chapter One
KATATAPOS
LANG MAGHUGAS NI EDITH ng mga platong
pinagkainan nila ng tanghalian nang dumating
si Onyok na anak ng kapitan del barrio. May
dala itong sulat para sa dalaga. “Ipinabibigay
ni Mr. Evangelista,” anang binatilyo na
hanggang tainga ang ngiti. Nahulaan kaagad
niya na may kapalit ang pagiging mensahero ni Onyok para sa bagong may ari ng Villa San Miguel.
“Kailangan ko bang sagutin agad itong sulat, ha, Onyok?” habol na tanong niya nang biglang kumaripas na ng takbo ang binatilyo. “Hindi na daw!” sigaw nito mula sa kawayang tarangkahan nila. Medyo binagalan nito ang takbo. “Pumunta ka na lang daw d’on!” Napasimangot
siya nang marinig iyon. Masyado naman
ang tiwala ng Mr. Evangelista na iyon na pupunta siya sa villa kaagad agad. Nang pumasok siya sa loob ng bahay ay nandoon at naghihintay na ang kanyang ina para
malaman ang nilalaman ng sulat habang
ang nakababata niyang kapatid na si Elsa
ay tulalang nakatuon ang mga mata sa
black and white na telebisyon. “Ano’ng
sinasabi ng sulat?” tanong ni Aling Elvira
na ibinaba ang ginagantsilyo. Maikli
lang ang mensahe ng sulat. “Ako daw po ang
inirekomenda ni Kapitan para maging sekretarya
ni Mr. Evangelista,” tugon niya habang binabasa
ang iba pang nilalaman ng sulat. “Paroroon
ka ba, Anak?” usisa nito na matamang tinitigan
ang anak na panganay. Napatiin ang likod
niya sa dingding sa tabi ng bintana.
“Nasabi na po sa ’kin ni Kapitan Berto na
hindi daw po makapagbubukas ang paaralang pambarangay dahilan sa kinulang ang pondo sa pagpapakumpuni d’on sa parte ng bubong na bumagsak noong nakaraang bagyo.” “Hindi pa rin ba nakukumpuni iyon? Aba’y noon pang Nobyembre ang bagyo, ah?” Napakagat labi si Edith. Naaawa siya sa mga batang mapipilitang huminto ng pag aaral
dahil hindi kakayanin ng mga magulang ng
mga ito na pag aralin sila sa kabayanan. “Hindi siguradong may trabaho ka sa pasukan?” “Opo,” mahinang sagot niya. Natahimik
pansumandali si Aling Elvira at pagkuwa’y
nagsalita. “Bakit hindi mo subukan ang
iniaalok nitong si Mr. Evangelista?” anito.
“Pansamantala lamang naman habang hindi pa nagsisimula
ang klase; malay natin, makapagbukas iyon kahimanawari?” Nang bumagyo noong nakaraang Nobyembre ay dalawang silid lang ang natirang puwedeng pagdausan ng klase ng mga bata. Tatlo silang guro roon. Palibhasa ay si Edith ang
pinakabata at pinakabago kaya siya ang
pansamantalang tinanggal. Hinati sa
dalawa ang kanyang klase at ibinigay sa
dalawang natira pang section. “Titingnan
ko ho mamaya,” tugon niya sa ina. Ang
bayan ng San Josef ay nasa pagitan ng Mamburao
at San Jose—isang islang nakausling parang
kuntil sa baybayin ng Occidental Mindoro
na matagal nang may reputasyon na pugad ng smugglers.
Ang Villa San Miguel ay pag aari dati ng isang mayamang taga San Josef na mas piniling
tumira sa Maynila at ginawang bahay bakasyunan lamang ang villa na nakaluklok sa
pinakamataas na burol doon. Tanaw mula
sa observatory ng villa ang buong sitio
ng Pulong Banal; sa ibaba ng burol ay
nandoon ang isang colony ng mga bahay. Ang
mga pamilyang nakatira roon ay karaniwang
mga tao na ang ikinabubuhay ay pangingisda at ang iba ay mga tauhan ng pamilya Anzures sa koprahan.
Nang magkaedad si Señor Enrico Anzures ay namalagi na ito sa Pulong Banal; ito ang nagpagawa ng mga kalsada roon kung kaya napamahal ang matanda sa mga lokal na residente. Siya ang tinaguriang ‘Don’ ng
Pulong Banal; ang bawat salitang
mamutawi sa bibig nito ay pinakikinggan
at sinusunod. Si Señor Enrico ang nagpaaral kay Edith sa Maynila; marami silang napag aral ng matanda, ngunit siya lang ang kaisa isang bumalik at piniling maglingkod sa kanyang mga kababayan. “Huwag kayong basta basta magbebenta ng lupa,” bilin noon ni Señor Enrico. Ngunit
nagtaka ang mga residente ng Pulong
Banal nang makarating sa kanila ang
balita na ang pinakamamahal na Villa San
Miguel ay ibinenta ni Carmela Anzures—na
siyang nakamana ng bahay at lupa sa
burol—sa isang taga Maynila. Sino ang
Michael Evangelista na ito na lumipat kamakailan
sa villa at balitang gagawing resort iyon? Samu’t sari ang pananaw at pagtanggap ng mga taga Pulong Banal sa pagbabagong magaganap sa kanilang lugar dahil sa pagbubukas ng resort
ni Mr. Evangelista. “Dadayuhin tayo ng mga tao mula sa kung saan saan!” sabi ng iba. Maraming ispekulasyon at mga haka haka ang umimbulog sa mga usapan sa pondahan ni Aling Masang. Kesyo gagawin daw nightclub ang bahay
ni Señor Enrico. “Eh, di. . magkakaroon ng mga babaeng puta
dito sa Pulong Banal!” Nagtawanan ang mga nakarinig. May nakapagsabing retreat house daw ang gagawin sa villa. Mas magaling daw iyon dahil magiging selective ang pupunta roon at hindi
na masyadong babaguhin pa ang
nakagisnang yari ng bahay. Natigil ang pag uuusap na iyon nang humimpil sa tapat ng pondahan ang isang magarang kotse at nagpakilala ang lalaking umibis. “Ako po
si Michael Evangelista,” anang matangkad
na lalaking tiningala ng kalalakihang nag
iinuman sa pondahan. “Pamangkin po ako ng
nakabili sa Villa San Miguel.” Natanong
kaagad ang lalaki tungkol sa kung ano ang
balak niyang gawin sa villa. “Gagawin ko
pong resort; parang hotel na rin po,” tugon
nito sa nagtanong. Nang makaalis ang
taga Maynila ay nagkani kanya na naman
ng sabi sabi ang mga tao sa pondahan. “Naku, kapag dumami na ang nagpupuntang tao dito ay malamang na tutukan na naman ng coast guard itong lugar natin!” anang isa sa kalalakihan. ABALA SI MICHAEL sa pagkukuwenta
ng mga nagastos sa pagpapa renovate ng
villa. Ang dating silid aklatan ang
ginawa niyang opisina dahil naibigan
niya ang disenyo ng silid na iyon; ang
mga wood panel na narra ay malamang na kaiinggitan
ng kahit sinong may taste sa wood carvings.
Tiniyak sa kanya ni Kapitan Berto na tatanggapin
ni Edith Sanchez ang posisyon bilang sekretarya. “Halos dito na sa villa lumaki ang batang
iyon dahil naging housekeeper ni Señor
Enrico ang kanyang ina,” ani Kapitan
Berto. “Kailangan ng batang iyon ang
trabaho dahil mahina na ang katawan
n’ong ina at kailangan pang dalhin buwan
buwan sa Maynila ’yung bunso niyang kapatid.”
Ang inaasahan niyang hitsura ng magiging
sekretarya ay isang typical barrio lass na ayon kay Kapitan Berto ay pinakamaganda sa kanilang lugar. Para kay Michael, ang pinakamaganda sa
ganoong liblib na pook ay typical at pangkaraniwan. Ngunit nang humarap sa kanya si Edith ay binawi niya ang unang ideya ng typical na babaeng taga barrio. Simple ngunit masasabing well dressed ang dalagang pumasok sa bagong opisina. “Have a seat,” anyaya ni Michael sa bagong dating.
Hindi umupo si Edith sa silyang itinuro ng lalaki. “Tatayo na lang ako,” tugon niya sa
napakalamig na tinig. Critical ang mga
mata na pinagmasdan niya ang buong silid
para alamin kung may nagbago. Wala namang masyadong pagbabago roon; tanging ang mesa ng computer ang nadagdag at ilang communication gadgets na nasa isang
panig ng silid kung saan dating nakatayo
ang isang eskaparate ng literature books
na ngayon ay nasa bahay na nila dahil
iyon ang ipinamana sa kanya ni Señor
Enrico. “Hindi ko masyadong binago
itong library,” deklara ni Michael. “I
like it as it is. Pero may mga bagay na
nawawala kung kaya’t parang kulang.” Nakatingin
sila pareho sa lugar na kinalagyan ng eskaparate;
ang medyo light na kulay ng dingding sa
dakong iyon ay indikasyon na may malaking
bagay na dating nakapuwesto roon.
Kaagad na nakadama ng pagkainis si Edith; para bang inaakusahan sila ng lalaki na ninakawan
ang villa nang mamatay si Señor Enrico. “Ang mga bagay na nawawala ay kusang ipina migay ni Señor Enrico,” inis na tugon niya.
“Sa aming mga taga Pulong Banal, anumang
bagay na pag aari ng mga Anzures ay
sagrado.” “Wala akong ibig ipahiwatig na negatibo sa aking sinabi,” depensa nito. “Iniisip ko lang kung
anu ano ang hitsura ng mga kagamitang
iyon na naging malaking kawalan para
dito sa bahay. Tulad na lamang n’ong
isang silid na may kamang antigo pero
wala ang katernong aparador at coffee
table.. . Nauunawaan mo ba ako?” Hindi
niya ito sinagot. Alam niya kung kanino napunta
ang aparador at coffee table—kay Aling Epang
na matagal na naging katulong sa bahay na
iyon. Lihim siyang humanga sa kaalaman ng kaharap sa mga kagamitang hindi naman nagisnan doon pero alam nang may kasamang terno; lahat kasi ng furnitures sa villa ay
talagang ternu terno, tulad ng mga
lamesita at antigong cabinet na nandoon
pa rin sa silid aklatan. “Kung nais mong
malaman kung kani kanino napunta ang mga
gamit na iyon ay alamin mo sa abogado ni
Señor Enrico,” sabi na lang niya. “Nakasaad
lahat ng mga iyon sa testamento ng matanda.” “Hindi mo ba nais na umupo?” tanong muli
nito. “Komportable na akong nakatayo,”
malamig na tugon niya. Great! anito sa sarili. Okay din itong nakuha
kong sekretarya—masunurin! Ilang segundo silang nagtitigan; nagsusumahan ng impresyon sa isa’t isa. Hindi tipikal na
taga barrio ang kaharap ni Michael.
Nasabi na ng lalaki sa sariling well dressed
ang dalaga dahil sa suot nitong pencil cut
na paldang itim na hanggang tuhod ang haba. Puti ang blusa nito ay may mahabang manggas, Chinese collar at mga butones na imitasyong mother of pearl. Mababa ang takong ng sapatos na itim din na angkop sa komportableng paglakad. May kataasang taglay si Edith at
may tindig ito na hindi maluluma sa
isang empleyadang taga Makati. Saan kaya niya nakuha ang gayong tindig?
tanong ni Michael sa sarili. Iyon ay
isang uri ng tindig na may pride; isang
pagmamalaki na makikita sa isang taong
may pinag aralan. Nasa mga mata ng dalaga
ang pagka radical at hindi niya malimi kung
anong seryosong isyu ang ipinaglalaban ng
kaharap. “Ano ang kaya mong
gawin?” tanong ng lalaki na hindi na
nagpumilit na mapaupo si Edith. “Have you
done any secretarial jobs before?” “I
can do correspondence,” prangkang sagot niya.
“But I don’t know what else you require of your secretary.”
Great! nasabi na naman ni Michael sa sarili. She’s the type na hindi mahilig tumanggap ng
dictation! Sinimulan nitong sabihin ang
mga trabahong gagawin ng dalaga: correspondence, bookkeeping, promotions at brochures para maging laganap ang advertising ng resort hanggang sa Maynila. “Ikaw din ang magiging reception clerk dahil
we can’t afford na kumuha pa ng isa,”
paliwanag din nito. “Mas binigyan ko ng
prioridad ang staff sa kusina dahil
magkakaroon tayo ng mga stay in guests.
So, para na ring maliit na hotel ang ating magiging operasyon.” Nakinig lang si Edith. “We’d cater to honeymooners at mga bakasyunistang sawa na sa Baguio at Tagaytay,
at na ang hanap ay complete rest,
privacy, konting recreation, at
siyempre, solitude.” Iyon ang nais namin dito sa Pulong Banal, nasa isip ni Edith, solitude! “O, ano’ng masasabi mo?” tanong nito na sumandal sa upuan at isinampa ang mga paa sa ibabaw ng mesa. Naglabas ito ng lighter at sigarilyo, saka nagsindi. “Do you smoke?” Umiling siya.
“Good,” tatangu tangong saad nito. “I don’t like women to smoke, either.” Eh, bakit mo ako inalok? tanong niya sa isip. “But excuse me, kung hindi mo gusto ang amoy ng usok, ha?” pasantabi nito. “So, magkano
ang nais mong maging sahod?” “Sinabi ko na bang tinatanggap ko ang
trabaho?” “Ah, hindi pa ba?” taas kilay
na tugon nito. “Kung gayon, bakit ka
nandirito? Hindi pa ba sapat iyon para
ipakita mong ika’y interesado o nais mo
lang makita ang mga pagbabago dito sa villa
para madagdagan ang dahilan para kamuhian
mo ako?” Numipis ang mga labi ni Edith.
May punto ito! “I am. . or was a school
teacher,” depensa niya. “I wasn’t
trained to become a secretary.” “Saang
paaralan ka ba nagtapos, Miss Sanchez?” “St.
Paul College, Manila.” “Bakit dito ka sa
liblib na pook na ito nagtuturo?” “Pinag
aral ako ni Señor Enrico para maglingkod
sa mga taga Pulong Banal,” taas noong tugon niya. “Ikaw, Mr. Evangelista, saan ka
nagtapos?” “Ateneo de Manila.” “Bakit
dito ka lang sa liblib na pook na ito nagtayo
ng resort?” tanong niya. “Bakit hindi na lang sa ibang liblib na lugar?” Nag e enjoy si Michael sa nangyayari sa
interview nito kay Miss Editha Sanchez.
Parang nais nitong humalakhak. “You make
me feel like an illegal alien,”
natatawang sabi nito. “Para tuloy akong Bombay
na nagpa five six dito sa virginal n’yong
lugar. But I like that question. Bakit nga ba?”
chapter Two
TINANGGAP DIN NI EDITH ang trabaho. Marami ang nagtaka, lalo na ang mga kababaryo niya na ayaw sa ideya na may isang resort sa lugar nila. Ngunit wala siyang choice, lalo
pa at ang sahod niya ay rate ng isang
sekretaryang ang pinapasukan ay modest
na empleyo sa Maynila. Mahigit pa sa
doble iyon ng sahod niya bilang guro sa
barangay school! Nag report siya sa
bagong trabaho ng alas ocho en punto. Napangiti si Michael nang makita niya ang
dalaga mula sa bintana ng opisina. Mas
well dressed ito ngayon kaysa noong
isang araw. Kulang na lamang ay mag stockings
ito at magsuot ng high heels. Overdressed na siya kung ganoon, nangingiting sabi ni Michael sa sarili. At ang ganoon kagandang binti ay hindi dapat sinusuotan ng stockings! Lalong napangiti ang lalaki sa
gayong isipin. Para na rin niyang sinabi
na napakaganda ni Edith Sanchez! Totoo naman. Inisip niya sa buong magdamag kung kanino namana ng dalaga ang mukha nitong Española. Nagkaroon tuloy siya ng pagnanais na makita ang mga magulang nito at ang buong pamilya. Napaka elegant ng ilong
nito; ang kurbada ng itaas na labi ay
mala palaso ni Kupido. “Lips that are made for kissing. . ” aniya
nang nakaraang gabi at kaagad namang
iwinaksi mula sa kanyang utak. At ang
mga matang iyon! Mga matang
nalalambungan ng makakapal na pilik mata. Parang nais niyang bumaba, magtungo sa music room ng villa at tumugtog ng paborito niyang komposisyon ni Sergei Rachamaninoff sa piano.
Iyon ang orihinal niyang ambisyon—ang
maging isang sikat at premyadong concert
pianist. “Napakalayo sa posisyon ko
ngayon,” bulong niya habang hinihintay
ang pagbukas ng pinto. Marami siyang
inihandang gawain para sa sekretarya.
Nais niyang malaman kung hanggang saan
ito pupuwede. Mabuti na lamang at proficient
ito sa computer; marunong itong gumawa
ng lay out at print outs na kakailanganin
nila sa promotion ng resort. “WOULD
YOU LIKE TO ASK if I know how to drive?”
cynical na tanong ni Edith nang iatas sa
kanya ang paggawa ng isang advertising
campaign na ilulunsad sa mga peryodiko sa Maynila.
