Something Like Love

0
Something Like Love


CHAPTER ONE 

NAPALINGON si Ramon Imperial sa munting komosyon sa isang bahagi ng malaking machine shop na kinaroroonan niya. Ipinapacheck lang niya ang kanyang sasakyan dahil sinabi ng driver niya na madulas ang kapit ng brake niyon kaya gusto lang niyang maniguro. Tutal, ang sabi naman ng chief mechanic ay sandali lang iyon. Isang binatilyo ang tila pinagkakaisahan ng   mga tauhan sa shop na iyon. Nakapalibot ang mga ito sa isang mahabang mesa at nagme merienda. But for a boy his age, he sure looked pretty, almost like a girl. Kahit marungis ang maliit na mukha ay mahahalata pa rin ang kakaibang gandang lalaki nito. Ang makapal na overalls nito ay hindi rin nakaligtas sa grasa at langis. Kaya siguro tampulan ito ng tukso at pangangantiyaw ng grupo. Ngunit hindi rin naman nagpapatalo ang binatilyo.   “Hoy, Boy Bigote, huwag mo akong maasar asar ngayong alasonse pa lang ng umaga. Baka gusto mong pagpalitin ko iyang bigote at peluka mo, ha?” Napangiti lang siya nang duruduruin pa ng binatilyo ng hawak na liyabe ang lalaking tinawag nitong “Boy Bigote.” “Umalis ka sa harap ko kung ayaw mong gawin kitang.. ” Tiningnan nito ang hawak na de lata. “Reno Brand Liver Spread.”   Umani ng halakhak mula sa mga kasamahan nito ang hirit na iyon ng binatilyo. Kahit siya ay hindi napigilan ang mangiti. “He sure knows how to handle himself against those big guys,” sambit niya. “Hindi lang paninindak ang kayang gawin niyang anak ko,” wika ng mekaniko na narinig marahil ang kanyang sinabi. “Kaya rin niyang mandurog ng buto kaya kahit ganyan ang hitsura niyan, kailangang magingat nang husto ang mga   lumalapit sa kanya.” “He’s your son?” “Son?” Nakakunot ang noong binalingan nito ang nagkakagulo pa ring grupo at marahang umiling. “Hay, naku, ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi lalaki si Alexi. Babaèyan. Unica hija ko.” “Gano’n ba? Pasensiya na. Akala ko talaga kasi. .” “Ayos lang. Hindi lang naman ngayon   napagkamalang lalaki ang dalaga ko. Maraming beses na.” Bumuntonghininga na lang ito, saka muling ibinaling ang atensiyon sa makina ng kanyang sasakyan. “Alexi Anne Mendoza. Hindi ko na alam kung paano ko pa siya makukumbinsing kumilos nang tama bilang isang dalaga. Ganyan siguro talaga ang problema ng mga tulad kong maagang naiwan ng esposa para mangalaga sa apat na barako at isang prinsesa. . na iniisip na isa rin siyang barako.”   “Problema mo rin pala ang anak mo.” Pinagmasdan uli niya ang dalagang anak ng mekaniko na hindi nga mapagkakamalang babae sa ganoong distansiya dahil sa kilos nito. “Pero mas masuwerte ka pa rin kung tutuusin. Hindi mo na iintindihin kung paano mo maaalagaan ang dalaga mo dahil nakikita kong kayangkaya niyang ipagtanggol ang sarili niya.” “Oo. Second degree black belt na iyan sa tae kwon do. Kung hindi nga lang iyan naakit ng   amoy nitong talyer namin, baka miyembro na siya ng Philippine tae kwon do team. Kaya lang, iyan din ang pinanggagalingan ng problema ko. Dahil sa abilidad niyang iyon, natatakot lumapit sa kanya ang mga manliligaw niya.” “Ayaw mo ba ng gano’n? Ibig sabihin lang, salangsala ang mga magiging manliligaw niya. Kung sino ang hindi masisindak sa kakayahan niyang iyon, siguradong hindi siya bastabasta. At makakasiguro ka pang sincere siya sa panliligaw   sa anak mo.” “Naisip ko na rin iyan. Noon. Pero ngayong beintesiyete na si Alexi, medyo nagaalangan na ako. Baka kasi tumanda na lang siya, eh, wala pa ring makalusot sa kanya. Naubusan na nga ako ng mga irereto sa kanya.” Marahan itong umiling. “Minsan tuloy, naisip ko na ipagkasundo na lang siya. Ang kaso, saan naman ako makakakuha ng matinong lalaki na makakasiguro akong hindi niya babastusin ang anak ko? Sa buhay ngayon,   mahirap nang makakita ng mga lalaking maprinsipyo at may mataas na paggalang sa mga babae.” “My son is,” sagot niya. “Ang problema lang, sobra naman ang paggalang niya sa mga babae dahil kahit sinong nakapalda, basta type niya, eh, ‘igagalang’ niya.” Nakangiting nilingon siya ng mekaniko. “May pagkaCasanova pala ang anak mo.” “Huwag mo nang pagandahin ang term.   Nuknukan talaga iyon ng pagkapabling.” Itinuro niya ang makinang inaayos nito. “Okay na bàyan?” “Oo.” May kung ano pang hinigpitan itong screw doon at pagkatapos ay isinara uli ang hood bago bumaling sa kanya. Sabay pa silang napalingon sa direksiyon ng umpukan ng anak nito nang magkaingay uli roon. Pinagbabatukan kasi ng dalaga nito ang mga kasamang lalaki.   “Saan ba ako makakakita ng matinong lalaking makakapagpalabas ng totoong katauhan ng anak ko? Hay.. ” Parang gusto na rin niyang mapabuntong hininga. “I wish my son could meet someone like your daughter. `Yong makakapagpatino sa kanya. .” Halos sabay silang napatingin sa isa’t isa. At sa nakikita niyang reaksiyon sa maaliwalas na mukha ng mekaniko, parang alam na rin nito   kung ano ang iniisip niya nang mga sandaling iyon. “How old is your daughter?” “How old is your son?” Kasabay rin ng kanyang ngiti ay ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ng mekaniko. May kasunduan na sila.  NAPALINGON si Alexi sa direksiyon ng kanyang ama. Kanina pa kasi niya napapansin na   napapasarap ito sa pakikipagusap sa customer nila na kung titingnan ay halos kasingedad lang din nito. “Kilala n’yo ba ang mamang iyon?” tanong niya sa mga katropa niyang tauhan nila sa talyer. “Ngayon ko lang iyan nakita rito, ah.” Sabaysabay namang nagtinginan ang mga kasama niya sa direksiyon ng kanyang ama. “Bago lang iyan, Alexi,” sagot ni Caloy. “Ngayon ko nga lang din iyan nakita.”   “Baka best friend ni Amo,” segunda ni Manuel. “Matagal silang hindi nagkita kaya ngayon, eh, ganyan kasarap ang kuwentuhan.” “Ang lawak talaga ng imahinasyon mo.” Pinagmasdan uli niya ang kausap ng kanyang ama. O baka naman, isa na namang bagong customer na nakagaanan ng loob ng tatay niya. Masyado kasi itong mabait at masarap kausap kaya naman halos lahat ng mga bigating customer nila ay   umabot na nang taon na nagpapagawa sa kanila ng mga sasakyan. Marunong ang tatay niyang magalaga ng customers, kumbaga. Natigil lang ang pagmumunimuni ni Alexi nang maramdaman ang pagdampi ng bimpo sa kanyang pisngi. Tiningnan niya nang masama si Rosendo. “Anòyan?” tanong niya rito na agad na nag back out. “May dumi ka kasi sa pisngi, Alexi. Pupunasan   ko lang.” “Sinabi ko bang kailangan ko ng tagapunas? At ang mga duming iyan sa mukha ko, tanda iyan ng kasipagan kaya hindi dapat alisin.” Malakas na tinapik niya si Rosendo sa dibdib na ikinasinghap nito. “Ha? Tatatandaan mo iyan, bata.” “Alexi, halika muna rito!” tawag ng Kuya Gil niya mula sa dikalayuan. Lumapit naman agad siya. “Ano’ng problema, Kuya?”   “Istart mòyong makina.” Itinuro nito ang inaayos na sasakyan. “Tapakan mòyong silinyador at huwag mong bibitiwan hangga’t hindi ko sinasabi.” “Areglado.” Sisiw lang sa kanya ang ipinapagawa nito dahil isa siya sa pinakamagaling na mekaniko roon, pangatlo sa kanyang ama at nakatatandang kapatid. Buong buhay nila ay wala na silang alam na trabaho kundi ang magkutingting ng mga   sasakyan. Pangalawa siya sa limang magkakapatid at nagiisang babae. Pero hindi iyon naging sagabal upang maging mahusay siyang mekaniko na talaga namang kinahiligan niya. Kaya nga Mechanical Engineering ang kinuha niyang kurso sa kolehiyo. Nakapagtrabaho naman siya noon sa isang malaking kompanya ngunit dahil hindi niya nagustuhan ang pagtrato sa kanya ng mga kapwa mekaniko roon ay basta na lang niya nilayasan   ang mga ito at nakisali na lang sa pagpapalago ng kanilang machine shop. Wala namang reklamo ang kanyang pamilya dahil nakita ng mga ito ang galing niya. Isa pa, sa dami ng customers nila, kailangan talaga ng kanilang shop ng mas maraming magagaling na tauhan. At isa na siya roon. Masaya na siya ngayon. Tanggap kasi ng mga tao roon ang husay niya at walang pakialam ang mga ito kung babae o lalaki siya. Ano’t ano man,   kung mayroon mang magloloko sa kanya, she could always take them down with her own bare hands. At siyempre, nariyan din ang mga backup niya—ang tatay niya at ang mga kapatid niyang lalaki. Napatingin uli siya sa direksiyon ng kanilang ama. “Hindi ka ba nagtataka, Kuya? Ngayon lang parang naging ganyan kaclose si Tatay sa customer natin.” “Bakit ba pinagiinitan mo ang taong iyan?   Kung kaibigan siya ni Tatay, ano naman ang problema ro’n? Mabuti nga iyon at nang hindi lang ikaw ang lagi niyang nakakausap. Kung ano anong kalokohan lang naman kasi ang natututuhan sa iyo ni Tatay.” “Medyo naninibago lang naman kasi ako, Kuya.” “Na may kaibigang malinis si Tatay? Hindi por que nadudumihan tayo sa trabaho natin, wala na tayong karapatang makipagkaibigan sa   mayayaman. Tandaan mo, mayaman din tayo. Hindi lang halata.” “Alam ko na iyan, Kuya. Kaya huwag mo na akong sermunan.” “Kung gano’n, huwag ka na ring makialam pa sa affairs ni Tatay. Kung gusto niyang makipagkaibigan sa mayayaman, bahala na siya. At ikaw, intindihin mo na lang ang pagtapak mo sa silinyador dahil kapag hindi mo pa tinigilan iyang paguusyoso mo sa kanila, ikaw na ang   tatapakan ko.” “Kung kaya mo.” Sinunod na rin niya ito. Hindi pikon ang kuya niya pero pagdating sa trabaho ay seryoso ito. Sa madaling salita, malilintikan siya kapag hindi nito nagawa nang maayos ang trabaho nito nang dahil sa kanya. “Alexi, ipinapatawag ka ni Mang Oka,” wika ng isa sa kanilang mekaniko na lumapit sa kanya. “Puntahan mo raw siya roon pagkatapos mo rito.” “Sige na, Alexi,” utos ng kuya niya. “Tapos ko   na rin namang ayusin ito.” “Okay.” Curious na rin kasi siyang makilatis nang husto ang lalaking kausap ng kanilang ama. Paglapit niya ay nabaling sa kanya ang atensiyon ng lalaki. She must admit, wala naman siyang nararamdamang masama sa aura nito. Mukha ring mabait ito, lalo na nang ngumiti. Marahil, noong kabataan ng lalaki ay guwapo ito dahil kahit ngayon ngang mayedad na ay nahahalata pa rin iyon sa mukha nito.   But then again, looks could be deceiving. At ayaw niyang magpadeceive. “`Tay, bakit po?” Nilingon siya ng kanyang ama. “Anak, ito nga pala si Mr. Ramon Imperial. Bago lang siyang customer pero dahil nagustuhan niya ang serbisyo ng talyer natin, sinabi niyang magdadala pa siya rito ng mga kakilala niya para dito na lang magpaayos ng mga sasakyan nila.” “Gano’n ba, `Tay?” Binalingan niya ang lalaki.   “Kumusta ho? Kakamayan ko sana kayo kaya lang, marumi ang mga kamay ko, eh.” Kaya kumaway na lang siya. “Sana nga ho, magdala pa kayo rito ng mas maraming customer para yumaman pa kami nang husto.” Tumawa lang si Mr. Imperial. “Palabiro ka pala, hija.” “Hindi naman ho gaano. Pero sana nga ho, tuparin ninyo ang ipinangako ninyo sa tatay ko.” “Alexi,” saway ng kanyang ama. “Ah,   pasensiya ka na sa kanya, Mr. Imperial. Minsan talaga, hindi iyan makapagpigil ng bibig.” “It’s okay. Maganda nga ang gano’n. Hindi na kailangan pang magisip kung ano ang iniisip niya.” Kaayaaya pa rin ang ngiti ng mayedad na lalaki. “At maganda rin siya. Lalo na sa malapitan.” Napalitan ng pagdududa ang tingin niya kay Ramon Imperial. May gusto ba ito sa kanya? Ibinebenta ba siya ng tatay niya rito? Tila   nakahalata naman ang matanda dahil tumawa ito. “You’re really cute, hija. Kapag nakita ka ng binata ko, siguradong magugustuhan ka n’on.” “Binata? Naku, hindi ho ako pumapatol sa kabaro ko. Pasensiya na ho.” Bumuntonghininga na lang ang kanyang ama, tila ba sinasabing “See what I mean?” Hinarap na lang niya ang kotse. “Ano ba ang problema nito, `Tay?” “Icheck mo ang under chassis. Ayos naman   ang break. Pero mas mabuti nang macheck natin nang maayos ang lahat para wala nang problema. Nakakahiya naman sa bago nating customer kung aalis siyang hindi sigurado ang sistema ng sasakyan niya.” “Okay.” Lumusot siya sa ilalim ng sasakyan gaya ng utos ng kanyang ama. Lahat ng madalas na nagiging problema sa bahaging iyon ng mga sasakyan ay ininspeksiyon niya nang maigi. Hindi   na siya nagtanong pa dahil kilala niyang maingat naman talaga ang kanyang ama pagdating sa mga sasakyang inaayos ng kanilang talyer. Kumbaga sa planta, may quality at security check. Or something like that. Napatingala lang siya nang marinig ang pagdating ng isa pang sasakyan. Nakita niyang umibis mula roon ang isang lalaki. Hindi niya nakikita ang mukha nito dahil nga naroon siya sa ilalim ng sasakyan. Ang nakikita lamang niya ay   ang suot nitong itim na slacks at sneakers. Wala siyang alam sa tamang pagaayos ng mayayamang lalaki dahil ang mga kapatid niyang lalaki ay hindi naman nagsusuot ng slacks, pero parang hindi naman talaga bagay na naka sneakers, pagkatapos ay nakaformal suit. “Teka, bakit ko ba pinagaaksayahan ng panahon ang sapatos niya?” tanong niya sa sarili. “Pakialam ko naman kung iyon talaga ang trip niya.”   Ipinagpatuloy niya ang pagiinspeksiyon sa chassis. “O, `Pa, what happened to your car?” Hindi niya naiwasang matigilan nang marinig ang boses. She was never the type to notice a guy’s voice. This time, though, she just couldn’t help but take notice of that rich baritone voice. Masigla kasi ang boses at parang. . guwapo sa pandinig niya. “Ano ba naman itong pinagiiisip ko?”   pabulong na tanong niya sa sarili. “At dahil lang sa boses? Ang babaw.” Napailing na lang siya, saka ibinaling na ang atensiyon sa ginagawa. “Kaunting inspeksiyon na lang naman ito, hijo. Hindi ka na sana nagabala pang magpunta rito.” “I just wanna make sure you’re okay, `Pa.” “Hijo, minor problem lang ang nangyari sa sasakyan ko. I’m fine. Hindi naman kami naaksidente ni Guimo. You can go back to your   office now.” “Actually, I’m on a date. Pero kinansela ko na iyon para mapuntahan kayo rito. Anyway, hayaan n’yo na lang iyang sasakyan ninyo. Huwag na ninyong ipagawa. Ibibili ko na lang kayo ng bago.” “You don’t have to do that.” “I want to, `Pa. Isa pa, ngayong nakatapak na ng talyer iyang kotse ninyo, siguradong kahit ayusin iyan ay magpapaulitulit na lang ang sira   niyan.” Pukpukin kaya niya ng liyabe ang paa ng lalaki? Hindi na iginalang ang kanyang ama na kaharap lang nito! Samantalang pinaghirapan ng kanyang ama ang kotseng iyon. At heto pa nga siya sa ilalim ng chassis dahil gusto ng tatay niya na idoublecheck ang kalagayan ng kotse bago i release. Pagkatapos, sasabihin lang ng ugok na lalaking iyon na wala nang pagasa pang tumino ang sasakyang hinawakan nila?   “Octavio’s Machine Shop is the best,” narinig niyang wika ni Mr. Imperial. “There’s no need to change my car.” “Good as new ang mga sasakyang nanggagaling dito sa amin kapag ipinaayos, hijo,” segunda ng kanyang ama. “In fact, dinodouble check na nga ngayon ng anak ko ang kotse ng iyong ama, para lang makasigurong wala nang magiging aberya pa ang sasakyan niya.” “Once na naipagawa na ang isang sasakyan,   magiging madalas na talaga ang dalaw niyan sa mga machine shop. No offense meant, Sir.” “Ayos lang iyon, hijo.” Pero sa kanya, hindi ayos iyon. Sumosobra na ang lalaki! Tiningala niya ang kinaroroonan nito sa harap ng kotse at nakita agad niya ang sneakers nito. Naniningkit ang kanyang mga mata nang hawakan ang mga paa nito at iyon ang ginamit niya upang mailabas ang sarili mula sa ilalim ng kotse. Naramdaman niyang nagulat ang   lalaki ngunit hindi niya ito binitiwan hangga’t hindi siya nakakalabas ng sasakyan. Pagkatapos ay tumayo siya at ipinunas ang kamay sa kanyang pawisang noo. Nang balingan niya ang lalaking nawalan ng imik, sinalubong siya ng napakaguwapo ngunit nakakunot ang noong mukha. Ito ang mayabang na ugok na nanlait sa shop nila? He was too tall for her height of fivethree.   Kaya nga nakatingala pa siya sa lalaki habang pinagmamasdan ito. Pero wala siyang balak na magpatalo rito. He insulted her father and the very thing her father loved most. “Ikaw bàyong nagsabing hindi marunong gumawa ng nasirang sasakyan ang tatay ko?” tanong niya. Lalong napakunot ang noo ng lalaki. “Alam kong mayaman ka. Siguro nga, langis ng Saudi ang ipinanliligo mo. Pero kung hindi mo ako kayang talunin sa pagaayos ng mga   sasakyan, wala kang karapatang magsalita na parang walang silbi ang machine shop namin sa mga nasisiraan ng sasakyan.” Patuloy lang na nakamasid sa kanya ang lalaki. Ang akala nga niya ay hindi na ito magsasalita pa nang tingnan nito ang suot na sneakers. “You messed up my pants. And my shoes.” “So?” “Clean them.” Nang mga sandaling iyon, opisyal nang   idineklara ni Alexi na kaaway ang lalaking ito. “Jonathan, huwag mo siyang utusan ng ganyan.” “Okay lang ho, Mr. Imperial. Talaga namang nadumihan ko ang sapatos niya.” Sinenyasan niya ang lalaki. “Hubarin mo ang sapatos mo, saka ko lilinisan.” Umupo ang lalaki sa hood ng kotse ng ama nito at hinubad ang sapatos. Napansin pa niya ang ngisi sa mga labi nito nang ibigay sa kanya ang   mga sapatos. Ako pa ang tinalo mo? Ngayon, tikman mo ang ganti sa iyo ng tadhana na nagngangalang “Alexi Anne Mendoza.” Kinuha niya ang mga sapatos at hinugot mula sa likurang bulsa ng suot na overalls ang isang basahan na pulos grasa at langis, pagkatapos ay saka ikiniskis iyon sa bagungbagong sneakers. “Ay, lalo yatang nadumihan,” aniya. “Teka, huhugasan ko na lang.”   Hinawakan siya ng lalaki sa braso. Nagulat siya sa ginawa nito kaya mabilis ding binawi niya ang braso at nagtungo sa isang drum na hinati sa gitna at nilagyan ng tubig. Doon nila inilulublob ang interiors ng mga gulong upang malaman nila kung may butas iyon o wala. Ang balak lang talaga niya ay dampian ng tubig ang mga sneakers, pangasar lang. But then, she felt someone grab her by the arm again. “Tigilan mo na iyan,” anang lalaki.   That was when the sneakers “accidentally” slipped from her grip. Iyon na lang ang tila ingay na narinig nang mahulog ang sapatos sa tubig. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang napahinto na sa pagtatrabaho ang kanilang mga tauhan at napatingin na lang sa kanila. “Ay. .” ang tanging nasambit na lang niya. “Nahulog?” Handa na siyang ngumisi nang malapad nang bigla na lang siyang pitserahan ng lalaki at isalya   sa gilid ng isang van. “Niloloko mo ba ako?” galit na tanong nito. Hindi na siya makapagsalita dahil nakalapat sa kanyang dibdib ang mga braso nito sa pagpipigil sa kanya para hindi siya makakawala. And he must have noticed the soft mounds on her chest because the expression on his handsome face slowly turned from anger to disbelief. “Bakla ka?” Nagdilim na ang kanyang paningin at halos   hindi niya narinig ang sigaw ng kanyang ama nang umigkas ang kanyang kamao. Solidong tumama iyon sa panga ng lalaki. Nang umatras at makakawala siya, sinundan niya ito at hinawakan sa manggas ng suot na amerikana, saka buong lakas itong ibinalibag. Hilo ito kaya siguro hindi na nakabangon mula sa kinabagsakan. “Sino ngayon ang bakla sa ating dalawa?”  

