CHAPTER
ONE
CRUSH
ako ni Harvey, crush ako ni Harvey! May kakambal pang tono ang naglalarong iyon
sa isipan ni Annalou habang pababa ng jeepney. Isa si Harvey sa mga
pinakaguwapo niyang kaklase. Ang buong barkada nga niya ay may crush sa binata.
At kanina, nag‑ipit si Harvey ng love letter sa libro niya. Kung hindi
nga lang nakakahiya sa mga kapwa pasahero, kanina pa sana binuklat ni Annalou ang sulat. Kung bakit naman kasi nadiskubre
lang niya iyon nang buklatin ang ipamamasaheng limang pisong papel na inipit sa
libro. Napakainit ng panahon. Palibhasa ay tanghaling tapat na kaya tirik na
tirik ang araw. Binuksan muna ni Annalou ang dalang payong bago nakuhang
tumawid sa kalsada. Tila mayroong kakaiba. Iyon ang napuna ni Annalou habang
tumatawid. At the same time, para ding may
mga matang nakatingin sa kanya. Makakabila ng kalye, nalukot ang mukha ni Annalou
nang makita ang mga nakaharang sa daraanan. Iyon ang kakaiba. Nang pumasok siya
kaninang umaga, malinis na malinis pa ang daang nakapagitan sa clusters ng mga
low‑cost
condominium units at ng gasolinahan. Ngayon ay makikita na roon ang mataas na
patas ng mga hollow blocks, kabilya, graba, at buhangin. Nakahambalang din ang
isang cement mixer, jack hammer, at ang
mga construction workers na kasalukuyang nakaupo sa sidewalk at kumakain ng
tanghalian. Nanlulumo at naiinis na kumaliwa na lamang si Annalou sa isa pang
daan. Ngunit bago iyon, inilibot muna niya ang mga mata sa paligid. Wala naman
siyang napunang tao na nagmamasid. Ngunit kanina ay parang ibig manindig ng mga
balahibo niya sa batok. Hindi alam ni Annalou kung para saan ang mga construction materials at equipment na nakita.
Mula nang magkaisip siya ay nanatiling walang bakod ang Bagong Lipunan Condominium.
Sanay na siyang binabati ng mabababang halaman na may friendly at dilaw na mga
bulaklak sa uniformed garden beds na istratehikong nakalagay sa bawat kanto ng condominium
clusters. Pagtapat ni Annalou sa ikalawang cluster, isang Labrador puppy na
kulay‑tsokolate
ang humarang sa daraanan; tinahulan
siya. Bigla niyang naalala ang kuwento ng kanyang lola na kagat lang daw ng
tuta ang ikinamatay ng ama ni FPJ na si Fernando Poe, Sr. Takot siyang napahinto
sa paglalakad. Ang ganda sana ng tuta—coffee‑brown ang mga mata, ang balahibo
ay dikit sa balat, pino na tila ba bagong mowed na Bermuda grass. May leash na
kadena na gawa sa translucent plastic. Lumabas mula sa pintong katapat ng aso
ang isang marahil ay walong taong gulang
na batang lalaki, ngumunguya ng chocolates base sa supot ng Hershey’s Kisses na
bitbit. “Choco, stop!” tawag ng bata sa aso. Nang magpatuloy sa pagkahol ang
tuta, hinagilap ng bata ang dulo ng leash, hinila iyon, at pagkatapos ay
kinarga na ang alaga. Saka pa lamang huminto sa pagkahol ang tuta. Ngumiti ang
bata kay Annalou. Guwapo pala ang batang lalaki. Nakita ni Annalou na nangangalahati pa lamang sa
pagtubo ang dalawang incisors nitong katabi ng dalawang pangil sa itaas.
Nakasingit sa mga pagitan ng ngipin ang kinakaing tsokolate. “Sorry, Miss Cute,
nakawala sa hawak kòtong si Choco. Nagandahan yata sàyo ang tuta ko kaya ka
hinarang.” Lokong bata ito, ah. Nagsisimula pa lang umangat ang height sa lupa,
marunong nang mambola ng babae, sa isip‑isip ni Annalou. Sinungitan niya
ang bata. “Ikulong mòyang tuta mo at
nang hindi nakakaabala sa mga nagdaraan. Mamaya mo, makakagat pàyan.” Hindi man
lang natinag ang bata ng katarayan niya, sa pagtataka ni Annalou. “May turok
naman si Choco ng antirabies. At hindi rin siya nangangagat ng tao,” paliwanag
ng bata at nagkibit‑balikat. “Okay lang na
mataray ka, maganda ka naman, eh. At para hindi ka na magalit. .” Dumukot ang
bata sa hawak na supot, pagkatapos ay
iniabot sa kanya ang tatlong piraso ng Kisses. “Regalo ko sàyo. Kunin mo na, please,”
anito nang nanatiling nakatingin lang si Annalou sa kamay nitong nakalahad at nakakunot‑noo.
Muling umangat ang tingin ni Annalou sa mukha ng bata. Tila nagsusumamo ang
deep‑set
at bilugan nitong mga mata. Bahagya pang nakalabi ang mapula at mahugis na mga
labi. “I’m Roy Rafael Villaruz. ‘RR’ ang nickname ko pero gusto ko, ‘Rafael’ ang itawag mo sàkin.
Mas pang‑mature na kasi ang ‘Rafael’ kaysa ‘RR’,” wika ng bata na nananatiling nakalahad ang palad na may tatlong
tsokolate. “Kilala mo na ako kaya puwede mo nang kunin ang chocolates. Tinuruan
ka rin ba ng mommy mo na huwag kukuha ng candies mula sa strangers?” Napangiti
si Annalou, naaaliw na sa matabil na bata. Kinuha niya ang iniaabot ni Rafael.
“Thank you, Rafael. Annalou Trinidad naman ako.” Lalong lumuwang ang pagkakangiti ng bata. “‘Ann’
ang itatawag ko sàyo.” Nakarinig sila ng tinig‑babae na tumatawag kay Rafael,
nagmumula sa loob ng unit na pinanggalingan kanina ng bata. Sumagot naman si
Rafael ng isang malakas na, “Nandiyan na po!” Nagsimula nang muling humakbang
si Annalou. “Sige, Rafael. Thank you uli rito sa chocolates.” Kumaway naman ang
bata. “You’re welcome. Bye, Ann.”
REFRIGERATOR
agad ang tinungo ni Annalou nang makapanhik sa kanilang unit na nasa ikalawang
palapag ng condominium. Sa sobrang init ng panahon, nadisporma na ang mga
Kisses chocolates sa kamay. Sa gutom at uhaw na nararamdaman, hindi na niya
nakuha pang magpalit ng suot na school uniform. Matapos hugasan ang nanlalagkit
na mga kamay, ipinaghain na niya agad
ang sarili. Katulad ng madalas mangyari, malamig ang kanin at ulam ni Annalou.
Umaga pa kasi niluluto ng mommy niya ang pagkain bago umalis ng bahay. Dapat ay
initin muna niya kahit ang ulam na adobong manok. Ngunit talagang gutom na siya.
Ganoon na ang buhay ni Annalou mula pa noong grade six. Dati ay may maid sila.
Kahit may trabaho rin noon ang mommy, at least, may nakakasama siya sa bahay kapag wala ito at
ang daddy. Subalit nagbago ang lahat pagtuntong ni Annalou sa ikalabindalawang
kaarawan. Hinintay lang ng ama na matapos ang birthday niya, at kinabukasan ay
bitbit na ang malaking maleta at umalis ng kanilang unit. Hindi na nakita ni Annalou
ang ama mula noon. Mula rin noon, tuwing umaga, nakikita ni Annalou na
namumugto ang mga mata ng mommy. Gabi‑gabing naririnig niya ang impit nitong mga pag‑iyak. Palagi na ring natutulala. Hanggang
isang araw ay nabalitaan niyang nagbitiw na ang ina sa opisinang pinapasukan bilang
department secretary. Forced resignation. Parang noon lang namulat si Annlou sa
tunay nilang sitwasyon. Gabi‑gabi na rin siyang umiiyak dahil
doon. Wala siyang ibang masulingan maliban sa Diyos. Umiiyak siya tuwing mag‑isa
na lamang sa silid at taimtim na nananalangin sa Diyos na buksan ang mga mata
ng mommy. Na tulungan sila Nito sa
kanilang kinakaharap na problema. Maging ang pastor sa kanilang simbahan ay
nahingahan na ni Annalou ng kanilang problemang mag‑ina.
Tinulungan siyang manalangin at kinausap din ang mommy niya. Dahil doon ay tila
naman nagising ang mommy ni Annalou. Hindi na ito pumasok pa sa isang eight‑to‑five
job. Bagkus ay naging dealer na lamang ng mga beauty products, nag‑ahente
ng insurance at educational plans, at nagpahulugan ng mga appliances sa mga kakilala. At nitong
huli ay nagtitinda na rin ng mga alahas. Mula noon ay hindi na nakalimot si
Annalou na magpasalamat sa Diyos araw‑araw. Itinuturing niyang milagro
ang pagbabago sa mommy. Subalit minsan, may mga gabi pa ring naririnig niya ang
impit nitong pag‑iyak. Gumagawa na si Annalou ng homework sa ibabaw ng
mesa sa komedor nang dumating ang mommy. Sinalubong niya ito at humalik sa
pisngi. “Nag‑lunch na
kayo, `My?” “Nag‑late snack ako kanina, anak.” Saglit niyang pinagmasdan ang mukha ng ina bago pumunta sa
kusina. Hanggang ngayon, wala siyang maisip na dahilan upang iwan ng daddy ang
mommy. Mabait na ina at asawa ang mommy niya, maunawain at maganda pa. Ininit
ni Annlou ang natitirang adobo sa kaserola at inilagay sa “warm” ang rice
cooker. Naglagay na rin siya ng pinggan at pitsel ng malamig na tubig sa dining table. Nang
lumabas ang mommy niya ng silid ay nakapagpalit na ng pambahay. Naihain na rin
niya ang kanin at ulam sa mesa. “Kumain na kayo, `My,” tawag ni Annalou. Napangiti
ang ina nang makita ang nakahain. “Salamat, anak.” Habang kumakain ang mommy ay
binalikan ni Annalou ang kanyang homework. Hindi upang gawin kundi upang
ipatong ang kanyang mga braso at baba sa
mga bukas na libro at notebooks. Kakaunti lang kasi ang mga pagkakataong nakakausap
niya ang ina dahil palagi itong abala sa pagkita ng pera upang mabuhay sila.
Hanga nga si Annalou sa ina. Natapos na nitong hulugan ang kanyang college
educational plan sa sariling pagsisikap lang. “Ipapasyal kita sa SM sa Sabado,
anak. Manood tuloy tayo ng sine sa QUAD. Medyo malaki ang nakomisyon ko sa
jewelry set na binili sa akin ng asawa
ng dati kong boss.” Natuwa si Annalou sa narinig ngunit mabilis na nagkuwenta
ang isip. Babayad sila ng sine at tiyak na kakain pa sila kahit sa Jollibee
lang. Kapag may nakita pang sale ang mommy ng mga bagay na kakasya sa kanya
katulad ng damit, mapapabili rin. “Sa park na lang tayo mamasyal, `My. `Tapos,
magbaon tayo ng pagkain, parang picnic na rin. Mapapanood din naman natin sa rented
VHS tape ang magandang pelikula ngayon.”
Naudlot ang pagsubo ng ina sa tinuran niya. Saglit siyang pinagmasdan. “Gusto
ko lang namang hindi ka mahuli sa ginagawa ng mga kaedad mo, anak. Ayokong
mapag‑iwanan
ka sa uso.” “Hayaan n’yo, `My, hihingi ako sa inyo ng pera kapag may kailangan
na akong palitan sa mga gamit ko.” Tumayo si Annalou pagkasabi niyon at kinuha
ang mga Kisses chocolates na pinalamig niya
sa refrigerator kanina. Ibinigay niya ang isa sa mommy at kinain naman ang
dalawa. “Bigay `yan n’ong batang nakilala ko kanina,” wika niya habang
ngumunguya. “Mommy, bakit nga pala may mga construction materials sa harapan ng
BLC?” “Babakuran na raw. Ginagawa kasing daanan ng mga squatters na nasa
likuran. Marami na ring sidewalk vendors sa harapan na hindi basta mapaalis.
Naisip ng administrator na bakuran na lang
para wala nang hahara‑harang maninindang tumambay roon.” Iilang buwan pa lang
natatapos ang EDSA Revolution, para nang mga kabuteng nagsulputan ang mga bahay
ng squatters sa likuran ng BLC. Dati ay malawak na taniman lang iyon ng ipil‑ipil.
“Sayang naman, masisira na ang magandang view ng clusters,” wika ni Annalou. “Wala
tayong magagawa, marami na rin kasing nangyaring nakawan diyan sa bandang
unahan. Baka nga sa susunod, kailangan
na ring magsuot ng ID ang mga residente rito para lang masala ang mga taong
pumapasok.” Nang ligpitin ng ina ang pinagkainan, alas‑tres na ng
hapon, ayon sa relong nakasabit sa dingding.
DUMAAN
muna si Annalou sa comfort room kaya hindi nakasabay ang barkada sa pagbaba sa canteen
nang mag‑recess. Inayos muna niya ang buhok at nagpahid ng
pulbos sa mukha bago bumaba ng hagdan.
Bumagal ang kanyang mga hakbang nang makitang tila naghihintay sa paanan niyon
si Harvey. Nakatingala ang binata sa kanya. “Hi,” maluwang ang ngiting bati ni
Harvey. “Sabay na tayong pumunta sa canteen.” Nakadama agad si Annalou ng
pinaghalong kilig at kaba. “Sige.” “Nabasa mo na bàyong note na inilagay ko sa Chemistry
textbook mo?” tanong ni Harvey nang magkaagapay
na silang naglalakad. Kiming tumango si Annalou. “Ano’ng sagot mo?” Nabawasan
ang kilig ni Annalou. Kabibigay lang sa kanya ng love letter, sagot na agad ang
hinihingi? “Ahm, kailangan bang may sagot na agad?” “Of course. Si Dave nga at
si Carolyn, oras lang nagligawan, naging mag‑on na agad.” Pasimple
siyang napabuga ng hangin. Ang lagay palang iyon, mas matagal pa sila dahil malapit nang mag‑isang araw
ang itinagal ng pagbibigay nito ng love letter sa kanya. “Hindi ko pa alam ang
isasagot ko sàyo, eh,” aniya. Nabura ang ngiti ni Harvey. “Bakit, wala ka man
lang bang nararamdaman sa akin? Hindi ka ba natutuwa kapag nakikita mo ako?
Minsan nga, nahuhuli ko pa kayong magbabarkada na sumusulyap sa akin `pag akala
n’yong hindi ako nakatingin.” Nadidismayang tiningnan ni Annalou ang binata. Oo nga at totoo naman ang sinasabi ni
Harvey ngunit ang dating niyon sa kanya ay nagyayabang, nagmamalaki. Pinili
tuloy niya ang pinakaligtas na sagot. “Kahit naman sa ibang cute din sa campus,
ganoon kami mag‑react.” Tinapunan siya
ni Harvey ng hindi naniniwalang tingin. Nang pumasok sila sa canteen, sa halip
na pagmamalaki ang maramdaman ni Annalou na makita sila ni Harvey na magkasabay
ng ibang mga estudyante, tila nais na
niyang itago ang mukha sa mga makakakita. “Eh, Harvey, kina Baby na lang ako
sasabay,” wika niya bago pa man sila makarating sa counter. Nakita kasi niyang
may bakante pang upuan sa mesa ng mga kabarkada. Inilibot ni Harvey ang
paningin. “Ang mabuti pa, sabihin mo na lang sa akin kung ano ang order mo at
dalawa na tayong makikisabay sa table nila. Hintayin mo na lang ako roon,
okay?” Walang nagawa si Annalou kundi
sundin ang binata.
“DON’T
tell me na hindi mo sasabayan si Harvey?” pangunguna ni Vina kay Annalou nang makaupo
na siya sa mesa ng mga kabarkada. Si Vina ang pinakamatangkad at pinaka‑sexy
sa kanilang magkakabarkada. “Siya ang sasabay sa atin,” sagot ni Annalou. “Eh,
bakit parang malungkot ka?” nagtatakang puna
ni Baby, ang pinakamaganda. “Nag‑away na ba kayo agad?” hula naman ng kulot na si Josephine. “Alam n’yo, guys, parang
hindi na ako nae‑ excite na maging ka‑on si Harvey,” pagtatapat ni Annalou. Animo iisa ang isip na sabay‑sabay
na napamulagat sa kanya ang tatlo. At bago pa makapag‑usisa ay
lumapit na sa kanilang table si Harvey, bitbit ang tray ng kanilang merienda. Uwian na nang magawa ng tatlong kabarkada ni
Annalou na i‑interrogate siya. “Kasi
naman parang nayayabangan na ako sa kanya. Alam n’yo namang turn‑off
sa akin ang ganoong ugalim,” paliwanag niya. “Pagyayabang na ba
ang tawag d’on?” kontra ni Vina. “Nagsasabi naman ng totoòyong tao. Talaga
namang lagi natin siyang tinitingnan.” “Hindi naman `yon ang punto ko. Okay, granted
ngang totoo ang napapansin niya. Ano ba naman
`yong sarilinin na lang niya iyon sa halip na ipangalandakan pa niya?” ani
Annalou. “Ann, hindi naman tayo nagpapakaseryoso sa mga lalaking `yan, right?”
paalala ni Josephine. Si Baby ang sumagot. “Right. Makipag‑on
ka. Huwag ka lang palalamang. Dahil sa observation ko, `yang mga campus
heartthrob kapag nabe‑ break ng babae, nagiging kiss‑and‑tell.” Tinapunan ni Annalou si Baby ng tinging nagsasabing magpatuloy
ito sa sinasabi. Ganoon nga ang ginagawa
ni Baby. “Alam mo ba sina Dave at Carolyn? Break na ngayon. Àyun, ipinagkakalat
ni Dave na hustler na raw humalik si Carolyn. Malamang daw na marami na rin itong
experience sa pakikipag‑sex kaya bago pa raw siya mapikot
ng isang secondhand, nakipag‑ break na siya.” “Sinabìyon ni
Dave?” nanlalaki ang mga matang hingi ni Annalou ng kumpirmasyon. Si Josephine
na ang sumagot. Kung mahilig sumagap ng
tsismis si Baby, si Josephine naman ay mahilig mag‑analyze ng
mga issue na nakapaloob sa mga tsismis sa campus. “Hindi siguro eksaktong
ganoon ang pagkakasabi. Pero alam mo naman dito sa atin, pakpak yata ng jet ang
nagdadala sa mga balita.” Napaisip bigla si Annalou sa sinabi ng mga kaibigan. Kinabukasan,
may dalang sulat si Annalou para kay Harvey na pasimple niyang ibinigay bago magsimula ang kanilang first period. Tumabi
naman ang binata sa kanya nang tapos na ang second period. “Sabay tayong
pumunta sa canteen mamaya, ha?” ang paalam pa. Marahan niyang tinanguan ang
binata kahit nagtataka. Hindi yata naintindihan ni Harvey ang inilagay niya sa
sulat. Upang hindi maging obvious sa kanyang mga kaklase, dumaan muna si
Annalou sa comfort room nang humudyat na ang recess. Paglabas niya ay nag‑aabang na si Harvey malapit sa hagdan.
“Talaga bang kaibigan lang ang tingin mo sàkin?” agad nitong simula, malungkot
ang anyo. “Totoo namang natutuwa ako kapag nakikita kita,” tugon ni Annalou.
“Totoo ring lagi ka naming sinusulyapang magbabarkada kasi nga guwapo ka. Pero
naisip ko, hindi siguro sapat `yon para makipag‑on ako sàyo.” “Eh, kung makipaglapit ako sa barkada mo, makakatulong bàyon para magustuhan mo rin ako
later on?” Nalito bigla si Annalou. “E‑ewan ko.” Pauwi na
siya ay nasa isip pa rin niya ang sinabi ni Harvey. Hindi tuloy agad niya
napansin nang humarang si Rafael sa dinaraanan. Dalawang beses nang ginagawa ng
bata ang ganoon mula noong una silang magkakilala. Tuwina ay binibigyan siya ng
bite‑sized
chocolates. “Ann, may ibibigay ulit ako sàyo,” may pagmamalaking anunsiyo ni Rafael. Napilitan
siyang huminto. “`Lagi ka na lang may ibinibigay sa akin,” reklamo niya kunwa ngunit
nakangiti. “Gano’n talaga ang dapat,” wika ni Rafael na animo matanda.
Pagkatapos ay hinawakan ang isa niyang palad at inilagay roon ang tatlong maliliit
na supot ng M&Ms. “Baka kinukupitan mo na ng pera ang mommy mo para lang
maibili ako ng chocolates?” wika ni Annalou.
“Hindi yata. Masamàyon, `di ba? `Tsaka, talaga lang marami kami niyan sa
fridge.” “O, sige. Thank you uli rito, ha?” “Sandali,” pigil ni Rafael bago pa
man niya muling ihakbang ang mga paa. “Bakit?” “May BF ka na ba?” Natawa si
Annalou. “Bakit naman patìyon inuusisa mo?”
“Basta, sagutin mo na’ng tanong ko,” wika ng bata sa determinadong
tinig. “Wala. Fourteen pa lang ako, `no.” Ngunit kung nagkataong hindi siya
nakapag‑isip‑isip,
baka ngayon ay boyfriend na niya si Harvey. “Ako na lang ang gawin mong BF.” Lalong
natawa si Annalou sa seryosong pagkakalahad ng bata. “Grade two ka pa lang, Rafael.
Ang lakas naman ng loob mo.” “Kahit naman bata pa ako, alam kong love kita. Kaya sige na, pumayag ka nang maging BF mo ako.”
Ang anyo ni Rafael ay katulad sa isang sumusumpa at nagsusumamo. Naisip ni
Annalou na wala naman sigurong masama kung magpatianod sa trip ng kulit‑bulilit.
Talaga lang sigurong maagang tinamaan si Rafael ng pagkakaroon ng crush. Pero
sa isip ay pinagagalitan niya ang sarili. Magdadalaga na siya upang patulan pa
niya ang mga ganoong kalokohan. Subalit nang matitigan niya ang tila nangungusap at inosenteng mga mata ni Rafael,
bigla na lamang siyang napapayag. “Okay, BF na kita mula ngayon.” Napakaluwang
ng naging ngiti ng bata. May dinukot ito mula sa bulsa ng suot na shorts. Sa pagkaaliw
ni Annalou, isinuot ni Rafael sa kanyang daliri ang isang plastic na singsing
na kulay‑berde. Nakatampok doon ang mukha ni Batman! “Iki‑kiss
pa kita para talagang totoo,” wika pa ng bata. Natawa na naman si Annalou. Ngunit
yumuko siya at iniumang ang pisngi kay Rafael. “Sige na nga.” Subalit hindi sa
pisngi niya nag‑landing ang maliit nitong mga labi kundi sa mga labi
niya. Binigyan ang mga iyon ng smack.