“Yeah, why not?” tugon ni Michael. Fascinated talaga ang lalaki sa mga
labi ni Edith. Lips that are made for
kissing.. . Sayang naman kasi kung
pulos katarayan ang mamumutawi sa bibig
na iyon. “Would you like me to contact a
photographer para makunan ng scenic
spots dito sa paligid? At kung anu ano
na ang amenities na mayroon tayo?”
muling tanong niya. “I’ve already done
that myself,” tugon nito. “Ang gagawin
mo na lamang ay mga specific na detalye para
sa ating brochure. Nai program ko na sa file
ng computer ang mga address ng padadalhan nating mga target na kliyente. Nandoon din
ang kanilang E mail address; mga fax
numbers, etcetera.” Marami na nga itong nagawa para mapagaan ang trabaho niya. Malaking ginhawa rin ang pagkakaroon ng computer sa opisina na ikinatuwa ng dalaga dahil magagamit niya ang napag aralan sa kanyang computer course sa kolehiyo. Ang mga makabagong operasyon na lamang ang kanyang pag aaralan sa pamamagitan
ng tutorial na naka program din doon. At least, hindi ko na kailangang magtanong sa kanya! anang dalaga sa sarili dahil kung
maaari ay ayaw niyang makipag usap sa
amo. Hindi rin niya maikaila sa sarili
na nasisiyahan siya dahil maraming ideya
mula sa kanyang isip ang magagamit sa
promotion ng resort. Noong nag aaral pa
siya ay naging interesado siya sa advertising
dahil marami siyang naging kakilala na
kumukuha noon ng Mass Communications. Para
ngang nais niyang mag iba ng kurso noon.
Ngunit wala siyang naging choice.
Nang sumapit ang tanghalian, nagpaalam siya para umuwi.
“Dito ka na lang mag lunch,” sabi ni Michael. “Hinihintay ako nina Inay
at Elsa,” malamig na tugon ni Edith. “Ayaw mo ba akong makasabay sa pagkain?” Ba’t mo alam? “Hindi sanay sina Inay na hindi
ako kasalo,” tugon na lamang niya na
ayaw papilit. “Okay, kung iyan ang gusto mo,” anito na tumindig upang ipagbukas siya ng pinto. Inihatid siya nito hanggang sa front door ng
villa. “Are you really sure you want to
go home for lunch?” muling tanong nito.
“Araw araw mo bang gagawin iyan mula
ngayon?” “Natatakot ka ba na baka hindi
na ako bumalik mamaya?” balik tanong
niya. “Of course not.” “I’ll be back in an hour,” malamig niyang
paalam bago tumalima
patungo sa malaking
tarangkahang bakal ng villa habang nag iisip kung ano ang magandang pangalan para sa resort.
Sa bandang huli ay Mont St. Michel, Resort of the Saints ang napili niyang pangalan. Ang Mont St. Michel ay isang kastilyo sa
France at ang Resort of the Saints ay
halaw sa pangalan ng kanilang bayan—ang
San Josef; ang barangay nila ay San
Miguel; ang kanilang sitio ay Banal. Mga
santo naman kaya ang dadayo sa resort? cynical
na tanong ng dalaga sa sarili habang nagmamadali
sa pag uwi. FIFTEEN MINUTES NA LAKAD,
fifteen minutes na kain at fifteen
minutes na pakikipagkuwentuhan sa ina. Fifteen minutes
pa ay naroon nang muli si Edith at
kaharap si Michael Evangelista sa
opisina. “Hindi ako kinabahan kahit
sandali na hindi ka na babalik,”
salubong nito. “I like your punctuality.” “Salamat,” mahinang tugon niya at may idinugtong sa isipan. Baka iyon lang ang
iniisip mong civilized sa aking
pagkatao? Si Michael man ay may iniisip.
Napakalaking effort ang maging civilized
sa babaeng ito! “Dumating dito ngayong
tanghali ang apo ni Señor Enrico,”
anunsyo nito. “Kinumusta ka niya.” “Si Joel?”
“Yup!” tugon nito. “Kinumusta ka niya, rather affectionately.” Napataas ang kilay ng dalaga bago naupo sa harap ng mesa ng computer na siya ring secretary’s table. “Si Joel ay para ko na
ring kapatid,” pakli niya “Madalas
siyang bumisita noon sa dormitoryo
namin ng kapatid niyang si Carmela.” Hindi tumugon si Michael. Hinarap na lang
nito ang mga papeles sa mesa at hindi na
kumibo sa loob ng mahigit na kalahating
oras. Hindi rin ito nagpaalam nang
lumabas ng opisina upang tingnan ang mga
natitira pang pagawain sa itaas ng villa
kung saan nandoon pa ang mga tauhan ng
isang interior decorating firm na kinuha
niya mula sa Maynila upang dekorasyunan
ang mga silid. Tapos na ang landscaping sa hardin; tapos na rin ang observatory na nasa dakong likuran ng
villa kung saan mas mataas ang elevation
at puwedeng panoorin ang kalangitan sa
pamamagitan ng isang high powered na
telescope. Nang bumalik ito sa opisina
ay nasa mesa na nito ang mga papales na
ipinagawa kay Edith. Masusi nitong
binasa ang mga iyon, nilagyan ng kaunting corrections at ibinalik sa mesa ng dalaga. “Okay, that’s all for today,” anito. “Bukas
mo na lang ulitin ang mga iyan at
ipadadala ko na lang kay Mang Emong sa
Maynila para makita ni Tio Edgardo at
mapirmahan na rin.” Hindi siya tuminag
sa kinauupuan. “You can go home now,”
utos nito. “Hindi pa tapos ang office
hours,” tugon niya. “Really?” “Can I stay for an hour more?” biglang tanong
niya. “Para mapag aralan ko pa ang
ibang operations nitong computer. Medyo
huli na kasi ang nalalaman ko.” Napangiti ito. “Sure! Sure!” Muli na naman itong lumabas upang iwanan siya sa tutorial session niya sa computer. Bago pa man magsisimula si Edith sa kanyang session ay tumunog ang cell phone na nasa ibabaw ng mesa ni Michael. Minabuti niyang sagutin na iyon. “Hello?” “Hello,” sabi ng isang malamyos na tinig babae
sa kabilang linya. “Michael, please.” “Sandali po,” tugon niya. “Sino po sila?” “Christine.”
“Hold your line, Ma’am,” muling sagot niya. “Tatawagin ko po siya.” Pahangos na lumabas
ang dalaga. Mabuti na lamang at kabisado
niya ang loob ng villa kahit marami ang
naging pagbabago roon. Ngunit ang problema
ay kung alin sa malalaking silid doon ang
kanyang pupuntahan. Minabuti niyang
balikan ang cell phone upang maiabot na
lamang iyon sa lalaki. Habang nag iisip
kung saan niya ito matatagpuan ay bigla rin
siyang napaisip kung binata pa ba ito o may asawa na.
Isang malamyos na tugtugin ang umimbulog
mula sa bukas na pinto ng music room.
Tumutugtog sa piano si Michael. Nakapikit ang mga mata nito habang tumitipa sa piano, buhos ang konsentrasyon sa ginagawa kaya hindi nito namalayan ang pagpasok ni Edith. Napilitan tuloy na ipatong ng dalaga ang cell phone sa ibabaw ng instrumento, sa tabi ng
kopya ng piyesa. Lumikha iyon ng
kaunting tunog. Napatigil ito sa
pagtugtog. “Si Christine daw po siya,”
aniya na nanatiling nakatayo sa likuran
ng kanyang amo para itanong din kung
paano ang pag access ng file sa computer
na tanging ito ang nakakaalam. “Hello?”
pagkuwa’y sagot nito sa phone. “Michael,
what took you so long?” inis ngunit malambing
na saad ng babae sa kabilang linya. “And
who was the girl who answered the phone?” “Ah, siya ang sekretarya ko,” sagot ng lalaki
na aware na nasa likod pa nito si Edith. “Makupad yata siyang kumilos,” pakli ni Christine. “But anyway, how are you out
there?” “Fine, fine. How about you?” “You know how I am. I miss you. Kailan ako puwedeng pumunta d’yan?” “Malapit na; huwag kang mainip.” “Ako ba ang magpuputol ng ribbon sa inauguration ng resort mo?” “Much as I want you to do that,” sagot ng
lalaki, “si Tita Gina na ang gagawa
dahil darating siya mula sa States para
lamang sa opening.” “Oh!” “Sorry, my dear,” lambing nito. “Pagbigyan mo na si Tita Gina dahil malaki ang investment
nila ni Tio Edgar sa venture na ito.” Sa isipin na baka naiinip na si Edith ay pansumandaling pinutol ni Michael ang pakikipag usap kay Christine. “May sasabihin
ka ba, Miss Sanchez?” tanong nito sa
kanya habang tinatakpan ang mouthpiece
ng cell phone. “Ho? Eh, uuwi na lang po
ako,” biglang tugon niya na nagbago ang
isip. Kaagad siyang nagtungo sa pinto at
tuluy tuloy na lumabas ng villa. Inihatid siya ng tingin ni Michael na noon ay nagtaka kung bakit nagbago ang isip ng sekretarya. Hinarap nitong muli ang pakikipag
usap sa telepono. “O sige, Christine, saka na lang ulit tayo
mag usap. Marami pa akong gagawin
dito.” “Okay, but don’t be surprised if
one of these days ay dumating ako
d’yan, ha?” “Sure, my dear, sure. ’Bye.”
Nang matapos makipag usap sa babae ay nawalan
na ng ganang tumugtog si Michael. Minabuti
niyang lumabas at magtuloy sa observatory. Maliwanag pa ang buong paligid. Napakalinis
ng hangin na nagmumula sa dagat. Tanaw
niya mula sa kinatatayuan ang karatig bayan.
Hayun ang dagat! Nang mapadako ang kanyang paningin sa maliit na fishing village sa ibaba ng villa ay may
lungkot na sumagi sa isip niya. Hindi niya inaasahan ang negatibong
pagtanggap ng mga taga Pulong Banal sa
kanyang pagpapa convert ng villa sa
isang resort. Para bang protective ang
mga ito sa anumang bagay na pag aari ng
yumaong si Señor Enrico. Nang dumating siya
para pasimulan at panga siwaan ang pagre renovate
ng villa ay hindi nalingid sa kanya ang pag
ayaw ng mga taga roon sa private resort na
balak niyang paupahan sa mga taong may
kakayanang bumayad nang libu libo sa loob ng isang araw. Hindi naman iyon ang tipo ng
resort na dadagsain ng maraming tao;
selective lang ang crowd paparoon upang
matiyak na hindi magagambala ang
serenity ng lugar. Nagulat siya nang
walang pumayag na magtrabaho para sa
kanya nang dumating na ang mga
materyales para sa construction. Kinailangan
pa niyang umimporta ng mga tao mula sa
Mamburao; ang mga materyales din ay
kinailangan niyang bayaran ng cash dahil ayaw siyang bigyan ng kredito ng mga tindahan ng construction supplies na hindi lingid sa
kanya ay pag aari ng mga Anzures.
Nabahala siya sa malamig na pagtanggap
ng mga ito na para bang naparoon siya
para i exploit ang lugar at mga tao. Bigla
siyang may natanaw na dalawang pigura sa
tabi ng isang pulang kotse. Sa punto de vista na iyon ay alam na niya kaagad kung sino ang
babae base sa kulay ng suot nitong
damit. At ang kausap nitong lalaki ay
walang iba kundi si Joel Anzures. Sumilip
siya sa telescope upang mas makita ang tagpo.
Kitang kita niya ang aksyon ng dalawa. Nakita
rin niya ang masuyong paghaplos ni Joel sa
buhok ni Edith. “Halos kapatid na daw
niya, ha?” sarkastikong bulong niya sa
sarili nang maalala ang sinabi ng dalaga
tungkol kay Anzures.
chapter Three
“IT WILL NOT WORK,” malamig na pahayag ni Edith ukol sa proposisyon ni Michael na magsimula ng cottage industry para sa kababaihan ng sitio. “Hindi kailangan ng mga taga rito ang empleyo dahil kontento na sila
sa pagtatanim at pakikipangisda sa mga
taga San Sebastian.” Napikon ang lalaki sa narinig. “Wala na ba
talaga akong aasahang pagsang ayon mula
sa ’yo?” inis nitong tanong. “Daig mo pa
ang isang aktibistang suki ng Mendiola!
Daig mo pa ang isang komunista na galit
sa kapitalista! Ano ka ba, Miss Sanchez,
Protestante? Kapakanan din naman ng mga
taga rito ang iniisip ko, ah!” “Kung kapakanan ng mga taga rito ang iniisip mo ay ipakita mo sa paraan na hindi ka kikita!” maanghang din niyang sagot. “Tulad ng?”
“Ipagawa mo ang eskuwelahan ng mga bata.” “Para doon ka na’t mawalan ako ng magaling na sekretarya?” sarkastikong balik nito. “No
way! Wala pa ako sa estado para maging
pilantropo dahil hindi pa ako gan’on
kayaman.” Hindi siya sumagot. “Bakit hindi ang mga Anzures ang hilingan mo
ng ganyan?” dugtong pang uyam nito.
“Malakas ka naman siguro sa kanila, lalo
na kay Joel Anzures na siyang
namamahala ng pananalapi ng kanyang pamilya?” “May ibig ka bang puntuhin, Mr. Evangelista?” naniningkit na tanong niya. “Mayroon ba?” Marahil ay naubos na ang hinahon, biglang kinuha ni Michael ang
sumbalilo nitong buri at humangos
papalabas ng opisina. Nagsimula sa
maayos na mood ang kanilang pag uusap dahil hindi pa mandin sila nakakapagbukas
ay marami na silang natanggap na
bookings mula sa Maynila. Fully booked sila sa
buong tag araw; pagdating ng Hunyo at Hulyo ay gayon din.
Hanggang dumating sa punto na tanungin ni Michael si Edith ng: “Ano bang isyu ang ipinaglalabanan mo’t against ka sa
pagkakaroon ng resort dito sa lugar
n’yo?” Hindi iyon pinatulan ni Edith.
Napadako tuloy ang usapan sa panibago
pang enterprise na naiisip ng kanyang
amo. SA OBSERVATORY NAGTULOY SI MICHAEL
at nagpahangin doon. Nawawala lahat ng
pasensya nito kapag naiisip ang
sentimyento ng mga taga roon tungkol sa
pagko convert niya sa bahay ni Señor
Enrico sa isang resort. Tuloy ay naiisip niya
kung gaano kalaki ang naging impluwensya ng matandang Anzures at bakit ganoon na lamang ang pagiging sarado ng isipan ng mga taga Pulong Banal. Sa tanawing kanyang nakikita, environmental
ba ang dahilan? Ayaw ba ng mga tao na
masira ng sobrang turismo ang kanilang
lugar? “Hindi ko naman balak na sirain
ito, ah,” depensa niya na animo ay may
kausap. “Nais ko lang namang kumita,
makapagbigay ng trabaho sa kahit konting
tao. Sila rin naman ay makikinabang
kapag nakilala itong lugar nila.” Ilang
buwan na rin siyang nandoon sa sitio. Dalawang
buwan na mahigit; ngunit kung tratuhin
siya ng mga taga roon ay parang taga ibang
planeta. Aywan niya kung ilag o nahihiya
ang mga tao roon sa kanya. Malungkot
siya sa ganoong kalagayan; akala niya ay
isang magandang simula ang kanyang matatagpuan
doon—mababait at simpleng tao.... Simple
nga ba talaga? For one, hindi simpleng
babae ang kanyang sekretarya!
Napakatalas ng isip at dila nito; ang tipo
na hindi isasantabi sa isip ang nais na lumabas sa bibig ngunit laging may laman
kahit hindi masyadong matagal na pinag isipan
ang mga pangungusap. Para ba itong isang investigative reporter o agent para ibulgar
kung anumang anomalya mayroon doon sa
Pulong Banal! Cheap kasi ang real estate
doon; cheap din ang labor. Iyon ang
hindi matanggap ni Michael. I want to be
fair if they will just let me! Sana ay hindi na lang niya binili ang Villa San Miguel. Sana
ay naghanap hanap pa siya sa San
Sebastian. Nawala na ang thrill niya sa
pagiging fully booked ng resort
hanggang Hulyo kaya nagbalik na lang ang
isipan niya sa nakalipas. . MAHIGIT DALAWANG TAON LANG ang nakakalipas nang mamatay si Lisa, ang asawa
ni Michael. May naiwan itong isang anak
na babae at salaping mamanahin mula sa
mga mayamang magulang. Walang tiwala sa
kanya ang mga biyenan. Katatapos pa lamang niya sa universidad nang pakasalan niya si Lisa. Wala siyang balak na magnegosyo o maging executive ng kung anong kompanya sa Maynila kahit pa maraming alok sa kanya. Ang nais niya noon ay maging isang piyanista.
Masyado niyang pinairal ang kanyang pagiging one track minded kung kaya nawalan siya ng focus kung saan niya dapat ibinuhos ang
kanyang konsentrasyon at natapos na
pinag aralan. Sa paningin tuloy ng
kanyang mayamang biyenan, siya ay isang
loser na lihis ang perspective sa buhay.
