumakausap sa akin ay saka pa ako mag-eentertain at kung wala naman ay naka papanhik na lang ako sa itaas para matulog. May handaan daw sa kanila dahil doon naisipan ng mga mag barkada na magcelebrate at ang dating kaklase namin ay pupunta lalo na si Shemaia Ocampo na ngayon ay malapit ng ikasal sa Italiano niyang boyfriend. Yun ang nakalap ko na balita na sabi ni Ignacio. So.. hindi pala naging sila. How about Eula? "Let's go," anyaya niya. "Yeheey! Let's go mommy. I want to hold your hand too." sabi ng anak ko na napangiti sa akin. Nasa gitna ang anak namin habang magkahawak ang mga kamay palabas ng airport. Nagkatinginan ang mga ibang tao sa amin at nasisiyahan sa bibo kong anak. Pwede naman kaming sumakay sa ferry from Cebu to Negros pero mas gusto niya sa himpapawid para mas mabilis. Wala na akong magawa dahil nakabook na siya ng ticket para sa aming tatlo. May sumundo sa amin na driver, dahil ayaw ng magmaneho ni Ignacio lalo ngayon na nagkukulitan na naman ang dalawang mag-ama. Napatingin ako sa labas ng sasakyan,. Matagal-tagal na rin nga na hindi ako nakabisita dito. As usual ganun parin naman halos lahat. May mga jeep at maraming motorista ang makikita ko sa kalsada lalo kung busy. Wala namang masyadong pinagkaiba ang dati at ngayon dito sa Negros para sa akin. "You lived here po dati mama? Sabi po ni papa na dito kayo nakatira," binalik ko ang atensyon ko sa mag-aama dahil sa tanong ni Saul. Hanggang tango lang ang binigay ko sa kanya at nginitian siya habang hinahaplos ko ang buhok niya. Napapagitnaan namin si Saul kaya malaya namin siyang mahahawakan. Tiningnan ko si Ignacio na busy sa kakatipa sa kanyang cellphone. Baka tenext niya ang mga kaibigan niya o kaklase namin noong high school at pinaalam na pauwi na kami. "Dadaan muna tayo sa mall, bibilhan ko lang ng gatas ang anak ko." "Atin Mica atin hindi lang sa'yo." aniya sa malamig na boses at matalim itong makatingin sa akin. Tumingala si Saul dahil siguro nag-iba ang boses naming dalawa na pinipigilan magsigawan, yumuko ako at nginitian ko siya para hindi niya maramdaman na nagtatalo kami ng kanyang ama. "Okay! Ating anak. B. bilhan ko lang ng gatas ang ating anak." tanging sambit ko sa yelong bilyonaryong ito. Umiwas ako ng tingin at binalik ang mga mata sa labas ng sasakyan. Ipinara na muna ni manong driver ang sasakyan sa isang mall dahil nga may bibilhin ako. Bibili ako ng gatas ni Saul, ayoko namang mamaya pa kami bibili sa gabi, gusto ko kasi bago matulog ang anak ko ay makainom siya na lagi niyang ginagawa. "Dito lang kayo, ako na ang bababa, mabilis lang ako. I love you baby Saul." sabi ko at bumaba na ng kotse. Hindi ko na hinintay ang sagot ng isa dahil baka sasama pa. Matatagalan pa ako. Binili lang ako ng gatas ng anak ko para mamayang gabi bago matulog ay nakainom siya, nakasanayan na kasi n na laging umiinom lalo kapag favorite niya ang flavor na gusto. Binilisan ko na lang ang paglalakad ko at baka naghihintay na rin ang mga bisita ni Ignacio sa pamamahay niya at malaman nila na ako pala ang may kasalanan kung bakit kami matagal nakarating. Pagpasok ko sa mall ay agad akong pumunta sa pantry kung saan ang mga powder milk. May pera ako kaya hindi ko kayang humingi pa sa kanya. Akala ko na wala yung brand na lagi kung binibili para sa anak ko, mabuti na lang may nakita ako at nasa dalawa na lang, natabunan lang ng ibang brand. "Sabi ko na nga ba na ikaw to eh," narinig ko na boses galing sa likuran ko. Hindi ako sure kung ako ba ang tinutukoy pero nag-angat pa rin ako ng ulo para malaman ko. Napangiti na lang ako kung sino ang nakita ko. "Hi! Ikaw pala." "Hi Mica! Long time no see, akala ko namamalikmata lang ako kanina pagpasok dito sa grocery eh. Kumusta na? Nandito ka pa rin ba sa Negros nakatira?" Nilagay ko sa basket ang dalawang pack ng gatas at binalingan siya."Ayos lang ako, hindi na kami dito sa Negros nakatira Ronald, sa Cebu na. Ikaw? Kumusta naman?" usisa ko sa kanya. "Ganun ba? Kaya pala hindi kana nakikita ni Lisa dito sa atin, minsan nababanggit ka niya na kung saan kana ngayon." kunot-noo ko naman siyang tiningnan na may pagtataka kaya natawa siya sa reaction ko. "You mean?" "Yep, 3 years na rin kaming mag-asawa, kaya ito, ako na muna ang bumibili ng mga pangangailan sa bahay ngayon bago umuwi galing trabaho." saad niya na napangiti lang sa akin. Masaya ako na matino pala itong lalaking ito. Akala ko dati puro lang barkada at laging alak at sigarilyo ang inaatupag. "Kung may oras ka, pwede mo siyang bisitahin sa bahay, namimiss ka niya. For sure matutuwa at mahampas niya ako na hindi kita dinala sa kanya. Alam mo bang Ikaw ang pinaglihian niya sa panganay naming anak? Kaya hindi ko alam kung paano siya aluhin dahil hindi ko alam kung saan at paano kita hahanapin, kahit sa social media mailap ang mundo mo," natatawa niyang sabi. Nasa cashier na kami para magbayad. Medyo marami ang tao ngayon kaya natagalan ako. Naiwan ko pa ang cellphone ko sa sasakyan dahil ginamit ko yun kanina at nilagay ko lang sa gilid ng upuan habang may pinapakita si Saul sa akin. "Hala! Ano namang especial sa akin at ako ang pinaglihian ng asawa mo?" "Yun nga eh, nagtataka nga ako na sa daming tao ay ikaw pa, kahit ako na lang sana ang pinaglihian niya ay masaya na ako pero hindi, hinahanap ka niya lalo sa akin, mabuti na lang may picture pa tayo nung highschool kaya yun na lang ang tinitignan niya. Mabuti na lang at hindi mo kamukha ang anak namin na babae," natatawa niyang sabi kaya napatawa na lang din ako. Tapos na ako at hinihintay ko siyang matapos kasi pangit naman na agad-agad akong umalis, nakakabastos naman siguro yun. Total madalian lang naman ang ginagawa ng cashier at agad din siyang natapos. Palabas na kami ng mall na magkasama at nag chichikahan pa rin. Nalaman ko na nasa Manila siya nag-aaral ng college at naging sila nga ni Lisa, on and off ang relasyon nila hanggang naging sila na rin sa katagalan. Ng makarating kami sa parking lot ay nakahilera lang pala ang sasakyan namin. Nagpaalam kami sa isa't-isa pagkatapos niyang ibigay sa akin ang number ng kanyang asawa. Gugulatin ko nga ng tawag yun. Isa kasi siya sa naging friend ko talaga nung highschool at mas marami kaming pinagsamahan na dalawa. Pagbaling ko sa sasakyan kung saan naka parada ay bigla yatang nanlamig ang mga tuhod ko habang naglalakad dahil sa bulto ng lalaking kanina pa yata naghihintay. Nakapamewang ito sa akin habang matalim ang tingin at nakaigting ang mga panga. Wait matagal ba ako? Hindi naman ah. "What took you so long?" galit pero mahinang tanong niya. "Mahaba kasi ang pila kaya ngayon lang ako." paliwanag ko pero galit pa rin itong nakatingin sa akin.   "Really? O nasarapan ka lang sa pag-uusap niyong dalawa sa kahalikan mo dati? Nagpapalitan pa nga siguro kayo ng numbers ah, why Mica? Para malaya kayong makipag kita sa isa't-isa at–fuck!" isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya dahil sa mga sinasabi nitong walang katuturan. Hindi ko alam kung paano niya na sabi ang mga bagay na yan without even thinking na mali ang mga hula niya o pakinggan muna ang paliwanag ko. Wala na akong pakialam kung makikita kami ng anak namin na ginawa ko sa kanya ang paglapat ng palad ko sa pisngi niya dahil sa nasobrahan na siya sa mga sinasabi niya. "Wala kang alam at bakit hindi mo muna pakinggan ang paliwanag ko bago ka magsalita ng mga ganyan ha? Nakakainis kana. Wala akong ginawang masama pero ikaw naman itong gumagawa ng sarili mong kwento. Pamilyado yung tao at gusto mong pumatol pa ako doon? Syempre classmates natin siya. Classmates natin ang nakatuluyan niya kaya naibigay ko sa kanya ang number ko dahil namimiss ako ng dating kaibigan." paliwanag ko at dahil sa naiinis ako ay agad akong naglakad paliko para makasakay na sa kabilang pintuan at baka nakaka eskandalo na kami dito sa parking area at isa pa ayokong makita ni Saul na ganito kami sa isa't-isa ng kanyang mga magulang. Mabuti na lang tulog ang anak ko pagpasok sa loob ng sasakyan. Hindi nagtagal ay pinaandar na ng driver ang sasakyan pagpasok ni Ignacio. Hindi ko na siya tinapunan ng tingin at nasa cellphone na lang ako nakatutok. Ayokong nag-aaway kami dahil lang sa pagiging seloso niya. Maya-maya pa ay dinalaw na ako ng antok at hinayaan ang sarili na matulog habang nakasandal sa upuan at hawak ang kamay ng aking anak. Nagising ako dahil sa ingay ni Saul. Dinilat ko ang mga mata ko at naabutan ko ang sarili ko na nakahiga na, habang may maliit na unan sa aking uluhan at nakapatong ito sa kandungan ni Ignacio, nakita ko si Saul na kausap ang driver at tawang-tawa ito sa hindi ko malaman na dahilan. Lumipat pala siya ng upuan sa front seat para malaya akong maihiga at matulog? Sweet naman ng anak ko. Tumingala ako at nakita ko si Ignacio na nakatulog din pala habang nakasandal ang likod sa upuan ng sasakyan habang humihilik ng mahina. Bigla siyang gumalaw at dahil sa taranta bigla kong pinikit ulit ang mga mata ko at nagkunwaring tulog pa. "Malapit na ba tayo manong?" tanong ni Ignacio sa driver. Timing at medyo tanghalian pa ng makarating kami ng bahay nila. Malapit na mag one ng hapon. "Nasa gate na po tayo ng bahay, sir," sagot ni manong at bumusina siya. " Okay, thanks." "Hi papa, shhh! Wag maingay, tulog pa po si mama," halos pabulong na sabi ni Saul sa kanyang ama. Kung alam mo lang anak na gising na ako. "Alright, sorry," pabulong din ni Ignacio. Nakatagilid ako kaya hindi ko alam kung napapansin niyang gising na ako. Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri. Kita mo.. kanina nagkasagutan pa kami tapos ngayon lalambingin niya ako sa action niya. Ito ang napapansin ko sa kanya na imbis sabihin ang katagang sorry ay dinadaan niya sa paglalambing gamit ang action tulad ngayon. "Alam ko na gising kana, klarong-klaro dahil sa talukap mo na gumagalaw, Mica! Gusto mo buhatin kita papunta sa kwarto para matulog, hmmm!" bulong niya sa tenga ko. Agad kong dinilat ang mga mata ko at umalis sa paghiga sa mga hita niya at matalim na nakatingin sa kanya na pinipigilan mapangiti. Akala niya siguro nakalimutan ko na ang galit niya sa akin kanina, neknek mo bilyonaryo ka! Busy ako sa pag-aayos ng sarili ko. Inayos ko ang buhok ko at nakita si Saul na nasa baba na. "Let's go," aya ni Ignacio sa akin. Nakababa na pala ito sa sasakyan at siya na ang nagbukas ng pintuan kung saan ako nakaupo. Sinimangotan ko siya at itinabig ko ang kamay niya na gustong humawak sa akin. Bumuntonghininga siya at tinititigan lang ako. Nagpakarga si Saul sa kanya dahil nahihiya na makitang maraming tao sa loob ng bahay niya. Dahil sa labas pa lang ng garden ay matatanaw na dito na may okasyon nga sa bahay nina Ignacio.   Ang bahay kung saan nakapunta na ako at ngayon marami na naman akong alaala. Subukan ko kayang puntahan ang dating bahay namin. Ano kaya ang maramdaman ko? Kaya ko ba? Nandoon pa kaya at ganun pa rin ang ayos? Ibenenta na yun ni papa kaya hindi ko alam kung sino ang nakatira ngayon. Lalo na yung time na na stroke si papa at critical ang kalagayan. Baka bago kami umuwi ng Cebu at dadalaw ako doon pati na rin sa mga kaibigan ko na for sure magugulat sila na nagpapakita na ako na ilang taon naring hindi nakauwi dito sa Negros. "Igno!!" bumaling ako sa tumawag na Igno. Sino yun? "Nanay! Yan ka na naman sa tawag mo sa akin! Ignacio po. Bantot po ang Igno." reklamo ni Ignacio sa medyo katandaan na ginang. "Nanay Cherry pala, isa sa mga nag-aalaga sa akin nung maliit pa. Nay si Mica po at si Saul anak namin, yung sinabi ko sa'yo." Aniya sa kanyang Yaya. Sinalubong na kami ng mga ibang katulong yata nila habang nasa labas pa lang kami. "Eh sa gusto ko na yun ang tawag ko sa'yo, pakialam mo ba!" pinigilan kong tumawa dahil sa palaban din pala ang kasama nila sa bahay. Ibinaling niya ang tingin sa akin! "Maligayang pagdating iha. Pasok na kayo para kumain. Nasa loob na ang dati niyong kaklase." ani ni nanay at sabay na kaming naglalakad papasok sa loob ng gate. Karga-karga pa rin ni Ignacio ang anak ko at ayaw magpababa. "Yow bro! Uy may mini Ignacio pala dito. Hi little buddy. What is your name?" tanong ng dalawang lalaking sumalubong sa amin. Namamangha rin sa kung ano ang nakikita. "Hi po, my name is Louis Saul Gomeza po," napatikhim kami pareho dahil sa last name na sinabi ni Saul. "Oh wow, ang pogi ng pangalan ah. My name is Vincent at siya naman si Tito Domingo mo, nice to see you little buddy!" sabi naman ng isa na may hawak ng kopita sa kanan. "Same po Tito," sagot ng anak ko habang nakangiti. Dinala na ng mga kasambahay ang mga gamit namin sa loob ng bahay at iaakyat na lang daw sa kwarto kung saan kami matutulog mamayang gabi. Sumunod lang ako sa kanila dahil nga nagtatampo pa ako sa lalaking ito. Kaya hindi man lang ako pumantay sa paglalakad at nasa likuran lang ako kahit panay angat ng kamay ni Ignacio gamit ang kaliwang kamay para siguro mahawakan ako. Pagkarating namin sa loob ng bahay ay halos nakatingin sila sa gawi namin at tumigil sa kanilang ginagawa. Namangha yata sa nakita. "Say hi and bless to your Tita's and Tito's baby?" Narinig kong sabi niya at bumaba naman si Saul at nagpakilala sa mga tao kaklase namin dati. "Hi mica. Long time no see…" sabi ni Mercy na may anak na nakaupo sa kanyang tagiliran at pinapakain. Ganun din ang ibang kaklase ko noong high school, nagpakilala at kinukumusta ako. "Hello! Long time no see din sa inyo." sagot ko sa kanila, hindi kasi kami sobrang close nung high school, para kasi kaming may sariling grupo at iba naman yung sa akin na ngayon ay hindi nila ka circle of friends ay wala dito. "Congratulations Rey," nginitian niya ako pagkatapos kung magcongrats sa nalalapit nila na kasal sa kanyang kasintahan na half Italian this week at invited din kami ng anak ko. "Ilang taon na ang baby mo?" Tanong ni Gail. "Kakaseven lang ng anak ko." sagot ko. Napanganga sila dahil sa sinabi ko na edad ni Saul. I know, matagal na, na may anak ang kaibigan niyo sa akin. "I see, magdadalawang taon pa lang si Timothy, kayo palang at ni Mercy ang may anak sa ating magbabarkada at tingnan mo ang dalawa at may sarili na ring mundo, kahit kakakilala pa lang." sagot ni Gail at sinang-ayunan din ng lahat. Naglalaro ang dalawang bata ng mga laruan na kotse-kotse. Kuyang-kuya naman si Saul sa kanyang kalaro na si Timothy ang pangalan. Nasa pabilog kami na lamesa na mga babae at iba naman ang mga lalaki na umiinom ng alak, kaming mga babae ay juice o tea. Kakatapos lang namin na kumain ng tanghalian at ngayon nasa garden para magkwentuhan ng nakaraan. Hindi naman mainit ang panahon at isa presko naman ang hangin. "Yang anak mo kahit saang anggulo ay tingnan mo naman at kay Ignacio talaga. Hindi namin alam ang buong kwento niyong dalawa pero laban lang girl, mapapasaan ba at magkaayos din kayo." saad naman ni Cathy. Natuwa naman ako na hindi sila nagtanong kung ano ang mga nangyari sa aming dalawa ni Ignacio at kung bakit ngayon lang ako nagparamdam kahit nung nalaman nila na ang ginamit ng anak ko na apelyido ay sa akin at hindi ni sino man. Handa na ba akong palitan ang apelyido ni Saul kung sakaling hihilingin niya?

 

 

