If The Heart Can’t See

1

 

If The Heart Can’t See

PROLOGUE

Del Valle Horse Ranch Isla Fuego“HELLO!” Nabitiwan ni Achilles ang hawak na pamingwit nang biglang sumulpot sa tabi niya si Madeline, ang walong taong gulang na kinakapatid niya. Kung hindi sa maagap na pagsalo niya sanabitiwang pamingwit ay malamang na nahulog iyon sa ilog. Masyadong malalim ang iniisip niya kaya hindi niya namalayan ang pagdating ni Madeline. Kung napansin agad niya ito ay natakasan sana niya. Mula nang makilala niya ang kinakapatid ay nagsilbing animo anino niya ito dahil laging nakabuntot sa kanya. Ayaw pa naman niyang makasama si Madeline dahil nuknukan ito ng kulit at likot. Sumasakit ang ulo niya sa walangkatapusang pagtatanong nito tungkol sa mga bagaybagay. Kahit paano ay ipinagpasalamat ni Achilles na tuwing Sabado at Linggo lamang naroon sa rancho ang kinakapatid niya. Ngunit dahil summer vacation, dalawang buwan itong mananatili roon. Iniwan doon si Madeline ng mommy nito na nagbalik na sa Maynila. Tatlong taong gulang pa lamang si Madeline nang makipaghiwalay ang daddy nitong siNinong Tomas sa ina nitong isang sikat na artista at TV host. Sa poder ng ina napunta si Madeline pero tuwing weekends, kapag bakasyon sa eskuwela, at may okasyon sa rancho ay naroon ito sa rancho ng ama. “Have you caught a fish? If you have, are you going to eat it? I think you shouldn’t. Kawawa naman `yong fish. Kapag nahuli mo, ibabalik mo uli sa dagat, `di ba?” Nayayamot na binalingan ni Achilles angkinakapatid. Tinitigan niya ang maamong mukha nitong mistulang sa manyika sa puti at kinis. Kulaymais ang buhok ni Madeline na natitiyak niyang maayos na nakapusod kanina bago ito lumabas ng mansiyon pero ngayon ay nakasabog na sa mukha dahil kung saansaan na ito sumuot. “Bakit ko pa huhulihin kung ibabalik ko rin lang pala sa tubig? Natural, kakainin ko iyon,” paangil na sagot niya. Lumabi ang bata. Pinukol siya nito ng tingin naanimo siya na ang pinakawalangawang nilalang sa mundo dahil sa balak niyang pagkain sa mahuhuling isda. “But we have lots of food in the house. The fish in this river are our pets. You don’t eat pets!” mariing wika nito. Nanggigigil na inalis ni Achilles ang pamingwit mula sa pagkakalublob sa tubig. Binitbit niya ang latang pinaglagyan ng mga paing bulate at naglakad palayo. Hindi siya makakapamingwitnang maayos kung nasa paligid ang kinakapatid. Mabuti pang ipagpaliban na muna niya ang naturang balak kaysa matuyuan siya ng dugo sa konsumisyon. Dahil walang epekto kay Madeline kahit pa angilan niya ito o hindi pansinin, ang pinakamainam na gawin ay umiwas na lamang. Pataluntalong sumunod agad sa kanya si Madeline. “You’re not going to fish anymore? Kung gano’n, puwede na tayong maglaro? Niyaya ako nina Job na maglaro ng taguan. Sali ka rin.”Natigilan si Achilles. Si Job ay anak ng mga Arguilla, ang pamilyang nagmamayari ng kanugnog na lupain ng mga Sevilla. Ang kabilang pampang ng Ilog Fria na katapat ng rancho ng ninong niya ay lupain ng mga Arguilla. Katulad niya, katorse anyos na rin si Job pero nakikipaglaro pa rin sa mga batang dihamak na mas bata kaysa rito. Ang mga iyon lamang kasi ang kaya nitong kayankayanin. Hindi niya gusto ang ugali ni Job. Mahilig itongmangagaw ng gamit at laruan ng mga kalaro kahit hindi nito kailangan o gusto ang mga iyon. Bagaman hindi pa nabibiktima si Madeline ng mga kalokohan ni Job, hindi niya gusto ang ideyang nakikipagkaibigan dito ang kinakapatid niya. “Pagabi na. Umuwi ka na lang. Huwag ka nang makipaglaro kina Job. Hahanapin ka sa bahay ninyo. Sige na, umuwi ka na.” “Ayoko. Wala naman akong gagawin sa bahay,eh. Sige na, sali ka na rin sa amin nina Job. Ang sabi ni Nanay Saleng, okay lang naman daw akong sumali sa kanila.” “Ayoko. Saka hindi na ako bata para makipaglaro pa sa inyo.” “Eh, bakit si Job nakikipaglaro pa rin sa amin? Ang sabi niya, okay lang daw iyon dahil bata pa rin siya. Magkaedad lang kayo, `di ba? Kaya bata ka pa rin. O dahil ba bastard ka kaya ayaw mong nakikipaglaro sa amin?”Napahinto sa paglalakad si Achilles.Nagsalubong ang mga kilay niya sa magkahalong hindi pagkapaniwala sa kapangahasan ni Madeline na sabihin sa kanya ang salitang iyon nang harapan. Hinarap niya ito. “Kanino mo natutuhan ang salitang iyan? Alam mo ba ang ibig sabihin niyan?” “Ssi Job ang nagsabi non sa akin. Masama ba ang word na iyon? Sorry na. Huwag ka nangmagalit, please? Hindi ko naman alam na bad word iyon, eh.” “Okay. Basta huwag mo na uling sasabihin iyon sa harap ko kahit kailan, ha? Kapag inulit mo pa iyan, ihahagis kita sa Ilog Fria at ipapakain sa mga isda!” Hindi iyon ang unang beses na napagtaasan niya ng boses ang kinakapatid pero noon lamang nalangkapan ng ganoon katinding poot ang tono niya kaya marahil napaatras ito sa magkahalongpagkagulat at takot. Nakita niya ang mga luhang namuo sa mga mata ni Madeline bago ito tumakbo palayo. Dagli rin namang nagsisi si Achilles sa ginawa. Dahil base sa napakainosenteng pagkakabigkas ni Madeline sa salitang buong buhay niyang tiniis na itawag sa kanya ng lahat ng nakakaalam tungkol sa buong pagkatao niya, hindi nito alam kung ano ang eksaktong kahulugan ng salitang iyon. Pero mas mabuti na ring maitatak sa isip niMadeline na hindi nito maaaring ulitin pa ang pagbanggit sa kasumpasumpang salitang iyon. Ipinagpasalamat niyang ngayong nasa poder na siya ni Ninong Tomas ay hindi na siya gaanong nakararanas ng pangungutya at pangiinsulto dahil sa pagiging bastardo niya. Respetado at maimpluwensiya kasi ang ninong niya roon sa Isla Fuego. Noong nasa Maynila pa si Achilles sa piling ng noon ay nabubuhay pang ina ay halos arawgabiniyang nilulunok ang taguri ng ibang tao sa kanyang ina na isang kabit. Totoo naman iyon pero masakit pa rin. Pagkatapos anakan ng walang kuwenta niyang ama ang nanay niya ay basta na lamang ito iniwan nang mabuko ang tatay niya ng tunay na pamilya niyon sa Davao. Subalit hindi madaling mabura ang pait at sakit na kakambal ng salitang “bastardo.” Hindi lamang kasi mula sa ibang tao niya naririnig iyon noon kundi mula rin mismo sa mga kapatid niyasa ama at sa pamilya ng kanyang inang nagtakwil dito nang pumatol ito sa kanyang ama.

 

CHAPTER ONE

“ACHILLES!” sigaw ni Madeline sa magkahalong galak at pagkasabik nang sa pagpasok sa komedor ay makita niya ang kinakapatid. Kahit siguro mabulag siya ay makikilala niya si Achilles. Tila may sariling ritmo kasi para dito ang kanyang puso. Kapag nasa paligid ang binata ay bumibilis ang tibok niyon at tila gustong tumalon palabas ng kanyang dibdib upangmagpakilala rito nang personal. She had only been gone for ten months but her heart reacted as if she had not seen him for two whole decades. Nang lumingon si Achilles ay nasalubong niya ang kulaytsokolateng mga mata nito na kahit pa siguro ilang libong taon niyang pagmasdan ay hindi niya maaarok ang taglay na lalim at misteryo. Who needed gorgeous British men or suave Frenchmen when standing in front of her was the most dazzling man alive in theplanet? Walang sinabi ang mga sikat na aktor at modelong lalaki sa natural na angking kagandahanglalaki ni Achilles. Ang mga labi ni Achilles na natural ang pagkapula at hugisbusog ng palaso ay tuksong umaakit sa mga babaeng nakakasalamuha nito kahit bihira itong ngumiti. Ang pangahang mukha naman na nagtataglay ng katatagan at matibay na paniniwala sa sariling kakayahan ay naguudyok sa sinuman na paniwalaan ito.Habang ang itim na itim at alunalong buhok naman ay hindi mabilang na babae na ang nangati ang mga kamay na suklayin ng mga daliri. Lagpasbatok man kasi ang buhok ay napakakintab at napakalambot niyon. Ipinupusod iyon ng binata ng itim na goma kapag nagtatrabaho ito sa rancho. Subalit sa lahat ng katangiang pisikal, ang pinakaprominente ay ang mga kilay at ang ilong ni Achilles. Determinasyon, katapangan, at lakasang ipinahihiwatig ng pagkakaarko ng mga kilay na iyon. Sa unang tingin ay hindi agad mapapansin ang hugiskidlat na pilat sa itaas ng kanang kilay nito. Resulta iyon ng pagkakasabit ni Achilles sa barbed wire noong disisiyete anyos ito habang tinatangka nitong pigilan ang nagaganap na pagnanakaw sa rancho. Ang animo nililok ng iskultor sa kaperpektuhan naman na ilong ng binata noon ay bahagyang baliko na ang buto sa nose bridge ngayon. Resulta iyon ng pagkakasiparoon ng nagalborotong toro noong kinse anyos ito. Nilapitan ni Madeline si Achilles at niyakap. Nasa yakap na iyon ang sampung buwang pangungulila niya rito. Inalis ng binata ang mga braso niya sa baywang nito, pagkuwa’y binuhat siya at inikutikot na animo kasimbigat lamang siya ng isang sampung taong gulang na paslit. Nang mapagod ay ibinaba siya at pinagmasdan.“Kumusta ka na, Maddy Maldita?” Nginitian niya si Achilles. Wala nang bahid ng animosity sa pagitan nila. Kabaligtaran iyon ng atmosphere nang araw na umalis siya ng Rancho del Valle sampung buwan na ang nakalipas. Bago kasi siya umalis ay nagaway sila dahil ayaw niyang sumama sa ina’t amain. Mas gusto kasi niyang sa rancho manatili kasama si Achilles at ang kanyang ama. Mula kasi nang maikasal ang mommy niya kay Tito Ralphnoong thirteen years old siya ay ipinaubaya na siya ng mommy niya sa daddy niya. Naalala lamang siya ng ina nang madestino sa Paris ang amain niyang nagtatrabaho sa isang kilalang cosmetics company. Si Achilles ang nagpumilit na sumama siya sa kanyang ina’t amain. Huwag daw siyang maging makasarili. Bagaman pareho nilang alam na hindi tipikal na ina ang mommy niya dahil madalas na wala itong oras para sa kanya, dapat daw niyaitong bigyan ng pagkakataong makabawi sa mga pagkukulang sa kanya kapag maiisip nitong gawin iyon. Mabuti na raw iyon kaysa hindi na talaga siya pinaguukulan ng oras ng mommy niya. Alam ni Madeline na bagaman hindi isinasatinig ni Achilles ang saloobin patungkol sa sariling ama’t ina, iyon ang naalala nito nang sermunan siya. Ulilang lubos na ang binata at kung may mga natitira mang kamaganak samagkabilang side ng mga magulang ay walang nais umangkin dito. Iyon ang dahilan kaya kinupkop ng kanyang ama si Achilles nang sumakabilangbuhay ang ina nito. Ayon sa daddy niya ay tagaDavao ang ama ni Achilles. Pamilyado na ang lalaki nang ligawan at ibahay nito sa Maynila ang ina ni Achilles na si Sandra Arguilla. Dahil sa tinamong kahihiyan ng mga Arguilla sa ginawa ni Sandra na pagpatol sa isang lalaking mayasawa ay itinakwil ito ng mgamagulang. Nang mamatay si Sandra noong siyam na taong gulang si Achilles ay ni hindi man lang naisip ng ama ni Achilles na kupkupin ang anak. Sa halip ay walang pagdadalawangisip na pumayag ang lalaki sa alok ng daddy niya na ito na ang magpapalaki kay Achilles bilang pagtupad sa habilin ni Sandra bago mamatay. Hindi maikakailang isang Ferraris si Achilles. Minsan na kasing nakita ni Madeline ang ama ni Achilles nang bumisita ito sa rancho noong mgabata pa sila. At least, kahit paano ay hindi nito tinutulang dalhin ni Achilles ang apelyidong Ferraris at kahit paano ay tinustusan din nito ang mga materyal na pangangailangan ni Achilles. “O, `di ka na sumagot diyan?” untag ni Achilles. “Namiss kita, sobra. Namiss mo rin ba ako? And hey, I learned a lot of French words while I was in Paris. Gusto mong makarinig ng isang phrase? Here, makinig ka, ha?” Tumikhim munasi Madeline bago isinatinig ang natutuhang phrase. “Voulez vous coucher avec mois ce soir, Mademoiselle?” Umarko ang kilay ng binata, hindi mawari kung naaliw o naeskandalo. Napakunotnoo naman si Madeline. Hindi ba siya naintindihan ni Achilles? Marami itong alam na lengguwahe at isa ang French doon. Kaya sabik siyang ibida rito ang tanging French phrase na pinagsumikapan niyang aralin.“Saan mo natutuhan ang mga salitang iyon?” “Sa isang Frenchman na nakilala ko sa isang café sa France habang hinihintay ko sina Mommy at Tito Ralph na matapos sa pagshashopping. Bakit, mali ba ang pagkakasabi ko? Pangit ba ang accent ko? Hindi maintindihan? Iyon nga lang ang natandaan ko sa mga salita nila, eh,” kunwari ay dismayadong tugon niya. Masusing pinagmasdan niya ang reaksiyon ng binata. “Alam mo ba ang ibig sabihin n’on?”“Ahm, hindi. Kaya umiling lang ako no’ng unang beses na sinabi iyon no’ng unang lalaking nameet ko roon. Iyong mga sumunod na nagsabi sa akin n’on ay hindi ko na lang pinansin kasi parang ang weird ng iniaakto nila kapag sinasabi sa akin iyon. Hinahalikan pa nila ang likod ng kamay ko.” Pasimpleng iniiwas ni Madeline ang mukha upang ikubli ang paglikot ng kanyang mga mata. Alam ni Achilles na kapag nagkakaganoon na siyaay nagsisinungaling siya. Kung makikita ng binata ang mga mata niya ay mahuhulaan nitong sinusubukan lamang niya ito at hindi totoong hindi niya alam ang ibig sabihin ng mga French words na sinabi niya. Pasimpleng sinulyapan niya si Achilles nang hindi ito nagreact. Napangiti siya nang makitang magkasalubong ang mga kilay nito. Halatang hindi nagustuhan ang nalaman. “Mabuti. Dahil ang ibig sabihin ng sinabi niyaay inaalok ka niyang sumama sa kanyang makipagsex. Kung tatangatanga ka at sumama sa kanya, malamang na narape ka na. Kaswal lamang ang tono ni Achilles nang magpaliwanag ngunit may ningas ng galit sa titig. Anim na taon ang tanda ni Achilles sa kanya pero noong mga bata pa sila ay animo anino siya nito dahil sa pagsunudsunod at panggagaya niya sa mga kinahihiligan nitong gawin. Kahit delikado at nakakatakot, basta ginawa ni Achilles,pakiramdam niya ay kailangan din niyang gawin para magustuhan siya nito at tanggapin bilang kaibigan. Kaya siya nito binansagang “Maddy Maldita” dahil sa kapilyahan at kakulitan niya. Sa malas, madalas na napapahamak ang binata dahil sa kapilyahan at kakulitan niya. Kapag kasi nadidisgrasya siya sa mga pinaggagagawa niya para lamang mapansin ni Achilles ay ito ang pinapagalitan ni Nanay Saleng at ng daddy niya. Istrikto ang daddy niya kay Achilles. Bawatkilos ng binata ay binabantayan ng daddy niya. Gusto kasi ng daddy niya na lumaki si Achilles na katulad nitong responsable at matatag kaya hindi binebaby si Achilles. Si Madeline naman ay walang magawang mali sa mga mata ng daddy niya. Kung ituring siya ay parang prinsesang lahat ng nais ay kailangang makamit. Kaya siguro hindi rin madali para kay Achilles na tanggapin siya. Kaagaw kasi siya nito sa atensiyon at pagmamahal ng tanging taongnagmalasakit dito. Dahil si Achilles ang binilinan ng kanyang ama na magbantay sa kanya kapag naggagala siya sa rancho, sa halip na magkalapit sila ay lalo lamang siyang itinutulak palayo ng binata. Siya kasi ang madalas na dahilan ng panenermon dito ng matatanda. Ngunit untiunting nagiba ang trato ni Achilles sa kanya habang lumalaki sila. Siguro ay dahil kapwa na sila nagkaroon ng sapat na maturity. Hindi na masyadong ilag sa kanya angbinata at kahit paano ay tinanggap na rin ni Achilles na parte na siya ng buhay nito sa ayaw at sa gusto nito. Dahil simula’t sapol ay prangkang tao si Achilles, hindi na ikinabigla ni Madeline ang mga pakikipagusap nito sa kanya kahit pa tungkol iyon sa mga sensitibong paksa. Hindi taboo subject sa pagitan nila ang tungkol sa seksuwalidad dahil napapaligiran sila ng mga hayop na walang pakundangan sa pagtatalik.Bukod doon, ayaw rin ng daddy niya na maging ignorante siya pagdating sa bagay na iyon. Ayon sa kanyang ama ay parte iyon ng buhay na kailangan niyang malaman at mapaghandaan kaya inihanda na siya nito para doon. Mas mabuti raw na masagot na ang kuryosidad niya kaysa ang matukso pa siyang mageksperimento kasama ang ibang kaedad niya. Si Achilles ang inatasan ng daddy niya na magbantay sa kanya at sumuri sa bawatbinatilyong lumalapit sa kanya. Ang hindi alam ng kanyang ama, wala siya ni katiting na interes sa mga lalaking iyon dahil kay Achilles na napiling tumibok ng kanyang bubot na puso. “Talaga? Iyon ang ibig sabihin n’on?” kunwari ay nagulat na wika ni Madeline. “Hindi niya sana nasabi iyon kung sinunod mo ang bilin kong huwag kang makikipagusap bastabasta sa mga estranghero, sermon ni Achilles.Hindi nagpahalata si Madeline na dismayado siya. Inaasahan niyang magngingitngit sa galit at selos si Achilles at hindi ang umakto pa ring animo isa siyang sutil na paslit na kailangang pagalitan dahil sa muntik nang mangyaring disgrasya sa kanya habang wala ito sa paligid. Ang akala niya, kapag nalaman ni Achilles na may mga lalaking nagpakita ng interes sa kanya bilang babae ay mapapansin na rin nitong hindi na siya ang dating batang nangungulit atbumubuntot dito. Isa na siyang ganap na dalaga hindi lamang sa pisikal na aspeto kundi maging sa damdamin. May isang bagay na natiyak sa sarili si Madeline habang nasa ibang bansa siya. Natuklasan niyang hinahanap pa rin niya sa mukha ng bawat makasalubong niya roon ang mukha ni Achilles. Mula paggising sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi ay wala siyang ibang hiniling kundi bumilis ang paglipas ng mgaaraw upang makabalik na siya sa villa at masilayan ang binata. Umasa siyang sa pagpayag niyang malayo nang matagal kay Achilles ay matutuklasan niyang infatuation lamang ang marubdob na damdaming umusbong sa puso niya para dito noong fifteen years old siya. Ngunit bigo siya. Dahil sa halip na lumipas ang damdamin niya sa pagkakalayo nila ay tila lalo lamang lumalim iyon.“Opo, sir. Pasensiya na po kayo, sir. Hindi na po mauulit. Patawarin po ninyo ang makasalanang nilalang na si ako,” kunwari ay susukutsukot na sagot ni Madeline. Umilingiling ang binata. Pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang ngiting halatang pinipigilan lamang nito sa pagsilay. “Brat!” “Thank you,” matamis ang ngiting tugon niya. Ikinawit niya ang braso sa braso ni Achilles attinangkang hilahin ito paupo sa isa sa mga silya sa harap ng dining table. “Sabayan mo naman akong kumain. Mamaya mo na ako sermunan dahil may jet lag pa ako. Kuwentuhan mo ako tungkol sa mga nangyari sa iyo habang wala ako. Kumusta na ang love life mo? May girlfriend ka na ba uli?” Sa likuran niya ay magkakrus ang kanyang mga daliri. Umaasa siyang “wala” ang isasagot nito. Bago umalis ng bansa si Madeline ay may balaksi Achilles na ligawan ang isang dalagang taga Paseo Fernando. “Myra” ang pangalan ng babae. Naging kaklase ni Achilles si Myra noong nasa high school ang dalawa. Sa Maynila nagaral ng kolehiyo si Myra kaya nalayo ito kay Achilles. Nang magtapos ng pagaaral ay bumalik ang babae sa isla. Hindi alam ni Madeline kung itinuloy ni Achilles ang panliligaw kay Myra. Sa mga pag uusap nila sa telepono ay wala itong nabanggit naniligawan at nililigawan. “Wala,” sagot ni Achilles, pagkuwa’y nagiwas ng tingin na tila may ayaw ipabasa sa kanya ang ekspresyon sa mga mata. “Pasensiya na, hindi kita masasaluhan. Kailangan kong bumalik agad sa kuwadra. May mga bagong dating kasing kabayo mula sa Hacienda Santivaniez. May kinuha lang ako rito sa bahay kaya ako nandito. Mamayang hapunan na lang tayo magusap, tanggi nito. Bagaman nadismaya siya na kailangang umalisni Achilles, nagalak din siya sa isinagot nito. Mag uusap daw sila mamayang gabi. Mukhang wala na sa buhay nito si Myra. Binasted kaya si Achilles kaya ni minsan ay hindi nito nabanggit si Myra sa mga paguusap nila sa telepono? Pero imposible iyon. Parang ang labo na may babaeng babasted kay Achilles. Siguro ay naghiwalay na ang dalawa at ayaw na lamang nitong ungkatin pa iyon dahil nga tapos na. “Hayaan mo na iyang si Achilles, Madeline.Hindi mo talaga iyan maiistorbo sa trabaho niya. Mamaya na lang kayo magusap. Halika na, kumain ka na,” wika ni Nanay Saleng. “Opo. Ah, Nanay, talaga bang wala pa siyang girlfriend? Ano ang nagyari doon sa Myra, `yong tagaPaseo Fernando na balak niyang ligawan? Natigilan si Nanay Saleng. Pati si Aling Delia na kapapasok lamang sa komedor ay tila napahinto rin sa tanong. Nagkatinginan ang dalawa na tila ba hindi malaman kung paano siyasasagutin. “Hija, ang mabuti pa ay si Achilles na lamang ang tanungin mo tungkol diyan. Pero kung ayaw naman niyang pagusapan ang tungkol doon, mabuting irespeto mo na lang muna,” wika ni Nanay Saleng na lalong nagdulot ng pagtataka kay Madeline.