May kaya rin naman ang kanyang pamilya; hindi
nga lamang kasing yaman ng in laws niya. May kaunti silang lupain sa Central Luzon at sa
Bicol. Ngunit nang mabiyuda ang kanyang
ina ay nalulong ito sa sugal hanggang
sa maubos ang naipundar nang nabubuhay
pa ang abogadong asawa nito. Ang
pagiging waldas ng ina niya ang isa sa
mga naging dahilan ng mga biyenan ni Michael
na bawiin ang asawa at anak na noon ay dadalawang
taong gulang pa lamang. “Isaayos mo muna
ang buhay mo,” hamon sa kanya ng
biyenang lalaki. “Saka ko lamang isasauli
sa ’yo ang iyong mag ina!” Hindi naman
siya lasenggo, hindi rin sugarol, at lalong
hindi addict. Nais lamang niyang sundin ang
ambisyon na maging piyanista. “Pinagbigyan
ko lang sina Mommy at Daddy,” aniya noon
sa kanyang sarili. “Is this the price I have
to pay for being an obedient son?” Nakuha
niya sa kanyang maternal grandmother ang
hilig sa musika. Ang kanyang Lola Corazon
ang gumastos upang mapaturuan siyang mag piano sa murang edad na lima. Sa paaralan ay
lagi siyang kinukuha noon para tumugtog
sa mga programa. Nakasali na siya sa
isang patimpalak sa pagtugtog ng piano
at nagwagi ng first prize. Ngunit nang
magtapos siya ng high school ay noon
siya nagkaroon ng problema. Wala na ang kanyang
Lola Corazon para i back up siya. Nais niya
noong mangibang bansa upang doon magpakadalubhasa
sa pagtugtog; napili nga niya ay isang
prestigious music academy sa New York. “Kalokohan
’yang inisiip mo!” sabi noon ng kanyang
ama. “Kumuha ka ng Business Administration,
pagkatapos mo’y mag MBA ka o kaya’y
kumuha ka ng Law at nang ika’y maging isang
corporate lawyer; diyan ka yayaman.” Hindi
katuwiran para sa ama niya ang kanyang isinagot.
“Ayaw ko pong yumaman.” “Nais mong sumikat, gan’on ba?” natatawang tanong nito, kulang na lang ay libakin ang ambisyon ng anak. “Puwes, gawin mo ang gusto mo pero hindi kita susuportahan!” Wala siyang nagawa. Isang taon mula nang magkahiwalay sila ni
Lisa ay namatay naman ang kanyang ina. Nakipaglibing ang kanyang asawa na kasama ang kanilang anak. Iyon ang huli nilang pagkikita ni Lisa.
Ipinadala na ito ng mga magulang sa
ibang bansa kasama si Hazel at bumalik
lang ang mag ina ng Pilipinas nang wala
nang magawang lunas sa kanser sa puso ni
Lisa. Hindi na kasi kayang tanggapin ng katawan nito ang kung anu anong treatment sa Amerika kung kaya nagdesisyon na mamatay na lamang sa Pilipinas. Noong mga panahong iyon ay napilitan siyang magtrabaho bilang manager sa isang maliit na kompanya sa Pasig na pag aari ng kanyang kaklase sa Ateneo. Hindi pa rin sapat para
ibalik sa kanya si Lisa kahit may
pirmihan na siyang trabaho. “Baka hindi pa makabili ng memorial lot ang sahod mo,” pang iinsulto ng kanyang biyenan. “Hayaan mo nang kami ang magpalibing sa aming anak kapag siya’y namatay na.” Ang kanyang anak naman ang pilit niyang bawiin.
“Buhay pa si Lisa. Bakit hindi mo pa hintaying siya ay mamatay? Sandali na lang,” sagot sa kanya. Sandali na nga lamang ang kanyang
ipinaghintay. Ngunit siya naman ang
nagkaroon ng alinlangan sa sarili—kaya
kaya niyang ibigay ang lahat ng karangyaan
sa kanyang anak? Sa isang maliit na townhouse
lamang siya nakatira; ang anak niya ay
sanay sa mansyon. Luma ang kanyang kotse na
lagi pang sira; ang anak niya ay iba’t ibang sasakyan ang ginagamit sa bawat araw. Nag aaral na rin noon sa preparatory ang kanyang nag iisang anak na si Hazel. Ang matrikula nito
sa paaralan ay katumbas ng sahod niya sa
kalahating taon. Hanggang sa dumating ang offer ng kanyang Tio Edgardo. Nabili na nito noon ang Villa San Miguel.
“Tingnan mo kung anu ano ang mga possibilities ng property na ito,” sabi ni Tio Edgardo na ninong din niya sa binyag. “Sa ’yo ko na ibinibigay ang lahat ng dapat gawin. Walang problema sa gastos at kapital; basta kapag pumatok, hati tayo. Okay?” Nabuhayan ng loob si Michael. Nang masimulan ang proyekto sa Villa San Miguel ay kaagad niyang pinuntahan ang mga biyenan upang sabihing: “I can now afford to keep my
daughter!” Hindi pa nga lamang niya
makukuha kaagad agad dahil magiging
abala siya sa pinasimulang proyekto.
Balak niya, kapag running smoothly na ang
lahat ay saka niya kukunin si Hazel. Pumayag
naman ang kanyang mga biyenan dahil alam din nilang wala silang karapatang angkinin ang
bata. Naalala niya si Hazel.
Napakaganda nito, kahawig ng ina. Pitong
taon na ang kanyang anak. Halos beinte seis
lang nang siya ay mabiyudo. Ngayon, sa
gulang na beinte ocho ay wala siyang
balak na pataling muli. “No, thanks,”
sagot niya noon sa kanyang Tio Edgardo
nang may banggitin itong babae na irereto
sa kanya. “Marriage phobia?” “No,” tugon niya. “In laws phobia.” Nagtawanan silang magtiyo sa sinabi niyang iyon. Maraming
babae ang dumaan sa kanyang buhay. Sa
kabila ng kanyang pagiging medyo pobre, malaking
advantage ang pagiging makisig at magandang
lalaki. Nagkataong may talento pa siya
sa musika na sadyang kinagigiliwan ng mga
babae, lalo na kapag narinig ang kanyang
madamdaming pagtugtog sa piano. Doon niya nabihag si Christine. . at marami pang iba. Kahit kasi pobre ay marami pa rin siyang mayayamang koneksyon. Madalas siyang maimbita ng mga ito sa mga pagtitipon na madalas din naman siyang mahilingan na tumugtog. Weakness ng mga elitistang babae
ang isang classical pianist; kahit isang
menuetong piyesa ni Johann Sebastian
Bach ang tugtugin niya ay hindi maaaring
walang lalapit sa kanyang babae,
kadalasan ay matrona, upang siya ay kausapin
ukol sa musika at ang usapan ay mauuwi
sa flirtation na pilit sa kalooban. May
mga babaeng matiyaga siyang hinahabul habol
at sa matitiyagang babaeng ito, si Christine
Crisostomo ang masasabi niyang may stamina dahil kahit ano ang gawin niyang pag iwas ay hindi siya tinatantanan nito. Malapit na rin
siyang bumigay ngunit inuna pa rin niya
ang ilagay sa magandang estado ang
kanyang pananalapi dahil napakayaman din
ng pamilya ng dalaga. Mas priority rin
niya ang kanyang anak na si Hazel. “Love
can wait.” resolusyon niya sa sarili. “Marriage
can wait. Christine can wait as long as she’s
willing to wait.” Maligaya na siya kung tutuusin dahil sa pagbubukas ng resort ay darating ang kanyang prinsesa. “Makakapiling ko na rin ang aking
si Hazel.” bulong niya sa sarili habang
sinu survey ang paligid mula sa
observatory. Biglang nawala ang ngiti
sa kanyang mga labi nang makita niya ang
papadating na kotse ni Joel. Susunduin
na naman nito si Edith. Oras na nga pala
ng pag uwi ng kanyang sekretarya. Isip
ni Michael, bakit kaya napakatiyaga nitong si
Joel na sunduin sa villa si Edith? Mahigit isang oras ang takbo ng sasakyan mula sa kabayanan
ng San Josef hanggang sa Pulong Banal. “Gumugugol siya ng tatlong oras na biyahe
para lamang sa limang minutong drive
para maihatid si Edith?” napapailing na
sambit niya. At araw araw pa iyon! “Ang
tiyaga naman niya.” Kunsabagay, amin ni
Michael sa sarili, kung ganoon naman
kaganda ang isang babae na tulad ni
Edith Sanchez ay walang kaso ang distansya
kapag masugid talaga ang isang manliligaw. O baka naman nobyo na?
chapter Four
TUMAWAG SI TIO EDGARDO sa pamangkin upang sabihing may darating na isang pamilya roon. “It
would be like a dry run, Hijo,” anito sa
telepono. “Para magkaroon kayo d’yan ng
practice bago mag opening.” Nadagdagan
ang tensyon ng lalaki dahil napaka laki
ng problema niya sa kanyang staff. Walang taga Pulong Banal na nais magtrabaho para sa kanya liban kay Edith, si Onyok na anak ni Kapitan Berto at sina Adora at Agnes na kaya lamang pumayag na magtrabaho roon ay dahil nandoon si Edith. Medyo matagal pa naman ang opening; ang balak niya ay sa Holy Week. Ngunit unang linggo na
ng Marso ay may ilang pang mga
manggagawa na tila pagong ang bilis sa
kanilang gawain, pero natapos din iyon
dahil sinabihan niya ang foreman na
bilisan ang trabaho. May ipinadalang
cook si Tio Edgardo na na pirate nito
mula sa isang first class na resort sa Cavite.
Pero nakakatatlong araw pa lang ang cook ay bigla kaagad nagpaalam dahil nababagot daw sa sobrang katahimikan sa Pulong Banal. May ipinadala na namang cook ang kanyang
tiyo; mula naman sa isang restaurant sa
Maynila. Nang sumubok itong makisalamuha
sa mga taga roon sa pondahan ni Aling
Masang ay bumalik ito sa villa na may
bukol sa noo at mga pasa sa mukha at
katawan. Kaagad ding nag alsa balutan
ang cook. “Hindi ko naman maunawaan kung anong ugali mayroon kayong mga taga rito!” angal ni
Michael nang umalis na ang pangalawa
nitong cook. “Baka naman nang makainom
si Tomas nang konti ay naging madulas na
ang pananalita,” tugon ni Edith bilang
depensa sa kanyang mga kanayon. “Ayaw
ng mga taga rito ang isang dayo na
madaldal at mahilig bumangka.” “Hindi
naman nakainom si Tomas!” bunghalit nito
na medyo ikinagulat ng dalaga. “Soft drink
lang ang ininom niya at naupo sa may pondahan; sapat na bang dahilan iyon para siya ay mabugbog samantalang ayaw naman siyang kausapin ng mga tao gaya ng hindi nila pagkausap sa ’kin kapag ako’y napapasyal doon?” Nagkibit balikat lang siya. “Sa palagay ko, talagang may itinatago kayong illegal na aktibidades; natatakot kayong baka matuklasan ng taga labas at isuplong sa may kapangyarihan!” “Matagal nang tumigil sa operasyon ang mga pirata dito!” inis na tugon niya. “Kaya?” sarkastikong tanong nito. “Baka hindi naman piratang dagat ang nandito; mga smugglers, hindi ba?” Nagtimpi siya. Sa lahat ng ayaw niya ay inaakusahan ang kanyang mga kanayon ng mga bagay na hindi naman napapatunayan pa ng nag akusa. Kahit tunay na nangyayari ang akusang iyon ng kanyang amo. “Tila natutuwa ka pa sa mga nangyayari,” sita
pa nito. “Para bang ayaw mo ring matuloy
ang pagbubukas nitong resort.” “Tensyon
lang ’yan, Mr. Evangelista,” tugon niya na ayaw sagarin ang pasensya sa mga sinasabi nito. “Subukin n’yong kausapin na lang si
Kapitan Berto, baka may makuha pa siyang
tao.” “’Ayan ka na naman sa Kapitan
Berto,” inis na namang saad nito. “Alam
mo, kapag babanggitin mo ang pangalan ng
inyong kapitan del barrio, para bang
inaakusahan mo ako ng bribery!” Napailing
si Edith, natatawa sa nagiging takbo ng kanilang
pagtatalo. “Mr. Evangelista,” paalala na
lamang niya, “kailangan po kayong magpunta sa bayan para order in ang mga supply na pagkain para sa darating na guests.” “Isa pa ’yan,” mainit na namang sabi ni
Michael. “Nagpunta na ako kanina pang
umagang umaga pagkatawag ni Tio Edgardo.
Alam mo ba ang nangyari sa ’kin? Alam mo
ba?” “Hindi po,” mahinang tugon niya na
napatingin sa mukha ng kanyang boss. “Ito bang mukhang ito ay mukhang manunuba?” “Hindi naman po.” “Pati ba naman pagkain na sabi ko ay C.O.D., ayaw nila akong pagbigyan kesyo masama daw ang daan dito sa Pulong Banal!” “Bakit naman kasi C.O.D.? Hindi ba puwedeng isakay mo na lamang sa iyong sasakyan ang mga dapat bilhin?” aniya na kampi pa rin sa
kanyang mga kababayan. “Hindi nga
papayag ang mga iyon na mag deliver dito
sa Pulong Banal!” “Hindi ba naman karapatan ko ang magpa deliver
kung dalawang sakong bigas, limang kahong
de lata at mga kagamitang pangkusina ang
aking binili sa kanila?” reklamo nito. “Aba,
halos binili ko na ang lahat ng kanilang paninda!” Kitang kita ni Edith ang senyales ng pailalim
na pagbo boycott ng mga taga San Josef
sa kanyang amo. Hindi rin niya maiwasang
makadama ng simpatiya dahil talaga
namang lubos ang pagsusumikap ni Michael
para maging maayos ang takbo ng resort
bago pa man ito makapagbukas. “Ano
ngayon ang gagawin natin?” tanong niya. “Puwede bang ikaw na lang ang pumunta sa bayan at makipag negotiate kung sino ang puwedeng makapag bigay sa atin ng kredito
dahil hindi naman natin sila tatakasan,”
suhestyon nito. “Maghanap ka na rin ng
magiging suki natin para mag supply ng
mga pagkain, lalo na ang karne dahil
hindi naman problema ang isda.” Para
lamang matahimik na ang kanyang amo ay lumakad
noon din si Edith, sakay ng kotse nito; ang
driver nitong si Mang Emong ang nagmaneho. Pagdating sa bayan ay nalaman niya kung bakit nag iinit ang ulo ng kanyang boss. “Walang pabor para sa kanya ang pagbibigyan,” bulong tinderang si Aling Fely. “Bakit ho?” nagtatakang tanong niya. “Alam mo na,” tugon nito. Alam na nga ni Edith kung ano iyon. Iyon na mismo ang boycott na pailalim. Kung nais ni Michael na maging mahusay ang pakikiharap
dito ng tradespeople doon ay kailangang
maglagay ito ng suhol kung kani kaninong
tao para sundin ang mga pabor na nais
nito tulad ng delivery. At talagang
walang gustong magbigay ng credit! Nalungkot siya dahil napakiusapan niyang mai
deliver ang kanyang mga pinamili ngunit kailangang bayaran iyon ng cash. Alam niyang kailangan ng negosyong tulad ng resort ang
credit line dahil hindi naman sa lahat
ng panahon ay may cash na pondo na
kaagad agad na maibabayad. Ngayon ay hindi lang simpatiya ang nadama
niya para kay Michael. Kawawa naman ito!
DALAWANG ARAW mula nang tumawag ang Tio
Edgardo ni Michael ay dumating ang convoy
ng unang mga bisita ng Mont St. Michel, Resort of the Saints.
Ang pamilya ni Mr. Elmer Masaquel ay napaka laki, napakaingay at napakagulo! Tatlong sasakyan sila. Dahilan sa hindi pa masyadong maasahan si Onyok ay napilitang tulungan ni Michael si Mang Emong na magpanhik ng mga bagahe sa loob ng villa. May mga taga Pulong Banal na nag usyoso nang makita nila ang pagpanhik ng tatlong Pajero
sa burol. Nakatungayaw ang mga ito, lalo
na ang maliliit na bata, sa mga bagong
dating na para bang ang mga ito ay mula
sa ibang planeta. “Napakaganda nga!” ani
Mrs. Masaquel nang makita ang view mula
sa harapan ng villa. “Mommy, si Billy,
o!” sigaw ng isang bata na inagawan ng
laruan ng kapatid nito. “Shawna, keep
quiet!” saway ng ina. “Halika doon sa
may gilid ng pool!” yaya kaagad ng isang
dalagita sa kasama nitong pinsan. Nang makita
ang mga ito ng kanilang ama ay kaagad silang
pinagbawalan. “Later, Katrina,” anang ama. “Baka magalit si Tito Elmer n’yo dahil hindi pa yata puwedeng maglangoy.”
“But, Daddy. . ” Hindi alam ni
Edith kung paano huhulihin sa iisang
lugar lamang ang mga dumating. Para bang
nais ng mga ito na hiwa hiwalay sila. Nagkakatinginan
tuloy sila ni Michael dahil hindi nila
akalaing ganoon karami ang darating. Akala
nila ay mga lima lamang, hindi labinlima! “Check in mo sina Adora sa kusina,” utos ni Michael. “Tingnan mo kung nakahanda na sila doon.”
Kaagad na tumalima si Edith; malaking relief iyon sa kanya na makalayo sa magulong bisita.
Tanong tuloy niya sa sarili, ano kaya
ang gagawin ni Michael para maitahimik
ang mga ito? Hindi bagay sa kanya ang
maging baggage boy, nangingiting sabi
niya habang patungo sa kusina. Masyado
kasi siyang. . Hindi niya maipagpatuloy dahil
sasabihin niyang masyadong guwapo para gawin
ang ganoong trabaho. Napapitlag siya.
Noon lang niya na acknowledge sa sarili
na guwapo ang amo kahit pa marami nang
kababaihan sa kanilang lugar ang nakapagsabi
at madalas pang magtanong kung suplado
ba si Mr. Evangelista. “Mabait ba si Mr.