chapter 28

"Talaga! May anak kayo Mica?" tanong ni Eula sa akin. Nasa cafe shop kami ngayon at umiinom ng kape habang tinatapos ang proposal projects nila ni Ignacio sa Batangas at Makati sa Manila. Nag comfort room lang muna siya saglit kaya ako naiwan na kasama si Eula. Umirap na naman ako sa isipan ko dahil sa palagay ko ay mas mahaba na naman ang kanilang pagsasama kapag magsimula na ang business nila na isang mall din. Kalma Mica, remember? Wala na kayo ni Ignacio? Ni minsan hindi mo nadinig galing sa kanya na mahal ka pa niya at ganun ka rin sa kanya kaya wag ka nang umasa. "Oo, yung nangyari that time, hindi ko alam na may nabuo pala ako sa sinapupunan ko. Late ko na nalaman nung time na sobrang stress na ako." Ani ko sa kanya dahil gusto ko siyang sumbatan at ipaalala sa kanya na kung hindi dahil sa dalawang tao na ito ay hindi yun mangyayari sa akin . Trauma, stress and anxiety ang naramdaman ko sa mga panahon na yun. Tumango lang siya sa sinabi ko. Walang bahid ng simpatya at kung ano pa. "Mabuti at hindi mo naisipang ipalaglag," biglang namilog ang mata ko, dahil sa sinabi niya. "Hindi.. hindi ko kayang gawin yan Eula." umiiling ako sa kanya. Bakit naisip niya ang mga bagay na yan? Ni minsan wala yan sa isip ko, sa mga oras na iyon ay stress man ako pero hindi ko naisip ang iniisip niya. Pinapasalamatan ko pa nga dahil sa kabila na nangyari ay buhay ang anak ko. Kumakapit ang anak ko. Hindi ko alam na nagdadalang-tao ako pero ang anak ko mismo ang nagparamdam sa akin na lumaban ako dahil nasa sinapupunan ko na siya. Mas lalo akong nangako sa sarili ko na mamahalin ko siya ng buong puso at mas lalo ko siyang minahal nung pinanganak ko siya. "Ang swerte mo naman." Nginitian niya lang ako. "Let's go." aya ni Ignacio na makabalik na siya sa table namin. Nanatili lang akong nakaupo dahil hindi pa ako tapos sa kakasave ng mga schedule ng boss ko sa tablet. "May lakad pa tayo?" tanong ni Eula kay Ignacio. Tumaas ang kilay ko at matalim ding nakatitig sa mga letra na tinitipa ko. Paki ko sa inyo kung magdadate kayo pagkatapos ng meeting niyo. "Nope, may lakad ka ba? Kami kasi susunduin lang namin ang anak namin sa school then we're having dinner together later." ani ni Ignacio. Bigla namang bumaba ang blood pressure ko dahil sa narinig, so ako pala ang pinaparinggan niya. Tanga ko lang. "Hindi ka pa ba tapos?" Tanong niya habang inilagay ang mga takas ng aking buhok sa aking tenga. Sinilip ko si Ignacio at nakatuon ang tingin ko kay Eula na matalim ang tingin sa amin at dahil napansin niya na nakatitig ako ay saka pa lang siya ngumiti na hindi naman abot hanggang pilikmata. Binalik ko ang atensyon sa boss ko at nginitian. "Kaso hindi pa ako tapos, may sampo pa akong itatype. Masakit na nga ang mga daliri ko sa kakatipa eh," malambing ko na sabi na may halong pagnguso habang inaayos ang kanyang kwelyo. Sige Mica drama pa, yung pang FAMAS dapat. Nagpipigil na ngumiti ang loko at narinig namin ang pagtikhim ni Eula. "Yeah! I need to go. May pupuntahan pa pala ako. Thanks Ignacio, don't forget our projects. I need it as soon as possible.," saad niya at hindi man lang bumaling ang lalaking ito sa direction ni Eula at nakikinig lang itong isa lalo ngayon na busy sa kakamasahe sa mga daliri ko habang nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at ninguso si Eula, "okay, ingat Eula," yun lang ang sabi niya at hindi man lang binalingan yung babae. Nakita kong inikot ni Eula ang mata niya at matalim na nakatingin sa amin. Selos 'yan? Hanggang hindi ko na siya mahagilap ng makalabas na ng shop. "Okay na ba at hindi na masakit ang mga daliri mo?" agad kong ibinaba ang aking kamay sa paghawak niya dahil doon pa lang ako na tauhan sa pinaggagawa ko. "O. oh ok na.. salamat," nauutal ko pang sabi. Binalik ko ang mga mata sa tablet ko para matapos na itong pinaggagawa namin. "Ayos na yan, sa bahay muna na lang yan tatapusin. Let's go at susunduin pa natin si Saul." nagmamadali ang kilos niya at tinulungan akong magligpit ng gamit. Simula ng makabalik kami galing sa Negros dito sa Cebu ay hindi na nagsusungit ang lalaking ito. Natuloy ang kasal nina Shemaia at ang Italiano na asawa at ganun din ang gagawin nila na vice versa ang uwian ng bahay. Umuwi kami at diretso sa bahay namin at doon na rin siya natutulog ng ilang araw dahil sa ayaw pa naming bumalik sa kanyang condominium. Kaya ang ginawa namin ay vice versa ang inuuwian namin na bahay para naman hindi malungkot ang mga grandma ni Saul. Dahil hinahayaan lang namin kaya ayun sobrang spoiled sa kanyang mga Lola parang ayaw nga na magpatalo eh, kahit hindi naman talaga kailangan na gamit ni Saul ay binibigyan o binibilhan. Napapailing na lang kaming lahat dahil hanggang ngayon away-bati pa rin ang dalawang mag bestfriend dati na naging kaaway din. "Sa susunod na linggo ay papupuntahin ko sa bahay ang attorney ko," kunot-noo ko siyang binalingan dahil sa sinabi niya na abogado. Bigla akong kinabahan. "May karapatan ako sa anak natin Mica!" "And so? Kukunin mo siya sa akin at gusto mo ng… " hindi ko matuloy tuloy ang sinasabi ko habang umiiling dahil sa nagbabadyang luha sa mga mata. Ito na ba yung custody na gusto niya at kinakakatakutan ko naman? Kunin niya ang anak ko? No… hindi pwede. "No… hindi ako papayag na kukunin mo sa akin ang anak ko Ignacio. Ayoko!" Sigaw ko sa kanya habang pinaghahampas ko siya sa balikat Nasa parking lot pa lang kami at papaandarin na sana ang sasakyan na may naalala. Kaya malaya ko siyang mahahampas dahil sa sinabi niya. "What? Why are you mad, hmm? Of course anak ko rin siya Mica. Hindi ba pwede na apelyido ko rin ang dadalhin niya ha?" " Ano? Hindi mo kukunin ang anak ko? " "Anak natin Mica, anak nating dalawa. Ilang beses ko ba yang sinasabi sa'yo. Anong kukunin ko ang bata? Bakit ko pa siya kukunin sa'yo? Ang sa akin lang bigyan mo ako ng pagkakataon na maging tunay na ama ni Saul kaya papalitan ko ang kanyang apelyido. Please.. " pagsusumamo niya. Pinagtitigan ko lang siya sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o pagsisihan ko lang ito sa huli. Hanggang nakarating kami sa paaralan ni Saul ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni Ignacio. Ang saya-saya ng anak namin habang nagpapa karga kay Ignacio. "Hi mama at papa, tingnan niyo po may bago na naman po akong star." magiliw na sabi ng anak ko habang pinapakita niya ang kanyang pulsuhan na may star nga. Nginitian ko ang anak ko, "congratulations baby. Stay doing great always, okay? Always remember that we love you so much, right baby?" ani ko habang nilingon ko ang anak ko habang nasa backseat ng sasakyan. "Yes mama, kayo po ni papa ang inspirasyon ko po kung bakit ako laging magaling sa school," sabi ng anak namin at nagkatinginan kami ni Ignacio. Agad akong umiwas sa kanyang titig at nginitian si Saul. Maya-maya ay nakarating kami sa mall na pinag trabahuan ko dati. Napangiti ako na nandito kami maggogrocery o kakain ba. Nagtext kanina ang mga bruha ko na kaibigan na nagbar sila nung isang araw. May nagtanong na nga kung bakit hindi raw ako kasama. Dahil sa nalaman na may naghahanap sa akin ay parang ayoko ng magbar pa unless siguro kung kasama ko si Ignacio or hindi na talaga ako tutungtong pa sa club. Pagkatapos maiparada ni Ignacio ang sasakyan niya ay entrance pa lang ng mall ay nagsisibalian na ang mga ulo ng iba, especially mga babae. Bigla akong napairap sa aking isipan, hindi ba nila napapansin na may asawa na yung tao. Ay.. hindi pa pala kami kasal, tsk. Wala rin pala akong kawala. Wala pala talagang kami. "Kakain na muna tayo bago tayo pumanhik sa supermarket, for sure gutom na kayong dalawa," sabi niya at tumango lang ako dahil nga gutom na rin ako kanina pa at masaya naman ang anak ko dahil sa narinig na kakain na muna. "Good morning sir!" "Good morning sir!" bati ng mga empleyado na kilala ang lalaking katabi ko ngayon at ang isang tong, kuripot para magsabi ng morning too. Tsk. Magana kaming kumain ni Saul ngayon sa napili namin na fast food. Wala na akong pakialam kung panay lamon ko dahil nga sa masarap ang ulam. Pinagtitinginan man kami ay wala na akong pakialam. Nitong mga nakaraang araw ay napansin ko rin sa sarili ko na ang takaw ko sa pagkain. Minsan habang pumapasok sa opisina ay hindi pwede na wala akong mapakpak na pagkain habang naglalakad sa kung saan ang area ko. Kaya minsan ang elevator amoy ng kung anong bitbit ko. Minsan kasi banana q, o di kaya nilagang mais o kung ano pang pwede ng maidala sa loob ng opisina. "Gusto mo pa ng manok, padagdag pa ako?" Hindi ko alam kung kanina pa siya nagtatanong pero. "Okay.." sabay na sabi namin ng anak ko kaya nagkatinginan kami at ngumiti sa isa't-isa dahil nag-iisa lang ang utak namin ng anak ko. Tumayo si Ignacio at pumunta sa harap. Nagpatuloy kami sa pagkain ng anak ko. Minsan tinutulungan ko si Saul ang hindi niya maayos na pagkain sa manok. Halos apat na oras ang pamamalagi namin sa mall. Inaantok na ang anak ko kaya kinarga na siya ni Ignacio habang pareho kaming pinupush ang push cart para magbayad. Nakita ko si Yana sa isang counter kaya doon kami nakahilera para magbayad. Hindi niya ako napansin dahil busy rin ito sa ibang customers. Maraming pumupunta dito kahit sa oras na ito. "Oh my gulay.. hindi nga.. Mica?" Mahina niyang tili sa akin na akala mo ngayon lang nagkita." Mabuti na lang at dito ka pumunta sa panig ko bruha ka. Tapos wow ha yayamanin na natin ah. Nakajackpot ka ba sa lotto at dami ang pinangbibili mo?" saad niya na mas napatawa sa akin. Hindi naman ito sobrang marami, "hindi.. of course yung iba ay para sa tindahan namin.," Sagot ko sa kanya. "Ito pa mama oh, pakisali na lang po," bumaling ako kay Saul na karga parin ni Ignacio at may inabot sa akin na oatmeal. Meron na siya nito pero siguro gusto tumikim ng ibang flavor. " Alright," ngiti ko. "Aray!" bumaling ako kay Yana dahil sa bigla niya akong hinampas sa balikat. "Siya ba ang tatay ni Saul, Mica? Pogi naman, tanong mo nga kung may kakilala pa na afam o di kaya may kapatid ba siya para ligawan ko," bulong niya na napatawa ng mahina agad sa akin. Sira talaga ang babaeng ito. May boyfriend na siya na nakilala niya sa bar tapos maghahanap na naman. Idamay pa ako. Mangiyak-ngiyak ako habang nakatingin sa sarili ko sa vanity mirror na nandito sa kwarto ni Ignacio. Naliligo siya at ang anak ko ay tulog na tulog na ngayon dahil sa napagod yata sa biyahe kanina. Paanong hindi mapagod kung school at mall ang pinuntahan namin kanina. Dito na kami dumeretso sa condo niya dahil mas malapit lang at bukas na lang kami uuwi ng bahay para maibigay ko sa kanila ni mama ang mga pinang grocery ko kanina. "Tumataba na ako, haizt wala ng magkasya na skirt sa akin nito papunta ng opisina." Naiinis kong sabi sa sarili ko. "Bibili na naman ako ng bago dahil lang hindi magkasya ang mga ibang damit ko. Nakakainis… " "What's wrong?" Napalukso ako dahil sa gulat. Hindi ko man lang namalayan na nasa harapan ko na pala si Ignacio at tapos ng maligo. Nakabihis na rin siya ng black pajama at white sando. Pinupunasan niya lang ang buhok niya ng tuyong tuwalya na maliit habang nakatitig sa akin. Gustuhin ko mang maglaway sa biceps niya ay biglang pumait ang timpla ko ngayon. Ngumuso ako dahil naalala ko naman kung bakit ako naiinis. "Kasalanan mo to?'' tumaas ang dalawang kilay niya. " Why?" "Panay lagay mo ng pagkain at bili ng pagkain na masarap, yan tuloy ang taba ko na… " inis ko na sabi ko sa kanya habang tinuturo ang tiyan ko at bewang. Halos hindi ako makahinga kanina dahil sa sobrang busog at ngayon nahihirapan ako kung anong damit ang susuotin ko kinabukasan dahil ang nadala ko ay hindi pala stretchable. "Huh? No you're not?! Hindi ka naman mataba. Sakto lang naman ang katawan mo," Aniya na mas lalong naiinis ako sa sagot niya. "Mataba nga! Tingnan mo ang mga nadala ko na damit oh, halos hindi magkasya sa akin. Uuwi na lang ako nito bukas para makapag hanap ng damit na kasya sa akin pagkahatid kay Saul sa paaralan," pamimilit ko. Lumapit siya sa akin at iginiya niya ako sa closet niya. Magpoprotesta pa sana ako na mas hinila niya pa ako lalo. "A.. anong gagawin natin dito?" Namumula na yata ang mukha ko dahil sa naiisip. "Don't worry wala tayong ibang gagawin, okay? Look! I don't know kung ano ang susuotin mo bukas, just free to choose." Aniya at binuksan ang pinakadulo na closet niya. Biglang namilog ang mga mata ko na kung anong meron doon. "Gusto mo tulungan na lang kitang maghanap?" sabi niya pero tulala pa rin ako dahil sa nakita. Damit pambabae ang nakalagay dito. May mga sapatos at sandal din akong nakita na alam mong hindi pa nagagamit ni minsan. "S. Sa. sa akin ang mga ito?" nanginig ang mga labi ko habang nagtatanong. "Mmm..," "Kailan lang?" Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit naging emotional ako. Hindi naman ako ganito dapat lalo sa kanya pero bakit ngayon parang alagang-alaga niya pa ako. Niyakap niya ako ng mahigpit sa aking likuran na ikinabigla ko. "Nung unang pumunta ka dito sa bahay nung gabi na yun! Kinabukasan… yeah… " Naluluha ako, hindi ko alam kung bakit. Mahal niya ba talaga ako o dahil may Saul? Marahil dahil sa anak namin kaya siya naging mabait? Dahil nga siguro alam niya na kahit kailan sa akin pa rin mapupunta ang anak ko kung sakaling hihingi niya ang custody ng bata. "Why are you crying? Hindi pa ba ito sapat? Magpabili ako ngayon?" tinampal ko siya sa balikat niya. "Ang dami na nito tapos bibili ka pa? Tingnan mo nga halos pinipilit na nga lang na kasyahin para lang mailagay lahat sa closet mo. Tsk." natawa na lamang siya dahil nakasimangot ako habang sinasabi ko yun. "Tapos, tingnan mo ang mga presyo, ang mamahal Ignacio," isang taon na namin to na ulam kung bibilhin namin para sa tiyan. "What? Hindi yan mahal, tama lang ang mga presyo ng mga yan." pamimilit niya pa habang inilagay niya ang kanyang ulo sa balikat ko habang kayakap ako sa likod.   Ngumuso ako habang tinitingnan ang mga price ng damit at pants at kung ano pa, para yata akong nahihilo dito. "Sa akin ba ito? O Binibilhan mo ang mga babae mo ng damit pagkatapos nilang gamitin ang kwarto mo?" pagalit ko na tanong. Nasa mga presyo ako na matalim na nakatingin at hinayaan pa rin siya na niyayakap ako. "May kaibigan o naging kapatid na ako na babae na walang iba kundi si Shemaia ang masungit na babae na pumunta sa bahay namin sa Negros pero sa condo ko dito sa Cebu ay ikaw lang Mica ang nagtagal at nakapasok sa kwarto ko. Kung meron mang bisita ay sa sala na sila para sa business, naghihintay at hindi naman nagtagal. So, paano mo naisip na may iba ako?" aniya pero bakit 50/50 ang tiwala ko sa kanya. Inikot ko ang ulo ko para matitigan siya. Ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig habang nakasandal ang pwetan ko sa maliit na lamesa na babasagin. Hindi tuluyang umupo dahil baka masira. "Wee, totoo? Sa bagay wala namang problema kung magdala ka ng babae dito at bihisan pa, make sure mo lang na wala ang anak natin para hindi niya makita kung sino mang babae ang kasa-kasama mo." "The fuck, Mica! Do you think I would do that?" " Yeah, ganun naman di ba ang ibang lalaki. Hindi nakuntento sa isa, may kumalabit lang…agad namang sumabit kaya ayun.. nagkatuluyan ang puro kabit." Saad ko. Pero ang loko humahalakhak lang ng tawa. Napalo ko tuloy sa balikat. " Hindi lahat Mica, at yang mga gamit na yan ay sa'yo talaga. Walang ibang susuot niyan kundi ikaw, kung ayaw mo e di susunugin ko na lang," what? Tang'na talaga ang lalaking ito. Kawawa naman ang mga damit kung ganun. "Subukan mo lang at titirisin talaga kita sa singit." Ani ko at natatawa lang ang gago na to kaya tinalikuran ko siya para kumuha na ng damit para kinabukasan ay ready na ako at hindi na matataranta sa pagbibihis. "Anyway, bukas pala pupunta tayo sa doctor," agad ko siyang nilingon dahil nagtataka at baka may sakit siya ngayon at kanina pa iniinda. Bakit ipagpabukas pa kung pwede namang pumunta ngayon mismo. "Bakit? May sakit ka?" Concern ko na sabi. Nilagay ko ang palad ko sa kanyang noo at leeg. Hindi naman mainit. Napansin kong nakatitig siya sa akin habang sumisilay ang ngiti. Natauhan ako dahil sa ginawa kong pag-aalala. Bakit hindi ba pwede? Mahirap na diba? Dahil lagi silang magkasama ni Saul at baka magkahawaan pa. Yes, yun nga ang rason ko. "Hindi…Ikaw ang magpapatingin!" Ano raw? "Wala akong sakit!" "Alam ko…," "Then bakit mo ako papupuntahin sa doctor na wala naman akong sakit. Baka ikaw?" batohan namin ng salita. "Basta, pupunta tayo sa doctor bukas, okay Mica? Matulog kana at ako na ang magpaplantsa ng mga damit na isusuot mo bukas." aniya at hinalikan ako sa noo. Pero imbis na makinig sa kanya ay umupo ako sa may upuan doon habang tinitingnan siya na nagpaplantsa ng mga damit ko dahil natapos ko na kanina kay Saul at sa kanya kaya sa akin na lang. Hanggang hindi ko namalayan na nakatulog na naman ako at dinala niya sa kama. Tulala ako habang tinititigan ang dalawang guhit. Pagkatapos naming ihatid si Saul sa paaralan ay talagang pumunta muna kami ng ospital na pagmamay-ari sa kakilala niya na doctor. Sa una, hindi ko talaga maintindihan ang mga kinikilos niya pero kalaunan ay natanto ko kung bakit kami naroon. May inabot ang doctora at pumasok ako sa cr habang nasa labas si Ignacio, hindi ko na nilock ang pinto kaya malaya siyang makapasok. Nakita niya ang pregnancy test at alam niya na kung ano ang ibig sabihin nun. Ngumiti siya sa akin at pinatakan ng maraming halik ang mukha ko. "At Least alam ko na kung paano ko nabuo ang baby natin. Thank you love. Let's get married for real this time. I want to spend my whole life with you and with our children, mmm," aniya. Ang bilis ng takbo ng puso ko. Nakatitig ako sa mga mata niya, hindi ito panaginip at nasa harapan ko siya. "Ignacio… !" "Yes love… " "I'm pregnant..!" "Aha.." "Again.."

 

 