 

CHAPTER TWO

HALOS buong araw nang hinahanap ni Madeline si Achilles sa buong lupain ng mga del Valle ngunit hindi niya ito natagpuan. Wala rin ni isa sa mga tauhan nilang napagtanungan niya ang nakakaalam kung nasaan si Achilles. Ang huling pagkakita raw ng mga ito sa binata ay sakay ito ng kabayo at patungo sa Ilog Fria. Pero nakailang balik na siya sa ilog ay hindi naman niya nakitaroon si Achilles. Frustrated at nahahapong ibinagsak niya ang katawan sa makapal na damongligaw ilang metro ang layo sa pampang ng ilog. Tumapat siya sa araw para matuyo agad ang basang damit niya. Basta na lamang kasi siya nagdive sa ilog dahil sa frustration nang hindi pa rin niya natagpuan doon si Achilles. Nasaan kaya ito? Mula nang dumating siya sa rancho ay mabibilang pa lamang sa mga daliri ngisang kamay ang mga pagkakataong nagkita at nagkausap sila. Hindi niya gustong isiping iniiwasan siya ni Achilles, pero lately ay iyon ang napapansin niya. Kahit ang daddy niya ay tila napupuna na rin iyon dahil nang nagdaang araw lamang ay tinanong siya nito kung may ginawa na naman siyang kalokohan kay Achilles kaya parang allergic na naman ang binata sa kanya. “Dad, how could you think that?” puno ng indignasyong sabi ni Madeline.Sa halip bawiin ang sinabi ay umarko lamang ang kilay ng ama niya at tatawatawang ginulo ang kanyang buhok. “I know you, princess brat. Paboritong pastime mo ang inisin, tuksuhin, at kulitin si Achilles. Itinuturing ko ngang isang milagro na hindi pa nasasaid ang pasensiya niya at hindi ka pa pinapalo sa puwit para magtanda ka.” “Dad!” Lalong napuno ng indignasyon ang tono niya. “I’m not a kid anymore! Seventeen na ako. Hindi na ako puwedeng paluin sa puwit. Hindi ko na kayapinagtitripan si Achilles. “Sa tingin ko, pinagsisisihan niya ngayon na hindi ka niya napalo sa puwit no’ng bata ka pa.” Lumabi siya at humalukipkip, pagkuwa’y inirapan ang ama. “Sometimes you’re so cruel to me, Dad. Mas madalas na kampi kayo kay Achilles,” kunwari ay pagdadrama niya. Sa halip na makonsiyensiya ay tumawa ito nang malakas. “Dahil mas mabait si Achilles kaysa sa iyo, brat.”Nahinto ang paguusap nila dahil biglang pumasok ang taong pinaguusapan nila. Bagong paligo si Achilles at tila kay bangubango. Dahil sanay si Madeline na basta na lamang yumayakap sa taong gustong lambingin, walang pagdadalawangisip na lumapit siya sa binata at animo ito teddy bear na niyakap. “Chilles, inaaway ako ni Dad. Mas mabait ka raw kaysa sa akin? Sabihin mo nga sa kanya ang totoo. Wala nang mas babait at mas gaganda at mas kucutesa akin, `di ba?” Tiningala ito ni Madeline at pinapungayan ng mga mata. “May lagnat ka, mataas. Nagdedeliryo ka na, eh,” tugon ng binata na ikinatawa ng daddy niya. Kinalas ni Achilles ang mga braso ni Madeline na nakayakap dito. Kung titingnan ng ibang tao ay iisipin niyon na gusto lang umupo ni Achilles. But she knew better. Gusto siya nitong iwasan. Dahil doon, pakiramdam niya ay sinampal siya ng binata. Pero agad din niyang binigyan ng katwiran angkilos ni Achilles. Hindi talaga ito affectionate na klase ng tao. Hanggang maaari ay ayaw nito ng anumang physical contact sa kahit sino. Minsan na niyang nasabi iyon sa daddy niya at sinabi nitong malamang na mahigpit na ginuguwardiyahan ni Achilles ang sariling emosyon. Ayaw nang hayaan pa ng binata ang sinumang mapalapit dito para lamang ireject ito sa bandang huli katulad ng ginawa rito ng sariling ama. Pero sa pagkakatanda ni Madeline ay seven years old siya nang una at huling beses na nireject niAchilles ang paglalambing niya. Hinalikan niya ito sa pisngi dahil sa labis na tuwa sa pagkakahanap nito sa nawawala niyang manyika. Pinunasan ni Achilles ang pisnging hinalikan niya, pagkuwa’y nandidilat ang mga matang sinabihan siyang huwag nang uulitin ang paghalik dito. Napaiyak siya noon dahil mas sanay siyang katuwaan at yakap ang itinutugon sa mga paglalambing niya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Nataranta si Achilles nang umiyak siya. Hindi nito alam kung paano siya patitigilin. Bunsod ng kawalanng maisip gawin, ora mismo ay ipinangako ni Achilles na hindi na ito magagalit kapag niyakap at hinalikan niya ito. Basta huwag lamang daw siyang magsusumbong sa daddy niya at ititigil na niya ang pagiyak. Subalit pumapayag man si Achilles na yakapin niya, hindi naman ito gumaganti. Ang kagandahan lamang niyon ay hindi na ito umiiwas at hindi na rin siya pinapagalitan kapag ginagawa niya iyon. Hinahayaan lamang siya ng binata sa paglalambing niya dahil batidnitong ganoon siya sa lahat ng taong mahal niya at malapit sa kanya. Madeline was so proud and touched that he allowed her to get that close to him. Subalit ngayon ay tila kabilang na rin siya sa mga taong nasa kabilang panig ng bakod na iniharang ni Achilles para hindi ito malapitan ninuman. Kapag magkausap sila ngayon ay tila lagi ring hati ang atensiyon ng binata, tila ba hindi talaga interesadong kausapin siya at nagtitiyaga lamang na pakiharapan siya. Naalala tuloy niya noongmga bata sila at panay ang buntot niya kay Achilles habang ito naman ay panay ang pagtatago sa kanya. Ano ang problema nito? Wala sa loob na napabaling sa kabilang pampang ng ilog ang paningin ni Madeline. Pag aari na ng mga Arguilla ang panig na iyon ng ilog. Noong binatilyo na si Achilles ay madalas na nahuhuli niya itong nakatingin sa parteng iyon na para bang nais nitong tawirin ang ilog at puwersahang ipilit sa pamilya ng ina natanggapin ito. Bago siya umalis ng rancho ay tinangkang makipagusap kay Achilles ng noon ay may sakit nang si Lolo Lonzo. Tiyuhin ng ina ni Achilles si Lonzo Arguilla. Pero hindi diumano interesadong makipagayos pa si Achilles sa sinuman sa mga kapamilya ng inang mahigit dalawang dekadang inignora ang presensiya nito. Maaaring nagbago ang isip ni Achilles nang umalis ng bansa si Madeline. Marahil ay nakipagugnayan at nakipagayos ang binata sa mga Arguilla. Batid din naman niyang isang mapait na aspeto para kay Achilles ang patuloy na pagtanggi rito ng mga Arguilla na para bang kasalanan nito ang pagiging bastardo. Ayon sa daddy niya ay namatay si Lolo Lonzo walong buwan na ang nakalilipas. Siguro naman bago yumao ang matandang lalaki ay nakuha nitong kilalanin bilang kapamilya si Achilles. Sa naisip ay biglang napabangon si Madeline.Akmang tatayo na siya nang marinig niya ang mga papalapit na yabag ng kabayo mula sa direksiyong pinanggalingan niya. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang si Achilles ang lulan ng kabayong papalapit sa kinauupuan niya. Ngunit dagli ring naudlot ang relief na naramdaman niya nang mabasa niya ang ekspresyon sa mukha nito. “Sinabi ko na sa iyong huwag kang pupunta nang magisa rito, Madeline! nanggigigil nasikmat ni Achilles nang makababa ng kabayo. Itinali nito ang kabayo sa katawan ng isang puno at naglakad palapit sa kanya. Huminto ito sa harap niya at pinamaywangan siya.“Hinahanap kita kaya ako nagpunta rito. In fact, halos buong araw kitang hinahanap. Saan ka ba nagpunta?” “Hindi na importante iyon! Ang ibinilin ko sa iyo ang dapat sinunod mo!” “Puwede bang ipaliwanag mo kung bakitbawal na akong pumunta rito ngayon gayong dati naman ay hindi?” Nang nagdaang gabi lamang iyon sinabi sa kanya ni Achilles nang mabanggit niya habang naghahapunan sila na gusto niyang magpunta sa Ilog Fria. “Basta sundin mo na lang ako. Huwag nang matigas ang ulo mo.” Humalukipkip si Madeline at umismid. “Basta sundin mo na lang ako,” gagad niya. Ginaya pa niya pati ang seryosong ekspresyon sa mukha ngbinata. “Pamysterious effect ka pa! Ano bang meron dito sa ilog at bigla ay kailangan ko pang ipagpaalam sa iyo ang pagpunta rito? Hah! Alam ko na! Siguro nakita mo nàyong mermaid fairies na sinasabi ni Angela na nakatira dito sa Ilog Fria, `no, at gusto mong sarilinin ang wishes na ibibigay niya? Madaya ka talaga!” Ang best friend ni Madeline na si Angela Alva ang unang nagsabi sa kanya tungkol sa mermaid fairies na diumano ay nananahan sa Ilog Fria.Mga six o seven years old lamang yata sila noon at ang hilig nilang tambayan ay ang Ilog Fria. Nagaabang sila ng mermaid fairies na hihingan nila ng wishes. Nayayamot na tumingala si Achilles sa langit. Hati sa pagitan ng pagkaaliw at iritasyon ang ekspresyon sa mukha. “Hanggang ngayon ba ay naniniwala ka pa rin sa mermaid fairies? Hindi totoo ang mga iyon.” “Of course they’re true! Just because youhaven’t seen one yet doesn’t prove it’s not true,” giit ni Madeline habang pinipiga ang suot na basangbasa nang Tshirt. “Next you’d be telling me you still believe in Santa Claus and his reindeers,” patuyang sabi ng binata. Napansin niyang hindi tumitingin sa kanya si Achilles habang nagsasalita. Natuklasan naman agad niya kung bakit. Bumabakat ang katawan niya sa basang damit niya at naaaninag ang hugisng kanyang mga dibdib bagaman hindi naman bakat ang mga nipples dahil may suot siyang bra. Lihim siyang napangiti. Hmm… so the indifference was all just an act. The big fraud! Hindi kaya iyon din mismo ang dahilan kaya para siyang may nakahahawang sakit kung iwasan ni Achilles? Because he was attracted to her and was trying to fight his feelings? Kung ganoon nga, kailangan niyang magpakatay ng baka. “Oo naman. Kung hindi totoo si Santa, sino angnagbigay sa akin ng watercolor set no’ng eight years old ako? Saka n’ong pinkandpurple dog house para kay Garfield no’ng nine years old ako?” paghahamon ni Madeline. Ang mga binanggit niya ay ang mga regalong natuklasan niyang si Achilles pala ang nagtiyagang magipon ng pambili o mismong gumawa. Dahil ito ang laging nauunang makaalam ng mga hinihiling niya kay Santa noon, alam na alam nito kung ano talaga ang nais niyang matanggap tuwing Pasko.Ibinibida niya kasi lagi noon kay Achilles ang pagiging good girl niya para makatanggap siya ng mga inaasam na regalo mula kay Santa Claus. Napatikhim ang binata at bahagyang namula. “Para lang sa mga bata ang mga ganoong paniniwala, Madeline. Hindi ka na bata para maniwala pa sa kalokohang iyon. Maging mabait o masama ka man, walang Santa na magbibigay ng regalo sa iyo at lalong walang mermaid fairy na puwede mong suhulan ng candies atchocolates para ibigay ang mga kahilingan mo.” Iilingiling na pumalatak siya. Kailan ka pa naging cynical, Achilles? `Di ba, ikaw pa nga ang nagsabi sa akin noon na hindi ako dapat matakot sa kulog at kidlat dahil nagbobowling lang ang mga anghel sa langit at nagpapaligsahan ang mga bituin kung sino ang pinakamakislap?”IT TOOK all of Achilles’ control not to cringe at those naïve statements he was hearing fromMadeline. Tama siya sa palagay niyang masyado pa nga itong bata kompara sa karanasan, mentalidad, at emosyonal na kakayahan niya. Bagaman iba ang isinisigaw na reaksiyon ng kanyang katawan tuwing napapalapit siya kay Madeline, hindi naman sumasabay sa advanced na pagsulong ng pisikal na anyo ng dalaga ang damdamin at pagiisip nito. Halos isang taong nawala si Madeline sa paningin niya pero nang sandaling mulingmagtama ang mga mata nila ay muntik na siyang mapamura. Sapagkat sa halip na magmaliw ang baliw na damdaming umusbong sa kanyang puso para dito ay lalo pang lumalim iyon na kinakailangan pa niya ngayong magimbento ng dahilan at paraan upang makaiwas dito. Nangangamba kasi siyang hindi na niya maitatago pa ang nadarama at mapansin na rin iyon ng ibang kasambahay nila. Hindi naniniwala si Achilles na hanggang samga sandaling iyon ay naniniwala pa rin si Madeline sa mga paniniwalang pambata, pero nasisiguro niyang hindi pa rin naman nito lubos na natatanggap na hindi totoo ang lahat ng iyon. She was still too innocent, too optimistic, and too trusting of the world’s goodness while he had probably been born jaded. Nakakatakot ang klase ng pagtitiwalang mayroon si Madeline. Masyadong malaki ang hinihinging kapalit niyon.Dahil hindi rin siya sigurado kung ang nararamdaman niya ngayon para kay Madeline ay sapat nang kasagutan sa nahuhulaan na niyang damdamin din nito para sa kanya, hindi niya maisatinig at maipakita iyon sa dalaga. Kailangan niyang patuloy na ignorahin ang pagbabago ng pagtingin nito sa kanya. Because one false step towards the wrong direction of what they were both starting to feel for each other and they would both lose their closeness.Bukod kay Ninong Tomas ay si Madeline ang isa pang tao sa buhay niya na ipapaputol muna niya ang lahat ng parte ng kanyang katawan bago ipakipagsapalarang mawala sa buhay niya. Wala siyang ibang hinayaang makapasok sa bawat sulok ng pagkatao niya kundi ang walong taong gulang na batang walang pangingiming bumuntutbuntot sa kanya sa kabila ng mga pagsusuplado niya noong una. Walang hirap nitong nakuha ang pagmamahal at pagtitiwalaniya kahit pa sinubukan niya itong paulitulit na itulak palayo. “Walong taon ka lang nang sabihin ko iyon sa iyo, Madeline. Hindi nangangahulugan na lahat ng sinabi ko sa iyo ay totoo. Kung gusto mong maiwasang masaktan, dapat mong pagaralang alamin kung kailan nagsasabi ng totoo o hindi ang isang tao,” seryosong wika niya. Sinalubong ng dalaga ang mga mata niya, pagkuwa’y sinapo ng mga kamay nito angkanyang mukha. “I know you will never lie to me, Achilles.” Ang sabi niya sa sarili ay hindi niya sasamantalahin ang damdamin ni Madeline para sa kanya. Hindi ito tulad ng ibang babaeng dumaan na sa buhay niya. She wouldn’t know how to protect herself against the hurt he would surely bring her. Kaya siya ang dapat na umiwas. Ngunit maaari ba talaga niyang magawa iyon kung ganoong bawat himaymay niya ay naguudyok sa kanyang tikman ang mapupula at tila kay tamis sa kainosentihang mga labi nito? Dahandahang bumaba ang mukha ni Achilles palapit sa naghihintay na mga labi ni Madeline. Nalalanghap niya ang shampoo at pabangong gamit ng dalaga. Natutukso ang mga kamay niyang haplusin at damhin ang makinis nitong mga pisngi. Gustong magsawa ng mga mata niya sa pagtunghay sa mga mata nito. Ngunit sa huling sandali ay umurong ang mgapagnanasang iyon nang maalala niya si Ninong Tomas. Naalala niya kung gaano kalaki ang utangnaloob niya sa kanyang ninong para sirain ang tiwala nito. Inalis niya ang mga kamay ni Madeline na nakasapo sa kanyang mukha, pagkuwa’y umatras siya para maglagay ng distansiya sa pagitan nila. “Bumalik na tayo sa villa. Baka abutan pa tayo ng dilim dito.”

