Baby Natin, Kunwari

0
Baby Natin, Kunwari


Chapter 1: Ang Mana

"PROBLEMADO ka sa proyektong 'yan dahil sa krisis na nangyari sa firm mo noong nakaraang buwan, tama?" "Exactly, Knight!" Knight smirked and glanced at him, bago 'to tuluyan nang pumasok sa office nito kung saan siya ay nakasunod naman sa likuran nito. Usual scene nilang magpinsan 'yon sa tuwing darating siya sa jewelry shop na pag-aari nito. Jewelry shop kung saan ay kasosyo siya nito. "Grabe ang laki ng ospital na 'yon. Kayang-kaya na naming pagtulungan 'yon. Saka, chance na 'yon ng firm ko. Mabu[1]boost pa ang negosyo namin kung makukuha namin ang proyektong 'yon ng mga tao ko. E, ito naman kasing si Architect D, hindi ko makontak. Hindi ko naman masisi at ngayon lang 'yon nag-leave mula nang itayo namin ang firm," dagdag pa niyang tugon sa pinsan na si Knight, tukoy niya ang kasosyo na kaibigan at kasosyo na arkitekto. "At? Gusto mong magpakawala ako ng gano'n kalaking pera? Tama rin?" "Yes. Oo, sana. Kung puwede lang naman..." Umiling 'to, itinuon ang pansin sa mga papeles na nasa harapan nang makaupo na 'to sa swivel chair. "Sige na naman, Knight," pakiusap pa niya rito. Malaki kasi talaga ang kagustuhan niyang makuha ang proyektong 'yon. Isa 'yong malaking proyekto na kayang-kaya niyang kunin kung hindi lang sana dumaan sa krisis noong mga nakaraang buwan ang construction firm niya. May pera pa naman siya, kaya lang ay hindi niya maaaring sagarin 'yon. Ang isang ospital na proyekto lalo at malaki nga ay nangangailangan din ng malaking budget. Isa pa, hindi pa naman sikat ang kaniyang negosyo upang sugalan ng client nang gano'n na lang. Kailangan niyang magpa-impress muna sa mga 'to, s'yempre. And speaking of impress, sino pa ba ang maaari niyang malapitan, e, 'di si Knight Winters. Mas mayaman 'to sa kaniya, mas g'wapo lang siya. Binalik nito ang pansin sa kaniya. Matiim at nababagot siyang tinignan nito habang ang isang siko ay itinukod sa arm chair at ang mga daliri ay pinahinga paikot sa isang pisngi. "Arkin, sa lahat ng problemado sa negosyo, sa lahat ng may binabayaran na mga tauhan na naaksidente at may inaayos na danyos, also, may kasong dapat asikasuhin o bayaran, ikaw 'tong nakukuha pa na mamasyal sa kung saan-saan, tama rin ako 'di ba?" Napabuntonghininga siya at napakamot sa sariling batok. "Knight, nagsasaya lang naman ako sa mga problema na napagdaanan ko..." "Problema na alam mong mangyayari pero binalewala mo." Hay, daig pa talaga niya ang nagsimba 'pag ang pinsan niyang 'to ang kausap. "Of course, hindi ko naman ginusto na mangyari 'yon at hindi ko rin inaasahan 'yon. Maging si Architect D ay nagulat. Aksidente 'yon—" "Mali. Inaasahan mo 'yon. Inaasahan mo and yet, sinige mo pa rin. Ikaw na rin mismo ang nagsabi sa 'kin, remember?" Kakamot-kamot tuloy siya ulit sa sariling batok. "Haist, tapos na 'yon, nangyari na. Inaayos ko naman na at alam komg responsibility namin 'yon ni Architect D. Knight, sayang kasi talaga 'tong project na 'to. Dito ako makakabangon mula sa inilugi ko sa nangyaring aksidenteng 'yon." "Kumusta nga pala ang mga naaksidente?" "Okay na. Wala naman silang malalang pinsala." Kibit balikat niyang sagot. "I can't believe you! For a businessman, napakapabaya mo." Nakaingos nitong sambit. Anong oras kaya matatapos sa sermon 'to? Hindi na bale, mapa-oo niya lang 'to ay worth it naman ang makinig sa sermon ni Father Knight Winters. "Kaya nga gusto kong makuha ang proyektong 'to e, para naman makabili na 'ko ng mas magandang mga materials and equipments. Alam mo naman na hindi pa gano'n ka-boom ang firm ko ah." Siya kasi talaga ang mas malaki ang share ro'n sa kanilang dalawa ng arkitektong si D. "Hindi pa gano'n ka-boom kasi nga, tinipid mo! Kung hindi mo tinipid 'yan mula't simula, sana ay katulad na 'yan nitong jewelry shop." "Knight naman. Nakakasakit ka na." Pagpapaawa niya. Try niya lang kung makukuha niya 'to sa paawa na strategy. Baka lang naman.

"Hah! Ngayon ay aartehan mo 'ko na parang ang bait mo. Dito nga lang sa shop ay kakapiranggot na ang ambag mo. Mabuti nga at hindi kita dinaraya sa pasahod." "Kaya nga advance mo na. Pasensya na, man, gipit lang." "Tsk!" "Sige na, Knight, wala naman akong ibang malalapitan." Natigilan 'to at tumayo, namulsa habang patuloy siyang matiim na pinagmamasdan. "Mali, Arkin." "Ano?" "May iba ka pang malalapitan. Hindi totoo 'yang sinasabi mo na ako lang." "Haist, sino naman 'yan? Ikaw lang naman 'tong nilalapitan ko sa tuwing nagkakaproblema ako." "Si Doña Matilde." Lola niya sa father side ang tinutukoy ng pinsan niya. Si Knight kasi ay pinsan niya sa mother side. Si Doña Matilde ay nakahiga na nga sa pera nito. kaso lang ay hindi siya makakalapit do'n kahit pa ba sa mga apo nito ay siya ang masasabing pinalaki nito. Paano ay namatay na ang kaniyang ama no'ng siya'y siyam na taon pa lamang. Wala naman din siyang nanay. Hindi niya nakilala ang nanay niya. "Naku, Knight, alam mo naman na masungit sa 'kin 'yon pagdating sa pera at hindi ko naman hinawakan ni isa sa mga negosyo niya," tugon niya rito. Totoo naman kasi 'yon. Never pa niyang sinubukan na lapitan ang abuela patungkol sa usapin na pera dahil nga sa mga pinsan niya sa mother side ay siya 'tong walang ambag kumbaga sa mga negosyo nila. May sarili siyang negosyo at ayos na siya ro'n. Hindi rin kasi niya saklaw ang klase ng negosyo ng mayroon ang mga Hondradez—family name ng mother side niya. Kaya naman niya pero masyadong magulo ang mga kamag-anak niya sa mother side. Sila-sila rin ang nagtatalo sa pera. Iba pa rin 'tong pinsan niya sa father side na si Knight. And of course, iba pa rin ang may sarili kang negosyo. "Well, wala naman akong sinabi na hawakan mo ang negosyo niya," untag ni Knight sa nilakbay na ng isipan niya. "Basta, ayokong lapitan si Doña Matilde, okay? Alam mo naman na hindi rin ako umuuwi ngayon sa mansion." Hindi siya umuuwi sa malaking bahay ng abuela dahil ayaw niyang hamakin siya ng mga pinsan niya patungkol sa nangyari nga na aksidente sa negosyo niya no'ng nakaraang buwan. Though, siya lang naman ang kasama ni Doña Matilde sa bahay nito, pumupunta naman do'n paminsanan ang mga pinsan at mga magulang ng mga 'to upang magpalapad ng papel sa abuela nila. 'Yon na nga mismo, magpalapad ng papel, na siyang hindi niya ginawa kahit kailan. "Wala rin naman akong sinabi na lapitan mo siya." Kumunot ang mga kilay niya sa pagtataka. "Ows? E, ano ba? I mean, man, alam mo naman ang stand ko sa pamilyang 'yon. Ikaw sa lahat ang nakakaalam." Dahil dito lang naman siya nagsasabi ng mga sama ng loob niya. Masiyahin talaga siya sa panlabas pero emo siya inside. At ang emo side niya ay parating sinasalo ng pinsan na kaniyang kaharap ngayon. Knight leaned forward at him. Nakatukod ang magkabila nitong braso sa office chair nito habang siya ay nakaupo naman sa dulo niyon gaya nang nakagawian na niyang puwesto sa tuwing guguluhin niya 'to sa opisina nito. "Hindi mo na ba naaalala ang mana mong naka-freeze kay Doña Matilde, Arkin?" Natigilan siya. Oo nga pala, bakit nga ba nakalimutan niya na ang tungkol do'n? Nang mamatay kasi ang asawa ni Doña Matilde na kaniyang abuelo, may apat na taon na ang nakalilipas, pinamanahan siya niyon s'yempre. Pinamanahan siya ngunit may kaakibat naman na kondisyon... At sa pagkaalala niya sa kondisyon na 'yon ay nalukot ang kaniyang ilong. "Hindi puwede 'yon. Hindi ko rin 'yon makukuha." Knight let out a breathe. Saka 'to umayos ng tayo at napahalukipkip na iningusan siya. "'Yon ay dahil ayaw mo pang mag[1]asawa." Exactly! Asawa o mag-ina, 'yon ang kondisyon na kailangan niya upang makuha niya ang man na binabanggit ng pinsan niya. "Masyado pa 'kong masaya sa buhay ko para magpatali sa isang babae. Saka, hindi naman agad-agad ay makakabuo ng bata," katwiran pa niya. "Mag-ina ang condition ng mana na 'yon at hindi basta asawa lang." Naumay na kasi ang abuelo siya sa kakapalit niya ng babae no'n. Naumay ang namatay niyang abuelo sa kabilaan na babae na naugnay sa kaniya na umabot na sa puntong natakot 'to para sa kaligtasan ng kalusugan niya na para naman sa kaniya ay OA lang at kaya naman niyang alagaan ang sarili. "Kahit na." "Hoy, Knight Winters, hindi mo alam ang sinasabi mo." "Look, twenty seven ka na pero palpak naman 'yang negosyo na sinimulan mo." Ouch! "Hindi naman palpak, grabe ka. Hindi ba puwedeng minalas lang?" "Sige, minalas na kung minalas. But think of this— twenty seven is not young, man. Puwede ka nang mag-asawa. Baka nga asawa ang kailangan mo na upang magtanda ka. Upang magtino ka na at hindi na gawing biro ang lahat ng bagay." "Hindi ko makita ang koneksyon," iritang wika niya pa rito. "Kung may asawa ka na, magbabago na kasi ang pananaw mo sa buhay. At sa tingin ko, 'yon nga ang nais ng lolo mo. Look at me, I'm married and contented." "Ikaw 'yon." Pagak na natawa na lang 'to nang talikuran na niya 'to. Pag-usapan na nila kahit ang pinakamahirap na iresolbang math, huwag lang ang tungkol sa pag-aasawa niya. Hah! Masyado pa siyang masaya sa buhay para mag-asawa. Wala siyang balak magpaloko na naman sa mga babae. Oo, nilalahat na niya, hindi naman kasi biro ang sakit na pinagdaanan niya sa mga 'to. Kaya nga ba magmula niyon ay sumumpa siyang hinding-hindi na magseseryoso sa kahit sinong babae. At may seseryoso pa ba sa usaping asawa at anak? Damn it!

 

 

 

Chapter 2: Ang Manang at ang Playboy

DAHIL sa frustration na nararamdaman ay napagpasyahan ni Arkin na umuwi na lang muna at ipahinga ang utak. Gusto niya ang proyektong 'yon. Gagawin niya ang lahat para makuha niya 'yon. Iisipin na lang muna niya kung paano mapaamo si Knight o mag-iisip pa siya ng ibang paraan muna. May paraan pa, naniniwala siya. May paraan pa at napakarami pang paraan bukod sa nabanggit ng siraulo niyang pinsan. Hinding-hindi na niya ilalagay sa alanganin ulit ang sarili. "Sh't!" hindi niya naawat ang sarili na mainis at diinan ang busina ng kotse niya sa sobrang traffic. Kung kailan naman kaunti na lang ay nasa subdivision na siya. Subdivision na siyang mas nais niyang uwian sa tuwing may problema siyang katulad na lang ngayon. Ah, sabagay, inabutan na pala siya ng rush hour kaya naipit na siya sa traffic. Rush hour at idagdag pa ang ulan na sadyang nagdudulot na ng trapiko sa Metro sa hindi niya malaman na kadahilanan. B'wisit! B'wisit talaga ang mga kamalasan na nararanasan niya lately. Wala naman siyang balat sa puwit para abutin ng kamalasan, ewan ba naman niya. Pero sabi nga ay sa buhay, kasama talaga ang kamalasan. Hindi niya kailangan na magreklamo, alam naman niyang soon ay may kapalit na ang lahat ng 'yon ng suwerte. Basta mabuting tao pa rin naman siya na hindi nagpapabaya sa responsibilidad niya bilang may-ari ng firm na minalas. Oo, malas talaga! Nasa gano'ng pag-iisip siya nang umusad na ang mga sasakyan sa kaniyang harapan. Kasabay nang pag-ilaw ng screen ng phone niyang nasa cp holder na naka-install sa dashboard ng kotse niya. Awtomatikong napangiti siya nang mapasulyap do'n... Si Mary na malayo sa birhen na Maria pala ang nag-message sa kaniya. Nakilala niya 'to sa isang bar sa Malate noong nakaraan. Pakipot, na normal naman sa mga gano'ng babae. Babaeng sawi kaya naglalaklak sa bar na 'yon. Kung may makakapag-shift ng mood niyang inis sa tuwa ay ang mga babae 'yon na game katulad ni Mary. Ah, nais niya talagang mailabas ang babae at maisama sa listahan ng mga babaeng nakaulayaw niya dahil maganda 'to, parang manika sa ganda. Maamo ang mukha. Maano bang makipagbolahan siya rito tutal ay naipasok na niya ang kotse niya sa gate ng subdivision... HINDI matatawaran ang nadaramang pagod ni Reema ngayon. Kailangan na makakain siya kahit tinapay at kape lang ngayong gabi dahil sigurado siyang pagkalapat niya sa higaan ay makakatulog na siya dahil sa pagod. Marami kasing customers kanina sa supermarket kung saan siya regular na nagtatrabaho. Ewan ba niya kung bakit sa araw na 'to ay mas maraming nangailangan ng serbisyo niya. Walang humpay. Kaya hindi rin siya nakaupo talaga halos idagdag pa na nag-iisa siya dahil ang kasama niyang 'bisor ay naka-leave dahil manganganak. Bilib din nga siya sa sarili at hayun, nakuha niya pa talagang maglakas pauwi. Kailangan e. Kailangan na magising ang diwa niya kung ayaw niyang agaran siyang makatulog pagkauwi niya saka malaking tipid na rin 'yon sa kaniya. "Ayy! B'wiseeet!" tili niya nang pukawin siya at maramdaman niya ang maruming tubig sa kaniyang kanang braso, binti at pisngi. Oo, hindi na niya naiwasan—nasabuyan lang naman siya ng putik! Putik na nasa kalsada dahil sa pag-ulan kanina! Ang salarin? Hayun, ang isang magarang kotse na kilalang-kilala niya kung sino lang naman ang nagmamaneho! Awtomatiko ang pagtalim ng tingin niya sa madilim na bintana ng kotse nito kahit wala naman siyang nababanaag na tao ro'n dahil nga magara ang kotse. "Hoy! B'wisit kang lalaki ka, harapin mo ako!" bulyaw niya kahit alam niya rin na hindi siya naririnig nito. Kinatok niya rin ang salamin ng kotse ng bastos na lalaki sa sobrang inis niya. Oo, sigurado siyang lalaki ang driver ng kotseng 'yon. Aba, sino ang hindi maiinis? Pagod na siya at nakakatamad nang maglaba tapos palalabhan pa nito ngayon sa kaniya ang pants niyang pangtrabaho na naisusuot niya pa ng dalawang araw! Itim naman 'yon kaya naisusuot niya ng dalawang araw pa. Saka kailangang magtipid sa taas ng kuryente ngayon. Kailangan na magtipid sa sabon. Sa lahat ng bagay ay dapat na magtipid lalo kung mag-isa ka sa buhay na katulad niya. Tulad niyang mag-isa nga sa buhay ngunit may sinusuportahan na pamilya na nakakalat sa kung saang parte ng Pilipinas. At ang gano'ng sitwasyon ay pupusta siyang hinding-hindi pa naranasan ng lalaking masasapak niya talaga kung hindi magbababa ng salamin. Ang tagal magbaba ng salamin ng kotse nito kahit huminto naman na. Kumuha siya ng bato at umakma siyang hahampasin ang salamin ng kotse nito na siyang gagawin niya talaga kung nagkataon na hindi 'to haharap sa kawalanghiyaan na nagawa nito sa kaniya ngayon. "Hey," bungad nito sa kaniya nang magbaba ng salamin, malawak na nakangiti pa ang hudyo! "Hey mo ang mukha mo! Ito ang bagay sa kotse mo hayup ka!" Nang makita niya ang ngiti nito ay ewan ba naman niya kung bakit parang kumulo ang dugo niya lalo at determinado na siyang ihampas ang batong hawak niya sa kahit saang parte ng kotse nito. Kaso ay ang bilis nitong kumilos pala, agad na 'tong nakababa sa kotse e. Kaagad na nakababa na 'to ng kotse at hawak na siya sa pulsuhan niya kung saan naroon ang bato na pinulot niya kanina. "Calm down, Reema, baby," mapang-asar pa nitong sambit. She gritted her teeth. At oo, pinakita niya 'yon sa lalaking ngayon ay nakatayo sa harap niya't tinitingila na niya. "Hoy, hudyo! Kahayupan mo talagang peste ka sa tuwing uuwi ka rito 'no?! Nakita mo 'tong ginawa mo sa 'kin ha?" At katulad na lang noon, sa tuwing sila ay nagkakatagpo na dalawa, ngumisi na tila nakakaloko 'to na mas lalong kinangitngit naman niya. Kung totoo nga ba na bumubuga ng usok sa galit ang ilong ng isang tao ay siguradong gano'n na siya sa mga oras na 'yon sa harap nito. Lalo na at nagsalita na naman 'to ng kalokohan in her face... "Baby Reema Valderama, it's nice to see you again. Nakakagulat na hindi na kita kailangan na kilalanin pa mula sa kotse ko kanina dahil kahit ilang buwan na 'kong hindi umuwi rito sa Blooms Subdivision ay ganyan pa rin talaga ang itsura mo... still the manang that I've known..." Muling pinagkiskis niya ang mga ngipin dahil sa inis niya sa tinuran nito. Pumasag siya sa pagkakahawak nito sa pulsuhan niya, itinapon niya ang bato na kaniyang hawak at pinagpagan ang sarili niyang mga palad bago muling pinanlisikan ng tingin ang lalaking kaharap. Gusto sana niyang sabihin dito na maging ito ay walang pagbabago. Hambog pa rin 'to. Pupusta siyang ito pa rin ang Arkin Winters na kung magpalit ng babae ay animo nagpalit lang ng underwear.  Sigurado siyang ito pa rin ang lalaking akala mo ay kung sinong herodes na nagdesisyong paglaruan ang mga babaeng dadaan sa palad nito dahil lang sa niloko 'to ng pinsan niyang si Via. E, kung hindi ba naman kasi malandi 'to at ang pinsan niya, kay aga na magkagustuhan, elementary pa lang pala ang mga 'to. Natural magbago pa ang nararamdaman ng pinsan niyang hindi naman niya ka-close pero nagpunta sa kaniya minsan para umutang ng pambiling gatas. Do'n niya nga nalaman ang kuwento nito at ni Arkin Winters. Nakakagulat s'yempre, akalain niya ba na gano'n kaliit ang mundo. Higit sa lahat, akalain ba naman niyang ang playboy na kapitbahay niya ay minsan na palang nagmahal. Minsan na palang may nagmahal dito. Kung siya kasi ang babae ay hindi niya 'to tatapunan ng pansin man lang! "Wait, nasaan na ang malalaking salamin mo sa mata? Wow, nag-upgrade ka na rin pala kahit paano. Look at that contact lenses, bagay sa 'yo ah. Color gray. Ang hindi lang nagbago talaga ay ang boring na pananamit at boring na buhok mo. Sabi ko naman sa 'yo, para hindi ka masabihan na manang ay—" hindi na naituloy ng lalaking mataas, maganda ang tindig, may nakakalansing mga mata ang sinasabi nito nang walang sabi-sabing undayan niya ng sapak 'to. Sapul 'to sa gilid ng kanang labi. "'Yan ang nababagay sa mga lalaking hambog na tulad mo! Akala mo nabili mo ang kalsada kung magpatakbo ka ng kotse mo!" asik niya rito habang nakayuko 'to, sapo ang labi na nasaktan at tila dina-digest pa ang nangyari. "Wow, medyo masakit 'yon ah, buti pa ang suntok mo nag-evolved. Grabe nga ang progress sa huling suntok na inabot ko sa 'yo," nakakaloko pang ani 'to nang makahuma na at nag-angat ng tingin sa kaniya. Ano pa ba ang aasahan niya rito? Noon pa man ay luko-luko na 'to. Sus. "Buti pa nga talaga. At oo, lahat naman ay may progress, ikaw lang yata ang nananatiling wala at nakahinto sa nakalipas kung saan ka harapan na pinagpalit sa malapit, Arkin Winters," ganting pambubuska niya rito bago niya 'to talikuran. Kung lilingon lang sana siya ay makikita niya kung paanong nanlisik ang may kapilyuhan na mga mata ng lalaking kaniyang binuska sa paraan na alam niyang mas masasaktan 'to. Kaya lang ay hindi na nga siya lumingon. Hindi tuloy niya napaghandaan ang paghila nito sa braso niya at mas lalong hindi niya napaghandaan ang halik na ginawad nito sa kaniya!

 

 