 

CHAPTER TWO 

“SAYANG talagàyong isang free throw na iyon ni James Yap, ano? Panalo na sana ang Purefoods.” “Hindi. Magaling lang talaga ang Alaska.” “Hindi. May problema kasi sina James at Kris.” Kahit si Alexi ay parang gusto nang tarakan ng tinidor sa lalamunan ang bunso nilang si Rusty. Sarap na sarap sa paguusap tungkol sa katatapos   lang na laro ng basketball ang dalawa pang nakababatang kapatid niyang lalaki na sina Tunying at Marco. Naghahanda na sila noon para sa hapunan nang dumating ang kanilang ama at Kuya Gil na kagagaling lang ng talyer. “O, bakit tahimik kayo?” tanong ng kanilang ama. Saglit itong naghugas ng kamay dahil nakapagpalit na ng damit sa opisina nila sa machine shop katulad ng Kuya Gil nila. “Ano na naman ang pinagtatalunan ninyo?”   “Natalo kasi ang Purefoods, eh,” nakasimangot na sagot ng twentytwo years old na si Tunying. Masama pa rin ang tingin nito sa bunso nila. “Hindi kasi naipasok ni James Yap `yong isa sa last free throws niya,” dugtong naman ng twenty years old na si Marco. Gaya rin ng ekspresyon ni Tunying ang ekspresyon nito kay Rusty. “Dahil may problema raw sina James at Kris,” aniya. “O,” singit ng Kuya Gil nila pagupo sa hapag   kainan, “hindi ba’t totoo naman iyon? Ano na ngàyong pangalan n’ong babaeng nakarelasyon daw ni James? Hope, `di ba?” Diringdiring binalingan nila ang pinakamatanda sa kanilang magkakapatid. “Kuya,” reklamo na niya, “ano ba naman kasi iyang pinapanood ninyo ni Rustico? Startalk? Parang gusto ko kayong itakwil na dalawa.” “Kapamilya kami,” singit ni Rusty. “The Buzz naman.”   “Ate, sige na, itakwil na natin sila,” udyok nina Marco at Tunying. “Hindi matanggap ng pagkatao kong may kadugo tayong—argh!” “Ang arte n’yo naman,” ani Rusty uli. “Para kayong the anothers.” Hindi na siya nakatiis. Binatukan na niya ito. “Lalaki ka ba talaga o ano?” “Ano.” Hindi na rin yata nakayanan nina Tunying at Marco ang mga hirit ng panganay nila kaya   kinuyog na talaga nila ito. Siya man ay humirit ng isang kutos. Natahimik lang sila nang magsalita na ang kanilang ama. “Tama na iyan. Nasa harap tayo ng grasya ng Diyos. Siyanga pala, Alexi, nakausap ko si Mr. Imperial sa telepono kanina. Maayos na raw ang lagay ni Jonathan. `Yong inupakan mo kanina.” Doon lang tila nagkasundosundo ang kanyang mga kapatid, sabaysabay na nagtawanan. “Okay ka pala talaga sa martial arts, sis. Kapag   naging presidente na ako ng Pilipinas, tatanggalin ko ang Presidential Security Group at ikaw na lang ang gagawin kong bodyguard. Siguradong kahit Abu Sayyaf, manginginig sa iyo.” “Oo nga, Ate. Naikuwento sa amin ng mga tauhan natin sa talyer `yong ginawa mong stunt do’n sa anak ng bagong kaibigan ni Tatay. Sayang, hindi ko iyon nakita.” Parepareho pa kasing nagaaral ang tatlong nakababatang kapatid niya. Si Tunying ay nasa   huling taon sa Advertising, si Marco ay third year Nursing student at first year naman sa Journalism si Rusty. “Dapat pala, magpakabit tayo ng mga camera sa talyer. Para kunwari, nasa Big Brother house tayo.” “At lahat ng adventures ni Ate, kuha sa camera. Maibebenta ko iyon sa America’s Funniest Home Videos!” “Kayo, natsansingan na nga ako at lahat, puro   kalokohan pa ang iniisip ninyo. Kayo kaya ang ipakilo ko at ibenta?” Binalingan niya ang kanyang ama. “`Tay, buhay pa ba ang lalaking iyon? Iba na talaga ang masamang damo. Napakahirap talaga nilang bunutin sa lupa.” “Ate, ang lalim n’on, ah,” singit ni Rusty. “Hindi ko mareach. So deep.” “Gusto mong sumunod sa mga yapak ng lalaking ibinalibag ko sa talyer kanina?” “May talent fee ba iyon?”   “Bakit, may talent ka ba?” “Meron. Hidden pa nga lang. Kaya nga mas mahal ang talent fee ko, eh. Kasi, undiscovered pa—” “Rustico, puwede bang tumahimik ka muna sandali? Bigyan mo ako ng kahit kaunting moment na para lang sa akin. Puwede?” Tumango lang ito, saka ipinagpatuloy ang pagkain. Nilingon uli niya ang kanyang ama. “Wala ba kayong masamang balita tungkol sa   lalaking iyon na maibabahagi sa akin, `Tay? `Yong ikatutuwa ko naman.” “Humingi ka ng paumanhin sa kanya.” “Ah, `Tay, iyan naman ang hindi pupuwede. Natsansingan na nga niya ako, hihingi pa ako ng paumanhin sa kanya? Ano ako, bale?” “Oo nga naman, `Tay,” segunda ng Kuya Gil niya. “Dapat, magpasalamat itong si Alexi.” Nagtawanan na naman ang mga nakababata nilang kapatid. “Mabuti nga at may nagkainteres   na ring manantsing dito sa koboy nating prinsesa.” “Kuya, bakit ganyan ka?” “Matagal na akong ganito. At saka mabuti na nga ang mga nangyari sa iyo kanina. Sa wakas ay may nakayanig din sa iyo.” Her brother looked up at her from his food. “No offense meant, sis. Pero talaga nga naman kasing mukha kang lalaki sa hitsura mo. Kaya dapat na magpasalamat ka sa kanya at kahit paano ay may naging reaksiyon ka na rin tungkol sa pagkababae mo nang   matsansingan ka niya nang hindi sinasadya.” “Tama ang kuya mo,” pagsangayon ng kanyang ama na tinanguan ng tatlong kapatid niya. “Kaya kung ayaw mong maulit ang mga nangyari sa iyo kanina, mabuti pang bitiwan mo na ang mga liyabe at magumpisa ka nang harapin ang mga gawaingbahay.” “Kung ang pagiging katulong lang sa bahay ang magiging papel ko kung sakaling balikan ko ang pagiging babae ko, huwag na, `no!”   Ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain. “I’m not cut out for that kind of stuff.” “Paano ka makakapagasawa niyan, Ate?” tanong ni Tunying. “Oo nga, Ate. Nagkaroon pa naman kami ng agreement na hindinghindi kami magkaka girlfriend hangga’t hindi ka nagkakaroon ng boyfriend.” Ngumisi lang siya kay Marco. Alam kasi niya ang tungkol sa panata na iyon ng mga kapatid   niya. “Problema n’yo na iyon.” “Pero napagkakamalan na akong bading ng mga kabarkada ko dahil kahit kailan daw ay hindi pa ako nagkakagirlfriend!” “Problema mo na rin lang iyon, Antonio.” “Basta, Alexi, huwag mong kalilimutang humingi ng paumanhin sa anak ni Mr. Imperial,” wika ng kanilang ama sa tila napapagod na boses. “Hindi niya sinasadya ang nangyari kanina at nasaktan mo siya.”   “Eh, di quits lang kami. Kaya hindi ko na kailangang—” “Alexi.” “`Tay, kaibigan ninyo si Mr. Imperial, `di ba?” tanong ni Rusty. “Ipaset up na lang kaya ninyo ng date si Ate sa anak niyang manyakis? Sabi nina Caloy, guwaping daw iyon, eh. Puwede na siyang pandagdag sa lahi natin.” “Ewan ko sa inyo.. ” Noon lang niya napansin ang tila pamumutla ng kanilang ama. “O, `Tay,   okay lang ba kayo?” Tumango lang ito. Ngunit kahit ang simpleng pagtango at pagngiti sa kanya ay tila pinaghihirapan nito. Something was wrong with their father. “Gusto ni Tatay na magasawa ka na, Alexi. Para manahimik na rin kaming lahat dito.” Nakasimangot na sinagot niya ito. “Hindi ako pumapatol sa kabaro ko.” Nagtawanan lang ang mga kapatid niya.   Minsan talaga, nakakayamot na ang maging nag iisang kapatid na babae ng mga ito. “Pero kahit boyfriend lang, Ate, puwede na iyon,” wika ni Marco. “Parang awa mo na, Ate, hayaan mo na kaming magkagirlfriend.” “Magtiis kayo. Parusa iyan sa inyo.” “Kapag namatay si Tatay nang hindi natutupad ang isa sa mga kahilingan niya na makapag asawa ka, hindinghindi matatahimik ang kaluluwa niya. Hindi ba, `Tay?”   Ngunit hindi na nakasagot pa ang kanilang ama dahil nawalan na ito ng malay at bumagsak sa sahig.  TULOG na tulog ang ama nina Alexi sa kama. Nakapaligid silang magkakapatid dito habang kausap ng Kuya Gil nila ang doktor. “There’s nothing to worry about. Stressrelated lang ang dahilan kung bakit nagcollapse ang inyong ama. Sobrang pagod. So I suggest a   complete bed rest for him. He’s not getting any younger, that’s why he better take care of his body, especially his heart. Kailangan niyang iwasan ang sobrang pagiisip dahil malaki talaga ang epekto niyon sa kondisyon ng kanyang puso. Masyado nang matagal ang sitwasyon niyang ito at kapag nagpatuloy pa, I’m afraid his heart might give in.” “May sakit ho ba sa puso si Tatay?” tanong niya.   “Wala naman. But if his lifestyle right now continues, there is a possibility of a heart attack in the future.” Natahimik silang magkakapatid. Lahat sila ay halatang guilty dahil hindi nila namalayan ang kondisyong iyon ng kanilang ama. Masyado kasi silang naabsorb sa kanyakanyang buhay na hindi na nila nabibigyan ng pansin ang kanilang ama. Kasi naman, Superman ang pagkakakilala nila sa kanilang ama. Ito ang magisang bumuhay   sa kanilang lima mula nang mamatay ang kanilang ina sampung taon na ang nakalilipas. Their father never showed any sign of weakness. Kaya naman kampante sila sa kanilang mga buhay. Pero ngayong nangyari iyon, siguradong malaki na ang magiging pagbabago sa bawat isa sa kanila. Tahimik pa rin sila nang iwan sila ng doktor. Napabuntonghininga na lang si Alexi. “Ako yata ang malaking dahilan kung bakit   nangyari ito kay Tatay. Dahil sa pagpipilit kong maging lalaki.” “Huwag mong sisihin ang sarili mo, Alexi.” “Pero, Kuya, talaga naman, `di ba?” Naramdaman niya ang pagiinit ng mga sulok ng mga mata ngunit pinigilan niyang umiyak sa harap ng kanyang mga kapatid. “Lagi niya akong ipinagmamalaki noon na nagiisa niyang prinsesa. Ang spitting image ni Nanay. Kaso, imbes na magpakadalaga ako gaya ng gusto niya, naging   ganito ako. Pero naman kasi, hindi ko naman alam na masyado na pala niya iyong sineseryoso. Kung alam ko lang sana—” “Alexi. .” anang boses ng kanilang ama. Nagising na pala ito. At base sa nakikita niyang ekspresyon sa mukha ng ama, narinig nito ang mga sinabi niya. “Wala kang kasalanan. Ang totoo, ako pa nga ang dapat humingi ng tawad sa iyo.” “`Tay, ano naman ang kasalanan ninyo? Santo   kayo para sa amin. Wala kayong kahit isang kasalanan sa amin.” Saglit na natahimik ito bago muling nagsalita sa mahinang boses. “Nakipagpustahan ako kay Mr. Imperial.” “Ha?” sabaysabay na wika nilang magkakapatid. “Kalahati ng negosyo natin ang mapupunta sa kanya kapag hindi ka natutong kumilos at manamit nang tama sa loob ng dalawang linggo.”   “Tama?” “Tamang ayos ng isang dalagang Pilipina.” Hindi siya makapaniwala sa narinig. “Ipinusta ninyo ang kalahati ng kabuhayan natin para lang doon? `Tay, naman.” Nagbibiro lang siguro ang kanilang ama. Para kasing isang napakalaking kalokohan ang lahat ng iyon. Inakala pa naman nila na magkaibigan ito at si Mr. Imperial dahil mukha namang magkasundo ang dalawa nang makita nila   kahapon na naguusap sa talyer. Iyon pala, may malaking pustahan na ang mga ito. “At mababawi lang natin ang talyer kung magkakaroon ng kasintahan ang lalaki niyang anak na tatagal nang dalawang buwan. Inaabot lang daw kasi nang isang buwan o mas mababa pa ang mga relasyon ng anak niya. Bukod sa negosyo natin, makukuha rin natin ang kalahati ng kompanya ni Mr. Imperial oras na manalo ako sa pustahan.”   “Pero, `Tay, obvious naman na isa lang malaking biruan `yong napagusapan ninyo, `di ba?” wika ni Tunying. “How could anyone bet on something as stupid as that?” Yumuko na lang ang kanilang ama. “Oo nga. Pasensiya na, anak.” Pinandilatan niya si Tunying bago binalingan ang kanilang ama. “So, ang kailangan ko lang gawin para hindi mawala sa atin ang kalahati ng talyer ay ang matutuhang magdamit at kumilos   nang parang isang dalaga within two weeks. . at siguruhing isa lang ang magiging girlfriend ng anak niya sa loob ng dalawang buwan?” “Alexi, hindi mo kailangang gawin iyon—” “Wala iyon, `Tay. Kayangkaya ko iyon. Madali lang naman pala. Sisiw lang sa akin iyon.” “You don’t even know how to comb your hair, sis.” Mabilis na isinuklay niya ang mga daliri sa kanyang buhok. “O, ano ang mahirap doon?   Don’t worry, my precious family. Hindinghindi ako papayag na mawala sa atin ang kahit isang gramo ng alikabok sa talyer natin. Dress and skirts bàkamo? Sus! Wala iyon. Yakangyaka ko iyon!” Hinalikan niya sa pisngi ang kanilang ama na kahit paano ay kakikitaan na ng sigla ang mga mata. “Magpahinga lang kayo rito, `Tay. Ako’ng bahala sa lahat.” “Hija, pasensiya ka na talaga sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit basta na lang ako   nakipagpustahan ng ganoon kay Mr. Imperial.” Siya, alam niya kung bakit. Her father longed for his precious little girl to finally show up again, the way she was when her mother was still alive. “Wala iyon, `Tay. Basta magpagaling lang kayo nang husto rito, ha?” Sabaysabay silang napalingon sa pinto nang may kumatok doon. Hindi inakala ni Alexi na makikita niya roon ang isa sa mga dahilan ng problema nilang maganak ngayon. Si Jonathan   Imperial. Pero kung noon ay maykayabangan ang dating ng guwapong mukha ng lalaki, ngayon ay seryoso na ito at tila ba punungpuno ng pagaalala. “I’m sorry to barge in here,” hinging paumanhin nito. “Nakabukas kasi ang pinto ng kuwarto at nakita ko nga kayo rito.” Dumako ang tingin nito sa kanyang ama. “Kumusta ho?” “Ayos lang, hijo. Medyo nagkaroon lang ng kaunting aberya sa kalusugan ko. Kumusta na   nga pala ang tatay mo?” “Nagpapahinga na ho siya sa kuwarto niya sa kabila.” “Kuwarto?” “Isinugod namin siya rito kahapon ng hapon dahil nananakit daw ang dibdib niya.” “Nanakit ang dibdib ng papa mo?” “But he’s fine now. Napagod lang daw siya nang husto kaya nakaramdam siya ng gano’n.” Noon lang nabaling sa kanya ang atensiyon ni   Jonathan. “Can we talk?”  

 