chapter 29

Hanggang nakasakay kami ng sasakyan ay tulala pa rin ako sa nalaman ko. Buntis? Ako? Ang bilis naman kumalat ang ano niya sa akin. Ngayon ko lang din napansin na hanggang ngayon hindi ko pa pala nagagamit ang napkin ko na binili ko pa nung isang buwan. Wala sa isip ko. Wala rin akong nararamdaman sa katawan ko na kakaiba kundi ang takaw ko lang sa pagkain kahit ano pa yang klase na pagkain. Kaya siguro hindi na magkasya ang mga skirt ko dahil may baby na ako sa aking sinapupunan. "May gusto ka bang kainin bago tayo pumunta ng office o uuwi na tayo para makapagpahinga ka?" tanong ni Ignacio sa akin habang inaayos ang seatbelt ko. Umiling ako dahil hindi ko rin alam kung ano ang gusto ko sa mga oras na ito. "Pupunta pa tayo ng office? O sa condo na tayo? You need to rest Mica. Yan ang sabi ng doctor at dapat nakainom ka ng mga gamot na ni resita ng doktora. "Sa office tayo Ignacio, may tatapusin lang ako na project niyo na hindi ko pa natapos nung nakaraan. Ayokong tumatambak yon sa ibabaw ng lamesa at sa computer na hindi naka files," sabi ko sa kanya habang nakatingin ang mga mata sa labas. Mabuti na lang hindi masyadong ma traffic ngayon kaya maaga lang kami nitong makarating sa opisina niya. "Hindi kaba nahihilo? Nasusuka?" nilingon ko na siya dahil hindi ko alam kung saan niya nalaman ang mga iyan? Wala pa kami sa ospital ay yan na ang laging tinatanong sa akin. "Hindi naman. Teka paano mo nalaman ang mga ganyan? Lagi mo yang tinatanong sa akin kanina pang umaga paggising ko." tanong ko sa kanya. "Kay mommy then of course sa kapatid ko na masungit na si Shemaia na ngayon ay kabuwanan na? Yan ang mga kilanlan kapag buntis ang babae. Dahil sa mga mood swing nila at ma confirm ko yan sayo kaya… you know." Matalim ko s'yang tiningnan kahit nagmamaneho siya nang sasakyan at tutok ang mga mata sa kalsada. "Kung akala mo ay hihingi ako ng sentento sayo para sa pagpapalaki ng mga anak ko ay wag kang mag-alala dahil hindi mangyayari yun." walang preno kung sabi sa kanya. "What the heck, Michaella!" Gulat na sabi niya at agad niyang tinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "What do you mean by that!? Na hindi ko kayang maging ama sa mga magiging anak natin? For God's sake. Huwag mong ilayo sa akin ang anak ko, huwag na huwag mo na talagang gagawin yun Mica dahil saan ka man sa mundo maybe you can hide but you can't escape from me," galit na sabi ni Ignacio. "Hindi naman talaga ako magtatago o aalis sa una naming tahanan kung hindi dahil sa inyong dalawa ah. Kung makapagsalita ka parang hindi ka sangkot sa nakaraan kung bakit ngayon mo lang nakilala si Saul!" Galit na sabi ko sa kanya. Bigla niya akong hinarap habang nakakunot ng kanyang noo. "What do you mean? Will you please enlighten me. Hindi kita maintindihan!" pero imbis na sagutin siya ay napasigaw ako sa gulat dahil may malakas na busina akong narinig. Nagulat ako dahil may malaking truck na dumaan sa aming harapan at medyo malakas pa ang pagpapatakbo ng sasakyan. Gago yun ha. "Sa bahay mo na lang ako iuwi. I need to rest. Doon kina mama!" Instead yan ang nasabi ko. Biglang sumakit yata ang ulo ko dahil sa biglaang usapan namin ng lalaking ito. "No…I'm sorry.. hindi na ako magtatanong. Sa condo na lang kita ihahatid, hmm.. ayoko nag-aaway tayo Mica lalo at may baby ka na dinadala ngayon sa sinapupunan mo, hindi raw maganda iyon dahil mastestress ka lang." Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata na ngayon ay nagsusumamo. Matamlay akong tumango at hindi na nakipag argumento sa kanya gaya ng sinabi niya. Hinayaan ko siya na dalhin ako sa condo niya ba o sa bahay namin pero dahil malapit lang ang sa kanya kaya siya na ang nanalo. Kailangan ko lang siguro ngayon ng pahinga dahil sa mga nalalaman ko. Hinaplos ko ang tiyan ko kahit maliit pa lamang ito. Ngayon mas tuonan ko ng pansin ang sarili ko, ayaw ko ng matulad dati na pabaya ang mga kinikilos ko. Kamuntikan ng mawala si Saul dati dahil bigla na lang akong nadulas sa banyo. Mabuti at nandoon lang ang kapatid ko sa bahay na si Kimmy kaya dali-dali akong nadala sa ospital. Dinudugo na kasi ako that time. "Gusto ko ng mangga, yung hilaw pa mismo, yung maliit pa lang ang kanyang buto, okay!" sigaw ko sa kanya bago pumasok sa kwarto at nagtungo sa banyo para magbihis. " Okay babe! What else do you want to eat?" Ikaw? gusto kong sabihin mabuti na lang hanggang sa isip ko lang isinigaw. Bad move Mica, bad move. "Yan lang wala akong ibang maisip!" nitong linggo lang ako natatakam na kumain ng mangga pero dahil sa busy kaya hindi ako nakabili. Wala kasing harvest sa probinsya kaya hindi na ako nag-atubili pa na bumili sa palengke, ngayon alam ko na kung bakit panay hanap ko. Hindi ko na siya hinintay na pumasok sa kwarto o what dahil ngayon ramdam ko ang antok lalo at nakita ko ang kama na walang tao kaya feeling ko malaya akong makahiga. Hanggang tuluyan na nga akong nakatulog na hindi man lang nakakain ng lunch. Naramdaman ko na lang na may sumusuklay ng buhok ko kaya minulat ko ang mga mata ko at naabutan si Ignacio na nakadungaw sa akin. "Hey! Kumain ka muna ng lunch, Mica. Mag-aalas tres na ng hapon. Ginising na lang kita para malagyan na ng pagkain ang tiyan mo para maging malakas kayo pareho. Dinala ko na sa kwarto ang pagkain mo!" saad niya at nilingon ko nga sa mini table sa may sofa ay naroon nga ang pagkain ko at nakikita ko pa na umuusok na sabaw at kanin. Agad akong bumangon at pumunta sa lamesa para kumain na, dahil gutom na pala ako. Saka ko pa naalala na nakalimutan ko pala siyang itanong kung kumain na ba o hindi pa. "Kumain ka na ba?" "Nope.." "What? Bakit hindi mo sinabi?'' tanong ko at sa bowl na konti na lang natira, paano ba naman kasi ang inorder niya ay bulalo kaya nasarapan ako. 'I'm okay Mica, kakain ako mamaya pagkatapos mo." aniya. Pero dahil naiinis ako kaya gamit ang kutsara ko ay nagscoop ako ng kanin at nilagyan ng ulam at inilagay malapit sa bunganga niya pero hindi niya inilapit ang bibig niya kaya na realize ko na baka nandidiri siya na galing na sa bibig ko itong kutsara na gamit ko kaya ng ibaba ko na sana ay hinawakan niya ako sa aking pulsuhan at inilipat sa kanyang bibig ang kutsara na may pagkain. "Thank you, akala ko kasi na nagbibiro ka lang." inirapan ko siya bago ipinagpatuloy ang pagkain. Salitan ang pagsubo ko at sa kanya. "Ako na lang ang magsusundo ni Saul sa school, dito ka lang sa bahay para makapag pahinga ka pa ng maayos." sabi ni Ignacio. Agad akong umiling dahil hindi ko gusto ang idea niya na kung saan nakasanayan na namin na sunduin si Saul na nasa grade three na. Ang bilis talaga ng usad ng panahon, hindi ko man lang namamalayan na malapit na akong magkaroon ng binata. "Pagkatapos nating sabihin sa mga magulang natin ang tungkol kay baby ay ihahanda na natin ang araw ng kasal nating dalawa babe." Kasal? Hindi ka pa nga nag propose at wala man lang akong narinig na I love you tapos ngayon gusto mo akong pakasalan? Kasi Mica, may anak kayo…pakasalan ka lang niya dahil may anak kayong dalawa dahil ayaw niyang malayo sa kanya ang mga anak mo. Mas lalong kumikirot ang dibdib ko sa isipang nagpakasal lang kami sa bagay na yan. Bahala na baka mamaya niyan mas mailayo niya sa akin ang mga anak ko kapag pinipilit niya dahil sa ma impluwensya sila na tao. Maraming makakapitan kung gustohin niya para lang makuha ang anak ko. "Nasabi ba sa'yo ni Eula na isasama niyang mamasyal si Saul kasama ang mga anak ng kaibigan niya?" bigla akong nagulat sa sinabi niya. Mapagkakatiwalaan ko ba si Eula? Pero maayos naman kami di ba? "Pero kung ayaw mo, then that's okay." "Itanong natin kay Saul kung gusto niyang sumama!" nilingon niya ako. "Alright. We're here." tinanggal niya ang seatbelt ko bago ko pa yun magawa. Lumabas na kami ng sasakyan para doon na namin hihintayin si Saul sa loob ng paaralan niya. As usual, may iilan na naman na nababali ang mga leeg kapag nakikita itong kasama ko na akala mo isang prinsipe o anak ng presidente kung maglakad. Siniklop niya ang mga kamay naming dalawa para hindi ako mahuli sa paglalakad. "Mama! Papa!" sigaw ni Saul na mahagip niya kami. Agad siyang tumakbo kung saan kami naglalakad sa may pasilyo, hinintay na lang namin siyang makarating at ng malapit na siya ay agad siyang kinarga ni Ignacio na akala mo naman isang baby pa. "Hi mama!" bati ng anak ko bago ako hagkan sa noo. Lagi niya itong ginagawa na halikan ako sa noo kaysa lips daw dahil big boy na siya at hindi na bata kaya tuloy natatawa na lang ako kapag pinipilit ko na sa lips niya ako hahagkan. "How's your school anak?". Tanong ni Ignacio kay Saul. Pabalik na kami ng sasakyan ngayon at hindi na nagpapakarga si Saul. Ako ang napapagitnaan ng mag-ama habang magkahawak-kamay kaming tatlo. "I've got the highest score dad, almost perfect sa aming math exam." "Really? That's good to hear, son. Nagmana ka talaga sa akin." pagmamalaki ni Ignacio na inilingan ko lang. Kung dati tamad sa pag-aaral ang lalaking ito, pero ewan ko na lang nung nag college at baka tumino at nagfocus sa pag-aaral. Doon kami ngayon sa bahay pupunta dahil namimiss na kami ni mama at papa at mga kapatid ko. Bumili na lang kami ng pagkain para sa dinner para hindi na magluto si mama. Dahil gusto ko ng pizza kaya isa iyon sa na take-out namin. Kaya habang nasa sasakyan pa lang panay kain na namin ni Saul at dahil nagdadrive si Ignacio kaya inaabutan ko na lang siya para naman makakain kahit ilang beses niya ng itanggi na ayaw niya. Limang box ang kanyang binili kaya marami pa.   "Ma, pa.. may sasabihin po sana kami sa inyo." panimula ko. "Ano yun anak… Ignacio?" tanong ni mama habang nasa tabi ni papa at umiinom pareho ng tea. Ako naman ay ice cream na nasa maliit na container ang nilalantakan habang katabi si Ignacio. "Papakasalan ko po si Mica sa lalong madaling panahon ma… pa… " sabi ni Ignacio pero ako nagpatuloy lang sa pagkain ng ice cream at halos nandoon lang ang attention ko. "Dapat lang, kasi may Saul na kayo!" "At may isa pa po na parating," walang hiya ko na sabi. Nag-angat ako ng tingin habang nakangiti sa mga magulang ko na nakanganga ngayon habang nakatuon ang mga mata sa tiyan ko." Okay lang po kayo?" tanong ko na. " W-Wow naman. Congratulations sa inyong dalawa," si mama na pumapalakpak pa. " Kaya dapat lang talaga na magpakasal na talaga kayong dalawa habang maliit pa ang tiyan mo Mica." Sabi naman ni papa ngayon sa akin kaya nagkatinginan kami ni Ignacio. Kalmado lang ang mga magulang ko ewan ko nalang sa mommy ni Ignacio. Sa bahay narin natulog si Ignacio. May sariling kwarto ang mga kambal kaya si Saul ayaw tumabi sa amin dahil doon siya matutulog sa kwarto ni Keville. Hindi na kami umangal na dinala na ni Saul ang mga unan niya papunta sa Tito Keville niya na kwarto. "Thank you!" aniya. "Hmm.. thank you for what?" "For everything, thank you for everything Mica!" hinayaan ko siya na haplusin ang buhok ko habang nakatagilid ako sa kanya at ang loko hindi na nakatiis kaya pinaharap niya ako sa kanya. Walang nagsalita, nagkatitigan lang kami sa mata sa mata. Maya-maya hinapit niya ako lalo sa kanya lalong niyakap ako habang pinupulupot ang mga braso sa aking katawan. "Anong ipangalan natin kay baby if if ever lalaki?" inangat ko ang katawan ko para makita ang mukha niya at agad ding binalik sa pagkayakap ang ulo ko nasa kanyang dibdib at naririnig ko ang tibok nito. Mahinahon lang at hindi malakas. "Hindi ko pa alam, malay mo babae siya. Siguro this time ikaw na naman ang pumili na ipangalan niya, ayos lang sa akin." saad ko. "Alright! Pag-isipan ko. I love you!" Tumigil yata ang tibok ng puso ko dahil sa narinig ko. Bigla ba akong nabingi at malimali na ang mga naririnig ko sa kanya o inaantok lang ako. "I said I love you, Michaella Gomeza, oh shit why are you crying? Nakakaiyak ba ang magsabi ng mahal kita?" natatawa niyang sabi kaya hinampas ko siya sa kanyang braso. Inangat ko ulit ang katawan ko. Nakasimangot. "Kailan pa? Baka sinasabi mo lang yan dahil may baby tayo." Naiinis ako dahil alam mo talagang nag-eenjoy siyang makita niya akong nakasimangot. "Such a cutie pie, mahal naman talaga kita, may pangyayari lang sa buhay na nagkamali tayo kaya I'm sorry for that and I want to start a new

chapter with you. That's the most important thing right now," saad niya. "Kayo kasi, bakit niyo iyun ginawa sa akin, pero dahil nagsorry ka kaya papatawarin kita agad-agad dahil ayokong ma stress tulad ng dati." wika ko. Tama na siguro, tama na ang salitang sorry para ibaon sa limot ang nakaraan, hindi naman ako saint pero alam ko ang salitang magpatawad. Ayoko ko lang patagalin dahil kung hahantong lang kami sa away at alam ko na babalik ako sa dati na may trauma at depression, gusto kong alagaan ang anak ko na walang pinoproblema. "Kayo?" pero bago niya pa dagdagan ay sinakop ko na ng halik ang ang mga labi niya. Namiss ko siya. Na miss ko ang crush ko dati, ang una ko sa lahat, ang tatay ng anak ko at magiging anak namin. Na miss ko ang pangalang Ignacio John Baltimoore. "We're talking, but my soon to be wife…need something for my body, huh!" "Nagsalita ang ilang araw ng pinipigilan ang sarili," ani ko sa mahinang boses habang nakangiti sa kanya. "I won't deny it, sabi ko na sa'yo di ba, nagsusungit kaman o ngumingiti sa akin ay sa'yo lang ito tumatayo," kinurot ko siya ng mahina sa kanang braso dahil sa sinabi niya. Namumula yata ako lalo kapag sinasabi niya na sa akin lang ang ano niya. Grrr. "Lower your voice baka may makarinig sa ating dalawa!" bulong niya habang hinahalikan ako sa iba't-ibang parte ng aking mga mukha pero bago pa niya mahubad ang pantulog ko na damit ay may kumatok sa pintuan namin.   "Shit!" mura niya. Alam kong si Saul na naman ito. Pagkatapos naming mag-ayos ng damit ay sinenyasan ko na siya na buksan ang pinto. Napasuklay siya sa kanyang buhok habang nakabusangot. "Next time aalis tayo na tayo lang dalawa ang magkasama, okay? O di kaya maiwan si Saul dito sa bahay at doon na lang tayo sa condo ko para malaya kang makasigaw. I want 10 rounds with you babe." Ano raw? Binato ko sa kanya ang unan na agad naman niyang sinalo habang tumatawa at pinag buksan ang anak namin. "Why baby?" "Dito na lang po pala ako matutulog. Promise kapag tall na po ako, hindi na po ako sa tabi niyo matutulog," ani ng anak namin. "No baby, you can always sleep with us.. Wala namang problema yun sa amin, right mama?" Tinaasan ko siya ng kilay habang umakyat na si Saul para tumabi sa amin sa pagtulog. Okay lang sa'yo yun? Wala kang 10 rounds na magaganap. But then mas lalo siyang nakabusangot habang sinusuklay ang buhok. Natawa ako ng mahina kaya matalim niya akong binalingan. "Maligo muna ako, matulog na kayo!" aniya at lumabas na siya ng kwarto para maligo. Sobrang saya ng mga magulang ni Ignacio na magkakaapo na naman sila ulit. So far ang ganda ng takbo ng buhay namin. Minsan kapag busy ako o si Ignacio ay pinapasyal ni Eula si Saul kasama ang mga kaibigan din niya na may mga anak na na gusto naman ni Saul dahil nakakilala siya ng bagong kaibigan. Pero sa hindi inaasahan na pagkakataon may tumawag kay Ignacio dahil may nangyari kay Shemaia dahil sa kagagawan ng kaklase namin noong highschool na si Karen dahil sa patay na patay ito sa asawa ni Shemaia na isang half Italiano. Nag-alala si Ignacio dahil matagal na niya itong itinuturing na kapatid na babae. Mabuti na lang at walang nangyari sa mga anak nila at kay Shemaia noong isinilang ang triplets pero sa masamang balita nagkaroon ng amnesia at nakalimutan niya ang kanyang asawa. Kilala niya kami na kaibigan at kaklase pero hindi ang kanyang asawa at ilang buwan din ang tiniis naming lahat na bumalik lamang ang ala-ala niya na nangyari naman kaya masaya ako para kay Ignacio. Baka next year ay diyan na talaga matutuloy ang kasal namin dahil okay na ang kaibigan namin. Hindi naman ako nagmamadali lalo at malapit na rin akong manganak, ilang buwan na lang ang hihintayin. Pwede nga naming gawing flower girl kung babae ang nasa sinapupunan ko. Pero sa isang kasiyahan hindi talaga mawawala ang masamang balita. Nasa opisina ako ni Ignacio at may ginagawa. Wala siya ngayon dito dahil nasa Maynila sila ni Eula para tingnan ang project nila na inumpisahan ng gawin. Uuwi din siya mamayang gabi. Kaya napigilan ko ang selos ko dahil sa minu- minuto ay nag-uupdate siya sa akin kung ano na ang ginagawa niya na may kasama pang photos. Kaya napangiti na lang ako Next month uuwi si Tuko, galing daw ito ng Paris dahil may mission, hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya kaya marami akong katanungan sa kaibigan ko na yun. Inabot ko ang cellphone ko sa ibabaw ng table dahil may tumawag, ang teacher ni Saul. Sinagot ko ito at nilagay sa aking tenga para marinig ko. "Hello po, napatawag po kayo?" Bungad ko sa kanya. "M-miss G. gomeza," ani sa kabilang linya na parang takot at nanginginig na boses kaya nakakunot ang noo ko. "Bakit po?" Medyo kinakabahan, bigla ko na lang naramdaman. "M-miss miss si Saul miss!" "Bakit po? Ano ang nangyari sa anak ko? May sakit ulit?". sunod-sunod na tanong ko. Agad kong pinulot ang bag ko at nagmamadaling lumabas ng opisina at dumeretso sa elevator para makababa na ng lobby dahil nandun naghihintay ang driver namin. "Ma'am may kumidnap po sa anak niyo. May mga armadong lalaki na may dala na malalaking armas ang bumaba sa sasakyan dito sa paaralan at ng nakita si Saul ay agad nila itong ipinasok sa van…" pagbukas ng elevator ay para akong estatwa na hindi na nakakilos, hindi pa ako nakahakbang ay bigla na lang nagdilim ang paningin ko at nawalan ng malay.

 

 