CHAPTER
TWO
“TOTOO
ba ang itinawag sa akin ni Vina?” walang pasakalyeng bungad agad ni Baby kay Annalou
nang mapagbuksan niya ng pinto ang kaibigan. Nasa first year college na sila.
Sila ni Baby ay kapwa sa Philippine Women’s University pumapasok. Food and
Nutrition ang kurso ni Annalou, at Hotel and Restaurant Management naman si Baby. Sina Vina at Josephine ay
kapwa nag‑enroll ng Liberal Arts sa Sta. Isabel College. Sa
kabila niyon, hindi nabawasan ang kanilang komunikasyong magkakaibigan. Regular
pa rin silang nagkikita at nagtatawagan. Nginitian ni Annalou si Baby.
Nahuhulaan na niya kung ano ang isinugod ng kaibigan sa bahay nila. “Hindi ka
pa talaga nakapaghintay bukas kahit magkikita naman tayo sa school,” nanunudyo
niyang wika. “Hindi mo rin naisip na tumawag
na lang sa telepono para hindi ka na naabala sa pagbiyahe rito.” Sa Makati pa
kasi nakatira si Baby. Inirapan lang siya ng kaibigan. Pumasok sa loob,
nagtuloy sa sala, at prenteng naupo sa sofa. “Oo,” sagot ni Annalou sa naunang
tanong ni Baby at pasalampak na ring naupo sa katapat nitong pang‑isahang
sofa. Namilog na naman ang mga mata ng kaibigan. “You mean, sinagot mo na nga
si Joey?” “Narinig mo ako,” aniyang
sinabayan pa ng paggalaw ng mga balikat. “Kaya finally, may first boyfriend na
rin ako. Hindi na ako nahuhuli sa inyo nina Josephine.” Sa halip na tuwa ay
pagkadismaya ang lumarawan sa mukha ni Baby. “Susme naman, Annalou, mukhang
question mark ang posture ng lalaking `yon. Ang itim‑itim pa at
kasinlaki ng kay Rene Requiestas ang mga mata. Ano’ng nagustuhan mo sa isang
`yon?” “`Tamòto kung makapamintas.
Mabait naman si Joey, ah.” “Mahal mo ba?” Hindi agad nakasagot si Annalou. “Sa
mga manliligaw ko, siya ang pinakamabait, pinaka‑ thoughtful, at magalang pa kay
Mommy. Kasundo ko naman siya.” Tila nababanas na sinikmatan siya ni Baby. “Hindi
ko tinatanong ang mga katangian niya. Ang itinatanong ko ay kung mahal mo
siya.” “`Di ba, napag‑aaralan
naman `yon?” “Naman, Annalou Trinidad, ganyan ka na ba kadesperadang
magka‑boyfriend
at pati hindi mo mahal ay sinagot mo?” “Sinasabi mo lang `yan dahil kayo nina
Vina, nasa high school pa lang tayo, nagka‑boyfriend na,” nakanguso niyang
saad. “Eh, ako? Nasira na nga ang promise ko sa sarili na bago maka‑
graduate ng high school ay magbo‑boyfriend ako.” “Ano ba’ng nangyayari sàyo?” usisa ni Baby habang
nakamasid sa kanya. “Ann, nagka‑ boyfriend man kaming tatlo, iyon
ay dahil mahal namin ang mga lalaking sinagot namin. Pero kung hindi, bakit
naman kami makikipagrelasyon?” “Kasi naman kung bakit hindi ako maka‑
graduate sa pagkakaroon lang ng crush.” Kulang na lang ay mapapadyak si Annalou
sa paghihimutok. Napapailing na pinagmasdan siya ng kaibigan. “Tama ba ang tingin ko na pakiramdam mo sa sarili
mo ay hindi normal dahil hanggang ngayon ay hindi ka pa nai‑in
love?” Tiningnan din ni Annalou ang kaibigan.
Hindi man niya makita ang sariling mukha, alam niyang nakalarawan doon ang pag‑aalinlangan.
“Sa palagay mo kaya, may kinalaman doon ang
pag‑
iwan sa amin ni Daddy kaya ako ganito?” Nagkibit‑balikat si Baby. “Siguro. Pero puwede ring hindi. Susme, Ann! Kahit abutin ka pa
ng age thirty bago ka ma‑in
love, eh, ano naman? Walang mawawala sàyo. Baka nga may mapala ka pang mas
mabuti kung wala munang asungot sa buhay mo.” “You mean, asungot na pala sàyo
ngayon si Harvey?” nanunudyo nang tanong ni Annalou. Mula kasi nang tanggihan
niya ang panliligaw noon ni Harvey ay kay Baby na nabaling ang pansin ng
binata. At taliwas sa inakala niya, hindi naman pala mayabang si Harvey. Marami
pala itong katangiang hindi niya
napansin noon. Huli na para manghinayang. Tatlong taon nang magkasintahan ang
dalawa. Sa isang banda, natutuwa na rin si Annalou dahil kaibigan naman niya
ang naging nobya ni Harvey. “Hindi naman sa gano’n,” tanggi ni Baby. “Ang sinasabi
ko lang, `pag nagka‑boyfriend ka, hindi naman lagi na lang kayong
naglalambingan. Paminsan‑minsan ay nagtatalo rin kayo, nagkakaselosan,
nagkakatampuhan. Hindi nga lang ako
maaaring mag‑quit sa relasyon dahil mahal ko siya.” Napabuntong‑hininga
si Annalou. Natitiyak niyang mula sa makalawa ay hindi na niya makikita sa
kanila si Joey. Makikipag‑break siya bukas na bukas din. “If
you still think you’re abnormal, you’re not. Kahit pa nga idagdag mong hanggang
ngayon, madalas ka pa ring makaramdam na parang laging may mga matang
nakatingin sa iyo,” wika pa ni Baby. Alam
ng mga kaibigan ni Annalou ang kakaibang pakiramdam niyang iyon kapag nasa labas
siya ng bahay o nasa isang pampublikong lugar. Hindi na niya iniintindi ngayon
ang bagay na iyon. Nananalig siyang iniingatan siya ng Diyos sa lahat ng oras.
Sapat na iyon upang hindi siya kabahan tuwing mararamdaman na naman niyang may
lihim na nagmamasid sa kanya. Sa kalaunan ay nasanay na siya. “Kailan kaya
talaga ako magmamahal at magkaka‑boyfriend?” “Bakit, may boyfriend ka naman na, ah. Hindi ba’t sinagot
mòyong cute na batang nakatira sa unahang cluster nitong BLC?” Natawa si
Annalou sa sinabi ng kaibigan. Hanggang ngayong medyo nagma‑mature
na ang isip ni Rafael ay patuloy pa rin ang bata sa pagbibigay sa kanya ng kung
ano‑ano— chocolates, bulaklak, ball pen o panyo. Pinupuntahan pa siya sa
bahay, at umaakto talagang tunay na
boyfriend. Hindi rin iniinda ang pangangantiyaw ng mommy niya, ng inang si Rhodora—na
nakilala agad ni Annalou isang araw matapos silang maging “mag‑on”ni Rafael— at ng mga kapatid. “Come to think of
it,” wika niyang nangingiti pa. “Sa mga naging suitors ko, wala pang nakakasapaw
sa pagpapakita ng pagmamahal sa akin ni Rafael. Too bad na hindi nagkatugma ang
aming mga panahon.” KINABUKASAN,
pagpunta nga sa kanila ni Joey ay agad na sinabi ni Annalou ang nabuong pasya. Abot‑abot
ang paghingi niya ng paumanhin sa lalaki dahil sa maling desisyon. “Okay lang
naman sa akin kung hindi mo pa ako mahal ngayon,” tugon ni Joey. “Nade‑
develop naman ang feelings. Handa akong maghintay hanggang sa matutuhan mo na
akong mahalin.” Subalit naging firm si
Annalou sa pagpapasya. “Ayokong maging unfair sa ating dalawa, Joey. Iyon ang
mangyayari kapag ipinagpatuloy pa natin ang relasyong ito. Siguro gusto ko lang
talagang maranasang magka‑boyfriend kaya nagawa kong sagutin
ka. But I realized na hindi ko pala kayang makipagrelasyon sa hindi ko mahal.” Lulugo‑lugong
nagpaalam ang lalaki. Nang ihatid ni Annalou sa pintuan si Joey ay siya namang pagdating ni Rafael. Bihis na
bihis ang bata—polo shirt na checkered royal blue at light blue at itim na
slacks. Masama ang tingin ni Rafael nang makasalubong si Joey matapos makita na
pinisil ng lalaki ang palad niya bago tuluyang umalis. “Sino ang lalaking
`yon?” sita ni Rafael nang nasa kusina na sila. Kapag ang bata ang dumadalaw sa
kanya, malayang nagagawa ni Annalou ang mga bagay‑bagay habang nag‑uusap sila. Katulad na lamang ngayon na ang
lulutuin para sa hapunan ang inihahanda niya. “Para kang sisimba sa getup mo,
ah,” wika ni Annalou sa halip na sagutin ang tanong. Naghihiwa na siya ng
patatas para sa lulutuing pesang isda. “Boyfriend mo rin ba siya?” “Isang araw
ko lang siyang naging boyfriend. At kanina ay nakipag‑break na ako
sa kanya.” Matalim ang mga matang sinulyapan siya ni Rafael. “Boyfriend mo na akòtapos, nakikipag‑
boyfriend ka pa sa iba.” Natawa si Annalou. “Kung magsalita ka, para bang may
seryoso tayong relasyon.” “Sabi ni Kuya, kapag may girlfriend na, hindi raw
dapat na nanliligaw pa sa iba. Siyempre dapat, ganundin sa babae. Kapag may
boyfriend ka na, hindi ka na dapat nakikipag‑boyfriend sa iba. Two‑timer
ang tawag doon.” Kahit tinatawanan lang ni Annalou
ang mga sinasabi ni Rafael ay para
siyang tinamaan doon. May dinukot sa bulsa si Rafael, pagkaraan ay iniaabot sa
kanya ang isang kahitang gawa sa kristal. “Anòyan?” tanong niya sa halip na
kunin ang iniaabot. Inalis ni Rafael ang hawak niyang kutsilyo at ipinalit doon
ang kahita. “Buksan mo.” Nang buksan niya ang kahita, isang silver ring ang
nakita niya. “Bakit mo ako binibigyan nito?” “Baka kasi ikinahihiya mong isuot
`yong unang singsing na ibinigay ko sàyo
kasi plastic lang iyon. Pinag‑ipunan kong maibili ka ng singsing
na hindi ka mahihiyang isuot.” Kahit gustong matawa ni Annalou—sa edad nitong
iyon ay talaga palang seryoso si Rafael sa napangatawanang relasyon sa kanya—ay
hindi niya magawa. Touched siya sa pagbibigay nito ng singsing na natitiyak
niyang hindi lang isang taong pinag‑ipunan ng bata. “Rafael, baka
mapagalitan ka ng parents mo kapag
nalaman nilang inaksaya mo sa pagbili ng singsing na ito ang savings mo.” “Matagal
ko nang sinabi sa kanilang nag‑iipon ako dahil gusto kitang
maibili ng singsing. Si Daddy pa nga ang kasama kong bumili niyan.” Kinuha ni
Rafael ang singsing sa kahita nang hindi pa rin siya kumikilos, at ito na ang
nagsuot niyon sa kanyang palasingsingan. “`Yan, talagang totoong mag‑girlfriend
na tayo dahil hindi na plastic ang singsing mo.” Umakyat ang bata sa katabing kitchen chair at walang sabi‑sabing
binigyan ng smack ang mga labi niya. Napapailing at natatawa na si Annalou nang
bumaba na ito sa silya. “Kailan mo ba makakalakihan ang kalokohang ito?” tanong
niya. Napaseryoso siyang bigla nang makitang napalitan ng galit ang anyo ni
Rafael. “Hindi kalokohan ang pakikipagsyota. I love you at tatlong taon na
kitang love. Bakit hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako love?” Napaawang na ang bibig ni Annalou sa panunumbat
ng bata. Parang maiiyak na pilit namang pinipigil. “Rafael, napakabata mo pa
para ma‑involve
at isipin ang ganitong bagay. Isa pa, dalaga na ako at ikaw naman ay maliit pa.
Hanggang tainga pa nga lang kita.” “Lalaki rin ako. At `pag lumaki na ako,
hindi mo na ako ikahihiyang maging boyfriend.” Ipinasya ni Annalou na
konsultahin ang ina ng bata tungkol sa bagay na iyon. Itiniyempo niyang nasa school si Rafael nang magpunta siya sa
unit ng mag‑anak na Villaruz. “Tita
Rhodora, nagwo‑ worry na po ako kay Rafael,” sagot niya nang tanungin
ng ginang ang kanyang sadya. “Bakit naman? Wala akong nakikitang problema sa
batang `yon,” anito. Inilahad ni Annalou ang suot na singsing. “Ibinigay niya
ito sa akin, Tita. And God knows kung gaano katagal niya itong pinag‑ipunan.” Ngumiti lang si Rhodora. “Napaka‑romantic talaga ng bunso ko, manang‑mana
sa ama. Ganyan din ang asawa ko noong nanliligaw siya sa akin.” Napaawang ang
kanyang bibig. Hindi iyon ang inaasahan niyang tugon mula sa ginang. “Alam
namin ng daddy niya ang tungkol diyan. Dalawang Christmas na nag‑ipon
si RR bago niya nagawang bilhin `yan,” wika ni Rhodora. “`Yon na nga po, eh.
Hindi po ba abnormal na lumampas na ang
tatlong taon at hindi pa rin nawawala ang pagkaka‑crush niya sa akin? He’s acting na parang isang grown‑up na,” pakli ni
Annalou. “Wala naman kaming nakikitang masamang epekto sa kanya. In fact, baka
nga nakabuti pa iyon dahil mas mahaba ang ibinibigay niyang oras sa pag‑aaral
kaysa sa paglalaro. Pakiramdam kasi niya, binata na siya. Matataas din ang
grades niya sa school. Mas naging observant siya at laging ang gusto niyang kausap ay iyong matatanda sa kanya.”
“Pero, Tita, hindi na niya nae‑enjoy ang pagiging bata niya,”
pakli ni Annalou. Tinapik lang siya ni Rhodora sa balikat. “Nag‑
aalala kang masyado, makakalakihan din niya ang damdamin niya sa iyo. Ang totoo
nga niyan, gusto naming magpasalamat sa iyo ng mister ko dahil naging
motivating factor ang pagkaka‑crush sa iyo ni RR para siya
magsikap sa pag‑aaral at maging
masunurin sa amin. Gusto na raw niyang mag‑mature. Binata na nga raw kasi
siya, kaya dapat lang daw na hindi na siya malikot at makulit.” Binuntutan pa
ng ginang ng tawa ang sinabi. Hindi gumaan ang pakiramdam ni Annalou nang
makaalis na ng unit ng mga Villaruz. Umasa na lamang siya na kapag sumapit na
si Rafael sa teenage years ay makakita na ng ibang babaeng kasing‑edad
nitong mapagbabalingan ng pansin.
CHAPTER
THREE
MATULING
lumipas ang mga araw, mga buwan, at mga taon. Naka‑graduate na
si Annalou ng college at nakapagtrabaho na rin katulad ng mga kaibigan.
Ikatlong Labrador na rin ang aso ni Rafael. Namatay na ang unang Choco. Ang ikalawa
naman ay nanakaw. Ngayon ay kulay‑ tsokolate na naman ang balat ng
aso at muli ay Choco na naman ang pangalan.
May mga pagkakataon pa ring nakakaramdam si Annalou ng tila may mga
matang nakasubaybay sa kanya. Sa maraming taong nagdaan, walang isa mang taong
nagtangkang lumapit sa kanya upang akalain niyang iyon ang lihim na
nakatugaygay sa kanya. Hindi na rin naman siya nag‑aalala roon
dahil nga nasanay na siya sa ganoong pakiramdam. At siyempre, alam niyang hindi
siya pababayaan ng Diyos. Wala pa rin silang balitang mag‑ina
tungkol sa daddy ni Annalou. Ipinasa‑Diyos
na lamang niya ang tungkol doon. Kahit paano ay natutuwa na rin siyang makitang
naka‑recover
na nang tuluyan ang mommy. Bumalik na ang ina sa dati—masigla, masayahin, at
puno ng pag‑asa. Hindi na rin niya naririnig na umiiyak sa gabi. Si
Rafael ay bihira nang magpakita kay Annalou mula nang talampakin niya na
nasasakal na siya sa pagbuntot‑buntot sa kanya. Sinabi rin niya
na ibaling na ng binatilyo ang damdamin sa
babaeng kaedad, at napapahiya na siya dahil ang akala ng ibang
nakakakita sa kanila ay pumapatol siya sa isang napakabatang lalaki; na sa
paningin ng ibang tao ay isa siyang cradle snatcher. Ang totoo, sinabi lang
naman ni Annalou ang mga iyon upang magising na si Rafael. May sapat na itong
isip upang maunawaan siya. Talagang nakapagtatakang seventeen na ito ay hindi
pa rin na‑outgrow ang damdamin sa kanya. Ayon pa kay Rafael, ito
raw ang “God’s Best” niya. Para pa ngang
sumusumpa habang puno ng kumbiksiyong sinasabi sa kanya iyon. Hindi na lamang
niya pinansin. Aaminin ni Annalou na nami‑miss din niya ang binatilyo.
Nasanay na siyang bahagi ito ng kanyang buhay. Madalas siyang kulitin, aliwin. Napaghihingahan
din ng kanyang mga problema kung minsan. Bibihira nga itong magbigay ng advice
sa kanya ngunit may kakaibang katiwasayang sumasapuso tuwing naroon ang binatilyo at sinsero siyang pinakikinggan. Nagdamdam
si Rafael at ngayon nga ay bihira nang pumunta kina Annalou. Minsan sa dalawang
linggo na lamang kung magpakita. Dadalhan lang siya ng chocolates na gusto
niya, pagmamasdan siya, at pagkatapos ay magpapaalam na. Kinakabahan si Annalou
at nawi‑weird‑han
at the same time sa ginagawi ni Rafael. Hindi nangyari ang sinabi ng ina ng
binatilyo na makakalakihan din ng anak
ang damdamin sa kanya. Ngunit kahit paano ay natutuwa na rin siya mula nang i‑confront
niya si Rafael dahil hindi na ito ngayon lumalapit sa kanya kapag nasa labas
sila at may ibang taong nakakakita. Hanggang sa makilala ni Annalou si Brendan,
radiologist sa Muntinlupa Medical Center, ang ospital na pinapasukan niya
bilang dietician. Sa una pa lamang ay nagpakita na ng interes ang lalaki sa
kanya. Hindi nga lumampas ang dalawang
buwan at nanligaw na. Sa unang pagkakataon ay hindi napintasan ng tatlong
barkada ni Annalou si Brendan nang ipakilala niya ang lalaki isang linggo. “Go,
girl,” sabi pa sa kanya ng mahilig mangilatis na si Josephine. “Palagay ko,
siya na ang ‘God’s best’ mo. Beinte‑tres ka na, ikakasal na ako, at
sina Baby at Vina ay may mga anak na.” Nakatuluyan ni Baby ang una niyang
manliligaw na si Harvey. Isang taon na nga ang anak ng dalawa. “It’s about time na magkaroon ka na
ng isang totoong boyfriend at nang hindi ka nagtitiyaga kay Rafael.” “Speaking
of Rafael, minsan, nagi‑guilty ako sa ginawa kong pag‑confront
sa kanya. Sabi kasi ng mommy niya, naging malulungkutin na raw si Rafael. Lagi
raw tahimik ngayon. Hindi na raw gaanong nakikipag‑usap sa
kanila at bihira na ring lumalabas ng bahay. Pero lalo raw nitong isinubsob ang
sarili sa pag‑aaral. Hindi kaya
makasama sa kanya na bigla na lang siyang naging introvert?” nag‑aalalang
wika ni Annalou. “Nag‑a‑adjust lang `yon sa pambabasted
mo,” sagot ni Baby. “Pasasaan ba at
makakalimutan ka rin niya. Lalo na ngayon, ang tangkad na niya at lalong
gumuwapo. Tiyak na marami na siyang kaklaseng babae na nagpapapansin sa kanya.”
“But we must admit na one‑of‑a‑kind ang kasong `yan ni Rafael,”
wika ni Vina. “Magpapainom ako sa buong barangay namin kung nakuha man lang ng estranged husband ko ang
kahit one‑fourth ng loyalty sa iyo ng bagets nàyon.” Bago pa kasi
maisilang ni Vina ang anak ay nakipaghiwalay na ito sa asawang saksakan ng babaero.
Mag‑isa
ngayong binubuhay ni Vina ang anak. Napailing na lamang si Annalou. Kung sana lang
ay nabaligtad ang sitwasyon. Sana ay si Rafael na lamang ang mas matanda at
siya ang mas bata. It would be much more acceptable to herself and to the people around them.
“YOU
LOOK exhausted, Ann,” sabi ni Brendan at inalalayan siya sa siko habang
bumababa sila sa ground floor ng ospital. Puno ang dalawang elevators kaya
kahit napapagod na, sa hagdan na lamang sila dumaan. “Wala akong magagawa, may
naka‑confine
na VIP sa hospital suite,” pakli ni Annalou. “Kailangan ng personal supervision
ang ipe‑ prepare na pagkain para sa pasyente.
Tinawagan pa nga ako ng hospital director para gawin `yon.” “Ihahatid na kita.”
“Huwag na, I can manage. May klase ka pa, `di ba?” Hindi niya alam kung pagma‑master’s din ang tawag sa kinukuhang kurso ng manliligaw. Ang alam lang
niya ay tungkol din iyon sa radiology. “Hindi rin ako mapapalagay hangga’t
hindi ko nakikitang settled at safe kang nakauwi sa bahay n’yo. Puyat ka. Halos hindi mo na nga
maimulat ang mga mata mo. Let me drive you home.” Hindi na tumanggi pa si
Annalou. Hinayaan niya ang sariling igiya ni Brendan hanggang sa parking lot.
Nakatulog na siya sa biyahe, at nagising lang nang maramdamang tila siya lumulutang.