CHAPTER THREE 

NAKARATING sina Alexi at Jonathan sa cafeteria ng ospital. Ilang minuto na silang naroon ngunit hanggang sa mga sandaling iyon ay tahimik pa rin silang nagtititigan lang. At gaya ng unang beses na mapagmasdan niya ang mukha ni Jonathan, pareho pa rin ang deskripsiyon niya roon. He was handsome, all right. Maganda ang mga   mata nito, tila may natural na eyeliner. Matangos din ang ilong nito at napakaganda ng korte ng mga labi. Lalo pang naemphasize ang guwapong mukha nito dahil sa mahabang buhok. Kahit ang pagdadala ng amerikana na tila wala naman itong pakialam kung lukot man iyon ay hindi nakabawas sa malakas na dating nito. Obviously, si Jonathan ang tipo ng taong hindi mababalewala kapag napunta sa isang malaking pagtitipon. He would always stand out in a crowd   not only because of his overrated good looks but because of his overwhelming presence as well. He could command attention without effort. Pasimpleng sinilip niya ang sapatos nito. Suot pa rin ng lalaki ang sneakers nito. “Do you have problems with my shoes?” tanong nito. “Wala,” palusot niya. “Nababaduyan lang ako sa iyo. Nakaformal ka, `tapos nakasneakers.” “‘Personal style’ ang tawag diyan.”   “Baduy ang personal style mo.” That was a lie. Kayangkaya naman kasi nitong dalhin ang sneakers kahit nakaformal attire. Sinabi lang niyang baduy ito para makapangasar. “Hindi ganyan ang pananaw ng mga girlfriends ko.” Girlfriends talaga, with a capital S. “Wala sa mga naging girlfriends mo ang may taste. No wonder.” “You like my sneakers? Kaya ba pinagiinitan mo ito nang husto?”   “Ano naman ang gagawin ko riyan?” “Well, you know, since you’re also a guy and all, I thought—” “Nangaasar ka ba talaga?” pabulyaw na sabi niya. “Gusto mong lumipad uli sa ere gaya ng ginawa ko sa iyo no’ng una? Sabihin mo lang at madali akong kausap.” “Okay, let’s just drop this subject. Hindi ito ang dahilan kung bakit niyaya kita rito.” Natahimik na rin si Alexi. Ngunit hindi ibig   sabihin ay hahayaan uli niya itong magpatutsada sa kanya. Handa pa rin siyang mambali ng buto kapag naasar siya rito. Hindi siya natatakot gawin iyon dahil nasa ospital naman sila. The doctors there could take care of her mess after she’d finished with this guy. “Magpakilala na muna tayo sa isa’t isa dahil mahirap ang magusap nang hindi natin alam ang pangalan ng isa’t isa. I’m Jonathan.” Inilahad nito ang kamay. “And you are.. ?”   “Alexi,” sagot niya. Tinapik lang niya ang kamay nito. “Ano ba ang sasabihin mo? Pakibilisan lang at meron din akong gustong sabihin.” Tiningnan lang ni Jonathan ang kamay nito, saka nagkibitbalikat. “I want to discuss about our fathers. Hindi ko alam kung alam mong nagkaroon sila ng some sort of bet ng tatay mo. Sa tingin ko, isang malaking kalokohan lang iyon. Pero nang maapektuhan ang kalusugan ng papa   ko dahil sa sobrang pagiisip sa bagay na iyon, hindi ko naiwasang magalala kahit pa sinabi ng doktor na stressrelated lang ang dahilan ng pananakit ng dibdib niya kagabi.” “Go straight to the point.” “He wants me to make you a real woman in every sense of the word. Iyon ang ipinusta niya. He got worried that he might lose half of the company for it that his heart gave in. Matagal nang may problema sa puso si Papa at ngayon   lang iyon lumala nang husto.” Bumuntong hininga ito at hinilot ang pagitan ng mga mata. “It was just a stupid bet between two old men. Pero kung ganito ang hatid nito sa sarili kong ama, seseryosuhin ko ito.” Nawala ang anumang bahid ng kalokohan o pangaasar sa guwapong mukha nito nang balingan siya. Tila ba hinahamon siyang kontrahin ang mga sinabi nito. “Pareho lang naman pala tayo ng iniisip,” wika   niya. Halata sa hitsura ni Jonathan ang pagtataka. “Nasabi na rin sa amin ni Tatay ang tungkol sa pustahan nilang iyon ng tatay mo. At wala rin akong balak na balewalain iyon dahil iyon din mismo ang dahilan kung bakit nandito ngayon sa ospital ang tatay namin.” “Kung gano’n, nagconfess na rin pala sa iyo ang father mo.” “Hindi natatagalan ng tatay ko ang maglihim sa amin.”   Saglit na hindi sila nagimikan. Tinantiya niya ang pagkatao ni Jonathan. Hindi pa rin niya gusto ang lalaki dahil sa mga ipinakita nito sa kanya nang unang beses silang magkaengkuwentro. Ngunit batid din niyang wala rin siyang ibang makakatulong na malutas ang problema ng kanyang ama kundi ito. Tinitigan niya si Jonathan. “Ayokong mawala sa amin ang tatay ko. Masyado pa siyang bata para mamatay nang dahil lang sa isang simpleng   pustahan.” Kapag tumawa ito, hindi siya mangingiming manipa. Pero mabuti na lang at hindi na niya kailangan pang gawin iyon. Sineryoso naman kasi nito ang sinabi niya. “Ayoko ring may mangyaring hindi maganda sa papa ko. Ako lang naman ang dahilan ng problema niyang iyon kaya gusto kong bumawi. So.. gusto mo bang makipag compromise?” “What are the terms?”   “Ano ba ang ipinusta ng tatay mo?” “Kalahati ng negosyo namin ang mapupunta sa inyo kung hindi ako matututong kumilos at manamit na akma sa mga gaya kong dalaga.” “Ako, kailangan kong magkaroon ng steady girlfriend sa loob ng dalawang buwan.” Hinawi nito ang mahabang buhok sa pamamagitan ng mga daliri. “This presents a huge problem for me. Ayoko ng steady girlfriend.” “Hindi rin ako kumportable sa mga damit   pambabae.” “Well, then. . how about this? Ikaw ang magpapatunay na may steady girlfriend na ako sa papa ko at ako naman ang bahala sa makeover mo. Marami akong kakilalang socialites na makakatulong sa pagbabago mo.” “Magiging sosyalera din ako?” “At siguradong magugustuhan iyon ng tatay mo. Anyway, kung ayaw mo talagang magbago nang tuluyan, kailangan mo lang magtiis na   nakapalda at nakaheels sa loob ng dalawang buwan.” “Bakit ang tagal? Ang alam ko, isang buwan lang ang ibinigay na palugit ng tatay mo sa tatay ko para magbago ako.” “Dalawang buwan ang ibinigay na palugit sa akin ng tatay mo para manatiling may iisang steady girlfriend. Tutulungan kita kaya dapat lang na tulungan mo rin ako hanggang sa huling sandali. That’s the way businessmen work.”   “Ang sabihin mo, ayaw mo lang magulangan.” Dinampot niya ang canned drinks na nabili niya kanina. Ngayong maayos na ang magiging takbo ng lahat, napanatag na rin siya kahit paano. “Bakit nga pala ayaw mong magkaroon ng steady girlfriend?” “Bakit ka nagpasex change?” Napahigpit ang pagkakahawak niya sa iniinom habang pilit na kinakalma ang sarili. Nakalimutan niyang maaaring nagkasundo sila sa bagay na   may kinalaman sa kanilang mga ama, ngunit hindi ibig sabihin niyon ay magiging kumportable na rin sila sa isa’t isa. For one thing, ayaw niya sa mga gaya ni Jonathan na hambog at malakas mangasar. Siya lang ang may karapatang magkaroon ng ganoong personality. “Baka kasi kaya hindi ka pa nagaasawa hanggang ngayon ay dahil lalaki talaga ang type mo.” He leaned over their table and looked her in the   eye. “Kaya nga siguro type kita.” Nawala na nang tuluyan ang pagaalala sa mukha ni Jonathan at ngayon ay nasaksihan niya kung bakit ito binansagang “playboy.” When the side of his lips curved into a smile and mischief danced in his sexy eyes, anyone in their right mind would melt into him. Kahit siya ay muntik na ring mabiktima ng pangaakit nitong iyon. Mabuti na lamang at nasa mga kamay pa rin niya ang canned cola at napanatili niya ang katinuan.   Isinalpak niya ang canned cola sa mukha nito. “Tigilan mo ako niyang pagpapacute mo. Hindi kita type.” Nagulat siya nang hawakan siya nito sa braso. “Ako na lang kaya ang kikilos para gawin kang tunay na babae? I know the easiest way.” “Hindi ako pumapatol sa bakla.” Sinubukan niyang bawiin ang braso ngunit hindi siya nito pinakawalan. “Pakibitiwan po ang kamay ko, puwede?”   “Sandali lang, Alexi. Medyo hindi ko nagustuhan ang narinig ko kanina. Pakiulit nga.” Alam niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Sige, patagalan na lang sila. “Hindi ako pumapatol sa bakla.” Tumayo na siya upang bumalik na sa silid ng kanyang ama. “Ah, bakla pala, ha. Halika rito.” Huli na para maisip niyang hawak pa rin pala ni Jonathan ang braso niya. Nahila na siya ng binata paupo sa kandungan nito. Saglit na   nawalan siya ng lakas nang mapatitig siya sa mukha nito at maramdaman ang matatag nitong katawan. As she looked up at him, she felt something warm enveloped her heart and made her see the arrogant playboy in a very different, but totally hot, way. She knew he was handsome. But from this angle, while his arms were wrapped securely around her as he gazed down at her with those sexy eyes of his, he looked even more handsome that she never knew possible for a guy   like him. Inilapit pa nito lalo ang mukha sa kanya. “Ngayon mo malalaman kung bakit hindi mo dapat sinasabihan ng bakla ang mga heartthrob na gaya ko.” Sa unang pagkakataon ay nilamon ng kakaibang kaba ang napakakalmadong puso niya nang makita ang untiunting pagbaba ng guwapong mukha ni Jonathan sa kanya. He was going to kiss her! Panic rushed through her veins.   Kaya wala sa loob na naibuhos niya ang laman ng hawak pa ring canned cola sa likod nito. “Aaahh!” Nang maramdaman niya ang pagluwag ng pagkakahawak ni Jonathan sa kanya ay mabilis na lumayo siya rito. Sa wakas ay nakakawala rin siya. Subalit nanatiling napakalakas ng tibok ng kanyang puso. Kaya ipinasya niyang tuluyang lumayo rito dahil hindi niya nagustuhan ang kakaibang reaksiyon niyang iyon sa lalaki. Pero   hindi pa rin niya naiwasang gumanti bago umalis kaya nanggigigil na binatukan niya ito. Iyon nga lang, nahuli na naman nito ang braso niya. “Akala mo ba, bastabasta ka na lang makakakawala pagkatapos mo akong insultuhin? Kahit lalaki ka, papatulan kita. I won’t let anyone insult me that way.” Nang hilahin uli siya ni Jonathan ay nakapaghanda na siya kaya hindi na siya natumba pa sa kandungan nito. Napatitig ito sa   kanya. He was still sitting on his seat so now he was the one looking up at her. Sa kabila ng magulong tibok ng kanyang puso habang patuloy na pinagmamasdan ang guwapong mukha ng binata ay nagawa pa rin niyang salubungin ang mga mata nito. “You know I can easily hurt you, Jonathan.” Tinangka niyang hilahin ang braso ngunit hindi pa rin siya nito pinakawalan. Kaya pumorma na siya bilang paghahanda na tuluyang makakawala   rito. But before she could do her move, Jonathan suddenly released her arm and moved swiftly in front of her, capturing her face in his hands at the same time. Nakangiting tumangotango ito. “Na ah. Para sabihin ko sa iyo, hindi lang ikaw ang nakapagaral ng martial arts, Alexi. Nagulat lang ako no’ng una kaya mo ako basta na lang naibalibag. Pero sa pagkakataong ito, nakapaghanda na ako.”   Lalong dumagundong ang kaba sa kanyang dibdib. Kailangan niyang makakawala. Ngunit sa sitwasyon nila ngayon, nagawa na ni Jonathan na pigilan ang kanyang mga kamay at mga paa kaya hindi na siya makagalaw para masipa o masuntok ito. Isa na lang ang paraan na alam niya. Hinawakan din niya ang magkabilang pisngi ng binata at iniumang dito ang kanyang mga labi. “Hahalikan mo ako? Eh, di halikan mo. Sige, halikan mo na ako. Akala mo siguro, matatakot   ako. Halik lang iyan, `no. Hindi ako mamamatay riyan. O, sige na. Ano pa’ng hinihintay mo?” Kitangkita niya ang pagkabigla sa mukha ni Jonathan. Marahil ay hindi nito naasahan ang gagawin niya. But then again, hindi rin naman ito ang tipo ng taong umaatras sa isang hamon kaya naman hindi pa rin mapakali ang puso niya nang ilapit nito ang mukha sa kanya. Hindi siya pumikit. Halos mabingi na siya sa lakas ng tibok ng kanyang puso.   Shit! Umatras ka na, umatras ka na, umatras ka na! “Hoy, bawal ang magtukaan dito sa ospital.” Sabay silang napalingon sa nagsalita mula sa kabilang mesa. Noon lang din nila napansin na halos lahat na ng taong nasa cafeteria ay nakatingin sa kanila. Nakaramdam si Alexi ng hiya. Tila si Jonathan man ay ganoon din ang reaksiyon dahil halos sabay na padaskol na pinakawalan nila ang mukha ng isa’t isa. Tumatahip pa rin ang kanyang dibdib sa   katatapos lang na eksena habang nagtatagisan sila ng titig ng binata. Ngayon ay malinaw na sa kanilang dalawa na walang sino man sa kanila ang umaatras sa ano mang hamon. May isa lang siyang problema. Bakit may iba yatang damdaming hindi dapat nasisingit sa battle of wills nilang iyon ni Jonathan? Delikado iyon. “Jonathan!” Isang unipormadong nurse ang nakangiting lumapit sa binata at umangkla sa   braso nito. “Ano’ng ginagawa mo rito sa ospital? Hindi ba’t ang sabi mo ay hindi mo ako pupuntahan dito dahil ayaw mo akong ma distract sa trabaho ko?” “Ah. .” Nakaisip si Alexi ng ideya upang makaungos sa binata. Hah! Lagot ito sa kanya! “Ikaw yata ang dinadalaw niya rito, Miss. Ang sweet ng boyfriend mo, ah.” Pinandilatan siya ni Jonathan ngunit hindi niya ito pinansin. Nakahalata yata ito   sa balak niya. Hindi siya nagpasindak. “Kung ako sa iyo, Miss, huwag mo nang hayaang makakawala siya sa iyo. Bagay kayo.” “Talaga?” Namumula na ang mga pisngi ng nurse. “Jonathan, narinig mo ba iyon? Sabi niya— ” “Ang totoo niyan, Karen. .” sansala ng binata sa sasabihin pa nng nurse. “Talagang sinadya kita rito dahil gusto kong ipaalam sa iyo na hindi na tayo puwede pang magkita. I’m sorry. Pero   matagal mo nang alam ang tungkol sa arranged marriage na ginawa ng pamilya ko para sa akin, hindi ba?” “Bbut, Jonathan—” “I’m here with my fiancée. Dinalaw namin si Papa dahil isinugod siya rito noong nakaraang araw.” “Kkasama mo ang fiancée. . mo?” Kinuskos ni Alexi ang nangangating tungki ng kanyang ilong. Wala talaga siyang amor sa   kadramahan ng mga tao sa buhay. Lalo na sa drama ng dalawang ito. Mabuti pang maghanap na lang siya ng makakain at madalhan ang mga kapatid niyang nagbabantay sa kanilang ama. Ngunit nakakaisang hakbang pa lang siya ay bigla na lang uli siyang hinila ni Jonathan sa braso. “Ito nga pala ang fiancée ko. Si Alexi.” What?! Marahas na binawi niya ang braso. “Anong fiancée? Lalaki ako, `no. Kaya paano ako magpapakasal sa iyo? Nababaliw ka na.”   “Ano ba talaga ito, Jonathan? Magpapakasal ka sa isang. . homosexual?” Naningkit ang kanyang mga mata nang balingan ang mahaderang nurse. “Anong homosexual? Sapakin kaya kita riyan, ha? Ha?” Lalong hindi niya inasahan ang sumunod na gagawin ni Jonathan. Bigla na lang siya nitong inakbayan nang mahigpit. “She’s a bit sick,” natatawang wika nito sa naguguluhang nurse. “Kaya nga hindi ko rin siya   puwedeng pabayaan. I need to be with her twentyfour hours a day, every day of the week. Para maalagaan ko siya nang maigi.” Tiningnan siya nito. “`Di ba, hon?” Asar na tiningnan niya si Jonathan. Gumaganti ang lalaki sa paglalagay niya rito sa alanganin kanina nang sabihin niyang dapat pakasalan nito ang nurse. “Honeyhin mo’ng mukha mo,” aniya, saka siniko ito sa tagiliran. Nang sa wakas ay   makakawala siya ay binatukan niya ito nang malakas. “Siraulo. . ikaw ang siraulo!” Hindi pa man siya nakakalabas ng cafeteria nang tuluyan ay narinig uli niya si Jonathan na nagsalita. “See what I mean, Karen? Kaya hindi ko talaga siya puwedeng iwan. Sige, mauuna na ako sa iyo. Sasamahan ko pa siya sa doktor niya. I really hope you understand.” “Oo, naiintindihan ko. Alagaan mo siyang   mabuti.” Nilingon uli niya ang dalawa at sumigaw, “Hindi nga ako baliw, eh!” “Alexi, honey!” “Heh!”  

 

