CHAPTER ONE
“ANG
SUSUNOD kong aawitin ay para sa mga taong
kapiling namin ngayong gabi. Maraming salamat
ho sa pagpunta.” May ngiti sa mga labi ni Tanya nang ipalaganap ang tingin sa loob ng di-¬‐
kalakihang bar na pinagtatrabahuan niya
bilang isang singer. Dalawang taon na
siya roon at masasabi niya na malaki na
ang naitulong sa kanya ng Jetro’s Bar.
Hindi man niya magawang maipagpatuloy ang
pag-¬‐ aaral sa kolehiyo —tulad ng una niyang balak nang lumuwas sa Maynila—ay malaking ginhawa naman sa kanyang pamilya ang perang kinikita niya gabi-¬‐ gabi sa pagkanta at
pagpa-¬‐ patawa sa mga taong dumadayo
roon. Karamihan ng mga kasamahan ni
Tanya ay mga bakla. Mas kuha ng mga ito
ang kiliti ng kanilang manonood kapag sa
larangan na ng pagpapatawa. Wala man sa mood si Tanya sa gabing iyon ay ibinuhos pa rin niya ang galing sa pagkanta.
Pilit na iwinaglit niya pansamantala ang
problemang natanggap kanina lamang umaga
nang tumawag ang kanyang kapatid na
lalaki mula sa probinsiya. Ang
pagkabalisa na nasa dibdib niya ay lalo lamang
naragdagan nang mapadako ang tingin niya
sa isang sulok. Hindi man ganap na maaninag
ang mukha ng matangkad na lalaki ay sapat
na ang liwanag na tumatama rito upang makita
niya ang matiim na pagkakatitig nito sa kanya.
Sanay na si Tanya na matitigan ng mga
lalaking customers. Karamihan pa nga ay
hindi nag-¬‐ aalinlangan na lapitan siya
para lamang sabihin na kamukha niya ang
Hollywood actress na si Catherine
Zeta-¬‐ Jones. But this time, kakaiba sa
lahat ang mga matang taglay ng lalaking
walang sawa sa pagtitig sa kanya
ngayon. She found herself unable to look away from him. Pamilyar sa kanya ang lalaki ngunit hindi niya
lamang ganap na maalala kung saan at
kailan niya ito unang nakita. Ang matiim
na titig nito ang sanhi upang mapansin
ang pagkabalisa niya sa gitna ng
entablado. Masigabong palakpakan ng mga
tao ang nakapagpaalala kay Tanya kung
nasaan siya ng mga
sandaling iyon. Natapos niya ang pagkanta nang hindi namamalayan. What was happening to her? Bigla siyang nataranta sa titig lang ng lalaking pamilyar
sa kanya ngunit hindi naman niya maalala
kung sino ito. “Salamat!” tanging namutawi sa mga labi niya bago bumaba ng entablado at magtungo sa backstage. “TANYA, may problema ka ba?” maarteng tanong ni Gerardo. “Napansin kasi namin na kanina ka pa matamlay at parang hindi mo alam ang ginagawa mo sa stage.” Sinundan nito si Tanya nang tunguhin niya ang dressing room. Doon ay binura niya ang makapal na makeup niya sa mukha. Last song na niya kanina at wala siyang balak na tapusin
ang show tulad ng nakasanayan niyang
gawin. “Meron.
May problema na naman kasi sa bahay,”
kibit-¬‐ balikat niyang sagot. Seventy-¬‐ five percent lang ang katotohanan sa isinagot niya
sa kausap. May iba pang dahilan kung bakit bigla siyang hindi naging komportable sa pagkanta kanina. Iyon ay dahil sa lalaking nakamasid sa kanya. Inilabas niya mula sa malaking bag ang maong pants at white T-¬‐ shirt na ipampapalit niya
sa mid-¬‐ driff na suot at black fitted
jeans na pang-¬‐ ibaba. “My
dear, hindi ka na ba mawawalan ng problema
sa pamilya mo?” Babaeng-¬‐ babae ang kilos
ni Gerardo nang maupo sa silyang nasa harapan
ng dressing mirror. Hindi siya kumibo sa
tinuran ng kasamahan. Namalayan niya ang
pagdantay ng palad nito sa kamay niyang
nakapatong sa ibabaw ng table. “Tanya,
kung sakali mang nabibigatan ka na sa problema
mo. Narito lamang kami ng mga kapatid mo
sa Jetro’s. Hindi namin magagawang talikuran
ang itinuturing naming bunsong kapatid
dito.” Napangiti siya at natutuwa sa
pag-¬‐ aalok ng tulong nito. Sa lahat ng
kasamahan niya ay ito ang madalas niyang
kausap kapag masama ang loob niya o may
masaya mang nangyayari sa kanya. “Salamat.
But it’s a family problem, Ge.” Tapos nang
ayusin ni Tanya ang mga gamit sa loob ng malaking bag. Handa na siya sa pag-¬‐ uwi sa dormitoryong tinutuluyan na ilang kanto lang ang distansiya mula sa bar na
pinagtatrabahuan. “Bukas nga pala ay day
off ko. Uuwi ako sa Sta. Catalina. Ikaw
na sana ang bahalang magpaliwanag kay
Boss Jet sakali mang hindi ako makabalik
sa Monday.” “Sure. Ingat ka na lamang sa
biyahe mo bukas.” Mahigpit na yakap ang
ipinabaon sa kanya ng kaibigan bago siya
tuluyang lumabas ng dressing room. “HELLO, Miss Miramar,” wika ng baritonong tinig mula sa kanyang likuran. “I enjoyed your
performance. You’re very good.” Kasabay
ng papuring iyon ay ang pagpapakawala
nito ng isang simpatikong ngiti. Nahigit ni Tanya ang paghinga nang makitang nasa harapan niya ngayon ang lalaking naging sanhi ng pagiging balisa niya kanina at magpahanggang sa mga oras na iyon. “P-¬‐ paano mong nalaman ang pangalan ko?” tanong niya sa kawalan ng masasabi rito. Umarko naman ang kilay ng kanyang kaharap. “It’s under your picture at the entrance hall.
And one more thing, magkakilala ang
pamilya natin, Tanya Marie.” Totoong ikinabigla ni Tanya ang pagbigkas ng kaharap sa buo niyang pangalan. Isa man sa kasamahan niya sa Jetro ay walang nakakaalam
sa kanyang buong pangalan. “How come na magkakilala ang pamilya natin, Mister? Mukhang ngayon lang naman nagsanga ang landas natin,” pagsisinungaling niya kahit
hindi naman iyon ang kanyang kutob nang makita ito. “Ni hindi kita nakasalubong man lamang sa Sta. Catalina. .” Kusang nahinto sa ere ang ilan pang sasabihin ni Tanya nang may maalala. Muli niyang
tinitigan ang lalaki. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang tuluyang makapa niya sa memorya kung sino ito. Hindi siya maaaring magkamali. Kaharap niya ngayon ang nag-¬‐ iisang anak ni Danilo Perez.
Stupid of her, bakit hindi niya naalala
kaagad na ang lalaki nga palang ito ang
madalas na magpakain sa kanilang
magkapatid ng usok kapag nilalagpasan
sila ng mamahaling sasakyan na
minamaneho nito. Ngunit
hindi niya rin naman lubusang masisi ang
sarili. Iilang beses niya lang nakita si Jonathan Perez at iyon ay sa malayo pang distansiya. Ang huling balita niya rito noon ay ipinadala ito ni Danilo Perez sa ibang bansa upang doon mag-¬‐ aral ng kolehiyo. Nagbinata man ito sa
Perez Ranch na matatagpuan sa kanugnog
na baryo ng Sta. Catalina, kailanman ay
hindi nagsanga ang kanilang
landas dahil magkaibang mundo ang kanilang
ginagalawan. “Very well. . ngayon ko
lang nakilala na anak pala ni Danilo
Perez ang kaharap ko ngayon. You’re
Jonathan Perez!” “I’m glad, nakikilala
mo pa rin pala ako. And I recognized
you, Tanya Marie, sa unang tingin ko pa
lamang sa iyo kanina habang pinapanood ko ang iyong pagkanta. You have grown up and in all the right places.” Tulad kanina, muling pinasadahan ni Jonathan ng tingin ang kabuuan ng dalaga. Sapat upang pamulahan ang magkabilang pisngi niya dahil sa
inis. “Don’t call me ‘Tanya Marie’,” iritado niyang wika. Ang pamilya niya lang ang pinapayagan niyang tawagin siya sa ganoon pangalan. “All right, I’ll call you ‘Tanya’, kung iyon
ang gusto mo.” “Don’t bother.” Tinaasan niya ng kilay ang ngiting nakapaskil sa mga labi ni Jonathan. “Tutal, wala naman tayong dapat pang pag-¬‐ usapan, Mr. Perez!” Akmang tatalikuran na niya ang lalaki nang mahigpit siyang pigilan nito sa braso. “Ganyan mo ba pakiharapan ang isang kababaryo mo, Tanya?” May bahid ng sarkasmo ang ngiting napinta sa mga labi niya nang muling harapin ito. “Mr. Perez, unang-¬‐ una, hindi kita kababaryo. Sa
Sta. Catalina ako nakatira at taga-¬‐
San Martin ka naman. You see, we lived
in completely different worlds.” “I knew you existed, Tanya,” tugon nito sa malamig na tono. “Madalas ko kayong makita ng Kuya Tomas mo kapag papasok kayo sa eskuwelahan. Alam ko rin kung paano mo talunin
ang mga kalalakihan sa campus ng Sta.
Catalina sa akademya man o sa larangan
ng sports. I thought
you were a cute tomboy. But then, as I see you now, you really changed a lot.” “Tapos ka na bang titigan ang kabuuan ko, Mr. Perez? Well, if you’re through, I have to go.
Mas may importanteng bagay pa akong
dapat asikasuhin.” “Not so fast, lady!” Muli siyang pinigilan ni Jonathan. “Gusto kong malaman kung bakit para bang may nakakahawa akong sakit na hindi mo matagalan na harapin ako. May ginawa ba akong masama sa iyo, Tanya?” “Stop playing innocent! Alam mo naman ang sagot sa tanong mo, hindi ba? Unless na lang nakalimutan mo kung kaninong pamilya ako nagmula.” “Hanggang ngayon pa rin ba ay hindi mamatay-¬‐ matay ang hidwaan sa pamilya ng Perez at Miramar?” “Paanong mamamatay ang away sa pagitan ng pamilya natin gayong ang papa mo ang madalas na nagpapaalala niyon hanggang sa ngayon?” “That’s just a business matter—” “Higit pa roon ang dahilan, Mr. Perez,” giit niya. “You’re
not making any sense, Tanya,” mababa ang
tinig na wika nito. “Ayokong makipag-¬‐ argumento
sa iyo ng tungkol sa bagay na iyan.” “Ako
man, Mr. Perez. I’m not going to stand here
arguing about it. Marami pa akong gagawin.”
“Pero—” “Guard!” malakas niyang tawag
sa guwardiyang naka-¬‐ assign sa main entrance. “May problema ba, Miss Tanya?” tanong ng unipormadong lalaki na mabilis na nakalapit sa
kanilang kinaroroonan. Tinapunan niya ng tingin si Jonathan.
Kitang-¬‐ kita niya ang pagtitiim ng mga
bagang nito. “Wala naman. Magpapatulong
lang akong buhatin itong bag ko. Medyo
may kabigatan kasi,” aniya na
dumistansiya na kay Jonathan. Wala itong
nagawa nang parahin ng guwardiya ang
taksing dumaan. Bago tuluyang umusad ang taksi ay tinapunan niya nang nang-¬‐ aasar na
tingin si Jonathan. PAPASIKAT na ang haring araw sa silangan subalit gising na gising pa rin si Tanya. Sa
dinami-¬‐ dami ba naman ng kakilala niya
ay kung bakit si Jonathan Perez pa ang
nakatagpo niya ng nakaraang gabi. Mariin siyang napapikit nang maalala ang ibinalita sa kanya ng ama noong nakaraang buwan lamang.. “Ang hudyo! Hindi talaga titigil hangga’t
hindi nakakamkam ang ultimo kaliit-¬‐
liitan nating lupain. Pati
ang ilang ektarya ng lupa natin na nasa pagitan ng San Martin at Sta. Catalina ay nais bilhin
ng Danilo na iyon para sa land
development nila!” Makikita ang galit sa
mukha ni Almario habang sinasabi ang mga
katagang iyon. Pabuntong-¬‐ hininga
siyang bumangon mula sa may kalumaan ng
single bed. Hanggang maaari ay hindi na
niya gusto pang balikan sa alaala ang
nakaraan.
CHAPTER TWO
INIS na bumaba ng jeep si Tanya nang masiraan iyon sa alanganing lugar. Kinakalkula pa
lamang niya sa isip ang mahabang
lalakarin para marating ang Sta.
Catalina ay nakaramdam na siya agad ng
pagod. Subalit wala na siyang choice
kundi ang maglakad. Ang ginawa niya’y
lumihis siya ng daan, patungo iyon sa
loob ng kagubatan. Kung hindi siya
magsu-¬‐ shortcut ay malamang na abutin na siya ng dilim sa daan. Ipinagpasalamat na lamang niya at hindi siya nagdala ng maraming damit. Kung nagkataon, hindi pa man siya nangangalahati sa paglalakad
ay hilahod na siya sa pagod. Panatag ang loob niyang nilakbay ang loob ng kagubatan. Kabisado naman niya ang lugar. Malaking bahagi ng kanyang kabataan ang ginugol niya sa naturang lugar. Makalipas ang halos kalahating oras na paglalakad ay nakaramdam siya ng pangangalay ng mga binti. Ngunit sa halip na magpahinga ay
binilisan niya pa lalo ang paglalakad. Hanggang sa marinig niya ang malakas na agos na nagmumula sa di-¬‐ kalayuang irrigation
canal. Iyon ang palatandaan niya na
malapit na siyang makarating sa kanilang
bahay. Tatawid na lamang siya ng tulay. “Oh, no!” pabuntong-¬‐ hingang bulalas ni
Tanya. Hindi
mahagilap ng kanyang mga mata ang maliit
na tulay na nag-¬‐ uugnay sa kabilang pampang
ng ilog. Sa halip ay makitid na tabla
ang pumalit doon na nagsisilbing
pinakatulay patawid sa kabilang ibayo. Sinubukan ni Tanya na tumapak doon ngunit muntik na siyang ma-¬‐ off balance nang
bahagyang umuga iyon. “Ngiii!” Kinilabutan siya nang makita ang babagsakan sana niyang ilog. Mabuti na lang at mabilis niyang naibalanse ang katawan. Saglit siyang hindi kumikilos
dahil tinatantiya niya ang bigat ng
kanyang katawan at ang bag na dala. Nagsimulang humakbang nang dahan-¬‐ dahan si Tanya. Nasa kalagitnaan na siya ng tulay nang biglang nagliparan ang mga ibon. Dahil sa matinding gulat, nagkamali siya ng kilos. At sa isang iglap, nalaglag siya sa ilog na hanggang sa dibdib ang lalim. Kasama niyang bumagsak ang kanyang travelling bag. “Shit!” bulalas niya. Mabilis naman siyang lumangoy patungo sa pampang. Hirap siyang iahon ang bag na nabasa.
Dahil nabasa bumakat ang katawan niya sa
suot na blouse at knee-¬‐ tight fitted
jeans. Inis na napaupo sa malaking bato
si Tanya. Useless din ang ginawa niyang
pagsu-¬‐ shortcut. Ayaw
niyang magpatuloy sa paglalakad na basa ang
kanyang damit kaya mapipilitan siyang hintayin
na matuyo iyon sa katawan. Binuksan niya
ang dalang bag. Inilabas niya ang mga
damit na nabasa. Pagkatapos ay ipinasya niyang
magpalipas muna roon ng ilang minuto. Nahiga
siya sa malaking tipak na bato. Panatag
ang loob niyang mahiga roon dahil alam
niyang ligtas ang lugar na iyon. Ang alam niya’y hindi NPA infested ang kanilang bayan. Tahimik na lugar ang kanilang baryo. Tama lang ang sikat ng araw upang matuyo ang kanyang katawan. Kalahating oras lang siguro ang ipaghihintay niya at muli na niyang
sisimulan ang paglalakad. “WISH I was an artist,” wika ng lalaking nakasampa sa black stallion. Tila isang tunay
na cowboy sa Hollywood film ang hitsura
nito. “That’s a scene I’d love to put on
a canvas.” Mabilis
na napabangon si Tanya sa pamilyar na tinig
na narinig. Lalong naragdagan ang shock na nakabalatay sa kanyang mukha nang mabungaran ang nakangiting si Jonathan. “Why you! Kanina ka pa ba riyan?” “Nope,” kibit-¬‐ balikat nitong sagot na
ngayon ay mabilis nang nakatalon mula sa
kabayo. “Are you sure?” may pagdududang
tanong niya rito. “Sinusundan mo ba
akong talaga?” “Wait a
minute, lady! Believe me or not, pero hindi
kita sinusundan. Nagkataong napadaan lang
ako sa lugar na ito kaya nang makita kita rito ay ipinasya kong lapitan ka. I thought, may masamang nangyari sa iyo nang makita kitang nakahiga.” Hindi siya kumibo bagaman nasa dibdib pa rin niya ang pagdududa sa sinabi ni Jonathan. “What happened? Bakit basang-¬‐ basa ka?” Nagtaasan ang nga kilay ni Tanya. Obvious ba, de nalaglag sa buwisit na tulay na iyan! ibig
sana niyang sabihin dito pero sa halip ay.. “It’s none of your business!” Amused na napangiti si Jonathan sa ipinapakitang katarayan ng dalaga. “Tanya Marie—” “Don’t call me ‘Tanya Marie’. Hindi tayo close
para tawagin mo ako sa pangalang iyan!” This time, hindi na napigilan ni Jonathan ang matawa. Sa halip na ikainis nito ang
pagtataray ni Tanya ay tila musika pa sa
pandinig ng binata ang paangil na
pagsasalita niya. “Walang nakakatawa sa
sinabi ko!” Inirapan niya ito bago
bumaba mula sa batong kinauupuan. Akmang hahawakan siya ni Jonathan upang alalayan sa pagbaba ngunit agad niyang pinalis
ang kamay nito. “Don’t touch me! Thanks for your help but I can manage.” “Hey! Kung iniisip mo na magte-¬‐ take advantage ako sa iyo ay nagkakamali ka. Kilala
na kita noon pa. Hindi ko makakalimutan
kung paano mo inupakan ang mga lalaking
nang-¬‐ aasar sa iyo during your high
school days.” “Mabuti’t alam mo!” may
pagmamalaking wika niya. Naramdaman niyang sumusunod ito sa kanya. Pinapanood nito ang pagbabalik niya ng mga damit sa kanyang maleta. “Totoo pala ang sinabi sa akin ni Geraldine na
uuwi ka ngayon sa inyo.” Maang siyang napatingin dito. “Nagkausap kayo ni Geraldine?” “Yeah. We’ve talked on the same night na nagkita tayo. Tinanong ko sa kanya kung saan
ka nakatira sa Maynila.” Binitiwan ni Tanya ang ginagawa at nakapa-¬‐ maywang na hinarap ito. “Puwede bang pakiesplika sa akin kung bakit gusto mong malaman ang tirahan ko sa Maynila?” Nagkibit ng mga balikat si Jonathan. “It’s
very simple. I want to see if I can
enlist your help in a very important
matter.” “Ano’ng ibig mong sabihin?”
curious niyang tanong. “Tanya, alam mo naman na interesado kaming bilhin ang lupa n’yong malapit sa San Martin, hindi ba? Malaki ang maitutulong ng lupain na iyon sa gagawin namin pagde-¬‐ develop sa kalahating bahagi ng San Martin kaya lamang ay
matigas ang paninindigan ng itay mo na
huwag iyong ibenta—” “Mabigat ang kanyang rason kung bakit ayaw niya.” “Rason?