 

CHAPTER THREE

“SO THAT was your rival, huh?” komento ni Angela. Tumango si Madeline. Hindi siya mapalagay sa mga paiwas na sagot ni Nanay Saleng at ni Achilles mismo tungkol kay Myra kaya nagsagawa siya ng sariling imbestigasyon sa tulong ng kaibigan niyang si Angela. Hindi maganda ang mga natuklasan nila. Nalamannilang madalas pala talagang magkita sina Achilles at Myra. Ang hula nga ng mga nakakakilala sa mga ito ay magkasintahan na ang dalawa, lamang ay hindi umaamin. “Sorry, Maddy, pero mukhang tagilid ang lagay mo. Hindi lang magandàyong girl, mukhang independent at matalino pa,” nakangiwing sabi ni Angela. Naroon sila sa bakeshop na pagaari at personal na minamanage ni Myra. Ano nga naman anglaban ng isang seventeenyearoldbarelyoutof highschool girl na tulad niya sa isang twenty fiveyearold na dalagang mayroong sariling negosyo? Balewala ang dalawang taong tanda ni Myra kay Achilles dahil matured naman na talaga para sa edad nito ang binata. Mas marami itong pagkakapareho kay Myra kaysa sa kanya. Isa pa, lamang man siya sa ganda at yaman, batid niyang hindi mahalaga ang mga iyon kay Achilles dahilhindi ito mababaw na klase ng lalaki. “Oh, Ange, ano’ng gagawin ko? I love Achilles. I don’t think I can love another man but him,” desperadang sambit ni Madeline. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa mga kamay. Marahang tinapiktapik siya nito sa balikat. Puno ng simpatya ang tinig nang magsalita. “Hindi mo pa naman tiyak kung sila na nga, `di ba? Malay mo, magkaibigan lang talaga sila?”“Pero narinig ko mula mismo kay Achilles noon na liligawan niya si Myra. Malay mo kung sila na nga ngayon? Imposibleng bastedin ni Myra si Achilles. Dapat kasi ay hindi talaga ako umalis ng rancho.” Hindi nagkomento ang kaibigan niya. Ilang sandaling umiral ang katahimikan sa pagitan nila. “Basta! Achilles is mine!” mariing pahayag niya kapagkuwan. “Maddy, hindi por que mahal mo ang isangtao, ibig sabihin ay kailangan ka ring mahalin ng taong iyon,” wika ni Angela sa tinig na may bahid ng pait at lungkot. Kagaya niya, si Angela rin ay umiibig sa isang lalaking hindi naman ito ang iniibig. Ngunit kung ang kaibigan niya ay kontento nang mahalin mula sa malayo ang lalaking iyon, siya ay hindi. Bata pa siya ay itinuro na sa kanya ng mga magulang na kung may gusto siyang makamit ay siya mismo ang dapat gumawa ngparaan para makuha iyon. Kung hihintayin daw niya iyon na malaglag sa mga kamay niya nang wala siyang ginagawa ay inaaksaya lamang niya ang mga kakayahang ipinagkaloob sa kanya. Dinadaya lamang diumano niya ang sarili dahil nagpadala siya sa karuwagan at katamaran.NAPANGIWI si Madeline nang matanaw niya si Achilles. Naabutan na naman siya nito sa Ilog Fria.Akmang magpapaliwanag siya nang makalapit ang binata pero itinaas nito ang isang kamay para patigilin siya. Tila pagod na pagod na bumuntonghininga ito, saka pasalampak na umupo sa tabi niya. “May muntik nang malunod na babae rito no’ng isang buwan. Kung hindi siya nasagip ni Mang Emong, malamang na natangay na siya ng agos ng tubig hanggang sa dagat. Hindi mo ba napansing tumaas na ang tubig sa ilog at mas malakas ang agos nito ngayon? Epektoiyon ng sunudsunod na bagyong dumating. Hindi pa nakatulong na pinagpuputol ng mga Cassidy at Raval ang mga puno sa tabingilog sa loob ng mga lupain nila,” seryosong pahayag ni Achilles. May kalakip na pait sa tono ng binata na para bang tinraidor ito ng isang matalik na kaibigan. Sa opinyon kasi nito ay hindi na kailangan pa ng Isla Fuego ng dagdag na mga establisimyento kung ang kapalit ay ang pagkaubos ng mga likas nayaman ng isla. He loved the land, the sea, the trees, and the animals that thrived on the whole island. “Kaya pala! Nagtataka nga ako dahil parang lumapit sa pampang ang tree house ko gayong ang pagkakatanda ko ay mas malayo kaysa sa ngayon iyon noon. Pero hindi mo kailangang magalala. Mahusay naman akong lumangoy. Saka kung delikado ang ilog, bakit no’ng isang araw ay nakita kitang naliligo riyan?”“Mas malakas ako kaysa sa iyo. Hindi ako bastabasta matatangay ng agos kompara sa iyo. Sa susunod, huwag ka na uling pupunta rito nang hindi ako kasama. Malinaw?” Hindi hinintay ni Achilles ang sagot niya. Humiga ito at ginawang unan ang mga braso. Binelatan ni Madeline ang binata. Nang pumihit ang ulo nito sa direksiyon niya ay dali daling tumingin siya sa langit. Tumawa si Achilles. “Nakita ko iyon. Kunghindi ka mangangakong hindi na uli pupunta rito nang nagiisa, bibilinan ko ang mga tao sa bahay na huwag kang payagang lumabas ng bahay nang walang kasama.” “All right. Hindi ako pupunta rito nang walang kasama.” Humiga rin siya sa tabi ng binata. “Good. Ituloy mo ang pagkukuwento tungkol sa bakasyon mo. Saansaan kayo nagpunta pagkagaling sa Louvre Museum?” Napabuntonghininga si Madeline. Mas gustoniyang usisain si Achilles tungkol kay Myra pero duda siya kung sasagutin siya nito. Isa pa, hindi siya puwedeng maging sobrang mausisa dahil baka kung ano ang isipin nito. Kaya sa halip na magtanong ay inisaisa niya ang lahat ng nakita at naranasan habang nasa Paris siya. Ikinuwento niya ang bawat taong nakilala at naging kaibigan niya. Nang mabanggit niya ang mga lalaking nakilala niya roon ay napansin agad niya ang biglang pagkunot ng noo ni Achilles.“May nagustuhan ka bang lalaki roon?” Muntik nang matawa si Madeline nang makita ang pagaalala at pangamba sa anyo ng binata. Duda siya kung batid ni Achilles na malinaw na nasasalamin sa mga mata nito ang mga emosyon nito. Kung alam ng binata ang tungkol doon ay tiyak na magiiwas ito ng tingin. “Wala. Imposible iyon dahil narito sa rancho ang taong gusto ko,” lakasloob na sagot niya. Noon nagiwas ng tingin si Achilles. Pero bagoiyon ay nasaksihan ni Madeline ang pagguhit ng relief sa anyo ng binata. Tinakpan ni Achilles ng isang braso ang mga mata. Hindi na uli ito nagsalita kaya namayani na naman ang katahimikan sa pagitan nila. Ilang minuto pa ang lumipas bago binalingan ni Madeline si Achilles. Pinagmasdan niya ang guwapong mukha nito. Mukhang nakatulog na ang binata. Ayon kay Nanay Saleng ay nagkasakit ang kabayo ni Achilles na si Hidalgo. Dahil isangveterinarian si Achilles, ito na mismo ang gumamot sa kabayo. Buong magdamag itong nasa kuwadra at binabantayan ang mga pagbabago sa kalagayan ng kabayo. Nangangati ang mga kamay ni Madeline na paglandasin ang mga iyon sa mga perpektong anggulo ng mukha ni Achilles. Gusto niyang haplusin ang mga gatla sa gilid ng mga mata at labi nito. Kaya naman nang lumipas ang ilang minuto at manatiling nakapikit ang binata aylakasloob na hinaplos niya ang pisngi at baba nito. “I’m still awake, Madeline,” amused na sabi ni Achilles nang hindi dumidilat. Napahiyang bigla niyang binawi ang kamay. Humiga uli siya sa tabi ng binata. Ginaya niya ito. Itinakip din niya sa mga mata ang isang braso. Kahit pagbantaan siya nitong lulunurin sa ilog, hindi siya tatayo hangga’t hindi ito nauunang umalis.Ang akala niya ay matapang siya. Ang akala niya ay kaya niyang gawin ang pilit isinisigaw ng kanyang damdamin na magtapat kay Achilles. Pero hindi pala siya ganoon katapang. Dahil habang nakapikit siya nang mariin at nakikiramdam sa ikikilos ng binata ay dumadagundong sa lakas ng kabog ang dibdib niya. Baka nga sa lakas niyon ay naririnig na nito iyon. Nang bigla siyang kabigin ni Achilles upangidantay ang kanyang ulo sa dibdib nito at pumalibot ang mga braso sa katawan niya ay daig pa niya ang ipinasok sa freezer sa paninigas. “AAchilles…” “Masyado pang maaga para sa nararamdaman mo, Madeline. Mageeighteen ka pa lang samantalang twentythree na ako. Paano ka nakasisigurong seryoso ka sa nararamdaman mo at hindi iyon infatuation lang?” His voice was so tender and gentle as if he was scared he mightshock her. “Oh, Achilles! Yyou mean you love me, too? Sa labis na katuwaan ay naitulak niya ang binata at napabangon siya upang makita nang mas mabuti ang anyo nito. Umungol si Achilles na animo frustrated. Humiga uli ito sa damuhan. Ibinuka ang mga braso at tumitig sa langit na tila mahahanap doon ang kasagutan sa tanong. Hinawakan ni Madeline sa balikat si Achilles atniyugyog. Nang hindi ito tuminag ay pinihit niya ang mukha nito paharap sa kanya. “Tell me!” utos niya. “You love me, too, don’t you? That’s the reason why you told me to go with Mom. Kasi ayaw mong aminin ang nararamdaman mo para sa akin at nahihirapan kang patuloy na itago iyon. Iyon din ang rason kaya iniiwasan mo ako mula nang bumalik ako galing Paris. You were trying to deny your feelings for me. Oh, Achilles! I love you, too. Youdon’t have to hide your feelings for me.” Pakiramdam ni Madeline ay sasabog ang dibdib niya sa magkahalong antisipasyon at kagalakan. Masuyong ikinulong ni Achilles sa mga kamay ang kanyang mukha, pagkuwa’y marahan siyang hinila palapit dito hanggang sa halos isang pulgada na lamang ang layo ng mga labi nila sa isa’t isa. Pumikit siya at hinintay ang pagdampi ng mga labi ng binata sa kanyang mga labi. Ngunit hindinangyari iyon. Sa halip ay idinikit ni Achilles ang noo nito sa kanyang noo. Then he groaned as if he was in agony. Dumilat siya. “Achilles?” “Maddy, mahalaga ka sa akin. Pero…” Natatawang idinikit niya ang kanyang ulo sa dibdib ni Achilles. May katorpehan pala itong taglay. Nauutal ito sa pagamin ng nararamdaman.“I love you, too. I love you. I love you!”malakas na sigaw niyang may kasamang tawa at mga luha. Para siyang mababaliw sa labis na katuwaan. Gusto pa sana niyang magtatalon at ipahayag sa bawat puno at ibon na nakapaligid sa kanila ang kanyang damdamin ngunit natigilan siya nang makita ang kaseryosuhan sa anyo nito. “Achilles?” biglang kinabahang sambit niya. Bumangon ito, pagkuwa’y inilahad ang kamay sa kanya para alalayan siya sa pagtayo. “Achilles, bakit?”Taliwas sa kaligayahan ni Madeline, tila namatayan ang binata base sa lungkot na mababakas sa mukha. Pero ang mas nakakuha ng atensyon niya ay ang guilt na bumadha sa mukha nito bago nagiwas ng tingin. Sa labis na kagalakan niya sa inaakalang pagtatapat ni Achilles, noon lamang niya narealize na wala naman talaga itong sinabing kahit ano na tumutukoy sa damdamin nito para sa kanya. Kung tutuusin, ang sinabi nito ay maspagkuwestiyon sa damdamin niya kaysa sa pag amin ng sariling damdamin. Ibig sabihin lamang niyon ay matagal nang nahulaan ni Achilles ang tungkol sa nararamdaman niya para dito. Kaya ingat na ingat si Achilles na niyakap pa siya ay dahil batid ng binata na masasaktan siya oras na sabihin nitong nagkamali siya ng intindi sa sinabi nito. Kinagat niya nang mariin ang ibabang labi bago sinalubong ang mga mata ni Achilles.Magkahalong sakit at pagkapahiya ang nadarama niya. “You’re my best friend, Maddy. The only friend I trust without reservation. Alam mong mahal kita, `di ba? Pero…” Hindi siya sanay na makitang tuliro si Achilles at walang maapuhap sabihin dahil sa pangambang masasaktan nito ang damdamin niya. “Maddy, may girlfriend na ako. Si Myra, iyongbabaeng nabanggit ko sa iyo bago ka umalis ng rancho.” Bumuntonghininga ito, mababakas sa mukha ang pagkaasiwa at pakikisimpatya sa sakit na hindi niya kayang ikubli. “Maddy, I’m sorry. Ang akala ko, kapag nakakita ka ng ibang kaedad mo pagalis mo rito at paglayo mo sa akin ay makakalimutan mo na ang infatuation mo sa akin. Pero nakita kong walang nagbago nang araw na dumating ka uli rito sa rancho. Naisip kong iwasan ka sa pagasang ibabaling mo sa iba ang atensiyon mo. Pero mukhang hindi nangyayari iyon. Hindi ko man gustong saktan ka o paasahin, kailangan kong buksan ang usaping ito,” wika ni Achilles sa mababang tono na ginagamit nito kapag may pinapakalma itong nagwawalang kabayo at baka. Isa ba siyang mabangis na hayop na nagiipon lamang muna ng lakas bago magwala kaya sinisikap nitong pakalmahin siya? “Yyoure lying, ani Madeline sa garalgal natinig. “Plano ko nang ipakilala si Myra nang pormal sa inyo ni Ninong. Nagbabalak na akong alukin siya ng kasal. Hindi ko gustong biglain ka sa pagdating niya rito sa Linggo ng gabi para makasalo natin siya sa hapunan. Nasabi ko na rin kay Ninong ang tungkol sa kanya.” Sinalubong niya nang diretso ang mga mata ni Achilles. Saglit lang nitong natagalan ang pakikipagtitigan sa kanya at nagiwas agad ngtingin. Pero bago iyon ay nakita na niya ang pagdaan ng pamilyar na emosyon sa mga mata ng binata—mga emosyong nakikita niya sa salamin tuwing naiisip niya ito. “Liar! You love me, too!” mariing wika niya. Hindi siya maaaring magkamali, iyon ang emosyong dumaan sa mga mata ni Achilles habang nakatunghay sa kanya, lamang ay mabilis nitong naikubli iyon. “And I’m going to prove it to you, Achilles!”“Listen to yourself, Madeline. Iyan ba ang akto ng isang matured nang tao? Sa tingin mo ba ay makukumbinsi mo akong seryoso ka sa nararamdaman mo sa akin gayong para ka lang may nagustuhang bag sa mall na itinuro mo at gustong bilhin? Seventeen ka pa lang, Madeline. Masyado ka pang bata para isiping totoong pag ibig iyang nararamdaman mo.” “Ikaw ba ang nakakaramdam ng nararamdaman ko para masabi mong hindi itototoo? I love you! I’ve loved you since I was fifteen!” “Madeline…” Hindi na niya pinakinggan si Achilles. Mabilis na tinalikuran niya ito at tumakbo siya palayo. She wouldn’t listen to him. He was lying. She saw it in his eyes. Ang hindi lang niya alam ay kung bakit kailangang gawin iyon ni Achilles gayong inamin na niyang mahal din niya ito.

