Everything Started With A Kiss

0
Everything Started With A Kiss


CHAPTER ONE  

NAKAPANGALUMBABA si Trisha habang bored na bored na pinagmamasdan ang mga taong labasmasok sa coffee shop kung saan siya naroon. Kalalabas lang niya ng opisina. Tinatamad pa siyang umuwi kaya doon muna siya tumambay. Isa pa, wala naman siyang gagawin sa apartment na tinutuluyan niya. Ang roommate naman niyang si Pia ay siguradong   nagliliwaliw na naman sa kung saan para magsulat ng nobela nito. Pangatlong frappe na niya iyon sa loob ng dalawang oras. Kunsabagay, masarap naman talaga ang kape sa Juice’s Coffee Place. Kaya lang, heart attack ang finish line niya kung itutuloy pa niya ang track record niya sa paginom ng frappé. “How does boredom happen, anyway? Nasaan ka ba, Martin?” ani Trisha na ang tinutukoy ay ang nobyo niya.   Naaasar na bumuga siya sa hangin. Halos mag iisang taon na silang magkasintahan ni Martin. Nakilala niya ito noong maging kliyente ng advertising agency na pinagtatrabahuhan niya ang boss nito. Martin was then his boss’ secretary. Nanligaw sa kanya si Martin at sinagot naman kaagad niya ito. Kung tatanungin si Trisha kung masaya siya sa relasyon nila—kahit na bihira silang magkita—ay sasabihin niyang “oo.” Pero sa umpisa lang iyon.   Martin was her first boyfriend. He possessed one of the most handsome faces she had ever seen. He was also kind, caring, and thoughtful. Kahit hindi ito kasingromantic niya, hindi naman siya nagdedemand dito ng higit pa sa kaya nitong ibigay. She would not make the same mistake that some of her friends did. Ang iba kasing kaibigan niya noong college ay umiiyak na lumalapit sa kanya dahil iniwan ng mga boyfriend dahil sa   sobrang selosa at demanding ng mga ito. Indeed, other people’s experiences were the best teachers. Pero ngayon ay hindi na alam ni Trisha kung masaya pa siya, o kung mahal pa ba niya si Martin. Napapadalas na kasing hindi ito nagpapakita sa kanya—katulad ngayon. She texted him two hours ago. Napagkasunduan nila na magkikita pero isang oras na siyang naghihintay roon ay wala pa rin ito. Magiisip na sana siya na baka may masamang nangyari dito   pero agad din niyang iwinaksi iyon sa isip. Hindi nga pala iyon ang unang beses na nangyari iyon. If he would show up, he would show up. “I swear I’ll dive straight to Manila Bay if nothing happens anytime soon!” himutok niya habang naiinis na sinisimsim ang kanyang kape. Kakaunti lang ang tao sa shop, mostly yuppies who were all busy typing on their laptops. Wala siyang mapagbuntunan ng kanyang atensiyon. Mukhang nasagot naman kaagad ang   panalangin ni Trisha nang bumukas ang pinto ng coffee shop at tuloytuloy na pumasok ang isang maganda at eleganteng babae. She surveyed the woman from head to toe. Mahaba ang buhok nito. Her face was average, not exactly beautiful but enough to attract attention, which exactly what happened because all eyes were on the woman. Nakasuot ang babae ng red tube minidress na hapit sa katawan, emphasizing her big boobs and curvaceous figure. The dress was so short it   exposed her long legs. Pinagtitinginan ng ilang kalalakihan doon ang mga binting iyon. On her feet were designer shoes that matched her dress. She looked expensive from head to foot. Tumaas lalo ang isang kilay ni Trisha nang derederetsong naglakad ang babae patungo sa counter at tumigil sa tapat ng isang lalaking service crew. Dalawa lang ang service crew na nasa counter, pero nang dumating ang babae ay mataktikang umalis ang isa. Ang akala niya ay o   order ang babae. Pero walang sabisabing hinila nito ang batok ng lalaking service crew at hinalikan ito nang mariin sa mga labi. “Oohh. .” Lalo siyang naintriga. Drama such as that one rarely happened in real life, and that was what she loved about it. She loved observing people and analyzing their reactions. “A socialite and a service crew, eh?” Itinulak ng lalaki ang babae palayo, pagkatapos ay lumingalinga ang lalaki sa paligid. The   customers were minding their own businesses and it didn’t seem like they were interested in the drama. Si Trisha lang talaga ang dakilang usisera at nanood sa dalawa. “Stop doing that,” naiiritang sabi ng lalaki sa babae. Pagkatapos ay inalis ng lalaki ang mga kamay na nakakapit sa braso nito. Pero mabilis na hinawakan uli iyon ng babae. “Please, I’d do anything. Just come back to me,” pakiusap ng babae na halos maglumuhod na sa   harap ng lalaki. Lalong naintriga si Trisha. Nanghahaba na ang leeg niya sa kakapilit tingnan ang hitsura ng service crew. Hindi kasi niya ito makita nang maayos dahil pangit ang anggulo ng counter mula sa kinauupuan niya. Itinuon uli niya ang atensiyon sa eksenang nagaganap sa harap niya. If a socialite like that practically begged a man to come back to her, then the man must be something else.   “Look, woman. I had fun the other night, but that was all there was to it. You’re not even my girlfriend, for Pete’s sake! We just met once.” “But I like you. And you said you liked me, too.” “Oh, yeah? Puwes, binabawi ko na. As of this moment, there’s nothing to like about you.” Isang matunog na sampal ang iginawad ng babae sa lalaki. Napangiwi si Trisha. Saposapo ng lalaki ang pisngi nito, halatang nasaktan. Pero   hindi ito nagsalita. Then the woman stood up there for a while before marching out of the coffee shop. Itinuloy naman ng lalaki ang ginagawa na parang walang nangyari. Now, that was what could make her day. Ang hula ni Trisha ay nakasama o nakadate ng lalaki ang babae nang isang beses pero kung maghabol ang babae ay animo girlfriend na ng lalaki. Well, that was the irony of life. A girl in general   would think a man felt something for her if the man was extra caring and thoughtful during the date. Kapag pinagbuksan ng pinto, kapag sinabihan na maganda, kapag hinalikan—ang mga gestures na iyon ay talagang nami misinterpret ng babae kapag tapos na ang date. A man, however, did not think that way. Ang iniisip lang nito ay kung paano madadala sa kama ang babae. Trisha winced at what she was thinking. That   was a cynical thought, actually. Still, how could a girl expect to find true love over fancy candlelit dinner? Her idea of romance was simpler: iyong hindi mahihiya ang dalawang tao na ipakita ang tunay na pagkatao ng mga ito sa isa’t isa. If a girl could show herself to a guy without makeup and with only a pair of slippers on her feet, and if a guy would still look at the girl as if she was the only thing that mattered in this world, that was the most romantic thing in the world.   Nagmumunimuni pa si Trisha nang biglang may pumasok na isa na namang magandang babae. The woman was wearing a haltered yellow dress with floral print that only reached below the knees. Her short bob hair swayed as she walked. On her feet were yellow strappy sandals. She looked very feminine and very pretty. Katulad ng naunang babae, derederetso rin ang babae sa counter at tumigil sa harap ng kaparehong service crew.   Ibinaba na ni Trisha ang hawak na frappé. Now, this is starting to get interesting. “Why didn’t you call me?” tanong ng babae sa service crew sa medyo gumagaralgal na tinig. She could tell that the woman was trying her very best to look dignified. . and failed. Inilahad ng lalaki ang kamay nito, kapagkuwan ay bumuntonghininga. “Laura, we’ve already talked about this several times. I like you. You are nice. But that’s it.”   “What’s wrong with me?” Yumuko ang babae at kumuha ng panyo sa bag nito. She then gracefully wiped the corner of her eyes. Trisha almost rolled her eyes. The girl looked very fairy tale ish. Hinilot ng lalaki ang batok nito at tumingala sa kisame. “There’s nothing wrong with you. I’m just not interested in dating a woman twice. That’s a personal rule.” “Bbut. . but you said we look good together. Y   you kissed me, and then we went to bed. And—” “Enough. Nagexplain na ako sàyo noon pa. You’re just wasting both of our time here.” Itinuro ng lalaki ang pinto. “You’d do yourself a very big favor if you’d just walk out of here before I crush your heart into bits.” Saglit na tila nalito ang babae. The woman was obviously shocked at the obvious dismissal and the harsh words. Pagkatapos ay kinuha nito ang isang baso at ibinuhos ang laman niyon sa mukha   ng lalaki. Wow! That was classic! Napapailing na sinimsim ni Trisha ang kanyang kape. It was like watching a vintage Filipino movie. Kulang na lang ay popcorn at itataas na niya ang mga paa sa upuan. “I hate you!” Tumalikod na ang babae. She held her head high and walked out of the coffee shop as quietly as she could. Naiwan ang lalaki sa counter. Tila napu   frustrate na kumuha ang lalaki ng panyo mula sa bulsa at pinunasan ang nabasang mukha at mga braso. “Women!” he blurted out irritatingly. Si Trisha naman ay aliw na aliw sa mga nangyari. Kapag may dumating na namang babae at inaway ang lalaki, she would personally shake the man’s hand for giving her an enjoyable performance. Itinukod ng lalaki ang dalawang braso sa   counter at bumuntonghininga. Siguro ay dahil sa tingin ng lalaki ay naaabala na ang trabaho nito. Nang bumaling ang lalaki sa direksiyon niya ay nagtama ang mga mata nila. Even from a distance, she could tell he was frowning at her. Patay! Iniiwas ni Trisha ang tingin at itinuloy ang pagsimsim sa kape niya. “Miss!” Alam ni Trisha na siya ang tinatawag ng lalaki   pero nagpataymalisya siya. Hindi naman siguro niya kasalanan na masaksihan ang mga nangyaring eksena. Nagkataon lang na customer siya roon. It was not an invasion of privacy. Nagulat siya nang biglang lumapit ang lalaki sa kanya, huminto sa tapat niya, at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. He looked down at her with a frown on his forehead. Magrereklamo na sana siya dahil unethical ang ginagawa nito, pero natigilan siya nang   matambad sa kanya ang mukha nito. She could not contain the gasp that came out of her mouth. My, oh, my. So, there was a reason for all the craze after all. Dahil ang nasa harap niya ay ang greatgreat greatgrandson ni Zeus, o ni Apollo, o ng kung sino mang diyoses ng mga Griyego at Romano. The man’s hair was a little wavy, and was brushed back in a very seductive way. He was a little dark. He was also tall, maybe an inch below   six feet, and had deepset dark brown eyes. Matangos ang ilong nito. His lips were curved very sensually. To complete the profile was the perfect hard jaw that made him look deadly sexy. Alam ni Trisha na may boyfriend na siya, pero hindi naman siguro masamang maglaway siya sa lalaki sa harap niya. Mas kasalanan pa nga yatang balewalain ang ganito kagandang regalo ng Diyos dahil minsanminsan lang tumapak ang mga anghel sa lupa.   The man cleared his throat when he probably noticed that she was staring at him. Ngunit sa halip na mapahiya, nginitian pa niya ito. There was nothing to be embarrassed. She was just appreciating the beautiful creature before her. To her surprise, she saw him stiffen a little. Tila ba nalito ito. Bahagyang nawala ang pagkakakunot ng noo ng lalaki at medyo umaliwalas ang mukha nito. Nevertheless, it did nothing to calm her nerves. Lalo lang itong   gumuwapo sa paningin niya. Pagkalipas ng ilang segundo ay tumikhim uli ang lalaki. “Excuse me. You saw what happened earlier, right?” Kahit magalang ang paraan ng pagtatanong nito, may nahimigan pa rin siyang kaunting inis sa tinig nito. She shrugged her shoulders and looked at her coffee. “No. Wala akong nakita. Promise.” Hindi ito umalis sa harap niya. Sa halip ay pinagmasdan siya nang mataman. Mayamaya ay   hindi na niya napigilan ang sarili. Tumawa siya. She was laughing so hard she was almost crying. “So nakita mo nga,” mariing sabi nito. “What was wrong with you? If you wanted to do a hitandrun, sana hindi mo sinabi sa kanila kung saan ka matatagpuan.” Kabisado na ni Trisha ang mga katulad ng lalaki. He was a typical player—the dateoncebedonceandbye bye kind of guy. Ang ibang babae—lalo na ang mga katulad ng kaibigan niyang si Pia—ay lalayo   na sa lalaking ito. Trisha was different. Hindi siya naiintimidate sa mga katulad nito. Karaniwan sa mga playboy ay masayahin o kaya ay bolero. This one had a big frown on his forehead. “I’m glad I entertained you,” he said with a hint of sarcasm in his voice, pagkatapos ay inilahad nito ang kamay. “Since you saw what happened earlier, can I ask you something then?” “Sure,” sagot niya.   “What exactly is wrong with you, women?”    

 