chapter 30

Ang sakit ng ulo ko ng idilat ang mga mata ko. Agad akong bumangon galing sa pagkahiga dahil may naalala. Sa amoy pa lang ng kwarto alam ko na kung nasaan ako. Bumukas ang pinto at nakita ko ang mga magulang ko na nag-alala, ngayon lang siguro nalaman kaya ngayon lang nakarating. "Mica… anak!" tawag ni mama sa akin at niyakap ako pagkalapit niya. Sa pagyakap niya pa lang bumuhos ang lahat ng emosyon ko. Umiyak agad ako. "M.. ma.. ma si Saul ma… kailangan kung iligtas ang anak ko mama. May kumidnap sa anak ko baka.. baka hindi siya pinapakain.. baka nauuhaw ang anak ko mama, tulong ma.. papa…ang anak ko, " hagulhol ko sa kanila habang hinahaplos ni papa ang likuran ko. "Anak huminahon ka anak!" Ani ni papa na mas lalong nagpahikbi sa akin. "Late na namin nabalitaan anak, wag kang mag-alala hinahanap na siya ng mga kapulisan. Humingi na rin kami ng tulong kay mayor para sa agarang pagligtas ni Saul. Tumulong na rin ang principal nung nalaman ang balita," sabi ni mama. Bababa na sana ako ng kama na agad akong pinigilan ni mama. " Bawal pa anak, kumalma ka muna. Dumudugo ka raw sabi ng nurse nung dinala ka dito sa ospital." mas lalo akong nanginig at hinaplos ang anak ko sa tiyan. "M. ma.. ma.." agad niya akong pinakalma sa pamamagitan ng paghaplos sa buhok ko. "Walang nangyaring masama kay baby Mica, malakas ang kapit ng bata pero suggestion ng doctor na wag ka munang kumilos, hintayin natin ang doctor mo ha!" Pag-aalo ni mama sa akin. " Pero mama…si Saul…kailangan niya ako." halos hindi ko na maklaro ang mama ko dahil sa hilam ng luha sa mga mata ko. Lumabas si papa para yata ipaalam sa doctor na gising na ako. "Maging okay rin ang lahat anak, huminahon ka muna baka mapano pa kayong dalawa ni baby. Pinaghahanap na ngayon ang Ang apo ko. Kaya please anak, huminahon ka," ani ni mama na umiiyak din. "Si Ignacio? Nakarating na ba mama?'' "Hindi namin macontact si Ignacio Mica, out of coverage din ang mga magulang niya nasa ibang bansa ngayon kaya ipinaalam na lang namin sa mga katulong nila! " Dahil sa sinabi ni mama kaya inabot ko ang bag ko na nasa tabi lang ng kama ko, hindi ko alam kung sino ang nagdala sa akin dito kaya magpapasalamat ako sa kanya pagkatapos ng lahat na ito. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Ignacio at gaya ng sabi ni mama ay hindi ko macontact si Ignacio. "Why? Ignacio please. Ang anak natin," pakiusap ko, umaasa na tumunog man lang ang cellphone niya. Pero wala pa rin. Tiningnan ko ito pero on naman at alam ko na may load pa ako. Tinawagan ko ulit pero instead na may sumagot. May nag pop up sa messenger ko na isang mensahe. Kaya agad ko itong pinuntahan sa messenger ko pero may nahagip ako na videos na kanina pa yata naka upload dahil sa oras na nakalagay. Nasa likuran ko pa rin si mama at hinahaplos ang likuran ko para kumalma ako. Bumalik si papa na kasama ang nurse. Habang chinecheck ako ng nurse ay binuksan ko naman ang video sa hindi ko pa alam kung kanino galing. Pero namilog na lang ang mga mata ko at walang tigil ang mga luha ko na parang gripo sa kakaagos habang nanonood kung sino ang nasa video. No… hindi maari ito.. si Ignacio ay nasa kama at si… si Eula ay nasa ibabaw nito at naghahalikan sila habang nakatingin si Eula sa camera at pareho na silang naka hubo't-hubad? "No!" sigaw ko habang walang awa kong sinasakal ang cellphone ko. "No.. mama… papa… si Ignacio… niloko nila ako," iyak ko sa kanila at mas lalo akong niyakap ni mama. Nakaantabay na rin ang iilang nurse kung sakaling ano man ang mangyari sa akin. Ang sikip ng dibdib at ulo ko. Para itong nabibiyak pero wala man lang akong lakas para sabihin sa kanila. "Humihon ka Miss at baka mapano ka at ang anak mo!" narinig ko na paalala ng nurse sa akin pero hindi pa rin ako tumigil sa kakaiyak. Maya-maya ay narinig ko na may nagtext sa cellphone ko. Binasa ko ito kahit halos hindi ko na makita ang mga letra. Binasa ko muna ang mga naunang na sent. Unknown number: Napanood mo ba? Ang galing ko di ba, Mica? Napaniwala ka namin ni Ignacio. Mas mahal niya ako at gusto niya ang performance ko kaysa sa'yo sa kama. Pinatay ko na ang video at baka makadisturbo ka lang. Gusto ko pa naman ang ginagawa niya sa katawan ko. Matagal na namin itong gusto kaya ngayon salamat sayo natupad ko rin Anyway, yung anak mo? Wag kang mag-alala. Isusunod ko siya sa mga plano ko. Ayon sa text at tadtad ito ng nakakatawang emojis. Mas lalong nanginig ang mga kamay ko habang tinatype ang salitang mga hayop kayo. Binasa ko ang kasunod na chat at walang ibang nakachat doon kundi kung paano siya kasarap, paano kagaling ni Ignacio sa kama. Magtatype na sana ako pero bigla itong umilaw dahil sa isang tawag. Unknown number at same number sa pinasa sa akin ng video kaya agad ko itong sinagot. Tawa ng isang babae ang unang bumungad sa akin. "Surprise Mica!" boses ni Eula ang narinig ko. Mas lalo kung hinigpitan ang paghawak ng cellphone ko na parang siya ay si Eula ang nasa harapan ko at ginagawa ko ito sa kanya. "Hayop ka! Hayop ka Eula!" sigaw ko sa kabilang linya at wala ng pakialam kung maririnig man ako sa labas ng ospital. "B. Bakit mo naman ginawa ito. Bakit Eula? B. bakit ang anak ko pa na walang kamuwang-muwang, dinamay niyo pa? Please baka hinahanap na ako ni Saul. Please baka takot na takot na ang anak ko sa mga baril na nakatutok sa kanya. H.. hahayaan ko kayo ni Ignacio basta ibalik mo lang sa akin ang anak ko." pagmamakaawa ko sa kanya. Kung nandito lang siya sa harapan ko ay baka lumuhod na ako para lang pakiusapan siya. "Really? Wow. How sweet naman? Kaso sabi ni mommy na guguluhin ko pa rin kayo dahil hindi siya mananahimik na makita kayo na masaya kaya ayun dahil mahal ko ang mama ko at gusto niya ay dapat sinusunod ko," aniya na patuloy pa rin na tumatawa. Umiling ako dahil maling-mali siya. Bakit hanggang ngayon ay hindi ka parin nagbabago Eula. Bakit? "Pero hindi mo kailangan mangdamay ng ibang tao Eula? Ibalik mo sa akin ang anak ko!" sigaw ko sa kanya, bahala na kung mabingi siya sa kakasigaw ko . "Anak! Kumalma ka! Ang baby mo please!" Sabi ni mama. May pumasok na pulis kanina at si papa na ang kumausap sa labas at ngayon nakabalik na sa loob ang ama ko kasama ang pulis at nakikinig sa pinag-usapan namin ni Eula. Nasa gilid ng kama katabi ko lang ang mga kapatid ko na umiiyak na ngayon. "Wag kang mag-alala Mica, kakausapin ko si Ignacio, yun kung gusto niya bang ibalik sa piling mo ang anak m—" "Ma'am nakatakas ang bihag!" sabi ng lalaki. "Ano?" galit na sabi ni Eula at agad napatay ang tawag. Sinubukan kong I dial ang numero pero pinatay agad-agad. Mas lalo akong naiiyak at gusto ng makaalis sa kwarto na ito para ako na ang maghahanap sa anak ko. Pero may dextrose ang kaliwa kong braso at sobrang tamlay ko ngayon na halos wala na akong lakas habang wala pa sa piling ko ang anak ko. Sobrang sweet niya pa sa akin kanina. Siya ang nagtimpla ng coffee ko at naglagay ng pagkain sa plato ko para yon ang kakainin ko ng breakfast at habang hinatid ko siya sa paaralan niya ay panay I love you niya sa akin. Hindi ko talaga matatanggap kung may masamang nangyari sa anak ko. "Ma'am, sir may nakuha na po kami na impormasyon at positive na yung tumawag sa inyo ang kumuha sa anak niyo po. Sa ngayon patuloy na naghahanap ang mga tauhan ko at sa tulong na rin ng mayor. Naka trace na po ang mga cctv kung saan dumaan ang mga sasakyan na ginamit ng suspect ay walang cctv kaya nahihirapan kami pero we're doing our best na ma solve sa lalong madaling panahon ang kaso," ani ng pulis at mas lalo kaming naiyak. For sure hinahanap na ako ni Saul. For sure takot na takot na ang anak ko lalo at alam niya kung ano ang ibig sabihin ng baril at para saan ito. Matalino ang anak ko. "Paano kung pumiglas ang anak ko sa takot at mabaril siya? Paano kung biglang ikinalabit ang baril ng mga armadong lalaki at matamaan si Saul!" kausap ko sa sarili ko. Niyakap ako ng mga kapatid ko. Kung makapagsalita lamang sila ng maayos, alam kong marami silang gustong sabihin. Inabutan ako ng tubig ni mama at agad ko naman itong kinuha sa nanginginig na mga kamay. "Masama ba akong tao?" Hindi ko alam kung kanino ko tinatanong, basta lang lumalabas sa dila ko. Gusto ko lang naman maging masaya. Wala akong kasalanan pero bakit ginaganito ako ng kapalaran. Gusto ko lang naman ng masayang pamilya pero bakit nangyari pa sa akin ito. Hindi ko kasalanan kung bakit nagkagustuhan sina mama at papa habang may ibang nasasaktan. Wala.. wala akong kasalanan pero bakit ako pa.. bakit kailangan na maranasan ko pa ito? I want my baby back. Siya ang mundo ko. Silang dalawa na nasa sinapupunan ko pero bakit. Kung may mangyari sa anak ko hindi ko kailanman mapapatawad ang sarili ko. "No!" Si papa. "Hindi anak, hindi ka kailanman naging masamang tao anak. Mabuti kang anak, kapatid at ina sa mga anak mo. Mabuti kang tao anak. Ang buti-buti ng puso mo." mas lalo akong naiyak sa sinabi ni mama. "Pero bakit?" tanong ko sa paos na boses. Pero bago pa makasagot ang mga tao sa sa loob ng hospital ay biglang bumukas ang gate at nasa harapan ko na ang taong gusto kong sumbatan at saktan. Taas baba ang kanyang dibdib na parang kanina pa tumatakbo. Kusot ang polo na wala na sa ayos ang pagka butones. Putok ang kaliwang kilay at may sugat ang kaliwang bibig. Pagod o napagod sa ibang dahilan? Mas lalong dumilim ang paningin ko na makita siya na ganyan ang ayos. Mas lalong naninikip ang dibdib ko na makita ko siya ulit, biglang sumakit ang ulo ko habang papalapit siya sa akin. "Babe!" tawag niya sa akin, pero bago pa siya makalapit ay isang suntok ang pinakawalan ng papa ko. "Roger!" tawag ni mama kay papa. Nakahandusay si Ignacio sa sahig at ngayon nadagdagan ang dugo sa kanyang kaliwang labi. Lumuhod si papa at hinawakan ang kwelyo ni Ignacio. "Saan mo dinala ang apo ko ha? Saan gago ka?" galit na tanong ni papa at nasuntok na naman niya ito. "Roger! Please tama na yan!" Sigaw ni mama. "Hindi ko alam papa, galing po ako ng Maynila at nalaman ko na lang ang nangyari sa anak ko na si Saul kaya..." "Sumasagot ka pa at bakit hindi mo na lang ituro kung saan niyo dinala ng kabit mo ang apo ko!" Galit na ani ni papa. Pinigilan siya ni Keville at Kimmy sa pagtangka na suntukin ulit si Ignacio. "Tama na yan Roger, hayaan na muna natin ang mga bata na mag-usap sa isa't-isa para magkaalaman na. Bigyan natin sila ng panahon baka sakali lang masabi ng batang ito kung saan nila dinala ang apo nating si Saul. Tara na muna sa labas ng kwarto, okay?" Pagmamakaawa ni mama kay papa na ngayon mas matalim ang tingin kay Ignacio. "Pinagkatiwalaan ko sa'yo ang anak ko. Kung hindi mo man siya mabigyan ng halaga, ibalik mo lang sila na kumpleto sa akin dahil ako ang magmamahal sa kanila ng lubos at hindi ipaparanas na masaktan sila gaya ng ginagawa mo. Ibinigay ko siya na buo sa'yo pero sana man lang wag mo siyang ibalik sa akin na wasak na ang puso dahil sa walang kwentang tao na kagaya mo," ani ni papa at nagkanya-kanya na sila ng labas. Nahagip ng paningin ko si Tuko pero pinigilan ito ni mama na pumasok at isinirado ang pinto. Kami na lang dalawa ang naiwan sa kwarto ng ito. Nagmamakaawa siyang tiningnan ako. "Babe, I'm. I'm sorry na ngayon lang ako nakarating," saad niya habang umuubo. Pinahid niya ng palad ang dugo na nasa bibig niya at mahinang tumayo. Nang makalapit na siya sa harapan ko ay gusto man niyang hawakan ang mga braso ko pero isang malakas na sampal ang ginawad ko sa kanya. Hindi pa ako nakuntento sinampal ko naman ang kaliwang pisngi niya kaya biglang tumabingi ang ulo niya. "S-saan niyo dinala ang anak ko hayop ka? Saan niyo dinala si Saul ha, sagot! Sagot! Please ang anak ko!" walang humpay ko na galit habang pinagpapalo ko siya sa kanyang dibdib. "Babe.. hindi ko alam," ani niya sa napapaos na boses.   "Sinungaling!" sigaw ko sa harapan niya. "Totoo babe, may nangyari lang sa Maynila at late ko ng nalaman kaya agad akong pumunta dito dahil baka mapan–" sinampal ko ulit siya sa pisngi niya para matauhan siya. Gusto ko lang naman na sabihin niya na kung saan ang anak ko dahil baka sa mga oras na iyon ay gutom na ang anak ko. Umiiyak habang hinahanap ako. "Sinungaling.. sinungaling ka!" patuloy pa rin ako sa kakahampas sa dibdib niya at hindi man lang niya ako pinigilan. Hinawakan ko ang kwelyo niya at biglang lumuhod sa kanya. "No Mica, what are you doing?" Lumuhod din siya at pilit na pinapakalma ako. "Please! Ibalik niyo lang sa akin ang anak ko, hindi ko kayo guguluhin ni Eula, pangako. Ibalik niyo lang talaga siya sa akin, Ignacio please ang baby ko," ani ko, nagmamakaawa sa kanya. Basa na ang buong mukha ko ng luha. Mas tanggap ko siguro na pagmamay-ari siya ng iba kaysa wala sa tabi ang anak ko na si Saul. "Bakit? Bakit lagi mo naman itong ginagawa sa akin ha? Akala ko ba okay na tayo? Kinalimutan ko na ang ginawa mo sa akin dati pero bakit ngayon hindi ka parin tumitigil, kayong dalawa ni Eula na guluhin ang pagkatao ko? Huh? Tapos.. tapos idinamay niyo pa ang baby Saul ko. Ang mundo ko. Why? Hmm. Bakit Ignacio?" hagulhol ko sa harapan niya habang hinahawakan parin ng madiin ang kwelyo niya. "Mica, hindi ko alam ang sinasabi mo!" "Sinungaling!" may diin ko na sabi habang umiiling. Tapos na ako sa drama niyong dalawa ni Eula. "Hindi pa ba sapat yun ha? Hindi pa ba sapat na.. gusto ko lang naman na makausap ka pagkatapos ng graduation natin para sabihin sayo na walang namamagitan sa amin ni Roland, gusto lang kitang kausapin kung tayo pa rin ba na pero anong ginawa mo ha? Tenext mo lang ako para pumunta sa dalampasigan na lagi nating pinupuntahan at para ano? Iniwan mo lang ako kay Eula para pahirapan, saktan, sampalin. Huh? S–sobrang sama mo Ignacio!" wika ko sa mga mata niya pero agad siyang umiling. "Hindi babe, hindi ako nagtext sayo pagkatapos nung nangyari sa party." "Sinungaling !" putol ko agad sa iba pa niyang sasabihin at nasampal na naman siya sa pisngi pero hindi naman sobrang malakas. "Nandoon ka, nagtext ka sa akin! Nakita pa kitang paalis nagmamakaawa na huwag akong iwan sa madilim na karagatan. Pero hindi mo na ako nilingon at hinayaan mo ako sa dati mo na palang fiancee na si Eula! Walang awa niya akong sinampal, sinabunutan at higit sa lahat pinatay ang upos ng sigarilyo sa balikat ko. Kung hindi ako nagpaniwala sa mga text mo, hindi sana ako napadpad doon kaya nung nakaligtas ako sa pagkagapos sa akin. Sinubukan ko ulit para maligtas ko lang ang sarili ko, inilayo ko ang pamilya ko dahil sa takot na akala ko napatay ko si Eula and I did pero alam mo yung masakit na sa ilang taon na nangyari iyon ay gusto mo lang naman para gumaling pero dinadalaw ako ng trauma, anxiety at depression sa araw- araw na maalala ang naging kahapon ko simula na minahal kita. Sa araw na gusto kong kalimutan ang lahat pero ngayon… ito na naman ang gagaawin niyo sa akin, huh? " Panay ang iling niya, nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay habang nakikinig siya sa akin. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko, kahit suntok-suntukin ko pa siya ng ilang beses ay hindi niya ako binitawan. "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo Mica? Wala ako sa sinabi mo na dalampasigan sa oras na iyon dahil pagkatapos ng graduation natin nung highschool ay nasa bahay lang ako at nilubog ang sarili ko sa alak dahil sa hindi ko pa rin makalimutan na tenext mo ako gamit ang cellphone ng kaibigan mo na hindi mo ako minsan minahal, na mas mahal mo si Roland kaysa akin. Ayokong maniwala Mica na everytime na may pumapasa sa message ko na litrato niyo na magkasama at masaya habang nasa Maynila ako at inaalagaan ko ang mga magulang ko ay natanto ko na baka may relasyon kayo kaya agad akong naniwala nung hinalikan ka niya. Umalis ako dahil hindi ko kaya. Pumunta ako sa lugar na ako lang ang nakakaalam at isinigaw ang sakit na nararamdaman ko you know why? Mahal na mahal na kita Mica! Kung nagpapanggap ka pa lang pwes ako sa panahon na yun hindi na ako nagpapanggap pero yun pa ang naabutan ko at sa text mo na wala na tayo kaya itinapon ko ang cellphone ko. Pagkatapos ng graduation at pagkalasing ng buong araw na iyon, kinabukasan gusto na kitang puntahan sa inyo para humingi ng tawad at second chance na iwan mo si Roland at ako na lang ulit ang gustuhin mo pero wala na kayo sa bahay niyo, gusto kitang hanapin pero may nangyari rin sa nanay ni Shemaia kaya wala na akong lakas para hanapin ka dahil natanto ko na hindi mo talaga ako minahal, hindi Mica. Kaya kung ano man yang binebentang mo sa akin na kagagawan ni Eula ay hindi ko kayang gawin yun sayo." mahabang linyahan niya. Mas lalong kumirot ang puso ko dahil hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya o nagpapanggap lang. Hinarap ko siya mata sa mata. "Kung hindi man totoo ang nangyari dati then ano yung nakita ko sa video na sinend niya sa akin ha? Bakit nasa ibabaw si Eula sa'yo habang may ginagawa kayo ng kababalaghan? You cheated on me!" sigaw ko. "No ! I did not! For sure walang nangyari sa amin. Someone's drugged me. Habang nasa party kami na dinaluhan namin for celebration. Hindi ko namalayan na ang kasunod na drink na inabot sa akin ay may halong kakaiba. Believe me or not I knew walang nangyari sa amin ni Eula, Mica! Hindi ko kayang gawin yun sayo." saad niya. Mas lalo akong umiyak dahil gulong-gulo na. Bumukas ang pinto at nagsisipasukan ang mga kaibigan ko, saka sina Shemaia at ibang kaklase ko dati. Tumayo ako ng maayos para batiin sila. "Oh my Mica, dinudugo ka!" sigaw ni Yana. Dahil sa sinabi niya kaya yumuko ako para makita iyon pero bigla na namang dumilim ang paningin ko at unti-unting nawalan ako ng malay. Sigaw ni Ignacio ang huling narinig ko.

 

 