Nang imulat niya ang mga mata, karga na siya ni Brendan paakyat sa kanilang
unit. “Napahimbing pala ang tulog ko. Ibaba mo na ako, kaya ko namang
maglakad.” Iniisip niya nang mga
sandaling iyon kung may nakakita kaya sa mga kapitbahay sa pagkarga sa kanya ni
Brendan mula sa kotse. “Doon na lang sa pinto,” ani Brendan na tila natutuwa
pang buhat‑buhat siya. “Alam kong pagod
na pagod ka na.” Sa harapan ng unit siya ibinaba ni Brendan. Pumasok pa ang
lalaki at tiniyak na magiging komportable siya sa pagtulog. “Magbibihis pa ako,
ano ka ba?” Natatawa na si Annalou nang
sabihin ng manliligaw na mahiga na siya sa kama at ito na ang bahalang magsara ng
pinto. Hindi niya inaasahan ang gagawin ni Brendan: hinalikan siya sa noo.
“Sleep tight, Ann.” Saka pa lamang ito tumalikod at lumabas ng unit. Napangiti
si Annalou. Gusto niya ang ginagawang pag‑aasikaso ni Brendan. Gusto niya ang
mga paglalambing na nakikita sa lalaki. She felt she was beginning to like him
a lot every day. Hindi pa natatagalang
lumabas si Brendan nang may mag‑doorbell. Napilitan siyang lumabas.
Isang malungkot na anyong Rafael ang napagbuksan niya ng pinto. Walang kibong iniabot
sa kanya ng binatilyo ang tatlong bars ng Cadbury milk chocolates, wala isa
mang katagang nanulas mula sa bibig hanggang sa bumaba na ng kanilang palapag.
May humaplos na awa sa dibdib ni Annalou. Natitiyak niyang nakita ni Rafael ang
pagkarga sa kanya ni Brendan kanina. At
tiyak din niyang nagseselos.
NASA
mall si Annalou kasama ang mommy isang araw ng Linggo. Kahit noong hindi pa man
siya nakaka‑graduate ng college ay maluwag na ang buhay nilang mag‑ina.
Nahasa nang husto ang business acumen ng kanyang mommy. Hanggang sa tulungan
sila ng isa nilang maykayang kamag‑ anak na nag‑alok
ng kapital. Dahil doon ay nakapagpatayo sila ng maliit na jewelry store na katulad ng sa mga tindahan ng alahas sa
Binondo. May mga suki na rin ang mommy na mga mag‑ aalahas kaya hindi na kailangan
pang maghanap ng customers sa kung saan‑saan. Mas marami nang panahon
ngayon ang ina sa sarili at sa kanya. Patungo sila sa paborito nilang shoe
store nang maramdaman na naman ni Annalou na tila may nagmamasid sa kanya.
Hackles rising, she instantly held on to her mother’s wrist. Napahinto ang ina sa paglakad at nagtataka siyang tiningnan.
“Bakit?” Sa halip na sumagot ay iginala lang ni Annalou ang mga mata. “Don’t
tell me, nararamdaman mo na namang may nagmamasid sàyo?” anang ina. Hindi pa
rin umimik si Annalou, patuloy lang na ginagalugad ng mga mata ang paligid.
Hindi naman gaanong marami ang tao sa palapag na kinaroroonan. Kung dati ay
natutuhan na niyang ipagwalang‑bahala
ang pakiramdam na iyon, ngayon ay inabot na niya ang puntong naiinis na siya.
Kaya kailangan na talaga niyang malaman kung talagang may lihim na nagmamasid
sa kanya o kailangan na niyang magpatingin sa isang psychiatrist. “Anak, naman,
bakit ba hanggang ngayon hindi mo maihiwalay sa sistema mo ang pakiramdam
nàyan?” Batid niyang napu‑ frustrate na rin ang mommy niya
sa kakaiba niyang intuition, kung
intuition ngang matatawag iyon. “Wala akong makitang rason para may lihim na—”
Naudlot ang iba nitong sasabihin nang biglang manlaki ang mga mata. “Oh, my! I can
feel it, too!” Saglit lang at kapwa na nila inililibot ang mga mata. Di‑kaginsa‑ginsa,
itinuro ng ina ang isang lalaking naka‑jacket ng dark blue at papalayo na
patungo sa glass elevator. “Ang taong `yon, parang pamilyar,” wika ng ina. Bago pa makahuma si Annalou ay hatak‑hatak
na siya ng ina patungo sa direksiyong tinutumbok ng di‑kilalang
lalaki. “Sigurado ka, Mommy?” Hindi na
nakasagot ang ina dahil patakbo na nilang sinusundan ang lalaki. Ilang dipa na
lang marahil ang layo nila sa lalaki nang bago sumara ang pinto ng elevator ay
nagawa nitong isiksik ang sarili sa maraming taong lulan niyon. Nanlulumong
napatingin kay Annalou ang mommy nang pinto na lamang ang abutan nila. Subalit saglit lang iyon. Muli siya nitong
hinatak patungo sa pababang escalator. Nagsisiksikan naman ang mga tao roon
kaya hindi nila magawang mapabilis pa ang pagbaba. Nang makarating sila sa
ground level, paakyat nang muli ang elevator. “Sino’ng nakita mo, Mommy?” usisa
ni Annalou nang hatakin sa isang tabi ang inang bakas ang panlulumo sa anyo. “I
was not so sure, pero parang ang daddy mo
ang taong `yon.”
“YOU
SEEM preoccupied lately,” puna ni Brendan kay Annalou habang sakay siya ng
kotse ng lalaki. Katulad ng madalas mangyari ngayong sabay ang kanilang duty,
ihahatid na naman siya nito pauwi. “May problema ka ba?” “Naiisip ko lang ang
daddy ko.” Naikuwento na niya kay Brendan ang tungkol sa pag‑
abandona ng kanyang daddy sa kanilang mag‑
ina. “Nami‑miss mo pa rin siya hanggang ngayon, hindi ba?” “I
missed having a father pero hindi ko nami‑ miss si Daddy.” Tinapunan siya ng
lalaki ng hindi naniniwalang tingin. “Twelve years old ka pa lang nang iwan
niya kayo. Sa edad nàyon, attached ka pang masyado sa parents.” “It’s been
eleven years, Brendan. Sa haba ng mga
taong `yon, kung ano mang attachment mayroon ako dati kay Daddy, nakalimutan ko
na.” Sinasabi niya iyon ngunit sa sarili ay hindi rin siya tiyak. Ayaw niyang
tiyakin. Ayaw niyang buksan ang mga alaalang sinikap na niyang ilibing sa loob
ng labing isang taon. Kahit sa Diyos, hindi niya makuhang ipabukas iyon. “Paano
kung mahal pa rin niya kayo? Kung nariyan lang pala siya sa paligid at lihim na
nakamasid sa inyo ng mommy mo?” Napatingin
si Annalou sa lalaki. Kung hindi lang kailan lang sila nagkakilala ay sasabihin
niyang alam ni Brendan ang tungkol sa pakiramdam niyang may lihim na
nagmamatyag sa kanya. “Kung totoong mahal pa rin niya kami, hindi niya
hahayaang humaba pa ang mga taon ng pagkakahiwalay niya sa amin. Kahit nga si Mommy,
matagal na ring naka‑recover sa pag‑alis niya sa buhay namin.” “Ano
naman ang malay mo kung patagong nagkikita
ang mommy at daddy mo?” Nakakunot ang noong muli niyang tiningnan si Brendan.
Papasa na itong imbestigador sa palagay niya. “Are you sure Radiology ang mina‑master
mo at hindi Criminology or Law?” Natawa naman ang lalaki. “Posiblèyon, hindi ba?”
“Imposiblèyon. Masyado kaming close ni Mommy para hindi ko mahalata sa kanya
ang mga gano’ng secret. Isa pa, bakit kailangan pa nilang patagong magkita kung sakali nga? Mag‑
asawa naman sila.” “May punto ka riyan.” Hindi na umimik pa si Brendan
pagkatapos. Para tuloy naguguluhan si Annalou. Isa lang ang dahilang naisip
niya kaya ito umaakto ng ganoon ang manliligaw. “Do you think okay lang sa
parents mo na makipagkaibigan ka sa tulad kong produkto ng broken family?”
tanong niya. Bumaling agad si Brendan sa kanya, nakangiti. “First, wala na akong parents, pareho na
silang patay. Secondly, kahit noong nabubuhay pa sila, hindi sila nakikialam sa
pagpili ko ng kaibigan. And lastly, kung nabubuhay pa sila ngayon, tiyak na
hundred percent kang pasado sa kanila para sa akin,” wika nito at kumindat. Nag‑init
ang mga pisngi ni Annalou sa huli nitong tinuran. Noong nakaraang Sabado ay nilinaw
na ni Brendan sa kanya ang nais mangyari sa kanila. At kahit natuwa siya at
kinilig pa, sinabi niyang nais muna
niyang magkakilala pa silang mabuti. Ipinaparada pa lamang ni Brendan ang kotse
sa parking area ng BLC ay nakita na ni Annalou si Rafael. May kasama itong
isang maganda at ismarteng babae na sa tingin niya ay matanda lang nang kaunti
sa kanya. Makakasalubong nila ang dalawa sa daang lalakaran nila ni Brendan. Mabagal
lang na naglalakad ang dalawa, kay sasaya. Para bang higit pa sa pagiging magkakilala lamang ang relasyon batay sa malalagkit
na sulyap na ipinupukol sa isa’t isa. Tila nga hindi pa rin sila napapansin ni
Brendan. Parang gustong mainggit ni Annalou sa babae. Malaya nitong sinusuklian
ng mahinang tawa at mga ngiting may kompiyansa si Rafael. At katulad nga ng
sinasabi ng mga kabarkada, guwapo ang binatilyo. Lutang na lutang ang kaguwapuhan
ni Rafael sa mga ngiting ipinupukol sa babaeng kasama. At nakakaramdam siya ng inis. Nang malapit na
malapit na ang dalawa sa kanila ni Brendan, saka pa lamang dumako ang mga mata
ni Rafael kay Annalou. Ngumiti lang ang binatilyo sa kanya ng makalaglag‑pusong
ngiti at nilampasan na sila. Hindi alam ni Annalou kung anong klaseng
ekspresyon ang nakabakas sa kanyang mukha nang makita siya ni Rafael. Ang
natitiyak lang niya, hindi iyon ngiti. “Hindi ba, `yon ang lalaking laging
nagbibigay sa iyo ng chocolates?” Nagbaling
siya ng tingin kay Brendan, bumagal ang lakad. “Paano mong nalaman ang tungkol doon?”
“Naikuwento ng mommy mo sa akin. Nang minsan kasing pumunta ako sa inyo at wala
ka pa, habang naghihintay ako, nagkakuwentuhan kami ng mommy mo. Tiyempo namang
umakyat nga ang lalaking iyon sa inyo at tinatanong ka.” “Yeah. Eight years old
pa lamang si Rafael, `yon ang pangalan
niya, nang magsimula siyang magbigay sa akin ng chocolates. Ang lakas ng loob
na manligaw ng loko. Nahinto na nga lang nang patigilin ko.” “Mukha namang
nakahanap na siya ng ipapalit sàyo.” Ikinibit lang ni Annalou ang mga balikat
bilang tugon. Ayaw niyang isipin ang babaeng kasama ni Rafael ang pinagbalingan
nito ng pansin. Parang nasasaktan siya. Sinikap na lamang niyang isantabi muna ang bagay na iyon. Nakakagulo lamang
iyon sa isip at damdamin. Nakaalis na si Brendan nang may kumatok sa pinto nina
Annalou. Nasa tindahan ang mommy niya, kasama ang kanilang kawaksi. Ayon sa
Post‑
it note na nakadikit sa refrigerator, maggo‑grocery ang dalawa bago umuwi.
Kaya nag‑iisa lamang si Annalou sa bahay. Hindi niya inaasahan
ang taong mapagbubuksan. “R‑Rafael.” “Puwede
ba tayong mag‑usap?” anang binatilyo, pormal ang anyo. Binigyan naman
niya ng daan si Rafael upang makapasok, at iginiya sa kusina kung saan kasalukuyan
niyang tinitimpla ang marinade ng pork pigue na gagawin niyang hamonado. Thawed
na ang karne kaya sinimulan na niyang ibabad sa pinaghalong pineapple syrup
mula sa nakalatang pineapple chunks at pineapple juice. “Ni minsan hindi mo ako
pinakiharapan gaya ng pakikiharap na ginagawa mo sa lalaking naghatid sa iyo o sa mga nanligaw sa iyo,
Ann,” sumbat agad ni Rafael sa pormal na tinig at anyo. “Kung hindi sa komedor,
dito sa kusina o kaya naman, sa ibaba, sa garden bed.” May katotohanan man ang
sinabi ng binatilyo ay hindi na lamang pinansin ni Annalou. “Akala ko ba
nagkaintindihan na tayo, Rafael? Kinausap na kita para putulin ang kahibangan
mo sa mahabang panahon.” “Hindi kahibangan ang nararamdaman ko para sàyo,” he said almost defiantly in a measured
tone. Ngayon lang niya napansing mas buo na ang tinig ni Rafel ngayon, mas
lalaki nang pakinggan. “Besides, mukha namang nakahanap ka na ng mapagbabalingan.
Maganda ang babaeng kasama mo kanina. Disappointed lang ako dahil mukhang mas
matanda pa sa akin ang nakuha mo,” wika ni Annalou. Hindi sumagot si Rafael.
Napatingin tuloy si Annalou rito at
nakitang titig na titig ang binatilyo sa kanya na tila ba may kung anong matutuklasan
sa kanyang mukha. “Nagseselos ka ba?” Hindi niya tiyak kung selos nga ang naramdaman
kanina sa babaeng kasama ni Rafael. Kung ano man iyon, sinikap na lamang niyang
ikubli iyon ng pagak na tawa. “Bakit naman ako magseselos?” Lumapit pang lalo
kay Annalou si Rafael, hindi inaalis ang
titig sa kanyang mga mata. Nawala ang tawa niya. Hindi na niya alam kung anong reaksiyon
ang ipinapakita ngayon ng kanyang mukha nang kunin nito ang mga kamay niyang nakalubog
sa pinagbababaran ng karne. Malamang na nakamaang siya. May bikig na kagyat na
humarang sa lalamunan ni Annalou nang dalhin ni Rafael ang kanyang mga daliri
sa bibig. He tasted the juice and the syrup with his tongue slowly licking her fingers. Tila nagsaestatwa siya dahil sa
ginawa nito, at lalong nanigas sa kinatatayuan nang tikman naman ang kanyang
bibig na nakaawang pa rin sa pagkatigagal. Nalasahan niya ang maasim‑matamis
na katas ng pinya. Tikim lamang naman ang halik, iisang segundo. Ngunit bakit
tila ibig magsagulaman ang kanyang mga tuhod? Ginisawan siyang bigla ng pawis
na katulad sa epekto ng paracetamol sa isang mataas ang lagnat. Bago pa makapag‑isip si Annalou, isang malakas na
sampal ang pinadapo niya sa pisngi ni Rafael. Hindi iyon ang nais gawin ng
kanyang kalooban ngunit iyon ang reaksiyon ng isip niyang napahiya. Bakit
hinayaan niyang halikan siya sa ganoong paraan ni Rafael? Nahihibang na yata
siya. Hapong‑hapong napasandal si Annalou sa kitchen counter
pagkatapos. “U‑umalis ka na, Rafael.” Halos bulong na lang ang tinig
na lumabas mula sa kanyang bibig.
“Umalis ka na at h‑huwag ka nang babalik.” Page 12 1 of 366
CHAPTER
FOUR
“IBIG
mong sabihin, sinagot mo na si Brendan, Ann?” nasisiyahang hingi ng
kumpirmasyon ni Baby. Sinamahan ni Annalou ang kanyang kaibigan na patingnan
ang anak sa pediatrician nang araw na iyon. Kay Baby niya unang isiniwalat ang naging
pasya matapos ang huli nilang pagkikita ni Rafael. Inisip niyang mas mapapayapa
ng pagtanggap niya sa pag‑ibig
ni Brendan ang gulong nilikha sa sistema niya ng ginawa ni Rafael. Kaya dali‑dali
siyang nagpasyang sagutin na si Brendan. Hindi siya nagdasal. Hindi kinonsulta
ang Diyos sa desisyon. Kung tama man o mali ang kapasyahang iyon, saka na lamang
niya iisipin. “Oo. Officially ay mag‑ boyfriend na kami,” wika ni
Annalou. Niyakap siya ni Baby. “Finally. I’m happy for you, friend.” “Thanks.” Mataman siyang pinagmasdan ng
kaibigan kapagkuwan. “Nakangiti ka pero bakit parang hindi ka masaya? I know
you, hindi ganyan ang hitsura mo kung totoong masaya ka.” Idinaan ni Annalou sa
tawa at pagbibiro ang sagot. “Hey, hey, naisalin na yata sa iyo ni Josephine
ang pagiging psychoanalyst, ah.” “Are you sure you’re ready for this, Ann?” Marahan
niyang hinampas sa braso si Baby. “Ano
ka ba? Twenty‑three na ako, ano pa ba sa sarili ko ang dapat kong
ihanda?” “Hindi lang naman ang physical maturity mo ang dapat nating i‑consider
sa pakikipagrelasyon. Importante ring iyon talaga ang gusto mo at handa ang
kalooban mo.” “Baby, sigurado ako, okay?” Minulagatan lang si Annalou ng
kaibigan kasabay ng pagkikibit‑balikat. Alam niyang iginagalang
ni Baby ang pasya niya ngunit may ibang
pananaw sa kanyang desisyon. Hindi na niya inihatid pa sa bahay ang mag‑
ina. Naghiwalay na sila sa klinika. Tinawagan kasi siya ni Brendan. Nang
malaman ng nobyo na wala siya sa kanila ay nagyaya na lang itong mag‑
bowling. Napagpasyahan nilang magkita na lamang sa bowling alley. Nawala naman
ang pananamlay ni Annalou nang nagbo‑bowling na sila. Mahusay si
Brendan at hindi rin naman siya nagpapahuli sa score. Maingay itong maglaro kapag nakaka‑strike.
Humihiyaw at napapatalon pa kaya naaaliw siya nang husto. Inabot na sila ng
gabi bago nila naisipang umuwi. “Dapat, may follow‑up ang laban
nating `yon,” sabi ni Brendan nang pasakay na sila
sa kotse ng nobyo. Pagod na sila ngunit masasaya ang hitsura. Nagawang itaboy
ng enjoyment nila ang mga bagay na nagpapabigat sa dibdib ni Annalou. “Hintayin
mo munang makapag‑practice ako nang
husto bago uli tayo magharap. Noong tag‑ ulan pa ako huling nag‑bowling.
Malapit na uling magtag‑ulan nang maulit akong maglaro
ngayon. Samantalang ikaw, mukhang laman ng bowling alley. Lugi ako sàyo,” sabi
ni Annalou. “Hindi naman. Inspired lang kasi ako kaya natalo kita,” wika ni
Brendan. “Gano’n?” “Oo. Lalo na kapag ganyang nakangiti ka sa akin na parang
love na love mo ako.” Nagtaas‑
baba pa ang mga kilay ng nobyo habang nakangisi sa kanya. Natawa si
Annalou. “Para pong timang `yan.” Nagulat siya sa sumunod nitong ginawa.
Pinupog nito ng halik ang kanyang mukha na animo ay pinang‑gigigilan
siya. Nang halikan siya nito sa mga labi ay hindi siya tumutol. Ngunit hindi
rin naman niya magawang gumanti. Hindi naman nagtagal ang halik. “Eherm. .
Balik kaya tayo uli sa bowling alley. Natriple
na ang pagka‑inspire ko,” patuloy na pagpapakuwela
ni Brendan na parang dati na siyang hinahalikan. “Pakiramdam ko kahit si Paeng
Nepomuceno, makakaya kong talunin ngayon.” “Ihatid mo na nga ako. Baka imbes na
tumakbo itong kotse mo, ilipad tayo sa pagyayabang mo,” pangangantiyaw naman ni
Annalou. Nang dumaan ang sasakyan ni Brendan sa tapat ng unit nina Rafael,
napansin ni Annalou na wala ang kulungan
ng asong si Choco. At ang mas ipinagtataka niya, maging ang aso ay wala rin. Nang
dumako ang paningin niya sa bintana ng bahay nina Rafael, umaasam siyang
makikita roon ang binatilyo. Subalit ni hindi gumagalaw ang kurtina roon. Hindi
man sinasadya, nabahiran ng lungkot ang saya ni Annalou sa paglabas nila ni
Brendan.
KINABUKASAN,
pauwi na si Annalou at ang mommy niya
mula sa simbahan nang batiin sila ng ina ni Rafael. Nagpapahangin si Rhodora habang
nakasandal sa isang recliner sa tabi ng garden bed. “Bakit nga po pala wala na
ang kulungan ni Choco? Nasaan na ang aso n’yo, Tita?” tanong ni Annalou sa
ginang. Sumingit na magpaalam ang mommy niya at sinabing mauuna na matapos ngitian
at gantihan ng pagbati si Rhodora. Nagpaiwan naman si Annalou at naupo sa
inialok na monobloc chair ng ginang. “Nasa
mga magulang ko na, Ann. Isinama siya roon ni Rafael,” wika ni Rhodora. Parang
ibig kabahan ni Annalou sa sinabi nitong “isinama.” “Bakit po? Mahal na mahal
ni Rafael ang aso.” “Kaya nga isinama na niya. Doon na kasi siya titira. Noong
nakaraang linggo pa nga siya inihatid doon ng mister ko.” Nagulat siya sa
inihayag ng ginang. “B‑bakit po?” “Ang
sabi niya sa akin, para daw mas mapalapit siya sa university. Kesyo mahirap daw
sumakay rito sa atin tuwing umagang rush hour. Masyado pa raw magastos sa
pamasahe. Pero pakiramdam ko, tuluyan lang siyang nagtampo sa iyo, Ann.” “S‑sa
akin po?” “Oo. Bago kasi siya magpaalam sa amin ng daddy
niya, parang ang lungkot‑lungkot niya. Inusisa ko nga kung may problema siya, panay lang
naman ang tanggi niya. Nagkakaganoon lang naman `yon kapag may tampo siya sa
iyo. Ano ba ang pinagtalunan n’yo ni RR?” tanong ni Rhodora. “Baka po.. ” Hindi
alam ni Annalou kung paano sasabihin ang namagitan sa kanila ng anak ng ginang.
Na nasampal niya si Rafael nang huli silang magkita. Mabait si Rhodora ngunit
alam din niyang protective ito, lalo na sa feelings ng anak. “B‑baka po nagtampo siya nang
mabalitaan niyang may b‑boyfriend na ako.” “Kaya naman pala. Kunsabagay, mabuti na nga rin siguròyon para
maputol na ang pagkahibang n’on sa iyo. Kung hindi na kayo magkikita, baka makalimutan
na rin ni RR ang puppy love niya sàyo.” Alanganing ngiti ang iginanti ni
Annalou sa tila panunudyo ng ginang. Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit
binabaha siya ngayon ng lungkot nang
malamang hindi na roon titira si Rafael.