CHAPTER FOUR 

ABALA na naman si Alexi sa ilalim ng inaayos na sasakyan. Nagpapahinga kasi ang kanilang ama kaya doble na ngayon ang trabaho nila ng Kuya Gil niya. She extended a hand towards Caloy who was assisting her with the tools she needed. “Liyabe,” wika niyang hindi tumitingin sa kapatid. Ngunit sa halip na ang matigas at malamig na   gamit sa pagkukumpuni ng sasakyan ang mahawakan niya, mainit at malambot na kamay ng kung sino ang mahigpit na kumapit sa kamay niya. Nang bumaling siya, ang nakangiting mukha ni Jonathan ang nakita niyang nakasilip sa kanya sa ilalim ng sasakyan. “Hi,” bati nito. “Ano’ng ginagawa mo rito?” “Dinadalaw ka.” “Huwag kang magpatawa.” Sinubukan niyang   bawiin ang kamay ngunit gaya ng dati, tuwing nahahawakan siya ni Jonathan ay hindi siya pinakakawalan agad. “Bitiwan mo ang kamay ko dahil istorbo ka sa pagtatrabaho ko.” “May kailangan akong idiscuss sa iyo. Lumabas ka muna riyan.” “Mamaya na tayo magusap pagkatapos kong magtraba—” She was out from under the car in a minute. Walang kahiraphirap kasing hinila siya nito   palabas doon. Napilitan na rin tuloy siyang tumayo upang harapin ito. “Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo—” “O.” Isang paper bag ang ibinigay nito sa kanya. “Maligo ka at isukat mo iyan.” Hindi niya nagustuhan ang tono ng pananalita nito. Kahit ang kanyang ama ay hindi siya basta nauutusan nang ganoon. Isa pa, hindi pa nakakahingi ng tawad sa kanya si Jonathan sa ginawa nitong panggagamit sa kanya nang   nagdaang araw para lang makaiwas sa isa sa mga babae nito. Humalukipkip siya nang hindi kinukuha ang paper bag. “Paano kung ayokong isukat `yan?” “Hahayaan mo bang madisappoint ang tatay mo?” “Si Tatay?” “May welcome home celebration mamaya sa bahay namin sa pagkakarelease ni Papa sa ospital. At inimbitahan niya ang pamilya ninyo.”   “Bakit?” Ganoon na ba kaclose ang kanilang mga ama sa isa’t isa para imbitahan pa sila sa isa sa mga espesyal na okasyong iyon ng pamilya nito? “Wala ako sa posisyon para sagutin iyan. Sinusunod ko lang ang gusto ng papa ko.” “Masyado naman yatang nakakapagtaka na kailan lang nagkakilala ang mga tatay natin pero kung umasta sila ngayon ay parang ipinagbubuntis pa lang sila, eh, magkakilala na   sila.” Kumunot ang noo ni Jonathan, tanda ng iritasyon at pagkainip. “Ang dami mo pang tanong. Basta sumunod ka lang. Ayaw mo ba n’on? Ito na ang pagkakataon mong ipakita sa tatay mo na magbabago ka na. Kapag nakita ka niyang suot ang damit na iyan, siguradong mababawasan ang pagaalala n’on sa pustahan nila.” Iyon ang nakapagpabago sa isip ni Alexi. Kung   ganoon ay nagumpisa na ang kasunduan nila ni Jonathan. Panahon na upang maging mabuting anak naman sila sa kanyakanyang ama. Kinuha niya ang paper bag at sinilip ang laman niyon. Isa lang ang napansin niyang kulay. Silky pink. Ibinalik niya iyon dito. “Ayoko niyan. Galit ako sa pink.” “It’s a sophisticated dress for a woman. At pinaghirapan ko pang itanong iyan sa mga ex ko. It’s a D&G so you might as well try it on first   before you throw it away.” “Wala akong pakialam kung A&W pa iyan o MYMP. Basta ayoko niyan. May sarili akong damit at hindi ko gusto ang ideya mo. Parang wala kang tiwala sa kakayahan kong makapili ng sarili kong isusuot.” “Sariling damit? At ano ang mga iyon?” “Basta damit.” Iginiit uli nito sa kanya ang paper bag. Halata ang iritasyon sa boses nito. “You’re a guy. Ano   naman ang alam mo sa pagpili ng tamang damit para sa mga babae?” Nangangati na ang kamao ni Alexi na suntukin ito sa panga. Habang tumatagal ay hindi na talaga niya nagugustuhan ang palaging pagtukoy nito sa kanya na isa nga siyang lalaki. Okay lang na pagkamalan siyang lalaki ng ibang tao. Pero pagdating kay Jonathan, parang gusto niyang saktan ito upang itama nito ang pagtingin sa kanya. Pinigilan na lang niya ang sariling gawin   iyon. Hindi magandang magaaway na naman sila habang nasa alanganin pa ang kalusugan ng kanilang mga ama. Saka na lang. Kapag magaling na ang mga magulang nila. Makakaganti rin ako sa kulugong ito. Isa pa, tama rin ito na wala siyang matinong damit pambabae sa kanyang closet. Kinuha na lang niya rito ang paper bag. “Magkano ba ito? Hindi kasi ako tumatanggap ng mga regalo mula sa mga manliligaw ko.”   “Hindi naman kita nililigawan. Kaya sige, bayaran mo iyan. Two hundred sixty thousand.” Muntik na siyang masamid sa presyong sinabi nito. “Ngayon, kung hindi mo naman kayang bayaran, isukat mo na iyan at nang mapalitan na kung sakaling hindi kasya sa iyo. Tigilan mo na iyang pagrereklamo mo at nakakainip nang makipagtalo.” “Two hundred sixty thousand?” hindi pa rin makapaniwalang bulong ni Alexi habang patungo   sa pribadong banyo sa loob ng opisina ng kanyang ama. “Para lang sa isang damit? Ano na ba ang nangyayari sa mundo natin ngayon?” “Bilisan mo na sabi riyan.” Nilingon niya si Jonathan. “Huwag mo akong utusan.” “Ang bagal mo kasi. Kung anoano pa ang iniisip mo. Marami pa tayong pupuntahan.” “Pupuntahan?” Namaywang ito. “Just put on that damn dress.   And then we’ll talk.” “Talagang may dapat tayong pagusapan.” In the meantime, nagtungo na lang siya sa banyo at isinuot ang damit. Isang maliit na salamin lang sa firstaid box doon ang may salamin kaya hindi niya alam kung ano ang hitsura ng bestida sa kanya. But the dress felt quite nice against her skin. Malambot kasi ang tela at madulas. Tamangtama lang din ang sukat niyon sa kanya. Hindi lang talaga niya maatim   ang kulay, although hindi naman pala iyon purong pink. Puwede na. Lumabas siya ng opisina at awtomatikong hinanap ng kanyang mga mata si Jonathan. Nakita niya itong nakikipagkuwentuhan sa kuya niya. Ngunit nabaling sa umpukan ng iba nilang tauhan ang kanyang atensiyon nang marinig ang mga ito na nagtawanan nang malakas. “Ano’ng nakakatawa?” Biglang natigil sa pagtawa ang mga tauhan   nila, ngunit halata pa rin ang pagpipigil na mapangiti. Ang mga unggoy! “Ang lakas ng loob ninyong pagtawanan ako. Bakit kayo, kaya ba ninyong magsuot ng ganito, ha?” Impit na nagtawanan na naman ang mga ito. Hindi na rin tuloy niya maiwasang tablan ng kahihiyan. Ito na nga ba ang dahilan kung bakit ayaw niyang subukan ang mga damitpambabae. No one would even give her a chance to be a girl   again. Pabalik na sana siya sa banyo upang magbihis na lang uli nang mapadako ang tingin niya sa direksiyon ni Jonathan. Palapit na ito sa kanya. Ito ang dahilan ng lahat ng kahihiyan niyang iyon ngayon. Kung hindi siya nito pinilit na magsuot ng lintik na damit na iyon, wala sanang magtatawa sa kanya. “Ano? Pagtatawanan mo rin ako?” salubong na tanong niya rito. “Sige, makisali ka sa kanila. At makikita mong—”   “Kasya ba sa iyo? Hindi masikip? Kumportable sa pakiramdam mo?” He reached out a hand to her exposed shoulder and straightened out the twisted strap of her dress. Sa maiksing sandaling iyon ay tila naglaho ang lahat ng kahihiyang inabot niya nang dahil sa damit na iyon. He was so gentle and his gesture so sweet she just forgot she hated this guy’s guts. Pagkatapos ay marahan ding idinampi nito ang hintuturo sa kanyang ilong at tila may kung   anong binura doon. “Maghilamos ka kasi para nagmumukha kang tao.” The magic was gone as she shoved his hand away. Paano ba kasi pumasok sa isip niyang maaaring nakikisimpatya ito sa kanya? Wala ngang puso at kaluluwa ito. Mas malupit pa ito sa nagpasabog ng Twin Towers sa Amerika. “Magpapalit na lang ako—” “Sandali. Ang ibig ko lang namang sabihin,   kung hindi mo hahayaang mangupahan sa mukha mo ang mga grasa at langis ay makikita kung gaano ka talaga kaganda.” Mula sa bulsa ng suot na pantalon ay kinuha nito ang isang panyo at ibinigay sa kanya. “Mahilig magpabaon ng panyo ang mama ko kahit hindi ako nagpapanyo. Kaya makakasiguro kang hindi ko pa ito nagagamit.” Pinilit ni Alexi ang sariling sumagot o kahit kumilos man lang. Pero tila tumanggi na ang   kanyang katawan na makipagcooperate sa isip niya at nanatili na lang siyang nakatitig kay Jonathan. Samantalang ang kanyang puso ay abalangabala sa malakas na pagtibok na hindi niya alam kung bakit. Hindi naman siya natatakot dito. Basta. “Alexi.” Napakurapkurap siya. Nakatulog na ba siya nang nakatayo sa harap nito? Ano na ba ang pinaguusapan nila? O may pinaguusapan ba   sila? Lalong nagulantang ang buong sistema niya nang ngumiti ito. Anak ng tipaklong! Pinanghihinaan yata siya ng mga tuhod sa ngiting iyon. Lumayo na agad siya rito bago pa kung anong kapalpakan ang gawin niya na magiging dahilan ng panibagong kahihiyan niya sa buhay. “Tama na iyan. Maghihilamos na ako.”  “WILMA, napatawag ka?” “What’s with you, Jonathan? Ayaw mo bang   marinig ang boses ko?” Napangiti na lang si Jonathan nang ilipat sa kabilang tainga ang cell phone. He turned the pages of the magazine on his lap as he sat on one of the loungers of the parlor they were in. Doon niya dinala si Alexi pagkagaling sa talyer upang ipaayos ang buhok nito. Sinabi niya sa manager ng naturang parlor na gawin ang lahat ng kailangang ayusin kay Alexi upang magmukha itong normal na babae. Ang akala nga niya ay   tututol na naman si Alexi. Mabuti naman at wala nang naging problema pa. “Of course I want to hear your voice, Wilma. In fact, it isn’t just your voice that I miss.” “Hmm, talaga? Kung talagang namimiss mo ako, bakit hindi mo ako tinatawagan? Baka naman kinalimutan mo na ako?” “Gano’n ba ang pagkakakilala mo sa akin?” “No.” Napakalambing na ng boses nito. And he really liked that in a woman. Iyon bang tipong   palaging nangaakit. “Nasaan ka ngayon? Magisa lang ako sa condo ko, samahan mo naman ako rito.” Bago pa siya makasagot ay narinig na niya ang malakas na hilik ni Alexi sa kanyang tabi. Natawa na lang siya nang makitang nakatulog na pala ito habang inaayos ng hairdresser ang buhok nito. Bahagya pa ngang nakaawang ang bibig nito at nakalaylay ang ulo. “Jonathan? Are you still there?”   “Yeah. .” Kumilos si Alexi at kinamot ang ilong. Napangiti siya. He really liked that cute little nose of her. Wala na ang ano mang bakas ng grasa sa mukha nito. Ngayon ay mas lumabas ang totoong hitsura nito. Makinis pa rin ang balat nito. Mabuti at hindi naa allergy sa mga langis at grasa ang balat nito. Balatkalabaw siguro. Idinampi niya ang hintuturo sa pisngi nito upang tanggalin ang tila dumi na natira doon. Ngunit nakalimutan niya   ang pakay nang maramdaman niya ang mainit nitong balat. Malambot iyon at makinis sa kanyang pakiramdam. Hindi tuloy niya naiwasang haplusin iyon ng daliri. Nang kumilos uli ito ay mabilis na binawi niya ang kamay. “Jonathan, where are you?” “Wilma, I’m sorry. But I don’t think makakapunta pa uli ako sa condo mo. Remember `yong sinabi ko sa iyo noon na ipinagkasundo ako ng mga magulang ko sa isang babae? Well, they’re   preparing the wedding now.” “What? Hindi ba’t matagal pa naman iyon? Sabi mo—” “I’m sorry.” “So, is this goodbye now?” “I guess so.. ” Sinenyasan niya sandali ang parlorista, saka niya inayos ang nakalaylay na ulo ni Alexi. “Wilma, I have to go. I’m really sorry. Pero alam mo ang sitwasyon ko nang pumayag kang makipagrelasyon sa akin, hindi ba?”   Saglit na natahimik ito sa kabilang linya. “I know. Kung gano’n, good luck sa iyo, Jonathan. Thanks for the beautiful memories. You’ve been so good to me and I really wish you to be happy.” Napabuntonghininga na lang siya nang itabi ang kanyang cell phone. Mabigat sa pakiramdam niya ang bawat pagtatapos niya sa isang relasyon. Siguro nga panahon na para magbago siya. “Sir, kailangan na naming gisingin si Ma’am. Lalagyan na ho kasi namin siya ng makeup.”   Humilik na naman nang malakas si Alexi. Natawa na naman siya. “Mamaya n’yo na lang siya lagyan ng makeup. Hayaan na lang muna natin siyang matulog.” “Kung gano’n, aayusin na lang ho namin ang mga kuko niya sa kamay at paa.” “Hindi ba siya masasaktan niyan?” Nakita kasi niya ang gagamitin ng mga ito sa paglilinis ng mga kuko ni Alexi. “Hindi ho, Sir,” natatawang sagot ng   manikurista. “Maingat naman ho kaming magtrabaho rito.” “Sige, kayo na ang bahala.” Pero hindi na niya binalikan ang pagbabasa ng business magazine na nadampot niya kanina. Na curious kasi siya sa kamay ni Alexi kaya hinawakan niya iyon. “Ang sabi nila, masisipag daw ang mga taong may magaspang na mga kamay,” aniya sa dalawang manikurista.   “Totoo ho iyon, Sir.” “Naniniwala rin ako.” Napadako naman ang tingin niya sa mga paa ni Alexi nang tanggalin ng manikurista ang sapatos nito upang hugasan. “Sa palagay mo, ano’ng size ng paa niya?” “Size six siguro siya, Sir.” “I see.” “Sir, alam n’yo bang malalaman din daw ang personality ng isang tao base sa size ng kanyang paa?” wika ng pinakamadaldal sa dalawang   manikurista. “Si Ma’am, size six. Maliit at kitang kita ang magandang korte. Ibig sabihin, Sir, may pagkapusongmamon siya. `Yon bang tipong madaling magtampo at mababaw ang mga luha.” “Si Alexi? Pusongmamon?” Naghilik uli ang dalaga. “Iyakin? Hindi yata totoòyan. Siya ang nagpapaiyak, iyon puwede pa.” Muli niyang inayos ang ulo ni Alexi. Isipin pa lang niyang matampuhin ang haragan na gaya nito ay natatawa na siya.   “Sir, mukhang mahal na mahal ninyo ang girlfriend n’yo, ah. Ang suwerte naman niya.” “Oo nga, Sir. Ang sweetsweet mo pang boyfriend. Ngayon lang kami nakakita ng lalaking tinabihan ang girlfriend niya habang nagpapaayos sa parlor. At magkaholding hands pa.” Kinikilig na nagbungisngisan ang dalawa. Siya naman ay noon lang napansin na kanina pa pala niya hawak ang kamay ni Alexi. Binitiwan agad   niya iyon. Nawiwili yata siya sa ginagawang paglapit dito. Kaya ibinalik na lang niya ang atensiyon sa pagbabasa ng magazine. Ngunit hindi na rin niya maintindihan iyon dahil sa naghihilik na si Alexi. Iilingiling na lang na napangiti siya. Nakakatawa talaga ang isang ito. Walang class pero balewala lang dito. Bago iyon sa kanya dahil ang lahat ng babaeng nakakasalamuha niya ay masyadong beauty conscious. Kaya hindi niya maintindihan ang way   of life ni Alexi. How could she not like exploring her feminine side? Sayang, maganda pa naman ito. Hindi rin masama ang korte ng katawan nito. Nakita niya iyon nang isukat nito ang damit na ibinigay niya kanina. So how come with a face and a body like that, tinatanggihan pa rin nitong magpakababae? Pero teka, ano nga ba ang pakialam niya? Kasama lang niya ito ngayon dahil may misyon sila para sa kanilang mga ama kaya hindi dapat kung anu   ano ang iniisip niya. “But she’s really pretty, I must admit,” bulong niya sa sarili. In fact, she could compete with the women he had come across with in every aspect of beauty. Kung sana ay matututo lang itong maging mahinhin. “Aray!” pasigaw na daing ni Alexi nang magising ito. Napaatras palayo ang dalawang manikurista nang ambahan nito ng kamao. “Ano   ba?! Masakit `yon, ha?” “Naku, Ma’am, sorry ho—” “Alexi.” He almost smiled when she turned to him. Her messedup hair had been transformed into wavy, chick curls that framed her small face and brought out the charming beauty in her. “Ikaw! Kasalanan mo ito, Jonathan! Kung hindi dahil sa iyo—” “Remember your father’s wish, Alexi.” Tumahimik agad ito at pasalampak na bumalik   sa kinauupuan. “Oo na, oo na.” Sinenyasan na niya ang mga nahintakutang manikurista na ituloy ang ginagawa. Marami pa talagang dapat matutuhan si Alexi bago tuluyang maging tunay na dalagang Pilipina. On the other hand, he might like helping her get through with it.  

 