 

CHAPTER FOUR

LIHIM na napangiti si Madeline nang makita mula sa sulok ng kanyang mga mata ang reaksiyon ni Achilles nang masilayan siya nitong pababa ng hagdan. Suot niya ang evening dress na binili nila ni Angela sa Fire Mall nang nagdaang araw. Hindi nila ugaling magdamit nang pormal tuwing hapunan maliban na lamang kung may bisita. Kaya naman natitiyak niyanghindi magtataka ang mga kasambahay kung sakaling bumaba man siya suot ang mint green offshouldered silk gown.“You look beautiful, princess. Dalagangdalaga ka na nga. I wish your mother could see you right now. You look so much like her when she was younger,” puri ng daddy niya nang salubungin siya sa paanan ng hagdan at ilahad ang braso nito upang magkaagapay silang pumunta sa dining room.“Thanks, Dad,” nakangiting sabi niya. Nilingon niya si Achilles. Base sa hitsura ng binata, parang nakalimutan nito ang babaeng nakaabrisete rito. Hindi iyon ang unang pagkakataong nakita siya ni Achilles na nakabestida o nagapply ng makeup pero iyon ang unang pagkakataong nakita siya nitong suot ang isang damit na nagpapakita ng hubog ng katawan niyang binago na ng panahon. Tonight, she didn’t look like a little girl at all but a fully grown woman. “Hi! Myra, right?” bati ni Madeline sa babaeng curious na nakatunghay sa kanya. Inilahad niya ang kamay para makipagkamay rito. Kung mukha lang sana itong salbahe ay mas pabor sa kanya. Ang kaso, mukhang mabait ang babae, lalo na nang gumanti ng matamis na ngiti. “I’m Madeline. It’s nice to meet you.” Hindi nagsalita si Achilles habang nakikipag kilala si Madeline kay Myra ngunit ang mga matang binata na nagtatanong sa kanya ay sapat na upang maipaalam sa kanya ang pagtataka nito sa ikinikilos niya. Nang nagdaang araw lamang ay pilit pa rin niyang pinapaamin si Achilles na isang palabas lamang ang relasyon nito kay Myra para pagtakpan ang sariling damdamin para sa kanya na ayaw nitong aminin. Kaya marahil ay nagtataka si Achilles ngayon sa magandang pakikitungo niya sa nobya nito. Baka nga kinakabahan pa ang binata at iniisip ang mgamaaari niyang gawin para guluhin ang relasyon nito at ni Myra. Sa harap ng hapagkainan ay si Madeline ang perpektong hostess. Panay ang kuwento niya kay Myra ng mga nakakaaliw na anecdotes tungkol kay Achilles noong batabata pa ito. Napansin niyang tila hindi mapakali si Achilles. Ilang beses nitong tinangkang magsimula ng usapan pero sa tuwina ay inuunahan niya ang binata. Nangangamba kasi siyang sasabihin na niAchilles sa daddy niya ang tungkol sa pagbabalak nito at ni Myra na magpakasal. She couldn’t let him do that. Not until she had her chance in making him see he was doing the wrong thing. Habang kumakain ay inobserbahan ni Madeline ang pakikitungo ni Achilles kay Myra. Iyon nga lang, kagaya ni Achilles ay mukhang hindi rin showy si Myra pagdating sa damdamin. Mistula itong female version ni Achilles. Ito ba talaga ang klase ng babaeng gusto ni Achilles,someone who wouldn’t make his head ache with her endless mischiefs and misadventures? Someone who didn’t know how to laugh spontaneously, act impulsively, and be silly? Animo may kumurot sa isang sulok ng puso ni Madeline habang pinagmamasdan ang magkasintahan sa tahimik na paguusap. Tahimik dahil tila mga mata lamang ng dalawa ang nag uusap at hindi na kailangan pa ng mga salita para maunawaan ng isa’t isa ang sinasabi ng isa.Pagkatapos ng hapunan ay nagpaalam na agad si Achilles na ihahatid pauwi si Myra. Aalis si Myra nang gabing iyon patungong Davao. May dadaluhan itong seminar doon. “Dad, did you regret marrying Mom because she was too different from you?” tanong ni Madeline habang sinusundan ng tingin ang papalayong kotseng sinakyan nina Achilles at Myra. Nakatayo siya sa tapat ng bintana kung saan tanaw niya iyon.Bumuntonghininga ang daddy niya bago sumagot. “Anak, magkaiba kami ng mommy mo sa inyo ni Achilles.” Gulat na napalingon siya sa ama. Hindi siya makapaniwala na agad nitong nahulaan ang tunay na laman ng tanong niya. Nginitian siya ng daddy niya. Lumapit ito sa kanya at pinisil ang kamay niyang nakapatong sa hamba ng bintana. “I’m your father, Madeline. Matagal ko nangalam ang tungkol sa damdamin mo para kay Achilles. Ang totoo niyan, noong fifteen years old ka ay kinausap ko siya. Binalaan ko siyang huwag samantalahin ang nararamdaman mo para sa kanya. Kung hindi rin lang niya kayang maipangako sa akin na mamahalin ka niya nang higit pa sa pagmamahal niya sa akin bilang tumayong ama niya o sa rancho na tanging naging tahanan niya, siya nàkako ang umiwas sa iyo.”Nahigit ni Madeline ang hininga. Inaabangan niya ang susunod na sasabihin ng ama. “And you know what he said? Kaya niyang mawalan ng ama, ng tahanan, at kahit ng pangalan pero hindi ng kaluluwa na siyang turing niya sa iyo, Maddy. He was a very bitter, angry, and lonely boy when he first came here. Seryoso siya at hindi nakikipagusap kahit kanino. Mas gusto niyang nagiisa siya. But when he met you when you were six, you taught him how to laughagain, how to smile, and how to be a young boy again. He loves you, Maddy. You’re probably the only one he loves with no reservations.” Nakagat niya ang ibabang labi. Tumanaw siya sa labas ng bintana ngunit hindi naman niya masabi kung ano mismo ang tinitingnan niya roon. “But he’s with Myra now, Dad. And she seems like a very nice woman. Sa isip ni Achilles ay masyado pa akong bata para seryosuhin niya ang nararamdaman ko para sa kanya.”“I certainly hope so, princess brat. Dahil kung iisipin niyang puwede ka na niyang seryosuhin, ako ang unang makakalaban niya. Boto man ako sa kanya para maging manugang ko pagdating ng tamang panahon, hindi ibig sabihin niyon na kukunsintihin ko sakaling gumawa siya sa iyo ng hakbang na hindi ko magugustuhan.” “Dad!” “You are still seventeen, Maddy. You’re too young for him and he is a normal male with ahm,well, needs that… that…” Biglang namula ang mukha ng kanyang ama. Nahulaan na niya kung ano ang nais nitong tukuyin. “Dad, alam ko na ang tungkol sa birds and bees at kung paano gumawa ng baby.” “Well, anyway, that. You are way, way too young for that. Lalaki si Achilles. Hindi madali para sa kanya, lalo na sa nasa edad niya, ang umiwas sa tukso. Natural lamang ang pakikipagrelasyon niya kina Myra at sa mganauna pa niyang naging nobya habang hinihintay ka niyang tumuntong sa tamang edad.” Mulagat na napatitig si Madeline sa ama. “Dad! That’s just so sick! Are you telling me that even though he loves me, he can still go to bed with other women just to satisfy his needs?” Napangiwi at napakamot ito sa ulo. Bumadha ang pagkaasiwa sa anyo at ang pagsisising nabuksanbuksan pa nito ang paksang iyon. Naging determinado naman si Madeline. Hindisiya makapapayag na ipagpatuloy ni Achilles ang ginagawa nito kung totoo man nga ang sinabi ng daddy niya. He’s mine! sigaw ng puso niya. Maaaring masyado pa nga siyang bubot para pansinin ni Achilles, ngunit hindi iyon nangangahulugan na puwede itong magpakasawa sa mga bisig ng ibang babae gayong siya ang laman ng puso nito.AKMANG aakyat na si Achilles sa hagdan nangbigla siyang gulatin ng tinig ni Madeline na nagmumula sa madilim na parte ng sala. Ang akala niya ay tulog na ang lahat ng kasambahay ngunit dapat ay inasahan na niyang hindi basta palalampasin ni Madeline ang gabing iyon nang hindi siya kinakausap. Huminga siya nang malalim bago naglakad patungo sa kinaroroonan ng dalaga. “Gabi na, Maddy. Bakit gising ka pa?” Taliwas sa panatag at kalmadong boses niya ang bilis ng tibok ngkanyang puso, lalo na nang makasalubong niya ang nangaakusang tingin nito.Wala silang relasyon. Hindi si Madeline ang nobya niya pero bakit pakiramdam niya ay pinagtaksilan niya ito nang ihatid niya pauwi si Myra? Madeline was even the reason why Myra got angry with him before he left her a couple of hours ago. Nang tangkain kasi ni Myra na hagkan siya at anyayahan sa loob ng bahay nito kanina ay tumanggi siya at nagdahilan na marami pangkailangang gawin sa rancho. Ni hindi man lang siya naturn on kay Myra, bagay na napansin nito at ikinagalit. Inakusahan pa siyang nanlalamig na rito at nagsasawa. Hindi kasi iyon ang unang pagkakataong nangyari iyon. In fact, mula nang dumating si Madeline ay hindi na uli siya sumiping kay Myra.May isang maliit na boses kasi na humihiyaw sa tainga niya na isang kalapastanganan ang sumiping siya sa ibang babae gayong nagbalik naang dalagitang pilit niyang inaalis sa loob ng kanyang puso. Ang naturang dalagita na hindi niya maaaring mahalin dahil sa napakaraming balakid sa pagitan nila. Perhaps if she was older, may pagasa pa ang nararamdaman niya para dito. Ngunit bukod sa hadlang ang edad nito sa pagitan nila, malaking balakid din ang respeto niya sa daddy nito at ang kawalan niya ng kasiguruhan sa maaaring itagal ng damdamin niya para dito. He was twentythree years old andyet he had never fallen in love with any woman. Ang lahat ng nagdaang relasyon niya ay dala lamang ng mutual understanding nila at ng magkaparehong mga pangangailangan. Kaya paano niya itataya ang halos dalawang dekadang pagtitiwala at pagmamahal ng lalaking itinuturing na niyang ama sa isang relasyong maaaring hindi makabuti at masaktan lamang ang prinsesa nito? “I was waiting for you. Hindi aabutin nangthirty minutes ang biyahe hanggang Paseo Fernando, Achilles. What took you so long?” magkasalubong ang mga kilay na tanong ni Madeline. Namaywang ito at tumiyad sa pag asang magpapantay ang kanilang mga mukha. Pero sa kabila ng effort ng dalaga ay hanggang ilong lang din niya ang abot ng tuktok ng ulo nito. Mukha itong kuting na hinahamon ang tigreng kaharap. The urge to kiss her pouting red lips was strong. Nagiwas siya ng tingin. Hindi niyamagawang salubungin ang nagaakusang titig nito na animo isa siyang nagtataksil na nobyo. Nasa dulo na ng dila ni Achilles ang pasikmat na pagsagot kay Madeline na wala itong pakialam kung natagalan man siya sa pagbalik, pero pinigilan siya ng hinanakit na rumehistro sa mga mata nito. Alam niyang dapat niyang samantalahin ang pagkakataong iyon upang ipaunawa sa dalaga na dapat na nitong kalimutan ang anumangnararamdaman para sa kanya. Na mas dapat nitong itutok ang pansin sa mga lalaking kaedad nito, sa pagaaral, at isantabi na ang infatuation sa kanya. Batid niyang isang pahayag ang katumbas ng pagsusuot ni Madeline ng damit na nagpapakita ng hubog ng katawan. Batid din niyang nanganganib na ibuko siya ng sariling damdamin kung hindi niya ito makukumbinsing seryoso siya kay Myra. Kanina nga lang nang makita niyangpababa ng hagdan si Madeline ay halos hindi siya makahinga sa labis na paghanga sa kagandahan nito. Any man would be ecstatic to know that she admired him and was greatly attracted to him. Ngunit kung siya sa sarili ay hindi sigurado sa nararamdaman para kay Madeline, mas hindi siya sigurado sa nararamdaman nito para sa kanya. Masyado pang bata si Madeline at marami pang makikilalang ibang lalaki na mas malapit angedad dito—mga binatang kapareho nito ng estado sa lipunan at hindi isang ulilang tulad niya na dahil lamang sa pagkakawanggawa ng ninong kaya nagkaroon ng pamilya at tahanan. Kung kaya mas mabuting itutok na nga lamang niya ang oras at panahon sa mga katulad ni Myra. Walang komplikasyon ang relasyon nila. Walang expectation sa isa’t isa. Malinaw nilang nauunawaang oras na nais nang kumalas ng isa sa kanila ay malaya nilang magagawa iyon nanghindi inaalala kung masasaktan ang isa. Magkasama sila dahil magkaibigan sila at maraming magkaparehong interes, pero hindi nila mahal ang isa’t isa. Bagaman alam ni Achilles na hindi na lalagpas pa sa kama ang maaaring maging relasyon nila, mas mabuti na iyon kaysa piliin niyang saktan ang sarili at ang taong kumupkop sa kanya, bagay na natitiyak niyang mangyayari kung susundin niya ang iniuudyok ng munting tinig sa kanyangisip na hayaang mahalin ng puso niya si Madeline. “Achilles, do you really love her?” tanong ni Madeline. Namumungay ang mga mata nito at tila mabuway ang pagkakatayo sa tabi ng grand piano na minana pa ni Ninong Tomas mula sa lola. Noon niya napansin ang kopitang nakapatong sa grand piano. “Uminom ka?” pabulalas na tanong niya.“Madeline, ano ba’ng ginagawa mo? Nababaliw ka na ba?” Ngalingaling yugyugin niya ito para tumimo sa isip nito ang kalokohang ginawa. “Achilles, just answer me! Do you really love her?”

 