MINSANG
lumabas silang muli ni Brendan, nang ihatid si Annalou ng nobyo sa kanila,
nadatnan nilang balisa ang mommy niya. Nang makita sila ay bigla na lamang
siyang niyakap at iniyakan. “`My, what’s wrong?” naaalarmang usisa ni Annalou
habang nakatingin sila sa isa’t isa ni Brendan, nakamarka ang pagtataka sa mga mukha. Iyak lang ang nakuhang itugon ng ina. Yakap
pa rin ang ina na iginiya ito ni Annalou paupo sa sofa. Lalo siyang nag‑alala
para sa mommy. Handa siyang makipagbasagan ng mukha sa taong mananakit sa ina.
Ganoon ito kahalaga sa kanya. Ganoon ka‑protective mula nang abandonahin
sila ng kanyang daddy. Hinayaan lang niyang humupa ang bugso ng iyak ng ina
bago muling nagtanong. “Bakit, `My? Ano’ng nangyari?” Listo namang inabutan ito ni Brendan ng isang
basong tubig. “Salamat,” wika rito ng mommy niya na isang lagok lang naman ang
nakuhang inumin. Sumagap muna ito ng hangin bago muling nagsalita. “Nakita ko
ang daddy mo.”
SINILIP
ni Annalou ang mommy niya sa silid. Payapa na itong natutulog ngayon. Saka pa lamang
niya nagawang bumalik sa kanyang silid. Mukhang
siya ang hindi makakatulog magdamag. Ayon sa kuwento kanina ng kanyang mommy,
may dinalaw itong isang kaibigan sa ospital. Nasa visitor’s lounge daw. Doon
nito nakita ang kanyang daddy, yakap ang isang umiiyak na babaeng hindi
nalalayo sa edad ng kanyang ina. Katabi raw ng mga ito ang dalawang lalaki na
natitiyak ng mommy niyang mas matanda pa sa kanya. Kamukha raw ng kanyang daddy
ang dalawang lalaki. Iyon ang iniiyakan
ng mommy ni Annalou. Kung tama raw ang sapantaha nito na anak ng daddy niya ang
dalawang lalaki, iisa lamang daw ang kahulugan niyon: may naunang pamilya ang daddy
niya bago nagpakasal sa kanyang mommy. Granted na naunang pamilya ng daddy niya
ang nakita kanina ng mommy, ngunit bakit hindi na ito nagpakita pa kahit man
lang sa kanya sa loob ng labing‑isang taon? After all, anak din naman
siya. Hindi na nito inalalang nangangailangan
din siya ng kalinga ng isang ama. Na kailangan din niya ng tulong para sa kanyang
pag‑aaral
noon at iba pang pangangailangan. Mabuti pa ang aso, hindi iniiwan ang mga
tuta. Ngunit ang daddy niya. . Pinigilan ni Annalou ang paglitaw ng mapapait na
alaalang nakaimbak lamang sa pinakatagong bahagi ng puso at isipan. Diyos ko,
tulungan po Ninyo akong matagpuan ang mga sagot sa aking mga tanong. Ayoko po
ng ganitong pakiramdam. Ayoko pong
tuluyang mamuhi sa taong nagbigay sa akin ng buhay. Bago maglipat‑linggo,
hindi inaasahan ni Annalou na mapagbubuksan ng pinto ang taong laman ng mga
paghihirap ng mga kalooban nilang mag‑ina.
CHAPTER
FIVE
“D‑DADDY?” Pakiramdam ni Annalou ay may malakas na puwersang tumama sa
kanya at nagpanginig sa kanyang katawan pagkakita sa ama. Kay tanda na nitong
tingnan. Malalalim na ang gatla sa noo. Mapuputi na rin ang dati ay itim na
itim na buhok. Marami nang guhit na nakamarka sa tila pagod na mukha. “Hindi
ako magtatagal, anak,” anitong nakalarawan
ang pananabik sa mga mata ngunit nanatiling nakatayo lang at nakaharap sa
kanya, pinagmamasdan siyang mabuti. “Napilitan lamang akong makipagkita sa iyo
dahil kay Brendan. Layuan mo siya, anak. Iba ang pakay niya sa pagpapaibig sa
iyo. May taong malapit sa kanya na nasa likod ng lahat ng ito. Inutusan siya nito
na lapitan ka at paamuin,” babala ng ama. “Alam kong hindi ako dapat
makipagkita sa iyo ngunit kailangan. Ayokong mapasubo ka kay Brendan, anak. Kahit habang‑buhay
mo na akong kamuhian, mas gugustuhin ko pa iyon kaysa mapahamak ka sa mga kamay
niya. May asawa na si Brendan. Nakikiusap akong layuan mo siya bago mahuli ang
lahat.” Mabilis nitong nahawakan ang kanyang kamay at pinisil. Nakita na muna
ni Annalou ang namumuong luha sa sulok ng mga mata ng ama bago siya tinalikuran.
Mabilis ang mga hakbang na bumaba na ito sa palapag ng kanilang unit. Humabol
siya nang magawa niyang makahulagpos sa
shock na lumukob sa kanya pagkakita sa ama. Subalit nang makababa, hindi na
niya alam kung saan na ito lumusot. Parang bulang naglaho sa kanyang paningin. Paakyat
pa lamang si Annalou sa hagdan upang muling bumalik sa kanilang unit ay umaalagwa
na ang mga luha. Nang marating niya ang sariling silid, nagkaroon na ng tunog
ang pag‑
iyak. Hinayaan niyang lumabas ang maalat na
likidong iyon at ang pait na ilang taon ding naimbak sa dibdib. Inakala
niyang kasama noon sa taguan ang pagkamuhi sa sariling ama. Ngunit pagkakita
niya rito kanina, parang may sariling isip ang mga braso na nagnanais yumakap
dito. Ganoon na lamang ang pagsisikap niyang hindi itapon ang sarili sa dibdib
ng ama, yumupyop doon hanggang sa mailabas na niya ang lahat ng hinanakit. Diyos
ko, ito po ba ang sagot Ninyo sa mga dasal
ko? Tulungan po Ninyo akong maging matatag sa mga matutuklasan ko pa.
Nagpasya si Annalou na huwag na lang sabihin sa mommy ang pakikipagkita sa
kanya ng kanyang daddy.
“I’M
SORRY, Brendan, pero kumakalas na ako sa relasyon natin,” sabi ni Annalou.
Masakit sa kalooban na sabihin iyon dahil mahal na niya ang lalaki. Nauna na
muna niyang iyakan ang pasya bago niya nakuhang harapin si Brendan. Wala siyang pakialam kung mahantad man dito ang namamaga
niyang mga mata. Hindi naman agad naniwala si Annalou sa sinabi ng daddy niya.
Nag‑imbestiga
muna siya. Inalam mula sa two‑zero‑one file ni Brendan sa ospital ang
civil status at nakumpirmang may‑ asawa nga ang lalaki. Kung
paanong naibibigay nito nang buo ang pansin sa kanya kahit off‑duty
sila ay hindi niya alam. “Ano?” Kumunot ang noo ni Brendan sa pagkabigla at pagtataka. “Binibiro mo ba ako,
Ann?” Minabuti niyang huwang nang magpaligoy‑ ligoy. Makatatagal lang sa pag‑uusap
nila. Humugot siya ng hininga bago muling magsalita. “Alam ko nang may asawa
ka.” Lalong nagulat ang lalaki, tila namutla pa. “You don’t have to explain
anything, Brendan. Sapat na ang mga nalaman ko para putulin na ang relasyon
natin,” wika ni Annalou sa pilit na pinatatatag
na tinig. “Hindi ako papayag!” Napatayo pa ito, madilim ang mukha. “Wala kang
magagawa kung ayaw ko na.” “Pero nagmamahalan tayo.” “Walang permanente sa
mundong ito, Brendan. Maglalaho rin ang sinasabi mong pagmamahalan.” Muling
naupo si Brendan sa tabi niya. “Ann, matagal na kaming hiwalay ng asawa ko. Ang totoo, may iba na siyang asawa ngayon. Hindi naman
kami nagkaanak. Kaya puwede naman tayong magpatuloy sa relasyon natin.” Doon na
nayamot si Annalou. “Niloko mo na nga ako, gusto mo pang kunsintihin ko ang
mali mong pananaw? Brendan, kahit gaano pa kita kamahal, there’s no way I can
allow us to continue with this. Kalimutan mo na ako, at kalilimutan na rin
kita.” Marahil ay nakita nito ang pinalidad sa kanyang mga binitiwang salita
kaya walang imik na bumaba ng unit. Parang
sasabog ang dibdib ni Annalou sa sama ng loob ngunit naging matatag siya. Hindi
na niya inalam mula kay Brendan kung sino ang taong ayon sa daddy niya ay nag‑utos
sa lalaki upang paamuin siya at paibigin. Sapat nang nalaman niyang may asawa
na ito para pagpasyahan ang pagtapos sa kanilang relasyon. Dinampot niya ang
telepono. “Vina, puwede ba tayong magkita ngayon?” “May problema ba, Ann?” tugon ng kaibigan sa kabilang
linya. Pinigil ni Annalou ang sariling mapaiyak. Maga na ang kanyang mga mata
dahil kagabi pa siya lumuluha. “I‑it’s about
Brendan.” Mukhang naramdaman agad ni Vina ang kanyang
estado dahil hindi na nag‑usisa pa. “Nandito lang ako sa
bahay. Tamang‑tama, kinuha ni Mama ang baby ko. Punta ka na lang dito.” “Salamat. Alam kong maaasahan kita.” Tinawagan
din ni Annalou ang kanyang mommy at ipinaalam na pupunta siya sa bahay ni Vina.
Saka pa lamang siya nagbihis at nag‑ayos ng sarili. Tinambakan niya ng
concealer ang namamagang mga mata but to no avail. Bago lumabas ng bahay,
nagsuot muna si Annalou ng shades upang ikubli ang pamamaga ng mga mata dahil
sa pag‑iyak.
Napatda siya nang pagbaba niya ay makita si Rafael na nakatayo lamang sa entrance door ng condominium.
Ang hula niya ay kanina pa ito roon. Marahang lumapit sa kanyang kinatatayuan
si Rafael, puno ng hindi maipaliwanag na paghihirap ang anyo. Napansin din
niyang mas payat ito ngayon. Sa kasalukuyang estado ni Annalou, parang gusto
niyang yumapos sa binatilyo, aluin, and, at the same time, ihinga ang mga sama
niya ng loob. “Ann, I’m sorry dahil
napagalit kita last time. I’m not sorry that I kissed you, though. It was the best
experience that I’d keep here—” Itinuro ni Rafael ang dibdib. “The best memory.
At hindi mo maaaring alisin `yon sa akin. Pasensiya ka na rin dahil hindi ko
mapigil ang sarili kong makita ka uli. .” anito na tila lalong nadagdagan ang paghihirap
ng loob. “Kahit alam kong sinabihan mo na akong huwag nang magpakita pa sàyo.” Napasinghot
si Annalou. Lalo pang lumapit si Rafael
at maingat na inalis sa kanyang mga mata ang shades. Tumambad dito ang luhaan
niyang mga mata. Akmang papahiran nito ng mga daliri ang kanyang basang pisngi
nang ibabang muli ang kamay at isuot uli ang shades sa kanya. “Can you have a
minute? Akyat muna tayo sa unit n’yo. Siguro naman, hindi magagalit sa iyo si Brendan
kung mahuhuli ka sa date n’yo ng ilang minuto.” Hindi pinansin ni Annalou ang
patutsada. Hindi pa siya nakapipihit
nang maramdaman niyang dumaan sa tabi nila ang babaeng occupant ng unit sa
ibaba. Kaya pala hindi itinuloy ni Rafael ang pagpupunas sa kanyang mga luha. .
Pasimple na lamang niyang pinunasan iyon ng mga palad. Nang makaakyat na sila
sa unit, pagkapinid pa lamang ng pinto, hinarap ni Rafael si Annalou at inalis
na naman ang kanyang shades. May hawak na itong printed na panyong gaya ng
bandana. Hinawakan siya sa baba at
marahang dinampian ng panyo ang kanyang pisngi. “Ayokong isiping pinaiiyak ka
ni Brendan. Kung ano man ang dahilan ng pag‑iyak mo, it pains me na wala akong
magawa para iiwas ka ro’n. Is he causing those tears?” Sukat sa magkahalong
sakit at tender expression na nakamarka sa anyo ni Rafael, hindi na nakayanan
pa ni Annalou ang sarili. Lumuluha na namang yumapos siya at isinubsob ang
mukha sa dibdib ng binata. Hinagod‑hagod
ni Rafael ang kanyang ulo at likod hanggang sa kumalma ang kanyang paghikbi.
Nang mapayapa siya ay dinala siya sa mahabang sofa. “Makikinig ako kung gusto
mong magsalita,” ani Rafael nang marahil ay mapunang maayos na siya. “Nalaman
kong may asawa na si Brendan. We just broke up.” Iyon lang ang sinabi ni
Annalou. Ayaw na niyang magsalita pa. Iti‑trigger na naman niyon ang balon
ng mga luha. Tila nakakaunawan namang
isinandig lang ni Rafael ang kanyang likod sa dibdib nito sa halip na
magsalita, at ang mga braso naman niya ang hinahagod habang nakadikit ang
pisngi sa kanyang ulo at iniuugoy ang kanilang mga sarili. Hindi alam ni
Annalou kung saan natutuhan ni Rafael ang ganoong pag‑alo.
Nadiskubre niya ngayon na mabisa palang pampakalma ang ginagawa ng binatilyo.
May kalahating oras yata sila sa ganoong posisyon bago nagawang kumalas ni Annalou mula kay Rafael. “Tutuloy ka pa ba
sa pupuntahan mo?” tanong ni Rafael nang umurong na siya nang bahagya upang
lumayo sa pagkakadikit sa binatilyo. “Oo,” sagot ni Annalou. “And I hope na
hindi iyon sa manlolokong Brendan nàyon,” wika nito, nagtatagis ang mga bagang.
Sa kabila ng katatapos na pag‑iyak ay natawa si Annalou. “No,
galing na siya rito kanina. Wala na akong
dahilan ngayon para makipagkita pa sa kanya. Kay Vina ako papunta.” “Are you
sure okay ka na?” Nasa tinig at anyo pa rin ni Rafael ang concern sa kanya. May
haplos ng tuwang dala ang purong concern na iyon sa puso. “Okay na ako, and I
owe it to you,” pakli ni Annalou. “Malakas ka naman sa akin, okay lang.”
Pinisil siya ni Rafael sa braso. “Makakalimutan mo rin ang Brendan nàyon. Hindi
talaga siya ang God’s best mo.” “Alam
ko.” Sumagi sa isip ni Annalou nang mga sandaling iyon na hindi nga pala niya kinonsulta
ang kalooban ng Diyos sa pagsagot niya kay Brendan. Ito ngayon ang kanyang napala.
Mabuti na lamang at nalaman niya ang tunay na pagkatao ni Brendan bago siya
tuluyang mapasubo. Saglit siyang pinagmasdan ni Rafael at tumango‑tango,
napapangiti pa. “Suot mo pa rin ang singsing na bigay ko. Ibig bang sabihin
niyan, puwede na uli akong magpakita sàyo sa ibang araw?” Hindi nakasagot si
Annalou. Nasanay na siyang suot ang singsing kaya hindi man lang sumagi sa isip
na hubarin iyon kahit nang araw na nasampal niya ang binatilyo. “Kahit paminsan‑minsan
lang? I really missed seeing you,” untag ni Rafael, nawawala na ang ngiti. Pinagalaw niya ang noo at ngumiti. “Nagalit lang
ako kaya ko nasabing huwag ka nang magpakita sa akin kahit kailan, Rafael. I
never meant what I said then. Hindi lang kita kapitbahay. Kasama ka sa iilang
malalapit kong kaibigan. And I’m sorry I said that. Of course, maaari ka pa
ring pumunta rito.” Napangiti na rin si Rafael, tila biglang nahiya. “Wala
nàyon sa akin. Magpapaalam na pala ako.”
Tumango si Annalou at iginiya na si Rafael sa pintuan. “Thank you for
being here for me.” “Kahit anong oras mo ako kailangan, magpasabi ka lang.”
Dumukot ito sa bulsa at naglabas ng maliit na pastel card. Iniabot iyon sa kanya.
“`Yan ang phone number sa bahay ng lolo’t lola ko. Call me anytime. Kahit nasa
school ako, mag‑iwan ka lang ng message sa makakasagot sàyo.” Ngiting
nagpapasalamat ang isinukli ni Annalou. “Baka
gusto mong ihatid na kita kina Vina?” “Huwag na. Hindi na siguro ako tutuloy
roon. Tatawagan ko na lang siya uli sa telepono.” Pababa na si Rafael sa unang
tukal nang muling pumihit paharap sa kanya. “One thing more before I go, Ann.
Kaninang yakap kita at pinatatahan kita rito sa dibdib ko, I felt. . I felt
like Superman.” Natawa siya nang mahina, lalo na nang patalon‑talon
pa itong bumaba ng hagdan na parang
tuwang‑tuwa.
Bata pa talaga. Inaamin ni Annalou na na‑miss din niya si Rafael. Hindi nga
ba at ang binata ang dahilan kung bakit sinikap niyang ituon na lamang ang pansin
kay Brendan? At ngayong wala na si Brendan, falling for Rafael seemed
inevitable unless she would do something about it. Again. Oh, God. Help me not
to fall for him, please.
“SAYANG
naman, Ann. Sa totoo lang, wala akong
nakitang indication na may asawa na si Brendan.” Nang weekend na iyon,
pinuntahan si Annalou sa bahay ng tatlong barkada. Ikinuwento pala ni Vina kina
Baby at Josephine ang nangyari sa kanila ng dating nobyo. Kaya napasugod doon ang
tatlo. Kahit maayos na siya at hindi na gaanong dinaramdam ang nangyari sa
kanila ni Brendan, nagpapasalamat pa rin siya sa pagdamay ng mga kaibigan. “Ako rin, Vina. Isipin mo na lang, kapag off‑
duty niya, magkasama kami. Sabay kami ng duty sa hospital. Matagal pa siyang
makipagtawagan sa akin kapag nasa bahay na siya. Kaya sino ba naman ang mag‑aakalang
may asawa na siya? “It only proved na wala talaga sa hitsura ang pagkilatis sa
taong may asawa na,” wika ni Josephine. “Sandali nga, Ann,” ani Baby. “Paano ka
naman nagdudang may sabit na pala ang Brendan
nàyon?” “Hindi ko ito sinabi kay Mommy. Pinuntahan ako rito ng father
ko,” sagot ni Annalou. Tinapunan siya ng hindi makapaniwalang tingin ng tatlo.
“Apparently, kilala niya ang pagkatao ni Brendan. May sinabi pa siyang ginamit
lamang si Brendan ng taong malapit daw rito para paibigin ako and God knows
what else.” “May mystery pa pala sa likod ng Brendan nàyan,” turan ni Vina.
“Ano pa’ng napag‑usapan n’yo ng father
mo? Nagawa mo ba siyang tanungin kung bakit niya kayo iniwan?” “I was shocked.
Bago pa ako makapagsalita ng anuman, umalis na agad siya. Sa mga huling nangyari
sa akin, mas affected pa ako sa muling pagkikita namin ni Daddy kaysa sa
breakup namin ni Brendan,” pakli ni Annalou. Hindi kumbinsido si Baby sa
isinaad niya. “Hindi maiiwasang magkita pa rin kayo sa hospital ng ex mong
`yon.” “Kaya ko,” matatag na hayag ni
Annalou. Iningusan siya ni Josephine. “`Taray. Don’t worry, kapag hindi ka pa
rin nagka‑boyfriend until you reach twenty‑five,
tutulungan ka na naming maghanap ng ‘God’s best’ mo.” Kinabukasan ng umaga,
naglalakad si Annalou patungo sa abangan ng sasakyan para sa pagpasok sa
ospital nang tawagin siya ni Rhodora. Iniabot nito sa kanya ang isang puting envelope
na ang hula niya ay card ang laman. Nakasulat
sa ibabaw ng card ang kanyang pangalan. “Iniwan `yan ni RR kahapon bago siya bumalik
sa mga lola niya. Pakiabot ko na lang daw sàyo,” wika ng ina ni Rafael. “Salamat
po, Tita.” “Mukhang masayang‑masaya ang loko. Nagkabati na raw
kayo.” Mahinang tawa at tango lang ang iginanti niya bago nagpaalam. Coffee
break na nagawang buklatin ni Annalou ang
card. Ginawa lamang iyon. Nakadikit sa gitna ng card ang isang scented linen
paper at ang sulat doon ay mula sa letter transfer. Binasa niya ang nakasulat. The
Lord is near to those who have a broken heart, And save such as have a contrite
spirit. Binasa rin niya ang reference niyon: Psalm thirty‑four,
verse eighteen, New King James Version. May kapayapaang lumukob sa puso ni Annalou
matapos maunawaan ang kahulugan ng Bible
verse na ibinigay ni Rafael. Sumagi tuloy sa isip kung paanong ang isang teener
na katulad ni Rafael ay nagawang ihanap siya ng angkop na salita ng Diyos upang
i‑comfort
lang siya. Mga salitang tila mga kamay na yumakap sa kanyang puso. Sapat na
iyon upang maging masigla si Annalou sa maghapon. Siglang hindi nabawasan hanggang
sa pag‑uwi.
Kahit na nga nagkasalubong sila ni Brendan kanina sa hallway patungo sa canteen, nagawa pa niyang bigyan
ang lalaki ng isang matipid na ngiti.
CHAPTER
SIX
PARTE ng paglimot ni Annalou sa naging ugnayan
nila ni Brendan ay nilinis niya ang kanyang silid sa mga bagay na
nakapagpapaalala sa kanya sa dating nobyo. Ginawa niya iyon nang sumunod na day‑off
niya sa ospital. Itinapon na niya ang mga memento mula kay Brendan, katulad ng
cards at mga sulat. Ang ibang mapapakinabangan pa ay nauna na niyang ipinamigay sa mga pulubing pagala‑gala
sa kanilang palengke. Maging ang ayos ng silid ay kanyang iniba. Malapit nang
magtanghalian nang matapos si Annalou. Naligo lang siya at sabay na silang nagtanghaliang
mag‑ina.
Day‑off
ng kanilang kawaksi. Inaantok na siya ay hindi pa rin natutuyo ang mahaba
niyang buhok. Ayaw naman niyang gamitan iyon ng blow‑dryer dahil
nagda‑dry
ang mga hibla ng buhok niya sa ibabaw.