Chapter 3: The Baby

BALIKWAS na bumangon si Reema mula sa sofa na nakatulugan na niya kagabi. Hayst, sabi na nga ba niya, sa sobrang pagod niya ay pagka-shower kagabi ay bagsak na kaagad siya. Hindi na niya nagawang makaakyat sa k'warto niya at sa sofa na siya inabutan ng antok. Antok pa na bumangon siya. Hindi siya papasok ngayon kasi sarado sila. Nakalimutan niyang official holiday nga pala ngayon. Kung hindi ba naman katangahan niya rin para magalit kagabi sa hudyong si— Argh! Naalala na naman niya ang hayup na si Arkin Winters at ang unang halik na ninakaw nito sa kaniya. Oo, unang halik niya 'yon. Unang halik at... Ah! Nakakainis! Nakakainis na maalala kung gaano kabasa ang halik na 'yon. Nilamutak lang naman ng hudyong si Arkin Winters ang bibig niya! Pero s'yempre, pagkatapos ng halik ay isang sapak ulit ang inabot nito mula sa kaniya bago siya mabilis na nagmartsa paalis. Kung hindi niya kasi bibilisan ay makikita ng lalaking 'yon ang namumuo ng luha sa kaniyang mga mata kagabi. Luha na sigurado siyang pagtatawanan na naman nito. Gano'n naman 'to sa tuwing nagkakaroon sila ng engkwentro. Tatawa lang. Akala mo ay nakakatuwa siya. Hmp! "Napakasalbahe talaga ng lalaking 'yon," himutok pa niya sa sarili. Matapos niyang magbanyo at magwisik lang sa mukha ng tubig ay nagpakulo na siya ng tubig sa electric kettle niya para makapagkape na muna siya. Gaya nang nakagawian ay dinala niya sa munting gazebo ng bahay niya ang kape niya. Pinalagay niya ang gazebo na 'yon upang kapehan niya talaga 'pag naroon siya sa bahay niya. 'Yon na lang ang pinalagay niya at hindi naman kasi siya pinayagan ng president ng subdivision's homeowner association na magpalagay ng fence at division na maghahati sana sa bahay nila ni Arkin. Oo, tag kalahati sila ng hudyong lalaki sa isang buong bahay na may dalawang pinto. 'Yon lang kasi ang afford niya. Nauna siya sa hudyo na makakuha ng bahay ro'n. At ewan ba naman niya, sa dami pa ng makakakuha sa kalahati ng bahay ay ito pa. Gayong sa pagkakaalam naman niya ay mayaman 'to. Anyway, buti na lang at pinayagan ang gazebo niya. Masarap magkape ro'n sa umaga habang nagmumuni-muni siya at isa-isang binabati ng mga nagdaraan na kapitbahay. Sa pagkaalala sa salitang kapitbahay ay pumasok na naman sa isip niya si Arkin. Napaingos siya. Maaga pa naman, sigurado siyang tulog pa ang b'wisit na lalaki. 'Pag nagising 'to ay sasabayan niya ng alis sa gazebo. Hindi ito at ang nakakadiring basang halik nito ang makakapagpaawat sa kaniyang peace sa paninirahan sa Blooms, hah! Pero ang inaasam niyang peace ay mukhang hindi niya makakamit ngayon. Pagbukas kasi niya ng pinto niya ay isang baby stroller ang bumungad sa kaniya—baby stroller na may natutulog na cute na baby! NAG-INAT si Arkin at pinatunog ang mga buto niya sa leeg habang hinihintay niya na kumulo ang pinainit niyang tubig para sa kape niyang barako. Sa umaga ay barako talaga ang kinakape niya pampagising. Nang umagang 'yon ay mas kailangan niya niyon dahil halos mapuyat na siya sa pag-iisip kagabi sa pagresolba ng problema niya sa pera. Napuyat na siya ngunit wala, zero. Si Knight pa rin ang nakikita niyang solusyon sa problema niyang 'yon. Ang pinsan niyang si Knight na magmula yata nang makapag-asawa ay sinapian na ng espiritu ng kakuriputan sa hindi niya malaman na dahilan. Tsk. Ilang beses din niyang inisip ang magiging approach niya sa lola niyang si Doña Matilde para buksan niya ang tungkol sa naka-freeze niyang mana pero wala. Wala siyang maisip na magandang approach. Kilala niya ang lola niya. Hindi rin talaga 'yon papayag sa gusto niya kahit hainan niya pa ng kung ano-anong salita at pangako. Napakamot siya sa sariling kilay na lang. Dahil sa labis na inis nga ay hindi naman siya natuloy sa paglabas kagabi. Nawalan na siya ng gana. Sinabihan na lang niya si Mary na sa susunod na lang sila lumabas. Hindi na rin niya kasi gustong magdala ng babae sa bahay niyang 'to sa Blooms na noon naman ay ginagawa niya. Wala lang, wala naman sigurong masama kung maniwala siya sa kasabihan na malas 'yon. Napangisi siya nang maalala niyang ang nagsabi sa kaniya na malas ang gano'n ay nakatira lang sa kabilang bahay. Si Reema Valderama na may malambot na labi pala... Man, magkape ka na para kabahan ka naman. Malayo si Reema sa mga babaeng naikama mo na. Don't ever think about it! Nasa gano'ng pakikipagtalo siya sa sarili nang hindi pa man niya nahihigop ang tinimpla niyang kape ay tumunog ang doorbell niya. Kumunot ang noo niya sa pagtataka. Masyado pang maaga para sa bisita ah. Hindi na siya nag-abala na silipin kung sino ang nasa likod ng pinto niya dahil sa tagal niya naman na nanirahan do'n, walang aberya na maaari niyang ma-encounter kaya nga ba mas gusto niya pa rin na uwian ang bahay niya ro'n. Mababait din ang mga nakatira ro'n. Saka, inaantok pa siya para pagkaabalahan pa ang pagsilip sa pinto. "Anak mo, naligaw sa pinto ko," bungad ni Reema sa kaniya nang mabuksan niya ang pinto ng bahay niya. Sa pinagsamang antok at gulat ay hindi kaagad nag-sink in sa kaniya ang sinabi nito. Inuna niya kasing takpan ang harapan ng boxer short na suot niya. Paano ba naman, binalya ng manang ang pinto! Binalya nito pabukas at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay niya tulak ang isang— baby stroller...? "W—What the hell?" "Anak mo nga."  "A—Anak...?" "Oo. Congrats! Tatay ka na pala!" tugon nito, kumaway pa sa mukha niya saka sumibad na ng alis. Gano'n kabilis. Kumatok 'to, pumasok sa bahay niya nang pagbuksan niya, may iniwan na baby stroller at lumayas na. Naiwan siyang napatanga. Napatanga at nanlaki ang mga mata nang matanto niyang may baby na natutulog sa baby stroller! SIRA ang doorbell ni Reema kaya kinalabog na lang ni Arkin ang pinto ng bahay nito. Kung hindi nito bubuksan 'yon ay sisipain niya ang pinto talaga makapasok lang siya sa loob. Gano'n na ka-hype ang gigil na nadarama niya sa mga sandaling 'yon. Sa mga sandaling 'yon na ang baby ay umiiyak na. Fvck! "Sandaleee!" dinig niyang sigaw ni Reema. Buti naman at may plano 'tong pagbuksan siya. "Ano ba—" "Manang Reema, pakikuha ang anak mo at umiiyak na," putol niya rito nang bumungad na 'to sa kaniya. Tinaasan siya nito ng kilay. Sinarado nito ang pinto ng bahay nito at nakapamewang na hinarap siya. "Hoy, virgin pa 'ko kaya hindi ko anak 'yan 'no!" "Hoy ka rin, alam kong virgin ka pa dahil manang ka. Hindi na 'ko virgin pero hindi ko anak ang batang 'to." Sumumpa man siya na lahat ng babae na daraan sa mga palad at landas niya ay paiiyakin niya, wala sa plano niya ang magkaanak. Na-master na niya ang safe na paraan upang hindi magkaanak. Nagsimula nang umingit ang baby. Sabay nila 'yong tinapunan ng tingin. Hindi niya natiis ang pag-iyak ng baby, kinarga niya 'to upang tumahan. "Don't cry baby," bulong niya pa sa baby na sa tantya niya ay apat na buwan gulang pa lamang o lima. "O, 'kita mo, pareho kayo ng buhok, may pagkakulot!" He scoffed. "Look at your hair," hamon niya rito. "Hah! Kulot lang 'to dahil parati kong nirorolyo. 'Pag binasa ko 'to, makikita mo na straight 'to huy!" He rolled his eyeballs. "Tell that to the moon." "Que aga mong naghahanap ng moon." He glared at her. Relax na relax nga 'to ngayon kahit ibinalik niya na ang baby rito. Virgin e. Wala naman duda ro'n. Late na niya na-realize na ipamumukha nito 'yon sa kaniya. Oo nga naman, paano manganganak ang isang virgin? "Tigilan mo na ang kalokohan na 'to, kawawa naman ang bata at mukhang gutom na," naiinis na niyang turan dito. Yumukod 'to sa baby stroller. May kinuha ro'n, nakaipit sa ilalim ng higaan na foam ng baby ro'n. "O, hayan ang dede niya, mukhang may gatas naman na kasama ang baby mo. Padedehin mo, tatahan 'yan baka gutom na," utos nito sa kaniya. Ininguso rin ang parang lata nga ng gatas na naka-plastic at nasa ilalim ng baby stroller kung saan maaaring maglagay ng gamit. The baby stroller is the one na mabibili lamang sa mall. Pricey 'yon, nakasisiguro siya kahit hindi pa siya nagkaka-baby dahil madalas niyang paglaruan ang gano'n sa mall noong maliit pa siya at namamasyal sila ng lola niya sa isa sa mga malls na pag-aari nito. "Do'n na kayong mag-ama, oki? At ako'y magluluto pa ng makakain ko." Akma siyang tatalikuran na ng manang, nang mabuksan na ulit nito ang pinto ng bahay nito ay inangkla niya ang paa niya upang maawat niya 'to sa pag-alis. S'yempre ay hawak niya ang baby at pinapadede. So, magdusa 'to sa ginawa niya. Matinis ang tili na pinakawalan nito nang ma-realize na sigurong hahalik 'to sa sahig dahil sa ginawa niya. He chuckled. Pero mautak pala 'to. Plakda man ang pagbagsak sa sahig ay kaagad naman 'tong nakaharap sa kaniya at nanlilisik ang mga mata na tinignan siya. "Hudyo ka talaga!"

 

 

Chapter 4: Baby Natin, Kunwari

NAGKAGULO at nagkumpulan ang mga kapitbahay nila sa harapan ng bahay nina Reema at Arkin. Natural, matapos siyang hindi tigilan ni Arkin ay ipinagbigay alam na niya sa president ng subdivision's homeowner association ang pangyayari. Na nakapulot nga siya ng baby sa tapat ng pinto niya. Tama naman 'to. Siya ang nakapulot ng baby kaya samahan niya 'tong lutasin kung paanong napunta 'yon sa tapat ng bahay nila. Kung susumahin nga naman ay sa pinto niya 'yon iniwan ng kung sinong walang puso kahit pa nga ba iisa ang kanilang bahay nito. "Naku, napaka-cute na baby naman, ano," natutuwang sambit ng asawa ng presidente sa asosasyon nila ro'n na Mrs. Loida Magbanua. Mataba si Mrs. Magbanua at maputi. Maraming suot na alahas. Mabait naman kahit medyo suplada. Hindi katulad ng asawa nito na magiliw sa lahat ng nakatira ro'n kaya nga naging presidente ng asosasyon. Nakatira ang mag-asawa sa tapat ng bahay nila ni Arkin. Ah, naalala niyang walang anak ang mag-asawa, bakit kaya hindi na lang nila ampunin ang baby? "Cute po talaga," aniya, "kaya nga sabi ko rito kay Arkin ay anak niya 'tong baby, ayaw lang maniwala e." Arkin scoffed at her. "Hindi nga. Wala akong anak. Huwag kang makulit," matalim nitong sagot sa kaniya. Gusto niyang matawa pero huwag na lang muna. Hindi pa niya nalilimutan ang pagpatid na ginawa nito sa kaniya at naiinis pa siya ng very light dahil do'n. Kung sabagay naman, may pasa na 'to dahil sa pumutok na labi mula sa sapak na binigay niya rito kagabi so, quits na sila. "E, Arkin, hijo, mukhang napaaway ka at may pasa ang mukha mo," puna pa ni Mrs. Magbanua na tila nahulaan ang naglalaro sa isip niya. "Ah—" "Ganyan po talaga 'pag babero, napapaaway," pagsahod naman niya sa sasabihin sana nito. Nagtawanan ang mga taong nakakumpol sa kanila at nambuska na rin ang mga 'to sa lalaking katabi niya at may kargang baby na ngayon ay himbing nang natutulog. Sinubukan nitong ilapag ulit ang bata sa baby stroller kanina pero umiyak 'yon kaya kinarga ulit nito. In fairness naman, kahit halata na hindi 'to marunong kumarga ng baby ay hindi nito matiis ang baby at kinakarga talaga nito, 'wag lamang 'yon umiyak. Kanina pa nga niya gustong tawanan 'to dahil do'n, ngayon lang niya magagawa at naroon ang mga kapitbahay nila, so, walang masama na makitawa na rin siya sa mga taong naroon hindi ba? Kaya hala, sige, tawa, Reema! "O, 'yan na pala si Mr. Magbanua," untag sa tawanan nila ng isa sa mga kapitbahay nila na naroon. "Hon, kumusta? Anong sabi ni Chairman Farinaz?" kaagad na tanong naman ni Mrs. Magbanua sa asawa nang makalapit na 'to sa kanila. Mr. Magbanua looked at her, tapos ay kay Arkin before he speak, "Pag-aaralan pa ang mga kuha ng CCTV. Kainaman naman at parang planado ang lahat ng 'to." "Huh? Paano pong planado?" agad na tanong ni Arkin. "Hijo, naglaho ang kopya ng CCTV mula alas singko ng umaga hanggang sa alas sais y' medya na makita nitong si Reema ang baby, kung hindi planado 'to ay ano?" Nagbulungan ang mga kapitbahay. Kaniya-kaniya ng haka-haka ang mga 'to sa narinig. "Planado na iwanan?" singit niya. Hindi niya gets. "Sino po ba ang may hawak ng mga kineme sa CCTV, e, 'di ang subdivision, ang security nila, 'di po ba?" "Oo nga hija, tama ka, pero hindi kasi gano'n kadali na malaman kung sino ang may kagagawan nito." "So, what are we gonna do with this baby, now?" Magkasalubong ang kilay na tanong ulit ni Arkin sa presidente ng samahan sa subdivision na 'yon. Mr. Magbanua smiled at them, pinaglipat nito ang mga tingin sa kanila ni Arkin ulit. At ewan ba niya kung bakit bigla siyang parang kinabahan sa tingin na 'yon nito... "Nakikiusap sa inyo si Chairman Farinaz na habang iniimbestigahan ang tungkol dito ay sa inyo muna sana ang baby. Tutal naman ay sa bahay niyo siya napulot. Hindi kasi natin puwedeng basta i-turn over ang baby sa gobyerno at sigurado naman tayong may rason ang lahat since alam niyo naman na walang bahid dungis ang subdivision natin. Huwag kayong mag-alala, tutulong kaming lahat sa gastusin para sa baby habang nasa pangangalaga niyo siya." ANG sakit naman sa ulo ng napasukan niya, ani Reema sa kaniyang sarili. Ang sakit din sa ulo ng mga pinanonood niya sa You Tube na tutorial kanina pa. Tutorial kung paano mag-alaga ng baby. Sinabi naman nila sa mag-asawang Magbanua na wala silang alam pareho ni Arkin sa pag-aalaga ng baby may pag[1]normal pa ang mga 'to. Kesyo lahat naman daw ng nanay at tatay ay walang alam sa pag-aalaga ng baby at basta na lang daw matututunan 'yon once na nariyan na at kasubuan na sa pagkakaroon ng anak.  Hindi niya gets. Masyado siyang mabait at palagiang gumagawa ng tama para sa mga gano'ng explanation. Ang naging kasalanan lang niya sa mundo ay manapak ng mga taong katulad ng lalaking nasa harap niya at hayun, halatang problemado rin naman sa napasukan nila at may kung ano o sinong dina-dial sa sariling phone. Mukhang may tinatawagan na susumbungan 'to o whatever. Teka, sino nga ba ang binabalak nitong tawagan? Syet. Baka pulis na ang tinatawagan nito! "Hoy, hudyo!" pagtawag niya sa atensyon nito. Nilingon naman siya nito. Lukot nga lang ang mga kilay nitong mahirap na hindi mapuna na maganda talaga ang tabas. Nakakainggit. "May pangalan ako, Manang Reema." "Sino 'yang tinatawagan mo? Magsusumbong ka na instant daddy ka na dahil sa batang 'to? Sira ba ang ulo mo? Hindi mo na ginalang ang samahan ng asosasyon dito sa Blooms kung tatawag ka ng pulis at sa kanila ka magpatulong para matukoy ang mga taong walang habas na nag-iwan ng baby na 'to." Nagkiskisan ang mga ngipin ni Arkin at kitang-kita ng dalawang mga mata niya kung paanong napipikon din nitong hinimas ang sariling baba. "Hindi kasi puwede 'to. I mean, Reema, look, wala tayong alam sa pag-aalaga ng baby." "Madali na lang 'yon, gagawin naman nila Mr. Magbanua ang lahat upang mapabilis ang investigation." "May trabaho ako, may trabaho ka—" "Puwede naman na isahan tayong mag-alaga. Saka sabi naman nina Mr. at Mrs. Magbanua, lapitan natin sila kung kinakailangan. So, ano pa ba ang problema mo?" "So, sinasabi mo ngayon sa 'kin na handa kang makipagtulungan sa kanila sa pamamagitan sa pagkupkop sa baby?" "E, ano pa ba ang dapat? At dahil virgin ako, mas marami dapat ang oras na nasa poder mo ang baby na 'to. Ikaw 'tong hindi na virgin at babaero aba uy, lugi naman ako kung mas lamang siyang nasa akin."  Napamulagat 'to sa sinaad niya. Hindi makapaniwala na tinignan siya. Binuka ang bibig upang magsalita sana kung hindi lang naudlot 'yon ng ring ng cellphone nito. Sinipat nito ang sariling telepono, tsinek kung sino ang caller. Saka sumenyas 'to sa kaniya na sasagutin lang ang tawag na 'yon at tinalikuran na siya. Ilang saglit lang naman na kinausap nito ang kung sinong tumawag dito ay humahangos 'tong bumalik at sa gulat niya ay lumuhod 'to sa kaniyang harapan at sino ba ang hindi magugulat at mapapaatras— naka-pajama man siya ay ngayon lang naman may lumapit sa kaniyang lalaki nang gano'n ang posisyon at gano'n kalapit! Sobrang lapit niyon at intimate na para sa kaniyang virgin nga at never pang nagka-boyfriend! Ang hudyo, nang humahangos na bumalik ay kaagad na lumuhod sa harapan niya at inilapat ang mga palad sa hita niya! "G—Go away..." nagulat na taboy niya rito. Pero hindi nito inintindi 'yon bagkus ay inalog-alog pa siya sa hita niya! "Listen to me first, Reema. May naisip akong solusyon sa baby na pareho tayong magbe-benefits!" Tunog masaya naman at excited ang tono nito. Kung sasapakin niya 'to ulit ay kawawa naman, mukha namang na-excite nga lang kaya kaagad na lumuhod sa harapan niya at may paggano'n na yugyog pa sa mga hita niya. Kahit babaero naman si Arkin Winters ay hindi naman 'to pervert. Mayabang lang din talaga 'to para ipagsigawan sa lahat na ito ang nilalapitan ng mga babae. Sino bang babae ang hindi mababaliw sa gano'ng mukha? Itsurang mabango 'to at itsurang hindi gagawa ng masama kung hindi nga lang talaga at masamang gawain ang mambabae. "A—Ano naman...?" 'takang tanong niya na lang dito. "Tutal ay kukupkupin naman natin siya habang wala pang resulta ang investigation, puwede mo 'kong matulungan. Grabe! Hulog pala ng langit ang baby na 'to!" Tumawa pa 'to, kinataas 'yon ng isang kilay niya. "W—What do you mean?" "Puwede mo 'kong tulungan sa problema ko, kayo ng baby. Reema, help me, kunwari ay baby natin ang baby na 'to!" Ano raw?

 

 

Chapter 5: The Plan

NAKALIMUTAN ni Reema na banggitin na kasama nga pala sa maituturing niyang kasalanan niya sa mundong 'to ang pagiging tsismosa. Kaya nga ba noon ay siya rin mismo ang nagsabi kay Arkin na malas ang magdala ng mga babae sa bahay nito at madadamay siya sa kamalasan na 'yon dahil nga magkarugtong ang mga bahay nila. Aba naman, kung bakit hindi niya pakikialaman 'to, halos gabi-gabi noon ay nagigising siya ng alanganin na oras sa ginagawa nitong ingay sa tuwing uuwi 'to noon sa bahay nito na may kasamang babae. Virgin pa siya at never pang nagka-boyfriend pero hindi siya inosente sa mga gano'ng bagay dahil wide reader siya ng kung ano-ano at kasama ang fiction do'n kaya alam niya ang nangyayari noon sa hambog na hudyo at sa mga babaeng nakaulayaw nito. Kaya ngayon ay nakuha rin ng tsismosa side niya ang sinasabi nito sa kaniya na mana— oo, mana raw! Na hindi naman niya pinagtatakhan dahil nabanggit noon ng pinsan niyang si Via nga na ex nitong nanloko rito na mapera 'to, sayang daw at kung kay Arkin 'to natuloy ay hindi sana 'to naghihirap. Hindi lang niya masagot noon ang pinsan na wala naman siyang nakikitang nakakahinayang sa babaerong lalaki. Babaerong lalaki na ngayon ay mukhang isasama pa siya sa mahabang listahan ng mga pinaglaruan nito! "May mana kang naka-freeze na makukuha mo lang kung mag-aasawa at anak ka?" "Yes, Reema." "At kailangan mo na ngayon sana ang pera mong 'yon para sa malaking proyekto na sinasabi mo?" "Exactly!" "At gusto mong magpanggap kami ng baby na 'to na mag-ina mo para makuha mo ang mana na 'yon? Gusto mong iparating sa lola mo na nadisgrasya mo 'ko?" "Yes— of course not! I mean, hindi sa gano'n, Reema... but..." "Gano'n na rin 'yon. Sa gagawin mo ay papalabasin mo 'kong disgrasyada!" pigil ang ngitngit na turan niya rito. No. Sa buong buhay niya ay parating alam niya kung ano ang tama sa mali. Righteous siyang tao dahil nakakahiya naman sa simbahan na walang palya niyang pinupuntahan tuwing araw ng Linggo kung hindi niya maa-apply 'yon sa buhay. Oo, relihiyosa siya, at ang sinasabi sa kaniya ni Arkin ay malinaw na kaimoralan! "Reema, bibigyan kita sa mana na makukuha ko. Pag-usapan natin, sige na, kailangan ko lang—" "No!" buong tatag niyang sambit. Pinutol niya ang sinasabi nito talaga upang malaman nitong hindi 'to nakakatuwa sa mga oras na 'yon. Tumayo rin siya upang mahawi ang mga palad nito na nakapatong sa hita niya. "Reema, please think about it before you—" "Hindi ko kailangan ng pera mo, hindi naman ako nagugutom. Lahat ng mga pangangailangan ko at ng pamilya ko ay nasusuportahan ko pa dahil dalawa ang trabaho ko. Pasensya na, kung plano mong magsinungaling, huwag mo na lang akong idamay kasi ang mga bagay o plano na nagsimula sa pagsisinungaling ay babagsak din sa mga susunod na araw. Hindi ka rin magtatagumpay." "Pero wala namang masama kung susubukan. You have a good heart, alam ko 'yan. Matutulungan mo ang baby, matutulungan mo ako. Ito lang din kasi ang alam kong paraan para makuha ang project na 'yon. Marami kang matutulungan na trabahante ko as well, Reema." "No, Arkin," matatag niyang sabi. "Uuwi na muna ako. Pupunta tayo sa grocery kasi wala namang laman na gatas 'yang lata na nasa baby stroller. Ni wala ring diaper ang baby. Maghanda ka na rin ng gusto mong ipangalan sa kaniya. Dalawa tayo sa duty sa kaniya pero ikaw na ang bahala sa pangalan since lalaki naman ang baby. Hati tayo sa responsibility sa kaniya, hati rin tayo sa expenses. 'Yon ang mahalaga ngayon at hindi 'yang mga kalokohan na sinasabi mo," aniya, bago niya 'to tuluyan nang talikuran. Bahala 'to sa pinagsasabing mana. Hindi na niya problema 'yon. Well, wala siyang pakialam sa sasabihin sa kaniya ng lahat pero hindi ibig sabihin niyon ay basta na lang siyang papayag namabansagan na disgrasyada at imoral. Wala sa karakter niya ang lulunukin ang mga salitang 'yon. O hindi nga ba niya kaya? E, bakit nang nakatapat na siya sa tapat ng dutsa ng shower ay walang ibang laman ang utak niya kung hindi ang mga sinabi ni Arkin Winters, ang mga plano nito na sadyang makakatulong nga sa negosyo nito kung gano'n na nasa krisis pala 'tong matatawag sa sarili nitong negosyo. Bakit tila siya nakokonsensya sa isipin na handa niyang tulungan ang lahat pero ito, pagdating dito ay parang namimili siya? Ano ba naman ang gusto nitong mangyari? Maano bang matutulungan niya hindi lang ang baby na napulot niya, maging si Arkin. Tama ito. Matutulungan niya 'to sa negosyo nito, matutulungan niya rin 'tong maging responsable sa sarili kahit paano. Kung sakali kasi na pumayag siyang magpanggap sila ng baby na mag-ina nito ay s'yempre, matitigil ang hudyo sa paglabas sa kung sino-sinong babae. Saka, siguro naman ay ito rin ang lulutas sa huli sa mga kasinungalingan na gagawin. Nasabi naman niya rito na huwag siyang idamay. Ah, bakit kailangan niyang maging matulungin na tao? Ang hirap din pala niyon, na tsismosa ka na, matulungin ka pa. Dahil deep inside her, gusto rin naman niyang malaman kung ano ang mangyayari sa plano nito. Tutal naman ay kasama na siya ro'n dahil baliktarin man niya ang lahat ng 'to ay sa kaniya natagpuan ang baby. Sa tapat ng pinto niya. Dinamay niya lang si Arkin dahil feeling niya ito ang tatay ng baby at nagkamali lang ng deliver sa bahay niya. Dinamay niya 'to and yet, handa rin naman 'tong makatulong sa napasukan nilang problema. Hindi pa niya nakakalimutan na kinarga nito ang baby kanina nang umiyak 'yon... HINDI malaman ni Arkin ang gagawin. Kanina pa umiiyak ang baby. Ang bagal naman kasi ni Reema na bumalik.  "Hey, baby, please don't cry," pagkausap niya sa baby na animo nauunawaan siya niyon. Hindi pa rin 'to tumatahan. Bakit kaya? Hindi tuloy siya makaligo gaya nang instruction sa kaniya ni Reema kaninang layasan siya dahil pupunta nga raw sila sa grocery. "Bibili pa kasi tayong milk, baby, wait natin si Mama Reema mo, please, tahan na..." "Wow naman sa Mama Reema! So, ano, Papa Arkin ka niya gano'n?" Tiningala niya ang kadarating lang na si Reema. Bagong ligo 'to pero parang hindi naman nagpalit ng suot dahil square pants naman ang suot. "Buti naman bumalik ka na, mga ten minutes na siyang umiiyak." "Tabi, ako na." Hinayaan niya nga 'to na palitan ang puwesto niya sa sofa kung saan naroon ang baby stroller ng baby. "May naisip ka na bang ipapangalan sa kaniya?" tanong bigla sa kaniya ni Reema habang tahimik niyang pinagmamasdan ang gagawin nito sa baby. "Ahm, tutal naman ay boy siya, naisip ko na pangalanan na lang siyang Baby Reemo." Hindi makapaniwalang sinulyapan siya nito. Lukot ang ilong. "Nang-aasar ka ba?" He shrugged his shoulder. "Actually, I'm not. Saka temporary lang naman, habang nasa poder lang natin siya, so, why not? Mas madali rin niyang mare-recognize ang name na 'yon since maririnig niya rin naman sa name mo." Reema rolled her eyes. "Whatever," saka sumusuko na nitong sabi. Napangisi siya nang mapapayag niya 'to. Ngisi na napalis din nang makita niya ang diaper pala ng baby ay punong-puno ng— poof!  "Yaiks!" bulalas niya. Sabay takip siya sa sariling ilong. Masisisi ba siya? Ngayon lang siya nakakita at nakaamoy ng pupu ng baby! Reema giggled. "Kaya naman pala umiiyak. O, tandaan mo ha, sa tuwing iiyak ang baby, check mo parati ang diaper. Minsan sa sobrang wee-wee rin umiiyak sila kasi nakakairita nga naman 'yon aba." Hindi na niya nagawang tumango. Napaatras na kasi siya sa hindi makayanan na amoy ng pupu ng baby. Hagalpak ng tawa naman ang babaeng noon lang niya napuna na nakalugay pala ang buhok. It was the first time na nakita niyang nakalugay ang buhok nitong shoulder length. Palagi kasi 'yong nakarolyo sa likod ng ulo nito sa tuwing nagkikita sila. "Grabe, baby boy talaga 'to at nananapak ang amoy ng pupu ah!" paglalaro pa nito sa baby. And the baby smile as if nauunawaan nito at kilala nito ang naglalaro rito. Kaya palang makipaglaro sa baby ng isang manang na tulad ni Reema. And well, ngayon lang din niya nakita na tumawa 'to kaya natigilan siya talaga bigla nang matapunan niya 'to ng tingin habang parang kinikiliti 'tong tumatawa nang hindi niya naawat ang sarili sa pandidiri. "Arkin, ikuha mo 'ko ng warm water at cotton bago ka mag-shower. Linisin ko si Baby Reemo, palitan ko ng diaper," utos nito pagkatapos na tumawa, na umuntag sa sandaling pagkatigagal niya. "H—Huh? Warm water?" "Oo, bilis mo, 'yon ang panglinis sa lower body ng baby 'pag pinapalitan sila ng diaper. Hay, hindi mo man lang tinignan kung paano inaalis ang diaper." "Nakita ko naman." Oo, nakatingin naman siya sa ginagawa nito kanina kaya nga nagulat siya sa laman ng diaper ng baby. "Good. Paglinis naman ang tignan mo, hala, kilos na, kuha na ng warm water at cotton!" "O—Oo, oo, eto na."