Tulad ng ano?” “Personal
ang kanyang dahilan. Siguro naman, eh,
naiisip n`yo ang dahilan ng father ko. Ayaw
niyang makitang sinisira n’yo ang paraisong
iyon nang dahil lang sa pagde-¬‐ develop n’yo ng isang subdibisyon.” “Wala kaming balak na sirain ang kagandahan ng isang lugar, Tanya. In fact, marami kaming plano at isa na roon ay `yong lalong
pagandahin ang lugar.” “I doubt it,” walang-¬‐ anumang sabi niya.
“Kahit ano pang sabihin mo, iisa lang
ang ibig sabihin niyon. Gusto n`yo ang
lupain namin.. simply because of profit.
Makikinabang kayo, hindi ba?” “Be
reasonable, Tanya. Alam kong nanga-¬‐ ngailangan
ng malaking halaga ngayon ang pamilya
mo. At malaki ang maitutulong ng perang
ibabayad namin kung ibebenta n’yo ang lupaing
iyon. At naniniwala akong ikaw lamang ang
makakakumbinsi sa father mo—” “Mr.
Perez,” gigil na sansala niya, “nagkamali ka ng nilapitan. Hindi ko magagawa ang
sinasabi mo.” “Kahit pa malaking halaga ang ibabayad namin?” Napangisi siya. “Hindi lahat ng tao’y
nasisilaw sa salapi. Maaaring
nangangailangan kami ng malaking pera
pero depende iyon sa sitwasyon. At
nagkataon na ang father ko’y walang balak makipagnegosasyon sa inyo.” Dumilim ang anyo ni Jonathan sa sinabi niya. “Are we going to argue again about that silly,
old family feud? Besides, masyado ng
nilulumot ang alitan ng mga lolo natin.
Let bygone be bygone.” “Hindi lang iyon
ang dahilan kung bakit may alitan pa rin
sa pamilya natin, Mr. Perez. Marami pa.”
“Really?” sarkastikong sabi nito. “Hindi mo alam? Puwes, isa-¬‐ isahin ko sà yo.
Dahil sa impluwensiya ng papa mo sa isang bangko, na-¬‐ decline ang nilo-¬‐
loan ng Itay. Lumipat kami sa isang
private financing company, na-¬‐ grant
ang loan ng itay ko, at ang collateral
ay ang lupain namin. Pero sumablay sa pagbabayad
ng amortization ang itay ko, ginigipit na
kami na maibalik agad ang kabuuan ng utang namin.” “Hindi bà t ganoon naman ang patakaran? As far as I know, ilang buwan nang hindi nakakahulog sa bangko ang pamilya mo.” “Pero matindi ang pressure ng paniningil nila dahil napag-¬‐ alaman ng Itay na ang general manager ng financing ay inaanak ng papa mo. Kuha mo naman siguro ang ibig kong sabihin,” nang-¬‐ uuyam ang tono niya. Hindi ito kumibo. “Puwede ba, tigilan mo na ang kasusunod sa akin!” asik niya rito. “Tinitiyak ko sà yong
hindi na magbabago ang isip ng itay ko.”
“It’s your loss, Tanya. I’ve made a very generous offer, higit pa sa halaga ng lupa ang
bayad na inaalok ko sa inyo. Lamang wala
akong magagawa kung patuloy kayong
magmamatigas. Mas gugustuhin n`yo pang
mailit ng financing ang inyong lupain.” “Hindi mangyayari iyon, Mr. Perez. Bago dumating ang itinakdang taning sa amin, may magagawa na kaming paraan.” Ngunit sa kaibuturan ng isip niya, suntok sa buwan ang sinabi niya rito. Saan siya kukuha ng malaking
halaga? “Baka sakaling magbago pa ang isip n`yo.” “Hinding-¬‐ hindi na. Goodbye, Mr. Perez!” Pagkasabi niyon ay tinalikuran na niya ito. Dahil sa pagmamadaling makalayo, nasalabid ang mga paa niya sa nakausling ugat ng
punong-¬‐ kahoy dahilan upang bumagsak
siya. Naging dahilan upang tumilapon
siya sa ere. SA
HALIP na matitigas na bato ang binagsakan ni Tanya ay sa matitipunong bisig ni Jonathan
siya bumagsak. Tinakasan ng kulay ang pisngi niya nang mapatingala rito. “I feel like a knight of the Round Table who have just saved a beautiful princess from
breaking her fool neck.” May ngiti sa
mga labi nito habang sinasabi iyon. “At
bilang gantimpala, nararapat lamang
na pagkalooban ng isang matamis na halik
ng prinsesa ang kanyang naging tagapagligtas.”
Mabilis na nagpumiglas si Tanya mula sa pagkakaangat nito sa kanya sa ere. “Put me
down, Mr. Perez!” mariin niyang utos sa
halip na magpasalamat. At hindi nagustuhan ni Jonathan ang inasal niya. Nanatiling pangku-¬‐ pangko siya nito at
tila walang
balak na pakawalan tulad ng kanyang nais.
“Ano ba?!” muli niyang asik dito. Ikinagulat niya ang sumunod na nangyari. In split second, naramdaman niya ang pagsayad ng mga labi nito sa kanyang bibig. Mapusok ang bawat galaw ng mga labi nito. Nasasaktan man siya sa paraan ng paghalik nito
ay hindi na niya gaanong alintana iyon.
Sapagka’t ang nanaig sa kanya ay
kaiga-¬‐ igayang pakiramdam
na noon lang niya naranasan sa tanang-¬‐
buhay niya. May isang bahagi ng katawan
niya ang biglang nagising sa ginawang
iyon ng lalaki. Tila libu-¬‐ libong
boltahe ng kuryente ang gumapang sa buo
niyang katawan. Her thoughts were
scattered. At sa kanyang pagkabigla,
wala siyang makapang galit sa dibdib.
Tanging ang halik ni Jonathan ang
umuukopa sa buo niyang utak. Subalit
nahawi ang mga ulap na nakapaligid kanya
nang tila kidlat na sumingit sa kanyang utak
ang imahe ng ama. Sapat iyon upang magising
siya. “Brute!” Isang sampal ang dumapo sa mukha nito. Hindi na niya namalayan kung paano siya nakatakas sa mga bisig nito. Ang tanging alam niya lang ay ang dumistansiya kaagad sa isang kaaway. “Don’t you dare touch me again, Jonathan Perez!” bulyaw niya rito. “Tanya, I’m—” “I’m warning you, Mr. Perez! Kapag hindi mo ako hahayaang makalayo ay hindi ako mangingiming mag-¬‐ file ng kaso laban sa
iyo!” Hindi ito kumibo, pinagmasdan na
lamang ang papalayong dalaga. SA PAGLALAKAD ay muling sumagi kay Tanya ang nangyari sa pagitan nila ni Jonathan. This
time, muling nabuhay ang galit niya sa
lalaki. Galit na nararamdaman niya rin
para sa sarili. Bakit hinayaan niyang
matangay sa halik ng kalaban? Of all men
in this world, ang halik mula kay
Jonathan Perez ang kahuli-¬‐ hulihang nanaisin
niya sa mundo. But she
failed. Hindi niya maikakaila sa sarili na
nag-¬‐ enjoy siya sa sensasyong hatid ng halik nito. IKINAGULAT
ni Almario nang bumungad sa kanilang
bakuran si Tanya. “Biglaan yata ang
naging pag-¬‐ uwi mo?” nagtataka nitong
tanong nang tanggapin ang pagmamano ng
anak. “Kumusta po kayo, Itay?” “Mabuti naman. Teka, bakit mukha yatang basa ang suot mong damit?” Nagkibit siya ng mga balikat. Sinabi niya sa ama na nasiraan ang sinasakyang jeep kaya napilitan siyang maglakad. Ikinuwento niya rin dito ang pagkakahulog niya sa ilog maliban sa pagnanakaw ni Jonathan
ng halik sa kanya. Takot niya lang na
maghalo ang balat sa tinalupan kapag
nalaman nitong kinanti ng isang Perez
ang anak nito. “Nariyan
ba si Inay?” “Aba’y nasa puwesto niya sa
palengke. Pero huwag kang mag-¬‐ alala
dahil maaga ang uwi niyon ngayon.
Kaunting karne lamang ang kanyang
itininda.” Napatangu-¬‐ tango si Tanya.
Inikot niya ang paningin sa talyer. Nang
hindi mahagilap ng mga mata ang pakay ay
binalingan niya ang ama. “Si Kuya Tomas
ho?” “H-¬‐
ha? Ah, nasa likod, may tinatapos na sasakyan.
Siyanga pala, kumain ka na ba?” pag-¬‐ iiba
nito kaagad ng usapan. Kinuha ni Almario
ang bag sa kamay ng anak. “Naku, tiyak
na sisipagin na namang magluto ng masarap
na putahe ang inay mo dahil narito ka.” Nagpakawala
ng isang malalim na buntong-¬‐ hininga
si Tanya. “Itay, huwag n’yo na ho akong libangin.
Alam ko hong may problema ngayon. Kahapon
pa tumawag si Kuya Tomas sa akin at sinabi
niya ang pagkasunog ng babuyan ni Mang Narding.”
Sukat doon ay alanganing ngiti ang nakasungaw sa mga labi ni Almario. “Naku, huwag mong intindihin ang problema ng Kuya Tomas mo. Tiyak na malulusutan niya rin iyon.”
“Itay, hindi birong halaga ang
kakailanganin natin sa pagkakasunog ni
Kuya sa babuyan ni Mang Narding. Ang
mabuti pa ho ay pupuntahan ko na
si Kuya at nang makapag-¬‐ usap kami tungkol
dito.” Bago pa makatutol ang matanda ay
mabilis nang tinalunton ni Tanya ang
likuran ng talyer kung saan
nagmemekaniko ang nakatatandang kapatid.
CHAPTER THREE
“HELLO, sis! Kumusta ang biyahe mo?” bungad ni Tomas nang makita si Tanya. Gusto niyang mapailing. Maluwang ang ngiting nasa mga labi ngayon ng kapatid at halatang hindi gaanong binibigyan ng pansin
ang problema sa babuyan ng kanilang
kapitbahay. Hindi
katulad niya na halos pumutok na ang ulo
sa kaiisip kung saan kukuha ng salaping ipantatapal
sa problema nito. Balak niyang pagalitan
ang kapatid ngunit nang makita ni Tanya
ang lapnos na balat sa balikat ni Tomas
ay lumambot ang kanyang puso. “Kuya
Tomas, ano ba naman ang ginawa mo? Tingnan
mo ngà yang braso mo, nang dahil sa kaka-¬‐
expirement mo sa mga sirang makina ng sasakyan
ay muntik ka nang matusta.” “Wala
ito, sis.” Pinunasan nito ang kamay na puro
grasa. “Ano ba talaga ang nangyari?
Bakit pati ang nanahimik na babuyan ni
Mang Narding ay nasunog?” Iiling-¬‐ iling na sumagot si Tomas. “Sis,
hindi ko naman akalain kasi na sasabog
`yong makina nang i-¬‐ start ko ang
sasakyan. Hayun, namalayan ko na lang
ang pagkalat ng apoy. Mabuti nga’t mabilis
akong nakalabas doon.” “Kuya,
hindi ba’t nasa bakanteng lote ka nagro-¬‐ road test? Paanong nangyaring nakarating ang apoy sa piggery?” “Nòng time kasing iyon ay hindi ko naalis ang mga tuyong dayami. Kaya hayun, mabilis na kumalat ang apoy. At sa malas, bukod sa
kawalan ng tubig gawa ng tubong inaayos
sa bayan ay matagal bago rumesponde ang
nag-¬‐ iisang bombero dito sa Sta.
Catalina.” Nanghihinang
napaupo si Tanya sa bangko. “God! I bet,
hindi man nadamay ang lahat ng alaga ni
Mang Narding, tiyak na malaking halaga ang
gugugulin sa pagpapagawa ng isang babuyan.
At walang ibang sasagot sa pampagawa niyon
kundi tayo dahil ikaw ang may kasalanan kung
bakit iyon nasunog.” Banayad na tinapik
ni Tomas ang balikat ng bunsong kapatid.
“Huwag kang mag-¬‐ alala, bago dumating
ang takdang petsa na ibinigay sa akin ng
matandang iyon ay may paraan na akong maiisip.
Ako’ng bahala!” Sinimangutan niya ito.
“Kuya, kung mag-¬‐ e-¬‐ experiment ka na
naman sa makina ng sasakyan para lang
kumita nang malaki ay huwag mo nang ituloy
ang balak na iyon. Baka lalo lang madagdagan
ang ating problema. You see, hindi pa
nga tayo nakakatapos sa problema natin sa lupang nakasangla, heto’t may panibago na naman.” “Leave it to me, sister. Nakausap ko na si Franco, `yong gumagawa ng kaha ng mga sasakyan. Nangako siya sa akin na kukuhain
niya akong latero sa trak na kanilang
gagawin. Malaki rin ang kikitain ko
doon.” Naiiling na lamang si Tanya.
“Bahala ka na nga.” TAPOS na silang maghapunan nang dumating sa tahanan nina Tanya si Carol. “Iha, napasugod ka yata,” ani Soledad nang mabungaran ang pamangkin. “Nabalitaan ko ho kasi kay Kuya Tomas na umuwi si Tanya.” Napalabas ng kuwarto si Tanya nang marinig ang boses ng pinsan at matalik na kaibigan. “Carol!” masaya niyang agaw sa atensyon nito. Napabaling ito sa kanya. “Bruha, ba’t hindi mo
man lang ako dinaanan sa bahay?” “Pasensiya ka na. Hindi kasi ako sa highway bumaba kundi nag-¬‐ shortcut ako nang umuwi dito.” “Ha?
Bakit?” Ikinuwento niya rito ang
nangyari kanina. Ang tungkol kay
Jonathan ay inireserba niya. Mamaya na
lamang siya magkukuwento kapag napagsolo sila ni Carol. “Ikaw, kumusta ka na?” baling niya rito. “Mabuti naman. Kung ang love life ko ang kukumustahin mo, eh, mabuting-¬‐ mabuti dahil may boyfriend na ako,” kinikilig na
pagbabalita nito. “Talaga? Sino naman ang malas na lalaking iyon?” Tumikwas
ang nguso ni Carol sa narinig. “Grabe
ka, ha! Anyway, Greg ang pangalan ng nobyo
ko. Kasamahan siya sa trabaho ni Isagani.” Si Isagani ay kababata nila ni Carol at
masugid na manliligaw niya noon. “Good boy naman kaya ang Greg na iyon?” naisipan niyang itanong sa kaibigan. “Oo naman, `no! Teka, pinapasabi nga pala ni Isagani na dadalaw siya sa iyo bukas ng gabi.”
Tumirik ang mga mata niya. “Tiyak na mangungulit na naman ang lalaking iyon.” “Hayaan mo na. Tutal naman ay minsan lang makadiga sa iyòyong tao. Sigurado naman kasing sa susunod na buwan na naman ang uwi mo rito sa atin.” “Hindi, ah! Sa next week lang ay babalik ako rito. Piyesta yata ng Sta. Catalina.” “Mabuti naman at naalala mo ang paborito nating okasyon.” Natigil ang masayang pagkukuwentuhan ng magpinsan nang lumabas mula sa kusina si Soledad. Lihim siyang napakagat-¬‐ labi nang umupo ang ina at tila may balak na makisalo sa
usapan nilang magpinsan. Paano niya maikukuwento kay Carol ang kanina pang gumugulo sa kanyang isipan kung naroroon ang kanyang ina. “Carol, dito ka na kaya matulog nang
matagal-¬‐ tagal naman ang
pagkukuwentuhan ninyo ni Tanya.” Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ng ina. Masasabi niya kay Carol ang gustong sabihin kapag matutulog na sila sa kanyang kuwarto. “TAMA ba ang narinig ko? Nagkita kayo ni Jonathan Perez sa Maynila?” Eksaherado ang naging reaksiyon ni Carol nang sabihin niya rito ang naging pagkikita
nila ng binata sa Jetro’s Bar. Umalis siya sa pagkakahiga. “Hinaan mo naman ang boses mo, Carol. Baka marinig tayo nina Inay.” Naitutop naman ng babae ang isang kamay sa bibig nito. “Pagkatapos ng pagkikitang iyon ay nagtagpong muli ang landas namin kanina sa ilog,” pagpapatuloy niya. “Hindi ba’t nasa ibang bansa siya? So, kailan
pa siya dumating sa San Martin?” “I don’t know. Basta ang alam ko, siya na ngayon ang namamahala sa negosyo ng kanyang ama.” “Meaning,
he’s staying here for good.” “I guess,”
walang-¬‐ gana niyang sagot. “Ang sabi
mo nagkita kayo sa Maynila, nilapitan mo
siya?” Inirapan niya ang pinsan. “Bakit
ko naman gagawin iyon? Siya ang lumapit
sa akin. He remembered me.” “Really? So, what happened then? Ano’ng sinabi niya sa iyo nang lapitan ka?” “Wala naman. Umalis na ako kaagad dahil marami pa akong gagawin nang gabing iyon. Pero
nang magkita kami kanina sa ilog ay
napilitan akong kausapin siya.” “Ano naman ang napag-¬‐ usapan n’yo? Don’t
tell me, nagkumustahan kayo? Ni hindi
nga kayo naging magkaibigan ni Jonathan
para magkumustahan, `no!” Napabuntong-¬‐ hininga si Tanya nang maalala ang ginawang panghahalik sa kanya ng binata. “Gusto niyang kumbinsihin ko ang itay ko na sa kanila na lang ibenta ang lupain namin. Siyempre pa, hindi ako pumayag. Pero bago ako makaalis sa ilog na iyon ay. . h-¬‐ hinalikan
niya ako.” Namilog ang mga mata ni Carol. “H-¬‐ hinalikan
ka ni Jonathan?” Marahan siyang napatango habang nagsisimula nang mag-¬‐ init ang magkabila niyang pisngi. Ayaw na sana niyang pag-¬‐ usapan ang tungkol doon ngunit hindi siya matatahimik hangga’t walang pinagtatapatan ng saloobin. Alam naman niyang hindi siya nagkamali sa pag-¬‐ confide kay Carol. Ever since ay ganoon
na sila sa isa’t isa ng pinsan, walang
lihiman. Ipinilig nito ang ulo at hindi
pa rin makapaniwala sa narinig. “Wow!
Imagine, si Jonathan
ang first kiss mo? He’s really a good catch.
Bukod sa mayaman na ay guwapo pa.” Tinaasan
niya ng kilay ang sinabi nito. “Hanggang
ngayon pa rin ba ay crush mo pa rin ang
lalaking iyon?” “Oo naman. Pero siyempre
mas special ang feelings ko kay Greg.
Teka, huwag mo ngang ibahin ang usapan.
Mabalik tayo kay Jonathan.” “Ayoko nang
pag-¬‐ usapan pa ang lalaking `yon.” Pilya ang ngiting sumungaw sa mga labi ni Carol. “I-¬‐ share mo naman sa akin ang
pinag-¬‐ usapan n’yo sa ilog? What’s the
real score? Seryoso ba siya sa iyo?” Umarko ang kilay ni Tanya. “Imposiblèyang sinasabi mo. Ako. . seseryosohin ni Jonathan? Hindi ako ang klase ng babaeng matitipuhan nòn! At lalong hindi ko siya type, `no!” “Galit ka ba kay Jonathan?” “Ano ba ang dapat kong maramdaman sa kanya? Dapat ko bang ikatuwa ang ginagawa niyang panggigipit sa pamilya ko?” “Kung galit ka sa kanya, bakit hinayaan mong mahalikan ka ng lalaking iyon?” “I have no choice. Nadulas ako sa batuhan at sinalo niya ako. Then namalayan ko na lang na.