Evangelista?” “Ano hitsura niya tuwing
umaga?” Nais tuloy sagutin ni Edith,
Kung nais n’yong malaman ay bakit ayaw
ninyong magtrabaho sa kanya? BUHAY PA sina Adora at Agnes sa kusina. Naghanda ang mga ito ng espesyal na buko
juice para makapagpalamig ang kanilang
guests. Binigyan sila ni Edith ng
instruction kung paano gumawa ng
sandwich na ang hitsura ay talagang presentable
na kagaya ng makikita sa mga class na
hotel. Kung tungkol sa pananghalian ay
medyo nakalusot sila dahil barbecue ang
magiging estilo ng paghahanda; basta
nandoon na ang mga iihawin ay ayos na at
puwede nang iwanan ang pamilya ni Mr.
Masaquel. Ngunit hindi pa rin puwedeng
iwanan ang guests, lalo na si Mr.
Masaquel dahil tanong ito nang tanong
tungkol sa lugar. Nagpaunlak naman si
Edith nang ituro siya ni Michael para siya ang
sumagot sa mga katanungan. Si Onyok ay mas naging epektibo bilang lifeguard sa mga
batang hindi na talaga napigil na maligo
sa pool. Madilim na nang mapansin ni
Michael na nandoon pa rin si Edith at
tumutulong kina Adora at Agnes sa
paghahanda para sa hapunan ng mga bisita. “O, puwede ka nang umuwi,” anito sa dalaga. “Hindi mo na trabaho iyan.” Isang tingin pa lamang sa lalaki ay alam na kaagad niyang pagod na rin ito. Pareho lang
sila na gumawa ng mga trabaho na hindi
nila linya; wala kasi silang choice.
Kung hindi siya kikilos ay mapupulaan
ang resort. At kahit ayaw rin niya sa existence
niyon sa Pulong Banal ay ikalulungkot niya
kung hindi iyon magtagumpay. Sa
sasandaling panahon na siya ay nakakapag trabaho roon ay nakita niya ang napakalawak
na posibilidad ng Pulong Banal para
maging kompetensya ng Boracay. Nalungkot
siya dahil sa iba napadako ang landas ng
kanilang magandang lugar. Nang
makasigurong kaya na nina Adora at Agnes
ang natitira pang gawain ay nagpaalam na siya kay Michael. Umakyat naman ang huli para siyasatin kung nasisiyahan ang mga kliyente
sa mga silid at upang alamin kung
nakakaagwanta si Onyok sa gawain nito
roon sa itaas. Nang papalabas na si
Edith ng malaking pinto ay nasalubong
niya si Joel. “Bakit ngayon ka lang
uuwi?” Mainit ang ulo nito sa ideyang
madilim na ay nandoon pa rin siya. “Napakarami
naming inasikasong trabaho ngayon,”
tugon niya. “Nanggaling ka ba sa amin?” “Oo,” sabi nito na pumasok sa bulwagang dati rati ay sala ng villa; pinagmasdan nito ang
bagong disenyo ng napakalaking silid na
puwedeng maging dance floor para sa
isandaang katao. “Nag aalala ang inay mo
sa ’yo.” “Tayo na, kung gayon,” yaya
niya sa sundo. “Sandali lamang,” pigil
ni Joel dahil hindi pa rin ito tapos sa
pagpuna sa naging kinalabasan ng villa
ng aguelo nito. Naglakad lakad pa ito hanggang
sa komedor at napasimangot dahil iba na
ang kulay ng mga dingding doon. Naghintay
na lamang siya sa may pinto. Nang bumalik
ang binata mula sa komedor ay nakasimangot
ito. “Nababaduyan talaga ako sa ginawa
ni Evangelista sa bahay ni Lolo!”
disgusto nitong sabi. “Tingnan mo na
lang kung ano ang nangyari sa mga wood
panel sa komedor?” “Tayo na, Joel,” yaya
niya dahil medyo malakas ang tono ng
pagsasalita nito. “Hindi! Talagang nakakaasar ang nangyari sa villa,” anito. “Sana’y hindi na lamang ito
ang ibinenta ni Carmela. Sana’y ’yung
bahay na lang sa Dasmariñas Village!” Lalong lumalim ang kunot sa pagitan ng mga kilay ng binata nang ituon ang pansin sa
isang sulok ng bulwagan kung saan
nandoon ang napaka elegant na grand
piano na pinagtulung tulungang ilabas
nina Michael, Mang Emong at Onyok mula
sa music room at pinaghirapang iluklok
sa isang plataporma upang maging center of attraction sa bulwagan; may maliliit na
mesang nakapalibot doon na parang
estilong nightclub. “Ang baduy talaga!”
naiiling na bulalas nito. “Ang baduy baduy!” “Eh, bakit mo ibinenta kung ayaw mo palang ma
baduy ang bahay ng lolo mo?” tanong ng
isang tinig mula sa itaas ng hagdanan.
Si Michael. Hindi sanay na matanong nang
ganoon si Joel kaya sarkastiko itong
sumagot. “Paanong hindi ko sasabihing
nabaduy itong villa? Sino ba namang taong
may taste na basta na lamang sisirain ang
orihinal na disenyo nitong bahay? Eighteenth century England ang style nito, Evangelista.
. Are you familiar with eighteenth
century designs?” Eighteenth century
music ang alam ko,Ulol! tugon ng utak ni
Michael. “Wala akong alam sa mga sinasabi
mo,” maanghang na tugon nito. “Ang alam
ko lang ay hindi na ito pag aari ng iyong
pamilya kaya wala ka nang karapatan kung
baduyin ko man ang kabuuan ng bahay na ito, okay?”
“Joel, please.. .” yaya ni Edith na nakikiusap. “Tayo na.” “Hindi ko maisip kung bakit
natitiis mong mag trabaho para sa taong
ito, Edith,” baling nito sa kanya na ang
tinutukoy ay si Michael. “Kailangan kong
kumita, Joel,” tugon niya. “At saka
maayos naman ang trato sa ’kin ni Mr. Evangelista;
patas siya sa pasahod.. . At kaya niya ipinatanggal
ang mga wood panel sa komedor ay para
huwag madaan daanan n’ong mga trabahador
na walang keber kung masagi nila ’yung
mga antigong narra.” Lalong nainis si
Joel. Hindi kasi nito akalain na ipagtatanggol
ni Edith si Michael Evangelista. “Narinig
mo na ang paliwanag ng aking sekretarya,
Anzures?” Si Michael naman ang noon ay
nagkaroon ng pagkakataong makaganti. “Kapag
nakaahon ka kasi sa mga pagkakautang mo
sa sugal sa Maynila ay saka mo bilhing muli
itong villa; baka sakaling sa panahong iyon ay lugi na ako’t ibenta ko ito.” Napatingin siya kay Joel. “Hindi totoo ’yon!” tanggi nito. “Kagustuhang ibenta ng kapatid kong is Carmela itong villa dahil sa Amerika na siya titira!” “Tama na ’yan, Joel,” muling saway ni Edith
na hinatak na ang binata. “Tayo na!” Nagpatianod na ito. Hanggang sa paglabas ay may sinabi pa rin ito tungkol kay Michael;
dinig na dinig iyon ng huli. “Itaga mo sa bato, Edith,” ani Joel, “hindi
tatagal dito ang Evangelista na ’yan!”
chapter Five
ANG
ALAM NI MICHAEL ay isang linggong mamamalagi
sa resort ang pamilya Masaquel. Ngunit
nakakadalawang gabi pa lamang ang mga ito
ay biglang nagpaalam ang padre de familia na
napakabikas ng tindig na akala mo ay taga militar.
“Ano po’ng naging problema?” naguguluhang tanong niya. “Hindi po ba kayo nasiyahan sa serbisyo namin?” Kahit kulang ang staff ay walang reklamo ang mga Masaquel. May papel na ipinakita si Mr. Masaquel sa
kanya. “May batang nagbigay sa akin nito
nang kami’y pumasyal sa dagat kahapon.” Inabot iyon ni Michael at binasa ang
nilalaman ng kapirasong liham na ang
ginamit na tinta ay pula. Dear Mr. Masaker, Umalis na kayo! Hindi na niya napilit ang
kanyang guests sa pag alis. Nanlulumong
pinanood na lamang niya ang mga ito
habang si Edith naman ay nakitulong sa paglalabas
ng mga bagahe. Nang makaalis ang mga
Masaquel, natagpuan ng dalaga na nakaupo
sa may pintuan ang kanyang amo. Hindi niya malaman kung anong approach ang gagawin. Kitang kita sa mukha nito ang bahid
ng panlulumo. Mukha itong galit sa
mundo, partikular na sa lugar na
kinasadlakan. “Ano po ang gagawin natin,
Sir?” kiming tanong niya. “Ano bang kasalanan ang nagawa ko, Miss Sanchez?”
“Po?” “Ang sabi ko, ano ang
kasalanan ko’t nangyayari ang ganito sa
’kin?” galit nitong ulit. “Kung bakit hindi
mo kasi sabihin sa ’kin kung ano ang mayroon
sa lugar na ito at ako’y mag iimpake na rin!” Hindi siya nakakibo. Ano ba talaga ang dapat niyang sabihin? “Tell them that they’re unfair!” desperadong
sabi nito. “Kung gusto nila, doon sa may
dagat, mano mano na lang!” “Hindi gan’on kadali iyon, Mr. Evangelista,” mahinang tugon niya. “Ano ang hindi madali? Napakadali para sa kanila ang sirain ako. Ni hindi ko alam kung
sino ba talaga ang kalaban ko. Kung alam
ko lang. . ” Bilang pagsimpatiya, naupo
rin siya sa may pintuan malapit sa may
hamba kung saan siya sumandal patagilid.
Hindi niya alam kung paano maiibsan ang
dalamhating nadarama ni Michael. Mas
pinili niya ang manahimik at pakinggan ang
mga hinaing nito na sa kanyang paghusga ay may rason. “I’m here to earn a decent living,”
patuloy nito. “Why won’t they give me a
chance? Pagdating din ng araw, ang lugar
na ito at ang mga tao ang makikinabang.” Gulung gulo ang isipan ng lalaki. Naroon ang isipin kung paano nito maibabalik ang puhunan ng kanyang Tio Edgardo. Naroon ang takot niya na baka hindi niya mapaunlad ang sinimulang resort, na babagsak pa rin na gaya ng dati
ang buhay niya at malaking kahihiyan
para sa kanyang sarili ang gayon. Ang kanyang anak na si Hazel, paano niya ito mabibigyan ng magandang buhay na talagang nagmula sa kanyang pinagpaguran? “Naguguluhan ako, Miss Sanchez,” angal nito. “Masakit itong nangyayaring ito kung ikaw ang nasa katayuan ko.” Parang batang nagsusumbong ang tono ng kanyang amo; para itong humihingi ng saklolo, ng kakampi. Wala siyang nagawa kundi ang tapikin ito sa balikat. “Kung may magagawa lamang ako para mabago ang sistema—” “Anong sistema? Hindi kita maintindihan.” “Ang sistema ng buhay dito sa Pulong Banal,” tugon niya na may pag iwas sa katotohanan. “Hindi lang kasi sanay ang mga tao na
mayroong resort na kagaya nito; hindi
sila sanay na makakita ng mga taong taga
ibang lugar dahil pakiramdam nila ay
sasakupin sila.” “Bakit sila? Bakit
hindi ka kasama?” “Naranasan ko na ang
manirahan sa siyudad,” sagot niya.
“Kahit papaano, bukas ang aking isipan
sa pagbabago at pag unlad. Natuto na akong
maging practical.” “Practical ba ang dumito ka samantalang puwede ka namang magtrabaho sa Maynila at kumita nang malaki?” “Practical din ba para sa ’yo ang dito mag negosyo?”
Napailing ito. “Iyon lang kasi ang nakita kong posibilidad,” tugon nito. “Malaki ang
potensyal ng lugar na ito na umunlad
dahil mas accessible ito kesa Boracay.
Hindi ba iyon nakita at naisip ng hinahangaan
n’yong si Señor Enrico?” “Nakita niya
iyon,” tugon niya. “Pero mas naisip niyang
mas makabubuting hayaan ang kapaligirang
ito sa natural nitong anyo; may pagka environmentalist
si Señor Enrico at hindi siya sang ayon
sa mapang exploit na business na tulad
ng turismo.” Hindi masyadong naniwala si
Michael sa isiniwalat ng dalaga.
Nararamdaman nito na hindi iyon ang
dahilan kung bakit magre resort sa violence—tulad
na lamang ng pagpapadala ng death threat
sa pamilya Masaquel—ang kahit na isang
tao o grupo ng mga tao para lamang huwag
matuloy ang isa pang enterprise na tulad ng private resort na hindi naman mabubulgar ang
isa pang kahina hinalang enterprise na
matagal nang may operasyon doon. “I don’t think it boils down to environmental issue,” anito. “Alam kong may iba pang
dahilan kung bakit ayaw ng mga taga rito
sa resort.” “Wala ako sa posisyon na
ikumpirma ang iyong mga hinala,” tugon
ni Edith na tumindig. “Ngayon, kung
hindi ka tatayo diyan at mag isip kung
paano ka makakabawi ay walang mangyayari
sa mga pagod natin nitong mga nakaraang
araw.” Umarya na naman ang katalasan ng
dila niya. “Ano sa palagay mo ang mabuti nating gawin?” tanong nito na tumindig na rin. “Is there
still hope for this mess?” “Of course, there is! First, gawin mo ang
lahat ng magagawa mo na maipakita sa mga
taga rito kung sino ka talaga, kung ano
ang dahilan kung bakit ka nandito; if
you say you’re here to earn a decent
living, ipakita mo! Hindi kami ganoon ka inhospitable, Mr. Evangelista, gaya ng iyong
pag aakala.. . We know a friend or foe
when we see one.” Nagsimula na siyang maglakad patungo sa direksyon ng kanilang opisina; iniwan niya
ang amo na nakabitin sa kanyang mga
sinabi. Paghamon iyon dito. Hanggang doon lang niya maipapadama ang kanyang loyalty sa amo; naroon din ang
respeto at pagtitiwala sa kakayahan
nitong mapaunlad ang resort kahit sa
simula pa man ay napakalabo ng katayuan.
Ang kanyang mga sinabi ay paghamon upang
malampasan nito ang mga pagsubok na dumarating
at dadating pa. Pangarap din naman niya
na makitang maunlad ang kanilang bayan.
Kailangan lang ng isang spark ng
pagbabago para matauhan ang mga tao na
kailangan nilang sumabay sa anod ng pag unlad na nagaganap din sa mga karatig pook. Hindi naman modernization o industrialization ang kaagad na katugunan; nais niyang mamulat ang mga kababayan niya na may iba pang solusyon laban sa kahirapan. Mayamaya pa ay narinig niya ang malamyos na tiklada ng piano sa bulwagan. Tumutugtog na naman si Michael. BAGO MAGTANGHALI ay dumating si Onyok upang pauwiin kaagad si Edith. “Hinimatay ang inay mo, umuwi ka daw agad!” balita nito.
Kaagad niyang hinanap si Michael upang
makapagpaalam na baka hindi siya makabalik sa hapon.
“May darating ka bang bisita?” tanong nito. “Wala!” inis na tugon niya. Habang naglalakad pauwi ay nagpupuyos ang damdamin ng dalaga. Bakit kaya sa tuwing magpapaalam siya para umuwi ay bisita ang laging tugong hinala ng amo kung bakit siya uuwi? Samantala,
minabuti na lang ni Michael na harapin
ang mga papeles sa mesa nito kaysa magsintir
sa observatory. Nawawalan siya ng ganang
mag isip kapag ganoong natatanaw niya ang
buong paligid na against sa kanya. Nang
hindi rin naman makapag concentrate sa mga
papeles ay naglibot siya sa villa at kinumusta
sina Adora at Agnes na naroroon pa. Ito ang magkapatid na naaasahan sa panahon ng pangangailangan. “Kumusta na kayo?” tanong niya sa mga ito. “Mabuti po, Sir,” tugon ni Agnes na mas
talkative kaysa sa kapatid. “Bakit po
umalis agad ang ating mga bisita? Ngayon
pang ganadong ganado akong magluto dahil
kahit papaano ay natutunan ko nang
magluto nitong mga nasa cookbook na ibinigay
ni Edith.” Napangiti si Michael. “Hus! Iilan pa lang naman ang nababasa mo d’yan, ah,” buska ni Adora sa kapatid. “Kahit
na,” sagot ni Agnes. “Sa tingin ko ay napakadali
namang lutuin ng mga ito. ’Yung mga pangalang
Pranses lamang ang mahirap bigkasin!” “Eh, kailan po ulit tayo magkakaroon ng
bisita?” tanong ni Adora. “Palagay ko’y sa Abril na,” tugon niya.
“Malapit na ’yon.” “Ano po ang gagawin naming magkapatid?” usisa ni Agnes. “Sa ngayon ay wala pa muna,” natatawang tugon niya. “Pero kakailanganin ko ang serbisyo
n’yo dahil mismong ako’y hindi marunong
magluto ng aking kakainin! Si Mang Emong
ay driver, hindi kusinero, kaya ang alam
lang niya ay maglaga ng itlog.” Nagtawanan ang magkapatid. Hindi lang sa sinabi ng amo kundi sa nadarama nilang pagkakilig dahil napakaguwapo ng kanilang kausap.