CHAPTER TWO 

MUNTIK nang malaglag si Trisha mula sa kinauupuan nang marinig ang tanong ng lalaki. Hinila pa nito ang silya sa harap niya at umupo roon. Nanatili lang siyang nakatingin sa lalaki habang hinihimas nito ang pisnging nasampal. Nang mapansin siguro na nakatingin lang siya ay medyo napahiya ito. “Sorry, Miss, I don’t usually do this. I mean, sit   in front of a woman during work hours and a customer at that. But this is a frustrating day,” he said through gritted teeth. Napangiti si Trisha dahil kahit inis na inis ay nagawa pa nitong humingi ng paumanhin sa kanya. “It’s Patricia Anne Samonte.” “What?” “My name. Patricia Anne Samonte. But everyone calls me ‘Trisha.’” Inilahad niya ang   kamay sa lalaki. Tinanggap naman nito iyon at bahagyang ngumiti sa kanya, kung ngiti ngang matatawag ang ginawa nito. Then she heard it again. It was as if a choir of angels was singing in the background. Lalong gumuwapo ang lalaki nang bahagya itong ngumiti. In addition, his little dimples appeared at the corner of his cheeks. “I’m Juan Crisostomo Tejerro. You can call me ‘Juice.’” Naalala ni Trisha ang pangalan ng coffee shop.   Bahagyang pinisil ng lalaki ang kamay niyang hawak nito. Mabilis niyang binawi ang kamay nang tila may kuryenteng dumaloy sa mga kamay niya. Alam niya ang tawag doon: spark. Wooh! Iba talaga ang kapangyarihan ng mga guwapong palikero. Kahit siya na may boyfriend na ay tinatablan pa rin. “The place was named after you?” tanong niya rito.   Tumango ang lalaki. “Yeah. `Cause I own this place.” “Ah… Akala ko, service crew ka rito.” Ang akala ni Trisha noong una ay birobiro lang ang pangalan ng coffee shop para mas magmukhang interesting iyon. That was the reason why she got attracted to the place— because of its name. Lahat ng bagay na mukhang interesante ay pinapatulan niya. Kailangan niya iyon para sa trabaho niya sa advertising.   Mukhang nainsulto si Juice sa sinabi niya. “Do I look like some ordinary employee to you?” She almost rolled her eyes. Ego. “Ngayon lang kasi kita nakita rito.” “I was handling a different branch.” Tumikhim muna si Trisha bago nagsalita. “It was only natural.” “Pardon?” “I said, it was only natural. Tinanong mo ako kanina kung ano’ng mali sa aming mga babae.   Sinasabi ko sàyo na natural lang `yong mga reaction nila. We do not have to take all the credit for the mess here. May kasalanan ka rin kaya gano’n sila.” “Me? Ano’ng magiging kasalanan ko? I gave them the date they wanted. Dinala ko sila sa mga lugar na gusto nila. Pinatulan ko lahat ng kapritso nila para magenjoy sila. I even bought them expensive things that they like. `Tapos ngayon, kasalanan ko pa?”   Sumandal si Trisha sa upuan nang mapagtantong mahabahabang paliwanagan ang gagawin niya sa lalaki. Great. The reason why she was there was because she only wanted to escape from boredom. But now she was stuck with a certified player who was either too innocent or too stupid. She put her hands down on the table. “Hindi ko rin alam kung paano ipapaliwanag sàyo, pero isaisahin natin. Question and answer tayo.   Game?” “Whatever.” Tama nang sagot iyon para sa kanya. “First question. Why do you ask girls out?” “I don’t ask girls out. It was the other way around.” “Why do you date them then?” “For fun. There’s nothing to lose anyway.” Parang nakukuha na niya kung anong klaseng palikero si Juice. “So, you date them without   asking first what they want, right?” “What’s the use? I know already what they want. Parepareho lang naman kayong mga babae. You want wedding bells and mushy declarations of love which, of course, only equal to a tumble in the bed.” Hindi alam ni Trisha kung bakit nagtitiyaga pa siyang pakinggan ito gayong pulos panlalait lang naman sa mga kabaro niya ang ginagawa nito. Then again, he was asking for an advice, an   explanation. At kung mayroon mang tao sa mundo na addiction ang magpaliwanag ng mga bagaybagay tungkol sa pagibig, siya na yata iyon. That sense in her was what fired her up to stay and listen to the rantings of this playboy. “Pero, during the date, sinasabi mo sa kanila na gusto mo sila, `di ba?” “Natural!” “Why? They don’t ask for it.” “But that’s what you want to hear, right? I’m   just doing you guys a favor. Besides, gusto ko naman talaga sila—for a day. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ipinagpipilitan pa ninyo palagi na in love na kayo sa lalaking naka date n’yo lang ng isang beses to the point that you are obsessing over him.” Untiunti ay sumilay ang ngiti sa mga labi niya as she stared at Juice with amazement. Nakasimangot ito nang magsalita. “What?” “Are you always like that even when you are   on a date?”’ “May problema ba ro’n?” angil nito. “Wala naman. It’s just that you’re a certified player who doesn’t care about what girls think of him. The whatyouseeiswhatyouget type of guy, ginagawa lahat ng gusto. Eh, talagang hindi ka nga titigilan ng mga babaeng inaayawan mo.” Kumunot ang noo nito. “Wait, wait. So, was that supposed to be, a compliment or an insult?” “Compliment, sira! Okay, I’ll tell you a little   secret. I hope I don’t get banned in the women’s world for saying this.” Sinenyasan niya ito na ilapit pa ang mukha sa kanya. She inched a little closer until her face was only a breath away from touching his. Akmang magsasalita si Trisha sa tainga ni Juice pero paglingon niya sa mukha nito ay ang lapit lapit nito sa kanya. She could even see clearly his beautiful lashes that perfectly matched his eyes. Titig na titig ang lalaki sa kanya. He was even   more beautiful up close. A few strands of his wavy hair fell on his face, and she suddenly had the urge to tuck them away in his ear and feel its softness in her fingers. Ipinilig niya ang ulo. God, what’s happening to me? She cleared her throat twice. Pinilit niyang paganahin ang isip. She could not lose her senses just because she saw someone as beautiful as him. Lumayo siya nang bahagya kay Juice. Baka kasi   hindi na niya makontrol ang sariling mga kamay at kung ano pang kasalanan ang magawa ng mga iyon nang hindi niya namamalayan. “Ahem! As I was saying, maiin love nga sàyo ang mga babaeng inaayawan mo. They would think they love you. They thought they could tame the beast in you and make you hopelessly in love with them.” Lalong kumunot ang noo nito. Mukhang hindi talaga naiintindihan ang punto niya. Well, she   could not blame him. Mahirap naman talagang intindihin ang mga outofthisplanet ideas ng mga babae. So she tried stating her philosophies as simply as she could. “Basta isipin mo na lang, gusto nila ang mga bad boys. Tapos.” “So, I’m supposed to pretend that I’m a good guy para lang layuan nila ako?” She shrugged her shoulders. “Well, I’m just telling you that’s how it goes. Women have the   romantic notion that bad men will change for them. That you will change for them. So, àyun, natsachallenge sila.” Saglit itong tumahimik at mukhang pinag isipan ang mga sinabi niya. Then he looked at her with puzzled eyes. “How do you know all these?” “Babae kaya ako, baka nakakalimutan mo.” Pinasadahan siya ni Juice ng tingin na parang noon lang napagtantong babae nga siya. Iningusan niya ito. Mukhang narealize ng lalaki   ang ginawa dahil ngumiwi ito. “No, I didn’t mean it like that. You just don’t seem to be like most women.” “I’m romantic, not stupid. Maikli lang ang buhay para punuin iyon ng maraming hinanakit.” He nodded as he brushed his fingers through his hair. “So? Hindi ko pa rin makitàyong solusyon para tigilan na nila ako.” “Stop dating, as simple as that.”   His eyebrows raised upward in amusement. “That’s not possible, Trisha dear.” “Or you can just fall in love and settle with one woman,” she suggested. Ang amusement ni Juice ay nauwi sa tawa. “Seryoso ka ba? Kaya nga hindi ako nagdedate nang dalawang beses, eh. Ayokong isipin ng ka date ko na girlfriend ko siya at tingnan ako na parang pagaari niya. Committing myself to a woman is the last thing I want to do.”   She was intrigued. Gustonggusto niya ng mga ganitong lalaki—a man who did not want commitment but was ready to tie the knot once he found the girl he truly loved. “Ows?” Tumaas ang isang kilay ni Trisha habang nakatingin dito. “Ayaw mo? Eh, paano kung ikaw naman ang main love?” He snorted, as if she was talking in a foreign language that he could not understand. “C’mon, Trisha. We’re too old to believe in love.”   Dapat ay mainis siya rito dahil salungat sa sinabi nito ang prinsipyo niya. She may be hard on men and women in general but love was still the only thing she would trust. After all, she had her parents as proofs. Pero hindi inis ang nararamdaman niya sa palikerong nasa harap niya kundi amusement. “I won’t argue with that,” she said, grinning. “But I couldn’t wait to see what would happen once Cupid hit his arrow straight into your heart.”   “Ha! And Moses will be resurrected.” “Okay lang, sige. `Wag kang maniwala.” She was grinning from eartoear. A playful smile curved his lips. Medyo natigilan si Trisha sa ngiting iyon. It was the first time she saw him smile genuinely. So, hindi naman pala maramot sa ngiti ang lalaking ito. Ilang babae na kaya ang napaikot nito sa mga palad dahil lang sa ngiting iyon? “How do you manage to do that?” tanong ni   Juice habang nakatitig sa mga mata niya. Saglit siyang naconscious sa titig nito. “Aang alin?” “Look so beautiful when you are talking about love.” He shrugged his shoulders, and then he frowned again. “`Yong mga babaeng nakakasama ko, nakakairita kapag sinisimulan na nilang banggitin ang tungkol sa love. With you, I find it rather cute. . and refreshing. I think I could go on all day listening to you talk.”   Hindi alam ni Trisha ang isasagot. Buong buhay niya, siya yata ang dakilang Dr. Love ng mga kaibigan niya. Pero ni minsan ay hindi pa siya nasabihang maganda kapag pagibig na ang ibinubuka ng kanyang bibig. The man in front of her was telling her that she was beautiful with a frown on his forehead. Para bang pinagiisipan nitong mabuti kung paano nangyari iyon. She found it rather sweet. Napasimsim siya sa frappé nang wala sa oras.   “Go on a date with me.” Napaubo siya nang sunodsunod. Naipon kasi ang kape sa lalamunan niya at hindi na iyon nalunok. Nang tingnan niya si Juice ay nakatingin lang ito sa kanya at naghihintay ng sagot niya. “Well?” “Seryoso ka ba?” Hindi alam ni Trisha kung matatawa o maiinis sa lalaking ito. “Of course. You are interesting. Besides, why would I joke about something that would be a   waste of time?” She tried hard not to laugh. Baka kasi mainsulto ang lalaki. Oh, he was handsome and she was definitely attracted to him, but he was not her type. Isa pa, may boyfriend na siya. Even if she did not have one, men like Juan Crisostomo Tejerro were not exactly her cup of tea. Alam niyang hindi naman ito seryoso. Natuwa lang siguro ito masyado sa kanya dahil isa siguro siya sa iilang babaeng hindi threat sa pagiging single   nito. Naiiling na hinarap niya ito. “No offense meant, Mister Tejerro, pero hindi ko kakagatin ang offer mong `yan.” Ang akala niya ay maiinsulto at magagalit ito sa kanya—given the large of his ego—pero nanatiling seryoso ang mukha nito. “Bakit naman?” There was a hint of curiosity in his voice. She smirked. “For one, dahil may boyfriend na ako.”   “So?” “Anong ‘so’? When I said boyfriend, I mean I already have someone I really love. You just don’t go out with someone kapag may boyfriend ka na.” “And that’s the kind of love you believe in?” “Aye, aye.” Mukhang napaisip ito sa sinabi niya. “So what’s the second reason why you won’t go out with me?”   Nginitian niya nang pagkatamistamis. “I don’t like your type.”    

 

CHAPTER THREE 

TULOYTULOY na pumasok si Trisha sa kuwarto ng housemate at kaibigan niyang si Pia. Nae excite na kasi siya sa resulta ng unang date nito kasama ang “mortal enemy” nitong si France Buencamino, ang head editor ng publishing company na pinagsusulatan nito. Nagpropose si France na tulungan si Pia sa nobela ng kaibigan niya. Palagi kasing rejected ang mga nobela ni Pia   dahil salat sa romance ang mga iyon. Kabaliktaran niya si Pia. Kung siya ay romantic, ito naman ay galit sa buong sangkatauhan ng lalaki. Nakita ni Trisha na nakaupo si Pia sa gitna ng kama at nagtitipa sa laptop habang may nakasalpak na earphones sa mga tainga. Sinubukan niyang kunin ang atensiyon ng kaibigan pero mukhang wala itong balak na pansinin siya.   Tinanggal niya ang earphones ni Pia at pinandilatan ito. Hindi pa siya nakontento, niyugyog pa niya ito. “Hoy, Sophia Arguilles, magkuwento ka!” Umirap lang ito at ipinagpatuloy na ang pagtitipa sa laptop. “Ano ba’ng gusto mong malaman?” Halatang sinasadya nitong ibitin siya, palibhasa ay alam nitong naeexcite siya. Gumaganti na yata ito sa mga pambubuskang ginagawa niya.   “You want me to wring your neck?” Trisha hissed. Pia shrugged her shoulders. “Wala namang nangyari. Nagbike lang kami sa loob ng Quezon City Circle.” Trisha tried to hide her smile. So that was France’s plan after all. Itataga niya sa bato: hanggang ngayon ay in love pa rin si France sa kaibigan niya. Sinubukan niyang biruin si Pia para makita ang reaksiyon nito.   “My, my. I didn’t know France is stingy.” Pia frowned a little. “It wasn’t that bad, actually. I think it was very romantic.” Jackpot! Sinasabi na nga ba niya at hindi pa immuned ang kaibigan niya sa romance. She could actually guess what happened. France brought Pia to his own secret haven, a place he would only share with the person most important to him in the world.   Trisha tried to hide her smile. Maybe it was time for Pia to open up her heart to someone after that tragic love story that happened in high school. Maybe France was the one who would heal her friend’s sorrows. Parang gusto niyang mainggit kay Pia. Siya ang may boyfriend pero ang kaibigan niya ang nakakaranas ng mga romantic moments na pinapangarap niya. Pero ano pa ba ang aasahan niya kay Martin?   Naalala niya si Juice at ang paguusap nila may ilang araw na ang nakalilipas. There was something more interesting in him aside from his handsome face. Marahil ay ang kayabangan o ang devilmaycare attitude nito na tuwina ay sa mga heroes ng romance pocketbooks at romantic movies lang niya nakikita. Nang mapagtanto ni Trisha na iniisip niya si Juice ay pinukpok niya ang sariling ulo. She must be nuts. Muntik na siyang mapapayag ng lalaki sa   date na hinihingi nito. Kung hindi lang siya faithful kay Martin, malamang na pumayag na siya out of curiosity. She wanted to see for herself how Juice was on a date. Gusto niyang malaman kung bakit ito hinahabol ng mga babae. She wanted to discover what was behind that cold façade.  HINDI alam ni Trisha kung ilang araw siyang hindi napadpad sa Juice’s Coffee Place. Dumami   kasi ang trabaho niya nitong mga nakaraang araw. Tumatambay lang naman siya sa coffee shop kapag nabobore. Malapit lang kasi iyon sa ad agency na pinagtatrabahuhan niya. Isa pa, tahimik at maganda ang ambience ng lugar. She had to give credit to the owner. Nagtext siya kay Martin at sinabing magkita sila sa Juice’s Coffee Place. Even if she wanted to call him, she could not. Ang kabilinbilinan kasi ni Martin ay huwag niya itong tatawagan dahil   palagi itong kasama ng boss nito. Ginawa na niya iyon minsan at nauwi lang sila sa away. Umorder si Trisha ng kape habang naghihintay sa sagot ni Martin. Napansin niyang wala roon si Juice. Nakakatawa na hinahanap niya ang palikerong iyon. Tila marami kasing interesting na nangyayari kapag nasa paligid lang ito. Nakapangalumbaba siya nang magvibrate ang cell phone niya. Naeexcite na binasa niya ang text   message na galing kay Martin. Sorry, Trish. Tons of work to do. Next time, babe. Nalaglag ang mga balikat niya. Iyon lang? Wala man lang words of affection? She sighed in frustration. Bakit ba kasi niya pinagtitiyagaan ang katulad ni Martin? Minsan, pakiramdam niya ay nasanay na lang siya rito. Hindi na kasi niya maramdaman ang excitement na naramdaman niya noong mga unang buwan ng relasyon nila.   It was Martin’s fault. Hindi man lang ito nage exert ng effort na makipagkita sa kanya. Hindi nga niya alam kung girlfriend pa siya nito. At least, sa trabaho siya ipinagpapalit nito at hindi sa ibang babae. Iniisip na lang niya na para din naman sa future nila ang ginagawa nito. Naiinis pa rin na sinimsim na lang niya ang kape.  HINIHIMAS ni Juice ang kanyang pisngi.   Nakasalubong kasi niya papunta sa coffee shop ang isa sa mga babaeng naidate niya nang nagdaang linggo, at isang sampal na naman ang inabot niya. Dapat ay sanay na siya, pero napansin niyang sunodsunod nang nagsusulputan ang mga ito. For the life of him, he could not understand why he became the target of all women’s hatred all of a sudden. It was not his fault that they were all boring, and that he could not stand another date   with them. Bilib pa nga siya sa kaibigang si France dahil tumagal ito nang isang linggo na isang babae lang ang kadate. Ang nakakainis pa, ni minsan ay hindi pinaulanan ng sampal at tadyak ang kaibigan niya kahit hindi na nito matandaan ang mga pangalan ng girlfriends nito. France was now busy dating the love of his life. His friend had his eye on that particular woman for as long as he could remember. She was the same woman who called his friend names back in   college. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi na lang magtapat si France nang deretso sa babae kaysa nagpapaligoyligoy pa ito by showering her with romantic crap. Pagkaisip sa salitang “romantic” ay naalala ni Juice si Trisha, that one innocent woman who believed in a world full of roses. His world seemed to color when she smiled at him the first time they met. Napaupo tuloy siya nang wala sa oras dahil sa ngiting iyon.   Noon lang talaga siya nakakilala ng babaeng idealistic pagdating sa pagibig. But she was not the stupid kind. Naaaliw siya sa mga ipinapaliwanag ng dalaga. He actually found himself interested in everything she said. Hindi rin siya nainsulto nang walang pagaalinlangang tanggihan nito ang date na iniaalok niya. Pero hindi na ito bumalik uli pagkatapos ng huli nilang paguusap. Binuksan ni Juice ang likurang pinto ng coffee   shop at dederetso sana sa counter nang may makita siyang pamilyar na pigurang nakaupo sa isang sulok. Nakatagilid ito sa kanya. Kagatkagat nito ang straw at pinapanood ang mga pumapasok sa shop. Nahinto si Juice sandali at pinagmasdan si Trisha. When was the last time he looked at a woman’s face instead of her body? Trisha was sitting prettily there, completely oblivious of the stolen glances darted her way. Boredom was   evident on her face, but it did not taint her beauty. Lihim niyang napangiti. It was not a bad day after all.  NAPAIGTAD si Trisha nang may humila ng upuan sa tabi niya. Nakatuon kasi ang atensiyon niya sa mga pumapasok sa coffee shop. “Sorry, that seat is already taken—Juice! Àndito ka!” Prenteng umupo ang lalaki at ginaya siya.   Ipinatong din nito ang mga kamay sa baba at tiningnan siya. “You look bored.” “Oo. Nakakabore dito sa shop mòpag wala ka. Walang makabagbagdamdaming eksena,” she muttered lazily. Kumunot ang noo niya. “Walang latest date victim?” “Nah! `See this?” Itinuro ni Juice ang isang pisngi nito na medyo namumula. “I might get a fractured jaw one of these days.” She was amused. “From one of those girls you   dated?” Sayang at hindi niya naabutan ang nangyari dito para naman may napagpiyestahan siya ng tingin. “Hindi ko talaga maintindihan ang lahi ninyo. Hindi ko naman kayo pinapaasa dahil sinasabi ko naman sa umpisa pa lang na isang date lang ang puwede sa amin.” “Sumagi ba sa isip mo na mahal ka nila at nasaktan sila sa pagiignore mo sa kanila?” “Mahal? Ang sabihin n’yo, ang hilighilig ninyo   sa drama.” Tumaas ang isang kilay ni Trisha. “Hindi ka talaga naniniwala sa love, `no?” Umiling ito. Napangiti siya nang may maisip. “I think I know why. May babaeng ginawang paminta ang puso mo, `no?” “Ha?” “Dinurog! Duh! People are a bit defensive when it comes to love only because of some tragic past. Parang `yong kaibigan ko.”   Nang hindi ito nagsalita ay pumitik siya sa harap nito. “So I was right! You got your heart broken, too.” Now she was intrigued. So, even someone like him had already experienced love once upon a time. May pagasa pa pala ang mga babaeng pinapaiyak nito. Mukhang natauhan naman si Juice at sumimangot. “Of course not. Hindi nga ako naniniwala sa pagibig na sinasabi mo, paano ako   mabobrokenhearted?” Hindi umimik si Trisha, sumimsim na lang ng kape. Mayamaya ay tila hindi nakatiis si Juice. “What?” he snapped at her angrily. “What what?” “Why do you have that look on your face? Parang sinasabi mong maghanap na lang ako ng kausap dahil hindi ka naniniwala.” Kinapakapa niya ang kanyang mukha, sinikap   na huwag matawa. “Saang banda?” He pinched her cheeks. “You really are cute, aren’t you?” nanggigigil na sabi nito. Tawa nang tawa si Trisha at pilit na inilagan ang kamay ni Juice. Mukhang nahawa ito sa kanya dahil umayos ito ng upo at pilit siyang inabot. Tumawa nang malakas ang lalaki, and it did wonders to his face. Para siyang naeengkanto habang pinagmamasdan ito. There was no way a man could be that handsome while laughing.   May ilang segundong nagkukulitan sila nang tumigil sila at mapansing pinagtitinginan na sila ng mga customer. Kahit ang mga crew ay manghang nakatingin sa kanila. Napatingin si Trisha kay Juice na mukhang napahiya dahil hindi na ito umimik at sumandal na lang sa upuan. Nakatingin ang lalaki sa kanya habang nakakunot ang noo. She grinned at him and flashed him a peace sign. Nawala ang pagkakakunot ng noo nito at nahalinhan ng   amusement ang mga mata nito. He flashed a smile that showed his cute dimples. Ang nananahimik niyang puso ay tila nag aerobic dance dahil sa ginawa ni Juice. She swore she never saw a man smile the way he did. Parang gustong pumasok ng papalubog na araw sa loob ng coffee shop at makisilay rin sa ngiting iyon. Napansin siguro ni Juice titig na titig siya rito dahil tumikhim ito. Namula ang lalaki at kinamot ang dulo ng ilong. Siya naman ay parang   natanggal sa trance. Ito ang unang nagsalita. “So, why are you here suddenly?” “As far as I know, this shop is open for all.” “No, I mean, hindi ka kasi nagpunta rito these past few days.” Umarko ang isang kilay ni Trisha. “Uuuy, hinihintay niya ako,” panunukso niya. “Oof course not!” tanggi nito, pagkatapos ay bumalik ang pagsusungit sa tinig. “Why are you   always mincing my words, anyway?” Natawa siya. Trip kasi niyang asarin ang lalaki dahil hindi ito immuned sa mga banat niya. “Magkikita dapat kami ng boyfriend ko, eh. Pero hindi na siya makakapunta.” “`Yong ipinagpalit mo sa akin?” “Nyek! Excuse me, nauna kaya siya.” “What is his name again?” “Martin de Goya.” Biglang nagdilim ang mukha ni Juice. He had   the same expression he gave those women who tried to take him back. Kahit siya ay kinabahan sa hitsura nito. “You’re just wasting your time on him, Trisha,” he said harshly. “Ano ba’ng sinasabi mo?” May ilang segundong nakatingin lang si Juice sa kanya. Parang pinagiisipan ang sasabihin. “Oh, what the heck?” he blurted out, pagkatapos ay tumayo at kinuha ang bag niya at   hinila siya. Dahil sa pagkagulat ay nawalan ng balanse si Trisha. Pero mabilis na nakagalaw si Juice. He wrapped his strong arms around her protectively. Napasandal siya sa dibdib ni Juice. She literally forgot to breathe as she inhaled his intoxicating scent. Humahalo ang natural na amoy ng lalaki sa pabango nito, at tila pinagbubuholbuhol niyon ang isip niya. She wanted to wrap her arms around him, hug him tight, and smell him so she   could own that most precious scent in the world. OMG! Infidelity na bàto? Pilit inilayo ni Trisha ang katawan kay Juice at hinarap ito. “Juice, ano ba’ng—” Pero itinuloy lang ng lalaki ang paghila sa kanya palabas ng coffee shop. Nakita pa niyang nakasunod sa kanila ang tingin ng mga tao. Napatingin siya kay Juice. Seryosongseryoso ang anyo nito at mukhang mangangagat anumang oras.   “Juice, saan ba tayo pupunta?” Saglit itong lumingon sa kanya. “I’m taking you to him.” “Who?” “To Martin.” “Ha? Kilala mo siya?” Hindi sumagot si Juice. Tuloytuloy lang ito sa paglakad, kapagkuwan ay isinakay na siya sa fourwheel drive nito. Mabilis nito iyong pinaandar sa kahabaan ng EDSA.   Kahit gustong magprotesta ni Trisha ay hindi niya magawa. Juice was not a bad guy. Hindi naman siguro siya nito gagahasain. Isa pa, mukhang galit na galit ang lalaki. Dahil na curious na rin siya, hinayaan na lang niya itong magmaneho.    