. na. .” “Na hinalikan ka niya,” dugtong nito. “Ano ba’ng una mong naramdaman nang ma-¬‐ realize mong hinalikan ka ni Jonathan? Lalo bang nadagdagan ang galit mo sa kanya?” Nahihiya siyang umiling. “Carol, sa simula pa lang ay alam mo na ang alitan sa pagitan ng pamilya ko at sa pamilya ng lalaking iyon. At alam mo rin na hindi ko pinangarap ang mapansin ng Jonathan na iyon.” “Bakit nga kasi pumayag kang magpahalik sa kanya? Ibig sabihin, gusto mo rin siya.” “He kissed me just to satisfy his ego.” “Eh, ikaw nga?” “Wala lang. Sabihin nating sandali akong nawala sa sarili, `yong parang napraning.” Tumirik ang mga mata ni Carol. “Masarap ba siyang humalik?” Hindi siya agad nakasagot. Nahihiya siyang aminin sa kaibigan ang tunay na naramdaman kanina. “After ng kissing, galit ka pa rin sa kanya, Tanya?” “Honest. . habang hinahalikan niya ako ay bigla na lamang naglaho ang galit ko sa
kanya.” “Tanya.. ” “I hate myself, Carol! And damn that man! Simpleng halik niya lang ay nasisira ang
diskarte ko.” “I understand because I know the feelings, Tanya,” seryosong wika nito. “He’s your first
kiss, at natural lamang ang naramdaman
mo. But it doesn’t mean na in love ka
kay Jonathan.” Napatingin
siya sa pinsan. “Malabong maramdaman ko
ang ganoon sa isang kalaban, Carol.
Sapat na ang ginawa sa amin ng mga kaanak
niya para kasuklaman ko si Jonathan.” “But
I’m warning you, Tanya. Maganda ka at hindi
malayong magkainteres sa iyo ang lalaking iyon. At kapag nangyari ang kutob ko, tiyak na
gagawin niya ang lahat para makuha ka
lang niya.” Mataman niyang tinitigan ang kausap. “Kung salapi ang gagawin niyang sandata para makuha ako, then he’s wasting his time. Never niyang makukuha ang kanyang gusto especially kung pamilya ko ang involved.” SUMAPIT ang araw ng piyesta sa Sta. Catalina. Ala-¬‐ sais pa lamang ng gabi ay marami ng tao
sa labas ng malaking simbahan ng Sta.
Catalina. Ang bawat isa ay handa na para
umilaw sa pagpuprusisyon
sa Mahal na Birhen ng naturang bayan. Kabilang sa mga iyon ay sina Tanya at Carol. Kasama nila si Greg. Kung may taong nanaisin si Tanya na huwag makita sa gabing iyon ay si Jonathan. Subalit sadyang mapagbiro ang tadhana. Kahit maraming tao ay hindi nakaligtas sa paningin niya ang pamilyar na anyo ng lalaki. Pero
hindi ito
nag-¬‐ iisa sa paglalakad. May magandang babae itong kaagapay. Ang ayos ng naturang babae ay lutang na lutang sa mga kababaihan sa Sta. Catalina. Sa pananamit nito at paraan ng pagdadala sa
sarili ay hindi maipagkakailang Manileña
ito. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi
ni Jonathan sa pagtatama ng paningin
nila ng dalaga. Ngunit
matalim na irap ang iginanti ni Tanya sa
binata. Mabilis niyang iniwas ang paningin dito. Ngunit
may kung anong magnetong taglay si Jonathan
kung kaya’t naging imposible para sa kanya
na bale-¬‐ walain ang presensiya nito. Slow
motion ang ginawang paglingon ni Tanya sa
gawi ng lalaki. At ganoon na lamang ang pamumula
ng kanyang pisngi nang mahuling titig na
titig sa kanya si Jonathan. This
time, inis ang nagbangong damdamin sa dibdib
niya nang mapansin ang tila nang-¬‐ aasar na ngiti sa mga labi nito. At alam niyang paraan
iyon ng lalaki para iparating sa kanya
na hindi niya ito kayang bale-¬‐ walain.
Lumaban siya ng titigan dito. Habang naglalakad ay magkahinang ang mga mata nila ni
Jonathan. Bagay na kapwa napansin ng
kani-¬‐ kanilang mga kasama. Bago pa siya masita ni Carol ay bigla na
lamang nagtakbuhan ang mga tao. Kasunod
niyon ay ang matinis na sigawan ng mga
kababaihan. “Takbo kayo, dali!” Hindi na nakahuma si Tanya nang daanan siya at itulak ng mga taong nagkakagulo. Kapwa nais
makalayo sa dalawang grupo ng kabataan
na nagra-¬‐ riot. Nakita ni Jonathan ang pagkataranta niya. Sumabay siya sa hugos ng mga taong nagtatakbuhan. Nakarating sila hanggang sa tulay at naipit siya ng mga tao sa sementadong
harang. Napatili na lamang si Tanya nang malakas siyang maitulak ng kung sino. Sa isang iglap
ay isa siya sa minalas na mahulog sa
tulay. Bumagsak siya sa ilog na ang
lalim ay mahigit sa apat na talampakan.
CHAPTER FOUR
MALAMIG
na tubig ang yumakap sa buong katawan ni
Tanya. Naghiyawan ang mga taong nakasaksi
sa paglagpak ng ilan — kabilang na roon
ang dalaga — sa ilog. Gayunpaman ay
hindi siya nasiraan ng loob. Awtomatiko
niyang ikinampay ang mga kamay at paa.
Mabilis siyang lumangoy at tinungo ang gilid ng pampang. Ngunit hindi madali ang umahon pabalik sa sementadong daan. Kakailanganin niya pang baybayin ang paitaas at madulas na lupa
pabalik sa itaas. Isang makapangyarihang
kamay ang nakalahad
sa kanya nang magtaas siya ng paningin.
Pag-¬‐ alala ang mababasa sa mga mata ni Jonathan nang matitigan niya ito. Nakatayo ito sa gilid ng ilog habang ang kabilang kamay nito ay mahigpit na nakahawak sa lubid na iniladlad mula sa itaas ng mga
tanod na mabilis na rumesponde. Sa halip na tanggapin ang kamay ni Jonathan ay binale-¬‐ wala niya iyon. Sinimulan niyang akyatin ang maputik na lupa. Ngunit sa malas, nakakailang hakbang pa lamang siya ay muli na naman siyang dumausdos. “Better take my hand,” makapangyarihang utos ni Jonathan. Bakas ang galit sa tinig nito
dahil sa katigasan ng ulo ng dalaga. Parami nang parami ang mga taong nag-¬‐ uusyoso. Lalo nang na-¬‐ distract si Tanya at nahirapang iahon ang sarili. Napapagod at nangangalay na ang kanyang mga balikat sa ilang beses na pag-¬‐ a-¬‐
attempt na makaahon. Hanggang sa ma-¬‐ realize ni Tanya na sarili lamang niya ang pinahihirapan. Wala na siyang magagawa kundi ang tanggapin ang inilalahad na
tulong ni Jonathan. “S-¬‐ salamat. .” bulong niya nang ganap nang makasampa sa itaas. Kusa na siyang kumawala sa pagkakahawak ng lalaki at ang balak ay hanapin sina Carol at
Greg. Pero
mabilis siyang napigilan ni Jonathan sa braso.
“Not so fast,” wika nito. “Kasalanan ko kung
bakit ka nalaglag sa tulay.” “Ikaw ang.
. nagtulak sa akin!” “I’m trying to get
you. Pero wala ka na sa sarili mo. Wala
akong planong itulak ka.” Naningkit ang
mga mata niya. “How dare you! Sinadya
mo. Gusto mo akong madisgrasya.” “Listen,
Tanya. Kung may masama akong tangka
sà yo, hindi na kita babalikan dito para tulungan.”
“Dahil alam mong maraming nakakita
sà yo.” “Let me help you,” anito. “Never mind,” tanggi niya sa matigas na tono. Naroon ang kagustuhan niyang makalayo kay Jonathan. “No, I insist. Kailangang mapalitan ng tuyo
ang nabasa mong kasuotan. I’ll take you
to my friend’s
office here in Sta. Catalina. Maraming siyang
damit na maaring ipahiram sa iyo. He keeps
a wardrobe of clothes there for girls who do modelling assigment for his promotions.” Bumuka ang mga labi ni Tanya upang tumutol. Ngunit biglang nagbago ang isip niya nang makita ang mga taong patuloy sa pag-¬‐ uusyuso
sa kanila. At upang makatakas sa mga ito, marahan na lamang siyang napatango. Inalalayan siya ni Jonathan patungo sa itim na kotse na
nakaparada sa may di-¬‐ kalayuan. Nailang si Tanya nang malaman na naroroon sa loob ng sasakyan at naghihintay ang babaeng kaagapay kanina ni Jonathan. HUMANTONG sila sa pinakamataas na gusali na nakatayo sa pinakabayan ng Sta. Catalina. Magmula sa pagbaba ng sasakyan hanggang sa pagsakay sa elevator ay nakaalalay si Jonathan
kay Tanya. Habang hindi naman maipinta ang mukha ng babaeng kasama nila. Halatang ikinaiinis nito
ang atensyon na iniuukol sa kanya ngayon
ni Jonathan. “By the way, Tanya, meet my secretary Rina Alcalde,” pakilala nito nang makapasok sila sa
magarbong silid. Bago ito tuluyang lumabas ng silid ay nagbilin ito kay Rina. “Ikaw na ang bahala kay Tanya. Bigyan mo kaagad siya ng damit na pamalit sa suot niya. Nasa kabilang kuwarto lamang ako para kausapin
si Keith.” Hindi man lamang narinig ni Tanya ang boses nito para sumagot sa inuutos ni Jonathan. Marahan lamang itong napatango. Nang sila na lamang ni Rina ay hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ano bà ng size ng paa mo?” malamig nitong tanong. “Kailangan mo ring magpalit ng sapatos
dahil basà yang rubber shoes na suot mo,”
dugtong pa nito. Muling pinasadahan ng tingin ni Rina ang T-¬‐ shirt at maong jeans na suot niya. “Sumunod ka
sa akin,” utos nito nang tumalikod. Sa isang pinto sila pumasok ng babae. Isang magarang silid na naman ang nabungaran ni Tanya. Kung sa kabila ay magandang opisina ang
kanyang nakita ngayon ay magarbong
bedroom naman ang kanyang nasilayan. “Pumasok ka na sa banyo para maligo habang hinahanapan kita ng damit na maaari mong isuot
dito.” Bago pa magyelo si Tanya sa lamig ng pakikitungo sa kanya ni Rina ay ipinasya na niyang pumasok sa banyo. Makalipas ang ilang minuto ay nakaroba na lamang siya nang lumabas ng banyo. Wala na sa naturang silid si Rina at sa halip ay isang
babae ang naabutan niya. “Hi!” Nakangiti ito nang tumayo. “I’m Larla. Inutusan ako ni Boss Jonathan para asikasuhin
ka. Heto nga pala ang damit na isusuot
mo.” Isang
black halter dress at black slide para sa kanyang footwear ang inihanda kanina ni Rina. May pagdadalawang-¬‐ isip sa utak niya nang abutin ang naturang mga damit. Awtomatiko niyang inilapag sa mesita ang mga damit na hinubad. Kinuha naman iyon ni Larla. “Ako na ang bahalang magpa-¬‐ laundry ng mga ito sa
ibaba.” Iniladlad ni Tanya sa ere ang
naturang damit. Dismayado siya sa
natuklasang yari niyon. “L-¬‐
Larla, ito na ba ang pinakasimpleng damit na. .” Napangiti
ang babae. “Sorry, peròyan lang talaga
ang damit na hindi gaanong daring. Ang ibang
damit kasi ay siguradong tatanggihan mong isuot dahil halos wala nang maitatago sa
katawan mo kapag isinuot ang mga iyon.” Sa narinig ay walang nagawa si Tanya kundi ang muling bumalik sa banyo para magbihis. Bago siya lumabas ng banyo ay pinagmasdan muna niya ang sarili sa harap ng salamin. It was a perfect fit dahil nahantad ang hubog ng kanyang katawan. “YOU SEE. . mas maganda ka ngayong may kaunting makeup na nakapahid diyan sa face mo!” maarteng wika ni Larla makalipas ang
ilang minuto na pagpipilitan nila sa
nais nito. Kanina
nang lumabas siya ng banyo na suot ang
magarang damit ay hindi pumayag ang babae na hindi ayusan ang kanyang mukha. Ayon dito ay isa iyon sa mahigpit na ibinilin ni
Jonathan na gawin nito. Habang pinagmamasdan ni Tanya ang sarili ay bigla siyang namroblema. Tiyak na magtataka
ang mga magulang niya kapag nakita siya
sa ayos na iyon. Tiyak na magtatanong ang mga ito. Hindi rin naman niya magagawang sabihin sa mga ito ang totoo. Magagalit ang kanyang ama kapag nalamang si Jonathan ang may gawa niyon. Sunud-¬‐ sunod na katok ang pumutol sa pag-¬‐ iisip ni Tanya. Kinabahan siya nang sambitin
ni Larla ang pangalan ng binata. WALANG salitang namutawi sa mga labi ni Jonathan nang mapagmasdan si Tanya. Bakas sa mga mata nito ang matinding paghanga. “You look great!” Nag-¬‐ init ang magkabilang pisngi niya sa hantarang papuring ibinigay sa kanya ni Jonathan. Pero hindi si Rina, na nasa likuran
pala ng lalaki. Naningkit ang mga mata ni Rina. Bigla tuloy nitong pinagsisihan ang pagpili ng damit na
iyon para sa dalaga. “Salamat sa pag-¬‐ aasikaso n’yo kay Tanya,” wika ni Jonathan nang balingan sina Larla at Rina. Pagkuwa’y sabik nitong binalingan si Tanya. “Shall we go, Tanya?” Nagtatakang natitigan niya ito. “Ihahatid na kita sa bahay ng kaibigan mo. O baka gusto mong sa bahay n’yo na lamang kita ihatid?” Nag-¬‐ panic si Tanya sa narinig. Malaking
gulo kung magpapahatid siya rito sa
kanilang bahay. “No! Ihatid mo na lamang
ako sa bahay nina Carol.” “Then, let’s go!” Inalalayan siya sa siko ni Jonathan nang palabas na sila ng silid. Hindi naman niya maikakaila ang kakaibang init nang magdikit ang kanilang mga balat. Katahimikan ang namagitan sa kanila nang nasa loob na sila ng elevator. Lihim siyang napapasinghap sa tuwing masasamyo ang men’s cologne na gamit ni Jonathan. Tulad niya ay nagbihis din ang lalaki. Casual ang attire nito ngunit tila lalong lumakas ang
karisma nito. Ipinagpasalamat niya nang bumukas na ang pinto ng elevator. NANLUMO si Tanya nang marating nila ang bahay ng pinsan at malamang walang katau-¬‐
tao roon. Noon lamang niya naalala na um-¬‐ attend nga pala ang buong pamilya ni Carol sa kabilang baryo para sa selebrasyon ng kamag-¬‐ anak
nito na ikakasal kinabukasan. “So, what now? Gusto mo bang ihatid na lamang kita sa inyo?” Mabilis niyang nilingon ang katabi. “Huwag!” Kumunot ang noo ni Jonathan. “Bakit?” Nagbawi siya ng tingin dito. “A-¬‐ ayokong malaman nila na ikaw ang kasama ko. T-¬‐ tiyak
na magre-¬‐ react sina Itay kapag. .
nakita ka.” Nagbuntong-¬‐ hininga ang
binata. “In that case, paunlakan mo na
lamang ang paanyaya ko na mag-¬‐ late
dinner tayo sa Novo Hotel. Tamang-¬‐ tama
dahil may fashion show na ginaganap ngayon
doon sa mga sandaling ito.” “H-¬‐ ha?” “Please, Tanya, just this evening. Para naman hindi masayang ang mga gayak natin ngayon.” Saglit siyang nag-¬‐ isip sa sinabi nito.
Kahit ano pa’ng giit niya sa isip na
huwag pagbigyan ang nais ng isang
kaaway, matindi ang kaway ng banyagang
damdamin. “O, ano?” “Nag-¬‐ iisip pa ako.” “Alam kong wala kang tiwala sa akin.” “Buti alam mo.” “Puwede ba, Tanya, kalimutan na natin kung anuman ang alitan ng ating mga pamilya.
Besides, sila naman ang problema, hindi
tayong dalawa. Noon pa man ay gusto ko
nang makipagkaibigan sà yo.” Gustong tumaas ng kilay niya. “Please?” “S-¬‐ sandali lang tayo?” “Yeah.” “S-¬‐ sige. .” Matindi ang pagtutol ng kanyang
isip subalit mas nangingibabaw ang
kagustuhan ng dibdib. “Good!” Muling binuhay ni Jonathan ang makina at tinahak ang daan patungo sa hotel na
binanggit nito na matatagpuan naman sa
San Martin. “SALAMAT nga pala.. ” basag ni Tanya sa katahimikang namamagitan sa kanila sa loob ng sasakyan. “Walà yon.” Mabilis siyang nilingon nito at nginitian. “Tulad ng sinabi ko sa iyo kanina,
I felt responsible sa pagkakahulog mo.” “Sinadya mo, right?” aniyang nasa himig na nagbibiro. Pakiramdam niya’y naroroon siya sa Jetro’s Bar at nakikipagharutan sa customer. “Believe it or not, hindi ko magagawa ang iniisip mo. Nasabi kong responsable ako dahil
sa halip na maagapan kita na huwag
mahulog, dahil nga nagkakagulo ang mga
tao, may bumangga sa likod ko, nasiksik
kita.” “Anyway, kalimutan na natin
`yon.” Ikinibit ni Jonathan ang malapad
na balikat. “Good idea. Natutuwa ako
dahil sa nangyari ay nagkasundo tayo.” “Teka, sinabi ko bang magkasundo na tayo?” “Wala namang rason para mag-¬‐ away tayo,”
giit nito. “Meron, Mr. Perez.” “Well, kalimutan mo na kung anuman `yon.” “Really? Hindi mo na ako kukulitin sà yong proposal. Hindi mo na pag-¬‐ iinteresan ang
lupain namin.” “Let me correct you, Tanya. I admit,
interesado ang father ko sa lupain n`yo,
pero hindi naman kayo
dehado sa magiging bayaran. Isipin mong nakatulong
pa nga kami sa inyo.” “Maisasalba nga
ang lupain namin pero ano’ng mangyayari?”
“All right, let’s change the topic.
Pagdating sa ganyang usapin, tiyak na
magtatalo lang tayo.” Sinimangutan niya
ito. “Hindi mo ba napansin na lagi
tayong pinagtatagpo ng tadhana?” “Walang kinalaman ang tadhana sa nangyaring ito sa atin,” malamig niyang sabi.
“Nagkakataon lang ang lahat.” “Iyon ang paniniwala mo. Pero ako hindi. Pakiramdam ko’y nakatadhana
tayong magkasama sa mga darating na araw.” “You’re imagining impossible things. Kung makakausap ko lang ang tadhanang sinasabi mo ay hihilingin ko sa kanya na baguhin ang nakatadhana sa akin kung ikaw man ang nakasulat doon.” Humalukipkip siya. Hindi niya sinusulyapan ang katabi. Nakaligtas sa paningin niya ang pagtatagis ng mga bagang ni Jonathan.
CHAPTER FIVE
NAGKATOTOO
ang nasa isip ni Tanya. Nang marating
nila ang Novo Hotel at magkaagapay nilang
tinalunton ang main entrance ay nakasunod
ang tingin sa kanila ng lahat ng naroroon.
They made a striking couple.