“O sige,” paalam niya. “Maiwan ko na muna kayo. Magpahatid kayo kay Mang Emong sa inyong pag uwi at saka ’yung mga pagkaing hindi na maise serve ay iuwi n’yo na dahil
hindi na pupuwede iyon bukas.” “Opo,” sabay na sagot ng dalawa. Dinig pa niya ang hagikgikan nina Agnes at Adora nang makalabas siya ng kusina. Nang magdapit hapon, nainip siya sa kawalan
ng magagawa. Nagtungo siya sa kanyang
silid at saka nagbihis ng medyo kaswal
na kasuotan— maong, rubber shoes at polo
shirt na puti. Kinuha rin niya ang isang
kahon ng imported Swiss chocolates sa
kanyang personal refrigerator at saka na
lumabas. Hindi na niya kinailangang
ipagtanong kung saan nakatira si Edith
dahil ayon kay Kapitan Berto, ang bahay
nito ang unang bahay sa pagbaba ng burol.
NAGULAT SI EDITH nang matagpuan ang amo na
nakatayo sa may pintuan. “Hindi mo ba
ako patutuluyin?” tanong ni Michael. “Tuloy po kayo, Mr. Evangelista,” napilitang sagot niya. “Maupo ho kayo.” Sinipat ng lalaki ang sala ng modest na kabahayan.
Napatitig ito sa antigong eskaparateng puno ng mga aklat. “Pamana ni Señor Enrico,” aniya nang makitang tinititigan iyon ng amo. “Hindi bagay dito sa
liit ng bahay namin, ano?” “Kung magagamit naman para ma enhance ang kaalaman ay bakit hindi?” pakli nito na umupo
sa pang isahang sofa na kahoy na may
almohadong ginantsilyo ang punda. “You
have a very nice home.” “Tahi ni Inay ang mga kurtina,” saad niya. “Marunong din akong maggantsilyo pero hindi masyadong matiyaga.” “Pakibigay mo ito sa iyong inay,” anito na
iniabot sa kanya ang kahon ng mamahaling
tsokolate. Noon naman ay lumabas mula sa
kusina si Aling Elvira. Tumayo si
Michael upang batiin ang ina ng
sekretarya. “Magandang gabi po.” “Maupo
kang muli, Mr. Evangelista,” pormal na sagot
ng matanda na alanganing iniabot ang kanang
kamay dahil nakikipagkamay rito ang lalaki.
“Napadalaw po kayo?” “Inisip ko po kung bakit napauwi nang maaga si Edith,” tugon nito nang makaupo na. “Baka po may problema. May maitutulong po ba ako?” “Ah, wala naman,” ani Aling Elvira na umupo
sa isa pang sofa at napansin ang kahon
ng tsokolate na iniaabot ng anak. “Ano
ito?” “Bigay po ni Mr. Evangelista sa
inyo,” tugon ni Edith na lumakad patungo
sa kusina. “Salamat, Mr. Evangelista,”
anang matanda. “Michael na lang po.” “Michael, kung gayon. Alam mo kasi, si Edith lamang ang maasahan ko dito sa amin mula nang mamatay ang aking mister. Eh, ako’y
nanghina’t hinimatay kanina kaya
ipinatawag ko siya. Hindi kaya malaking
istorbo sa ’yo?” “Hindi po,” nakangiting
tugon nito. “Gan’on po pala ang nangyari
pero hindi po sinabi sa ’kin ni Edith.
Baka po may kakulangang bitamina sa inyong
katawan. Magpatingin po kaya kayo sa doktor?” “Napakalayo ng doktor dito sa Pulong Banal, Amang,” mahinang tugon ni Aling Elvira. “Sa katapusan ng buwan ay luluwas naman akong kasama ng kapatid ni Edith; marahil ay saka
pa lang ako makakapagpatingin sa
doktor.” “Hihintayin pa po ba ninyo ang
katapusan ng buwan?” tanong ng lalaki. “Wala tayong magagawa.” “May dadating pong
nurse dito mula sa Maynila,” anunsyo
nito. “Baka po sa makalawa ay nandito na
iyon; baka po puwede kayong puntahan
para makita ang inyong kalagayan. Para kung
sakali’y matukoy din ng nurse kung ano ang diperensya sa inyo.” “Kunsabagay. May kaalaman din naman ang nurse sa medisina, kesa naman magpatingin ako sa albularyo. Aba’y ayaw ni Edith na ako’y nagpapatingin kay Tandang Ikong.” Napangiti si Michael. Talagang may bahid na
ng pagkamoderno ang sekretarya. “Siyanga pala,” ani Aling Elvira, “may magaganap na sayawan sa Sabado ng gabi. Dadalo ka ba, Mr. Michael?” “Hindi ko po alam,” nakangiti pa ring tugon
nito, isinalalay ang baba sa kaliwang
kamao. Nakita ni Aling Elvira na walang
suot na wedding ring si Michael. Tinawag
nito ang anak. “Edith, parito ka nga,”
anito. “Bakit po, Inay?” tanong ni Edith
na nagbalik sa sala. “Isama mo si Michael sa sayawan sa Sabado,”
ani Aling Elvira. “Baka hindi po niya nais na dumalo—” “Ah, maano bang basta sundin ako?” putol ng ina. “Para makakilala naman ni Michael ng mga bagong kaibigan.” “Opo, Inay,” napayukong tugon niya. Noon naman sumungaw mula sa itaas si Elsa. “Inay. . ”
“Nandito ako, Anak,” kaagad na tugon ni Aling Elvira. Napatingin si Michael sa itaas ng
hagdanang kahoy na may limang baitang.
Naroon ang kapatid ni Edith. Hindi
magkamukha ang magkapatid. “Bakit ka napalabas, Anak?” masuyong tanong
ng matanda na sinalubong si Elsa sa
kalagitnaan ng hagdan. “May napanaginipan po ako, Inay....”
Nakatitig si Elsa sa lalaki. “Sino
siya?” tanong nito. “Siya si Mr.
Evangelista,” tugon ni Aling Elvira. “Ang
amo ng ate mo.” “Ako si Elsa,”
nakangiting pakilala nito sa sarili. Ngumiti
rin si Michael. “Hello, Elsa.” Hindi na
lumapit ang lalaki para kamayan ang kapatid
ni Edith. Wala na rin namang pagkakataon
dahil kaagad itong inaya ng ina para bumalik
ulit sa itaas ng bahay. Nagpaalam na
lang si Michael. Sa paglabas nito sa tahanan
nina Edith, may kaagad na tumimo sa isipan
nito. May psychological disturbance ang kapatid
ng dalaga.
chapter Six
ANG
SUMUNOD NA ARAW ay ginamit nila sa pagpapadala
ng mga mensahe sa mga target nilang
kliyente sa Maynila. Muli na namang
tumawag si Tio Edgardo upang alamin kung
bakit nakaalis na ang mga Masaquel samantalang
weekend pa dapat ang alis ng mga ito. “Tumawag sa akin si Ernie Masaquel,” anito. “Nagreklamo po ba sa inyo?” tanong ni
Michael. “Hindi naman,” tugon nito.
“Pero it seems like you’re having some
problems?” “Yes, Tio.” “I know it’s beyond your control, Hijo.
Talagang ganyan sa simula. For all we
know, may mga resort din sa di kalayuan
na sinasabotahe.” Sana nga kung ganoon
lamang, cynical na sabi ni Michael sa
sarili nang i off niya ang cell phone. At least, marunong umunawa si Mr. Masaquel. Siniguro raw nito, ayon kay Tio Edgardo, na
hindi makalabas sa kaalaman ng kung sino
ang tungkol sa sulat. Minabuti ni Edith na samahan si Michael sa
ibaba ng villa; una nilang destinasyon
habang pansamantalang walang ginagawa ay
ang pondahan ni Aling Masang. Nandoon din si Kapitan Berto. “Kumusta na,
Mr. Evangelista?” “Mabuti po,” tugon ni Michael na nakipagkamay sa kapitan.
“Mabuti’t napasyal ka?” “Naiinip
po sa villa si Mr. Evangelista,” mabilis
na tugon ni Edith. “Nagpasama po siya dito para maka pamasyal naman at makikuwento.” “Aba, magaling ’yon,” anang kapitan na inan yayahang umupo ang lalaki. “Alam mo, Amang, magaling ang ganyang ika’y may pagkukusang makipagkaibigan. Umiinom ka ba ng lambanog?” Umiling ang lalaki. May ngiti sa mga labi
bilang pagpapakita ng graciousness kaysa
naman tumanggi ito na tila kinikilabutan
dahil kahit kailan ay hindi pa siya
nakainom ng ganoong uri ng inumin. “Imported kung ganoon?” tanong ng isa pang lalaking nandoon na nakikinig at
pinagmamasdan si Michael. “Wala po kasing lambanog sa mga kasayahan at mga nightclub na napuntahan ko na.” “Aba’y walang problema kung imported ang gusto mo,” pabirong sabi ni Kapitan Berto. “Masang, maglabas ka ng isang Johnny d’yan!” Hindi nga biro, may Johnny Walker sa
pondahan! Kaagad na kinuha ni Michael
ang wallet upang unahan sa pagbabayad si
Kapitan Berto na napansin nitong medyo
lasing na pala. Inulit pa ng kapitan ang
order. “Masang, si Johnny!” “Nariyan na!” tugon ni Aling Masang na masama ang tingin sa kapitan. Napansin iyon nina Michael at Edith. Sa isip
ni Edith, hindi dapat um order ng ganoon
ang kapitan. Si Michael naman ay lalong
tumindi ang hinala. Isang simpleng
pondahan, may Johnny Walker Scotch
Whiskey? Para tuloy nais nitong um order
pa kung mayroon si Aling Masang na stock
ng Chivas Regal. “Alam mo, Amang,” ani
Kapitan Berto nang sila ay nagkainuman
na, “nasisiyahan ako’t nakasalo ka namin
ngayon.” “Ako man po,” simpleng tugon ni
Michael. “Alam mo,” patuloy pa ng kapitan, “kaming mga taga Punong Banal ay mga masayahing tao. Kaya nga tayo nagkakasayahan, hindi ba?” Nagtawanan ang mga kainuman nila. “Pero.. ’yung nightclub mo.. este, resort
pala,” patuloy ng lasing nang kapitan,
“eh.. nagulat kaming mga taga rito!
Pero, okay lang ’yon sa akin, kaya..
kita mo naman, buo ang suporta ko sa ’yo
kaya pati ang anak kong si Onyok ay pinagtatrabaho
ko para sa ’yo. . para hindi mo naman
masabi na. . hindi marunong makisama si Kapitan,
hindi ba?” “Naku, Kapitan!” sabat ni
Aling Masang mula sa loob ng pondahan
nito. “Lumalabas na naman ang pagka pulitiko
mo!” “Hindi nga ba, Mr. Evangelista?”
tanong ni Kapitan Berto na umakbay pa
kay Michael. Bago ito nakasagot ay may
pumaradang kotse sa tapat ng pondahan.
Natahimik ang mga nandoon nang umibis
mula sa sasakyan si Joel. “O, Joel,”
bati ni Kapitan Berto nang humarap ang bagong
dating sa kanila, “kumusta na ’yung banda
at sound system na hinihiling ko sa ’yo?”
Nakipagkamay muna si Joel bago sumagot.
“’Yung banda ay ayos na, Kapitan,” tugon nito. “Pero ’yung sound system ay nagkaproblema dahil makakasabay pala natin ’yung pasayaw sa San Sebastian. Alam n’yo na, iisa ang
puwedeng maarkila dito sa San Josef at
naunahan na tayo ng pinsan kong si
Rodolfo sa pagkuha.” Mayabang ang tono
nito sa pagsasabi ng balita. “Paano na
’yan?” tanong ni Kapitan Berto. “Alanganin
palang mabitin patiwarik ang ating pasayaw?
Buti kung puwede ang radyo na lamang ni
Masang!” “Hmph! Ako na naman ang
nakita!” angal ng tindera. Noon naman ay pinanonood ni Edith mula sa loob ng pondahan ang kanyang amo. So far, so good. Maigi naman pala itong makiharap sa inuman. Hindi ito iyong tipo na matataga
dahil simple at mas nais na makinig
kaysa bumangka sa usapan. “May sound system po ako sa resort,”
suhestyon ni Michael nang medyo
matahimik ang mga kaharap pati na si
Joel. “Baka po puwede na iyon.” “Aba’y mayroon pala kay Mr. Evangelista!” bulalas ni Kapitan Berto na napatapik sa pinakamalapit na katabi sa kaliwa nito.
“Onso, may sound system si Mr.
Evangelista! Wala na pala tayong
problema.” “Gayon na nga, Kapitan,” ayon
ni Mang Onso. “Nagpapalapad ng papel,
Evangelista?” nakaka insultong saad ni
Joel nang makasilip ng pagkakataon na
makapagsalita na ang lalaki lamang ang
makakarinig. “Nais ko lamang
makatulong,” seryosong tugon nito. “O, baka naman makapagyabang?” uyam ng binatang Anzures, halatang naghahanap ng pagsisimulan ng gulo. Natunugan iyon ni Edith. Kaagad siyang
lumabas mula sa loob ng pondahan upang
yayain na ang kanyang amo. “Eh, Mr.
Evangelista,” aniya nang makalabas,
“tayo na pong bumalik. Baka po nagtataka
na sina Adora kung bakit tayo natatagalan.” “Hindi ba nakakahiyang iwanan sila?” tanong
ni Michael na napatingin kina Kapitan
Berto na noon ay pinag uusapan ang
tungkol sa darating na pasayaw. “Siya
nga naman, Edith, my love,” sabad ni Joel
na hinatak ang dalaga upang tumabi rito. “Mamaya mo na yayain ang boss mo.” “Pero may tatawag pong kliyente ngayong hapon,” sabi ni Edith na umiwas na makatabi
si Joel. “Kailangan pong nandoon kayo sa
villa.” Napatingin si Michael kay
Kapitan Berto na noon ay naghihintay
nang magpaalam ang una. “Paano po, mga
kasama,” pasantabi nito na tumindig, “mauuna
na po ako sa inyo. Sa susunod na lang po.” “O sige, Mr. Evangelista,” tugon ni Kapitan
Berto. “Salamat sa painom mo! ’Yung
sound system, ha? Aasahan ko ’yon!” “Opo, maaasahan n’yo po,” sagot ni Michael na humabol kay Edith na noon ay nakauna na sa pag alis. KASABAY NG PAGDATING ng nurse na
titigil sa Pulong Banal ang isang
medical and dental mission team. Napatigagal ang mga taga roon nang makita ang
napakaraming dayo na nakaunipormeng
puti sakay ng dalawang L 300 van. Ang
isa ay pag aari ng Tio Edgardo ni
Michael na maiiwan na roon upang may
magamit na sasakyan ang huli kaysa sa
kotse nitong kakaunti ang puwedeng isakay.
Nagtuloy muna ang team ng doctors at nurses sa Villa San Miguel upang makapag agahan doon dahil ang mga ito ay napakaagang umalis sa Maynila at sumakay sa inupahang ferry boat patungo sa Mamburao. Bumalik ang team sa sentro ng barrio upang isagawa ang kanilang mission na masaya namang sinuportahan ng mga kasamahan ni Kapitan Berto. Sino ba naman ang tututol sa serbisyo publiko kung sadyang makakatulong para sa nakakarami?
Pati si Edith ay naatasang mag asikaso sa pangangailangan ng doctors at nurses. Magaan
na magaan ang loob niya kahit napagod sa
maghapong gawain. Hindi niya alam ang
tungkol sa move na iyon ni Michael. Nang hapong iyon, nang bumalik ang team sa villa upang doon magpalipas ng gabi at makapagpahinga ay sumama si Edith sa paghahatid upang pasalamatan si Michael dahil pati ang ina niya ay nakapagpagamot. “Hindi mo nabanggit sa ’kin ang tungkol sa medical mission,” aniya nang makaharap ang amo. “Bakit hindi ka man lamang sumilip doon kanina nang nakapagpasalamat sa ’yo ang mga taga barrio?”
“Nai embarrass ako kapag pinasasalamatan,” nakangiting tugon nito. Napangiti rin siya sa nakitang kaligayahan ng kaharap. “Hus! Baka nga siguro nagpapalapad
ka ng papel, gaya ng sabi ni Joel?” biro
niyang tanong. “Siguro.”
Ipinahatid siya nito kay Mang Emong. Habang nasa daan, hindi maiwasan ni Edith na mag isip tungkol sa amo. Hindi dala ng kanyang hamon nang umalis ang mga Masaquel sa villa ang medical mission na iyon. Mahirap at matagal
ang organisasyon para pagsama samahin
ang isang grupo ng mga doktor para
pumunta roon. Sigurado siyang hindi iyon pagpapalapad ng papel. Sigurado rin siyang hindi na
kinailangan pang sabihan si Michael na
gumawa ng hakbang para makapaglingkod
at mapalapit sa mga taga Pulong Banal.
Talagang likas ang pagiging sensitibo
nito sa nakitang pangangailangan ng mga
tao. Nakadama siya ng paghanga rito,
paghanga na may halong kaba dahil may
biglang sumaksak na talinghaga sa
kanyang isipan: What would it be like to
be married to a man like Michael Evangelista?
Ano kaya ang feeling na tugtugan siya ni
Michael ng isang malamyos na tugtugin? Isang
love song, kumbaga? Sa gulang na beinte dos,
noon lang siya nakapag isip ng ganoon
tungkol sa isang lalaki!
chapter Seven
NANG SABADO NG GABI, naroon ang eagerness kay Edith na makita si Michael.