 

 

Chapter 6: Holding Back, No More

NGAYON lang siya nagpunta sa grocery nang may kasamang iba. Nang may kasamang babae to be exact. Mas lalo na nang may kasamang baby! Kaya alam ni Arkin na kung may makakakita sa kaniya ngayon na kakilala ay kakalat ang kung ano-anong haka-haka patungkol sa kaniya at 'yon ang dapat siguro at hindi na masamang banggitin niya sa kasama. "Reema, kung may makakita sa 'kin dito na kasama ka at si Baby Reemo, makakarating panigurado sa lola ko 'to," bulong niya sa babaeng busy sa kakahanap ng gatas na katulad sa lata ng gatas na nakita nila sa baby stroller. "So?" "Anong so? S'yempre ay alam mo na ang kasunod na mangyayari." Hindi siya tinapunan ng tingin nito. Pinagpatuloy lang ang pagtulak sa baby stroller habang siya ay tulak naman ang grocery cart nila na nilagyan na nito ngayon lang ng diapers. "Over ang ten minutes." "Huh?" "Over ang sinabi mong ten minutes nang umiyak si Reemo kanina, Arkin Winters," sagot nito na sa wakas ay sinulyapan siya. Sa wakas din ay nakita na nito ang gatas na hinahanap. "Okay, then five minutes," naiinis niyang tugon na lang. Noon pa man ay alam na niyang weird ang kapitbahay niyang 'to. Kundi ba naman, bigla siyang katukin nito noon nang dis oras ng gabi habang may tangan na flashlight na sumilaw sa kaniya pagbukas niya ng pinto. Ang rason ng pagpunta nito? Nagrereklamo lang naman sa mga ungol na naririnig at hindi raw makatulog! Natatawa na lang talaga siya sa tuwing maaalala niya na sinagot niya 'to na kung tulog na talaga 'to ay malabo nito 'yong marinig. Nakakatawa ang pamumula ng mga pisngi nito niyon na malinaw niyang nakita dahil sa tangan nitong flashlight ng gabing 'yon. "Kung makarating man sa lola mo ang balitang magkasama tayo ngayon at kasama si Reemo, hindi ba at mas okay 'yon sa 'yo?" "Ano?" Tinaasan siya nito ng kilay. "Mas okay 'yon sa 'yo. 'Yon naman ang gusto mo 'di ba?" "Er, so, pumapayag ka na...?" Testing-in lang niya, baka lang naman... "Wala akong sinabi na pumapayag ako. Magkaiba 'yon sa aksidenteng makita tayo rito ng isa mong kakilala, Arkin." Nakaingos nitong sagot. Napakamot na lang siya sa sariling kilay sa kakulitan ng babaeng kasama. Sa totoo lang ay hindi naman sila close ni Reema kaya hindi rin niya masisi 'to na huwag pumayag sa nais niya bukod sa alam niyang manang nga 'to. Old- fashioned, virgin, relihiyosa pa nga. Kaya malabo talaga niya 'tong mapapayag. Pero gets naman niya ang kakasabi lang nito. Na wala na 'tong magagawa kung sakali nga na makarating kay Doña Matilde ang tungkol sa kanila. Hmn, kung pakakaisipin ay puwede na rin naman. Tutal ay sa kanila muna si Baby Reemo habang hindi pa nila alam kung sino ang mga magulang nito. Sa naisip ay natigilan siya. Naaawa siya sa baby. The moment nga na mapulot nila 'to at nalaman niyang wala na ngang kopya ng CCTV sa Blooms ay tatawag sana siya ng tulong sa ibang pulis na kakilala ng pinsan niyang si Knight para mapabilis ang pagtunton at paglalagay sa rehas ng kung sinong nag-abandona sa bata. Kaya lang ay nag-suggest naman si Knight na kupkupin na lang muna nila, na maaari niyang magamit ang baby at si Reema para makuha na nga niya ang naka-freeze niyang mana. Noong una ay hesitant siya. May konsensya naman siya kahit paano. Kaso ay sabi naman ng mahusay niyang pinsan, ang mga pangyayari ay may dahilan. Hayun na nga naman at binigyan na siya ng baby at instant mommy pa ng baby para maresolba ang problema niya, aarte pa raw ba siya? Sabagay nga naman, hindi rin naman niya kagustuhan ang mga pangyayaring 'yon at hindi rin naman kaya ng konsensya niya na abandonahin din ang baby kahit pa ba wala siyang alam sa pag-aalaga. Kung naiba ang sitwasyon na kung hindi niya kailangan ang naka-freeze niyang mana, buong puso pa rin naman niyang kukupkupin ang baby. Oo, kahit pa nga ba mag-isa siya at hindi involved si Reema. Kahit wala sa plano niya na magkaroon ng anak. Dahil naniniwala siyang walang baby na deserve na abandonahin nang gano'n. Why, hindi naman sila ang nagnais na mailuwal sila sa mundo para gawin sa kanila ang gano'ng kawalang pusong pag-iwan na lamang basta. "A—ARKIN...?" Natigil sa pagpili ng feeding bottle para kay Baby Reemo si Reema nang may kung sinong tumawag kay Arkin. Sabay nila 'yong nilinga ng huli. Isang lalaking mataas at hindi nalalayo ang itsura sa kasama niya ang nalingunan nila. Hindi nalalayo dahil may hawig nga, pareho rin na naaamoy niya ang mga yaman kahit pa nga ba hindi niya singhutin ang mga 'to.  "Knight!" masayang bulalas naman ni Arkin sa tumawag dito. "Fancy seeing you here," anang lalaki, nilingon siya nito. "Uhm, sino siya? Wait, may asawa at anak ka na? Wow! Congrats! Hindi ko alam na nag-stick ka na sa isa!" Okay, ang binanggit sa kaniya ng hudyo kanina ay nangyari na nga. Nangyayari na ngayon. May nakakilala na rito at nakita silang magkasama ngayon with Baby Reemo. Well, sino nga ba naman ang hindi mapagkakamalan na hindi sila mag-jowa man lang ni Arkin Winters e, may kasama nga silang baby at namimili sila together ng mga baby needs and stuff. "Dude, namimili ka rin ba ng baby stuff?" "Yeah, mapili kasi ang baby ko sa tsupon. Napadaan lang ako sa store na 'to," reply ng lalaki kay Arkin. Arkin glanced at her, naalala yata na ipakilala siya. "Ah, by the way, this is Reema. Reema, this is Knight, cousin ko." Oh, pinsan pala. Kaya magkahawig. Isang tipid na ngiti ang binigay niya sa ipinakilala sa kaniyang si Knight. "Nice name." Pagak na natawa 'to. "Sabi nga nila." "Bagay sa 'yo," aniya pa rito. Tumawa 'to ulit. "Ikaw lang ang nagsabi niyan, ha."  Nagkatawanan ang magpinsan. Ngumiti lang siya. Bahala ang mga 'to sa mga trip nila. Basta siya, nag-eenjoy lang naman sa pagtingin ng mga cute na baby stuff. Maraming pera naman ang kasama niya, ito na muna ang magbayad. Pupunuin na niya ang cart nila tutal at hayun, makukuha na nito tiyak ang naka-freeze nitong mana na sinasabi sa kaniya. At least, hindi siya pumayag. Again, iba 'yon sa may nakakita sa kanila na magkasama. Hindi rin naman niya akalain nam magugustuhan niya at mawiwili siya sa pagbili ng mga gamit para kay Baby Reemo. Feel na feel niya nga actually, na siya mismo ang naghahanap ng mga gamit na nababagay rito maging ng damit. "Baby carrier, buy ka na rin," sabi niya kay Knight. Wala lang, pinakita lang niya sa mga 'to na halos mapuno na ang cart na tulak ng pinsan nito. Busy na kasi ang dalawa sa kung anong pinag-uusapan na wala naman siyang pakialam. Nilulugar naman niya ang pagiging tsismosa. Saka, wala siya sa mood makitsismis at nawili na nga siya na bilhan si Baby Reemo ng mga gamit. "Yeah, buti napaalala mo rin, Reema, thanks," tugon ni Knight sa kaniya. Nginitian lang niya 'to ulit sabay sinulyapan niya ang pinsan nito na hindi nga siya nagkamali— napangiwi na sa dami na ng laman ng cart nila. Magdusa 'to. Balato na sa mana na makukuha nito dahil sa kanila ni Baby Reemo tutal naman ay wala siyang planong makihati ro'n gaya nang in-offer nito sa kaniya. Hindi niya gusto na magpagamit dito kaya hindi niya tinanggap ang offer nito. Magpagamit na kasama pa ang inosenteng baby. May dignidad siya, nagkamali ang hambog na hudyo kung inaakala nitong makukuha siya nito sa pera. Pero hindi ba at hindi mo rin naman itinama ang inakala ng pinsan niya? pagkondena sa kaniya ng kung sinong nagsalita sa dulong bahagi ng utak niya. Hay, oo na, hindi niya itinama dahil somehow, gusto rin naman niyang matulungan nga si Arkin sa problema nito. E, kung sa 'yon lang ang paraan. Again, okay na rin naman at gaya na lang ngayon, ito nga ang solong magbabayad ng mga inilagay na niya sa cart nila. Kumpleto na 'yon— ah, wait, hindi pa pala. Kulang pa ng rocking chair, feeding chair, walker saka electric na duyan, uso na 'yon e, mahanap niya nga para sulit naman ang paggamit nito sa kanila ni Baby Reemo. "Okay 'yan, magagamit pa ng susunod mong baby, Knight." "I agree with you." "Okay ba 'yan? Parang nakakatakot at mataba si Angelite," ani Arkin sa pinsan. Genuine concern din naman ang nabanaag niya sa mga mata nito nang sulyapan niya. "Okay 'yan, pinakamahal kasi 'yan e."

 

Chapter 7: The Agreement

"YES, of course, bibili na lang din tayo ay pricey na," pag-agree na naman ni Knight sa kaniya. Malapad siyang napangiti. Nang sulyapan niya kasi ulit si Arkin ay para na 'tong pinagpapawisan nang malapot sa nakitang dami ng mga inilagay niya sa cart nila. Ang bilis ng karma mo, hudyo ka! Lihim siyang natawa na lang sa naglaro sa isipan. Sunod niyang pinuntahan ang mga walkers at cribs. Iniwasan niya nang tignan ang magpinsan na nakasunod naman sa kaniya at baka mapahagikgik na siya sa itsura ni Arkin Winters. "Hindi ko pa planong bumili nito, well, hahayaan ko na siguro sa misis ko ang pagpili sa mga ganitong stuff for our baby," ani Knight, tukoy ang walker na sinisipat na niya. "Sabagay, mas okay nga 'yon," kunwa'y pag-agree rin naman niya kay Knight. "Yeah, mas enjoy rin kung magkasama kami na bumili katulad niyo." Pakunwari siyang tumawa na lang sa tinuran nito. "O, gising na pala si Baby Reemo. Gusto mo siyang makilala?" baling niya sa baby. Kinarga niya 'to para maiharap niya kay Knight. "Hey, pal, meet your Tito Knight." "So cute," nice na sambit naman ni Knight sa baby na natuwa naman nang marahan na pisilin ng huli sa pisngi. "Aw, na-miss ko tuloy ang baby ko, o, pa'no, maiwan ko na kayo, lovers," paalam nito sa kanila pagkuwan. "Reema, sobrang dami naman yata niyan," kaagad na bulong ni Arkin sa kaniya nang makaalis ang pinsan nito. "Alin?" "'Yan. I mean, like that walker, hindi pa naman magagamit ni Reemo ngayon 'yan ah." "Pero feeling ko naman 4 months na 'tong si Reemo," pabalewala niyang tugon. Ibinalik na niya ang baby sa baby stroller. "Sa susunod na lang 'yan. Mahihirapan na rin tayo na mag-uwi ng mga 'yan, may crib ka pa rito." Oo, nakakuha na siya ng crib kaninang busy 'to makipag-chikahan sa pinsan nito. Anong magagawa niya? Mabilis din ang sales clerk sa mall na 'yon, na-assist siya kaagad at agad din na binigyan siya ng folded crib na magaan lang naman at hindi naman siya kumuha ng kahoy. Plastic lang na may foam ang kinuha niya. "Sige," tipid na lang niyang sabi. Ayaw rin naman niyang ma-short 'to. "Pero sa susunod ah, habang nasa atin si Reemo, bibilhin mo 'yan, 'yan, at 'yon." Tinuro niya ang mga naroon na kung ano-ano na para namang may paglalagyan talaga siya. "Sure." Wow, sumagot 'to nang buong puso. Iba rin talaga 'pag sureball nang may mana na makukuha! "Balato mo na sa 'min ni Baby Reemo ang mga 'yan." "Balato?" "Oo, balato. Reward. Gift. Saan ka bang planeta galing?" Nakairao niyang sambit. "I mean, alam ko naman ang ibig mong sabihin pero... wait— so, pumapayag ka na?" Masayang tanong nito sa kaniya. Mahi-hint ang excitement sa tonong ginamit. Inirapan niya 'to ulit. "Gaya nang nasabi ko na kanina, magkaiba ang pumapayag sa wala na 'kong magagawa kung may makakita na sa 'yo na kasama kami." "Yes! Salamat, Reema!" "Hep!" Kaagad niyang pag-awat sa akmang pagyakap nito sa kaniya. "Huwag mo nang tangkain na makalapit sa 'kin." Hindi ko pa nakakalimutan ang mamasa-masang halik na ginawa mo sa 'kin! ngali-ngali niyang idagdag. "Grabe, masaya lang naman, why don't you let me hug you?" Eksaheradong umiling-iling siya. "Hindi na, Arkin Winters. Magtigil ka sa paglapit sa 'kin. At puwede bang isaksak mo sa kukote mo 'yan ha? Na huwag akong hawakan at dikitan." "Ang sungit naman nito, manang talaga!" Pabulong lang nitong sinambit 'yon pero hindi 'yon nakaligtas sa pandinig niya. Hindi na lamang niya 'to pinansin at tumuloy na siya sa kahera ng mall. "Ikaw lahat ang magbabayad nito," aniya rito nang makapila na sila sa cashier. "Wala rin naman akong balak na pagbayarin ka 'no." Wow, talaga ba? "Goods," bagkus ay tugon na lamang niya.  "Hindi tama na ang babae ang nagbabayad sa mga ganitong pagkakataon. Paano na lang kung anak nga natin talaga si Baby Reemo? Ano na lang ang sasabihin mo sa 'kin? Na ang asawa mo ay inutil? Hah! Hindi kaya ng ego ko 'yon, uy!" She gritted her teeth. Paano ay patuloy sa pagdaldal ang hudyong kasama niya habang hindi nito napupuna na ang lahat na ng nakapila ro'n sa pinilihan nilang kahera ay nakatingin na rito. "Kahit may problema ako financially, hindi ko pagbabayarin talaga ang isang babae na kasama ko. Ako dapat ang may sagot ng lahat— ouch!" "Napakadaldal mo. Lahat na ng tao rito ay nakatingin na sa 'tin, nakakahiya ka!" mahinang asik niya rito matapos niyang pasimpleng siniko ang dibdib nito. E, 'di natigil 'to sa pagdaldal. Daig pa ang babae, jusko! Nanigas siya sa sumunod na ginawa sa kaniya ni Arkin— siniksik lang naman siya nito nang makahuma 'to sa paniniko niya, hinawakan siya sa bewang niya gamit ang magkabila nitong palad at hinapit siya sa katawan nito! Sa ginawa nitong 'yon ay hindi niya maiwasan na manghina. Grabedad! Kakasabi lang niya kanina na huwag siya nitong lapitan pero hayun, hindi lang basta lapit ang ginagawa nito dahil may kung ano na siyang nararamdaman na matigas sa bandang puwitan niya— santisima! Oo, sa gitna ng mall pa talaga! Sa gitna ng mall kung saan hindi niya 'to masasapak man lang! "Layuan mo 'ko, Arkin Winters, isa," mahinang banta niya rito sa pagitan ng pagkiskisan ng mga ngipin niya sa b'wisit na nararamdaman niya sa mga sandaling 'yon dito. "No," mariin nitong bulong sa kaniya. Tila bakal ang mga palad nito na nakahapit sa mga bewang niya kahit hindi pa man siya pumipiglas. "You know, tama lang sa 'yo na parusahan ng halik at ng ganito, Reema..." "B'wisit ka!" She heard him chuckled. Ang init ng hininga nito ay dumadaloy mula sa tainga niyang binubulungan nito papunta sa leeg niyang naka-exposed. B'wisit talaga 'to! "Sa ganitong paraan kasi ay siguradong mananahimik ka." Hindi siya makapiglas. Napakatagal din kasing umusad ng pila. Sino rin ba ang pipiglas kung gano'n na kahit ngayon lang niya nararanasan ang mga pinadarama sa kaniya ni Arkin sa mga oras na 'yon ay may kung ano sa kaibituran niya ang hindi nababastusan dito.  Weird though. Kung nagkataon kasi na ibang lalaki 'to, siguradong maghihisterikal na siya sa galit. Maginoo si Arkin Winters pero medyo bastos at medyo pikon. Malinaw ang tila nguso ng baril na nararamdaman niyang nakatutok sa lower part ng likod niya, na alam naman nila pareho kung ano. At siguro, dahil ito lang ang nagpadama sa kaniya niyon ay may pakiramdam siyang parang okay lang 'yon 'pag ito ang gumagawa niyon. Parang halik nito, kahit ilang beses niyang sambitin na nakakadiri 'yon at basa kasi, sa kaibuturan niya, alam naman niyang pagkatapos niyang magulat ay napahawak din naman siya sa mga labi niya no'ng gabing 'yon dahil tila 'yon pinapak ng langgam na namaga. Namaga pero medyo masarap sa feeling. Oo, akalain ba niya na may gano'n pala. Ah, nababaliw na yata siya. Alam niyang lahat naman ng tao ay may landi sa katawan pero hindi sana siya, huwag sana siya, huwag sana sa lalaking 'to na grabe ang bilib sa sarili na ang lahat ng babae ay mapaglalaruan sa mga palad nito. Kailangan niyang hamigin ang sarili niya kung ayaw niyang siya na rin mismo ang magbigay ng satisfaction dito sa paulit[1]ulit na linya nitong 'yon. "Sure, gawin mo ang gusto mo. Kung inaakala mo na may effect sa 'kin 'yan, go lang, suit yourself," mahina niyang wika rito. Tinapunan niya rin 'to nang mapanuyang ngisi at tingin. Napatda 'to sa sinabi niya. Dama rin niyang natigagal 'to at nanigas ang mga kalamnan ngunit saglit lang 'yon dahil bumulong na naman 'to sa kaniya. Sa pagkakataong 'yon ay mas mainit para sa kaniya ang buga ng hininga nito sa hindi niya malaman na dahilan. "Gagawin ko talaga, ayokong isipin ng mga tao rito na under ako sa 'asawa' ko," pagbibigay diin pa nito sa salitang 'asawa', maliwanag na tinutuya siya. Ginantihan niya 'yon ng pagak na tawa. "Mukha ka naman kasing aso talaga na susunod-sunod sa amo, Arkin Winters." Sa sinaad niya ay mas naramdaman niya pa ang tumutusok sa kaniyang likuran— Gagong Arkin Winters talaga! Walang kahihiyan ang hudyo! "Alam mo ba na nagba-blush ka ngayon, Remedios Valderama... hmn?" "Tang—" ang mura na sana ay pakakawalan niya ay naudlot na nang sa wakas ay umusad na ang pila at layuan na siya nito para itulak ang baby stroller ni Baby Reemo. Habol niya ang hininga sa tinitimping inis nang makalayo na 'to sa kaniya. Pinukol niya 'to ng masamang tingin. Sa inis niya ay malawak lang siyang nginisian ng hudyo! "Here's my card," ani 'to, nilapag ang card na tinutukoy sa palad niyang ito na rin ang kumuha upang mailagay nito ang card do'n. "use it." "Talagang gagamitin ko 'to at sasagarin pa amg savings dito hangga't gusto ko," gigil niyang tugon dito. Sa mas lalong inis niya, sinaladuhan lang siya nito sa pagkakataong 'yon. Sinaladuhan siya at para siyang tanga na kahit inis na inis na siya kay Arkin sa mga oras na 'yon ay nagawa niya pang maramdaman ang tila mga bulate niya sa t'yan na nag-party na yata ro'n...

 

 

Chapter 8: Accidentally

NILAYUAN na siya ni Arkin matapos nilang makapamili. Hindi na lang niya 'to pinansin at wala rin namang mangyayari kung mag-aasaran sila. Isa pa, hindi niya gusto na nagkakatotoo ang mga nababasa niya sa romance novels na parang may kung anong humahalukay sa kaniyang t'yan dahil lang sa mga pinaggagawa nito sa kaniya. Hindi siya naniniwala ro'n kaya nga ba bulate ang sa tingin niyang naglaro sa mga t'yan niya kanina. Hah! Hindi ang isang Arkin Winters ang gugustuhin niya. Napakalayo nito sa lalaking disente at normal na siyang nais niya at hinahangaan niya. Oo, tulad ng ibang babae na kaedaran niya ay humahanga rin naman siya sa kalalakihan. kapitbahay rin nila 'yon. Lihim na crush nga lang at ang mga babaeng katulad niya ay sadyang mahiyain talaga. Kung papansin siya nito, salamat. Kung hindi naman ay salamat pa rin. Kung para kayo sa isa't-isa, tadhana ang gagawa ng way para sa inyo. Gano'n kasimple lang 'yan. Naniniwala siyang hindi kailangan na magmadali. Dahil kung para rin naman sa 'yo ang anak, ibibigay 'to. Katulad na lang ng baby na tulak-tulak niya ngayon. Ang baby na cute na pagkatapos maghagikgik kanina ay tulog na naman... Napangiti na lang niyang pinagmasdan si Baby Reemo. Hindi niya pa rin akalain na ganito kabilis, nanay na siya— mapipilitan na maging nanay katulad ng kasama niya ngayon. Bigla niya tuloy naisip na kung may ugali man si Arkin na nauunawaan niya, 'yon ay ang pagkatakot sa pagkakaroon ng anak. Dahil nga may pamilya siyang sinusuportahan, takot siyang magkaroon ng anak na paniguradong makakapagpa[1]deadma sa mga obligasyon niya sa ibang tao. Sa kapamilya niya, to be exact. "'Kain na muna tayo, game ka ba?" untag sa kaniya ni Arkin. Gano'n 'to ka-chill na nagtanong nang lingunin niya, sobrang chill pa nga maging ang itsura nito na parang walang ginawang kalokohan kanina lang. Na parang gutom na nga siya talaga. "Ikaw ang bahala. Ikaw naman din ang magbabayad," tipid niyang sagot na lang dito. Nauna na siya na maglakad tulak si Baby Reemo. Dinig niyang nagmamando 'to sa kahera at sa nagsusupot ng mga pinamili nang makatalikod na siya. Minamanduhan nito ang mga 'yon sa kung saan ilalagay ang kanilang pinamili dahil plano nga kasing kumain na muna nito bago sila umuwi. Walang problema sa kaniya ang pagkain. Nakakatamad din naman na magluto. Pagluluto ang isa sa kinatatamaran niyang gawain talaga kaya nga mas marami siyang instant na pagkain na nakaimbak sa cupboard niya. Mas lalong walang problema kung libre pa nito 'yon. "May food ba na bawal sa 'yo? Hindi mo kinakain or anything?" tanong ni Arkin sa kaniya nang makaagapay na 'to sa paglalakad niya sa kalagitnaan ng mall. "Hmn, wala akong allergy naman sa foods. Hindi ko lang type ang mga pagkain na mahihirap bigkasin." He chuckled, do'n yata talaga 'to mahusay. "Dahil? Masarap naman 'yon ah." "Simple lang, dahil nakakawalang gana na silang bigkasin." Pagak 'tong tumawa. "You gotta be kidding me, sa smart mong 'yan, nahihirapan kang bigkasin ang mga 'yon?" "Being smart in life and being alam na ang lahat ay magkaiba pa rin naman, Arkin Winters. Ikaw kasi ay akala mo, alam na ang lahat. Napakaimposible naman na hindi ka gumamit ng dictionary sa mga pesteng pagkain na type na type mo pala, ngayon ko lang nalaman," aniya nang hindi 'to nililingon. "Woah! Grabe ka na talaga. Grabe na ang mga pinaglalaban mo sa buhay ah, I'm wondering tuloy kung saan mo hinuhugot 'yan." "Lahat naman ay may hugot. Katulad mo, kailangan mo ang mana mo dahil sa kamalasan na nangyari sa business mo last month pero hindi mo naisip man lang na ang gagawin mong panloloko sa lola mo ay may kaakibat na bagong kamalasan." Natawa na naman 'to kahit hindi naman nakakatawa ang sinabi niya. Pero buti na lang ay tumahimik na pagkatapos. Wala rin naman kasi siyang planong magpatalo rito dahil between them, naniniwala siyang siya ang tama. Maaaring hindi lang matanggap nito, dahil sino ba naman ang taong tumanggap ng kamalian? Lalo at ang taong 'yon ay kasing hambog pa nito. "Okay, I get it, sa Jollibee mo ba gusto?" "Nothing wrong. Mas madaling bigkasin ang C-1. Mas madali rin na maubos ang chicken nila dahil joy naman ang gravy na kasama." Halakhak ang sumunod na pinakawalan ni Arkin. Halakhak na hindi niya maunawaan kung bakit, e, again, hindi naman siya nagjo-joke. "Alam mo, parang nagsisimula ko nang magustuhan ang napasukan natin na situation." "S'yempre naman, ikaw ba naman 'tong may limpak nang mana na makukuha," kalmado niyang sagot. Kalmado lang talaga, wala siyang planong magpasaring pero kung 'yon ang tingin nito, puwede rin naman. Kaso ay tumawa na naman 'to. "Pero mautak kasi 'yong lola ko. Iniisip ko pa kung paano kong sasabihin 'to sa kaniya nang ako mismo." "Bahala ka sa lola mo, hindi ko na problema 'yan." "Oo naman, ako ang bahala. Pero salamat talaga sa cooperation." "Wala pa naman akong ginagawa." "Meron na. Sabi ko naman sa 'yo, siguradong makakarating na kay lola ang tungkol sa pagsasama natin dito sa mall kapag may nakakita sa 'tin. Ang nakakita pa ay ang pinsan kong kolokoy." "Halata ngang kolokoy, parang ikaw e. Wait— mukha ngang close kayo e," akusa niyang sinulyapan 'to nang nakairap. Hindi man niya gusto ang magduda pero maiiwasan ba niya? Hindi niya pa kilala ang lalaking kasama nang higit sa pagkakakilala ng mga taong malalagay sa ganitong sitwasyon na katulad nila sa proper way. "O, huwag mong sabihin na iniisip mong ako ang nagpapunta kay Knight dito. Ayon sa mga naririnig ko, ikaw 'tong writer daw nga ibang bansa." Natigilan siya na pinagmasdan 'to. Tinititigan niya 'to dahil wow, sharp din naman pala ang hudyo! "Writer nga ako online pero para 'yon sa magazine at hindi sa gawa-gawang kuwento katulad niyang ini-imply mo. Saka, hindi ako ang nagsabi niyan, ikaw. Sa bibig mo lumabas." "You're a writer, mayaman ang imagination mo." "Hoy—" "Ikaw ba 'yan, Remedios?" Magkapanabay na naman nilang nilingon ni Arkin ang ngayon naman ay tumawag sa kaniyang pangalan. Nanlaki ang mga mata niya nang matanto niyang tita niya 'yon! Isa sa mga third degree na tita niya na may kaya sa buhay kaya hindi niya nakakausap man lang kahit simpleng kamustahan. "T—Tiya Amor," pautal na pag-recognize niya rito. Nagulat talaga siya na nakita niya 'to ro'n. Of all places, of all people na kasama niya ay si Arkin pa talaga ang nakita nito with her— with Baby Reemo pa! "Oh my, nakipag-live in ka na ba?" puno ng malisya ang tono ng tita niya na pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila ni Arkin at sa baby na tahimik na natutulog sa baby stroller. Napayuko siya. Hindi niya alam ang dapat niyang sabihin sa t'yahin lalo at kasama pa nito ang anak na babae na may pagkamaldita rin tulad nito. Wala rin naman siyang magagawa kung akalain ng mga 'to na nakipag-live in na siya. May kasama siyang lalaki at baby sa mall, idagdag pa na sigurado siyang ang una nitong sinipat sa kabuuan niya ang palasingsingan niya at ni Arkin. Sa klase ng pamilya na mayroon siya, hindi na siya nagtataka. "God, nakakagulat na m—may baby ka na, Reema," anang pinsan naman niya na halos kaedad lang niya. Hindi niya gustong pabulaanan ang mga akusa ng mga 'to. Hindi rin naman siya mananalo sa mga 'to. Besides, kung may nakakaalam man ng totoo ay ang Diyos 'yon at hindi ang mga taong katulad nila na relihiyoso at takot makagawa ng kaimoralan. Ah, dati na niya alam na iba't-ibang uri ng tao ang humaharap sa Diyos at sila mismo ng mga kamag-anak niya ang patunay ro'n. "May asawa at anak ka na ngunit hindi ka kasal!" Nag-angat siya ng ulo nang akbayan siya ni Arkin at pisilin nito ang balikat niya. May pagtataka niya 'tong sinulyapan. Mariin lang siyang tinignan nito bago 'to malakas na tumikhim. "Excuse me po, kami ng partner ko ay naghahanap ng jewelry shop na maaaring bilhan ng singsing para sa nalalapit namin na kasal sana. Mawalang galang na po, baby ko po ang pinagkakaguluhan niyo at malabong maging baby ni Reema 'yan dahil kung sakali naman ay paniguradong nabalitaan niyo na ho sana na nagbuntis siya at nanganak since mukhang magkamag-anak naman yata kayo, ano po?" Nagkatinginan ang tita niya at pinsan bago ituon ang paningin nila sa nagsalitang si Arkin. "Yes, hijo, tama ka. Pinsan ko ang papa nitong si Remedios kaya nakakagulat na hindi kami invited pala sa mga nangyayari sa kaniya—" "'Ma, updated kasi 'yon, hindi invited," pabulong na pagtatama ng pinsan niya sa ina nito. Nagkatulakan ang mga 'to at nagbulungan muna saka nagpaalam na sa kanila ni Arkin. Nang makatalikod ang mga 'to ay saka lang niya nalaman na kanina pa pala niya pinipigil ang kaniyang hininga't marahas niyang pinakawalan 'yon. "See? Aksidente ka nilang nakita rito, Reema. Nangyayari 'yon." Tsk, nakapuntos tuloy sa kaniya ang hambog na si Arkin dahil sa mga panira niyang mga kamag-anak.

