Lihim Na Pagsinta

0
Lihim Na Pagsinta


CHAPTER ONE 

KINAKABAHAN si First Nicholas ngunit ayaw niya iyong ipakita. Lalaki siya at walang lalaking duwag. He tried to keep a brave face while watching his mother fill up a form. Ang sabi ng nurse na nakausap nila, consent form daw iyon. Kung hindi raw iyon pipirmahan ng kanyang mama ay hindi siya tutuliin ng doktor. Yes, he would undergo circumcision. He was   nine years old. Alam niyang may mga kaklase siya sa eskuwelahan na magpapatuli na rin. At ayaw niyang maging tampulan ng tukso dahil lamang hindi pa siya tuli. Noong sabihin niya sa kanyang mama na nais na niyang magpatuli ay paulitulit siyang tinanong nito kung sigurado siya. Puwede pa naman daw silang maghintay nang isa pang taon, tutal ay bata pa siya. Iginiit niyang handa na siya. He was nervous—very, very nervous. It was   one of those few times he wished his father was there to support him. His mother was very supportive, but she was a girl. Hindi nito alam at hindi nito naiintindihan ang nadarama niya. As a man, he had to be brave. Ganoon daw dapat ang mga lalaki. Kahit ano raw ang harapin niya, dapat ay maging matapang siya. Lahat ng lalaki ay dumaraan sa pagpapatuli. It was a part of puberty. It was not a big deal. Pero aminin man niya o hindi, kinakabahan siya.   Napalingon siya nang may tumabi sa kanya na isang batang babae. Sa palagay niya ay kaedad niya ito. May kalungkalong itong isang kahon ng tissue paper. Namumula ang mukha nito at naluluha ang mga mata. Panay ang punas nito sa ilong. Umisod siya nang kaunti palayo rito. Ayaw niyang mahawa ng sipon at lagnat. After all, it was summer, the most fun season of the year. Istupido lang ang batang nagkakasakit tuwing   summer. Ngunit hindi pa rin niya maiwasang sulyapan ang batang babae. She was cute. Maganda ang mahaba at itim na itim na buhok nito. Medyo maykapayatan ito. Napatingin ito sa kanya. Her watery eyes were like those of a puppy. They were lovely. “You are staring,” puna nito. Her voice was lovely, too. He cleared his throat before speaking. “Are you sick?” he asked the   obvious. Suminga muna ito sa tissue paper bago sumagot. “Obviously.” “Who gets sick on summer?” hindi niya napigilang sabihin. Nagkakasakit siya tuwing tag ulan lang. “Me. I didn’t ask for this, okay? It’s not like I wanted to be sick during summer. Nagkataon lang na dinapuan ako,” mataray na sagot nito. Bago pa man siya makatugon ay may   nakangiting nurse na lumapit sa kanila. Nilagyan ng nurse ng thermometer sa kilikili ang batang babae, pagkatapos ay inabutan naman siya ng medicine cup na may isang tableta at isang drinking cup na may tubig. “What’s that?” tanong niya sa nurse habang nakatingin sa tableta. Tinabihan siya ng nurse. “Gamot para sa pain. Inumin mo para hindi masakit mamaya.” “You will not use an anesthesia? Iyong   itinutusok tulad ng sa dentist?” nagaalangang tanong niya. Ang sabi ng mga kaibigan niyang tuli na ay may iniinject pang anesthesia bago gupitin ang balat ng “bird” niya. His mother explained that the doctor would not totally cut the thing off. The doctor would just cut the skin, and then stitch it. He asked his mother why it was necessary. She said it was more hygienic. “May anesthesia talagang ituturok bago ka tuliin. Mamaya pa tatalab itong iinumin mo.   Iinumin mo na ngayon para kapag lipas na ang effect ng anesthesia ay may panlaban ka na agad sa pain.” Ininom na niya ang tabletang ibinibigay nito. Ang batang babae ay inakay na ng nurse patungo sa isang silid. Siya ay dinala sa ibang silid. Isang matandang lalaking may maaliwalas na mukha ang nakita niya roon. Napansin niyang may maliit na kama roon na napapalibutan ng mga berdeng kurtina.   Napalunok siya. Doon ba siya hihiga at tutuliin? Binati ng kanyang mama ang doktor. “Good morning, First,” bati ng doktor sa kanya. His voice was as pleasant as his face. “Are you ready?” “Good morning, Doctor,” bati rin niya. “Please call me ‘Nick.’” Iyon ang tawag sa kanya ng lahat. Mangilanngilan lang ang tumatawag sa kanya ng “First,” his father being one of them.   “I will call you ‘Nick’ then. Are you ready to be a man?” Tumango siya. Inakay na siya ng nurse patungo sa banyo. Pinahubad nito sa kanya ang shorts niya. Sinunod niya ito. Mayamaya pa ay nakahiga na siya sa maliit na kama. Nakita niyang naghahanda na ang doktor at ang nurse. Napalunok siya nang sunudsunod nang mapatingin sa mga instrumentong gagamitin ng   mga ito. They looked scary and deadly. Pakiramdam niya ay namutla siya nang makitang inihanda ng doktor ang syringe. Napasigaw siya nang itusok nito iyon sa bandang puson niya.  NAPAPATINGIN si Michelle sa bahay sa tapat ng bahay nila habang naglalaro siya sa hardin. May mga lalaking nagbababa ng mga gamit mula sa truck at ipinapasok ang mga iyon sa loob ng   bahay. May bago na silang kapitbahay. Hiniling niyang sana ay may anak na batang babae ang bagong mayari ng bahay. Wala kasi siyang kalaro sa lugar nila. Wala rin siyang matalik na kaibigan. Hindi nagtagal ay may dumating na itim na kotse. Umibis mula roon ang isang ginang na sa tantiya niya ay kaedad ng mommy niya. Mayamaya ay isang batang lalaki naman ang   bumaba mula sa kotse. Nadismaya siya. Boy ang kapitbahay nila. May kapatid kaya itong girl? Bigla siyang napasimangot nang mapagmasdan nang maigi ang batang lalaki. He looked familiar. Mayamaya ay naalala niya kung saan niya ito nakita. Ito ang batang lalaking nakasama niya sa waiting area ng isang clinic noong isang linggo. Hindi niya ito makakalimutan. Kung magsalita kasi ito ay parang napakaistupida niya dahil   nagkasakit siya sa panahon ng summer. Kasalanan ba niya kung dinapuan siya ng sakit? “Michie?” narinig niyang tawag ng kanyang ina. “Po?” sagot kaagad niya. Paglingon niya ay nakita niyang palapit na ang mama niya sa kanya. Napadako rin ang tingin nito sa katapat na bahay. “Mayroon na pala tayong bagong neighbor, baby. `Lika, makipagkilala tayo.” Nais niyang tumutol ngunit likas sa kanya ang   pagiging masunuring anak. Hawakhawak ng mommy niya ang kanyang kamay na tumawid sila sa kabilang kalye. Kaagad na nginitian sila ng ginang. Mukha naman itong mabait. Ang batang lalaki ay tila hindi komportable. He looked like he was in pain. “Hello,” bati ng kanyang ina. “I’m Marjorie and this is my daughter Michelle Colleen. Kami ang nakatira diyan sa tapat ninyo.” “Hi,” ganting bati ng ginang. “I’m Miriam and   this is my son First Nicholas. It’s nice to meet you.” “Welcome to our village,” anang kanyang ina. “Tahimik dito sa atin. Mababait ang lahat ng mga tao.” “That’s what I’ve heard.” Habang nagkukuwentuhan ang kanilang mga ina ay nakatuon ang tingin niya sa batang lalaki. He was looking at her, too. She smiled at him. Ayaw na niyang isipin ang nangyari sa kanila sa   clinic. He looked nice. He smiled back. Natuwa siya nang husto. Baka ito na ang hinihiling niya kay Papa Jesus na best friend. Eh, ano kung boy ito? Puwede namang maging best friend ang boy.  “MICHICO!” Nakaupo sa isang bench si Michelle sa ilalim ng punongacacia sa loob ng campus at nagbabasa ng kanyang leksiyon. Kahit hindi siya lumingon,   alam na niya kung sino ang tumawag sa kanya. Iisang tao lamang naman ang tumatawag sa kanya sa palayaw na iyon. “First,” she acknowledged him when he sat beside her. Pagkatapos ay ibinalik niya ang pansin sa binabasa kahit alam niyang wala na roon ang konsentrasyon niya. Ang bangubango ng katabi niya. “Nick” talaga ang palayaw ni First Nicholas ngunit nais niyang tawagin itong “First.” Dati ay   ayaw na ayaw nito na tinatawag ito ng “First” sa kadahilanang ayaw naman nitong sabihin sa kanya noong una. Noon ay malaking palaisipan sa kanya kung bakit ayaw nito sa unang pangalan. Kahit nang malaman niya ang dahilan ay hindi pa rin niya maiwasang tawagin ito ng “First.” He was her First. Naging malapit silang magkaibigan mula nang lumipat si First at ang ina nito sa village nila. Magkasundungmagkasundo sila kahit magkaiba   ang mga personalidad nila. Nasa ikalawang taon na sila sa kolehiyo at magkaibigan pa rin. “Wala ka yatang kasamang girlfriend,” kaswal na puna niya. Inayos niya ang salamin sa mga mata kahit hindi naman iyon nawala sa puwesto. Sumandal ito sa upuan. “Si Dahlia? Wala na kami.” Napabuntonghininga siya. “Kailan ka ba magseseryoso sa babae? Maawa ka naman sa mga kabaro ko.” Ang totoo, maligayangmaligaya siya   sa nalaman. Ganoon siya tuwing malalaman niyang nakipaghiwalay na si First sa girlfriend nito. Oo, may lihim na pagsinta siya sa kanyang kaibigan. Likas na habulin ng mga babae si First Nicholas. Hindi naman iyon nakapagtataka dahil mas guwapo pa ito sa salitang guwapo. Sa unibersidad nila ay para itong celebrity. Lahat yata ng mga babae at may pusong babae ay may   lihim na pagsinta rito. Hindi si First ang tipo ng lalaking palaging nakangiti. May aura of mystery na nakabalot sa buong pagkatao nito. Nakadagdag siguro iyon upang lalo itong hangarin ng mga kabaro niya. Everyone wanted to uncover the mystery. Para itong malaking challenge. Madalas, ang akala ng mga nagiging girlfriends ni First ay naunveil na nila ang mystery ng binata kapag napunta na sa kanila si First Nicholas. Pero   naririnig niyang lalo lamang daw naging mysterious ang binata. “How are you, Michico?” Napatingin siya kay First. He was looking at her. His eyes were gentle and soft. Noong una, hindi niya alam kung bakit “Michico” ang tawag nito sa kanya. She figured he combined her two names. Hindi niya hinahayaan ang ibang tao na tawagin siya ng ganoon. Ang nais niya ay si First lamang ang tumatawag sa kanya ng “Michico.”   “Okay lang,” tugon niya. “Ikaw?” Natawa ito. “Parang ang tagal nating hindi nagkita, ah. Magkapitbahay lang tayo.” Lumabi siya. “Naging busy ka kasi masyado sa girlfriend mo.” Ang huling naging girlfriend nito ay isang cheerleader. Ang balita niya ay napaka demanding ng girl. First Nicholas was part of the university’s basketball varsity team. Napakatangkad nito at magaling talagang maglaro sa court. Kahit   sophomore pa lang, palagi itong kasama sa first five tuwing lalaban ang eskuwelahan nila sa mga major basketball leagues. “Ikaw ang kusang umiiwas sa akin, Michico, kapag may kasama akong girlfriend. I told you not to do that.” Bahagya siyang napangiwi. Totoo iyon. Kapag nalalaman niyang may girlfriend ito ay siya ang kusang umiiwas. “I’m not one of them, First. Nakakairita dahil lantaran nilang ipinapakita na   mababa ang tingin nila sa akin.” Pinindot nito ang tungki ng kanyang ilong. “Wala kang pakialam sa tingin ng iba sàyo. You love being you.” Totoo rin iyon. Geek ang tingin ng lahat sa kanya. Mula noon hanggang ngayon, paborito siyang asarin ng mga bully sa school. Kahit kasi ang porma niya ay pangnerd. Ang totoo, masaya siya sa kanyang pagkatao. Komportable siya sa porma niya. Ayaw niyang makiuso kung sa tingin   niya ay hindi naman bagay sa pagkatao niya ang mga bagay na uso sa mga kabataan. Hindi rin niya kasalanan kung likas na masipag siyang magaral. She was happy being the nerdy geeky girl, paniwalaan man iyon ng lahat o hindi. Hindi siya katulad ng ibang mga kabataan na sinisikap maging standout sa karamihan. Ang totoo, nasasaktan siya tuwing nakikita si First Nicholas na may kasamang girlfriend. Hindi   niya maiwasan kahit pigilin niya. Para kasing sumisipa ang realidad sa kanya na magkaibigan lamang sila at hindi sila kailanman lalampas sa linyang niyon. Gayunman, ayaw niyang pilitin ang sarili na tumigil sa pangangarap na balangaraw ay magkakatuluyan sila ni First. Masarap mangarap. Masarap magpantasya na darating ang araw na mamahalin din siya nito. “I’ve missed you,” anito sa mahina ngunit   sinserong tinig. “Ikaw, eh. Hindi ka na lumilipat sa bahay.” “Alam ko kasing busy ka sa pagaaral dahil examination week. Mamaya, lilipat ako sa inyo. Nagtatampo ako kay Mama, eh.” “`You wanna talk about it?” Alam na niya ang dahilan ng tampuhan ng magina. Naging matalik na magkaibigan ang kanilang mga ina mula nang lumipat ang maginang Miriam at First Nicholas sa village nila. Nabanggit na ng kanyang ina sa   kanya na may tampuhan nga ang magina. Nagkibitbalikat si First. “Same old story.” Bumuntonghininga ito. “I hate him, Michico.” Ang tinutukoy ng binata ay ang ama nito. She reached for his hand. Iyon palagi ang paraan niya upang icomfort ito. Minsan, naaawa na siya kay First dahil sa bigat ng dinadalang galit para sa sariling ama. Mahigpit na hinawakan nito ang kanyang kamay. He took several deep breaths. Mayamaya   pa ay nakangiti na ito. “Kain tayo,” yaya nito. “My treat.” Napangiti na rin siya at tumango. Hinila siya nito patayo. Hindi naghiwalay ang mga kamay nila. May ilang estudyante na napapatingin sa kanila. Hindi na niya pinansin ang pagtaas ng kilay ng mga ito. Karamihan sa mga ito ay hindi naniniwala na magkaibigan talaga sila ni First. He was Mister Fun and she was Miss Boring, ayon sa ilan. Hindi siya apektado.   Wala namang alam ang mga ito sa totoong relasyon nila ni First.  

 