CHAPTER FIVE 

IPINAGPAG ni Alexi ang mga kamay sa ere habang naglalakad sila ni Jonathan patungo sa susunod nilang destinasyon, ang boutiques ng mga sapatos. “Bakit ang init ng pakiramdam ng mga kamay ko? Ganito ba talaga ang nangyayari pagkatapos magpamanicure?” “Malay ko. Nagpapalinis lang ako ng mga kuko   pero hindi pa ako nakakapagpakulay kahit kailan.” “Gusto kong maghugas ng mga kamay.” “Mamaya na lang. Kailangan pa nating mamili ng mga damit mo.” “Marami na akong damit sa bahay.” “Hindi iyon pupuwede kung talagang balak mong magbagongbuhay na.” Pinansin na rin nito ang tsinelas niya. “And we need to find you a pair of shoes.”   “Pagsasapatusin mo ako? Eh, di wala rin silbi ang pagpapapedicure ko. Pinahirapan mo lang ako. May lihim ka talagang galit sa akin, ano?” He gave out a frustrated sigh. “We need a pair of shoes that will match your dress. Hindi naman puwedeng magtsinelas ka sa damit mong iyon.” “Ikaw nga, nakasneakers kahit nakaformal attire ka. Bakit ako hindi puwedeng magtsinelas?” “Dahil hindi talaga bagay. Huwag ka nang mangatwiran pa riyan.”   Hindi na lang niya sinagot pa ito at baka humaba lang ang usapan. “Halika na nga. Gusto ko nang ipakita sa mga timawang tauhan namin sa shop kung sino ang pinagtatawanan nila kanina. Hah! Humanda sila sa akin mamaya.” Lumingon si Jonathan sa kanya. Ngunit wala naman itong sinabi pa. Nagumpisa na naman tuloy siyang mailang kaya iniwan na lang niya ito at nauna na sa pagpasok sa unang boutique na nadaanan nila. Sinalubong agad siya ng mga   attendant doon. “Bigyan ninyo ako ng babagay na sapatos sa damit na A&W.” “D&G,” pagtatama ni Jonathan na nasa tabi na pala niya. “Give her a pair of shoes with heels an inch or two high.” “Hindi ba puwedeng magflats na lang?” “Ma’am, medyo maykaliitan ho kasi kayo kaya kailangan ninyo ng kahit mababang heels na sapatos.”   “Gano’n ba?” Lumayo uli siya kay Jonathan habang pinipilit na patayin ang kakaibang kaba na iyon sa kanyang dibdib. Hindi na kasi talaga maganda ang nangyayaring iyon sa kanya. Isinukat niya ang unang sapatos. Mataas ang takong niyon pero isinuot pa rin niya. Magaling ang kanyang balanse dahil sa mga naging training niya sa martial arts kaya hindi magiging problema sa kanya ang pagbabalanse sa matataas na sapatos.   “O, ha. Ayos ba?” nagmamalaking baling niya sa nagmamasid lang na binata. “Ilakad mo para malaman natin kung magiging kumportable ka riyan.” Naglakad naman siya. Napangiwi si Jonathan. Impit namang nagtawanan ang mga attendant na naroon. Tinalikuran niya ang mga ito at sinubukang maglakad uli. Batid niyang ang maangas na paglalakad niya ang pinagtatawanan ng mga ito sa kanya. Pati ang buwisit na Jonathan   na iyon, nakikisali pa. Nakakainis talaga! “Just walk straight and don’t slouch your shoulders.” Boses iyon ni Jonathan na malapit lang sa kanyang tainga. “Huwag mo rin masyadong ibend ang mga tuhod mo.” Nagrigodon ang puso niya. She bit her lower lip and tried concentrating on his words as she started walking again. Madali naman niyang nakuha iyon ngunit dahil apektado pa rin siya sa bagong tuklas na reaksiyon sa binata, parang   bumigay ang mga tuhod niya nang hawakan siya nito sa mga balikat. “Good girl—oops!” Nasalo agad siya nito. But she was so aware of him that she just couldn’t stand the thought he might accidentally find out the deafening sound of her heart. Kaya lumayo rin agad siya rito, saka hinubad ang mga sapatos. “Kaya ko na ang mga ito. Nagulat lang ako kanina. Sisiw lang ito.” Ibinigay niya sa   pinakamalapit na attendant ang sapatos, saka binalingan si Jonathan. “O, sige, bayaran mo na iyan.”  WHAT the heck was wrong with her? Iyon ang katanungang paulitulit na umiikot sa isip ni Alexi habang pinagmamasdan si Jonathan na nagbabayad sa counter. Hindi na talaga niya maintindihan ang nararamdaman niyang iyon tuwing nasa malapit lang ang binata. O tuwing   maririnig niya ang boses nito. O tuwing makikita niya itong nakatitig sa kanya. O kahit nga hindi niya nakikita ang binata, basta maisip lang niya ito ay nagugulo na ang isip niya. Iisang tanong lamang iyon pero hindi pa niya masagot. Hindi mo masagot o ayaw mo lang sagutin? Natameme siya sa isa pang tanong na iyon. Gusto na niyang sabunutan ang sarili. Bakit naging ganoon kagulo ang lahat? Hindi ba at simple lang naman dapat ang mangyayari?   Magtutulungan sila ni Jonathan para parehong manalo ang kanyakanyang ama at wala ring negosyo ang masusubasta ng kahit sino sa mga ito. Pero ngayon, parang ang dami nang nagbago sa mga planong iyon. Ah, hindi. Kailangan lang niya ng kaunting motivation at mindsetting para maideretso uli niya ang takbo ng kanyang isip. And for once, titigilan na niya ang pakikinig sa panggulong puso niya.   Umupo si Jonathan sa tabi niya. Her heart thumped but she just ignored it. Mind over matter. . mind over matter. . mind over matter. . “Nagugutom na ako,” wika ng binata. “Kumain na muna tayo.” “Magpapalit na muna ako ng damit.” “Ha?” Kahit siya ay naguluhan sa sinabi. Ah, what the heck! “Pakiramdam ko, nagmumukha akong tanga sa suot ko kapag katabi kita. Ang pormal mo kasi,   `tapos ako, nakapambahay lang. Nakatsinelas pa.” “Sabi mo, hindi ka kumportable—” “Practice na rin ito.” Kinuha niya kay Jonathan ang paper bag ng damit na ibinigay nito sa kanya. “Ayoko nang magmukhang busabos sa tabi mo. Tama nang pangaapi ito.” “Alexi, you’re talking nonsense.” “Basta.” Tinanong niya ang isa sa mga personnel doon kung may fitting room sila dahil   may mga damit din kasing ibinebenta sa boutique na iyon. Iginiya agad siya sa isa sa mga fitting rooms. Nagpalit agad siya ng damit. Pagharap niya sa salamin, parang gusto niyang tanungin ang nakikitang repleksiyon na nakatingin din sa kanya. “Ako ba iyan?” Goodness! She was pretty! Hindi siya tumingin sa salamin ng parlor na pinanggalingan kanina dahil iniinda niya ang   pananakit ng mga kuko niyang bagong manicure. Hindi naman namurder ang mga iyon pero dahil nga first time niyang magpamanicure, hindi maganda ang naging pakiramdam niya. Kaya ngayon lang niya talaga nakita nang husto ang kanyang hitsura. Even her hair looked nice, framing and emphasizing her small face. At ang damit na iyon ang kumompleto sa transformation niya. Babae na siya! “Nice to meet you,” bati niya sa sariling   repleksiyon. Nang makapagsuot siya ng sapatos, lumabas na siya at hinanap si Jonathan. Tumitingintingin ito sa mga coats sa isang estante nang mapalingon sa direksiyon niya. And she almost blushed because of the way he looked at her. He liked what he saw! With a renewed selfconfidence, she walked towards him. “Ayos `tong A&W mo, ah! Bagay sa akin.” Sinikosiko niya ito. “O, ha. Nagagandahan ka sa   akin, `di ba? Hmm? Hmm?” Tiningnan lang siya nito mula ulo hanggang paa at hindi na umimik pa nang maglakad na palabas ng boutique na iyon. Nagpasalamat muna siya sa mga personnel na bumabati sa kanya, saka niya hinabol si Jonathan. “Ano ka ba? Bakit ka ba nangiiwan?” “Mabagal ka lang talagang kumilos.” Sinulyapan nito ang suot na relong pambisig. “Pumunta na tayo sa bahay. Nasabihan ko na ang   Kuya Gil mo kanina para ipaalam sa tatay at mga kapatid mo ang tungkol sa imbitasyon ni Papa. Sa palagay ko ay naroon na sila ngayon.” “Okay.” Habang naglalakad ay pinipilit niyang huwag magkamali sa mga kilos. Napapansin kasi niyang napapalingon sa kanila ang mga taong nakakasalubong nila. Hindi niya napigilan ang mapangiti nang lihim. Iniisip marahil ng mga taong iyon na bagay na bagay sila ni Jonathan. He was handsome and she was   pretty. Bagay nga sila. Nasamid siya sa sariling imahinasyon. Bakit ganoon ang naging takbo ng isip niya? Bagay kami ni Jonathan? Ang ibig bang sabihin n’on ay may gusto ako sa kanya? Nilinga niya ang binata sa kanyang tabi. Diretso lang ang tingin nito sa dinaraanan nila at seryoso ang ekspresyon ng guwapong mukha. Iniisip ba nito ang magiging excuse sa susunod na babaeng makakasalubong nila, who would turn   out to be one of his women? Napasimangot na lang siya. Ewan. Bakit ko ba iisipin pa iyon? Eh, di bahala siyang magpaliwanag. Nagconcentrate na lang siya sa isang eksena sa pelikulang Miss Congeniality kung saan nagaaral si Sandra Bullock kung paano ang maglakad na ang tawag ay “gliding.” “What are you doing?” tanong ni Jonathan. “I’m gliding.” “You’re gonna trip if you don’t stop that.”   “No, I’m not—” Bigla siyang nabunggo ng kung sino. “Hey, I’m gliding here!” Hinawakan siya ni Jonathan sa braso at iginiya palayo sa nakabanggaan niyang lalaki. “Let’s go. Bago ka pa makahanap ng kaaway.” Natameme siya nang maramdaman ang kamay nito sa kanyang braso. Napasunod na lang tuloy siya rito nang wala sa oras. That was when she came to a certain conclusion. She was feeling something for him. Something special. Something   like. . love? Bigla siyang napabitiw rito. “What now?” tanong nito. Na hindi rin naman niya nasagot dahil tumunog na naman ang cell phone nito. Saglit na kinausap nito ang nasa kabilang linya bago siya muling binalingan. “Kanselado na raw ang lunch date sa bahay. May importanteng bisita raw kasi kayong dumating sa inyo.” Dapat ba siyang makahinga nang maluwag o manghinayang? Nagisip na lang siya ng paraan   upang hindi masayang ang pinaghirapan nila nang araw na iyon. Nakakita siya ng isang photo studio dikalayuan sa kinatatayuan niya. At sa pagkakataong iyon, siya naman ang humawak sa braso ni Jonathan. “Papicture tayo. Souvenir sa hitsura ko ngayon.” Nagpaunlak naman ito. Natatawa na lang siya sa sarili habang inaayos ng photographer ang mga ilaw at background. Ngayon lang siya naging   jologs. Pero minsan ay masaya rin pala ang mga kakaibang bagay. Nakakaenhance ng boring na buhay. “Okay, handa ka na ba, Miss?” tanong ng photographer. “Yep.” She smiled for the camera. “Ready!” “Sandali,” singit ni Jonathan at lumapit sa kanya. “O, bakit. .” Her words hanged in the air as he reached out a hand to smoothen her hair.   “Magulo nang kaunti,” wika nito ngunit nakatutok naman sa kanya ang mga mata. Her heart seemed to melt under his gaze. Jonathan, what are you doing to me? Talaga bang sinasadya nitong akitin siya? Kung ganoon, nagtagumpay na ito. Nagpaakit na kasi ang puso niya. “Sir, sumama ka na rin kaya sa girlfriend mo?” suhestiyon ng photographer. “Ang ganda kasi ninyong tingnan sa camera.”   Ngunit lumayo si Jonathan. “Hindi na. Siya na lang.” “Okay.” Sinundan lang niya ito ng tingin. It seemed like she liked him more than necessary to be considered as a simple admiration. Kaya lang, hindi naman kaya masyado lang siyang nadadala sa mga ipinapakita nitong pagaasikaso sa kanya? Pero ano ang ibig sabihin ng masusuyong haplos nito at malalagkit na tingin na iyon? Maaari din   kayang may gusto rin ito sa kanya? Kinilig ang puso niya sa ideyang iyon. Gusto niyang matawa sa pinatutunguhan ng mga iniisip niyang iyon. Kilig? Hindi ba at pang teenager lang ang mga ganoong damdamin? Twentyseven na siya. Wala na dapat iyon sa bokabularyo niya. And yet here she was. Kung ganoon, dapat na nga ba niyang ikonsiderang.. pagibig na nga ang nararamdaman niyang iyon? She gave up thinking. Pagkatapos ng ilang   shots ay nilapitan niya si Jonathan dahil hindi na niya matagalan ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. Pagkatapos ay hinila niya ito upang makapagpakuha sila ng larawan na magkasama. “Damayan mo ako rito,” aniya, saka muling ngumiti sa camera. Hindi man umimik, inakbayan naman siya nito at nakangiti ring humarap sa camera.  “PAANO pa kaya ako nito makakapagyabang sa   mga tauhan namin sa shop?” tanong ni Alexi sa sarili habang naglalakad patungo sa CR. Magpapalit na kasi siya ng damit dahil hindi naman siya puwedeng magcommute na iyon ang suot niya. Jonathan had a meeting and he wouldn’t be able to take her back to their place. Tumawag kasi ang sekretarya nito at sinabing may biglaang meeting ang binata sa isa sa mga pinakamalaking kliyente ng kompanya nito.   “Huwag ka nang magpalit.” Nilingon niya ang binata. “Ha?” “Ang sabi ko, huwag ka nang magpalit. Ihahatid na kita sa inyo.” “Pero may meeting ka pa, hindi ba? At saka, kaya ko namang magcommute. Sanay na ako.” “Basta ihahatid kita.” “Paano na ang meeting mo? Hindi mo iyon sisiputin?” “Kung aalis na tayo ngayon imbes na nagtatalo,   makakarating pa ako sa meeting kahit medyo late nang kaunti.” “Siraulo ka ba? Kliyente mo iyon—” “Hindi naman kita puwedeng hayaang mag commute na ganyan ang ayos mo.” “Kaya nga ako magpapalit ng damit.” “Huwag na. Matatagalan pa tayo niyan.” Hinila na siya nito patungo sa parking lot. Kahit paano, natuwa na rin siya na hanggang sa mga sandaling iyon ay magkasama pa rin sila.   Habang tumatagal ay nasasanay na siya sa presensiya nito. Kaya alam din niyang makakasanayan na rin niya ang panggulong damdaming iyon sa kanyang puso. “Hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa iyo,” aniya habang nasa biyahe na sila. “Salamat.” “Hindìyan libre.” “Sige, pakilista na lang. Hintayin mong maging milyonarya ako saka kita babayaran.” “Kailan pa iyon?”   “Well, maghintay ka.” “Tumataya ka ba sa lotto?” “Hindi.” “Paano ka magiging milyonarya niyan?” “Diskarte ko na iyon. Pero kung ayaw mong magkaroon ng problema, kalimutan mo na lang ang utang ko.” Natawa lang ito. Iyon ang unang pagkakataon na narinig niya itong tumawa. At maganda iyon sa kanyang pandinig.   “Alam mo, Jonathan, hindi ka rin naman pala masyadong masama, ano?” “And what’s that supposed to mean?” “Nang una tayong magkita, akala ko, ikaw na ang pinakamasamang sugo ng impiyerno na ipinadala rito sa lupa para bigyan ako ng konsumisyon arawaraw.” “Funny. Ganyan din ang naging tingin ko sa iyo noon.” “Funny. Ito ang unang pagkakataon na   nagkasundo tayo.” “Oo nga, ano?” Saglit na tinapunan siya nito ng tingin nang huminto sila sa isang stoplight. “Hindi ko alam na marunong ka rin palang magbiro.” “Hindi ko rin alam iyan.” Nagiwas na siya ng tingin. Baka kasi may kung anong mabasa ang binata sa kanyang mga mata na hindi nito dapat malaman. “Go signal na.” They drove in silence. Hindi na kasi umimik pa   si Jonathan. Nagconcentrate na lang ito sa pagmamaneho kaya nanahimik na lang din siya. Hanggang sa makarating na sila sa machine shop. “Alexi, I hope hindi na tayo magrarambulan uli,” wika ni Jonathan. “Mas gusto ko ang ganitong magkasundo tayo.” “Kung hindi ka gagawa ng kalokohan na makakapagpainit ng ulo ko, magsasama tayo nang matiwasay.” “Ikaw rin. Kung babawasan mo iyang   katarayan mo, hindi na rin ako gaanong mapipikon.” “So, inamin mo na ring pikon ka.” “Kahit santo, mapupundi sa katarayan mo.” “Hindi ako mataray. ‘Opinionated’ ang tawag do’n.” “Katarayan iyon. Ang tanging solidong ugali ng isang babae na hindi mo nakalimutan.” Naniningkit ang kanyang mga mata nang balingan ito. “Jonathan, pinaiinit mo na naman   ang ulo ko.” Ngumiti lang ito. “Pasensiya na. Natutuwa rin kasi akong makita kang nagagalit. Especially when you’re all fired up like that and your cheeks are blushing. Cute.” Naginit ang kanyang mga pisngi. “Ewan ko sa iyo. Siraulo ka siguro.” Bumaba na siya ng sasakyan ng binata bago pa nito mahalata na kinikilig na siya sa mga pinagsasasabi nito. Oo, kinikilig siya. At wala na   siyang pakialam kung pangteenager lang ang ganoong reaksiyon. Bakit ba? Sa talaga namang iyon talaga ang nararamdaman niya. Kunsabagay, mukha pa rin naman siyang teenager. Ngingisi ngisi pa siya nang muling marinig ang boses ni Jonathan. “By the way, Alexi,” wika ng binata na nakasilip sa bintana ng kotse nito, “bagay sa iyo ang damit mo. You look really. . pretty.” “Huh. I know.”   Abot hanggang tainga na ang ngiti niya nang talikuran ito at maglakad papasok sa kanilang shop. Jonathan said she was “pretty.” Napakasarap niyon sa kanyang pandinig. Maganda raw siya sabi ng antipatikong playboy na isinumpa niya noon sa lahat ng santo. “Aba, sino ang magandang dalagang iyan?” “Miss, naliligaw ka yata? Pero puwede ka naming tulungan. Saan ba ang punta mo?” “Puwedeng magtanong, Miss? May asawa ka   na?” Iyon ang sunodsunod na katanungang isinalubong sa kanya ng mga tauhan nila sa talyer. Mukhang walang sino man sa mga ito ang nakakilala sa kanya. “Ate, ikaw ba iyan?” Maliban sa mga kutong lupang kapatid niya. “Wow! Ang galing! Saan ka nagpaoverhaul?” “Alexi? Ikaw ba iyan?” Ngayon ay kanyakanya naman ng biro ang   mga tauhan nila, sa pangunguna ng mga kapatid niya. “Hanep! Ang gandaganda mo, Ate! Parang hindi totoo.” “Huwag ka nang maliligo, ha? Ganyan ka na lang.” “Mas gusto namin ang magandang ate kaysa magandang kuya.” Hindi na lang niya pinansin ang patutsada ng mga kapatid. Masyadong maganda ang kanyang   mood para magpaapekto sa mga ito. She was humming as she went straight to their house without talking to them. Narinig pa niya ang mga huling sinabi ng mga tauhan nila sa talyer. “Hindi lang hitsura ang nabago kay Miss Boss, ah. Pati ugali.” “Bigla ko tuloy namiss `yong dating si Alexi na malakas mangasar.” “Oo nga.” “Maganda lang `yong Alexi ngayon pero hindi   naman marunong magbiro.” “Tunying, Marco, Rusty, sabihin ninyo sa ate n’yo, puwede na siyang bumalik sa dati. Hindi na kami magrereklamo.” Napangiti na lang siya. Kung ganoon, tanggap naman pala siya ng mga tauhan nila kahit ano pa siya. Pero sa ngayon, gusto pa niya ang mga pagbabago sa kanya. Gusto pa niya ang nararamdaman niya. Para kay Jonathan.  

 

CHAPTER SIX 

“O, `TAY, ano na naman iyang ginagawa ninyo?” “Itetestdrive ko lang sana itong sasakyan bago ko itawag kay Mr. Ignacio na puwede na niyang makuha rito ang kotse niya.” Inagaw niya sa kanyang ama ang susi. “Ako na ang gagawa, `Tay. Magpahinga na lang kayo sa bahay. Alam n’yo namang hindi na kayo puwedeng magpagod.”   “Sus, wala namang ganyang sinasabi ang doktor ko.” “Kahit na.” Tinawag niya sina Tunying at Marco na naglalaro ng basketball sa dikalayuan. “Kayong dalawa, tutal, wala naman kayong mga pasok ngayon, bakit hindi si Tatay ang alagaan ninyo at nang may pakinabang naman kami sa inyo?” “Makulit naman kasi si Tatay, Ate. Kahit anong saway namin na hindi siya dapat nagtatrabaho,   nagtatrabaho pa rin.” “Makulit pa siya kay Rustico.” “Huwag na kasi ninyo akong intindihin. Magaling na ako at hindi naman ako gagawa ng mga bagay na makakasama sa akin. Hindi ako magpapagod. Alam ko kung hanggang saan ako puwedeng magtrabaho.” “O, siya, kung gusto n’yo talagang magtrabaho, `Tay, doon na lang kayo sa opisina ninyo. Hayaan na lang ninyo kami ni Kuya dito sa labas. Kami   na’ng bahala sa lahat. Kayangkaya namin iyan.” “Oo nga, `Tay,” pagsangayon ni Marco. “Kung nagawa ni Ate na maging girl, kayangkaya na rin niyang maging presidente ng bansang ito. Lahat kaya na niya. `Di ba, Ate?” “Yeah, dude. Kaya, `Tay, don’t worry, be happy.” Sumakay na siya sa kotse. “Nosi balasi.” “`Te, ang corny n’on.” Hindi na niya pinansin pa ang hirit ni Tunying. Ibiniyahe niya nang mga ilang kilometro ang   sasakyan. SOP na nila iyon sa lahat ng sasakyang katatapos lang nilang ayusin. Mabusisi ang kanilang ama pagdating sa mga bagay na iyon. Ang gusto nito ay pulido ang magiging serbisyo nila sa lahat ng nagpapagawa sa kanila para walang masabi at bumalik uli sa kanila kapag nagkaproblema uli ang mga sasakyan ng mga ito. And it had been a good business strategy for them. At sa nakikita niya, mukhang iyon din ang strategy na iaadapt ng kuya niya oras na ito na   ang humawak sa kanilang talyer. At siya, iniisip niyang iexpand na ang negosyo nila. Isa sa mga araw na darating, ikokonsulta niya sa kanyang pamilya ang pagbili ng mga taxi at FX. Sa tingin naman kasi niya, kaya na nilang humawak ng transportation business. Napangiti siya nang maalala si Jonathan. He was a businessman. Ikokonsulta rin niya rito ang tungkol sa balak niyang iyon. He could give her tips and advice in that field. Bukod doon,   magkakaroon na siya ng dahilan na makita ito. Dalawang araw na kasi itong hindi nagpaparamdam sa kanya mula nang matapos ang unang beses nilang pagtatangka na maging isa siyang dalagang Pilipina. Gusto sana niyang kontakin ang binata pero ano naman ang sasabihin niya kung sakaling magtanong ito? Kaya ibinuhos na lang niya ang atensiyon sa trabaho. So far, naiiwasan niyang isipin si Jonathan. Kaya lang, tuwing magkakaroon siya   ng pagkakataong makapagpahinga, ito lang palagi ang naaalala niya. Huminto siya sa isang stoplight at hindi niya alam kung bakit tila may humatak sa atensiyon niya para lingunin ang katabing sasakyan. Pakiramdam niya ay lumaki ang kanyang ulo nang mapagsino ang pasahero ng kotse. Si Jonathan! May kasamang babae! Lumingon din ito sa kanya. “Alexi!” Mukha mo! Ibinaling na lang niya ang mga mata   sa traffic light. Pero napapahigpit na ang pagkakahawak niya sa manibela. Parang gusto yata niyang ihampas iyon sa ulo ni Jonathan. Hindi rin naman siya nakatiis kaya nilingon uli niya ito. “Girlfriend mo?” tanong niyang ang tinutukoy ay ang babaeng kasama nito. “Maganda, ah! Pakasalan mo na iyan.” “Jealous?” “Who? Me? Why would I? Boyfriend ba kita?” “Hmm. By the way, Alexi. This is Sheila.”   “Hello,” matabang na bati niya sa babae. “Sheila, that’s Alexi.” “Your fiancée?” Fiancée? Siya? Na naman? “Puwede ba, Jonathan? Tigilan mo na iyang pambababae mo. Maawa ka naman sa mga kabaro ko. Ang dami mo nang naloloko, hindi ka pa ba nagsasawa?” “What?”nalilitong tanong nito. “What are you talking about? Sheila’s not my girlfriend. Kliyente ko lang siya.” Tumango si Sheila bilang pagsang   ayon. Subalit dala ng pagngatngat ng selos sa kanyang pagkatao, hindi siya naniwala sa dalawa. Mayroon bang kliyenteng kailangan pang isakay sa kotse ng may kotse? At bakit hindi nagpakita o nagparamdam man lang sa kanya si Jonathan sa loob ng dalawang araw kung gayong fiancée pa rin pala nito ang papel niya sa buhay nito? Nang maggreen ang traffic light ay pinaharurot niya palayo ang sasakyan. Huminto   lang siya sa unang fastfood restaurant na nakita dahil nagutom siya bigla. Mahaba ang pila sa counter. Okay lang. At least, may pagkakataon pa siyang kalmahin ang sarili bago muling bumiyahe. Ngunit nakarating na siya at lahat sa counter ay hindi pa rin siya kumakalma. Nagkagulogulo tuloy ang mga inorder niya at muntik pa siyang mangaway ng crew nang wala sa oras. “Huwag mong sindakin ang mga tao rito,   Alexi. Hindi ninyo tauhan sa talyer ang mga iyan.” Nakilala agad niya ang boses na iyon na nanggaling sa likuran niya. “Ano’ng ginagawa mo rito, Jonathan?” tanong niya nang hindi ito nililingon. “Sinusundan mo ba ako?” “Of course not. Nagutom kasi si Sheila. Ito ang unang fastfood resto na nadaanan namin kaya dito na kami bumili ng pagkain. Hmm, gusgusin   ka na naman ngayon, ah. Mabuti at pinapasok ka ng guwardiya.” “Hindi kasi maarte ang guwardiya rito at hindi rin siya namimili ng mga taong makakasalamuha. Hindi katulad ng iba riyan.” “Hanep. Namumutiktik ng ‘hindi.’” “Huwag mo akong kausapin.” “Huwag ka kasing sumagot.” Bitbit ang tray ng pagkain, hinarap niya si Jonathan. “Huwag ka nang magpapakita sa akin.   Huwag mo akong titingnan. At huwag ka na ring huminga.” Nilagpasan na niya ito. Sumunod pala ito sa kanya. Kaya pagupo niya sa bakanteng mesa ay naupo rin ito sa kaharap niyang silya. Ngayon ay napagmamasdan na naman niya ang guwapong mukhang iyon na naging bahagi na yata ng mga panaganip niya gabigabi at mga pangarap niya minuminuto. Ang herodes na playboy na ito! “Nagseselos ka, `no?”   “Huwag mo akong asarin ngayong gutom ako, Jonathan. Kapag hindi ako natunawan, ipapapulis kita.” Tumawa lang ito. “Ano’ng nakakatawa?” “Ikaw.” “May sinabi ba akong joke?” Napapangiti na lang ito nang mapailing. “Iisang babae lang ang alam ni Papa na girlfriend ko ngayon. Ikaw lang, Alexi.”   Ngunit hindi niya magawang magsaya. Lumalabas kasi na nagiging panakipbutas lang siya ni Jonathan para magkaroon ito ng pagkakataon na makapambabae nang husto. “Wala sa plano natin ang ganyang usapan, Jonathan. Bakit sinabi mo sa tatay mong ako ang girlfriend mo?” Halatang nagulat ito sa reaksiyon niya. “Akala ko.. ” “Akala mo, basta na lang ako papayag sa   gano’ng setup? Oo. Kung sana sinabi mo sa akin no’ng una pa lang. Hindi ganitong malalaman ko na lang basta.” Tuluyan na siyang nawalan ng gana. Tinawag na lang niya ang isang dumaang crew at ipinabalot ang mga inorder. “Bahala kang magpaliwanag sa tatay mo. Konsiyensiya mo na kapag namatay siya dahil sa kalokohan mong iyan.” “Don’t you talk about my father that way.” May kislap na ng galit sa mga mata ni Jonathan.   “Then don’t treat your father like an idiot.” “Hindi ba dapat ay sinasabi mo rin iyan sa sarili mo?” “I don’t have to. Dahil ako, sincere akong magbago para sa tatay ko at wala akong balak na lokohin lang siya.” “And what does that mean? Na hindi ka na uli magsusuot ng damit na iyan kahit kailan sa buhay mo?” “At least, I’m always willing to try.” Dumating   na ang ipinatake out niyang pagkain kaya iniwan na niya ang binata roon. Mainit pa rin ang ulo niya nang balikan ang dalang kotse. Noon lang siya nakaramdam ng ganoong klase ng galit. O galit nga ba talaga iyon? “Galit ako,” wika niya sa sarili kasunod ang pagkabasag ng kung ano sa likuran ng kanyang sasakyan. Anak ng teteng! May naatrasan siyang sasakyan! She got out and checked the damage.   “Ganyan ba talaga kalaki ang galit mo sa akin at kailangan mo pang banggain ang kotse ko?” Kay Jonathan ang sasakyang iyon? Hinanap niya ang babaeng kasama nito kanina at baka nasaktan. Ngunit wala siyang nakita. Nasaan na ang babaeng iyon? “Malapit lang dito ang opisina ni Sheila,” wika ni Jonathan na tila ba nabasa ang kanyang iniisip. “Inihatid ko muna siya bago ako dumaan dito.” “Pakidala na lang sa talyer ang kotse mo.”   “Alexi—” “Nagugutom ako at gusto ko na sanang kumain nang tahimik. Saka na tayo magusap kapag pareho nang malamig ang mga ulo natin.”  