CHAPTER FIVE

KABADONG hinintay ni Madeline ang sagot ni Achilles. Mababakas pa rin sa mukha nito ang galit sa natuklasang paginom niya ng alak. Isang baso lang naman ng paboritong brandy ng daddy niya ang kanyang ininom. Pampalakasloob lang habang hinihintay niya ang paguwi ni Achilles. Pampamanhid din sa sakit na dulot ng mga nalikhang eksena sa kanyang isip na maaaringdahilan kung bakit hindi agad nakabalik ang binata. Images of him kissing and holding Myra in his arms were enough to make her want to tear her heart out just to stop it from aching. “Of course, I love her. Kaya nga ipinakilala ko na siya sa inyo, hindi ba?” sagot ni Achilles pero sa tonong kulang sa kombiksiyon. Ni hindi rin siya nito matingnan nang tuwid sa mga mata. Sa halip ay sa mga labi niya ito nakatingin. Para sa kanya ay patunay iyon nanagsisinungaling si Achilles. Wala siyang eksaktong plano kung paano mapapaamin ang binata na mahal siya nito at panakipbutas lamang nito si Myra. Subalit nang makita niyang nakatingin si Achilles sa mga labi niya ay bigla siyang nagkaideya. Tulak ng pekeng lakas ng loob na dulot ng ininom na alak, ikinawit niya ang mga kamay sa batok ng binata at hinila pababa ang ulo nito upang masalubong ang naghihintay niyang mga labi. Hindi siya marunong humalikngunit hindi na niya kailangan pa ang kaalaman dahil kusang kumilos ang mga labi ni Achilles upang kontrolin ang halik.Sa umpisa ay dumampi lamang ang mga labi ni Achilles. Tila ba hindi nito napigilan ang sariling tikman ang tentasyong kusang inialay. Ang padampidamping halik ay untiunting naging mapusok at lumalim. Animo milyunmilyong langgam ang gumagapang sa katawan ni Madeline dahil sa marahang pagkagatkagat ngbinata sa mga labi niya na agad sinusundan ng panunuyo ng mga labi nito. Nang kapusin sila ng hininga ay saglit na pinakawalan ni Achilles ang mga labi niya. Isang malaking pagkakamali iyon dahil bigla rin itong natauhan nang magtama ang kanilang mga mata. Kung alam lamang niyang magiging ganoon ang reaksiyon ni Achilles, sana ay hinayaan na lamang niyang kusa siyang mawalan ng malay sa mga bisig nito dahil sa kakapusan ng hininga. Masmabuti na iyon kaysa sa nakikita niyang pagkahindik sa mga mata nito.“Achilles…” “I’m sorry. I’m sorry, Madeline. Hindi ko sinasadya,” iilingiling na wika nito, mababakas sa mukha ang pagsisisi. “I was the one who initiated the kiss kaya wala kang dapat ihingi ng sorry,” paalala niya. Tinangka niyang hawakan sa braso ang binata ngunit animo nakakapaso ang kamay niya namaagap na iniwasan nito. “Achilles?” Kung may pagsusumamo man sa tono niya, wala siyang pakialam. Hindi niya gusto ang nakikitang guilt sa mukha ng binata habang nakatingin sa kanya. Pakiramdam niya ay other woman siya na binabalak nang iwan at hiwalayan ng lalaking mas mahal ang tunay na kasintahan. “That kiss shouldn’t have happened. I’m sorry. I never wanted to hurt you. Isa kang napakagandang babae pero masyado ka pangbata para seryosuhin ang pagkakaroon ng nobyo. Itutok mo na lang muna ang atensiyon mo sa pag aaral mo. Kalimutan mo ako. Bukasmakalawa, makikita mo, pagtatawanan mo lang ang lahat ng ito.” Seryoso ang tinig ni Achilles ngunit may kutob si Madeline na labag sa loob nito ang mga binitiwang salita. Could it be because of the way he looked at her? Ang titig ni Achilles ay iyong klase na tila nais memoryahin sa isip ang bawatbahagi ng kanyang mukha upang kahit wala siya sa harap nito ay makikita nito ang imahe niya. Or perhaps it was because of the way his hands were clutching her shoulders. Base sa higpit ng pagkakahawak sa kanya ay para bang ayaw na siyang bitiwan ng binata at hayaang makalayo.“You’re wrong, Achilles. I love you. Kahit ilang bukas pa ang dumating, hindi magbabago ang damdamin ko para sa iyo. Pakiusap lang, huwagka nang maghanap pa ng ibang Myra habang hinihintay ko ang tamang panahon para patunayan ang damdamin ko sa iyo. I’ll grow up fast. Just be patient and wait for me, please?” pakiusap niya. “I’m not going to ask you to make me your girl. I won’t even expect you to act like a boyfriend to me or admit your feelings for me. Ang tanging hinihiling ko lang sa iyo ay bigyan mo ako ng panahon. Hintayin mo ako, kahit dalawang taon lang. Pangako, hindi na akogagawa ng anumang bagay na ikasasakit ng ulo mo o ni Daddy at pagbubutihin ko ang pagaaral ko.” Dahil kung ang edad lamang at ang maturity niya ang problemang nakikita ni Achilles, kaya niyang bilisan ang pagmamature upang makasabay siya rito. At kung ang tanging paraan para mapaniwala niya ang binata na mahal niya ito ay ang huwag ipilit dito na magsimula sila ng relasyon ngayon, makakaya niyang tiisin iyon. Lamang, sana ay huwag patuloy na ibandera niAchilles sa harap niya ang ibang babaeng nagkakainteres din dito. Hindi tumugon si Achilles. Ngunit hindi pagsangayon ang katumbas niyon sa pananaw ni Madeline. Nananatili kasing malungkot at tila may kalakip na awa sa mga mata ng binata habang nakatingin sa kanya. Hindi niya kayang tanggapin ang awa ni Achilles. Nagpasya siyang iwan na ang binata. Umaasa siyang tatawagin siya nito. Ngunithanggang sa makarating siya sa kanyang kuwarto ay hindi man lang siya nito tinawag para pigilan.MALALAKI ang hakbang na sumugod si Madeline sa kuwadra pagkatapos hindi sinasadyang marinig ang paguusap nina Nanay Saleng at Ipe, ang driver ng daddy niya. Naglalasing daw magisa si Achilles sa kuwadra ng mga kabayo at ayaw paawat. Kanina pa raw iyon ginagawa ng binata dahil nagaway ito at siMyra nang puntahan ito ng babae sa rancho at kausapin. Hindi ugali ni Achilles na uminom ng alak. Isa iyong bisyo na hindi nito nakahiligan o ginusto kailanman. Mabilis kasi itong malasing. Dalawang bote lamang ng beer ay madaldal na si Achilles. Kaya naman ang kaalamang kanina pa ito umiinom dahil lamang inaway ito ni Myra ay agad na nagpakulo sa kanyang dugo. Saglit niyang isinantabi ang hinanakit at hiyang dinanas kay Achilles. Ihihinto niya muna angmagdadalawang linggong pangisnub at pag iwas dito. Hindi niya papayagang maglasing ang binata at abusuhin ang katawan kahit ano pang tampo o galit niya rito. Naabutan ni Madeline si Achilles na nakaupo sa isang mababang silya sa labas ng kuwadra ng kabayo niyang si Nix habang sa isang kamay ay may hawak itong bote ng beer. Namumula na ang mukha ng binata. Masyado na ring mabagal ang kilos ng kamay nito tuwing itataas ang hawak nabote ng beer para uminom doon. Idagdag pa ang limang basyo na nakatumba sa paanan nito. Mga pruweba ang mga iyon na tama nga ang sinabi ni Ipe. Lasing na nga si Achilles. “Achilles! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Nakakalimang bote ka na ng beer. Itigil mo nàyan.” Lumapit siya at inagaw ang bote ng beer sa kamay nito. Mabuway na tumayo ang binata. Ipinatong nito ang mga kamay sa mga balikat niya. Ipinulupotniya ang mga braso sa baywang nito para hindi ito bumagsak. Idinikit ni Achilles ang noo nito sa kanyang noo. “Kailangan kong uminom, Maddy. Alam mo ba kung bakit, ha? Kasi ikakasal na ako. Congratulate me, Maddy na mahal ko. Magiging tatay na raw ako, sabi ni Myra.”Nagimbal siya sa sinabi ni Achilles. Napatitig siya sa mga mata nito, pilit na hinahanap doon ang senyales na salitang lasing lamang iyon. Perokapaitan, resignation, at lungkot ang nabasa niya sa mga mata ng binata. “No. Achilles, tell me you’re just joking. Hindi magandang biro iyan.” Tumawa ito nang pagak. “Bakit kasi huli kang ipinanganak? At bakit si Ninong Tomas pa ang daddy mo? Hah! May isa pang nakakatawa, alam mo? Nakausap ko si Job kahapon bago ako kinausap ni Myra. Ang sabi niya, kaming dalawa raw ang daddy ng baby ni Myra. Nakakatawa, `di ba? Hindi naman iyon itinanggi ni Myra. Ang sabiniya, hindi siya sigurado kung sino talaga sa amin ni Job ang daddy ng baby niya. Ayaw raw siyang seryosuhin ni Job kaya nakiusap siya sa akin na ako na lang ang managot sa kanya.”Hindi malaman ni Madeline kung ano ang iisipin dahil sa mga sumunod na rebelasyon ni Achilles. Naguguluhan siya kung ano ang uunahin: Ang sakit na dulot ng posibilidad na dinadala ni Myra ang anak ni Achilles at kinakailangan nitong pakasalan ang babae o angindignasyon sa nalamang kataksilan ng babae kay Achilles at pinsan pa nito ang karibal nito. “Achilles!” bulalas niya nang tuluyan nang mapunta sa kanya ang bigat nito. Nawalan siya ng balanse at natumba. Mabuti na lamang at sa medyo makapal na dayami siya bumagsak dahil kung hindi ay malamang na nabali ang buto niya sa likod. Niyugyog niya ang balikat ng binatang nakapatong sa kanya ngunit ang tanging sagot nanakuha niya mula rito ay malakas na hilik. “Oh, Achilles! What are we going to do now?” naitanong ni Madeline habang hinahaplushaplos ang likod nito. Mabigat ang binata dahil ang lahat ng bigat nito ay nasa kanya. Pero balewala iyon sa kanya. Masaya siyang kahit sa pagkakataon man lang na iyon ay malaya siyang mayakap ito. Habang yakapyakap si Achilles ay nagiisip siya ng posibleng solusyon sa problema nila. Problema na rin kasi niya ang problema nitong iyon. Kunghindi niya ito matutulungang lutasin iyon, malamang na panoorin niya itong hinihintay sa altar si Myra. Hindi niya iyon makakaya. She didn’t know how long she and Achilles were in that position. Hindi niya namalayang nakatulog na rin pala siya. Magdamag din kasi siyang kulang sa tulog dahil sa kakaisip sa binata. Nalaman na lamang niyang nakatulog siya nang magising siya sa maiinit na halik na kumikiliti sa leeg niya at bumubuhay sa kanyang mga ugat.“Ang bangubango mo, Maddy. Kapag nakapikit ako at naaamoy ko ang mga bulaklak sa hardin, parang katabi lang kita,” anas ni Achilles sa tapat ng tainga niya bago nito muling isinubsob ang mukha sa gilid ng kanyang leeg upang ipagpatuloy ang pagpapak sa sensitibong balat niya roon. Sa bawat hagod ng mga labi at dila ng binata ay kusang umaarko ang kanyang katawan palapit dito.“Achilles! Madeline!” Dumagundong sa buong kuwadra ang galit na galit na tinig ng daddy niya. Mistulang may inihagis na granada sa pagitan nila na napaigkas sina Madeline at Achilles patayo at palayo sa isa’t isa. Hindik na napalingon sila sa direksiyon ng pinto kung saan hindi lamang ang pigura ng daddy niya ang nakatayo kundi maging si Myra. “Malandi! Mangaagaw! sigaw ni Myra na humakbang pa palapit kay Madeline. Masakit satainga ang mga murang lumabas sa bibig nito patungkol sa kanya at sa mga ninuno niya. Kahit si Achilles ay halatang nabigla sa iniaakto ng babae. Pero bago maabot ng matutulis na kuko ni Myra si Madeline ay humarang sa pagitan nila si Achilles. “Sinasabi ko na nga ba! Ang babaeng iyan talaga ang gusto mo! Akala mo ba, makikita mo ang anak mo sa akin? Manigas ka, Achilles! Magsama kayo ng babaeng iyan pero ni dulo ngbuhok ng anak ko ay hindi mo makikita!”“Sigurado ka bang anak niya ang dinadala mo, Myra?” lakasloob na tanong ni Madeline. Napakalayo nito sa babaeng nakilala niya nang maghapunan ito kasama nila. Ang babaeng iyon ay poised na poised pero ngayon, kulang na lamang ay maglupasay sa sahig sa pagwawala.“Aba’t—” “Dahil ako, siguradong anak niya ang dinadalako!” matatag na anunsiyo ni Madeline. Para bigyangdiin ang pahayag ay ipinatong pa niya ang kamay sa kanyang tiyan. Ngunit hindi niya masalubong ang gimbal na tingin ng kapwa napasinghap sa gulat na ama at katabing binata. “At nakasisiguro din siya kaya nga napagkasunduan na naming magpakasal. Kung mapapatunayan mong anak nga niya ang dinadala mo, susuportahan niya ito pero kung kay Job iyan, si Job ang dapat mong pilitingsumuporta riyan!” “Madeline! Achilles! Sumunod kayo sa akin! Sa bahay natin pagusapan ito! utos ng daddy niya, namumula sa galit ang mukha.Nang tingnan ni Madeline si Achilles ay nakita niyang kay Myra ito nakatingin. Masakit makita ang pagaalala sa anyo ng binata. Tinangka nitong lumapit sa babae ngunit pinukol ito ni Myra ng matalim na tingin. “Huwag kang lalapit sa akin! I should’veknown you’d choose her. Siya nga naman ang tagapagmana ng lahat ng ito!” mapaklang wika ni Myra na iminuwestra ng kamay ang paligid. “What better way to ensure all this would someday be yours than marrying its heiress.” “Myra, ang bata—” “Ay hindi mo anak. In fact, walang bata. Gawa gawa ko lang ang lahat para mapilitan kang alukin ako ng kasal. Alam ko namang hindi ka seryoso sa akin at ginagamit mo lang akongpanakipbutas pero umasa akong kapag kasal na tayo ay mamahalin mo na rin ako.” Ngumiti nang mapakla si Myra. Tumingin ito kay Madeline at pinukol siya ng matalim na tingin, pagkuwa’y bumaling uli kay Achilles. “Pero ang gagong si Job, inakalang totoo ngang buntis ako at inakala niyang sa kanya iyon. Gusto niya akong pakasalan pero ikaw ang gusto ko. Ang tanga ko, `di ba? Tinanggihan ko ang isang heredero para sa isang sampid lang sa rancho na ito. At oo, mayrelasyon nga ako sa kanya habang tayo pa. Eh, ano naman? Malinaw naman ang usapan natin, `di ba? Hanggang kama lang tayo kaya hindi ako nagiguilty, matigas pa ring pahayag nito bago walang lingonlikod na iniwan na sila. Kumuyom nang mahigpit ang mga kamay ni Achilles, naniningkit ang mga mata habang sinusundan ng tingin ang papalayong babae. Akmang hahakbang ang binata para sundan iyon ngunit pinigilan ito ng mataginting na boses ngdaddy ni Madeline. Noon lamang napansin ni Madeline na hindi pa pala nakakaalis ang kanyang ama. “Achilles! Gusto kitang makausap!”EVERYTHING inside Madeline seemed frozen. Pangatlong beses nang inulit ng kanyang ama ang tanong kung totoong may nangyari na sa kanila ni Achilles. Magisa lamang siyang nakaupo sa harap ng mesa sa study dahil si Achilles aynakahalukipkip na nakatayo sa tapat ng bintana. Pero bagaman tatlong dipa ang layo ng binata sa kanya, animo katabi lang din niya ito dahil ramdam niya ang mainit na titig nito na magmula pa kanina ay nakatutok na sa kanyang mukha. “Yyes, Dad. Mmay nangyari na po…” Hindi niya maituloy ang hinahabing kasinungalingan. Bigla kasing dumiretso ng tayo si Achilles. Kahit hindi niya ito tingnan, batid niyang mababakas sa mukha nito ang labis na pagkagulantang.Ngayong wala nang problema pa ng pamimikot mula kay Myra, maaari na niyang aminin ang totoo sa daddy niya. Iyon marahil ang inaasahan ni Achilles na gagawin niya kaya mas pinili nitong manahimik. Subalit sa isip niya, kung gagawin niya iyon ay malamang na makipagbalikan uli si Achilles kay Myra. She saw that intent in his eyes. There was forgiveness and understanding in his eyes while he stared at the other woman. And she couldn’t,she just couldn’t let him go back to that woman. Mabuti sana kung naging tapat man lang dito ang babae. Pero anong klase ng pagmamahal ang tinutukoy ni Myra gayong pinagtaksilan nito ang binata? Siya, kahit sino pa ang iharap sa kanya, tanging si Achilles lamang ang pipiliin niya. Hindi ba mas karapatdapat na siya ang mahalin nito?

 