chapter 31

"Kakain ka na ba? Nagdala ng ulam si Bethy?" ani ni Claire sa akin. "May dinala rin kami ng fruits ni Cloud Mica, gusto mo?" sabi naman ni Shemaia habang hinahaplos ang buhok ko. Nasa kwarto sina mama, Marie, Yana, Shemaia, Claire at Bethy na galing pa mismo ng Samar at pumunta lang dito sa Negros para mapuntahan ako. Hindi ako umimik, tulala habang nakatingin sa kisame, dahil pakiramdam ko kapag binuksan ko ang bibig ko ay iiyak lamang ako sa harapan nila. Ayokong makita nila ako na kawawang-kawawa, hindi ako ito. Malakas ako, matapang ako, matatag ako pero ngayon na wala pa rin sa piling ko ang anak ko para akong baliw sa kakaisip kung ano na ang nangyayari sa kanya sa mga oras na ito? Wala pa ring balita, ang bagal naman ng sistema nila. Wala si papa at Tuko dahil nasa presinto, yun ang narinig ko sa usapan nila kanina. Pero ang isang 'to nandito lang sa loob ng kwarto at walang ginagawa kundi palagi lang nakatutok sa cellphone niya. Maayos naman daw ang kalagayan ko at ang baby sa sinapupunan ko. Kailangan kong maging malakas para sa dalawa kong anak. Kung ako ang kailangan ni Eula, dapat ako ang haharap sa kanya. Kinapa ko ang cellphone ko sa gilid ko na alam ko dito ko lang yun nilagay. Chinarge ba nung na lowbat? "What is it Mica?" tanong ni Rey. "Nasaan ang cellphone ko," sabi ko sa malamig ko na boses. Wala akong intensyon kung kanino ako malamig. "Here!" nasa harap ko na ang cellphone at tiningnan ko yun na inabot ng panglalaking kamay at alam ko na kung sino. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Agad ko yung hinablot sa kamay niya, tatalikod na sana siya na nagsalita ako. "Lumayas ka!" bigla siyang lumingon pero hindi ako nakatingin sa kanya. "Umalis ka sa paningin ko. Ayaw kitang makita kahit kailan." malamig na wika ko. "Anak! " tawag ni mama sa akin. Bumaling ako kay mama na lumapit ito sa akin. "Bakit ma? Nawawala si Saul pero saan siya ngayon? Hindi ako lumpo para bantayan pa. Kaya ko ang sarili ko, inubos ko lang ang dextrose na nakakabit sa akin, pero siya bakit pa siya nandiyan? Kung hindi naman pala niya kayang hanapin ang anak pwes ako ang hahanap sa kanya o baka naman alam niya talaga kung nasaan si Saul at ayaw niya lang sabihin sa atin!" hinihingal ko na sumbat. Bumubuo na naman ang luha ko sa mata at huli na para marealize ko ang sinasabi ko. Hindi ko alam kung bakit ito ang lumabas sa bibig ko, sinisisi ko siya na kung hindi pa siya ulit dumating sa buhay ko ay hindi sana ito nangyari kay Saul. Mali yata na minahal ko siya? Pero kung hindi ko siya minahal o hindi naging kami marahil ay wala rin akong Saul at baby na nasa tiyan ko pa. Gulong-gulo na ako but then… "Lumabas ka muna iho.. baka mapano pa ang mag-iina mo." narinig kong sabi ni mama. " Pero… " "Sige na Ignacio. Para ito sa ikabubuti ni Michaella," sabat ni Shemaia Rey. Wala na akong pakialam kung lumabas pa siya o nasa loob pa rin. Parang nabingi yata ako na biglang nag vibrate ang cellphone ko na hawak ko lang kahit mahina lang ito. May nagtext sa akin, agad ko itong binuksan ng makita ko ang unknown number na kung saan same digits sa ginamit ni Eula. From Unknown number: Ready ka na bang makita ang anak mo? Pero sa isang condition. Yun lang ang text niya kaya agad akong nagtipa ng sagot ko. To unknown number: Oo, ano ang condition? Please Eula huwag na huwag mong saktan ang anak ko. Maawa ka sa kanya, please And then sent. Tulala ako ng ilang minuto sa cellphone ko, nag-uusap ang mga kaibigan ko at si mama, ikinuwento kung ano ang nangyari. Kapag may lumalapit sa akin para magtanong kung kakain o iinom ba ng tubig ay binabalik ko ang screen sa photos para kunwari na tinitingnan ko ang picture ng anak ko na halos lahat nakasave sa files ko. Kapag wala ng nakatingin sa banda ko ay binabalik ko agad ang paningin ko sa text ni Eula hanggang may message nga akong natanggap. Agad ko itong binuksan at binasa. From Unknown number: Pumunta ka sa lugar na ito na walang kasama kundi ikaw lang. Walang kasama Mica, gusto ko kasi sa isang iglap mawala na kayo sa paningin ko, kung may makasurvive man sa inyo, bunos na yon pero babalikan ko pa rin kayo. Mag-isa ka lang Mica, mag-isa lang kasi kapag nabalitaan ko na nagpasama ka baka hindi mo na maabutan ang anak mo na buhay. Baka mas mauna pa siya kaysa sa'yo. Kaya pumili ka ng maigi Mica, 12 to 1 am lang ang palugit ko, Mica. Chat ni Eula at puno ng laughing emoji ang nilagay niya. Kung saan man daw ako ay may magsusundo sa akin na tauhan niya para mas mabilis akong makarating sa kanya. Wala siyang sinend na address. Hindi na ako nag-iisip pa at agad akong nagtype na okay. Tahimik lang ako at walang sinabi, naka silent mode ang cellphone ko at wala silang idea na sa mga oras na ito, nag-iisip na ako kung ano ang palusot ko para makaalis ako na mag-isa mamaya sa ospital na ito na walang nakakapansin. Nanggagalaiti pa ako sa galit ng may senend siya sa akin na larawan na kung saan nasa kwarto ang anak ko at nakapiring ang mga mata at tinakpan ng tela ang bibig. Mabuti at hindi itinali ang anak ko sa kamay o baka tinanggal lang muna ang pagkatali pero ibabalik din agad? Tama ba ako? Awang-awa ako sa sitwasyon ng baby ko. Gustuhin ko man na ipakita sa kanila ang text namin ni Eula sa akin ay hindi ko ginawa dahil ayokong makatunog si Eula at masaktan niya lang ang anak ko. Kung naghahanap nga ang ibang kapulisan o sino pa yang inutusan nila eh di sana nasa kanila na ang anak ko. Pero wala pa rin hanggang ngayon. Alas sais na ng gabi at umuwi na muna ang mga kaibigan ko dahil hinahanap na ang iba ng kanilang mga anak ang iba ay uuwi dahil hindi pwede ang maramihan na bisita sa isang pasyente lalo na sa ganitong oras kaya natuwa ako na kami na lang ni mama ang nasa kwarto. Umuwi muna ang mga kapatid ko at babalik na lang sila bukas. Absent sila ng ilang araw sa school kaya naawa ako sa kanila na dahil lang sa nangyaring ito. Wala pa rin sina papa at Tuko. Wala rin si Ignacio, nagsisi na agad ako kung bakit ko siya pinaalis. "Kumain kana anak habang mainit pa ang sabaw ng bulalo, gusto mo ito di ba?" tumango ako dahil sa sinabi ni mama, kailangan kung magpalakas para sa pagkikita naming ng panganay ko. Nginitian ko si mama habang inilapit sa akin ang tray na may pagkain. Pinapakiramdaman ko ang sarili ko at wala na akong iniinda na sakit, parang alam yata ni baby na sasagipin namin ang kuya niya kaya nagpalakas din siya sa tiyan ko. Maya-maya ang tingin ko sa oras na nasa cellphone ko, kailangan nasa baba na ako ng quarter to 12. "Nakita na ang sasakyan na ginamit ng mga suspects para makuha si Saul pero dumaan sila sa lugar na walang cctv kaya nung nakita ang sasakyan wala ng tao, pero may nakita sila na bag ni Saul. Nasa kapulisan na para gamitin na ebidensya at mapatunayan na nasa kanila ang apo ko." ani ni mama. Nagpipigil lang ako na umiyak dahil hindi ko kaya ang ibinalita ni mama sa akin. Sumisikip ang dibdib ko at hindi ko maimagine kung paano nagwawala ang anak ko habang pinipilit siyang pasakayin, sinasaktan ba siya kapag umiiyak ang anak ko para humingi ng tulong? Dapat ko bang sisihin ang paaralan na nag-iisa o iilan lang ang guard nila? Dapat sa ganitong sitwasyon ay hindi lang security guard ang magbabantay sa paaralan dahil sa panahon ngayon, iba na ang nasa isip ng mga masasamang tao, wala na silang pakialaman sa kung saang lugar at anong oras sila gagawa ng kasamaan. Mga hayop sila. Wait for me anak, hintayin mo si mama, ililigtas kita… kami ng kapatid mo. Uuwi ka sa amin. Babalik ka sa piling namin baby Saul. "Manalig lang tayo anak, alam ko na hindi pababayaan ng Panginoon ang anak mo at apo namin ng papa mo. Kailangan mo ngayong magpakatatag. Isipin mo na may anak ka pa na nasa sinapupunan mo at baka sa pangatlong pagkakataon na lagi kang dinudugo ay sumuko na ang anak mo. Gusto mo ba 'yon?" pananakot pa ni mama sa akin. Agad kong hinawakan ang tiyan ko habang umiiling. "Ayoko pong mawala sila sa akin, mama! Mawala lang ako, 'wag lang ang mga anak ko. Hindi ko yata kaya, hindi ko talaga kaya," sabi ko habang walang sawang lumalabas na ang mga luha ko, hindi ko mapigilan ang sarili na isipin na wala na sila sa akin. Mababaliw ako. Eleven na at mahimbing ng natutulog si mama, dahil siguro sa ilang araw ng nagbabantay sa akin, hindi niya ako iniwan. Sila naman ni papa at Tuko ay babalik na raw dito sa ospital at may kinuha lang na gamit sa bahay. Sila ni Kimmy at Keville ay nasa bahay na matutulog dahil may pasok pa sila bukas at may exam, baka hapon na sila dadaan dito.   Bumangon ako sa kama na hindi gumagawa ng ingay. Natanggal na ang dextrose sa akin kaninang umaga pa at kung kaya ko na raw ay pwede na akong iuwi sa bahay. Nasa sofa natulog si mama at humihilik. Hindi naman siguro siya magigising kapag binuksan ko ang pinto, di ba? Sana isipin na lang ni mama na nurse ang pumasok para icheck ako. Kinuha ko ang makapal na jacket na nasa puting silya nakapatong. Alam ko na kay Ignacio ito. Hindi man lang niya binalikan para maisuot, baka malamig sa labas. Sinabi ko na lumabas siya at ayaw ko siyang makita pero ano ang ginawa niya? Sinunod naman niya.. uto-uto rin eh. Sana maayos lang siya ngayon, kung totoo man ang sinasabi niya ay doon pa lang ay kaya ko na siyang kausapin. Pero sa ngayon, bahala siya dahil malaki na siya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para hindi makagawa ng ingay at hindi magising si mama. Sinilip ko muna sa labas at baka may nagbabantay at mabuti na lang at wala. Nakasuot rin ako ng cap na galing kay Keville na naiwan din yata at jacket ni Ignacio. Kung may makakita man sa akin sa cctv ay hindi naman agad yata sila makakahalata na isa akong pasyente. Naka bestida naman ako. Dinala ko na rin ang sling bag ko at nagsimula ng maglakad na parang dumalaw lang sa isa sa pasyente ng ospital. Nilagay ko sa tenga ang cellphone ko para kapag may dumaan na nurse ay hindi nila mahalata na ako ito. Nagtext na ako at kanina pa raw nakabantay ang driver sa may parking area sa labas ng hospital. Ayokong masira ang plano ko kaya ayokong sinasabi sa kanila at baka ano pa ang mangyari kay Saul at baka mapahamak pa siya lalo. "Oh really, kaya nga, na miss din kita. Alright. Sige pupunta na ako ng club pagkatapos ko bisitahin si grandma. Aha! Okay day, ingat!" Maarte kong wika sa kabilang linya kahit wala naman talaga akong kausap. May dumaan kasi na tatlong nurse kaya nasabi ko iyon. Wala naman silang pakialam sa sinasabi ko at hindi sila ang nag-asikaso sa akin kaya hindi nila ako nakilala kaya nagpatuloy ako. Nagmamadali na ako sa paglalakad at baka nagising na si mama at hinahanap na ako. Mahirap na.. anong sasabihin ko? Na nagpapahangin ako sa labas mismo ng hospital? Sa huling tawag ko sa driver ay mayroon agad na nagpailaw na sasakyan sa hindi kalayuan. Nagdala ako ng alcohol spray na nasa maliit na lagayan para kung may gagawin silang masama sa akin ay alam ko na ang gagawin ko. Pagkarating nila sa harapan ko ay agad nilang binuksan ang pintuan ng kanilang sira na pick-up. Luma na ito at hindi ko alam kung aabot kami nito sa paroroonan. Sana lang. "Siguraduhin niyo lang na makakarating ako sa anak ko ha, ang pangit ng sasakyan niyo," galit ko na sabi. Ngumisi ang isa na nasa gilid ko lang. Tatlo kasi sila na mga lalaki na alam mo na ilang araw ng walang ligo. Pinipigilan ko ang sarili ko na masuka kahit ramdam na ramdam ko na ito sa aking lalamunan. "Wag kang mag-alala, buhay ka parin pagdating," ngising-aso niya. "Hindi Ikaw ang pinaparinggan ko, ang driver… kaya wag na wag kang sasabat diyan!" ani ko. Walang pakialam kung magagalit sila at kung ano pa ang gagawin nila sa akin. "Aba! Ang tabil pala ng bunganga nitong babae na 'to ah." "Ganyan talaga pare, basta buntis!" halakhak ng isa pa, katabi ng driver. "Ay kaya pala na parang tigre kung makaasta pare," nagtatawanan ulit sila kaya matalim ko lang silang tinitingnan. Hanggang natahimik na sila at patuloy parin sa pagmamaneho ang driver na hindi ko na inalam o pinakinggan kung ano ang mga pangalan nila. Nagsisisi ako kung bakit nakatulog ako sa sasakyan. Hindi ko tuloy alam kung saang lugar nila ako dinala. Naramdaman ko lang na may tumatapik sa balikat ko kaya nagising ako. "Akala ko hindi kapa magigising, bumaba kana diyan at maglakad ka na lang sa abandonadong building." ani ng lalaki. "Ano? Bakit ayaw niyo na lang akong dalhin kung nasaan ang anak ko? Baka mamaya hindi pala dito itinago ang anak ko, malilintikan kayo sa akin!" tanong ko sa kanila. Naiinis na. "Wag kang mag-alala, nasa loob ang anak mo dahil nandiyan na kami galing. Tapos na sa oras na ito ang mission namin, uuwi na kami sa bahay namin para makapagpahinga na rin, kaya ikaw na lang ang maglakad papunta dyan sa gusali. May malaking entrance at nasa pangalawang palapag ang anak mo," mga gagong ito. Iiwan ako? Ang dilim ng building. "Sigurado kayo?" tanong ko ulit at baka wala diyan ang anak ko at sayang lang ang effort ko. Kinakabahan ako na ganito ako sumasagot sa kanila, oo lalo at mga armadong itong kumuha sa akin pero hindi ko mapigilan eh naiinis ako lalo na sa mga pagmumukha nila na wala na ngang ligo, wala pang toothbrush. "Oo nga, kulit nito!" Agad akong bumaba sa bulok nila na sasakyan, nasa loob pa nga ang tatlo at wala talagang balak na bumaba para samahan ako sa loob.   "Ang pangit niyong ka bonding!" sabi ko sabay malakas na isinirado ang pintuan ng sasakyan. Mabingi man kayo wala akong pakialam. May lalabas pa sana na lalaki na pinigilan siya ng kasamahan nila at agad pinaharurot ang sasakyan paalis doon kung saan nila ako pinababa. I gritted my teeth. Nakakainis ang mga pagmumukha nila. Hindi masyadong familiar ang lugar na kung saan nila ako binaba. Takot ako sa mga na oras na ito dahil madilim pa lang. Tanging tunog na kung anong insekto ang maririnig ko at malamig na hangin. Mabuti na lang at nakajacket ako. Ito na naman ako, tulad ng dati naniwala sa isang text pero ngayon positibo na nandito ang anak ko. At least ngayon ay alam ko kung ano ang nangyayari, hindi tulad dati na clueless sa lahat at bigla-bigla na lang malalaman ang mga rebelasyon sa buhay ko, sa pagkatao sa paligid ko. Kung saan nagsimula ang inggit ni Eula sa akin. Bakit hindi niya magawang kausapin ang mama niya ng maayos, bakit nakikinig siya na alam naman niya na mali na ang ginagawa sa kanya. Hindi niya ba naisip na dinadala siya ng kanyang ina sa kapahamakan? Bakit mas nanaig pa sa kanya ang gumawa ng masama kaysa mamuhay na magaan ang kalooban, nakapagpatawad sa mga taong dahilan kung bakit sila nasasaktan. Di ba sa mundong ito ay yan naman talaga ang isa sa mas mahalaga, ang magpatawad. Kung hindi man madali bakit kailangan niya pang gawing komplikado. Bakit sa ganitong paraan pa? Naawa ako kay Eula hindi ko alam kung ano ang mga pinagdaanan niya sa mga nagdaang panahon at bakit sunodsunuran siya ng kanyang ina at ngayon gagawin niya pa ang sarili niya na maging mamamatay tao kaysa ang mabuhay ng tahimik at buong pagmamahal. Kung Hindi man siya itinuturing na anak ng kanyang ina, alam ko for sure may iba dyan na binibigyan siya ng halaga. Pero bakit? "Wag kang gumalaw!" Naputol ang iniisip ko na may narinig ako na nagsalita sa likuran ko. May dala itong flashlight kaya kita ko ang anino niya sa pader ng building na ito. Hindi ko naman namalayan na nasa loob na pala ako. Lumapit siya sa akin at kinuha ang dalawang kamay ko, nilagyan niya yun ng pangtali. Mabuti na lang sa harap niya ako tinalian at hindi sa likod. "Nasaan ang anak ko? Ilabas niyo siya sa akin! Gusto ko na siyang makita." pagmamakaawa ko sa lalaki na nagtali sa akin. Kung madaan sa mabuting usapan ay mas maayos. Sana lang makikinig si Eula sa akin. "Diretso ang lakad sa itaas kung gusto mo pang makita ang anak mo!" hindi ko na siya hinintay at binilisan ko ang lakad paakyat sa itaas. Baby, hold on please.. para kay kuya. Para kay kuya ito baby. Pagkarating ko sa itaas ay halos hindi ko na makita ang buong paligid. Hindi niya masyadong itinutok ang flashlight kung saan ako, in short ang bagal niyang umakyat. Mabigat siguro ang itlog ng mamang ito. May narinig akong binuksan ang pinto. "Pasok!" sabi niya. Kinuha niya sa akin ang bag, mabuti na lang at nasa bulsa ko ang cellphone ko. Bobo naman tong mga kidnapper na ito, kulang sa training. Pero ganun pa man, nagpapasalamat pa rin ako na isa nga silang bobo. Nasaan kaya si Eula? "Ang anak ko? Nasaan ang anak ko? Sabi niyo dadalhin niyo ako sa kanya!? Maawa kayo, dalhin niyo na lang ako kung nasaan ang anak ko! Parang awa niyo na!" Sigaw ko pagkatapos nila akong iwan sa isang kwarto na wala man lang ilaw. Ang yaman ng amo nila, hindi marunong magbayad ng kuryente. Pinipihit ko pa rin ang doorknob para mabuksan. Pero ayaw talaga. "Nasaan ang anak ko? Ilabas niyo ako dito mga gago! Ang anak ko, hinahanap na ako! Ilabas niyo ako dito? Nasaan ang anak ko!" "Mama…!" "Ahhh…multo…!" "Mama…it's me Saul!" mahina niya na tawag. Alam ko ang boses ng anak ko. No.. Ba... baby Saul…" "Mama…'' "Anak ko…" "Save me, mama… "

 

 

chapter 32

"Mama, Ikaw po ba yan?" mahinang tanong ng anak ko sa akin. "Anak? Anak ko…nandito na si mama anak. Ano ang ginawa nila sa'yo ha, anak? Sinaktan ka ba nila? Saan ang masakit sa'yo? Saan baby?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Binuksan ko ang flashlight sa aking cellphone at nakita ko ang anak ko na nasa gilid at nakayuko. May nakalatag na maliit na kumot doon. Meron din upuan at plato at plastic na baso. Agad ko siyang nilapitan at sinuri pero wala naman akong nakitang pasa sa katawan niya o hindi ko lang makita ngayon lalo at madilim pa. "Mama…natatakot po ako. May mga kumuha po sa akin na mga lalaki. Ang sabi lang nila na huwag lang akong pumiglas at sumigaw para hindi nila ako patayin mama. Kaya sa sobrang takot ko, hindi po ako gumagawa ng ingay mama. Hindi rin po ako umiiyak at hindi rin po ako sumisigaw, dahil may mga baril po sila na dala mama!" sumbong ni Saul sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit, sobrang higpit, gusto kong maramdaman niya na nandito nga ako sa kanyang tabi at gusto ko siyang maramdaman na talagang hindi ito isang panaginip at nasa aking harapan ang anak ko at kayakap sa mga oras na ito. Sobrang namimiss ko na itong panganay namin. "Nandito na si mama anak, ililigtas kita dito ha? Nandito na si mama. Pinakain ka ba nila? May dala sana akong pagkain sa'yo kaso nasa bag ko, langya yung pangit na mamang yun kinuha ang bag ko anak na may pagkain mo sana." sabi ko sa anak ko habang tinatapik ang balikat niya. "Pinapakain naman po ako mama, may nagbigay po sa akin na isang friend ko po." Kunot-noo ko siyang tiningnan kahit hindi naman niya nakikita ang mukha ko kasi itinutok ko ang flashlight malapit sa mukha niya. "Nakidnap kana anak, friend pa ang tawag mo sa kidnapper mo, ang bait mo naman yata!" "Mabait po siya mama, kinakantahan niya nga ako para makatulog tapos marami pa kaming kinekwento sa isa't-isa. Tapos binigyan niya ako ng tinapay at tubig. May binili rin siya kanina na lugaw kaya kaming dalawa po ang kumain, mabait po siya mama, ipakilala ko siya sa inyo bukas po," aniya. Ngumiti na lang ako at tumango dahil baka totoo nga. "Okay anak, wala bang masakit talaga sa'yo? Baka meron anak, magsabi ka lang. Hindi ba umaatake ang asthma mo, hmm?" paulit-ulit kong tanong sa kanya. Meron kasi siyang asthma at lagi niyang dala ang ginagamit niya kapag aalis siya ng bahay, pero dahil naiwan yung bag niya sa sasakyan na nakita ng mga pulis ay alam ko na wala siyang dala ngayon. Hindi ko rin nadala yung extra niya na inhaler dahil naiwan sa bahay. Nakalimutan kong ipadala sa mga kapatid ko para sana maidala ko ngayon. "Hindi naman po mama, okay naman po ako kanina. Medyo natatakot lang po lalo po nung dumating si tita Eula." "Anong ginawa niya sayo anak? Sinaktan ka ba niya?" nanggagalaiti ko na tanong sa anak ko. Sumisikip ang dibdib ko sa isipang maayos sila nitong nakaraan at isinama pa ang anak ko tapos ngayon ito pa ang ginagawa niya. Kinukuha niya lang ang loob ng anak ko para sa kagustuhan niyang gumanti sa pamilya ko, pati ang anak ko na walang kamuwangmuwang ay idinamay niya pa. "Hindi niya po ako sinaktan mama, sinabi niya lang na malapit na raw po tayong kunin ni Lord." aniya. Naiiyak ako dahil sa murang edad ni Saul ay naranasan ito ng anak ko. Umayos ako ng upo dahil nangangawit na ako sa kakaluhod. Pinahiga ko si Saul at ang kanyang ulo ay nasa mga hita ko nakapatong pagkatapos kong ipasuot sa kanya ang jacket na dala ko. Tinawagan ko si Ignacio kanina pero out of coverage, kaya tatawagan ko ulit sa mga oras na ito, pero yun na lang ang paghinto ko sa pagtipa ng numero at itinago ang cellphone ko sa likod, naka silent mode naman ito at hindi ako sure kung napindot ko ba ang call dahil biglang umilaw sa paligid at bumukas ang pinto at pumasok si Eula. Naka high heels ang bruha at maliit na black dress ang suot. May kasama pa siyang tatlong mabibigat ang mga itlog na tauhan. "There you go, nandito kana pala. Welcome back Michaella," tumatawang sabi ni Eula, mas lalong namumula ang galit ko sa kanya kahit kaunti nito ay awa dahil sa ginawa niyang ito sa anak ko. Mas lalo kong inilapit at isiniksik si Saul sa aking katawan na ngayon ay nakaupo na sa sahig at nanginginig ang mga kamay. Ignacio please, help us… "Ano bang kailangan mo Eula? Sinira mo na ang buhay ko matagal na at akala ko ba kalimutan na lang natin ang nakaraan at mag-umpisa tayong muli. Bakit ka naman naging ganito. Ganyan ka ba naiinggit sa akin na hindi ginagamit ang kagandahan mo para gumawa ng many…" isang malakas na sampal ang natikman ko galing sa kanya. Kung wala lang si Saul ngayon ay talagang tatayo ako at inudnud ko siya sa sahig. "Bad ka po Tita Eula! I thought you were a nice person po but now I hate you for hurting my mama!" Iyak na sigaw ni Saul sa kanya. Pinigilan ko siya na tumayo dahil baka ano pa ang kayang gawin ni Eula sa kanya. "Stay lang anak, okay lang ako, okay lang si mama, hmmm. Just behave baby at baka ano pa ang kayang gawin niya sa atin ha!" mahina kung bulong sa anak ko na alam ko na nakikinig lang si Eula sa amin. Nilagay ni Saul ang kanyang kanang kamay para idampi ng mahina sa kung saan idinapat ni Eula ang kanyang palad sa pisngi ko. Umiiyak siya kaya bilang mama ay ayokong umiyak din sa tabi niya at baka ito pa ang dahilan na may gagawin pa na hindi ko magugustuhan itong si Eula. "So drama… anyway hinihintay ko lang naman ang pera na ma transfer sa bank account ko and then pwede ko na kayong patayin na dalawa at isusunod ko pa ang mga magulang at kapatid mo and then kung makikialam pa si Ignacio, siya at ang pamilya na rin niya ang isusunod ko, right? Ang ganda ng plano ko di ba, Gomeza? Sakit niyo sa mata kaya dapat lang na mawala kayo sa paningin ko. Sa negosyo ko. Sa lahat-lahat!" walang prenong sabi ni Eula, marami pa siyang sinasabi pero naka focus ang utak ko sa pangalan ni Ignacio na isasama niya sa mga plano at papatayin niya rin. Bakit? Dahil mas pinili kami ni Ignacio o dahil tama ang mga sinasabi niya sa akin nung nakaraan na wala siyang kaalamalam sa mga nangyayari dati at ngayon tungkol kay Eula? Oh no…my babe… "Kayo na ang bahala sa mag-ina na yan, sila ang bitag at kapag hindi pa nila sinunod ang plano natin. Alam niyo na!" banta hi Eula. Nagtaas-baba ang dibdib ko dahil hindi ko na alam kung ako ang gagawin ko. Nagkamali ba ako. Paano kung may nagmanman na kina Ignacio at sa pamilya ko? Baka huli na ako at may gagawin na silang masama sa kanila. Lord God wag naman po n'yong pababayaan ang mga mahal ko sa buhay. "Yes ma'am!" sagot ng mga lalaki. Lumabas si Eula na tawang-tawa habang naninigarilyo. Agad kung tinabunan ang ang ilong ng anak ko at baka malanghap niya ang sigarilyo. "May isang tao na naiwan sa loob at umupo sa bakanteng upuan na naroon at yung dalawa daw ay magmanman sa labas kung saan kami. "Matulog ka muna anak, ako na ang bahala sayo. Pangako ni mama na makakauwi kana bukas ng umaga, hmm. Stay strong lang anak, kaya natin 'to. Makakaalis tayo dito na buhay." pangako ko sa kanya. Tumango ang anak ko at bumalik sa paghiga. Kukunin ko sana ang cellphone ko para maitext si Ignacio kaso nga lang nakatingin ang lalaki sa gawi namin habang nakatutok ang flashlight. Hihintayin ko na lang na makatulog siya bago ko itext ang mahal ko. Madaling araw na at malapit nang mag-alas singko ng umaga, wala na akong gana pang matulog, nakatulog ang anak ko sa may hita ko habang nakapatong ang kanyang ulo, nangangawit na rin ako pero tiniis ko para sa anak ko. Malapit na rin akong ma lowbat at hanggang ngayon hindi ko pa matetext si Ignacio o sina mama dahil bantay-sarado ang lalaking ito. May kausap siya sa cellphone niya kanina pero nakatutok ang tingin niya sa amin. Nakatulog yata ito ng buong maghapon kaya dilat na dilat pa rin hanggang ngayon. May narinig ako na kaluskos sa labas at naging alerto naman ang lalaki, lumabas siya para itanong kung ano ang ingay na yun. Pero ganun na lang ang pagkagulat ko na nakahandusay na ang tao sa sahig. Bigla kong niyugyog ang anak ko para magising. "Puntahan mo ang mag-iina mo, ako na ang bahala sa labas at marami pa sila sa kabilang kwarto o sa ibang sulok ng gusali. Wag kayong gumawa ng ingay at baka makatunog ang target namin! Parating na ang mga kasamahan ko, kung may pagkakataon na umalis kayo ay gawin niyo na!" narinig kong may nag-uusap sa may labas ng pintuan, nakabukas ito ng bahagya kaya narinig ko ang usapan ng boses lalaki. "Thanks Jay, I owe you a lot." napalingon na ako ng maigi sa pintuan, familiar na boses ang narinig ko. Maya-maya ay unti itong bumukas at dahil nakabukas na ang flashlight ng cellphone ko ay naaninag sa hindi kalayuan ang imahe ng bagong pumasok na lalaki. Sa tindig at pangangatawan niya palang ay alam ko na kung sino ang nagmamay-ari ng pigura na nagmamadaling lumapit sa amin. Hindi ko na kayang pigilan pa ang mga luha ko na kusa ng nagbabagsakan. "B.. babe? Saul a.. anak? nauutal niya na tawag sa amin. " Ignacio!" " Pa… pa?" "Oh God.. thank you…It's me.. it's me.. wag kayong matakot. I'm here okay? Hindi ba kayo nasaktan, hmm? Hindi ba kayo nila sinaktan?" sunod-sunod na tanong ni Ignacio. Niyakap niya kami ng mahigpit. "Aalis tayo ngayon din. Kaya niyo pa bang maglakad. Saul! You are strong and brave right, hindi natatakot ang baby? Sorry kung ngayon lang nakapunta si papa anak, patawarin mo si papa please." pagmamakaawa niya. "I'm not mad at you papa. just... I don't like tita Eula po this time kasi sinaktan niya po si mama! " sumbong niya sa kanyang ama. "Saan ka niya sinaktan?" nakaigting ang panga niya habang naghihintay ng kasagutan sa akin. "Sorry... hindi ko sinabi sa'yo na pupunta na ako dito dahil baka ano ang gagawin nila kay Saul kung nagsumbong ako." Instead na pisngi ko ang sasabihin ko ay ang paghingi ko ng sorry ang lumabas sa bunganga ko. Malalim siyang huminga, "Hindi maganda yang idea mo babe lalo at butis kapa, paano kung napahamak kayong dalawa, malapit na akong nabaliw kanina na malaman ko na wala ka sa kwarto ng ospital, malapit tuloy atakihin ang papa mo sa puso at mabuti na lang agad siyang naagapan," mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya, alam ko na delikado at alam kong pwede naman talaga na isumbong ko muna sa kanila pero dahil sa takot ko ay wala na akong maisip na maganda. Ang nasa isip ko na tama ang lahat ng ginawa ko at wala akong nakitang mali, pero maling-mali pala… pero nagpapasalamat pa rin ako sa Panginoon dahil wala namang ginawang masama sa akin ang mga tauhan ni Eula hanggang nakarating ako dito sa loob. "Saan ka sinaktan?" tanong niya ulit. Ituturo ko na sana at ni Saul kung saan ako sinaktan ng biglang bumukas ang pinto at humihingal na si Eula ang pumasok at mga lalaking nasa lima. "Wow.. mabuti naman at dinala mo ang sarili mo dito my dear Ignacio! I miss you darling. Hindi pa ako nagsasawa sa katawan mo eh. Kaso nga lang iniwan mo naman akong mag-isa sa Maynila, nakakalungkot naman," maarte niyang sabi habang inikot-ikot ang dulo ng buhok niya ng kanyang daliri at ang isa naman ay may hawak na baril. "Wag kang maniwala sa kanya babe, walang nangyari sa amin." saad ni Ignacio sa akin. Nilipat ko sa likuran ko ang anak ko para maitago. Nasa harapan naman si Ignacio para gawing pangharang ang katawan niya.   "Anong kailangan mo? Bakit kailangan mo itong gawin Eula? Diba sinabi ko na sa'yo na hindi ko na tatanggapin ang projects na pinag-usapan natin dahil I thought you were using it for goods pero hindi, gambling and some illegal doings ang gagawin mo doon. Dahil maaga kong nalaman kaya sinabihan na kita but what did you do? Dinamay mo ang pamilya ko, hindi lang mag-iina ko pati na rin sina mom and dad. How there you to do that Eula?" "Ahhh… "sumigaw ako dahil sa tunog ng baril. Pagdilat ng mga mata ko ay hawak na ni Ignacio ang braso niya at may dugo. Mas lalo kong itinago si Saul sa likuran ko para hindi niya makita ang nangyayari sa paligid sa mga oras na ito. "Ang sama mo Eula! Anong ginawa mo?" galit na tanong ko sa kanya habang tumulong na ako sa paghawak sa braso ni Ignacio para kahit papano ay matigil ang pagdurugo. "Oh…easy Mica at baka ikaw ang makakatikim ng pangalawang bala na nasa loob nito," aniya at itinutok sa akin ang baril niya. "Don't you dare Eula! Huwag na wag mong sasaktan ang mag-iina ko at baka makalimutan kong babae ang kaharap ko ngayon!" galit na sigaw ni Ignacio. Imbis na matakot sa pagbabanta ay tumawa lamang siya ng malakas. Maya-maya ay may narinig kaming putukan sa baba. "Shit! shit! Puntahan niyo kung ano na ang nangyayari sa baba at ang iba ang magbantay dito!" sigaw niyang sabi sa kanyang mga tauhan. Pero bago pa sila makalabas ay pinaulanan na sila ng bala at pag pasok ng isang lalaki ay agad niyang binaril si Eula at sure ako na natamaan ito dahil nakadapa na siya sa sahig, idinilat ko ulit ang mga mata ko kahit natatakot na ako sa mga nangyayari sa paligid, hindi ko binitawan ang kamay ni Saul at braso ni Ignacio. "Let's go, let's go. Sa basement kayo dumaan dahil walang masyadong tao doon, nasa harapan ang maraming kalaban, marami sila. Here… take this Ignacio, mag double ingat kayo, may nakakalat na explosive device sa bawat area kaya dapat nakaalis na kayo bago mangyari ang pagsabog!" ani ng lalaki at pilit iniintindi ang sinasabi pero litong-lito pa rin ako, inabot at tinanggap ni Ignacio ang baril. "Thanks Jay…." Nauna sa labas ang pangalang Jay at nagpaulan ng bala sa nagbabalak na umakyat. ''Go.. " pagmamadali niya sa amin. "Are you okay? Please hang-on babe, makakalabas din tayo ng buhay dito." "I'm okay, daplis lang ang nangyari. Are you okay? Please do not run babe, ayokong may mangyari sa baby natin. Saul anak, nasaktan ka ba? May tama ka ba? Sabihin mo agad sa amin anak, okay?" concern niya sa amin. Nakarating na kami ng basement at hinahanap na lang namin kung nasaan ang entrance. Sisigaw na sana ako na nahanap ko na ang entrance ng may nagpaulan ng bala kaya dumapa kaming tatlo, "shit!" mura ni Ignacio. "Okay lang kayo, babe? Anak?" tawag niya. Shit. Hindi ito ang gusto ko na maranasan ni Saul. Nakita namin si Eula na naglalakad sa gawi namin habang nakatutok parin ang baril niya. Siya lang mag-isa. May putukan parin sa taas at hindi ko alam kung ilan ba ang lahat ng tauhan ni Eula na narito. "Saan kayo pupunta? Akala niyo ba makakaligtas pa kayo ngayon sa akin? Then pwes, sisiguraduhin ko na mapupunta isa-isa sa inyo ang tatlong bala na natira sa baril ko, game?" humahalakhak siya rinig buong basement, ibang-ibang Eula na siya ngayon. "Close your eyes Saul! Mica!" sigaw ni Ignacio sa amin at agad naming ginawa ni Saul. Maya-maya ay may narinig kami ng putok ng baril. Bigla kong idinilat ang mga mata ko at namilog ng makita ang nakahandusay at naliligo na ng sariling dugo. Oh no… Tinakpan ko ang mata ni Saul at pinatalikod para hindi niya makita ang katawan ni Eula at baka magka trauma pa ang anak namin. "Let's go… let's go…" agad na tawag ni Ignacio sa amin. Hinawakan ko siya sa kanyang braso dahil sa may tama siya at hindi niya kayang maglakad dahil sa sakit. Hawak ko naman si Saul sa kamay at hindi ko siya binitawan. "Diretso ang lakad anak, sa may entrance tayo.. yang nababasa mo sa may dulo, okay?" wika ko sa kanya. "Okay mama… papa kaya mo yan papa," " Thanks anak.. fuck.. shit," pagmumura ni Ignacio, tatampalin ko na sana siya sa bibig niya dahil naririnig siya ng anak namin na bigla siyang tumigil sa paglalakad at pilit na inaalis ang mga kamay ko sa braso niya. "Go!" ani niya. "Huh? Why? Malapit na tayo Ignacio." tumigil kami at tiningnan ko siya sa kanyang mga mata. "May masakit pa ba sayo? May sugat ka ba sa paa?" Tanong ko dahil hindi niya ginalaw ang kanang paa niya. Uupo na sana ako para masilip pero..   "I said go Mica… Saul take your mama, you're a big boy now. Come and help your mama, go.. pagkalabas niyo, pumunta agad kayo sa hospital para magpatingin." Habilin niya at ako naman itong litong-lito sa mga sinasabi niya. "Bakit? Hindi mo na ba kayang maglakad? Tutulungan ka namin. Let's go babe,"mahinahon kong sabi sa kanya. Iniiwasan na hindi ko siya masigawan dahil sa kinikilos niya." Patay na si Eula at wala ka ng babalikan sa loob, kaya let's go Ignacio." pagmamakaawa ko, babalikan niya ba si Eula at siya ang pipiliin niya? "Just go babe… just go… please kahit ngayon lang.. kahit ngayon lang makinig ka sa akin okay. Just go.. take care of yourself and the kids." bulong na sabi niya at nagmamakaawa habang umiiyak, parang na estatwa siya at hindi makakilos. "Pero ikaw?" "I love you.. I really really love you simula pa noong high school pa tayo until now babe, hindi kita kayang palitan ng iba, ikaw lang ang minahal ko ng sobra and I'm so happy na kahit ngayon ko lang nakilala si Saul ay hindi mo siya kailan man pinagdamot na sa akin. Kahit sa konting panahon lang, nakilala ko siya." Sabi niya at ako naman ay nalilito na sa mga nangyayari, pareho na lang kami nitong umiiyak. " Papa!" "Just go Saul and take care of your mama pagkalabas niyo, okay? Pumunta agad kayo sa hospital." habilin niya. Parang may mali o dahil may tama lang talaga siya ng bala at hindi nagsasabi. "Mama… " nagulat ako na nakita si Saul na nanghihina at kinakapos sa paghinga. Oh no ang asthma niya. "What happened?" Tanong ni Ignacio. Nagmura siya dahil sa sobrang sakit yata ng balikat niya o dahil hindi siya makakatulong kaya wala akong magawa kundi iiwan siya at para maasikaso si Saul. May narinig pa ako na nagbabarilan sa itaas kaya wala na akong oras. May narinig na rin akong patrol car o ambulance ba sa labas. "Anak… hold on Saul." pakiusap ko sa anak ko. Binalingan ko si Ignacio na ngayon namumula na ang mga mata dahil sa luha. Ngumiti siya sa akin. "Babalikan kita! Pangako Ignacio!" tumango siya at ngumiti na hindi umabot sa kanyang tenga. Tatalikuran ko na sana siya habang karga si Saul na nahihirapan ng huminga, hindi ko alam kung paano ako naging malakas sa mga oras na ito habang buhat-buhat ang anak ko knowing na buntis ako. "Astraea Joy!" lumingon ako kay Ignacio. Naguguluhan…Hawak niya ng maigi ang balikat niya na may daplis. "What?" "The name of our baby girl, Astraea Joy at kapag lalaki ulit ay Aldric John… yan ang napili ko na pangalan, but if you don't like it. You have my permission to change it babe, so yeah… go Mica. Thank you. You are the most amazing and strong woman I've ever met." mas lalong tumutulo ang luha ko. Binalikan ko siya at ginawaran ng malalim na halik habang karga ko ang anak namin kaya hinagkan niya rin si Saul. "Stay buddy, you will be okay." ani niya at hindi man lang sinubukan na ialis ang kanang paa niya at nakatapak pa rin ang sapatos na suot sa itim na bagay habang may nakapulupot na wire na pahaba? "Babalik ako, okay? Wait for me," pangako ko ulit sa kanya. Pero ngumiti lang siya sa akin at umiling. "I love you and thank you,'' Tanging tugon niya. "Go Mica.. go… and don't turn your back, okay? Just continue walking, slowly and surely. Baka nasa labas lang ang mga tauhan natin. Take care of yourself and the kids! I love you! " Panay sabi niya kahit namamaos na siya kaya nagmamadali na akong makarating sa entrance para makalabas at maigamot si Saul. Pagkalabas ko ay may nakatutok na baril sa akin, "Put your hands up!" may sumigaw na pulis sa akin. Binilatan ko ang sumigaw kahit hindi naman ako sigurado kung saan banda. "Bleeeh! Bulag ka ba?" matalim kong tingin. Ang bagal niyo dumating, daig pa ang pagong sa inyo. Yan sana ang sasabihin ko na biglang tumakbo si Yana sa akin. "Mica? Oh my God! Medic… medic… " sigaw niya. Agad may lumapit sa amin at inaasikaso si Saul. Nasa labas din ang mga kaibigan namin at kinukumusta nila ako. "Lahat na ba nakalabas? In five second sasabog na ang bomba sa loob ng building," sigaw na kung sino. Bigla akong nanigas sa kinaroroonan ko dahil may naalala. Kaya ba? "Oh no.." sabi ko habang umiiling. Agad akong tumayo. "Ikaw na ang bahala sa anak ko, may babalikan lang ako." Pagkasabi ko ay agad akong tumalikod kay Yana. Pero sa pagtalikod ko paharap kung saan ako nanggaling kanina ay saka naman sumabog ng malakas ang building. "Ignacio!!!"