Makatawag-¬‐ pansin ang guwapong mukha
ni Jonathan na lalo pang naragdagan ang
karismang taglay sa taas nito at
sa prominenteng balikat na bakas sa suot nitong polo shirt. Samantala, tunay na kaakit-¬‐ akit si Tanya sa
black dress na suot. Inihantad ng
kanyang kasuotan ang makinis niyang mga
braso’t balikat. Mas naging kapansin-¬‐
pansin din ang perpektong kurba ng
kanyang katawan. Ang treinta y singkong
edad ni Jonathan ay hindi naging alangan
sa edad ni Tanya. Kahit
nagsisimula na ang show ay bumabati lahat
nang makapansin kay Jonathan. Pagkatapos naman iyon ay ipinapakilala siya ng lalaki sa
mga ito. Feeling “Cinderella” nang mga sandaling iyon si Tanya. Ang basahan niyang suot kanina ay parang magic na pinalitan ng kanyang fairygod mother nang isang magarang gown. At kasama sa magic na iyon ay ang pagbibigay ng isang prinsipe sa katauhan ni Jonathan. Mapait siyang napangiti. Tulad ni Cinderella, ang gabing iyon ay may katapusan. Bukas ng umaga ay gigising siyang wala na ang mga magagandang bagay na iyon. Dalawang oras ang itinakbo ng naturang fashion show. Pasado-¬‐ alas-¬‐ dose na nang
lumabas sila ng Novo Hotel. Tamang-¬‐
tama ang oras ng paghatid sa kanya ni
Jonathan pauwi. Inabutan niyang nasa
sala pa si Carol. Gaya ng
inaaasahan ni Tanya, nagtaka ang pinsan
sa naging ayos niya. At bago pa ito magtanong
ay niyaya niya kaagad ito sa silid nito.
Doon niya inilahad ang mga pangyayari. BUMALIK
na si Tanya sa Maynila dahil sa kanyang
trabaho. Ilang araw pa lamang siyang
naroroon nang dalawin siya ni Carol. “May problema ba?” Kinabahan siya sa biglaang pagluwas ng pinsan. Natawa ito nang mahina. “Wala.” “Eh, bakit napasugod ka rito?” “Dito kasi ako sa Manila magpapagawa ng wedding gown,” nahihiyang tugon ni Carol. “Ibig mong sabihin magpapakasal ka na?” Namilog ang kanyang mga mata. Marahan itong tumango. “Ang bilis naman yata.” Napayuko si Carol. “Sa susunod na taon pa sana ang balak namin ni Greg. Pero ang Itay, gusto niya ngayon na. Paano, nalaman niyang nakitulog ako noong isang gabi sa bahay nina Greg. Nagkasakit kasi siya, eh,” mahaba nitong
paliwanag. “Ako ba ang gagawin mong maid of honor?” “Siyempre naman. Ikaw ang best friend ko. Kaya lang. .” Kusang inihinto ni Carol ang sasabihin. “Kaya lang ay ano?” “Kaya lang baka hindi ka um-¬‐ attend sa kasal
ko kapag nalaman mo kung sino ang best
man namin.” Tinaasan ni Tanya ng kilay ang sinabi nito. “Sino?” “Yung boss nina Greg at Isagani. Si Jonathan Perez.” “H-¬‐ ha? Bakit ngayon ko lang yata nalaman na
si Jonathan ang boss nila?” “Industrial partner lang si Mr. Ching. Ang totoo talagang may-¬‐ ari ay si Jonathan.
Ano.. pupunta ka ba?” Nagkibit siya ng mga balikat. “Bahala na. . kung papayag si Itay na um-¬‐ attend ako kahit
naririyan si Jonathan.” Maluwang ang ngiti ni Carol sa narinig. “Huwag kang mag-¬‐ alala dahil nasabi ko na
kina Tita Soledad. At pumayag sila.
Tutal naman daw ay kasal ko naman iyon
at sandali lang kayong magkakasama ni
Jonathan.” “Iyon naman pala. De wala ka
nang problema.” Ngunit siya naman ngayon
ang biglang nagkaproblema. Makakaharap
na naman niya si Jonathan. Subalit sa
pagkakataong iyon ay tiyak na de
numero ang kilos niya at hanggang maaari ay iiwasan niyang magsanga ang landas nila
nito. Baka mahalata ng kanyang itay na
hindi lang iyon ang unang pagkakataon na
nagkaharap sila ni Jonathan. KINABUKASAN ng gabi ay si Jonathan ang naging bisita ni Tanya. Kung noon ay
tinalikuran niya ito, ngayon ay hindi na
niya nagawa ang gayon. Nagpaunlak din siya sa pagyaya nito na kumain sa labas. “Kailan ka magpapasukat ng gown na gagamitin mo sa kasal ni Carol?” bungad nito nang magkaharap na sila sa pandalawahang mesa sa loob ng class na restaurant sa Timog. “Sa Friday na lang siguro. Tutal ay nakuha ko na naman ang design ng damit.” Nahinto ang gagawin sana niyang pagsubo nang makita ang makahulugang ngiti sa mga labi
ni Jonathan. “May nakakatawa ba sa hitsura ko?” Umiling ito. “Wala naman. Naisip ko lang kung kailan naman kaya mangyayari na ikakasal tayong dalawa.” Binawi ni Tanya ang tingin dito. Hindi niya matagalan ang malalagkit na sulyap na iniuukol
sa kanya ni Jonathan. “Malabong mangyari ang iniisip mo,” malamig niyang tugon. “Paanong malabo? We’ve been dating more than once. Pagkatapos niyon ay uumpisahan ko nang manligaw sa iyo—” “Huwag mo nang balakin dahil hindi rin kita sasagutin.” “You’re lying, my dear. I know you’re
attracted to me as much as I am to you.”
“You’re very conceited, huh? At paano kang nakasiguro na pareho
nga tayo ng
nararamdaman?” “The way you responded to my kiss. . sapat na rason na iyon para malaman kong gusto mo rin ako.” “Walang
anumang ibig sabihin ang halik na iyon,”
mariin niyang wika. “Nag-¬‐ take advantage ka sa sitwasyon natin. Hindi mo gagawin iyon kung talagang mapagkakatiwalaan kang lalaki.” “Tama ka sa sinabi mo. Pero naisasantabi ang bagay na iyon kapag kailangang iparating sa babae ang kanyang damdamin.” Binawi niya ang kamay na nakapatong sa table nang kusang idantay ni Jonathan ang palad
nito. “I haven’t forgotten that kiss,”
bulong nito na bahagya pang dumukwang sa
mesa upang ganap niyang marinig ang
sinabi nito. “And I think, ganoon ka
rin. Alam kong hindi mo nakalimutan ang
pinagsaluhan nating halik.” Sa
pagkakataong iyon ay humarap siya rito. “Can
we please change the subject?” mahinahon niyang wika kahit nagpupuyos na ang dibdib niya sa inis. “Kung may pinagsisihan man akong
bagay na nangyari sa buhay ko, iyon ay
ang halik na namagitan sa atin.” Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni
Jonathan. Ngiting pakiramdam niya ay
ininsulto nito ang buo niyang pagkatao. “All right, gusto mo rin lang na ibahin ang pinag-¬‐ uusapan natin, pumayag na ba ang itay
mo na ibenta sa amin ang lupa?” Sarkastikong napangiti si Tanya. “Now, you’re talking, Mr. Perez! Lumabas din ang tunay na intensyon mo sa dinner date na ito!” Naggalawan ang muscles sa mukha ng kanyang kaharap. “Hindi ba’t ikaw ang may gustong ibahin natin ang usapan?” “Yes. And I’m glad, inilabas mo ang tunay mong motibo. Now. I know, mas nagiging totoo kang tao kapag kasakiman na ang pinag-¬‐ uusapan.” Kitang-¬‐ kita ni Tanya ang pagkuyom ng kamao nito. Bakas sa anyo nito ang pagpipigil sa
galit na nararamdaman. Walang takot niyang sinalubong ang naniningkit na mga mata ni Jonathan. “Gusto mong malaman kung ano’ng sagot ni Itay sa inaalok mo, Mr. Perez. Well, salamat na lang
daw sa malaking pera na ibabayad mo pero
hindi namin iyon kailangan.” Sa kabila ng galit na nakabalatay sa mukha ni Jonathan ay kalmado itong nagsalita. “Ang
hirap paniwalaan na hindi n’yo nga
kailangan ang pera. Lalo pa’t nalalapit
na ang palugit na ibinigay sa inyo ng
financing.” “Kagagawan n’yong mag-¬‐ ama
kaya kami nagigipit nang ganito.” “Ang pamilya mo ang higit na may responsibilidad sa mahigpit na pangangailangan
n’yo ng salapi ngayon, Tanya,” mababa
ang tinig na sagot nito. Isang bagay na ikinaiinis niya ay tila hindi apektado si Jonathan ng mga salita niya. “Oo. Inaamin ko na hindi sila naging wise pagdating sa pagpapatakbo ng kabuhayan. Gayunpaman, may paraan na kaming naisip para lusutan ang problema
naming ito,” pagsisinungaling
niya. “Paraan? Tulad ng ano, pag-¬‐ e-¬‐
experiment sa sirang makina ng
sasakyan?” Nanunuyang ngiti ang
naglalaro sa mga labi ni Jonathan. “You’re
the most annoying man I’ve ever met,” naniningkit
ang mga matang sabi niya rito. Hindi
niya pinangarap ang hiramin ang linyang
iyon ni Kate Winslet sa pelikulang Titanic. Ngunit wala na yata siyang maapuhap na sasabihin para masira ang composure ng kausap.
Walang sinabing anuman si Jonathan
tungkol sa binitiwan niyang salita.
“Maaari ko bang malaman ang plano n’yo?”
“Why would I do that? I don’t trust
you.” “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Simple lang, Mr. Perez. Kung sasabihin ko sa iyo ang plano namin para makapagbayad sa financing ay tiyak na gagawa ka naman ng
paraan upang hindi kami magtagumpay.” This time, nagtagumpay si Tanya na ilabas ni Jonathan ang galit nito. Nag-¬‐ isang linya
ang mga mata nito at halos magsalpukan
ang mga kilay. May takot na dumalaw sa
dibdib niya. Lihim siyang nagdasal na
sana’y hindi kamao ang gamitin ni
Jonathan bilang tugon sa kanyang mga sinabi.
Halos hindi rin maglayo ang mga ngipin nito nang magsalita. “Let me tell you this, young
lady. Wala sa hinagap ko na gawin ang
ibinibintang mo sa akin. I’ve never done
anything illegal or unethical in my
whole life. Kung nagtatagumpay man ako
sa aking mga negosyo iyon ay sa patas na
paraan. At kailanman, wala akong ginawang masamang plano sa pamilya mo para malagay sila
ngayon sa kagipitan. Nabubuhay sa
pangarap ang
pamilya mo kaya sila nalagay sa problemang ito.” Walang
maapuhap na isasagot si Tanya. Kaya mabilis
niyang inilapag ang kubyertos na hawak. Wala
nang rason para magtagal pa siya sa harapan
ng lalaking ito. Isang pagkakamali na
paunlakan ang imbitasyon nito gayong
masasakit na salita lang naman ang
maririnig niya mula rito. Ngunit hindi niya
lubusang maramdaman na galit siya sa binata.
Pawang may katotohanan naman kasi ang mga
sinabi nito. “Well, since, nalaman mo na
ang sagot sa inaalok mo sa pamilya ko,
Mr. Perez, nais ko nang umuwi.”
Isinukbit niya ang bag sa kanyang balikat.
“Hindi pa tayo tapos kumain,” malumanay
na ang naging tono ni Jonathan. “Nawalan na ako ng gana. Maraming salamat na lamang.” Iniwan niya ito sa table at walang lingon-¬‐
likod na lumabas ng naturang kainan. Mabilis namang nakasunod si Jonathan sa kanya. Bago
pa man siya nakatawag ng taxi ay nahawakan
na siya nito sa braso. “Ihahatid na
kita. Delikado sa iyo ang umuwing mag-¬‐
isa.” “I can mana—” “Huwag ngang matigas ang ulo mo!” Bahagyang napalakas ang tinig nito. Natawag
nila ang pansin ng ilang taong nasa
parking lot. Napahinuhod na rin si Tanya
na maihatid siya nito. At sa loob ng
sasakyan, anuman ang gawing pagkausap sa
kanya ni Jonathan ay hindi siya kumikibo.
“PARENG Tomas, siguradong malaking pera ang kikitain natin ngayon. Dalawang ten-¬‐ wheeler
truck ang ipapa-¬‐ assemble sa atin ni Mr.
Samson,” masayang pagbabalita ni Franco
at tinapik-¬‐ tapik pa sa balikat ang
kaibigan. “Kaya solve na ang pagpapagawa
mo sa babuyan ni Mang Narding.” “Pare,
salamat, ha?” Nakangiti man si Tomas ay
bakas pa rin ang pagkabalisa sa mukha nito. “May problema ka ba, Pare?” “Malaki. Nangungulit na si Mang Narding na ipagawa ko iyon.
Masyado na raw napeperhuwisyo ang hanapbuhay niya nang dahil sa pagkawala ng kural ng kanyang mga alaga.” Naiiling na tinapik ni Franco ang likod ni Tomas. “Pare, simple lang `yan. May paraan na akong naisip para tumahimik ang matandang iyon.” “Ano
iyon, Pare?” “Magbibigay tayo sa kanya
ng postdated cheque. Kapag hawak na niya
iyon ay tatahimik na siya
at hihintayin na lang kung kailan mai-¬‐ encash ang tseke.” Sunud-¬‐ sunod na pag-¬‐ iling ang naging
tugon ni Tomas sa suhestiyon ng
kaibigan. “Pare, seryoso ako. Eh,
imposible naman `yang sinasabi mo. Hindi
big time ang talyer namin para magkaroon kami ng cheque book.” “Ako’ng bahala. Meron ako. At ide-¬‐ date
natin iyon sa petsa na siguradong
nabayaran na tayo ni Mr. Samson sa
trabaho natin sa kanya.” Matamang
pinag-¬‐ isipan ni Tomas ang sinabi ng kaibigan.
Tumatanggi ang isip niya subalit sa tuwing
maaalala ang mukha ng matandang kapitbahay
ay naroon ang kagustuhan niya na sang-¬‐
ayunan si Franco. “O, ano, gusto mo ba?”
“Sige na nga. Mabuti na siguro ang gayon
kaysa naman araw-¬‐ araw akong kulitin
ni Mang Narding.”
CHAPTER SIX
MULING umuwi si Tanya sa Sta. Catalina nang sumunod na linggo upang tulungan si Carol sa pag-¬‐ aasikaso sa nalalapit nitong kasal. Pagdating niya sa kanila ay agad siyang inurirat ng ina tungkol sa itim na damit na
nakita nito sa kanyang tokador. “Mukhang mahal ang pagkakabili mo sa damit na iyon, ah,” anito. “H-¬‐ hindi ho sa akin ang damit na itim,” nauutal niyang wika. “Aba’y kanino iyon? Iyon ba ang mga klase ng damit na isinusuot mo sa pinagtatrabahuan mo?”
Marahan siyang napatango. “Sa kasamahan
ko ho iyon. Nagkaroon ho kasi kami ng
party sa trabaho at kinailangan ko nang
ganoon klaseng damit. Biglaan kasi kaya
pinahiram na lamang ako ng damit.” Ayaw niyang magsinungaling subalit mas mabuti na ang gayon kaysa naman malaman ng mga ito ang totoong nangyari — na nakikipag-¬‐
ugnayan siya sa isa sa mga Perez. Kung bakit kasi hindi niya kaagad naisauli ang
naturang damit. Naipasya niyang dapat na
niyang ibalik iyon sa lalong madaling-¬‐
panahon. PAGKATAPOS
ni Tanya na mananghalian ay nagbihis
siya ng pang-¬‐ alis na damit. “Saan
ka pupunta, anak?” tanong ni Almario nang
makasalubong siya sa ibaba ng bahay. “May
lakad ho kami nina Carol,” pagkakaila niya.
“Ano bà yang nasa supot, ha?” “D-¬‐ damit ho ni Carol. Naiwan niya ho ito
nang matulog siya rito.” “Ganoon ba? Mag-¬‐ iingat ka na lang. Huwag kang gaanong magpapagabi.” “Oho.” Dire-¬‐
diretso nang humakbang si Tanya palayo sa
kanila. Nang makarating sa highway ay agad niyang pinara ang jeep na patungo sa San
Martin. ILANG
sandali pa ang lumipas ay nasa bukana na siya ng rancho ng mga Perez. Kahit sa malayo
ay kitang-¬‐ kita niya ang malaking
bahay na animo palasyo sa pagkakatayo
niyon sa gitna ng malawak na lupain. Nahigit niya ang hininga sa matinding paghanga. Sa kauna-¬‐ unahang pagkakataon ay tatapak siya sa lupain ng kaaway. Muli siyang napatingin sa bahay nina Jonathan.
Ilang taon na rin niyang hindi nakikita
ang ama nitong si Danilo. Noong musmos pa sila ng kanyang Kuya Tomas ay madalas silang mapadaan doon kapag isinasama sila ng kanilang ama sa tuwing magpapagiling sila ng palay sa kanugnog na baryo. Madalas
nilang makita ang isang lalaking animo
panginoon na nakasakay sa kabayo habang
nagmamando sa mga tauhan sa rancho nito.
Subalit ngayon ay wala na si Danilo sa malawak na lupaing iyon. Nakakulong na ito ngayon sa silyang de gulong at habang
lumilipas ang mga
araw ay unti-¬‐ unting nanghihina ang katawan
nito. “Miss, may kailangan ho kayo?”
untag sa kanya ng lalaking nakatalagang
magbantay sa bukana ng rancho. Marahan siyang napatango. “N-¬‐ nariyan ba si Mr. Jonathan Perez?” “Maaari ko ho bang makuha ang pangalan n’yo? Wala kasing ibinilin sa akin si Señorito
Jonathan na may darating siyang bisita
ngayon,” muling pag-¬‐ uurirat ng
bantay. “Hindi niya inaasahan ang
pagpunta ko. Pero pakisabi sa kanya na
isasauli ko lang itong damit na
ipinahiram niya sa akin. Tanya ang pangalan ko. Tanya Miramar.” Saglit siyang tinitigan nito. “Sandali lang.” Tumalikod ang lalaki at may kinausap sa radyo na hawak-¬‐ hawak nito. Mayamaya ay inalis nito ang pagkaka-¬‐ lock ng
bakal na gate. “Maghintay lang ho kayo
sandali at may tauhan na magsusundo sa
inyo para dalhin kayo kay Señorito
Jonathan.” “Salamat.” Hanggang sa matanaw niya ang paparating na Wrangler jeep. Hindi nagtagal ay huminto iyon malapit sa kanya. Kabadong sumakay sa naturang sasakyan si Tanya. Subalit nilakasan niya lang ang kanyang
loob. Naisip niyang maaari naman niyang ipaabot sa mga tauhan ng binata ang damit, kung bakit mas
ginusto pa niyang siya ang mismo ang
magbigay niyon kay Jonathan. Nasasabik nga ba siyang makita ito? Iyon ang ukilkil sa kanya ng munting tinig sa loob ng isipan niya. “NARITO ka na pala, Miss Miramar,” malamig na bati ni Rina nang makita nitong naghihintay sa
sala si Tanya. “Ang sabi ng guard sa
gate ay pumunta ka raw dito para isauli
ang damit na ipinahiram sa iyo ni
Jonathan.” Marahan siyang napatango.