CHAPTER SIX

Five years later…NARINIG ni Madeline ang pagsinghap ng nakabungguan niya. Marahil ay iniisip nitong tamad siya dahil hindi siya yumuko para damputin ang handbag na nabitiwan niya. Wala siyang dalang bagahe tulad ng ibang mga pasaherong naroon sa arrival area kaya malamangna iniisip nitong susundo lang din siya. Ang hindi nito alam, sadya siyang iniwan ng walang konsiyensiyang sundo niya. “I’m sorry. And thank you,” malamyos ang tinig na pasasalamat ni Madeline sa babae. Nginitian niya ito. “It’s all right, Miss. You’re welcome. Is this your first time in the Philippines? I can help you find a taxi to take you wherever you want to go.” Natawa siya. “Actually, Miss, kailangan ko angtulong mo papunta sa phone booth. I don’t have my cell phone with me. Nakalimutan na yata ako ng kasama ko at iniwan ako,” pabirong sabi niya pero sa likod niyon ay naroon ang pagkabahala at pagaalala. Napasinghap ang babae. Malamang na na realize na nitong bulag siya. “Oh! Of course!” Hinawakan nito ang kamay niya. “I’ll take it from here. Thank you,” narinig niMadeline na sabi ni Achilles. “Ahm, Miss, kilala mo ba siya?” tanong ng babae.“Oo. Siya ang kasama ko. Thank you, ha?” “You’re welcome.” Napaangat ang ulo ni Madeline sa narinig na pagak na tawang nagmula kay Achilles habang papalayo sila sa mabait na babaeng nagalok ng tulong sa kanya. “You seem to pick up bleeding hearts whereveryou go. Pupusta akong minememorya ng flight attendant na iyon ang hitsura ko para isuplong sa mga pulis sakaling may mabalitaan siyang babaeng natagpuang palutanglutang sa ilog, patuyang sabi ni Achilles. “Then you should make sure you don’t lose me again so she wouldn’t have to go to the police,” kalmadong wika niya. Kung hindi lang niya kailangang kumapit sa braso ni Achilles upang malaman kung saan siyadapat magtungo ay bibitiwan na uli niya ito. Subalit nadala na siya sa ginawang pagrerebelde kanina nang mawala siya sa gitna ng maraming tao sa arrival area. Tumagal lamang iyon nang ilang minuto pero parang isang taon ang katumbas niyon. Ngayon higit kailanman pinagsisisihan ni Madeline ang desisyong sumama kay Achilles pauwi sa Pilipinas. Dahil natitiyak niyang hindi ito magiging sensitibo sa anumang bagay na maykaugnayan sa kasalukuyang sitwasyon niya. Subalit wala rin siyang mapagpipilian kung mananatili siya sa New York. Hindi siya makakilos nang nagiisa. Maaari sana siyang kumuha ng private nurse pero mahal ang pasuweldo sa mga ganoon. Wala siyang extra na pera dahil halos nasaid ang bank account niya nang kinailangan niyang gamitin iyon upang ibayad sa mga pinagkakautangan ng mommy at stepdad niya.Hindi rin naman siya makakapagpatuloy sa pagaaral o makakapagtrabaho sa parttime job niya dahil sa kanyang kalagayan. Inutil ang isang illustrator at cartoonist na walang paningin. Kaya masakit mang marinig ang maaanghang na komento ni Achilles, sisikilin muna niya ang galit at sakit. Wala siyang ibang maaaring takbuhan o hingan ng tulong ngayon kundi ang ama. Dahil alam niyang si Achilles ang pinakapinagkakatiwalaan ng daddy niya, hindina siya nagulat nang ito mismo ang sumundo sa kanya sa apartment niya upang iuwi siya sa rancho. Mahirap lunukin ang mga salitang nabitiwan na. Mahirap ding humingi ng tulong mula sa mga taong nasaktan niya nang labis dala ng kapusukan at kabataan, lalo pa at isinumpa niya noon na hindinghindi na uli siya lalapit sa daddy niya dahil sa iniisip niya noong pagtatraidor nito sa kanya nang mas kampihan nito si Achilleskaysa sa kanya. Kaya naman animo mapait na gamot sa bibig ngayon ni Madeline ang umasa sa pagalalay ng binatang siyang punong dahilan ng estrangement na limang taong namagitan sa kanilang magama. Pero kailangan niyang tanggapin ang masama sa loob na pagalalay ni Achilles. Mas masaklap nang ilang libong beses ang maligaw sa gitna ng mga estranghero nang hindi alam kung nasaan siya at kung saan siya pupunta. Wala siyangkadepedepensa sa sarili. “Poor girl. Sayang, ang ganda pa naman!” “Oo nga. Pero mukha namang mayaman kaya ayos lang din.” Sa narinig mula sa ilang taong nakakasalubong nila ay nanigas ang mga panga ni Madeline sa pagpapanatiling blangko sa ekspresyon ng kanyang mukha. Sa loob ng isa’t kalahating buwang kawalan niya ng paningin ay hindi iyon ang una at nasisiguro niyang hindi rin iyon anghuling pagkakataong maririnig niya ang mga komentong iyon. Tila nawawaglit sa isip ng mga tao na hindi por que bulag siya ay bingi na rin siya. Naikuyom niya ang mga kamay. Kung hindi inagaw ni Achilles sa kanya ang shades na suot niya kanina ay maaaring naitago pa niya kahit paano sa likod niyon ang kanyang kalagayan.“Galit ka? May punto sila. May pera kakompara sa ibang bulag. Hindi mo kailangang mamalimos. Kaya walang dahilan para kaawaan mo ang sarili mo,” walang emosyong wika ni Achilles. Nagngalit ang mga ngipin ni Madeline. Pera? Anong pera ang pinagsasasabi ni Achilles? Ilang linggo na lamang at kakailanganin na rin niyang mamalimos tulad ng ibang bulag na tinutukoy nito. Hindi pa ba pamamalimos ang gagawin niyang pagbalik sa poder ng amang nagtakwil sakanya? “You really like to rub it in, don’t you? FYI, hindi ko kinaaawaan ang sarili ko. Why, look at me, ang lapad pa nga ng ngiti ko, o!” sarkastikong wika niya. Nagpaskil siya ng maluwang na ngiti sa mga labi bago nilingon ang binata. Alam niyang sinasadya nitong pikunin siya. Kung iniisip ni Achilles na magmumukmok siya sa isang tabi dahil nasasaktan siya sa mga sinasabi nito, puwes, nagkakamali ito. Mas gugustuhin naniyang magpagulunggulong sa gitna ng highway kaysa ipaalam kay Achilles na sensitibo pa rin siya hanggang sa mga sandaling iyon sa mga iniisip at opinyon nito. “Kung gayon, bakit ka nagkukulong sa bahay ninyo sa New York? Saka bakit hindi mo ipinahanap ang estapador mong ina’t amain imbes na magmukmok at hintayin ang tulong ng daddy mo para plantsahin ang iniwang gusot ng dalawang iyon? God! They didn’t even bother tocome back para puntahan ka sa ospital pagkatapos mong maaksidente!” Marahas na napabuga ng hininga si Madeline. Gusto niyang tanggalin ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ni Achilles. Pero dahil sa pangambang iwan siya roon ng binata at tuluyan nang hindi balikan kapag ginawa niya iyon, nagkasya na lamang siya sa pagbabaon ng mga kuko sa balat nito upang iparamdam ang kahit ikaapat lamang ng sakit na pilit nitongbinubuhay sa kanyang dibdib. “Mahigit anim na buwan na akong walang communication sa kanila kaya imposibleng malaman nila ang tungkol sa kalagayan ko. Ano’ng akala mo sa mommy ko, walang kaluluwa na pababayaan lang ako kung alam niya ang sitwasyon ko?” “Bakit hindi? Nagawa nga niyang ipasa sa iyo ang lahat ng utang niya at ng asawa niya, `di ba? Nagawa rin niyang magtago at hindi makipagcommunicate sa iyo habang ikaw ang nagbabayad ng mga utang nila, `di ba?” “Stop maligning my mother! She’s not like that!” Hindi na kumibo si Achilles. Pero ramdam ni Madeline ang tensiyon sa paligid. Mayamaya ay nagsalita uli ang binata. Nahimigan niya ang magkahalong hindi pagkapaniwala at pagdududa sa tinig nito. “Sinasabi mo bang sa loob ng limang taon aynagbago ang mommy mo at bigla ay naging ulirang magulang siya sa iyo? Naririnig mo ba ang sarili mo? Ipinagtatanggol mo ngayon ang pagtatago ng taong ang turing sa iyo ay isang kasangkapang maaaring gamitin at pakinabangan?” Hindi na tumugon si Madeline. Walang saysay na ipaliwanag niya ang kanyang nararamdaman. Her mother may not be the best mother there was but at least, she stood by her side when her ownfather turned his back on her in favor of this man beside her. Hindi niya alam kung anong masokistang parte niya ang patuloy na umaasa sa paglambot ng puso ng daddy niya o ni Achilles kaya nang maganap ang car accident na kinasangkutan niya ay arawaraw niyang inabangan ang pagdating ng dalawa sa ospital. Dahil alam niyang imposibleng malaman ng kanyang ina’t amaing matagal nang nagtatago sa mga pinagkakautangan angnangyari sa kanya, wala siyang mapagpilian kundi ibigay ang pangalan ng daddy niya bilang next of kin niya. Ang ama niya at si Achilles lamang ang maaari niyang sabihan tungkol sa nangyari sa kanya. Nakatanggap naman ng sagot na tawag si Madeline mula sa daddy niya pero nalaman niyang hirap itong magbiyahe. Nakawheelchair na raw kasi dahil sa pagkakastroke isang taon na ang nakalipas. Si Nanay Saleng naman ay mahinaang panubigan kaya hindi na makakabiyahe nang malayuan. Dahil doon, nasiguro niyang si Achilles ang darating upang asikasuhin ang paghahanap sa kanyang ina’t amain at bibisita sa kanya habang nakaconfine siya sa ospital. Subalit ni anino ni Achilles ay hindi nakita ni Madeline sa buong durasyon ng mahigit isang buwang pananatili niya sa ospital. Sa halip, ang dumating ay si Tito Freddie, ang abogado ng daddy niya at ang malayong pinsan niya na siEirine. Ang dalawa ang nagayos ng mga bayarin niya sa ospital at kumuha ng pansamantalang private nurse na magaalaga sa kanya. Ang buong akala nila ay babalik din agad ang paningin niya. Nabulag siya dahil sa optic nerves na nadamage dahil sa malakas na pagkakaumpog ng kanyang ulo sa bintana ng tumaob niyang kotse pagkatapos iyong mahagip ng nawalan ng prenong sixwheeler truck. Subalit nang maoperahan sa mga mata ay hindipa rin makakita si Madeline. Sa kabila ng findings ng mga doktor na wala naman na raw pisikal na problema ang kanyang mga mata, hindi pa rin bumabalik ang kanyang paningin. Noon isinuhestiyon ng mga doktor na sa isang psychiatrist na siya kumonsulta. They thought she was suffering from hysterical blindness, also known as “conversion disorder.” Iyon ang naisip na dahilan ng mga doktor pagkatapos malaman ng mga ito na bago siya naaksidente ay tambak Page 20 5 of 321ang problemang kinakaharap niya sa personal niyang buhay bukod pa sa wala siyang malapit na kamaganak na nakasama noong mga unang araw pagkatapos maganap ang aksidente. Madalas daw kasi na nagsasuffer ng hysterical blindness ang isang pasyente kapag matindi ang pinagdaraanan nitong emosyonal na mga problema na pinalala ng aksidenteng kinasangkutan nito kaya mas pinipili ng isip na i block ang kakayahang makakita upangmaiwasang harapin ang mga naturang problema. Nang malaman ng daddy niya ang kanyang kalagayan ay agad nitong iginiit na umuwi na siya sa Pilipinas sa halip na patuloy na iasa sa nurse na kinuha ni Tito Freddie ang kapakanan niya. Wala sa loob na inikutikot ni Madeline ang bracelet na suot niya sa kaliwang kamay. Hindi niya maunawaan kung bakit suot pa rin niya ang bracelet gayong wala namang kahulugan iyonmula sa taong nagsuot niyon sa kanya anim na taon na ang nakararaan. Iyon ang tanging patunay na minsan ay naging mahalaga rin siya sa paningin ni Achilles. “Bakit suot mo pa iyan? Umaasa ka bang mapapanatili ka niyan sa villa nang higit pa sa kinakailangan mong itagal doon?” paangil na tanong ni Achilles. Natigilan si Madeline. Hindi niya inaasahan ang asidong taglay ng boses ni Achilles na parabang mas gugustuhin pa nitong mamalimos siya sa kalsada kaysa iuwi siya sa villa. “Hindi ko isinusuot ito. Si Nurse Raleigh ang pumili nito at nagsuot sa kamay ko,” pagsisinungaling niya. Sa isip ay humingi siya ng tawad sa walang malay na private nurse na kinuha ni Tito Freddie para pansamantalang mag alaga sa kanya. Nawaglit sa isip niyang hubarin ang bracelet. Dahil sa kanyang kaba mula pa nang dumating si Achilles sa apartment niya nangnagdaang araw ay hindi na niya naalalang suot pa rin niya ang bracelet na iyon. “Hubarin mo iyan. At kung binabalak mong magkaroon uli ng karapatan sa rancho dahil sa kalokohang sinimulan mo noon, magaaksaya ka lang ng panahon. Ibinenta na ni Ninong Tomas ang rancho sa akin at hindi ko na uli isusuko sa kahit na sino ang karapatan ko sa lupaing dalawang dekada kong pinaghirapan!” Kumislot ang puso ni Madeline sa hapdi dahilsa taglay na diin at determinasyon sa tinig ni Achilles. “Kailan ko ba hinangad na mapasaakin ang del Valle, Achilles? Kahit noong mga bata pa tayo, alam ko nang sa iyo iyon mas dapat ipamana ni Daddy dahil ikaw ang katukatulong niya sa pagtatrabaho roon.” Hindi tumugon ang binata. Sa halip ay ipinatong nito ang isang kamay sa ulo niya at inilagay ang isang braso sa kanyang baywang. “Nasa tapat na tayo ng van. Yumuko ka,” utosnito habang inaalalayan siya sa pagsakay sa backseat. Animo kay tagal nang ginagawa iyon ni Achilles dahil sigurado ang bawat kilos at posisyon ng mga kamay nito upang maiupo siya nang hindi nauuntog. May palagay si Madeline na ginawa lamang iyon ni Achilles dahil gusto nitong alisin sa isip niya ang paksang inuusisa rito. Hindi naman kasi nito ginawa iyon noong mga unang beses nasumakay sila sa sasakyan. Basta sinabi lang nitong pasakay sila sa sasakyan at hinahayaan na siyang sumakay magisa pagkatapos sabihin kung nasaan ang pinto. Kinapa niya ang seat belt para ikabit pero inunahan na siya ni Achilles. “I can do it,” giit niya dahil ayaw niyang maakusahan na namang umaasa sa tulong ng iba dahil sa kanyang kalagayan. Kanina, kaya siya naglakasloob humakbang palayo ay dahil sa akusasyong iyon ni Achilles.Pero heto ngayon at pinangungunahan siya nito sa pagsakay sa van at hanggang sa pagkakabit ng seat belt niya. “Sa susunod na, nagmamadali ako. Baka ma traffic tayo papuntang pantalan.” Naramdaman ni Madeline ang pagupo ni Achilles sa tabi niya at ang pagsasara ng pinto ng van. “Umalis na tayo, Ipe.” “Ipe?” bulalas ni Madeline. Tumingin siya sa harap, umaasang tama ang tinitingnan niya athindi ang bintana. “Ikaw ba iyan, Ipe?” Batid niyang may kasamang driver si Achilles dahil sa tabi niya ito umupo pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagkakilanlan ng driver na iyon. “Ako nga, Madeline. Ang ganda mo lalo ngayon. Dalagangdalaga ka na, tugon ni Ipe. Kababata ito ni Achilles ngunit sa pagkakaalam ni Madeline ay matagal nang umalis ng Isla Fuego si Ipe.“Salamat. Pero bakit narito ka? `Di ba, sa Montagu ka na nakatira?” Sumagot si Ipe pero nawala roon ang atensiyon ni Madeline nang maramdaman niya ang tila ibang mga matang nakatitig sa kanyang mukha mula sa harapang upuan. May tao sa tabi ni Ipe ayon sa matalas niyang pandinig na tila na develop nang husto mula nang mawala ang kanyang paningin. Nakatitig sa kanya ang taong iyon. “Ssino ang isa pa nating kasama?“Paano mo nalamang may katabi ako?” tanong ni Ipe. “Naramdaman ko. Naamoy ko rin ang pabango niya.” Napakapit si Madeline sa braso ni Achilles. Hindi niya alam pero nagdulot ng kakaibang kaba ang presensiya ng lalaking katabi ni Ipe. Nasisiguro niyang lalaki iyon dahil sa pabangong gamit nito. “Si Job Arguilla,” wika ni Achilles sa malamig na tinig bagaman hindi nito inalis ang kamayniyang nakakapit sa braso nito. “Kumusta, Madeline? Natatandaan mo pa ba ako?” tanong ni Job sa malambing na tinig. “Puwede ko ba namang makalimutan ang salbaheng batang tumulak sa akin habang nagba bike ako sa Paseo Fernando? Ang parehong batang muntik nang lumunod sa akin sa dagat dahil sa panghihila sa paa ko? Na siya ring pumatay sa alaga kong si Garfield? At siya ring— ”“Enough, Madeline. Nasisiguro kong tinutusta na siya sa impiyerno dahil sa mga kasalanang iyon,” bahagyang may kaaliwan sa tonong sawata ni Achilles na tinapiktapik pa nito ang kanyang kamay. Bumaling si Madeline kay Achilles. “Tauhan mo na rin ba siya?” Laking tuwa niya kung naghihirap na ang mga Arguilla at kinakailangan ni Job na magtrabaho para kay Achilles at sa del Valle.Malakas na halakhak ni Job ang sumagot sa tanong. Kay Achilles naman ay paninigas ng brasong kinakapitan ni Madeline ang reaksiyong nakuha niya. “It’s the other way around, darling. Si Achilles ang bago kong horse trainer.” Lumapit ang boses ni Job, marahil ay humarap ito sa backseat upang mas mapagmasdan ang magiging reaksiyon ni Madeline sa sinabi nito. Napakunotnoo si Madeline sa kalituhan. Bakitkinakailangan ni Achilles na magtrabaho para kay Job gayong may sarili itong rancho na kailangang atupagin? “But who manages del Valle if Achilles is working for you?” “No one since nothing is left of del Valle to manage,” tugon ni Job. Napasinghap sa pagkagulat si Madeline. Imposible ang sinasabi ni Job. Walang anumang nabanggit ang daddy niya o kahit si Achilles tungkol sa ganoong estado ng del Valle sa buongdurasyon ng muli nilang pagkikita. Marahil nga ay napakaikli pa lamang ng nakalipas na seventy two hours mula nang dumating si Achilles sa apartment niya sa New York. Pero siguro naman, ang tungkol sa pagkakabenta o pagkalugi ng del Valle ang unangunang paksang babanggitin nito sa kanya. Nais pa niyang magusisa tungkol sa impor masyong sinabi ni Job ngunit pinigil siya ng mariing pagpisil ni Achilles sa kamay niya.Nanahimik na siya.

 