 

Epilogue 1

IGNACIO JOHN BALTIMOORE POV

Pagod galing sa studies at kakatapos lang ng photoshoot nitong gabi. Wala naman akong ibang pupuntahan kundi ang umuwi na ng maaga at makapag pahinga ng maaga. I have a lot of things to do tomorrow. Pagkarating sa bahay ay naabutan ko sa sala si mommy. For sure galing na naman si mom sa pag-iyak dahil sa nakikita kung umaapaw na ng maraming tissue ang trash bin. Nilapitan ko siya at hinagkan sa kanyang noo. "Good evening, mom!" I greeted her. Nasa trabaho pa si daddy at baka mamayang ten or eleven ng gabi siya makakarating ng bahay. We own one of the larger malls in this province. Kaya alam ko na kung anong kurso ang kukunin ko kapag nasa college na. Tumingala si mommy para makita niya ako, nginitian ko siya. "I'll go up first to change my clothes," paalam ko sa kanya. Tatalikuran ko na sana siya na pinigilan niya ako gamit sa paghawak sa aking siko. "How's your school?" tanong ni mama habang umiinom ng wine sa kanyang wine glass. Nginitian ko siya. "All good mom!" I said. "And how about your modeling?" Bumuntonghininga ako at nilagay ang siko sa ibabaw ng wine counter. "Ayos lang din po ang pag-aaral ko mom. No failure and everything was doing good. Anyway…why are you still here? Stop drinking already. Namumula na po ang mukha niyo oh." mahinahon kong sabi sa kanya. "I'm sorry anak kung napabayaan na kita nitong mga nakaraan." Hinawakan ko ang kamay niya. "I'm not okay mommy pero naiintindihan ko po kayo. Naramdaman ko po kung ano man ang naramdaman nyo ngayon sa pagkawala ng kapatid ko." saad ko. Dahil sa pagkamatay ng kapatid ko kaya nagkaganito ang mommy ko. Namatay kasi ang bunso namin noong ipinanganak ni mom kaya until now nagluluksa parin kami kahit ilang taon na siyang nawala sa amin. Nasasaktan na ako, paano pa kaya si mom na dala-dala niya ito ng ilang buwan sa sinapupunan niya. "Don't worry anak at babawi ulit si mommy hmm, babawi ako sayo." pangako niya. Tumango ako at nginitian siya habang inilayo ang bote ng alak sa kanya. Mabuti na lang at wala siyang reklamo doon at nakapout lang kaya naiintindihan niya na bawal na ang alak. "Goodnight mom, stop drinking. It's almost 10 in the evening. Dapat natutulog kana ngayon." pagkatapos sabihin iyon ay nagpaalam na ako para umakyat ng kwarto at makapanligo at matulog. Walang pasok sa unang subject kaya maingay ang mga kaklase ko. "Ano na pare, puntahan natin ang kabilang room at magpakilala sa bagong chicks doon," saad ni Singko. Hindi ko siya pinansin at nilagay ang ulo ko sa maliit ko na table para matulog. Galing ako sa isang photoshoot nitong nakaraan kaya walang tamang pahinga at tulog. "Gisingin mo ako kapag andiyan na ang guro natin sa next subject Mica, okay? Salamat." ani ko. Si Michaella ay kaklase at ka seatmate ko. Tahimik lang sa kanyang upuan habang nagbabasa o nakikinig sa guro. Mahilig siyang magbasa at magsulat kaya napahanga ako kapag na special mention ang pangalan nya na nakakuha siya ng malaking marka sa anumang subject namin. Kakausapin niya lang ako kapag may tanong ako o magpapakopya. Hindi ko naman talaga ugali na magcheat pero minsan ito ang way para pansinin niya lang ako. Well, I find her attractive kahit na halos lahat ang nagsasabi na marami siyang pimples sa kanyang mukha. I don't mind though because that's a part of puberty. She's a shy type of person and I want to be her friend. I'm having a crush on my classmate named Shemaia Ocampo pero iba ang kamandag ni Michaella Gomeza para sa akin. Maraming beses niya akong sinusungitan sa hindi ko malaman na dahilan, my heart keeps beating kung nakatitig siya sa akin at dahil ayokong malaman niya ang nararamdaman ko kaya pinipikon ko siya but the more I look at her the more my heart run wild. Ayokong gamitin si Shemaia pero kapag napapansin ko na masama na ang titig niya ay natatawa na ako sa reaksyon niya. Is she in love with me? I hope so. Michaella Gomeza, what did you do to me? Do I really like her? I think so. Uwian at nagmamadali siyang lumabas ng classroom at iniwan din ako ng mga kaibigan ko na si Singko at Junard. Mga gago na yun, nang-iiwan sa ere. Galing kasi ako sa teacher faculty at may pinasa ako na last projects namin. "Here!" kinuha niya sa kamay ko ang chocolate na dala ko, nasisiyahan ako kapag tinatanggap niya ang bagay na galing sa akin. "Thank you!" Namumula niya na sabi. How cute. "What? You liked Gomeza? Tapos crush mo pa rin hanggang ngayon si Shemaia? Ano ang tawag sa pusong ganyan?" nalilitong tanong ni Junard. Nasa bench kami ng mga barkada ko nakaupo at tanaw namin ang mga naglalaro ng football sa ground field. "Oo nga, si Michaella? Ang pangit kaya nun!" masama ang pinukol ko kay Eula kahit sina Singko at Junard, hindi siya nakatingin sa amin kundi sa mga kuko niya na bagong pintura. Minsan sumama siya sa barkada namin. Kakilala kasi ng mga magulang ko ang pamilya niya dahil sa merge ng isa sa mga business ng mga magulang namin. "Maganda kaya siya." ani ni Singko. "Yeah!" Sambit naman ni Junard. What the heck, hindi ako papayag na wala rin akong entry at hindi maaari na ligawan nila si Mica. "Maganda siya at matalino kaya nagugustuhan ko siya," sabi ko naman na napa bungisngis ng tawa kay Singko. "Inlababo na ang gago!" si Junard habang umiiling. Pero sa hindi inaasahan na may ginawa si Eula sa kanya at napahiya si Mica sa harap ng mga estudyante sa canteen. "How dare you to do this to her?" sumbat ko kay Eula na panay iyak sa faculty office. Habang ang kasama niya ay nakayuko lang. "Napahiya yung tao, ang lapad ng space para dumaan pero mas pinili mo pang saktan siya!" nanggigigil ko na sabi sa kanya at agad ko siyang tinalikuran para puntahan si Mica sa clinic. Hanggang nabalitaan ko na lang na expel na silang dalawa sa paaralan dahil sa may nagreklamo na rin na ibang estudyante na binubully at ang may pasimuno ay si Eula. Dahil sa nangyari ay mas napalapit ako sa kay Mica. Sa paparinig hanggang hindi ko namamalayan na nahuhulog na ako sa pagpapanggap namin, yun ang akala niya pero yung naramdaman ko ay hindi. I fall really hard. Nagseselos na ako kapag may lumalapit sa kanya o kinakausap siya ng mga lalaki. Knowing na kahit tahimik lang siya sa classroom ay may alam siya na sport kagaya na lang ng chess na hindi ko akalain na marunong siya. "Parang in love na ang panganay natin, hon. Look oh parang may nagpapangiti na sa kanya at hindi na tayo yon," pangdadrama ni mommy kay dad. "Hmm.. si Eula ba yan na anak ng mga Solano?" tanong ni dad at umiling lang ako. "Ohh.. akala ko ba magkasundo kayo ng anak ng mga Solano at siya sana ang magiging asawa mo kung wala kapang napupusuan. For sure gusto ka rin niya." ani ni mommy. Huminto ako sa pagkain at buong attention ko ay nasa kanila. "My mahal po ako na iba mom and dad at hindi si Eula yun. For sure hindi kayo magsisisi na pinili ko po siya." paliwanag ko dahil ayoko sa lahat na pinapakialaman ang love life ko o sino sino na lang ang kino compare sa akin. I told them that I hate arranged marriage. Unless if the girl they choose for me ay talagang para sa akin, but nahh meron na akong napupusuan kaya all I have to do is pursue her and be mine forever. "Alright! Just make sure to use condoms for safety protection." napaubo ako dahil sa seryoso ang pinag-uusapan namin at naisingit niya pa ang bagay na yan. "Mommy?" "What? What do you want to hear from us? Na iputok mo sa loob ang tamod mo at ng magka baby ka na agad-agad? Remember …you're still a baby at kapag hindi kapa handa sa mga responsibilidad mo bilang batang-ama then use condoms." paalala ni mommy. Hindi ko alam kung saan ko itatago ang hiya ko dahil sa ito pa talaga ang pinag-uusapan namin. "Hindi pa namin gagawin yan." panigurado ko. "Ows.. sure ka ba diyan?" sartastikong tanong ni mommy. Napapailing na lang kami ni dad. But then, hindi ko rin alam kung bakit ako napabili sa sinabi ni mommy. I bought 5 packs of condoms and left them in my car, room and some of it in my bag. Ridiculous, isn't it? I don't have any experience kahit sa halik dahil para sa akin hangga't walang kayo, wag mo siyang galawin. Dapat mo siyang igalang unless both sides agreed each others. I have knowledge dahil minsan ang mga kaibigan ko ay may dinadownload sa isang sites at pinapanood nila at sino ba naman ako para hindi rin makapanood kung itinutok nila ang cellphone nila sa pagmumukha ko. From first kiss hanggang nasundan pa ito ng nasundan, may mga bagay na hindi ko inaasahan at mabanggit ang pangalan ng iba, bigla lang siyang sumingit sa isip ko.   But my baby is a kind of person na mabilis magpatawad, kaya mas lalo ko pang pinagbutihan ang mga pangarap ko na siya na talaga ang pipiliin ko. "Ahh…babe.. Ignacio!" daing niya sa pangalan ko. I'm addicted to her moans while calling my name. I love the feeling of being inside her tight baby. I'd never thought na magagamit ko nga talaga ang condom na binili ko, kung hindi lang sinabi ni mommy na bumili ay hindi ko gagawin. "I love you!" Niyakap ko siya ng mahigpit habang nakahiga pareho sa backseat ng sasakyan after our mind blowing making love. Plano naming magdate at kakain sa labas at pagkatapos mamasyal somewhere sa Baywalk pero sa dalampasigan kami dinala ng aming biyahe para manood na lang doon ng sunset but we end up connecting our bodies. Hindi pwede na mag check-in sa hotel at baka mabisto kami. "Gagawin pa rin natin ito kapag nagcollege na tayo babe," bulong ko sa tenga niya. Napangiti ako na tinago niya ang mukha niya sa aking leeg. "What? Ayaw mo ba?" "Gusto!" Nahihiya niyang sabi kaya natawa ako. "Nahihiya ka ngayon pero kanina, gusto-gusto mo pa. Malapit na maubos ang condom na nasa sasakyan ko babe. Ouch! Para saan naman yon?" tanong ko dahil bigla-bigla na lang nanghahampas ng balikat. "Ang bibig mo, kanina pa yan!" Kaya napa bungisngis na ako ng tawa dahil sa nahihiya na talaga siya. I really love this girl. Kaso kailangan ko muna s'yang ewan dahil may nangyari kay mommy. Nadulas siya sa banyo kaya agad akong nagbook ng flight papuntang Manila kasi nandoon sila nitong nakaraang buwan para sa business. "Don't worry anak, ok na ako, nadulas lang ako sa cr kaya hindi ko namalayan na basa pala yung sahig na natapakan ko." "Kaya nga mom, next time mas lalong mag-iingat kana. I'm so worried about you." malungkot na sab koi sa kanya. Nawalan na ako ng kapatid, ayokong sa isang iglap ay iiwan din ako ng mga mahal ko kahit alam ko naman na anytime pwede silang kunin sa akin pero hindi pa ako nakahanda sa mga bagay na ganyan. Hindi pa. Dahil hindi ko mapilit si mommy na umuwi muna sa probinsya para magpagaling ay nagstay muna ako sa Maynila ng ilang araw. Ilang days na lang kasi graduation na namin at baka diyan na araw pa lang sila makakauwi. Nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa cellphone ko. Kakatapos lang namin mag-usap ni Mica at ito na naman ang mahal ko nagpapalambing na naman siguro kaya nagtetext. Namimiss na niya raw ako, paano pa kaya ako na araw-araw ko siyang namimiss. Pero ibang chat ang nabasa at nakita ko sa messenger, hindi ang babe ko kundi unknown number. May pinasa siya na litrato kung saan kasa-kasama ni Mica ang isa sa mga kaklase namin dati pero ngayon nasa kabilang section na. Hindi ko alam kung bakit sa isang iglap bigla na lang napuno ng galit ang puso ko pero hindi.. hind…kailangan kong kumalma, may tiwala ako sa mahal ko na hindi niya ako lolokohin, mahal niya ako. Ayoko ng padalos-dalos sa nararamdaman ko, dapat marunong akong magtiwala na walang namamagitan sa kanila. Period. Dahil kailangan na akong umuwi ng probinsya kaya naiwan ko muna sina mommy and daddy at uuwi lang sila sa araw ng graduation ko ng highschool. Kinalimutan ko ang lahat at pag-uwi ko ay masaya ang araw na kasama ko ang mahal ko. Until one night, nagdilim ang paningin ko na makita sina Mica at Ronald na naghahalikan sa bahay ng kaibigan namin na si Domingo. Nagkunwari siyang magpaalam para lang may gagawin sila na hindi maganda sa harapan ko pa mismo. Totoo pala ang mga paratang ni Eula na kung saan siya ang nagbigay sa akin mga larawan ng lalaki niya na magkasama at ngayon magtatraydor sa harapan ko? "Ignacio, let her explain na hindi ka sumisigaw," sambit ni Nessel. "Isa pa kayo, pinagtanggol niyo pa ang babaeng malandi na ito? Nawala lang ako ng ilang araw at pumunta saglit sa Maynila dahil sa mom ko na may sakit tapos nabalitaan ko na lang kung kani-kanino sumasama na lalaki! Why Michaella pang ilang lalaki na ang bullshit na Ronald na natikman ng mga labi na yan ha? Sagot!" dahil mas umiral ang galit ko kaya nasabi ko ang mga katagang iyan. Nakita kong lupaypay na si Ronald sa sahig dahil sa pagsuntok ko sa kanya. Umalis ako sa bahay ng kaklase at pinaharurot ang sasakyan ko pero hindi ko pa alam kung saan ang direction sa mga oras na ito. Why do you do this to me Mica? Why? I loved you. Hindi pa ba sapat yun para mahalin mo rin ako. Ako ang nakauna sayo…lahat-lahat pero bakit? Nagpapanggap man tayo na mag boyfriend girlfriend pero dati yun. Mahal na kita ng sobra eh. "Boysit na buhay na'to!" Sigaw ko sa kawalan. Ilang minuto akong naroon sa lugar na napili ko, makahoy at walang kabahayan. May nasabi akong hindi maganda sa kanya, kailangan ko siyang balikan at humingi ng tawad. Makikinig muna ako sa mga paliwanag niya at baka nagjujudge agad ako sa kanya na hindi naman pala totoo pero may text na naman akong natanggap. May tumawag sa phone ko kanina at ang tanging sinabi ko lang kina Singko o Junard ay wag na wag akong kausapin o tawagan dahil hindi pa ako uuwi ng bahay. Unknown number: Maghiwalay na tayo dahil na realize ko na wala palang tayo. Hindi pala kita mahal. Ginamit lang kita Ignacio. Kaya maraming salamat sa lahat-lahat. Maging masaya rin ako sa piling ng bago ko.   "Ahhh! Fuck you!" sigaw ko at tinapon ang cellphone ko sa hindi kalayuan kung saan ako nakaupo sa may bato. Nanghihina ako sa sobrang kalasingan. Nakatulog ako sa kotse at paggising ko ay doon palang may ganang umuwi ng bahay. "Anak! May problema ba?" naabutan ako ni mommy sa may bar counter. Para matulog, I need to drink. "Wala ito mommy!"sabi ko pero ina ang nagtanong sa akin na kahit hindi niya pa itatanong sa akin kung may problema ay alam ng mga ina na may something sa kanilang anak kaya niyakap niya ako at doon pa ako umiyak sa bisig ng mommy ko. May emosyon ako kaya hindi ako takot na ipakita kay mommy na minsan mahina ako. "That's okay, alam ko na malalampasan mo rin yan, ikaw pa ba? May dugong Baltimoore ka ata kaya fight fight lang anak." Malambing na ani ng mama ko. Ganun ang gusto niya, ginamit niya lang pala ako then ibibigay ko yan sa kanya. Baka nga hindi siya para sa akin. Hindi ko na siya pinapansin sa school dahil sariwa pa ang sugat. Kakausapin ko lang ang mga barkada ko basta wag lang nilang banggitin ulit na kailangan namin mag-usap ni Mica dahil wala na kami, tama na yung nabasa ko sa text. Natauhan na ako. Nakatuon lang ang attention ko sa stage para tanggapin ang diploma. Sa wakas natapos din sa high school at mas naging malapit kami ni Shemaia, ang dating crush ko. Hanggang hindi inaasahan na sa araw ng graduation namin ay saka naman na aksidente ang nanay ni Shemaia Rey. Hanggang namatay din kalaunan. Naisip ko na kausapin si Mica, na attempt ako na kausapin siya para makinig sa mga paliwanag niya pero hindi na nangyari na pumunta ako sa bahay nila ngunit wala ng tao na naroon. Panay tawag ko pero walang lumabas. Walang nakakaalam kung saan sila pumunta kahit mga kapitbahay, dahil kinabukasan wala ng maingay at tahimik na lang ang bahay nila. See, may balak talaga pala akong iwan ni Mica after graduation huh? So hindi niya pala talaga ako nagustuhan at ang pagkukunwari na relasyon ay nananatiling kunwari lamang ang namamagitan sa aming dalawa. Masaya si mommy na may Shemaia sila na nakilala, mapaglaro nga naman ang tadhana dahil ang crush ko noon ay ngayon ginagawa na akong kuya. Feeling ko responsibilidad ko siya. Wala na sila ng boyfriend niya na Italiano dahil nakipaghiwalay siya. Kahit nagsusungit minsan ang babaeng ito ay hindi ko tinatanggi na masaya ang mommy ko at hindi na tulad dati na malungkot dahil naaalala niya pa ang kapatid ko na babae. Kaya hanggang pang-aasar na lang ang kaya kung gawin sa kanya na may gusto pa ako sa kanya, kahit wala na yung nararamdaman ko na crush o gusto ko pa rin siya dahil alam ko na mahal niya pa rin ng dati niya na kasintahan. Nagfocus ako sa pag-aaral ng marketing para pag-aralan ang tungkol sa business namin pero hindi pa ako nakuntento at nag-aral ako ng architect. Hanggang nakapagtapos na ako sa pag-aaral. Minsan nagyayaya na magbar ang mga barkada at sasama lang ako kapag hindi hectic ang schedule ko. Lalo at nakadestino ako ngayon sa Cebu dahil nagkaproblema sa isa sa mga marketing namin sa isang mall dito sa Talisay Cebu. Ako ang inatasan ng mga magulang ko na tutukan ko ang negosyo namin dito na mall at the same time nakakakuha na rin ako ng mga new clients for my next projects na bahay. Kaya hindi na rin masama. "Kukuha ako ng ibang secretary anak, yung maasahan, napag-usapan na namin ito ng dad mo!" paalam ni mommy. "Kahit wag na po mommy, " sabi ko pero umangal lang si mommy at talagang gagawin kaya ang gusto niya. Buntis kasi yung dating secretary ko kaya ako ang natatakot at baka mapapanganak siya na wala sa oras dito sa opisina ko. "Mabuti at narito ka, akala ko ba bubugbugin mo ang sarili mo sa pagtatrabaho?" ani ni Cleo. Classmates ko sa college at nakikihalubilo rin dito ngayon sa bar. Nakarating sa Cebu ang ibang barkada ko, lalo itong si Junard at Singko na may pinapagawang projects sa kin na bahay. Para daw maka discount ng malaki ang mga gago kaya sa akin sila lumapit. Tsked. Marami pa kaming pinag-usapan pero dahil kwentong barbero na itong si Singko dahil sa kalasingan kaya tumayo ako dala ang can ng beer at lumabas ng VIP room. Dumungaw ako sa baba para matingnan ang mga dagat ng tao na nagsasayawan o di kaya umiinom kagaya ko. Pero nahagip ng tingin ko ang isang babae na gumigiling sa pagsasayaw. Of course I know her kahit nasa malayo. Nagtagis agad ang paningin ko ng makita siyang may humawak sa kanya na lalaki, mabuti na lang at agad siyang umiwas. At ng magtama ang mga mata namin. I knew it. Masisira na naman ang mundo ko dahil sa ilang taon na hindi ko siya nakita ay nandito lang pala sa Cebu. "Michaella Gomeza!"