“Nariyan ba si Mr. Perez?” “Yes. Pinapasabi niya na huwag ka munang umalis. May importante lang siyang taong
kausap sa library.” “Marunong ka bang mag-¬‐ golf?” mayamaya ay tanong ni Rina matapos ang sandaling katahimikan. Umiling ang dalaga. “H-¬‐ hindi.” “Hmmm. .” Mataman siyang tinitigan ng babae. “Sayang. Yayayain pa naman sana kitang maglaro. Kapag ganitong oras kasi ay nakasanayan ko nang maglaro ng golf. . I mean,
kami ni Jonathan. We love that sport
kaya nga nagpagawa siya ng golf course
dito sa loob ng rancho.” Kiming napangiti si Tanya. Pakialam ko kung favorite sport n’yong dalawa ang golf! “Tennis? Alam mong maglaro niyon?” Nakangiting umiling siya. “Alam mo bang karamihan sa mga kaibigang babae ni Jonathan ay mahilig sa tennis. Paano
na lang
kung maging mabuti kayong magkaibigan ni Jonathan then ipakilala ka niya sa kanyang mga
kaibigang babae? Paano kayo magkakasundo
kung hindi mo alam ang favorite sports
nila?” There, lumabas din ang intensyon
ng babae sa pag-¬‐ uurirat sa kanya
nito. Ipinamumukha nito sa kanya na
magkaiba sila ni Jonathan ng mundong ginagalawan.
Taas-¬‐ noo niyang tinitigan si Rina.
“Miss Alcalde, kung magiging magkaibigan
nga kami ni Mr.
Perez. Well, I don’t want to change myself just to please his friends. But don’t worry,
malayong mangyaring may mamuong
friendship sa pagitan namin. I’m not
here to visit him. I only here para isauli
ang mga ito sa kanya.” Nawala ang
matagumpay na ngiti sa mga labi ni Rina.
Subalit saglit lamang iyon, mabilis itong nagpormal. “Miss Miramar, since, hindi mo alam ang mga sports na alam ko ay mabuti pa sigurong iwanan
na kita rito. I have no idea how to entertain
people like you. Suit yourself!” Kasabay niyon ay tinawag nito ang isang katulong upang dalhan si Tanya ng mamemeryenda. Nang mawala sa paningin niya ang babae ay napataas ang kilay niya sa naisip. Sekretarya
nga ba talaga ang papel nito sa buhay ni
Jonathan? She doubt it. Paano’y kung
umasta ito ay animo asawa nito ang
lalaki o katipan kaya. Eksaktong
natapos basahin ni Tanya ang magazine na
nakuha sa ilalim ng center table nang
bumungad sa sala si Jonathan. “This is a
surprise, Tanya! Ikinatutuwa kong maging
panauhin ka sa aming rancho.” “H-¬‐
hindi ako puwedeng magtagal,” nauutal niyang
sagot. “Nagpunta lang ako rito para isauli ang damit na ito.” “C`mon, Tanya,” saad ni Jonathan. “You can stay here as long as you want. That way, maipapakita ko sa iyo ang development project namin para sa San Martin.” Napukaw ang pag-¬‐ iisip ni Tanya sa pagtikhim
ni Rina. Nagbabanta ang tingin sa kanya
ng babae. Obvious na hindi nito gustong
magtagal pa siya roon. Ang naging reaksiyon ni Rina ang nagtulak kay Tanya para tanguan ang imbitasyon ni Jonathan.
Kung ininis siya nito kanina ay siya
naman ngayon ang mang-¬‐ iinis. “Okay, kung bukal ba sa loob mo ang pag-¬‐ iimbita sa akin, Mr. Perez—” “Of course, sincere ako sa aking sinabi.” “Mahirap tanggihan ang isang kagaya mo, Mr. Perez,” patiayon niya. Nakita nga niya ang masamang tingin sa kanya ng babae. “Can you drop the ‘Mr. Perez’ thing? Sa tuwing tinatawag mo ako nang ganoon, feeling ko’y isa akong teacher at isang estudyante
naman ang kasama ko.” Ikinibit ni Tanya ang mga balikat. Nasa isip niya na pagbigyan ang kahilingan ng binata,
tutal naman ay ngayon lamang iyon
mangyayari. Nais niya lang talagang
makaganti sa pang-¬‐ iinsulto sa kanya
ni Rina. Alam niyang nagseselos ang
babae sa atensyong ibinibigay ni
Jonathan sa kanya. “O ano.. ?” “All right, Jonathan, you win! Pero hindi ako puwedeng magpagabi dahil magkikita kami ngayon ng pinsan ko.” UNANG ipinakita sa kanya ni Jonathan ang model house ng subdivision na balak ng mga itong itayo sa malawak na bakanteng lote sa bungad ng San Martin. Pagkatapos niyon ay ipinasyal siya ng binata
sa malawak na lupain na pag-¬‐ aari ng
pamilya nito. Ipinakita
rin sa kanya nito ang iba’t ibang lahi ng mga alagang kabayo na naroroon sa Perez Ranch.
Sa mahigit dalawang oras nilang
pagsasama nito ay himalang hindi sila
nagbangayan ni Jonathan. Kabaligtaran pa
nga ang nangyari kompara sa mga naunang
pagsasama nila. Totoong nag-¬‐ enjoy
siya sa pamamasyal sa loob ng rancho.
Bigla niya tuloy naalala noong musmos pa
lamang siya, pinangarap niya ang makapasok
doon. “Are
you through with your food?” Nagtaas
siyang ng paningin kay Jonathan. Pagkuwa’y
marahan siyang napatango. “Yes. Kanina
pa nga, actually.” “Good. I know,
nakakapagod ang ginawa nating pamamasyal
dito sa rancho. But I don’t want to
waste any minute being with you. Gusto kong
makita mo mula sa itaas ang nasimulan ko nang project hindi lang sa San Martin kundi sa
iba pang bayan na malapit dito.” “Sa itaas?” “Yes. From aerial view, makikita mo ang lahat ng ipinagmamalaki kong proyekto.” “S-¬‐ salamat pero kailangan ko nang makabalik
sa Sta. Catalina bago mag-¬‐ alas-¬‐
sais ng gabi,” tanggi niya. “Huwag kang mag-¬‐ alala, mas maaga ka pang makakarating doon. Sandali lang naman tayo,” pagbibigay assurance nito. “Pero—” “Please?” Hindi makapaniwala si Tanya sa nakikiusap na anyo ngayon ng binata. “S-¬‐ sige, payag ako.
Pero tutuparin mo ang pangako mong
ibabalik ako rito bago mag-¬‐ alas-¬‐
singko.” “Promise.” Itinaas pa ni
Jonathan ang kanang kamay nito. That beast! sa loob-¬‐ loob niya. Bakit ba
hindi niya matagpuan ang sariling
namumuhi rito? Hindi ba’t iyon naman ang
dapat? Pero sa nangyayari,
hindi ganoon ang nararamdaman niya sa
binata. Ano nga bang mahika mayroong
taglay si Jonathan at tila siya
nahihipnotismo. Hindi na siya makatanggi
sa bawat nais nito. Bago sila umalis ng
binata ay nagpaalam ito kay Rina at
nagbilin ng sasabihin kung sakaling may
maghanap dito. At hindi nakaligtas sa
paningin ni Tanya ang pagsama ng mukha
ng babae. “NASAAN
ang piloto?” nagtatakang tanong ni Tanya
nang dalawa lamang silang sumampa sa chopper.
Simpatikong ngiti ang sumungaw sa mga
labi ni Jonathan. “You’re looking at
him.” Nagawa na nitong buhayin ang
makina ng sasakyan bago pa siya
nakapag-¬‐ react . “A-¬‐
are you sure.. alam mo’ng ginagawa mo? Baka
naman.. hindi.” Bigla siyang inatake ng nerbiyos.
Isang malutong na halakhak ang iginanti
ni Jonathan sa mga tanong niya. Kinakabahan siya sapagka’t iyon ang unang pagkakataon niyang makasakay sa chopper. Ngayon pa lang, maliit ang tsansa ng
kaligtasan para sa kanilang dalawa dahil
hindi niya alam kung
totoong kabisado ni Jonathan ang magpalipad
ng naturang sasakyan. “Relax, Tanya!
I’ve been flying since I was in college.
Twenty years old pa lamang ako noong
makakuha ako ng lisenya para magpalipad ng
ganitong uri ng sasakyan.” Bago pa uli
makapagtanong ang dalaga ay unti-¬‐ unti
na silang umaangat sa ere. Nagsimulang
maglakbay ang chopper. Ilang sandali
pa‘y tanaw na ni Tanya ang maunlad na bayan
ng Sta. Catalina at San Martin. “Oh!
Napakaganda palang pagmasdan ng Sta. Catalina
mula rito sa itaas. Pati na rin ang bahaging
iyon ng San Martin.” Ang tinutukoy niya
ay ang subdibisyon na sinimulan nang gawin
ang land development ni Jonathan. “I’m
glad at nakita mo rin. You see naging maingat
kami sa paggawa ng plano sa subdivision
sa San Martin. We’re using land-¬‐ scaping
methods to preserve the natural beauty of the place.” “But still, may ilang puno pa rin kayong pinutol.” Dahil sa ingay ng makina ay kinakailangan pa nilang sumigaw upang magkarinigan. “Look, kung may naputol man kami na mga puno ay tinitiyak ko naman sa iyo na may itinanim kami bilang kapalit sa mga iyon.” Lihim siyang natuwa sa narinig. “Mabuti naman kung gayon. Pero hindi pa rin ako makakapayag na galawin n’yo ang lupain namin sa San Martin!” may paninindigang wika niya. Inaasahan ni Tanya na makikipag-¬‐ argumento sa kanya ang binata. Ngunit ikinagulat niya
ang hindi nito pag-¬‐ react. Ito na ang
nag-¬‐ iba ng paksa. “The view is
perfect. Bakit hindi na lang natin i-¬‐
enjoy ang kagandahan ng tanawin sa ibaba?”
suhestiyon ni Jonathan. Hindi
siya kumibo. Sa isang banda, may punto ito
sa sinabi. Tunay na nakalilibang ang tanawin sa ibaba. Wala na ang nerbiyos niya at napalitan iyon ng
kakaibang excitement habang pinagsasawa
ang mga mata sa kabuuan ng dalawang
magkatabing baryo. “Naririnig mo ba ang ingay na iyon?” mayamayà y tanong ni Jonathan. Kunot ang noo nito at bakas sa mga mata ang tila
pagkabahala. “W-¬‐
wala akong ibang naririnig kundi ang ingay
ng makina,” kinakabahan niyang sagot. “You’re
right. The engine doesn’t sound right.” “H-¬‐
huwag.. mong sabihing babagsak tayo?” Samu’t
saring damdamin na ang lumulukob kay Tanya.
“Certainly not! Hindi ganoon kagrabe ang
problema sa makina para mag-¬‐ crash
tayo. We have no choice. Kailangan
nating mag-¬‐ emergency landing.
Doon tayo sa lugar nà yon. Kaibigan ko ang
may-¬‐ ari niyon.”
CHAPTER SEVEN
“JONATHAN, mabuti naman at naisipan mo kaming dalawin dito!” Nakangiting tinapik ng lalaki sa balikat si Jonathan. Inabutan nila itong busy sa paglalaro ng golf.
Tulad ng Perez Ranch ay mayroon ding
golf course ang rancho na kanilang
pinuntahan. Napatingin kay Tanya ang
lalaki. “We
have a problem, Bernard,” ani Jonathan matapos
ang sandaling pagkukumustahan nila ng kaibigan.
Kung hindi nagkakamali si Tanya, halos magkasing-¬‐ edad lang ang dalawang lalaki. “Don’t tell me, Pare, sa edad mong iyan ay nagtanan ka pa?” natatawa nitong sabi. Natawa si Jonathan. “No. Hindi kami nagtanan. Kailangan lang talaga naming mag-¬‐ landing dito dahil mukhang may kaunting trouble sa engine.” “Ganoon ba?” nadismayang wika ni Bernard. “Akala ko pa naman ay—” “Darating din tayo sa bagay na iyan, Pare, huwag kang mag-¬‐ alala.” “I’m glad to hear that, Pare. At least, may
balak ka pa palang mag-¬‐ asawa.” Napangiti si Jonathan sa sinabi ng kaibigan.
Si Tanya naman ay nanatiling tahimik
bagaman nakadama ng pagkaasiwa. “Siyanga pala si Tanya, Pare,” pagpapakilala ng binata. “Tanya, this is Bernard,
kinakapatid ko.” “Nice to meet you, Tanya. And welcome to my place.” Nakipagkamay sa kanya ang lalaki. “Same here!” “Tena sa bahay para makapagmeryenda kayo ni Tanya. Si Art na ang bahalang tumingin sa sasakyan mo. Magraradyo kaagad ako sa opisina niya.” “Salamat.”
“TAMANG-¬‐ TAMA ang aksidenteng pagdalaw n’yo rito, Jonathan. Birthday ngayon ng mama ni Bernard at may party na gaganapin ngayon sa kabilang hacienda.” Napatingin si Tanya sa sinabing iyon ni Monica, ang asawa ni Bernard. Kasalukuyan na silang nasa verandah ng tahanan ng mga Cabrera. “At gusto kong magpunta kayo ngayon ni Tanya sa pagseselebra ng kaarawan ng ninang mo, Jonathan,” dugtong pa ni Monica. Sinulyapan siya ni Jonathan bago tumugon. “I’d love to, Monica. Ang kaso, kinakailangan naming makabalik sa San Martin bago mag-¬‐
alas-¬‐ sais.
And besides, hindi bagay ang kasuotan namin
ngayon sa okasyong iyon.” “Nonsense!”
sabad ni Bernard. “Kung hindi man maayos
ngayon ang chopper, useless din na ipahiram
ko sa iyo ang aking sasakyan dahil aabutin
na kayo ng dilim sa daan. If I were you, bukas na lang kayo ng umaga umalis dito dahil delikado nang magbiyahe.” Mabilis namang sinang-¬‐ ayunan ni Monica ang asawa. “Tama si Bernard. Kung damit naman ang problema n’yo, then, papahiramin namin kayo ng
damit.” Tumingin ito kay Tanya. “At
mukhang kakasya naman ang damit ko kay
Tanya.” Nagkatinginan ang dalawa sa
sinabi ng mag-¬‐ asawa. Paninisi kay
Jonathan ang anyong nakasungaw sa mga
mata ni Tanya habang nagsusumamo naman
ang sa binata. Tumikhim ang mag-¬‐ asawa
upang pukawin ang pagtitigan nila. Si
Jonathan ang nakabawi sa pagkabigla.
“We’ll see kung makaka-¬‐ attend nga kami.
Itse-¬‐ check ko muna ang chopper at kung maaayos nang maaga ay babalik din kami ng San Martin. If not, then we will stay here until tomorrow.” PAPASOK pa lamang sa sala si Jonathan ay batid
na ni Tanya na hindi niya magugustuhan
ang hatid nitong balita tungkol sa
chopper. At hindi siya nagkamali ng
kutob. “I’m
very sorry, Tanya. Pero kinakailangan pang
i-¬‐ check mabuti ni Art ang makina ng chopper,”
agad nitong paliwanag sa kanya. Hindi
siya nakakibo. “Tanya, dear, ayaw naming
ma-¬‐ delay ang pagbabalik n’yo sa San
Martin. Pero mas lalong ayaw namin ni
Monica na magbiyahe kayo ngayong gabi
para lang makauwi. Delikado ang mga daan
dito sa amin. Masyadong matarik. Nakita
mo naman napapagitnaan kami ng dalawang
bundok,” pagpapaunawa ni Bernard. “Yeah.
I understand,” wika niya kahit hindi iyon
ang tunay na saloobin. NAHIHIYA
lamang siyang magpakita ng pangit na
ugali sa mag-¬‐ asawa gayong maganda ang naging pagtanggap ng mga ito sa kanya. “Kung ganoon, dapat na siguro tayong mag-¬‐ umpisang gumayak,” nakangiting sabad ni Monica. Hinawakan siya nito. “Let’s go. Ako
ang bahalang umestima sa iyo.” Bago pa siya nakatutol ay nahila na siya ng babae paakyat sa hagdanan. Isang nagbabantang sulyap naman ang iniwan niya kay Jonathan bago
siya magpatangay kay Monica sa itaas ng
bahay. PAWANG
kilalang tao ang mga bisita sa naturang kasiyahan.
Lahat ng mga ito ay halos kilala ni Jonathan.
Sa kabila ng pakikipagkumustahan nito sa mga
dating kaibigan ay hindi iniwan ng binata si Tanya. Lihim na ipinagpasalamat niya nang dalhin siya nito sa lugar kung saan walang gaanong
tao. “At last, nakasagap din ng malamig
na simoy ng hangin,” nakangiting sabi
nito nang makalayo sila sa karamihan.
“Kung hindi lang talaga nakakahiya kay
Bernard, mas gugustuhin ko pang mag-¬‐
stay tayo sa bahay niya.” Hindi
kumibo si Tanya. Nanatili lamang nakapokus
ang paningin niya sa madilim na bahagi
ng hardin. “Tanya, are you okay?” Sinulyapan niya ito. “Sa pagkakatanda ko’y sinabi mo sa akin na sandali lamang tayong maglilibot. Pero ilang oras na ang nakalilipas
ay naririto pa rin tayo.” Ikinibit ni Jonathan ang mga balikat. “I’m
sorry pero hindi ko inaasahan na
magkakaroon ng problema ang chopper.” “Don’t fool me, Jonathan! Bakit hindi mo na lang aminin sa akin na talagang gumawa ka ng paraan para mag-¬‐ stay tayo rito hanggang
bukas ng umaga.” “So, ibig sabihin hindi ka naniniwala sa mga sinabi ko?” “I have good reason not to,” nakasimangot niyang tugon. Napabuntong-¬‐ hininga ito. “Believe it or
not, pero hindi ko binalak na masira ang
helicopter. Although aminado ako na
gusto ko ang nangyaring ito. That way,
muli na naman tayong magkakasama.” “Bagay na ayoko nang mangyari,” giit niya. “Why? Dahil ba natatakot ka na baka hindi mo na magawang itago ang nararamdaman mo para sa akin gaya ng damdamin ko para sa iyo?” Nang-¬‐ aarok ang tingin nito sa kanya. “How conceited can you get!” angil niya rito. “Masyadong malaki ang bilib mo sa iyong
sarili, Jonathan. “I’m not conceited, as
you think I am,” kalmado nitong saad. “I’m just confident that you feel the same attraction as I do. I’m going to pursue you
and I know you’ll surrender.” “Mag-¬‐ aaksaya ka lang ng panahon mo,” matatag niyang wika. “Marami akong magagandang plano sa buhay at hindi ka kasama sa mga planong iyon.” “May boyfriend ka na ba, Tanya?” naisipang itanong ni Jonathan. Kung aaminin niya rito na wala siyang nobyo, tiyak na magpupursige lamang ito sa balak na panliligaw. Bigla niyang naisip ang masugid na
manliligaw na si Isagani. Mas nanaisin pa niyang makasama ito kaysa kay Jonathan na wala nang ginawa kundi ang
igiit na pareho sila ng nararamdaman sa
isa’t isa. “Yes. May nobyo na ako.
Isagani ang pangalan niya,” taas-¬‐ noo
niyang sagot habang nangangako rin sa
sarili na sasagutin na niya si Isagani kapag nagkita sila nito. “Actually, malapit na rin
kaming ikasal tulad nina Carol at Greg.”
Matagal bago nakaimik si Jonathan. At nang matagpuan nito ang sarili na magsalita ay
bakas sa tinig ang disgusto. “Well, I hope sigurado ka na sa bagay na
iyan,” kaswal na sabi ni Jonathan.
“Isang pagkakamali ang magpakasal ka sa
kanya gayong hindi mo naman siya mahal.”