 

 

Chapter 9: The Set Up

"ANO 'yang ginagawa mo?" "Ha? E, ano ba ang nakikita mo?" simpleng sagot ni Reema sa nakakatangang tanong ng driver sa sarili nitong kotse na si Arkin. "G—Gagamitin mo na 'yan?" parang tanga pa rin nitong tanong. She rolled her eyeballs. "Bayad na 'to, hindi na bawal na gamitin." Besides, kaya nga niya sa backseat ng kotse pinalagay ang supot kung saan nando'n ang baby carrier e, para magamit na niya. "W—Why don't you wait for—" "Shut up ka na lang d'yan, bababa rin naman kami ni Baby Reemo sa kotse so, maaari pa na magamit namin 'to 'no!" "Huwag na muna, okay? Ibalik mo ang seatbelt mo." "Nah, hayan at nasa loob na tayo ng Blooms, ginawa mo 'kong walang isip ka." Umiling na lamang 'to at sinulyapan siya na parang sinasabi na bahala na siya sa trip niya. Good. Dahil gagamitin naman niya na talaga ang baby carrier dahil kapuna-puna naman kasi na sanay ang baby sa karga. Mas payapa ang buhay ni Baby Reemo habang karga siya kaya ngayon pa lang ay natutuwa na siyang isipin na masisiyahan 'to sa baby carrier. "You know, thank you for this ha," naalala niyang magpasalamat sa katabi dahil ito ang bumili niyon. "No problem." "Salamat po sa balato, Papa Arkin," she even added. To her surprise, Arkin laughed. Hala, e, inaasar niya kaya 'to! Sa huli talaga siya pa rin ang asar talo sa tawa nito. 'Kainis! "Anyway, hindi ko alam kung dapat ko pa bang buksan sa 'yo ang tungkol sa mga kamag-anak mo, Reema, but..." "Salamat nga pala rin do'n. Hindi ko man akalain na darating ang araw na pasasalamatan kita, salamat pa rin. Kung ako lang kasi mag-isa ay hindi ako makakasagot. Masyado silang gano'n para sagutin ko pa." He chuckled. "Masyado silang ano? Bakit gano'n?" "Nothing. Ayaw ko lang na magsalita sa kanila ng kung ano-ano, kung gagawin ko kasi 'yon ay para ko na rin silang ginaya." "Pero pagdating sa 'kin, hudyo at hambog?" Lukot ang ilong na sulyap nito sa kaniya. Siya naman ang natawa. "Hindi ka kasali. Ah, come to think of it, ikaw lang pala ang nakakapagpalabas ng bad side ko!" "Ouch, para mo na ring sinabi na bad influence ako." "No. Hindi mo naman ako maiimpluwensyahan 'no." "Mukha nga." "Salamat nga pala sa Jollibee," naalala niya rin 'yon, "Masarap pa rin talaga siya 'pag may kasama kang kumakain niyon sa labas," nasambit na niya bago niya pa maaawat ang sariling sabihin 'yon. 'Yon naman kasi ang totoo niyang feelings sa pagkain nila sa pamosong fastfood kanina. Wala lang, masyado lang siguro siyang nasanay rin na mag-isa kaya iba ang feeling para sa kaniya nang may makasama siyang kumain sa labas. Lalo at ang kasama niya ay ito, na masarap asarin. Oo, naaasar niya si Arkin sa simpleng pagbabalewala niya rito nang sinasagot naman niya ang bawat sinasabi nito. Sabi pa nga nito ay siya lang ang kilala nitong nakakagawa niyon. Kung ano ang ibig nitong sabihin do'n ay ito lang ang nakakaalam. Basta siya, masaya sa extra gravy ng Jollibee. Nabusog siya sobra. NAPANGITI na lang si Arkin sa sinabing 'yon ni Reema. Ngiti na mas lumawak pa nang masulyapan niya 'tong nakangiting inayos si Baby Reemo sa harapan nito. Naisuot na kasi nito sa sarili ang baby carrier kahit pa inawat niya 'to dahil sa seatbelt kanina. Naisuot na at nailagay na rin nito ang baby na halatang natuwa sa puwesto ginawa ng ina-inahan. Kung hindi inakala ni Reema na pasasalamatan siya, well, siya naman ay hindi niya inakala talaga na masisiyahan siyang pagmasdan 'to at si Baby Reemo. In fact, natutuwa nga siya na parang hindi na kinailangan ng baby na mangilala samantalang kanina lang nila 'to nakilala. Oo, kanina lang pero para na silang magkakasama nang matagal na tatlo. May gano'n pala. Na kung siya ang klase ng tao na naniniwala sa destiny ay baka napaniwala niya ang sarili niya ngayon na nakatakda sa kanila nito si Baby Reemo. 'Yong sa tagal nilang magkapitbahay sa Blooms, isang baby pala ang nakatakda sa kanila upang magkaroon sila ng pagkakataon na kahit paano ay magkakilala at hindi puro bangayan at asaran sa tuwing nagkikita. Para naman kasing bata ang babaeng katabi niya. Kada makikita siya ay para rin 'tong naglilihi. Kaya nakakagulat na natameme 'to kanina sa harap ng mga kamag-anak nito. Well, kung ayaw nitong pag-usapan ang tungkol do'n ay karapatan naman nito 'yon. Hindi lang siya matahimik talaga sa isipin na gano'ng klase pala ang mga kamag-anak nito na sa pagkakaalam naman niya ay mga relihiyoso. Ang mga ito pa nga raw ang nangunguna sa tuwing may padasal sa Blooms. Ah, maalala niya, sa bawat padasal ay hindi siya nagpupunta kaya tinawag siyang hudyo ni Reema. Pinangatawanan na lang niya 'yon dahil ahm, sige na nga, aaminin niyang natutuwa siya na naiinis niya ang manang na kapitbahay. Mahinhin kasi 'to at manang pero pagdating sa kaniya ay amasona naman.  "Hoy, tumatawa kang mag-isa, nababaliw ka na ba?" untag ni Reema sa naglakbay na pala niyang diwa. Naglakbay na 'yon at nakahinto na sila sa tapat ng bahay pero hindi pa siya nagpatay ng makina. Nauna na tuloy ang huli na bumaba. "Inaantok na 'ko, Baby Reemo..." Naulinigan niyang pagkausap nito sa baby na karga-karga habang nauna nang pumasok 'to sa bahay niya. Oo, sa bahay niya. Kanina kasi sa kotse ay napag-usapan na nila ang magiging basic set up nila sa pagkupkop sa baby at nauna na nga ro'n ang pagbibigay nila ng susi ng bahay ng bawat isa. Para sa tuwing kailanganin nila ang isa't-isa ay kaagad silang mapupuntahan ang isa. Sa totoo lang ay may naisip nga siya na mas makakapagpagaan sa sitwasyon na napasukan nila. Sana lang ay pumayag 'to. "Dito mo na lang assemble 'yong crib, Arkin, o?" anito sa kaniya, tukoy ang parte ng sofa. "Hmn, naisip ko nga rin na ilagay na lang dito para easy access sa 'yo," tugon naman niya. Maaari naman niyang iurong ang coffee table niya. "Ay kaso, sa sofa ka matutulog?" Nagkibit balikat siya. "Yeah, gano'n talaga. Ikaw na rin nga ang may sabi." Hindi niya alam kung guni-guni lang niya na napakagat 'to sa lower lip nito para awatin ang ngiti dahil kaagad naman na 'tong tumalikod. Inayos na niya ang crib habang ito ay naghugas sa lababo ng mga pinamili nilang feeding bottles at milk dispenser. "Bantuan mo ng warm water ang mga bote at milk dispenser mamaya, Arkin. Then, 'pag tuyo na lahat, saka mo handaan ng formula milk at tubig ang mga dede ni Baby Reemo," utos nito sa kaniya nang matapos na 'to sa paghugas ng mga nabanggit. "Sure, susundin ko lang ang nakasulat sa formula milk, right?" "Yes, kaya nauso 'yan para itataktak mo na lang sa dede ang gatas 'pag nagising kayo ng alanganing oras ni Reemo, nagugutom daw kasi ang mga babies ng wee hours. Actually, gutom sila palagi kasi nagpapalaki raw. Wait, check ko lang kung kada ilang oras para sure," sabi pa nito na animo ay nanay na nanay. Hindi niya napigilan na matawa. "What? Ano ang nakakatawa sa sinabi ko?" Nakangiting nilapitan niya 'to at nameywang siya sa harap nito. "Let's talk about this young man." "How about me, Papa Arkin?" Cute naman pala si Mama Reema mag-joke. "Listen, alam kong may trabaho ka sa umaga at gabi, Reema." "Yes, pero hindi naman ako nagrereklamo. Ang sa 'kin lang ay sa 'yo muna siya tonight." "No, not about it, really. I mean, tutal ay matutulungan niyo na 'ko ni Baby Reemo sa mana ko na naka-freeze, gusto kong mapapayag ka na ikuha ko siya ng yaya na pasasahurin ko mula sa mana na 'yon para naman mas okay sa 'tin, magiging busy na rin ako sa trabaho 'pag nagkataon." "Ah, wala naman akong nakikitang masama ro'n." "Good, para rin sa 'tin 'yon." "Okay lang sa 'kin basta huwag mong kalilimutan na alagaan pa rin si Baby Reemo. Huwag kang madaya." He chuckled. Nakaka-amaze talaga ang mga pinagsasabi nito. Hindi na siya sumagot at pagsang-ayon lang naman nito ang gusto niyang marinig. "So, for now, sa akin na muna si Baby Reemo. Heto na po, aalagaan na." Halatang nagulat 'to sa ginawa niyang pagkalas sa lock ng carrier, nanigas kasi 'to gaya kaninang inasar niya 'to sa mall. Man, napakasiraulo niya kanina pero hindi na niya naawat ang sarili kasi at nainis siyang talaga nang tila siya ina-under nito sa harap ng maraming tao. Ngayon lang niya na-realize na mali 'yon. "Let me hold him, baka may masagi ako," pagbibiro niya na agad naman nitong nakuha dahil nakita na naman niya ang pamumula ng paligid ng ilong nito. "Gago ka talaga, Arkin Winters!" Tuluyan siyang natawa dahil ngayon natuloy ang mura na sana ay pakakawalan nito kanina sa kaniya. "Sorry nga pala kanina. Isipin mo na lang testing 'yon 'pag nag-asawa ka na. Hindi matutuwa ang isang lalaki na sigawan at saktan in public places, Remedios, at 'yon ang tanging parusa na maibibigay namin sa mga babaeng tulad mo."

 

 

Chapter 10: Doña Matilde

TAHIMIK na pinagmasdan lang ni Arkin ang pag-ri-ring ng cellphone niya. Tumatawag sa kaniya si Doña Matilde. Tumatawag na 'to at aaminin niyang kinakabahan din naman siya sa gagawin na pagsisinungaling. Hay, na-master niya na dapat ang pagsisinungaling dahil sa kabilaan na babae na niloko niya pero dahil kay Reema ay parang tinubuan siya bigla ng konsensya. Tinawanan nga siya ni Knight nang sabihin niya 'yon dito, kung may konsolasyon lang siya sa gagawin na panibagong kalokohan ay 'yon ang hindi niya pagpapabaya kay Baby Reemo. Si Baby Reemo na sa wakas ay napatulog na niya rin. Kaninang mga five ng umaga ay umiyak 'to, pinadede naman niya pero wala pa rin tigil ang baby sa pag-iyak. Idinuyan na nga niya. Kaya nga natutulog 'to ngayon sa electric rocking chair na binili nila ni Reema. Kung sakali na hindi niya napatahan 'to ay handa na sana siyang takbuhin ang kapitbahay sa kabila kaya salamat naman at tumahan na rin at ngayon ngang alas siete na ng umaga ay himbing na ang tulog nito. Alas siete pa lamang ng umaga, napakaaga naman na tumatawag ng lola niyang si Doña Matilde. Tsk, iniisip niya talaga kung ano ang ibubungad nito sa kaniya at kung ano rin ang ibubungad niya rito. Nang umingit si Baby Reemo dahil sa tunog ng phone niya ay napilitan na niyang sagutin 'yon. It was not a simple call, video call 'yon. "Hey, good morning, Granny!" "What's good in this morning, Arquino?" "The sun is up, the birds is—" "Ako'y tigilan mo sa kalokohan mo nga, punyeta!" Napangiwi siya sa tunog ng french word na pinakawalan nito. Napangiwi siya at alam niyang nakita nito 'yon kaya pinakita rin niya sa doña na naingayan siya sa pamamagitan ng pangkuskos sa tainga niya gamit ang libre niyang palad. "Hay, ang aga mo namang nagmumura. Magigising ang baby ko, Granny," pakiyeme na aniya rito. Testing the water even if the water is boiling... "Taran— 'yan, 'yan ang itinawag ko sa 'yo ng ganito kaaga, damuho ka! Ano 'tong nabalitaan ko na may asawa at anak ka na?! May ka-live in ka na? Kailan pa?!" malakas ang boses na sunod-sunod nitong tanong sa kaniya. "Granny, opo. Kailan ko lang din nalaman, wala pang four days? Oo yata." "At naku, hayan, baby, baby nga!" namamangha na sambit ni Doña Matilde nang mamataan na nito si Baby Reemo na nasa rocking chair sa gawing likod niya. "Oo nga, Granny M, kaya puwede po ba na hinaan natin ang boses natin?" "Santisima kang bata ka!" "Hay, Granny naman... ito naman ang gusto mo hindi ba? Ang gusto niyo ni Granpops, ang mag-asawa na 'ko." "Oo pero hindi namin sinabi sa 'yo na makipag-live in ka na lang basta. Gosh, imagine kung gaano ka kaimoral talaga." Parang narinig ko na rin si Reema, oo. "Granny, relax. Magpapakasal naman po kami ni Reema pero hindi pa po ngayon. Family oriented po kasi 'yon," at oo, ang kapal talaga ng mukha niyang sambitin 'yon nang hindi man lang siya nauutal. "Yeah, I see, okay, and where's your partner? Bakit ikaw lang ang mag-isa na nariyan sa bahay mo?" "H—Ha, ah..." Handa na sana siyang magkunwari na na-choppy, matakasan niya lang ang tanong na 'yon ng lola niya pero siyang dating naman ni Reema. "Hello po!" masiglang bati ni Reema sa lola niya, kumaway pa! "San Pedro! Totoo nga!" "Granny, totoo na nga 'to, okay? Kalma lang po." "Puntahan mo 'ko ngayon din, Arquino. Dito tayo mag-usap," masungit na utos nito sa kaniya pagkatapos, parang nakahuma na sa nalaman. "Yes, Granny. Kung hindi ngayon ay baka bukas na lang siguro, may pasok kasi 'tong si Reema. Isahan kami sa pagbabantay kay baby." Kilala niya ang lola niya, ipipilit nito ang DNA test sa baby kaya might as well, i-delay niya 'yon hangga't kaya niyang i-delay. Naglaho na 'to sa linya. Ni walang bye, basta binabaan siya ng phone. "Mabait pala ang lola mo." Bumuntonghininga siya. "Sobra." "Hindi ako papasok, wala na 'kong trabaho." "Ha?" "Wala na 'kong trabaho. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Regular naman na 'ko sa supermarket na pinagtatrabahuhan ko, nakatanggap ako ng email from them ngayong umaga na may reklamo raw ang customer sa 'kin." "And you don't have any idea what is it?" She shrugged her shoulders. Hindi na nagsalita. Sobrang relax lang nito nga na para bang simpleng balita lang ang sinabi sa kaniya. "Okay lang, at least, mas mababantayan ko si Baby Reemo muna. Baka 'yon na rin ang sign ni God para sabihin sa 'kin na mag-alaga muna ako ng baby dahil after nito ay asawa naman ang ibibigay Niya sa 'kin." Lukot ang ilong na hindi siya makapaniwalang pinagmasdan ang babaeng ngayon lang niya napuna na gulo-gulo ang buhok at parang hindi pa naghihilamos! "Are you serious? Okay lang sa 'yo na mawalan ng trabaho?" hindi makapaniwalang tanong niya rito. Tinatamad na tinapunan siya nito ng tingin. "Okay nga lang. Saka ikaw, alam mo, tsismoso ka e, iniisip mo siguro ang pamilya na sinusuportahan ko 'no? Kaya mas affected ka pa sa 'kin?" Napaatras siya at umiling-iling. "N—Nah, I mean..." "Hayaan mo na 'yon sila." Okay, nagulat siya sa mahinang pagkakasambit ni Reema niyon. Parang sa pagkakasabi kasi nito niyon ay pagod na pagod 'to. Pagod na at talagang wala na ngang pakialam sa mga ''yon'. But then again, sabi nga niya kagabi ay sino ba naman siya para ungkatin ang tungkol dito at sa pamilya nito. "Nagkape ka na ba?" alok na lang niya, hindi pa rin naman siya nagkakape. "Hilamos nga hindi ko pa nagawa, kape pa ba." Napabuntonghininga na naman siya. Paano ay nagsasalita 'to at sumasagot sa kaniya pero nakatulala naman sa natutulog na si Baby Reemo. Ewan ba niya, something inside him stirred up by looking at her. Gayong hindi naman sila close nito at napunta lang naman sila sa sitwasyon na pareho silang walang magagawa upang hindi tanggapin. "Ahm, anyway, as you can see, alam na ni Granny, ang dapat na iwasan ko na lang ay ang pagpipilit niyang ipa-DNA si Reemo. Lola ko siya kaya kilala ko siya." Nabanggit lang naman niya rito dahil dapat niyang banggitin 'yon o baka dahil ninanais din naman niyang malihis ang topic nila o gusto niyang umayos na 'to, umayos na hindi rin niya alam kung ano ba ang ibig niyang sabihin.  "Hmn, given naman na gawin niya 'yon." At least, sinasagot siya nito. Kinakausap. Mas kakabahan siguro siya kung hindi. Kung saan galing ang salitang kaba, ewan na rin niya. Para kasing sa loob ng isang araw ay may baby na nagbuklod sa kanila. Parang sa loob ng isang araw na 'yon ay isang taon na ang katumbas sa kaniya kaya gano'n na lang ang concern niya rito ngayon. Matagal na naman niya 'tong kapitbahay, matagal na niyang kilala. Si Baby Reemo nga lang ang naging rason para magkalapit sila kaya yata gano'n na lang siya bigla rito. Mahirap analisahin, basta na lang. O sadyang good news lang na may puso pa rin naman siya sa kapwa. "I hope you're okay, you know," hindi na niya napigilan na sabihin dito. Mahirap ang mawalan ng trabaho. Naranasan niya 'yon noong ipasara ang firm niya dahil sa aksidenteng nangyari. Aaminin niyang kung hindi lang malakas ang apelyido niya, matatagalan ang pagsasara ng negosyo niya o kung mamalasin, hindi na magbukas. Dahil Knight is right, naging pabaya siya. Siya ang may pagkukulang sa aksidenteng nangyari. "I hope this baby is okay." Kunot ang kilay na sinulyapan niya ang babaeng weird habang hinahalo niya na ang kape nila. "Huh? Of course, okay na okay 'yang si Baby Reemo." "Talaga?" sabi pa rin nito, still not looking at him. "Then why does the gloves, mister?" She glanced at him, finally. Hawak nito ang disposable gloves na naiwan niya sa sofa kanina. Wow lang, ang tindi rin ng mga mata kahit tulala. Napakamot siya sa sariling kilay. "Er, ano kasi, pa—papalitan ko ang diaper niya..." Oo, nautal talaga siya at nahiya siyang aminin 'yon dito. "Papalitan? Meaning, hindi mo pa napapalitan?" Ah, hayun na ang usual na amasona tone na ginagamit nito sa kaniya. "H—Hindi pa—" "Baliw ka talagang hudyo ka, pa-gloves-gloves ka pa tapos wala rin, hindi mo rin pala napalitan ang diaper!" bulalas nito, hindi makapaniwala, nanlalaki ang butas ng mga ilong at ang mga mata. "Hindi pa nga— sorry—" "Ito pa ang diaper na suot niya kagabing maghiwalay tayo?!" Nakakahiya man aminin, tumango pa rin siya. "Y—Yeah, uhm, paano ba kasi ulit magpalit ng diaper?" "Santisima! San Jose!" Bakit ngayon lang niya napuna na iisa ang expressions nito at ng lola niya?