CHAPTER TWO 

NAPUNA kaagad ni First Nicholas ang pamumugto ng mga mata ng kanyang ina. Pinigil niya ang sariling mapasimangot. Alam na niya kung bakit namumugto ang mga mata ng ina. Hindi na ito natuto. Ilang ulit nang sinaktan ng kanyang ama ngunit sige pa rin nang sige ang kanyang ina. “He made you cry again,” he stated.   God knew how much he loved his mother. Dahil mahal niya ang ina, ayaw na ayaw niyang nasasaktan ito. Ayaw na ayaw niyang may nananakit dito—kahit pa ama niya ang taong iyon. Ngunit paano niya poprotektahan ang ina kung ito mismo ang gustunggustong iexpose ang sarili sa pananakit ng ibang tao? “Nick, please.. ” anito sa pagod at nakikiusap na tinig. Hindi siya nagpaawat. Minsan, mahirap   talagang magpalaki ng magulang. “Kailan ka matututo, `Ma? Kapag wala ka nang natitirang respeto sa sarili?” “I love him, anak. Kahit anong pilit ko, hindi ko mapigilan.” Namamasa at namumula na naman ang mga mata nito. Naawa siya rito. Bakit naging dakilang martir ang kanyang ina? “He won’t leave his wife for you, `Ma. Hindi noon, lalong hindi ngayon.” “Habang may buhay, may pagasa. You are his   only son. Ikaw ang panganay niya.” Base sa tinig ng kanyang ina, halatang mahigpit na nakakapit ito sa pagasang iyon. Napailing siya. Hindi niya alam kung matatawa o maiiyak siya. Binitiwan niya ang hawak na kubyertos. Nawalan na siya ng gana sa pagkain. Nais niyang iuntog sa pader ang kanyang ina upang magising na mula sa kabaliwan nito. He was hurting already. It was just making him   hate his father more. “He would never, `Ma. Ako ang panganay niya at nagiisang anak na lalaki pero hindi iyon mahalaga. He would never leave his wife and daughters. “Bakit ba patuloy mo siyang tinatanggap? Bakit patuloy mo siyang hinahayaan na saktan ka? Nandito lang siya sa buhay natin kapag may kailangan siya. Hindi tayo ang priority niya. Mahalin mo naman ang sarili mo, `Ma. Maawa ka   naman sàkin.” Halos lumuhod na siya rito sa pagsusumamo. Kailan ito magigising? Bakit may mga taong baliw sa pagibig tulad ng kanyang ina? “Anak, please.. ” Tumayo na siya at walang salitang iniwan ang ina. Bahala itong magpakatanga. Naglakadlakad siya sa labas. Hindi niya nakalimutan ang usapan nila ni Michelle na lilipat siya sa bahay ng mga ito. Magbabawas muna siya   ng galit at lungkot bago siya lilipat sa kabilang bahay. Siya ang panganay na anak ng kanyang ama ngunit hindi ang kanyang ina ang pinakasalan nito. Nakatakda na kasi ang kanyang ama na magpakasal noon sa babaeng asawa na nito ngayon. He was a product of a onenight stand. Mula pagkabata ay hindi siya nagkaroon ng normal na pamilya tulad ng iba. Ang kanyang   ama ay paminsanminsan lamang dumadalaw sa kanya. Minsan, animo totoong magasawa ang kanyang ina at ama. Noong katorse anyos siya, sumugod sa bahay nila ang tunay na asawa ng kanyang ama. Naeskandalo sila. Inaway nito sa harap niya ang kanyang ina. “Kabit ka!” Tumatak sa isip niya ang mga salitang iyon. Oo, kabit ang kanyang ina dahil patuloy itong nakikipagkita at sumasama sa kanyang ama kahit   alam nitong may pamilya na ang huli. Nasasaktan siya nang husto para sa kanyang ina. Sa nakikita niya, hindi mahal ng kanyang ama ang kanyang ina. Ang kanyang ina naman na nuknukan ng tanga ay patuloy na umaasa na iiwan ng kanyang ama ang asawa nito upang manatili nang permanente sa kanila. He firmly believed it would never happen. Kung talagang mahal ng kanyang ama ang kanyang ina, matagal na sana nila itong kapiling.   Ang masaklap sa lahat ay kamukhang kamukha niya ang kanyang ama. Palaging sinasabi ng kanyang ina na halos pareho sila ng paguugali. Ang totoo, natatakot siyang maging katulad ng ama. Ayaw niyang maging katulad ng kanyang ama. “First” ang ipinangalan sa kanya dahil siya ang unang bastardo sa pamilya ng kanyang ama at ina. Siya ang unang malaking pagkakamali ng kanyang ama. Siya ang unang anak. Siya ang   unang apo ng dalawang pamilya. The name was apt for him but he hated it. Isang tao lang ang nais niyang tumawag niyon sa kanya. He wanted to be her first—first love, first kiss, first boyfriend, first and last husband. Nang medyo maayos na siya ay nagtungo na siya sa bahay nina Michelle. Ito ang nagbukas ng pinto. Awtomatiko itong napangiti. Kaagad na naglaho ang lahat ng sama ng loob niya dahil sa ngiting iyon. Michelle never failed to make him   feel good. No, he would never be like his father. He would strive to be the best man for his Michelle. Hindi niya ito sasaktan. Mamahalin niya ito nang sobrasobra.  TULALA si Michelle habang nakaharap sa telebisyon. Sampung minuto na yata siyang ganoon. Hindi niya mapaniwalaan ang nakita. Si First Nicholas nga ba ang nakita niya sa   commercial ng isang lollipop? He was singing and dancing with four other boys. It was awesome. Lalo itong gumuwapo. Matiyaga siyang naghintay na ipalabas uli ang commercial. Nais niyang papaniwalain ang sarili na si First nga ang kanyang nakita. The commercial was aired again after two hours. Indeed, it was First Nicholas. Hindi siya namamalikmata lang. It was really her friend! Bakit hindi niya alam na gumawa pala ito ng   commercial? Bakit hindi ito nagkuwento sa kanya? Dati naman ay kinokonsulta siya nito sa mga ganoong bagay. Inayos niya ang sarili at nagtungo sa bahay nina First. Ang mama nito ang nagpatuloy sa kanya. Hinanap kaagad niya ang kaibigan. Nasa court sa likodbahay raw si First, naglalaro ng basketball. Kaagad na pinuntahan niya ito. “Hey,” bati nito nang makita siya. He was busy dribbling his ball.   Sinamahan niya ito sa court. “You made a commercial,” aniyang inagaw ang bola rito na madali naman niyang nagawa. “I just saw it a while ago,” wika niya bago inasinta ang ring. Shoot ang bola. Natawa ito at kinuha ang bola sa kanya. “Really? Naipalabas na palàyon.” Ito naman ang nagshoot. “Maganda ba? Hindi ko pa nakikita, eh. Maganda ba ang rehistro ko sa camera? Magaling ba akong sumayaw at kumanta?”   Hindi na siya nagtangkang agawin uli ang bola. Ayaw niyang pagpawisan nang husto. “Bakit hindi mo sinabi sàkin?” May kalakip na tampo ang tinig niya. Tumigil ito sa pagdidribble at niyakag siyang maupo sa isang bench. Nagpunas ito ng pawis. “I joined the commercial to piss off my dad. Kompanya niya ang manufacturer ng lollipop na iyon.” Kaagad na naunawaan ni Michelle ang lahat.   Muli siyang nakaramdam ng awa para kay First. Pilit na ngumiti siya rito. “The commercial is awesome. Ang cute ninyong lima.” “Sino ang pinakaguwapo sàming lima?” Kunwari ay nagisip pa siya nang matagal. “Iyong nasa gitna. Ano’ng pangalan n’on?” Nalukot ang mukha nito na muntik na niyang ikatawa. “Si Vann Allen? You could have at least lied in front of me.” “O, siya. Ikaw na ang pinakaguwapo,” kunwari   ay napipilitang sabi niya. Natawa na ito. “Pero alam mo, ang sayang gawin n’ong commercial. Ang saya kasama ng mga boys. Ang babait lahat. Makukulit din. Para na nga kaming barkada, eh. Nagkita kami noong isang araw. Lahat sila, mahilig sa musika.” Natuwa siya sa nakikitang kinang sa mga mata nito. Tila ito bata na nakahanap ng mga bagong makakalaro. Mahilig si First sa musika. Ang sabi nito dati,   nais nitong kumuha ng musika sa kolehiyo. Pero Business Management ang kinuha ni First dahil iyon ang nais ng ama nito. Kahit gustong suwayin ang ama ay hindi nito nagawa dahil sa pakiusap ng ina. Umaasa raw si Tita Miriam na pamamahalaan ni First balangaraw ang mga negosyo ng ama nito. “Maiinis kaya ang dad mo sa commercial na iyon?” bigla niyang naitanong. “Ang ganda ng pagkakagawa, eh. Baka nga matuwa pa siya dahil   tataas ang sales ng lollipops.” Ngumisi si First. “Makikitàyon ng asawa at mga anak niya. Alam mo namang galit ang mga iyon sa aming magina.” Hinawakan niya ang kamay nito. “Kailan mo kakalimutan ang galit na matagal mo nang dinadala, First? Hindi ka ba napapagod?” Pinisil nito ang kamay niya. “Kapag tumigil na siya sa pagpasok sa buhay naming magina, saka ko pa lang pakakawalan ang galit ko sa kanya.   Gusto kong kalimutang may ama ako pero siya ay entra naman nang entra sa buhay namin. Nasasaktan lang lagi si Mama tuwing iniiwan niya para bumalik sa asawa niya.” “I want you to be totally happy, First. Gusto ko, makaramdam ka ng kapayapaan ng loob. I’ll pray for you.” Marahan siya nitong niyakap. Naipikit niya ang mga mata. It felt so good. Sana ay ganoon din ang nadarama nito nang mga sandaling iyon.   “Thank you,” bulong nito.  HINDI akalain ni First Nicholas na magiging sobrang hit ang lollipop commercial na ginawa niya. Everyone went gaga over the “Lollipop Boys,” their monicker. Walang reaksiyon ang kanyang ama sa commercial. Ang akala pa naman niya ay maiinis ito sa kanya. Ang nais lang kasi nito ay magaral siyang maigi palagi. Kahit ang pagbabasketball   niya ay mahigpit nitong tinututulan. Nagkaroon sila ng offer na pasukin nang tuluyan ang music industry. Dahil mahilig talaga siya sa musika ay pumayag siya. Masaya rin siya sa nabuong grupo nila. Everyone was nice. Tila nakahanap siya ng mga kapatid sa katauhan nina Enteng, Rob, Maken at Vann Allen. Lalong hindi niya akalaing tatangkilikin sila nang husto ng mga tao. Mabilis ang naging pagsikat ng Lollipop Boys. Palakas nang palakas   ang tilian ng mga tao. Nagtala ng mataas na record ang sales ng unang album nila. Hindi niya akalaing talentado rin pala siya. He could sing, dance and act. Masaya siya sa kanyang kinaroroonan. Masaya siyang nagagawa na niya ang mga bagay na gusto niya. Suportado siya ng kanyang ina. She was so proud of him. Kahit si Michelle ay ganoon din. Natutuwa siyang makita ang kislap sa mga mata nito habang pinanonood siyang magperform sa   stage. Kahit hindi siya tinitilian, alam niyang suportado siya nito. Isang araw, bumisita ang kanyang ama sa kanila. Nagkataong off niya kaya nasa bahay lamang siya. Bigla na lang siyang sinampal nito. Lihim siyang napamura. Sana ay hindi iyon magpasa dahil may mall show ang Lollipop Boys kinabukasan. “What is your problem?” angil niya. Ang kapal ng mukha nitong saktan siya, samantalang hindi   naman ito naging ama sa kanya sa totoong kahulugan ng salitang iyon. “You quit school!” his father’s voice thundered. “Yes! So what is the friggin’ big deal? Hindi ko na kayang magaral. Lagi rin naman akong absent. Lagi akong puyat. Lagi pa akong pinagkakaguluhan.” “Quit being a Lollipop Boy then!” utos nito. Ang kapal talaga nito. “You are so ungrateful, Dad. Nang dahil sa   Lollipop Boys, tumaas nang husto ang product sales ng lollipop mo. Endorser pa rin kami ng mga produkto mo. May narinig ba akong ‘thank you’ mula sàyo? Wala. Oh, I forgot, we’re paid to do the job. Alam ba ng mga empleyado mo na anak mo ako? Ay mali, bastardo pala.” “Damn you! Wala kang karapatang magsalita sa akin nang ganyan. Anak lang kita.” “Hindi ka ba proud sàkin , Dad? Everyone admires us.”   “Hindi ito ang buhay na pinangarap ko para sàyo, First. Finish school. Baka maging proud pa ako sàyo.” Nagsalubong ang mga kilay niya. “Bakit? Ako ba ang mamamahala ng mga negosyo mo pagdating ng araw? Hindi ako interesado. Ipamana mo ang lahat ng mga ariarian mo sa mga legal mong anak na parehong babae.” “Go back to school.” Umalis na ito. Tila walang nangyaring nagtungo si First sa   kusina at nilagyan ng yelo ang pisnging sinampal ng ama. “Nick, anak. .” Hindi niya nilingon ang kanyang ina. Tila alam na niya ang ipapakiusap nito sa kanya, at ayaw niyang makinig dito. “I’m happy being a Lollipop Boy, Mama,” aniya. “Just let me be. I think I’ve found my place in the sun. At isa pa, kumikita ako ng sarili kong pera. Hindi na natin kailangang umasa pa sa   sustento niya. Hindi magtatagal, hindi na natin siya kakailanganin.” “Pero paano ang pagaaral mo?” “Magtatapos din ako. Hindi naman habang buhay ay member ako ng boy band. Kapag hindi na ako busy ay ipagpapatuloy ko ang pagaaral ko,” pangako niya. Kapag dumalang na ang mga offer at may ipon na siya, ipagpapatuloy niya ang kanyang pagaaral. “Ikaw ang pamamahalain niya ng mga   negosyo—” “Ayoko sa mga negosyo niya, `Ma,” putol niya sa sinasabi nito. “Magsisikap ako para makapagpatayo ako ng sarili kong negosyo. Hindi ko man mapantayan ang yaman niya, matatawag ko namang akin iyon. Wala tayong magiging kahati, Mama.” Niyakap siya nito. Awtomatikong gumanti siya ng yakap.  

 

CHAPTER THREE 

NGITINGNGITI si Michelle habang pinanonood nang live sa isang variety show ang Lollipop Boys. Kasama niya ang kanyang ina at si Tita Miriam. The boys were so great. First was so great. Mukhang masayangmasaya naman si First sa grupo nito. Tila enjoy na enjoy ito sa ginagawa. Masarap panoorin ang Lollipop Boys. They   were all lovable in their own ways. Hindi lang ganda ng mukha ang alas nila, talentado rin sila. Kaya hindi nakapagtatakang marami ang tumatangkilik at nagmamahal sa kanila. Minsan, nakakaramdam si Michelle ng lungkot habang pinanonood si First sa telebisyon. Parang lumayo na ito sa kanya. Parang hindi na niya ito maabot. Madalang na madalang na silang magkita ngayon. Napakarami kasi nitong commitments. Kaliwa’t kanan din ang shows ng   grupo nito. They were, after all, the hottest boy band in the country. Pagkatapos ng show ay nagtungo sila sa bahay ng mga Lollipop Boys. Ang sabi ni Tita Miriam ay pahinga na ng mga boys pagkatapos ng show. Sasamantalahin na raw nila na makasama si First Nicholas. Kahit na si Tita Miriam ay namimiss si First. Nakatira na kasi sa iisang bahay ang lahat ng miyembro ng Lollipop Boys para mas convenient.   Masiglang sinalubong sila ni First, isaisa silang niyakap. Pigilpigil ni Michelle ang sariling higpitan at patagalin nang husto ang yakap niya sa kaibigan. She missed him so much. “`Buti dinalaw n’yo ako,” ani First na tila masayangmasaya na makita sila. “Miss na miss ko na kayo.” Hindi ba sila nito nakita sa audience kanina? Nasa unahan naman sila. “Ang pogipogi ng anak ko,” ani Tita Miriam   habang hinahaplos ang buhok ng anak. Parang mistyeyed pa ito. “Ang mama talaga,” ani First. “I’ve missed you so much, anak. Nalulungkot ako sa bahay. Magisa lang ako. `Buti lagi akong dinadalaw ni Michie. Namimiss ko na lagi mo akong pinagsasabihan at inaaway. Hay, ang anak ko, superstar na.” Natawa nang mahina si First. “I’ve missed you, too, `Ma. Hayaan mo, kapag hindi na kami   gaanong busy, sa bahay muna ako.” “Nagdala kami ng mga lulutuin,” anang mommy niya. “Ipagluluto ka namin ng mga paborito mo, Nick.” “Salamat, Tita Marjorie.” “Magkuwentuhan muna kayo ng kaibigan mo habang nagluluto kami ng mama mo.” Dinala siya ni First sa parte ng bahay na nagsisilbing dance studio. Ang ibang miyembro ng Lollipop Boys ay matutulog daw muna.   Gigising na lang daw sila kapag kakain na. “Ayaw mo bang matulog din?” tanong niya kay First habang umuupo sila sa sahig ng dance studio. Umiling ito. “Ako ang totoong pinakahyper sa aming lima. Ayokong matulog. Madalang lang kayong dumalaw, eh. Mamaya na lang ako matutulog.” “Mukhang pagod ka,” puna niya. Nais niyang makasama pa si First ngunit maiintindihan naman   niya kung kailangan nitong magpahinga. Nahiga ito at umunan sa kandungan niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Michelle. “Okay lang ako. Minsanminsan lang tayong magkita, `tapos matutulog lang ako? I’ve missed you so much.” Hinawakan nito ang kanyang kamay at nilarularo iyon. “Namimiss ko na ang mga kuwentuhan natin.” Tila may mainit na kamay na humaplos sa puso ni Michelle. Ang akala niya kasi ay nakalimutan   na siya ni First. Kahit sa kaibuturan ng puso niya ay alam niyang hindi ito ang tipo ng kaibigan na kaagad na nakakalimot, hindi pa rin niya maiwasang matakot paminsanminsan. Natatakot siyang dumating ang araw na hindi na siya nito pansinin. Natatakot siyang baka masyado nang masilaw si First sa sariling kinang at hindi na makita ang mga taong dating mahalaga rito. Ipinagdarasal niya na sana ay manatili ang dating First Nicholas na nakilala niya kahit sikat   na sikat na ito. “I’m glad you are happy, First. I’m glad you have found your place in the sun. Huwag lalaki ang ulo, ha?” Hinaplos ng libreng kamay niya ang alunalong buhok nito. “May boyfriend ka na ba?” biglang tanong nito habang nakatingin nang mataman sa kanyang mukha. Sa hindi malamang kadahilanan ay naginit ang mga pisngi ni Michelle. Bakit siya tinatanong ni   First ng ganoon? Dati naman ay hindi ito nagtatanong tungkol sa love life niya. “Hindi ka na nakasagot,” anito nang lumipas ang mahabang sandali at hindi pa rin siya tumutugon. “Wwala,” sagot niya. “Ba’t ka ba nagtatanong?” Nagsalubong ang mga kilay nito. “Bakit hindi ka agad makasagot? May natitipuhan ka na, ano?” Nagiwas siya ng tingin. Nakita niya sa   malaking salamin sa harap na pulangpula ang kanyang mukha. Bakit ba doon napunta ang kuwentuhan nila? Naiilang siya nang husto. May espesyal na pagtatangi siya kay First. Matagal na. Ayaw lang niyang ipahalata iyon dito dahil baka masira ang pagkakaibigan nila. “Huwag ka munang magboboyfriend,” anito sa mariing tinig. Sa pandinig niya ay utos iyon. “Bata ka pa. Huwag ka munang magpapakiss sa ibang lalaki.”   Nakakunotnoong bumalik ang tingin niya kay First. “Ang galing mong magsabi niyan sàkin, ha. Ikaw na papalitpalit ng girlfriend? Ikaw na playboy? At ikaw na ilang beses ko nang nakitang nakikipaghalikan sa mga babae?” Napangiwi ito. “Ã’y, hindi ako playboy. Kusa lang lumalapit ang palay sa manok. And correction, sila ang humahalik and not the other way around.” “Do you enjoy kissing those girls?” nahihiyang   tanong niya. Nais niyang malaman kung gusto nito ng mga agresibong babae. “Why are you so curious about kissing all of a sudden?” tanong nito sa halip na sagutin ang tanong niya. Pinigil niya ang sarili na mapabuntonghininga sa pagkadismaya. Nagkibitbalikat siya. “Masama ba? Kahit naman ganito ako, curious din ako kung paano ang pakiramdam ng mahagkan. Iniisip ko kung totoo iyong nababasa ko sa mga libro.” Ang   totoo ay nagsisinungaling lamang siya. What she really wanted to know was, how it would feel to be kissed by him. Kung ibang lalaki rin lang ang magbibigay sa kanya ng kanyang unang halik, hindi bale na lang. She would not settle for less. Nagulat siya nang bigla na lang alisin ni First ang salamin niya sa mga mata. She was practically blind without her glasses. “First, ang salamin ko,” aniya.   Naramdaman niyang bumangon ito mula sa pagkakaunan sa kandungan niya. Sa nanlalabong paningin ay nakita niyang malapit na ang mukha nito sa kanyang mukha. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdamang lumapat ang malalambot na labi nito sa mga labi niya! He nipped her lower lip gently for like ten seconds before he let it go. It was just a brief kiss but enough to shake her whole world. Ibinalik nito ang salamin sa kanyang mga mata   at ngumiti nang masuyo sa kanya. “Huwag ka nang hahanap ng ibang lalaking hahalik sàyo. Sana ay hindi ka na curious. Am I your first kiss, Michico?” Wala sa loob na napatango siya. Tulala siya. Hindi niya alam kung paano magrereact sa nangyari. They just kissed! Gawain ba iyon ng magkaibigan? “I am glad,” anito na tila tuwangtuwa pa.   “YOU ARE in love with her.” Nginitian lamang ni First si Enteng. Hindi na niya kailangang tanungin ang kabanda kung sino ang tinutukoy nito. Enteng was referring to his Michelle, of course. Nasa recreation room silang lima. Naglalaro ng video games sina Maken at Rob, samantalang sila ni Enteng ay naglalaro ng billiards. Si Vann Allen ay abala sa Rubik’s cube na hindi pa nito nabuo kahit minsan.   Kaaalis lamang ng kanyang mama, kasama si Michelle at si Tita Marjorie. Natuwa siya nang husto sa pagdalaw ng mga ito. At lalo siyang natuwa dahil nahagkan na niya sa wakas si Michelle. Kung alam lang nito ang kabang nadarama niya kanina. Muntik na naman siyang tumiklop, muntik nang lamunin ng takot. Pero natatakot din naman siyang maunahan ng ibang lalaki. Ayaw niyang may ibang makahalik kay Michelle. Ang   nais niya ay siya lamang. She was so curious about kissing. Wala na siya sa tabi ng kaibigan kaya hindi na niya makikita ang mga klase ng taong nakakasalamuha nito. Natatakot siyang magmahal ito ng ibang lalaki. Baka may lalaking dumating sa buhay ni Michelle na magugustuhan nito. Hindi pa siya handa roon. Hinagkan niya ang kaibigan para kahit paano ay maguluhan ito sa sariling damdamin. Para kahit paano ay magiba ang tingin nito sa kanya.   “In love ka nga kay Michelle?” tanong ni Rob sa kanya habang nakatutok ang paningin sa nilalaro. Hindi siya sumagot. Ngumiti lang siya. Hindi naman niya ikinakaila ang bagay na iyon. Sa sobrang saya lang niya ay hindi niya magawang magsalita. Pakiramdam niya ay napakaperpekto ng buhay niya. “Ã’y, Nick, ikaw ang pumapangalawa kay Vann sa may pinakamaraming fans. Ingat nang   kaunti. Ang sabi ni Tita Angie, possessive ang mga fans natin. Huwag mong hahayaan na ma expose si Michelle sa publiko. Kawawa siya,” payo ni Maken. “Alam ko naman `yon. Alam ko kung ano ang klase ng mundong ginagalawan natin. Ayokong magsuffer si Michico,” tugon niya. Makulay at makinang ang mundo ng entertainment business. Ngunit sa likod ng camera ay marami ring makikitang pangit na   bagay, at ayaw niyang maapektuhan si Michelle ng mga pangit na bagay na iyon. Hanggang kaya niya ay poprotektahan niya ito. “Maganda si Michie mo, Nick,” ani Vann Allen na tila naiinis na sa Rubik’s cube nito. “Manang lang masyado pumorma. Kung tatanggalin niya ang salamin niya sa mata, pamatay ang ganda niya.” “I don’t want to change her, Vann. I love who she is. She is happy being herself. Ang pagiging   manang at geek ay parte ng pagkatao niya. Gusto ko ang lahat sa pagkatao niya. At saka—” Bigla siyang natigilan nang may mapagtanto siya sa sinabi ni Vann Allen. Ngumiti ito nang makahulugan. “It was cool, actually.” “You are smart, Vann,” natatawang sabi niya. Ito ang unang taong nakatuklas ng totoong dahilan kung bakit “Michico” ang palayaw na ibinigay niya kay Michelle Colleen. Everyone—   including Michelle—thought he just combined her two names. “Ngayon mo lang nalaman? Halatanghalata kaya.” Natawa siya. “Eh, bakit hanggang ngayon, hindi mo pa rin mabuubuòyang Rubik’s cube? Pagsasamahin mo lang ang mga magkakaparehong kulay.” Bahagya siyang nagulat nang ibato nito sa dingding ang laruan. Halos mamilipit siya sa   kakatawa nang isaisa nitong pulutin ang mga nagkahiwahiwalay na piraso at buuin ang mga iyon ayon sa kulay. “Ang smartsmart ko, `di ba?” nakangising sabi nito. Pati ang mga kasama nila ay natawa na rin. He was so lucky because he found true friends. Hindi maganda ang intensiyon niya sa pagsama sa commercial ng lollipop na iyon ngunit masaya siyang maganda ang kinahinatnan niyon. Nais   niyang maging kaibigan ang apat na lalaking ito hanggang sa mamatay siya. Sana ay hindi dumating ang araw na magkakahiwalay sila ng landas. Sana, kahit ano ang mangyari sa buhay nila, kahit saan sila dalhin ng kapalaran, manatili ang magandang pagkakaibigan nila na nabuo dahil sa lollipop.  HINDI napigilan ni Michelle ang maiyak habang kinakanta ng Lollipop Boys ang kanta para sa   encore. It was the group’s final concert, their farewell concert. Hindi lamang siya ang umiiyak kundi maging ang maraming fans ng grupo. Marami ang nalulungkot dahil mawawala na ang limang lalaking kinagiliwan at minahal ng lahat. Marami ang nagtataka kung bakit magkakawatakwatak na ang mga ito. The group was at its peak. Marami ang nagsasabing sayang ang narating ng grupo ni First.   Nasabi na ni First sa kanya ang totoong dahilan kung bakit madidisband ang Lollipop Boys. Ito na siguro ang pinakaapektado sa paghihiwalay. Ito ang pinakanalungkot. Naglasing pa nga ito. Naroon siya nang maglabas ito ng lahat ng sama ng loob. Noon lamang niya ito nakitang umiyak. “Nang sabihin nilang ayaw na nila, hindi ako makapiyok,” anito sa basag na tinig. Nasa bahay ito ni Tita Miriam at lasing.   “Tama na, First,” aniya habang hawakhawak ang kamay nito. Awangawa siya rito. “Being a part of Lollipop Boys is the best thing that happened to me,” anito habang niyayakap siya. “I found myself. Masaya ako na nagpeperform. Masaya akong magpasaya ng mga tao. Pero, putsa! Ayaw na raw nila. Hindi na raw masaya sina Rob at Maken. Vann is going solo, internationally. Paano ako? Saan ako pupunta?” Hinagod niya ang likod nito. Hindi niya alam ang   sasabihin upang kahit paano ay gumaan ang pakiramdam nito. “Hindi ako makapiyok dahil wala naman akong magagawa kung hindi na sila masaya sa ginagawa namin. Wala akong magagawa kung nakakaramdam na sila ng matinding pagod. Hindi ko puwedeng ipagpilitan na manatili kaming grupo dahil hindi na masaya ang lahat. Ayoko ring palampasin ni Vann ang oportunidad na sumikat sa ibang bansa. He got potential. Aminado naman ako na siya ang pinaka   talented sàming lahat. Nalulungkot ako kasi wala nang Lollipop Boys. Nabuwag na.” “Everything will be okay,” sabi na lang niya. He sobbed like a lost boy. Lalo siyang napaiyak nang magsalita si Vann Allen. “Hindi tayo dapat malungkot. It’s the start of new beginnings. Kailangan lang naming maghiwahiwalay sa ngayon. Pero naniniwala ako na darating ang araw na magkakasamasama   kaming muli sa iisang stage. Sana, magkitakita pa rin tayo kapag dumating ang araw na iyon. Till next time, everyone.” Then the big curtain dropped, covering the whole stage. Nakita pa nila ang anino ng limang lalaking naglalakad palayo bago namatay ang mga ilaw sa stage. She would terribly miss the Lollipop Boys. Pinahid niya ang kanyang mga luha. Nagtungo siya sa backstage. May ibinigay si First na pass sa   kanya upang payagan siyang makapasok doon. Nakita niya ito sa labas ng dressing room. Walang kahit anong emosyon sa mukha ng binata ngunit alam niyang nalulungkot ito nang husto. Nilapitan niya ito at hinawakan sa kamay. “Don’t be sad,” aniya habang nakatingin sa mukha nito. “Nandito pa naman ako.” “Hindi mo ako iiwan?” Nakangiting tumango siya. Kahit na ano ang mangyari, mananatili siya sa tabi nito.   “Promise me.” “I promise,” she said solemnly. Hinigit siya nito at niyakap nang mahigpit na mahigpit.  