Ngunit may halo iyong kaba dahil baka
hindi naman ito magpunta sa sayawan. Sa nakaraang gabi matapos ang medical
mission, ayaw pa sana niyang umuwi kung
hindi pa siya pinapauwi ni Michael; nais
pa niya itong tulungan sa pag eestima ng
mga bisita. Malamang daw na tuwing
ikalawang buwan ay darating ang doctors
at nurses sa lugar nila. Natawa pa siya
nang sabihin nito sa kanya na ang nurse
nila ang maging reception clerk kapag wala
itong inaasikasong pasyente. “Wise
ka rin naman, ano?” buska niya. “Siyempre,” nagniningning ang mga matang tugon nito. “Baka kasi mabagot si Miss
Marquez, bigla tayong iwanan.” Ngayong naririnig na ni Edith ang tugtugan
mula sa plaza ng barrio ay naroon ang
excitement sa kanyang mga mata. Sana’y
sunduin niya ako, naisip niya. Nasa
bahay pa lang siya noon. Ngunit nang may
marinig siyang sasakyang pumarada sa
tapat, medyo nanlumo siya nang makitang
si Joel iyon. “Halika na, Sweetheart!”
tawag nito. Napilitan siyang lumabas.
“Hindi mo ako sweetheart,” malamig
niyang sagot nang sumakay sa kotse. “Sino kung gan’on ang sweetheart mo?” tanong nito na halata sa boses at kilos na nakainom
na. “Si Evangelista ba?” Hindi siya sumagot. Pagdating sa sayawan ay nakahinga siya nang maluwag nang hatakin siya ng kanyang mga kaibigang babae sa isang mahabang upuan. Napilitan siyang hiwalayan ni Joel. Sa pagkakaupo niya, hindi mapaknit ang
kanyang mga mata na tumingin sa
entrance ng sayawan. Inaabangan niya ang
pagdating ni Michael. Kahit nang isayaw siya ng isang binata, doon pa rin siya nakatingin. Lumaon ang mga sandali
pero nakatutok pa rin ang kanyang mga
mata sa entrance. Hindi na nga niya
nawarian kung sinu sino na ang kanyang
mga nakapareha. Batid niya sa isip at
puso, pagdating ni Michael ay magiging lutang
ito sa karamihan—a breed apart! Walang panama
rito kahit sino sa kabinataan ng San Josef,
maski si Joel Anzures. Natagpuan
na lamang niyang kasayaw si Joel. Nag request
pala ito sa master of ceremonies at nagbayad
nang napakalaki para lamang masolo si Edith
sa tugtog na iyon. Kumulubot ang
matangos na ilong ng dalaga nang maamoy
ang alak sa hininga ng kasayaw. “Bakit
ka ganyan?” tanong nito. “Bakit ba mula nang
makilala mo ang Evangelista na ’yan ay naging
mailap ka na sa ’kin?” “Lasing ka lang,
Joel,” mahinahong tugon niya. “Dahil ba
mas matangkad siya? Mas guwapo?” Hinapit
nito ang baywang niya para lalo silang magkalapit. “Joel!” angal niya nang maramdamang bumaba ang mga kamay nito sa kanyang balakang.
“Below the belt ka na!” Pilit niyang
itinaas ang mga kamay nito sa kanyang
baywang. Muli na namang bumaba ang mga
iyon. “Joel, hindi na ako muling
makikipagsayaw sa ’yo!” “At kanino ka
naman makikipagsayaw? Kay Evangelista?” “Bakit ka ba ganyan?” “Hindi ko gusto kung paano siya tumingin sa ’yo!” Paano
ba siya kung tumingin sa ’kin? tanong niya
sa isip. “Hindi naman niya ako tinititigan nang masama!”
“Sabi mo lang ’yon,” anito na inilapit pa ang mukha sa mukha niya. Halos manigas ang mga litid niya sa leeg sa
pag iwas na mapalapit ang kanyang mukha
rito. Noon may tumapik sa balikat ng binata. “May I cut in?”
Isa lang ang may lakas ng loob na gawin iyon. Ilang sandali pa ay nakatitig na si Edith sa
mga mata ng lalaking hinihintay niyang
dumating. “Request niya ang tugtog na
iyon,” aniya. Napakalakas ng kabog ng
kanyang dibdib. “So?” tugon ni Michael.
“Nagbayad din naman ako d’on sa mesa
para maisayaw ka. Pampubliko nga
lamang.” Inianunsyo nga ng emcee, “The
public may dance!” Dumami ang mga nagsasayaw. “Mabuti’t dumating ka,” bulong niya. “Ayoko nga sanang pumasok dito sa sayawan,” tugon nito. “Pero nang makita ko ang ginagawa
sa ’yo ni Anzures.. .” Namula siya. Nakita pala ni Michael iyon!
Mabuti na lamang at natago ng dilim ng
gabi ang kanyang pamumula; payak din
lang naman ang mga mumunting ilaw na
ikinabit sa palibot ng plaza para
magkaroon ng kulay ang gabi. Makulay na
nga ang gabi para sa kanya. Bigla niyang
napansin na tila sumisikip ang paligid;
medyo napadami yata ang mga sumasayaw.
Hindi naman mahilig ang mga kabataang
nandoon na sumayaw ng sweet. May
bumangga kay Michael. “Ano ba!” anang
bumangga na galit. “Sorry, Pare.” Ito pa
ang humingi ng dispensa. Kinabahan na si
Edith, lalo na nang balingan si Michael
ng ilan pang kabinataan. Mayamaya pa ay hindi na alam kung sino ang nambubugbog at kung sino ang nabubugbog. Nasalya lang ang dalaga sa isang tabi. Halos mapaiyak na siya dahil wala siyang magawa upang matulungan ang amo. Malaking lalaki nga si Michael Evangelista
ngunit kung sampu naman ang kalaban?
Aba’y si FPJ lamang ang nakakagawa na
makatalo ng kahit isandaang kalaban! “Awatin n’yo sila!” nagmamakaawang pakiusap niya sa mga nandoon sa kanyang tabi. Mayamaya pa ay dumating ang mga tanod ni Kapitan Berto. Napayapa rin ang kaguluhan. Nang magkaroon ng pagkakataon ay hinatak niya si Michael palabas ng sayawan. “May sugat
ka!” “Okay lang,” tugon nito na
humihingal pa. “Halika sa bahay nang
magamot ’yan.” Wala itong nagawa kundi
ang sumunod. Lingid sa kanila na
nagniningas sa galit ang mga mata ni Joel
nang makita silang tumalilis. Umalis din ito
palayo ng sayawan. “OKAY RIN ang hospitality n’yong mga ‘saints,’” pabirong sabi ni Michael nang nililinis na ni
Edith ng bulak na may alkohol ang sugat
sa noo nito. “Aray!” “Huwag kang magulo,” saway niya na hinipan ang noong may sugat. Nalanghap nito ang samyo ng hininga ng
dalaga. Napatitig ito sa maamo niyang
mukha; sa labi niyang walang artipisyal
na kulay. Napansin naman niya ang aktong
iyon. Nagkatitigan sila. “Alam mo, may rason talaga kung bakit dapat magselos si Anzures,” malamyos na bulong
nito. “Bakit mo nasabi ’yan?” tanong
niya na walang kamalay malay na napaka seductive
ng kanyang boses; nakaawang pa nang
bahagya ang mga labi nang matapos
magsalita. Sa iilang pulgadang layo ng
kanilang mga labi, bumigay ang lalaki sa
tawag ng damdamin. “This is why. . ” Parang ibong humapon sa pugad ang mga labi ni Michael sa malalambot na labi ni Edith. Sa
una ay malamyos pero nang lumaon ay
naging malalim.. . “Kaya pala ayaw mong pumaroon ako sa villa,” ani Elsa mula sa itaas ng hagdan, “gusto mo,
sa ’yo lang siya! Kaya pala!” Kaagad na nagkahiwalay ang kanilang mga labi. Hindi sila kaagad nakakilos. Nang sila ay manumbalik sa kahinahunan mula sa init na nadama ay nagtatakbo na si Elsa patungo sa kalsada.
Humangos si Michael sa labas upang habulin ang babae.
Si Aling Elvira na noon ay naalimpungatan ay bumaba rin. “Ano’ng nangyayari dito?” “Si Elsa ho,” tugon ni Edith na tila nanuyo
ang lalamunan nang makita ang ina,
“nagtakbo po sa labas!” Pahangos na lumabas din si Aling Elvira upang
habulin ang anak. Si Edith ay hindi
makakilos; nanlambot ang mga tuhod na
napaupo na lamang sa isang bangko. “Elsa!” tawag ni Michael. “Si Ate Edith. .
nakikipaghalikan kay Michael!” malakas
na sabi ni Elsa habang nagtatatakbong walang
sapin sa mga paa. “May gusto siya kay Michael!
Naghahalikan sila!” Sa wakas ay nasakote
rin ito ng lalaki. Nagpipiglas si Elsa.
“Ayoko sa ’yo!” tili nito. “Si Ate Edith
ang gusto mo!” May mga nakarinig sa mga
sinabi ni Elsa, mga taga Pulong Banal na
noon ay pauwi na mula sa sayawan.
Pinagtinginan ng mga ito ang nangyayaring
tagpo; pigil ni Michael sa kanan si Elsa
at si Aling Elvira naman sa kaliwa. “Naghahalikan
sila ni Ate.. .” muling sabi ni Elsa. “Ano
’ika mo?” Nagpanting ang tainga ni Aling
Elvira. “Sila ni Michael. . ” Napatitig si Aling Elvira kay Michael—ang dahilan kung bakit sinumpong si Elsa ng sira
nito sa ulo.
chapter Eight
SA PAGKAPAHIYA dahil nakaladkad sa kahihiyan ang kanyang anak na dalaga, galit
na binalingan ni Aling Elvira si
Michael. “Bitiwan mo si Elsa,” anito sa
pagitan ng mga ngipin. “Tama si Joel,
wala ka ngang idudulot na magaling!” Napilitan siyang bitawan ang braso ni
Elsa. “Pero.. .” Hindi na siya nakapagpaliwanag. Pinanood na lang niyang kaladkarin ni Aling Elvira ang bunsong anak pabalik ng bahay. Uurong susulong siya. Nang tumapat siya sa bahay nina Edith ay narinig niya ang
masasakit na salitang binitawan ni Aling
Elvira sa anak, mga salitang hindi
kayang sikmurain ng isang dalaga. Kakatok
sana siya ngunit bago pa man siya papalapit
sa pinto ay bumukas iyon at patakbong lumabas
ng bahay si Edith; hindi siya pinansin nito. “Edith!” tawag niya ngunit tuluy tuloy lang
ang dalaga paakyat sa burol, sa kabilang
bahagi na papunta sa gulod. Napilitan siyang sundan ito. Ngunit palibhasa hindi siya sanay sa pag akyat ay napabagal
siya; hindi niya maaabutan si Edith na
tila yata kahit nakapikit ay kabisado
ang daan! Nang marating ang itaas ng
gulod ay dinig ni Michael ang paghampas
ng alon sa mga bato sa ibaba. Naroon
ang dalaga sa may gilid; nakatanaw sa
malayo, nakayupyop ang ulo sa mga tuhod. “Edith. . ”
“Iwanan mo ’kong mag isa!” “Pero,
Edith. . ” anito na nilapitan ang dalaga,
naupo sa tabi niya. “Let me talk to your mother. Sasabihin kong kasalanan ko ang lahat.” “Wala
kang kasalanan.” Pinilit niyang kalmahin ang tinig. “Sa tingin ko naman. . Hindi niya naipagpatuloy ang nais sabihin. Sa puso na lamang niya nasabi: Kasalanan ba ang aming ginawa?
“Hindi ka na papupuntahin ng inay mo sa villa,” mahinang sabi nito. “Bakit naman ako susunod sa kagustuhan n’ya?” sabi niya na nilingon ito. “Para lamang
bigyang palaman ang mga sasabihin ng mga
tao na kaya hindi na ’ko pupunta ay
dahil may namamagitan nga sa ’tin? I
may be a barrio lass, Michael, but I’m not
stupid!” Matagal silang hindi nagkibuan. “Pakakasalan kita,” biglang sabi nito. “What?”
“Sabi ko, pakakasalan kita.” Napailing
siya. “Dahil lamang sa ikinalat ni Elsa,
pakakasalan mo ako?” tugon niya. “No, Michael, huwag.”
“Bakit?” “Lalo lamang lalala
ang. . kalagayan ng aking kapatid,”
mahina niyang tugon na napayuko. “Lalo
akong sisisihin ni Inay. . ” “Kapatid mo
ba talaga si Elsa?” Ironic ang ngiting
sumibol sa kanyang mga labi. “Ampon lang
namin siya,” tugon niya. “Anak siya sa
labas ng isang kapwa sundalo ni Itay. . Pero
mahal na mahal namin siya.” “She needs
all the help she can get,” pakli nito. “Bakit
ba siya nagkagan’on?” Napabuntunghininga
siya. “Noong siya’y sixteen years old,
ginahasa siya ng isang di kilalang lalaki..
nabuntis siya pero nalaglag ang bata. . Mula
noon ay hindi na siya katulad ng dati.” Marami pa sana itong itatanong ngunit
may mga tinig silang naulinigan mula sa
ibaba ng gulod. “Ano ’yon?” Naalerto
ito; inakbayan siya at handang
ipagtanggol sakaling panganib ang dumarating.
Nagkubli sila sa likod ng isang
malaking bato kung saan hindi sila abot
ng sinag ng kalahating buwan. Mula sa karimlan ay lumabas ang ilang lalaki. Sumunod pa ang malalaking kahon sa kanilang mga balikat. Kitang kita ni Michael na ang
mga kahong iyon ay kahon ng mamahaling
alak. Smugglers! “Bilisan n’yo!” utos ng leader. “Ang babagal
n’yo naman!” “Totoo pala talaga!” pabulong na bulalas ni Michael. “Bakit hindi mo sinabi agad sa
’kin?” “Shh!” saway ni Edith. “Iyan ang
ikinabubuhay ng halos lahat ng taga rito;
mas malaki ang kinikita nila kesa
pangingisda at magtrabaho sa koprahan.” “Kaya ba bawat dumating na dayong tulad ko ay hindi welcome dahil baka magsumbong sa mga coast guard?” bulong na tanong nito. Nasinagan ng ilaw ng maliit na flashlight ang
mukha ng leader ng smugglers. Kitang kita ni Michael ang mukha ng lalaki;
hindi ito maaaring magkamali—si Joel
Anzures! Napatingin ito sa kanya;
nakayuko siya. “Matagal ka na nilang
nais patayin. . ” bulong niya na
napayakap sa lalaki; nanginginig siya sa
takot. “Nakiusap ako kay Joel na huwag kang gagalawin.”
Niyakap siya nito nang mahigpit! Simpleng disposisyon ng mga tao at isang
taong may salapi ang pinambili ng
loyalty ng mahihirap. Befriend and conquer ang ginawa ng mga Anzures para matanganan sa leeg ang mga taga San Josef; at dahilan naman sa loyalty ng mga
ito sa kinikilala nilang benefactor ay
tanggap nila ang gamitin sila kahit sa
illegal na paraan kung iyon ang
makakasapat upang sila ay hindi magutom.
Napakahusay na taktika! Taktikang pinahinog ng panahon hanggang sa matatak sa mga sumunod na henerasyon. Malamang din na ang pangunahing patakaran sa lugar na iyon ay: Squealers will be prosecuted! Nang mawala na ang grupo ng mga bandido ay nagyaya nang umalis si Michael.
chapter Nine
SA
KABILA ng mga bulung bulungan na ininda ni
Edith nang magsimba sila ng kanyang inay ay
pumasok siya sa trabaho nang dumating ang Lunes ng umaga. “Hindi ka na pupunta doon!” sigaw ni Aling Elvira nang makitang bihis ang anak at
patungo na sa villa. “Inay,” tugon niya, “wala po akong dapat na ikahiya.
Hindi tayo mabubuhay
kung pakikinggan natin ang
tsismisan ng mga tao.” “Pipiliin ko nang magutom kung ang kakainin natin ay galing sa—” “Pinagputahan?” galit na dugtong niya.
“Kanino ba kayo maniniwala? Sa katkat ng
kung sinu sino o sa anak n’yo?” Walang nagawa si Aling Elvira. Humabol pa ito hanggang tarangkahan upang talakan ang anak. “Ni hindi mo alam kung saang lupalop nanggaling ang lalaking ’yan! Baka kriminal
ang Evangelista na iyan na nagtatago sa
batas!” Habang paakyat sa villa ay puno
ng isipin si Edith. Inisip niya ang mga
walang kabagay bagay na tsismis na alam
niyang si Joel ang nagpasimuno para
maging ilag ang mga taga Pulong Banal
kay Michael. Maano kung kriminal pa
siya? Napapitlag ang kanyang puso. Paano
kung may asawa na? Sa isip at damdamin niya, hindi dahilan ang
mga iyon upang pigilin ang kanyang
sarili na respetuhin si Michael.. at ito
ay mahalin. Napagtanto ni Edith, sa loob
lamang ng beinte cuatro oras, kapag
mahal mo pala ang isang tao ay hindi
mahalaga kung ano pa siya o ano ang kanyang
ginawa. Basta mahal ko siya! Ang
revelation na iyon sa kanyang puso ay nagbigay
ng takot sa kanya. Paano kung dahil lamang
sa kalungkutan kaya siya niyakap at hinalikan
nito? At sinabi pang pakakasalan siya! Naninikip
ang dibdib na pumasok siya sa bakuran ng
villa; naroon din kasi ang anticipation ng
pagkikita nila ni Michael. Nagulat siya nang makitang nasa driveway ang kotse ni Joel; may isa pang kotse ang
nakaparada roon. Isang matinis na boses ng babae kaagad ang sumalubong na tunog sa may bulwagan. “Michael, Darling,” ani Christine na
nakalambitin ang mga kamay sa bisig ng
lalaki, “if it’s not for this handsome
young man, baka nawala na ako!” Napakatipid
ng ngiti nito, halata ang embarrassment
sa sobrang kaartehan ng boses ni Christine. Si Joel ang unang nakapansin kay Edith na
noon ay nakatayo na pala sa may pinto.