Ginagamit lang niya ang blow‑dryer kapag may pupuntahan at
kailangang maayos ang kanyang buhok. Sabay silang nanonood ng TV ng ina habang marahang
pinapaypayan ni Annalou ang buhok. Hindi niya namalayang nakatulog na pala
siya. Nang magmulat ng mga mata, patay na ang TV at wala na sa sala ang mommy.
Tumayo siya upang lumipat sa silid niya nang may mahulog sa sahig mula sa
kanyang kandungan. Hershey’s Kisses pala
ang mga iyon. Tatlo ang kanyang napulot. At iisang tao lang ang nagbibigay sa
kanya ng ganoon—si Rafael. Sumilay ang isang matamis na ngiti sa mga labi ni
Annalou. Marahil ay kanina pa dumating si Rafael at nang makitang natutulog
siya ay hindi na siya ginising. Medyo malambot na ang mga tsokolate. Inilagay
muna niya ang mga iyon sa freezer ng refrigerator. Pagkaraan ng limang minuto
ay muli niyang kinuha at kinain. Hindi na
siya nagtira para sa ina. Bakit nga ba niya sisikilin si Rafael na i‑express
ang damdamin sa kanya? Wala naman itong nilalabag na batas. Kinabukasan,
pagdaan ni Annalou sa tapat ng unit nina Rafael ay tinawag na naman siya ng ina
ng binata. “May love letter na namang ipinabibigay ang anak ko,” nanunudyong
sabi ni Rhodora habang kinukuha niya ang iniaabot nitong short white envelope. “Salamat po, Tita.” “Hindi naman sa
pakikialam, ano, Ann. Pero kung sakaling magkakagustuhan kayo ng bunso ko,
hindi kami tutol sa iyo. Kahit na nga bata pa si RR.” Natawa siya. “Kayo
talaga, Tita Rhodora, ang aga n’yong mag‑matchmaking.” “Natutuwa lang ako dahil hanggang ngayon, lampas nang siyam na
taon, loyal pa rin sa iyo ang anak ko.” “Diyan
na nga po kayo at baka tanghaliin pa ako.” Hindi na hinintay ni Annalou na
makasakay muna siya bago binuksan ang sobre. Sa waiting shed pa lamang ay
pinilas na niya ang kabilang dulo niyon. Napangiti siya kahit na nag‑iisa
nang makita ang laman ng envelope. Picture niya iyon. Kinunan pala siya ni
Rafael ng larawan kahapong natutulog siya at naipa‑develop agad
ang kuha. Pinagmasdan ni Annalou ang sarili sa litrato. Mabuti na lang at hindi
siya nakabukaka o nakanganga habang
natutulog. Nakapaling ang kanyang pisngi sa gawing kanan habang nakasandal siya
sa headrest ng sofa. Nalaglag pa nga ang hawak niyang pamaypay sa sahig. Nakasama
rin sa kuha ang tatlong chocolates na nakasalalay sa dulo ng suot niyang
maluwang na T‑shirt. Nang tingnan ni Annalou ang likod ng larawan ay
may nakasulat pala roon: Something to add to my chest of memories. Perhaps Eve
looked exactly like you when God
presented her to Adam. Lalong lumawak ang kanyang ngiti sa nabasa. Naitakip
tuloy niya sa bibig ang hawak na panyo upang hindi siya maging obvious sa mga
taong nakakakita sa kanya. Baka akalain ay naloloka na siya. Alam naman ni
Annalou na kahit noon ay talagang romantic na si Rafael. Ngunit ang mga ginagawa
ng binata nitong mga huling araw ay nakapagpapakilig sa kanya gaano man niya iwasan.
Nagiging discreet na rin ito sa pagpapahayag
ng damdamin. And she found it more endearing. Nag‑mental note siyang tatawagan ang
numerong ibinigay sa kanya ni Rafael mamayang gabi upang magpasalamat.
HININTAY
lang ni Annalou na makapaghapunan sila ng kanyang mommy at ng kawaksi nila bago
niya tinawagan ang numerong ibinigay ni Rafael. Subalit busy tone ang naririnig
niya sa kabilang linya. Naghintay muna siya ng tatlong minuto bago muling nag‑dial. Ganoon pa rin. Nang busy tone
pa rin ang kanyang naririnig makalipas ang limang minuto, minabuti niyang gawin
muna ang mga panggabi niyang ritwal bago muling subukang kontakin si Rafael. Nagpapahinga
na ang mommy ni Annalou sa silid nang muli siyang nagpasyang tawagan muli si
Rafael. Iaangat na lamang niya ang awditibo ng telepono nang biglang mag‑ring
iyon. Napakislot pa siya sa pagkagulat. Sa unang sambit ni Annalou ng “hello” ay nabosesan agad siya ng nasa
kabilang linya. “Good evening, Ann.” “Rafael?” “Ako nga. Kanina pa ako
sumusubok na tumawag diyan pero laging busy.” “Really? Pero kanina pa rin ako
nagda‑dial
sa number mo pero busy tone din lang ang naririnig ko.” Narinig ni Annalou ang
mahina nitong tawa. “Looks like we’re
both calling at the same time kaya parehong hindi tayo maka‑contact.” “Tumawag ka na rin lang, sasamantalahin ko na para
makapagpasalamat ako roon sa card at picture na ipinabigay mo sa mommy mo para
sa akin. The verse there helped me, really. Akmang‑ akma iyon sa
kondisyon ko noon. Na‑touch ako na pinagtiyagaan mong i‑letter
transfer iyon. At natawa ako ro’n sa picture.” “Gigisingin ka nga sana ni Tita
Luz pero naawa ako sàyo kaya pinigilan
ko siya. Napagod ka raw sa paglilinis, sabi niya. Anyway, gusto lang naman
kitang makita noon,” saad ni Rafael. “Thank you nga rin pala sa chocolates. Ang
dami pero kinain kong lahat,” birong kantiyaw ni Annalou. “Kaya pala naisipan
mo na akong tawagan sana? Umepekto na pala sàyo ang gayuma?” “Unggoy!” Natawa
si Rafael na parang masayang‑masaya. “As for the chocolates, inagaw ko lang `yon
sa anak ni Kuya.” “Kaya naman pala deformed nàyong kurba ng mga tsokolate.” “Kaya
po na‑deform
`yon ay dahil inilagay ko muna roon iyong secret ingredient na gagayuma sa
iyo.” “Kahit po kalapin mo na ang lahat ng gayuma sa mundo, hindi mo
mapapatalab sa akin ang mgàyon.” “Well,
let me think. Two weeks ago, pinunasan ko lang ang luha mo n’ong panyo kong mag‑
iisang buwan nang hindi nalalabhan, `tapos yumapos ka na sa akin. At panyo pa
lang `yon, ha?” Napahagikgik na si Annalou. They were having a silly
conversation and she was enjoying it. “O, tingnan mo na, kiniskis ko lang
kanina itong receiver ng phone na gaya ni Aladdin doon sa magic lamp, nagayuma
ka na rin ng tawag ko. Kung makikita
lang kita ngayon, I’m sure, litaw lahat ng ngalangala mo sa pagtawa,” biro pa
ni Rafael. “Hey, kailan ka pa naging trying hard na maging comedian?” “Hindi pa
nga ako nagsisimulang magpatawa, ah.” “So, bakit nga pala napatawag ka?”
seryoso nang tanong ni Annalou. “Hindi ko na kasi matiis ang pagka‑miss
ko na makausap ka.” Nakiliti na naman
ang puso ni Annalou ngunit may kakambal ding guilt feeling. Batid niyang lalo
lang magagatungan ang pagkagusto ni Rafael sa kanya habang ine‑entertain
niya ang tawag nito sa telepono, ang pagpunta‑punta sa kanila, at ang pakikipag‑biruan.
Worse, ginagatungan na rin niya ang sarili para sa binata. Ang dapat niyang gawin
ay i‑reject
ang mga ibinibigay nito, huwag nang makipagkita o makipag‑usap
pa, o kaya naman ay maghanap na lang
siya ng panibagong nobyo. Subalit sa makataong pananaw, ano nga ba ang dapat
niyang maging pakikitungo sa binata? At sa pananaw ng Diyos, tama bang saktan
niya si Rafael para lamang mawala na sa kanya ang pansin? “Hindi ka na umimik
diyan,” ani Rafael na hubad na sa sigla ang boses. Naghagilap agad si Annalou ng maikakatwiran. “Baka kasi may lessons ka pang
pag‑aaralan.” Nakagat niya ang ibabang labi. Bakit nga ba hindi na lang iyong
totoo ang kanyang itugon? “Wala na. Tinapos ko nang lahat bago kita tawagan.” “Wala
ka naman yatang importanteng sasabihin pa, mabuti pa siguro ibaba na natin ang telepono.
Alam kong maaga pa ang pasok mo bukas.” Si
Rafael naman ang walang maitugon. “Rafael. .” “Natatandaan mo bàyong verse sa
First Corinthian na ‘These three remain: faith, hope and love; but the
greateast of these is love?’” “What about it?” “Tamad man akong mag‑memorize
ng memory verse ko sa Sunday School noon, pero tinandaan kong mabuti ang verse
nàyon.” Parang ibig niyang kabahan sa tinutungo ng sinasabi ng binata. “What’s your point?” “Nakilala
kita pagkatapos na ipasaulo ng Sunday School teacher namin noon ang verse
nàyon. At pinaniwalaan ko iyon, Ann. All these years, I kept saying to myself
na mawala man ang pananalig at pag‑asa ko sa paniniwalang ikaw nga ang
God’s best ko, that love within me will see me through hanggang sa patunayan ng
panahon na tama ang pinaniwalaan ko,” wika ni Rafael. Hindi makahuma si Annalou
sa narinig. Totoo bang isang mag‑e‑eighteen
pa lang ang nagsasalita? Noon pa man, hindi na kaila sa kanyang ang madalas na
gustong kausap ni Rafael ay matatanda. At mas gusto nitong magbasa ng libro
kaysa tumambay sa mall na katulad ng karaniwang ginagawa ng isang kabataan. “Kahit
alam kong mahirap para sa parents kong gastusan ang pag‑aaral ko na
tatlong terms isang taon sa La Salle, I talked them into it para lang maaga akong makatapos. At para din
madali akong makahanap ng trabaho. Dahil kapag kaya ko na, I’ll finally do the
real courting.” Annalou could see in him the singleness of purpose. Naisip
tuloy niya na kung katulad ni Rafael ang mas maraming kalalakihan, mas marami
rin sigurong matatagumpay ang buhay sa mga iyon. How come na hindi niya nakita
noon ang bahaging iyon ng pagkatao ni Rafael? Or maybe at the back of her mind she knew about it.
Hindi lang niya pinagkaabalahang tingnan. “Parang madali at simple lang ang mga
plano ko sa buhay, hindi ba? Pero katulad ng journey ng bidang si Christian sa
librong Pilgrim’s Progress, alam ko man ang dapat kong lakaran, dumaraan din
ako sa mga ups and downs ng buhay habang tinutupad ko ang simpleng plano kong
iyon. And at the same time I have to trust God that He will preserve you from
the Brendans that would try to snatch
you away from me along the way.” Hindi handa si Annalou sa mga inihayag ni Rafael.
Ngayon lang niya ito narinig na magsiwalat ng mga seryosong bagay tungkol sa kanilang
dalawa. Mas may direksiyon pa pala ang buhay nito kaysa sa kanya. “Before you
get carried away any further, ibaba na natin ang telepono.” Paglabas pa lang ng
mga salita mula sa bibig ay na‑realize agad niya ang pagkakamali.
Masakit yata iyon sa pandinig ni Rafael.
“Yeah, right. I’m sorry, I. . I already got carried away.” Halos pabulong lang
iyon kaya natitiyak niyang nasaktan nga ang binata. “I thought you’d understand
me. Baka kasi hindi ko na masabi ang mgàyon kapag kaharap kita. .” Oh, blunder!
Ano ka ba, Annalou? Sinasaktan mo na naman ang damdamin ni Rafael. Nagpatuloy
siya. “Nauunawaan naman kita. Napahanga mo nga ako sa pagiging goal‑oriented
mo. Para tuloy bigla akong nagising. Mas
matanda ako sa iyo pero hindi ganyan kaorganisado ang buhay ko. Gusto kong
magtawagan uli tayo kapag pareho tayong libre.” “Do you mean it?” Napalakas na
nang bahagya ang tinig ni Rafael kaya napatuwid siya. “Ang alin?” “`Yong mga
sinabi mo ngayon. Pati nàyong pagtatawagan pa natin sa telepono.” “Oo naman.” Dinig ni Annalou ang pagbuga nito ng hangin na
waring nabunutan ng tinik. “Thank you, Ann.” “Thank me for what?” “For. . for
being you.” Naaliw siya sa pag‑stammer ng binata. “We better hang up now, Rafael.” “Yeah, goodnight.” “`Night.” “Sweet
dreams.” “Sweet dreams.” Ngunit hindi pa rin ibinaba ni Rafael ang telepono. “I’m hanging up now,” aniya.
“Wait!” “Okay, ano pa ba ang nakalimutan mong sabihin?” “That I had fallen in
love with you for the second time. .” Iyon lang at narinig na ni Annalou ang
mahinang “click” sa kabilang linya. Tila may mumunting kamay na namang yumapos
sa puso ni Annalou. “Oh, Rafael, must you
say that before I sleep?” wika niya habang nakatitig sa hawak na receiver.
Kinailangan pa niyang uminom ng gatas bago makatulog.
NAGING
busy si Annalou nang mga nagdaang araw. May mga pinupuntahan siya tuwing matatapos
ang kanyang duty. Hindi tuloy natupad ang sinabi niya kay Rafael na magtatawagan
sila. Kadalasan ay gabi na siya dumarating sa bahay. Sa almusal na lang sila nagkakausap na mag‑ina.
Ipinaaalam sa kanya ng ina na halos araw‑araw tumatawag sa telepono si Rafael.
Ang totoo ay nami‑miss na rin niya si Rafael. Dangan lamang at importante
ang kanyang misyon. Biyernes ng umaga, coffee break ni Annalou. Sinadya niyang
magpahuli sa mga kasabay sa pagpunta sa hospital canteen. Sa pintuan pa lamang
ay hinagilap na ng mga mata si Brendan. Nakita
naman niya ang lalaki na nakaupo sa isang sulok ng canteen. Nagpasalamat siya
at nag‑iisa
ito sa mesa. Mukhang noon pa lamang nag‑ aalmusal batay sa mga pagkaing
nasa harapan. Bumili muna si Annalou ng hot chocolate at pancake sa counter
bago niya nilapitan si Brendan. “`Mind if I join you?” Halata mang nagulat,
ikinumpas ni Brendan ang isang kamay bilang pagsang‑ayon. Naupo
si Annalou sa tapat. “Tillie was nice and
charming.” Nasamid ang lalaki sa sinabi niya. Mabilis na uminom ng tubig
at sinikap na kalmahin sa pamamagitan niyon ang sunod‑ sunod na pag‑ubo.
Nang mahimasmasan, namumula na ang ilong at mga mata. “Nakausap ko siya noong
isang araw,” patuloy ni Annalou. “Anim na buwan na pala ang tiyan niya.” Si
Tillie ay ang nakilala niyang asawa ni Brendan sa pamamagitan ng datos na
nakatala sa two‑zero‑one file ni Brendan. Nakuha naman
niya iyon sa lihim niyang pakiusap sa ka‑vibes
niyang clerk sa administration department, kasama ng pangakong hindi niya
ipagsasabi kahit kanino na ito ang nagbigay sa kanya ng impormasyon. Nagulat na
naman si Brendan sa sinabi niya. “Saan. . Paano mo siya nakilala?” “Pumunta ako
sa bahay n’yo sa Palau.” Muntik nang mapamura si Brendan ngunit agad na
pinigilan ang sarili sa pagkagat sa ibabang labi. Natetensiyon na, halata niya. Kapagkuwan ay mataman siyang pinagmasdan, tila
inaarok kung ano ang motibo sa kanyang ginagawa. “Hindi mo man lang ba
sasabihin sa akin ang dahilan kung bakit nag‑break na tayo’t lahat ay nagsinungaling ka pa rin sa akin?” tanong ni Annalou.
Batid niyang sinabi man niya iyon, wala itong nahigingang panunumbat sa kanyang
tinig. Iyon marahil ang pumatid ng tensiyon ni Brendan. Nag‑relax
na sa pagkakaupo. “Tinapos mo na ang lahat ng namagitan sa atin. Let’s
leave it at that.” “You’re trying to evade something, I can see.” Nananatiling
kaswal ang kanyang pakikipag‑usap sa lalaki. “Please, Ann—” “Ako
ang dapat na nakikiusap sa iyo, Brendan. Hindi ko na kailangang isumbat sa iyo
na nang malaman kong may‑asawa ka, gumawa ka pa ng kuwento
na hiwalay na kayo at may asawa na siyang
iba.” Tiningnan ni Annalou ang lalaki nang diretso sa mga mata. “Gusto kong
malaman kung sino ang nag‑utos sa iyong ligawan ako,
paibigin, and God knows what else kung hindi ko agad nalaman ang
pagsisinungaling mo sa akin.” Itinuon ni Brendan ang tingin sa platong kaharap at
tila walang balak na magsalita ng kahit na ano. “Look, wala akong kasalanan sa
iyo para gawin mòyon sa akin. May sinabi sa akin ang asawa mo tungkol sa
sideline mong trabaho kaya ka raw hindi
nakauwi sa Palau nang may mahigit dalawang buwan. We both know that you’re working
on me at that time. At may nakapagsabi rin sa aking may isang taong malapit sa
iyo na siyang nag‑utos para ligawan at paibigin ako.” “Tigilan na natin ang pag‑uusap na ito, Ann.” Hindi niya inintindi ang sinabi ng lalaki. “Tillie mentioned
something about a Tito Maximo na nagbigay raw ng sideline sàyo. Siya ba ang nag‑
utos sàyo? Sino siya?” Nang hindi pa rin
umimik ay tumaas na ang boses ni Annalou. “For goodness’s sake, Brendan, magsalita
ka! Sino siya at bakit ka niya inutusan ng ganoon ka‑ridiculous na
trabaho? You owe it to tell me dahil wala naman akong ginawang masama sa iyo!
And I don’t need to enumerate your lies again!” Nagtitinginan na sa kanila ang ibang
tao sa loob ng canteen ngunit wala siyang pakialam. “I don’t want to resort to
blackmail kaya magsalita ka na!” Hindi niya ugali ang mam‑ blackmail ng tao para lang makuha ang gusto. Sana
lang ay kumagat ito sa bluff niya. Nagpakawala muna ng mahabang buntong‑
hininga si Brendan bago nakuhang magsalita. “Ang kanyang buong pangalan ay
Maximo Alcantara. Chief executive officer siya ng Alca Precisions Limited. Nasa
fifth floor ng Alca Building ang office niya sa Ayala. Isa lang ang ipakikiusap
ko sa iyo, Ann. Kung sakaling pumayag siyang makipag‑usap sa iyo,
huwag na huwag mong mababanggit sa kanya
na sa akin mo nakuha ang mga impormasyong sinabi ko sa iyo tungkol sa kanya.”
Iyon lang at tumayo na ang lalaki at tuluyan na siyang iniwan sa mesa. Now,
who, for goodness’s sake, is Maximo Alcantara para pag‑aksayahan
niya ako ng abala at pera just to see me ruined?
CHAPTER
SEVEN
ISANG stuffed toy na poodle ang iniabot kay Annalou
ni Rafael nang umagang iyon. Hindi pa man nakapagbibihis matapos manggaling sa bahay
ng lolo’t lola ay pumunta na sa kanila ang binata. “Just to cheer you up,” ani
Rafael nang magpasalamat siya. “Nararamdaman ko kasing problemado ka.” Na‑touch na naman si Annalou sa thoughtfulness
at sensitivity ng binata. Buong linggo silang hindi nakapag‑usap
kahit sa telepono. “This is nice, cuddly, too. Pero, Rafael, ayoko sanang
gumagastos ka pa sa pagbili ng mga kung ano‑anong bagay para lang ibigay sa akin.
Nagi‑guilty
akong tumanggap ng regalo sa iyo dahil alam kong hindi ka pa naman nagtatrabaho.”
“May savings naman ako. Besides, suma‑
sideline din ako sa pagtanggap ng tutoring jobs sa mga estudyanteng
hirap sa calculus at auto cad.” Pinuna ni Rafael ang gayak niya. “Paalis ka?” “Oo.
May hahanapin ako sa Ayala.” “Mag‑isa ka lang?” “Oo.” Kagabi ay inisa‑isa ni Annalou ang tatlo niyang
barkada kung sino sa mga ito ang maaaring sumama sa kanya sa gagawing paghahanap.
Nagkataon namang sabay‑sabay na may aktibidad ang tatlo nang araw na iyon. Si Baby ay may lagnat ang anak. Si Vina naman ay
kasama sa family outing. Samantalang si Josephine ay sasama sa nobyo upang
makipagkita sa mga kukuning ninang at ninong sa kasal ng dalawa. “Sasamahan na
kita. Magbibihis lang ako,” boluntaryo ni Rafael. “Pero kadarating mo lang.” “Wala
naman akong ibang gagawin,” wika ni Rafael at nagpaalam na. Nang sunduin si Annalou ng binata, nagtaka pa
siya kung bakit idina‑drive nito ang kotse ng ama. “Magkokotse pa tayo?” “Oo.
Mahirap maghanap kapag wala kang dalang sasakyan, lalo na kung sa Ayala. Hindi naman
aalis ng bahay si Daddy kaya okay lang sa kanyang hiramin ko muna ito.” Parang
ayaw sumama ni Annalou. Ngayon lang niya nalamang marunong palang mag‑drive
si Rafael. Ngunit ang ikinakatakot niya ay
mukhang hindi pa sanay ang binata. Mahirap nang makipagsapalaran. “H‑huwag
na lang kaya tayong magkotse. Marami namang taxi riyan sa labasan.” Mukhang
nahalata ni Rafael ang kanyang pag‑ aalinlangan. “Dalawang taon na
akong may student’s license, Ann. Wala kang dapat ikatakot. Hindi ako i‑issue‑han
ng LTO ng lisensiya kung hindi ako marunong ng safe driving. In fact, last Christmas
ay ako ang pinagmaneho ni Daddy papunta
sa Bicol nang dumalaw kami sa kapatid niya roon.” Napahinuhod si Annalou.