CHAPTER SEVEN

Del Valle Ranch Isla Fuego“NADISMAYA ka ba? Dahil hindi na kasintayog gaya ng dati ang inaakala mong babalikan mo rito sa villa?” malamig na untag ni Achilles kay Madeline pagkatapos bumaba ni Job sa tapat ng arko ng lupain ng pamilya nito at magpatuloy silasa pagtungo sa katabing lupain na parte na ng del Valle, o sa kaso ngayon ay pagaari na ni Achilles. Nanatiling ordinaryo ngunit tensiyonado ang usapan nilang apat sa buong biyahe. Tuwing magtatanong kasi si Madeline tungkol sa nakakagulat na anunsiyo ni Job ay iniiba ni Achilles ang paksa o kaya ay sinasabi nitong walang anumang problema sa del Valle na kailangan niyang pagtuunan ng malalim na pag iisip. Ang del Valle ay si Achilles at kapag sinabinitong wala siyang dapat aksayahing oras sa pamomroblema tungkol sa sinabi ni Job, wala siyang dapat pang ibang isipin. Batid ni Madeline na ilang beses tinangka ni Job na makasarilinan siya, lamang ay hinaharang ito ni Achilles. Ramdam din niya ang iritasyon ni Job na bagaman tauhan nga nitong masasabi si Achilles ay hindi naman nito masalungat ang kagustuhan ni Achilles na huwag ipaalam sa kanya ang buong detalye ng pinasabog na bombani Job tungkol sa villa. Napansin din ni Madeline ang pagiiwas sa kanya ni Achilles kay Job habang lulan sila ng barkong naghatid sa kanila sa isla. Sa laot ay inutusan siya ni Achilles na manatili sa loob ng cabin niya dahil wala raw itong oras para bantayan siya. Ayaw raw nitong makonsiyensiya kung sakaling mahulog siya sa dagat dahil sa paggala niya sa upper deck. Hindi naman niya alam kung ano ang pinagkaabalahan nito salimang oras na nasa laot sila. Pagkatapos kasi siyang iwan sa loob ng cabin ay nawala na sina Achilles at Ipe bagaman inilagay ni Achilles sa speed dial one ang numero nito sa cell phone niya upang madali niyang ma contact ang binata kung sakaling kailanganin niya ang pagasiste nito. “Huwag kang magalala, hindi ka naman namin patutulugin sa kuwadra kasama ng mga kabayo. Exaggerated ang sinabi ni Job. Nakatayopa rin ang mansiyon at may mga natitira pang tauhan sa rancho para magassist sa iyo habang naroon ka at nagpapagaling, wika ni Achilles na siya na ngayong nasa driver’s seat habang katabi nito sa passenger’s seat si Ipe. Pinagpahinga ni Achilles si Ipe. “Aano ang ibig sabihin ni Job tungkol sa del Valle? At bakit kailangan mong magtrabaho bilang horse trainer ng mga Arguilla? Akala ko ba, malaki ang ipinamana ng Lolo Lonzo mo saiyo nang mamatay siya?” Kamakailan lamang nalaman ni Madeline mula sa pakikipagusap sa daddy niya sa telepono ang tungkol sa manang iniwan ni Lonzo Arguilla para kay Achilles. Ang parteng natanggap ni Achilles ay para daw sa yumaong ina nito. Hindi raw iyon agad nalaman ng binata dahil nakipagsabwatan pala ang abogado ng matanda sa iba pang kamag anak ni Achilles upang kamkamin ang mga naiwan ng lolo nito. Kung hindi pa dumating sabansa ang tunay na apo ni Lolo Lonzo na si Jean Luc Chenier ay hindi mabubunyag ang katiwalian ng abogado at ng mga gahamang kamaganak ni Achilles. Si JeanLuc na isang half Frenchhalf Filipino businessman ang mismong nagasikaso upang mapunta kay Achilles ang parte nito sa manang iniwan ni Lonzo Arguilla. Ang manang iyon nga rin mismo pala ang ginamit ng binata upang isalba ang del Valle sa tiyak na pagkalugi tatlongtaon na ang nakararaan. Sa tingin ni Madeline ay isang minuto ang lumipas bago niya nakuha ang hinihintay na sagot. Nang magsalita si Achilles ay mababakas sa tinig ang kapaitan. “Inuulit ko, wala kang dapat intindihin, Madeline. Kahit pa kanino ako magtrabaho ay hindi mo na rin dapat pakialaman. Ang kailangan mo lang gawin habang nasa rancho ka ay tiyaking mapapasaya mo si Ninong sa presensiya mo. Siyaang may ideyang manatili ka sa mansiyon. Iniisip niyang makakatulong ang pananatili mo roon para mapabilis ang paggaling mo.” “How good of him,” aniyang hindi maiwasang langkapan ng sarkasmo ang tinig. Malinaw pa sa isip niya ang pagtatakwil at pagpapalayas sa kanya ng daddy niya. Marahas na nagbuga ng hangin si Achilles. “Alam kong hindi maganda ang naging paghihiwalay ninyong magama noon. Peromaniwala ka, pinagsisihan din niya agad ang mga nasabi niya sa iyo nang gabing iyon. Kung noon ka pa nakipagcommunicate sa kanya, malamang na nalaman mo nang matagal ka na niyang napatawad at matagal ka na rin niyang gustong makita.” Bagaman may katugong kapaitan sa dibdib ni Madeline nang tila balewala kay Achilles ang kalagayan at presensiya niya, sinikap niyang itago iyon sa likod ng blangkong anyo. Tatalon namuna siya sa umaandar na sasakyan bago aminin na ang bawat salitang binibitiwan nito mula pa nang magtagpo sila noong isang araw ay tila mapurol na blade na ipinansusugat nito sa kanyang puso. Sa ibang pagkakataon siguro ay maaari niyang ipagkibitbalikat ang mga salita ni Achilles tulad ng nakagawian na niyang pagignora doon noong batabata pa sila pareho at hindi nito itinatago ang pagkayamot sa kanya. Subalit ngayon na aminadosiyang mistula siyang lintang nakakapit sa charity ni Achilles, daig pa niya ang balat ng sibuyas sa kanipisan ng damdamin sa mga brutal na komento ng binata. “Hindi ako magtatagal nang higit pa sa kinaka ilangan, Achilles. Wala rin akong balak agawin ang del Valle mula sa iyo. Labis akong nagpapasalamat sa tulong mo kahit pa wala kang obligasyon sa akin. Huwag kang magalala, as soon as possible, I’ll pay you back for every centyou’ve spent on me. Kung gusto mo, ilista mo pa ang bilang ng mga araw ng pananatili ko rito sa lupain mo at babayaran ko pagalis ko, malamig ang boses na wika niya. Desperado si Madeline na huwag ipakita ang kawalan niya ng magagawa sa kasalukuyan niyang sitwasyon. Nagkakamali si Achilles kung inaakala nitong walang angal niyang tatanggapin ang bawat salita nito dahil sa pagkakawanggawa nito sa kanya. Alam niyang dahil lamang sautangnaloob at pagmamahal sa daddy niya kaya siya pinayagan ng binata na tumuntong uli sa rancho na ngayon ay pagaari na nito. At kung noon ay natutukso pa siyang aminin ang totoo tungkol sa kalagayan ng mga mata niya at ang mga sinabi ng doktor tungkol sa abilidad niyang makakita uli, ngayon ay nagdesisyon na siyang aaminin lamang iyon kung itotorture siya ni Achilles. Narinig ni Madeline ang pagbuntonghiningani Achilles. Naulinigan din niya ang mahinang paninita ni Ipe sa kaibigan. Pero pagsisihan man ni Achilles ang karahasan ng mga binitiwang salita, natitiyak niyang totoo sa loob nito ang mga iyon. “I’m sorry. Huwag mong intindihin ang mga sinabi ko. Laging negatibo ang epekto sa akin ng presensiya ni Job.” Iyon lang ang sinabi ni Achilles. Hindi na ito nagsabi ng karagdagang paliwanag. Para bang sapat na dahilan na iyonupang maunawaan niyang hindi siya kundi si Job ang sanhi ng masamang timplada ni Achilles. Subalit alam niyang hindi totoo iyon dahil nararamdaman niya iyon. Alam niyang sa kabila ng mga taong lumipas ay nasa isip at puso pa rin ng binata ang sakit at pait na dulot ng ginawa niya rito at sa babaeng mahal nito.MAHIGPIT na yakap at maiinit na salita ng pagbati ang sumalubong kay Madeline nangmakaharap niya ang daddy niya at si Nanay Saleng. Sa ayaw at sa gusto niya ay kusang bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata habang nakakulong siya sa mainit at mapagkalingang mga bisig ng kanyang amang pinaniniwalaan niyang hindi na siya mapapatawad kailanman. “There, there, hija. Everything is all right now. You’re home. Hindi na uli ako papayag na umalis ka at iwan kami,” pangaalo ng daddy niyahabang marahang hinahaplushaplos ang likod at ulo niya na animo siya pa rin ang anim na taong gulang na batang madalas nitong kargahin noon. “I’m sorry, Dad. I’m so sorry for…” Hindi maituloy ni Madeline ang nais sanang sabihin dahil alam niyang nasa likuran niya si Achilles. Nakatitiyak siyang sa halip na paniwalaan ay kukutyain lamang nito ang anumang rasong ibibigay niya sa kanyang ama tungkol sa kawalan niya ng pagkakataong humingi uli ng tawad dito.Mamaya na niya aaminin sa daddy niya na hindi dahil sa pride kaya hindi siya nagtangkang bumalik sa rancho o tumawag man lang sa mga nakalipas na taon. Ang totoo, natakot siyang ipagtabuyan ng ama sa halip na patawarin kaya nangimi siyang makipagugnayan uli rito. “Siya, siya, tama na ang pagdadrama ninyong magama riyan. Tomas, pagod sa biyahe ang bata. Ang mabuti pa ay pasamahan mo na siya kay Mimay sa silid niya,” wika ni Nanay Saleng. Itopa rin ang mayordoma sa mansiyon gaya ng hindi pinalitan ni Achilles ang mga dati nang tauhan ng daddy niya. Bagaman maituturing na nakikipisan na lamang sa mansiyon ang daddy niya, itinuturing pa rin itong amo ng mga kawaksi. Maliban nga lang kay Nanay Saleng na mula pa noon ay anak na ang trato sa daddy niya kaya nasesermunan nito at nauutusutusan. Bihirang magpakita ng emosyon ang daddyniya, lalo na ang lumuha. Pero nang yakapin siya nito nang mahigpit pagbungad pa lamang nila ni Achilles sa pinto ay pumatak agad ang mga luha ng kanyang ama kasabay ng pagbuka ng mga braso nito. It was the forgiveness she was too ashamed and was too scared to ask for. Hindi na nito kinailangan pang magsalita para maiparating iyon sa kanya. Para sa daddy niya ay siya na uli ang “princess brat” nito. Masyado siyang na touch na halos ayaw na niyang bumitaw sa ama.Pakiramdam ni Madeline, sa wakas ay nahanap na uli niya ang kanyang santuwaryo sa piling ng ama. Her father was a lot like Achilles in many ways. Both men were strict, aloof, cold, austere, and seemingly indifferent to other people. Ngunit sa mga pambihirang pagkakataon, kung kailan kailangangkailangan ay ang dalawang lalaki ang nangunguna sa pila ng magaabot ng kamay ng pagtulong. Hindi lang talaga komportable ang daddy niya at si Achilles sa pagpapakita ngemosyon. Para bang nangangamba ang dalawa na ituring ng ibang tao na isang kahinaan iyon na baka abusuhin kaya minabuting itago na lamang. Matatag ang mga prinsipyo ng kanyang ama at ni Achilles at kahit pa mahalaga sa dalawang lalaking ito ang isang tao ay hindi iyon kukunsintihin oras na nalaman ng mga itong gumawa ng masama ang taong iyon. Kaya naman nauunawaan na niya ngayon ang desisyon ng daddy niya noon nang palayasin siya nito sarancho at sabihang huwag nang babalik kailanman pagkatapos ng kahihiyang idinulot niya. “Ako na po ang maghahatid sa kanya.” Ang alok ay nagmula kay Achilles. Lihim na napangiwi si Madeline ngunit hindi siya umangal. Hinawakan siya nito sa braso at iginiya pasulong. Sa mahinang boses na gamit ng binata tuwing inaalalayan siya sa paglalakad ay inilarawan nito ang paligid sa kanya. Binanggit nito ang mgamaaari niyang bungguan pero hindi siya iginiya palayo sa mga bagay na iyon. Sa halip ay hinayaan siya nitong subukang magisang iwasan ang mga iyon. Nang unang gawin iyon ni Achilles noong pasakay si Madelline sa kotseng nirentahan ng binata sa New York ay nauntog siya sa pinto ng kotse. Galit na sinisi niya ito. Tinanong niya kung bakit hindi man lang siya nito inalalayan para hindi siya nauntog. Ayon kay Achilles, alam nadiumano niyang pasakay siya sa kotse kaya dapat, yumuko siya para hindi nauntog. Hindi na raw niya dapat pang hintaying hawakan nito ang ulo niya para iiwas sa pinto. Bulag na nga raw siya, magpapakainutil pa siya. Ano pa raw ang magiging silbi niya kung ang lahat ay iaasa niya sa mga taong nakapaligid sa kanya? Noong una ay nagalit si Madeline. Nasaktan kasi siya sa mga binitiwang salita ni Achilles. Ngunit hindi naglaon ay nabura din ang galit naiyon nang mapagtanto niyang siya ang mali. Umasa siya na sa muli nilang pagkikita ngayong bulag siya ay magiiba ang trato nito sa kanya. Ganoon kasi ang nangyari sa ibang nakakakilala sa kanya. Bigla ay nagbago ang pakikitungo ng mga ito sa kanya. Kung hindi siya lantarang iniwasan ay sobrasobra namang atat ang mga kakilala niya sa paggawa ng mga bagay para sa kanya na para bang kaawaawa siya at kailangang abutan ng anumang tulong na maaaring iabot ngmga tulad ng mga itong nakakakita at hindi bulag na tulad niya. She should have known that Achilles would always remain what and who he was no matter what the situation was. Hindi ito magiging mahina o malambot dahil lamang may kaharap na taong may kapansanan. Hindi rin naman nito ipagsisigawan ang kaperpektuhan nito sa harap ng taong may kapansanan. Sa halip ay hahanapin ni Achilles ang natirang lakas at abilidad ngnaturang tao at pipiliting gisingin iyon upang magamit niyon. He hated whining losers. Para dito, ang lahat ng tao ay dapat tulad nitong malakas at matatag pa rin sa kabila ng maraming pagsubok sa buhay. “Huwag mong isipin kahit isang saglit na por que buong puso kang tinanggap nina Ninong Tomas at Nanay Saleng ay nangangahulugan na iyon na puwede kang magbuhayprinsesa uli rito sa villa. Iba ang sitwasyon ngayon sa sitwasyonnoon, Madeline. Ang lahat ay obligadong tumulong at hindi ko gustong marinig nà ginagamit mo ang kapansanan mo para umaktong parang prinsesa na kailangang minuminutong pinagsisilbihan,” babala ni Achilles nang sa wakas ay huminto sila sa paglalakad. Hindi sila umakyat sa hagdan kaya natitiyak ni Madeline na ang tinungo nilang silid ay isa sa mga guest rooms sa first floor at hindi ang dati niyang silid. Sa kalagayan niya ngayon ay paboriyon. Hindi na niya kakailanganing magpanhik manaog tuwing tutungo siya sa silid. Subalit may isang makulit na parte ng damdamin niya ang kumirot sa kaalamang isa na lamang siyang bisita sa tahanang iyon at hindi isang tunay na naninirahan doon. “If you hate me so much until now, Achilles, bakit hindi ka tumanggi sa utos ni Daddy na sunduin ako sa New York? After all, iyo na ang mansiyon at ang rancho.”“Maaaring hindi ka maniwala pero walang hiling si Ninong Tomas na hindi ko gagawin. Kung nangangahulugan iyon na kailangan kong pagtiyagaan ang presensiya mo rito sa villa, gagawin ko pa rin iyon. Siya lang ang tanging mahalaga sa akin. Ibibigay ko sa kanya ang anumang makakasaya sa kanya kahit pa nangangahulugan iyon na kailangan kong makasama sa bahay ang makasarili niyang anak,” mariing wika ni Achilles.Hindi akalain ni Madeline na ipagpapasalamat niya kailanman ang nangyari sa kanyang mga mata, pero nang mga sandaling iyon ay ganoon ang nadarama niya. Kung nakakakita kasi siya ay hindi niya gugustuhing makita ang poot sa anyo ni Achilles na nahimigan niya sa tinig nito. Madalas na napakalamig at napakapormal ng binata kaya inaakala ng lahat na manhid at wala itong puso. Subalit siya ang isa sa mga taong nakakaalam kung gaano kalawak ang kapasidadnitong magmahal. Minsan na siyang naging saksi kung paano ginawa ni Achilles na sentro ng buhay nito si Myra. Iyon nga lang, kung gaano ito katindi magmahal, ganoon din ito katindi kung magalit. Hinagilap niya ang braso ni Achilles ngunit mabilis na inilayo nito iyon. Tila ba ipinaparating sa kanya na kaya lamang ito pumayag na magkadikit ang mga balat nila ay dahil kailangan at kung wala ang pangangailangan na iyon aywala siyang karapatang madampian man lang ng kamay niya ang braso nito. She wanted to hate him for treating her so rudely, for being so cold and untouchable. Ngunit may karapatan ba siya gayong siya naman ang pumutol sa taling dating nagbibigkis sa kanila? “Hindi mo pa rin ba ako napapatawad, Achilles?” Hindi umaasam si Madeline na tratuhin siya ni Achilles na tulad ng dati. Batid niyang imposible na niyang maibalik angpagtinging namagitan sa kanila noon. Ngunit hindi rin ba puwede kahit ang pagasam niya ng pagpapatawad nito? Her sins were the sins of that silly, bratty, and selfish seventeenyearold girl she was. Would her twentytwoyearold self have to keep on paying for those sins? Wala siyang narinig na anuman mula kay Achilles. Ilang segundo pa muna ang lumipas bago niya natuklasang nakalabas na pala ng silidang binata. Kung bago o pagkatapos ng pagsusumamo niya rito ay hindi niya matiyak.

 

CHAPTER EIGHT

TAMA si Achilles. Napakalayo nga ng inaasahan ni Madeline na madaratnan sa Del Valle Ranch. Sa pangungulit niya sa daddy niya ay napaamin niya ito tungkol sa tunay na estado ng rancho. Baon sa utang ang rancho sa mga Arguilla kaya para mabawasan ang utang ay kinailangan ni Achilles na magtrabaho bilang horse trainer ni Job.“Dad, mahusay magpalakad si Achilles ngrancho. `Di ba, ang sabi mo, kaya ka tumutol na umalis siya rito ay dahil wala kang kilalang kasinghusay niyang magpalakad ng rancho? Ang sabi mo pa, kung hindi siya umalis para magaral at magtrabaho sa isang rancho rin sa Australia ay malamang na hindi nalugi ang rancho.” Apparently, two years after she left, Achilles also left the ranch. Tinanggap nito ang alok na managerial position ng pinsan nitong si JeanLuc sa rancho niyon sa Australia. Nang nagdaang taonlamang bumalik si Achilles sa Pilipinas. Bumalik ito dahil sa pakiusap ng daddy niya na noon ay sagad na hanggang leeg ang pagkakalugi ng rancho. “He was able to save the ranch from bankruptcy and take over from you when he came back a year ago. Paano nangyaring hanggang ngayon ay lugi pa rin ang Del Valle?” “Dahil nagkasakit ang mga baka, pineste ang mga pananim, dumaan ang El Niño, sinundan ngLa Niña, at idagdag pa ang mga pagnanakaw sa mga hayop, pataba, at imbak na mga produkto sa bodega. Kahit anong husay ng isang tao ay walang magagawa laban sa puwersa ng kalikasan, hija. Siyempre pa, nariyan din ang mga taong nais magpabagsak kay Achilles. Hindi pa rin tumitigil si Job sa pagsira kay Achilles.” Bumuntong hininga ang kanyang ama. “Bakit ba kasi kay Job kayo umutang?” “Napilitan lang ako. Noong mga panahongiyon ay hiyanghiya ako kay Achilles. Napalunok si Madeline at hindi nakaimik. Batid niyang dahil sa kagagawan niya kaya nagkalamat ang dating maayos na relasyon ng daddy niya at ni Achilles. “Ngunit ngayong narito na si Achilles, ang gusto lang ni Job na kabayaran ay ang itrain ni Achilles ang mga kabayo niyang pangkarera,” pagpapatuloy ng kanyang ama. “Dad, meron pa po akong naitatabing—”Hindi natapos ni Madeline ang sasabihin dahil naramdaman niya ang presensiya ni Achilles. Some odd sixth sense told her it was him.“At ano naman ang maitutulong mo, Madeline? Ni hindi mo mahanap magisa ang kuwadra. Babagsakan ka na ng niyog sa ulo ay hindi mo pa alam na nasa ilalim ka na ng puno niyon.” “Achilles…” saway ng daddy niya. Marahil ay nakita nito ang pagguhit ng sakit at pait sa kanyang mukha.“Totoo naman ang sinasabi ko, Ninong. Wala siyang maitutulong sa atin. Ang pinakamabuti niyang gawin ay ang ifocus ang lahat ng lakas niya sa pagpapagaling.” “Maaari ngang ako mismo ay walang maitulong sa pagpapatakbo nitong rancho, Achilles. Pero ang mga painting at sketches ko ay maaaring makabawas sa—” “Magpipinta ka? Guguhit? Sa kalagayan mo?” patuyang putol ni Achilles sa iba pang sasabihinni Madeline. Nanggigigil na napatayo si Madeline at dahil hindi niya natantiya ang layo ng coffee table sa harap niya ay nabangga niya iyon ng tuhod. Tumapon sa kanyang paa ang bumagsak na mga tasa ng kapeng naroon. Ni hindi siya makapiyok sa hapdi ng init ng likidong nabuhos sa balat niya.Napamura nang malakas si Achilles. Hindik na napabulalas naman ang daddy niya. Dinig niyaang paguunahan ng dalawa na makalapit sa kanya. “Ayos ka lang ba?” nagaalalang tanong ni Achilles. Maingat at mabilis na binuhat siya nito at dinala sa banyo. Nang naroon na sila ay itinapat nito sa paa niya ang portable showerhead. “I’m sorry.” Nagulat si Madeline sa nahimigang pagsisisi sa tinig ni Achilles. “You should be more careful. Delikado ang rancho parasa isang katulad mo, Madeline. Paano ka magtatagal dito kung sa bawat malingunan mo ay may nakaambang disgrasya? Laging busy rito. Labasmasok ang mga tao, sasakyan, at hayop. Maraming sagabal sa lalakaran mo. Maraming lugar na mapanganib gaya ng ilog, creek, bangin, pastulan, kuwadra, at niyugan.” Nahimigan niya ang takot sa tinig ng binata na para bang sa bawat sinasambit na lugar ay nakikita nito sa isip ang maaari niyang danasin sasandaling magkamali siya ng pinuntahan. Nauunawaan niya ang pangamba ni Achilles at nagpapasalamat siya nang labis sa pagaalala nito. “So you want me to leave, is that it?” “No, dammit! Ang gusto ko ay makakita ka na.” Pinatay ni Achilles ang shower at tinuyo ang mga paa ni Madeline. “Nakausap ko ang doktor mo sa Amerika. Wala raw physical na dahilan para sa patuloy mong pagkabulag. Bagaman kailangan mong sumailalim sa psychologicaltherapy para makakita kang muli, mas ikaw sa sarili mo ang epektibong makakagamot sa pagkabulag mo. Sa tingin ko, ayaw mong makakita dahil alam mong mapipilitan kaming kupkupin ka rito sa rancho hanggang bulag ka.“‘Hysterical blindness’ daw ang tawag sa sakit mo. It’s just your mind’s way of shutting out reality and dealing with all the stress you’ve been going through. Sa tingin ko ay sinasadya monghuwag makakita uli para magkaroon ka ng rason upang makabalik dito.” Nagtagis ang mga bagang ni Madeline. Kinapa kapa niya ang mukha ni Achilles, marahang hinaplos iyon bago sinampal nang malakas. Napasinghap ito sa pagkagulat. “Sa tingin mo ba, gusto ko ang kalagayan ko ngayon? Sa tingin mo, nasisiyahan akong marinig ang mga parunggit mo tungkol sa pagiging wala kong kuwenta? Alam kong galit ka sa akin perohindi ko alam na abotlangit iyon para isipin mong sasadyain kong maging bulag para umamot ng tulong at awa mo.” Itinulak ni Madeline palayo si Achilles. Akmang hahakbang siya nang matigilan siya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hindi niya kabisado ang daang tinahak ni Achilles dahil buhatbuhat siya nito kanina bukod pa sa na disorient siya ng sakit na dulot ng pagkakapaso niya.Kinagat niya nang mariin ang ibabang labi. Mas gugustuhin pa niyang iumpog sa pader ang kanyang ulo kaysa ipakita kay Achilles ang mga luhang namuo sa kanyang mga mata. Malumanay ang tinig ng binata nang magsalita. “Mali ka, Madeline. Hindi na ako galit sa iyo. Matagal nang lumipas ang galit ko sa ginawa mo noon sa amin ni Myra. Naisip kong bata ka pa noon. Anumang damdaming mayroon ka o inisip mong mayroon ka para sa akin, hindi pa rin akodapat naging ganoon karahas sa iyo. “Kami ni Ninong, nagsisisi kami sa paraan namin ng pagharap sa ginawa mo. Alam naming dala lamang iyon ng kabataan mo. Kaya lang, nawalan na kami ng pagkakataong itama iyon dahil matigas ang pasya ng mommy mo na huwag ka nang hayaang makalapit pa uli sa amin.” “Talaga? Salamat pero wala akong pakialam!” Bata pa raw siya at mababaw ang damdaminniya? Kung ganoon, bakit hanggang sa mga sandaling iyon ay wala siyang mahanap na lalaking maaaring makapantay kay Achilles? Bakit hanggang sa mga sandaling iyon ay umaasa pa rin siyang may kahihinatnan ang naunsiyami niyang pagmamahal dito?“Do you know why I’m still alone till now and never had a relationship? It’s because of you! Dahil hanggang ngayon ay wala akong makitang lalaking papalit sa iyo rito!” Sinuntok niya angsariling dibdib. “So don’t tell me that my love was shallow, damn you! Sa ating dalawa ay mas mababaw ka! I loved you! And I know you were starting to fall for me, too! Pero dahil hindi ako ang ideal na asawa para sa iyo, sinabi mong kalokohan lang ang nararamdaman ko! I begged you to wait for me after you kissed me in the stables! I told you that I know you’re only using Myra to cover up your feelings for me! Iniisip mong mali angpatulan ako dahil nahihiya ka sa daddy ko!” Halos hysterical na si Madeline pero wala siyang pakialam. Maraming taon na nakatago lamang sa dibdib niya ang mga hinanakit na iyon. “Yes. I lied to Dad about that night when I told them we had made love and I was pregnant with your child! Pero naisip mo bang ginawa ko lamang iyon dahil mahal kita at alam kong itinatanggi mo lang ang damdamin mo para sa akin? Hindi ko gagawin iyon kung hindi konasisigurong pareho tayo ng nararamdaman.” Hindi tumugon si Achilles. Narinig na lang ni Madeline ang pagsara ng pinto ng banyo, marahil ay iniwan siya nito roon. Nagpadausdos siya sa sahig at nagiiyak. Siguro nga ay tama si Achilles. Siguro nga ay ang subconscious mind niya ang naguudyok sa kanyang huwag makakita upang mayroon siyang dahilan para muling makalapit sa binata. Iyon din marahil ang dahilan upang magkaroon siya ngrason upang bumalik sa piling ni Achilles sa kabila ng obvious na kawalan nito ng anumang damdamin para sa kanya. Kung bulag siya ay wala itong choice kundi kupkupin siya sa rancho dahil wala siyang ibang mapupuntahan. Sa rancho ay makakasama niya si Achilles. Bukod doon ay magkakaroon pa siya ng tsansang mabawi ang pagibig nito. God! How pathetic! “Maddy, I’m sorry, I’m so sorry, Maddy.”Napabaling siya sa pinanggalingan ng tinig. Bumalik ba si Achilles o hindi talaga nito nagawang umalis? Naramdaman niya ang paglapit ng binata sa kanyang tabi. Pagkuwa’y naramdaman na lang niya ang yakap nito at paghaplos sa kanyang likod. “Ayokong nakikita kang nasasaktan.” “Achilles…” “Alam mo kung gaano ka kahalaga sa akin. Nasaktan ako sa ginawa mo noon napagsisinungaling. Pero mas nasaktan ako nang hindi ka na bumalik. Sinisi ko ang sarili ko dahil doon, lalo pa at nakita ko kung paano nangulila si Ninong sa iyo. Bakit kasi hindi ka bumalik?” “I was scared. Takot na takot akong bumalik dahil baka ipagtabuyan n’yo ako pareho. Sa isip ko ay mas mabuti nang huwag akong bumalik kaysa makita ko uli sa mga mata ninyo ni Daddy ang pagkamuhi ninyo sa akin,” humihikbing pag amin niya.“Ah, Maddy… We never hated you. Ninong Tomas never hated you. Nasaktan siya sa ginawa mo pero madali ka rin niyang napatawad noon. Bigyan mo lang ako ngayon ng panahong makalimutan ang namuong tampo dahil sa hindi mo paguwi rito sa kabila ng mga pagtatangka kong kumbinsihin kang umuwi na rito.” Natigilan si Madeline. Animo umihip ang malakas at napakalamig na hangin sa paligid. “What? Wala akong alam tungkol doon. Hindi moako kailanman kinontak sa buong panahong nawala ako. Ako ang unang komontak sa inyo pagkatapos ng aksidente.” Ilang segundong hindi nakaimik si Achilles. Nanigas ang katawan nito. Pero ang murang pumailanlang sa silid ay hindi nagmula sa binata kundi sa likuran nito. Sa daddy niya na nakatayo pala sa pinto at narinig ang kanyang sinabi. “Ilang beses kong nakausap sa telepono si Corina upang hilinging makausap ka atkumbinsihing bumalik na sa rancho. Ang sabi niya, galit na galit ka raw sa akin at kay Achilles, na ni makausap kami ay ayaw mong gawin. I never thought her messages didn’t come directly from you dahil sa isip ko ay may karapatan kang maramdaman iyon pagkatapos ng nangyari,” saad ng kanyang ama sa tonong hindi mabuti ang ibinabadya para sa mommy niya kung sakaling magkrus uli ang mga landas ng mga ito. “Pinuntahan kita sa Amerika at nakausap koang mommy mo. Sinabi ko sa kanya na nais kong magkalinawan tayo. Lamang ay hiniling niya sa akin—no, mas tamang sabihing ipinakiusap niya sa akin na huwag ka munang gambalain sa pagsisimula mo ng bagong buhay malayo sa amin. Now, I think your mother just didn’t want to let you go and leave her again,” segunda ni Achilles sa paliwanag ng daddy niya. Natahimik naman si Madeline. Naalala niya ang mga pagkakataong pilit siyang pinaaamin ngmommy niya noon kung gusto niyang bumalik sa rancho kung sakaling tanggapin uli siya ng daddy niya. Ang naging sagot niya noon ay isang mataginting na “hindi.” Sawa na kasi siyang makita ang naaawang tingin ng ina sa kanya. Para bang siya na ang pinakamiserableng nilalang sa mundo dahil sa kabiguan niya sa pag ibig kay Achilles at sa pagtalikod ng sariling ama sa kanya. Sa pagnanais niyang ipakitang bale wala na sa kanya ang makabalik man o hindi sarancho, sinabi niyang hindi na niya nais makita o tumapak pa sa rancho. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kinapa niya ang kamay ni Achilles ngunit sa direksiyon na pinagmulan ng tinig ng kanyang ama siya tumingin. “Mom didn’t lie. Noong mga panahong iyon ay iyon talaga ang sinabi ko sa kanya dahil sa isip ko nga ay imposible nang gustuhin pa ninyong makita uli ako. Pero kung nalaman ko lamang na noon pa ay pinatawad na ninyo ako atnais makita, ora mismo ay nagbalik ako rito sa rancho.” Matagal bago may nakasagot sa dalawa. Tila ba kinailangan pang limiin nang mabuti sa isip ang isasagot sa kanya. “I was on my way to the airport after I learned about your accident when Ninong Tomas had a heart attack. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako nakapunta agad sa iyo,” pagamin ni Achilles na pinisil nang marahan ang kamay ni Madeline.Napasinghap si Madeline sa magkahalong pagkagulat. Hati sa pagitan ng galak at pagaalala ang reaksiyon. Pagaalala sa kaalamang inatake sa puso ang daddy niya at kagalakan dahil may mabigat palang dahilan kaya hindi agad dumating si Achilles sa tabi niya noong kailangan niya ang tulong nito. “Dad, are you okay now?” nakakunotnoong baling niya sa ama. May paniniyak na pinisil naman nito ang kanyang kamay at tinapiktapik.“Don’t worry, princess, hindi ganoon kagrabe ang atake ko. Nagalala lang ako nang labis sa nalaman kong aksidenteng kinasangkutan mo. Pero nang matiyak sa akin ni Freddie na ligtas ka na ay kumalma na rin ako.”