“O, Edith,” bati nito, “balita ko’y
hindi ka na daw darating?” Napatiim bagang
si Michael sa pasaring ng binata. “Marami kaming trabahong dapat gawin bago mag opening, Joel,” malamig na tugon ni Edith
na lumapit sa tatlo. Nang makalapit siya ay kaagad naman siyang hinapit ni Joel para ipakita sa bagong dating
na si Christine na: She’s my girl! At
iyon ay para na rin kay Michael. Hindi siya makatingin sa boss niya; hindi rin
siya makahulagpos sa pagkakadaiti kay
Joel dahil hawak nito ang gilid ng
kanyang blusa. Sa nakitang iyon ay
yumakap din si Christine sa lalaki.
“Sino siya, Michael?” tanong nitong nakangiti
at parang maamong tupang nakatitig sa mukha
ng dalagang nakatungo. “She’s Edith,”
mababang tonong tugon nito, “my secretary.” “Ah, the secretary!” pakli ng babae. “How
nice!” Ang ngiting iyon ay nabura sa
mga labi ng maarteng babae nang makitang
may hitsura pala ang barrio girl na
sekretarya ni Michael. “Ah, Michael,”
anito, malambing na muli ang tono, “why
don’t you invite this young man, Joel..
and. . his girl. . for dinner? Parang welcome
party ko na rin.” “Sure,
Christine,” napilitang tugon ni Michael. Sa
lahat naman ng ayaw niya ay kumbidahin si Joel Anzures para makasalo sa hapunan. At si Edith
pa ang kapareha nito! “Please join us
for dinner,” pormal nitong paanyaya. “Hindi ako—” simula ng dalaga. “Ako ang bahala sa inay mo,” putol ni Joel. “Papayag iyon kapag ako ang iyong kasama.” Nagtagis ang mga bagang ni Michael. Kapag ako pala ang kasama ni Edith ay hindi papayag si Aling Elvira? MAGHAPONG WALA SA OPISINA si
Michael. Naisip ni Edith na tiyak na
kasama ito ni Christine sa pamamasyal
palibot ng villa; malamang na nagsa sightseeing
ang mga ito sa observatory. Tila
naninikip ang dibdib niya habang iniisip ang
dalawa—si Christine na sadyang kaakit akit na nakayakap sa kanyang mahal! Tila nais niyang humagulhol sa tindi ng pani bughong nadarama. Wala kasi siyang magawa kundi ang manahimik sa opisina at gawin ang mga correspondence na iniutos sa kanya ni Michael bago ito lumabas upang samahan ang bisita. Malamang na magkahawak ang mga kamay
nila, aniya na ini imagine ang dalawa na
magka holding hands. Sumagi sa kanyang
balintataw ang mapupulang labi ni
Christine na laging tila nakaumang at
naghihintay na halikan ni Michael. Bakit
ganito? Noon lang isang araw, payapa ang
kanyang kalooban; may takot para sa safety ng amo, ngunit kahit paano ay payapa. Mas nakakabagabag pala ang pag ibig kaysa death threat! Mas masakit din siguro ang manibugho kaysa tamaan ng punglo! Masakit ang isipin na hindi sila para isa’t
isa ni Michael! Hindi siya umuwi para mananghali; sa diskusyong namagitan sa kanila ng ina ay wala siyang ganang umuwi para makasalo ito. Malaki ang kanyang hinanakit. Ano ba ang masama sa isang halik? Isang halik lang nga
iyon, ngunit bakit nang makita niya si
Christine na malambing na nakadikit kay
Michael ay tila nawari niya kung saan
nagkaroon ng masama ang halik na iyon. She fell in love! Napaibig siya nang dahil
lamang sa halik? Nagtalo ang kanyang
kalooban. Hindi sapat iyon para umibig;
naging hudyat lang iyon para mapagtanto
niyang all the while, mahal na niya si
Michael. Nang makita niya ang panlulumo
nito sa pag alis ng mga dapat ay naging
tauhan sa resort, ang hinanakit nito sa
mga taga Pulong Banal na sinuklian pa ng
kabutihan at pakikisama, ang pagnanais
nitong maging maunlad ang sinisimulang
negosyo—lahat ng iyon ay nagbuo ng
respeto niya rito. Respeto ang pundasyon ng
kanyang pag ibig, hindi isang pisikal na bagay na tulad ng halik. Kaya nga nandoon siya at handa pa ring maglingkod kahit laman siya ng usap usapan sa sentro ng kanilang barrio; kaya nga siya
nandoon ay para patunayan din sa sarili
na hindi siya ang tipo na magpapatangay
sa mga usap usapan. Ngunit ang
nagpapasakit sa kanyang dibdib ay hindi
niya alam kung may nadarama rin si Michael
sa kanya. At sa tema pa ng mga nangyayari,
ang pagdating pa ni Christine, lalong naging
malabo ang lahat. Alas tres ng hapon ay
sumungaw si Mang Emong sa pinto ng
opisina. “Puwede ka na daw umuwi, sabi
ni Sir,” anito na kaagad ding umalis.
“Babalik ka pa daw mamaya?” Pati pagdi dismiss sa kanya sa araw na iyon
ay hindi na maharap ni Michael. “Busy siguro sa pag e entertain kay
Christine,” nanlulumong sambit ni Edith
nang i off ang computer at inayos ang
ibabaw ng kanyang mesa. Nilukot at
itinapon niya sa waste basket ang isang note
na kanyang naisulat dahil sa lumbay. Laman
sana niyon: Dear Mr. Evangelista, I would like to tender my resignation
effective immediately. Sorry if this
will cause you some inconvenience but I
really cannot work for you anymore. Nawala ang pagiging straightforward niya
bilang ang matalas na si Miss Edith
Sanchez; naglahong parang bula ang
natutunan niya sa formal correspondence.
Ebidensya ang liham na iyon na pinaghirapan
niyang isipin. Hindi iyon formal
correspondence. Iyon ay isang pormal na
pagpapahayag na hindi niya matiis ang sarili
na siya ay umiibig. ALAS SIETE nang
dumating si Joel para sunduin si Edith.
Ipinagpaalam siya nito sa ina niya dahil
malamang na gabihin sila. “Don’t
worry,” anito nang nakasakay na sila sa kotse,
“I’ll be nice to your Michael Evangelista.”
Hindi na lang niya pinatulan iyon; nanahimik siya hanggang sa makarating sila sa villa. Dinner lang iyon ngunit mukhang dadalo sa FAMAS Awards night ang bihis ni Christine. Samantalang si Edith ay nakasimpleng bestida
na madalas niyang isuot sa pagsisimba.
Si Joel naman ay naka polo na mahaba ang
manggas, nakakurbata at naka dinner
jacket pa. Si Michael ay kaswal lang din
ang suot, pantalong itim na tinernuhan
ng napakaputing kamiseta at saka
pinatungan ng itim na blazer panlalaki. Kinis
na kinis ang buhok nitong napakaitim na basa pa sa pagkakapaligo. Wala itong suot na alahas. Samantalang si Joel ay tila nangingislap ang
mga kamay sa tatlong malalaking
singsing na brilyante sa mga daliri.
Tila limang kilo rin ang bigat ng mga
bracelet nito na parang kadena na ng aso sa
kapal. Sina Adora at Agnes ang nagsilbi sa kanila, ayon sa instruction ni Michael. Sa bulwagan sila naghapunan; candlelight dinner sana sa terasa ngunit tila uulan kaya sa loob na lang. Tutal
ay nasa malapit naman ng grand piano
kaya ganoon pa rin ang ambiance. Parang magaspang sa paglunok ni Edith ang mga pagkain; masarap sana ngunit parang wala
siyang gana dahil kaharap niya si
Michael. Si Joel naman ay napakasosyal
at madalas purihin si Christine sa
kagandahan nito. Sa kabuuan ng hapunan,
naging tagapakinig lang si Edith dahil
manipulado ni Christine ang usapan. Nang isilbi ang champagne ay lalong naging
bibo sina Joel at Christine. Si Michael
ay pormal; si Edith ay magsasalita
lamang kung siya ay natatanong. “Sayang, kung nandito ka sana n’ong Sabado ng gabi’y naisayaw sana kita,” kasalukuyang sabi
ni Joel kay Christine. “Speaking of dance,” tugon naman ng babae, “bakit wala tayong music, ha, Michael?” “Sorry,” sabi nito. “Teka’t sasabihin ko kay
Mang Emong na patugtugin—” “No,” pigil ni Christine nang tatayo ang
lalaki upang hanapin si Mang Emong.
“What I mean is, why don’t you play the
piano?” Saglit na natigilan si Michael. “Please, Michael, Darling?” Wala siyang ganang tumugtog pero napilitan dahil nakita niya ang biglang pagningning ng mga mata ni Edith. Nais din nitong tumugtog siya. “Okay,” aniya na lumapit sa piano at binuksan iyon. Naghanap muna siya ng piyesang tutugtugin sa compartment ng upuan. May
nakita siyang puwedeng tugtugin. Ayaw
niyang tumugtog ng isang concerto o
menueto, walang classical. Ang nais niya
ay isang love ballad. Inilagay niya ang
piyesa sa patungan at tinimpla ang
sarili. Saka sinimulan ang tugtugin. Sa
intro pa lamang ay nag react na si Christine.
“Oh, I love that!” anitong napapalakpak. “I wish I can sing that with you!” Saglit na tumigil si Michael. “Yes, why not, Christine?”
“No,” tanggi nito. “Alam mo namang parang boses ni Vilma Sanchez ang boses ko.” “Hindi ko itutuloy ang pagtugtog kung walang makikipag duet sa ’kin,” banta niya na iiwan
na ang piano. “Ano bang kanta iyan?” biglang tanong ni
Edith. Napatingin siya sa dalaga. “Come
here, tingnan mo ang kopya ng piyesa,”
anyaya niya rito. Lumapit naman si
Edith; napangiti nang makita ang
pamagat. Hindi niya kasi kaagad naisip ang
kantang iyon dahil iilang nota pa lamang ang natitipa ni Michael nang ito ay tumigil. “I
think I know how to sing that, kung may
ka duet ako.” Muli na namang sinimulan
ng lalaki ang tugtog; lalong naging mas
madamdamin ang intro dahil nasa tabi
nito si Edith. Saka nito sinimulan ang
pag awit. Love, like a road that never
ends How it leads me back again to heartache
I’ll never understand. . Umapaw ang pag ibig sa mga mata ni Edith nang titigan siya ni Michael para senyasan na siya naman ang kumanta. Darlin’, I put my heart upon the shelf. . Kapwa
nila nalimutan na nandoon sina Christine
at Joel; pinanood sila ng mga ito na may
panibugho sa mga mata. Nang sabay
na sila sa koro ng awiting Next Time I Fall
In Love ay sumilay ang ngiti sa kanilang mga
labi. Noon lang sila umawit nang sabay ngunit parang matagal na silang nagdu duet! At nang dumating sa parte na ang sinasabi ng linya ay: . . I will be with you. ., malaki
ang impact niyon kay Michael. Lalo pang ibinuhos ni Edith ang damdamin niya sa pangalawang stanza. Oh, Love, as I look
into your eyes Well, I wonder if it’s
wise To hold you Like I’ve wanted to before. . Lalong ginanahan si Michael sa pagtipa at pakikipagdueto. Mukhang sa susunod na umibig ito. . kay Edith na! Nang matapos ang song number, pakiramdam ng dalaga ay nakayapak siya sa alapaap nang
biglang magsalita si Christine. “I think I’ve got a nasty headache,” reklamo
nito. “Nais ko nang matulog.” Walang nagawa si Joel kundi ang magpaalam dahil ito rin ay na out of place!
chapter Ten
KAHIT WALANG MASYADONG GAGAWIN sa opisina ay maagang dumating si Edith. Hindi niya kasi matagalan ang hindi pagpansin sa
kanya ng ina. Sa kabila noon, umaapaw sa galak ang kanyang puso dahil sa nakaraang gabi. No one can take that away from me! masidhi niyang sabi nang ihuni ang tono ng awiting pinagsaluhan nila
ni Michael. Humuhuni pa nga siya nang pumasok ang lalaki sa opisina. Napahinto siyang bigla; napahiya dahil baka narinig siya nito. “Nice song, isn’t it?” Narinig niya ako! “Yeah,” tugon niya na
namula ang mga pisngi. “Nice song.” Naupo
si Michael sa silya, nakatitig pa rin sa
mukha ng dalaga na gradually ay nanumbalik sa dating kulay. “How’s your sister?” tanong
nito para lamang may mapagsimulan ng
conversation. “Okay naman,” tugon niya
na pilit gawing normal ang tono.
“Kailangan niya ng tranquilizer para
makatulog. Pero okay naman siya.” “How
about your mother? Galit pa ba siya sa akin?”
Naging seryoso ang tono nito. “Lilipas
din ’yon,” paniniguro niya. “Pasasaan ba’t
mababaon din sa limot ang lahat.” Nakuha
niya ang nais puntuhin nito; na hindi iyon
patungkol sa galit ng kanyang ina kundi sa
halik. Bigla rin niyang naalala
na may isang Christine na nandoon lang
sa loob ng villa. “I’ll try—” Hindi pa
man siya natatapos sa sasabihin ay walang
sabi sabing bumukas ang pinto. “Michael,”
ani Christine na pumasok sa opisina, “bakit
naman iniwan mo ’kong mag isa para mag almusal?” Napakanipis ng suot ng babae; nakapantulog pa
ito. Napayuko na lang si Edith. Nahinuha ni Michael ang aksyon ng dalawa. Si Christine ay may nais palitawin at
naapektuhan naman si Edith! Mabilis na tumayo ang lalaki at nilapitan si Christine, tinanganan ito sa braso at hinatak palabas ng opisina. Nang makalabas ay sinita
niya ang babae. “How dare you barge in
there looking like that?” galit niyang
tanong . “What was wrong with that?”
inosenteng tanong nito. “Ikaw lang naman
ang nandoon.. at ang iyong secretary.” May pailalim na tingin ang ipinukol ng babae
sa direksyon ng pinto ng opisina. Muli
itong hinatak ng lalaki para malayo sila
sa pandinig ni Edith. “Why? What’s the
big deal, Michael?” tanong ni Christine.
“Ano ba? You’re hurting me!” Binitawan
niya ang dalaga. “The big deal, Christine,
is nandito ka!” galit na tugon niya. “Just when things are going right, bigla ka na lang sumulpot!”
“Why? Are you hitting it off with the little secretary?” sarkastikong tanong nito. “Ano
ka, nababaliw?” “I’m not crazy,” tiim bagang niyang tugon.
“Nais kong pakasalan si Edith and I will
ask her right now if she’ll have me!” Napanganga ang malanding babae, hindi maka paniwala sa narinig. “You can’t mean that!” “Oh, yes, I do!” Nagkatinginan silang dalawa; ang mga mata ni Christine ay tila maluluha, ngunit si Michael
ay pinilit na patigasin ang loob dahil
kung padadala na naman siya sa dramang
iyon ng kaharap ay walang mangyayari sa
kanyang planong yayaing pakasal si
Edith. Nang mapagtantong wala na talaga
itong magagawa ay masasakit na salita
ang namutawi sa mga labi nito. “Fool!
Tanga! Tanga ka, Michael!” Nagtatakbo ito pabalik sa silid. Hindi niya
ito sinundan; mas nais niyang mag impake
na ito at umalis para mabawasan ang
kanyang problema. Paano niya mabubura ang ideyang tumatak sa isipan ni Edith nang makita nito sa Christine
sa ganoong kasuotan? Walang kamalay malay sina Michael at
Christine na dumating si Joel sa mga
sandaling sila ay nagtatalo. Palibhasa
kabisado ang villa, nagtuloy lang ito sa
opisina, dala ay isang lumang diyaryo. Sandali
lamang ang lalaki roon. Paglabas ay wala
na ang hawak nitong diyaryo sa kamay; abot ang ngiti hanggang tainga. May na accomplish na naman ito! PAGBALIK NI MICHAEL SA OPISINA ay
tila naumid ang dila nito nang makita
ang condemnation sa mga mata ni Edith.
“Look. . ” “May nais ka bang sabihin,
Mr. Evangelista?” “Why don’t you call me
‘Michael?’” “Why should I?” “Edith, let me—” “Hindi ba kung may mister, may misis?” “Look, Edith, hindi ’ko—” “Hindi mo, ano?” “Hindi ko asawa si Christine!” desperadong paliwanag nito. “She’s just a friend, and if
you’re thinking that we slept together
last night, you’re wrong!” Napaiwas siya ng tingin. Ayaw pa rin nitong umamin. Anyway, bakit siya nagre react nang ganoon dito? Ano ang karapatan niya? “Look,
Mr. Evangelista,” aniya na nagbaba ng tono,
“wala akong karapatan na bulatlatin ang relasyon
n’yo ni Christine pero binabalaan kita kung
may balak kang pagtuhugin kami! You can have
a mistress for all I care, pero huwag ako! Hindi ako para sa ganyan lamang!” “What are you saying?” tanong nito na naguguluhan.