 

CHAPTER FOUR 

HINDI mapakali sa paghahanda si Michelle. Ilang ulit na niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin. She looked blooming. Hindi mapalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Kahit hindi siya magsalita, alam niyang kitangkita sa anyo niya ang kaligayahan. Nang makontento na siya sa kanyang hitsura ay lumabas na siya ng silid. Siniguro niyang nasa   ayos ang mga inihanda niyang pagkain para sa gabing iyon. She lit the scented candles. Lumapad ang pagkakangiti niya nang makarinig siya ng mga katok. It must be First. Pinagbuksan niya kaagad ito ng pinto. “Hi,” nakangiting bati nito. He looked gorgeous. Nakadamitpangopisina pa ito ngunit wala nang coat at maluwag na ang kurbata. He also looked tired. “Hello,” ganting bati niya. Niluwangan niya   ang pagkakaawang ng pinto at pinatuloy ito. Kinuha niya ang bitbit nitong kahon ng cake. Isinama niya iyon sa mga pagkain sa mesa. “Nageffort ka yata ngayon,” puna nito habang umuupo sa harap ng hapag. “Siyempre, espesyal yata ang gabing ito,” aniya saka umupo na rin. Siya na ang naglagay ng pagkain sa plato nito. “Tiring day at the office?” Tinaasan siya nito ng kilay. “You know how it is, Michico. We work in the same corporation.”   “You are my boss.” “I’m not your boss now. I’m your friend.” Nagsimula na itong sumubo. Napatangutango ito habang ngumunguya, tanda na nagustuhan nito ang mga inihanda niyang pagkain. Nasiyahan siya sa ekspresyon nito. Isang buwan na siyang nagaaral magluto. Ang plano niya ay mageenroll siya sa culinary school sa sandaling magresign siya sa trabaho. Bahagya siyang nalungkot sa napipintong   pagtigil sa pagtatrabaho. Nagtatrabaho siya sa Mead Corporation, ang conglomerate na hawak ni First. Ang ama nito ang dating CEO niyon. Nang madisband ang Lollipop Boys, bumalik sa pagaaral si First. Nang makatapos ay pinilit itong magtrabaho sa Mead Corporation. Nag umpisa ito sa mababang puwesto hanggang sa i appoint ng ama bilang CEO. He still hated his father but his mother kept on begging him. Siya naman ay nagtrabaho muna sa isang   publication bago napunta sa Mead Corporation. Noong una ay simpleng sekretarya lamang siya hanggang sa mapromote siya bilang executive assistant ng executive vice president for treasury na si Miguel Santillan. “Masarap ba?” tanong niya kay First. “Sobra. Ikaw ang nagluto? Talagang kina career mo ang pagaaral ng pagluluto, ah. Puwede ka nang magasawa,” pabirong sabi nito. Lalong lumapad ang ngiti niya. “Talaga?”   Ipinakita niya rito ang kamay niyang may suot na singsing na may magandang diyamante. “Miguel proposed!” tili niya. Biglang nabitiwan ni First ang hawak na kubyertos. He looked shocked. Tila hindi nito mapaniwalaan ang ibinalita niya. “Tell me I’m just having a nightmare.” “First! Nightmare? Bakit? Hindi ka ba masaya para sa akin? I’m getting married to Miguel. Hindi ako magiging matandang dalaga tulad ng hula ng   lahat.” Inilayo niya ang kanyang kamay at pinagmasdan nang mabuti ang suot na singsing. It was the most beautiful ring in the whole world. Marahas na tumayo si First at sa malalaking hakbang ay nagtungo sa pintuan. “First?” nagtatakang tawag niya. Hindi ito lumingon, bagkus ay dirediretsong lumabas ng condominium unit niya. Takangtaka siya sa naging reaksiyon nito. Nais niya itong habulin at tanungin kung bakit. Ang   buong akala pa naman niya ay matutuwa ito nang husto para sa kanila ni Miguel. Malapit na kaibigan din nito ang fiancé niyang si Miguel. Maybe First was taken aback. Hindi marahil nito inaasahan na magpopropose na si Miguel sa kanya. Siya man ay nagulat nang magpropose si Miguel sa kanya nang nagdaang gabi. Halos dalawang taon na raw ang relasyon nila at panahon na para lumagay sila sa tahimik. Walang ganang kumain si Michelle nang mag   isa. Pakiramdam niya ay walang lasa ang pagkain. Parang nasayang ang lahat ng paghahanda niya. Disappointed siya sa reaksiyon ni First. They remained friends. Kahit na si First ang big boss niya, kapag wala na sila sa trabaho ay matalik na magkaibigan pa rin ang turingan nila. Hanggang sa magsolo siya ay kapitbahay pa rin niya ito. Sa katapat na pinto ng unit niya lang ito nakatira. Biniro pa nga niya ang kaibigan dati na   malamang ay sinusundan siya nito kaya doon din sa condo na iyon nito piniling tumira. Wala pa ring ganang nagligpit siya. Pinatay niya ang mga kandila. Ang mga pagkaing kaunti lang ang nabawas ay inilagay niya sa loob ng ref. Nagtungo siya sa kanyang silid pagkatapos. Humiga siya at tumitig sa kisame. She remembered she used to be in love with First. Ito ang kanyang first love, first kiss, at first heartbreak. Kusang tumigil ang puso niya sa   paghahangad na lumampas sila sa linya ng pagkakaibigan. Kusang tinanggap ng puso niya na hanggang magkaibigan lamang sila. Kusang natuto ang puso niya na mahalin ito kung ano lang ang nararapat. Puwede naman pala iyon. Thank God, Miguel Santillan entered her life. Noong una, strictly professional ang relasyon nila ng kanyang boss. Sa totoo lang, hindi ang tipo nito ang pinangarap niyang maging boyfriend o asawa. He was a chronic playboy. Siya pa nga ang   nagpapadala ng mga bulaklak sa mga babae nito noon. Kaya naman gulat na gulat siya nang mag umpisa itong manligaw sa kanya. Noong umpisa ay pinagdudahan niya ang intensiyon nito. Malakas ang kutob niya na pinaglalaruan lang siya nito. Pakiramdam niya ay katuwaan lamang para kay Miguel ang panliligaw sa kanya, na hindi ito seryoso. Kilala kasi siya sa buong opisina bilang manang at stiff kung kumilos. Namangha pa nga ang lahat nang   ligawan siya ni Miguel. Buo ang isip niya noon na hindi niya kailanman mamahalin at gugustuhin si Miguel. Hindi niya ito magiging boyfriend. Ngunit nakuha siya nito sa tiyaga. Anim na buwan siya nitong niligawan. He showered her with flowers and gifts. He surprised her with romantic dinners. He managed to pull romantic stunts like hot air balloon dates and fireworks display. Higit sa lahat, nawala na ang mga babae nito mula nang manligaw ito sa   kanya. Untiunting nahulog ang loob niya kay Miguel. Untiunti ay natutuhan ng puso niya na mahalin ito. Ang akala niya noong una ay si First lang ang kayang mahalin ng puso niya. Mali pala siya. Mukhang si Miguel na ang mamahalin niyon habangbuhay. Matagal na ang relasyon nila ni Miguel at naging faithful naman ito sa kanya. May mga babae pa ring lumalapit sa kanyang nobyo ngunit   nagagawa naman nitong iwasan ang mga iyon. He always assured her that she was the only woman for him. Sigurado siyang magiging maayos ang pagsasama nila ni Miguel bilang magasawa. She was excited to plan her wedding. Napakarami niyang nais mangyari sa kasal niya. Napakarami niyang pangarap para sa kinabukasan nila ni Miguel. She would be the greatest wife to the greatest husband.   As of now, she had to make sure that First Nicholas was all right. He would be the best man in her wedding. Dinampot niya ang kanyang cell phone at tinawagan si First. Natuwa siya nang sagutin nito iyon. “Are you okay?” tanong niya kaagad. “Bigla ka na lang kasi umalis.” “Are you really getting married to Miguel?” tanong nito sa halip na sagutin ang tanong niya. “Yes, First. Magpapakasal na kami ng EVP mo.   Are you okay? Where are you? I’m worried a bit.” “No, I’m not okay.” Pinutol na nito ang tawag. Nagtatakang napatingin siya sa kanyang cell phone. What was wrong with her friend?  TULALA si First paguwi niya sa kanyang condo unit. Nais niyang magwala ngunit naubusan na siya ng lakas. Pasalampak na umupo siya sa sofa. It was really happening. The most frightening   thing that could happen to a man was happening to him. Michelle was getting married! The love of his life was getting married to another man! Dapat ay may gawin siya upang hindi matuloy ang kasal. Dapat ay kumilos siya. Ngunit anong hakbang ang gagawin niya? At dapat ba talaga na may gawin siya? Wala rin namang magiging silbi kahit ano pa ang gawin niya. Miguel and Michelle   loved each other. It was the reason why the two were getting married in the first place. Nanlumo siya sa napagtanto. Parang may punyal na itinarak sa kaibuturan niya. It was painful as hell. Noong una, ang akala niya ay hindi seryoso si Miguel sa panliligaw sa kaibigan niya. Kilala itong mapaglaro sa mga babae. Hindi rin niya akalaing mahuhulog ang loob ni Michelle kay Miguel.   She had always been a sensible girl. Alam niyang hindi ito magpapabitag sa mga katulad ng EVP niya. Alam din niyang hindi si Miguel ang tipo nitong lalaki. Kaya naman laking gulat niya nang malamang magnobyo na ang dalawa. Michelle looked so happy and in love. Sinugod niya si Miguel noon at pinagsabihan na hindi siya mangingiming patayin ito kung paglalaruan lamang nito si Michelle. “Dude, believe it or not, I’m in love with her. I love   her. I don’t care if you think it’s just shit, but I love her. Isinusumpa ko sàyo, hindi ko siya paiiyakin. Hindi ko siya sasaktan. I’ll take good care of your best friend. I’ll be faithful to her.” Hindi niya pinaniwalaan ang mga salita nito. He silently wished that Michelle would catch Miguel womanizing. Ipinagdarasal niyang sana ay hindi magtagal ang relasyon ng dalawa. Umaasa siya na magsasawa si Miguel kay Michelle.   Palagi niyang inaasam na sana isang umaga paggising niya, single na uli si Michelle. If that happened, he would be there for her. Ngunit ikakasal na ito kay Miguel. Wala na ba siyang pagasa? Hindi na ba puwedeng maging sila ni Michelle? Nakatadhana na ba talaga silang magkahiwalay? Nang makita niyang masaya si Michelle sa piling ni Miguel ay sinubukan niyang kalimutan na ang nadarama para sa kaibigan. She was happy   and he should let her stay that way. Ang isang nagmamahal ay dapat maging masaya para sa kaligayahan ng minamahal kahit gaano pa kasakit iyon. He dated other women and tried to be serious with them. Baka maramdaman uli niya sa ibang babae ang masidhing pagibig na naramdaman para kay Michelle. Baka nasa tabitabi lamang ang babae para sa kanya. But every time he did so, he failed. There was   only one woman for him. Iisa lamang ang kayang mahalin ng puso niya at iyon ay si Michelle Colleen. His Michico. Bakit ba nauwi ang lahat sa ganoong sitwasyon? Why did he let those two have a relationship in the first place? Tanga, makupad, at duwag siya—ang mga iyon ang sagot sa tanong niya. Nais niyang iuntog ang ulo sa pader. Masyado kasi siyang nagpakaabala sa mga negosyo ng   kanyang ama. He was busy proving to other people that he was not a worthless bastard. Lahat ng tao—kasama ang kanyang ama—ay mababa ang tingin sa kanya. Kung hindi siguro maagang nagsipagasawa ang mga kapatid niyang babae ay hindi ipapahawak ng daddy niya sa kanya ang Mead Corporation. Ayaw raw nitong lamunin ng pamilya ng mga napangasawa ng mga kapatid niya ang mga negosyo nila. Halos lahat ng atensiyon niya ay napunta sa   business conglomerate ng kanyang ama na hindi naman niya matatawag na kanya. Nawala tuloy ang mga bagay na talagang nais niyang angkinin. Oh, God, please help me get through this.  

 