 

CHAPTER FOUR 

NAKARATING sina Trisha at Juice sa isang bar sa Eastwood. Nakakunotnoong tumingin si Trisha sa lalaki. “Bakit mo ako dinala rito? Akala ko ba, dadalhin mo ako kay Martin?” Martin did not go to those kinds of places. Mas inaabala nito ang sarili sa trabaho kaysa sa pakikihalubilo at pakikipaginuman sa mga   yuppies. It was Martin’s sense of maturity that she liked most about him. Hindi umimik si Juice, bagkus ay hinila siya papasok sa bar. Tinanguan ito ng guwardiya. She surveyed the place. Medyo madilim at maingay roon. May ilang taong nagsasayaw malapit sa stage. She winced. Hindi talaga siya sanay sa mga ganoong klaseng lugar. Hindi siya makapagisip nang maayos at tuwina ay walang nangyayaring   interesante sa ganoong lugar maliban sa mga occasional catfights at excessive flirting. Tumigil sa paglalakad si Juice at binitiwan ang kamay niya. Nagulat siya sa biglang pagtigil ng binata at muntik pang tumama ang ilong niya sa likod nito. “Juice, magingat ka naman. Baka naman mapango ako dahil sàyo.” “There goes the love you are talking about, Trish,” ani Juice, hindi pinansin ang sinabi niya.   Tiningnan ni Trisha ang itinuro nito. Sa mesang ilang hakbang lang ang layo sa kanila ay may lalaking nakaupo. May nakaabriseteng babae rito. The man leaned closer to the girl and kissed her full on her lips. Sa umpisa ay hindi niya maaninag ang hitsura ng mga ito. But when the man signaled the waiter for another drink, she felt her blood drain from her face when she recognized the man. It was Martin.   Nanginginig ang mga kamay na kinuha ni Trisha ang kanyang cell phone at tinawagan si Martin. She watched him pick up his cell phone, then frowned when he saw the screen. After a second, she heard that annoying operator sound. Pinatay ng nobyo niya ang cell phone nito. So, the tame and matured man she fell in love with was actually a twotimer!  In easy strides, she walked towards Martin’s table. But before she could reach him, a firm voice   spoke to her from behind. “Trisha. ” She turned around. Juice caught her arm. Hinila siya nito nang kaunti palapit dito. In one fluid motion, he encircled his other hand up her nape, and then he leaned down and took her surprised lips in a passionate kiss. Sa sobrang gulat ay hindi na niya alam kung ano ang gagawin. She resisted him as much as she could. But the more she resisted, the more he pressed his body against hers. His hands were   doing wonders on her back and her nape, and his lips were seducing her expertly. Namalayan na lang niyang tinutugon ang halik nito. Mayamaya ay lumuwag ang pagkakakapit ni Juice sa kanya, but he didn’t stop kissing her. Hindi alam ni Trisha kung bakit hindi na siya nanlaban, bagkus ay nagpaubaya na lang. The taste of his lips was as intoxicating as his scent. She felt dizzy. Her heart was beating wildly inside   her chest she was afraid she would explode any minute. Pagkalipas ng ilang segundo ay tumigil si Juice sa paghalik sa kanya. Humihingal na nakatingin ito sa kanya. Siya naman ay hindi makatingin nang deretso sa binata. Nanginginig din ang mga tuhod niya. What had just happened? “You lying bitch!” Gulat na napalingon si Trisha kay Martin na   siyang galit na nagsalita. Tila noon lang siya natauhan at noon lang naalala ang dahilan kung bakit siya nandoon. Pinilit niyang pulutin ang mga rason na tila naglaglag, pero mukhang naapakan niya ang lahat ng iyon. “You cheat! And I thought you were so innocent. Kunwari ka pa na ayaw mong dalhin kita sa kama when you are just a cheap—” Hindi na natapos ni Martin ang sasabihin dahil tumama na sa mukha nito ang kamao ni Juice.   Bumalandra si Martin sa mesa at natumba. Ang mga nakapaligid sa kanila ay tumahimik at mukhang nagulat sa nangyari. Kahit si Trisha ay nagulat. What was Juice doing? “One word, de Goya, and you can say byebye to that fancy face of yours.” Hinawakan siya ni Juice sa braso at hinila palayo. Pero lumingon pa uli si Juice kay Martin na mukhang gulat pa rin sa nangyari. Sa sobrang   talim ng mga mata ni Juice, kahit sino siguro ay titiklop. “Come near my woman again and I swear I’ll take you to hell myself!” pagbabanta pa ni Juice bago uli siya hinila palabas ng bar.  NAMAMANGHANG nakatingin lang si Trisha kay Juice. Tila napufrustrate na inihilamos ng binata ang kamay sa mukha. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, halos walang rumehistro sa isip   niya sa nangyari sa loob ng bar. Nagblack out yata siya. Basta ang huling eksenang natatandaan niya ay hinahalikan siya ni Juice. Bumaling ito sa kanya nang mapansin siguro na hindi siya nagsasalita at nakatulala lang. Nag aalalang hinawakan ng binata ang balikat niya at niyugyog siya. “He’s a bastard, Trish. Don’t be too shocked at what you saw.” “Wwhy did you kiss me?”   “Ha?” Tiningnan niya ito nang matalim. “I said why did you kiss me!” Halatang nagulat si Juice sa reaksiyon niya. “II don’t know. I just got mad when he kissed a girl in front of you.” “So that gave you permission to kiss me?” He sighed irritatingly. “So you wanted to make a fool of yourself back there?” Lalong naningkit ang singkit na niyang mga   mata. May pakiramdam siya na sasabog siya anumang oras sa tindi ng inis niya rito. “Saang parte ng mukha ko ang nagsasabing halikan mo ako?” halos pasigaw na sabi niya. Mukhang nainis na rin si Juice. “That was just a kiss, for Pete’s sake! Gusto mo bang pagtawanan ka niya dahil nahuli mo siyang may ibang babae at pinaghihintay ka sa wala? Goodness! He’s a gigolo! Kilala namin siya ng kaibigan ko at gago talagàyon!”   “And how do I differ from all those women whose feelings you’ve hurt? Hindi ba at lantaran kung ipagtabuyan mo sila na parang wala kang pakialam? Sana hinayaan mo na lang ako!” Hinilot ni Juice ang batok at mukhang lalong nafrustrate. He seemed to be searching for a plausible reason for his actions. “I swear I don’t know!” pasigaw na sagot nito. “Basta no’ng nakita kong niloloko ka niya, ayaw kitang makitang masaktan at pagtawanan niya.”   Kahit paano ay bahagyang napawi ang inis ni Trisha sa sinabi nito. Halos hindi na nga niya matandaan na pinagtaksilan siya ni Martin. Kung nasaktan man siya sa panloloko ng nobyo, it was just her ego and not her heart. She knew she would get by. Only Juice’s kiss bothered her. Nananahimik siya, pero nang halikan siya nito ay parang may nagsinding bombilya sa isip niya. Parang naiintindihan na niya kung bakit hinahabolhabol   ito ng mga babae. Tila kahit siya ay gusto na ring habulin ang binata. The romantic side in her genuinely wanted to see him tamed. Sinabi pa niya na hindi niya ito type? Huh! Sino ang niloko niya? She was a levelheaded girl. Hindi bastabasta umiinit ang ulo niya. Pero sapat na ang nangyari para mapundi siya. She did not like what she was feeling for this man. Juice was biohazard level 4. She would not get out of this alive.   She tried to calm down. Kahit sa laro, ang unang nagagalit ay natatalo. She breathed in and breathed out. If she wanted to know exactly what she felt, she had to set things straight and make a plan. “Gusto mo lang akong tulungan kaya hinalikan mo ako, `di ba?” tanong ni Trisha. Sa pagkakataong iyon ay malumanay na ang boses niya. “That was what I was trying to say before you   shouted at me.” “But not because you like me, right?” “But I like you,” pahayag ni Juice. Tiningnan nito ang mga labi niya. “And I like kissing you, Trish.” Saglit siyang nalito sa sinabi nito pero pinilit niyang huwag magpaapekto. “Sige, pumapayag na ako,” wika niya. “Saan?” “You said you wanted to date me, right?”   Mukhang hindi ito makapaniwala sa pagbabago ng mood niya. Kahit siya ay nalilito. Mahina nga yata siya dahil hindi na siya nagiisip pa at nagpapadala na lang siya sa kanyang nararamdaman. She tried to be cautious before and looked where it led her? She went straight to the lion’s den. Ni hindi man lang niya naisip na posibleng nambababae si Martin. “Okay. I’m giving you one date,” untag niya kay Juice nang hindi na ito nagsalita.   “I thought I’m not your type?” “Sabihin na lang natin na mabuting tao ka pala dahil ipinakita mo sa akin ang tunay na kulay ni Martin.” Hinawakan siya ni Juice sa mga balikat at tiningnan siya nang deretso sa mga mata. “Tell me, are you doing this on the rebound?” Naghahamong tinitigan niya ito sa mga mata. She would not make the mistake of telling him the real reason why she was doing it. Sino ang   maniniwalang nababaliw na siya dahil lang hinalikan siya ni Juice? Another thing, what harm could a single date do? “Yup. May masama?” Tinitigan siya nito nang mataman. “I’m not sure I’m liking it,” he muttered. “C’mon. Ikaw ang unang nagprisinta. Be responsible. Dahil sàyo ay nawalan ako ng boyfriend nang wala sa oras.” “Don’t compare me with that bastard. I might   fool around at times, pero hindi ako nagpapaasa ng babae.” Iwinasiwas ni Trisha ang kanyang kamay. “Whatever. It’s your punishment for messing up my life.” Nagpahinuhod naman ito. “Okay, tomorrow, I’ll pick—” “Not tomorrow. I want it today,” she said in a firm voice. “Okay, today—What? Are you kidding me?”   She pouted her lips. “What’s wrong if we go out on a date today?” “It’s already eight!” “Then we have the whole night,” she said cheerfully. Hindi hahayaan ni Trisha na ipagpabukas pa ni Juice ang date nila dahil sa dalawang kadahilanan: una, kapag nahimasmasan na siya at bumalik ang katinuan ay siya mismo ang magba back out sa planong iyon; pangalawa, gusto   niyang makita na ibaba ni Juice ang depensa nito. Sanay siguro itong makipagdate na nakaplano. Planado rin siguro ng binata ang ikikilos nito kasama ang date. Juice did not look anything like someone who knew how to handle longterm relationships. Ni hindi naisip ni Trisha na romantic type ito. When he kissed her, and when he punched Martin and called her “his woman,” she saw a trace of the Juice that was hiding in his protective shell. Hindi   ito ang Juice na nakita niyang lantarang nananakit ng damdamin ng babae. Noong sinabi nitong ayaw siyang makitang masaktan ay naguluhan siya. Even he seemed confused and unaware of his feelings. At least, hindi siya nagiisa sa nararamdaman. “Ano na?” untag niya rito. He sighed. Inaasahan na niyang magdadahilan na naman ang binata. Kaya nagulat siya nang ngumiti ito. The change in his mood was   surprising. Maybe she did the right thing after all. “Then let’s not waste our time any longer.”    

 