Napanatag din naman siya nang maobserbahang maingat itong magmaneho. “Parte ba
ng problema mo ang gagawin nating paghahanap ngayon?” usisa ni Rafael nang nasa
C‑5
road na sila. Napatingin si Annalou sa binata mula sa pagkakatutok ng kanyang
paningin sa labas ng bintana. Magaan ngunit
sinsero ang pagkakatanong nito kaya natagpuan na lamang niya ang sariling
ipinagtatapat dito ang tungkol sa tunay na intensiyon ni Brendan sa pakikipagrelasyon
sa kanya. Maging ang pakikipagkita sa kanya ng daddy niya at ang tungkol kay
Maximo Alcantara ay kanyag isinalaysay. Gumalaw ang tensed muscles sa panga ni Rafael
ngunit hindi nagsalita. Sa halip ay mataman
lang siyang pinakinggan. Mabilis naman nilang nahanap ang Alca Building.
Kahapon pa nakahingi ng appointment si Annalou sa sekretaryang nakausap. Maaga
pa sila nang may sampung minuto sa appointment. Subalit nang makaakyat na sila
sa palapag ng opisina ni Maximo Alcantara, pagkaraan ng tatlumpong minutong
paghihintay sa isa sa mga offices doon, sinabi ng sekretarya ng executive assistant
na hindi raw pumasok sa opisina si Mr. Alcantara.
Naka‑schedule
daw itong tumulak patungo sa Taiwan nang hapong iyon at marahil ay hindi na
dadaan pa sa opisina. Nanlulumong napabalik si Annalou ng upo sa sofa. Inalam
na lamang niya kung kailan babalik si Maximo Alcantara. Walang definite date na
ibinigay ang sekretarya. Baka raw kasi tumuloy na ang boss sa US sa isang
undisclosed na dahilan. Wala pa ring imik si Rafael hanggang sa makalabas na sila ng gusali. Nagsalita lamang
nang nakasakay na sila sa kotse. “Siguro hindi pa ito ang panahon para malaman
mo kung ano ang dahilan ng Maximo Alcantara na iyon sa ginawa niya sa iyo,” ang
sabi. “Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalalaman kung bakit,” wika ni
Annalou. “Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Kaya lang, mas tiyak ang
magiging mga hakbang mo kung kasama mo ang Diyos sa pagtuklas na gagawin mo. Bakit hindi mo Siya hayaang gumawa
ng paraan? Malay mo, hindi mo na pala kailangan pang magpakapagod tungkol
diyan.” Napatiim‑bagang si Annalou bago nakuhang tumugon. “Hindi mo alam
kung ano ang ginawa ng taong `yon sa akin. Ngayon, everytime na may isang hindi
ko dating kilala at manliligaw sa akin, do you think pagtitiwalaan ko pang
hindi rin siya pakawala ng Maximo Alcantara nàyon? Goodness, Rafael, he almost
ruined me!” “Almost,” mahinahon nitong
sabi. Parang bale‑ wala lang nang nagtaas na siya ng boses. “But in time,
just in time, gumawa ng paraan ang Diyos, hindi ba? Ipinadala Niya sa doorstep
n’yo ang daddy mo para bigyan ka ng warning tungkol kay Brendan. “Ann, akala mo
ba hindi rin ako napu‑frustrate kapag nakikita kong may nanliligaw sa iyo? Kapag
may isang tulad ni Brendan na nakikita kong nagugustuhan mo? But I have to
trust God na kahit wala akong gawin
kundi ang magdasal na ingatan ka Niya, He is able to protect and preserve you.”
Malumanay lang ang pagsasalita nito ngunit parang nakatulig iyon sa kanya. Here
she was, trying to fight her battles without any weapon on hand. How foolish of
her not to trust her God samantalang alam niyang Ito ang higit na may magagawa
sa kanyang predikamente. Mula noon, minsan sa isang linggo ay tumatawag si
Annalou sa Alca Precisions Limited upang
alamin kung nakabalik na si Maximo Alcantara. Subalit umabot na ng tatlong
buwan ay hindi pa rin bumabalik ang lalaki sa Pilipinas.
“TINGNAN
mo ang set na ito, anak. Tingnan mo ang mga bato, hindi ba’t halos walang pagkakaiba?”
Inilapit kay Annalou ng kanyang mommy ang isang pares ng hikaw, singsing, at kuwintas
na purong jade ang pinakatampok. May mga brilyantitos na nakapaligid sa bawat
bato na naka‑set sa
marahil ay twenty‑one karat gold. “Maganda nga, `My,” sang‑ayon
niya matapos sipatin ang jewelry set. Translucent green iyon na hindi karaniwan
sa mga bato ng jade. “Ito ba ang latest acquisition n’yo sa mga dala ni Mrs.
Chen?” Si Mrs. Chen ang nagsu‑supply sa ina ng mga alahas. “Oo,
anak. Galing pa raw `yan ng Burma. May sinabi siyang tawag sa uri ng jade stone
nàyan pero hindi ko na matandaan. Basta very rare daw ang ganyang klase.” “I’m sure, mabilis n’yong
maibebenta iyan.” “Hindi ko ito ibebenta.” Napaangat ang ulo ni Annalou mula sa
matamang pagmamasid sa mga bato ng alahas. “Aanhin n’yo pala ito?” “Ireregalo
ko sa iyo.” “`My, I’m sure, napakalaki ng puhunan n’yo riyan. At kilala n’yo
naman ako. Hindi ako mahilig magsuot ng alahas.” “Naisip ko lang kasi na mula nang tumuntong ka
sa edad na trese, hindi ka na pumayag na mag‑ celebrate pa ng birthday mo,”
wika ng ina. Alam ng mommy ni Annalou kung bakit ayaw na niyang i‑celebrate
pa ang kanyang kaarawan. Parang nagka‑trauma siya noong twelve years old
pa lamang siya—nang huli niyang ipagdiwang ang kaarawan at kapiling pa nila ang
daddy niya. Para bang naiisip niyang may mangyayari na namang masama kapag nag‑celebrate
uli siya ng birthday. She knew it was
ridiculous to think of it that way. Ngunit iyon ang kanyang nararamdaman tuwing
tatangkain ng mommy na ipagdiwang ang kanyang kaarawan. “Pero, `My, saang
okasyon ko naman isusuot `yan? Wala namang formal occasion akong naiisip na
maaari kong daluhan,” wika ni Annalou. “Basta, itabi mo ito. Pasasaan ba at may
pagsusuotan ka rin ng mga ito.” Hinalikan niya ang ina sa noo. “Thank you, `My. Alam kong iniisip n’yo na baka hindi
sapat ang mga bagay na ibinibigay n’yo sa akin mula pa noong tayo na lamang
dalawa. Pero para sa akin, sobra‑sobra pa ang mga naibigay na
ninyo, `My. Sobra‑sobra ang pagmamahal n’yo sa
akin para maisip ko pa na wala akong kapiling na ama.” “Batang ito, magdadrama
pa yata,” anitong natawa pa. Pinagmasdan ni Annalou nang mabuti ang ina. Maganda
pa rin ito hanggang ngayon. Ang totoo ay
mas maganda pa nga sa kanya. Sa loob ng napakaraming taong iniwan sila ng
kanyang daddy, ni hindi pinansin ng kanyang ina ang mga lalaking sumubok na
manligaw. Nanatiling tapat sa daddy niya. “`My, noon bang nakita n’yo si Daddy
sa hospital, nakita rin niya kayo?” Nagkaulap bigla ang mga mata ng ina sa binanggit
niya. Subalit higit na mas malakas ang tulak ng kuryusidad niya nang mga
sandaling iyon kaysa aligatain pa ang
damdamin ng ina. “Hindi, anak. Nakatuon ang pansin niya sa umiiyak na babae.
Malakas ang kutob kong asawa rin niya ang babaeng iyon.” “Noon bang nagsasama
pa kayo ni Daddy, wala kayong nahalata sa kanyang kakaiba? Wala ba siyang
nabanggit sa inyong bagay na maaari ninyong ipagdudang may iba pa siyang pamilya?”
tanong ni Annalou. “Wala. Liban lang siguro kung minsan na nakikita ko siyang parang may malalim na
iniisip. Sino ang mag‑aakalang may iba pang pamilya ang daddy mo? Dalawang
taon din kaming nagligawan at naging magnobyo bago kami nagpakasal. And it
didn’t help na ulila na siya at lahat ng mga natitira niyang kamag‑anak
ay nakatira sa Mindanao. Walang maaaring makapagsabi sa akin sa tunay niyang
pagkatao.” “Alam n’yo, `My, muntik na ring naulit sa akin ang kapalaran n’yo.
Mabuti na lang at maaga kong natuklasan
na may asawa na pala si Brendan,” pakli ni Annalou. “Iba pa rin talaga kapag
kilalang‑kilala mo ang pagkatao ng isang manliligaw, anak.
Nagkataon lang na mahal na mahal ko ang daddy mo kaya sumugal akong magpakasal
sa kanya. Hindi ko akalaing gagawin niya sa atin ang ganito. Naramdaman ko
naman kasi noon na mahal na mahal din niya tayo.” “Mahal n’yo pa rin ba siya
hanggang ngayon?” Humugot ng hininga ang
ina na makapagpapatatag ng sarili. “Galit pa rin ako sa ginawa niya sa atin,
anak. Pero hindi nabura ng galit ko ang pagmamahal ko sa kanya even after all
these years. Ikaw, mahal mo pa ba siya?” Pinag‑isipang mabuti ni Annalou ang
isasagot. Ayaw niyang madulas at masabing minsan nang nakipagkita sa kanya ang
ama. “`Tulad n’yo, galit pa rin ako sa ginawa niya sa atin. Pero alam ko, deep
within me, kapag nagkita kaming muli, mararamdaman
ko pa ring mahal ko siya at nananabik akong makasama natin siyang muli.”
CHAPTER
EIGHT
ISANG araw ay dumating sa bahay nina Annalou si
Rafael na halatang excited ngunit nag‑aalangan. Naintriga tuloy siya. Sa
paglipas ng mga araw, natuklasan niyang kay Rafael ay maraming bagay ang
nagiging surpresa. “Tapos na ang term namin, Ann,” pagbibigay‑
alam ng binata. “So, bakasyon n’yo na pala. Kaya ka ba Page 24 9 of 366 excited?” “May regalo sa akin sina Lolo nang
malaman nilang matataas ang grades ko. Binigyan nila ako ng bakasyon sa
Tagaytay para sa weekend.” Lumarawan agad sa imahinasyon ni Annalou ang malawak
na damuhan sa Picnic Grove overlooking Taal Volcano. Ang huling natatandaan
niya sa Tagaytay ay noong ipasyal siya roon ng mga magulang noong eleven years old
siya. Kinarga pa siya noon ng daddy niya
upang makasilip siya sa malaking telescope at mas malapit na makita ang
malaking bunganga ng bulkan. “Wow! Ang bongga naman ng regalo nila sa iyo,
nakakainggit,” aniya kay Rafael. “Kaya ako nandito ngayon ay para tanungin ka kung
papayag kang samahan ako ro’n.” “Bakit ako?” tanong ni Annalou. “Bakit hindi
ikaw?” “Pero.. ” “C’mon, Ann, mas sasaya ako kung may kasama ako sa pagpunta roon. At palagay ko, pagkatapos
ng mga nangyari sa iyo, kailangan mo ring mag‑unwind.” Napangiti
siya dahil nasa hitsura ni Rafael ang determinasyong gagawin ang lahat
mapapayag lamang siya. “Sino naman ako para tumanggi?” “Yes!” Naisuntok pa nito
ang kamao sa ere dahil sa katuwaan. Nang Sabado ngang iyon, madaling‑araw
pa lamang ay nasa Coastal Road na sila ni Rafael sakay ng kotse ng ama ng binata. “Alam mo ba,
pangarap kong tumira sa Tagaytay o sa Baguio balang‑araw,” saad ni Rafael habang nilalampasan nila ang baybayin ng Manila
Bay. “Pero kung hindi matutupad ang pangarap kong `yon, kahit maibakasyon ko
man lang ang magiging pamilya ko sa dalawang lugar na iyon paminsan‑minsan,
okay na sa akin.” “Napakabata mo pa para isipin ang
pag‑
aasawa,” sabi ni Annalou. “Hindi naman
ako agad mag‑aasawa. Siyempre hihintayin ko munang makatapos ako sa
pag‑
aaral at makapagtrabaho. At siyempre, kailangan ding gusto mo na.” Kunot ang
noong tiningnan ni Annalou ang binata. Sumulyap naman si Rafael sa kanyang kumikinang
ang mga mata. Alam na niya kung ano ang kahulugan ng huli nitong binanggit. “Kailan
mo kaya makakalimutan ang kahibangang `yan?”
Tinawanan lang siya ng binata. “Hey, don’t burst my bubble. Sabihin mo
nang ilusyunado ako, na baliw ako, just don’t deny me my dream, okay? Besides,
ano naman ang masama kung mangarap akong ikaw ang maging nanay ng mga anak ko?
Eight years old pa lang ako, pinangarap ko nàyon.” Napapailing na ibinalik ni
Annalou ang tingin sa unahan. “Rafael, hindi mo ba naiisip na anim na taon ang
tanda ko sa iyo? Kapag tumuntong ako sa
edad na treinta, twenty‑four ka pa lang, saka ka pa lang
nagbibinata. Samantalang ako, malapit nang maging endangered ang mga egg cells
ko.” “Don’t worry, kung hindi ka na maaaring magbuntis, payag naman akong mag‑ampon
tayo.” Napahumindig na naman si Annalou. “How can you say that?” “O, sige, kung
ayaw mong mag‑ampon tayo, okay
rin lang naman sa akin na wala tayong anak,” pakli ni Rafael. Umirap siya.
“You’re nuts.” “If I were a nut, ano kaya ako? Cashew nut, peanut, or coconut?”
Nilukutan naman niya ito ng ilong. “Ang corny mo!” Tumawa na naman ang binata.
“Salamat sa compliment,” anito, nanunudyo. “Compliment ka riyan.” Tumikhim si Rafael na parang nag‑aalis
ng bara sa lalamunan bago muling sumeryoso. “Alam mo, kompleto pa rin naman ang
pamilya kahit na walang anak ang mag‑asawa. Of course, importante ang
anak pero ito ay regalo lang ng Diyos. Kusang loob Niyang ibinibigay iyon sa mag‑asawa
pero kung hindi Siya magbibigay, may magagawa ba tayo?” “Lagi ka na lang may
katwiran sa lahat ng bagay.” Ang totoo ay natutuwa si Annalou na malamang malawak ang pananaw ni Rafael tungkol
sa bagay na iyon. Mayroon kasing mga lalaking kapag natuklasang hindi maaaring magkaanak
ang asawa ay nagloloko na o nang‑ iiwan. “Dahil mas binibiyayaan
iyong mga taong umaasa sa Diyos kaysa roon sa mga reklamador,” ani Rafael at
muli na namang tumikhim. “Ikaw ba, ilang anak ang gusto mo?” “Rafael,” babala
ni Annalou. “Ikaw naman, para
nagtatanong lang ako. Don’t tell me, hindi man lang sumagi sa isip mo ang
tungkol sa iyong future? Sabihin mo na.” “Dalawa,” pasuplada niyang sagot. “Ang
tipid mo naman.” “Aba, mahirap daw manganak, `no. At lalong mahirap mag‑alaga
ng bata.” “Okay. Papayag nga ako kahit wala.” “Rafael,
kailan mo ba ako titigilan?” napu‑ frustrate na wika ni Annalou.
Paano namang hindi siya madadala sa
charm ng lalaki kung ganito naman ang pinag‑uusapan nila? Na para bang
siguradong‑sigurado itong sila nga ang magkakatuluyan. Sumeryoso
na si Rafael. “Talaga bang nakakairita sa iyo kapag sinasabi kong ikaw ang God’s
best ko?” Hindi nakasagot si Annalou. Hindi naman kasi iyon nakakairita. Ngunit
nakatulong upang mapansin niya si Rafael bilang lalaki. At kung hindi nga lang niya pinipigilan ang sariling tuluyang
mahulog ang loob dito, baka hindi pa man dapat ay naging nobyo na niya. Iba ang
nakuha niyang isagot. “Look, isipin mo na lang na normally, at least, sa
physical aspect, mas madaling tumanda ang mga babae kaysa sa mga lalaki. Kaya
nga mas accepted pa sa society natin na ang lalaki ang mas matanda sa babae kaysa
ang kabaligtaran. Gusto mo bang pinag‑ uusapan ka at pinagtatawanan na
pumatol ka sa matrona kung sakali?” “Hindi
sila ang magpapaligaya sa akin.” Mariin ang pagkakabigkas ni Rafael ng mga
salita. “At lalong hindi sila Diyos para pumili ng babaeng para sa akin.” Hindi
na nakuha pang sumagot ni Annalou. Hindi na rin umimik pa si Rafael hanggang sa
sapitin nila ang Picnic Grove sa Tagaytay. “Galit ka ba?” nag‑aalala
niyang tanong nang bumaba na sila mula sa kotse patungo sa reception’s desk. “Hindi. Pero masama lang
ang loob kong malaman na kung nagkapalit pala tayo ng kalagayan, ikahihiya mo
ako.” “Wala naman akong sinasabing ganyan, ah,” wika ni Annalou. Nagbuntong‑hininga
si Rafael. “Okay, kalimutan na natin ang tungkol doon. Narito tayo para mag‑enjoy,
`di ba?” masigla na nitong saad. Napag‑alaman
nilang okupado na ng guests ang mga
silid sa Picnic Grove. May seminar daw na ginaganap ang mga section heads ng
isang malaking manufacturing company. Tanging ang isang detached cottage ang
natitirang hindi pa reserbado. Iyon ang inokupa nila. Maganda ang cottage. Mula
roon ay tanaw nila ang magandang view ng Taal Lake. Subalit nadismaya si
Annalou na iisa lang pala ang silid. Isang king‑sized bed lang ang matutulugan. Sinabi
niya iyon kay Rafael nang makaalis na ang
naghatid sa kanilang bellboy. “Maano naman? Gentleman naman ako. You can
be sure na hindi kita sasamantalahin. Kung baga sa isang masarap na ulam, hindi
ko luluraan ang pagkaing para din naman sa akin,” tila bale‑
wala lang na saad ni Rafael sinimulan nang mag‑ unpack. “Siguruhin mo lang. May
baon akong tear gas. Hindi ako mangingiming i‑tear gas ka kapag nagtangka kang
gumawa ng kalokohan,” kunwari ay banta
ni Annalou. Ang totoo, spray net ang baon niya at hindi tear gas. Napahalakhak
lang si Rafael. “Save your tear gas for the Brendans to come, my dear.” Umirap
lang si Annalou. Napangiti naman ang binata habang nagpapatuloy sa ginagawa. Napilitan
na tuloy siyang gumaya sa pag‑a‑ unpack. Naunang matapos si Rafael
sa ginagawa. Naupo ito sa kama habang pinagmamasdan siya sa pagsasabit ng kanyang mga damit sa closet.
“Pagod ka na ba?” tanong nito kapagkuwan. “Hindi. Ikaw ang baka pagod sa pagmamaneho.”
“No. Gusto kong mag‑stroll na tayo habang hindi pa mataas ang araw.”
Nagulat siya nang hilahin ni Rafael ang kanyang kamay. “C’mon, mamaya mo na
lang ituloy `yan.” Sa ginawa nito ay nalaglag sa sahig ang kanyang mga underwears. “Napakaapurado mo. Àyan tuloy, nalaglag na ang
mga damit ko,” reklamo ni Annalou. Naunahan siya nitong damputin sa sahig ang mga
iyon. Ito pa ang naglagay niyon sa closet, sa kanyang pagkapahiya. “I haven’t
the slightest idea na ganito pala kaliliit ang undies mo,” pilyo nitong sabi. Inirapan
ni Annalou ang binata upang pagtakpan ang kahihiyan. Kung bakit kasi ang nadala
pa niya ay T‑back. “At least,
ngayon ay alam ko na kung anong size ang ireregalo ko sa iyo kung sakali,” nanunudyo
pa ring wika ni Rafael. “Sige, mang‑asar ka pa at mag‑isa
kang mamamasyal,” sikmat naman ni Annalou. Hinila lang uli siya ni Rafael at
pinagsumping ang kanilang mga daliri. “Ikaw naman, ano namang nakakaasar sa
sinabi ko? Sooner or later, talagang magkakaalaman na tayo ng sizes ng gamit,
damit man iyon, sapatos o kahit na ano. Mabuti
nang ngayon pa lang ay alam ko na ang sizes ng gamit mo. It’s common knowledge
for couples, tulad ng parents ko. Nakakadagdag pa nga iyon sa intimacy nila sa
palagay ko.” “Ang dami mo nang sinabi,” wika ni Annalou, nakasimangot pa rin.
Nagsisimula na naman kasi nitong igiit na sila ang magkakatuluyan. Malapit na
sila sa pintuan nang pigilan siya ni Rafael. “Wait, may buburahin lang ako.” “Ano?”
nagtataka niyang tanong. Dinampian ni
Rafael ng masuyong halik ang kanyang nakakunot na noo bago siya pinagmasdan.
“Hindi bagay sa iyo ang nakasimangot.” Pinagalaw nito ang noo at mga kilay
habang pakenkoy na nakatingin sa kanya. Natatawa nang hinampas ni Annalou ang binata
sa braso. “Corny mo.” “Napangiti naman kita.” Magkahawak‑kamay nilang
tinalunton ang malawak na parke habang pinagsasawa ang kanilang mga sarili sa pagsagap sa malamig na
hangin ng Tagaytay. Nang mapagod ay niyaya ni Rafael si Annalou na maglatag ng
picnic blanket sa damuhan. Kapwa sila nahiga roon habang pinagmamasdan ang
pagbabago sa patterns ng mga ulap sa papawirin. “Nagka‑crush ka man
lang ba sa ibang babae, Rafael?” naisip itanong ni Annalou mayamaya. “Oo
naman.” “Mga kasing‑edad mo o mas bata pa?” “Sometimes.” “Bakit hindi ka na lang manligaw
sa isa sa kanila?” Tiningnan siya ni Rafael na para bang napaka‑
absurd ng sinasabi niya. “Bakit ko naman liligawan ang isang babaeng crush ko
lang?” “Hindi ba’t doon naman muna nagsisimula ang lahat bago ka ma‑in
love sa isang tao?” katwiran ni Annalou. “Sa iba siguro
pero hindi ganoon ang style ko.” Nagtatanong
ang mga matang tiningnan ni Annalou ang binata. “Malaki ang difference ng crush
sa love, Ann. Alam kong alam mòyon. At bakit naman ako manliligaw ng isang
babae na alam kong hindi ko maaaring seryosuhin? That’s unfair to her.” “Paano
mo namang malalamang hindi mo puwedeng seryosohin ang babaeng crush mo? Ang
pagkakaalam ko, kung magkakalapit ang mga loob n’yo by constant communication,
made‑ develop sa love ang feelings n’yo.” “Feelings,”
wika ni Rafael, halata ang disgusto sa tinig. “Ang feelings ay nagbabagong
kasabay ng mga sirkumstansiya. Dahil nga emosyon lang ito. Pero ang desisyon,
ang commitment na mahalin ang isang tao ay hindi sumasabay sa pagbabago ng
sirkumstansiya, Ann. Kaya nga ang marriage vows ay ginawang ‘for better or
worse, in sickness and in health, et cetera.’ Love, like marriage, is designed
with vows and commitment, unlike
feelings na expected nating nagbabago.” Humahanga si Annalou sa pananaw ng
binata ngunit may bahagi rin ng kalooban niya ang nadidismaya. “Ibig mong sabihin,
pinagdedesisyunan mo lang ang pagmamahal at hindi mo iyon nararamdaman?” “Of
course not,” tanggi ni Rafael. “Ganito lang po ang illustration diyan. For
example, nakita ni Jose si Maria, then he liked what he saw. Nag‑ decide siya ngayong mahalin si Maria. At
dahil sa desisyong iyon, feelings of affection for Maria will start to grow
inside Jose’s heart hanggang sa magmahalan na silang pareho. Ganoon lang po kasimple.”