CHAPTER FIVE 

HINDI napigilan ni Michelle ang pagtutubig ng mga mata nang masilayan ang kanyang kabuuan sa fulllength mirror. She looked very lovely in her offshoulder wedding gown. Simple lamang ang pagkakagawa niyon, kaunti lamang ang palamuti, at hindi magarbo ang mga disenyo. Her hair was up in a loose bun at may maliliit na bulaklak na nakalagay roon. Simple pero vintage   ang veil niya. Veil pa iyon na ginamit ng lola ni Miguel noong ikasal ito. Her makeup was light. She looked so perfect. Naramdaman niya ang maingat na pagyakap sa kanya ng kanyang ina. “My baby is getting married,” tuwangtuwang sabi nito. Natawa siya. “Baby? Mama, naman. Ang tandatanda ko na po, eh.” “You would always be our baby,” wika ng kanyang ama sa tinig na tila mababasag anumang   sandali. Pinakawalan niya ang kanyang ina at nilingon ang kanyang ama. Namumula na ang mga mata nito. Tila hirap na hirap itong magpigil ng luha. Nais niyang matawa ngunit pinigil niya ang sarili. Ganoon siguro ang lahat ng mga ama sa mundo kapag nakikitang ikakasal na ang mga unica hija nila. Niyakap niya ito. “Ang daddy ko, naging iyakin na,” tudyo niya.   “Careful,” anito habang niyayakap din siya. “Baka magusot ang wedding gown mo.” May isang butil ng luha na umalpas mula sa mga mata nito. Pinahid niya iyon. “Why are you crying? Hindi naman po ako mawawala,” wika niya sa masuyong tinig. “Daddy is just happy for you, darling. Nalulungkot din ako dahil hindi na ako ang pinakamahalagang lalaki sa buhay mo.”   “Let’s not be too dramatic, please. Baka po masira ang makeup ko.” “Pero aaminin ko, anak, hindi si Miguel ang pinangarap kong makatuluyan mo. I’ve always wanted Nick to be your husband.” “Daddy. .” Bakit pa nito sinasabi sa kanya ang bagay na iyon? Bigla siyang nailang. Hindi lihim sa kanya na si First ang nais ng mga magulang niya para sa kanya. Tinanggap na niyang hindi mangyayari iyon, dapat ay tanggap   na rin iyon ng mga ito. Bakit ba siya naiilang? Bakit siya apektado? Wala siyang dapat madama na kahit na ano dahil nakaraan na iyon. First was her first love but Miguel would be her last. “Don’t get me wrong, darling. Gusto ko rin naman si Miguel. Puro kabutihan ang ipinakita niya sa amin ng mommy mo. Niligawan ka niya nang tama. He’s marrying you because he loves you. I think it’s great. Tanggap ko nang hindi   kayo para sa isa’t isa ni Nick. I know you love Miguel so much. Just be happy, anak.” “Thank you, Daddy, Mommy.” Hindi nagtagal ay patungo na sila sa simbahan. Napakaganda ng panahon. She was a June bride. Nang nagdaang araw lamang ay umulan maghapon. Natakot pa nga siya na baka ulanin din ang kanyang kasal. Nagpasalamat siya nang husto nang magising siyang maganda ang panahon at bughaw na bughaw ang kalangitan.   Walang aberyang naganap. Ayon sa coordinator at sa mommy niya, perpekto at nasa ayos ang lahat. She took it as a good sign. She felt like God was blessing her on her wedding day. Parang ipinararating ng Diyos na magiging matiwasay ang buong buhay nila ni Miguel na magkasama. Pagdating sa simbahan ay kaagad sinabi ng coordinator na nasa loob na si Miguel. Natuwa siya kahit ang totoo ay hindi niya iniisip na hindi   ito sisipot. Everything would go well. Lahat ay aayon sa plano nila. The wedding ceremony would be solemn. They would have a terrific reception in a wonderful garden. At the end of the day, she would be Misis Miguel Santillan. They would go to Paris for their honeymoon. Ipinapanalangin niya na sana ay mabuntis agad siya. She would be a wonderful and perfect wife and mother.   She smiled dreamily. Napakarami niyang plano para sa hinaharap. Nagumpisa na ang wedding march. Ninamnam niya ang bawat hakbang niya. She felt like a princess walking towards her Prince Charming and they would live happily ever after. Nakita niya si First sa unahang pew. Hindi ito pumayag na maging best man ni Miguel kahit pinilit niya. Mula nang ianunsiyo niya ang pagpapakasal nila ni Miguel ay napansin niyang   iniwasan na siya ni First. Hindi na rin siya nito kinakausap. Naging abala na siya sa preparasyon ng kanyang kasal kaya hindi na niya ito napupuntahan upang kausapin. He was looking at her. May nabasa siyang matinding kalungkutan sa mukha nito. May paghanga rin siyang nabasa sa mga mata nito. Tila bigla siyang nagbalik noong mga panahong may lihim na pagsinta siya rito. Kapag matatanda na siguro sila, sasabihin niya kay First kung gaano   niya ito minahal. Mahal pa rin naman niya ito ngunit sa tama nang paraan. Mahal niya ito bilang isang kaibigan. Napaisip siya bigla. Bakit ba hindi sila lumampas sa linya ng pagkakaibigan? Kahit kailan ba, hindi nagbago ang tingin nito sa kanya? Hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin nito sa kanya sa buong durasyon ng pagkakakilala nila? Hindi nagkaroon ng katuparan ang mga   pantasya niya dahil hindi ito kumilos upang lumampas sila sa linyang iyon. She remembered he kissed her once, and it was not a friendly kiss. Sinaway niya ang sarili. What was she thinking? It was her wedding day and she was remembering the kiss of another man! Napakatagal na panahon nang nangyari iyon upang alalahanin pa niya. She and First were at their teens then. Baka nadala lamang sila ng   kuryosidad. Habang lumalapit siya kay First ay lalo niyang nakikita ang lungkot sa anyo nito. He was so handsome in his barongTagalog but the sad eyes were off. Hindi niya mapigilang maalala na ito ang unang lalaking pinangarap niyang mapangasawa. Ilang libong beses ba niyang in imagine noon na naglalakad siya sa aisle habang ito ay nasa unahan at hinihintay siya. His eyes would tell her to walk faster because he couldn’t   wait for them to be one. Bibilisan naman niya ang paglalakad patungo rito. Naglalakad na siya sa aisle at nasa unahan ito. Hindi lamang siya nagmamadali dahil nais niyang namnamin ang lahat. Minsan lang siya ikakasal. Hindi rin siya titigil kay First dahil nasa unahan nito ang lalaking pakakasalan niya. Lahat kaya ng mga babaeng ikinakasal ay naaalala ang kanilang mga first love na hindi nakatuluyan? Siguro, habangbuhay nang   magiging espesyal ang first love ng lahat ng mga babae. First love ang pinakamasarap at pinakamasakit na pagibig. Hindi niya napigilang tumigil sa harap ni First. Hindi niya alam kung bakit ito nalulungkot ngunit naroon pa rin ang matinding pagnanais niya na ibsan ang nadarama nito. She held his hand. She smiled at him. Lalo yata itong nalungkot. He looked like her dad a while ago. Siguro, hirap din itong   pakawalan siya katulad ng kanyang ama. Pinisil nito nang mariin ang kanyang kamay. Ang higpithigpit ng pagkakahawak nito na tila ayaw siyang pakawalan. Hinila niya nang marahan ang kanyang kamay. Miguel was waiting. Kailangan na niyang lumakad patungo rito. Tila napipilitan lang si First na pakawalan ang kanyang kamay. Pinagmasdan niya si Miguel na naghihintay sa kanya sa altar. He was looking at her, too. He was   smiling but it was a nervous smile. It was kind of tight, too. Naglakad siya patungo rito. Miguel was her happy ever after. Ito na ang lalaking makakasama niya habangbuhay. He was her present and future. She would be very happy with him. Nakaramdam siya ng saya nang ipasa na siya ng kanyang ama rito. Kaunting oras na lang ay magasawa na sila.   NICHOLAS was exerting too much effort not to cry like a lost boy. Pakiramdam niya ay nadudurog ang puso niya habang pinapanood ang mga ikinakasal sa harap ng altar. Michelle and Miguel looked good together, he hated to admit. Bakit ba siya dumalo sa kasal na iyon? Bakit pa niya pinapahirapan ang sarili? Dahil nangako siya kay Michelle na dadalo siya sa pinakamasayang araw nito? O umaasa siya na biglang magbabago   ang isip nito? Umaasa siya na may mangyayaring milagro upang hindi matuloy ang kasal nito kay Miguel. Ang sama niyang tao upang magisip ng ganoon. Naaalala niya noong magpatuli siya, ang akala niya ay matapang siya at kaya niya ang sakit. Ang yabangyabang pa niya, pero sa huli ay umiyak din siya. Ganoon na ganoon siya ngayon. Ang tapang   tapang niyang magtungo roon, lihim naman siyang umiiyak dahil sa sakit. Kung maaari ay nais pa niyang sumigaw ng, “Aahh! Mama! Ang sakit!” Napangiti siya. Noong magpatuli nga pala siya ang unang pagkikita nila ni Michelle. Sinisisi niya ang sarili sa sinapit. Hindi kasi siya kumilos, walang ginawa. Nang magkawatak watak ang Lollipop Boys ay wala rin siyang ginawa. Hindi rin siya kumilos upang hindi   mawala ang grupo nila. Nawawala ang mga taong mahalaga sa kanya dahil wala siyang ginawa. Hinahayaan lamang niya ang mga ito na iwan siya. Napatingin siya sa imahen ni Hesus na nakapako sa krus. Nagmamakaawa po ako sa Inyo. Bigyan N’yo po ako ng isa pang pagkakataon. Just one chance. I won’t screw it this time. I will do everything right. I will love her more. Maawa naman po Kayo sa akin. I don’t wanna live in misery forever. I wanna be   with her. I promise to do everything right. Just please. . Kulang na lang ay lumuhod siya at umiyak upang pakinggan siya ng nasa Itaas. Kahit huli na ay nais pa rin niyang makiusap, baka sakaling maawa ang Diyos sa kanya. Sana ay makabalik siya sa nakaraan. Alam niyang lalong imposibleng mangyari iyon ngunit baka sakali uling magkatotoo. Ipinapangako niyang hihigpitan na niya ang hawak kay Michelle. Hindi na niya pakakawalan   ang kamay nito. Hindi na niya hahayaang lagpasan siya nito. Sigurado siya, mas malaki ang pagmamahal niya kay Michelle kaysa sa pagmamahal ni Miguel dito. Gagawin niya ang lahatlahat upang mapasaya lamang ito. Dodoblehin niya ang lahat ng bagay na kayang ibigay ni Miguel kay Michelle. “What is happening?” narinig niyang sambit ng kanyang katabi. Iyon din ang nagpabalik sa kanya   sa kasalukuyan. Tapos na ba ang kasal? Napatingin siya sa mga ikinakasal. Nagsalubong kaagad ang mga kilay niya. “Miguel Santillan, do you take Michelle Colleen Aquino to be your lawfully wedded wife for richer and for poorer, in sickness and in health, till death do you part?” wika ng pari. Hindi niya alam kung pangilang beses nang inulit ng pari ang tanong na iyon.   Hindi makasagot si Miguel. Tila hindi ito mapakali, mukhang litunglito. Damn him for not answering. Kung siya ang nasa kalagayan nito, hindi pa natatapos ang pari, nasambit na niya ang “Yes, I do.” Kahit natatabingan ng belo ang mukha ni Michelle, alam niyang nais na nitong magbreak down anumang sandali. Nais na niya itong takbuhin at yakapin nang mahigpit. Nais niyang sabihin dito na ayos lang ang lahat—na ayos lang   kahit hindi sumagot si Miguel. Naroon naman siya. Hindi niya ito iiwan. Kusang bumukal ang pagasa sa puso niya. God heard his pleas and gave him another chance. Hindi niya hahayaang lumampas ang tsansang iyon sa buhay niya. He didn’t want to live in regret and misery. Tila may sinabi si Miguel kay Michelle. Inalis ng bride ang tumatabing na belo sa mukha nito. She was already crying. May sinabi uli si Miguel   bago ito tumakbo palabas ng simbahan. The bride was left alone in the altar, devastated and crying in anguish. Wala na siyang inaksayang panahon. Dali daling nilapitan niya si Michelle at niyakap ito nang mahigpit. Humagulhol ito ng iyak. “This is not happening! I’m just having a bad dream, a nightmare! This can’t be happening to me! Tell me, First, this is not really happening. Oh, God,   please don’t do this to me!” anito sa pagitan ng hagulhol. Palakas nang palakas iyon. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito. “You’ll be fine,” he assured her. He would make sure she would be just fine. “We’ll get through this. Be strong, Michico. Just hold on. I’m here, you hear me? I’m here, baby. I’m just here for you.” “Get me out of here, First. Please,” she begged in a broken voice.   Pinangko niya ito at inilabas ng simbahan. Marami ang nagnanais lumapit ngunit diretso siyang naglakad. Isiniksik ni Michelle ang mukha nito sa leeg niya. Umiiyak pa rin ito. Ipinasok niya ito sa loob ng kanyang kotse. “Where do you want me to take you?” tanong niya habang inistart ang makina. “Kahit saan basta malayo rito,” sagot nito habang nagpapahid ng mga luha. “Oh, God, I wanna die!” she cried.   “Don’t say that!” he snapped at her. “Hindi pa katapusan ng mundo mo. Iniwan ka lang. I know you are upset, I understand. But, please, don’t talk about dying when you are with me. You are hurting me.” Ayaw niyang maging sobrang masaya. Kahit na saan niya tingnan, nasaktan pa rin nang husto si Michelle. Patunay ang labislabis na paghihirap nito ngayon. Pero tao lang siya. Masama na siya kung masama ngunit masaya talaga siya dahil   hindi natuloy ang kasal. He vowed not to blow this chance. Gagawin niya ang lahat upang mapasakanya si Michelle. Napatingin siya rito. She was still crying. Tila kinukurot ang puso niya sa nakikitang anyo nito. Tutulungan niya itong makalimot. He would help her move on and help her fall in love again. Tuturuan niya itong ibigin din siya and then they would get married. Thank You, God. Thank You so much for listening   to my pleas. Thank You for giving me another chance to be happy.  NASA beach house ni First si Michelle sa La Union. Doon siya dinala ni First pagkaalis nila ng simbahan. Pribado ang beach na iyon. Naipundar ng binata ang property na iyon noong kasagsagan ng kita nito bilang Lollipop Boy. Nang sabihin nitong doon siya dadalhin ay hindi siya tumanggi. Mas malayo sa lungsod, mas maganda.   Ayaw muna niyang makita ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Ayaw niyang kaawaan siya ng lahat. Nang maalala ang nangyari ay gusto na naman niyang maiyak. Halos hindi siya makahinga sa sobrang sakit. Ramdam na ramdam niya ang sakit na iyon sa buong pagkatao niya. Sagad iyon hanggang buto, at halos hindi na niya makayanan. Sana ay may anesthesia para sa ganoong uri ng sakit.   Hindi pa rin siya makapaniwalang iniwan siya ni Miguel sa harap ng altar. “I can’t do this,” sabi ni Miguel sa kanya kanina. “I can’t marry you. I’m sorry, Michelle. I just can’t. I’m really, really sorry. I hope someday you’d forgive me for doing this to you.” At tumakbo na ito palayo sa kanya, iniwan siya sa harap ng altar. Muli siyang napaiyak pagkaalala niyon. Parang ikamamatay niya ang sakit. Nakasuot pa rin siya ng wedding gown. The   wedding gown that she chose very carefully. It cost a lot of money. It was supposed to be worn for a very lovely wedding. Ano ang nangyari sa kasal niya? Pakiramdam niya ay isinumpa iyon. Hindi ba’t perpekto pa ang lahat nang umagang iyon? Nakisama ang panahon, nakisama ang lahat. It was supposed to be a perfect day, her happiest day. What happened? Bakit naging disaster ang lahat? Paano naging nightmare ang isang fairy   tale? Sino ang nagsumpa niyon? Inabot niya ang bote ng alak at sinalinan ang maliit na baso. Bago pa man niya mainom iyon ay may umagaw na niyon sa kanya. It was First. Napaungol siya ng protesta nang inisang lagok nito ang alak. “You need to rest, Michico. You’re drunk.” “I’m not!” tanggi niya kahit pa sa sariling pandinig ay tunoglasing na siya. “ÃŒndi ako lasheng! Gimme that!” Pilit na inagaw niya ang   baso. Nang hindi nito ibinigay iyon ay tumungga na lang siya sa bote. Pumalatak ito, kapagkuwan ay inagaw rin ang bote at itinago iyon. “KJ,” nakasimangot na sabi niya. Bumuntonghininga si First bago niya naramdamang pumaikot sa kanya ang mga braso nito. Niyakap na rin niya ito. Muli siyang napaiyak. “Iniwan niyàko,” tila batang sumbong niya.   “Hindi niya ako mahal. Iniwan niyàko. Iniwan niyàko sa altar. Iniwan niyàko sa araw ng kasal namin. Iniwan niyàko.” “Hush,” anito habang hinahagod ang likod niya. “Nandito pa naman ako. Hindi kita iiwan, Michico.” “Ppromise?” Hinagkan nito ang ibabaw ng kanyang ulo. “Pangako. Promise. Hindi ko gagawin sàyo ang ginawa ni Miguel. Magtutulungan tayo para   makalimot ka.” Lalo siyang nagsumiksik kay First. Being in his arms felt so nice. She felt so secure. It was like he was assuring her that everything would be all right. “Let’s talk tomorrow. You rest for now. Everything will be okay. Trust me. I’ll make you happy again.” Ipinikit niya ang mga mata. She trusted First. Kapag sinabi nitong magiging maayos ang lahat,   magiging maayos talaga ang lahat. Magpapahinga na muna siya. Baka bukas paggising niya ay wala na ang sakit. Baka paggising niya, mapagtanto niyang bangungot lamang ang lahat. Binuhat siya ni First at dinala sa silid na inilaan nito para sa kanya. Sumayad ang kanyang likod sa malambot na kama. Mayamaya ay pinunasan nito ang kanyang mukha. Gumaan kahit paano ang pakiramdam niya. Nais na niyang matulog. “I love you.”   Hindi na niya pinansin ang narinig. Kinain na ng antok ang kanyang diwa.  

 