 

 

Chapter 11: Guardian Duties

ANG kalat sa bahay ni Arkin. Kalat na naiinis man siyang pagmasdan dahil siya ang magliligpit ng mga 'yon ay wala naman siyang magawa. Nagkalat lang naman ang mga bote ng baby shampoo, baby soap, baby towel, baby oil, baby powder, ointment at may baby face cleanser pa! Kung ano ang gagawin ni Reema sa mga 'yon ay pinagdarasal na lang niyang hindi 'yon makasama lahat kay Baby Reemo. Smart 'to, kaya malaki ang tiwala naman niyang alam nito ang ginagawa. Including the pagpapaligo sa baby. And speaking of the baby, tila tuwang-tuwa naman 'to dahil parang kinikiliti 'to sa paghagikgik habang pinaliliguan ng nanay-nanayan. Napreskuhan na rin siguro. Ikaw man 'tong ibabas sa diaper. Napangiwi siya sa sinambit sa isipan. Siya lang naman ang rason kung bakit nababad 'to sa diaper. Kawawa naman at namumula tuloy ang singit. Kapansin-pansin ang pamumula niyon dahil maputi si Baby Reemo. "Baby towel, please," pukaw sa kaniya ni Reema. Kaagad naman niyang sinunod 'to. Inabot niya ang hinihingi nito. Nakamata lang siya mula pa kaninang pinaliguan nito si Baby Reemo, hanggang sa matapos na nga nitong paliguan at hanggang sa... "O, Papa Arkin, ikaw naman ang magbihis sa kaniya." Hanggang sa inabot na nga sa kaniya ng babaeng ni hindi man lang talaga naghilamos muna bago magpaligo ng anak-anakan, si Baby Reemo. "W—Why me...?" Ano naman ang malay niya sa pagbibihis ng baby? "Why you? Aba, hoy, duties natin 'yan. Be responsible enough, bukas ikaw naman ang magpapaligo nang matuto ka. Ikaw ang magpapaligo, ako ang magbibihis sa kaniya, gano'n, isahan lang. Mamayang gabi ay lilinisan natin siya. Manood ka, ayusin mo para naman sa susunod ay alam mo na, puwede ba," pagtalak nito sa kaniya. Wala siyang nagawa nang idunggol nito sa dibdib niya si Baby Reemo. Kinuha na niya ang babay at kinarga mula sa pagkakakarga nito. "How to bihisan you, Baby Reemo?" aniya sa baby na para namang mauunawaan siya niyon. Pero nakakaunawa na nga yata dahil tumawa. Cute. Nakakatuwa naman. Nakakahawa ang pagtawa ng baby kaya napangiti na rin siya. "He's smiling, sabi siguro, g'wapo ang Papa Arkin niya." Inikutan siya ng eyeballs ni Reema."Hala, kilos na, Arkin nang kabahan ka sa sinasabi mo." Marahan siyang tinulak nito. Iningusan niya 'to. "Oo na, ang init kaya." Pina-off kasi nito ang AC niya nang paliguan nito sa banyo ng bahay niya si Baby Reemo dahil hindi raw puwede na may AC o electric fan habang pinaliliguan ang baby. "Higa mo siya sa... do'n! Sa sofa na lang," mando sa kaniya ng babaeng walang pakialam sa itsura. "Sige na, bibihisan ko na siya, maghilamos ka naman," pagtataboy niya rito. "No. Hindi na 'ko maghihilamos. Pag-uwi ko ay maliligo na 'ko. Panonoorin kita na magpalit ng diaper nang matuto ka!" animo anak din siya nito kung makapagsalita sa kaniya. "Oo na po," he said sarcastically. Sinimulan na niyang bihisan ang baby. Inuna niya s'yempre ang sando. Hindi naman siya nahirapan na bihisan though, nakakatakot na magkamali. Aware naman kasi siya na may baby na namamatay sa suffocation. Kaya nga inalisan niya ng unan si Baby Reemo kagabi sa crib, inangat lang niya ang kutson nito sa bandang ulunan para magsilbi nitong unan at mahirap na. Hindi naman talaga niya pinabayaan si Baby Reemo kagabi, actually, hindi nga siya gaanong nakatulog. Panay rin ang kape niya kasi nga natatakot siyang kaunting kilos nito ay mapaano 'to. Thankful na rin siya kasi alak na alak siya kagabi pero dahil dito, dahil sa responsibilidad niyang bantayan 'to ay naiwasan niyang uminom kahit isang lata lang ng beer na pampaantok. "I think, four or five months na si Baby Reemo, 'no?" "Maybe, wala naman tayong idea sa edad niya pero sabi sa research ko, ang mga kinikilos niya naman ay four months turning to five na," seryosong tugon nito sa kaniya habang dinadampian na ng baby facial cleanser ang mukha ni Baby Reemo. "Para saan ba 'yan?" "Para sa face niya." O, 'di ba, ang husay sumagot. As if naman hindi niya nabasa na para 'yon sa mukha ng baby. Napabuga na lang siya ng hangin at hindi na ulit nagtanong. "Para clear skin siya." "Seryoso?" "Hindi, joke lang talaga." Hay, mababaliw siyang kausap 'to talaga. "Bahala ka na nga, basta sure na safe 'yan ah." "Ito ang brand na pinaka-safe sa baby, mister. O, heto, ointment, naku, buti na lang nakabili ako nito pala kundi wala tayong ilalagay sa rashes niya. Nakikita mo 'yan? 'Yang mapula na 'yan? Dahil po 'yan sa pagbabad mo sa kaniya ng diaper!" Lihim siyang napangiwi. "Sorry," anas niya kay Baby Reemo. Kasi naman, nanood din naman siya sa YT ng tutorial sa pagpapalit ng diaper pero ewan ba naman niya kung bakit takot siyang gawin 'yon. "Ang pag-aalaga ng baby ay responsibilidad, Arkin Winters. Hindi mo dapat katakutan ang pagpapalit ng diaper," sermon pa sa kaniya ni Reema. "Hala, sige, do it!" Inabutan siya nito ng isang diaper. "Teka, pahiran ko muna ng ointment ang rashes niya." "Buti naman naisip mo 'yan." "Er, pero... baka umiyak?" Hindi ba masakit 'yon? S'yempre masakit at sugat din naman 'yon.  "Matapang 'yang si Baby Reemo, kanina nga sa banyo ay hindi naman siya umiyak nang sabunin ko ang rashes niya." "Are you sure?" "Just do it, okay? Para naman sa kaniya 'yan. Ano pa ba ang magagawa ng baby e, may pagka-engot ang nag-aalaga?" Lukot ang ilong na sinulyapan niya si Reema. "Grabe, engot agad? Hindi ba puwedeng first timer lang?" "First timer pero hindi naman na virgin." "Anong connect?" "Hoy, noong nag-decide ka na mawala ang virginity mo, malaki na ang tendency na magka-baby ka!" He scoffed. "Akala mo lang 'yon." "Aba't—" "Hey, stop nagging na nga, okay? Lalagyan ko na siya ng ointment." "O, siya, sige, 'yan ang pinakamaganda mong sinabi ngayong araw na 'to." Umigik si Baby Reemo nang pahiran niya ng ointment, thanks to heaven at hindi naman natuloy ang iyak nito dahil tapos na rin naman siyang magpahid ng ointment sa rashes nito. Pero nakakaawa naman ang baby kasi may luha. Haist, sa susunod ay mag-iingat na talaga siya na mababad 'to sa diaper. "Done na, Baby Reemo," pagkausap niya sa baby. Tumawa naman 'to kahit humikbi pa rin. "I'm sorry, baby..." "Aw, 'yan kasi, salbahe ang Papa Arkin niyan..." "Hey, that's foul! Huwag mong sabihin sa baby 'yan!" saway niya kay Reema. Hindi niya gusto ang gano'ng salita, para kasing sinabi na rin nito sa baby na napabayaan niya 'to. Well, medyo napabayaan niya nga si Baby Reemo pero sumusumpa siya ngayon na last na 'yon. "E, talaga naman ah, hinayaan mo siyang mababad sa ihi at pupu niya. Shunga ka, binilin ko na sa 'yo na check mo ang diaper 'pag umiyak siya e," paninisi pa sa kaniya ni Reema. "May second chance pa naman ah!" "'Kuuu, o, sige, go, naghihintay kami ni Baby Reemo sa second chance. Suotan mo na siya ng diaper, go on," ani 'to sa kaniya, minuwestra ang disposable diaper na isusuot niya sa baby. "Bakit kasi ganito 'to? Napanood ko sa commercial na meron naman no'ng parang undies ah, sinusuot na lang 'yon, mas madaling ikabit," reklamo pa niya. "Pang one year old na po 'yon, mister." "Ganon?" medyo napahiya siya ro'n. "Oo, 'dami mong reklamo. Go na, aba!" "Oo na, nagmamadali ka naman..." nagdadasal pa nga siya, minamadali siya— God, how the hell is this? "Teka, paano nga ulit?" Bumuntonghininga si Reema, nagpa-ikot ng mga mata saka namewang sa kaniya. "Iangat mo ang puwit niya, hawakan mo ang dalawang paa." "Ha? Sure? Baka mapilayan siya?" Masyadong mabigat ang kamay niya nga para sa balat ng baby kaya natatakot siyang hawakan talaga ang mga newborn babies na mga pamangkin niya. Pero hindi naman na newborn si Baby Reemo. In fact, malusog 'to at cute. G'wapo, mana pa sa kaniya. "Jusmio, gawin mo na lang. Hindi siya mapipilayan kasi gano'n naman talaga ang proper way to do that!" medyo gigil na ang tono ni Manang Reema, so, sundin na lang niya siguro... "Okay, game, baby—" "Gosh!" bulalas ni Reema na may halong tawa, sino bang hindi mapapabulalas? Ang inosenteng baby lang naman na si Baby Reemo, hindi pa man niya nahahawakan ang mga paa, nagpaulan na ng ihi! "Remedios, saluhin mo— ang carpet ko!" Tarantang sambit niya, hindi niya malaman kung ano ang gagawin— masasalo pa ba niya ang ihi gayong dama na niya ang mainit na likodo sa palad niyang nakasuot ng gloves, o iuurong niya gamit ang kaniyang paa ang carpet niyang nabili niya pa sa Syria— at kung tatayo naman siya ay walang aalalay sa baby na nakahiga sa sofa. Shit! "Anong saluhin ka d'yan? Ano 'yan ulan na kailangang saluhin ng timba?" Tatawa-tawa ang mahusay na manang sa sariling joke. Hindi siya iniintindi. "Remedios!" gigil na niyang sambit. And heck, ang babaeng tinatawag niya, hayun, nakasalampak na sa carpet niya, sapo ang sariling t'yan sa kakatawa! And to his great surprise, the baby giggled too! Hell, what's going on with this two?

 

 

Chapter 12: Something

"CONGRATS! Nabalitaan ko na nakuha mo na ang project na pinapangarap mo," bungad kay Arkin ni Knight hindi pa man siya nakakaupo nang pumasok siya sa office nito.

"Thanks, ang bilis nga. Nagulat din ako sa bilis, wala pa yatang two weeks ay nakapag-decide na sila," sarkastiko niyang tugon. Dumiretso siya sa mini fridge ng pinsan at kumuha siya ro'n ng maiinom na energy drink. Sarkastiko talaga ang reply niya dahil iyon na nga mismo ang rason nang ipinunta niya sa malapit na pinsan. "Gano'n ka kalakas, man, to think na nagkaatraso ka pa niyan. Speaking, nabalitaan ko rin na tapos na ang problema mo ro'n, congrats again," malayo sa kasiyahan na muling pagbati nito sa kaniya. Tinaasan niya 'to ng isang kilay. "Inayos 'yon ni Granny. Lahat ng dapat patahimikin ay pinatahimik dahil daw 'tatay' na 'ko. And honestly, nagtataka ako, Knight," seryosong pag-amin niya sa pinsan. "Dahil?" "Man, alam naman natin na hindi ganito dapat kabilis 'to!" hindi na niya napigilan na mapabulalas nang ang tonong ginamit ay punong-punong ng frustrations. Knight crossed his arms, sumandal din 'to sa kinauupuan na swivel chair saka siya tinitigan. "Hmn, kaya ba hindi mo binalita sa 'kin ang tungkol sa pagkakakuha mo ng project? Well, hinihintay ko nga na ipagyabang mo pero hindi nangyari." "Mayabang ako pero naniniwala akong nasa lugar 'yon. And this project is not included sa mga maaari kong maipagmayabang, Jesus!" naiinis na niyang sambit. "Kaya ba hindi ka na nakatiis at sinadya mo na 'ko ngayon? By the way, na-miss ka ng mga staff natin dito." He scoffed. "Wala ako sa mood mag-joke ngayon." "I'm not joking too. Hinahanap ka nila. They even asked me kung kailan ka papasok. Hinihintay ka na rin ng mga alahas dito." "Knight, please..." "Please what?" Nagpakawala siya ng isang naiiritang hininga. Pasalampak siyang naupo sa lazyboy chair na naroon sa office ni Knight. "Arkin, sa lahat ng nakuha na ang naka-freeze na yaman kahit paano, at nakuha na rin ang project na ninanais, ikaw 'tong parang pinagsakluban ng langit at lupa. What's your problem, man?" Malayo sa seryosong tanong ang tono ni Knight pero kilala niya naman 'to na gano'n, sa tuwing nagkakausap naman sila ay 'yon na ang masasabing normal para sa kanila. Ewan niya kung sensitive lang siya pero naiinis siya rito ngayon. Sa klase ng pakikipag-usap nito sa kaniya, to be precised. "Seriously Knight, I guess, something is going on here." "Hmn..." "Hindi rin nag-demand ng DNA si Granny kay Baby Reemo." "Oh, by the way, how's that cute little boy? Nabalitaan ko nga rin na ang laki na ng pinagbago mo e. Nag-alaga ka na talaga ng baby ah, puwede ka nang mag-asawa at mag-baby, for real." Argh! Bakit nahihirapan siyang kausapin ang pinsan niya ngayon? What's wrong with him? What is wrong with this freaking situation?! "Nag-alaga lang ako ng baby, 'yon lang ang bago dahil hindi naman puwedeng pabayaan si Baby Reemo," aniya na lang dito. "And you're doing great, man. Kayo ni Reema." Tinapunan niya 'to ng nababagot na tingin. "Nasabi ko naman na sa 'yo, wala pa sa kalahati ang ibinigay ni Granny M sa 'kin na pera mula sa pinamana sa 'kin ni Grandpops. Hindi ko rin alam na kasama sa last will ni Grandpops na kailangan ko munang maging responsableng ama at asawa. You know, kailangan daw namin na magpakasal muna ni Reema." Natawa si Knight. "So, naisahan ka rin pala ng lolo at lola mo." "Exactly!" "Naisahan ka nila dahil wala ka namang plano na magpakasal. But at least, hayan, okay na ang project na sabi mo nga ay makakapagpabawi sa mga nailugi mo no'ng nakaraan." Isang malalim na buntonghininga na lang ang isinagot niya sa pinsan. Baka nga praning lang siya. Baka wala namang basehan ang mga pinag-iisip niya the past few days. Wala rin naman na siyang planong kunin ang iba pang pera niya sa abuela niya, aanhin niya pa ba 'yon, e, hayun naman at okay na ang business niya. Nakuha na rin niya ang inaasam na proyekto. Mapapalago naman niya 'yon na siguradong hindi na niya kakailanganin ang natitirang pera sa mana niya. Meaning, hindi niya kinakailangan na mag-asawa. "About the baby, wala pa bang balita sa parents niya?" He shrugged his shoulders. "The baby is in good hands. Maasikaso si Reema at about his parents, wala pa, wala pa." May katagalan na rin ang halos mag-iisang buwan na nasa kanila si Baby Reemo. Hindi niya masasabing close na sila ni Reema dahil sa baby pero masasabi naman niyang ang lahat sa kanila ay smooth. Naaral na nila ang pag-aalaga. Wala na nga rin siyang plano na magbabad sa trabaho dahil kay Baby Reemo.  Ah, 'yon ang impact sa kaniya ni Baby Reemo, 'yong dating pa-chill-chill lang niya ay nais niyang ituloy pa rin pagkatapos ng project na tinutukan niya nitong mga nakaraan para mas marami na siyang time para sa anak-anakan. Hindi niya talaga akalain na mas pinipili na niya ngayon ang mag-alaga ng baby. "Maasikaso ka rin naman. Dapat mo ring bigyan ng credits ang sarili mo." "Of course, at ikaw sa lahat ang nakakaalam kung bakit." NAGNGINGIPIN si Baby Reemo kaya heto, kanda-browse tuloy si Reema kung ano ang do's and dont's sa pangangalaga sa baby na ngayon pa lamang tinutubuan ng ngipin. Matapang si Baby Reemo pero s'yempre, hindi makadede nang maayos. Ang adults nga 'pag masakit ang ngipin ay napapraning, baby pa kaya. Umiiyak 'to sa tuwing nasasagi ng tsupon ang ngipin na nakausli na sa ibabang gilagid. "Hay, where's your Papa Arkin na ba? Nabura ko yata ang number ng doctor mo, wala rito sa phone ko ay," mahinang sambit niya kay Baby Reemo habang hinahanap nag-s-scroll siya sa phone niya. Panandalian na pumirmi sa pag-iyak ang baby, binigyan niya kasi 'to ng laruan na basta na lang niya kinuha noon sa mall na ngayon niya lang nalaman sa tulong ng YT na para pala 'yon sa pagtubo talaga ng ngipin ng babies. Nakatulong naman 'yon pero nagwo-worry siya at hindi 'to makadede. Hindi makakain. Magugutom si Baby Reemo! Na-excite siya masyado nang may kumatok sa pinto ng bahay niya. Kanina niya pa kasi hinihintay si Arkin dahil nga sa kondisyon ni Baby Reemo. Na-text naman niya 'yon dito pero hindi ito nag-reply na ngayon lang nangyari kaya mas nadagdagan lang ang worry niya. Well, wala pa naman pagkakataon na hindi 'to umuwi sa bahay nito mula nang kupkupin nila si Baby Reemo pero may katagalan na rin kasi nang matengga 'to sa bahay, hindi naman niya maiwasan na maisip na hinahanap din nito ang nakasanayan na buhay. Though, never niya naman 'tong naringgan na nagreklamo kung sa pag-aalaga rin lang sa baby. Masasabi pa nga niyang nag-e-enjoy 'to sa pag-aalaga sa anak-anakan nila, nag-e-enjoy 'to sa pagiging ama-amahan, nakikita niya 'yon sa mga mata at kilos nito. 'Yon nga lang, lately ay parang may iniisip 'to... "Hi, Reema!" bungad na bati sa kaniya nang napagbuksan niya sa pinto na si... Hari— O. M. G! "H—Hari? Uhm, napadalaw ka?" Kailangan niyang kagatin ang dila niyang pumipilipit ang bigkas ng salita sa tuwing nakikita niya ang kapitbahay niyang 'to. Lihim niyang kinagat ang sariling dila saka siya pasimpleng lumunok. Why, si Hari lang naman ang ultimate crush niya ro'n sa Blooms!  Just, oh, my gosh! She can't— er, no! Bawal siyang magkunwari na hindi makahinga at may baby siyang inaalagaan so, kailangan niyang umayos sa harap ni Hari kahit crush niya pa 'to. "Ah, nabalitaan ko kasi na nagngingipin si Baby Reemo," tugon ni Hari sa kaniya, nakangiti. "Oo e, nahihirapan nga ako, ayaw niyang dumede." Niluwagan niya ang pintuan upang masilip ng bisita niya ang baby na pinag-uusapan nila. Naglalaro naman sa mga oras na 'yon si Baby Reemo sa loob ng crib nito. Hawak pa rin ang toy na binigay niya rito at pinanggigigilan 'yon. "Hindi talaga siya makakadede kasi nagngingipin." "Yeah, tama ka, pero nagwo-worry ako na baka magutom siya. Makakasama 'yon sa kaniya, for sure." "'Yun na nga, kaya nagpunta rin ako sa 'yo dahil may suggestion ako." "Telege— ay, talaga?" Pagak na natawa 'to, akala yata ay nag-joke siya. E, telege nemen na pumilipit ang dila niya! Charot! "Yep, hindi ako, actually. Ahm, puwede kaya na imbitahan ko kayo sa bahay?" "S—Sa bahay mo?" medyo nagulat niyang tanong, kunwari. "Oo sana." Ultimate crush niya ang g'wapong kapitbahay niyang 'to at ngayon lang sila nagkausap sa tagal nilang magkapitbahay sa Blooms, aarte pa ba siya? Of course, hindi na 'no! Kaagad niya nang kinarga si Baby Reemo, nag-locked siya muna ng pinto bago siya sumama na nga kay Hari na may suhestyon daw para makadede ang baby. Na hindi raw pala ito ang may suhestyon, gets naman niya kahit hindi niya masyadong inunawa. Bahala na 'to, basta ang mahalaga naman ay walang record ng crime sa subdivision nila. Safe manirahan sa Blooms. Safe ang surroundings at ang mga nakatira. Saka uy, ang g'wapo kaya ni Hari para maging kriminal 'no!

 

 

Chapter 13: Their First Fight

AWTOMATIKONG nagsalubong ang mga kilay ni Arkin nang malayo pa lamang ang minamaneho niyang kotse ay napuna na niyang madilim sa bahay nila ni Reema. Napasulyap siya sa suot na relo— alas otso pa lang naman ng gabi. Maaga pa para matulog. Napailing na lang siya nang maalala niyang basta na lamang siya sumugod sa office ng pinsan ni Knight kaninang pagkagaling niya sa magiging construction site ng bagong project niya. Business phone lang ang bitbit niya at walang numero ang manang sa phone niyang 'yon, hindi niya 'to matatawagan or text para matanong kung tulog na o umalis ba 'to with Baby Reemo. "Nasaan na kaya ang babaeng 'yon?" mahinang tanong niya sa sarili nang makababa na siya sa kaniyang kotse. Nang ma-off na niya ang makina niyon ay nauna niyang binuksan ang pinto ng bahay ni Reema kahit alam naman na niyang wala ang mga 'to ro'n. Sumunod niyang chineck ang bahay niya kahit obviously naman ay wala rin sina Reema at Baby Reemo ro'n. Maybe he can ask someone out there, a neighbor or kahit sino na makita niya sa labas, baka alam ng mga 'to kung nasaan sina Reema. He took off his pants immediately at basta na lang niya 'yon hinagis sa sofa niya. Uminom lang siya ng isang basong malamig na tubig bago siya lumabas na ulit ng bahay. Pero hindi na pala niya kailangan na maghanap ng taong mapagtatanungan dahil naroon na sina Reema at Baby Reemo... Si Baby Reemo na karga ng lalaking nakasuot ng boxer short, fitted na sandong gray, namumutok ang mga muscles nito sa braso na halatang alaga sa gym. Automatically, his forehead creased. Saka siya napasulyap sa kaniyang sarili. Okay, naka-white sando rin naman siya at naka-boxer short, 'yon nga lang, wala siyang braso na katulad sa lalaking may karga kay Baby Reemo at kasama ng magaling na manang ngayon dahil never naman siyang nag-gym. Well, mas namumutok ang pang-ibaba niya naman at 'yon naman ang alam niyang mas mahalaga hindi ba? Napangisi na lamang siya sa sariling kalokohan. Nang muli siyang mag-angat ng tingin ay tumatawa pa rin ang manang sa kasama nitong lalaki habang pinapahigop nito si Baby Reemo ng gatas gamit ang... straw? "Ehem..." Malakas na tikhim niya upang mapuna na siya ng mga ito na wala yatang balak na magbigay pugay sa kaniya kahit pa halimbawa'y makita na siya. "Uy, Arkin, nariyan ka na pala," bati sa kaniya ni Reema na kinatango niya lang. "Para saan ang straw na 'yan?" Diretsahan niyang tanong. "Ah, ito?" Itinuro pa ni Reema ang straw, as if may iba pa siyang straw na tinutukoy. "Paper straw nga 'to," sabi pa nito, ginawa pa siyang tanga na hindi alam ang pagkakaiba niyon sa plastic o kahit anong straw. "Hari nga pala, pare," pakilala sa kaniya ng kasama nitong lalaki nang sumenyas siya rito na kukunin na niya mula sa pagkarga nito si Baby Reemo. "Arkin," pakilala rin niya, out of respect. "Hello, baby," agad niyang bati naman sa anak-anakan niya nang sa wakas ay makarga na niya 'to. Ah, hindi niya inakala talaga na ang pagkakaroon ng baby ay isang theraphy sa kahit anong pain. Weh? Pati ba sa ego? buska sa kaniya ng kung sinong nagsalita sa likod na bahagi ng kaniyang utak. Tumalikod na siya sa bisita ni Reema at sa huli. Kung plano ng babae na imbitahan ang bisita nito sa bahay nito, bahala 'to. Basta siya ay nakuha na mula rito si Baby Reemo. "Salamat nga pala sa tulong, Hari." "Naku, wala 'yon, Reema. I'm glad we were able to solve your problem today." Napahinto siya sa paglalakad nang maulinigan niya ang pinag-uusapan ng mga 'to. Problem? Solve? "Ano ba ang nangyaring problema?" Kung nagulat man si Reema sa medyo napataas niyang boses, kahit siya rin naman. Sino ba ang hindi maiinis na may problema na pala 'to at ibang tao pa ang hiningan ng tulong? Tapos ay nakakainis din si Baby Reemo, humahabol sa ina-inahan. Kinukuhang pilit ang straw! "Naghihintay ako ng sagot, Reema, will you please tell me kung ano ang naging problema niyo ni Baby Reemo at bakit sa ibang tao ko pa nalaman 'to?" Nang titigan lang siya nito nang ilang segundo at muling binalik ang mga mata kay Hari at nginitian nito ang huli, mas nainis siya kaya tuluyan na niya 'tong tinalikuran bitbit niya si Baby Reemo. Kung hindi nga lang kabastusan ay binagsak na niya ang pinto para maiparating niya sa mga 'to na nagdadabog siya. Tutal naman ay para na nga siyang bata na nagdadabog ngayon dahil dama niyang unti-unti na siyang tinotopak. "HOY, grabe ka naman!" Kaagad niyang bulyaw kay Arkin nang makapasok siya sa bahay nito pagkaalis ni Hari. Iningusan siya nito. "Ako pa ang grabe?" "Oo. Tinulungan na nga ako ng tao e, ni hindi mo man lang nagawang magpasalamat." "Magpasalamat? Teka, ako ba ang tinulungan niya?" Napamulagat siya sa sinabi nito. Dati naman na silang nagtatalo na dalawa, dati na silang nagbabangayan at masasabi niyang walang araw na hindi sila nagbangayan ngang dalawa pero ewan ba niya, parang may iba sa ngayon. Iba ang tono ni Arkin sa kaniya, iba ang ganti ng salita... "Aha! Alam ko na 'yan!"  Tinaasan siya nito ng kilay. "'Pinagsasasabi mo?" "Alam ko na 'yang ginaganyan mo, Arkin Winters, lintik ka talaga at may ego ka pa pala na natatamaan, akalain mo?!" Tumawa siya, tawa na nauwi na sa halakhak dahil nakakatawa naman talagang isipin na nasaling niya ang ego ng mayabang na 'to. "Ano?" parang diring-diri ang itsura na sambit pa nito sa kaniya. "Ego! Tinamaan ang ego mo kaya ka nagkakaganyan dahil obvious naman na mas g'wapo sa 'yo si Hari." "Hah! Pa-EO ka na uy, kung gusto mo, sagot ko pa." "Obvious din na mas macho siya sa 'yo." "Alagang gym supposed to be like that, FYI." "At mas na-hit niya ang male ego mo nang malaman mong siya ang nakatulong sa 'min ni Baby Reemo!" "I hope you know how pathetic you are right now, Reema," naiinis na turan nito sa kaniya. Sobrang inis pa nga yata. Ngayon lang niya nakita na nagkagano'n 'to kaya niya nasabi na natamaan ni Hari ang male ego nito. Lahat ng male species ay mataas ang ego. Nasasagi 'yon halimbawa ng kapwa nito lalaki na sa tingin nito ay isang kakompetisyon lalo na. NAIINIS na tinapunan ng tingin ni Arkin si Reema na parang tangang nakangiti sa kawalan. Crossing her arms while saying those bullsh't words at his face, then, she literally place her forefinger on her chin while she's smiling crazy to whatever. Malamang talaga, kaya gano'n ang itsura nito ay iniisip na nitong tama ang lahat ng kaniyang pinagsasasabi. Na tinamaan ang ego niya sa pagkakakita niya kay Hari. E, ano ba kasi? Kung hindi ego, ano nga ba? Hayun na naman ang kung sinong konsensya niya yata na nagsasalita. Kinakastigo siya. Kung tutuusin ay hindi naman niya dapat depensahan ang sarili sa kung bakit ba siya tinotopak na nga yata. Why, siraulo si Reema. Ni hindi siya sinasagot za tanong niya kung ano ba ang naging problema nito. Ni hindi man lang siya naisip na sabihan, samantalang sino ba ang tatay ni Baby Reemo? Sila ang pamilya. Tatay. Pamilya... "Sorry na, Papa Arkin, bati na tayo, please..." para siyang tinulos sa kinauupuan niya nang biglaan na lang na maupo sa tabi niya si Reema, inangkla ang braso nito sa braso niya't humilig din do'n. "H—Hey," mahina niyang saway rito. Thinking of sasawayin niya ba o hindi? Hell, para na 'tong pusa na naglalambing sa braso niya, kinikiskis nito ang pisngi ro'n at aaminin niyang habang pinagmamasdan niya ang ginagawa nito ay napapangiti na siya... Buti na lang at nando'n pa ang anak niya, piping saksi sa kabaliwan ng nanay nito. Mabuti pang kay Reemo na lang niya ibaling ang atensyon niya kung ayaw niyang mapahalakhak ng hindi oras. "Hey, baby, Papa Ark's been looking for you, saan ka galing ha?" "Galing lang po kami sa kapitbahay," Reema answered, sa boses na pa-cute na siyang ginagawa nito 'pag napagti-trip-an nitong sagot-sagutin siya sa tuwing kinakausap niya si Baby Reemo. "Ano ang ginawa mo sa kapitbahay? Bakit ka nagpapakarga sa iba ha?" "Sorry na Papa Ark, stop selos na." Hindi niya 'to pinansin. Patuloy naman na nagkiskis 'to sa braso niya na. parang pusa. Nilaro niya lang si Reemo na humahagikgik naman habang hinahalikan niya sa leeg at t'yan. " "Are you hungry na ba young man?" "Hindi pa po, kakainom ko lang ng milk na ginawang milk tea ni Mama Reema kasi may straw." Natawa 'to sa sariling joke. Tumawa rin si Baby Reemo na animo ay nuaunawaan ang sinabi ng lukaret na ina. "Baby Reemo, timatawanan mo 'ko, bad ka. Ginawan na nga ng paraan ni Mama Reema na maakinom ka ng milk dahil d'yan sa teeth mo e!" "Teeth?" "Oo, nag-iipin na kasi siya kaya nga may straw ang milk niya. Sinabi ko 'yon sa 'yo, check your phone." "Naiwan ko ang phone ko kanina..." "Kaya naman pala e! Anyway, si Hari kasi ang nakaisip ng idea na mag-straw si Baby Reemo para makainom siya ng milk." "Paano niya naisip 'yon?" "Huh?" "Anak ng tokwa, mas g'wapo lang talaga ako pero hinding-hindi ko yata maiisip na straw-hin ang baby milk, 'talino naman pala ng crush mo!" "C—Crush ko?" "Halata naman na crush mo 'yon, Remedios. Kaya lang ay sorry ka na lang dahil may asawa at anak ka na."