CHAPTER FIVE 

KINAKABAHAN si Trisha habang nakasakay sa sasakyan ni Juice na tahimik na nagmamaneho sa national highway. Hindi niya alam pero bigla, lahat na lang ng ikinikilos nito ay napapansin niya—from the way he turned his head and looked at road signs to the way his hands maneuvered the steering wheel. She found them all very endearing.   Nanlulumong iniumpog niya ang ulo sa dashboard sa sobrang pagkadismaya. Dahil lang sa halik ng binata ay bumigay ang lahat ng depensa niya. Bakit ba kasi ang romantic nito? “Trish!” sigaw ni Juice na nabigla marahil sa kanyang ginawa. Itinabi nito ang sasakyan sa gilid ng daan. “Hey, don’t commit suicide in front of me!” “Tse! Mukha bang affected na affected ako sa nakita ko kanina, ha?”   “But you look like a mess. Look at yourself in the mirror.” Napatingin tuloy siya sa rearview mirror. He was right. She looked like a woman who had been kissed, and then robbed of her senses. In short, a total idiot. Kasalanan iyon ni Juice. “Kasalanan mo!” naiinis na sigaw niya rito. He shrugged his shoulders. “I’m not sorry I got you out of that bastard’s life. You deserve   someone better, Trisha.” Gustong sabihin ni Trisha na kasalanan nito dahil hinalikan siya, pero itinikom na lang niya ang bibig. Nakakainis lang kasi na tila nagaalsa balutan na ang lahat ng mga lamangloob niya pero mukhang walang epekto iyon kay Juice. Ang akala niya noong una ay kaya niyang i handle ang mga katulad ni Juice dahil marami na siyang nakilalang katulad nito. They did not make her heart beat faster or make her knees tremble.   Most important of all, they did not kiss her and shake her world. Pero dito pa siya bumigay sa hari ng mga taong hindi naniniwala sa pagibig. Someone should do her a favor and kill her right now. “You still look beautiful, anyway,” Juice said after a while. Pinaandar na uli nito ang sasakyan. “Ha?” He looked at her with that stupid frown on his forehead. “Ang sabi ko, maganda ka pa rin kahit   ganyan na para kang binagsakan ng mundo.” Inipit nito sa likod ng tainga niya ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha niya. “And I don’t know why but you’re making me nervous just by doing this.” Hindi alam ni Trisha kung ano ba ang dapat niyang maramdaman sa mga sinasabi ni Juice. Dapat ba siyang matuwa at maniwala sa mga salita ng isang palikero? He was very different from all the jerks she met. Kahit lantaran niyang   nakitang nanakit ito ng damdamin ng mga babae, mabait pa rin ang trato nito sa kanya. Tinitigan niya ang binata. “Juice, question and answer uli tayo.” “Ayokong sagutin ang mga tanong mo.” Hindi niya pinansin ang pagsusungit nito. “First question. Sino’ng dumurog ng puso mo?” He did not answer. “Ang KJ! Ikaw nga, pinakialaman mo ang love life ko, `tapos ngayon, ayaw mong pakialaman ko   ang nakaraan mong matagal nang tapos.” May naisip si Trisha. Oh, no! “Ibig bang sabihin ay mahal mo pa rin siya kaya ka ganyan ngayon?” “Shut up, Patricia Anne.” “You still love her but she can never be yours and so you couldn’t open your heart to another because it’s an unrequited love.” “Itutuloy pa ba natin itong date, o gusto mong iwan na lang kita sa tabi ng daan at maging psychic?”   Itinikom na lang niya ang bibig. “Her name’s ‘Margie,’” ani Juice mayamaya. Trisha stopped him for continuing. Ayaw na niyang marinig ang dahilan nito. “No, no, it’s okay. You don’t have to tell me.” He looked at her threateningly. “Pero ikaw itong mapilit na ungkatin ang nakaraan ko kahit sinabi ko nang ayaw kong pagusapan iyon.” “Kaya nga sinasabi kong ayaw ko na, eh. Promise, `di na uli ako magtatanong.”   He pretended not to hear her. “She is my childhood friend. She is the most beautiful girl I’ve laid my eyes on. For years, siya lang ang babaeng tiningnan ko. Noong magtapat ako sa kanya sa prom, she rejected me flatly. Parang kapatid lang daw ang tingin niya sàkin. I didn’t give up. I showered her with affection, with everything that I know will make her happy. Pero wala pa rin.” There was a note of sadness in his voice.   Her heart went out to him. “Nasaan na siya ngayon?” she asked out of curiosity. “She got married after college. Almost six years ago.” “So you dated lots of women?” “For fun.” Bumaling ito sa kanya. “Trisha, can I ask you something?” “Anòyon?” He looked straight into her eyes, as if he could see through her very soul. “Naniniwala ka ba na   sa buhay ng tao, isang beses lang siya magmamahal nang sobra?” “Akala ko ba, you don’t believe in love?” Tinitigan lang siya nito nang matalim. Ayaw sagutin ni Trisha ang tanong nito dahil ang isasagot niya ang dudurog sa pagasa niya. Pero mukhang hinihintay talaga ng binata ang sagot niya. “Sa tingin ko, oo,” sagot niya. “One life, one great love.”   “So, hindi ka na uli maiin love niyan pagkatapos ng nangyari?” “Ang sabi ko, one great love. Sobrasobrang pagmamahal. Dakila at wagas na pagmamahal. Sa tingin mo ba, karapatdapat mahalin ng ganoon ang kuwagong `yon?” “Ako siguro, hindi na magmamahal,” Juice said as an afterthought. “I could not see myself suffering from another heartbreak.” Bumaling si Trisha sa labas ng bintana para   hindi nito makita ang damdaming alam niyang nasasalamin sa kanyang mga mata. She swore she would be the one who would suffer from another heartbreak. Itinigil ni Juice ang sasakyan sa nadaanan nilang supermarket. Mamimili raw sila ng lulutuin. “Juice, saan ba ang date natin?” tanong niya habang papasok sila sa loob. Kumuha ito ng pushcart. “Sa condo unit ko.   Biglabigla kang nagyayaya ng date, eh, hindi ko alam kung saan ka dadalhin sa kalagitnaan ng gabi.” She stiffened. “Ssino’ng. . ssino’ng kasama natin sa condo unit mo?” “Tayo lang. Bakit?” Tuloytuloy itong naglakad at hindi pinansin ang pagaalinlangan niya. She remained rooted on her place. Nilingon siya nito. “What? Hindi naman kita rerapein. Kung ayaw mo, `wag na nating ituloy.   Pampalipasoras mo lang naman ako, `di ba?” Ang totoo, mas nagaalala si Trisha na siya ang hindi makapagpigil at may gawing hindi kanais nais sa binata. Bahala na!  “JUICE, may dinala ka na bang ibang babae rito?” tanong ni Trisha nang nasa labas na sila ng pinto ng condo unit nito. “Wala. Ikaw pa lang.” Pagkabukas ng binata ng   pinto ay tuloytuloy na itong naglakad papasok. Napilitan siyang sundan ito hanggang sa kusina. “Eh, `yong mga nakadate mo?” “I make it a point not to spend the night with them here. I don’t want them to tarnish my place with their stupid dramas.” “Aren’t you afraid that. . that I might cling to you the way they did?” “No. I’m not your type, remember?” “Hindi nga.”   Isaisang inilabas ni Juice ang mga pinamili mula sa mga plastic bags. Then he looked at her and smiled sheepishly. Nagkamot ito ng ulo. “To tell you frankly, kinakabahan din ako. Ngayon lang nagsink in sa akin na isinama kita rito. Do you mind? I might falter around a bit so it’s better if you don’t watch me.” Nagulat man si Trisha sa reaksiyon nito ay napangiti siya. He looked so adorable as he seemed to be pondering at what was happening.   He started to loosen up a bit and bring down his defenses. Pumunta siya sa living room at umupo sa sofa. She turned on the television. While watching a program, her attention was on Juice. Pinanonood niya ito habang seryosong naggagayat ng gulay. Even his back view looked very gorgeous. Somehow, she thought she could spend her life watching him like that and she would not be bored. Everything about him was simply a work   of art. Nang matapos magluto ang binata ay tinawag siya nito para kumain. She sat in front of him. Juice prepared pasta with Alfredo sauce, plus fried potatoes and a bottle of champagne. Para sa dessert ay mayroong chocolate cake. “Sorry. `Yan lang ang kaya kong lutuin nang mabilis, eh.” She smiled at him. “These look good,” komento   niya. “Ikaw ang nagbake ng cake?” “Yup. Pero kahapon pàyan. Kain na tayo.” Masarap ang pasta. Most of all, she loved the cake. She grinned widely as she took another bite. “This is really good, Juice. Do you know that a way to a woman’s heart is through her stomach? Or something like that.” He laughed. Then he leaned forward and wiped away the icing on the corner of her lips. Napakislot si Trisha sa ginawa nito. Naalala na   naman niya ang eksena sa bar nang hilahin siya ng binata payakap dito. She groaned. His eyes were twinkling as he looked at her. “You’re mixing your aphorisms, Patricia Anne.” “Whatever. Masarap ang cake mo, ha. Para sa mga babae mo?” “Ipapakain ko bàyan sa iyo kung para sa ibàyan? All the women I dated stayed away from sweets because they are too fattening. Ikaw lang ang kilala kong kumain ng matamis sa harap ko.”   “And that’s like.. ahm. . what? A turnoff?” “Of course not,” anito, pagkatapos ay ipinatong ang baba sa mga kamay at tinitigan siya. “You are a novelty, Trish. I don’t know why, but you don’t bore me. Kahit magdamag lang siguro kitang titigan, ayos lang sa akin.” Umingos si Trisha at sumubo uli ng cake kahit naiilang siya. His shameless brown eyes did not hide the affection in them while looking at her. She started to see him in a different light.   Suddenly, he did not seem like a man capable of breaking a woman’s heart. Maybe it would not be that bad to trust him with her heart. She summoned all courage and asked him a do ordie question. “Juice, if. . if ever, do you think you can fall in love with me?” His eyes became darker as he looked straight into hers. “Any guy will fall in love with you,   Trisha.” “Not any guy. I’m asking you.” “If I am capable of falling in love again, probably, I will fall for you.” Tumaas ang isang kilay nito. “Why are you asking these things so suddenly?” “Wala lang. Nakucurious lang ako.” Mukhang naniwala naman ito dahil hindi na nagusisa pa. Inutusan siya ni Juice na bumalik sa living   room at ito na raw ang bahalang magligpit sa mga pinagkainan nila. She did not bother to protest. Instead, she busied herself watching him move across the kitchen and savoured all of him that her eyes could get. She started to calm down. Bumabalik na rin sa kanya ang mga rason na nawala noong dalhin siya ni Juice sa bar at mahuli niya si Martin na nambababae. What did not come back to her, though, was the warning signal about Juice.   Oh, Juice was arrogant, stupid, and a bit insensitive sometimes, but he was a good man. At hindi siya bulag para hindi makita ang iba pang magagandang katangian nito. She yawned and fell back a little on the cushion. Perhaps it was also time for her to put down her defenses.  “TRISH, ihahatid na ba kita?” Juice shouted from the kitchen. Nang wala siyang marinig na tugon   ay nagpunta siya sa living room. He saw her lying on the sofa and was fast asleep. He walked towards her, squatted in front of her, and attempted to wake her up. “Trish, wake up.” Tinapik niya nang marahan ang pisngi nito. She groaned and changed position. Mukhang napagod ang dalaga sa mga nangyari nang araw na iyon. Hindi naman niya ito masisisi. A bastard fooled her. Malayang pinagmasdan ni Juice ang mukha ni   Trisha. She moved something in him in ways that were foreign to him. Noon lang nangyaring may hinayaan siyang babaeng makialam sa buhay niya. Tama si Trisha, he did not care about all the girls he hurt because he did not feel anything for them. Kaya hindi rin niya maintindihan kung bakit hinayaan niya ang sariling makialam sa buhay ni Trisha. Frankly, he did not know what urged him to bring Trisha to the bar. Basta nang malaman   niyang boyfriend nito si Martin de Goya ay uminit ang ulo niya. Hindi niya ugaling makialam sa buhay ng iba. Somehow, he wanted to set things right for Trisha. Kaya niya ito hinalikan ay dahil gusto niyang isipin ni Martin na ito ang niloko ni Trisha, and not the other way around. Ang hindi niya napaghandaan ay ang mararamdaman sa oras na lumapat ang mga labi niya sa mga labi ng dalaga. Trisha had the sweetest lips he had ever tasted.   Originally, he just wanted to help her. But something in him prevented him to stop kissing her. Parang gusto niyang itigil ang oras at manatiling yakapyakap niya ang dalaga sa kanyang mga bisig. For the life of him, he could not understand why anymore. It was the first time he met a girl who was not interested in him but was willing to listen to him. Pakiramdam niya ay kayang basahin ni Trisha ang lahat ng damdamin na pilit niyang itinatago.   It scared the shit out of him. Sa lahat ng babaeng nakakasama niya, kontrolado niya ang lahat ng kanyang kilos at galaw. Pero kapag kasama niya si Trisha, nagagalit, naiinis, at tumatawa siya nang hindi namamalayan. Juice only met Trisha twice. In that short time, she managed to arouse all his protective instincts. Naibaon na niya sa limot ang mga iyon mula nang kalimutan niya si Margie. Even with Margie, he did not feel that way.   He sat on the floor helplessly and continued watching Trisha sleep. Hindi na niya napigilan ang sarili, hinalikan niya ang dalaga nang marahan sa noo. Perhaps tomorrow, she could answer all his questions and set the record straight in his muddled mind.  NAGISING si Trisha. Mga batang nagkakaingay sa labas ng corridor ang naririnig niya. She frowned. Nasaan siya? Iginala niya ang tingin sa   paligid, kapagkuwan ay natutop ang noo. Oo nga pala, nasa condo unit siya ni Juice. Dinala siya nito roon nang nagdaang gabi. Pero ang natatandaan niya ay nanonood siya ng TV. She must have fallen asleep in his sofa and Juice did not have the heart to wake her up. Gayunman, nakakumot at nakaunan naman siya. Napatingin siya sa kanyang relo. Alasotso na! Shit! May trabaho pa siya! “Juice!” sigaw niya. She waited for his reply.   Wala. She stilled for a moment and tried to feel for some signs of movements. Narinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo sa isang kuwarto. Juice must be in the shower. Tumayo si Trisha at pumunta sa kuwarto ni Juice. She knocked twice but no one answered. Siguro ay hindi siya naririnig ng binata. Well, hindi naman siguro masamang pumasok at magpaalam dito na aalis na siya.   Pagpasok niya ay natuon agad ang kanyang tingin sa kama. At the center of the bed was a woman sleeping. Maputi at maganda ito. Nagmadaling lumabas si Trisha ng condo unit habang kinukusot ang kanyang mga mata. She ran straight to the elevator and frantically pressed the down button. Wala sa loob na pinupukpok na pala niya ang pinto. “Damn! Open up!” nanggigigil na wika niya habang kinukusot pa rin ang mga mata.   Bakit ba siya umiiyak? Nang bumukas ang elevator ay agad siyang pumasok sa loob. Sumandal siya sa dingding ng elevator at pumikit. Great! Just great! Ano ba ang pumasok sa kukote niya at naisip na puwedeng ibaba ni Juice ang depensa nito? Not because he had been good to her for a day would mean he would change or he felt something for her.   Sino ba ang niloloko niya? Naiinis na naglakad si Trisha palabas ng building at pumara ng taxi. Sinabi niya sa driver ang address ng opisina niya, kapagkuwan ay mariing pumikit. “Ma’am, okay lang ho ba kayo?” tanong ng matandang driver na mukhang hindi na nakatiis. “Okay lang ho, Manong. Bakit ho?” “Mukha ho kasi kayong bigo sa pagibig, eh.” Hindi niya mapigilang matawa nang mapakla.   Mabuti pa ang driver, alam ang ipinagkakaganoon niya, samantalang siya ay nahihirapang pagtugmatugmain ang lahat.    

 