“At ano’ng alam mo sa damdamin ko?” “I know. Remember. . nang halikan kita.” Pinamulahan siya ng pisngi sa implikasyon ng sinabi nito. “Kailanman ay hindi na muling mauulit iyon.” “Don’t be too sure,” tugon nito. “Hindi ako makapapayag na makasal ka sa iba. I would not given up on you.” Nilabanan niya ang titig ni Jonathan. “You’re just wasting your time. Dahil hindi ko
pinangarap na mapunta sa iyo. Alam kong
paglalaruan mo lang
ang babaeng katulad ko. At hindi ko pinangarap
na mangyari sa akin iyon.” “MY
GOD! Saan ka nanggaling kagabi, Tanya?” Nag-¬‐
aalalang mukha ni Carol ang bumungad sa kanya
nang kumatok siya sa bahay nito. “Saka
ko na ikukuwento sa iyo. Hinanap ba ako
nina Itay dito?” Nang
umalis sila ni Jonathan sa rancho nina Bernard
at Monica ay sa bahay nina Carol siya nagpahatid
at hindi sa kanilang bahay. Tumango si
Carol. “Pero sina Mamang ang nakausap
nila. Hindi rin kasi ako umuwi kagabi. Sa
bahay ako nina Greg natulog dahil tinulungan ko siyang asikasuhin ang inay niyang
nagkatrang-¬‐ kaso.” Nakagat ni Tanya ang pang-¬‐ ibabang labi. “Huwag kang mag-¬‐ alala, dahil ang paalam ko naman dito sa bahay ay nagpasama ako sa iyo na
matulog kagabi kina Greg. Kaya sinabi ni
Mamang kay Tiyo Almario na magkasama
tayo kagabi.” Napahagikgik ito
pagkaalala sa kasinungalingang hinabi sa
mga magulang para lang mapapayag ang mga
ito na matulog sa bahay ng nobyo. “Abut-¬‐ abot nga ang dasal ko kahapon na sana’y huwag ka munang magpunta sa amin. At salamat naman dahil pinagbigyan ako ng aking anghel.” Noon lang lang siya nakahinga nang maluwag. Ang poproblemahin na lang niya ay mag-¬‐ sorry
sa hindi niya pag-¬‐ uwi kagabi. Ang
importante ay may maidadahilan na siya
kung bakit hindi nakauwi. “Pumasok ka nga muna sa loob at nang makapagkuwentuhan tayo,” yaya ni Carol at hinawakan siya sa kamay upang igiya papasok sa
kabahayan. “Tamang-¬‐ tama, makakapag-¬‐ usap
tayo nang maayos dahil umalis sina
Mamang at Papang. Ako lamang ang mag-¬‐
isang naiwan dito. So, ano ba talaga ang
nangyari sa iyo at hindi ka nakauwi sa
inyo, aber?” Sinadya niyang yumuko at
iniwas ang paningin sa pinsan nang
sabihin niyang si Jonathan Perez ang
kasama niya kagabi. “Tanya, huwag mong
sabihing—” “Wait!
Nagkakamali ka kung iniisip mo na may relasyon
kami ng lalaking iyon. Nasira lang ang chopper
na ginamit namin kaya napilitan kaming mag-¬‐
stay sa Cabrera Ranch.” Kilala ni Carol
ang rancho na binanggit niya. Bago pa
uli makapag-¬‐ react ang pinsan ay ikinuwento
na niya rito ang mga pangyayari. “Sigurado
ka, walang ginawang masama sa iyo si
Jonathan, ha? Did he kiss you again?” Marahan
siyang umiling. “He’s nice. Actually, nag-¬‐
enjoy ako na kasama siya dahil sa sobrang atensyon na ibinigay niya sa akin nang gabing iyon. At halos lahat ng mayayamang kaibigan niya ay hindi niya nakalimutang ipakilala
ako.” “Wow! Mukha yatang lumilinis na
ang papel ni Jonathan sa iyo, ah?” “I still hate him, Carol! Nagpapakita lang
siya ng magandang ugali sa akin upang
makuha ang gusto niya.” Pilyang napangiti ito. “Ano naman kaya ang gustong kunin sa iyo ni Jonathan, kung sakali ngang totoo ang nasa isip mo?” “Carol, alam mo kung ano ang gusto ni Jonathan. Iyon ay ang lupain namin.” “Ows? `Yon nga lang ba ang gustong makuha sa iyo ni Jonathan?” “Noong una, akala ko’y iyon lang ang nais niya
sa pakikipaglapit sa akin,” pag-¬‐ amin
niya. “But now, gusto niyang pati ako ay
mapasakanya. Nainsulto
ako. Feeling ko’y isa akong bagay na pang-¬‐
give away sa lupang bibilhin niya.” Nakuha
ni Carol ang punto niya. “Yeah. Pero nakakatuwa
pa rin ang katotohanan na nakuha mo ang
atensyon ng mayaman at guwapong katulad
ni Jonathan.” “I admit, na-¬‐ flatter
ako sa isiping napukaw ko ang interes ni
Jonathan gayong marami namang babae
riyan na nagkakandarapa sa kanya at higit pa kaysa sa akin. Pero gaya ng sinabi ko, magkaiba ang mundo namin. Kung magseseryoso man si Jonathan, tinitiyak ko na hindi ang tulad ko ang pakakasalan niya.” “Kunsabagay,” sang-¬‐ ayon din nito. “Mabuti
na rin na hindi ka nadala sa karisma
niya. Ikaw lang ang kawawa kung
seseryosohin mo siya pagkatapos ay hindi
naman siya ganoon sa iyo. Pero paano
kung patuloy kang kulitin ni Jonathan?” “Nagsinungaling ako sa kanya. Sinabi kong nobyo ko na si Isagani.” “S-¬‐ sinabi mo sa kanya iyon?” hindi maka-¬‐ paniwalang ulit nito sa kanyang sinabi.
“Paanong mangyayari iyon, eh, ni hindi
mo nga pinauunlakan ang pagyaya ni
Isagani na lumabas kayo?” “Noon iyon,
Carol. Pero ngayon,
napagpasyahan ko na oras na siguro para
bigyan ko naman ng pagkakataon `yong
tao.” Napalabi
si Carol. “Bahala ka. Sana nga’y tama ka
sa desisyon mong iyan.”
CHAPTER EIGHT
BISPERAS ng kasal nina Carol at Greg. Nakaugalian na sa probinsiya ang magdaos ng kasiyahan sa gabi bago ang takdang kasal kinabukasan. Halos lahat ng kamag-¬‐ anak ni Carol sa magkabilang panig ng ama’t ina nito ay naroroong lahat. Maging ang mga magulang ni Tanya ay naroroon. “Siyanga pala, Tanya, inimbitahan ko si
Isagani na pumunta ngayong gabi,”
pagbibigay-¬‐ alam ni Carol sa kanya. Magkatulong nilang tinatapos na sulatan ang ilan pang pirasong pigurin na anghel na
magiging give aways nito sa kasal. “Ganoon ba?” bale-¬‐ wala niyang tugon. “Ano’ng ganoon ba? `Di ba ang sabi mo ay gusto mo siyang bigyan ng chance. Kaya
sinasabi ko sa iyong pupunta si Isagani
para ipaalala sa iyo ang
ipinangako mo. Baka kasi kapag nakaharap mòyong tao ay tarayan mo na naman.” Naiiling na tiningnan ni Tanya ang pinsan. “Sinabi ko ngang gusto kong bigyan ng chance
si Isagani. Pero hindi nangangahulugan
iyon na ako ang magpapakita ng motibo sa
kanya, `no!” “Sus!” Eksaheradong
napabuntong-¬‐ hininga si Carol.
“Nagpapaalala lang naman ako. Alalahanin mo mamaya lang ay narito na rin si Jonathan. Natural lang na imbitahan namin siya ni Greg dahil best man siya sa kasal namin.” Biglang natigilan si Tanya sa narinig. Kung pupunta mamaya ang binata ay magkakaroon siya ng pagkakataon na iparating dito na
totoong may nobyo na nga siya. Subalit nakokonsiyensiya naman siya dahil kinakailangang gamitin niya si Isagani para maiwasan si Jonathan. Pero wala naman siyang ibang maisip na paraan. “Bilisan na natin ang pagtatapos nito. Inaayos
na yata sa ibabà yong mga equipments na gagamitin sa sayawan mamaya.” Lihim na pinagmasdan niya ang masayang kilos ng pinsan. Pagdaka’y may naramdaman siyang lungkot nang maisip na bukas ay hindi
na gaya ng dati ang lahat. May Greg na itong dapat pag-¬‐ ukulan ng panahon at hindi na puwede ang nakagawian nilang pagkukuwentuhan ni Carol na inaabot ng madaling-¬‐ araw. Mag-¬‐ asawa na rin kaya ako, aniya na basta
na lamang sumagi sa kanyang isip.
Subalit mabilis niyang ipinilig ang ulo
nang lumarawan sa balintataw niya ang
anyo ni Jonathan. Isang kahangalan ang
naisin kong dalhin ang pangalan ng
lalaking iyon! NAGSISIMULA
pa lamang kumagat ang dilim ay dumadagsa
na ang mga tao sa maluwang na bakuran
nina Carol. At dahil doon ay nagkuku-¬‐ mahog
na ang ikakasal sa pag-¬‐ aasikaso sa kanilang
mga bisita at kamag-¬‐ anakan. Tumulong
din sa pag-¬‐ aasikaso sina Mang Almario
at Aling Soledad. Ang mga ito ang in-¬‐ charge
sa mga pagkaing ihahain. Ngunit isang oras
pa lamang ang nakalilipas ay sumuko na sa pagod ang dalawang matanda dahil sa dami ng mga bisita. Patang-¬‐ pata ang katawan ni Tanya nang dumalang ang mga taong nagsisipagkuha ng makakain sa mahabang lamesa. Kaya sinamantala niya ang pagkakataon, pumuwesto siya sa sulok kung saan malaya niyang isinandal ang katawan sa tumba-¬‐ tumbang upuan. Sa kinapupuwestuhan ay tanaw niya ang pag-¬‐ indayog ng mga kabataan sa maharot na tugtugin
na kasalukuyang pumapailanlang sa
hangin. Tanaw niya rin ang pinsan at ang
nobyo nito na nakatayo sa bungad ng
bakuran upang salubungin ang mga
bisitang dumarating. Bahagyang tumaas
ang kilay ni Tanya at umalis sa
pagkakasandal sa rocking chair nang makilala ang dalawang bagong dating. Ano’ng ginagawa ng babaeng ‘yan dito? asar niyang tanong sa sarili habang pinagmamasdan
si Rina sa maarte nitong pagkakaangkla
sa braso ni Jonathan. Sa hitsura pa lang ng babae ay halatang hindi nito feel ang makihalubilo sa mga naroroon. Marahil, kaya lamang ito sumama ay dahil kay Jonathan. Lalong nagbangon ang inis sa dibdib ni Tanya nang makalipas ang ilang sandali ng pakikipaghuntahan nina Jonathan at Rina sa mga
ikakasal ay nakihalo na ang dalawa sa
mga nagsasayaw ng sweet sa gitna ng
sayawan. “Hi!” anang tinig ng isang
lalaki mula sa kanyang likuran. Nagulat pa siya nang makita si Isagani. Mas gumuwapo ito kaysa noong huli silang magkita nito. “Ikaw
pala, Isagani,” natataranta niyang wika. “Kanina ka pa ba riyan?” “Hindi naman. Kadarating ko lang at nakita nga agad kita,” nakangiti nitong sagot.
“Kumusta ka na, Tanya?” “Mabuti. Ikaw, kumusta ka na?” Nagkibit ito ng mga balikat. “Eto, nandito pa rin sa Sta. Catalina. Wala na yata akong
suwerte na maka-¬‐ pag-¬‐ abroad, eh.
Paano, sa tatlong agency na pinag-¬‐
apply-¬‐ an ko ay puro mga illegal pala. Mabuti nga at hindi pa ako nakakapaglagak sa kanila ng replacement fee.” Napangiti si Tanya. “Hanggang ngayon pala ay iyan pa rin ang problema mo. Teka, kumain ka
na ba?” “Oo. Kanina pa dapat ako lalapit sa iyo kaya lang ay busy ka sa pag-¬‐ aasikaso sa mga
pagkain kanina. May gusto sana akong
hilingin sa iyo kaya ako lumapit,
Tanya.” “Ha? Ano iyon?” “P’wede ba kitang isayaw?” nahihiya pa nitong tanong. “Sure, iyon lang pala.” Pabor na pabor sa
kanya ang hinihiling ng lalaki. Kanina
pa nga siya nag-¬‐ iisip kung paano
makakalabas doon at magpapakita kay
Jonathan. SI
ISAGANI na mismo ang naglagay sa mga kamay
niya sa batok nito habang ang isang braso ay nakahapit sa baywang niya. Nang igiya siya nito sa gitna ay hindi niya akalaing
mapapatabi pa sila kina Jonathan at
Rina. Awtomatikong
nagtama ang paningin nila ng lalaki.
Madilim ang mukha nito sa nakikitang pagkakalapit
ng katawan nila ni Isagani. Patay-¬‐
malisya namang inilagpas ni Tanya ang paningin
kay Jonathan. Naasar siyang makitang halos
magpakarga na ang kasayaw nito dahil sa sobrang
pagkakalingkis nito sa lalaki. Sinadya
niyang kausapin si Isagani. Ang bawat ngiti
niya rito ay may kalakip na lambing. Paraan niya iyon para inisin si Jonathan. Kitang-¬‐ kita ni Tanya ang paniningkit ng mga
mata nito sa tuwing may ibubulong siya
kay Isagani at saka siya tatawa. Natapos ang malamyos na tugtugin at napalitan iyon ng mahaharot na tugtog. Niyaya na niya si Isagani na magpahinga muna. Sa loob ng isang oras ay ang ito ang kakuwentuhan niya. Habang kausap ito ay pasimple niyang iginagala ang paningin. “Tanya!” tawag ng pamilyar na tinig sa kanyang pangalan. Kumunot ang noo niya nang makitang ganap nang nakalapit sa kanila si Jonathan. May pagtataka naman sa mga mata ni Isagani. “Bakit?” “The music is great! Puwede ba kitang maisayaw?” Nagkatinginan sina Tanya at Isagani. Mayamaya ay napabaling siya sa nakalahad na kamay ni Jonathan. “I’m sorry pero nangako na ako kay Isagani na sa kanya lamang ako makikipagsayaw,” matatag niyang sagot. Tumayo siya at hinawakan sa kamay ang lalaki. “Magsayaw na tayo, Isagani. `Di ba, kanina mo
pa ako niyayaya?” “Ha? Sige,” nag-¬‐ aalinlangan nitong sagot. Napatingin ito kay Jonathan na nilagpasan lang
ni Tanya. “Pasensiya ka na, pare, pero
mukhang ayaw sa iyong makipagsayaw ni
Tanya.” Hindi sumagot si Jonathan.
Blangko ang mukha nitong sinundan ng
tingin ang paghakbang ni Tanya pabalik
sa gitna. “CAROL,
hindi ka pa ba matutulog?” tanong ni Tanya.
Nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap
ang pinsan nang pumasok siya sa loob ng
bahay. “Hindi pa. May hinihintay pa kasi
kaming bisita mula sa Maynila. `Yong
ninong ko sa binyag na kinuha din naming
ninong ni Greg sa aming kasal.” Sabay silang lumabas na magpinsan. “Ganoon ba? Baka naman magmukha kang Panda bear niyan bukas dahil sa eyebags mo?” “Hindi naman siguro. Eh, ikaw, hindi ka pa ba tatabing matulog kina Tita Soledad?” Umiling siya. “Hindi pa ako inaantok.” Makahulugang ngumiti si Carol. “Bakit? Dahil ba nariyan pa si Isagani o dahil naririyan pa
si Jonathan at hindi pa kayo
nakakapag-¬‐ usap?” Inirapan niya ito.
Ngunit bago pa niya magawang
makapagprotesta ay marahas na kamay ang
walang babalang humawak sa kanyang
braso. “P’wede
ba tayong mag-¬‐ usap sandali?” tanong iyon
ngunit tila nag-¬‐ uutos ang tinig na iyon ni Jonathan. Hindi na namalayan ni Tanya kung paano siya pumayag na marahas na igiya ni Jonathan patungo sa likod-¬‐ bahay nina Carol. Isang bombilya ang tanging nagsisilbing ilaw doon
kaya hindi gaanong pansinin ang sinumang
naroroon. “BITIWAN
mo nga ako!” angil niya rito sa mahigpit
na pagkakahawak nito sa kanyang braso.
“Alam mo bang magsisigaw lang ako rito ay
tiyak na malilintikan ka sa mga kamag-¬‐ anak namin?” Hindi pinansin ni Jonathan ang kanyang pagbabanta. “Siya ba ang ipinagmamalaki mo sa akin na pakakasalan mòkamo?” Alam ni Tanya na si Isagani ang tinutukoy
nito. Taas-¬‐ noo siyang tumango. “Yes,
that’s him!” “Kahit
hindi mo siya mahal ay magpapakasal ka
pa rin sa kanya?” Paano nitong nalaman
ang tunay niyang nararamdaman kay
Isagani? Hindi siya nagpahalata ritong
tila nililindol ang kanyang dibdib. “Saan mo naman nakuha ang ideyang hindi ko mahal si Isagani?” “Simple lang. Matalas ang pakiramdam ko, Tanya. Hindi mo mahal ang lalaking iyon.” “Mahal ko si Isagani,” giit niya. “Ganoon ba? Sasabihin mo ba sa kanyang nag-¬‐ e-¬‐ enjoy ka sa tuwing magkakalapit
tayo. . at hahalikan kita.” “Huwag kang lalapit. I swear, sisigaw ako!” banta niya. “Gawin mo. Sino kaya ang malalagay sa alanganin? Ako o ikaw? Ano ang maaari nilang isipin kapag nakita tayong dalawa rito?” “Papatayin ka nila,” sabi niya. “Isisipin nilang—” “Magnobyo tayo, Tanya,” putol nito sa sinasabi
niya. “Na gusto nating mapagsolo. At sa
mga ganitong sandali, naaalala ko kung
paano ka tumugon sa halik ko.” Matabang siyang ngumiti. “You took advantage of me. At sinisiguro ko rin sa iyo
na hindi na mauulit ang halik na iyon.” “Then, we’ll see.” Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat Mabilis ang mga pangyayari, namalayan na lang niya na hinahalikan na siya nito. At anumang pagpoprotesta ang gawin niya ay pilit na ginigising nito ang ultimo kaloob-¬‐
loobang bahagi ng kanyang pagkatao. And before she knew it, tumutugon na siya sa marahas na pag-¬‐ angkin nito sa kanyang mga
labi. Ang mga kamay niyang nanunulak
kanina ay tuluyang yumakap sa batok
nito. “Kahit
ano pang gawin mong pagtanggi sa katotohanan,
Tanya. Hindi ko hahayaan na ipaubaya ka
sa kahit na kaninong lalaki. You’re mine.