 

 

 

Chapter 14: The Yaya

NAPAKURAP-KURAP pang muli si Reema bago niya napagtanto na wala ang alarm clock niyang pink na baboy na una niyang sinusulyapan sa bedside table niya sa tuwing nagigising niya. Kumurap pa siya ulit, saka niya naalala na nakatulog nga pala siya sa bahay ni Arkin. Oo, pagkatapos nilang magtalo at mag-asaran kagabi nito ay nagkaayaan sila na kainin ang pizza na dala nito at nakatulog na siya sa sofa ng bahay nito dahil na rin sa pagod niya siguro kay Baby Reemo na nagloko kahapon dahil sa pag-iipin. Mataba na ang baby nila kaya nakakapagod na 'tong kargahin sa tuwing umiiyak. "Good morning!" untag sa kaniya nino pa, e, 'di ni Arkin, na napakalawak na nakangiti habang nagtitimpala na ng kape. Naaamoy niya kasi ang aroma ng kape. "Anong oras na?" tanong niya rito habang nagkukusot siya ng mga mata. "Alas diez na ng umaga. Pareho nga tayong tinanghali ng gising ngayon." Pagkasabi nito sa oras ay napamulagat siya. "Ten na? Si Baby Reemo, hindi pa nakainom ng milk—" natigilan siya nang pagsilip niya sa baby crib ay wala ro'n si Reemo. E, hindi naman din karga ni Arkin... "Nasaan ang anak ko, Arkin Winters?!" Tumawa ang lalaking tinawag niya sa buong pangalan. "Relax, Remedios, que aga mo." "Relax? How can I relax?!" Tumayo siya, tarantang hinahalughog niya ang baby crib, wala ro'n si Baby Reemo. Nilapitan niya ang tumatawa na hambog, hinawakan niya 'to sa braso nito at niyugyog. "Nasaan na ang anak ko? Ang anak natin, nasaan na?!" Okay, medyo OA siya sa anak natin pero hindi niya na 'yon mababawi. Kaya para mapagtakpan ang kagagahan niya ay tumalikod na siya sa tatawa-tawa pa rin na si Arkin. Eksaktong talikuran niya 'to ay siyang pasok ng isang babaeng tulak ang baby stroller ni Baby Reemo. Hanggang ilalim ng tainga ang buhok ng babae, may kulay 'yon, may suot na malaking loop earrings, naka-skirt na maiksi at naka-crop top— santisima! Sino 'to? "Bakit na sa 'yo ang anak ko?" Kaagad niyang nilapitan 'to, kinuha niya mula rito ang baby stroller. Hindi nga lang niya makarga si Baby Reemo, tulog kasi nang silipin niya. "Remedios, sabi ko naman sa 'yo, relax ka lang e," sabat ni Arkin. Tinapunan niya 'to ng masamang tingin. "Relax mo 'yang mukha mo." "Siya nga pala si Abby, siya 'yong nabanggit ko sa 'yo na yaya. Natagalan lang at marami akong inayos nitong mga nakaraan but the important is, nandito na siya. May makakatulong na tayo sa pag-aalaga kay Baby Reemo." "Hello po, Madam Remedios," bati sa kaniya ng yaya na Abby raw ang pangalan. Nilipat niya rito ang tingin niya. Mukhang kaedad niya ang babae. Mukhang kaedad niya rin 'to kahit na mas mukha siyang may edad naman dito dahil... well, nakakabata ang gano'ng pananamit na never niyang sinuot pa. "Reema na lang, don't call me madam," aniya rito sa neutral na tono. Medyo nahimasmasan na siya sa fact na may yaya na si Baby Reemo pero medyo hilo pa siya sa nakikita niyang itsura ng yaya. "Sige po." "P'wede bang pakiiwanan muna kami, Abby? Tawagin na lang kita, may pag-uusapan lang kami ni Arkin," sabi niya rito, tumango naman 'to at sinunod siya. Nanlilisik ang mga mata na tinapunan niya ng tingin ulit ang hambog at hudyong lalaki. "O, bakit?" tanong nito sa kaniya na parang hindi alam kung ano ang pag-uusapan nila. "Saan mo nakuha 'yon? Yaya 'yon, sure ka?" gigil niyang turan dito. She even gritted her teeth. "O—Oo, yaya raw siya." Kibit balikat at parang walang alam nitong tugon. Tinalikuran pa siya at hinarap ang cupboard, maghahanda siguro ng almusal nito. Ibinaba niya si Baby Reemo sa baby crib, saka mabilis niyang binalikan si Arkin, binatukan niya 'to kahit mas mataas 'to sa kaniya at kahit nakatikod 'to sa kaniya. "Ouch!" reklamo nito, sapo ang nasaktan na ulo nang harapin siya, may hawak na itlog sa kamay. "Nababaliw ka na ba ha? Yaya 'yon sa 'yo? Ang haba ng kuko! Masusugatan ang anak ko sa mga kuko niya," gigil niyang sambit, "tapos ang pabango, umaalingasaw, alam mong hindi 'yon puwede sa baby, Arkin. Hibang ka ba?" Nagkibit na naman 'to ng mga balikat. "Kadarating lang naman niya." "And what do you mean by that?!" "Hoy, Remedios, nakapustura ang isang tao 'pag umaalis ng bahay. S'yempre iba ang itsura niyan 'pag nagtrabaho na." "Aba't— e, ang kuko, ano, puputulin niya pa kung kailan na-hired mo na siya?" "Oo." "Ano?!" "Oo nga sabi," pabalewala nitong sagot. In fact, nagsimula na 'tong magpainit ng kawali. Naihilamos niya ang sariling palad sa kunsumisyon sa hudyong kausap. "Arkin Winters, hindi laro ang pagkuha ng yaya!" "Says who?" anito, nilingon siyang may ngisi sa labi. "Nagkausap na nga kami niyan ni Abby, magpuputol 'yan ng kuko mamaya, saka magsusuot siya ng uniform na scrub suit 'no." Tsk. Hindi siya kumbinsido.  "Kaya mag-relax ka na, Remedios." "Hindi!" "E, 'di huwag kung ayaw mo. Masyado kang highblood." "Dahil hina-highblood mo 'ko!" "Haist, saka mo na ayawan ang tao, 'pag hindi nagampanan ang trabaho niya. Grabe ka naman, nakita mo naman na hindi pa naka-uniform e, kinilala na ang aalagaan." May point. Pero diskumpyado pa rin siya talaga. Lalo at alam niyang babaero ang isang 'to... "Choosy ka pa ba, bakit, ayaw mo ba na magkaro'n kayo ng time no'ng crush mong alaga sa gym ang katawan?" "Ano?" Iningusan siya nito. Lukot ang matangos na ilong. "Dama kong gusto mo na rin naman ng love life, Remedios, don't me. Kaya hayan, habang nariyan si Abby, may katuwang na tayo sa pag-aalaga kay Reemo, puwede ka nang makipagligawan nang hindi kasama ang anak ko." Ano raw? Bakit parang napunta sa kaniya ang sisi bigla? "Ano ba—" Hindi na niya natuloy ang dapat na sasabihin niya, iniharang na ni Arkin kasi sa labi niya ang hintuturo nito para patahimikin siya. "Again, saka ka na magreklamo 'pag hindi okay ang service ni Abby. For now, tanggapin mo na kailangan natin siya at wala tayong dapat pagtalunan do'n, okay?" Okay? Okay nga ba sa kaniya? SIGURO nga ay judgmental lang si Reema. Sa buong maghapon kasi na nakasama nila ni Baby Reemo si Abby ay okay naman 'to. Maasikaso naman, active rin sa gawain, mostly sa mas importante— sa pag-aalaga nga kay Baby Reemo. Katulad nang sinabi ni Arkin sa kaniya, nagsuot nga 'to ng scrubsuit bilang uniporme at naggupit ng mga kuko. Nakakagulat nga rin na ito na rin pala ang magiging all around maid sa bahay ng mayabang na lalaki. Kung magkano ang sahod nito, hindi niya na tinanong pero para sa gao'ng service, mukha namang malaki. "O, may yaya na si Baby Reemo, hindi ka pa rin naligo?" untag sa kaniya ng kadarating mula sa trabaho na si Arkin. Naramdaman naman niya at nakita ang ilaw ng kotse nito nang pumarada 'to sa gawing likod niya, hindi lang niya 'to nilingon. Naroon siya sa kasi sa harapan ng bahay nito at nakamasid lang sa bagong yaya na ngayon ay nagluluto. Maliit lang ang bahay naman nila ni Arkin. Kung nakabukas ang pinto, matatanaw kaagad ang sofa at kitchen sa ibaba. Pareho lang ng espasyo pati pagkakaayos ng sofa at kitchen pero s'yempre magkaiba ang interior. "First day pa lang ng yaya, gusto mo naman ay tumulad ako sa 'yo na hundred percent na kaagad ang tiwala na ibigay sa kaniya." Nakairap niyang tugon dito. Pumalatak ito. "Remedios, 'pag nagpaalaga ka ng baby o kumuha ka ng maid, dapat ay tiwala ka sa hinired mo, ano ka ba." "Kumpleto ba documents niyan?" "O, look at you, nagna-nag ka na naman." "I'm just asking, maano bang sagutin mo na lang ako." Pero imbes na tugunin siya ay nanahimik 'to. Sobrang tahimik na kinataas na ng isang kilay niya rito. "Anong problema mo?" Hindi na nakatiis na tanong niya. Hindi pa rin 'to sumagot, bagkus ay mula sa mariin na pagkakatitig nito sa kaniya, inilapit nito ang sariling mukha nito sa kaniyang mukha. Mas pinatapang niya ang facial expression niya. Kung sa inaakala nito ay matatakot siya sa mga gano'ng kalokohan nito, hah! Sanay na sanay na siya ro'n. "Alam mo, Reema..." "Hindi pa." Natawa 'to sa pambabara niya. "Well, kung hindi pa nga ay makinig ka." "Go, I'm listening." She even crossed her arms, naghikab din siya para ipakita ritong naiinip siya sa kung ano nang sasabihin nito. "I think, nagseselos ka kay Abby." Her eyes widened in shock! Siya raw? Nagseselos? Sa paanong paraan nito nasabi 'yon? "Hep! Let me explain first kung paano ko nasabi." "Ayusin mo 'yan, Arkin, naku, sinasabi ko sa 'yo," inis na banta niya pa. S'yempre tatawa-tawa na naman 'to. "Nagseselos ka kay Abby kasi normal lang naman 'yon, ikaw naman kasi ang nag-alaga kay Baby Reemo." Aw. Na-touch naman siya ro'n. Inakala niyang kalokohan na naman ang lalabas sa bibig nito. "But let me tell you this also, dama ko ang pagmamahal mo kay Baby Reemo but Reema, dapat nating alalahanin pareho na soon, magkakaro'n ng result ang investigation nila sa kung sino ang mga magulang niya, that's why I hired Abby, too." "B—Bakit mo sinasabi ngayon 'yan?" Imbes sagutin siya ay niyakap siya nito. At ewan ba naman niya, mas nakakaiyak pala 'pag gano'n na may yumakap sa 'yo sa masuyong paraan... For the first time.

 

 

Chapter 15: Unspoken Feelings

ANG tungkol sana sa mga magulang ni Baby Reemo ang ayaw niyang mabanggit kay Reema ngunit sa nakikita niya ay katulad na rin niya 'to na masyado nang attached sa bata kaya tulad niya ay nararapat din lang na ipaalala niya 'yon dito gaya nang pagpapaalala niya sa kaniyang sarili niyon. "Hush, that's okay, you know, gano'n talaga, Reema." Tahimik na tumangis 'to sa shirt niya. Minsan ay ang gago niya lang, nananahimik ang isang tao, paiiyakin niya. Ah, malay niya ba naman na iyakin pala ang babaeng ubod ng sungit at tapang na katulad ni Reema? Malay ba naman niya na ang kapirasong salita niua patungkol sa mga magulang ni Baby Reemo ay sobrang magpapaiyak dito? Maingay na sumisinghot na nga ito sa dibdib niya. "Reema... alam mo naman na nagpapalaba lang ako, huwag mong singahan ang damit ko, kawawa naman ang laundry service na naglalaba," pabiro niyang sambit para tumahan na 'to. Sa gulat niya ay hinampas siya nito sa dibdib. "Kasalanan mo 'to, pinaiyak mo 'ko!" He chuckled. Ah, bayolente rin talaga... "Naiiyak ako, naiiyak ako na hindi mo na 'ko kailangan dahil nandyan na si Abby. Kahit ang kakainin mo, siya na ang mag-pe-prepare, ang salbahe mo talaga!" Pagak siyang natawa. "'Yon ba ang pinagseselos mo pa bukod sa siya na ang mag-aalaga kay Baby Reemo from now on?" Singhot lang ang sinagot nito. "Aw, I never knew na gustong-gusto mo pala na inaasikaso kami ni Baby Reemo. I thought, si Baby Reemo lang." "Manhid mo kasi!" Still chuckling, hinawakan niya ang palad nito na pinanghampas sa kaniya, saka niya 'to marahan na hinila palayo sa kung saan sila nakatayo. May pagtataka man sa facial expression nito nang lingunin niya, nginitian naman din siya nito at walang ano-ano'y nakisabay na 'to sa takbo niya. Oo, sa gitna ng kalsada ng Blooms Subdivision, sa gitna ng mga street lights nang gabing 'yon, hinila niya 'to at pinatakbo. Kung hindi nga sila kilala siguro ng mga aso ro'n ay hinabol na sila ng mga 'yon dahil malakas din na nagkatawanan na sila na sinabayan ng mga alagang aso ng mga kapitbahay nila ng malakas pero tila nasisiyahan naman na mga kahol. Nagkatawanan sila na mas lalo pang lumakas nang parang nakiisa ang langit sa lungkot nila sa mga sandaling 'yon nang unti-unti nang umiyak ang langit... Bumitiw mula sa pagkakahawak niya sa palad nito si Reema, saka parang bata na sinalo ng dalawang palad ang ulan. Tahimik na nasisiyahan niya 'tong pinagmasdan lang. Kung hindi pa sana 'to nagsalita ay magkakasya na lang siya sa pagtingin dito habang may hindi maitatatwang ngiti na nakapaskil sa kaniyang labi... "Alam mo ba na never kong naranasan na maligo sa ulan?" Nagulat man siya sa ni-reveal nito, hindi siya nagpakita ng reaksyon. Mukhang nasa mood 'tong magkuwento at aaminin niyang pinanabikan niya ang araw na 'yon. Kung bakit, hindi pa malinaw sa kaniya. Basta gusto niyang makilala 'to nang higit sa pagkakakilala na niya rito sa mga nakalipas na araw. Nais niya 'tong makilala ng higit pa sa tamad 'tong maghilamos at maligo sa tuwing nasa bahay lang. Na napakasungit man nito ay napakamaasikaso naman. Pamilya, 'yon kasi ang binigay ni Reema sa kaniya at ni Baby Reemo. Pamilya na wala siya. He maybe thankful sa lola niyang nagpalaki sa kaniya pero iba pa rin pala ang tunay na karanasan sa pagkakaroon ng sarili mong pamilya na maituturing. At ang lungkot lang isipin na hindi man niya hiniling, binigay man sa kaniya ay babawiin din. "Bawal kasi akong maligo sa ulan, dadami raw ako," she said continuously. "And who the hell said that?" Kunot noo niyang tugon. Ito naman ang pagak na natawa. "Pamilya ko. Pamilya na ewan ko ba kung pamilya ang turing sa 'kin." Ah, ang lungkot. Magkaiba sila nito dahil siya naman ay wala talagang pamilya na dinatnan nang isilang siya sa mundo pero ito, mayroon nga ay gano'n naman dito. And somehow, alam niya 'yon. Dama niya. Hindi totoong manhid siya. Dama niyang pareho sila nitong nananabik sa pamilya at pareho silang na-enjoy ang kunwariang pamilya na kanilang binuo. Siya, ito, at si Baby Reemo. "Alam mo rin ba na hindi ko pa 'to nasasabi kahit kanino?" Nakaingos nitong sabi. "Ows? So, bakit mo sinasabi ngayon sa 'kin 'yan?" Mayabang niyang tanong, pinagkrus niya ang mga braso at nakataas ang mga kilay niya rito. May gusto ba siyang marinig mula rito? Well, maybe. Or maybe, meron naman talaga... "Kasi special ka e. Special child ka kaya." Natawa siya. "Special child ka rin naman, look at you, ang saya mo sa ulanan." "Masaya naman talaga ang magpaulan," ani nito, hindi pansin ang sarili o wala nang pakialam kung nakabakat na sa suot ang hubog ng katawan na itinatago lang parati sa mga damit na loose. Marahas na napalunok siya nang mamasdan niya ang kabuuan nito. "Uhm, Reema, I think—" Hindi na niya natuloy ang sana ay pagsaway niya sa babaeng masyadong natutuwa sa ulan. May umentra kasi...  "Reema, nagdala ako ng payong— I'm sorry, akala ko mag-isa ka lang..." Hindi nakaligtas sa kaniya ang paglaki ng mga mata ni Reema nang ma-realize nitong si Hari pala ang lumapit dito, may dalang payong. Huli na nang ma-realize naman niya ang gagawin ng babaeng tinamaan na nga yata ng magaling— nagtago 'to sa likod niya! "Ah, Hari, ano, ano kasi..." Hahagalpak sana siya ng tawa kung hindi lang may kung anong namuo na inis sa dibdib niya nang mahuli niya kung paanong pagmasdan ni Hari ang katawan ni Reema. Lalaki siya. Alam niyang ilugar ang kalokohan niya ngunit ang isang 'to... "Magkasama kami ni Reema, as you can see, man, so, please get lost," hindi na niya naawat ang sarili na sabihin 'yon sa lalaking pino-flaunt talaga ang mga muscles. Kung hahamunin man siya ng suntukan nito at kung inaakala nito na kinatatakutan niya ang katawang 'yon, hah! Maigi pang mag-isip na muna 'to dahil hinding-hindi ito makakaisa. Sa naisip niyang 'yon ay awtomatikong napahigpit ang hawak niya sa pulsuhan ni Reema. "Let's go home, Reema." Ewan niya, mamaya siguro ay maaanalisa niya rin kung saan galing ang possessiveness na lumukob sa kalooban niya sa mga sandaling 'yon. Ang mahalaga ngayon ay ang mailayo niya 'to sa crush nitong hindi niya alam kung ano ang hinangaan nito ro'n. 'Di hamak na mas g'wapo siya, minsan ay luko-luko siya pero maginoo naman siya kumpara sa crush nito na walang habas nang tignan 'to mula ulo hanggang paa na para bang walang ibang tao sa harap nito na makakakita. Hindi niya kailan man naisipan na gawin 'yon sa isang babae, unless, well, of course, kung ang babaeng 'yon ay nakahain na sa kaniya. "Get dressed, baka magkasakit ka pa," kaagad niyang utos kay Reema nang makarating na sila sa pintuan ng bahay nito. "Thank you sa gabing 'to, Arkin." Napangisi siya. "Nagpapasalamat ka ba dahil tinulungan kitang mauntog sa paghanga mo sa Hari na 'yon?" Inirapan siya nito. "Nagpapasalamat ako sa 'yo dahil bukas ay siguradong may lagnat ako at hindi ko mababantayan si Baby Reemo. So, walang rason para malungkot ako." Natigilan siya. May na-hint pa rin siyang lungkot sa boses nito pero kung hahayaan niya 'tong malunod sa kalungkutang 'yon ay para saan pa ang ginawa niya kanina na paghila rito sa ulanan upang kahit paano ay makalimutan nito ang lungkot na 'yon? "You know, may kasabihan tayo na ang mga taong naliligo sa ulan ay dalawa lang ang rason." "Naku, ano na naman 'yan?" Nagkibit siya ng mga balikat. "May mga taong gusto lang na mabasa sa ulan at may mga taong gusto lang na damhin ang ulan dahil sa pamamagitan niyon ay maaamin nila sa kanilang sarili ang tunay nilang nararamdaman." "Saan mo naman 'yan narinig?" "Sa tibok ng puso mo." Ito naman ang natigilan sa pagkakataong 'yon. Patlang. Kung bakit sila parehong natigilan at nanatiling nakatitig lang sa isa't-isa ay wala naman yatang tamang salitang makakapaglarawan. Basta, masarap lang titigan si Reema, ngayon na nakapaligo na 'to sa ulan. Basta, ngayon niya mas napagmamasdan ang maliit na mukha nito, ang mga mata nito na tila siya nananalamin do'n. "Same boat," untag nito sa pasumandaling katahimikan na namayani sa kanila. Wala siyang sinagot. Basta nanatiling nakatitig lang siya rito. "Pareho tayong nakahanap ng pamilya sa isa't-isa, sa tulong ni Baby Reemo." "Uh—huh." "At gusto kong matapos ang gabing 'to sa isang halik." "Hmn?" "Magagalit ka ba kung hahalikan kita?" "Ang agressive naman pala." Ito naman ang nagkibit balikat na animo balewala lang dito ang sinabi. For a manang, for someone na sobrang reserve sa sarili, wow lang, hindi niya akalain na may kung anong hahaplos sa puso niya nang magpaalam 'to sa kaniya para sa isang halik na kaniya naman nang ninakaw rito kung tutuusin. Again, kung paano nangyari ang kaninang pakiramdam na gusto niyang kaniya lang 'to at ang ngayo'y sinasambit sa kaniya nito, baka mamaya na lang nila siguro aanalisahin. Mas mahalaga naman ang ngayon... "Pero naisip kong bakit kailangan ko pang magpaalam, kung ikaw nga ay—" Naisip niya rin naman na bakit niya pa patatagalin ang paghihirap nila pareho? Kaya hayun, pinatigil na niya 'to sa kadaldalan nito at siya na mismo ang humalik dito. Mapusok na halik, malalim... Sa lalim niyon ay nasa sariling huwisyo pa naman siya kaya alam niya kung saan na sila dinala ng halik na 'yon...

 

 

Chapter 16: Revelation

"ANG akala ko ay ako lang ang salbahe rito pero mukhang hindi lang pala ako," bulong niya kay Reema, habang abala 'to sa pagbibigay sa kaniya ng halik habang nakaupo 'to sa kandungan niya. Humagikgik 'to. "I'm sorry. Kung tutuusin ay ayaw ko rin naman talagang mangyari sa 'yo 'yon." "Kaya lang?" Yeah, naririnig niya ang kasunod niyon at gusto niyang marinig mismo na sinasabi nito 'yon sa Hindi na nila kailangan na magpanggap. Nandito na sila nito. Nandito na sila at for the first time, ngayon lang niya gagawin ang matagal na niyang ginagawa sa iba't-ibang kandungan ng mga babae na ang corny man na sabihin ay, he felt it oh so right, this time. With this lady. Oo, kahit gaano pa kabaliw 'to. "Kaya lang ay dapat kang mauntog. Sobrang maginoo mo para ikaw pa ang makipaghiwalay sa pinsan kong manloloko.