CHAPTER SIX 

BUONG araw na bad trip si Trisha dahil hindi niya maayos nang tama ang kanyang trabaho. Tuwing naaalala niya ang babaeng natutulog sa kama ni Juice ay hindi niya maiwasang mainis sa sarili. Natambakan tuloy siya ng trabaho kaya gabi na siya natapos. Nagulat siya nang paglabas ng opisina ay nakita niyang naghihintay sa kanya si Juice.   Napatuwid ito ng tayo pagkakita sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso niya pero pinilit niyang iwaksi iyon. Seeing him again was the last thing she wanted. “What are you doing here?” tanong niya. Inginuso ng binata ang coffee shop nito. “Napadaan ako kanina sa shop and saw you went out of this building kaninang lunch. Bakit hindi ka nagpaalam sa akin kanina?” Tumango si Trisha pero hindi nagsalita. Juice   was just standing in front of her and staring at her. Pero wala siyang balak kausapin ang lalaki o makinig man lang dito. Kailangan muna niyang pagdikitdikitin ang nagkadurogdurog niyang puso para lang mapakiharapan ito nang maayos. Nilampasan niya ang binata at derederetsong naglakad. Pero sumunod ito sa kanya. She tried to ignore him. Nakasunod pa rin ito sa kanya pero hindi nagsasalita. Nang hindi na siya makatiis ay tumigil siya at nilingon ito.   “What do you want?” she snapped at him. “You!” pasigaw ring sagot nito. Halatang nagulat sa sariling outburst. Nang mapagtanto siguro ng binata ang sinabi ay tila nalito ito. “No. . I mean. What I want to say is. . I want to talk to you.” “Tungkol saan?” “II don’t know. Anything. Everything.” Then he sighed in frustration. “I just want to talk to you.”   “So you came all the way here para makipagkuwentuhan lang? Ano ba ako sa tingin mo, love guru?” “What are you saying?” She exhaled in frustration. “Nagkaproblema ka na naman ba sa babae mo kanina?” “Anong babae? What the.. ? So naabutan mo si Margie kanina?” Siya naman ang natigilan. So iyon pala si Margie. Sinabi ni Juice na hindi ito nagpapatulog   ng ibang babae sa condo unit nito. Pero kapag pala si Margie, lahat ng rules nito ay kinakalimutan. Wala nga siyang laban doon. “Ano na? Ano’ng paguusapan natin?” Saglit itong tila nalito. “Look, Trish, give me a few seconds to collect my thoughts.” She did not have time for Juice’s stupidity. “First question, why do you want to talk to me?” Umiling ito. “I don’t know. I just miss you.” “Why do you miss me?”   “Kagabi pa tayo huling nagkita.” “Juan Crisostomo, kagabi lang tayo huling nagkita. Bakit mo ako mamimiss kaagad?” “I just do, okay?” tila inis nang sabi nito. “Hindi ko rin alam. Ngayon lang nangyarìto sa akin.” Kahit paano ay nawala nang kaunti ang inis ni Trisha. She could really tell he was having a hard time collecting his thoughts. She almost rolled her eyes. How could she have fallen in love with   someone so stupid? Whoops. . Paano napunta sa love ang usapan? Tumingin siya rito nang deretso. “Do you like me?” “I told you I do.” It was not enough. Nabanggit minsan ni Juice na sinasabi nitong gusto nito ang babae dahil iyon ang inaasahan ng mga babaeng marinig mula rito. He must be lining her up with all of those girls. Hindi siya makapapayag.   She inhaled, and then exhaled. Pagkatapos ay tiningnan ito nang pailalim. “Why do you sound like you’re falling in love with me?” Namamanghang tumingin ang binata sa kanya. “Falling in love with you?” Halos matawa ito sa sinabi niya. “C’mon, Trisha. What are you talking about?” “Because you wouldn’t fall in love with another girl again, right?” Hindi ito nagsalita. That did it. Walang sabi   sabing tinalikuran niya ang binata. “Trish, wait!” Hinawakan nito ang kamay niya. She turned to him and stomped him hard on his foot. He groaned. “Come near me again at hindi lang iyan ang aabutin mo!” pagbabanta ni Trisha. Nanggigigil pa rin siya sa galit noong nakasakay na siya sa taxi. Naiinis na talaga siya kay Juice. At naiinis siya sa kaalamang sa dinami rami ng lalaki ay ito ang nagustuhan niya.   TULOYTULOY na pumasok si Trisha sa kuwarto ni Pia at nanggigigil na ibinagsak pasara ang pinto, walang pakialam kung naabala ang kaibigan niya sa pagsusulat ng nobela. Ilang beses siyang nagpalakadlakad sa loob ng kuwarto nito. She did not like what she felt for Juice. Not at all. Baka sa susunod na makita uli niya ang binata ay mahulog na nang tuluyan ang puso niya rito. Kung kaya pa niyang isalba ang sarili ay isasalba niya.   Pero nang walang maisip na solusyon ay napasigaw siya out of frustration. “Guys are such jerks!” Sa sobrang gulat marahil ni Pia sa outburst niya ay nabitawan nito ang laptop. Nagaalalang tumingin sa kanya ang kaibigan. “Patricia Anne Samonte, ano ba ang nangyari sàyo? And why didn’t you come home last night?” Lalo tuloy siyang nainis sa sinabi nito. “Don’t talk about last night!”   “`Care to tell me about it?” “I found Martin cheating!” Napabalikwas si Pia mula sa pagkakasandal sa headboard ng kama. Shock was written all over her face. “What? Kanino?” Iwinasiwas ni Trisha ang kamay. Martin was out of the question. “I don’t know and I don’t care!” Pia looked at her sympathetically. “It’s okay if   you cry. I understand—” “Who says I’m gonna cry?” putol niya sa sasabihin nito. “I’m not shedding my precious tears over that bastard. Sayang lang ang effort.” “Eh, kanino ka nagagalit?” Hindi niya pinansin ang tanong ng kaibigan dahil biglang may ideyang pumasok sa isip niya. If the venom was a jerk, then maybe the antidote should also be a jerk. “I just had an idea. I’m dating all the jerks in   the world!” Gusto pa niya iyong sabayan ng halakhak na para bang iyon na ang pinakamagandang solusyon na naisip niya. Why not? Kung si Juice nga na hindi talaga niya type ay nagawang tibagin ang pader niya, bakit hindi ang ibang lalaki? Baka naman kulang talaga siya sa karanasan sa mga palikerong katulad nito kaya isang halik lang ay bumigay na siya. “Ha?” sambit ni Pia. Mukhang hindi na naman   kinakaya ang mga kagagahan niya. Trisha flashed her dangerous smile. “I will date all the jerks in the world and dump them so fast they wouldn’t know what hit them.” “Seryoso ka ba? Ano ba’ng nangyari sàyo? Kung si Martin lang iyan, huwag ka nang magsayang ng panahon sa taong `yon.” Umiling siya. Hindi yata talaga makita ni Pia ang punto niya, palibhasa ay wala itong kaalam alam sa mga ganoong bagay. Asking Pia for an   advice was way out of the question. “It’s not Martin. It’s another guy.” Then Trisha flicked her fingers. “That’s it! Magbabayad ang Juan Crisostomo nàyan.” Tamangtama naman na nagring ang cell phone ni Pia kaya hindi na ito nakapagreact sa sinabi niya. Sinagot iyon ng kaibigan niya. “Hello?” Pia rolled her eyes. “Kailan ba ako nakalimot?” “Si France bàyan?” singit niya.   Pia nodded. That was it! Pia could start with France. “Ask him if he has a jerk for a friend. Siguradong meron `yan dahil sirkulo niya iyon.” Pinandilatan siya ng kaibigan. “France is not a jerk.” Trisha rolled her eyes. Noong una ay halos isumpa ni Pia si France. Ilang araw pa lang ang nakalilipas ay nagiba na agad ang ihip ng hangin. Ang pagibig nga naman. “`Sus! Ikaw na ang may love life. Itanong mo   na, bilis.” Mukhang walang nagawa ang kaibigan niya kundi magpahinuhod. “France, mayro’n ka raw bang palikerong kaibigan?” Nakinig si Pia sandali. “Hindi ako. Si Trisha. Naghahanap siya ng mga palikero ngayon.” Pagkatapos ay tumingin ang kaibigan niya sa kanya. “Mayro’n daw.” Yes! Thank You, Lord! “Set me up on a date!” naeexcite na sabi ni   Trisha. She would make herself realize that Juice was not the only man in the world who could make her lose her senses. “Are you serious?” Pinandilatan lang niya si Pia. Nagpahinuhod naman ang kaibigan niya at binalingan ang kausap sa phone. “Iset mo raw siya ng date sa friend mo.” Hinintay muna niyang matapos si Pia sa pakikipagusap kay France bago niya kinulit ang   kaibigan. “Ano raw?” “Oo raw. Sumabay ka na lang daw sa amin bukas.” Trisha jumped out of the bed and stretched her arms as she hummed her way back into her own room. Tomorrow would be a great day. She would forget Juice and bring her world back to its normal spin.  PAGKAGALING ng trabaho kinabukasan ay   dumaan si Trisha sa parlor para magpaayos ng buhok. She wanted to look especially good tonight. It was a celebration for a possible new life with Juan Crisostomo Tejerro out of the picture. Pagkauwi sa bahay ay isinuot ni Trisha ang isa sa mga bestidang isang beses pa lang niyang naisuot. It was a simple floral dress in pink and green highlighted flowers. She wore her flat sandals and sprayed a whisk of perfume. A moment later, she heard someone knock on   the door. Siya na ang nagbukas ng pinto at hinayaan munang magpaganda si Pia. After all, she wanted to make everything special for her friend. Minsan lang itong lumabas ng lungga kaya natutuwa siya. France was standing on the door with a shy smile on his face. As always, he looked very handsome in a twopiece suit. “Sayang ka, France,” bungad niya rito. “Ha?” sambit nito, nakakunot ang noo.   Pumasok na ito sa apartment. “`Sabi ko, sayang ka. `Wag ka na lang kaya kay Pia. Akin ka na lang kaya?” Nakatingin lang si France sa kanya, pagkatapos ay tumawa ito nang malakas. The tension she saw earlier on his face vanished instantly. Nakitawa na rin siya, pagkatapos ay sumigaw. “Pia! France is here!” Ilang segundo pa ay lumabas na ang kaibigan niya. Trisha could not hide the smile that formed   on her lips when she saw her friend. Pia was a knockout. Good job, sis. Make him fall helplessly in love with you. Dahandahang lumapit si France kay Pia as if he was caught by a spell. Trisha sighed. Mabuti pa si Pia, may Prince Charming, samantalang siya ay tila walang pagasa kay Juice. Pagkaisip kay Juice ay napasimangot siya. Erase. Erase.   Noong nasa loob na sila ng kotse ni France ay panay ang daldal niya. Panay rin ang usisa niya kay France. Natutuwa kasi siyang asarin si Pia dahil ayaw pa nitong umamin na nahuhulog na rin ang loob nito sa mortal nitong kaaway. Trisha straightened her dress when they stopped in front of a classy restaurant. “This is it,” pangeencourage niya sa sarili. France turned to her. “My friend’s inside. He’s waiting for us.”   “So he’s a jerk and a playboy?” France looked overly amused. “`Depends on what you mean. He might make a girl cry sometimes but he’s a good man.” She grinned widely. “Naeexcite na ako. Tara na!” “Trisha!” saway ni Pia. France just laughed. “No, it’s okay. Sa tingin ko ay magkakasundo sila ng kaibigan ko. Let’s go?” Hinayaan ni Trisha na magpatiuna ang dalawa.   Tahimik siyang sumunod sa dalawa. That was when she saw a familiar figure. It was Juice! He was very handsome and elegant in his faded jeans and longsleeved polo. Si Juice lang ang hindi nakapormal na damit sa mga lalaking diners doon. He walked towards them like he owned the place. Lahat ng naroon—lalo na ang kababaihan— ay sinusundan ng tingin ang bawat galaw ni Juice.   Admiration was evident on their faces. Yet Juice did not seem to notice them. He looked straight at her like she was the only girl present inside the room. Again, he made her heart beat faster and her knees trembled more than ever. Hindi alam ni Trisha kung saan siya kumuha ng lakas para ipunin ang lahat ng inis na unti unting nagliparan sa hangin dahil lang nasilayan niya si Juice. Now that he was standing in front of her, she realized she had missed him. He may be   blunt and stupid, but she missed him. Juice stopped a few steps away from her. A horrific thought came over her. Ito ba ang date niya?    

 

CHAPTER SEVEN 

“WHAT are you doing here?” tanong ni Trisha kay Juice. “Well, well. `Kita mo naman, pinagtatagpo tayo,” sagot nito. She counted from one to ten. Of all people, bakit si Juice pa ang makakadate niya? Nang mapansin ni Trisha na nakatingin sa kanila sina Pia at France ay itinulak niya ang mga   ito. “Don’t mind us. Have fun, you two.” Hinintay muna niyang makalayo ang mga ito bago uli niya hinarap si Juice. Pinagkrus niya ang mga braso sa kanyang dibdib. Again, there was that frown on his forehead that she was starting to hate. Mukhang inis din ito sa kanya. “Why are you dating random guys, Patricia Anne Samonte? At talagang nagpaganda ka pa.” “Ah. . So now you’re just a random guy.” Hindi na niya hinintay na makapagsalita ang binata   dahil nagpatiuna na siyang maglakad at humanap ng bakanteng upuan. Ang napili niya ay malapit sa violinists sa stage. Juice sat across from her. “You know what I’m talking about, Trisha,” patuloy ni Juice sa naiinis na tinig. “Dahil lang kay Martin ay nagkakaganyan ka na.” Parang gustong ibato ni Trisha kay Juice ang vase na nasa gitna ng mesa. Kailan kaya nito malalaman na ito at hindi si Martin ang   gumugulo sa isip niya ngayon? “So?” Pinagtaasan niya si Juice ng isang kilay. “Ano naman sa iyo if I date random guys?” Hindi ito umimik, bagkus ay itinikom ang bibig. Mayamaya ay dumating ang waiter at kinuha ang order nila. Habang umoorder si Juice ay iginala niya ang tingin sa loob ng restaurant. Noon lang niya napagtuunan ng pansin ang paligid. The restaurant was a little big but it was cozy and very comfortable. The lights were a little   dim, giving the room a romantic ambiance. May mga ilaw rin na nanggagaling mula sa mga poste sa tabi ng bawat mesa na nakakadagdag sa pagiging romantic ng ambience. Idagdag pa ang mga violinists sa stage at ang ilan sa matatandang nagsisimula nang magsayaw sa gitna ng dance floor. “This is really romantic and beautiful,” wala sa loob na usal ni Trisha. Juice smiled a little. “I knew you’d like it here.   Sinabi ko kay France na dito na lang magpa reserve because of the romantic atmosphere.” Napamaang siya sa sinabi nito. “I didn’t know that you are friends with him. So, alam mong ako ang makakadate mo?” Tumango si Juice. “Parang gano’n na nga. Siyempre, binanggit ni France ang pangalan mo.” “Bakit ka pumayag?” “Bakit naman hindi?” “I don’t understand you, Juice,” nailing na   wika ni Trisha. “Sinabi mo sa akin na hindi ka nakikipagdate sa isang babae nang dalawang beses dahil natatakot kang sakalin nila. But here we are having a second date that you much dreaded.” “Bakit? Nagdate na ba tayo?” Pinandilatan niya ito. “Magkasama po kaya tayo sa condo unit mo noong isang araw.” “But I don’t consider it a date at all. So ibig mong sabihin, every time I want to see you and   spend some time with you, date na kaagad `yon?” Napaisip si Trisha kung ano ang isasagot sa sinabi nito. Naguguluhan na talaga siya sa lalaki. Ano ba kasi ang tingin nito sa kanya? “Ganito na lang. To set the record straight, this is our first date, okay?” Itinaas pa niya ang hintuturo for emphasis. “Everything that goes beyond this, you are breaking your rule.” “Whatever.” Dumating ang waiter at isinilbi ang mga order   nila. Tahimik silang kumain. Pagdating sa dessert, nagulat si Trisha nang hainan siya ng waiter ng isang slice ng chocolate mousse. Alam niyang hindi kasama iyon sa mga inorder niya. Napatingin tuloy siya kay Juice na nagkukunwaring walang alam. But he had a grin on his face. He was so bad at acting. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa ginawa ni Juice. Naalala nito na mahilig siya sa   matatamis. Why was he making it hard for her to forget him that easily? Kanikanina lang ay desidido siyang kalimutan na ang nararamdaman para dito dahil sasaktan lang siya ng lalaki. There was no way a man like Juice—who was obviously still trapped in the pain of the past—would give her the happiness she was looking for. Pero bakit parang hindi na iyon ang nararamdaman niya? Bakit parang nahihirapan na siyang basta na lang ignorahin si Juice?   Kumakain na siya ng cake nang tumugtog ang mga violinists. Napaubo siya nang sunodsunod nang biglang sabayan ni Juice ng kanta ang musika. “If I’m not in love with you.What is this I’m going through tonight? And if this heart is lying then what should I believe in? Why do I go crazy every time I think about you, baby?” “Juice, itago mo na lang `yan,” natatawang sabi ni Trisha. Sintunado kasi ito.   Natigil lang siya sa pagtawa nang tingnan siya nito at kumindat. Nginisihan niya ang binata, kapagkuwan ay sinabayan ito sa pagmo “monologue.” “Why else do I want you like I do? If I’m not in love with you. .” “Nagsalita ang nasa tono!” natatawang sabi nito. She leaned back on her chair and just looked at him. Pinanonood ng binata ang matatandang   nagsasayaw sa gitna ng dance floor. Nagulat si Trisha nang biglang tumayo si Juice at derederetsong tinawid ang dance floor. Ni hindi man lang ito nagpaalam sa kanya. Hinayon ng kanyang mga mata ang pinuntahan ng binata. She saw France hugging a woman in one corner of the room. Even from a distance, Trisha could see that the woman was crying. Nang dumating si Juice ay kinuha nito ang babae kay France at si Juice na ang umalo sa babae.   Nanlaki ang mga mata niya nang mamukhaan ang babae. It was Margie, Juice’s first and only love. Dahil kay Margie ay nakalimutan na kaagad ni Juice na kasama siya. Ouch again. Hindi na hinintay ni Trisha na makita pa siya ni Juice na nasasaktan. Kailangan niyang makaalis agad sa lugar na iyon. It was torture. Hindi siya tanga para hindi malaman kung bakit ganoon siya kaapektado sa presensiya ng babaeng alam   niyang mahalaga sa buhay ni Juice.  She had fallen in love with him. She wiped her tears that trickled down her cheeks. No, that was not the time to cry. She had to think of another plan. Patricia Anne Samonte was not the type who gave up easily. Nasa ganoon siyang pagiisip nang makita si Pia na nagaabang ng taxi. Her friend looked as miserable as she was. Mukhang umiiyak at naiinis din ito.   Kinalma muna niya ang sarili bago tinawag ang kaibigan. “Pia!” Lumingon ito sa kanya. Trisha was right, Pia looked like a complete mess. Nagmamadaling nilapitan niya ito. “Bakit ka umiiyak? Pinaiyak ka ba ni France?” Umiling ito nang sunodsunod. Tumiim ang mga bagang niya. “Of course, pinaiyak ka ni France! Nasaan siya? I’ll kill him!” Mabilis na hinawakan ni Pia ang braso niya.   Mugto na ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. “No, please, Trish. I just wanna go home.” Naawa siya sa kaibigan kaya tumango na lang siya. Siya na ang pumara ng taxi. Habangdaan ay iyak nang iyak si Pia. Nag aalalang hinagod niya ang likod nito. “What about your date?” Pia asked in between tears. Pagkaalala kay Juice ay parang gusto niyang sabayan ang kaibigan sa pagiyak. Bakit ba ang   malas nilang magkaibigan sa lalaki? Trisha sniffed. Pinilit niyang huwag umiyak dahil siguradong magaalala rin si Pia sa kanya. “Hayaan mo siyang manigas doon,” aniya at ipinagpatuloy ang paghagod sa likod nito. “Hindi ako sanay na umiiyak ka. When was the last time you cried? High school pa àta.” Hanggang sa makarating sila sa apartment nila ay umiiyak pa rin si Pia. Sinamahan niya ang kaibigan hanggang sa kuwarto nito.   Mayamaya ay nagring ang cell phone niya. It was an unknown number, but she answered it anyway. “Hello?” “Trisha, si Francèto. Nandiyan ba si Pia?” Tinakpan niya ang cell phone at tumingin sa kaibigan na nakahalukipkip na nakahiga sa kama. “Pia, it’s France. Hinahanap ka. Ano’ng sasabihin ko?” Pia turned to her. There was a frantic expression on her face. “Tell him nahilo lang ako   nang kaunti, but everything’s fine. Ipapahinga ko na lang `kamo ito.” Tumango si Trisha. “She’s here, France. Nagpapahinga lang.” “Bakit hindi siya nagpaalam sa akin? Paano kung may nangyari sa kanya at hindi ko man lang nalaman? Tell her papunta na ako diyan ngayon.” France was shouting on the other line. Nabibingi siya. Inilayo niya nang bahagya ang cell phone sa kanyang tainga at tiningnan si Pia.   “He’s angry. Sinisigawan ako, eh. Sigawan ko na rin ba? Pupunta raw siya rito.” “No!” Pia vehemently shook her head. “Please don’t let him see me in this state.” Trisha sighed. “She doesn’t want to see you, France. Masama talaga ang pakiramdam niya, eh.” Saglit na hindi umimik si France. “Are you sure? Mamamatay na ako sa pagaalala sa kanya. Please take care of her for me, Trisha.”   “Okay. Promise, aalagaan ko siya.” “Please, Trish. Make sure she’ll be okay.” Trisha sighed. “Okay.” Tumingin siya kay Pia. “He’s burning lines, Pia. Nagagalit siya dahil hindi ka man lang daw nagpaalam. He sounded so worried over the phone.” Hindi nagsalita ang kaibigan niya. Umiyak lang ito nang umiyak. Naaawa siya sa hitsura nito. It was like seeing a reflection of her. “You love him, Sophia,” Trisha said softly. Lalo   itong umiyak. “You must think me an ingrate for saying this, but I think he loves you, too.” Marahas na nagangat ng tingin ang kaibigan niya. “He does not!” “But the way he looks at you, the way he smiles.. I swear, he cares for you.” “He cares about the project and the manuscript,” Pia said dryly, then looked at her gratefully. “Thank you, Trish. I feel better now because of you. Please lock the door when you   leave.” Trisha could tell that France really loved her friend. Pero baka may hindi lang pagkakaintindihan ang dalawa kaya nauwi sa ganoon ang mga ito. Hinayaan na lang muna niya na makapagisip si Pia. Tahimik siyang lumabas ng kuwarto nito. Pumunta siya sa sariling kuwarto at nagkulong doon. She buried her face in her pillows and tried hard not to cry. There was no use crying anyway.   She should make a choice. It was either she forget about Juice or make him fall in love with her. Hindi niya alam kung alin sa dalawa ang mahirap gawin. She closed her eyes tightly. It did not help to ease the pain. Tuwing pipikit kasi siya ay nakikita niya ang mukha ni Juice. She saw how his eyes twinkle whenever she said or did something funny. She saw his stupid frown whenever he encountered things he could not understand. She   saw how his mood change in a drop of a hat, or how he looked at her as if she mattered to him, or liked he was starting to fall in love with her. How did someone like her ended up in that stupid predicament?    