CHAPTER SIX 

PAGGISING ni Michelle kinaumagahan ay hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Pagbangon niya ng kama ay kaagad na naramdaman niya ang pananakit ng kanyang ulo. Naalala niyang naglasing pala siya nang nagdaang gabi. Hindi siya sanay uminom ng alak. And she was now paying for it. Tila lalong sumakit ang kanyang ulo nang   bumalik sa isip niya ang dahilan kung bakit siya naglasing. Ibinagsak niya ang sarili sa kama. Muli na namang namasa ang kanyang mga mata. Pinigilan niyang tuluyang mapaiyak. Ayaw na niya. Pagod na siya. Nang nagdaang araw pa siya iyak nang iyak. Masakit na ang kanyang mga mata. Dapat ay tanggapin na lang niya ang buong pangyayari. Nangyari na iyon. Iniwan na siya ni Miguel. Hindi natuloy ang kasal niya. Bumangon siya. Nakita niya ang wedding   gown niyang nakakalat sa isang bahagi ng silid. Bigla siyang napatingin sa suot. Isang kulay abong oversized Tshirt ang suot niya. Nagsalubong ang mga kilay niya. Ang alam niya ay hindi na niya nagawang magpalit ng damit nang nagdaang gabi. Sino ang naghubad ng wedding gown niya? Malamang na si First. Silang dalawa lang naman ang tao sa beach house. Bigla tuloy siyang nailang.   Nagtungo na siya sa banyo bago pa kung anu ano ang pumasok sa isip niya. Naligo siya at naghanap ng maisusuot. Nang buksan niya ang closet ay may mga nakita siyang damit na nakasupot pa. Hindi niya alam kung saan nakakuha ng mga damit si First. Isinuot niya ang isang puting Tshirt at denim shorts na abot hanggang tuhod. Lumabas na siya ng silid. Wala si First sa sala kaya nagtungo siya sa kusina. Wala rin ito roon. May mga pagkaing   nakahanda sa mesa. May note sa pinto ng ref na nagsasabing nasa dagat daw ito. Kumain na rin daw siya. Dahil nakakaramdam na siya ng gutom, kumain na siya. Nang matapos siya ay iniligpit niya ang mga natirang pagkain at hinugasan ang pinagkainan. Maganda ang beach house ni First. Pribadung pribado iyon at malayo sa mga kapitbahay. Yari sa kawayan ang buong bahay at ang mga   kasangkapan. Hindi iyon gaanong malaki; dalawa lamang ang silid doon. Doon nagtutungo si First kapag nais nitong mapagisa at magisip. Doon din naglalagi ang binata kapag nagtatampo, o kaya ay kapag galit ito sa mama at papa nito. Lumabas siya ng bahay. Natanaw niya si First sa dagat na tila tuwangtuwa sa paglulunoy sa tubig. Maambon nang araw na iyon. Tila walang balak magpakita ang araw buong maghapon. Napangiti siya nang mapait. Pati ang langit ay   nakikisama sa nararamdaman niya. Naglakad siya patungo sa dagat. Hinayaan niyang mabasa ang kanyang mga paa. Malamig ang tubig. Nakita siya ni First at kinawayan. Gumanti siya ng kaway. Hindi nagtagal ay umahon na ito. “Gising ka na pala,” anito nang makalapit sa kanya. Tumango lang siya at naglakadlakad. Sinabayan siya nito. Hinawakan nito ang kamay   niya at hinagkan iyon. “Are you okay?” masuyong tanong nito. “You know the answer to that, First.” “Alam kong masakit—” “You have no idea. No idea at all.” “I’m here, Michico. I’m just here. Hindi kita iiwan kahit ano ang mangyari.” Namasa ang kanyang mga mata. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay nito. She was thankful because he was there for her. Kahit   paano ay may taong handang damayan siya sa kanyang pighati. “Deep in my heart, I know something wrong would happen between me and Miguel. We had this perfect relationship for two years. Everything was sailing smoothly. Ni hindi kami nagaaway. Bakit naman ganito ang nangyari, First? Bakit ganito katindi?” Muli nitong hinagkan ang kanyang kamay. “You two are not meant for each other.”   Doon nalaglag ang mga luha niya. “I love him. So much.” He sighed. “I know.” “Paano niya nagawa ito sa akin?” “Hindi ko alam. Pero napakalaking tanga niya upang iwan ka sa harap ng altar. Ang tangatanga niya. Hindi niya alam kung ano ang tinakbuhan niya. The sooner you get over him, the better.” “Madaling sabihin, mahirap gawin.” “Alam ko, pero makakaya mong gawin. Trust Page 17 9 of 362   me, you will learn how to forget him.” “Kailangan bang kalimutan ko na siya agad? Hindi ba puwedeng hintayin ko muna ang paliwanag niya? Baka may mabigat na dahilan kaya niya nagawa iyon. Baka sakaling may pag asa pa para maayos ang lahat.” Bigla nitong binitawan ang kanyang kamay. Ang sama ng tingin nito sa kanya. “Umaasa ka pa na magkakaayos kayo?” “Masisisi mo ba ako? Mahal ko siya. Baka   sakaling—” “Shut up!” he snapped. Naiyak siya. Hindi siya maintindihan ni First! Palibhasa ay hindi ito marunong magmahal. Palibhasa ay wala itong sineryoso sa mga babaeng dumaan sa buhay nito. Hindi nito alam kung ano ang pakiramdam ng labis na nasaktan. Hanggang maaari, ayaw pa niyang bumitaw kay Miguel. Nais muna niyang pakinggan ang paliwanag nito. “Hindi ka man lang ba magagalit sa kanya?”   naiinis na tanong ni First. “He left you at the altar! He couldn’t answer a very simple question! He didn’t want to marry you. Hindi ka niya mahal! And look at you, you are crying. Hindi ka naman iyakin dati.” Pinaghahampas niya ang dibdib ni First. And he called himself her friend? Ang samasama ng ugali nito. He should be comforting her. Niyakap siya ni First. Pumalag siya ngunit lalo lamang siyang ikinulong ng binata sa mga bisig   nito. He kissed her temple. “I’m sorry,” he murmured softly. “Hindi ko sinasadya.” “You are so mean,” aniya habang sisinghut singhot. It felt nice to be in his arms. Kahit naiinis siya rito, hindi niya maipagkakaila iyon. “Basta lagi mong tatandaan, nandito lang ako para sàyo.” Ramdam na ramdam niya ang pagiging sinsero nito. Naniniwala siya rito. Alam niyang hindi siya nito iiwan. Alam niyang gagawin nito ang lahat   upang maging maayos ang sitwasyon. Biglabigla, parang nais na niyang ipaubaya rito ang lahat. Ayaw na niyang isipin si Miguel. Nasa tabi naman niya si First.  KINAGABIHAN, inako ni Michelle ang pagluluto. Puro prito lang kasi ang alam lutuin ni First. Ang nais niya ay makakain naman ito ng masarap. Nagsigang siya ng hipon at nagprito naman ito ng hito.   “Puwede bang dito muna ako nang ilang araw o ilang linggo?” tanong niya habang kumakain sila. “Gusto ko sanang mapagisa at malayo sa lahat.” Nagtatakang napatingin ito sa kanya. “Alone? You want to be alone here?” Tumango siya. “Hindi pa ako handang harapin ang lahat,” sagot niya. “You don’t wanna be with me?” Hindi na siya nagtaka. “Alam kong hindi ka   puwedeng mawala nang matagal sa opisina, First.” Nevertheless, she was touched to know that he was so willing to be with her. Bahagyang umasim ang mukha nito. “Sino ang nagsabing hindi puwede?” “Kilala nating dalawa ang tatay mo.” Istrikto ang tatay nito. Madalas ay naaawa siya kay First dahil naatang dito ang isang napakabigat na responsibilidad. Ayaw man nitong aminin sa kanya, alam niyang nais nitong paluguran ang   ama. Alam niya kahit hindi sabihin ng binata, mahal nito ang sariling ama. Hindi lang niya alam kung ganoon din si Mister Mead sa anak nito. Ngumuso si First. “Hayaan mo nga siya. Minsan lang ako mawala sa opisina. Matagal na rin mula nang huli akong magbakasyon. I deserve a long break. Isa pa, kailangan mo ako. Ayokong magisa ka at baka maisipan mo pang magpakamatay. Hindi ko kaya kung mawawala ka.”   “Salamat, First,” aniya. Ayaw niyang aminin dito na kailangan talaga niya ng kaibigang makakasama. Baka mabaliw siya at maisipan nga niyang magpakamatay. Hinaplos nito ang pisngi niya. “Basta ikaw. Ang lakas mo sa akin, eh.” Hinagkan niya ang kamay nito upang iparating ang muli niyang pasasalamat. Pagkatapos nilang kumain ay nanood sila ng balita sa telebisyon. Sa entertainment news ay   may balita tungkol sa bagong single ni Vann Allen. She saw First smile. Nilakasan pa nito ang volume. Lahat yata ng mga Pilipino ay proud na proud sa naabot ni Vann Allen. She knew Vann Allen. Masasabi niyang kaibigan na ang turing nito sa kanya. Minsan, kapag umuuwi ang lalaki ay may mga pasalubong din ito para sa kanya. “I miss the Lollipop Boys,” bigla niyang nasambit. Nais uli niyang makita ang limang   lalaki na magkakasama sa stage. Dati, parang napakadali para kay First na ngumiti at maging masaya. Sa piling ng mga Lollipop Boys, napakadali para dito ang humalakhak. Malutong at puno ng buhay palagi ang mga tawa nito. Parang maganda palagi ang disposisyon nito sa buhay. When he became First Nicholas Mead, the young and brilliant CEO, he became stiff and cold. Palagi raw itong masungit at perfectionist   pagdating sa trabaho. Halatanghalatang hindi nito gaanong gusto ang ginagawa. Minsan, hirap ang mga taong paniwalaan na minsan itong naging miyembro ng banda, na minsan ay naging masayahing celebrity. “I miss them, too,” ani First. Nagkaroon ng lamlam ang mga mata nito. Hinawakan niya ang kamay nito at marahang pinisil iyon. Alam niya, hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin ito sa pagkakadisband ng   Lollipop Boys. Nagkakasama pa rin ang limang lalaki ngunit hindi na kasindalas ng dati. The friendship they developed survived and she was very thankful for it. “Imposible na bang mabuo uli kayo? Kahit isang album lang?” Sigurado siya, hindi lamang siya ang naghahangad na mabuo uli ang banda. Alam niyang marami ang matutuwa kapag muling nabuo ang Lollipop Boys. “Gusto ko pero abala na kami masyado sa   kanyakayang buhay. And, come on, we’re no longer boys.” “There’s always a boy inside a man.” “I guess you are right. A boy who is always scared.” “Scared of what?” nagtatakang tanong niya. Why was he acting weird? Natatakot ito saan? Bakit? Ang First na kilala niya ay walang kinatatakutan. “Sa mga bagaybagay na walang kasiguruhan.”   “Wala naman talagang kasiguruhan ang buhay. If we won’t dare to take a risk, wala tayong mararating. Walang mangyayari sa buhay natin.” Tinitigan siya nito nang mataman. “You are right.”  KINABUKASAN, nagising si Michelle sa patak ng ulan. Ang agaaga ay malakas na ang ulan. Ayon sa balita nang nagdaang gabi ay may low pressure area daw sa bahaging iyon ng Luzon. Isinubsob   niya ang kanyang mukha sa unan. Ang sarap pang matulog. Mayamaya ay may naamoy siyang mabango. Walang ganoong amoy sa kuwarto niya. Nagtatakang nagmulat siya ng mga mata at bahagyang nagsalubong ang mga kilay nang makakita ang pumpon ng rosal sa upuan sa tabi ng kama. Napabangon tuloy siya. Napapangiting dinampot niya ang mga bulaklak at inamuy   amoy ang mga iyon. Biglang gumaan ang pakiramdam niya. Parang hindi siya nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa pagod sa pagiyak. Iyon ang unang pagkakataon na binigyan siya ni First ng mga bulaklak. Sa hindi niya malamang kadahilanan, kinilig siya. Magaan ang pakiramdam na nagtungo na siya sa banyo. Pagkahilamos at pagkasepilyo ay lumabas na siya at nagtungo sa kusina. Nais   niyang ipagluto ng almusal si First. Ngunit nadatnan niyang naghahain na ito sa hapag kainan. “`Morning,” masayang bati niya. “Mugto na naman ang mga mata mo,” puna nito. Mababakas ang lungkot sa mga mata nito. “Magdamag ka na naman sigurong umiyak.” Umupo siya sa harap ng hapagkainan. “Hindi ko mapigilan, First,” aniya. Hinagkan nito ang ibabaw ng kanyang ulo   bago umupo sa tabi niya. Bigla niyang napansin na nadadalas ang paghalikhalik nito sa kamay at ulo niya. Parang nailang tuloy siya. Para kasing bumabalik ang epekto nito noon sa kanya. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Kung anuano ang naiisip niya. Kagagaling lamang niya mula sa isang pagkabigo. Paano niya naiisip ang lihim na pagsinta dati sa kanyang kaibigan? Si First pa ang naglagay ng pagkain sa plato niya.   “Salamat sa mga bulaklak,” sabi niya. Napangiti na ito. “Nagustuhan mo?” Tumango siya. “Oo naman. Ang bangubango nila. They made me smile. You made my day.” “O, sige, kain ka na. Mamaya, maliligo tayo sa dagat,” anito na tila magandangmaganda na ang mood. “First! Umuulan kaya. May bagyo. Delikado ngayon sa dagat.” “Hindi naman ganoon kataas ang mga alon.   Ang saya kayang maligo sa dagat habang umuulan. Hindi naman tayo pupunta sa malalim, eh.” “Ayokong maligo sa dagat. Magkukulong ako ngayong araw,” aniya bago sumubo ng pagkain. “Ah, basta, maliligo tayo.” “Ah, basta, ayoko.”  

 

CHAPTER SEVEN 

“ANG LAMIG!” tili ni Michelle. Naliligo sila ni First sa dagat. Tawa lang nang tawa si First. Tila hindi nito iniinda ang ulan at ang lamig ng panahon kung makalangoy. Ang totoo, hindi niya alam kung bakit hinayaan niya itong buhatin siya palabas ng bahay pagkatapos ng agahan. Dahil basa na rin lang siya, pumayag na siyang maligo sa dagat.   “Lumangoy ka kasi para hindi ka gaanong lamigin,” anito bago muling lumubog sa tubig. Ginawa niya ang sinabi nito. Hindi naglaon, nasanay na ang katawan niya sa lamig. Tuwang tuwa siya sa mga alon. Mataas ang mga iyon. Naghabulan pa sila ni First sa ilalim ng tubig. Para silang mga bata. Nasorpresa siya nang magawa na niyang ngumiti at tumawa nang totoo. Nang mapagod sila sa paglangoy ay umahon   na sila at humiga sa buhangin. Hinayaan niyang pumatak ang ulan sa kanya. She welcomed the cold. It was like an anesthesia to her aching soul. “Michico?” tawag ni First. “Hmm?” “Ano ang iniiyakan mo kagabi?” She sighed. “Naalala mo na naman si Miguel?” “Puwede ba namang hindi?” “Mahal mo talaga siya?”   “Hindi ko siya pakakasalan kung hindi. Kagabi, iniisip ko kung ano na sana ang nangyayari sa akin ngayon kung hindi niya ako iniwan sa altar. Siguro, nasa Paris na kami at masayang namamasyal. Iniisip ko rin kung ano’ng dahilan niya kung bakit niya nagawa iyon. Did he realize he doesn’t really love me and I am not the woman he wanted to marry?” Bumuntonghininga si First. “Ayokong madaliin ka sa paglimot. Gusto kong bigyan ka ng   panahong malungkot at masaktan. Ayokong pilitin kang maging masaya. Pero sana, Michico, humakbang ka kahit paano. Move on. Untiunti mong tanggapin na hindi na siya babalik.” “Sa palagay mo, hindi na talaga siya babalik?” “Hindi ko na siya hahayaan. Pagkatapos ng ginawa niya sàyo, hindi ko na siya hahayaang bumalik sa buhay mo. Mas pinili niya ang takbuhan ka, magdusa siya,” sabi nito sa mariing tinig.   “Pero paano kung—” “Michico, please stop. Don’t hope too much. At magalit ka naman sa kanya. He jilted you.” Nanahimik siya. May kaunting galit siyang nadarama ngunit mas nangingibabaw ang sakit. Hindi niya maiwasang isipin ang mga posibilidad kung bakit nagawa ni Miguel sa kanya ang ginawa nito. Bakit ito umurong sa kasal nila? Bakit bigla ay ayaw na siya nitong pakasalan? Napakarami niyang mga pangarap na nawasak.   Napakarami niyang plano na hindi naisakatuparan. Paano na siya maguumpisa ngayon? Wala na siyang trabaho. Ano ang gagawin niya? Paano niya haharapin ang mga tao? Nais niyang gumawa ng panibagong plano para sa hinaharap ngunit hindi niya alam kung paano maguumpisa. Miguel ruined everything. “Michico?” tawag ni First. “O?”   “Did you ever think of us being together? Together as in romantically involved. Mag boyfriendgirlfriend. Magasawa.” Napalunok siya. Hindi niya magawang sumagot. Napakadaling magsinungaling ngunit hindi niya magawa. At bakit ba ito nagtatanong ng ganoon? “I take that as a ‘yes.’” Muli ay hindi niya nagawang sumagot.   NASA terrace si Michelle at pinapanood ang pagpatak ng ulan. Hindi yata titigil ang pagulan sa araw na iyon. Hindi naman gaanong malakas ang ulan ngunit tuluytuloy naman iyon. Mayamaya ay sinamahan siya roon ni First. Ang isang kamay nito ay may hawak na isang mug ng umuusok na inumin. Ang isang kamay naman nito ay may tangantangan na gitara. Inilapag nito sa harap niya ang mug na mainit na tsokolate pala ang laman. Umupo ito sa tabi niya   at kinalabit ang gitara. Napangiti siya habang pinagmamasdan ito sa ginagawa. Hindi ito marunong tumugtog ng gitara dati. Tinuruan lang daw ito ni Maken. Gustunggusto niya kapag tumutugtog ito. Sa paningin niya ay lalo itong gumuguwapo. Nang maitono na ang gitara ay nagsimula na itong tumugtog. He started to sing, too. “Life comes in many shapes. You think you know what you got until it changes. . And life will   take you high and low. You gotta learn how to walk. And then which way to go. . Every choice you make when you’re lost. Every step you take has its cause…” Napapapikitpikit siya habang kinakantahan nito. First had the most wonderful voice in the planet. It never failed to make her feel good. Nang maging Lollipop Boy ay lumabas ang mga itinatago nitong talento. “After you clear your eyes, you’ll see the light   somewhere in the darkness. After the rain has gone you’ll feel the sun comes. And though it seems your sorrow never ends, someday it’s gonna make sense.” Tumatagos sa puso ni Michelle ang nais sabihin ni First sa kanya. Pakiramdam niya ay napakasuwerte niya dahil nagkaroon siya ng kaibigan na katulad nito. Hindi niya mapigilang maluha. Bigla itong tumigil sa pagtugtog. “Hey,” anito.   “Don’t cry,” he said softly while wiping away her tears. Pinilit niyang ngumiti. “I’m just happy to have you. Masaya ako kasi nandito ka ngayon.” Inilapag nito ang gitara sa mesita at tuluyan na siyang niyakap. “Hindi kita iiwan kailanman. Hindihindi kita tatakbuhan.” Gumanti siya ng yakap. As usual, being in his arms felt so nice. It felt home. She felt secure. Nanatili silang tahimik na magkayakap sa   mahabang sandali hanggang sa basagin nito ang katahimikan. “Do you mind if I ask a bit uncomfortable question?” “What is it?” nagtatakang tanong niya. May uncomfortable question pa ba sa kanilang dalawa? “When did you feel something different for me?” Nanigas siya. Tama ito, hindi siya magiging   komportableng sagutin ang tanong na iyon. Ano ba ito? Bakit pa siya nito tinatanong ng ganoon? At bakit siya naiilang na sagutin iyon? It was already part of the past. Dapat ay madali na niyang masasagot ang bagay na iyon. “First, bakit kailangan mong ungkatin `yon?” Sinubukan niyang kumawala ngunit hindi siya nito hinayaan. “So, talagang nagkagusto ka sàkin dati?” tanong nito sa tinig na tila tuwangtuwa sa   nalaman. Naginit ang mga pisngi ni Michelle. Napapahiya siya. Natampal niya ang balikat ni First. “Nakakainis ka!” Natawa ito. “Bakit ako nakakainis? Nagtatanong lang naman ako. Kailan nga?” Napangiti na rin siya. What the heck! What was the big deal anyway? Her memory of herself being in love with him was fun. Nasiyahan naman siya sa pagmamahal niya rito noon kahit palihim   iyon at hindi nagkaroon ng katuparan. “I don’t know when exactly. Siguro noong start ng puberty natin. Ikaw ang first crush ko, eh. Ikaw rin ang first love ko—sa paniniwala ko. When we grew older, I realized it was just a puppy love.” “How did you get over me?” “When I started accepting the fact that we’ll never cross the line of friendship.” “It’s a fact? Bakit hindi ko alam `yon?”   Nagbibirong sinabunutan niya ito. “Kung nagkaroon ng posibilidad na maging tayo, sana noon pa. But I’m sort of glad we never attempted to be romantically involved. I mean, we have this very beautiful friendship. Mula pa pagkabata, magkasundo na tayo. Kapag hindi nagwork ang relationship natin, sayang ang magandang friendship na binuo natin sa napakatagal na panahon.” Lumayo ito nang bahagya sa kanya at tinitigan   siya nang husto. Napakaseryoso ng mukha nito. Nagtatakang napatingin din siya rito. Mayamaya ay pumaloob sa buhok niya ang kamay nito habang untiunting bumababa ang mukha sa kanyang mukha. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto ang plano nitong gawin. He was going to kiss her! Maglalapat na ang mga labi nila nang bigla siyang umiwas. Sa pisngi niya dumako ang mga labi nito. Tila may kuryenteng   dumaloy sa buong katawan niya. Nais niyang lumayo kay First ngunit hindi siya nito hinayaan. “FFirst, why are yyou ddoing this?” Tila may mga kabayong naghahabulan sa loob ng dibdib ni Michelle. Ilang na ilang na siya. “Let me go,” sabi niya ngunit hindi naman niya ito itinutulak. Huminga ito nang malalim. Ang akala niya ay pakakawalan na siya ni First ngunit hinagkan hagkan nito ang kanyang pisngi hanggang sa   matagpuan ng mga labi nito ang mga labi niya. Nanlambot siya. Pakiramdam niya ay wala siyang buto. Sa umpisa ay dinampidampian lamang nito ng mga mumunting halik ang mga labi niya. Napapikit siya. Halos wala sa loob na ibinuka niya ang mga labi para dito. Hindi na niya napigilan ang sarili. She wanted more. Noong una ay marahan lamang ang paghalik ni First ngunit untiunti iyong lumalim. He kissed   her thoroughly. Lumipad ang lahat ng matinong mga kaisipin sa isip niya. He moaned when she started to kiss him back. Nais niyang iparamdam din kay First ang mga kaigaigayang damdamin na ipinaparamdam nito sa kanya sa pamamagitan ng halik. Why are we kissing? Hindi na niya hinayaan ang sarili na pag isipan pa nang husto ang sagot sa tanong na iyon. Ang tagaltagal din niyang pinangarap noon na   mahagkan ni First sa ganoong paraan. Sa paraang tila sabik na sabik ito sa paghalik sa kanya. Sa paraang tila napakaganda niya at nais nitong hagkan siya sa napakatagal na panahon. Naramdaman niyang umangat siya. She suddenly stopped kissing him when she realized she was straddling him already. His lips were still moving against hers. For a while, she just let him taste her. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. It was delicious. She was happy.   His lips were soft and sweet. Pakiramdam niya ay natupad na ang matagal na niyang pinapangarap. Kapwa nila habol ang hininga nang sa wakas ay pakawalan ni First ang kanyang mga labi. They stared at each other’s eyes for a while. She saw the obvious happiness in his eyes. He looked so boyish. He looked like the old Lollipop Boy First Nicholas that she loved so much. Isinubsob nito ang mukha sa kanyang leeg at niyakap siya nang napakahigpit. “Michico. .   Michico. . Michico. .” he chanted softly. Napangiti siya. The way he said her name, it sounded like “Michie ko.” Kahit alam niyang pinagsama lamang nito ang dalawang pangalan niya ay hindi niya maiwasang kiligin. “Let’s not talk,” bulong niya. Mamaya na lang siya babalik sa realidad. Mamaya na lang siya magiisip nang matino. Mamaya na lang siya magsisisi at pagagalitan ang sarili. Kinapa niya ang sariling damdamin. May   pagsisisi ba siyang nadarama? Wala. Wala siyang makapa kahit katiting. What happened was special and it would forever remain that way.  HINDI pa rin maiwasan ni Michelle na mailang habang naghahapunan sila ni First. Hindi sila nagiimikan. Pakiramdam niya ay nawala ang mahikang nakabalot sa kanila kanina. Mukhang hindi naman ito naiilang nang husto katulad niya dahil pangitingiti pa ito paminsanminsan.   Mukhang magandangmaganda ang mood nito. Nang matapos silang kumain ay inako nito ang pagliligpit. Lumabas siya ng bahay. Sa wakas ay tumila na ang ulan. Naglakadlakad siya sa baybayin. Ramdam na ramdam niya ang malaking pagbabago sa relasyon nilang magkaibigan. Iniisip niya kung ano ang iniisip ni First. Ano ang motibo nito sa paghalik sa kanya? May romantikong damdamin ba ito para sa kanya? At   bakit parang masaya siya sa naiisip? Nawala bigla ang saya niya nang maalala si Miguel. Pakiramdam niya ay nagtataksil siya rito. It was absurd. Nang takbuhan siya nito at iwan sa altar ay tapos na ang lahat sa kanila. Wala na siyang obligasyon dito. Hindi na dapat siya makaramdam na tila may pinagtataksilan siya. Pero sa isang banda, wala pa silang masasabing closure. Umaasa pa ba siya na magkakabalikan sila ni   Miguel pagkatapos ng ginawa nito? Paano si First? She couldn’t deny the fact that his kiss still affected her so much. Hindi niya maaaring bale walain iyon. Pakiramdam pa niya ay bumabalik siya sa mga panahong may lihim na pagsinta siya sa kanyang kaibigan. Ang isa pang tanong ay kung ano ang motibo ni First sa pagpapakita ng interes sa kanya. Ganoon ba ang paraan nito ng pagcomfort sa kanya? Ginawa ba nito iyon upang mabilis niyang   makalimutan si Miguel? Gulunggulo ang isip niya. Napaigtad siya nang maramdamang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Kaagad na naamoy niya ang pamilyar na amoy ni First. Napalunok siya nang sunudsunod. Hindi niya alam na nilalamig siya hanggang sa maramdaman niya ang init na nagmumula sa katawan nito. “What are you doing here?” tanong nito habang hinahagkan ang balikat niya. “Malamig   na.” Napapikit siya, kapagkuwan ay inihilig niya ang kanyang ulo sa balikat nito. “Gusto kong magisip.” “Tungkol sa?” “What is happening, First?” tanong niya sa halip na sagutin ang tanong nito. “Let’s go home. Madilim dito.” Inakay na siya nito pauwi sa bahay. Dismayado siya ngunit wala na siyang nagawa   kundi ang magpaakay rito. Pagdating sa terrace ay pinigilan siya nito nang akma na siyang papasok sa loob ng bahay. “I wanna answer your question here. Iyong nakikita natin ang mukha ng isa’t isa. Madilim sa labas.” Seryosungseryoso ang tinig nito at ang uri ng tingin sa kanya. Bumilis agad ang tibok ng puso niya. Napapikit siya nang hagkan nito ang kanyang noo. “Let’s try to be together,” wika nito habang   sinasalubong ang tingin niya. Napalunok si Michelle. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at iisipin. Seryosungseryoso pa rin ang mukha nito. “First...” sambit niya. Pinagdikit nito ang mga noo nila at hinapit siya palapit. “I know it’s too soon. I know it’s only been days. Hindi naman kita minamadali. Hindi ko lang maatim na hindi kumilos kaagad. Baka mawala ka uli. This time, I don’t wanna regret   anything. Ayokong maulit uli ang eksena sa simbahan. Baka hindi na maawa sàkin ang Panginoon.” “What are you saying, First?” nagtatakang tanong niya. Lalo yatang bumilis ang tibok ng puso niya. Nahihirapan na rin siyang huminga nang maayos. “I love you, Michico. I’ve always been in love with you.” Namasa ang kanyang mga mata. Napakatagal   niyang hinintay na sabihin nito ang mga katagang iyon noon. Bakit ngayon lang kung kailan tumigil na siya sa paghihintay? Bakit kung kailan iba na ang itinitibok ng kanyang puso? “Baka sakaling gustuhin mo uli ako tulad ng pagkagusto mo noon. I am willing to wait. Hindi naman kita mamadaliin.” “It was just a puppy love, First.” “It can be true love,” giit nito. “Give me a chance to prove to you how much I love you.   Hindi ko kaya kung mawawala ka uli sa akin. Ayoko nang maging duwag. Ayokong mabuhay sa lungkot at pagsisisi. I’ll make you love me. Matututuhan mo rin akong mahalin. Mahal mo ako bilang isang kaibigan, matututuhan mo ring mahalin ako bilang lalaki.” Bigla siyang napaiyak. Hinampas niya ang dibdib nito. “Nakakainis ka! Bakit ngayon lang? Kung noon mo pa sana sinabìto, sana. . sana hindi na ako umibig kay Miguel. Hindi sana   magiging kami. Hindi sana kami magpaplanong magpakasal. Hindi ko na sana nararamdaman ngayon ang sakit na dulot ng pagtalikod niya. Nakakainis ka! Nakakainis ka!” Niyakap siya nito. Napahagulhol siya. Halu halo ang kanyang nadarama. Masaya siya dahil mahal naman pala siya ng lalaking lihim na inibig niya noon. Kasabay noon ang panghihinayang sa mga taong nasayang. Kung nagsabi lamang ito noon. Kung naging matapang lamang ito.   Nalulungkot din siya dahil hindi na siya ang babaeng umiibig dito. She was over him. Si Miguel na ang nasa puso niya. But Miguel was gone. He didn’t want to marry her. First was there. He said he loved her—had always been in love with her. Hindi raw siya nito iiwan. Minsan na niya itong minahal. Hindi masamang— She shook her head. Hindi tamang gawin niyang panakipbutas si First. He was not just a   man. He was her best friend. Mula pagkabata ay magkasama na sila. Hindi ito puwedeng maging BandAid ng sugat na nilikha ni Miguel. “I’m sorry,” he murmured while kissing her temple. “I’m sorry for being a coward. I’m sorry for always hesitating. Sorry kung mas may mga pinahalagahan at inuna ako noon kaysa sàyo. Babawi ako sàyo, Michico. Ipaparamdam ko sàyo kung gaano kita kamahal.” “Sigurado ka ba rito sa ginagawa mo, First?   What about our beautiful friendship?” “Matagal ko nang pinahalagahan ang beautiful friendship na sinasabi mo, Michico. Ayokong mamatay nang hindi sumusubok. Parang naglolokohan din lang naman tayo, eh. I don’t love you as a friend. I love you as a woman. Will you let me love you?” “Hindi ganoon kadali ang lahat. It’s too soon. I still love Miguel. Intindihin mo naman ako, First. Miguel and I almost got married.”   Nanigas ito. Hinaplos niya ang buhok nito. “Ayokong masaktan ka. Ayokong umasa ka masyado. Ayokong gamitin ka para makalimot ako sandali. Ayokong gawin kang panakipbutas. You deserve more than that.” “I don’t wanna think of anything negative. I firmly believe we are meant for each other. Hindi ka pinahintulutan ng Diyos na maikasal kay Miguel. Hindi kayo ang para sa isa’t isa.”   “First—” “Hindi kita aapurahin. Take your time. Grieve. Tandaan mo na nandito lang ako. Hindi kita iiwan katulad ng ginawa ni Miguel sàyo. Mamahalin kita nang lubos, nang higit pa sa pagmamahal na ibinigay niya sàyo.” “Salamat sa pagmamahal, First. This is a big surprise. Parang ang hirap paniwalaan. Parang hindi totoo. Parang panaginip lamang ang lahat.” He gently cupped her face. Pinaulanan nito ng   mumunting halik ang buong mukha niya. “I love you. I love you. I love you so much,” anito sa pagitan ng mga halik. Halos sumabog ang puso niya sa kaligayahan. Ang saya niya. Pakiramdam niya ay walang kulang sa mundo. Parang lahat ng mga nais niya ay nakamit na niya. Bakit may ganoon pa ring epekto sa kanya si First?  