“Ano po ang ibig sabihin nito?” Inihagis niya ang diyaryong pinatungan niya ng ilang mga
papeles; bumagsak iyon sa paanan ni
Michael na dinampot naman nito. Habang tinitingnan ang lumang peryodiko ay may narinig silang busina ng sasakyan; hindi
iyon ang sasakyan ni Christine. Iba
iyon. Matagal nitong pinagmasdan ang
article tungkol sa kasal nila ni Lisa
Esguerra Evangelista. Sa mga sandaling
iyon, nais din nitong kunin ang ginupit na
kopya ng obituary ng asawa mula sa isa ring
peryodiko; nakatago lang iyon somewhere sa drawer sa mesa nito at naka laminate pa. Nais nitong sabihin kay Edith na patay na si
Lisa; nais nitong sa sariling bibig
manggaling iyon at patunayan sa sariling
paniniwalaan ito ng dalaga. Ngunit ang
talim ng mga mata ni Edith ay nagsasabing
kahit ano ang mamutawi sa bibig ni Michael
ay hindi paniniwalaan. May mahinang
katok mula sa pinto. Bumukas iyon.
Bumungad si Mang Emong. “Eh, Sir,
nagpasama po sa ’kin. . ” Isang batang
babae ang patakbong lumapit kay Michael.
“Daddy!” sigaw nito. “Hazel!” Isinantabi ni Michael ang nais sabihin kay Edith. Napaluha naman si Edith nang makita ang mag ama na nagyakap. “Daddy. . I missed you!” anang bata na
mahigpit na kumuyapit sa ama. “I missed you, too, Hazel. . ” tugon ni
Michael na napapikit sa labis na
kaligayahan. Napaaga ang pagsasauli sa
kanya kay Hazel. Napakagandang sorpresa
iyon kahit nasa gitna siya ng isang problemang
emosyonal. Nang tingnan niya si Edith sa
kinatayuan nito sa may mesa ay wala na
ito.
chapter Eleven
PAULIT ULIT NA NAGLARO ang awitin sa kanyang gunita. Sa kabila ng kaligayahang nadama nang awitin niya iyon kasama si
Michael ay hindi napigil ni Edith ang
pagluha. ... And if it drives me crazy, I
know better why The next time I try.. . Kahit naroon na ang resolusyon sa kanyang
isipan na sa susunod na siya ay umibig,
titiyakin na niyang hindi na siya muling
magkakamali! Dalawang araw na ang
lumipas mula nang makita niya ang
tagpong iyon; dalawang gabi siyang hindi
pinatulog ng alaalang dala ng mga mata
ni Michael na nagsusumamong kung anuman
ang mamutawi sa labi nito ay kanyang paniwalaan. Ngunit ano pa ang dapat nitong patunayan sa kanya? Hindi pa ba sapat na prueba ang napakagandang batang iyon na yumakap sa ama nito? Ang
galing ng timing ng lahat. Labas na si Christine.
Hindi ito talaga asawa ni Michael. Ngunit
ang masakit ay patungo na rin siya sa hatak
ng damdamin na nagsimula sa isang halik.
Idadagdag lang siya nito sa marahil ay napakahabang listahan ng mga babaeng nabihag ng gandang lalaki nito, ng mabikas na tindig,
ang helpless nitong aktong dala ng mga
suliranin tungkol sa resort. At
napakalaking magnetismo mayroon ang
husay nito sa pagtugtog sa piano! Sana
ay hindi ko na lang tinanggap ang trabahong
iyon, panghihinanakit niya sa isip. Sana ay nakinig siya sa kanyang ina. Sana ay nakisali
na lang siya sa sentimyento ng mga taga Pulong Banal na isnabin ang proprietor ng Mont St. Michel, Resort of the Saints. Makalangit ba ang kanyang napala? “Hindi ugaling santo ang ako ay ibulid na
walang kamalay malay sa kasalanan!” Kinamumuhian niya ang lahat—ang mga pangyayaring nagtakda sa kanya na umibig kay Michael Evangelista! Sana ay nilunok na lang
niya ang katotohanan na kahit may batik
ang pangalan ni Joel ay inibig na lang
niya ito. At least, kahit pinuno ng mga smuggler
ay masigasig na siya ay paibigin—at lalaki
pa! Walang saysay! Walang kamala malaki
ang resolusyon na iyon dahil bali baligtarin
man ang mundo ay talagang hindi niya
magagawang ibigin si Joel Anzures kahit
pa malaki ang kanyang utang na loob sa
lolo nito. At si Elsa. Sa isang banda ay
instrumental ito sa paglilinaw ng
kanyang damdamin. Ang pinakamamahal
nilang si Elsa na may crush kay Michael
ang nagbunsod sa kanya na limiin ang kanyang
damdamin na marahil ay nandoon nang matagal
ngunit hindi niya pinag ukulan ng pansin
at isipin dahil mas naging abala siya sa
pag iisip na malao’t madali, kapag natanto ni Michael na walang mangyayari sa resort na
iyon ay mag impake na lang ito at
lisanin ang San Josef. Kahit wala siya sa villa ay matutuloy pa rin
ang opening niyon. Balita sa nakaraang
araw ay mag iimporta na lamang ng mga
tao mula sa Maynila; malaki ang ibabayad
sa mga ito dahil sumosyo na rin ang
biyenan ni Mr. Evangelista. Sa puntong
iyon, natanong ni Edith ang sarili kung
tama ba ang naging reaksyon niya, na tahimik
na lang siyang lumabas ng opisina dahil napatunayan
niyang may asawa at anak na nga si Michael?
Inakusahan nga ba niya ito sa isang bagay
na hindi pa nito nagagawa? Sana ay
hindi pahagis ang ginawa niyang pagbibigay
kay Michael sa peryodiko, naisip niya. Pero
hayun na naman ang alaala ng mga mata nito
na nakikiusap! “Edith,” tawag ng kanyang ina, “lumabas ka dito’t may bisita ka.” Baka si Adora o si Agnes na napadaan doon
para ibigay ang kanyang suweldo? O baka
si Onyok ang may dala? Baka nga iyong
magkapatid para kuwentuhan siya ng mga
nangyayari sa villa? Ngunit hindi si
Onyok o ang magkapatid ang bumisita sa
kanya kundi si Michael, kasama ang anak
nito. Saglit na naisip ni Edith na
magpalit ng damit dahil lukot na sa
pagkakahiga ang kanyang duster na
pambahay. Okay lang! pagkuwa’y sabi niya sa
isip. Kahit na magulo at hindi nasusuklay ang kanyang buhok. “May sasabihin ka ba, Mr. Evangelista?”
pormal niyang tanong nang makaharap
ito. Saglit niyang tiningnan si Hazel at
nakadama siya ng kalungkutan. Ano kaya
kung siya ang ina ng magandang batang
ito? “We still have unfinished
business,” simula ni Michael. “Tungkol saan?” Pinilit niyang magpakabato ngunit parang ang batong iyon ay nasa kanyang lalamunan. “Pasensya na kayo, hindi na ako nakapagpaalam pero balak kong magpadala ng resignation letter. Hindi ko pa lang
nahaharap—” “Hindi tungkol sa trabaho,
Edith,” putol nito na tiningnan ang
anak, pinatayo ito sa harapan niya upang
mas mapagmasdan niya ang inosente nitong
mukha. “Tungkol po saan?’ Pinilit pa rin
niyang maging pormal. “Here.. is my
daughter.” Mula sa anak ay inilipat nito
ang paningin sa kanya; bale wala kung nandoon
lang sa isang tabi si Aling Elvira, mas maigi
nga iyon! “And with all that I hold dear....”
Pinili nito ang sasabihin, kailangang hindi ito magmintis dahil nakasalalay ang sariling kaligayahan sa sandaling iyon. “Sa harap
niya,” patuloy nito, “hinihingi ko ang
iyong kamay.. . Will you marry me?” Nag transfer nang ilang beses ang mga mata ni Edith mula sa lalaki, pagkatapos ay sa anak
nito. Sa ama.. sa anak. . at sa sarili
niyang ina. Tumango si Aling Elvira.
Ibig nito sabihin ay: Sabihin mo ang
nadarama mo. Sasagot na lamang siya nang
biglang dumating si Onyok; humihingal
ito. “Ate Edith! Aling Elvira!” tawag
nitong lumitaw sa may pintuan. “Ay, nandito
pala kayo!” dugtong pa nang makita si Michael. “Ano ’yon, Onyok?” tanong ni Aling Elvira. “Nagkaroon ng raid!” Nanlalaki pati butas ng ilong ng binatilyo sa pagsisiwalat ng sadya. “Nahuli ’yung mga bantay sa bodega sa kabila
ng gulod! At marami pang dadamputin!” “Sinu sino ang hinuli?” nag aalalang tanong
ni Edith. Baka ang mga kababata niya!
Baka mga ama ng tahanan na may magugutom
na pamilya. Kundangan kasi, namulat sila
roon sa Pulong Banal sa ganoong sistema! Wala siyang kilala na puwedeng magsuplong sa awtoridad kundi. . Napatingin siya kay Michael. Nahulaan din
nito ang ibig sabihin ng tingin na
iyon. “Sa pangalan ng yumao kong asawa
na si Lisa,” sabi nito, “hindi ako ang
nag tip.”
chapter Twelve
RIGHT AS RAIN, wika nga ng biyenang lalaki ni Michael tungkol sa opening day ng Mont St. Michel, Resort of the Saints. “The place has tremendous possibilities!” ani
Mr. Esguerra. “Ang kulang talaga ay
helipad para anumang oras na ma miss ko
si Hazel ay kahit hindi alam ng iyong
mama ay pupunta ako dito.” Napangiti si
Michael sa sinabi ng kanyang biyenan.
Malaki ang pasasalamat niya sa Diyos sapagkat
naghilom na ang sugat sa pagitan nila ng
in laws; malaki rin ang pasalamat niya kay
Lisa dahil pinalaki nito ang kanilang anak na intact ang kanyang marangal na pagkatao sa
isip ng bata. “Salamat, Pa,” aniya. “Huwag po kayong mawawala sa kasal ko.” Naroon sa tabi niya ang dalaga. Nabanggit ni
Mrs. Esguerra na Edith will make a very
radiant bride! Proud na proud siya sa
kanyang mapapangasawa; hindi man kasing ugali
ng kanyang si Lisa; at lalong walang
ipapantay sa yaman, wala nang duda sa
puso ni Michael na dumating na ang ‘next
time!’ Maraming luminaries ang dumalo
dahil na rin sa paanyaya ng mga biyenan
ni Michael. May ilang press people at
social columnists. Tuwang tuwa si Tio Edgardo nang makilala ni Edith. “So, ikaw pala ang advertising genius
na nagbigay ng napaka catchy na pangalan
sa villa na ito. I love it!” Inulit pa
nito ang pagsambit ng Resort of the
Saints. “Masyado po kasing saintly ang
mga pangalan dito,” natatawang tugon ni
Edith. “Michael. . Miguel. . Pulong
Banal. . San Josef. .
Evangelista. . ” “Edith Sanchez,”
masuyong dugtong ni Michael. “You look
so good together,” puri naman ng Tita Gina
ng lalaki. “I wish you all the best.” “Thank
you po,” tugon ng dalaga na dinama ng kanang
kamay ang singsing sa kanyang kaliwang palasingsingan. Ang opening day ay announcement din ng engagement nina Michael at Edith. Nang nakaraang gabi ay nagkaroon ng pasayaw para sa lahat sa sentro ng barrio. Umaapaw
ang pagkain at inumin. Nagkatuwaan ang
lahat sa kabila ng kalungkutan ng iba na
marami ang nasangkot sa ginawang raid
ng coast guard sa bodega ng mga Anzures
sa kabila ng burol na kinatatayuan ng
villa. Welcome ang lahat para dumalo.
Ngunit ang pamilya nina Kapitan Berto,
Adora at Agnes at si Aling Elvira lamang
ang dumalo. Ang iba ay nahihiya dahil
naniwala sila sa mga sabi sabi na ikinalat
ni Joel tungkol kay Michael. At nahihiya
ring makihalubilo ang mga ito sa mayayamang dayo. Dumating din ang mga mature na miyembro ng pamilya ni Mr. Elmer Masaquel a.k.a. Lt. Col. Elmer Masaquel. “Mabuti po’t bumalik kayo para sa opening,”
bati ni Edith sa commander ng coast
guard sa lugar na iyon. “Ah, this time
talaga, bakasyon ito,” ani Lt. Col. Masaquel.
“After my promotion, talagang balak kong
pumunta dito as undercover and so, nang malaman namin mula sa report na si Egay
Panlilio pala ang nakabili nitong Villa
San Miguel, well. . hindi na ako nag aksaya
pa ng oras na pag practice an as dry
run ang aking pamilya.” Natawa si
Michael doon dahil naalala niya ang kanyang
pagod noong magbuhat siya ng mga bagahe—pagod
sa paghabol sa mga batang kasama nina
Lt. Col. Masaquel. Worried siya na ipagkalat
ng butihin colonel ang kawalan ng staff sa
resort. “I’m sorry sa mga kababayan
mong nasakote,” sabi ng colonel na
hinarap si Edith. “Tangan sila sa leeg
ni Anzures. We had to do such an operation
dahil may nakapag tip sa amin na konektado
rin si Anzures sa isang malaking drug ring
sa Hongkong; may koneksyon siya sa mga naganap
na patayan dito sa bayan ninyo dahil marami
na ang noon pa ay nais nang tumiwalag.” Mapait
ang ngiti ni Edith. Talagang ganoon ang buhay.
Masaya na rin siya dahil sa pagkakahuli kay Joel ay nabigyang linaw ang matagal na
ring tanong sa kanyang isipan. Kahit
munting suspetsa ay hindi niya naisip
iyon. Sino ang gumahasa kay Elsa? Nang ipamalita pa ni Onyok sa kanilang mga kapitbahay ang tungkol sa raid ay nakikinig
pala si Elsa. Lumabas ito mula sa silid
at iisa ang tono na sinabing: “Buti nga
sa kanya. . buti nga sa kanya. . buti
nga sa kanya. . ” Tinanong ito ni Aling
Elvira kung sino iyon. Sa pagsagot pa
lamang ni Elsa ay alam ni Edith na malapit
nang magliwanag ang isip nito. Natural lang
kasi para sa isang biktima ang makadama ng
pag asa kapag nariyan na ang tsansa na
makapaghiganti. Hindi na lang
sila magrereklamo o hihingi ng danyos.
Sapat na ang mahatulan si Joel sa iba pa
nitong mga pagkakasala. Napabuntunghininga
si Edith sa pag aalinlangan sa
kinabukasan ng karamihan sa kanyang mga kababayan
na umasa sa smuggling. May sagot si
Michael para roon. “Not to worry,” anito
sa fiancée. “Marami na talagang posible ngayon
para dito sa San Josef, partikular dito sa
Pulong Banal dahil ’yung sinasabi ko sa ’yo noon na cottage industry ay itutuloy ko. May
sinabi rin sa akin si Papa na malapit
nang pasimulan ang isang feasibility
study para gawing open port itong San
Josef; wala nang imposible dito kung gayon.
Kaya sabihin mo sa ’yong mga kababaryo to
hold on to their lands except kung kailangan ng
gobyerno.” “You forgot
something,” tugon niya. “What?” “The school.”
“Oh, yes, the school,” ulit naman ng lalaki na napatingin kay Hazel. “I think we need to
have one good school around.” Napatitig din siya sa bata na pinung pino ang
kilos, hindi katulad ng mga batang
kasing edad nito na napakalikot.
Nagkaroon kaagad ito ng soft spot sa
puso niya. “She’s so sweet,” tugon
niyang nakatitig pa rin sa bata; naalala
ang una nilang pormal na introduction. Si Hazel ang nag alok ng engagement ring nila
ni Michael. “Please, take this ring,”
anito nang iabot sa kanya ang isang
maliit na kahong alam kaagad na alahas ang
laman. “My daddy has no wife, and I have no
mother!” “Dito mo siya pag aaralin
sa Pulong Banal?” baling niya sa fiancé. “Where else?” tugon nito. “Alangan namang nandito tayo sa San Josef at siya ay nasa Montessori sa Greenhills? A family should
stick together! And she has you for a
teacher; I’ll also teach her how to play
the piano; we have plenty of books in
the library. We’ll travel as often as we
can to broaden our horizons.” “Nai
imagine ko lamang kung ano ang magiging reaksyon
ng kanyang mga kaklase; her own reaction
na siya ay malilipat dito!” tugon niya. “She’s
a breed apart.” “Do you also think the
same about me?” “Uh huh,” tugon ni Edith
na hinalikan ang pisngi nito. “Ako din,” amin ni Michael. “Mula noong
makita kita.” “I felt you were sizing me up!” “No,” tanggi nito, “you were the one who
sized me up. Hindi ka pa nga umupo.” “No,” debate niya, “I thought you were
thinking I was uncivilized.” “Lalo ka na,” balik nito, “you were so stuck up.” “Oh, yeah. Kung hindi ko pa batid, pa humble effect ka pa.” “Radical ka talaga.” “Ikaw, kapitalista!” Kung susuriin ng
makakakita sa di kalayuan ay tila nag aaway
ang dalawa ngunit hindi, dahil nire review
lang nila ang kanilang mga di pagkakaintindihan,
ang mga napansin nila sa isa’t isa na
hindi naman maituturing na lasting impression
pero kung pagdating ng oras na sila ay
kasal na at kanilang pag aawayan ay mabuti na
ngang noon pa lamang ay ilabas na nila. “Nothing more to say, Mr. Evangelista?”
tanong ni Edith na may paghamon. “One more,” sagot ni Michael. “Ikaw, mayroon pa?” “Ano
muna ’yung one more mo?” “I love you,”
bulong nito. “I love you, too.” WAKAS