 

CHAPTER SEVEN 

“WALA ka yata sa sarili mo ngayon, Miss Boss.” Napabuntonghininga lang si Alexi. Mula nang dumating siya galing sa pagtetestdrive ay wala na siya sa mood na magtrabaho, o kahit ang kumilos man lang. Kaya naroon lang siya sa mesa at nakatunganga sa kawalan. Paano, narealize niya ang isang malaking pagkakamali niya sa naging paguusap nila kanina ni Jonathan. Hindi   nga naman siya dapat nagsalita ng ganoon tungkol sa ama nito. Isa siya sa mga taong nakakaalam kung gaano nito kamahal ang sariling ama kaya ang magsalita tungkol sa kamatayan niyon ay masyado nang malupit. Dahil kung sa kanya man magsalita ito ng ganoon, magagalit din siya. Tuloy ay hindi niya alam kung paano makakalapit sa binata nang hindi nito nasasakmal. Alam kasi niyang galit na galit ito sa   kanya ngayon. Pero mukhang pumapanig pa rin sa kanya ang tadhana dahil heto at papasok na ngayon sa kanilang bakuran ang sasakyan ni Jonathan. Sa isang iglap ay tila nabuhay ang dugo niya. Naroon ang binata! He got out of his car and looked around as if searching for someone. Nang mapadako ang mga mata sa kanya ay lumapit na ito. Parang gusto niyang mapabuntonghininga habang pinagmamasdan ito. His long hair was swaying against the gentle breeze with his every   movement. She just loved this guy. Napatanga na lang siya sa binata. At habang patuloy itong naglalakad patungo sa kanya, patuloy rin ang pagpipiyesta ng kanyang puso. She was in love with him. Iyon ang dahilan kung bakit nagselos siya nang husto kanina nang makita itong may kasamang ibang babae. Kung bakit namiss niya ang binata sa loob ng dalawang araw at kung bakit ganoon na lang kagulo ang mga reaksiyon niya rito. Dahil mahal na niya ito.   “Alexi,” bati nito sa kanya. “Jonathan.” Paano kaya niya nagagawang maging ganoon kakalmante sa harap nito samantalang nagwawala na ang puso niya? Now what? “May ginagawa ka ba?” “Bakit?” “Gusto ko sanang magusap tayo.” “Naguusap na tayo.” Kung puwede nga lang niyang sipain ang sarili ay ginawa na niya.   Binabara na naman kasi niya ang mga sinasabi ng binata samantalang mukhang gusto nga lang siya nitong kausapin. Hindi rin niya alam kung bakit tila awtomatikong pinoprotektahan niya ang sarili samantalang wala pa nga itong ginagawang masama. Oh, well. With the kind of reaction she displayed earlier when she saw him with another woman, it was just common sense for her to build up her defenses. Because he could hurt her that   easily. “I’m sorry,” wika nito. “Hindi nga naman dapat ako gumawa ng bagay na wala sa napag usapan natin. It is unfair to you that I let you get involved with my personal affairs without your knowledge. I’m really sorry.” At ganoon din kabilis na napatawad niya ito. Pero kunsabagay, nauna na rin naman niyang natanggap na may pagkakamali rin siya. “Sorry din,” aniya. “Hindi ako dapat nagsalita   ng gano’n tungkol sa papa mo.” The side of his mouth turned up for a smile as he nodded. Tuluyan na ring naglaho ang ano mang naging pagtatampo niya rito. “So. . are we in good terms again?” Ngumiti na rin siya. “No choice tayo, eh. Kailangan nating magkasundo talaga. Or else, hindi natin matatapos ang misyon natin.” Or else, hindi ako matatahimik habangbuhay. Inilahad nito ang kamay. Tinanggap na niya   iyon. The moment their hands touched, her feelings for him just flooded her system. Paano nga kaya nahulog ang loob niya sa antipatiko at mayabang na playboy na ito? Hay naku, minsan talaga ay masyadong tuso si Kupido. Maganda naman sa pakiramdam niya ang lahat ng iyon kaya tinanggap na lang niya nang buong puso. Bahala na kung ano ang mga susunod na mangyayari. “Iiwan ko ang kotse ko rito para ipagawa,”   mayamaya ay wika nito. “No problem. Kung bibitawan mo lang ang kamay ko, makakakilos na ako para madali iyong maayos.” He still didn’t let her go. “Hayaan mo na iyon sa mga tauhan ninyo rito. Ihatid mo na lang ako sa opisina ko.” Naglalambing ba ito sa kanya? Iyon ang gusto niyang isipin nang makita ang ngiti at kislap sa mga mata nito. Shit! “Sige na nga.”   Charing! Pacute pa talaga siya nang kaunti. “Uuuy! Si Miss Boss, ipinagpalit na tayo sa iba!” “Miss Boss, guwapo lang iyan! Mas. . mas. . malakas ang sex appeal ko sa kanya!” Sinenyasan niya ang mga tauhan na uupakan niya habang patungo sa Honda Civic na pagaari talaga ng kanilang pamilya. Binili nila iyon para kapag may mga emergency ay may magagamit sila na sarili nila.   “`Tay, ihahatid ko lang si Jonathan sa opisina niya,” paalam niya sa kanyang ama nang makita itong sumilip mula sa sariling opisina. “Nasira ko kasìyong kotse niya kaya iiwan niya rito para ipaayos.” Nakangiting tumango ang kanyang ama. Pagkatapos ay bumalik na uli ito sa loob ng opisina. May pagkaweird din pala ang tatay niya. “Ibili mo ako ng tatlong box ng pizza pagbalik mo, Alexi,” bilin ng Kuya Gil niya.   “Pambili?” “Si Jonathan na ang bahala. `Di ba, pare?” “Oo.” “Bakit ka nagpapauto sa kuya kong iyon?” tanong niya nang nagbibiyahe na sila. “Abusadòyon baka akala mo.” “Ayos lang. Bayad ko iyon dahil sumama ang loob mo kanina.” “Binabayaran na pala ngayon ang sama ng loob.”   “Sa akin lang uso iyan.” May originality ang kanyang sinisinta. “It’s nice to see you smile again, Alexi.” “Huh?” “Namiss ko rin ang ngiti mong iyan. Dalawang araw din tayong hindi nagkita, ano? No wonder agad tayong nagsalpukan nang magkita uli tayo kanina.” Kinalma niya ang kanyang puso na walang ginawa kundi ang mangharbat ng mga papuri   mula rito. “Saan ka ba kasi nagsususuot nitong mga nakaraang araw?” Bakit hindi mo ako tinetext? Ay, oo nga pala. Hindi mo alam ang number ko. Pero bakit hindi mo kinuha sa akin ang number ko? Ayaw mo ba? Hindi ka interesado? Pagkatapos niyon ay tinigilan na niyang kausapin ang sariling isip dahil maloloka lang siya. Hanep! “Maloloka.” Girl na girl na yata talaga siya. “May mga importanteng bagay lang akong   inasikaso. Business. Kaya hindi ako nakapanggulo sa buhay mo.” “Oo nga. Nakakamiss din pala ang walang makaaway. Ang tahimik ng mundo ko.” “So, namiss mo nga ako?” “Puwede na rin.” “Hmm.” “What?” “Nothing.” “Eh, bakit may pa‘hmmhmm’ ka pang   nalalaman diyan?” “Wala naman.” “Ang weird mo.” Tumawa lang ito. She really liked his laugh. Buhay na buhay iyon at parang musika sa kanyang pandinig. “Alexi, napapansin mo ba na hindi ka na kasingastig magsalita gaya ng unang beses tayong nagkita?” “Talaga? Hindi ko napansin iyon, ah.”   “Yeah. Mabilis kang matuto.” Tumikhim siya. “Siyempre, ganyan talaga ang mga gifted. Saan nga pala ang direksiyon papunta sa opisina mo?” Ibinigay nito ang direksiyon sa kanya. “Alexi, gusto mo na ba ang mga nangyayari sa iyo? I mean, do you like being a girl now?” “Talagang naniwala kang lalaki nga ako?” “Oo.” Dinampot niya ang stuffed toy na naka display sa ibabaw ng dashboard at ibinato iyon   dito. Natatawang sinalo lang nito iyon. “Biro lang. Of course I knew you were a woman. Except no’ng first encounter natin. I really thought you were a boy then. Hindi naman kasi halata dahil daig mo pa ang lalaki kung kumilos at magsalita. Nakatikim ka tuloy sa akin.” “Ikaw naman kasi, ang yabang mo. At sa harap ka pa talaga ng tatay ko nagyabang.” “Hindi ko alam na gano’n pala ang dating ko. Sige, pagbalik ko sa inyo, magsosorry din ako sa   tatay mo.” “Hindi ka yata madamot ngayon sa sorry?” “Wala naman. Nagbabagongbuhay lang. Nandito na tayo. Iliko mo diyan sa kabilang kanto.” Inihinto niya ang kotse sa harap ng isa sa mga pinakamataas na gusali sa lugar na iyon. “Ang ganda pala ng building n’yo. Sosyal.” “Pumasok ka muna. Ipapakita ko sa iyo ang opisina ko.”   “Bakit?” “Gusto ko lang magyabang. Lagi kong nakikita ang teritoryo mo kaya dapat, makita mo rin ang teritoryo ko.” “Puwede ba ako riyan? Pangit ang damit ko at nakatsinelas lang ako. Baka itapon ako ng mga guwardiya ninyo.” “Kung meron mang magtatapon sa iyo palabas, ako lang iyon. But I’m not in the mood to do that at the moment.” Masuyong pinihit ng binata ang   kanyang mukha sa direksiyon nito at idinampi ang daliri sa kanyang ilong. “Bakit paboritong landingan ng grasa ang ilong mo?” “Eh. .” Nawala na naman sa tamang direksiyon ang utak niya nang maramdaman ang marahang paghaplos ng kamay nito sa kanyang pisngi. Oh, my God. The things he did to her just made her fall for him even more. And she was enjoying every second of it. Hindi niya inakalang ganoon ang   pakiramdam ng mga taong nagmamahal— masaya, excited, nanlalambot ang mga tuhod. At wala siyang magagawa kundi ang patuloy lang na mahalin ang lalaking bumihag sa kanyang puso. Nawala lang ang tensiyong namamagitan sa kanila nang marinig nila ang malakas na busina sa likuran nila. May mga sasakyan na palang nakasunod sa kanila. “Istorbo,” narinig niyang bulong ni Jonathan bago naunang bumaba at umikot sa gawi niya   upang pagbuksan siya ng pinto. “One of the few things a woman should enjoy being one are these simple gestures from knightinshiningarmour wannabes.” She gave out an excited laugh as she stepped out of the car. “Ang OA mo, Jonathan.” Nakangiti lang na kinuha nito sa kanya ang susi ng kotse at ibinigay iyon sa lumapit na valet. Pagkatapos ay inalalayan na siya nitong makapasok sa gusali. Pagtapak na pagtapak pa   lang niya sa fully carpeted floor na lobby ay parang gusto na niyang umatras at bumalik sa kanilang talyer. Ngunit hinawakan siya ni Jonathan sa kamay at marahang pinisil iyon. “Relax. Alalahanin mong ang mayari ng lugar na ito ang kasama mo kaya wala kang dapat na ikatakot. Kung gusto mong magsesante ng tao, ituro mo lang sa akin at ako na’ng bahala sa kanya.” “Ano naman ang palagay mo sa akin, maldita?”   “Minsan.” “Sabagay.” Pero wala siyang natipuhang sesantihin dahil tila naging kasimbait siya ng anghel nang mga sandaling iyon. Dala marahil iyon ng pagkakasalikop ng mga kamay nila ng binata. Kaya wala na siyang maisip na ano mang kasamaan sa mundo. Gusto niya ang ganoong epekto nito sa kanya. Kung magtatagal silang magkasama, hindi lang   siya tatanggapin sa langit. Siguradong gagawin pa siyang santa. With a satisfied smile on her lips, she squeezed his hand back. Lumingon ito sa kanya. “Okay ka lang?” tanong nito. Sus! Itinatanong pa ba iyon? Tumango lang siya. Iba na talaga ito. Marunong na siyang maginarte! “WOW!” IYON lang ang nasambit ni Alexi nang makapasok sa pribadong opisina ni Jonathan. Nasa pinakaitaas iyon ng gusali at ayon sa   binata ay ito lang ang umookupa sa palapag na iyon. Floortoceiling ang glass wall sa paligid kaya kitangkita ang kabuuan ng Metro Manila mula roon. At hindi na kailangan ng ilaw sa araw dahil natural na ang liwanag. Ibinababa lang marahil ang mga blinds kapag direktang nakatutok ang sinag ng araw. “Impressed?” Tumango lang siya at ipinagpatuloy ang pagsilip sa mga glass window. “Grabe, hindi ka   nalulula rito?” “Sanay na.” “Ang galing ng gumawa nito.” “Salamat.” Nilingon niya ito. “You mean ikaw ang gumawa nito?” “Well, we wouldn’t be called Asturia Builders for nothing. Contractor din kami para sa malalaking subdivisions.” “At ipinusta ng tatay mo ang kalahati nitong   kompanya ninyo laban sa machine shop ng tatay ko?” “Napatunayan na natin pareho kung gaano kagulo magisip ang mga gaya nilang problemado sa mga anak.” “Oo nga. Pero hindi ba naisip ng tatay mo kung gaano kalaki ang mawawala sa inyo kung sakaling naging oportunista ang tatay ko?” “Bakit? Iniisip mo bang ito lang ang pagaari ng pamilya namin?”   Ganoon ito kayaman? “Kidnapin kaya kita? `Tapos, ipatubos nang sampung milyon?” “Iniinsulto mo naman masyado ang pamilya ko, Alexi.” Just how much was this guy earning? Kung minamaliit nito ang sampung milyon, ayaw na niyang magisip kung magkano ang kaya nitong i offer. Suwerte ang magiging kidnapper nito. Umupo siya sa swivel chair nito. “So, ano pa ang ipagmamalaki mo sa akin?”   tanong niya. “Bukod sa pera mo, siyempre.” “Wala na. Iyon nàyon.” “Iyon lang? Ang corny naman.” Humalukipkip ito. “Bakit, ano pa ba ang inaasahan mo?” “Mga diploma mo. Awards at mga plaques. Mga collections mo. `Yong mga bagay na nagpapakilala sa kung sino ka talaga. Itong opisina mo kasi, walang buhay. Masyadong stiff. Eh, hindi naman iyon ang pagkakakilala ko sa   iyo.” “Really.” Umupo ito sa nagiisang couch doon. “Ano ba ang pagkakakilala mo sa akin, Alexi?” “Mukha kang matalino. That’s why I’m looking for your diplomas. May pagkaisipbata ka rin kaya sa tingin ko, may mga collections ka ng mga action figures o kaya naman animes. Gaya n’ong bunso naming si Rustico. Malakas kang magasar kaya naghahanap ako ng porn videos—” “What?”   “Siyempre, joke lang iyon,” aniya, sabay ngisi. Napansin niya ang isang nakataob na bagay sa ibaba ng napakalinis nitong mesa. “Uy, anòto. .?” It was a framed picture of them. Kuha iyon nang magpakuha siya ng larawan bilang souvenir sa kaunaunahang damitpambabae niya sa loob ng maraming taon. Pareho silang natawa roon. “So, ano ang interpretasyon mo sa pagkakaroon ko ng larawang iyan dito sa boring   at stiff kong opisina?” tanong nito. Na meron kang lihim na pagnanasa sa akin. “Na meron kang lihim na pagnanasa sa akin.” Nakagat niya ang kanyang dila. Naku po! Bakit niya nasabi iyon? Gusto na niyang tumili sa kanyang katangahan. Pero sa halip na gawin iyon ay bumawi na lang siya. “And that we look cute here. Papicture uli tayo next time.” Ibinalik na niya sa mesa nito ang picture frame. Nakatayo na iyon sa pagkakataong   iyon. “Hindi mo dapat ikinahihiya ang mga ganitong mukha. Dapat, lagi mo itong idini display. `Yan, ganyan! Hmm!” “Nakadisplay iyan. Nasagi ko lang siguro at nakalimutan ko nang ibalik sa dating puwesto.” He slouched on the couch, looking directly at her. Medyo nailang na naman siya kaya dumaldal na lang siya nang dumaldal. “Alam mo bang binilhan ko pa ng sariling lalagyan `yong ibinigay mong A&W sa akin?”   “D&G. Dolce and Gabbana.” “Hayaan mo na ako. Bininyagan ko na kasing A&W iyon, eh. Iyon kasi ang paboritong fastfood restaurant ng nanay ko no’ng nabubuhay pa siya. Kaya lang, wala na n’on ngayon, eh. So, anyway, iyon nga. May sarili na siyang lalagyan.” Halatang naghihintay pa ito ng ikukuwento niya. “Iyon lang.” Napuno ng halakhak nito ang kabuuan ng silid na iyon. That room might be stiff and cold. But it   didn’t fall short of life because Jonathan was there. “Oh, Alexi.” He was wiping out the tears from his eyes. “Hindi ko akalaing makakatagpo pa ako ng babaeng gaya mo. Matutuluyan na nga yata akong masiraan ng bait sa iyo.” “Ayos lang iyan.” Kapag naging baliw ang binata, siya na lang ang magbovolunteer na mag alaga rito. At magpapakabuwang silang pareho sa kanilang mundo. “Itinapon mo na lang sana ang damit na iyon.   Papalitan na lang natin ng bago.” “Ayoko. Ang mahalmahal n’on, `tapos itatapon lang? Baka hindi ako papasukin sa langit kapag ginawa ko iyon.” “Pero akala ko ba, ayaw mo n’on kasi pangit?” “Oo nga. Pero nang isuot ko na, maganda na siya.” “Ah. So ganoon pala iyon.” Tumangotango pa ito habang hindi pa rin mapigilan ang pagngiti. “Mahilig ka rin pala sa mga girly things.”   “Nope. Nagkataon lang na nanghihinayang akong itapon ang damit na iyon. Pati na rin `yong mga sapatos.” “Kung gano’n, tatanggapin mo rin ang mga ireregalo ko sa iyo kung sakali, gaya ng stuffed toy?” “Hindi. Marami na ako n’on galing sa mga recruit ni Tatay para ligawan ako. Basurahan lang ang nakinabang.” Pinagmasdan niya ang ball pen na may inisyal ng pangalan nito. Maarbor nga.   “Manliligaw? So kahit lalaki ka pala, marami ka na ring naging manliligaw.” Iniumang niya rito ang ball pen na pinagtangkaan niyang kunin. “Asintado ako.” “Kung gano’n, tanggap mo nang babae ka nga dahil nagagalit ka na ngayon kapag tinutukso kitang lalaki.” “No comment.” “Gano’n din kapag binibiro ka ng mga tauhan ninyo.” Hindi pa rin siya sumagot. “Those made   you tough, huh! Para hindi ka maasar nang tuluyan sa kanila ay pinatatag mo ang sarili mo dahil ayaw mong magpatalo sa kanila. Ayaw mong isipin nilang mahina ka. Ayaw mong umiyak na lang nang umiyak sa isang tabi tuwing pagtitripan ka nila. Hanggang sa tuluyan mo nang makalimutan ang mga dati mong nakagisnan nang mga panahong aware ka pa sa pagiging babae mo.” “Alam mo, Madam Auring, tigilan mo na iyang   panghuhula mo. Nagsasayang ka lang ng oras diyan. Hulaan mo na lang kung sino ang susunod na mabubuntis sa young actresses natin ngayon. Mas masaya pa iyan. Magkakasundo pa kayo ng kapatid kong si Rustico.” “Alexi—” “All right. Tama ka nga. So puwede na bang huwag na nating pagusapan pa iyan?” Pinagmasdan uli niya ang larawan nila. “We really look cute here. Bakit wala akong kopya   nito?” “Kung gusto mo, sa iyo na lang iyan. Meron pa naman akong kopya sa bahay at sa. .” “Sa?” “Wallet ko.” Kinuha nito mula sa likurang bulsa ang wallet at lumapit sa kanya, saka ipinakita ang larawan nilang dalawa roon. “Props ko nang maghanap si Papa ng steady girlfriend ko. Wala akong ibang choice kundi ipakita iyan. Pasensiya ka na kung hindi ko nasabi sa iyo.”   They had a picture together in his wallet. Kapag may nakakita niyon ay siguradong iisipin na siya talaga ang kasintahan nito. Nice. . “Ang pangit ko naman dito. Bakit naman ito ang pinili mong picture? Nakakahiya sa tatay mo.” She heard Jonathan chuckle, then he touched her hair. Shucks! Tayo na ba? Charing! Hehehe! Oh, well, walang masama sa pangangarap. “Alexi, may gagawin ka ba sa Sabado?”   Lumuksolukso at sumirkosirko ang puso niya. “Wala akong pera no’n. Bakit?” “Let’s go out.” He was asking her out on a date! Astig! “Libre mo?” “Hindi. Libre mo.” Itiniklop na nito ang wallet at ibinalik sa bulsa ng pantalon. “May meeting pa kasi ako ngayon kaya hindi kita maitutour sa buong building. Pero sa Sabado, kahit sa buong mundo, itutour kita.”   “Okay! Call!” Her heart was singing. I have a date. . I have a date. . I have a date. .  