 

CHAPTER EIGHT 

NAKAPANGALUMBABA si Trisha habang nakatingin sa kadate niyang si Jason Castro. Hinihintay niyang mapansin ng lalaki na hindi na siya interesado sa mga pinagsasasabi nito para tumigil na ito sa kakasalita. Pero ang taong ito na yata ang may pinakamalaking ego sa lahat ng lalaking nakadate niya dahil palaging ang sarili lang ang ibinibida nito. Tuloy ay hindi niya   maiwasang ikompara ito kay Juice. Juice listened to her as if she was Oprah. Like everything she said would change the world. At times like this, she really missed him. One of her officemates recommended Jason to her. Nabanggit kasi niya sa mga officemate na break na sila ni Martin. Lahat ng mga iyon ay may kanyakanyang inirekomenda sa kanya. Napansin daw kasi ng mga ito na parang palagi siyang wala sa sarili. Hindi naman niya maipaliwanag na wala   siyang pakialam kay Martin, na ibang lalaki ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon. Pero para hindi na lang magtanong pa ang mga officemate ay tinanggap na lang niya ang mga alok ng mga ito. For a week, Trisha dated nonstop. Mabuti na lang at naghiatus sa Sagada si Pia para tapusin ang nobela nito at upang umiwas din kay France, kung hindi ay pagagalitan na naman siya nito. Pero parang gusto niyang sakalin ang mga   officemate niya dahil pulos mga walang kuwentang lalaki ang ipinapadate sa kanya. Paano naman niya makakalimutan si Juice kung hindi man lang maabot ni katiting ng mga lalaking iyon ang magagandang katangian nito? May isang linggo na niyang hindi nakikita si Juice. Mula noong gabing nakita niyang nakayakap ito kay Margie ay hindi na nagpakita sa kanya ang binata. Siya naman ay walang panahong dumaan sa coffee shop nito dahil   tuwina ay sinusundo siya ng mga nakakadate niya. Naisip niyang mabuti na rin siguro iyon para kahit paano ay madali niyang makalimutan si Juice. Gayunman, hindi niya maiwasang masaktan sa nangyari sa kanila. Maliban kay Margie, ilang babae na kaya ang nakasama ni Juice sa isang linggong hindi nila pagkikita? Nagulat si Trisha nang magring ang cell phone   niyang nasa loob ng kanyang bag. Kung sino man ang caller, pasasalamatan niya ito nang buong puso dahil magkakaroon siya ng pagkakataong iwan saglit ang date niya. “Excuse me, Jason. I have to answer this call,” aniya. Hindi na hinintay na sumagot ito. Nagmamadaling lumabas na siya ng restaurant. Tumahip ang dibdib niya nang makitang si Juice ang tumatawag. Kinuha kasi niya ang number nito kay France dahil nagdadalawangisip siya   kung tatawagan si Juice o hindi noong hindi ito nagpapakita. At ngayon nga ay tumatawag ang taong dahilan ng pinagsisintir niya. Siguro ay may problema na naman ito sa babae nito. “Why are you calling me?” she muttered lazily when she answered his call. May bahid ng inis ang tinig nito nang sumagot. “It’s not me. Why would I call you, anyway? France wants to talk to you. I’m on loudspeaker.” Buwiset!   May tumikhim sa background. “I’m here, Trisha.” It was France’s voice. She sighed. “Itatanong mo na naman kung nasaan si Pia, `no?” “Please help me out here.” France sounded desperate. She sighed. “Hindi puwede, eh. Kahit gusto kong sabihin, she would spill all of my secrets `pag ginawa kòyon.” Binalaan din siya ni Pia na hindi na ito uuwi sa   apartment nila oras na sabihin niya kay France kung nasaan ito. She was not threatened, pero naiintindihan niya ang kaibigan kung gusto muna nitong lumayo sa lalaking mahal nito dahil iyon din ang ginagawa niya ngayon. Nagulat si Trisha sa sunod na sinabi ni France. “God, Trisha, I love her. Hindi ko pa nasasabìyon sa kanya, `tapos, bastabasta na lang siyang mawawala. May balak pa ba siyang bumalik?” “Did I hear you say that you love her?”   “I think so.” `Sabi na nga ba! Why could not two people who love each other just be together? Lalo tuloy siyang nafrustrate. “Argh! Now I wanted to tell you all the more paràdi na ako nabibitin sa love story n’yo. Peròdi talaga puwede, eh. I want her to think things over first and sort out her feelings,” paliwanag ni Trisha. “Isa pa, minus pogi points ka sàkin dahil kaibigan mòyang Juan Crisostomo nàyan!”   “I thought you wanted to date a player?” tanong ni France. She could even imagine France frowning. “But not that particular player. Sabihin mo sa kanya na huwag magpapakita sa akin kahit anino niya. Anyway, I gotta go, France. I’m off on a date. Bye!” Now, she was stuck again with her boring date.  NAIIRITA si Juice habang pinagmamasdan si   France na inaayos ang sarili. Juice never saw someone do that to France. Hindi na tuloy siya nakapagpigil at sinuntok ito. Ayaw kasi nitong maniwala na mahal ito ni Pia at pinapahirapan pa ang sarili. Mukha namang natauhan ang kaibigan niya dahil nagiba na ang mood nito. Kung kanina ay halos magpakamatay na ito, ngayon naman ay parang bumalik na sa tamang huwisyo. Nagmamadaling umalis si France ng opisina   upang hanapin daw si Pia. Naiwan tuloy siya sa loob ng opisina nito. Then he remembered Trisha’s last words: “I’m off on a date! Bye!” Lalo tuloy nairita si Juice. Hindi ilang beses na binalak niyang puntahan si Trisha pero pinipigilan niya ang sarili. Hindi na kasi niya maintindihan ang sarili kung bakit palagi na lang niyang gustong makita ang dalaga. Parang kulang ang araw niya kapag hindi niya nasisilayan ang ngiti nito.   He did not like the feeling. Nagugulo pati ang trabaho niya dahil hindi siya makapag concentrate. Kung hindi niya makikita si Trisha ng ilang araw, mawawala ang lahat ng nararamdaman niya para dito. Hindi iyon ang nangyari. Instead, he died every time he thought he could not hold her in his arms. Parang gusto niyang hatakin ang oras at takbuhin si Trisha sa opisina nito tuwing nakikita niya ang dalaga mula sa coffee shop niya. Ang tanging   pumipigil sa kanya ay ang katotohanang walang pakialam ang dalaga sa kanya. Basta na lang ito nawala noong huling pagkikita nila at ni hindi man lang nagabalang magpaalam sa kanya. Isa pa, iba’t ibang lalaki ang nakikita niyang sumusundo rito sa opisina nito. Kung tutuusin, wala namang masama sa ginagawa ni Trisha dahil kahit siya ay ganoon din ang ginawa para makalimutan si Margie. Trisha was probably trying her best to forget that asshole   exboyfriend of hers. Pero naiinis pa rin si Juice. Bakit hindi na lang siya tawagan ng dalaga para masamahan niya ito kung gusto talaga nitong makalimot? Ang balita kasi niya ay kinuha ni Trisha kay France ang number niya. “Damn you, Patricia Anne! What are you doing to me?” Kinuha ni Juice ang bote ng alak na nasa mesa ni France at inubos ang laman niyon. Iniisip pa lang niya kung ilang lalaki na ang nagsasamantala   kay Trisha ay parang gusto nang sumabog ng ulo niya. Paano kung saktan ito ng mga lalaki? She was vulnerable. Bakit ba kasi siya nagaalala kay Trisha? Kahit kailan ay hindi naman nito hiningi ang tulong niya. Why did he feel like he should be the man on her side right now? Na kapag siya ang nasa tabi ng dalaga ay hindi niya hahayaang masaktan uli ito. Ano ba talaga ang nararamdaman niya para   kay Trisha? Did he fall in love with her already? Tinawagan uli niya si Trisha para sana tanungin kung nasaan na ito. Pero ring lang nang ring ang cell phone nito. Great! Nagmamadaling lumabas si Juice ng opisina at sumakay sa kotse niya. Inisaisa niya ang lahat ng restaurant at coffee shop na nadaraanan niya. He tried to remember the things Trisha liked. At ang unang pumasok sa isip niya ay cake. It narrowed   down the search. Inisaisa niya ang mga restaurant na alam niyang may isinisilbing masasarap na pastries. Saka na uli siya magiisip kapag hindi niya nakita si Trisha sa mga iyon. Pagdating niya sa Tomas Morato ay nakita niya ang dalaga sa isang pastry shop. Nakaupo ito malapit sa pintuan at pinanonood ang mga taong pumapasok sa shop. Ipinarada ni Juice ang kotse niya at pumasok sa loob ng pastry shop. Nagulat siya nang   madiskubreng nagiisa ang dalaga. Nasaan ang kadate nito?  ILANG beses na kumurapkurap si Trisha upang masigurong hindi siya dinadaya ng kanyang mga mata. Pero kahit ilang beses pa niyang kusutin ang mga iyon, si Juice talaga ang nakita niyang pumasok sa loob ng pastry shop na kinaroroonan niya. What was he doing there?   Naglakad si Juice papunta sa mesa niya. Tumahip ang dibdib niya. Kahit ilang araw niyang hindi nakita ang binata, hindi man lang nabawasan ni katiting ang nararamdaman niya para dito. Bigla ay parang gusto niyang maiyak. She missed him so much. Hinila ni Juice ang upuan sa tapat niya at umupo roon. Hindi ito nagsalita, bagkus ay nakatingin lang sa kanya. Napansin siguro ng binata na para siyang maiiyak dahil kumunot ang   noo nito at dumukwang sa kanya. Using his thumb, he wiped away her unshed tears. “May nanakit na naman ba sàyo?” he asked harshly. “Nasaan nga pala ang date mo?” Trisha tried to keep the tears at bay, and then grinned. “I drove him away. Ang boring, eh.” “Really? How?” Humarap siya rito at kinuha ang baso ng iced tea. Hinipan niya ang straw na nakalubog sa iced tea at gumawa ng bubbles. Manghangmanghang   nakatingin naman ang binata sa kanya kaya lumapad lalo ang ngisi niya. “Naturn off siya, eh. Biglang nagpaalam na aalis at may pupuntahan daw.” Sinabayan niya iyon ng malutong na halakhak. He was still frowning. “So that was supposed to chase guys away?” “Oo naman. Bakit?” “But you look so cute. How could it be a turnoff?”   Hindi napigilan ni Trisha na titigan ang binata. Nagulat talaga siya sa sinabi nito. Ginagawa talaga niya iyon para paalisin ang date niya kapag nabobore siya sa mga ito. Effective iyon. But Juice didn’t seem to mind. Waah! Why did Juice have to be so adorable? “Paano nga naging turnoff iyon?” tanong pa rin nito. Hindi na tuloy niya alam ang isasagot doon. “Basta. Ganoon lang talaga.”   “Hindi ba nila napansin na you look cute in everything you do? Ano bang klaseng mga lalaki ang idinedate mo, Patricia Anne?” panenermon nito. Tinitigan lang niya si Juice. Dahil sa sinabi nito ay nasiguro na niya kung ano ang gusto niyang gawin: wala siyang balak na kalimutan ang binata, o ang nararamdaman niya rito gaano man kakomplikado iyon. Right now, she could not see herself with another man except for this stupid   man. Napabuntonghininga si Trisha. “Do you know that it’s rude to sigh in front of someone?” tila naiiritang sabi ni Juice. “I just realized something horrible. Anyway, how did you find me?” “Inisaisa ko lahat ng shops dito sa Quezon City.” Napaigtad siya sa pagkakasandal sa upuan. “Inisaisa mo? What are you doing here,   anyway?” “I was worried about you.” Pinukpok ni Juice ng kamao ang mesa. “Damn it, why didn’t you call me instead kaysa kung sinosinong lalaki ang idinedate mo?” “You’re worried about me?” Manghang tiningnan niya ito. She saw a ray of hope. “Bakit? Ano ba sa tingin mo ang mangyayari sa akin?” “`Di ba, sinabi ko na sàyo na kalimutan mo na si Martin? Why are you dating guys on the   rebound?” Argh! Bakit ba ang tangatanga mo? “Juan Crisostomo, sabihin mo nga sa akin, binanggit ko ba ang pangalan ni Martin sa harap mo pagkatapos ng insidenteng iyon?” Kumunot ang noo nito, pero hindi sumagot. “Minsan ba ay sumagi sa isip mong kaya ako nagkakaganito ngayon ay dahil sàyo?” Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo nito. Tama siya. He was stupid and clueless.   “Dahil sa akin? Ano’ng ginawa ko?” Iwinasiwas ni Trisha ang kamay niya para ipahiwatig dito na kalimutan na nito ang sinabi niya. Mayamaya ay tila biglang may naalala si Juice. Bigla itong tumayo at lumabas. Hindi na siya nag react. Siguro ay napagod na siyang palaging naiinis sa binata kaya deadma na lang siya sa ginawa nito. Ganoon naman palagi si Juice. Magpapakita ito sa mga pagkakataong hindi niya   inaasahan pero nawawala rin agad ito. Kasalanan niya ang lahat dahil ganoong klaseng lalaki pa ang minahal niya. Nagulat si Trisha nang bumalik si Juice na may dalang isang pumpon ng daisies. Nakatali lang ang mga bulaklak at hindi nakaarrange. Umupo uli ang binata sa tapat niya at iniabot sa kanya ang mga bulaklak. “Para saan `to?” Nagkamot ito ng ulo. “I just remembered,   iniwan nga pala kita noong isang gabi. Kaya ka ba galit na galit sa akin?” Nagulat na naman siya. Hindi niya inaasahang maaalala pa nito iyon. Pero hindi naman iyon ang rason kung bakit umiiwas siya sa binata. Pero ang ideyang naaalala pa nito iyon ay sapat na sa kanya. “Hindi ako nagagalit sàyo dahil doon. Si Margièyon, `di ba?” Tumango si Juice. “I just couldn’t leave her   alone. Nahuli kasi niya ang asawang may ibang kinakasama. Ngayon ay inaayos na ang annulment papers nila. When you saw her the other day inside my room, it was because she didn’t want to go home to her parents’ house. Nakitulog muna siya sa akin,” paliwanag ni Juice. “Actually, hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. I keep asking myself, what if she married me instead of her husband? Di sana ay hindi na siya nahihirapan ngayon.”   Trisha inhaled, and then exhaled to calm herself. Parang siya na rin kasi ang nahihirapan sa nakikita niya kay Juice ngayon. “Kaya ka ba nagaalala sa akin? Because you see Margie in me?” Nagkibitbalikat si Juice. “Ssiguro. Hhindi ko alam.” Dahil sa sinabi nito ay naintindihan na niya ang lahat ng nangyari. Kung bakit protective ang binata sa kanya, kung bakit mabait at nagaalala   ito. Juice wanted to make it up to Margie through her. “Mahal mo pa ba siya?” tanong ni Trisha sa gumagaralgal na tinig. Napatingin si Juice sa kanya pero hindi umimik. Sapat nang sagot iyon. Nagiwas siya ng tingin. Nagunahan na sa pagpatak ang mga luha niya bago pa niya mapigilan ang mga iyon.   “Why are you crying, Trish?” Dalidaling tumayo si Juice at tumabi sa kanya. Hinila siya ng binata palapit dito at niyakap siya. She buried her face in his chest. It was not true that Juice did not believe in love. It was just that his heart would not accept anyone else but Margie. Naiintindihan niya iyon. Dahil ang puso niya ay hindi na tatanggap ng iba pang lalaki maliban kay Juice. Pinilit ni Trisha na tumingala at ngumiti sa   binata. “Naaawa kasi ako sàyo, eh. You could get any woman you want except the one that you really love,” pagsisinungaling niya. He looked at her incredulously. “So that was the reason why you are crying?” Tumango siya. Humigpit ang pagkakayakap ni Juice sa kanya habang hinahaplos nang marahan ang likod niya. She cried some more when he kissed her gently on the forehead. “Forget I ever said that. Hush, Trish. `Wag ka   na uling iiyak dahil sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko.” “Sorry,” she murmured. “What am I going to do with you?” he whispered in her ear. “Juice, puwede bang humiling sàyo?” He looked at her with tenderness in his eyes. It was the first time he looked at her like that and because of that, she wanted to cry some more. “Anything.”   “Puwedeng humingi ng isa pang date? I know it’s against your rule to date a woman twice, at nagdate na tayo. But I’m sad and—” “Nonsense! You can have me for all you want. Kahit sàyongsàyo na lang ako.” She grinned, and then sniffed. “Sige. Sinabi mo, ha?” He looked directly into her eyes. “I’m serious, Trisha.`Wag ka na uling makikipagdate kahit kanino. It’s pissing me off!”   “Bakit naman?” “Basta! Naiinis akòpag iniisip kong may ibang lalaking nakakahawak sàyo.” She pouted her lips. “Bakit ikaw puwede?” “Walang mawawala sa akin kapag nakikipag date ako. I’m just worried you might expose yourself to wrong people. Paano kung saktan ka na naman nila?” “Don’t you think you sound overprotective?” “I don’t care. Just don’t piss me off anymore.”   Kung dati ay naiinis si Trisha kapag napakagulo ni Juice, ngayon ay napapangiti na lang siya. Umaamot siya ng kaunting pagtingin dito. Tatanggapin niya ano man ang nararamdaman ng binata para sa kanya. Maybe if she tried a little harder, he would fall in love with her eventually. “Hindi ka ba natatakot?” “Na ano?” “Na.. na main love ako sàyo katulad. .   katulad ng mga babaeng itinataboy mo?” He stiffened. Mukhang hindi nito naisip ang posibilidad na mangyayari iyon. “Iit’s not possible, right?” he said, a little hesitant. She sighed. “Yeah. It isn’t possible.” How could you possibly fall in love with someone you already love?    