Naramdaman ko lang na kailangan mo 'ko," pag-amin nito. Sabi na nga ba niya, ito ang babaeng matagal na niyang hinahanap sa iba't-ibang babae na nakaniig. Hinahanap niya 'to, hindi dahil may atraso 'to sa kaniya kung hindi ito at ang halik nito ay sadyang kahanap-hanap naman para sa kaniya. Kung ano ang pinagkaiba niyon sa mga halik na natikman na niya, ah, hindi niya alam pero kaya niyang ma-detect ang pagkakaiba niyon, 'yon lang ang masasabi niya. Ito ang babaeng basta na lang humalik sa kaniya noon kaya sila mas nagkalabuan na ng pinsan nitong si Via. Hindi niya alam kung ano 'tong bigla niyang naramdaman sa natuklasan. Basta alam niyang malabo 'yon sa galit o inis sa nalaman. Ah, paanong hindi niya alam, e, hayun nga at nakangiti na siya na parang tanga. Nakangiti siya habang pinapaulanan siya ng halik ng babaeng nakaupo sa kandungan niya at ngayo'y alam na alam kung ano ang ginagawang paglalaro at kung saan 'yon hahantong. Ito 'yon, wala na ngang iba. Hinalikan siya nito noon habang nakapiring ang kaniyang mga mata... {Flashback} NAKAPIRING ang kaniyang mga mata dahil sa kagustuhan ng girlfriend niyang si Via. In fact, ito pa nga ang nagpiring sa kaniya nang makaupo siya plastic chair na nagsilbing sala na ng maliit na bahay nito. May surprise raw 'to sa kaniya. Piniringan nito ang mga mata niya noong pinapunta siya nito sa k'wartong inuupahan nito. Sa pagkakaalam niya nga ay hindi naman nito solo ang k'wartong inuupahan, kahit pa nga ba ngayon lang siya nakapunta ro'n dahil pinagbigyan lang niya naman 'to. Walong buwan na kasi silang mag-on at ngayon ang pagdiriwang ng araw na 'yon kaya hinayaan na niya. Nakilala niya si Via sa library ng school nila. Nakilala niya 'to noong panahon na nagrerebelde siya sa lola niya dahil sa pangmamata sa kaniya ng mga pinsan niya. Ano ba naman kasi ang kinalaman niya sa mga 'to, hindi naman niya kasalanan na isilang na walang ina na siyang kapatid at t'yahin ng mga 'to. Hindi niya kasalanan na ang lola lang niya ang nagpapalaki sa kaniya at wala 'tong malinaw na sinasabi sa kaniya patungkol sa sariling anak nito na siyang nagluwal sa kaniya sa mundo. Lumalabas tuloy ay paborito siyang apo nito. Na siyang tanging rason ng mga pinsan niya at ng mga anak ni Doña Matilde kaya kung pagsalitaan siya ng masasakit at pangit ay gano'n na lamang. Ngayon nga niya naisip kung tunay ba ang feelings niya kay Via? Ngayon na kamakailan lang ay nahuli niya 'tong kasama ang kapitbahay nito na sa pagkakaalam niya ay namamasada ng jeep at hindi naman nag-aaral na katulad nila. Nakilala niya si Via noong nasa huling baitang na siya ng high school. Kaya hanggang ngayon na mag-kolehiyo na sila ay girlfriend niya pa rin 'to. Oo, gano'n na nga sila katagal para itapon na lang din niya basta-basta ang masasabi na ngang pinagsamahan nila. Masyado nang matagal ang relasyon nila para itapon na lang nang dahil lang sa nakita niya 'to na masayang nakikipagtawanan sa lalaking 'yon. Mariin niyang naikuyom ang sariling kamao pagkaalala niya niyon. Mga mata niya mismo ang nakasaksi pero ang bibig niya ay tahimik. Ang tanong, hanggang kailan ba dapat siya tumahimik? Gayong siya na mismo ang nakakita at hinding[1]hindi naman pasusubalian ng damdamin niya ang nasaksihan? Nasa gayong siyang pag-iisip nang maramdaman niyang nagbalik na si Via. O si Via nga ba? Bakit iba ang pabango na naaamoy niya? Amoy baby cologne kasi na nabibili sa kung saan-saan na botika ang naaamoy niya at hind ang niregalo niya sa girlfriend na mamahaling pabango... Sa gulat niya ay basta na lamang kumandong sa kaniya ang bagong dating at— hinalikan siya! Hindi ito marunong humalik, siya na nga mismo ang nag-guide rito kung paano. At ang halik na 'yon ay masasabi niyang kakaiba sa halik ni Via kaya sigurado siyang hindi ito ang girlfriend niya. Ngunit sa hindi niya malaman na rason ay hindi niya maawat ang sarili na halikan 'to. Na turuan 'tong humalik... Ang hinala niya ay nagkatotoo nang marinig niya ang girlfriend niya na naghisterikal sa nasaksihan at galit na galit na sinugod ang babaeng nakakandong sa kaniya. Naramdaman na lang niya na may humila sa kaniya palabas sa bahay na 'yon. Hinila siya ng natitiyak niyang isang lalaki. Hinila niya ang piring na nakatabon sa kaniyang mga mata— ang pinsan niyang si Knight pala ang humila sa kaniya paalis sa eksenang 'yon. "Knight!" "Hay, hindi ka dapat nagpupunta sa lugar na ganito kadelikado."  Wala pa man sa huwisyo sa bilis ng pangyayari ay nagawa niya naman na makasagot, "Says who? E, ikaw, ano ang ginagawa mo rito?" "Sinabi ko naman na sa 'yo na hindi mo na dapat pinag-aaksayahan ng panahon ang babaeng 'yon. Gumising ka naman!" He scoffed at his cousin. "Ano nga ang ginagawa mo rito?" "Nakatanggap ako ng text na nahihigang na raw ang pinsan ko sa girlfriend niyang baliw sa isang jeepney driver. So, yeah, kaya ako nandito ngayon para sunduin na siya at gisingin sa kahibangan niya." Napangiti siya. Ngiti na nauwi sa halakhak dahil iniligtas siya ng pinsan sa napipintong pagkasira ng pagkalalaki niya dahil nais na rin naman niyang makipagkalas kay Via. Iniligtas siya nito at ng babaeng 'yon... "Tignan mong kabaliwan mo, ano, gising ka na ha?" "Dude, you don't know have any idea how much I'm happy right now. Tsk, maaasahan ka talaga!" "Nah, mas may isip ako sa 'yo lang. You know, love isn't like that. Hindi love 'yan. Kakahanap mo ng love, napunta ka ngayon saan?" "Really? Sa pagkakaalam ko ay hindi ka pa naman na- in love para sabihin mo sa 'kin 'yan." Lukot ang ilong na iningusan siya ni Knight bago nito ibinalik ang paningin sa tinatahak na kalsada. "At sino nagsabi sa 'yo na na- in love ka na? To whom? Kay Via? Hah! Crazy." Natawa siya. "I don't know how to assess nor how to know the love, actually. I love Granny, I love my father, I love my family kahit gano'n sila, and I do love you too but..." "Yaiks!" Natawa na naman siya. "But someone stole a kiss from me earlier and..." "Woah! Seryoso ba 'yan?" hindi makapaniwalang bulalas nito sa kaniya.  "Yeah." "Grabe talaga ang lugar na 'yon. Squatter kasi." "Hey, grabe sa squatter. Mabango naman siya, amoy baby cologne pa nga." "Really crazy." Haglapak siyang tumawa. "Maybe. But man, dama ko na tama ang halik na 'yon. Hindi ko sinasabing love 'yon but a soulmate, maybe?" "Nah, anong kinalaman ng soulmate. Kahit ang magiging kaibigan mo ay soulmate mo 'yon." "But this is felt differ from that." "Nababaliw ka na ngang talaga." Oo, nababaliw na yata siya. Dahil ngayon lang naman kumabog ng gano'n kabilis ang pintig ng puso niya. 'Yong pakiramdam na dapat ay naramdaman niya kay Via, mga feelings na hinahanap niya rito, all in ay naramdaman niya nang dahil lang sa halik ng kung sinong 'yon. Well, love at first sight nga ay hindi niya kinukwestyon. Love at first kiss pa kaya? And when he say love, hindi naman 'yon agad-agad na love pero dama niyang papunta na ro'n. Ah, basta, mahirap ipaliwanag. Kung pagtatagpuin man sila ng tadhana sa future, e, 'di masaya. Kung hindi man, sorry na lang. Kung hahanapin niya kasi 'to ay maglalaho ang pinaglalaban niya sa pinsan niya ngayon. Kung hahanapin niya 'to ay parang dadayain niya na rin ang tadhana. Kung para talaga sila isa't-isa, mangyayari 'yon. Dahil 'yon ang nakatakda.

 

 

Chapter 17: Freedom Begins

HINDI siya nagpasabi kung saan siya pupunta?" "Hindi po talaga, dumaan po siya rito para lang saglit na laruin si Baby Reemo, umalis na rin po siya agad," tugon ni Abby sa kaniya. "Sige, subukan ko na lang na tawagan at i-text ulit." Napabuntonghininga na lang siya na muling sinipat ang kaniyang relo. Malapit nang mag-alas tres ng hapon. Siguro naman ay hindi nakalimutan ni Reema ang usapan nila ngayon. Siguro naman ay wala 'tong balak na hindi magpakita. Maraming beses niya 'tong tinanong at sumagot 'to na excited na rin daw. Sabay kasi silang nagising kaninang umaga. Saka niya naalala na banggitin dito na ngayong araw na 'to ay pupunta sila kay Doña Matilde. Nag-okay naman 'to. In fact, kahit wala siyang naaalala na binanggit na niya rito ang tungkol do'n ay pinipilit pa nga nito na nasabi na niya, paulit-ulit daw siya. Nang makalipat siya sa sariling bahay kaninang umaga na magising sila nang sabay ay nakatulog naman siya ulit. At nang magising nga siya ay hinahanap na niya 'to dahil may lakad nga sila. Tapos na rin kasi siyang gumayak, maging sina Abby at Baby Reemo. Hindi sana siya dapat mainis ngayon dahil wala naman na siyang dapat ikainis kay Reema, she gave herself to him last night at virgin nga ito gaya nang ipinipilit sa kaniya no'ng una pa lamang, doon pa lang ay hindi na siya makaimik. Not that— sobrang halaga niyon sa kaniya ah, pero pagdating kasi kay Reema, nagbago na ang pananaw niya ro'n. Why, basta dama niya na ang kailangan na lang nilang dalawa pagkatapos ng paghaharap nila kay Doña Matilde mamaya ay opisyal na pag-uusap sa tungkol sa kung ano ang mayroon sila at kung saan nila planong dalhin 'yon. Lalo at may balita na siya sa investigation about Baby Reemo's parents. "Ay, mukhang 'ayan na ho, Sir Arkin," untag sa kaniya ni Abby. Nang lingunin niya rin ang sinisipat nito sa bintana ay pareho silang namangha sa babaeng bumaba sa isang pedicab. "Ay, ang ganda naman ni Madam Reema ngayon. Bagay po talaga kayo!" buska pa ng yaya bago siya makatalikod dito para salubungin niya si Reema. Kaya pala nawala ng mahabang oras, nagpaganda pala! "'Like it?" ani 'to, nakabuka ang mga braso na pinakita sa kaniya ang bagong itsura nito na malayo sa tinutukso niya ritong manang. Hmn, hindi naman masyadong binago nito ang sarili to the point na lalayo na 'to sa dating ito pero pagbabago na nga rin talagang matatawag 'yon dahil halata ngang nagpaayos at may kolorete sa mukha na ngayon lang niya nakita rito. Nakasuot pa 'to ng dress na ang haba ay sa ibabaw ng tuhod at nakalitaw ang balikat. Mga klase ng damit na ngayon lang nito nasuot. At ang buhok, binago rin. From nakarolyo lang palagi ang pagkakapusod ay hayun, nakalugay na 'yon at pinaiksian, humahalik lang ang haba sa ibabaw ng mga balikay nito. Pinaunat din. "Wow, new look!" Nakangiting turan niya rito. Nang lumapit 'to sa kaniya para yumakap ay marahan siyang natawa. "Pero gano'n pa rin, sa akin pa rin naman yayakap." Pinong kirot sa tagiliran niya ang sinagot nito. "Loko ka talaga!" Pagak siyang natawa. Kung ganito ba naman ang magiging ina ng anak mo ay aayaw ka pa ba? "Thank you," sinserong sambit niya rito nang tingalain siya nito. Dinampian niya 'to ng mabining halik sa labi. "Dahil?" "Dahil, look at you, nahihiya ka sa suot mo pero binago mo ang sarili mo para sa araw na 'to." "Ah, you are welcome, mister. Hindi ko lang gusto na kantyawan ka na isang manang ang kasama mo. Saka na-realize ko na mas babagay ako sa 'yo kung ganito ako manamit." "Na kung tutuusin ay hindi mo naman kailangan na gawin." "Kailangan 'to, feeling mo lang ay hindi!" Lukot at ilong na turan nito sa kaniya. He rolled his eyeballs. "Alam mo bang gusto kong hapitin ka ulit at ipasok sa loob ng bahay mo at ihagis sa kama mo—" "Huy, salbahe mo talaga!" Hinampas siya nito sa dibdib niya. "Kaya lang ay may lakad pa tayo." Reema giggled. "Istorbong lakad naman 'yan." Hagalpak siyang natawa. Alright, pagtatakhan niya pa ba 'yon? Kailan ba siya nalungkot na kasama 'to? This woman is crazy and weird by so many ways but she's a woman one could easily falling in love with... NAPAKALAKI ng bahay ng mga Hondradez. Sobrang ganda niyon sa labas pa lamang kaya pupusta si Reema na mas 'di hamak na sa loob. Malayo pa lamang ang minamanehong pag-aaring kotse ni Arkin ay natanaw na niya ang mga nakahilerang katulong ng mansion na sa tingin niya ay humigit kumulang sa dalawampu katao, sadyang inaabangan ang pagdating nila. "Are you nervous?" Tanong sa kaniya ni Arkin, kinuha ang isang palad niya at hinalikan ang likod niyon. Binawi naman niya ang palad niya rito at pabirong hinampas 'to sa braso. "Hoy, kakapanood mo ng romantic movies 'yan!" buska niya rito pagkatapos. Tumawa 'to. 'Yon ang tawa nito na nakaukit na sa isipan niya at kabisadong-kabisado na niya. Wala e, hindi na niya kailangan na analisahin ang sarili, dahil kung hindi pa ba in love ang tawag sa gano'n na kabisado na niya maging ang tawa nito, e, ano? "Wala e." "Huh?" nagtatakang tanong niya rito. "Wala e, tinamaan," wika nito, sabay kindat sa kaniya. Kikiligin ba siya? Nah, of course, kinikilig na siya at hindi na niya kailangan na itanong 'yon sa sarili. "Tinamaan ng magaling." Napanganga siya nang mag-sink in sa kaniya ang ini-imply nito sa binitiwan na biro! Sabay rin naman silang natawa dahil do'n. Sabay rin nilang pinagalitan ang bawat isa na mag-behave at may ibang tao— si Abby nga, na pasahero nila sa backseat ng kotse. "Naku, okay lang po," ani Abby, tila naunawaan sila. Natatawa man ay humingi siya ng paumanhin dito. "Maiba ako, may boyfriend ka na ba, Abby?" "Ha? W—Wala po, Ms. Reema." Hindi niya alam kung napuna ba nito na nautal 'to sa pagsagot, so, hindi na niya 'yon dapat na i-push kung gayon na parang naiilang 'to na pag-usapan. Nginitian na lamang niya 'to na gumanti naman ng ngiti sa salamin. "Ang dami niyong katulong," hindi niya napigilan na masambit nang makalapit na sila sa entrada ng harapan ng mansion ng mga Hondradez at makumpirma niya ang hinala na humigit sa dalawampu nga ang mga naghihintay sa kanila ro'n. "OC kasi 'yang si Granny," tugon ni Arkin sa kaniya, "kapirasong dumi, hindi raw makatulog. Hindi makahinga. Sinanay kasi ang sarili niyang gano'n." "Mahirap matulog naman talaga na madumi ang paligid." Arkin scoffed. "Hindi naman over na agiw lang e, kakapiraso." "Ay, over nga." "Saka hayaan mo 'yan, hindi naman tayo ang nagpapasahod sa mga 'yan," pabalewala nitong tugon habang pinapatay na ang makina ng kotse. "Sabagay. E, sino naman ang nagpapasahod sa kanila?" He chuckled. "'Kulit mo talaga." "Kung walang mangungulit sa 'yo, ibig sabihin no'n, wala na 'ko sa buhay mo." Nakita niya kung paano 'to natigilan. Tinitigan siya. Assume-ra na ba siyang matatawag kung gano'n na ang puso niya ay parang naririnig na niya dahil nagririgodon 'yon ngayon na tinititigan siya ng lalaking 'to na hindi yata aware kung gaano kaganda ang mga mata? Assume-ra ba siyang matatawag kung gano'n na iniisip niyang hahalikan siya nito? 'Yong halik sana na hindi lang dampi. Ah, hindi nga siya assume-ra, mas akma kasing tawagin siyang talandi sa mga kasalukuyan niyang naiisip. "Hindi ka na mawawala sa 'kin, okay?" "Gaano ka ka-sure, mister?" "So sure. Hundred and one percent." "Bakit mo naman nasabi 'yan? Pakakasalan mo ba 'ko?" Hindi mo kinaya, may na-hit siya sa babaerong 'to! Hayun at natigilan na naman 'to at titig na titig sa kaniya. "Gusto mo ba?" "Gusto ko, ikaw."  He chuckled. "Puro ka kalokohan." "Basta ako lang ang maloko at hindi mo 'ko lolokohin." Natatawang umiling-iling 'to. "Aware ka naman na kanina pa nasa loob sina Abby at Baby Reemo, 'no?" "H—Huh?" Nang lingunin niya ang backseat ay wala na nga ro'n ang anak nila at ang yaya! "Huy, ba't hindi mo naman sinabi na nakababa na sila?!" "Tsk, naghaharot ka pa po kasi. Pinagbibigyan lang kita at hindi naman bawal." Tinaasan niya 'to ng kilay. "Anong hindi bawal?" "Tinted windows naman 'tong mga salamin ng kotse ko..." "T—Tinted?" Mulagat niyang tanong. "Yep, tinted. Hindi nila tayo nakikita sa labas, tayo lang ang nakakakita sa kanila, you know..." "At sa tingin mo ay hindi ko talaga alam ang ibig sabihin niyon?" Arkin's forehead creased. "Ano ba? Ang gulo mo na naman kausap e. Ganyan ba talaga 'pag hindi na virgin?" Aba! Binubuska pa siya nito gayong ito ang may kasalanan kung bakit hindi na siya virgin! "Naalala ko, ang sabi mo ay ninakaw ko ang first kiss mo, na basa ang halik ko at ewwy, pero ikaw naman pala ang may kasalanan kaya naglaho na sa 'yo ang first kiss mo at hindi ako." At talagang habang naroon sila sa kotse at sa tapat ng mansion ng lola nito siya tinutukso nito? "First kiss? Sinabi ko ba 'yon?" "Uh—huh." "Ah, oo, totoo naman. 'Yong nauna kasi ay ako ang nagnakaw ng halik. Magkaiba 'yon sa ako ang nagnakaw ng halik sa ikaw ang nagnakaw ng halik." "Ha?" She giggled. Gulong-gulo kasi ang itsura ng kuya mo, Arkin Winters. So, para hindi na maguluhan... nakawan niya na lang 'to ulit ng halik nga! Tinted naman ang salamin, grab natin ang chance!

 

 

Chapter 18: More Revelations

 

HINDI nakakatuwa ang mansion ng mga Hondradez. Nakakalula kasi 'yon para kay Reema. Ang mga disenyo ng naglalakihan na mga paintings ay wala siyang maunawaan. Buti na lang ay mayroon siyang namataan na isang painting na kahit sino ay alam na agad kung sino-sino ang mga nakapinta ro'n— pamilya ni Doña Matilde. Oo, ito lang ang nag-iisang nakaupo habang nakapaikot dito ang mga seryosong mukha ng mga anak at apo. May isang apo na kamuntikan nang ngumiti sa kuha na 'yon, lihim tuloy siyang natawa, paano ay si Arkin 'yon, wala naman ng iba. Maloko talaga. Kapansin-pansin sa litratong 'yon na pinagkopyahan ng pintor na lumikha na ang lalaking katabi niya ngayon ay may mabuting karakter kumpara sa mga kalalakihan na naroon. Napahigpit tuloy ang hawak niya sa palad ni Arkin sa naisip niyang 'yon. "Why?" tanong nito, nagtataka. "Wala naman. Nakakalula lang ang bahay na 'to." He chuckled. "Mas nakakalula ang may-ari ng bahay na 'to 'kamo." "Si Doña Matilde?" "Sino pa ba? But don't worry, nasabi niya sa 'kin na mag-isa lang siyang haharap sa 'tin ngayon." "Well, walang problema sa 'kin kung lahat ng nasa painting na 'yan ay harapin tayo." Natawa si Arkin. "Sira ka talaga." "But I'm serious, wala talagang problema sa 'kin. Mukha ba 'kong hindi seryoso?" Pinanggigilan nito ang ilong niya. "You're really makulit." Siya naman ang natawa. Tawa na nahinto rin nang may marinig silang dalawa na tunog ng gulong— automatic wheelchair. Na siyang kinauupuan ng obviously, lola ni Arkin na si Doña Matilde. "Nakakagulat na darating pala ang araw na makikita kitang may babaeng dinala sa bahay ko, Arquino." MASUNGIT ang bungad ng lola niya pero kapuna-puna na ni hindi man lang nagulat do'n si Reema. Nasa ganoong pag-iisip si Arkin nang magulat siya sa ginawang pagmamano ni Reema kay Doña Matilde. "Magandang hapon po, Doña Matilde," dinig niyang pagbati pa ni Reema sa lola niya habang ito'y nagmamano. Ang pagmamano ang isa sa nakagawian na ng mga Pilipino na siyang ayaw na ayaw naman ni Doña Matilde dahil naaalala raw nito ang namayapang asawa. Masyado kasing mahal ng asawa nito ang Pilipinas dahil dito sa bansa nakilala ang napangasawa kaya kasama sa minahal nito raw ay ang mga kulturang Pinoy. Huli na upang maawat niya si Reema sa pagmamano, nang sulyapan niya ang lola niya ay hindi naman 'to nagbigay ng reaction. Siguro ay nagmamagandang asal dahil ibang tao nga naman ang nagmano pero... "I forgot to tell her," aniya sa abuela, tukoy niya sa pagmamano nga na ginawa ni Reema. Binalingan siya ng huli. "About what?" nagtataka nitong tanong na hindi na niya nasagot dahil nagsalita na ulit si Doña Matilde. "Nothing. And that's okay, apo." Really? ngali-ngali niyang sambitin, pero tumahimik na lang siya at hinayaan 'to. "But you must introduce her to me, first, 'yon ang tama bukod sa pagmamano, hindi ba?" Gusto niyang mainis sana sa abuela, kaya lang ay ngayon lang naman siya kasi nagdala ng babae za mansion. Ngayon lang siya may ipinakilala rito kaya siguro 'to gano'n kasungit. Ugali rin kasi nito na sindakin ang mga pinapakilalang babae rito ng mga apo. "Yeah, I mean, kahit ang baby lang ang nais mong makita at makilala ngayon, sure, Granny. Kaya nga dinala ko rin si Reema, para makilala mo siya." "The baby is fine. Na-meet ko na siya, nauna sa inyo ang yaya ng bata. Naroon na sila sa komedor." "Granny, si Reema nga po pala, girlfriend ko." Alam naman niyang 'yon lang naman ang hinihintay ng lola niya na sabihin niya. So, sinabi na niya. Katulad nga ng inaasahan niya, ang nagulat sa kaniyang sinambit ay si Reema, imbes na ang lola niya. Why, kilalang-kilala si Doña Matilde sa gano'ng karakter, 'yong walang facial expression kaya hindi mo malalaman kung natutuwa ba 'to o ano. Sanay na siya ro'n. Kaya nga ba nagpapasalamat pa rin siya sa pinsan na si Knight at sa mga magulang nito dahil kasi sa mga 'to ay hindi siya masyadong na-exposed sa mga kakatwang pag-uugali ng mga Hondradez. Yeah, kamag-anak niya ang mga Hondradez, lola niya ang kaharap na siyang nagpalaki sa kaniya pero sasabihin niya pa rin ngayon na hindi niya nais ma maging katulad ng mga 'to at nagpapasalamat siya na hindi nga 'yon nangyari. Something is off in this family. Oo, sa pamilya mismo na kinabibilangan niya. "So, totoo pala ang rumor," anang abuela niya. "Wala namang rumor na kumakalat at hindi po ako artista," he answered, sarcastic ang kaniyang tono. Doña Matilde scoffed. "Ako nga ay tigilan mo, Arquino. Lalo kung wala ka namang magandang sasabihin." "But it seems, kayo kasi ay mayroon, Granny." Kumumpas ang doña. "Hay, huwag nating pag-usapan 'yan, masyado pang maaga." "Kung 'yon ang gusto niyo." Kibit-balikat niyang sagot sa lola niya. In-stretch niya ang braso niya upang maakbayan niya ang girlfriend niya na tila na natuklaw ng ahas at hindi na nakakibo. "Are you alright?" bulong niya rito. "Okay lang 'yan, nakikita mong nakatayo lang."  Haist, napaka talaga ng lola niyang 'to! "I—I'm okay, of course," paanas din na tugon ni Reema. "Tayo na sa komedor, masamang pinaghihintay ang pagkain," anang doña pagkuwan. "Hindi na nga kami nananghali sa bahay para makabawi rito, Doña Matilde." "Stop calling me like that in front of your girlfriend," masungit na anang lola niya pa, nauna na nitong pagulungin ang kinauupuan patungo sa komedor. Kapwa naman sumunod sila ni Reema rito. Nanatili silang nasa likuran ng lola niya. Sa katandaan na kaya nakaupo na sa silyang 'yon ang kaniyang abuela. 83 years old na kasi 'to. But she's still strong as a bull. 'Yan nga at napakasungit pa. Mahina na lang talaga ang mga tuhod dahil may edad na. At dahil maraming pera, automatic ang wheelchair na ginagamit. Ngunit sa lahat ng mapera, ito ang ayaw nang may nurse na susunod-sunod sa kung saan man 'to magpunta na para raw sinasabi nilang inutil na 'to. Gano'n talaga 'to ka-attitude. "Okay so, Granny, gutom na nga po ako," pang-aasar niya pa sa lola niya. "Nagugutom ka dahil matigas ang ulo mo." "Matigas din kasi ang ulo ng lola ko." Huminto si Doña Matilde para lang irapan siya. Pagkatapos ay sinulyapan nito si Reema. "Hindi ka na nakapagsalita, hija..." "Ah—Ahm, ano, ano po... maaari po ba akong makigamit ng banyo?" HINDI naman talaga siya nangangailangan ng banyo. Ang kailangan lang ni Reema ay matawagan ang kaibigan niyang nangungulit sa kaniya dahil kanina niya pa nararamdaman na nagba-vibrate ang phone niya na nasa handbag na dala niya. "D," bungad niya nang sagutin niya ang tawag ng matalik na kaibigan. "Putsa, akala ko wala ka na talagang balak na sagutin ang tawag ko." "Nabanggit ko na sa 'yo na narito na nga ako sa mansion, napakakulit mo pa rin." Lukot ang mukha na aniya rito kahit hindi siya nito nakikita. "Dahil mas makulit ka. Hindi ka dapat nagpunta sa bahay ng taong alam mong delikado ang pagkatao." "Na-meet ko na siya." "Ano?! Teka, nasaan ka na ba? Papunta na 'ko sa subdivision ng mga Hondradez—" "Bakit? I mean, hello, Deena, umayos ka nga! Hindi ako mapapaano rito dahil kasama ko naman si Arkin."  "Hay, hindi mo alam ang sinasabi mo." "Relax ka lang. Bago ako nagpunta rito ay nakahanda ako." "Naka, sinasabi ko sa 'yo, hindi mo alam talaga 'yang pinagsasasabi mo." Napakunot-noo siyang minasdan ang aparatong hawak. Jusko, e, ang sinasabi ng kaibigan niya ang hindi niya maunawaan, sa totoo lang. Ah, kailan niya nga ba 'to mauunawaan, e, ito nga ang nagdala sa kaniya sa sitwasyon na 'to. Kasalanan talaga nito kung bakit nahulog na siya kay Arkin Winters. "Kasalanan mo kung bakit nahulog na 'ko." "Tsk, hindi ako ang may kasalanan niyan 'no." "E, kaninong kasalanan? Hello, nananahimik ako pati ang trabaho ko, ni hindi rin ako pumayag sa kalokohan niya noong una pa lang tapos..." Narinig niyang bumuntonghininga sa kabilang linya ang kaibigan. "Part of you ay gusto rin ang nangyari, Remedios. Ikaw pa ba, mapapapayag ka ba nang hindi mo gusto?" "Paanong hindi ako papayag e, inalisan ako ng trabaho ni Doña Matilde!" Natutop niya ang sariling bibig nang ma[1]realize niyang napalakas ang boses niya. Humagikgik si D sa kabilang linya. "Mas grabe pa nga ang ginawa sa 'kin, imagine." "Magkaiba tayo. Wala akong connection sa kanila, ikaw naman meron at business partner kayo ni Arkin." "May connection ka, Remedios, umayos ka nga." "Kapitbahay ko lang 'yon." "Weh? Gusto mo ba na simulan natin sa umpisa—" "Hindi na. Shut up na. Kinakalimutan ko na ang bahaging 'yon ng buhay ko." Tumawa si D. "Lahat naman tayo, may madilim na bahagi sa buhay. Lahat tayo, nangangailangan. Depende na lang sa pangangailangan at konsensya." "At ikaw lang ang walang konsensya sa 'ting dalawa." "Kaya nga tayo naging close. Isang sagana 'raw' sa konsensya, isang walang konsensya." "Siraulo!" "O, siya, enjoy-in mo na 'yang jowa mong si Arkin. Papunta na 'ko." 'Yon lang at naputol na ang linya. Napailing na lamang siya na in-off ang phone niya.