I’m going to have you. .” anas nito nang kusang ihiwalay ang mga labi sa kanya. Dahan-¬‐ dahan siyang umiling. Lubhang
pinag-¬‐ tatakhan niya ang sarili kung
bakit may kasiyahan siyang nadarama sa
mga sinabi ni Jonathan. Ngunit sa kabila
niyon ay may bahagi ng kanyang utak na
tinutulan ang damdaming iyon. “You’re
rude! Pagalawin mo man ang pera mo, kailanman
ay hindi ka magtatagumpay na mapasaiyo
ako, Jonathan!” Kumawala siya rito at
dumistansiya. “You’re just wasting your
time. Ibaling mo na lang sa ibang babae
ang atensyon mo Kay Rina. Tutal naman ay
halatang haling na haling sa iyo ang
babaeng iyon!” Stupid
of her, bakit tila yata may bahid ng paninibugho
ang kanyang tinig habang binabanggit ang
pangalan ni Rina. Muling lumapit si
Jonathan at hinawakan siya sa
magkabilang balikat. “Hindi si Rina ang gusto ko kundi ikaw, Tanya.” May dinukot ito sa bulsa at isang kahita ang tumambad sa mga mata niya. “Anòto?” May pagtatakang bumalatay sa mukha niya. Isang diyamanteng singsing ang tumambad sa mga mata niya. “Engagement ring,” sagot nito. “I’m asking you
to marry me,” pormal ang anyong wika ni Jonathan. Subalit isang nang-¬‐ uuyam na ngiti ang
napinta sa mga labi niya. “Ako pakakasal sà yo? Alam mong malabong mangyari iyon. Hindi tayo magkasundo sa lahat ng bagay, mortal na magkaaway ang mga lolo natin.” “Yeah, pero iba sila. Kung sila’y magkaaway, tayo’y hindi. In fact, we could be best
lovers.” “That’s enough!” singhal niya
rito. Napangisi si Jonathan. “Kung inaakala mong mahal kita, you’re deeply wrong. Si Isagani ang mahal ko.” Maluwang ang ngiting napinta sa mga labi nito. “You’re lying.. Sinasabi mo lang `yan
dahil gusto mo akong pasakitan. Pero ang
totoo, matagal ka nang in love sa akin.
At alam ko kung paano kita mapapa-¬‐
surrender.. ” “Don’t you dare kiss me
a—” Hindi pa man siya nakakatapos ay
bigla na lang siya nitong sinambilat sa
kanyang baywang at walang babalang
muling inangkin ang kanyang mga labi. Paano
pa niya mapapanindigan ang mga sinabi gayong
nilusaw na ng halik ni Jonathan ang lahat ng depensa niya? A marriage proposal from her enemy. Umiigting iyon sa utak ni Tanya. Dahilan upang
mangibabaw pa rin ang kanyang katinuan. Ubod lakas niya itong itinulak. “Damn you, Jonathan! Kung nagsasawa ka na sa mga sports na libangan mo, huwag ako ang harapin mo. I’m not available for your amusement.” Walang naging tugon si Jonathan sa halip ay kinuha nito ang singsing sa kahita. Naagapan
nito ang kanyang kamay at pilit na
isinuot sa kanyang daliri ang singsing. “Hindi pa ba pruweba ang singsing nà yan, na seryoso ako?” Wala siyang maapuhap na sasabihin dito. Nanatiling nakapako ang paningin niya sa mamahaling singsing na nasa daliri. “Kung hindi ka pa rin naniniwala sa proposal kong ito, then, bukas na bukas din ay maaari tayong kumuha ng marriage license. Magagawa kung mamadaliin ang pagpeprepara sa ating kasal. By next week, you’ll be Mrs. Jonathan Perez. .” HINDI na nagawang makatulog ni Tanya kahit na isang oras nang gabi ring iyon. Nang iwanan
siya ni Jonathan sa likod-¬‐ bahay
matapos itong mag-¬‐ propose ay para
siyang zombie na tulalang nagla-¬‐ kad
papasok sa bahay. Hindi na niya
binalikan si Isagani na naghihintay sa
kanya. Okupado ang isip niya sa mga
sinabi ni Jonathan. Ang
pagpo-¬‐ propose ng kasal ang kahuli-¬‐ hulihang
bagay na inaasahan niyang gagawin nito. Gayunpaman, sa kabila ng kasal na inaalok nito
ay hindi niya narinig sa mga labi ng
binata na mahal siya nito. Na kaya ito
nagpapakahirap sa pangungulit sa kanya
ay dahil siya lang ang babaeng minamahal
nito. Kung ganoon, bakit hindi niya
nagawang tanggihan ang proposal nito?
Hindi niya matiyak ang
damdaming nasa dibdib na siyang pumipigil sa kanya para magdesisyong tanggihan si Jonathan. Sa halip ay humingi pa siya rito ng panahon para pag-¬‐ isipan ang inaalok nito. Magagawa kaya niyang magpakasal sa lalaking hindi naman talaga siya minahal? Pero maaari ko siyang maturuan na mahalin ako kapag naging mag-¬‐ asawa na kami, katwiran ng
puso niya. Maang siyang natigilan. Imposible, pero dama ni Tanya na mahal niya ito. Mariin siyang napapikit. Malaking problema ngayon ang kanyang kinakaharap. Baka dumating pa siya sa puntong kailangan niyang mamili sa pagitan ng kanyang pamilya at ni Jonathan. Oh! God, help me! tanging naiusal ni Tanya. “MISS, baka naman puwede mong sabihin sa akin kung ano ang gumugulo diyan sa utak mo?” Napakurap ng mga mata si Tanya pagkuwa’y nilinga niya si Carol na kapapanhik pa lamang
sa kanilang bahay. “Ikaw pala, Carol. Tuloy. .” Pilit na pinasaya
niya ang sarili sa harap ng pinsan.
“Sandali at ikukuha kita ng juice.” “Hep! Hindi juice ang pinunta ko rito kundi ikaw. Gusto kitang makausap.” Nang-¬‐ aarok
ang mga mata nito habang tinitigan ang
mukha niya. “T-¬‐ tungkol saan?” “Tungkol sa problema mo. Alam ko na may problema ka kaya huwag mo nang ipagkaila. Simula pagkabata ay magkasama na tayo. Kabisado ko na ang amoy ng masamang hangin na ibinubuga ng katawan mo. Kaya wala ka nang dapat pang ipaglihim sa akin.” Hindi nakuhang ngumiti ni Tanya sa biro ni Carol. Sa halip ay pabuntong-¬‐ hininga siyang
naupo sa kaharap na sofa na
kinapupuwestuhan nito. “Tama ka, Carol. May problema nga ako.” “See. Mabuti na lamang at hindi pa kami umaalis ni Greg para mag-¬‐ honeymoon. Kung nagkataon, baka maabutan kitang nagbibilang na
ng bituin sa umaga.” Kahit alam ni Tanya na wala ang mga magulang niya sa bahay nang mga sandaling iyon
ay iniligid niya ang paningin upang
tiyakin na wala nang makakarinig sa
usapan nila. “N-¬‐ nag-¬‐ propose sa
akin ng kasal si Jonathan.” Mahina
ngunit tiyak niyang malinaw na nakarating
kay Carol ang sinabi niya. Umawang ang
mga labi nito. Hindi makapani-¬‐ walang
lumipat pa ito sa tabi niya at saka inulit ang kanyang sinabi. “G-¬‐ gusto kang pakasalan
ni Jonathan. . Perez?” Marahan siyang tumango. “K-¬‐ kailan pa siya nag-¬‐ propose sa iyo?” “Noong gabi bago ang araw ng kasal n’yo ni Greg.” “Hay,
Santisima! Mahirap paniwalaan pero.. ” Kusa
nitong inihinto ang ilan pang sasabihin nang mapansin ang pananahimik ni Tanya. “Ano’ng naging sagot mo sa kanya?” Sunud-¬‐ sunod siyang napailing.
“N-¬‐ naguguluhan ako, Carol. Mahal ko na nga yata siya. Kasi gusto kong pumayag pero iniisip ko ang pamilya ko.” “Tanya, akala ko ba’y hindi mo siya mahal?” “Akala ko rin.” Mapait ang ngiting napinta sa mga labi niya. “Ngayon ko lang na-¬‐ realize
na kapag tumibok pala ang puso ay wala
itong pakialam kahit sino pa ang taong
iyon.” Naaawang
hinaplos ni Carol ang likuran niya. “De
sundin mo ang utos ng puso mo.” Muli
siyang napailing ngunit naroroon din ang pasasalamat niya sa pinsan dahil nauunawaan siya nito. “Ano na lang ang magiging reaksiyon ng mga magulang ko kapag nalaman nilang si Jonathan ang lalaking pakakasalan ko?” Pinong kirot sa puso ang naramdaman ni Tanya nang maalala ang isa pang problema. Oo nga’t nag-¬‐ propose ng kasal sa kanya si
Jonathan, ngunit hindi ito nagtapat sa
kanya ng pag-¬‐ ibig. “Isa pa, wala
siyang binabanggit na pag-¬‐ ibig. He
wants to marry me because he needs me.” Niyakap
siya ni Carol upang aluin. “Sshhh, huwag
ka nang umiyak. May dahilan ang Diyos kung
bakit kay Jonathan ka niya itinadhana. Kung magpapakasal ka sa kanya, marahil iyon ang
susi para magkasundong muli ang pamilya
ninyo.” “Oh,
Carol! Gusto kong ilagay sa isip ko ang bagay
na iyan. Pero paano kung sa halip na magkasundo.
. ay lalong lumala ang iringan?” “Baka
naman hindi,” bigay-¬‐ konsuwelo nito. “Nahihirapan
akong magpasya.” “Take your time, Tanya.
Ikaw din naman ang magdurusa sakaling
magkamali ka sa desisyon mo.”
CHAPTER NINE
“WHAT
are you doing here?” Ikinagulat ni Tanya na makitang naghihintay sa labas ng Jetro’s
Bar si Rina. “I want to talk to you.” Ibinuga nito sa
kanyang mukha ang usok ng hinitit na
sigarilyo. “Tungkol saan?” Hindi ito nag-¬‐ aksaya ng oras. “Let’s get
into my car and we’d go to a place where
we can talk.” Labag man sa kalooban ni
Tanya na sundin ang babae subalit nanaig
sa kanya ang kuryusidad. Sumunod siya
rito. May kutob siyang importante ang
sasabihin sa kanya ni Rina. Sa
Overlooking, sa Antipolo, sila humantong. “Exhausted na ang katawan ko, Rina, at gusto ko nang magpahinga. Kung anuman ang sasabihin mo’y umpisahan mo na,” iritado
niyang wika
dahil panay lang ang hitit-¬‐ buga nito sa sigarilyo. Idinuldol ni Rina sa asthray ang sigarilyo.
“I’m not stupid para hindi mahalata ang
kakaibang atensyon na ibinibigay sa iyo
ni Jonathan, Tanya,” panimula nito. This is it! “For the record, sa limang taon na pagkakakilala namin ni Jonathan ay nasanay na ako sa pakikipag-¬‐ flirt niya sa iba’t ibang
babae. Pero
hanggang doon lang iyon at walang nagtatagal.”
“Bakit mo sinasabi sa akin `yan?” “Dahil hindi ka naiiba sa mga babaeng iyon na gustong masilo si Jonathan. Pero mahusay kang lalaro ng iyong baraha. You’re playing hard to
get nang sa gayon ay makuha mo ang
atensiyon niya.” “Mali ka ng iniisip,” aniya sa matigas na
tinig. “Mahusay
akong kumilatis ng tao, Tanya. Gustung-¬‐
gusto ni Jonathan na nahahamon ang kanyang
kakayahan. At ikaw naman, sa umpisa lang
hindi naniniwala sa mga sinabi ni Jonathan, pero ngayon, unti-¬‐ unti ka nang nahuhulog sa
bitag niya.” “Kung anuman ang namamagitan sa amin ni Jonathan ay wala kang pakialam.” “I’m just being concerned. Ikaw din, hindi
ba’t malaki ang galit ng pamilya mo sa
pamilya ni Jonathan?
At least, habang maaga, alam mo na kung
saan mo ilulugar ang iyong sarili.” Naningkit
ang kanyang mga mata. “Hindi tanga si
Jonathan para totohanin niya ang
iniaalok niyang kasal sà yo. Gusto lang niyang
maangkin ay ang lupain ninyo. Dahil iyon na lamang ang nakakasagabal para matuloy ang kanilang big project.” “Kung tapos ka na’y aalis na ako.” “Not yet, Tanya. Tandaan mo, Jonathan is mine. Alam ko iyon at mas lalong alam niya
iyon. Kung wala kaming relasyon, well,
hindi ako magpapakatangang maging
sekretarya niya lang. I have money na
tulad niya.” Tila piniga ang puso niya
sa mga narinig. “Oh, by the way, kami
ang nagpaplanong magpakasal.” Pinilit niyang maging kalmante ang anyo sa kabila ng pagdurugo ng puso. “Siguro naman, alam mong sa umpisa pa lang ay imposibleng maging kayo ni Jonathan.” “Ang lalaking iyon ang nagpipilit na kuhain ang atensiyon ko,” nagawa niyang sabihin dito.
Inilabas niya mula sa handbag ang
kahita. “In fact, heto ang katibayan na
inaalok niya ako ng kasal.” Pagkabigla ang bumalatay sa aristokratang mukha ni Rina nang masilayan ang diyamanteng singsing na bahagya pang kumislap nang tamaan ng ilaw. “Wala pang isang linggo nang ibigay niya sa akin ang engagement ring na ito.” Subalit saglit lang ang pagkagitla ng babae. Isang mapang-¬‐ uyam na ngiti ang napinta sa
mga labi nito. “You’re really naïve, Tanya. Naniniwala ka sa sinasabi niyang kasal?” Taas-¬‐ noo niyang ibinalik sa bag ang
singsing. “Hindi niya ako bibigyan ng
ganitong kamahal na singsing kung `di
siya seryoso sa kanyang marriage
proposal.” Humalakhak si Rina. “Bale
wala ang halaga ng singsing na iyan sa
katulad ni Jonathan. Isang pain lamang
ang engagement ring na iyan para makuha
ka niya. You feel secured because of that damn engagement ring. At dahil doon magiging madali na lang para sa kanya ang makuha ang pakay niya sà yo. May takot na lumukob sa puso niya sa sinabi nito. Hindi imposibleng gawin ni Jonathan
iyon. Pero hindi siya dapat magpadala sa
pananakot ni Rina. Intensyon lamang iyon
ng babae dahil may pagtingin ito sa
binata. “Hindi ako naniniwala sa iyo,
Rina. Selos lang ang dahilan kung bakit
sinasabi mo sa akin iyan. Bakit
`di mo na lang tanggapin na ako ang talagang
pakakasalan niya at hindi ikaw?” Ikinibit
nito ang mga balikat. Ngumiti ito na tila
ba may hawak pa rin itong alas sa kanilang labanan. “You’re too confident, young girl. Tiyak na mawawala ang pag-¬‐ asa mong pakasalan ka ni Jonathan sa sasabihin kong ito. Hindi ka niya puwedeng pakasalan unless gusto niyang makasuhan ng bigamy. Jonathan is already married.” Pakiramdam ni Tanya ay umikot ang kanyang paligid sa narinig. “K-¬‐ kasal na si. . Jonathan?” ulit niya
bagaman malinaw niyang narinig ang
sinabi ng kausap. “That’s correct!” “Paanong—” “Dalawang taon pa lang silang kasal ni Carmela nang mangyari iyon. Sakay ng private plane si Carmela ngunit matapos iyon ay hindi
ito dumating sa patutunguhan.Ilang
buwang naghanap ang mga rescuer,
natagpuan ang wreckage pero hindi ang
katawan ni Carmela. Napilitang bumalik
si Jonathan dito para pamahalaan ang
negosyong hindi na kayang patakbuhin ng
sakitin niyang ama. Sa kabila niyon
ay patuloy pa rin siyang umaasa na buhay pa ang kanyang asawa.” Humugot ng isang stick sa kaha ng sigarilyo si
Rina at sinindihan iyon bago muling
nagpatuloy sa pagkukuwento. “You see, he’s still legally married to her. But finally, natanggap na niyang wala na si Carmela. So he promised na pakakasalan na niya
ako sa oras na maayos ang kaukulang
papeles na magpapatibay na patay na si
Carmela.” Napatitig
ito sa natahimik na dalaga. “On process
pa ang mga papeles sa ngayon, kaya nga hinahayaan
ko lang na makipaglaro siya sa iyo, Tanya.
But I’m not that cruel, kaya nga ako nagpunta
rito para balaan ka. Layuan mo si Jonathan
habang maaga pa.” Pinigil ni Tanya ang
mapaluha sa harap nito. Ayaw niyang
makita pa iyon ng babae. Napakahangal ko
para maniwala sa kanya kaagad! Sa
umpisa pa lang pala ay tama na siya sa hinalang
paglalaruan lamang siya ni Jonathan. Bago
pa sumabog ang sama ng loob ni Tanya ay
nagtatakbo na siyang palayo kay Rina. Wala siyang ibang nais sa mga sandaling iyon kundi ang mapag-¬‐ isa. Samantala, isang matagumpay na ngiti ang pinawalan ni Rina. Ngiti para sa matagumpay nitong plano. ISANG linggo na hindi umuwi ng Sta. Catalina
si Tanya. Lahat ng tawag ni Jonathan sa
kanya ay nire-¬‐ reject niya. Dahil doon
ay personal nang nagtungo ang lalaki sa
kanyang trabaho. Napaghandaan na ni Tanya ang
pakikipagharap dito. Hindi na niya binigyan pa ng pagkakataon na makapagpaliwanag ito. Basta na lamang niyang inihagis sa mukha nito ang engagement ring . “I’m sorry, Mr. Perez, pero talagang buo na
ang desisyon ko na magpakasal kay
Isagani. Mahal ko siya at mahal niya
ako, sapat na rason iyon para kami
ikasal. Malayung-¬‐ malayo sa mga dahilan mo kung bakit nais mo akong pakasalan.” Tinalikuran na niya ito at pilit na
nagbingi-¬‐ bingihan sa pagtawag nito sa
kanyang pangalan. “TANYA,
long distance call from Sta. Catalina,” ani
Geraldine na kasalukuyang hawak ang awditibo
ng telepono. “Sabihin mo sa kanyang
hindi na ako rito nagtatrabaho,” galit
niyang tugon sa pag-¬‐ aakalang si
Jonathan ang nasa kabilang linya. “Hindi
si Jonathan ang nasa kabilang line. Father
mo raw.” Bakas sa mukha ni Geraldine ang pagkabalisa dahil ramdam nitong may masamang hatid na balita ang tawag na iyon. Mabilis na hiniklat ni Tanya ang receiver sa kaibigan. “Itay, napatawag ho kayo?” nangangatal ang boses niya sa kabang bumundol sa kanyang dibdib. “Anak, pasensiya ka na kung inabala kita sa trabaho mo pero kailangan lang talaga kitang makausap.” Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso sa malungkot na tinig ng ama. At sa kauna-¬‐
unahang pagkakataon
ay noon lamang ginawa ni Almario ang
tawagan siya sa Maynila. “I-¬‐ Itay,
bakit ho? May problema ba?” Agad na sumagi
sa isip niya ang inang madalas dumaraing
sa kanya ng pananakit ng ulo. “Wala
naman, anak. Kung magagawa mo rin lang
umuwi bukas ay gawin mo.” “Itay, sabihin
n’yo sa akin kung ano.. ” Narinig na
lamang niya ang mahinang dial tone.
CHAPTER TEN
KINABUKASAN,
maaga pa lamang ay nasa Sta. Catalina na
si Tanya. Agad siyang dumiretso sa talyer
kung saan alam niyang naroroon ang kanyang
ama’t kapatid. Nang magkaharap silang
mag-¬‐ ama ay hindi na nagpaliguy-¬‐
ligoy pa ang matanda. “Nakakulong ngayon
si Kuya Tomas mo at ang kaibigan niyang
si Franco. Walang ginawang masama
ang kuya mo, Tanya. Nadawit lamang siya
sa kalokohang ginawa ni Franco. May kaso na pala itong estafa sa iba’t ibang lugar.