 

CHAPTER NINE

“WWHOS there? kinakabahang tanong ni Madeline nang makarinig ng kaluskos mula sa likuran. Hinihintay niya ang pagbabalik ni Achilles. Nagyaya kasing magpicnic ang binata ngunit dahil sa excitement ay nakalimutan nitong bitbitin ang jug ng inumin kaya bumalik ito sa bahay. Ngunit bago iyon ay tiniyak nitong ligtas siya at komportable sa kinauupuan.Inilatag ni Achilles ang kumot at pinaupo siya roon. Inilagay rin nito sa kamay niya ang cell phone niya na nakaspeed dial sa numero ng cell phone nito. Mayroon ding Walkietalkie na ang kapartner ay hawakhawak ni Achilles. Para daw madali niya itong matatawagan kung sakaling may nangyari o kung may kailangan siya. He was totally going against his earlier warning words. Iyong hindi siya dapat umasang tatratuhing prinsesa sa rancho ngayon dahil hindiraw niya dapat gamitin ang kanyang kapansanan para lalong kawawain ang sarili. Si Achilles mismo ay buong pusong nagpapakaalila sa kanya. Hindi pa man niya nasasabi ang kailangan o gusto niya ay nakahanda na itong iabot iyon sa kanya. Mistula siyang national treasure sa museum kung ituring. Bawal lumakad sa kung saansaan nang walang nakabantay sa kanya, bawal pakilusin o pagawain ng mabibigat na bagay, ni langaw ay bawal dumapo sa kanya at kung anuano pangbawal. Para matiyak na hindi na siya mabubunggo uli sa mga hindi niya nakikitang bagay sa harap niya ay ipinaalis nito ang lahat ng malalaking furniture sa mga parte ng bahay kung saan siya madalas maglagi. Noong una ay naaliw si Madeline at kinilig sa pagaalala ni Achilles ngunit lately, pati siya ay napapraning na sa binata. Kaya nga kahit ayaw pa siya nitong iwan magisa upang balikan ang naiwang inumin nila ay naggalitgalitan na siya.“You’re not helping me with your coddling, Achilles! Hindi ako inutil para lagi mong bantayan. How could I heal if you’re making it so easy for me to be blind? `Di ba, sabi ni Doctor Santivaniez ay kailangan kong isiping wala naman na akong dapat pang takasan sa realidad para magamot na ang sakit kong ito?” kunwari ay sikmat ni Madeline nang tumanggi si Achilles na iwan siyang magisa roon sa tabingilog kahit sa loob lamang ng sampung minuto.“Alam ko. Pero… Damn! Maddy, I just don’t want anything bad to happen to you,” wika nito na hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa kanyang pisngi.Bahagya siyang natawa. “Remember the movie Finding Nemo ? Those were the same lines the father said about his son.” Seryoso ang tonong sumagot ang binata. “Dahil pareho kami ng clownfish na iyon, nagmamahal attakot mawala uli ang minamahal. I regretted letting you go five years ago, Maddy. Ilang beses kong naisip na sana ay iba ang ginawa ko noon para hindi ka na umalis. Pero siguro kinailangan muna talagang mawala ka bago ko marealize kung gaano ka kahalaga sa buhay ko.” “I’m not going anywhere, Achilles. I’m staying right here with you.” Narinig uli ni Madeline ang mga kaluskos. Ngunit batid niyang hindi si Achilles iyon.Pamilyar sa kanya ang natural na amoy at ingay na nililikha ng mga yabag ng binata.“Ako ito, Madeline. Kumusta ang blind beauty? Ang hirap, ano? Ang daming hindi mo puwedeng gawin at alamin. Tulad ng kung saan ka tatakbo kapag may nagtangka ng masama sa iyo.” “Job! Ano’ng—” Napatili siya nang bigla siyang hablutin ng lalaki sa braso at kabigin palapit. “Bitiwan mo ako!” “Not before you give me a kiss first. Kahit isalang, wala naman si Achilles, eh. Ah, hindi, ganito na lang pala. Tumakbo ka. Kapag naabutan kita, hahalikan kita. Kapag hindi, hahalikan pa rin kita.” Tumatawang yumuko ito at hinalikan siya sa leeg. Itinulak niya si Job. Nagmura ito. Sinamantala niya ang pagkakataon para tumakbo. Hindi niya alam kung saan siya patungo. Panay ang sigaw niya ng tulong.“Madeline, don’t! Ilog nàyan!” sigaw ni Job na humahabol sa kanya. Hindi niya pinakinggan ang lalaki. Nagpatuloy siya sa pagtakbo. Nililinlang lamang siya nito. Hindi nakikisama rito ang tunog ng malakas na agos ng ilog. Nagmumula iyon sa likuran niya at hindi sa harap. Nagulat siya nang wala siyang maapakang lupa. Naramdaman niya ang pagbulusok niya sa ere. Kasunod niyon ay naramdaman niya angpaglubog niya sa napakalamig na tubig. “Madeline!” Marunong siyang lumangoy ngunit dahil sa takot ay tila nakalimutan niya iyon. Naramdaman niya ang paglabusaw sa tubig di kalayuan sa kinaroroonan niya. Kasunod niyon ay naramdaman niyang may humablot sa kanyang baywang. Hinawakan siya niyon sa baba upang manatiling nakalitaw ang ulo niya sa tubig. “Ayos ka lang ba?”It was Achilles’ voice. Nahimigan ni Madeline ang matinding pagaalala roon. Bunsod sa nangyari ay nanginig siya at napaiyak sa matinding takot. Niyakap siya ng binata at inalo. “It’s all right, baby. It’s all right. I’ve got you. It doesn’t matter if you never see again. I’ll be your eyes from now on. Magtatalaga ako ng mga tagapagalaga mo. Don’t worry, you’ll be fine. Pangako, ako ang bahala sa iyo. Hindi kita pababayaan.”“Achilles?” nababaghang sambit niya. Itinaas niya ang kamay para madama ang mukha ng binata. Kagaya niya ay nanginginig din ang katawan nito. “I’m sorry, hindi ko sinasadya. Nagbibiro lang ako, Madeline,” anang nagaalala ring tinig ni Job. Naramdaman ni Madeline ang paglingon ni Achilles. “Get out of my sight, you bastard! Kapag nakita uli kita rito sa loob ng rancho ko, tinitiyak ko sa iyong ikaw ang lulunurin ko sa Ilog Fria!”pasinghal na banta nito kay Job. Narinig ni Madeline ang mga papalayong yabag. Hinarap uli siya ni Achilles. “Are you really all right, Maddy?” Mahinahon na uli ang tinig nito. “I’m fine. Achilles, bakit hanggang ngayon ay malaki pa rin ang galit sa iyo ni Job? Ang sabi mo, pagkaalis ko ay hindi mo naman na binalikan pa si Myra. Bakit galit at bitter pa rin siya hanggang ngayon?”Ilang sandaling tahimik ang binata. Mayamaya ay bumuntonghininga ito. Hindi ko agad sinabi ito sa iyo dahil wala pang katiyakan kung totoo nga o hindi ang sinabi ng kapatid ni Myra kay Job. Maddy, Myra left Isla Fuego the same day you did. Nagsinungaling siya nang sabihin niyang hindi siya buntis. Ang sabi ng kapatid niya, tatlong buwan na raw siyang buntis pero nang malaman niya ang tungkol sa iyo, nasaktan siya kaya pinili niyang itago sa akin ang totoo.”“Nnagkaanak kayo ni Myra? Tila biglang nagkaroon ng bikig sa lalamunan ni Madeline. Paano kung bumalik si Myra at pilitin si Achilles na panagutan ang anak? Paano na siya? “Ang totoo, hindi ko alam. Puwedeng anak ko nga ang dinadala niya pero puwede ring hindi. Puwedeng anak ni Job `yong bata. Itinatanong mo kung bakit galit sa akin si Job? Nagagalit siya dahil hindi niya alam kung saan naroon si Myra at ang anak nito. Malakas ang kutob niyang anakniya ang bata. Ako ang sinisisi niya sa pagalis ni Myra, as if my loving Myra rather than you could have stopped her from leaving. Iuuwi na kita.” Iginiya siya patungo sa pinagtalian ni Achilles ng kabayo. “Saka na tayo magpicnic. Kailangan mong magpalit ng damit bago ka pa magkasakit.” Inalalayan siya sa pagsakay sa kabayo bago pumuwesto ang binata sa likuran niya. Niyakap siya nito gamit ang isang braso habang ang isa pa ay ginamit na panghigit sa renda.Nagsimulang tumakbo ang kabayo. “Achilles…” “Hmm?” He nuzzled her neck, trying to breathe in her scent as if it brought him utter peace and contentment. Kung noon ay ilag na ilag ito sa physical contact at pagpapakita ng nadarama sa harap ng ibang tao, ngayon ay hindi na. Tila ba nais nitong bumawi sa limang taong pangungulila sa kanya kaya hindi makontentong maglambing nang sila lamang dalawa ang nasapaligid. “What will you do if Myra comes back with your child?” “I’ll ask my wife what we should do about the child. I hope she’ll be kind and loving to the kid and allow him or her to live with us part of the year.” Nanigas sa tensiyon si Madeline. Tama ba siya ng dinig? Siya ba ang tinutukoy ni Achilles sa salitang “wife”?Tumikhim ang binata. “Kung sakaling hindi mo naunawaan, Madeline, inaalok kitang maging asawa ko. Gusto kong maging kahati ka sa pagdedesisyon tungkol sa anak namin ni Myra sa sandaling matagpuan na siya ng inupahan kong private investigator. Wala kang dapat ipagselos kay Myra noon man o ngayon. Dahil tama ka. Noon hanggang ngayon ay ikaw ang mahal ko.” “AAchilles…” Gumaralgal ang tinig niya nang sambitin niya ang pangalan nito. Naguumapawang tuwa sa kanyang dibdib. Kumapit siya nang mahigpit sa braso nitong nakapulupot sa kanyang baywang. “Hinihintay ko ang sagot mo, Maddy. ‘Oo’ ba o ‘oo’?” kunwari ay paangil na untag nito. “Oo.

 

”EPILOGUE“

ANG GANDA talaga ng mga mata mo,” anas ni Madeline sa gitna ng paghahanda nilang mag asawa para sa pupuntahang libing. Hindi pa rin siya makapaniwalang nakakakita na uli siya. One minute there was just darkness and nothingness, the next the trees were rushing towards her and then the icy river was just a few feet from her.Gumuhit ang pagkagulat sa anyo ni Achilles nang sabihin ni Madeline na nakakakita na siya pagkatapos siya nitong maagap na pigilan sa muntik na namang pagkahulog sa ilog. Tiningnan siya nang mataman ni Achilles. Sinalubong niya ang titig nito. Kasabay ng pagbadha ng katuwaan sa mukha ni Achilles ay niyakap siya nito nang mahigpit. That was two months ago, a week just before they got married.“Tulog na ba si Miro?” tanong ni Madeline na ang tinutukoy ay ang anak ni Myra. Hindi na natagpuan ng private investigator si Myra dahil namatay pala ito sa panganganak. Ang batang isinilang ay nahanap sa bahay ampunang pinagdalhan dito. Miro was Job’s son. Kitangkita iyon sa mukha ng bata kahit hindi na sumailalim sa DNA tests. Mistulang pinagbiyak na bunga ang dalawa. Unfortunately, shortlived ang reunion ng magama dahil nadiagnose with skin cancer si Job. Sa durasyon ng pananatili nito sa ospital ay sina Madeline at Achilles ang madalas na bisita nito. Iyon ay hindi dahil kay Job kundi dahil kay Miro. Gusto nilang makasama ni Job kahit sa sandaling panahon lang ang anak nito. Miro was a lovable kid. Job entrusted Miro to Achilles and Madeline’s care since it was quite apparent that none of his other cousins, aunts, or uncles were willing to take on his bastard son. Saaraw na iyon nakatakdang ilibing si Job. Hindi na nila isasama si Miro dahil iyon ang bilin ni Job. Gusto nitong matandaan ito ng anak na buhay pa at hindi iyong nakasilid na sa kabaong. Tumango si Achilles bilang tugon sa tanong ni Madeline. Bumuka ang mga labi ni Madeline pero bago pa niya maisaboses ang susunod na tanong ay sinakop na ang mga iyon ng mariing halik ng kanyang asawa. Dahil gusto rin niya ang halik na iyon, isinantabi na muna niya ang mgakatanungan sa isip at tinugon ang halik. “I love you, Maddy. Forgive me for being selfish. Pero gusto kong mauna ako sa iyo. Dahil hindi ko na kakayanin pang mawala ka uli sa buhay ko.” “I love you, too. Kaya huwag kang umasang mauna dahil sasabay ako sa iyo kahit ano ang mangyari. Kapag hindi ko pa oras, wala kang magagawa kundi maghintay sa akin.” Tumawa si Achilles, saka nagkibitbalikat.“Well, I’ve waited six years before you were born. I guess I could wait a hundred years more of living with you and loving you before we face the end.”WAKAS

Post a Comment

1 Comments

Post a Comment
3/related/default