 

 

Chapter 19: Final Revelation

"SIGE, magkita na lang tayo sa harapan ng mansion ng mga Hondradez," 'yon ang text na ipinadala ni Reema kay D bago niya napagpasyahan na lumabas na ng banyo. Matagal na niyang kaibigan si Deena. Naging kaklase niya ng tatlong beses noong elementarya. Ang mga pangalan nila ang siyang naging rason kaya sila nagkadikit na dalawa. Napuna nila na magka-rhyme at pareho ng spelling, and the rest as they say is history. Habang naglalakad siya papunta sa komedor kung saan naroon sina Arkin, hindi niya maiwasan na maalala ang sinabi nito sa abuela na girlfriend siya nito. Aaminin niyang nagulat siya. Hindi niya akalain na gano'n siya ipapakilala nito dahil wala naman silang opisyal na usapin patungkol do'n. Isa pa, aaminin niyang nabuwag niyon ang tapang na inipon niya sa pakikipagkita kay Doña Matilde ngayong gabi. Oo, alam niyang nagulat din si Doña Matilde na naroon siya at nagpakita rito pagkatapos ng maraming taon na nagdaan noong huli silang magkita at magkakilala... Naikuyom niya ang sariling kamao sa alaala. Napaglaruan siya ng matandang doña noon pa man at hinayaan niya 'yon hanggang sa huli dahil ayon na rin sa matalik niyang kaibigan na si Deena ay hindi papayag ang doña na hindi niya sundin ulit ang pinag-uutos nito. Ang sa kaniya lang naman ay kailan magtatapos ang pagsunod nila? Ang kawalan nila ng kakayahan na tumanggi? Oo, kaya nga ba pinakita niya sa doña ngayong gabi na binago niya ang pananamit niya. Sa pamamagitan kasi niyon ay pinapakita niya na rito na hindi na siya ang Reema na susunod na lamang sa nais nito. Hindi niya pa nakakalimutan nang sabihin sa kaniya ng doña na gusto siya nito dahil mukha siyang uto-uto. Gaya nang hindi niya pa rin nakakalimutan ang sinagot niya rito na 'pag binago niya na ang kaniyang sarili, 'yon na ang araw na hinding-hindi na siya magagamit nito. Ah, kailan nga ba nagsimula ang lahat ng 'to? Bakit nga ba hinayaan niya na ganito na ang kahantungan ng lahat? Wala namang ibang talo sa huli rito kung hindi siya at may Baby Reemo at Arkin na 'tong kasama. Ang dalawa ang pinakamahalagang tao na sa puso niya ngayon. Dalawang taong pinakamahalaga na sa kaniya na inaakala niya noon na ang kaniyang pamilya. Pamilya na siyang tanging rason kung bakit nagawa niyang sundin ang pinag-uutos ni Doña Matilde noon na pagsirain sina Via at Arkin dahil sa pera. Kung sana ay nakinig siya kay Deena, hindi sana mangyayari sa kaniya 'to. Kung sana nakinig siya sa kaibigan na tigilan na niya ang pagtulong sa mga kapatid niya na may kaniya-kaniya ng pamilya. Ang lungkot lang na ako pa rin ang mawawalan sa huli. Dahil paano niya ipapaliwanag kay Arkin ang lahat ng 'to? Maniniwala ba ang huli kung sasabihin niyang oo, hindi siya pumayag na magpanggap na partner nito na naanakan para makuha ang mana nito— but not until wala na siyang magawa dahil nagawa ng lola nitong ipatanggal siya sa trabaho. Ah, walang kasiyahan ang lola nito. Hindi niya alam ang rason, basta na lang nang mapulot niya si Baby Reemo, tumawag si Deena sa kaniya at sinabi sa kaniyang sakyan ang gusto ni Arkin dahil utos ni Doña Matilde. Hindi niya alam ang rason, hindi niya rin inalam dahil ayaw niyang pumayag. May bata na kasing involved. May feelings na kasing involved. Oo, hindi na niya itatanggi ngayon na magmula noong sinunod niya ang utos ng doña na pagsirain ang pinsan niya at si Arkin ay hindi na siya pinatulog ng kaniyang nagawa. Akala niya noon ay dahil lang 'yon sa nakokonsensya siya at malaking pera rin kasi ang pinangpyansa ng matandang doña sa kuya niya na wala rin, nakulong din naman pagkalipas ng ilang buwan at hanggang ngayon ay nasa kulungan. Akala niya noon ay nakokonsensya lang siya kaya ginawa niya ang lahat ng paraan upang huwag makaramdam at magmanhid-manhidan sa pamamagitan ng pagbalewala sa paligid niya. Paano naman ay lahat na lang ng nagawa niya sa tatlo niyang kapatid, wala rin naman napuntahan. Kung may pakonswelo siya, 'yon ay ang mga pamangkin niya na hindi rin naman niya matitiis. Sa huli, siya rin na mag-isa ang magpapatatag sa kaniyang sarili dahil dama niyang magtatapos na ang lahat ng ito ngayong gabi. Hindi naman kasi niya tinanggap ang binabayad ni Doña Matilde sa serbisyo raw niya. Hindi niya tinanggap ang pera nito dahil bukal sa loob niya na alagaan si Baby Reemo at para sa kaniya ay walang katumbas na pera 'yon lalo na ang pag-asikaso niya at pag-entra niya sa buhay ni Arkin. Siguro nga ay tama na naman si Deena, na deep inside her, gusto niya rin na ang pinag-uutos ng doña kaya kahit hindi siya pumayag at kahit hindi siya nagpabayad ay tinuloy niya ang nais nito. Tinuloy niya ang nais nitong mangyari na pagmamanipula sa damdamin ng sariling apo sa hindi malinaw sa kaniya na rason. Ah, wala rin naman nang saysay na malaman niya ang rason ng doña. Noong una kay Via ay alam niya ang dahilan, sino ba naman kasing lola ang hindi ilalayo ang mayaman na apo sa isang babaeng taga squatter na ay nagagawa pang manloko? Itong kay Baby Reemo ay malabo sa kaniya. Nakakaiyak lang na sa pagmamanipulang 'yon ng doña ay damay siya. Mas malaki pa nga ang damage sa kaniya. Karma na yata niya sa nagawa niya noon kay Via at Arkin 'to. Ah, tama na, nakakaiyak lang isipin. Kung may dapat siyang pagtuunan ng pansin ngayon ay ang pagkausap sa doña nang sarilinan. Ito na ang bahalang magsabi kay Arkin ng lahat. Wala na siyang mukhang ihaharap sa apo nito pagkatapos ng gabing 'to. Oo, nakapagdesisyon na siya na siya na ang tatapos ng lahat. Siya na ang tatapos at kusang lalayo. Siya na ang tatapos sa pagmamanipula ni Doña Matilde sa kung sino-sino. Sa paggamit nito sa kaniya. Bahala na si Deena kung ayaw nitong matapos ang kalokohan na 'to, basta siya, matagal nang tapos at nananahimik, dinamay lang ng doña na naman. Tatapusin na niya dahil kawawa naman ang puso niya. Hindi naman siya umaasa na mahal din siya ni Arkin. O kung umaasa man siya, alam niyang lahat ng 'yon ay maglalaho 'pag nalaman nito ang pakikipagsabwatan niya sa lola nito. Natigilan siya sa paglalakad nang maramdaman niya ang mainit na likido na naglandas sa kaniyang pisngi. Naiyak na pala siya nang hindi niya namalayan. Kaagad niya 'yong pinalis ng mga palad. Nang kukunin niya sana ang tissue na nasa handbag niyang bitbit ay nasagi siya ng kung sino, kumalat tuloy ang laman ng handbag niya sa tiles na sahig. "I'm sorry, miss," hinging paumanhin sa kaniya ng lalaking halata naman na humahangos kaya pala siya nasagi. Buti na lang, kaunti lang ang nahulog sa laman ng handbag niya. Coin purse, lipstick at roller cologne lang. Nang matulungan siya nitong madampot ang mga 'yon ay nagmamadali na 'tong tumalilis. Teka, kilala niya ang lalaking 'yon! Nakita niya na 'to... sa painting sa entrada ng mansion—oo, hindi siya maaaring magkamali, isa ang lalaking 'yon sa anim na apo ni Doña Matilde! "WHERE is my son?!" dumagundong ang baritonong boses na 'yon sa tahimik na komedor. Kahit hindi naman lingunin ni Arkin ay kilala niya ang bagong dating. Ang pinsan niyang si Clay 'yon. Ang matandang binata kung tawagin sa magpipinsan na Hondradez dahil well, ito ang panganay sa magpipinsan ngunit nananatiling single sa edad na tatlumpu't dalawa. Nang sulyapan niya ang abuela ay pasimpleng nagpahid muna 'to ng bibig bago tugunin ang bagong dating. "Son? Clayton, mukhang nagkamali ka yata ng napasukan na bahay o whatever dahil sa pagkakaalam ko ay hindi naman 'to day care o pedia clinic." Napangisi siya sa sinagot ni Doña Matilde sa pinsan niyang si Clay. Kung mamalasin nga naman sila sa abuela, oo. "I am not joking here, Granny." "I know, and I must thanks heaven na until now na halos mapatid na ang mga ugat mo sa galit ay tinatawag mo pa rin akong Granny, apo kong panganay," their grandmother sarcastically said. "Where is my son, Arkin?" Nang walang makuha na matinong sagot sa lola nila ay siya ang binalingan ng pinsan. "Nabalitaan ko na ikaw ang nag-alaga sa kaniya and a certain Remedios Valderama. I will thank you later, mahalaga lang sa 'kin na mahanap ang anak ko ngayon muna." Sino ba naman ang tatay na hindi mahalaga sa kaniya ang anak? S'yempre ay wala. At sa nakikita niyang galit sa parati namang galit na pinsan niyang 'to, humanda talaga ang lahat 'pag hindi nito nahanap ang anak. Tinapunan niya ng sulyap ang lola niya at saka siya nagsalita. "Anak niya si Baby Reemo. Ilabas mo na, Granny. Besides, bakit mo ba kasi itinatago sa kaniya?" naguguluhan talaga niyang tanong. "Why? Simple lang, paano naman makakapag-alaga ng bata 'yang pinsan mong tinamaan ng magaling at pinaparusahan ang sarili na animo patay na habang nabubuhay. E, 'de ngayon may pakiramdam na siya." Bumaling 'to kay Clay, "Saka, wala na sa 'kin ang anak mo, Clayton. Naroon na kay Abelina, tinangay na." Walang salita na humangos na paalis ang pinsan niya. "And you, dapat mo nang puntahan si Remedios." "Nasa banyo, hindi ba?" "At naniniwala ka na hanggang ngayon ay nasa banyo?" "Hmn, hindi naman makakaalis 'yon." "Wow, ang yabang talaga ng apo kong 'to." "No, actually, magpapasalamat nga ako sa 'yo, Granny." Malawak na napangiti ang doña. "Lahat kayong mga apo kong lalaki ay dapat naman na magpasalamat sa 'kin."

 

 

Chapter 20: Finale

MULI pang nabangga ni Clay Hondradez si Reema, nang lumabas kasi 'to ng pinto ay siyang pag-atras niya, ngunit sa pagkakataong 'yon naman ay nagkatitigan lang sila. Oo, narinig niya ang lahat. Narinig niya na ito ang tatay ni Baby Reemo. Hindi man malinaw sa kaniya ang iba pang mga narinig kanina na pag-uusap ng mga 'to sa loob ay isa lang ang tumatak sa isipan niya— nasabi na ni Doña Matilde sa apong si Arkin ang lahat. Alam na ni Arkin na bayad siya noong ginawa niya ang paghalik dito. Alam na nito na may alam siya patungkol sa pag-aalaga kay Baby Reemo, na pakana lahat 'yon ng doña pero nanatiling tikom ang bibig niya at hinayaan niya 'tong mapaglaruan ng lola nito. O paglalaro nga ba? Ano ba ang intensyon ni Doña Matilde? Hindi malinaw sa kaniya. Ang sakit sa ulo isipin. "Ikaw si Remedios Valderama?" untag sa naglalakabay na isipan niya ni Clay Hondradez, bumalik 'to nang makalampas na sa kinatatayuan niya at tinanong siya. Kiming tango lang ang naitugon niya. Masyadong nakakatakot ang aura ng lalaking kaharap niya kaya kahit hindi naman siya nasasakal talaga ay gano'n ang pakiramdam niya nang magtama ang kanilang mga mata. "Maraming salamat sa pag-aalaga sa baby ko." Kahit kinamayan na siya nito ay nakatanga pa rin siya ro'n. Nakatanga pa rin hanggang sa maglaho 'to sa kaniyang paningin. Kung hindi dahil sa natanggap niyang text mula kay Deena ay hindi niya maaalala na dapat niyang pagtaguan si Arkin. Oo, pagtataguan niya 'to. Wala na siyang mukha na maihaharap dito maging sa lola nito kung tutuusin. Ah, sino ba ang niloko niya? S'yempre ay kaya niya pa rin na harapin ang mga 'to. Ang feelings niya kay Arkin ang tatakasan niya, wala ng iba. Feelings na baka sakali na magbago pa kung sakali na hindi niya 'to makita at makasama. Hindi siya ang deserving na babae para rito. Hindi ang babaeng katulad niya na nagawa itong paikutin ang para rito. Hindi niya kayang malayo rito pero s'yempre ay kakayanin niya. Wala naman siyang hindi kinaya sa buong existence niya sa mundo. Isang malalim na hininga ang hinugot niya bago siya magpatuloy na sa paglalakad palayo sa komedor ng mansion ng mga Hondradez. Mahirap na, baka 'pag nagkaharap sila ni Arkin ay mapayakap na lang siya rito at hindi na umalis sa pagkakayap na 'yon. Kung sana nga ay gano'n kadali. Kaso ay hindi. Sa paglayo na gagawin niya ay kasama na rin do'n ang paglimot kay Baby Reemo. "Pssst!" Napakurap-kurap pa siya, nasa harap na pala siya ng mansion at nakalabas na nang hindi man lang niya namamalayan. Hayun nga at naroon na sa pagtawid si Deena, maneho ang Wrangler Jeep nito at sinisitsitan na siya. Napatingin siya sa madilim na kalangitan. Nakakagulat na magdidilim na pala. Parang alas kuwatro lang yata ng hapon nang makarating sila sa mansion na 'yon. Gano'n kabilis ang oras. Kaya kakapitan niya pa rin ang oras sa paghihilom na gagawin niya. Muli ay nilingon niya ang nakakalulang malaking bahay na nasa kaniyang likuran, bago niya itinapak na palabas ng gate ang kaniyang mga paa dahil malinaw na niyang nakikita na iritang-irita na ang kaibigan niya sa kaartehan niya. Hay, kahit kailan, panira sa moment ang isang 'to talaga, aniya sa isipan patungkol sa kaibigan na mainipin. Nang tuluyan siyang makalabas sa gate ng mansion, natural lang na mag-aangat siya ng tingin at tatawirin niya ang kalsada. Kaya lang, sa muling pag-angat niya ng tingin ay isang mamahalin na sasakyan ang bigla na lang huminto sa Wrangler Jeep ng kaibigan niya at kitang-kita niya na ang isang mataas na lalaki na bumaba ro'n at hinila ang kaibigan niya palabas sa jeep nito! "D—Deena..." Hindi niya maigalaw ang mga paa niya sa gulat at takot na lumukob sa sistema niya sa nasaksihan. Tulong! Kailangan ni Deena ng tulong! Kaso ay bakit walang lumalabas na tinig sa lalamunan niya? Ang takot at kaba na lumukob sa kaniya ay nasundan ng pagdagundong ng kaniyang dibdib nang may marinig siyang sumabog! Takip niya ang mga palad sa magkabilang tainga na napayukyok na lang siya sa kung saan siya nakatayo at hindi makakilos. Mariin niya ring pikit ang mga mata. Kahit na... Kahit na malinaw naman na sa kaniyang pandinig na ang kaninang sumabog ay isang klase ng paputok na umaangat sa langit— fireworks nga! Makukulay 'yon. Nakakasiyang pagmasdan... BINILISAN ni Arkin ang paglalakad upang kaagad siyang makalapit kay Reema. Nakita niya 'tong napatalungko mula sa kinatatayuan dahil sa gulat sa nasaksihan na paghila ng pinsan niyang si Gael Hondradez kay Architect D. Next Page Nakita niya rin kasi ang lahat. Kung ano man ang problema nina Gael at Architect D gayundin sina Clay at Abby, bahala na ang mga 'to sa paglutas ng mga 'yon dahil may sarili siyang lovelife na dapat pagtuunan ng pansin ngayon. The love of his life is there... confuse man sa mga fireworks na tinitingila ay hindi naman 'yon maalisan ng tingin. Well, sino ba ang hindi mamamangha sa mga fireworks na 'yon? Makukulay 'yon na sadyang pinalamutian ang tahimik at madilim na kalangitan. Ah, bakit nga ba kailangan niya pang magmadali upang makalapit agad kay Reema, gayong hayun, nakita na nito ang tunay na purpose ng mga fireworks na 'yon na ang lahat ay inayos ni Knight Winters. Akalain niya ba naman na may romantic bone pala ang pinsan niyang 'yon sa katawan? 'PANAGUTAN MO AKO, REMEDIOS VALDERAMA.' Reema blinked her eyes once again, totoo nga. Naroon pa rin sa madilim na kalangitan ang mga katagang 'yon... Kaagad niyang kinapa ang phone niya— kailangan niyang makuhanan ng litrato 'yon bago maglaho! "Do you like it?" Inawat ng palad ni Arkin ang akmang pagkapa niya sa phone niya. "Mukha namang nagustuhan mo at nakalimutan mo na ang kaibigan mo e." Natigilan siya. Pagkatapos ay napayakap na lang dito. No words can actually describe what she's feeling right now. Kung may salita pa ba na nababagay, hindi niya maapuhap. "Your friend is alright. I think may something sila ni Gael," bulong sa kaniya ni Arkin while gently caressing her hair, habang siya ay nagsisimula nang maiyak sa balikat nito. "I'm sorry. 'Yong si D ay—" "Ssshhh... hindi mo kailangan na magpaliwanag sa 'kin dahil alam ko na ang lahat." Mas nakakaiyak naman ang sinabi nito. Nakakainis. She heard him chuckled. "Bakit ka naiiyak? Ayaw mo ba 'kong panagutan?" Hinawakan siya nito sa balikat niya at marahan siyang iniharap.  Ngayon ay magkatitigan na sila. "Pananagutan ko ang mga kasalanan ko sa 'yo, promise." Tumawa si Arkin. "Patawa ka ba?" Siya naman ang natawa. "Overwhelmed lang." "Hay, Reema Valderama..." "Oo na. Hindi na kita tatakasan. Nagbago na ang isip ko. Pananagutan na kita, Arkin Winters kahit ang corny mo na." Halakhak ang sinagot niya. "Hindi talaga ako ang may idea niyan." Inirapan niya 'to. "Feeling ko ay kilala ko, hmp!" "Pasensya ka na, nagulat ka ng fireworks." "Bongga naman e, gusto ko nga sanang picture-an kasi ngayon lang ako nakakita ng gano'n na may letters." Hinapit siya nito at inakbayan. "Ngayon nga lang talaga. 'Yan kasi ay idea ng asawa niyang si Alondra." "So, ibig sabihin, ngayon lang nila ginamit?" Tumango-tango si Arkin. "Ngayon lang nila tinesting. Si Alondra kasi ay naging katuwang na ni Knight sa negosyo niya. 'Yan nga ang idea niya, wedding coordinator na siya ngayon, catering pa. Talagang naungusan na ang alaherong pinsan ko." "Nakakainggit naman." "At bakit ka maiinggit? 'Di hamak na mas marami akong pera kay Knight Winters!" anang isang boses na hinding-hindi nila maipagkakamali kahit kanino—si Doña Matilde. Naikot niya tuloy ang kaniyang eyeballs. "'Yan na naman po ba tayo sa pera niyo?" "Aba't— batang 'to, kung hindi dahil sa pera ko, wala ka sanang Arquino ngayon." "Rephrase ko lang po, kung hindi dahil sa inyo, wala po sana akong Arquino ngayon. Maraming salamat po sa pag-aruga rito sa mapapangasawa ko." Doña Matilde scoffed. "Pareho na rin 'yon." Arkin laughed out loud. Napailing na lamang siya nang talikuran na sila ni Doña Matilde. "Grabe talaga 'yang si Granny. Alam mo ba na sabi niya sa 'kin kanina na nakapasa sa test niya." "Anong test? 'Yong pagtanggi ko sa nais niyang bantayan si Baby Reemo for you? Kasi naman, ayaw ko talagang alagaan ang baby dahil hindi ako marunong saka wala akong tinanggap na bayad niya ro'n ah," defensive niyang tugon. "Wala sa mga naiisip mo ang test." "Ha?" nagtataka niyang sambit. "First time raw na na-meet ka niya noong naghahanap ka ng work sa Monumento, alam na niya raw na para ka sa isa sa mga apo niya." Napanganga siya. Naalala niya na! Naalala na niya ang tagpong 'yon! "At paano niya naman nasasabi 'yon?" "I dunno, ganyan siya talaga. Then, noong makasama na kita ay napuna kong pareho kayo ng pagsasalita." Kibit balikat na tugon ni Arkin. Napangiti na lang siya. Hindi na kailangan ng isang expert para maunawaan ang weird na doña. Simple lang, nakita siya nito bilang katulad nito sa maraming mga aspeto, naa siyang mapag-iiwanan nito sa apong si Arkin na ito ang nag-aruga at nagtyaga sa pagpapalaki at pag-aalaga. Hindi nga naman kumpleto si Arkin. Lumaki ito nang may kulang sa buhay nito. Wala 'tong nanay. Ginawa lang ng matandang doña ang lahat upang maiparanas sa apo ang pagiging kumpleto sa pamamagitan ng hindi paghahanap sa wala. Sa ginawa rin nito ay naging responsable ang apo. Hindi na rin siya magtataka kung ito rin ang may kagagawan ng pagbagsak ng negosyong itinayo ni Arkin. O kung hindi man dahil aksidente 'yon, may special participation pa rin 'to. "Kailangan na nating magpakasal, Arkin." "Hmn?" "Dahil baka kunin na ni Lord ang lola mo." "Salbahe." Tatawa-tawang sabi nito sa kaniya. "Real talk lang." "Lord, ano ba namang proposal 'to?" Kunwari ay reklamo na lang nito sa langit. Of course, napahagikgik na lang siya. Siya na ulit ang humalik dito. Para matapos na ang daldalan. Besides, mas masarap halikan nang biglaan ang isang Arkin Winters. ~The End~

Post a Comment

0 Comments

Post a Comment (0)
3/related/default