Nang masakote ito ng mga pulis ay
kasa-¬‐ kasama nito si Tomas. Hindi
nagawang linisin ng kapatid mo ang
kanyang pangalan nang ireklamo din siya ni Mang Narding at ng bangkong pinagkakautangan natin nang issue-¬‐ han niy a ito ng tsekeng talbog.” Napanganga na lamang si Tanya sa kawalan ng masasabi. Ang problemang pasan-¬‐ pasan niya
ay lalo pang naragdagan. “A-¬‐ ang Inay, ho? Paano niya tinanggap ang nangyari kay Kuya Tomas?” Malungkot na yumuko ang matandang lalaki. Pasimple nitong pinahid ang mga matang nagsisimula nang pangiliran ng luha. “Hayun, magmula nang dalhin sa presinto ang kuya mo at ikulong ay naging tahimik. Lagi na lang nakahiga at dumadaing ng pananakit ng ulo.” Tulalang
napaupo si Tanya. Okay lang sa kanya ang
magkaroon sila ng problema sa pera ngunit
huwag lang ang magkasakit ang kanyang pamilya.
“Anak, patawarin mo ako kung hindi ko nagampanan ang pagiging ama sa inyo. Pero ginawa ko naman ang lahat para magkaroon kayo ng magandang kinabukasan kaya lamang ay maramot sa atin ang magandang oportunidad.” “Itay, huwag kayong magsalita ng ganyan.” Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng ama. “Gagawa ako ng paraan para maresolba ang problema nating ito,” pangako niya bagaman walang tiyak na plano kung paano malulutas ang
problema sa kapatid at ina. “INAY, kumain pa ho kayo. Hindi kayo gagaling kapag kaunti lamang ang laman ng tiyan n’yo.” “Tanya, busog pa ako. Hamo’t kapag nagutom ako ay kakain na lamang ako.” Itinulak ni
Soledad palayo ang mangkok ng sopas na
hawak ng anak. Pagkuwa’y tumingin ito sa
labas ng bintana. “Tomas. .” sambit nito
sa pangalan ng panganay na anak.
Napakagat-¬‐ labi si Tanya nang makita
ang luhang namalibis sa pisngi nito. Kapwa
nagulat ang mag-¬‐ ina nang walang anu-¬‐ ano ay bumukas ang pinto at lumitaw roon si Tomas. “Inay!”
“Tomas!” Walang kapantay na kaligayahan
ang bumakas sa mukha ni Soledad nang
makita ang panganay na anak. “K-¬‐ Kuya, paano kang
nakalabas?” Pinagmasdan niya ang anyo ng kapatid. Maayos ang pananamit nito at mukhang hindi naman tumakas sa kulungan. “Tanya, huwag ka nang magkunwari. Ikaw ang nagpiyansa sa akin para makalaya ako. Aminin mo na!” Naiiling na inilapag ni Tanya ang mangkok na hawak. “Nagkakamali ka. Ang totoo’y wala pa akong maisip na taong malalapitan para makahiram ng perang pangpiyansa sa iyo.” Kumunot ang noo ni Tomas. “Kung hindi ikaw ang nagpiyansa sa akin, sino?” Walang maisip ang mga magulang ni Tanya kung sino ang taong tumulong kay Tomas. Ngunit may hinuha na ang dalaga kung sino ang taong iyon. “MABUTI naman at naisipan mong magpunta rito sa lupa namin,” wika ni Tanya. “Sinadya ko talagang bumisita sa lugar na ito.
Alam ko kasing darating ka rito,” kaswal
nitong saad nang harapin ang dalaga. “Hindi ba’t tapos na ang usapan natin. Tinanggihan ko na ang marriage proposal mo.
So, I don’t think may dapat pa tayong
pag-¬‐ usapan.” Ngumiti si Jonathan.
“Alam kong may problema kayo, Tanya.
Nabalitaan ko ang nangyari sa Kuya Tomas
mo?” Sarkastiko
ang ngiting namutawi sa mga labi niya.
“Alam ko. Katunayan pa nga ay ikaw ang nagbayad
sa piyansang hinihingi ng husgado, hindi
ba?” Humakbang siya palapit dito. “I’m
sure, nabalitaan mo rin na binigyan kami
ng financing ng mahaba pang panahon para
makapagbayad.” “Okay. I admit, ako nga
ang nagpiyansa sa kapatid mo. At ako rin
ang kumausap sa manager ng
financing para bigyan kayo ng panibagong palugit.” “Hah! Thanks to you!” Puno ng sarkasmo ang bawat katagang bitiwan ni Tanya. “Sabihin mo nga sa akin, bakit ginagawa mo pa rin ang
lahat nang ito? Ano ba talaga ang gusto
mo, ha?” “You,” kalmado nitong tugon.
“Hindi ako makapapayag na basta mo na
lang tanggihan ang kasal na inaalok ko
sa iyo. I want you, Tanya. And I mean to
have you kahit sa anong paraan.” “Damn
you! Isang laruan talaga ang tingin mo sa
akin. Gusto mo akong pakasalan gayong may asawa ka na. How dare you?!” Ikinagulat ni Jonathan na marinig iyon kay Tanya. “Sino’ng nagsabi sa iyo niyan?” “Si Rina. Alam ko ang tungkol kay Carmela. Yes, she’s missing pero nananatiling kasal ka
pa rin sa kanya.” Naningkit ang mga mata ni Jonathan. “Maling lahat nang impormasyong sinabi sa iyo ni Rina.
My wife is dead. Maaari akong magpakasal anumang oras ko naisin.” May tuwang humaplos sa puso ni Tanya sa narinig. Pero nang sumagi sa isip si Rina ay mabilis niyang hinamig ang sarili. “Kung totoo ang sinasabi mo, p-¬‐ paano si
Rina na pinangakuan mo rin ng kasal?” Inignora ni Jonathan ang kanyang sinabi. Nakapamulsa itong dumistansiya sa kanya. “I want your decision again, Tanya. Hahayaan mo bang tuluyang makulong ang kapatid mo at
mailit ng kompanya ang inyong kabuhayan?
O papayag ka na sa kasal na inaalok ko
sa iyo?” Naiiyak na iniwas niya ang
paningin kay Jonathan. Ano mang
pagpipigil ang gawin niya ay sumungaw pa
rin ang luha sa kanyang mga mata. Kung
hindi siya papayag sa gusto ni Jonathan, mabubulok sa bilangguan ang kanyang kapatid at
kapag nangyari iyon tiyak na maapektuhan
ang kanyang ina. Wala itong iisipin kundi ang kalagayan ni Tomas. Maging ang kanyang ama ay tiyak na mababagabag ang kalooban nito at hindi malayong magkasakit din ito. Ang mga bagay na iyon ang hindi papayagan ni Tanya na mangyari sa kanyang pamilya. Luhaan niyang binalingan si Jonathan. Iniiwas naman nito ang paningin sa kanya. Naikuyom nito ang kamaong nasa loob ng bulsa ng trousers. “Maliwanag na panggigipit ito. Pero sige.. .,”
pagdaka’y wika niya. “Papayag ako sa
kagustuan mo pero hinihiling ko na
sana’y ilihim natin sa pamilya ko ang
dahilan ng pagpapakasal natin. At nais
ko rin sana na sundin mo ang nakaugaliang tradisyon, personal mong hingin sa kanila ang kamay ko.” Matapos sabihin ang kanyang mga kondisyon ay iniwan na niya ang lugar na iyon. Kung lumingon lang sana si Tanya, nakita niya kung paano pagsisihan ni Jonathan ang naging paraan nito para lamang makuha siya. Subalit kung hindi nito gagawin ang gayon, sigurado ito na hindi niya ito paniniwalaan.
Sa una pa lang ay masamang tao na ang pagkakakilala niya rito. Bumuntong-¬‐ hininga si Jonathan. Naipangako nito sa sarili na gagawin ang lahat para lang matutuhan itong mahalin ng dalaga. KUNG may magic lang si Tanya, marahil ay kanina pa siya naglaho sa harap ng kanyang pamilya. Kanina pa sana niya tinakasan ang
hindi makapaniwalang tingin ng mga ito
sa kanya matapos niyang sabihin ang
pagpapakasal kay Jonathan. “Kaya pala siya ang tumubos sa akin sa kulungan dahil ayaw niyang magkaroon ng bayaw na isang bilanggo,” matalas ang dilang wika ni Tomas. Hindi na rin inilihim ni Tanya ang tungkol sa ginawa ni Jonathan sa problema ng kapatid pati
na rin sa kompanyang pinagkakautangan
nila. Napatingin siya sa kapatid.
Pang-¬‐ unawa ang hinihingi niya rito.
“Kuya, walang ibang intensyon si
Jonathan. Gusto lamang niyang makatulong
sa atin.” Hindi
kumibo si Tomas ngunit halatang hindi ito
kumbinsido sa kanyang sinabi. “Sabihin
mo sa akin, Tanya, ano’ng pinakain ng lalaking
iyon sa iyo para magpakasal ka sa kanya?”
Mahinahon ang tinig ni Almario ngunit bakas
ang galit nito. “I-¬‐ Itay, please,
unawain n’yo naman ako. Sinubukan ko
siyang kalimutan dahil alam kong magagalit
kayo. Pero ano’ng magagawa ko kung siya
ang itinitibok ng puso ko?” Nanikip ang dibdib
niya nang sabihin iyon. “Nakalimutan mo
na ba ang mga atraso ng pamilya niya sa
pamilya natin, ha?” “Hindi, Kuya Tomas.
Pero nakaraan na ang lahat. .” Nagpakawala ng malakas na paghinga si Almario. “Kung magagawa mo pang tumalikod sa lalaking iyon, gawin mo, Tanya. Mag-¬‐
iisip ako ng paraan para mabayaran siya
sa—” “Pero,
Itay, hindi ko ho magagawa iyon. A-¬‐ ayokong
mawalan ng ama.. ang batang nasa sinapupunan
ko,” paghahabi niya ng kasi-¬‐ nungalingan.
God, patawarin N’yo ako sa mga kasi-¬‐
nungalingan ko sa kanila. Kapwa natahimik ang lahat sa sinabi niyang iyon. Si
Almario ang bumasag sa katahimikan. “Matatanggap
ko na magsilang ka ng sanggol kahit
walang ama. Pero hindi ko kayang makitang nalulungkot dahil hinadlangan ko ang pag-¬‐
ibig mo sa lalaking iyon,” mahinahon
nitong saad. “Maayos siyang makakapanhik
sa tahanang ito upang hingin ka sa
amin.” Matapos sabihin ang pagpayag
sa pagpapakasal nila ni Jonathan ay pumasok na sa
silid ang ama. Buong suporta naman
siyang niya-¬‐ kap ng ina. Si Tomas ay tahimik lang na nakamata. Tutol man ito sa pagpapakasal ng bunsong kapatid ay wala itong nagawa. NAISAAYOS ang lahat. Madalian ang naging kasal nina Tanya at Jonathan. Nais ni Jonathan na sa simbahan sila ikasal ngunit tumanggi si Tanya. Mas nais niyang maging pribado ang pagiging mag-¬‐ asawa nila
ni Jonathan. Sa halip na mag-¬‐ honeymoon sila sa unang
gabi ay nagpupuyat si Jonathan sa
library sa pag-¬‐ aasikaso ng negosyo
nito. Nakaharap niya si Danilo Perez
ngunit mistula na lamang itong lantang
gulay sa pagkakaratay sa kama. Sa kabila
ng karamdaman ng matanda ay ipinakita
nito ang kasiyahan na maging manu-¬‐ gang
siya. Inaasahan ni Tanya na may galit
siyang mararamdaman sa paghaharap nila
ni Danilo. Ngunit
walang galit sa kanyang dibdib nang makita
ang sitwasyon nito. Na-¬‐ realize niya
na kung may nagawa mang kasalanan si
Danilo sa kanyang pamilya ay mas karapat-¬‐
dapat na ang Diyos ang magpataw ng parusa
rito. “TANYA,
I’m afraid maiiwan kita rito sa rancho kasama
ang papa at ilang katulong. Kailangan kong
asikasuhin ang negosyo natin sa Australia,” paalam ni Jonathan habang nagbibihis ito ng tailored suit. “Ganoon ba?” Malaya niyang inilabas ang lungkot sa anyo sa pagkakatalikod niya sa
asawa. Simula nang ikasal sila ni
Jonathan ay hindi pa sila nagkaroon ng
pagkakataon na mag-¬‐ usap nang matagal.
“Bye! Ingat ka rito.” Humalik sa pisngi
niya ang asawa. “I’ll call you tonight
kapag hindi ako siguradong makakauwi
nang maaga.” Marahan
siyang tumango. Sanay na siyang umuwi
ito ng gabing-¬‐ gabi. Wala siyang karapatang
magreklamo dahil isang business ang tunay
na dahilan sa kasalang namagitan sa kanila. Ilang oras bago nakaalis ni Jonathan ay nag-¬‐
ring ang telepono. “Hello?” “Hi, Tanya!” maarteng tinig ni Rina ang bumungad sa kanyang pandinig. “Kumusta ang buhay may-¬‐ asawa? Hindi ako maniniwala sa
iyo kung
sasabihin mong masaya. Kasi meron ba namang
bagong kasal pa lamang ay subsob na kaagad
sa trabaho si Mister.” “Wala akong
panahong makipag-¬‐ asaran sa iyo, Rina!”
madiin niyang wika. “Hindi ako nang-¬‐
aasar. Sinasabi ko lang ang totoo. Tsk,
pity you. Imagine, `di man lang kayo
nag-¬‐ honeymoon ni Jonathan. Mabuti pa kami,
nauna na ang honeymoon pero siyempre kasunod
niyon ay kasal.” “Asawa
ko na si Jonathan kaya tigilan mo na kami!”
sigaw niya. “Ngayon, oo. Paano bukas?
Napakatanga mo talaga! Madali na lang
kay Jonathan na mag-¬‐ file ng
annulment!” “No! Hindi niya gagawin sa
akin ang sinasabi mo!” “Tingnan natin! By the way, nasabi na ba sa
iyo ng asawa mo na magbabakasyon kaming
dalawa sa Australia? Poor wife,
nagmumukhang tanga sa malaking
bahay habang nagpapakasaya kami ng asawa
niya!” “Shit!” Sukat doon ay ubod lakas
niyang ibinagsak ang telepono. HINDI nagawang komprontahin ni Tanya ang asawa sa mga sinabi sa kanya ni Rina. Nang sumunod na araw ay mas naging busy ito
sukdu-¬‐ lang huwag nang matulog matapos
lamang ang pag-¬‐ aaral nito sa
sangkaterbang mga papeles. Hanggang
sa sumapit ang takdang pag-¬‐ alis nito patungong
Australia. Totoo ang sinabi ni Rina na tanging
ito lamang at si Jonathan ang magtutungo roon. Isipin
pa lang ni Tanya ang masayang pagtatawanan
ng dalawa ay paninibugho na ang kanyang
nararam-¬‐ daman. Wala pang dalawang linggo
nang ikasal sila ay nagawa na nitong magtaksil
sa kanya. Mahal
niya si Jonathan pero hindi sapat na rason
iyon para masikmura niyang dalawa sila sa buhay nito. Isang desisyon ang nabuo ni Tanya. Kapag nakabalik ito mula sa Australia, hihilingin
niya ang kanyang kalayaan. “ANAK! Mabuti naman at napadalaw ka rito,” masayang salubong ni Soledad kay Tanya. “Inay, dito muna ho ako. Dalawang linggo ho kasi si Jonathan sa Australia. Eh, naiinip ho
ako sa malaking bahay.” “Aba’y baka naman magalit sa iyo si Danilo kapag nalamang wala ka doon?” Umiling siya. “Nagpaalam ho ako sa kanya at nangako naman ako na dadalawin ko siya palagi.” “Buweno, tena sa loob at mamaya pa darating ang itay mo’t kuya.” Wala pang isang oras si Tanya sa kanila ay narinig niya ang pagtawag ng pamilyar na tinig
sa kanyang pangalan. Ikinagulat niya nang makitang nasa ibaba ng bahay si Jonathan. “A-¬‐ ano’ng ginagawa mo rito? H-¬‐ hindi ba’t
umalis ka na?” sunud-¬‐ sunod niyang
tanong dito. Umakyat ito sa bahay at
hindi na hinintay ang pagpapatuloy niya.
“I cancelled my flight at ipinaubaya ko na kay
Rina ang tungkol sa transakyon doon.” “B-¬‐ bakit?” This time ay kaharap na ni Tanya
ang asawa. “Simple lang. Natatakot akong baka pagbalik ko’y hindi na kita maabutan sa bahay. At nagkatotoo nga ang kutob ko. Bakit ka umalis?”
Iniiwas niya ang tingin sa asawa.
“Jonathan, h-¬‐ hindi ko na kaya ang
sitwasyon natin.” “Ako
rin. . nahihirapan na rin ako,” pag-¬‐ amin nito. Nakagat
niya ang pang-¬‐ ibabang labi. Masakit na
siya ang mag-¬‐ ungkat ng paghihiwalay nila pero mas masakit siguro kung ito mismo ang makikipaghiwalay sa kanya. “Well, Jonathan, tapos na ang paghihirap mo. Nakahanda akong pumirma kapag isinampa mo sa korte ang annulment paper natin.” Nag-¬‐ iba ang ekspresyon ng mukha ni
Jonathan. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Hindi ba’t hirap ka na sa pakikisama sa akin?
Okay lang sa akin na mag-¬‐ file ka ng annulment. Malaya na kayong magpapakasal ni Rina.” “That’s
bullshit! I don’t love her, bakit ko siya pakakasalan?” “Don’t lie to me. Ako nga na hindi mo minahal ay nagawa mong pakasalan, siya pa kaya?” “Sino’ng nagsabi sa iyong hindi kita mahal?” “Si—” Maang siyang napatingin sa asawa nang ma-¬‐ realize ang kahulugan ng sinabi nito. “I love you. Naramdaman ko na dito sa puso ko nang araw na magkita tayo sa bar at marinig
ang boses mo. Ang sama kasi sa iyo,
hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na
sabihin sa iyo iyon. Palagi kang
nakabulyaw at palagi mong iniisip na isa
akong kaaway at hindi dapat pagkatiwalaan.” Tila kakapusin ng hininga si Tanya sa nalaman.
Pinili niya ang maupo kaysa hintayin
pang bumigay ang kanyang mga tuhod. “Do you hear me, Tanya? I love you!” sigaw nito. Parang
tuod siyang napatango. “M-¬‐ mahal mo ako
habang mahal mo rin si Rina?” “I told
you, Tanya, wala akong nararamdaman sa
kanya. Sekretarya ko lang siya, iyon lang ang relasyon namin.” Lumuhod sa harapan niya si Jonathan. “Kung naging masama man ang tingin mo sa akin noon, sana’y bigyan mo ako ng pagkakataon na baguhin
ang maling pagkakakilala mo sa akin.” “Jonathan, I don’t know kung dapat kitang paniwalaan. Kung talagang gusto mong patunayan na mali ako sa paghuhusga sa iyo. . sana sinimulan mo na ito sa unang araw pa lamang ng pagiging mag-¬‐ asawa natin.” “Sinimulan ko na. Lahat ng commitment ko sa trabaho ay tinapos ko. Ang enggrandeng kasalan
na sopresa ko sana sa iyo ay nakaayos na
rin. Ikaw na lamang ang hindi ko pa
nahaharap. I want to win your heart,
Tanya.” “Jonathan. .” “Please, give me a chance to show you how much I love you.” “Okay, Mr. Perez, gusto ko ring malaman mo na hindi ko pala kayang mawala ka. Mahulog na ako sa lahat ng ilog ay okay lang basta lagi
kang naroroon para sagipin ako.” “Tanya.. ” “Sshhh. . marami nang oras na nasayang sa atin. Mas maganda kung simulan na natin ngayon.” “You mean, dito sa sala?” Pilyo ang panlalaki ng mga mata ni Jonathan. “Baliw! Hindi iyon ang ibig kong sabihin. What I mean is—” “Whatever! Basta ang mahalaga, alam kong sa akin ka lang talaga itinadhana.” Hindi na binalak pang sumagot ni Tanya. Wala siyang maaapuhap na sasabihin sa sobrang kagalakang nasa puso niya. WAKAS