 

 

Epilogue 2

IGNACIO JOHN BALTIMOORE POV

 Sa daming tao sa mundo na pwedeng gawing secretary ay ex ko pa talaga, mapaglaro nga naman ang tadhana. "Really? Meant to be kayo kung ganun Ignacio, ayeehh" pang-aasar ni Shemaia sa akin habang sinusundot ng daliri niya ang gilid ng bewang ko. Kaya matalim ang ipinukol ko na tingin sa kanya pero ang isang 'to, hinampas lang ako. Ang hilig nitong manghampas. Binisita ko ang fake ko na kapatid na ito sa Manila dahil sa ilang araw ng walang paramdam at ang sabi nagbabakasyon lang. Bakasyon my ass, tapos maya-maya ako na naman kukulitin ni mommy na hindi ko na pinuntahan at binisita itong kapatid ko raw. "Sa tingin ko kayo talaga ang itinadhana na dalawa kapatid kaya ihanda mo na at ilabas ang mga kayamanan mo sa isang magarbong kasalan. Okay!" umirap ako at nakita niya yun kaya panay tawa ni Shemaia. Kung ito ang inaasar, ang lakas ng toyo. "Sorry boss!" Hingi niya ng tawad pero bakit ako naiinis sa tinawag niya sa akin. Why Gomeza? "Next time, do your job properly. Nauubos ang oras ko sa biyahe." sabi ko dahil ibang meeting place ang sinabi niya sa akin kanina, yun pala nasa southbound hindi papuntang north. Okay lang sana kasama ko siya kahit hindi na ako dadalo sa business meeting na yan at naglilibot na lang kami sa buong Talisay Cebu. Pabor yun sa akin. Really Ignacio? Wala na ngang kayo. Fuck this heart! "May alam ako… may alam ako… " hindi ko alam kung ano ang drama nitong si mommy. Kanina pa siya nasisiyahan simula ng dumating ako sa bahay. May condominium naman akong tinutulugan pero napapunta ako ngayon dito dahil inaanyayahan ako ni mommy na mag dinner. "Kanina pa po kayo sa kakanta niyang may alam ako. Sino ba ang singer na yan at yan lang ang alam mo na lyrics mom?" Shit! Nakatikim pa ako ng isang batok sa ina ko. "Ikaw talaga na bata ka, pilosopo mo. Wala ka kasing alam kaya manahimik kang sperm cell ka! " see. Saan na kaya napunta ang espiritu ni mommy at parang hindi na siya ito. Nahawaan na yata ito ni Shemaia na moody. Pagkarating ko sa office ay naabutan ko na wala si Mrs Gomeza pero sabi ng guard na nasa loob na daw ng building hanggang nalaman ko na nakipagkita pala si mommy sa kanya. Hindi ko na inalam kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa, I know for sure it's all about her salary and works. Tapos ito ako, nagseselos agad-agad sa ka officemate niya. Hindi niya itinanggi na may anak na siya, so meron na nga. Sino kaya ang naging asawa niya? Yung schoolmate namin na nakahalikan niya o si Jackson na kaibigan niya? Bakit hinahayaan lang siya ng kanyang asawa na pumunta si Mica sa mga bar para magliwaliw. Kung ako niyan ay talagang igagapos na lang kita sa kama at oras-oras ko siyang pasayahin kaysa pumunta sa ganyang mga lugar. tsk. Wala na kami pero bakit nagagalit pa rin ako kapag nakikita siya na iba ang kasama? Pero hindi ko alam kung bakit ang saya-saya ko na marinig ko isang gabi, mismo sa bunganga niya na single mom siya. Heck that kung single mom siya, wala akong pakialam at tatanggapin ko pa rin siya na buo. I took her again and again and again. Alam ko na namimiss namin ang isa't-isa. Ilang beses na may nangyari sa amin pero paggising ko ay bigla na lang akong napamura na wala na siya sa kama at kahit saang sulok sulukan man dito sa condo ko ay wala talaga siya. Tanging underwear na black niya lang ang naiwan sa gilid ng sofa. So umalis siya na walang underwear? Shit Mica! Makulimlim na naman ang panahon, umulan na na ilang araw at ngayon, nautusan na naman ako ni mommy na pumunta sa school na kung saan nagdo donate ang pamilya ko. Pwede naman niya na utusan ang tauhan niya para ibigay ang cheque pero laging ako ang gustong pumunta at kahit ano ang sinabi ni mommy ay sinunod ko naman. Mabuti at hindi naman malayo ang lugar na puntahan ko. "Maraming salamat iho. Pakisabi sa nanay mo na maraming salamat sa lahat ng tulong na ibinigay niya sa paaralang ito." Tumango ako at ngumiti sa principal. Wala na akong gagawin kaya nagpaalam na ako sa kanya. Habang naglalakad sa pasilyo ng paaralan ay may nakita ako na guro na nataranta. "Tulong!" Nilapitan ko ito dahil wala namang pumunta para tulungan siya. "What happened?" Tanong ko. Pagkasabi niya na may lagnat ang isa sa mga estudyante niya ay agad akong pumunta pero ganun na lang ang pagkakunot ng noo ko na mapatanto kung sino ang bata na nakikita ko. No way. "What is his last name?" "Gomeza po sir." "His mother's name? " "Uhmm, ano po Michaella Gomeza po!" Fuck! This is my son. I knew it. His nose, his eyes. He's my born copy. Why do you do this to me Mica, why? Dali-dali ko siyang dinala sa hospital, naawa ako sa kalagayan ng anak ko. Nanginginig ako na buhat-buhat siya. Dinala ko siya sa malapit na private hospital. Hanggang nalaman ko na ang lahat na anak ko talaga si Saul. My son, Louis Saul. Hindi ko alam kung paano ko nabuntis si Mica. I used protection everytime we made loved and then malalaman ko na lang na may anak kaming dalawa at inilihim niya ito sa akin. Kahit itanong ko sa kanya kung paano nangyari ay nauuwi lang ito sa away. Ayokong naman na pilitin ko siya na sagutin ako kaya umaasa pa rin ako na sabihin niya sa akin ang totoo. Alam ko na, simula na may nangyari sa amin sa condo ay wala akong ginamit ni isang panlaban para hindi siya mabuntis. Kung hindi siya umiinom ng gamot ayon sa sinabi ng ibang kaibigan ko ay for sure mabubuntis ko siya at tama nga ang hula ko nung dinala ko siya sa doctor and fuck how happy I am knowing na magiging isang ama na ako, knowing na matagal ko ng pinangarap sa isang babae lamang at walang iba kundi si Mica and God answered my prayer. She came back to me. "Please ilang days lang naman tayo sa Maynila at tingnan mo lang yung next projects na ipapatayo natin na building and malls." pangungulit ni Eula. May ginawa siyang masama kay Mica dati pero dahil may connection ang mga business ng pamilya namin kaya hanggang ngayon pinapansin ko pa rin siya. Pero hindi ko pa rin siya napapatawad. Kung mag kasama man kami ay akala ng iba na may something kaming dalawa kahit ang totoo niyan ay wala naman talaga kaya hinayaan ko na lang, dahil alam ko sa sarili ko na wala talaga. May mag-ina na ako at kung may gusto man akong pakasalan ay si Mica yun at ang magiging anak namin at si Saul ang magkasama. Walang ibang makikihati. Pagkarating ng Maynila ay pinuntahan ko agad ang last projects na gustong ipatayo ni Eula. Pero may nakalap ako na balita na pure illegal business ang itatayo niya dito at hindi normal na business. Kaya I declined the offer. She was upset of course and I explained it to her about my opinion and she said she understood. I hope so. Inaasikaso ko na ang mga dadalhin ko sa pag-uwi dahil namimiss ko na ang mag-iina ko, but Eula invited me sa isang party. Bilang kakilala ng pamilya niya kaya pumunta ako. Everything was fine until when I drank my last wine and I felt something unusual. Something weird about my body. At that moment I knew, someone put something into my drink. Nahilo ako at bumagsak sa sahig. Nagising ako sa madilim na kwarto. What happened? Bakit hubo't-hubad ako? Dali-dali akong bumangon at nagbihis, kinapa ko ang cellphone ko pero wala na. Shit? Anong nangyari? Alam ko na kagagawan ito ni Eula because I saw her na natutuwa sa nangyari sa akin a while ago na hilong-hilo. Kailangan kong makatakas dito at baka ano pa ang gagawin n'ya sa pamilya ko. Hindi naman ako nakatali and I thank God about that. May narinig ako na pinihit ang siradora kaya agad akong nagtago sa likod ng pintuan and the moment na may pumasok ay agad ko siyang sinuntok at timing na out of balance at hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya siya nawalan ng malay. Kinuha ko ang baril sa kanya. Ano itong pinadalhan niya sa akin? Hotel? Or what? Wala na akong pakialam ang tanging iniisip ko na lang na makaligtas ako dito at makauwi sa mga mahal ko. Tama ang investigator ko na may ginagawang hindi maganda si Eula. May plano siya na pabagsakin ang negosyo namin. Nagmamadali agad akong umuwi sa bahay namin sa Maynila. Pagkarating sa bahay ay wala na akong oras kung ano man ang sasabihin ng mga tao doon. Kinuha ko ang isang cellphone ko sa kwarto at may nakita ako na tawag. Mas lalong napasabunot na lang ako sa buhok ko sa mga nababasa ko na may nangyaring masama sa mga magulang ko sa ibang bansa, ayon sa mga bodyguard na nagbabantay na may humarang sa mga magulang ko na black na sasakyan at pinaulanan sila ng putok ng baril. Naging alerto naman ang bodyguard ko at agad nilang nahuli ang mga salarin. May tama ng bala sa balikat si daddy na para sana kay mommy pero hinarang ni dad ang katawan niya kaya siya ang tinamaan. Gusto ko sana silang puntahan na may natanggap naman ako na text galing kay Keville na kinidnap ang anak ko at nasa ospital ang ate niya. Bigla akong nanghina. Kaya habang nasa private chopper na pinahiram sa akin ng kaibigan para makabalik agad sa Cebu ay nakausap ko si mommy at naiintindihan niya ako, mas kailangan din ako ngayon ng anak at asawa ko. Nagpadala na rin ako ng mga tauhan para masiguro na ligtas ang mga magulang ko, dahil baka sa mga oras na ito ay hinahanap din sila ng ibang may galit kay daddy dahil sa negosyo. Pero sa ngayon, uunahin ko muna ang malapit lang dito sa Maynila. Lalo na si Saul, kailangan kong mailigtas ang anak ko, hindi ko yata kaya na mawala siya sa amin lalo at ngayon lang kami nagkita. Si Mica, kumusta na kaya siya? Hindi niya nasagot ang tawag ko, marahil lowbat o nakasilent kaya hindi niya alam na tumatawag ako o natutulog dahil mahimatay daw ito. "Anong balita?" tanong ko sa kakilala ko na pulis para tumulong sa paghahanap ng anak ko. "May abandonadong sasakyan kaming nakita sir dito sa masukal na lugar. Hindi na madadaanan ng cctv kaya nahihirapan na ma trace kung saan nila dinala ang kinidnap. May nakita kami na bag at confirm po na sa anak niyo po ito basi sa mga nakasulat na pangalan." "Pakibilis-bilisan na lang ang paghahanap, salamat." Iyon lang ang sinabi ko at pinatay ko na ang tawag. Mahirap kasi sa lugar namin dahil halos walang cctv kaya wala silang makita agad na ebidensya. Ang tanga ko kasi hindi ko man lang na bigyan ng bodyguard ang anak ko at si Mica, sobrang kampante ko na walang gagawa sa kanila ng ganito. Meron sa mga magulang ko na nagbabantay sa kanila without their knowledge dahil minsan na din silang nakatanggap ng death threat dahil sa may inggit sa negosyo ng pamilya ko at kumuha narin talaga ako ng bodyguard para sa kanila simula noong naaksidente si mommy sa banyo, pero hindi nila alam dahil alam ko na hindi sila papayag na may nakabantay sa kanila. Kaya bantay-sarado ang mga bodyguard ko sa kanila sa malayo.   Pagkarating sa ospital ay agad akong pumunta kung nasaan ang kwarto ng mahal ko. Wala na akong pakialam sa itsura ko, gusto ko lang talagang makita ang mahal ko lalo ngayon na buntis siya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanila lalo na kay Saul na nasa kamay ng mga armado, kung may gagawin man sila sa anak ko ay hinding-hindi ko sila mapapatawad. Papatayin at papatayin ko sila ng paulit-ulit. Pero hindi ko inaasahan ang lahat sa pagpasok ko sa loob, wala akong pakialam kung nakatikim man ako ng suntok galing sa ama ni Mica ang hindi ko lang matanggap ay galit na nakikita ko sa mga mata ng mahal ko. "Please! Ibalik niyo lang sa akin ang anak ko, hindi ko kayo guguluhin ni Eula, pangako. Ibalik niyo lang talaga siya sa akin, Ignacio please ang baby ko!" Pagmamakaawa niya. Hindi ko alam kong ano ang pinagsasabi ng mahal ko. Ang masakit sa lahat ay kaya niya akong ipamigay sa iba. Ayaw niya na sa akin at ako ang sinisisi niya sa nangyari sa anak namin. Ako rin ang sinisisi ng mahal ko kung bakit niya itinago si Saul sa akin ilang taon na ang nakaraan, na hindi niya ipinaalam sa akin. Wala akong kaalam-alam kung ano man ang nangyari dati after graduation, pero lahat ng ito isa lang ang sigurado, si Eula ang may gawa. Siya lang ang may pakana at pati ang pamilya ko at ang anak ko ay dinamay niya pa. Nahihibang na ba siya? Bakit nagawa niya ito sa pamilya ko at sa pamilya ni Mica? Sino ka ba talaga Eula Solano? Hinding-hindi talaga kita mapapatawad, ang dami mong kasinungalingan na ginawa at higit sa lahat sa anak ko. Sisingsisi ako na binigyan ko siya ng pagkakataon na sumama ang anak ko sa kanya dahil naman pala may gagawin siyang hindi maganda at gusto lang kunin ang loob ng anak ko. Lahat naka plano at pati mga magulang ko ay dinamay niya. "Umalis ka sa paningin ko. Ayaw kitang makita kahit kailan." may diin na sabi ni Mica. Hindi… hindi ito gagawin ng mahal ko.. pero pinagtabuyan na ako ng mahal ko. Sobrang sakit na marinig ko ang mga kataga na galing mismo sa kanya. Nilapitan ako ni mama, "umalis ka muna kahit diyan ka lang sa labas maghintay, buntis ang kasintahan mo kaya intindihin mo muna. Ilang beses na siyang dinudugo at baka maulit at hindi na kumakapit ang anak niyo kaya pagbigyan mo muna sa ngayon." mahinang sabi ni mama. Tumango ako dahil sa sinabi niya, kahit gusto ko lang samahan si Mica. Binalingan ko siya at baka sakali na pigilan niya akong lumabas pero hindi nangyari at nakatuon lang ang mga mata niya sa cellphone. Pagkalabas ko ng room ay agad kung tinawagan ang mga kakilala ko para matulungan nila ako. "Tinawagan ko na si Jaymark at sa palagay ko gumagawa na sila ng action. Hintayin mo na lang ang go signal nila, pare." sambit ni Devi Valentino pagkalabas niya ng room kung nasaan naroon ang asawa niya at kausap ang mahal ko. "Thanks bud!" "No problem, noong panahon na nagkaproblema din ako dahil sa nangyari sa asawa ko. Nandiyan ka parati sa tabi niya kaya thank you and anytime pwede mo rin akong tawagan kapag may kailangan ka." Tumango ako. "Yeah," ani ko. May tumawag sa phone ko at si Jaymark ito. Pumunta muna ako kay papa sa presinto at kinausap ko siya na gagawin ko ang lahat para maligtas lang ang anak namin ni Mica. Alam ko na may pagdududa sila sa akin dahil akala nila na kasabwat ko si Eula. Tumawag ako kay mama at ok naman ang mahal ko, nakatulog nga raw ngayon. "Papa, ihahatid ko muna kayo sa hospital." Tumango lang siya at hindi nagsalita. Nagtext na si Jaymark na alam na nila ang building na pinagtataguan ng anak ko. I tried to call Eula's phone kanina pero out of coverage na. That bitch. Pagkarating namin sa hospital at malapit na kami sa pinto na agad bumukas ito at lumabas si mama na panay iyak. "Bakit ma?" tanong ni papa. "Roger! Ang anak natin, si Mica. Nawawala. Wala na siya sa higaan niya at may iniwan lang siya na maliit na sulat kamay niya. Ililigtas niya si Sa– Roger? Ignacio tulong." " Papa, ano pong nangyari sa inyo?" tanong ko sa papa ni Mica. Pero hindi na siya nakakapagsalita. Agad akong tumawag ng doctor. Inatake si papa sa puso kaya panay naman iyak ni mama, papunta na ang kakambal at ibang kaibigan ni Mica para bantayan sila, nadagdag na rin ako ng tauhan at baka may bigla na lang na pumunta sa hospital at sila naman ang sasaktan. "Wag kang padalos-dalos pare, isipin mo na tatlong tao ang nakataya dito. Balita ko marami ang mga tauhan ngayon ni Eula sa building na ito at balita ko pa na may explosive device raw na pinakalat sa buong building, kaya kung ayaw mo na may mangyari sa kanila, dapat nasa tamang pagpaplano tayo. "paliwanag ni Jaymark. Tumango ako dahil naiintindihan ko naman ang sinasabi niya. Nasa kotse niya ako papunta sa building kung saan nila dinala si Mica. May nakakita sa cctv na sumakay si Mica sa isang sasakyan. What are you planning to do babe? Sana hinintay mo muna ako. Sa likod kami dumaan pagkarating sa building, naglakad kami para walang makapansin sa amin at ang sasakyan ay iniwan namin sa malayo at ang ibang mga kasamahan naman ay nasa kanila-kanilang posisyon na at paparating pa lang ang iba. Everytime na may nakikita kami na kaaway ay pinapatahimik ni Jaymark, he knows combat fight while I'm just a follower. May alam ako sa pakikipag-away at paghawak ng baril pero hindi sapat ang kakayahan ko para gawin ang bagay na hindi ko pinangarap na gawin. Pagkarating namin sa pangalawang palapag ay pinaulanan niya na ang mga tauhan ni Eula na nagbabantay na naroon gamit ang silencer. Hindi nila inaasahan na naroon kami. "Puntahan mo ang mag-iina mo, ako na ang bahala sa labas at marami pa sila sa kabilang kwarto o sa ibang sulok ng gusali. Wag kayong gumawa ng ingay at baka makatunog ang target natin! Parating na ang mga kasamahan ko, kung may pagkakataon na umalis kayo ay gawin niyo na!" Utos niya. Nagbantay siya sa labas at nagpalinga-linga at baka may kaaway na umakyat. Nasa isang kwarto o office sila nilagay, agad kong binuksan ang pinto at dahan-dahan na pumasok habang may hawak na baril. Sa pagkakita ko pa lang sa mag-iina ko, nadudurog ako na makita ang kalagayan nila kaya kailangan ko silang mailigtas. Pero bago pa kami makalabas ay pumasok si Eula at ang mga tauhan niya. Where's Jay? Marami siyang sinasabi at binibilog niya ang asawa ko para maniwala sa kanya. Please babe! Paniwalaan mo ako. Walang kami. Ikaw lang ang laman ng puso ko at aangkin sa katawan ko. Walang nangyari sa amin. Please babe. Nakita kong kinalabit ni Eula ang baril kaya agad akong pumagitna at mabuti na lang na braso ko lang ang natamaan at parang daplis lang. Hindi nakapasok ang bala sa katawan. Kaya pa. Thanks God. Hanggang nakarinig na kami ng putukan sa labas at maya-maya nakita namin si Eula na nakahandusay na sa sahig. Dali-dali kong inilabas ang mag-iina ko at tinuro ng kaibigan na sa basement ang daan namin. Sa pag-aakala na safe na kami ay hindi pa pala dahil nasundan kami ni Eula na akala ko natamaan na kanina. Dahil may hawak ako na baril ay binaril ko si Eula bago pa niya mabaril sa mga mahal ko ang hawak niya. Isang kalabit lang ng baril pero may narinig akong sunod-sunod na putok at ganun na lang ang gulat ko na nakahandusay na si Eula at wala ng buhay. Tumayo agad ako at tinulungan sina Mica at Eula pero shit dahil may naapakan ako. Alam ko itong device na ito dahil nakikita ko ito sa movies. Kapag inangat ko ang paa ko ay madadamay pa ang mga mahal ko. Hindi ko kaya. Hindi ko pinaalam sa kanila dahil alam kong hindi nila ako iiwan. Mabuti at napilit ko. "Babalikan kita!" bulong ni Mica. Gusto kong umiyak sa harapan niya at sabihin na wala na siyang babalikan. "I love you!" tanging sagot ko. Marami akong sinabi sa kanya how amazing and wonderful she is and everything pero paulit-ulit din ang katagang binitawan niya na babalikan niya ako. If given a chance… I cried… Kapag pagbibigyan lang ulit ako ng tadhana. I won't run… We won't hide anymore about our feelings… We will never escape, instead I will fight for our love babe. If God allows me to be with you once again. I will always choose you. "Michaella Gomeza!" May tumawag sa akin. But then… May narinig ako na pagsabog. I smiled. "This is the end, huh!"