“No, I disagree. May malabo, eh.” “Ano naman?” “Iyong liking part. I don’t
believe na walang kasamang feelings `yon,” aniya. “Hindi ko naman sinabing
wala. Kaya lang, hindi pa bulag sa
feelings ang mga mata ni Jose para niya ma‑analyze na gusto niya ang mga nakita
niya kay Maria. Unlike kung feelings agad ang paiiralin ni Jose, mabubulag na
siya at kahit maraming pangit sa ugali ni Maria ay sisige na lang siya. Kaya
nga nagdi‑disagree ako kay Shakespeare nang isulat niyang ‘For
love is blind and lovers cannot see’ dahil founded lang ang sinasabi roong love
sa feelings. Eventually, masasa‑pawan na ng mga pangit na ugali ni Maria ang feelings ni Jose sa kanya. Disillusionment
na ang kasunod niyon. Hanggang maging hate na ang love na feeling niyang nararamdaman
niya. That’s the tale of so many divorces and separations aminin man natin o hindi.”
“Are you telling me na kapag nagdesisyon kang magmahal, ipipikit mo na lang ang
mga mata mo sa mga pagkakamali ng mahal mo? O wala nang karapatang mahalin ang
mga taong may pangit na pag‑uugali?” tanong ni Annalou. “Hindi naman,” sagot ni Rafael. “Ang
sinasabi ko lang, mas bukas ang pananaw mo kung paano siya unawain. Na hindi mo
kailangang sang‑ ayunan ang mga mali niya ngunit hindi mo rin naman
siya dapat diktahan. Na maaari mong ipaalam sa kanya ang mga maling iyon sa paraang
may malasakit at hindi nanghuhusga.” Saglit na walang makapang sabihin si
Annalou. “Bakit. . bakit alam mo ang mga bagay na ito? I mean, mag‑e‑eighteen ka pa lang.” “Dahil bata pa ako ay fascinated na ako tungkol sa relasyon ng
babae at lalaki. Attentive ako sa mga Bible studies tungkol sa love, courtship,
and marriage. Marami na rin akong mga librong nabasa tungkol sa subject na
iyon. At higit sa lahat, matagal na akong nag‑o‑observe sa mga taong nakapaligid
sa akin tungkol sa kanilang pakikipagrelasyon,” sagot ni Rafael. Hindi na naman
agad nakapagsalita si Annalou. Balak na
sana niyang putulin doon ang kanilang paksa ngunit nanaig ang kanyang kuryusidad.
“Bakit nang magka‑crush ka sa akin, inako mo na agad na ako ang ‘God’s
best’ mo? Bata ka pa noon. Imposibleng alam mo na ang tungkol sa commitment.” “My
dear, kahit bata pa ako noon, na‑sense ko nang ikaw ang ‘God’s
best’ ko, that’s why. At tungkol sa commitment, hindi ko man alam pa noon ang
tungkol doon pero ginagawa ko na, `di ba?
Nakita mo naman, after all these years, hindi ako nagbago ng claim.” Pinagalaw‑galaw
pa ni Rafael ang noo at mga kilay. “At the age of eight?” nandidilat at hindi nanini‑wala
niyang turan. “Ano’ng magagawa ko, sensitive ako sa impressions ng Diyos sa
puso ko kahit bata pa ako,” anito, halatang nagyayabang. “Kung tamaan ka kaya
ng kidlat diyan sa kahambugan mo,” sikmat na naman ni Annalou. Halakhak ang naging tugon ni Rafael. “Seriously,
kahit ako sa sarili ko ay nagugulat din. Siguro alam ng Diyos na kailangan mo
ng matinding convincing kaya ganitong sensitivity ang ibinigay Niya sa akin.”
Tumingin ito sa gawi ng Taal Lake. “Maraming pagkakataong hindi natin agad
maunawaan ang mga ginagawa ng Diyos sa buhay natin, Ann. Pero maraming ulit ko nang
napatunayang sa mga kakulangan natin, handa Siya laging magpuno. I guess, He
meant it that way para matuto tayong
manalig, gamitin ang faith natin sa Kanya kapag hindi na natin kayang i‑handle
ang sitwasyon.” Biglang luminga ang binata kay
Annalou at nagtagpo ang kanilang mga mata. “His ways are higher than ours, Ann.
Tinatandaan kòyon kapag lumalayo ka sa akin, kapag nate‑threaten na
maagaw ka ng iba, kapag hindi mo matanggap na kahit ganitong bata ako sa iyo ay
minahal kita.” At that precise moment,
may kung anong bagay na tumimo sa sentro ng puso ni Annalou. Kumalat iyon doon,
lumatag, at lumukob pa sa kanyang buong sistema. She gasped, then was awed,
then sighed for the realization hit her hard. She loved Rafael.
CHAPTER
NINE
NANG
hapong iyon, matapos mamasyal sa Resident’s Inn at sa minizoo, muling bumalik
sa Picnic Grove sina Annalou at Rafael upang magpalipad ng saranggola. May baon
pala si Rafael na mga saranggola na inilagay nito sa compartment ng kotse. Sa
sobrang dami ng nakain nila sa tanghalian ay sobra din yata ang ibinungang
energy niyon upang abutan sila ng
paglubog ng araw sa paglalaro. Para silang mga batang nagkakatuwaan sa
pagpapaalagwa ng mga saranggola. Napagod si Annalou nang husto pagkatapos but
she had the time of her life. Sa sulok ng kanyang puso ay inasam niyang
makahawak man lang ng saranggola kahit malaki na siya, ang maranasan man lang
kung paano paliparin iyon nang paitaas. Hindi niya iyon naranasan noong bata pa siya. Kahit nang minsang dalhin siya
sa Tagaytay ng mga magulang ay hindi nila iyon ginawa. Si Rafael lang pala ang
magpaparanas sa kanya ng ganoong experience. And she was glad. “Mag‑shower
ka na,” ani Rafael nang bumungad mula sa pinto ng
banyo. Tapos na itong maligo at halos tumutulo pa ang tubig sa basang buhok.
Bihis na rin ng puting T‑shirt at boxer shorts nang lumabas
ng banyo. Preskong‑ preskong tingnan ang binata, and Annalou was beginning to see him as a man. Kasalukuyan naman
siya noong nagpapahinga sa single‑seater sofa sa isang panig ng
silid. “I’ll check kung ano ang masarap sa menu nila for dinner. Mag‑o‑
order na ako para makakain agad tayo at makapagpahinga ka na,” wika ng binata. Alam
ni Annalou na halata nitong pagod na pagod na siya kaya kumilos na siya upang
sundin ang binata. “Okay, I’ll be quick.” Matapos ang warm bath ay himalang
nawala ang kanyang pagod. Light dinner
lang ang in‑order ni Rafael sa restaurant. Masiglang
nakipagkuwentuhan si Annalou sa binata habang kumakain sila ng hapunan. Ngunit nang
makita nitong tapos na siyang kumain ay nagyaya nang bumalik sa cottage. Nang matutulog
na sila, naaasiwa pa rin siyang mahigang katabi si Rafael sa kama. Makapal ang suot
niyang pajama at ito naman ay pinatungan
pa ng pajama bottoms ang suot na boxer shorts. Ngunit dapat ba siyang
mapanatag? Nahalata ni Rafael ang pagkailang niya. “Mahiga ka na. I’ll tuck you
into bed at papatulugin kita. Huwag mo nang guluhin pa ang isip mo dahil hindi
kita gagawan ng bagay na ikakagalit mo sa akin. I learned about honor at a very
young age and I don’t have any intention whatsoever to unlearn it now.” Sa
sinabi nito ay napilitan na siyang mahiga.
Walang fireplace ang silid kaya saradong‑ sarado ang mga bintana. Subalit
malamig pa rin. Maingat na inayos sa kanya ni Rafael ang malaking comforter. Gustong
magprotesta ni Annalou nang mahiga ang binata at sumukob din sa comforter.
Pinigilan na lang niya ang sarili nang tumagilid itong patalikod sa kanya
matapos mag‑goodnight. Nakatulog agad si Rafael. Kinalimutan na ni Annalou
ang pagkailang nang marinig ang patag at
mahina nitong paghinga. She fell into a contented dreamless sleep. Malapit nang
mag‑umaga
nang magising si Annalou. Agad siyang namula nang mapagtanto ang ayos.
Nakayakap siya kay Rafael at ang isa niyang hita ay nakadantay sa hita ng
binata. Mabilis siyang kumalas at bumangon upang manubig. Pagbalik niya sa kama
ay nangangaligkig na siya sa ginaw. Dumistansiya na siya kay Rafael at muling
nahiga. “Come here.” Napabalikwas si
Annalou paharap kay Rafael na gising na pala. “Alam kong giniginaw ka at
ganundin ako. Come here. We can snuggle up a little para mabawasan ang mga
ginaw natin,” wika ng binata. Nang hindi tuminag si Annalou ay si Rafael na ang
kusang lumapit sa kanya. Itinalikod siya nito at niyakap mula sa likuran.
Naramdaman niya ang pagdantay ng binti
nito sa mga binti niya. Pumalibot naman ang isa nitong braso sa kanyang baywang
at dumiit ang dibdib nito sa kanyang likod. Nararamdaman ni Annalou ang
mabining buga ng mainit na hininga ni Rafael sa kanyang tuktok. Nanatiling
nakadantay lang ang kamay nito sa kanyang tiyan. Hindi gumagalaw, hindi rin dumadama.
Aware na aware siya sa bawat bahagi ng kanilang mga katawan na magkadiit. It
was amazing to know that he posessed a
great deal of self‑control in spite of it. She let out a sigh and started
to relax. Pinupuno siya ng napakasarap na pakiramdam nang mga sandaling iyon.
Muling namigat ang talukap ng kanyang mga mata. Pagbaba nila ng Tagaytay
kinabukasan, may unspoken commitment na sa pagitan nina Annalou at Rafael. NAGDAAN ang mga araw, buwan, at taon na naging
maganda ang relasyon nina Annalou at Rafael. Oo nga at hindi na nila pinag‑usapan
pa ang tungkol sa kanila ngunit umaakto si Rafael na katulad ng sa isang
ulirang nobyo. Kinalimutan na rin ni Annalou ang paghahanap pa ng ibang nobyo.
Kontento na siya sa atensiyong ibinibigay ni Rafael. Graduation ni Rafael sa
college nang dumating ang matinding pagtatalo sa pagitan nila. Si Annalou ang partner ng binata sa pagdalo sa graduation
ball na ginanap sa Grand Boulevard Hotel. Maayos naman sana ang lahat sa
simula. May pagmamalaki pa nga si Rafael nang ipakilala si Annalou sa mga ka‑close
na graduating students. Subalit nagpanting ang mga tainga ni Annalou nang hindi
sinasadyang marinig ang pag‑uusap ni Rafael at ng grupong
kaumpok pagkalabas niya mula sa rest room. Naudlot ang paglalakad niya at
nagkubli sa gilid ng buffet table. “Pare,
hindi ka ba naaalangan `pag kasama mo si Ann sa mga ganitong gathering?” wika
ng isa sa mga kausap ni Rafael. “Oo nga, pare, ilang taon pa at mukhang matrona
na ang siyota mo,” wika naman ng isa. Dinig na dinig ni Annalou nang magtawanan
ang grupo. Napakagat‑labi siya. “Bakit ba siya pa ang naisip mong ligawan,
RR? Ang dami namang magagandang chick na
nagpapakamatay mapansin mo lang.” Medyo paos ang tinig ng nagsalita
ngunit malinaw na nakarating ang sinabi iyon sa pandinig ni Annalou. “Masarap
kasing magmahal, pare,” tugon ni Rafael. “Ow? Pinatikim ka na, pare?” tanong ng
naunang nagsalita kanina. “Secret.” Umugong ang tawanan at kantiyawan ng grupo
sa isinagot ni Rafael. Gigil na gigil na
lumabas ng bulwagan si Annalou. Palabas na siya ng hotel lobby nang marinig ang
pagtawag ni Rafael. “Ann, wait!” ang sigaw. Nagpatuloy lang siya sa mabilis na
paglalakad. Nasa pintuan na siya nang maramdaman ang paghawak ng kamay ni
Rafael sa kanyang braso. Napilitan na siyang huminto. “Bakit nagmamadali kang
lumabas? Saan ka pupunta?” Noon nahinuha ni Annalou na walang ideya ang binata na narinig niya ang pag‑uusap
nito at ng mga kasama. “Uuwi na ako. I feel so out of place here.” Nangunot ang
noo ni Rafael sa pagtataka. “Sandali, magpapaalam muna ako sa mga kaibigan ko.
Hintayin mo ako rito sa lobby. Babalik agad ako.” Habang naghihintay si Annalou
ay humuhupa ang inisyal niyang galit. Nakuha na niyang kalmahin ang sarili nang
lulan na sila ng kotse pauwi. Hindi nga
lang niya mapilit ang sariling magsalita. Marahil ay nararamdaman ni Rafael ang
timpla niya kaya tahimik din sa buong biyahe. Subalit nang ihinto na nito ang
sasakyan sa tapat ng kanilang unit, hinawakan nito ang mga kamay niya at
hinarap siya. “What’s wrong, Ann? Kilala kita. You were not given to tantrums
before.” Nagpakawala siya ng mahabang buntong‑ hininga bago sumagot. “Me. . You.
Tayo ang mali, Rafael. Tama ang sinabi
ng kaibigan mo. Ilang taon pa at mukha na akong matrona. Samantalang ikaw, nasa
peak form pa lang noon ng pagbibinata.” Nanlaki ang mga mata ng binata.
“Narinig mo—” “Oo. Ikaw mismo, hindi mo ako magawang idepensa. Panay paiwas na
sagot ang naiganti mo sa kanila. At alam mo ba kung ano ang naramdaman ko
kanina, Rafael? Nabastos ako,” puno ng
hinanakit niyang sabi. “Nanliit ako. Dahil bakit ko nga ba nagawang pumatol sa
iyo samantalang napakabata mo pa kompara sa akin. Lilitaw at lilitaw pa ring
cradle snatcher ako. Na hindi tayo bagay.” Si Rafael naman ang bumuntong‑hininga.
“Tapos ka na?” malungkot nitong tanong. Hindi na lang sumagot pa si Annalou.
Nagsisikip na ang dibdib niya at anumang oras ay maiiyak na. “Sayang at
kabaligtaran ng intensiyon ko ang interpretasyon
mo. Siguro nga ay mali ang magmalaki ako kanina dahil iba rin ang naging interpretasyon
nila sa isinagot ko. Wala kang dahilan para manliit, Ann. Dahil gusto kong ipagyabang
sa kanila na kahit totoy lang ako, napansin mo pa rin ako. “Inaamin kong hindi
ko diretsahang nasagot ang ikalawa nilang tanong. Pero iyon lang ang sagot na
alam ko para hindi na nila i‑pursue ang topic tungkol sa iyo.
Ayoko ring pag‑usapan ka nila.
Hindi dahil sa ikinahihiya kita kundi dahil pinoprotektahan ko ang reputasyon
mo.” May punto naman ang binata na kaagad na naunawaan ni Annalou. Ngunit gawa
na ang pasya niya. “Hanggang kailan mo ako ipagtatanggol laban sa mga nasty
comments nila tungkol sa akin, Rafael? Ayoko namang dumating pa ang panahong
mapapaaway ka dahil lang sa pagbibigay mo ng katwiran sa relasyon natin. I’m sorry,
pero ayoko na.” Naningkit ang mga mata
ni Rafael at nagdilim ang mukha. “What do you mean?” “Tapusin na natin dito ang
relasyong ito, Rafael. M‑maraming salamat na lang sa lahat.” Hinila na ni Annalou ang mga kamay na pigil‑
pigil nito at nagmamadaling umibis ng sasakyan. Hindi na nagawang humabol ni
Rafael sa kanya hanggang sa makapasok na siya sa loob ng bahay. Magdamag niyang
iniluha ang naging desisyon. “BAKIT
naman kasi iniintindi mo ang sinasabi ng ibang mga tao? Hindi naman sila ang magpapaligaya
sa iyo,” sermon kay Annalou ni Josephine nang bisitahin niya ang kaibigan sa maternity
ward ng ospital. Kapapanganak lang ni Josephine sa panganay na anak. “Alam mo,
tingin ko tuloy mas matured pa ang isip ni Rafael kaysa sa iyo. Imagine, nagawa
mong isakripisyo ang magandang relasyon n’yo dahil lang sa sinasabi ng ibang
mga tao.” “Hindi naman kasi ikaw ang
nasasaktan sa mga derisive comments ng mga tao kaya mo nasasabìyan,” wika ni
Annalou. “Of course not. Kaibigan kita. Nararamdaman ko kung ano ang
nararamdaman mo. Ang sinasabi ko lang, sayang naman na pinawalan mo ang isang
mahalagang tao dahil lang sa sinasabi ng iba.” Ilang araw nang nakokonsiyensiya
si Annalou sa bigla niyang pakikipag‑break kay Rafael, lalo pa nga at hindi man lang nagpapakita ang
binata kanya. “Wala na akong magagawa, Josephine,” may panghihinayang niyang
turan. “Nasaktan ko na siya.” “May magagawa ka pa. Lunukin mo muna sandali ang
pride mo at makipag‑ayos ka sa kanya,” payo ni Josephine. Subalit hindi na
nagawa ni Annalou ang suhestiyon ng kaibigan. Binubuo pa lamang niya sa isip
ang mga sasabihin kay Rafael nang puntahan
siya sa bahay ng ina ng binata. Iniabot ni Rhodora sa kanya ang liham ni Rafael
na nagpapaalam. Maikli lamang ang liham. Ayon sa sulat, binigyan si Rafael ng
bakasyon sa States ng lolo’t lola bilang graduation gift. Iyon na raw marahil ang
space na kailangan niya upang makapag‑isip‑ isip tungkol sa kanilang
relasyon. Sa huli, sinabi nitong mag‑iingat siya at mami‑miss
siya. Muling binasa ni Annalou ang liham. Hindi
niya maunawaan ang sarili kung bakit tila may hinahanap siya roon na
hindi naman matagpuan. Parang may kulang. Pinagalitan niya ang sarili. Ngayon
pa ba naman siya maghahanap matapos niyang putulin ang relasyon nila ni Rafael?
Alangan namang ihayag ng binata sa liham ang unrequited love sa kanya gayong
ipinagtabuyan na niya ito sa kanyang buhay.
ANIM
na buwan matapos umalis ay bumalik si Rafael
sa Pilipinas, subalit hindi man lang nagpakita kay Annalou. Wala pang isang
buwan itong nananatili sa bansa ay tumulak naman patungo sa Brunei. Ayon kay
Rhodora, tinulungan si Rafael ng isang tiyuhin na makapagtrabaho roon. Nasaktan
na naman si Annalou. Ni postcard ay hindi nagpadala ang binata sa kanya noong
nasa States pa. Nang makabalik naman, hindi man lang siya sinilip sa bahay.
Kahit kapirasong sulat ay wala ring
iniwan. Sa galit yata ni Rafael sa pagtapos niya sa kanilang relasyon ay
tuluyan na siyang kinalimutan. Nagdaan pa ang maraming buwan at mga taon hanggang
sa sumapit ang thirtieth birthday ni Annalou. “Ano ba, Ann, malapit nang
magdalaga ang inaanak mo, pero hanggang ngayon ayv dalaga ka pa rin,” tudyo ni
Vina. Sinorpresa si Annalou ng mga kaibigan nang imbitahin siyang magtungo sa bahay ni Vina at
makitang ipinaghanda pala siya ng tatlong barkada. May mga balloons at cake pa,
bukod sa mga putaheng nakahain sa buffet table na inilabas ni Vina sa front
lawn ng bahay. Daig pa ang handa noong mag‑debut siya. “Ang sabihin mo,
naunahan mo na naman siyang magka‑fafa,” tudyo ni
Baby. Napatingin si Annalou kay Vina. “You mean, nagkabalikan na kayo ng ex
mo?” tanong niya. “Hindi, `no?” sagot ni
Vina. “Nunca! Kaya nga pinilit kong ma‑annul ang kasal namin dahil walang‑wala
na akong balak na makisama pa sa hudas nàyon. May bago na akong boyfriend ngayon.
Sa Brunei siya nagtatrabaho pero nakabakasyon siya ngayon.” “Kaya pala
nangingislap na naman `yang mga mata mo,” ani Josephine. “Maiba nga pala ako, sumulat
na ba sa iyo si Rafael?” May lungkot na lumukob kay Annalou pagkarinig sa pangalan ng dating nobyo.
“Hindi. At hindi na ako umaasa pa. Ang dami n’yo namang inihanda,” pag‑iiba
niya. “Touched talaga ako at nagpakaabala pa kayo
para lang i‑ celebrate ang pagkalagas ko sa kalendaryo.” Nagkatawanan
ang lahat. “Ang mabuti pa, umpisahan na nating kainin ang mga pinaghirapan
naming ihanda para sa birthday mo,” si Baby. “Kanina pa umuungot ng cake ang
mga bata.” Tumulong si Annalou sa
pagbibigay ng pagkain sa mga bata. Apat ang anak ni Baby. Dalawa naman ang kay
Josephine at isa ang kay Vina. Ang tatlong panganay ng mga kaibigan ay pawang
mga inaanak niya. Sa pagkakagulo, nakatapon ng juice sa sahig ang bunso ni
Baby. Hindi na magkandaugaga si Baby sa pag‑aasikaso sa apat na anak. “Pakikuha
na lang ng paper towel sa may sala, Ann,” sabi ni Vina. “Doon ko yata naiwan kanina.” Agad namang tumalima si Annalou.