 

CHAPTER EIGHT 

NANG sumunod na mga araw ay lalo pang naging maligaya si Michelle sa piling ni First. Napakamaasikaso ng binata. Napakasweet din nito. Palagi siyang may mga bulaklak sa paggising niya. Pinipilit nitong magluto ng masarap para sa kanya. Madalas na palpak ngunit natutuwa pa rin siya sa effort nito. Madalas din siya nitong   kantahan at sayawan. Minsan ay tumayo ito sa coffee table at sumayaw sa saliw ng “Careless Whisper.” Tawa siya nang tawa. He tried to be funny while doing the sexy dance but he still looked sexy. Madalas din sila sa dagat at parang mga batang naglalaro doon. Nangingitim na nga sila sa dalas ng paliligo nila. Ang pinakanakapagpapasaya sa kanya sa lahat ay ang palagi nitong pagsasabi sa kanya na mahal   siya nito. Tuwing umaga at bago matapos ang araw ay sinasabihan siya nito ng “I love you.” It was so great. Madalang nang magkapuwang ang lungkot sa puso niya. Minsan, nagiguilty siya tuwing mare realize niyang hindi na siya nalulungkot dahil sa kasawian kay Miguel. Pinipigil niya minsan ang matuwa nang husto. Para kasing mali na maka recover agad siya at ibaling ang pagtingin niya kay First. Ganoon ba karupok ang pagibig niya   para kay Miguel? Ganoon ba ito kadaling kalimutan? Minsan, sinisikap niyang alalahanin ang masasayang sandali nila ni Miguel upang ipaalala sa sarili na ito pa rin ang mahal niya. Pero kakaunti pala ang pagkakataong naging intimate sila sa isa’t isa. Hindi rin pala sila madalas mag date. Magkasama na kasi sila sa trabaho maghapon. Kapag nasa opisina naman sila, strictly professional ang turingan nila sa isa’t isa. Hindi   sila naglalambingan kapag nasa premises sila ng opisina. They both thought it was unethical. Their kisses were brief. They seldom held hands. Ang naririnig niya dati, malikot ito sa babae. Madalas daw itong nakikitang nagtse check in sa hotel na may kasamang babae. He never did that to her. Hindi sila kailanman nagkulong sa isang silid na may kama. He never made a move to be that intimate with her. It never bothered her then.   Napapaisip siya. Hindi ba siya ganoon ka attractive sa opposite sex? Aminado siya na konserbatibo pa rin siyang manamit at mukha raw siyang masungit kapag hindi ngumingiti. Kaya ba siya iniwan ni Miguel? Hindi ba ito physically attracted sa kanya? But why was she so affected with First’s kiss? Ibang iba ang epekto ng halik nito sa halik ni Miguel. When Miguel was kissing her, she was too aware with her surroundings. With First, she   just forget everything. So what did that mean?  “ANG GANDA,” sabi ni Michelle kay First habang nakatingin siya sa papasikat na araw. “Mas maganda ka,” bulong nito malapit sa tainga niya. Iningusan niya ito. “Malinaw na pambobolàyan, First.” Natawa ito at lalo siyang hinapit palapit.   She sighed dreamily. What a way to start a beautiful morning. Nakaupo sila ni First sa buhangin at pinapanood ang pagsikat ng araw. Nakayakap ito sa kanya mula sa kanyang likuran. Gustunggusto niya ang puwesto nila. “Kailan mo balak bumalik sa opisina?” naisip niyang itanong. “Bakit? Pinapaalis mo na ba ako sa sarili kong property?” biro nito habang hinahagkanhagkan ang balikat niya.   May nanulay na masarap na kilabot sa buong katawan ni Michelle. Bakit kay Miguel ay hindi niya nararamdaman ang ganoon? Bakit hindi ginagawa ni Miguel ang mga ganoong paglalambing sa kanya noon? Sa iba ba ay ginagawa nito iyon? She cleared her clouded head. “Dalawang linggo na tayo rito. Hindi ka pa ba hinahanap sa opisina? Hindi ka pa ba inuutusan ni Mister Mead na magbalik? Hindi ka naman nagpaalam na   magbabakasyon ka.” “Hayaan mo nga muna ang mga kompanya. It can run without me. Hindi iyon babagsak kung wala ako. Gusto kong magkaroon ng mahabang panahon para sa sarili ko, para sàyo, at para sa panliligaw ko. Mula nang mawala ang Lollipop Boys, naging sobrang busy ako sa Mead Corporation. Gusto ko naman ng pahinga. Mahabang pahinga.” Inihilig niya ang kanyang ulo sa balikat ni First.   Tama ito. Mead Corporation changed First Nicholas. Maraming taon na itong abalangabala sa mga negosyo ng ama. He deserved a very long break. “Dapat nagpaalam ka na magbabakasyon ka.” Ayaw niyang magkagalit si First at ang ama nito dahil lamang sa pagsama ng binata sa kanya roon. “Baka pagalitan ka niya.” “Ano ako, bata? Treinta anyos na ako, Michico. Hayaan mo nga siya. Honey, I’m the boss.”   “Kung magaapply ba uli ako sa iyo, tatanggapin mo ako?” tanong niya. Iniisip na rin niya ang pagbabalik sa lungsod. Wala na siyang trabaho at nais niyang magkaroon ng trabaho kaagad. Ayaw niya ng walang ginagawa sa bahay. Baka lalo siyang alipinin ng lungkot. Kahit naman alam niyang maiilang siya sa pagbabalik sa opisina ay mas gusto pa rin niyang magtrabaho kay First. Ayaw niyang malayo rito. Ayaw niyang malayo sa taong   nagpapasaya sa kanya. “Tamangtama! Magreretire na si Tita Dolor. Ikaw na lang ang pumalit sa kanya,” wika nito sa tuwangtuwang tinig. Ang tinutukoy ni First ay ang matandang dalagang executive assistant na namana pa nito mula sa ama. “Tita Dolor” na ang nakasanayan ni First na itawag sa babae. Miss Dolor was a sweet lady. Palagi itong nakangiti sa lahat. Hindi nila alam kung bakit hindi ito nakapagasawa   samantalang maganda naman ito. Ang hinala ni First dati, in love si Miss Dolor sa tatay nito. “Talaga? May trabaho na uli ako?” “Sigurado kang gusto mong magtrabaho?” “Ano naman ang gagawin ko sa bahay?” “Magpapaganda.” Kinurot niya ang pisngi nito. “Hindi pa sapat ang ganda ko, ganoon?” Natawa ito. “Fishing for compliments?” tudyo nito. Hinagkan ni First ang kamay niyang   kumurot sa pisngi nito. Bakit ganoon? Maraming beses na siyang hinahagkan ng binata sa kung saansaan pero hindi pa rin nagbabago ang epekto niyon sa kanya. Kinikilig pa rin siya. “Hindi ka ba maiilang?” tanong nito kapagkuwan. “Siyempre alam ng mga tao roon na. . alam mo na.” Nilarularo ng kamay niya ang isang kamay nito. “Pumapasok pa ba si Miguel?” “He resigned,” tugon nito sa napakalamig na   tinig. “Maigi na rin iyon kaysa mapaginitan ko siya palagi. Ang kapal ng mukha niya kung magpapakita pa siya sa akin.” “Don’t be too harsh on him, First. Sigurado akong may dahilan kaya—” “Stop! I’m actually thankful for what he did. I don’t care what his reasons are for leaving you at the altar. I won’t let you go again. Akin ka na. Hindi na ako papayag na balikan ka niya.” It should piss her off. Dapat ay mainis siya sa   mapangangkin na tono nito. Kung magsalita si First, parang may karapatan na itong angkinin siya. Hindi ganoon si Miguel sa kanya. He just always let her be. Hindi ito naging possessive sa kanya. Ngunit sa halip na mairita ay kinikilig siya. “Darating ang araw na magkikita rin kami, First. Hindi iyon maiiwasan. We have so many things to settle.” Bumuntonghininga ito. “I know. Ipinagdarasal   ko na sana sa muli ninyong pagkikita, wala ka nang pagmamahal sa kanya. Akin ka na lang kasi. Ako na lang, huwag na siya.” Tumingin siya rito. His eyes were pleading. Sayang talaga. Kung noon pa ito nagtapat, hindi na sana pumasok sa sistema niya si Miguel. Sila sana ang nagplano ng kasal. Honeymoon na sana nila ngayon. Masaya sana sila ngayon. Hindi niya napigilang dampian ng mabining halik ang mga labi nito. Nais niyang pawiin ang   pakiusap sa mga mata nito. Hindi nito kailangang makiusap. “I’ll do my very best, First,” pangako niya. She wanted to love him again. She could feel that her heart was willing. Siguro, talagang hindi sila ni Miguel ang nakatadhana para sa isa’t isa. Maybe, her heart wanted to go back on beating for First.  “I AM NOT going back!” halos isigaw na ni First sa kanyang ama. Kausap niya ito sa telepono.   “I’m warning you, First Nicholas Mead!” ganti nito sa ganoon ding tono. “Wala akong pakialam! Let me be. I wanna rest. I wanna be away from your businesses.” “Napakarami mong trabahong iniwan. Tapusin mo muna saka ka magbakasyon. You won’t hear anything from me.” “Kailan ba naubos ang mga trabaho? Give me a break, Dad. For once, treat me as your son and not your employee. I need to do this for myself, for   my happiness. I don’t wanna be like you. Gusto kong magkaroon ng normal na pamilya. Gusto kong magmahal. Ayokong matulad ang buhay ko sàyo.” Natahimik ang nasa kabilang linya. “Kung kahit katiting ay minahal mo ako, hayaan mo muna ako. Hindi ko pababayaan ang mga kompanya mo. Ayokong magsisi pagdating ng panahon. Ayokong pakawalan ang babaeng muntik nang mawala sa akin. If you really love   me, let me be for now.” “First, you just sounded like a gay and corny person. Do not talk that way, anak. You just sound so weak. Do not ever let a woman control your life. Do not let your world revolve around her. Iyon ang magpapabagsak sàyo.” Napangiti siya nang mapait. “Hindi ka marunong magmahal, Dad. Nakakalungkot malaman pero siguro ay may mga tao talagang ganoon. Lalo kong gustong hindi maging katulad   mo. Ayoko. Hindi ako papayag. Hindi bale nang maging mahina basta masaya ako dahil nagmamahal ako.” “You are talking nonsense, First Nicholas! Come back to the city and work. Don’t give me those dramatic excuses. Magpasalamat ka na sàyo ko ipinapahawak ang Mead Corporation.” “Thank you, Dad. Thanks a lot. And I. . love you. Kahit hindi ka naging mabuting ama sàkin.”   Pinutol na niya ang tawag pagkatapos. Nakaramdam siya ng kaluwagan ng loob. He finally learned to express his true feelings. Wala na siyang pagsisisihan bilang anak. Nasabi na niya sa kanyang ama na mahal niya ito. Hindi na niya iyon itatago sa loob niya habangbuhay. Pakiramdam niya ay gumaan ang mga dinadala niya. Kahit pa hindi naging tipikal na ama sa kanya, mahal niya ang daddy niya. Iyon ay sa simpleng   kadahilanang ama niya ito. Kung wala ito, wala rin siya sa mundo. Lahat ng anak, natural na mahalin ang taong naging responsable sa existence nito sa mundo—kahit gaano pa kasama ang taong iyon. “I’m proud of you.” Nilingon ni First ang nagsalita at nakita ang nakangiting si Michelle. She was so lovely. Gumanti siya ng ngiti. Nilapitan niya ito at niyakap. He loved this woman so much. He was   happy to be with her. Nang hindi natuloy ang kasal nito, pakiramdam niya ay binigyan siya ng Panginoon ng bagong buhay. Nais niyang gawing tama ang lahat sa bagong buhay na iyon. “I love you,” he murmured in her ear. Ayaw niyang magduda si Michelle kahit saglit sa damdamin niya para dito. Minsan, nanghihinayang siya sa mga panahong sinayang niya. He should have collected his guts a   long time ago. Pero naisip din niyang wala nang silbi ang panghihinayang at pagsisisi. It was all in the past now. Hindi na niya iyon mababalikan, hindi na mababago. Ang importante ay kumikilos na siya ngayon para mapaganda ang bukas niya— ang bukas nila ni Michelle na magkasama. “UWI NA tayo, First,” sabi ni Michelle isang gabi. Tahimik na nanonood sila ng telebisyon. Ganoon naman talaga ang buhay nila roon kapag gabi. Pagkatapos maghapunan ay   manonood sila ng TV at nagkukuwentuhan nang matagal. Minsan, kapag nasa mood sila, nagna night swimming din sila. Masaya siya sa simpleng buhay roon. Minsan ay pinipigil niya ang sarili na maging masaya ngunit pilit pa ring umaalpas ang kaligayahan. She didn’t miss Miguel anymore. Sa bawat araw na lumilipas na magkasama sila ni First, lalo siyang sumasaya. Palaging maganda ang umaga niya dahil ang binata ang unang   nasisilayan ng kanyang mga mata. Kinikilig siya palagi sa mga simpleng paraan nito ng panliligaw. Gustunggusto niyang naririnig na sinasabi ni First na mahal siya nito. “Ayoko pa,” tugon nito. “Dito pa tayo.” “It’s time to face reality, First. Ayoko nang magtago sa lahat. I can’t move on if I continue hiding in here. Gusto kong harapin ang lahat ng kahihiyan, ang lahat ng mga sasabihin ng mga tao. Mas mapapadali ang paghilom ng sugat kung   haharapin ko.” Tinitigan siya nito. “Haharapin mo ang lahat? Including Miguel?” Tumango siya. Iyon talaga ang dahilan ng kagustuhan niyang magbalik na sa Maynila. Nais niyang harapin at kausapin si Miguel. Nais niyang maintindihan ang mga dahilan nito. Alam din niyang may pagbabago na sa damdamin niya. Ayaw niyang magpigil ng kaligayahan. She wanted to feel the happiness First was bringing   her without any guilt. Ang gusto lang niya ay maging masaya sa piling ni First. Hindi niya iyon magagawa kung wala pa ring tuldok ang relasyon nila ni Miguel. She wanted closure. Nais niyang umpisahang mahalin uli si First nang wala siyang anumang dalahin mula sa nakaraan niyang pagibig. Ang gusto niya, kapag nagmove on siya, tuluytuloy na. She owed that to herself. Nabibilisan din siya sa mga pangyayari. Posible   bang main love nang ganoon kabilis? Parang hindi yata tamang magmahal na siya habang wala pa silang pormal na katapusan ni Miguel. Minsan, nagagalit din siya sa kanyang sarili. Ano pa bang closure at katapusan ang kailangan niya? Iniwan siya ni Miguel sa harap ng altar. Hindi ito nakasagot sa tanong ng pari. Hindi pa ba sapat na closure iyon? Hindi pa ba sapat na patunay iyon na hindi siya nito mahal? “I don’t think it’s a good idea. I don’t want you   talking to him,” ani First. “I just want to start clean, you know. Hindi ba mas maganda kung wala tayong mga inaalala mula sa nakaraan? Gusto ko ring maging sigurado sa mga nararamdaman ko.” “It’s still a bad idea.” “Magseselos ka ba kung magkikita uli kami ni Miguel?” “Itinatanong pa ba iyon? Of course. Natatakot din ako na baka balikan mo siya.”   Bigla siyang natigilan. What if she found out that Miguel’s reason for leaving her was reasonable enough? Paano kung kaya pala niya itong patawarin? Babalikan kaya niya ito? Paano si First? “Gusto ko pa ring umuwi na,” aniya pagkatapos ng sandaling pagiisip. Mariin ang paraan ng pagkakasabi niya. Hindi niya malalaman ang sagot sa mga tanong niya kung hindi niya haharapin ang mga iyon.   “Michico—” “I wanna go home, First.” He sighed in defeat. “All right. Let’s go home.” “Thank you.”  