 

CHAPTER EIGHT

SARAP na sarap si Alexi sa nilalantakang paboritong Fettuccini Alfredo ng Pizza Hut. “Miss, pansinin mo naman ako rito.” She waved her hand towards Jonathan’s direction. Mula nang dumating ang inorder nila ay hindi na niya ito kinausap pa dahil kontento na siya sa kanyang pagkain. “Libre ko naman ito, ah.”   Dinampot niya ang iced tea at sumimsim niyon. “Bakit ba?” “Magkuwentuhan naman tayo habang kumakain ka. At dahandahan lang sa pagnguya. Hindi naman kita aagawan.” “Pasensiya na. Tatlong linggo rin akong hindi nakakain nito, eh.” Ano ba iyan? Dahil lang sa pagkain, ipinagpalit niya ang kanyang kadate. “Ikaw, bakit hindi ka kumakain?” “Natutuwa kasi akong panoorin ka habang   kumakain.” “Sus! Huwag ka ngang magpacute nang ganyan diyan.” “Favorite mo ba iyan?” “Oo.” “Hindi halata.” Iniabot nito ang isang tissue paper sa kanya. “So, what are your other favorites?” “Food? Kahit ano. I just love to eat. Itong fettuccini na ito, special fave ko lang. Kasi minsan   lang naman ako makakain. Ikaw, ano’ng paborito mong pagkain?” “Lahat ng niluluto ng mama ko. Masarap kasi siyang magluto.” “She cooks? `Di ba, mayaman naman kayo? Bakit nagluluto pa siya?” “Gusto niyang personal na magluto para sa pamilya niya. Alam din kasi niyang paborito talaga namin ni Papa ang mga iniluluto niya. Gano’n. Favorite movies mo?”   “The Cutting Edge and While You Were Sleeping. I think kabisado ko na nga yata ang mga linya sa movies na iyon.” “Ah, so, may romantic bone ka rin pala sa katawan.” “Bakit ikaw?” “Okay lang. I like An Affair To Remember. But mostly, action adventure ako. Favorites? Nothing in particular. Basta lang magustuhan ko, ayos na iyon. Music?”   “Japanese pop music.” “Nakakaintindi ka ng Japanese?” “Kaunti. Mostly by word lang. I just like the song kasi upbeat at saka. . siguro naimpluwensiyahan na rin ako ni Rustico. Addict kasìyon sa anime. Kapag mga kantang Hapon ang maririnig mo sa bahay, siguradong nando’n si Rustico sa bahay. Siya ang pasimuno niyon.” “Bakit pinipilit mong maging lalaki?” Natigilan si Alexi sa pagkain. Talagang walang   balak si Jonathan na itapon ang subject na iyon. Ang totoo, touched siya sa ginagawa nitong pangungulit sa parteng iyon ng buhay niya. She never did mention to anyone that thing about her. Pero si Jonathan, nasabi na agad sa kanya ang itinatago niyang lihim na iyon hindi upang pagtawanan siya kundi upang ipaalam sa kanya na handa itong makinig at tanggapin ang lahat ng iyon. “Hindi ko pinipilit maging lalaki. Pinapatatag   ko lang ang sarili ko para tuwing tutuksuhin ako ay hindi na ako iiyak. Oo, iyakin ako noong bata pa ako kaya paborito akong lokohin ng mga kapatid ko. Palibhasa, nagiisang babae. Pusong mamon ako at tanggap ko naman iyon. Pero napapahiya lang ako nang paulitulit kapag umiiyak ako. Kaya pinagaralan ko kung paano ko mapipigilan ang luha ko. Nakita kong nag aasaran din ang kuya at mga kapatid ko pero wala sa kanila ang naaasar o umiiyak. So I told   myself, I won’t cry and I won’t budge. “Kaya àyun, simula no’n, natutuhan kong makipagsabayan sa kalokohan nila. Ginaya ko lahat ng ginagawa at sinasabi nila. Hanggang sa wala na sa kanilang makapagpaiyak sa akin. Nag aral din ako ng martial arts para naman doon sa mga taong nagtetake advantage ng kahinaan ko. So far, wala naman akong pinagsisisihan. I’ve earned the respect of my siblings and the people who work for us. Sa labas naman ng bahay, wala   ring makagalaw sa akin lalo nàyong kilala talaga ako.” “And you like that?” “Oo naman. Pakiramdam ko, wala nang makakapanakit sa akin.” “Nagkaroon lang ng kaunting problema, hindi ba? Dahil nakalimutan mong babae ka at hindi lalaki.” “Mas okay na iyon kaysa ang umiyak na lang lagi. Madaling mamatay ang mahihinang tao.”   “Hindi ka kriminal para magkaroon ng ganyang pananaw.” Nagkibitbalikat lang siya. “Hindi mo kasi naranasan ang mga naranasan ko noon. Ayoko nang umiyak. Ayoko nang maging mahina.” “Natural na sa babae ang umiyak at ang maging mahina. And they’re not considered as flaws. In fact, iyon pa nga ang greatest weapon ninyong mga babae. A woman’s tear can shatter a man’s very soul.”   “Huuu! Hindi totoòyan. Ang dami kayang mga insidente kung saan mga babae ang kawawa. Nailigtas ba sila ng mga luha nila? Hindi. At ang kahinaang sinasabi mo, iyan pa nga mismo ang dahilan kung bakit sila napapahamak. Hindi nila alam kung paano lumaban at ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Sa tingin mo, mangyayari ba sa kanila iyon kung naging malakas sila?” “Those men who hurt women are not men. They’re the scums of this earth.”   Saglit siyang napaisip. “Sabagay.” “Huwag mo sanang isipin na lahat ng lalaki ay masama, Alexi. Na lahat ng lalaki ay sasaktan ka lang. Marami pa rin diyan ang gusto kang pangalagaan, tulad ng mga kapatid mo at ng mga tauhan ninyo.” “At ikaw?” “At ako.” Napangiti siya. “Salamat.” “You don’t have to hide yourself anymore.   Kaya ka na naming protektahan.” Bumuhos ang tuwa sa kanyang puso. Biruin mo, ang lalaking minahal niya nang hindi sinasadya, heto at idinedeklara sa harap niyang aalagaan siya at poprotektahan. “Wow, para pala kayong Justice League, ano?” biro niya. “Yeah, you could say that.” She leaned back against her seat and watched Jonathan’s handsome face as he looked at her.   Noon lang siya naging ganoon kaopen sa nararamdaman. He was right. Hindi sa lahat ng oras ay may mananakit sa kanyang lalaki. At masuwerte siya dahil ang mga lalaking malalapit sa kanya ay sigurado siyang ipagtatanggol siya hanggang sa huling hininga ng mga ito. Sana nga lang, tama ako. Napangiti siya sa naisip. “You should smile more,” wika nito. “Bagay sa iyo ang nakangiti.” “Lalo akong gumaganda?”   “Matagal ka nang maganda.” Nagbunyi na naman ang puso niya. Hay, naku, wala na siyang pakialam kung gumuho man ang mundo nang mga sandaling iyon. Pinuri siya nang ilang beses ng lalaking mahal niya at kasama pa niya ito ngayon. Wala na siyang mahihiling pa. Meron pa! singit ng isip niya. A happy ending? Too bad only fairy tales had that. “Natanong mo ako minsan kung bakit mga T   shirt at pants ang hilig kong isuot.” “Hindi ko yata naitanong iyan.” “Ay, hindi ba ikaw ang nagtanong niyon? Anyway, makinig ka na rin.” “Okay.” “Kumportable kasi ako sa mga ganitong damit, eh. Noong bata pa ako, noong mga panahong hindi pa nababahiran ng mga radikal na ideya ng anime ang isip ko, mahilig na talaga ako sa mga ganitong kasuotan. Kasi naman, hindi por que   laging nakapantalon ang isang babae, hindi na siya tunay na babae. At hindi por que lagi siyang nakapalda, siya na lang ang may karapatang masabihan na babae.” “I agree. But then, hindi rin naman masama na paminsanminsan ay maipakita mo ang malaking pagkakaiba mo sa populasyon ng kalalakihan, hindi ba?” “Sure.” “Maganda ang mga legs mo. Bagay sa iyo ang   nakapalda. O, huwag mo akong tingnan nang ganyan. Inaappreciate ko lang ang magagandang assets mo. Walang halong kamanyakan iyon.” “Bakit defensive ka?” natatawang tanong niya. “Wala pa naman akong sinasabi, ah.” “Para malinaw lang sa atin ang lahat.” “Ah. Oo nga naman.” Posible kayang hindi na lang matapos ang moment nilang iyon? She liked this comfortable feeling when she was with him. She liked the fact that she could tell him her   deepest secrets and yet still feel safe with it. “Ikaw naman, Jonathan. Bakit ayaw mo pang mag asawa?” “Enjoy pa ako sa pagiging binata. Nerd kasi ako no’ng nagaaral pa lang ako. Seryoso ako sa buhay kaya hindi ako naglalakwatsa. Katwiran ko, saka na ako mageenjoy kapag kumikita na ako ng pera. Ayokong waldasin ang pera ng mga magulang ko na hindi ko naman pinaghirapan. Wala akong karapatang gawin iyon. Ngayong   malaki na ang suweldo ko, puwede na akong magenjoy to my heart’s content. Kaya nage enjoy ako.” May katwiran naman pala ito. “Pero ano ang gagawin mo kapag nalaman ng tatay mong props mo lang pala ako?” Tila nagisip ito nang malalim bago nagkibit balikat. “Ewan. Bahala na.” “Bakit kasi hindi ka makontento sa isang girlfriend? Bakit kailangang marami at papalit   palit?” “Hindi ko naman kasi mahal ang mga nakakarelasyon ko. I respected them, yes. But ‘respect’ is different from ‘love.’ I’ll stick to just one woman if I love her enough.” Sweet. “Yikes! Romantic ka pala. Hindi bagay sàyo.” “Nagsalita ang hindi romantic.” “Medyo lang ako.” “Pareho lang iyon.”   “Hindi, `no. Sabi ko nga, medyo romantic lang ako. Kaya magkaiba tayo.” They both laughed at the stupidity of their topic. Hanggang sa pansinin nito ang Tshirt niya. “Hindi na kasya ang dalawang tao riyan, ah. That’s nice. Kita na ang totoong korte ng katawan mo. Mukha ka na talagang tunay na babae.” “Sige, mangasar ka lang. Patutunayan ko sa iyong makakaya ko pa ring mangakit kahit hindi ako nakapalda.” Nginitian niya ang lalaki sa   katabi nilang mesa. “Hi. Magisa ka yata.” “Oo nga, eh.” “I’m Alexi.” Inilahad niya rito ang kamay. “Martin.” “Hello, Martin.” “Ah, hindi ba ako nakakaistorbo sa inyo ng boyfriend mo?” “Boyfriend? Ah, si Jonathan? No, he’s not my boyfriend.” “Oh.” Tila nanalo sa lotto ang lalaki. “Well, ah,   that’s good. Actually, kanina pa nga kita tinitingnan. Ang ganda mo kasi.” “Salamat.” Walang dating sa kanya ang papuri ni Martin. Siguro, dahil nabuo na ni Jonathan ang kompiyansa niya sa sarili. O kaya naman, mga papuri lang talaga ni Jonathan ang tinatanggap ng puso niya. And speaking of that guy, bigla yata itong natahimik. “O, Jonathan, nakita mo na?” Ngingisingisi   lang siya rito. Na agad din namang naglaho nang makita ang madilim na ekspresyon sa guwapo nitong mukha. “Jonathan?” Sa halip na sumagot ay tumayo ito at hinarap si Martin. “Pare, nakakalalaki ka na. Kahit hindi ko girlfriend si Alexi, ako pa rin ang kasama niya. Kaunting respeto naman.” “She said you’re not together.” “At ano’ng gusto mong gawin ko, siya ang sisihin ko?”   “Siya ang unang lumandi—” Bumalandra ang walang malay na katawan ni Martin nang suntukin ito ni Jonathan. “Siya ang singilin ninyo sa damage kapag nagising.” Nagiwan si Jonathan ng isandaang piso sa mesa nila saka hinila siya palabas. Wala silang imikan hanggang sa makalabas sila ng naturang restaurant. “Jonathan, salamat, ha?” “Sa susunod, huwag ka na uli basta makikipag   usap sa mga lalaking hindi mo kilala.” Sa kabila ng katatapos na tensiyonadong pangyayari, hindi pa rin maiwasan ni Alexi ang mangiti. Sa unang pagkakataon sa buhay niya, noon lang niya naranasang pagsimulan ng away ng dalawang lalaki. Posible pala talaga iyon. Noon lang niya naaappreciate talaga nang husto kung gaano kasarap ang maging isang babae. “Nagseselos ka?” pabirong wika niya. “Hindi!” pasinghal na sabi ni Jonathan. “Asar   lang ako dahil nakita na nga niyang ako ang kasama mo, umeeksena pa siya!” Nagulat siya sa pagsigaw nito. “Eh, bakit ka nakasigaw riyan?” “Ipinagtatanggol mo pa ang lalaking `yon? May gusto ka ba sa kanya?” “Ano?” Nakakaasar na talaga ito. “Ano naman sa iyo kung meron nga?” “Gagòyon! Bakit ka magkakagusto sa kanya?” “Siguro kasi, gusto ko ng gago.”   “Tanga ka kung ganoon. Ang daming matinong lalaki sa mundo—” “Eh, pakialam mo ba? Sa wala akong makitang matinong lalaki.” “Ang labo kasi ng mga mata mo,” bulong nito. “Anòkamo?” “Wala.” “May sinabi ka, eh. Linawin mo at baka mamaya, minumura mo na pala ako.” “Bakit naman kita mumurahin?”   “Malay mo.” “Ewan ko sa iyo.” Tinalikuran na siya nito. “Jonathan.” “What?” “May gusto ka ba sa akin?” “Wala.” Binuksan na nito ang pinto ng kotse para sa kanya. “Pumasok ka na. Ihahatid na kita sa inyo.” “You’re lying, aren’t you?” “Get in.”   Papasok na siya nang maisip na dapat ay hindi matapos sa ganoon lang ang usapan nilang iyon. Subalit paglabas niya ay saka naman isinara ni Jonathan ang pinto ng kotse. Napahiyaw siya nang maipit ang kanyang paa. “Oh, God!” sambit ni Jonathan. “I’m sorry, I’m sorry—oh, no, it’s bleeding!” “Bleeding?” Umikot ang paningin niya nang makita ang patak ng dugo sa kanyang binti. Hinila niya ang manggas ng polo nito. “Dalhin   mo ako sa ospital.”  

 