Nakita agad niya ang rolyo ng paper towel sa ibabaw ng side table. Ngunit bago
niya makuha iyon, napansin niya ang isang postcard na katabi. Isang tanawin sa
Brunei ang nasa postcard. Hindi man dapat ay naakit siyang tingnan ang
nakasulat sa likod niyon: Vina, thank you so much for everything. You’re an
amazing person, really. Babawi na lang ako pag‑uwi ko riyan. Roy Rafael. Parang
may mapait na likidong kumalat sa dila
ni Annalou. Nabitiwan niya ang postcard. Kasabay niyon ay tila eksena sa
pelikulang umulit sa pandinig niya ang sinabi ni Vina kanina. “May bago na
akong boyfriend. Sa Brunei siya nagtatrabaho. .” Oh, God, no! Napakapit si
Annalou sa side table at ilang sandali munang nagpakawala ng malalalim na
hininga. Inutusan niya ang sariling mamanhid muna sa natuklasan. Hindi siya maaaring
mag‑breakdown
sa harapan ng mga kaibigan. Hindi siya
gaanong nagtagal sa bahay ni Vina, dinahilang tiyak na maghahanda rin ang mommy
niya kahit pancit lang. Hindi naman na siya pinilit ng mga kaibigan na magtagal
pa. Eksaktong alas‑siyete ay nasa harapan na si Annalou ng kanilang unit.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang pagbukas niya ng pinto ay hindi lang ang
mommy niya ang nakita niya sa loob.
CHAPTER
TEN
HINDI
malaman ni Annalou kung paano magre‑ react sa taong kaharap. Nabigla
siya nang husto pagkakita sa bisita. “W‑what are you doing here?” tanong niya. “Anak,” pamamagitan ng mommy niya. “Ang mabuti pa
siguro ay magpalit ka na muna ng pambahay sa kuwarto mo bago ka bumalik dito. Nagluto
ako ng spaghetti para sa birthday mo.” Parang
remote‑controlled
toy na sinunod ni Annalou ang ina. Walang imik niyang tinungo ang kanyang
silid. Ibinagsak niya ang sarili sa kama pagdating doon. Isinubsob niya ang
mukha sa unan nang may limang minuto bago nakuhang muling bumangon at magpalit
ng damit. Habang ginagawa iyon ay umuusal siya ng dasal na sana—sa kabila ng
mga malalaman niya sa muling pagpapakita ng kanyang daddy—ay maging matatag pa
rin siya. “Gusto mo na bang maghain
ako?” tanong ng mommy ni Annalou nang makabalik na siya sa sala. Alam niyang
tinatantiya nito kung hindi magiging marahas ang kanyang reaksiyon sa muli nilang
pagkikitang mag‑ama. Magkakaharap na naman silang tatlo noon. “Busog pa
ako, `My.” “Ann, anak. . Patawarin mo sana ako.” Pinagmasdan ni Annalou ang
anyo ng daddy niya matapos itong magsalita. Lalo itong nagmukhang matanda—puting‑puti
na ang buhok at lalong dumami ang gatla sa noo at iba pang parte ng mukha. He
looked weary but his eyes shone with an unmistakable glint of hope. “Gusto kong
malaman kung ano ang dahilan n’yo sa pag‑iwan sa amin ni Mommy,” pormal na sabi ni Annalou. Sumulyap muna ang ama sa kanyang
mommy bago nagsalita. “May.. iba akong pamilya lingid sa iyong ina.” So, tama nga pala ang nakita ng mommy niya noon
sa ospital. Niloko ng daddy niya ang kanyang mommy nang magpakasal ang dalawa. “Nakasal
ako noon kay Helena—iyon ang pangalan ng una kong asawa—dahil pinilit ako ng kapatid
niyang si Maximo na pakasalan siya,” paliwanag ng daddy niya. “Maximo
Alcantara?” singit ni Annalou sa pagsasalaysay ng ama. Kapwa gumuhit ang
pagtataka sa mukha ng mga magulang. “Kilala
mo si Maximo?” tanong ng kanyang daddy. “Hindi kami personal na nagkakilala.
Nang usisain ko si Brendan noon kung bakit niya ako pinagplanuhang paibigin,
nabanggit niyang ang tiyuhin niyang si Maximo Alcantara ang may pakana ng
lahat. I tried to talk to him. Hindi ko na binanggit pa sa inyo ang tungkol
doon, `My. Ayokong mag‑alala kayo,” wika niya.
“Pinuntahan ko siya sa kanyang opisina pero nakaalis na siya patungo sa
abroad. Ilang buwan ding tumatawag ako sa office niya pagkatapos pero hanggang
sa magsawa na ako sa pagtawag ay hindi pa rin siya bumabalik sa Pilipinas.” “Dalawa
lang na magkapatid sina Helena at Maximo,” wika ng daddy niya. “Mahal na mahal ni
Maximo si Helena kaya nang malaman niyang malaki ang pagkagusto sa akin ni
Helena, pinikot nila ako. Nagpatianod na lang ako dahil sa Alca Precisions Limited ako nagtatrabaho. Maganda ang
puwesto ko roon at ilang beses pa akong na‑ promote ng posisyon. Kagagawan
pala iyon ni Helena. “Nagkaroon kami ng dalawang anak at maayos ko siyang
pinakisamahan kahit hindi ko siya mahal. Ngunit nakilala ko ang mommy mo. Sa unang
pagkakataon ay nagmahal ako nang todo. Niligawan ko siya hanggang sa magpakasal
kami. Tinakasan ko ang una kong pamilya. Kayo na ang naging pamilya ko. Alam kong mali pero hindi
ko na makontrol ang sarili ko. Mahal na mahal ko kayo ng mommy mo. Pero
natagpuan ako ni Maximo. Pinagbantaan niya akong idedemanda ng bigamya kapag
hindi ako bumalik kay Helena. Nagbanta rin siyang may masamang mangyayari sa
inyong mag‑ina kapag hindi ako sumunod sa gusto niyang mangyari.
Hindi ako natatakot na makulong ngunit natakot akong makaladkad kayo sa
kahihiyan ng mommy mo. At lalong hindi ko
makakayang may masamang mangyari sa inyo. Kilala ko si Maximo. Kaya niyang
gawin ang mga banta niya. So I abandoned you. Nagkasya na lang ako sa pagtanaw
sa inyo sa malayo. Nakikita pa rin kita, anak. Nakasubaybay pa rin ako sa iyo
sa loob ng mga taong nawalay ako sa inyo kahit hindi mo alam.” “K‑kayo
ang lihim na sumusunod sa akin kapag nasa labas ako?” tanong ni Annalou. “Oo.” Hindi naman pala siya abnormal dahil sa mga ganoong
pakiramdam. Talaga palang may taong madalas at lihim na nakasubaybay sa
kanya—ang daddy niya. “Iyon lang ang pinapayagan ni Maximo na gawin ko. Ni
hindi ko kayo masustentuhan dahil iyon ang gusto ni Maximo bilang parusa sa ginawa
ko sa kapatid niya. Hindi mo alam kung gaano iyon kahirap sa kalooban ko,”
paliwanag ng daddy ni Annalou. “Hanggang isang araw ay ma‑detect si Helena na may brain
tumor. Si Maximo ang nagdala sa kanya sa ibang bansa upang maipagamot. Kaya
siguro hindi mo siya mahagilap noon sa kanyang opisina. Iyon ang mga panahon na
ipinapagamot niya si Helena. Naiwan naman ako upang asikasuhin ang Alca at ang
dalawa naming anak. Naoperahan si Helena ngunit muling tumubo ang tumor sa
kanyang utak. She battled with that disease for years. Hanggang iyon ang maging
dahilan ng kanyang kamatayan. Malaya na
akong muli. Kaya ako bumabalik ngayon sa inyong mag‑ina. Kung mapapatawad
mo pa ako, anak.” Tiningnan ni Annalou ang kanyang mommy. Bakas pa rin sa mga
mata nito ang pagmamahal sa daddy niya. Sino siya para tutulan ang kaligayahan
ng ina? Mahal na mahal niya ang kanyang mommy at gagawin niya ang lahat mapaligaya
lang itong muli. “Pinapatawad ko na kayo, Daddy. Ang pakiusap ko lang, unawain n’yo sanang hindi madali sa akin ang mag‑adjust
sa muli ninyong pagbabalik sa buhay namin ni Mommy. Nasanay na akong walang
ama.” Napahangos ang ama sa kinauupuan ni Annalou. Hindi siya makakilos. Bigla
siyang natakot na baka yakapin siya ng ama. Marahil ay nahalata naman ng ama
ang pag‑
aatubili niya kaya pinisil na lamang nito ang kanyang mga kamay. “Salamat,
anak. Pangako, hindi ko na kayo iiwan pang muli ng mommy mo.” Ang mommy naman niya ang yumakap kay Annalou.
Kapwa namamasa ang kanilang mga mata nang magkalas. “Happy birthday, anak.” Nang
gabing iyon, bago matulog, nakakita si Annalou sa bedside table sa loob ng
silid ng magkadikit na ulo ng miniature stuffed toy ni Snoopy. Para iyong key
chain sa kaliitan ngunit wala namang chain. May nakadikit na note sa mga paa
niyon: Two are better than one, because they
have a good reward for their labor. Pamilyar siya sa verse. Hindi nga
lang niya matandaan kung saang bahagi ng Bibliya iyon nakasulat. Sino’ng
magbibigay sa akin nito? Imposibleng si Rafael dahil nasa abroad ang binata.
Napakagat‑ labi si Annalou pagkaalala na naman kay Rafael. Kaya pala
huminto na ito sa pagkikipagkomunikasyon sa kanya ay dahil kay Vina na pala
bumaling. Come to think of it, bata pa si Rafael ay hinahangaan na ito ni Vina. Kabaligtaran daw
ang loyalty ni Rafael ng nang‑iwang ex‑husband ng kanyang
kaibigan. Oh, God, bakit kailangang sa kaibigan ko pa? Tiningnan uli niya ang
stuffed toy sa nanlalabong mga mata. Inisip na lang niyang marahil ay isa lang
sa mga ka‑close niya sa kanilang simbahan ang nagpadala niyon.
Binasa niyang muli ang note. Nalukot ang kanyang ilong. May nuance na naman
iyon patungkol sa kanyang pananatiling single sa ganoong edad. Itinabi ni Annalou ang note at stuffed toy at
nahiga na. She said her prayers, kasama roon si Rafael. Sa loob ng mga taong
wala silang komunikasyon, hindi niya ito kinalimutan minsan mang ipanalangin.
Iyon lang ang tangi niyang magagawa matapos ang walang katwiran niyang pakikipagkalas
sa binata. Hindi na siya umaasang magkakabalikan pa sila. Hangad na lamang niyang
mapaligaya ni Rafael si Vina. Meanwhile, umaasa pa rin si Annalou na may isang taong inilaan ang Diyos bilang “God’s
best” niya. Kung kailan at kung saan niya makikita, Diyos lamang ang
nakakaalam. Sa kabila niyon, iniyakan niya ang natuklasan buong magdamag. Mas
masakit palang malaman na wala na talagang pag‑asa ang pagmamahal niya kay
Rafael. It was now time to move on no matter how painful the truth was for her.
NAGISING
si Annalou kinabukasan na magkatulong na
inihahanda ng mga magulang ang almusal. Humahalimuyak ang amoy ng masarap na
sinangag. Kitang‑kita niya ang kaligayahan sa mukha at kilos ng dalawa. Napangiti
siya. Marahil ay hindi siya mahihirapang mag‑adjust sa muling pagbabalik ng
kanyang daddy sa buhay nilang mag‑ina. Love would take care of her
pains—past and present. Masigla siyang bumati sa dalawa. “Good morning, `My,
`Dy.” Kung nagulat man ang mga magulang
sa kasiglahan niya, hindi niya iyon gaanong pinansin. Lumapit ang daddy niya at
ipinaghila siya ng silya. “Dumulog ka na, anak. Sabay‑sabay tayong
mag‑aalmusal
just like in the old days,” nakangiti nitong wika. Ginantihan ni
Annalou ang ngiti ng ama. Marahil sa katuwaan nito sa nakitang reaksiyon niya,
nahalikan nito ang kanyang ulo bago nagsandok ng sinangag sa kawali. Naging palakuwento ang kanyang daddy nang kumakain na
sila. Oo nga at hindi pa niya magawang ilapit nang husto ang loob sa ama,
sumasagot naman siya at nakikipag‑interact sa mga magulang habang
nag‑aalmusal.
Nagulat pa si Annalou sa itinanong ng daddy niya mayamaya. “Ano’ng gusto mong
gawin ngayong darating na weekend, anak? Hanggang ngayon, wala pa akong maisip
na regalo para sa birthday mo.” Saglit
siyang nag‑isip. Kung gusto rin lang naman niyang magkaayos sila
agad ng daddy, bakit nga hindi niya simulan nang mas maaga? “Makilala ang mga
kapatid ko?” nakangiti niyang turan. “Masusunod, munti kong prinsesa,” sagot ng
daddy niya. Natawa si Annalou sa itinawag nito sa kanya. Hindi na siya “munti”
dahil dalawang dali lang yata ang taas sa kanya ng ama. Ngunit nang makita niya ang pamamasa ng mga mata ng kanyang
mommy sa kaligayahan, alam niya sa kaibuturan ng kanyang puso na mananatili
siyang munting prinsesa sa puso ng mga magulang. Bihis na si Annalou upang
pumasok sa ospital nang may delivery man ng isang courier service company ang
kumatok sa unit nila. Isang package na naglalaman ng tatlong supot ng Hershey’s
Kisses chocolates ang ibinigay sa kanya. “Pakipirmahan na lang po, Ma’am,” wika
ng lalaki sa papel na nakapatong sa
dalang clipboard. “Sandali, kanino ba galing ang mga ito?” tanong ni Annalou. “Eh,
Ma’am, ‘GB’ lang po ang nakalagay sa pangalan ng shipper.” Tiningnan ni Annalou
ang address na pinagmulan niyon—Pasay City. Nagtatakang napakunot‑noo
siya. Wala naman siyang kilalang tao na may initial na “GB” at taga‑Pasay
City. “Pakipirma na po, Ma’am,” wika uli ng lalaki. Napilitan na lamang siyang pumirma. Nang
buklatin ni Annalou ang package, may nakita pa siyang maliit na sobre sa loob.
Biglang kumabog ang dibdib niya nang mabasa ang nakalagay roon: How I wish na
katulad ako ng chocolate, tempting and irresistible. I would melt in your mouth
and go down to your stomach, then to your bloodstreams. Malusaw man ako, at
least, hindi agad ako mawawala sa sistema mo. Sa eksaktong sandaling iyon,
naging malinaw kay Annlou kung kanino
galing ang stuffed toy kagabi at ang chocolates ngayon. Nahulaan na rin niya
ang ibig sabihin ng initial na “GB”—God’s Best. So, nasa Pilipinas na nga pala
si Rafael. Parang gustong umusok ng bumbunan ni Annalou. Ano naman ang gustong
palabasin ng lalaki?
KULANG
sa siglang pumanhik si Annalou sa kanilang unit nang hapong iyon pagkagaling ng ospital. At ganoon na lang ang gulat niya
nang itulak niya ang bahagyang nakaawang na pinto. Napanganga siya sa
pagkabigla. Nasa kanila ang mga magulang, kapatid, at pamangkin ni Rafael. Nagkakainan
ang mga ito—kasama ng kanyang mommy at daddy—ng mga putaheng nakahain sa dining
table. Si Rafael lang ang nasa sofa at walang hawak na plato. Lalo siyang hindi
natinag sa kinatatayuan nang magtama ang mga mata nila. He had grown into a gorgeous, fine‑looking
man. Wala na ang bakas ng pagiging schoolboy; mamang‑mama na
ngayon. “O, narito na pala si Ann,” wika ni Rhodora. Natuon sa kanya ang pansin
ng lahat. Kung hindi pa sinalubong si Annalou ng mommy niya ay hindi pa siya
matitinag sa kinatatayuan. “Alam kong nagtataka ka, anak, pero hayaan mong
ipaliwanag ni Rafael ang tungkol dito.” Inakay siya ng mommy papasok. Pinagkaguluhan na siya ng pamilya ni Rafael, nanguna
ang inang si Rhodora sa paghalik at pagbati sa kanya. Muntik na siyang
himatayin nang matapos siyang yakapin ng ama ni Rafael ay sabihing,
“Namamanhikan na kami ni Rafael sa mga magulang mo, Ann.” Isang matalim na
tingin ang ipinukol ni Annalou kay Rafael nang makabawi. “I think we have to
talk,” aniyang may diin ang pagbigkas ng bawat salita. Natahimik ang lahat. “Yeah, we have to talk,”
mahinahon namang sang‑ayon ni Rafael. “Excuse
us.” Iginiya siya ng binata palabas ng bahay at
dinala sa loob ng isang bagong midnight blue na Opel Astra. Nakita niya sa
backseat si Choco. Hindi naman sila pinansin ng aso. “How can you do this?”
Basag na agad ang tinig ni Annalou nang magsalita. “Talaga bang napakalaki ng
kasalanan ko sa tingin mo kaya mo ginagawa
sa akin ito?” Nawala ang hinahon sa mukha ni Rafael, napalitan ng pagtataka at
pagkalito. “A‑anong kasalanan?” “Ang pakikipag‑break ko sàyo noon!” malakas niyang sabi. “Aminin mo nang
hindi mo naman ako balak na pakasalan. Ginagawa mo lang ito para labis akong
masaktan. Maawa ka sa mga magulang ko at sa pamilya mo. Pati sila ginagamit mo
sa paghihiganti mo sa akin.” “Hindi kita
maintindihan. Anong paghihiganti?” “Kung hindi ko nabuko na ikaw ang boyfriend ni
Vina, you could have fooled me! Us!” sigaw ni Annalou kasabay ng pagpatak ng
mga luha. Incredulity was written on his face. “Sinabi sa iyo ni Vina na
boyfriend niya ako?” “Hindi na kailangan,” aniya. “Nabasa ko ang postcard na
ipinadala mo sa kanya. She was an amazing person, you said. Sabi mo pa, babawi
ka sa kanya pag‑uwi mo sa
Pilipinas.” “So?” wika ni Rafael, nasa anyo pa rin ang
kalituhan. Lalo namang nagsiklab ang galit ni Annalou. “Huwag ka nang magmaang‑maangan!
Inamin sa aming magbabarkada ni Vina na sa Brunei nagtatrabaho ang boyfriend
niya! At hindi nga ba’t ikaw `yon?” Nag‑unahan na naman sa pagbagsak ang
kanyang mga luha. Naisubsob niya ang mukha sa mga palad. “No, it isn’t me.” Bigla siyang nag‑angat
ng mukha. “I love you. .” marahan, malinaw, at masuyong sabi ni Rafael,
nakangiti na. She was taken aback. Hindi iyon ang inaasahan niyang sasabihin ng
binata. “Kasama ko sa kompanyang pinapasukan ko ang boyfriend ni Vina. Dahil
din sa akin kaya sila nagkakilala. You see, si Vina ang matiyagang nag‑
a‑update
sa akin ng mga pangyayari sa iyo mula pa
noong magsimula akong magtrabaho sa Brunei. Kaya labis‑labis ang
pasasalamat ko sa kanya. Unknown to you, we maintained our correspondence.
Hindi kasi ako makatiis nang wala akong nababalitaan tungkol sa iyo. Gusto ko, na
kung lalapit akong muli sa iyo, kaya ko nang pangatawanan ang pagmamahal ko ng
mas malalim na commitment,” paliwanag ni Rafael. “C‑commitment?” Ngumiti ang binata, nangingislap ang mga mata. “Pamamanhikan and, eventually, pagpapakasal
sa iyo.” Parang literal na sinapok ng malakas na hangin si Annalou. Hindi niya
magawang magsalita. “Kay Vina ko rin nalaman na pinagsisisihan mo ang
pakikipagkalas sa akin noon at hanggang ngayon ay mahal mo pa rin ako.” Ibinaling
ni Annalou ang tingin sa labas ng bintana. “H‑how conceited of you to say that.” Naramdaman niya ang maingat nitong pagpisil sa kanyang kamay. Muli niyang ibinalik ang
tingin sa binata. “It isn’t conceit, it is faith,” saad ni Rafael at hinagkan
ang kanyang kamay. May kung anong puwersang nanulay sa braso ni Annalou,
tumungo at kumalat sa kanyang dibdib. Hindi pa nagkasya, niyakap siya ni Rafael
nang buong higpit at halos hindi siya makahinga. “Oh, how I missed you, Ann. .”
She revelled at the warmth of his embrace.
How she had longed for this moment to come. Ang akala niya ay hanggang
sa panaginip na lamang niya ito mayayakap. “I missed you, too.” Ilang saglit
silang magkayakap bago siya binitiwan ni Rafael, hawak na naman ang kanyang mga
kamay. “You see, nang makipagkalas ka sa akin, wala akong nagawa kundi ang
magtiwala sa Diyos, Ann. Na dahil ikaw ang ‘God’s best’ ko, magkahiwalay man
tayo ay pagtatagpuin pa rin Niya tayo sa bandang huli, kapag wala na ang mga sagabal,” madamdaming pahayag
ng binata. “Twenty‑four na ako, Ann, may trabaho, at may sapat na ipon
upang makapagsimula ng pamilya. Sixteen years akong naghintay para masabi ko sa
iyo ito. At sa loob ng mga taong iyon, minsan man ay hindi nawala o nabawasan
ang pagmamahal ko sa iyo.” Namalisbis na naman ang mga luha ni Annalou. Ngunit
sa pagkakataong iyon, luha na iyon ng kaligayahan. “I’m sorry d‑dahil
sa mali kong akala at bintang.. ”
Naramdaman niyang may malamig na bagay na isinuot si Rafael sa kanyang
daliri—isang diamond solitaire ring. “Now, will you take pity on this man who adores
and loves you so much and marry him?” “Oh, Rafael.” Napasubsob si Annalou sa
dibdib ng binata na agad namang pumalibot ang mga bisig sa kanya. Itiningala
nito ang kanyang mukha. “I take it it’s a ‘yes’?” Tango na lamang ang nagawang itugon ni Annalou
bago bumaba ang mga labi ni Rafael sa kanya. Isang matamis, maalab, at
makalusaw‑ kaluluwang halik ang kanilang pinagsaluhan. “I love
you, Rafael,” anas ni Annalou nang maampat ang inisyal na pananabik nila sa
isa’t isa. “I love you then, now, and till death do us part, Ann,” madamdamin
at tiyak nitong saad. WAKAS