 

CHAPTER NINE 

TUWANGTUWA si Michelle nang muling makita ang kanyang mga magulang. Ang higpit higpit ng yakap ng mga ito sa kanya, na animo napakatagal niyang nawala. Hindi tuloy niya napigilang tumawa. “Mommy, Daddy, I’m okay.” Pinakatitigan siya ng mga ito. “Are you really okay, anak?” tanong ng kanyang ama.   Nginitian niya ang mga magulang. “I’m okay,” she assured them. Tinapik ng kanyang ama sa balikat si First na tahimik lamang mula nang dumating sila sa bahay nila. “Thank you so much for taking good care of Michie. Hindi ako gaanong nagalala dahil ikaw ang kasama niya.” “I’m more than willing to take good care of her, Tito,” tugon ng binata. “Everything happens for a reason, anak,” sabi   ng kanyang ina sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya. “Hindi lang talaga para sàyo si Miguel.” “I’m gonna kill that man,” galit na wika ng kanyang ama. Kitangkita niya ang poot sa mga mata nito. Matatakot siya kung alam niyang sa kanya nakaukol ang galit nito. “May magandang mangyayari po pagkatapos ng isang pangit na pangyayari,” sabi niya upang kahit paano ay kumalma ito.   Umaliwalas naman ang mukha ng kanyang ama. “Sana nga ay tama ka, anak. Ayokong makikipagkita ka pa sa walang kuwentang lalaking iyon. Huwag na huwag kong malalaman, Michelle Colleen. Hindi birong kahihiyan ang ibinigay niya sa amin ng mommy mo. Alam kong hindi rin biro ang sakit na dinanas mo. Kalimutan mo na siya. He’s not the right man for you.” “I agree,” ani First. “Tama na muna ang paguusap na ito,” anang   kanyang ina. “Kumain muna kayo at magpahinga. Alam kong napagod kayo nang husto sa biyahe.” Iyon na nga ang ginawa nila. Pagkatapos kumain ay nagkuwentuhan sila ng mommy niya. Ang daddy niya ay kinausap nang sarilinan si First sa library. Paglabas ng mga dalawa ay kapwa may nakaukit na magandang ngiti sa kanilang mga labi. Tila masayangmasaya ang kanyang ama.   Nasabi na ba ni First sa kanya daddy niya ang mga pagbabago sa relasyon nila? Mukhang walang pagtutol ang kanyang ama kung ganoon.  “DON’T mind them.” Nilingon ni Michelle si First at nginitian. Ayos lang siya. Naiilang siya nang kaunti ngunit ayos lang talaga siya. Papasok sila sa building ng Mead Corporation. Ang mga taong nakakakilala sa kanya ay napapatingin sa kanila ni First. Siyempre,   alam ng lahat ng naroon na dapat ay ikakasal na siya kay Miguel Santillan, ang executive vice president ng kompanya. Malamang na alam din ng lahat kung ano ang nangyari sa kasal niya dahil may nabasa siyang awa sa mga mata ng karamihan. She hated it but she tried to ignore it. Narating nila ang palapag kung saan naroon ang opisina ni First. Ikinondisyon ni Michelle ang sarili na hindi sila magkaibigan. He was the boss and she was one of his employees. Mukhang   ganoon din si First. He suddenly transformed into a cold, stiff and mysterious big boss. Isang masuyong ngiti ang isinalubong ni Miss Dolor sa kanya. Tatlong araw na lamang ito sa opisina. Sa loob ng tatlong araw ay ituturo nito ang ilang mga bagay na dapat niyang malaman. Si First ay nagtungo na sa opisina nito. Ang sabi ni Miss Dolor ay nasa mesa na nito ang lahat ng mga urgent na trabaho. Hinayaan na niya itong magpakaabala sa trabaho.   “Kumusta ka na?” tanong ni Miss Dolor habang kapwa sila nakaharap sa kanyakanyang computers. Maramirami ang mga trabahong natambak dahil sa pagkawala ni First nang ilang linggo. Nginitian niya ito. “I’m okay.” Tumingin ito sa kanya. “You look blooming, Michelle. Parang lalo kang gumanda.” Nailang siya. Inayos niya ang suot na salamin sa mga mata kahit alam niyang hindi naman iyon   nawala sa puwesto. Hindi ba siya mukhang babaeng iniwan ng pakakasalan? Kahit ang kanyang mama ay napunang blooming daw siya. “Tthanks,” sambit niya. “Parang gumanda rin ang disposisyon ni Nick. Dati, laging mukhang constipated `yon. Dinadaig pa niya ang ama sa kasungitan. May pakiramdam akong hindi na siya magiging masungit kailanman ngayong ikaw na ang assistant niya.” Muli ay hindi niya alam kung ano ang   sasabihin. “Bagay kayo ni First, hija. Napapasaya n’yo ang isa’t isa. Napansin ko na iyan noon pa.” “Miss Dolor, hindi pa po natatagalang. .” Nahihiya siya kaya hindi na niya itinuloy ang sasabihin. Ayaw niyang isipin ng lahat na para bang napakalandi naman niya. “Eh, ano? Pipigilan mo ang sarili mong maging masaya dahil doon? Pipigilan mo ang puso mong magmahal ng tamang lalaki dahil hindi pa   natatagalan mula nang iwan ka ng maling lalaki?” “Nagmahal na ba kayo, Miss Dolor? Paano mo malalaman kung tama o mali ang lalaking minamahal mo?” tanong niya. “A long time ago, I fell in love once. Hindi sa ama ni Nick tulad ng hinala ng lahat. We were young when we fell in love. He died of leukemia. Matagal bago ko natanggap ang lahat. Hindi ko isinara ang puso ko. I tried loving other men. Nagkaroon ako ng ilang boyfriends. Minahal ko   rin sila pero hindi katulad ng first love ko. Na realize ko na lang na pinipilit kong maging masaya sa piling ng iba dahil alam kong hindi na kami magkakatuluyan ng first love ko. I almost got married, you know.” “What happened?” nagtatakang tanong niya. “Noong pinaplano ko na ang kasal, hindi ko mapigilang maalala ang mga pagkakataong nag uusap kami ng first love ko tungkol sa magiging kasal namin. Malinaw na malinaw pa rin sa akin   ang mga plano namin para sa pamilya namin. I remember how much we were in love then. Ang sayasaya namin. Dahil pareho pa kaming mga bata noon, akala namin, fairy tale ang buhay. Laging may happy ending.” “Umurong po kayo sa kasal?” Tumango ito. “Ayokong lokohin ang sarili ko. I’m still in love with my first love. So here I am now, happy to be single. I stopped looking for another love. Masaya na ako sa ganitong buhay.   Masaya na ako sa mga iniwan niyang alaala. It doesn’t matter if we are in two different worlds now. What’s important is that I realized I will never ever love somebody the way I loved my first love again. Masaya ako dahil sigurado ako roon. Itong buhay na pinili ko, masaya ako rito.” Manghang napatingin siya kay Miss Dolor. Hindi niya akalaing may ganoong uri ng pagibig. Hindi niya magawang magsalita ngunit marami siyang natutuhan mula rito. Ang ilang mga   tanong niya sa sarili ay nagkaroon ng kasagutan. Natawa ito. “Naku, nakuwentuhan tuloy kita. Back to work na tayo. Mamayang ten, dalhan mo ng merienda si Nick. Siguradong gugutumin `yon sa dami ng dapat niyang gawin. Ikaw na lang ang magdala para magpatuloy ang maganda niyang mood.” “Opo,” sagot niya. Pagsapit nga ng alasdiyes ay dinalhan ni Michelle ng merienda si First. Subsob ito sa   trabaho. Maraming nakabukas na folders sa ibabaw ng mesa nito. Tutok ang mga mata nito sa monitor ng computer habang abala ang mga kamay sa pagtipa sa keyboard. Ni hindi siya nito tiningnan nang pumasok siya. Hindi pa rin siya nito tiningnan pagkatapos niyang mailapag ang merienda sa mesa. Pumihit na siya patalikod. Ayaw niyang gambalain si First sa mga ginagawa nito. Bahagya siyang nagulat nang hawakan nito ang kanyang   kamay. Hindi niya namalayang pinagulong na nito ang inuupuang silya patungo sa kanya. Hinagkan nito ang kanyang kamay. “Thank you,” anito. Nginitian niya ito nang matamis. “You are welcome, Sir.” Natatawang hinila siya ni First palapit dito. Napaupo tuloy siya sa kandungan nito. Kaagad na lumingon siya sa pinto. Baka may pumasok doon.   Pinaharap uli siya ni First dito. Hindi naglipat sandali ay magkalapat na ang mga labi nila. Kaagad na ipinikit niya ang mga mata at tumugon. Parang nalimot na niya ang lahat. Limot na niyang nasa opisina sila at oras ng trabaho. Nalimot na niyang boss niya si First at hindi niya dapat hinahagkan ang boss niya. Hinabol niya ang mga labi nito nang humiwalay iyon sa mga labi niya. She suddenly stilled when he laughed against her lips. Nagiinit   ang mga pisnging lumayo siya kay First. Pinigil ng binata ang pagtayo niya mula sa kandungan nito. Kagatkagat ang ibabang labi na nagiwas siya ng tingin. Hiyanghiya siya sa nagawa. Lalong natawa si First. Nanggigigil na niyakap siya nito. “Oh, I love you so,” sabi nito. Happiness was very evident in his voice. Pakiramdam ni Michelle ay lumobo ang kanyang puso sa sobrang kaligayahan. Tumingin siya sa mga mata ni First. Kahit ang mga iyon ay   nagsasabing mahal siya ng lalaking ito. It suddenly hit her. She loved First, and not as a friend. She never stopped loving him. It had always been him in her heart. Pinilit lamang niya ang sariling mahalin si Miguel dahil napagkit na sa isip niyang hindi na sila magkakatuluyan ng kanyang first love. Kakaiba palagi si First sa lahat ng mga lalaki. Iba ang nadarama niya tuwing niyayakap at hinahagkan siya nito. She never felt any strong   emotions towards Miguel. When he kissed her, she felt normal. With First, it was always explosive. Ni hindi nila ginagawa ang ganoon ni Miguel. They were strictly professional when they were inside the office. Ngayon, alam na niya kung bakit. Dinampian niya ng masuyong halik ang mga labi ni First bago siya tumayo. “We need to get back to work,” napapangiting sabi niya. Masaya siya dahil nasiguro na niya ang sariling   damdamin. Kailangan lamang niyang ayusin ang lahat bago niya sabihin kay First ang kanyang tunay na damdamin.  “TIRED?” Napangiti si First sa masuyong tanong na iyon ni Michelle. Nagmulat siya ng mga mata ngunit hindi siya bumangon mula sa pagkakahiga sa sofa. “Yes,” tugon niya. “Come here.”   Lumapit ito at umupo sa coffee table. “Akala ko umuwi ka na,” aniya habang inaabot ang kamay nito. Iyon ang unang araw ni Michelle na wala si Tita Dolor. Ang bilin niya sa dalaga kanina ay mauna na itong umuwi dahil may tatapusin pa siyang mga gawain. Binilinan na niya ang driver niya na ihatid pauwi si Michelle. Ayaw niyang masyadong mapagod ang dalaga. “Baka kasi kailanganin mo ang tulong ko,”   sagot nito. “Nagugutom ka ba? Gusto mong magpadeliver ako ng pagkain?” “Yes, please.” Tumayo ito, nagtungo sa telepono, at tumawag. Narinig niyang inorder nito ang mga paborito niyang pagkain sa paborito niyang restaurant. Hindi siya nahirapang katrabaho si Michelle. Nakatulong na kilala nila nang husto ang isa’t isa. She was very efficient, too. Minsan ay hindi na niya ito kailangang utusan. Bago pa man siya   makapagsabi ay nakahanda na ang mga kailangan niya. Ang totoo, ayaw niyang magtrabaho pa si Michelle. Hindi siya gaanong makapag concentrate sa pagtatrabaho kapag nasa malapit ito. Minsan, gustunggusto niyang lambingin ito habang nasa gitna ng trabaho. Alam din niyang hindi siya magiging komportableng utusutusan ito. Pero nais din niyang makasama ito palagi. Nais   niyang nakikita ito palagi upang masigurong hindi ito nawawala. Mula nang bumalik sila sa Maynila ay natatakot na siyang muling magkita sina Michelle at Miguel. Baka mapatawad pa ni Michelle si Miguel. Natatakot siyang magkabalikan ang dalawa. Miguel went into hiding after the supposed wedding. Walang nakakaalam kung saan ito nagtungo. Basta lang ipinadala ang resignation   letter nito. Kung saang lupalop man nagtatago ang lalaking iyon, sana ay habangbuhay na ito roon. Huwag na itong magpapakita kay Michelle o sa kanya. Kapag mahal na siguro siya ni Michelle, baka hanapin niya si Miguel upang pasalamatan sa ginawa nito. Bumalik si Michelle sa pagkakaupo sa coffee table nang matapos sa telepono. Muli niyang inabot ang kamay nito at hinagkan iyon. Kahit pagod ay masaya siya at dahil iyon kay Michelle.   Sana ay magtuluytuloy na ang progreso ng relasyon nila. Tumutugon na ito sa mga yakap at halik niya. Hindi ito lumalayo sa kanya. Untiunti, mababaling ang pagmamahal nito sa kanya. He would hope for the best. “Hinayhinay sa pagtatrabaho,” sabi nito. “Baka puwedeng ipagpabukas ang mga gawain.” “I’m okay. Kaya ko. Ako pa?” mayabang na tugon niya. Hinila niya ang dalaga palapit sa kanya. Inayos Page 30 7 of 362   niya ito sa ibabaw niya. Natuwa siya nang hindi ito tumutol. Niyakap lang niya ito. Kapwa sila tahimik. Untiunting nawawala ang pagod niya. Si Michelle lamang ang kailangan niya para makompleto ang buong pagkatao niya. He was happy she was in his arms. Sana ay manatili na ito roon habangbuhay. Ngunit ano kaya ang gagawin niya kapag dumating ang araw na makita uli nito si Miguel? Ano ang gagawin niya kung si Miguel pa rin   talaga ang nasa puso nito? Paano kung kahit ano ang gawin niya ay mas piliin nito si Miguel? Ipinilig niya ang kanyang ulo. Bakit ba siya nagiisip ng mga negatibong bagay? He should always think and hope for positive things. She was in his arms, iyon ang mahalaga. Naghiwalay lamang sila nang dumating na ang pagkain. They had dinner. Nagkuwentuhan sila ng kung anuano habang kumakain. Ang simpleng pagsasama nila ay malaking   bagay na para sa kanya.  “IT’S MIGUEL. Please don’t hang up.” Natigilan si Michelle nang marinig ang pamilyar na tinig ng dating nobyo. Hindi niya magawang magsalita. Hindi niya akalaing tatawagan pa siya nito. Napatingin siya kay First na masayang naglalaro ng chess sa hardin kasama ang kanyang ama. Araw ng Linggo kaya naroon sila sa bahay   nila. Kasama rin ni First si Tita Miriam. “Mitch, I know you are angry at me, and I deserve it after that horrible thing I did to you. But please, let me talk to you. Give me a chance to at least say sorry.” Napalunok siya. Nagtungo siya sa laundry area upang walang makarinig sa kanya. Her whole family was still mad at him. “Mitch? Are you still there?” “Yes,” she managed to say at last. “Hhow. .   how are you?” “I’m okay, thank you for asking,” he replied. “How are you?” “Okay,” tugon niya. “I’m also okay.” “I’m glad to hear that. Mitch, I’m so sorry. Alam kong hindi sapat iyon. Alam kong nasaktan ka. Alam kong napahiya ka nang husto. Pati pamilya mo ay nadamay. Alam ko ring hindi mo ako kaagad mapapatawad. Maghihintay ako hanggang sa mapatawad mòko.”   “Why did you do it, Miguel? Ang tagal nating pinlano iyon.” Kung may hinanakit man sa tinig niya, dahil iyon sa kahihiyang inabot niya at kanyang pamilya. “Sana kinausap mo ako bago ang mismong kasal. Bakit, Miguel?” “Puwede ba tayong magkita? I wanna explain my reason for doing it. I want you to understand why I had to do it.” Natigilan na naman siya. Handa na ba siyang makipagkita rito? Mapapatawad ba niya si Miguel   kung maririnig at maiintindihan niya ang rason nito sa pagiwan sa kanya sa altar? Ano ang magiging reaksiyon niya kapag nakita niya ito? Makikipagkita ba siya rito? Pero bakit pa ba siya nagiisip? Hindi ba at gusto naman niyang makita at makausap ito upang masiguro ang damdamin niya? Nais niyang maiayos muna ang lahat bago bigyan ng sagot si First. Nang sa gayon ay makalaya na siya sa nakaraan nila ni Miguel at makapagumpisa sila nang maayos ni First.   “Ssaan? Kailan?” Sinabi nito ang pangalan ng restaurant kung saan niya ito sinagot. “Tomorrow. Seven. I’ll wait for you.” “I’ll be there.” Tinapos na niya ang tawag. “Nandito ka lang pala.” Muntik na siyang mapatalon nang marinig ang tinig ni First mula sa kanyang likuran. Sapusapo ang dibdib na hinarap niya ito. “You startled me,” sabi niya.   “I’m sorry. Were you talking to someone?” Kinabahan siya nang bahagya. Narinig ba nitong kausap niya si Miguel? Hindi naman siguro. Hindi nito kailanman naging ugali ang makinig sa paguusap ng iba. He always respected other people’s privacy. Nginitian niya ito. “No one.” His face went blank for a while. Akmang magsasabi na siya ng totoo nang bigla itong ngumiti at inakbayan siya. “Lunch is ready. Tara,   let’s eat.” Napangiti na rin siya. Nagpaakay siya rito patungo sa komedor. After tomorrow, everything would be all right between them. Halos sigurado na siya, magiging opisyal na ang lahat sa pagitan nila.  “DINNER tonight?” Nanigas si Michelle sa paanyaya ni First. Inayos niya ang mga importanteng papeles na   pinapirmahan dito. Halos uwian na at naghahanda na siya para sa pagkikita nila ni Miguel. She cleared her throat. “I’d love to but I can’t,” aniyang hindi makatingin kay First. “May lakad ka?” Tumango siya. “I’m meeting up with friends tonight. Girl friends.” Bahagyang nagsalubong mga kilay nito. “It’s Monday.”   “Eh, ngayon free iyong iba.” “Puwedeng sumama?” “Ano.. kuwan.” Napakamot siya sa kanyang pisngi. “First, kasi ano, eh… We’re all girls.” He laughed. “Nagbibiro lang ako. Go and have fun with your friends tonight. Baka magsawa ka na sa akin dahil lagi mo akong kasama.” Napangiti siya. “I’ll be okay. Uuwi ako kaagad.” Hindi niya gustong magsinungaling dito. Ang nais lang niya ay maayos niya iyon   nang magisa. Malaki kasi ang posibilidad na sasama ito sa kanya kapag sinabi niyang makikipagkita at makikipagusap siya kay Miguel. She wanted to do it alone. “Ingat.” Lumabas na siya sa opisina ni First. Nagtaxi na siya pauwi. Dahil may oras pa naman siya ay umuwi muna siya upang maligo at magbihis. May kaunting kaba siyang nadama habang patungo sa paboritong French restaurant ni   Miguel kung saan sila magkikita. Hindi niya alam kung ano ang dapat na asahan. Kailangang maayos niya ang lahat ngayong gabi. Bukas ay makakapagsimula na sila ni First. Maaga siya nang sampung minuto ngunit naroon na si Miguel. Napangiti siya nang makita ito. She was happy to see him okay. Kaagad itong tumayo nang makita siya. “H hey,” bati nito. Lumapad ang ngiti niya. “Hi, Miguel.”   Umupo na sila. They ordered food. “You look good,” puna nito pagalis ng waiter. “Ano ang inaasahan mong makita? Isang babaeng pangit at miserable?” Tumawa ito. “No, of course not. Alam kong hindi ka masyadong malulungkot dahil laging nariyan si Nick para sàyo.” “Miguel, why?” Naging seryoso ang mukha nito. “I’m gay, Michelle.”   Nalaglag ang mga panga niya sa narinig.  