 

CHAPTER NINE 

INAYOS ni Trisha sa vase ang mga bulaklak na ibinigay ni Juice. Napagusapan nilang magkikita sila kinabukasan upang ihatid siya nito sa apartment niya. He promised to be with her for a whole day. Sabado naman at wala siyang pasok sa opisina. That was enough for her. Hanggang nasa kanya si Juice, gagawin niya ang lahat para matutuhan   din siyang mahalin nito. Totoong nasaktan siya sa sinabi nitong gusto lang siya nitong protektahan kaya pinipigilan siyang makipagdate sa iba. Naiintindihan din niya na ginagawa iyon ng binata dahil naaalala nito si Margie sa kanya. Pero wala nang pakialam si Trisha. Kahit ano ang gawin niya at kahit sino pa ang samahan niya, tanging si Juice lang ang nakikita niya. Kahit ilang beses niyang tinangkang kalimutan at iburo na lang ang nararamdaman niya para sa binata,   he always made it hard for her to do so. Noong una ay sumama lang talaga siya kay Juice dahil gusto niyang ianalisa ang nararamdaman para dito. She thought she was attracted to him only because he kissed her. Na kapag nakasama niya nang matagal ang binata, mawawala ang lahat ng nararamdaman niya para dito at babalik sa dati ang mundo niya. Unfortunately, the inevitable happened. She discovered there was more in Juice aside from his   handsome face. He could be very irritating sometimes because of his stupidity, pero natatakpan ang katangahan nito ng maraming magagandang katangian. Juice was gentle and sweet when it came to her. Hindi rin siya nahihiyang ipakita rito ang lahat ng kamalian niya. Juice did not seem to mind, anyway. Lastly, she saw the world through him. She thought she was in love with Martin, but Juice   proved her wrong. She closed her eyes. Hindi niya alam kung kailan siya tatagal sa ganoong sitwasyon. Maybe it was the price she had to pay for loving Juice.  NAGISING si Trisha nang makarinig ng sunod sunod na katok sa pinto. She looked at her alarm clock. Alaskuwatro pa lang ng madalingaraw! She groaned. Sino kaya ang nangistorbo sa kanya ng ganoon kaaga? Wala pa si Pia dahil nag   extend ito ng bakasyon sa Sagada. Kinusot niya ang mga mata at pinagbuksan ng pinto ang kung sino mang kumakatok. “Juice! What are you doing here this early?” She was shocked when she saw him standing outside the door. Bihis na bihis ito at mukhang bagongligo. “Hindi ba malinaw ang sinabi ko sàyo na magkasama tayo buong araw?” She yawned. “Wala pang araw.” “Kaya nga. Unahan na natin.” Marahan siyang   itinulak nito. “C’mon, get dressed. May pupuntahan tayo.” Hindi naintindihan ni Trisha ang sinabi nito dahil nanlalabo pa rin ang isip niya. She just stood there watching him. Nang makita nitong hindi pa siya kumikilos ay walang sabisabing tumalungko ito at binuhat siya. Binuhat siya ng binata nang walang kahiraphirap. Napayakap tuloy siya rito. “Juan Crisostomo! Ano’ng ginagawa mo?”   “Obvious ba? Binubuhat ka.” Napalingalinga ito. “Where’s the restroom?” Wala sa loob na itinuro niya ang banyo. Dere deretso si Juice doon at maingat siyang inilapag sa bathtub. Nang tangkain nitong hubarin ang T shirt niya ay saka pa lang siya natauhan. “Wait!” tili niya. “Ano’ng ginagawa mo?” Nakapamaywang na hinarap siya nito. “Patricia Anne Samonte, hindi ka ba nakikinig? Ang sabi ko ay magayos ka na at aalis tayo.   Ayaw mong kumilos kaya papaliguan na kita.” Dalidaling tumayo si Trisha at hinarap ang binata. “Waah! Manyak ka!” Itinulak niya ito palabas ng pinto. Nakangising humarap si Juice sa kanya nang makalabas ito. “I don’t mind. `Yong ibang mga nakadate ko ay mas gusto pa na pinapaliguan sila—” “`Yong ibàyon!” tili niya. “Wala akong pakialam sa kanilang lahat!” Pinagbagsakan niya   ito ng pinto. “Bilisan mo, Trish. Manonood pa tayo ng sunrise. Baka hindi na natin maabutan `yon.” “Saan ba tayo manonood?” “Sa Batangas.” “Grabe, ang layo!” “Kaya nga bilisan mo.” “Tse! `Wag mo akong tarantahin. Maliligo na!” Tiniis ni Trisha ang lamig ng shower at dali daling naligo. Pagkatapos ay isinuot niya ang   bathrobe at lumabas. Juice was sitting on the sofa, impatiently tapping the armrest. Kung may contest na pahabaan ng pasensiya, sigurado siyang talo na ito bago pa magumpisa. Juice was one of the most impatient men she had ever met. Pero kahit ganoon ang binata ay nakakadagdag sa mga bagay na nagustuhan niya rito. Pumasok siya sa kuwarto at nagbihis. “Trish! `Wag kang masyadong magpaganda.   Baka may iba pang makakursunada sàyo!” he shouted from outside the room. Natawa siya. “OA! Ang agaaga pa, `no? Wala namang makakakita sa atin.” She put on a cotton blouse and a pair of jeans. Ang buhok niya ay basta na lang niya sinuklay. Hindi rin siya nagmakeup, sa halip ay nagbaby powder lang siya. Lumabas siya ng kuwarto at nagsuot ng rubber shoes. Habang nagsisintas siya ay titig na titig sa   kanya si Juice. “What? Ikaw itong pinagmamadali ako kaya hindi na ako nagayos.” Umiling ito. “Sinabi ko na sàyo na huwag kang magpaganda masyado peròyon pa rin ang ginawa mo.” Inirapan niya ang binata pero hindi niya naiwasang mapangiti. Nang matapos siya ay tumayo agad ito at hinila siya. “Let’s go.”  “TRISHA, wake up.”   Boses ni Juice ang gumising sa kanya. Niyuyugyog siya ng binata sa balikat. Nang magmulat siya ay nakita niyang nakaharap sila sa dagat. “Nasa Batangas na tayo?” tanong niya. Tumango ito. “Let’s wait for a while at lilitaw na rin ang araw.” Dumukwang si Juice sa backseat at may kinuhang maliit na thermos. He handed her a mug and poured her coffee. The bitter aroma of   the espresso filled the car. She sipped a little. “Masarap, Juice. You brewed this yourself?” Tumango ito. “I know you love coffee. Natatandaan ko noong una kitang nakita sa shop. Nakatatlong frappé ka.” She grinned and took another sip. “Masarap ang coffee sa shop mo. Kaya nga doon ako laging tumatambay kapag bored ako, eh. Saka maganda ang ambience. Mas gumaganda pa kapag may   mga dumarating na mga babae na may ginagawang kung anoanong eksena.” He looked at her and pinched her nose. “You’re having fun at my expense, huh?” Tumawa si Trisha at inilapag ang mug sa dashboard. “Alam mo ba, noong una kitang nakita, naisip ko na wala kang kuwenta. Na katulad ka ng ibang lalaki na palikero at walang ibang alam gawin kundi magpaiyak ng babae.” He winced. “I won’t deny that.”   “But you aren’t like that at all. Mabait ka pa rin para sa akin dahil tinulungan mo ako kay Martin.” “No, I’m not.” Juice took a sip of his own coffee. “I wasn’t able to prevent your heart from breaking. Tingnan mo nga. Dahil sa walanghiyang `yon ay kung anoano ang pinaggagagawa mo.” Hindi sumagot si Trisha. Hindi niya masabi kay Juice na hindi naman talaga ang   nararamdaman niya para kay Martin ang problema kundi ang nararamdaman niya para dito. It was because of that kiss. Just because of his kiss, everything in her world suddenly went wrong–and then went right. She leaned forward and kissed Juice on the cheek. Napatingin ang binata sa kanya, halatang nagulat sa ginawa niya dahil naibaba nito ang mug nang wala sa oras.   “Thank you,” she said sincerely. “For what?” Itinuon ni Trisha ang tingin sa unahan. “For so many reasons. For feeling that way for me. For letting me realize a lot of things I didn’t even know.” “Like what?” Like the way I feel for you. “Basta lang.” “Trisha.. ”   “Hmm?” Dumukwang si Juice at binigyan siya ng mabilis na halik sa mga labi. Natulala siya. Juice laughed softly, and then brushed the moist from her lips. “Juice, please stop doing things like kissing me. I might not be able to hold myself back from falling for you.” Hindi ito kumibo. Siya naman ay nag concentrate sa pagtanaw sa tanawin sa labas ng   bintana. “Don’t hold back, Trisha,” he said softly after a while. Marahas siyang bumaling dito. “What did you say?” “I said, don’t hold back. Don’t hold back and fall for me.” Ha? Dinadaya ba siya ng kanyang pandinig? “Are you telling me it’s okay for me to fall in love with you?”   He looked at her, confusion written on his face. He seemed to be searching for all the right words to say. “If it’s the only way to keep you by my side, I don’t mind. I don’t want you to date other guys except me. Ayokong magisip na baka sinasaktan ka na ng lalaking kasama mo. I don’t like the idea that anytime soon, someone would steal your heart away and then break it into pieces. I don’t like it. I don’t like it at all.”   Hope sprang in her heart at what he said. “Are you. . are you telling me that you are starting to fall in love with me?” Umiling uli si Juice. “Hindi ko alam. Honestly, Trisha, everything that I feel for you is so foreign to me. Ni minsan ay hindi ko pa naramdaman ang mga iyon. I thought I could control my feelings when it comes to women. Hindi ko kailanman inisip na protektahan sila.” “Kahit kay Margie?”   “Margie is a different case. She is a permanent fixture in my life. Bata pa lang kami ay magkakasama na kaming tatlo nina France. Inisip kong natural lang na mahalin ko siya dahil lagi kaming magkasama. Dahil siya lang ang nakikita ko.” Hindi umimik si Trisha, bagkus ay hinayaan lang niyang magsalita si Juice. He seemed a little confused with what he felt. “Pero ikaw, hindi kita napaghandaan. Who   would have thought that you will come into my life just because of some stupid drama?” Ikinulong ni Juice ang kanyang mukha sa mga kamay nito. “You are the only good thing that happened to me that day.” She looked straight at him. “Maybe you are just confused. Sinabi mo na nakikita mo si Margie sa akin. Baka nagiguilty ka lang and you want to make it up to her through me dahil pareho ang nangyari sa amin. Both of us got cheated by men.”   Hindi nagsalita si Juice. Inipon niya ang lahat ng lakas ng loob, and then met his eyes bravely. “Mahal kita, Juice.” He stiffened. Several emotions registered on his face. Mukhang hindi nito inaasahan ang pagtatapat na ginawa niya, but she could not hide it any longer. “II don’t know what to say.” Umiling si Trisha. “I don’t want you to say anything. Just be with me for a while longer.” Nahihirapang itinuon ni Juice ang noo sa   manibela. “I wish I could give you a definite answer, but I can’t. Basta ang alam ko, gusto kong nasa tabi kita palagi. Gusto kong lagi kang nakikita. Gusto kong makasigurong hindi ka na uli iiyak. I want to be near you where I can see and feel you next to me.” Nagsimula na namang magtubig ang mga mata ni Trisha. She only wanted Juice to tell her he loved her, too. Pero sobrasobra pa sa gusto niyang marinig ang sinabi nito.   Yumakap siya kay Juice at ibinaon ang mukha niya sa dibdib nito, savoring his sweetness that was now familiar to her. “You sound like you already love me,” she murmured while sobbing. “Perhaps I do.” Tumingala siya sa binata at hinaplos ang mukha nito. “Let’s take it one step at a time, okay?” “I like that.” Bumaba ang mukha nito sa mukha   niya. “And the first step would be this, right?” Bago pa rumehistro sa isip ni Trisha ang nais ipahiwatig ni Juice ay sinakop na ng mga labi nito ang kanyang mga labi. His kiss was gentle. Tila tinitikman nito ang mga labi niya nang walang pagmamadali. Para bang sinisiguro nitong nandoon siya sa mga bisig nito ngayon. “Trisha,” he murmured while still kissing her. “Nagsisimula nang sumikat ang araw.” She opened one eye and looked. Indeed, the   sun was starting to rise in the horizon. Nagsilbing balsamo iyon sa damdamin niya. Gumuhit ang liwanag niyon sa kadiliman ng langit. Its orange rays created its own masterpiece in the surface of the ocean. She turned to Juice, her eyes still misty from everything that had happened. “It’s beautiful, Juice. I’m glad you are with me right now.” He looked at her tenderly as he slid his knuckles and traced her jaw line. “Yeah. Me, too.”   Tumuwid si Trisha ng pagkakaupo sa cushion. Suddenly, renewed energy filled her body. Parang kailan lang ay latanglata siya dahil pakiramdam niya ay wala siyang pagasa kay Juice. Now, it seemed like he was willing to give himself another chance with love. Siguro ay hindi pa siya mahal ng binata. Pero sapat na sa kanya kung ano man ang nararamdaman nito ngayon para sa kanya. She stretched her arms. “Tara, Juice! Gala   tayo!” “Saan? Ang agaaga pa. Wala pang puwedeng puntahan.” Inginuso niya ang dagat sa tapat nila. “Àyan, o! Tara, swim tayo!” He looked at her with amused eyes. “We didn’t bring any swimming attire.” “Who cares? You’re here with me and that’s all that matters right now.” Mukhang hindi kayang tapatan ni Juice ang   rason niya dahil ngumiti lang ito. He started untying his shoelaces. Ngumisi siya at ginaya ito. Pagkatapos ay itinupi nila ang pantalon nila hanggang mga tuhod. They ran barefoot on the sand. Hilahila niya si Juice na nagpahinuhod na lang sa kanya. Pagdating sa dagat ay sinabuyan niya ito ng tubig. Balewalang umupo lang ito sa buhangin. She sat beside him. Kinabig ng binata ang ulo niya at isinandal   iyon sa balikat nito. “Sana ganito na lang tayo palagi, Trish,” he whispered huskily. Kumunot ang noo niya. “Bakit? Puwede namang ganito tayo palagi, ah.” “I’m scared, Trisha. Paano kung sa ginagawa kong ito ay lalo lang kitang masaktan? Paano kung hindi ko malaman kung ano talaga ang nararamdaman ko? I don’t want to keep you hanging.” Hinawakan ni Trisha ang isang kamay nito.   “Huwag mo akong masyadong intindihin. You told me once that I’m not like those women you dated. And you’re right, I would gladly take all that you can give and would not ask for more.” Would she? Would she be able to stay firm and strong even if Juice left her?    