CHAPTER NINE 

NAKAUPO si Alexi sa ibabaw ng hospital bed habang nasa tabi ng kama ang tahimik na si Jonathan at nagbabalat ng mansanas. Nahilo siya kanina nang makakita siya ng dugo. Iyon talaga ang kahinaan niya noon pa man. Hindi niya kayang makakita ng dugo, kahit gapatak lang. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit kinailangan pa siyang ipaconfine sa ospital at   private room pa samantalang galos lang naman ang natamo niya nang maipit siya sa pinto ng kotse kanina. “Ano ba ang ginagawa ko rito, Jonathan? Bakit hindi pa tayo umuuwi?” “You’re queasy with blood. Kapag dumugo uli iyan, baka himatayin ka na, matumba at tumama ang ulo mo sa kung saan. Mabagok ka pa.” “Ang morbid mo naman magisip. Nahihilo lang ako sa dugo pero hindi naman ako   hinihimatay.” “Hihintayin pa ba nating mangyari ang iniisip ko?” Hinayaan na lang niya ito. He was just concerned about her. “Baka pinagtatawanan na tayo ng mga taong nakakaalam na ipinaconfine mo pa ako rito samantalang simpleng galos lang naman ang natamo ko.” “Ninong ko ang mayari ng ospital na ito. No one would dare laugh at us.” Iniabot nito sa kanya   ang mansanas. “O, kumain ka na muna.” “Nasaan na ang balat?” “Ano’ng gagawin mo ro’n?” “Iyon ang kakainin ko. Mas gusto ko iyon kaysa sa laman mismo. Magaspang kasi sa bibig `yong laman, eh.” Diskumpiyado man, ibinigay pa rin nito sa kanya ang pinagbalatan. “Ang weird mo talaga.” “Pasalamat ka nga at hindi guyabano ang hiningi ko sa iyo.”   “Kinakain mo rin ang balat ng guyabano?” “Sira! `Yong laman siyempre. Itong apple lang ang kinakain ko ang balat.” Nilantakan na niya ang kontrobersiyal na balat ng mansanas. “Pero favorite fruit ko ang guyabano.” “Hindi kita ibibili.” “Alam ko. Sinasabi ko lang naman, masama ba iyon?” Ipinagpatuloy na niya ang pagngata nang marinig itong bumuntonghininga. “Pasensiya ka na nga pala sa nangyari kanina.   Ako na naman ang nagpasimula ng gulong iyon.” “Huwag ka sa akin humingi ng sorry kundi kay Martin.” Nagsalubong ang mga kilay nito. “Bakit naman ako hihingi ng paumanhin sa kanya? Ang tinutukoy ko ay `yong pagkakaipit ko sa paa mo. Tama lang ang ginawa ko sa lalaking iyon at wala akong pinagsisisihan.” Pinigil niya ang matawa sa reaksiyon nito. Obvious naman na nagselos ito kay Martin,   itinatanggi pa. Magiipon lang siya sandali ng lakas ng loob at kapal ng mukha saka siya magtatapat dito. Bahala na ito kung paano tatanggapin ang mga sasabihin niya. Basta magtatapat siya. Pero sa ngayon, mageenjoy na muna siya sa atensiyong ibinibigay nito sa kanya. At sa ipinapakita nitong pagseselos. “Pero hindi mo na dapat sinuntok si Martin.” “O, ipinagtatanggol mo na naman siya. Isang beses ko pang marinig ang pangalan ng gagong   iyon, ibabalot na kita sa lumpia.” “Ha?” “Wala!” Kumuha na lang uli si Jonathan ng isa pang mansanas at binalatan uli iyon. Gustunggusto na niyang yakapin ang binata. He was really cute when he was acting like that. Hindi na siya magmamadali na malaman din ang nararamdaman nito para sa kanya. Dahil siguradongsigurado na siya na may damdamin din ito sa kanya. Medyo pahihirapan nga lang   siguro siya ng binata sa pagpapaamin dito. Ah, hindi na bale. Ang importante, nasa piling niya ito ngayon at pinagsisilbihan siya. Napansin niya ang pamumula ng kamao nito. Iyon marahil ang ipinansuntok nito kay Martin. Hinawakan niya iyon. “Masakit ba?” Salubong pa rin ang mga kilay nito nang ilayo ang gamit na Swiss knife, saka binalingan siya. “Were you really trying to hurt yourself?”   Hindi niya ito pinansin. “Iyang kamay mo, masakit pa ba?” “Suntukin mo si Martin para malaman mo. Matutuwa ka pa, sigurado. Masarap sa pakiramdam.” “Ang laki talaga ng galit mo sa kanya, ano?” “Hinawakan ka niya.” “Nagshake hands lang kami. And anyway, hindi ba’t hinahawakan mo rin ako?” “Magkaiba iyon. Ako lang at ang pamilya mo   ang may karapatang humawak sa iyo.” She suppressed a smile. “Kung magsalita ka, parang pagaari mo na ako, ah.” She gently touched the reddening bruise. “Hipan mo. Medyo masakit pa iyan hanggang ngayon.” Hinipan naman niya ang pasa. Kung may agimat nga lang siya, pati iyon ay gagamitin niya para lang mawala ang pinsalang natamo nito sa pagtatanggol sa kanya.   “Nagselos nga ako kay Martin.” Napaangat siya ng tingin kay Jonathan. “Huh?” “Nagselos ako sa kanya. Kaya kung ayaw mong masuntok ko uli siya, huwag ka nang makikipagusap sa kanya.” Ang kanyang puso, wala nang ginawa kundi magsaya. Hindi na pala kasi niya kailangan pang maghintay nang matagal para lang marinig ang mga salitang iyon mula rito. Hindi na rin siya pinahirapan ni Jonathan na paaminin ito. He just   said it himself. “May. . gusto ka sa akin?” “I know your worth as a woman, Alexi. May karapatan akong magkagusto sa iyo.” Malabo ang sagot nito. Pero tinanggap na rin niya iyon. Actually, kahit sa sign language nga nito idinaan ang mga sinabing iyon, tatanggapin pa rin niya. She couldn’t believe she could open her heart to the man she thought she would just hate for the rest of her life. At hindi rin niya   inakalang ang mayabang at antipatikong lalaking ito na palagi siyang binabara ay magkakagusto sa kanya. Ngunit sa halip na piyesta ay katahimikan lang ang namayani sa pagitan nila. “This, uh. . feels awkward,” pabulong na wika niya. “Huwag ka nang magsalita. Naiilang na rin ako rito.” Sukat niyon ay bigla na lang siyang natawa.   “Tawa ka pa riyan.” Ngunit ito man ay unti unti na ring natatawa. “Mukha kang tanga.” Binatukan niya si Jonathan subalit nahawakan na nito ang kanyang braso. Hindi na siya nagpumiglas pang makakawala rito. She wanted to be with him—to be with the man she loved. Kaya nang hilahin siya nito palapit ay hindi na siya lumaban pa. Ang mga labi nito ang sumalubong sa kanya. Mabuti na lang at marunong na siyang sum   urrender.  “ABA, ATE, tao ka yata ngayon? Ano’ng nangyari sa iyo?” Rumampa si Alexi sa harap ng mga kapatid niyang abalangabala sa paglalaro ng PlayStation sa sala. “Maganda na ba ako? Bagay ba sa akin ang damit ko? Hindi ba pangit? Parang baduy ang kulay, ano? Palitan ko kaya? Ay, huwag na lang. Malelate na kasi ako. Hoy, mga kurimaw, ano?   Sagutin n’yo ako!” “Oo na, maganda ka, Ate.” “Umalis ka riyan sa harap namin, Ate. Hindi namin makitàyong nilalaro namin.” “Tingnan n’yo kaya muna ako, `no. Para masaya tayong lahat.” “Maganda ka na nga, Ate.” Nilingon niya ang telebisyon at pinatay iyon, saka muling hinarap ang mga nalugmok na kapatid. “Maganda na ba ako? Bagay ba sa akin   ang damit ko? Hindi ba pangit? Parang baduy ang kulay, ano? Magpapalit pa ba ako? Parang hindi ko kasi feel ang blouse na ito—” “Ate!” sabaysabay na wika ng tatlo. “Maganda ka na! Tama na! Sampung beses mo na kaming tinanong niyan, eh!” “Bakit ninyo ako sinisigawan? Baka gusto n’yong ipabawi ko kay Kuya iyang PlayStation n’yo.” Sa wakas ay nakuha na rin niya ang buong   atensiyon ng mga kapatid. At bawat tanong niya ay maayos na sinagot ng tatlo. “Ate, saan ka ba pupunta?” “Diyan lang.” “Saang diyan lang?” “Sa labas.” “Eh, bakit nakaayos ka pa?” “Eh, bakit nangiintriga ka? Sa gusto kong magpaganda.” Tatalikuran na sana niya ang mga ito nang may maalala siya. “Wala pa pala akong   sapatos. Anong kulay kaya ang puwede—” Sabaysabay na sumagot ang tatlo. “Blue!” “Red!” “Green! “Parang mas maganda yatàyong brown kong high heels. .” “Oo, Ate, mas maganda nga talaga iyon. Iyon na lang, please. Tama na ang kakatanong. Maawa ka na sa amin. Dudugo na ang ilong namin sa walang katapusan mong tanong.”   “Ibalik mo ang ate namin!” Nginitian lang niya ang tatlo, saka isaisang pinagpapalo ng throw pillow. “Ako pa rin ito. Kaya huwag kayong lolokoloko dahil kayang kaya ko pa rin kayong ibalibag na tatlo.” “Ate, in love ka, `no?” tanong ni Rusty. “Halata, eh. Kumikislap ang mga mata mo at lagi ka nang nakangiti.” Kinurot niya sa pisngi ang kanilang bunso. “Very good.”   “Kanino?” tanong naman ni Tunying. “Do’n sa lalaking guwaping na lamang lang sa akin nang fourpack abs?” “Si Jonathan?” Nakisali na rin si Marco. “Aba, ayos `yan, `Te. Bagay siya sa pamilya nating may pinakamagandang lahi sa balat ng Tondo.” “Tanggap ninyo si Jonathan?” Wala siyang naaalalang pagkakataon na nagusap ang mga ito at si Jonathan. Kaya nga inakala niyang hindi magkakasundo ang mga ito.   “Kinausap na niya kami noon pa, Ate,” sabi uli ni Tunying. “Wala, eh. In love talaga sa iyo.” “Akala nga namin, matagal ka na niyang nililigawan.” “Hindi pa rin pala.” “Kailan siya nagsabi sa inyo?” “No’ng unang LQ n’yo.” “Unang LQ?” “No’ng nagtestdrive ka at umuwi ka rito na nakabusangot, `tapos sinundan ka niya. Sabi niya,   kung puwede raw ba naming bakuran ka sa ibang lalaking manliligaw sa iyo.” “Pinagbigyan na namin. Nakakaawa naman siya, eh.” “Saka ang laki rin kasi niyang magbigay ng suhol.” Kinuyog nina Marco at Tunying si Rusty. Kaya naman pala okay na agad si Jonathan sa mga sira ulong kapatid niya. Kunsabagay, hindi rin naman bastabasta nasusuhulan ang tatlo. Siguro, noong   una pa lang ay gusto na rin ng mga kapatid niya ang binata at ang suhol na iyon ay bonus na lang ng mga ito sa sarili. “Ate, sa totoo lang, masaya naman kami para sa iyo. Mabuti nga at magkakaboyfriend ka na. Sana rin, si Jonathan na lang ang maging asawa mo.” “Mabait at guwapo.” “Mayaman pa.” “Ewan ko sa inyo.” Nilapitan niya ang tatlo at   isaisang hinalikan sa pisngi. Kulang na lang ay himatayin sa kahihiyan ang mga kapatid niyang macho. “Be good, boys. And wish me luck.” “Ikaw ang mamamanhikan?” “Yup! Nauna na nga si Tatay sa bahay nina Jonathan.” “Itinatakwil ka na naman, Ate!” Tatawatawa na lang na lumabas siya ng kanilang bahay. Pagdaan niya sa talyer nila ay himalang walang nagtatrabaho sa mga tauhan   nila. Lahat ay tila naghihintay sa kanya sa pamumuno ng Kuya Gil niya. Mukhang alam na rin ng mga ito ang gagawin niyang huling pakikibaka para sa kanyang pagibig. “Anong drama iyan, Kuya?” “Iwiwish lang namin ang nagiisang prinsesang maton ng Talyer Master.” “Kuya!” “Miss Boss, kaya n’yo iyan. Kung kailangan mo ng backup, itext mo lang kami.”   “Alexi, talaga bang totohanan na iyan?” Tumango lang siya. Hindinghindi niya ikakahiya kanino man ang kanyang nararamdaman. “Pasensiya ka na kung hindi ka namin naasikaso. Alam mo naman na wala kaming alam sa mga babae. Kaya pakisabi kay Jonathan, salamat `kamo at giniba niya ang adobe mong puso.” “Ano bàyan? Babalik din naman ako   mamayang gabi pero kung magsalita kayo, parang magaabroad na ako, ah.” She kissed her Kuya Gil’s cheek. “Salamat, Kuya. Kahit nakalimutan ko ang pagiging prinsesa ko, masaya pa rin ako na hindi ninyo ako pinabayaan.” “Umalis ka nga. Hinalikan mo pa ako. Nakakahiya sa makakakita sa atin. Sige na, bago pa ako maiyak.” Punungpuno ng kasiyahan ang puso ni Alexi nang umalis baon ang weird na ekspresyon ng   mga taong nangalaga sa kanya sa loob ng maraming taon. Hindi niya inakalang may itinatago rin palang kalambutan ng damdamin ang mga maton na iyon. Diretso na ang tinatahak ng sasakyan niya. Diretso sa lugar kung saan naghihintay si Jonathan. Pagkatapos ng eksena nila sa ospital nang nagdaang araw, niyaya siya ng binata na magpunta sa bahay nito. Walang sinabi ang binata kung ano ang gagawin nila roon ngunit malakas   ang kutob niyang ipapakilala na siya nito sa mga magulang nito. Nauna na nga roon ang kanyang ama dahil nauna raw na ipinatawag ito ng bagong kaibigang si Mr. Imperial. Napangiti siya nang maalala ang pinagsaluhan nilang halik ni Jonathan nang nagdaang araw. It was the sweetest thing she had ever tasted. And she never thought a kiss could ever feel that way. Parang nawala siya sa sarili at ang lahat   ng alalahanin niya sa buhay ay bigla na ring naglaho. When she opened her eyes after that kiss and saw Jonathan’s handsome face, she knew she could never love anyone as much as she loved him now. Excited yata siya masyado kaya nakarating agad siya sa tahanan ng mga Imperial. Pinapasok siya ng guwardiya nang makita siya. “Good afternoon, Ma’am Alexi!” “Kilala n’yo ako?”   “Lagi hong ipinagmamalaki sa amin ni Señorito Jonathan ang larawan ninyong dalawa sa wallet niya. Kaya kilala na namin kayo.” “Mas maganda pala kayo sa personal, Ma’am. Bagay talaga kayo ni Señorito.” “Gano’n ba?” “Dumeretso na lang kayo, Ma’am. Hinihintay na po yata kayo ni Señorito sa mansiyon.” Ipinagmalaki siya ni Jonathan kahit sa mga tauhan ng pamilya nito? Well, wasn’t that so nice?   Subalit nagulat siya nang sa halip na si Jonathan lang ang makitang naghihintay sa kanya, may isa pang babaeng kasama ito. At magkahalikan ang mga ito!  

 

CHAPTER TEN 

PARANG kulang na lang ay maligo sa grasa si Alexi nang isaisahing igeneral checkup ang lahat ng sasakyan sa kanilang garahe. Ang damit na pinaghirapan niyang piliin nang ilang oras ay namumutiktik na rin sa langis at grasa. Panay ang punas niya ng maruming kamay sa kanyang mukha dahil sa pagpipigil sa kanyang mga luha. Hindi naman siya magawang pigilan ng mga   tauhan nila at mga kapatid niya dahil nagagalit siya. Binantaan na niya ang mga ito na kung sino man ang magtatangkang lumapit sa kanya ay ihahagis niya sa kabilang ibayo. Malayolayo iyon kaya ipinasya na rin marahil ng mga ito na hayaan na lang siya. Walanghiyang Jonathan iyon! Kaya ba siya pinapunta ng lalaking iyon sa bahay nito ay para makita niya ang pakikipaglampungan nito sa ibang babae? Pinaghahampas niya ang basahan   na ginamit sa paglilinis ng sukatan ng langis ng mga sasakyan. “Alexi.” Kilala niya ang boses na iyon. Ayaw niyang makita ang mayari niyon kaya lumusot siya sa ilalim ng isang sasakyan. “Huwag mo akong istorbuhin sa pagtatrabaho ko!” “Alexi, come on.” Nakasilip na si Jonathan sa kanya. “Come on, come on ka riyan! Umalis ka na!   Galit ako sa iyo! Iwan mo na ako!” “Paano kung ayoko?” “Eh, di bahala ka sa buhay mo!” “Look, alam kong nakita mo ang nangyari sa amin kanina ni Marika. Pero maniwala ka sa akin, wala kaming relasyon.” “Wala rin akong pakialam!” “She kissed me to say goodbye!” “Ako, mas malupit maggoodbye kapag hindi mo pa ako tinigilan.”   “Alexi—” “Ano pa ang kailangan mo sa akin? Pagkatapos mong paglaruan ang damdamin ko, ang lakas pa ng loob mong magpunta rito! Nagmukha na akong tanga sa harap ng mga tao rito. Kaya kung puwede lang, umalis ka na!” “Ayoko.” “Umalis ka na sabi!” “Ayoko sabi! Lumabas ka riyan at magusap tayo.”   Umatras pa siya palayo upang hindi maabot ng binata ang kinahihigaan niya na maaari nitong hilahin para mailabas siya roon. “Alexi, kaya kita pinapunta sa bahay ay para ipakilala na kita sa mga magulang ko. Nagsabi na ako sa kanila na hindi ko totoong girlfriend ang nasa picture na ipinapakita ko sa kanila. Pero totoong minahal ko ang babaeng iyon.” “Sinungaling!” “Alam kong hindi ka maniniwala pagkatapos   ng mga nakita mo. Pero sana, hayaan mo akong magpaliwanag.” Hindi siya umimik. Masyado nang masakit ang nararamdaman niya sa kanyang dibdib para magsalita pa. Kaya nagpatuloy si Jonathan. “Kagagaling lang ni Marika ng Australia kaya hindi niya alam ang tungkol sa pagkakaroon ko ng fiancée. So she came straight to our house. Doon ko lang din nasabi sa kanya. Tinanggap niya iyon. And then she kissed me just to say goodbye. Kahit itanong mo pa sa mga   magulang ko. Ikaw lang ang babaeng ihaharap ko sa kanila, Alexi. Ikaw lang ang babaeng ipinakilala ko sa kanila na kasintahan ko, kahit na nga hindi naman talaga tayo. Dahil mahal kita.” Marahas na pinalis ni Alexi ang mga luha sa kanyang mga mata. “Nahihirapan na akong maniwala sa iyo, Jonathan.” “Maniwala ka, please. Ang lahat ng ipinakita ko sa iyo nang mga panahong nagtutulungan tayong maisakatuparan pareho ang pustahan ng   mga tatay natin, totoo ang lahat ng iyon. Noong una, akala ko, galit lang ako sa iyo dahil ikaw ang unang taong nakapagpabagsak sa akin kaya lapit ako nang lapit sa iyo. “Pero habang nakikilala kita, habang nakikita ko ang totoong ikaw sa kabila ng haragan mong pagkilos, lalo kong nararamdaman na ikaw ang babaeng matagal ko nang hinihintay. You’re the perfect opposite of the woman I want. Pero ikaw ang minahal ko at wala na akong pakialam kung   nagpasex change ka nga. Basta mahal kita!” Tiningala niya si Jonathan. Nakasilip pa rin ang binata habang nakalapag sa tabi nito ang isang bouquet ng rosas. “Hindi ako nagpasex change!” Siguro, dahil sa kakaiba nilang sitwasyon at palitan ng salita ay ngumiti na lang ito. “Yes, and I’m glad to hear that.” “Umalis ka na.” “Alam mo kung gaano katigas ang ulo ko,   Alexi. Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ka naniniwala sa akin.” “Naniwala ako sa iyo noon kahit wala akong maipakitang katibayan. Pero bakit kung kailan handa na akong ibigay ang lahat, saka ko pa makikita iyon, Jonathan? Ang sakitsakit ng nakita kong iyon. Daig ko pa ang sinampal nang maraming beses. Napahiya ako hindi lang sa tatay ko, sa pamilya mo, kundi pati na rin sa sarili ko. Buo ang tiwala kong may nararamdaman ka na   nga sa akin—” “Meron naman talaga. Noon pa—Damn it! Lumabas ka rito, Alexi! Don’t cry out there!” Ano na nga ang sinabi nito tungkol sa luha ng isang babae? A woman’s tear could shatter a man’s very soul. At mukhang iyon ang nakita niyang ekspresyon sa guwapong mukha ni Jonathan nang lumusot na rin ito mismo sa ilalim ng sasakyan. “Kung ayaw mong lumabas, puwes, ako ang   pupunta sa iyo.” Masikip sa ilalim ng sasakyan kaya magkatagilid na lang sila at magkatapat ang kanilang mga mukha. Katapat ng mga mata niya ang mga labi nito. “I love you with all my heart, with all my soul and with all my breath, Alexi. I’ve never kissed a woman the way I’ve kissed you. And I would never love a woman the way I love you. I love every single grease on your face, every motor oil sticking on your hair, every dirt in your body. I love you and I don’t know how else   to love you but that.” Wala na siyang nagawa kundi pakinggan ang sinabi nito, at hayaan ang puso niyang yakapin ang pagibig na ibinibigay nito. “Alexi. . don’t cry.” Marahang pinunasan nito ang mga luha sa kanyang mga mata. Iyon ang unang pagkakataon na may ibang taong nagpahid ng mga luha niya. And she was happy. “I couldn’t help it,” pumipiyok pa niyang wika.   “Nasaktan kasi talaga ako.. sa nakita ko.. ” “I’m sorry. . please forgive me. Pangako, hindinghindinghindinghindi na mauulit iyon. I won’t let any woman kiss me again. I won’t even let my mom kiss me. If you could just. . give me another chance.” He kissed her lips. “Please?” Tumango na lang siya. Hindi rin naman niya kayang mawala ito sa kanya. She loved him and she knew she couldn’t go back to where she were before she met him. Hindi na siya makakabalik   doon dahil ipinakita na nito sa kanya kung gaano kaganda ang maging isang babae. “Let’s get out of here so I could kiss you properly.” Tumango lang siya. Sinigawan nito ang mga tao sa labas. “Pakihila kami.” A few moments later, maayos na silang magkaharap ni Jonathan habang nakapaligid sa kanila ang mga magulang nito, ang kanyang pamilya at ang mga tauhan nila. Hindi rin masasabing maayos na sila dahil sa hitsura nilang   pulos grasa. Iniharap siya ni Jonathan sa mga magulang nito. “`Ma, `Pa, I want you to meet the woman I love, the woman I’ll only love and the woman I’ll spend the rest of my life with. Alexi Anne Mendoza.” “Even with all these chaos you still look very cute,” wika ng mommy ng binata. “I cant wait to see you all. . in white.” Hindi na niya naiwasan pang matawa dahil sa mga simpleng hirit ni Mrs. Imperial. Pagkatapos   ay si Mr. Imperial naman ang humarap sa kanya. “I knew from the start na ikaw ang karapat dapat para sa anak ko, hija. Sulit ang ginawa naming drama ng tatay mo.” “Drama?” “Gawagawa lang nila ang bet,” sagot ni Jonathan. “Hindi rin totoong inatake sila sa puso. Lahat ng mga nangyari, choreographed nila. From the hospital to your. . brothers.” “What?”   “And your employees.” Nilingon niya ang mga tauhan nila sa talyer. Nagkanyakanya nang balik sa mga trabaho ang mga ito. Ang mga kapatid naman niya ay pasipol sipol na lang habang nakatingin sa kisame ng talyer na tila ba naghahanap ng gagamba. She turned to her father—her loving and caring father. “`Tay. .?” “Hindi na ako bumabata, Alexi. At nagaalala na rin ako sa itinatakbo ng buhay mo. Gusto kong   makita mo uli ang totoo mong pagkatao. Alam mo iyan. Kaya nang magkaroon ako ng pagkakataon na magawan iyon ng paraan, talagang nakipagtulungan na ako kay Ramon. Naikuwento na niya sa akin ang tungkol kay Jonathan at gaya ni Ramon, alam ko rin na si Jonathan lang ang tanging lalaking nararapat sa iyo.” “Nagalala ako nang husto sa inyo, `Tay, `tapos. .” Niyakap niya ito nang mahigpit. “Pero   salamat, `Tay. Salamat at ibinigay ninyo sa akin si Jonathan.” “Walang ano man.” Tumikhim nang malakas si Jonathan. “Puwede hong ako naman ang makayakap sa anak ninyo? Twentyfive minutes na ho kasi ang nakakalipas mula nang mayakap ko siya.” Hinarap agad niya ito. “Ikaw, alam mo ang lahat ng mga nangyayari? At hindi mo sinabi sa akin?”   “Wala akong alam, I swear. Kanina ko lang nalaman nang marinig ko ang naging paguusap ng mga tatay natin sa bahay. At kung sakaling—” “Oh, shut up!” Hinila niya si Jonathan at siniil ng halik sa mga labi. There was no need for words now. They’d been talking for quite a while. Sa ngayon, gusto na muna niyang maramdaman uli ang mga labi nito. Kahit na mayroon pa namang ibang pagkakataon para makapagusap uli sila.   WAKAS

Post a Comment

0 Comments

Post a Comment (0)
3/related/default