 

CHAPTER TEN 

NANINIKIP ang dibdib ni First sa nasasaksihan. It was breaking his heart slowly. Nasa isang French restaurant siya at nakaupo sa isang sulok kung saan nakikita niyang naguusap sina Michelle at Miguel. Nais niyang magwala sa galit. Nais niyang sugurin ang dalawa at komprontahin. Ngunit ano ang karapatan niya?   Selos na selos siya at masamangmasama ang loob. Bakit kailangan ni Michelle na magsinungaling sa kanya? Bakit hindi man lang ito nagsabi sa kanya? Nang nagdaang araw pa niya hinihintay na magsabi ang dalaga tungkol sa pagtawag ni Miguel ngunit pinanindigan nito ang pagsisinungaling. Narinig niya ang pakikipagusap nito kay Miguel. Hinintay niyang magkusa si Michelle na magsabi sa kanya, ngunit sinaktan lang siya nito   sa patuloy na pagsisinungaling. Hindi rin naman niya magawang magalit dito dahil wala naman siyang karapatan. Ano ba ang inaasahan niya? Na makakalimutan agad nito si Miguel? Na mahal na siya kaagad nito? She and Miguel almost got married! Ano ba ang mayroon si Miguel na wala siya? Ano ang kaya nitong ibigay na hindi niya kayang ibigay? Bakit ito nagpakita kaagad kay Michelle? Pinagmasdan niya ang dalawa na naguusap.   Naiinis siya na iyon lamang ang kaya niyang gawin—ang magmasid mula sa malayo. Mayamaya ay hinawakan ni Michelle ang kamay ni Miguel. Her face was soft. Wala siyang makitang anumang galit o hinanakit doon. He guessed she had already forgiven Miguel. Nagpatuloy sa pagusap ang dalawa. Natigil siya sa paghinga nang tumayo ang dalaga upang yakapin ang dating fiancé. Dating fiancé nga ba o nagkabalikan na ang dalawa?   Marahas siyang tumayo. Nagiwan siya ng pera sa mesa para sa mga inorder na ni hindi man lang niya sinulyapan. Sawi na naman siya. Sandali lang pala ang lahat. Babalik din pala si Michelle kay Miguel. Ang sakitsakit pero wala naman siyang magagawa. Kahit nasasaktan siya, kung na kay Miguel naman ang kaligayahan ni Michelle, hahayaan niya ito. Hindi niya maaatim na ikulong ang dalaga.   Ayaw niyang maging madamot. Hindi rin naman siya pinaasa nito. Siya lang naman ang umasa. Sana sa pagkakataong iyon ay hindi na ito saktan ni Miguel. Makakapatay na siya kapag iniwan uli nito si Michelle. Hindi pa man siya nakakalayo ng restaurant ay tumunog ang kanyang cell phone. It was Enteng calling. Sinagot kaagad niya ang tawag. Nagyayaya itong uminom sa Sounds, ang recording company na pagaari ni John Robert.   Mula nang makunan si Enteng ng larawan na may kahalikang kapwa artista ay umiwas na ito sa pagtungo sa mga bars upang uminom. May kinasangkutan itong malaking intriga dahil doon. He also almost lost the love of his life. Kapag nais sila nitong makainuman ay sa isang pribadong lugar na nila ginagawa iyon. Dahil sawi, pumayag kaagad siya. Baka sakaling matulungan din siya ng mga kaibigan niya.   HINDI makapaniwala si Michelle sa mga naririnig mula kay Miguel. Ang sabi ng dating nobyo ay bakla raw ito. Mula raw nang maging sila ay alam na nito ang bagay na iyon. “But you’re a playboy,” aniya. “`Di ba, para ka lang nagpapalit ng underwear sa klase ng pagpapapalitpalit mo ng girlfriends noon? Please don’t tell me I am the one who made you realize you’re gay.” Hindi niya alam kung magiging   insulto iyon sa kanya. “Siguro, alam ko na noon pa man. Maybe, I was in denial. Kaya nga ako papalitpalit ng girlfriends. Gusto kong mahanap iyong babaeng kokompleto sa pagkatao ko. I always feel incomplete, Michelle. Buong buhay ko, may kulang. You are a very wonderful girl. Ang sabi ko noon, baka ikaw na ang kokompleto sàkin. Habang nililigawan kita, napapansin kong nakadarama ako ng matinding attraction sa mga   kapwa ko lalaki. Ayokong tanggapin na bakla ako. Itatakwil ako ng pamilya ko. Bababa ang tingin ng lahat sa akin. Pagtatawanan ako ng lahat. Kaya pinursige kitang ligawan. Pinilit kitang mahalin. Mahal naman kita, Michelle. Pero bilang kapatid.” So that explained why they were never intimate with each other. “I can’t believe this is actually happening.” Marami siyang naisip na maaaring dahilan   kung bakit siya tinakbuhan ni Miguel at hindi kabilang doon ang posibilidad na baka iba ang sexual preference nito. She was not even aware that he was gay. Pero iyon ang sinasabi nito ngayon. Nagkaroon siya ng relasyon sa isang bakla! “Naging selfish ako nang yayain kitang magpakasal. Ayokong ilantad ang tunay kong pagkatao. Ikinakahiya ko ang sarili ko. Naging maayos ang relasyon natin sa loob ng halos   dalawang taon. Naisip kong magiging maayos ang pagsasama natin bilang magasawa. We are compatible in so many ways. Determinado akong pakasalan ka at magtago sa loob ng closet habang buhay.” “Bakit mo ako iniwan sa altar?” “Dahil nahiya ako sa Diyos. Dahil nakita ko kayo ni Nick. Nang tumigil ka sa harap niya, na realize kong malaking kasalanan kung itutuloy ko ang kasal. You’re in love with him. If you were in   love with me, you would rush forward towards me. Wala kang ibang makikita kundi ako. Pero tumigil ka sa harap niya at inabot mo ang kamay niya na para bang siya ang lalaking pakakasalan mo. You two look great together. Tinakbuhan kita para sa kapakanan mo, sa kaligayahan mo. I want you to realize that you are in love with him.” Hinawakan niya ang kamay nito at marahang pinisil iyon. She was thankful for what he did. Tama ito, si First ang totoong mahal niya. Parang   ikinondisyon lamang niya ang sarili na hindi siya mamahalin ni First kaya sinikap niyang ibaling kay Miguel ang pagtingin niya. “Habang nasa malayo ako at nagtatago, napagtanto ko rin na walang masama sa pagiging bakla. It’s who I am. Walang dapat ikahiya. I realized I should love myself. Hindi ako tatanggapin ng iba kung hindi ko tatanggapin ang sarili kong pagkatao.” “Oh, Miguel.” Tumayo siya at niyakap ito.   Masaya siya para dito. Kapwa na nila nahanap ang mga talagang gusto nila. Ang tatanda na nila pero marami pa rin silang mga bagay na dapat matutuhan tungkol sa buhay. “How are you and Nick?” “Great! Oh, I love him so.” Nagkuwentuhan pa sila nang nagkuwentuhan ng tungkol sa mga nangyari sa kanila habang malayo sila sa isa’t isa.   PANAY ang tungga ni First sa hawak na bote ng beer. Nang maubos ang laman niyon ay nagbukas siya ng panibago. Ang nais sana niya ay mas matapang na inumin ngunit beer lamang ang available. Hindi naman kasi balak ng mga kaibigan niyang magpakalasing. Mas gusto ng mga itong magkuwentuhan. Nasa rooftop sila ng Sounds building. Kasama niya sina Enteng, Rob at Maken. Mukhang maganda ang disposisyon ng tatlo niyang   kaibigan. Masaya sa pagkukuwentuhan ang mga ito. Hindi siya gaanong sumasali sa usapan. Wala siya sa mood makipagkuwentuhan tungkol sa mga bagay na masasaya. He was far from being happy. “May balak ka bang magpakalasing, Nick?” tanong ni Enteng nang mapuna ang hindi magandang mood niya. “May problema, `tol?” tanong ni Maken. Umiling siya bago tumungga. Inubos niya ang   lahat ng laman ng bote. Parang hindi siya tinatablan ng beer. “We could listen. Wala man kaming maitutulong, puwede naman kaming makinig,” wika ni Rob. “Wala akong problema. Sige lang, ituloy n’yo lang `yang masayang pagkukuwentuhan n’yo. Don’t mind me.” “Si Michelle ba?” tanong ni Maken. “Akala ko maayos na kayo?”   “Miguel’s back and they are back in each other’s arms,” aniya sa tinig na puno ng pait. Hirap na hirap pa rin siyang tanggapin ang lahat. Durog na durog na ang puso niya. Ang hirap hirap tiisin ng sakit. Tinapik siya ni Rob sa balikat. “Everything would be okay,” anito. Marahas na pinalis niya ang kamay nito. “Do not tell me that!” galit na sabi niya. “Wala kang alam! Wala kayong alam sa mga pinagdaraanan   ko, sa mga nararamdaman ko.” “Hey, hindi kami ang kaaway mo,” sabi ni Enteng. “Chill, Nick. Hindi mareresolba ang problema sa init ng ulo.” “Nasasabi n’yòyan dahil maayos ang mga pamilya ninyo. Minahal kayo ng mga tatay n’yo. Mahal kayo ng mga babaeng mahal n’yo. Hindi n’yo alam kung paano ang mapunta sa kalagayan ko.” “Nick, lasing ka na,” malumanay na sabi ni   Rob. “Shut up!” bulyaw niya rito. “When you told us you wanted to quit years ago, did you ever wonder what I felt then? Did you even care?” Tinitigan niya nang masama si Maken. “Hindi na kayo masaya? Hindi na kayo masaya kaya ayaw na ninyo. Hindi man lang ninyo pinilit na sumaya uli. Nang mawala ang Lollipop Boys, nasaktan ako nang husto. I thought I finally found my place in the sun. Nangiwan kayo sa ere, eh.”   “Sana nagsabi ka noon,” ani Maken. Ngumiti siya nang patuya. “May mababago ba?” “Oo. Malaki.” Sabaysabay na nilingon nila ang nagsalita. It was Vann Allen. Nasapo niya ang kanyang ulo. Ano ang nangyayari sa kanya? Bakit biglang sumabog ang mga itinatago niyang emosyon? Si Michelle ang problema niya at hindi ang Lollipop Boys na   matagal nang nawala.  HINDI napansin ni Michelle na ginabi na siya masyado sa labas. Masyado siyang nawili sa pakikipagkuwentuhan kay Miguel. Natutuwa siyang malamang nahanap na nito ang sarili. Nagtungo pala ito sa Amerika upang magtago pansamantala. Inihatid siya nito hanggang sa pinto ng unit niya. Nais sana niya itong patuluyin ngunit   masyado nang late. Hinarap niya ito. “Baka naman sa susunod na magkita tayo, eh, mas maganda ka pa sa akin,” biro niya. Natatawang niyakap siya nito. “Thank you for accepting me. Salamat at hindi ka nagalit. Sorry sa kahihiyang sinapit mo. Kakausapin ko rin ang daddy at mommy mo. I’ll explain.” “You did the right thing then. Thank you. Magiging masaya na tayo ngayon. Mig—” Bigla   siyang natigilan nang makita sa unahan niya si First. Nakatingin ito sa kanila. Kaagad siyang humiwalay kay Miguel. Na guilty siya sa pagsisinungaling kay First. May hindi masukat na sakit sa mga mata nito. Parang may pumisil sa puso niya sa nakitang anyo nito. Nasaktan niya ito nang labis. Tumalikod si First. Humakbang siya patungo rito. “First—” “I get it,” anito bago pa niya matapos ang   sinasabi. “You’re back together. I’ll try to be okay with it. Wala naman akong magagawa. Just. . be hhappy, Michelle.” Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Nasaktan siya sa sinabi nito. He was giving up on her so easily. Hindi man lang siya nito ipaglalaban. Hindi man lang nito itatanong kung ano ang ibig sabihin ng nadatnan nito. Gumawa na lang ito ng sariling konklusyon. “Akala ko ba nagbago ka na?” tanong niya sa   tinig na punungpuno ng hinanakit. “Akala ko ba hindi mo ako tatalikuran? Duwag ka pa rin. Ang dali para sàyong sumuko. Nagpapadaig ka pa rin sa takot. Ang galinggaling mo sa simula pero susuko ka rin naman pala.” Marahas na hinarap siya nito. “What do you want me to do? Ipagsiksikan ko sàyo ang sarili ko? Pilitin kitang mahalin ako?” “Yes,” she hissed. “Nakakainis ka. Tanungin mo naman ako kung mahal kita.” Pumatak na ang   mga luha niya. Tila naantig naman ito sa mga luha niya. “Michelle.. ” “I love you, First. It has always been you. Akala ko lang kasi ay hindi magkakaroon ng pagkakataon na maging tayo kaya pinilit ko ang sarili kong mahalin si Miguel.” Napatulala ito. Tila hindi ito makapaniwala sa mga narinig mula sa kanya. Nilapitan niya ito at niyakap. Ayaw niyang mawala ito. Ayaw niyang   magkaroon sila ng misunderstandings. First was still the boy who had so many fears and insecurities. She would help him overcome them. Hindi niya ito iiwan. “I’m going,” paalam ni Miguel sa kanila. Hindi na niya ito pinansin. “You love me? Really?” namamanghang tanong ni First. “Hindi kayo nagkabalikan ni Miguel? You lied to me. I saw you in the restaurant. You were hugging him.”   Kinurot niya ito sa tagiliran. “You should have joined us para hindi ka na napraning. Sana ay nilapitan mo na lang kami para hindi ko na uulitin ngayon ang mga sinabi niya. Hay, naku, ang engot mo minsan.” “You still lied to me.” “I’m sorry. I just want to clear everything myself. And I really went out with my girl friend.” Tinitigan siya nito, nagtataka ang tingin. “Miguel’s gay,” nangingiting sabi niya.   “Nagselos ka sa bakla,” panunukso pa niya. Hinila siya ni First patungo sa unit nito. “Explain further,” anito habang binubuksan ang pinto. Habang nakaupo sila sa sofa at magkayakap ay isinalaysay niya rito ang ipinagtapat sa kanya ni Miguel. Sinabi rin niya ang mga damdamin na itinago niya rito noon. Sinabi niya ang lahatlahat. Wala siyang inilihim. Hinagkan nito ang mga labi niya. “I thought I   lost you again. I was so devastated. Inaway ko pa ang Lollipop Boys. I’m sorry for being a coward. I’m so sorry for jumping into wrong conclusions. I’m sorry for almost letting you go today. Sorry dahil hindi ako kumilos noon. Sorry talaga.” Hinaplos niya ang mukha nito. “You are forgiven. I love you, First Nicholas. You are my first love and first kiss.” “I’m gonna be your first and last husband, my Michelle.”   Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya. “You don’t call me ‘Michico’ anymore,” puna niya. Kanina pa ‘Michelle’ ang tawag nito sa kanya. “O, bakit? InIngles ko lang. Mas gusto mo ba ng Tagalog, Michie ko?” Awang ang bibig na napatingin siya rito. “Michico is actually Michie ko?” Tumango ito. “Everyone fondly calls you ‘Michie.’ Minsan talaga ay possessive ako.”   She kissed his lips. “I will always be yours.” “Promise?” “Promise.”  

 

EPILOGUE 

NAPAILING si Vann Allen habang nakatingin sa mga bagong kasal. They were obviously happy and in love. Nakakainggit ang mga ito. “Pinanindigan talaga niya ang pangalan niyang First,” sabi niya sa mga kaibigan na kasama niya sa isang mesa. “Inunahan kayong lahat sa pagpapakasal.” “Oo nga, eh,” ani Enteng. “Loko rin `yang si   Nick.” Masaya silang apat para sa kaibigan nila. Kakakasal lang ni First kaninang umaga. Civil wedding lamang ang naganap. Magpapakasal din daw ito at si Michelle sa simbahan pagkalipas ng ilang buwan. Hindi lang talaga makapaghintay si First. Nasa isang restaurant sila para sa reception ng kasal ng dalawa. Iilan lamang ang mga imbitado ngunit lahat ay masaya para sa dalawa.   Napabuntonghininga siya. Siya na lang ang single na Lollipop Boy. Pakiramdam niya ay napagiiwanan na siya. Masaya na ang mga kaibigan niya. Siya kaya, kailan makadarama ng ganoon ding kaligayahan? “How about a comeback, guys?” tanong niya sa mga kaibigan. Sawa na siyang magisa. Nais niyang may makasama uli sa entablado habang nagtatanghal at nagpapasaya ng mga tao. “Sure,” sagot kaagad ni Enteng. Ngitingngiti   ito. “I’ll arrange it,” ani Rob. Katulad ni Enteng ay nakangiti rin ito. “We need new songs,” tuwangtuwang sabi ni Maken. “I’m excited.” “Sabihin na natin kay First Nicholas ang magandang balita kung ganoon,” aniya. Tiyak na matutuwa si First katulad niya. Pareho kasi sila ng naramdaman noong mawala ang Lollipop Boys.

 

WAKAS

Post a Comment

0 Comments

Post a Comment (0)
3/related/default