 

CHAPTER TEN 

PABALIK na sa Maynila sina Trisha at Juice. Ilang oras din silang tumambay at nagpalipasoras sa dalampasigan. Napilitan silang umuwi nang biglang may tumawag sa binata na isang crew sa coffee shop nito at sinabing may naghahanap dito. He originally promised her a whole day, pero nagpumilit siyang bumalik na sa Maynila. After all, she did not need that date anymore since she   would probably be with Juice for a longer time. Up until he decides what he really wants, she thought with a pain in her heart. “What was that song again?” tanong ni Juice mayamaya. “Anong kanta?” “That song you’re humming right now. Ano na nga ulìyan?” She did not know she was humming a song. She must have done it unconsciously out of   happiness. She cleared her throat and sang some of the lyrics. “Why do I go crazy every time I think about you, baby? Why else to I want you like I do? If I’m not in love with you.” He reached out for her hand and kissed it. He smiled into her eyes. “That about sums up everything I feel right now.” Hinawakan ni Trisha ang kamay nitong nakahawak sa kanya. “I told you to take your time. You don’t need to tell me you love me just   because I told you I do.” Kumunot na naman ang noo nito. “That’s what I can’t understand. How did you fall in love with me? Bakit sa tingin ko ay parang lagi mo akong gustong ipasagasa sa truck?” Tumawa siya dahil sa sinabi nito. “Hindi mo rin naman maiintindihan kayàwag mo nang alamin. It just happened. I just looked at you and boom! In love na ako sàyo.” Mukhang hindi iyon bumenta dahil tinitigan   siya ni Juice nang masama. “Stop making a fool out of me, Trish. I know there’s nothing to like about me.” Ngumisi ito. “Well, of course, except for my delectable body.” Ang lakas ng tawa niya. “Feeling! Hindi ko pinagnasaan iyan kahit kailan, `no!” Pagkatapos ay pinasadahan niya ng tingin ang katawan ni Juice. Medyo humapit ang polo shirt ng binata sa katawan nito dahil nabasa iyon kanina. It outlined the lean muscles on his arms,   his chest, and his broad shoulders. Katulad ng una niyang pagkalarawan dito, Juice was really like a reincarnation of a Roman god. He was simply art beyond beautiful. “On second thought, puwede na nga. Panlamantiyan din `yan,” pambubuska niya. Natawa ito. “Actually, tama ka. Wala namang kagusto gusto sàyo. You are stupid, insensitive, and arrogant. On top of all that, sintunado ka.   Katawan lang talaga ang habol ko sàyo.” Sumimangot ito. Dumukwang si Trisha at hinalikan si Juice sa pisngi. “You make me happy, Juan Crisostomo.” Bumalik ang mga ngiti sa mga labi nito. Itinuon niya ang tingin sa harap nila. What she said was true. Juice really made her happy. Mayamaya ay nagring ang cell phone niya. It was Pia calling. “Trish! Where’s France?” bungad agad ng   kaibigan. Trisha almost rolled her eyes. “Sophia, umuwi ka na lang kasi rito kung ganyan namang palagi mo siyang itinatanong.” “Argh! I’ve no time for your lectures. Nasaan nga siya?” Tinakpan niya ang cell phone. “Juice, nasaan si France?” “Sinòyan?” “Si Pia.”   “Umalis kaninang umaga, eh.” “Saan nga nagpunta?” Juice had a mischievous glint in his eyes.  “Secret. Papatayin niya akòpag sinabi ko. Besides, hayaan mo silang ayusin ang issues nila.” It made sense to her. Binalingan niya ang cell phone. “According to that Tejerro guy, umalis daw si France kaninang umaga. He didn’t tell me kung saan nagpunta si France.” “Listen, Trish, I just saw his car here.” Then in   an accusing voice, Pia added, “Hindi kaya bumigay ka na at sinabi mo sa kanya kung nasaan ako?” “C’mon, Pia. Nasa iyo ang loyalty ko. Anyway, bakit ka ba nagtatago pa kay France? Why can’t you just admit to him that you love him para matapos na ang drama ninyo?” “You know I can’t do that. Okay, baka naman napapraning lang ako. Hindi naman ako siguro susundan ni France hanggang dito.” Nagpaalam   na ang kaibigan niya. She looked at Juice who was grinning. “Nasaan nga si France?” “Probably beside her right at this moment.” “Ooh. .” sambit ni Trisha. So Pia would have her own happy ending anytime soon. She sighed dreamily. Sana siya rin.  JUICE could not believe he could be that happy.   Trisha was different from all the women he met and dated. She could be irritating at times, but everything about her filled up all the empty spaces in his heart. She aroused all the emotions in him that he did not think he was capable of feeling. Nang sabihin ni Trisha na mahal siya nito, parang binigyan nito ng panibagong kulay ang mundo niya. Maraming babae na ang nagsabi sa kanya na mahal siya pero kay Trisha lang niya   gustong marinig ang mga katagang iyon. Si Trisha lang ang kailangan niya. Ang akala ni Juice noong una ay pinoprotektahan lang niya si Trisha dahil katulad ito ni Margie. But when he kissed her the second time, he realized it was something else. Siya na mismo ang natatakot sa sidhi ng nararamdaman niya para sa dalaga. It was too intense he could not put it into words. Nang makarating sila sa coffee shop ay niyaya   niya si Trisha na bumaba ng sasakyan. Nagulat pa siya nang pagpasok nila ay isang pamilyar na bulto ang nakita niya—si Margie. Worriedly, he turned to Trisha. Tahimik lang ito habang nakatingin din kay Margie. Nang makita sila ni Margie ay dalidali itong lumapit sa kanila ni Trisha. Parang hindi nakita ni Margie na may kasama siya dahil hindi man lang nito tinapunan ng tingin si Trisha. “Juice, can we talk?” Margie sounded like she   was about to cry. He hesitated a moment. Ayaw niyang basta na lang iwan si Trisha. Nang maramdaman niyang bumitaw si Trisha sa kamay niya, hinigpitan niya ang kapit doon. “Trish. .” “Sige na, Juice.” Hesitantly, he let go of Trisha’s hand. Si Margie naman ay kumapit sa kamay niya at iginiya siya papunta sa isang mesa sa gilid ng shop. He turned   around and saw Trisha sitting on one of the tables, a worried frown on her forehead. Alam niya ang nararamdaman ni Trisha ngayon, at siya ang nasasaktan para dito. Hinawakan ni Margie ang dalawang kamay niya kaya wala siyang nagawa kundi tingnan ito. “What do you want to talk about?” tanong niya rito. “C’mon, Juice. Don’t be so cold to me. I just want to talk to you.” Hinawakan siya ni Margie sa   pisngi. Agad niyang tinanggal ang kamay nito. Napahawak siya sa kanyang batok. “Sorry. I didn’t mean to sound that way.” She looked straight at him. “I was just thinking, Juice. Maybe my life would have been better if I married you instead.” “What are you talking about?” “I know you still love me, Juice. Sinabi ni France sa akin na wala kang sineryosong babae   kahit kailan. Na kung hindi lang ako nagasawa kaagad, siguro ay tayo ang magkasama ngayon.” Itinaas ni Juice ang dalawang kamay. Wala na talaga siyang naiintindihan sa mga sinasabi ni Margie. Hindi niya itinatangging minahal niya ito, but it was all in the past now. That was before Trisha came into his life. “Totoong minahal kita. Inaamin ko, ikaw ang dahilan kung bakit wala akong sineseryosong babae. Ibinuhos ko sàyo lahat ng atensiyon at   pagmamahal ko. At tingin ko, wala nang natira sa iba pa.” Margie leaned closer to him. Itinaas nito ang mga braso at ikinawit ang mga iyon sa leeg niya. “So what’s stopping you from taking me right now? `Pag naayos na ang annulment papers ko, you can have me all you want. I’m taking my chances with you, Juice.” Bago pa nakapagsalita si Juice ay nailapat na ni Margie ang mga labi nito sa kanyang mga labi. Sa   sobrang gulat ay hindi siya nakapagreact agad. From the corner of his eyes, he saw Trisha stand up and then went out. God, he was losing Trisha! Inalis ni Juice ang mga kamay ni Margie sa leeg niya at itinulak ito palayo sa kanya. He tried to calm down and not lash his anger at her. Kahit paano, alam niyang nahihirapan ito ngayon. Siguro ay litonglito ang isip nito kaya siya nilapitan.   Hinawakan niya nang mahigpit ang mga balikat ni Margie. “Listen to me, Margie. Minahal kita, pero matagal na panahon nàyon. Ni hindi ko na nga matandaan kung ano ang naramdaman ko noon sàyo. Nang patuluyin kita sa condo ko, it was because I value our friendship. Mahalaga ka sa akin pero hanggang doon na lang iyon. I can never love you again.” Base sa pagkagulat ni Margie, halatang hindi nito inaasahan ang sinabi niya. “Why? We can   start again. Pinagsisisihan ko na ang mga panahong hindi kita pinahalagahan.” Umiling si Juice. “You don’t understand. When you married someone else years ago, I tried hard to pick up all the broken pieces at nagsimula uli ako. It was true that I didn’t take any girls seriously, but that was because none of them made me feel complete.” Tumingin siya sa pintuan ng coffee shop. “You saw the girl who walked out of the shop right now? Siya ang sisihin   mo kung bakit hindi na kita kayang mahalin uli, o kahit sino pang babae for that matter. She is the only one who makes me feel like I can love again. That I’m still whole and there’s love left in me to give to her. And right now, she may be crying alone thinking I will choose you over her.” Margie was speechless as she looked at him. Pagkatapos ay inihilamos nito ang mga kamay sa mukha. “Oh, my God! What did I do? I did not ruin your chances with her, did I?”   Kahit paano ay lumambot ang puso ni Juice sa sinabi ni Margie. Nilapitan niya ito at hinalikan sa noo. “I’m sorry, Margie. Other times, I really want to love you. Right now, I just can’t. I’m not capable of doing that anymore. Trisha took all the love I can possibly give at wala nang natira para sa iba. Besides, you’re just vulnerable right now. Give it some time at maiisip mo rin na hindi tayo para sa isa’t isa kahit kailan.” Tumango si Margie, pagkatapos ay nahihiyang   tumingin sa kanya. “Thank you for being a friend, Juice, even if I’m such a selfish brat.” “Do not mention it.” Itinulak siya ni Margie. “Go after her, Juice. And tell her I’m sorry.” Parang may mabigat na pasanin ang nawala sa dibdib ni Juice dahil sa paguusap nilang iyon ni Margie. Now he knew exactly what he wanted. He would go after Trisha even to the ends of the earth.   SUMANDAL si Trisha sa sasakyan ni Juice at umiyak nang umiyak. Ang balak niya ay lumayo na sa lugar na iyon, pero hindi na niya kayang maglakad dahil nanlalabo na ang kanyang mga mata sa mga luha. She did not want Juice to see her crying. Ipinangako niya rito na magiging matatag siya anuman ang magiging desisyon nito. She realized it was easier said than done. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang pagkawala ng binata. She knew Juice would   choose Margie over her. After all, Margie was his one great love. “Ako siguro, hindi na magmamahal.” She remembered Juice’s words. Pinahid ni Trisha ang mga luhang naglalandas sa kanyang mga pisngi. Pero patuloy pa rin siya sa pagiyak kaya hinayaan na lang niyang tumulo nang tumulo ang mga luha niya. “Trisha! Is that you?” Napalingon siya sa mayari ng boses at nakita   si Martin. He stared down at her with a worried look on his face. Lalong lumakas ang iyak niya. Si Martin ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi niya siguro ito nakitang may kahalikang ibang babae, hindi sana siya hinalikan ni Juice at hindi siguro nagugunaw ang mundo niya ngayon. “Okay ka lang ba, Trisha?” Hinawakan siya ni Martin sa mga balikat. She brushed his hands away. “Don’t touch me, you bastard!”   Itinaas ni Martin ang mga kamay. “I’m not here to fight. I’m here to apologize. Matagal ko na sanang ginawa iyon pero naduduwag ako. Hindi ko alam kung paano ka haharapin.” Kahit halos hindi naiintindihan ni Trisha ang sinabi nito ay pumasok naman sa isip niya ang salitang “apologize.” “Yyou’re here to say sorry?” “Sana, if it isn’t too late.” Nagkamot ito ng ulo. “I know you didn’t cheat on me. Even if you did,   it was my fault anyway. Hindi na kita sinisipot sa mga usapan natin. I wasn’t really a good boyfriend to you.” “What happened to us, Martin? We were happy before, right?” “Yeah. I thought I was in love with you, but you were so pure and too innocent. You were also too romantic for me. I couldn’t keep up with you.” “So you cheated?” “Yeah, and I’m sorry. I shouldn’t have done it.”   Ngumiti nang bahagya si Martin. “But everything went well, right? I’m happy now with a new girl, at masaya ka naman kasama si Juice.” Trisha bit her lower lip to keep herself from crying again. “Juice have probably changed after he met you. We used to hang out with the same circle, pero hindi na uli siya nagpakita sa amin. Hindi na rin uli siya nakikipagdate sa ibang babae. I must say, you two look good together.”   She was about to tell Martin the truth but she changed her mind. Mahirap ipaliwanag ang lahat mula sa umpisa. “I hope the next time we see each other, you won’t hate me anymore,” ani Martin. She smiled a little, and then held out her hand to him. “I forgive you, Martin.” Umaliwalas ang mukha nito at tinanggap ang kamay niya. “Trisha!”   Pareho pa silang nagulat nang marinig ang sigaw na iyon. Nakita niya sa likuran ni Martin si Juice. Halatang galit na galit si Juice. Mabilis itong lumapit sa kanila. Hinawakan siya ni Juice sa kamay at hinila papunta sa likuran nito. Pagkatapos ay tiningnan nito si Martin sa nanlilisik na mga mata. “I thought I told you to stay away from Trisha? O baka gusto mo pang totohanin ko ang banta ko?” Juice said between gritted teeth. Galit na   galit ito katulad noong dalhin siya sa bar upang hanapin nila si Martin. Umurong si Martin nang ilang hakbang at itinaas ang mga kamay. “Dude, I swear I’m not doing anything. I just want to say sorry to Trisha.” “That’s right, Juice,” singit ni Trisha. Mukha kasing kayangkayang patayin ni Juice si Martin sa anyo ng una. “Nagsorry lang siya sa ginawa niya.” Nabawasan nang bahagya ang galit ni Juice,   pero mabalasik pa ring nakatingin kay Martin. “Puwes, ako ay hindi pa rin kita pinapatawad. Umalis ka na bago pa magbago ang isip ko at ipatama ko uli sa mukha mo ang kamao ko.” Martin bowed slightly before he left. Iniharap siya ni Juice dito at dumistansiya nang kaunti sa kanya. He just looked at her, looking unsure of what he would do. Itinakip ni Trisha ang mga kamay sa kanyang mga tainga. “Juice, `wag ka nang magexplain.   Naiintindihan ko na.” Inalis ni Juice ang mga kamay niyang nakatakip sa kanyang mga tainga. “No, Trisha. I want you to listen to me, and listen carefully.” Nagsunodsunod na naman sa pagpatak ang mga luha niya. “No, please, ayoko na. Hindi mo na kailangang magexplain. I know what you want to say.” “And what is that exactly?” “That you’re sorry and you don’t want to be   with me anymore. Dahil nandiyan na si Margie. Dahil mas kailangan ka niya at mas mahal mo siya.” She tried to stifle her sobs but failed. Hinampas niya si Juice sa dibdib. “It’s your fault, Juice! Why did you ever kiss me? Kung hindi mo ako hinalikan, maayos pa siguro ang buhay ko ngayon.” Mukhang amused na amused si Juice nang tumingin sa kanya. “Ah. . So that’s when it started, huh? You started to love me when I kissed   you?” “Oo! Pero hindi na ngayon. Hindi na talaga kita mahal. So puwede ka na uling bumalik kay Margie. At huwag ka nang maguilty dahil iiwan mo na ako—” Hindi na natapos ni Trisha ang sasabihin dahil hinalikan na siya ni Juice sa mga labi. Hinila siya ng binata palapit dito habang nakapulupot ang isang kamay nito sa kanyang baywang. He pressed his body close to her. Naamoy na naman niya ang pabango ng binata. At   katulad noong unang beses siya nitong hinalikan, everything about him was intoxicating her. He was kissing her hungrily and passionately she thought she would ran out of breath anytime soon. Mayamaya ay pinakawalan siya ni Juice. He was catching his breath, too, but there was a satisfied smile on his face. “I kissed you again, Trisha. So you should fall in love with me again. That’s how it goes, right?”   Naiinis na tumingin siya kay Juice. He was making fun of her. Tatalikuran na sana niya ito pero mabilis nitong nahigit ang mga braso niya. He embraced her in his strong arms, and buried his face in her hair. “Nauna ako sàyo, Trish.” “Ha?” He searched her face. “Ang sabi ko, nauna ako. You fell in love with me when I kissed you, but I started loving you when you smiled at me the first time we met.”   Biglang nagdiwang ang puso ni Trisha. Parang ang sarap maniwala sa sinabi nito. “Niloloko mo ba ako? You aren’t capable of falling in love with me, or with anyone for that matter. You told me that yourself many times.” “Because I was scared. Everything about you scared the hell out of me. You can read me like an open book. You can see straight into my soul even if I don’t say anything. You leave me completely vulnerable. When it comes to you, I couldn’t seem   to find the right words to say. Mukha na nga akong tangàpag kaharap ka, eh.” Naguguluhan pa rin si Trisha. “But what about Margie? Sinabi mo sa akin na mahal mo pa rin siya. That she was your one great love. Tanggap ko naman na pangalawa lang ako sa puso mo, eh. Ayos lang sa akin. Huwag mo lang ipapakita sa akin nang harapharapan na siya ang una.” Humigpit ang yakap ni Juice sa kanya. “You were right, Trish. I was stupid. Akala ko ay si   Margie ang dahilan kung bakit gusto kitang protektahan. But when I saw you walking out of my shop, noon ko lang talaga nalaman ang totoong kahulugan ng buhay. Because it felt like you were taking it out on me.” Hinawakan ni Juice ang baba niya at itinaas iyon. “You were wrong on one thing, though. Margie isn’t my one great love. What is your definition of great love again?” “Sobrasobrang pagmamahal. Dakila at wagas   na pagmamahal.” Juice smiled. “That is what you are to me, Trish. I just realized it clearly when I thought I was about to lose you. Kapag nawala ka, hindi ko na talaga kayang magmahal uli.” He wiped some of the tears that had already dried on her face. “When I kissed you that day, aaminin ko na gusto lang talaga kitang tulungan. But something in that kiss fired up something within me. I didn’t know then that it was love, until you told me right in   front of my face. I’m really so stupid, aren’t I?” She laughed, happiness flowed in her heart. Sulit naman pala ang lahat ng iniiyak niya rito. “Oo. Dahil sa katangahan mong `yan ay maraming beses akong umiyak.” He groaned. “How can I ever make it up to you?” Niyakap niya si Juice at pinagsawa ang sarili sa loob ng mga bisig nito. “I love you, Juice. Kahit ang tangatanga mo, mahal pa rin kita. And don’t   ever think I didn’t try to suppress what I feel dahil nakita mo naman kung paano ako nakipagdate sa kung sinosino lang.” He was incredulous. “You mean, you dated other guys not because of Martin but because of me?” She giggled. “Oo. I was trying hard to forget you dahil alam kong walang kahihinatnan ang pagsinta ko sàyo. Pero wala, eh. Sa huli, ikaw pa rin.”   JUuice sighed in relief. “Thank you for not giving up on me, Trish.” Then he leaned closer and whispered in her ear. “Mahal kita, Patricia Anne Samonte.” Nagkunwari si Trisha na walang narinig. “Ha? Pakiulit nga.” Inilayo siya ni Juice nang bahagya rito at ngumisi. Then he shouted. “Mahal kita, Trisha! Hanggang sa dulo ng walang hanggan at pabalik pa!”   She laughed while looking up at him. “I heard you, Juan Crisostomo.” Idinikit ng binata ang noo sa kanyang noo. “Let’s stay together from now on, okay?” “Aye, aye.” That was how she, Patricia Anne Samonte, got her own happy ever after.  WAKAS

Post a Comment

0 Comments

Post a Comment (0)
3/related/default