 

Special

chapter

Michaella Gomeza POV: Nakatingin ako sa notebook ko nung highschool na nawala ito sa akin. Panay ang hanap ko nito kasi nandito ang mga drawings ko lalo na sa mga alaala ko kay Ignacio. Naisipan ko kasi magligpit at baguhin ang ayos ng kwarto niya dito sa bahay ng mga magulang niya. Habang naglilinis ay nakita ko ito sa cabinet niya. Familiar sa akin kaya pinakialaman ko na. Sabi ni mommy nakita daw ito ni Ignacio sa sahig ng paaralan kaya pinulot niya at nakalimutan na ibalik sa may-ari at ako yon. Panay iyak ko dahil sa mga nababasa at nakikita ko sa loob nito noong nahanap ko. Narinig kong bumukas ang pinto. "Iha! Ready kana? Nakahanda na ang sasakyan na dadalhin niyo ng mga anak mo papuntang cemetery. Yung anak mong si Saul excited ba namang pumunta, hay naku inuubos na niya ang mga pananim ko na bulaklak sa garden dahil panay pitas niya kahit pwede namang isang steam lang, gusto pa talaga kumpol-kumpol na bulaklak." natatawa ako dahil sa sinusumbong ni mommy habang nagpapadyak ng kanyang paa. "Okay mommy, pagsabihan ko po," ani ko. "Thank God! Oh tinitingnan mo na naman yan!" Tukoy ni mom sa notebook na hawak ko. Tinanguan ko siya. "Alaala po namin ito ni Ignacio mommy, halos natapos ko na rin po I drawing yung hindi ko po natapos na mukha niya!" Sambit ko. "Naiiyak ka ba habang dinadrawing mo siya? Kasi ito pa ang chismis my dear. Panay iyak ng baby boy ko nung ginuguhit ka niya, yan yung kasagsagan na broken hearted siya ha." Dagdag pa ni mommy kaya natawa ako dahil hindi ko maimagine na umiiyak si Ignacio habang tinatapos niya itong mukha ko habang ginuguhit o di kaya tumutulo na ang sipon niya. Naiiyak ako kasi yung mga picture na nandoon siya ay ginuguhit niya ang mukha ko. Hindi ko alam na may alam pala siya sa pagdadrawing. Akala ko hanggang basketball at modelling lang ang kaya niya pero may ganito rin pala siya na talent. Hindi niya rin pinalampas ang mga tigyawat ko dahil naka drawing din, ang iba detelyado pa nga kung saan sa mukha ko nakalagay ang mga friends ko dati. Sabi ni mommy magandang gawing exhibit yun dahil nakaguhit mismo gamit ang lapis at yung gamit naman ni Ignacio ay ballpen na blue at hindi ito kuha galing mismo sa camera kaya nginitian ko na lang si mommy dahil sa naiisip niya. Kaya pala architect ang isa sa kinuha ni Ignacio na kurso. "Kung nasaan man ang anak ko ngayon, alam kong masaya yun kaya dapat Ikaw... wag ka ng malungkot. Smile." saad ni mommy. Pagkatapos kong ligpitin ang mga gamit ay nagbihis na ako ng bagong damit paglabas ni mommy sa kwarto. Simpleng light blue shirt dress ang suot ko dahil pupunta muna kami ng mga bata sa opisina bago sa cemetery. Pagkalabas ko ng kwarto ay naabutan ko sa sala ang mga anak ko na nanonood na lang ng tv sa kakahintay sa akin. "Yeheey! Mommy is here! Hi mom-my!" ngiting bati ng anak kong si Astraea Joy. "Ready?" "Ready!" Masayang sabi ng anak ko na two years old pa lang. Samantalang ang kanyang kuya ay hindi na maipinta ang mukha. Naiinip na sa kahihintay sa amin. Umiling na lang ako dahil hindi pa nga lumalaki itong anak ko na panganay ay magkaugali pa yata sila ng kanyang ama na malamig pa sa yelo. Namimiss ko na si Ignacio… sobra. Pagkarating ng opisina ay kanya-kanyang baba naman ng mga anak ko at tinulungan kami ni manong Leo na driver namin na ibaba ang ibang gamit ng mga bata at iniwan namin sa sasakyan ang bulaklak para dalhin sa puntod mamayang hapon. "Good morning ma'am Baltimoore!" "Good morning madam!" Nginitian ko ang mga empleyado at binati sila, kumaway lang ang mga anak ko sa kanila. Next Page "Be careful Joy! Wag nagmamadali. Hintayin si mommy o di kaya si kuya, " paalala ko sa anak ko na makulit. Marunong na siyang maglakad kaya kailangan na talagang bantayan ng maigi. May kasambahay naman kami na kasama sa bahay pero sa pagbabantay at pag-aalaga sa mga anak ko ay talagang hands-on ako at kung maari ay ako talaga ang kumikilos para sa kanila, pero kapag hindi na talaga kaya ay saka pa ako hihingi ng tulong sa mga kasamahan ko. Pagkabukas ng elevator ay agad na kaming lumabas. Nasa tapat na kami ng pintuan ay si Saul na ang nagbukas at anak ko naman na si Astraea Joy ay bumitaw na sa mga kamay ko para tumakbo sa loob. "Daddy!" Napangiti ako dahil sa lakas na tili ng anak ko na babae papunta sa kanyang ama. Nakapasok na si Saul para magbless sa kanyang daddy at ako naman ay nasa hamba pa ng pintuan at nakasandal ang likod ko habang pinagmasdan ang mga mahal ko lalo na si Astraea na pinugpog na ng maraming halik ang kanyang ama. "I miss you po daddy!" sabi ng anak ko. "Me too, anak!" sagot naman ni Ignacio at nagpababa na muna si Astraea sa pagkarga sa kanya. Nakapamewang ito na lumapit sa akin at habang nasa harapan ko na siya ay tiningala ko na siya dahil matangkad siya sa akin. Ngumisi siya. "Akala ko ba next month pa ang dating mo ng Cebu?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti. Galing kasi siya sa Maynila at tinapos lang ang projects na pinangako niya sa isang kaibigan doon. "Nahh, one day pa nga lang na magkalayo tayo namimiss ko na kayo. What more pa kaya kung one week, month or year pa yan? Mababaliw ako Mrs Michaella Gomeza Baltimoore." Aniya at agad akong hinagkan sa noo at mga labi. Nanonood ng tv ang anak namin na babae at nagbabasa naman ng libro si Saul. Mas lalo akong natawa dahil sa sinabi nya. Isa sa mga bagay na pinag pasalamatan ko sa Panginoon ay yung time na niligtas niya sa kapahamakan ang asawa ko sa pagsabog. May explosive device siyang naapakan kaya 50/50 na mailigtas niya ang sarili niya, kaya pala inuna niya kaming lumabas ng building na yun dahil alam na niya na may masamang mangyari. May tumulong sa kanya na pangalan ay Choco. It turns out na yun pala ang kaibigan na tinutukoy ni Saul. Habang sumasabog na sa ibang parte ng building ay pinatakbo siya ng batang lalaki. Bata pa kasi, nasa 15 years old pa lang siya na sumali na siya sa mga ganung gawain para lang matustusan at matulungan ang kanyang kapatid na babae. Walang ibang mahanap na trabaho o mag-aaruga sa kanila kaya para kay Choco, sa kanya mas madali siyang makahanap ng pera sa illegal na paraan kaysa legal na trabaho lalo at ulila na sa ama at ina. Nalaman ko yan noong kinekwento ni Saul sa amin at yun din ang tumulong pala kay Ignacio. Habang tumatakbo si Ignacio palabas ng building para iligtas ang kanyang sarili ay akala niya na sumunod ang bata sa kanya pero hinarang pala ng binata ang kanyang katawan para siya ang mapuruhan sa pagsabog, hindi alam o walang idea si Ignacio na ganun pala ang gagawin ni Choco na handa siyang magsakripisyo kahit hindi niya kakilala at dahil naramdaman niya na may nagmamahal sa kanya kaya bilang ganti ay nagbuwis siya ng buhay. Kung alam lang ni Ignacio ay hindi niya gagawin ang sinabi ng binata pero huli na ang lahat. Namatay siya bilang bayani at hindi kaaway o armado. Kaya ginawaran namin siya ng award at inilagay sa magandang libingan. Natamo si Ignacio ng mga mild na sugat at ngayon ay unti-unti na itong gumagaling pero my ibang peklat pa rin akong nakikita. Hanggang ngayon nasa amin pa rin ang litrato ng kapatid niya na ngayon kinuha ni Saul dahil siya daw ang magtatago ng larawan, pinaghahanap pa rin namin matagal na pero hanggang ngayon wala pa kaming balita para malaman niya na wala na ang kanyang kuya at kung papayag ay pwede namin siyang kupkupin. Itong asawa ko naman imbis na sa bahay na dumiretso ay dito na lang siya naghintay sa amin sa opisina niya dahil nga pupunta na rin kami sa cemetery para dalawin ang puntod ni Choco at ni Eula at kakain na rin sa labas. Hindi man maganda ang ginawa ni Eula sa pamilya ko ay nagawa ko parin siyang patawarin dahil wala man ako sa kalagayan niya pero alam ko na hindi niya ginusto ang napili niya na landas na maging masama. Instrumento lang siya ng impluwensya ng ibang tao at ang masakit lang ay ang mismong ina pa niya ang may pasimuno. Nasa Negros kami ngayon dahil bukas ay ikakasal kami ulit na dalawa. Taon-taon yata kaming laging kinakasal. Ito kasi ang tanging bagay na panata na ng mga magbabarkada na magpapakasal taon-taon kapag nakapangasawa na dahil isa ito sa pangarap ng isa sa kanilang kaibigan na namayapa na. Bilang respeto at maalala pa rin nila ang dating kaibigan kaya lagi nila itong ginagawa. Nakakatuwa nga dahil tinatawag nila itong kasalang-bayan na usong-uso sa probinsya. Ginagaya nila kahit mga may pera naman para gumastos ng malaki sa araw ng kasal pero gusto nila simple lang at pabor naman kaming mga kaibigan diyan na babae. Tinulugan ako ng mahal ko pagkatapos ng round 3 namin ah, wala ang mga bata at hindi namin kasama dahil nag sleepover sa bahay ng lola nila sa Cebu kasama ang Ibang mga bata ng kaibigan namin. Nasa bahay kami dito sa Negros naka stay at ang oras ng kasal naman namin bukas ay hapon pa ng three o'clock. Sa Maynila naman ang napili ng mga barkada noong isang taon para ikasal. Di ba ang bongga nilang magplano. Nakakatawa na ewan. Next year sa ibang bansa naman daw magpakasal. Inilagay ko ang daliri ko sa pisngi ng mahal ko, hindi siya gumalaw kaya ipinagpatuloy ko ang pagtrace ng mga hintuturo ko sa kanyang katawan. Hubo't-hubad parin kaming dalawa at tanging kumot lang ang nakaharang sa katawan namin. Nakatagilid akong nakahiga habang tinitingnan ang asawa ko. Napunta ang daliri ko sa matangos niya na ilong, mapupulang labi at pababa papunta sa kanyang leeg at pababa at bago ba umabot sa kanyang puson ang daliri ko ay may umagaw na sa mga kamay ko. Nagulat ako ng makitang gising na si Ignacio at nakangiting nakatingin sa akin. "Babe, gisingin mo ako kung gusto mo pa ng isang round. Baka mamaya niyan at malalaman ko na lang na buntis ka na naman na hindi ko alam." Tinampal ko siya sa kanyang tiyan ng mahina at pinasok ang ulo ko sa kumot para magtago kaya umalingawngaw ang tawa niya sa kwarto niya na soundproof naman.   Agad niyang hinatak ang kumot kaya lumabas lang ang ulo ko dahil hinawakan ko ng maigi ang kumot para hindi niya tuluyang maagaw sa akin. "Hindi ah, pinagsasabi nito." ani ko. "Aha, are you sure? Ipaalala ko lang babe na sobrang lasing ako sa mga oras na iyon na may ginawa ka sa katawan ko kaya hindi ko talaga alam na may nabuo tayo, akala ko nag wewet dream lang ako, pero totoo pala yon," Yeah! Birthday kasi yun ng kaibigan namin at marami ang pinainom kay Ignacio na panay naman niya tanggap at dahil hindi na kayang magmaneho kaya kami ang hindi na nakauwi at pinatulog na lang kami sa may guest at ang iba ay kaya pang magmaneho o maglakad kaya nakauwi. Habang pinupunasan ko kasi siya ay hindi ko namamalayan na pinapantasya ko na pala siya habang tulog. Ang hot kasi niyang tingnan sa kama. Kaya ayun nakagawa ako na kahit ako hindi ko alam na kaya ko pala siyang ipasok pero yun nga lang hindi ko alam kung malapit na ba siya o hindi pa, wala sa utak ko ang condom na nabili niya, shit lang. "Ayokong ikaw lang ang nakakaalala kung paano natin binaliw ang isa't-isa, so gusto mo pa ng isa? Dalawa o ilang round pa yan bago tayo ikasal bukas? Hmmm, Game?" sambit niya na mas lalong nagpainit ng mukha ko. Bago ko pa takpan ulit ang mukha ko ng kumot ay hinawi niya na ito at pumaibabaw sa akin. " I love you always and forever babe." Napangiti ako dahil sa wakas hindi ko na kailangan magtago lalo kapag may hindi kami napagkaintindihan, kasi we cannot escape from reality na malalaman at malalaman pa rin ang katotohanan. Natutunan ko na dapat maging open up kayo sa relasyon niyong mag-asawa para hindi na lumaki at lumala pa ang mga bagay na hindi niyo napagkaintindihan. Wala na akong hahanapin pa, mahal ko ang asawa ko hanggang dulo. "Be gentle," bulong ko. "Aha!" "Kasi may number 3 na tayo!" Sambit ko. "Ahh… what?" nalilito niyang tanong. Kumukurap siya na may natanto. Napangiti ako.. "Yeah, be gentle lang kasi baby number three is coming. I love you!" sabi ko at wala ng ginawa ang asawa ko kundi ang mag thank you habang hinahagkan ang mga labi ko at ang maliit ko pa na tiyan. "The best gift ever!" aniya. ——THE END ——

 

Post a Comment

0 Comments

Post a Comment (0)
3/related/default